Back
Pmc
(2 stories)1
Si Gabriel ay bagong dating sa kanilang probinsya upang manatili muna sa kanyang Lola Sonya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon na pagsundo sa kanya ng kanyang Tito Chris ay doon niya nakilala ang isang ka-akit-akit na nilalang.
Isang lalaki na may paa ng isang kabayo ngunit may alindog na hindi mo basta-basta ma-babaliwala. Ang batang tikbalang na si Wenrry.
Paano hahamakin ni Gabo ang kanyang buhay ngayo'y napagalaman niya na ang buhay ng kanyang pamilya ay hindi basta-basta?
Binabalot na misteryo, katanungan, at nilalang. Ngunit paano kung ang isang nilalang na babalot sa kanyang kwento ay merong...GINTONG BUHOK.
DISCLAIMER: The story was written in TagLish.
Instead of actual Tikbalang features, we made it the look of a Centaur instead.
2
Si Magnus ay isang matabil na duwende na may likas na kakayahang magpalit ng anyo-mula sa lalaki tungo sa babae, at pabalik muli. Isa lamang itong normal na bahagi ng kanyang pagkatao.
Nagbago ang lahat nang makilala niya si Preston, isang batang dayuhang mamamahayag na puno ng pagkamausisa at may pusong laging naghahanap ng mga kuwentong hindi pa naisusulat. Mula sa simpleng pagkakaibigan, unti-unting namuo ang damdaming hindi nila inaasahang hahantungan.
Ngunit may isang suliraning hindi alam ni Preston.
Inibig niya ang lalaki.
Inibig niya rin ang babae.
Hindi niya alam na iisa lamang sila.
Habang lalong lumalalim ang kanilang pagmamahalan, unti-unti ring haharapin ni Magnus ang pasan niyang sumpa-isang pasaning matagal na niyang piniling dalhin, at maaaring maging dahilan upang tuluyan niyang mawala ang taong pinakamamahal niya.
Sapagkat bawat alamat ay may babala.
At ito ang SUMA NG MUNTING NILALANG.
Kapag dumating ang oras na kailangan niyang pumili sa pagitan ng pag-ibig at ng sumpang matagal na niyang pasan, sapat kaya ang pagmamahal ni Preston upang manatili? O may mga sumpang hindi kailanman kayang suwayin, kahit ng pag-ibig?
DISCLAIMER: This story is written in TagLish.



