A CLOCKS BLOOD (BL•LUNA SERIES)
Brictorique · 27 chapters · 66,584 words
A CLOCKS BLOOD (BL)
A CLOCKS BLOOD
written by BRICTORIQUE.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.
ABOUT THE STORY:
So, ang kwentong ito ay tungkol sa isang vampire at ng kanyang mate. Obvious naman siguro dahil sa cover at hindi ko alam bakit ito ang naisip kong titulo basta sumagi lang siya sa isip ko.
BL themed ito kaya kung homophobe ka ay maaari mo ng lisanin ang kwentong ito bago ka pa man makita ng mga nilalang na uhaw sa dugo na handa kang linlangin makuha lang ang kanilang gusto.
Ngunit, kung hilig mo naman ang ganitong tema ay mangyari lamang na i-add ito sa iyong reading list para iyong masubaybayan. Kahit hindi ninyo na ako i-follow, okay lang. Irespeto ninyo lang sana ang aking likha.
Actually, hindi ko alam kung gagawin ko bang novel o short story ito pero sana inyong magustuhan gaya ng pagtangkilik ninyo sa Fangs of an Alpha o FOA dahil napagpasyahan kong ito ang maging ikalawang libro para sa aking Luna Series. Kung bakit Luna Series ay subukan ninyo nalang intindihin.
Wala akong specific character in real life na maaaring ihalintulad sa mga tauhan dito sa kwento na mas gusto ko rin kasi gusto kong gumawa kayo ng imahe sa inyong isipan na aayon sa inyong panlasa. Iyon lang.
Isang palaisipan pa sa akin kung kailan ko officially ipa-publish ang unang bahagi ng kwento.
Date Created: January 8, 2019
A CLOCKS BLOOD 1: ROSES
“Aella, halika na.” tawag ng lalaking nasa mid 70s na naka suot ng black suit at itim na sumbrero mula sa labas ng shop sa babaeng naka mahabang maid uniform.
“Pasensiya na. Naalala ko kasi na paborito ni Master ang mga rosas kaya naisipan kong bumili.” inamoy ng babae ang dala niyang boquet at tumingin sa maliwanag na bilog na buwan.
“Hindi ka na dapat nag abala bumili dahil mas gusto niya pa rin ang mga nakatanim na rosas sa mansyon.”
“Pero nalulungkot lang siya sa tuwing nakikita niya ang mga iyon.”
“Oy! Kayong dalawa! Bilisan ninyo d’yan!” tawag ng lalaking nasa mid 50’s na malaki ang katawan na maihahalintulad mo sa bouncer sa bar ang lumabas mula sa mamahaling itim na kotse.
Nagmadali sa paglalakad ang dalawa at ng makalapit sa kotse ay agad na yumuko.
“Paumanhin, Master.” sabay nilang sabi.
Bahagyang bumaba ang bintana ng kotse sa likuran at isang misteryosong lalaki na nakasuot ng black suit na may kakaibang awra ang nagbigay kilabot sa dalawang taong nasa labas at ng ligunin niya ang mga ito ay mabilis silang nag iwas ng tingin sa kanya.
“Ang tagal ninyo!” sita ng kambal. Ang panganay ay may hawak na libro samantalang ang bunso ay kumakain ng lollipop.
Pumasok ang babae sa likurang bahagi kung nasaan ang tinawag nilang Master at tumabi sa kambal. Samantalang ang matanda ay umupo sa harap, katabi ng nagmamaneho.
“Wow! Ang ganda!” puri ng binatang lalaki sa boquet na rosas.
“Para sa akin ba iyan?” singit ng babae sa tabi ng kanyang kakambal.
“Hindi.” inis na sagot nito at mahinhing inabot sa kanilang Master na umiinom ng alak ang boquet na mistulang walang pakialam sa kanyang kapaligiran.
“Master, para sa iyo.”
Isang kakaibang uri ng katahimikan ang bumalot sa luob ng kotse.
Nakabibingi at nakapanghihina.
Inabot niya ang boquet at pinagmasdan. Humila siya ng isang tangkay at ’di nagtagal ito’y nagkulay lupa at nangitim. Matapos ang isang minuto, ang kaninang buhay na rosas ay naging abo.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki at isinantabi nito ang kanyang hawak. Itinuon nalamang niya ang kanyang atensyon sa maliwanag na buwan.
Nagkatinginan ang tatlo niyang kasama sa likuran at napa buntung-hininga nalang.
A/N:
Date Published: March 21, 2019 at 1:50 AM
Hello night readers! Nagbabalik ang inyong weirdong manunulat para sa panibagong fantasy/supernatural bxb story. Yehey! May aabangan na ulit sila tuwing gabi, char!
So, sa mga naka follow sa akin or nakapagbasa na ng FOA, wag na kayo magtaka bakit ngayon ko officially pinublished ang kwentong ito at iyon ay dahil ayon sa kalendaryo ng Mercury ay ngayong araw sa oras na 09:43 AM ay full moon at dahil advance ako mag-isip ngayong oras na ako nag update. Hahaha. Share lang!
Anyway, stay lunatic and weird!
A CLOCKS BLOOD 2: HENSON
“Arys.” tawag sa akin ni Ate Sep na kasama kong nagaayos ng mga librong hindi naibalik ng maayos.
“Bakit?” tumigil ako sa ginagawa ko at lumapit sa kanya.
“RD ko bukas pero naalala ko kasi na pinakiusapan ako ni Mr. Phil na i-tour ’yung transferee student na pupunta dito kaso nga, wala ako. Hindi ko naman pwedeng i-cancel yung lakad namin ng boyfriend ko kasi naka pangako na ako sa kanya.” naka pout niyang sabi. Tss. Parang bata. Hahaha.
September ang real name niya which is derived sa birth month kaya Sep for short. Magandang dilag ito kung ako ang inyong tatanungin.
“So, gusto mo ako ang mag tour duon sa transferee student bukas?”
Agad siyang tumango.
“Hmm. .” nag pose ako na kunwari’y nagiisip.
Nilingkis ni Ate Sep ang kamay niya sa braso ko at ikiniskis ang pisngi niya na parang pusa sa akin. Hahaha. Nakalimutan niya yatang di gagana sa akin ang ganitong klaseng pagpapa cute niya.
“Sige na, Arys! Please? ’Pag pumayag ka, ibibili kita ng isang buong cake kahit anong flavor! Sige na!”
Talaga ito oh! I-bribe daw ba ako? Kahit di niya iyon gawin ay papayag naman ako pero dahil gumana ang charm ko sa kanya, heto pa’t inofferan ako ng cake! Hahaha. Sino ba ako para tumanggi? Cake is life!
“Oo na! Oo na!” sabi ko at umaktong napilitan lang habang tinataboy siya kaso mabilis niya akong nahabol at niyakap ng mahigpit sa tuwa.
“Yehey! The best ka talaga Arys! Promise, bibilhan kita ng cake! Wait, puntahan ko lang si Mr. Phil para sabihin sa kanya na ikaw na ang magtotour bukas sa transferee natin.” paglabas niya ng library ay pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagaayos ng mga libro sa shelf.
Tumingin ako sa orasan naming nakadikit sa pader. 5:45 pm na pala. Tumingin ako sa malaking bintana at tinanaw ang mala-kahel na kalangitan. Kung pwede lang sanang tumigil ang oras. Ay hindi, mali. Kung sana pwedeng mabuhay ng matagal ang tao at makita ang ganito kagandang paglubog ng araw. Hay, ang sarap sigurong mabuhay ng napaka tagal. Pero syempre impossible mangyari iyon dahil according sa nabasa ko, paiksi na ng paiksi ang life span ng tao bukod sa mga nangyayari na aksidente, sakit, ay pati sa kinakain ng mga tao ang nagiging dahilan kung bakit maaga silang namamatay.
Bago tayo magkalimutan, ipakikilala ko na ang sarili ko sa inyo. Jusko. Nauna ko pang ipakilala si Ate Sep sa inyo kesa sa akin.
I’m Aryscos Beau Henson . Nineteen years old at isang librarian sa Demirkan Academy o D.A for short. Ito ang pinaka matatag na eskwelahan na nakatayo dito sa city for more than a hundred years, maybe? Sabi kasi ng iba mas matagal pa ang skwelahan na ito kesa sa alam namin kaya hindi maiwasan na may mga estudyanteng malakas ang katok at nagtatakutan dahil may mga nagpapakita diumano dito na mga di matahimik na kaluluwa. Sows. Hindi totoo iyon dahil kung totoo, eh bakit magkakaruon ng night class ang skwelahan namin?
Yes. May morning at night class kami na kami lang ang meron of all the schools dito sa city. But, not all are qualified to be in the night class. Pili ang mga estudyante na pwede sa ganuong schedule at sila ’yung mga kabilang sa elite family sa laki ng binabayaran nila thou malaki talaga ang tuition fee sa school na ito. Anyway, enough of my pagbibida sa school na pinagtatrabahuan ko and let’s go back sa pagpapakilala ko ng sarili ko.
So ayun nga, as what I’ve said, I’m nineteen years old and currently working as a librarian. Nagiipon kasi ako para makapag college at dahil last year lang ako grumaduate from senior high ay di pa sapat ang ipon ko para makapag aral sa gusto kong course na bartending. I don’t know why pero gusto ko maging professional bartender sa barko dahil malaki ang kita duon as to what I heard. Okay naman ang grades ko and I can apply as a scholar kaso nga lang, kapag scholar ka kasi you have to live and keep up with the standards of your chosen school para di ka matanggal sa deans list and I don’t like that. I don’t like conforming for some reason and besides, kahit scholar ka there are still instances na kailangan mong gumastos for your personal needs na hindi sasagutin ng pagiging scholar mo. I rather pay my tuition and provide my needs mula sa pinaghirapan kong pera. I learned to be independent because I don’t have any parents to look up to aside sa caretaker namin na si Miss Ada from the Henson Orphanage. According to her, nakuha nila ako sa sementeryo malapit sa orphanage and because there’s no person claiming me to be theirs ay inampon nila ako.
Nakaalis ako from the orphanage last year ng mag eighteen ako and thou it breaks my heart na iwanan ang mga nakasama ko sa lugar na iyon for a long time ay wala akong magagawa. As what Miss Ada said to me, like a mother to his son, I will not find out what’s in it for me to the outside world if I will not come out so, I obliged and I know she’s happy for me.
Hindi ko maiwasang hindi matawa kapag naaalala ko ang kwento ni Miss Ada sa akin na pinagkamalan nila akong babae nuong una nila akong makita kasi mukha daw akong babae, only to find out I was a he. I have soft features while growing up and was more feminine than those boys in the orphanage kaya madalas pinapagalitan ni Miss Ada yung mga lalaki kasi kundi ako tatawaging “ate” or “’mama”, may ilan sa kanila sasabihing kapag nakaalis sila ng orphanage at naging mayaman ay babalikan nila ako para asawahin. Sounds funny, right?
Aware si Miss Ada sa sexuality ko. Bakla ako, oo, pero hindi ako yung to the point na magbibihis babae para sa lalaki. But don’t get me wrong. I’m not against those gays na nagco-crossdress, it’s just that may iba’t-ibang klase ng gay kayo na makikilala aside from the usual.
If you’re going to ask about my looks, well. Mukha talaga akong babae lalo na kapag di napagupitan ang buhok ko for like a month or two? Gaya ngayon. Mukhang bobcut na ang buhok ko kaya magpapagupit na ako sa next salary.
I have weird looking honey almond eyes katulad ng sa manika kaya madalas akong maka attract ng atensyon kahit wala akong gawin. Curious sila kung bakit ganun ang kulay ng mata ko in which I also don’t know. Night blue ang kulay ng buhok ko which also makes me think na baka may lahi akong foreigner kasi maputi ako pero ang balat ko ay well, gifted as they say, glass skin. Sobrang youthful ko daw tignan at yung lips ko ay bow shaped and kissable and kapag nag blush ako ay kitang-kita mo sa sobrang pagka red at sabi din nila, yung mga daliri ko ay parang sa babae talaga kaya minsan iniisip nila na baka dapat babae talaga ako kaso naging lalaki.
Madalas may mainggit sa akin dahil sa physical appearance ko at sinasabi pa ng ilan na baka retokado ako, eh hello? Laking ampunan kaya ako at wala akong pera para magpa retoke saka kung meron man, ayaw ko rin ’no! I completely love what I have and what I am.
’Di nawawala ang mga nanliligaw sa akin kahit na alam nilang hindi ako tunay na babae pero ewan ko ba. Wala akong magustuhan sa kanila. Sabi kasi nuon ni Miss Ada sa amin, there’s no perfect man to be your partner but once you meet the person who can treat you right and support you for your improvement and is scared from the thought of losing you, he should be your lifetime partner because that is what love should look like, same to what you can give to your other half.
“Okay na!” masayang bungad ni Ate Sep ng makabalik siya sa luob at muli akong niyakap.
“So, pwede na ba tayong umuwi?” natatawa kong pakiusap. Nagsisimula na kasing dumilim sa labas. No wonder dahil 6:10 pm na.
“Yes. Pwede na.”
Kinuha namin ang mga gamit namin sa lockers area na para sa mga employees at dumaan sa exit gate ng school. Strict kasi ang rule ni Mr. Phil na ang entrance ay entrance at ang exit ay exit kaya kapag nakita niya kaming dumaan sa gate na di naman dapat ay sermon ang aabutin namin.
“Ang cool ng mga nasa night class ’no? Mas bet ko uniform nila kesa sa regular class.” sabi niya habang papatawid kami sa pedestrian.
“Malamang eh mga elitista sila. Mga ayaw mainitan.” sabay kaming natawa sa sinabi ko. Thou may built in aircons ang bawat classroom eh syempre hindi mo maiiwasan na kapag lumabas ka ng classroom ay sasalubong sa iyo ang init kapag umaya kaya hindi nakapagtatakang mas pipiliin ng mga mayayaman ang night class kasi malamig ang klima ng gabi kesa araw.
Pumasok kami sa isang convenient store at naghanap ng pwedeng mabiling pagkain before kami umuwi ng tuluyan sa mga bahay na tinutuluyan namin. ’Di sinasadyang mapatingin ako sa wallclock ng mapansin ko mula sa pwesto ko ang mga mamahaling kotse na pumaparada sa tapat ng entrance gate ng D.A. 6:30 na kasi. Buti hindi kami inabot ng oras ng pasukan ng mga night class dahil kapag nakarating ang tungkol duon kay Mr. Phil ay siguradong suspended agad kami. Ewan ko ba. Ang weird nga eh kasi ayaw niyang may morning class na makakasalamuha ng mga taga night class. Nakaka curious nga minsan kung bakit.
“Pero alam mo masyadong literal ang D.A sa kulay ng shool uniform. Kapag morning class, puti at kapag naman night class, itim.”
“Syempre para mabilis ma-identify.” kumuha ako ng dalawang tetra pack ng sterilized milk sa fridge at naghanap ng tinapay sa bread section.
“Kung ikaw papipiliin, anong mas gusto mo? Morning or Night class?”
“Ikaw ba?” kumuha ako ng isang chocolate sliced cake na naka pack at pumunta ng counter kasabay si Ate Sep na may hawak na can ng soda at chichirya.
“Aba syempre morning class ’no. Hindi ko kayang hindi mag beauty rest! At saka, for sure aantukin ako sa ganuong schedule. Buti at hindi nahihirapan yung night class sa schedule nila ’no?”
“Syempre sanay na sila. Malay natin may foreigner palang nasa night class eh di yakang-yaka lang nila ang schedule natin lalo na kung eastern time ang ifo-follow di ba? And to answer your question, night class ang gusto ko.” inabot ko ang bayad sa kahera at hinintay si Ate Sep na mabayaran ang kanya.
“Sabagay.” pumwesto kami sa bakanteng table malapit sa bintana at duon kinain ang binili namin. “Pero bakit night class?”
“Ewan. Siguro mas naa-appreciate ko lang talaga ang ambiance ng gabi kesa sa umaga na maraming tao.”
“Well, may pagka introvert ka kasi kaya di na nakapagtataka.”
Habang busy kami sa kinakain namin ay biglang tumunog ang cellphone niya at pagtapos ng conversation nila ng kausap niya ay tumingin siya sa akin.
“Oh bakit?” nagaalala kong tanong.
“Late akong masusundo ng boyfriend ko.” napa buntung-hinga niyang sagot sa akin.
“So? Anong balak mo?”
“Gusto mong maglakad-lakad muna sa park?”
“Eh? Ng ganitong oras? Sure ka?”
“Oo sana, pero kung ayaw mo okay lang.”
“No, no. Samahan na kita. Tutal pagdating ko sa bahay, matutulog lang din agad ako.”
After naming kumain ay dumiretso kami sa park gaya ng napag usapan at nakapagtatakang may mga tao pa ng ganitong oras. Kung sabagay, iba na pala panahon ngayon. Ginagawa ng dating spot ang park.
“Uy astig! Meron ka pala n’yan.” napatingin ako bigla kay Ate Sep na katabi ko sa bench. Nakatingin kasi ako sa mga taong naglalakad kaya medyo nawala ako sa sarili.
“Ha? Ano iyon?” tanong ko.
“Iyan oh.” tinuro niya ang kaliwang kamay ko kaya tumingin ako dito at sa kanya ng may pagtataka.
“Ano? Kamay? Meron naman akong kamay ah.” napapikit ako ng pitikin niya ang nuo ko at mahinang tumawa.
“Sira! Alam ko naman iyon but what I mean is this.” inabot niya ang kaliwang kamay ko at itinuro ang mailit na linyang peklat sa hintuturo ko.
“So, uh? Whats the deal?”
“Haven’t you heard about that myth?”
“What myth?”
“Sabi nila, kapag may scar ka sa kaliwang daliri mo, ibig sabihin may isang tao from your past na hindi ka makalimutan at ang taong iyon ay patuloy kang hahanapin hanggang sa makita ka ulit.” kinikilig niyang sabi at binawa ko ang kamay ko sa kanya at napakamot sa ulo ko.
Parang ngayon ko lang yata narinig iyon? Totoo ba iyon?
“Baka kaya myth ay dahil hindi talaga totoo. Paano kung naghihiwa ka at nasagutan ka at nagkapeklat? Ibig sabihin ba nu’n ay hinahanap ka na agad ng kung sino man from your past? It doesn’t make sense at all.”
“Ito naman. Masyadong seryoso. Pero baka malay natin totoo.” kumindat siya sa akin at bumalik sa kilig mode niya.
“Sira.” bulong ko at muling tumingin sa kaliwang kamay ko. Specifically, sa hintuturo ko na may maliit na peklat. Paano ko nga ba nakuha ito? Hindi ko na kasi maalala. Basta ang alam ko, isang araw nand’yan na siya sa kamay ko.
A/N:
Date Posted: March 25, 2019
Time check, it’s 01:13 AM. How are my night readers? Inaantok na ba? Anyway, til next update!
Stay lunatic! Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 3: DARK
Nasa tapat na ako ng pintuan ng apartment na tinutuluyan ko ng may tunawag sa pangalan ko kaya napalingon ako.
“Magandang gabi sa’yo, Eve.” nakangiti kong bati sa anak ng landlord namin. Eve ang palayaw niya dahil Evelyn ang buo niyang pangalan and second year high school siya. Napatingin ako sa hawak niyang file ng papel. Huh? Bayaran na ba ng upa? Water at Electric bills? Anong araw na ba ngayon?
“Arys oh. Baka gusto mong pumunta. Kailangan kasi namin ng audience para sa event namin.” inabot ko ang flyer na binigay niya at pahapyaw na binasa iyon.
“Bukas ng gabi?”
“Oo eh. May singing contest kasi kami thou may iba pa namang naka line up na event bukod sa singing eh mas mabuti ng makasigurado na may mga pupunta. Last term na kasi namin sa pagiging officers ng community at gusto namin maging successful ang huling event namin unlike last year na unti lang ang pumunta.”
Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
“Sure. Walang problema.”
“Yehey! Thank you, Arys!” isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin bago nagpatuloy sa pamamahagi niya ng flyers sa iba pang renters sa apartment nila.
Pagpasok ko sa luob ng apartment ko ay dumiretso akong higa sa kama at tumitig sa kisame. Nag hum ako para mabilis akong dalawin ng antok at effective naman dahil nagsimula ng bumigat ang talukap ng aking mata.
Kinabukasan, habang abala ako sa pagaayos ng mga libro na binasa ng ilan sa mga maaagang estudyante na pumasok sa school ay sumagi bigla sa isip ko ang panaginip ko na hanggang ngayon ay walang pagbabago. Thou hindi ko naman siya madalas na mapanaginipan pero somehow curious ako kung bakit paulit-ulit kong napapanaginipan iyon.
Sa panaginip ko, nakasakay ako sa isang bangka at may matangkad na lalaki na parehas kaming nakasuot ng makalumang kasuotan at siya ay nagsasagwan pero kahit na magkaharap kami ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha. May sinasabi siya pero hindi ko marinig. At ang lawa kung nasaan kami ay kulay asul at napakaganda na parang kumikinang at may mga punong nakapalibot dito at hanggang sa magising ako sa panaginip ko ay nagsasagwan lang siya at kinakausap ako ngunit gaya ng sinabi ko kanina ay hindi ko siya marinig.
Bumalik ako sa realidad ng marinig kong may kumakatok sa desk ko at nag angat ako ng tingin.
“Mukhang malalim yata ang iniisip mo.” nakangiting sabi sa akin ni Mr. Phil.
“Pasensya na, Mr. Phil, nand’yan po pala kayo.” agad akong tumayo at nag bow sa kanya.
“Enough with the formalities, Arys. Anyway, naparito ako para sabihin sa’yo na hindi na darating yung estudyante na dapat itotour mo.”
“Ha? Bakit po?”
“Nagpalipat kasi ng class. Originally dapat ay morning class pero nagbago ang isip ng magulang at sinabing mas okay sa kanila ang night class kaya may ibang gagawa ng tour sa kanila mamaya.”
“Ah.” tanging nasabi ko. Mayaman siguro yung transferee.
“Sige mauna na ako.” pinagmasdan ko si Mr. Phil habang naglalakad palabas ng library. Hindi talaga niya ugaling magpatagal ng conversation. Napabuntung-hininga ako. Ewan kung ako lang ba ang nakakapansin pero may kakaiba talaga sa kanya na hindi ko ma-explain thou maganda siyang lalaki at his age. Nasa 50’s na kasi siya sa pagkakaalam ko at pamilya nila ang nagmamay-ari ng Demirkan mula nuon hanggang sa susunod pa yatang henerasyon dahil wala silang balak na ipagbili ang skwelahan na ito sa kahit na sino.
Bumalik ako sa ginagawa ko at hinintay na matapos ang oras ng trabaho ko para agad akong makauwi at makapagpalit man lang ng damit bago pumunta sa event nina Eve.
Mabilis na lumakad ang oras at pagtingin ko sa orasan ay 6:20 pm na kaya agad kong kinuha ang bag ko sa locker at nagmadaling bumaba sa hagdan. Habang naglalakad ako ay bigla akong nakaramdam ng hindi ko maipaliwanag. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko at hirap sa paghinga na siyang nagpatigil sa akin sa aking pagmamadali.
Anong nangyayari sa akin?
Pinilit kong magpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng exit gate at napatingin ako sa itim na kotseng nakaparada sa harapan ng entrance gate. Duon ko lang din napansin na umokay na ang pakiramdam ko.
Mukhang mas mamahalin ang kotse na ito mula sa iba kong nakita na kotse ng mga estudyante sa night class. Sino kaya ang may-ari n’yan? ’Di kaya yung pamilya ng transferee namin? Oo nga. Baka sila kasi sabi ni Mr. Phil kanina ay nagpalipat sila ng class at may ibang magtotour sa kanila na nasa night shift.
Habang naglalakad ako papunta sa apartment ko ay di ko naiwasang tumingala sa kalangitan at tumingin sa hugis crescent na buwan. Atin-atin lang ito dahil sikretong malupit ang sasabihin ko sa inyo, okay? Meron akong nunal na korteng crescent sa likod ng kaliwang kamay ko malapit sa thumb finger ko pero kahit na gaano pa ako nagagandahan sa nunal ko na iyon ay lagi ko itong nilalagyan ng concealer para iwas agaw pansin kasi kung hindi mo siya titignan maigi ay iisipin mong nagpa tattoo ako dahil kulay black siya. Sabi sa akin ni Miss Ada nasa kamay ko na daw iyon mula ng sanggol pa ako. Kakaiba at nakapagtataka di ba?
Agad akong nagpalit ng damit ng makarating ako ng apartment at pumunta sa park kung saan ang venue ng event at pagdating ko ay nakapagtatakang kaunti lang ang taong nanduon thou mukhang engrande naman ang set-up nila. Anong nangyayari? Tapos na ba? Pero ang sabi sa flyer 8 pm ang simula ng event.
Nang makita ko si Eve ay agad akong lumapit sa kanya at tinapik siya sa balikat.
“Hi.” nakangiting bati ko.
“Arys!” masayang bati niya na para bang maiiyak na at yumakap sa akin.
“Teka, late na ba ako? Para kasing ang unti nalang ng mga tao.”
Bumitaw siya ng yakap sa akin at lumungkot bigla ang ekspresyon ng mukha niya.
“Hindi ka late. Sadyang unti lang ang dumating kahit na marami naman kaming flyers na naipamigay. Sa katunayan, baka hindi na nga matuloy ang event namin sa ganito kaunting tao dahil yung iba na pumunta kanina ay umalis na. Kinakausap na nga ng kasamahan ko ang mga kasali sa program na ika-cancel na ang program.”
“Ha? Bakit ninyo ika-cancel? Dahil unti lang ang mga manunuod? Sigurado naman akong dadami din sila kapag nagsimula na kayo sa program ninyo. Wag ninyo ng i-cancel. Ano nalang mararamdaman ng ibang nag effort na pumunta dito para mapanuod kayo kung ika-cancel ninyo lang rin?” sermon ko sa kanya.
“Eh kasi. .” yumuko siya at pinagdikit ang dalawang hintuturo niya at nakita ko nalang na may tumulong luha sa pisngi niya at pinahid iyon.
“Wag nga kayong nega. Teka, ganito nalang. Nand’yan ba yung mga sasali sa singing contest ninyo? Baka pwede ninyo silang pakantahin para makakuha ng atensyon sa mga nagdadaan para manuod sila. Mas makakakuha kasi ng atensyon kung merong kakanta or pwede din namang sasayaw. Meron ba?”
“Uhm. . Actually, isa din iyan sa mga problema namin. Hindi pa dumarating ang mga kasali sa singing contest maliban sa mga sasayaw pero kasi nagpa-practice pa sa backstage ang bawat grupo na kasali.”
Napabuntung-hininga ako. Ano kaya kung. .?
“Nasaan yung tech ninyo?” tanong ko habang may kinakalikot sa phone ko.
“Nanduon.” turo niya sa gilid at nakita ko ang isang lalaki na may control sa sound system ng event. “Teka lang, anong naisip mo?”
“Kakanta. Sabihan mo na ang ibang kasamahan mo na wag ng i-cancel ang event at mag ready na. Ako na ang bahala.” nakangiti ko siyang tinaboy at sumilay sa mukha niya ang isang masayang awra.
“Thank you!”
“Wala ito.”
“Pero kumakanta ka pala?” sigaw niya sa malayo.
“Oo pero minsan lang kaya wish me luck.”
Lumapit ako sa lalaking may control sa sound system na ngumiti sa akin at pinagmamasdan maigi ang mukha ko.
“Hi Miss.” bati niya sa akin.
“Mister Arys.” paglilinaw ko pero hindi siya natinag sa pag ngiti. Luh.
Hindi ko alam kung sa gagawin ko makakahatak ako ng audience pero kasi dati sa ampunan kapag kumakanta ako, lahat ng mga kasamahan ko pinapanuod ako at gusto nila ang pagkanta ko kasi para daw silang hinehele. Ewan kung totoo iyon pero why not try di ba? Ayaw ko namang masayang ang effort nila Eve at ng mga kasamahan niya at ng ilan sa mga manunuod na kanina pa yata nandito.
“Ito oh.” bigay ko sa lalaki ng flashdrive na pagmamay-ari niya dahil nakigamit ako ng laptop niya para lang madownload yung instrumental ng kakantahin ko.
“Pwede ko bang mahingi number mo?”
“Ah, kunin mo nalang kay Eve.”
“Alright! Good luck!” masaya niyang sabi at tinapik ako sa balikat.
Napalunok ako ng marinig ko ang pagpapakilala sa akin ng kasamahan ni Eve sa stage. Whew. Kinakabahan ba ako? Ugh. Hindi pwede. Kailangan kumanta ako ng maayos para makahatak ako ng audience para sa kanila. Mahigpit kong hinawakan ang wireless mic at huminga ng malalim. Tama. Sa buwan at sa madilim na ulap nalang ako titingin.
Marahan akong lumakad sa harap ng stage at hinintay na mag play ang instrumental ng aking piyesang kakantahin at ipinikit ang mga mata ko upang damhin ang lamig ng gabi.
All my friends tell me I should move on
I’m lying in the ocean, singing your song
Ah, that’s how you sing it
Loving you forever, can’t be wrong
Even though you’re not here, won’t move on
Ah, that’s how we play it
And there’s no remedy for memory your face
Is like a melody, it won’t leave my head
Your soul is hunting me and telling me
That everything is fine
But I wish I was dead
Every time I close my eyes
It’s like a dark paradise
No one compares to you
I’m scared that you won’t be waiting on the other side
Every time I close my eyes
It’s like a dark paradise
No one compares to you
I’m scared that you won’t be waiting on the other side
All my friends ask me why I stay strong
Tell ’em when you find true love it lives on
Ah, that’s why I stay here
And there’s no remedy for memory your face
Like a melody, it won’t lift my head
Your soul is hunting me and telling me
That everything is fine
But I wish I was dead
Every time I close my eyes
It’s like a dark paradise
No one compares to you
I’m scared that you won’t be waiting on the other side
Every time I close my eyes
It’s like a dark paradise
No one compares to you
But there’s no you, except in my dreams tonight
Oh oh oh, ha ha ha
I don’t wanna wake up from this tonight
Oh oh oh, ha ha ha
I don’t wanna wake up from this tonight
There’s no relief, I see you in my sleep
And everybody’s rushing me, but I can feel you touching me
There’s no release, I feel you in my dreams
Telling me I’m fine
Every time I close my eyes
It’s like a dark paradise
No one compares to you
I’m scared that you won’t be waiting on the other side
Every time I close my eyes
It’s like a dark paradise
No one compares to you
But that there’s no you, except in my dreams tonight
Oh oh oh, ha ha ha
I don’t wanna wake up from this tonight
Oh oh oh, ha ha ha
I don’t wanna wake up from this tonight
Pagbukas ng mata ko ay halos hindi ako makapaniwala sa dami ng tao na nasa harapan ng stage. Nakakalula sa dami. Lahat sila nakatingin sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at yumuko para magpasalamat at isang nakabibinging palakpakan at hiyawan ang nagpadagungdong sa venue ng event.
“Oh my god, Arys! Sobrang ganda ng boses mo!” tumitili sa sayang bungad sa akin ni Eve sa backstage.
“Oo nga! Kung sumali ka sa contest, malamang ikaw ang mananalo!” sabat ng kasamahan niya.
“True! Nagulat ako sa dami ng taong nahatak mo! Parang concert lang eh! Amazing!” dagdag pa ng isa.
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil nagsisimula na akong makaramdam ng hiya sa compliment nila.
“Wag ka munang umalis. Sama ka sa amin sa eat out after ng event. Pa-thank you na rin namin sa ginawa mong paghatak ng mga audience.” sabi sa akin ng pinaka head nila Eve sa event.
A/N:
Posted: April 01, 2019 at 12:45 AM
Finally, nakapag update din! Yey! Feel free to search the song, Dark Paradise by Lana Del Rey at mai-share ko lang ’no? She’s one of the underrated artist na gusto ko in terms of poetic/narrative songs.
Anyway, sana alam ninyo na kung bakit itong ACB at FOA ay ginawa kong Luna Series. Hahaha. Well! ’Til next update!
Stay weird! Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 4: ENCOUNTER
Tatlong linggo na rin ang nakalipas after kong kumanta sa event nina Eve at ng mga kasamahan niya ay masasabi kong na-enjoy ko ang experience na iyon lalo pa’t may mga taong pinanuod ako. Akala ko kasi nuon, yung mga kasamahan ko lang sa ampunan ang mangangahas na pakinggan ako sa pagkanta ko pero mali ako.
“Huy, Arys! Nakatulala ka na naman. Ano bang iniisip mo ha?” nagaalalang tanong ni Ate Sep na siyang kasama ko sa caffeteria. Break time kasi kaya naisipan na dito nalang bumili ng pagkain kesa lumabas kahit na dumog ang mga estudyante dito.
“Sorry.”
“Anong sorry? Ano ba iyang iniisip mo? I-share mo nga sa akin para matulala din ako sa pagiisip.”
“Uhm. .Na-experience mo na ba na managinip ng paulit-ulit? I mean, hindi naman on a regular basis pero tuwing mapapanaginipan mo siya ay iyon at iyon lang din at hindi nagbabago?”
“Hmm. .” sumimsim siya ng kaunti sa milktea niya at tumingin sa akin.
“About saan naman ang panaginip mo na iyan, aber?”
“Ah, eh. . Mahirap i-explain eh.” baka kasi kapag sinabi ko sa kanya ma-weirduhan siya sa akin.
“Alright, let me tell you this. We dream because of the things that we want to happen in reality. It is like, those are the things that we subconsciously want but we cannot do or have. It can also be because our brain seems to record all the things our eyes can see. You don’t know baka may napanuod kang palabas sa tv or something from your past na nakalimutan mo na pinapaalala sa’yo ng panaginip mo. However, dahil hindi hundred percent carbon copy ng panaginip ang mga bagay na nakita ng mata mo ay ilan sa mga detalye ay fragmented na.”
Kumunot ang nuo ko sa aking narinig.
Hmm. She has a point but I think the latter part is a crossout for her explanation dahil impossibleng it has something to do with my past because as what I’d mentioned to you before about sa dream ko, hindi modern ang set-up niya kundi yung tipong mga pang sinaunang panahon pa.
“Why don’t you try interpreting your dreams? Hanap ka ng libro mamaya at tignan mo du’n yung madalas mong mapanaginipan para malaman mo kung bakit iyon at iyon ang dream mo.”
Tinanguan ko siya at sinunod ang payo niya ng makabalik kami sa library after break time pero matatapos na ang shift namin at hanggang ngayon wala akong makita na angkop sa napapanaginipan ko pero hindi ako titigil dahil nakaka walong libro palang naman ako at meron pang anim na natitira na sa susunod na araw ko nalang ipagpapatuloy ang pagbabasa.
Lumakad ako papunta sa desk namin ni Ate Sep at nakita ko siyang may chine-check na bio ng estudyante dito sa Demirkan.
“Zygo Valiente?” basa ko mula sa likuran niya.
“Shuta ka! Nagulat ako sa’yo!” nilingon ako ni Ate Sep at mahinang hinampas sa balikat.
“Sorry. Akala ko napansin mo presence ko eh.”
“Obvious bang hindi? Kanina ka pa kasi du’n sa shelf. Akala ko nga nahatak ka na ng isa sa mga libro patungo sa ibang mundo.”
“Baliw! Fushigi Yuugi lang ang peg?”
“Hindi. Aryscos at ang mahiwang mundo. Hahaha! Anyway, ang ganda ng pangalan ng new student ’no?”
“Ha? Siya ba iyon? ’Yung inilipat ng magulang sa night class?”
“Yes! You are correct! And not just him kundi pati yung kakambal niya.”
“Kakambal? Ibig sabihin dalawa pala ang new student ng night class?”
“Parang ganun. And, take note. Ang pangalan ng kakambal niyang babae ay Zyga. My gosh! Ang weird pero ang unique, di ba?”
Zyga? Zygo? Kakaiba nga para maging pangalan sa kambal na anak. Pero bakit kaya?
“In fairness, may karapatan talagang ilipat sila sa night class kesa morning class kasi tignan mo. Halatang rich kid ang kutis at hitsura. Ang ganda at gwapo nilang dalawa.”
“Kaya nga eh. Hay. Ang swerte naman ng nasa night shift dito aa library dahil madalas niyang makita itong si Zygo. Reader yata dahil ilang linggo palang sila dito pero ang dami niya ng nahiram na libro. Hay! Kung hindi lang ito highschooler, papatusin ko ito eh!”
“Ano? Sira ulo ka! Hahaha!”
Pauwi na kami mula sa friday shift namin sa school ng bigla akong lingkisan ng matindihan sa braso ni Ate Sep. Napalunok ako. Ano na naman kaya naisip niya?
“Samahan mo ako.”
“Ha? Saan?” naku, lagot. Mapapagastos pa yata ako sa aya niya.
“Basta! Akong bahala. Sagot ko.” kumindat siya sa akin at hinatak ako papunta sa kung saan man. Padilim na kaya nagsisimula na ring mabuhay ang siyudad mula sa ilaw na nanggagaling sa mga nagtataasang mga building at sa sasakyan papunta sa kani-kanilang mga destinasyon. Bahagya na ring lumalamig ang simoy ng hangin.
“Ang ganda talaga kapag pagabi na ’no?” bigla kong sabi habang tumitingin sa mga taong nakakasalubong namin sa daan.
“Tama ka d’yan! At mas lalong gaganda pa ang gabi mo pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin.”
Huminto kami isang kulay abo na building na kakaiba ang disenyo ng pintuan dahil sa ethnic-like na simbolo nito. Tinulak ni Ate Sep ang pinto para makapasok kami at sumalubong sa amin ang magandang kulay ng asul na parang may nagniningning na mga bituin na nakadisenyo dito at napansin ko ang isang chandelier na nasa ibabaw ng reception desk dahil ang ilaw nito ay para bang nabibigay ng spotlight effect sa dalawang taong naruon samantalang nagbibigay ng dim effect sa halos kalahati ng pinasukan namin.
Nasaan ba kami? Bakit kami nandito?
“Magandang gabi, mga binibini!” masayang bati ng isa sa dalawang lalaki na nasa reception at pumalumbaba pa para matitigan kami.
Ugh. Sana si Ate Sep lang titigan niya. Wag ako. Nahihiya ako eh. Isa pa, dahil sa sinabi niya ay napalingon ako para tignan kung may kasunod ba kami kaso wala.
Ano ba iyan. Napagkamalan na naman akong babae! Magpapagupit na talaga ako ng buhok ko sa payout. Nagmumukha na kasing bobcut ang hairstyle ko.
“Oro, humingi ka ng paumanhin. Lalaki yung isa.” mahinahong sabi ng isa pang lalaki at yumuko sa amin at tumingin sa akin ng makahulugan.
In fairness, ang gwapo nilang dalawa pero mas feminine lang ng kaunti itong nagsalita.
“Ha?” gulat na reaksyon ng kaninang unang nagsalita at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Ate Sep.
“Buti nalang sinabi mo Ori, kundi iisipin ko talagang babae siya.” yumuko ito sa amin at sincere na ngumiti sa akin, “Sorry kung napagkamalan kitang babae. Hindi ko naman alam na may nageexist na tulad mo kay El.”
Ano raw? At ano ulit ang pangalan ng dalawang ito? Oro at Ori? Magkapatid ba sila o magkambal? At sino yung El na nabanggit niyang tulad ko?
“Teka, ikaw yung customer ng nakaraang gabi ’di ba? Ano nga ulit ang pangalan mo?” tanong nung Oro kay Ate Sep.
Nakaraang gabi? Ibig sabihin, nanggaling na siya dito lately? Anong ginawa niya dito?
“Ay amazing! Natandaan ninyo ako?” masayang sabi ni Ate Sep habang pinapakita ang dala naming ID’s.
“Syempre, kailangan naming tandaan ang mukha ng mga magaganda at gwapo naming customers dahil para ninyo na ring pangatlong tahanan itong bar nina Mr. Neuschwanstein, at syempre dahil minsan lang naman kaming makabisita dito sa bar nila ng asawa niya.”
“Oh my gosh! Kakanta naman ulit yung asawa ni Mr. Neuschwanstein di ba?” halata mo sa reaksyon ni Ate Sep ang excitement at kilig. Bakit kaya? Crush niya yung asawa ng sinasabi niya? Luh. Malala na siya. Nakalimutan yata niyang may boyfriend siya.
“Gabi-gabi naman siya kumakanta pero isang oras nga lang. Ayaw kasi ng asawa niya na napapagod siya.” sabat nung Ori.
Duon ko lang napansin na parang kwarto lang itong napasukan namin dahil wala akong makitanh ibang pinto bukod sa kung saan kami pumasok. Sinundan namin yung Ori sa paglalakad patungo sa pader sa kanang parte ng kwarto at laking gulat ko ng magbukas ito at sumalubong sa akin ang ingay mula sa luob at mga tao na mukhang nagmula sa mayayamang pamilya.
What the hell?! Akala ko wala ng ibang pinto dito bukod sa pinasukan namin kanina! Oh my gosh! Ang galing ng interior ng bar na ito. Nadala ako ng wallpaper du’n ah! At, ’ni hindi ko man lang narinig ang ingay mula sa kabilang side. Soundproof! Just wow!
Napatingin ako kay Ate Sep na nakatingin din sa akin at nginisian ako.
“Enjoy!” sabi niya sa amin bago kami tuluyang makapasok sa luob at napalingon ako sa hindi malamang dahilan at nakita ko si Ori na parang nag iba ang kulay ng mata bago magsarado ang pinto mula sa labas. Napailing ako. Shit. Namalik-mata pa yata ako.
“Paano mo nalaman ang lugar na ito?” tanong ko ng makaupo kami sa pwesto namin malapit sa may counter ng bartender.
Grabe. Ang high-end naman ng hitsura ng bar na ito at ang ganda pa ng mga couches at tables at sakto lang ang lamig at hindi amoy yosi gaya ng sa ibang bar na napasukan ko na dati dahil dito kay Ate Sep. Mahilig kasi ito sa biglaang inom eh. Panigurado mahal dito.
“Yung doktor kasi na pinagche-checkupan ko kapag nagkakasakit ako ay pinsan ng may-ari nitong bar at sabi niya maganda daw dito kaya tinry ko. Aba! Windang ako ng una akong pumunta dito sa sobrang pagkakaiba niya sa ibang bar kaya no wonder dinadayo siya ng mga parokyano at mamaya makikita mo mas dadami na ang tao dito.”
“Naku, eh di ibig sabihin may mga magpa-party wild dito sa dancefloor mamaya?”
“Parang ganun na nga pero!” bakas sa mukha niya ang excitement.
“Pero?”
“Pagsapit ng 12 midnight kakanta yung asawa ng may-ari ng bar. Oh my gosh! Ang ganda niya ’te! Magkasing ganda kayo. Promise!” tinaas niya pa ang kanang kamay niya na para bang nanunumpa.
Magkasing ganda? Paano mangyayari iyon? Eh malamang babae ang asawa ng may-ari nitong bar. Sira talaga itong si Ate Sep.
Tinaas niya ang kamay niya para kuhain ang isa sa attention ng waiter sa bar at siya na ang umorder dahil bukod sa wala akong pambayad ay hindi ko forte ang alak.
Hindi ko namalayan na madaling araw na pala ng makaalis kami ng bar ni Ate Sep. Paano ba naman kasi, overwhelmed ako sa boses ni El na asawa ni Mr. Neuschwanstein. Oh my gosh. Like, surprised ako ng malaman kong parehas silang lalaki pero parehas kami ni El na feminine masyado ang mukha kaya nalilito ang karamihan sa aming gender. Ang sweet nga nilang dalawa thou sabi sa akin ni Ate Sep ay hindi nakakakita si El. Sayang. Ang ganda pa naman ng pagka blue ng mata niya. ’Di bale. Meron naman siyang asawa na alam at kita mong mahal na mahal siya. Pero grabe. Hindi pa rin ako maka getover sa pagkanta niya. Kinilabutan ako. Damang-dama ko yung emosyon sa bawat salitang binibitawan niya.
LSS na yata ako sa kinanta ni El. Ang deep din kasi ng kanta eh. Actually, requested lang iyon ng isa sa mga audience and it happens to be his last song pa for the night kaya talagang may bitin effect na ang sarap pakinggan paulit-ulit sa version ni El pero try kong isearch ang kanta na iyon na pinamagatang Sino ni Unique.
“Woo!” bumalik ako sa realidad ng biglang sumigaw si Ate Sep at sumayaw-sayaw sa kalsada. Napailing nalang ako. Lasing na siya. Well, hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siyang ganyan. Ang lakas kasi uminom ’di naman kayang dalhin sarili niya. Ako nga, naka isang bote lang medyo tipsy na pero siya, jusko more than one ang tinungga.
“Ate Sep, madaling araw na. Wag kang maingay baka tahulin tayo ng mga aso.” sabi ko at hinawakan siya sa balikat niya para kahit papaano ay tumigil siya sa ginagawa niya.
Sobrang lamig talaga ng hangin kapag ganitong madaling araw at napakatahimik ng lugar. Kung ako ang tatanungin, gusto ko ng ganitong senaryo. Tahimik lang at malamig at ang malamlam na ilaw na nagmumula sa lamp post ang nagsisilbing liwanag at syempre, wag kalimutang tumingala para masilayan ang maliwanag na buwan at ang bituing nagniningning na nagbibigay buhay sa madilim na kalangitan.
“T-tara, Arysh! W-woo! Shayaw tayo!” hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa balikat niya at hinatak ako at iniikot niya ang sarili niya. Natawa ako dahil akala niya yata lalaki ako para ayain akong makipag sweet dance sa kanya. Hahaha.
“Pajuloy kong hahanapin! Hahulugan ng pag-ibig at habang buhey na magiisa!” kanta ni Ate Sep ng wala sa tono.
At, ewan kung paano pero sa ginawa ni Ate Sep na pagsayaw ng sweet dance kahit na hindi ako gaano nagrerespond ay bigla nalang may kakatuwang imahe ang nag flash sa utak ko.
Nakita ko yung lalaki sa aking panaginip na nakatayo at nakalahad ang kamay at nakangiti pero gaya ng dati ay hindi ko maaninag ang mukha niya at para bang nasa isa kaming malaking garden pero madilim at tanging ang sinag ng buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid para masilayan ang ganda ng mga pulang rosas na nakapalibot sa amin.
Bumalik ulit ako sa realidad ng mapansin ko si Ate Sep na nasa gitna na ng kalsada at sakto namang paglingon ko ay may itim na kotseng papunta sa kanya na bumubusina.
Nalintikan na!
Tumakbo papunta sa kanya at agad siyang hinatak sa gilid at napahinto ang mamahaling kotse sa ginawa namin. Shit. Muntikan na. Halos, tatlong lakad lang ang distansya ng kotse kay Ate Sep. Lagot talaga ito sa akin bukas. Sesermunan ko talaga siya.
“Pasensya na po. Lasing po itong kasama ko.” hingi ko ng paumanhin at yumuko ako sa nakahintong kotse habang hinihintay na lumabas ang kung sino man sa luob at pagalitan kami habang si Ate Sep naman ay nasa gilid ko at parang ewan na kumakanta na naman.
“Zino ang mahagaakelang mohal keta?”
“Ate Sep!” naiinis kong sita sa kanya at sapilitan siyang pinayuko.
“Pasensya na po talaga sa abala.” pagpapaumanhin ko muli bago hinatak si Ate Sep sa may eskenita na may shortcut papunta sa tinutuluyan ko dahil ewan ko ba. Nakahinto lang yung kotse at parang walang balak lumabas yung driver sa luob o kung sino man yung nakasakay sa nangyari na muntikan ng ika-ospital nitong kasama ko. Weird. Bakit kaya? Hindi rin naman appropriate na tumunganga lang ako sa harapan nung sasakyan dahil baka kung ano na namang kalokohan gawin nito ni Ate Sep kapag tumagal kami dito sa labas.
Ewan ko kung sa anong dahilan pero bago kami tuluyang lamunin sa di gaanong maliwanag na part ng eskenitang dinadaanan namin ay napalingon ako para tignan sa huling pagkakataon yung itim na kotse and to my surprise ay bumaba yung bintana nito sa likuran pero bago ko pa masilayan ang mukha ng nakasakay ay humarap ako ulit kay Ate Sep dahil bigla nalang itong sumuka.
A/N:
Posted: April 06, 2019 at 2:20 AM
OMG. May pa-crossover ng FOA dito! I just can’t! Anyway, Luna Series kasi so expect ninyo ng may crossover pero kung may magiging connection ba sila sa kwento ay hindi ko pa alam. Tara kain tayo ng chocolate coated roasted peanuts aka Nips Peanut Deluxe at Chuckie my chocolatey buddy!
Ako lang ba yung curious sa kung sino yung naka sakay duon sa kotse o kayo rin?
’Til next update! Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 5: REVERSED
“Good morning, Arys ganda!” energetic na bati sa akin ni Ate Sep.
“Good morning din, Ate Sep pero sesermunan pa rin kita pagtapos nating mag agahan.” natatawa kong sabi habang nagluluto ako ng almusal namin.
“Ha? Bakit? Anong ginawa ko?” tanong niya at kumakamot sa kanyang buhok na lumapit sa akin.
Hindi ito ang unang beses na dito ko pinatulog si Ate Sep sa kalasingan niya kaya sanay na rin siyang magising dito sa bahay ko pero syempre, di namin kinukwento ito sa mga naging boyfriend niya at syempre sa boyfriend niya ngayon. Jusko. Baka mamaya makitid ang isip at kung ano pang sabihin sa akin, sa amin. Duh? As if namang pagnanasaan ko itong babae na ito eh di nga kami talo. At, yes, marami ng naging ex itong babae na ito. Madali kasi siya magsawa sa kanila. Ganern.
Buti nalang bagong palit ko yung bedsheet kundi nakakahiya sa kanya. I mean, hindi naman siya amoy laway or something. Maarte lang talaga ako pagdating sa hinihigaan ko so I expect the same thing towards other people. At dahil nga dito siya natulog kagabi, ang ending ay sa sofa ako natulog.
Pagtapos naming mag almusal ng niluto kong sopas na dinamihan ko ng gatas because milk is life ay si Ate Sep na ang nag volunteer na maghugas ng pinagkainan.
“Muntik ka na kayang masagasaan! Loka ka!” natatawa kong kwento sa gilid niya.
“Weh? Buti nalang pala niligtas mo ako. Mahal mo talaga ako eh ’no? Yiiee!” sabi niya at bahagyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko pero agad din naman niyang inalis.
“Sira! Nakakahiya lang kung masagasaan ka dahil lasing ka.”
“Ay! Ang sama mo! Eh kamusta naman yung babangga sa akin? Maganda naman ba ang dalang kotse?”
“Oo! Ang ganda! Mas concern pa nga ako du’n sa kotse kapag nagasgasan mo eh.”
“Ang sama mo talaga!” pabiro niya akong pinahiran ng bula sa kamay niya na pinahid ko naman sa braso niya.
“Limousine kasi ’te! Ang ganda ng pagka itim at para siyang kumikinang. Kaso alam mo, ang weird ng kung sino man ang nakasakay du’n. Di man lang kasi nag effort na pagalitan ka or tayo. Basta nakahinto lang siya.”
“Baka na-surprise sa atin, lalo na sa akin. Nagulat siguro kasi may magandang sumasayaw sa kalsada!”
“Kamo baka iniisip ng kung sino man na nakasakay du’n kung paanong nakalabas yung baliw sa mental! Hahaha!”
“Ah ganun? Nakakailan ka na ha!” sakto namang tapos na siya sa paghuhugas niya kaya naghabulan kami para lang mahuli niya ako at mawisikan ng tubig.
Hinihingal kaming sumandal sa gilid ng kama at ng magkatinginan kami ay bigla nalang kaming natawa for no reason.
“Para tayong baliw.” sabi niya.
“Ikaw lang.” asar ko.
Bago sumapit ang tanghalian ay nagpaalam na si Ate Sep na uuwi sa kanila kaya ng makaalis siya ay humiga lang ako sa kama at tumitig sa kisame habang inaalala ang mga nangyari kagabi ng bigla kong maalala na idownload yung kinanta ni El sa bar nila ng asawa niya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa drawer na nasa tabi ng kama at sinimulang i-download yung kanta. Habang hinihintay kong matapos ang dina-download ko ay pinatugtog ko nalang muna ang favorite song ko at umupo sa kama habang sinasabayan ang rhythm ng kanta.
Paano ko siya naging favorite? Hindi ko rin alam eh basta ng una ko siyang marinig, it feels nostalgic to me for some reason na nagbibigay goosebumps sa akin. Parang may sariling buhay ang katawan ko ng maisipan kong tumayo at sumayaw-sayaw for no reason habang sinasabayan ang kanta at for no reason ay biglang naging instant music video ang utak ko dahil nagflash ang scenario sa panaginip ko kasama ang hindi ko makilalang lalaki sa may lawa at sa may garden at idagdag pa yung nangyari kagabi na pagbaba ng bintana ng kotse at muntikan ko ng pagsulyap sa kung sino man ang nakasakay du’n.
“I don’t wanna wake up from this tonight.” kanta sa huling linya at binagsak ang katawan ko sa kama at pumikit habang pinakinggang umulit ang kantang aking pinatugtog.
Mabilis na lumipas ang araw at paggising ko ay lunes na ulit at kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Bago ako makarating ng school ay bumili muna ako ng makakain ko sa break dahil balak kong hindi lumabas ng library mamaya para maipag patuloy ko ang pagreresearch ko sa mga libro patungkol sa mga panaginip. Para naman malinawan na ako kung bakit iyon at iyon nalang ang napapanaginipan ko kasama ang di ko makilalang lalaki.
“Seryoso?” tanong ko kay Ate Sep habang nagbabalik ako ng mga nahiram na libro sa bawat shelves.
“Oo nga ’te. Kahit ako nagulat pero excited ako sa mga mangyayari!”
“Sows! Baka kamo sa sobrang excited mo pag nand’yan na tayo eh tulog ka naman.”
“Huh! Asa!” binelatan niya ako na inilingan ko lang.
Kung nagtataka kayo sa kung anong pinaguusapan namin o sa kung ano man ang mangyayari ay tungkol lang naman ito sa nalalapit na anniversary ng school. Actually, first time lang ito na mangyayari daw at hindi rin naman kami aware kung pang ilang taon na ito ng Demirkan na icecelebrate namin basta ang mangyayari ay ang mga nagtatrabaho sa morning shift ay malilipat sa night shift at vise versa para ssa mga nasa night shift for one whole month. ’Di ko tuloy alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko dahil may feeling ako na kakaiba sa bagay na ito na ginawa ni Mr. Phil. Crossfingers tayo. Whew.
“Kyaa! Excited na akong makita ang mga estudyante ng night class!”
“Kamo excited ka lang makita yung Zygo.”
“Aba syempre! Ikaw ba? Hindi ka excited? ’Di ba sabi mo sa akin ng nakaraan na kung ikaw ang papapiliin mas gusto mo ang night class?”
“Sinabi ko nga pero kasi nagtataka lang ako kung anong pumasok sa isip ni Mr. Phil at naisipan niyang gawin ito.”
“Ayan ka na naman sa pagiisip ng kung ano. Magpasalamat nalang tayo at mararanasan din natin ang night class.”
“Siguro nga.”
Pagdating ng breaktime ay hinayaan ko lang si Ate Sep na lumabas ng library at iwanan akong mag isa para makapagbasa ng mga na-pending na libro ng nakaraan.
“Ano? Na-interpret mo na ba iyang panaginip na sinasabi mo?”
“Hindi nga eh! Wala sa mga iyon ang nakapagbigay linaw sa napapanaginipan ko.”
“Ha? Wala? Eh baka naman kasi may pinanuod kang movie before tapos lumalabas siya sa subconscious mo dahil nagustuhan mo ang scene na iyon and it is just that hindi mo maalala ang title.”
“Sana nga ganun pero hindi eh.”
“Eh ano ba kasi iyang panaginip mo ha? Share mo nga sa akin!”
Naka pangalumbaba akong humarap kay Ate Sep sa counter at ikinwento sa kanya ang madalas kong napapanaginipan. Hindi siya nagreact ng kakaiba at seryoso akong pinakinggan sa ibinahagi ko sa kanya.
“Ang weird niyang panaginip mo ha!” kunot-nuo niyang sabi habang hinihimas ang kanyang invincible na balbas.
“Kaya nga eh.”
“Tapos pa-mysterious din iyang lalaki na kasama mo. ’Di kaya na-engkanto ka nung bata ka?”
“Ha?” halos pasigaw kong react sa sinabi niya. Eh kasi impossible namang mangyari iyon thou hindi ko maitatanggi na ang ampunan na tinirahan ko ay nasa liblib na lugar.
“Kasi isipin mo, friend. Sa panaginip mo na iyan sabi mo nakasakay kayo sa bangka at nasa gitna ng lawa at napapalibutan kayo ng mayayabong na puno at hindi mo maaninag yung mukha ng lalaking kasama mo. Iyang mga ganyan kasi madalas sa mga horror lang eh! May fog ba sa likuran niya? Kasi kung meron, na-engkanto ka talaga! Promise!”
Ako naman ngayon ang kumunot ang nuo at pilit inaalala kung meron bang fog ang likuran ng misteryosong lalaki at hindi ko rin maiwasan na hindi kabahan dahil baka nga na-engkanto ako ng hindi ko namamalayan. Shit.
Sabay kaming napalingon ni Ate Sep sa pintuan ng makarinig kami ng tatlong katok mula sa labas at pumasok ang kasamahan namin sa trabaho mula sa ibang department para ipaalam sa amin na may meeting kami with Mr. Phil tungkol sa mangyayaring shifts ng schedule.
Pagdating namin sa auditorium ay agad kaming binriefing sa mangyayaring shifts at sa mga do’s and dont’s at syempre hindi mawawala ang pamamahagi ng temporary night shift uniforms sa amin thou may pagkakaiba ang disenyo nito sa usual na uniform na meron ang night class.
“Sige na! Sukat natin!” pamimilit ni Ate Sep ng makabalik kami ng library.
“Ayaw ko. Sa bahay mo na isukat iyan.”
“Hmmp! Sige na nga! Excited lang naman kasi ako at official na talagang magiging night class ang shift natin for one month.”
10 minutes nalang at 6:30 pm na. Late na kaming nakalabas ni Ate Sep ng library sa dami ng kailangan naming ayusin na libro dahil for some reason bigla nalang dumami ang mga estudyanteng nagsauli ng hiniram nilang libro. Naku, lagot na. Malapit na ring magsimula ang night class at kapag may nakakita sa amin ni Ate Sep ay lagot kami. Strict din kasi ang school na ito sa time. Ewan ko ba.
“Arys! Okay ka lang ba?” tanong ni Ate Sep sa akin ng bigla akong mapahinto sa may hagdan eh isang hakbang nalang naman at malapit na rin kami papunta sa exit gate na sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam na naman ako ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.
Siguro sa takot ni Ate Sep na mahuli kami dahil sa pagiging late namin sa pag uwi ay hinatak niya na ako papunta sa exit gate at ng makalabas kami ay sakto namang nawala ang paninikip ng dibdib ko at hirap ko sa paghinga.
“Hay muntik na tayo!” hinihingal na sabi ni Ate Sep habang pinapaypay ang kamay niya sa sarili niya samantalang napatingin ako sa entrance gate at napakunot ang nuo ko ng may makita akong naka suot ng makalumang maid uniform na hanggang talampakan ang haba pero naka side view siya kaya hindi ko nakita ang mukha at may dalawang lalaki na nakasunod sa likuran niya at sa harapan niya ay dalawang estudyante ng night class.
“Uso pa pala iyon?” may kalakasan kong tanong sa sarili ko.
“Ang alin?”
“Yung ganung maid outfit.” sabi ko at tinuro yung naka side view na babae sa may entrance gate. Ewan ko ba. Parang iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko mawari.
“Aba, oo nga ’no? Panahong kupong-kopong pa iyang ganyan fashion ah. Matanda siguro amo niya!” natatawang sabi ni Ate Sep at bago kami tuluyang tumawid sa kabilang kalye ay nilingon ko ito sa huling pagkakataon.
A/N:
Posted: April 14, 2019 at 4:40 AM
Gusto ko magpasalamat sa mga nagbabasa ng kwento ko dito at nagbibigay ng kanilang comments. Sorry kung hindi ako nagrereply. Mahiyain po kasi ako in real and online life but I appreciate each one of you silently.
Anyway, ’til next update! Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 6: RICO
Ang bilis talaga ng araw. Hindi ako makapaniwalang bukas na ang unang araw namin para sa night class. Actually, hanggang ngayon hindi ko pa naisusukat yung uniform na binigay sa amin. Ewan. Parang ayaw ko ring suotin. Argh! Ano ba itong nangyayari sa akin?
Gusto ko namang ma-experience ang night shift sa Demirkan kaso ewan. Para akong teenager na may tinataguan. Whew. Ang weird talaga.
Pero may mas weweird pa sa nangyayari sa akin ngayon dahil recently, bukod sa usual kong napapanaginipan ay I started dreaming of the same person I think na nagflash lang sa utak ko nung nag bar kami ni Ate Sep. ’Yung scene du’n sa garden na puno ng red roses pero ang pagkakaiba ay nagsasayaw naman kami pero ganun din dahil parang may sinasabi siya sa akin na hindi ko naman maintindihan at hindi ko pa rin nakikita ang kabuoan ng mukha niya.
Bakit ko ba kasi napapanaginipan ang lalaking iyon? Anong koneksyon ko sa kanya?
At, dumating na nga ang araw na night shift ang pasok ko sa Demirkan kaya nag asikaso na ako at tapos na ako sa pagsusuot ng binigay sa aming uniform ng matitigan ko ang sarili ko sa salamin. Teka lang. .
Parang makaluma ang disenyo ng uniform namin para sa night class compare sa talagang uniform ng mga estudyante du’n. Para tuloy akong tao na nabuhay sa sinaunang era parehas ng sa napapanaginipan- wait!
Parehas ng sa napapanaginipan ko? Di kaya, premonition ang panaginip ko na iyon na maeexperience ko ang night shift sa Demirkan? According kasi sa nabasa ko na libro about sa panaginip ay ang dreams natin ay pwede ding maging premonition sa mga mangyayari in real life. Ito nga siguro iyon.
Habang naglalakad ako papunta ng school ay napatingin ako sa kulay kahel na ulap. Hudyat ito na malapit na ang takipsilim at ilang sandali nalang ay magsisimula na ang unang araw o unang gabi ko para sa night class.
“Arys!” masayang bati sa akin ni Ate Sep na halata mong excited na para mamaya. Grabe. Inabangan talaga ako sa gate?
“Wow. Excited ka talaga sa night class ah. Nakatulog ka ba ng maayos? Baka mamaya gisingin kita ah.”
“Pinaghandaan ko ito ’te! Syempre dapat fresh akong haharap sa mga estudyante ng night class para wala silang masabi sa akin!” inangkla niya ang kamay niya sa braso ko at sabay kaming tumungo ng library.
Pagpasok namin sa luob ay sumalubong sa amin ang tahimik at walang estudyante library na sa pagkakaalam ko ay kapag wala pang 5:30 ay may mga estudyante pang tumatambay dito pero ngayon, wala ni isa. Napatingin kami sa nakatao sa counter at isang maputing babae ang nakita namin na nakaupo at nakapikit ang mga mata. Oo nga pala. Ang mga nagtatrabaho sa night shift ay nalipat sa morning shift na vise versa sa amin. Sana lang hindi kami matulad dito kay ate mamaya.
Dahan-dahang dumilat ang babae at gulat siyang napatingin sa amin at naglayo ng tingin.
“Hi!” energetic na bati ni Ate Sep sa kanya.
Hindi siya umimik at tumango lang kaya nagkatinginan kami sa isa’t-isa ni Ate Sep at napakibit-balikat nalang ako.
Naiwan akong mag-isa kasama ang babae na originally ay sa night class ang shift ng umalis si Ate Sep para mag report kay Mr. Phil sa pagdating namin. Nasa counter siya samantalang nasa isa sa mga tables ako nakaupo at nagbabasa ng librong kinuha ko sa shelves ng sa sulok ng mata ko ay nakita ko siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako dahil ang awkward lang. Shit. Bakit siya nakatingin sa akin? O baka guni-guni ko lang at sa iba talaga siya nakatingin?
“Bakit?” tanong ko ng hindi ko na napigilang lingunin siya dahil nakatitig pa rin siya sa akin.
“Mas bagay ka sa night class.” isang makahulugang ngiti ang binigay niya matapos niyang sabihin iyon sa hindi ko maintindihan na dahilan.
“Paano mo nasabi?”
Nagkibit-balikat lang siya sa tanong ko at tumayo mula sa counter at lumakad palapit sa akin.
Napalunok ako at hindi ko malaman paano ako kikilos dahil parang dumikit ang paa ko sa sahig.
“Emery.” pakilala niya at naglahad ng kamay sa akin. Tinignan ko ang maganda niyang mukha at ang kanyang kulay blackberry na buhok.
“Aryscos.” inabot ko ang kamay niya para makipag shakehands at ewan ko ba parang may hindi ako mawari na pakiramdam sa kanya.
“Alam ko.” bulong niya na hindi ko narinig.
Paglabas niya ay sakto namang pagpasok ni Ate Sep na sinundan niya ng tingin ang kalalabas lang na si Emery.
“Oh kamusta?” tanong ko habang sinasauli ang librong binabasa ko kanina.
“Ayun. Okay na. Anyways, may chika ako sa’yo.” sabi niya at hinatak ako papunta sa may counter.
“Ano iyon?”
“Alam mo ba, napansin ko lang ha? Ang puputi ng mga nasa night class na shift tapos ang gaganda at gugwapo kaya siguro sila ang mga nagha handle sa mga elitistang mga estudyante kasi mukha din silang mayaman eh.”
“So? Anong gusto mong sabihin? Mga panget tayong nasa morning class? Mukhang poor? Ganun ba?”
“Gaga! Wala akong sinabing ganyan ’no! Maganda kaya tayo saka may mga gwapo din sa atin sa morning class kaya nga lang parang thrice ang beauty nila. Ganern ang ibig kong sabihin. At saka, meron pa pala akong napansin.”
“Ano?”
“Nagmukhang night class ang morning class ngayon. Pansin mo ba?”
“Uhm siguro? Yung mga bintana kasi nakasara at puro makapal ang kurtina ngayon. Idagdag mo pa na ang lakas ng aircon. Parang tinodo.”
“Exactly! Parang ayaw mainitan at maarawan ng mga nasa night class shift na ngayon ay nasa morning class.”
“Eh kasi syempre hindi sila sanay at bakit pa sila magaadjust kung gayong one month lang naman ang provision na ito ni Mr. Phil di ba?”
“Sabagay pero kasi parang mga bampira lang ang peg nila. Hahaha!”
“Sira ka talaga. Hindi totoo iyon ’no! Nasa modern era na tayo pero naniniwala ka pa sa mga ganyan? Sa movies at books lang sila nageexist.”
“Pero malay mo di ba? Anyway, ano palang name nung babae na iyon na librarian ng night class?”
“Emery.” ewan ko ba pero nang banggitin ko ang pangalan niya ay bumalik ang weird na feeling ko sa babae na iyon kanina.
“Emery? Wow. Ngayon lang ako naka encounter ng ganyang pangalan ah. Lumang pangalan siguro iyon?”
“Siguro.”
Pagsapit ng 5:50 pm ay hinawi namin ang mga malalaki at makakapal na kurtinang nakaharang sa mga bintana kanina at binuksan ito para makapasok ang hangin sa luob at dumampi sa balat ko ang kakaibang lamig ng hangin.
Rumonda ang ilan sa mga kasamahan namin sa morning class na ngayon ay gaya naming nasa night class para icheck kung may mga estudyante pang hindi nakakalabas bago dumating ang mga elitistang estudyante na pang gabi ang pasok.
“Te! Ayan na sila! Dumadating na ang mga estudyante ng night class!” kinikilig na sabi ni Ate Sep habang nakatayo sa tabi ng bintana.
“Tigilan mo nga iyan. Nakakahiya ka. Baka mamaya matakot sa atin iyang mga iyan sa ginagawa mo.” sita ko sa kanya.
“Hmmp! Eh sa natutuwa lang kasi ako. Ay, ’te! Halika dito! Bilisan mo. Dali!” sabi niya sabay hatak sa akin papunta sa bintana at turo sa akin sa isang grupo na naglalakad patungo sa opposite ng building namin.
“Oh anong meron?” nagtataka kong tanong.
“Yung nasa unahan kasi! Si Zygo iyon!”
Inisip ko pa kung sinong Zygo yung tinuturo niya sa akin kasi nakatalikod ito hanggang sa maalala ko na siya yung transferee student na crush nitong si Ate Sep. Naglalakad ito kasama ang kakambal niya na kung hindi ako nagkakamali ay Zyga ang pangalan pero ang kumuha talaga ng atensyon ko ay ang mga nakasunod sa kanila.
Dalawang lalaking nakasuot ng itim na suit. Ang isa ay may kalakihan ang pangangatawan at ang isa naman ay payat at mukhang matanda na at yung babae. . Siya nga! Yung babae na nakita ko dati na nakasuot ng makalumang maid outfit. Pero du’n ko lang din napansin na may isa pang lalaking nakasuot ng black suit na may hawak na baston sa likuran ng dalawang naka suit na lalaki kanina at ewan ko ba parang sumisikip ang dibdib ko habang tinitignan ko siya mula sa kanyang likuran at kapansin-pansin na nakalayo ang ibang mga estudyante at bantay nila sa grupo ng transferee na iyon at ng mga kasama niya.
Bakit kaya?
Impossible namang nagkataon lang kasi ang laki talaga ng space at halos magsiksikan na ang karamihan sa gilid para lang hindi madikit sa kanila.
Dahil hindi ko na talaga kaya ang paninikip ng dibdib ko ay tumalikod na ako at lumakad papunta sa counter ng biglang-
“Te! Saan ka na? Lumingon sila dito!” excited na sabi ni Ate Sep na sinenyasan pa akong bumalik ulit duon kaso hinayaan ko nalang at uminom ako ng tubig habang para siyang sira na kinawayan pa ang grupo ng crush niyang highschooler.
Recently, sumisikip bigla ang dibdib ko at nahihirapan ako sa paghinga for no reason kaya siguro by the end of this week magpapa checkup na ako para makasiguro kung meron ba akong problema sa puso ko.
“Hininaan mo na ba yung aircon?” tanong ni Ate Sep na nakayakap sa sarili niya.
“Oo nga. Patayin ko nalang kaya kesa gumaganyan ka?”
“Pwede ba? Baka kasi may mga dumating na estudyante at magreklamo.”
Ewan ko ba dito sa babaeng ito at tatlong oras palang ang nakalipas at mahina naman ang aircon namin ay lamig na lamig pa rin siya. Kesa tumunganga kami dahil wala pang dumadating na estudyante para manghiram o magsauli ng hiniram na libro ay inabala muna namin ang mga sarili namin sa pwede naming gawin para na rin hindi masyadong lamigin itong si Ate Sep.
Hindi ko na napansin kung gaano ako katagal na nakaharap sa computer dahil sa busy ko sa pageencode ng biglang may maglapag ng may kabigatan na libro sa counter kaya napatingin ako dito.
“Hi. Mga taga morning class kayo na nalipat sa night class di ba?” nakangiting bati ng lalaking nasa harapan ko.
Sakto lang ang tangakad nito at halata mong isa siyang highschooler na may kaputian at magandang lalaki na mayruong heterochromia. Kulay brown ang kanan at kulay gray ang kaliwa na may kulay apricot na buhok. Hmm. . Parang pamilyar siya sa akin. . Saan ko nga ba?
“Hi Zygo!” masayang bati ni Ate Sep na bigla nalang sumulpot sa gilid ko at naglahad agad ng kamay sa lalaking nasa harapan ko na tinanggap naman nito.
Tama! Siya pala yung Zygo na crush nitong si Ate Sep. Hahaha. Jusmiyo.
“Aww. Ikaw yung kumaway sa amin kanina di ba? Kilala mo ako?”
“Oo! Ako nga! Syempre kilala kita at nitong kasama ko gaya ng sa iba pang estudyante ng Demirkan kasi dito kami nagtatrabaho eh.”
Wow. Parang gusto ko maubo sa sinabi niya. Ako nga iilan lang kilala ko dito at yung mga iyon ay yung madalas magka penalty sa librong hiniram na late naisauli.
“Ehem.” napatingin kaming tatlo sa tumikhim na tumabi kay Zygo. Walang duda. Ito marahil ang kakambal niya kasi magkasing tangkad at kutis sila pero kulay amber ang buhok nito at magkabaliktad ang kulay ng kanilang heterochromia dahil nasa kanan ang gray at nasa kaliwa ang brown.
“Zyga Valiente.” may awra siyang pagka mataray at nakipag kamay kay Ate Sep.
Ewan ko ba. May kakaiba sa kambal na ito na hindi ko mawari pero syempre hindi ko na iisipin pa kung ano iyon dahil parang may kidlat effect sa pagitan ni Zyga at Ate Sep.
“Isasauli ba?” tanong ko at tumango si Zygo at iniabot sa akin ang libro.
Pagtapos kong i-scan ang libro at iencode na naisauli na ito ay inilagay ko muna ito sa gilid para maipon ko yung mga librong naisauli bago ko ibalik sa shelves.
“Pamilyar ang mukha mo.” dinig kong sabi ni Zyga.
“Mukha bang artista?” biro ni Ate Sep kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Ngayon palang tayo nagkita.” sagot ko.
“Anong pangalan mo?” tanong ni Zygo.
“Aryscos Henson.”
“Ah. Sige. Tatandaan namin iyan.” sabay silang ngumiti at lumakad palabas ng library.
Nagkatinginan kami ni Ate Sep sa ikinilos nila. Weird. Ngayon ko palang naman kasi sila nakita ng personal.
3 am na ng mapagpasyahan kong maglibot sa school grounds tutal nasa classroom naman ang mga estudyante ng night class thou one hour nalang at uwian na nila.
7 pm kasi ang start ng class nila hanggang 4 am. I wonder kung may mga inaantok din sa klase nila. Nagpaalam naman ako kay Ate Sep at pumayag siya dahil na rin sa kailangan daw niya ng “me time”. Sus. Kamo, gusto lang niya makapuslit ng tulog. Pumipikit-pikit na kasi siya kanina after ng lunch namin ng 1 am.
Sobrang dilim siguro dito kung wala lang mga lamp post sa bawat kanto at napakatahimik kung wala lang akong suot ng earphones na may dumadagundong na music.
Saan kaya magandang pumunta?
Natanaw ko sa di kalayuan ang malakas na buga ng tubig paitaas mula sa fountain namin kaya duon ako tumungo. Ipinatong ko sa balikat ko ang earphones ko at inappreciate ang ganda ng fountain namin at napatingin ako sa ibaba nito na may mga barya. Wow. Ngayon lang ako nakapunta ng malapitan dito kaya ngayon ko lang nalaman na ginagawa palang wishing fountain ito ng mga estudyante.
Kumapa ako sa bulsa ko para tignan kung may barya at kapag sinuswerte ka nga naman ay meron. Hahaha. Wala namang masama kung gagayahin ko sila pero anong iwi-wish ko?
Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin na yumayakap sa balat ko at ibinulong sa hangin ang wish ko sabay tapon ng barya sa fountain. Narinig ko pa ang pagtama nito sa tubig at wala pang ilang lakad ang naitakbo ko sa biglaan kong pagtalikod sa fountain ay tumama ako sa kung ano at isang pamilyar na bango ang naamoy ko bago lumanding ang pwetan ko sa lupa. Napakagat ako sa labi ko sa sakit. Sheteng gala iyan!
“R-rico?”
Napaangat ako ng tingin sa nakabanggan ko at halos ma-jawdrop ako sa gulat. Walangya!
Napalunok ako sa biglang kilabot na naramdaman ko.
Halata ang gulat sa mukha ng taong nabangga ko na may hawak na baston sa kaliwang kamay niya na angat ang kaputian ng kanyang balat dahil sa all black na kanyang suot na may kulay emerald na mga mata at linen whitegold na buhok at ganun din ang babae na nasa likod niya sa bandang kaliwa na may mandarin brown na buhok at brown na mata na nakasuot ng makalumang maid uniform.
May dalawa pa silang lalaki na kasama na parehas naka all black ang suot at yung isa ay may kalakihan ang katawan na mukhang nasa mid 50’s yata ang edad at yung isa obvious mong matanda na talaga at ayaw ko ng manghula pa ng edad niya.
Tutulungan na sana ako tumayo ng babaeng naka maid outfit ng pigilan ko siya. Ewan. Parang kusang gumalaw ang kamay ko at sinenyasan siyang wag lumapit. Maganda siya, in fairness. Pero napansin ko ang biglang paglungkot ng mata niya sa ginawa ko.
Magsasalita sana ako para humingi ng sorry sa ginawa ko at mag thank you sa offer niyang tulungan ako kaso biglang isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko at patakbong lumapit sa akin.
“Arys! Kanina pa kita hinahanap!”
“H-ha? bakit? Nagpaalam ako sa’yo di ba?”
“Oo nga kaso biglang nagpatawag ng meeting si Mr. Phil sa atin at tayo nalang ang wala du’n kaya tara na! Kanina pa nila tayo hinihintay.”
“Sige.” muli akong tumingin sa lalaking nabangga ko kasi bigla kong naalala na tinawag niya akong Rico. Siguro may kakilala siyang kahawig ko. Hihingi sana ako ng paumanhin sa pagbangga ko sa kanya kaso bigla nalang hinawakan ni Ate Sep ang kamay ko at hinila ako palayo sa kanila. . . sa kanya .
Ewan ko ba. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko hanggang ngayon na nakalayo na kami sa kanila at bakit parang may kirot akong nararamdaman? Dahil ba iyon sa babae kanina o duon sa lalaking nakabungguan ko?
A/N:
Posted: April 20, 2019 at 03:31 AM
Yehey! Nakapag update din. Sana matapos ko agad ito kasi may panibago akong naisip na concept para sa isang BxB story. Share lang.
’Til next update. Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 7: UNCLE
Pagkauwi ko ng bahay ay imbis na matulog na ako agad ay nagluto pa muna ako ng agahan ko na scrambled egg with diced potatoes and carrots at nagsaing ng bigas.
Hindi ko alam pero sobrang bothered ako sa encounter ko du’n sa lalaking may hawak ng baston at sa kasamahan niya at alam kong connected sila duon sa kambal na pumunta ng library kaninang shift dahil if I’m not mistaken sila yung grupo ng nga nakatalikod na humans na tinuro sa akin ni Ate Sep before ng start nh shift namin.
Malinaw kong natatandan ang reaksyon ng mukha niya ng makita ako at ang pagtawag niya sa akin ng Rico. Sino yung Rico? Magkahawig siguro kami?
Panandalian kong kinalimutan ang pagiisip sa misteryosong lalaki na iyon at kumain ng almusal at nag desisyon na akong magpahinga dahil sobra akong drained ngayong araw for no reason.
“Arys!” tawag sa akin ni Ate Sep na kapapasok lang ng library. Wow. Buti pa siya may energy para sa ikalawang gabi namin sa night class.
Nauna akong dumating sa kanya dahil maaga akong nagising. Nagtataka nga ako dahil pagdating ko kaninang 5 pm ay wala dito si Emery. Absent kaya siya ngayon?
“Oh. Sa’yo iyan.” inilapag niya sa harap ko ang isang pint ng rocky road ice cream at nagningning ang mata ko pagkalapag niya nu’n pero agad ding kumunot ang nuo ko.
“Bawal magpasok ng pagkain dito di ba?”
“Oo nga pero wala namang magsusumbong kung walang makakakita kaya if I were you, kainin mo na iyan bago pa malusaw.” inabot niya sa akin ang plastic spoon at tumabi sa akin para kainin ang kanyang sariling ice cream pint na cookies and cream ang flavor.
Bawat subo ko ay ninanamnam ko ang pag melt ng chocolate sa dila ko at ine-enjoy ko ang pag nguya sa crunchy na peanuts at malambot na marshmallow. Ang sarap ng ice cream pero mas masarap kasi libre! Pero syempre, hindi ko pa rin pagpapalit ang pagmamahal ko para sa mga cakes!
“Ano palang meron at bumili ka nito?”
“No reason. Anyway! May naalala ako!” excited niyang sabi sabay sandok ng kutsara niya sa ice cream ko at kain nu’n. Luh! Ang daya!
“Shuta!” sabi ko ng ilayo niya ang ice cream niya sa akin ng subukan kong sandukin ang kanya.
“Sino yung mga kasama mo kagabi?”
“Ha? Kasama? Saan?” may kasama ba ako kagabi?
“Yung duon sa may fountain bago kita hilahin papunta sa meeting natin with Mr. Phil. Nakita kitang kasama ang isang grupo ng kung sino man iyon. In fairness, nasira ko ang moment. Nakita ko kasi kung paano mo sila lingunin na parang sa mga drama habang inilalayo ng side character ang bida.”
“Ah! Iyon ba? Sila yata yung pamilya nung kambal. ’Di ba nakita natin sila kahapon na may mga kasama? Sila iyon.”
“Ay really? Kaya pala familiar yung girl na nakasuot ng maid uniform na pang oldies era at siya din yata yung nakita mo before sa may gate na itinuro mo sa akin.”
“Siya nga din yata iyon? Pero ang weird ’no? Di ba siya naiinitan sa damit niya?”
“Eh kung iyon ba ang uniform na gusto ng amo niya eh may magagawa ba siya?”
“Sabagay. Weird din ng mga lalaking kasama niya. Lahat sila naka kulay itim. Parang aattend ng lamay.” sabay kaming natawa sa sinabi ko at sakto namang pagtapos naming kumain ng ice cream ay magsi-six o’ clock na kaya nagsimula na kami mag prepare sa shift namin.
Isang oras palang ang lumipas ng mag start ang night class sa mga klase nila ay may mga estudyante ng pumasok sa library. Natatawa nga ako at naweweirduhan din at the same time kasi tinatanong nila ang pangalan ko at wagas kung makatitig sa mata ko na parang dapat ma-hypnotize ako thou tinanong din naman nila ang pangalan ni Sep pero basta. Ang weird ng kilos nila towards me.
“Hi.” impit akong napangiti sa bumati sa akin.
“Hi Zygo. Nasaan si Zyga?”
“Nasa classroom. Tinatamad akong samahan eh. Anyway. .” napatingin ako sa inilapag niya na medium sized na black box na may black ribbon. “. . Pinabibigay ng Uncle ko sa’yo.”
“Ha? Sa akin?” turo ko sa sarili ko. Nagtataka ako kung bakit ako bibigyan ng tito niya ng kung ano man iyang nasa box na iyan. Sino ba tito niya?
“Oo. Dispensa niya daw sa nangyari kagabi. Sige, mauna na ako.” ngumiti siya sa akin at ngumiti kay Ate Sep na nasa tabi ko na pala bago lumabas ng library.
“Wow. Iba. Magpabangga nga rin ako para mabigyan akonng gift. Infairness! Ang galante!” sabi niya bago tangkain na hawakan ang box kaso tinapik ko ang kamay niya.
Ewan pero ang bilis ng tibok ng puso ko. So, tito pala ng kambal yung nakabanggan ko kagabi?
“Yiiee! Namumula siya oh.” malisyosang sabi ni Ate Sep sabay poke sa pisngi ko.
“Tumigil ka nga!” nahihiya kong sabi at inilagay sa ilalim ng desk yung box. Mamaya ko nalang siya bubuksan kapag wala na yung mga estudyante dito at umalis itong si Ate Sep thou curious na curious na akong tignan kung ano iyon. Don’t get me wrong. Hindi ako materialistic na tao pero syempre nakapagtatakang bigyan niya ako ng regalo eh ako nga itong tatanga-tanga na bumangga sa kanya kaya bakit? Bakit niya ako binigyan ng regalo kung para lang ito sa dispensa?
Pagdating ng breaktime ay lumabas kami ni Ate Sep at pumunta sa isang 24-hour convenient store at bumili ng makakain namin. Puno kasi yung cafeteria ng mapadaan kami. Akalain ninyo iyon? Mga elitista na dumadayo ng cafeteria para bumili ng pagkain? Akala ko dahil mga mayayaman sila ay may mga dala silang cook dito para paghainan sila. Hahaha.
“Yehey!” with matching palakpak pa ako ng makita ko ang inilapag niyang pagkain sa table kung saan ako nakapwesto. Well, 30 minutes ang break namin kaya pwede kaming lumabas ng school just so you know, pero syempre, sa aming mga school admin lang hindi kasama ang mga estudyante. Aba, baka mamaya may mangyari sa kanila kung pati sila pwede lumabas at maging sagutin pa sila ng school.
“Ayan ha! Butter oatmeal choco chip cookies, soft brownie cookies, isang slice ng chocolate cake at sterilized milk ang binili ko sa’yo ha! Baka mamaya ipagpalit mo na ako dahil lang sa bigay sa’yo ng uncle ni Zygo.” pagda-drama ni Ate Sep na natatawa kong inilingan.
“Sira. Maka-drama naman akala mo pakakasalan ko na uncle niya.” ewan ko ba pero ang weird ng pakiramdam ko sa sinabi ko.
“Biro lang, pero what if! What if ligawan ka niya?” kinikilig niyang tanong kaya pinasakan ko siya ng binili niyang chips sa bunganga.
Nakakahiya! Lumingon ako sa paligid para tignan kung may nakarinig ba sa sinabi niya at luckily ay may kanya-kanyang mundo ang mga customers na nandito.
“Alam mo minsan Ate Sep, may sayad ka eh ’no? Iyon? Yung lalaking iyon? Malabo! Mayaman iyon kaya sa tingin mo ba papatos ’yun ng tulad ko na hindi na nga mayaman ay hindi din babae?”
“Ito naman! Ang hard mo sa sarili mo ’no? Tingin mo ba kung di ka type nu’n bakit siya mageeffort na magbigay ng regalo sa’yo? Take note, mukhang mamahalin pa iyon! Tingin mo ba pang peace offering niya lang ’yun aber?” tinaasan niya ako ng kilay at nag-ala “I know everything” pose.
“Baka kamo namali lang siya ng pagbibigyan.”
“Wow naman sa namali ng pagbibigyan para maging specific na ibigay niya iyon kay Zygo para ipabigay sa’yo. Wow! Iba rin.”
“Eh basta! Impossible iyang mga pinagiisip mo.” tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain ng magsalita ulit siya.
“Try mong mag setup ng meet-up sa Uncle ni Zygo. Kunwari gusto mo mag thank you sa bigay niya which in reality, kailangan mo naman talagang gawin at ayun. Chikahin mo. Kilalanin mo. Para malinawan ka, tayo, kung type ka niya. There’s no hurt in trying.”
Naubo ako sa sinabi niya dahil iba ang naisip ko. Takte talaga.
“Gusto mo bang ayain ko makipag date ang uncle ni Zygo, ha?”
“Uhm. . Exactly!”
Sabi na eh. May nalalaman pa siyang meet-up para mag thank you kuno. Jusko.
“Not gonna happen! Over my dead body! May hiya pa ako sa sarili ko ’no.”
“Alam mo Arys, di na uso ngayon ang pa-keme. Tatanda kang mag-isa n’yan eh. Concern lang ako ’no. Malay natin, yung uncle pala ni Zygo ang forever mo.”
“Gaga! ’Di totoo ang forever. Wala pa akong nabalitaan na mag syotang nakapagpa-totoo n’yan dahil wala namang tao na nabubuhay ng matagal. Napaghihiwalay sila ng death. Kaya nga sa vows di ba? ’Til death do us part.”
“Ay napaka talaga! Bitter mo eh ’no? Siguro nung nakaraang buhay mo, iniwan ka ng kasintahan mo ’no? Hayaan mo baka hinahanap ka na. Ayan nga’t may scar ka sa kaliwang daliri mo.”
“Ayan ka na naman sa mga kalokohan mo. Tara na nga. Malapit ng matapos ang breaktime natin.”
Naunang bumalik sa akin si Ate Sep ng library dahil dumaan pa ako ng cr para umihi at isang hindi inaasahan na eksena ang nakita ko pag labas ko ng cubicle.
“Anak ng-!” at nandilim ang paningin ko.
A/N:
Posted: May 04, 2018 at 1:30 AM
Hala! Ano kaya ang nakita ni Arys? Mamamatay na ba siya sa susunod na kabanata? Anyway, kung tambay kayo ng convenient store gaya ko kung saan ako madalas maka isip ng idea para sa story ko ay alam ninyo na kung anong madalas kong bilhin at anong brand. Hahaha. Share lang.
O’sya. ’Til next update. Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 8: VALENTINE
“Girl! Anong ginagawa mo d’yan sa sahig? Nagpapaka Aurora ka ng Sleeping Beauty?” kuryosong tanong ni Ate Sep sa akin.
Nagtatakang kumamot ako sa ulo ko habang nakasalampak pa rin ako sa sahig.
“A-ah, di ko alam?” anong bang nangyari? Ang huli kong natatandaan ay umihi ako tapos. . tapos. . shit? Ano na nga ulit ang nangyari?
“Ay nakakaloka ka! At ano ito? Saan mo ito nakuha? Jusko buti nalang may wrapper kundi ang kadiri ha!” kinuha niya ang choco oatmeal cookie na nasa kamay na ’di ko rin alam paano ako nagkaruon nu’n. Wala akong maalala na bumili ako nito.
“Oy! Akin iyan!” kuha ko pabalik kahit na nawe-weirduhan ako sa nangyari sa akin.
“Eh di sa’yo. Kaloka! Tara na nga.”
Sabay kaming lumakad pabalik ng library ni Ate Sep at ewan ko ba. Hindi pa rin ako mapalagay. Parang may mali.
“Arys.” liningon ko si Ate Sep at tumama ang hintuturo niya sa pisngi ko.
“Bakit ba?” inis kong tanong. Kanina niya pa kasi ako tinatawag eh alam naman niyang busy ako sa pageencode.
“Sabi na eh. Iniisip mo pa rin yung kanina ’no? ’Di mo maalala anong nangyari sa’yo.”
“Ha? Paano mo nalaman?”
“Obvious kasi. Masyado kang seryoso. ’Ni hindi mo nga napapansin yung mga estudyanteng pogi na nandito ngayon na nakatingin sa’yo. Usually madali kang maconscious pag alam mong may nakatingin sa’yo.”
Nang marealized ko ang sinabi niya ay napatingin ako sa mga estudyanteng sinasabi niya at bago pa magtama ang mata ko sa kanila ay agad na silang umiwas ng tingin.
“Sorry.”
“Hindi mo ba talaga maalala anong nangyari sa’yo?”
Inilingan ko siya. Kung sana lang naaalala ko eh kaso hindi.
“Hayaan mo nalang iyon. Baka may dahilan kung bakit hindi mo maalala.”
Dahilan? Anong dahilan? ’Di bale na nga.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng magsimula kaming pumasok ng night shift para sa night class at masasabi kong parang wala namang pinagkaiba ang mga ginagawa namin sa night class. Trabaho pa rin naman. Thou sa isang linggo na iyon ay marami akong napansin. Ewan ko kung ako lang ba or napansin din ito ng ibang tulad ko na nagmula sa morning class.
’Yung mga night class kasi na nga estudyante thou malamig na ang klima sa labas, imbis na isang aircon lang ang buksan at nasa mid lang dapat ang temperatura ay hindi. Dalawang aircon ang nakabukas sa kanila at kundi 16 minsan nasa 13 degrees celcius ang temp kaya di nakapagtatakang ang mga teachers galing ng morning class ay mga nakasuot na ng makakapal na coat pag pumapasok dahil sa weird na lamig na gusto ng mga estudyante. Actually, nadamay nga din kami sa ganitong temp dahil may isang estudyante na nagsumbong yata kay Mr. Phil na mataas ang temp ng aircon namin at di nila ramdam ang lamig kaya ayun, pati si Ate Sep kung magdamit ngayon akala mo nasa North Pole nakatira. Hahaha. Ako? Well, ewan ko. Kaya naman ng katawan ko ang lamig na gusto nila. Weird nga actually kasi sa apartment wala namang aircon kaya di ko alam paano ko natatagalan ang ganito kalamig na temp.
Tuwing breaks at lunch naman ay may sikat na sikat na inumin akong nakikita sa kanila. ’Di ko alam kung strawberry ba iyon or cranberry kasi di naman siya pulang-pula pero kapag iniinom iyon ng mga estudyante ay para silang adik na lalaklak ng lalaklak nu’n. Hindi siya juice kasi ng minsan mapadaan kami sa hallway at nakita ko ang isang estudyante na may hawak na puting tableta na inilagay niya sa dala niyang mineral water at instant iyon na kumulay. Like, what the hell? Iyon ba ang “in” sa mga rich kids? Anong klaseng inumin iyon?
Isa pa sa napansin ko ay tuwing uwian nila ay mas mabilis pa sa school service ng mga nasa morning class ang sundo ng mga nasa night class like, what? Ang mga bantay naman sa gate ay hindi basta-bastang pinalalabas ang mga estudyanteng wala pang sundo. Weird di ba? Well, alam ko naman na it’s for their safety pero kasi pauuwiin din naman sila kapag paliwanag na. ’Yung mga tipong bago mag 5:15 AM? Bago pa man sumikat ang araw at saka palang sila paaalisin pero at the same time, madilim pa rin naman iyon kaya di ko gets?
“Arys, kamusta na yung cake?”
“Anong cake?” inabot ko kay Ate Sep yung limang librong hawak ko na isinauli ng dalawang estudyanteng pumasok kani-kanina lang.
“Luh, siya. ’Yung cake na binigay sa’yo ng uncle ni Zygo. Nakain mo na ba?”
“Hindi pa. Nasa ref pa rin.”
“Wow! Himala yata at di ka PG ngayon sa cake.”
“Gaga! Busy lang ako kaya gustuhin ko man ay uunahin ko muna ang tulog.” pero ang totoo, may time naman ako para kainin iyon eh kasi nga di ba? Cake is life pero ewan ko. Para akong nakokonsensya kainin iyon. Mukha kasing mamahalin compare mo sa mga usual na cake at ang nakakatawa pa, may medium sized na rose ang nakadesign dito at para siyang may pixie dust na kulay pula na nag blend accordingly sa all black na kulay ng cake.
Ngayon palang may idea na ako na favorite color siguro ng uncle niya ang black pero yung rose? Ewan. Di ko gets.
“O’sya. Labas muna ako. Tignan ko lang kung may natira pang pagkain sa canteen at ng makabili ako ng makakain.” paalam ko.
“Sige, sige. Ako muna bahala dito.”
Hindi kasi kami kumain sa last break namin kasi si Ate Sep natulog, ako naman nagbantay sa kanya para magising ko agad siya if ever man na may pumasok kasi baka makarating na naman iyon kay Mr. Phil.
Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko ang mga estudyante sa may gate na sinusundo na ng kanilang mga sundo. Uwian na pala nila. Ibig sabihin 4 am na. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may marinig akong pamilyar na mga boses na naguusap.
“Argh! Gusto ko na umuwi! Bakit ang tagal nila?!”
“Baka marami na namang tao. Kung di sila makarating eh di hindi. Papauwiin din naman nila tayo bago sumikat ang araw.”
“Then what? Ayaw ko masunog ang balat ko ’no! Argh! Naiinis talaga ako!”
Teka, matignan nga sino itong mga ito.
“Mr. and Ms. Valiente?”
“A-ah. .” gulat silang napatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha or, teka, bakit kakaiba sila kung makatingin sa akin?
“Wala pang mga sundo ninyo?” di ko nalang pinansin ang ikinilos nila kasi baka ako lang naman ang nagiisip nu’n.
“Wala pa pero baka parating na rin iyon.” naka ngiting sagot ni Zygo.
“Ganun ba? Sige, mauna na ako.” nagpatuloy ako sa paglalakad at pagdating ko ng canteen ay ’ni isang tirang pagkain ay wala man lang ako naabutan. Hay. Grabe naman.
Nag desisyon akong tumungo sa 24/7 convenient store at nagtingin ng pwede kong mabili na pagkain. Nagugutom kasi ako at gusto ko ng makakain but for some reason, ng makarating ako ay wala naman akong mapili dahil parang di ko gusto ang mga pagkain na nakita ko duon.
Bumalik ako ng school at ng muli akong napadaan sa hallway ay nanduon pa rin ang kambal at mukhang hindi na mapakali si Zyga dahil mukha na siyang naiiyak at gutom samantalang yung Zygo naman ay iiling-iling lang sa kanya. Wala pa rin sundo nila?
Napatingin ako sa wall clock na nasa luob ng library ng makabalik ako kung saan naabutan ko si Ate Sep na mahimbing na natutulog.
Ten minutes before 5 am.
Napatingin ako sa may bintana na para bang may bumulong sa likod ng aking isipan na puntahan yung kambal at ihatid sila kaya iyon ang ginawa ko. Nag iwan ako ng note sa tabi ni Ate Sep na may gagawin lang ako saglit at hintayin ako sa may convenient store.
“Ihahatid mo kami? Sigurado ka?” alinlangan at nagtatakang tanong ni Zyga sa akin na napatingin pa sa kanyang kakambal.
“Oo, ayaw ninyo ba? Gusto ninyong maabutan ng araw?”
“Ah kasi, baka makaabala kami sa iyo.”
“Hindi ’no. Sige na.”
“Pero baka di rin kami makalabas kasi hindi ikaw ang alam ng mga bantay na sunod namin.” alalang saad ni Zygo.
“Iyon lang ba? Ako ng bahala. Tara.”
Nagningning ang mata ng kambal at tumabi sa akin sa magkabilang gilid ko. Napansin ko ang kakaibang tingin nila sa isa’t-isa at sa akin pero pinagkibit-balikat ko nalang.
“Teka, may isa pa palang gate dito?” tanong ni Zyga.
“Oo. Dito kami lumalabas na mga taga morning class pagpa pasok kayong mga taga morning class.”
“Wow. Ngayon ko lang nalaman ito. Akala ko iisa lang ang daanan dito.”
“Akala ko din ng unang pasok ko dito. Wag kayong maingay tungkol dito sa isa pang gate ha? Pare-parehas tayong malalagot nito kapag may nakaalam.”
“Okay. Walang problema. Sikreto ay sikreto. Atin lang tatlo ito.” sabay nilang sabi ay niyakap ako ng mahigpit. Pakiramdam ko ay uminit ang magkabilang pisngi ko sa ginawa nila. Sweet.
“Teka, ano kayang sasakyan natin? Gusto ninyo mag taxi?” tanong ko ng makalabas kami ng school ng walang nakakapansin.
“Ayaw. Lakad tayo.” naka pout na sabi ni Zyga.
“Ha? Lakad? Eh baka abutan na tayo ng sikat ng araw kung maglalakad tayo. Isa pa, ayaw ko naman kayong mapagod. Baka pagalitan ako ng magulang ninyo.”
“Wala namang magagalit saka mabilis kami maglakad. Ikaw ba?” tanog ni Zygo.
“Mabilis ako maglakad ’no.”
“Akala ko lakad prinsesa ka eh. O’sya. Tara na.” excited na sabi Zyga.
Sa paglalakad namin ay napansin ko kung paano sila ma-amaze sa mga nakikita nila sa daan na pinagtaka ko kaya hindi ko maiwasan na hindi magtanong.
“Unang beses ninyo ba itong maglakad pauwi?”
Sabay silang tumango kaya’t napa facepalm ako. Sabi na eh.
“Patay ako sa magulang ninyo pag nakarating tayo sa inyo.”
“Baka kamo matuwa.” sabi ni Zyga na hindi ko masyadong narinig.
“Ano?”
“Wala.” ngiti niya sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang saradong coffee shop na may katabing flowershop sa isang eskinita. Nakapagtataka nga na iyon lang ang nakatayong business stall duon kasi kung hindi ka dumadaan sa parte na iyon ay hindi mo malalaman na may flower ahop at coffee shop du’n plus medyo dim ang liwanag sa kinatatayuan namin kasi nasa malayo yung lamp post.
Teka nga, bakit kami nandito? Gusto nila mag kape? Bumili ng bulaklak?
“O-oy! Anong ginagawa mo?” panic ko ng mapansin kong binuksan ni Zygo ang nakasarang coffe shop. Nagtaka nga ako kasi isang tulak lang niya ay bumukas na iyon. ’Di ba dapat nakakandi iyon at may padlock?
“Tara.” yaya ni Zyga ay hinila ang kamay ko papasok.
“T-teka, ano bang ginagawa natin dito? Umalis na tayo. Mamaya may cctv dito at makita tayo. Ayaw kong lumabas sa balita at tugisin ng mga kinauukulan.” sabi ko habang pilit na hinahatak si Zyga na sumama sa akin palabas but for some reason ay hindi ko magawa dahil ang lakas niya.
“Relax, Mr. Aryscos.” sabi ni Zygo at binuksan ang pintuan na siguro ay staff room.
Jusko. Ano ba itong ginagawa ng kambal? Ano ba itong pinasok ko? Bakit ako nag volunteer na ihatid sila pauwi? Shit. Shit.
Rinig ko ang pagtunog ng switch malapit sa akin na sa malamang ay pinindot ng isa sa kambal at bumungad sa akin ang isang pababang hagdanan. Tokwa. Saan ito papunta?
“Zygo! Zyga! Bumalik na tayo!” natataranta ko ng pakiusap sa kanila.
“Uy, ’di halatang excited siya.” masayang sabi ni Zyga na pinagtaka ko kung bakit niya iyon nasabi, pero di pa rin nila pinansin ang pagka taranta ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit patuloy pa akong sumusunod sa kanila eh di hamak naman na mas matanda ako sa dalawang ito.
Pagkababa namin ng hagdan ay lumakad kami sa isang hallway na walang kahit na ano maliban sa kulay orange na mga ilaw na nakahilera patungo sa nagiisang naka saradong pinto sa kabilang dulo ng daan.
Ano kaya yung pinto na iyon?
“Hay, salamat! Nakauwi rin! Katukin mo na.” utos ni Zyga sa kakambal niya.
Samantalang na-tanga ako sa narinig ko. Luh. Ano daw? Nakauwi rin? Don’t tell me?!
Tatlong katok ang ginawa ni Zygo sa nakasaradong pinto na nakaka mangha dahil para itong sa mga lumang panahon na pintuan. May korteng mukha ng itim na pusa ang nasa gitna at sa ilalim nito ay may bilog na hawakan na gawa sa metal na kulay ginto ang siyang itinutok ni Zygo kani-kanina lang. Muntik na akong mapa sigaw ng mapansin kong gumalaw ang mata ng pusa.
“Paano kayo- teka, isang bisita!” masayang sabi ng isang lalaking pamilyar sa aking paningin na naka suot ng itim na suit na mukhang nasa 50’s at siyang nagbukas ng pintuan sa amin.
“Mahabang istorya.” walang ganang sagot ni Zyga at pumasok sa luob.
Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko dahil hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga nangyayari. So? Dito sila nakatira? Ang cool pero at the same time ay weird.
“Aryscos. Tara sa luob ng magpasalamat sila sa’yo sa paghatid sa amin.” sabi ni Zygo na nagaabang sa pintuan katabi ng lalaking naka suit. Duon ko lang napansin na matangkad ito at malaki ang katawan na may mahabang bigote. Para siyang spanish butler. Hahaha.
“A-ah naku, wag na. Sige, mauna na ako.”
“Hindi magandang hindi nila makilala ang mabait na tulad mong naghatid sa dalawang ito.” sabi ng lalaki sa akin na kinapula ko.
“Naku, okay lang talaga. May naghihintay kasi sa pagbalik ko.”
“Iyon bang kaibigan mong babae sa library? Akin na ang number niya at ako ang tatawag para ipaalam ka.” sabi ni Zyga at inilahad ang kama niya sa akin.
“Ah-eh. .” kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at inabot iyon sa kanya. May signal kaya dito?
“Tara.” niyaya ako ni Zygo sa luob habang si Zyga naman ay umiba ng direksyon. Hay. Yari ako nito kay Ate Sep. Kukulitin ako kung bakit ko hinatid ang kambal ng di ko man lang sinabi sa kanya.
“Maupo ka muna, señor.” nahihiyang umupo ako sa di maitatangging mamahaling couch at pinagmasdan ang buong paligid. Mukhang mamahalin lahat ng nandito.
Teka, nasaan na si Zygo?
“Anong gusto mong inumin? Whiskey? Gin? Vodka? Sabihin mo lang at aking titimplahin.”
Ano raw? Mga alak iyon ah?
“T-tubig nalang.” pabulong kong sagot na kinatawa niya.
“Masusunod, señor.”
Naiilang ako sa tawag niya sa akin.
“Arys nalang po itawag ninyo sa akin.”
“Masusunod, señor Arys.” napa facepalm ako mentally at hinayaan nalang siya sa gusto niyang itawag sa akin. Di ko alam saan siya pumunta dahil naiwan akong mag-isa sa kwarto kung saan red velvet ang kulay ng pader na may naka ternong kulay gintong disenyo.
Ito siguro ang guest room. Malaking chandelier lang kasi ang nakikita ko dito at isang mahabang table na gawa sa transparent salamin at itong malambot na itim na couch na inuupuan ko. Medyo weird ang disenyo ng bahay ng kambal. Akalain ninyong sa ilalim ng coffee shop ay may bahay. ’Yung nasa taas siguro ang business ng pamilya nila.
Habang hinihintay ko ang pagbalik ng kahit isa sa tatlo ay isang pamilyar na tugtog ang narinig ko. Mukhang may nagpi-piano. Sino kaya iyon?
Pumikit ako at pinakinggan ang magandang tugtugin na aking naririnig. ’Di ko maiwasan na mapakanta dahil dito.
back, hurry back
please bring it back home to me
’because you don’t know
what it means to me
love of my life, love of my life
Ilang minutong katahimikan din ang namayani sa aking paligid bago ko napagpasyahan na buksan ang aking mga mata at muntik na akong matumba sa kinauupuan ko ng makita ang kambal kasama ang apat na taong una ko ng nakita sa may fountain ng school.
“Aryscos, meet Mr. Kin Nexus Valentine .” pakilala ni Zygo.
Napatingin ako sa kanya at bumalik ang di ko maipaliwanag na pakiramdam sa akin.
A/N:
Posted: May 05, 2019 at 2:40 AM
Huehue. Finally. Naisip ko rin kung anong magiging pangalan ng uncle ng kambal dito ah. Sinong excited sa susunod chapter? Taas ang kamay!
Anyway, ’til next update! Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 9: PAINTING
“H-hi.” naiilang kong sabi at yumuko. Shit. Ano bang nangyayari sa akin? ’Di ako mapakali.
“Nagkita uli tayo,Rico.”
“Valentine, hindi Rico ang pangalan niya kundi Aryscos. Hay. Kasasabi ko lang eh.” sabat ni Zygo.
Teka, Rico? Iyon din ang tinawag niya sa akin ng una kaming magkita.
“Ah, oo. Tama si Zygo. Aryscos ang pangalan ko. Aryscos Beau Henson pero Arys nalang.” duon ko lang napansin na titig na titig sa akin yung babae na naka maid outfit na mahaba. Ugh. Lalo tuloy akong naiilang.
“S’ya nga pala, ang iyong tubig señor Arys.” inabot sa akin ng lalaki kanina ang tubig na aking hiningi at sinimsim ito ng kaunti at umupo ulit sa couch ng mapansin kong patungo sila sa may couch na katapat ng sa akin.
Umupo si Kin sa malaking couch katapat ko samantalang nasa likod lang niya nakatayo yung lalaki kanina na nag abot sa akin ng tubig, yung babaeng naka maid outfit at yung lalaking hindi ko na huhulaan ang edad dahil mukhang matanda na talaga. Ayaw ba nila umupo?
“Sabi sa akin ni Zygo at Zyga ay ikaw ang naghatid sa kanila dito. Totoo ba?”
“Ah, oo.” ewan ko ba pero bakit ganun yung tanong niya? Obvious naman di ba? Nandito nga ako eh, alangan namang na-tripan ko lang pumunta dito para makita siya. Tss.
Bigla akong napatingin duon sa matandang lalaki ng matawa siya pero agad din niya itong itinigil. Huh? Bakit siya natawa? Weird.
“Oy Phryne. Tigilan mo iyan. Baka matakot si Arys at di na bumalik dito.” sita ni Zyga.
“Pasensya na. May narinig lang kasi akong nakakatawa.” sabi niya at nakangiting tumingin sa akin.
Huh? Nakakatawa? Saan? Wala naman akong narinig ah. Napalunok ako sa di malaman na dahil dahil pakiramdam ko nagtaasan ang balahibo ko sa sinabi niya.
“Ikwento mo sa akin mamaya ang narinig mo.” sabi ni Kin at muling tumingin sa akin.
“Rico, kung hindi na-” sabi niya ngunit pinutol ito ng kambal.
“Arys nga!” pagka-klaro nila.
Bakit ba panay ang tawag niya sa akin ng Rico? Kaanu-ano niya ba iyon? Malamang talaga ay kahawig ko ang tao na iyon.
“Gusto mo ba ng matamis, Mr. Henson?” nalipat ang atensyon ko sa babaeng naka maid outfit ng magsalita siya.
Wow. Ngayon naman Henson. Masyadong pormal pakinggan.
“M-matamis?”
“Ang ibig niyang sabihin ay gusto mo ba ng dessert?” sabi ni Zyga at humarap sa babaeng naka maid outfit, “Nakakagulat yata Ae at nag alok ka ng makakain sa bisita.”
Inirapan lang niya si Zyga at lumakad papunta sa kung saan. Hala. Naoffend niya yata.
“Zyga, di mo dapat siya sinabihan ng ganun.” saway ko sa kanya.
“Ayos lang iyon, Arys. Ganun talaga iyon.” pagtatanggol ni Zygo sa kakambal niya.
Anong ganun talaga iyon? For sure, na-offend talaga yung babae na iyon eh.
“Para sa’yo.” sabi ng babaeng naka maid outfit ng bumalik siya dala ang isang tray na may lamang bagong baked cookies at isang basong gatas. Geez. Naglalaway ako sa amoy palang ng cookies. Nakakahiya man ngunit agad ko itong nilantakan ng magpasalamat ako du’n sa babae at bago siya bumalik sa kanyang pwesto ay kita ko ang impit na ngiti sa kanyang labi.
“Pahingi!” parang bata na sabi ni Zyga at pakuha na ng isang cookie ng tumigil siya ng makita ang tingin na binigay sa kanya ni Kin at nung babae.
“Ah, hindi okay lang. Gusto mo ba?” alok ko kay Zyga ngunit tumanggi siya.
“Habang ikaw ay kumakain señorArys, kami ay magpapakilala sa’yo ng pormal. Maari ba?”
“S-sige po.”
Umalis sa tabi ko ang kambal at humilera sa tatlo na nasa likuran ni Kin.
“Zygo/Zyga Valiente.” sabay na pakilala ng kambal kahit na kilala ko na sila.
“Ako si Diego Valiente, señor Arys.” nakangiting pakilala ng lalaki na kanina’y nag serve sa akin ng tubig. Valiente ang apelyido niya? Ibig sabihin, siya ang tatay ng kambal?
“Ako si Aella Soames, Mr. Henson. Maaari mo din akong tawaging Ae.” pakilala ng babaeng naka maid outfit. Ah. Ae pala ang pangalan niya. Letter T lang pala ang kulang at pwede na maging Ate. Pero ang weird naman kung Atella ang pangalan niya. Tunog Athena. Hahaha.
“Phryne Argus, Mister Arys.” pakilala ng matandang lalaki na di ko talaga balak hulaan ang edad dahil sa hitsura niya pero gusto ko malaman kung bakit siya natawa gayong wala naman akong naring na nag joke.
“At, ako si Kin Nexus Valentine. Tandaan mo sana ang aking pangalan.” pakilala ng lalaking nakaupo sa couch katapat ko at nakatingin sa akin. Itinaas niya pa ang hawak niyang baso na may lamang likido na kung di ako magkamali ay baka alak. Teka nga, kailan pa siya nagkaruon nu’n? Parang wala akong nakita na baso ng alak kanina ah? At mas lalong hindi ko nakitang dala iyon ni Ae? Saan galing iyon?
“Mukhang di sapat ang matamis sa’yo, señor Arys.” nakangiting sabi ni Diego ng ma-realized kong ubos na pala yung cookies saka gatas na binigay sa akin ni Ae. ’Di ko namang maiwasan na makaramdam ng hiya.
“Sumabay ka sa amin maghapunan Ri- Arys.”
“Bawal humindi, Mr. Arys.” dagdag ni Phryne.
Napa-oo nalang ako kahit ayaw ko talaga kasi nahihiya na ako. Unang beses ko palang dumalaw dito pero puro kain na agad ginawa ko. At, buti nalang ay nagawa na akong tawagin sa pangalan ko ni Kin. Akala ko Rico na naman itatawag niya sa akin.
Tumungo kami sa dining area at pagkarating namin duon ay napa nganga ako.
Napaka gara ng mahabang lamesa na may candelabra pa at may chandelier sa kisame at ang mga kutsara, plato, pati mga baso ay may makalumang disenyo.
Wow. Weird pero cool. ’Di ko inakalang may ganitong kagandang klaseng bahay sa ilalim ng isang coffee shop. Isang bahay sa ilalimng siyudad na makaluma ang dating. Imagine, ang disenyo niya ay pang reinassance era. Wow.
“Arys, maaari bang dumito ka sa aking kaliwa?” pakiusap ni Kin ng makita niyang umupo ako sa ikatlong upuan sa kanyang kanan.
“A-ah. .”
“Sundin mo na ang utos ni Master.” nakangiting sabi ni Ae sa akin.
“Okay.” lumipat ako sa kabilang side ng table kung saan umusod si Diego na nasa ikalawang upuan na samantalang nasa ikatlo at ikaapat na upuan ang kambal.
Nagkatinginan kami ni Kin at siya’y ngumiti sa akin na siya namang tinanguan ko lang.
Tumayo si Ae sa pwesto niya at pumunta sa kung saan at pagbalik niya ay may makaluma na siyang stroller na tinutulak kung saan nakalagay ang mga pagkaing dala niya kasunod si Phryne.
Feeling ko tuloy wala kami sa modernong panahon. Seryoso. Hahaha.
Isa-isang nilapag ni Ae sa gitna ng lamesa ang mga putaheng handa at isang espesyal na pagkain ang inilapag niya sa harap ni Kin na iba para sa amin samantalang isa-isa namang binubuhasan ni Phryne ng kakaibang inumin ang aming mga baso habang may nakapatong na puting tuwalya sa kanyang kanang kamay.
Pagdating ni Phryne sa pwesto ko ay iniba niya ang bote na may likidong isasalin sa baso ko. Pinagmasdan ko ito at mukhang tubig ang nilagay niya sa akin. Thou hindi ko alam kung alam ba ang nilagay niya sa mga kasamahan niya ay medyo dark red ang kulay nito. Red wine siguro pero, what the heck! Ganun din yung nilagay niya sa kambal eh. Pwede ba sa bata iyon?
Habang kumakain kami ay duon ko napansin na parehas ko sila kumain. Hindi lumalapat sa lamesa ang kamay nila na parang nagpapahinga at walang maingay na tunog ng mga kutsarang tumatama sa plato. First time ko lang may makasamang kumain na gaya ko and somehow, I feel happy about it.
“Bakit pala hindi ninyo kami sinundo?” basag ni Zyga sa katahimikan.
“Hindi sa hindi namin kayo sinundo, masyado lang maraming kliente kanina.” paliwanag ni Ae.
“At ng dumating kayo ay paalis na kami para sunduin kayo.” dagdag ni Diego.
“Sus. Buti nalang at nandyan si Arys para ihatid kami pauwi kundi nasunog na kami sa araw.” inis na sabi ni Zygo.
Grabe naman itong si Zygo. Masunog talaga sa araw? Kung sabagay, ganyan din ang narinig kong sinabi ni Zyga kanina ng nasa Demirkan pa kami. Ayaw lang siguro nila mangitim. Pero worried ako kasi pa-minsan kailangan din nila magpaaraw ’no. 7 am is the most healthy sunlight ika nga.
Napansin kong ngumingiti sa Phryne at tumatangu-tango na siyang pinagtaka ko at ng makatinginan kami ay ngumiti siya sa akin na tinanguan ko lang. Nawe-weirduhan ako sa isang ito ah. Parang may saltik eh pero baka rin may naiisip ko na kung ano. Ganyan din ako kasi ako minsan.
“Masarap ba ang pagkain Arys?” tanong ni Kin na nagpalingon sa akin sa kanya.
“O-oo.” tipid kong sagot.
“Masaya akong marinig iyan galing sa’yo.” ngumiti siya sa akin na siya namang kinailang ko sa di ko malaman na dahilan. Kita ko rin ang tingin na binigay sa kanya ni Ae.
“Una tayong nagkita nila Master sa fountain sa Demirkan ’di ba? Ano palang ginagawa mo du’n señor Arys?” tanong ni Diego.
“Ah iyon? Nagliliwaliw lang ako ng makita niya ako. Unang araw kasi naming mga taga morning class sa night class.”
“Miyembro ka pala ng morning class?”
“Oo. Librarian ako du’n. Nalipat lang kaming mga taga morning class sa night class dahil sa anniversary something ng D.A pero for one month lang iyon after nu’n balik na kami sa dating shift.”
“Mahilig ka pala magbasa ng libro kung gayong isa kang librarian du’n?”
“Oo. ’Di ko nga alam kung bakit eh pero ang lakas ng hatak sa akin ng mga libro.” natatawa kong sabi kay Diego. Magaan ang luob ko sa kanya siguro dahil siya lang din talaga kasi ang kausap ko hanggang sa matapos kaming kumain.
Tutulungan ko na sana si Ae sa pagliligpit ng pinagkainan namin ng tawagin ako ni Kin para samahan siya sa kung saan.
“Sige na, Mr. Henson. Sundin mo na si Master. Kailangan mong bumawi dahil matagal ka na niyang hinihintay.” sabi ni Ae na halos pabulong na ang huling mga salitang sinabi niya kaya hindi ko na narinig. Ano kaya iyon?
Tumango ako at nagpaalam sa kanya at sumunod kay Kin kasama si Phryne.
Pumasok kami sa isang kwarto na puno ng napakaraming painting. Magkakaiba ang mga sukat at tema nito. Wow. Tinu-tour niya ba ako para malibang?
Bawat painting ay may kanya-kanyang paraan para makakuha ng taga hanga pero isang painting ang pumukaw ng atensyon ko di lamang dahil sa laki nito at nasa gitnang bahagi ng silid kundi dahil si Kin ang nasa painting na iyon. Dahan-dahan akong lumapit duon at pinagmasdan. Kakaiba ang pakiramdam na binibigay nito sa sistema ko.
“Mr. Arys.” tawag sa akin ni Phryne dahil muntikan ko ng hawakan ito. Sacred yata ang isang ito dahil ayaw pahawakan thou di ko naman tinangkang hawakan ang ilan sa mga nauna kong tinignan na painting pero there’s something about it na parang humihila sa kaluluwa ko.
“S-sorry.” yumuko ako para ipakita ang sinseridad sa paghingi ko ng paumanhin at muling tumingin sa painting.
“Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Gusto mo bang hawakan?” nakangiting sabi ni Kin.
“A-ah eh, hindi. I mean, maganda yung painting at ayaw ko itong masira dahil sa paghawak ko. Uhm, mukhang mahilig kang mangolekta ah? Ang dami kasi.”
“Nuong hindi pa uso ang mga litrato, ang paraan para manatili sa ating isipan ang isang magandang senaryo na ating nakita o naisip ay sa paraan ng mga pinta at pagpipinta.”
“Kung ganun, ikaw ang nagpinta ng mga ito? Pati ito?” turo ko sa mga nakapalibot na paintings at sa painting na may mukha niya.
“Hindi. Ang mga ito ay regalo sa akin ng mga kliente.”
“Ah.”
“Ngunit ang aking mga gawa ay nakatago sa isang espesyal na silid. Iyon ang mga ipinita kong kahit kailan ay di ko ipagpapalit o ipagbibili kanino man.”
“Maganda siguro ang mga gawa mo?”
“Espesyal ang mga iyon.”
Muli kaming nagkatinginan at naputol lang ito ng magsalita si Phryne.
“Master.” sa isang salitang kanyang binanggit ay puno ito ng maraming salita na hindi kailangan isatinig.
Lumakad kami pabalik sa living area kung saan una kong nakita silang lahat na kumpleto.
“Phryne, pakihatid si Arys.”
“Ako na ang maghahatid sa kanya. Samahan mo nalang si Master, Phryne.” sabat ni Ae na nakatabi kay Diego.
Wala duon ang kambal kaya malamang nasa kani-kanilang kwarto na sila at nagpapahinga.
Nagkatinginan sina Ae at Kin at ilang sandali pa ay yumuko si Ae sa kanya.
“Ah, sige. Uwi na ako. Salamat sa oras na nilaan ninyo para sa akin.” yumuko ako kina Phryne at Diego.
“Salamat din Mr. Valentine sa pagtu-tour sa akin sa iyong art gallery.” yumuko din ako sa kanya at ngumiti lang siya sa akin.
“Hihintayin ko ang iyong bagbabalik, Arys.” sabi niya bago tumalikod at lumakad palayo habang kasunod si Phryne na nasa kanyang kanan at si Diego ay sa kanyang kaliwa.
Napabuntung-hininga ako ng di ko na sila makita at paglingon ko ay naalala kong ihahatid nga pala ako ni Ae sa labas.
Tahimik kaming pumanhik sa itaas, pabalik ng coffee shop. Ako mismo ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin kasi mukhang naiilang siyang magsimula ng conversation sa akin.
“Anong oras nagbubukas itong coffee shop?”
“Alas otso ng gabi.”
“Ah. Salamat pala sa pagbigay ng cookies saka ng gatas ha? Nag enjoy ako dun. Mahilig kasi ako sa matatamis. Pagpasensyahan mo sana yung nasabi sa iyo ni Zyga. ’Di niya sinasadyang sabihin iyon sa’yo.”
“Wala iyon.”
Nasa may pintuan na kaming dalawa ni Ae ng yumuko ako sa harapan niya.
“Salamat ulit. Nag enjoy akong kasama kayo. Ingat ka, Ae.” nakangiti kong sabi.
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng hawakan niya buhok ko at marahang haplusin iyon. Ang sarap sa pakiramdam na hindi ko ma-explain.
“Ikaw din. Mag-ingat ka at sana magkita pa tayo ulit. Miss na kita.” sabi niya pero gaya kanina ay hindi ko narinig ang huli niyang mga salita na sinabi.
“Ba-bye.” sabi ko at lumabas ng coffee shop na kumakaway. Nang makalabas ako sa eskenita ay sumalubong sa akin ang maraming tao sa kalsada. Jusko. Para akong nagulat sa dami ng tao. Para akong bumalik sa realidad - sa modernong panahon. Teka, anong oras na ba at sobrang tirik na ng araw?
Tumingin ako sa wall clock sa nadaanan kong karinderya at muntik na akong mapa sigaw ng makita kong 10 AM na ng umaga. Shit!
Kailangan ko ng umuwi at matulog kundi late akong makakapasok mamaya. Argh!
A/N:
Posted: May 11, 2019 at 5:03 AM
Hi, my dear readers. Pakitandaan sana ang pangalan ng bawat isa sa kanila dahil ang mga susunod na kabanata ay nangangailangan ng masusing pagbabasa at pangunawa. Bakit kanyo? Dahil baka ma shock kayo sa kung paano ko isusulat ang kwentong ito na iba sa FOA. ’Yun lang. And oh, I just noticed na nasa #9 for supernatural ang kwentong ito. Yey!
Anyway, ’til next update. Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 10: TASTE
“Nagtatampo ka eh! Bakit di ka nga makakapasok?” tanong ko kay Ate Sep sa phone ko na naka loud speaker habang nagaasikaso sa pagpasok. Medyo inaantok pa ako pero wala eh. Kailangan kong pumasok kundi makakaltasan ako sa sahod at mapapagalitan ni Mr. Phil.
[ Hindi nga. Ito naman nagpapaka guilty sa ginawa niya. Nakalimutan ko lang talaga na sabihan ka na may pupuntahan akong birthday party tonight pero wag ka mag alala. Dadalhan kita ng pasalubong galing dun sa party. ]
“Sinabi mo iyan ah!”
[ Oo. Teka, tutal nakapunta ka na sa place ng kambal, na-meet mo ba ulit yung Uncle nila? Nagpasalamat ka na du’n sa cake? ]
Ilang minuto din akong napa isip sa tanong niya at ng mapagtanto ko iyon ay- “Halaaa! Nakalimutan ko! Nakakahiya!” I can feel my cheeks turning red in shame. My gahd!
[ Tsk, tsk. Naku naman. Bawas ganda points sa Uncle nila. ’Di bale, tutal mukha namang naka close mo na ang Uncle nila ay hindi ka na siguro mahihirapan na mag engage ng conversation sa susunod na magkita kayo. ]
“Sus. Sa akin ka pa talaga umasa ng ganyan eh di naman kasing kapal ng pader ang mukha ko. O’sya, alis na ako. Ingat sa party!”
[ Ikaw din. Ba-bye! ]
10 minutes before 6 pm ay nakarating na ako ng Demirkan ng walang hassel sa sinakyan kong airconditioned bus. Hay. Ako lang pala mag isa ang magdu-duty ngayon sa library. I feel sad. Miss ko si Ate Sep kahit madalas ko siyang mapansin na umiidlip. Nagkukunwari pa kasing kaya niya ang night class kahit hindi naman talaga. Ako nga, ewan ko. Parang mas gusto ng katawan ko ang night class kesa sa morning class.
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang library ay duon ko na-realized ang sinabi nuon ni Ate Sep ng unang gabi namin sa night class na nagmukhang lang night class ang morning class dahil lahat ng kurtina ay nakatabing sa mga bintana at ang kapal ng tela nito at siguradong walang liwanag mula sa labas ang makakapasok sa luob. Napaka lamig din. Walang lugar dito na hindi malamig kasi kahit yung comfort room ay nagyeyelo ang temperatura. My gahd.
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan sa library at marahang pumasok. Wow. Walang katau-tao?
“H-hi Emery.” bati ko ng makita ko siyang nakaupo sa may counter at tahimik na nakatulala. Ano kayang iniisip niya? Himala at naabutan ko siya ngayon dahil madalas pag dumarating ako, wala na siya dito.
Tumingin siya sa akin ng makahulugan at tumayo. Akala ko lalapit siya sa akin dahil di nabali ang titig niya sa akin habang naglalakad patungo sa direksyon ko pero nilagpasan niya ako at tumungo sa may pinto. ’Di ko nalang pinansin ang nangyari at dumiretso sa mga shelf para magtingin kung may na-disarranged na librong kailangan ibalik sa tamang lagayan ng may narinig akong nag-click.
Ano iyon? May nagsara ng pinto? Si Emery siguro. Pero bakit niya isasara yung pinto? Paano kung may pumasok na estudyante na gustong humiram o magsauli? Pero baka naman ayaw niya lang na maistorbo ako kasi kararating ko lang din? Iyon nga siguro iyon.
“Naaalala mo na ba?” gulat akong napalingon sa nagsalita at nakita kong nakasandal si Emery sa shelf na malapit sa akin. Akala ko lumabas siya?
“H-ha? Anong sinasabi mo?” anong naaalala? May nakalimutan ba ako? Wala naman akong maalala na sinabi ni Mr. Phil o ni Ate Sep o ng iba pang kasamahan ko sa morning class na dapat ko or namin na gawin.
Napansin kong umirap siya sa isinagot ko at bumuntung-hininga.
“Galing ka sa kanila di ba? Anong dahilan at nagpunta ka duon kung wala kang naaalala? Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo sa kanya? Akala ko pa naman malilimot mo na siya sa haba ng panahon pero bakit? Bakit siya pa rin?” puno ng emosyon ang mga salitang binitiwan niya at ramdam ko ang isang mabigat na pakiramdam na kanyang pinakawalan. Ngunit, ano bang pinagsasasabi niya? Naka inom ba siya?
“A-ah, Emery? Anong sinasabi mo? ’Di kita maintindihan?” napa usod ako ng dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Ewan ko ba. Kakaiba siya kung makatingin. Para niya akong lalapain ng buhay.
“Kung talaga ngang hindi mo pa naaalala, sisiguraduhin kong hindi mo na talaga maaalala pa ang mga nangyari sa nakaraan.” sexy niyang binasa ang labi niya gamit ang dila niya at kinagat ang ibabang labi bago siya aggresibong dumikit sa akin at hinila ang kwelyo at halikan ako.
“E-em!” pilit ko siyang tinutulak palayo sa gulat ko sa ginawa niya pero para siyang ahas kung makalingkis sa katawan ko habang patuloy ang paglaro ng mga dila naming dalawa.
Oh shit. Ano bang nangyayari? Bakit nagawa ito ni Emery? Shit.
Naramdaman ko nalang ang likod ko na napasandal sa pader habang inililibot ni Emery ang kamay niya sa katawan ko habang magka sugpong pa rin ang aming mga labi.
Ugh, shit. Para akong nahihilo sa bilis ng mga pangyayari. Parang. . ugh! Fuck!
“E-emery! Please tama na!” makaawa ko ng saglit na maghiwalay ang labi namin.
“Hindi! Ayaw ko! Gusto mo din ito, hindi ba? Nakalimutan mo na ba?” naiiyak niyang saad.
“Ano bang sinasabi mo? Hindi ko ito gusto! Hindi ako tulad ng inaakala mong lalaki na gusto ang ganitong mga bagay!” sa inis ko para tumigil siya ay buong lakas ko siyang tinulak at lumakad palayo pero hinatak niya ako pabalik at sa pulit kong pagpupumiglas ko sa kanya ay natumba kami parehas.
Ako ang sa ilalim at siya ang nasa ibabaw.
“Alalahanin mo, pakiusap! Sabihin mong minahal mo din ako! Mas minahal mo ako higit sa kanya!”
“A-ano bang-?!” bago ko pa matapos ang katunangan ay hinawakan niya ang magkabilang braso ko at yumukod para muli akong halikan ng mas mapusok kesa sa kanina. Dumila siya sa gilid ng aking panga pababa sa aking leeg.
“Ugh, s-shit! Emery!” hiyaw ko ng maramdaman kong haplusin niya ang ibabang parte ko. Nakita ko siyang ngumisi at nag-hush sign ng daliri niya sa labi ko.
Shit. Ano bang nangyayari sa akin? Ano itong nararamdaman ko na di ko mapaliwanag? Ano nalang sasabihin sa akin? o sa aming dalawa kapag may nakakita nitong ginagawa namin? Shit talaga.
“Naaalala mo ba?” sexy niyang bulong sa tenga ko habang hinihimas iyon at dinidiin ang dibdib niya sa akin, “Sa lahat, ako lang ang babaeng kayang gumawa nito sa iyo. Sa akin lang nabubuhay ito. Kaya nga, espesyal ako sa iyo di ba? At ganun ka rin sa akin.”
Alam kong hindi dapat ako nakakaramdam ng kung ano man itong pinararamdam sa akin ni Emery dahil sa dami ng babaeng nadikit sa akin with or without feelings ay di ko naman ito naramdaman kaya bakit? Bakit ko ito nararamdaman ngayon? At sa kanya pa na babae? Shit.
Sa pagkalasing ng utak ko sa mga nangyayari ay biglang may sumagi sa utak ko na kakaiba.
Nakikita ko si Emery na nakasuot ng makalumang damit at hindi yung suot niya kanina habang patuloy lang siya sa ginagawa niya sa aking pananamantala. May mga flashes din sa utak ko kung saan hindi man ganun kalinaw ay kasama ko siya sa mga lugar na hindi pamilyar at magka hawak ang aming kamay. Sa huling senaryo na nakita ko ay duon na ako naglakas na itulak ulit si Emery at tumakbo palayo sa kanya. Sa sobrang pagkalito ko sa pangyayari ay hindi ko alam paano ako nakarating ng comfort room. Alam kong tinawag niya ako para balikan siya pero di ko na siya nilingon dahil kailangan ko ring ilabas itong init sa katawan ko.
Ibinaba ko ang zipper ng pantalon ko at hinawakan ang parte kong pumipintig sa hawak ni Emery at walang pakundangan na ginalaw ito para kumalma at sa di ko rin mapaliwanag na dahilan ay kahit anong gawin ko para alisin sa isip ko ang mukha ni Emery ay di ko magawa. Lalo pang nangangalit ang aking ibaba sa tuwing aalalahanin ko ang mga nangyari kanina at saktong ng guminhawa ang pakiramdam ko ay bumalik sa isipan ko ang huling nag flash sa utak ko kaya’t napa sandal ako sa pinto ng cubicle at napatingala sa kisame.
Ano iyon? Bakit ko nakita si Emery na may mga talamsik ng dugo sa suot niyang makalumang damit at sa mukha at umiiyak? Napalunok ako at napapikit nalang at nanalangin na sana panaginip lang ang lahat.
Nang makabalik ako ng library pasado alas otso ay hindi ko na nakita pa si Emery duon kaya nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang. Malamang awkward ito bukas kung sakaling magkita kami. Eh kasi naman! ’Di ko siya maintindihan kung bakit siya nagka ganun. Mukha namang di siya naka inom kaya bakit? At ang weird ko rin kanina dahil sa naramdaman ko kahit na alam kong sa sarili ko na bakla ako at duon sa mga flashes na pumasok sa isip ko. Nakakaloka!
Dahil wala namang estudyante pa na pumapasok ay nagpasak muna ako ng earphones sa tenga ko at nakinig muna ng music. Baka sakaling kumalma ako. Hay! Kung sana kasama ko lang kanina si Ate Sep ay alam kong di ito mangyayari sa akin. I know to myself that I should also be mad at her but why can’t I? Nabo-bother ako sa nararamdaman ko ngayon. Argh! I cannot!
Tsk. Timing din yung kanta ng Maroon 5 na Feelings. Great! Parang nararamdaman ko na naman tuloy ang pag angat ng nasa baba ko dahil bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina na parang nagsisilbing music video sa kantang tumutugtog.
“Argh!!!” hiyaw ko sa inis at tanggal sa suot kong earphones.
“Okay ka lang, Arys?” alalang tanong ng nasa tabi ko kaya napalingon ako at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa gulat.
“M-mr. Phil! Kanina pa kayo d’yan?” kinakabahan kong tanong. Jusko. Nakakahiya. Mukha akong tanga kanina at baka mamaya isipin niya di ko sineseryoso trabaho ko dito.
“Dalawang minuto ng nakakalipas. Masama ba ang pakiramdam mo?”
“A-ah. .” shit. Anong sasabihin ko?
Tumingin siya sa wall clock na nasa pader at sa bintana sa labas kung saan makikita ang buwan at muling binalik ang tingin sa akin.
“Umuwi ka muna at magpahinga. Mukhang kailangan mo iyon ngayon. Wag ka magalala dahil wala namang pupunta na estudyante dito kung walang nagbabantay at mas lalong kung di ikaw ang bantay.” makahulugan niyang sabi.
“P-po?”
“Ingat ka sa pag uwi. Wag kang dadaan sa mga madidilim at walang taong naglalakad.” paalam niya habang naglalakad palabas ng pinto at winagayway ang kanan niyang kamay na parang nagpapaalam sa akin kahit na nakatalikod ito sa aking direksyon.
Pagka alis niya ay nakanganga ako dahil sa pagkamangha. Oh my god. Pinayagan ba talaga ako ni Mr. Phil na umuwi ngayon? As in right now? Oh my!
Napa ikot ako ng sarili ko at ginulo ang buhok ko sa saya at sa gulat. Tatandaan ko talaga itong araw na ito! Woohoo!
Agad kong kinuha ang gamit ko at umalis ng school. Syempre dumaan ako ng headmasters office pero di ko nakita duon si Mr. Phil kaya dumiretso nalang ako. Mamaya biglang magbago isip at papasukin ako. Hay! Ang saya. Siguro dapat ako mag unwhine para makalimutan ko yung nangyari sa pagitan namin ni Emery. Oo tama. Iyon nga dapat ang gawin ko.
Pumunta ako ng park para makapag libang at pinanuod ang mga taong nagdaan at mga batang masayang naglalaro kasama ang kanilang mga magulang na nakabantay sa kanila. Napa isip tuloy ako. Ganyan din kaya ako kung di ako inabandona ng mga magulang ko? May makakalaro din ba ako at matatawag na kapatid? Hay. Bumalik sa akin ang pamilyar na pakiramdam ng bata pa ako at nasa ampunan. Bakit ba kasi nila ako iniwan? Ka iwan-iwan ba ako? Charot! Hahaha.
’Di ko na namalayan na nakatulog ako sa kinauupuan kong bench sa park kundi lang may guard na rumoronda duon at ginising ako. Buti nalang di ako nanakawan. Kung sabagay, nakayakap kasi ako sa bag ko kaya mararamdaman ko kung may gumagalaw nito.
Habang naglalakad ako sa kawalan ay nagulat ako ng may malakas na bumusina sa likuran ko kaya na out of balance ako at muntik ng matumba kundi ko lang naitukod ang kamay ko sa gilid ng kalsada. Aish! Bwisit na iyon! Maka busina naman akala mo nasa gitna ako mismo ng dinadaanan ng kotse niya! Tss.
“Shit.” daing ko ng makitang dumugo ang kamay kong nagasgasan. High tide ba? Bakit ang lakas ng agos ng dugo ko? Hahaha. Alam ninyo ba yung ganun na kasabihan o ako lang ang nakakaalam? Well, nevermind.
Agad akong napalingon ng may narinig akong umuungol sa gutom o sa pagod kasi ang OA pero medyo nakakatakot din dahil mukhang sa madilim na eskenita nanggagaling iyon. Saglit akong huminto at nakapagtatakang nawala ang narinig ko kani-kanina lang kaya nakaramdam ako ng takot. Napalunok ako at nagpasyang magpatuloy sa paglalakad kaso parang may sumusunod sa akin kaya habang naglalakad ako ay panay din ang lingon ko sa likod.
Shit. Ano bang nangyayari sa akin? Baka guni-guni ko lang iyon. Anong oras na ba?
“Badtrip naman oh.” bulong ko sa sarili ko ng ma-discover kong deadbat ang phone ko.
Napahinto ako sa paglalakad ng malinaw kong marinig mula sa aking likuran ang tunog ng isang taong gutom at pagod. Ramdam ko ang pagkarera ng puso ko at halos di ko na maigalaw ang paa ko. Kakaba-kaba akong lumingon at nakita ko ang isang lalaking naka suot ng matinong damit ngunit mukhang adik na naglalaway at nakangisi sa akin.
“S-s-shit!” usal ko ng makita ko mismo ng sarili kong mga mata na magkulay pula ang kanyang mga mata at may dalawang matalas na pangil sa magkabilang gilid ng kanyang labi ng siya ay ngumiti. Nananaginip lang ba ako o isa talaga siyang bampira?!
Puta, takbo!
Iyan ang sabi ng isip ko pero nakapirmi ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at ramdam ko ang pag tulo ng malamig na pawis mula sa nuo ko. Shit. Never in my life kong inakala na totoo ang bampira! Fuckin’ hell!
“Kakaiba ang sa’yo. Amoy palang nakaka busog na at ang hitsura ay talagang nakaka takam. Pwede ba kitang matikman?” garalgal niyang saad.
Sa wakas ay bago pa siya makalapit sa akin ay naigalaw ko na ang katawan ko. Shuta. Sisigaw ba ako? Oo, dapat!
AaAaAhHhH!!! Kailangan ko ng tulong!!!
“TULONG!!!” buong lakas kong sigaw habang tumatakbo palayo sa bampirang humahabol sa akin na parang walang sino man ang nakaririnig sa aking hinaing hanggang sa napahinto ako sa silaw ng ilaw na palapit sa akin. Oh shit. Masasagasaan po ba ako?
“Layuan mo siya!” sabi ng isang pamilyar na boses ng babae at isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw. Bago ako mawalan ng malay sa pagod at pagka lito sa mga nanyari ngayon lang ay naramdaman ko ang pagsalo sa akin ng kung sino. Pamilyar ang kanyang tindig at amoy sa akin.
“K-kin? Anong. .?” at tuluyan ng pumikit ang mga mata ko.
A/N:
Posted: May 13, 2019 at 2:00 AM
Gulat kayo ’no? Ang haba ng update ko at di ninyo rin inakalang may SPG! So, ano kaya ang papel ni Emery dito? Drop your comments. Charot! Hahaha.
Anyway, ’til next update! Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 11: DIFFERENT
Umuulan? Teka, bakit umuulan at nasaan ako? Sa pagkakatanda ko ay wala ako sa lugar na ito na puro puno.
“Rico!” huh? Agad akong napalingon kahit hindi naman iyon ang pangalan ko. Actually, lumingon ako kasi pamilyar yung boses na tumawag sa pangalan na iyon.
“Ano bang ginagawa mo dito sa labas?” isang babaeng nakasuot ng makalumang damit ang lumapit sa akin at mukhang galing siya sa mayamang pamilya dahil sa tela at tingkad ng suot subalit hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Weird.
“A-ah. .” hindi ko rin magawang makapag salita dahil nasaan ba kasi ako? Anong ginagawa ko dito?
Napabuntung-hininga siya at hinaplos ang pisngi ko. “Hindi na siya babalik.”
Sa sinabi niyang iyon hindi ko alam kung bakit pero sumikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga.
“A-anong sinasabi mo? Sinong hindi na babalik?” takang tanong ko.
“Rico! Ano ba?! Kalimutan mo na siya! Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo at ako!” namalayan ko nalang na umiiyak na yung babaeng kaharap ko at mahigpit na nakahawak sa suot kong damit. Kapwa na kami basa ng ulan.
Wala talaga akong maintindihan sa mga nangyayari sa totoo lang. Sino ba kasi yung sinasabi niyang hindi na babalik?
“Arys.” dinig kong tawag sa akin ng isa pang pamilyar na boses. Teka, nasaan naman iyon?
Luminga ako sa paligid pero wala akong makita na ibang tao maliban sa amin ng babaeng kaharap ko.
“Rico, pakiusap. Ako nalang ang piliin mo.” patuloy na pagsusumamo ng babae sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
“Aryscos.” muling tawag sa akin ng kung sino sa kung saan.
Napapitlag ako ng may maramdaman akong matalas na bumaon sa leeg ko. Napasigaw ako sa sakit at sinubukang itulak ang babaeng nakayakap sa akin ngunit humigpit lang ito.
Para na akong maiiyak sa sakit at nauubusan ng lakas sa katawan ng saglit itong mawala at humarap ang babaeng nakayakap sa akin na nakangiting demonyo at may dugo sa labi. Isang pares ng pangil ang nakita ko at parang may nag flashback sa akin ng makita iyon.
P-pangil? Teka, isa ba siyang bampira?
Saan ko ba. .?!
Tama! Hinahabol ako ng isang lalaking bampira sa kalsada at-!
Ramdam ko ang bigla kong pagbangon at pagdilat ng mata ko ay nakita ko ang kambal na Valiente na nakaharap sa akin sa dulo ng kama at nakatingin.
“Buti naman at nagising ka na.” bungad ni Zyga.
“Heto, tubig. Mukhang hindi maganda ang panaginip mo.” inabutan ako ni Zygo ng isang baso ng malamig na tubig na agad kong ininom.
Ng mahimasmasan ako. .
“Paano ako napunta dito?”
Nagkatinginan ang kambal at sabay na napa kibit-balikat.
“Wala ka bang naaalala sa mga nangyari sa iyo?” usisa ni Zyga.
Actually, hindi ako sigurado kung totoo ba yung mga nangyari kasi baka panaginip ko lang at sadyang nawalan ako ng malay sa kalsada at sakto namang nanduon si Kin para saluhin ako sa pagii-sleeping beauty ko na naman kaso, yung tunog ng umalingawngaw na baril bago ako mawalan ng malay! Totoo ba iyon? Kung totoo man, para ba iyon sa bampirang humahabol sa akin?
“Mukhang wala nga siyang naaalala gaya ng sa nakita niya sa atin.” sagot ni Zyga sa tanong ng kakambal niya.
Huh? Nakita ko sa kanila ng kambal niya? Ano iyon? Ugh. Shit. Bigla akong napahawak sa sentido ko at minassage iyon ng kaunti gamit ang daliri ko. Sumakit nalang kasi ang ulo ko sa di ko malaman na dahilan at nakakainis dahil para itong binibiyak.
“M-may naalala ako pero alam ko na hindi siya totoo. Baka dahil lang iyon sa stress o baka sadyang nababaliw ako ng mga oras na iyon.” saad ko kahit nahihirapan akong magsalita.
“Sige nga. Anong naaalala mo?” hamon ni Zygo. Aba. Itong batang ’to.
“Hinahabol ako ng bampira.” natatawa kong sabi, “O’ di ba? Kabaliwan?!”
Muli akong tumingin sa kambal at mukhang seryoso sila sa sinabi ko.
“Hindi ka naniniwala sa nakita mo? Eh halos muntik ka ng mamatay.” sabi ni Zyga na medyo irritable at naka cross legs pa na nakaupo sa upuan katapat ng kama kung saan ako naka pwesto.
“Paano kung sabihin ko sa’yo na tunay iyon at hindi kabaliwan?” dagdag ni Zygo.
Napalunok ako sa kaba. My gahd. Saan ba papunta itong usapan namin?
Saglit kong inilibot ang mata ko sa kwarto kung nasaan kami at ang gara lang kasi mukhang, ay hindi. Walang duda na nasa bahay ulit nila ako dahil ang disenyo nito ay makaluma. Para talaga akong nasa ibang panahon sa tema ng bahay nila.
“Hahaha! Ang galing ninyong dalawa umacting ah? Makatotohanan. Pati yung mga sinasabi ninyo ngayon hindi halatang scripted. Pwede ng pang vampire diaries.” awkward kong biro with matching napipilitang tawa. Sana talaga joke lang lahat ito. Prank, ganern. Hays.
“Ugh.” dinig kong usal ni Zyga. Para siyang frustrated sa sinabi ko.
“Hayaan mo na, Zy. Mukhang hindi niya rin alam kung ano talaga siya. Siguro kung ako nasa kalagayan niya ay ganyan din ang magiging reaksyon ko.” pangaalo ni Zygo sa kakambal niya at lumapit dito upang halikan sa labi.
What the fuck?! Did he just?!
“Anak ng-!” bulalas ko at muling sumakit ang ulo ko at parang may nag flashback sa akin real quick sa ginawa nila. Isang pamilyar na senaryo.
~ • ~
Hay. Sira ulo talaga iyon si Ate Sep. Bet na bet talaga akong ibugaw du’n sa Uncle nung kambal porket binigyan ako ng regalo. ’Di ko rin alam sa lalaking iyon bakit niya ako na-tripan bigyan eh gayong napaka linaw naman na kasalanan ko kung bakit ko siya nabunggo ng mga oras na iyon.
Pagkatapos kong umihi ay ini-flush ko na ang inidoro dahil kung di ninyo natatanong, hindi naman lahat ng gumagamit sa cr ng lalaki ay hindi marunong mag flush. Paglabas ko ng cubicle kung saan ako nagbawas ng tawag ng kalikasan ay isang di inaasahang eksena ang nakita ko. Nakita kong nagme-make out sa may katapat ko na cubicle na nakalimutan pang isara ang pinto bago gumawa ng milagro ang kambal na Valiente.
Anak ng! Shuta! Is this real?!
“Zygo! Sinabihan na kasi kita eh!” namumula sa hiya na saad ni Zyga. Teka, saan napunta yung kakambal niya?
“Sorry. Ako ng bahala. Siguradong pag gising niya ay hindi niya na ito maaalala pa.” sabi ni Zygo na nakakagulat na napunta sa may likuran ko. Hinawakan niya ako sa kanang balikat ko pinisil ng hintuturo niya ang batok ko ng may kadiinan at tuluyan na akong nawalan ng malay bago pa ako makapagsalita.
~ • ~
Shit. Paano ko nakalimutan ang tungkol duon at ano yung ginawa na iyon sa akin ni Zygo?!
“Kayong dalawa! Pangalawa ninyo na iyan!” stress kong saad ng may kalakasan.
“Huh?” sabay silang napatingin sa akin at halata ang gulat sa mukha nila.
“Paano mo. .?” tanong ni Zygo.
“Naaalala mo?” tanong ni Zyga.
Sasagot na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan ng kwarto kaya napunta ang atensyon naming tatlo sa pumasok.
“Ayos ka lang ba? Buti at gising ka na. Nagalala kami, ako sa’yo.” nagulat ako ng yakapin ako bigla ni Ae. Medyo ang weird ng pakiramdam ko sa ginawa niya pero I made sure na gumanti ako ng yakap sa kanya.
“A-ayos lang ako. Salamat.”
Humiwalay siya sa akin at tumingin sa kambal.
“Narinig ni Phyrne ang tungkol sa ginawa ninyo kaya mamaya ay kakausapin niya kayo.”
Si Phryne? Anong narinig niya? Oh my gosh! Na-outloud ko ba ang tungkol sa pagme-make out ng kambal na ito? Hala! Bakit wala akong maalala na may nasabi akong ganun? Ang alam ko lang, naalala ko iyon bigla eh. Shit. Ang weird ko na talaga nitong mga nakaraan.
“Tss.” saad ni Zygo.
“Magbantay kayo sa itaas tutal iyon ang inyong tungkulin sa pamilya ng Valentine.” utos ni Ae sa kanila na agad naman nilang sinunod kaya ang ending ay naiwan kaming dalawa sa kwarto.
“Buti nalang at narating agad namin ang kinaruruonan mo kundi di ko mapapatawad ang sarili ko.” sabi niya na may mapait na ngiti sa kanyang labi.
Ha? Ano daw?
“Salamat talaga at nanduon kayo para iligtas ako. Teka, ano palang nangyari duon sa lalaki na humahabol sa akin?”
“Patay na.” casual niyang sabi kaya’t di ko napigilan na mag panic.
“Ha? P-patay? Bakit patay?! Teka, di ko alam kung imahinasyon ko lang ba iyon kasi impossible naman talaga na totoo yung bagay na iniisip ko na iyon pero bakit patay na? Grabe! Nagaadik ba siya para mapatay ng mga kinauukulan?!” dire-diretso kong sabi.
Bumalik ang ulirat ko ng hawakan niya ako sa balikat at haplusin ang aking pisngi. Para akong nakuryente sa ginawa niya. Somehow it feels familiar.
“Totoo ang nakita mo. Hindi iyon imahinasyon lang. Ako ang pumatay sa kanya dahil isa siya sa mga kauri na hindi na mapigilan ang sarili sa pagka gutom.” sagot niya na para bang normal lang ang bagay na pinaguusapan namin.
Pero tama ba ang narinig ko? Sinabi ba niyang, isa siya sa mga kauri ? What the hell does that suppose to mean? Ibig sabihin ba nu’n. .?!
Pinagmasdan ko maigi si Ae at dahan-dahan akong umusod palayo sa kanya. Bale nasa kabilang dulo na ako ng malaking kama.
“Hindi kita masisisi kung matakot ka sa akin. Kung sabagay, mukhang hindi naman ikaw siya dahil alam kong ang isang iyon ay kahit kailan, ang nagawa ko lang sa kanya ang magiging dahilan ng paglayo niya sa akin.” malungkot at puno ng emosyon niyang sabi.
Ano raw?! Pero teka, ibig sabihin ba nu’n umaamin talaga siya na. . you know? Bampira siya?! Oh my gahd!
Nabaling ang atensyon namin ni Ae sa pinto ng magbukas ito at iluwa sila Kin, Diego at Phryne. Syempre, heto ulit ang di ko maipaliwanag na pakiramdam ko ng magtama ang mata ni Kin kaya syempre ako agad unanh umiwas. Mahirap na ’no.
“Master.” pagbibigay galang ni Ae na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kabilang dulo ng kama at yumuko kay Kin.
Tumingin si Kin sa akin at bumaling sa mga kasamahan niya na tumingin din sa akin.
So. . uh? Balak ba nila akong kagatin at ubusin ang dugo ko sa katawan para mabuhay sila ng mas matagal pa? Ngayon ko lang napagtanto na kung bampira si Ae ay sa malamang ganuon din ang mga kasamahan niya at ang kambal na rin. Aish! Bakit nga ba hindi ko agad napansin? May mga hint na sa sinasabi ng kambal ng ihatid ko sila at syempre, dito! Itong bahay kung saan sila nakatira na tago at di nasisikatan ng araw. My gahd.
Napalunok ako ng may ma-realize pa ako in a bigger picture. Mas nakakatakot. Ano iyon?
Ayaw ko sanang isipin ito pero. . hindi kaya ang mga nasa night class ng Demirkan ay mga bampira lahat?! Alam ba ito ni Mr. Phil? Kung alam niya, bakit pinag switch niya kaming mga member ng morning class sa night class?
“Señor Arys.” tawag sa akin ni Diego kaya agad akong natigil sa malalim na pagiisip.
“H-ha?!” nagulat ako ng bigla siyang mapunta sa tabi ko at may dalang bilog na tray at naglapag ng baso sa ibabaw ng drawer na nasa gilid ng kama kung saan ako malapit.
“Baka nauuhaw ka na.” nakangiti niyang sabi bago bumalik sa tabi ni Kin.
Ewan ko kung bakit. Natatakot ako. Ramdam ko ang pangangatog ng katawan ko pero bakit hindi ko magawang tumakbo? Dahil ba ayaw kong paniwalaan na hindi sila mga tao? Na pumapatay sila ng iba para mabuhay?
“Patawad kung natakot namin ang isang tulad mo, Mr. Aryscos. Kung nais mong umalis ay ikaw ang masusunod pero sana ay hindi magbago ang pakikitungo mo sa kambal.” saad ni Phryne.
Napansin ko ang lungkot sa mata ni Diego sa sinabi na iyon ni Phryne kaya bigla akong nataranta. Shit. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit agad ko silang hinusgahan? Maayos nila akong tinrato ng una akong magpunta dito at walang dudang sila din ang nagligtas sa akin du’n sa sira ulong bampira na gusto akong patayin. Ugh! Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung nililinlang ba nila ako o totoo itong pinapakita nilang ugali nila. May nabasa kasi ako before na mapanlinlang ang mga bampira.
“A-ano. . hindi. . s-salamat. Salamat kasi kung talaga ngang mga bampira kayo, alam kong mahirap sa inyo na pumatay ng kalahi ninyo.” sa sobrang hiya ko sa sinabi ko ay yumuko ako at pinag dikit ang dalawang hintuturo ko. Duon ko lang napansin na may benda na ang kamay kong nagasgasan.
“Obligasyon kong protektahan ka” saad ni Ae.
“H-ha?” obligasyon? Bakit?
“Magpahinga ka muna. Ipapa gising kita kay Ae pag sikat ng araw para makauwi ka ng ligtas.” saad ni Kin at tumalikod na para lumabas, na siya namang sinundan ng tatlo. Bago pa ako makapag salita muli ay naiwan na ako mag isa sa kwarto.
Shit. ’Di kaya na-offend ko sila dahil sa reaksyon ko or sa narinig nila na usapan namin ni Ae kanina bago sila pumasok dito?
Tumalbog ako sa kalma ng ihiga ko ang sarili ko at tumingin sa chandelier na nasa gitna nitong kwarto. Ilang minuto din akong tumitig din bago ako nagpasya na maupo ulit at abutin ang baso ng tubig na binigay ni Diego sa akin kanina. Wapakels na kung may hinalo man sila na lason dito.
Matiwasay kong naubos ang tubig at muling humiga patagilid at tumitig sa kawalan. Palakasan na ito ng luob. Matutulog ako dito kasama ang mga bampirang iyon at kung hindi man ako magising eh di ibig sabihin ay deads na ako pero kung sakali man na magising ako ay baka isa na rin akong bampira tulad nila.
Pero kung maging bampira ako, sino ang magiging unang biktima ko? Tokwa! Mababaliw na ako sa mga pinagiiisip ko!
A/N:
Posted: May 19, 2019 at 5:11 AM
Ayun. Update lang. Hahaha. Balita ko kasi kay Mercury drug ko na kalendaryo, ngayong araw at oras daw ang full moon kaya syempre kahit na nasa Shakeys ako kanina at kumakain around 1 AM ay isiningit ko talaga ang paggawa nito. Na surprise din ako dahil 944 reads na siya at nasa #14 for supernatural. Amazing! Thank you sa inyo.
So, nalaman na ni Arys na pamilya ng bampira ang nakilala niya’t nakasalamuha. Dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang pakikisalamuha sa kanila?
Anyway, ’til next update! Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 12: CLOSER
“Ano ba iyan Arys at di ka mapakali?” iritableng tanong ni Ate Sep dahil kanina pa ako palakad-lakad sa luob ng library. Ewan ko ba. Iniiwasan ba ako ng kambal? Tatlong araw na kasi mula ng mangyari ang wirdong insidente sa buong buhay ko ay di man lang sila nagparamdam sa akin. Di ko rin sila naaabutan kapag sinusundo sila ng pamilya nila. Argh! Naiinis ako!
“W-wala ito. Sorry.” sabi ko at umupo sa station ko para mag ayos ng mga librong ibabalik sa shelves.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya nagsalita sa huli kong sinabi pero panandalian lang iyon dahil pagdating ng 30 minutes break namin ay agad niya akong hinatak papunta sa convenient store at nilibre ako ng makakain. Jusko. Alam ko na ibig sabihin ng ganitong galawan niya.
“Alam mo napansin ko, nagka ganyan ka after kong umattend ng birthday party eh.” panimula niya.
“A-ano kasi. . for a change! Oo, tama! ’Yun nga!” sabay tawa ng peke.
“Ulol. Wag ako, Arys. Sabihin mo nga, ano ba kasi talagang nangyari?” tumigil siya sa pagkain niya at tinitigan ako. Psh. Alam naman niyang ayaw kong tinititigan ako dahil naiilang ako eh. Pero, sabihin ko ba sa kanya? Maniniwala kaya siya o pagtatawanan ako?
“Uhm, maniniwala ka ba kung sabihin ko sa iyo na. . .”
“Sabihin ang alin?”
“. . na. . “
“Ano? Sabihin mo na kasi!”
Luminga ako sa paligid at ng makasigurado na akong walang makakarinig sa sasabihin ko ay lumapit ako ng kaunti kay Ate Sep at bumulong sa kanya. Naninigurado lang talaga ako kahit na alam kong nasa malayo kami nakapwesto.
“Mga bampira ang nasa night class.” nanlamig ang katawan ko sa sinabi kong iyon.
At, tama nga ang naisip ko kanina na pagtatawanan lang niya ako sa sasabihin ko dahil iyon nga ang ginawa niya.
“Ate Sep naman eh!” inis kong sita sa kanya.
“Sorry. Hindi lang ako makapaniwala na naniniwala ka na sa mga bampira.” so? Duon siya natatawa dahil naniniwala na ako sa ganu’n? Kung sabagay, sinabihan ko kasi siya dati na hindi totoo ang mga bampira pero matapos ng insidenteng nangyari sa akin ay naniniwala na ako.
“Kahit nga ako, hanggang ngayon ay di rin makapaniwala. Teka, hindi ka ba natatakot sa nalaman mong ang mga estudyante ng night class ay mga bampira? Pwede nila tayong kagatin at sipsipin ang mga dugo natin para madugtungan ang buhay na meron sila.”
“So kaya ka ba kumikilos ng kakaiba nitong mga nakaraang araw ay dahil lang sa isipin na ang mga estudyante ng night class ay mga bampira?”
“O-oo? Teka nga! Bakit parang di ka man lang nagulat sa sinabi or matakot? Wag mong sabihin na. . di kaya? . . Oh my gosh!” automatic akong napalipat sa kabilang upuan mula sa pwesto namin.
“Hahaha! Para kang tanga Arys!” mamamatay sa tawa na react ni Ate Sep kaya pati yung nagbabantay sa counter napatingin sa amin. Ugh. Nakakahiya!
“Uy, Ate Sep! Tigil na!” sabi ko sabay hampas sa balikat niya kaya lalo pa siyang natawa. Hala. Nabaliw na yata.
Makalipas ang ilang minuto. .
“So, ano kung mga bampira sila? Ginalaw ka ba nila? Kinagat? Sinipsip ang dugo? Hindi naman di ba? Alam mo, kahit mga bampira sila, sigurado akong may sinusunod din silang nakatataas at batas. At sa tingin ko naman ay wala silang balak na galawin tayo. . sa ngayon . Ibang usapan na siguro kapag nahanap na ni Mr. Phil ang tinutukoy niyang daywalker sa ating miyembro ng morning class na narinig kong sinabi niya sa kausap niya nung nakaraan ng di sinasadyang makapag eavesdrop ako.” casual niyang sabi at nagpatuloy sa pagkain.
“W-what the. . WHAT?!” literal akong napatayo at napahampas sa table ng marinig ko ang sinabi niya. Ibig sabihin, aware na si Ate Sep na hindi mga ordinaryong tao ang mga estudyante ng night class at chill lang siya kahit na alam niya na ang tungkol du’n? Just how is she taking all of these?
“Ma’am, Sir. Kalma lang po tayo ha? Baka isipin kasi ng Manager ko pag ni-review yung CCTV namin ay nagaaway kayo at wala po akong ginawa para awatin kayo.”
“Sorry kuya! Itong kasama ko kasi OA.” natatawang pag hingi ng paumanhin ni Ate Sep at ng matapos kami ay yumuko kami ulit sa nakatao sa counter para ipakitang sincere kami sa paghingi ng sorry.
Habang naglalakad kami pabalik ng library ay nakita ko ang kambal na pababa sana ng hagdan kung saan kami naman ay paakyat kaso ng makita nila ako ay bigla silang huminto at lumakad patungo sa ibang direksyon. Hindi ko alam pero nanikip ang dibdib ko sa ginawa nila. Balak ko sana silang tawagin pero mismong si Ate Sep ang pumigil sa akin at umiling na para bang sinasabi niyang wag ko ng subukan pa.
“Hayaan mo muna yung dalawa. Hindi naman natin alam kung inutusan sila ng mga kasama nila sa bahay na layuan ka muna.”
“Paano kung hindi iyon pansamantala?”
“Eh di hayaan mo na. Wala tayong magagawa. Isa pa, before we know it ay nakabalik na tayo sa nakasanayan nating schedule. Sila, ganun pa rin. You have to understand na magkaiba ang mundong ginagalawan natin sa kanila. We don’t need to have our strings attached unless there is a reason for us to do so.”
Bumalik kami sa kanya-kanya naming ginagawa ni Ate Sep hanggang sa may maalala ako na sinabi niya kanina.
“Ano pala yung sinabi mo kanina na hinahanap ni Mr. Phil?” tanong ko habang taimtim na ini-imagine ang hitsura ng headmaster namin dahil hindi siya mukhang bampira para sa akin. Kung sabagay, yung kambal nga mukhang di rin bampira tignan. Anyway! Kung bampira din ang headmaster, eh di wow. Siguro iyon ang dahilan kung bakit mukhang tatakbo ang Demirkan sa matagal na panahon dahil ang mga nagma-manage dito ay forever din ang lifespan. Kainggit. Charot. Hahaha.
“Ang alin? ’Yung about sa daywalker?”
“Oo. Bakit hinahanap iyon ni Mr. Phil? Bakit sa atin na miyembro ng morning class?”
“Aba, malay.” nagkibit-balikat siya at sumandal sa recliner chair at bumaling sa akin, “Bakit di mo subukan na tanungin mismo sa kanya?”
“Ha?! Sira ulo ka ba? Eh di para ko ng nilagay ang isa kong paa sa hukay sa gagawin kong iyon.”
“Mukhang interesado ka kasing malaman kung ano iyon eh.”
“Aba, syempre ’no. Paano kung weapon pala iyon na pwedeng gamitin ng mga bampira para sakupin ang sangkatauhan at gawin tayong alipin nila?!”
“Jusko, Arys! OA mo talaga ’no? Hahaha! Don’t worry. Mukhang hindi weapon ang tinutukoy ni Mr. Phil na daywalker kundi isang buhay na nilalang.”
“Paano ka naman nakasisiguro, aber?”
“Simple lang. Naka eavesdrop nga ako ng di sinasadya di ba? Bale, ayon sa kanya, ang daywalker na hinahanap nila ay may korteng crescent moon na parang tattoo sa kaliwang kamay malapit sa thumb finger. Hindi ko alam kung nahanap na ba ni Mr. Phil sa atin ang mayruon nu’n kasi kung iisipin, wala naman akong nakita sa mga kasamahan natin na may ganun o baka di ko lang napapansin kasi longsleeve lahat ng uniform natin.”
Napalunok ako sa sinabi ni Ate Sep at bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin ay pinagpawisan ako. Baka namali lang siya ng dinig? Impossible. Impossible talaga! Kasi kung hinahanap ni Mr. Phil ang isa sa amin na may korteng crescent moon na parang tattoo sa kaliwang kamay. . . Impossible! Basta inpossible! Argh!
Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Oro sa akin ng nasa bahay nila ako.
“Hayaan mo na, Zy. Mukhang hindi niya rin alam kung ano talaga siya. Siguro kung ako nasa kalagayan niya ay ganyan din ang magiging reaksyon ko.”
What the hell! So, isa akong daywalker? Pero teka, ano ba kasi iyon? Argh! Kating-kati ako malaman pero wala akong pwedeng pagtanungan kasi di naman alam ni Ate Sep kung ano iyon at di ko rin naman makausap ang kambal. Ayaw ko namang tanugin si Mr. Phil tungkol dun dahil pag ginawa ko iyon, bukod sa malalaman niyang alam ko na ang sikreto ng mga nasa night class ay isipin niyang ipagkakalat ko iyon at kapag nangyari iyon ay baka ipapatay niya ako at baka rin magka ideya siya na ako ang hinahanap niya. Jusko! May mas lalala pa pala sa mga nangyari sa akin nitong nakaraan. AaAahHH!
Sa sobrang stress ko sa mga nalaman ko ngayong gabi kahit na pinayuhan na ako ni Ate Sep na wag masyadong magpaka OA dahil hindi naman kami gagalawin ng mga bampira ng night class kung wala kaming gagawin na ka-weirduhan ay di ko pa rin maialis sa akin ang kabahan sa kung anong mga pwedeng mangyari sa akin ngayon pa’t nalaman ko na hinahanap ako ni Mr. Phil na syempre, walang duda na ako kasi, with confidence kong sasabihin na ako lang ang nagiisa sa amin na miyembro ng morning class ang merong korteng crescent moon na nunal na dati ko ng pinagtataka kung bakit ako meron nito pero syempre, wala namang nakakaalam na taga D.A dahil tinatago ko ang tungkol dito.
Pagdating ko ng apartment ko ay agad kong kinuha sa ref ’yung cake na iniregalo/binigay sa akin ni Kin. Oo. Ngayon ko palang siya kakainin after a week mula ng ibigay siya sa akin. Jusko. Sana lang di pa ito spoiled.
Unang subo ko palang sa cake ay para na akong lumilipad sa alapaap sa sarap. Oh my goodness! It is so sarap! Like, ugh! Cake is life talaga! Namalayan ko nalang na naubos ko na yung cake ng wala na akong makain at patuloy pa rin sa paghahanap ng matamis ang dila ko. Aish. Ano ba iyan.
Kinuha ko sa ilalim ng kama ko ang isang square na lata na originally ay pinaglagyan ng cookies na ngayon ay naglalaman na ng mga inipon kong chocolates na binili ko mula sa convenient store. Kumuha ako ng isang pakete ng candy coated creamy white chocolate at sinimulan itong lantakan habang nakasandal sa gilid ng kama ko at nakatitig sa kisame.
Ano ba ang dapat kong gawin?
Maaga nag uwian ang night class ngayon dahil “exam” nila, kaya ayun. Imbis na usual 4 am out ay nagsiuwi na sila 11 palang samantalang 2 am naman kami. Kaya kanina, literal na lunch ang na-experience namin ng magsi-uwi sila dahil saktong 12 kami nakakain thou midnight nga lang.
Pumunta kaya ako sa kambal ng makahingi ako ulit ng paumanhin sa nangyari at makapag thank you sa bigay ni Kin na cake?
Sa pagkakatanda ko kasi, ng ihatid ako ni Ae after kong makitulog dun ay pormal na siya masyado, i mean, sila kung makakilos pagdating sa akin which at that time I found relieving pero ngayon ay nawe-weirduhan na ako dahil namimiss ko yung dating ugali nila na pinakita nila sa akin ng syempre, di pa ako aware na mga bampira sila.
But I don’t know, for some reason iba din talaga ang pakiramdam ko kay Ae at Kin even before hindi gaya ng sa kambal at kina Phryne at Diego.
Namalayan ko nalang na nasa kalsada na ako at naglalakad ng mag isa na para bang hindi ako natatakot na baka maulit ang nangyari sa akin ng huli akong maglakad ng gabi. O’ siguro dahil nakakarinig ako ng tumutugtog na music sa nakapasak ko na earphones sa tenga ko na naka connect sa cellphone kong 80% ngayon ang battery life.
Kahit papaano ay natatandaan ko pa ang papunta sa bahay ng kambal thou pangalawang beses ko palang makakapunta du’n dahil yung last time na makarating ako sa bahay nila ay hindi counted dahil dinala nila ako duon ng walang malay. Muntikan na akong maligaw dahil nalito ako sa eskenita na dinaanan ko kundi ko napansin ang isang flower shop na may katabing coffee shop at. . bakit ang daming tao? Teka, tao nga ba?
Nasa lamp post palang ako ng mapatigin sa akin ang mga lalaking nakatayo sa labas. Uh-oh. Hindi maganda ito. Shit.
Tutuloy ba ako o uuwi nalang? Napansin ko ang isa sa kanila na ngumisi at tumingin sa akin ng kakaiba kaya lalo akong kinabahan.
Ano ba kasing pumasok sa utak ko nga ulit at naisipan kong pumunta dito?
Wala namang nakakaalam sa kanila na pupunta ako dito at baka hindi nila ako pansinin pero kasi. .
“Hi. Mukhang mag isa ka?” napaatras ako sa gulat ng marealized kong ’yung ngumisi sa akin na lalaki kanina ay nasa harapan ko na. What the!
“A-ah eh. . Sorry.” paumanhin ko ng may matamaan ang siko ko sa pag atras ko at pag lingon ko ay yung isa mga kasama ng lalaki na ngumisi sa akin ang natamaan ko. Shit. Shit.
“Saan ka nakatira? Ihatid ka na namin.” sabi ng isa sa kanila.
“D-d’yan lang. S-sige. Una na ako. B-bye!” akmang aalis na ako ng hawakan ako ng isa sa pa sa kanila sa braso ko. Bale, lima sila lahat.
Sa kaba ko ay hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Sumigaw kaya ako? May tutulong ba sa akin gaya ng nakaraan?
“Teka, mamaya ka na umalis. ’Di pa namin alam ang pangalan mo.”
“P-pasensya na talaga. Kailangan ko ng umalis.” sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa akin kaso ang higpit nito.
“Umalis? Bakit? Mukha may pinuntahan ka dito. Kami ba?” napa pitlag ako ng may isa pang kamay ang humaplos sa kabila kong braso habang ang lalaking kaninang ngumisi sa akin ay mas lumapit pa sa akin. Sapat para mahawakan niya ang baba ko. Muli siyang ngumisi pero this time ay kita ko na ang matalas niyang pangil at nabato na ako sa kinatatayuan ko.
“Pagtapos mo, kami naman ah?” saad ng kasama niya bago nito ako akmang kagatin. Napapikit ako at naramdaman ang pamamasa ng dulo ng mata ko habang hinihintay ang pagbaon ng kanyang pangil sa balat ko ng. .
“Kung balak ninyo siyang paghatian, siguraduhin ninyong hindi dito malapit sa amin.” inis na sabi ng isang pamilyar na boses bago ko maramdamang nawala ang mga kamay na nakahawak sa braso ko at ang hininga ng bampirang balak akong kagatin.
Huh? Ano na bang nangyayari?
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at laking gulat ko na wala na yung grupo ng mga lalaking nakapalibot sa akin kanina at tanging nagkalat na dugo nalang sa kalsada ang naruon.
“Di masamang magsabi ng thank you pagtapos ka naming iligtas?” dinig kong sabi ni Zyga dahil nakatalikod ako sa kanila ng kakambal niya. Para kask akong masusuka sa nakita kong nagkalat. Sino bang hindi? Duh!
“Uy, Arys. Okay ka lang?” alalang tanong ni Zygo ng mapansin niyang na-upo na ako sa kalsada habang sinusubukan kong pigilan ang sarili ko na wag sumuka dahil nakakahiya sa kanila kaso, walang nangyari. Nasuka pa rin ako at hindi ko alam kung namalik mata ba ako dahil imbis na usual content ng suka ang makita ko which is pinaghalu-halong pagkain na kinain ko for the past hours ay dugo ang nakita ko na nasa semento at sa palad ko.
“Arys?” sabay na tawag ng kambal.
“H-h-hindi ito totoo di ba?” tanong ko ng bahagya akong humarap sa kanila at ipakita ang dugo na nasa palad ko bago ako mahilo.
May malubha ba akong sakit kaya sumuka ako ng dugo? Dahil kung hindi, hindi ko na alam kung bakit ito nangyayari sa akin.
“Arys!” tawag nila bago ako mawalan ng malay.
A/N:
Posted: May 20, 2019 at 5:00 AM
Pak! Update ulit. So ayun. Nagpalit na ako ng book cover nitong ACB. Actually, parang halos lahat ng gawa ko ay pinalitan ko. Well, for a change siguro. Oh my gahd. I’m sounding like Arys. Hahaha.
Anyway, ’til next update. Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 13: RESEMBLANCE
Bumungad sa akin ang isang pamilyar na chandelier ng imulat ko ang mga mata ko mula sa matagal na pagkakapikit. Nasaan ako?
Marahan akong umupo sa kama at luminga sa paligid. Ah. Nandito lang pala ako sa kwarto na pinagdalhan sa akin dati nila-! Fudge! Oo nga pala! Muntik na akong makagat kanina!
Agad kong kinapa ang leeg ko at chineck kung meron bang parte na masakit which thankfully ay wala naman. Whew. Buti nalang. Pero teka. Napunta ang atensyon ko sa kamay ko - specifically sa palad ko at inalala ang huling pangyayari bago ako mawalan ng malay.
Sumuka ako ng dugo. Sumuka ako ng dugo. Sumuka ako ng dugo. Sumuka ako ng-! AaAhHh! Sumuka ako ng dugo! Bakit?! Anong ibig sabihin nu’n? May malubha ba akong sakit na hindi ko aware?
“Señor Arys, gising ka na pala.” agad nalipat ang atensyon ko sa taong kapapasok lang ng silid.
“Ikaw pala, Diego.” impit akong ngumiti sa kanya at pinagmasdan siya na lumapit sa aking tabi at naglapag ng tray na may baso at cake slice. Oh my gosh! Cake!
“Mamaya-maya darating na dito si Master Valentine. Pasensya ka na at may inaasikaso pa siyang mga kliente.”
Siguro yung mga customers sa coffee shop sa itaas ang tinutukoy niya. Nga pala!
“Ah Diego. . pasensya ka na pala sa nangyari ng nakaraan. ’Di ko naman intensyon na husgahan kayo. Nabigla lang talaga ako sa mga nalaman ko. Sorry talaga dahil nasaktan ko ang damdamin ninyo.” feeling ko namumula ang mukha ko sa sinabi ko.
Nagulat ako ng narinig ko siyang tumawa at marahang pinat ang ulo ko.
“Hindi naman nakapagtataka kung mabigla ka sa nalaman mo. Siguro ganuon talaga dahil kaiba kami sa normal na tao.”
“P-pero, matanong ko lang. Gaano na po kayo katanda?” curious ako guys. Pagbigyan ninyo na ako dahil ngayon lang naman ako naka encounter ng totoong bampira sa buong buhay ko ’no.
“Ako? Hahaha! Tanungin mo nalang si Master Valentine kung ilang taon na siya dahil kapag nalaman mo, malalaman mo na rin ang akin dahil mas matanda ako sa kanya.”
“W-weh?!”
“Hindi ba halata? Mas bata sa akin si Master Valentine. Halos magkasing edad lang sila ni Ae kung tama ang memorya ko. Hay, sa haba na ng tinagal ng buhay ko ay may ilang detalye na rin akong nakakalimutan.”
’Di ko mapigilan na tumawa sa sinabi niya. Akalain mo iyon? Nagiging makalimutin din pala ang mga bampira gaya ng normal na tao?
“Maiwan muna kita, Señor Arys. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho bago pa mapansin ni Ae kundi papagalitan nila ako ni Phryne. Heto, kumain ka muna para malibang ka.” iniabot niya sa akin ang dala niyang pagkain at yumuko bago lumakad paalis.
Muli kong nilibot ang tingin ko sa silid bago ko sinimulang lantakan ang pagkain na dala sa akin ni Diego. Nang matapos ako ay inilapag ko ito sa side table at tumayo. Pinagmasdan ko ang mga gamit na nandito at di nakapagtataka kung bakit pang old times ang disenyo ng bahay nila na ito at iyon ay dahil mga bampira sila. Ano kaya feeling mabuhay ng gaya nila?
’Di ko alam kung bakit naisipan kong lumabas ng kwarto gayong di ko naman kabisado dito. Siguro dahil bored ako dahil mag isa lang ako duon sa luob. Geez. Ang dami namang pinto dito. Alin kaya dito ang bubuksan ko?
Dahan-dahan kong binuksan ang bawat kwarto na madaan ko kaya ayun. Nakita ko ang kusina, kwarto ng kambal, silid ba puno ng maraming bote ng alak na may makaluma pang mga baldeng gawa sa kahoy na pinaglalagyan ng fermented na alak, isang kwarto na puno ng napakaraming damit, at marami pa hanggang sa mapuntahan ko ang library. Lumakad ako papasok at namangha sa aking nakita. Napaka raming libro. Lahat mukhang nagmula sa lumang panahon. Kinilabutan ako ng matindi.
Tinry kong kumuha ng isang libro na di gaanong kakapalan pero laking gulat ko ng pagkuha ko dito ay muntikan ko na itong malaglag sa bigat. Kinabahan ako guys! Feeling ko kung nalaglag ito sa paa ko ay ’di na ako makakalakad. Shuta. Paano nangyari iyon?
Buhat ko ang librong kinuha ko papunta sa malaking desk na nasa gitna nitong library. Bongga! Iba ang feels ng makaupo ako. Feeling Boss/President. Dahil minsan ko lang mae-experience ito ay nagse-selfie ako for a couple of minutes at ng magsawa ay sinimulan ko ng buksan para basahin ang librong kinuha ko.
“Ano ito?” tanong ko sa sarili ko dahil hindi ko maintindihan ang nakasulat. Jusko. Anong klaseng lengguahe ito? Napa facepalm nalang ako at binalik sa shelf ang kinuha kong libro ng marinig ko ang isang pamilyar na tugtog. Saan galing iyon?
Lumabas ako ng library at hinanap ang pinanggagalingan ng naririnig kong tugtog hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng isang kwarto na kakaiba ang disenyo ng seradura. Para kasi siyang sa aparador. Dahan-dahan ko itong binuksan at sumilip sa luob. Napatakip ako ng kamay sa aking bibig.
What the fvck?! Isang casino?! Paanong?!
Dahil medyo madilim sa luob kung saan tumutugtog ng piano si Kin ay kinapalan ko na ang mukha ko at tuluyang ininvite ang sarili ko. Pansin ko lang ah? Iba ang aura niya. Parang napaka vulnerable niyang tao, ehm, I mean bampira.
“Anong sa-! Señor Arys?!”
“H-hi?” impit kong ngiti sa kanya at muling binalik ang tingin ko kay Kin. Pumwesto kasi ako sa counter kung saan siya nakatoka as bartender. Late ko rin namang napansin na siya pala ang naka toka dito.
“Naku, Señor Arys, pasensya na pero kailangan mong lumabas dito. Hindi ka pwedeng makita ng mga nandito.” kinakabahan niyang saad.
“Bakit naman? Mukha namang focus sila kay Kin.” luminga ako sa paligid at pinagmasdan ang mga customer na nasa kani-kanilang mga table. Mukhang mayayaman ang mga nandito. Mga naka suit at dress sila thou mga pang 80’s nga lang ang datingan.
“Magkakagulo kung may isa sa mga kliente na narito ang makakita sa iyo. Pasensya na, Señor Arys. Kung nais mo ay maaari kang maglibang pansamantala sa silid-aklatan ni Master Valentine.” dahil bakas sa mukha ni Diego ang pagaalala ay sinunod ko siya at lumabas ng casino. Nakahinga ako ng maluwag ng okay akong nakalabas.
Pero, what the fvck pa rin! Paanong may casino dito sa mismong bahay nila Kin? I mean, di ba meron silang coffee shop sa itaas kaya bakit kailangan pa nilang mag casino? At yung mga customers na nanduduon, mga tao ba sila o bampira din? Argh! Nababaliw na ako!
Lumakad ako pabalik ng hallway at hinanap ang library dahil sa dami ng pinto ay nakalimutan ko kung saan iyon dito. And, finally! After kong buksan ang ika-labing dalawang pinto ay nakabalik ako ng library.
Habang nililibot ko ang kabuuan ng libray na hindi ko alam paano nagkaruon ng ganitong kalaking bahay sa ilalim ng isang coffee shop at napatigil ako sa harap ng isang medium sized na poste na nakadikit sa pinto kung saan sa ibabaw nito ay may nakapatong na lumang klase ng pang komunikasyon. Isang telepono na parang roleta na kailangan mong ikutin para makatawag ka sa kung sino. Cool. Syempre dahil sa pagka amazed ko ay inangat ko ang parang speaker nito at inikut-ikot ang roleta at laking gulat ko ng biglang umikot ako sa kinatatayuan ko. Shuta! Akala ko sa mga undercover agent movies lang ito! At ayun na nga. Napunta ako sa kabilang side ng library at ng subukan kong hanapin ang switch dahil sobrang dilim sa luob na kung saan nagpa-panic na ako paano makakalabas ay inabot ko ang phone ko at ginamit ang lightscreen nito.
Naman! Kapag sinu-swerte ka talaga sa kamalasan!
Ilang minuto din akong naghanap hanggang sa may makita akong posporo sa gilid at ginamit ito para ilawan ang tig tatlong torch na nasa magkabilang gilid ng pader kung saan ako nakatayo. Ayan. Kahit papaano naibsan ang panic ko. Pero teka! Nasaang parte na ako nitong bahay nila? Chineck ko ang phone ko para tignan kung may signal kaso wala. So, ngayon di ko alam paano ako tatawag ng tulong maliban sa-! Oo, tama! Sisigaw nalang ako! Sigurado naman akonh mage-echo ang boses ko. Talino ko talaga!
“Tulong! Na-lock ako dito! Tulong! Zygo? Zya? Naririnig ninyo ba ako? Diego? Ae? Phryne? Yoohoo! Nandito ako! Kin? Need help here!” sigaw ko pero parang walang nakakarinig sa akin dahil magte-thirty minutes na yata akong sumigaw ng saklolo dito ay wala namang rumiresponde. Paano na ako ngayon? Hay! Bakit ko ba kasi pinakielaman iyon? Ayan tuloy. Paano kung hindi nila ako mahanap? Oh my gahd! Dito na ako mamatay?! Huhuhu!
Na-upo nalang ako sa sulok habang tahimik na humihikbi ng saka ko lang mapansin na may mga nakadikit na painting sa kabilang side nitong kwarto kung saan ako kasalukuyang na-stuck. Actually, di ko agad siya napansin dahil hindi naman ganun kalakasan ang liwanag mula sa torches. Lumapit ako at pinagmasdan ito. Nung una, hindi ko pa ito mawari hanggang sa mapatakip ako ng kamay sa bibig ko sa gulat ng ma-realized kung ano iyon o mas tama bang sabihin ko kung sino iyon?
Ako ba ito? Paanong. .? Bakit. .? Teka!
Itong mga ito ba ang tinutukoy ni Kin sa akin dati na mga espesyal niyang mga painting na siya mismo ang may gawa?
Kahawig na kahawig ko ang nasa painting ngunit nakasuot ito ng lumang damit at napakasaya niyang tignan. At! Isang pamilyar na senaryo ang nakita ko sa isa sa mga nakasabit na painting. Ano iyon? Well, iyon ang lawa na madalas kong mapanaginipan! Ang malinaw lang sa larawan ay ang lawa na napapaligiran ng maraming puno at ang bangka ngunit ang dalawang taong nakasakay ay shadow lang. Para akong nahilo bigla sa nakita ko. Paano nangyari iyon? Impossible!
Hindi kaya siya si. .?
“Rico?” tawag ng isang pamilyar na boses at sa gulat ko ay agad akong napalingon at muntikan ng sumigaw dahil wala naman akong narinig na nagbukas na pinto or pader.
“K-kin!” tumingin siya sa akin at sa mga painting na pagmamay-ari niya at muling binalik ang tingin sa akin.
“Paumanhin kung napunta ka dito. Tayo na at naghihintay na sila sa atin para kumain.”
Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Ewan. ‘Di ba siya magagalit sa akin kasi nakita ko ang mga ito ng walang pahintulot niya? O’ magaalala man lang dahil napunta ako dito sa secret passageway ng bahay nila? Kailangan ko ng explanation!
“K-kin! Sandali!” tawag ko sa kanya habang hinahabol siya sa paglalakad palabas ng library. Bakit ang bilis niya maglakad? Normal ba iyon?
Nauntog ako sa katawan niya ng huminto siya at humarap sa akin.
“S-sorry.” sabay baling ng mukha ko sa ibang direksyon. Bakit bigla akong nailang?
Akmang tatalikod na siya ulit sa akin ng pigilan ko siya.
“Kin. . ’yung lalaki sa painting. . siya ba si Rico? Naalala ko kasi na tinawag mo ako sa pangalang iyon ng una tayong magkita.”
Hindi siya umimik pero sapat na ang paglungkot ng mga mata niya bilang kasagutan sa tanong ko. Ewan ko ba pero parang bumigat din ang dibdib ko.
“Ngayon alam ko na kung bakit madalas mo akong tawagin na Rico. Magka hawig pala kasi talaga kami. Ano mo nga pala siya? Kapatid?”
Hindi pa rin siya umiimik sa akin at tuluyan ng tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko ba pero curious na curious akong malaman. Hindi naman ako usually mausisang tao especially kung sa buhay ng ibang tao kaya di ko din alam kung ano ba itong nangyayari sa akin ngayon.
“Kin! Saglit! Hintay lang naman!” tawag ko sa kanya habang nakasunod sa likuran niya.
“So, ano mo nga siya? Ka-! Shit!” nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari dahil namalayan ko nalang na hinila niya ako at kinorner sa gilid ng lamesa habang ang dalawa niyang kamay ay nasa magkabilang gilid ko.
Napapikit ako sa sakit ng ma-realized kong tumama ng bahagya ang likod ko sa lamesang gawa sa kahoy. Kainis! Bigla-bigla nalang kasing nanghihila itong isang ’to!
“Bakit nais mo malaman?” tanong niya habang ang mukha niya ay malapit sa mukha ko. Nakaka duling ang lapit niya sa akin. Unting dikit pa niya ay maaari ng magdikit ang aming mga labi. Pero infairness ha! Ang bango niya.
“N-na curious lang kasi ako dahil ang dami mong painting niya. Alam mo kung ’di ko lang talaga naalala na madalas mo akong tawagin sa pangalan na Rico ay iisipin kong stalker ka.” naiilang kong sagot ng nakapaling ang mukha ko sa ibang direksyon. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko.
“T-teka! Ahm, tara na kaya? Sabi mo hinihintay na nila tayo para kumain di ba?” pagiiba ko ng usapan pero di pa rin siya natitinag mula sa posisyon namin.
Para akong na-kuryente ng ipatong ni Kin ang kamay niya sa kaliwang kamay ko at haplusin ng kabila niyang kamay ang pisngi ko at titigan ako ng kakaiba.
“Gusto mong malaman sino siya?”
Napalunok ako sa kaba dahil feeling ko parang nag iba ang awra ng Kin. Hindi lang siya basta misteryoso dahil lumabas ang pagiging dominante niya ngayon for some reason.
“A-ah eh saka nalang. T-tara na. Hindi ka pa ba nagugutom?” sabi ko sabay mahinang tulak sa kanya para bumalik siya sa wisyo kaso para lang akong tumulak ng pader.
“Sinisingil na ako marahil ng mga bathala sa mga nagawa kong kasalanan upang ang gamitin nilang instrumento sa akin ay ang taong siyang nasaktan ko ng lubos nuon.”
“H-ha? Anong sinasa-! K-kin!” nagulat ako ng kabigin niya ang ulo ko dahilan upang maglapat ang aming mga labi. Sinubukan kong kumawala ngunit hindi ko magawa. Nilingkis niya ang kamay niya sa aking bewang upang siguraduhin na kanya niya akong maaangkin.
Hindi ko alam kung paano pero kusang kumilos ang kanan kong kamay upang idikit iyon sa kanyang dibdib at ang kaliwa ay nakahawak ng nahigpit sa kanyang braso. I never imagined na ang first kiss ko ang manggagaling sa isang bampira. Ibang klase. Habang tumatagal ay para akong nalalasing sa halik niyang iyon. Ilang babae na kaya ang kanyang nahalikan upang maging ganito ka-kumportable ang aking labi sa kanya?
“Kin. .” tawag ko ng saglit na maghiwalay ang aming mga labi.
Ngumisi siya at nilandas ang kanyang daliri sa aking ibabang labi.
“Si Rico ay aking kasintahan. Ang nagiisang taong nagmahal at tumanggap sa akin.”
Muli niya akong hinalikan at sa pagkakataong iyon ay alam kong iyon na ang huli.
“Kung hindi ka isang daywalker ay iisipin ko ang possibilidad na ikaw nga si Rico ngunit alam kong kahibangan lang kung mamahalin kita ng dahil lang sa nakikita ko ang taong kailanman ay hindi na magiging akin sa katauhan mo. Pakiusap, kalimutan mong nangyari ito. Hindi ko sinasadya. Patawad.”
Nang makalabas siya ng silid at maiwan akong mag isa ay ’di ko mapigilan na maiyak. Ewan ko. First kiss, first heartbreak ganun? Siguro ayaw niya lang na masaktan ako sa isiping mahal lang niya ako dahil sa nakikita niya sa akin yung Rico pero, bakit ganun? Ang sakit ng sabihin niyang kalimutan kong nangyari ito?!
A/N:
Posted: May 26, 2019 at 2:45 AM
Ayo! I said, mabigat sa dibdib bro! Hahaha. Pero seryoso. Naawa ako sa character ko dito ng very light. Well, ganun talaga minsan ang life. Medyo weird. Pero mas weird pa rin talaga ang bahay nila Kin dito. Nakakaloka ’no? Daming ganap. So, ano na balak sa next chapter? Charot. Hahaha.
Anyway, til next update! Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 14: HEADMASTER
Matapos kaming kumain ng dinner around 6 am. Yes, dinner time ito ng pamilya ni Kin ay tinutulungan ko ngayon sa paghuhugas ng pinagkainan si Ae para pampawala awkwardness sa pagitan namin ni Kin. Hindi nga ako tumabi sa kanya kanina kundi duon sa kambal.
“Uhm, Ae pwede mag tanong?”
“Sige. Tanong ka lang.”
“May naging boyfriend pala si Kin?” agad akong nag iwas ng tingin ng tumingin sa akin si Ae at alam kong nagulat siya sa sinabi ko kahit di ko siya tignan.
“P-paano mo nalaman?”
“Sinabi niya sa akin kanina. Uhm, kasi ano eh, nakita ko yung mga painting niya duon sa naging boyfriend niya. Nagulat nga ako kasi hawig ko yung taong iyon.” medyo natatawa kong saad at napansin ko ang pagyuko niya habang pinagpapatuloy ang pagpupunas sa hinugasan naming pinggan. Kapansin-pansin ang paghigpit ng hawak niya sa pamunas.
“Okay ka lang, Ae?”
“O-oo. Wag mo akong intindihin. Uh, may naikwento pa ba siya sa iyo tungkol kay Rico?”
“Wala naman. Iyon lang about sa naging mag on sila. Teka, ano palang nangyari sa kanya? Nagkahiwalay ba sila or something?” grabe, legit na talaga sa mga oras na ito ang pagiging usisero ko sa buhay ng ibang tao.
Nagulat ako ng makitang nagpapahid ng luha si Ae kaya agad akong nataranta. Teka, may nasabi ba akong mali?
“Hala, bakit ka umiiyak ha? Nasugatan ka ba? May masakit sa iyo?” pinaharap ko siya sa akin at nagaalalang pinahid ang luha sa mga mata niya. ’Di ko alam ko pero nasasaktan akong makita siyang ganyan. Akala ko tatahan na siya ng yakapin ko siya pero lalo lang siyang umiyak at humigpit ang yakap sa akin.
“P-patawad.” mahina niyang saad.
“Ha? Saan?”
“I-iyon sana ang gusto kong sabihin sa kanya at gusto kong marinig niya pero huli na ako.”
“A-ah eh, kanino? Kay Rico ba? Naku. H’wag ka ng umiyak, Ae. For sure naman kung ano man ang nagawa mo ay napatawad ka na niya.”
Umiling siya. “H-hindi. Hindi niya ako mapapatawad. G-galit siya sa akin. Ayaw niya na sa akin pero kahit ganun, mahal na mahal ko pa rin siya.” para siyang batang nagsusumamo at di ko mapigilan na amuhin siya. Hay. Ilang minuto din kaming ganun hanggang sa um-okay na rin siya at nagpasalamat sa ginawa ko.
“Heto oh.” inabutan niya ako ng isang slice ng cake na agad ko namang nilantakan. Nakangiti niya akong pinagmamasdan habang kumakain at feeling ko namula ako ng punasan niya ang gilid ng labi ko. Para akong bata.
“Ae, may tanong ulit ako,” dahil di ko nakuha ang exact na sagot sa tanong ko kanina ay magtatanong ulit ako pero this time, hindi na about sa ibang tao kundi sa dahilan ng pagpunta ko talaga dito. “Ano yung daywalker?”
Halata sa mukha ni Ae ang gulat pero agad din itong nawala.
“Sinabi ba iyon sa iyo ni Kin o ng kambal?”
“Parehas?” eh sa totoo naman. ’Yun nga lang, hindi direct yung sa kambal unlike Kin.
Napa buntung-hininga siya at marahang inabot ang kaliwang kamay ko at hinimas ang parte kung saan nakalagay ang nunal kong korteng crescent moon.
“Ang daywalker ang nagsisilbing nakatataas sa lahi ng mga bampira. Siya ang pinaka malakas at sinusunod ng lahat. Sa totoo lang, nagulat kami ng malaman naming isa kang daywalker dahil bibihira lang kung may maisilang na gaya mo sa luob ng ilang libong taon. At, ang mas nakakagulat ay hindi ka nagmula sa lahi ng mga bampira dahil wala kang bakas ng pagiging bampira sa dugo mo.”
“So, you mean, ang pagiging isang daywalker ay nasa lahi ninyo lang na mga bampira?”
Tumango siya.
“Pero paano ako naging daywalker kung gayong sa lahi ninyo lang pala nagkakaruon ng ganito?”
“Iyan din ang pinagtataka namin. Sino o ano ba ang mga magulang mo?”
’Di ko maiwasan na mapakamot sa ulo ko dahil sa tanong na iyon. “Uhm, actually hindi ko alam. Iniwan kasi nila ako kaya sa ampunan ako lumaki kasama ng ibang mga gaya ko na walang magulang.”
“P-pasensya na sa naitanong ko.” impit siyang ngumiti at hinimas ang kamay kong hawak niya sa kanyang mga kamay.
“W-wala iyon. Pero dahil sa sinabi mo na nagmumula lang sa lahi ng mga bampira ang gaya ko na daywalker ay napapa isip tuloy ako kung nagmula ba ako sa parehas na lahi ng bampira pero sabi mo rin kanina na wala akong bakas ng pagiging bampira sa dugo ko eh, ’di kaya half-half ako? Hybrid ganun? Baka bampira ang isa sa mga magulang ko at ang isa naman ay ordinaryong tao? Pwede iyon di ba?”
“Hindi ako sigurado sa bagay na iyan dahil ang bampira ay bampira. Once na mauhaw kami, kahit gaano pa ka-importante sa amin ang tao na kaharap namin ay kakagatin at kakagatin namin sila para sa kanilang dugo kundi manghihina kami at kalaunan ay mamamatay.” naalala ko bigla yung humabol sa akin na bampira sa kalsada at duon, naintindihan ko ang punto ni Ae sa sinabi niya. Inpossible nga na maging half-half ako eh baka bago pa mag love making magulang ko tsugi na yung isa!
“Pero anong kayang gawin ng isang tulad ko na daywalker?”
“Hmm, ano nga ba? Ngayon lang kasi talaga ako nakasalamuha ng isang gaya mo na daywalker. ’Yung nauna kasi sa iyo na nakilala ko ay namatay na.”
“Ha? Namatay? Dahil sa pagka uhaw?”
“Hindi. Namatay siya dahil pinatay niya ang sarili niya. Hindi niya kinaya ang pagkabaliw ng ilan sa dugo niya. Kakaiba kasi ang dugo ng isang daywalker. Isang butil ay kaya ng pawiin ang uhaw mo. Higit sa isang butil ay kaya nitong pagalingin ang ano mang karamdaman na mayruon ka at marami pang iba ngunit hindi ko na alam ang tungkol pa duon. Tanging ikaw bilang daywalker ang makakaalam nu’n. Sa ngayon, ang pwede ko, namin na gawin ay protektahan ka.”
“Protektahan saan?”
“Sa mga balak na umabuso sa iyo kapag kumalat na sa buong lahi ng bampira ang pagkakaruon muli ng isang daywalker. Sa ngayon, kami lang ang nakakaalam na isa kang daywalker at patuloy ka pa ring hinahanap ni Rosenbaum mula sa hanay ninyong mga morning class at hindi kami sigurado kung anong balak niya kapag nahanap ka na niya.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. My gahd. Hindi pala biro ang pagiging daywalker ko.
Kinagabihan, habang abala kami ni Ate Sep sa kanya-kanya naming ginagawa. .
“Nga pala, parang di ko na nakikita yung Emery dito?” basag ni Ate Sep sa katahimikan.
“Uh, ako rin eh.” after ng nangyari sa pagitan namin, di ko na siya nakikita pa. Hindi kaya naoffend ko siya dahil ’di ko masakyan ang mga pinagsasasabi niya sa akin? Eh sa wala rin naman akong alam sa mga sinasabi niya about sa aming dalawa.
Pero, di kaya bampira din si Emery? Eh di ba nga, originally night class siya at siya ang naka toka dito sa library? Kung tama nga ang hinala ko at isasali ko yung mga sinabi niya sa akin ng nakaraan. . well, assumption ko lang naman ito, hmm. . ’di kaya may kinalaman ito duon sa kahawig ko na si Rico? Eh kung tanungin ko kaya ang tungkol du’n kay Ae?
“Arys, pinapatawag ka ni Mr. Phil.” sabay kaming napatingin ni Ate Sep sa pumasok na katrabaho namin na si Alex.
“Bakit daw?” tanong ni Ate Sep.
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam eh. Baka mamaya tawagin ka rin Sep kasi bago ako tinawag para kausapin ay nauna na yung ibang kasama natin na miyembro din ng morning class.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Alex. Isa-isa kaming kakausapin ni Mr. Phil? Para saan?
“Mukhang seryoso ang headmaster sa paghahanap sa sinasabi niyang daywalker.” dinig kong sabi ni Ate Sep pagkaalis ni Alex.
“Ha? Paano mo nasabi?”
“Well, think about it. Meron pa tayong two weeks bago matapos ang contract natin sa night class at wala naman tayong nabalitaan na nag break ng rules ng D.A so, bakit isa-isa tayong kakausapin ni Mr. Phil?”
Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Mapa praning na yata ako sa mga nangyayari.
“Now is your chance para alamin ang tungkol sa nabanggit niyang daywalker, Arys. Malay natin kailangan niya ng tulong duon sa taong hinahanap niya.” sabi niya at tinapik ako sa balikat bago ako lumabas ng library.
Sana nga ganun. Paano kung hindi? Naalala ko kasi ang sinabi sa akin ni Ae na pinatay ng daywalker ng kusa ang sarili niya dahil na rin sa mismong mga kalahi niya. Eh paano ako? Bukod sa hindi ako bampira, hindi ko rin alam kung paano ko mapo protektahan ang sarili ko bilang daywalker. . kung ako nga talaga iyon. Kahit kasi kinonfirm na sa akin na ako nga iyon ay mahirap pa rin talagang paniwalaan.
“Pasok ka, Arys.” dinig kong sabi ni Mr. Phil mula sa luob bago ko pa man hawakan ang doorknob at kumatok. Napalinga tuloy ako sa kisame kasi baka naman may cctv kaso wala.
Oh my gahd. Here we go. Papasok na ako sa kuta ng leon. Joke. Hahaha.
“Good Evening, Mr. Phil.” bungad ko ng makapasok ako sa luob. Umupo ako sa upuan na katapat ng kay Mr. Phil. Jusko. Tumigil na yata ang pagtibok ng puso ko kasi ’di ko na ito maramdaman.
“Bakit ninyo po ako pinatawag? Tungkol saan po ang paguusapan natin?”
“Wala naman. Gusto ko lang na mas makilala pa kayong mga miyembro ko ng morning class. Umiinom ka ba?”
“P-po? Ng alin?” ’di ko alam pero nag panic ako sa tanong niya na iyon.
“Relax, Mr. Arys. I just want to know if you are drinking alcoholic beverages unless you’re thinking of something else.” isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago lumakad papunta sa malaking aparador na nasa silid kung saan may mga nakalagay na alak. Koleksyon niya siguro? ’Di ko alam na mahilig siya sa alak.
“Sorry, Mr. Phil.”
“Thats nothing. Anyway, do you still remember how you got accepted here?”
Sa tanong niyang iyon ay napa flashback ako sa isip ko ng mga nangyari ng araw na iyon ng matanggap ako sa trabaho ko na parang kahapon lang.
~ • ~
Hindi pwede ito. Kailangan ko ng makahanap ng trabaho bago pa dumating ang sunod na bayaran sa inuupuhan kong apartment. Syempre kahit mabait ang may-ari ay nakakahiya kung ipagpaliban ko ang pagbayad sa tinutuluyan ko eh gayong kalilipat ko lang nuong isang buwan.
Matatapos na ang araw pero heto ako at wala pa ring makuhang matinong trabaho na sasahuran ako sa tamang presyo, sapat para maitawid ko ang pang araw-araw na gastusin at pang ipon para sa pagaaral ko sa college.
Dinig ko ang pagkulo ng sikmura ko dahil hindi pa ako kumakain sa maghapon at talagang pagod na ang paa ko sa kalalakad sa pwede kong mapasukang trabaho hanggang sa makakita ako ng mahabang pila ng mga tao.
Para saan kaya ito? May libre bang pa-relief goods si Mayor o may audition sa isang live variety show na pwede akong magka instant five thousand kapag nag lahad pa ako ng kwento ng buhay ko at makapukaw ng atensyon ng mga manunuod? Hmm. .
“Para saan itong pila?” tanong ko sa lalaking nasa hulihan ng pila.
“Hindi ko alam basta ang sabi lang sa akin ng mga napagtanungan ko kanina ay malaki ang pa-sahod ng may-ari ng skwelahan na ito.”
Eh? Anong klaseng trabaho ba ang kailangan ng may-ari at hindi man lang ini-specify? Pero, on a side note, sabi ay malaki ang pasahod. Subukan ko kaya? Kaso, ang haba ng pila. Aabot kaya ako? Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at alas tres na ng hapon. Jusko. Kaya pala tirik din ang araw.
Makalipas ang isang oras ay nasa kalahati na ako ng pila ng ma-realized ko na ang lugar kung saan kami nakapila ay ang labas ng eskwelahan ng Demirkan Academy. Holy shi-!
Oh my goodness! Bakit di ko agad napansin? Jusko. Mag backout nalang kaya ako? Balita ko kasi, mataas ang standards dito at mga rich kids ang nagaaral. Mukhang hindi ako qualified na magapply.
Balak ko na sanang umalis sa pwesto ko at umuwi nalang sa apartment ng nakapag pahinga ako at magsimulang maghanap ulit ng mapapasukanh trabaho ng may lumapit sa akin na magandang babae na nakapostura ng maganda at sinalubong ako ng matamis na ngiti.
“Hi, I’m September but you can call me, Sep. Okay ka pa? Gusto mo ikuha kita ng makakain? Mukhanh gutom ka na. Sorry kung matagal pa bago ang turn mo pero sana wag mong alisan ang opportunity dito. Malay mo, ikaw na ang next na makuha.” saad niya at abot sa akin ng binigyan ako ng isang nakabalot na cake slice mula sa convenient store at juice.
“Thank you.” agad akong ngumiti sa kanya na siya namang ginantihan niya at ng lingunin ko siya ulit sa likod ko ay nakita kong nasa malayo na siya at namimigay ng pagkain sa iba pang nakapila.
5:30 pm na at ako na ang sunod sa interview at ako na rin ang huli bale, dahil halos karamihan sa mga kasabayan ko kanina ay bukod sa alam kong wala sa kanila ang natanggap ay ang iba umalis sa kalagitnaan ng kanilang pagpila sa pagkainip siguro o ewan ko basta umalis sila.
Kinakabahan talaga ako. Hindi ito ang unang beses na na-interview ako pero pakiramdam ko metikuloso ang nagiinterview dahil kahit na mukhang mga professional ang mga naunang nag apply sa akin wala sa kanila ang nakuha na siyang pinagtataka ko rin. Ano ba kasi talagang trabaho ang aapplyan ko?
“Next, please.” tawag ng pamilyar na boses kaya agad ko itong hinanap.
“Ikaw yung kanina ah?” nakangiting saad ko.
“Ako nga. Buti at hindi ka umalis. Good luck!” sabi niya sabay thumbs up bago buksan ang pinto papasok sa kung hindi ako nagkakamali ay ang headmasters office.
Imagine, mula sa labas ng gate ng D.A ang pila kanina hanggang dito sa headmasters office. Ganun ka-tunog ang eskwelahan na ito para pilahan ng marami kaso hindi lahat kayang mag antay ng matagal para sa turn nila.
Napa jawdrop ako mentally ng tuluyan akong makapasok sa luob dahil isang red velvet ang buong kwarto at ang style niya ay pang old times. Not to mention na may mga makakapal na libro na nasa kanang bahagi ng desk at isang tase ng kape. I wonder kung naka ilang kape na ang interviewer mula pa kanina.
Starstruck ako ng umikot ang swivel chair paharap sa akin kung saan ako nakatayo at makita ang mukha ng sinasabi ng ilan kanina na siyang headmaster na nagiinterview sa mga applicant ng kanyang eskwelahan.
Ang gwapo niya thou halata mong matanda na siya at may pagka strikto. Ilang taon na kaya siya? Curious ako.
“Have a seat, please.” panimula niya na akin namang sinunod habang nagsasalin siya ng kape sa kanyang tasa.
“Anything you like before we start?”
Umiling ako at akmang ibibigay na sa kanya ang aking dalang resumè ng senyasan niya ako na h’wag itong iabot sa kanya. Huh? Job application ito ’di ba? Weird. Napakamot nalang ako sa ulo mentally.
Sumimsim siya ng kaunti sa kanyang kape na di ko alam kung pang ilan niya na sa buong araw na ito at sumandal sa kanyang upuan.
“Name?”
“Aryscos Henson.”
“Age?”
“Eighteen years old.”
“Do you swear not to disclose anything you will hear from this interview?”
“Yes.” ano kayang position ang hinahanap niya at ganito ka-seryoso at kakaiba ang way ng pagiinterview niya?
“Well then, I am going to ask you questions and all you need to do is to answer them with the first thing that comes out of your mind. If you react or think before you answer, your chances of getting accepted will be low. Are you ready?”
Oh my gahd. Start na ng totoong job interview. Whew! Fight!
“Yes.”
Inayos niya ang pag upo niya na mas maayos kesa sa kanina. Mas strict looking kumbaga at sumimsim ng kape niya sa huling pagkakataon.
“What is your blood type?”
“Type O.”
“Are you allergic to something?”
“Yes.”
“And that is?”
“Shrimps.”
“Do you mind if people approach you and sniff at you?”
“Yes.”
Huminto siya sa pagtatanong at bahagyang napasandal sa kanyang upuan. May mali ba sa nasabi ko?
“Hmm. . Are you a curious cat?”
“Sometimes.”
“Do you mind getting yelled at?”
“Why?”
Parang naiba yata ang dapat niyang itanong sa akin?
“I mind if I didn’t do anything wrong or if I did the right thing.” seryoso kong sagot kasi duh? Totoo naman eh.
Sa sagot kong iyon ay napangisi siya. Wow. Kaya pala niyang mag react? Akala ko poker face all the way siya eh.
“Do you feel small when you are in a crowded place?”
“Yes. Because I am small. A height of five feet and two inches makes the world so big for me and to top all that, I also look like a child or most of the times, they thought I’m a girl that needs savings when I really don’t.”
“So that means you are also not used to big parties, are you not?”
“Yes.” syempre kahit laking ampunan ako, ’di ko feel masyadong crowded na lugar pero about na sa party ang tanong niya. Ah! ’Di kaya nangangailangan sila ng event organizer?
“Do you like violence?”
Hindi ako agad naka sagot sa tanong na iyon kasi, what the heck?’ Bakit biglang may na-involve dito na violence? May nakikipag bugbugan ba sa pagoorganize ng event?
“Maybe.” pero syempre, game ako d’yan. ’Di porket closet gay ’di ko kayang lumaban.
“I see, so you’re not sure either.”
“Does the job involve such?” oha, unofficial turn ko na para ako naman ang magtanong.
“No. I just want to ask.” at ngumisi ulit siya sa di ko malaman na dahilan. So, trip lang niya akong tanungin ng ganun?
“Do you have any relatives or friends?”
“I’m an orphan and I only have few friends and most of them are in the place where I grew up with.”
“Hmm. . Can you describe your attitude towards certain mind of people?”
“I’m a curious and observant type of person thou I become violent if sometries to harm me or my friends.”
“I see, so that’s why you’re not sure about my previous questions,” muli siyang sumisim sa kape niya at tumingin sa akin, “Do you believe in supernatural beings?”
“You mean ghost and such?”
“Yes.”
“No.” di naman kasi iyon totoo. Nilikha lang ang mga iyon para sa mga tao nuong unang panahon para may katakutan sila lalo na sa mga bata. Hahaha.
“Why?”
“Because I haven’t seen one yet.”
“Well, thats good.” isang kakaibang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Hindi ngisi kundi ngiti. Bakit kaya?
“Last question, and this will determine if you will be accepted or not,” saad niya bago ilapag ang ngayong wala ng laman na tasa niya ng kape sa maliit na platitong patungan nito, “Are you ready to die?”
“No!” what the hell? Bakit ganun yung last question? Trip ba iyon?!
“Hmm, I see.” saad niya at hinimas ang kanyang baba, “Thank you for being honest. Congratulations, you are now hired.”
~ • ~
Tuwing naaalala ko kung paano ako natanggap sa eskwelahan na ito bilang Librarian ay talagang nawi-weirduhan ako. Hahaha. Pero syempre thankful ako dahil sa ganuong kaweirduhan ay nagkatrabaho ako.
“Yes, Mr. Phil. I still remember. Why’d you asked?”
“Because we are going to talk about one of the questions I have for you from before.”
“And that is?” mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapan na ito. How could I forget?
“Do you believe in supernatural beings?”
“No.” isang mabigat na buntung-hininga ang pinakawalan ko at tumingin sa mga mata niya, “But now, I do.”
“Good.” nakangisi niyang saad at kita ko ang pagkislap ng mga mata niyang naging pula.
A/N:
Posted: May 27, 2019 at 3:30 AM
Oh, pak! Bongga ng dulo. Pa-excite kuno. Hahaha. Ito ang pinaka mahaba na update ko para sa story pero wait, hep hep! May mas hahaba pa d’yan at kung anong chapter ay secret! So, ’yun lang. Matulog na kayo ’oy!
Anyway, ’til next update! Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 15: THIRST
“What made you changed your mind about supernatural beings?” tanong ni Mr. Phil.
I don’t know kung dapat ko ba siyang prankahin na alam ko na ang tungkol sa sikreto ng mga nasa night class or what. Hay.
“May mga bagay lang po kasi ako na kailan ko lang natuklasan at unti-unti ko pa siyang inu-unawa.”
“Tulad ng?”
Napalunok ako sa ’di ko maintindihan na dahilan. Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang nalalaman ko at tanungin?
“U-uhm. .” parang hinihila ang dila ko ng mga nais na kumawalang mga salita.
“Alam mo na ang sikreto ng mga estudyante ng night class, tama ba?”
“O-opo! Ah. . eh. . a-ano po?!” nagpanggap akong di ko masyadong naintidihan ang sinabi niya dahil ewan ko, kailangan?
Natawa siya sa reaksyon ko at nagsalin ng alak sa dalawang basong babasagin at iniabot sa akin ang isa na akin namang tinanggap.
“Mr. Henson, please be comfortable with me like you are with September. I know the both of you already knows the secret of my night class and I’m happy and relieved at the same time that you were able to keep it to yourself kahit na alam kong mahirap para sa inyo at lalo na sa iyo. I can also feel that there is something that you want to ask. Do you mind asking me now?”
Shit. Ganun ba ka-obvious ang gulat ko sa mga sinasabi ngayon ni Mr. Phil para mahalata niya? ’O baka naman nababasa niya ang iniisip ko? Pwede!
Lumunok ako bago nagsalita. “Nag change sched lang ba tayo para mahanap ninyo ang daywalker sa aming mga taga morning class?”
Tumango siya. “May nakarating kasi sa akin na mensahe mula sa mga tauhan ng aking pamilya na may isang kakatwang tao ang nakita nila na may kakaibang awra na kahit sino sa aming kalahi ay nagawa niyang makuha ang atensyon lalo ng siya’y magtanghal sa isang pampublikong lugar.”
Ewan ko ba. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. It feels familiar.
“Paano kayo nakasisiguro na nasa amin ngang hanay ng morning class ang hinahanap ninyo?”
“Dahil may nakakilala sa kanya.”
“P-paano?” napalunok ako sa kaba.
Imbis na sumagot ay tumingin siya sa akin ng may makahulugang ngiti.
“Akin na ang kamay mo.” utos niya.
Iaabot ko na ang kanang kamay ko ng senyasan niya ako na ang kaliwa ang kailangan niya.
Pinagmasdan niya ito at hinimas.
“Dahil dito.” pagtingin ko sa kaliwang kamay ko at wala na ang concealer na nilagay ko at malinaw ng naka litaw ang crescent moon na simbolo.
“M-mr. Phil. .” nauutal kong saad. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawang tanggalin gayong hindi naman kalakasan ang paghimas niya at hindi rin ito nabasa ng tubig. Paano?
“Naalala mo pa ba ng una kang tumungtong dito sa Demirkan? Hindi mo pa nagagawang takpan ito nuon at wala pa akong alam ng mga panahon na iyon sa palatandaan ng isang daywalker hanggang sa may nakapagsabi sa akin na nakita nila ang isa sa miyembro ng aking eskwelahan na mayruon nu’n at ikaw agad ang pumasok sa isip ko.”
Agad kong binawi ang kaliwang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak. Ito na siguro ang oras para alamin kung anong kailangan niya sa akin.
“Bakit ninyo ako hinahanap?”
Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin. “Tatapatin kita, Arys at sana ay h’wag kang mabibigla. Maipapangako mo ba?”
“O-opo.” kahit na ang totoo ay hindi ako sigurado.
“Gusto ko sana na ikaw ang italaga upang sunod na maging pinuno sa lahi naming mga bampira.”
Para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. Kung ganun, si Mr. Phil, isa din siyang bampira? Iyon ba ang dahilan kung bakit minsan ko lang siyang makitang nasa labas ng kanyang office at ’ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang lumabas nitong mismong eskwelahan na pagmamay-ari niya? And, what?! Gusto niya ako na maging pinuno nila? Bakit? Dahil ba sa ako ang daywalker?
Bigla ko tuloy naalala ang naging usapan namin ni Ae.
“Pero, hindi ako isang bampira. As you can see, tao ako. Hindi ko nga alam paano nangyari na ako ang tinatawag ninyong daywalker. Kung bampira ako, ’di ba dapat gaya ninyo rin akong hindi nakakatagal sa araw?”
Huminga siya ng malalim bago sumagot sa akin. “Dahil espesyal ka, Arys. Hindi ka gaya namin. Ang daywalker ay isang bampira na kayang tumagal sa araw gaya ng sa ordinaryong tao. Hindi mo rin kailangan uminom ng dugo para manatiling bata at humaba ang buhay dahil umaapaw ang dugo sa katawan mo. Kumbaga, ikaw ang human version ng fountain of life.”
“Pero, hindi ko kayang mamuno lalo na sa lahi ng bampira. All I know is that, isa akong normal na tao bago nangyari sa akin ’yung mga kaweirduhan na naranasan ko after kong mapunta sa night class.”
“Paumanhin kung nagmumukhang pinipilit kita na magdesisyon ng agaran pero ang alam ko lang, mahina na ang kasalukuyang pinuno namin at di magtatagal, may mga kalahi na naming babali sa aming batas. Ayaw ko lang dumating ang oras na mawala ang dignidad naming mga bampira na matagal naming pinangalagaan dahil lang sa natural naming pangangailangan sa dugo para mabuhay.”
’Di ko maiwasan na mabagabag dahil sa sinabi niya. Malinis naman pala ang intensyon ni Mr. Phil pero kasi, wala akong alam sa pagiging pinuno lalo na kung ang pamumunuan ko ay ang lahi ng mga bampira.
“Talaga bang hindi na kaya ng kasalukuyang pinuno ninyo na gampanan ang tungkulin niya?” may age limit ba ang taglay na lakas ng mga bampira?
Tumango siya. “Nanghihina na si Mr. Valentine kahit hindi man niya ito aminin.”
“Ah, kaya-! Wait! What?! Valentine?!” OA na kung OA pero tama ba ang narinig ko? Hindi naman siya siguro iyon di ba?
“Oo. Si Mr. Kin Nexus Valentine ang tinutukoy kong kasalukuyang pinuno namin. Bakit? May problema ba?”
Ilang minuto din ang lumipas bago ko nagawang intindihin iyon. What the heck! ’Yung weirdong lalaki na iyon na hindi maka getover sa kanyang lover ang kanilang leader?!
“A-ah eh, wala naman. Ilang taon na ba siya?” hindi ko ito natanong kay Ae or kay Diego kaya sa kanya ko nalang itatanong. Malay natin. Baka alam niya. Pero, wait. Ilang taon na din kaya ’tong si Mr. Phil.
“899 years old.”
What the! Seriously?! Jusko!
“Eh kayo po?”
“632 years old. Mas bata ako sa kanya ’no kahit mukhang mas matanda ako sa kanya.”
“Weh?! Akala ko mas matanda kayo sa kanya thou matanda naman na talaga kayo, pero! Argh! Bakit ganun?” napakamot pa ako sa ulo ko gamit ang dalawa kong kamay.
Paano nangyaring si Mr. Phil na mukhang matanda ay 632 years old palang? Samantalang si Kin na mukhang nasa 30’s lang pero 899 years old na pala? That’s 267 years younger from our Headmaster! The hell!
“Dahil mas stress ako sa kanya! Ikaw kaya maging headmaster ng mga estudyanteng pasaway?! Siya, ang inaatupag lang niya ay ang kanyang casino! Pakanta-kanta! Painum-inom!” parang bata na maktol sa akin ni Mr. Phil at nawala ang pagiging ateict aura niya.
’Di ko napigilan ang sarili ko na matawa dahil sa inakto niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Sorry naman. Nakakatawa kasi talaga.
“Arys, pag isipan mo sana ang sinabi ko sa iyo. Handa akong tulungan ka kung ano man ang kailanganin mo bilang daywalker.” saad niya bago ako tuluyang makaalis ng kanyang opisina sa tagal ng paggusap naming dalawa.
Maaga ulit ang naging uwian namin dahil ito ang ikalawang araw or gabi ng exams ng mga nasa night class kaya pagdating ko sa bahay ay ahad akong humiga sa kama at tumitig sa kisame. Nakwento ko kay Ate Sep ang paguusap namin ni Mr. Phil after siyang kausapin nito. Natatawa nga ako dahil nagsumbong siya sa akin na napagalitan siya ni Mr. Phil sa ginawa niyang pangi-eavesdrop pero nagpasalamat din dahil inilihim niya ito. Ang sabi lang sa akin ni Ate Sep ay kung ano man ang maging desisyon ko ay gora lang siya basta wag ko lang daw siya kagatin. Sira talaga!
Hay. Hindi pa rin ako makapaniwala. Si Kin ang pinuno ng mga bampira pero hindi halata sa kanya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ng una ko silang makitang anim sa unang araw or gabi namin sa night class ay ganun nalang ang distansya sa kanya ng ibang kalahi nila.
Pero, sabi ni Mr. Phil ay nanghihina na siya. Paano? Mukhang ang lakas pa naman niya. Bigla akong napahawak sa labi ko ng maalala ko na naman ang ginawa niyang paghalik sa akin. Aish. Dapat kalimutan ko na iyon gaya ng sinabi niya eh! Pero kasi! Bakit may parte sa akin na nagsasabing h’wag at sumisikip ang dibdib ko sa di ko malaman na dahilan.
“Ikaw pala, Arys!” masayang bati sa akin ni Zygo ng makarating ako sa tapat ng coffee shop nilang bukas. Tumingin sa akin ang mga customers nila at medyo napahawak pa ako sa balikat ni Zygo sa kaba. Baka kasi bigla nalang may sumunggab sa akin dito. Thou sabi ni Diego sa akin ay hindi naman lahat ng customers nila sa coffee shop ay mga bampira. Meron ding mga normal na tao na night shift ang schedule sa trabaho at dinarayo sila pagka break kaya dito naka toka ang kambal sa pagbabantay para walang masamang mangyari sa mga di nila kalahi. Si Ae nga pala ang barista dito. Masarap siyang gumawa ng kape sabi ni Diego na siya namang bartender sa casino kasama si Phryne at si Kin. Ako, epal na dayo lang. Joke! Hahaha.
Bababa na sana ako sa hagdan papunta sa bahay nila ng harangan ako ni Zyga.
“Uy, hi! Kamusta?” tanong ko. ’Di kasi kami nagpang abot kanina sa school.
“Okay lang. Bakit ka nandito?” nagtaka ako sa bigla niyang pagtataray at sa pagharang niya sa pinto. Uhm, may ginawa ba ako or nasabing masama?
“Bumibisita? Bawal ba?” pabiro kong tanong pero ang totoo, naa-awkwardan ako.
“Oo! Sa susunod na araw ka nalang bumisita!”
“H-ha?!” nagulat ako sa diretso niyang sinagot sa akin. Parang may mali? Alam kong may pagka mataray talaga itong si Zyga pero, may mali talaga eh!
“Zygo! Bakit pinayagan mo siyang pumasok dito?” naiinis na tanong niya sa kanyang kambal.
“Ah eh, sorry Zy. Ang akala ko kasi okay na sa baba kaya pinayagan ko siya.”
“Anong okay? Kita mong matagal bago kumalma ulit yung matandang iyon! Argh!”
“A-ano bang nangyayari? Pwede bang ipaliwanag ninyo sa akin.”
“Hindi!” sabay nilang sagot. Mukhang parehas din silang inis sa isa’t-isa.
Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa likuran ko at agad kaming napalingon sa pinanggalingan nu’n.
“Halika, Arys. Ipagtitimpla kita ng maiinom.” saad ni Ae na inakbayan ako papunta sa counter kung saan sineserve ang mga kape.
“Anong gusto mo?” tanong niya.
Hindi ako agad nakasagot dahil di ko naman alam kung alam ba niya yung inumin na gusto ko. Hmm, ano kaya?
“Wag ka ng tumingin d’yan sa menu. Sabihin mo nalang sa akin anong gusto mo at ako na ang bahala.” nakangiti niyang saad. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko dahil du’n.
“Ahm, morrocan mint sana?”
“Hintayin mo ako dito.” nakangiti niyang saad at pumasok sa kabilang pinto kung saan ginagawa ang mga drinks.
Dahil di ko makita kung nasaan ang kambal ay luminga ako sa paligid at pagtingin ko ay wala na yung mga customers kanina maliban sa isa. Tinignan ko ito na nakaupo sa sulok at muntik na akong mahulog sa inuupan kong stool.
“E-emery?!”
Lumingon siya sa akin at ngumiti ng makahulugan. Before I know it ay nasa harap ko na siya. Wala siyang sinabi na kahit ano basta ang ginawa lang niya ay haplusin ang pisngi ko ng palad niya.
“Emery, a-ano. . ’yung nangyari ng nakaraan. .”
“Sshh,” hinarang niya ang hintuturo niya sa labi ko kaya napatigil ako sa gusto kong paghingi ng paumanhin sa nangyari ng nakaraan, “Babalik ka din sa akin.”
Nagulat ako ng halikan niya ako ulit sa labi at bumalik sa akin ang kakaibang pakiramdam ko gaya ng dati ng una niya akong halikan. Siguro dahil naiilang ako sa ginagawa niya dahil hindi naman ako tunay na lalaki na kayang magmahal ng babae. And before I know it, nawala na siya sa harapan ko bago pa man makabalik si Ae dala ang inumin ko.
“Pasensya na sa paghihintay. Heto, inumin mo.” nakangiti niyang saad at inabot sa akin ang tasa na akin namang kinuha at sinimsim ng kaunti.
“Hay, buti at wala na ang mga customers.” saad niya at lumapit sa entrance ng coffee shop para palitan ang signage ng salitang “CLOSED”.
“Ang aga ninyo yatang magsasara? May gagawin ba kayo? Alis na siguro ako kasi baka nakakaabala lang ako dito.” naalala ko kasi yung reaksyon ni Zyga sa akin kanina.
“H-hindi. H’wag. Mamaya ka na umalis. Ubusin mo muna iyan habang nagkkwentuhan tayo.” tumabi pa siya sa akin para makasiguradong hindi ako aalis.
“A-ah, sige. Sabi mo eh.” infairness, masarap itong moroccan mint na tinimpla niya.
“Ito oh. Kumain ka din.” naglapag siya ng isang platito na may tatlong magkapatong na rebel bars. Oh my gosh! Agad ko itong nilantakan dahil duh? Sweets! Pero mas okay sana kung cake pero di tamang magpaka demanding.
Narinig ko siyang tumawa kaya nilingon ko siya. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng pahirin niya ng kamay niya ang gilid ng labi ko na malamang ay may crumbs.
“Alam mo sa tuwing nakikita kita, naaalala ko si Rico sa’yo. Ganyan na ganyan din siya. Mahilig sa pagkain. Malakas kumain iyon eh.”
“Talaga? Eh, nasaan na siya? Anong nangyari sa kanya?”
Napansin ko ang paglungkot ng mata niya kaya nataranta ako.
“S-sorry. ’Di ko sinasadya. Kalimutan mo nalang yung tanong ko! Ehehe!” nag peace sign pa ako at impit na ngumiti baka sakaling gumaan ang luob niya.
Ewan ko ba. Parehas sila ni Kin na lumulungkot kapag nababanggit yung Rico.
Magsasalita na sana siya ng biglang may malakas na humampas sa pintuan papunta sa ibaba. Huh? Anong nangyayari?
Agad kaming napatakbo ni Ae sa pinanggalingan ng ingay at laking gulat ko ng makita ang nanghihina at duguang kambal.
“Anong nangyari?!” sa pagkataranta ko ay ninais kong i-upo si Zyga mula sa pagkakahiga nito sa sahig ngunit pinigilan niya ako at pilit na ngumiti.
“O-okay lang. S-sanay naman na ako, kami.” saad niya at bumaling kay Ae, “Paalisin mo na si A-arys. Baka matakot siya k-kapag nakita niya kung a-ano talaga tayong mga b-bampira.”
Nakita kung paano pigilan ni Zyga ang pagtulo ng mga luha sa mata niya habang nakatingin kay Ae na bumaling sa akin.
“Arys, tara na.” kalmadong saad ni Ae pero kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.
Ewan ko kung bakit pero gusto kong makita anong nangyayari sa ibaba.
“Arys, please! U-umalis ka na! Hindi mo dapat makita ang nasa ibaba.” dagdag ni Zygo.
“Hindi. Dito lang ako. Hindi ako aalis.”
“Hindi mo alam ang sinasabi mo, Arys. Tara na.” balak na akong hawakan ni Ae pero pinigilan mo siya.
“Sabi ninyo, ako ang daywalker ’di ba? Gusto ko makita kung anong nangyayari sa inyo. Gusto ko malaman paano ako makakatulong.”
Pakiramdam ko may kinalaman ang pinag usapan namin ni Mr. Phil sa nangyayari sa ibaba.
Nagkatinginan silang tatlo at alam kong nagdadalawang isip sila kung papayagan nila ako manatili. Namalayan ko nalang na nasa gilid na kami ng may isang parang malakas na hangin ang dumampi sa aking balat at isang malakas na pagtama sa pader ang narinig namin. Pagbukas ko ng mata ko ay sina Diego at Phryne ito. Duguan din sila at halata mo ang panghihina nila. Agad lumapit si Ae sa kanila.
“Ako ng bahala.” saad ni Ae na naka game face on at lumakad papunta sa wasak na pinto paibaba.
“Ae!” inis na tawag sa kanya ni Zyga na para bang pinipigilan siya sa balak niya.
“Ako ng bahala. Tutal ako ang may dahilan kung bakit siya nagka ganyan.” ngumiti siya ng mapait at ng tignan ko ang mga niya ay nakita ko ang pangungulila at panghihinayang.
Hindi ko maintindihan kung bakit pero nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Nang makababa siya ay agad akong kumilos at naghanap ng first aid kit para gamutin ang mga sugat ng apat na malapit sa akin.
“Pasaway ka, Arys.” nakangiting bulong ni Zygo habang nilalagyan ng betadine ang sugat niya.
“Oo nga. ’Di mo naman obligasyon na gawin ito. Babalik din naman ang maganda naming balat namin sa dati na parang walang nangyari.” dagdag ni Zyga.
“Alam ko. Pero, hihintayin pa ba natin na kusa iyang maghilom? Mabuti ng habang maaga ay gamutin na natin kesa magtiis kayo sa sakit.” nakangiti kong saad at ginulo ang buhok ni Zyga na kinapula niya. Ang cute!
Lumipat ako kina Diego at Phryne para sila naman ang gamutin pero sinenyasan ako ni Phryne na unahin si Diego. Naiilang nga ako kasi habang ginagamot ko si Diego ay titig na titig sa akin si Phryne at bigla nalang siyang ngumiti. Tinanong ko siya kung may dumi ba sa mukha or something pero hindi siya sumagot.
“Pasensya ka na Señor Arys at nakita mo kami sa ganitong sitwasyon at inasikaso kami kahit hindi naman dapat.” saad ni Diego.
“Ay tigilan ninyo na ang pagda-drama please! Hindi ninyo kailangang mahiya sa akin dahil sino ba ako para matakot pa sa inyo gayong kayo nga itong laging tumutulong sa akin sa tuwing mapapahamak ako. Hahaha!” nag thumps up sign ako sa kanila at lilipat na kay Phryne para siya naman ang gamutin ng mapatingin kami sa pintuan na wasak at makarinig ng mabibigat na yabag. Hindi ko maiwasan na hindi kabahan, hanggang sa makita namin si Ae na puno din ng sugat sa katawan na hirap na hirap sa paghinga at sumandal sa gilid na halata mong umiyak sa hindi ko alam na dahilan ng bigla nalang siyang mawalan ng malay at bago pa tumama ang katawan niya sa sahig ay nasalo na siya ni Phryne at Diego.
“A-ae?!” nagaalalang tawag ko sa kanya habang tinatapik ang pisngi niya. Hindi ko alam pero parang gusto kong maiyak ng mga sandali na iyon.
“P-patawad. . P-patawad. .” paulit-ulit niyang saad habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Nagdedeliryo na yata siya.
“Sshh. Tama na. Tahan na.” saad ko habang pinupunasan ang mga luha niya. For some reason, hinalikan ko siya sa nuo na nagpatigil sa kanya. Ewan. Para bang iyon ang alam kong paraan para mapatahan siya.
“Arys! Saan ka pupunta?!” tarantang tanong ni Zygo na hinawakan pa ako sa braso ko upang pigilan sa balak kong pagpunta sa ibaba.
“Kay Kin. Titignan ko ang lagay niya.”
“Ha? Anong pinagsasasabi mo? Dito ka lang! Sa sitwasyon ngayon ni Kin, maaari ka niyang masaktan. Matutulad ka sa amin or worse.”
Weird pero kusang gumalaw ang kaliwang kamay ko para haplusin ang pisngi ni Zygo at ngumiti sa kanya na para bang ayos lang ang lahat at walang mangyayari sa akin na kung ano sa pagbaba ko.
“Arys! Bumalik ka dito!” tawag nila sa akin pero hindi na ako lumingon pa ng makatapak ako sa dilim papunta sa ibaba kung nasaan ang Kin na alam ko at ramdam ko na nahihirapan ngayon. Hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin para makatulong pero kung ang pag inom niya sa dugo ko ang kailangan para siya ay mapatigil, kahit alam kong magiging masakit iyon para sa akin dahil hindi ko alam kung magagawa ba niyang kontrolin ang kanyang sarili ay isasantabi ko nalang ang kapahamakan.
Habang naglalakad ako sa hallway na may dim lights ay ramdam mo ang nagkukumawala kong puso sa kaba. Napakatahimik ngunit naaamoy ko ang isang masangsang na amoy. Gusto ko na ngang masuka pero pinipigilan ko lang hanggang sa makarinig ako ng mga nasisirang gamit at pag angil. Kusang lumakad ang mga paa ko na para bang alam nito kung nasaan ang hinahanap ko at napatakip ako ng dalawang kamay ko sa bibig ko. Nahihilo ako at parang sinasakala sa nakikitang sitwasyon ni Kin. Gusto kong lumapit ngunit hindi ko alam kung anong dapat na sabihin para siya’y mapa kalma.
Ang casino na minsan kong napuntahan, ngayon ay nagmukhang scenery sa isang murder scene. Nagkalat sa paligid ang mga sirang gamit, basag na bote ng alak, at dugo. Dugo ng mga nakahandusay na hindi ako sigurado kung tao ba o bampira. Pinagmasdan ko si Kin na nakaupo sa tapat ng kanyang malaking piano na parang nababaliw na ngayon ay nagpapatugtog ng sirang piyesa.
“K-kin. .” bulong ko sa kawalan at isang tulo ng luha ang dumampi sa aking pisngi mula sa aking kaliwang mata.
Tumingin siya sa gawi ko at para pa siyang nagulat ngunit kalaunan ay ngumiti ng nakakaloko. Namalayan ko nalang na nasa ibabaw na kami ng isa sa mga table na hindi niya pa nasisira at nasa ibabaw ko siya. Pula ang kanyang mga mata na gutom na gutom at handa na akong kagatin upang maging kanyang hapunan. Naglalaway siya. Natatakot ako pero mas nangingibabaw sa akin ang awa lalo ng makita ko ang pagpipigil niya sa kanyang sarili. Para bang may dalawang katauhan na naglalaban sa luob niya.
“A-anong ginaga. . Alis!. . Ayaw k-kita masa. . Argh!. . Uhaw. . D-dugo. . R-ricoo!!!” binitawan niya ako at napunta sa sulok ng silid. Nakaupo siya at nagsusumiksik na parang bata na inagawan ng candy na umiiyak at sinasabunutan ang kanyang sarili.
Bumibigat ang luob ko sa nakikita ko. Hanggang sa nga sandali na ito, si Rico na naging kasintahan niya ang nasa isip niya. Siguro pinipigilan niyang kagatin ako dahil kahawig ko ito. Ewan ko ba. Curious ako kung gaano siya kamahal ng lalaking iyon at gaano ito ka-importante sa kanya at kung ano ba ang nangyari sa Rico na iyon.
“D-d’yan ka lang! . . H’wag! . . Pakiusap. .”
Pero nagpatuloy ako kahit anong pigil niya sa akin sa paglalakad patungo sa kanya. Hindi ko alam kung nahihibang na ba ako o nagsisimula na akong magka gusto sa taong alam kong hindi ako kayang mahalin dahil may nauna na sa akin pero, there’s this whispers in my head telling me that I should not run away from him.
“B-bakit?!” tanong niya na may halong galit, awa sa sarili at panghihinayang siguro kung bakit hindi nalang ako yung taong gusto niya.
Lumuhod ako sa harapan niya at niyakap siya. Pinaling ko ang ulo niya sa aking leeg. Binibigyang daan siya para pawiin ang kanyang uhaw na may aking pahintulot kahit na alam kong maaari kong ikamatay ang gagawin kong pagpapadalus-dalos ng desisyon. Ang malinaw lang sa akin ay kailangan niya ng taong tatanggapin siya gaya ng ginawa ni Rico.
“D-dahil mahal kita. .” ang lumabas na mga salita sa aking bibig na hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi bago ko naramdaman ang mahigpit na mga kamay ni Kin na lumingkis sa aking bewang at ang kakaiba ngunit pamilyar na init sa katawan namin na magkadikit at ang pagbaon ng kanyang pangil sa aking leeg na muling nagpaluha sa akin.
Dama ko na ang unti-unting pagkahilo ko sa pagka pawi ng uhaw ni Kin ng bigla niya akong halikan sa aking mga labi. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib kahit na hindi naman dapat.
Bakit kasi hindi nalang ako si Rico? Tanong ko sa sarili ko at hinayaan nalang na tangayin ako ng mga mga susunod na mangyayari.
A/N:
Posted: May 30, 2019 at 3:30 AM
Ayun. Another long update. Tara kain po tayo ng mango graham cake at brownies. Magpausan po tayo. Hahaha. Maraming thank you sa mga nagbabasa at nagvo-vote sa kwentong ito. You guys don’t know how much it makes me happy and have the will to finish this story. Sobrang na-appreciate ko talaga.
Anyway, ’til next update! Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 16: RAGNAR
“So, ’yun na iyon?” parang nakukulangan na tanong ni Ate Sep sa akin habang nageencode sa kanyang computer. Kinwento ko kasi sa kanya ang huling encounter ko with Kin and his family members. Nga pala, nakabalik na din kami sa original schedule naming mga morning class. Nakakatawa nga kasi nanibago sila samantalang ako, parang wala lang.
“Oo? Bakit? May dapat bang mangyari after ng kagat na iyon?”
“Oo! Gaga ’to! Syempre, di ba dapat kapag kinagat ka ng banpira, maging bampira ka din? So how come you can still withstand under the sun?”
“Ah eh, siguro isa iyon sa mga priveleges ko bilang daywalker?” sagot ko.
“Ah! Oo nga pala. Nakalimutan ko.”
Pero, ang totoo, ang hindi alam ni Ate Sep ay hindi gaya ng sa mga pinalalakalap na ideyolohiya ng mga babasahin at pelikula, hindi sa paraan ng pagkagat ng bampira ka magiging ka-uri nila kundi sa pag inom ng kanilang dugo. Angas di ba? It may seems weird to hear but yeah. According kay Ae iyon ang natatanging paraan para maging isa kang bampira pero hindi ganun kadali na makainom ng dugo nila. Bakit?
Una, walang balak magbigay ng dugo ang isang bampira dahil itinuturing nila itong sagrado. Pangalawa, tagumpay man na makainom ka ng dugo nila, hindi ibig sabihin ay magiging bampira ka na agad sa paggising mo. Dahil espesyal ang blood content ng isang bampira, kapag humalo ito sa dugo ng isang ordinaryong tao, maraming komplikasyon ang maaaring maganap which means 10% over 90 ang chances na ganap kang maging bampira. Pangatlo, nagiging isang tagasunod ng bampira ang taong nakainom ng kanyang dugo. Pang apat, may kakayahan din naman ang mga bampira na pumili ng ordinarying tao na gusto nilang maging taga sunod. Bale, ito yung mga uri ng taga sunod kung saan, naka depende ang buhay nila sa buhay ng kanilang pinaglilingkuran hindi gaya ng sa mga ordinaryong bampira na nagiging tagasunod lang nila pero hindi nakadikit sa kanila ang life span. Ang mga ganitong klase naman ng bampira ay maituturing na nagmula sa pamilya ng royal family. Yes, uso din iyon sa kanila. Panglima, ang mga bampira na galing sa royal family o naging taga sunod ng royal family ay nagkakaruon ng espesyal na kapangyarihan na wala ang mga ordinaryong bampira. Which means, duon kabilang ang pamilya ni Kin mand should I say, Mr. Phil. Yes. Part din siya ng royal family sa lahi ng mga bampira.
“Pero Arys, ang shunga mo ’no? Oo nga’t ikaw ang daywalker pero bakit mo iyon ginawa kay Kin? I mean, bakit mo pina inom ang dugo mo sa kanya? Ginawa mo ba iyon dahil naaawa ka sa kanya ng mga oras na iyon o dahil nahulog ka na sa bampira na iyon ng dahil lang sa nalaman mo ang background niya na may naging jowakels siya na Rico ang pangalan na coincidentally ay kahawig mo?”
Natahimik ako sa sinabi niya. Well, hindi ko din alam. Yeah, I might be falling for him already or baka nga talagang mahal ko na pero hindi ko alam kung bakit at paano nangyari iyon. All I know is that there is something at the back of my head as well na nagsasabing mali ang ginagawa ko but I don’t know how to stop. I need a reason.
“I think it will be best na pag isipan mo muna ang mga magiging galawa mo for twice or thrice kung kinakailangan, especially if it has something to do with Kin. Remember? Ikaw ang daywalker at ang responsibility mo sa lahi nila. I am not saying this to pressure you but you have to understand the worries of Mr. Phil. Siguro kailangan mo din alamin kung saan ka ba talaga nagmula. You just don’t wake up one day and be a daywalker. You have to know and understand where you came from so you can choose what side you’ll stand. Ikaw na rin mismo ang nagsabi na sinabi sa iyo ni Ae na being a daywalker has a lot of risks since most of them just wants the benefits you can provide to them. Please, set aside mo muna ang feelings na iyan kay Kin. Decide after you know the whole story of you and behind Rico’s identity.”
Ah. Naikwento na rin nga pala sa kanya finally ang about sa mga naging encounter ko kay Emery kaya ganyan siya magsalita. Hay. Parang ate ko kung sermonan ako. Good thing is that, wala talaga akong ate or baka meron? I mean, inabandona ako di ba? That means, after that incident, I can have either a brother or sister by any chance thru one of my parents.
’Di kaya kapatid ko itong si Ate Sep kaya ganyan siya kung maka care at sermon sa akin? Nah, Scratch that. Mas maganda ako sa kanya. Hahaha. Joke lang.
Syempre, pag dating ng uwian, dating gawi. Hindi kami pwedeng maabutan ng mga nasa night class kaya agad kaming lumabas ni Ate Sep at pumasok sa convenient store. May gusto daw kasi siyang bilhin kaso wala pa kaming limang minuto ay lumabas na agad kami kasi wala daw siyang makita na gusto niya.
“Mag kape na nga lang tayo! Libre ko kaya bawal humindi.” sabay angkla ni Ate Sep ng kamay niya sa braso ko. Akala naman niya tatakbo ako. Syempre hindi. Duh? Kung coffee shop ang pupuntahan namin eh di ibig sabihin, may mga cake slices dun! Hehehe!
Pero speaking of coffee shop, naalala ko na naman tuloy sila Kin. May ganyan din kasi sila.
“Ay! Kaloka. Ang weird pero ang cool. First time ko lang yata makapasok sa ganitong cafe na wala gaanong customers. Masarap kaya mga tinda nila dito?” bulong sa akin ni Ate Sep ng makapasok kami sa luob. Well, actually nakapagtataka nga. Nasa highway naman ang shop na ito at dinadaanan ng mga tao kaya bakit wala masyadong customers? Medyo iba din ang vibes ko dito kasi parang may kakaiba talaga na hindi ko mawari. Siguro dahil sa interiors niya na makaluma. Para kasing may vibes na pang 70s to 80s di gaya ng kila Kin na moderno ang hitsura.
“Eh kasi, baka naman mahal dito!” bulong ko pabalik sa kanya ng makaupo kami sa isa sa mga bakanteng table na tabi ng bintana kung saan kita mo ang mga taong nagdaan.
Habang abala kami ni Ate Sep na pumili ng oorderin namin ay di sinasadyang mapatingin ako sa kabilang side ng cafe at mapansin ang isang lalaki na nakatalikod na may nakaupong gray na pusa sa hita niya na may green na mga mata. Ang cute! Ang sarap yakapin! Muli kong binalik ang tingin ko sa amo niya and based on my observation ay may awra ito ng pagka suplado with the suit and the side of his face that I can see. That oh so chiseled jawline. Ilang taon na kaya siya?
“Uy, ’te! Ano na?” napatingin ako kay Ate Sep ng marinig ko siyang magsalita. Sa ’di malaman na dahilan ay biglang kumabog ng kakaiba ang dibdib ko.
“H-ha?”
“Anong order mo?”
“Ah, devils cake saka hot chocolate.” excited kong sagot na parang bata na nagniningning ang mga mata.
“Alright, hintayin mo ako dito.” tumayo siya at kinuha sa akin ang menu at dumiretso sa counter.
Tumingin ako pansamantala sa mga taong dumadaan hanggang sa mapansin ko ang reflection ng mga customers sa luob ng cafe at. . luh?! Sa akin ba nakatingin yung lalaki na tinitignan ko kanina? And did he just smirked?
Napalunok ako at umiwas ng tingin kaso nakita ko siyang tumayo sa kanyang kinauupuan dala ang kanyang pusa na nasa kaliwang kamay niya. Aalis na siya? W-wait! Bakit siya. .? Lumagpas siya sa pintuan. Oh my gosh! Dito ba siya papunta sa table namin?
“S’est-on déjà rencontrés?” tanong niya. Timing na tumugtog ang favorite ko na kanta na Dark Paradise. Ano ito? Music video namin? Kasi ng oras na tumayo sa tapat ko ay pakiramdam ko ay umiikot ng lahat ng nasa paligid at hindi ako makahinga.
“I-i’m sorry?” ano ba sinabi niya?
“Ma faute. Je pensais que tu es lui.” ngumiti siya sa akin at nilahad ang kanyang kanang kamay, “Your name, my dear?”
“Aryscos Henson.” sagot ni Ate Sep para sa akin na kababalik lang mula sa counter.
“Please to meet you, Aryscos. I’m Ragnar Ainsworth.” nagulat ako ng kuhanin niya ang kaliwang kamay ko at halikan iyon, “I’ll leave you for now but we should meet again.” ngumiti siya sa amin ni Ate Sep pero may kakaiba sa mga tingin niya sa akin na hindi ko alam kung kikiligin ba ako or what.
Nang makalabas ng cafe shop si Ragnar (sabi niya ’yun ang pangalana niya eh). .
“Oh my cheeks na nagba blush! Iba talaga! Saglit lang akong nawala, nakahatak ka na agad ng sugar daddy!” kinikilig na saad niya na may kasama pang hampas sa braso ko.
“Baliw! Sugar daddy ka d’yan.” nahihiya kong depensa. Ugh. I can feel my cheeks blushing. Napahawak ako sa kamay kong hinalikan niya at nanduon pa rin ’yung feeling ko kay Ragnar na kakaiba at nakakahilo. Bakit kaya?
Habang naglalakad ako pauwi sa apartment ko at may nakapasak na earphones sa tenga ko ay hindi ko maiwasan na alalahanin si Ragnar.
“You’re not good for me but darling I want you.” sabay ko sa kanta na Diet Mountain Dew ni Lana.
“Aryscos.” pokerface na tawag sa akin ng taong nakatayo sa harap ng pintuan ng apartment ko.
Paano niya? “E-mery?”
“Bumalik ka na sa akin.” saad niya at balak akong hawakan sana ngunit agad akong lumayo sa kanya.
“Bakit ako babalik sa iyo?”
“Talaga bang nakalimutan mo na o kinalimutan mo lang?”
“Sorry, Emery. Uulitin ko ang sinabi ko sa iyo dati, hindi kita kilala. Bakit ba panay ang lapit mo sa akin? May kakilala ka bang kahawig ko? Si Rico?” umihip ang isang malakas na hangin pero nakapagtatakang hindi man lang ako nilamig.
Kinilabutan ako ng tumango siya sa sinabi ko. Oh my goodness. So, tama nga ang hinala ko na may kinalaman ito kay Rico. Jusko. Ganun ba kasikat si Rico ng time niya para mabaliw sa kanya sina Kin at itong si Emery?
Lumakad siya palapit sa akin at hinaplos ang mukha ko. “Ayaw ko sanang gawin ito pero kung kinakailangan ay gagawin ko, bumalik ka lang sa akin.” saad niya at naglabas ng makalumang dagger sa bulsa ng kanyang palda. What the! Nababaliw na ’tong isa ito! Balak ba niya akong patayin? Shit.
“E-emery. . Hindi magandang biro iyan!” kinakabahan kong saad habang umaatras palayo sa kanya. ’Nak ng! Humingi na kaya ako ng tulong sa mga kasama ko dito sa apartment?
Nagbuno kaming dalawa sa gilid ng hagdan. Kita ko sa mga mata niya ang halu-halong emosyon at ’di sinasadyang ma-out of balance siya kaya kesa pabayaan siya ay agad ko siyang niyakap at nagpagulong-gulong kami pababa sa hagdan at nabitawan niya ang dala niyang panaksak.
“A-shit!” daing ko sa sakit. Buhay pa ba ako?
“Arys!” tarantang tawag ni Eve ng makita niya ako na nakayakap kay Emery na nasa ibabaw ko, “Anong nangyari?”
“A-ano. . kasi ano eh. .” shit. Anong sasabihin ko sa kanya?
Umalis sa pagkaka ibaw sa akin si Emery at pinagpagan ang suot niyang damit at kuha sa kanyang dagger na nakapatong sa hagdan.
“Tinulungan niya ako. May mga humahabol kasi sa akin na mga lalaki kanina. Natakot ko yata siya kasi binalak ko siyang saktan habang nagtatago ako. Akala ko kasi isa siya sa kanila. Pasensya na sa abala.” saad niya at yumuko kay Eve.
“Layuan mo sila dahil kung hindi, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.” bulong niya sa tenga ko ng yakapin niya ako ng mahigpit. Napalunok ako sa takot.
“Buti nalang at hindi ka nasaktan nung babae na iyon.”
“Oo nga eh. Bakit pala nandito ka sa labas? Gabi na ah.”
“Galing kasi akong computershop. May pina-print ako.”
“Ah kaya pala. Uhm, Eve? Wag mo na sana sabihin sa mama mo ’yung nangyari. Nahihiya kasi ako kung dadagdag pa yung nangyari sa alalahanin niya.”
“Uhm, sige? Basta sa susunod, magiingat ka. Muntikan ka ng masaktan sa balak mong pagligtas kanina. O’sya pasok na tayo.”
“Sige. Salamat.”
Habang nakatitig ako sa kisame ng apartment ko ay hindi ko maiwasan na hindi alalahanin ’yung sinabing palusot kanina ni Emery kay Eve. Somehow, parang narinig ko na siya dati. Siguro sa napanuod ko sa tv.
A/N:
Posted: May 31, 2019 at 4:55 AM
’Yo! Tara kain po tayo ng custard butter bun na binili ko kanina hindi sa convenient store kundi sa isang bakery sa luob ng mall. So ayun. May isa pa akong character na pinakilala sa inyo. Sa kung anong role niya dito ay bahala na kayo mag isip. Basta, more chapters ahead.
Anyway, ’til next update! Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 17: STONE
“Ano ito? Bakit ganito lasa?” tanong ko pagka inom ko ng inorder para sa akin ni Ate Sep na ice-blended drink. Nakakaloka. Pangalawang araw na namin ito na tumatambay sa isang coffee shop. Gusto ko sana siyang dalhin sa coffee shop nila Kin kaso nahihiya ako kasi baka, i mean baka lang naman na hindi iyon pabayaran sa amin ni Ae. Isa pa, baka mag kilos baliw na naman ito kapag nalaman niyang may bampira sa paligid. Ewan ko ba kasi sa isang ito. Imbis na matakot sa gaya nila ay amaze na amaze pa siya. Hahaha.
“Di mo ba malasahan? Syempre mocha. Iyan daw specialty dito. White chocolate mocha kaya iyan ang binili ko for you.”
“Eh kung specialty pala iyan dito bakit iba yung sa iyo?” parang bata kong maktol.
“Eh, hehehe! Mukhang masarap kasi itong tropical breeze tea.” naka peace sign niyang saad. Napa facepalm nalang ako.
“Psh. Kundi lang ito libre at wala itong chocolate cookies, ibabalik ko sa’yo ito eh.”
“Hay, buti nalang talaga sagot ko. Anyway, ano na pala balita duon sa kinwento mo sa akin before? Nalaman mo na ba kung bakit ka nakakapanaginip ng mga weird things?”
Now that reminds me! Simula ng makilala ko sila Kin, tumigil na ang mga panaginip ko na iyon.
“Actually, kagabi lang ulit ako nakapanaginip ng gaya ng sa kinwento ko sa’yo. Somehow, it stopped ng maging friends ako kila Kin.”
“Hmm. .” nag thinking pose si Ate Sep sa akin at tumingin sa mga ibang customers na nasa paligid.
“Oh anyare sa’yo?” natatawa kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot kaya tumingin nalang muna ako sa bintana at pinagmasdan ang maliwanag na buwan sa kalangitan.
“I think you need help from Mr. Phil.”
“Huh?”
“Don’t you think its weird for those dreams to just suddenly stop when you met Kin and his family and then it will just resume after we got back from our normal timeframe? Then, there’s Emery who kept on saying stuffs to you about that Rico that happens to be Kin’s boyfriend before as to what you have told me. Parang may connection lahat ng nangyayari.”
“You think so too?” actually, it was all just at the back of my head pero pumapasok din sa isip ko ang mga nangyari sa akin lately and somehow para nga talagang may koneksyon ito sa isa’t-isa.
“Uhm-hmm. So if I were you, ask help na kay Mr. Phil.”
“Okay. Pero hindi ko pa alam kung kailan available si Mr. Phil. Syempre nakakahiya naman na gambalain ko siya para lang du’n.”
“But you must. I’m not sure if you are aware but may nabasa ako sa internet about the upcoming red moon. I don’t know if it has something to do with the vampires but I think you should also consider that event given the fact na sinabi niya sa’yo before that he is planning for you to be the next leader next to Kin.”
Hindi na ako umimik sa kanya at tumingin nalang sa labas ng cafè kung nasaan kami. My gahd. Hindi ako aware about sa red moon na iyan ah. Search ko nga iyan kapag nakauwi ako mamaya. Habang pinagmamasdan ko ang mga tao at kotseng nagdadaan ay isang pamilyar na kotse ang huminto sa tapat ng cafè.
“Ang gara ng kotse!” saad ni Ate Sep.
“Relax lang Ate Sep. Tumutulo laway mo sa hindi naman pagkain.” biro ko sa kanya.
“Gaga! Wala ka sigurong alam sa mga vintage cars ’no? Classic ’yang isa na iyan! Oh my gosh! Yayamanin siguro na matanda may-ari n’yan.”
Vintage? Wow. Hindi ko alam na mahilig pala si Ate Sep sa mga makalumang sasakyan. Kung sabagay, hindi familiar sa akin ang ganitong model ng kotse pero mukha siyang bago in fairness. Ang hirap siguro mag maintain n’yan.
“Anong klaseng sasakyan iyan kung ganu’n?”
“’Yan ang 1967 Ford Mustang Shelby GT500. Pero mukhang pinaayos ’yan ng may-ari. Tinted yung salamin eh.”
Duon ko lang napansin na may mga matatanda na napapalingon sa kotseng nakaparada. Siguro ganun talaga kapag kapanahunan mo, mare-recognize mo. Siguro yung may-ari n’yan may hinihintay malapit dito kaya d’yan huminto.
“Mukhang matanda nga siguro ang may-ari n’yan. Baka hinihintay niya asawa niya.” saad ko at binalik ang tingin ko sa luob ng shop at tinignan ang sine-set up na stage sa harapan. Wow. May pa live band or singer? Nice.
“Oh my gosh! Tama ka! Matanda nga ang may-ari!” bulalas ni Ate Sep kaya muling nabaling ang atensyon ko sa labas at laking gulat ko ng makita si Kin na lumabas sa may backseat kasabay si Phryne samantalang sa may front seat sina Ae at Diego. What the?!
Anong ginagawa nila dito? Nahatid na ba nila ang kambal?
“’Te! Kalmahan mo lang. Tumutulo laway mo kay Kin eh.” nakangising saad niya kaya agad kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa na kinatawa niya.
“Gaga! Nagulat lang ako pero hindi tumutulo ang laway ko!”
“Ay wow! Defensive? Okay lang naman na maglaway ka kay Kin. May hitsura naman kasi talaga ang lolo mo and not to mention na bagay sa kanya na maging bampira. I wonder ilang babae at binabae kaya nagka gusto sa kanya or nagmahal.”
Napansin ko nalang na papasok na ang grupo nila sa luob ng cafè kung nasaan kami. Luh.
“Oy! Anong ginagawa mo?!” tanong ni Ate Sep ng makita niyang dinudulas ko ang sarili ko sa ilalim ng table mula sa pagkakaupo ko.
Hindi ba obvious? Nagtatago ako!
Nagulat ako ng biglang kumaway si Ate Sep sa grupo ni Kin. Oh my! Sa mga oras na ito parang gusto ko nalang kainin ng lupa pailalim o kaya maging taong lobo at mag transform para makatakbo palayo kay Kin. Hindi ko na kasi alam anong mukha ang ihaharap ko matapos ng huling pagkikita namin.
Expectant naman kasi ako na magugustuhan niya ako dahil kahawig ako ng Rico niya before pero syempre gusto ko na mahalin niya ako bilang si Aryscos. Hay. Sakit sa leeg. Hahaha.
“Magandang gabi, binibini.” bati ni Diego kay Ate Sep at napatingin sa gawi ko, “Nandito ka pala Señor Arys. Ngayon naintindihan ko na kung bakit pinahinto ni Master ang kotse sa akin.”
Huh? Ano raw?
“A-ano. . Napadaan lang. . U-uwi na nga ako actually. . S-sige una na ako. Hehehe!” patayo na ako sa pwesto ko ng hawakan ni Ate Sep ang kamay ko. Luh. Anong eksena nito?
“Bakit ka uuwi? Di ka pa tinatawag du’n sa stage oh.” nakangiting saad niya at sumimpleng tingin kay Kin na paupo na sa pwesto ko. Magkaharapan kasi kami sa table ni Ate Sep kanina. Pero wait nga! Bakit ako tatawagin sa stage? Ano na naman kayang kalokohan ginawa nitong babae na ito?
“Huh? Anong pinagsasasabi mo? Wala akong alam d’yan.” saad ko habang pilit na kumakawala sa hawak ni Ate Sep. Naa-awkwardan na ako dahil nakaupo na sina Diego, Kin at Phryne samantalang nasa counter si Ae para umorder yata ng iinumin ng mga kasama niya.
“Anong wala? Sabi mo kanina gusto mong kumanta di ba?” humarap siya sa tatlo at ngumiti, “Gusto ninyo siyang marinig kumanta di ba? Ikaw Kin?”
Napalunok ako ng tumango ang dalawa maliban kay Kin. Poker face si Kin kaya hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya but anyway, kailangan kong makaalis dito. Ayaw kong ipahiya ang sarili ko sa mga nandito lalo na sa kanya.
Mamaya hindi niya. . .
“Maaari ba?” tanong niya na may impit na ngiti.
“Huh? A-ang alin?”
“Ang kumanta ka. . . para sa akin.”
Hindi ko alam pero kumalabog ng husto ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon. May kiliti sa sistema ko na di mawari.
“Oh ayan ah. Gusto ka nila marinig kumanta kaya mamaya ka na umalis.” saad ni Ate Sep at niyakap ako sa bewang ko na parang bata at hindi ko napigilan ang matawa sa kanya.
“Oo na, oo na! Kahit naman alam kong nilista mo yata ang pangalan ko du’n ng walang consent ko. Sira ulo ka talaga!” natatawang sabi ko ngunit hindi nakaligtas sa sulok ng mata ko ang parang mangangain na tingin niya kay Ate Sep.
Umupo ako sa tabi ni Ate Sep na ngayon ay nasa kaliwa ko at si Ae naman ay nasa kanan ko. Parehas kaming nasa gitna ni Kin kaya no choice ako kundi madalas na mapatingin sa kanya. Ano ba iyan.
“Madalas kitang makita na kasama nitong si Arys?” patanong na saad ni Ae.
“Ah eh, oo. Ayaw kasi akong nahihiwalay ni Arys sa kanya eh.”
“Baliw ka! Pinagsasasabi mo! Ikaw nga itong ayaw humiwalay sa akin.”
“Gaga! Syempre ako nga ang so-called Ate mo di ba? Kaya bilang Ate nandito ako lagi para sa iyo. Medyo bobs, girl ah!” pa-maldita effect niyang sabi na kinatawa ko kaso nahinto ako’t napatigin kay Ae ng tumikhim ito.
Uhm, may mali ba sa sinabi ni Ate Sep?
“Ikaw ang bobs, loka! Kung di mo lang ako kasama malamang namatay ka na sa kashungaan mo.”
“Kaya nga thankful akong nandyan ka. Buti nalang mahal na mahal mo ako. Pa-kiss nga.” pabirong hahalikan sana ako ni Ate Sep kaso biglang umuga yung table sa pagsipa ni Kin at may kaunting natapon sa iniinom ni Ate Sep.
“Paumanhin.” saad ni Kin in a pokerface pero mukha namang hindi siya sincere sa sinabi niya. Anong problema ng isang ito? Nagseselos ba siya? Bakit? Wala namang kami ah.
“Hindi okay lang.” nangingiting saad ni Ate Sep habang pinupunasan ang tumapong tea sa may lamesa gamit ang tissue.
Baliw talaga itong si Ate Sep. Bakit niya pa nakukuhang ngumiti gayong may nangyayaring something weird na dito sa table namin kasama nila Kin?
Habang pinapanuod namin ang mga tinatawag ng host sa harap na mag perform ay kinalabit ako ni Ate Sep.
“Baks, anong kakantahin mo?” bulong niya.
“Hindi ko alam. Gaga ka eh bakit mo ba kasi nilista pangalan ko du’n?”
“Wala lang. Sinabihan lang ako ng nasa counter na may ganito silang event at kung gusto ko ba daw kumanta eh syempre dahil parang tinutuklap na lata ang boses ko at kasama naman kita eh di ikaw nalang nilista ko.”
“Baliw. Magmumukha tuloy akong baliw tulad mo mamaya d’yan sa harap.”
Habang nagbubulungan kami ay napansin ko ang pagtitig sa akin ni Kin at hindi ko alam kung saan ako titingin ng magkatinginan kami.
“Eh bakit kasi di mo nalang kantahin yung kinanta mo ng pumunta ka du’n sa event na kinwento mo sa akin? ’Yung sa Eve ba ’yon?”
Oo nga ’no. Pwede rin. Kabisado ko naman iyon kasi favorite song ko ’yon kaya nga lang kasi . . .
“Arys, tawag ka na sa harapan.” nakangiting saad ni Ae sa akin.
Shit. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Naba blanko na ang isip ko at wala ng ibang pumapasok kundi ang . . Shit. Ano iyon? Bakit biglang pumasok sa isip ko ang nakangiting lalaki sa panaginip ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala? Somehow, there’s a familiar pain and happiness I felt for a minute.
Umupo ako sa upuan na nasa stage para makapantay ang mic stand at saglit na tumingin sa mga taong nasa cafè at bago ko ipikit ang aking mga mata ay tinignan ko si Kin. Sa hindi ko malaman na dahilan ay kusang nakapili ng kanta ang utak ko.
Right under my feet there’s air made of bricks
Pulls me down turns me weak for you
I find myself repeating like a broken tune
And I’m forever excusing your intentions
That I give in to my pretendings
Which forgive you each time
Without me knowing
They melt my heart to stone
And I hear your words that I made up
You say my name like there could be an us
I best tidy up my head I’m the only one in love
I’m the only one in love
Each and every time I turn around to leave
I feel my heart begin to burst and bleed
So desperately I try to link it with my head
But instead I fall back to my knees
As you tear your way right through me
I forgive you once again
Without me knowing
You’ve burnt my heart to stone
And I hear your words that I made up
You say my name like there could be an us
I best tidy up my head I’m the only one in love
I’m the only one in love
Why do you steal my hand
Whenever I’m standing my own ground
You build me up, then leave me dead
I hear your words you made up
I say your name like there should be an us
I best tidy up my head I’m the only one, in love
I’m the only one in love
Pagbukas ko ng mga mata ko ay nagulat ako bakit may nakita akong mga nagpupunas ng panyo sa mukha nila. Panget ba ang kinanta ko?
Pagbalik ko sa pwesto namin nila Ate Sep. .
“’Langya ka, Arys! Naiyak ako sa kinanta mo! May pinanghuhugutan ka ba?” saad niya habang mugto ang mga mata.
“Wala ah. Bakit?” pero ang totoo, habang kinakanta ko iyon ay may nakikita akong senaryo sa isip ko pero blurred. Pero alam kong hindi maganda ang mga iyon. Hindi ko nga maiwasan na hindi bumigat ang dibdib ko.
“Master?” tanong ni Phryne sa bigla nalang tumayo na si Kin.
“Gusto ko ng magpahinga.” sagot niya pero habang tinitignan ko ang mga mata niya ay parang taliwas ito sa kanyang sinabi.
“Ay ganun? Kailangan na nga din natin umuwi Arys. May pasok pa tayo bukas eh.” singit ni Ate Sep na tumayo na rin at kinuha ang mga gamit niya.
Paglabas namin ng shop ay dumiretso na kami ni Ate Sep sa kaliwang side ng kalsada para maglakad pauwi sa mga bahay namin ng marinig kong tawagin ako ni Kin.
“Bakit Kin?” tanong ko.
Parehas naka distansya sa amin ang mga kasama namin habang nasa ilalim kami ng ilaw ng lamp post.
“Patawad, Arys.” nagulat ako ng mula sa likuran niya ay isang pirasong rosas ang hawak niya at ibinigay niya sa akin.
Isang malakas na hangin ang biglang umihip sa paligid namin.
“S-saan?” tanong ko habang pinapalipat-lipat ang tingin ko sa rosas na binigay niya at sa kanya.
“Sa lahat.” tipid siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nagustuhan ko ang init ng palad niya. Hindi ko inaasahan ito dahil ang akala ko ang mga bampira ay malalamig.
“Dahil ba hindi mo ako kayang mahalin gaya ng kay Rico at tanggapin ako bilang ako?”
“Hindi. Hindi iyon.”
“Eh ano?”
“Malalaman mo din.” isang makahulugang tingin ang nakita ko sa mga mata niya at tumalikod na siya at lumakad palayo sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero ng tumalikod na rin ako at lumakad palayo sa kanya ay parang may mali. Parang gusto kong habulin siya pabalik pero sadyang may pumipigil sa akin.
“Anong nangyari?” tanong ni Ate Sep ng sabay na kaming ulit na naglalakad.
“W-wala.” peke akong ngumiti sa kanya at hindi pinahalata na isang luha ang tumulo mula sa mata ko.
Naguguluhan na ako sa sarili ko at sa mga nangyayari. Siguro tama si Ate Sep kailangan ko ng humingi ng tulong kay Mr. Phil.
A/N:
Posted: June 09, 2019 at 5:15 AM
Ayun. Inumaga na ako sa pag update. Surprising dahil #5 ang kwentong ito for supernatural so, thank you so much my friends for your time in reading my works.
Anyway, ’til next update! Stay Lunatic!
A CLOCKS BLOOD 18: MIRRORS
“Good morning, Arys.” bati sa akin ni Mr. Phil ng makapasok ako ng headmasters office.
“H-hi.” nahihiya kong tugon habang pinagmamasdan niya ako na makaupo sa upuang nasa harap niya.
“May maitutulong ba ako sa’yo ngayong araw?”
“U-uhm, ano kasi. . yung tungkol sa. . ano. .” shit. Paano ko ba sasabihin sa kanya na tulungan niya ako about sa mga weird na panaginip ko na hindi nagmumukhang tanga?
“Tungkol sa?”
“About sa red moon. .” tama. Ganito ka nalang sisimulan. Panget naman kasi kung direct kong sasabihin na tulungan niya ako sa panaginip kong kakaiba.
“Ah. Alam mo na pala ang tungkol du’n. What about that then?”
“Anong nangyayari kapag red moon? Gaya din ba iyon sa mga movies or books na lumalakas kayo?” syempre kahit papaano curious ako ’no.
“Sabihin nating ganun nga kaya kailangang magkaruon ng isang leader na kayang pamunuan ang aming lahi at pigilan ang ilan na nagbabalak na mag pista sa dugo ng mga ordinaryong tao.”
Ah. ’Yun pala ang dahilan kaya siguro gusto niyang palitan ko si Kin pero, paano naman si Kin? Alam ba niya na gusto nila siyang palitan?
“Pero bakit ako? Ayaw kong dahil ako ang daywalker ay ako na ang dapat na maging leader. I mean, si Kin? Matagal na siyang pinuno ninyo at isa siyang bampira. ’Di gaya ko, ’ni hindi ko nga alam kung paano ako naging ganito at kung paano ako mamumuno.”
Tumingin siya sa akin ng may isang makahulugang ngiti sa kanyang labi.
“Kaya ka nga nandito ay para humingi ng tulong sa akin, tama? Gusto mong malaman kung sino o ano ka talaga bago ka magpasya kung tatanggapin mo ang alok ko na palitan si Kin.”
“Ah, eh. . oo.” yumuko ako sa hiya dahil ewan ko. Halata ba?
“Hindi ko alam kung may maitutulong ba ako sa mga nangyayari sa iyo ngayon pero susubukan ko tutal mas magandang alam mo kung saan ka nagmula para mas maintindihan mo kung bakit nangyayari ito sa iyo. Iyon nga lang, kung gagawin mo ito, ipapaalala ko lang na hindi ka na maaari pang bumalik sa dati dahil magiging bukas na ang iyong kaisipan.”
Napalunok ako sa kaba pero ganun pa man, “Handa ako sa ano man ang mangyari.”
“Mabuti. Halika’t duon tayo sa aking espesyal na silid. Duon mo sana makuha ang mga kasagutan sa mga katanungang bumabagabag sa iyo.”
Sumunod ako sa kanyang paglalakad patungo sa isang tagong kwarto sa kanyang opisina at nagtaka ako ng makitang ang kwadrading silid na aming pinasukan ay wala man lang bintana o ibang gamit maliban sa napakaraming salamin na magkakaiba ang sukat at nakadikit sa pader. Anong klaseng kwarto ito? Paano ako matutulungan nito sa mga tanong na meron ako? Weird.
“Espesyal ang bawat salamin na nandito. Ang bawat isa ay maaaring ipakita sa iyo ang pinapangarap mo, pinagmulan mo, kinakatakutan mo at marami pang iba. Mula dito, ay ikaw ang magpapasya kung nais mo pa itong ituloy. Ngunit, ngayon palang ay binabalaan na kita. H’wag mong subukang magpahila sa alin man sa mga iyan dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pang ibalik ka dito ng ligtas dahil matagal na mula ng huli kong pinagamit ito at ang mga iyan ay naglalaman ng mga kaluluwa ng buhay na tao.”
Napalunok ako sa sinabi niya. Tinatakot niya ba ako?
“Eh kung ganun pala, bakit dito mo ako dinala? Paano kung mangyari sa akin? At saka, bakit baka hindi mo ako matulungan?”
“Dahil ito ang alam kong makakatulong sa iyo at wag ka magalala dahul ikaw ang daywalker kaya alam kong may natatago kang lakas sa luob mo at tulad ng sinabi ko ay di naman kita papabayaan. Ililigtas pa rin kita kung sakali pero dapat mo ding malaman na hindi na ako kasing lakas ng dati dahil matagal na rin mula ng huli kong gamitin ang lakas na meron ako bilang bampira. Ano? Itutuloy mo pa rin ba?”
Ilang minuto din akong hindi naka imik. Pinagiisipan ko maigi ang pwedeng mangyari sa akin kung sakali man na may mangyari alam ninyo na, hindi maganda. Pero, kung matatakot ako sa mga possibilidad na iyon ay hindi ko malalaman ang mga sagot sa tanong ko kaya. . .
“Oo. Handa na ako.”
“Kung ganun, maiwan na muna kita.” saad niya at yumuko sa akin, “Good luck.” ngumiti siya bago lumabas ng pinto at iwan ako mag-isa sa silid.
Napabuntung-hininga ako at lumakad papunta sa gitna ng silid at inilibot ang tingin ko sa mga salamin. Parang ordinaryong salamin lang naman ang mga ito dahil wala namang nangyayari hanggang sa makarinig ako ng mga tawanan.
“S-sino iyan? Mr. Phil?” napa atras ako habang pilit na hinahanap saan nanggagaling ang ingay na naririnig ko hanggang sa mapatingin ako sa isa sa mga salamin na nasa kanan ko. Nakita ko ang repleksyon ko na nagrereflect sa iba pang mga salamin na nanduduon at nagulat ako ng ang isa sa mga iyon ay nakangiti kahit na hindi naman ako nakangiti.
Oh shit. Anong nangyayari?
Sa mga sandaling ito ay hindi na tawanan ang narinig ko kundi pag hum. Hindi ko alam pero pamilyar ang hum na iyon sa akin. Maya-maya at tumigil ito at napalitan ulit ng tumatawang bata. Sa tansya ko ay tumatakbo ito.
“Atteeee! Attteee! Hahaha!”
Bigla nalang akong napaupo sa kinatatayuan lo at napatakip sa magkabilang tenga ko. Para akong nahihilo na nabibiyak ang ulo ko.
At unti-unti ay nagsama-sama ang tumatawang boses at ang sipol at maya-maya ay nadagdagan na ito ng sigawan at mga nababsag na kagamitan. Para akong mabibingi sa ingay pero bigla-bigla ay tumigil ito.
“AAAHHH! T-TULONG! MR. PHIL!” sigaw ko ng isa sa mga salamin ay mag crack at isang kamay ang lumabas. Nanginginig ang katawan kong lumalayo sa kamay na papalapit sa akin. Akala ko, iyon na ’yon pero hindi. Nagsimulang lumabas ang iba pang kamay sa mga salamin na nakapagtatakang nag crack at kakaiwas ko sa mga kamay na balak humila sa akin ay nasugatan ang daliri ko.
Sa kalagitnaan ng pag iyak ko na parang batang walang makapitan ng tulong ay napansin ko ang isa sa mga salamin duon na mistulang walang kamay na gusto akong abutin bagkus ay nakatayong repleksyon ko sa salamin taliwas sa sitwayon ko na naka upo sa sahig at magka dikit ang mga hita.
Nakatingin lang sa akin ang repleksyon ko ng may kakaibang ngiti sa kanyang mga labi at nay hardin na puno ng rosas sa kanyang likuran. Paanong? Ako ba ito?
“S-s-sandali!” tawag ko ng tumalikod siya sa akin.
“Teka! Saan ka pupunta?” tanong ko pero hindi siya sumagot kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at lumapit sa salamin.
“Sandali! Ikaw ba ako? O’ ikaw si Rico?”
Huminto siya sa paglalakad sa tinanong ko at nilingon ako. Biglang lumungkot ang eskpresyon ng kanyang mga mata at sinenyasan ako na lumapit. Napalunok ako ng subukan kong hawakan ang salamin na iyon dahil tumagos ang daliri ko sa kung saan.
Shit. Anong gagawin ko?
Sabi ni Mr. Phil h’wag akong papahila sa kahit na anong salamin na nandito pero. .
“T-teka! Rico! Hintay!” saad ko ng mapansing pawala na ang anino niya sa kung saan siya nakatayo. Ngayon, sigurado na ako na hindi ako ang nakita ko sa salamin kundi si Rico.
Isang malakas na kalabog ang narinig ko bago ako tuluyang mahatak ng kakaibang salamin.
“ARYS! H’WAG!” nilingon ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin at pagtingin ko ay ang humahangos na si Mr. Phil ang nakita ko at ng subukan kong abutin ang kamay niya para makabalik ay tuluyan na akong nahila papunta sa lugar na hindi ko alam.
A/N:
Posted: June 10, 2019 at 4:30 AM
Bam! Another update! Ayan. Few chapters nalang at malapit ng matapos ang kwentong ito at sa susunod na chapter ay ire-reveal ko na ang katauhan sa inyo ni Rico na ex-kasintahan ni Kin. Tara kain po tayo ng cheese burger deluxe yung large with fries and minute maid!
Anyway, ’til next update! Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 19: PAST
Buti nalang at napahawak ako sa puno dahil kung dumiretso ako sa pagtapak ay baka nalubog na ang katawan ko sa lawa. Shit. Paano ako napunta dito? Ang alam ko sinusundan ko si Rico. Teka, nasaan na nga ba siya?
“Ate! Hintay!” napalingon ako ng may marinig akong pamilyar na boses. Actually parang ka-boses ko nga at napaatras ako ng makita ang papalapit na si Rico na kahawig na kahawig ko talaga at si. . Ae?
Sa kaba ko na baka makita nila akong dalawa lalo na si Rico at matakot dahil magkahawig kami ay naghanap ako ng matataguan sa katangahang palad. Oo, ang tanga ko dahil natapilok ako ay natumba ako sa mismong dadaanan nila pero laking gulat ko ng dinaanan lang nila ako. What the? Nagpanggap lang ba silang hindi nila ako nakita para hindi ako mapahiya o talagang hindi nila ako nakikita? Shit. Anong nangyayari?
Sinundan ko si Rico at si Ae at duon ko napagtanto na magkapatid silang dalawa. Ngayon alam ko na kung bakit may kakaiba sa mga tingin ni Ae sa akin. Marahil ay naaalala niya sa akin ang kapatid niya.
Pinagmasdan ko ang lugar kung nasaan ako at tiyak kong wala ako sa tamang panahon ko dahil lahat ng nandito ay walang bakas ng teknolohiya kahit na ang mga damit na suot nila ay makaluma. Hindi ko na aalalahanin nasa anong taon ako basta ang importante ay malaman at makilala ko ang katauhan ni Rico.
Masayang tignan sina Ae at Rico at mukhang silang dalawa lang ang magkatuwang sa buhay dahil hindi ko nakikita ang mga magulang nila saan man.
Nagulat ako ng biglang mag iba ang paligid at mapunta ako sa isang hardin na napakaraming rosas ang nakatanim. Wow. Mas maganda pa ang mga ito kesa sa mga rosas na nasa panahon ko. Mas buhay na buhay ang kulay nila at matingkad parang yung bigay ni Kin sa akin. Teka, impossible naman yatang may tanim pang ganito si Kin eh sa siyudad siya nakatira at isama mo pa ang polusyon.
“Balak mo bang magnakaw?” arroganteng saad ng isang panilyar na boses kay Rico na tinitignan lang naman ang mga rosas. Wow. Yabang ah. Para namang may ginto ’yung rosas para nakawin niya. Pagtingin ko sa mayabang na nag akusa kay Rico ay laking gulat ko na makita na si Kin ito. Oh my.
“Bakit ko naman nanakawin iyan? Binibigyang atensyon ko lang sila upang hindi malanta dahil hindi mo man lang magawa silang tignan gayong napaka ganda ng bukadkad nila.”
Ayun! Palaban naman pala itong si Rico. Hah! Akala nitong si Kin papatalo siya.
“Lapastangan! Anong karapatan mo para pangaralan ako? Alam mo ba kung sino ako ha? At paano nakapasok ang tulad mo dito?”
What the? Ang sungit at ang yabang nitong Kin na nasa harapan ko. Malayo sa Kin na nakilala ko. My gahd.
“At anong klaseng kalapastangan ang aking nagawa? Sinasabi ko lang naman ang totoo at dumaan ako dito para ibigay kay Mr. Phryne ang mga iniutos niyang ipabili sa akin.”
“Oy! Bakit mo ako tinatalikuran? Hindi pa tayo tapos mag usap!”
“Aalis na ako. Nakita ko na ang mga bulaklak kaya wala ng dahilan para magtagal ako. Isa pa, may iba pa akong kailangang gawin ngayong araw ’di tulad mo na maaaring magpa ikut-ikot lang buong araw.”
“Tsk! Anong pangalan mo?”
“Bakit ko sasabihin sa iyo? O’sya. Mauna na ako.”
“Aba! Napaka!” lumakad siya palapit kay Rico at walang habas na hinila ito paharap sa kanya at hinawakan ang kwelyo niya dahilan para magkatitigan sila.
Shit. Gusto ko sila awatin pero hindi naman nila alam na nageexist ako dito sa tabi nila.
“R-rico! Master!” tawag ni Ae na patakbong lumapit sa kanila para pigilan ang maaaring maganap na komusyon sa pagitan nila. Binitawan ni Kin si Rico at agad na yumuko si Ae sa kanya, “Paumanhin Master. Ano mang kasalanan na nagawa ng nakababata kong kapatid ay sana inyong patawarin.”
“A-ate! Wala akong ginawa sa kanya kaya wala akong kasalanan! Tigilan mo nga iyan!” naiinis na saad ni Rico habang hinihila si Ae.
“Tsk! Kapatid mo itong walang modo na ito?”
“Aba! Ikaw nga itong walang modo sa atin!”
“Rico!” muling humarap si Ae kay kin at yumuko, “Patawad Master. Ako na ang bahala mag parusa sa kanya.” at tuluyan ng lumakad palayo si Ae at Rico at kapansin-pansin ang kakaibang tingin ni Kin kay Rico.
Muling naiba ang paligid at sa pagkakataong ito ay nasa library na ako at nakita ko si Phryne na nakatayo at tinuturuan si Rico na nakaupo sa lamesa at may hawak na libro.
“Hindi ko talaga maintindihan.” maktol ni Rico na parang bata at maiiyak na.
“Subukan mo muli Rico.” nakangiting saad ni Phryne at tinuruan siya sa kung ano ang nakalagay sa libro.
Wow. Nakakagulat na ngumiti si Phryne. Eh kasi alam ninyo ’yon? Hindi rin ganyan ang Phryne na nakilala ko dahil lagi siyang pokerface. Pero kung pagmamasdan parang magulang si Phryne kung umasta kay Rico.
“Phryne! Kanina pa kita tinatawag! Nasaa-?! Ikaw! Anong ginagawa ng walang modo na iyan dito?” galit na saad ni Kin sa kung saan at lumapit sa dalawa. Halatang natakot si Rico sa kanya at nagtago sa likuran ni Phryne.
“Paumanhin, Master. Ano po ba ang ipaguutos ninyo?” mahinahong tanong nito at hindi man lang pinansin ang galit ni Kin.
“Sandali! Libro ko ito ah? Bakit pinahawak mo ito sa kanya? Tinuturuan mo ba siya? Hah! Hindi ka dapat nagaaksaya ng panahon sa isang iyan. Isang ordinaryong nilalang lamang siya!”
Umalis sa pagtatago si Rico sa likuran ni Phryne at lumapit kay Kin.
“Namumuro ka na! Hindi dahil ikaw ang may-ari at amo ni Phryne ay pwede mo na siyang sigaw-sigawan! Marahil nga ay kabilang ka sa mayamang pamilya at pwede kang mambaba ng iba at wala akong pakielam duon pero ang sigawan mo ang matandang nagsisilbi sa iyo ay wala kang karapatan!”
Bago ulit mag iba ang paligid ay nakita ko ang hindi naka imik na si Kin kay Rico. Geez. Aso’t pusa pala silang dalawa. Nakita ko nalang na nakakulong na si Rico sa isang selda at umiiyak. Teka, anong nangyari?
Ilang yabag ng paa ang narinig ko at lumitaw ang nagaalalang si Ae na nasa kabila ng selda. Agad na lumapit si Rico sa kanya at nagyakapan sila sa pagitan ng mga bakal.
“Ano bang nangyari ha?”
“A-ate!. . H-hindi ako nagnakaw. . H’wag kang magalit sa akin. . H’wag mo ako itakwil. .” saad ni Rico sa pagitan ng kanyang pag iyak.
“Hindi. Hindi ko gagawin iyon! Ikaw talaga. Ano ba kasing nangyari ha?”
“S-sabi. . Sabi kasi ni Kin may b-bibigay siya sa akin. . A-akala ko mabait na siya. . T-tapos. .”
“Sshh. Tama na. H’wag ka ng umiyak. Kakausapin ko siya ha?”
“P-pero Ate! B-baka pati ikaw madamay. Baka m-magalit din siya sa iyo at ikulong tulad ko.”
Hindi ko napigilang mailing sa mga nakikita ko. Grabe. Ang sama ng ugali ni Kin pala nuon. Paano niya maatim na magsinungaling? Ayan tuloy. Napahamak si Rico. Pagkatapos ng eksenang iyon sa kulungan ay muling nag iba ang paligid. This time ay nasa hallway kami ng isang bahay. Kaninong bahay naman kaya ito?
“Sandali! R-rico!” tawag ni Kin na hinahabol si Rico na may dalang mga libro. Hindi siya nito pinapansin at tuluy-tuloy lang sa paglalakad. Hah! Dapat lang iyan sa’yo. Ang sama mo pala kay Rico.
“Rico! Pakiusap kausapin mo ako.”
“Iba nalang kausapin mo.”
“Rico! Parang awa mo na. Kausapin mo ako ng maayos. Nais kong humingi ng tawad sa nagawa ko sa iyo. Hindi ko inasahan na ikukulong ka nila. Ang nais ko lang ay takutin ka nila na ikukulong subalit iba ang nangyari.”
Pababa na siya ng hagdan ng mapahinto siya sa kanyang narinig. Uh-oh. Wrong move ka sa ginawa mong pag amin Kin.
“Malinaw na sa akin ngayon ang dahilan kung bakit ang mga tulad ninyong nagmula sa maharlikang pamilya ay walang nagiging kaibigan. Ang nais ninyo ay may mapagkatuwaan kahit na ikapahamak ng mga tulad namin.”
“Kaya nga humihingi ako ng tawad sa aking nagawa. Hindi ko ninais iyon. Naiinis lang ako sa iyo dahil lahat ng sinasabi mo ay tama! Walang kahit na sino ang naglakas luob na sabihin ang mga bagay na ’yan sa akin dahil takot sila sa akin! Sa mga tulad namin! Kaya siguro, nanibago ako na may tulad mo na kayang sabihin ang ano mang nais niya ng hindi man lang nagdadalawang isip.”
Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.
“Sinungaling! May binabalak ka na naman sigurong gawin sa akin.” saad ni Rico at bahagyang umatras palayo.
“Hindi! Nagkakamali ka. Hindi ako nagsisinungaling. Totoo ang sinasabi ko.” saad ni Kin at balak sana siyang hawakan ng muli pang umatras si Rico dahilan para madulas siya at gumulong sa may hagdan.
“Rico!” agad na kumilos si Kin at sinalo si Rico bago pa man siya tuluyang mahulog sa sahig.
Napatakbo din ako pababa para tignan kung okay lang silang dalawa. Nakapailalim kasi si Kin kay Rico dahil sinalo nga niya ito. Halatang nagulat si Rico ng marealized niyang sinalo siya ng lalaki at akmang aalis na sa pagkakadagan ng sa parte ng binti niya ay mukhang may masakit. Pagtingin ko ay mukhang nagalusan siya at may umagos na dugo mula sa kanyang sugat.
“A-ang paa mo!” nagpapanic na saad ni Kin at mukhang hindi niya alam ang gagawin pero at the same time ay parang pinipigilan niya ang sarili niya na ewan. Anong nangyayari sa kanya? Mukhang napansin din ito ni Rico.
“Ayos ka lang ba Kin? Paumanhin at nadaganan kita. Uhm, Kin?” nagaalalang saad niya at hinawalan ang balikat ni Kin ngunit tinapik ito palayo ni Kin.
“H’wag kang lalapit sa akin, Rico. P-pakiusap. Ayaw kitang saktan.”
“A-ano bang sinasabi mo? Ikaw nga itong nasaktan dahil nadaganan kita? Bakit mo ako sinalo?” napaatras si Rico ng sa pangalawang pagkakataon na subukan niyang hawakang muli sa balikat si Kin ay isang naglalaway na Kin na ang bumungad sa kanya at mukhang uhaw na uhaw. Teka, ganito din ang hitsura ni Kin ng mangailan siya ng dugo.
Imbis na matakot si Rico ay pinagmasdan lang siya nito sa kanyang pagpipigil at paghihirap na h’wag siyang kagatin. Nagtaka ako dahil nakita kong napangiti si Rico sa kanya. Eh? Bakit? Weird.
“A-anong ginagawa mo?” galit na tanong ni Kin ng hilain siya ni Rico palapit sa kanya. Luh. Nababaliw na ba siya? Hindi na ba siya natatakot?
“Hindi mo mapipigilan ang uhaw mo kahit anong gawin mo dahil nasa dugo mo na ang pagiging bampira. Oo nga’t naiinis ako sa ginawa mo sa akin pero hindi ako bulag para hindi makita ang paghihirap mo.” saad niya at niyakap si Kin at inilapit ang ulo nito sa kanyang leeg. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pamilyar na pakiramdam sa ginawa niya. Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit minahal siya ni Kin. Kakaiba si Rico.
“Hibang ka.” saad ni Rico bago niya tuluyang itarak ang pangil niya sa makinis na leeg nito.
Nakita kong masaktan si Rico pero ininda niya lang ito ng may ngiti sa kanyang labi.
“Manahimik ka nalang at intindihin mong mapawi ng dugo ko ang uhaw mo.”
Medyo nailang ako sa posisyon nilang dalawa sa ibaba ng hagdan. Jusko sana walang magdaan na kung sino. Paano ba naman kasi, pinailalim ni Kin si Rico habang sinisipsip niya ang dugo nito. Mukha tuloy silang nagme-make out na dalawa. My gahd. Pero hindi nakaligtas sa mata ko ang ginawang pag halik ni Kin sa labi ni Rico bago pa man ito mawalan ng malay at bago muling mag iba ang paligid.
At ang sumunod na lugar ay pamilyar na sa akin dahil ito ang madalas kong makita sa panaginip ko. Napalunok ako ng ma-realized na nasa tabi ko ni Rico nakaupo at nasa harap namin si Kin at nakasakay kami sa bangka sa gitna ng malawak na lawa. Naguusap sila ng mga bagay-bagay na pang magka relasyon kaya alam ko na ng mga oras na iyon na sila na at ng mapansin ko ang ngiti ni Kin ay ngayon ko lang narealized na siya yung lalaki sa panaginip ko na blurred ang mukha. What the?! Habang abala silang dalawa paguusap ay sa di kalayuan ay napansi ko si Ae na nasa gilid ng isang puno at pinagmamasdan ang dalawa. Anong ginagawa niya duon?
Sa sumunod na lugar ay ang isa pa na pamilyar na eksena sa panaginip ko dahil ito ang hardin na may mga rosas na pagmamay-ari ni Kin at nakita kong kasayaw niya si Rico sa ilalim ng maliwanag na buwan. Mukhang masaya talaga sila sa isa’t-isa dahil sa pagkakataon na ito ay narinig ko na ang sinabi ni Kin sa kanya.
“Ikaw ang iisang mamahalin ko, Rico.”
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil duon. Mahal talaga siya ni Kin. Nabaling ang mata ko sa kung saan at muli kong nakita si Ae sa isang parte ng hardin at pinagmamasdan ang dalawa. Eh? Weird.
Hindi ko alam kung mageenjoy ba ako na paiba-iba ang paligid at senaryo na napupuntahan ko. Para kasing play din pause ang peg ko dito then fast forward then pause ulit pero di bale na nga. Ginusto ko ito eh.
“T-tulong! Tulungan ninyo ako!” sigaw ng isang pamilyar na boses na naghihikahos. Nagpalinga-linga ako sa paligid at laking gulat ko ng makita si Emery na mukhang may tinatakbuhan. Sinong humahabol sa kanya?
Nakita ko nalang na hinatak ni Rico si Emery at tinakpan ang bibig nito habang nakatago silang dalawa sa malaking puno. Nanlaban pa si Emery dahil siguro akala niya ay kasamahan si Rico ng mga lalaking humahabol sa kanya na mukhang mga manyak. My gahd. Kahit dati pala ay may mga manyak na.
Napansin kong napakagat si Rico sa ibabang labi niya at parang maiiyak kaya tinignan ko maigi ang dahilan kung bakit at di ko maiwasan na matawa at maawa na rin. Sira ulong Emery ’to. Siya na nga ang tinutulungan eh. Kinagat pa niya ang kamay ni Rico na nakatakip sa kanya. Nang makaalis ang mga humahabol kay Emery ay pinakawalan agad siya ni Rico.
“Ang sakit ah!” naiiyak na saad ni Rico habang pinagmamasdan ang kagat ni Emery sa kanya.
“A-ah. . H-hindi ka ba kasama ng mga humahabol sa akin?”
“Mukha bang pagnanasaan kita? Ikaw na nga itong tinulungan eh. Sa susunod kasi kung magliliwaliw ka, sana naman ay may kasama ka man lang para hindi ka mapahamak. O’sya. Mauna na ako.” akmang aalis na si Rico ng pigilan siya ni Emery.
“S-salamat. . Ah. . A-anong pangalan mo?”
“Rico. Ikaw?”
“E-emery. Ah, gusto mong mag tsaa kasama ko?” nangiti ako dahil babaeng-babae si Emery kung makakilos at namumula pa ang pisngi.
“Hindi na. Ang mabuti pa, umuwi ka na sa inyo at sa ganuong paraan hindi na ako magaalala pa sa iyo.”
At ang mga sumunod na lugar at eksena na nakita ko ay sana hindi ko nalang nakita pa dahil bumigat ng husto ang puso ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit at awa. Ngayon naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit umiyak si Ae sa akin at humingin ng tawad sa pagiisip na ako nalang sana si Rico para makahingi siya ng tawad sa kanyang nagawa. Kung bakit may kakaiba sa mga tingin nilang dalawa sa akin kumpara sa iba nilang kasamahan. Marahil ay naaalala nila ang pagkakamaling nagawa nila na dahilan ng galit at pagkamuhi sa kanila ni Rico.
“R-rico. .” umiiyak na tawag ni Ae sa kanyang kapatid habang pilit na hinihila ito palapit sa kanya.
“H’wag mo akong hawakan! Paano mo nagawa ito sa akin Ate? Alam mong mahal ko si Kin! Nagmamahalan kami! Paano mo nagawang kunin ang sa akin?” galit at umiiyak na saad ni Rico.
“Ginawa ko lang iyon dahil ayaw kong masaktan ka! Hindi dapat umibig ang gaya mo sa isang tulad ni Kin bukod sa parehas kayong lalaki! At, isa pa. . . nuon ko pa talaga siya gusto pero. .”
“At inamin mo rin! Hindi ka naman talaga nagaalala sa akin na masaktan ako! Gusto mo lang na mukha siya kasi sa akin siya nagkagusto! Kami ang nagmamahalan! Lahat nalang ba dapat sa iyo Ate? Hindi mo man lang ba naisip na maswerte ka simula nuon dahil nagawa mo pang makasama ang mga magulang natin hindi tulad ko na hindi man lang sila nasilayan at itong tanging pagmamahal lang na naramdaman ko kay Kin ay aagawin mo pa?”
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Rico at parang ako ang nasaktan sa sampal na iyon.
“Oo nga’t naranasan ko ang makasama ang magulang natin pero iba ang kay Kin! Ngayon lang ako nakadama ng ganuon! Isa pa, hindi ba malinaw sa iyo bakit ko ginawang paiibigin si Kin sa akin? Ano nalang ang sasabihin ng iba sa kanya at sa pamilya niya kapag nalaman na ang kasintahan niya ang tulad niyang lalaki?”
Napakuyom ang kamao ni Rico at nagpipigil ng luha sa kanyang mga mata sa galit.
“Rico pakiusap haya-”
“Rico!” tawag ni Kin na nagmadaling magbihis para lang maabutan siya. Binalak siya nitong hawakan ngunit malakas niya itong tinapik.
“H’wag mo akong hawakan! Paano mo ako nagawang lokohin? Kaya pala hindi na kasing dalas ng paglaan ng oras mo sa akin nuon ang nangyayari dahil mayruon na palang nakikihati sa oras na dapat ay sa akin! Kaya pala siya ang sinayaw mo sa pagdiriwang sa harap ng mga bisita dahil hindi mo magawang ipakita sa kanila kung sino ang talagang kasintahan mo!”
“H-hindi. Nagkakamali ka, Rico. Ang totoo-”
“Walang totoo! Lahat kasinungalingan! Pinaglaruan ninyo akong dalawa!”
“Rico!” muling tawag ni Ae sa kanya ng tumakbo siya sa gitna ng malakas ng ulan palayo sa dalawa.
“Rico!” tawag ni Kin na agad napunta sa harap niya at hinarangan ang daraan niya.
Wala akong magawa kundi panuorin ang nakakadurog ng puso na eksenang iyon sa pagitan nilang tatlo.
“Umalis ka sa harapan ko.”
“Ayaw ko.”
“Alis! Hayaan mo akong umalis! Tutal ’yon naman ang gusto ninyong dalawa kahit hindi ninyo sabihin sa akin para wala ng sagabal sa pagmamahalan ninyo!”
“H-hindi Rico. . Hindi iyan totoo.” saad ni Kin at hinawakan ang kamay niya. Napalunok ako sa eksenang iyon dahil wala talaga akong magawa na kahit ano sa sitwasyon nila.
Ngumiti si Rico ng mapait at inialis ang kamay ni Kin sa kanya.
“Simula sa oras na ito wala na ang Rico na nakilala mo. Layuan mo na ako. Ayaw kong makita pa ang mukha mo o ng kapatid ko. Mga halimaw kayo!”
Sa sandaling iyon ay si Kin na ang napakuyom ng kanyang kamao at hindi na nakakilos pa sa kanyang kinatatayuan habang lumalakad palayo si Rico sa kanya. Duon ko napansin na kasabay ng agos ng ulan ay ang pag iyak ni Kin.
A/N:
Posted: June 13, 2019 at 01:25 AM
Haba ng update ko para sa chapter na ito pero syempre hindi pa d’yan natatapos ang mula sa nakaraan. May karugtong pa. So, anong reactions natin d’yan? May nabaliw na ba? Charot. Hahaha. Grabe ha! Hindi ko alam kung saan ko hinugot mga linyahan nila dito maliban sa alam kong nakikinig ako sa kanta ng Disclosure na Magnets featuring Lorde.
Anyway, ’til next update! Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 20: WHO
Ang sumunod na eksenang nakita ko ay ang pagpapatuloy ni Emery Rico sa kanyang bahay. Duon, napansin ko na mula rin siya sa royal family. Nakita ko kung paano niya asikasuhin si Rico. Ewan ko pero feeling ko ng mga oras na pinanunuod ko si Emery ay pakiramdam ko may gusto na siya kay Rico pero dahil kakagaling lang niya sa heartbreak ay hindi niya pa iyon napapansin.
Sa mga nakita ko sa pagitan nina Rico at Emery ay mukhang nagkaruon sila ng relasyon na dalawa kaso, ang isa lang ang nagmahal ng husto at iyon ay walang ibang kundi si Emery. Hindi ko maiwasan na hindi maawa sa kanya at mainis kahit papaano kay Rico dahil hindi niya pa rin magawang kalimutan si Kin matapos ng ginawa nito sa kanya at ni Ae.
“Gawin mo na lamang ang utos ko sa iyo kung ayaw mong may mangyari kay Rico.” saad ng misteryosong nilalang sa kabilang pinto kung saan nakatago si Rico. Gusto kong malaman sino ang kausap ni Emery pero sa hindi ko alam na dahilan ay hindi ko magawang makapunta sa kabilang parte ng silid. Parang nay pwersa na humaharang dito.
“Pero! Paano kapag nalaman niya na ako ang gumawa ng nais mo? Ayaw kong mawala siya sa akin!”
“Susundin mo ako o papatayin kita? Tutal, maganda si Rico para sa isang lalaki kaya hindi nakapagtatakang mahulog ang luob ni Kin sa kanya.”
“H’wag mo siyang subukang galawin! Magkakamatayan tayo!”
“Pwes, gawin mo ang gusto ko. Sa araw ng pagpapakilala sa kanya bilang susunod na pinuno, gusto ko siyang makita ng lahat na isang malamig ng bangkay! Walang mas bagay sa posisyon niya kundi ako! Maliwanag?”
Isang malakas na pagsara ng pinto ang aking narinig at saka ko palang nagawang makapunta sa kabilang parte ng pinto. Tama ang hinala ko na si Emery nga ang boses na aking narinig pero sino yung kausap niya? At, si Kin? Papatayin para lamang sa posisyon bilang pinuno?
Lumingon ako kay Rico at kita ko ang blankong ekspresyon sa kanyang mukha. Ano kayang iniisip niya?
Ang mga sumunod na lugar na napuntahan ko ay ang hardin muli na pagmamay-ari ni Kin at ang lawa kung saan sila madalas mag date. Duon ko na-realized na kahit masakit sa kanya ay nagpupunta pa rin siya sa mga lugar na iyon ng palihim at umaasang panaginip lang lahat ang mga nangyaring hindi maganda. Umaasa pa rin siya na mahal pa rin siya ni Kin. Pinagmamasdan niya ito sa malayo at tahimik na umiiyak sa nakikita niyang masayang si Kin kay Ae. Hindi maiwasang manikip ang dibdib ko dahil du’n. Hindi ko masisisi si Kin kung magtaksil siya kay Rico dahil at the end of the day ay lalaki pa rin siya pero sana sinabi niya ang totoo kay Rico. Hindi ko na tuloy alam kung dapat ko bang paniwalaan na talagang minahal ni Kin si Rico sa mga nakikita ko.
“Emery.” saad ni Rico at yumakap sa bewang nito at tumingin sa kanilang repleksyon na nasa salamin.
“Bakit mahal kong Rico, hmm?”
“H’wag mo ng ituloy. Lumayo nalang tayo sa lugar na ito at kalimutan ang lahat.”
“A-a. . Anong sinasabi mo?”
“Alam mo ang tinutukoy ko Emery. Kung sino man ang nag utos sa iyo na patayin si Kin ay h’wag mo ng gawin.”
Umalis si Emery sa pagkakayakap ni Rico at humarap sa kanya.
“P-paano mo nalaman ang tungkol du’n? At, kung gawin ko man, bakit ayaw mo? Hindi ba dapat lang iyon kay Kin dahil niloko ka niya at umibig sa kapatid mo? H’wag mong sabihin sa akin na dahil mahal mo pa siya?”
“Hindi! Hindi dahil sa mahal ko pa siya. Ayaw lang kitang mapahamak. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa iyo kapag nalaman ng pamilya ni Kin na ikaw ang pumaslang sa kanya? Matutulungan ka ba ng nag utos sa iyo? Pakiusap, Emery. Lumayo nalang tayo.”
Napailing ako at nainis dahil sa pagsisinungaling ni Rico kay Emery. Bakit hindi nalang niya aminin na mahal niya pa rin ito at kahit papaano ay minahal niya na rin si Emery at ayaw niya lang din itong mawala sa kanya? Geez.
Ang ang huling mga eksena na nakita ko si Rico ay bangungot na sana ay hindi ko nalang nakita pa ng aking mga mata.
“Sandali, paano ka. .?” kinakabahan at gulat na saad ni Emery ng mataos ang seremonyas sa labas ng clocktower kung saan ginanap ang paghirang kay Kin bilang sunod na leader ng mga bampira. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahang makikita niya pa ito dito. Nakapagtataka rin na hindi ang para sa seremonyas na damit ang kasuotan nito.
Napatigil ang lahat at lumingon kay Emery.
“Binibining Emery, ikaw ba ay tumututol sa pagtalaga kay Ginoong Valentine sa pagiging sunod na pinuno ng ating lahi?”
“H-hindi!. . Hindi maaari!. . Wala ka dapat dito!” parang nababaliw ng saad ni Emery na sinambunutan pa ang kanyang sarili at paulit-ulit na bumubulong ng hindi.
Pagsapit ng 12 mid ay isang nakabibinging mala kampanang ingay ang narinig sa buong lugar kasabay ng mga hiyawan at paghigi ng saklolo ng mga tao na nasa bayan.
Nagtaka ang mga bampira na nasa seremonya dahil sa ingay na kanilang narinig at ilang sandali pa ang lumipas ay nangamoy dugo na sa paligid dahilan para sila’y mauhaw.
“Binibining Emery! Tumigil ka at bumalik dito! Hindi pa tapos ang seremonyas! Magpakita ka ng galang at h’wag mong pairalin ang ugaling mong mala halimaw. Hayaan mo ang mga tao dahil mamaya pa tayo magpipista sa kanila.”
“Wala kang alam sa mga mangyayari kaya manahimik ka!” sigaw ni Emery sa nagpasa kay Kin ng kanyang tungkulin bilang sunod na leader ng mga bampira.
Sinamaan ng tingin si Emery ng kanyang mga kalahi ng biglang isang malakas na pagsabog ang narinig at isang maitim na usok ang sumayaw sa kalangitan.
“B-bitiwan ninyo ako!. . . Si R-rico!. . . Kailangan ko siyang puntahan!. . Ano ba?!” nanggagalaiti niyang saad habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ng mga kapwa bampira.
“Anong sabi mo? Si Rico?” agad na lumapit sa kanya si Kin at kinwelyuhan siya, “Sabihin mo sa akin! Anong mayruon sa kanya?”
“Tsk! At bakit ko sasabihin sa iyo? Wala kang karapatan na malaman ang kahit na ano tungkol kay Rico dahil sa akin siya!” malakas na tinulak ni Emery si Kin palayo sa kanya at tumakbo patungo sa lugar na pinagmumulan ng usok.
Parehas kami ng naging reaksyon ni Emery ng ang sumaluong sa kanya ay ang katawan ng mga tao at bampira na naliligo sa kani-kanilang sariling mga dugo at ang mga kabahayan ay mistulang sinunog ng kung sino man. Tumakbo siya patungo sa lugar kung saan pakiramdam niya ay kinaruruonan ni Rico pero wala ito duon. Nakihanap din ako ng hindi niya alam na nageexist ako sa maaaring kinaruruonan ni Rico ng makita ko si Kin na tumatakbo patungo sa kung saan kasabay sina Ae at Phryne kaya sinundan ko sila at humilay kay Emery.
Nakita ko ang pinaghalong kaba, takot at pagaalala sa mga mukha nila lalo na kay Kin. Bakit? Bakit ganito si Kin? ’Di ba hindi niya naman talaga minahal si Rico kaya bakit? At si Ae? Mga nakokonsensya lang ba sila dahil sa nagawa nila kay Rico kaya sila ganito?
Pumasok kami sa isang malaking gusali na mukhang bahay ng isa sa mga kabilang sa royal family at. . .
“RICO!” sigaw ni Kin at patakbong lumapit sa pabagsak ng katawan ni Rico.
Hinabol ni Phryne ang misteryosong lalaki na sumaksak kay Rico sa kanyang kaliwang dibdib kung nasaan ang kanyang puso kaya hinayaan ko nalang na makawala ito sa aking paningin at naiwan kasama nila Kin at Ae kay Rico. Ngunit sa hindi mapaliwanag na dahilan ay para akong nahihilo na hindi maka hinga habang pinagmamasdan ang likuran ng sumakaak kay Rico. Sino kaya siya at bakit niya ginawa ito?
“R-r-rico?” umiiyak si Kin habang nakayakap sa kanyang mga bisig ang katawan ni Rico na duguan.
Pilit na ngumisi si Rico kahit na nahihirapan at may umaagos na dugo sa gilid ng kanyang labi. Suot niya ang damit na dapat sana’y suot ni Kin sa seremonyas kanina.
“Rico. .” umiiyak na din si Ae at humawak sa kannang kamay ng kanyang kapatid.
“N-n-nakakainis. . B-bakit kayo pa. . H’hwag ka n-nga umiyak. .” kita ko kung paano pilitin ni Rico na idilat ang kanyang mga mata at pitikin ang ulo ni Ae para patigilin siya sa pag iyak.
“Tama na, Rico. Pakiusap. Hindi ka pwedeng mamatay. Hindi ko hahayaang mangyari ’yun.” saad ni Kin at kinuha ang kanyang punyal na nasa bulsa ng kanyang damit at sinugatan ang kanyang sarili. Nakita ito ni Rico at marahas na nilayo ito sa kanya.
“H-hindi ko kailangan n’yan. . Ayaw kong mabuhay ng mahabang panahon p-para. .” ngumisi siya at hindi na napigilan pang umiyak, “Malaking pagkakamali ang minahal ko ang isang tulad mo dahil anu’t ano pa man, sa huli ako ang masasaktan. . P-pero. . mahal na mahal pa rin kita kahit nasasaktan na ako kaya s-sana. .”
“Rico, pakiusap! H’wag ka ng magsalita! Pakiusap wag mong sabihing nagkamali ka sa pagmamahal sa akin dahil minahal kita ng totoo! Kahit na anong gusto mo, gagawin ko kapag lumaban ka ngayon para mabuhay. Parang awa mo na wag mo kaming iwan. H’wag mo akong iwan. Hindi pa ba sapat ang iwan mo ako sa piling ng iba? Walang araw o gabi na hindi ko hiniling na makita at makausap ulit kita at heto na nga at nangyayari pero wag. . hindi mo ako maaaring iwan!” hinawakan nito ang kaliwang kamay ni Rico at hinalikan ng madiin habang ikinikiskis sa kanyang pisngi ang lumalamig ng katawan nito.
“. . s-sana sa susunod kong buhay, makalimutan ko ang lahat ng tungkol sa iyo. . lahat-lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo para sa paraang iyon man lang makaganti ako sa pananakit mo sa akin. .” ang mga huling salita na binigkas ni Rico bago siya tuluyang mawalan ng buhay.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan at ang naghuhumiyaw sa galit at pangungulila ni Kin ang naging ingay sa paligid habang nakayakap sa katawan ni Rico na sa mga oras na iyon ay parang wala na siyang balak pakawalan pa. Wala ding paglagyan ang pagtangis ni Ae sa tabi ni Phryne na kararating lang puno ng sugat ang katawan na ebidensya mula sa kanyang pakikipaglaban sa pumatay kay Rico.
“R-rico!!!” napalingon ako sa pagsigaw na aking narinig at ang tumatakbong si Emery ang nakita ko. Huminto siya sa harap ni Kin. Mukhang pati siya hindi makapaniwala sa nakikita.
“I-ikaw! Ikaw lahat ang may kasalanan nito! H-hindi pa dapat siya patay kundi dahil sa’yo! Bakit? Bakit hanggang sa huli ikaw pa rin?” galit na saad ni Emery at walang habas na sinaktan si Kin na parang wala ng pakialam sa nangyayari. Tulala lang siya at hawak ang kamay ni Rico.
Hindi ko alam kung gaano katagal kong nakita ang mga pangyayari na iyon sa buhay ni Rico at masasabi kong sa lahat ng iyon ay naramdaman ko kung ano ang naramdaman niya. Ang halu-halong emosyon na naramdaman niya sa tabi ng mga taong pinahalagahan niya at nanakit sa kanya.
Lahat ng iyon. . .
. . ay nag iwan ng isang bangungot sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan.
Ngayong nakita ko na ang dapat kong makita at malaman, isang katanungan nalang ang hindi pa nabibigyang kasagutan. .
Bakit ko nakikita sa mga panaginip ko ang mga nangyari kay Rico?
Ako ba ang reincarnation niya o ako siya?
“ARYS!” tawag ng isang pamilyar na boses at kasabay nu’n ay ang isang malakas na bagay na tumama sa mukha ko na dahilan ng mabilisang pagbalik ko sa mga nangyari kay Rico na parang nag backplay ang isang video at pagdilat ko ng mga mata ko ay ang mukha agad ni Ate Sep na umiiyak ang nakita ko at ang nagaalalang si Mr. Phil.
“A-ate Sep?. . Mr. Phil?” tinulungan nila ako sa pag upo at inilibot ko ang tingin ko sa mga salamin na nasa ding-ding at nagulat ako ng makitang walang crack ang mga ito at ng lingunin ko ang salamin kung saan ako pumasok ay basag na basag na ito.
“Buti nalang at nailabas ka pa ni Mr. Phil. Ang sabi niya kasi sa akin ay hindi ka nagpapakuha sa kanya mula sa luob niyang salamin. Ano bang iniisip mo? Sabi ko sa’yo humingi ka ng tulong sa kanya para malaman mo kung anong dapat mong gawin bilang daywalker at ng masolusyunan mo ang love problem mo kay Kin pero heto kami at mukhang kami ng mangangailangan ng tulog sa hirap mong ilabas! Ano bang nangyari sa iyo? Anong nakita mo ha?”
Umiling lang ako at nag fake smile.
“Pwede bang iwan ninyo muna ako mag isa?”
“Syempre hindi! Hindi dito! Mamaya kung saan ka na naman mapunta at hindi ka na namin makuha pabalik.” sermon ni Ate Sep.
Hindi ko alam pero bigla nalang namuo ang luha sa mga mata ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
“Arys. .” tawag nina Ate Sep at Mr. Phil sa akin ng pumalahaw ako ng iyak. Ang sakit. Lahat ng nakita ko, para bang naipon sa luob ko at ngayon ko lang nailabas.
Bakit? Bakit nagawa iyon nina Kin at Ae kay Rico? Bakit hindi sinunod ni Emery ang pinayo sa kanya ni Rico na magpaka layo nalang?
Sila. . sila ang dahilan kung bakit namatay si Rico. Pero, kung iisipin, sino kaya yung sumaksak kay Rico? Siya din ba yung nag utos kay Emery na patayin si Kin? Bakit?
“Oy, Arys. Mabutas na ’yang dingding ko kakatitig mo.” pabirong saad ni Ate Sep at tumabi sa akin para isandal ang ulo niya sa balikat ko.
“OA mo naman sa mabutas. ’Di ba pwedeng mag crack muna?” sakay ko sa biro niya. Nandito ako ngayon sa bahay niya at hindi muna ako umuwi ng apartment matapos ng mga nangyari sa akin kanina. Gusto ko muna ng space kahit na hindi ko pa rin masyadong maintindihan kung bakit.
Saglit na katahimikan ang namayani hanggang sa magsalita ulit si Ate Sep.
“Sasabihin mo na ba sa akin kung anong nakita mo sa luob ng salamin ’yon at umiyak ka ng pang hall of fame kanina?”
Napalunok ako at saglit siyang tinignan. I guess okay lang na sabihin ko sa kanya. Alam naman niya halos lahat ng tungkol sa akin dahil para ko na siyang kapatid.
“Pag kinwento ko, wag kang magre react agad ah? Baka abutin tayo ng kinabukasan sa mga side comments mo.” natatawa kong banta.
“Oo na! Dali! Excited na ako malaman ang nakita mo.” umayos siya ng upo at humarap sa akin samantalang sumandal ako sa upuan at nagsimula na sa pagkukwento ng mga nasaksihan ko sa luob ng salamin na ’yon.
“Now I get it.” bulong niya habang nagtataas-baba ng ulo at hinihimas ang kanyang imaginary balbas. Anong na-gets niya?
“Anong sinasabi mo?”
“Ngayon na-gets ko na kung bakit may hindi ka maipaliwanag na feeling na sinabi mo sa akin dati towards Kin and Ae. Kung sabagay, naalala mo pa ba yung una kayong nagkita sa fountain? Duon palang alam kong may kakaiba na sa mga tingin niya sa iyo at saka, hindi ka pwedeng magalit kay Ae ng dahil lang sa nangyari hundred years ago. Remember, nasaktan din siya ng nilayuan siya ni Rico dahil sa pagkakamaling iyon. You don’t know kung halos isisi niya na sa sarili niya lahat ng pwedeng isisi ng mamatay ang kapatid niya sa mismong harapan niya. Besides, matagal ng nangyari ’yon kaya kahit sabihin mong baka may something between pa rin kina Ae at Kin, hindi parang ang weird? They both knew na dahil sa naging relasyon nila ay namatay ang taong parehas malapit sa puso nila at saka malay natin, kaya pala nagstick si Ae sa tabi ni Kin ay para sa sake ng kapatid niya. Baka ayaw niyang lalong masiraan ng bait si Kin dahil sa mga nangyari. Alam mo naman mga drama ng mga tao ng sinaunang panahon. Unting heartbreak lang papakamatay na agad. Gahd!” full of emotions niyang saad.
Kung sabagay, sino nga ba ako para husgahan silang dalawa? Tama si Ate Sep. Naunahan lang ako ng bugso ng damdamin ko dahil sa mga nalaman ko but that was long time ago. Sa maiksing panahon na nakilala ko sila ay alam ko at ramdam ko na sobrang lungkot at pagka miss na nila kay Rico at syempre ganun din siguro si Phryrne.
“Feeling ko nga bakla nagseselos sa akin si Kin! Naalala mo yung nasa cafè tayo? ’Yung kumanta ka? Girl! Ang lolo mo nagtitimpi lang sa akin pero feeling ko gusto niya ng itapon sa mukha ko yung iniinom ko! Hahaha!”
Halos lamunin naman ako ng hiya sa sinabi niya at sa tawa niya.
“Baliw! Bakit naman siya magseselos? Alam naman niyang parang kapatid kita at saka, impossible na gustuhin niya ako bilang ako kasi stuck pa rin siya kay Rico dahil sa trauma na rin na namatay iyon sa bisig niya.”
“Speaking of parang kapatid, naalala ko din yung naging reaksyon ni Ae ng sabihin ko na para mo na akong ate. Hay. Ngayon parang puzzle siya na unti-unti ko ng nabubuo pero maiba nga tayo. Bakit mo nakita ang mga ‘yon sa salamin na iyon? Hindi kaya ikaw ang reincarnation niya mula sa mga kanunu-nunoan ninyo? I mean, malay mo nagka anak sina Emery at Rico dahil sa pag “y’ know” nila tapos nagka anak yung anak niya hanggang sa naging cyle na siya at ikaw ang resulta?“
“Ang totoo n’yan, iyan din ang gusto kong malaman talaga. Kung bakit nakikita ko ang mga bagay na ’yon na nangyari kay Rico sa nakaraan. Malay mo tama ang sinabi mo. Baka ako nga ang reincarnation ni Rico.”
“So, ano pang hinihintay mo? Natin?”
“What do you mean?”
“Bumalik ka sa bahay ampunan na pinanggalingan mo. Impossibleng walang ibang alam ang nag alaga sa iyo bukod sa napulot ka lang. Hindi pwedeng walang naiwan na gamit mula sa magulang mo ng ipanganak ka at ’yun ang aalamin natin.”
Napaisip ako sa sinabi niya. Ako? Babalik sa ampunan? Naku. Mahaba-haba ang biyahe pauwi sa amin at hindi rin ako sure kung may makukuha ba akong kasagutan pero sige. Para sa ikalilinaw ng pagkatao ko, gagawin ko.
A/N:
Posted: June 15, 2019 at 1:30 AM
Hey. I just want you guys to know na I really have few chapters to go and matatapos ko na siya ’coz I’m sticking to what I said the last time at iyon ay ang tapusin ang kwentong ito before the end of june. The reason? I’ll just post it by July. Hehehe.
Anyway, ’til next update! Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 21: HOME
“Can someone explain to me paano natawag na Red Stone ang lugar na ’to gayong puro green ang nakikita ko? Mukhang nasa rainforest nga tayo eh!” reklamo ni Ate Sep habang naglalakad kami patungo sa kinatitirikan ng bahay ampunan kung saan ako lumaki.
Actually, kanina pa siya panay kuda dahil sa layo ng binyahe namin. Ay, hindi. Sa lumaing terminal palang pala ng bus kung saan kami sumakay. Weird na weird siya kung bakit duon lang nakakasakay ng papunta sa lugar namin. Aba, malay ko. Basta alam ko mauuna muna ang Blue Stone bago ang Red Stone. Sa amin ang pinaka malayo kasi talagang pabundok na yata na nagyeyelo ang lugar namin. Hahaha.
“Pag nakahanap ako ng mageexplain n’yan sa iyo, tatahimik ka na ba? Jusko. Gutom lang ’yan. May pagkain ako d’yan sa bag. Kunin mo.”
“Hindi ako gutom ’no. Hmmp! Sungit nito. Buti nga sinamahan kita. Ang bait ko grabe!”
“Hahaha. Wala naman kasi akong sinabi sa’yo na sumama ka eh.”
“Eh sa gusto ko. Isa pa, pinayagan naman ako, tayo, ni Mr. Phil na h’wag na muna ding pumasok so grab the opportunity! Duh?!”
“Oh kaya nga h’wag ka magreklamo kasi ginusto mo din naman.”
May dalawang oras na ang nakalipas mula ng makababa kami sa Red Stone ay laking pagtataka ko kung bakit hindi pa rin kami nakakarating sa bahay-ampunan eh sa tuwing umuuwi ako dito ay saglit lang na lakaran at nanduon na ako. Weird.
“Sigurado ka ba na dito ’yon?”
“Mukha bang makakalimutan ko eh dito ako lumaki eh.” napahilamos na ako sa mukha sa frustration ng hindi ko pa rin makita ang ampunan. Nasaan ba kasi ’yon?
“Nakakaloka. Bakit naman kasi mukhang pa-gabi na sa lugar na ito kahit 10 palang naman ng umaga.”
Maglalakad na sana ulit kami ng may marinig kaming kaluskos mula sa likuran kaya sabay kaming napalingon pero wala kaming nakita.
“Arys, di kaya bampira ’yon?” bulong niya sa akin ng makalapit sa tabi ko.
“Ewan ko. Alam ko walang bampira dito.”
Maya-maya ay lumabas mula sa pinagtataguan niya ang pinanggagalingan ng kaluskos.
“Mukhang naliligaw kayo.” saad ng lalaking mukhang kasing edad lang namin ni Ate Sep ngunit nakasuot ng makalumang damit. Agad kong hinarang ang kaliwang kamay ko kay Ate Sep para balaan siya na h’wag siyang lapitan. Napangisi dahil duon ang lalaki at ewan ko. Parang instinct ng nalamang kong isa siyang bampira at hindi tao. Teka, kailan pa nagkaruon ng mga bampira sa lugar na ito? Sana ayos lang ang mga nasa ampunan.
“Anong ginagawa ng isang daywalker na gaya mo sa lugar na ito? Magpapa-basbas ka na ba sa mga nakatataas para maging sunod na pinuno kay Valentine?”
“Wala akong pakialam sa pagbabasbas na sinasabi mo. Teka, kailan pa nagkaruon ng bampirang gaya mo sa lugar na ito?”
Nagtaka ako ng matawa siya sa tanong ko.
“Matagal ng lugar ng mga bampira itong redstone, daywalker. Saan ka ba pinanganak at hindi mo alam?”
“A-ano. . Anong sinabi mo?”
“Ang Red Stone ang tirahan ng mga bampira sa napaka tagal ng panahon kaya kung hindi mo alam ’yon, malamang ay sa siyudad ka lumaki katulad ng pamilyang Rosenbaum, Valentine at Ainsworth? Tama ba?”
Nakilala ko ang dalawang pangalan na nabanggit niya maliban sa huli ngunit pamilyar din ito sa akin na para bang narinig ko kung saan.
“Hindi. Dito lumaki ’tong si Arys. Nasaan ang Henson Orphanage dito?” singit ni Ate Sep.
“Henson? Orphanage?”
“Oo. Tama ang sinabi ng kasama ko. Duon ako lumaki.”
Tinignan kami ng kakaiba ng lalaki at nailing.
“Walang apunan dito gaya ng tinutukoy ninyo pero kung tama ang narinig ko sa sinabi ninyo na pangalan, may kilala akong Henson sa lugar na iyo ngunit isa siyang sepulturero. May pagmamay-ari siyang libingan sa lugar na ito. Libingan iyon ng mga namatay na mga bampira at taong ninais o nakainom ng dugo ng bampira.”
Nagkatinginan kami ni Ate Sep at hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ng lalaking ’to. Impossible talaga! Wala akong maalala na may sementeryo dito. ’Di kaya nililinlang kami ng isang ’to?
“O’sya mauna na ako sa inyo pero alam kong magkikita pa tayo muli, daywalker. Malapit na ang red moon kaya alam kong hindi mo kami papabayaan na mga kalahi mo.” saad niya at lumakad na palayo habang winawagayway ang kamay niya sa ere, “At tungkol sa sepulturero ng lugar na ito, dumiretso lang kayo mula sa kinatatayuan ninyo at banggitin ninyo ang pangalan niya at makikita ninyo ang sinasabi ko pero ’yun ay kung alam ng isa sa inyo ang pangalan niya.”
Nang tuluyan ng makaalis ang lalaki ay muli kaming nagkatinginan ni Ate Sep.
“Ano na? Gusto mo bang puntahan natin yung sepulturero na sinabi ng lalaki kanina? Wala namang mawawala kung susubukan natin. Kung bitag lang ’yon eh di takbo nalang tayo o kaya gamitin mo yung powers mo bilang daywalker.”
“Gaga! Takbo nalang tayo. Umasa ka pa sa pagiging daywalker ko. Alam mo namang fountain lang ako ng dugo na parang alak na nakalalasing.” yes. Tama ang nababasa ninyo. Wala akong super powers just a plain human or vampire that has a super lots of blood inside my body that can replenish the thirst of many.
Sa paglalakad namin ay unti-unti na akong nawawalan ng pag asa dahil hindi pa rin namin makita ang bahay ampunan na kinalakihan ko ng mapasabi nalang ako ng, “Miss Ada, tulungan ninyo akong mahanap ang Henson.” bulong ko sa kawalan. Maya-maya. . .
“Oh my! What the fuck!” bulalas ni Ate Sep at agad na napahawak sa braso ko ng sumalubong sa amin ang napakarami at iba’t-ibang sukat ng lapida. The hell? So, totoo nga na may sementeryo dito? Kailan pa?
Dahan-dahan akong lumapit sa lumaing gate at bago ito buksan ay napatingin pa ako sa itim na ibong nasa ituktok ng isa sa mga bakal na harang na agad ding lumipad palayo ng magkatinginan kami.
Hindi ko maintindihan ang kakaibang pakiramdam ng makatapak ako sa luob ng sementeryo. Nilalamig ako na parang nahihilo at nabibingi sa katahimikan.
“Arys, okay ka lang?” alalang tanong ni Ate Sep na todo kapit pa rin sa braso ko. Heh. Mukhang takot siya sa sementeryo.
“Oo. Ikaw? Para ka ng cellphone na nagvvibrate sa kaba mo ah.” biro ko.
“Gago. Malamig lang.” palusot niya na kinangiti ko.
Habang naglalakad kami sa gilid ng mga lapida ay napatingin ako sa mga pangalan na nakalagay kahit na ang karamihan sa mga iyon ay nabubura na. Unti-unting nanginig ang katawan ko at hindi ko na magawang mai-apak pa ang paa ko ng mapagtanto kong ang mga pangalan na nandito. . . ay pangalan ng mga batang nakasama ko sa ampunan.
“Nakauwi ka na.” saad ng pamilyar na boses sa likuran namin kaya agad ko itong liningon at nakita ko si Miss Ada na nakasuot ng makalumang damit na may hawak na pala at nakangiti sa akin.
“Maligayang pagbabalik, Rico.”
At, tuluyan ko ng naramdaman ang hilo ko sa katawan at nawalan ng malay.
Naalimpungatan ako ng may marinig akong nagtatawanan at pagpaling ng ulo ko sa kanan ay unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita si Miss Ada na nakikipag kwentuhan kay Ate Sep kaya agad akong napabangon.
“Oh gising ka na pala.” nakangiting bungad ni Ate Sep sa akin.
Tumayo si Miss Ada sa upuan niya kaya ako ang pumalit at bumulong kay Ate Sep.
“Oy, anong pinaguusapan ninyo?”
“Ikaw. Pinaguusapan namin kung paano ka patayin.” seryosong sagot niya na kinabigla at pumalahaw siya ng tawa sa naging reaksyon ko.
“Masaya akong malaman na naging maayos ang kalagayan mo siyudad at may naging kaibigan kang masayahin at matapang gaya niya.” nakangiting saad ni Miss Ada. Nangiti ako ng makitang nagniningning ang mata ni Ate Sep sa narinig niya. Hahaha.
Kinuha ko ang inabot niyang makalumang baso at ininom ang laman nito. Ang sarap naman ng inumin na ito.
“Hala! Bakit di ka nasuka sa lasa n’yan?” takang tanong sa akin ni Ate Sep ng mapansin niyang nangangalahati na ang baso ko.
“Bakit? Ang sarap kaya.”
“Masarap? Are ’ye sure? Eh pinakuluang alak iyan ni Miss Ada.”
“Eh?” naglipat ang tingin ko kay Miss Ada, sa baso ko at kay Ate Sep. Ito? Pinakuluang alak? Weird pero ang sarap niya eh.
Natawa at nailing si Miss Ada sa akin.
“Makikilala’t-makikilala ng panlasa mo ang minsan mo ng natikman. Masaya ako at may naaalala ka na ’di gaya ng dati.”
“P-po?” taka ko siyang tinignan at mukhang na-gets ni Ate Sep na kailangan niya kaming iwan dalawa ni Miss Ada ng magkatinginan sila.
Naiwan sa luob ng bahay si Ate Sep samantalang nasa labas naman kami ni Miss Ada kung nasaan ang napakaraming lapida ng mga pumanaw.
“Wala ng epekto ang kapangyarihan ko sa’yo kaya nakikita mo na ang tunay na anyo ng kinilala mong bahay ampunan.” may himig ng lungkot niyang panimula.
“K-kung ganun. . Teka, paano?” shit. Hindi ako handa sa ganitong mga biglaan na aminan thou alam ko naman na mangyayari ito pero hindi ko pa rin inexpect na maaaring totoo nga ang kutob ko na baka tama ang sinabi ng lalaki sa amin kanina.
“Naaalala ko pa ng mga panahong bata pa ako at magkasundo pa ang mga tao at bampira ay may naging kaibigan ako na nagmula sa royal family. Lahat ay gusto siyang maging kaibigan samantalang kabaligtaran ang akin dahil kakaiba daw ako dahil wala akong kinikilalang magulang dahil inabandona ako kaya hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ako napiling kaibiganin ni Alia. Matagal din kaming naging magkaibigan hanggang sa nagka asawa siya’t nagka anak samantalang pinili kong maging sepulturero na taga libing at taga alaga ng mga batang namatay dahil pakiramdam ko ay kailangan nila ng taong titingin sa kanila kahit na sila’y patay na. Dumating ang panahon na nagkaruon ng malubhang sakit si Alia na kahit ang mga kalahi niya ay walang nagawa upang mailigtas siya at tandang-tanda ko pa ang araw na iyon na nangako ako sa kanya na ako ang bahalang tumingin sa kanyang anak na lalaki na si Kin at sisiguraduhin kong makakatagpo nito ang taong laan sa kanya gaya ng sa kanila ng kanyang asawa bago siya pumanaw at iyon ang pangakong pinangalagaan at hindi ko kailanman kinalimutan sa pagtanaw ko ng utang na luob sa kanya sa pagiging mag kaibigan namin kahit na kaiba ako sa kanyang lahi.” ngumiti siya sa akin at saglit akong pinagmasdan bago nagpatuloy sa kanyang sasabihin.
“Maagang nangulila si Kin sa kanyang mga magulang dahil makaraang pumanaw si Alia ay sumunod ang kanyang ama ngunit buti nalang at nariyan si Phryne para alagaan siya kahit na lumaki siyang may pagka suwail. Tahimik kong sinundan ang paglaki ni Kin hanggang sa makita ko ang pagdating mo sa buhay niya. Hindi man aminin ng kanyang mga labi ay sapat na ang mga namumukod tangi niyang mga tingin upang masabi kong siya’y may lihim na pagtingin sa iyo kaya hindi na ako nagtaka pa ng maging magkasintahan kayo ng patago. Aaminin ko ng una ako ay nabigla ngunit sino ba ako para husgahan ang puso niyang umiibig sa kagaya mo kaya hindi ko naiwasang magalit sa kanyang ginawang pagtataksil sa iyo ng ibigin niya ang ’yong nakatatandang kapatid na si Aella pero ang akala kong paglalaro niya ng damdamin para sa iyo ay agad napalitan ng awa ng makita ko siyang halos mawalan ng bait sa pagkamatay mo. Maaaring hindi mo pa malinaw na natatandaan sa ngayon ngunit alam ko, darating ang oras na tuluyan mo ng maaalala lahat ng nangyari sa nakaraan.”
Hindi na ako halos nakagalaw sa mga rebelasyon niya. Pakiramdam ko ay muli akong nahilo at gusto ko nalang mawalan ng malay.
“I-ibig sabihin. . ako?. . Ako si. . .”
“Oo. Hindi Aryscos Beau Henson ang tunay mong pangalan kundi Rico Soames. Naisip kong ibahin ang iyong pangalan ng magising ka sa ’yong pagkakahambing dahil natakot ako na baka kapag naalala mo ang lahat ay tangkain mong patayin ang iyong sarili. At, kung nagtataka ka kung bakit Aryscos ang pinangalan ko sa’yo ay dahil gusto ko na may tanda pa rin ng iyong tunay na pangalan ang magiging pangalan mo sa kasalukuyang panahon ng hindi mahahalata ng kahit na sinong nabuhay sa iyong panahon. Ang letrang “A” sa unahan ng iyon pangalan ay tanda na ikaw ang pinangako ko kay Alia na laan sa kanyang anak at Beau na ang ibig sabihin ay maganda. Ang magandang pangakong bumihag sa puso ni Kin Valentine.“
Umihip ang malakas at malamig na hangin at kasabay nu’n ay ang pagkalagas ng mga lantang dahon mula sa mga puno. Para akong hindi makahinga sa mga naririnig ko ngayon. Impossible! Ayaw ko! Ayaw kong paniwalaan ito. Hindi ’to totoo. Hindi talaga!
“Hindi! Impossible! Nagsisinungaling po kayo! Paanong mangyayari ’yon samantalang lumaki ako sa ampunan kasama ng mga bata?” naninikip ang dibdib ko habang pinaglalaban ang alam kong alam ko.
“Lahat ng alam mo bago kayo magtagpo muli ni Kin ay kagagawan ng kapangyarihan taglay ko sa pagiging bampira. Binigyan kita ng mga huwad na ala-ala ngunit hindi naging sapat iyon dahil unti-unting bumabalik ang mga ala-ala mo sa nakaraan ng hindi mo alam. Patawad. Hindi ko nais na gawin ito sa’yo para lalo kang masaktan. Sana maintindihan mo na ginawa ko lang ito para sa inyong dalawa ni Kin. Para magkapatawaran kayo sa mga nangyari nuon. Alam kong kahit sa huling hininga mo bago ka mabuhay muli ay siya pa rin ang mahal mo, na kaya ka namatay ay dahil niligtas mo siya sa dapat na nangyari sa kanya at hindi sa iyo. Patawad, Rico. Patawad.” namalayan ko nalang na nakaluhod na sa harapan ko si Miss Ada at umiiyak habang nakahawak sa mga kamay ko. Hindi ko maiwasan na hindi bumigat ang damdamin ko dahil sa mga nalaman ko at nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Inabot na kami ni Ate Sep ng gabi dahil sa naging paguusap namin ni Miss Ada kaya duon na rin kami nagpalipas gabi na dalawa. Kahit na nakakagulat at nakakasikip sa damdamin lahat ng mga nalaman ko ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanan na ako si Rico na inakala ng lahat na patay na. Well, all along akala ko rin talaga ako si Aryscos na nangangarap maging si Rico and it turns out na hindi ko kailangang mangarap o isiping baka reincarnation niya ako dahil ako talaga siya ’yun nga lang ay nabura ang ala-ala ko sa tagal ng pagkaka himlay ko sa libingan ko. Medyo surprise ang lola ninyo dahil all along akala ni Kin ay nakalibing na ako pero ang hindi niya alam ay ataul lang ang nasa libingang alam niya na nasa dati niyang bahay pero walang ako dahil kinuha ni Miss Ada ang katawan ko ng walang sino man ang nakakita sa kanya at nakakaalam. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong kabahan sa kanya na may ganuong side pala siya. Pero atleast, hindi nabulok ang ganda ko at naalagaan niya ang katawan ko ng maayos for a very long time. Mahirap din ’yon kapag naiimagine ko na may kasama kang bangkay sa bahay mo. Duh!
“Pero maiba tayo, Ada. Bakit mo kinuha ang katawan nitong si Arys? ’Di ka ba natakot sa ginawa mong ’yon? Paano kung nakita ka ni Kin?” tanong ni Ate Sep habang kumakain ng sopas at tinapay. Wow. Iba din ’tong babaitang ’to. Close na sila agad-agad. Nakalimutan yata niyang literal na mas matanda si Miss Ada sa kanya at ako. Wait! Oo nga ’no! Dahil ako si Rico at namatay ako at nabuhay, counted ba yung mga taon na natulog ako sa edad ko?
Natawa naman sa kanya si Miss Ada. “Ang alam ko lang ng mga panahon na ’yon ay dapat kong maialis ang katawan ni Rico sa pinaglagyan sa kanya ni Kin para masigurado kong mabubuhay siya.”
“Oo nga ’no? Kung hindi, naku. Baka naagnas na ang beauty nitong si bakla!”
“Gaga! Ako? Maagnas? Over my dead body!” nag eye roll pa ako sa kanya at bumaling kay Miss Ada na nakangiting pinagmamasdan kami, “Pero, Miss Ada, paano ako nabuhay muli? Like, hindi naman ako nakainom ng dugo ni Kin kaya paano ako nabuhay at well, naging daywalker?”
Nagtaka ako ng mag iwas siya ng tingin sa akin. “Miss Ada?” tawag ko.
“Sa kagustuhan kong mabuhay ka ay pinainom ko sa iyo ang aking dugo. Kung papaano ka naging daywalker ay hindi ko rin alam. Kahit ako hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin sa kung paanong nangyaring naging daywalker ka gayong ang mga nagiging gaya mo ay nanggaling sa purong bampira na mga magulang.”
Medyo hindi na ako nabigla ng umamin siya na siya ang may sala kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako. Well, ano pa bang magagawa ko eh nangyari at isa pa, masarap din namang mabuhay ’no. Hahaha.
“Pero si Ae? Paano siya naging bampira?”
“Sa pagkakaalam ko ay pinilit ng ate mo si Phryne na ipainom sa kanya ang dugo nito dahil alam niyang hindi papayag si Kin sa gusto niyang mangyari.”
Habang naguusap kami sa kalagitnaan ng gabi ay napansin ko ang panay paglingon ni Miss Ada sa magkabilang gilid niya na parang bang pinakikiramdaman na kung ano at ng tanungin ko siya kung may problema ba ay nginitian niya lang ako.
Nakatulog na si Ate Sep pero kaming dalawa ni Miss Ada ay gising pa rin. Marami kaming napag usapan sa lumipas na mahabang panahon.
“Sana magkapatawaran na kayo ni Kin. Parehas kayong nasaktan sa mga nangyari at hindi na natin mababago pa iyon at isipin mo nalang ang kasalukuyan. H’wag mong sayangin ang pangalawang buhay mo dahil alam kong para kayo sa isa’t-isa.”
“Ah, pagiisipan ko po.” ang tangi ko nalang nasabi dahil kahit lumilinaw na sa akin ang lahat ay hindi pa rin mawala sa sistema ko lahat ng mga ala-ala ko na nakita ko.
A/N:
Posted: June 16, 2019 at 01:45 AM
Hi, I just want to share na nakakaloka po yung cafè shop na napasukan ko puro IVOS yung tugtugan. May staff yata sila na fan ng band.
Anyway, ’til next update. Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 22: SIBLINGS
“Bakit mo pino-protektahan ang taong iyan at ang daywalker? Kalahi ka di ba? H’wag mong sabihin na hindi ka nauuhaw? O’ baka gusto mong solohin ang dalawang ’yan?” nangangalait na saad ng isa sa limang bampira na sa hindi ko alam kung papaano ay nakapasok sa luob ng bahay kung nasaan kaming mahimbing na natutulog.
“Mas masahol pa kayo sa halimaw! Hindi ninyo na ginalang ang aking mga bisita!” inis na saad ni Miss Ada at sinunggaban ang isa sa kanila at hinagis palabas ng bahay.
Isa laban sa lima? Jusko. Kahit na mga bampira sila, di hamak na nakalalamang sila kay Miss Ada sa dami nila. Hindi ko alam kung paano lalaban o kahit ’tong si Ate Se-
“Bwisit kayo! Ang ganda na ng panaginip ko tapos sisirain ninyo lang dahil sa gutom ninyo?!” napaatras ako ng biglang sumigaw si Ate Sep sa galit at pinagbabato ang mga kalaban ni Miss Ada ng mga dala niyang alahas. What the fuck?! Sira ulo talaga siya! Anong maitutulong ng mga ’yon? Lalo lang magiinit ang mga ulo nila sa ginawa niya.
Nagulat ako ng maghiyawan sa sakit ang mga binato ng alahas niya. Teka, anong nangyayari?
“Hah! Akala ninyo ba pupunta ako dito ng hindi prepared? ’Yan ang dapat sa inyo!”
“Argh! Magbabayad ka sa ginawa mo!” sigaw ng isa sa kanila kay Ate Sep bago sila tuluyang tumakbo palayo sa amin.
“Salamat, September.” nakangiting saad ni Miss Ada sa kanya at nanghihinang naupo sa sahig kaya agad kaming napatakbo sa kanya.
“Miss Ada! Anong nangyayari sa iyo? Ayos ka lang ba?” nagaalalang tanong ko.
“Hala, naku! Sorry! Na-feel mo rin ba yung powers ng alahas ko? Sorry ah! Pure silver kasi iyon eh.”
Hindi ko naiwasang mapatingin kay Ate Sep sa narinig kong sinabi niya at binigyan niya ako ng “what?” expression. Oh my gahd. I really can’t imagine this person.
Binalik ko ang tingin ko kay Miss Ada ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa.
“Ayos lang dahil kahit papaano ay magagawa ninyo ng makaalis. Kagabi pa sila nagmamatyag sa inyo at humahanap ng tamang tiempo. Ako na ang humihingi ng tawad para sa nagawa nilang hindi maganda. Sadyang hindi na talaga napipigilan ng iba ang kanilang pagka uhaw dahil sa panghihina nila.” saad niya at na-ubo ng may dugo.
“Miss Ada. .”
“S-sige na. Umalis na kayo baka bumalik pa ang mga iyon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa sila kung magsama pa sila ng iba.”
“P-pero! Hindi ka namin pwedeng iwan na ganyan ang kondisyon mo. Paano ka?” hindi ko mapigilan na umiyak sa hirapan niya sa awa at pagaalala.
“Kaya ko ang sarili ko. Tatagal ba ng ganito ang buhay ko kung mahina ako?” natatawa niyang saad at ginulo ang buhok ko, “Sige na. Umalis na kayo. Ipangako mo lang sa akin na hindi ka na ulit mamamatay at sa muli nating pagkikita ay kasama mo na sa akin.”
Habang umiiyak ako dahil sa mga salitang binitiwan niya ay narinig kong nagsalita si Ate Sep at hinawakan ang braso ko.
“Arys, tara na. Mukhang pabalik na yung mga nandito kanina!”
“P-pero Ate Sep si Miss Ada!” saad ko at ayaw pahatak sa kanya.
“Pero, Arys! Ugh! Fine! Para hindi ka magalala na baka hindi niya kayanin, bakit hindi mo nalang ipainom ang dugo mo sa kanya tutal ’yun ang silbi mo bilang daywalker? Ika mo nga ay kakaiba ang content ng dugo mo para sa ordinaryong tao.”
Sa sinabi niya ay nabuhayan ako at walang pagaalinlangan na sinugatan ko ang sarili ko para maamoy niya at makita ang dugo ko. Nang una ay pinipigilan niya ang kanyang sarili na huwag akong kagatin nguniy ako na mismo ang kumabig sa ulo niya para makagat niya ako. Masakit pero ininda ko dahil iyon lang ang alam kong paraan para mapanatag akong kakayanin niyang lumaban sa mga kalahi niyang mas masahol pa sa bampira.
“Sige na, Rico. Umalis na kayo. Ako ng bahala sa kanila.” nakangiting saad ni Miss Ada na may dugo pang nangilid sa kanyang labi ngunit kakat’wang may naging kakaiba sa kanyang aura, “Salamat, daywalker.” at tuluyan na akong hinatak ni Ate Sep palayo sa nagalaga sa akin sa mahabang panahon.
Thirty minutes din ang lumipas bago kami nakasakay ng bus pabalik ng city at habang nasa bus kami ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi magalala para kay Miss Ada pero at the same time ay nagaalala din ako sa katabi ko na si Ate Sep. Kanina pa kasi siya tahimik. Hindi ko alam kung iniisip niya ba yung nangyari kanina. Baka naman ayaw niya lang ipahalata ang takot niya kanina sa akin. Hindi ko rin inasahan na mangyayari ang bagay na iyon.
“Ate Sep?” tawag ko sa kanya, “Yung nangyari kanina pase-”
“Ha? Anong pinagsasasabi mo? Ang cool nga nu’n eh! I feel so strong!” amazed niyang sabi na parang bata na may kasama pang yugyog sa balikat ko.
“W-what?!” okay, siya na talaga! Ibang klase ’tong babaita na ito, “Yun lang ba dahilan ng pagiging tahimik mo kanina pa?My gahd! Akala ko na-trauma ka na sa nangyari sa atin.”
“Bakit ako mat-trauma? Saka alam ko namang hindi mo ako papabayaan kahit na anong mangyari. At saka, actually kaya kanina pa ako tahimik ay nagiisip ako.”
“At ano naman ang iniisip mo, aber?”
“Kasi nga di ba alam na natin na ikaw si Rico pero nakilala kita bilang si Arys so hindi ko alam kung ano bang dapat na itawag ko sa iyo.”
“Anak ng! Pati ba naman ’yon inisip mo talaga? Bahala ka kung anong gusto mo. Wala namang problema sa akin kahit anong itawag mo.”
“Talaga? Weh?”
“Oo nga.” nagulat ako ng yakapin niya ang kanang braso ko at magpa cute.
“Eh kung tawagin kitang. . baby love? Hihi!”
“Gaga! Nakakadiri ka!” nagtawanan kami sa buong oras ng biyahe namin pabalik ng city.
Hapon na ng makabalik kami at agad kaming dumiretso sa Demirkan at sinalubong kami ni Mr. Phil.
“Kamusta ang naging lakad ninyo?”
“Ay naku, Mr. Phil! Hindi ka maniniwala sa mga ikukwento ko sa’yo so be ready!” excited niyang sabi at umangkla sa braso nito. Nangiti nalang ako habang pinagmamasdan silang lumalakad palayo sa akin at napatingala ako sa dumidilim na kalangitan.
Kailan kaya ang red moon?
Sa hindi malamang dahilan ay nabaling ang atensyon ko sa ibang direksyon at nakita ko ang nakatayong si Emery. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang lapitan or what.
“Rico. .” tawag niya sa akin at kusang lumakad ang paa ko papunta sa kanya at hinaplos ang ulo niya.
“Emery. .” nagulat ako ng bigla nalang siyang umiyal sa akin at niyakap ako. Ugh. Sa pagkakataon na ito ay naging pamilyar na sa akin ang pakiramdam na minsan kong nakalimutan.
“N-naaalala mo na di ba? Natatandaan mo na kung sino ako at ano ako sa iyo?”
“Uhm-hmm.” ang tangi kong naisagot.
“Kalimutan na natin ang nangyari sa nakaraan at lumayo. Magsimula tayo ulit.” somehow sa mga sinabi niya ay may naalala ako. Ah. Iyon ang sinabi ko sa kanya nuon pero hindi nangyari. Eh paano kung sa pagkakataong ito-
“Patawad. Hindi ko magagawa ang gusto mo. Iba na ang takbo ng mga bagay-bagay sa paligid natin hindi gaya ng dati. Isa pa, hindi ko alam hanggang kailan tayo makakapagtago sa lahat at hindi ko alam kung magagawa kitang protektahan. Minahal kita Emery at nagpapasalamat ako dahil sinuklian mo ’yon kahit na alam kong mahirap para sa’yo na isiping mas mahal ko si Kin at ayaw kong paasahin ka sa bagay na habang buhay mong dadanasin sa piling ko. Sana maintindihan mo na may espesyal kang lugar sa puso ko ngunit hindi ikaw ang magiging kaligayahan ko.” ewan ko ba kung bakit pero kahit na alam kong harsh ang mga binitawan kong salita sa kanya ay para akong nabunutan ng tinik.
Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
“Bakit? Bakit siya pa rin? Sinaktan ka niya!”
“Hindi ko rin alam. Siguro ganun talaga kapag nagmahal ka. Kaakibat nu’n ang sakit.”
Iniangat niya ang ulo niya upang magkatitigan kami at mapait siyang ngumiti.
“Hindi man ako ang pinili mo sa pangalawang pagkakataon, maghihintay ako hanggang sa ako na ang piliin mo. Tandaan mo sana na sa oras na saktan ka niya ulit, kahit ilang taon pa ang lumipas mula sa araw na ito ay nandito ako para saluhin ka at hindi ko na hahayaang mabawi ka pa niya sa akin.” saad niya at kinabig ang ulo ko para mahalikan ang aking labi.
Kinagabihan. .
“Anong nangyayari? Bakit hindi pumasok ang mga estudyante ng night class?” tanong ni Ate Sep kay Mr. Phil.
“Dahil mahihirapan lang sila magtimpi kung nandito sila. H’wag ninyong kalimutan na nasa gitna ng siyudad ang Demirkan. Ibig sabihin, maraming mga tao sila na maaaring mabiktima kapag hindi nila napigilan ang pagka uhaw nila lalo pa’t dalawang araw mula ngayon ay mangyayari na ang red moon.”
“Hindi na ba kayang remedyuhan ng mga tableta na iniinom nila?”
Malungkot siyang umiling. “Matagal ng nagpipigil ang mga kalahi na h’wag uminom ng dugo ngunit may iba na hindi ito sinusunod at alam kong ang mga iyon ang magsisimula ng kaguluhan. Malamang ay nanghihikayat na ang iba sa kanila na uminom ng dugo ng tao kaya nga ang iba ay masahol na ang pagka uhaw.”
“Eh kung gamitin ko nalang ang dugo ko sa kanila para hindi na sila manggulo sa hanay ng mga tao?”
“Kung ganun lang sana kadali ngunit hindi. Kapag nakatikim sila kahit na isang patak lang ng dugo mo ay maaaring magpatayan sila para may mag-ari sa iyo. Maaabuso ka bilang daywalker at iyon ang iniiwasan kong mangyari. Ayaw kong maulit ang nangyari nuon sa sinundan mo. Ang nais ko lang ay magaling kapalit ka ni Kin sa pagiging pinuno dahil may sapat kang lakas para pigilan sila sa kanilang pagka uhaw. Alam kong kaya mo silang pigilan hindi lang dahil sa dugo na taglay mo dahil sa mga oras na ito, si Kin, alam kong kaunti nalang ang natitira niyang lakas at kung masasagad pa ito ay baka ikamatay niya na. Matagal na niyang pinoportektahan ang mga tao laban sa mga mapagsamantalang kalahi namin at sa huli niyang pagpigil sa kanila ay lubha siyang nanghina.”
Hanggang sa paglalakad ko pauwi ay nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Mr. Phil tungkol kay Kin. Siya? Nanghihina? Kung sabagay, pinainom ko pala ulit sa kanya ang dugo ko pero, di ba dapat may epekto ’yon sa kanya?
“Arys, saan ’yung papunta kina Kin?”
“Bakit mo natanong?” bakit kaya hindi pa humihiwalay sa akin ’tong si Ate Sep? Wala pa ba siyang balak na umuwi sa kanila?
Nagtaka ako ng iniabot niya sa akin ang cellphone niya at balak ko na sana itong ibalik ng mapansin kong may naka type sa kanyang message box.
[ ’Yung lalaki sa likuran natin, kanina pa niya tayo sinusundan. Mula sa bus na sinakyan natin pabalik ng city hanggang sa makalabas tayo sa Demirkan ay nakasunod pa rin siya. ]
“Bakit sa kanila mo gusto pumunta?” tanong ko na sumisimpleng tingin sa likuran ko para tignan ang sinasabi niyang lalaki na nakasunod sa amin. Hindi naman ako nahirapan malaman kung sino ’yon dahil nakita ko ang reflection niya sa salamin ng dinaanan naming bakery.
“Dahil panatag akong po-protektahan ka ng love of your life mo.” nakangiti niyang sagot na kinangisi ko. Sira talaga.
“Tara dito.” bigla ko siyang hinila paliko sa eskenita at sabay kaming tumakbo papunta sa kung saan. Shit. Pag kami talaga nasundan pa nito, ewan ko nalang.
“Señor Arys.” masayang bati sa akin ni Diego ng mabangga namin siya ni Ate Sep.
“H-hi Diego!” bati ko na humahangos.
“Yes! Hindi niya na tayo nasundan.” masayang saad ni Ate Sep at nakipag-apir sa akin.
“Sinong sumusunod sa inyo?” tanong ni Zygo.
“Ah, wala. Hindi namin kilala.” sagot ko.
“Malamang tauhan ’yan ng nanggulo sa atin.” inis na saad ni Zyga, “Tara Zygo. Sundan natin ang isang ’yon.” at sa isang kisap-mata ay nawala ang kambal sa harap namin.
“Teka, Diego! Saan pumunta yung dalawa?”
“Sinundan nila ang bampirang sumunod sa inyo.”
“Ha? Paano naman nila malalaman kung sino ’yon eh hindi naman nila nakita?”
“Tungkol sa bagay na iyan ay sila na ang bahala.”
Dumiretso kaming tatlo papunta kina Kin at ewan ko ba. Sa muli kong pagtapak sa luob ng coffee shop ay nag iba ang pakiramdam ko.
Nakasalubong namin si Phryne na galing sa ibaba na may dalang tray na mayruong maliit na batsa, bimpo at baso ng tubig. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya sa akin. Ito yata ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti sa akin mula sa napakahabang panahon.
“Magandang gabi, Rico.” bati niya.
What the! Hindi niya ako tinawag na Mister Arys ’di gaya ng una kaming nagkita. Hindi kaya. . alam niya na? Na, naaalala ko na kung sino siya? Pero impossible. Paano?
“Hi! Ako si Sep. Phryne di ba? Pasensya na kung mangaabala kami saglit pero uuwi din kami. May sumusunod lang kasi sa amin kaya dito namin napiling pumunta.” singit ni Ate Sep sa kalagitnaan ng pagiisip ko.
“Hindi kayo abala sa amin. Sige, Diego. Dalhin mo na sila sa ibaba ng mapaghainan sila ni Ae.”
Nagtanguan sila sa isa’t-isa ni Diego at bago kami tuluyang bumaba ay nilingon ko si Phryne na naka ngiti pa rin sa hindi ko malaman na dahilan.
Halatang nagulat si Ae sa amin ng makita niya kami ni Ate Sep sa dining table. Mukhang pagod siya at wala pang tulog. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam saan magsisimula. Natatakot ako na baka mailang siya kapag nalaman niyang ako si Rico na kapatid niya na inakala nilang patay na. Syempre di ba? Dinadamdam pa rin niya ang nangyari nuon.
“Nawala ka nitong mga nakaraang araw ah. Saan ka nagtungo?” basag ni Ae sa katahimikan habang pinaghahainan kami.
“A-ah sa. .” my gahd. Anong sasabihin ko?
“Galing kami sa re-!” agad kong tinakpan ang bibig ni Ate Sep. Nakakaloka ’tong isa ’to. Sinamaan niya ako ng tingin at hinampas ang kamay ko ng malakas.
“Aray! Bakit mo ginawa ’yon?” napa-pout ako sa sakit at hinaplos ang kamay kong pinalo niya. Agad namang lumapit sa akin si Ae at kinuha ang kamay ko upang haplusin at sinamaan niya ng tingin si Ate Sep. Hindi ko napigilan na mapangiti dahil kapatid ko pa rin talaga siya.
Inirapan niya lang kaming dalawa at umisang higop sa pagkain niya bago muling nagsalita.
“As I was saying, galing kami ng Red Stone ni Arys para puntahan ang ampunan kung saan siya lumaki.”
“Red Stone?” huminto siya sa paghahaplos sa kamay ko at parang nanlamig ang kanyang mga kamay, “Paano? Bakit kayo pumunta ng Red Stone? Walang ampunan sa lugar na iyon.”
Tokwa. Kinakabahan na ako sa susunod na mangyayari. Kasi! Ate Sep naman eh!
“May kilala ka bang Henson sa lugar na ’yon?” tanong ni Ate Sel kay Ae.
“M-meron. Kung tama ako ay siya ang kasama ni Phryne nuon na nagtatrabaho sa panilya ng Valentine. Umalis siya ng namatay ang nanay ni Master na si Alia. Bakit mo natanong?”
“Siya ang nagpalaki dito kay Arys. Pero, mas tama yata kung sabihin ko sa iyo na siya ang nangalaga sa kapatid mong si Rico.”
Automatic na lumayo si Ae sa akin na nanginginig ang katawan sa sinabi ni Ate Sep.
“A-anong sinasabi mo? P-paano mo nalaman na kapatid ko si Rico?” naglipat ang tingin niya sa akin at kay Ate Sep.
Napabuntung-hininga nalang ako ng magkatinginan kami ni Ate Sep at senyasan niya ako na kailangan kong mag open up kay Ae sa kung sino ba talaga ako at kung ano niya ako bilang siya ang kapatid ko.
“Teka lang. Iwan ko muna kayo. May nakalimutan akong kunin kay Diego.” saad ni Ate Sep at nagmamadaling iniwan ako kasama si Ae. Oh my gahd. Lalo na tuloy akong kinabahan. Sira ulo talaga. Wala siyang naiwan kay Diego kasi wala naman siyang binigay.
Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ni Ae. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kanya ang totoo.
“Naalala mo ba yung nagtanong ako tungkol kay Rico at umiyak ka nalang bigla at humingi ng tawad?” panimula ko.
Pagtango lang ang tangi niyang sinagot sa aking tanong. Nanikip ulit ang dibdib ko sa pagbalik tanaw sa aking nakaraan.
“Naalala mo din ba ang sinabi ko sa iyo ng mga oras na ’yon?”
“S-sabi mo sa akin ay h’wag na akong umiyak dahil napatawad na ako ng kapatid ko.” nakita ko kung paano niyang hawakan ng mahigpit ang laylayan ng suot niyang pang itaas habang humihikbi.
Lumunok muna ako bago muling nagsalita dahil pagkatapos nito ay magbabago na ang lahat.
“Paniwalaan mo ’yon dahil pinapatawad na kita. Kayong dalawa ni Kin sa nangyari nuon.”
Isang malakas na pwersa ang naramdaman kong sumalubong sa akin dahilan para matumba ako sa kinauupuan ko at madaganan ng bulto ni Ae na mahigpit ang yakap sa akin at parang bata na umiiyak. Impit akong napangiti. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin para tumigil siya sa pag iyak kaya ang ginawa ko nalang ay ang madalas kong ginagawa sa kanya nuon - ang halikan siya sa nuo at haplusin ang kanyang buhok.
“Namiss kita, Ate. . I love you.” niyakap ko siya pabalik ng mahigpit at parang teddy bear na siniksik siya sa dibdib ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam ko natanggalan ako ng tinik sa luob ng katawan.
Paglihis ko ng tingin ay nakita ko sa gilid sila Diego, Phryne, Ate Sep at ang kambal na mga nakangiti at nangingilid ang luha pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang mantsa ng dugo sa damit ng kambal.
A/N:
Posted: June 17, 2019 at 2:45 AM
Sabi nga nila, kapag may saya may kapalit na kalungkutan. Wala lang. Mema lang. Malapit ng matapos ang kwentong ito kaya masisimulan ko na ang next BxB ko which maybe my last for this year. Pero maybe lang naman. Hahaha. Tara kain ng sapin-sapin.
Anyway, ’til next update. Stay weird!
A CLOCKS BLOOD 23: LOST
Matapos ang pagbibigay tawad namin ni Ae sa isa’t-isa ay gumaan na kahit papaano ang lahat sa paligid ko at nagkaruon pa kami ng kaunting salu-salo pero nagtaka ako kung bakit hindi nila inaya si Kin. Nasaan kaya siya?
Don’t get me wrong na namiss ko siya dahil sa y’know sa possibility na pwede na kaming magkaruon ng second chance na dalawa pero hindi ba’t nakapagtataka na hindi ko siya makita?
Masaya ako dahil nagkasundo sina Ae at Ate Sep. Akala ko kasi magiging magkaribal silang dalawa dahil parehas silang malapit sa akin. Duon ko din nalaman kung anong mga taglay na kapangyarihan ng bawat isa kanila habang nagku kwentuhan kami sa gitna ng pagkain namin.
Si Ae, mukhang normal kung tignan ang mga mata niya pero ang kaliwa niyang mata ay near sighted samantalang ang kanan ay far sighted at dahil mahilig siya sa mga baril ay sa ganuong paraan niya napapatay ang mga kalahi na hindi na mapigilan ang pagka uhaw sa dugo. Remember guys. Siya ang bumaril sa muntikan ng kumagat sa akin na bampira. Astig ng kapatid ko di ba?
Si Phryne, well, ngayon gets ko na kung bakit minsan akong na-weirduhan sa kanya ng makita ko siyang tumawa at kung anu-ano pang kaweirduhan ang ginagawa sa tuwing nasa paligid ako at iyon ay dahil, ibang klase ang pares ng tenga na meron siya. Kaya niyang marinig ang kahit na ano, malayo man o malapit so ibig sabihin kahit na ang iniisip ko ay kaya niyang marinig. My gahd.
Si Diego, sabi ni Ae at Phryne, dahil ayaw niyang siya ang magsabi ay kumakain daw ng kaluluwa ng mga nakakalaban niya. Ewan kung anong klase ng kapangyarihan pero nakakatakot iimagine.
Kina Zygo at Zyga naman na sila pa mismo ang nagbida sa akin at muntikan pang gawin na subject si Ate Sep sa kanilang demonstration ay mayruong mala-string of fate na invincible sa naked eye at tanging sila lang ang nakakakita at iyon ay sandata or kapangyarihan nila na gamit sa pagpatay at sa pagiging guardian sa pamilyang Valentine. But there’s a catch sa string nila. Kailangan parehas ang naiisip nilang gawin para magamt iyon.
At kay Kin? Well, hindi ko alam. Aba. Malay ko sa kanya bukod sa alam kong bampira siya pero kung siya ang kasalukuyang leader sa hanay ng mga bampira ay sa malamang malakas iyon at lubhang delikado.
“Anong nangyari sa paghabol ninyo sa sumunod sa amin ni Ate Sep?” usisa ko ng maiwan ako sa living room kasama ang kambal.
“Ayun. Patay na.” casual na sagot ni Zyga sa akin. Medyo kinabahan ako pero dapat ko na yatang sanayin ang sarili ko sa ganito.
“At sinigurado naming malalaman ito ng kung sino mang nag utos sa kanya para sundan kayo.” dagdag ni Zygo.
“Hindi ba delikado ang ginawa ninyo? Baka pagsimulan ’yon ng malaking gulo.”
“Matagal ng may gulo sa lahi ng mga bampira, Arys at hindi na ito kaya pang pigilan ni Valentine. Alam ng iba ang tungkol sa panghihina niya kaya hindi na nakapagtataka kung sa magaganap na red moon ay dumanak ang dugo sa siyudad.” saad ni Zyga.
“Kaya kung nais mo mang palitan si Kin sa pagiging pinuno sa lahi ng mga bampira ay nandito kami para supportahan at siguraduhing ligtas ka mula sa mga nais manamantala sa iyo.” singit ni Phryne na may dalang tray na may maliit na batsa, bimpo at baso ng tubig. Teka, parang kanina may ganyan din siyang dala ah?
“Saan mo dadalhin iyan Phryne?”
“Kay Master.”
“Bakit? May sakit ba siya?” napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya, “Anong nangyari sa kanya?”
Nagkatinginan ang kambal at si Phryne sa sinundan ko ng tingin ang tatlo.
“Napuruhan si Master ng makalaban niya ang isang bampira na bigla nalamang sumalakay dito ng isang gabi. Mukhang magkakilala silang dalawa dahil nabanggit ng bampirang ’yon ang pangalan mo at nagalit si Master sa sinabi niya kaya-” hindi ko pinatapos si Phryne sa pagkukwento niya at inagaw sa kanya ang hawak niyang tray.
“Saan ang kwarto niya?”
“Sa kwarto kung saan ka namin dinala nuon ng mawalan ka ng malay.” sagot ng kambal.
Nagulat ako sa naging sagot nila ngunit hindi ko nalang ito pinagtuunan ng pansin. Tsk. Kaya pala hindi ko nakikita ang loko dahil nakipagbugbugan pala siya sa kung sinong bampira ng dahil sa akin. Teka! Ginawa iyon ni Kin? Bakit? Ano bang sinabi sa kanya ng nakaaway niya? Alam kong ang alam niya pa rin ay ako si Aryscos at hindi si Rico.
Pagpasok ko sa luob ng kwarto ay nadatnan ko si Kin na natutulog at namumutla. Tss. Iba din ’tong isa ito. Alam na niyang nanghihina siya kung sinu-sino pa pinagpapatulan.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Chineck ko kung may lagnat ba siya pero mukhang wala naman. Sinimulan ko nalang punansan ang kanyang mukha at muntik akong mapasigaw ng hawakan niya ang kamay ko. Shuta! ’Yung puso from 0% tumalon ng 101%. Kainis na lalaki ’to!
“Anong ginagawa mo dito?” malumanay niyang tanong ng pumaling siya sa direksyon ko kaya imbis na magalit o mainis sa ginawa niya ay napabuntung-hininga na lamang ako.
“Pinupunasan ka.” pilosopo kong sagot.
Napaatras ako ng umupo siya at ilapit ang mukha niya sa akin. Problema nito?
“Mukhang okay ka naman na. Aalis na ako.” saad ko pero may side sa akin na gusto kong pigilan niya ako. Ewan. Siguro kasi ang gwapo niya talaga kahit na matagal na panahon na ang lumipas at hindi pa rin nawawala ang alindog niya sa akin kahit na nakalimutan ko siya. My gahd! Sana hindi ito naririnig ni Phryne! Nakakahiya!
Nagulat ako ng pagtayo ko ay hatakin niya ako paharap sa kanya at sa bilis ng pangyayari ay narealized ko nalang na naghahalikan kami.
“K-k-kin! Ano ba!” saad ko habang pilit na lumalayo sa kanya. Grabe naman kasi! Ano? Agad-agad? Gusto niya na mag ‘ano’ kami ulit? Alam naman niyang ako si Arys pero bakit ganuon kabilis? Para bang nakalimutan niyang mahal pa rin niya si Rico which is ako in the past? My gahd. Ang sakit sa ulo nito!
“Sshh. .” pagpapatahimik niya sa akin at muli akong hinalikan, “Nanggaling na si Phryne dito bago ko siya utusan na dumaan sa harap mo dala ang mga dinala mo dito. Kinumpirma niya sa akin na tama ang hinala kong ikaw si Rico mula ng muli akong makainom ng dugo mo. Akala mo ba sa tagal ng panahon ay makakalimutan ko ang lasa ng dugo mo gayong sa iyo ang pinakamasarap na natikman ko, hmm?”
Parang kisap-mata na ako na ang nakahiga sa kama at nakaibabaw sa akin si Kin habang hinahalikan ang leeg ko.
“K-kin! Tumigil ka! Ano bang nangyayari sa’yo? Hindi ba dapat hindi ka pa okay? Sabi nila sa akin ay nakipaglaban ka sa kung sino ng isang gabi.” saad ko habang tinutulak siya palayo sa akin pero sa hindi malamang dahilan ay masyado siyang malakas.
“Anong nangyayari sa akin?” natawa siya sa sarili niyang tanong at nakipagtitigan sa akin, “Masaya ako dahil magagawa ko ng patunayan sa iyo na ikaw ang mahal ko at hindi ang kapatid mo o ang kahit na sino. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon nuon na magpaliwanag kaya babawi ako para kung sakali man na mama-”
Sa inis ko sa pinagsasasabi niya ay ako na mismo ang humatak sa kanya at hinalikan ang kanyang labi. Ewan ko ba. Ayaw kong marinig ang kung ano mang nais niyang sabihin. Maaari ngang tama siya na hindi ko siya ginawang magpaliwanag nuon pero ang marinig ko mula sa kanya na ako lang talaga ang kanyang minahal ay sapat na sa akin.
“Hindi ka pwedeng mamatay dahil babawi ka sa akin bilang kabayaran sa mga nagawa mo nuon. Naiintindihan mo?”
Imbis na sagutin ako ay tumango lang siya at muli akong hinalikan. Sa pagkakataon na iyon ay kasabay ng kanyang paghalik ay ang pagtanggal niya sa suot kong damit.
“Kin, hindi. Hindi pwede. Uuwi pa kami ni Ate Sep.” bulong ko sa tenga niya habang pinagdidiskitahan niyang markahan ang aking leeg. Lagot ako ’pag nakita ito ng kahit na sino.
“Hayaan mo ang kasama mong ’yon. Sila Phryne na ang bahala sa kanya. Ako ang intindihin mo, Rico. Ako lang.” muntik akong mapasigaw ng hawakan niya ang ibabang parte ng katawan ko pero buti nalang at agad kong napigilan ang sarili ko. Geez. Nakakahiya. Ganuon ba ka-miss ng ari ko si Kin? Ugh!
“Tignan mo. Isa ito sa mga palatandaan ko na ikaw nga si Rico. Buti nalang at malakas pa rin ang epekto sa iyo.” napasinghap ako ng maghubad siya sa mismong harapan ko at ewan ko ba. Parang kahapon lang ng una kong masilayan ang kanyang katawan. Shit.
“It’s not just our hearts who missed each other but our bodies as well.”
Pagkakita ko sa alaga niya ay balak ko ng tumayo at magtago sa kanya. Shit. Mas takot ako sa kanya kesa sa kung ano mang gutom na bampira ang pwedeng kumagat sa akin. Walang pinagbago ang laki ng kanya. Shit talaga. Nakalimutan ko na feeling ng nasa luob ko iyon. Feeling ko dudugo ako pag pumasok ’yon eh. Ay shit! Baka naririnig ni Phryne ang mga naiisip ko ngayon. Nakakahiya pero humingi kaya ako ng tulong? My gahd! Hindi ko na alam.
“Rico, please. Don’t make me mad. Just let me have you like the old times.”
Nanlaban ako na para bang gagahasain ako ni Kin sa luob ng pamamahay niya. Nagtaka ako ng kumuha siya ng medium sized na itim na laso sa drawer. Saan niya gagamitin iyan? Alangan namang itali niya sa akin eh ang bilis lang tanggalin n’yan kahit higpitan niya pa.
“I’d been thinking of doing this before but you were so obedient that I cannot be that rough.” kinuha niya ang dalawang kamay ko at nilagay sa ulunan ko at tinali gamit ang hawak niyang laso. Unti-unti napagtanto ko na habang iniikot niya ito sa kamay ko at sa headboard ng kanyang kama ay bumibigat ang timbang nito.
“You like it?” ngumisi siya at pinatong ang magkahiwalay kong paa sa balikat niya.
“Kin! Tanggalin mo ito!” naiiyak kong saad habang pilit na kumakawala sa nakakainis na lace na para bang kadena ang bigat. Asar! Ito ba ang klase ng kapangyarihan na meron si Kin? What the hell!
“Sshh. . Don’t you like the idea of getting forced fuck by your ex-boyfriend just to win you back? Hmm? I ’d read that kind of synopsis before from a book that is being sold nowadays. I just thought it would be nice but never this hot like I can do you all night and day.” bulong niya sa tenga ko sabay dila sa aking pisngi. Oh shit. That husky voice of his is my weakness. And shit. Since when did he learn to dirty talk?
Napaluha ako at ramdam ko ang pag agos ng dugo ko sa labi ko sa diin ng pagkaka-kagat ko h’wag lang akong humiyaw sa sakit ng ipasok niya ang kanya sa akin. Feeling ko mamamatay ako sa sakit. Oh shit. Hindi ko tuloy malaman kung paano nila nasabing nanghihina na si Kin gayong sa bilis niyang mag urong-sulong sa akin na para bang nakalimutan niyang ngayon lang kami ulit naniiig sa mahabang panahon na nasasaktan ako pero unti-unti itong nawala at napalitan ng pagka uhaw sa kanya. Habang tumatagal ay para bang ayaw ng humiwalay ng katawan namin sa isa’t-isa. Panay din ang pagdikit ng mga labi namin na bukod sa isiping para niya akong pinipigilan sa makamundo naming ginagawa na nagpapadagdag ng init sa pagitan namin ay para bang sa labi ko nakapende ang buhay niya.
Buong gabi, hindi hinayaan ni Kin na malayo ako sa kanya kaya hindi na nakapagtataka ng gumising ako ay halos isumpa ko na siya sa sakit ng buo kong katawan.
“Oh my!” pigil na tili ni Ate Sep sa likuran ko na muntik ko na ding ikasigaw sa gulat.
“Ate Sep! Ano ba?! Magigising mga tao sa’yo dito sa kabuangan mo.” sita ko sa kanya.
“Ay naku! Not me, Arys my baby. Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Kaya naman pala hindi na tayo nakauwi kagabi dahil dito.” malisyosa niyang saad sabay turo sa leeg niya.
“Ha? Saan?” tinignan ko ang leeg niya at nagulat ako ng pingutin niya ako bigla.
“Kung magpapalagay ka ng ganyan kay Kin, please be aware na pwedeng makita ’yan ng kahit na sino.”
Duon ko lang narealized na about sa hickey na nasa leeg ko ang tinutukoy niya na nilagay sa akin ni Kin. Shit. Oo nga pala!
“Kapag nagka anak kayo, wag mo akong kakalimutan na gawing Ninang ah!” saad niya at niyakap ako mula sa likuran habang nagtitimpla ako ng kape.
“Pagiisipan daw muna ng kapatid ko ang offer mo.” natatawang singit ni Ae na biglang tumabi sa amin at tinulungan ako sa ginagawa ko. Ewan ko ba. Wala akong maramdaman na awkwardness sa pagitan namin sa sinabi niya at parang walang nangyaring pangit sa aming dalawa ng dahil lang sa iisang lalaki na minahal namin. Weird, right? Siguro dahil naka move on na kami kahit papaaano sa nakaraan. Pero, sa mga oras kaya na ito, may nagugustuhan na kaya ang ate ko?
“After all that we’d been through? No way!” parang batang saad ni Ate Sep at lumipat kay Ae sa pagyakap. Natawa nalang ako ng yakapin din siya ni Ae.
Kinagabihan ay nagulat ako ng magpaalam si Kin sa mga kasama namin na lalabas kami. I mean, kaming dalawa lang. What the? Pero syempre, wala naman akong maiaangal kaya sige. Go na. Baka mamaya topakin si Kin eh.
“Saan mo gusto kumain?” tanong ni Kin sa akin habang naglalakad kami na magkahawak ang kamay. Actually, kanina pa ako naiilang dahil sa mga matang napaptingin sa aming dalawa sa magkahawak naming kamay at binalak ko ng humiwalay sa kanya kaso ayun. Nagbanta siya sa akin na hahalikan niya ako sa harap ng maraming tao kapag tuluyan pa akong nahiya. Hayaan ko nalang kasi daw sila na tumingin dahil hindi naman nila maiintindihan ang tulad naming mga nagmamahal ng kapareha namin ng kasarian. Isa pa, nagtataka din ako dito kay Kin dahil naisipan niyang maglakad eh meron naman siyang kotse. So, uh? Is this. . . a date?!
“Gutom ka ba? Kumain na tayo kanina bago umalis ah.”
Hindi siya umimik sa akin at hinigpitan lang ang hawak sa kamay ko. Uh-oh. Wrong response.
“Tara. Manuod tayo ng sine. May alam akong bagong palabas ngayon. Hindi ko pa napapanuod ’yon eh.” nakangiti kong sabi habang nakayakap sa braso niya at nagbi-beautiful eyes. Hindi ako ganuon kahilig manuod ng sine pero kung date man ’to, di ba usual sa mga nagde-date ang nanunuod ng sine lalo na kapag horror? Isa pa, sa time namin, hindi pa uso ang mga ganito.
Dumiretso kami ng sinehan para bumili ng tickets at ng makakain namin. Dahil hindi naman ako aware sa mga bagong palabas ngayon di gaya ng sinabi ko kay Kin kanina ay siya ang pinapili ko ng panunuorin namin at nakakatawa dahil about sa vampires ang genre ng movie. Nagulat nga ako ng aminin niya sa akin na hindi pa siya kailanman nakapasok ng sinehan. Ayon sa kanya, hindi siya gaanong ma-gala sa mga lumipas na panahon dahil pili lang ang mga pinupuntahan niya at ayaw niya sa masyadong tao except ngayon kasi kasama niya ako. Yyiiee. Kilig si ako. Hahaha.
“K-kin!” nagulat ako sa biglang pagyakap niya sa akin ng mag off ang ilaw sa sinehan. Magsisimula na kasi yung movie. Buti nalang at nasa likuran kami naka pwesto at di gaanong marami ang nanunuod.
“Sshh. .” panay niya halik sa leeg ko na kinakikiliti ko at hindi ko maiwasang mapa ungol ng mahina at mamula sa hiya. Kasi naman eh! All through out ng movie ay naglambingan lang kami thou kahit papaano ay na-gets ko naman tungkol saan ang kwento bukod sa about siya sa mga bampira. Hahaha.
After namin mag sine ay nagliwaliw kami sa park at pinanuod ng mga kapwa namin namamasyal at nasabi pa niya sa akin ang tungkol sa panaginip niya kanina kaya late siya nagising. Akala ko nga dahil sa napagod siya sa pinaggagagawa niya sa akin pero iyon pala ay tungkol pala sa pagiging isang pamilya namin ang napanaginipan niya kung saan may anak daw kami. Nakakatuwang marinig pero impossibleng mangyari or so I thought?
Kung saan-saan pa kami nagpuntang dalawa na hindi pa namin napuntahan nuon ng magkasintahan pa kami sa panahon namin at ang dami naming napag usapan. Kapag pinagmamasdan ko si Kin ay hindi ko akalaing nagawa ko nga talaga siyang kalimutan gaya ng nasabi ko nuon bago ako mamatay or makatulog ng matagal dahil, ’tong mukhang ito? Mahirap makalimutan. Parang nakaukit na siya sa buong pagkatao ko. Kaya, hindi na nakapagtataka kung bakit paulit-ulit kong napapanaginipan ang mga ala-ala ko sa kanya.
“Ang ganda!” napabitaw ako kay Kin at excited na tumakbo sa mga rosas na nakalagay sa labas ng isang flowershop. Ang ganda! Bagong pitas siguro ang mga ito. Buhay na buhay kasi sila.
“Tss. Iniwan mo ako para lang d’yan.” inis na saad niya ng makalapit sa akin.
“Eh ang ganda kasi! Saka! Nakalimutan mo na ba? Dito tayo unang nagkakilala. Pasalamat ka sa mga magagandang rosas na ’to at nakilala mo ako. Hahaha.” biro ko na kinangiti niya.
“Aray!” napakagat siya sa labi niya sa sakit ng matusok ng talim ng rosas ang daliri niya. Binalak niya kasing humawak ng isa at hindi niya napansin na may talim itong hindi pa natanggal.
“Ayan kasi! Hindi ka kasi tumitingin sa hinahawakan mo!” sermon ko sa kanya at kinuha ang daliri niyang natusok. Walang sabi ko itong sinubo sa bibig ko at sinipsip ang kanyang dugo. In fairness ah! Ang sarap ng dugo niya. Kung normal na tao siguro ako ay baka nandiri na ako pero dahil si Kin ito, syempre wala akong paki. Nang alisin ko sa bibig ko ang daliri niya ay nakatitig lang siya at nakangiti na parang baliw. Luh.
“I-ininom mo ang dugo ko?”
“Uhm, hindi ko ininom. Sinipsip ko.” naiilang kong sagot. Bakit parang big deal sa kanya? Feeling ba niya magiging bampira na din ako? Well, kung sabaga-! Fuck. Wait! I remembered something! Shit! Oh my gahd! How did I forget something this serious?! Shit! Magiging bampira ka nga pala kapag ininom mo ang dugo ng isang bampira! Halaaa!!!
“Sorry! Hindi ko sinasadya! Ano kasi. . An-!” namilog nalang ang mata ko ng kabigin niya ako palapit sa kanya at halikan ako sa labi ko.
“Walang duda. Ikaw ang Rico na minahal ko.”
“E-ewan ko sa iyo! Impossibleng maging bampira ako ’no dahil lang sa dugo mo! Ako kaya ang daywalker!” namumula kong saad.
Ngumisi siya sa akin bago kinuha ang rosas na nakatusok sa kanya, “Maaari ngang hindi ngunit hindi mo lang alam anong tradisyon sa aminh pamilya ang ginawa mo.”
Naiwan ako sa labas ng flowershop na naghihintay sa kanya dahil pumasok siya sa luob para bilhin ang rosas na hawak niya. Hala. Ano daw? Tradisyon? Anong tradisyon?
“Mr. Arsycos Henson.” napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.
Teka. Parang pamilyar siya sa akin. Saan ko nga ba-, “Ragnar?”
Kakaibang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at nilahad ang kanyang palad sa akin na para bang niyayaya ako kung saan.
“Mabuti at naaalala mo na ako, Rico.”
“Teka, anong sabi mo?” paano niya nalaman? Teka, kilala ko ba siya? Kilala ba niya ako?
“Sumama ka sa akin. Hinihintay ka ni Emery.”
“Emery? Bakit? May nangyari ba sa kanya?” hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Bakit kilala niya rin si Emery? Sino ba siya?
Hindi siya sumagot at tumalikod na upang maglakad palayo sa akin. Nilingon ko si Kin na nasa luob pa rin ng flowershop at busy sa pakikipag usap sa may counter. Tss. Wala namang mawawala kung sundan ko si Ragnar. Saglit lang naman ako. Gusto ko lang mawala ang kaba ko kay Emery.
“Hintay!” tawag ko at tumakbo kasunod niya at pagharap niya sa akin ay sinalubong niya ako ng yakap.
“Sa wakas, makukuha ko na ang akin.” nakangisi niyang sabi bago ako mawalan ng malay. Shit. Anong nangyayari? Teka, si Kin!
A/N:
Posted: June 23, 2019 at 03:05 AM
Hi. May pa-BS ako. Ang lame ’no? Hahaha. Charot. Atleast meron kesa naman wala. Kunwari pa kayo na hindi kayo nagaabang. Sorry na kung lame, naglalaro po kasi ako ng ML kanina masaya lang ako sa pagiging MVP ko. Hahaha! Enjoy reading guys!
Anyway, ’til next update! Stay lunatic!
A CLOCKS BLOOD 24: DAYWALKER
Pagmulat ko ng mata ko ay agad akong napabangon sa kama at duon ko na-realized na may kadena ang magkabila kong kamay. What the? Bakit may ganito ako? Ano nga bang. . ?!
“Mabuti at gising ka na.” saad ng pamilyar na boses ngunit hindi ko maaninag ang mukha dahil nasa madilim siya na parte ng silid.
“N-nasaan ako at bakit ako naka ganito?” pinakita ko ang kamay kong may kadena na sapat lang ang haba para maikilos ko ng kaunti ang aking kamay. Hindi ko alam pero kahit hindi ganuon kaliwanag ang kwarto ay pamilyar ito sa akin. Geez! Ang hirap ng walang naaalala masyado from the past.
Lumakad paalis sa dilim ang kausap ko at napasinghap ako ng malamang si Ragnar ’yon.
“I-ikaw? Pero bakit? Teka, nasaan si Emery?”
“Si Emery? Bakit hinahanap mo ang taong patay na?” isang demonyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi na siyang kinakapos ko ng hangin panandalian.
“A-ano? Anong s-sabi mo? Impossible! H-hindi magandang biro ’yan!”
“Biro?” ulit niya sa huling salitang nabanggit ko at umupo sa gilid ng kama at hinaplos ang mukha ko na siyang pinalagan ko kaya mahina siyang natawa, “Totoo ang sinasabi ko, mahal kong Rico. Patay na si Emery dahil ako mismo ang pumatay sa kanya.”
Sinubukan kong lumayo sa kanya ngunit dahil may kadena ang mga kamay ko ay wala akong nagawa kundi manatili sa aking pwesto. Hindi! Hindi! Impossible! Si Emery? Patay na?
Hindi ko napigilan na maluha sa natuklasan. Bakit? Bakit niya pinatay si Emery? Anong kasalanan nito sa kanya?
“Walang hiya ka!” malakas kong sinampal si Ragnar sa sobrang galit ko sa ginawa niya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay na pinang sampal ko sa kanya at pumaibabaw sa akin.
“Sshh. . Wala ng magagawa ang pag iyak mo para kay Emery, Rico. Isa pa, matagal na dapat siyang patay dahil hindi niya sinunod ang iniutos ko sa kanya na patayin si Kin. Napaka walang silbi ng kapatid ko na ’yon kaya nga’t naiinis ako kung bakit siya ang pinili mo gayong pwede naman ako. Hindi ka bagay sa isang babae at mas lalong hindi ka bagay para kay Kin. Mahina siya hindi gaya ko. .” napangiwi ako sa sakit ng kagatin niya ako sa leeg at sipsipin ang akong dugo, “. . malakas kaya dapat lang na bukas ng gabi sa pagpula ng buwan ay ako ang piliin mong maging pinuno na sunod kay Kin at sisiguraduhin kong ikaw ang magiging pinaka masayang asawa sa mundo sa piling ko.”
“N-nababaliw ka na!” nalukuha kong saad habang hinahabol ang hininga ko. Pilit ko siyang nilalabanan upang makawala ngunit hindi ko magawa dahil sa panghihina.
“Napakasarap ng dugo mo, Rico. Hindi ako nagsising sa iyo ako, na isang tao, umibig.”
“T-tama na. . R-ragnar! Pakiusap!” makaawa ko ng tumigil siya sa pagsipsip ng dugo ko at dahan-dahang humahalik pababa sa aking dibdib.
“H’wag kang magalala, Rico. Wala namang makakarinig sa gagawin natin. Wala. Kahit si Phryne ay hindi ito maririnig dahil wala tayo sa City.” saad niya habang tinatanggal sa aking harapan ang kanyang suot na damit.
“W-wag. . Please! A-ayaw ko!” sinubukan ko siyang sipain sa takot sa maari niyang gawin sa akin ngunit tinawanan niya lang ako at sinira ang aking mga damit at pinaghiwalay ang aking magkadikit na binti.
“Tsk, tsk. Hindi pa ba bumabalik sa iyo lahat ng memorya mo sa nangyari sa nakaraan? Pwes, ipapaalala ko sa iyo kung gaano ka kasarap sa aming tatlo nila Kin at Emery para mabaliw kami ng ganito sa’yo. Ipapaalala ko sa iyo kung paanong ikaw mismo ang nag-alay ng sarili mo sa akin h’wag ko lang patayin si Kin. Na sa kabila ng pagmamahal sa iyo ni Emery at sa pag angkin ko sa iyo ng hindi niya alam ay si Kin pa rin ang mahal mo!” nagngingitngit sa galit niyang saad bago pinasok ang kabuuan niya sa akin. Sa sobrang sakit ay halos napakapit ako ng mahigpit sa kadena.
“T-tama. . Aahh! M-masa-!. . Tama na!” makaawa ko habang sinasamantala niya ang kahinaan ko. Hindi ko mapigilan na mapa ungol at naiinis ako dahil duon. Nakakahiya! Bakit? Bakit nangyayari lahat ng ’to?
Kin, patawad. .
Pakiramdam ko ay napaka dumi kong tao ng habang naniniig kami ni Ragnar na siyang pinilit niyang mangyari ay unti-unting may ala-alang sumasagi sa isip ko. Tama. Tama si Ragnar. Hindi lang si Kin at si Emery ang nakakuha sa akin kundi pati na rin siya.
“Kukunin ko ang lahat ng dapat sa akin na kinuha nila. Lahat. Ang posisyon at ikaw. Ako ang pinaka magiging malakas sa lahi ng mga bampira.” napa pikit ako ng dilaan niya ang gilid ng tenga ko at bumulong, “Ako ang pipiliin mo sa pagkakataong ito, Rico, hmm? Dahil sisiguraduhin kong bukas, ako lang ang matitira sa aming tatlo. Akin ka. Akin!” tuluyan na akong nawalan ng malay ng maramdaman ko ang mainit na likidong sumakop sa luob ko.
Tama. Ikaw lang ang matitira dahil kapag pinatay mo si Kin ay magpapakamatay na din ako. Magkasama kaming mamamatay.
Nang magising ako ay wala na si Ragnar sa tabi ko at wala na din ang kadena sa kamay ko kaya nagawa kong makakuha ng matinong damit sa luob ng cabinet. ’Yun nga lang ay may kaluwagan sa akin. Sinubukan kong tumakas ngunit sarado ang pinto. Hindi ko magawang mabuksan kahit na binangga ko ito ng napakalakas o itulak duon ng mabilis ang drawer. Wala akong makitang susi at wala ding bintana na pwedeng basagin para makalabas.
Nakakainis! Ang walang silbi ng pagiging daywalker ko. Bakit kasi parang fountain lang ako ng dugo para sa mga bampira na masarap sa kanilang panlasa?
Naupo nalang ako sa sulok ng silid at umiyak. Ayaw ko na. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makita si Kin, si Ate, sila Phryne, Diego, ang kambal, si Ate Sep, si Mr. Phil, Miss Ada, lahat ng taong malapit sa akin. Ayaw ko dito. Natatakot ako. Natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin sa akin ni Ragnar.
Kung sana, pinatawad ko nalang si Kin at si Ate at hindi umalis sa tabi nila ay hindi mangyayari ang lahat ng iyo ngayon. Sana hindi ko nasaktan si Emery at hindi siya namatay. Kasalanan ko kung bakit nagkaka ganito si Ragnar at iyon ay dahil hinayaan kong isipin niya, gaya ni Emery na mas pagtingin ako sa kanila. Kung hindi ko inakit si Ragnar nuon para lang mailigtas si Kin. . . kasalanan ko lahat ng ito. Alam kong may pagtingin si Ragnar sa akin at sinamantala ko ’yon para sa pansarili ko ding hangarin na gusto kong kahit sa paniniig namin ay maisip kong si Kin pa rin ang gumagawa nito sa akin. It’s all my fault and now, sinisingil na ako sa mga kasalanang nagawa ko from the past.
Napayakap ako sa sarili ko ng biglang magbukas ang pinto ng kwarto at agad din itong sumara ng makapasok si Ragnar.
“Rico.” tawag niya sa akin at tinap ang magkabilang hita niya ng makaupo siya sa gilid ng kama. Ano kayang binabalak niya?
Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko at mukhang hindi niya ito nagustuhan ng marahas niya akong hilahin at itulak sa kama. Hindi pa ako nakakabawi mula sa pananakit ng katawan ko ng hilain niya ako papunta sa gilid ng kama kung saan siya nakatayo.
“Marami pa tayong oras, Rico kaya bakit hindi mo muna natin ituloy ang ginagawa natin kagabi tutal mukhang nakapag pahinga ka na. Hindi magandang binitin mo ang magiging asawa mo simula mamayang gabi.” saad niya bago ako muling napaluha sa pagpasok niya sa akin.
Ayaw ko na. Gusto ko ng matapos lahat ng ito.
Batid kong gumabi na sa ilang oras ng nakalipas mula ng huli kaming maniig kanina at akala ko ay duon na matatapos iyon ng magising ako dahil akala ko ay agad kaming didiretso sa lugar kung saan mas maliwanag ang sinag ng pulang buwan pero nagkamali ako.
“R-ragnar. . T-tama na. .” saad ko habang nanghihinang nakahawak sa braso niya at nakapulupot ang mga kamay niya ng mahigpit sa katawan kong nakapaharap sa kanya mula sa ginagawa niyang pagsipsip ng dugo.
“Napakasarap mo, Rico. Hindi ako magsasawang galawin ka at inumin ang naguumapaw mong dugo.” tumigil siya sa pagsipsip sa leeg ko at mapusok akong hinalikan sa aking mga labi at ng mangapos ako sa hangin ay humiwalay siya at lumipat sa kabilang parte ng aking leeg para duon muling ipagpatuloy ang pagsipsip.
“R-ragnar. . A-ayaw ko na. .”
“Sinasabi mo lang iyan dahil hindi ka pa sanay pero kapag katagalan ay hahanap-hanapin mo na ang pagkagat ko sa’yo, mahal kong Rico. May ilang oras pa tayo bago sumapit ang hating gabi at isa pa, malamang ay abala pa ang ibang kalahi sa pagsipsip sa dugo ng mga ordinaryong tao lalo na ng mga nasa City kaya magpakaligaya muna tayo sa piling ng isa’t-isa, maliwanag, hmm?”
Sa muli kong paggising ng mawalan ako ng malay sa pag inom ng dugo ko ni Ragnar ay nakarinig ako ng mga nagtatakbuhan mula sa labas na para bang may nangyayaring nakakatakot na hindi ko alam at makita.
Teka, ano ng nangyayari?
Biglang tumalsik ang nakasarang pinto ng kwarto at ang nakangiting demonyo na kambal ang nakita ko kasama si Phryne.
“Long time no see, Rico!” sabay nilang bati.
“Anong ginagawa-? Paano?” halos mautal ako sa gusto kong sabihin sa sobrang pagkabigla. Panaginip lang ba ito?
“Hindi ka nananaginip, Rico. Nandito kami para bawiin ka sa pakiusap ni Master.” nakangiting saad ni Phryne ng biglang may bumulagta na patay na bampira sa kanyang tabi at nagkalat ang dugo sa kanyang kamay sa sobrang bilis ng pangyayari.
Gusto ko sanang sumigaw pero pinili kong huwag. Kung ganun, nandito sila para iligtas ako? Pero, nasaan si Kin?
“Ada, dalhin mo si Rico sa ligtas na lugar. Kami na ang bahala sa mga kalabang nandirito.” saad ni Phryne at binigay ako kay Miss Ada ng makalabas kami ng kwarto at nakasalubong ang maraming uhaw na bampira.
“Dito tayo.” dinig kong sabi ni Miss Ada at hinila ako palayo kila Phryne. Gusto ko sanang tumulong pero pagkakita ko sa mga kalaban nila ay alam kong wala akong laban. Oo nga pala. Hindi ako bampira. Isa lang akong daywalker na fountain ng dugo sa kanila.
“Nang malaman kong dinakip ka ni Ragnar ay binalak kong magpunta dito para iligtas ka ngunit marami siyang tauhan kaya nahirapan akong gawin ang balak ko hanggang sa bumungad sa harapan ko si Kin at ang mga kasamahan niya at humingi ng tulong ko para makuha ka niya pabalik.”
“T-talaga po?”
“Oo. Alalang-alala ang mukha niya at mukhang hindi pa nakapag pahinga ng salubungin ko siya.” saglit kaming huminto sa pagtakbo at pinat niya ang ulo ko, “Mahal ka niyang tunay.”
Nagpatuloy kami sa pagtakbo papunta sa ligtas na lugar na hindi ko alam kung meron ba dahil lahat ng daanan namin ay may nakaabang na bampira. Mabuti na nga lang at pinoprotektahan ako ni Miss Ada.
“Naloko na!” inis na saad niya ng mapunta kami sa dead-end na parte ng bahay at nasa likod namin ang kulang-kulang trentang bampira. Shit. Paano na?
“Ada, h’wag mo naman ilayo ang daywalker sa lugar na ito lalo pa’t balita namin kay Mr. Ainsworth ay ngayon siya kikilalanin bilang kapalit na pinuno ni Valentine.”
“Oo nga. Siya ang sagot natin sa ating pagka uhaw. Magagamit natin siya sa matagal na panahon.”
“Isa pa, minsan lang nagaganap ang pista nating mga bampira kaya walang masama kung lahat tayo ay kanyang paiinumin ng dugo niya. Maiintindihan niya naman ’yon bilang siya ang daywalker.”
Humigpit ang hawak ni Miss Ada sa akin at hinarang ang sarili niya sa akin para hindi ako maabot ng mga nababaliw niyang kalahi sa pagka uhaw ngayong gabi. Hanga ako kay Miss Ada dahil sa dignidad na meron siya. Ito siguro ang minsang nasabi sa akin ni Mr. Phil. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mangamba para sa mga taong nasa City pero tiwala akong may mga gaya nina Miss Ada at Mr. Phil na handang protektahan ang hindi nila kalahi. Sana ayos lang din si Ate Sep. Nakakainis! Bakit kasi nagkaruon pa ng pagpupanng buwan?
“Hindi na kayo nahiya sa mga pinagsasasabi ninyo! Mga halimaw!”
“Tsk! Nagmamalinis!” saad ng isa sa kanila at bigla nalang sumugod kay Miss Ada at sa bilis ng pangyayari ay napasigaw nalang ako ng may biglang humatak sa akin.
“Miss Ada!” tatlong kagat sa katawan ko ang naramdaman ko. Isa sa leeg, hita at sa pulsuhan ko ang naramdaman ko. Pilit akong kumakawala sa mga nakahawak sa akin para matulungan si Miss Ada sa dami ng mga kalahi niyang nilalabanan siya ng muli akong mapasigaw sa gulat ng makita kong may kutsilyong nakatarak sa ulo ng bampira sumisipsip sa hita ko. Parang babaliktad ang sikmura ko sa nakita ko. Narealized ko nalang na nagbagsakan na ang tatlong kumagat sa akin at paglingon ko. .
“A-ate! Diego!” naiiyak kong saad at agad na tumakbo papunta sa kanila at sinalubong ako ni Ae ng isang mahigpit na yakap.
“Pasensya na kung nahuli kami. Naharangan kami ng ibang bampira sa ibaba.” paliwanag ni Ae at humalik sa nuo ko.
“Mga wala kayong respeto sa daywalker.” galit na saad ni Diego at napagilid kami nina Miss Ada at Ae ng may lumabas na hugis mata sa kanyang likuran at pag-snap niya ng daliri niya ay isa-isang parang hinihigop ang mga kaluluwa ng mga bampirang nanduduon at ilang sandali pa ay nagbagsakan na sa sahig ang mga walang buhay na katawan ng mga bampira. Napalunok ako sa takot. Shit. So, ito ang sinasabi nina Phryne at Ae sa akin na kapangyarihan niya? Ang cool pero at the same time ay nalakatakot.
“Diego, puntahan mo na si Master. Ako na ang bahala sa kapatid ko at si Ada.”
“Teka lang! Hindi ba dapat hindi tayo tatakas? Nasaan si Kin? Baka kailangan niya ng tulong natin.” nagaalala kong saad.
“Sa mga oras na ito ay naglalaban na sina Kin at Ragnar. Hindi naman tayo tatakas. Ilalayo ka lang muna namin dito para hindi ka nila magalaw gaya ng kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nahuli kami ng ilang minuto kanina kaya, Rico. Pakiusap. Halika na. Ang kaligtasan mo ang mahalaga para sa aming lahat at pinangako namin ’yon kay Master.” nagbabadya ang pagluha kay Ae ng haplusin niya ang kamay ko at pisngi.
“P-pero kasi. . si K-kin. .”
“Magiging ayos lang siya, Señor Arys.” bumalik na ang masayahing awra ni Diego malayo sa kanina at tinapik ako sa balikat.
Papayag na sana ako sa gusto nila ng sabay-sabay kaming mapatingin sa kisame dahil sa kakaibang tunog na nanggagaling sa itaas at maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na pinrotektahan ako ng tatlo mula sa pagguho ng kisame. Naubo pa ako dahil sa alikabok na kumalat sa hangin.
“Hah! Mahina ka na ngang talaga, Valentine.” halos magtaasan ang balahibo ko sa katawan sa nadinig kong pamilyar na boses at paglingon ko ay tama ang hinala ko. Si Ragnar iyon na nakatayo at nakangisi sa nakaupong si Kin na may mga galos sa katawan.
“Kin!”
“Master!”
Napalingon sina Ragnar at Kin sa amin at gusto ko na sanang tumakbo palapit kay Kin para salagin ang ano mang nais gawin ni Ragnar sa kanya ng pigilan ako ni Miss Ada.
Nakita ko nalang sina Ae at Diego na pinoprotektahan si Kin at nilalabanan si Ragnar.
“Master!” napalingon ako sa nagsalita at nakita ang patakbong si Phryne at inalalayan si Kin para makatayo.
“Balak ba ninyong pumalit sa estatwa? Galaw-galaw din! Kakagatin na kayo ng isang ’to oh!” inis na saad ni Zyga kasama si Zygo at paglingon namin ni Miss Ada sa kanila ay isang bampira na hati-hati ang katawan ang nakita namin. Shit.
“Akala ko ba sa city nila balak dumanak ang dugo eh bakit parang naipon sila dito sa red stone? Not that I’m complaining pero ang dami talaga nila eh!” inis saad ni Zygo at isang bampira ulit ang bumulagta sa sahig at lasog ang katawan. Shit. Paanong? Ang bilis! Hindi ko man lang nakita na may papalapit sa amin.
Habang abala sila sa pagprotekta kay Kin at sa akin ay ako ’tong nagiisip ng paraan kung paano ko sila matutulungan. Hindi pwedeng maupo lang ako dito at manuod!
“Wala kang kasing sama! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Rico nuon ngayon ay balak mo siyang abusuhi dahil sa pagiging daywalker niya?!” galit na saad ni Phryne at pinunasan ang dugong nasa gilid ng kanyang labi. Tanda na nahihirapan siya sa pakikipaglaban kay Ragnar.
Pero. . ano? Si Ragnar? S-siya. .? Paano?!
“R-rico. .” naramdaman kong hinawakan ako ni Miss Ada sa balikat ng pumikit ako at takpan ang magkabilang tenga ko. Hindi! Hindi! Paano?
“Tama ka, Phryne. Hahaha! Tama ang narinig ninyong sinabi niya. Ako nga. Ako ang pumatay kay Rico nuon pero tama lang ’yon dahil hindi siya pumayag maging akin at dahil pilit ka niyang inilagtas sa dapat na sana’y nuon pang kamatayan mo Kin! Pero, dapat din kayo magpasalamat sa akin dahil tignan ninyo naman. Siya na ang daywalker! Hahaha!”
“Hayop ka!” galit na saad ni Ae at duon ay muli kong narinig ang paglalaban nila.
Naramdaman ko nalang na umiiyak na ako ng sa ’di malaman na dahilan ay unti-unting bumalik sa akin ang mga nangyari sa nakaraan. Tama siya. Nalaman ko na siya ang nag utos kay Emery nuon na patayin si Kin at para ilagtas siya ay inakit ko si Ragnar at pumayag sa mga gusto niyang gawin naming dalawa na hindi alam ni Emery sa pagaakalang mababago ko ang isip niya ngunit sa huli ay hindi pa rin kaya pumunta ako sa paggaganapan ng paghirang kay Kin ng hindi alam ni Emery at kinuha ko anh dapat niyang susuotin at nagpanggap bilang siya at nagtagumpay na imbis na si Kin ang kanyang mapatay ay ako ang kanyang napaslang. Ginawa ko lahat ng iyon ng dahil sa pagmamahal ko kay Kin.
“Sumuko nalang kayo dahil hindi ninyo ako kayang talunin. Mas malakas ako sa inyo lalo pa’t nainom ko lang naman ang dugo ni Rico at . .” ngumisi siya kay Kin at tumingin sa akin, “. . natikman ko kung anong sarap niya kaya wala akong balak na ibalik siya sa inyo. Akin na siya. Kukunin ko ang dapat na akin. Hindi naman talaga siya dapat sa’yo, Valentine! Niloko mo siya di ba? Kasama mo sa panloloko ang kapatid niya kaya dapat lang na hindi na siya bumalik sa iyo!”
Nagpatuloy ang labanan nila hanggang sa isa-isa kong makita na ihagis ni Ragnar sila Ae.
“K-kin. .” umiiyak na tawag ko sa kanya ng makalapit ako. Puro na siya sugat sa katawan pero nagawa niyang ngumiti ng mapait sa akin. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanya matapos ng mga sinabi ni Ragnar. Nasasaktan ako dahil nasaktan ko siya. Napaka dumi ko na malamang sa kanyang paningin. Siguro kung si Ae o ibang tao ang naka. .
“Sshh. . H’wag kang umiyak. Pakiusap, Rico. Ayaw kong nakikitang umiiyak ka lalo pa’t alam kong kasalanan ko lahat kung bakit nangyari ito sa iyo.” hinaplos niya ang pisngi ko at pinahid ang luha sa mga mata ko.
Napakagat ako sa labi ko ng maramdaman kong kagatin niya ang leeg ko at sipsipin ang dugo ko sa ilalim ng maliwanag na pulang buwan. Tama. Ito lang ang maitutulong ko kay Kin. Ang palakasin siya gamit ang dugo ko.
“Ikaw ang iisang mamahalin ko, Rico.” tumigil siya sa pagsipsip sa dugo ko at tumayo. Nang pagmasdan ko siya ay may nagbago sa kanyang awra at lumakad siya papunta kay Ragnar.
“Nais mong malaman ang dahilan kung bakit hindi ikaw ang naging pinuno at kung bakit kahit kailan m, kuhanin mo man pilit ai Rico ay hindi siya mapapa-saiyo? Iyon ay dahil wala kang puso!” isang maliit na tipak ng bato ang sinipa ni Kin paitaas sa kanya at inabot ng kanyang palad at pagbato niya nito kay Ragnar, sa ’di malamang dahilan ay malakas ang naging pagtalsik niya na para bang isang malaking bagay ang hinampas sa katawan niya.
“Karamihan sa kalahi natin ay nais mamuhay ng tahimik gaya ng sa ordinaryong tao ngunit ang mga sakim na tulad mo ang sumisira sa imaheng gusto nilang mabuo! Lalo tayong hindi matatanggap sa mundong ito kung magaasal hayop tayo gayong alam naman na nating una palang ay halimaw na ang tingin sa atin ngunit bakit kailangan mo pang ipamukha ’yon sa mga tao? Para katakutan? Tsk! Pinapaiksi mo lang ang buhay mo bilang bampira! Isa pa, tama ka. Maaari ngang niloko ko si Rico nuon. Kaming dalawa ng kapatid niya, pero akala mo ba ganuon lang kadali lang sa akin ng mawala siya? Hindi! Hindi mo alam ’yon dahil huwad ang nararamdaman mo para kay Rico! Hindi mo alam kung paano ang tunay na pagmamahalan! Napaka swerte ko nga’t nagawa pa rin niya akong tanggapin sa kabila ng mga pagkakamali ko samantalang ikaw, hindi mo lang nakuha ang iyong nais ay pinatay mo siya? Wala kang puwang sa mundo na ito o sa lahi natin!”
Duon ko narealized na lahat ng mahawakan ng kamay ni Kin ay parang nagbabago ang bigat at iyon ang siyang ginagamit niya para labanan si Ragnar. Habang abala silang dalawa sa paglalaban ay lumapit ako sa mga kasamahan namin at pinainom sila ng dugo ko upang manumbalik ang kanilang lakas at matulungan si Kin sa paglaban niya kay Ragnar. Hindi ako nakaramdam man lang ng panghihina kahit na may karamihan na ang nakainom sa aking dugo. Siguro isa ito sa perks ko bilang daywalker.
“Kin! T-tama na!” tawag ko sa kanya at pumunta sa kanyang harapan para pigilan siya sa balak niyang pagpatay kay Ragnar. Hindi ko siya pinipigilan dahil naaawa ako kay Ragnar pero dahil masyado na siyang mahina at alam kong kusa na siyang mamamatay sa mga ginawa sa kanya ni Kin. Isa pa, ayaw kong sagarin ni Kin ang sarili niya. Mukhang bumalik na ang panghihina ng katawan niya sa mga ginawa niyang pag atake kay Ragnar.
Nakipagtitigan ako sa gutom at galit na mukha ni Kin na para bang hindi ako nakikilala ng haplusin niya ang mukha ko at halikan ako sa labi. Pakiramdam ko ay kumalma ang paligid sa halik niyang ’yon. Pagdilat ko ng mata ko ay ang nakangiti niya ng mukha ang nakita ko.
“Patawad. Natakot ba kita?”
Umiling ako. “Tara na, Kin. Oras na para muli kang humarap sa mga kalahi mo at ipaalalang ikaw ang pinuno at walang papalit sa’yo dahil ikaw ang pinunong dapat nilang kilalanin sa pagiging totoo mo sa sarili mo at sa mga nakapaligid sa iyo at iyon din ang dahilan kung bakit minahal kita at tanggap kita bilang ikaw.”
“Iyan ang dahilan kung bakit nagustuhan at minahal kita higit kanino man.” inangkla ko ang kaliwang braso niya sa balikat ko at lumakad palayo sa wala ng malay na si Ragnar ng biglang hindi pa man kami nakakalayo ay napaluhod si Kin at sumuka ng dugo.
“K-kin! A-anong. .?!” natataranta kong sabi at nakita ang isang pamilyar na punyal na nakatarak sa likuran niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat at takot. Ang punyal na ito. . hindi!
“Heh. K-kung mamamatay ako. . kasama ka. . h-hindi ako p-papayag na sumaya ka, Rico sa piling niya at hindi ako.” nanghihinang saad ni Ragnar na siyang bumato ng punyal kay Kin.
Ang punyal na siyang ginamit niya sa akin nuon sa pagaakalang ako si Kin na siyang pumatay sa akin ay ang siyang ginamit niya din ngayon para isakatuparan ang nuon niya ng balak. Hindi! Hindi!
“Master!” sabay-sabay nilang pinaslang si Ragnar at ng tuluyan na itong mamatay dahil sa ginawa niya kay Kin ay agad silang tumabi sa amin.
Hindi! Hindi ito nangyayari!
Nainis ako ng bigla kong maalala ang hiniling ko sa fountain sa Demirkan kung saan muling nagtagpo ang landas namin nila Kin.
Sana sa oras na makita ko ang taong para sa akin ay magkasama kami habang-buhay at magkakaruon kami ng masayang pamilya!
“R-rico. .”
“Kin!” hindi ko na mapigilang umiyak ng makita ko ang pagputla ng kanyang kulay at maramdaman ang paglamig ng kanyang katawan. “Hindi mo ako pwedeng iwan!”
A/N:
Date Posted: June 28, 2019 at 01:13 AM
So, ayun. Habang ginagawa ko ang chapter na ito ay nakikinig ako ng What’s Forever For ni England Dan. Weird ’no? Hahaha. So, okay ba?
Anyway, ’til next update!
Stay weird and lunatic!
A CLOCKS BLOOD 25: MIDNIGHT
“K-kin!” kahit nanghihina ay nagawa ko pa ring ngumiti sa napaka ganda kong minamahal na si Rico. Hindi sana ganito ang gusto kong katapusan naming dalawa pero mukhang hindi ko na magagawang makasama siya sa mahabang panahon. Nasasaktan ako ngunit wala akong magagawa. Ito ang kapalaran ko sa lahat ng kamaliang nagawa ko lalo na sa kanya.
“W-wag kang pipikit please! S-sabi mo babawi ka sa akin! Hindi mo ako pwedeng iwan! Ang daya mo! Ginagantihan mo ba ako?” walang tigil sa pag agos ang luha niya mula sa kanyang mga mata, pababa sa kanyang pisngi, papunta sa akin. Hindi niya kinagaganda ang pag iyak. Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya kaso wala na akong natitirang lakas pa para igalaw ang aking bibig. Mas gusto ko na lamang siyang pagmasdan hanggang sa pumikit ang mga mata ko sa pang walang hanggan na kadiliman at katihimikan.
“R-rico. . H’wag. .”
“Kin! H’wag mo akong iwan! Ayaw ko!” para bata niyang sumamo sa akin.
“. . W-wag mo ako k-kakalimutan ano man ang mangyari. .”
“Oo! Hindi kita kakalimutan! Hindi na mauulit ang nangyari sa akin. Sige na! Wag kang pipikit. Wag mo akong iwan!”
“M-m-mahal. . hanggang sa k-kamatayan. .” bago tuluyang pumikit ang mga mata ko ay kinabig ko palapit si Rico sa akin at hinalikan sa huling pagkakataon ang kanyang mga labi.
Sa pagpikit ng aking mga mata ay bahagyang umingay ngunit kalaunan ay napalitan ito ng unti-unti at nakabibinging katahimikan. Ganito pala ang pakiramdam ng mga namamatay. Sa mga oras na ito, hindi ko na alam kung saan ako patungo o kung meron bang tinatawag na reincarnation dahil kung meron man, nais kong mabuhay sa panahon kung saan makikita ko ulit si Rico.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya kung paano tunay na nahulog ang luob ko sa kanya. Hindi niya alam na ako ang may kagagawan ng lahat kung bakit kami nagkakilala at nahulog ang luob niya sa akin kahit na aminado akong hindi maganda ang ugaling naipakita ko sa kanya ng una. Ngunit masaya ako dahil tinanggap niya ang isang tulad ko sa kabila ng lahat.
Una ko siyang nasilayan sa gilid ng lawa kung saan ako naka pwesto sa itaas ng puno. Tinataguan ko kasi si Phryne dahil ayaw kong mag-aral ng araw na iyon. Napagkamalan ko pa siyang babae dahil sa hitsura niya. Masyado siyang maganda para sa isang lalaki at hindi ko napigilang humanga sa angkin niyang pisikal na anyo. Hindi siya bampira gaya ko kaya paanong nangyaring may isang katulad niya? At, nakapagtatakang kakaiba ang pagtibok ng puso ko ngayon hindi gaya ng sa ibang mga tao at kalahi ko na nakasalamuha ko.
“Kailan kaya ako makakakita ng tulad ninyo na may ibang kulay?” kausap niya sa mga malilit na puting bulaklak. Eh? Kakaiba ang isang ’to para mag hangad na magkakaruon ng ibang kulay ang mga bulaklak. Impossible mangyari ’yon dahil sa lugar na ito, tanging puti lang mayruon. Kung magkaruon man ng iba bukod sa puti ay maaaring nasa ibang lugar ako.
Hanggang sa makabalik ako sa aking bahay ay dala-dala ko sa aking isipan ang sinabi ng batang lalaki na ’yon. Ibang kulay? Kung magawa ko bang baguhin ang kulay ng mga bulaklak na iyon ay makikita ko siyang muli at papansin ba niya ako? Hmm. .
“Phryne, tingin mo ba ay matutuwa sa akin ang aking yumaong mga magulang kapag nakagawa ako ng kakaiba sa aming pamilya?”
“Anong ibig ninyong sabihin Master?” nagtataka siyang naupo sa tabi ko at pinagmasdan ako. Si Phryne ang dating tagapagsilbi ng aking Ama kasama ni Ada na naglingkod sa aking ina, ngunit lumisan ng mamatay ito.
“Nais kong gumawa ng isang bagay na alam kong ako lang ang makakagawa at sa tuwing makikita ito ng aking mga kalahi ay malalaman nila ang ibig sabihin ng aking pinagmulang pamilya.”
“Kung ito’y iyong ikasa-saya, Master ay tiyak na masisiyahan din ang iyong yumaong mga magulang at ng mga tao sa iyong paligid.”
“Mabuti.” nakangiti kong saad habang iniisip ang nakangiting mukha ng batang nakita ko.
Sa sumunod na mga taon ay binuno ko ang oras ko sa pagaaral at sa misyon kong bigyang kulay ang mga bulaklak upang muli kong masilayan ang batang lalaki na bumihag sa akin ng hindi niya namamalayan.
“Phryne! Phryne! Madali ka at lumapit dito!” buong kagalakan kong tawag ng sa wakas ay nagawa kong kulayan ang mga bulaklak gamit ng aking dugo. Ang nuo’y puting bulaklak ay naging pula at matingkad at maganda ang bukadkad.
“M-master! Paanong. .? Ang ganda!” manghang saad ni Phryne habang pinagmamasdan ang aming hardin na ngayon ay may mga bulaklak na kulay dugo.
Mula ng araw na nagawa kong pula ang bulaklak ay naging palatandaan na iyon ng pamilya ko at madalas na mamangha ang mga taong napapadpad sa labas ng aming pamamahay pero wala pa rin ang taong hinihintay kong makakita nu’n. Nasaan na kaya siya? Sayang at hindi ko man lang ang alam ang kanyang pangalan.
Hanggang sa dininig ng kalangitan ang aking pagsumamo kaya hindi ko na pinalampas ang sandaling iyon.
“Balak mo bang magnakaw?” bungad ko sa taong matagal kong hinintay na makita muli. Napaka ganda niya talaga para sa isang lalaki at para sa isang ordinaryong tao. Pero, paano siya nakapasok? Sinong nagpapasok sa kanya?
“Bakit ko naman nanakawin iyan? Binibigyang atensyon ko lang sila upang hindi malanta dahil hindi mo man lang magawa silang tignan gayong napaka ganda ng bukadkad nila.” aminado akong nagulat ako sa naging sagot niya sa akin dahil malayo ito sa batang una kong nasilayan.
“Lapastangan! Anong karapatan mo para pangaralan ako? Alam mo ba kung sino ako ha? At paano nakapasok ang tulad mo dito?”
“At anong klaseng kalapastangan ang aking nagawa? Sinasabi ko lang naman ang totoo at dumaan ako dito para ibigay kay Mr. Phryne ang mga iniutos niyang ipabili sa akin.” kilala niya si Phryne? Hmm. . .
“Oy! Bakit mo ako tinatalikuran? Hindi pa tayo tapos mag usap!” tss. Ngayon lang kami ulit nagkita at aalis pa siya agad? Madaya!
“Aalis na ako. Nakita ko na ang mga bulaklak kaya wala ng dahilan para magtagal ako. Isa pa, may iba pa akong kailangang gawin ngayong araw ’di tulad mo na maaaring magpa ikut-ikot lang buong araw.” aba. Tingin ba niya ay hindi ako nagaaral at hindi nasasayang ang oras ko sa pagiisip sa kanya? Matapos kong bigyang kulay ang nuo’y puting bulaklak gaya ng kanyang hiling? Hah! Lapastangan. Kung parusahan ko siya gamit ang aking labi? Lihim akong napangiti sa isiping ’yon.
“Tsk! Anong pangalan mo?” kailangan sa pagkakataong ito ay malaman ko ang kanyang pangalan. Hindi ako papayag na hindi ko man lang makuha ang premyo ko sa panahong naghintay ako sa kanya.
“Bakit ko sasabihin sa iyo? O’sya. Mauna na ako.”
“Aba! Napaka!” sa inis ko sa naging sagot niya ay nagmadali akong lumapit sa kanta at hinili siya paharap sa akin. Batid kong nagulat siya sa aking ikinilos ngunit wala akong pakielam. Naiinis ako sa kanya at hindi ako maintindihan kunh bakit. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit upang mayuon ang kanyang atensyon sa akin at tanging sa akin lamang. Pati pala mga mata niya at maganda din. Para ako nitong hinihigop patungo sa ibang mundo.
Ngunit nasira ang pagtitinginan namin ng dumating si Aella na siyang bagong katuwang ni Phryne sa aming pamamahay. Maganda siya at alam kong may pagtingin siya sa akin dahil parehas niya ang ibang mga babae na may gusto sa akin kung siya’y makatingin ngunit hindi ko ito binibigyang pansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa mas magandang nilalang. Hindi man maganda ang muli naming pagkikita ay ayos lang dahil nalaman ko ang pangalan ng taong hinintay kong mapansin ako.
Sa muli naming pagkikita ay muli ko na naman siyang napakitaan ng hindi magandang ugali. Hindi ko alam ngunit kapag nariyan siya ay hindi ko alam ang dapat na gawin o sabihin. Naiinis din ako dahil nagagawa niyang kontrahin ang mga hindi magagandang pananalita ko sa kanya kaya gumawa ako ng paraan para sana ay takutin siya at ng maging mabait siya sa akin papaano pero nagkamali ako dahil sa pagbibiro ko na tinangka niyang nakawin ang bulaklak sa aking hardin na ako mismo ang nagbigay na siyang simbolo ng aking pamilya ay kinulong siya.
Natakot ako na baka tuluyan niya na akong hindi pansinin kaya ng muli ko siyang makita ay humingi ako ng tawad sa aking nagawa ngunit binalewala niya ito. Pero dahil din sa tangka niyang pag iwas sa akin ay muntik na siyang mapahamak kaya upang ipakita ang sinseridad sa aking paghingi ng tawad ay agad ko siyang sinalo sa aking kamay at naging proteksyon niya upang hindi siya masaktan ng dahil sa akin. Ayaw kong makita na masaktan siya pero hindi pa rin ito sapat dahil nagalusan siya. Ang nakakainis pa ay hindi ko sinasadyang matakot siya ng makita niya kung paano ako mauhaw bilang isang bampira. Akala ko ay ipagtatabuyan niya ako pero laking gulat ko ng hilain niya ako palapit sa kanya at ialay ang sarili niya para lang sa akin. Nang mga sandaling ’yon ay alam ko na kung bakit ako natakot ako na hindi niya na bigyang halaga at iyon ay dahil lihim na akong umiibig sa kanya ng hindi niya alam.
Ngunit dahil din sa pangyayaring iyon ay nagsimula ang pagmamahalan na sapat ng kami lang ang nakaaalam. Duon, napagpasyahan kong sa oras na pumikit ang aking mga mata at iwan ang mundong ito ay siya ang gusto kong makita at makasama hanggang sa susunod naming buhay. Pero, hindi iyon naging madali. Mapaglaro ang tadhana at nagtaksil ako sa kanya ng umibig ako sa kanyang nakatatandang kapatid na nuong una ay akin lang namang ginawa dahil nagpumilit ito na subukan siyang mahalin sa kadahilanang ayaw niyang masaktan si Rico sa magiging panghuhusga ng mga tao sa aming paligid dahil ang konsepto ng pagmamahal ay para lamang sa babae at lalaki na siyang pagkakamali ko na pumayag ako dahil nasaktan ko ng lubos ang taong tumanggap at nagmahal sa kung ano at sino ako.
“Simula sa oras na ito wala na ang Rico na nakilala mo. Layuan mo na ako. Ayaw kong makita pa ang mukha mo o ng kapatid ko. Mga halimaw kayo!” ang mga katagang binitiwan niya ang siyang dahilan kung bakit ninais kong magpatiwakal nuon subalit pinigilan ako ni Aella at sinabing kung gagawin ko ’yon ay baka hindi kayanin ni Rico ang konsesya na maidudulot ko sa kanya kaya isinantabi ko ang isiping iyon kahit na araw-araw na wala siya sa aking tabi ay para na akong pinapatay ng unti-unti. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal - nasasaktan.
Pakiwari ko ay masisiraan na ako ng bait ng aking malaman mula sa isa sa mga tagapagsilbi sa pamilya ng Ainsworth na si Rico ay umiibig na sa isang babae. Halos madurog ang puso ko. Gusto kong pumatay para lang mabawi siya ngunit masyado siyang mailap sa akin at hindi ko man lang makita. Sinubukan kong humingi ng tulong kay Ragnar pero nakapagtatakang tinawanan niya lang ako at sinabing hindi si Emery ang kailangan ni Rico. Hindi magkasundo ang pamilya ko at ng Ainsworth kaya hindi na rin siguro nakapagtataka dahil may mga naririnig na ako nuon pa man na naiinggit ito sa akin dahil matunog ang aking pangalan sa pagiging susunod na pinuno ng mga bampira na siyang gusto niya.
Sa araw ng paghirang sa akin bilang pinuno ng aking mga kalahi ay pinagtaka ko ang kakatwang ikinilos ni Emery na siyang hindi ko inaasahan na makita ngunit agad ko ring hinanap si Rico na baka kasama niya ngunit. .
“B-bitiwan ninyo ako!. . . Si R-rico!. . . Kailangan ko siyang puntahan!. . Ano ba?!”
“Anong sabi mo? Si Rico? Sabihin mo sa akin! Anong mayruon sa kanya?” tanong ko ng nakahawak sa kwelyo ng kanyang damit. Hindi ko alam ngunit kinakabahan ako. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.
“Tsk! At bakit ko sasabihin sa iyo? Wala kang karapatan na malaman ang kahit na ano tungkol kay Rico dahil sa akin siya!” hindi ko napigilang makaramdam ng pagka inis ng itulak niya ako at isantabi na para bang wala akong karapatan na malaman ang kahit na ano tungkol sa taong mahal ko.
Hindi ko alam kung saan maaaring naruon si Rico sa lugar na puno ng mga patay na tao at bampira sa gitna ng makapal na usok na sumasakop sa bayan ay nagtiwala ako na makikita siya at makakahingi ng tawad sa nangyari at makakasama ng muli pero iyon na pala ang magiging bangungot ko sa mahabang panahon.
“. . s-sana sa susunod kong buhay, makalimutan ko ang lahat ng tungkol sa iyo. . lahat-lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo para sa paraang iyon man lang makaganti ako sa pananakit mo sa akin. .” ang mga huling salitang binitiwan niya na s’yang musikang paulit-ulit na nasa aking isipan.
Ilang segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon ang lumipas na para akong nakulong sa iisang panahon sa kabila ng mga pagbabago sa aking paligid. Hindi ko magawang ituring bilang biyaya ang pagiging bampira at mabuhay sa mahabang panahon at maging pinuno ng aming lahi ng wala ang taong gusto ko sa akin tabi. Dapat lang siguro ang parusang ito sa ginawa kong pananakit at pagsayang sa isang tulad niya pero masakit - masyadong masakit na parang gusto ko nalang mamatay at samahan siya sa kabilang mundo kung saan napupunta ang mga namatay na tao.
Ngunit sa kabila ng paghihirap ko ay masaya akong isipin na may tao pa rin na handang tanggapin ako ano man ang mangyari. At iyon ay ang kambal na sina Zygo at Zyga at si Diego. Mga gaya ko na matagal ng namamalagi sa mundo at naghahanap ng lugar na sila’y tanggap. Nakuha ko ang ano mang yaman na naisin ng isang ordinaryong tao ngunit hindi ko magawang maging masaya kaya siguro lagi akong tago at hindi maintindihan ng mga kalahi ko o maging ng mga taong nakikilala sa gabi tuwing nagbubukas ang naitayo kong mga establisyimento sa luob mismo ng aking tinuring na bahay sa paglipas ng panahon.
“Paumanhin Master Valentine, ngunit ako’y matagal ng nagtataka. Ano ang dahilan at nakayanan mong tumagal sa paglipas ng panahon?” tanong sa akin ni Diego habang pinagtitimpla ako ng aking paboritong inumin na kung tawagin ay Devil’s Poison.
“For all those years that I have lived, there is only one person that keeps me going through this life and that is the one I want to be with when the time comes I have to close my eyes forever.” sagot ko ng makuha ko ang aking inumin at agad itong ininom.
“Hanggang kailan ka maghihintay?” singit ni Zygo na tumabi sa akin katabi ang kanyang kakambal.
“Patay na ang taong hinihintay mo, Valentine, kaya bakit? Hindi siya gaya mo na bampira. Nagaaksaya ka lang ng oras sa ginagawa mo.” dagdag ni Zyga. Tss. Minsan hindi ko alam kung tama ba ang aking ginawang minsang pagkukwento ng aking buhay sa kambal na ito maliban kay Diego.
“Dahil si Rico ay si Rico. Mahal ko siya at alam kong magkikita kaming muli.” gaya ng sinabi niya bago siya mamatay kahit na alam ko ang possibilidad na maaaring hindi niya na ako maalala. Naniniwala ako kahit hindi totoo ang tinatawag nilang reincarnation. Kahit isa lang. Kahit isang beses lang. Gusto kong masilayan muli sa harapan ko ang mukha ng minahal ko at nagmahal sa akin.
Gaya ng naipangako ay pinasok ko ang kambal sa eskwelahan ng Demirkan at pinagamit sa kanila ni Diego ang kanyang apelyido. Hindi ko alam kung bakit ng gabing iyon ay imbis na magbukas kami ng aming coffee shop at casino ay hiniling kong libutin namin ang siyudad kaya ng makita ko ang isang taong kahawig na kahawig ni Rico kung saan muntik na namin silang mabangga ng kasama niyang babae ay nakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na saya at sakit.
“Pasensya na po talaga sa abala.” ang saad ng kahawig ni Rico at ng makalayo sila ay duon ko lang nagawang maikilos ang aking katawan at ibaba ang bintana ng aking kotse upang kilatisin kung ako ba’y namamalik mata lamang ngunit huli na dahil hindi na ito lumingon pa sa amin. Hindi ko alam ngunit gusto ko ulit siyang makita at makilala.
Sa sumunod na gabi ng paghatid namin sa kambal ay nalaman ko mula sa mga naririnig ni Phryne na siyang taglay niyang kapangyarihan ang pagbabagong ginawa ni Phillien Rosenbaum sa mga tauhan ng kanyang eskwelahan at hindi ko alam ngunit muli akong nakaramdam ng kakaiba. At ng mismong gabing ’yon ay muli kaming nagkita ng taong kahawig ni Rico at sa gulat ko ay natawag ko siyang si Rico at gaya ng inaasahan ay tinignan niya ako ng kakaiba at dahil gaya ko ang pangungulila ni Aella sa kanyang kapatid ay sinubukan niya itong tulungan sa pagkakaupo nito sa lupa ng magulat siya sa pagsulpot namin sa kanyang harapan ngunit nakapagtatakang tinanggihan niya ito dahilan upang ikalungkot ni Aella.
Gusto ko sanang tanungin ang kanyang pangalan at kausapin ngunit dumating ang babae na siya ring kanyang kasama ng una kaming magkita at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit at galit. Ayaw kong makuha siya sa akin ng iba kahit na alam kong kahibangan na isiping maaaring siya si Rico kaya gumawa ako ng paraan para mapalapit siya sa akin. Naalala ko na mahilig si Rico sa mga matatamis na pagkain kaya iyon ang ginamit ko para makuha ang kanyang luob ngunit ilang araw ang lumipas at walang siya ang nakita ko sa harapan ko at ikinalungkot ko iyon hanggang sa kakat’wang pangyayari ay nadala siya ng kambal sa akin.
“H-hi.” halata sa kanya ang pagka ilang at hindi ko alam ngunit ng matitigan ko siya ay gusto ko siyang yakapin at titigan. Bakit? Dahil walang pinagkaiba ang hitsura niya kay Rico at parang ito mismo ang nasa aking harapan.
“Nagkita uli tayo,Rico.” saad ko habang iniisip na baka nagpapanggap siya bilang ibang tao na hindi ako kilala gaya ng sinabi niya bago siya mamatay at iwan ako sa mahabang panahon.
“Valentine, hindi Rico ang pangalan niya kundi Aryscos. Hay. Kasasabi ko lang eh.”
Aryscos? Napangiti ako ng mapait. Mukhang hindi siya ang taong inaasam ko ngunit bakit naririnig ko ang pangalan ni Rico sa kanya?
“Ah, oo. Tama si Zygo. Aryscos ang pangalan ko. Aryscos Beau Henson pero Arys nalang.”
Inilibot ko siya sa aking bahay at niyaya sa aming hapunan na kanyang pinaunlakan pati ang pagpapakita ko sa kanya ng mga iniregalong paintings sa akin para tumagal ang oras ko na kasama siya at matitigan at para na rin masuri ni Phryne.
“Hihintayin ko ang iyong bagbabalik, Arys.” ang tangi kong nasabi bago siya umalis kahit na may parte sa aking ayaw siyang paalisin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Sa muli naming pagkikita ay duon ko, namin, nalaman ng mga kasama ko na siya ang daywalker ng mayruong magtangka sa kanyang buhay kung saan iniligtas siya ni Aella. Hindi ko alam kung dapat ko itong ikatuwa ng malamang siya ang daywalker.
Isang taong kahawig ni Rico at nagkataong may koneksyon sa aming mga bampira. May koneksyon sa akin? Hah. Tadhana nga naman.
“Magpahinga ka muna. Ipapa gising kita kay Ae pag sikat ng araw para makauwi ka ng ligtas.” saad ko at agad na tumalikod para makalayo sa kanya upang hindi niya makita ang nagbabadyang sakit sa aking mukha ng matakot siya sa kanyang nalaman na kami ng mga kasama ko ay bampira. Malayo sa reaksyon ng inaasahan ko kung siya’y si Rico.
Sa muli naming pagkikita ay nakita niya ang mga espesyal at pinakata-tago kong paintings ni Rico na siyang ipininta ko sa aking pangungulila sa kanya. Nagtako ako ng makita ko sa kanyang mga mata ang pagkakito. Bakit?
Sa pangungulit niya sa akin tungkol sa koneksyon ko ay Rico ay nakagawa ako muli ng isang pagkakamali sa mahabang panahon. Humalik ako sa isang labi na hindi kay Rico o kay Aella ngunit pinagtaka ko kung bakit nagustuhan ito ng aking labi na para bang walang balak humiwalay sa kanya. Ganuon na ba katagal ang pananabik kong makahalik o sa isipin na mahalikan muli ang mga labi ni Rico?
“Kung hindi ka isang daywalker ay iisipin ko ang possibilidad na ikaw nga si Rico ngunit alam kong kahibangan lang kung mamahalin kita ng dahil lang sa nakikita ko ang taong kailanman ay hindi na magiging akin sa katauhan mo. Pakiusap, kalimutan mong nangyari ito. Hindi ko sinasadya. Patawad.”
Kung kailan nagpasya na akong kilalanin si Aryscos bilang siya at hindi si Rico ay muli akonh pinaglaruan ng tadhana.
“D-dahil mahal kita. .” ang mga katagang binitawan niya bago hapitin ang aking katawan palapit sa kanya ay ipainom ang kanyang dugo sa akin. Akala ko ay limot ko na ngunit hindi rin pala. Gaya ng pagalala ko kay Rico ay naalala din ng aking panlasa ang dugo na mayruon siya. Impossible! Paano?
Natawa ko sa aking sarili ng mapagtantong maaari ngang nagkatotoo ang hiniling ni Rico bago siya mamatay - na sa muki niyang pagkabuhay ay makakalimutan niya ako. Iyon siguro ang dahilan kung bakit lihim akong naiinis ng makita ko kung gaano sila kalapit ng babaeng tinatawag niyang Ate Sep. Tss.
“Bakit Kin?”
“Patawad, Arys.” isang pirasong rosas ang ibinigay ko sa kanya. Hindi iyon gaya ng rosas na nakikita sa siyudad dahil ang rosas na iyon ay dating puti na siyang pinatakan ko ng aking dugo kaya kakaiba ang tingkad nito. Hindi ko alam pero binigay ko iyon sa kanya dahil baka sakaling maalala niya ang lahat ng nangyari - na maalala niya kung sino ako sa kanya.
“S-saan?” tanong niya habang pinapalipat-lipat ang tingin niya sa rosas na bigay ko at sa akin.
“Sa lahat.” tipid akong ngumiti at hinaplos ang kanyang pisngi.
“Dahil ba hindi mo ako kayang mahalin gaya ng kay Rico at tanggapin ako bilang ako?”
“Hindi. Hindi iyon.”
“Eh ano?”
“Malalaman mo din.” at sana sa oras na ipaalala ko sa iyo ang lahat ay magawa mo pa rin akong tanggapin dahil masyado ng matagal ang aking paghihintay at sabik na akong maging iyo muli.
Ilang araw ang lumipas ng hindi kami nagkita ni Rico at halos ika-baliw ko na iyon dahil hindi ko matatanggap kung sa pangalawang pagkakataon ay mawawala siyang muli sa akin pero laking pasalamat ko ng muli kaming magkaharap ay naaalala niya na kung sino ako gaya ng sabi ni Phryne sa akin. Hindi ko alam ngunit masaya akong isipin na tinupad ni Alia ang ipinangako niya sa aking ina kahit ito’y wala na. Nakaka inis lang dahil nanghihina ako dahil sa naging laban namin ni Ragnar ng mga panahong umalis siya ng City. Ayaw ko sanang makita niya ako ng ganito pero naisip kong gamitin ang pagkakataon ito para sa aming dalawa. Napaka saya ko ng sa kabila ng lahat ng nangyari ay tinanggap niya akong muli kaya hindi na ako papayag na mawala siya sa akin.
At kung kailan bumabawi na ako sa kanya ay pinaglaruan ako ulit ng tadhana at ito nga’t iniwan siyang nagiisa. Pero masaya akong namatay ako sa tabi ng taong dahilan ng pagsaya ko sa buhay sa kabila ng lahat ng hindi magandang nangyari sa akin. Nakakainis lang dahil hindi na natupad ang isa ko pang hiling. Ano iyon? Ang maging isang pamilya kami.
Paulit-ulit kong binalikan ang mga ala-ala ko kasama si Rico hanggang sa mapagod ako at hanggang sa hindi ko na iyon maalala ng bilang . . .
Pamilyar ang piyesang iyon sa akin. .
Iyon ang walang sawa kong tinutugtog sa casino dahil buhat ng marinig ko iyon ay ’yon na ang naging kanta ko para sa aming dalawa ni Rico. Nakakatawang isipin na hindi ko na magagawang tugtugin pa iyon sa kanya. Heto nga’t iniisip ko pang naririnig kong kinakantahan niya ako.
when I grow older
I will be there at your side
to remind you how I still love you
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mainit na dumamping nararamdaman ko kung kaya’t sa kagustuhan kong malaman kung saan ito nagmumula ay unti-unti akong parang nasilaw sa pagbukas ng aking mga mata at bumungad sa akin ang maganda at minamahal kong si Rico na halatang hindi makapaniwala at may namumuong luha sa kanyang mga mata.
“K-kin?!”
“Rico. .”
Duon ko na napagtanto ang pinagmumulan ng init na gumising sa akin ng isang mahigpit na yakap at halik ang sumalubong sa aking labi.
Date Ended: June 28, 2019 at 01:35 AM
Surprise! Ito na po ang ending ng ACB. Sa mga curious d’yan, kung meron, na kung bakit A Clocks Blood ang title ay dahil clock refers to time at blood ay syempre sa mga bampira. Ang oras na meron ang bampira. Ganun. Corny ’no? Hahaha. So Ayun. Salamat sa mga nagbasa at nag comment ng kanilang mga saluobin sa kwentong ito. Mukha lang wala akong paki sa mga pinagsasasabi ninyo pero it has great impact to me na kahit busy ang schedule ko ay ginawa ko pa ring ipagpatuloy ang kwento para kahit papaano ay bigyan kayo ng kasiyahan.
Medyo nakakaloka din ang ginawa ko dahil ang dami kong nilagay na kanta dito pero yung Love of my Life ang naging themesong. Well, ganun talaga. Anyway, stay weird and lunatic my dear readers! ILYA! Awoo!
A CLOCKS BLOOD (BL)
A CLOCKS BLOOD
written by BRICTORIQUE.
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. The names, characters, incidents and places are the products of my imagination as the author, and are not to be construed as real. Any resemblance to persons living or dead or to an another story is entirely coincidental and unintentional.
FROM THE AUTHOR:
Taos puso ang aking pasasalamat sa mga taong sumubaybay sa kwento nina Mr. Kin Nexus Valentine at Aryscos Beau Henson or Rico Soames? Akalain ninyong inabot ako ng tatlong buwan bago ko natapos ang kanilang kwento.
Hindi ko alam pero if the second installment of my Luna Series might have bored you, then I won’t argue. Ang point ko lang naman ng gawin ko ito ay about love and forgiveness. Gusto ko lang maiba ang concept about vampires na hindi sila basta thirsty bloodsuckers lang or seductive type na mythical creatures na behind those long years that they have lived along with humans ay maituturing pa rin silang tao that has feelings.
Kung pakiramdam ninyo naman ay bitin, gaya ng nasabi ko nuon sa FOA, hindi ako sure kung dapat ko ba itong gawan ng season 2 pero sana ay kahit papaano nagawa ninyog maappreciate ang kwentong aking nilikha.
May susunod pa akong BXB na ipa-publish this year 2019 so stay tuned.
Fantasy related? Supernatural? Ewan. Basta, love wins! Hahaha!
Hanggang sa muli.
Salamat sa pagbabahagi ng iyong kaweirduhan, Brictorique.

