loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
π€πœπœπ’ππžπ§π­πšπ₯π₯𝐲 πŽπ›π¬πžπ¬π¬πžπ (𝐌𝐲 π’πžπ«πžπ§ππ’π©π’π­π² #𝟏)

π€πœπœπ’ππžπ§π­πšπ₯π₯𝐲 πŽπ›π¬πžπ¬π¬πžπ (𝐌𝐲 π’πžπ«πžπ§ππ’π©π’π­π² #𝟏)

calypzoalcazar Β· 12 chapters Β· 29,561 words

Preview

Kasalukuyan

kaming nakasakay ngayon ng kaibigan kong si Dan sa taxi. Inaya niya akong mag-bar. Wala naman akong ginagawa sa bahay kaya minabuti ko nang sumama.

β€œHans? Ayos lang ba na may kasama tayo sa table?” Rinig ko pang tanong niya habang ako naman nakatulala lang dito sa labas habang tumatakbo yung sasakyan.

Agad ko naman siyang tinanguan at nginitian. β€œOo naman, Dan. Sumabit lang naman ako.” Natatawa kong sabi sakanya na kinatawa niya lang. Hindi ko na minabuting tanungin kung sino yung kasama namin sa table. Kakilala naman niya eh!

ILANG minuto lang ay nakarating na kami sa bar na sinasabi niya. Hindi ako gaanong pamilyar sa bar na ’to kahit medyo madami na akong napuntahan na bar. Parang bagong gawa lang na bar.

β€œAko na yung magbabayad, Hans. Baba ka na.” Utos pa saakin ni Dan na tinanguan ko lang bago mabilis na bumaba ng taxi. Ilang segundo lang din ay bumaba na din siya.

β€œTara, Hans! Baka naghihintay na sila.” Agad niyang aya saakin bago siya maglakad papunta sa entrance nitong bar. Ako naman nakasunod lang sa likod niya.

Agad niyang sinalubong yung dalawang bouncer. Nakipagkamayan pa siya at nakipag-yakapan.

β€œMga boss!” Malakas pa na turan ni Dan. β€œLong time no see, mga boss!”

Nakipagkwentuhan pa siya sa mga bouncer ako naman nasa likod niya lang. Medyo OP ako dito ha. Kailangan ko din yatang makipag-close sa mga bouncer.

β€œSino ’tong kasama mo? Bata pa yan.” Nagulat naman ako nang tumingin saakin silang lahat.

β€œHindi na bata yan boss! Bente-uno na yan boss! Baby face lang!” Natatawang sagot sakanila ni Dan sabay akbay saakin. Nakitawa nalang din ako kasi wala naman nakakatawa.

β€œSige sige. Bantayan mo yang kasama mo. Mainit ang mga mata sa ganyang itsura.” Huling turan pa nung bouncer na pinagtaka ko.

Nagpaalam na si Dan bago kami pumasok sa loob pero naka-akbay pa din siya saakin.

β€œAnong mainit ang mata saakin, Dan?” Nagtataka kong tanong sakanya habang pinagmamasdan itong lugar.

Talaga ngang maganda itong lugar. Malaki tapos modern yung design. Hindi din gaanong masakit sa tenga yung music kahit malakas. Hindi siksikan yung mga tao. Mabango din.

β€œH’wag mo nalang isipin yon, Hans. Wala lang yon.” Bulong lang saakin ni Dan bago niya ako hatakin sa second floor.

Yung second floor nila, open lang. Kitang-kita yung ilalim kung nasaan yung dance floor. Tapos may mga mesa lang sa taas kung saan pwede uminom. Goodluck nalang sa malalasing at malalaglag sa ibaba. Haha.

Umupo kami sa isang bakanteng table. Isang malaking table tapos upuan na magkaharap. Malaki din naman. Mga anim siguro yung pwedeng umupo.

β€œAnong gusto mong drinks, Hans? Kakain ka muna ba?” Tanong saakin ni Dan.

β€œHindi pa ako kumakain, Dan. Pero gusto ko na din uminom. Ikaw na bahala.” Agad kong sagot sakanya. Tumango naman siya bago tumawag ng waiter. Ako naman ay tumingin sa ibaba kung saan merong nagsasayaw na grupo. Ang saya nila tapos lasing na lasing na. Hahaha. Hindi ko napigilang matawa doon sa itsura ng isa. Nahuhubad na yung pantalon hindi pa din tumitigil sa pagsayaw.

β€œInorder kita ng pagkain, Hans. Gusto mo ba yung chicken fillet?” Tanong saakin ni Dan kaya nawala yung tingin ko doon sa grupo at napatingin sakanya.

β€œAyos lang kahit ano, Dan.” Nakangiting turan ko agad. β€œMagkano?” Dugtong ko pa pero agad niya lang akong tinawanan.

β€œTreat kita ngayon.” Natatawa niya lang sagot bago dumating yung mga order namin.

Agad inilapag ni Dan yung kanin at chicken fillet sa harap ko na may kasamang orange juice at ladies drink. Tapos sakanya naka-beer lang siya at hindi ko alam kung anong pulutan niya. Medyo nainis ako kasi ladies drink yung akin. Anong akala niya? Mahina ako?

β€œBakit ladies drink? Gusto ko din ng beer.” Agad kong reklamo sakanya. Nakita ko pang natawa siya na lalong kinainis ko.

β€œOkay, okay! Akala ko hindi ka sanay sa mga hard drinks eh! Sorry! Kainin mo muna yan. Order nalang kita ulit mamaya. Wala pa namans sila eh!” Natatawa niyang turan na inismiran ko lang bago magsimulang kainin yung inorder niya.

β€œAh, Dan? Ilan pala yung kasama natin?” Agad kong tanong. Nakalimutan kong itanong kanina eh.

β€œTatlo lang. Student din sa university natin.” Tumango naman ako at hindi na nagtanong pa. Nakita ko naman na inilabas ni Dan yung phone niya at nagsimulang mag-phone.

Ako naman ay nag-focus sa pagkain. Hindi ko kasi kayang mag-phone habang kumakain. Mas napo-focus ako sa pagpo-phone. Hindi ako makakakain.

Ilang minuto lang ay tumayo si Dan. β€œRestroom lang, Hans. Wait lang ha.” Tumango naman ako sakanya. Baka natatae.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain na walang iniintinding iba. Masarap naman yung foods nila. Legit.

Napatigil nalang ako sa pagnguya nang may umupong lalaki sa harap ko. Shocks. Ang gwapo.

β€œOh hi!” Gulat pa na turan niya saakin habang nakangiti. Shet. Ang gwapo niya.

β€œNasaan si Danny?” Tanong niya saakin. Agad ko naman nilunok yung kinakain ko. Grabe nakakahiya. Ang dami pa ng nasa bibig ko tapos naka-umbok pa sa pisngi ko. Narinig ko pa yung tawa niya na lalong kinahiya ko.

β€œA-ahh, pumunta sa restroom.” Agad kong sagot sabay inom ng juice.

β€œOkay. Ikaw pala yung kasama niya? What’s your name?” Tanong niya pa habang nakangiti. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakahawa yung ngiti niya! Shet. Kinikilig yata ako.

β€œHans. Hans Dawi Redji——” Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang may umupo sa tabi ko kaya napitingin ako agad. Isang lalaking nakasimangot tapos magka-krus pa yung mga kamay sa dibdib na parang inis na inis.

β€œSorry for him, Hans.” Agad na turan nitong kausap ko kanina kaya napatingin ako ulit sakanya pero laking gulat ko nang maging dalawa sila. Nanlalaki yung mata kong papalit-palit ng tingin sakanilang dalawa. Yung isa, nakatingin sa malayo, tapos yung kausap ko kanina, nakatingin saakin.

Napahinto lang ako sa pagtingin sakanila nang tumawa itong kausap ko kanina. Nakakalito shet! Dalawa silang gwapo!

β€œI’m Chance. This is Chase. My twin.” Pagpapakilala ni Chance daw. Yung nakangiti. Ito naman Chase, nakatingin lang sa malayo.

Nakakalito sila honestly pero isa lang ang masasabi ko. Hindi ngumingiti si Chase. Muntik pa akong mapaiktad sa gulat nang tumingin siya saakin. Ang sama niya din makatingin.

β€œAno ulit full name mo, Hans?” Tanong saakin ni Chance kaya nalipat yung tingin ko sakanya.

β€œH-hans Dawi Redjimo.” Kinakabahan kong bulong. Nakaka-intimidate yung titig ni Chase. Grabe. Sagad sa buto.

β€œOh! Ikaw yung third year na business management student?” Tumango naman ako at ngumiti.

β€œGreat! Nice to meet you!” Turan niya pa na nginitian ko lang bago ulit mapatingin kay Chase na nakatitig pa din saakin at masama ang tingin na hindi ko masabi.

Pinili ko nalang na umiwas at tumingin sa katabi ko.

β€œHi! I’m Hans!” Pagpapakilala ko sakanya. Parehas yung timpla nila ni Chase pero nung nakita niya ako, agad siyang ngumiti saakin.

β€œI’m Dery! Nice to meet you cutie!” Nakangiti niyang bulong bago pisilin yung pisngi ko na kinatawa ko. Gay siya. Mula sa blush on, foundation na shade no. 2 at lipstick na red.

Napatingin naman ako kay Dan nang makita siyang papalapit sa table namin.

β€œGreat! Nandito na kayo!” Agad niyang turan bago umupo sa tabi ni Dery.

β€œKilala mo na ba sila, Hans?” Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

β€œGood, good. Let’s drink!” Tuwang-tuwa pa na sabi ni Dan.

Si Dan yung nag-order ng drinks tapos si Chance naman hawak yung phone niya. Si Dery naman, may hawak na lipstick. Wala naman na akong balak tignan si Chase pero napatingin ako at nakitang nakatitig pa din siya saakin. Ngumiti lang ako ng alanganin bago tumingin kay Dan.Β Β 

β€œD-dan? Tapos na akong kumain.”

Naglalakad

kami ngayon ni Dery at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hinatak niya lang ako pagkatapos ng class ko.

β€œHoy Dery? Saan tayo pupunta?” Tanong ko sakanya pero inismiran niya lang ako.

β€œPupunta tayong palengke, Hans.” Sagot niya na kinagulat ko.

β€œPumupunta ka ba don? Sure ka?” Natatawa kong bulong sakanya.

β€œWala akong choice, Hans! Gusto daw ni lola ng daster! Wala naman akong makitang daster sa H&M sa mall!” Tawang-tawa ako sa mukha niya habang nagrereklamo. Halatang naiinis siya pero gusto niya talagang makabili ng daster para sa lola niya.

Natatawa ko nalang siyang inakbayan. β€œAyos lang yan.” Tumatawa kong turan.

NANDITO na kami sa loob ng palengke. Palakad-lakad lang kami. Nakahawak si Dery sa kamay ko. Akala mo naman mawawala.

β€œWala din bang daster dito?” Bulong pa niya. Agad naman nakita ng mga mata ko yung mga nakasabit na daster.

β€œβ€™Yon oh!” Turo ko mga daster na nakasabit sa hanger.

β€œOo nga!” Agad niya naman turan at bumitaw na saakin bago mabilis na naglakad papunta doon sa tindahan ng daster. Nakangiti nalang akong sumunod sakanya pero nagulat ako nang may humawak sa kamay ko.

Nakita ko nalang yung isang matanda na may hawak sa kamay ko at nakatitig sa palad ko.

β€œIsang nakasasakal, nakamamatay, nakatatakot na pag-ibig. Makukulong ka sa pag-ibig na hindi mo ninais. Mag-iingat ka. Hindi ka niya pakakawalan.” Turan ng matanda bago bitawan ang palad ko at umalis na parang walang nangyari.

Ano yon? Nakapagtataka naman yung matandang yon? Parang tanga lang.

β€œHans?!” Nagulat nalang ako nang sigawan ako ni Dery. β€œKanina pa kita tinatawag!” Tumango nalanga ako at mabilis na lumapit sakanya.

β€œSino bang kausap mo doon? Bakit nakatayo ka doon na parang tanga?” Tanong niya pa pero nginitian ko lang siya.

β€œWala, wala.”

NABILI na namin ni Dery yung daster. Tuwang-tuwa pa siya. Ang dami niyang binili. Matutuwa daw yung lola niya.

Palabas na kami ng palengke nang may humarang saamin na may kaedarang babae.

β€œMga hijo! May iniirog na ba kayo? Oh may iniirog ba kayong hindi kayo gusto? May solusyon ako para sainyo!” Tuwang-tuwa niyang sabi saamin. Kaya naman ni Dery, nagpahatak lang.

β€œIto ang tinatawag na gayuma.” Nakangiti niyang turan sabay abot saamin ng isang boteng maliit na may laman na kung anong likido.

β€œIlagay niyo lamang iyan sa inumin ng inyong napupusuan, tyak na magiging iyo na siya kinabukasan!” Pumapalakpak niya pang sabi.

Napatingin naman ako kay Dery habang hawak yung gayuma.

β€œWala akong paggagamitan nito bakla. Baka ikaw meron.” Natatawa niya pang sagot saakin.

Napatitig naman ako sa gayuma. Effective kaya ito? Try ko kaya?

β€œMagkano ’to ate?” Agad na tanong ko. Kitang-kita naman yung pagngiti nung tindera.

β€œBibigau ko yung number ko ha? Kapag hindi effective, tumawag ka agad!” Tuwang-tuwa niya pang turan.

β€œHoy bakla, si Chance ba yung gagayumahin mo?” Napatingin naman ako kay Dery nang sabihin niya yon.

β€œP-paano mo nalaman?” Kinakabahan kong bulong. Tumawa naman siya ng mahina.

β€œHalata naman. Kahit hindi mo sabihin. Pero mag-ingat ka. May nabasa ako, natutuloy daw sa obsession yang mga ganyan. Bahala ka talaga sa buhay mo kapag nangyari yan!”

Kabado

akong naghihintay habang nakaupo dito sa loob ng bar. Tinext ko si Chance. Dinahilan ko na may kailangan kaming pag-usapan para mapapunta ko siya.

Agad akong nag-order ng juice at inilagay na din yung gayuma. Sana gumana.

Sa ilang minuto kong paghihintay, nakaramdam ako na naiihi ako kaya mabilis akong tumayo at mabilis na naglakad papunta sa restroom. Hindi din naman ako nagtagal. Agad din akong lumabas at napangiti ako nang makitang may nakaupo na doon sa table. Ibig sabihin, nandito na si Chance.

Mabilis akong naglakad at umupo katapat ni Chance.

β€œChan——” Naputol yung sasabihin ko nang makita na kung sinong kaharap ko.

β€œC-chase?” Nauutal na bulong ko bago dumapo ang tingin ko sa baso ng juice na para kay Chance na ngayo’y wala ng laman.

β€œYes. Hindi makakapunta si Chance. That’s why ako na ang pumunta.”

Napanganga nalang ako sa gulat at takot. Owwshi! Shit! I’m dead.

AUTHOR’s NOTE & CHARACTERS

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of author imagination or are used fictiously, and any resemblance to actual person, living or dead, business establishment, events or locales is entirely coincidental.

This story contains mentions of

BOYΓ—BOY

material. If its not your tea, then I dont give a shit. -,-

You’ve been warned.

Β©calypzoalcazar

Β©alcazarandrey

Β©

kallivanilla

Plagiarism is the outcome of jealousy.

DO NOT ROMANTICIZE MY WORKS

For more informations, kindly send an email or send a message to informations below:

calypzoalcazar@gmail.com at GMAIL

calypzoalcazarofficialaccount at FACEBOOK

My other social media and writing platforms:

calypzoalcazar at INSTAGTAM

calypzoalcazar at TWITTER

calypzoalcazar at DREAME & STARY

calypzoalcazar at GOODNOVEL

I proudly presents to you, my portrayer for this story! PS: Pwede po kayong mag-imagine ng iba sa mga characters na ito. Thanks!

ENHYPEN

SUNO as HANS

DAWI

REDJIMO

ENHYPEN

SUNGHOON as ALEXANDRO

CHASE

GILFORD

ENHYPEN

SUNGHOON as ALEXANDER CHANCE

GILFORD

So basically, si SUNGHOON lang talaga. Eh dahil twin nga lang sila kaya ganyan. Hahahaha. Another obsession story. This is medyo toxic story kaya pray for me. Huhuhu. 😭❀️

Crdts to ADORE on TWITTER for reference pictures.

SUNSUN FANFIC

STARTED: MAY 24, 2021 PUBLISHED: MAY 24, 2021 ENDED: β€”β€”

Chapter 1

Chapter 1

Hans Dawi Redjimo

Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon ng kaibigan kong si Dan sa taxi. Inaya niya akong mag-bar. Wala naman akong ginagawa sa bahay kaya minabuti ko nang sumama.

β€œHans? Ayos lang ba na may kasama tayo sa table?” Rinig ko pang tanong niya habang ako naman nakatulala lang dito sa labas habang tumatakbo yung sasakyan.

Agad ko naman siyang tinanguan at nginitian. β€œOo naman, Dan. Sumabit lang naman ako.” Natatawa kong sabi sakanya na kinatawa niya lang. Hindi ko na minabuting tanungin kung sino yung kasama namin sa table. Kakilala naman niya eh!

ILANG minuto lang ay nakarating na kami sa bar na sinasabi niya. Hindi ako gaanong pamilyar sa bar na ’to kahit medyo madami na akong napuntahan na bar. Parang bagong gawa lang na bar.

β€œAko na yung magbabayad, Hans. Baba ka na.” Utos pa saakin ni Dan na tinanguan ko lang bago mabilis na bumaba ng taxi. Ilang segundo lang din ay bumaba na din siya.

β€œTara, Hans! Baka naghihintay na sila.” Agad niyang aya saakin bago siya maglakad papunta sa entrance nitong bar. Ako naman nakasunod lang sa likod niya.

Agad niyang sinalubong yung dalawang bouncer. Nakipagkamayan pa siya at nakipag-yakapan.

β€œMga boss!” Malakas pa na turan ni Dan. β€œLong time no see, mga boss!”

Nakipagkwentuhan pa siya sa mga bouncer ako naman nasa likod niya lang. Medyo OP ako dito ha. Kailangan ko din yatang makipag-close sa mga bouncer.

β€œSino ’tong kasama mo? Bata pa yan.” Nagulat naman ako nang tumingin saakin silang lahat.

β€œHindi na bata yan boss! Bente-uno na yan boss! Baby face lang!” Natatawang sagot sakanila ni Dan sabay akbay saakin. Nakitawa nalang din ako kasi wala naman nakakatawa.

β€œSige sige. Bantayan mo yang kasama mo. Mainit ang mga mata sa ganyang itsura.” Huling turan pa nung bouncer na pinagtaka ko.

Nagpaalam na si Dan bago kami pumasok sa loob pero naka-akbay pa din siya saakin.

β€œAnong mainit ang mata saakin, Dan?” Nagtataka kong tanong sakanya habang pinagmamasdan itong lugar.

Talaga ngang maganda itong lugar. Malaki tapos modern yung design. Hindi din gaanong masakit sa tenga yung music kahit malakas. Hindi siksikan yung mga tao. Mabango din.

β€œH’wag mo nalang isipin yon, Hans. Wala lang yon.” Bulong lang saakin ni Dan bago niya ako hatakin sa second floor.

Yung second floor nila, open lang. Kitang-kita yung ilalim kung nasaan yung dance floor. Tapos may mga mesa lang sa taas kung saan pwede uminom. Goodluck nalang sa malalasing at malalaglag sa ibaba. Haha.

Umupo kami sa isang bakanteng table. Isang malaking table tapos upuan na magkaharap. Malaki din naman. Mga anim siguro yung pwedeng umupo.

β€œAnong gusto mong drinks, Hans? Kakain ka muna ba?” Tanong saakin ni Dan.

β€œHindi pa ako kumakain, Dan. Pero gusto ko na din uminom. Ikaw na bahala.” Agad kong sagot sakanya.

Tumango naman siya bago tumawag ng waiter. Ako naman ay tumingin sa ibaba kung saan merong nagsasayaw na grupo. Ang saya nila tapos lasing na lasing na. Hahaha. Hindi ko napigilang matawa doon sa itsura ng isa. Nahuhubad na yung pantalon hindi pa din tumitigil sa pagsayaw.

β€œInorder kita ng pagkain, Hans. Gusto mo ba yung chicken fillet?” Tanong saakin ni Dan kaya nawala yung tingin ko doon sa grupo at napatingin sakanya.

β€œAyos lang kahit ano, Dan.” Nakangiting turan ko agad. β€œMagkano?” Dugtong ko pa pero agad niya lang akong tinawanan.

β€œTreat kita ngayon.” Natatawa niya lang sagot bago dumating yung mga order namin.

Agad inilapag ni Dan yung kanin at chicken fillet sa harap ko na may kasamang orange juice at ladies drink. Tapos sakanya naka-beer lang siya at hindi ko alam kung anong pulutan niya. Medyo nainis ako kasi ladies drink yung akin. Anong akala niya? Mahina ako?

β€œBakit ladies drink? Gusto ko din ng beer.” Agad kong reklamo sakanya. Nakita ko pang natawa siya na lalong kinainis ko.

β€œOkay, okay! Akala ko hindi ka sanay sa mga hard drinks eh! Sorry! Kainin mo muna yan. Order nalang kita ulit mamaya. Wala pa namans sila eh!” Natatawa niyang turan na inismiran ko lang bago magsimulang kainin yung inorder niya.

β€œAh, Dan? Ilan pala yung kasama natin?” Agad kong tanong. Nakalimutan kong itanong kanina eh.

β€œTatlo lang. Student din sa university natin.” Tumango naman ako at hindi na nagtanong pa. Nakita ko naman na inilabas ni Dan yung phone niya at nagsimulang mag-phone.

Ako naman ay nag-focus sa pagkain. Hindi ko kasi kayang mag-phone habang kumakain. Mas napo-focus ako sa pagpo-phone. Hindi ako makakakain.

Ilang minuto lang ay tumayo si Dan. β€œRestroom lang, Hans. Wait lang ha.” Tumango naman ako sakanya. Baka natatae.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain na walang iniintinding iba. Masarap naman yung foods nila. Legit.

Napatigil nalang ako sa pagnguya nang may umupong lalaki sa harap ko. Shocks. Ang gwapo.

β€œOh hi!” Gulat pa na turan niya saakin habang nakangiti. Shet. Ang gwapo niya.

β€œNasaan si Danny?” Tanong niya saakin. Agad ko naman nilunok yung kinakain ko. Grabe nakakahiya. Ang dami pa ng nasa bibig ko tapos naka-umbok pa sa pisngi ko. Narinig ko pa yung tawa niya na lalong kinahiya ko.

β€œA-ahh, pumunta sa restroom.” Agad kong sagot sabay inom ng juice.

β€œOkay. Ikaw pala yung kasama niya? What’s your name?” Tanong niya pa habang nakangiti. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakahawa yung ngiti niya! Shet. Kinikilig yata ako.

β€œHans. Hans Dawi Redji–” Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang may umupo sa tabi ko kaya napitingin ako agad. Isang lalaking nakasimangot tapos magka-krus pa yung mga kamay sa dibdib na parang inis na inis.

β€œSorry for him, Hans.” Agad na turan nitong kausap ko kanina kaya napatingin ako ulit sakanya pero laking gulat ko nang maging dalawa sila. Nanlalaki yung mata kong papalit-palit ng tingin sakanilang dalawa. Yung isa, nakatingin sa malayo, tapos yung kausap ko kanina, nakatingin saakin.

Napahinto lang ako sa pagtingin sakanila nang tumawa itong kausap ko kanina. Nakakalito shet! Dalawa silang gwapo!

β€œI’m Chance. This is Chase. My twin.” Pagpapakilala ni Chance daw. Yung nakangiti. Ito naman Chase, nakatingin lang sa malayo.

Nakakalito sila honestly pero isa lang ang masasabi ko. Hindi ngumingiti si Chase. Muntik pa akong mapaiktad sa gulat nang tumingin siya saakin. Ang sama niya din makatingin.

β€œAno ulit full name mo, Hans?” Tanong saakin ni Chance kaya nalipat yung tingin ko sakanya.

β€œH-hans Dawi Redjimo.” Kinakabahan kong bulong. Nakaka-intimidate yung titig ni Chase. Grabe. Sagad sa buto.

β€œOh! Ikaw yung third year na business management student?” Tumango naman ako at ngumiti.

β€œGreat! Nice to meet you!” Turan niya pa na nginitian ko lang bago ulit mapatingin kay Chase na nakatitig pa din saakin at masama ang tingin na hindi ko masabi.

Pinili ko nalang na umiwas at tumingin sa katabi ko.

β€œHi! I’m Hans!” Pagpapakilala ko sakanya. Parehas yung timpla nila ni Chase pero nung nakita niya ako, agad siyang ngumiti saakin.

β€œI’m Dery! Nice to meet you cutie!” Nakangiti niyang bulong bago pisilin yung pisngi ko na kinatawa ko. Gay siya. Mula sa blush on, foundation na shade no. 2 at lipstick na red.

Napatingin naman ako kay Dan nang makita siyang papalapit sa table namin.

β€œGreat! Nandito na kayo!” Agad niyang turan bago umupo sa tabi ni Dery.

β€œKilala mo na ba sila, Hans?” Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

β€œGood, good. Let’s drink!” Tuwang-tuwa pa na sabi ni Dan.

Si Dan yung nag-order ng drinks tapos si Chance naman hawak yung phone niya. Si Dery naman, may hawak na lipstick. Wala naman na akong balak tignan si Chase pero napatingin ako at nakitang nakatitig pa din siya saakin. Ngumiti lang ako ng alanganin bago tumingin kay Dan.

β€œD-dan? Tapos na akong kumain.”

EVERYTHING is going well to be honest. Hindi ko pinansin yung titig ni Chase saakin. I’m here to enjoy not to be stressed for non-sense things. I don’t care if he stare me. Iinom lang ako.

Chance and Dan, keep on talking and talking. Medyo may tama na kaming lahat pero ako, kaya ko pa naman. Hindi ko naman maiwasang mapatingin kay Chase dahil katapat ko siya. Lahat kami sabay-sabay uminom pero parang siya lang yung walang tama saamin. Grabe naman yung taas ng alcohol tolerance nitong lalaking ’to?

Napatingin nalang ako kay Dan nang tumabi siya saakin at akbayan ako.

β€œWhat do you want?” Bulong ko sakanya.

Ngumiti lang siya saakin at pinisil yung pisngi ko. Agad ko naman hinampas yung kamay niya. Ang sakit kaya!

β€œHahawak lang. Ito naman!” Bulong niya pa saakin.

β€œHow’s life, Hans? Matagal tayong hindi nakapag-kumustahan.” Turan niya na tanging kibit-balikat lang ang sinagot ko.

β€œStill the same. Nothing’s new.” Bulong ko sakanya sabay tungga ng beer.

Medyo napapangiwi pa ako sa pait pero kaya naman. Hindi naman gaanong mapait eh! Ilang beses ko na kayang nainom ’to.

β€œHow’s tita and tito?” Sunod niya pang bulong na kinaismid ko nalang.

β€œStop talking about them. You know I hate it.” Bulong ko sakanya.

Mabilis din siyang umalis pagkatapos niyang makipag-usap saakin. Napairap nalang ako. Kahit kailan talaga.

Agad naman akong napatingin kay Dery nang tumayo siya. Agad ko siyang hinawakan sa kamay.

β€œHey? Are you okay? Kaya mo ba?” Agad na tanong ko sakanya.

Ngumiti naman siya saakin at pinisil na naman yung pisngi ko. Ano ba yan?!

β€œYes, Cutie! I can handle myself very well.” Nakangiti niyang turan kaya tumango nalang ako.

Mabilis kong inilabas sa bulsa ko yung phone ko nang maramdaman kong nag-vibrate yon. Kita ko yung notification mula sa online bank na may pumasok daw na pera sa bank account ko. Hindi ko nalang pinansin at mabilis ulit na binulsa bago tunggain yung bote ng alak.

Napatingin naman ako agad kay Chase nang tumayo siya. Akala ko ay kung saan siya pupunta. Nagulat nalang ako nang umupo siya mismo sa tabi ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at tumingin kila Dan at Chance na hindi ko alam kung anong ginagawa. Magkadikit na magkadikit.

Mabilis ko na sanang tutunggain yung bote ng alak nang biglang may umagaw saakin non. Agad akong napatingin kay Chase. Nakita kong inagaw niya yung bote. Sisigawan ko na sana siya pero mabilis niyang binaliktad yung bote at nakita kong walang ng laman yung bote ko.

Kukuha na sana ako sa bucket nang mabilis akong abutan ni Chase ng panibagong bote. Paano niya nabuksan yon ng ganon kabilis?

β€œT-thank you.” Bulong ko sakanya.

Ngumiti naman siya saakin– teka?! Ngumiti ba siya? Oh gosh, he’s so attractive when he’s smiling!

β€œYou look scared.” Bulong niya na sinabayan pa ng mahihinang pagtawa. β€œDo I look scary?” Dugtong niya pa.

Pinilit ko naman tumingin sakanya kahit hindi ako komportable.

β€œNo. N-not really.” Bulong ko sabay inom ng alak.

β€œMasyado ka lang seryoso. It feels like, you want to murder every person here inside.” Natatawa kong bulong.

Nakita ko naman kung paano siya natawa dahil sa sinabi ko. It’s really new to me. Kahit nakangiti siya na laging ginagawa ni Chance, malaki talaga yung pagkakaiba. Magkaiba yung aura nila. Yes, they look really the same but the attitude, posture and aura they make it totally different.

β€œHow could you say that? So mean.” Tumatawa niya pang bulong.

Ang hindi ko lang mawari, bakit hindi matanggal yung titig niya saakin. Para naman akong mawawala sa paningin niya. Ni hindi siya kumukurap.

Agad akong napatingin sa ibaba nang magbago yung music. Yung kaninang energetic, naging slow at romantic. Nagsimulang magsayawan lahat ng mga couples. They look lovely.

β€œDo you want to dance?” Rinig kong turan ni Chase kaya napatingin ako sakanya.

β€œAre you serious? Lahat sila magjojowa.” Natatawang bulong ko sakanya.

β€œWhy? Hindi ba pwedeng isayaw kita? There is no rule on dancing in this bar after all.” Sagot naman niya saakin kaya napatitig ako sakanya.

β€œCome on, mawawala na yung music.” Turan niya pa bago niya ilahad yung kamay niya sa harap ko.

Napatitig naman ako ng ilang segundo sa kamay niya bago huminga ng malalim at humawak sa kamay niya.

β€œThank you.” Bulong niya pa bago ako hatakin patayo at mabilis kaming naglakad pababa.

Agad niya akong hinatak sa gitna ng mga nagsasayaw. Mabilis niya akong tinitigan sa mata habang dahan-dahan inilalagay yung kamay ko sa balikat niya at ramdam na ramdam ko naman yung paghapit niya sa bewang ko.

Hindi ko maintindihan. Para akong puppet na napapasunod niya kahit tinititigan niya lang ako. Dahan-dahan kaming sumabay sa agos ng musika. Nakangiti lang ako at ganon din siya.

β€œTell me about yourself. I want to know you more.” Bulong niya pa saakin.

Nagdadalawang isip naman akong magsabi ’di ba? I don’t know this man. Ngayon lang kami nagkita.

β€œDon’t worry, you are safe with me.” Turan niya na nagpapanatag sa loob ko.

Yeah, right. Maybe he looks scary but he can be trusted at the same time. Nararamdaman ko yon. Agad naman akong ngumiti sakanya.

β€œWhere should I start?” Natatawang bulong ko habang siya ay nakangiti lang na nakatitig saakin.

β€œI’m Hans Dawi Redjimo. My friends call me Hans.” Panimula ko.

β€œI want to call you, Dawi.” Turan naman niya na kinasalubong ng kilay ko.

β€œEww. Sounds like a dog’s name.” Tumatawang bulong ko sakanya.

β€œNo. It’s beautiful because it’s your name.” Bulong niya pa na kinakibit-balikat ko nalang.

β€œPlease continue.” Bulong niya pa ulit na tinanguan ko.

β€œI’m twenty-one at the moment.” Sunod na turan ko.

β€œReally? You don’t look like one! You look sixteen.” Tumatawa niyang bulong saakin.

β€œBakit lahat kayo napagkakamalan akong sixteen? Ganon ba ako kaliit at mukhang bata?” Naiinis kong tanong sakanya.

Natatawa naman siyang tumingin saakin.

β€œDefinitely, yes.” Bulong niya na lalong kinainis ko lang.

Huminga ako ng malalim bago ako muling magsalita.

β€œI’m the unloved child.” Bulong ko at pinilit kong ngumiti sakanya pero nauna nang tumulo ang luha ko na kinalaho ng mga ngiti niya habang nakatingin saakin.

β€œMy parents abandoned me when I was seventeen. Mag-isa lang ako sa buhay until now.” Bulong ko pa.

Napapikit naman ako agad nang biglang umikot ang paningin ko at manglabo. Sigurado akong kaya ko pang uminom pero bakit bigla akong nahilo?

β€œThey abandoned you?” Rinig ko pang tanong ni Chase kaya mabilis akong tumingin sakanya.

β€œY-yes, Cha–” Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang sumabat siya agad saakin.

β€œAlexandro. I want you to call me, Xandro.” Bulong niya na pinagtaka ko pero hindi na ako nagtanong pa.

β€œSo how’s life?” Dugtong niya.

β€œLonely.” Tipid kong bulong sabay tawa.

Nagulat naman ako nang punasan ni Xandro yung pisngi ko kung saan dumaloy yung mga luha ko. Hindi na ako tumutol. Kailangan ko ng karamay ngayon. I’m in pain.

β€œH’wag nalang natin–” Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang umikot na naman yung paningin ko at magdilim.

Nasulyapan ko pa si Xandro at nakapaskil sa mga labi niya yung ngisi habang nakatingin saakin. Hindi na ako nakapalag pa nang mabilis akong hatakin ng dilim at mawalan ng malay.

Chapter 2

Chapter 2

Hans Dawi Redjimo

Mabilis akong napabalikwas ng bangon dahil sa sakit ng uno. Agad kong hinawakan ng mahigpit yung ulo ko dahil sa sakit bago muling ibagsak yung sarili ko sa kama. Teka– kama? Masakit ang ulo? Paano ako nakauwi?!

Muli akong napabalikwas ng bangon at pinagmasdan yung paligid ko. Nakahinga naman ako agad ng maluwag dahil nasa mismong kwarto ako. Pero hindi na yung suot kong damit yung suot ko ngayon. Tanging malaking itim na t-shirt lang na parang galing sa closet ko at panjama. Yon lang at wala nang iba. Ni underwear wala. Naalala ko pang nakipagsayaw ako kay Chase bago tuluyang malasing.

Si Danny nalang talaga makakapaghatid saakin kasi siya lang may susi ng bahay. Tatanungin ko nalang siya mamaya.

Dahan-dahan kong inalis yung kumot na nakapatong sa katawan ko bago ibaba yung mga paa ko sa sahig at isuot yung tsinelas ko na pangbahay. Mabilis akong tumayo papuntang veranda. Agad kong hinawi yung kurtina pero bigla akong napahinto sa kilabot na naramdaman ko. Feeling ko may nakatitig saakin. Agad kong inikot yung paningin ko sa loob ng kwarto. Sa laki ng kwarto ko, medyo nakakatakot kaya halos kahit saang sulok nito, may stuff toy.

Wala naman kakaiba kaya mabilis kong binuksan yung pintuan ng veranda at mabilis na lumabas. Napangiti nalang ako at nag-unat habang nakatingin sa harapan ng bahay ko na kung saan malinis at madaming halaman. Agad naman akong napatingin sa daan sa harap ng bahay ko. Nakita ko agad yung nagpapandesal.

β€œKuya?!” Malakas na sigaw ko para tumigil yung motor niya. β€œPabili po ako! Sandali lang!” Muling sigaw ko at mabilis na tumakbo papasok ng kwarto at mabilis na hinanap yung wallet ko.

Hindi naman ako nahirapan kasi katabi lang ng phone ko na naka-charge. Dinampot ko silang pareho bago mabilis na lumabas sa pintuan ng kwarto ko.

Tinakbo ko yung mahabang pasilyo na may apat na malalaking kwarto at gitna ng pasilyo, nandoon yung hagdan pababa. Tapos sa kabilang bahagi pa ng pasilyo, may apat pa na malalaking kwarto. Agad akong humawak sa handle ng hagdan habang tumatakbo pababa.

Tanging tunog lang ng tsinelas ko yung namamayani sa loob ng malaking bahay ko.

Tinakbo ko pa yung malaking entrance door ko at mabilis na binuksan yung dalawang pintuan at mabilis na pumasok yung liwanag. Muli akong tumakbo palabas ng pintuan kung saan dadaan ka pa sa mahabang daanan na deretso sa malaking gate ko. So hinihingal na ako pagdating ko dito sa tapat ng gate.

β€œT-teka lang po.” Hinihingal kong bulong.

Narinig ko naman yung pagtawa ni kuya magpapandesal. Grabe! Parang exercise na ang paglabas ng bahay ko.

β€œThirty p-pesos po, kuya.” Nakangiti kong bulong na hinihingal-hingal pa bago buksan yung wallet ko at kuhanin yung fifty peso bill.

Pinanood ko naman kung paano kumuha si kuya doon sa malaking drum na nakasabit sa motor niya ng mainit na pandesal. Shit! Ang bango talaga ng ganitong pandesal! Mas gusto ko ’to kesa sa mga mabibili sa bakery.

β€œHijo.” Bulong naman ni manong sabay aboy saakin ng paper bag na agad kong inabot at binigay sakanya yung bayad ko.

Sa hindi ko naman malamang dahilan, nakatitig lang siya saakin ng ilang segundo bago siya umiling at tumawa. May mali ba saakin?

β€œHijo, sukli mo. Ang pupusok talaga ng mga kabataan ngayon.” Natatawa niyang bulong saakin pagkatapos iabot saakin yung sukli kong twenty pesos bill.

Ngumiti nalang ako sakanya na sinabayan ko ng tawa. β€œOo nga po eh!” Natatawa ko lang din bulong.

Tumawa lang siya ng mahina bago siya sumakay sa motor at umalis. Kumuha naman ako ng isa sa pandesal at sinubo agad pero agad kong nailuwa dahil sa init. Hindi ko inaasahan na sobrang init pala.

Medyo natuwa ako kay kuya magpapandesal kaya lagi akong bumibili sakanya. Ito kasing bahay ko, nasa pinakadulo tapos nag-iisa pa. Siya lang yung naglalakas loob na puntahan kaya kapag nakikita ko siya, agad akong bumibili. Sayang yung effort niya ’di ba?

Napahinga nalang ako ng malalim bago tumingin sa bahay ko. Mas mataas pa sa akin yung gate at mabigat. Mabilis na akong pumasok sa maliit na gate at mabilis na isara.

Nang makapasok ako, agad kong tinitigan yung bahay ko. Parang mansyon na sa laki, may malaking bakuran sa harap na malulusog yung damo tapos may inaalagaan akong halaman kaya makulay tapos maganda din yung pintura na pinaghalong puti at grey. Tapos sa likod yung pool na hindi ko naman nagagamit at kakahuyan na sa pinakalikod pa.

Napabuga nalang ako ng hangin. Aanhin ko lahat ’to kung wala naman akong kasama sa buhay? Mag-isa lang ako. Masyadong malaki para saakin ’to pero wala naman akong magagawa.

Huminga nalang ako ng malalim bago kumuha ng pandesal at magsimulang kumain habang naglalakad ako dito sa mahabang drive way at tinititigan yung mga halaman ko. Ang dami-dami na nila!

Agad naman nawala yung tingin ko sa mga halaman ko nang tumunog yung phone ko. Nakita kong unknown number pero sinagot ko pa rin.

β€œGood morning, Mr. Redjimo?” Patanong na sagot ng babaeng kausap ko.

Agad ko naman nilunok yung pandesal na kinakain ko bago magsalita.

β€œYes po. Ano pang kailangan nila?” Agad kong tanong habang naglalakad pa din pabalik ng bahay.

β€œThis is Ms. Vergara from registrar office. I want to discuss something personal. Do you have classes?” Nanlaki naman yung mga mata konsa sinabi niya.

May klas– shit may klase ako! Agad kong tinignan yung oras. It’s already 8:30 in the morning! Yung class ko sa Business Ethics ay 9! Shit!

β€œA-ah yes po, Ms. Vergara. I have classes.” Sagot ko nalang at tumatakbo na papasok ng bahay.

Agad akong tumakbo paakyat sa itaas at mabilis na tinakbo yung kwarto ko. Hindi ako pwedeng ma-late! Gosh! Bakit ka pa kasi sumama kay Danny! Tanga. May class ka pala ngayon.

β€œOkay. Kailan ka matatapos sa class? We need to talk as soon as possible, Mr. Redjimo.” Turan pa saakin ni Ms. Vergara.

Ako naman ay mabilis na pumasok sa closet at naghahanap ng masusuot.

β€œMag-end po yung klase ko ng 11 in the morning po. Pupunta nalang po ako agad dyan after my class.” Agad kong turan.

β€œOkay. Thank you, Mr. Redjimo.” Huling turan niya pa bago patayin yung tawag.

Mabilis ko naman binitawan yung phone ko at mabilis na naghanap ng masusuot. Agad kong napili yung white loose pants na may pagka-beige pero wala akong mahanap na pang-top kaya mabilis ko nalang iniwanan at mabilis na pumasok sa bathroom. Inalis ko lahat ng damit ko.

Agad kong binuksan yung shower. Muntik pa akong mapasigaw sa lamig pero ayos lang. Napatigil naman ako sa pagkuskos ng sabon sa katawan ko nang makita yung maliliit at pulang marka sa kanang dibdib ko.

Agad kong pinagmasdan at pinilit burahin pero ayaw matanggal. Lalo pang nanlaki yung mata ko nang makita yung pulang marka na pababa ng pababa. Meron sa ilalim ng dibdib ko, sa tyan ko, pati sa ilalim ng pusod ko at puson ko. Hindi pa doon natatapos, meron din sa hita at pababa hanggang itaas ng tuhod ko.

β€œAno ’to?” Nagtataka ko pang bulong at pilit kinukuskos pero ayaw talagang matanggal.

Agad kong binilisan yung paglilinis sa sarili ko at mabilis na tinuyo yung sarili ko sa twalya at mabilis na lumabas sa bathroom ng walang kahit anong takip sa katawan.

Mabilis akong lumipat sa harap ng lababo kung saan makikita ko yung sarili ko.

Lalo naman akong nagulat dahil hindi lang pala sa dibdib, tyan at hita meron. Kulang nalang pati singit may ganong marka.

Meron din sa leeg at collar bone ko. Hindi ko matanggal. Kiss mark ba ’to?! Nanlaki nalang ang mga mata ko nang marealize na kiss mark nga! Fucking shit!

Agad kong kinuha yung tooth brush ko at nilinis yung bibig ko bago mabilis na lumabas sa bathroom at mabilis na lumipat sa closet ko. Agad akong kumuha ng white underwear at yung white-beige pants na napili ko kanina at mabilis na kinuha yung puting fitted turtle neck.

Isa-isa ko na agad sinuot at mabilis na umupo sa harap ng vanity table ko. Agad kong inayos yung buhok ko at pinatuyo. Agad akong naglagay ng sun block sa mukha. Hindi na kailangan sa katawan kasi long sleeves naman yung turtle neck. Mabuti natakpan yung kiss mark.

Naka-tuck in din yung top ko. Hindi ko na kailangan ng sinturon kasi garte naman yung pants at may tali pa. Agad akong nag-spray ng perfume bago mabilis na kuhanin yung sapatos ko na kulay white din at nabilis na magsuot ng medyas at isuot yung sapatos. Mabilis naman akong tumingin sa salamin at tinitigan yung sarili ko.

Agad kong binuksan yung drawer at kinuha yung white pearl necklace ko at sinuot. I think, this is okay.

Mabilis na akong tumakbo palabas ng closet at mabilis na dinampot yung phone, wallet, bag ko na kulay brown at yung susi ng kotse ko. Pero mapahinto ako nang palabas na ako sa pintuan. Parang may nakalimutan ako.

Agad kong tinakbo yung pandesal na nakapatong sa center table dito sa loob ng kwarto at agad ilagay sa bag ko at hinablot yung ID ko na nakasabit bago mabilis na tumakbo palabas.

Literal na tumatakbo ako. Agad kong kinandado yung pintuan at mabilis na pumunta sa garahe. Agad kong sinakyan yung itim kong kotse at mabilis na paandarin palabas ng garahe at tumigil ako sa tapat ng gate. Agad akong bumaba at binuksan yung gate. Medyo nahirapan pa ako kasi ang laki ng gate tapos ang liit ko lang na magtutulak.

Nang mabuksan ko, muli akong sumakay sa kotse at nilabas sa gate yung kotse bago lumabas ulit at isara na yung gate. Agad akong sumakay ng kotse nang maisara ko at pinaharurot paalis.

MABILIS din akong nakarating sa university. Agad nilang binuksan yung gate para makapasok yung kotse ko sa loob. Agad ko naman binaba yung binata para i-abot yung ID ko sakanila. Mabilis din nilang ibinalik kaya mabilis kong pinark yung kotse ko. Agad akong bumaba dala yung mga gamit ko. Sinigurado kong naka-lock yung pintuan ng kotse bago mabilis na maglakad papunta sa room pero naisip kong tignan ang oras. Napamura nalang ako kasi I’m 20 minutes late.

Lakad-takbo na yung ginawa ko para makarating agad. Ang kamalasan, 4th floor pa ako. Hindi ko nalang alam kung anong sasabihin saakin ng prof.

Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng pintuan ng room bago dahan-dahan buksan. Agad sumalubong saakin yung lamig sa loob. Nakangiti naman ako ng alanganin at dahan-dahan pumasok. Wala na akong tinignan na iba kundi yung prof lang na nakatingin din saakin pagkatapos niyang huminto sa pagsulat sa white board.

β€œGood m-morning po!” Agad kong turan sakanya.

β€œPlease take your seat.” Bulong niya lang na kinahinga ko ng malalim.

Agad akong naglakad sa pinakamalapit na row at mabilis na umupo. Para kasing sine ’tong room. May tatlong group ng row at bawat row ay pataas ng pataas. Pinili kong maupo dito sa dulo kung saan medyo malapit sa pintuan.

Napadukdok nalang ako sa desk sabay ng pagkahawak ko sa tyan ko. Hindi pa ako kumakain at nagkape. Nagugutom na ako.

EXACTLY 11 natapos yung class. Mabilis kong niligpit lahat ng gamit ko at pinagsama-sama sa bag bago mabilis na isara at isukbit sa balikat ko at bumaba na. Nakisabay na ako sa mga lumalabas dahil gutom na gutom na talaga ako. Mabuti nga at naka-survive pa ako. Akala ko hihimatayin ako sa gutom.

Agad akong lumakad palabas ng building at tinunton yung daan papunta sa registrar office. Hindi ko na pinigilan yung sarili ko at mabilis na kumuha ng pandesal sa bag at mabilis na kainin. Gutom na gutom talaga ako. Bwiset.

Ilang minuto lang ay nakarating na agad ako sa registrar office. Agad kong pinunasan yung bibig ko at inayos yung sarili bago pumasok. Agad naman napatingin yung babae sa front desk.

β€œYes?” Agad niyang tanong saakin. Agad naman akong lumapit habang nakangiti.

β€œAhhh, pinatawag po ako ni Ms. Vergara.” Agad kong turan. Agad naman niyang tinignan yung iPad niya.

β€œYes. Sige na. Puntahan mo na siya sa office niya.” Tumango naman ako at mabilis na magpasalamat bago mabilis na maglakad papunta sa mga office.

May kanya-kanyang mga pangalan bawat pinto ng office at nang makita ko na agad yung kay Ms. Vergara, agad akong kumatok ng tatlong beses.

β€œCome in!” Sigaw ni Ms. Vergara kaya binuksan ko na yung pintuan at mabilis na pumasok.

β€œGood morning, Ms. Vergara.” Agad kong bati sakanya.

Tumigil naman siya sa ginagawa niya at tumingin saakin habang nakangiti.

β€œGood morning. Please have a sit.” Tumango naman agad ako at mabilis na umupo sa upuan sa harap ng table niya.

Tumayo naman siya at kiniha yung folder sa may shelves niya sa likod bago umupo muli at ngumiti saakin.

β€œIto yung gusto kong i-discuss sayo.” Bulong niya sabay abot ng folder na agad ko naman kinuha at binuksan.

Nakasaad sa laman ng folder yung mga monthly expenses ko dito sa school na kasamang binabayaran sa tuition ko. Bali hinahati yung buong tuition by sem para hindi gaanong mahirapan yung estudyante. Nakita ko naman na lahat paid pero yung lahat ng sem ko last year hindi pa bayad.

β€œWe both know naman na hindi ikaw ang kausap namin sa tuition mo, Mr. Redjimo.” Turan niya pa na agad kong tinanguan. β€œHindi naman dapat aabot sayo ito dahil iniisip ko na maaapektuhan ang studies mo pero hindi na namin ma-contact yung mga parents mo.” Dugtong niya pa na kinangiti kong mapait.

β€œI just want to say is, paki-contact naman sila para we settle this thing out.” Nakangiti niya pang dugtong na kinangiti ko nalang din ng mapait.

β€œA-ahh Ms. Vergara, magkano po ba lahat-lahat?” Tanong ko sakanya.

β€œLast year, a hundred thousand and this year since half palang tayo ng semester, fifty thousand. So a hundred fifty thousand ang need bayaran ng parents mo. Kung hindi nila mababayaran, I’m so sorry Mr. Redjimo, hindi ka makakakuha ng final exam this sem.” Paliwanag saakin ni Ms. Vergara. Halos hindi naman ako makahinga sa laki ng tuition ko. Gosh.

β€œMs. Vergara? What if po mag-apply ako ng scholar?” Agad kong tanong sakanya. Parang nabigla naman si Ms. Vergara sa sinabi ko pero agad din siyang sumagot.

β€œYes, pwede ka naman mag-apply bilang scholar kung hindi na nila kayang suportahan yung studies mo but, kung magte-take ka ng exam this week din, masasaklit lang yung third sem at fouth sem at yung last year mo dito. So meaning, babayaran mo pa din yung hundred fifty thousand.” Paliwanag muli saakin ni Ms. Vergara.

β€œYes Ms. Vergara. Ako na po bahala sa last na babayaran pero pwede po ba akong mag-request ng exam for scholarship? Mag-exam po ako this week.” Pursigido kong turan sakanya. Agad naman niya naman akong nginitian.

β€œOkay. Balikan mo nalang ako dito next week. Thank you for your time, Mr. Redjimo.” Huling turan niya na agad kong nginitian at agad akong nagpasalamat bago mabilis na lumabas sa office niya.

Para akong tanga habang naglalakad papunta sa parking lot. Umurong yung gutom ko dahil sa iniisip ko. Bakit naman ganito? Bakit niyo ginawa saakin ’to? Anong kasalanan ko?

Hindi ko namalayan na nakarating na agad ako. Mabilis ko nalang kinuha sa bag yung susi ng kotse ko at mabilis na binuksan bago pumasok. Agad kong sinindihan yung air con at napapikit nalang ako ay napasandal sa car seat dahil sa inis, lungkot at galit.

Inis kong hinampas yung manibela ng kotse ko at pumikit para pakalmahin yung sarili ko. I hate them. I really really hate them.

Chapter 3

Chapter 3

Hans Dawi Redjimo

Β  Β  Nanlulumo kong pinatay yung makina ng kotse bago hugutin yung susi at mabilis na tanggalin yung seat belt ko at mabilis na lumabas. Mabilis akong naglakad palabas ng garahe pero napahinto ako at pumihit muli paharap ng kotse.

β€œNo, please Hans, h’wag mong ibebente yang kotse mo.” Mahinang bulong ko sa sarili ko bago sampal-sampalin ng mahina.

Kahit anong mangyari Hans, h’wag yang kotse mo.

Regalo saakin ni dad yung kotse noong sixteen ako. Pumasok ako sa driving lesson for two years bago ko ginamit at hindi ko akalain na pumasok sa isip ko na ibenta siya. No please. H’wag siya.

Binuksan ko na yung pintuan ng bahay at mabilis na tinulak. Mabilis akong naglakad papasok at tanging katahimikan ang sumalubong saakin. Huminto ako sa paglakad nang nasa gitna na ako ng malaking sala. Inikot ko yung paningin ko sa loob ng sala. Malaking mga couch, flat screen TV, hindi mabilang na paintings, ano bang pwede kong ibenta?

Napatingin naman ako sa tatlong pinakamalaking painting sa lahat at pinaka sentro nitong sala. Ang painting ko, ni dad at ni mom na gawa ni Jeorge Williams. Pinagigitnaan nila ako at ako lang yung nakangiti saaming tatlo.

β€œWhy are you doing this to me, mom, dad?” Bulong ko nang may puno ng paghihinakit sa dibdib. β€œA-anong kasalanan ko?” Dugtong ko pa at pinigilan yung pagtulo ng mga luha ko.

β€œS-sana hindi niyo nalang ako binuhay sa mundo.” Huling bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko na agad kong pinunasan at mabilis na umakyat sa itaas.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at binato yung bag ko sa couch bago mabilis na alisin yung sapatos ko ay tumalon sa kama. Hindi ako iiyak. H’wag kang umiyak Hans. Hindi ko na pinigilan yung sarili ko sa paghagulgol ay pag-iyak. Kung hindi ko iiiyak ’to baka mabaliw ako. Hinayaan ko yung sarili ko sa pag-iyak ng malakas. Wala naman makakarinig saakin. Walang may pakialam saakin.

Ilang minuto akong umiyak hanggang mapatigil nalang ako at mapatitig sa kisame habang nakapatong yung kamay ko sa noo. Magsu-survive ba ako sa buhay na ’to? Kaya ko naman ’di ba? Isang taon na lang naman?

Mabilis kong kinuha yung phone ko at mabilis na tinignan yung pinadala nilang pera saakin. Gusto ko naman sumigaw sa inis at galit. Yung dating hundred thousand per month na ipinapadala nila saakin thirty nalang. Kasama pa dito yung electric bill, water bill, yung plan ko, yung groceries at kakainin ko monthly. Hindi naman ako nag-aalala doon dahil napagkakasya ko naman pero dumagdag pa sa isip ko yung tuition fee ko na hindi pa nababayaran. Hundred fifty thousand yon. Saan ako kukuha non?

Hindi naman ako nagrereklamo kahit buwan-buwan na binabawasan yung pinapadala saakin. Pero hindi yung ganito. Agad akong napaisip kung anong pwede kong ibenta. Agad akong pumasok sa walk in closet at inilabas yung mga alahas pati yung suot kong pearl necklace na ’to na kay mom. Hindi ko pwedeng ibenta ’to. Hindi naman saakin ’to. Agad kong ibinalik yung mga alahas at mabilis na umupo sa couch ko. Agad kong binuksan yung phone ko at pumunta sa Messenger. Agad kong binuksan yung convo namin ni mom.

Gusto kong umiyak dahil halos araw-araw nagse-send ako ng message, pictures ko at voice mail pero wala akong nare-recieve na kahit anong reply. Isang taon simula noong iniwan nila ako hindi na siya nag-reply. Agad ko naman pinindot yung voice record.

β€œHey mom, dad, I just want to tell you that I went to registrar office this morning. Yung tuition ko daw last year at half of this year is hindi pa bayad. Please answer me. Hindi kasya yung binibigay niyo saakin.” Turan ko sabay send at forward kay dad na ganon din. Walang reply ni haw o how.

Kung magpa-boarders kaya ako? Kaso lalaki yung bayarin sa tubig at kuryente. Atsaka sino ang gustong tumira dito sa bahay ko? Wala naman. Anong ibebenta ko? Katawan ko? Bwiset naman!

Inis nalang akong tumayo at kinuha yung pandesal sa bag ko at maglakad palabas ng kwarto. Mamaya pang 2 pm yung next class ko na Basic Finance. Mag-end naman ng 4 pm. Nakakabaliw yung mga iniisip ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina.

Agad kong binuksan yung ref ko at napanganga nalang ako at napahimalos ng mukha nang makitang wala na halos laman. Puro tubig nalang. Dumagdag pa ’to.

Inis ko nalang kinuha yung natirang butter at bumalik sa kitchen counter dala yung bread knife atsaka yung pandesal. Isa-isa kong nilagyan yung Pandesal bago ipasok sa microwave. Nakatitig lang ako sa mga pandesal habang umiikot sila sa loob at natutunaw yung butter sa taas nila. Sana nahing pandesal nalang ako. Wala pang problema sa mundo tapos may butter pa sila.

Nagising naman ako sa katangahan nang tumunog na yung microwave. Umiling nalang ako at mabilis na tinanggal sila doon at kumuha ng fresh milk sa ref na halos wala na din laman bago umupo sa dulo ng mahabang dining table. Kain na! Ilang taon ka nang kumakain mag-isa, hindi ka pa nasanay Hans. Umiling nalang ako bago nagsimulang kumain.

MAG-ALAS DOS na ako umalis ng bahay at ngayon, naglalakad na ako papunta sa class ko. Hindi ko pa din maalis sa isip yung problema ko pero wala naman mangyayari kahit isipin ko pa sila ng isang daang beses. Kailangan ko talagang maghanap ng solusyon.

Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan nang marinig kong tumunog yung phone ko sa bulsa. Agad kong inilabas at nakita yung name ng caller na β€˜Danny Boy’. Ang nag-iisang kaibigan ko. Si Danny yung tumatawag kaya agad kong sinagot.Β 

β€œHello, Dan?” Agad kong bungad sakanya.

β€œAnong oras matatapos class mo?” Agad niyang tanong saakin.

β€œAhh, 4 pm Dan. Bakit?” Balik ko naman na tanong.

β€œSige. Puntahan nalang kita mamaya.” Huling bulong niya na pinagtaka ko.

Wala man lang ba siyang sasabihin? Ano yon? Ang gulo ni Dan kahit kailan.Β  Umiling nalang ako habang natatawa at mabilis na maglakad papunta sa klase ko. Ayoko nang ma-late.

Β  Β  PASADO alas-kwatro nang i-dismiss na kami. Agad kong inayos lahat ng gamit ko at inilagay sa bag at isinakbit. Hinintay ko na yung mga kasama ko sa loob na makalabas bago ako tumayo at lumabas.

Mabilis ko pang tinignan yung phone ko kung may text o message si dad o mom pero wala. Nagulat nalang ako nang tumatawag na si Dan. Agad ko naman sinagot habang naglalakad ako.

β€œYes, Dan? Out ko na.” Agad kong turan sakanya kasi alam ko naman na alam niya. Inunahan ko lang.

β€œNandito ako sa parking lot. Sa tabi ng kotse mo. Bilis! Aalis na tayo!” Turan niya pa na pinagtaka ko.

β€œSaan ba tayo pupunta ha?” Tanong ko naman.

β€œKakain tayo sa labas. Nagyaya sila Chance.” Napangiti naman ako nang marinig ko yung pangalan ni Chance kaya binilisan ko yung lakad.

Hindi nga nagbibiro si Hans. Nakatayo siya sa tapat ng kotse ko habang nagpo-phone. Agad ko naman siyang nilapitan.

β€œHoy tara na!” Agad kong turan niya na kinagulat niya pa na kinatawa ko nalang.

β€œNandyan ka na pala.” Tumatawa niyang bulong tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa.

β€œWala pang araw na nakitang pangit ka o yung suot mo. Lagi kang naka-porma. Bagay na bagay naman sayo.” Bulong niya pa na kinangiti ko.

β€œAy sus! Nambola pa!” Tumatawang bulong ko sabay abot sakanya ng susi.

β€œIkaw mag-drive. Masakit yung ulo ko sa kakaaral!” Agad kong singhal sabay pasok sa loob ng kotse.

Siya naman ay agad na pumasok sa driver seat. Agad kong sinuot yung seat belt ko bago paandarin ni Dan yung kotse paalis. Tahimik lang kami pareho habang nagbyabyahe pero binasag niya yung katahimikan sa loob.

β€œMay problema ka Hans. Sabihin mo na.” Bulong niya. Napanguso naman ako. Kilalang-kilala niya talaga ako.

β€œLaki ng problema ko, Dan eh! Masyado akong maganda.” Bulong ko habang tumatawa pero sinamaan niya lang ako ng tingin na nagpapahiwatig na h’wag na akong magbiro at sabihin ko na.

β€œMay problema ako financially. Yung tuition ko pa last year, hindi naman nila binayaran tapos yung tuition ko this sem hindi din bayad. Nagkapatong-patong na.” Turan ko sakanya.

Nakita ko naman kung paano bumakas sa mukha niya yung pag-aalala.

β€œGanon pa din ba? Hindi ka sinasagot sa tawag? Sa chat?” Tanong niya pa na tinanguan ko.

β€œTapos Dan, 30k lang yung pinadala nila this month. Paano ko pagkakasyahin ’di ba? Para naman silang nananaginip. Ang mamahal na ng bilihin kaya tapos yung iniwan pa nilang tuition fee.” Muling bulong ko.

β€œBenta mo kaya ’tong sasa——” Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

β€œO-okay, anong plano mo?” Tanong niya.

β€œNag-apply ako ng scholarship para matuloy ko hanggang last year. Pero yung babayaran ko, siguro hahanap nalang ako ng trabaho?” Bulong ko sakanya.

β€œAno naman trabaho alam mo? β€œ Bulong niya pa habang tumatawa. Inis ko naman siyang inirapan.

β€œBahala na. Kung saan ako pwede.” Bulong ko nalang sabay hinga ng malalim.

β€œOo nga pala, ikaw ba naghatid saakin?” Agad kong tanong kay Dan. Umiling naman siya.

β€œHindi. Lasing na lasing daw tayong tatlo sabi ni Chase. Siya yung naghatid saatin, I guess?” Bulong ni Dan.

Napahawak nalang ako sa leeg ko. Si Chase ba yung naglagay ng kiss mark saakin? Hindi posible. Bakit niya ako lalagayan ’di ba? Baka may nakamomol lang ako kagabi. Atsaka bar yon. Ang daming tao. Buti nalang hindi ako nasibak.

Β  Β  DINALA ako ni Dan dito sa Jollibee. Tuwang-tuwa naman ako kasi gustong-gusto ko talaga dito. Mas prefer ko pa yung Jollibee kesa sa mga mamahaling resto.

Agad kaming pumasok sa loob at nakasunod lang ako sakanya. Pumunta kami sa may table sa gitna. Hindi naman karamihan yung tao. Ang gusto ko pa dito, amoy na amoy yung chicken. Hehe. Agad kong nakita si Chance na katabi si Dery habang naglalakad kami papunta sa isang table.

β€œHi everyone!” Agad na bati ni Dan nang makalapit na kami.

Agad naman akong ngumiti kina Chance at Dery. Napatingin naman ako sa katapat nila na si Chase na nakatitig na naman saakin. Nag-aalangan pa akong ngumiti pero ginawa ko na din. Kausap ko kaya siya kagabi.

β€œHi Chance! Hi Dery!” Bati ko sakanilang dalawa. Ngumiti naman agad saakin si Dery at Chance.

β€œHi cutie!” Sabay nilang turan na kinapula ng mukha ko.

Mabilis ko naman tinignan si Chase at walang pinapakitang ekspresyon sa mukha niya pero nginitian ko pa din.

β€œHi X-xandro!” Nag-aalangan kong bulong bago mag-iwas ng tingin.

Bigla naman akong nagtaka sa tingin ni Chance at Dery saakin. Para silang gulat na gulat pero agad din nawala.

β€œSige na, upo na kayo. Kami na bahala ni Dery sa pagkain.” Tumango naman ako at uupo na sana sa tabi ni Dan kung saan nakaupo sila Chance pero mabilis akong napatingin nang hawakan ni Xandro yung pulsuhan ko kaya napili ko nalang na umupo sa tabi niya.

β€œThank you sa paghatid saakin kagabi.” Nakangiti kong bulong sakanya.

Sinuklian naman niya ako ng tipid na ngiti habang nakatitig saakin.

β€œNo worries. Hindi ka naman gaanong mabigat. I guess you need to eat much more.” Bulong niya na kinahiya ko kaya agad akong mapaiwas ng tingin.

Naghintay lang kaming tatlo nang tahimik. Kanya-kanyang ginagawa sa pagpo-phone. Ilang minuto lang, dumating na si Chance at Dery. May kasama pang staff para tulungan silang magdala ng pagkain. Lalo akong nagutom nang makita ko yung chicken at spaghetti.

β€œKain na!” Nakangiting turan ni Chance.

Hindi na ako nahiya at kinuha yung spaghetti. Narinig ko naman yung tawa ni Dan. Alam niya kasing gusto ko ’to. Makikipag-unahan talaga ako.

Sunod ko naman sanang kukunin ay chicken pero nauna si Xandro kumuha kaya hinintay ko pero laking gulat ko nang ilagay niya sa plato ko yung chicken.

β€œT-thank you.” Bulong ko nalang bago nag-iwas ng tingin sakanya.

Para naman tanga si Chance at Dery na nakatitig saamin. Si Dan, kumakain na.

β€œWhat?” Bulong ni Xandro sakanila kaya mabilis din silang kumilos para kumain.

Sa kalagitnaan ng pagkain, nagsalita si Dery. β€œCutie Hans, may problema ka ba? Nakita ka namin kasi kanina sa class ng Business Ethics. Para kang may problema.” Turan niya saakin na nginitian ko lang.

Business Management student din pala sila. Nakalimutan ko.

β€œWala naman yon Dery. Na-late lang ako. Atsaka konting financial problem lang.” Nakangiti kong sagot sakanila. Tumango naman si Dery.

β€œBasta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami.” Bulong niya pa na lalong kinangiti ko.

β€œThank you!” Bulong ko po sakanya.

Napatingin naman kaming lahat kay Dan nang sumingit siya.

β€œKumbaga kasi si Hans, high maintenance yan na parang may breed na aso. Need niya ng skin care set, perfume at kung ano-ano pa para mabuhay.” Turan ni Dan na kinasama ng tingin ko sakanya.

β€œI guess, worth it naman yung pag-aalaga ni Hans sa sarili niya. Look oh! He’s totally cute and gorgeous.” Bulong naman ni Chance na kinangiti ko. Kiligin na ba dapat ako?

β€œH’wag kayo maniwala kay Dan. Yung mga essential nalang nga binibili ko. Sinunungaling yan!” Tumatawa kong bulong na tinawanan din nila.

β€œHay nako, bahala ka talaga sa buhay mo kapag naubos yung pera mo.” Bulong pa ni Dan habang tumatawa.

β€œAyos lang. Balak ko ngang ibenta yung katawan ko sayo.” Natatawang biro ko pero bigla siyang nabulunan na kinatawa namin nila Chance at Dery.

β€œGago ka talaga.” Bulong niya pa saakin.

β€œEh ikaw Chance, kung ibebenta ko sayo katawan ko, papayag ka ba?” Biro ko pa. Natawa naman ng mahina si Chance.

β€œNatatakot ako na hindi ko kaya yung presyo mo.” Natawa naman ako sa sinabi niya.

Napahinto nalang kami sa pagtawa nang malakas na ibagsak ni Xandro yung kubyertos niya at mabilis na tumayo paalis. Nagtinginan kaming tatlo nang makaalis siya.

β€œProblema non?” Bulong ko.

Natawa naman si Dan ng mahina. β€œBaka kasi gusto niya na siya yung bumili sa katawan mo.”

Chapter 4

Chapter 4

Hans Dawi Redjimo

Sabay-sabay kaming naglalakad papunta sa parking lot. Uuwi na kami dahil halos dalawang oras din yung itinagal namin sa Jollibee dahil sa kwentuhan at anong kaharutan. Lalo na si Dery at Chance. Ang gagaslaw. Parang mga bata pa din kami. Hahahaha.

Nakasabit naman yung kamay ko sa kamay ni Danny habang naglalakad. Kami yung magkasabay. Si Dery, pinanggigitnaan nila Chance at Xandro. Mabilis naman akong tumingin sa phone ni Danny. Kanina niya pa kinakalikot eh! Hindi man lang ako kinakausap.

β€œHoy? Sino yan ha?” Turan ko sakanya.

Inis naman siyang tumingin saakin at inilapit yung phone niya sa mukha ko. Hindi lang inilapit, sobrang lapit! Halos maduling ako! Hindi ko naman nakita kung ano yung pinapakita niya. Agad ko naman tinulak yung kamay niya.

β€œParang tanga, Dan. Makikita ko ba kung ganyan kalapit?” Bulong ko sabay irap sakanya.

β€œSino pa ba ite-text ko, Hans? Si mama lang naman. Nagtatanong ka pa!” Turan niya nama saakin na kinatawa ko ng mahina.

β€œOkay! Sorry na eh! Teka, tinatanong ko lang naman! Sungit naman!” Agad na bwelta ko.

Inismiran niya lang ako bago niya ilagay sa bulsa niya yung phone. Agad ko naman kinuha yung pagkakataon para mas humawak sakanya ng mahigpit at lumapit. Tinignan niya naman ako habang magkasalubong yung kilay at nagtataka. Nag-puppy eyes pa ako sakanya habang nakatitig. Kita ko naman kung paano siya huminga ng malalim bago ulit nagsalita.

β€œAno? Sabihin mo na. Nagpapa-cute ka pa.” Pagsuko niya sabay bulong na kinangiti ko.

β€œPunta ka buka–” Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang agad niya akong sapawan. Wow! Sumasapaw!

β€œAyoko.” Tipid na bulong niya sabay iwas ng tingin..

Napasimangot naman ako at pilit na magpa-cute sakanya. Hindi ako matitiis nito. Alam ko yon. Maya-maya lang ay tumingin siya ulit at nagbuga ng malalim na hininga.

β€œLook Hans, nakakapagod linisin yung bahay mo! Ang laki-laki tapos dalawa lang tayo! Mamamatay ako sa pagod!” Agad niyang reklamo.

β€œHindi ko pa naman sinabi na tulungan mo akong maglinis ng bahay.” Mahinang bulong ko sabay irap sakanya at iwas ng tingin.

β€œβ€™Yon din naman yung sasabihin mo, Hans!” Bulong niya. β€œAng hirap kasi linisin ng bahay mo. Kung sanang marami–” Hindi niya na natuloy yung sasabihin niya nang biglang magsalita si Dery at Chance ng sabay.

β€œGo kami!” Sabay nilang turan ni Chance.

Tinignan ko naman silang dalawa na parang nagtatanong. Anong ibig nilang sabihin?

β€œSama kami bukas. Tutulungan ka namin maglinis ng bahay mo! ’Di ba Chance?” Sagot ni Dery sabay tingin kay Chance na agad naman ngumiti at nag-thumbs up. Shocks. Ang gwapo.

β€œOkay lang naman saakin.” Mahinang bulong ko naman pero narinig ko yung pag-ismid ni Danny.

β€œWow ha, Hans?! Okay talaga sayo. Minsan ang sarap mong isilid sa lata ng sardinas.” Turan ni Danny na kinatawa ko.

β€œHindi ako kakasya tanga! Sana ginawa ko na noon!” Sakay ko nalang sa biro niya.

Agad ko naman napansin si Xandro na tahimik lang simula kanina. Ay! Lagi pala siyang tahimik. Hehe. Kulang nalang maging pipi siya eh!

β€œHoy, Xandro?!” Malakas na tawag ko kay Xandro.

Nasa likod na kasi siya nila Chance at Dery. Naiwan na siya. Hindi ko alam kung bakit ang bagal niya maglakad. Agad ko naman inalis yung pagkakasakbit ng kamay ko kay Danny at agad na pinantayan si Xandro sa paglakad. Nakalagay sa bulsa yung dalawang kamay niya pero sinakbit ko pa din yung kamay ko sakanya at agad ngumiti. Siya naman ay hindi nagsasalita at nakatitig lang.

β€œSasama ka ba bukas kila Dery?” Mahina kong tanong sakanya habang naglalakad kami.

Sinilip ko naman si Danny sa likod at nakatuon na naman yung atensyon niya sa phone niya kaya bumalik ulit ako sa pagharap kay Xandro. Nakatitig lang siya saakin at parang hindi kumukurap na pinagtaka ko.

β€œHoy?” Bulong ko sakanya.

β€œI don’t know.” Tipid lang ma bulong niya sabay balik tingin sa harap. β€œI have something to do.” Dugtong niya pa na kinasimangot ko.

β€œHindi ba makakapaghintay yang something na yan? Ayaw mo ba pumunta sa bahay ko?” Bulong ko naman.

Naramdaman ko na hinigpitan niya yung pagkakaipit ng kamay ko sa kamay niya bago siya magsalita ulit.

β€œDo you want me to come or do you just want me to help you clean your huge house?” Turan niya sabay tawa ng mahina. Agad ko naman siyang sinimangutan.

β€œHindi naman sa ganon. Sumama lang kasi sila Dery. Iniisip ko na gusto mo din sumama. Atsaka kaya ko linisin yung bahay ko. Basta aabsent ako ng three days.” Natatawang bulong ko sakanya. β€œEh sabado naman bukas, Xandro. Bakit ayaw mo? Ang KJ mo naman!” Bulong ko pa na hinaluan ko pa ng pang-aasar.

β€œI’m not. Sasama ako bukas. Don’t worry.” Nakangiti niyang bulong saakin na kinangiti ko.

Hindi na ako umalis sa tabi niya hanggang makarating kami sa parking lot. Parang wala din kasi siyang balak lumawagan yung pagkakaipit ng kamay ko. Agad kong kinuha sa bulsa ko yung susi.

β€œSaan ka nag-park?” Bulong ni Xandro.

Agad ko naman hinanap yung sasakyan ko. Agad akong napangiti nang makita yung sasakyan. Agad ko naman itinuro sakanya.

β€œGreat. Yon yung sasakyan ko.” Turo niya sa sasakyan na isang sasakyan lang ang pagitan sa sasakyan ko.

Agad kong tinignan si Danny. Busy pa din sa phone. Kanina pa siya nagpo-phone.

β€œDan, sasabay ka ba saakin?” Sigaw ko sakanya.

Tinignan niya naman ako ng masama.

β€œTanga! Magkaiba tayo ng landas na pupuntahan! Paano ako sasabay sayo? Kila Chase ako sasabay.” Turan niya naman.

Ngumiti nalang ako sakanya. Nakalimutan ko yon ha. Malayo nga pala yung bahay ni Dan sa bahay ko at magkaiba talaga ng daan. Napatingin naman ako kay Xandro nang tumawa siya na kinanguso ko.

β€œKaibigan mo ba talaga yan? Bakit hindi mo alam yung bahay?” Bulong niya.

β€œAlam ko. Nakalimutan ko lang. Hmp!” Naiinis na bulong ko sabay hatak sa kamay ko at mabilis na maglakad papunta sa kotse ko.

Nilagpasan ko na sila Dery at Chance pero laking gulat ko nang makita yung sasakyan ko. Halos malaglag yung balikat at panga ko dahil sa gulat.

β€œOh my gosh.” Bulong ko nalang.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa mga gulong ng kotse ko at wala na silang hangin. Ayos lang sana kung isa lang pero apat!

β€œHala!” Rinig ko pang bulong ni Dery dahil ako hindi ko alam kung anong gagawin ko.

β€œWhat happe– oh shit!” Agad naman na turan ni Dan.

Gusto kong umiyak. Sana hindi binutas yung gulong. Pero paano lalabas yung hangin kung hindi binutas ’di ba? Ibig sabihin binutas? Anong pamamalit ko? Apat yan! Ang malas naman!

β€œPaano na ’to?” Bulong ko habang nakatingin kay Danny dahil wala akong alam na dapat gawin.

Tumingin din ako kay Chance pero nakita kong nakatingin siya kay Xandro bago humarap at ngumiti saakin.

β€œKami na bahala dito, Hans. Papatignan namin sa CCTV kung sinong gumawa.” Turan naman ni Chance na kinatango ko lang.

β€œKuya Chase, i-hatid mo na si Hans. Gabi na. Malayo bahay nyan!” Rinig ko din bulong niya sabay abot ng susi kay Xandro na agad naman kinuha ni Xandro.

β€œTeka, paano kayo uuwi?” Tanong ko agad sakanila.

β€œTatawagan ko yung family driver namin, Hans. H’wag kang mag-alala kay Danny. Ihahatid ko siya ng buong-buo.” Nakangiti niya pang bulong habang naka-akbay kay Danny.

β€œSige sige. Yung kotse ko ha.” Bulong ko pa.

Nag-thumbs up naman siya kaya ngumiti na ako bago ko sulyapan yung kotse ko. Napilayan siya ng apat na gulong. Grabe! Ang sama ng gumawa nito. Hindi niya inisip kung wala sila Chance, paano ako makakauwi ’di ba? Nawala nalang yung tingin ko sa kotse ko nang maramdaman ko yung paggaan ng balikat ko. Nakita ko si Xandro na dumaan sa harap ko dala yung bag na kanina nakasabit sa balikat ko lang.

β€œUy sandali! Hintayin mo ’ko!” Sigaw ko naman sakanya sabay tingin kila Chance.

Nakita kong nakangiti sila saakin at si Danny naman ay nakatitig lang ng matiim. Agad akong kumaway at ngumiti sakanila.

β€œBye-bye! Danny Boy! Dery! Chance!” Sigaw ko sakanila bago ulit humarap at tumakbo na papunta kay Xandro na binuksan na yung pintuan at inilagay yung bag ko sa loob.

β€œThank you!” Agad ko naman sabi kay Xandro sabay akyat papasok sa kotse niya.

Agad niya naman isinara. Hindi na siya nagsalita pa. Agad siyang umikot sa driver’s seat ako naman ay inilagay yung seatbelt ko at ipinatong yung bag sa hita ko.

Tumingin ako sa labas pagkatapos. Nag-uusap si Chance at Danny. Si Dery naman ay nakatingin lang sakanilang dalawa. Agad naman akong nagtaka kasi parang ang lalim ng pinag-uusapan nila. Sinubukan kong hanapin yung button para bumaba yung salamin pero parang nasa control ng nagmamaneho yata yon. Oo tama! Mas bago yung unit ng kotse ni Xandro kesa saakin.

β€œXandro, pakibaba naman yung bintana.” Agad kong turan kay Xandro pagkatapos niyang isuot yung seatbelt niya pero hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at agad pinaandar yung makina.

Agad niyang pinatakbo yung kotse ng mabilis. Ni hindi ko na nga natignan pa sila Chance sa bilis niya kaya hindi na ako nangulit pa at nanahimik nalang. Nakatingin lang ako sa labas habang mabilis yung takbo ng sasakyan. Nakatitig lang ako sa mga ilaw ng bawat poste na nakikita ko. Balak ko nang bilangin. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim–

β€œMay I ask you something?” Napatigil ako sa pagbibilang nang magsalita si Xandro kaya agad akong napatingin sakanya.

β€œO-oo naman!” Bulong ko naman sakanya bilang pagsagot.

Dahan-dahan naman bumagal yung takbo ng kotse at tumingin siya saakin. Tumitig siya ng ilang segundo bago ulit magsalita.

β€œWe just met yesterday but you already told me everything. Kaya tatanungin kita, nag-reach out na ba yung magulang mo sayo?” Tanong niya.

Napatawa naman ako ng mahina sabay tingin ulit sa labas at hinga ng malalim.

β€œHindi pa. Kahit isang beses hindi pa. Araw-araw akong naghihintay. Araw-araw akong umaasa pero sama lang ng loob yung nakukuha ko.” Mahinang bulong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Hindi ko na din kasi kinakaya yung sakit minsan. Sobrang sakit na. Hindi ko na kaya.

β€œGusto mo bang puntahan sila?” Bulong naman niya na nakapagpabaling ng tingin ko sakanya.

Nakatingin din siya saakin pero makalipas ang ilang minuto ay nag-iwas siya ng tingin at tumingin ulit sa kalsada.

β€œPunasan mo yang mga luha mo. Ayokong matuyo sa pisngi mo.” Bulong niya na pinagtaka ko pero sinunod ko naman.

β€œA-ayoko, Xandro. Hindi ako handa sa kung anong makikita ko.” Bulong ko nalang sabay tawa ng mahina.

β€œWhy?” Tipid na bulong niya.

Huminga ako ng malalim bago sabihin sakanya yung tanging sekreto ng mga magulang ko na ako lang yung nakakaalam.

β€œBiktima sila ng arrange marriage. Hindi nila mahal yung isa’t-isa. My mom just chose my dad because my lolo, his father wants to. Noong twelve ako at habang lumalaki ako, nararamdaman ko na hindi talaga nila mahal yung isa’t-isa. Unang umalis si dad when I was sixteen. Ang masakit pa, sa mismong birthday ko siya umalis.” Bulong ko habang nakatitig sa labas.

Pilit kong pinipigilan yung mga luha ko sa pagpatak pero ayaw talaga kaya hinayaan ko nalang na tuloy-tuloy sa pagtulo.

β€œAfter one year, my mom confessed to me saying that she’s going overseas. Nagmakaawa ako na isama ako. L-lumuhod ako. Umiyak ako. Pero hindi ako pinakinggan. A-ang sakit. S-sobrang sakit.” Bulong ko na puno nang hinanakit. Sariwang-sariwa pa saakin yung lahat. Hindi ko makalimutan.

β€œIniwan nila ako sa kasambahay namin pero after two months, pinilit ko silang alisin yung kasambahay kasi dinanas ko lahat sakanya. Parang siya yung amo. I clean our house, I cook for her, I laundry for her. She even physically abused me! Sinasaktan niya ako! Sinabi ko yon kay mom pero hindi siya naniwala kaya napilitan akong takutin yung kasambahay. Hinabol ko ng kutsilyo.” Bulong ko habang natatawa.

β€œGaano ka katagal sinasaktan?” Bulong naman ni Xandro.

β€œIt lasted for two months. Simula noong umalis si mommy.” Tipid na sagot ko.

β€œWala ba siyang ibang ginawa sayo?” Tanong niya pa pero umiling na ako.

Agad akong napatingin kay Xandro nang nagbuga siya ng malalim na hininga pero agad din bumalik yung tingin ko sa labas kasi wala lang naman yon.

β€œPero hindi siya natakot saakin. Ako pa yung tinutukan siya ng kutsilyo kaya humingi na ako ng tulong kay Danny kahit ayoko. Nagdala siya ng pulis at pinadampot yung kasambahay. Hindi ko na alam kung nasaan na yon.”

β€œAfter one year, nagsimula na silang hindi magparamdam at tuloy-tuloy na. Every month pababa nang pababa yung pinapadala nila but being a business management student, I manage my money very well. Wala akong problema don.”

β€œPero hindi pala nila binabayaran yung tuition ko kaya natambak. I have hundred fifty thousand to pay at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera na ganon kalaki.” Huling bulong ko.

β€œHow about your study?” Sunod niyang tanong.

β€œI requested scholarship. Exam ko next week. I’m confident. Alam kong kaya ko.” Nakangiti kong bulong bago tumingin sakanya.

Tumingin din naman siya saakin at ngumiti.

β€œGood. That’s it, my love. Just keep going.” Bulong niya na kinatawa ko. Nakuha pang magbiro.

β€œAng iniisip ko nalang ngayon, saan ako kukuha ng pera at hahanap ng trabaho.” Bulong ko.

β€œI can lend you money. But we can talk it tommorow.” Nakangiti niyang bulong bago ko naramdaman yung pagpasok ng malamig na hangin sa loob.

Binuksan niya yung bintana ko. Agad akong napasandal sa upuan at napapikit ng mga mata dahil sa sarap ng hangin. Ilang minuto lang ay hinihila na ako ng antok at hindi ko mapigilan dahil na din sa pagod. Naramdam ko pa yung paano bumaba yung sandalan ng upuan bago ako tuluyang hatakin ng antok.

Third Person POV

Tuluyan na ngang hinatak ng antok si Hans at hindi naman masukat ang saya ni Chase habang nakatitig kay Hans na nananaginip na. Ang mabagal na takbo nila ay lalo pa niyang pinabagal bago ihinto ang sasakyan sa tabing daan.

Tumitig siya kay Hans ng ilang minuto habang nakangiti bago dahan-dahan lumapit dito at ilapat ng marahan ang palad niya sa makinis at malambot na pisngi ni Hans. Dahil sa pagod at pagiging tulog mantika, hindi man lang nagising si Hans.

Unti-unting bumaba ang palad ni Chase hanggang mapunta ito sa leeg ni Hans. Nakangisi at unti-unti niyang ibinaba ang turtle neck ni Hans hanggang makita niya ang mga pulang marka sa leeg nito.

Mahina na lang siyang napatawa bago mas lalong lumapit at dampian ng magaan na halik ang leeg ni Hans. Sunod niyang dinampian ng halik ang noo nito at pisngi bago muling titigan si Hans ng malapitan.

β€œAyokong matuyo ang mga luha mo sa pisngi. Gusto ko, ako yung magpupunas.” Mahina niyang bulong.

β€œGustong-gusto na kitang ikulong. Malapit na kitang ikulong saakin, Dawi. Wala ka nang magagawa pa. Saakin ka na.”

Chapter 5

Chapter 5

Hans Dawi Redjimo

Β  Β  Nagising ako sa sakit ng likod dahil sa hindi komportableng higaan. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at mabilis na tumingin saakin. Muntik na akong mapasigaw nang bumungad ang isang Xandro na nakatitig sa mga mata ko.

β€œSleep more.” Bulong niya pa na lalong kinagulat ko bago mag-sink in sa utak ko na hinatid niya pala ako pauwi.

Mabilis kong inalis ang kumot na nakapatong sa katawan ko at sinubukang alisin ang seatbelt ko. Grabe. Nakakahiya! Nakatulog ako. Shit.

β€œS-sorry, Xandro. Hindi ko sinasadyang makatulog.” Mahinang bulong ko at pilit inaalis ang seatbelt ko pero ayaw matanggal.

β€œIt’s fine. Don’t worry.” Nakangiti niyang bulong saakin.

Napatingin ako ng lumapit siya saakin. Akala ko kung anong gagawin niya pero ibinalik niya lang ang upuan ko sa dating ayos. Agad naman akong nagpasalamat at inaalis pa din ang seatbelt pero ayaw talaga. Sumulyap naman ako sa labas at nakita kong nasa harapan na kami ng bahay ko. Siya na siguro yung nagbukas ng gate at pumasok na.

β€œAnong oras na, Xandro? Sorry talaga. Sobrang pagod ko lang siguro today.” Ulit na bulong ko at nagsisimula nang mainis dahil sa letseng seatbelt na ’to.

Narinig ko naman siyang tumawa at mabilis akong lapitan ay hawakan ang seatbelt.

β€œOne in the morning.” Tipid na bulong niya at mabilis na naialis ang seatbelt.

Nanlalaki naman ang mga mata kong nakatingin sakanya.

β€œS-seryoso ka?” Mahina kong bulong sakanya.

Tumawa naman siya ng mahina sabay tango. Agad kong inilabas sa bag ang phone ko at laking gulat ko nang makitang one thirty-two AM na. Shocks. Ilang oras ako natulog? Nakakahiya! Bwiset! Napasandal nalang ako sa upuan at napapikit.

β€œBakit hindi mo ako ginising agad? Anong oras na! Umaga ka na makakauwi sainyo.” Bulong ko habang nakatakip ang mga mata ko gamit ang palad ko dahil sa inis ko sa sarili ko. Ang antukin mo kasi Hans!

Lalo pa akong nainis dahil tinawanan niya lang ako.

β€œSinabi ko naman sayo na, ayos lang. Hahanap nalang ako ng malapit na hotel.” Bulong niya pa. Parang kinokensya pa ako ha? Kasalanan mo naman talaga, Hans.

β€œDito ka nalang matulog, Xandro. Maraming rooms na available. Ayos lang ba sayo?” Agad kong bulong sakanya.

Agad naman niya akong tinignan at tinitigan ng ilang segundo bago mabilis na ngumiti.

β€œI’m okay with it.” Tipid na bulong niya. Mabilis ko naman siyang nginitian.

β€œWait. Bubuksan ko lang yung garahe. I-park na natin ’tong kotse mo.” Turan ko sakanya bago mabilis na lumabas at kinuha ang susi ng garahe sa bag.

Mabilis akong lumabas ng kotse pagkatapos kong bitawan ang bag ko sa upuan at mabilis na tumakbo papuntang garahe. Agad kong binuksan yung gate at mabilis naman na ipinasok ni Xandro yung kotse niya. Hinintay ko na siyang makalabas ng kotse dala yung bag niya at yung bag ko.

Agad ko naman siyang sinalubong at kinuha yung bag ko at mabilis na nagpasalamat bago kami lumabas ng garahe at isinara.

β€œAng laki talaga ng bahay mo. It’s beautiful.” Mahinang bulong niya habang naglalakad kami papunta sa main door na kinangiti ko.

Sa mahabang drive way kasi, may bawat pole na may lights kaya maliwanag. Sa harap naman ng bahay, may mga lights din kaya kahit gabi, kita ang design ng bahay ko. And still, automatic yan magbubukas kahit hindi ko buksan. Through solar panels sila kumukuha ng energy kaya hindi kasama sa babayaran ko.

β€œReally? But it’s lonely though.” Mahinang bulong ko sakanya sabay tawa ng mahina at mabilis na naglakad para makapunta agad sa front door.

Agad kong inilabas ang susi ng front door at mabilis na binuksan. Aalisin na sana ni Xandro yung sapatos niya pero agad ko siyang pinigilan.

β€œYou don’t have to do that.” Mahinang bulong ko sakanya. β€œIpasok mo na yung sapatos mo.” Natatawa ko pang bulong.

Nagdadalawang isip pa siya pero kalaunan ay tumango din. Agad ko siyang pinapasok at mabilis na isinara yung pintuan at ni-lock.

β€œIt’s pretty dark here.” Bulong niya pa na kinatawa ko.

Agad kong hinawakan yung kamay niya at naglakad kami papunta sa hagdan.

β€œWe don’t need to turn on the lights. Tapos papatayin lang din mamaya. Eh sa taas naman tayo pupunta.” Natatawang bulong ko pa habang hinahatak siya.

Baka bumunggo ’to kung saan. Laki pa naman tao nito. Agad akong umakyat sa hagdan hatak-hatak pa din si Xandro. May sinag naman ng buwan kahit kaunti. Atsaka, kabisado ko na yung bahay ko.

Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang wala na akong maapakan pero mabilis kong naramdaman kung paano pumulupot ang mga kamay ni Xandro sa bewang ko.

β€œG-gosh.” Mahinang bulong ko at bumalik sa dating ayos ko ng dahan-dahan.

Kinabahan ako doon ah. Kung mahuhulog ako sa nakataas at napakahabang hagdan na ’to, tyak tegi ako. Pero at least ang dramatic ’di ba? I’m the house owner and my house killed me.

β€œI’ll turn on the lights.” Bulong ni Xandro at ramdam na ramdam ko yung kaseryosohan sa boses niya pero tinawanan ko lang siya.

β€œNo. Ilang steps nalang. Hawakan mo nalang ako. Incase na matapilok ako, sabay tayong mahuhulog. Hehehe.” Natatawang bulong ko.

Nakita ko nalang siyang napailing bago mabilis hawakan ng mahigpit ang kamay ko at maunang maglakad saakin. Nakasunod lang ako sakanya at hindi na ako tumutol pa. Baka mahulog na ako nang tuluyan ’di ba?

β€œParang kabisado mo ang bahay ko ha?” Natatawang bulong ko sakanya nang nasa huling hakbang na kami ng hagdan.

β€œMaybe.” Natatawa niya naman bulong.

Ako na ang nanguna nang maka-akyat na kami. Hindi ko na inalis ang hawak niya at mabilis akong lumiko sa mahaba at madilim na pasilyo papunta sa kwarto ko. Pero agad akong huminto sa unang kwarto bago ang kwarto ko. Sinubukan kong buksan pero naka-lock.

Balak kong dito na siya patulugin kasi ito lang ang alam ko na bukas sa mga guest room. Ayoko din naman na patulugin siya sa kabila pa. Ang layo-layo tapos mag-isa lang siya doon ’di ba?

β€œTeka, bakit sarado? Kunin nga natin yung susi.” Bulong ko at mabilis na naglakad at binuksan ang pintuan ng kwarto ko at mabilis na pumasok.

Binitawan ko na yung kamay niya nang makapasok kami at binuksan ang ilaw dito sa loob bago tumingin muli sakanya.

β€œWelcome to my room!” Nakangiti kong turan sakanya na nginitian lang siya habang nag-iikot ng tingin. β€œFeel at home.” Dagdag ko pang bulong bago tumalikod at mabilis na pumunta sa study table ko at buksan ang drawer.

Nagsimula akong hanapin yung susi ng guest room. Alam ko na dito ko lang nilagay yon pero bigla siyang nawala na pinagtaka ko.

β€œNasaan na yon?” Mahinang bulong ko pa at walang tigil sa paghahalungkat.

β€œMay problema ba?” Tanong saakin ni Xandro ma maging dahilan para mapatingin ako sakanya na nakaupo ngayon at couch ko at nakatitig saakin.

Agad naman akong ngumiti sakanya bago sumagot.

β€œHindi ko kasi makita yung susi ng mga guest room, Xandro.” Mahina kong turan sakanya.

β€œSa ibaba nalang ako.” Agad naman niyang sagot saakin na inilingan ko.

β€œNo. Dito nalang. Paano pa kita mapapatulog sa ilalim eh, halos ako na ang may utang sayo.” Natatawa ko pang bulong. Sinagot niya naman ako ng mahinang tawa.

β€œSilly.” Tipid na bulong niya saamin. β€œI’m fine here. Dito nalang ako sa couch.” Dugtong niya pa.

Napatingin naman ako agad sa kama. Hindi ko siya kayang patulugin sa couch. Parang ang sama ko ’di ba. Halos lima ang kasya sa kama ko tapos doon siya matutulog? Hindi ako sanay nang may katabi pero isang araw lang naman.

β€œTabi na tayo sa kama. Malaki naman yon eh! Bakit ka magtitiis dyan? Atsaka, bisita kita. Okay?” Natatawa ko pang bulong sakanya na kinatawa lang din niya.

β€œKukuha lang kita pamalit. Maghihilamos na din ako sandali. Wait lang ha? Pero if you’re sleepy already, you can sleep na.” Turan ko pa sakanya.

Umiling naman siya saakin ako naman ay umupo sa kama at nagsimulang alisin ang sapatos ko.

β€œNo. I’m not sleepy yet. Lalabas lang ako saglit. Pwede ba?” Turan niya na kinatingin ko sakanya.

β€œBakit ka lalabas? Anong meron?” Agad kong tanong bago bumalik sa ginagawa ko.

β€œNaiwan ko yung take out sa kotse. Gutom ka ba? Dalhin ko na ba dito o sa ref mo na?” Turan niya.

Umiling naman ako at ngumiti. β€œNo, thank you. Hindi ako gutom. Ilagay mo nalang sa ref. Ingat ka sa pagbaba.” Bulong ko pa habang natatawa.

Tumango naman siya at inalis na din ang sapatos niya bago tuluyang tumalikod at lumabas ng kwarto. Hinintay ko lang siyang makalabas bago ako tumayo at pupunta na sana sa bath room nang makita kong umilaw yung phone ko.

Mabilis ulit akong umupo at mabilis na kinuha yung phone ko. Parang sasabog naman sa tuwa yung puso ko nang makita yung one message galing kay mama kaya mabilis kong binuksan.

Napatawa nalang ako ng mahina nang mabasa yung laman ng message niya. Excited pa naman ako. Bwiset. Hindi ko namalayan na tumulo na yung luha ko kaya mabilis kong pinunasan at pinilit na ngumiti.

Tangina naman. Ang ganda naman ng message mo mom. Grabe, nakakataba ng puso. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Mabilis akong tumayo at mabilis na pumasok sa banyo at isinara yung pintuan.

Napasandal nalang ako sa pintuan at paulit-ulit na binabasa yung message ni mom. Bakit nakaya nilang pabayaan ako ng ganito? Minsan naiisip ko kung magnakaw kaya ako para umuwi sila o kahit siya nalang. Pumatay kaya ako ng tao? Pero hindi ko kaya. Hindi ko magagawa ang mga bagay na yan.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at ako na mismo ang nang-block sakanya at kay dad bago ako tumayo at inis na binitawan ang phone ko sa lababo. Nakatitig lang ako sa sarili ko sa salamin.

Pulang-pula na yung mga mata ko kakaiyak pati yung ilong. Hindi ka ba nagsasawang umiyak, Hans? Hindi ka magsasawang umasa? Hindi nagsasawang maghintay?

Sawa na ako. Simula ngayon, kakalimutan ko na sila. Mabubuhay akong mag-isa. Wala akong mga magulang. Mushroom ako na basta-basta nalang sumulpot.

Napatawa nalang ako dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Mushroom? Ang cute ko naman mushroom ’di ba. Hahahaha.

Huminga nalang ako ng malalim at pinunasan pa ng isang beses ang pisngi ko at mabilis na ngumiti sa salamin. Kaya pa ba? Kaya pa. Kakayanin. Para sa sarili ko.

Mabilis akong napatingin sa pintuan nang marinig ko yung sunod-sunod na katok.

β€œY-yes?” Turan ko.

β€œH’wag kang magbasa ng buhok. Baka magkasakit ka. H’wag ka din magbabad.” Rinig kong turan ni Xandro na nasa pinto na kinatawa ko.

β€œOpo!” Natatawang sigaw ko sakanya bago alisin yung mga suot ko at hinayaang nakahubad ang sarili ko sa tapat ng salamin. Nandito pa din yung mga marka pero hindi na gaanong halata pero kita pa din na pinagsawalang bahala ko nalang at mabilis na pumasok sa shower room. Dahil malamig, mag warm water tayo.

Nilinis ko lang yung sarili ko sa ilalim ng shower. Hindi ako nagbasa ng ulo kagaya ng sinabi ni Xandro at nagsuot agad ako ng bath robe pagkatapos kong patuyuin yung sarili ko sa twalya. Humarap ako sa salamin at mabilis na kinuha yung tooth brush ko at nilinis ang mga ngipin ko.

Nagpahid pa ako ng kung ano-ano sa mukha ko ng mabilisan. Para kahit malungkot, maganda pa din. Importante ang self love. Kahit self love nalang ’di ba. Moisturizer, cream tapos hindi ko alam ’tong isa basta nilalagay ko sa mukha ko. Hahaha. Meron pang mga face serum tapos kung ano-ano pa. Wala na silang mga laman kaya hindi ko na ginagamit. Hahaha. Wala pa akong pambili.

Mabilis din akong lumabas pagkatapos. Agad kong nakita si Xandro na nakaupo sa couch at hawak ang phone niya. Mabilis naman dumapo ang tingin niya saakin na agad kong nginitian.

β€œIkaw na. Hahanap lang ako pamalit mo. Meron extra towel at robe.” Turan ko sakanya bago mabilis na lumipat sa walk in closet.

Agad akong nagsuot ng underwear at sleep wear na kulay white. Long sleeves at panjama. Nag-spray din ako ng perfume na paubos na din. Shet. May katabi tayo ngayon. Bawal ang mabaho.

Agad din akong humanap ng pwedeng suotin ni Xandro. Medium lang ang underwear ko at puro medium lang at small ang mga damit ko. Eh ang laki-laking tao ni Xandro.

Pero ang alam ko may damit dito si dad. Agad kong kinuha yung sleepwear ni dad na kinuha ko pa sa room nila dati. May underwear din akong nabili na malaki saakin. Actually, L yung binigay nung babae dati na dapat medium lang or small. Hindi ko na binalik at tinabi ko na. White underwears sila. Blue naman yung sleepwear ni dad.

Pinatong ko lang sa mesa dito sa loob para dito na magbihis si Xandro bago ako mabilis na lumabas ng closet. Hindi ko na nakita si Xandro sa labas at sa malamang ay nasa bathroom na siya.

Mabilis naman akong bumalik sa loob ng closet at kumuha ng isang kumot at dalawang unan at pillow case bago muling lumabas. Inayos ko yung kama at nilagyan ng pillow case yung mga unan na kinuha ko at inilagay ko sa side ni Xandro. Left side ako, right side naman siya.

Sumampa na ako sa higaan pagkatapos at kinuha yung remote ng TV. Hindi na ako dinalaw ng antok. Manonood nalang ako habang hinihintay si Xandro.

Nakatagilid lang ako at nakayakap sa isang unan habang nanunuod. Ilang minuto lang ay nahagip ng mga mata ko yung paglabas ni Xandro sa bathroom at akala ko ay nakasuot siya ng bathrobe pero laking gulat ko nang nakitang naka-tapis lang siya ng twalya.

Kitang-kita ko yung katawan niya. Almost perfect! Shet! Ang laki ng dibdib niya at yung abs niya. Shocks.

β€œY-yung damit mo nasa loob na.” Nahihiya kong bulong sabay muling tingin sa TV.

Narinig ko pa yung mahihinang tawa niya pagkatapos kong nag-iwas ng tingin.

β€œThank you.” Bulong niya lang ay mabilis na pumasok sa loob.

Hinayaan ko lang yung sarili kong malibang sa TV habang nagbibihis si Xandro. Wala nang palabas kaya sa Netflix nalang ako nanood ng kung ano-ano. Bigla kong naalala yung wifi plan ko pala. Hindi pa bayad. Hahaha.

Masyado yata akong nalibang sa panonood kaya nakita ko nalang so Xandro na nakaupo na sa kama at nakatingin din sa TV.

β€œPatayin na natin yung ilaw. Ito nalang lamp shade sindihan natin. Matutulog ka na ba?” Bulong ko sakanya bago ako tumayo at binuksan yung lamp shade sa magkabilang gilid namin at patayin yung ilaw.Β  TV nalang ang nakabukas at lamp shade.

β€œWe have to sleep. Anong oras na. But if you’re not sleepy yet, then I’ll wait.” Bulong niya naman na kinatingin ko sakanya.

β€œBakit mo pa ako hihintayin? Matulog ka na. Magpapa-antok lang ako.” Turan ko at humiga na.

β€œGusto ko kasi sabay tayong matulog.” Bulong niya ulit na kinatingin ko sakanya.

Napairap nalang ako sa kakulitan ng isang ’to. Medyo hapit din sakanya yung sleepwear kahit large na yon. Hindi ko naman maiwasang matawa. Medyo fitted sakanya.

β€œMukhang masakip yung sleepwear. Ayan lang kasi yung pinakamalaki. Small at medium lang ako. Yung underwear? Hindi ba masikip?” Tanong ko habang nakatagilid at nakatingin sakanya. Siya naman ay nakaupo ay nakasandal sa head board ng kama.

β€œMasikip. I’m extra large.” Tipid na bulong niya na kinatawa ko.

β€œSorry.” Bulong ko nalang.

Ngumiti naman siya pinatong yung kamay sa ulo ko at ginulo yung buhok ko.

β€œThat’s okay.” Bulong naman niya saakin.

Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya habang nakatitig siya sa TV. Napaka boyfriend material ni Xandro. Almost perfect body, gwapo, good personality,Β  understanding. Nasa kanya na yata ang lahat. Pero malay ko ba kung may bad side siya na hindi ko pa nakikita ’di ba. Pero kung may Xandro man ako, hindi na ako lugi. Hehehe.

β€œWhat is it? You can ask me anything. Hindi mo na kailangang tumitig.” Bulong niya na kinapula ng mukha ko kaya mabilis akong napasubsob sa unan ko. Rinig na rinig ko pa yung mahinang pagtawa niya.

Ilang segundo lang ay mabilid akong nag-angat ng tingin at huminga ng malalim.

β€œBakit laging black suot mo atsaka dark color?” Tanong ko nalang sakanya.

β€œPara madali kaming makilala ng tao. Chance always wear bright colors. I wear dark colors.” Bulong niya saakin na kinatangi ko.

β€œBase din ba sa personality niyo yon?” Sunod kong bulong.

β€œHmm.” Bulong na sagot niya sabay tango. β€œSiya yung friendly, social butterfly at energetic saaming dalawa. I’m the opposite. I rarely talk, I rarely make friends. Sabi nga nila, nakaka-intimidate daw akong kasama.” Bulong niya sabay tawa.

β€œParang hindi naman. Ang sarap mo kayang kasama. Minsan nga lang wala ka sa mood. Parang papatayin mo lahat ng nakapaligid saakin.” Natatawa kong bulong sakanya na tinawanan lang din niya.

β€œMaybe.” Tipid pa na bulong niya na kinadikit ng mga kilay ko. Maybe? Siraulo ang bwisit.

β€œIt’s already three in the morning. We should sleep.” Turan niya sabay kuha ng remote na hawak ko at patayin ang TV na kinasimangot ko.

β€œHindi pa ako inaantok.” Bulong ko naman.

β€œThen do things that make you sleepy.” Sagot niya saakin. Tanging okay lang ang sinagot ko at itinaas ang damit ko bago haplos-haplusin ang tyan ko habang nakatitig sa kisame.

β€œWhy? What’s the problem? Masakit ba ang tyan mo?” Tanong niya naman saakin na kinatawa ako.

β€œNo. I always do this kapag hindi ako makatulog. Ewan ko. Kapag hinahaplos ko yung tyan ko, nakakatulog ako agad. Para akong aso.” Natatawang bulong ko sakanya.

Nagulat nalang ako nang hatakin niya ako palapit sakanya at alisin yung kamay ko sa tyan at mabilis na ilapat yung palad niya sa tyan ko. Ramdam na ramdam ko yung init ng palad niya. At dahil sa laki ng palad niya, halos nasakop niya na yung tyan ko.

β€œHey! What are you doing?” Bulong ko sakanya.

β€œLet me do it for you para makatulog ka na.” Bulong naman niya bago magsimulang haplusin yung tyan ko.

Nahihiya naman ako sakanya kaya sinubukan kong tumanggi pero hindi pa man ako nakakapagsalita eh sumabat na siya.

β€œJust sleep. Don’t try to stop me. You can’t stop me.” Bulong niya na kinairap ko kaya mabilis akong tumalikod sakanya at ibinaba ang damit ko.

Hinawakan niya naman ang bewang ko at hinatak ako papalapit pa at siya siya na mismo ang nagtaas ng damit ko bago mabilis na ilapat ang kamay niya at nagsimulang haplusin ang tyan ko. Hinayaan ko nalang siya dahil ang kulit-kulit niya. Maya-maya pa ay naghikab na ako at papikit-pikit na. Ilang mimuto palang niya akong hinahaplos sa tyan, inaantok na agad ako.

β€œHoy, sa tyan lang ha. Baka saan-saan pumunta yang kamay mo.” Bulong ko.

Narinig ko naman agad yung mga tawa niya dahil halos magkadikit na kami.

β€œIf I have a chance, hindi ko na sasayangin.” Natatawang bulong niya na kinatawa ko nalang din.

Patuloy lang siya sa paghaplos ng tyan ko. Ramdam na ramdam ko yung labi niya sa noo ko bago ako tuluyang hatakin ng antok. Thank you, Alexandro.

Chapter 6

Chapter 6

Hans Dawi Redjimo

Β  Β  Nagising ako na halos maliwanag na sa labas. Pero dahil sanay ako magising sa ganitong oras at inaabangan ang nagtitinda ng pandesal, hindi na ako nagtaka pa. Nanatili akong nakapikit at nasa gano’n posisyon. Hinayaan ko pa ang sarili kong nakapikit nang ilang segundo bago gumalaw at unti-unti iunat ang mga paa ko.

Mabilis akong napamulat nang maramdaman ko ang dahan-dahan paghaplos sa tyan ko. Mabilis akong napatingin sa tyan ko at nakataas ang suot kong pang-itaas at nakalapat pa rin ang palad ni Xandro habang dahan-dahan niyang hinihimas ang tyan ko.

Sobrang dikit din namin sa isa’t isa at nakaunan na ako sa braso niya. Ilang segundo lang ay tumigil na din ang paghaplos niya at nang gumalaw na naman ako ay nagsimula ulit siyang humaplos. Napapikit naman ako sa hiya. Everytime na malilingat ako, gising din siya at hahaplusin yung tyan ko?

Dahan-dahan kong inalis yung kamay niya at dahan-dahan tumayo. Nasa gilid na ako ng kama at isusuot na ang tsinelas ko nang mapatingin ako sakanya nang mabilis niyang hawakan ang pulsuhan ko.

β€œWhere are you going in this early morning?” Agad niyang tanong.

Medyo nagulat lang ako. Kanina kasi ingat na ingat pa ako sa pag-alis kasi tulog na tulog siya pero bigla na lang nagising.

Hindi ko naman maiwasang mapatitig sakanya. Ang gwapo niya pa din kahit bagong gising. Bakat na bakat pa yung mga details niya sa katawan dahil sa hapit na sleepwear. Agad naman akong napailing dahil sa naiisip ko. Ang aga-aga, Hans! Magtigil ka!

β€œBibili lang ako ng almusal.” Nakangiti kong turan sakanya.

Dahan-dahan niya naman inalis yung hawak sa kamay ko. Ako naman ay nakatayo na at mabilis na naglakad papunta sa glass window na papunta sa veranda na natatakpan ng gray na kurtina. Agad kong hinawi yung kurtina para makapasok yung liwanag at nakita kong sumisikat pa lang.

Nakita ko naman si Xandro na tumatayo na pero antok na antok pa din ang itsura niya. Nakakaawa naman. Napuyat siguro kagabi. Sino bang nagsabi sakanya na sa t’wing magigising ako ay kailangan niyang haplusin ang tyan ko? Wala naman ’di ba? Pero nakakakonsensya pa din!

β€œMatulog ka muna kaya?” Agad kong turan sakanya habang naglalakad pabalik sa kama.

Agad naman siyang ngumiti saakin at umiling. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa ngiti niya. Ang gwapo, shocks! Ganito din kagwapo si Chance. Kasi nga kambal sila. Tatanga-tanga naman, Hans.

β€œFirst of all, good morning Dawi.” Nakangiti niyang turan saakin habang nakaupo siya sa kama.

Agad ko naman siyang sinagot ng ngiti. β€œGood morning, Xandro.” Balik kong pagbati sakanya.

β€œSasamahan kita sa pagbili ng almusal.” Agad niya naman turan.

Hindi ko naman maiwasang mapatawa dahil sa sinabi niya. Eh dyan lang naman ako sa tapat ng bahay.

β€œAno ka ba? Dyan lang ako sa tapat ng gate.” Natatawang bulong ko sakanya at tumayo na para kuhanin ang wallet ko.

β€œKahit na. Sasamahan pa din kita. Atsaka, ang haba kaya ng drive way mo papunta sa gate. Malamang magtatagal ka.” Agad niya naman dahilan na kinatawa ko.

β€œSige na. Oo na!” Sagot ko na lang sakanya.

Agad kong nakita yung wallet ko na nasa taas ng drawer sa ilalim ng TV at katabi yung phone ko na naka-charge. Teka, naka-charge? Chinarge ko ba ’to?

Agad ko naman chineck at wala naman kahit anong notifications. Yung oras naman, six thirty na. Hinayaan ko na lang na naka-charge kahit full charge na.

Agad naman akong napatingin sa banyo nang marinig ko yung lagaslas ng tubig doon. Baka maghihilamos na si Xandro.

Agad naman akong naglakad palabas ng kwarto at nagsimulang tahakin yung daan pababa. Nang nasa unang baitang na ako pababa ng hagdan, hindi ko maiwasang mapatingin sa kabuuan ng bahay. Engrandeng hagdan, living room, madaming paintings. Makakakuha ng pansin mo yung painting na tatlong magkakadikit. Painting ko, ni mom at dad. Talagang individual by painting kasi ayaw nilang magkakasama kami sa painting. Now I know why.

Huminga na lang ako ng malalim bago magsimulang humakbang pababa.

β€œHey! Wait for me!” Sigaw ni Xandro na naging dahilan ng paghinto ko at mapatingin muli sa itaas.

Mabilis siyang tumatakbo at nakapaghilamos na nga. Hindi ko maiwasang matawa sakanya. Para siyang bata.

β€œSabi ko sasama ako ’di ba!” Agad niyang singhal saakin nang nasa tabi ko na siya.

Tumawa naman ako ng mahina at sabay kaming bumaba ng hagdan.

β€œHindi pa naman kita iniwan. Nandito pa lang ako sa hagdan.” Natatawang turan ko sakanya.

β€œKahit na. Dapat naghintay ka sa kwarto.” Turan niya agad na kinasuko ko na lang. May pag-asa ba akong manalo dito sa lalaking ’to?

Agad kaming lumabas ng bahay. Wala kaming mga tsinelas pero okay lang kasi hindi naman mainit yung sahig ng drive way. Masyado pang maaga.

β€œNasaan tsinelas mo?” Bulong niya saakin.

Agad ko naman siyang tinignan. β€œEh ikaw? Nasaan tsinelas mo?” Balik kong tanong sakanya na kinadikit ng kilay niya.

Agad niyang hinawakan yung pulsuhan ko pero nakalabas na kami ng main door.

β€œNasaan tsinelas mo? Magtsinelas ka muna.” Agad niyang turan saakin pero mabilis ko lang siyang tinawanan nang mahina at mabilis na inalis yung hawak niya sa pulsuhan ko.

Mabilis akong tumakbo palayo sakanya habang tumatawa.

β€œHey! Wait!” Sigaw naman niya at tumakbo din kasunod ko.

Tawa lang ako nang tawa habang tumatakbo. Panay-panay ko din siyang tinitignan sa likod ko. Masyado akong malayo sakanya at malapit na ako sa gate kaya tumigil muna ako para lumanghap ng hangin.

Mabilis akong napatingin sakanya nang mas bilisan niya ang takbo niya kaya hindi ko mapigilang matawa bago mabilis na tumakbo papunta sa gate at mabilis na buksan yung maliit na pintuan at lumabas. Sakto naman na natatanaw ko na yung mama na nagpapandesal na papunta dito kaya napaupo na lang ako dahil sa pagod.

Mabilis din akong tumayo matapos ang ilang segundo at mabilis na sinalubong yung nagpapandesal. Agad ko siyang nginitian nang huminto siya sa tapat ko.

β€œHello po, magandang umaga!” Nakangiti kong bati sakanya. β€œAnong meron manong?” Dugtong ko pa.

Agad naman siyang bumaba sa motor niya at agad pinuntahan yung dalawang malaking drum na nakasabit sa likod ng motor niya.

β€œMaganda umaga di——” Naputol yung sasabihin niya nang parehas kaming napatingin sa gate ko nang sumigaw si Xandro.

β€œDawi!” Sigaw niya na kinagulat ko.

β€œHoy? Nandito lang ako.” Natatawang bulong ko bago ulit tumingin kay manong na papalit-palit ang tingin saamin ni Xandro.

β€œManong? Ano po meron dyan sa drum niyo? Wala naman si Doraemon dyan ’di ba?” Natatawang biro ko na kinatawa niya.

Umiling na lang siya at mabilis na binuksan yung dalawang takip ng drum na agad kong sinilip.

β€œMay pandesal, may kutsinta na may yema o niyog. Depende sayo. Meron din puto. Anong gusto mo?” Agad niyang turan saakin.

Agad naman akong napatingin sa gilid ko nang umakbay saakin si Xandro. Nginitian ko lang siya bago bumalik ang tingin kay manong.

β€œFifty pesos ng pandesal manong at fifty din sa kutsinta.” Nakangiting turan ko kay manong at naglabas ng hundred fifty pesos sa wallet ko.

β€œAnong gusto mo? Niyog o yema?” Tanong naman niya agad.

β€œPwede both manong? Dagdagan mo na lang yung bayad.” Natatawang bulong ko.

β€œWalang problema.” Bulong niya na lang din.

Pinanood lang namin na kumuha ng pandesal si manong sa drum niya. Tapos sa kabila yung kutsinta at puto.

β€œIs that safe to eat?” Bulong naman nitong katabi ko kaya agad kong siniko yung tyan.

β€œSyempre naman! Masarap kaya yan!” Agad ko naman bulong sakanya.

Inabot na ni manong yung binili ko kaya agad kong binigay yung bayad. Mabilis na akong tumalikod pagkatapos pero mabilis akong pinigilan ni manong at nag-abot ng forty pesos. Sukli ko daw kaya agad akong nagpasalamat sakanya bago tumalikod ulit.

Naka-akbay pa din saakin si Xandro at mabilis akong kumuha ng pandesal at mabilis na isubo. Napatingin naman ako sakanya kasi titig na titig siya kaya kumuha ulit ako ng isang pandesal at tinapat naman sa bibig niya. Nag-aalangan pa siyang kainin pero kinain din naman. Aarte-arte pa! Dahan-dahan niya pang nginunguya. Ang arte talaga.

β€œHindi ka mamamatay dyan! Pandesal yan, Xandro! Para kang tanga!” Natatawang bulong ko sakanya.

Ilang segundo naman siyang tahimik at papasok na kami sa gate bago siya magsalita.

β€œIt taste better than I thought.” Bulong niya.

Natatawa na lang ako sakanya at mabilis na pumasok ng gate.

β€œPero saan niya kinukuha yung ganyan? May magic ba sa big drums na yon?” Bulong niya pa na lalo kong kinatawa.

β€œSeryoso ka dyan?” Natatawang turan ko sakanya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin bago niya isara yung gate. Napailing na lang ako sakanya pero mabilis akong nagulat nang magpunta siya sa tapat ko at lumuhod patalikod saakin bago hatakin yung mga paa ko palapit sakanya. Muntik na akong mapasigaw nang mabilis siyang tumayo pero nahawak siya sa mga hita ko. Mabilis akong napahawak sa leeg niya dahil na din sa gulat.

β€œHoy ano ba!” Agad kong turan sakanya.

Lalo na lang akong napakapit nang ayusin niya yung pagkakapusan saakin.

β€œWala kang tsinelas.” Bulong niya lang at magsimulang maglakad.

β€œKahit na! Ibaba mo na ako bilis!” Agad kong utos sakanya pero hinigpitan niya lang yung hawak sa hita ko.

β€œMabuti pa, subuan mo na lang ako ng pandesal.” Bulong niya na kinatawa ko. Mabilis ko siyang sinubuan ng pandesal.

β€œBilis! Para makapasok tayo agad sa bahay!” Natatawang turan ko sakanya.

Β  Β  IBINABA niya na ako sa loob ng bahay. Tawang-tawa pa ako sakanya kasi mukhang nangawit siya. Aba, sino ba nagsabing ipasan niya ako?

β€œAyos ka lang ba?” Agad kong tanong.

Nagulat naman ako nang itaas niya yung damit niya at bumungad saakin yung six pack abs niya.

β€œI guess you know the answer.” Nakangising bulong niya.

Mabilis ko lang siyang inismiran at mabilis na tumalikod sakanya.

β€œAng yabang.” Bulong ko habang naglalakad papunta sa kusina.

β€œDon’t do it again next time.” Turan niya habang naglalakad kami.

β€œAng alin?” Balik ko naman tanong at nang makapasok na sa kitchen, agad akong kumuha ng dalawang tasa sa kabinet.

β€œYung aalis ka nang walang tsinelas. You know, may nabasa ako sa internet. Meron maliliit na spiders na nagtatago under the ground. They are very poisonous. In just five minutes, mamamatay ka na. And, yung talampakan mo na napakakinis at lambot sa tingin mo hindi agad masusugat kahit anong matulis na bagay ang madikit dyan? Feeling mo yata ang daming kalyo niyang talampakan mo.” Mahaba niyang turan na kinatawa ko na lang.

Ang bilis niya pa magsalita grabe. Para siyang nag-rap. Hindi ko na lang maiwasang mapailing at mapatawa nang mahina.

β€œI’m just happy na after these so many years…” Mahinang turan ko bago mapatigil habang nakatitig sa dalawang basong nakapatong sa table sa harap ko.

β€œI’m so happy. Parang bumalik ako sa pagkabata na hindi ko man lang na-enjoy. Ewan ko ba. I feel so comfortable with you. I just want to play, swim, anything na hindi ko na-enjoy noon, gusto kong gawin ngayon.” Turan ko sabay hinga nang malalim gumawa na ng kape gamit ang coffee maker.

β€œYou want it sweet?” Dugtong ko.

β€œYes, please.” Sagot naman niya agad.

Namayani yung katahimikan sa aming dalawa habang nagtitimpla ako ng milo. Hindi kasi ako umiinom ng kape pero may coffee maker? Hahahaha. Hindi ako umiinom ng kape sa umaga.

β€œWe can do what you want. Sasamahan kita.” Turan niya na kinatingin ko sa kanya.

Nakaupo siya doon sa tabi ng kitchen counter habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa kanya pero napangiti din ako kalaunan.

β€œIt’s not the right time to play. I have debt to pay. I have a life to survive. Kalimutan na lang natin.” Sagot ko bago ihalo yung kape niya at tikman ng kaunti.

Napangiti naman ako nang matikman ko na okay lang yung tamis. Hindi naman masyado. Sakto lang naman. Ilalagay ko na sana sa sink yung kutsara pero napatigil ako agad nang pigilan ako ni Xandro.

β€œLet me have the spoon.” Turan niya na tinanguan ko na lang.

Binalik ko sa kape yung spoon tapos dinala na yung kale niya at milo ko sa counter. Kumuha ako ng plato at dalawang tinidor bago bumalik sa kitchen counter.

Mabilis kong hinatak yung isang upuan na katabi ni Xandro bago umupo.

β€œOkay lang ba yung kape?” Tanong ko bago ilabas sa plastic yung nga kutsinta at ilagay lahat sa plato.

β€œYes. It taste good.” Turan naman niya tapos tumawa nang mahina.

Hindi ko na lang siya pinansin at nilagay lahat ng niyog sa kutsinta at iabot sa kanya yung isang tinidor.

β€œTikman mo. Masarap yan. Magbabago yung buhay mo.” Tumatawang turan ko sa kanya.

Kinuha naman niya sa akin nang natatawa rin pero inunahan ko na siya sa pagkuha ng kutsinta. Noong una talaga hindi ko ’to nagustuhan pero nung binigyan akong libre ni manong, nagustuhan ko na. Kasi libre. Hahahaha. Every saturday lang siya nagbebenta nito kaya bumibili talaga ako. Masarap talaga siya lalo na sa niyog.

Napatingin naman ako kay Xandro nang marinig ko yung pagkalansing ng tinidor. Nahulog yung tinidor niya. Napatigil tuloy ako sa pagnguya.

Nagdikit agad yung kilay ko nang tumawa lang siya nang makita ako. Agad kong nginuya kinakain ko at nilunok para makapagsalita nang maayos.

β€œBaliw ka na ba?” Tanong ko sa kanya kasi nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin pagkatapos niya akong tawanan.

β€œOf course not. Ang cute mo lang kasi. Yung pisngi mo kanina, ang cute-cute.” Turan niya na kina-ismid ko na lang.

β€œLet me have your fork. Nalaglag yung akin eh.” Dugtong niya kaya inabot ko agad yung fork na ginamit ko.

Tinusok naman niya yung isang kutsinta.

β€œLagyan mo ng maraming niyog. Hindi ka mamamatay dyan.” Turan ko sa kanya sabay tawa.

Ginawa naman niya yung sinabi ko sabay subo. Pinapanood ko lang siya kung anong magiging reaksyon niya. Tumango-tango siya pagtapos sabay tawa.

β€œIt tastes weird but it’s good.” Turan niya.

β€œAkin na nga yan.” Turan ko sabay agaw sa tinidor habang natatawa.

β€œHalatang mayaman ka. Ngayon ka lang nakakain nito. Ano ba lagi almusal mo?” Tanong ko sa kanya bago ulit sumubo.

β€œSteak.” Sagot niya at kinuha ulit yung tinidor at sumubo din. Wow. Steak. Sana lahat.

β€œAhhh, maglilinis lang ba tayo ng bahay mo?” Tanong ni Xandro.

Umiling naman ako sa kanya. β€œPapalitan ko yung mga paintings at portrait sa living room.” Sagot ko sa kanya.

β€œSaan doon? Patingin nga.” Turan niya at mabilis na tumayo papunta sa living room.

Humabol pa ako ng dalawang subo ng kutsinta bago humabol sa kanya papunta sa living room. Natawa pa siya nang humarap siya sa akin pero ako ngumunguya pa rin.

β€œSaan?” Tanong niya.

Agad kong tinuro yung portrait nila mom at dad habang ngumunguya. Hindi kasi ako makapagsalita. Puno yung bibig ko.

β€œOh! Okay. Anong ipapalit natin?” Tanong niya ulit.

β€œMagandang umaga mga mareeee!”

Sabay kaming napatingin ni Xandro nang marinig namin ang sigaw na nanggaling sa front door.

Agad naman akong napangiti nang makita sila Danny, Chance at Dery. May kanya-kanya silang dalang mga bag. Napakagwapo pala talaga ni Dery.

β€œHi cutie! Hi Chase!” Bati niya pa ulit nang makalapit na sa amin at agad ako niyakap.

Agad ko naman nilunok yung kinakain ko at ngumiti. Ganon din kay Danny at Chance.

β€œOkay na yung car mo, Hans. Napalitan na yung mga gulong tapos napaka-carwash na din.” Turan sa akin ni Danny na tinanguan ko.

β€œSino yung nagbutas? Wala naman ako kaaway sa university.” Natatawang tanong ko sa kanila.

β€œNapagkamalan daw yung kotse mo.” Sagot sa akin ni Chance na kinatawa ko na lang. At least bago yung gulong ng kotse ko.

β€œAnong ginagawa niyo dyan? Bakit nakatanga kayo? Dinadasalan niyo ba yung mga portrait?” Tanong naman ni Dery na kinatawa ko.

β€œHindi. Aalisin ko na kasi yung portrait ng mga magulang ko. Iiwanan ko na lang yung akin. May ibang painting naman sa itaas. Siguro yon na lang ipapalit ko.” Sagot ko naman habang nakatingin sa mga portrait.

β€œAy ghorl, magpapicture ka na lang. Birthday mo naman bukas.” Turan ni Dery na kinagulat ko.

Paano niya nalaman yung birthday ko? Si Danny lang nakakaalam ng birthday ko. Mabilis akong napatingin kay Danny.

β€œNaikwento ko sa kanila.” Sagot niya agad.

β€œY-yeah! Right! Kwinento ni Danny sa amin kanina. Hindi ba, Chance?” Agad naman sabat ni Dery na kinatango ko na lang. Weird bakit parang nauutal siya.

I don’t celebrate birthday kasi naaalala ko lang na sa mismong birthday ko ako iniwan ng ama ko. Alam ni Danny yan.

β€œI think, it’s time to be happy Hans. Hindi pwedeng makulong ka sa lungkot mo. Hindi ako papayag.” Turan ni Danny sa akin.

β€œSyempre magse-celebrate tayo! Iinom tayo hanggang umaga! Pero bago yan, maglinis muna tayo tapos papapicture ka mamaya.” Turan ni Dery.

β€œWala pa akong pera eh.” Nahihiya kong bulong.

β€œUy ano ka ba? Tinanong ko ba kung may pera ka? May studio yung kuya ko. Ako na ang bahala! Sagot ko na yan. At itong kambal, limpak-limpak mga pera nyan!” Turan niya na kinatawa ko sabay kamot sa batok dahil sa hiya.

β€œM-maraming salamat sa inyo.” Mahinang bulong ko.

Ngayon ko na lang ulit naramdaman na may nagmamahal pa rin sa akin.

Chapter 7

Chapter 7

Hans Dawi Redjimo

Β  Β  β€œWaaaa! Ano ’to? Bakit ang sarap?!” Sunod-sunod na turan ni Dery nang matikman yung kutsinta.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa. Para kasi siyang bata. Mag-aalmusal muna kami bago magsimulang maglinis.

β€œThat’s kutsinta.” Sagot naman ni Xandro sa kanya.

Agad kong binigay yung mga kape nila pagkatapos kong itimpla. Si Dery naman parang gutom na gutom.

β€œMasarap ba talaga?” Tanong ni Chance sa kanya.

Agad naman siyang tumango at sinubuan si Chance. Hindi naman nag-inarte si Chance at agad din tinanggap yung sinusubo ni Dery.

β€œWow, it’s good!” Sagot agad ni Chance.

β€œTold ya!” Sagot naman ni Dery sabay punas sa gilid ng bibig ni Chance. Magkatabi kasi sila. Sobrang close siguro nila.

Medyo nakakainis lang kasi crush ko si Chance. Pero good match naman sila ni Dery. Pero wala naman silang label? Magkakaibigan lang daw sila?

β€œHey!” Tawag sa akin ni Xandro kaya napatingin ako sa kanya.

Tinapat niya yung tinidor na may spagetti sa bibig ko. Nagtataka naman ako pero binuksan yung bibig ko at tinanggap. Ito yata yung dala naming take out kagabi tapos ininit niya.

β€œPara kang si Rapunzel, cutie ’no? Para kang isang prinsesa na naghihintay sa isang prinsepe para iligtas ka.” Turan ni Dery na kinatawa naming lahat.

β€œPrinsesang sinumpa?” Natatawang biro ko sa kanya.

β€œMasyado kang maganda para isumpa.” Sagot niya naman agad na kinangiti ko habang nakatitig kay Dery.

β€œHey! Pinapakain kita!” Nagulat naman ako nang sumabat si Xandro.

β€œBakit galit ka?” Natatawang tanong ko sa kanya bago agawin yung tinidor at spagetti sa kanya. Tumawa naman yung tatlo.

β€œMay regla.” Bulong ni Danny sabay tawa na kinatawa ko rin.

β€œStop it, Danny.” Sagot ni Xandro sa kanya.

Nagtawanan pa kaming apat pwera lang kay Xandro. Aga-aga highblood.

β€œBilhan niyo ng fries, prutas at milktea.” Natatawang turan ko bago mapahalakhak si Dery sa kakatawa.

β€œEwan ko ba dyan kay kuya Chase, pag sayo laging sinusumpong.” Turan ni Chance.

β€œHala bakit naman ako?” Natatawang tanong ko habang ngumunguya.

β€œKainin mo yan.” Sabat ulit ni Xandro at inilagay yung chicken sa plato ko at hindi na ulit nagsalita.

Bigla naman akong nagtaka sa kinikilos niya. Hindi ko alam kung may topak o sinusumpong ng kagaguhan. Hindi ko na lang pinansin kaso tumahimik na din naman siya.

Napatingin naman ako kay Danny nang makita siyang busy sa phone. Inikot ko yung tinidor sa spaghetti bago itutok sa bibig ni Danny. Napatingin naman siya sa akin pero nakita ko yung mga mata niya na agad napatingin kay Xandro kaya hindi ko maiwasang mapatingin kay Xandro.

Nakatitig siya sa amin dalawa ni Danny pero nang tignan ko siya ay nag-iwas ng tingin at saka naman tinanggap ni Danny ang sinusubo ko.

β€œHoy, may girlfriend ka na ba?” Hindi ko mapigilang tanong kay Danny.

Agad naman niyang binitawan yung phone niya at umiling.

β€œNako Danny boy, simula lang yang mga ngiti na yan!” Pang-aasar ni Chance sabay tawa nila ni Dery.

β€œKahapon ko pa nakikita na busy ka lagi sa phone mo. Hoy, hindi ka naman siguro magpapakatanga ulit ngayon ano?”

Ang last ex niya kasi, niloko lang siya. Kung hindi ko pa nalaman, hindi niya sasabihin sa akin at kukunsintihin yung ex niya. Binibigay niya na nga lahat ng luho tapos ganon pa. Ayon, inaway ko. Hindi na talaga bumalik pa.

β€œMagpakatanga ka kung kasing ganda ni Hans.” Turan ni Dery na kinatawa ko.

β€œSabagay. Hindi ba kuya Chase?” Dugtong naman ni Chance na pinagtaka ko habang nakatingin kay Xandro.

β€œH-ha? Oo naman.” Agad niyang sagot.

Tumawa naman si Dery at Chance pagkatapos nilang magkatinginan. Hindi ko sila masabayan sa trip nila. Grabe.

β€œHe’s a boy.” Bulong ni Danny na kinatingin namin lahat sa kanya.

β€œHa?” Bulong ko.

β€œHindi ako sa babae magpapaloko ngayon.” Turan niya ulit sabay subo ng pandesal.

Ilang segundo pa bago ma-process ng utak ko yung sinasabi ni Danny.

β€œHoy Danny, wala naman akong problema kahit aso pa ang jowain mo. Basta ang concern ko lang dito, hindi ka maloko.” Seryoso kong saad.

β€œTama. Tama. Wala naman kaso kung sa lalaki ka magkagusto. Hindi ba Chase?” Sabat naman ni Dery at tumingin na naman kay Xandro.

β€œSaksakin kita, gusto mo?” Bulong naman ni Xandro kay Dery.

β€œSo sino ba yan? Ipakilala mo sa akin.” Turan ko.

Kinuha niya muli yung phone na nakapatong sa mesa at hinarap sa akin. Pinagmasdan ko naman nang mabuti yung picture. Ang cute-cute niya.

β€œAng cute!” Hindi ko maiwasang saad.

β€œIpapakilala kita kapag nagkita na kami.” Nakangiti niyang turan na sinuklian ko rin ng ngiti.

Sana hindi na siya lokohin, Lord. Parang awa mo na. H’wag mo na ipaloko ang Danny boy ko.

β€œHans? Ano pa lang lilinisin namin?” Tanong naman ni Dery.

β€œYung mga rooms sa taas. Ang dami kasi eh. May tatlong guest room, isang library, isang family room, at yung living room. Ako na bahala sa master’s bedroom. Sa akin kwarto yon eh. Hehe.” Paliwanag ko na tinanguan nila sabay thumbs up.

β€œMay mga gamit ba?” Sunod na tanong ni Chance.

β€œYes, may mga vacuums ako. Tatlo. Nandoon sa maid’s quarter.” Turo ko sa isang room na connected dito sa kusina.

Yes, still good ang mga appliances ko. Alagang-alaga sila kasi I know na kapag nasira sila, melanyos ang gagamitin bago pa ako makabili ulit.

β€œSamahan ko na lang si Dawi sa master’s bedroom. It’s huge, baka mahirapan siya.” Turan naman ni Xandro.

β€œHow did you know? Doon ka ba natulog?” Tanong naman ni Dery.

β€œOo. Hindi ko makita yung mga susi ng guest room. Oo nga pala! Hahanapin ko muna.” Natatawa kong turan sa kanila.

β€œSama na kami!” Turan ni Dery sabay tayo.

Wala naman akong nagawa kundi isama sila hanggang sa itaas. Binuksan ko yung kwarto at pumasok kasunod ko si Dery.

β€œWow! Malaki nga! Para ka talagang prinsesa, Hans.” Turan niya pa.

β€œKuya palitan mo ng yang suot mo. Your dick is sticking out.” Natatawa pang turan ni Chance kay Xandro bago ako makarating sa drawers ko.

β€œShut up, Chance. Sisipain kita.” Balik naman ni Xandro sa kanya na kinatawa ko.

Mabilis kong binuksan yung drawer at laking gulat ko nang bumungad sa akin agad yung mga susi na hindi ko naman nakita kagabi. Ang weird. Kinuha ko na lang at lumapit ulit sa kanila at inabot.

β€œAyan na lahat ng susi ng kwarto. May label naman bawat keys.” Nakangiti kong turan bago mapatingin kay Xandro na kalalabas lang ng banyo.

Nagpalit na ng damit at panjama. Pero naka-sweat pants naman siya ngayon at black sando.

β€œMani-mani lang sa amin ’to.” Turan ni Chance habang nakangiti.

β€œSige na. Maglilinis na kami. Babush!” Agad naman turan ni Dery at sunod-sunod silang lumabas nila Danny.

Naiwan na lang kaming dalawa ni Xandro dito sa loob. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.

β€œMaglinis na rin tayo.” Natatawa niyang bulong na kinatawa ko rin bago tumango.

Β  Β  NAPAHIGA na lang ako sa kama pagkatapos kong palitan yung bed sheets, pillow cases, yung mga kurtina. Nakakapagod pala talaga. Si Xandro naman, nagva-vaccuum tapos nilinis niya rin yung banyo. Hindi naman madumi yung banyo ko kaya okay lang. Hahaha. Mas malinis pa yata ’yon kesa dito sa labas.

β€œItapon na natin ’to?” Turan ni Xandro na nagpatayo sa akin mula sa pagkakahiga at agad siyang tinignan.

Hawak niya yung isang kahon na puno ng mga skin care ko na walang laman. Ang dami pala. Hahaha. Grabe, hindi ko alam kung magkano ginastos ko sa lahat ng yan.

β€œSige. Itapon na natin. Wala na rin mga laman yan eh!” Natatawang sagot ko sa kanya na nginitian niya lang bago ilabas yung kahon sa labas ng kwarto.

β€œOkay na yung bathroom, next na ba natin yung walk-in-closet mo?” Tanong niya agad pagkapasok.

β€œOo. Hindi naman gaanong makalat doon. Hindi lang nakatupi yung ilang damit ko.” Natatawa kong saad bago maglakad papunta sa walk-in-closet at pumasok.

Kasing laki niya yung bathroom at hanging rack lahat ng nakapalibot tapos may isang cabinet. Puno lahat yan. Grabe nga, yung iba hindi ko na naisusuot. Tapos sa may gitna, may cabinet pa pero glass yung materials lalo na sa itaas kasi doon nakalagay yung mga jewelries ko. Sa ilalim naman, ilang mga bags ko at yung mga sapatos. Mas marami yung sapatos kesa sa bags.

β€œWoah… Para kang may pawnshop dito.” Bulong ni Xandro na kinatawa ko habang nakatitig sa mga jewelries ko.

β€œSmall portion nyan, kay mommy. Tapos yung iba, dinala niya. Kay daddy naman, yung mga relo niya, dinala niya rin.” Paliwanag ko at tinuro ko yung nakahiwalay na jewelries.

Hindi ko naman maiwasang malungkot dahil dinala nila yung pinakamahal na alahas nila tapos iniwan sa akin pareho yung wedding ring nila.

β€œBakit hindi mo ibenta yung sa kanya? Lagi ka na lang nalulungkot kapag nakikita mo. Hindi naman masama na putulin mo lahat ng pwedeng magpaalala sa kanila na magpapalungkot sayo. And, makakatulong ’to doon sa iniwan nilang problema.” Mahabang turan ni Xandro.

β€œBinili ba nila lahat ’to sayo?” Tanong miya sabay tingin sa akin na inilingan ko.

β€œI bought them by myself. Pero pera nila.” Natatawang sagot ko.

Never nila ako binilhan ng kung ano-ano. Madalas binibigyan nila ako ng pera at hinahayaan kung anong bilhin ko. Kaya rin siguro dumami yang mga jewelries na yan kasi ginagaya ko si mommy na halos everyday may bagong alahas.

I have more than 15 watch, more than 30 na gold necklace, may bracelets pa. May earrings din pero hindi ko sinusuot kasi wala naman akong butas sa tenga. Nagandahan lang ako sa design kaya pinagbibibili ko. Most of them are gold, kasi bagay siya sa balat ko. Tapos pearls din.

Medyo may point naman si Xandro. Paano ako makakapag-move on kung palagi ko silang naaalala? Sila nga hindi ako maalala tapos ang sasakit pa ng mga binibitawan nilang salita. Parang wala naman akong karapatan na mag-move on.

β€œMagkano ba lahat yan kapag nabenta?” Tanong ko kat Xandro.

β€œThousands, of course. Hindi lang ako sure kung ilan.” Natatawang sagot niya.

Sabagay, ginto naman lahat ng yan at yung kay mommy may mga diamonds-diamonds pa.

β€œMakakabili ba ako ng bagong kotse kapag binenta ko ’to tapos ibebenta ko rin yung kotse ko?” Tanong ko sa kanya.

β€œBy the looks of them…” Sabay turo niya sa mga gold necklaces ni mom. β€œI’m sure you can. Pero ’yon muna ba ang uunahin mo? O babayaran mo muna yung tuition mo?” Tanong niya sa akin.

β€œBabayaran ko muna yung tuition ko. Mukhang malaki-laki naman yung makukuha kong pera kapag binenta ko lahat ’to. Hindi kaya baka akalain nila na ninakaw ko ’to?” Natatawa kong tanong sa kanya na hindi niya rin napigilang ikatawa.

β€œSinong mag-aakala na magnanakaw ka? You look very very rich. Kutis mo pa lang, Dawi.” Natatawa niyang turan sabay ngiti.

β€œSige na. Ibenta na natin ’to. Ilan ba lahat ’to.” Saad koΒ  bago bilangin yung mga kwintas ni mom.

Yung pearl necklace iniwan ko, gagamitin ko yan. Ang ganda kaya n’yan. Ibenta ko na rin kaya? Ay! H’wag na! Pabago-bago naman ang isip ko!

Bali fifteen gold necklaces lahat. Hindi ko alam kung ilang carat nga lang pero mukhang makakarami akong pera dito.

β€œSa tingin mo Xandro, makakailang libo ako dito?” Tanong ko sa kanya sabay taas ng mga kwintas.

β€œSige hulaan natin. Hundred fifty.” Saad niya.

β€œThousand?” Gulat ko naman na bulong na tinanguan niya.

β€œSeryoso ka d’yan?” Dugtong ko sabay tawa.

β€œYes. Mahal na kaya ang ginto ngayon.” Sagot niya na tinanguan ko lang.

β€œPaano kung hindi kasya pambili ng bagong kotse yung pera ko kahit ibenta ko yung kotse ko?” Tanong ko.

β€œPauutangin kita. At it’s a good move na rin na palitan mo ang kotse mo. Ang luma na ng model. Goods pa naman yung kotse mo. May bibili pa rin d’yan kahit same price.” Paliwanag niya na kinatango ko.

β€œSana may bumili. Sabi ni dad, three hundred fifty thousand daw yon.”

β€œMabibili pa rin yon kahit three hundred. Wala man lang ngang gasgas o sira. It looks good as new. But, kailangan mo na talaga magpalit ng car. Yung nang updated ngayon. I’ll help you choose, okay?” Saad niya na nginitian ko sabay tango.

β€œPaano kapag wala akong pambayad sayo?” Biro ko sa kanya.

Nakaupo naman siya sa sahig habang binubuksan isa-isa yung takip ng cabinets sa ilalim kung nasaan yung mga shoes ko.

β€œThen, ibenta mo sa akin ’yang katawan mo.” Sagot niya nang hindi ako tinitignan na kinagulat ko.

Iba kasi yung dating sa akin. Parang seryoso siya pero tinawanan ko na lang.

β€œBaliw ka!” Tumatawa kong turan sa kanya.

Agad naman siyang napatingin sa akin na parang nagulat pero tumawa rin matapos ang ilang segundo.

β€œYeah right. I’m crazy.” Turan niya rin habang tumatawa bago bumalik sa ginagawa niya.

Ang weird niya ’no? Pero mukhang normal naman siya. Hindi naman siguro ako kakagatin dito tapos magiging zombie kami pareho. Hahaha.

Napailing na lang ako bago maglakad papunta sa isang pang cabinet kung saan nakalagay yung daily clothes ko. Halo-halo na. Ito yung pinakamagulo. Mula sa t-shirt, sando, shorts, pati underwear. Hahaha. Nakakatamad kasi ayusin.

β€œTinatago mo pala yung mga kalat d’yan eh!” Turan ni Xandro na kinatawa ko.

β€œHindi kalat yan! Damit ko pa rin yan!” Natatawa kong turan sa kanya.

β€œHindi ko makita sa itsura mo na may pagkamakalat ka rin pala.” Turan niya pa na kinatawa ko.

β€œHindi ako marunong magtupi eh.” Natatawa kong sagot. Kaya nga halos lahat ng damit ko, naka-hang. Hahaha.

Kapag sinusubukan ko naman, ang pangit-pangit. Kaya hindi ko na lang tinutupi. Kesa naman maging pangit ’di ba?

β€œAko na d’yan. Ikaw na maglinis dito sa mga sapatos mo.” Saad niya sa akin bago siya tumayo at lumapit.

β€œMarunong ka magtupi?” Tanong ko sa kanya.Β 

β€œMedyo.” Mahinang turan niya na kinatawa ko.

Napailing na lang ako bago ituloy yung ginagawa niya na pagpupunas sa mga sapatos ko. Hindi naman marumi. May mga kaunting alikabok lang kasi hindi naman sila lahat nasusuot. Meron din na hindi ko alam kung kasya ko pa. Talagang na-stock na silang lahat dito.

β€œAng dami mo pa lang underwears.” Turan ni Xandro na kinatingin ko sa kanya. Hindi ko naman alam kung matatawa ba ako o mahihiya habang hawak niya yung isang underwear ko.

Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglilinis. Kanya-kanya talaga kaming mundo. Wala muna pakialaman. Hahaha. Sinusuot ko rin isa-isa para nalalaman ko kung kasya ko pa. Kasya pa naman. Pero yung mga sapatos ko nung nandito pa sila mommy, maliit na talaga sa akin. Hindi ko na kasya.

β€œNagsusuot ka ng ganito kaikli? Lilitaw na yung singit mo dito eh!”  Sunod niyang sabi habang nakahawak doon sa shorts shorts na kulay pink.

β€œSa bahay ko lang naman yan sinusuot. At kaya ko binili kasi ang ganda ng kulay. Tatlo yan, actually. Hehe.” Sagot ko sa kanya.

β€œYeah, right. Sa bahay mo lang dapat suotin ’to.” Mahina niya pang turan bago ulit bumalik sa pagtutupi.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya kasi nagsasabi-sabi naman talaga yan. Hahaha.

β€œMagtupi ka na lang d’yan, Xandro. Ang dami mo pa sinasabi eh!” Natatawa kong turan sa kanya.

Narinig ko naman siyang natawa at hindi na muling nagsalita pa. Mas tahimik na siya ngayon. Hahaha.

Chapter 8

Chapter 8

Hans Dawi Redjimo

Β  Β  β€œWow.” Namamanghang turan ko habang nakatitig sa damitan ko na inayos ni Xandro.

Grabe, ang ganda tignan. Pare-pareho yung tupi, pati yung mga underwears at socks naka-organize. Wala akong masabi, grabe. Ang galing!

β€œAng galing mo naman pala magtupi. Sana nagkatulong ka na lang.” Biro ko sa kanya sabay tawa.

β€œI enjoyed it.” Turan niya sa akin na kinatango ko.

β€œAnong nakaka-enjoy dyan? β€œ Sagot ko.

Tapos na rin naman ako maglinis. Yung mga sapatos nalinis ko na. Yung mga bags, tapos yung iba ko pang damit na nakasabit, nilinis ko na rin habang nagtutupi si Xandro kanina. Pati pala yung mga perfumes na naka-display, napunasan ko na.

β€œI really like your scent. Anong gamit mong perfume?” Tanong sa akin ni Xandro.

Kinuha ko naman yung perfume na ginagamit ko na naka-display. Sa dami ng perfumes dito, ito lang talaga yung nagustuhan ko. Ito, for display lang tapos yung ginagamit ko, nasa bathroom pa.

β€œIto, Strawberry and Champagne.” Nakangiti kong turan sa kanya.

β€œOh! Kaya pala ang sweet ng amoy mo.” Nakangiti niyang turan sabay spray ng perfume sa pulsuhan niya.

β€œI smells like you na.” Natatawa niyang dugtong bago ibalik sa akin yung perfume.

Tinawanan ko na lang siya nang mahina bago ibalik yung perfume sa dati nitong lalagyan. Puro pang babae yung pabango ko. Ayoko ng para sa lalaki. Masyadong matapang.

β€œMaglilinis pa tayo sa ibaba ’di ba? Tara na?” Rinig kong aya sa akin ni Xandro matapos kong ibalik yung perfume.

β€œOo. Lilinisin pa natin yung living room.” Natatawang sagot ko.

β€œThat’s a piece of cake.” Bulong niya bago kunin yung vacuum at dalhin palabas.

β€œAng yabang mo naman po.” Natatawang sabi ko sa kanya.

β€œI’m just telling the truth.” Balik niya sa akin sabay tawa nang mahina.

β€œSige na. Pwede ka na mag-asawa. Ang sipag mo naman kasi.” Biro ko bago sumunod sa kanya palabas ng kwarto.

β€œSige mag-aasawa ako, kapag ready ka na.” Tumatawa niyang turan habang naglalakad kami pababa.

β€œBakit? As if naman aasawahin mo ako?” Natatawang tanong ko.

β€œMaybe?” Mahina niya naman turan sabay tawa.

β€œBaliw.” Sagot ko na lang sa kanya habang natatawa.

Mukhang nasa itaas pa sila Dery. Kami lang yung nandito eh. Hindi pa yata sila tapos maglinis sa itaas. Haha.

Agad akong napatingin sa portrait ng mga magulang ko nang tuluyan na kaming makababa. Gusto ko na talagang alisin yung mga mukha nila dyan. Lalo lang akong nasasaktan sa t’wing nakikita ko yang mga yan. Naaalala ko kung paano nila ako iniwan na parang kuting na akala nila ay may pupulot pa. Sumasakit lang yung puso ko kapag naaalala ko.

β€œNasaan yung hagdan mo? Alisin na natin yung mga yan.” Turan ni Xandro at binitawan yung vacuum sa tabi ng hagdan.

β€œNasa garahe. Kaya mo na ba kunin?” Tanong ko sa kanya.

Inangat naman niya yung braso niya at pinakita yung muscles niya na kinatawa ko.

β€œNapakayabang mo talaga.” Natatawang turan ko.

β€œSige na! Kunin mo na. Kunin ko lang yung phone ko sa itaas.” Agad kong turan at mabilis na umakyat paitaas.

Madalas kasi kapag naglilinis ako, lalo na kapag mag-isa, nagpapatugtog ako. Yung sobrang lakas tapos magsasasayaw na parang tanga. Wala naman nakakakita so bakit ako mahihiya? At, mas nakakagana kaya gumawa kapag may music. Mostly yung mga pinapatugtog ko, pop songs, mga old songs na love song. Doon lang umiikot yung playlist ko. Old songs are so good kaya.

Nang makapasok na ako sa kwarto, agad kong kinuha yung phone ko na nakapatong sa bed side table. Wala naman notifications. Tinignan ko ulit yung conversation namin ni mommy, umaasa ako na hindi totoo yung mga sinabi niya sa akin pero nandoon. Totoo talaga.

Napahinga na lang ako nang malalim at dinelete yung conversation pati yung kay daddy bago pumunta sa playlist ko. Halo-halo nga yung mga kanta. Hahaha.

Lumabas na ako agad at mabilis na bumaba pero wala pa si Xandro. Nakabukas naman yung main door at mukhang nasa labas pa kaya lumakad ako agad papunta sa speaker. Agad kong sinaksak at sinaksak yung jack sa phone ko. May vinyl player din dito tapos mga album nila Celine Dion, Air Supply, Whitney Houston hindi ko na matandaan yung iba but I bought them. Mahal sila pero, walang mahal sa akin noon. Hahaha. Music is life for me.

Plinay ko na agad yung gusto kong kanta. Gusto ko unang kanta, mapapasayaw ka para tumaas-taas naman yung energy mo at makapaglinis ka nang marami.

Nakita ko naman si Xandro na papasok dala yung de tuping hagdan. Agad niyang pwinesto doon sa tapat ng portrait. Nanatili naman akong nakatayo kung nasaan man ako at nakatitig sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at nabasa ko pa yung buka ng bibig niya.

β€œCome here.” Turan niya habang nakangiti sa akin.

Napahinga na lang ako nang malalim bago maglakad palapit sa kanya. Nakatitig siya sa mga portrait.

β€œHindi ba mas maganda na ikaw yung mag-alis sa kanila?” Turan niya sabay tingin sa akin habang nakangiti.

β€œYou can do it, right?” Dugtong niya pa.

Napapikit naman ako habang nakatingin sa kanya at paulit-ulit na huminga nang malalim. Napamulat ako agad nang maramdaman ko yung mahigpit niyang paghawak sa mga kamay ko.

β€œYou can do it.” Turan niya.

Ngumiti naman ako nang dahan-dahan habang nakatitig sa kanya bago ko bitawan yung isa niyang kamay at nanatiling magkasiklop yung isa bago ko iapak yung isang paa ko sa unang hakbang ng hagdan.

Lalo naman humigpit yung hawak niya sa kamay ko at nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa bitawan niya na ang kamay ko.

β€œHumawak ka ha.” Dinig ko pang turan niya at nakahawak sa hagdan.

Nagpatuloy naman ako sa pag-akyat hanggang sa nasa tapat ko na sila. Dahan-dahan kong inilapat ang palad ko sa mismong pisngi ni mommy sa portrait bagoΒ  ito alisin sa pagkakasabit.

I love you, mom. But I’m losing myself. This is my time to heal. Napakadaya niyo dahil matagal na kayong masaya. Paano naman ako ’di ba? Paano ako na iniwan niyo mag-isa? I’m alone now. Wala na akong ina simula noong iniwan mo ako. Agad kong binitawan yung portrait ni mom pababa at nang bumagsak, nasira yung frame.

Agad kong tinanggal yung kay dad at mabilis na binitawan. Nasira din yung frame katulad nung kay mom.

I love you, dad. Ang laki ng tiwala ko sayo na babalikan mo ako kahit papaano pero, umasa lang ako sa wala.

Siguro masaya na kayo sa bagong mga pamilya niyo. Hindi niyo man lang ako naisip. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Wala. Wala na akong magagawa kung hindi palayain ang sarili ko.

Napatitig ako sa sarili kong portrait na katapat ko. Ang laki-laki ng ngiti niya. Ito yung panahon na wala pa siyang alam sa nangyayari. Ito yung panahon na wala pa siyang alam sa mundo. Maraming salamat dahil kahit papaano, naranasan kong maging walang alam para hindi masaktan.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko sa pisngi bago magsimulang bumaba. Agad hinawakan ni Xandro yung kamay ko nang maabot niya na ako at lumapat agad yung kamay niya sa bewang ko habang pababa ako.

β€œDo you feel better?” Tanong niya agad nang makababa ako at nasa tapat niya.

β€œAm I supposed to?” Sagot ko naman.

β€œYes.” Sagot niya at pinunasan ang pisngi ko.

β€œI don’t know.” Sagot ko na lang pabalik sabay tawa sa kanya.

β€œAll right then. Let’s have this dance.”  Sunod niyang turan na kinagulat ko.

Doon lang pumasok sa tenga ko yung tugtog na slow love song. Mabilis niyang nilagay yung kamay ko sa balikat niya at inilagay niya naman yung sa kanya sa bewang ko.

β€œBakit lagi mo na lang akong inaaya sa pagsayaw? Dancer ka ba?” Biro ko sa kanya para maibsan ang sakit ng puso na nararamdaman ko ngayon.

β€œMalapit na dahil hindi ito yung huling beses na isasayaw kita.” Sagot naman niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti at mapatawa nang mahina bago ako mag-iwas ng tingin. Nakakatunaw yung mga tingin niya. Wala pa man kami ilang minutong sumasayaw nang mawalan ng musika kaya agad akong napatingin sa speakers. Walang light indicator mukhang walang kuryente. Napakamalas naman.

β€œIniwan ka na ng eroplano…”

Mabilis akong napatingin kay Xandro nang marinig ko siyang kumanta. Nakatitig rin siya sa mga mata ko at hindi pa rin ako binibitawan.

β€œOkay lang baby, h’wag kang magbago.” Dugtong niya kasabay nang hindi ko mapigilang pagluha at pagsimangot.

β€œDito ka lang, humimbing sa aking piling…”

Mabilis akong napayuko pero agad lumapat nang marahan ang palad ni Xandro sa pisngi ko at inangat ang mukha ko bago punasan ang mga pisngi ko.

β€œβ€¦ antukin.” Huling turan niya sabay ngiti.

β€œYou know what Dawi? Masyado ka nang nasasaktan para manatiling nakahawak. Hindi masamang bumitaw. Kapag hindi ka bumitaw, ikaw yung madudurog. Sabi nila, kung sino sumusuko siyang natatalo pero dahil sa pagkatalo, matututo ka ng bagong mga bagay na magpapatatag sayo.” Mahabang turan niya.

β€œGive yourself some time to heal. Hindi pwedeng lagi ka na lang nasa lugar kung saan ka nila mismo iniwan. Sila, nakapaglakad na paalis sa lugar na ’yon. Nakalipad pa nga! Ikaw ba? Kailan ka lalakad? Kailan ka tatakbo paalis?”

β€œKung kailan samahan, sabayan at alalayan kita sa bawat paghakbang na gagawin mo, gagawin ko. H’wag ka lang manatiling nakatayo sa lugar na nagpapahirap sayo.”

β€œHahawakan ko nang mahigpit ang mga kamay mo. Hindi tayo maliligaw. At kung maliligaw man, handa akong suyurin ang buong mundo matagpuan ka lang.”

Hindi ko mapigilan ang pagluha habang nagsasalita siya pero tuloy lang siya sa walang sawang pagpunas sa pingi ko.

β€œIt’s okay not to be okay. We just need time to heal.” Turan niya pa bago ako yakapin nang mahigpit.

Dahan-dahan na lang akong yumakap sa kanya pabalik habang nakasubsob yung ulo ko sa dibdib niya. Pinakalma ko ang sarili ko bago pumikit. Hinayaan naman ako ni Xandro sa ganong posisyon at hindi na siya nagsalita pa.

Ilang minuto rin kaming nagtagal sa gaanong posisyon bago ako nagkusang humiwalay sa kanya. Muli naman niyang hinawakan ang pisngi ko at hinaplos.

β€œI hope you feel better now.” Nakangiti niyang turan.

β€œT-thank you.” Mahina kong turan sa kanya.

β€œBasta ikaw.” Natatawa niyang sagot sa akin bago akp tuluyang bitawan.

β€œItatapon ko na. Maglinis ka na dyan para makabili tayo ng makakain.” Turan niya pa bago ako talikuran at kunin yung dalawang portrait. Pinagharap niya pa para hindi ko makita bago niya itupi yung hagdan at buhatin.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang makalabas siya ng pintuan kasabay ng muling pagtugtog ng musika. Hindi ko inaasahan na may ganon side rin si Xandro pero maraming salamat, pinagaan niya yung pakiramdam ko.

Β  Β  NAGPA-DELIVER na lang ng pagkain si Xandro para sa lunch namin. Pizza, chicken wings,spaghetti tapos mga soft drinks at ice cream. Ang dami nga eh. Dito kami sa living room kumain. Katatapos lang rin namin maglinis.

Ang daldal pala talaga ni Dery grabe. Sobrang lakas ng boses niya. Nakikipagsabayan si Chance sa daldal ni Dery. Kung hindi sila magbabangayan, magtatawanan sila. Parang ang lalakas ng tama nila. Buti nga si Danny boy nakikidaldal na rin sa kanila. Ako kumakain lang. Katabi ko si Xandro.

β€œHans, kumusta pala yung problema mo sa school? Ayos na ba?” Tanong sa akin ni Dery na agad kong inilingan bago ko lunukin yung nginunguya ko.

β€œHindi pa eh. Pero hahanap na ako ng part time job pagkatapos kong mag-exam for full scholarship.” Sagot ko sa kanya.

β€œBasta kapag kailangan mo ng tulong, handa akong magbigay ng ambag.” Turan niya na kinatawa ko bago ko siya sagutin ng simpleng salamat.

β€œSpeaking of part time job, baka gusto mo doon sa The Ace. Tumatanggap sila ng students for part time.” Turan ni Danny.

β€œThe Ace?” Tanong ko naman.

β€œOo. Yung Dessert House. Kakilala namin yung may-ari. Mabait yon, sobra.” Dugtong niya.

β€œBakit niyo kakilala?” Tanong ko sa kanya.

β€œVarsity siya nung college siya tapos nag-coach siya, kami yung tinuruan niya. Pero hindi siya yung may-ari. Yung asawa niya. Mas mabait kumpara sa kanya. At business partner ng tatay nila Chase.” Paliwanag niya sa akin na kinatango ko.

β€œSamahan mo na lang ako.” Natatawa kong turan. Tumango naman siya dahil wala naman siyang magagawa.

β€œCutie Hans, dala ka daw ng at least three pair of outfits para sa shoot mamaya.” Bilin sa akin ni Dery na tinanguan ko at nginitian.

β€œUy thank you talaga.” Turan ko sa kanilang lahat.

β€œAno ka ba, Hans? Sawa na kami kaka- thank you mo. At magkakaibigan tayo, kung sinong meron siyang magbibigay.” Saad ni Dery sabay ngiti.

β€œHe’s right kaya kumain ka na. May photoshoot ka pa.” Turan naman ni Xandro at nilapagan ako ng softdrink at tubig.

β€œLet me choose your outfits. Okay? Kailangan gwapo ka.”

Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya.

β€œWhat?” Tanong niya naman na kinailing ko.

Hays Xandro. Napaka boyfriend material mo.

Chapter 9

Hans Dawi Redjimo

Β  Β  β€œCome on! Maligo ka na! Pipili na ako ng susuotin mo. Bilis! Bilis!” Turan ni Xandro habang tinutulak ako papunta sa bathroom ko.

β€œOo na! Maliligo na! Siguraduhin mong maganda yung pipiliin mo ha!” Turan ko bago huminto sa tapat ng pintuan ng bathroom.

Hindi naman kasi ako sanay sa ibang style. Lalo na kung hindi ako ang nag-style. Baka maging uncomfortable lang ako sa shoot mamaya. Pagmumukhain pala akong lolo nitong lalaking ’to.

β€œAko na ang bahala. Pasok na! Bilis!” Nakangiti niya pang turan at napatawa na lang ako bigla nang marahan niyang tusukin ang tyan ko. May kiliti kasi ako doon.

β€œIto na!” Agad kong sabi at mabilis na pumasok sa bathroom. Nakatingin pa siya sa akin hanggang sa makapasok ako kaya tinawanan ko na lang siya at mabilis nang isinara ang pintuan.

May experience naman ako sa shoot-shoot na ganito. Noong bata-bata pa ako. Kapag birthday ko, madalas may photo shoot talagang nagaganap. Lalo na kapag nandyan yung lolo ko na hindi ko na alam kung nasaan ngayon. Wala na rin akong balita sa kanila. Madalang lang sila pumunta dito at maraming taon na noong huli silang pumunta kaya hindi na rin ako nag-eexpect na umuwi pa sila dito. Hindi ko rin naman sila ka-close kaya okay lang.

Sa ilang taon kong pamumuhay nang mag-isa, medyo nasasanay na ako pero at the same time, nandoon pa rin yung lungkot. Kahit na noong kasama ko pa ang mga magulang ko na kahit wala naman talagang pagmamahal sa pamilya namin, masaya ako kasi magkakasama kami. Pero ngayon, mag-isa na lang talaga ako. Kailangan kong tanggapin na wala nang babalik. Hindi na sila babalik. Siguro nga, ganito ang kapalaran ko. Hindi ako biniyayaan ng masayang pamilya. Pero kung ako ang papipiliin? Mas gugustuhin ko pang maging mahirap pero nasa masaya at mabuting pamilya kesa mabuhay mag-isa.

Wala eh, ganon talaga. Ito na talaga ang buhay na ibinigay sa akin. Wala akong magagawa kung hindi tanggapin na lang nang maluwag sa dibdib. Ilang taon ko rin dinala yung lungkot, siguro nga tama si Xandro. Kailangan ko nang bumitaw. Nakabitaw na silang dalawa ako, humahawak pa rin. Para bang tatlo kami ng mga magulang ko na nakahawak sa sanga at babagsak na sa bangin. Silang dalawa, bumitaw na at piniling iwan akong nakahawak dahil hindi ako handa sa babagsakan ko. Sila, walang pagdadalawang isip na bumitaw, ni hindi man lang naisip na hawakan ang mga kamay ko. Ganon nila ako kadaling iniwan. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko hawak ang puso at isip nila. Kung saan sila sasaya, masaya na rin ako.

Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang pagkatok ni Xandro sa pintuan ng bathroom. β€œI can’t hear the water, Dawi. Maligo ka na. H’wag na tumunganga.”

Napatawa na lang ako dahil sa kanya. Parang alam niya lahat ng kilos ko. Parang alam niya ang pasikot-sikot sa bituka ko.

Napailing na lang ako bago sumagot. β€œOpo tatay!” Natatawa at may kalakasan kong sagot sa kanya.

β€œTatay your face.” Rinig kong sagot niya na lalo kong kinatawa.

Naghubad na lang ako ng damit pagkatapos at inilagay sa laundry basket. Wala akong tinira bago pumasok sa shower room at simulang maglinis ng katawan. Halos wala na rin laman ang mga essentials ko dito. Hindi pwede ’to, kailangan ko ang mga ito. Mamamatay ako agad kapag walang shampoo, body soap, conditioner, at kung ano-ano pa. Kailangan ko na talagang humanap ng part time job. Need ko na bilhin ang mga luho ko.

Ginamit ko na lang kung anong meron pa. Bibili na lang ako kapag may pera na ako. Bakit kasi ang dami kong luho? Bakit kasi sinanay nila ako sa ganong buhay. Kasalanan talaga nila ’to. Hahaha. Pero may control na ako sa sarili ngayon. Kapag hindi masyadong kailangan, h’wag na unahin. Lalo na ngayon may dapat akong bayaran sa school ko.

Kalahating oras din yata akong naliligo bago lumabas ng bathroom nang nakasuot ng bathrobe. Wala na rin naman si Xandro nang makalabas ako kaya dumiretso na ako sa closet. May ilang sapatos lang ang nawala pero yung mga damit, hindi ko na alam kung ano pinagkukuha niya. May tiwala naman ako sa kanya na maganda yung mga pinili niya. Dahil kapag nagmukha talaga akong lolo, sasapakin ko siya.

Nagsuot lang ako ng puting underwear at khaki wide leg pants. Iniisip ko pa kung anong pwedeng top, pero dahil magbibihis lang din naman ako pagdating sa studio, simpleng white t-shirt na lang sinuot ko. Hindi gaanong maluwag hindi rin gaanong fitted. Sakto lang. Tinuck-in ko para naman magandang tignan. Tapos kinuha ko lang yung white sandals ko. Nagdala na rin ako ng sling bag na itim. Square yung shape. Nilagay ko sa loob yung wallet ko, susi ng bahay, lip moisturizer at alcohol. Hindi ko feel mag-alahas ngayon kaya umupo na lang ako sa tapat ng vanity table ko bago simulang simutin yung kung ano-anong nilalagay sa mukha ko. Buti nga may sun block pa ako. Hindi ko yata kaya lumabas ng bahay nang walang sun block. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko at hinayaang nakabagsak. Ang huling ginawa ko, nagpabango syempre.

Lumabas ako ng closet para lumipat sa kabilang room. Maghahanap sana ako ng dust bag para doon ko na lang ilagay yung mga alahas na sama-sama. Ibebenta ko na talaga. Alam ko may mga lalagyan yung mga alahas ni mom kaya sa kwarto niya ako pumunta.

Pumasok ako sa walk in closet niya na halos wala ng laman. Mga hanger na lang ang laman. Tinignan ko yung cabinet niya at pinaka ilalim na drawer, may iniwan pa siyang mga lalagyan ng necklace. Yung mga box ba. Kaya kinuha ko at ilang dust bag.

Isasara ko na sana ulit yung drawer nang makakuha ng pansin ko yung tatlong box. Iba kasi yung size niya sa lahat ng box dito. Para siyang kahon ng relo. Kinuha ko yung isa at nagulat ako kasi mabigat siya na parang may laman. Hindi ako nagdalawang isip na buksan at nakita kong may laman nga. Hindi ko pa nakita ’to sa mga relo ni daddy. It’s Versace. Kinuha ko pa yung isa at parehas silang Versace. Gold silang dalawa. Kinuha ko yung panghuling box at parang kuminang yung mata ko nang makita yung laman nung box na relo. Blue yung strap niya at Cartier yung brand. May nakapalibot na diamonds sa mismong relo at may isang malaking diamond sa tapat ng 4 o’clock. Ang ganda niya talaga.

Kinuha ko yung Cartier na paper bag at inilagay lahat doon yung tatlong relo. It’s not mine kaya ibebenta ko na lang. Nagagandahan pa naman ako doon sa Cartier pero mukhang kay mommy. Maaalala ko lang siya kapag suot ko yung relo na yan.

Sinara ko na pagkatapos yung drawer at lumabas na sa kwarto ni mommy. Bumalik ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko, sakto naman kalalabas lang ni Xandro sa bathroom. Nagulat pa ako nang bahagya sa kanya.

β€œWhere did you go?” Tanong niya sa akin agad.

Agad naman akong ngumiti sa kanya at itinaas yung dala kong mga lalagyan ng alahas.

β€œLook oh! Nakakita ako ng tatlong watch doon sa kwarto ni mom. Tignan mo.” Abot ko sa kanya sa paper bag at pumasok na sa walk in closet.

Agad kong binuksan yung lalagyan ng alahas at inilagay yung mga kwintas. Tigdadalawa na per lalagyan para hindi masyadong madami yung dadalhin. Ang lalaki ng mga bato sa kwintas niya at yung mga ginto, nagmumura talaga. Makarami naman sana ako. Kahit sapat lang na pambayad sa iniwan nilang problema sa akin.

β€œHundred thousand each yung Versace.” Biglang turan ni Xandro na nasa loob na rin pala. Ang mas kinagulat ko, yung presyo ng mga relo.

β€œS-seryoso?” Nauutal kong tanong sa kanya.

β€œYes. Meron ako nito.” Turan niya at ipinatong yung dalawang relo sa taas nitong lalagyan ko ng alahas.

OMG, hindi ko inakalang ganyan sila kamahal. May two hundred thousand agad ako.

β€œAnd this one, eight thousand dollars watch. Almost half a million pesos.” Turan niya na kinalaki ng mata ko.

β€œG-ganyan kamahal yan?” Tanong ko sa kanya habang hawak niya yung Cartier na relo.

β€œYeah. I think it’s for you. Nakaukit ang pangalan mo sa likod ng relo.” Paliwanag niya pa at inabot sa akin.

Agad ko naman tinignan kung nakaukit ngaβ€” nakaukit nga ang Hans Dawi sa likod ng relo. Gusto ko naman maiyak, sino bumili nito?

Napatingin na lang ako kay Xandro nang iniabot niya ang isang card. Bakit hindi ko ’to nakita kanina? Kinuha ko naman agad at binuksan.

β€˜For our dearest apo, Hans Dawi. Let this watch be a sign of our love for you. Happy 16th birthday! - Lola & Lolo’

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko kasabay nang mahinang pagtawa ko.

β€œI think yung Cartier talaga yung regalo nila para sayo. Look at the card, Cartier din. Itong dalawa, wala naman nakalagay kung kanino. Wala din naka engrave.” Paliwanag ni Xandro sa akin pero ako, agad kong pinunasan ang luha ko at nag-iwas ng tingin.

Bigla ko silang na-miss. Siguro wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa amin ngayon. Ano kaya reaksyon nila kapag nalaman nila? Aalagaan ba nila ako? Kukunin ba nila ako? Gusto ko silang makausap pero wala akong alam na contact details nila. Ilang taon na rin silang walang mga paramdam eh.

β€œLet me see?” Mahinahon na turan ni Xandro. Inabot ko naman yung relo pero akala ko yung relo yung hahawakan niya.

Marahan niyang inilapat yung palad niya sa pisngi ko at iniharap ako sa kanya.

β€œHindi ka na maganda. Iyak ka kasi nang iyak.” Turan niya na kinasimangot ko na lang pero hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko.

Narinig ko pa yung mahinang pagtawa niya bago niya ako yakapin nang mahigpit. Ewan ko ba, bumuhos bigla yung mga luha ko habang nakayakap sa kanya. Parang lahat ng dinadala kong sama ng loob, biglang lumabas gamit ang mga luha.

β€œTahan na. Hindi ka na maganda. May photoshoot ka pa.” Turan niya na kinatawa ko habang umiiyak.

Nakayakap lang siya sa akin habang umiiyak ako sa dibdib niya. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiiyak basta kusa na lang huminto yung mga mata ko sa kakalabas ng luha. Napagod na yata sila. Hahaha

β€œOkay ka na?” Tanong niya sa akin bago ako pakawalan ng mga bisig niya.

Simpleng tango na lang ang sinagot ko. Nakatitig naman siya sa akin at pinunasan niya ang mga pisngi ko.

β€œMagkakatigyawat ka kakaiyak tapos magkakasugat-sugat ’tong mukha mo.” Turan niya pa.

β€œXandro naman eh!” Sagot ko sa kanya kasabay nang pag-iwas ko ng tingin habang natatawa.

β€œBiro lang. Akin na nga yan.” Agad niyang sagot sa akin at kinuha yung relo.

Nakita kong inayos niya yung oras ng relo bago niya hawakan ang kaliwang kamay ko at isuot sa akin yung relo.

β€œSalamat.” Nakangiti kong turan sa kanya.

Nginitian niya lang ako at tumango. β€œTapusin na natin yan para makaalis na tayo.” Turan niya pa sa akin.

Tinuruan niya ako sa paglakad ng mga alahas ni mom sa lalagyan at yung iba, sa dust bag. Pati yung dalawang relo sinama na namin. Wala naman akong balak gamitin yung dalawang relo na ’yon. Mukha siyang pang matanda kaya hindi ko talaga gagamitin. Hahaha.

Mabilis naman kaming natapos at sabay kaming lumabas ng kwarto. Nauna ako bumaba sa kanya sa hagdan at nasa likod ko lang siya. Nakaupo sila Danny, Chance at Dery sa sala at naghaharutan. May isang maleta na hindi naman gaanong kalakihan at may bag pang nakapatong sa maleta. Agad kong namukhaan yung maleta. Sa akin yan eh!

β€œAno yon?” Tanong ko kay Xandro at nginuso yung maleta.

β€œYour things?” Sagot naman niya.

β€œMy things? Ang dami naman yata?” Nagtataka kong sagot sa kanya.

β€œIt’s better to be always ready. Kaya h’wag ka na magreklamo.” Turan niya at sinundot ang tyan ko na naging dahilan ng pagtawa ko at pag-iwas sa kanya.

β€œTara na nga!” Turan niya pa at inakbayan ako.

Naglakad kami papunta sa sala. β€œLet’s go guys?” Turan ni Xandro. Busy pa kasi yung tatlo sa kakalaro. Para talaga silang mga bata.

β€œUy, nandyan na pala kayo. Tara na, tara na!” Agad na sabi ni Dery at mabilis na tumayo. Tumatawa pa niyang hinampas ng unan si Chance bago tumakbo palabas. Ganon din yung ginawa ni Danny kaya hinabol sila ni Chance palabas ng bahay.

Napailing na lang si Xandro bago kunin yung bag at isabit sa balikat niya.

Ngayon ko lang napansin na parehas silang nakapolo ni Chance pero yung sa kanya, black at naka black pants din siya. Si Chance, white polo na same ng design kay Xandro pero naka black maong shorts naman.

β€œTara na. Mauna ka na.” Utos pa sa akin ni Xandro at hinatak yung maleta.

Tumango naman ako at nauna na naglakad sa kanya palabas ng bahay. Binuksan ko yung bag ko at tinignan kung nandito na ba yung susi ng bahay. Nang malakas na si Xandro, agad kong sinara yung pintuam at sumunod sa kanya.

β€œKay kuya ka ba sasakay Hans? Hindi kasi namin dinala yung family car para sana kasya tayo ’no?” Turan ni Chance na nakatayo silang tatlo sa tapat ng kotse ni Chance.

β€œOo kay kuya mo na lang.” Nakangiti kong sagot.

β€œOkay! Let’s go guys!”  Agad na turan ni Chance at mabilis na sumakay sa kotse nila.

Si Xandro naman, naglakad papunta sa garahe. Nakatanaw ako sa kanya habang inilalagay niya yung gamit sa likod ng kotse niya at tuluyan nang sumakay sa kotse. Inilabas niya yung kotse sa garahe at huminto sa tapat ko.

Naglakad na ako papunta sa tapat ng pintuan ng shotgun seat pero bumaba si Xandro at bago ko pa mabuksan yung pintuan, nauna na niyang buksan kaya sumakay na lang ako.

Inilagay ko yung mga alahas sa back seat pati yung dustbag bago umayos ng upo. Hindi muna ako nag-seatbelt dahil bababa rin ako mamaya para isara yung gate. Sila Chance, nakaalis na. Iniwan na kami.

β€œSeatbelt?” Agad na bungad sa akin ni Xandro ang makapasok siya sa loob ng kotse.

β€œMamaya na. Isasara ko pa yung gate kapag nakalabas na tayo.” Sagot ko sa kanya.

β€œHindi na. Magseatbelt ka na. Ako na yung magsasara.” Balik niyang sagot sa akin kaya tinanguan ko na lang siya at sinuot yung seatbelt.

Paglabas nga namin ng gate, lumabas na siya at isinara yung gate ko bago muling pumasok at magsuot ng seatbelt.

β€œAlright, let’s go.” Nakangiti niyang turan bago paandarin paalis ang kotse.

Nilabas ko lang yung phone ko habang nagmamaneho si Xandro. Hindi naman siya nagsasalita eh pero nakangiti naman. Nag scroll-scroll lang sa instagram account ko. Mga friends na mostly teachers, mga students sa university at kung sino-sino pa. Matagal ko na rin pinaghahawakan ang account na ’to dahil dito kami nag uusap ng mga magulang ko. Wala naman ako kahit anong post. Binabalak ko nang i-delete ang account na ’to for good.

β€œWhat do you want to do tomorrow? Birthday mo.” Turan ni Xandro kaya napatingin ako sa kanya. Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada.

β€œHindi ko alam. Ngayon na lang ulit ako magcecelebrate ng birthday.” Pagtatapat ko sa kanya.

β€œDo you want to go to Baguio? Camping tayo? Meron kaming bahay doon in the middle of the woods.” Turan niya habang nakangiti at sinulyapan ako bago muling bumalik ang tingin sa kalsada.

β€œSeryoso? Parang ang layo naman kasi ng Baguio dito.” Sagot ko naman sa kanya.

β€œTwo hours drive lang. May magandang fruit farm din doon. Remery’s Basket. I want to bring you there! I know you love fruits pero vegetables hindi. Kailangan pa kitang gawan ng malalang tactics para mapakain ng gulay.”  Mahabang turan niya habang natatawa.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang nakikinig sa kanya. Gaano niya ako kakilala? Parang nito lang kami nagkakilala nito ha?

β€œPaano mo nalaman na ayaw ko sa gulay?” Tanong ko sa kanya.

β€œIf it’s about you, I know it all.” Agad niyang sagot at tumingin sa akin ng ilang segundo bago bumalik ang tingin sa kalsada.

Minsan, hindi ko rin talaga siya maintindihan. Medyo creepy siya minsan pero ramdam ko na safe naman ako kapag kasama ko siya. Parang sobrang komportable ko kapag nasa tabi ko siya. Wala akong nararamdamang takot. Parang creepy lang na medyo weird siya minsan pero hindi naman nakakatakot.

β€œAno? Go ba tayo? Dery loves camping kaya madalas kami nagba-Baguio. You should try to. It’s a great experience.” Turan niya pa bilang pangungumbinse sa akin.

β€œSige, sige. Kayo naman yan eh!” Natatawa kong sagot.

β€œWe should celebrate your birthday! Linggo naman bukas. Pwede naman tayo umuwi ng hapon. Hindi kita papabayaan.” Turan niya sabay tingin sa akin at ngumiti.

Maraming-maraming salamat Xandro.

Β  Β  Nang makarating kami sa studio ng kuya ni Dery, agadΒ  nag park ng kotse si Xandro at lumabas. Ako naman ay nag-alis na ng seatbelt at lumabas na rin.

β€œBe careful.” Turan pa ni Xandro na halos nasa tapat na ng pintuan ko bago pa ako makababa.

Nang tuluyan na ako makababa, kinuha ni Xandro yung maleta sa kotse at nilabas. Yung bag, isinabit niya sa balikat niya bago tumingin sa akin.

β€œYou first?” Tanong niya pa.

Tumango naman ako at ngumiti. Hahawakan ko na sana yung handle ng maleta pero iniwan siya sa akin at sa halip, hinawakan niya yung pulsuhan ko.

β€œLet’s go.” Huling turan niya at hinatak na ako para maglakad. Akala ko ba ako ang mauuna? Ang labo talaga ni Xandro.

Sinabayan ko na lang siya sa paglakad at hindi pa rin niya inaalis ang hawak niya sa pulsuhan ko. Naka abang na sila Chance doon sa entrance ng building at nakatingin sa amin.

β€œYou two look like a married couple na aalis ng bansa para mag vacation.” Bungad sa amin ni Dery na kinatawa ko.

β€œAyaw ako pagdalhin ng kung ano eh! Ayaw din ako bitawan.” Natatawa kong sagot sa kanila.

β€œSi Chase yan eh! Tara na nga, pumasok na tayo! Init dito sa labas grabe. Nahuhulas ang kagandahan ko! Kaloka!” Medyo may kalandian pang turan ni Dery bago sabay silang pumasok ni Chance at Danny.

Mabuti naman at binitawan na ako ni Xandro pero kasabay ko pa rin siya sa paglakad. Nakasunod lang kami doon sa tatlo. Walang katao-tao sa building, sobrang tahimik. Pero ang laki ng building, hindi lang siya ordinary na studio.

Pumasok si Dery doon sa isang kwarto na two-door at nang makapasok na kami, doon ko nakita kung gaano kaluwag yung mismong shoot place. Madami rin tao dito na nagseset up ng kung ano-ano.

β€œHi kuya!” Sigaw ni Dery doon sa isang lalaking naka tayo habang nakatingin sa mga nagseset up kaya napatingin sa amin.

β€œOh! Hi there!” Balik agad nung lalaki at mabilis kaming nilapitan. Niyakap niya si Dery at hinalikan sa pisngi bago tumingin sa amin.

β€œNice to see you guys again here with a new gorgeous friend!” Masaya niyang turan habang nakatitig sa akin at inilahad ang kamay niya.

β€œI’m Dabian. The brother of this spoiled brat right here…” Turo niya kay Dery. β€œβ€¦ and the owner of this place. Nice meeting you.” Nakangiting pagpapakilala niya.

Mabilis ko naman siyang sinuklian ng ngiti at agad tinanggap ang kamay niya. β€œI’m Hans po. Maraming-maraming salamat po!” Agad kong turan sa kanya bago ko binatawan ang kamay.

β€œAhh no, ito dapat ang pinapasalamatan mo…” Hatak niya kay Dery at iniharap sa akin. Ngumiti lang si Dery sa akin. β€œβ€¦ at yang lalaking nasa likod mo.” Dugtong niya kaya napatingin ako sa likod ko.

Nakatayo si Xandro sa mismong likod ko at nang tumingin ako sa kanya, tinaasan niya lang ako ng mga kilay na para bang walang kaalam-alam sa nangyayari.

β€œEnough with the talk.” Turan ni Xandro pagkatapos. β€œI want a full book album of him.” Dugtong niya pa na kinagulat ko pa.

β€œSeryoso ka?” Tanong ko sa kanya.

β€œThat’s a lot work, Chase. You know that.” Sagot ni Dabian sa kanya.

β€œI’ll pay any amount basta magkaroon siya ng full book photo album for his birthday this year and five huge portrait of him. Sinend ko na ang size ng portrait kanina.” Turan pa ni Xandro.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinasabi niya. Ang alam ko lang, normal lang na magpapapicture. Mga fifteen minutes lang ang magagastos. Hindi pala ganon ang plano niya.

β€œCopy that. Kasama kayo sa album right?” Tanong pa ni Dabian.

β€œYes, of course. Duh!” Mabilis na sagot ni Dery na kinatawa ko. Sinamaan naman siya ng tingin ng kuya niya. Tinawanan lang siya nila Chance at Danny.

β€œOkay guys, you can’t wait to that couch habang solo pa si Hans. And that room is the dressing room.” Turo ni Dabian sa isang kwarto dito sa loob. Ngumiti naman ako at tumango.

Naglakad naman yung tatlo papunta sa couch at prenteng umupo.

β€œGuys, Baguio tayo later. For Dawi’s birthday.” Turan ni Xandro sa kanila.

Parang bigla naman kiniliti si Dery sa sobrang tuwa. β€œReally?! OMG! I’m so excited!!!” Masaya niya pang turan na kinatawa ko nang mahina. Ang cute niya.

β€œTara na sa dressing room?” Turan sa akin ni Xandro. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Nauna siya naglakad papunta sa dressing room at nasa likod niya lang ako. Nakapasok na kami sa loob ng dressing room. Hindi naman kalakihan pero malinis naman. Madami rin make up doon sa vanity table.

Agad na lumapit si Xandro sa upuan at inilagay doon yung bag bago buksan yung maleta. Hinatak niya yung clothes rack palapit sa kanya bago isa-isang isabit yung mga damit mula sa loob ng maleta. May dinala pa siyang suit and tie. Balak niya ba talaga akong pagmukhain lolo?

β€œBakit may suit and tie? Hindi ko pa nasuot yan.” Turan ko sa kanya. Binili ko yan kasi parang ang ganda lang pero never ko pang sinuot. Hahaha.

β€œI just want to see you looking so professional. Lagi kang cute eh.” Sagot niya sa akin habang natatawa.

β€œBaliw.” Simpleng sagot ko na lang habang nakangiti.Β  Paano ba hindi kiligin? Hahaha

Nakita ko na lang na naglakad siya papunta doon sa may dressing corner at hinawi yung itim na curtain na nagsisilbing harang doon. Pumasok siya sa loob at parang may kung anong tinitignan. Maliit lang yung dressing corner tapos bawat dingding may nakadikit na salamin.

Naningkit naman yung mata ko nang idikit niya yung daliri niya sa bawat salamin bago lumabas ng dressing corner. Hindi ko maintindihan kung anong ginawa niya. May sarili talaga siyang mundo.

Lumapit siya ulit sa mga damit ko at kinuha yung light pink na long sleeves at maong pants na wide leg bago lumapit sa akin at iniabot.

β€œMagbihis ka na. This is your first outfit.” Nakangiti niyang turan at kinuha sa akin yung bag ko.

β€œThank you.” Turan ko sa kanya at ngumiti. Tumango lang siya kaya naglakad na ako papunta sa dressing corner at pumasok. Isinara ko yung curtains at nagsimula nang maghubad.

Nakalimutan kong hubarin yung sapatos ko kaya nahirapan ako sa pagtanggal ng pantalon na suot ko kaya hinubad ko muna yung sapatos ko bago hubarin yung pantalon at isuot yung binigay ni Xandro.

May ganito pala akong pantalon? Medyo fitted siya sa hita, ang laki kasi ng hita ko. Hahaha. Hindi naman na kailangan ng belt kasi sakto naman siya sa waist ko. Sunod kong sinuot yung long sleeves at pagkatapos, binuksan ko yung curtain. Agad akong tumingin kay Xandro na busy sa pagkalkal nung bag na dinala niya.

β€œXandro?” Tawag ko sa kanya na naging dahilan ng pagtingin niya sa akin.

β€œTuck it in. Gosh you.” Natatawa niyang turan at naglakad palapit sa akin.

Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya kaya muli akong humarap sa salamin at tinanggal yung pagkakabutones ng pantalon at mabilis na hinubad hanggang sa tuhod ko.

Inayos ko na yung long sleeves at itataas na ulit sana yung pantalon nang mapansin ko si Xandro na nakatitig sa akin na parang gulat na gulat. Ilang beses pa siyang napalunok bago mag-iwas ng tingin.

β€œUy? Ayos ka lang? Hindi ka ba sanay na may nakahubad sa harap mo?” Tanong ko sa kanya at tinaas na yung pantalon ko.

Namumula naman siyang humarap sa akin at pinagpapawisan yung noo. β€œBecause it’s you. Hindi ako sanay kapag ikaw.” Natatawa niyang turan bago tuluyang lumapit sa akin at pulutin yung hinubad kong damit at pantalon kanina at isabit sa balikat niya.

β€œFace me, let me see?” Mahina niya pang turan at iniharap ako sa kanya. Siya na yung nagbutones ng pantalon ko at inayos yung pagkakasuot ng long sleeves. Pati yung butones sa pulsuhan siya na rin ng ayos.

β€œI got really really shy because you are so sexy. I’m so lucky to see how sexy you are.” Mahinang turan niya pa habang inaayusan ako.

Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksyon ko bukod sa matawa. Napaka seryoso niya kasi. I don’t really mind if Xandro see me naked. Ewan ko ba, parang pinagkakatiwala ko na yung buhay ko sa kanya sa lagay na ’to.

β€œDo you want to see me naked?” Tanong na bigla na lang din lumabas sa bibig ko.

Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa mukha ko dahil sa gulat at makalipas ang ilang segundo, bigla siyang tumawa nang mahina.

β€œDon’t provoke me like that, Dawi.” Natatawa niyang turan sabay iling.

β€œDone. Umupo ka na doon.” Nakangiti niyang turan at naglakad na paalis.

Sumunod na lang ako sa kanya at umupo sa tapat ng vanity table. Tinignan ko yung mga make ups habang siya sinabit yung mga hinubad kong damit at binalikan yung sapatos ko doon dressing corner. He is so organized! Grabe naman nakaka inlove.

Lumabas siya pagkatapos niyang ayusin yung gamit ko at pagbalik niya mga ilang segundo lang, kasama niya na si Dery.

β€œWow, you look so gorgeous babe!” Agad na bungad sa akin ni Dery na kinatawa ko.

β€œI got summon here dahil pinapaayos niya yung buhok mo.” Natatawa niyang turan sa akin.

Lumapit naman si Xandro sa amin at inabutan ako ng tissue. Agad ko naman hinawakan yung kamay niya at hinatak siya palapit sa akin bago ko punasan yung noo niya.

β€œAy wow! Akaka ko ba aayusin ko yung buhok niya? Hindi ko alam na magiging third wheel ako dito!” Biglang turan ni Dery na kinatawa ko kaya hinayaan ko na si Xandro ang magpunas ng pawis niya. Tinignan niya pa nang masama si Dery pagkatapos.

β€œTabi na nga dyan! Aayusin ko na buhok niya!” Turan pa ni Dery at tinulak si Xandro paalis sa tabi ko.

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa at nagsimula na si Dery ayusin yung buhok ko. Kumpleto naman yung mga gamit dito. Ewan ko kung anong ayos ginawa niya pero naka-side lang yung kalahati ng buhok ko at naka expose nang bahagya yung noo.

β€œHala OMG ang pogi-pogi mooooo!” Tuwang-tuwa pa na turan ni Dery.

Kinuha niya yung powder at nilagyan ako sa mukha para raw hindi mukhang oily yung mukha ko. Ayun lang naman nilagay niya wala ng iba. Hindi na raw kailangan maglagay pa ng kung ano-ano.

Nagpasalamat ako kay Dery bago tumayo. Nakaupo naman si Xandro at nakatitig sa akin habang magka krus yung dalawang kamay niya sa dibdib.

β€œAng gwapo mo.” Turan niya sa akin bago siya tumayo.

β€œMaliit na bagay!” Natatawa kong sagot sa kanya na kinailing niya lang.

Inabot niya sa akin yung sapatos ko na white. Sinuot ko naman agad at pagkatapos kong suotin, napatingin na lang ako kay Xandro nang magpatong siya ng kulay pink na jacket sa balikat ko at pumwesto sa harap ko. Binuhol niya yung sleeves ng jacket at inayos nang bahagya yung buhok ko.

β€œI’m so proud of my masterpiece.” Nakangiti niya pang turan habang nakatitig sa akin.

β€œMasterpiece ka dyan.” Natatawa kong sagot. β€œTara na nga!” Turan ko na lang ulit at lumabas na kasunod si Dery.

Chapter 10

Hans Dawi Redjimo

Β  Β  Nakaayos na yung set nang makalabas kami. May inilagay lang ilang mga gamit para raw bumagay sa outfit ko.

β€œRelax, okay? Play with the camera lang. Relax lang.” Turan ng kuya ni Dery habang hawak yung camera. Tumango naman ako.

Nakatayo silang lahat doon sa likod ng kuya ni Dery at nakatingin sa akin. Napatingin ako kay Xandro at bigla siyang ngumiti habang nakaturo ang daliri sa labi niya. Natawa naman ako bago ngumiti.

β€œOkay, 1, 2, 3… Nice!” Nakangiting turan ng kuya ni Dery pagkatapos akong kuhanan ng picture. Medyo masakit sa mata ha.

β€œYou know what? Pwede kang maging endorser ng skin care products.” Turan pa ng kuya niya na kinahiya ko.

β€œRight kuya! Ang ganda-ganda ng balat ni Hans ’no?” Sagot naman ni Dery.

β€œMedyo malaki ang kita sa ganon ha. You should try! I’ll post some of your photos on our page.” Nakangiti pang turan ni Dabian na nginitian ko lang bilang pagsang ayon.

β€œNo.” Bigla naman sabat ni Xandro na naging dahilan ng pagtingin namin sa kanya.

β€œBro? It’s a great exposure for him! Madaming kukuha sa kanya for sure!” Turan ni Chance.

β€œLet him decide. Pag-isipan niya muna.” Sagot ni Xandro nang hindi sila tinitigan at nakatitig lang sa akin.

β€œPlay some music. He’s so stiff. Kailangan niya ng music.” Dugtong niya pa at seryoso ang mukha.

Natahimik naman ako sa biglang pagbabago ng mood niya. Talagang hindi mo siya mabasa. Kanina lang okay lang siya, ngayon parang galit na hindi mo naman masabi.

β€œYou!” May kalakasang turan niya na nagpagulat sa akin. β€œβ€¦ Behave.” Dugtong niya habang nakatitig sa akin bago tumalikod at maglakad palabas ng studio.

Napakamot naman ako sa noo. Kung makapagsabi naman siya ng β€˜behave’ parang ang kulit-kulit ko. At saan naman pupunta yung lalaking ’yon? Bigla-bigla na lang umaalis.

Natatawa na lang tuloy sila Chance at Dery habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman si Danny sa akin at sumenyas na susundan si Xandro kaya tumango na lang ako.

β€œOkay, let’s start na Hans. Relax lang ha?” Turan pa ni Dabian na tinanguan ko sabay ngiti.

Nag-thumbs up naman si Chance sa akin habang naka akbay kay Dery. Binulungan pa ako ni Dery sa hangin ng, β€˜smile’ sabay ngiti niya.

Napahinga na lang ako nang malalim bago tumingin sa pintuan kung saan lumabas si Xandro. Napaka unpredictable mo naman Xandro. Iniiwan mo akong maraming katanungan naglalaro sa aking isip. Bakit ganyan ka? Nakakainis!

Β  Β  KATATAPOS lang nung unang shoot para sa unang outfit ko. Halos twenty minutes din kaming nagshoshoot. Nakakapagod pero okay lang. Ngayon, katabi ko si Dery habang paypay nang paypay. Sobrang init dito sa studio. Sira raw yung ibang air conditioner kaya mainit.

Kanina pa siya nagpapaypay sa akin kahit may maliit naman na chargeable fan. Ramdam ko na rin yung pawis sa likod ko.

β€œTissue?” Abot sa akin ni Chance nang makalapit siya sa akin at binigyan ako ng bottled water.

β€œPasok ka na kaya sa dressing room? Naiinitan ka dito. Doon muna hintayin si Chase.” Turan naman ni Dery.

Tumango naman ako at maglalakad na sana papunta sa dressing room pero sakto naman pumasok sila Danny at Xandro. Ang daming dala ni Danny na plastic bag si Xandro dadalawa lang. At ang nakakagulat pa, nakasalamin si Xandro. Ngayon ko lang siya nakitang may suot na salamin.

β€œMalabo ba yung mata niya?” Tanong ko kay Chance.

β€œYeah. Malabo yang mga mata ni kuya Chase pero pagdating sayo malinaw.” Natatawang sagot ni Chance na tinawanan din ni Dery.

β€œIlang araw na nga nag cocontacts yan. Gusto gwapo siya sa paningin mo.” Dugtong pa ni Chance.

β€œHe likes me right?” Nakangiting tanong ko habang nakatitig sa naglalakad na Xandro palapit sa akin.

β€œIsn’t it obvious?” Sagot ni Dery sabay tawa.

β€œYour smile is creepy. I don’t like it. Anong iniisip mo?” Bungad sa akin ni Xandro nang makalapit siya.

Natatawa naman akong umiling at ngumiti lang habang nakatingin sa kanya.

β€œAng gwapo mo.” Mahina kong turan.

Sumeryoso naman yung mukha niya bago mag-iwas ng tingin at ayusin yung salamin niya.

β€œNako, sinabihan lang ng gwapo, kinikilig na.” Sabat ni Dery sabay tawa nila ni Chance.

β€œS-shut up!” Sagot naman ni Xandro. Teka, namumula ba siya?

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Ayaw niya tumingin. Hahaha.

Hinawakan niya yung kamay ko at nilagay sa bewang ko pero mabilis siyang napatingin sa akin at kinapa yung likod ko.

β€œBasang-basa yung likod mo. Bakit hindi ka pa nagpalit?” Turan ni Xandro at hinatak na ako papunta sa dressing room.

Nauna siya pumasok at mabilis na isinara yung pintuan. β€œFor you.” Turan niya pagkatapos isara yung pintuan at inabot sa akin yung isang plastic at kinuha sa akin yung tissue at bottled water.

β€œSalamat.” Nakangiti kong sagot sa kanya at tinignan yung anong laman nung plastic.

Watermelons OMG. Pakwan na naka slice na at melons. Fresh from Remery’s Basket.

β€œRemery’s Basket? Sabi mo ’di ba nasa Baguio ’yon?” Tanong ko sa kanya na busy sa pagkalkal ng bag na dinala niya.

β€œYes. Pero may sinusupplyan sila na fresh fruit seller dyan sa tabi-tabi.” Sagot naman niya na tinanguan ko na lang bago ilabas yung watermelon. Square yung cuts tapos may maliit na fork sa loob.

β€œDito mo na kainin yan. Umupo ka dito.” Utos niya sa akin.

Umupo naman ako doon sa tinuro niyang mahabang bench kung nasaan yung mga gamit namin at inilapag sa harap ko yung watermelon. Inalis niya naman yung pinatong niyang jacket sa akin bago pumwesto sa tabi ko dala yung isang maliit na towel mula sa bag.

Hindi na ako nagulat nang itaas niya yung damit ko at simulang punasan yung likod ko habang kumakain ako.

β€œNagalit ka ba kanina?” Tanong ko sa kanya habang kumakain.

β€œNot really. May pagkamadamot lang talaga ako pag ikaw na yung pinag-uusapan.” Sagot niya na kinangiti ko. β€œBut, wala akong planong pigilan ka sa bawat desisyon na gagawin mo. Handa naman akong samahan ka. Like this! Kung magiging endorser ka or model, I’ll be your manager and assistant. I can do this simple things for you.” Mahabang turan niya pa.

β€œBut this is tiring.” Sagot ko sa kanya.

β€œWala kang alam kung gaano ko katagal hinintay ang pagkakataon na ’to nang hindi napapagod. Ngayon pa ba ako mapapagod?” Turan niya na naging dahilan ng pagtingin ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa pagpunas ng katawan ko at tumingin din sa akin.

β€œDon’t look at me like that!” Turan niya matapos ang ilang segundo kong pagtitig at tinakpan ang mukha ko ng towel bago punasan ang bibig ko.

Maybe, he really likes me. But I don’t even know kung bakit. Baka naman gusto niya lang ako out of pity. Naaawa lang siya sa akin kaya gusto niya ako. Naaawa lang siya sa akin kaya mabait siya. Naaawa lang siya sa akin kaya inaalagaan niya ako. Wala akong makitang dahilan kung bakit ako magugustuhan ni Xandro.

Β  Β  NAKAPAGBIHIS na ako sa kasunod na outfit, naka suit and tie ako. Ilang minuto rin kaming kumain. May dalang pizza rin pala si Xandro at snacks. Mabuti naman pinakain niya ako ng pizza. Akala ko hindi niya ako pakakainin ng pizza. Nung naubos ko yung watermelon at melon doon niya lang ako kinuha ng pizza at cola. Busog na busog tuloy ako.

β€œIsn’t it look weird?” Tanong ko sa kanya habang inaayos niya yung pagkakabutones ng long sleeves.

β€œNo. Ang gwapo mo.” Nakangiti niyang sagot at kinuha yung neck tie. Sinuot niya sa akin yung neck tie at inayos.

β€œYou look so professional.” Natatawa niya pang turan.

Sinimangutan ko lang siya bago umupo sa tapat ng vanity table at alisin yung sapatos ko. Inabot niya sa akin yung black shoes ko na agad ko naman sinuot bago umayos ng upo.

Tinitigan niya pa ako sa salamin bago kunin yung hair spray at suklay. Mukhang siya na ang mag-aayos ng buhok ko. Sinuklayan niya lang ng ilang beses. Binalik niya kung paano inayos ni Dery kanina yung buhok ko bago itapat yung palad niya sa mata ko.

β€œClose your eyes.” Utos niya na sinunod ko naman bago siya tuluyang mag-spray.

Nang matapos siya, inalis niya rin yung kamay niya at nakita ko siyang nalilito sa kung anong kukunin niyang make up na kinatawa ko na lang.

β€œIto.” Natatawa kong turan at inabot sa kanya yung powder.

β€œHehe. Thanks.” Sagot niya naman habang nakangiti.

β€œGanito ba ’to?” Tanong niya pa at sinubukan muna sa balat niya sa kamay yung powder.

β€œOo ganyan yan!” Natatawa kong sagot.

Tinapatan niya ang mukha ko at dahan-dahan akong nilagyan ng powder. Napatitig naman ako sa mukha niya habang ginagawa niya ’yon.

β€œYou like me?” Walang pag-aalinlangan tanong ko sa kanya na kinatigil niya nang ilang segundo at napatitig sa mga mata ko. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.

β€œYou have a bad taste. How can you like me?” Natatawa kong bulong.

β€œBecause I like you.” Sagot niya.

β€œI can really handle myself. Kung gusto mo ako dahil naaawa ka na mag-isa na kang ako, at hindi ko kaya ang sarili ko, nagkakamali ka.” Turan ko sa kanya.

Nagdikit naman ang dalawang kilay niya. Hindi ko alam kung sa inis o pagtataka. Inalis niya yung eye glass niya at ipinatong sa table.

β€œI like you. I want you. Hindi dahil naaawa ako sayo. I want to spend the rest of my life with you. Create happy moments together. Be by your side forever. Why are you saying that?!” Mahaba niyang turan at halata ang inis sa boses.

β€œI’m not worth it.” Turan ko sa kanya.

β€œYou are. For me, you are more than worth it. Don’t question my love for you dahil hindi mo alam kung hanggang saan ang kaya kong gawin para lang sayo.” Mahaba niyang turan.

β€œJust let me love you, Dawi. ’Yun lang ang hinihiling ko.” Pakiusap niya pa.

Ngumiti naman ako at tumayo. Kinuha yung eyeglass niya sa table at isinuot sa kanya. β€œThank you, Xandro. Thank you for loving me.” 

Β  Β  HAPON na nang matapos ang shoot. Sobrang pagod na ako at gusto ko na lang matulog.

β€œThank you po…” Pagpapasalamat ko kay Dabian yung kuya ni Dery.

β€œNo problem. Kunin mo na lang dito yung photo album after three days, Chase.” Bilin niya pa kay Xandro.

β€œThanks.” Turan ni Xandro at tinapik ang balikat ni Dabian.

β€œYou did well, Hans! Ang pogi at ang cute-cute mo!” Nakangiting turan naman ni Chance sa akin.

β€œPwede na maging model.” Turan naman ni Danny at pinisil ang pisngi ko.

β€œTrue! Ang pogi-pogi mo Hans! Ayaw mo tayo na lang?” Sabi ni Dery at kumapit sa kamay ko na kinatawa ko.

β€œYou are annoying, Dery.” Mahinang turan ni Xandro na kinatawa ko.

β€œIto naman! Ang sungit! Kukunin ko si Hans sayo! Tara na nga!” Aya niya sa amin at sumakay na sila sa mga kotse nila.

Naglakad na kami ni Xandro sa kotse. Agad akong pumasok sa loob at siya naman, inalalayan pa ako papasok bago ilagay yung gamit namin sa likod at pumasok na siya sa driver seat.

β€œH’wag na kaya tayo tumuloy sa Baguio? You are exhausted.” Turan niya sa akin.

Umiling naman ako agad. β€œItuloy na natin! Gusto ko magcelebrate!” Agad kong bwelta sa kanya.

β€œFine.” Walang magawa niyang sagot at sinuotan ako ng seatbelt bago paandarin ang kotse paalis.

Β  Β  PAGOD NA PAGOD ako nang makarating kami sa bahay. Diretso kaming dalawa sa kwarto at agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama.

β€œNo. Hindi na tayo tutuloy. Look at you.” Turan ni Xandro.

β€œNo. Gusto ko tumuloy. Idlip lang ako ng fifteen minutes.” Turan ko at ipinikit na ang mga mata ko.

Β  Β  NAGISING na lang ako sa paghaplos ng likod ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nakita ang sarili kong nakayakap kay Xandro, nakaunan ang ulo ko sa hita niya at siya naman ay nakaupo, nakasandal sa headboard ng kama habang nagbabasa ng libro.

β€œAnong oras na?” Tanong ko sa kanya.

β€œSix in the evening.”  Sagot niya habang nakangiti at pinunasan ang pisngi ko ng palad niya.

β€œHindi pa ba tayo aalis? Bakit hindi ko ako ginising?” Tanong ko sa kanya.

β€œI don’t want to.” Sagot niya pa.

β€œXandro naman eh! Tara na nga!” Agad kong turan at bumaba sa kama. Mabilis kong sinuot ang sapatos ko.

Napatingin naman ako sa kanya nang patungan niya ako ng jacket sa balikat bago buhatin yung maleta.

β€œInayos ko na gamit mo kanina. Tara na.” Turan niya pa na agad kong tinanguan.

Una siyang lumabas sa akin, pinatay ko yung lights ng room bago ko isara yung pintuan. Wala na rin tao sa ibaba at naghihintay yung family van nila sa tapat ng bahay. Sinigurado kong nakapatay yung lights sa loob at nakalock yung main door bago sumakay sa van.

β€œOkay ka na Hans, bebe boy?” Tanong ni Dery sa akin na nakaupo sa tabi ni Chance sa driver seat. Tumango naman ako at ngumiti bago maglakad papasok sa loob. Sa pinakadulo.

Nadaanan ko pa si Danny na tulog kaya hindi ko na inistorbo. Pumasok naman si Xandro pagkatapos ilagay sa likod yung gamit namin.

β€œHintayin mo ako dyan ha.” Turan niya na tinanguan ko.

Umaandar na yung van at pagdating sa gate, bumaba ulit si Xandro para buksan at isara nang makalabas kami bago siya ulit sumakay at isara na yung pintuan ng van. Naglakad siya papunta sa pwesto ko at umupo sa tabi ko.

β€œTulog ka na lang ulit. Pagdating natin doon, iinom tayo. Bawal ka matulog.” Natatawa niyang turan sa akin at niyakap ako.

Pumikit na lang ako at hinayaang lamunin ako ng antok habang yakap-yakap ni Xandro.

Third Person POV

Β  Β  β€œNakita niyo na ba ang apo ko?” Tanong ng matanda sa mga private investigator.

β€œNo, sir. Not yet. He’s nowhere to be found. Even your daughter, hindi na po namin sila matunton.” Paliwanag ng private investigator sa matanda.

β€œMy g-grandson…” Umiiyak na turan ng matandang babae ma katabi ng matandang lalaki.

β€œDo your best to find my grandson. He needs us. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Lalo na ngayon, siya na lang ang nag-iisang tagapagmana. That evil man will surely kill my grandson.”


Return to top?

Part of a series

My Serendipity

Part 1 of 1
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
β€”
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.