A Drink of His Love (M2M) Editing🖋🖋
MrAoiKun · 32 chapters · 35,933 words
Authors Note
Hi There!
As you can see, under major editing po ang kwento kong ito na isinulat ko 3 years ago. Kailangan ko pong ayusin ang grammar at mga correct panctuations para sa mas maganda at makabulahang pagbabasa ninyo. Wala po akong balak na baguhin ang takbo ng kwento nito. I will let it be. But I just need to edit things out dahil sa nag grow na ako sa pagsusulat ng aking mga kwento. And this was my first ever written story. Kaya kung bago niyo palang na nababasa ang kwentong ito ay salamat at napili niyong basahin ang kwento kong ito.
At kung nabasa niyo na ang kwentong ito at binalak na basahin ulit. Sana ay mas magandahan na kayo sa pagbabasa nitong kwento ko kompara sa dati dahil mas maayos na itong basahin kumpara sa dati nitong ayos.
Yun lang po ang nais kong sabihin. And I am looking forward for your support on my other stories. Especially my ongoing stories. Sana ay makita ko rin ang suporta niyo sa way na pagsuporta niyo rin sa “A Drink of His Love”.
So, sana magustuhan niyo ang pagbabasa ng kwentong ito.
Enjoy Reading Minna!!–
Chapter 1: Gino
Shino on the media section. Ji Chang Wook
😍😍
Nangangawit na ako sa kakadala ng backpack ko. Hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin nitong timang na kasama ko. Kanina pa kami paikot ikot sa Mall. Hindi ko naman alam kung anong meron at may drama pang ganito? Ang saya ah!? Parang sira ulo nalang din aking nakabuntot sa kanya.
“ Gino?! Anu ba kanina pa tayo paikot ikot eh? San ba talaga tayo pupunta ha? Nakakapagod kaya maglakad na may dalang limang kilong bigat sa likod mo. Helllooo!?“
Parang bingi lang ang bakla. Walang narinig. Aba eh di na tama to. Babatukan ko na to!!
“Shin!! Ayun na siya! Ayun na siya! Nakita ko na ulit siya. Nasa Jewelry Shop! Bilis na akin na yung camera. This is the moment. I will get this criminal on his prison!”
Tiningnan ko naman yung tinuturo niya. Matangkad, maputi, cheeky bones, red lips, bigotilyo, mid 20s, Extremely Handsome. Napamulat ako. God, that was his EX?!
Ay ano ba yan?! Makapagpakilala nga muna sa mga nagbabasa. Ako po ang bida sa kwento na’to. Kaya walang kokontra dahil di kayo magsisisi sa kwento kong ito. Ang pangalan ko ay si Shino Franco Alto Negro. Haha! Sorry ganyan talaga pangalan ko. Kasi ang mga magulang kong di ko na nasilayan ay yan ang ipinangalan sa akin. They were with me until I was 3 years old, dun ko lang nakasama ang parents ko. They died in an accident. Car accident. Wala narin naman akong alaala pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil nung nawala sila, ang tita ko na nag iisang kapatid ng Daddy ko ang nag alaga sa akin. Si mommy daw kasi wala namang masiyadong kamag.anak dahil nag migrate daw sa Amerika. Uso daw kasi noong una. Eh parang ganun parin naman ngayon eh?!
So yun na nga, ang nagpalaki sakin ay ang Mommy Tita Zaida ko. Tinuring akong tunay niyang anak at pinalaki akong disiplinado at mabait na tao kaya ito ang ending, bading ako. Hahaha!
Oo bading ako. Pero hindi naman kasi halata sakin. Sabi nga nang karamihang nakikilala ko. Nagbabading bandingan lang ako para makatsansing daw sa mga babae. Tumatawa nalang ako. Eh bata pa lang ako, alam ko na ang dugong dumadaloy sakin. Leshe! haha. Lihis sa landasin ng mga sugo ni Adan. Kaya naman natatawa nalang ako. Alam ko ang nararamdaman nila. Eh tingnan mo nalang kasi ako. Yung nasa cover nitong story ni Mr. Aoi. Yan ako. Hehe. Gwapo, matangkad, maputi, maganda ang katawan. Dahil sa itsura kong yan kaya di na rin ako affected. Kasalanan ko bang lahing Koreano ako. Koreano kasi si Daddy. At si Mommy naman eh lahing kastila at pinoy daw sila kaya ayun naging ganyan itsura ko.
I had my great childhood to begin with. Masayahin, active. Kabilang ako sa volleyball team ng school ko nung elementary ako. Naging swimmer naman ako nung highschool at take note, gold medalist ako noong sumasali ako sa mga competition. At nung college na ako, ayun nagstart naman akong mag.boxing. Kaya gumanda katawan ko. Kahit bakla ako, Im proud kasi marami akong achievements. At lahat naman yun para sa aking Mommy Tita.
Honor student ako lagi mula elementary hanggang highschool and, yeah i was a Cum Laude nung nagraduate ako with a degree in Business Management. And at my age of 23, I am a consultant in a Big Company. Huwag nalang nating pangalanan kasi masiyado nang obvious. Ang haba na ba ng kwento ko? Sorry dapat kasi talaga makilala niyo ako kasi hindi naman pahahabain ni author Aoi ang kwento kong ito. At ngayon nga kasama ko si Gino Carl Bulawan. My ebeerr deaaaresst Tanga sa Pag.Ibig friend.
Eh tatanga tanga talaga yan sa pag.ibig! Eh ang talino naman pagdating sa negosyo? Iniwan siya ni Nth boyfriend niya. Eh kasi naman ang bilis mainlove. Kapag iniiwan o niloko eh parang baliw na inisstalk ang mga EXES niya. Masochistic ang ugali kaya di ko nga alam bakit kami naging magfriends nito? Ako kasi, never ko pang binigay ang puso ko, kahit kanino. Kasi bata palang ako sinasabi na ng Mommy Tita ko, wag kang magmamahal kung hindi pa nararamdaman ng puso mo na siya na ang taong para sayo. Yun ang principle niya sa buhay. Kaya ayun, kaming dalawa lang ang magkasama. 56 na siya at hindi na nga nagplano magkajowa. Pero kahit ganun, tama parin si Tita, magmahal ka sa tamang panahon at sa tamang tao.
“Di ba yan yung Model dun sa Noodle brand niyo Gino?“tanong ko sa kanya habang tinitingnan naming dalawa yung lalaki na dalawang araw lang niyang naging jowa. Jusko naman, relasyon ba yun? Baliwag talaga tong baklitang ito.
“Oo Shin, ang sarap niya diba? at di ako makapaniwala na hindi ko manlang siya natikman. Nakaka.panglumo. Ahhhhhhhh!!” daing niya na parang natatae? Gaga talaga. Hinablot ko na siya para makapagtago kami kasi papalapit na si Mr. Noodle.
“Araaayyy!! Teka Shin lalapitan ko siya”. tinampal ko siya ng mahina. Natigilan naman siya.
“Hoy bakla ka! Ayan na may picture ka na, ipakulong mo na. Ang problema kasi sayo, pasok ka ng pasok sa relasyon eh pag natitibag naman eh para kang linta na lalapit lapit parin. Alam mo, sayang yang ganda mo sa taong yan, wag ka magpakatanga ok. Umayos ka nga?”
Naiiyak siya. Seriously? Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka lungkot sa isang break up. Ang hirap panaman nitong patahanin. Kailangan talagang ganito ang eksena?
“Tara inom tayo. Sa paborito nating bar?! dun makakalimot ka! Ok?”
Tumango nalang siya. Pero umiiyak parin siya. Nakakaasar. Eh ayoko panaman na umiiyak siya kasi ang pangit niyang tingnan. Umalis na kami dun sa Mall na yun at pumunta kami sa Bar na paborito naming puntahan. Habang nasa kotse, tumingin siya sakin.
“Shin, I want you to do me a favor? As a bestfriend? Ito lang at kapag nagawa mo to habangbuhay ko nang utang yun sayo. Can you grant it?”
Kinilabutan ako. Hindi ako nakakapagdrive nang maayos. Tumitingin ako sa kanya at sa kalsada. Nakakalito. Ngayon lang kasi siya humingi ng ganito? our friendship na simula highschool palang kami, ngayon lang siya nanghingi ng favor?
“Hoy Gino?! Nakakatakot ka ah? Ano yan? Nakakabaliw kang tingnan.”
“Please Shin, just this one”. nagteateary eyes nanaman siya. Hay naku! Sige na nga. I Promised to myself na kailanman, I will make the people important to me, happy. I want them to be happy.
“Oh sige na nga. Basta yung kaya ko lang ha––”
“Make him fall in love with you. Red, si Red, Make him fall in love with you and when it is done, break him up.”
Huwwwwwaaaaatttt??
———————————– T.B.C.
Guys please let me know if hindi siya maganda?? Ill make a better version. Mobile Making lang kasi to. Nahihirapan ako magtype but anyway, hope you will like this.
Pls comment and vote. Para mainspire naman ako gawin tong kwento ni Shino. :-):-)
Photo on the media is not mine. Credits to the owner of the photo.
Chapter 2: Red
“Huwwwaaaaaatttt the F*ck?”
Yun lang ang nasabi ko sa isip ko. Anong kagagahan ang iniisip nito? Papainlabin sakin yung Mr. Noodle na yun?? Tapos ibrebreak ko? Nababaliw na ba tong si Gino?? Teka nga at matampal––
“Nang makilala ko siya. Lagi akong masaya. Kinuha siya ni Leah na maging model dun sa bagong brand nga ng noodle na nilaunch namin. Napapangiti niya ako at nagiging inspired ako. Di nagtagal, nagpapadala na ako ng mga bulaklak para sa kanya.. Corny nga eh pero ganun talaga.. Pag naiinlove na, lahat ng kacornihan, gagawin mo para mapakita na may pagtingin ka sa taong gusto mo at syempre mabigyan ng pag asa.
Tapos nung nagshoot na siya ng commercial, dun kami officially nagkakilala. Masaya naman siya sa company ko. Marami kaming napag uusapan. REDENTOR DIAZ ang pangalan niya. Spanish blood daw sila kaya nga ginamit niya kagwapohan niya para mataguyod ang family nila. Although di naman sila mahirap.“
Naluha na siya sa pagkwekwento… Anu ba kasi ang pinakain ng gagong yun dito at apektadong apektado siya sa break.up nila?
“Naging kami nung nalaman niyang nag top sa sales against our competitor ang brand namin. Ang saya niya. Kasi daw, yun ang first successful commercial niya. At noong marami nang bumili nang products namin, naging in demand model na siya. Sinagot niya ako at naging kami na. Until the second day of our relationship.
Nalaman ko na, he really likes using others to get what he wants. Kasi nung inoffer siya ng isa pang competitor namin ng mas malaki pa sa nabigay namin sa kanya, kumagat siya dun at iniwanan na niya ako. At simula nun di na siya nagparamdam manlang. Sobrang sakit dahil lahat nang effort ginawa ko.“
Naluha narin ako. Alam kong mahirap ang nararamdaman niya. Kahit sinong tao kahit hindi nagmamahal, kapag nalamang ginamit lang sila for their own advantage, masasaktan din. Aba nakakapang.init pala talaga ng dugo ang hinayupak na yun. Sarap pagsusuntukin eh. Tagal ko nang hindi nakakapag boxing eh, gawin ko ngang punching bag!!!
“So I am asking this to you. Sana maipaghiganti mo ako sakanya. Napakasakit nang ginawa niya sakin Shin. Hindi ko kayang hindi siya magantihan. Dun lang ako makakamove on.” sabay iyak ng baklita. Loka loka talaga. Anu pa nga bang magagawa ko? Sige na nga–
“Ok sige gagawin ko. Pero paano?” yun ang tanong dun.. Hindi pa ako nagkaexperience ng relasyon. Kaya paano ko gagawin yun? Nakakabaliw talaga. Eh dapat nag arkela siya nang mga gigolo, ganun magagaling yun mangbiktima,
“It will come naturally Shin, ang rule lang is NEVER FALL FOR HIM.. Siya lang dapat ang mainlove sayo at siya lang ang dapat masasaktan sa huli. Mag aapply kang model sa modeling agency na kabilang siya. And I will make a new product concept na ikaw ang magmomodel. And in that way, mas mapapalapit kayo sa isat isa. Kakaibiganin mo siya. Magpapanggap kang lalaki.”
Wow ha? Idea niya ang genius? Ako magmomodel? Ano naman alam ko dun. Tsaka magpapanggap na lalaki? Eh lalaki naman talaga ako? Di nga lang tunay? Aba baliw talaga tong kaibigan ko.
Napansin kong malapit na kami dun sa bar. Napapaisip parin ako sa sinasabi niya. Nakatingin lang siya nang deritso pero wala namang imik. Aba seryoso talaga siya sa plano niyang yun?? Ayos talaga…
“Gino alam mo, this is insane and impossible! Ano bang alam ko sa pagmomodel model na yan. Gusto mo patayin nalang natin para tapos na!?”
Umiiling lang siya. Alam ko na seryoso talaga siya. For the first time, magpapanggap ako para maipaghiganti ang bestfriend ko.. Paano na to?? Sumasakit tuloy ang ulo ko. At dumating na nga kami sa bar at nang huminto ako—
“Sige gagawin ko na. At kapag nagawa ko to!! Ikaw, kakalbuhin kita pati diyan sa baba mo. Humanda ka!! Buwis buhay gusto mo ah?”
Napalitan naman ng ngiti ang kanyang mukha at niyakap ako.. Ayun na nga ang confirmation.
Haaaaayyyyyyy!! This is hell…
—————————————— T.B.C.
Chapter 3: Plans
“Teka nga muna bakla ka, paano nga tong gagawin kong pagpapanggap eh wala naman akong background sa pagmomodel. Wala akong alam sa ganyan.” reklamo ko kay Gino habang umiinom siya ng beer sa aming table.
Nasa bar na kaming dalawa at kanina pa siya lagok nang lagok.. Masama talaga tama nito… Nakakaasar. Tatagain ko talaga ang gagong yun pag nakita ko. Nakaka.awa na talaga ang bestfriend ko
“Shino, normal naman na magtrain ka muna sa modeling diba? Ako bahala sa gastos. Gagawa tayo ng folio mo. Syempre pepekehen natin lahat yun para naman walang duda. At isa pa, mabilis kang makakapasok sa agency na yun kasi, YOU ARE HOT and HANDSOME!?” sabay palakpak na tumatawa. Timang talaga. Yun pala ang plano niya. Eh di WOW!
“Alam mo Gino, patahimikin ko nalang kaya yan. Susuntukin ko nalang yan sa baba niya para mabaog.. Yun patas na kayo. Magbabaklita nalang siya kasi di na naman siya makakabuntis?? Nakaganti ka na?”
Natawa lang siya. Lumakas pa lalo nung lumagok pa siya. Nakaka anim na bote na siya eh ako halos di pa naubos ang isang bote.
“Hahahaha.. Alam mo naisip ko na yan. Pero ang gusto kong revenge eh yung, nakikita ko siyang nagmamakaawa at umiiyak na nakaluhod. Nagmamakaawa na di siya iwanan. Yung mararamdaman niya na bigla lang siyang itatapon nang taong mahal niya. Yun ang masarap sa pakiramdam. The pain of losing the game of love.”
Tumawa pa siya nang tumawa. Nababaliw na nga. Lasing narin siguro kasi kung ano ano nalang ang sinasabi.
“Halika na nga at umuwi na tayo. Lasing ka na. Pumayag na ako pero alam mo kung hanggang saan lang ang kaya ko. “
“Of course Shino.. Dont worry.”
Tawa lang siya nang tawa. Hay naku?! Inakbayan ko na siya at lumabas na kami ng bar. Hinatid ko na siya sa condo niya. Only son lang siya kaya pinagpala siya ng mga magulang. Pero ang kabaklaan niya ang hindi nila matanggap kaya nung nalaman ng parents niya na bading siya, pinalayas siya sa kanilang mansiyon at tumira na nga siya sa condo na ito. Nasa 12th floor ang unit niya kaya mabilis ko lang siyang nahatid. Pagkapasok ko sa kanya ay agad ko siyang pinasok sa kwarto niya. Almost every week nakakapunta ako dito kasi dito kami nagbobond. Parehas kami sa lahat nang bagay, except sa pag.ibig, dahil siya tanga!! ako walang pakialam.
Kaya niya siguro naisipang ipagawa sakin to dahil alam niyang wala akong pakialam sa pag.ibig. Totoo naman kasi. Virgin pa ako sa pag ibig na yan. Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay.
Pinalitan ko siya nang damit at hinubaran nang pants.
Ayan madudumi na ang isip niyan.. Wala akong ginagawa ah? Di ako ganun no!? Tsaka, hindi ako tomboy. Wala akong balak gahasain ang aking bestfriend.
Himbing agad ang lokaret. Wala akong masabi sa kanya. Bakit ba kasi pinasok niya ang ganitong sitwasyon? Naiipit tuloy ako.
Nakita ko ang laptop niya sa kanyang study table. Nakabukas yun pero hindi naka.on, at nung mabuksan ko, nandun ang picture nang Red na yun. Nakakagat labi at hawak ang isang surfboard at halatang masayang masaya. Magandang lalaki talaga si Red. At siguro nga dahil sa kagwapohan nito eh halos magpatiwakal na lahat nang naging karelasyon niya.
TSK! Inalam ko ang tungkol sa kanya. Sakto naman, may isang file na nasa desktop na nakalagay yung Redentor Diaz.
Tama nga ako, Resume yun ng gago. Laking probinsiya siya at nung magcollege na eh naisipang mag part time model at maraming search narin ang sinalihan. Nakatapos ng Information Technology at the age of 22? at nagtrabaho sa Garfree Modeling Agency for almost 5 years na.
Sinearch ko pa siya. At nakita ko nga kung ano pa ang mga dapat kong malaman sa kanya. Trying hard to be in showbiz ang gonggong. Natawa nalang ako.
So may background na ako sa Red na yun. Kailangan ko nalang magpanggap. Para sa bestfriend ko.
Habang paalis na ako sa unit ni Gino, may nakita akong naghahalikan sa may kabilang side ng alley. Namukhaan ko agad yung lalaki. Abat!! Kung talagang gago.. Nakikipaglaplapan ang ungas na yun sa isang babae, na parang baklita? Mahilig ba talaga ang gagong ’to sa bakla? Pinigilan ko ang aking galit. Doon nabuo ang loob ko. Dito pa talaga sa condo ni Bestfriend? The f*ck siya.. Tumakbo ako sa ibang exit. Para di ako mapansin sabay punta sa elevator.
At bigla nalang…
Ting..
Nandoon siya sa harapan ko.. Si Red Gago?!!
––––––––––––––––– T.B.C.
Chapter 4: The Start
Red in the media section. (Diego Bonita 🍦😍)
Nasa harapan ko nga si Red
Gago!!
And he was definitely smiling at my presence. Yumuko naman ako bigla. Pa'no na yan eh nakita na ako ng kumag? Masisira yung plano. Ang dapat kasi, di pa niya ako makikilala until the time na matapos ko na ang preparation. Bakit naman kasi dito pa? Pasimple ko siyang tinitingnan.
Mas matangkad siya sakin ng dalawang inch lang siguro? 6'1" kasi height ko. Eh siya nasa 6'3" ata? Anyway ayoko na siyang tingnan baka masira ang plano ko. Ah yung plano pala ni Gino.. Kakaasar talaga!? Bugbogin ko nalang kaya to dito. Parang kayang kaya ko kasi to pabagsakin, napangiti ako sa naiisip ko.
"I know you find me HOT." bigla siyang nagsalita.
Aba ang kapal ah? Hot daw? Teka siya HOT?? Naku talaga!
"Pero alam mo tol, ayoko talaga maging ganito. Ano ang magagawa ko? I was wide awake when God showered Hotness."sabi pa niya.. Aba't ang hangin talaga nang gago eh.. Masasapak ko talaga 'to.. Nakakalalaki.
At bigla ngang bumukas ang elevator. Nasa ground floor na pala kami. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko siyang pangiti ngiti. Nakakaasar ang gago..
At nagwave pa siya na nakatalikod? Natandaan ba niya mukha ko? Di pwede.. Hindi niya pwede maalala ang mukha ko.. Dahil ngayon ko na napatunayan na dapat talagang magbayad ang hinayupak na yun. Nagkamali siya na sinaktan niya ang bestfriend ko. Ako ang magpapatikim sa kanya ng sakit na di niya pa naranasan. Humanda siya..
Nakauwi ako sa aming simpleng bahay ni Mommy Tita ko. Stressed out na ako ngayong araw. Nakapatay na ang ilaw sa baba so alam ko na tulog na si Mommy Tita. Isa siyang teacher sa isang private school. She is one of a kind. Kaya mahal na mahal ko siya.
Siya nalang kasi ang matuturing kong kamag anak. Siya nalang ang magmamahal sakin ng totoo. Kasi alam ko namang wala talagang pagmamahal saming mga bading. Kaya nga si Gino ayun wasak na wasak sa gagong Red na yun. Kasi umaasa siya na mamahalin siya nun. Eh itsura palang talaga, mangwawasak na ng katinuan.
Pagkapasok ko sa loob, nasa sala pala si Mommy Tita. At nanonood ng movie.. Adik talaga. A Walk To Remember nanaman??
"Mommy? Di ka pa ba nagsasawa diyan? Nakailang ulit mo na yang napanood?" pagbati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
Ngumiti lang siya at nagbeso din sakin. Maganda parin si Tita kahit medyo kulubot na? Half Korean kasi sila ni Daddy kaya maganda ang kinalabasan. Jung talaga ang kanilang family name. Pero mas pinili nila ang apelyido ni lola na Negro kaya yun. Zaida Negro ang kanyang naging pangalan.
"Shino? Alam mo namang eto nalang ang masasabi kong totoong pagmamahalan diba? Kaya pinapanood ko to lage kasi dito ko nalang binubuhos ang natitira pang kilig sa mga buto ko." sabi naman niya sabay tawa.
Kahit kailan talaga? Tsk tsk. Kaya pala di nagkajowa? Eh ang gustong mapangasawa si Shane West? Ambisyosa talaga 'tong Mommy Tita ko.
"Mommy I have to sleep na ha? Napagod kasi ako ngayong araw." at nang paakyat na ako.
"Shino, don't wait till youre out of time. Hanapin mo na ang taong totoong magmamahal sayo. Kasi ayokong iwan kang nag.iisa."
Ang drama talaga.. Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti ako ng matamis.
"Mommy, matagal pa yun. Nagpromise na ako sa sarili ko na hanggang di pa yun dumarating, you will be the one in my heart, at syempre si Gino."
Ngumiti din siya. Ang cute talaga ni Mommy. I thank God siya ang nagpalaki sakin. And she raised me like I was her own.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbihis ng jersey shorts at nahiga na sa aking comfy bed. This was a long day. Nakakapagod dahil napakarami kong nalaman. At nagpahabol pa si Mommy Tita nang iisipin ko?
Dont wait till you run out of time….
Dont wait till you run out of time…
———————–– T.B.C.
Hi Guys?? Pls give me comments.. I want to make this story more exciting. Ayoko kasi magpatuloy kung di naman maganda..
Pls do comment.. THNX!!
Chapter 5: Model
“Ganito lumakad, dapat straight up, chin up, stand strong and yun, thats how you do the walk.” paliwanag samin ng trainor.
Nagsimula na nga akong magtrain as a model. Sa isang exclusive na modelling school pa talaga ako nagtratrain. Nakakalula ang bayad. Di ko nalang babanggitin, si Gino naman kasi ang magbabayad.
“Girls, you should practice standing straight and focus on the ramp that you will be walking, kasi yun ang important.”
Grabe pala ang hirap nitong modeling na ito. Dapat disiplinado ka. Bawal ang carbs. Protein and veggies lang and diet? Pano ako mabubuhay nito eh ang hilig ko sa kanin? Regular gym is required pa. Nakakaasiwa.
Apat kaming lalaki samantalang 7 yung girls na kasama ko sa training. At ito na nga nagpapanggap na ang lola niyo na BARAKO. Hahays?? Nakakaasar na talaga.
“Shino Jung? Who is this? Where are you dear?” tawag sakin ng trainor naming kadugo ko. Tinaas ko naman ang kamay ko. Ngumiti naman siya ng nakakaloko. May pagnanasa kumbaga.. Aba’t tatamaan ’tong baklitang ’to sakin. Di ako cannibal. Di ako papatol sa kauri ko. Ew!
“Ah, ikaw pala ang bago. Kailangan nating mag extra session mamaya. I will teach you proper poses. Ok?”
Tumango nalang ako. Kinindatan pa ako. Ewwww!! Kadiring bakla. Tatamaan siya sakin. Sabihin ko nalang kaya na bading ako?? Pero di rin pwede eh nalaman ko na kaibigan to ni Red Gago.. Kaya bawal bawal. Dapat tiisin ko nalang ang mga nakakadiring mangyayari.
Natapos na yung 3 hours na session at isa isa nang lumalabas ang mga kasama ko. Matatangkad din sila at syempre magaganda at gwapo. Normal na yun. Pero naiwan ako. Kasi nga may extra session nga ako kasi three days ahead na yung batch ko samantalang ako nangangapa pa.
“Take your shirt off.” sabi sakin ng baklita na nasa board. Kaming dalawa nalang sa room na yun. Maraming mirrors ang sides pero yung front side ay isang mahabang white board.
Take my shirt off daw?? Gagahasain ata ako nito. Subukan niya lang.. Mabubugbog siya..
“Ahm? Is it necessary?” nagaalangan kong tanong. Natatawa naman yung baklita. Parang sira. Ibabalibag kita eh!!
“Of course?! How can I see if you are worth to be a model kung nakadamit ka lang lagi?? Dapat makita ko lahat sayo.. Even your private part!” at lumakas pa ang tawa ni baklita.
Aba di na tama to. Bubugbogin ko talaga to?! Hays.. Pero di pwede! May mas dapat akong masaktan. Ok kung ito ang dapat gawin. Confident naman ako sa katawan ko. Baka maglaway pa tong baklitang ito.
Hinubad ko na ang polo ko. Wala naman kong sando kaya agad namang tumambad sa kanya ang katawan ko.. My Athletic Body!!.. At nakita ko ngang titig na titig siya sa abs ko.. Nganga ka baklita?? Hahaha.. Di mo yan matitikman kakadiri!!??y…
“ Wow! I never seen a newbie na ganito na agad ang body build!? Tell me, gym everyday?“ tanong niya sakin.
“I’m an athlete eversince I was younger so I guess thats how I got this body.” sagot ko naman sabay ngiti.
“Oh? Is that so? Im impressed. Now take off your underwear.“utos nanaman niya.
Aba talaga gusto niyang maghubad ako dito?? Di na tama to. “I dont think I can do that, Mr. Fred.” buo kung pagtutol. Sinadya kong palalimin ang boses ko para hindi talaga sila magduda. At yun nga may kunting inis na.. Ako maghuhubad sa harap niya? Eh di naman ata boldstar ang pinagtraitrainingan ko dito ah? Hahampasin ko na’to ng upuan.. At humagalpak siya nang tawa. Lokaret?!
“Wow you amaze me! Ikaw palang ang tumanggi sakin. You are something Mr. Jung. This is really a first time. I like that! So tell me, why do you wanna be a model?”
Pangitingiti siya habang hinihintay ang sagot ko.. Adik talaga ang baklang to? Ako palang daw ang nagturndown ng kanyang kagustuhan? Ahaha.. Abat kung totoo nga, nagagamit niya lahat nang natraitrain nyang kalalakihan?? Matinde??
“This is not for me that I am doing this. I have a purpose that has to remain private. And if you dont mind, that is my only answer.”
Englishan talaga. Papahuli ba ako sa kanya? Tama namang di ko na sabihin bakit ako magmomodel? Masiyado nang maoobvious… “Hmmmm… Well I think I got your answer. Fame just to prove something to someone I guess.. Anyway, lets start.”
Nagsimula na siyang mag flash ng images sa projector. Mga kinds of poses. Kung paano mo mailalabas ang emotions through poses.
Naintindihan ko agad lahat. Hindi naman siya ganun kahirap. Mahirap lang ang angles. And the lessons went well..
“Tomorrow we will have your Portfolio Shoots okay? Kaya iapply niyo na all the techniques that you have learned from our sessions. Kasi after that, ituturn over ko na kayo sa mga respective agencies niyo.”
Paliwanag ni baklita sa amin. Natapos na kasi ang aming 2 weeks na training.Natutunan ko na lahat nang basics at techniques in modeling. Everything was working out. Nalaman ko na kay Gino ang product concept niya.
Ginawan niya pala ako ng fake documents para matago ang pagkatao ko? Nagresign na rin ako sa aking company na pinagtratrabahuan as a consultant.. Alam kong magugulat silang lahat sa gagawin kong ito.. Pati nga si Mommy Tita ay hindi ’to alam.. Natatakot Ako baka malaman niya. Pero bahala na. Ipapaliwanag ko nalang sa kanya..
“Shino, ikaw na daw ang kukunan. Magprepare ka na pare.” tawag sakin ni Jeric, kasabayan ko. Hindi ako vocal sa kanila kaya di ko sila nakilala masiyado. Sinadya ko talaga yun para narin walang makaalam nang tunay kong pagkatao.
Siguro iniisip nila na baka nga daw bakla ako. Natatawa nalang ako. Gusto kong sabihing “OO” pero ano nalang ang plano namin ni Gino. So I should be careful.
Nagstart na nga akong kunan. Wholesome muna ang mga pictures.. Then paunti unti naging sexy naman. Hanggang boxers lang naman ang kinunan samin. Kasi special daw yung naka underwear nalang kami. Jusme!! Ayoko talagang ipakita ’tong nasa baba ko.. Nakakatakot kasi. Mababakla ang mga lalaki.
At nang matapos na nga lahat. They ordered us na maglagay ng oil sa katawan kasi yun na nga ang kukunan. The underwear part. Nanginig ako bigla. Di ko kayang gawin ’to.
“Shino? Pare? Oi!? Ikaw na daw!!” pagbasag ng kawalan ko sa sarili ni Jeric. Ako na daw ang kukunan? Nagpahid na ako ng oil sa katawan ko. Mula sa shoulders ko hanggang sa paa. Dapat daw kasi whole body?? Hala na!? Lecheng buhay ’to.. Mapapasubo na talaga ako. Bahala na!
At naghubad na nga ako at brief ko nalang ang natira.. Nagtinginan silang lahat sakin.. Napakagat labi yung photographer.. Yung mga kasama ko naman mixed expressions ang mga mukha. May nagulat, may natatawa, at yung girls nagbubulungan. Sabi ko na nga eh.. Ayoko talaga nito! Ang bulge ko kasi—masiyadong halata..
“Shino! Ang laki naman!! Pinagpala! Wooooohhhh!!” sigaw ni Kevin. Isa sa mga kasabayan ko. Mga gago talaga.
Pinandilatan ko lang siya.. Natawa nalang silang lahat pati na si baklitang trainor. Ito yung hinihintay niya eh. Yung makita akong hubad.. Walangya!? Pero tinake advantage ko ang pagkakataon.. Nagpose ako nang nakakapanlaway kaya naman di nila mapigilang mamangha sakin. Natatawa ako sa kanila.. Daig ko pa ata si David Beckham sa hotness..
At sa wakas natapos na nga.. Nakuha ko na ang certificate ko at ang aking portfolio. Isa na akong ganap na model.. And akalain mo, madami na agad nag offer saking agency? This turned out well.
“Gino?! Finally.. Eto na! Isa na akong model!! Mangyayari na lahat ng plano natin.” habang nasa phone ako at tinatawagan si Gino. Para naman siyang timang na tumatawa. Tuwang tuwa talaga siya sa kinalabasan ng kaartehan niya. Pero andito na’to. Just go with the flow.
“ Oo Shin!! At nabalitaan ko nga na madami nang nagooffer sayo! Diba sabi ko naman sayo? This will be great! Maghanda na ang Red na yun sayo.
“
Tawa lang siya nang tawa.. Parang sira talaga..
Yup.. This will be the start of The Heartbreak Plan…
————————————————T.B.C.
Chapter 6: You? No Way! (1)
Hanggang ngayon tinatago ko parin kay Mommy Tita ang pinasok kong gulo. Hindi ko pa sinasabi sa kanya kasi alam kong ayaw niya na gawin ko ang bagay na yun. Ang mag.model at things na may kinalaman sa entertainment world. Kaya nga relax lang ako lagi. It was a Sunday kaya magkasama kaming nagsimba. Sa kanya ako natoto magrosary at lahat nang religious na activities.
“Hindi natin dapat ipagkait sa ating kapwa ang pagmamahal na ating tinatamasa mula din sa mga taong nagmamahal sa atin. Dahil ang Diyos ay hindi tayo pinagkaitan nang pagmamahal. Lahat sa kanya ay pantay.” Sermon ni father. Ayan nanaman yang mga sermon na yan. Tiningnan ako ni Mommy Tita. Ngumiti naman ako sa kanya. Makulit talaga si Mommy kung minsan. Alam kong sinasabi niya na tama si father. Bakit pinagkakaitan ko ba siya ng pagmamahal eh mahal na mahal ko siya?
Nang matatapos na ang misa, we took our way to get my car. Si Mommy Tita ang nauuna. Bigla nalang may nakabunggo sakin. Aba ang luwag nang daanan at babanggain ako. Nakashades siya at nasa phone. Nagkatinginan kami. Hindi ko naman napigilang mainis. Seriously?! Siya nanaman. Sinasadya ba talaga nang pagkakataon na magkita kami nanh di inaasahan? Pero parang di naman niya ako namukhaan kaya dumiretso siya sa paglalakad..
Di manlang nagsorry? Nakakaasar ah! Makikita mong Redentor Diaz ka?! Ako ang makakatapat mo.
After a week napagdesisyonan ko nang makipagkita sa aking papasukang agency. Viola Bennet yun ang pangalan nang agency. Madami na silang naalagaang model na supermodels narin and making their names worldwide. Pero bago yun tinawagan ko na si Gino. Dapat niyang malaman ang plan ko na yun. Kahit naman kasi siya talaga ang may kagagawan nito, I’m making it my own way.
And it is odd. Bakit di siya ganun kainterested ngayon? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nun? Back out nalang kaya ako? Pero panu naman ’to? Nasimulan ko na eh? Aatras pa ba ako? Tatapusin ko’to. Kahit hindi na ako sigurado kung ano anh benefit ko dito? Nakakainis.
On the way to the modeling agency. Nasipatan ko ang billboard ni Red. Cologne pala ang iniendorse niya ngayon? Aba wholesome lang? Gwapo niya sa billboard. Gwapo? Takte.. Puro naman hangin! Sarap pasabugan ng bomba. Hintayin niya lang.. Tiklop yang mga billboard niya. I will make my name.
“This folio of yours looks amazing. I like how you do this poses. And yeah, We are really happy that you have chosen our agency. We will give you all the projects that’s worth for you.” sabay ngiti ni Ms. Bennet. Ganda naman nitong babaeng ito? At the age of 45? parang 30 palang eh. She is young looking.
Alagang alaga ang mukha. Kailangan din siguro kasi paano yung image ng kanyang agency kung ang may.ari mismo ay hindi pangmodel ang face value? Napangiti nalang ako at nagshakehands kami. “So Shino, I hope you will be a great asset to us. We want your name on that billboards in EDSA and in Vouge Magazine of Italy. We will bring out the best in you.”
Nakakalula naman.. Agad agad? Dami ko pang dapat matutunan. Napakahirap naman nito. Eh nasa bukana palang pala ako nang journey na ito..
“I will do my best Ms. Bennet. To meet your expectations. I will make you proud.” confident ko namang tugon sa kanyang pagtanggap sa akin.
This is really wrong sa una palang. But as I walk on the hallway at nakikita ko ang mga portraits ng mga models nila, eh napapahanga na ako at naeexcite na pinili ko ’tong gawin. Natatakot ako dahil di nila alam na bakla ako. Marami namang baklang model pero ako nagpapanggap lang. Kasi ang image ko ang dapat ingatan. I cut it out. Alam ko na kung ano ang limits ko kaya, alam kong magagawa ko ito ng maayos.
And when I was at the lounge area na, doon ko nakita sa isang TV Screen ang aking mga pictures.. May mga captions na lumalabas. Nagtitinginan naman sakin ang mga employees doon. Di ko mapigilang mahiya. Kasi nandoon ang sexy photos ko. Yung iba nagtititigan sabay ngiti sakin at biglang.
“ Welcome To Viola Bennet Shino Jung!!
“ nadinig kong sabi nang pager. Nagpalakpakan naman ang nakapalibot sakin.
Napangiti nalang ako at tumango sa kanilang lahat at lumabas na. Nakakaoverwhelm parin ako sa lahat nang nangyayari..
“Wow ha? Ang mamahal kaya nang talent fees nang taga Viola Bennet! One of the best sila dito sa Philippines alam mo ba yun?” tuwang tuwa na sabi sakin ni Gino habang umiinom nang beer. Nagbar nanaman kami kasi nga icecelebrate daw namin ang aming
First Stage
Victory?
Anu ’to? By level?
“Nababaliw na nga ako. Nakakatakot kasi baka lumabas bigla ang kabaklaan ko? Sabog ang ating plano.” Tumawa lang ang bakla. Anu ba talaga dapat? Masaya siya na nagwowork ang plans namin? or Masaya siya dahil nahihirapan ako sa pagpapanggap?
“Alam mo Shin, ganito yan. Kapag naungusan mo na ang Red na yun, siya na mismo ang lalapit sayo. Makikita mo. That will be the time papaibigin mo na siya.“ngumiti siya at sabay kiss sakin. Sobrang saya ata nito. At nagagawa akong ikiss. O siya sige ganun nga talaga ang mangyayari. Kailangan ko talagang maging cautious sa mga kilos ko.
“Sumayaw tayo Shin!! Let’s enjoy the night!” at hinila niya ako sa dancefloor. Masaya si Gino kaya nahawa narin ako sa kanyang happiness..
—_— T.B.C.
Chapter 7: You? No Way! (2)
Nakabuo na ng product concept si Gino. At alam kong dahil ’to sa kaadikan niya. Hindi sila gumagawa ng liqour pero nagrisk siya na gumawa nang Liqour product. Nawindang daw ang kanilang executives sa kanyang ginawa pero pinanindigan niya na papatok daw yun. Since di pa nila nasusubukan. Naisip niya na gawin itong healthier daw. Kasi hahaluan ng Malunggay extract ang kanyang gagawing Liqour.
Hindi ko na inalam pa kung ano ang gagawin niya sa product basta ako, nabubusy na ako sa mga photoshoots na inaarrange sakin ng handler ko.
Tago parin kay Mommy Tita ang nangyayari. I still go out of our house in a proper office attire. She always asks me kung bakit daw laging gabi na ako nakakauwi? Dahilan ko nalang, maraming problems sa company. Ayoko talagang magsinungaling sa kanya pero magagalit siya pag nalaman niya ito. Pero this night na umuwi ako nang halos madaling araw na, kailangan ko na talagang sabihin sa kanya. Once and for all para malaman na niya.
Papasok na sana ako ng bahay at si Mommy Tita na nga ang nagbukas. Galit siya. Alam kong this was the first time na ginawa ko ’to. Kahit gumigimik ako eh 10pm palang nasa bahay na ako.
“Magpaliwanag ka nga sakin Shino? Ano bang nangyayari sayong bata ka? Di ka naman ganyan dati ah? Nakakapanibago ka talaga! Ano?”
Galit talaga sya sakin. Alam ko na ’to. I’m ready for my answer. Tumingin ako sa kanya nang deritso. Talim nang tingin niya sakin.
“Mommy, the reason why nagagabihan ako lagi nang uwi, kasi.. I am a model.”
Kumunot ang noo ni Mommy. Hindi muna siya umimik. Nakatingin lang siya sakin.
“Diba sinabi ko na sayo noon pa na huwag kang papasok sa ganyang trabaho? Marumi ang mundo ng entertainment. Kaya ayaw kong pumapasok ka sa mga ganung gawain?!”
madiin niyang sabi. Napapaluha narin siya. Alam ko kasi kung bakit siya ganito. Iniwan siya ng jowa niya dati dahil mas pinili nitong mag.artista at nung nalaman niyang nakabuntis ito nang ibang babae, nakipaghiwalay na siya. At hindi na ulit siya nagkajowa.
“Mommy please. Magpapaliwanag ako. Ginagawa ko to para tulungan si Gino. Kasi kailangan niya nang model sa ilalaunch nilang product. Napagkasunduan namin ’to kaya pumayag ako. Nagtraining ako sa isang exclusive school sa pagmomodel at nang matapos na ako, natanggap naman ako sa isang sikat na Modeling Agency.”
Naguguluhan si Mommy. Alam ko na hindi niya maintindihan bakit ginagawa ko to.
“Napakarami namang model diyan bakit ikaw pa ang nagpresenta?? Anak! Ayokong malukob ka ng kasikatan. Kasi alam ko kapag nag launch ka na ng product na yan, at naging successful, hindi na yan titigil.”
“Mommy? Alam ko yun pero hindi ko papapasukin ang kasikatan sa ulo ko. Pinalaki mo ako nang maayos. Tinaggap mo nga ang kabadingan ko diba? please mommy? Sana maintindihan mo ang ginagawa kong ito.”
Tumango nalang siya. Yinakap ko siya. Yumakap din siya sakin. Alam ko naiintindihan na niya ako. At kiniss ko siya sa pisngi.
“Basta anak, wag kang maghuhubad ha? Gusto ko wholesome ka lang! Di ko kasi alam kung paano nangyari to pero uunawain ko. Kasi ikaw nalang naman ang mahalaga sakin. Susuportahan nalang kita.”
Tumawa nalang ako. Si mommy talaga.. Salamat at naintindihan niya rin. Tumango tango nalang ako at niyakap siya ulit.
“ Teka? So bading ang pagpapakilala mo sa mga tao?“ tanong niya naman. Napangiwi ako. Hala patay!!
“Ah Mommy, yun ang medyo nakakahiyang sabihin. Nagpapanggap akong lalaki.”
Nabigla siya. At bigla nalang tumawa. Hala?! Unexpected reaction. “ Hahaha. Bata ka talaga oo.. Panindigan mo yan ah? Aba’t mag gigirlfriend ka pala nito? Nakakaexcite yan.“ tawa lang siya nang tawa at nag.goodnight na sakin.
Napangaga naman ako. Tsk tsk.. Apektado narin si Mommy Tita. Ibang epekto? Excitement?
Binigay na sakin ni Ms Bennet ang contract nang aking first ever commercial. 2 Million ang bayad nila sakin at ang lahat nang royalties may porsyento ako. Nalula ako. Ganito kalaki? Eh anu ba ang ieendorse ko?
“You will be endorsing a Liqour Product from South Korea. It’s called Cass and they are expecting you to be on their country by next week. Commercial shoot and photoshoots will be a week long so medyo matagal ang stay. I hope you are happy with the project?“dirediretso niyang sabi sakin.
Agad agad ibang bansa? Di muna Pilipinas? Pero ok lang.. Small scale lang naman itong commercial.
“Yes Ms. Bennet, I am happy with it. I will do my best.” sabay ngiti sa kanya.
“Good! Oh and by the way, Golden Grace Foods is asking me if you are ok with a colaboration? With Red Diaz?”
Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako. Red Diaz? Siya ang makakasama ko sa commercial. Parang ito na siguro ang sign.
“Its fine with me. Hindi ko lang alam if the other party is Fine with it?”
Ngumiti naman siya. At tumango.
“He is fine with it as I heard. But that will be two weeks from now pa. Isasabay ang product launching sa commercial launching so you focus first on the South Korea project ok?”
Tumango lang ako. Di ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagkasama kami ng Mahangin na yun sa isang project pero ang alam ko, mahihirapan ako sa kanya. Ayaw niyang maungusan. What would be my gameplan?
Paalis na ako nang agency nang biglang may pumarang kotse sa harap ko. Red na Ford at nang makita ko na ang nagmamaneho, di na ako nagulat. Si Red Gago nga.
Bumaba siya sa sasakyan at dinaanan lang ako. Hindi ko alam pero bakit siya papasok doon eh iba naman ang kanyang agency?? Sinundan ko naman siya pero palihim lang. Nagshades ako para hindi masiyadong halata.
Pumasok siya sa office ng secretary ni Ms Bennet. Anu kaya ang meron? Lilipat ba siya?
Nang makalabas siya ay pumasok naman siya sa office ni Ms. Bennet.
Nakikita ko sila sa aking position. Nag uusap sila at parang may argument na nangyayari. Di ko na napigilan at pumasok ako sa office ni Miss Bennet.
“Bakit mas malaki ang offer ng Golden Grace sa baguhan na yan kesa sakin? I don’t want that scheme Miss Bennet.” naabutan kong parang humihiyaw sa harap ni Ms. Bennet si Red. At yun nga ang time na napalingon din siya sakin.
Tinanggal ko naman ang shades ko. At kumunot nga ang noo niya. Namumukhaan nga niya ako siguro.
“Shino? Why are you back? there are some matter—” naputol ang sinabi ni Miss Bennet dahil lumapit sakin si Red.
“Ikaw? Ikaw ang Shino na sinasabi nila? What’s so special with you? Bago ka palang 1M na agad offer sayo? Samantalang ako it took me years to earn a Million!! Fuck!?”
“I guess, I’m worth more than you?” sabay ngiti sa kanya. Haha. Nasupalpal ko siguro ang ego neto. Malay ko bang mas malaki pala ang talent fee ko kesa sa kanya?? Napapangiti ako. Nakikita ko sa mata niya na galit na galit siya.
I won’t forget this day Dude!! I will not make it work for you. Di ka magtatagal sa business na ’to! You? No way Man!! patutsada niya sakin sabay walk out..
Napangiti nalang ako. Ngiting tagumpay. Abat nakakatawa yung expression niya. Parang nalugi sa Tong.Its!
Simula palang to Red!!
—___— T.B.C.
Chapter 8: Half Korean, Full Trouble!
Red on the media section. So gwapo.😍
Red’s Point of View
“We are launching a liqour brand. And we want you to become our model for the commercial Red!” masayang turan sakin ng isang executive ng Golden Grace Foods.
“Of course! I will do my best to make it a success.” confident ko namang sagot sa kanya.
Who do you know? I’m Redentor Diaz. The hottest male model in the country. And I intend to stay at the top! At walang makakatalo sakin. Natatawa nalang ako sa mga bumabatikos sakin. Of course, I know how they feel. Insecurity. Di ko naman sinadyang maging HOT at amazing diba? Pinagpala lang talaga ako. And I am proud of myself.
“But I want you to collaborate with someone from Bennet’s? Is it ok with you?”
Napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko. What collaboration? He means may kasama akong model din from Viola Bennet? Woah? Wait di ako papayag. I have been doing solo commercials at ayoko na may kahati sa attention.. Hindi pwede yun!
“That can’t be possible Mr. Del Rio? I had been doing commercials for your company being solo? Bakit ngayon gusto niyo nang collaboration?” may halong inis sa aking di pagsang-ayon sa gusto nilang mangyari. Hindi pwede. Ngayon pa na nakikilala na ako. May sisingit sa pagsikat ko? Ako si Red!! They can’t do that to me.
“Well, we were amazed sa mga photo shoots niya na binigay samin nang Viola Bennet. He is charming and has a power to grab attention. Kaya I made it like a project that two charming models will be endorsing our new product! It will be a hit.”
Hindi ko mapapahintulutan yun. Kailangan kong malaman ang nangyayari..
“We offered him a million for the project and his manager agreed with it. He will be doing this project. If you are not happy with it, you can turn down the offer.” sabi pa niya na lalong nagpakulo nang dugo ko. Sinusubukan talaga ako nang baguhang yun ah?
“No, of course not, Its fine with me. Nagulat lang ako Mr. Del Rio.”
Pagsisinungaling ko sa kanya. Humanda talaga sakin ang kumag na yun. Makikita niyang mali ang binabangga niya. Ayaw ko sa lahat eh yung aagawan ako ng attention. Pinaghirapan ko makarating dito kaya di ako papayag na gawin niya yun. Gumamit ako nang maraming tao para makuha ko ang pangarap na ’to. Di ko hahayaan na sirain niya yun.
Nagpaalam na ako kay Mr Del Rio. Kailangan kong makilala ang bwesit na upstart na yun. Di ko siya pwedeng makasama sa isang project.
Hello?
sagot ni Leah sa kabilang linya while I was calling her on the road. Si Leah ang handler ko. Siya ang may alam sa lahat ng projects ko at nang mga gustong kumalaban sakin.
“Leah? What the f*ck? Ano ’tong sinasabi ni Mr Del Rio na collaboration with Viola Bennet?”
Red? We are on the brink of helplessness ok? Kaunti nalang ang models ni Gard. Wala kaming magawa. We need Viola Bennet.
Yun ang reason niya? Wala na daw model si Gard? Hindi ko problema yun. What is the connection with that?
“Who the hell is that collaborator?”
“ His name is Shino Jung. Maraming naimpress sa kanya doon sa Folio Expo last month. But he chosen Viola Bennet. Gusto ni Gard na mapunta siya sa Garfree kaya ito ang ginawa niyang way para mapunta siya satin.“
Gusto pa nilang kunin? Di ba nila alam na ako lang dapat ang star model nila? Di ako makakapayag. Binaba ko na ang phone nang di nag gogoodbye. Sobra na ang pagkabadtrip ko.
I drove myself papunta sa Viola Bennet. Kailangan kong makita ang Shino Jung na yun. Gusto kong makita niya na mali ang kinakalaban niya.
Nang makadating ako dun. Agad akong pumasok sa building at derideritso ako sa office nang secretary ni Viola Bennet.
“How may I help you Sir? “ sabi nang sexy secretary. Magaganda nga talaga ang nandito. But I’m not in the mood for flirting now. Kailangan kong makausap si Viola Bennet. Di ko pwedeng hayaan yung ganun. Di ako papayag sa collaboration!!
“Can I speak to Ms. Bennet now? Its something important.” sabi ko sa kanya. Ayokong maghintay nang matagal. Naaasar na ako.
“Just a second Sir.. I will call her on her office.–”
Di ko na hinintay yun. Dumiretso na ako sa office niya. Katapat lang naman yun nang office nato. At nang pagpasok ko nabigla siya. She was staring blankly. Kumunot naman ang noo ko.
“Red Diaz? What brings you here?” tanong niya sakin. Inirapan ko lang siya. Kinuha ko ang contract na nasa table niya. Alam ko na parehas yun sa contract ko.
“I want you to take that upstart out of this project!” galit na sabi ko sa kanya. Hindi ako natatakot sa kanya. Kahit maamo ang mukha niya. Alam kong gusto niyang bumagsak ako. Yun ang plano niya. Nakikita ko yun sa mga mata niya.
“I can’t do that Mr Diaz? The contract is already signed by me and Shino Jung. Please be cooperative with this project. It is in your advantage anyway?” sabi niya naman. Lalo akong nagalit.. On my advantage? How was that on my advantage? 500k lang ang offer sakin? Insulting yun!
“Bakit mas malaki ang offer nang Golden Grace sa Shino Jung na yun kesa sakin? I don’t like that scheme Ms. Bennet.” at bigla namang may pumasok sa office. Naputol ang pagsasalita ko and when I look back.
“Shino? Why are you back here?”
Nilapitan ko agad siya. Matangkad, not as tall as me, maputi, Half Korean. And totally Full Trouble. Leche! Eto ba ang ipangtatapat nila sakin? Malalabo ba mata nila? Eh wala namang ka appeal appeal ang gagong ’to..
“Ikaw? Ikaw ang Shino Jung na sinasabi nila? Bago ka palang 1M na agad ang offer sayo? Samantalang ako it took me years just to earn a Million! Fuck!?” mariin kong singhal sa kanya. Asungot sa buhay ang pangit na ’to? Sarap tampalin!
“I guess, I’m worth more than you?” sabi niya naman sakin. Ang yabang ah? Kabago bago palang hambog na? Sige tingnan natin ang kahambugan niya. Magsisisi siya na ako ang kinalaban niya.
“I won’t forget this day Dude.. I won’t make it work for you. Di ka magtatagal sa business na’to! You? No way Man!” at sabay alis sa opisina. Bullshit! Sasabog na ulo ko sa galit!? Humanda siya. Di siya magtatagal.
He is just like those people I used. Basura siya. Tinawagan ko agad si Leah. I need to know this Shino Jung. Oras na malaman ko kung sino siya. Di ko siya patatahimikin..
He is a consultant before. No parents living and only his Aunt has raised him up when he was orphaned. He was a Cum Laude and an athlete. Wala siyang experiences in modelling. pagliliwanag ni Leah sakin sa mga nalaman niya tungkol kay Shino Jung.
So wala na pala siyang parents. No wonder, walang modo. At walang experience sa modeling. Hahaha! What was Viola Bennet thinking? Baguhan kinuha nila agad? That’s insane! But I have an Idea of him now.
Everything will fall in place. Humanda siya sakin. Lalagapak siya agad. Ako ang Hari sa Modelling Business. And I will stay on top. Walang makakatalo sakin.
“Tell Gard na tinatanggap ko na yung project. I will work with Shino Jung..”
This is war Shino Jung. Be Ready!
Tiningnan lang ako si Viola Bennet with a smirk on her face. At binaling ko rin ang tingin ko kay Shino Jung. Malas lang niya, ako ang hinahamon niya.
T.B.C .
Chapter 9: Cass
Nagtravel na nga ako papuntang South Korea. Although dati pa nagtour na kami ni Mommy Tita sa Gayong sa Geonggi-do Province dahil dun galing si Lolo Jang. Jang Soo Jung ang pangalan ni Lolo.
Its like embracing your roots kahit na hindi ko naman kinalakihan ang pagka Koreano ko. Habang nasa Incheon International Airport kami ni Daisy, yung handler ko, I make a call to Mommy Tita. Nakarating na kasi kami and she is worried of me. Parang di sanay na nagtratravel ako minsan??
“Shino, tomorrow is the meeting with the product supervisor of Cass and yunh advertisers naman, the next day. Then on the day after, Start na ng shoot mo.. Ok?” sabi sakin ni Daisy. Grabe naman ’to? Ang dami palang proseso nitong commercial making. Kaya pala required ang pressure handling kapag isa kang model. Nakakapanibago lahat. Masakit sa bungo.
I look more differently now. Maporma na ako unlike dati na polo long sleeves lang lahat ng suot ko. Ngayon dapat kung ano ang trend, dapat meron ako. Maraming naturo sakin ang Viola Bennet when it comes to fashion. Kaya kahit si Mommy Tita di na ako nakikilala halos. Hair color, hair cut, spa treatment, facial. Lahat ng ’yun halos every week ko ginagawa. Regular gym din para toned lagi ang muscles. Kaya pati si Daisy pabirong nag-aalok na gawin ko siyang girlfriend? Haha. Gaga eh! Di ko nalang pinapatulan.
Hindi ko naman kasi inakala na lahat ng ito mangyayari. Na magiging irresistable ako sa mga babae pati narin siguro sa kabaklaan. Nakakaoverwhelm pa rin. I am suddenly changing to something I never thought I would be.
“Dais? May tanong lang ako sayo.. What if this is a thing that will make me regret things in the end? What would I do?” out of nowhere kong tanong sa kanya. Nagulat naman siya. Nagbiyabiyahe kami papuntang hotel namin sa Seoul at nasa harap siya tabi nang driver. Napatingin siya sakin na nakakunot ang noo.. “What was that Shino? Are you saying that you don’t want to do this?” tanong naman niya sakin. Di naman sa ganun pero bakit ganun yung pakiramdam ko? Parang magsisisi ako sa pinasok kong mundo.
“No not like that.. Never mind Dais! Thank you for guiding me. Lahat kasi ng ito bago sakin. You are really patient with me.” sabay ngiti sa kanya. Di ko na siya pinagisip pa. Marami narin kasing nangyari na si Daisy ang tumutulong sakin. Nangangapa pa kasi ako sa maraming bagay.
“You know what Shino? You will be a supermodel. Nakikita ko yan sayo. You will make our country proud. Di na nga ako makahintay makita ka sa Vouge Magazine at malay mo kunin ka ni Tyra Banks? Hahaha.. Kakaexcite!” pangiti niyang sabi sakin. Nangangarap siya para sakin. Actually, hindi ko plano patagalin ang ginagawa kong ’to. Pero parang marami nang nagiging sangkot sa kalokohan namin ni Gino. Nahihirapan ako. Paano ako makakalabas kung alam kong mayroong umaasa na magtatagumpay ako sa mundong ito. Ugghh!
We arrived at the hotel accomodation para sa amin ni Daisy at nang dalawa pa naming kasama. Yung tanong ko parin kay Daisy ang tumatakbo sa isip ko. Paano kung magtagumpay nga ako sa pagpapa-ibig kay Red? Magiging masaya ba talaga ako sa ganun? O maipaghihiganti ko ba si Gino sa ganung paraan? Naguguluhan na ako. Parang hindi na kasi nagtutugma ang isip at puso ko.
Nung nagkaharap kami ni Red sa opisina ni Ms. Bennet, natuwa ako dahil nakita kong galit na galit siya sa akin. Pero panandalian lang yung kasiyahan na yun. Di ko naman kasi gustong makasakit nang iba. I was doing it para kay Gino. Pero it was dumbfounded idea.. Selfish kumbaga. Ngayon nga di ko na alam ang purpose ko sa ginagawa kong ito.. Siguro sasabayan ko nalang ang panahon.. Alam ko may patutunguhan ang ginagawa kong ito..
———————————————––
Nalaman ko na nga kung ano ang iniendorse ko. Beer pala yun na sikat sa buong Korea. Parang Red Horse lang sa Pinas. Natawa naman ako. Nahahalata atang lagok ako nang lagok? Pero natuwa ako kasi inaalagaan ako ng mga Koreanong production Team. Nakakaintindi naman ako ng kunting korean words. G waenchan-a, Joesonghabnida, Hajima, Saranghe-yeo.. yung mga ganun lang. Kasi naririnig ko naman din yun kay Mommy Tita minsan.
Nasabi na rin ng advertisers sakin kung paano ang gagawing commercial. Wet and Wild Themed daw. Kaya hinanda ko nanaman ang sarili ko. Hubaran nanaman ’to. Nakakaasiwa pa rin kahit maraming photo shoots na ang ginawa ko para sa aking Portfolio. Ang eksena, Good boy daw muna ako. Nag-aaral ng college. Pero may wild side ako pag night time.. Its going to pool parties.. And drinking the Cass Beer.. And at the end of the commercial Mag papacharm lang naman ako and with a big smile.. Yung secret weapon ko na Killer Smile. Di ko pa yun napapakita sa marami.. Kaya it will be the first. Sana nga magwork out ang concept nila. I have to make this great.
Nagstart na nga kaming magshoot. Sa isang school nalang kinunan lahat nang scenes. Marami ang nanonood nang shooting. Napagkakamalan akong bagong saltang Korean Actor. Yung nadadaanan kong mga babae nagkakatinginan na parang kinikilig. Sarap paghahampasin eh. Nakakainis. Kung alam niyo lang kung ano ako.. Student mode muna daw kaya ayun nakiusap ang team na makapasok ako sa isang silid na may klase.. Pinayagan naman ng admin ng University ang gusto nang team. Hanggang sa mapunta na nga kami sa Pool Party.. Maraming extra ang kinuha nila at sinadyang gabi talaga kunan para mas convincing..
Madami ang nagtitinginan sakin habang hinahawakan ko ang in can Cass Beer. Nagpose lang ako with a happy gesture. Habang nakalubog ang half body ko sa pool. Nakajeans pa rin ako kaya pasalamat ako at di nila makikita ang aking pagmamay-ari, nakakahiya.. Nakakatuwa ang kanilang expressions.. Siguro dahil nga nagiging effective na ang commercial shoot.
At nang matapos na ang shoot.. Nagpalakpakan sila. Magaling daw ako. Kinindatan naman ako ni Daisy.. Sobrang yummy ko daw habang pinapanood niya ang taping.. Naeexcite na siya sa kalalabasan nang commercial..
“Alam mo Shino, ang sarap mong panoorin. You will be a fantasy of women and gay guys. You have this different aura.” sabi sa akin ni Daisy habang pabalik na kami sa hotel. Nakakapagod ang araw na yun. Natuwa naman ako sa kanyang compliment. Pero parang nahahalata na ni Daisy ang kabaklaan ko.. Nararamdaman ko.
“Daisy? Paano kung malaman mong bakla ako?” bigla kong nasabi.. Ooooppss? Mali ata? Di pa ako ganun kaclose kay Daisy kaya baka mag.iba ang tingin niya sakin. At bigla ngang maissue ako.. Hindi pa pwede.
“Shino? Hindi pwede! Paano nalang kami na nag- aantay na malahian ng isang Shino Jung?” at sabay taray sa akin.
Natawa naman ako. Buti nalang hindi pala niya talaga nahahalata. Wow?! Galing ko talaga magpanggap.
Matanda sakin ng three years si Daisy. Maganda at sexy syempre. Yun ang rules ni Ms. Bennet. Lahat nang employees niya pogi at magaganda. Sobrang unfair nga eh.. Pero standards yun nang company.. Kaya out ang walang beauty..
Nang makabalik na kami sa hotel, tinawagan ko naman si Gino. Kumusta na kaya ang baklang yun? Ang nagsimula nitong lahat..
Hello? sabi niya sa kabilang linya. Nakaroaming ako kaya tipid ’to don’t worry.. Hehe..
“Gino, Babalik na ako bukas diyan sa Pilipinas. Natapos ko na ang commercial shoot dito sa South Korea..”
“ Wow!? Tapos agad? Ay teka.. Alam mo na ba ang balita dito? Naguguluhan na nga ako eh pero, nagpapapresscon si Red.. Parang gusto daw niyang makasama ka talaga sa isang project?
“
“Ha? Akala ko ba na ayaw niya nang ituloy yun? Then all of the sudden ok na siyang makasama ako? Anung nangyari sa kanya?”
“ Well di ko alam. Diba ikaw naman ang may pakana nito? So be happy kasi nangyayari na ang gusto mo.“ matamlay kong sagot kay Gino. Honestly ayoko talagang masaktan si Red.. Ayokong makasakit nang iba. At nung pinasok ko ang mundo niya parang nahihirapan siya. Ayaw niyang may kaagaw siya. Nakakainis.. Di ko naman talaga gusto to. Pero nangyari eh at nagiging malaking hadlang ako sa kanya…
Paano ko pa ’to lulusutan? Natrap na ako sa ginawa kong ’to. Mahirap nang umalis.. Paninindigan ko talaga ’to.
T.B.C.
Chapter 10: Friends
We were waiting for our flight back to the Philippines. Pauwi na nga kami ng Pilipinas. 1 week being away from Mommy Tita somehow makes me miss her a lot. Namimiss ko ang luto niya at ang pag rorosary namin together. Di na rin kami nakakapagsimba na magkasama. Pero naiintindihan naman daw niya. Kaya nga kailangan kong bumawi sa kanya. Naisipan ko naring magdala ng mga pasalubong sa kanya. Mga souvenir galing Gayong. Alam kong mapapasaya ko siya.
Dalawang araw narin ang nakalipas ng matapos ang shoot ko sa Cass Beer. Sabi ni Daisy na ngayong araw daw irerelease ang new commercial. Kinakabahan ako sa magiging pagtanggap ng tao sa commercial ko.. Mas makikilala ba ang product dito sa South Korea?
“Oh my God Shino! Nakuha ko na ang copy nang Commercial Ad mo.. Nasa email ko na. Tingnan na natin.” hiyaw ni Daisy habang hawak niya ang Ipad niya. Lumapit naman ako sa kanya at tinabihan siya sa pag-upo.
Nang buksan niya ang file, nanlaki agad ang mata ko.. Di ko naimagine na sisimulan pala nila sa pool party? Pero shadows lang ang nakikita. Hindi pa pala yun ang commercial.. Pinapakilala palang ang product. Then nagsimula na nga sa student life ng character ko sa commercial. Napapahanga ako sa sarili ko. Magaling pala talaga ako umarte? Di ko kasi napreview lahat ng nakunang shoots ko.. Napapamangha talaga ako.. Then suddenly napunta na nga sa pool party night. Nagsasayawan ang mga naka two piece na kababaihan at mga lalaking nakatrunks na kinuhang extra nila..
Umiinom sila ng beer habang ako naman pumapasok sa scene. Nagtitinginan silang lahat habang lumalakad ako papunta ako sa pool. Dahan dahan kong hinuhubad ang t-shirt ko. Hanggang sa makarating ako sa kumpol ng in can na Cass Beer. Ininom ko ito at humarap ng nakangiti.. Napanganga ako, Shit! Ang pogi ko pala talaga? Haha. At tumalon na nga ako sa pool at sumayaw sayaw. At nang matatapos na, nagpose ako sa isang side ng pool at masayang masaya na umiinom ng beer and that was the end. Cass Beer’s logo ended the whole commercial ad.
“OMG! Shino that was freaking HOOOTT! I cant wait na makita na ito nang maraming tao. Sigurado mapapahanga sila sayo. Ang galing mo pala ah?” masayang masaya si Daisy sa nakita.
Natatawa ako. Alam ko ang nararamdaman niya kasi pati ako di nakilala ang sarili ko.. It was a different me.. I didn’t know I have that kind of aura inside me.. Dangerous and Gorgeous.. Ganun ko maeexplain ang itsura ko sa Commercial. Mas lalo kong nakikilala ang sarili ko ngayong ginawa ko ang bagay na ito.
“Sana nga Dais, sana maging maganda sa kanila ang commercial. Korean na korean ang look ko diyan eh?” sabay tawa ko.. Nagkatawanan nalang kami ni Daisy nang biglang tumunog ang phone ko..
Unknown number ang nakalagay. Teka bakit unknown? Wala naman akong alam na ibang may contact sakin maliban kay Gino at Mommy Tita and a few friends..
“Hello?”
sagot ko naman sa telepono.
“ Hi Shino? This is Claire from Allure Magazine. We would like to invite you for a photoshoot for our new issue. Ms. Bennet agreed with this already.
“ sabi naman ng babae na nasa kabilang linya.
Hala may magazine naman? This is really getting fired up. Marami nang gusto akong kunin na model. I never thought na ganito ang magiging kalalabasan ng kalokohan namin ni Gino.
“It will be my honor Ms. Claire. Just tell Ms. Bennet about it. And also my handler.” magalang ko namang sagot sa kausap ko.
“ Very well then, thank you Shino. We will arrange the shoot as soon as possible.
“ at binaba ko na ang phone ko.
Pinapanood parin ni Daisy ang commercial. Parang timang na kinikilig. Nakakatuwa ang expression niya. Parang binibigyan niya ako ng sign na this is where I belong. Kahit alam ko na kalokohan lang ito sa una palang.
Nagtawag na ang pager ng aming Flight at nagsimula na nga kaming pumila para makasakay na ng plane pauwi na nang Pilipinas.. At bigla nalang lumabas sa tatlong big screen ng airport ang aking commercial. Napatingin naman ako sa paligid. Nakatingin doon ang maraming tao. At ang iba naririnig kong tumitili. Hala? Ganun ang epekto ko sa kanila? Nagshades ako para hindi nila ako makilala. Baka makita nila ako. Ayoko ng attention.. Tinabihan ko si Daisy. Palinga-linga rin at natutuwa dahil nakikita niya ang paghanga nang marami sa aking commercial. At ang iba nga ay naguusap usap na kung sino daw ang model.. Tinapik niya ako at kumindat pa sakin. Hahays.. Shino Franco Jung Negro.. This is the new life. Life that you asked for at sana nga mapanindigan mo.
Nakauwi na kami ng Pilipinas pero si Daisy di parin makaget over sa commercial ko. Naadik ang gaga. Pinapanood niya ng paulit-ulit ang 35 seconds na commercial ko.. Tinatawanan ko nalang siya habang nasa sasakyan kami papunta sa Viola Bennet. Doon muna ako pupunta bago umuwi sa bahay.. Nakakamiss na si Mommy Tita.. At lahat nung dating ako. Parang nagsisimula na kasing mag iba ang mundo na ginagalawan ko..
“I have seen the commercial Shino.. And the client told me that they are satisfied with it.. When the sales start to turn up, they will be grateful to you. And I am proud of you.” sabi sakin ni Ms. Bennet na may halong kasiyahan. Natutuwa naman ako na masaya siya sa ginawa ko.
“Thank you Miss Bennet. I am also happy na it turned out well. Akala ko nga di ko magagawa nang maayos kasi di ko pa alam ang mga ganung bagay. And you should also thank Daisy, Ms Bennet, she had done alot of this para maging maganda ang kalalabasan.” tugon ko naman sa kanya. Tumango naman siya.
“I will reward her Shino. And you already know that we are on our next project right? So are you ready? “
Ngumiti lang ako sa kanya. Alam ko na yun. At ito na nga yung project namin ni Red na magkasama.. At nalaman ko nga kay Gino na siya ang nagconcept ng product.. Ito na siguro ang sinasabi nyang exciting. Yung makita niya na matalbugan ko si Red.. Nakakainis na talaga. Nagpromise ako sa kanya na maghihiganti ako para sa kanya pero hindi ko na talaga alam kung mapapanindigan ko pa yun? Natatakot ako sa mangyayari. Parang masama talaga ang katapusan nito.
“I am ready for it Ms. Bennet. “ sagot ko nalang sa kanya.
“Good, kasi bukas mag start na kayo ng meeting with the advertisers.. So you take your rest now. Because this will never end from now on. You will have to deal on many things from now on Shino.” sabay ngiti ni Ms. Bennet. Tumango nalang ako. Ayokong isipin pa kung ano ang mangyayari. Dapat siguro kaibiganin ko nalang si Red. Pero kung ayaw niya naman. Ang option ko nalang is to make it on my own. Kung talagang totoo ang ugali niyang hambog.. Di ako magpapatalo sa kanya. Hindi ko rin gugustuhin na apak apakan ako nang wala naman akong ginagawang masama..
But for now, ang gusto ko talaga umuwi na kay Mommy Tita at magkwentuhan kami.. Bukas ko nalang proproblemahin ang magiging pakitungo ko kay Red..
T.B.C.
Chapter 11: Change of Heart
Nakauwi ako ng gabi na sa bahay namin ni Mommy Tita. Inoffer ako dati ni Ms. Bennet ng bagong bahay sa isang exclusive subdivision pero tinurndown ko yun. Aanhin ko ang malaking bahay? And masaya naman ako sa aming bahay. Dito ako lumaki at dito ko narin binuo ang mga pangarap ko.
Naabutan ko si Mommy Tita na nasa sala. Parang tulog siya kaya ginising ko siya. Napamulat naman siya at yinakap niya ako..
“Dumating ka na pala Anak? Di ka manlang nagpasabi. Ayan tuloy di ako nakapaghanda?”
Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. “Mommy, surprise nga diba? Ah— Mommy eto nga pala ang pasalubong ko sa’yo. Ako pa bumili niyan sa Gayong.. Alam ko gusto mo ’tong korean hanbok tsaka gensing.”
Natuwa naman siya at agad ilinabas ang hanbok na binili ko para sa kanya.. Minsan kasi inaatake siya ng pagka-Koreana niya kaya nagsusuot siya ng hanbok minsan..
“Ang ganda naman nito. Namimiss ko tuloy bumalik sa Gayong! Kamsahamnida Shino.”
“Dont worry Mommy, bibisita ulit tayo doon if may panahon ako.”
Nag-usap pa kami tungkol sa naging commercial making ko sa South Korea. Pinakita ko sa kanya ang video nang commercial ko..
Napapangiti siya dahil hindi daw niya akalain na napakagaling ko daw sa pagarte at pagmomodelo. Sinabi ko sa kanya na medyo filtered ang video. Pero di niya yun pinansin, kasi napapahanga daw siya sa ginagawa ko.
“Shino, ang galing mo dito anak. Naku mapapabili talaga ako ng beer na yan kapag ikaw ang nakita kong umiinom? Convincing talaga. Lalaking lalaki ka dito. Nakakatuwa. Pati ako kinikilig sayo! “ sabi pa niya. Tawa naman siya nang tawa. Pareho ang reaction nila ni Daisy. Ewan ko pag nakita rin ni Gino ang video eh baka gahasain ako nun? Nakakatakot. Natatawa nalang ako. Adik panaman yun sa lalaki.
Habang busy si Mommy Tita sa paghahalungkat ng pasalubong ko sa kanya. Umakyat na muna ako sa kwarto ko. Namiss ko agad ang aking kwarto. Nagbihis ako nang jersey shorts at sando at humiga saglit.
Iniisip ko parin ang mga mangyayari bukas. Kasi magkikita ulit kami ni Red. Di ko alam kung paano ko siya mapakikitunguhan? Kasi masama ang aming naging conversation noong nakaraan. Di ko ginusto ang sinabi niya kaya parang mahangin din ang naging sagot ko sa kanya.
Sa simula naman talaga ayaw ko na sa kanya. Dahil sinaktan niya si Gino. Pero di ko pa siya nakikilala at hinuhusgahan ko na siya. Alam ko naman na kahit ang isang tao ay masama ang timpla ng ugali,alam ko rin na may magandang side sa kanya.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip kay Red. Hindi ko namalayan na umaga na pala at malakas na ang tunog ng phone ko.. May tumatawag.. Kumurap-kurap ako at kinuha ko sa beside table ng kama ko ang phone ko.
“Hello?” sagot ko sa phone na may katamaran. Napagod ako nang sobra sa biyahe namin pauwi. Shinooo? Anong oras na! Nasa baba na kami ng bahay niyo ni Oscar. May meeting tayo sa advertisers Remember? Ano pa bang ginagawa mo? natatarantang sabi ni Daisy sa kabilang linya. Nagulat ako.
Oo nga pala.. Napalatak nalang ako sa ulo ko. Bakit ba hindi ako nag-alarm kagabi? Nagmamadali akong nagshower at nagbihis. Wala na si Mommy Tita pagbaba ko dahil may pasok sa araw na yun kaya agad agad nalang akong lumabas nang bahay.
“Sorry Dais, masiyado akong napagod sa biyahe.” paghingi ko ng tawad kay Daisy na nakatayo sa harap nang gate namin. Hindi ko pa talaga nakakasanayan ang ganitong uri ng trabaho. I was used to going at work when I am needed. Pero ito, napakademanding talaga.
“Ok lang, but please come on! We are very late na. Baka madisappoint ang client.“sabi naman ni Dais na nag.aalala. Tumango ako at sabay na nga kaming sumakay ng kotse papunta sa Golden Grace.
Bakit ba kasi ako nakatulog ng sobra? Aligaga na tuloy si Daisy sa pagtawag. Nagpapaliwanag siya sa mga executive at advertisers na natratraffic kami.
Nang makarating kami ng Golden Grace. Agad kaming umakyat sa floor kung saan nandoon ang meeting. At nang makapasok kami sa conference room….
“Sorry for being late. Sobrang traffic kasi along EDSA.” paliwanag ni Daisy sa nooy nagsisimula nang mag meeting na executives at advertisers.
Agad naman nahagilap ng mata ko si Red at sabay ngumiti ng mapakla. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Unprofessional ako. And I just sit down on the chair na para sa akin. Pero ang mga tingin talaga ni Red ay may kahulugan. Parang gusto niya akong i-provoke.
“Ms. Feriol? Does your talent know that this is a serious thing we are doing? Bago palang siya but he is making himself so important.” galit na saad ng isang executive. Nalaman ko yun kasi nakaformal suit siya.
Nangulo naman ang dugo ko. Grabe nalate lang ng kunti? Nakakaasar. Pero di ko pinakita sa kanila ang inis. Yumuko lang ako at hinayaan ko na si Daisy na magpaliwanag at biglang–
“Ms. Feriol? Its an act of unprofessionalism that your talent has shown to us? Alam mo naman na ang meeting natin is exactly at 9AM diba? It’s already 9:15? “ sabi naman ng handler ni Red. Tiningnan ko siya at nakangiti parin ito sakin. Lalo tuloy akong nainis. Nananadya ba siya? Akala ko kasi magiging maayos ang araw na to pero parang lalo akong naiinis.
“I apologize. It was my fault. I overslept. But I have a reason since I had a long trip from South Korea going back to our country.” paghingi ko naman ng patawad sa kanila. Nagkatinginan naman sila. At di nila naiwasang magtanong .
Sakto naman na isenet-up ni Daisy ang aking commercial sa projector na dala niya at ipinakita sa kanilang lahat ito.
Napanganga naman silang lahat. Tutok na tutok ang mga executive habang nagplayplay ang commercial na ginawa ko. Hindi ko alam na may back up plan pala si Daisy. Saviour ko talaga siya.
“The makers of Cass Beer has taken our Shino as their new model for the in canned version of the said Beer. And as you see he had done a great job with it. Because as of the moment, the company that makes that beer is now hitting their 15% increase of projected sales since the release of Shino’s commercial. I hope that this would be enough reason for all of you to accept our apologies.” tuloy tuloy na paglalahad ni Daisy sa kanila.. Seriously? Ganun na kalaki ang tinaas ng sales? Grabe naman yun.
Naimpress naman ang mga executives at sinabing ayos lang ang nangyari. Pero nang makita ko si Red. Parang galit na galit siya. Napakagwapo panaman niya kapag galit. Wait? What the hell? Anu yun? Nagwagwapuhan ako sa kanya? Galit ako sa kanya diba? Dahil minamaliit niya ako sa mga titig niya. Nag-alis ako nang tingin at tumutok nalang sa pinag-uusapang commercial. Nakakabadtrip tuloy.
Nakita ko naman na sumeryoso din ang mukha ni Red. Nagulat siguro siya na may ganun akong ginawang commercial. Nakakatawa din kahit papano dahil nakikita ko ang inis niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat maramdaman. Ayoko nalang isipin.
“So the product is called Freedom Healthy Beer. This is quite a genius product made by our production team. This is not just a beer but also a health drink kaya hindi ko alam kung magugustuhan ba ito ng mga tao o magdududa dahil lahat nga inuming may alcohol alam nating hindi healthy. Thats why, we want Shino and Red to make this product a convincing one to our consumers.” paliwanag nang isang executive sa amin. Alam ko na ito na nga ang sinasabi ni Gino. Adik talaga. Paano yun magwowork??
Nagpatuloy pa ang meeting at maya’t maya ay napapansin kong patingin-tingin sakin si Red. Ano kaya ang meron? At nagkatutukan nga kami bigla. Matagal ang titigan namin. Napakagwapo niya talaga. Matangos ang ilong.. Maganda ang hugis ng mukha niya.. Nakakaentice ang tingin niya. Parang hinuhugot ka niya.. Woah!! Ayoko na! Inalis ko ang tingin sa kanya. Di ko kayang makipagtitigan. Parang natutunaw ako. Nakita kong ngumiti siya. May inaalam ba siya? Siguro inaalam niya kung bakla ako. Pero hindi ko siya hahayaang makita sakin yun. Hindi pwede.
Nang matapos na ang meeting. Nakipagkamay na samin ang executives at ang iba naman kinongratulate ako dahil sa magandang outcome ng commercial ko. Sana daw maging successful din ang product na ginawa nila Gino.. Nagpasalamat nalang ako. Bigla naman akong nilapitan ni Red..
“Can we talk for a moment?” tanong niya sakin nang malumanay. Sumenyas naman ako kay Daisy na mauna na siya. Ganun din ang ginawa ng handler ni Red. Naguguluhan man ay umalis silang dalawa at kami nalang ni Red ang naiwan sa conference room.
“Nagpapasikat ka ba talaga? Isang commercial palang nagagawa mo ganyan ka na kahambog? Angas mo rin ’no?” galit na sabi niya sakin. Ano ang pinagsasabi niya? Napakahambog ko daw? Wow?! Ano ang kahambugang ginagawa ko?
“Dude, please wala ako sa mood makipag-argue sayo. Hindi ako naghahanap ng gulo.” sabi ko naman nang mahinahon kahit napipikon na ako.
“Alam mo, nagsisimula ka palang kaya magiingat ka. Marami ka pang dapat matutunan. Wag kang hambog Pre!” at sabay siyang tumalikod. Lumabas siya nang conference room na kunot ang mukha.
Ano bang gusto niyang mangyari? Hinahamon ko ba ang kanyang pagiging model? Natatakot ba siya na matalo ko ang kanyang image? Hindi ko parin maintindihan kung bakit galit na galit siya sakin. Di ko nalang pinansin..
Bukas, makikita ko kung ano talaga ang tunay na ugali ni Red. Alam kong mahirap pero pipilitin kong pakisamahan siya… May kung anong boses sa isip ko na sinasabing intindihin ko siya.. Kasi alam ko magbabago siya..
T.B.C.
Chapter 12: Shino Negro
“Mommy Tita, bakit tayo nandito? Ano ang gagawin natin dito.” tanong ko kay Mommy Tita habang naglalakad kami sa isang seminteryo. Nakahawak siya sa kamay ko at ang isa niyang kamay ay may dalang bulaklak.
“Bibisitahin natin si Mommy at Daddy mo Shino.. Kaya nandito tayo.”
Hindi ko alam bakit ako nandito? Parang isa siyang panaginip. Nanaginip ba ako?
Bigla nalang may isang kotse na dumaan sa aming harapan. May isang lalaking nakashades ang bumaba mula sa kanyang kotse. Natigilan naman si Mommy Tita. Nagulat ako ng bigla niya akong hablutin kay Mommy Tita.
“Shino! Teka! San mo dadalhin ang pamangkin ko?!” at bigla nga akong hinablot ni Mommy Tita pabalik sa kanya..
“Hindi mo siya pwedeng kunin sakin! “ sigaw pa ni Mommy Tita.
At bigla nalang akong pwenersa ng lalaki. Nakikita kong umiiyak si Mommy Tita at sinisigaw ang pangalan ko.
Bigla namang lumiwanag ang lahat. Minulat ko ang mata ko. Nasa kwarto pala ako. Tama panaginip lang lahat ng iyon.. Pero di ko parin maintindihan bakit ako nanaginip ng ganun? May mangyayari bang masama sakin? Bigla namang may kumatok sa kwarto.
“Shino? Gising na! Andiyan na si Daisy sa baba.” si Mommy Tita. Nasa baba na si Daisy? Anong oras na ba?
Shit!! Malalate nanaman kami.. Bakit ba kasi sobra lagi ang tulog ko?
“Opo Mommy, bababa na po ako. Sabihin mo po sa kanya pasensya na.”
“May sakit ka ba Anak? Bakit parang ang tagal mong magising?” tanong ulit ni Mommy.
“Ah— Wala po. Masiyado lang po akong napagod kahapon. Bababa na po ako pagkatapos kong magbihis.” sagot ko nalang sa kanya bago ko tinungo ang banyo sa aking kwarto.
At naghilamos na nga ako at di na ako naligo. Total may shower area naman doon sa location ng aming shoot para sa commercial. Nagbihis na ako at bumaba na.
Nakakunot nanaman ang mukha ni Daisy. Alam ko namang kasalanan ko. Nakakaasar naman kasi.
“Let’s go Shino!Malalate na tayo?” may inis na sabi niya.
“Mommy aalis na po kami. Take care po. “ at linapitan ko si Mommy Tita na nasa kusina at nagkiss ako sa pisngi niya.. At nagkiss din siya sakin. At ngumiti.
“Sige na anak at baka malate na nga kayo. Malayo layo pa ata pupuntahan niyo.”
Tumango lang ako sa kanya at lumabas na nga kami ni Daisy. May galit parin siya sakin. Sorry naman pwede??
“Shino ano bang nangyayari? Bakit lagi kang late magising? Alam mo namang may shoot tayo ngayon diba?” sunod-sunod na tanong niya sakin habang nagbiyabiyahe na kami.
“Alam ko Dais, pasensya na. Nanaginip kasi ako ng hindi maganda.” sabi ko nang malumanay.
Napatingin siya sakin. At parang napupuzzle siya.
“Anong panaginip naman yun?”
Naging close narin ako kay Daisy kahit papano kaya nasasabi ko narin sa kanya ang mga nangyayari sakin.
“Hindi ko nga din maintindihan yun. I was walking with Mommy on a cemetery tapos bigla nalang may humarang samin na isang sasakyan. Bumaba naman ang isang lalaki at hinablot niya ako kay Mommy. At parang takot na takot si Mommy Tita sa lalaking yun.” pagkwekwento ko sa kanya.
“Weird dream? Eh wala naman atang meaning yun. Siguro may iniisip ka bago ka matulog last night.”
Siguro nga. Tumango nalang ako. Wala sigurong ibig sabihin yun. Hindi ko alam pero somehow in my mind may mangyayari sakin na masama. May hindi pa ba ako alam sa pagkatao ko? Kasi ang alam ko lang lumaki ako na kasama si Mommy Tita. Yun lang ang alam ko. Wala na akong ibang alam. At hindi ko na kwenistyon yun dahil masaya ako sa pagpapalaki sa akin ni Mommy Tita.
Ang alam ko ang Daddy ko ay si Jeori Jung Negro at ang mommy ko naman ay si Sheena Dorni. Nakakaasar kasi di ko manlang nakita ang mukha nila. Kahit picture wala ako. Kasi sabi ni Mommy nasunog daw ang tinitirhan namin nang tunay kong parents after nung nagkaaksidente sila. Hindi ako kasama sa aksidente dahil binilin ako ni Daddy kay Mommy Tita. Kaya wala talaga akong idea sa mga mukha nila. Kasi lahat nang memories ay nasunog kasama nang bahay namin. Pero laging sinasabi ni Mommy Tita na mas kamukha ko daw si Daddy kesa kay Mommy kaya ganito daw ako kagwapo.. Yun lagi ang explanation niya kaya di ko na kwenistyon ang iba pang tungkol sa aking pagkatao.
Nakarating na kami sa aming location at nagmadali nga akong pumunta sa shower area. Bago pa ako makapasok nakita ko nang may nakikipaglampungan malapit doon sa shower area. At sino pa nga ba yun? Si Red lang naman. Walang mga hiya sa katawan. Buti nalang walang masiyadong dumadaan at di sila nakikita.
Napatingin naman siya sakin at bigla nalang niyang tinulak ang babae na sarap na sarap sa paghalik niya. Napangiti naman ako..
“Anong nginingiti ngiti mo diyan?” at sabay hila sa babae. Binunggo niya ako at tawa nalang ang ginanti ko.
Ang mga lalaki talaga, pag ginusto gawin ang mga kalibugan, kahit saan abutan ginagawa talaga.
Nagshower na ako at nagsuot nang sando at floral na beach shorts. Total beach naman ang location. Naisip nanaman nila ang beach. Summer release ang gusto nila.
Habang papunta na ako sa set.up ng shoot namin di naman magkandaugaga ang mga tao sa kakatitig sakin. Adik lang? May bigla ngang lumapit saking isang machong lalaki. Di naman siya kagwapohan pero maganda ang katawan.
“Hi? I’m Jonathan. I want to be your friend.” at linahad niya sakin ang kamay niya.
Di ko naman alam kung ano ang gagawin? Pero tinanggap ko ang kamay niya. Nagulat ako kasi parang may pagnanasa ang mga tingin niya sakin. No way! Bakit ganito siya kalagkit makatingin sakin?
“Shino! Bilisan mo na at magsisimula na ang shoot! “ sigaw naman ni Daisy na humahangos kasi tumatakbo nga siya papunta sakin. Adik talaga. Nagsmile nalang ko sa lalaking nakikipgkibigan sakin.. Hinablot naman ako ni Daisy at agad na kaming pumunta sa set.up..
“Nice to meet you Shino! “ hiyaw naman ng Jonathan na yun. Nakakatawa. Gusto ata ako nun?? Nabakla sa akin..
Nagwave lang ako sa kanya habang tumatakbo. Kahit papaano gusto ko ring paluwagin ang aking circle of friends.
Nagsimula na nga kaming kunan ng pictures. Una muna si Red. Nagpapasikat talaga siya. Nagpahid siya ng oil sa katawan. Maganda ang katawan niya. Nakakalaglag panga. Malalaki ang chest niya at chiseled talaga ang kanyang muscles. Kaya siguro madaming naaakit sa kanya. Tulad ko?
NO NO NO!! Hindi ah.. Mali ang nasabi ko. It was a mistake! Di ako maaattract sa kanya. Kahit kailan di ako magkakagusto sa kanya.
Bakit parang lahat ng bagay ay di na sumusunod sa plano ko? Dapat maging magkaibigan kami pero mahirap naman ata mangyari yun? Dapat mapaibig ko siya.. Pero parang di niya yun makakaya.. Di naman ata talaga siya pumapatol sa bakla. At lalaki ang pagkakakilala niya sakin. Kaya napakaimposible..
Nakashorts siya at may hawak na isang bote ng product na inindorse namin. Parang adik na binuhos niya yun sa katawan niya at napahanga naman ang mga photographer. Maganda daw ang ginawa niya. Kinunan pa siya ng ilang shots at nang sabihing ok na.. Ako naman ang tinawag.. Hah! Paano ko kaya mapapahanga ang mga photographer na’to?
Ayaw kong magpaimpress kaya nagpose lang ako nang mga charming na pose. Binasa ko ang katawan ko ng tubig dagat at kumuha ako ng bote ng beer. Ininom ko ito at unti-unti pumikit at hinayaang umapaw sa bibig ko ang beer.
“Shino ganyan nga. That’s a good take. Ganyan lang.” sabi sakin ng photographer. Natuwa naman ako. At nagflash ako ng killer smile ko.
“Make a stronger pose Shino. Kulang tayo nang isang element pa.”
At nagpose nga ako na parang galit at nakakuyom ang aking kaliwang kamay at bigla kong sinuntok ang buhangin.
“Wow that was genious!! Good shot Shino. Ok na.. Thanks!” tuwang tuwa na sabi ng photographer.
Pumalakpak naman si Daisy at ang team namin. Nasiyahan sila sa ginawa ko. Sobrang ganda daw ng mga kuha ko. Ngumiti nalang ako at pumunta sa cottage na malapit sa set-up..
Nakita ko namang palapit sakin si Red. Ito nanaman. Alam ko na ang mangyayari.
“Pasikat ka talaga eh ano? Dapat ako ang stand.out doon dahil mas senior ako sa’yo? At lumalabas pa ngayon na ako ang saling pusa?” galit na turan niya. Lumapit pa siya sakin at hinawakan ang mga balikat ko at parang gusto niya akong bugbugin. Aba makikita niya hinahanap niya.
“Can we just work together? Yung hindi mo pinapairal ang pride mo? Namemersonal ka ba? Wala akong ginagawang masama sayo. Bakit ganyan ka nalang magalit sakin?” sagot ko naman sa kanya. Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko..
“Alam mo kung bakit ako galit sayo? Kasi inaagaw mo ang mundo ko! Simula nang dumating ka, lahat nang pinaghirapan ko, nawawala na sakin. Yun ang kinagagalit ko. Kung mawawala ka, dun lang ako matatahimik ulit.” at binitawan niya na ako. Umalis siya sa harap ko na galit na galit..
Ano ba kasi ang ginawa kong mali?? Bakit takot na takot siyang maungusan ko??
T.B.C.
Chapter 13: Red Means Sad
Red’s Point of View
Napakahambog talaga ng Shino Jung na yun. Kabago bago palang napakayabang na.. Nagpapasikat siya sa executives, sa advertisers pati narin sa mga photographers at media. Di ko talaga gusto ang ginagawa niyang yun. Sinisira niya ang aking pangarap.. Naalala ko tuloy ang dahilan bakit ako naging ganito…..
Several Years Ago…
Ikaw
Redentor
..
Ano
bang pakinabang namin sayo ha?? Wala ka bang alam gawin para magkasilbi kanaman dito sa bahay.. sabi sa akin ni Tatay habang umiinom siya ng alak na inutang nanaman niya kina Aling Flor sa tapat na tindahan.
Ginawa ko na lahat para makatulong sa kaniya at sa dalawa ko pang kapatid kasi alam kong yun ang dapat. Kasi mahal ko sila. Kahit nalaman kong naghiwalay sila ni Nanay dahil sumama si Nanay sa isang mayamang Negosyante. Pinagpalit niya kami para lang sa pera. Napakabait ni tatay noong maayos pa ang lahat. Pero hindi niya natanggap ang paghihiwalay nila ni Nanay. Nagbago ang lahat. Lagi na siyang naglalasing, natanggal siya sa kanyang trabaho sa isang factory at napilitan nga kaming tatlo na maghanap buhay kahit 12 anyos palang ako noon at napakabata pa nang dalawa ko pang kapatid..
Alam ko na Redentor, ipapasok kita sa club ng kaibigan ko. Doon ka magtrabaho kasi malaki ang kita doon.. Tama!! Hahaha..
tawa niya habang lasing na lasing na..
Hindi ko alam pero napilitan nga akong pumasok doon sa club na yun. Maraming nagsabi sakin na madumi daw ang lugar na iyon. Natakot ako nung una pero wala akong choice dahil wala kaming kakainin ng mga kapatid ko..
Natanggap ako doon at naging bihasa naman ako agad sa mga gawain doon. Hanggang nung mag 14 years old ako ay meron sa aking lumapit na isang bading na kinukuha ako bilang isang model daw nila. Hindi ko naman naintindihan ang sinasabi niya..
Magandang bata ka at maganda na ang hubog ng katawan mo kaya pwedeng pwede ka nang maging Model. Malaki ang kita doon at makikilala ka pa ng maraming tao.
Sinubukan ko nga ang inalok ng bading. Binigyan niya agad ako ng pera at siya na nga ang nagpaaral sakin para maging Model.. Ang hindi ko nalaman, kapalit pala noon ay may gagawin ako para sa kanya..
Isang gabi habang pauwi na ako sa amin ay pinarahan ako ng kotse ng bading na yun. Sinabi niya sakin na may mahalaga daw na kliyente ang pupuntahan namin at yun na daw ang pagkakataon ko para mapatunayan ang aking pagiging model.
Hindi naman ako nagdalawang isip at sumama ako sa kanya.. Dinala niya ako sa isang tagong lugar.. Resthouse daw niya iyon at nandoon ang mga kliyente niya.. Nang makapasok kami sa bahay ay nanginig ako sa nakita ko.
May mga lalaking malalaki ang katawan na sumasayaw nang hubot hubad. Nagsisigawan naman ang apat na kabadingan na nakaupo sa sofa. Pula ang ilaw kaya hindi ko sila gaanong namumukhaan. At bigla nalang nawalan ako ng malay..
Nagising ako na may naririnig na mga ungol.. Nagulat ako nang makita kong sinusubo ang ari ko nung baklang di ko kilala. Natadyakan ko siya bigla at agad akong kumaripas ng takbo.. Hindi ko alam kung saan nila ako dinala pero nang makalabas ako ng bahay ay biglang may sumigaw..
Hindi ka makakaalis dito Red!!. Kung ako sayo bumalik ka dito sa loob at gagawin mo ang gusto kong ipagawa sayo.
sabi sa akin nang baklang inakala kong mabuti sa akin.
Di ko siya sinunod at tumakbo lang ako nang tumakbo, hinabol niya ako pero mas mabilis ako sa kanya kaya nakarating ako agad sa kalsada.
Buti nalang may dumadaan na sasakyan at nagmakaawa ako na pasakayin niya ako. Dahil narin siguro sa umiiyak ako sa takot nang mga sandiling iyon ay pinasakay niya ako at nalaman ko ngang napunta ako sa Batangas.
Simula noon sinumpa ko sa sarili ko na bawat bading na makikilala ko, itratrato kong basura dahil sila ang nagsamantala sa kahinaan ko. Hindi ko pinalalampas ang pagkakataon na gumanti sa kanila..
Pineperahan ko ang mga bading. Ginamit ko ang aking kagwapohan para mahuthutan sila. Pinapaniwala ko silang gusto ko sila.
Hanggang sa magkaroon na nga ako ng pagkakataong maging model. Napansin naman ako agad ng Garfree Modeling Agency kaya kinuha nila ako.. Si Gard Gaston ang naging manager ko. Pinasikat nila ako sa pagbibigay sakin ng maraming project. Naitaguyod ko sina Tatay at napag.aral ko ang sarili ko at and dalawa ko pang kapatid. Naging maayos ang buhay ko.. Naghangad pa ako ng mas malaking project. Hanggang sa dumating na nga ang big break ko.. Malaki ang kinita ng Golden Grace Foods sa pag endorse ko ng product nila. Yung Golden Noodle na gawa ng baklang si Gino Bulawan.
Nagtiwala siya sakin at sinakyan ko naman iyon. Pinaniwala kong mahal ko siya para mas lalo nga nila akong bigyan ng marami pang endorsement. Pero nung malaman kong may inoffer sakin ang isang Perfume Company na magrerelease daw sila ng bagong product at ako ang kukunin nila, tinanggap ko iyon at hindi na nagpakita sa Gino Bulawan na yun.
Wala akong pinagsisiham dahil maraming opportunity ang nagbukas sakin. Dahil sa kanila, nakuha ko ang gusto ko. Natupad ko na ang isang pangarap. Ayoko nang dumanas ng hirap na katulad ng dati.. Nagbasurero ako para makakain isang beses sa isang araw pero ngayon na nakukuha ko na lahat ng gusto ko, hindi ko hahayaang mawala pa to sa akin..
At ang Shino Jung na yun ang sumisira ng last. Hindi ko siya hahayaan..
Kailangang makagawa ako ng paraan para mawala siya. Hindi ko gustong gawin yun pero ayokong mawala din ang pinaghirapan ko.. Masaktan ko man ang maraming tao. Wala akong pakiaalam.. Kailangang mawala siya sa landas ko…
Iyon ang dapat kong gawin..
———————————————–.. T.B.C.
A/N Guys!! Ayan na ang reason bakit ganun si Red.. Alam ko kasi naguguluhan kayo bakit ganun siya. Ayan na.. Nabubuo na ang plot.. Sana ipagpatuloy niyo ang pagbasa ng story ni Shino..
And please comment guys.. Di ko kasi nalalaman kung nagugustuhan niyo ang story na to.. Please please...
Thanks!?
Chapter 14: The Hidden Agenda
Red’s Point of View
Dalawang araw ang stay namin dito sa Beach Resort sa Subic.. Dito napili ng advertisers na gawin ang shoot. Nakikita ko namang maayos ang lahat. Isa lang ang asungot, ang Shino Jung na yun.
Nakita ko siyang masayang kinukunan ng pictures ang dagat. Maganda kasi ang view.. May kung ano akong napansin sa kanya.. Parang hindi siya yung typical na lalaki. Parang may tinatago siya na pagkatao.. Hindi ko alam pero di rin ako mapalagay. Alam kong may tinatago siya. At kung ito ay tama sa kutob ko, yun ang magpapasira sa kanyang reputasyon.
Habang nasa cottage ako at pinapanood sila ng kanyang handler, di ko mapigilang matuwa.. Sana ganun din kami kaclose ni Leah. Yung parang magkapatid lang ang turingan namin kapag walang trabaho o walang shooting.. Naiinggit ako sa kanya. Mayroon siyang pagkatao na kayang pasayahin ang mga taong nakapaligid sa kanya.. Na lalo kong kinakainis.. Bakit ako natutuwa sa kanya. Shit lang?! Umalis na ako sa cottage at pumunta sa hotel para uminom nalang. Pampawala ng pagkabadtrip.
Hi Red??! tawag sakin ng isang familiar na boses. Lumingon ako at tama nga ako, si Shino nga yun. Napakunot ang noo ko.. Anong nginingiti ngiti nito. Bwesit siya.. Babadtripin pa ata ako lalo?
Bakit?? Anong kailangan mo sa akin?? galit na sagot ko sa kanya habang lumalakad papasok sa hotel. Naramdaman ko namang sinusundan niya ako.
Ahhmm.. Ano eh sana maging maayos na tayo sa pakikitungo sa isat isa. Ayoko kasing masama ang loob mo sakin? Di ko kasi alam kung ano ang nagawa ko pero sana naman maging civil nalang tayo at least. diretso nyang turan.. So he means na gusto niyang makipagkaibigan sakin?? Well what do you know? Siya na mismo ang nagbigay sakin ng idea pano ko siya mapapabagsak sa kamay ko..
Ok kung yan ang gusto mo.. Di ako galit sayo.. Nagugulat lang ako kasi bago ka palang madami nang lumalapit at nagbibigay sayo ng opportunities. Ako kasi di ko naranasan yan. malumanay ko na sagot sa kanya. Kapag kumagat siya, mas magiging madali na sakin ang lahat.. At malalaman ko kung may tinatago talaga siya.
Salamat kung ganun. And I want to invite you sana mamaya magdinner. Yung tayo lang para mareconcile natin ang ating differences . nakangiti niyang sabi. Iniinvite niya ako sa dinner.. Hmmm.. Mas mabilis pa sa inaasahan ko. Magaling.. He is trapping himself.. Napangiti ako sa isip ko.
Ngumiti ako sa kanya at tumango lang bilang pag.oo.. Ngumiti din siya sakin.. Yung ngiting kakaiba. Yung ngiting nakakagaan ng loob.. Wooooaaahh?? hindi pwede yun.. Bakit ganun ang epekto niya sakin? Galit dapat ako sa kanya diba?
Sige, hintayin kita dun sa cottages, nagseserve naman sila ng dinner doon.. Mamayang 8pm ayos lang ba?
Tumango lang ko at naglakad na para makpunta na ako sa kwarto ko sa hotel. Ibang klase yung naramdaman ko kanina ah? Hayop na Shino Jung na yun?? Bakit bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang makita ko ang ngiti niya?? Shit siya.. Nakakagago lang?? Nagbihis ako ng comfy clothes at nahiga sa kama.. Maluwag ang kwarto kaya sobrang tahimik din kapag mag.isa ka lang. Kaya tinawagan ko si Chessa. Ang part time lover ko. Sinama ko siya sa shoot pero hindi ko siya pinapahalata sa marami, baka mapag.usapan kami. . Di naman nagtagal nasa kwarto ko na siya.. Grabe ang sexiness niya. Nakakalibog.. Naka two piece lang siya nang nakapasok siya sa kwarto ko kaya agad ko siyang sinunggaban at naghalikan kami.. Napakainit ng halikan namin kaya di ko na nakayanan at pinasok ko na siya.. Ang sara lang ng mga sandaling iyon. Hayok na hayok siya sakin dahil siya na mismo ang nagtataas baba. Napakasarap ng pakiramdam ko.. At di nagtagal linabasan na nga ako.. Napakasarap sa pakiramdam.. Nakatulugan ko ang nangyari at di ko na namalayan ang oras..
Nagising ako nang alas onse na ng gabi. Wala na sa tabi ko si Chessa. Siguro ay bumalik na sa kanyang kwarto. Naalala ko bigla na may usapan pala kami ni Shino. Agad naman akong nagbihis at dali daling bumaba ng hotel papunta sa cottages. Madilim na ang paligid. Wala na halos tao. Siguro tulog na nga silang lahat.. Pero napansin ko sa dulong bahagi ng mga cottages, may ilaw pa doon.. Naglakad ako papunta doon at nakita ko nga si Shino.. Parang nakatulog na ata siya nang nakaupo. Hinintay ba niya ako?? Pero bakit?? Pwede namang hindi.. Nakakapagtaka naman?
Aalis na sana ako ng bigla niya akong tinawag. Nagising ang mokong..
Red? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay. Ayan lumamig na ang pagkain? sabi niya ng mahinahon. Kanina pa niya ako hinihintay?
Nakatulog ako eh.. Sige magpahinga ka nalang. Babalik narin ako sa hotel..
Ahmm alam ko naman na ayaw mo talaga sa akin. Ako narin nagpakumbaba para maging maayos ang lahat. Gusto ko lang naman makipakaibigan sayo eh
??
Kaibigan?? Makikipagkaibigan siya sakin?? Tiningnan ko siya. Nakaupo parin siya sa may cottage habang ako nakatayo sa buhangin. Napakaamo ng mukha niya. Parang hindi nakakasawa tingnan. Bakit nagkakaganito ako sa kanya. Diba dapat galit nga ako sa kanya. Nakakabwesit naman tong pakiramram na to..
Alam mo, hindi tayo magiging magkaibigan.. Gusto mo ng civil relationship diba? Yun lang ang maibibigay ko sayo.. Wag kang umasa na magiging magkaibigan tayo..
Bakit Red?? Masama ba ang tingin mo sakin?? May ginawa ba ako sayo na parang namumuhi ka sakin? Bakit ka ganyan? sigaw niya sakin.. Sinisigawan niya ako?? Shit di yan pwede sakin!!
Bakit ba? Alam mo bakit galit ako sayo?? Kasi inaagaw mo ang mundo ko.. Hindi ko alam kung bakit ako galit na galit sayo.. Basta galit ako sayo.. Bwesit ka sa buhay ko!? sabay lapit sa kanya at hinila ko ang sando niya. Naglapit ang mga mukha namin.
Nabigla ako sa mga sumunod na nangyari. Bigla niya akong yinakap.. What the F*ck?? Bakla ba siya?? Shit Shit!! at itinulak ko siya. Napaupo naman siya. Nakita kong namumula ang mata niya. Parang naiiyak siya..
Noon pa man Red, gusto ko nang makilala ka. Kasi gusto ko mapalapit sayo. Gusto kitang maging kaibigan. Gusto kong maging maganda ang pakikitungo mo sakin.. Pero bakit ganun? Tinutulak mo ako palayo. Nagagalit ka sa akin?
Napakasama ko bang tao para itrato mo ako ng ganun?
Pinapakonsensya pa niya ako.. Ano bang nangyayari sa kanya. Napaluha na nga siya at di ko napigilang lapitan siya. Bakit siya umiiyak?? May problema ba siya? Ganun na ba ako kasama at pati siya napaiyak ko?? May kung anong kumurot sa puso ko. Ano na bang nangyari sa akin?? Bakit ganito na ako?? Nilamon na ba ako ng galit at katanyagan at pera kaya nagiging halimaw na ako?? Na nakakasakit na ako??
Bigla siyang tumayo at tumakbo palayo.Sinundan ko siya ng tingin. Naghintay siya para makipagkaibigan sakin pero binalewala ko lang iyon. Bakit bigla niyang nabago ang lahat?? Bakit napalitan na ng pagsisisi ang galit ko sa kanya?? Gusto lang naman niyang makipagkaibigan..
Sana hindi pa huli ang lahat. Hihingi nalang ako ng tawad sa kanya bukas. Pero pano ko gagawin yun? Hindi ako yung taong nagsosorry.. Napakaduwag ko talaga..
Kaya hanggang ngayon.. Kahit naging maginhawa na ang buhay namin. Di parin ako magawang mahalin ng mga taong mahalaga sa akin. Dahil pinapakita ko sa kanila na di ako dapat mahalin…
T.B.C.
Chapter 15: Apology
Sobra talaga siya kung magsalita. Bakit ko pa ba kasi ipinilit ang gusto ko. Na magkabati kami. Na maging maayos ang aming pakikitungo sa isat isa kasi ayoko na makatrabaho siya na masama ang loob niya sakin. Hahays.. Sana nga di ko nalang ginawa yun.. Anu ba kasi Shino? Anu ba ang iniisip mo? Alam mo namang masama talaga ang ugali ng Red na yun pero pinipilit mo parin ang sarili mo.. Napaiyak ka tuloy.. Bakit ba kasi ako umiyak?? Sige iiyak nalang muna ako ngayon.. Pero bukas, ibibigay ko ang gusto niya. Pasamaan ng ugali ang gusto niya? Sige.. Hindi ko siya uurungan.. Nagkamali ako na mas kilalanin pa siya dahil sa nangyari palang kanina.. Confirmed na ang kapangitan ng ugali niya. Devil in Disguise?!
Tinawagan ko si Mommy Tita para mag goodnight at umakyat narin sa hotel room ko.. Pinakyaw kasi ng advertisers ang buong hotel kay kami lang lahat ng staffs ang nakaoccupy sa hotel sa mga oras na yun..
Inisip ko lahat ng mangyayari bukas. Hinding hindi ko siya kakausapin. At hinding hindi ko na siya papansinin kahit kailan.. Total ayaw din naman niya.. Fair square na kami sa mga gusto namin. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya.. Kahit ano pa ang gawin niya.. Wala na akong pakialam..
Nagring bigla ang phone ko. Si Gino ang tumatawag.. Ano kaya ang problema nito. Buti naman at naisip niyang tumawag. Nakakatampo na nga siya eh..
Hello Shin?? Ano na? Kumusta ang first day diyan sa shoot?? Ayos ba??
Oo Gino.. Ok lang.. Bukas na ang shoot ng TV Ad.. Bakit ka napatawag?
Aba dapat ba lagi may reason? Namimiss lang kita.. Masama na ba tumawag?
Hindi naman pero syempre alam ko na laging may reason kung bakit ka tumatawag??
Ahm.. Ano.. Yung pinlano natin kay Red.. Huwag na nating ituloy.. May nalaman kasi ako.
Hindi na itutuloy? Ano bang sinasabi niya? Di ba siya ang may gusto nito?? Alam ko na ayaw ko narin ituloy to dati pero ang nangyari sa amin kanina, it made me think na dapat nga siyang saktan..
Bakit naman? Alam mo bang malayo na ang narating ng plano na to? Eto na oh matutupad na? Nagkasama na kami sa isang project.
Kasi Shin, nag background check ako sa kanya, a few weeks ago narin. May nalaman ako sa nakaraan niya. Napilitan lang pala siya magmodel dahil may isang tao na nanloko sa kanya. It turned out na yun ang naging reason niya para maging magaspang ang ugali niya. Kaya nakakasakit siya ng ibang tao. Ayoko siyang saktan natin siya ng dahil sa pansarili kong interes. Please Shino?
Nagulat ako. Tama ba yung mga sinasabi niya? Bakit ganun? Pero hindi ko siya nakikitang isang mabuting tao. Puno ng kasamaan ang nakikita ko sa kanya..
Hindi totoo yan Gino. Masama talaga ang ugali ng taong yun. I should have known better. Sinubukan ko na talagang itigil ang plinano natin pero nang makilala ko na siya nang harapan. Nakita ko kung paano niya ako ituring na parang wala akong manhid. Na hindi ako nasasaktan! Hindi ko ititigil to.. Dahil ako na mismo ang maghihiganti sa ginawa niyang pagyurak sa akin..
At binaba ko ang phone ko. Sobra ang galit ko sa mga oras na yun. Hindi na ako aatras. Dahil ayoko sa lahat ang minamaliit ako. Yung nagiging mabuti na ako pero kasamaan ng ugali ang ginaganti sa akin. Nakakapagod narin maging mabait. Lagi nalang nasasaktan.. I want to get bitchy sometimes..
Kinabukasan.. Maaga akong nagising. Naisipan kong magswimming dahil mag susunrise palang. Pampa good vibes lang.. Kasi sigurado akong mamaya lang sasama na ang takbo ng araw ko.. Hinubad ko ang sando ko at agad na nga akong lumangoy papunta sa malalim na part ng beach.. Habang lumalangoy ako, bigla sumakit ang kaliwang paa ko.. Shit!? Pinupulikat ata ako? Renilax ko muna ang paa ko. Alam ko ang mga basic pagdating sa swimming. Kaya alam ko na kapag ganito ang sitwasyon. Pero parang hindi na ata tumatalab ang pagrelax, lalo akong namumulikat. Kinabahan na ako. Malalim panaman ang napuntahan ko. Hindi ko na nakayanan kaya unti unti na nga akong naubusan ng hangin. Mamatay na ba ako?? Napakasamang kamatayan naman nito.. Nagdilim bigla ang paningin ko. Nalunod na nga ako ng tuluyan..
Naramdaman ko bigla ang malakas na pagpisil sa aking dibdib. At bigla akong napasuka ng maraming tubig.. Maalat na tubig. Nasa dalampasigan na pala ako.. Naalala ko na nalunod ako dahil sa pagkapulikat ko. Pero sinong tumulong sakin?? Malabo pa ang paningin ko pero nung tuluyan ng luminaw, nakita ko si Red. Basa siya at nakashorts lang. Siya ba ang tumulong sakin?? Napaupo ako at tiningnan siya.
Ano bang naisip mo na magswimming eh di ka naman pala marunong lumangoy?? At pumunta ka pa sa malalim na part?? Are you insane?? galit na turan niya..
Aba at bwinesit pa ako.. Sobra na talaga siya.. Tiningnan ko siya ng masama. Imbes na magpapasalamat ako sa kanya eh lalo pa akong nagalit..
Pasensya na ha? Hindi ko kasi inasahan na mamumulikat po ako? Marunong po akong lumangoy.. At salamat niligtas mo ang buhay ko.. Sana manlang hindi mo na ako insultohin pa.
You know what?? Its not an act of gratitude.. Sana pala hindi na kita niligtas.. Hinayaan nalang kita..
Eh bakit mo nga ba ako linigtas.. Alam mo? Napakasama talaga ng ugali mo.. Hindi ko magawang magpasalamat sayo kasi pakiramdam ko hindi naman taos sa puso mo ang pagligtas sa akin??
At tumayo na nga ako at naglakad palayo. Hindi ko na talaga kaya ang pambwebwesit niya sakin..
Hoy Shino!! Bumalik ka dito!! hiyaw pa niya. Nagbingibingihan nalang ako. Nakakabwesit na tao.. Puro galit na ang nararamdaman ko sa kanya..
Nagsimula na ang shooting ng commercial. Naramdaman ng mga staff ang samaan ng loob namin ni Red.. Tinataliman ko lagi ang titig ko kapag nagkakatinginan kami. Siya naman ay blanko lang..
Shino?? Thats not how you advertise a product.. Please kung may personal issues ka? Wag mo isama sa trabaho mo.. Magfocus tayo sa ginagawa natin. Ok?? reklamo ng direktor. Nahihirapan man ako, inayos ko ang mood ko. Sinunod ko ang gusto ng director na gawin ko..
Natapos ang commercial making ng maayos. Hindi ko alam ang ginagawa ko noon pero sabi naman nila na maganda na ang pagkagawa.. Ang iniisip ko noon ay matapos na ang araw na iyon at pagkatapos, gagawin ko na ang dapat.. Titigil na ako sa pagmomodel.. Ayoko nang magpatuloy dahil nasasaktan na ako. Masakit kasi nang nalaman kong linigtas ako ni Red sa pagkakalunod, kahit papano naramdaman ko na may concern siya sa iba. Pero nung ininsulto pa niya ako, mas lalo pang sumama ang loob ko. Kaya hahayaan ko na. Siguro mali talaga na pumasok ako sa mundo niya.. Naging balakid ako sa kanya..
Habang nag aayos na ako ng gamit ko sa kwarto ko, biglang may kumatok..
Sino yan??
Shino, its me Jonathan, remember??
Nagulat ako? Si Jonathan? Yung nakipagkamay sakin nung isang araw.. Bakit nalaman niya na dito ang kwarto ko.. Binuksan ko ang pinto at pinapasok ko siya sa loob..
Kumusta ka Shino? Aalis ka na ba? I heard that you are a model.. pangiti niyang sabi. Ngumiti din ako pabalik..
Yup model ako pero bukas hindi na.. Nafulfill ko narin naman ang project na pinagawa sakin. So tapos na tong pagmomodel ko. malungkot ko na sabi sa kanya..
Bakit naman?? Did something happened? Bakit ka magquiquit??
Ahm. Its a long story. And you need not to know that..
Ouch naman?? Kaibigan mo ako diba??
Ngumiti lang ako sa kanya. Sana ganito sakin si Red. Yung cool lang.. Pero bakit ko ba siya iniisip..
Jonathan, we can be friends pero kapag nalaman mo kung ano talaga ako baka hindi mo na ako naiisin pang makita. sabi ko sa kanya nang matamlay. Habang nireready ko na ang aking mga gamit dahil aalis na kami any moment.
Alam ko kung ano ka.. Kaya kahiy di ka na mag explain, tanggap ko na yun. Ako ang dapat mong kilalanin. ngumiti siya..
Lets know each other more Shino?? Please?? Gusto kitang makilala.. And here is my calling card.. Tawagan mo ako when you are ready to get to know me. at sabay siyang kumindat. pinihit na niya ang pinto at lumabas. Natuwa naman ako. Siguro nga its time to divert my mind. Masiyado na akong nasusuffocate sa ginagalawan ko ngayon.. Nakakabaliw na.. Masiyado na akong nagiging madrama. Di ko na alam kung kelan ako huling nakatawa ng totoo..
Tama ang gagawin ko.. Na umalis na sa mundong ito. Dahil di ako nabibilang dito.. Napatunayan ko na yun.. Napakasama ng mundong ito.. I need to live again.. At ayaw ko nang makita pa ang Redentor Diaz na yun kahit kailan..
T.B.C.
Chapter 16: Confession
Habang pabalik kami ng Metro Manila. Iniisip ko kung paano ko ibrebreak kay Daisy na magquiquit na ako sa pagmomodel ko. Ayoko na kasi. Ayoko nang paulit ulit akong masaktan. Dahil habang makikita ko lagi ang gagong Red na yun. Hindi ako makahinga.
Dais, may kailangan akong sabihin. basag ko sa kanya. Magkatabi kami sa likod ng sasakyan dahil kasama namin yung make.up artist ko. Busy siya sa kakalaro ng Candy Crush kaya parang hindi niya ako pinapansin.
Dais?? Please wag kang mabibigla ha?? I will quit modeling na..
Napatingin naman siya sakin na gulat na gulat, hindi ko alam pero nakita ko na disappointed siya.
Shino? Are you crazy? Nagsisimula ka palang tapos mag baback.out ka na?
Naiisip ko kasi at first palang na hindi na talaga to para sakin. Ayoko ng attention. Masiyadong mabigat ang ganitong trabaho. Madaming commitments. Malaki nga ang kita pero marami kang nababangga at hindi ko gusto ang ganun. saad ko naman. Nakakunot parin ang noo niya. Alam ko na di niya iyon matatanggap.
Hoi Shino! Kung iniisip mo ang Red na yun, wag mo siyang gawing hadlang sayo. Magaling ka. And you will be famous. Ayaw mo ba nun? sabi naman niya sakin na parang nagmamakaawa na hindi bumitaw.
Mas malalim pa doon ang dahilan ko kaya ayaw ko nang magcontinue.. Kasi ayoko masira ang Viola Bennet. Sana maintindihan mo yun Dais.. Don’t worry ako na ang magsasabi kay Ms. Bennet. sabi ko sa kanya. Nalungkot siya. Alam naman niya na wala siyang magagawa kundi tanggapin ang desisyon ko. May hindi ka pa ba nasasabi sakin? We had been good friends ever since ako ang naghandle sayo? Shino you can tell me.. malungkot parin niyang turan sakin. Nakakahiya man pero para matahimik narin siya.. Dahil ayokong maging madaya kay Daisy. Sa halos dalawang buwan naming magkatrabaho ay nabuo narin ang aming pagkakaibigan. Nasabi niya sakin kung gano siya ka frustrated sa mga models na masasama ang ugali na pinagtiisan niyang ihandle. Pero ako lang daw ang nahandle niya na hindi nagreklamo at hindi naging mayabang.. Naging magkaibigan pa kami dahil nga marami kaming napagkakasunduan. Kaya dapat lang na magpakatotoo na ako. At bahala na kung ano ang mangyayari
Dais, noon paman tinatago ko na sayo ang pagkatao ko.. at napatingin siya sakin. Naguguluhan ang mga mata niya. Nakakaasar pero ayoko na talaga magpanggap..
Ang totoo niyan, Bakla talaga ako.
Napahawak siya sa bibig niya.. Pinigilan niyang mapasigaw.. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig..
Are you kidding me Shino?? Wag ka ngang magjoke ng ganyan. Di ka nakakatuwa. At hindi ako naniniwala..
Pinlano ko ang pagpasok sa modeling world kasi ang totoong rason ko noon ay makaganti ako kay Red Diaz. Dahil sinaktan niya ang kaibigan ko.. Pero it turned out na pati ako nasasaktan narin sa mga kalokohang ginawa namin kaya naisip ko nga na itigil ito. Kasi masiyado na akong nasasaktan.
Tumingin naman siya sakin ng kakaiba. Yung parang inaalam niya kung totoo ang mga sinasabi ko.
Kaya ba nung nasa Korea tayo after that taping of your commercial tinanong mo ako kung pano kung bakla ka nga? Yun pala eh bakla ka talaga?
Tumango lang ako. Nag.smirk naman siya. Yung mapaklang ngiti.
Aba ang galing mo palang actor eh? Dapat pala nag artista ka nalang? Bakit mo ba kasi tinago samin ang pagkatao mo? Eh ok lang naman kung bakla ka?
Tumingin ako sa bintana ng kotse. Hindi ko kasi kayang humarap sa kaniya habang sinasabi ko ang katotohanan..
Dahil nga plano namin ng kaibigan ko na magpapakalalaki ako para mapalapit ako kay Red. Ang nangyari eh napakasama nga talaga ng ugali niya kaya pano kami magiging magkaibigan? Kaya napagpasyahan kong sumuko na kasi ako din ang matatalo sa huli. paglalahad ko sa kanya nang malungkot. Di ko alam pero parang naluluha ako. Hindi ko parin kasi mawala sa akin na galit ako sa kanya.
Nasasaktan ka? Kaya ka nasasaktan kasi habang ginagawa mo ang plano mong yan, may bahagi sa puso mo na umaasang magiging magkaibigan nga talaga kayo. Na kahit papano ay magiging maganda ang pakikitungo niya sayo.. Kasi simula palang, may gusto ka na sa kanya.. saad naman ni Daisy..
Napatingin ako sa kanya at nakangiti lang siya sa sinabi niya.. Ano bang pinagsasabi niya?? Simula palang gusto ko na siya?? Baliw.. Malabo yun…
Ano bang sinasabi mo Daisy? Eh paano ko nga magugustuhan yun eh maitim ang budhi nun?? Hinding hindi ko yun magugustuhan kahit kailan.
Ngumiti naman siya at parang may kinuha sa bag niya. Isa yung picture ni Red doon sa commercial shoot namin.. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya..
Ayan! Yan ang taong pinaka kinamumuhian mo ngayon. Sige, para malaman ko ngang hindi mo siya gusto.. Titigan mo siya ng ten seconds lang. Kapag bumitaw ka sa pagtitig.. Gusto mo siya. Pero kapag hindi, galit ka nga sa kanya.
Binigay niya sakin ang picture ni Red.. Isang segundo na pagtitig palang parang ayaw ko na siyang tingnan.. Dahil naaalala ko kung paano niya ako insultuhin. Yung wala siyang pakialam kung may nararamdaman ba yung tao o wala..
Alam mo Shino, ang tao kasi kapag gusto niya ang tao, nagiging defense mechanism niya na kamuhian ito, para sabihin sa sarili na hindi totoo yung nararamdaman niya. Pero ang totoo, umaasa siya na sana matugunan ang kagustuhan niya. Na sana mutual ang nararamdaman nila para sa isat isa. pagexplain pa niya sakin.
Hindi ko maiwasang mapaisip, totoo ba ang sinasabi ni Daisy? Na ang totoo ay gusto ko talaga si Red kaya ako nagkakaganito? Pero paano nangyari yun?? Dahil sa pagkamuhi ko sa kanya, nabuo yung pagkagusto ko sa kanya? O di kaya gusto ko na siya dati pa pero natabunan yun dahil sa pagkamuhi ko sa ginawa niya kay Gino..
Hindi ko na alam, pero ang alam ko, hindi ko na gusto pang makita ang Red na yun.. Tumahimik nalang ako..
Shino, salamat at umamin ka sakin. Nakakaasar ka! Sayang ang kagwapohan mo!! Magpapasurrogate mother talaga ako kung ikaw magiging tatay ng anak ko.. Hehehe . sabay halakhak niya.. Buti nalang at naka headphones ang nasa harapan namin kaya di nila kami naririnig.
Ewan ko sayo Dais!? Basta mamaya tulungan mo akong magexplain kay Ms. Bennet. Baka kasi atakehin sa puso yun.. Malaki panaman ang expectations niya sakin.
Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko ng mariin. Naiintindihan niya ako. Alam niya na nakakagawa talaga ang tao ng kalokohan kapag nasasaktan ang mga mahahalaga sa kanya.
Dont worry, I will be on your side. Tsaka kapag hindi niya tinaggap ang yung confession mo?? Ako mismo ay magreresign din sa kanya. Nasayo naman na ang aking sympathy kasi naging magkaibigan na tayo. Naging close na tayo.. pangiti niyang sabi..
Natuwa ako kasi willing siyang isacrifice ang kanyang career para sakin. Pero hindi naman niya yun kailangang gawin. Masaya akong malaman na kaibigan niya ako kahit anong mangyari.
Hinawakan ko ang kamay niya at nagpasalamat ako sa kanya.. Ginantihan niya lang ako ng ngiti..
Alam kong mahihirapan ako, pero kailangan ko nang gawin ang dapat. Babalik na ako sa buhay ko. Yung wala akong nasasaktan at hindi ako nasasaktan. Napapaiyak na naman ako. Kasi kahit papano, alam ko sa sarili ko na totoo ang sinabi ni Daisy..
Na may pagtingin na ako kay Red…
Kaya habang maaga pa, dapat ko nang patayin yun. Kahit kailan hindi ako magugustuhan nun. Lalo pa kung malaman niyang Bakla ako….
——————————————— T.B.C.
Chapter 17: Confusion
Red’s Point of View
Nalaman ko na unang umalis ang team ni Shino pabalik sa Manila.. Hindi ko alam pero parang hindi ako mapalagay.. Bakit ba kasi hindi ko magawang mag apologize sa kanya. Simpleng sorry hindi ko nagawa. Habang nag.aayos ng gamit ko ay tinungo ko muna ang veranda ng hotel room ko. Magdadapit hapon na kaya maganda ang view ng sunset. Napapaisip ako kung bakit ganun ang nararamdaman ko. Hindi ko maunawaan kung bakit nung nakita ko si Shino na umiiyak, naawa ako sa kanya. At nung nakita ko siyang nagswimming kaninang umaga, gusto ko sana siyang lapitan pero nakita kong nahihirapan siya sa paglangoy. Parang nagkacramps ata siya. At tuluyan nga siyang nalunod. Agad kong linangoy ang kanyang kinalalagyan. Kinakabahan ako ng mga sandaling yun.. Ang nasa isip ko ay dapat ko siyang maligtas..
Tuluyan ko nga siyang nadala sa pampang ng beach at nag CPR ako.. Basta kailangan ko siyang maligtas. Wala pa namang tao sa paligid kaya hinayaan ko nang maglapat ang labi namin para mabigyan ko siya ng hangin. Napakalambot ng labi niya.. Pero hindi ko na yun masyadong pinansin, ang gusto ko ay makahinga siya.
At nang napasuka siya ng tubig ay narelieve ako. Nakakainis dahil di niya manlang inisip na may mag aalala sa kanya. Marunong ba siyang lumangoy?? hindi ko na nga napigilang magalit sa kanya..
Ano bang iniisip mo na magswimming eh di ka naman pala marunong lumangoy?? At pumunta ka pa talaga malalim na part? Are you insane?
Di ko talaga napigilan ang sarili ko. Nakakainis. Bakit ko nanaman siya nasigawan?? Nakikipagbati nga ako diba? Im taking this far from over..
Pasensya na ha? Hindi ko kasi inasahan na mamumulikat po ako? Marunong po akong lumangoy. At salamat niligtas mo ang buhay ko.. Sana manlang hindi mo na ako ininsulto pa? singhal naman niya. Yun na nga nagalit na siya. Pero mas lalong nag.init ang ulo.. Nakakinis lang?
You know what? Its not an act of gratitude.. Sana pala hindi na kita niligtas.. Hinayaan nalang kita.
Nakakunot naman ang noo niya. I fueled his anger on me. Nakakainis dahil bakit ba kasi lagi nalang akong galit habang kaharap siya.. Yung parang hindi ko man gustuhin pero naiinis parin ako..
Eh bakit mo nga ba ako niligtas? Alam mo? Napakasama talaga ng ugali mo.. Hindi ko magawang magpasalamat sayo kasi pakiramdam ko hindi naman taos sa puso mo ang pagligtas sa akin?? singhal ulit niya at umalis na nga siya bigla.. Nakakaasar talaga siya.. Mag sosorry na nga ako diba??
Hoy Shino!! Bumalik ka dito!! sigaw ko sa kanya. Pero di na siya lumingon.. Hays bwesit talaga. Bakit ba kasi.. Eh kung ayaw niya eh di wag?? Nakakabwesit siya..
Hanggang sa nagtape na kami ng commercial, ganun parin siya. Magaspang ang pinapakita niyang ugali sakin..
Di ko na nga nakuhang mag.apologize sa kanya. Kasi malaki na talaga ang galit niya sa akin. Tinangka ko siyang puntahan sa room niya pero nung kakatok na ako napansin kong may kausap siya sa loob.. Wrong timing talaga lagi.. Hinintay ko na makalabas ang kausap niya at nang makalabas na ito sa pintuan, nakita kong lalaki ang lumabas sa kwarto niya.. Sino kaya yun?? Pero di ko na pinansin, nag.ipon ako ng lakas ng loob para kausapin siya. Magsosorry na talaga ako sa kanya.. Pabababain ko na ang pride ko. Di ko alam pero may kung anong boses ang nagsasabi sakin na dapat ko siyang makausap ng masinsinan. Parang siya lang ang nagparealize sakin kung gano na ako kasama. Sobrang sama na ng ugali ko. At hindi ko yun namamalayan.. Bakit nga ba ako nagkakaganito?? Kung alam ko naman na walang patutunguhan ang ganitong pag.uugali..
Kaya sisimulan ko nang magbago. At alam ko na matutulungan ako ni Shino.. Dahil magaan na ang loob ko sa kanya.. Dahil nararamdaman ko ang tunay na kaibigan sa kanya.. Siya ang kailangan ko..
Pero nang papasok na ako sa kwarto niya napansin ko na wala na siya doon. Dahil sa kakaisip ko at kakaipon ng lakas ng loob, nawalan nanaman ako ng chance!?Hahayss… Nakakairita na..
Leah, kelan daw ang release nung aming commercial ni Shino. I have not heard it clearly kanina. malumanay kong sabi kay Leah na nasa harapan ng sasakyan. Pabalik na kami ng Metro Manila at iniisip ko parin si Shino.. Ahhhh!! Bakit ba siya na ang umiikot sa isipan ko. Nababaliw na ba ako? Nababakla na ba ako? Shit!! No way.. It feels wrong but it feels right. Nakakapanibago talaga..
Its next week Red. Isasabay daw nila sa billboard release.. Kaya be ready na.. pangiti naman niyang sabi.
Bigla kong naisip ang ginagawa ni Shino at ng handler niya. Kung gano sila kasayang dalawa. Gagawin ko rin ba yun kay Leah?? Pero why not? Kailangan ko na talagang baguhin ang sarili ko. Para sa pamilya ko, para sa mga nakakasalamuha ko at para narin sa taong mamahalin ko..
Leah? Can we go out for a dinner sometime? You know? Friendly date? naiilang kong sabi sa kanya.
Tila nagulat naman siya at kumurap kurap pa siya. Alam kong ngayon lang ako ng invite sa kanya ng dinner.
Red?? Are you ok?? Bakit all of the sudden nag.iinvite ka ng dinner? takang tanong niya. Alam ko naman talaga na magtatanong siya ng ganun. Natawa nalang ako..
I want to make up for the years na naging tarantado ako.. I want to change myself.. Someone made me realize how things are going on.. sabi ko naman sa kanya..
Well, whoever is that person, nakagawa siya ng milagro.. Oh my God!! I cant believe that?? Pero masaya ako kung ganun man.. Magpapamisa ako.. at tumawa pa siya. Sinabayan ko siya sa pagtawa. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito.. Ito ba ang epekto ng pag.iisip ko kay Shino. Yung nakakahawa niya smile.
Sana mapatawad mo ako sa mga times na napakasungit ko sayo. Di ko alam pero alam ko nasasaktan na kita, ang team natin, pero babaguhin ko na ang sarili ko para sa inyo..
Nagkatawanan sila ng driver namin. Nasabi pa nila na hindi daw nila inakala na dadating pa ang araw na ito. Nagkatawanan na kaming tatlo. Nagsimula na silang magjoke.. Natatawa ako at hindi ko maexpress ang aking nararamdaman.. Napakagaan sa pakiramdam tumawa. Parang may nabunot saking tinik. Na ngayon ay nakakahinga na ako ng maluwag..
Si Shino lang ang nakagawa sakin nito. Pinakita niya sakin na walang patutunguhan ang aking buhay kung hahayaan kong lamunin ako ng galit sa nakaraan ko. Sa pagsama ni Nanay sa kanyang kalaguyong mayaman at naiwan kami nila Tatay..
Ang nangyaring pagsasamantala sakin ng mga bading.. Tila naglaho lahat yun.. Dahil alam konh nakaraan na yun. Hindi ko hahayaang mabuhay ako sa nakaraan ko.. May hinaharap ako. At doon na ako mag fofocus ngayon.. Sana nga..
Sana ay mapatawad ako ni Shino sa lahat ng nagawa kong paghamak sa kanya… Sana maging maayos ang lahat..
—————————————– T.B.C.
Chapter 18: True Colors
Nakarating kami ng hapon na sa Metro Manila. Dumiretso na kami ni Daisy sa Viola Bennet. Napagdesisyonan ko na na sabihin ang totoo kay Ms. Bennet. Dahil ayoko na talagang magpatuloy pa.. Nagawa ko naman ang kailangan at wala na akong pakialam pa kung maging eskandalo ang mangyayari.. Kaysa naman gawin ko ang bagay na ito at patuloy kong lolokohin ang mga tao sa kung ano ang pagkatao ko.
Ms. Bennet, I know you had been good to me. But I want to let you know that I will quit my modeling career. saad ko kay Ms. Bennet habang magkaharap kami sa kanyang opisina. Katabi ko si Daisy na nakahanda narin sa magiging reaction ni Ms. Bennet.
Shino?? This is no time for jokes.. We have heard from the makers of Cass that they have been experiencing good feedbacks on their product when you endorsed it? Then why are you telling me this now??
Nagkatinginan nalang kami ni Daisy. Tumango lang siya. Meaning, sabihin ko na ang katotohanan para matapos na ang lahat..
Ms. Bennet, I lied about who I am. My intention was to take revenge on Red Diaz, dahil sa panloloko niya sa kaibigan ko. Pero evrything turned out of place kaya ako narin mismo ang nasaktan sa ginawa ko. Kaya ngayon, dahil sa una palang ay kalokohan na ang ginawa ko, tatapusin ko na ang kalokahang ito.. paglalahad ko kay Ms. Bennet. Nakunot naman ang mukha niya. Di nga niya naintindihan ang explanation ko.. Hayss.. Ang hirap talaga.
You know what?? That is the dumbest reason you can give me for quiting? I dont care of your personal issues with Red Diaz, but you are making a name in this industry?? Sasayangin mo nalang ba yun?? Youre crazy Shino!!
Tumango lang ako. Alam ko na kapag sinabi ko pa sa kanya ang pagkatao ko doon na siya titigil sa pangungulit sakin..
Ms. Bennet, ayoko na kasing lokohin ang mga tao. Ayoko naring lokohin ang sarili ko. Pero para narin malaman ninyo, hindi po ako straight.. Bakla po ako.. Kaya yun ang mabigat kong reason kaya ayoko ng magpatuloy..
Nanlaki ang mata niya.. Bigla itong namula na hindi ko maintindihan. Natakot ako na para siyang aatakehin. Bigla nga siyang hinimatay.. Nabigla ako at pinuntahan siya sa upuan niya. Inalog alog ko siya. Nataranta naman si Daisy at tumawag ng emergency. Pinaypayan ko siya para maventalate siya at magkamalay. Di nagtagal ay nagkamalay siya at inabutan ko ng tubig.. Dumating naman ang nurse sa company at may dalang BP kit.. Tinitigan lang ako ni Ms. Bennet. Nakonsensiya tuloy ako. Hindi ko naman expected na ganun ang kanyang magiging reaction. Masiyadong exaggerated.
Matapos niyang ma BP at sabi naman ng nurse ay ok lang siya, tumayo siya para humarap sakin. Di ko alam kung ano ang gagawin..
How can you do that to us?? Mapapatawad pa sana kita kung noon pa sinabi mo na ang pagkatao mo. Pero ano na ngayon?? Mapapahiya ang buong kompanya ko dahil sayo.. We raised a model that hides his gender?? Ano nalang mangyayari samin kapag nalaman nilang ganyan ka?? Tataob ang reputation ko Shino?? Dont you know that? At ngayon tatakasan mo ang ginawa mong problema?
Wala akong masabi sa kanyang turan. Totoo lahat yun. Hinayaan ko silang maniwala na lalaki nga ako. Na matikas ako. Na matigas ako. Ganun ang nabuong imahe ko sa isip nila. Kaya kapag nalaman ng marami na ganito ako, masisira ang reputasyon ni Ms. Bennet..
Ok if thats what you want!? I cant believe na pinaniwala mo kami. I thought that you will be the one who can make me proud. Isa ka palang bakla.. Ang galing mong umarte??! Now you get out of my office!!! Ouuuuuttttt!!! paghiyaw niya sakin.
Tumalikod ako at umalis na nga sa company. Napapaiyak ako. Kasi kahit papano naging close narin si Ms. Bennet sakin. Umaasa siya na magiging magaling akong model. Pero ang nangyari, naging bakla ako. At hindi ko alam kung paano pa niya ako mapapatawad sa ginawa kong panloloko sa kanya.. Dala na rin ng sama ng loob na nararamdaman ko, naisip kong mag drive.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang mawala ang nararamdaman kong galit at sakit..
Bakit ba nasasaktan ako ngayon?? Dahil sa pagpasok ko sa kalokohang ito, napakarami tuloy akong nagawang kasalanan. Hindi ko alam kung bakit ako napaparusahan?? Mali ba talagang maghiganti?? Yung rason kong napakababaw para gawin ko ang mga bagay nato ay nagbunga pa lalo ng maraming gulo.. At ang damdamin ko, hindi ko maintindihan kung para saan ang galit na nararamdaman ko. Galit sa sarili ko dahil nagpadala ako sa walang kakwenta kwentang bagay na ginawa namin ni Gino.. Dahil hinayaan kong masaktan ako ng isang tao na sobrang sama ng ugali.. Na hinayaan kong magkaron ako ng ng pagkagusto sa taong sinaktan din ako…
Hindi ko alam pero bigla nalang akong nahilo.. At di ko na namalayan ang sumunod na mga nangyari..
T.B.C.
Chapter 19: The Turn of Tables
Third Person’s Point of View
Habang masayang magbiyabiyahe si Red kasama ang handler niyang si Leah ay hindi nila inakala ang mga sumunod na nangyari.. Isang kotse ang bumanga sa isang road barricade. Nasa Metro Manila na sila ng mga sandaling iyon pero nasa isang hindi masiyadong mataong lugar. Hindi rin ganun karami ang sasakyan. Nagulat silang lahat at agad nilang hininto ang sasakyan para tingnan ang nangyaring aksidente. Tumawag naman agad si Leah ng emergency para masaklolohan nila.
Nauna si Red sa kinaroroonan ng kotse. Basag ang windshield nito at wasak ang harapan. At nakita niya kung sino ang nasa loob ng sasakyan.. Si Shino..
Red’s Point of View
Nangilabot ako sa nakita ko. Si Shino duguan ang kanyang mukha. Hindi ako nagdalawang isip na pulsuhan siya. Mabuti nalang at buhay pa siya pero mahina na ang pulso niya.. Hindi ko na maiwasang matakot.. Hindi siya pwedeng mamatay. Marami pa akong gustong malaman sa kanya. Hindi pa ako nakakapag apologize. Bahala na kung bakla ang maging kalalabasan ko pero palagay ko ay mahal ko siya.. Dahil nabago niya ang pagtingin ko sa mundong ginagalawan ko.. Ang hindi maging madamot..
Damn it Leah!! Wala pa ba ang emergency response?? Si Shino ang naaksidente!! napasigaw ako sa pag aalala at takot narin..
What?? Si Shino?? Sige sige tatawag pa ako ulit..
At di naman nagtagal dumating na ang ambulance. Kahit duguan na ako, ayos lang basta mabuhat ko lang siya.. Linagay ko muna siya sa kalasada at binuhat naman siya ng mga nagrerespond sa emergency at sinakay sa stretcher..
Hindi ko parin mawala sa isip ko ang takot. Pinatawagan ko kay Leah ang kanilang company para ipaalam na naaksidente.. At sinugod na nga namin siya sa malapit na hospital.
Shino’s Point of View
Napakagaan sa pakiramdam. Parang nasa isa akong panaginip. Napakaganda ng paligid ko.. Nasa burol ako na malapit sa isang lawa ako na maraming ibon na nagtatapisaw.. Nakakatuwa silang tingnan.. Sana dito nalang ako sa lugar na to. Masarap ang hangin.. Lahat ay maganda tingnan. Marami akong gustong takasan. Dahil unti unti ko nang naramdaman na nawawala na ang sarili ko sa akin.. At bigla ngang naging maliwanag lahat parang linamon ako ng liwanag at isang iglap, isang kwarto na ang kinalalagyan ko.. Tiningnan ko ang paligid..
Nasa hospital ako. Ano ang ginagawa ko rito?? Tiningnan ko naman ang nasa gilid ng bed.. Si Mommy Tita pala.. Napangiti ako. Hindi ko maalala kung ano ang nangyari. Masakit ang buong katawan ko. Parang nabaliaan ata ako ng mga buto.. Ano ba talaga nangyari sakin??
M-mmommy? mahina kong sabi. Pati ang pagsasalita ko ay nahihirapan ako..
Shino?? Anak!! Oh diyos ko!! Salamat ay gising ka na.. Teka tatawagan ko lang ang doktor.. at sabay niya akong hinalikan sa noo. Ano kaya ang nangyari sakin. Bakit ako naospital.. Naaksidente ba ako??
May biglang pumasok sa kwarto ko. Isang gwapong lalaki. Matangkad at napakagwapo niya at parang tuwang tuwa siya.. Sino kaya to?? Bakit siya nakakita?? Kung makangiti??
Kumusta ka Shino?? Narinig kong nagkamalay ka na sa Mommy mo kaya pumasok ako dito.. Ano? Ayos ka lang ba?? nagaalalang tanong niya sakin.. Sino kaya to?? Di ko naman siya kilala? Bakit kilala niya ako at si Mommy Tita ko?? Nakakapagtaka.. Siguro siya yung nagligtas sa akin? Kung naaksidente man ako.. Pero kailangan ko siyang tanungin..
Bigla namang pumasok si Mommy Tita at ang isang gwapong doktor. Bakit amg daming gwapo sa aking paningin ngayon? International Day of Handsomeness ba?? Haha sana araw araw nalang ganun.. Nakakawala ng sakit sa katawan..
Shino? Ako si Dr. Jason Cruz.. Ako ang nagopera sayo nang maaksidente ka almost three weeks now. Kumusta naman ang pakiramdam mo?? May masakit ba sayo?? pagpapakilala niya sakin. So tama nga ako, naaksidente nga talaga ako. Di ko alam na ganun na pala ako katagal na nawalan ng malay? Anonh petsa na ngayon? Baka nagagalit na si Mr. Santos sakin kasi hindi na ako nagrereport sa kanya. Siguro naman nalaman na ng mga taga Blue Soul Manufacturing ang aking pagkaaksidente. Pero hindi ko talaga maalala kung bakit ako naaksidente..
Ok naman po ako Dok. Wala namang masakit sakin. Pero di ko pa alam kung ano ang nangyari bakit ako naaksidente.. pagpaliwanag ko naman. Nagkatinginan silang tatlo.. Bakit kaya??
Nakatitig sakin na parang nagdududa ang nakausap ko kaninang lalaki..
Anak? Naaksidente ka sa iyong kotse. Galing ka daw noon sa Viola Bennet at nagkaroon daw kayo ng conflict ni Ms. Bennet at nung naalsidente ka, itong si Red ang sumaklolo sayo.. pagkwekwento naman sakin ni Mommy Tita.. Huh?? Viola Bennet? Ano yun? Wala naman akong client na ganon ah?? Nababaliw na ba ako??
Wala ka bang naaalala sa totoong nangyari sayo Shino?? tanong ulit ng aking Doctor Pogi..
Umiling lang ako sa kanya at tiningnan si Mommy Tita..
Mommy, ang naalala ko lang eh kasama ko si Gino sa isang bar.. Yun tapos siguro naparami ang inom ko at ayon nawala na ako ng ala.ala..
Nagkatinginan ulit sila at tumingin naman sakin.. Lumapit sakin ang Red na sinasabi ni Tita.. Ang pogi niya talaga. Pero sorry, wala pa yan sa isip ko. Haha.. Tumitig siya sakin at hinawakan ang balikat ko.. Shit!! Magjowa ba kami?! Baka naging kami bago nangyari ang aksidente? o nagkaron kami ng one night stand?? Oh my God!! Di pa ako ready bakit ako nagpakuha.. Hayss.. Lawak ng imagination ko.. Anyway nakatitig lang talaga siya sakin..
Ako si Red, Shino? Di mo ba ako naaalala?? tanong niya sakin. Kulit nito eh ano.. Sabagay di ko panaman nasabi na di ko siya kilala..
Hindi?? Dapat ba na naaalala kita?? Sorry ah?? At tsaka Mommy? Ano yung Viola Bennet na yun? Client ko ba yun sa conpany? Wala talaga akong maalala.. Lesheng utak naman to eh..
Lumayo sakin yung Red.. Parang nanlumo siya? Bakit ba kasi? Magjowa ba kami? Eh di swerte ko pero di ko siya maalala sorry..
Doc?? Bakit ganun? Bakit di niya ako maalala o kahit yung Viola Bennet.. Ano bang nangyari sa kanya.. nag aalalang tanong ni Red Pogi kay Doc Pogi.. Hayss.. Nahihiwagaan talaga ako.. Ano ba ang nangyayari dito?? Nakaka asar ah??
May mga cases talaga na ganito Mr. Diaz. Pero bihira lang ang mga ganitong hindi naaalala ang mga recent na nangyari sa kanya.. He might have a partial amnesia.. But we will still take another exam.. Para malaman natin kung ano ang makakabuti sa kanya..
Nakakapagtaka naman.. Ako nagkaamnesia?? Eh sino ba talaga siya sa buhay ko?? Kinasal ba kami sa New York? Hay naku!! At bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.. Ahhhggg?!
Shino?? Ayos ka lang?? Ok lang wag mong piliting maalala.. Baka mas lalong lumala. Magpahinga ka nalang.. pagaalala ni Red Pogi sakin.. Linapitan niya ako at parang kung anong masarap na pakiramdam ang humagod sakin.. Nakakainis naman. Bakit di ko siya maalala?
Ngpahinga muna ako at nang magising ulit ako, nasa tabi ko parin ang Red Pogi. Siguro asawa ko talaga siya? Hahaha.. Ambisyosa talaga ako..
Tinapik ko siya at nagising naman. Tumingin siya sakin ng nakangiti. Leshe… Sarap naman nitong pisilin ang mukha.. May dimples kasi siya..
Ano Shino?? May kailangan ka ba? Nagugutom ka na siguro? Matagal ka naring di nakakain. Ano gusto mo?? Ikukuha kita? sabi niya sakin. Napakabait niya naman sakin. Gusto ko siyang tanungin..
Ahmm.. Red diba ang pangalan mo? Kasi kanina ko pa talaga gustong itanong to.. Mag.jowa ba tayo? Mag.asawa or something? Nakakapagtaka kasi yung pag aasikaso mo sa akin eh?? nahihiyang tanong ko sa kanya. Napangiti ako sabay yuko.. Nakakahiya kasi ang tinanong ko..
Hinawakan niya ang kamay ko at bigla nanaman akong nakuryente.. Hahayss.. Bakit ba ako pinapakilig ng lalaking ito??
Shino.. Wala ka ba talagang naaalala tungkol sakin? Yung totoo lang? mariin niyang sabi. Nakakaloka naman?? Akala ata niya nagpapanggap lang ako na di ko siya kilala.. Wala nga talaga akong maalala sa kanya eh..
Wala talaga.. As in wala.. At tsaka di pa kita nakita kahit kailan.. Sana may magexplain naman sakin.. Kasi gusto ko rin malaman.
Huwag mo na munang pilitin Shino? Darating din siguro ang araw na maaalala mo ako.. At hanggang di mo pa ako naaalala, aalagaan kita.. Hanggang sa malaman mo na ang sagot sa katanungan mo.. mahina niyang turan..
Ano ba talaga ang nangyari sa akin?? Mahirap nga talaga kapag nawalan ka ng alaala.. Malay ko may utang pala ako sa mokong na to.. Hindi ko talaga alam.. Ah basta ang mahalaga buhay ako.. At may poging mag aalaga sakin.. Sana nga di ko nalang maalala ang nawawalang alaala sakin.. Kasi baka masamang alala pala yun??
T.B.C.
A/N; Ayan na guys.. Hehe.. This is the twist of the story.. Naiisip ko kasi na nagiging flat na ang story na to.. Ayoko naring pahabain pa ito masiyado.. Kasi gagawa ako ng bagong kwento..
Gusto ko lang malaman kung may nagbabasa man ng kwento na to na sana magcomment kayo.. Para malaman ko ang saloobin niyo sa kwentong ito…
Thanks!!:-D
Chapter 20: Lost Memory
Red’s Point of View
Tatlong linggo na nga ang nakalipas nang maaksidente si Shino.. Hanggang ngayon, nandoon parin ang galit ko sa sarili ko.. Dahil sakin kaya nangyari sa kanya ang aksidenteng iyon.. At ngayon nga na kaharap ko siya at di niya ako maalala.. Mas lalo akong naiinis sa sarili ko..
Three Weeks Ago…
He had suffered an injury in his head. And you need not to worry kasi its just a minor cut pero may nakapasok na mga bubog sa kanyang skull kaya kailangan nating matanggal yun agad.. Sige I have to prepare the operation.
sabi sa amin ng Doktor na nag.aasikaso kay Shino..
Kasama ko si Leah at ang handler ni Shino na si Daisy. Nandoon na rin si ang Mommy niya.. Sobra akong nag.aalala sa kanyang kalagayan. Balisa ako na di ko naintindihan.
Maraming salamat sa inyo at naligtas ang Anak ko.. Hindi ko kakayanin kunh mawawala sa akin ang anak ko?!
umiiyak na turan ng Mommy ni Shino. Niyakap naman siya ni Daisy. Naiiyak din si Daisy dahil alam ko na malalim narin ang kanilang pagkakaibigan. Ayaw ko munang magsalita.. Dahil wala akong masabi sa mga nangyayari. Paano kung biglang mawala si Shino?? Hindi pwede!! Hindi ko pa nahihingi sa kanya ang pagpapatawad niya sakin..
Wag kang mag.alala Tita, kakayanin yan ni Shino..
narinig ko na sabi ni Daisy. Pampalubag loob niya sa natatarantang nanay ni Shino.
Bakit ba kasi nangyari to sa kanya? Hindi ko alam kung bakit niya nararanasan ang mga bagay na to?? Daisy ano bang nangyari??
Tumingin lang samin si Daisy. Pero pinili kong tumango lang. Dahil hindi ko naman alam kung bakit talaga nangyari kay Shino ang ganun?? Di naman siya nakainom??
Tita kasi, inamin na niya kay Ms. Bennet ang totoong pagkatao niya.. At inamin niya na kung bakit ginawa niya ang pag momodel na alam niya namang hindi daw ito para sa kanya..
saad ni Daisy.. Anong sinasabi niyang inamin sa pagkatao ni Shino??
Sinabi niya na plinano lang nila ng kaibigan niyang si Gino ang lahat.. Nagpanggap siyang lalaki para mas mapalapit sa mundo ng modeling.. Dahil si Red Diaz ang dahilan kung bakit nasaktan nang husto si Gino..
Nagulat ako sa narinig ko.. Tiningnan ko ng masama si Daisy?? Anong ibig niyang sabihin?? Na nasaktan ko ang kaibigan niyang si Gino?? Ibig sabihin magkaibigan sila ni Gino at bakla rin si Shino??? What the F*ck?? So kaya pala ganun ang pakitungo niya sakin sa simula palang.. Kasi nasaktan ko si Gino..
Ibig mong sabihin?? Bakla si Shino?? Oh My God!! Hindi ako makapaniwala?? Bakit niya ginawa yun??
sabi naman ni Leah na gulat na gulat..
Kanina ko lang din nalaman ang lahat. At nang nalaman yun ni Ms. Bennet, nagulat siya ng sobra sa naging reaction ni Ms. Bennet kaya umalis siya sa office na masama ang kanyang loob.. Dahil pakiramdam niya sobra ang panlolokong ginawa niya..
saad ulit ni Daisy.
Napasabunot ako sa ulo ko. Bakit niya nagawa yun?? Tinago niya pala ang pagkatao niya sakin.. Sa maraming tao.. Linoko niya ang marami?? Dahil sakin?? Para makapaghiganti siya sakin?? Yun ba?? Haha.. Napakagaling niya palang umarte.. Wow ah?? Sakay na sakay ako dun.. Di ko nahalata na bakla pala siya. Akala ko na ako yung nababakla sa kanya..
Pero sinabi niya sakin na kapag naamin na niya ang pagkatao niya. Titigil na siya sa pagmomodel. Kaya hindi ko narin alam kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi naman siguro niya planong magpakamatay nun..
naiiyak na sabi ni Daisy..
Tumayo ako at akmang susuntukin ang pader na nasa harapan ko nang may pamilyar na mukha ang pumasok bigla sa emergency room.. Si Gino.. Lalong kumulo ang dugo ko.. Ito pala ang idea niya ng pag.ganti ah?? Sinalubong ko siya at kwinelyuhan. Sobra ang galit ko sa mga oras na yun..
Ikaw!? Ang galing niyo ah? Nagawa mo palang magplano ng ganung bagay?? Para makaganti ka sakin?? At tingnan mo?? Ano ang kinahinatnan ng plinano niyo?? Nasa panganib ang buhay ng kaibigan mo ngayon!!.. Masaya ka ba??
galit na galit kong siyang tinulak. Naiyak naman siya.. Puno ng pag.aalala ang mga mata niya.
Hindi ko inakala na mangyayari to?! Hindi ko alam na masasaktan siya sa ginawa naming ito.. Hindi ganito ang dapat nangyari ..
naiyak nalang siya..
Inawat naman ako ni Leah at linapitan ng Mommy ni Shino ang baklang si Gino..
Lalo akong nagalit. Nagagalit ako kasi alam ko na sa sarili ko na mali ang ginawa ko sa kanya noon, at ang nagbayad ng ginawa niyang pag ganti ay ang taong mahalaga na sa buhay ko..
Magdasal ka na mabuhay si Shino!! Dahil pag may masamang nangyari sa kanya.. Magtago kaman sa impyerno, susundan kitang Hayop ka!! Si Shino ang nagbabayad ng ginawa mong kagagohan…
At umalis ako sa kanilang harapan.. Pumunta ako sa lugar na makakahinga ako. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari. Sana walang masamang mangyari kay Shino.. Ayos lang kung bakla siya at linoko niya kaming lahat kasi alam ko na ginawa niya yun para sa kaibigan niya.. At sa ginawa niyang iyon ay nabago niya ang pagtingin ko sa kanya. Tinanggap niya ang kagaspangan ng ugali ko at nagpakumbaba siya sakin para maging magkaibigan kami.. At dahil dun nabuksan niya ang puso kong matagal nang natutulog.. Ang puso ko na kinain ng galit sa mga nangyari sa buhay ko..
Kaya hindi ako susuko hanggang di bumabalik ang alaala niya. At kung di man yun bumalik, gagawa ako ng mga bagong alaala kasama siya..
Alam mo Red, nahihiwagaan ako sayo? Bakit hindi kanalang magpakilala sakin baka maalala kita.. Baka nahulog lang sa baba ng kama ang memory ko sayo!!. at sabay siyang tumawa.. Napangiti nalang din ako.. Nakakatuwa siyang tingnan.. Kumakaim siya ng orange habang ako naman ay pinagmamasdan lang siya sa may sofa sa loob ng hospital room niya.. Hindi ko maiwasang mag.alala kung malaman niya na kung sino talaga ako. Dahil ang nabuo niyang alaala sakin ay galit siya sa akin. Na kinamumuhian niya ako..
Kapag naalala mo ako, sana walang magbago sa mga ngiti mo Shino.. Gusto ko lagi kang nakangiti. Masaya ako kapag nakikita kitang nakangiti. sabi ko naman sa kanya..
Kinamot nalang niya ang ulo niya. At ngumiti ako ng matamis sa kanya.. Sana nga ay gumaling na siya ng tuluyan. Gusto kong bumawi sa kanya.. Dahil sakin kaya siya nandiyan sa sitwasyon niya. Dahil sa sama ng loob niya.. Siguro pinili ng utak niyang kalimutan ang mga masasamang nangyari sa kanya..
At isa ako sa mga kinalimutan niya..
T.B.C.
A/N Hi Guys!? Ahm I am planning to make this story into thirty chapters nalang. Kasi this is just my first novel na ginawa.. At hindi pa naman ganun kahasa ang writing skills ko pero sana nagiging masaya kayo sa binabasa niyo..
Last Ten Chapters nalang ang gagawin ko.. So up until the end, marami pang mangyayari..
Thanks! :D
Chapter 21: The New Red
Bumilis naman ang paggaling ko mula sa pagkakaaksidente ko.. Salamat sa pag.aalaga sakin ni Mommy Tita at ni Red Pogi na hindi ko alam kung asawa ko na, kasi hindi niya naman sinasabi. Kinukulit ko rin si Mommy pero hindi niya rin sinasabi kung sino siya sa buhay ko?? Nakauwi narin ako sa bahay namin makalipas ang isang buwan mula nang maaksidente ako.. Therapy nalang ang kailangan para makalakad na ulit ako.
Lagi naman akong pinapayuhan ni Dr. Jason Pogi na huwag kong pilitin alalahanin ang mga bagay na nakalimutan ko dahil baka magresult yun ng psychological strain sakin. Kaya di ko narin pinilit na maalala ang mga bagay na nakalimutan ko.. Nakakapraning kasi ang ganitong sitwasyon.. Akala ko sa mga drama lang nangyayari ang amnesia amnesia na ito…
Habang nag aalmusal kami ni Mommy Tita ay biglang may nag doorbell. Kaaga aga ay may bisita na kami.. Siguro si Gino yun.. Ang baklang yun, isang beses lang daw pumunta sa hospital mula nang maaksidente ako?? Napakawalang hiya talaga.. Sabi naman ni Mommy ay pumunta na daw sa Amerika kasama ang parents niya dahil doon na nila piniling manirahan.. Ang sosyal lang??
Aba Red? Napadalaw ka? Halika iho, pasok ka sa loob . natutuwang saad ni Mommy.. Binisita nanaman ako ni Red?? Aba, ibang klase talaga ang ganda ko.. Patirahin ko nalang kaya siya dito samin? Para di na siya mawala sa paningin ko. Ang sarap niya kasi tingnan. Nakakaadik!? Hehe..
Goodmorning po Tita..
Goodmorning Shino.. sabay kaway sakin habang nakangiti siya.. Ngumiti lang din ako sa kanya at kinumpasan na lumapit sakin kasi nasa wheel chair pa ako.. At lumapit naman siya.. Nakakaloka talaga ang kagwapohan ni Red..
Goodmorning din Red Pogi.. Bakit ka napadalaw?? Idadate mo ba ako?? sabay tawa na kinikilig. Napatawa nalang din siya sa aking sinabi. Baliw kasi ako.. Pero alam ko type na type talaga ako nito..
Hindi Shino. Sasamahan kita sa Therapist mo. Saka na tayo magdadate kapag magaling ka na.. Ayos ba yun??
masayang sabi niya sakin. Sasamahan niya ako sa therapy ko? Hayssss.. Sarap naman.. May nag aalaga saking gwapong lalaki.. Sana nga maalala ko na siya agad..
O sige.. Ikaw naman ang nanliligaw eh.. Susunod lang ako sayo.. Hehehe..
sabay naman kaming nagkatawanan..
Kayong dalawa talaga.. O siya sige na mag almusal na tayo at nang makapunta na kayo sa therapy ni Shino. masayang sabi ni Mommy Tita ko.. At masaya nga kaming nag.almusal..
Tahimik lang kami sa sasakyan ni Red habang papunta kami sa ospital para sa therapy ko.. Patingin tingin siya sakin at napapangiti nalang ako.. Ano kaya ang meron samin ni Red Pogi na to at ganun nalanh ang pag.aalala niya sakin?? Natutuwa ako pero nahihiwagaan parin ako sa kanya..
Habang dumadaan kami sa EDSA.. Nanlaki ang mata ko sa isang malaking billboard doon.. Ako yun, nakatopless, may hawak na beer?? at masayang nakangiti?? at sa kabilang banda, si Red ang nakikita ko.. pinapaligo niya sa sarili ang beer na hawak niya at parang nababaliw ang kanyang itsura.. Ano ang ibig sabihin nun?? Bakit nasa billboard ako??.. Napansin ata ni Red ang pagbabago ng mukha ko kaya pinaharap niya ako sa kanya..
Bakit?? Parang nag.iba ata ang mood mo?? May problema ba?? nag aalalang tanong niya sakin.. Ngumiti lang ako at palingalinga ako sa kanya to tell him na ayos lang ako..
Wala Red. Ayos lang ako.. Ang tahimik kasi natin. sabi ko nalang. Pero ang totoo nalilito ako.. Bakit nasa billboard ako at bakit parang model ako?? Nagmodel ba ako?? Yun ba ang nawawalang alaala sakin.. At may kinalaman ba yun sakin at kay Red??
Naging maayos naman ang aking therapy. Pinagexercise ako ng orthopedic doctor para daw mastretch ang buto ko sa paa. Kasi unti unti ko naman na itong natutukod, pero wala pa akong balanse kaya binibigyan nila ako ng crouches.. In few weeka time daw ay makakalakad na ako ulit..
Natuwa naman si Red sa balita.. Siya ang umaalalay sakin.. Sinusubukan ko minsang wala ang crouches pero natutumba ako kaya siya ang sumasalo sakin..
Wag mo munang pilitin Shino.. Dahan dahanin mo lang lahat.. Nandito lang ako para alalayan ka.. Wag kang mag alala ok? Gagaling ka din.. sabi niya sakin.. Tinitingnan ko siya habang inaalalayan niya ako.. Siguro mahal ako nito kaya siya ganito sakin. Bakit ba kasi di niya nalang sabihin kung sino siya sa buhay ko.. Kasi kung meron man kaming relasyon, eh di pipilitin kong maalala siya kasi hindi ko naman kung ano nga talaga siya sa buhay ko..
Alam mo Red, bakit kasi di mo nalang sabihin sakin kung ano ba talaga ang meron tayo?? Parang ang labo naman kasi kung ganito ka kasweet sakin at kaalaga kung wala tayong relasyon?? sabi ko ng mariin sa kanya.. Tumitig naman siya sakin at napabuntong hininga. Parang napakahirap sa kanya sabihin ang kung anong meron kami??
Pinaupo niya ako sa wheelchair at umupo naman siya sa harapan ko. Parang handa na niyang sabihin kung ano ang meron kami.. Kasi nahihirapan na talaga siya.. Na parang may tinatago siya..
Basta tandaan mo Shino. Kapag bumalik na ang alaala mo, sana hindi magbago ang pagiging ganito natin? Gusto kong gawin to para sayo. Dahil mahalaga ka sa akin. Mahalaga ka sa buhay ko..
Nakakatouch talaga ang sinabi niya.. Ewan ko ba, bahala na nga. Kahit di na magbalik ang ala.ala na yun, ang mahalaga, kasama ko siya. Na pinapasaya niya ako..
Ngumiti siya sakin ng matamis na matamis.. Mas matamis pa sa pinakamatamis na matamis sa buong mundo. At natunaw ang aking heart.. Hahayss.. Nakakakilig..
Tumango naman ako sa kanya. Alam ko na may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakilala. Ayoko naring kulitin siya..
T.B.C.
Chapter 22: Daisy and Jonathan
Nanatili parin akong nasa bahay para makarecover na nga sa aking mga injury.. Nagleave muna si Mommy Tita ng ilang araw para maalagaan niya ako ng husto.. Nagpapasalamat naman ako sa kanya kasi hindi siya nagkulang sa pag.aalaga.. Mahal na mahal ko si Mommy Tita kaya kapag dumating din ang panahon na kailangan na niya ng mag.aalaga, ako ang mag.aalaga sa kanya.. Hinding hindi ko siya pababayaan..
Bigla ngang may dumalaw nanaman sa amin.. Hindi ko alam kung sino yun pero nang pumasok siya sa bahay ay tila bang sumakit ang ulo ko.. Yung sakit niya ay iba.. Parang may kung anong mga images na pumapasok sa aking isipan?? Ito na ba ang sinasabi nilang recovery stage??
Isa siyang babae. Napakaganda niya at sexy. Nakadress siya at ayos na ayos. Nakamake.up pa ng todo.Tinatalbugan niya ata ang beauty ko? Hindi ko muna ininda ang sakit ng ulo ko. At hinintay na makapasok siya ng tuluyan sa loob ng bahay.. Nasa may kusina ako nun kaya natatanaw ko ang sala.. Kinakausap niya si Mommy Tita. Napatingin naman sila sa side ko.. Malungkot ang mukha niya. Teka dont tell me may relasyon din kami ng babaitang yun?? Natibo ba ako?? Wala kasi akong naaalala na kakilala kong kamukha niya.. Lalong sumasakit ang ulo ko.. Napapikit ako at napahawak sa ulo ko. Para yung binibiyak.. Hindi ko napigilang mapasigaw..
Aahhhhhhh!! Ang sakit Mommy!? Sakit ng ulo koo!!
Tumakbo naman sila palapit sakin. Hinaplos ako ni Mommy Tita at humawak naman sa kamay ko ang babaeng di ko pa nakikilala..
Anak teka lang kukuha lang ako ng pain reliever mo.. Napapadalas na yang pagsakit ng ulo mo ah?? Magpatingin na tayo ulit kay Doc Jason?? sabi ni Mommy Tita. Binigay niya sakin ang pain reliever at ininom ko yun agad.. Unti unti namang nawala yung pananakit ng ulo ko.. Pumikit ako ng kaunti at narinig kong nagsalita ang babaeng bisita..poopllĺl
Shino?? Naaalala mo na ba ako?? Its me Daisy?? Kaibigan mo ako.. mahinahong sabi sakin ng babaita.. Napangiti nalang ako sa kanya kasi hindi ko talaga siya maalala.. Pero ngayon after sumakit ng ulo ko ay nafafamiliarize sakin ang mukha niya. Parang kilala ko nga siya pero hindi ko alam kung kelan ang kung paano..
Ahm Daisy?? Sorry ah di pa kita naaalala talaga.. Para kasing matatagalan pa bago ko maalala lahat. Wala pa akong idea kung ano ang mga nangyari before ang aksidente na yun..
Tumango lang siya at ngumiti. Tingin ko naman ay naiintindihan niya yun. Kasi kahit naman ako nahihirapan narin maalala lahat. Halos isang buwan narin kasi simula ng makalabas ako sa hospital.
Ok lang Shino. Sana gumaling ka na. Maraming naghihintay sa pag galing mo? Kaya magpagaling ka na.. Ok?? Alalahanin mo narin ako.. Nakakainis ka?! May nangyari lang satin kinalimutan mo na ako.. saad niya at sabay tumawa. Nakakaloka lang? Hahampasin ko siya ng wheelchair na to.. Ayoko ng mga ganung joke. Pero masaya ako kasi mabubuting tao pala ang nakalimutan ko. At naghihintay sila na maalala sila.
Sige Shino, Tita.. Aalis na po ako. Hinihintay pa ako sa agency.. Babalik nalang po ulit ako.. And you Shino Franco Alto Jung Negro?? Magpagaling ka ha?? saad niya nang nakangiti at nagmadali nang umalis..
Grabe, pati pangalan ko memorize niya? Totoo nga kayang may nangyari samin o niloloko lang ako nun.. Napatingin naman ako kay Mommy.. Nakaupo siya sa tabi ko at nakangiti..
Alam mo anak, napakasaya ko kasi maraming nagmamahal sayo. Dati sinabi ko sa sarili ko na dadating din ang araw na may magmamahal sayo, yung hindi ka huhusgahan at mamahalin ka dahil ikaw ay karapat.dapat mahalin, at nangyayari na nga ang mga bagay na yun anak. Ayan na sila. At kahit hindi mo sila naalala, hindi sila bumibitaw. Nandiyan parin sila para sayo.. at bigla siyang naluha.. Inalo ko naman siya.. Lumapit ako sa kanya at yinakap ko siya.. Emotional talaga lagi ang Mommy Tita ko..
Mommy, nagpapasalamat talaga ako dahil hindi ko alam kung anong ginawa ko at bigla ako nagkaroon ng mga kaibigan na pinapahalagahan ako. Dati kasi, parang napapasama pa ang tingin nila sakin. Kaya nga mas pinili kong magkaron lang ng piling kaibigan kasi hinuhusgahan lang ako ng maraming tao. Bakit ba? Pwerket gwapo ako ay dapat lalaki talaga ako? Hindi ko naman kasi hiningi na maging bakla ako, ganito talaga ako. Dito ako masaya kaya, kahit anong panghuhusga ang gawin nila, hindi nila ako natinag. Kaya nga sobra ang saya ko kasi nakilala ko si Red at ang Daisy na yun.. Kasi mabubuting tao sila. .
Nagkangitian nalang kami ni Mommy sa sinabi ko. Alam ko na masaya siya sa mga nangyayari sa buhay ko..
Bigla nanamang may nagdoorbell.. Nagkatinginan kami ni Mommy Tita.. Alam ko na kung sino yun? Hays, si Red yun. Ang gwapong Red na mahal ko na ata?? Haha.. Kinikilig ako.. Pinuntahan agad ni Mommy Tita ang pintuan. At may isang lalaking maskulado ang nandoon. Matangkad siya at dark skinned. Sino nanaman kaya yun? Eh sa pagkakaalam ko, si Red at Daisy palang ang nakalimutan ko, so it means, kasama siya sa mga taong nakalimutan ko din. Aba matinde ang ganda ko ha?? Dont tell me nakiki.agaw din siya sa dalawa sa akin.. Hahaba na talaga ang hair ko nito..
Goodmorning po.. Ahm, ako po si Jonathan, kaibigan po ako Shino. Nalaman ko pong nadisgrasya siya.. Pero hindi ko na po siya naabutan sa hospital na pinagdalhan ko sa kanya..
Naghanap po ako ng information kung saan siya nakatira. At dito nga yun, kaya sana po kung pwede, gusto ko siyang makita?? sabi ng lalaki. Jonathan daw ang pangalan niya. Nakakaasar ah?? Dumadami na ang gusto akong makita..
Hindi naman nagdalawang isip si Mommy at pinapasok siya.. Lumapit sila sa akin.. Nakangiti siya at parang hinihintay na batiin ko siya.. Pero nang hindi ako umimik siya na mismo ang nagsalita..
Shino? How are you?? Nag.alala ako nung may nangyari sayong aksidente. Nabalita kasi kaya hinanap talaga kita. Pero unfortunately bago pa ako makapunta sa hospital na pinagdalhan sayo, wala ka na dun. Ayos ka lang ba?? saad niya. Wala akong masabi.. Jowa ko rin ba siya?? Hindi naman siya kagwapohan pero malakas maka sex appeal..
Jonathan, maaaring nakalimutan ka ng anak ko kung bago palang kayo nagkakakilala.. Meron kasi siyang partial amnesia.. May time table daw sa buhay niya na nakalimutan niya nung maaksidente siya. Kaya pagpasensiyahan mo siya kung di ka niya maalala.. sabi ni Mommy. Siya na mismo ang nagsabi para sakin..
Naguluhan naman si Jonathan. Lumapit pa siya lalo sakin at hinawakan niya ang kamay ko..
Sorry hindi ko alam. Alam ko bago palang tayong nagkakakilala nun pero Shino, I have fallen in love with you. Nakita ko kung paano ka ngumiti. Napapasaya mo ang mga taong nakapaligid sayo. Binalak ko noon na magtapat sayo once na magkakilala na tayo ng husto. Pero hindi ko inaasahan na mabubura ako sa isipan mo.. malungkot na sabi niya. Nainlove siya sakin.. Haysssss!! Ano ba kasi talaga ang mga nangyari sakin.. At ang mga tao pang nakalimutan ko ay parang mahal na mahal talaga ako??
Pasensiya na Jonathan. Gusto ko na talagang maalala lahat, pero hindi ko talaga ginusto na magkaganito ako.. Marami akong gustong malaman pero hindi nila sinasabi lahat kaya hindi ko narin pinipilit.. sabi ko naman.. Kumunot naman ang noo niya.. Siguro nagugulat siya na hindi sinasabi sa akin ng mga nakapalibot sakin kung ano ba talaga ang dapat ko maalala..
So ibig mong sabihin?? Hindi mo alam na naging model ka?? Na sumisikat na ang pangalan mo sa buong Pilipinas?? may pagtaas ng boses niyang sabi. Nagulat naman si Mommy Tita at tiningnan niya ako.. So totoo nga ang kutob ko na model ako? Pero paano nangyari yun? Last time naremember ko ay isa akong marketing consultant sa Blue Soul na isang RTW company..
Mommy?? Totoo ba ang sinabi niya?? sabi ko na nagtataka.. Kasi hindi sumagi sa isip ko na itanong sa kanila ang dapat kong maalala.. Paano nga ba ako makaka.alala eh walang nagpapa.alala sakin..
Shino anak, kailangan kasing itago namin yun. Kasi gusto naming ikaw na mismo ang makaalala ng lahat.. sabi sa akin ni Mommy..
Hindi ko alam kung bakit niyo itinatago sakin yun?? Dapat tinutulungan niyo akong makaalala diba Mommy?? may halong galit na sa boses ko.. Dahil nararamdaman ko na may mali sa mga bagay na nakalimutan ko. Siguro may masamang nangyari sa akin..
Anak, hayaan mo akong magpaliwanag sayo.. Siguro dapat mo nang malaman ang lahat.. Para makatulong narin na makaalala ka..
Tumingin ako sa kay Jonathan na halatang galit.. Parang may mali talaga sa mga nangyari.. At gusto niyang malaman ko yun.. Dahil ba sa may kinalaman ang mga nakalimutan ko sa nangyari sakin.. Sa aksidente.. Si Red? Si Daisy? may kinalaman ba sila?? May kinalaman ba sila sa pagkadisgrasya ko??
Shino, nagplano kayo ni Gino ilang buwan narin ang lumipas na gantihan si Red dahil nga sa gusto niyang makaganti sa pangagamit nito sa kanya..—
Bigla ulit sumakit ang ulo ko at unti unti nanamang pumapasok sa isip ko ang mga imahe.. Ang mukha ni Red.. Nasa loob siya ng Jewelry shop.. At umiiyak si Gino.. Naginuman kami sa bar.. Maraming bumabalik sa aking isipan..
Nagtrain ka ngang maging model. At pumasok ka sa Viola Bennet.. Nagalit ako sayo noon dahil ayaw kong pumasok ka sa pagmomodel pero dahil ngaay malalim kang dahilan, hinayaan kita. Nagpanggap kang tunay na lalaki..
Naaalala ko na nga unti unti lahat.. Naalala ko na ang plinano namin ni Gino.. Si Ms. Bennet.. Ang Korea.. Ang confrontation namin ni Mommy..
Mommy tama na!! Naalala ko na.. Naaalala ko na lahat!.. Lahat lahat..
Nagkatitigan kami ni Mommy at Jonathan.. Naalala ko na nga lahat.. At napakasakit na naalala ko na lahat.. Napaiyak nalang ako bigla..
Dahil sa sama ng loob, dahil sa ginawa ni Red.. Kaya nawalan ako ng malay habang nagmamaneho ng sasakyan…
T.B.C.
Chapter 23: I Love You
Red’s Point of View
All through the week naging masaya ang mga nangyari.. Gumawa ako ng bagong commercial at dumadami narin ang endorsement offer sa akin..
Dahil narin siguro sa pagbabago ng ugali ko. Napansin yun ni Gard kaya naging masaya din siya tungkol sa nangyayari sakin.. Naging masayahin na kasi ako at sumali na ako sa mga charitable works na mas lalong nakakapagpagaan sa pakiramdam ko..
Kuya? Bakit bigla kang naging ganyan ah?? Nakakapanibago ka talaga? sabi sakin ni Blue, ang nakababatang kong kapatid, mas bata siya sakin ng tatlong taon.. Lagi siyang palatawa kaya noong napansin niyang nag.iba ang pakikitungo ko sa kanila nila Tatay ay mas lalo siyang naging masaya..
Oo nga kuya Red? Siguro may nagpapatibok na sa puso mo noh?? sabi naman sakin ng Violet. Ang bunso namin.. Ang prinsesa sa aming bahay.. Ang matalino at tahimik saming tatlo.. Nagbago din siya mula ng magbago ako.. Malaki ang naging epekto ko sa kanila..
Nagkatawanan naman silang dalawa habang nasa sala kami at nanonood ng TV.. Nag spend na ako ng panahon para sa kanila.. Every sunday, nagiging family day namin.. Pambawi ko sa mga panahong naging makasarili ako at ang pagturing ko sa kanila ay palamunin ko lang. Na ako ang nagtataguyod sa kanila.. Pinagsisihan ko na yun kasi alam ko naman na, ako ang pumili na maging ganun kaya naapektuhan lang sila..
Alam niyong dalawa kayo, tigilan niyo ako ha?? Wala pang nagpapatibok sa puso ko.. At narealize ko na kayo lang ang meron ako kaya ayaw kong pati kayo mawala sakin.. Kaya kinailangan kong magbago.. masayang saad ko sa kanila.
Kuya ang chessy mo na talaga.. Parang talagang napakalambot mo na.. Imposibleng wala talagang dahan na iba.. sabi ulit ni Blue.. Nagkatwanan sila ni Violet.
Pumasok naman si Tatay na may dalang mga pagkain.. Nagihaw pala siya sa labas.. Nakangiti siya at parang excited na makatabi kami..
Alam niyo Blue at ikaw Violet.. Yang kapatid niyo ha wag niyong kukulitin. Hayaan niyo na ang Kuya niyo. Panahon na rin naman para magkaton siya ng pamilya niya. Marami na siyang nagawa para sa atin. Panahon na para bumuo siya ng pamilya niya.
sabi ni Tatay. Si Tatay ay nasa mid 50s na.. Nakakatuwa kasi kahit naging mahirap sa kanya na tanggapin ang paghihiwalay nila ni Nanay, naging matatag parin siya para sa amin..
Si Tatay Vincent ko ang pinakamatatag na tao na nakilala ko. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil kahit kailan hindi niya kaming ewan.. At hindi niya binalak na mag.asawa ulit.. Yun ang isa sa mga rason para maging masaya ako.
Tay naman?? Wala pa yan sa isip ko.. Pinagkakaisahan niyo ako eh.. sabay kamot sa batok ko..
Nagbukas siya ng Beer na inindorse ko dahil may one year supply ako.. At binigyan niya ako ng isang bote.. Umupo siyansa tabi ko..
Eh Red? Kelan mo pa balak? Aba gusto ko nang makita ang magiging apo ko sayo? masayang sabi niya. Napatingin ako sa kanilang tatlo.. Paano kung sabihin ko sa kanila na hindi babae ang nagpapatibok ng puso ko??
Panu kung sabihin ko na ang taong iyon ay siyang nagpabago sa akin. Na nagpamulat sakin kung gano ako kaswerte dahil maraming nagmamahal pala sa akin at ako lang ang naglalayo sa sarili ko sa kanila?? Paano kung malaman nilang bakla ang gusto kong makasama habang buhay..
Tay, paano kung hindi babae ang gusto kong makasama.. Paano kung hindi siya yung inaasahan niyo?? nagaalangang tanong ko kay tatay.. Nagkatinginan naman silang tatlo.. Yung puzzled look sila..
BAKLA KA Kuya?? sabay na sabi ng dalawa kong kapatid..
Nagulat ako sa reaction nila sa tanong ko.. Bakla ako?? Hindi sa ganun. Pero ang mahal ko ay isang bakla. At tanggap ko yun. Dahil mula nung marealize ko ang lahat, narealize ko na mahal ko na siya.. Dahil sa galit ko sa kanya, doon pala nabuo ang pagmamahal ko para sa kanya.. Hindi ko na tiningnan pa kung ano siya. Dahil hindi na natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin mo.. Mas lalo ko siyang minahal ng makasama ko siya habang nagpapagaling sa ospital.. Si Shino ang taong mahal ko..
Hindi ako Bakla.. Pero yung taong mahal ko, siya ay Bakla.. mariin kong sabi sa kanila..
Napatakip ng bibig si Violet, nagkatinginan naman si Tatay at si Blue..
Kuya?? Akala ko ba ayaw mo sa mga bakla?- Blue
Eh diba nga? The last time I checked, yung huling baklang nagbigay sayo ng offer at inistalk ka pa kahit san ka magpunta, sa ospital bumagsak? Bakit all of the sudden ganyan??- Violet
Tama sila, pero nagbago na ang lahat ng yun.. At walang dahilan para itago ko yun sa kanila..
Anak naman?? Paano ka magkakaroon ng pamilya mo kung Bakla pala ang nagpapatibok niyang puso mo?? Hindi ako tumututol anak pero, isipin mo naman ang sasabihim ng ibang tao? sabi naman na may pag.aalala si tatay.. May punto siya doon. Hindi magiging maganda ang kalalabasan ko nun sa maraming tao. Pero wala na akong pakialam.. Si Shino lang ang magpapasaya sa akin.. Siya lang ang nakapagpabago sakin.. At siya lang ang nakapagpangiti sa akin. Kaya kung papipiliin ako sa imahe ko at sa kaligayahan ko, si Shino ang pipiliin ko.. Handa akong iwan ang aking pagmomodel kung magiging masaya naman ako kasama si Shino..
Tay, masaya po ako sa kanya. Siya po ang dahilan kung bakit nagbago ako.. Kung bakit napapasaya ko ang mga tao sa paligid ko? Dahil siya ang nagbigay sakin ng ganung pakiramdam. Ang bigyang halaga ang damdamin ng iba..
Ngumiti naman sila sa sinabi ko.. Linapitan ako ni Violet at yumakap sa akin.
Kuya, kahit sino pa siya, ayos lang sa akin. Kasi alam ko na siya nga ang nagpabago sayo. At dahil dun, naging masaya na ulit ang bahay.. And so what kung bakla siya.. Ang mahalaga, napapasaya ka niya.. sabi niya sakin. Natutuwa ako dahil naiintindihan niya ako..
Lumapit din sakin si Blue at inakbayan ako.. Ngumiti siya ng nakakaloko..
Eh kuya? Pano yun?? Yung totoot?? Eh parehas kayong may espada? at sabay siyang tumawa ng malakas.. Kinotungan ko naman siya.. Haha.. Pang.asar eh.. Ang daming alam..
Ikaw Blue, tumahimik ka ha?? Wala akong pakialam. Basta ang pagmamahal niya ang kailangan ko.. Hindi libog!!
At nagtawanan silang tatlo.. Iniisip parin nila kung pano nga yung sexual relationship ko kay Shino?? Kahit kailan kasi, hindi ako nagpagalaw sa mga bakla. Kahit anong gawin nila, di ko sila pinagbibigyan. Puro babae palang ang naikama ko..
Ah basta.. Bahala na. Darating nalang ang panahon na yun. Handa na rin akong ibigay sa kanya ang sarili ko..
Oh siya sige, uminom pa tayo. Para sa pag.ibig ni Red!! Cheerss!! masayang saad ni tatay sabay taas ng beer niya..
Cheerrrsss!!
Masaya ako at naintindihan nila ako.. I cant wait to say I Love You.. Kay Shino..
T.B.C.
Chapter 24: Devil
So all along tinago nila sayo ang nangyari? sabi sakin ni Jonathan na may halong pag.aalala.
Dinala niya ako sa isang tahimik na lugar sa may Antipolo.. Sumama ako sa kanya nang bumalik na lahat ng ala.ala ko, dahil may galit parin ako sa Mommy Tita.. Dahil hinayaan niyang lumapit sakin ang taong nagbigay sakin ng hinanakit at sama ng loob.. Kahit kailan ayaw ko na siyang makita pero dahil nakalimutan ko siya, sinamantala niya ang pagkakataon.. Bakit siya nagbabait.baitan? Para ano? Para mapaibig niya ako at sa huli sasaktan lang niya ako?? Hindi na ba siya nakuntento sa nangyari sakin.. Naluluha ako habang sinasagot ko ang mga tanong ni Jonathan..
Dahil akala nila, napakabait ng Red na yun.. Nagbabait.baitan lang yun. Dahil gusto lang nun na masaktan ako dahil inuungusan ko siya sa kanyang career. Pero ngayon, sana matahimik na siya dahil hindi naman na talaga ako magmomodel.. Kainin niya ang mundo niya.. Wala akong pakialam.. galit kong saad.
Nasa isang resthouse kami at napakaganda ng view nito sa may veranda.. Nakakawala ng stress.. At nakakawala din ng sama ng loob kahit kunti.. Sariwa ang hangin at maraming puno sa paligid. A real peaceful place. Kaya siguro dinala ako ni Jonathan dito. Para makalimutan ko ang lahat..
You know Shino.. Its not that nakikialam ako sa damdamin mo, but please erase that hate that you have in your heart.. Paano ka magiging masaya kung puro narin galit ang nasa puso mo?? At hindi ka naman niya sinaktan. Natatakot lang siguro ang taong yun dahil ayaw niyang mawala sa kanya ang pinaghirapan niya. Kahit ako, ganun din ang iaasal ko.. Pag.unawa lang ang kailangan niya.. sabi ni Jonathan sakin..
Nasasabi mo yan kasi hindi ikaw ang pinakitaan ng kapangitan ng ugali niya.. Alam mo ba? Ang turing niya sakin, isang tinik sa kanyang lalamunan.. Kaya nga kung iniinsulto niya ako na hindi kayang tanggapin ng utak at puso ko..
Napatingin naman siya sakin.. Nakaupo siya malapit sa akin dahil nakawheel chair parin ako.. Pinahiran niya ang luha ko.. Luha na kanina pa tumutulo dahil sa mga nangyari..
Shino, wag kang mag.alala.. Nandito lang ako.. Tutulungan kitang tanggalin ang galit diyan sa puso mo.. Sana bigyan mo ako ng pag.asa.. sabi niya ng malumanay at hinawakan niya ang kamay ko.. Nakakagaan ng damdamin ang mga sinabi ni Jonathan.. Sana siya nalang si Red.. Leshe!! Bakit ba kahit galit ako kay Red, nung nakita ko kung paano niya ako alagaan.. Naramdaman ko na marunong siyang magmahal.. Na nasa puso niya ang pag.aalaga at pagtanggap.. Subalit, nangingibabaw sa puso ko ang galit sa kanya.. Punyetang damdamin to..
Hinawakan ko ang kamay ni Jonathan at tiningnan ko rin siya sa nangungusap niyang mata.. Gusto kong maging totoo sa kanya.. Oo, masaya ako dahil nandiyan siya para pagaanin ang loob ko, pero hindi ko siya makuhang magustuhan.. Dahil nakikita ko lang sa kanya ang isang mabuting kaibigan..
Jonathan.. Mula nung nakipagkamay ka sakin sa Subic noong una tayong magkita, naramdaman ko na mabuti kang tao dahil ikaw mismo ang lumapit sa akin.. Lalo ko yung napatunayan nung nag.alala ka para sa kaligtasan ko noong nadisgrasya ako at nung ipinilit mo sa aking Mommy na dapat kong malaman ang mga bagay na nakalimutan ko.. Naramdaman ko talaga ang pagpapahalaga mo sa akin.. Pero hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo.. Kaibigan lang ang gusto ko para sa ating dalawa.. sabi ko sa kanya..
Nag.iba naman ang kanyang itsura.. Parang nagalit siya sa sinabi ko.. Humigpit ang hawak niya sakin..
Bakit Shino?? Dahil ba sa ang totoo mahal mo na ang Red na yun ha? Yun ba?? may galit na saad niya sakin.. Galit nga siya sa sinabi ko. Pero bakit?? Bakit parang nakakatakot siya bigla?? Diniinan pa niya ang kanyang paghawak sa akin..
Arayy.. Jonathan masakit.. Nasasaktan ako.. pagmamakaawa ko sa kanya..
Punyeta!! Akala ko panaman dahil ako na ang nag.amin ng damdamin ko sayo, ako ang pipiliin mo?? Di mo ba alam kung gano kita kamahal ha? Gusto mong patunayan ko?? Ha Shino!!?? singhal niya sakin na parang nababaliw.. Nakakatakot siya.. Nagdagundong na ang puso ko.. Natatakot na ako sa maaari niyang gawin.. Ilinapit niya sa akin ang mukha niya.. Parang gusto niya akong halikan..
Jonathan?! Anung gagawin mo sa akin ha?? Jonathan pakiusap, huwag mo tong gawin.. pagmamakaawa ko sa kanya.. Napangiti siya sakin ng nakakatakot na ngiti.. Yung parang gusto niya akong gahasain.. Tama ang pakiramdam ko.. Pero paano ako makakalaban sa kanya? Wala pang lakas ang paa ko.. Mahigpit ang kanyang hawak sa kamay ko..
Akin ka lang Shino.. Ngayong nandito ka na sakin, hinding hindi ka na makakatakas.. Akin ka lang!! Akin!! galit na galit niyang sigaw.. At siniil niya ako ng marahas na halik.. Pinipilit niya akong tumugo sa halik niya pero hindi ko binubukas ang aking bibig.. Tumigil siya at bigla niyang tinulak ang aking wheel chair palayo sa kanya.. Natakot ako dahil baka mahulog ako dahil malapit ako sa may veranda.. Pero mas nagulat ako sa ginawa niya.. Lumapit siya ulit sakin at sinakal niya ang leeg ko at nahirapan na akong huminga..
Sige Shino!! Mamili ka?? Papatayin kita o susunod ka sa gusto ko?? Wag mong tangkaing tumakas dahil walang nakaka.alam sa lugar na to’ at hinding hindi ka makakatakas dahil sa kalagayan mo.. At wala kang mahihingan ng tulong, dahil nasa akin ang cellphone mo!! at tumawa siya ng malakas.. Mas hinigpitan pa niya ang pagsakal sakin.. Hindi na ako halos makahinga..
O-oo sssuusunood naaa akooo.. pautal utal kong sabi dahil sa kanyang malakas na pagsakal sakin.. Takot lang ang nangingibabaw sa akin noon.. Bakit ba nangyayari sa akin ang mga bagay na to?? Ano ba ang naging kasalanan ko sa Diyos??
Ang akala kong tao na mas makakaintindi sakin ay isa palang demonyo.. Paano ako makakaalis sa impyernong pinasok ko??
Ayan.. Nagkakaintindihan naman pala tayo eh?? saad ni Jonathan at bigla niya nga akong binitawan..
Napaubo ubo ako dahil sa sobrang sikip ng paghinga ko.. Hindi ko alam kung bakit niya ako ginaganito.. May sakit ba siya sa pag.iisip..
Ngayon, tatawagan mo ang Mommy mo at sasabihin mong kasama kita ng isang linggo.. At hindi mo sasabihin kung nasaan ka?! Sabihin mong wag kang hanapin.. utos niya sa akin.. Agad niya linabas sa bulsa niya ang aking phone at tinawagan si Mommy.. Nang may sumagot na, binigay niya ito sa akin..
Hello Mommy??
Shino anak? Asan ka bang bata ka? Nag.aalala ako sayo.. Bumalik ka na dito sa bahay.. Kasama mo ba si Jonathan? Ayos ka lang ba??
Takot na takot ako.. Pero ayokong mapahamak din ang buhay ko at ang buhay ni Mommy.. Kaya sinabi ko nalang sa kanya ang dapat kong sabihin..
Mommy ayos lang ako.. Wag mo muna akong alalahanin.. Mag.iisip isip lang muna ako Mommy.. Magpapahinga.. Isang linggo lang Mommy.. Babalik din ako diyan.. at inagaw ni Jonathan ang phone at inend ang call..
Nakangiti parin siya sakin.. Mas lalong naging nakakatakot siya dahil may hawak siyang isang posas at pinusasan niya nga ang mga kamay ko.. Lalo pang tumindi ang takot ko..
Good Shino.. Ngayon, susunod ka sa akin kung gusto mong mabuhay ka pa.. Tandaan mo? Hindi ka dapat sumuway?? Dahil ako ang master mo at ikaw ang aking slave.. Maglalaro tayo ng Pet’s Master.. sabi niya sakin habang hinahaplos ang aking mga pisngi.. Nanginginig parin ako sa takot.. Hindi ko inakala na mangyayari ito sa buhay ko..
Dinala niya ako sa isang maliwanag na kwarto.. Nakita ko ang napakaraming pictures ko.. Mga kuha ko sa mga photoshoots ko at yung mga pictures ko sa commercial.. At sa paligid nito maraming mga tali at mga duyan na hindi ko maintindihan kung para saan.. Meron ding mga maliliit na higaan na may mga matutulis na bagay.. May latigo at mga kandila.. Mas lalo akong natakot sa mga nakita ko.. Alam ko na kung ano ang gagawin niya sa akin..
This will be our play room, My Shino.. bulong niya sakin.. At tumawa siya ng tumawa ng malakas.. Sinaniban na siya ng demonyo sa mga oras na yun..
Ano ang mangyayari sa akin?? Paano ako makakawala sa lugar na ito..
T.B.C.
A/N Ayan ipinahamak ko si Shino.. Baka kasi masiyadong boring na ang binabasa niyo.. kaya ayan, twist of fate na.. Hehe..
The next few chapters ay medyo maselan at RATED SSPG.. Kaya sana maging open minded ang mga readers ko..
Thanks again sa mga nagbabasa kahit silent lang kayo.. But i will limit my updates na after this chapter kasi gusto ko makakita ng comments.... and votes...
AiO(:
Chapter 25: Trapped
Warning!! Rated SPG!? Skip this chapter kung bata ka pa under 18!! Bawal!! Salamat!
Ipinusas ako ni Jonathan sa isang kama at patuloy parin ang kanyang malademonyong pagtawa.. Hindi ko parin mapigil mapaiyak dahil sa takot na nararamdaman ko. Wala akong laban sa kanya sa mga oras na yun dahil wala akong lakas.
Nakikita mo na Shino kung gaano kita kamahal?? Sinasamba kita!! Ikaw ang tanging laman ng puso at isip ko.. Tapos yun pala ang hayop na Redentor Diaz na yun ang mahal mo?? Haha. Pasensyahan nalang kami, dahil hinding hindi ka nila makukuha sa akin.. sabi niya na parang asong nauulol.. Nakakatakot ang itsura niya habang sinisindihan niya ang isang sigarilyo at binuga buga ang usok nito sa kanyang paligid.
Akala ko mapagkakatiwalaan kita, isa ka palang demonyong hayop ka?! Ano ang plinaplano mong gawin sakin? sigaw ko sa kanya na galit na galit.. Ibinuhos ko ang aking nararamdaman dahil hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin. Wala sa panaginip ko na magaganap ang bagay nato sa akin..
Relax ka lang Shino. Ipaparamdam ko sayo kung paano magmahal ang isang Jonathan Rodriguez. sabi niya sa akin.. Pangiti siya nang unti unti niyang hubarin ang kanyang soot na tshirt.. Tumambad sa akin ang kanyang magandang katawan.
A-anong gagawin mo sakin?? takot kong sabi.. Alam ko kung anong binabalak niya. Rumagasa nanaman ang takot sakin.
Napangiti lang siya at hinubad ang kanyang jeans. At tanging puting briefs lang ang natirang soot niya.. Nakakatakot ang laki ng kanyang kargada.. Nakikita kong napakalaki nito.
What do you think Shino? Napakasarap kong tingnan diba?? sabi niya habang hinihimas niya ang alaga niya..
Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinikit ko ang mata ko.. Ayokong mangyari ang kanyang iniisip. Natatakot ako sa gagawin niya.
Lumapit siya sakin lalo at hinawakan niya ang mukha ko.. Pilit niya akong pinapaharap sa akin. Buong lakas ko namang iniiwas ang tingin ko sa kanya..
Sige Shino, you want to play it the hard way? Sige, i will give it to you the hard way.. naiinis niyang saad sakin sabay bitaw niya sa mukha ko.. May kinuha siya sa mesa na malapit sa aking pinagpusasan.. Isang latigo ang kinuha niya.. Lalo akong natakot.. Hahagupitin niya ako. Napaluha nalang ako sa takot. Sana ay maliwanagan ang isip ni Jonathan.
At hinagupit niya nga ako. Namilipit ako sa sakit.. Parang hinihiwa ang aking mga paa sa sobrang sakit.. Napahiyaw ako dahil hindi ko kinakaya ang sakit..
Sige Shino.. Sigaw ka pa.. Baka sakaling marinig ka ni Red.. Hahaha. Wala nang ibang laman ang isip mo kundi ang Red na yun? Binibigay ko na sarili ko sayo at mahal na mahal kita pero siya parin? hiyaw niya at patuloy niya akong hinagupit. Halos mawalan na ako ng ulirat sa sobrang sakit..
Taaaammaaa Naaaa!! Ahhhhhh! sigaw ko.. Hindi parin siya tumitigil.. At tuluyan na akong nawalan ng malay sa sobrang sakit.. Hindi ko alam pero sa mga oras na yun gusto ko nang mamatay..
Hindi ko alam kung gano ako nawalan ng malay nang magising ako. Nakita ko na hubad na ang aking katawan.. Tanging ang underwear ko nalang ang soot ko.. Nakita ko ang mga marka ng paghagupit ni Jonathan sa akin.. Napaiyak nanaman ako dahil para yung mga sugat na mahahaba at nalukob ang aking buong hating katawan..
Nakita ko si Jonathan na nanonood ng TV. Nandoon sa TV si Red at sa nakikita ko ay may isang TV Show ang kanyang pinag.guesan.. Nakikita ko ang kadiliman sa mukha ni Jonathan.. Nararamdaman kong may masama siyang gagawin kay Red..
Ikaw parin ang gusto nila. Lahat nalang ng tao na mahalaga sa akin ikaw ang gusto.. Ano bang meron sayo at lahat sila nahuhumaling sayo?? at bigla siyang tumayo. Wala siyang suot na kahit ano.. Nakikita ko ang kanyang alaga na merong isang malaking singsing na nakalagay dito.. Natakot ako sa kanyang mga gawi.. Natatakot ako sa maari niyang gawin kay Red..
Alam ko na.. Papatayin nalang kita para hindi mo na sila maagaw sa akin.. Akin na ang pinakamamahal mo, akin pa ang pamilya mo..
Nagulat ako sa sinabi niya.. Anong sinasabi niyang pamilya? Baliw siguro ang taong ito?. Pinikit ko ang mata ko dahil bigla siyang napatingin sakin..
Akin lang si Shino. Akin lang ang pamilya mo.. At dapat kang mawala Redentor..
Napuno ng nakakatakot na halakhak ang buong kwarto.. Nakita kong nagbihis si Jonathan at nagsukbit ng baril sa kanyang pantalon. Lalong nagragasa ang takot na nararamdaman ko.. May gagawin na siyang masama kay Red?? Hindi maaari, hindi ko pwedeng hayaan siya.. Kailangan kong makawala dito. Kailangan kong maligtas si Red.. Habang nag.aayos siya ng gamit bigla nanaman siyang napatingin sa aking banda. Nagkunwari ulit akong wala paring malay..
Makikita mo Shino.. Makikita mo na dapat ako ang pinili mo.. Na ako dapat ang mahalin mo. Papatayin ko na ang traydor na yun. Ang kaibigan kong inagaw sa akin ang pamilya ko.
Baliw talaga siya. Hindi maaaring magkaroon pa ng kapatid si Red. Dahil tatlo lang silang magkakapatid sa pagkakakwento niya sa akin noong mga panahon na hindi ko pa siya nakikilala.. Sira ulo talaga ang Jonathan na to!!
Sinara niya ang pinto ang naramdaman ko na hindi niya ito nalock.. Pero ang problema ko kung paano ako makakawala sa pagkakaposas ko..
Naghanap ako ng kahit anong bagay na pwede kong magamit para makawala sa pagkakaposas.. Nahihirapan ako pero nakakita ako ng isang maliit na susi na nasa aking paanan.. Siguro yun ang susi sa posas nato.. Kaya mabilis ko itong pinausad pataas gamit ang paa ko kahit sobrang hapdi parin ng mga paa ko.. At nakuha ko naman ito kahit matagal..
Ginamit ko ang bibig ko para matanggal ko ang posas. Hindi ko magawa yun dahil sobrang hirap gamitin ng bibig sa pagbukas ng mga bagay. Pero dahil sa swerte parin ako, nabuksan ko yun at nakawala na ang mga kamay ko..
Ang magiging problema ko nalang ay paano ako makakatayo at makakalakad ng maayos kung ganito ang kalagayan ko.. Humiling nalang ako ng himala sa Diyos, yun nalang ang tanging pag.asa ko para matulungan ko si Red..
Pinilit kong makatayo kahit natutumba parin ako dahil wala parin akong balanse.. Pero nangingibabaw ang aking kagustuhan na maligtas is Red kaya unti unti akong nakalakad. Sobrang sakit parin ng mga sugat ko pero sinikap ko parin na makalabas doon. Hinanap ko ang mga damit ko. Nakita kong nakasabit ito sa isang hanger at may mga nakadikit na note sa damit ko..
Makakatakas ka.. Pero magawa mo man yun.. Huli na ang lahat.. Akin ka lang Shino!
Yun ang nakasulat sa damit ko.. Hindi ko na inisip yun. Hindi ko siya hahayaan. Ngayon, ngayon na dapat kong gamitin ang aking lakas ng loob. Hindi siya mananalo sa kanyang mga plano. Siya ang mamamatay, dahil siya ang karapatdapat mamatay..
At tuluyan na nga ako nakalabas sa bahay na yun. Kahit sobrang nahihirapan ako, pinilit ko parin makalabas doon.. Kahit napakalayo ng lugar na iyon, linakad ko parin ng linakad ang masukal na gubat hanggang sa makarating ako sa kalsada. Doon na tuluyang bumigay ang katawan ko.. Tanging iniisip ko noon, ay ang pagmamahal ko para kay Red..
Na kahit anong sakit man ang dinulot niya sa akin, naramdaman ko kung gaano ako kahalaga sa kanya. At yun ang dahilan kung bakit ko siya ipaglalaban…
T.B.C.
A/N
Last Four Chapters Readers!! Exciting!!.. hehehehe..
Chapter 26: Face Off
Red’s Point of View
Ilang ulit ko nang tinatanatawagan si Shino pero hindi ko siya macontact.. Ano ba ang ginagawa niya at parang ayaw niya akong makausap..
Pabalik balik lang ako ng lakad sa sala ng bahay ko.. Hindi ko napigilang mag.alala.. Paano nga kung naalala na niya lahat. Paano kung mas pinili na niya na huwag na akong makita?? Dahil sa ako ang dahilan bakit siya naaksidente.. Kahit anong anggulo kasi tingnan, ako parin ang dahilan kung bakit siya nasaktan ng todo.. Paano nga kung iyon na ang nangyari.. Punyeta talaga… Hayyyysss.. Bakit di ako mapalagay.. Umupo muna ako sa sofa at nag.isip.. At bigla ngang tumunog ang aking phone..
Hello Red? sabi ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Si Tita Zaida yun, ang mommy ni Shino..
Oh Tita? Bakit po? Bakit ganyan po ang boses niyo? May nangyari po ba?? nag.aalalang tanong ko sa kanya..
Si Shino kasi.. Naaalala na niya lahat. At ngayon, kasama niya si Jonathan at hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Nag.aalala na ako Red..
Hindi ko mapigilang matakot. Tama nga ang kutob ko.. Na naaalala na niya lahat. Pero ano ang sinasabi niyang kasama nito si Jonathan?? Sinong Jonathan? Napakuyom ang aking mga palad. Hindi ko hahayaang ganun nalang. Hindi pwedeng basta nalang siyang sasama kahit kanino.
Huwag kang mag.alala Tita, ako ang maghahanap sa kanya. Pero may idea po ba kayo kung saan sila pupunta? pagpapakalma ko kay Tita Zaida..
Ang alam ko lang ay pupunta sila sa isang lugar sa Antipolo. Hindi ko na alam kung saan siya maaring magpunta doon. saad ni Tita. Nangamba ako kung paano ko siya hahanapin.
Ako pong bahala tita.. Ako ang maghahanap sa kanya.
Binaba ko na ang phone at hindi nagatubiling puntahan ang aking kotse para hanapin ko na si Shino.. Bakit siya aalis kasama ang ibang lalaki?? At maaaring hindi pa niya lubusang kilala ang lalaking yun? Paano kung isang sira ulo pala ang nakasama niya? Hindi ko na alam kung anong iisipin.. Hindi ko alam kung saan mag.uumpisa.
Mayamaya pa ay tumunog na nga ang aking phone. Si Shino ang tumatawag.. Gumaan bigla ang pakiramdam ko.. Salamat naman at naiisipan na niya akong tawagan. Natatakot na talaga ako sa pwedeng nangyari sa kanya..
Hello Shin—–
Hello Red? Kumusta ka mahal kong kapatid?
Napatigil ko bigla ang sasakyan.. Para akong biglang naging bato.. Ang boses na yun? Ang boses na inakala ko ay matagal nang naglaho. Ang boses na kailanman hindi ko na ginustong marinig..
Flashback…..
Red, sana ganito lang tayo ano? Magkaibigan habangbuhay diba? Kita mo close narin kami nila Tatay Vincent at Sina Blue at Violet masaya na nandito ako lagi?
sabi ni Jonathan sa akin.. Ang tinuring kong kaisaisang kaibigan. Ang iniintindi ako kahit napakagago ko..
Pare? Syempre naman? Ang dami mo nang natulong sakin eh.. At tsaka may isa pa tayong dapat gawin diba? Si Gard.. Gusto kong umalis ka na sa modeling agency niya kasi parang nakakahalata na siya sa koneksyon natin.
saad ko sa kanya..
Pareho kaming model ni Jonathan Rodriguez sa Garfree.. Siya ang naging dahilan kung bakit ako sumikat.. Dahil sa marami niyang projects na tinanggihan para ibigay sa akin.
Red? Bakit ako aalis? Eh hindi naman ako nakakasagabal diba?? Mahalaga parin ako kay Gard.. Kaya hindi ko pwedeng gawin yang gusto mo..
Natatawa ako sa kanya. Mapapahamak lang ako kung patuloy siyang nandoon. Kaya kailangan ko nang gumawa ng paraan para mawala siya. Dahil kung nandoon siya sa Garfree, hindi ako magiging successful..
Nakarating kay Gard na isang dual contractor si Jonathan sa ibang agency. Isa yun sa mga pautot ko para tuluyan ma siyang maalis sa agency. Na ikinatuwa ko naman dahil gumana nga. Wala akong pakialam sa pagkakaibigan namin kung hindi rin lang ako sisikat..
Akala ko kaibigan kita.. Tangena ikaw pala ang maglalalag saking hayop ka!! Galing mong gumawa ng storya..
singhal niya sakin habang nag.uusap kami sa phone.. Natanggal na nga siya sa agency dahil naniwala si Gard sa sinabi ko.. Napakadali kong natanggal ang hadlang sa buhay ko..
Ganun talaga ang buhay Jonathan.. Gamitan lang yan. At ginamit lang kita. Pasensya ka na.. Mahal kong kapatid…
End of Flashback
Bakit nagparamdam nanaman siya? At bakit hawak niya ang phone ni Shino? Ibig sabihin ba siya ang Jonathan na kasama ni Shino? Lalo akong kinabahan.. Ano ang tinatakbo ng isip niya..
Jonathan, anung ginawa mo kay Shino? galit kong sabi sa kanya..
Tumawa naman siya at parang asong ulol na pahingal hingal..
Hahaha! Magandang tanong yan Red.. Kaso??.. Hindi ko pwedeng sabihin…
Hayop ka talaga!! Nasaan si Shino?? mas lalo akong nagalit.. Paano kung may masama siyang ginawa dito..
Bakit Red? Nung ginawan mo ako ng mga maling paratang para maalis ako sa agency, sinabi mo ba sa akin ang rason?? Itinuring kitang parang kapatid.. At lahat ng kabutihan pinakita ko sayo.. Kaya ngayon, maghanda ka.. Dahil lahat ng nasayo ay kukunin ko.. Uunahin ko na si Shino.. Hahahahahahaha! malakas na tawa niya..
Pinatay niya bigla ang phone.. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ng mga oras na yun. Ano ang gagawin niya kay Shino?? At kung maari nga, baka may ginawa na siya dito.. Hindi na ako nagdalawang isip, kailangan ko talagang harapin ang gagong yun.. At biglang may text message akong nakuha.. Galing sa phone ni Shino at alam kong si Jonathan ang nagpadala nun..
Kung gusto mong makuha si Shino.. Magkita tayo sa dati nating tambayan.. Magtotoos tayo. Kapag natalo mo ako, ibibigay ko sayo si Shino, pero kapag natalo kita.. Ibibigay mo sakin si Shino at iiwan mo na ang pagmomodel.. Fair enough diba?? At wag mong tangkain magdala ng pulis.. Dahil papasabugin ko ang ulo ng taong alam kong mahal na mahal mo. See you!
Hinahamon talaga ako ng gagong yun. Pero paano nga kung kasama niya talaga si Shino sa lugar na yun? Kailangan kong iligtas siya sa sira ulong yun. Alam kong nagkasala ako sa kanya pero handa akong humingi ng tawad sa kanya.. Kaya kong iwanan ang pagmomodel ko pero ang mawala sakin ang taong napakahalaga sa akin, ay hindi pwedeng mangyari..
Pinuntahan ko na nga ang lugar na sinasabi niya.. Natatakot na ako pero kailangan kong sumugal.. Hindi ako duwag pero naduduwag ako sa pag.aalala kay Shino.. Sana maayos lang siya.
Nagring nanaman ang phone ko.. Hindi ko na alam ang gagawin kaya sinagot ko nalang ito ng walang pag.aalinlangan. Diretso lang ang pagdradrive ko.. Ang nasa isip ko lang ay ang maligtas si Shino..
Hello??
H–eello Red? Ako to si Shino.. Tulungan mo ako.. Nasa isang ospital ako sa Antipolo.. Sa mismong bayan.. Nakatakas ako sa pinagkulungan sakin ni Jonathan.. Please tulungan mo ako.. Patawad dahil wala akong magawa..
Nagdagundong agad ang puso ko.. Naghalo ang galit at pag.aaalala na aking nararamdaman.. Kung ganun kinulong ni Jonathan si Shino sa isang lugar at ano ang ginawa nito kay Shino??
Shino.. Wag kang mag.alala pupuntahan kita diyan.. Pasensiya narin at ngayon ko lang nalaman lahat.. Diyan ka lang, malapit na ako..
Sige Red.. At wag kang magpapakita sa Jonathan na yun, hindi ko alam kung anong koneksyon niya sayo, pero balak ka niyang patayin..
Tama nga lahat ng nasa isip ko.. Pero ang pinagpapasalamat ko sa mga sandaling iyon ay walang masamang nangyari kay Shino.. Kailangan ko siyang mapuntahan agad doon.. Dahil baka maunahan ako ni Jonathan kapag nalaman nito na nakatakas ito sa kanyang pinagkulungan..
Pinaharurot ko ang aking sasakyan.. Tanging si Shino lang ang iniisip ko sa mga sandaling yun.. Wala nang iba..
—————————————–– T.B.C.
A/N
Ayan malapit nang matapos ang story..
Sana naman makakita na ako ng kahit isang comment manlang bago matapos ang kwento ni Shino.. Kasi kapag hindi talaga ako makakita ng comment, hindi na ako magpapatuloy na magsulat nito..
Thanks! ;D
Chapter 27: One Shot
Red’s Point of View
Agad kong nahanap ang hospital na sinabi sa akin ni Shino. Nandoon parin ang pag.aalala ko sa kanya. Pero mas nangigibabaw ang galit ko kay Jonathan. Hindi ko akalain na gagawin niya ang bagay na yun. Ako ang dapat niyang singilin sa mga nagawa ko sa kanya pero bakit dinadamay niya si Shino.
Pagkapasok ko sa ospital, hinanap ko agad ang emergency room.. Swerte naman at walang masiyadong pasyente kaya nahanap ko agad si Shino..
Hindi muna ako nakalapit sa kanya.. Kitang kita ko ang mga mahahabang sugat sa kanyang mga paa.. Napakarami niyang sugat at nadurog na ang puso ko.. Nanghina ako bigla sa nakita ko. Hindi ko akalain na dadanasin niya ang ganitong mga pangyayari.. Simula ng magkakilala kami, lagi na siyang napapahamak. Alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan nito.
Umiiyak siya habang nakikita niya akong lumalapit sa kanya. Blanko ang pakiramdam ko. Dahil siguro naghalohalo na ang galit at awa at pagmamahal ko para sa kanya..
Red.. Pasensya ka na kung ganito ang itsura ko. Hindi ko naman—–
Shhhh… Tahan na Shino. pag.awat ko sa kanya sa pag.iyak niya. Binaba niya ang kanyang tingin.
Wala kang kasalanan. At wala kang dapat ihingi ng tawad. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan. Magpagaling ka muna. Babantayan kita.. Wag kang mag.alala..
Tiningnan niya ulit ako, yung tingin na nag.aalala.. Na may gusto talaga siyang malaman mula sakin.
Kilala mo ba si Jonathan? Hindi ko kasi alam paano sasabihin pero siya lahat ang may gawa nito.. Para siyang may sira sa utak.. Sinabi niya na kukunin niya daw ako sayo, pati ang pamilya mo? Natatakot ako..
saad niya sakin na nababahiran ng takot. Sobra ang ginawa sa kanya ng hayop na Jonathan na yun.. Humanda siya dahil ako mismo ang papatay sa kanya..
Shino, hindi na yun mahalaga ngayon. Kailangang makaalis tayo dito, kailangan makapunta tayo sa lugar na ligtas ka. Ako na ang bahalang humarap sa kanya. Ako ang tatapos sa kalokohan niya.
Pero Red? Hindi ko pwedeng hayaan ka lang. Kailangang kasama mo ako. pagsusumamo niya. Umiling lang ako sa kanya.
Hindi Shino, wala kang kinalaman sa aming hindi pagkakaunawaan. Sasabihin ko sayo lahat, kapag natapos na to. Ang mahalaga ngayon ay maging ligtas ka sa kanya.. at hinawakan ko ang kanyang napaka.among mukha. Ang mukhang nagpapatunay sakin na dapat kong gawin ang tama. Kailangan kong tapusin ang mga kalokohan na ito..
Pinuntahan ko ang mga nag.asikaso kay Shino at pinakiusapan ko silang madala ko si Shino paalis sa ospital na yun. Dahil nanganganib nga siya doon. Pinayagan naman nila ako at dinala ko na si Shino. Rinesatahan nalang kami ng mga gamot para mabilis siyang gumaling..
Inakay ko siya papasok ng kotse dahil nahihirapan parin siyang maglakad dahil nga di pa siya tuluyang gumagaling sa kanyang aksidente at ito pa nadagdag ang mga sugat na dulot ng latigo na hinampas sa kanya ni Jonathan. Humanda talaga siya kapag nakita ko siya. Ipaparamdam ko rin sa kanya ang ginawa niyang pagpapasakit sa aking minamahal.
Red, payagan mo akong sumama sayo. Pwede pa natin siyang kausapin at huwag nang dumaan pa sa ganito? Yung magpapatayan kayo? saad ni Shino sa akin habang naglalakbay kami papunta sa Batangas. Doon ko siya dadalhin.
Shino alam mo bang napakarami ko nang kasalanan sayo? Kapag may masamang nangyari nanaman sayo, baka pati sarili ko hindi ko na mapatawad? Please Shino.. Ito lang ang hinihiling ko sayo.. sabi ko naman sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa. Alam ko na gusto niyang walang dahas na mangyari. Pero alam ko na dahas ang gusto ni Jonathan.
Nakapundar ako ng isang maliit na resthouse sa Kalatagan, Batangas. Malapit ito sa dagat kaya maganda ang paligid nito. Pinili ko talaga yun dahil sa gustong gusto ko na nakikita ang dagat. Dahil iyon din ang dahilan kung bakit ako nagbago. Dahil sa dagat, napagtanto ko na hindi lahat ng bagay umiikot sa kamay ko, na ang dagat hindi ko kayang hawakan. At dahil sa dagat, nahanap ko ang pagbabago sa katauhan ni Shino. Dahil siya ay kakaiba.. Siya ay ibang iba sa lahat.
Nang makapasok na kami sa loob ng resthouse, tinungo namin ang kwarto ko sa pinakadulong part ng bahay. Maliit lang yun pero napakaaliwalas. Nakakagaan ng loob. Pinaupo ko si Shino sa kama at tumabi ako sa kanya..
Shino, alam mo nung niligtas kita sa pagkakalunod mo, hindi ko naintindihan ang sarili ko. Lalo na nung malapat ang bibig ko sa labi mo.. Parang may kuryente na dumaloy sa mga ugat ko.. pagbasag ko ng katahimikan.. Napatingin naman siya sakin. Saking mga mata.
Iniisip ko nang mga sandaling iyon kung paano ako makakahingi sayo ng tawad. Pero lagi akong pinangungunahan ng pride ko at galit. Kasi nagagalit ako sayo, kasi hindi ko tanggap sa sarili ko na, humahanga na ako sayo. Lahat ng klaseng tao nakilala ko na pero, ikaw ang pinakaiba sa kanilang lahat, dahil binago mo ako. Binago mo ang pagtingin ko sa buhay.. at bigla niya akong yinakap. Napakasarap sa pakiramdam. Gumaan ang pakiramdam ko na nasabi ko na sa kanya ang gusto kong sabihin..
Ang totoo Red, wala akong galit na nararamdaman sayo. Siguro sumama lang ang loob ko sayo dahil hindi mo manlang ako magawang pakitunguhan ng maayos. Parang napakasama kong tao. Pero alam kong may dahilan kung bakit ka ganun. At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil naliwanagan niya ang isip mo.. Hindi ako ang nagpabago sayo, ang sarili mo ang nagkusa.. sabi niya na parang maiiyak na.. Pinaharap ko ulit siya sakin at hinawakan ang mga balikat niya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Napakasaya ko. Nakikita ko ang mapupungay niyang mata, makapal niyang kilay, at napakapulang labi. Lahat sa kanya napakaganda. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kahit ano pa siya, mahal na mahal ko siya..
Naglapat ang aming mga labi. Nalasap ko nanaman ang sarap ng pakiramdam na binibigay nun. Nakakabaliw. Hindi ko napigilang sidhian ang paghalik ko sa kanya. Napakasarap ng kanyang mga labi. Napakalambot. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang bitawan..
Nagkahiwalay ang mga labi namin na hingal na hingal. Alam ko sa loob ko, napakasaya ko. At ganun din ang nararamdaman niya. Kaya hindi ko na pinatagal pa ang pagnanasang nasa isipan ko.
Tuluyan ko nang sinakop muli ang kanyang mga labi. Dahan dahan at hindi ko mawari pero nararamdaman kong tinutugunan na niya ang mga halik ko. Alam kong hindi pa niya ito naranasan kaya mas lalo akong natuwa..
Hiniga ko siya sa kama. Hindi ko gagawin ang bagay na iyon sa kanya. Dahil may dinaramdam pa siya. Pero that was the most unforgettable moment.. Ang mahalikan siya nang may pagmamahal..
It was more than heaven for me.. It was even higher than cloud 9..
At may biglang pumutok. Putok ng baril…
BAAAAAANNNNNGGGG!
T.B.C.
Chapter 28: Tracked Down
Napakasarap sa pakiramdam. Parang lumulutang ako sa hangin. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag hinahalikan ka ng taong pinakamamahal mo?
Hindi ko narin mapigil na di tumugon sa halik ni Red sa akin. Nakakapanliyab ng kalamnan. Lahat ng sakit na aking nararamdaman ay lahat naglaho. Dahil nalaman ko na, na mahal niya talaga ako. Napatunayan ko na yun. At sana hindi na matapos ang sandaling yun..
BAAAAAAANNNNNNGGGGGGGG!!
Isang malakas na putok ang nagpagulantang saming dalawa. Nagkatinginan kami. Nag.aalala ang mga mata niyang iyon. Hindi ko alam kung nasundan nga ba kami ni Jonathan? Pero paano? Ano ang ginawa niya para masundan kami..
Titingnan ko kung sino yun.. Diyan ka lang. Huwag kang gagalaw. madiin na bilin sakin ni Red..
Agad naman siyang lumabas ng kwarto. Pinilit kong tumayo. Hindi ko pwedeng hayaan siyang mag.isa. Kung si Jonathan man ang nagpaputok nun, hindi ko maaaring hayaan na masaktan niya si Red.
Agad akong nakalabas ng kwarto kahit nahihirapan parin akong makabalanse.. At nakita ko nga kung sino ang nasa sala.. Si Jonathan at may hawak siyang baril na nakatutok kay Red..
Aba? Nakakatuwa talaga.. Magkasama ang mga taong pinakamahalaga sa buhay ko. sabi ni Jonathan na parang tuwang tuwa pa siya na ganito ang sitwasyon.
Jonathan, wag mong idadamay sa ating dalawa si Shino. Wala siyang kinalaman.. saad ni Red na galit na galit..
Ohhww?? Talaga. Hindi ko na alam eh? Sa pagkaka.alam ko, damay na siya sa ating laro.. Diba nga, mahal mo siya? Oh eh di mahal ko narin siya- Jonathan
Hayop ka talaga!!. Walang hiya ka!!. Wag na wag mo nang gagalawin ulit si Shino. Papatayin kita pag ginawa mo yun!!- Red
Haha!! Si Shino din naman ang nagdala sakin dito. Dahil sa kanyang
damit na yan, natunton ko kayo. I put a tracking device on his shirt. Alam ko kasi na makakatakas siya. At ang unang una niyang tatawagan ay ikaw.. Hahaha.. Everything will happen according to my plans.
Nanginig ako sa takot dahil matalim ang tingin niya sakin. Yung parang gustong gusto na niya akong patayin. Napapa.atras ako dahil malapit na siya sakin at sakin nakatutok ang kanyang baril..
Parang awa mo na Jonathan ako nalang, wag mo nang idamay si Red..
Napansin kong dahan dahang lumalapit din sa amin si Red. Sinenyasan niya ako na ipagpatuloy ang ginagawa ko..
Haha.. Hindi Shino.. Hindi ko yun magagawa. Paano na ako kung papatayin kita? Ang dapat mawala ay si Red!! Dahil inagaw niya lahat sa akin.. Inagaw ka niya sa akin!! hiyaw niya na nanlilisik ang mata. Itinutok niya sa noo ko ang baril.. Napalunok ako sa takot.. Sana ay magawa ni Red ang binabalak niya.
Sige iputok mo na yan Jonathan!!. Napakawalang hiya mo.. Pinagkatiwalaan kita at ako pa ang ginago mo?? singhal ko sa kanya.. Nakakatakot talaga ang itsura niya.
At bigla siyang pinalo ng bakal sa ulo ni Red. Nawalan siya ng malay at agad akong hinablot ni Red para makaalis na din doon. Pumunta kami sa pinagparkingan ng sasakyan niya pero butas ang mga gulong nun kaya hindi mapapakinabangan.
Napakasukal panaman ng lugar na yun bago makarating sa highway.. At sa kabilang banda naman ay dagat kaya mahihirapan kaming makalabas doon.. Kaya wala na kaming choice kundi tahakin ang masukal na patag..
Shino, makakaalis tayo dito, wag kang mag.alala. pagpapakalma sa akin ni Red habang magkahawak parin ang aming mga kamay. Nahihirapan man along maglakad at paika.ika ay pinipilit kong makalakad para hindi kami mahuli ng hayop na Jonathan na yun.. At malayo layo narin naman ang aming nalakad..
BAAAAANNNGGG!! BAAAANNNNGG!!
Dalawang putok ng baril ang narinig namin. Alam kong nagkamalay na si Jonathan at hinahabol niya kami. Nagragasa nanaman ang takot na nararamdaman ko. Binilisan pa namin ang pagkilos..
Pero nakita naming malapit na siya sa amin. Itinututok niya ang baril niya sa amin..
HINDI KAYO MAKAKAALIS DIIITOOOO!! MAMAMATAY KAYONG DALAWA!! sigaw ni Jonathan na parang sinaniban ng sampung demonyo..
Bilisan natin Red.. Malapit na siya sa atin. Nakakabwesit talaga ang hayop na yan. saad ko habang hingal na hingal na kalalakad na patakbo..
Basta tandaan mo mahal kita Shino. At sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko.. sabi ni Red na may paglalambing..
Punyeta ka Red!!.. Umalis muna tayo dito. Saka ka na magpropose.. Kita mo nang may demonyong gusto tayong patayin. sabi ko sa kanya. At napatawa siya ng mahina..
Malapit na kami sa bukana at kunti nalang ay highway na. Binilisan pa namin ang takbo ng bigla akong may naramdamang sakit. Isang matinding sakit na hindi ko na kinayang tumayo.
Shino?? Ayos ka lang ba?? nag.aalalang tanong ni Red..
At biglang pumutok ang baril. Nakita ko ang pagtama nun sa dibdib ni Red. Natakot ako. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari samin. Sabay kaming bumagsak na magkaharap. Nagkakatitigan kami.. Ngumiti siya sakin..
Red?? Red?? Wag kang bibitaw ah?? Alam ko kaya mo yan.. Makakaalis tayo dito.. Ako na ang lalaban para sa ating dalawa. Tama na ang nagawa mo para sakin. saad ko sa kanya habang unti unting nawawala ang kanyang paningin. Napapikit siya. Hindi pwedenh mamatay si Red.. Hindi siya pwedeng mawala sakin..
Hahahaha!! Sapul!! Patay na si Red..
sigaw ni Jonathan habang palapit na siya sa aming dalawa.. Nagpanggap akong nawalan ng malay.
Napakahina mo pala Red.. Sayang at patay ka na.. nakatawang saad ni Jonathan..
IBABA MO ANG BARIL MO!? hiyaw ng isang boses.
Wag mong tangkaing lumaban dahil napapaligiran ka namin..
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ngang pinupusasan na si Jonathan nga mga Pulis. Hindi ko alam kung may buhay pa ba si Red. Dahil unti unti narin akong nawawalan ng malay.. Dahil sa sakit… Sa takot…
Sana ay maayos lang siya.. Sana makaligtas siya.. at tuluyan na akong nawalan ng malay..
T.B.C.
A/N
Last two chapters nalang guys.. I know maiksi lang ang kwento pero sana nagustuhan niyo.. Its just my first story.. At abangan niyo ang susunod ko pang gagawin na kwento..
I Hope na sana nagustuhan niyo ang kwento ni Shino at Red..
Linikha lang sila ng utak ko pero napamahal na sila sa akin.
Dahil binuhos ko ang oras ko para maging maganda ang kwento nila..
Kaya abangan niyo ang last two chapters..
I am hoping na it will be a happy ending… Kayo?? Hehe..
So comment and vote guys ha?? Para naman maramdaman ko na kahit papano maganda ang naging storya ko..
THANKS
Chapter 29: Silence
Naramdaman ko ang isang mainit na haplos sa aking mukha. Hindi ko alam kung gaano na katagal pero, isa lang ang alam ko, nasa isang ligtas na lugar na ako. Minulat ko ang aking mga mata. Nasa isang puting kwarto nanaman ako. Nasasanay nalang ako sa lugar na ito. Parang kalahati na ng buhay ko nandito ako sa lugar na ito.
Sinariwa ko ulit ang mga nangyari. Agad namang nagragasa ang mga luha ko nang maalala ko ang sitwasyon namin ni Red. Ang pagtama ng bala sa kanyang dibdib. Ang nakakatakot na nangyari sa aming dalawa. Lahat nanumbalik. Kung paano niya inisip ang kapakanan ko bago ang sarili niya. Ibang iba ang Red na nakasama ko. Siya yung Red na nahulma sa isip at puso ko. At ngayon, natatakot ako kung hindi ko na siya makikita, paano na ako. Nawala na ba siya?? Hayop talaga ang Jonathan na yun… Papatayin ko siya kapag gumaling na ako. Hindi ko siya mapapatawad..
Nakita ko si Mommy Tita na natutulog sa may bandang tagiliran ko.. Dahan dahan kong inabot ang kamay niya.. At napamulat naman siya..
Diyos ko!! Shino.. Salamat at gising ka na.. Salamat sa Diyos.. tuwang tuwa na naluluha si Mommy..
Mmoommy? Si Red poo? pautal utal kong saad sa kanya. Hindi ko na kasi mapigil na hindi siya tanungin..
Wala siyang imik. Napalitan ng lungkot ang mukha niyang masaya. Hindi maari. Alam kong buhay siya. Nararamdaman ko yun..
Moommy?? Si Red? Anong nangyari sa kanya? tanong ko ulit na nangingilid na ang luha..
Anak.. Hindi ko alam kung paano sasabihin..
Tuluyan na akong nawalan ng pag.asa. Napaluha na ako ng tuluyan. Ang sakit na nararamdaman ko, sa buong katawan ko, napunta lahat sa puso ko. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi ko pa siya nakakasama. Hindi pa niya ako naligawan. Di ko pa siya nasasagot. Gusto ko pa siyang makilala ng husto pero bakit ganun? Napakadaya ng tadhana. Kung sino ang magpapasaya sayo, yun pa ang kukunin sayo..
Shino.. Nasa mabuting kalagayan siya anak. Huwag kang mag.alala. pangiting saad ni Mommy..
Bigla nalang napalitan ng kaginhawaan ang mga iniisip ko kanina. Bakit ba kasi hindi nalang ako dineritso ni Mommy. Nakakainis tuloy. Hindi ko na alam kung ano talaga ang totoo.. Pinahiran ni Mommy ang mga luha ko.
Alam ko kung gaano mo siya kamahal. Dahil nakita ko sa mga mata mo ang saya kapag nakikita mo siya. Kahit noong hindi mo siya naalala. Alam ko, ang puso mo ang pumilit na maalala mo siya..
Tiningnan ko si Mommy sa mata. Tama siya. Tama lahat ng sinabi niya. Dahil si Red ang dahilan kung bakit ko naalala lahat. Dahil nagbago siya ng kusa. Nagbago siya dahil, kailangan niya yun.
Malaki daw ang pinagbago niya. Nagkwentuhan kami noong minsan bumisita siya sayo. Nagbago siya dahil pinakita mo sa kanya ang tunay na kaligayahan. Na hindi kasikatan at pera ang magpapasaya sa tao. Kundi ang pagmamahal at pagtanggap. At dahil nga sayo, narealize niya lahat ng iyon. Nagpaalam siya sa akin na kapag gumaling ka na daw, liligawan ka niya. Ituturing ka niyang isang mamahaling bagay na hindi kayang matumbasan ng kahit ano..
Napapangiti ako sa mga kwinekwento ni Mommy. Ganun kalaki ang pinagbago ni Red. Ang dating parang bagyo sa sobrang lakas ng hangin sa utak. At ang dating napakasama ng ugali, eh biglang naging mabuting tao. Natutuwa ako dahil ako nga talaga ang dahilan bakit siya nagbago..
Mommy.. Kapag nagising ang mokong na yun. Sasapakin ko talaga yun. Matapos akong saktan ng sobra eh bigla akong mamahalin? Hindi ko lang nagawa sa kanya yun nung niligtas niya ako kasi mahina pa ako.
Tumawa naman si Mommy sa sinabi ko. Alam niya na kahit napakaseryoso na ng mga nangyayari ay nakukuha ko pang magpatawa..
Shino anak.. Napakasaya ko kasi.. Nakita mo na ang Shane West mo. Na hindi ka iiwan kahit anong mangyari..
Napatawa naman ako.. A Walk to Remember nanaman??
Ayokong maging Mandy Moore Mommy.. Eh ayaw ko siyang iwan.. Hindi ko kaya..
Tumango tango nalang si Mommy at inasikaso na ako. Kailangan ko magpalakas para makita ko na si Red. Kailangan niya ako. At kailangan ko rin siya. Kaya magpapalakas ako para sa kanya..
Shino, good news, bukas makakalabas ka na. Kaya wala ka nang dapat alalahanin.. masayang sabi ni Mommy habang inaayos ang mga gamit na dinala niya para sa pagbabantay sa akin..
Apat na araw na mula ng magkamalay ako pero hindi ko parin nakita si Red.. At hindi pa rin ako pinapayagan ni Mommy kasi daw mahina parin ang tuhod ko. Pero ngayon na nakakalakad na ako ng maayos, pupuntahan ko na siya.
Mommy, pupunta na ako kay Red. Ready na akong makita siya.. masaya kong sabi kay Mommy. Napatingin siya sakin at nag smile..
Linapitan niya ako at hinawakan ang mga kamay ko.
Shino anak, sana nga maging masaya na kayo ni Red. Nabalitaan ko sa Tatay niya na nagkamalay na daw siya kaya puntahan mo na siya. pangiti niyang turan sa akin.
Pupuntahan ko na siya Mommy..
At lumakad na ako papunta sa kwarto ni Red. Malapit lang yung kwarto ko sa kwarto niya sa ospital kaya natunton ko kaagad yun. Pinakiramdaman ko muna yung pintuan. Kinakabahan ako. Ano kaya ang ginagawa niya kung totoo nganf nagkamalay na siya.
Nakakarinig ako ng mga boses. Parang nakakasiyahan sila sa loob. Pinihit ko na ang pinto at yun nga, napalingon sila lahat sa akin..
Nakita ko na ulit siya. Ang kaligayahan ng buhay ko. At napakatamis ng mga ngiti niya. Kahit mat diraramdam pa siya ay kitang kita ang saya sa kanya. Hindi ko mapigilang mapangiti. After all na nangyari saming dalawa, nakuha parin niyang makangiti ng ganyan.. Nakangiti din sakin ang mga kasama niya sa kwarto.
Shino! Kumusta ka? Ayos ka lang ba? tanong niya sakin. Casual lang ganun? Kakainis. Walang sweetness..
Ayos na ako. Ikaw nga eh parang hindi ka natamaan ng bala? Lakas mong tumawa ah? sabi ko sa kanya. Sumenyas siya na lapitan siya..
Hindi ko napigilan ang aking emosyon dahil sa tuwa. Napatakbo ako sa kanya at yinakap ko siya ng mahigpit..
Aaaahhh!! teka lang Shino, may sugat pa ako diyan. Dahan dahan lang sa pagyakap.. daing niya habang nakangiti.
Napangiti naman ako at dahan dahan kong linuwagan ang pagyakap. Nakakatawa ang sitwasyon namin. Biglang nabura lahat nang masasamang nangyari sa amin.
Masaya ako Shino at maayos ka na.. sabi ng malalim na boses na alam kong galing sa Tatay ni Red..
Tumingin ako sa kanya. At sa dalawa pa niyang kasama. Isang lalaking mas bata siguro sakin at isang teenager na babae. Nakangiti lang sila sakin. Napangiti nalang din ako, siguro sila ang pamilya ni Red.
Shino, siya ang Tatay Vincent ko. At yung lalaking pangit na katabi niya, si Blue yan, kaedad mo ata siya.. At ang prinsesa namin si Violet.. Kayong tatlo, ito ang taong pinakamamahal ko, si Shino.. pagpapakilala niya sa amin. Nakakatawa talaga ang mokong na to..
Hoy Kuya sobra ka ha? Napakapogi ko kaya. Mas gwapo ako sayo. Neknek mo.. sabay hagalpak ng tawa ni Blue.
Nagkatawanan nalang kaming lahat. Napakasaya. Napakasarap sa pakiramdam. Ganito pala ang pamilya niya.
Alam mo Ate…este Kuya Shino, araw araw ka naming pinagpray pati na si Kuya na maging ok na kayo. Paano kasi, gusto ko magdesign ng bagong gown, at gusto ko isoot mo yun sa kasal niyo ni Kuya Red ko.. sabay hagikhik ni Violet. Nakakatuwa talaga ang babaitang ito..
Nagakatinginan nalang kami ni Red. Nasa mukha niya parin ang kanyang kasiyahan..
Tumigil ka nga Violet. Hindi mag.gagown si Shino. Beach Wedding ang gagawin namin.. Parehas kaming naka beach shorts.. Diba Mahal ko??
Tinapunan ko siya ng irap. Natawa naman silang lahat. Hindi ka magsasawa sa kanila. Puro hagalpak sa tawanan ang mararamdaman mo sa kanila..
Aba swerte mo ah? Di mo pa nga ako dinedate eh? Liligawan mo pa ako? Tapos kasal agad?.. sabi ko sa kanya..
Hahahaha. Ayan kuya! Kasi ang ganda niyang si Kuya Shino. Deserve talaga niyang ligawan muna. sabi naman ni Violet..
Nagkatawanan nanaman kami at napakarami pa kaming kalokohang napag.usapan. Napagpasyahan ng pamilya ni Red na iwan muna kami para makapag.usap..
Tinitigan ko lang si Red. Nakahospital gown parin siya. Napakagwapo parin talaga ng mokong na to. Nakakainlove ng paulit. ulit. Nakangiti naman siya sakin.. Mahaba na ang kanyang bigote. Brown parin ang buhok niya. Matangos ang ilong. Nakakatunaw na mga mata. Mapupulang labi. Nakakabaliw talaga ang kagwapohan niya. At napakasaya ko dahil ako ang pinili niya..
Hahaha, Shino matutunaw na ako niyan eh. Bakit ka titig nang titig sakin? Alam kong gwapo ako. Wag mo nang ipagdiinan. sabi niya sabay kudyot sa pisngi ko..
Aba kapal nito. Hindi ka gwapo no? Saan banda?
Ah ganun? Sige sabi mo eh.. at tumalikod siya sakin.
Nakakatawa talaga siya, parang bata.. Yinakap ko siya mula sa likod at pinatong ko sa balikat niya ang aking ulo. Gusto ko na ganito kami palagi.
Ikaw ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko. Kaso noong una, napakahambog mo talaga, babaero ka pa. Tapos napakahirap mong pakisamahan, di kita maintidihan.
Kaya ngayon nagtataka ako kung bakit ganyan ka na? Nagayuma ba kita?
Humarap naman siya sakin na nakangiti. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.. Namumula tuloy ako sa sobrang kilig ng moment na yun..
Shino, alam mo kung bakit ako naging ganito? Dahil pinamukha mo sa akin na ang mundo ay hindi iikot sa isang tao lang. Kailangan mo ng kasama para umikot yun. At hindi ka sasaya, kung walang magpapasaya sayo. Ikaw ang nagparealize sakin lahat ng iyon.. saad niya sakin na malambing na malambing. At hinalikan niya ako. Nadama ko nanaman ang mainit niyang labi sa aking mga labi.
Napakasaya talaga ng pakiramdam ko nun. Parang kailan lang, isang gagong Red ang nakilala ko, at sinaktan ako ng sobra dahil sa kasamaan ng ugali niya. Tapos ito, isang malambing at bagong Red ang nasa aking piling. Totoo nga ang sinasabi nila na, lahat ay nababago, dahil sa pag.ibig..
—————————————–T.B.C.
A/N
Ayan na.. Hehe.. This will be the last chapter of the story..
Sana ay nagustuhan niyo ito. Although hindi ito naging patok. Sana ay nagandahan parin kayo. Pinaghirapan ko rin naman isipin lahat upang maging maganda ang plot ng story..
Kaya maraming salamat. Sa mga nagbasa. At mas gagandahan ko pa ang susunod na kwento ko..
THANKS!!
Chapter 30: We Drink, We Love (Ending)
Mabilis na lumipas ang panahon. Matapos naming makalabas ng ospital ni Red, tinupad na niya ang kanyang pangako na mas kikilalanin pa namin ang isat isa.
Magkasama kami lagi. Hindi na pala siya nagmodel. Tinigil na niya yun dahil sa galit daw niya pinasok ang mundong iyon.. Naisip niyang maging isang Game Developer sa isang sikat na Game Maker sa buong mundo. Pero dahil nga mahal niya ako, hindi niya yun pinagpatuloy. Naging isang photographer nalang siya. At ako naman, bumalik ako sa aking dating trabaho. Bilang consultant.
Naging close ako sa pamilya niya lalo at sila din kay Mommy Tita. Naging parang family day na namin ang weekends.. Kung saan saan kami napupunta. Vacation.. Gala kahit saan. Basta naging buo ang lahat sa akin.
Three Years After Everything
Shino?.. Asan na dito yung aking files? Nakita mo ba? Photoshoot na bukas ni Jessy Mendiola eh.. Kailangan ko mareview yung pictures niya dati.
Sabi sa akin ni Red habang nagpreprepare ako ng presentation para sa aking promotion sa Blue Soul..
Magkasama na nga kami sa isang bubong.. Naisipan na naming magsama since maayos narin ang lahat at tatlong taon na kaming mainit na nagmamahalan. Walang nagbago saming mga damdamin. Mas lalo pa niya akong minahal nung hinayaan ko na siyang may mangyari sa amin..
Hon, nandiyan lang yan. Hindi ko kasi napansin na may files ka sa table mo.. saad ko sa kanya. Nakakatawa siya minsan kapag nawawalan ng gamit, hinahalughog ang buong bahay.. Eh pagkalaki panaman nitong bahay naming dalawa.. At may sumulpot ngang isang napakagwapong anghel sa aming harapan..
Papa, Daddee.. Antot na po ato.. Sleep na tayo.. sabi ni Norvin.. Ang anak namin ni Red.. Hindi talagang amin ha? Nagpa.surrogacy si Red kaya siya ang naging bunga nun.. At napakasaya ko dahil parang akin narin si Norvin.
Papa Shino? Will you let our baby boy sleep na?? Daddy Red has something to do pa kasi anak? habang kinakarga niya si Norvin..
Ngumiti naman ako at linapitan silang dalawa. Napakasaya ko dahil parang totoong pamilya talaga kami. Yung napakasayang pamilya..
1 year and a half na si Norvin kaya marunong na siyang dumaing ng gutom, antok, inis at marunong na magtanong. Kaya nga napakatalino niya. Nakakahanga tong baby namin..
O sige baby Norvin ko, matutulog na po tayo.. Halika na kay Papa.. at nagpakarga naman siya sakin. Nakakatuwa talaga ang batang ito..
Tinapiktapik ko siya sa kanyang likuran at naghum ako ng paborito niyang kanta, yung Ikaw ni Yeng Constantino..
Nakangiti naman sakin si Red. Kinukuhaan niya kami ng mga pictures.. Pinagmamalaki niya sa lahat na ako ang pinili niya at sa akin siya bumuo ng pamilya kahit marami ang hindi tumatanggap nito.. Wala syang pakialam dahil sa akin naman sya masaya.
Nang makatulog na si Norvin, tinungo ko na siya sa kanyang kwarto at hiniga sa kanyang bed. Napakagwapo talaga nitong anak ko.. Kahawig na kahawig niya si Red..
Masaya ako kasi hindi ka nagkukulang samin ni Norvin. Mas higit ka pa sa isang tunay na babae.. Sobra ang pagmamahal mo sa amin..
Nasa pintuan pala siya ng kwarto. Nakangiti siya sakin. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang labi. Hindi nakakasawa ang kanyang mga labi. Ang lahat sa kanya. Nag.iinit ang katawan ko kapag nalalapat ang aking mga labi sa kanya..
Dahil kayo na ang buhay ko. Binigay ko sayo ang lahat dahil binigay mo rin sakin ang lahat ng meron ka. Mahal na mahal kita Red, at kahit kailan hindi na yun mawawala..
Yinakap niya ako at may bigla siyang dinukot sa kanyang bulsa. Hindi ko alam pero may kutob akong may sorpresa siya..
Mahal ko.. Ito na siguro ang panahon para gawin ko to. Sapat na ang paghihintay natin.. Dapat nang maging tama ang lahat.. Shino Franco Alto Jung Negro? Will you marry me?? saad niya na ikinagulat ko talaga.. Hindi ko akalain na mangyayari pa ang bagay na ito.. Na ikakasal talaga kami?? Seryoso nga siya sa mga pinangako niya sa akin..
YES!! bulong ko sa kanya. At bigla nga siyang lumuhod at sinuot ang singsing na simple lang pero napakameaningful..
Ayan! So wala ka nang kawala sakin.. Magiging Mr. Diaz ka narin Mahal ko..
Tumangotango nalang ako at napakasaya ko sa mga sandaling iyon.. Hindi ko alam na after all na nangyari, ito ang kahihinatnan ng lahat..
Dahil sa kalokohan namin ni Gino, pumasok ako sa isang bagay na labag sa aking kalooban. Nakakabwesit ang mga nangyari sa akin pero nung nakilala ko na nga si Red, mas lalong gumulo ang aking isipan. Dahil sa sama ng ugali niya, doon ko naranasan masaktan ng sobra. Dahil sa kabila pala nun, mahal ko na siya. Napaibig niya ako sa hindi ko malamang dahilan. Hanggang sa naaksidente ako at nawalan ng ala.ala, si Red parin ang aking nakasama. At dumating pa sa eksena ang hayop na Jonathan na yun, nakuha parin naming maging matatag.. Naging masaya rin pala sa huli ang aming ending..
At ayoko nang isipin ang mga pwede pang mangyari. Ang mahalaga ay masaya na ako, masaya ako dahil nakasama ko na ang taong bumuo sa akin. Ang tinanggap ako kung sino ako.. At ang taong nagbigay sa akin ng bagong pag.asa..
We always find the most worst things in life.. But we can never tell, that the worsest thing that could ever happen to us, can be the best thing that we could have..
At para sa akin, si Red ang pinakamasama at pinakamagandang nangyari sa buhay ko..
Sana mahanap niyo rin ang Red ninyo…
- END-
A/N
Natapos ko na siya.. Yeeehhheeyy!!
Sana naging masaya kayo sa kwento ni Shino..
And dito na natatapos ang kanyang kwento...
Abangan niyo po ang aking bagong gagawing kwento..
Im still figuring out its plot pero alam ko masisiyahan din kayo dun..
THANKS
Promotion
Hi Dear Readers!
I have been thinking that you might Check out the Sequel of this Story..
Its called “The Tattoo of His Love” and it is the story of Norvin. The son of Red and Shino.
And I hope na magustuhan niyo rin yun.
So please check out that story. Pasenxia na if hindi ako nakakapagsulat masiyado.

