loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
1002 (ON-GOING)

1002 (ON-GOING)

ririayie · 4 chapters · 1,719 words

EPILOGUE

“Mahal na kita.!” sigaw ko sa kanya

Nakatalikod pa rin siya sakin. Ayaw pa din niya ko lingunin.

..

..

..

..

..

Maya maya pa ay naramdaman kong bigla siyang sumulpot sa likod ko.

Backhugs

.. :(

Bigla niya kong niyakap ng mahigpit.

Pinilit kong pumiglas sa pagkakayakap niya.

Pero hindi ko nagawa.

Niyakap niya ko ng mahigpit na mahigpit hanggang sa hindi ko na kayang pumiglas.

Tapos bigla siyang nagsalita.

..

..

..

..

..

..

“Mahal na kita nung una pa lang.” sagot niya sakin

Chapter 1


Cover credits to @PinkBallpenXII :)

Thank you so much sa cover.

Next time ulit. :)

Please do visit her shop on wattpad :) ..

http://www.wattpad.com/user/PinkBallpenXII

01

First day ko ngayon sa school. As usual, lumipat na naman kasi ng bahay ni Tita Suzanne. Nalipat na naman kasi siya sa ibang branch. Lagi naman kaming ganito. Dahil sa work ni Tita, iba’t ibang place ung napupuntahan ko.

Sa sobrang dalas namin lumipat ng bahay, hindi ko na rin magawang makipag friends sa mga neighbors namin.

Iniisip tuloy ng mga neighbors namin na aloof kami ni tita sa mga nagiging neighbors namin.Pero hindi naman siguro di ba ? Hindi lang kami siguro nagkakaroon ng chance na makipag bonding sa kanila.

Nagtataka siguro kayo kung bakit tita ko ang kasama ko. Bakit hindi parents ko ang kasama ko?

Actually, wala kasi sila dito sa pinas. Nasa Canada sila, together with my two sisters.

Ayoko kasi dun. Mas gusto ko kasi dito. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi ako mag eenjoy dun.

Kahit pa ilang beses na nila kong pinilit na sumunod sa kanila, hindi pa rin nila napilit.

I just love here sa Philippines siguro.

Maybe ,dadarating din ung time na susunod ako sa kanila. Pero hindi pa un siguro ngayon.

“Tris? Ready ka na ?”  tanong ni tita sakin

“Yes po! Pababa na.” agad kong sagot

Matagal ng si tita lang ang nakakasama ko. Halos buong teenage life ko eh siya na ang kasama ko.

Ang swerte ko na si tita ang kasama ko. Never niya kong pinabayaan. Lage niya  akong inaalagaan. Inuuna niya lage ako kesa sa sarili niya.

Nasa province ung family niya. Hindi din kasi siya makapag stay dun dahil sa work niya.

Kaya mahal na mahal ko tong tita ko na to eh.

Tinuring na talaga niya akong anak . Kahit may sarili na siyang family niya, nagagawa pa din niyang alagaan ako.

Kahit pamangkin lang niya ako, she treats me as her real daughter.

“Tris, tara na. Baka malate pa tayo.” tawag ulit sakin ni Tita Suzanne

“Okay po.” at agad naman akong bumaba para puntahan si tita sa sala

First day ko ngayon sa bagong school.

It’s time naman for me para sa new experiences.

New people..

New life..

Sana maging maganda ang start ng new life ko.

Sana maging mabait din ung mga bagong tao magiging parte ng bagong buhay ko.

Chapter 2

02

Nakarating na kami sa new school ko.

BLACK RIVER UNIVERSITY

Medyo kakaiba ang name ng university na to ah.

College life..

Here we go again..

Nakailang school na ba ako this year?

Hindi ko din alam.

Hindi ko na mabilang.

Ilang beses na ba kong irregular student?

Ilang beses na din akong nasa irregular section.

Napapagalitan na nga ako ng parents ko. Sabi nila, kung sana daw sumunod na ko sa kanila dun tapos na sana ako ngayon. Pero sa tingin ko, mas hindi ako makakatapos ng pag aaral kung andun ako sa Canada kasama nila.

New environment.. Again??

Pero ok lang, nakakayanan naman. Un nga lang,new environment na naman kasi. Panibagong pag aadjust na naman ang gagawin ko.

Pero ok na din, nasusurvive ko naman.

Konting tiis na lang Tris. Graduating ka naman na  this school year. 

Nagpromise naman si Tita Suzanne sakin na this will be the last university na papasukan ko. Naawa na din daw kasi siya sakin. Ilang months na kong delay. Actually dapat graduate na ko, pero dahil palipat lipat ako ng university, aun hindi ako napapasama sa mga candidates for graduation.

Halos araw araw na lang siya nagsosorry sakin. Siya daw kasi ang may kasalanan kung bakit palipat lipat kami.

I told her naman na kaya ko ung byahe kahit lumipat kami ng bahay. Pero ayaw niya pumayag, gusto daw niya medyo malapit pa din sa bahay na lilipatan namin ung university na papasukan ko.

 Muntik pa naming pag awayan ung bagay na un. Sinabi ko naman sa kanya na wag niya na sisihin ung sarili niya. Ako naman my gusto na sumama sa kanya eh. Kaya ako pa din ako dapat sisihin kung bakit hanggang ngayon hindi pa ko tapos sa college.

Pero actually, wala naman talaga akong pinagsisihan sa mga nangyayari sa college life ko. Super enjoy naman ako kasi ang daming klase na ng tao ang nakikilala ko.

Ang sad part  nga lang is, 

Temporary ko lang sila nagiging friends. 

Kasi nga di ba,lage akong lumilipat ng school. Nawawalan na ako ng communication sa mga nagiging schoolmates,classmates and friends ko.

Hopefully, sana hindi na ko lumipat ng school. I really want to finish school na.

Aasahan ko na lang ung promise ni tita sakin.

Sana matagalan kaming makapag stay sa bagong bahay namin.

Pababa na sana sa koste ng biglang nagsalita si tita.

“Sunduin kita mamaya ha?“sabi sakin ni tita

“No need na tita. Kaya ko naman po. Magtatanong na lang ako kung san pwedeng mas madaling way pauwi satin.” sagot ko naman

“We have to celebrate Tris.” nakangiting sabi ni tita sakin

“Bakit po?” tanong ko

“Graduating ka na this year di ba??” 

“Hopefully.” nakangiti kong sagot sa kanya

“Don’t worry. Hindi na muna tayo lilipat ng bagong bahay hangga’t hindi mo natatapos tong school year na to.”

“Totoo po?”

“Yes Tris. Alam kong matagal mo na din tong hihintay eh.”

“Thank you tita.” sabay yakap ko sa kanya

Tapos napansin kong naiiyak si Tita Suzanne.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sakin.

“Bakit tita?”

“Ahm wala naman. Natutuwa lang ako. Finally, makakatapos ka na.”

“Ay nako tita. Stop that crying naman.”

Pinunasan ni tita ung mga mata niya.

“Sige na Patrice. Pumasok ka na sa loob. Maghahanap ka pa ng classroom mo.”

Ngumiti ako sa kanya sabay baba na agad sa kotse.

“Bye po. See you later.” nakangiti kong paalam

“Text me kung tapos ka na sa class mo para masundo kita agad.”

“Sige po. Pasok na ko.”

Agad namang umalis si tita.

Nagsimula na kong maglakad papasok ng Black River University.

Katulad ng lage kong hinihiling sa first day ko sa bagong uinversity na pinapasukan ko.

..

..

..

..

..

..

Sana maging maganda ang first day ko sa bagong university na to.

Be good to me Black River University..

Chapter 3

03

Agad akong pumasok sa loob ng Black River University

.

Hmmm….

Malaki pala talaga tong university na to. Tama nga ung mga na search ko sa website nila. Hindi pala photoshop ung mga pictures sa websiite. Maganda pala talaga tong university na to. I am really impressed.

Pero sana kung gaano kaganda tong university na to, ganun din sana kaganda ung ugali ng mga tao dito. I don’t want any bad vibes sana sa first day ko dito.

Tumingin ako sa relo ko to check the time. Ayun maaga pa. Pwedeng pwede ko pa libutiin to kahit saglit lang.

Grabe talaga tong university na to. Hindi kaya ako maligaw nito sa sobrang lawak nito??

Super nice ng mga facilities. Malinis naman ung corridor. Ung mga classrooms malalaki din. Kaya pala mahal ung tuition dito eh. Kung ako lang ang tatanungin, hindi ako pumayag talaga dito eh. Kaso si tita lang ang mapilit. Eto lang kasi ung university na medyo malapit sa bahay namin ngayon.

Sasamantalahin ko na din ang paghahanap ng rooms ko for my subjects. Habang nililibot ko to, maghahanap na din ako.

Binuksan ko ung bag ko at kinuha ung registration form ko. Iniscan ko ung mga rooms para sa mga subjects ko.

Room 301

Room 207

Room 404

Room 108

Grabe naman tong rooms ko. Lahat talaga ng floor dapat andun ung class ko??

Eto ang hirap pag irregular student eh. Whew!

Para pala akong pumapasyal sa BRU araw araw eh. Lahat ng floor mapupuntahan ko. Ay grabe!

Tumingin ako ulit sa relo ko para icheck kung anong oras na.

OMG! 10 minutes na lang, magsisimula na ung first subject ko. Masyado akong nawili sa paglilibot.

Iniscan ko ulit ung  reg form ko. Ang first subject ko is sa room 301.

Siguro naman may elevator dito di ba? Sa laki ba naman ng university na to.

Lumingon ako sa paligid. Tinitignan ko kung may elevator ba. Hanggang sa nahlo na ko kakahanap kung may elevator.

Teka nga ! Uso kaya magtanong.

Inilibot ko ung tingin sa paligid. Naghahanap ako ng pwedeng tanungin.

Ano ba naman to. Lahat ata ng mga tao dito nagmamadali. Lahat busy, paano naman ako magtatanong nito.

Mawawalan na sana ako ng pag asa na makapagtanong hanggang sa may nakita akong lalaking nakaupo sa bench.

Nahihiya ako lumapit.

Pero nilakasan ko na ung loob kong magtanong. Malelate ako pag hindi ko pa nahanap ung elevator.

Dahan dahan akong lumapit dun sa lalaking nakaupo sa bench.

“Ahm, excuse me.” sabi ko dun dito sa lalaking nakaupo sa bench

Aba! Suplado, hindi ako pinapansin. Busy siya kakabasa ng libro na hawak niya.

“Excuse me. Sorry sa istorbo. Asan ung elevator?? Bago kasi ako dito eh. Pwede mo ba ituro sakin kung saan banda un?”

Sinara niya ung libro na binabasa niya at tumingin sa akin.

Grabe naman makatingin to. Galit agad? Nagtatanong lang naman ako eh. 

“Asan ung elevator??” nakangiti kong tanong sa kanya

Ang next na ginawa niya??

..

..

..

..

Ayun, tumayo siya  sa kinauupuan niya at naglakad paalis.

Hindi man lang sinagot ung tanong ko?

Grabe talaga di ba?

Hindi man lang magpaka gentleman kahit konti? Sinabi ko ng bago ako dito eh. Isnabin daw ba ako??

GrrrRRRR!!!

First day na first day ko eh. Tapos ganung klaseng tao agad ang makikilala ko.

Kakawish ko lang kanina na sana maganda din ugali ng mga tao dito eh.

Ngayon pa lang sablay na ung wish ko.

“Tris, kalma lang. Wag mong sirain yung araw mo dahil sa bastos na lalaki na un. No bad vibes. Okay??” kalma ko sa sarili ko


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.