A Years Love
SimoyX · 1 chapter · 995 words
A Years Love
Author’s Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humihingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
Chapter 1
“Goodmorning mahal ko” pambungad na bati ng taong pinakamamahal ko.
“Morning din mahal” tugon ko.
“Ehhh wala bang halik diyan?” Tanong nito
“Nge kagigising ko lang at di pa ako nakapagmomog” tugon ko
“Sos kahit di ka magtoothbrush ng apat na taon ikaw pa rin ang may pinakamabangong hininga” nakangising tugon nito.
“Tantanan mo nga ako russel nangbobola kana naman” tugon ko sabay tayo papuntang banyo.
“Totoo yun mahal noh” sigaw nito
Paglabas ko ng banyo ay wala na si Russel sa kwarto kaya lumabas na ako at nadatnan ko itong naghahanda ng agahan.
“Oh mahal upo kana para makapag-agahan kana. May klase ka ba ngayong umaga?” Tanong nito
“Oo pero mamayang 10 am pa” tugon ko naman.
“Mahal may pupuntahan ako mamaya baka di ako makauwi” sabi nito
“Ahhh kaya pala naglalambing kanina dahil may pupuntahan. Well ok lang naman basta umuwi ka bukas monthsary natin” tugon ko sa kanya.
“Ayyy oo nga pala monthsary natin bukas.. mmm wag na Lang kaya ako pumunta sa pupuntahan ko” tugon naman nito
“Baka naman importante pumunta kana Basta umuwi ka lang bukas” sabi ko naman.
“Ok salamat mahal. Sige una na ako sa school may klase din Kase ako “tugon naman nito.
“Ok” simpleng tugon ko.
Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto at nag open ng Facebook, maraming notifications at messages pero di ko pinansin may russel na ako kaya stay loyal ako sa kanya. Ilang browse pa ang ginawa ko ng makaramdam ako ng antok.
Paggising ko ay 9:35 na kaya halos magkandarapa ako ng takbo papuntang banyo. Pagkatapos mag ayos ay agad akong lumabas maglalakad nalang ako katabi Lang naman ng university itong condo ko kaya oks na oks Lang lakarin. Tumakbo ako para mas madaling makarating ako sa university. Nasa baba na ako ng department namin ng biglang may bumanga sa akin kaya napasalampak ako sa sahig.
“Shit!” Pangrereklamo ko ngunit bigla niya akong hinila saka tumakbo. Dinala niya ako sa likod ng department malapit sa mini forest.
“Bat kaba nanghihila? Masakit pa yung pwet ko sa pagkakasalampak sa sahig tapos hinila mo pa ako. Nakasinghot––” di ko natapos ng humarap ako sa kanya. Shitttt! Sobrang gwapo ng lalaking ito. Napakaperpekto ng mukha.
“Sorry ha hinahabol kasi ako eh.” Tigon naman nito. Ayy gwapo nga magnanakaw naman.
“Magnanakaw ka? Wag ako ang biktimahin mo wala akong dalang pera naiwan ko” tugon ko naman.
“Hindi ako magnanakaw. Actually hinahabol ako ng mga babae” tugon nito. Wow napakafeelingero nito.
“Then? Anong kinalaman ng paghabol nila sayo sa panghihila mo sa akin. At kung wala kang sadya sa akin maaaring mauna na ako dahil late na ako sa klase” tugon ko sabay talikod nang bigla niya akong pinigilan.
“Sandali. Kailangan ko ng tulong mo kanina pa ako hindi kumakain kasi nagmamadali akong pumunta dito at sa canteen naman ay hindi ako makabili dahil sa mga babaeng humahabol sa akin kaya please I need your help” tugon naman nito.
“So you mean uunahin kong bilhin ang pagkain mo kesa pumasok sa klase ko?” Tanong ko sa kanya.
“Please I beg you. I will treat you the whole week if bibilhan mo ako ng pagkain.” Pagmamakaawa nito.
“What if I dont.” Panghahamon ko
“Please. I will treat you the whole month” tugon nito.
“Ok. Money and what food do you want?” Tanong ko. Kaya kumuha ito ng pera saka binigay sa akin.
“Kung ano ang favorite mo yun ang bilhin mo” tugon nito.
“Huh? Pahiro ba tayo ng favorite?” Tanong ko
“Nope”
“Nuhh whatever” tugon ko sabay alis.
Pagpasok ko ng canteen ay hinanap ko agad ang paborito ko. Kanin saka daing. Bebengka at biko saka pineapple juice. Pagkatapos bumili ay bumalik ako agad.
“Oh Eto ang pagkain mo” tugon ko at kinuha niya naman eto.
“Eto rin pala ang sukli mo 900 pesos” dagdag ko
“Huh one hundred lang ito lahat?” Takang tanong nito.
“Oo bakit ano iniexpect mo kumakain ako ng gold na pagkain” tugon ko
“Ahh ok” simpleng tugon nito. Agad niyang nilantakan yung pagkain at shock na shock pa siya.
“Wow anong pagkain ito?” Tanong niya
“Di mo alam yan???? Pilipino ka ba?? Kasi lahat ng pilipino alam yan” tugon ko
“I never eat like this in state. Wala silang pagkain na ganito” tugon naman nito
“So Taga US ka?” Taka kong tanong
“Mmmm Oo bakit?” Tanong naman nito
“Wala Lang I really wonder why you are fluent in speaking tagalog” may pagtataka kong sabi
“About that I really take a lesson in speaking tagalog kasi one of our biggest branch is here in the Philippines” pagpapaliwanag nito.
“So why are you here?” Tanong ko
“To study?” Patanong na sagot nito
“I know! What I mean is that why you study here in philippines if you could study abroad. Mas maganda kaya ang educational system doon kaysa dito” tugon ko
“Soon I will hold this branch here in philippines kaya I decided na mag-araw dito para masanay ako” tugon niya
“Mmm so bakit ka nga pala hinahabol ng mga babae kanina?” Tanong ko sa kanya
“Hindi ko rin alam eh. I was looking for my room that time when I hear a group of girl screaming tapos ayun hinabol nila ako” tugon naman nito
“Mm ano ba kasi ang section mo para matulungan kita” tugon ko
“Oh that was great! My algebra 1 ay nasa room BH204 at ang philosophy naman ay nasa room BH89” sabi nito
“Ouy kaklase Kita kaso may isa pa ang subject” tugon ko
“Yes god always help me talaga” tugon naman nito
“Oh sha bukas ka nalang pumasok sabay tayo . Sa ngayon ay pagpasok muna ako sa next class ko “pagpapaalam ko sa kanya
“Ok see you around” tugon naman nito
Itutuloy…

