ACE CENTREX UNIVERSITY 2: The Jerk Who Stole Her Heart [To Be Published]
CeCeLib · 17 chapters · 36,057 words
ACE CENTREX UNIVERSITY 2: The Jerk Who Stole Her Heart
Sky is Kreiya’s nemesis, well, in Kreiya’s point of view that is. There’s something about Sky that she dislike. From the way he carry and present himself to the way he talked. Hindi niya maintidihan kung bakit tumitili ang kababaehan kapag nakikita si Sky. He’s not a celebrity for crying out loud!
Kreiya can’t understand why women like Sky… well, not until she gets to know him after she slapped him hard.
Sky swore that he will make Kreiya pay for slapping him. Ito ang unang babaeng sumampal sa kanya at sobrang lakas sumampal ng babaeng yun. Gawa yata sa bakal ang kamay. So Sky device a plan, which leads to seeing the other side of Kreiya that he didn’t expect she possess.
The side of Kreiya Ambrei Zapanta that makes his heart beat erratically. Itutuloy pa ba ni Sky ang balak na pagbayarin si Kreiya sa ginawa nito o sapat na na mahalin din siya nito bilang kabayaran?
CHAPTER 1’
CHAPTER 1
HINDI maipinta ang mukha ni Kreiya ng pumasok siya sa Office of Student affairs. Mainit na nga sa labas, nahuli pa niya ang boyfriend niya—scratch that, ex-boyfriend niya na niloloko siya! The nerve of that guy na lokohin siya! What a bastard.
“Akala ko late na ako.” Aniya na hinihingal pa sabay upo sa isang bakanteng upuan.
“Nah. Hindi pa nga nag-uumpisa.” A very familiar and annoying voice answered her.
Biglang tumalim ang mata niya at nilingon niya ang katabi. Her eyes softened when she saw Blue, Sky’s twin brother.
Blue gave her an arched look. “What?”
“Nothing. Akala ko si Sky ang nagsalita. Pareho kasi kayo ng boses. Good thing hindi kayo magkamukha.” Aniya at ibinalik ang atensiyon sa unahan ng room kung nasaan naroon si Leiche at may hawak-hawak na papel.
Ipinikit ni Kreiya ang mata ay sumandal sa likod ng upuan para makapag-pahinga. Oo nga at hindi siya nasaktan sa ginawa ng ex niya pero may pride naman siyang naapakan. That bastard! Talagang pangit pa ang ipinalit sa kanya! Hindi na namili ng mas maganda sa kanya!
“Thanks for leaving me with that woman!”
Natigilan siya ng marinig ang boses na iyon mula sa kanan niya. Sa isiping nag-transfer lang si Blue ng upuan, pinagsawalang bahala niya iyon.
Someone chuckled. “It wasn’t my fault.”
“You could have saved me. Ikaw naman ang gusto niya, diba?”
“Why should I? Iniiwasan ko nga siya e.”
“But it doesn’t mean na ako ang ipapa—”
“Could you two, please shut the fudge up?!” Sigaw niya ng mapagsino ang nasa kanan niya.
Natahimik ang lahat na nasa office of Student affairs at lahat ay nakatingin sa kanya. She rolled her eyes and put her bag on her shoulder. She doesn’t have time for this shit. Aalis na sana siya ng magsalita si Sky.
“What did we do?” Tanung nito habang naiiritang nakatingin sa kanya.
May guts pa talaga itong magtanong kung anung ginawa nito? The nerve!
Matalim na tumingin siya kay Sky. “Hindi mo ba napansin na habang nakikipag-argumento ka dito sa kahati mo ng panis na bituka, e nasa gitna niyo ako? O baka naman bulag ka na at hindi mo nakita na may naka-upo sa gitna niyo bago kayo nag-moment!”
Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya dahil nagdilim ang mukha nito.
“Kung hindi kita nakita, then you’re not worth looking at.” Sagot nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi dahil nasaktan siya kung hindi dahil narinig na niya ang salitang iyon. Iyon ang salita na halos pumira-piraso sa bata niyang puso at isip. Umakyat ang dugo niya sa ulo at kaunti nalang, sasabog na siya.
“Okay, people. Nandito tayo para sa meeting, hindi para mag-away.” Narinig niyang sabi ni Kai. “Tungkol ba saan ang meeting na ‘to, President?” Pag-iiba nito ng usapan.
“Well, this meeting is about the pageant next month.” Wika ni Leiche na may pekeng ngiti na nakaplaster sa mga labi.
Nakakairita talaga ang babaeng ‘to! Isa rin ito sa mga kinaiinisan niyang tao dito sa ACU.
“Ano naman ang kinalaman namin ‘don?” Iritadong tanong ni Sky, and for the first time, sumang-ayon dito ang isip niya. “Kayo mag-usap ni Keiya.” Tinuro nito ang sixth ranker na last year crowned as University Princess.
“Oo nga. Ano naman ang connection namin sa pageant?” Sang-ayon ng kakambal nito. “At saka wala kaming interest diyan.” Tumayo na ito at hinatak ang kakambal nito palabas ng office.
“Wait.” Pigil niya sa Valen twins.
Tumigil ang mga ito sa paglalakad at sabay na lumingon sa kanya. Nilapitan niya ang magkambal at tumingin kay Sky.
“What?” Sky asked her in irritation.
Itinaas niya ang kamay at malakas na sinampal si Sky na ikinalaki ng mata nito. Mukhang hindi nito inaasahan na ginawa niya iyon. She felt complete. Nasampal niya sa wakas ang walanghiya!
Sinapo ni Sky ang pisngi at nanlilisik ang matang tinitigan siya. “What the hell is your problem?!”
Kreiya smiled sweetly. “That’s for insulting me.” Nilampasan niya ang mga ito at nauna ng umalis sa Office. Wala naman siyang mahihita kung a-attend siya sa meeting. Wala namang sense ang pagme-meeting-ngan nila. Waste of time lang iyon.
Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat at naglakad patungo sa next subject niya. Buti nalang hindi siya mag-iisa mamaya. May kaibigan siyang kakatagpuin sa cafeteria. A new friend.
MALAKAS na tumawa si Kreiya sa sinabi ni Heelan, ito ang bago niyang kaibigan. She’s a transferee at sa ugali nito, alam niyang magkakasundo sila. Sabay sila nitong kumain sa cafeteria at so far, nag-i-enjoy naman siya sa company nito.
Her laugh was cut off short when she felt water pouring down on her. Nakaawang ang labi niya habang nararamdaman ang malamig na likido sa ulo niya. Nakita niyang lahat ng estudyante na nasa cafeteria ay nakatingin sa kanya at nanliit siya. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang pinagtitinginan siya lalong-lalo na kung negatibo ang dahilan.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakaupo lang at walang imik ng maramdaman niyang may humawak sa kamay niya at hinila siya palabas ng cafeteria. Para siyang robot na sumunod dito. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ng cafeteria, nahagip ng mata niya si Sky na nakangisi habang nakatingin sa kanya.
Ito ba ang may gawa nun sa kanya?
Napalitan ang gulat na nararamdaman niya ng galit. “Asan ang pesteng lalaking ‘yon?!” Akmang babalik siya sa cafeteria para sampalin ng paulit-ulit si Sky ng pigilan siya ni Heelan. “Bitawan mo ako, Heelan. Papatayin ko ang lalaking ‘yon!”
Mas humigpit pa ang hawak nito sa braso niya. “Hindi mo siya puwedeng patayin. Makukulong ka.”
Tumaas ang kilay niya. “Paki ko naman?! Importante mapatay ko ang hinayupak na yon! How dare he pour me water! How dare he?!”
Hinila siya ni Heelan palayo sa cafeteria, tumigil lang ito sa paghila sa kanya ng makalabas na sila cafeteria building. Panay naman ang pumiglas niya.
Binitawan siya ni Heelan at hinarap siya. “Bakit ka ba niya binuhusan ng tubig?”
Napangisi siya ng ma-realize kung bakit siya nito binuhusan. “Sinampal ko siya. Ininsulto niya ako e. Akala mo naman kung sino!”
“Ewan ko sayong babae ka. I just meet you, napasali kaagad ako sa ka-dramahan ng buhay mo.”
Tumawa siya ng mahina. “Hindi naman talaga ganito ka drama ang buhay ko. Nagkataon lang na naiirita ako sa lalaking yon.”
“Sino ba ang mga ‘yon?” Kunot nuong tanong nito.
“Urgh! The one who poured me water is Sky Zither Valen, Civil Engineering fifth year, and he ranked two on University Ranking. He’s an ass! I really don’t like him at all! Feeling niya he’s the best creation of god dahil guwapo, mayaman at matalino siya. Well, siya ang pinaka-worst creation of god na nakita ko. Pangit siya. Pandak. Tsararat. Surot—”
“Alam mong hindi totoo yang pinagsasasabi mo.” Putol ni Heelan sa iba pa niyang sasabihin.
Tiningnan niya ito ng masama. “Kanino ka ba kampi ha?”
“E kasinungalingan naman ‘yang pinagsasasabi mo e.”
“Ay ewan—” Napatigil siya sa pagsasalita ng makita niya si Sky na palabas ng cafeteria.
Nanlilisik ang matang naglakad palapit dito. “Hoy! Ikaw na lalaki ka! Bakit mo ako binuhusan ng tubig?!”
Tiningnan siya ni Sky mula ulo hanggang paa kapagkuwan ay nilampasan lang siya. Nanggagalaiti na sinundan niya ang binata.
“Sky! Sagutin mo ako, ano ba!” Sigaw niya rito.
Tumigil ito sa paglalakd at hinarap siya. “You’re not worth my time kaya hindi kita sasagutin.” Pagkasabi nun ay iniwan siya nitong nakaawang ang labi.
The nerve of that guy! Kinalma niya ang sarili at sinundan ito hanggang sa parking lot ng ACU. Akmang papasok na ito sa sasakyan nito ng pigilan niya ito.
“Wait.” Pigil niya rito.
Sky took a deep breath then looked at her, clearly annoyed. “What the hell is your problem—”
Binigyan niya ito ng mag-asawang sampal. Hindi ito makapaniwalang napanganga sa kanya.
“What the hell?” Mahinang wika nito. Sinapo nito ang magkabilang pisngi. “Ano bang problema mong babae ka?”
Natigilan siya. Napaka-kalmado ng boses nito, para bang walang nangyari. Ano kaya ang nasa-isip nito?
“That’s for insulting me, you jerk!”
Bigla nitong tinawid ang distansiya nila at hinawakan ang baba niya. Sky forced her to look at him in the eyes. Bigla siyang inataki ng kaba ng mapansing napakalapit ng mukha nito sa mukha niya.
“A-Ano ba! S-Sky—”
“Shut up!” Mas humigpit pa lalo ang hawak nito sa baba niya at mas inilapit pa ang mukha nito sa mukha niya. Ilang dangkal nalang ang distansiya ng mukha niya. “Listen, Kreiya. I’m not a jerk, okay? Trust me, hindi mo gugustuhing maging jerk ako. Kasi mas mahaba pa ang sungay ko kay satanas kapag naging jerk ako. Binuhusan kita ng tubig kasi sinampal mo ako. We’re even, well… hindi na ngayon.” He smirked. “You slapped me…twice. At gagawin ko ang lahat para pagbayaran mo ang sampal na iyon. And yes, I’m threatening you.” Pagkasabi nun ay padaskol siya nitong binitiwan at tuluyan ng sumakay sa kotse nito.
Walang imik si Kreiya habang nakatingin sa paalis na sakyan ni Sky. Hindi siya natatakot sa pananakot ni Sky. Hinding-hindi siya matatakot. Hindi na iyon bago sa kanya.
Naglakad siya papunta sa nakaparada niyang sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon papunta sa bahay niya.
She lives alone in an apartment. At the age of eighteen, mag-isa na siyang namumuhay. Buhay pa ang ina niya pero palagi naman itong lasing at naisip ng kuya niya na bumukod siya baka daw ma-impluwensiyahan siya ng ina niya. Well, para sa kanya patay niya ang ina niya. Ang tanging bumubuhay nalang sa kanya ay ang kapatid niya. Scratch that, ang bumubuhay sa kanya ay ang ama niya sa pamamagitan ng kapatid niya. Hindi siya tumanggap ng kahit na ano sa ama niya. Bagay man yun o pera. Kaya naman ang ginawa nito, sa kapatid niya binibigay at ang kapatid naman niya ang nagbibigay sa kanya. It’s the same thing pero para sa kanya, magkaiba yun.
It’s not that she hate her father, ayaw lang niyang matawag na mukhang pera o ano pa man. She’s an illegitimate child, sa tagalog, anak sa labas. Isang kabit ang nanay niya. She has a half-brother. Hindi ito katulad ng ibang half-siblings na galit sa anak ng kabit. Her brother is an amazing person. Ito ang idolo niya. At talagang pinaparamdam nito sa kanya na mahal siya nito.
Pagdating niya sa inuukupang apartment, kumunot ang nuo niya ng makitang nasa labas ng apartment niya ang kapatid. Lumabas siya ng sasakyan at nilapitan ang kapatid na nakasandal sa kotse nito at mukhang hinihintay siya. Umayos ito ng tayo ng makita siya.
“Kuya Train? Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya ng makalapit na siya.
Nakapamulsang hinarap siya ng kapatid. “Kinu-kumusta ka lang.”
She rolled her eyes. “There’s this thing called cell phone. Puwede mo akong i-text.”
He gave her a small smile. “Wala pa rin namang tatalo sa personal na pangungumusta. Sa text, makakapagsinungaling ka.”
Napangiti siya. “Bakit naman ako magsisinungaling sayo?”
“Ikaw pa. Ikaw na yata ang reyna ng mga sinungaling kapag kinukumusta sa text.”
Napatawa nalang siya ng mahina sa sinabi nito. “Whatever, kuya. Anyway, gusto mong pumasok muna?” Binuksan niya ang apartment at nilingon ang kapatid na nakatingin lang sa kanya. “Well, kuya?”
He sighed and looked at her with begging eyes. “Kreiya, I also came here to tell you that Dad is in the country. And well, you know that it’s his birthday right? He wanted you to attend his birthday party next week.”
She scoffed. “Now what? Ipapakilala niya ako sa mga colleagues’ niya?”
Napabuntong hininga ito. “Kreiya, please. Alam ko na ang isasagot mo pero kahit ngayon lang, pagbigyan mo na si Daddy.”
Nag-iwas siya ng tingin. “Kuya Tyron, alam mo naman pala ang sagot ko e. Ayoko. I’m sure naroon ang mommy mo at ayoko siyang makita.”
“Kreiya, alam mong gusto kang makilala ng mabuti ni mommy. Ikaw lang naman itong ayaw siyang kilalanin.”
Napakagat-labi siya sa sinabi nito at mariing ipinikit ang mga mata. “Kuya, please, ayoko. Ayokong makita o makilala nila ako bilang anak sa labas. Ayoko. Okay na ako sa ganito. I don’t want to enter your world kung saan maraming mahahaba ang dila at gagawan ako ng tsismis. Baka ano ang magawa ko. You know me. Madaling uminit ang ulo ko sa nang-iinsulto sa akin. I’m a war freak.”
Mahinang tumawa ang kapatid at pabirong ginulo ang buhok niya. “Alam ko naman yun. Kaya sinabihan ko si Daddy na hindi magandang ideya na papuntahin ka. Pero nagpupumilit siya e. It’s his request. Matagal na daw kasi mula ng huli ka niyang makita.”
Gusto niyang umingos sa sinabi ng kapatid pero pinigilan niya ang sarili. It’s been what? Five years since she last saw her father.
“Kuya, hindi ako a-attend sa party na iyan.”
“Huwag ka munang mag-desisyon ngayon. You still have one week to think about it.” Hinalikan siya nito sa noo. “Ingat ka. Just call me if you need anything, okay. I’m just one call away.”
Tumango siya. “Opo, kuya.”
“Good.” Nginitian siya nito at sumakay na sa kotse at pinaharurut iyon paalis.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at pumasok sa apartment niya.
I have one week to think about dad’s birthday party. Pupunta ba ako?
Huminga siya ng malalim at tinungo ang silid niya para magpahinga. Saka na niya iisipin ang party na iyon kapag nakapag-pahinga na siya.
CHAPTER 2
CHAPTER 2
WALANG imik na naka-upo si Kreiya sa bench na nasa park habang nakikinig ng music sa iPod niya. Nakapikit ang mga mata niya at nakasandal siya sa likuran ng kinauupuang bench.
Nakikinig siya sa kanta ng Paramore nang may lumapat na malamig na bagay sa pisngi niya. Napamulagat siya bigla at ganoon na lamang ang pagkainis niya ng makita si Sky na may hawak-hawak na milk tea at nakangisi sa kanya.
Inirapan niya ito. “Umalis ka nga. Ano ba ang kailangan mo?” Pagtataray niya rito.
Tiningnan ni Sky ang milktea na hawak at inilapat naman iyon sa pisngi niya. At dahil mahina ang reflexes niya, hindi siya nakailag.
Kreiya shoved the milk tea away from her face. “Ano ba, Sky! Tigilan mo nga ako!”
He chuckled. “Hindi pa nga ito sapat pambayad sa mag-asawang sampal na ibinigay mo sa akin.”
Inirapan niya ito. “That again? You poured me water, Sky. I think the slap is understandable.”
Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. “Understandable? Really? Ikaw kaya ang sampalin ko ngayon, would it be understandable? I’m sure magwawala ka sa sobrang galit.”
Tumayo sila mula sa pagkakaupo sa bench at akmang iiwan ang binata ng pigilan siya nito sa braso.
Walang buhay na tiningnan niya ito. “Let go of me, Sky.”
“I have a question—”
“And I don’t care.” Ipiniksi niya ang braso niya na hawak nito at nagutloy-tuloy sa paglalakad. Hindi pa siya tuluyang nakakalayo kay Sky ng magsalita ito.
“Why do you hate me so much?” Tanong nito sa kanya. “As far as I can remember, wala naman akong ginawang masama sayo.”
Hindi niya ito sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Bakit siya galit dito? Dahil sa ginawa nito sa kaibigan niya. Hindi niya ito mapapatawad. Nasira ang pag-aaral ng kaibigan niya dahil dito.
“Kreiya! Answer me!” Sigaw ni Sky pero hindi niya ito pinansin.
Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat at tumuloy sa next subject niya.
“CLASS, dismiss.” Wika ng professor nila at isa-isang naglabasan ang mga estudyante sa room.
Tinatamad na kinuha niya ang bag at lumabas na rin. Napatigil siya sa paglalakad ng makita si Sky na nakasandal sa pader at nakaharap sa pintuan ng room nila. Itinirik niya ang mga mata ng makitang lahat ng kababaihan ay nakatingin sa binata.
Urgh! Idiot women!
Bahagyan siyang napaatras ng makitang naglakad palapit sa kanya si Sky.
“What are you doing here?” Kunot-nuong tanong niya ng makalapit ito sa kanya.
He smiled. “Can we talk?”
Tumaas ang isang kilay niya. “Talk?” Mapakla siyang tumawa. “Really, Sky? Talk? Ano naman ang pag-uusapan natin?”
“We’re going to talk about … things.” Hinawakan nito ang kamay niya at bigla nalang siyang hinila patungo sa kung saan.
“Sky! Ano ba! Bitawan mo nga ako!” Sigaw niya habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak nito.
“Nope. We need to talk about something.” Anito na parang hindi man lang apektado sa pagpupumiglas niya.
Napatungo siya ng makitang sa kanya nakatingin ang lahat ng estudyante habang hinihila siya ni Sky. Nakakainis talaga ang lalaking ‘to. Kahit nahihiya, taas nuong sinalubong niya ang mga tingin ng mga estudyante sa kanya.
Hindi niya alam kung saan siya balak dalhin ni Sky. Hinayaan nalang niya ito na hilain sila, wala rin naman magagawa ang pagpupumiglas niya. Napakunot ang nuo niya ng makitang tinatahak nila ang daan patungo sa baseball mini-stadium ng Unibersidad.
“Anong gagawin natin sa baseball stadium?” Naguguluhang tanong niya sa binata.
Sky stopped then faced her. “I have to blindfold you.” May kinuha itong panyo mula sa bulsa.
Kreiya took a step back. “Bakit mo naman ako iba-blindfold? Saan mo ba ako dadalhin?”
“Relax. It’s morning. Feeling mo naman gagahasain kita.” Natatawang sabi nito. “I just want to show you something. Makikita mo yun pagkapasok mo palang sa stadium and I don’t want to spoil it. Kailangan makita mo iyon mula sa mataas na bahagi ng stadium.”
She looked at him suspiciously. “Sky, anong ipapakita mo sa akin?”
“Basta. Makikita mo nalang.” He looked at her with puppy dog eyes. “Please?”
Parang may sumipa sa dibdib niya ng makita ang mga mata nito. His liquid brown eyes look so gorgeous— No way!
I didn’t say that! My god!
That’s not her! Hindi ito puwedeng mangyari—
Napasinghap siya ng biglang nagdilim ang paningin niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng maramdamang tinatakpan ni Sky ang mga mata niya gamit ang panyo nito.
“Sky! Take it off!” She was about to take the handkerchief off when Sky stopped her hand.
“Stop it, Kreiya. I just want to show you something.” Anito at iginiya siya patungo sa kung saan.
Sa halip na magpumiglas, she cooperated. Nako-curious siya kung ang ipapakita nito sa kanya para i-blindfold pa siya.
“Okay. Nasa hagdanan na tayo.” Hinawakan siya ni Sky sa magkabilang balikat at nagsalita. “Dahan-dahan lang. Ten steps and then you can take off the blindfold.”
Nagsitaasan ang balahibo niya sa batok ng maramdaman ang hininga nito malapit sa likod ng tenga niya.
“O-Okay.” Ikinuyom niya ang kamao para kontrolin ang puso niya sa sobrang lakas ang bilis ng tibok. Ano ba itong nangyayari sa kanya? “A-After this, huwag mo na akong guguluhin. Okay?”
“Yeah, sure.”
Hindi siya kombinsido sa tono ng boses nito. It’s like he’s just saying yes for the sake of shutting her up.
Bumaling siya sa kanan sa isiping naroon si Sky. “Promise me, Sky. Hindi mo na ako guguluhin after this.”
He chuckled. “Nasa kaliwa mo ako, Kreiya.”
Mabilis siyang lumingon sa kaliwa niya. “Promise me, Sky.”
Sky chuckled again. “Nasa kanan mo ako, Kreiya.”
Nanggigigil na hinarap niya ang binata. Napaigtad siya ng may maramdamang malambot na bagay sa lumapat sa labi niya.
“What the… what was that?” Hinawakan niya ang labi. “Ano yung bagay na yun?”
“N-Nothing.” Nauutal na sagot ni Sky.
“Sky!”
“It’s nothing. Just the soft fabric of my shirt.”
“It doesn’t feel like soft fabric to me.”
“Bahala ka. Ako ang nakakita kaya sa akin ka maniwala.”
“I don’t trust you.” Mabilis niyang sabi.
“Too bad.” Nakakalokong wika nito at hinawakan ang paa niya para ilagaw sa baiting. “There. One step. Sige na.”
Napipilitang umakyat siya sa baiting habang nasa likuran niya si Sky at inaalalayan siya. After ten steps, Kreiya stopped. Naramdaman niyang may nagtatanggal sa blindfold niya. Nang nakita niya ang liwanag ng araw, nakahinga siya ng maluwang.
“Well, asan ba itong ipapakita mo sa a—” Nanigas ang panga niya ng makita ang nasa gitna ng stadium. “A-Anong… A-Anong ibig sabihin—nito?”
Tumabi sa kanya si Sky. “It’s about the pouring water incident.” Nakangiting bumaling ito sa kanya. “Forgive me?”
Nakanganga pa rin siya habang nakatingin sa malaking ‘I’M SORRY’ na nakasulat sa gitna ng stadium. Hindi siya makapaniwala na gagawin nito iyon para sa kanya.
Dahan-dahang tiningnan niya ang katabi. “A-Anong— w-what’s the m-meaning of t-this? I mean… you d-did this for— you know … me?”
Nakangiting tumango si Sky. “Yeah. I just wanted to say—” Iminuwestra nito ang kamay sa gitna ng stadium. “I definitely can’t say that word to you because I’m not that kind of person. But I really wanted to tell you how much I regret what I did to you.” He gave her a cute cuddly smile. “Forgive me? Are we now friends?”
Mataman niyang tinitigan ang binata. She’s trying to figure him out. “Forgive you? Yeah sure. But friends?” Umiling siya. “I don’t think so.”
Kreiya looked at the center of the stadium one last time then walks to left the stadium. Bago siya tuluyang makalabas narinig niya nagsalita si Sky.
“Thanks Andrei. I owe you one.” Anito.
Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Sky. Hindi niya alam kung bakit nito ginawa ang bagay na iyon. Their hate for each is palpable, and then, in just a blink of an eye, mawawala iyon?
I don’t think so!
Alam niyang may binabalak si Sky sa kanya. At kailangan niyang alamin kung ano yun.
She won’t let him romance her. That sorry didn’t change anything. It’s maybe sweet and all, but that’s it. Nothing more. Hindi siya maapektuhan dahil lang sa isang sweet gesture ng demonyitong yun. She knew that there’s a reason why she hates him.
KINABUKASAN, pagpasok niya sa Unibersidad, lahat ng babae nakatingin sa kanya. Ang iba may kislap nang inggit ang mga mata, ang iba naman ay puno ng selos at galit. Kumunot ang nuo niya. Ano naman ang problema ng mga ito?
“Bakit ba sila nakatingin sa akin?” She murmured to herself.
Hindi siya nagpa-apekto sa tingin ng mga ito sa kanya at taas nuong naglakad sa gitna ng hallway papunta sa department of Information Technology. Tinarayan niya ang ibang kababaihan na masama ang tingin sa kanya at ang iba naman ay tinaasahan niya ng kilay.
Kreiya was about to enter her first subject room when Leiche Saavedra blocked her way.
She frowned. “What are you doing here? Aren’t you supposed to be in Fashion Designing Building?”
Tumikwas ang kilay nito at dinuro siya. “I heard na nilalandi mo raw si Sky. Is that true?”
Kaagad na nagpanting ang tenga niya ng marinig ang pangalan ni Sky. Mukhang alam na niya ang rason kung bakit nakatingin sa kanya ang lahat ng kababaehan. It’s because of that damn ‘I’m sorry’ in the middle of the stadium.
News travels so fast in ACU.
Itinikwas din niya ang kilay at sinalubong ng matalim na titig ang tingin nito.
“Leiche, don’t blocked my way. Please.” Ginamit pa niya ang salitang please para lang umalis ito sa dadaanan niya.
“No. You answered me first.” Nakapawaywang ang isa nitong kamay at nakaturo sa kanya ang isang kamay. “Akala mo kung sinong galit kay Sky. Isa rin palang malandi. What a crap—”
Nilampasan niya si Leiche at sinadya niyang bundulin ang balikat nito. Nahagip ng mga mata niya si Leiche na muntik nang mabuwal sa pagkakatayo.
Umupo siya sa upuan niya at kinuha ang iPod niya at inilagay ang ear phone sa taenga. She chooses the song ‘Ain’t it fun’ by Paramore. Nasa kalagitnaan siya ng pakikinig ng pumasok ang professor nila para sa subject na Software. Mabilis niyang tinanggal ang ear phone at inihanda ang sarili para makinig sa discussion.
PAGKATAPOS nang klase ni Kreiya, napagdesisyunan niyang pumunta sa library para gumawa ng assignment. Kailangan niyang gumawa ng code para sa different color ng font. Nakalimutan kasi niyang mag-assignment kagabi dahil nakatulog kaagad siya.
Pinakita niya ang Library I.D. sa lady guard at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.
Bahanyan siyang napasimangot ng makitang walang bakanteng mesa. Lahat ukupado. Ang pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat ay makipag-share ng table. Naisipan niyang umakyat sa second floor, pero katulad sa first floor, wala ring bakanteng mesa. Well, ganito talaga dito sa library kapag ganitong oras. Dito tumatambay ang mga estudyante dahil maliban sa aircon, free pa ang Wi-Fi.
Nilapitan niya ang information desk para magtanong.
“Good afternoon, ma’am. Abot po ba sa third floor ang Wi-Fi? I’m an IT student and I need Wi-Fi to make my assignment.” Wika niya.
“Yeah, abot sa third floor. Nag-upgrade na kasi ang Wi-Fi dito sa Library.”
Nginitian niya ito. “Thank you, ma’am.”
Umakyat siya patungo sa third floor at nagpapasalamat siya na hindi gaanong matao. Patingin-tingin siya habang naghahanap ng mauupuan ng may mahagip ang mga mata niya.
It’s none other than, Sky Zither Valen. Napaka-seryuso nito habang may hawak na ball pen at nagbabasa ng libro. Walang ingay na nilapitan niya ang binata para tingnan kung ano ang ginagawa nito.
Napangiwi siya ng makitang puro numero ang kaharap nito. She rather dropped the subject than looked at numbers every freaking day.
Parang may sariling isip ang mga paa niya na umupo sa bakanteng upuan sa inuukupang mesa ni Sky.
“This table is taken. Go find another—” Nag-angat ng tingin ang binata at halatang nagulat ito ng makita siya. “Kreiya… what are you doing here?”
She took out her laptop from her bag then put it on the table.
“Assignment.” Maikli niyang sagot.
“Oh. Okay.”
Ibinalik nito ang tingin sa binabasa at nagumpisa itong magsulat sa yellow paper. Ibinalik niya ang tingin sa laptop niya ng makaramdam ng pagkahilo dahil sa napakaraming numero at symbols na nakikita niya.
Nawala ang isip niya sa mga numero ng bumukas ang laptop niya. Nag-umpisa na siyang gumawa ng mga HTML. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang abala sa pag gawa ng assignment. Nagtaas siya ng tingin para sana tingnan kung nagbabasa pa rin si Sky pero mahuli niya ang binata na nakatingin sa labi niya.
Her forehead knotted. “What?”
Ibinalik nito ang tingin sa libro na hawak nito. “Nothing.”
Hindi niya ito pinansin at ibinalik ang atensiyon sa ginagawang assignment. Sa one to ten na assignment niya, anim palang ang nagagawan niya ng html o code para mag-iba ang kulay ng font kapag nasa web na. Naiinis na sumandal siya sa likod ng upuan at napatingin kay Sky. Nahuli na naman niya itong nakatingin sa labi niya.
“What?” Usisa niya rito.
Sa halip na sagutin. Tumayo ito at kinuha ang nagkalat na gamit sa mesa. “Magpapalit lang ako ng table. Nakaka-distract ka sa pag-aaral ko. I need to ace my one to one hundred item quiz.” Pagkasabi nun ay mabilis itong lumipat ng mesa kung saan hindi niya ito nakikita.
Kreiya took a deep breath then continue what she’s doing. Pero kahit anong concentration ang gawin niya, sumisingit pa rin sa balintataw niya ang sinabi ni Sky.
‘Nakaka-distract ka sa pag-aaral ko’.
Binubundol ng kakaibang kaba ang dibdib niya habang paulit-ulit iyon na nagri-reply sa utak niya.
“Nakaka-distract ba ako sa pag-aaral?” Sa huli ay tanong niya sa sarili, nang wala siyang mahanap na sagot, napailing-iling nalang siya.
It’s either she’s distracting him in some way or he’s just weird.
I think it’s the latter.
Wala naman kasing nakaka-distract sa mukha niya.
CHAPTER 3
CHAPTER 3
ISANG oras din ang nilagi ni Kreiya sa Library para gumawa ng assignment. Thanks god, nagawan niya lahat ng code. Ibinalik niya ang laptop sa bag at naglakad palabas ng Library.
Napatigil siya sa paglalakad ng makita si Sky na nakasandal sa pader at nakikipag-usap sa Lady guard habang sumisipsip ng Milk Tea. Akala niya bawal ang pagkain sa Library, bakit hinayaan lang ito ng guard? Hmp! Aakto sana siya na hindi ito nakita ng magtama ang mga mata nila.
Sky smiled when he saw her. “Hey, Krei.” Anito sabay kaway sa kanya.
Inirapan niya ito at tuloy-tuloy na naglakad paalis ng Library. Narinig niyang nag-paalam si Sky sa Lady guard at hinabol siya.
“Hey, Krei… wait up!”
Naabutan siya nito sa labas ng library.
Hindi niya ito pinansin at naglakad lang. Bigla siyang napaatras ng humarang si Sky sa dinaraanan niya.
“Hey. Bakit ba hindi mo ako pinapansin?” Tanong nito sa kanya. Nasa mukha nito na talagang hindi nito alam kung bakit.
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagsalita. “Look, Sky. Hindi kita pinapansin dahil hindi naman tayo close. So don’t act like we are. You’re sorry doesn’t mean anything to me and I don’t give a shit about you. So, please lang, huwag mo na akong kulitin pa. And please, don’t call me Krei. Because again, we’re not close. Okay?”
Iniwan niyang nakamaang si Sky at naglakad siya patungo sa next subject niya. Wala siyang panahon i-entertain ang kakaibang kaba na nararamdaman kapag malapit si Sky. It’s new and she doesn’t like it. She doesn’t like it one bit.
“BAKIT ba nag-aalburuto ka riyan?” Tanong sa kanya ni Blue habang nagmi-meryenda sila sa isang fast food chain.
Sky shrugged. “I don’t know. It annoyed me when she said those words to me.”
Sumubo ang fries si Blue at tumingin sa kanya. “Okay. I just have one question to ask you. And you have to answer me honestly.”
Tumango siya. “Okay. Ask away, brother.”
“Do you like her?”
His lips parted in shock. “What?! Of course not! Why would I like that freak of a woman? She’s not even my type! She’s ugly! She’s a parasite! She’s a bi—”
“You know that it’s not true.” Sansala ni Blue sa iba pa niyang sasabihin na panlalait kay Kreiya.
He rolled his eyes. “E sa talaga namang hindi ko siya gusto.”
“Then why are you so affected by her mean attitude towards you? Kung hindi mo siya gusto, hindi ka magiging apektado.”
Nag-iwas siya ng tingin. Tama naman kasi ang kakambal niya. Kung hindi niya ito gusto, hindi dapat siya apektado. Pero hindi naman talaga niya gusto si Kreiya. Galit nga siya rito dahil sa mag-asawang sampal na binigay nito sa kanya. Imposibli talagang magkagusto siya sa babaeng yun.
Never!
Napangalumbaba siya at tumingin sa labas ng fast food restaurant. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Bwesit naman oh! This is not him! Not him at all.
“I don’t like her.” Pangungumbinsi niya sa sarili at ibinalik ang tingin sa kapatid na nakatingin sa kanya na parang natatawa. “What?”
“Nothing. Just keep telling yourself that. Malay mo, mangyari.”
Umayos siya ng upo. “Yes, hindi iyon mangyayari. Because I’m going on a date.”
Kumunto ang nuo ni Blue. “A date? With whom?”
Ngumisi siya. “Leiche. Leiche Saavedra.”
Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Blue. “Bro, that’s a bad decision.”
He rolled his eyes then grinned. “Whatever, brother. I’m going on a date with Leiche.”
KREIYA was sipping her tea while waiting for her father to arrive. Sinundo siya ng kuya niya dahil gusto daw siyang makasalo sa hapunan ng ama niyang limang taon na niyang hindi nakikita.
“Kreiya, tama na iyang tea na iyan. It’s your fourth cup of tea since we sit on this table.” Wika ng Kuya Tyron niya habang abala ito sa cell phone nito.
“Okay.” Sumandal siya sa kinauupuan at tumingin sa entrance ng restaurant.
Pinagdarasal niya n asana hindi dumating ang ama niya. Ayaw niyang makausap ang ama kasi alam na niya ang sasabihin nito. Maraming masasaktan kapag hinayaan lang niya ang Daddy niya na mag-desisyun para sa kanya.
Kreiya wet her lips using her tongue. “Kuya?”
Nag-angat ng tingin sa kanya ang kapatid. “Yes?”
“Paano kung may sabihin si Daddy na hindi ko gusto, magsasalita ba ako o hahayaan ko lang siya? It’s been five years since we last saw each other, pero alam ko pa rin kung ano ang nasa utak niya ngayon. Alam kung alam mo rin ang sasabihin niya ngayon sa’kin.”
“I don’t know what’s on Dad’s mind. Ang alam ko lang, gusto ka niyang makita at maka-usap. You know that he missed you, right?”
She scoffed. “Miss me, my ass—”
“Shh! No bad words, remember?”
She sighed and nodded. “Okay.”
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa habang hinihintay nila ang ama. Wala sa sarili na napatingin siya sa pintuan ng restaurant. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makita si Sky na papasok sa restaurant at karay-karay si Leiche Saavedra.
What the heck?
They’re dating? Since when? Ipinilig niya ang ulo. Pakialam naman niya kung nagdi-date ang dalawa? Wala siyang pakialam.
Ibinalik niya ang tingin sa mesa nila at nakita niyang nakatingin ang kuya niya kay Sky.
Bumaling sa kanya ang kapatid. “Who’s he?”
“He who?” Kreiya pretended that she didn’t know what he’s talking about.
Her brother gave her an arched look. “I know that you know what I’m talking about.”
Nag-iwas siya ng tingin. “I don’t know him.”
“Yeah, keep lying to your dear brother.” Anito sa nagtatampong boses.
Napangiti siya. Ang kuya talaga niya, kapag nagtatanong ito at alam nitong kasinungalingan ang sagot niya, palagi itong nagtatampo sa kanya. Alam naman niyang biro-biro lang ang pagtatampo nito, pero ayaw niyang nagtatampo sa kanya ang kapatid kahit biro lang iyon.
Lumipat siya ng upuan sa tabi at humilig sa balikat ng kapatid.
“Kuya, huwag ka ng magtampo sa’kin.” She smiled at him. “Hindi naman worth it ang pangalan ng lalaking yun para banggitin ko.”
Humarap sa kanya ang kapatid at hinawi ang buhok na nakatabing sa mukha niya. “Kreiya, alam mo namang ayokong nagsisinungaling ka sa akin, diba?”
Tumango siya at niyakap ang kapatid. “Sorry, Kuya Ty.”
Her brother hugged her back. “It’s okay. You’re forgiven.”
She grinned then kissed his brother’s cheek. “Thank you, Kuya.”
Bumalik na siya sa kinauupuan niya at napatingin sa kaharap nilang table. Nawala ang ngiti sa mga labi niya ng magtama ang mga mata nila si Sky. Sky’s eyes darted to her brother. Imahinasyon lang ba niya o talagang madilim ang mukha ng binata habang nakatingin sa kapatid niya.
Then Sky’s gaze move towards her. When his liquid brown eyes settled on her, Kreiya felt her heart skips a beat.
“-ya! Kreiya!”
Napaigtad siya ng marinig ang kuya niya na tinawag ang pangalan niya. Binalingan niya ang kapatid at nakitang kunot ang nuong nakatingin kay Sky. The kind of look that says ‘if you hurt my sister, I’m going to kill you’. Hinawakan niya ang kapatid para sawayin ito.
“Kuya, stop that.”
Her brother looked at her with grim face. “There’s tons of fish in the ocean, Kreiya, why the hell did you choose a shark?”
“Huh?” Hindi niya naintindihan ang sinabi nito.
“Nothing.”
Nagulat siya ng biglang tumayo ang kapatid na parang napaso ito sa kinauupuan at hinawakan ang braso siya at pinipilit siyang tumayo. Sinundan niya ang tingin nito at binundol ng sobrang kaba ang dibdib niya ng makita ang pamilyar na mukha ng kanyang ama.
“Dad…” She whispered.
Her father’s eyes softened when he saw her. “Kreiya … God. Look at you.” Iminuwestra nito ang kamay sa kanya. “You look so amazing!” He exclaimed.
Kreiya looked at her father with emotionless face. “Yeah, I know I’m beautiful. Kamukha ako ni mama e.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ng ama at nalaglag ang balikat. “Kreiya—”
“Dad, take a sit.” Pinaghugot ito ng upuan ng kuya niya. “Mas makabubuting mag-usap tayo ng naka-upo. Don’t you think so?”
Tumango ang ama niya at umupo sa upuan na hinugot ng Kuya Tyron niya.
“Thank you, Tyron.” Anito sa kapatid.
Her brother just smiled. “No problem.” Itinaas nito ang kamay at tinawag ang waiter. “Waiter, menu please.”
Agad namang may lumapit na waiter sa kanila at binigyan sila ng menu. Habang binabasa niya iyon, nagsalita ang ama niya.
“Kumusta ka na, Kreiya?”
“I’m good.” Walang emosyong sagot niya. “Still breathing.”
“T-That’s good.”
“Yeah.”
Tumikhim ang kuya niya at palihim na siniko siya. “Kreiya, why don’t you tell Dad about ACU.”
She secretly glared at her brother. “ACU is an amazing university, that’s all.”
Sinipa nito ang paa niya sa ilalim ng mesa. “Why don’t you tell Dad about the University ranking.”
Sinipa rin niya ito. “I’m one of the University Rankers.”
“Stop it you too.” Saway sa kanila ng ama na kanina pa pala nakamasid sa kanila. Tumingin ito sa kanya. “Kreiya, I know that you don’t like to see me, but I want to see you. Im sorry kung pinagpipilitan ko ang sarili ko sayo. I just wanted to see you. It’s been what, four—”
“Five years, six months, thirteen days and one hour.” Walang emosyon ang mukha niya habang sinasabi iyon.
Her father looked at her with begging eyes. “Kreiya… I know you’re mad at me—”
“I’m not mad at you, dad. Definitely not mad.” She said while shaking her head. “I just don’t want to be attached to you. Anak mo ako sa labas, Dad. Ayokong dungisan ang pangalan mo. I don’t want that for you. At ayoko ring mapahiya si Tita Marian, alam kong tanggap niya ako pero alam ko na kahit papaano, nasasaktan pa rin siya kapag nakikita ako. Ako ang bunga ng pagkakamali mo, Dad.” Tumayo siya at nginitian ang ama. That smile came from her heart. “Thank you for supporting me. Aalis na ako. Marami pa akong assignment na tatapusin.”
Inayos niya ang damit at naglakad palabas ng restaurant. She squeezed her eyes shut when she felt her eyes watered. She bit her lower lip to calm herself. When someone hugged her from behind, she thought it was her brother. Sumandal siya sa dibdib nito at hinayaan ang luha na mamalisbis sa pisngi niya.
“I’m sorry—” Hindi niya napigilang humikbi. “I just can’t. Ayoko. Sorry talaga.” Namamalisbis ang luha niya na hinarap niya ang kapatid. “I’m sorry talaga k—” Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Sky. Mabilis niyang pinahid ang basang pisngi. “A-Anong ginagawa mo rito?”
Ipinalibot niya ang tingin sa paligid, hinahanap niya si Leiche pero hindi naman niya nakita. “Nasaan si Leiche?”
Sky’s hand reached for her face and caressed her cheek. “Stop crying. Pumapangit ka e.”
Inilayo niya ang pisngi sa kamay nito. “Don’t touch me.”
Nawala ang emosyon nito sa mukha. “Bakit? Dahil ba sa lalaking yun na kasama mo kanina? Is he the one who made you cry? Is he?”
She took a step back. “Look, you don’t know anything. He’s not the one who made me cry. It’s—” Napatigil siya sa pagsasalita ng makita ang kapatid na papalabas ng restaurant.
“Kreiya.” Tawag nito sa pangalan niya at mabilis na lumapit sa kanya. “Umiyak ka ba?” Puno ng pag-aalala ang boses nito.
“Nah. I’m fine.”
“Okay. Let’s go. Ihahatid na kita.” Inakbayan siya nito.
Hindi man lang nito binigyan pansin si Sky na nakatayo at nakatingin sa braso nito na nasa balikat niya.
Iginiya siya ng kapatid patungo sa nakaparada nilang sasakyan.
Nilingon niya si Sky na matiim na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya nang nginitian niya ito. Kreiya saw how his lips parted because of what she did. Mas lumapad pa ang ngiti niya sa nakitang reaksiyon nito.
“Stop grinning like an idiot, little sis.” Saway sa kanya ng kapatid at ihinilamos ang kamay nito a mukha niya.
Pabiro niyang siniko ito. “Shut up, big bro.”
Ginulo nito ang buhok niya. “Don’t tell me to shut up, you little minx. I’m your older brother.”
Inayos niya ang nasirang buhok. “That will cost you a family size pizza.”
Nginisihan siya nito. “Sure, basta ikaw ang magbabayad, why not?”
She stuck her tongue out at her brother. “Ikaw ang magbabayad no. Ano ka sini-swerte?”
Akmang kikilitiin siya ng kapatid ng tumakbo siya patungo sa sasakyan niya at sumakay doon. Ibinaba niya ang bintana ng kotse. “I’ll wait for the pizza delivery!” Sigaw niya sa kapatid at pinaharurut ang sasakyan paalis sa parking lot ng restaurant.
CHAPTER 4
CHAPTER 4
IT’S FRIDAY night at walang magawa si Kreiya kung hindi humilata sa kama habang paulit-ulit na binibasa ang librong ‘The fault in our stars’. Nuong unang araw pa niya ito natapos pero inulit na naman niya dahil nagandahan siya.
She was about to turn the page when her phone rang. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, it’s her Classmate slash ex-friend, Sheena Gonzales. Ano naman kaya ang kailangan nito?
“Hey, Sheena.” Aniya ng sagutin ang tawag.
“Hey, Kreiya. I called because I’m having a party tonight and I’m inviting you.” Anito sa kabilang linya.
Hindi na bago sa kanya ang sinabi ni Sheena. Sheena always called her every time she’s throwing a party. Because once upon a time, they were really close. And then Sky entered the scene. Naturete ang utak ng kaibigan niya at napabayaan nito ang pag-aaral. Mas lalong lumala iyon ng bigla nalang itong hiwalayan ni Sky. Iyon ang dahilan kung bakit galit siya sa lalaki. Sinaktan kasi nito ang kaibigan niya na walang ginawa kung hindi mahalin ito ng sobra-sobra.
Tiniklop niya ang libro na hawak at inilagay sa ibabaw ng kama.
“Thanks, Sheena. Sige pupunta ako.” Wala naman siyang gagawin. “Can I bring a friend?”
“Sure. You can bring as many as you want.”
“Thanks.” Pinatay niya ang tawag at tinawagan si Heelan. Ito ang isasama niya. Napansin kasi niya na parang matamlay ito this past few days. Kailangan nito mag-party kahit papaano e malibang naman ito.
“READY?” Malapad ang ngiting tanong ni Kreiya kay Heelan nang nasa labas na sila ng pintuan ng bahay ni Sheena.
Heelan matched her smile. “I was born ready.”
She chuckled then opened the door. Sinalubong kaagad sila ng malakas na ingay na nanggagaling sa malaking stereo.
“This is going to be fun.” Kreiya said in a sing song voice.
Binalingan niya si Heelan na nasa tabi lang niya, nang hindi niya ito makita, agad na hinanap niya ito. She gritted her teeth when she saw Blue talking to Heelan. Ano na naman ang kailangan ng isa sa mga kambal na ito sa kaibigan niya? Una si Sheena, ngayon naman si Heelan!
“Can I talk to you?” Ani ni Blue kay Heelan.
“Bakit—”
“No. She doesn’t want to talk to you so leave.” Singit niya sa usapan ng dalawa. Hindi niya hahayaan na may masaktan na naman siyang kaibigan. Tama nang si Sheena, hindi puwedeng pati si Heelan.
Heelan is a nice girl.
Mas sasabihin pa sana siya ng may humawak sa kamay niya at hinatak siya palayo kay Heelan. Nang tingnan niya kung sino iyon, it’s none other than Sky.
“Bitiwan mo ako, Sky! Ano ba!” Sigaw niya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nito.
Of course, hindi siya nito pinakinggan. Nagpatuloy lang ito sa paghila sa kanya, siya naman patuloy sa pagpupumiglas.
“Sky, bitawan mo ako! Kapag hindi mo ako binitawan, I swear, pupulutin mo iyang the little mo sa kangkungan!” Banta niya rito para lang bitawan siya pero hindi man lang siya nito pinansin.
Palabas na sila ng bahay nang may humarang kay Sky. It was Sheena and she was looking at Sky’s hand on hers. Tumalim ang mata nito ng tumingin sa kanya.
“And here I thought you’re a nice friend. Mang-aagaw!” Sigaw nito sa kanya. “Umalis ka sa pamamahay ko. Wala kang kwentang kaibigan!”
Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Wala itong karapatan na pagsabihan siya ng ganoon. She was a nice friend to her.
“Look, Sheena, you don’t anything, okay? As far as I know, ikaw ang walang kwentang kaibigan. At wala akong inaagaw sayo, because in the first place, matagal na kayong hiwalay na dalawa. And don’t worry, aalis ako sa pamamahay mo.” Aniya.
Akmang sasagot si Sheena ng magsalita si Sky.
“Sheena, get out of our way. May pupuntahan pa kaming importante.” Mariing wika ng binata.
“No! Si Kreiya lang ang pinapaalis ko. I want you to stay.” Anito at ipinalibot ang braso sa leeg ni Sky at pinalamlam ang mga mata na para bang nang-aakit.
Kreiya rolled her eyes. That’s the oldest trick in the book when you want to make someone stay. It always work, but with Sky?
Let’s see…
Binaklas ni Sky ang braso ni Sheena sa leeg nito. “Sheena, I’m with Kreiya. And I don’t want to stay kung paaalisin mo lang naman siya.”
Nanlilisik ang matang binalingan siya nito. “You’re such a slut! Just like your mother!” Pagkasabi nun ay nagma-martsang umalis ito.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Sheena. Alam ni Sheena lahat ng sekreto niya, hindi niya akalain na sasabihin nito iyon sa harap pa mismo ni Sky. Nangako sa kanya si Sheena na hindi nito ipagsasabi iyon and she trusted her that she won’t. Pero mukhang nagkamali siya sa taong pinagkatiwalaan.
Nang maramdaman niyang hinila na naman siya ni Sky, hinayaan lang niya ang binata. Hindi siya nagpumiglas o ano pa man. Wala siyang lakas na gawin iyon. Hindi naman siguro siya nito gagahasain para matakot siya.
Tumigil sa paghila sa kanya si Sky nang makalabas na sila sa bahay ni Sheena. Akala niya bibitawan na nito ang kamay niya pero sa halip na bitawan nito ang kamay niya, pinagsiklop pa nito iyon.
Nagtaas siya ng tingin dito. “Sky—”
“I’m sorry about what Sheena said.” Inisang hakbang nito ang pagitan nila at hinaplos ang pisngi niya.
Iniiwas niya ang pisngi sa kamay nito. “You should be. Ikaw naman kasi ang dahilan kung bakit niya sinabi iyon.”
Nang maramdamang lumuwang ang pagkakahawak nito sa kamay niya, mabilis na inagawa ang kamay na hawak nito.
Napatingin ang binata sa kamay niya kapagkuwan ay nagtaas ng tingin sa mukha niya. “Bakit ka ba galit sa’kin? Wala naman akong ginawa sa’yo. A week before, you genuinely smiled at me, and then the next day you didn’t even glanced at me or says hi. What’s wrong with you?” Puno ng katanungan ang mga mata nito.
Mapakla siyang tumawa. “Hindi mo ba talaga naaalala o talagang sa dami ng babaeng sinaktan mo, hindi mo na maalala?”
Kumunot ang nuo nito. “What? Hindi kita sinaktan, Kreiya. I would remember. Hindi ikaw yung tipo ng babae na basta-basta nalang iniiwan. Ikaw yung tipo ng babae na minamahal habang buhay. Kaya alam kung hindi kita sinaktan dahil kung naging tayo noon, sigurado akong tayo pa rin ngayon.”
Napamaang siya sa sinabi ni Sky. Hindi niya akalain na lalabas iyon sa bibig nito. Halatang ito man ay nagulat din dahil bahagyang lumaki ang mga mata nito at mabilis na nag-iwas ng tingin.
A small smile slowly appeared on her lips. “I never thought na may sweet side pala si Sky Zither Valen.” Her smile turns into laughter. “Sinong mag-aakala?”
Mas lumakas pa ang tawa niya ng makitang bahagyang namula ang pisngi nito. “God, Sky Zither Valen is blushing.” Kinuha niya ang cell phone sa purse na dala at kinunan ng litrato si Sky.
After the camera flashed, Sky turns to her.
“Tapos ka ng pagtawanan ako?” Naiinis na tanong nito.
She grinned then nodded. “Yeah, tapos na.”
“Good.”
Hinawakan na naman siya nito sa kamay at hinila patungo sa isang sasakyan. If she’s not mistaken, ito ang sasakyan ni Sky. Napakunot ang nuo niya ng buksan nito ang pintuan.
“Saan tayo pupunta?” Naguguluhang tanong niya.
“Somewhere. I promise magugustuha mo roon.”
Nag-aalangang sumakay siya sa loob ng sasakyan ni Sky. Saan naman kaya siya dadalhin ng lalaking ‘to?
KREIYA can’t believe that Sky bring her to the beach. It was a thirty minute drive from Sheena’s house. Lumabas siya sa sasakyan at nilanghap ang sariwang hangin na nanggagaling sa dagat.
“Nice view isn’t it?” Tanong ni Sky na nakalabas na rin pala ng sasakyan at nasa tabi niya.
Tiningnan niya ang binata. “Bakit mo ba ako dinala rito? Yes, this is a beach but I can see that this is also a private property.” Tinuro niya ang malaking placard na naka-dikit sa gate na may nakasulat na ‘private property’.
Tinawanan lang siya ni Sky at naglakad patungo sa naka-lock na gate. May inilabas itong susi mula sa bulsa nito at binuksan ang gate.
“Yes, this is a private property.” Anito ng balingan siya. “A private property owned by my family.”
Kaya naman pala. Bumalik si Sky sa sasakyan at pumasok sa loob, may hawak na itong dalawang milk-tea paglabas. Ibinigay nito sa kanya ang isa at pinagsiklop ang kamay nila.
“Let go of my hand if you don’t like me holding you.” Anito habang sumisipsip ng milk-tea sa straw.
Sky gave her time to push him away but she didn’t. Masarap sa pakiramdam na may kahawak-kamay. Kung papairalin niya ang utak niya, itutulak niya palayo ang binata pero sinabi niya sa sarili niya bago pa sila dumating dito na hahayaan niya ang puso sa gustong gawin. Ngayong gabi lang. Hindi muna niya gagamitin ang utak niya. She knew that being with Sky is dangerous, but she doesn’t care. For tonight, she wanted to hang out with him. Bukas na siya makikipag bangayan dito.
Hand in hand, they walk towards the beach. Madilim ang kapaligiran kaya naman wala siyang maaninag na kahit na ano maliban sa dagat na nagniningning dahil sa ilaw na nanggagaling sa buwan.
Akala ni Kreiya patungo sila sa dagat pero nagulat niya ng hilain siya ni Sky patungo sa maliit na cottage.
“Blue and I built this cottage.” Anito ng makita ang reaksiyon niya.
“Talaga? Marunong pala kayo? Akala ko puro lang pambababae ang alam niyo.”
Sky chuckled. “Marami kaming alam gawin maliban sa pambababae.”
Napangiti siya ng may maaninag na duyan. Mabilis siyang naglakad patungon doon at akmang sasakay na siya ng pigilan siya ni Sky.
“Stop. Marumi yan.” Anito at binuksan ang ilaw. “The last time we’ve been here was two months ago.”
Nalaglag ang balikat niya ng makitang tama si Sky. Medyo marumi nga ang duyan. Akala naman niya makakasakay na siya ng duyan. Hmp! Nanghihinayang na sumipsip siya ng milk-tea at tumingin sa karagatan.
“Stop sulking, Kreiya. Oh, puwede ka ng sumakay sa duyan.”
Mabilis siyang lumingon at nagulat ng makitang hinubad nito ang jacket na suot at ipinatong iyon sa duyan para hindi siya marumihan kung sakaling sasakay siya.
“Okay lang ba na upuan ko ang jacket mo?” Nag-aalangang tanong niya sa binata na nakatingin sa kanya.
Sky smiled at her. “It’s okay. Sumakay ka na. Huwag ka lang masyadong gagalaw para hindi ka marumihan. Ang ganda mo pa naman sa suot mo.”
Bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Sky. “Huwag mo nga akong bulahin, Sky.”
“Hindi kita binobola.” Anito at umupo sa upuan na gawa sa kawayan.
Dahan-dahan siyang sumakay sa duyan at tumawa siya ng mahina nang tuluyan ng makasakay. “Salamat sa jacket. Lalabhan ko nalang ‘to.”
“No need. Ako nalang, nakakahiya naman sa’yo.”
Hindi sumagot si Kreiya kaya naman namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.
Sumipsip si Kreiya ng milk-tea at tiningnan si Sky. Sumisipsip din ang binata ng milk-tea habang nakatingin sa sahig na para bang may malalim na iniisip.
“Can I ask you a very personal question?” Basag niya sa katahimikan.
Nag-taas ng tingin si Sky. “Sure. Ask away.”
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagtanong. “Why did you dump Sheena? Nuong second year kami, niligawan mo siya. And then after a week, nakipag-break ka. Bakit?”
Mataman siyang tinitigan ni Sky bago sumagot. “Sheena is not my type.”
“Yun lang ang dahilan mo? Kung hindi naman pala siya ang babaeng gusto mo, bakit mo pa siya niligawan? Bakit mo pa siya pinaasa? Alam mo bang nasira ang pagkakaibigan namin dahil sa’yo? Sheena used to be a good friend of mine and a good student but after you entered her life, she was a mess. Pinabayaan na niya ang pag-aaral niya at nag-iba na siya. Sumama na siya sa mga kababaihan sa baliw sa’yo. That’s all because of you.”
“I’m sorry.”
“Walang magagawa ang sorry mo. It’s too late for Sheena.”
“Hindi naman para kay Sheena ang paghingi ko ng tawad. It’s for you.”
“What?” Naguguluhan siya sa sinabi nito.
Sky sighed heavily. “Sheena knew that I don’t like her at all. Alam niya mula umpisa na hindi ko siya gusto. Kaya naman wala akong dapat na ihingi ng tawad sa kanya. Sa’yo lang ako magso-sorry, kasi ikaw ang mas nasaktan sa nangyari. Hindi ko siya pinaasa, Kreiya. Siya ang umasa. Sa tingin ko naman ay hindi ko na kasalanan ‘yon. Sheena and I never had a relationship. I didn’t court her. I didn’t date her. Wala akong sinabi sa kanya para umasa siya. I’m not that kind of guy, Kreiya. Yes, I’m a womanizer, pero never na pinagsabay-sabay ko ang mga babae. Sunod-sunod puwede pa. Pero yung kay Sheena? Malinis ang konsinsya ko.”
“Hindi naging kayo?” Gulat na tanong niya. “But she said…”
Sky shook his head. “Nope. Never.”
Natahimik siya sa sagot ni Sky. All along galit siya rito dahil sa ginawa nito sa kaibigan niya. Tapos malalaman niya na wala naman pala itong ginawang masama kay Sheena. God! Halos isumpa niya si Sky nang makitang umiyak ang kaibigan. Araw-araw na nakikita niya si Sky sa ACU gusto niya itong sipain at suntukin tapos wala naman pala itong kasalanan?
Mariin niyang ipinikit ang mga mata.
“Kreiya, you okay?”
Kreiya opened her eyes and then get off the hammock. Inayos niya ang nakusot na damit at tiningnan si Sky.
“Can you drive me home? At puwede bang ikaw nalang ang kumuha ng sasakyan ko sa labas ng bahay ni Sheena? If you don’t want, then it’s okay. I’ll get it tomorrow—”
“Okay. I’ll drive you home and I will bring your car to your house afterwards.”
Matamlay ang ngiting iginawad niya sa binata. “Thank you. Gusto ko na kasing magpahinga.”
“It’s okay. No need to explain.” Tumayo ito mula sa pagkakaupo at kinuha ang jacket sa duyan. “Come on, I’ll drive you home.”
Mauuna na sana itong maglakad ng abutin niya ang kamay nito. She saw him stilled at what she did.
“S-Sabay na tayo.” Nauutal na ani niya.
Sky turns around and smiled at her. “Sure. Don’t worry; I’m not going to leave you.” Then he whispered. “I don’t think I can.”
She frowned. “What did you say?”
I think I didn’t hear him right.
“Nothing.”
Hinawakan siya nito sa siko at iginiya siya pabalik sa sasakyan nito. Nasa isip pa rin niya ang sinabi nito na hindi niya masyadong narinig.
Tama kaya ang narinig ko o guni-guni ko lang?
CHAPTER 5
CHAPTER 5
NASA kama na si Kreiya at nakahiga ng tumunog ang cell phone niya. Tinatamad na kinuha niya ang cell phone sa night stand at binasa ang text. It was from Heelan. Umalis na raw ito sa party at nagpasundo nalang sa kapatid nito. She was about to reply when her apartment door bell rang.
Sino naman kaya yun?
Bumangon siya sa kama at nagsuot ng robe. Naglakad siya patungo sa pintuan at tiningnan sa peephole kung sino ang nagdo-door bell, nang makitang si Sky, mabilis niyang binuksan ang pinto.
“Hey.” Anito at inabot sa kanya ang susi ng sasakyan niya.
Parang may humaplos sa puso niya ng makita ang sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa apartment niya. He drive her home and then nag-drive ito pabalik sa bahay ni Sheena para kunin ang sasakyan niya. Tapos nag-drive na naman ito rito gamit ang sasakyan niya tapos magta-taxi ito pabalik sa bahay ni Sheena para kunin naman ang sasakyan nito na iniwan at pupunta na ito sa gusto nitong puntahan. Alam niyang nakakapagod iyon pero ginawa pa rin nito.
Tinanggap niya ang susi at nginitian ang binata. “Thank you, Sky.”
Sky gave her a small smile. “You’re welcome.”
Ilang minuto rin silang nagtitigan at walang imik nang biglang tumunog ang cell phone ni Sky.
“Hang on.” Mabilis na kinuha nito ang cell phone sa bulsa. “It’s Blue’s ring tone.”
Sumandal siya hamba ng pintuan at lihim na tinitigan ang binata habang nakikipag-usap ito kay Blue. Ngayon lang niya aaminin sa sarili, napaka-guwapo talaga ni Sky. His messy chocolate brown hair, his liquid brown eyes that melt her inside every time he looked at her. His aristocrat nose. His crimson red lips. Everything about Sky screams gorgeous. Pero hinding-hindi niya iyon sasabihin sa binata.
“Earth to Kreiya. Hello.” Wika ni Sky habang iwinawagayway ang kamay sa harap ng mukha niya.
Napakurap-kurap si Kreiya. “Yeah? May kailangan ka?” Wala sa sariling tanong niya.
Sky chuckled lightly then leaned in to her. “Alam ko naman na guwapo ako pero sobra naman ang reaksiyon mo. Huwag kang matulala, ako lang naman ‘to.”
Napamaang siya sa sinabi nito. Is that it? Nakatulala ba siya habang nakatingin sa guwapo nitong mukha? So much for looking at him secretly. Kinastigo niya ang sarili sa kahihiyang ginawa.
“Hindi ka guwapo.” Wala siyang ibang masabi kung hindi iyon.
Sky smirked at her the move his face close to hers. “Really? I’m not handsome? Promise?”
Lihim siyang napalunok ng maamoy niya ang mabango nitong hininga. “O-Oo, hindi ka guwapo. Ang pangit mo nga e.”
Mas inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya. “Oh yeah? Gaano ka pangit?”
“Basta. Sobrang pangit.”
His face came closer to hers again. “Kung pangit ako, paki-describe nga ng mukha ko. Tingnan natin kung gaano ako kapangit.”
Nag-iwas siya ng tingin pero agad naman na hinuli nito ang mga mata niya. Akmang hahakbang siya paatras ng ipalibot nito ang braso sa bewang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. She put her hands on his chest to push him away but when she felt his hard chest, her mind went blank.
Oh, Jesus Christ in heaven above!
Ngumisi si Sky na parang alam nito ang tumatakbo sa utak niya. Malakas niyang itinulak ito palayo sa kanya pero hindi manlang ito natinag.
“Sky, let go of me.” Aniya sa mahinang boses. Wala siyang lakas na itulak ito ulit dahil nanghihina ang tuhod niya sa sobrang lapit nito sa kanya.
Kreiya can feel his breath, his chest, his abdomen, his everything! Nakita niyang bumaba ang tingin ni Sky sa mga labi niya. Slowly, his mouth inched closer to hers.
“I dreamed of kissing you every freaking night.” He whispered over her lips. “After the base ball stadium incident when your lips accidentally brushed against mine, I always wake up in the middle of the night, wanting that kiss to happen again. Not in my dreams, but in reality.”
Napanganga siya. Yung malambot na bagay na iyon na lumapat sa labi niya, hindi iyon soft fabric kung hindi labi nito?
“Y-You jerk… why didn’t you—”
Her words were cut off when Sky’s lips crashed against hers. Sa halip na itulak ang binata, hinayaan lang niya ito na halikan siya. Kreiya can feel his lips moving and the tingling sensation it gives her every time his lips move against hers. Parang may nagliliparang mga paru-paru sa tiyan niya at parang kinikiliti ang talampakan niya habang hinahalikan siya ng binata. Pagkalipas ng ilang minute, natagpuan nalang niya ang sarili na tinutugon ang halik nito.
Sky smiled against her lips when she kissed him back. Kreiya was about to pull away when Sky deepened the kiss. His tongue entered her mouth and all Kreiya could do is moan when she tasted the decadence that is Sky.
When Sky pulled away, he was grinning from ear to ear. Kreiya blushed profusely. She can’t look at Sky and her heart was beating rapidly. Her lips felt like Sky’s lips were still on hers and it felt weird. May nakahalikan na siya pero hindi naman ganito iyon. This is weird and amazing at the same time.
Sky put his hand on her chin then forced her to look at him.
“I’ll pick you up on monday?”
Kreiya bit her lower lip and nodded. “Sure.”
Sky grinned. “Awesome. On monday then.”
He claimed her lips one more time then pulled away. “Bye. Have a pleasant night.”
“You too.”
Pinakawalan siya nito at naglakad palayo sa kanya, bago pa ito mawala sa paningin niya, he look back and winked at her then shouted. “Dream of me my Kreiya!”
My Kreiya. Why does it sound so possessive?
Napailing-iling siya at pumasok sa bahay niya.
Nang maisara ang pintuan, kinapa niya ang labi niya at napangiti ng maalala ang halik na namagitan sa kanila ni Sky.
Who would have thought that I will kiss Sky?
Ni siya, hindi niya inakala na gagawin niya iyon. She can’t wait for the morning to come. Excited na siyang makita si Sky at makasama ito.
LUNES ng umaga, nabulahaw si Kreiya sa tunog ng door bell. Bumangon siya at inayos ang sarili kapagkuwan ay bumaba siya para tingnan kung sino ang nambulahaw sa tulog niya.
Napamaang siya ng buksan niya ang pinto at nakita si Sky na nakapamulsa at nakatalikod sa kanya.
“When you said you’re going to pick me up, hindi ko ini-expect na ganito kaaga.” Aniya na may ngiting sinusupil sa mga labi. “Mamayang nine pa ang first subject ko.”
Mabilis na lumingon sa kanya si Sky at ngumiti ng makita siya. “Hey. Good morning.”
“Good morning to you too.” Pinakawalan niya ang ngiting kanina pa gustong kumawala sa mga labi niya. “Ang aga mo yata.”
Napakamot ng ulo ang binata. “Yeah. Excited lang, pasensiya.” Lumingon ito sa sasakyan nito at ibinalik ang tingin sa kanya. “Gusto mo, umalis muna ako. Babalik nalang ako mamayang nine A.M.”
“Nah, it’s okay.” Aniya ng akmang aalis na ito. Mas niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. “Come on in.”
“Sure ka?” May pagaalangan sa boses ni Sky.
Tumango siya. “Yeah, I’m sure. Bakit naman?”
“Hindi ba magagalit ang parents mo?”
She smiled but it didn’t reach her eyes. “Nope. I live alone.”
Bakas ang gulat sa mukha ng binata sa sinabi niya. “You live alone? You’re too young to live alone. Paano kung may mangyaring masama sa’yo? Paano kung—”
“Stop, Sky.” Natatawang aniya. “I’d been living alone for five years and nothing bad happened to me. I’m fine.”
“Sorry. Just worried about you.”
“It’s cool.”
Pumasok si Sky sa loob ng bahay niya at umupo sa pang-isahang sofa. Nang makaupo ito, nagtaas ito ng tingin sa kanya.
“So, what? Uupo lang ako rito hanggang nine AM?”
Bahagyang tumawa si Kreiya sa sinabi ni Sky. “Of course not. Maliligo lang ako tapos lalabas tayo. Kain tayo ng breakfast sa labas.”
“Oh, okay.” Lumipat si Sky sa mahabang sofa at nahiga roon. “Gisingin mo nalang ako kapag tapos ka ng maligo. Ayokong ma-torture habang nakaupo riyan at ini-imagine ang hubad mong katawan” Pagkasabi niyon ay ipinikit nito ang mga mata at natulog nga ang loko.
Hindi siya nakapag-react sa sinabi nito. Napanganga lang siya sa sobrang gulat. Ang ginawa niya, walang imik na bumalik siya sa silid niya at naligo. Nagpanggap nalang siya na hindi niya narinig ang sinabi ni Sky.
Pagkatapos niyang maligo, naabutan niya si Sky na natutulog pa rin. Naiiling na nilapitan niya ito. Kreiya reached for his shoulder to wake him up but he shock her by grabbing her hand and pulling her to him. Napasinghap si Kreiya ng makita ang posisyon nila ni Sky.
“Oh god…”
Nakakubabaw siya kay Sky at isang dangkal nalang ang layo ng mukha niya sa mukha nito. Kreiya gaped when she felt Sky’s friend stirring to life, akmang babangon siya ng ipinalibot ni Sky ang braso sa bewang niya para pigilan siyang makatayo.
“Sky. Ano ba.” Her voice came out soft instead of angry.
Sky smirked at her. “What? Hindi mo ba gusto ang posisyon natin?”
Namula siya sa tinuran nito. “Ang bastos mo!”
Marahang tumawa si Sky. “Sino kaya ang nag-umpisa? Nananahimik ako tapos sasabihin mong maliligo ka? Kreiya, I’m a hormonal teenager, malamang maapektuhan ako. Sana hindi ka nalang nagsalita kanina. Hindi na nga makalma ang munti kung kaibigan, dinagdagan mo. Ako na ang horny.”
Sobrang pulang-pula ang pisngi ni Kreiya sa pinagsasabi ni Sky.
Itinakip niya ang kamay sa tenga para hindi marinig ang iba pang sasabihin ni Sky. “Tama na! Ayoko ng marinig yun! Enough!”
Malakas na tumawa si Sky at sinakop ang mga labi niya ng walang sere-seremonya. Instead of kissing him back, Kreiya pulled away.
“Sky, don’t kiss me again. Okay.” Kahit pinipigilan ni Sky, hindi nagpapigil si Kreiya at tumayo mula sa pagkakakubabaw sa binata. “What happened last night was a—”
“It’s not a mistake if that’s what you’re going to say.” Bumangon si Sky at tinitigan siya ng matiim. “After that kiss, I realize something. I know it’s quick and all but I really like you, Kreiya. Would you like to be my girlfriend?”
“What?” Shock was an understatement of the century when she heard Sky. “Pakiulit naman oh. I think I heard you wrong.”
Huminga ng malalim si Sky. “I know it’s not going to be easy, but I really like you and I want you to be my girlfriend. Please, give me a chance.”
Napatawa ng mahina si Kreiya. “Are you serious about all of this? Sky, you’re a womanizer and you want me to be your girl?”
“Subukan lang natin. I really like you, Kreiya. If this didn’t work out, then we part ways.”
“Just like that? Hindi mo man lang ba inisip na baka masaktan ako?”
“If this didn’t work out, then that’s it. Ayokong puro what if’s ang utak ko kapag naiisip ka. I like you and I’m asking you to be my girlfriend. I want to take my chance and risk my heart. I don’t want to sulk in the corner and ask what if’s to myself. Ikaw, ayaw mo bang subukan?”
Nawalan ng imik si Kreiya. Hindi niya alam ang isasagot niya rito.
“Come on, Kreiya. Answer me. Alam ko na kahit papaano may nararamdaman ka para sa’kin. You won’t kiss me back if you don’t feel a thing for me.”
She closed her eyes and heard her heart beating so freaking fast. She felt something for Sky, that’s for sure, but she’s scared. If she give herself a chance to be with Sky, natatakot siya na baka lumalim ang nararamdaman niya para sa binata. Is she willing to risk her heart?
When Kreiya opened her eyes, she decided. “Sure, I would like to be your girlfriend.”
Sky grinned. “Awesome!”
Niyakap siya ni Sky at siniil ng halik ang mga labi niya. When he pulled away, his eyes were twinkling in happiness.
“Ang saya mo yata.” Tudyo niya sa binata.
“Of course, ang ganda ng girlfriend ko. Sinong hindi sasaya?”
Umakto siyang nasasaktan. “Ang kagandahan ko lang yata ang habol mo e.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Sky. “What? Of course not! I really like you. A lot. Well, kasama na roon ang kagandahan mo pero of course, your personality and everything—”
Malakas na tumawa si Kreiya at hinalikan sa labi si Sky. “Shut up, Sky. I like you too.”
CHAPTER 6
CHAPTER 6
ISANG sasakyan lang ang ginamit ni Sky at Kreiya pagpasok sa ACU. Lahat ng mata nasa kanila ng sabay silang lumabas ng sasakyan ni Sky. Ang ibang babae ay nakatingin sa kanya na parang naiinggit ang iba naman ay masama ang tingin sa kanya. And she doesn’t give a shit.
Hinawakan ni Sky ang kamay niya at pinagsiklop iyon. Her heart skips a beat at what he did.
“Sky, maraming tao.” Aniya at pilit na inaagaw ang kamay niya na hawak nito.
“So?” Mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay niya. “Girlfriend kita, and I want them to know that.”
Tumaba ang puso niya sa sinabi nito. Hindi niya napigilang ngumiti na agad din namang nawala ng humarang si Sheena sa dinadaanan nila.
“Look girls.” Nanunuyang tumingin ito sa kanya. “The daughter of a whore.”
Tumawa ang tatlong babaeng kasama nito at para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
“Sheena, mag sorry ka kay Kreiya.” Narinig niyang sabi ni Sky.
Humagikhik si Sheena. “Aww, hindi mo ba alam Sky? Anak ng isang bayarang babae iyang kahawak-kamay mo? What a shit. Umaaktong santa, kalahi naman pala ni satanas.”
Hindi niya maibuka ang bibig para ipagtanggol ang sarili niya. Lahat naman kasi ng sinabi ni Sheena ay totoo. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Sky sa isiping baka bigla nalang nitong bitawan ang kamay niya dahil sa sinabi ni Sheena.
Binalingan siya ni Sky at tinitigan siya. Hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil nahihiya siya. Hindi niya alam ang sasabihin kung sakaling tanungin siya nito kung totoo ang pinagsasasabi ni Sheena.
“Sheena, shut the fvck up! You don’t know anything.” Sky hissed at Sheena.
“Ikaw ang walang alam, Sky. Alamin mo muna kaya ang background niyang babaeng kahawak-kamay mo. I’m sure you’ll find her as dirty as her whore of a mother—”
Hindi pinatapos ni Sky ang sinasabi ni Sheena at hinila siya nito palayo sa mga ito. Natagpuan niya ang sarili sa park at yakap-yakap ni Sky. Pinigilan niya ang sarili na hindi umiyak. Ayaw niyang umiyak sa harap ng binata. Ayaw niyang makita nito kung gaano siya ka-pathetic.
“It’s okay.” Alo nito sa kanya. “Sheena is just jealous so she’s talking gibberish.”
Marahan niyang itinulak si Sky at nilagyan ng pagitan ang mga katawan nila.
Tinitigan niya sa mga mata si Sky. “Paano kung totoo ang mga sinabi niya? Iinsultuhin mo rin ba ako? Tutuyain?”
“Kreiya, you know I’m not like that.” Akmang lalapit sa kanya si Sky para yapusin siya pero umatras siya para hindi siya nito mahawakan.
“Stop. You have to know my past if you want to be with me.” Aniya at humugot ng buntong hininga. “Sheena was telling the truth. My mother is a whore. Naging kabit siya ng daddy ko at nagbunga ang pagkakamali nila at ako yun. My father was already married to someone else when my mother conceived me. I was a mistake. Namulat ako na palaging lasing ang mama ko at maraming lalaking pumapasok sa baro-baro naming bahay para gamitin siya. I saw how wasted she is and I don’t want to be like her. Kaya naman ng may pumunta na lalaki sa bahay at sinabing kapatid ko siya sa ama, I was happy. Nang sabihin niyang kukunin niya ako at papag-aralin, sumama kaagad ako sa kanya. I abandoned my mother for my future. Kuya Tyron is the best brother anyone could ever have and I’m so lucky to be his half-sister. He supported me, he gave me all I want and need using my father’s money. And the rest is history.”
Matagal na minuto ang lumipas bago nagsalita si Sky. “That’s why you live alone.”
Tumango siya. “I visit my mom sometimes, pero ayaw niya akong makita. Bahala na raw ako sa buhay ko. Ang asawa naman ni Daddy, tanggap naman ako pero ayokong pumasok sa pamilya nila. I will always be a mistake and I know, nasasaktan pa rin si Tita Marian kapag nakikita ako. Ako ang bunga ng pagkakamali ni Daddy at hindi iyon basta-basta mabubura. Ngayong alam mo na, do you still like me?”
Lumapit sa kanya si Sky at sinapo ang mukha niya. “Kreiya, if you think na mawawala ang pagkagusto ko sa’yo dahil sa ikinuwento mo sa akin, doon ka nagkakamali. I like you. I don’t care about your past. I don’t care about your mom. I don’t care if you’re an illegitimate child. All I care about is being with you.”
Doon tumulo ang luha niya sa sinabi ni Sky. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling humikbi.
Sky shook his head then encircled her in a hug. “Ewan ko talaga sayo, Kreiya. Inisip mo talaga na hindi na kita magugustuhan dahil sa family background mo?”
Tumango-tango siya. “Oo. Akala ko sasabihin mong hindi mo na ako gusto.”
Natatawang hinalikan siya sa mga labi ni Sky. “Gusto kita, Kreiya. Gustong-gusto. Hinding-hindi basta mawawala iyon.”
Kreiya hugged him tightly. “Thank you.”
“No need to thank me.” Kumawala ito sa pagkakayakap niya at tinuyo ang luha niya. “Pull yourself together. Malapit na ang first subject mo. Show Sheena na walang epekto sayo ang sinabi niya. Show her how strong you are, Kreiya. Don’t cry. Be the strong woman who slapped me four times.”
Mahina siyang napatawa sa sinabi nito. “Sorry pala sa pagsampal ko sa’yo.”
Sky chuckled. “It’s okay. I think I deserve those slaps.”
“Nope. You don’t deserve it and I’m very sorry.”
Pinisil ni Sky ang tungki ng ilong niya. “Go. Freshen up. Malapit na rin ang first subject ko. Baka ma-late na ako.”
“Okay.”
Akmang tatalikuran na niya ito ng hawakan nito ang kamay niya at hinapit siya palapit dito. Bago pa siya makapag-react, siniil na nito ng mainit na halik ang mga labi niya.
“Bye, Kreiya.” Sky said when he pulled away. “Have a nice day.”
“You too.” Hindi niya mapigilang ngumiti sa saya na nararamdaman.
Sky dropped three sweet kisses on her lips. “See you in the library after lunch break? Vacant ko.”
“Sure. Vacant ko rin hanggang three PM.”
“Awesome. See you there!”
Tumakbo si Sky palayo sa kanya. Kinapa niya ang dibdib na sobrang bilis ng tibok. God of love, kung nag-i-exist ka, please lang paki-ingatan ng puso ko.
Kasi kaunting push nalang, mahuhulog na ang puso ko.
Sana naroon si Sky para saluhin iyon.
PUMASOK siya sa first subject niya na parang hindi siya umiyak. Inayos niya ang sarili bago pumasok sa class room nila. Nakita niyang masamang tingin ang ipinukol sa kanya ni Sheena, tinaasan lang niya ito ng kilay at nagtuloy-tuloy sa upuaan niya.
Tama si Sky. Dapat hindi siya magpa-apekto kay Sheena. Who is she to make her cry? Sino ba ito para husgahan siya? She’s nothing but a bitter admirer of Sky, her boyfriend.
Naramdaman niyang may nakatayo sa harapan niya pero hindi niya tiningnan kung sino iyon. By the scent of her perfume, alam niyang si Sheena iyon.
“Hey, slut. Hindi ka ba talaga titigil—”
Bigla siyang tumayo at tinabig ang kamay nito na dumuduro sa kanya.
“Look, Sheena. Hindi ko kasalanan kung hindi ka gusto ni Sky. Oh by the way, nag-usap kami at sinabi niyang never na naging kayo. Ikaw lang naman itong nagpa-asa sa sarili mo. Nagalit pa talaga ako kay Sky dahil sa pagpapa-iyak niya sayo samantalang gawa-gawa mo lang naman pala ang mga kwento mo sa’kin. Yes, I’m maybe a daughter of a worthless woman, but at least I’m not a lying conniving bitch like you.”
Isinukbit niya ang bag sa balikat at lumipat ng upuan. Iniwan niya si Sheena na nakatulala sa hangin. Mukhang hindi nito inaasahan na alam na niya ang mga kasinungalingan nito. Wala na siyang pakialam kay Sheena. Bahala siya sa buhay niya, ang importante, masaya siya sa piling ni Sky. At sisiguraduhin niyang sasaya rin ang binata sa piling niya.
AFTER lunch break, nagmamadaling pumunta si Kreiya sa library at umakyat sa third floor kung nasaan si Sky. May panghihinayang na naramdaman si Kreiya ng makitang may mga kasamang classmate ang binata.
Umupo siya sa bakanteng mesa na katabi lang ng mga ito. Inilabas niya ang laptop at binuksan iyon. Wala sa sariling napatingin siya sa direksiyon ni Sky at nagtama ang mga mata nila.
Sky smiled at her, she smiled back. Bahagyang nanlaki ang mga niya ng tumayo ito at lumapit sa table niya.
“Hey.” Bati nito sa kanya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. “Kumusta?”
Tumingin siya sa mesa na inuukupa nito at nakitang lahat ng kasama nito sa table ay nakatingin sa kanya. Naasiwang tiningnan niya si Sky.
“Okay lang ako.” Aniya at ibinalik ang paningin sa screen ng laptop niya.
Nagulat siya ng hawakan ni Sky ang kamay niya at bigla nalang siyang hinila patungo sa table nito. Of course, being Kreiya Amdrei Zapanta, taas nuo siyang humarap sa mga classmate ni Sky.
“Hey everyone, this is Kreiya Zapanta. My girlfriend.”
“Hi, Kreiya.” Sabay-sabay na bati sa kanya ng mga class mate ni Sky.
She smiled at them. “Hi.”
Blue grinned at her. “Sabi ko na e. May something sa inyong dalawa.”
She chuckled. “Ang kakambal mo lang ang may something sa akin, pinilit lang niya ako.”
Nagtawanan ang mga ka-klase nito na agad namang sinaway ng librarian. Mabilis na natahimik sila at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa. Kinuha ni Sky ang bag na nasa sahig at isinukbit iyon.
“Okay, lilipat lang ako ng table.” Sabi ni Sky sa mga ka-klase nito..
Agad na umangal si Blue. “Sky, nandito tayo para gumawa ng assignment.”
Napangiti siya sa kaseryusuhan ng boses ni Blue. Inaasahan na niya iyon sa Top one ng University ranking.
Hinawakan niya sa braso si Sky. “It’s okay. Mag a-assignment din naman kasi ako. Tapusin muna natin ang school works natin saka tayo mag-hang out.”
Napipilitang ibinalik ni Sky ang bag sa sahig at humarap sa kanya. “Kailan naman kaya tayo mag ha-hang out?”
Napaisip si Kreiya. “How about sa Saturday? Balik tayo roon sa beach na pinuntahan natin nung Friday.”
Sky grinned. “Sure.” Hinalikan siya nito sa pisngi at bumalik sa upuan nito.
Siya naman ay naglakad pabalik sa mesa niya at sinimulang gawin ang assignment niya. She’s inspired while making her assignment. Sinong mag-aakala na si Sky ang inspirasyon niya. He’s the second ranker in University Ranking, hindi niya hahayaang matanggal siya sa University ranking. Nakakahiya.
KINAHAPUNAN, habang naglalakad papunta sa parking lot ng ACU kung saan sila magkikita ni Sky para ihatid siya nito sa bahay niya, nakita niya ang kuya Tyron niya na nakasandal sa sasakyan nito at mukhang hinihintay siya.
“Kuya!” Tawag niya rito na may malapad na ngiti sa mga labi. “Anong ginagawa mo rito?”
Niyakap siya ng kapatid ng makalapit siya rito. “Hey, little sis. How are you?”
“I’m fine, kuya. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” Ulit na tanong niya.
Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap at tinitigan siya. “Little sis, birthday na ni Daddy bukas. And you’re invited. Kapag hindi ka raw pumunta, si mommy mismo ang susundo sa’yo.”
Napatanga siya sa huling sinabi nito. “P-Pero kuya—”
“Iyon lang ang pinunta ko rito.” He hugged her again then put his sunglasses on. “Bye little sis. See you tomorrow.” Pagkasabi nun ay sumakay na ito sa Dodge Viper na sasakyan nito at iniwan siyang nakatulala sa hangin.
“Ano mo ba ang lalaking yun? Bakit ka niya niyakap ng dalawang beses?” Anang boses ni Sky mula sa likuran niya at punong-puno iyon ng selos.
Nilingon niya si Sky at nakita niyang madilim ang mukha nito.
“Nagseselos ka ba?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa binata.
“Ano ba sa tingin mo?” Galit na balik tanong nito. “He hugged you two times then you hugged him back and—”
“My god, Sky. He’s my half-brother, kuya Tyron.” Natatawang sabi niya.
Biglang umaliwalas ang mukha ni Sky. “Oh. Siya yung kapatid mo sa Daddy mo?”
Tumango siya. “Yep so don’t be jealous, okay?”
Napakamot ng batok ang binata. “Akala ko kasi… kapatid mo pala… shit naman oh!”
Nilapitan niya si Sky at ipinalibot ang braso sa leeg nito. “Sky, I’m not my mother. Hindi kita lulukohin.”
“I never said you were. Nagselos lang ako.”
Tutuksuhin sana niya ito ng may magsalita hindi kalayuan sa kanila.
“Kreiya, babe, please come back to me! I miss you, babe! I love you!”
Sky gave her an arched looked. “Please tell me that he’s not your brother.”
Umiling-iling siya. “Nope. He’s my scumbag ex-boyfriend.”
CHAPTER 7
CHAPTER 7
SUSUGURIN sana ni Sky ang walang kwenta niyang ex-boyfriend ng pigilan niya ito sa braso. Ayaw niyang ipatawag si Sky ng disciplinary committee nang dahil sa kanya. Malapit na ang graduation at running for summa cum laude ito, hindi niya hahayaang masira iyon.
“Stop.” Pigil niya sa nakaambang kamao ni Sky. “Stop it. He’s not worth it.”
Masama ang ipinukol na tingin ni Sky kay Mark, ang ex niyang makapal ang mukha na makipagbalikan sa kanya pagkatapos siya nitong lokohin. Gago!
Akala niya hindi magpapapigil si Sky pero nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya hinila siya patungo sa sasakyan nito.
“Come on, I’m taking you home.” Matigas na wika ni Sky. “Ayokong magtagal ka pa rito. Baka saan ka pa pumunta.” Anito at binuksan ang sasakyan at pinapasok siya.
Walang imik na umupo siya sa passenger seat at hinintay ang binata na sumakay. Nang bumukas ang driver seat at sumakay si Sky, kinagat niya ang pang-ibabang labi.
“Sorry, about Mark.” Aniya at hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa monabela. “Hindi ko alam na gagawan niya iyon.”
Sky looked at her; a strange emotion crossed his eyes. “Alam ko naman na wala kang kasalanan. Natakot lang ako.”
Her forehead knotted. “Natakot? Saan ka naman natakot?”
Humarap ito sa kanya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha niya.
“Natakot ako na baka bumalik ka sa kanya. I know na ako na ang boyfriend mo, alam ko ring may gusto ka sa akin, pero nung sabihin mong ex mo siya, inataki ako ng takot. I was scared that you’ll leave me.”
Hindi niya napigilang tumawa sa sinabi nito.
“Sky, Mark cheated on me. Hindi naman ako tanga para bumalik pa sa kanya. Nakita mismo ng dalawa kung mga mata na niloloko niya ako.”
Disbelief is visible on Sky’s eyes. “Niloko ka ng lalaking yun? The nerve of that guy!”
“Don’t worry. Binigyan ko siya ng mag-asawang sampal.”
Sky grinned at what she said. “That my girl. Sampalim mo lahat ng mananakit sa’yo, kahit ako pa yun kapag nasaktan kita ng hindi ko alam o sinasadya. Pampa-gising.”
Kreiya chuckled then reach for his face and caress it. “Nagseselos ka pa?”
Hinawakan nito ang kamay niya na sa pisngi nito at pinisil iyon. “Nope. I realize, he’s not worth my jealousy.” Then he leaned in and brushed his lips on hers. “At alam ko namang ako ang gusto mo.”
Parang kinikilit ang puso niya at hindi niya mapigilang ngumiti. “Oo, ikaw ang gusto ko.”
“Good, kasi ako, ikaw lang din ang gusto ko.”
Hindi napigilan ni Kreiya ang sarili at ipinalibot niya ang braso sa leeg ng binata at sinakop ang labi nito. Agad namang tumugon si Sky. They were kissing for more than ten seconds when she felt Sky’s hand in her bare waist. Naglumikot ang kamay nito mula sa bewang niya patungo sa mayayaman niyang dibdib. When his hand reached her bra, she was about to stop him when Sky stop himself.
“Sorry.” Sky said in between huffed. “I shouldn’t have done that. Sorry.”
Agad na pinatawad ni Kreiya si Sky ng makitang totong nagsisisi ang binata sa ginawa. Natutuwa siya na ito mismo ang tumigil, ibig sabihin lang niyon ay nire-respito nito ang pagkababae niya.
“Its okay, Sky. You’re forgiven.” Nakangiting aniya.
“Sorry, promise, I won’t do it again. I won’t cross the line.”
She smiled at him with adoration in her eyes. “Thank you for respecting me, Sky.”
Sky smiled back. “Ikaw ang tipo ng babae na nire-respito, Kreiya.”
Niyakap niya ang kasintahan ng mahigpit. “Salamat.”
Niyapos nito ang likod niya. “Welcome.”
Nang pakawalan niya si Sky sa pagkakayakap, binuhay ng binata ang makina ng kotse at bumaling sa kanya.
“Ihahatid na kita?” He gave her a cute smile. “Hindi ba puwedeng kumain muna tayo sa labas? Tapos tsaka kita ihahatid sa apartment mo?”
Umaktong nag-iisip si Kreiya na para bang pinag-iisipan niya kung sasama siya rito o hindi.
She smiled at him after seconds of thinking. “Sure, why not?”
Sky grinned. “Great. Anyway, saan mo gustong kumain? Italian restaurant? Restaurant that serves sea food, or wherever you want?”
“How about fast food? Matagal-tagal na rin nang huli akong kumain ng fast food. God I miss their fries.”
Mahinang tumawa si Sky at pinaharurot ang kotse patungo sa pinakamalapit na fast food.
“Akala ko ba ang mga babae ayaw sa pagkain na full of calories?” Wika ni Sky habang nasa daan sila patungo sa fast food.
“Full of calories nga pero very tasty naman.” Aniya. “Saka hindi naman ako body conscious. Kakainin ko ang gusto kung kainin.”
“Good. Kasi ayoko sa mga babaeng maarte pagdating sa pagkain.”
Inirapan niya ito. “So, kung maarte pala ako sa pagkain, hindi mo na ako gusto?”
“Of course not.” Mabilis na sagot nito. “Iba ka naman kasi. Lahat na yata ng ayaw kung ugali ng isang babae ay nasa iyo na. Madaling mag-init ang ulo, nananampal, bigla nalang nagagalit at marami pang iba. But the funny thing is, those attitudes of yours that I dislike was the attitude of yours that draws me in. Hindi ko alam kung bakit.” Napapailing-iling na wika nito.
Para na namang may kumiliti sa puso niya. Damn! This guy is the sweetest! Hindi niya akalain na may side si Sky na ganito.
“Same here. Hindi kita gusto noon pero tingnan mo naman ngayon—”
“Patay na patay ka na sa akin?” Pagtatapos nito sa iba pa niyang sasabihin.
Pabirong tinampal niya ang braso nito. “Baliw. Gusto kita pero hindi pa naman ako dumarating sa stage na iyon na kung saan patay na patay ako sa’yo.”
“Darating ka rin doon at ako na yata ang pinakamasayang lalaki kapag nangyari yun.” Pinisil nito ang kamay niya.
She squeezed back his hand then leaned in to kiss his cheek. “I really like you, Sky.”
Ipinarada ni Sky ang sasakyan sa labas ng isang fast food chain at inilapit ang mukha nito sa mukha niya.
“I like you too, Kreiya. I like very much.”
She smiled and kissed him on the lips. “Tara, kain na tayo.”
Marahang tumawa ang binata. “Ang takaw ng girlfriend ko.”
Pabiro niya itong binatukan kapagkuwan at hinalikan sa mga labi. “Oo, matakaw ako kaya tara na kasi nagugutom na ako.”
“Oo na.”
Sabay silang lumabas ng sasakyan at hawak-kamay na naglakad papasok sa fast food chain.
KINAKABAHAN si Kreiya habang papasok ang sinasakyan niyang limousine—courtesy of her dear brother— sa parking lot ng Zapanta Luxurious Hotel kung saan gaganapin ang kaarawang ng Daddy niya.
When the limousine stopped, Kreiya took a deep breath then steps out. All eyes were on her the moment her feet touches the ground. She’s wearing a very expensive silver backless gown, showing her sexy bare back, with a slit on her right leg up to her mid thigh. She paired it with silver stiletto that added to her elegance. Her hair was curled perfectly and it suits her face. It gave her an innocent but fierce look.
Slowly, Kreiya entered the venue. Hindi niya pinansin ang mga matang nakatutok sa kanya. She discarded them and juts focus on her steps. Hindi siya puwedeng madapa kung hindi masisira ang damit niya.
Ang sumalubong sa kanya ay ang Kuya Tyron niya.
“Hello, beautiful lady. Muntik na kitang hindi makilala, little sis.” Anito at pinisil ang tungki ng ilong niya.
Pabiro niyang inirapan ang kapatid. “Nambobola na naman si Kuya.”
“Hindi no! I’m telling the truth.” Ngumiti ito sa kung sino man ang nasa likuran niya. “Diba, mommy? Ang ganda-ganda ni Kreiya?”
She stilled. Mukhang napansin iyon ng kapatid niy dahil inakbayan siya nito at ihinarap sa ina nito.
“Hey, Mom.” Bati nito sa ina. “Ang ganda ni Kreiya diba?”
Tita Marian looked at her with adoration in her eyes. “Yes, she’s very pretty indeed. A head turner.”
“Thank you po.” Nahihiyang tumungo siya at tinitigan ang sahig na para bang naroon ang sagot sa lahat ng problema sa mundo.
“Aww. Don’t bow down your head, Kreiya. It’s just me.” Hinawakan nito ang baba niya at pinilit na magtaas siya ng tingin. “Say hello to me, Kreiya. Magtatampo ako sayo.”
“Hello po, tita Marian.” Kiming wika niya.
Ito ang ayaw niya kapag kaharap niya ang asawa ng daddy niya, bigla siyang bumabait. Pakiramdam kasi niya, kailangan niyang maging mabait at pakisamahan ito ng mabuti dahil alam niyang nasasaktan ito kapag nakikita siya. At last, iyon ang gusto niyang paniwalaan.
Ngumiti ang Tita Marian niya at hinawakan siya sa siko. “Hello to you too, darling. Come on, puntahan natin ang Daddy mo. Hindi mo pa siya binabati ng happy birthday.”
Iginiya siya nito patungo sa table kung saan naroon ang ama niya at nakikipag-kwentuhan. Sobrang kaba ang nararamdaman niya pero dahil nasa tabi niya ang kanyang kuya, kahit papaano ay okay siya.
“Hey, gentlemen.” Bati ni Tita Marian sa mga kausap ng ama bago binalingan ang asawa. “Hon, babatiin ka raw ni Kreiya.”
Pilit na ngiti ang iginawad niya sa ama. “Happy birth day, dad.”
“Thank you, Kreiya.” Ani ng Daddy niya. “Na-i-kwento pala sa akin ng Kuya Tyron mo na nakapasa ka raw sa MIT Scholarship. I’m so proud of you, iha.”
Nakataas ang kilay na binalingan niya ang kapatid. “Sinabi mo?” Mahina ang boses na tanong niya sa kuya niya.
Her brother gave her a sorry smile. “Sorry.” He whispered. “Nadulas ako.”
Ibinalik niya ang tingin sa mga kaibigan ng ama niya na may pekeng ngiti sa mga labi. Hindi niya ugaing makipag-plastikan pero ayaw naman niyang mapahiya ang ama niya.
SUMANDAL sa kinauupuan si Sky habang bored na bored na ipinapalibot ang tingin sa kabuunan ng Hotel. Bakit ba kailangang narito sila samantalang kaarawan naman ito ng isang matandang lalaki na hindi naman nila kilala.
“Sky! Umayos ka nga ng upo!” Matigas na sabi ng kanyang ate sa kanya. “Nandito tayo dahil ka-business collegue ko ang anak ni Mr. Zapanta. Show come respect.”
Sky rolled his eyes then reached for the champagne glass on the table. He was about to drink it when Blue poked him. Hindi niya ito pinansin at ininom ang champagne. Wala siya sa mood makipag-usap. Kung hindi dahil sa birthday na ito, kasama sana niya ngayon ang girlfriend niya.
Napa ‘ouch’ si Sky ng malakas na siniko siya ni Blue. He glared at his twin. “What the hell is your problem, bro?”
Blue looked at him then to the hotel entrance. “Look, brother. Mukhang marami kang magiging kaagaw ngayong gabi.”
Sinundan niya ang tingin nito at halos mahulog ang panga niya sa nakita.
Damn! What is she doing here?
It’s Kreiya, his girlfriend. She’s very gorgeous with her silver gown that complements her curves. Parang may kung anong selos siyang naramdaman ng makitang maraming kalalakihan ang nakatingin dito. Pero may saya naman na bumalot sa puso niya ng makitang wala itong pakialam sa mga nakatingin dito.
“Yeah, she’s pretty.” He agreed with his brother. “And she’s mine.”
Blue patted his shoulder. “Good luck to you, brother. With a face like that, mukhang marami kang magiging kaagaw.”
He rolled his eyes. “Says the guy who’s in love with Heelan Alvarado, hindi rin naman iyon pahuhuli kung kagandahan lang ang pag-uusapan.”
Blue smiled at the mention of Heelan. “Yeah. She’s pretty too and she will be mine. Soon.”
Umiling-iling siya. “Whatever.”
Ibinalik niya ang tingin kay Kreiya na kausap ang lalaki na nakita niyang kayakap nito sa parking lot. Her brother. Pinagselosan pa talaga niya ang kapatid nito.
Hay naku!
Nakamasid lang siya kay Kreiya habang nakikipag usap ito sa maraming tao. He can see that she’s uncomfortable, gusto niya itong lapitan at yakapin pero alam niyang hindin iyon makakatulong sa dalaga.
Hindi pa rin niya inaalis ang mata kay Kreiya kahit umupo na ito katabi ang kapatid nito. Narinig niyang may nagsalita sa microphone pero hindi niya iyon binigyan pansin at nakatutok lang ang mata niya sa dalaga.
“Good evening everyone, happy birthday to me.” Anito ng nasa microphone at nagpalapakpakan ang mga tao.
Nilingon niya si Blue para alamin kung isa ito sa pumapalakpak pero hindi niya nakita ang kakamal.
“Where’s Blue?” Tanong siya sa ate niya.
“Out. Naso-suffocate raw siya rito.”
He sighed then looked at Kreiya again. Napakunot ang nuo niya ng lumapit ang lalaki na nasa microphone kay Kreiya at inilahad ang kamay nito sa dalaga. Tumayo si Kreiya at tinanggap ang nakalahad na kamay ng lalaki. Nakita niyang kumunot ang nuo ni Kreiya na para bang naguguluhan nang igiya ito ng lalaki patungo sa flat room.
She whispered something to the old man but the old man just smiled at Kreiya.
“My daughter, Kreiya, gave me the best birthday gift a father could ever want.” Anito ng lalaki.
Nagulat siya sa impormasyong iyon. So that’s her father? Kaya naman pala narito ito ngayon.
He gritted his teeth when he heard murmurs and whispers about Kreiya. Mukhang alam ng mga ito na illegitimate child ang dalaga. Ano ba ang alam ng mga taong ito kay Kreiya? Wala naman. Kung nakapang-husga ang mga ito, wagas.
“She’d been accepted to MIT! That’s the best gift ever!” Malapad ang ngiting wika ng ama ni Kreiya. “Isn’t she amazing? She will be leaving soon to fulfill her dreams.”
Nanghina siya sa kinauupuan sa narinig.
MIT? What the heck? She’s leaving … She’s leaving me? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin ‘to?
Shit! Shit! Shit! The memory of Kreiya’s word flashed through his mind.
‘I saw how wasted she is and I don’t want to be like her. I abandoned my mother for my future.’
Napakurap-kurap siya ng maalala ang sinabing iyon ni Kreiya.
God! Is she going to abandon me too? For her dreams? For her future?
He felt his heart tightened in pain. Damn it! Bakit ba siya nasasaktan?
Tumayo siya at naglakad palabas ng hotel.
This is fvcking bullshit!
BAHAGYANG nanlaki ang mga mata ni Kreiya ng may mahagip ang mata niya na parang bulto ni Sky pero agad niyang tinanggal sa isip niya na narito ang binata. Kung narito ito, e di sana kanina pa siya nito nilapitan.
Napatingin siya sa ama na nakikipag-usap sa kapatid niya. Nagulat siya ng i-anunsiyo nito nakapasa siya sa MIT, hindi lang siya nagpahalata dahil ayaw niya ng tsismis. Ayaw niyang mapahiya ang ama kaya umakto siyang masaya. Umakto siyang pupunta talaga siya sa ibang bansa para tuparin ang pangarap niya.
Nag-apply lang naman siya noon sa MIT kasi wala pang Sky na nagpapasaya sa buhay niya, pero ngayong boyfriend na niya ito at masaya ang bawat segundo na kasama niya ito, hinding-hindi siya aalis. Hinding-hindi niya iiwan ang kasintahan.
CHAPTER 8
CHAPTER 8
NAG-AALALA si Kreiya kay Sky. Nuong isang araw pa niya ito tini-text pero hindi siya nito niri-reply-yan. Tinawagan na rin niya ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Nag-aalala na siya baka napano na ang kasintahan.
Kaya naman ng pumasok siya sa ACU kinaumagahan, agad niyang hinanap si Sky. Pumunta siya sa Engineering Department at hinanap doon ang binata. Umakyat siya sa fifth floor at nilukob ng kasayahan ang puso niya ng makita si Sky na nakatingin sa kawalan at parang may malalim na iniisip.
“Sky!” Tawag niya sa pangalan nito, alam niyang narinig siya ng binata pero hindi man lang siya nito pinansin. “Sky!”
Walang buhay na nilingon siya nito. “Yeah?”
Napatigil siya sa paglapit dito. “Okay ka lang?”
“Sa tingin mo?”
“Ahm…” Wala siyang maisagot sa binata. “May problema ka ba?”
Matiim siya nitong tinitigan at walang buhay na ngumiti. “Wala akong problema. Sige, may pasok pa ako.”
Sky left like she’s nothing to him. Sinundan niya ng tingin ang papalayong si Sky na gulong-gulo ang isipan. May problema ba ito? May nagawa ba siyang mali? Bakit ganoon ang inakto nito?
Laglag ang balikat na umalis siya sa Engineering Department at naglakad patungo sa IT Department na lugong-lugo. Wala siya sa sarili hanggang mag-lunch break. Wala siyang natutunan sa mga subjects niya at wala siyang ganang kumain kaya naman nagpagdesisyunan niyang pumunta sa Library para doon magpalipas ng lunch break. Mamaya niya kakausapin si Sky kapag uwian na.
Lugong-lugo siya habang umaakyat patungo sa third floor. Marami kasing estudyante sa first and second floor. Agad siyang humanap ng mauupuan pagkarating sa third floor. Wala naman siyang assignment kaya naman napagpasyahan niyang magbasa nalang ng kahit na anong technology book. Naglalakad siya patungo sa ikatlong shelves ng makarinig ng mahihinang ungol.
Kreiya rolled her eyes then move to second shelves para hindi maka-isturbo.
My god!
Kahit sa library nagmimilagro? Magpapanggap nalang sana siya na walang narinig nang may narinig naman siyang ungol. Naiinis na naglakad siya patungo sa ikatlong shelves.
“Can you please shut up? Nakaka-isturbo kayo sa nag-aaral!” Aniya sa galit pero mahinang boses.
When the guy who’s kissing the girl faced her, Kreiya heard her heart shattered. Napaatras siya sa pagkabigla. “I-It can’t be…”
“Kung ayaw mong makarinig ng ungol, lumayo ka.” Walang emosyong sabi ni Sky sa kanya na para bang isa lang siyang normal na estudyante na nakakita sa mga ito.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling umiyak. Naninikip ang dibdibd niya dahil sa pagpipigil sa emosyong gustong kumawala.
“A-Anong ibig sabihin nito?” She asked, her voice was trembling.
“Hindi mo alam?” Sky smirked at her. “I just played you. Ikaw naman itong si tanga, naniwala sa’kin.”
Marahas siyang umiling. “No. It can’t be… Y-You s-said you like me—”
“I lied.” Tinitigan siya nito sa mga mata at wala siyang makita na ano mang emosyon doon. “Bakit ko naman magugustuhan ang isang katulad mo? An illegitimate child. A war freak. And the daughter of a whore.” Nanguuyam itong tumawa. “Sa tingin mo ba talaga magkakagusto ako sayo? Asking you to be my girlfriend was just a plan I device to make you pay for slapping me.”
Kinapa niya ang dibdib na parang sasabog na sa sobrang sakit na nararamdaman. Nanginginig ang mga labi niya sa sobrang pagpipigil na hindi umiyak. Pain is spreading throughout her system and she can’t do anything but to fight back the tears that are threatening to spill from her eyes.
Napatingin siya sa babaeng kasama nito at mas dumoble pa ang sakit ng makilala kung sino iyon. It’s none other than Sheena, the conniving bitch!
Hindi niya hahayaang makita ng mga ito na umiyak siya. She won’t breakdown in front of them even though all she wanted to do is cry her heart out.
Kreiya pulled herself together. “Ang ibig bang sabihin nito, our relationship was a fraud?”
“Yes, it is.”
She glared at him. Kung inaasahan nito na iiyak siya, nagkakamali ang gago na ‘to.
She felt a lumped on her thought, it’s suffocating her but she have to fight it. “Good bye then, have a good relationship with that conniving bitch behind your back.”
Akmang lalayo na siya sa mga ito ng may maalala. Mabilis siyang naglakad palapit kay Sky at malakas na sinampal niya ito.
“That’s for lying to me. And this…” She slapped him hard for the second time. “That’s for hurting me, you jerk!” Tinulak niya ito at lakad-takbo ang ginawa niya para makalabas sa library.
Kreiya run as fast as she could towards her car in the parking lot. Nang makapasok sa sasakyan niya, saka lang niya pinakawalan ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya. Napahagulhul siya ng iyak sa sobrang sakit na nararamdaman. Bakit ba siya nagpaloko sa lalaking yun! Hindi man lang niya napansin na niloloko lang siya nito. Na lahat ng sinabi nito sa kanya ay puro kasinungalingan lang.
‘I really like you, Kreiya. I like you very much.’
Tinutop niya ang bibig at nanghihinang sumandal siya sa likod ng upuan. Kinapa niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya.
“Tama na. Please?” She said to herself. “Kaya mo yan, heart. Malakas tayong dalawa.” Aniya sa garalgal na boses. “Kaya natin ‘to.”
She dried her tears. Pinilit niya ang sarili na hindi na umiyak. He’s not worth her tears. Nilabanan niya ang luha na gusto na namang lumabas sa mga mata niya. No!
Hindi na ako iiyak
.
Sapat na ang luha na lumabas sa mga mata ko para sa lalaking yun.
He’s a piece of shit.
Her heart was shattered into tiny pieces because of him and all she could do is curse Sky to the depths of hell. Curse the jerk who stole her heart!
CHAPTER 9
CHAPTER 9
After seven years…
KREIYA took a deep breath when she exited from the Airport. Matagal-tagal na rin mula ng malanghap niya ang simoy nang hangin ng Pilipinas. Umalis siya bago mag-graduation sa ACU. May dahilan siya kung bakit ginawa niya iyon at ayaw na niyang alalahanin ang dahilang iyon. She went abroad to forget everything and start anew one. Habang nag-aaral sa MIT, marami siyang naging boyfriend pero nakikipag-break siya kaagad dahil ayaw niyang may isa sa mga iyon ang makapasok sa puso niya.
She had enough with love and it’s not a good feeling. Yes, masaya lang sa umpisa pero kapag nagtapos na ang isang relasyon, doon mo mumurahin ang salitang nagpalasap sa’yo ng kaligayang hindi mo inaakala.
Kreiya smiled when she saw his brother leaning on his car, waiting for her.
Kinawayan niya ang kapatid at nginitian ito. “Hey, Kuya. How are you?”
Her kuya Tyron smiled when he saw her. “Hey, little sis.” Ibinuka nito ang braso ng makalapit siya rito. “Give your dear brother a hug.”
She smile then hugged her brother. Warmth spread though her as she hug her brother who never get tired of loving her. She hadn’t seen him for a year. Naging abala kasi siya sa pamamalakad sa itinayo niyang business sa New York.
Nagsimula ang business niya sa simpling software na denisinyo niya nuong nag-aaral pa siya sa MIT. The software she designed was for her Laptop’s protection. Nang magtanong-tanong ang professor nilang kung ano ang klaseng anti-virus ang gamit nila, siya lang yata ang naiba. Her professor got interested with her software so he helped her. Month later,
SkyZ
—the name of her software—was already used by ninety percent of MIT students. Mas nakilala ang
SkyZ
ng mayroon isang developer na bumili nun.
SkyZ
offered one hundred percent protection for Laptop and PC’s. It’s easy to install and very impossible to penetrate by Viruses. It is also designed to protect mobiles and tablets and it is installed in mobiles before the mobile is release to the market for its own protection.
From then on, palagi na siyang nagde-desinyo ng kung ano-anong software at pinagbibili iyon. And then after her graduation, a billionaire offered to be her benefactor. Syempre, tinanggap niya ang offer nito. After one year since she graduated, naipatayo na niya ang SkyZ Technologies sa tulong ng benefactor niya. Now, she’s the owner of the leading technology company in New York.
Kumawala siya sa pagkakayakap ng kapatid. “I miss you, Kuya.”
“I miss you too, little sis.” Anito at pinisil ang baba niya. “Naging busy ka kasi sa kompanya mo sa New York, ako naman naging busy sa pagpapalago ng Zapanta’s chain of Hotels and Resorts. Speaking of which, may pinapagawa pala si Daddy na resort sa isang virgin island na nabili niya way back. He said it’s his twenty-seventh birthday gift to you.”
Napangiti siya ng banggitin nito ang ama. “Nasaan pala si Daddy? Bakit hindi niya ako sinundo?” Natatampong wika niya. “Umuwi pa naman ako para dito i-celebrate ang birthday ko dahil sa kahilingan niya.”
“May ka-meeting si Daddy. Did you miss him?”
Tumango siya. “Yes. So much.”
Sa pag-alis niya sa bansa, naging close sila ng ama. Palagi siyang binibisita nito sa inuupahan niyang apartment sa Massachusetts at dahil doon, nagkausap sila at nagkaintindihan. Ganoon din ang Tita Marian niya. Palagi itong kasama ng ama kapag binibisita siya kaya naman pagkalipas lang ng ilang buwan, naging palagay na ang loob niya rito. Nakatulong din ang pag-uusap nila tungkol sa pangangabit ng ama para maayos ang issue na iyon.
Maayos na ang pamilya niya, nararamdaman niyang mahal niya ng ama at kapatid niya mas lalo naman ang Tita Marian niya na kung ituring siya ay parang tunay na anak. Kontento na siya roon. Kuntinto na siya sa buhay niya ngayon.
“Si Tita Marian, kumusta?” Tanong niya sa kapatid habang tinutulungan itong ipasok ang maleta sa back compartment ng sasakyan nito.
“Alam mo namang nagagalit yun kapag hindi mo tinawag na mommy.”
She chuckled. “Medyo naiilang pa ako e.”
Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya ang kapatid. “Naiilang ka pa sa lagay na yan? Halos nga araw-araw kayong magkasama kapag nasa New York siya. Nagseselos na nga ako e.” Pabiro itong humikbi. “Ikaw nalang palagi ang nakikita niya.”
Pabiro niyang tinampal ang braso ng kapatid. “Ewan ko sayo, Kuya.”
Sumakay siya sa kotse nito at ipinikit ang mga mata para matulog. Napagod siya sa biyahe.
“Gisingin mo nalang ako kapag dumating na tayo, kuya. May Jet lag yata ako.” Aniya sa kapatid ng sumakay ito sa kotse.
“Sure, little sis. Sleep tight.”
NAGISING si Kreiya sa maingay na tunog ng cell phone niya na nasa night stand na nasa tabi ng kama niya. Tinatamad na inabot niya ang cell phone at sinagot ang tumatawag na hindi tinitingnan ang caller ID.
“Hello?” She said in a sleepy voice.
“Girl! How are you?” Anang matinis na boses sa kabilang linya na kilalang-kilala niya.
Dumapa siya sa kama at kinusot ang mata. “Oh, nabuhay ka. Where the heck have you been? Hindi mo man lang ako tinawagan nang mahigit isang taon.”
Humagikhik ang nasa kabilang linya. “Girl, I’d been busy at alam kong ikaw din. Anyway, I called to ask you a favor.”
Tumikwas ang kilay niya. “Favor? Kapal din ng mukha mong bakla ka. Pagkatapos mong hindi magparamdam sa akin ng isang taon, tatawag ka tapos hihingi ng pabor? Ano ka sinu-swerte?”
“Girl naman e!” Parang nagmamaktol ang boses na anito. “Sorry na. Kailangan lang kasi ng kaibigan ko na mamalagi sa isang resort na walang tao o hindi marami ang tao. Please? Diba may-ari naman ang Daddy mo ang maraming resort dito sa bansa, may bakante ka bang cabin diyan na puwede sa kaibigan ko?”
Tumikwas ang dalawa niyang kilay sa narinig. “Andrei Parker, it’s a no! Hindi ko nga kilala iyang papatirahin mo sa cabin ko tapos—”
“Her name is Heelan Alvarado.” Putol ni Andrei sa iba pa niyang sasabihin. “Now that you know her name, puwede na ba?”
“Heelan Alvarado?” Ulit niya sa pangalan na binanggit nito. “You know her?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yes. She’s my friend. Kailangan niya ng resort na hindi ma-tao para gawin ang fashion line na ilalabas niya sa summer.”
Happiness sipped through her. Si Heelan? Ang kaibigan niya? Nabalitaan niyang umalis din ito ng bansa ilang araw lang mula ng umalis siya. Tapos nabalitaan pa niya mula sa mga classmate niya na nakaka-chat niya sa FB na naghiwalay daw si Blue at Heelan sa hindi malamang dahilan. Buti nalang ang paghihiwalay nila ni Sky ay hindi naging big deal—
Shit! Bad words!
Hindi niya dapat binanggit ang pangalan ng lalaking yun! Urgh!
“Heelan is my friend.” Aniya sa kabilang linya. “Ano na ang nangyari sa kaniya?”
“Magkakilala kayo?” Andrei exclaimed. “Small world. Anyway, she’s now a big time fashion designer. Kung kaibigan mo siya, I’m sure kilala mo si
fafa
Blue. She’s still carrying a torch for him kahit pa wagas kung maka-deny ang
lola
.”
Mahina siyang tumawa. “Mabuti naman at big time na siya. She deserved it.”
“Yeah, now, puwede ba siyang mamalagi sa isa sa mga resort niyo na hindi marami ang tao?”
Tumango siya na para bang nakikita siya nito. “Sure, but I’ll ask Dad kung ano ang resort namin na wala pang masyadong tao. Give me her address, pupuntahan ko siya after kong makausap si Daddy.”
Ibinigay ni Andrei sa kanya ang address ni Heelan at nagpaalam na ito. Pinatay niya ang tawag at inayos ang sarili bago bumaba patungong komedor. Naabutan niya ang ama na nag-aagahan.
“Good morning, Daddy!” Masigla niyang bati sa ama.
Nakangiting nilingon siya ng ama. “Good morning to you too, Kreiya. How’s your sleep?”
Hinalikan niya ang ama sa pisngi ng makalapit siya rito. “I sleep like a baby. Nasaan po si Kuya at Tita Marian?”
“Ang kuya mo maagang umalis dahil may ka-meeting yata by eight AM. Ang Tita Marian mo naman maagang umalis para magpa-massage.”
“Oh.” Umupo siya sa katabi nitong upuan at sumabay na mag-agahan sa Daddy niya. “Dad, may resort ba tayo na hindi ma-tao?” Tanong niya kapagkuwan
Napatigil sa pagkain ang ama at nagtiis ng tingin sa kanya. “Hindi ma-tao?” Umakto itong nag-iisip. “I don’t think there is. Kilala ang resorts natin bilang isa sa magagandang resorts sa bansa at maraming turista ang dumadaro roon.”
Kreiya felt disappointed that she can’t help Heelan. “Wala ba tayong resort na maliit lang ang tao?”
Kumunot ang nuo ng ama niya. “Well, mayroon pero under construction pa. Bakit ba?”
“Kasi may kaibigan ako na gustong manatili sa isang resort na walang tao o virgin island. She had to concentrate about something and she doesn’t want noise or any distraction.”
“Tamang-tama, maliban sa mga construction worker, wala ng tao ang Isla Tech. Puwede siya roon, mababantayan pa siya ni Engineer Valen kapag nagkataon kasi siya ang napili kong Engineer na mag re-renovate sa Isla Tech.”
Her heart instantly hammered insider her chest at the mention on that freaking surname.
“Engineer Valen?” Gagad niya.
“Yes, si Engineer Blue Zither Valen.”
Pumayapa kaagad ang puso niya. “Oh. Siya pala ang may hawak sa renovation ng Isla Tech.” Napangiti siya ng may pumasok sa ideya sa utak niya. “Great. Heelan would love to go in the island and be protected by Engineer Valen.” Binuntutan niya ng mahinang tawa ang huling sinabi.
Umiling-iling ang ama niya habang nakatingin sa kanya na para siyang isang baliw. “Inaataki ka na naman sa ka-werduhan mo, Kreiya.”
She just smiled at her father then continues eating. After breakfast, pupuntahan niya si Heelan sa Condo unit nito. She felt happy. She’s going to see Heelan after so many years. She’s so excited to see her and tease her about Blue.
KREIYA was grinning from ear to ear when she left Heelan’s apartment. Pumayag ang kaibigan niya na pumunta sa Isla Tech kung saan naroon din ngayon si Blue at inaayos ang isla.
Akmang sasakay na siya sa kotse niya ng makaramdam siya ng uhaw. Ipinalibot niya ang paningin para maghanap ng coffee shop or any shop na nagtitinda nang kahit na ano na maiinom. Puro malalaking building at boutiques and nakita niya then her eyes settled on the cute milk tea café across the street. Isinara niya ang pintuan nang sasakyan at ni-lock, pagkatapos ay naglakad patungo sa milk tea café.
Kreiya was half way to milk tea café when her phone rang. Kinuha niya iyon sa bulsa ng pantaloon at sinagot ang tawag.
“Hey. Who’s this?”
“It’s me, your lover boy.”
Malakas na tinawanan niya ang panlalaking boses na ginamit ni Andrei. “God, Andrei. Nakakatawa ka talaga kapag nagiging lalaki ka. Hindi bagay sa’yong bakla ka.”
“Whatever. ” Nai-imagine niyang naka-pilantik ang kamay nito. “Anyway, kumusta na yong favor na hinihingi ko sa’yo? Okay na ba?”
“Yes. Naka-usap ko na si Heelan. And I have news for you, girl.” Binuksan niya ang pintuan ng café at pumasok. “Si Blue Valen ang may hawak sa renovation ng Isla Tech, isn’t it sweet?”
Tumili si Andrei. “OH! M! G! That is so cute. Sana naman may mangyari sa kanilang dalawa.”
“Yeah, I know right— ouch!” She cursed then looked up at the person who bumped her. “What’s your problema? Ang laki naman ng space—” Naputol ang iba pa niyang sasabihin at bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makilala kung sino ang nasa harapan niya at may dala-dalang milk tea.
“Sky.” She whispered the jerk’s name.
“Kreiya Ambrei Zapanta.” Anito na parang hindi man lang nagulat na nakita siya. “How are you?”
“Who’s that?” Boses iyon ni Andrei mula sa kabilang linya. Nakalimutan niyang kausap pala niya sa cell phone ang kaibigan.
She gave Sky a fake smile. “I’m fine.” Nagbaba siya ng tingin at nilampasan ito.
“Hey, babe. Sorry, it was no one.” Aniya.
Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. All she wanted is to let Sky know that she already move on. Na wala ng epekto ang presensiya nito sa puso niyang hibang.
“Babe, what?” Parang nasusuka ang boses ni Andrei sa kabilang linya. “Eww, Kreiya, ha? Ano ba yang babe-babe na iyan? Spare me, hindi kita type.”
Marahan niyang hinilot ang nuo habang lumalapit sa counter. Ang baklang ‘to talaga, para namang type niya ‘to. Mamamatay muna siya bago niya patulan si Andrei. Wala sa sariling napatingin siya sa pintuan ng café at nagtama ang mga mata nila ni Sky na nakasandal sa gilid ng hamba ng pintuan at nakatingin sa kanya.
Bakit ba siya nito tinititigan?
Mabilis na nagbawi siya ng tingin at kinalma ang puso niya na parang nakikipag-karera sa sobrang bilis ng tibok.
“Babe, I have to go.” Pinagpatuloy niya ang pag-arte na kausap niya ang
boyfriend
niya dahil nararamdaman niya ang mga mata ni Sky sa kanya. “I’ll call you later, babe.”
Ibinalik niya ang cell phone sa bulsa at nginitian ang babae na nasa likod ng counter.
“Miss, anong order niyo?” Nakangiting tanong sa kanya ng babae.
“Ahm, one chocolate milk tea—”
“Sorry, Miss, wala kaming milk tea. Mamaya pa magiging available na mga twelve NOON.”
Kunot ang nuong tiningnan niya si Sky na sumisipsip ng Milk tea at nakatingin sa kanya pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa babae.
“Pero, bakit siya may milk tea?” Aniya sabay turo kay Sky na nakatingin pa rin sa kanya.
“I’m sorry, pero hindi po available ang milk tea namin. May milk tea po si Sir Sky dahil suki na po siya ng café at kahapon pa po niya pina-reserve iyon.”
Napatanga siya sa sinabi nito. Pinapa-reserve ang milk tea? Mukhang palaging narito si Sky dahil kilala ito ng babae at first name basis pa. Parang may kumudlit na kirot sa puso niya na agad niyang binaliwala. Wala na! Wala na siyang nararamdaman para rito. The end na!
“How about coffee, Miss?”
“Coffee?” Tumingin siya sa labas ng café at nakitang nakangiti si Haring-araw. “No thanks. I’ll just look for another café.”
Naglakad siya patungo sa pintuan at akmang itutulak niya iyon para bumukas ng magsalita si Sky.
“Walang ibang café na malapit dito maliban sa café na ‘to. My company is just around the corner kaya alam ko.” Anito at iniiabot sa kanya ang milk tea na kalahati pa ang laman. “Here, sa’yo na. Mukhang nauuhaw ka e.”
So tama nga ang hinala niya. Narinig nito lahat ng sinabi niya. At pakialam naman niya kung malapit lang dito ang kompanya nito. Nagpapasikat ba ito sa kanya? Well, may kompanya siya sa New York!
“No thanks. I don’t accept drinks from Jerks.” Inirapan niya ito at itinulak ang pintuan para bumukas.
Nang makalabas siya ng café nagmamadali siyang naglakad patungo sa sasakyan niya. Hindi siya mapakali hangga’t hindi siya nawawala sa tingin ni Sky. She can feel Sky’s eyes on her and she doesn’t like her reaction towards his stare.
She doesn’t like it one bit.
CHAPTER 10
CHAPTER 10
PAGKAUWI ni Kreiya sa bahay, agad niyang tinawagan ang kapatid niya. Kung may tao mang nakaka-alam nang lahat ng lihim niya, ang kapatid niya iyon. Bago siya umalis ng bansa, ikinuwento niya sa kuya niya ang nangyari sa kanila ni Sky. Her brother was so furious. Sobrang galit ito at buti nalang ay napigilan niya itong hindi sugurin si Sky.
“Hello, kuya?” Aniya ng sagutin nito ang tawag.
“Hey, little sis. Napatawag ka. May problema ba?” Anito sa kabilang linya.
“Ahm…” Nag-aalinlangan siya kung sasabihin ba niya sa kapatid o hindi, pero sa bandang huli, sinabi niya. “I saw Sky.”
Ilang minuto ang lumipas bago ito sumagot. “Oh, tapos?”
Natigilan siya sa reaksiyon ng kapatid. “Yun lang ang reaksiyon mo, kuya? Samantalang dati mabanggit ko lang ang pangalang Sky, halos magwala ka sa galit.”
“Kreiya, it’s been seven years. Bakit ba apektado ka pa rin? Akala ko ba move on ka na?” Nanunudyo ang boses nito. “Baka naman mayroon pa, in denial ka lang.”
“Kuya naman e! Wala na nga diba!” Naiinis na sabi niya.
Her brother chuckled. “Oo na, wala na. Anyway— teka lang, Kreiya, narito na ang ka-meeting ko.” She heard someone pulled a chair. “Hello, Mr. Valen, kumusta?” Anang boses ng kapatid.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Mr Valen? “Kuya, sinong Valen iyang kausap mo?” Mabilis niyang tanong sa kapatid.
“Oh, si Sky Valen, sis. Bakit? May kailangan ka sa kanya? Dou you want to talk to him?”
“What?! Of course not! Kuya—”
“Here you go. Sky, gusto kang makausap ng kapatid ko.” Then she heard a shuffling sound.
“Kuya, don’t you dare—”
“Hey, Kreiya, gusto mo raw akong makausap?” Anang boses ni Sky sa kabilang linya na ikinabilis ng tibok ng puso niya.
Shit! Shit! Shit!
Kreiya hit the end call button. Mariin na ipinikit niya ang mga mata at kinalma ang puso na sobrang bilis ang tibok.
Wala na dapat e! Wala na! I already moved on! Wala na akong nararamdaman para sa lalaking yun!
Wala nga ba? Bakit bumibilis pa rin ang tibok ng puso mo?
Ani ng isang maliit na boses sa isang bahagi ng isip niya.
She shook her head rapidly. “No! Wala na talaga. I already move on! Hindi ako apektado sa lalaking yun. I hate him!”
Naiinis na itinapon niya ang cell phone sa kama. Bakit ba nangyayari sa kanya ito? Ayaw na niya! Ayaw na niyang masaktan pa! Buwesit na buhay ‘to.
Humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Kahit maaga pa, parang gusto niyang matulog para makalimutan ang pagkikita nila ni Sky. Hindi niya inaasahan na makikita niya itong muli.
Ayaw mo nga ba?
She squeezed her eyes shut then curse Sky again and again. Again and again until she gets tired of cursing him.
KINAGABIHAN, tinawagan siya ng kapatid at pinapapunta siya sa Yanzee Restaurant. May isa investor daw na gustong mag-invest sa ipapatayo nilang resort sa Isla Tech. And since it’s
her
island, dapat daw siya ang mag-asikaso ng investor na ito.
Kahit napipilitan, nagbihis siya at pumunta sa Yanzee Restaurant.
Pagpasok palang niya sa Yanzee Restaurant, sinalubong kaagad siya ng maître d’.
“Good evening, Ma’am.” Malapad ang ngiting bati ng maître d’ sa kanya. “Table for two?”
She smiled politely. “My brother, Tyron Zapanta, reserve a table for me.”
Kumunot ang nuo nito. “Ahm, I’m sorry ma’am but Mr. Zapanta didn’t reserve a table here. We would know, Mr. Zapanta is one of our loyal customers.”
Napatanga siya sa sinabi ng maître d’. Talagang tatamaan sa kanya ang kuya niya kapag umuwi siya. “Is that so? A table for two then.”
The maître d’ smiled. “Okay. This way ma’am—”
“No. She’s with me, Kevin.” Anang boses sa likuran niya.
Mabilis niyang nilingon ang nagsalita at bahagyang nanlaki ang mata niya ng makita si Sky sa likuran niya.
“Good evening, Mr. Valen.” Narinig niyang wika ng maître d’.
Ibinalik niya ang tingin sa maître d’. “No, I’m not with him. May kausap ako ngayong investor—” Natigilan siya at minura ang kapatid sa isip. Humarap siya kay Sky at tumingin sa mukha nito. “Don’t tell me you’re the investor.”
Sky grinned. “The one and only.”
Inirapan niya ito. “Ayaw kitang makausap. Kung gusto mong mag-invest, si Kuya Tyron ang kausapin mo.”
Akmang aalis siya ng pigilan siya nito sa braso. “Nag-usap na kami ni Tyron kanina. Dala ko na ang kontrata.” May ipinakita itong folder sa kanya. “And since nakapangalan sa’yo ang isla, kailangan mong pumirma. So, let’s sit on a table like two civilize person and then sign the contract. Set aside your personal issue with me. I’m here to invest, not to dig our past.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito pero hindi siya nagpahalata.
She took a deep breath. “Okay. Let me sign that freaking contract.” Binalingan niya ang maître d’ na nakikinig lang sa usapan nila. “Lead the way to our table, please.”
Tumango ang lalaki at iginiya sila patungo sa mesa nila. “I’ll send the waiter right away.” Wika ng maître d’ at iniwan sila.
Umupo siya at tiningnan si Sky na nakatayo pa rin at nakatingin din sa kanya. “Give me the contract. I’m now sitting like a civilize person.” Aniya na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Huminga ng malalim si Sky at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap niya.
“Let’s order first.” Anito.
She rolled her eyes. “No thanks, Mr. Valen. Hindi ako matutunawan ng pagkain kung ikaw ang kaharap ko habang kumakain.”
Gumalaw ang panga nito tanda na galit ito at nasa mukha nito na nagtitimpi lang ito sa kanya. “Kreiya, please, be a well-mannered lady. And I’m very sorry.”
Tumikwas ang kilay niya. “Sorry for what?”
“You know why I’m saying sorry for, Kreiya.”
“No I don’t.”
Bumuntong-hininga si Sky at ipinatong sa mesa ang kamay nito. “Kreiya, I’m sorry for what I did way back in college. I was a jerk and—”
“Sky, I came here to sign the contract. At saka, akala ko ba you’re not here to dig our past?”
Natigilan ito sa sinabi niya na sinamantala naman niya iyon para ipaalam dito ang iniisip niya.
“Don’t say sorry, Sky, because you weren’t sorry when your tongue was on that bitch throat. You weren’t sorry when you said those things to me and that is okay. Matagal na yun at nakalimutan ko na yun. I don’t want to dig our past, Sky, kasi ayokong maalala ang masasakit na salita na sinabi mo sa’kin noon. I’m okay now. At tsaka, huwag kang mag-sorry, magsasayang ka lang ng laway, hindi naman kita patatawarin e.”
Nawalan ng imik si Sky at mataman lang siyang tinitigan kapagkuwan ay nagsalita ito. “Bakit naman hindi mo ako mapapatawad? Are you still carrying a torch for me, Kreiya?”
She scoffed then chuckled humorlessly. “Please, don’t flatter yourself, Mr. Valen. Me? Still carrying a torch for you? Mahiya ka naman sa sarili mo.”
“Yes, I’m flattering myself. You should too, because seven years later, I’m still in love with you.”
Umakyat ang dugo sa ulo niya sa narinig na sinabi nito. Anong karapatan nito na sabihin iyon! After what he did to her, now he’s saying that he’s in love with me? To hell with him! She gritted her teeth in anger.
Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaki. “Sana sinabi mo nalang na may nakita kang baboy na lumilipad, baka naniwala pa ako sa’yo.”
“Kreiya—”
“Shut the fvck up!” She half shouted, half whispered at Sky. Ayaw niyang makarinig na kahit na ano mula sa binata. Ang kapal ng mukha nito! “I’m leaving. You’re not worth my time.” Nagmamadali siyang umalis at iniwan si Sky.
To hell with the contract! Hindi na siya nito mauuto. Once is enough, twice would be too much. Sapat na ang mga salitang narinig niya mula rito pitong taon na ang nakaraan para matuto ang puso niya.
Paglabas niya sa restaurant, tinawagan niya si Andrei. After two rings, he picks up.
“Hey, girl.” Anito ng sagutin ang tawag niya.
“Hey.” Nag-uumpisa ng gumaralgal ang boses niya. “Puwede bang magkita tayo?”
“Are you okay?” Puno ng pag-aalala ang boses ni Andrei. “Nasaan ka? I’ll pick you up. If this is about your family problem again, ibibitin kita ng patiwarik.”
She bit her lower lip to stop her lips from trembling. “It’s not about that. It’s something else.”
“Nasaan ka nga? Pupuntahan kita baka ano pa ang mangyari sa’yo.”
“Nasa labas ako ng Yanzee Restaurant. You know where it is?”
“Yes, I know where it is. Pupuntahan na kita riyan. Magta-taxi lang ako.”
“O, sige. Hihintayin kita.” Pinatay niya ang tawag.
Niyakap niya ang sarili ng makaramdam ng lamig. Bakit naman kasi nag backless pa siya? Ilang minuto na siyang nakatayo ng maramdaman niyang may naglagay ng malambot na bagay sa balikat niya. Mabilis niyang tiningnan kung ano iyon at nagulat siya ng makitang jacket iyon at naroon si Sky sa likuran niya at nakatingin sa kanya.
Pinalis niya ang jacket sa balikat at inabot ito sa binata. “I don’t need this.”
Hindi nito tinanggap ang jacket. “Wear it. Mukhang nilalamig ka.”
“I don’t need your jacket.” Isinabit niya ang jacket sa balikat nito. “At saka hindi ako nilalamig.”
Iiwan sana niya ito ng pigilan siya nito sa kamay at hinatak siya palapit sa katawan nito. Napasinghap siya ng maramdaman ang dibdib nito sa likuran niya. Kreiya felt his warmth and sensation sip through her. Mabilis siyang lumayo rito at pilit na binabawi ang kamay niya pero hindi naman nito iyon binibitawan.
“Bitawan mo ang kamay ko!” She hissed at him then tried to pull her hands from his hold but to no avail. “Bitawan mo ako, Sky!”
He looked at her. “Bakit? Bakit kita bibitawan? I already did it seven years ago.”
She scoffed. “Sky, as far as I remember, niloko mo ako. You didn’t let go of me, you fooled me.”
“Kreiya, if you’ll just hear me out and—”
“Hindi ako makikinig sayo kasi alam ko namang puro kasinungalingan lang ang lalabas diyan sa bibig mo.” Ipiniksi niya ang kamay na hawak nito at nagpasalamat siya na maluwang na ang pagkakahawak nito sa kanya. “I had enough, Sky. I don’t care about you, I don’t care about our past and I already move on—”
“Kung talagang naka-move on ka na tulad ng sinasabi mo, then why are you still mad at me? If you already move on like you claimed, you wouldn’t care anymore. Galit ka kasi may pakialam ka pa sa nangyari sa atin. Galit ka kasi hindi mo pa rin nakakalimutan ang nakaraan natin.”
Kreiya was sure that she was shot in the heart when she heard Sky’s words. Alam naman niya na in-denial lang siya pero ayaw na niya. Ayaw na niyang umasa na naman at umibig. Akala niya nuong una, laro-laro lang ang relasyon nila ng binata, pero ng tumagal, naramdaman niyang paunti-unti, nakapasok na ito sa puso at sestima niya. Nang aminin niya sa sarili na mahal niya si Sky, nawasak ang puso niya. Winasak nito iyon. Hindi niya alam kung kakayanin pa niya magmahal, lalo na’t ito rin ang lalaking nagpalasap sa kanya ng unang pagkabigo sa pag-ibig.
Oo, naaalala pa niya ang lahat ng sinabi nito. Tama ito nang sabihin nitong may pakialam pa siya pero hindi niya iyon matanggap sa sarili. In-denial na kung in-denial, pero hindi siya magpapaloko ulit sa kahit na sinong lalaki, lalong-lalo na sa lalaking ‘to na nanakit sa puso niya.
Taas-nuong tinitigan niya sa mga mata ang binata. There are tons of emotions in his which she can’t name. “Sky, please, ayoko na. I’m done. I’m done with you and I’m done with our past. Yes, I’m still mad. Yes, I’m still affected when you’re near. Oo, hindi ko iyon idi-deny. But I don’t want it. I want to move on and forget about us, forget about you. So, please, respect my decision. Just please, leave me alone.”
Tinalikuran niya ito at nagtuloy-tuloy sa kotse niya na nakaparada hindi kalayuan. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa sasakyan niya ng sumigaw si Sky.
“I love you, Kreiya. I’ll prove it to you!” Pahabol nitong sigaw sa kanya.
Binilisan niya ang paglalakad at pumasok sa kotse niya na sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Kinapa niya ang dibdib at mariing ipinikit ang mga mata.
Hindi! Hindi na ako mauuto ulit ni Sky! Been there, done that!
Pero bakit ang puso niya parang hindi sang-ayon sa kanya. Ang hibang niyang puso ay patuloy pa rin na tumitibok para sa lalaking yun!
Kinuha niya ulit ang cell phone sa bulsa ng pantalon niya at tinawagan ang baklang kaibigan.
“Andrei, may alam ka bang Bar? I want to get wasted.” Agad na wika niya ng sagutin nito ang tawag niya.
Gusto niyang magpakalasing para mawala sa isipan niya ang dumuhong lalaking iyon. Hindi siya karapat-dapat na pag-aksayahan ng oras sa kaiisip. He’s that worth it!
CHAPTER 11
CHAPTER 11
LASING na lasing si Kreiya habang nakatungo ang ulo sa ibabaw ng inuukupa nilang mesa. Wala siyang lakas na i-angat ang kamay niya para umorder pa sana ng isang shot pa ng Mojito. She wanted to get wasted. She wanted to forget the pain she’s feeling. She wanted to forget her past. She wanted to forget Sky.
“I think I can’t raise my arms.” Kreiya said in a slurred voice.
Kreiya felt like she’s floating. She can feel her head throbbing in pain. She groaned in annoyance.
Why is my head throbbing? Dammit!
Ganoon ba karami ang nainom niya?
“What did I tell you about drinking too much?” Anang boses ni Andrei na walang bahid na kalasingan.
“T-Too much d-drinking i-is b-bad for your h-health.” Aniya na nauutal pa.
“Tama! Dapat hindi ka uminom!” Andrei scolded her.
Habang lumalaklak siya ng iba’t-ibang klase ng alak. Nasa tabi niya si Andrei at binabantayan siya. Hindi ito uminom dahil baka raw may mangyaring masama sa kanya kapag pareho daw silang nalasing. Wala raw maghahatid sa kanya pauwi at marami pa ang rason nito para hindi lang ito uminom.
“Kailangan kung uminon.” Lasing ang boses na wika niya. “Kailangan kong makalimutan ang hayop na yun!”
She heard Andrei sighed in frustration. “Kreiya, ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sarili mo. You’re so in denial about your feelings for him. You know, sa sobrang pagdi-deny mo sa nararamdaman sa kanya, mas lalo pa iyang lalala at lalalim. Why don’t you accept the fact na hanggang ngayon may nararamdaman ka pa rin sa kanya.”
Gusto niyang umiling pero hindi niya magawa kaya naman pinilit niya ang bibig na bumukas. “I h-hate him, Andrei. I hate him for f-fooling me.”
The pain spread through her heart like snake venom ready to kill her as the memory of Sky kissing Sheena flashed through her mind.
“I know. That’s the tenth time you said that.” Ani ng kaibigan.
Kreiya squeezed her eyes shut when she felt her head spin. “My head is spinning, Andrei.” Kreiya groaned.
“Yan kasi! Argh! Ano ba ang sinabi ko sa’yo? Ha?” bakas sa boses ni Andrei na galit ito pero wala siyang pakialam.
Hindi siya umimik dahil wala siyang lakas na makipagsagutan dito. Pakiramdam niya kapag binuksan niya ang bibig, may lalabas doong hindi kaaya-ayang tanawin.
Kreiya frowned when she heard shuffling sounds of chairs. Then she heard murmurs. She opened her eyes and saw Andrei talking to someone. Nasa kanya ang likod ng kausap nito kaya naman hindi niya makita kung sino iyon. Mabilis na ipinikit niya ang mga mata ng makaramdam ng pagkahilo.
The murmurs stop then she heard Andrei’s voice.
“Kreiya, iuuwi na kita. Okay? You’re drunk.” Anito at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha niya.
She scrunched up her nose. “Uminom pa tayo.”
Hindi na nagsalita ulit si Andrei. Naramdaman nalang niyang may pumangko sa kanya. She leaned in and felt Andrei’s hard chest. It feels warm and she felt secured. Isiniksik pa niya ang sarili sa dibdib nito.
“You feel so nice, Andrei.” She murmured under her breath then let unconsciousness take her to oblivion.
SKY deposited Kreiya on his bed. Inayos niya ang pagkakahiga nito sa kama niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito. He stared at her beautiful face.
God! He missed this woman so freaking much! Seven years without Kreiya was like a year without rain.
When he saw her walking towards sweet bite café, his heart stops beating, his throat dried, his palm sweet and his heart ached. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito ulit pagkalipas ng pitong taon. He was expecting hostility from Kreiya. He knew that what he did and what he said seven years ago really torn her heart apart, but he can’t bring back the past. He regretted everything. His action. His words. His bad decisions. Everything!
When he found out that Kreiya left, parang gumuho ang mundo niya. Doon lang niya nalaman ang halaga nito sa kanya. Doon niya naintindihan kung bakit nasaktan siya sa hindi nito pagsabi sa kanya na natanggap ito sa MIT. Nuong una, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natakot siya na iwan siya nito, pero ng umalis ito, doon lang niya nalaman na hindi simpling ‘I like you’ lang ang nararamdaman niya.
What he felt for Kreiya is love. And it was too late when he realized that.
Sky caressed Kreiya’s face. “I miss you so much, Kreiya.”
Alam niyang hindi niya magagawang hawakan ang pisngi nito kapag gising ito dahil iiwas ito sa kanya. Kreiya is mad at him and he deserved it. Kaya nga pinangako niya sa sarili na kapag nakita niya ulit si Kreiya, gagawin niya ang lahat maging sila ulit.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at hinubad ang suot na pang-itaas na damit at itinapon iyon sa malapit na sofa.
Ibinalik niya ang tingin kay Kreiya na nakahiga sa kama niya.
Saan ako nito matutulog?
Napailing-iling siya. Hindi siya makakatulog sa sofa.
Bahala na. Malaki naman ang kama ko.
Dahan-dahan siyang humiga sa tabi ni Kreiya at ipinikit ang mga mata. Ilang minuto siyang ganoon at hindi siya makatulog. Iminulat niya ang mga mata at binalingan ang dalaga na nasa tabi niya natutulog at naghihilik pa. Napaaamo ng mukha nito habang natutulog. Her face was calm and beautiful. Everything about Kreiya is beautiful.
A small smile appeared on his lips. Ang ganda pa rin nito kahit naghihilik at bahagyang nakaawang ang bibig.
Natigilan siya ng bumaba ang tingin sa mga labi ni Kreiya. Napalunok siya at mariing ipinikit ang mga mata.
No! Keep calm!
Parang may rumagasang mainit na dugo patungo sa puson niya ng maramdamang tumagilid ng higa si Kreiya at ipinatong ang braso sa bewang niya.
Sweet Jesus!
Dahan-dahan niyang hinawakan ang braso nito at akmang tatanggalin niya sa pagkakapatong sa bewang niya ng bigla itong sumiksik sa kanya at niyakap siya sa bewang.
He cursed under his breath. Shit! Bakit bas a kanya nangyayari ‘to? Gusto lang naman niya itong makasama ngayong gabi. Makasama ito na hindi siya nito sinisigawan o tinutulak palayo dahil alam niyang bukas, paggising nito, ipagtutulakan na naman siya nito at hindi niya alam kung kakayanin yun ng puso niya.
He calmed his raging hormones then closed his eyes to sleep. Sana nga makatulog siya ng mahimbing. Ito ang unang beses na makakatabi niya sa pagtulog si Kreiya. Sana nga humihinga pa siya bukas.
KREIYA slowly open her eyes and stretched her arms. Mahina siyang napamura at sinapo ang ulo na parang minamartilyo sa sobrang sakit. Inabot niya ang night stand kung saan parati siyang may naka-ready na advil, ganoon na lamang ang gulat niya nang iba ang nakapa niya.
Napamulagat siya at nakalimutan ang sakit ng ulo. Malalaki ang mata na tiningnan niya ang nahawakan. Her eyes bulged and her mouth parted in shock.
“Holy mercy of heaven!” She exclaimed then hurriedly get off the bed.
Tiningnan niya ang sarili at nakahinga ng maluwang ng makitang kompleto pa ang damit niya. Napatingin siya sa lalaki na nasa kama at katabi niyang natulog.
Sapo-sapo ang nuo, hinilot niya ang ulo na nananakit.
Where the hell I am?
Ipinalibot niya ang paningin at napamura siya ng makitang hindi ito ang silid niya.
Malamang! Hindi ito ang silod mo! Gaga! Yan kasi e! Uminom ka pa.
Nasaan ba siya? Ibinalik niya ang atensiyon kay Sky na mahimbing na natutulog sa kama.
“Anong ginagawa ko rito?” Tanong niya sa sarili.
Niransak niya ang ala-ala sa nagdaang gabi. Maliban sa paglalasing wala siyang maalalang iba. Her last memory was Andrei picking her up in a bridal style to get her home. Then after that… nothing.
Bahagyang napaigtad si Kreiya ng makarinig ng mahinang ungol. Dahan-dahan siyang tumingin sa kama at kaagad na nirendahan niya ang puso niya na mabilis na tumibik ng magtama ang mga mata nila ni Sky.
“You’re awake.” Sky said in a groggy voice, and then he sat up. “Kanina ka pa gising?” Tanong nito na para bang normal na makita siya nito pagkagising sa umaga.
Nag-iwas siya ng tingin. “Where am I?” Tanong niya habang hindi pa rin makatingin dito.
She heard a shuffling sound. “You’re in my condo unit. Dinala kita rito mula sa bar. Lasing na lasing ka—”
“Where’s Andrei?” Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. “Bakit hindi siya ang nag uwi sa’kin? Bakit naroon ka sa bar? Bakit mo naisip na iuwi ako rito? I’m sure you know where my house is or if you don’t, you could have ask Andrei—”
“Stop, Kreiya. It’s morning, relax.” Binuntutan pa nito ang sinabi ng mahinang tawa.
Tiningnan niya ito at nakitang wala itong suot na pang-itaas.
Holy shucks! Magwawala si Adonis kapag nakita ang kakisigan ni Sky.
Mabilis niyang ibinaba ang tingin.
“Magdamit ka nga!” Aniya sa mataray na boses. “Ang aga-aga, nakahubad ka na!”
“Pasalamat ka nga at pang-itaas lang ang hinubad ko. I sleep naked. Pero para sayo, pang-itaas lang ang hinubad ko.” Nakakalokong tiningnan siya nito. “You’re welcome, Kreiya.”
Inirapan niya ito at lumabas ng silid nito. Narinig niyang lumabas na rin ito sa kuwarto nito at sinundan siya patungo sa sala.
“Where are you going?” Narinig niyang tanong ni Sky sa kanya.
“Home.” Ipinalibot niya ang tingin at ng hindi makita ang hinahanap, nilingon niya ang binata. “Where’s my shoes? Uuwi na ako.”
Sa halip na sagutin siya, nginitian siya ni Sky. “Want some breakfast? I’ll cook. But I have to warn you, I’m not a good cook.”
Nag-uumpisa na siyang mainis dito. “Sky, I want to go home and I need my shoes now. Please lang. Stop this.”
Sky smile didn’t waver. “What do you want for breakfast? Bacon? Sandwich? I’ll cook anything you like.”
“Sky, I want to go home. Now.” Aniya sa matigas na boses.
He snaps his finger like he just had a brilliant idea. “Oh, I know, how about we eat breakfast in—”
“Stop it, Sky!” She shouted at him, making him stilled. “Gusto ko ng umuwi. Ano ba ang hindi mo naiintindihan dun? I don’t want to eat breakfast with you! I don’t want you to cook for me! I don’t want anything from you! Just please, tell me where my shoes are!”
Ilang sandaling natahimik si Sky, kapagkuwan ay iniwan siya nito sa sala. Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ito na dala-dala ang sapatos niya at isang paper bag. Inilapag nito sa harapan niya ang sapatos at iniabot sa kanya ang paper bag.
“Here.” Sapilitan nitong inilagay ang paper bag sa kamay niya. “It contains tuna sandwich and milk tea. Baka magutom ka sa daan pauwi.” Wika ni Sky at iniwan siya.
Napipilan siyang tiningnan ang paper bag. What the hell?
Ipiling niya ang ulo at isinuot niya ang sapatos at napatingin na naman sa paper bag. Parang may humaplos sa puso niya sa isiping nag-aalala ito sa kanya. Agad niyang ipinilig ang ulo para matanggal ang agiw sa utak niya.
I knew better than to let Sky’s sweetness affect me! Been there, done that!
Umalis siya sa condo nito at pinara ang paparating na taxi. Habang lulan ng taxi patungo sa bahay nila, nagalburuto ang tiyan niya. Binuksan niya ang paper bag para kainin ang binigay ni Sky. Tulad nga ng sabi nito, isang tuna sandwich ang laman nun at isang milk tea.
Her mouth instantly watered for a taste when she saw the vanilla flavored milk tea. Kreiya was about to sink the straw on the milk tea when she saw a small piece of paper tape on the milk tea plastic cover. Kumunot ang nuo niya at binasa ang nakasulat sa maliit na papel.
‘Sleeping beside you was the best birthday gift ever. Have a good day, my Kreiya – Sky’
My Kreiya
… Memories flashed through her mind. He called her
my Kreiya
after their first kiss. Now, he’s calling him that again? She took a deep breath to calm her rapidly beating heart. Napailing-iling siya at ibinalik ang milktea sa paper bag. Nawalan na siya ng gana kumain.
CHAPTER 12
CHAPTER 12
“SO WHERE have you been?” Anang boses ng kapatid niya ng makapasok siya sa bahay nila.
Napatingin siya sa kuya Tyron niya na komportabling naka-upo sa pang-isahang sofa at nakatingin sa kanya. Hindi niya alam ang isasagot dito kaya naman nanahimik siya at nagtuloy-tuloy sa paglalakad patungo sa hagdanan.
“Kreiya, I’m asking you.” Wika ulit ng kapatid sa kanya nang nasa kalagitnaan na siya ng hagdan. “Where have you been all night? Hindi ka raw umuwi. Care to answer me? I was worried about you.”
Walang emosyon ang mukha na hinarap niya ang kapatid. “Bakit hindi mo tanungin ang investor na gusto mong ako ang mag-asikaso.”
Her brother stiffened. “May ginawa siyang masama sa’yo?” Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat, puno ng pag-aalala ang mga mata nito. “Anong ginawa ni Sky? Are you okay? Hinayaan ko si Sky na makausap ka kasi sabi niya mahal ka niya, na pakakasalan ka niya sa kahit saang simabahan—”
“At naniwala ka naman? Kuya naman e! You saw how hurt I was because of him! Tapos kaunting flowery word lang mula kay Sky naniwala ka kaagad? Kuya, he fooled me and I’m not going to let him fool me again.”
“He loves you, little sis.” Lumambot ang mukha ng kapatid. “I can see it in his eyes.”
Marahan siyang umiling. “Nope. He doesn’t. Guni-guni mo lang ang nakita mo sa mga mata niya. I don’t see anything.”
“That’s because you refuse to see it. In-denial ka masyado sa nararamdaman mo para kay Sky. Why don’t you accept the fact that Sky is still in your heart. Mahal ka ng lalaking yun at hindi ko iyon sasabihin sayo kung alam kong nagsisinungaling lang siya.”
Umismid siya. “He’s a lying jerk and I don’t love him. Not anymore.” Pinalis niya ang kamay nito sa balikat niya. “I’m tired. Gusto ko ng magpahinga.” Tinalikuran niya ang kapatid at nagpatuloy siya sa pag-akyat ng hagdanan patungo sa silid niya.
“Keep lying to yourself, little sis.” Pahabol na sigaw ng kapatid.
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Pagkapasok niya sa kanyang kuwarto, napasandal siya sa nakasirang pintuan at dumaosdus ng upo.
I’m so tired.
Nakakapagod din palang labanan ang puso. Kreiya knew that she can’t win against her heart but she’s still fighting it. Ayaw niyang masaktan ulit. Hindi lang niya alam kung hanggang kailan niya malalabanan ang puso. Alam niya sa sarili niya na kaunti nalang, matatalo na siya at yun ang kinakatakot niya.
KREIYA inhaled the fresh air that she badly needed after she admits to herself that she’s losing the battle against her heart. She was walking on the park near their subdivision and admiring the scenery when a teenage boy, age seventeen or eighteen perhaps, stopped in front of her. Tumaas ang kilay niya ng abutan siya nito ng isang tangkay ng Orchid na kulay reddish-pink.
Nag aalangang tinanggap niya ang bulaklak. “T-Thank you.”
The teenage boy smiled at her sweetly. “I’m sorry.”
Kumunot ang nuo niya. “Sorry? For what? You didn’t do anything wrong.”
He shrugged. “That’s what he asked me to say to you.” The boy said.
Her frown deepened. “What? Who’s he?”
The boy shrugged again the left her in confused state. Ipinalibot niya ang tingin sa kabuunan ng park at napansing wala namang lalaki roon. Maliban sa matandang lalaki at babae na nasa bench at masayang nag-uusap, siya lang ang tao roon. This is not a public park kaya hindi madami ang tao. Tanging mga taga-subdivision lang nila ang pumupunta rito.
She sighed then looked at the Orchid. Napangiti siya. It’s very beautiful, it’s her favorite flower. Kaunti lang ang nakakaalam ng paborito niyang bulaklak. Even her friends doesn’t know, only her family.
Kreiya continued walking then halt, when a boy the same age as the one who gave her Orchid stopped in front of her and hand her a white rose. Her lips twitch upward. Tinanggap niya ang white rose at inamoy iyon.
“Don’t tell me pinabibigay din sa’kin ‘to?”
The boy grinned. “Yep and I quote ‘Forgive me’ end quote.” Pagkasabi niyon ay mabilis itong tumakbo palayo sa kanya.
Umupo siya sa pinakamalapit na bench at tiningnan ang Orchid at White rose na binigay sa kanya. Kreiya crossed her legs then put her elbow on her knee while twirling the flower on her hand.
Parang may ideya na siya kung sino ang nagpabigay nito sa kanya. Walang magso-sorry sa kanyang iba at hihingi ng tawad, only him. Darn that guy! He’s melting her heart in every flower she received.
Damn you, Sky.
Hindi na siya nagtaka ng may lumapit sa kanyang isang lalaki at binigyan siya ng isang tangkay ng Tulips. Tinanggap niya iyon at tiningnan ang nagbigay. “May sasabihin ka?”
The boy just smiled then gave her a small piece of paper. Tinanggap niya iyon na may maliit na ngiti sa mga labi niya at binasa ang nakasulat doon.
‘Falling in love with me is not a bad thing. PS: I don’t know your favorite flower so I gave you three different kinds. Hope one of them is your favorite. Have a nice day.’
Iyon lang ang nakasulat sa papel. Walang pangalan kung kanino nanggaling pero alam na niya kung sino iyon.
Her eyes darted to the three kinds of flowers she’s holding. Her finger touched the soft petals of Orchid. “Maswerte ka at isa sa mga ibinigay mo sa akin ay paborito ko, kung hindi ipapakain ko ‘to sayo.” Aniya ni Kreiya sa bulaklak na para bang ito si Sky.
Napailing-iling siya sa ka-weirduhan niya at tumayo para umuwi sa bahay niya.
IGINIYA siya ng kuya Tyron niya papasok sa Yanzee Restaurant. The last time she’d been here gave her a bad memory. Ayaw sana niyang sumama sa kapatid pero dahil kailangan daw siya para pumirma sa kontrata, sumama siya kahit napipilitan.
“Smile, little sis. Don’t be so stiff.” Wika ng kapatid sa kanya habang ginigiya siya patungo sa mesa nila.
“I’m not stiff.” She rolled her eyes. “I’m just bored.”
“Whatever, just smile.” Pinaghugot siya nito ng upuan. “We’re meeting an investor. Please lang, yang rolling eyes mo at bored voice, mamaya na iyan. Okay? Smile. Laughed.”
She rolled her eyes once again. Umupo siya sa upuan na hinugot ng kapatid para sa kanya.
“Kuya, ganito na talaga ako.” Aniya at nangalumbaba.
“Alam ko.” Pinalis nito ang kamay niya na nasa baba. “And don’t do that. That’s not good for business. Dapat alam mo yun dahil may kompanya ka.”
Umismid siya. “Kuya, I don’t have investors. I have a benefactor.”
“Whatever—” Nawala ang kunot na nuo nito at napalitan ng maaliwalas na mukha.
Sinundan niya kung saan nakatingin ito at napailing-iling siya ng makitang nakangiti ang kapatid niya sa dalawang may-edad na na lalaki na papalapit sa kanila.
Sino naman kaya ang mga— oh, the Investors…
She put on her poker face and waits for the old men to sit on their table. Kreiya sighed heavily when the old men neared their table.
Let’s get this over with.
KREIYA wanted to yawn but she can’t. Nasa harap siya ng mga investor at kanina pa siya sinisipa ng kapatid niya ang kanyang paa sa ilalim ng mesa. Business meetings or anything related to business is really boring. Urgh! She wanted to get away from this table full of boring people but, she knew she can’t.
“Ms. Zapanta, are you well?” Tanong sa kanya ng isa sa mga investor.
She give him a fake smile. “Yes, I’m fine.”
Wala sa sariling napatingin siya sa kanang bahagi ng restaurant kung saan mayroong kulay itim na platform. Her eyebrow shot up when she saw four men stand on the platform like they’re going to perform.
“May live band pala rito?” Ibinalik niya ang atensyon sa kapatid at sa mga kausap nito na nakatingin din sa likuran niya kung saan naroon ang platform.
“Mukha nga.” Wika ng kapatid. “I’m a loyal customer of Yanzee Restaurant pero ito ang unang beses kong makakita ng live band dito.”
Kreiya picked up the glass of champagne then took a small sip. “Well, sana nga hindi shitty ang banda na kakanta. Baka hindi na ako bumalik kapag nagkataon.”
Nakatalikod pa rin siya ng pumailanlang ang paborito niyang kanta. Natigilan siya ng magsalita sa microphone ang pamilyar na boses na iyon. Mabilis siyang tumingin sa dereksiyon kung nasaan ang platform at napakagat labi siya ng makita si Sky na nakatayo sa harap ng microphone.
“This song is for you, Kreiya Ambrei Zapanta.” Wika ni Sky sa microphone na halos naririnig sa bawat sulok ng restaurant. “I hurt you.” Nakatitig ito sa kanya habang nagsasalita. “So damn much. And I know my sorry is not enough for you to forgive me. I’d been saying sorry and asking for your forgiveness but to no avail. So, here I am, I’m not a good singer, baka nga magtakip ka ng taenga kapag narinig mo akong kumanta pero kailangan. I have to sing this song to you, kaya narito ako ngayon, and I’m hoping against hope that this song will make you realize that it’s not a bad thing to love me. Alam ko mahal mo ako. Naniniwala ako roon kahit panay ang tulak mo sa akin palayo, kaya heto ako. Please, accept my love Kreiya and don’t deny your love for me, because JT is right, it’s not a bad thing to fall in love with me.”
Then Sky started singing while intently staring at her and Kreiya’s defenses melted. The jerk who stole her heart is stealing her entire being as he sang her favorite song. And damn boy, he had a nice voice.
‘Said, all I want from you is to see you tomorrow
And every tomorrow, maybe you’ll let me borrow your heart
Is it too much to ask for every Sunday
And while we’re at it, throw in every other day to start
Sky gave her a sad smile. Regret is visible on his handsome face as he looked at her, pleading. Her heart was shouting at her to forgive this man singing for her, but her brain doesn’t want to. She’s scared. At ayaw niyang mahalin ito hangga’t may takot siyang nararamdaman.
‘I know people make promises all the time
Then they turn right around and break them
When someone cuts your heart open with a knife, now you’re bleeding
But I could be that guy to heal it over time
And I won’t stop until you believe it
‘Cause baby you’re worth it’
When Sky hit the chorus of the song, he walks towards her. His eyes still glued on hers.
‘So don’t act like it’s a bad thing to fall in love with me’
Tumigil ito sa paglalakad ng nasa harapan na niya ito at hinawakan ang kamay niya.
‘Cause you might look around and find your dreams come true, with me.
Spent all your time and your money just to find out that my love was free’
Lumuhod si Sky sa harapan niya at pinisil ang kamay niya. His eyes were shouting so many emotions she can’t name. She wanted to cup his face but she’s afraid. She wanted to throw her arms around his neck and kissed him but she’s afraid. She’s afraid to be hurt again.
‘So don’t act like it’s a bad thing to fall in love with me, me
It’s not a bad thing to fall in love with me, me’
People clapped and cheered for Sky. They whistled and told her to forgive him because he’s a sweet guy. Yes, he is. But they didn’t know the pain she felt when he said those hurtful words to her.
Mukhang nabasa ni Sky ang emosyon sa mukha niya kasi bumagsak ang balikat nito at nawala ang ngiti sa mga labi. Parang may kumudlit na sakit sa puso niya ng makita na malungkot ang binata. Hinawakan niya si Sky sa kamay at pinatayo ito.
“Tumayo ka riyan.” Aniya rito at binalingan ang kapatid. “Mauna na ako sayo, Kuya. May pag-uusapan pa kami ni Sky.”
Tango lang ang itinugon ng kapatid sa kanya. Ibinalik niya ang atensiyon sa binata. “Come on.”
He gave her a small sad smile. “Okay.”
Magkatabi silang naglakad ni Sky palabas ng restaurant. All eyes were on them as they exited the restaurant. Kreiya didn’t mind those stares. Her mind and heart were too pre-occupied to mind them. Her heart and mind is fighting for what is right. Kreiya knew that her brain is right, dapat hindi siya magpauto na naman. But her heart is in the opposite side. Her heart beats for Sky and it’s over powering her way of thinking.
Is this what they call ‘love’? Masakita sa ulo!
Naramdaman niyang tumigil si Sky sa paglalakad. Nilingon niya ang binata.
“Why did you stop? Let’s talk somewhere else.” Tanong niya rito.
Sky shook his head. “What’s the difference? Dito man o sa ibang lugar, isa lang naman ang sasabihin mo.” Inisang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa at hinawakan ang pisngi niya. “I know I hurt you Kreiya. I know I was a jerk to you. I can’t turn back the time, but I want to make it up to you. I love you, Kreiya. Hindi ko na alam ang gagawin ko para maniwala ka.” He wet his lips using his tongue. “Just tell me what to do para maniwala ka na mahal kita. Gagawin ko lahat. Please, Kreiya. Give me a chance. That’s all I’m asking. I want a chance to show you how much I love you. Inipon ko ang lahat ng pagmamahal ko sa’yo sa pitong taon na wala ka rito.” Tinuro nito ang puso. “Narito iyon lahat. I keep it in my heart. Please, give me a chance.”
Umatras si Kreiya. “Natatakot ako, Sky.” Tears started to fall from her eyes. “Yes, I won’t deny. I fell in love you way back in college and I still love you until now. You stole my heart and after seven years, it’s still yours and I don’t want you to give it back. Kaya apektado pa rin ako sa presenya mo dahil mahal kita. Kaya galit pa rin ako sayo kasi mahal kita at hindi ko matanggap na ang lalaking kauna-una kong minahal ang nanakit sa’kin. Yes, I’m still carrying a torch for you but there’s a nagging voice behind my mind saying you are just going to hurt me again. At ayokong masaktan ulit. Ayoko.” Pinahid niya ang luha sa pisngi.
Kreiya took a step back but Sky grabbed her arm and pulled her closer to him.
“Sky—”
Sky crashed his lips on hers. Kreiya gasped as electricity sipped through every part of her body. She just stood there, shock. When she felt Sky’s lips moved and his arms snaked around her waist to pull her closer, it’s like every pain, every worries, every what if’s disappeared and replaced by want and need to be with Sky. And that feeling scared her.
Sky pulled away and looked at her deep in the eyes. “I love you; put it in that thickhead of yours.” Then he left her in the middle of the parking lot confused as hell.
Hinawakan niya ang labi na nararamdaman pa rin ang mga labi ng binata.
I kiss him back.
She closed her eyes then touched her lips once again.
Why does it feel so right?
CHAPTER 13
CHAPTER 13
ISANG linggo na ang nakakaraan mula ng halikan siya ni Sky, mula ng iwan siya nito sa parking lot hindi na niya nakita pa ang binata. There’s this voice in her mind saying he already give up and he doesn’t love her anymore. Natatakot siya na baka hindi na niya ito makita pang muli.
Aalis siya ng bansa sa makalawa dahil may kailangan siyang asikasuhin sa New York. Kaya naman kinain niya ang pride makita lang si Sky.
Kreiya wanted to see Sky before she leaves the country. That’s what her heart wants and she obliged. Napapagod na siyang kalabanin ang puso niya. Maybe it’s time to let her heart take over and decide for her happiness.
She went to Sky’s condo unit.
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago kumatok sa pintuan ng unit nito. Abot-abot ang kaba niya habang hinihintay na bumukas ang pinto.
Samo’t saring emosyon ang naramdaman niya ng bumukas ang pinto at iniluwa si Sky.
“Anong ginagawa mo rito?” Sky asked with no emotion whatsoever in his face.
Kreiya didn’t open her mouth to answer. She just stood there and looked at Sky’s face. His hair looks like it hadn’t been washed for days. His clothes were crumbled. He has day’s growth of whiskers. He looks haggard and irritated. In short, he looks like shit. Hindi ito ang Sky na malinis sa katawan. Ang Sky na nasa harapan niya ngayon ay parang pasan lahat ng problema sa mundo.
“Anong nangyaro sa’yo?” Maang na tanong niya rito. “You look like…I don’t know what to say. You look like—”
“I look like shit, I know.” Putol nito sa sasabihin niya. “Now, can you please tell me why you’re here? Diba wala ka namang pakialam sa’kin?”
She took a deep breath to control the irritation surging inside her. “I came here to see you.”
He scoffed. “That’s a first. Diba iniiwasan mo nga ako? What happened?” Puno ng kasarkastikuhan ang boses nito.
“I’m leaving the country, Sky. And I want to see you before I leave.”
“Oh, nakita mo na ako. Umalis ka na.” Walang pakialam sa sabi nito.
Her heart ached. “Okay. Aalis na ako.”
Akmang tatalikuran na niya ito ng pigilan siya nito sa braso.
“Akala ko ba gusto mo akong makita? Bakit aalis ka dahil lang sa sinabi ko?”
Naguguluhang tumingin siya sa mukha nito. “Sky, you’re pushing me away. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko kung ayaw mo naman akong makita. Even if it pained me to leave, I will kasi yun ang gusto mo. Diba pinapaalis mo ako?”
“It pained you?” He scoffed. “Ibig bang sabihin nun may nararamdaman ka para sa’kin? Ano yun? Bagong pauso mong biro?”
Naiinis na pinandilatan niya ito. “Ano ba sa tingin mo? Pupunta ba ako rito para makita ka kung wala? Hindi ako mag-aaksaya ng panahon sayo kung wala akong nararamdaman para sa’yo. My god, Sky. Napaka-slow niyang utak mo, akala ko pa naman ay matalino ka!”
Nagmamadali siyang umalis sa condo nito at tinungo ang sasakyan niya. Peste! Kung kailan gusto niyang maayos ang relasyon nila ni Sky saka naman nag-inarte ang ugok na ‘yon. Nilunok na niya ang pride niya at lahat-lahat, wala pa ring nangyari. Mas makabubuti talaga para sa kanya na umalis ng bansa.
Nakakairita ang lalaki na ‘yon!
A WEEK after Kreiya flew to New York, she was dead tired. Ang dami niyang ginagawa at wala na siyang oras para sa sarili niya. Halos hindi na siya umuuwi sa bahay niya. Ginawa na niyang tahanana ang opisina niya sa SkyZ. She worked twenty-four/seven, tumitigil lang siya kapag naawa na sa kanya ang sekretarya niya at pinapadalhan siya ng pagkain.
Kreiya leaned on the back of her swivel chair. Katatapos lang niya makipag meeting sa APL Company.
Napatingin siya sa pintuan ng opisina ng pumasok doon ang sekretarya niya.
“You should rest.” Anito sa kanya. “Have you eaten?”
She shook her head. “I don’t have time to rest or eat.”
“Don’t have time or you don’t want to have time to think about Sky?”
Agad na nabuhay ang puso niya ng marinig ang pangalan ng lalaki na hindi mawala sa isip niya. Akala niya magiging okay na siya kapag umalis siya at hindi ito makita, pero lumala lang ang nararamdaman niya para sa binata at naiinis siya sa sarili niya.
“I’m not thinking of him.” Pagkakaila niya.
Celine, her Fil-am secretary scoffed. “Yeah, right. You just thought of him a second ago. Masyado kang halata, boss.”
Pabiro niyang inirapan ito. “Magtrabaho ka na nga. Para matapos na tayo at makauwi na ako sa Pilipinas.”
Celine rolled her eyes. “Whatever you say, Boss.”
Napailing-iling nalang siya ng lumabas ng opisina niya si Celine. Nakilala niya si Celine sa isa sa mga Job fairs na dinaluhan niya, she was looking for a secretary and she found one. Celine is a half-Filipino, half-American. Madali silang nagkapalagayan ng loob kaya naman kinuha niya ito bilang sekretarya niya.
Huminga siya ng malalim at tumayo mula sa kinauupuan at lumabas ng opisina niya.
“Celine, I’ll just grab something to eat.”
Celine smiled widely. “At last! Go! Hurry up and eat!”
Natatawa na umiling-iling si Kreiya. Kailangan niyang kumain, sumasakit na kasi ang tiyan niya at ayaw niyang magkasakit. Lumabas siya ng building at papunta na sa nakaparada niyang sasakyan ng may mahagip ang mga mata niya.
No way in hell he’ll be here!
Nag-riot ang puso niya habang nakatingin sa taong hindi niya inaasahang makita.
Kreiya stared at the man standing three meters away from her. He was looking at her Company’s name that was encrypted in the left side of the building. Then like a movie, he slowly turns his head to her direction.
“Sky…” She whispered.
Sky smiled at her then walked towards her.
“Hey.” Anito ng tumigil ito sa harapan niya. “Kumusta?”
She just stood there like an idiot. Hindi niya maibuka ang bibig para sagutin ang pangungumusta nito. She wanted to tell him that she’s fine. She wanted to ask him how he is. She wanted to ask why he’s here but nothing came out from her mouth.
Inisang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa at mahigpit na niyakap niya ang binata. Action is louder than voice they said, at sa pagkakataong iyon, naniniwala siya sa kasabihang iyon.
When Sky hugged her back, Kreiya felt contended. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Kapag nasa mga bisig siya ni Sky, nawawala lahat ng takot niya.
“Did you miss me, Kreiya?” Narinig niyang tanong ni Sky.
Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap dito. She can’t put into words how much she missed him so she’s just going to hug him so tight until he understand what she’s feeling.
Sky chuckled then hugged her tight. “I missed you too, Kreiya.” Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa nuo. “I came here for you. Na-miss kasi kita ng sobra e. Sa araw-araw na lumipas na narito ka sa New York at ako nasa Pilipinas, naninikip ang dibdib ko. Nagpa-check up na nga ako baka may sakit na ako. Love sick pala ‘to kaya hindi ma-diagnose ng mga Doctor.”
Naiiyak na tumawa si Kreiya. Baliw na talaga ang lalaking ‘to.
Pabiro niya itong binatukan. “Baliw ka kasi. Magpa-check up ka ba naman.”
“Masakit e.”
She pulled away then looked deep in his eyes. “I can’t believe you’re here. Ito ang pinaka-hindi ko inaasahan. I didn’t—”
“I love you.” He smiled at her softly. “Kaya kong gawin lahat para sa’yo. Mag-iisang linggo na ako rito, ang ulol mo kasing kapatid, nang magtanong ako kung nasaan ka, sabi niya New York sa SkyZ building daw, hindi man lang nag elaborate. Apat na araw ko ring hinanap itong building na ‘to.” Tiningnan nito ang bulding. “Your company?”
Tumango siya. “Yeah.”
“SkyZ, huh?” There’s a small grin on his face. “Is that name?”
Nag-init ang pisngi niya. “W-What— N-no!”
His grinned become wider. “No? Sigurado ka? Sky is my name and the ‘Z’ came from my second name, Zither.” He looked her, his eyes is dancing with mischief. “I didn’t think you would use my name as your company’s name.”
Pulang-pula na ang pisngi ni Kreiya. Hindi siya makatingin sa binata. “A-Ano ba ang problema k-kung pangalan mo ang g-ginamit k-ko?” Nakatungong wika niya.
She heard Sky chuckled then pulled her into a hug. “I miss you so darn much.”
She hugged him back. “I miss you too, Sky.” Sa wakas nasabi rin niya.
Sky pulled away, grinning. “At last, inamin mo rin na na-miss mo ako.”
Inirapan niya ito. “Hindi ba sapat na ako ang unang yumakap sa’yo?”
“I feel it in your embrace, but I still need to hear it. Yes, action is definitely louder than words, pero kailangan ko pa ring marinig mula sa bibig mo na na-miss mo ako para mawala ang kaba na nararamdaman ko.”
Kumunot ang nuo niya. Hindi siya naniniwala rito. “Kinakabahan ka?”
He nodded then bit his lower lip. “Sobra. Magaling lang akong magtago.” Hinawakan nito ang kamay niya ang inilagay sa dibdib nito. “Damhin mo ang tibok ng puso ko. Parang may nagrarambulang squirrels sa loob.”
Kreiya chuckled then stilled when she felt his heart beating so darn fast. Nagtaas siya ng tingin dito. “Your heart…”
“That’s what you do to my heart wherever you’re near. Hindi mapakali at ayaw bumagal ng tibok. Kapag na heart attack ako, kasalanan mo. Ikaw lang naman kasi ang nakakakapag pabilis ng tibok ng puso ko.”
Kinagat niya ang dila para pigilan ang sarili na tumili. Hindi kataka-taka na hawak nito ang puso niya.
Nang hindi siya umimik, pinagsiklop ni Sky ang mga kamay nila. “Puwede ba tayong mag-usap?”
Tumingin siya kay Sky. Parang alam na niya ang tinutukoy nito pero umakto siyang walang alam. “Mag-usap? Tungkol saan?”
“Tungkol sa ating dalawa.”
Kaagad na inataki siya ng kaba. Tama nga ang hinala niya. “A-Anong sa ating dalawa?”
“Kreiya, gusto kong magkaayos na tayong dalawa. Alam kong malaki ang kasalanang nagawa ko sayo pero magpapaliwanag ako. Hear me out, please.”
Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga at sinalubong ang tingin nito. “Sky, puwede bang kalimutan nalang natin yun?” She can feel the pain resurfacing. “Kasi ang tagal na ‘non e tapos—”
“Hindi tayo maayos na dalawa kung kakalimutan natin yun. I can see it in your eyes, Kreiya, You’re still hurting, you’re still doubting me. Hindi natin yun puwedeng kalimutan. Even if you hugged me back and you seem happy to see me, I can feel it. There’s still a gap between us. Alam kong alam mo rin na hanggang hindi nari-resolba ang nakaraan natin, hinding-hindi tayo maayos na dalawa.”
Nag-iwas siya ng tingin. “Marami pa kasi akong gagawin.”
Sky sighed. “Okay, gawin mo na ang lahat nang dapat mong gawin . Hihintayin kitang matapos, and then after that, we’ll talk.”
Mukha hindi siya makakaiwas. Ayaw niyang pag-usapan ang nakaraan nila. Alam niyang masasaktan siya ng sobra-sobra. Ayaw na niyang alalahanin ang nakaraan na nagpaiyak sa kanya at pumunit sa puso niya.
“Sky, hindi naman sa ayoko pero marami talaga akong gagawin.” Palusot niya.
Matiim siyang tinitigan ni Sky, kapagkuwan ay ngumiti ng pilit. “Fine. Uuwi na ako.”
Nang bitawan nito ang kamay niya, gusto niyang hawakan ang kamay nito at pigilan pero alam niyang para rin ito sa sarili niya. Hindi pa siya handa. Hindi pa niya kaya.
“Ingat ka. I’ll see you soon.” Anito.
She nodded. “Sure. Ikaw din, ingat.”
Nang tumalikod ito, nag-umpisa na rin siyang maglakad pabalik sa opisina niya. Nawala na siya ng gana kumain. Bakit naman kasi ang duwag-duwag niyang pagdating sa usaping pag-ibig.
IT WAS unusual for Kreiya to go home early but she’s avoiding Sky. Hindi niya alam kung kailan ang tinutukoy nitong ‘I’ll see you soon’ kaya naman maaga siyang umuwi. Ayaw niyang maka-usap ito. She needs to think.
Ilang minuto palang ang lumipas mula ng pumasok siya sa bahay niya, narinig niyang nag-ingay ang door bell ng bahay niya.
Kumunot ang nuo niya. “Sino naman kaya ang nasa labas?” Tanong niya sa sarili.
Naglakad siya patungo sa pintuan at binuksan iyon. Bahagyan siyang napaatras ng makita si Sky sa labas ng pintuan. He’s wearing the same clothes he was wearing when they talk earlier outside her company building.
“A-Anong ginagawa mo rito?” She stuttered. Her heart is beating so fast.
Sumandal ito sa hamba ng pintuan. “Siguro naman wala ka nang gagawin ngayon.”
Lihim siyang napalunok dahil sa kasinungalingan niya. Wala nga siyang nagawa maghapon dahil tanging si Sky lang ang laman ng isip niya. Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho niya.
“May ginagawa ka pa?” Tanong ni Sky ng hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.
She slowly shook her head.
“Great.” Sky smiled then entered her house like he owns it. “Let’s talk.”
Isinara niya ang pinto at hinarap ang binata na nakita niyang naka-upo sa mahabang sofa at pinapalibot ang tingin sa kabuunan ng bahay niya.
Tumikhim siya. “What are we going to talk about?”
Sky looked at her. “We’re going to talk about us, Kreiya. And this time, you’re not going to make alibis.”
“I’m not making alibis.” Aniya at umupo sa pang-isang sofa na kaharap ng inuupuan nito.
“Uhuh? Ang pigs can fly. Don’t lie to me, Kreiya.”
Pinagsiklop niya ang kamay niya at sumandal sa likod ng sofa. Sinalubong niya ang tingin ni Sky. Kinalma niya ang puso na kinakabahan. Siguro nga ito na ang oras para magkaalaman sila. Hindi na niya matatakasan ito. Oras na para malaman ng isa’t-isa ang saloobin nila.
“Okay. Mag-usap tayo. You first.” Wika niya at matapang na nakatingin dito.
“Let’s talk about Sheena first.”
Her heart instantly tightened in pain at the mention of the bitch name. Palihim niyang kinapa ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
Kaya ko ‘to.
CHAPTER 14
CHAPTER 14
KREIYA took a deep breath to lessen the pain her heart is feeling, but it didn’t work. As expected. Kapag si Sheena ang topic palaging parang may kamay na pumipipit sa puso niya at hindi iyon titigil sa pagpipit hanggang hindi iyon dumudugo.
“I don’t want to talk about her, Sky.” Wika niya sa matigas na boses. “Matagal nang nakasara ang utak ko pagdating kay Sheena.” Ayaw niyang pag-usapan si Sheena at sana maramdaman nito ang disgusto niya sa dating kaibigan.
“Kreiya, please, I have to explain my side. Hear me out. Kahit anong gawin kong pagpapaliwanag, mababanggit ko pa rin ang pangalan niya.”
Her jaw tightened. She wanted this over. Pronto. Looks like she has to endure the pain.
“Fine.” She exhaled loudly. “Magpaliwanag ka na.”
Mataman muna siyang tiningnan ni Sky bago ito nagsalita.
“Your father’s birth day party, I was there.” Panimula nito.
She frowned. “What? When?”
“When we were in college.” He looked at her in the eyes. “Your father held a party and my sister and my twin are one of the invited guests. Imagine how shock I was when your father announced that you’re going to MIT. Our so called relationship was still raw. I was shock and the funny thing was, it scared me. The thought of you leaving the country, leaving me, scared the hell out of me. The thought of you, abandoning me, keeps playing on my mind.” He chuckled humorlessly. “Back then, I was in denial of my feelings for you. What I feel for you was not just a simple like, it was at first, but as I spend time with you, as I embrace you, as I kiss you, the feeling I have for you deepened to the extent that I can’t resurface anymore. And well, I was an irrational teenager, hindi ko alam ang ginagawa ko. Ang alam ko lang natatakot ako at ayokong iwan mo ako. Ayokong mauna kang iwan ako kasi mas masakita iyon. Nasa isip ko noon, mas makabubuting isipin mo na ginago kita sa halip na mag-makaawa ako sa’yo na hindi umalis. Sa halip na aminin ko sayong mahal kita. When I said those things about your mom, I wanted to kill myself, but it my state of mind back then, kailangan kitang saktan para lumayo ka sa akin. Kailangan kitang saktan at alam kong ang tungkol sa mama mo ang tanging bagay na makakasakit sayo.”
Sky lips form a sad smile. “I was a fool, no doubt about that. Please believe me when I say that I never intend to fool you. Oo nga plinano ko na pagbayarin ka dahil sa pagsampal mo sa akin pero nawala iyon lahat ng unang beses na naramdaman ko ang labi mo sa mga labi ko. When I told you that I like you, it was the truth. When I ask you to be my girlfriend, I was sincere. That day, alam kong pupunta sa library kaya naman doon ko dinala si Sheena. I kissed her…”
Kreiya’s heart cried.
Be brave heart.
She bit her lower lip. Kreiya can feel her heart aching painfully. Here’s the part of Sky’s explanation that really tore her apart.
“… when I kiss Sheena, ikaw ang nasa utak ko.”
Mapaklang tumawa si Kreiya. “Sky naman, gasgas na ang paliwanag na yan e. Ako ang nasa isip mo? Kung ako ang nasa isip mo, dapat hindi mo iyon ginawa.”
“I was just a boy back then, Kreiya. What do you expect? I was in love with you, Kreiya. Scratch that, I
am
still in love with you up until now. Akala ko mawawala ang nararamdaman ko para sa’yo, but it never fade away. My heart never stops loving you. My heart never stops yearning for you. Yes, I made a mistake and I regretted it for seven years. I love you, Kreiya, I love you very much at alam kong kakapalan na ito ng mukha pero hinihingi kong tanggapin mo akong muli sa buhay mo.”
“Sure, no problem.” Wika niya na ikinalaki ng mga mata nito.
“W-What?” Mukhang nagulat ito sa sagot niya.
“Sky, I already made peace with my past. At sa mga pinaliwanag mo sa akin ngayon, mas na-realize ko lang na past is past, hindi tayo dapat magpa-apekto sa nakaraan natin. Mga bata pa tayo noon, wala pa tayo sa tamang kaisipan. You made mistakes, so did I and we can’t change that.” She smiled at him, it was a genuine smile.
Lahat ng sinabi niya ay totoo. Ang eksplinasyon lang pala ni Sky ang makakapag-realize niyon sa kanya.
“So… what now?” Nag-aalangang tanong ni Sky.
“What, what now?”
“Are we okay?”
She smiled. “Yeah, sure.”
“Cool.” Sky matched her smile. “Can you be my girlfriend?”
Kreiya chuckled. “Sky, natanggap ko ang explanation mo, pero hindi ibig sabihin niyon ay makikipagbalikan na ako sayo. Yes, I realize that I shouldn’t let our past affect how I treat you, pero hindi pa ako handang makipagbalikan sa’yo ulit. Yes, tanggap ko na ang nakaraan natin, pero hindi naman ako ipokrita, masakit pa rin ang ginagawa mo. My heart needs time to heal, let my heart rest for a while, Sky.”
Sky shoulder slumped. “Okay.”
“At saka, hindi na tayo mga bata. Hindi na ako basta-basta papayag na maging girlfriend mo na hindi ka man lang naghihirap.” Aniya na nakangiti rito.
“Is that so?” Sky chuckled lightly. “Then let me rephrase my question.” His tantalizing eyes stared at her like he is trying to seduce her into saying yes. “Can I court you?”
Hindi na niya napigilan ang ngiting kumawala sa mga labi niya.
“What if I say no?” Hamon niya sa binata.
“Your
no
won’t stop me, Kreiya.”
Tumayo siya at tumingin sa pintuan ng bahay niya. “It’s time for you to leave.”
“What?” Gulat na gulat ito sa sinabi niya.
“I said…” She looked back at him from the door. “It’s time for you to leave.”
“What? Why?”
“Because I said so.” Aniya at naglakad patungo sa pintuan at binuksan iyon.
His eyes were full on confusion. “What? Pero akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba—”
“Sky, umuwi ka na. Gusto ko ng magpahinga.”
Hindi umimik ang binata at naglakad ito patungo sa pintuan ng bahay niya. Nasa labas na ito ng pintuan ng humarap si Sky sa kanya.
“Can I court you?”
Kreiya shrugged then close the door. Habang nakatingin sa nakasarang pinto, unti-unting kumawala ang ngiti sa mga labi niya na pinigil niya ng tanungin siya ulit ni Sky ng ‘can I court you’.
Napailing-iling si Kreiya.
Let’s see kung ano ang panliligaw na gagawin niya.
May munting kirot pa rin siyang nararamdaman sa nakaraan nila ni Sky, pero nararamdaman niyang unti-unting nawawala iyon. Unti-unting nabubura ang sakit nang nakaraan at napapalitan iyon ng kasiyahan.
HINDI pa lumalabas ang araw, nag ta-trabaho na si Kreiya. Ang dami niyang hindi nagawa nang nagdaang araw sahil sa kaiisip kay Sky. Wala siyang panahon na isipin ito ngayon kaya naman hindi pa sumisikat ang araw narito na siya sa
SkyZ
at nagta-trabaho.
I need to focus!
Kreiya was reading the APL file when she heard a knock on the door. Nang bumukas iyon, pumasok si Celine ang sekretarya niya na may dala-dalang Milk Tea at isang pumpon ng bulaklak.
Nakangiti nitong inilapag sa ibabaw ng mesa niya ang Milk Tea na hawak nito at inabot sa kanya ang pumpon ng bulaklak na pinaghalong tulips, orchid at white rose.
Kreiya accepted the flower and smells it. It has a radiant smell that made her smile with no reason.
“Sinong nagbigay?” Tanong niya kay Celine.
Celine shrugged. “Aba malay ko. Basta ibinigay nalang iyan ng security guard sa akin nung papasok ako sa building.”
“Wala bang sinabi ang security guard kung sino?”
Celine shook her head then leaned in to the flower. “Wala bang card diyan na nakalagay?”
She stared at the flowers then look for a card. After a second, she found a light pink post-it-note. Binasa niya iyon at napangiti siya sa nabasa.
It was a simple message but it made her smile. It says,
Flowers for my future girlfriend.
Kahit walang nakasulat na pangalan kung saan galing iyon, alam ni Kreiya na galing kay Sky ang bulaklak. Her smile widens when her eyes settled on the Milk Tea.
My favorite!
Ang lalaking ‘yon talaga.
“Aw, isn’t that sweet. It’s a Milk Tea, your favorite.” Celine was somewhat teasing.
“Ang lalaking yun talaga, kahit kailan napaka-hilig pa rin sa Milk Tea.” Aniya sa sarili.
“So you know the sender?” Kinikilig na tanong sa kanya ni Celine kapagkuwan ay bahagyang nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa Milk Tea na bigay sa kanya ni Sky. “Look, oh. May nakadikit na post-it-note.” Excited na puna ni Celine.
Pinalibot niya ang Milk Tea cup para tingnan ang tinutukoy nito. She covered her mouth to hide her wide grin.
The post-it-note says,
Smile, if you agree to be my future girlfriend.
Ang corny talaga ng lalaking yun!
“So… who’s the sender?” Tanong ni Celine na nakatingin sa kanya na para bang sinusuri kung ano ang kaluluwa niya.
“It’s from Sky.” Parang wala lang na sagot niya.
Celine gasped. “He’s here? Like, here in New York?”
Kreiya nodded. “Yeah. Na-miss daw niya ako e kaya sinundan niya ako rito.”
Tumaas ang kilay ni Celine. “Is it just me o nararamdaman kong may something sa inyong dalawa?”
“Walang something sa aming dalawa.” Tumayo siya at inilagay ang mga bulaklak sa vase pagkatapos ay sumimsim ng Milk Tea.
“I smell something fishy.” Wiki ni Celine na nakataas pa rin ang kilay. “Nagkabalikan na kayo?” Paghuhula nito.
She shook her head. “Nope.”
“Okay na kayo? MU lang ang drama niyong dalawa?”
Again, she shook her head. “Hindi rin.”
Kumunot ang nuo nito. “Eh ano ba kayo?”
Nagkibit-balikat siya. “Wala. Hindi kami. Hindi kami MU. Walang lang. last night, he explained and I realize, I shouldn’t be dwelling on my past. I should focus on my future.”
Tumango-tango si Celine. “Oh… After seven years, ngayon mo lang na-realize iyon? Sayo na ang korona.”
She sighed. “Oo nga e, after how many years, ngayon ko lang naisip iyon. Hindi pa naman huli para—”
“Para ipagpatuloy ang pag-iibigan niyo ni Sky?” Nakangising usisi ni Celine habang nagniningning ang mga mata nito.
“Heh!” Pinandilatan niya ito. “Bumalik ka na nga roon sa table mo. Mag-trabaho ka na.”
“Whatever, boss.” Celine rolled her eyes then left her office.
Napailing-iling nalang siya at napatingin sa bulaklak na bigay ni Sky. She was admiring the flower when her phone rang. She answered the call without looking at the caller ID.
“Good morning. Kreiya Zapanta speaking, who’s this?”
Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita ang nasa kabilang linya.
“Did you like the flowers and the Milk Tea?”
Napamulagat siya. “Sky?” Paninigurado niya na ito nga ang may-ari ng boses na iyon.
“Yeah. It’s me.”
“Ahm… Ah—Yeah, I did. Thanks for the flower and Milk Tea.”
“No problem. Did you smile?”
“Nope.” She lied. “Bakit naman ako ngingiti?”
“Oh.” He sounds disappointed. “Kung ganoon, puwede ka bang tumingin sa gusali ng Sweet Delight Hotel na nasa harap ng opisina mo.”
Kunot ang nuong na nag lakad siya patungo sa glass wall na nakaharap sa gusali na tinutukoy ni Sky. May takip na kurtina ang glass wall para hindi makapasok ang init ng araw sa opisina niya.
“Ano bang mayroon at kailangan ko pang tumingin sa gusali ng Sweet Delight Hotel?”
“Basta. Open your curtains.”
Kreiya opened the curtain that was covering the glass wall.
She gasped and her eyes widen at what she saw. Natutop niya ang bibig sa gulat na naramdaman. Her heart hammered inside her chest. Her heart accelerated. Her eyes watered. Her heart melted.
Nanunubig ang mata niya habang nakatingin sa katapan na gusali ng opisina niya. In the building wall, there was graffiti with different color. The graffiti says,
Kreiya, I love you. Will you be my girlfriend?
The graffiti is so beautiful she can’t take her eyes off of the wall.
Parang sasabog ang puso niya sa sobrang saya na nararamdaman. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon. Lahat ng cells niya sa katawan ay kinikilig ng sobra habang nakatingin sa graffiti.
Everything in her screamed happiness!
“Do you like it?” Anang boses ni Sky sa kabilang linya. “Did it make you smile?”
“You made me cry.” Garalgal ang boses na wika niya. “You made me cry, you jerk.” Pinahid niya ang mata na mamasa-masa ng luha.
“Tears of joy naman iyan, eh.” Anito sa kabilang linay na natatawa. “Well, sasagutin mo ba ang tanong ko? I hired six graffiti maker para matapos kaagad iyon bago ka pumasok sa opisina. Will you be my girlfriend or you want me to make another graffiti again showing how much I love you?”
Napatawa siya ng mahina. “Bahala ka kung iyon ang gusto mong gawin. I did appreciate the graffiti but it’s still a no.”
Kreiya ended the call before she changes her mind. Her heart was shouting
yes.
Everything insider her was shouting
yes
, but not yet.
Not yet.
CHAPTER 15
CHAPTER 15
HALOS araw-araw may dumarating na Flower at Milk Tea sa opisina ni Kreiya. At lahat ng iyon ay galing kay Sky. Walang pagod itong nagpapadala sa kanya ng bulaklak o kaya naman Milk Tea. Sa araw na ito, wala pa siyang natatanggap na flower. Mukhang napagod na yata ito. Parang may kumurot sa puso niya sa isiping iyon.
Celine enters her office without knocking. “Boss, someone wants to talk to you. Wala siyang appointment, pero importante raw ang sasabihin at ibibigay niya sa’yo. Papapasukin ko ba?”
Thanks to her curiosity, she nodded. “Sure, papasukin mo siya. Wala naman akong importanting ginagawa.”
“Okay.”
Lumabas si Celine sa opisina niya at ilang minuto lang ang lumipas, bumukas ang pinto ng opisina niya at nakarinig siya ng yabag. At dahil abala siya sa harap ng laptop niya, hindi niya tiningnan ang pumasok.
“Please sit.” Aniya na hindi pa rin tumitingin sa bisita. “May tinatapos lang ako. I’ll be with you in a minute.”
Out of nowhere, a flower appeared in front of her, making her gasp. It’s the same flower Sky used to give her every day. Nag-angat siya ng tingin at natutop niya ang labi ng makita kung sino ang may hawak ng bulaklak.
It’s none other than, Sky himself!
“Sky…” She whispered his name.
Mag-iisang linggo na niya itong hindi nakita. The last time she saw him, he’s was so handsome. A week after, mas gumuwapo yata ito sa paningin niya.
He smiled. “Flowers for you, Kreiya.”
Bahagyang nanginginig ang kamay ni Kreiya ng tanggapin niya ang bulaklak. Hindi niya maalis ang mata sa guwapong mukha ni Sky. Bakit ba parang napaka-guwapo nito ngayon? It boggles her mind.
“What happened to you?” Naguguluhang tanong niya. “You seem … more handsome than before.” Hindi niya napigilan ang sarili na magtanong.
Sky grinned. “Nothing. Guwapo naman talaga ako noon pa, hindi mo lang napapansin.”
She rolled her eyes. “Alam kong guwapo ka kahit noon pa per—” Natutop niya ang bibig at nag-iwas ng tingin. “What I mean is… y-you’re… ahm… g-glowing.”
He chuckled. “Am I?” Tumawa ulit ito. “So if I ask you to have a date with me, would you say yes? Because I’m glowing?”
Napatingin siya rito at umiling. “Ahm… I can’t.”
Kumunot ang nuo nito. “Why?”
“I’m going back to the Philippines. Mamayang five PM ang flight ko.”
Napanganga ito. “And you didn’t even bother telling me?”
She looked at him, confused. “Why would I? I haven’t seen you for a week. I don’t know where to find you—”
“You have my number, Kreiya. Tinawagan mo man lang sana ako. Aalis ka, I’m sure hindi ako makakapag-book ng flight until tomorrow and I’m sure medyo matatagalan pa ang alis ko at mauuna ka sa akin sa Pilipinas.” Bakas sa mukha nito ang pagtatampo. “At malay ko, pagdating ko roon, aalis ka na naman.” Puno ng hinanakit ang boses nito.
“Bakit ka ba nagtatampo?” Hindi niya maintindihang tanong. “Sorry, nakalimutan kong may number pala ako sayo. I should’ve—”
“Pumunta ako ng New York para sa’yo, Kreiya. You could have at least told me that you’re leaving the country.”
“Hindi ko naman sinabing pumunta ka rito. Hindi ko naman sinabing sundan mo ako. It was your own decision, kaya huwag mo akong sisihin. Huwag kang magalit sa akin.”
Sky’s eyes lost its emotion. It was blank when he looked at her in the eyes. “Oo nga pala. Nakalimutan ko, desisyon ko pala na pumunta rito at sundan ka. Sorry kung naabala kita.”
Inilapag ni Sky ang Milk Tea na hawak nito sa mesa niya at walang lingon-likod na iniwan siya at lumabas sa opisina niya.
Nanghihinang napasandal siya sa likod ng swivel chair niya at niyapos ang bulaklak na ibinigya sa kanya ni Sky. Puno ng pagsisisi ang isip at damdamin niya.
Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip bago magsalita?
Gusto niyang kutusan ang sarili pero huli na ang lahat. Galit na si Sky sa kanya.
A tear fall down from her eyes.
Shit! Kung kailan okay na kami. Saka ko naman sinira ang lahat.
Siya nalang palagi ang pinag-uumpisahan ng away nila ni Sky at nagagalit siya sa sarili.
Pinahid niya ang luha na tumulo sa pisngi niya at kinuha ang cell phone niya para tawagan ang kaisa-isang tao na makakatulong sa kanya para magka-ayos sila ni Sky.
Sana naman gumana ‘to.
WALANG imik si Kreiya habang kaharap niya si Blue. Nuong nasa New York pa siya, tinawagan niya ito para humingi ng pabor at pumayag naman ito. Kaya naman paglapag ng sinasakyan niyang eroplano mula New York, agad niyang tinawagan ito at nakipagkita rito.
“So… what do you want me to do?” Si Blue ang bumasag sa katahimikan. “Marami pa akong gagawin. At isa na roon ang Isla Tech na ilang araw nalang ay matatapos na.”
Huminga siya ng malalim. “Nandito na ba si Sky?”
“Bakit hindi mo siya tawagan at alamin mo.”
Napatungo siya. “We’re not in good terms.”
“Kaya naman pala ng tawagan ko siya kagabe ay parang galit siya sa mundo. Hindi na naman pala kayo okay. Akala ko okay na kayo kasi sabi niya nililigawan ka niya ulit at pumayag ka naman daw.”
Hindi siya makatingin dito. “It’s my fault. May sinabi kasi ako sa kanya na nasaktan siya.”
“Ah… kaya kailangan mo ang tulong ko.”
Tumango siya. “Yes. I’ll make it up to him.”
Ilang minutong hindi nagsalita si Blue kapagkuwan ay narinig niya ang boses nito. “Sige nga, give me one valid reason why I should help you. Sinaktan mo ang kapatid ko, hindi naman puwede na basta-basta nalang kitang tulungan ng walang rason.”
Nag-angat siya ng tingin at sinalubong niya ang titig nito. “I love, Sky. Is that enough reason for you to help me?”
Pagak na tumawa si Blue. “Mahal mo ang kapatid ko? Paano mo nasabi ‘yon samantalang sinaktan mo palang siya. Kung talagang mahal mo siya, iparamdam mo sa kanya. Ipakita mo iyang pagmamahal na sinasabi mo. Sky did everything to get your attention. Sky did everything he could to get your affection. Sky did everything, for you to love him again. Kahit sobrang lamig ng panahon, pumunta siya ng Baguio at namitas ng halaman habang malakas ang ulan para lang may maibigay sayo. Gusto kasi niyang siya mismo ang mamitas para raw may personal touch niya. Ginawa iyon lahat ng kakambal ko para sa’yo, ikaw, ano na ba ang nagawa mo para kay Sky? Mayroon na ba? Maliban sa patuloy mong pagtulak sa kanya palayo, wala na. Kaya naman iyang sinabi mo na ‘
I love, Sky.’
Hindi ako naniniwala riyan. Kasi kung mahal mo ang kapatid mo, hinding-hindi mo siya ipagtutulakan palayo. Masakit ang ipagtulakan ka ng taong mahal mo, napakasakit ‘non. Trust me on that one. Kaya hindi ko masisisi si Sky kung galit man siya sa’yo ngayon.”
Parang may kumurot sa puso niya sa mga sinabi ni Blue. Totoo naman kasi ang lahat ng iyon. Palagi nalang si Sky ang nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal pero siya wala pang nagagawa para iparamdam ang pagmamahal niya.
Walang imik siyang tumayo at nagpaalam. “Sige, aalis na ako. Kalimutan mo na ang pabor na hinihingi ko.”
Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Mabilis siyang lumabas sa restaurant at sumakay sa kotse niya.
NATAGPUAN ni Kreiya ang sarili sa bay walk. Lumabas siya ng sasakyan at nag-umpisa siyang maglakad-lakad. Hindi pa siya nakakalayo sa sasakyan niya ng may tumawag sa pangalan niya.
“Kreiya? Kreiya Zapanta?” Anang boses mula sa likuran niya.
Nilingon niya ang tumawag sa pangalan niya. Napatanga siya ng makilala ito. It’s Kai Drake. He’s not the same as before. Kung noon marami itong piercing at palagi itong emo looking, ngayon ay naka-barong na ito at napaka-formal nitong tingnan.
“Kai Drake?” Paninigurado niya baka nagkamali lang siya.
Tumango ito. “Yes, it’s me.”
“Wow.” She smiled at him. “How are you?”
He smiled back. “I’m fine.”
Iminuwestra niya ang suot nito. “Hindi ka na mukhang punk ngayon. What the heck happened?”
Kai chuckled. “I don’t think my punk look will be accepted in the court.”
“In the court…” Nanlaki ang mga mata niya ng maintindihan ang ibig nitong sabihin. “Oh my god! You’re an Attorney!”
Natatawang tumango si Kai. “Yeah. I am.”
“I’m happy for you.” Kapagkuwan ay kumunot ang nuo niya. “Ano pala ginagawa ng isang attorney dito sa baywalk?”
Nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan iyon ng pagkainis.
“Napilitan lang akong pumunta rito. Ang babaeng yun kasi! Nakakainis!”
“Sinong babae?”
Akmang sasagot ito ng biglang may lumapit sa kanilang babae.
“Saan ka na naman ba nagpakalat-kalat? Kanina pa kita hinahap. May hearing pa ako isang oras mula ngayon at ayokong ma-late na naman ng dahil na naman sa’yo.” Sikmat ni Kai sa babae na ipinagsawalang bahala lang nito at nakangiting bumaling sa kanya.
“Hey.” Bati nito sa kanya sabay kaway. “Kung nililigawan ka ng feeling attorney na ito, huwag mong sasagutin kasi feelingero ‘to. Feeling niya alam na niya lahat sa mundo, Haller, kahit nga yata si Ernie Baron may hindi alam sa mundo. Hindi porke’t naglalakad siya habang nagbabasa ng Law books na kasing tangkad ng ego niya at kasing lapad ng maganda kong ngiti, alam na niya ang lahat. Hindi kaya. Hindi nga niya alam kung kailan ang birth day ko. And take note, isa ako sa masugid niyang magliligaw dati.”
Pinigilan ni Kreiya ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya ng takpan ni Kai ang bibig ng babae gamit ang kamay nito.
“Puwede ba Katrin! Huwag ka ngang maingay! Sa lahat ng manliligaw ko noon, ikaw ang pinaka-hindi ko gusto!”
Pain crossed the woman eyes. Kapakuwan ay malakas na sumigaw si Kai dahil kinagat pala ni Katrin ang kamay nito, pagkatapos at inapakan ni Katrin ang paa ni Kai.
“Gago! Kahit naman niligawan kita noon, hindi ibig sabihin ay patay na patay na ako sayo!” Inirapan nito si Kai. “Mamatay ka na sana! Masagasaan ka sana ng UFO galing sa pluto! Alien! Alien na Attorney!”
Tumakbo ang babae palayo sa kanila. Nagkatinginan sila ni Kai, kapagkuwan ay mahina itong tumawa.
“Pasensiya ka na sa babaeng yun. Mas sayad lang talaga siya sa utak.”
Nanunudyong ngumiti siya rito. “Bagay kayo.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Kai at parang nainis ito. “Ewan ko sa’yo, Zapanta. Hindi kami bagay ng pang-mental na babaeng yon. Sige, aalis na ako. Susundan ko pa si Katrin, baka bigla nalang iyon pumunta sa mental Hospital.”
“Okay. Bye. Nice to see you again. Bagay talaga kayong dalawa.”
He rolled his eyes. “Nice to see you too, but still, hindi pa rin kami bagay.” Naglakad ito patungo sa nakaparadang kulay dark blue na Honda civic at sumakay doon.
Siya naman ay nagpatuloy sa paglalakad. Pansamantalang nawala sa isip niya si Sky nuong kausap niya si Kai, pero ngayong wala na siyang kausap ukupadong-ukupado ni Sky ang buong pag-iisip niya.
She took a deep breath then exhaled loudly. She did it five times to calm her nerves. Bakit naman kasi napakahirap ang magmahal?
Nagmumuni-muni siya ng tumunog ang message alert tone ng cell phone niya. Kinuha niya ang phone mula sa bulsa sa likod ng pantaloon niya at binasa ang text sa kanya. She frowned when she saw that it was from Blue.
She opened the message. It says,
‘I’ll be in the Philippines tomorrow morning. See yah. – I receive this text from Sky just a minute ago.’
Napuno ng pasasalamat ang puso ni Kreiya dahil sa ginawa ni Blue. She replied and her message says, ‘
thank you. I’ll do what I can to show Sky how much I love him.’
Nagmamadali siyang bumalik sa sasakyan niya at pinaharurot iyon patungo sa bahay niya. Kailangan niyang magpaganda. Kailangan maganda siya bukas sa pagsalubong niya kay Sky sa airport.
EARLY morning, nasa airport na siya at hinihintay si Sky na dumating. Katabi niya si Blue sa waiting area.
“Anong gagawin mo kapag dumating si Sky?” Tanong sa kanya ni Blue.
Ngumiti siya ng mapalad. “Yayakapin ko siya at sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.”
Napangiti si Blue. “Good.”
Ilang minuto pa silang naghintay na Blue bago dumating si Sky. Pagkakita niya sa binata na naglalakad patungo sa kanila, mabilis na inayos niya ang damit at inihanda ang sarili. Sabik an sabik na siyang mayakap ito.
Hindi na siya nakatiis, susugurin sana niya ito ng mahigpit na yakap ng may babaeng humawak sa braso nito. Nanigas siya sa kinatatayuan ng makilala ang babae.
Shit! Hindi ba siya nito titigilan! Nagpupuyos siya sa galit habang nakatingin sa magkalingkis nitong braso. Parang may umaararo sa puso niya habang nakatingin sa dalawa at parang mapupugto ang hininga niya sa sakit na nararamdaman.
“Sheena, what are you doing with Sky?” Si Blue ang unang nagtanong ng makalapit ang mga ito sa kanila.
Sky was wearing sunglasses, kaya naman hindi niya alam kung saan ito nakatingin. Pero nararamdaman ni Kreiya ang mga mata nito sa kanya, o baka naman guni-guni niya lang iyon.
Humagikhik si Sheena. “Oh, nothing. When I saw Sky in New York, I just thought of coming here.”
“What a dumb answer.” She murmured under her breath.
Hindi niya alam na narinig pala nito iyon ng tumikwas ang kilay nito at tinarayan siya.
“Well, well, if it isn’t Kreiya Zapanta. What are you doing here? Akala ko ba matagal na kayong hiwalay ni Sky? Naghahabol ka ba sa kanya? Well I’m sorry to inform you, he’s mine now. We had a good time in New York.” Matamis ang ngiting binalingan nito si Sky na nakatayo lang at walang imik. “Didn’t we sweetheart?”
Parang na hit and run ang puso niya ng makitang tumango si Sky at ngumiti kay Sheena.
Tumingin siya kay Sky na nakasuot pa rin ng sunglasses pero alam niyang nakatingin din ito sa kanya. “Why am I here? I’m here to tell Sky how much I missed him. I’m here to tell Sky how sorry I am for saying those things to him. I’m here to tell Sky how much I love him. I’m here to tell Sky that I was stupid for not accepting him in my life again. I’m here to tell Sky that I’m the one who’s going to court him this time. I’m here to tell Sky that I’ll do anything just for him to love me and only me.”
Kreiya’s voice quiver as she looked at Sky. “But seeing you with Sheena again, after so many years, my heart wanted to ask you. Do you really love me like you claimed, or you’re just playing tricks on my heart like a jerk that you are?”
Nakita niyang bumuka ang bibig ni Sheena para sagutin siya pero hindi niya hinayaan ito. Mabilis na tumama ang kamay niya sa pisngi ni Sheena.
“That slapped was for causing me too much pain.” Aniya.
Hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Tumalikod siya at nag-uunahang pumatak ang mga luha niya sa pisngi. Tumakbo siya patungo sa sasakyan niya habang walang pugto pa rin ang pag-iyak niya. Pinagtitinginan na siya ng mga tao pero wala siyang pakialam.
She’s entitled to cry for Pete’s sake! Her heart was cut into pieces; of course she’s entitled to cry. And even she can’t stop the tears that were falling from her eyes.
Letcheng pag-ibig kasi e! Pero mas letche ang lalaking minahal ko!
CHAPTER 16 = END
CHAPTER 16
HINDI mapakali si Kreiya habang nasa kuwarto niya. She keeps on pacing back and forth as her mind wonder over Sky and Sheena. Hindi niya alam kung bakit hindi kayang tanggapin ng isip at puso niya ang nakita sa Airport when it’s very clear that something is going on between the two.
Naiinis na lumabas siya sa silid niya at naabutan ang kapatid na nanunuod ng TV.
Kumunot ang nuo niya. “Kuya? Bakit ka narito? Diba dapat nasa opisina ka ngayon at nagta-trabaho?”
Inalis ng kapatid ang tingin sa screen ng TV at tiningnan siya. “May kailangan lang akong mapanuod kaya naman narito pa ako.”
“Ano naman?”
“’Yung sa Discovery Channel entitled ‘the mind of a psychologist’.”
Mas lalong kumunot ang nuo niya. “Bakit mo naman kailangang panuorin ‘yon? Balak mong maging Psychologist?”
May pilyong ngiti na gumuhit sa labi ng kapatid. “Wala naman. May nakilala lang akong Psychologist na napaka-cute.”
Kreiya smiled teasingly at her brother. “Baka naman na in-love ka na, kuya.”
Her brother scoffed. “If that psychologist transform into a hotel or resort, at may profit ako na makukuha sa kanya, yon palang ang time na mai-in love ako sa isang babae.”
Malakas na tumawa si Kreiya. “Ewan ko sa’yo kuya. Masyado kang business minded. Pati mga babae, ginagawa mong business.”
Her kuya Tyron just shrugged and looked back on the TV screen. “Ano pa ba ang gamit ng mga babae kung hindi iyon?”
Napailing-iling nalang siya. Ayaw niyang mag-komento baka mag-away lang silang dalawa. Iyon na ang paniniwala ng kapatid at madugong argumento ang mangyayari bago niya maiba ang paniniwala nito.
“Ingat ka, little sis.” Sigaw nito ng marinig nitong binuksan niya ang pintuan ng bahay.
“I will.” Balik sigaw niya at lumabas ng bahay.
Sumakay siya sa sasakyan niya at akmang papausarin na niya iyon ng makita niya ang Daddy niya na may kasamang babae. And it’s none other than, Sheena!
Anong ginagawa ng babaeng iyan dito sa pamamahay niya?
Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan at naglakad palapit sa Daddy niya at kay Sheena na abala sa pag-uusap.
Kreiya cleared her throat. “Sheena, anong ginagawa mo rito?” Puno ng ka-plastikan ang boses niya.
Tumigil sa pag-uusap ang dalawa at tumingin sa kanya. Sheena smiled at her but she didn’t return it. Ang ama niya ang unang nagsalita.
“Tamang-tama at narito ka, Kreiya. Sheena was looking for you. Hindi ko akalain na kaibigan mo pala ang anak ng kumpadre ko.” Wika ng ama niya.
She forced a smile. “Oo nga e. Hindi rin ako makapaniwala na
kaibigan
ko siya.” Diniin niya ang salitang kaibigan.
Sheena smiled like she’s not affected at all. “Matagal na po kaming magkaibigan ni Kreiya. Since college pa.”
“That’s good.” Nakangiting wika ng Daddy niya. “Sige, maiwan ko muna kayo. Kreiya, papasukin mo si Sheena para makapag-usap kayo ng mabuti.”
She smiled at her father. “Opo, Daddy.”
Iniwan sila ng ama niya at pumasok ito sa loob ng bahay. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at mataray na hinarap si Sheena.
“Anong ginagawa mo rito?” Sikmat niya.
Sheena sighed. “Enough with this shit, Kreiya. I already change.”
Mapakla siyang tumawa. “Change? Mukha ka pa rin namang patakbuhing babae, sa tingin ko naman hindi ka pa nagbabago.”
Bumagsik ang ekspresyon ng mukha ni Sheena. “That’s it! I just came here to tell you na hindi naman talaga kami nagkita ni Sky sa New York. At wala sa aming nangyari. Pumunta ako rito para sabihin pinagpanggap lang ako ni Sky na umaktong nagkita kami sa New York at nag-enjoy kami para malaman niya kung magseselos ka o hindi. And you were jealous yesterday; I can see it in your eyes. That is why I’m here. Pumayag ako sa plano ni Sky kasi malaki ang kasalan ko sa inyong dalawa at gusto kong magka-ayos kayo. I was the reason why you two broke up in the first place. I accepted that slap yesterday because I deserve it for being such a bitch to you way back in college, pero hindi ko mapapalampas iyang sinabi mo sa akin. I’ve change, Kreiya. Maybe it’s time for you to change too. Hindi na puro lang sarili mo ang iniisip. May tao kang nasasaktan. Dahil diyan sa ugali mo, mawawala sa’yo si Sky.”
Napipilan si Kreiya. Hindi niya alam ang isasagot niya kay Sheena.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Una, Masaya siya dahil wala naman talagang nangyari sa dalawa. Pangalawa, natatakot siya na baka tama si Sheena, baka balang araw mawawala sa kanya si Sky kapag hindi siya magbago. Pangatlo, mahal pa rin siya ng binata dahil hindi nito ‘pag papanggapin si Sheen kung hindi na siya nito mahal.
Kreiya smiled at Sheena, who was clearly taken aback by her smile.
“Sorry kung napagsalitaan kita ng ganoon.” Aniya. “Nasaktan lang naman ako ng sobra ng makita ko kayo ni Sky.”
Sheena shrugged. “I understand. You’re forgiven.”
“Thank you.”
Sheena smiled. “I miss being friends with you. I know I was such a bitch back then, but can you give me a chance. I promise, mas magiging mabuti akong kaibigan this time.”
Kreiya chuckled silently. “Oo naman.” She extended her hand. “Friends?”
Sheena accepted her hand and shakes it. “Friends.” She pulled away her hand. “Sige na, puntahan mo na si Sky at umamin ka na na-mahal na mahal mo siya bago pa masiraan ng bait ang lalaking ‘yon.”
Kreiya nodded and she went back to her car. Nakita niyang naglakad si Sheena patungo sa gate na may ngiti sa mga labi. Pinausad niya ang sasakyan at huminto sa tabi ng babae.
She rolled down her car window. “May sasakyan ka ba?”
Sheena shook her head. “Nope. Nag-taxi lang ako patungo rito. Tumirik kasi ang sasakyan ko kahapon.”
“Is that so? Hop in then. I’ll drive you home.”
Sheena giggled. “Really?”
“Yeah.”
“Thanks.”
Nagmamadali itong sumakay sa passenger seat at inilagay ang seat belt. Nginitian niya ito bago pinaharurot ang sasakyan.
Tama nga ang sabi ng iba. Kapag natanggap mo ang lahat sa nakaraan mo, madali ang magpatawad. Oo nga at malaki ang kasalanan sa kanya ni Sheena pero ngayon, wala na siyang nararamdamang galit sa babae. Natanggap na kasi niya na ang nangyari noon ay may kasalanan din siya. Nabiktima lang silang tatlo ng panahon. Mga bata pa sila noon, wala sa tamang kaisipan. Makikitid pa ang utak nila. Kaya ngayong hindi na sila mga teenager, oras na para harapin at ayusin ang mga hindi magandang nangyari noon.
After Sheena agreed to Sky’s plan to make her jealous, after Sheena made an effort to tell her that what happened yesterday morning in the airport was just to make her jealous. Kreiya can say that from the bottom of her heart, she really had forgiven Sheena.
MALAKAS na kumatok si Kreiya sa pintuan ng condo ni Sky. Pagkatapos niyang ihatid si Sheena sa bahay nito, dito siya tumuloy. Kumatok ulit siya ng lumipas ang ilang minuto na hindi pa siya pinagbubuksan ni Sky. Kakatok ulit sana siya ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Sky an mukhang bago paligo kasi basa pa ang buhok nito.
He looks fresh and her heart skips a beat.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong nito sa kanya na parang wala lang.
Nanliit ang puso niya pero hindi siya nagpa-apekto. “Nandito ako para sabihing mahal kita. Mahal na mahal.” Itinago niya ang nanginginig na kamay sa likuran niya. “M-Mahal mo rin ba ako?”
Ilang minutong matiim na nakatitig sa kanya si Sky bago ito nagsalita. “Kung sabihin kong hindi na kita mahal, anong gagawin mo?”
Parang may bumara sa lalamunan niya at nanikip ang dibdid niya sa isiping hindi na siya nito mahal. “Mamahalin pa rin kita kahit hindi mo na ako mahal.”
Tumawa ng mahina si Sky. “Don’t worry. Mahal pa rin naman kita kahit ikaw na ang pinaka-nakakairitang babae sa mundo. Kahit pa siguro saktan mo ako ng paulit-ulit, itong puso ko, hindi titigil sa pagmamahal sa’yo.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo sa pisngi niya. Akmang yayakapin niya ito ng magsalita ulit ang binata na ikinatigil niya.
“But let’s give each other a week. I want my heart to rest for a while. Getting your attention and affection was so tiring. My heart needs to rest. After my heart rested, and if my heart still yearns for you. I promise, I will give you the last proof of my love for you. And I hope that last proof will be enough for you. But for now, let’s rest our hearts. I’ve waited seven years for you, I think a can still endure a week without you.”
Gustong tanungin ni Kreiya ng paulit-ulit si Sky kung bakit naisip nito na pagpahingain ang puso nila. Gusto niyang sabihin na hindi siya pumapayag. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit at halikan ito sa mga labi pero hindi niya ginawa.
“Sheena told me everything. Was it true?” Sa halip ay iyon ang lumabas sa bibig niya.
Sky shrugged. “Yes, it’s true.”
Dahan-dahan nitong isinara ang pintuan at naiwan siyang nakatulala sa hangin. A tear fall down to her cheeks. Mabilis na pinahid niya iyon at mapaklang tumawa.
“Siguraduhin mo lang na magkikita tayo after one week, dahil kung hindi. Kakatayin kita ng buhay.” Banta niya kay Sky sa isiping hindi siya naririnig nito pero ganoon na lamang ang gulat niya ng makarinig siya ng mahinang tawa mula sa likod ng pintuan.
Napailing-iling siya, then she took a step back and left the condominium. Maybe Sky is right. Their heart need to rest. It’s been through ups and downs these past few days. Ano naman ba ang isang linggong paghihintay. Piece of cake lang yun.
CHAPTER 17
NAKAMASID si Kreiya sa karagatan at walang laman ang isip niya kung hindi si Sky. Isang linggo na ang nakaraan pero wala pa ring Sky na nagpakita sa kanya. Kinakain na ng takot ang puso niya sa isiping baka na-realize nito na hindi na siya nito mahal kaya hindi ito nagpapakita sa kanya.
Sana hindi naman…
Kahit napakaganda ng tanawin sa Isla Tech, hindi niya ma-appreciate iyon. Halos araw-araw na nagdaan, palaging lamang ang binata ng isip niya. Nuong sabihin niyang piece of cake lang ang paghihintay ng isang linggo, binabawi na niya. Para siyang mababaliw.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin at pinagpag ang likuran niya. Wala sa sariling naglakad siya ng walang destinasyon.
Habang naglalakad, nadaanan niya si Blue at Heelan na naghaharutan. Makikita sa mga mata ng dalawa kung gaano ng mga ito kamahal ang isa’t-isa. She envied them. Alam niyang hindi naging madali sa dalawa ang pag-iibigan ng mga ito pero tingnan mo naman, napakasaya ng mga ito at si Heelan, ilang buwang buntis na.
“Kreiya!” Tawag sa kanya ni Blue ng makita siya nito.
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin dito. “Yes?”
“Can you do me a favor?”
Napasimangot siya pero tumango siya. “Anong favor? Oo ang sagot ko kapag madali lang, pero kapag hindi, bahala ka sa buhay mo.”
Napangiti si Blue. “Madali lang ‘to. Pumunta ka sa dock.”
Mas lalong humaba ang nguso niya. “Bakit naman ako pupunta roon? Ano naman ang mayroon doon?”
“Hindi ko sasabihin.” Wika ni Blue at ngumisi. “Sige na naman oh. Madali lang naman. Pupunta ka lang doon at puwede ka ng umalis.”
“Whatever. Siguraduhin mo lang na worth it ang pag punta ko roon.” Aniya at naglakad palayo sa mga ito.
“It’s going to be worth it!” Pahabol na sigaw sa kanya ni Blue.
Kahit nahihiwagaan sa pabor na hinihingi ni Blue, naglakad siya patungo sa dock. Pagdating doon ipinalibot niya ang paningin. Nang walang makita ni isang tao naiinis na naglakad siya paalis.
Hindi pa siya tuluyang nakakalayo ng may narinig siyang musika. Mabilis siyang lumingon ng maalala niya kung saan niya narinig ang kantang iyon. That’s the song that Sky sang for her in the restaurant.
Saan nanggagaling ang musika na yun?
Tanong niya sa sarili.
‘Said all I want from you is to see you tomorrow
And every tomorrow, maybe you’ll let me borrow your heart
And is it too much to ask for every Sunday
And while we’re at it, throw in every other day to start’
The song stop then a voice started talking. Natigilan siya ng makilala kung kanino boses iyon. It’s Sky. Natutop niya ang bibig at agad na nanubig ang mata niya.
“Before I give you the last proof of my love as promised, I just wanted to say… I’m sorry. I don’t know where to start actually. I was ashamed of what I did. Wala naman talaga nangyari sa amin ni Sheena. Hindi naman talaga kami nagkita sa New York. Nagkasabay lang kami ng flight at nagkataong magkatabi ang upuan namin. Nai-kuwento ko sa kanya ang nangyari sa’tin at kung ano ang balak kong gawin pagkabalik ko ng Pilipinas. Out of desperation, I asked Sheena to pretend that we shared something in New York and we enjoyed each other company. At dahil may kasalanan daw siya sa ating dalawa, she agree with my crazy plan. I’m sorry if I hurt you.”
“Asking Sheena to help me make you jealous was a desperate move, I know. I’m so desperate to get your attention, I’m so desperate to get your affection, I’m so desperate to get your love, and I’m so desperate to be with you. When I saw the pain in your eyes when you saw me with Sheena, I wanted to kneel and beg in front of you to forgive me but I stopped myself. Yun lang ang tanging paraan para malaman ko kung mahal mo ako. I was a jerk for doing that but at least; I found out that you love me too. Nang sabihin mong naroon ka para sabihing mahal mo ako, tumalon at nag cartwheel ang puso ko dahil sa sinabi mo.”
Sky’s voice stopped and then the song continued.
‘I know people make promises all the time
Then they turn right around and break them
When someone cuts your heart open with a knife, now you’re bleeding
But I could be that guy to heal it over time
And I won’t stop until you believe it
‘Cause baby you’re worth it’
The song stopped then followed by Sky’s voice. Pigil ang hininga si Kreiya habang hinihintay kung ano ang sasabihin nito.
“When you slapped me way back in college, ang sarap mong ipakain sa lion. Ina-assassinate kita palagi sa utak ko. But then, I came to know you, you’re not as bad as I thought. Kung noon gusto kitang ipakain sa leon, ngayon gusto na kitang pakainin ng pagmamahal ko. Hanggang sa mabusog ka. When I saw you again after so many years, I told myself that this is god’s saying ‘sige na, Sky. Gumalaw ka na. Bumalik na ang babaeng mahal mo’. Kaya naman kahit anong tulak mo sa akin, hinding-hindi ako lalayo sa’yo. Hinding hindi kasi mahal na mahal kita.”
The song played again.
‘So don’t act like it’s a bad thing to fall in love with me
‘Cause you might look around and find your dreams come true, with me
Spent all your time and your money just to find out that my love was free
So don’t act like it’s a bad thing to fall in love with me, me
It’s not a bad thing to fall in love with me, me’
The music stopped then she heard Sky’s voice again.
“Sa isang linggo na hindi ako nagpakita sa’yo, I was readying myself for this. I keep asking myself if this is what really my heart wants and I wasn’t surprise when my heart answered—no, more like my heart shouted yes. So, please, come closer.”
She took three steps towards where the sound of Sky’s voice was coming from. Her heart was hammering inside her chest.
“Closer.” Sky said again.
She took another three steps. Her breathing was getting ragged.
“More closer, Kreiya.”
Kreiya took a deep breath then walked towards the edge of the dock. Kreiya didn’t stop until she reached the edge. Kreiya look at the sea below and she gasped audibly at what she saw.
Sky was on a small boat, holding a mini-speaker and a mega phone. He was looking up at her. Pero ang nakapagpasinghap sa kanya ng malakas ay ang maraming lalagyan ng Milk Tea na nakatahi sa isa’t-isa. The floating bottles of Milk Tea that were threaded to each other were formed into fourteen letters, five syllables and four words.
Will you marry me?
Nasa gitna ng salitang iyon si Sky at nakaupo sa maliit na Bangka. Tumayo ang lalaki at sinalubong ang titig niya. Bumuka ang bibig nito at pumailanlang ang magandang boses nito.
‘Now how about I’d be the last voice you hear tonight?
And every other night for the rest of the nights that there are
Every morning I just wanna see you staring back at me
‘Cause I know that’s a good place to start’
He stopped singing then smiled at her. “The lyric of that song describes everything I want from you. I want your voice to be the last voice I heard every single night. And every morning, I want to see you staring back at me as I wake up beside you. I know, I’m asking too much from you. I’m asking you to marry this jerk who hurt you so many times, but I swear, in my heart, that this jerk will take care of your heart, no matter what happened.”
Kreiya chuckled lightly while tears were falling from her eyes. “Sa tingin mo naman tatanggihan ko ang alok mo? I yearned for you every day. I thought you don’t love me anymore. I curse you to the depths of hell because after a week hindi ka pa rin nagpakita. And then you’re here, asking me to marry you.”
Sky smiled then pulled out a simple diamond ring from his pocket. “This is the last proof of my love for you, Kreiya. Will you marry me?”
Sa halip na sumagot ay tumalon siya sa dagat at lumangoy patungo rito. Pagkalapit niya rito, mabilis niyang kinuha ang sing-sing at isinuot iyon sa daliri niya.
“As a proof of my love for you, my answer is yes, I will marry you.” Aniya na nakangiti.
Sky grinned and was about to pull her up when the small boat flipped and sunk. Kreiya laughed as she waits for Sky to resurface.
Napasigaw siya ng bigla nalang may yumakap mula sa likuran niya. Nang makitang si Sky iyon, humilig siya sa dibdib nito. She felt him kissed her on the cheek.
Then Sky continued singing the song over her ear. “No I won’t fill your mind. With broken promises and wasted time. And if you fall, you’ll always land right in these arms. These arms of mine.” Tumigil ito sa pagkanta at niyakap siya ng mahigpit. “I love you, Kreiya.”
Hinarap niya ang binata at nginitian ito ng pagkatamis-tamis. “I love you too, Sky.”
Kreiya felt contented when their lips meet. Who would know, that she’s going to marry the jerk who stole her heart.
Thanks for reading. I hope you enjoy reading Sky and Kreiya’s love story. God bless and have a good day. – C.C.
![Cover of ACE CENTREX UNIVERSITY 2: The Jerk Who Stole Her Heart [To Be Published]](/story-covers/ace-centrex-university-2-the-jerk-who-stole-her-heart-to-be-published_20518192.webp)
