loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Accidentally Summoned to Another World (On-Going)

Accidentally Summoned to Another World (On-Going)

MoiSeekLover · 3 chapters · 4,176 words

I

《CHAPTER 1》

Ish Montelban
, ‘yan ang ngalan ko, isa akong performer, artist… Drag Queen, mula sa House of K . Opo, ang Drag name ko po ay Booty. As in BOOTY K , 2 years na ako sa  pagda-Drag.

“Booty, na laman ko na sasali ka sa Drag Race Philippines Season 10, may gusto ka bang ipatahi natin para sa entrace look mo? Sa teaser look din if gusto mo magpatahi, avail natin ‘yan ‘nak”
sabi sa akin ng drag mom ko na si Kishana with the K, drag mom niya si Khianna with the K, na drag Grand-mom ko.

“Thanks mamsh”
sincer, kong sabi dito habang, nag aasikaso sa lulutuin para sa lunch kasi ako ang naka assign sa house of K na magluluto ng lunch.

   
   
Inumpisahan ko na sa pagluluto, nilagay ko na ang kawali, at pinainit ito at ng mainit na ay nilagyan ko ng kunting mantika, and pinainit ang mantika, at ginisa ko ang bawang at sibuyas and i set aside it dahil inilagay ko ang marinated bangus, boneless itong bangus at maliit kaya sure na walang tinik dahil pinatangal ko sa binilhan ko…nag hintay ako ng fifteen minutes at flinip ko ito upang lutuin ang kabilang side at nag hintay ng another fifteen minutes after that nilagay ko na yong ginisang bawang at sibuyas and nilagyan ko na ‘to ng tubig, oyster sauce, kunting tuyo at suka, para sa adobong bangus at nilagyan pineapple, kunting asin, at tinakpan ko ito.
   
Makalipas ang 45 minutes ay luto na ito, and nilagay ko na sa mangkok upang mailagay ko ang mangkok sa dinning table, dinning table?! Charot! Lamesa na lang kasi average lang talaga ang House of K.
   
Matapos kaming kumain, ay isa sa member ng House of K ang nag hugas ng mga pinagkainan namin. Ganito kami ka organized, kaya hindi toxic ang bahay at ang saya lang palagi walang bad vibes.
   
   
   
Nasa kwarto ako ngayon at inaayos ang mga drag costumes ko sa drawer kong may sampayan ang style, ganun! Nang biglang mag ring ang phone ko at tinignan ko kung sino ang tumawag.
   
   
Biglang sumama pakiramdam ko at the samw time parang magkaka anxiety attack ako…
   
   
“Buti naman at sinagot mo ang tawag ko, hoy… kapal ng mukha mo Ish… isang buwan ka na ‘di nagpapadala ng pera, mahiya ka naman sa mga pamangkin mo na umaasa sa ‘yo. Bakla ka na nga wala kang kwenta”
sabi sa akin ng kapatid ko. Kaya ayaw kong nakaka-usap ang kahit ni isa sa pamilya ko kasi ginawa nila akong investment or ATM, mga batugan… ‘di naghahanap ng trabaho… aanak-anak pero sa iba i-aasa.

   
“Ate, nagta-trabaho ako ‘di madaling kumita ng pera dito sa manila. 40k binigay ko sa’yo pang 3 months ‘yun ate, hindi ako investment or ATM na pwede mong hingan at i-deposite. Utang na loob, hindi ako nag ta-trabaho para lang sa needs mo… may needs din ako, may binabayaran akong bills sa kuryente at rent ng tinitirhan ko.”
burst kong sabi dahil hindi ko talaga alam kong ano ang pumasok sa utak ko bakit nag burst out ako, punong-puno na kasi ako. Napapagod din.

   

“Wala kang utang na loob, pinalaki ka ni mama at papa kahit ampon ka”
i sabi nito, oo… tama… ampon lang ako.

   

   
“That’s my point… sa kanila ako may utang na loob hindi sa’yo ate, at hindi sa pamilya mo. Ni minsan wala akong hiningi sa’yo para masabihan mong wala akong utang na loob”
sabi ko dito.

   
   
   
   
“T@ngina mo”
*galit na sabi nito at pinatayan niya ako ng tawag, binaba ko ang phone ko sa kama ko, at nag buntong hininga ako at sinabi sa isip ko na…

   
   
   
i won”

   
   
 
 

nagulat ako na parang may light circle around my feet, around my feet?! …Gulantang si bakla jusko, ngutin parang pinipigilan ako ng light circle na gumalaw na para bang kontrolado ang katawan ko, at in just a second… i am around with people with Pointed ears, werk! Feeling ko prostetics yan.

   
   
*tinignan ko ang paligid at nasa harapan ako ng parang mage, na naka costplay ata si kuya, pero infairness ang cute ng kanya face… add to crush list, keme!
   
  
   
“Kluvaskus, (welcome) sa Kingdom of Atartar”
sabi nito, shit! Cute face, plus husky voice,  pwede ng mag bend over mga dzai… keme!

   
   
“Prank ba ‘to ?”
sabi ko Out of nowhere, like duh, wala namang kingdom ang tartar? Sa ipin seguro, charot!

   

   
“Ano ang prank? Ginoo… ‘di ko mawari’y ang ‘yong salita. Ako si Lum, at ako ang nag summon sa’yo sa aming kaharian… isa akong Hero summoner… tama… ang aking trabaho ay mag summon ng taga ibang mundo, upang gawing isang Hero.”
luhhhh, totoo nga… nasa ibang mundo ako, naalala ko kanina ‘yong Light circle na nagpalibot sa akin… ito pala ‘yun.

   
“Bakit ako? Tsaka… paano ako magiging hero ‘e ‘di ko naman alam kakayahan ko”
worried kong sabi dahil ‘di ko alam kong ano ang kakayahan ko.

   

*may isang babae ang lumapit sa akin at nilapit niya ang Crystalized palm niya at may Parang Holographic keneme at binasa niya ang info ko.

   

    Name: Ish Montelban
    Race: Human (earthlings)
    Ability: Holographic Online Shopping (cheat)
    Skill: Martial arts (A Rank)
   
   

nagulantang silang lahat lalo na ako, jusko parang mapapa I eliminated my self ako nito, ala Miss Jade So.

   
“Lum, ika’y nagkamali ng na Summon”
*dismayadong sabi ng babae, napa hawak naman ako sa chest ko na para bang kasalanan ko? Na para bang ‘di naman masakit.

“I agree”
sabi ko na lang, kasi ‘di naman masakit, parang kinurot lang ako ng katotohanan na maganda lang talaga ako, chariz! Diba airtime na naman ako.

“Ngunit ‘di nagkakamali ang summon ability ko Elisa”
sabi nito sa babae na naka kunot ang noo.

nag buntong hininga si elisa at dumating ang ‘di kilalang figure, gwapo ‘din ‘to at may katandaan na. Seguro nasa 40 plus, isa siyang Elven din makisig, in shot hunk daddy type.

“Siya na ba” *
sabi nito sa dalawa at disappointed na tumango si Elisa*

binasa ng lalaki ang Status ko at ngumiti

“Ikaw ang kauna-unahang Eartlings na na summon sa mundong ‘to na ang ability ay Holographic Online Shopping, at sa makikita ko… pwede mo gamitin ang Ability mo na walang pera na kasama. Kakaiba ngunit kapaki-pakinabang”
sabi nito

“Paumanhin, earthlings… ako si Arco… ako ang master ng dalawang ‘to”
turo niya kay Lum at Elisa na tinignan ko naman ang dalawa at nakangiti sa akin si Lum, at blangko naman na naka tingin sa akin si Elisa, seryoso ng babaeng ‘to jusko!

“Ako naman is Ish, kinagagalak ko po kayong makilala”
sabi ko dito,  at ngumiti lang siya sa akin

“Ish, kay gandang ngalan… alam kong unang arae mo sa mundong ‘to…”
sabi ni ginoong arco
“sasabihin ko kung anong mundo ito, tayo ay nasa mundo ng Mithila, ang mundong ito ay nagbabalot ng mahika, halimaw, tao, Elven, at iba pa. May apat na kuntenente ang Mithila… ang {
Vame
;} kung saan tayo ngayon… ito ang Vame, at ang Kingdom nito ay ang Atartar, at ang vame ang may pinaka malaking Kontenente sa mundong ito,  sunod ang {
Bumar
;} kung saan na tira ang mga tao, oo… kung ang Vame ay mga Elven. Ang {Bumar} ay Nayon ng mga Tao. Pero walang higwaan o away. Dahil lahat ng nayon ay magkakaibigan ang mga nirerespetong hari. Sunod ay ang {
Lila
;} ang kontenenteng ito ay nayon ng mga Halimaw o tinatawag na Humaniod Beast, or Beast folk na naninirahan din sa karahatan na mula sa kanilang nayon…may sa ugali ang mga ‘to ngunit ang kaya lang nila ay magyabang pero ‘di sila nananakit ng ibang nayon. Humanoid beast tulad ng mga hayop sa lupa at hayop sa karagatan. At ang pang-huking nayon ay ang {
Gzaha
;} ang nayon na ‘to ay puno ng Dwarf, mainitin mga  ulo ng mga dwarf lalo na at ang kanilang pamumuhay ay ang pagpapanday o Blacksmith, ang tangin suhol lang sa kanila ay Alak upang kaibiganin ka nila.”
mahaba nitong sabi na ikinawindang ko, pwedeng from the start? Chariz!

“So Vame, Bumar, Lila, Gzaha. Ang apat na kontenente,  kuha ko”
sabi ko kasi medyo may utak pa tayo, eme!

“Tuturuan kita kong paano mo kuntrolin Ability mana mo”
sabi ni Arco sa aki, yez! Dzaddie i’m ready. Keme!


Kinabukasan ay patuloy pa rin ako sa pag adjust sa mundong ‘to kahit na lib☆g na lib☆g na ako, chariz, Walang ganun! Andito ako ngayon sa grass sa labas ng bahay na binigay sa akin, ang tawag daw sa grass na ‘to ay energy grass. Nagpapakalma daw ‘to sa mga stress kaya ito ako ngayon naka upo na naka cross legs at nag meditate upang pakiramdaman ko ang mana core ko sa loob ng katawan ko.

Unti-unti ko nararamdaman ‘to na para bang warm at ang gaan lang na parang umiikot sa katawan ko.

“HOLOGRAPHIC ONLINE SHOP” *
sabi ko, upang…*


Long time no Write, sorry guys kong ngayon lang ulit nakaka pag sulat sa wattpad... nagbabalik loob after a months na walang paramdam dahil sa mental health.

Hope na na miss niyo ako and namiss ko din kayo!

-MoiSeekLover-

# II

《CHAPTER 2》

Unti-unti ko nararamdaman 'to na para bang warm at ang gaan lang na parang umiikot sa katawan ko.

"
HOLOGRAPHIC ONLINE SHOP
" * bigkas ko upang mabuksan ang ability ko.*

Na mangha ako dahil umepekto siya, isang holographic online shop screen ang nasa harap ko ngayon at may naka sulat na '

Welcome, Please Press (enter)'

. Dahan-dahan kong tinapat ang daliri ko sa holographic screen, at nang mapindot ko ito ay lumabas ang mga Items na halo-halong products na mula sa Earth at mula sa mundong 'to. Nag try akong pindutin ang '

Category Cloths

' at pinindot ko ang 'this world, clothings' nag scroll ako, at pinili ko ang parang white croptop sando and Black bull beast leather jacket, at pinindot ko ang Order, matapos ko mapindot 'to ay may lumabas na box at nahulog 'to sa grass, nagulat ako. Ngunit kaylangang masanay. Binuksan ko ang box dahil nasa tabi ko lang 'to sa Left side ko. And nagulat ako dahil ang smooth ng croptop sando, na parang Dri-fit type, and ang Black bull Leather jacket naman ay Makapal pero 'di mainit isuot kahit sa maaraw. Parang bina-blocked nito ang tempetature ng both mainit at malamig.

Hinubad ko ang Earthlings upper wear ko at nag bihis ng inorder ko sa ability ko. Ang ganda sa pakitamdam na isuot ito, nakangiti akong nilalagay ang Box sa Infinite Item Box skill ko. Na ka unlocked ko lang din ngayon na may Infinite item box skill ako at pinasok ko yong package box doon.

Nag scroll ako sa Holographic online shop ko and pinindot ko ang

'category transportation'

at lumabas ang iba't ibang class ng sasakyan at pinili ko ang
Magical Electric Car
, na 'di na kaylangan ng gas. Only finger print lang upang ma start daw 'to at nagulat ako ng safe 'tong nahulog sa styro package nito at tinangan ko ang package nito. Kahit ang bigat ng magical electric car na 'to. And i entered inside to try if legit ba, i used my tumb to registered my finger print and it succeed and i start the engine and seconds passed i drive it kahit bago sa paningin 'to ng mga elven or elven sa mundong 'to.

Kitang-kita ko sa side mirror ng magical E-Car ko. And mouth drop nila.

"Kakaiba ang bagay na 'yan" *sabi ng isang elven sa kausap nito na nakatingin sa sasakyan ko.

"Tama ka kaibigan, ngayon lang ako naka kita ng kakaibang karwahi" *sabi naman ng isang bloated na elven habang seryosong nangungulangot habang nakatingin din sa sasakyan ko, dinig na dinig ko dahil mabagal lang ako mag maniho.

"Isang tao" *manghang sabi ng matandang Elf na sumilip pa upang makita ang mukha ko.*

"Opo, isa po akong tao" *may respeto kong sabi sa mahinahong pananalita.*

"Ngayon lang ako ulit naka kita ng tao, ngunit binatang tao, kakaiba ang 'yong karwahe. At walang Hwera (kabayo)" *sabi ng matandang elf kata nguniti ako ng may respeto*

"Ang tawag po dito ay Magical E-Car, hindi po 'to karwahe" *sabi ko sa matandang elf na may mahinahong tuno at respeto.

"Magical E-car, Ba kamo?  Binatang tao, kahit 'di ko batid at maintindihan kong anong lenguwahe ang Magical E-Car, pero.... ang masasabi ko lang isa ka bang Mayamang angkan sa  Bumar?" *tanong ng bloated na Elven  na nangungulangot pa din*

"Hindi po, dito po ako lumaki sa Vame" *pagsisinungaling ko dahil ayaw kong sabihin na galing ako sa ibang mundo*

Buti na lang at naniwala sila.

"Pwede po mag tanong, saan po ba ang Magandang lugar na pweding bilhan ng lupa at bahay" *tanong ko sa kanila*

"Nako iho, medyo malayo layo dito, hindi ako magaling mag bigay ng dereksyon pasensya na" *sabi ng isang elven*

"Walang problema po, kahit sana ngalan ng lugar lang" *sabi ko*

"Sa Subdibesyon ng Vame, sa centro. Mga dalawang araw bago mo mapunta 'to" *sabi ng elven, and gumawa ako ng mind calculation kong ilang oras ako makakarating 'don gamit ang Magical E-Car ko, at napangiti ako dahil mga walang oras lang*

"Sige ho, maraming salamat po" *sabi ko at pinaandar ang Engine ng E-car ko at nagulat sila kong paano ko nagawa 'yon.*

Tinignan nila ang aking E-car, na ngayon ay napakabilis kong minamaniho na walang na aagrabyadong mga nilalang.

"Ibang klase" *manghang komento ng mga nakausap ko*

---

Matapos ang Walong oras, ay narating ko na ang subdivision ng Vame. May mga bakanting  lote, at makikita na ang lugar na 'to ay tinitirahan ng mga Elven at elves na may kayang mag bayad ng mahal.

Pinarado ko ang sasakyan ko sa labas ng House and Lot registrar na may logo ng bahay at lote, pagakatapos ay bumaba ako at sinaradhan ang pinto ng aking sasakyan.

Makikita ang mangha at Kuryosidad ng mga elven at elves na tulad sa nangyari sa lugar ng North Vame, kong saan ako galing.... ito ang Center Vame. Kong saan mga may kaya at mayayaman ang naninirahan dito.

'Di ko pinansin ang tingin nila at pumasok na ako sa loob ng house and lot registrar office.

"Magandang hapon, ginoo... ako si Kayla ang Registrar ngayong araw, anong maipaglilingkod ko" *sabi ng Elf na may Purple hair at maliit siyang babae, type ng mga boylets sa mundo ko. Jusko! Buti na lang pusong babae ako chariz!.

"Magkano ang bahay dito?" *tanong ko dito*

"Depende po ginoo, kong anong haba ng lupa ang ipapagawan mo ng bahay." *sabi nito, kaya tumango ako.

"Pag dalawang ektarya?" *tanong ko.

Binuklat niya ang list at tinignan "ang dalawang ektarya ay nagkakahalaga ng 1000 gold coins" *nawindang ako mga dzai, buti na lang at binigyan ako ng 12K gold coins ng nag summon sa akin dahil nag quit ako sa pagiging hero kuno, like duhh... hindi ako fighter literally, fighter ako as drag artist sa mundo namin pero yong literal na dugo sa dugo. Dzai.... feeling ko i aanxiety ako*

"Kasama na ba diyan ang mag gagawa ng bahay ko?" *tanong ko dito, at umiling ito.

"Hindi, ang bayad sa trabahador ay 500 gold coins, lima sila kaya mayroong 100 gold coins ang kada-isa sa kanila" *sabi nito kaya tumango ako at nag bayad ng 1500 gold coins at binigay ang design na gusto ko sa bahay ko, lalo na ang pag gawa ng Detached garadge para sa Magical E-car ko, pumili ako ng Supply and products na gagamitin, at nilista ko ito.

Pundasyon at Istruktura:

Buhos (Concrete): Pinaghalong semento, buhangin, graba, at tubig.

Cement: 40 kg na bag ang karaniwang gamit.

Steel bars: Various sizes, tulad ng 10 mm diameter.

Binding wire: #16 ang karaniwang ginagamit.

CHB (Concrete Hollow Blocks): 4" o 6" ang laki, depende sa design.

Pader at Partisyon:

CHB (Concrete Hollow Blocks): Para sa load-bearing at external walls.

Ladrilyo (Bricks): Alternatibo sa CHB.

Plywood: Para sa mga partisyon o cabinet kung kinakailangan.

Bubong:

Corrugated GI Sheets: Matibay at cost-effective.

Metal Roofing: Mabilis i-install at angkop sa modernong design.

Clay o Concrete Tiles: Mas mahal, pero maganda ang itsura para sa tradisyonal o upscale na design.

Truss: Para sa suporta ng bubong (maaaring kahoy o bakal).

Pintura at Finishing:

Pintura: Para sa mga pader, poste, at truss.

Baldosa (Floor Tiles): Para sa sahig.

Iba pang Materyales:

Pipa (Pipes): Para sa electrical at plumbing.

Hardware: Bisagra, door knobs, at iba pang accessories.

Tubo at Wiring: Para sa electrical needs. 

At pagkatapos ko pindutin ang Buy ay lumabas ito at nagulat si kayla sa kakaibang mga gamit, at inexplain ko sa kanya isa-isa at pinakita ang list.

"Kamangha-mangha, kakaiba ang 'yong kaalaman sa pag gawa ng bahay" *komento nito.*

"Hindi naman, sadyang mayroong mga gamit lang ako sa Item box ko" *half true and half lie, kasi binili ko talaga 'yun sa Holographic Online shop ko.*

Tinawag niya ang limang elven na trabahador at pinakita niya ang supply para sa gagawing bahay ko. Nagulat sila kasi ngayon lang sila naka kita ng ganon, pinakita ko ang tips and list kong paano nila gagawin 'yon at agad nila na gets.

"Matatapos namin 'to ng 6 months boss" *tumango ako kasi 'di biro ang pag gawa ng baway with garadge*

"Sige po, basta 'wag lang madaliin para matibay ang bahay na gagawin" *komento ko, at tumango naman silang lima na ikinangiti ko.

Hello, guys… nagustuhan niyo ba? Hindi ko maipapangako na weekly ‘to. Tinutupak ako minsan kaya mahihirapan ang utak ko sa pagsusulat, o pag-buo ng kwento sana magustuhan niyo ang chapter na ‘to!

MoiSeekLover

III


Chapter 3》

Ito ang unang araw ng kanilang pag gawa ng bahay ko, oo… bahay ko muna ang gagawin bago ang Garahe. Kakagising ko lang ngayon, at ang aking Magical E-bike ay nakaparada malapit sa paradahan ng mga karwahe at may naka bantay na kawal doon.

Hindi pa rin mawala ang gulat ng mga elven at elves sa aking sasakyan dahil kakaiba ito sa kanilang paningin, sabi ko na lang sa isip ko na makakasanayan nila ‘to balang araw.

Sampong metro ang layo ko ngayon sa limang trabahador upang ayusin ang bahay ko at ito na nga nahihirapan sila paano gamitin ang cement. Kaya bumili ako sa Holographic Online shop ng Pala  at ibinigay ko ito sa kanila at siya nga pala. Sa Merchant guild ako naki tulog nag bayad ako ng 20 gold coins for 20 days, kasama na doon ang pagkain at pang paligo.

Tinitignan ko ang trabahador na limang  elven na busy sa pag mix ng sand, and cement habang ang hallow blocks ay nasa gilid lang, mga 3,000 pieces yun para ‘di mag kulang. If kumulang man open naman ang Holographic Online shop ko para mag order muli.

Nag handa ako para sa snack nila.. kaya nag order ako ng earthlings Bread, sesame fried bread balls  100 pcs with perfect packaging and isang 2 liters coke zero sugar 2 pcs at nang matapos ko ma order ang mga ‘to ay nilagay ko ang dalawang coke sa Massive petsil at nilagyan ko ng ice, at ang tinapay naman nilagay ko sa lamesa naka balot naman ito ng paper  para mamaya kainin nila.

Nag umpisa na sila mag lagay ng steel bar sa lupa pa-ilalim para safe. Ang binili kong steel bar ay 500 pcs, bahala na sila kong ilang steel bar ilalagay nila each corner basta mag sabi lang sila kung kulang.

Nilagyan nila ng sobrang basang cement ang pinag hukayan nila kong saan naka tusok ang steel bar’s at pagkatapos gjmawa sila ng flooring cement.

Pinabilad nila ito sa araw upang matuyo.  Kaya mag snack muna sila.

“Kakaiba ang tinapay na ‘to nakakagana mag trabaho dahil sa pagkain na ‘to” sabi ng isa na maganang kinakain ang Fried Sesame bread balls

“Tunay ngang masarap,  at  itong inumin din ‘di ko mapigilang madighay” sabi ng isa habang iniinom ang coke

“Maraming salamat sa pagkain boss” sabi nilang lahat kaya nginitian ko lang sila.

Matapos silang mag snack ay pinuntahan nila ang pinagtratrabahu-an nila kong ito’y tuyo na at matigas na. Kumpermado ng hawakan ng isa.

Matapos ang Anim na buwan ay tapos na ang pag gawa nila ng bahay at ng aking garahe ng Magical e-bike ko, to make sure ma  may pinto sa likod ng garahe na konektado sa bahay ko, noong sinuri ko ang bawat gawa nila ay masasabi kong perpekto ito napakahusay.

“Maraming salamat” sabi ko sa kanila at binigyan ko sila ng 10 gold coins per each

“Boss, sobra-sobra na ‘to” *sabi ng isa na sinang-ayunan ng apat.

“Natuwa ako sa inyong talento bilang trabahador. Kaya tangapin niyo ‘to bilang pasasalamat na din” * sabi ko na tinangap naman nila at nagpasalamat sila ng may saya sa kanilang ekspresyon at galak.

Pumasok na ako sa loob ng gate at sinaraduhan ito at makikita ko ang mangha mga kapit bahay ko dahil kakaiba ang texture ng bahay na meron ako, dinig ko ang usapan.

“Isa ba siyang noble? Ang gara ng bahay kakaiba” sabi ng babaeng elf na kulay white ang buhok sa kausap

“Seguro, nakakamangha diba? At tsyaka… ngayon lang ako naka kita ng bahay na may harang na bakal na kakaiba ang texture kong tawagin niya ay gate.” * sabi ng isang elf na kulay gray ang buhok sa kausap na elf na kulay white ang buhok*

“Tsaka, Tebana… ang bait niya sa trabahador, kita mo kanina inabot niya ng pera ang mga ito dahil sa sipag ng mga trabahador, isa siyang tunay na may kabutihan ang puso” sabi ni elf white hair

“Tama ka diyan Haya… walang ibang noble ang papantay sa kabutihan ng loob ng ginoong tao na yan” sabi naman ni elf white hair, na ang ngalan ay tebana.

napangiti naman ako sa kanilang usapan, napagkamalan pa akong noble, pabebe muna tayo demure anga atake ni bakla para walang issue issue, diba? Ganda ng first impression nila sa akin.

Pumasok na ako ng bahay at sinarado ang pinto na may ngiti sa labi at pinagmamasdan ko ang aking bahay, kulang na lang ilaw. Ay tama!

“Holographic Online shop” pag cast ko upang buksan ang online shop ko.

Nang mabuksan ay hinahanap ko ang solar panel with solar lights, binili ko ang malaping solar panel na may anim na solar light bulb. Pinindot ko ang add to cart at pinindot ang ‘buy’ at authomatic na nasa ground and package kaya napangiti ako.

Binuksan ko ang package at tumubad sa akin ang 59 inches na solar panel with 6pcs 5 volts bulb in-assemble ko ‘to with the wire na co-connect sa solar panel and bulbs. Bago ko matapos ay napa salpak ako sa noo. Paano ko malalagay sa bubong kong ‘di ako marunong umakyat? Utak beh utak! Haiish..

Kaya pumunta ako sa bahay ng isa sa trabahador na nag ayos ng bahay ko.

“Andito po ba si Ginoong Aban?” tanong ko sa asawa nito at ngumiti ito at sinabing.

“Ginoong tao… ikaw pala, oo andito siya sandali lang” madali itong pumasok sa bahay niya at tinawag ang asawa. Makalipas ng ilang segundo ay lumabas si ginoong aban.*

“Boss, ikaw pala… anong sadya niyo po?” magalang na sabi nito

“Magpapasuyo lang sana ako sa bahay ko may ipapakabit lang ako, ayos lang po ba? Babayaran ko naman” *sabi ko.

“Boss, sige po… kahit walang bayad na sobra sobra na po ‘yung binigay niyo kanina” sabi nito na nahihiya.

Nag umpisa na kami maglakad papunta sa bahay, at nang makarating ay inexplain ko sa kanya kong ano ano solar, na ‘to.

“May ganito pa lang bagay, ngayon lang ako naka kita ng ganito boss” sabi nito na namamangha

Ngumiti ako at sinabing “oo, binili ko yan sa bumar” nagulat siya sa sinabi ko kasi ang bumar ang lugar ng mga tao na katulad ko, ngunit nag sinungalin ako na sa bumar ko binili.

“Kaya pala, sige boss ikakabit ko na sa bubong itong itanatawag mong solar panel” *sabi nito at marahan niyang binibitbit ang solar panel habang  umaakyat sa bubong,  nilagay niya ito sa naaarawan at maingat na inaayos ang wire ng solar panel at bumaba na ito ng bubong matapos ilagay at ang wire ay na assemble na niya sa bulb at pinasok nito ang bulb ng maingat sa taas ng kahoy papuntang loob ng bahay, Sa likod ng bubong at pumasok siya sa pintuan ng bahay at pinuntahan ang bulb na at pinatong niya sa may mini hook nail at and switch naman at nasa gilid  malapit sa pinto.

Pinindot ko ang switch at nagkaroon ng masilaw na ilaw.

Namangha si Ginoong aban, kaya ‘di alintana ay binigyan ko siya ng Solar panel na may solar bulb.

“Hala, maaraming salamat boss.” Gulat nitong tinangap ang binigay ko.

“Walang anumam ginoong aban, salamt din po sa tulong” * sabi ko dito.

“Sige po boss, uuwi na po ako” *pagpaalam nito at tumango naman ako at nakangiting tinitignan ang solar light ko sa bahay at napapasabing…

“Ito na ang buhay ko ngayon, malayo sa buhay ko sa earth.”


Don’t Forget to ⭐ vote! Thanks.

MoiSeekLover


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.