A Drunken Mistake (COMPLETED)
beeyotch · 32 chapters · 11,256 words
Epilogue
#ADMwp Epilogue
I looked at the mirror in front of me and tried to smile. After all these years, after all the joy and the pain, dito rin pala ang bagsak ko. Hastily, I wiped the tears off from my face. Wala na rin namang magagawa. Tapos na. Nangyari na.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. I stared at my face—my tear stained face—and forced a smile that I’ve been practicing for months now. When I was satisfied with my fabricated smile, nagsimula akong maglakad papalabas ng kwarto ko. I enveloped myself inside the robe I was wearing. It was the wedding day. It was the wedding day yet I wasn’t excited at all.
Kumatok ako mula sa pintuan ng kwarto katabi nung nirentahan namin na hotel.
“Maicy?” I called for her as I knocked on the door. Isang beses lang akong kumatok. I stood there outside, waiting for her. Halos isang minuto rin akong naghintay bago niya ako nilabas. Like me, her eyes were bloodshot as well. Mukhang pareho kaming hindi naging maganda ang gising.
As I stood before her, I showed her the smile I had been practicing for so long. “Ate? Ang aga pa…”
“Naninigurado lang,” I said. “Sige, bababa muna ako at kakain. See you later, okay?” Tumango si Maicy at isinara niya iyong pinto.
After that, bumalik muna ako sa kwarto ko. I fixed myself. Hindi pwede na ganito ang itsura ko. I needed to look happy. I needed to lie to everyone and pretend that I was okay. I needed to lie to myself and forget the pain that was eating me up inside.
I went down and ate. Kailangan ko ng energy. Wala naman kasi akong kakampi… I needed to be strong for myself because if not, paano na lang ako? After I was done, umakyat akong muli sa itaas at nagkulong. I stared at the clock and counted the remaining time. I followed its ticking. Para akong mababaliw.
A few hours later, may kumatok sa kwarto ko.
“Mira, nandito na ’yung makeup artist,” sabi sa akin ni Mama. Pilit akong ngumiti at nagpanggap na okay lang ako. Pinapasok ko sa loob ’yung makeup artist at pinabayaan siya kung anuman ang gusto niyang gawin. Wala na rin naman kasi akong pakielam. My life was already ruined and I refuse to believe that it could get any worse.
Matapos ang ilang oras, she was done. “Ang ganda-ganda mo naman,” she said while admiring the beauty of my face. Nagpasalamat lang ako kahit sa loob-loob ko, hindi ba niya pansin kung gaano ako kalungkot? Kung gaano namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak?
Bakit ganon? Bulag lang ba lahat ng mga tao sa paligid ko kaya hindi nila pansin na nasasaktan ako? O talaga lang ayaw nila akong pakinggan kahit ilang beses ko nang sinabi na ang sakit-sakit na… Na ang hirap-hirap na…
Umalis na ’yung makeup artist at agad akong nagbihis. I was wearing a white gown yet my heart was breaking. This was everything I’ve dreamt of but it was also everything I despised… How can my life turned upside down because of a drunken mistake?
Matapos kong magbihis, lumabas na ako at sumakay sa bridal car. I was there, patiently waiting for all these madness to end. “Pwede na ba tayong umalis?” I asked when Maicy entered the car. Tumango lang siya. Nagsimula na naming baybayin ang daan papunta sa simbahan.
After a few minutes, we finally arrived. Madaming tao na naghihintay. Madaming tao na nag-aakala na okay lang ang lahat, na masaya itong araw… If only they knew the lies and the betrayal that led to this…
Bumaba na ako pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko. The music started playing and I started walking down the aisle. There, I saw him. I saw the man I love, the man that I knew I was destined to spend the rest of my life with.
“I love you, Uno,” I whispered.
He looked at me and said, “I love you, Mira.”
Tumayo ako sa tabi niya. As a new melody serenaded our ears, we all looked at Maicy as she walked down the aisle.
“Please take care of my sister,” I whispered to Uno, the man that I love.
Chapter 30
#ADMwp
Chapter 30
I looked at Uno. He’s crying. Damn it! Palagi na lang ganito! Ilang beses ko na bang sinabi sa kanya na hindi pwede? Na dapat niyang pakasalan si Maicy?
“Uno, tumayo ka na nga dyan…” paos na paos na ang boses ko. Wala na akong tigil sa pag-iyak. Wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak simula nung nalaman ko lahat ng ginawa niya.
But he didn’t. He continued crying. Niyakap pa niya ang binti ko at saka mas umiyak.
“Mira naman…” he said, his voice pleading.
“Uno, tama na, please,” pakiusap ko sa kanya. Nagtitinginan ‘yung mga tao sa pinagtatrabahuhan ko and I couldn’t risk another job. Umalis na nga ako sa dati naming pinagtatrabahuhan dahil palagi kaming sentro ng balita… Hindi ko na kaya na humanap ulit ng bago.
I just wanted to live a normal life. To have a normal life pero bakit ang hirap naman yatang makuha nun? Hindi naman ako humihiling ng marangyang buhay, hindi naman ako humihingi ng sobra-sobra… Gusto ko lang ng tahimik na buhay pero hindi ko maabot-abot iyon.
“Mira, hindi ko kayang pakasalan si Maicy alam mo naman ‘yan.”
“It’s not my problem anymore. You asked for this, Uno. Panindigan mo. Magpakalalaki ka naman.”
Unti-unti kong inalis ‘yung pagkakayakap niya sa binti ko. I needed to be merciless with him. Hindi ako dapat maawa sa kanya. Kailangan siya ng kapatid ko. I could live on my own. Sanay naman na ako na mag-isa. Sinanay niya ako na mag-isa.
“Umuwi ka na,” I told him. “Kasal niyo na bukas. Matulog ka at magpahinga,” I instructed him.
Tumalikod na ako bago nagsimulang maglakad palayo.
“Uno?” I called for his name. “Huwag mong takbuhan ang kapatid ko.”
Chapter 29
#ADMwp
Chapter 29
“Mirabella, okay ka lang?”
Kanina pa ako kinakausap ni Gaile pero hindi ako makasagot. Bakit pa ako sasagot? Ano ang silbi? Kapag sinabi ko na okay lang ako, magsisinungaling ako. Kapag sinabi ko naman na hindi ako okay, ano ang silbi? Maaalis ba nun lahat ng problema na meron ako?
But of course I chose to lie. It was one of the things I was good at. Lying.
“Okay lang ako,” I said. “Napagod lang siguro ako sa pagtulong sa kasal.”
Iniwan na ako ni Gaile matapos nun. Sinubukan ko na magfocus sa trabaho ko pero parati na lang lumilipad ang utak ko. Kanina ko pa rin nararamdaman na nagvavibrate ang cellphone ko.
Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at tinignan.
From: Uno
Run away with me.
To: Uno
Stop. I’m trying to live a life without you. Ikakasal ka na bukas.
From: Uno
You’re my life, Mira. Para mo na rin akong pinatay kapag pinakasal mo ako sa kapatid mo… Don’t build a life without me… Mahal na mahal kita
To: Uno
I’m working. Save your poetic lines for your vow tomorrow.
I closed my eyes and tried to even my breathing. Pinatay ko na rin ang cellphone ko. Tama ‘yan, Mira. You’re doing the right thing.
Chapter 28
#ADMwp
Chapter 28
Aaminin ko, masama pa rin ang loob ko kay Mama. She knew. She knew about my feelings pero mas pinili niya pa rin na magpanggap na hindi ako nasasaktan. Ganito ba talaga kapag hindi ka tunay na anak?
“Okay na ba ‘yang gown mo, Maicy? Baka masikip, sabihin mo lang.”
Hindi ko nga alam kung bakit kasama pa ako dito sa final fitting ng gown ni Maicy. Ano ba ang gustong iparating ni Mama? Na talagang wala na kaming pag-asa ni Uno? Bakit? Hindi pa ba sapat na ipinagtabuyan ko ‘yung tao kahit na nagmamakaawa siya sa akin? Hindi pa ba sapat na halos mabaliw na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko?
Kailan ba magiging sapat? Hindi ko naman kasalanan ‘yung lahat pero palagi na lang ako ‘yung pinaparusahan…
Lumabas si Maicy mula sa fitting room. Nakasuot siya nung gown na gusto kong isuot… I should’ve been the one wearing that gown… Ako dapat ‘yung ikakasal at hindi siya…
“Ate, okay lang ba?”
I wanted to get mad at her. I wanted to tell her how much she ruined my life. But I couldn’t… Mahal ko ‘yung kapatid ko and it breaks my heart to know that she’s the one causing my heart so much pain.
I smiled at her and showed her thumbs up. Medyo natagalan kami dahil pati ako pinasukatan. Kumpara sa suot ni Maicy, walang-wala ang suot ko. Sino nga ba naman ako? Bride’s maid lang naman ako sa kasal ng lalaking mahal ko…
Chapter 27
#ADMwp
Chapter 27
Hinatid ko si Maicy sa bahay matapos naming mag-usap. Naaawa ako sa kapatid ko. Masyado yata akong nabulag kaya hindi ko napansin na nasasaktan din siya. Na kahit nasasaktan ako, nasasaktan din siya.
I’ve decided to leave the country pagkatapos ni Maicy na manganak. I couldn’t leave her like this. She’s a mess. She’s a bigger mess than I was.
Pumasok ako sa bahay at may kinuha akong ilang mga gamit. Medyo natagalan ako dahil panay ang pag-iyak ko. Hindi ko na pinigilan. Ito na nga lang ang magagawa ko. Ang umiyak para sa sarili ko.
Agad kong pinuntahan si Uno matapos kong ihatid si Maicy.
“Ano ‘to?” tanong sa akin ni Uno matapos kong iabot sa kanya ‘yung box.
“That’s us,” I said. “That’s our memories together,” pagpapatuloy ko na may mapaklang ngiti. Binuksan niya ‘yung box at tumambad sa kanya lahat ng regalo na binigay niya, lahat ng sulat na ginawa niya.
“Let’s finally end it here, Uno,” sabi ko sabay punas ng luha. “I’m begging you, marry my sister… Alagaan mo naman siya…”
Nakatingin lang sa akin si Uno.
“Mira…”
Unti-unti akong napaupo. Wala na akong lakas. Pagod na pagod na talaga ako.
“Uno, ‘wag mo namang pabayaan ‘yung kapatid ko… Inalagaan ko ‘yang buong buhay ko… Mahal na mahal ko ‘yan…”
He held me and then hugged me.
“Mira, ikaw ‘yung mahal ko,” he said.
“Mahal din naman kita.”
“Then don’t push me away like this,” sabi niya na basag ang boses. “Don’t hurt me like this.”
I broke the hug and cupped his face. “Uno, I am hurting. I am hurting so bad that I can’t feel a thing anymore… Manhid na manhid na ako…” sabi ko sa kanya. “So please, please release me from your love.”
“Mira…”
“If you really love me, unlove me, Uno. ‘Wag mo na akong mahalin kasi sa iba mo na dapat ituon ‘yung pagmamahal mo,” I said and then kissed him for the last time.
Chapter 26
#ADMwp
Chapter 26
Ilang araw din akong natahimik. Nalaman ko kasi sa isang pinsan namin na pumayag na si Uno magpakasal—more like napilitan siya. Sabi sa akin na palagi daw lasing si Uno kapag mag-aayos sila ng kasal. Nakakatawa lang kasi kaya pala si Maicy ang nag-ayos ng karamihan sa kasal namin ay dahil siya rin pala ang ikakasal.
Nagpa-reserve na ako ng ticket papuntang Bali, Indonesia sa week ng kasal nila. Wala akong balak umattend. Nagleave na din ako sa work ko. Actually, wala na akong balak tumira dito sa Pilipinas. Naghahanap na ako ng job opportunities abroad. Pakiramdam ko kasi masyadong maliit ang Pilipinas para sa aming tatlo.
“Uy, balita ko buntis daw si sister mo! Sino ang father?” tanong sa akin ni Gaile. Akala ko mabilis ang chismis pero hindi pa yata kalat na si Uno ang ama nung pinagbubuntis ni Maicy.
Dahil sa sinabi niya, bigla kong naalala na magtanong sa pinsan namin kung nasaan si Maicy. Kahit na galit ako sa kanya, may malasakit ako sa pinagbubuntis niya—sa magiging pamangkin ko.
“Hindi ko sure, ate Mirs. Pero based sa planner niya, ang alam ko nasa St. Luke’s siya para sa checkup,” sabi ni Raf. Nagthank you ako sa kanya. Siya kasi ang pinagtatanungan ko tungkol sa mga nangyayari sa bahay.
Nag-ayos ako sandali bago pumunta sa St. Luke’s. Wala naman akong balak magpakita. I just wanted to be sure na okay ang baby.
Nandun na ako at naglalakad na ako sa hallway papunta sa section ng ob-gyne clinic. Nakita ko na nakaupo dun si Maicy. Unlike the others, mag-isa lang si Maicy. Puro mag-asawa o kaya naman ay magboyfriend ang nandun. Akala ko ay sasamahan siya ni Uno.
I wanted to leave but I couldn’t bring myself to. Kahit i-deny ko sa sarili ko ay naaawa ako kay Maicy. She looked pitiful—she looked so alone.
Nakatayo lang ako sa gilid, nagbabantay. Gusto kong mainis kay Uno dahil sinabi ko sa kanya na alagaan niya si Maicy pero hindi niya ginawa. Sinaktan niya na ako pero sinasaktan niya rin ang kapatid ko.
Maicy was next in line when she stood up. Agad akong nagtago dahil ayaw ko na makita niya ako. Naglalakad siya habang umiiyak. Panay ang punas niya ng luha niya.
Lumabas si Maicy mula sa hospital at pumara ng taxi. Kukunin ko sana ‘yung kotse ko pero matatagalan lang ako. Pumara din ako ng taxi at pinasundan ko ‘yung taxi na sinasakyan ni Maicy.
Hindi ko alam kung saan pupunta si Maicy but the place she went to was a bit sketchy. Nagbayad ako sa driver at saka lumabas. Alam ko na nasa QC pa rin kami pero hindi ko alam kung ano itong lugar na ‘to. Pumasok si Maicy sa loob ng gate ng isang bahay. Sumunod naman ako agad sa loob.
Dahan-dahan akong naglakad papasok. The place was giving me the creeps!
Nung pagpasok ko, may babae na nagtanong sa akin.
“Ilang months na?”
Kumunot naman ang noo ko. “Ha?”
“Ilang buwan ka nang buntis? Hanggang 4 months lang ang pwedeng ipa-abort dito.”
Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Abortion?!
Madali akong naglakad at hinanap kung nasaan si Maicy. Dahil parang lumang bahay lang naman ito ay mabilis ko siyang nahanap sa isa sa mga kwarto. Pinigilan ako nung babae na mag-aabort.
“Don’t you fucking dare!” sigaw ko. “Idedemanda kita at ipapakulong kapag pinigilan mo ako!” sabi ko sa kanya sabay hatak kay Maicy papalabas nung abortion clinic.
Hingal na hingal ako sa galit nung makalabas kami.
“Nababaliw ka na ba?!” sigaw ko sa kanya. “Ano’ng balak mong gawin, ha, Maicy?!” sabi ko pero hindi siya nagsasalita. “Sumagot ka nga!”
Nagsisimula na naman siyang umiyak.
“Nag-away kami ni Justin nun, ate… Sabi niya ayaw sa akin ng pamilya niya dahil hindi daw ako karapat-dapat sa anak nila… Na hindi daw ako mabuting babae… Na dapat malinis daw ‘yung babae na papakasalan ni Justin,” sabi niya. “Ate, hindi naman ako maduming babae… Hindi naman ako kagaya nung sinasabi nila sa akin… Pero bakit ganon? Kahit ilang beses ko sabihin sa kanila na mahal ko si Justin, na gagawin ko naman lahat para maging karapat-dapat sa anak nila, ayaw pa rin nila sa akin?”
“Gusto ko lang naman makalimot, ate… Uminom lang naman ako… Gusto ko lang naman malunod sa alak kasi kung hindi, pakiramdam ko malulunod na ako sa dami ng problema ko…” she continued. A part of me didn’t want to hear this. A part of me didn’t want to know what happened that night… “Tapos nandun si kuya Uno…” she said and then cried even harder. “Hindi ko alam, ate. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko… Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako nung gabi na ‘yun at gusto ko na lang totohanin ‘yung mga binibintang sa akin ng magulang ni Justin…”
Hinawakan niya ‘yung kamay ko at saka inilapit sa mukha niya.
“Ate, sorry… Sorry…” paulit-ulit niyang sinabi.
“Ayoko dito… ayoko namang mabuntis, ate… Mas gugustuhin ko na mawala na ‘to kaysa ganito… Naisip ko lang naman na kapag nawala na ‘to, hindi na ako pipilitin ni mama na pakasalan si kuya Uno… Hindi ka na magagalit sa akin… Hindi na magpapakalasing si kuya Uno at hindi niya na ako titignan na parang ako ‘yung sumira sa buhay niya…” she said while crying so hard.
Napangko ako sa kinatatayuan ko. I didn’t know she was hurting this bad.
Chapter 25
#ADMwp
Chapter 25
Isang tawag ko lang kay Uno ay nagpunta na agad siya. As I looked at his face, he didn’t look like the Uno I fell in love with. Kahit ano’ng gwapo ng itsura niya, kapag tinitignan ko siya, ang naaalala ko lang ay tatay siya ng anak ng kapatid ko. And the hatred ignites.
“Mira,” sabi niya, relief washed his face. “God, thank you at nakipag-usap ka sa akin. Muntik na akong mabaliw.”
Gusto ko na agad tapusin ‘to. I looked at him and said, “Pakasalan mo si Maicy.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mukha niya sa narinig niya sa akin. “A-ano?”
Huminga ako nang malalim. Stay on your ground, Mira. ‘Wag kang magpahalata na hanggang ngayon, gusto mo pa rin siya. Na kahit ang sakit sakit na, mahal mo pa rin siya.
“Pakasalan mo si Maicy, Uno. ‘Wag mong gawing bastardo ‘yung magiging anak niya.”
“Mira, I can’t. I don’t want to. I just made a mistake that night. I was drunk and I was disappointed…”
“Huwag mong ibalik sa akin ang sisi, Uno! Kasi kahit gaano mo akong i-disappoint, hindi ako magpapabuntis sa ibang lalaki. Uno, love doesn’t work that way!” I shouted at him.
Pilit niyang hinahawakan ‘yung kamay ko pero pilit ko rin iyong inaalis.
“Mira, I’m sorry for impregnating your sister. I’ll give her all the support that she needs, I’ll be a good father but I can’t be her husband…” sabi niya sa akin. “Mira, babe, ikaw lang ‘yung babae na gusto kong iharap sa altar,” he said and then held my hand. He kissed them and then stared at my eyes. “Marriage is for two people who love each other. Ikaw ang mahal ko.”
Inialis ko ang kamay ko mula sa kanya.
“Love isn’t enough. You betrayed my trust.”
“Babe, I’ll work hard to earn your trust… Please naman, ‘wag mo naman akong pilitin na pakasalan ko ‘yung babae na hindi ko naman mahal… Maawa ka naman sa akin…”
Gusto kong matawa. Maawa? Bakit sa akin ba hindi siya naawa?! Hindi ba niya alam kung gaano ako nahihirapan?!
“Babe…”
“Marry my sister.”
“Babe, I can’t. That was a mistake. That was one night, one mistake tapos gusto mo akong parusahan habang buhay?”
Dati, ayoko na nakikitang umiiyak si Uno dahil tuwing nasasaktan siya, mas nasasaktan ako. Pero ngayon? I couldn’t even consider his pain because my own pain was too much to handle.
“One night,” sabi ko at mapaklang natawa. “One night ruined the years we shared. One night ruined the forever we’re about to build.”
Tumayo ako at kinuha ‘yung gamit ko.
“Uno, please stop begging. Stop this, okay? Kahit umiyak ka, kahit lumuhod ka, kahit magbigti ka sa harapan ko, ayoko na,” I said with conviction. “Learn to love my sister kasi siya ang babaeng makakasama mo buong buhay mo.”
Chapter 24
#ADMwp
Chapter 24
Akala ko ay titigil na si Uno pero hindi niya pa rin ako tinitigilan. Palagi ko siyang nakikita sa labas kapag lunch break namin kaya naman minabuti ko na na magdala ng packed lunch.
Umuwi ako sa condo unit ko pero naabutan ko si Mama na nasa labas.
“Mama,” I said.
“Mira,” tawag niya sa pangalan ko. “Kausapin mo si Uno.”
Hindi ko alam kung bakit ganito. Alam ko naman na hindi niya ako anak pero itinuring ko naman siyang mama ko…
“Mama, hindi ko na po kinakausap si Uno… Wala na po akong balak na kausapin siya…”
Huminga nang malalim si Mama at tumingin sa akin. “Hindi siya makausap, hindi nagpapakita. Mira, ayaw kong magkaroon ng anak sa labas si Maicy. Alam mo ‘yan.”
Tumango ako sa kanya. Hindi ako anak ni mama. Anak ako ng kabit ng asawa niya. Nung namatay ang tunay ko na mama, inampon niya ako… Kahit na hindi niya ako anak, pinatira niya ako sa bahay nila, binihisan, pinakain, pinag-aral. Mabait si mama kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya niloloko ni papa… Ngayon, hindi ko alam kung nasaan si papa. Ang huli kong rinig ay may kabit na naman siya. Pero kahit na ganon, hindi galit sa akin si mama. Itinuring niya akong anak. Pinagamit niya sa akin ang apelido ng asawa niya. Ang sabi niya kasi sa akin, wala naman daw akong kasalanan. Hindi daw dapat ako mabansagan na anak sa labas dahil hindi ko kasalanan ang kasalanan ng mga magulang ko.
“Okay po, Mama…” sagot ko. “Kakausapin ko po si Uno.”
Chapter 23
#ADMwp
Chapter 23
I tried to live a normal life. I was trying too damn hard pero hindi ko magawa. Paano ko magagawa kung bawat oras ay nandyan si Uno na nagmamakaawa sa akin na kunin ko siya at si Maicy na nagmamakaawa na kausapin ko siya?
Nagpalit na rin ako ng number. I cut all ties. Ayokong may makausap. Nagpakalunod ako sa trabaho. Panay ang pangungulit sa akin ng mga katrabaho ko lalo na si Gaile pero wala silang makuha sa akin. I didn’t want to recall everything that have happened. Kung pwede lang ibaon sa limot, gagawin ko.
Nung lunch break, nakita ko si Maicy sa labas ng office ko. Balak ko sana siyang hindi pansinin pero humarang siya sa daan ko.
“Ano ba?”
“Ate…” sabi niya.
“Kung iiyak ka, ‘wag dito.”
“Ate naman…”
Nilagpasan ko siya at pumasok sa elevator. Wala kaming kasabay kaya naman mas lalo akong nainis.
“Ate, kausapin mo naman ako…” sabi niya sa akin. Napatingin ako sa tiyan niya at mayroon na dung maliit na umbok.
I took a deep breath. “Ayokong makipag-usap, Maicy. Sarado ang isip ko. Galit ako. Wala kang makukuhang matinong sagot sa akin,” I said. Tumahimik ako hanggang marating namin ‘yung ibaba. Agad naman akong lumabas.
Bago ako maglakad palabas ay tinignan ko muna siya.
“Alagaan mo ‘yang baby niyo,” I said. I hated them both but I didn’t wish them harm.
Chapter 22
#ADMwp
Chapter 22
Madami akong ipon. Pinag-iipunan ko kasi ‘yung magiging kasal ko sa future. Gusto ko kasi perpekto. Gusto ko ‘yung tipong mala-fairytale. Nung nakilala ko si Uno, mas naniwala ako sa prince charming… Tinuturing niya ako na prinsesa. Nung nagpropose siya sa akin, nag offer ako na humati sa mga gagastusin sa kasal pero sabi niya, siya na daw ang bahala. He said that he waited for this day. Sinabi niya na pinaghandaan niya daw talaga ‘to kaya siya na ang bahala.
Little did I know na kaya pala hindi niya ako pinagastos ay dahil wala rin naman palang kasal na matutuloy.
Agad kong binayaran ‘yung pinakamaayos na condo unit na nakita ko. Mabuti na lang at pinalipat agad ako doon. Nagpasalamat ako kay Gaile dahil tinulungan niya ako na makalipat agad.
Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kawalan. Ayokong mag-isip. Kung pwede nga lang na i-shut down ko ‘tong utak ko ay malamang ginawa ko na.
Nabigla ako nung mag nagdoorbell. Wala naman akong pinagsabihan nitong bago kong tinitirhan bukod kay Gaile. Tumayo agad ako dahil pakiramdam ko ay ‘yung condo manager ang nasa labas. Baka ibbrief ako.
“Mira…”
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
“Bakit ka nandito?” I said. He was reeking of alcohol. Shit naman! Bakit ba sinabi ni Gaile na nandito ako?! “Umuwi ka na nga,” pagtataboy ko sa kanya.
Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Iyak siya nang iyak. Wala na akong maintindihan sa sinasabi niya dahil panay ang iyak niya.
Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako. Pakiramdam ko kasi mas masakit ‘yung pinagdadaanan ko kaya bakit ko iisipin ‘yung nararamdaman niya?
“Mira, please… talk to me…” pagsusumamo niya.
“Go home, Uno. There’s nothing to talk about.” Pipihit na ako patalikod nung yakapin niya ‘yung mga binti ko. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. “Bitiwan mo nga ako!”
“No…” he said in between sobs. “Mira, I love you. Ayokong pakasalan si Maicy… Mira, ikaw ‘yung mahal ko…”
My heart was breaking but I realized it was already broken. Wala ng ikadudurog pa ‘yung puso ko. Durog na durog na ako. Sobra na.
Dahan-dahan kong inalis ‘yung kamay niya sa binti ko.
“Sana inisip mo ‘yan bago mo binuntis ‘yung kapatid ko.”
Chapter 21
#ADMwp
Chapter 21
Funny how life actually works. Pinaghandaan ko ‘yung araw na ‘to. Pinangarap ko ‘yung araw na ‘to. Napanaginipan ko ‘yung araw na ‘to.
“This was unexpected,” sabi nung mama ni Uno. “Akala ko si Mira ang papakasalan mo, anak?” she said to Uno. Napatingin ako kay Uno and he was just looking at me. Hindi siya sumagot sa mama niya.
Bigla namang sumingit si mama. “Buntis si Maicy at kailangan siyang pakasalan ng anak niyo.”
Agad kong pinunasan ‘yung luha na kumawala sa mata ko. Bakit ba ako kailangang nandito? Bakit ba kailangan kong makita at marinig lahat ng ‘to?
Tumingin ang parents ni Uno sa kanya at hinihintay ang sagot niya.
“Uno?” tawag sa kanya ng papa niya. “Uno.”
“Pa…” sabi ni Uno, his voice was trembling. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. He didn’t deserve my pity. “Pa, si Mira ‘yung papakasalan ko.”
“Buntis si Maicy!” pagtataas ng boses ni mama. “Hindi ako papayag na hindi panagutan ‘tong anak ko!”
Nag-usap sandali ang mama ni Uno at si mama. Pinapakiusapan na bigyan muna sila ng konting oras para kausapin si Uno. My heart was truly in pain. Pinangarap ko ‘yung araw na ‘to, e. ‘Yung araw na hihingin na ni Uno ‘yung kamay ko… ‘Yung araw na simula ng forever naming dalawa…
Tumayo ang mga magulang ni Uno at umalis na sila. Inihatid sila ni mama sa labas. Naiwan kami ni Maicy sa salas.
“Ate…” she said, her voice was croaked.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Umakyat agad ako at nag-empake. Hindi ko na kayang tumira sa bahay na ‘to.
Chapter 20
#ADMwp
Chapter 20
Wala pang ilang segundo na nasa loob ako ng kwarto nang may kumatok.
“Mira. Mira, buksan mo nga ‘tong pinto,” utos ni Mama. Pinunasan ko ‘yung luha sa mata ko at binuksan ang pinto. Nakakunot ang noo ni Mama at halata na galit siya. “Ano ‘yung ginawa mo kanina? Ano’ng problema mo?”
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang sakit kasi. Kahit saan ko tignan, kahit paano ko isipin, ang sakit pa rin. It was too much to take in all at once. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila akong lahat. I felt so betrayed.
“Hindi ko po kayang pakasalan si Uno…” I whispered.
“Ano?!” she shouted. “Nababaliw ka na ba?!”
“Mama…” I began. “Mama, hindi ko talaga kaya…”
I wanted to tell her about my problem but I couldn’t begin to. Paano ko sasabihin? Iniisip ko pa lang, nasasaktan na agad ako.
“Mira, umayos ka at babain mo ‘yung magulang ni Uno. Aba, mahiya ka naman. Bumyahe pa mula Amerika ‘yung mga ‘yun tapos mag-iinarte ka dyan.”
Tinalikuran niya ako. Pakiramdam ko wala akong emosyon. Wala ba akong karapatan masaktan?
Bago pa man makaalis si Mama, tinawag ko siya. Agad kong kinuha ‘yung pregnancy kit na nakalagay sa ilalim ng unan ko. Ipinakita ko sa kanya ito at hudyat naman iyon sa tuluy-tuloy na pagbagsak ng luha ko.
“Buntis ka?!”
Umiling ako.
“Buntis po si Maicy… at si Uno ang ama.”
Chapter 19
#ADMwp
Chapter 19
I didn’t go home. Hindi ko kayang umuwi. Hindi ko kayang makita ‘yung mukha ni Maicy. Hindi ko kayang makita ‘yung mukha ni Uno. Wala akong gustong makita ngayon!
I checked in a hotel and waited for my rage to melt down but it was tad too impossible. I was so mad. I was furious.
Tinanggal ko ‘yung engagement ring ko mula sa daliri ko at ibinato ‘yun. “Fuck you, Uno! Fuck you!”
Buong gabi wala akong ginawa kung hindi ang umiyak. Pakiramdam ko nga naubos na ang luha ko. Bakit ganun? Ilang oras na akong umiiyak pero may pumapatak pa rin. Pagod na pagod na ako.
My phone was vibrating the whole night. Panay ang tawag at text sa akin ni Uno at Maicy. Mga traydor. Pinagkatiwalaan ko sila, minahal ko sila pero ganito pa ang igaganti nila sa akin?
This was what I got? A heart pounded into million pieces?
“Mira,” sabi sa akin ni Mama. Tinawagan niya ako at wala akong choice kung hindi sagutin iyon. “Nasan ka ba?”
“Sa kaibigan ko po…” I lied.
“Ah, okay,” sabi niya. “Umuwi ka na at mag-aayos pa tayo. Mamaya pupunta dito ‘yung mamanugangin mo.”
My heart throbbed.
“O-opo,” I said. Takot ako sa Mama ko. Ginagawa ko kung ano man ang sabihin niya sa akin. Hindi ako kagaya ni Maicy na kayang magrebelde kay Mama.
Naupo muna ako sa kama. Hinintay ko na kumalma ang sarili ko bago ako naligo. I took a quick shower at saka isinuot ‘yung damit ko kahapon. Agad akong pumunta sa mall para bumili ng damit at saka dumiretso sa bahay. An unfamiliar car was parked outside our house. Sigurado ako na sasakyan ‘yun ng pamilya ni Uno.
Nanginginig ang tuhod ko habang papasok ako.
Ang una kong nabungaran ay si Maicy. Nakaupo siya sa gilid, tahimik lang. She instantly paled nung makita niya ako.
“Oh, ayan na pala ang magiging daughter-in-law ko,” magiliw na sabi nung mama ni Uno.
I wanted to force a smile. I really wanted to smile at them dahil wala naman silang kasalanan sa mga nangyari. But I was pained. I was so hurt that I couldn’t even muster a fake smile.
Nakita ko si Uno at kagaya ni Maicy ay maputla din siya. Bakit pa sila tumuloy dito? Nababaliw na ba siya? Pakiramdam niya ba ay itutuloy ko pa rin ang kasal pagkatapos ng lahat? They’re freaking overestimating my patience.
“Good afternoon po,” panimula ko. Nakatingin sila sa akin at nagulat sila nung hinubad ko ‘yung engagement ring. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at sinuot ko ulit iyon kanina. “I’m sorry pero hindi ko na po kayang pakasalan ang anak niyo,” I said before I rushed to my room and began crying for my broken heart.
Chapter 18
#ADMwp
Chapter 18
“Ate…”
Nakatulala lang ako. I can’t even process what I heard. Akma niya akong lalapitan nung tinaas ko ang kamay ko. “No.”
“Ate, sorry…”
Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. I can’t even look at her. Hindi ko maintindihan.
“Niloloko niyo ako?” I couldn’t recognize my own voice. “Bakit, Maicy? Kapatid mo ako, ‘di ba? Bakit si Uno?”
I couldn’t control my breathing. Hirap na hirap akong huminga. My head was twirling. My heart was aching.
“Ate, hindi… Ate, hindi ka namin niloloko ni kuya Uno…” sabi niya at saka lumuhod sa harapan ko. “Ate, sorry… hindi ko gusto ‘to…”
Wala akong pakielam kung umiyak siya o kung lumuhod siya sa harapan ko. The only thing that registered was that they made a fool out of me. Dahan-dahan kong inalis ‘yung kamay niya sa binti ko.
Hindi ko na inisip kung paano siya uuwi. I got in my car and drove to Uno’s unit. I didn’t mind the stares. Wala akong pakielam kung titigan nila ako habang umiiyak ako.
I was pressing the doorbell relentlessly.
“Mira?” Uno said when he opened the door. “Gabing-gabi na, ah.”
The first thing I did is to slap him.
“Bakit, Uno? Bakit ‘yung kapatid ko pa?!”
Natulala si Uno. He’s guilty. Ayaw ko pa sanang paniwalaan na totoo lahat ng mga nangyayari. Bakit? A second ago I was living my fairytale. Sa isang iglap natapos ang lahat.
Hinintay ko siyang magpaliwanag. Hinintay ko siyang sabihin na hindi totoo ang lahat, na nagkamali lang ako ng rinig. I waited for him to tell me that I was wrong, to assure me that everything was fine.
But all I got was his sorry.
Chapter 17
#ADMwp
Chapter 17
My heart was beating profusedly inside my chest. She was fucking raped?!
Tumayo ako agad mula sa kama niya. I was pacing back and forth. My blood was boiling—it was way past my boiling point.
“Oh, my god. Shit. Fucking shit.”
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nag-iinit ang ulo ko. Wala pang ilang minuto nung malaman ko iyon nung hinila ko si Maicy patayo. “Tumayo ka dyan. Pupunta tayo sa presinto.”
“A-ano?”
I looked at her. “Maicy, we can’t let the bastard who did that to you walk free!” I snapped at her. If I catch that devil, I will kill him!
Hinila ko siya pababa ng hagdan. Gusto kong gisingin si Mama pero nagmakaawa sa akin si Maicy na ‘wag kong sabihin. I wanted to… I wanted to tell Mama but Maicy was begging.
“Fine,” I seethed. Nagdrive ako papunta sa presinto. My head was pounding. Hindi ko alam kung paano kami nakarating dito na hindi nabubunggo. Nasa labas na kami ng presinto nung hindi bumababa si Maicy. “Baba,” I ordered.
Ilang segundo na siyang nakaupo doon.
“Ate…” she said, tears threatening to fall once again. “Ate… umuwi na tayo, please…”
Bumuntong-hininga ako. “No,” matigas kong sabi. “Maicy, you’ve been wronged, okay? Kailangan nating idemanda kung sino mang hudas ang bumaboy sa ‘yo!” I said and then opened the door. Nakalabas na ako pero nasa loob pa rin si Maicy.
“Ate…” she said and she started sobbing. “Ate, sorry…”
“Maicy, bakit ka ba nagsosorry sa akin? You’re a victim here.”
Iyak pa siya siya nang iyak.
“Hindi ako na-rape,” she said. She closed her eyes and then continued. “Ate, may nangyari sa amin ni kuya Uno.”
And my heart stopped beating.
Chapter 16
#ADMwp
Chapter 16
Agad akong umuwi. Gulung-gulo ang isip ko. Gusto ko ng kausap pero hindi ko ma-contact si Uno. Nagkulong ako sa kwarto ko habang hinihintay ko si Maicy na dumating.
Pasado alas-onse na nung dumating si Maicy. Tulog na si Mama sa kwarto niya. Sinundan ko si Maicy papasok sa kwarto niya.
“Maicy!”
“Bakit?” she said. There were huge bags under her eyes. “Ate, I’m tired. Gusto ko na matulog.”
“No, hindi ka matutulog hanggang hindi ka nagpapaliwanag,” I stood on my ground. “Kinausap ko si Justin kanina.”
After hearing what I just said, nakuha ko na ang atensyon ni Maicy. “What?! Bakit mo ginawa iyon, ate?!” sigaw niya sa akin.
“I am your sister, Maicy! Of course ginawa ko ‘yun dahil nag-aalala ako sa ‘yo! You won’t eat, you won’t talk! Ano ba ang balak mong gawin?!”
Tumayo siya at napasabunot sa buhok niya. Tears began falling. Wala siyang masabi na matino dahil iyak lang siya nangiyak. “Shit, shit, shit,” she cursed under her breath.
Hinayaan ko muna siya na kumalma. Napagod din siya kakaikot sa room at kaiiyak. I waited for her breathing to be even.
“Maice…” I called out her name. “Maice… sabi ni Justin hindi daw siya ang ama niyan…”
Tahimik lang si Maicy.
“Sino ang ama, Maicy?” Matapos kong sabihin iyon, mas napahagulgol siya. “Maicy… please naman… Let me help you…”
Seeing my sister being like this, being as helpless as this was hurting me. Bakit ayaw niyang sabihin? Tutulungan ko naman siya. I’ll always be here. I love her as much as I love myself.
“Kakilala ko ba ‘yan?” I said, which only make her crying harder. “Maice… paano kita maiintindihan kung hindi ka magsasalita?”
Iyak lang siya nang iyak. Nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak siya. I closed my eyes as different possibilities hit me.
“Maicy, were you raped?”
Natigilan siya at tumingin sa akin. Oh, my god.
Chapter 15
#ADMwp
Chapter 15
Magkasama kami ni Uno ngayon para sa sukatan ng suit niya. Medyo sisikipan ‘yung sa kanya dahil namayat daw siya.
“Hala ka, babe. Nandyan pa ba ‘yung abs mo?” biro ko sa kanya dahil pumayat siya. Pansin ko rin nga lately na medyo problemado siya. Stressed na stressed na ‘tong fiance ko sa trabaho niya. Ang sipag naman kasi masyado.
He smiled at me. “Nandyan pa ‘yan,” he said.
After naming mapaayos ‘yung suit niya, inihatid niya ako sa bahay namin. Roughly 3 weeks before the wedding. Damn! Excited na talaga ako! Feeling ko hindi ako tatablan nung tinatawag nila na cold feet. Siguradong-sigurado na ako kay Uno. He’s the one. Wala akong uncertainties na siya ang gusto kong makasama sa forever ko.
Umakyat ako sa kwarto ko at nakita ko na medyo nakaawang ang pinto ng kwarto ni Maicy. Kumatok ako bago pumasok. Pumasok ako pero parang hindi niya ako napansin dahil panay ang bato niya ng gamit sa paligid. The room was a complete wreck.
“Bakit ba ako nabuntis?!” she shouted. Mabuti na lang at wala si Mama. Hindi niya pa alam ang tungkol sa kalagayan ni Maicy. “You’re fucking unwanted!” sigaw niya ulit. “I don’t want you! Ayoko sa ‘yo…” she said at dahan-dahan siyang napaupo sa sahig. Umiyak siya nang umiyak.
Seeing my sister crying like that split my heart into half. That fucking bastard!
Agad akong bumaba at kinuha ‘yung susi ng sasakyan ko. I drove to Justin’s workplace. That ass! Hindi niya pwedeng gawin ‘to sa kapatid ko!
Wala akong pakielam kung mag-eskandalo ako dito. All I could see was red. No one makes my sister cry.
“Justin Velasco,” sabi ko doon sa may babae sa front desk. My brow was in full arc. Mukhang naramdaman nung babae na galit ako. Damn if I wasn’t mad! I was in rage!
Agad niyang pinatawag si Justin at in just a few minutes, nasa harapan ko na siya. Kinalma ko muna ang sarili ko. Mabuti na lang at walang tao masyado.
“Let’s talk,” I said at saka naglakad kami papunta sa tagong bahagi ng building nila. As soon as we were away from prying eyes, I slapped him.
“What the heck?!” singhal niya sa akin nung sampalin ko siya.
“That was a well-deserved slap, a-hole!” sigaw ko sa kanya. I swear my face was all red by now.
Kunot ang noo niya. “What did I do?!”
“You knocked up my sister, you jerk!”
“What?!”
Sinubukan ko pa siyang sampalin ulit pero napigilan niya ako. “Bitiwan mo nga ako!” I hissed.
Mukhang gulung-gulo ang mukha ni Justin. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Ako? Nabuntis ko si Maicy?! Nababaliw ka na ba?!”
Aba’t! Sasabihin niya pa ba na nagsisinungaling ang kapatid ko?!
“Sinasabi mo ba na nagsisinungaling ang kapatid ko?!”
Binitiwan niya ako. “The heck, ate Mira.”
“Huwag mo nga akong ma-ate ate ngayon!”
Tumingin siya sa akin bago huminga nang malalim. “Look,” sabi niya. “I didn’t knock up your sister.”
“Justin, she’s freaking pregnant! Ano tingin mo sa kapatid ko? Nilukuban ng banal na espiritu at kusang nabuntis?!”
“How the heck could I get her pregnant kung wala namang nangyayari sa amin?”
“What?”
“I’m a Christian, ate, and I respect the marriage bed. And besides, halos one month na kaming break ni Maicy kaya hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.”
Shit. Kung hindi si Justin, sino ang nakabuntis sa kapatid ko?!
Chapter 14
#ADMwp
Chapter 14
“Mira, alam mo ba kung nasan ang kapatid mo?” Mama asked. Umiling ako. Dalawang araw na na hindi umuuwi si Maicy. Sanay naman kami ni Mama na biglang mawawala si Maicy pero nagtetext naman ‘yun… “Tsk. San na naman ba nagsuot ‘yung batang ‘yun…”
My wedding was in a month pero mas pinoproblema ko pa si Maicy. Ano ba naman kasi ang nangyari sa kapatid kong ‘yun? At kailan niya kaya balak sabihin sa amin ni Mama ang tungkol sa pinagbubuntis niya?
Maybe she’s scared… But we love her. Kung hindi siya papanagutan ni Justin, kami na lang ni Mama ang bahala sa anak niya. We surely could raise the kid together.
Later that night, umuwi na si Maicy.
“Maice!” I said. Napatayo ako nung makita ko siya na pumasok. “San ka ba nanggaling?!”
Dire-diretso lang siya. “Pagod ako, ate. Mamaya na ako magpapaliwanag…” Umakyat siya sa kwarto niya. Gusto ko sana siyang bigyan pa ng panahon pero kinakabahan ako para sa kanya. Ayoko na may gawin siya na hindi niya dapat gawin.
Sinundan ko siya sa itaas.
“Maicy,” I said as I entered her room. Nakaupo siya sa kama niya at tinatanggal ang foot socks niya. “Mag-usap nga tayo.”
I stared at her face and her eyes looked dead tired.
“I know you’re pregnant.” Natigilan agad siya sa sinabi ko. “And it’s fine. Don’t be scared, okay? I’m here for you; we’re here for you…”
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. As soon as I enveloped her inside my arms, she started sobbing. She’s still my baby girl…
“I’m sorry, ate…” she kept on repeating. “I’m sorry…”
Chapter 13
#ADMwp
Chapter 13
“What?!”
“She’s pregnant…” sabi ko tapos ay ipinakita ko ‘yung pregnancy kit na nakita ko sa kwarto niya. Pareho kaming gulat na gulat ni Uno. Sure, Maicy’s 23 but I never expected na mabubuntis siya ng ganito kaaga… Palagi niyang sinasabi sa akin na marami pa siyang pangarap. She didn’t want to be domesticated.
“Fuck,” Uno said under his breath.
“I think that’s the reason kung bakit problemado siya lately… Alam na kaya ni Justin? I’ll freaking kill that ass kapag hindi niya pinanagutan ‘yung kapatid ko!” I hissed.
I knew Justin dahil anak siya ng kaibigan ni Mama. He’s a good kid but sometimes, he’s arrogant pero alam ko naman na mahal niya si Maicy. They’ve been in an on and off relationship for 2 years. Magulo silang dalawa but they always end up with each other.
“Babe, sa tingin mo ba dapat kong sabihin kay Maicy na alam ko? I didn’t want to intrude but she’s my sister…”
Uno lost the color in his face. Good to know na may kasama akong bubugbog kay Justin in case na magpakaduwag siya. Gagalawin niya ‘yung kapatid ko tapos ngayon na may naubos, aatras siya? I’ll make him taste his own dosage of hell, subukan niya lang talaga!
“I think pabayaan muna natin si Maicy,” he said after seconds of silence. “Shit. I need to be somewhere. Mauna na ako,” he said and then kissed me on the cheek.
Ni hindi ako nakapagpaalam because he was rushing off to somewhere.
Chapter 12
#ADMwp
Chapter 12
Kanina pa ako tuliro. Hindi ko alam kung paano ko nagawang magpanggap na hindi ako kinakabahan sa harap ni Mama. Nanginginig ‘yung kamay ko nung bigla siyang pumasok sa kwarto. Mabuti na lang at mabilis kong naitago ‘yung kit sa likuran ko.
“Nasan na ‘yung mga damit ni Maicy?” she asked. Napatingin ako sa paligid ko. Hindi pa pala ako tapos. Masyado akong nabigla sa pregnancy kit na nakita ko.
Kahit na nanginginig ‘yung labi ko, nagawa ko pa ring sumagot. “Ah-eh, ibababa ko na lang po,” I said.
Mukhang naniwala si Mama sa sinabi ko. Agad akong napasalampak sa kama ni Maicy nung oras na lumabas si Mama. Napatingin na naman ako sa pregnancy kit. Shit. Ito ba ‘yung dahilan kung bakit problemado siya?!
Ibinaba ko na ‘yung mga labada at agad akong nagpaalam kay Mama. Mabuti na lang at tapos na kami sa paglilinis. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapaglinis matapos kong malaman na baka buntis ang kapatid ko.
“Uno?” I said nung sumagot siya sa tawag ko.
“Yes, babe?”
“Can we meet? I really need someone to talk to…” sabi ko sa kanya. It seemed like he felt the urgency in my voice kaya naman pumayag siya na makipagkita sa akin. We agreed to meet in the coffee shop near his office. Nakaupo lang ako dun habang naghihintay. Ilang senaryo ang pumasok sa isip ko. Gusto kong kumprontahin si Maicy pero hindi ko alam kung dapat ba iyon… Kapatid ko siya pero nirerespeto ko ‘yung buhay niya. It was one of the things I love about our relationship. We love each other but we respect each other’s boundaries.
Ilang minuto ang nakalipas at dumating din si Uno. Mukhang hapong-hapo siya dahil hinihingal siya nung dumating siya sa coffee shop.
“What’s the matter? Is everything okay?” agad na tanong niya nung nakita niya ako. Hawak niya ang mukha ko sa dalawa niyang kamay. Napangiti naman ako sa pag-aalala niya. Mahal na mahal talaga ako ng isang ‘to.
I smiled at him. “Okay lang ako… Hindi ako ‘yung may problema,” I said.
Umupo muna si Uno upang magpahinga sandali. Okay lang naman kung sasabihin ko sa kanya, ‘di ba? Malapit na rin naman kaming maging mag-asawa at halos kapatid na rin naman ang turing niya kay Maicy…
“Uno…” I trailled off.
Worry was etched on his handsome face.
“What? C’mon, Mira. Kinakabahan ako lalo, e.”
Bumuntong-hininga ako bago ako nagsimula. “I think Maicy’s pregnant.” And right after, Uno dropped his coffee.
Chapter 11
#ADMwp
Chapter 11
“Uno, alam mo, ang weird ni Maicy lately…”
Namimili kami ng centerpiece para sa tables nung hindi ko na talaga ma-contain. May weird talaga sa kapatid ko at nag-aalala na talaga ako. It’s been weeks since umuwi ako at hindi ko siya maintindihan. Palagi siyang tulala. Ayaw kumain. Palaging nakakulong sa kwarto. Sinusubukan ko namang kausapin pero ayaw niyang magsalita… Ano kaya ang meron ‘dun?
“Baka may problema lang,” he said. “Ano ang gusto mong kainin mamaya?”
I smiled at him and said, “Dito na lang tayo sa unit mo.”
Magdamag kaming magkasama ni Uno. We always talked about having kids. Nasa edad na rin naman kami kasi para magkapamilya. Sinabi ko naman sa kanya na months after we got married, titigil na ako sa contraceptives. I was sure with him. He’s the guy I wanna build a family with. I’m sure he’ll make a great father.
The morning after, tumawag ako sa bahay at sinabi ni Mama na lumabas na daw si Maicy sa kwarto. Finally!
“Uno, lunch tayo mamaya kasama si Maice? Lumabas na daw sa kwarto sabi ni Mama, e,” I said habang sinusuot ko ‘yung dress ko.
“Ha?” he said. “Ano, e. May meeting kami mamaya sa board.”
Kumunot ang noo ko. “Akala ko ba naka-leave ka?”
“Ah… emergency meeting kasi. Sorry, babe. Babawi na lang ako.”
Inihatid niya na ako sa bahay after that. Sinabi ko na nga na magcoffee muna siya sa loob pero nagmamadali. Mukhang emergency meeting talaga iyon, ah. Usually kasi papasok muna siya sa loob para maghi kina Mama at Maicy.
“Maice!” I said and then smiled at her. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. “Ayos ka na ba? Gusto mo ng kausap?” I offered.
She just smiled at me and then shook her head. Kahit na pagod ako, nagluto ako ng paboritong ulam ni Maicy. Alam ko kas na ito ang unang disenteng pagkain na kakainin niya in weeks. Gusto ko talagang malaman ang problema nitong kapatid ko pero mukhang ayaw niya namang magsabi…
“Nakapili na ako ng centerpiece! Finally, adjustments sa gown na lang and tapos na sa lahat ng preparations!” I said with a smile. Nakakapagod pala talagang mag-ayos. Kahit na kakaunti na lang ‘yung natira para gawin ko, napagod pa rin ako. What more pa si Maicy? Sobrang thankful talaga ako dito sa kapatid ko na ‘to…
After naming kumain, umalis na si Maicy. Pinapatawag na daw kasi siya ng boss niya dahil nagleave pala ‘tong babaeng ‘to. Sobrang bigat naman yata ng problema niya para magleave siya. Kinakabahan na talaga ako… Sana naman hindi serious ang problema niya…
Nag-general cleaning kami ni Mama after umalis ni Maicy. Bibisita kasi dito ang future in-laws ko. Since nasa States ang family ni Uno, ngayon pa lang formally hihingin niya ang kamay ko sa Mama ko. Weird but that’s how it was. Hindi naman ako kinakabahan dahil sabi naman ni Uno, mabait ang family niya. And he won’t let me down. I trust him too much—I trust him with my life.
Tapos na akong maglinis sa baba nung dumating ‘yung naglalaba. Pinakuha sa akin ni Mama ‘yung mga maduduming damit. Pumasok ako sa kwarto ni Maicy para kuhanin ‘yung damit niya.
I was in the middle of picking up the dirty clothes when a pregnancy test kit caught me by surprise.
Chapter 10
#ADMwp
Chapter 10
“Baby!” I said tapos tinalunan ko siya at hinalikan agad. Wala akong pakielam kung pagtinginan kami ng mga tao dito sa airport. I freaking missed this guy so much! “I missed you. I love you!”
Palagi kong sinasabihan ng I love you si Uno… Pakiramdam ko nga minsan overrated na ‘yung expression… Pero hindi ko alam. Feeling ko kasi sasabog ang puso ko kapag hindi ko na-verbalize kung gaano ko siya kamahal.
He smiled at me. “Pagod ka na ba? Ihahatid na kita sa inyo,” he said tapos kinuha niya ‘yung baggage ko. Medyo nagtaka lang ako dahil hindi siya nag I love you, too pero hindi ko na pinansin. Baka nakalimutan niya lang.
On the way home, panay ang pangungulit ko kung kamusta na ang wedding preparations. Pakiramdam ko tuloy nakukulitan na si Uno sa akin dahil hindi niya masyadong sinasagot ‘yung mga tanong ko. But I let it slide. Tomorrow, ako na ang bahala sa kasal ko. I will be the best bride ever!
Nagbless ako kay Mama at hinanap ko agad si Maicy pero sabi ni Mama na nasa kwarto daw siya.
“Maice?” I asked matapos kong kumatok. “Papasok ako, ha?” I said. Pumasok ako sa loob at nakita ko na nakahiga lang siya sa kama. “Nasa labas ‘yung pasalubong ko sa ‘yo.”
She stirred and then smiled. “Thank you, ate…”
Agad ko namang hinawakan ‘yung noo niya dahil ang tamlay niyang tignan. Wala naman siyang sakit.
“Ayos ka lang ba?” I asked. Ang tagal niya na na ganito, ah… Hindi pa rin ba sila nagkaka-ayos ni Justin? “Mukha kang may sakit…”
She smiled again and said, “Okay lang ako, ate… Headache lang.”
Tumango na lang ako kahit hindi ako totally convinced na simpleng sakit sa ulo lang iyon. Magsasabi naman siya sa akin kapag gusto niya na. But in order to change the topic, I said, “Thanks nga pala sa pag-asikaso mo sa kasal namin, ha? Ano nga pala ang comments ni Uno tungkol sa details?”
She froze for a moment but then she went on answering my endless questions.
Chapter 9
#ADMwp Chapter 9
I was practically jumping with glee nung nakuha ko ‘yung approval para sa proposal. Inaya ako para magcelebrate nung mga kasama ko pero tumanggi ako. Gusto ko nang bumalik sa hotel at ayusin ang gamit ko. I can’t wait to check out! I can’t wait to come home!
Pakanta-kanta pa ako habang inaayos ‘yung mga damit ko. Hindi ko na rin masyadong inabala si Maicy dahil balak ko na ako na talaga ang mag-aayos ng kasal ko. I couldn’t wait to be a hands-on bride. Gusto kong maranasan na magtaste test, na magscout sa simbahan… I knew Maicy already took care of that pero gusto ko pa ring gawin. I wanted to do all these things with Uno. I really couldn’t wait to spend my forever with him.
I woke up early the next morning. Ang aga-aga ko sa airport pero excited na kasi talaga akong umuwi. Doon na lang ako namili ng mga pasalubong ko. I was on the edge. I freaking miss everyone!
Sumakay na ako sa eroplano. I didn’t want to sleep last night because of excitement kaya naman buong byahe pa-Pilipinas ay tulog ako. I woke up with a huge smile plastered on my face.
“Glad to be back!” I said as I waved at Uno who was waiting for me at the arrival area.
Chapter 8
#ADMwp Chapter 8
Halos hindi na ako kumakain at natutulog para lang matapos lahat ng papers. I wanted to finish all of these as soon as possible para makauwi na ako. Sinabi ko na naman sa boss ko na minamadali ko na lahat. She said na makakauwi na ako once na matapos ko lahat ng pending paper works.
Buong araw kong hindi tinawagan si Uno. Binayaan ko muna siya na magpalamig ng ulo. Alam ko na medyo galit siya sa akin kaya naman ayokong sabayan ‘yung init ng ulo niya. Walang magandang mangyayari kung magsasabay kami. Galit siya at stressed ako.
I was almost done with all my paper works when I decided that it was the right time to call. Akala ko hindi siya sasagot.
“Uno…” I said. Two days ko lang siyang hindi nakausap pero miss na miss ko na agad siya… “I’ll be home in a few days. Bati na tayo, please?”
I finished two weeks worth of paper works in just a few days. Ganun ko kagustong umuwi. Wala na talagang tulugan. Sa umaga nakikipagmeet ako sa investors, sa gabi, tinatapos ko ‘yung mga revisions sa proposal. Ang dami naman kasi nilang ipinapabago.
Akala ko magmamatigas pa siya but I was pleasantly surprised when he immediately said that we were okay.
“I’m sorry…” he said.
“No, I am sorry. Sorry kung palagi na lang kitang dinidisappoint,” I replied. “You were totally understood. Don’t be sorry, Uno… You’re nothing but a wonderful boyfriend.”
“I love you, Mira. I love you.”
I smiled.
“I love you din, Uno. Can’t wait to get married to you!”
Chapter 7
#ADMwp Chapter 7
Kahit na madami akong dapat gawin na papers, hindi ako mapakali. Kanina ko pa tinatawagan ulit si Uno pero hindi siya sumasagot. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.
I was pacing back and forth. Nanlalamig ‘yung kamay ko.
“Uno, sumagot ka naman…” I said as I was dialing his number again. Paikot-ikot lang ako dito sa hotel room, tahimik na nagdadasal na sana wala siyang ginagawang kung anuman. I knew he was upset because I bring him down again.
I tried to call his friends pero sabi nila na hindi daw nila alam kung nasaan si Uno. Kahit nga ‘yung lobby sa condo niya natawagan ko na.
“Thank you,” sabi ko doon sa receptionist. Kakaalis lang daw ni Uno kanina.
Sinubukan kong kumalma. Sinimulan ko na ‘yung mga paper works pero lumilipad talaga ‘yung utak ko. After a few hours of pretending that I was doing something, kinuha ko muli ‘yung cellphone ko. I called Maicy’s number pero walang sumasagot. Tinawagan ko ‘yung bar, mabuti na lang at kinuha ko rin ‘yung number nung lalaki.
“Hello?” sabi ko sa kanya. “This is Mira, ‘yung kapatid nung babaeng lasing. Nandyan pa ba ‘yung kapatid ko?”
Medyo maingay sa background pero naiintindihan ko pa naman ang sinasabi niya.
“May sumundo na po. ‘Yung Uno?” he said as I sighed a breath of relief. Thank god! Akala ko kung ano na ang nangyari.
I sat down and rushed the papers. Medyo natahimik na ako knowing the Uno was with Maicy.
Chapter 6
#ADMwp Chapter 6
“What?! No! Colleen, I know this is a huge project pero kailangan ko na talagang umuwi!” nakasapo na ‘yung kamay ko sa noo ko. I was supposed to go home tomorrow pero sinabi nila na extended ang stay ko dito. “Please, kailangan ko na talagang makauwi…”
I was so close to begging. I needed to go home. I had a wedding to fix. Ayoko naman na umuwi na lang ako bigla at kasalan na. I wanted to experience being a hands-on bride.
Colleen sighed from the other line. “Sorry talaga, Mirs… Direct order, e. Makakasuhan tayo kapag nagwithdraw ka. Sa ‘yo nakapangalan lahat ng papers for transaction, e.”
Binabaan ko siya ng tawag. Shit talaga!
I lay on my bed. Paano ko sasabihin kay Uno? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula… Kagabi, excited na excited siya dahil uuwi na ako bukas… I promised him na magkasama kami buong araw… Pero ngayon? I didn’t know how to break the news to him.
Dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin, minabuti ko muna na tawagan si Maicy.
“Maicy?” I said pero masyadong malakas ‘yung ingay mula sa lugar niya. “Maice?”
“Hello?” an unfamiliar voice answered my call. Agad na lumakas ang tibok ng puso ko.
“Sino ka? Bakit ikaw ang sumagot sa tawag ng kapatid ko?!”
The voice was totally unfamiliar. Kilala ko ‘yung boyfriend ni Maicy at hindi ganon ang boses niya.
“Ma’am, bartender po ako dito sa bar. Kanina pa lasing na lasing ‘yung kapatid niyo. Susunduin niyo po ba siya?” Shit naman, Maicy! Bakit ka nagpapakalasing ngayon? Ano ba talaga ang problema mo?
I calmed myself down bago ko kinuha ‘yung address ng bar na pinagkalasingan ni Maicy. It was quite far. Bakit naman nakarating pa ng BGC ‘tong babaeng ‘to?
“Thanks,” sabi ko sa bartender. Mukha namang mabait siya. Pinakiusapan ko na rin siya na bantayan muna ang kapatid ko habang hinihintay ang sundo.
I was thinking of whom I should call. Kanina ko pa dinadial ‘yung number ni Justin pero hindi siya sumasagot. Hindi ko na rin siya tinawagan pa ulit dahil baka nag-away sila ni Maicy kaya nagpakalasing ‘yung kapatid ko… Mas lalo namang hindi ko kayang tawagan si Mama! Hindi ko naman kayang ilaglag si Maicy at panigurado na mapapagalitan ‘yun. Kaya naman kahit kinakabahan ako, I dialed Uno’s number.
“Babe! Nakapag-ayos ka na ba ng gamit mo?”
I bit my lower lip. Damn it. Pwede bang kalimutan ko na lang lahat at umuwi na ako agad? I wanted to hug him so bad. I freaking miss this guy.
“Pwedeng humingi muna ng favor?” I asked him. This was important, as well. Bawat segundo na lumilipas, mas kinakabahan ako. Mamaya may manyak na na umaaligid sa kapatid ko.
“Sure, babe,” he said. His voice was really happy. Masayang-masaya talaga siya na uuwi na ako.
“Kasi nasa bar si Maice… Lasing na lasing daw… Pwede bang puntahan mo?”
“Sige, sige. Saan ba? Alam mo na ba kung ano ang problema nun?” he asked as I gave him the address of the bar. Mabuti na lang at hindi nagreklamo si Uno kahit na malayo pa ang idadrive niya.
“Ewan, pero baka sa kanila ni Justin. Sorry, ha? Gabi na pero naabala pa kita…”
“No problem, babe. Parang kapatid ko na rin si Maice,” he said. “Nagpareserve ako sa favorite restaurant mo para ‘dun tayo kakain pag-uwi mo.”
I closed my eyes and then took a deep breath.
“Uno… kasi hindi ako makakauwi.”
Every second passing was making my heart beat so damn fast. I knew I made him feel unimportant again. Alam ko naman na pakiramdam ni Uno mas inuuna ko ‘yung trabaho ko kaysa sa kanya… Hindi naman siya nagrereklamo but I just felt it. And now, I was doing it again.
“What?”
“Naipit kasi ako… Ang dami pang pending transaction at ako ang front… Gusto ko talagang umuwi, Uno… Sorry…” my voice was on the verge of breaking but my tears were already falling one by one.
There was deafening silence.
“Ganyan ka naman palagi.”
And then the line was dead.
Chapter 5
#ADMwp Chapter 5
Ganito pala ‘yung feeling na miss na miss mo na ‘yung tao pero wala kang magawa kung hindi ang malungkot?
“Uno…” I called his name.
“Yeah?” sagot niya. Magkausap kami sa facetime ngayon habang gumagawa siya ng project niya.
“Wala lang,” sabi ko. “Kamusta na nga pala si Maicy? Nakausap mo ba?” I asked him. Ilang beses ko na kasing sinubukan na kausapin si Maicy pero palaging ayaw niyang magsalita. Pasalamat siya at wala ako sa Pilipinas…
“Hindi, e. Alam mo naman ‘yun, ayaw magsabi ng problema,” sabi ni Uno. Oo nga, minsan kasi nakakalimutan ko na malaki na nga pala si Maicy. Hindi na nga pala siya ‘yung Maicy na umiiyak at ipinagtatanggol ko. Malaki na nga pala ‘yung kapatid ko.
I sighed. Nakakalungkot naman dito.
“Basta, try mong kausapin, ha? Ang hirap kasi na wala ako dyan…” I said.
Uno looked at me and smiled. “Don’t worry, ako na ang bahala. She’s practically a family,” he assured me.
Mas lalo akong na-excite magpakasal sa kanya. Maaasahan ko talaga siya kaya hindi na ako masyadong nag-alala pa para kay Maicy… but still I wish she’d talk to me.
Chapter 4
#ADMwp Chapter 4
Mira dela Fuente: Maicy
Mira dela Fuente: Maicy
Mira dela Fuente: Maicy
Mira dela Fuente: Maicy buhay ka pa ba? Nag-aalala na ako sayo
Mira dela Fuente: Just contact me kung gusto mo ng kausap ok? I’m really worried
Mira dela Fuente: Or call Uno
Mira dela Fuente: Don’t keep it bottled up
Mira dela Fuente: Don’t do stupid things
You cannot send message to this person
Kumunot ang noo ko. Did she block me?!
Agad ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot. Naka-receive lang ako ng text mula sa kanya.
From: Maicy
I deactivated my fb, ate… I’ll email you the details about your wedding…
Ano ba ang problema niya? Nag-aalala na ako.
To: Uno
Babe, paki-check nga si Maicy. Nag-aalala ako.
Chapter 3
#ADMwp Chapter 3
Ang sakit-sakit na ng ulo ko! Ang dami nilang pinapagawa sa akin pero 2 days na lang ako dito sa New Zealand. Babalik na ako sa Pinas sa makalawa pero tambak na tambak pa rin ‘yung gagawin ko. Shit talaga! Sumasakit lalo ang ulo ko!
Huminga muna ako nang malalim at saka iniwan ‘yung tambak ng papales na dapat kong ireview. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng magagaling na empleyado sa kumpanya namin, bakit ako pa ang napiling ipadala? Sure, kung sana sa ibang pagkakataon matutuwa talaga ako. But my wedding was just around the corner. Bawat araw na wala ako sa Pilipinas para tumulong sa paghahanda ng kasal ko ay parang mas lalo kong gustong umiyak dito.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ‘yung laptop ko at nakipagfacetime kay Maicy.
“Maice,” I called. “Bakit audio lang?” Nagtataka lang ako dahil dati naman puro facetime talaga kami.
Rinig ko na medyo paos ang boses ni Maicy. May problema pala talaga siya… Akala ko praning lang masyado si Uno. Masyado kasing protective iyon kay Maicy dahil walang kapatid.
“Okay lang, ate…” she said pero rinig na rinig ko na may problema siya.
Mas lalo tuloy akong nahihirapan na wala ako sa Pilipinas. Gusto kong yakapin si Maicy at sabihin na magiging okay lang ang lahat…
“Sure ka?” I asked her again. “Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap…” I assured her.
“Okay lang talaga ako,” she replied. “Sige na, ate. Update na kita tungkol sa wedding,” she continued and then we proceeded on talking about my wedding.
Ilang oras din kaming nag-usap dahil may mga gusto akong ipabago. Mabuti na lang talaga at mabait itong kapatid ko kaya hindi siya nagrereklamo kahit na palagi ko siyang naaabala.
“Thank you, Maicy, ha?”
“Wala ‘yun, ate. Basta para sa inyo ni kuya Uno.”
“Basta nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap… Uuwi na naman ako… Pero nandyan din si Uno kung kailangan mo ng maiiyakan. Always remember na nandito lang kami, okay?”
“Thank you, ate. Miss na miss na kita. Ang swerte sa ‘yo ni kuya Uno…”
Chapter 2
#ADMwp Chapter 2
Screw time zone! Palagi na lang akong puyat dahil hindi magtagpo ang oras namin.
“Hi, baby…” sabi ko habang papikit na ang mata ko. Ang dami kong ginagawa dito. Mabuti na lang talaga at nagvolunteer si Maicy na siya ang mag-asikaso sa kasal ko kung hindi, baka mabaliw na ako dito at bigla na lang bumalik sa Manila! Buti na lang talaga at mabait ang boss ko kaya kailangan kong umayos dito.
“Baby, ayos ka lang? Mukhang stressed na stressed ka…” sabi niya.
Umiling ako pero halos pikit na talaga ang mata ko. “Ayos lang ako…” I said as I trued to stiffle a yawn. “Nagkita ba kayo ni Maicy?” I asked him.
Tumango siya. “Oo kanina. Pero mukhang problemado ‘yung kapatid mo na ‘yun,” he said.
Kumunot naman ang noo ko. Wala namang nababanggit sa akin si Maicy na problema… Palagi naman kaming magkausap.
“Kanina kasi parang medyo lutang siya nung nagttaste test kami.”
Kahit na medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil wala ako doon habang inihahanda ang kasal ko, mas inisip ko na lang na mapapawi lahat ng lungkot ko sa mismong araw ng kasal. Nakabook na kasi ang flight ng pamilya ni Uno mula sa States kaya hindi pwedeng ma-delay ang wedding. Tapos bigla pa akong pinadalasa New Zealand—special order direct from my boss kaya hindi matanggihan.
“Ano naman daw ang problema?”
Nagshrug lang si Uno. “Bayaan mo, tatanungin ko bukas. Sige, matulog ka na. I love you.”
I smiled at the screen. “I love you din.” I can’t wait to be married to that guy.
Chapter 1
#ADMwp Chapter 1
Bakit naman kasi kailangan pa akong ipadala sa New Zealand para sa conference na ‘to? Alam naman sa office na magpapakasal ako pero ako pa rin ang ipinadala. Nakakainis naman talaga.
“Kailangan mo ba talagang umalis?” Uno asked. Kakagising lang naming dalawa at kanina niya pa ako pinipigilan. Alam niya kasi na ngayon ang araw ng alis ko papuntang New Zealand.
I pulled the sheets and wrapped it around my body.
“Oo nga… Ang kulit mo naman,” I said tapos bigla niya naman akong niyakap. “Babalik naman ako in two weeks…” I said habang hinahalikan niya ‘yung likod ng tenga ko.
“Please?”
“Uno…”
“Kailan mo ba ako magiging priority? Lagi na lang akong pangalawa sa trabaho mo,” sabi niya. Natawa naman ako.
“Para kang baby,” I replied.
“Baby mo naman ako, ‘di ba?” he said with a grin.
I turned around and then kissed him. “Oo nga, baby. Aalis si mommy para magwork pero babalik naman ako after two weeks. Pwede bang magbehave ang baby habang wala si mommy?”
He doubled over in laughter and then grabbed me. “Susulitin ko na habang nandito ka pa sa tabi ko,” sabi niya at hinatak ako pabalik sa kama.
Prologue
#ADMwp Prologue:
Hindi ko alam kung paano magpanggap na wala akong alam. Kanina ko pa gustong sumigaw. Kanina ko pa gustong tumakbo at yakapin si Uno. Bakit naman kasi masyado akong mapaghinala at natunugan ko agad na may balak na siya sa aking magpropose?! Ayan tuloy, wala na ‘yung element on surprise!
But still… the thought that Uno wanted to spend the rest of his life with me was enough to make my heart beat erratically.
Nasa loob kami ng pad niya. Normally, sa restaurants kami kumakain but tonight was different. Siya ang nagsabi na sa unit niya na lang kami kumain at magluluto daw siya.
Habang kumakain kami, thoughts were flooding my mind. Hindi ako makakain nang maayos dahil pakiramdam ko nakahalo dito sa kinakain ko na lasagna ‘yung singsing. Pati sa pag-inom ng wine ang cautious ko rin! Kanina pa ako hindi mapakali! Mas daig ko pa sa kaba ‘yung magpopropose!
Nung patapos na kami sa dessert na lava cake (na dahan-dahan ko pang kinain dahil natatakot ako na mabilaukan), biglang sumeryoso ang tingin sa akin ni Uno. Tumayo siya at saka lumapit sa akin.
Ilang beses ko na ‘tong na picture sa isip ko. Ilang beses ko na siyang na-imagine na lumuhod at ayain ako na magpakasal. Each time was more romantic than the other but this? This was magical. This was better than what my imagination could ever fabricate.
“Mira,” he asked as he was down on his knee. “I’ve known you for years now and I’ve loved you for years… and for the years to come, I know the I will still love you.”
Nagsisimula pa lang siya pero panay na ang buhos ng luha ko. I couldn’t believe it was happening. I couldn’t believe what was unfolding behind my very eye.
“Mira, will you give me the honor of turning you into Mrs. Avellano?”
I wiped my tears and said, “Yes, Uno. Always a yes.”
Umiiyak ako habang isinusuot niya sa daliri ko ‘yung singsing. It felt perfect. It felt like this ring was designed for me to wear…
“Nakakainis ka!” I said while wiping my tears. “Parang ni hindi ka man lang kinabahan! Masyado ka bang sure na oo ang sagot ko?”
He smiled at me and then wiped the tears off from my cheeks.
“Bakit ako kakabahan? Marrying you is one of the things I am most sure of.”

