ADARNA X
kabrobars · 3 chapters · 13,999 words
ANG PAGTATAGPO
Ang pagsisimula
“Hanggang bukas na lang ho ang palugit ko, kapag hindi pa kayo nakapag bayad ng upa, eh maghanap-hanap na kayo nang puwede niyong matutulugan. At may naka reserba na akong papalit dito sa bahay.” paalala ni Mrs. Montola sa ina ni Juancho.
Limang buwan na ang nakalipas mula nang mamatay ang ama ni Juancho sa dahil sa sakit. Nalubog sa patung patong na utang ang ina nito noong nabubuhay pa ang ama, Hindi na rin sumasapat ang kinikita nito sa paglalako ng fishball, kaya hindi na sila nakakapagbayad ng kanilang upa sa bahay.
“Bigyan niyo pa kami nang limang araw Maam. Pangako babayaran ko po kayo agad. Limang araw lang Po, hahanap po ako.” Paki-usap ni Juancho sa may-ari.
“Matagal ang limang araw iho, pero baka naman sabihin ninyo na wala akong puso. Sige bibigyan ko pa kayo nang tatlong araw. Sapat na siguro iyan para makabayad kayo. Babalikan ko kayo pagkalipas ng tatlong araw mula ngayon. Kapag wala parin. Pasensiyahan na. Negosyo ang pagpapa-upa ko hindi kawang gawa.”
At umalis din ito. Maluha-luha ang ina ni Juancho sa problemang pinapasan nila. Halos hindi na nga sila maka kain ng tama dumagdag pa ang napipintong pag-papalayas sa kanila sa tinutuluyan nilang bahay.
“Anak saan tayo makakahagilap ng pambayad sa bahay? Hindi naman sapat ang kinikita ko sa pag titinda ng fishball, sa pag kain pa lang natin, kinakapos na tayo. Kung buhay pa sana ang ama mo hindi tayo maghihirap ng ganito.” Halos maluha luha na ang ina ni Juan sa kanilang pinapasan.
“Hayaan mo Nay, makakahanap din ako ng pera. Makakabayad din tayo. At makaka-ahon din tayo sa hirap ng buhay.” Ang positibong pananaw ni Juan.
“Paano, saan? Kakatanggal mo lang sa trabaho.”
“Wag ka mag alala Nay, masu-solusyunan natin iyan. Siya nga pala hindi muna ako uuwi ngayong gabi, may lakad kami ni Tisoy mamaya.”_
“Ilang ulit ko bang ipa-alala sa iyo na hindi mabuting kabarkada iyang si Tisoy na iyan anak. Labas pasok na yan sa kulungan. Baka mapasama ka pa sa gulo. Umiwas ka don, lalo na sa mga kasamahan niya. Bugbog na tayo sa problema nak, wag mo nang dagdagan.”_
“Nay, nag bagong buhay na si Tisoy. Hindi naman dahil sa nang galing siya sa kulungan, eh hindi na siya dapat kaibiganin. Wag kang mag alala nay may pupuntahan lang kaming lamay diyan sa may kabilang reles. Malay mo ma swerte at manalo eh di may pambabayad na tayo dito sa bahay.”
“At kelan ka naman na tutong mag sugal? Anak di bale nang magkanda kuba ako sa ka titinda ng fishball wag lang kayo mapasama dahil sa pag hihirap natin. At alam mo na kung ano ang epekto kapag mawili ka diyan sa sugal.” Paalala ng kanyang ina.
“Subok lang naman Nay, basta relax ka lang. Ipagdasal mo na lang na suwertehin ako mamaya. Sige po Nay alis na po ako.”
Panganay sa apat na mag-kakapatid si Juancho. At sa edad na dese utso katuwang na ito ng kanyang ina sa pag taguyod ng kanilang buhay. Nang magsara ang pabrikang pinag tatrabahuan nito, pan samantala itong nag kukonstraksiyon worker sa tinatayong gusali malapit sa kanila. Ngunit ng nag ka pandemic isa siya sa natanggal at nawalan ng trabaho.
Hapon nang magkita si Juancho at Tisoy sa gotohan ni Aladin.
“Upo ka, ang aga mo naman. Hindi halata na kailangan mo talaga nang extra.”_ nang makita ni Tisoy ang kakarating na si Juancho.
“Kailangan ko ngayon ng pera pare, papalayasin na kami sa bahay. At salamat talaga sa iyo. Hulog ka talaga nang langit sa amin ngayon pare.” Tila nakakita ng liwanag si Juan ng makita si Tisoy.
“Binuga ng empiyerno kamu” tugon ni Tisoy
“Anong raket natin pare? Ano ba iyang extra na sinasabi mo?” Tanong agad ni Jancho.
“Kalimutan mo muna ang sinabi ko. Mag painit muna tayo. Aladin bigyan mo nga itong si Juancho ng isang order ng goto mo. Ang subrang init ha. Kahapon kasi malamig pa sa Yelo ang na serve mo sa akin.”
“Sige salamat, busog pa ako.”_pagtanggi ni Juancho sa alok ni Tisoy.
“Kumain kana, libre yan. Alam ko namang pamasahe lang ang laman ng bulsa mo ngayon. “pilit pa ni Tisoy
“Wala nga kahit pamasahe eh, salamat dito sa libre pare. Wala bang pang tulak na libre?” Hirit bigla ni Juan.
“Um order ka lang diyan. At may tatawagan lang ako saglit. Kain ka lang diyan.”
Lumayo si Tisoy sa kinaroroonan ni Juancho. May kausap ito sa cellphone at tila napaka sekreto nang kanilang usapan. Nang matapos ang pakikipag-usap nito sa telepono lumapit din ito kay Juancho.
“Bilisan mo nang kumain at aalis na tayo.”_sabay tapik sa balikat ni Juancho.
“Saan tayo pupunta?”
“Wala nang marami pang tanong, kailangan mo ng pera diba?, puwes ito na iyon. Sumunod ka na lang”.
Nilisan agad ng dalawa ang lugar. Nag mamadaling naglakad sina Juancho at Tisoy. Pag kalabas sa may eskenita isang van ang sumalubong sa dalawa. Isang mama ang bumaba at may inabot na bag kay Tisoy. Nang makuha na ni Tisoy ang itim na bag, sumakay muli ang lalaki at umalis din ang van. Nakaramdam ng pag aalinlangan si Juancho sa kanyang gagawin. Gusto nitong umatras sa deal nila ni Tisoy. Ngunit iniisip din nito ang kalagayan ng kanyang pamilya. Batid ni Juancho ang kapahamakang pinasukan niya.
“Ano ang laman ng bag na iyan pare? Mukhang mabigat ah”_pag puna pa nito.
“Kanina kapa tanong ng tanong, kung na duduwag ka may oras kapa para umatras. Hindi ko kailangan ang madaga sa dib-dib. Pero alalahanin mo ang mangyayari sa inyo kung papalampasin mo itong grasya na ito Juan.”_
“Pasensiya na Tisoy pare, gusto ko lang kasi malaman kung ano ang laman niyan. Pero kung hindi puwede, ok lang naman. Kailangan ko itong trabaho na ito para kay Nanay at sa mga kapatid ko.”_
“Kung ganun tumahimik ka at sumunod ka na lang. Tara sa bahay nang ma pag usapan natin ang gagawin natin mamaya.”_pabulong ang bawat tugon ni Tisoy kay Juancho.
Puno man nang pag aalinlangan, dinaig ng kagustuhan ni Juancho na makatulong sa ina ang kanyang takot. Kaya sumang ayon na lang ito sa lahat ng sinasabi ni Tisoy sa kanya.
Isang antique shop ang bina-bantayan ng mga grupo ni Tisoy kasama na si Juancho. Kinabahan si Juancho nang malaman ang pakay nila Tisoy sa naturang antique shop. Kailangan niya ng pera pero hindi sa ganitong paraan. Hindi niya kayang gawin ang gustong mangyari ni Tisoy kaya nag paalam ito para umatras.
“Subukan mong ikanta kami sa pulis at uubusin ko kayong mag iina.”_pagbabanta ni Tisoy
“H-hindi ako mag susumbong, wala akong pag sasabihan nito. Ayuko ko na talaga. Hindi ko kaya.”_ang sabi pa ni Juancho.
“Bakla yata ang sinama mong iyan tol, isama na lang natin iyan sa ililigpit nating kalat baka iyan pa ang maging dahilan para di matuloy ang misyon natin.”_sabat ng isa sa mga kasamahan ni Tisoy.
“Makinig ka Juan, waka kang ibang gagawin, kundi ang bantayan kami mula sa labas. Ikaw ang magiging look out namin. Iyon lang, ganun lang kasimple at mababayaran mo na ang mga utang niyo”_paliwanag pa ni Tisoy
“Tudasin ko na ito pre, nang-gigigil ako eh. Ito pa yata ang magiging problema natin. Ano sa iyo? Sumenyas ka lang gi-gripuhan ko talaga ito.”_sabat pa ng isa nilang kasama.
“Tisoy maawa ka, mag kaibigan tayo. Hindi ko kayo ilalaglag. Pangako, Pag bigyan mo lang akong maka uwi.”_alam na ni Juancho na naiipit na siya sa sitwasyon. Wala na itong takas sa panganib na pinasukan nito.
Napa payag nito si Tisoy sa gustong mangyari. Hinayaan siya nito na maka balik sa kanila. Kaya dali dali itong tumakbo pabalik , walang lingon-lingon. Habang binabagtas ang daan pabalik. Isang matandang lalaki ang nasalubong nito. Gutom at tila uhaw na uhaw ito. Naawa si Juancho sa kalagayan ng matanda. Inakay niya ito at itinabi sa gilid ng bangketa at pina upo sa may maliit na tindahan.
“Lo, dumito ka muna saglit. Mukhang pagod na pagod ka yata, saan ka ba nang galing? Teka lang at ibibili kita nang makakain, …buti na lang hindi kinuha ni Tisoy ang sukli kanina. Manang dalawang piraso nga nitong tinapay saka isang ice tubig.”
“Ang kabutihan ng iyong puso ang nag dala sa akin sa iyo Juan.”_biglang nasambit ng matanda sa kanya.
“Po? Kilala niyo po ako lo?”
“Ang panahon ang nag takda nang ating pagkikita. Tinadhana ka upang maging susi para muling buksan ang lagusan. Ikaw ang pinili.”_dugtong pa ng matanda
“Lo tingin ko gutom na gutom talaga kayo. Kung ano-ano na iyang pinag sasabi mo diyan. May pa susi kapang sinasabi. At bakit ako pinili? Sino ang pumili sa akin Lo? Hindi naman ako nag audition ng pbb ah…mabuti pa kainin mo na itong tinapay. Pasensiya na at iyan lang. Walang wala din kasi ako.”
“Ramdam ko ang hinihiling ng puso mo Juan, at alam ng daigdig ang binubulong ng iyong diwa. Kunin mo ang maliit na tulong mula sa kalawakan. Tanggapin mo ito bilang pasasalamat sa iyong kabutihang puso.”
Isang kulay tsokolate na supot ang ini-abot ng matanda kay Juancho. Pagka abot nito sa kanyang palad agad niya itong binuksan. At halos man laki ang mga mata nito nang makita ang laman ng supot.
“Lo, mga diyamante at ginto ang mga ito. Totoo po ba ito?”
“Lahat ng bagay dito sa daigdig naging totoo lang kung buong puso kang naniniwala. Gamitin mo iyan upang matupad ang hiling ng iyong puso. Mag tiwala ka at gagabayan ka nang langit.”_kasabay nito ang pag laho bigla ng matanda.
“Lo, lo,….looo”_
Napa bangon bigla sa kama si Juancho. Isang panaginip lang pala lahat.
“Buti nagising kana, bumangon kana diyan at tanghali na. Dumaan na dito ang may ari nang bahay na niningil na naman. Ikaw na bahala sa mga kapatid mo at aalis na ako para mag tinda nang fishball. Sana swertehin ako ngayong araw. Bangon na diyan at kumain kana. Ikaw na lang ang hindi pa nananghalian. Para ka kasi manika kung matulog.”_nang mapansin ng ina ang kagigising palang si Juan.
“Nay wala po ba akong dalang supot? Na may lamang mga ginto at diyamante?”_
“Naku Juancho, problema ang dala mo hindi supot. Lasing kana naman kagabi…wala na nga tayong pera hayan at nakukuha mo pang bumarkada at makipag inuman. Siya nga pala naki usap ako kay Badong na ipasok ka sa konstraksiyon nang may pakinabang naman ako sa iyo. Oh siya tanghali na. Tuloy na ako. Ang bahay ikaw na bahala.”_at lumabas na ang ina nito sa silid ni Juancho.
Nanlumo si Juancho. Isang malaking imahenasyon lang pala lahat. Panaginip. Ito talaga ang reyalidad ng buhay mahirap at kailangan mag hirap para makamit ang ninanais na ginhawa. Sa mga kuwentong pambata lang at pelikula ang magic, sa tunay na buhay kung wala kang pera wala kang karapatang lumigaya. At sa sitwasyon nila ni Juancho walang puwang ang mag hintay na lang ng himala. Kung nais mong punan ang kumakalam mong sikmura kailangan mong kumilos at mag banat ng buto. Hindi uubra ang ano mang mahika para ma ibsan ang kahirapan ng buhay. Pawis at dugo ang puhunan para lang maka ahon sa buhay at maitawid ang kanilang pang araw-araw.
Kakatapos lang maligo ni Juancho nang dumating naman ang kaibigan nitong si Tisoy.
“Naka alis na ba si ermats mo pre?”_pag bungad agad ni Tisoy.
“Kanina pa, ano atin pre? Mukhang may importanteng transaksiyon tayo ngayon ah? Ano ba iyan?”_
“Hindi ba sabi mo kagabi kailangan mo kumita ng pera? May lakad kasi kami mamayang gabi, kulang kami nang isa. Baka gusto mo sumama?”_pag alok nito kay Juan.
“Baka kung anong lakad iyan pre ah, alam mo namang hindi ako pumapatol basta illegal.”_
“Gagawin ka lang naming look out, ganun lang ka simple pre. Tapos pera na.”_
“Wag mong sabihin nanakawan niyo ang isang antique shop?”_
“Ha? Paano mo nalaman?”_nagulat si Tisoy sa sinabi ni Juan.
“Ah eh hula lang pre. Bakit tama ba ako pre?”_
“Ayos din ang hula mo pre nuh, sakto. Talaga bang hula mo lang, oh may nag sabi na sa iyo nito. Sino pre? Si Butchoy ba? o si Kano?”_tanong na may pag duda ni Tisoy
“Naku wala pre hula lang talaga, pasensiya na pre pass ako diyan sa alok mo. Wag kang mag alala sekreto lang natin ito. Walang makaka alam”_
“Oh siya pre, aalis na ako. Tatandaan ko ang sinabi mo, sekreto lang ito pre. Alam ko may tumimbre na sa iyo. Malalaman ko din. Ingat-ingat din pre,”_may pagbabanta ang mga titig ni Tisoy bago ito tuluyang umalis.
Nang maka alis si Tisoy dali daling nag bihis si Juancho. Nag paalam sa mga kapatid at lumakad na. Isang eskenita ang binabagtas nito hanggang sa makarating ito sa isang gutohan. Agad niya tiningnan ang karatula ng gutohan.
“Aladin’s gutohan”_ pag ka basa nito.
“Juancho?”_
Nagulat si Juancho nang lingunin ang taong bumanggit ng pangalan niya. Si Tisoy at kararating lang din
“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito”_may pagtataka na tanong ni Tisoy.
“N-napadaan lang, too napadaan lang, pupunta kasi ako sa ina-aplayan kong konstraksiyon site malapit dito. Ikaw , ano ginagawa mo dito pre? Kakain?”_kalmadong tanong ni Juancho.
“Ah, dito talaga ang tambayan ko kapag gusto ko kumain ng goto.”_at tumabi sa pagkaka upo si Tisoy kay Juan.
“Boss isang order nga…bago palang ako dito, may nakapag sabi kasing masarap ang goto dito.”_ika ni Juan.
“Ganun ba, sige pre order ka lang libre na kita.”_
“Naku salamat pre, tamang tama pala ang punta ko dito maka libre ako.”_nakangiting tugon ni Juancho sa alok ni Tisoy.
“Ayos lang, pero pre talaga bang hindi ka talaga sasama sa amin mamaya? Malaking transaksiyon ito. Isang tirahan lang solve na problema mo.”_
“Pass lang talaga ako diyan pre. Maghahanap na lang ako nang ibang trabaho. Kahit mabigat basta walang sabit”_pagtanggi pa ni Juan sa alok ng kaibigan.
Napatayo si Tisoy nang tumunog ang cellphone nito. Mukhang nag mamadali ito at iniabot kay Juancho ang perang pambayad sa inorder.
“Heto pre, ikaw na mag bayad niyan…nag mamadali kasi ako.”_at umalis si Tisoy
Pagkatapos kumain, agad na binayaran ni Juan ang order. At palihim nitong sinundan si Tisoy. Isang van ang pumarada sa kinatatayuan ni Tisoy at may bumabang mama, may inabot itong bag kay Tisoy.
“Tama ako, hindi lang iyon basta panaginip lang. Kailangan kong tiyakin kung tama ang lahat ng hinala ko.”_sa loob ni Juan.
Maka ilang ulit nitong sinampal at kinurot ang sarili. Tiniyak na hindi siya nananaginip. Pero nag tataka ito kung bakit tila nangyayari ang lahat na kanyang napanaginipan.
Isang kalye ang binabagtas ni Juancho. Palinga linga ito sa magkabilang bahagi ng kalsada. May hinahanap at tila may inaabangan. Ngunit naka rating na ito sa main street na wala ang kanyang ina asahan at hinahanap.
“Wala naman akong nakasalubong na matanda, umabot na ako dito sa kalyeng ito ni isang anino nang matandang lalaki wala akong makita. Hay naku,malamang panaginip lang talaga iyon. Praning lang siguro ako o nasubrahan as imahenasyon…pero…bakit magkatugma ang ibang pang yayari kanina sa panaginip ko. Hindi kaya maling daan ang na daanan ko?”_habang kausap ni Juancho ang sarili. At bumalik ito sa kanyang dinaanan.
Pabalik na ito nang may nabunggo siya. Isang matandang lalaki.
“Kayo nga Lo, ikaw ang matanda na nag bigay sa akin ng ginto”_may galak at saya sa mukha nito.
“Pesteng bata ito, pang kain nga wala ako ginto pa. At sa susunod tumingin tingin ka sa dina daanan mo nang hindi ka nakakapanakit ng tao. Ang lapad lapad ng kalye para bungguin ako. Mga kabataan talaga ngayon kung hindi mga bastos, adik”_sumbat ng matanda kay Juan ng mabangga ito, at kamuntikan ng natumba.
“P-pasensiya na Lo, akala ko kasi…sige po Lo heto may kunting barya pa ako dito, sa iyo na makabawi man lang sa pagka bunggo ko sa iyo.”_
Pagkabigay ng pera sa matanda umalis agad si Juancho. Pa uwi na ito sa kanila nang may napansin ito. Isang puting kalapati na tila hirap makalipad ang sumalubong sa kanya. Dinampot niya ito at inuwi sa kanila.
“Kuya kaninong ibon iyan?”_tanong ng bunso nilang si Pepito.
“Napulot ko sa may daanan, naawa ako kaya inuwi ko na lang. Alagaan niyo ito ha bunsoy.”_at pinasok sa ginawa nitong hawla.
“Sige kuya, aalagaan namin siya. Ano po pangalan nito kuya?”_
“Ikaw mag pangalan diyan bunsoy”_
“Adarna na lang kuya, ang ganda kasi niya. Parang iyong nabasa namin sa aklat na Ang ibong adarna.”_
“Ikaw ang bahala. Pero hindi naman iyan ang ibong adarna, ang tawag diyan kalapati. Tingin ko galing ito sa ķinasal. Sa may malapit na simbahan ko kasi iyan nakita.”_
“Kuya may sugat sa dibdib si adarna.”_nang mapansin ni Pepito ang pulang kulay na balahibo sa bahaging ilalim ng kalapati.
“Hindi sugat iyan bunsoy, bahagi yan ng kanyang balahibo na kulay pula. Oh siya ingatan mo muna siya. Mag iigib lang ako nang tubig. Wala pa ba ang nanay?”_
“Wala pa kuya. Siya nga po pala kuya may matandang lalaki po kanina na naki kain dito. Kawawa po siya mukhang pagod at gutom kaya pina kain na namin ni Joselito.”_
“Sinong matanda bunsoy? Ulit uli wag kayo basta basta magpapasok o mag titiwala sa hindi niyo kakilala. Mabuti at hindi kayo dinukot. Uso pa naman ngayon ang mga masasamang loob.”_paalala ni Juan sa kapatid.
“Naku subrang bait po nang lolo kuya, binigyan pa nga niya kami ng laruang holen.”_sabat naman ng isa pang kapatid ni Juancho ang kakambal ni Pepito si Joselito.
“Anong holen?”_
“Heto kuya, ang gagandang mga holen kumikinang. bukas ito ang gagamitin namin sa paglalaro.”_
Nanlaki ang mga mata ni Juancho nang makita ang ipinakitang holen ng kapatid. Isa itong diyamante na hinugis na parang maliliit namga holen. Kinuha ito ni Juancho sa kapatid.
“Bakit kuya?”
“Meron pa bang iba nito, ha bunso?”_pag usisa nito sa kambal.
“Marami pa kuya, nakalagay sa isang supot…marami pa roon ang iba nga kulay ginto pa kuya.”_Sumbong pa ni Joselito
Dagling hinanap ni Juancho ang supot. At tama siya isa iyong supot ng mga mamahaling bato at ginto na hinugis na parang maliit na bilog. Tuwang tuwa ito habang hawak hawak ang supot.
“Mayaman na tayo mga bunsoy,mayaman na tayo.”_halos mapasigaw sa saya si Juan.
Hindi na makapag hintay pa si Juancho na ibalita sa ina ang kanyang natuklasan. Kaya sa pag dating ng kanyang ina hindi nito napigilan ang sarili at niyakap ito nang husto. Nagtaka ang ina nito sa kinikilos ni Juancho. At nang ipinakita na ni Juancho ang supot ng mga hiyas at ginto, pati ito halos mahimatay sa gulat.
“Saan ito galing mga anak, napakarami”_namangha ang ina nila.
“Bigay daw ito nang matandang lalaki kina Pepito at Joselito.”_
“Sinong matanda? Bakit siya nag bigay ng ganito sa mga kapatid mo?”_
“Isa itong biyaya Nay, kung sino man siya isa siyang anghel na pinadala para sagutin at solusyunan ang mga problema natin. Inay makaka alis na tayo dito, hindi na tayo mag hihirap. Hindi na natin kailangan pa mangupahan mg bahay.”_may galak na sabi ni Juan.
“Oh Diyos ko salamat at dininig mo ang panalangin namin.”_
“Inay bukas din ipag papalit ko ang ilan sa mga ito para makabayad na tayo sa upa nang bahay at maka lipat sa sarili nating bahay.”_
“Ikaw ang maalam nak, oh siya iligpit mo na ang mga iyan baka may makakita pang iba at pag interesan pa iyan. Mag hahain lang ako ng hapunan natin.”_
Walang pag sidlan ng tuwa at ligaya ang mag inang Juancho. Ngunit lingid sa kanila. Isang mata ang nakamasid sa kanila mula sa kadiliman.
“Hello, Kano,…nag bago ang plano. May mas malaki tayong operasyon mamayang gabi. Sa susunod na iyang antique shop. Dito, tiba tiba tayo. At hindi pa tayo mahihirapan. Magkita tayo sa tambayan pag planuhan natin ito nang mabuti.”_dahil sa pag dududa sa kaibigan, lihim palang sinundan ni Tisoy si Juancho. At hindi niya lang narinig ang lahat ng pag uusap ng mag iina, nakita din nito ang pinag uusapan nila.
Malalim na ang gabi ngunit hindi parin madapuan ng antok si Juancho. Hindi parin ito makapaniwala sa biyayang natanggap nila sa araw na iyon. Bumangon ito para uminum ng tubig. Habang palabas ito ng silid isang anino ang napansin nito na dumaan sa kusina. Sa pag aakalang ang ina niya ito. Agad niya itong tinawag.
“Nay ikaw ba iyan? Gabing gabi na ah gising pa kayo. Nay?”_
Ngunit walang sumasagot. Nagpatuloy lang ito at pina ilaw ang loob nang bahay. Nagulat ito nang makita sa loob ng bahay nila ang tatlong lalaking naka bonnet at nay hawak na mga baril.
“Subukan mong mag ingay at itong bala ng baril ko ang magpapatahimik sa iyo.”_habang nakatutok kay Juan ang isa sa mga naka bonnet.
“S-sino kayo ano ang kailangan niyo sa amin?”
“Ang mga ginto at diyamante nasaan?!”_tanong ng isa sa tatlo.
“Nagkakamali kayo, wala kaming ganyan. Mahirap lang kami. Baka ibang bahay ang hinahanap niyo. Wala dito ang hinahanap niyo”sagot ni Juan
“Halughugin ninyo ang buong bahay, hanapin ninyo ang brown na supot!”_utos ng isa sa dalawa habang tinututokan ng baril si Juan.
“Maawa kayo sa amin ,nagkakamali kayo.”_pagmaka awa ni Juan
Dahil sa ingay nagising ang mga kapatid ni Juancho pati na ang ina nito.
“Sino kayo? Bakit ninyo ginugulo ang bahay ko?”_tanong ng ina ni Juan
“Tumahimik ka, kung hindi babarilin kita.”_at tinutukan din ang ina ni Juan.
“Maawa na kayo wala sa amin ang hinahanap ninyo. Wag niyo saktan mga kapatid at nanay ko.”_maluha luha nang nag mamaka awa si Juan.
“Boss wala kaming nakita dito.”_
“Dalhin sa akin ang babaeng kapatid”_naging hostage ng tatlo ang kapatid na babae ni Juan.
“Huwag! Maawa ka.”
“Kuya, tulungan mo ako”_nanginginig sa takot si Camilla.
“Pasasabugin ko ang ulo nitong kapatid mo kung hindi mo ibibigay sa amin ang supot ng ginto at diyamante. Mamili ka, buhay niya o ang supot?”_
“Oo ibibigay ko na, wag mo lang saktan ang mga kapatid ko.”
Wala nang nagawa pa si Juancho kundi ibigay ang gusto nang mga nanloob sa kanila. Pagkabigay nito ng supot agad ding umalis ang tatlo. Takot at kaba ang nararamdaman nag mag iina. Nang dahil sa supot muntik na malagay sa panganib ang buhay nilang lahat. Niyakap ni Juancho ang mga kapatid at ang ina.
Kinabukasan maagang nag linis nang bahay ang mag iina dahil sa na iwang kalat ng mga nanloob sa kanila ng gabing iyon. Pagkalabas ng ina ni Juancho sa bakuran agad nito napansin ang tatlong kakaibang mga bato na nakaharang sa pintuan ng bakod nila. Napakalaking mga bato na tila hinulma sa tao.
“Juancho anak, sino ba ang naglagay dito ng mga bato sa bakuran. Tulungan mo ako dito at i-usog natin ito.”_utos ng ina kay Juan.
“Sino nag lagay diyan Nay?”_tanong nito
“Ewan ko, pag labas ko nandito na iyan. Baka naman sinadya iyan ng mga nanloob kagabi para iharang diyan ng hindi tayo makalabas agad para habulin sila. Halika nak iusog natin ang mga ito sa gilid.”_
“Saglit Nay may na ipit sa ilalim ng isang bato. …Inay ang supot “,_gulat si Juancho ng mapansin ito.
At inalis ng dalawa ang nakadagan na bato. Ang supot na may lamang mga diyamante at ginto ang naipit sa ilalim ng isang malaking bato.
“Marahil na iwan nila iyan anak sa kakamadali kagabi.Thank you Lord hindi mo kami pinabayaan.”_tanging nasambit ng kanilang ina.
“Kuya! Kuya! Si adarna nawawala.”_tawag ni Pepito
“Sinong adarna?,Juancho”_tanong ng ina nito.
“Ang nahuli kong kalapati kahapon ma, pinangalanan ni Pepito na Adarna. Hayaan mo na iyon bunso, baka lumipad na iyon kagabi, ihahanap na lang kita uli. At Mas marami pa.”
2 years later
January 7, 2022
“Idadaan ko muna itong mga stocks natin sa store. Pakisabi na lang kay Nanay na baka gabihin na ako. Siya nga pala Camilla, ano itong sinusumbong sa akin ng kambal na may nag hahatid sundo daw sa iyong lalaki. Nag papaligaw kana ba?”
“Hindi po kuya, si Jordan lang po iyon dating kapit bahay natin sa Rosal. Kaklase ko po kasi siya ngayon kuya. Mabait naman si Jordan kuya.”
“Ayusin mo muna ang pag aaral mo bago ang pakikipag date. At wag ka basta basta mag titiwala sa mga lalaki. Oh siya malapit na ako sa store tatawagan na lang kita mamaya. Bye”
“Sir Juancho, mabuti at dumating kayo.”
“Bakit naman Simon? Siya nga pala paki dala na lang nitong mga stocks sa loob. Ano ba ang problema?”_
“Kanina pa kami tinatarayan ng girlfriend mo sir. Hinahanap ka niya kanina pa. Mukhang galit, pinag iinitan na nga kami sir.”_
“Sige salamat Simon. Ako na kakausap sa kanya”.
Nalapitan ni Juancho ang naka upong babae sa isang table.
“Hey Princess, kamusta?”_
“Buti naman at nagpakita kana, ano ba tayo Juan?”_
“Kalma, kakarating ko nga lang pero genigera mo na ako. Kumain ka na ba? Simon dalawang halo-halo nga dito.”_
“Busog ako…”
“Sorry na medyo busy lang kasi lately. Alam mo na kailangan kumayod ng husto para sa future.”
“Future mo lang. Sana naman kasama ako diyan sa mga plano mo Juan. Feeling ko kasi accessories lang ako sa buhay mo. Saka mo lang gagamitin kapag kinakailangan mo lang. Six months na tayo pero kahit minsan hindi ko naramdaman na priority mo rin ako. Puro ka na lang sa pamilya mo. Sa negosyo mo. Paano naman ako?”_
“Heto na naman tayo, ilang beses na natin pinagtalunan ang bagay na ito. Hanggang ngayon ba issue parin sa iyo ang pamilya ko? Princess, hindi ito kompetisyon na kailangan ko mamili between you and my family. Mahalaga kayo both sa buhay ko. Kaya ako napapakapagod sa trabaho, Para sa magiging pamilya natin someday. Ayuko namang may masabi sa akin ang parents mo.”_
“ Just your time Juan.,Iyon lang naman ang hinihingi ko, oras mo lang. Ilang espesyal na na okasyon natin ang pinalampas mo dahil lang ino-una mo lagi ang pamilya mo. Hindi ko rin naman gusto ang makipag kumpetinsya sa pamilya mo Juan. Pero girlfriend mo ako at may pangangailangan din ako sa relasyong ito. Pagod na ako sa mga excuses mo, pagod na ako na maging second option mo nalang palagi at mag hihintay na lang lagi kung kelan ka available.“_
“Princess naman, ibinibigay ko naman sa iyo lahat diba? Bumabawi naman ako sa iyo. Kulang pa ba lahat ng iyon. Alam mo namang mahal na mahal kita. “_
“Hindi lang mga bagay ang mahalaga sa isang relasyon Juan. Ikaw ang kailangan ko hindi ang mga regalo mo. At kung totoong mahal mo ako gawin mo ang gusto ko. Leave your family, or I will leave you.”_
“Gusto mo akong mamili?”_
“Hindi mo kaya? So be it.”_
“Nakikipag break ka ba sa akin? Princess?”_
“Kung iyan ang pagkakaintindi mo. Mas mabuti pa sigurong ganun. Para maka pag focus ka nang husto sa pamilya mo at upang hindi na ako mag mumukhang kuntrabida pa sa mga pangarap mo.”_
Umalis si Princess at naiwan si Juan na maluha luha. Parang gumuho ang lahat kay Juancho. Hindi niya akalain na aabot silang dalawa sa puntong iyon. Dumaan muna ito sa isang baresto. Ibinuhos nito ang naramdamang galit at inis sa alak, nagpaka lasing. Subrang wasak na ito at halos hindi na ito maka lagad ng maayos. Sa kabila nang kalasingan sinikap parin nitong makarating sa kanyang kotse. At doon sa loob isinigaw nito ang lahat ng kanyang nararamdaman.
Nang mahimasmasan ng kaunti, sinubukan parin nitong imaneho ang sarili. Sa kalagitnaan ng kanyang padadalamhati ang bigla namang pag buhos ng malakas na ulan. Na tila ba nakiki hati sa kanyang nararamdaman.
Napa lingon ito sa likuran ng kanyang kotse nang may narinig itong huni ng isang kalapati.
“Hindi ba at ikaw ang kalapati na napulot ko noon, ikaw si Adarna diba?…paano ka nakapasok sa kotse? Wala na, lasing na talaga ako…bakit ko ba tinatanong ang isang ibon?…hoy ibon, salamat at sinamahan mo ako ngayon. Makinig ka ibon…mahal ko si Princess pero iniwan niya ako. Ano ba ang mali sa akin? May mali ba sa pag mamahal ko sa kanya?”_kinaka usap ang ibon habang nag mamaneho.
Napahinto sa pag mamaneho si Juancho nang matapat ito sa lumang tindahan ng mga antique. Bukas pa rin ito kahit gabing gabi na. May kung anong bumubulong kay Juancho para bumaba ng sasakyan. Pagkababa nito ng kanyang bintana agad naman lumipad palabas ang ibon at dumapo ito sa nakasabit na karatula ng antique shop. Bumaba din si Juancho ng kotse, sinusundan nito nang paningin ang naturang ibon. Muling lumipad ang ibon at pumasok sa nakabukas na pintuan ng shop. Tila nais ng ibon na sundan siya ni Juancho. At Pumasok din ito sa loob.
The Secret Passage to Elphania
The Secret Passage to Elphania
“Daja Vu”
“Magandang gabi iho, may maipaglilingkod ba ako sa inyo. Kung maari pakibilisan niyo lang at pasara na kasi ako” Tanong ng may edad nang lalake kay Juancho pagkapasok nito sa antique shop.
Natulala si Juancho, nang makita ang matanda. Namukhaan niya ito. Nagtaka ang lalake sa reaksiyon ni Juancho.
“Lolo? “ Tanong ni Juancho.
“Bakit iho, kilala mo ba ako O kilala kita? Bakit ganyan ka nanam kung makatitig sa akin. May dumi ba ako sa mukha? “ Pagtataka pa ng matanda.
“Lo, ako ito ang nag bigay sa iyo dati ng pera, noong nabunggo kita habang naglalakad ako noon sa kalye. Malaki na rin ang inasenso mo ah, ang gara na ng damitan mo ngayon. Sabagay, ako man lo, marami na rin nag bago sa akin. Kaya nga siguro hindi mo na ako natatandaan. Pero ikaw, hinding hindi ko makakalimutan. Dahil simula nang nagtagpo tayo noon, gumanda ang ikot ng buhay namin. Mula sa banig na butas ngayon malambot na na kama ang hinihigaan ng pamilya ko. Kaya salamat sa swerte lo. “ Kuwento pa ni Juancho, ngunit pagtataka lang at katanungan ang tugon sa kanya ng matatanda.
Naisip pa ng matanda na may masamang balak si Juancho ng mga sandaling iyon. Bukod kasi sa gabi na masyado at pasara na nga ito, naamoy pa nito ang baho ng beer kay Juancho.
“Wala akong alam sa sinasabi mo, at kung wala ka nang kailangan umalis ka na at magsasara na ako.. “ Ang mahinahong sabi ng matanda kay Juancho habang hinahatid ito sa pintuan ng shop.
Hindi na nangulit pa si Juancho,. Palabas na sana ito nang may mapansin ito sa loob ng shop.
“Liyon ba iyon? “
“Anong liyon? Antique shop ito iho, hindi zoo. Walang liyon dito. Sige na, labas na nang maisara ko na itong shop. “
“Sa may salamin ng aparador, doon pumasok ang liyon”.
Napatigil talaga si Juancho sa kanyang nakita. Pinipilit talaga nito sa matanda ang kanyang nakita. Nakatayo lang sa pintuan ng shop si Juancho na nakatingin sa antigong aparador na may salamin.
“ Hindi ka ba talaga lalabas iho? Tatawag pa ba ako ng pulis? “
“Naku huwag lo, hindi ako masamang tao, lalabas na ako. Pero sigurado talaga ako, liyon talaga iyon. “
“Sige na, labas na. Sa kakalasing mo iyan. “ At isinara agad ng matanda ang shop, pagkalabas din ni Juancho.
Pinagmasdan maigi ni Juancho ang labas ng antique shop. Kinabisado ang mga katabi nitong establisimento. Maging ang pangalan ng shop.
“Paso Abierto” Basa pa nito na ibig sabihin, daanang bukas.
Papalk na si Juancho sa kanyang kotse ng may nakita itong punit na pahina mula sa isang lumang aklat na naka ipit sa siwang ng pintuan ng antique shop. Dinampot niya iyon at tiningnan. Lumang luma na ang itsura ng pahina, kulay abo na itp at matigas na ang papel.
“Ano kaya ang nakasulat dito, kakaiba ang mga letra. Mula siguro ito sa mga antique na aklat ng matatanda. IIang siglo na kaya ang pinagmulang aklat nito. Mas matanda pa yata ito sa lolo ng lolo ng matatandang iyon. Bukas ko na lang ito isasauli dito. “
Inuwi ni Juancho ang na pulot na pahina. Diretso kama ito nang dumating sa kanilang bahay. Habang nakahiga sa kama, muli nitong sinariwa ang mga pinagsamahan nila ng kanyang nobya na si Princess. Hindi parin nito matanggap ang nangyari sa kanilang hiwalayan. Umagos na lang ng kusa ang mga luha nito sa mata.
Mahal ni Juancho ang nobya, isa ito sa nag bigay ng insipirasyon sa kanya kaya naabot ni Juancho ang estado niya ngayon. Ngunit malaki din ang pagmamahal ni Juancho sa kanyang mga kapatid at ina. Dahil bilang panganay siya na ang tumayong ama para sa kanyang mga kapatid.
Wala man lang kahit anong tugon mula sa kasintahan nito. Dala ng mga nainum na beer at pagod, nakatulog si Juancho na hawak pa ang kanyang cellphone na naka dial sa numero ni Princess.
Sa kanyang pagkahimbing isang pangyayari naman ang tahimik na nagaganap sa loob ng kanyang silid. Mula sa bulsa ng kanyang jacket, nagliwanag ang naisuksuk nitong pahina ng aklat na napulot nito sa may antique shop. Biglang nagkabuhay ito at kusang lumabas sa bulsa. Tapos lumipad ito papunta sa natutulog na si Juancho. Sa lakas ng liwanag na nag mula dito halos mabalot na nito ang buong silid.
Napansin naman ng ina ni Juancho ang liwanag sa silid ng anak mula sa siwang sa baba ng pintuan ng kuwarto.
“Si Juan talaga, naklimutan nang patayin ang ilaw sa subrang pagod. “ Sa isip pa ng ina.
Kinabukasan, napabangon bigla si Juancho sa lakas ng alarm ng kanyang cellphone. At nang tingnan niya ito, Naalala na naman nito si Princess.
“March 21, 2022 happy ever after anniversary” Itp ang nakalagay sa notification sa cellphone ni Juancho. Second year anniversary nila nang araw na iyon bago sila nagkalabuan ni Princess. Bumangon ito at hinawakan ang kanyang ulo. Ramdam parin nito ang epekto ng ininum nito kagabi. Napansin nito sa kanyang tabi ang piraso ng pahina ng isang aklat.
Malinis at bago ang isang ito, matingkad ang papel at naiintindihan na nito ang mga nakasulat dito. Iba ito sa naalala niyang napulot pahina. Tiningnan niya agad ang bulsa ng kanyang jacket, ngunit nagtaka ito kung bakit wala na roon ang nasabing pahina.
Binasa ni Juancho ang mga nakasulat sa pahina na nasa kanyang kamay. Nagtaka ito sa mga nilalaman ng sulat. Dahil maka ilang ulit na bunanggit dito ang kanyang pangalan.
“Bumalik ka sa lugar kung saan mo nakita ang iyong sarili. Ito na ang panahon ng iyong pag babalik. Hinihintay ka na ng aming mundo Juancho. “ Ang nakasulat pa sa pahina habang binabasa ni Juancho.
“Lang hiya, sino ba ang naglagay nito dito. Malamang ang kambal na naman. Pero saan na iyong lumang pahina na nakita ko kagabi? Dito ko lang iyon nilagay sa bulsa ng jacket ah? Lasing lang siguro ako kagabi. Baka nasa kotse. “ Habang nag aayos sa kanyang kama, kinatok ito ng kanyang ina. Upang dalhan ng kanyang almulsal.
“Juan, dinalhan na lang kita ng pagkain. Kumain ka na. “
“Lalabas na ako nay, saglit lang. “ Tugon pa ni Juancho.
Isang maliit na toktok ang narinig ni Juancho mula sa labas ng kanyang bintana. At nang buksan niya ito. Pagtataka nito nang makita sa labas ng kanyang bintana ang isang puting kalapati na may pulang balahibo sa dibdib nito.
Binuksan ni Juancho ang bintana, at pagkabukas pa lang nito agad namang pumasok ang kalapati. Lumipad ito at dumapo sa pilas na pahina ng aklat.
“Ikaw din iyon ah,. Alam mo pangalawang beses ka na nagpapakita sa akin. Kagabi lang dinala mo ako doon sa antique shop, ngayon nandito ka na naman. Siguro pagmamay-ari ka ng matanda na nagbabantay sa shop. Inutusan ka ba niya para kunin sa akin ang, napulot ko kagabi? Naku pasensiya na ibon, hindi iyan ang napulot ko. Luma na iyon at medyo punit pa. Pero wala dito, baka na iwan ko sa kotse.” Natawa si Juancho sa sarili nang mapansin na kinakausap na naman nito ang kalapati na naka tayo sa pig has na pahina ng aklat.
“Baliw na talaga ako, pati ibon kinakausap ko na. “ Sabi pa cnito sa sarili.
“Iligtas mo siya Juan, kailangan ka na ng Berbania” Nagulat si Juancho ng may narinig itong nagsalita. Inisip nitong guni-guni lang ang iyon. At bunga lang ng kanyang hang over. Ngunit muli itong may narinig na nagsalita.
“Tinatawag ka na ng aklat Juan, bumalik ka na. “ Sabi pa ng boses.
Nagulat si Juancho nang malan kung saan nagmula ang tinig at kung sino ang nagsalita.
“Ikaw iyong nag salita ibon? “
“Walang iba Juan, Ako si Pakhu mula sa Berbania” Pagpapakilala pa ng kalapati kay Juancho.
“Pakhu? Berbania? Kalokuhan na talaga ito. Lasing pa yata ako. Kung ano ano na lang ang na i-imagine ko. Ang mabuti pa kumain muna ako. Kabaliwan na itong nangyayari sa akin. “ Sabi pa ni Juancho.
Lumabas ito ng kanyang silid, at binalewala ang lahat. Sa pag aakalang imahinasyon lang iyon. Pagkababa mula sa kanyang kuwarto agad nitong tinungo ang kusina. Ngunit nagtaka ito na subrang tahimik ng bahay. Hinanap nito ang kanyang ina, at mga kapatid ngunit wala ni isa man ang tumugon sa kanya. Inisip nito na baka na sa labas lang ang mga ito o nasa garden lang.
Hinanap ni Juancho ang almusal na hinanda ng kanyang ina bago pa ito bumaba sa kanyang silid. Ngunit Malinis ang lamesa at kusina. Pinuntahan nito ang ina sa kanilang garden kung saan madalas itong nagaalaga ng kanyang mga pananim na bulaklak. Sa pag aakalang naroon iyon doon.
Ngunit maging sa labas wala. Maging ang mga kapatid nito. Bumalik ito sa loob ng kanilang bahay, at laking gulat nito na iba ang dinatnan nito sa loob. Wala na ito sa kanilang bahay. Ibang iba na ang loob nito. Nagtataka ito kung ano ang nangyayaring hiwaga sa kanya.
Nasa loob na ito ng antique shop. Sinampal sampal nito ang kanyang mukha para magising ito. Ngunit totoo ang lahat. Nilibot nito ang loob ng antique shop. Wala itong nakitang tao. Napalingon ito nang marinig ang natumbang silya. Isang malaking buntot ng isang hayop ang nakita nitong pumasok sa likod ng mga muwebles at mga malalaking banga. Sinundan niya ito .
Pumasok ang hayop sa isang silid. Nasagi ng pulang kurtina ang mga wind chimes na naka sabit sa daanan pa silid kaya nag si tunugan ang mga ito. Kasunod nito ang pag ihip ng malamig na hangin mula sa loob ng silid. Dahilan para gumalaw ang kurtinang tabing.
Marahang lumapit si Juancho sa silid at hinawi ang kurtina. Namangha si Juancho sa kanyang nasilayan sa likod ng kurtina.
Tumambad sa harapan ni Juancho ang malawak na kagubatan na puno ng matatayog at nag lalakihang mga punong kahoy. Wala itong nakitang iba kundi ang malawak at napakagandang lugar. Sinubukan nitong umapak sa luntiang mga damu sa paligid para subukin kung totoo ba ang lahat ng nakikita nito.
Pag apak pa lang nito sa nakitang lugar, naramdaman agad ni Juancho ang sariwang hangin na lumukob sa kanya. Ang bango ng paligid na nagpagaan sa kanyang damdamin.
Ngunit ng lingunin ni Juancho ang kanyang pinasukan. Wala na ito sa kanyang likuran.
Napa atras ito sa takot ng ang tumambad sa kanya ay isang napakalaking liyon na mas malaki ng duble sa normal na laki ng totoong liyon.
Lumapit ang liyon kay Juancho, inamoy siya nito nang malapitan. Halos maihi na si Juancho sa shorts nito sa subrang takot. Mas ikinagulat pa nito ng bigla na lang nag salita ang liyon sa kanya.
“Ikaw ba ang sinasabi ng lahat na si Juan? “ Tanong ng liyon kay Juancho.
“Juancho, ang tunay kong pangalan. Palayaw ko ay Juan. “ Ang tugon ni Juancho na may kaba at nginig sa kanyang boses.
“Matagal na akong nagbabantay sa lagusan. Kilala ko ang Juan na minsan nang naparito. Hindi ikaw ang nilalang na iyon. Sino ka? At paano mo nahanap ang daanan dito? “ Sabi pa ng liyon kay Juancho.
“Hindi ko alam, kanina lang nasa bahay lang ako. Tapos lumabas saglit, pagbalik ko, narito na ako. Bakit, anong lugar ba ito? Nananaginip ba ako? Totoo ka bang talaga. Liyon na nag sasalita? “
“Hindi ito panaginip, at hindi totoo ang lugar na ito para sa isang ordinaryong tao. Tanging ang nagmula lang dito ang nakakabalik. Ibig lang nitong sabihin dito ka na galing. Ito ang Elphania, ang lupain ng mga Dwendulin. Mga maliliit na tao. At ako si Khuzgan. Ang bantay ng lagusan. “
“Elphania, Dwendulin, at ikaw si Khuzgan. Hindi ito totoo. Stress lang talaga ako sa mga nangyayari sa akin lately kaya kung ano ano na lang na i-imagine ko. Hindi ito totoo”
Pumikit si Juancho, sa paniwalang sa pagmulat nito mawawala na ang lahat. Ngunit naroon pa din sa harapan niya ang malaking liyon. Kinabahan na si Juancho sa mga nangyayari. Napatunayan na nitong hindi siya tulog at hindi ito nananaginip.
“Hindi kita kilala, ngunit kung nakapasok ka dito. Isa lang ang dahilan nang pag bukas nitong daanan. Kailangan ka ng mundong ito. Tinatanggap na kita. Malaya ka nang maglibot sa lupain dito. Lumakbay ka at gawin ang pakay mo rito. “ At naglaho na lang ang liyon sa kawalan matapos itong sabihin kay Juancho.
Kasunod nito natumba si Juancho nang bigla na lang gumalaw ang kitatayuan nitong lupa. Nagkaroon ng mga malaking bitak ang paligid. At nilamon ng lupa si Juancho. Napasigaw sa takot si Juancho. Na agad naman naglaho sa dilim.
napabangon bigla si Juancho sa lakas ng alarm ng kanyang cellphone. Pawisan ito at hinahabol ang kanyang hininga. Agad nitong kinapa ang kanyang sarili at sinigurong gising na talaga ito. Tsaka sinampal sampal ang pisngi at kinurot ang kanyang balat. Nang makaramdam ng sakit napangiti ito sabay hinga ng malalim.
Agad na tiningnan ni Juancho ang cellphone, at pinatay ang alarm. Naisip nito si Princess ng makita ang remider tungkol sa anniversary nila ng nobya sa araw na iyon. Bumangon agad ito at tiningnan sa kanyang kama ang pahina ng isang aklat pero wala ito doon maging sa ilalim ng kanyang kumot. Naka hinga ng maluwag si Juancho. Sunod na inayos nito ang kanyang kama. At habang nag aayos napalingon ito sa kanyang bintana ng may narinig itong tumotuktok doon.. Tumalima ito at biglang hinawi ang kurtina. Nagulat ito ng makita ang isang puting kalapati na nakadapo sa bintana. Sinuri muna ni Juancho ang balahibo ng ibon, bago nito binuksan ang bintana. Wala itong kulay pulang balahibo sa dibdib.
Pagkabukas nito ng kanyang bintana, nag pulasan naman ang iba pang mga kalapati na naroon din sa tapat ng bintana. Kasama sa mga lumipad palayo ang puting kalapati. Natawa sa sarili nito si Juancho.
“Lang hiya, daig ko pa nito ang nakadruga, kung ano ano na lang ang naiisip ko. “ Sabi pa ni Juancho.
Binuksan ni Juancho ang lahat ng bintana sa kanyang silid. Isang puting balahibo naman ang na iwan ng kalapati sa bintana na hindi napansin ni Juancho. Dahil sa pagpasok ng hangin sa loob naitulak nito ang balahibo at lumipad papasok sa silid at dumapo ito sa bulsa ng jacket ni Juancho na nakasabiit sa upuan.
“Juan, dinalhan na lang kita ng pagkain. Kumain ka na. “
Natigilan si Juancho nang marinig ang boses ng ina sa labas ng kanyang silid.
“Sandali, nay lalabas na ako. Sabay na tayo. Sa baba na ako kumain.” Pag mamadali ni Juancho, ayaw niya nang isipin ang napanaginipan nito. Kaya nagmadali ito para maka labas agad.
Nasa pintuan na ito ng napansin niya ang nakasabiit na jacket sa upuan. Nilapitan niya ito. At nanginginig pa ang kamay nito ng kapain ang bulsa ng jacket. Kinabahan ito ng may na kapa itong papel sa loob ng bulsa.
Naroon sa loob ang lumang pahina na napulot nito sa pintuan ng antique shop. Nilabas iyon ni Juancho at kasabay na nahulog mula sa loob ang puting balahibo ng ibon. Dinampot niya iyon sa sahig. At nanlaki ang mata ni Juancho nang makita na may pulang kulay ang bahagi ng balahibo. Agad nitong binasa ang nakasulat sa pahina. Nagulat ito at nagtaka dahil blangko ang nasabing pahina. Wala ni anong sulat ito sa magkabilang bahagi. Sa pagka alala ni Juancho may sulat ito, ngunit di maiintindihan ang mga titik.
Kinabahan si Juancho, agad itong lumabas ng silid. Hindi na nito inabutan ang ina sa labas ng pinto. Kaya agad itong bumaba at dumeritso ng kusina. Tila na ulit nga ang lahat. Walang tao sa kusina, maging sa sala. Tinawag ni Juancho ang kanyang ina at mga kapatid, ngunit wala ni isa man ang sumagot. Kinabahan si Juancho. Nagmadali ito sa harden, ngunit wala din doon ang hinahanap niya.
Sa puntong iyon na takot na si Juancho na bumalik pa sa loob ng bahay. Naka tayo ito sa tapat ng kanilang pintuan at nag dadalawang isip kung papasok ba ito o hindi, nang may lumundag na malaking pusa mula sa bubong at dumaan sa gilid nito. Nagulat si Juancho, na nagpadagdag pa lalo sa kaba nito. Tulalang naka tayo lang sa tapat ng pintuan si Juancho, nang tawagin ito ni Joselito. Ang kanyang kapatid.
“Kuya ano ang ginagawa mo diyan sa tapat ng pinto? Teka kuya, bakit tila gulat na gulat ka? “
“Ah eh kuwan kasi, iyong pusa, bigla na lang akong nilundagan. Nagulat lang ako bakit nag ka pusa tayo eh wala naman tayong alagang hayop dito. “ Tugon nj Juancho sa kapatid, ngunit ipinagtaka nito ang sinabi ni Joselito.
“Anong pusa kuya? , kanina pa kita tinitingnan diyan. At wala naman akong nakitang pusa dito. Tingin ko dala lang iyan ng hang over mo kuya. Mabuti pa samahan mo na lang kami kumain doon sa pool area. Naroon na sina Pep, ate at nanay. Mag ihaw-ihaw tayo. “ Ang sabi sa kanya ni Joselito.
Sa isip ni Juancho, totoong naka kita ito ng pusa. Nang hinanap nga nito sa paligid ang pusa wala ngang anong bakas ng pusa sa paligid.
Binalewala ni Juancho ang mga nangyari ng araw na iyon para samahan ang kanyang pamilya. Buong araw na ginugol ni Juancho ang oras niya sa pakikipag bonding nito sa mga kapatid at ina. Ginugol niya ang buong araw na iyon na sana para sa kasintahan nitong si Princess.
Wala man lang paramdam maging sa text kay Juancho si Princess. Hapon na nang mag pasyang pumunta ng kanyang restaurant si Juancho. Dumaan muna ito ng donut haus para ipasalubong sa mga tauhan nito nang masagi ng paningin nito ang dalawang tao na naka upo malapit sa pintuan ng donut shop.
Hindi napigilan ni Juancho ang sarili at nilapitan ang dalawa. Nung una akala niya minalikmata lang ito dahil sa kakaisip kay Princess. Ngunit nang matiyak na si Princess nga ito at kasama pa ang kaibigan ni Juancho na si Felix. Nang gigil sa galit si Juancho at bigla na lang nitong sinapak si Felik na agad na natumba mula sa pagkaka upo. Hindi na naka ganti pa si Felix dahil pumagitna na si Princess.
“Hayop kang gago ka, ahas. Sinabi ko na nga ba at may sumusulsol kay Princess, animal ka! Itinuring kitang kaibigan, kapatid. Pati buhay mo binihisan ko. Kung hindi dahil sa akin basura ka paring lang hiya ka. Tapos susulutin mo lang ang girlfriend ko. Ano Felix masarap ba ang second hand? ! “ Galit na galit si Juancho sa kanyang natuklasan.
Hindi makapagsalita si Felix sa mga sumbat sa kanya ni Juancho. Pinapalabas na sa tindahan na iyon si Juancho ng guard ngunit gigil parin itong sinumbatan pati si Princess.
“Ipinagpalit mo ako sa hayop na ito? Ni hindi nga niya kayang palamunin ang pamilya niyan. Ako ang nagpapalamon diyan. Ikaw lang ang huhuthutan ng gagong iyan Princess. “
“Mas pipiliin ko pang sumama sa kanya, kaysa sa iyo. Pera lang ang mahalaga sa iyo. Puro ka yabang. Nagtiis na ako sa iyo Juan, at tapos na tayo. Kaya puwede ba. Stay away from us. We don’t need you. And I don’t even need you.! “
Lumabas ng tindahan si Juancho na subra ang sama ng loob. Doon na pagtanto nito na hindi lang lahat tungkol sa yaman at pera. Minsan na itong nangarap na magkaroon ng buhay na tinatamasa niya ngayon. At ngayong nasa kanya na lahat at mas higit pa. Mailap naman sa kanya ang pangarap na magkaroon ng pansariling kaligayahan. Na ang akala nitong sapat na ay kulang pa rin pala.
Dahil sa sama ng loob na pag pasyahan ni Juancho na huwag ng tumuloy sa restaurant nito, sa halip nag hanap ito ng bar kung saan maaaliw ito. Masyado pang maaga para sa mga pang gabing mga bar, kaya nag ikot ikot muna ito sa kalye habang nag iisip ng malalim. Nang mapadaan ito sa kalye kung saan nakita nito ang isang antique shop.
Nang napasok na nito ang mismong kalye, wala na doon ang nakatayong antique shop. Huminto at pumarada si Juancho sa isang bake house. Bunaba ito ng kotse at lumapit sa nagtitinda ng tinapay.
“Ale, hindi ba ito ang Elfan street? “
“Ito nga sir, Ang walang kasing ingay na kalye sa lahat ng kalye dito. Bakit sir, naliligaw ba kayo? “
“Hindi naman siguro. Kuwan lang kasi,hinahanap ko ang antique shop dito sa tabi mo. “
“Sir, mga luma lang ang mga libro sa loob, pero hindi iyan antique shop. Book store iyan ng kapatid ko. At matagal na kami dito sa puwestong ito, ilang taon na. Pero ni minsan hindi ako natatabihan ng antique shop na sinasabi mo. “
Malaking palaisipan kay Juancho ang lahat. Wala roon ang antique shop. Ang ipinagtataka pa nito. Tanging ang antique shop lang ang wala doon. Dahil sa pagkakatanda ni Juancho. Napagitnaan ng bakeshop at fruit stand ang nakita nitong antique shop.
Gayun pa man sinubukan ni Juancho na pumasok sa book store. Inisip nito na baka book store nga talaga ang nakita niya at hindi antique shop. At dahil sa kalasingan inakala nito na isa itong antique shop.
Pag bukas ni Juancho ng pinto. Napatingala ito nang masagi ng pintuan ng book store ang mga wind chimes sa ibabaw nito. Pamilyarr kay Juancho ang tagpong iyon. At ang tunog na nililikha ng mga chimes ay tila may binubulong sa kanya.
Isang babae ang lumabas mula sa pulang kurtina na nasa estante.
“Magandang hapon ho sir, ano po ang maipaglilingkod ng bookstore ko sa inyo? “ Tanong nito kay Juancho
Lumapit si Juancho sa babae at inabot dito ang isang pilas ng pahina mula sa isang aklat. At nang makita ng babae ang pahina ng aklat, lumabas ito mula sa estante at nilapitan si Juancho. Tila sinusuri ng mga tingin nito si Juancho.
“Saan mo ito nakita? “
“Kagabi nang, pumunta ako dito. Pero antique shop pa po itong puwesto niyo. Tapos matandang lalake ang nagbabantay. Palabas na ako nang makita ko iyan sa siwang ng pinto. “
“Imposibleng ikaw, galit at pagyayabang ang naaamoy ko sa iyo. Hindi kailan man nagkakamali ang libro sa kanyang iniimbitahan. Ano ang pangalan mo? “
“Juancho”
Pagpakilala pa ni Juan. Na wiwerduhan na si Juancho sa mga sinasabi sa kanya ng babae, ngunit gusto talaga nitong malinawan sa mga pangyayari na gumagambala sa kanya ng araw na iyon. Tumalikod ang babae kay Juan dala ang pahina na inabot niya dito. Pinasunod nito si Juancho sa kanya.
Walang tanong na sumunod sa babae si Juancho. Nang makita ni Juancho ang pinasukan ng babae. Nag alangan na naman ito. Pamilyar sa kanya ang ayos at itsura ng paligid maging ang pulang kurtina. Kabado man at may pagaalinlangan, hinawi ni Juancho ang pulang kurtina. At doon nga tumambad sa kanyang harapan ang purong luntiang halamanan at mga punong subrang laki at nag tatayugan. Ganitong ganito din ang nakita ni Juancho sa kanyang panaginip.
Naka tayo lang doon ang babae.
“Ito ang… “
“Ito ang Elphania, lupain ng mga Dwendulin, mga maliliit na tao.” Dugtong ni Juancho nang pinutol nito ang sinabi ng babae.
“Nakapunta na ako dito. “ Dagdag pa ni Juancho.
“Matagal na akong nagbabantay sa lagusan, walang taga labas ang nakakapasok dito. Liban na lang kung”…
“ Liban na lang kung nag mula na dito, at nagbabalik. Ako man ay nagtataka kung bakit ako nandito. Nalilito na ako kung ako ba ay nananaginip o pinaglalaruan lang ng aking isip upang makatakas sa aking problema. “ Sabi pa ni Juancho sa babae.
“Hindi nakikita ng ordinaryong mga mata ang lugar na ito kung hindi ka taga rito. Nagtataka lang ako, dahil hindi ka pamilyar sa akin. Kilala ko ang lahat ng mga taga dito, mula sa matanda at maging pinaka bata na kakasilang pa lang sa mundo. Gayun pa man nakikilala ka ng lugar na ito.”
“Isa kang liyon diba? Bakit babae ka? “ Tanong pa ni Juancho.
Napatingin ang babae kay Juancho na may pagtataka sa mga mata.
“Nakikita mo ako sa anyong ito, ngunit alam mo kung ano ako. Kamangha mangha. Tanging mga ordinaryong tao lang ang nakakakita sa akin ng ganito. At walang duda isa ka nga lang ordinaryong tao na nangahas nanghimasok sa mundo namin. Ngunit alam mo din kung ano ako. Tanging ang mga nagmula lang dito ang nakakakita sa tunay naming anyo. Hindi ko inaasahan ito. “ Tugon pa ng babae kay Juancho.
“Ano ba talaga kayo? At anong klaseng lugar ito? Mga enkanto ba kayo. Nasa multi verse ba ako? Ipaliwanag mo naman sa akin bakit ito nangyayari.”
“Taga bantay lang ako ng daanan, hindi taga tala. Ang taga tala ang maalam sa lahat ng mga nangyari sa nakaraan at sa magaganap. Sa kanya ka mag tanong.”
“Saan ko mahahanap ang taga tala na sinasabi mo? “
“Kung nakikita mo ang lugar na ito, maaring nakita mo na rin siya. Nakilala O na kasama. Walang mukha ang taga tala. Maari siyang maging sino O ano. Hindi kita kilala, ngunit kung pinapasok ka ng lugar na ito. Isa lang ang nakikita kong dahilan. Kailangan ka ng mundong ito. Kaya tinatanggap na kita. Maari mo nang simulan kung ano man ang misyon mo sa pag kari sa daigdig na ito. “ Pagkatapos nitong masabi kay Juancho bigla na lang naglaho sa kawalan ang babae.
Kinabahan na si Juancho sa mangyayari. Dahil sa pagkaka alam niya magkakaroon ng mga pagyanig at pag guho ng lupa. Lalamunin ito at magigising na naman ito sa isang panaginip. Nang isa na namang panaginip.
Ngunit hindi nangyari ang inaasahan ni Juancho. Walang mga pagyanig at hindi nag bago ang paligid. Naroon parin ang ganda ng lugar, nakikita pa din nito ang mga nag lalakihang mga puno na nag tatayugan sa taas, at naaamoy parin nito ang usok na mula sa ihawan sa gilid ng kalye kung saan nakaparada ang kotse nito.
Nakatulog sa kotse nito si Juancho at nagising na lang ito sa katok ng isang tanod. Madilim na ang paligid at maliwanag ang daan dahil sa mga poste. Kinatok muli ng tanod ang kotse ni Juancho.
“Sir bawal po ang mag park ng kotse dito. Ginawa niyo pang hotel ang kotse niyo. Sarap na sarap sa tulog sir ah, buti hindi kayo napagtripan ng mga batang abrelata dito. Bahagya pa man ding naka bukas ang bintana niyo. Site na sir. Lipat na lang po kayo ng puwesto. “
“Salamat kuya. At sorry nakatulog pala ako. “
Bago pa man umalis doon si Juancho, sinilip nito ang lugar, Naroon parin ito sa Elfan street. Ngunit ibang mga tindahan na ang naroon. Wala na ang bakeshop, ang fruit stand maging ang book store. Isang abandonado at lumang building na lang ang naroon. At mga maliliit na tindahan na lang sa tabi at mga side walk vendors. Umalis na doon si Juancho.
Habang nagmamaneho iniisip parin nito ang mga nangyari sa kanya. Naniniwala itong hindi siya nananaginip at naranasan niya iyon talaga. Balot man ng misteryo ang kanyang isip, hindi parin nawala sa kanya ang kaganapan sa donut haus. Hindi parin nito matanggap ang ginawa sa kanya ng kanyang kaibigan sa relasyon nila ni Princess. Mag aalas sais na nang gabi at mabigat na ang traffic sa main road dahil sa marami nang nag sisiuwian. Napakamot na lang sa ulo nito si Juancho nang maipit ito sa gitna ng daan sa sikip ng trapik. Dagdag pa ang pag buhos ng malakas na ulan. At nang umusad na ang daan. Muli na namang nagkatrapik sa gitna ng express road dahil sa isang aksidente. Napabuntong hininga na lang ito, habang hinihintay na umusad muli ang takbo ng mga sasakyan sa unahan niya.
Habang nag hihintay, may napansin si Juancho sa harapan niya. Dinampot nito ang isang puting balahibo ng ibon na naka patong sa dashboard ng kanyang kotse. Kulay pula ang dulo ng balahibo. Nakatutok lang doon si Juancho nang magulat ito sa mga pagbusina ng kotse na nasa likuran niya. Umusad din sa wakas ang trapik.
Walang tigil ang lakas ng ulan na halos himdi na kita ang daan. Nag hanap ng puwedeng mapaglipasan ng ulan si Juancho. Isang bulalo house ang na ispatan ni Juancho. At doon na nga ito nagpalipas ng ilang minuto bago naka uwi sa kanila.
Tahimik ang kanilang bahay nang makauwi na si Juancho. Ang pinagtaka nito kung bakit naka bukas ang kanilang gate, at wala man lang ni isang sumalubong sa kanya kahit na ang kanilang katulong. Kinutuban ng masama si Juancho, kinabahan ito. Dali-dali itong pumasok. Nakapatay ang Ilan sa mga ilaw sa loob, at subrang tahimik. Hinanap nito ang mga kapatid at ang ina, ngunit ni Isa man lang sa mga ito walang sumagot sa kanyang mga pagtawag. Iniisa-isa nitong tiningnan ang mga silid ng mga kapatid at ina, ngunit wala doon ang mga iyon.
Sinubukan nitong tawagan ang mga kapatid ngunit hindi nito matawagan ang mga numero. Kabado na si Juancho, at kung ano ano na ang iniisip nito. Lalo pa at nakabukas ang kanilang gate. Lumabas ito at pumunta sa may pool area , sa pagbabakasakaling naroon ang mga hinahanap. Maging doon walang tao.
Hindi na mapakali si Juancho. Pinuntahan nito ang kotse para bumalik sana sa kanyang restaurant. Nang may narinig itong ingay mula sa loob ng kanilang bahay. Kinuha nito ang baril sa kanyang kotse at pusok muli sa loob ng kanilang bahay.
Sa pintuan palang may napansin nang kakaiba si Juancho, may kung anong liwanag na lumalabas mula sa siwang sa ilalim ng pinto. Dahan dahan nitong binuksan ang pintuan. Maingat ,marahan.
At pagkabukas nga nito ng pintuan tumambad sa kanya ang nakakasilaw na liwanag na lumulukob sa loob. Nang makapasok bigla na lang sumara nang malakas ang pinto. Natakot si Juancho sa mga sumunod na nangyari. Nang tila ba umikot bigla ang buong paligid. Mahina noong una hanggang sa bumilis. Pagtataka pa nito, kung bakit ang paligid lang ang umiikot.
Kasabay ng unti-unting pag lamlam ng liwanag, bumagal din ang pag ikot ng paligid. Pagkahinto nito, nagulat si Juancho nang matagpuan nito ang sarili sa isang napakalawak at malapad na library.
Pamilyar sa kanya ang Ilan sa mga bahagi ng silid. Kapareho ito sa napaniginipang book store. Puno ng mga katanungan at pagtataka si Juancho. Naisip nitong panaginip na naman ang lahat.
“paulit ulit na panaginip sa isang araw? ano ba ito?”
Ngunit sa puntong iyon mukhang hindi na ito paniginip gaya nang inaakala ni Juancho. Napalingon ito nang marinig ang pamilyar na kalansing mga wind chimes, kasunod nito ang ihip ng malakas na hangin.
The Gate Keeper
Kasabay ng pagkalansing ng mga wind chimes, ang pa ihip ng malakas na hangin na nagpalingon kay Juancho.
“Bumalik ka, ano ang dahilan?”
Isang napakalaking liyon na nagsasalita ang humarap kay Juancho. Nagulat ang lalake nang muli nitong nakaharap ang liyon sa kanyang panaginip na si Khuzgan.
“Ikaw? ano na namang kababalaghan ito? Saan na naman ako? ano ang nangyari sa bahay ko?”
“sa mata ng tao, ito ang mundo niyo pero para sa mga espesyal na nilalang tulad namin, Ito ang daigdig namin at kaya namin dalhin ito kahit saan lalo na kung kanakailangan.” Tugon ng liyon kay Juancho.
“Nanaginip na naman ba ako?”
“kailan man ay hindi ka nanaginip, minsan na tayo nagtagpo at lahat nang iyon totoo. Ngunit sa tuwing hinahayaan kitang pumasok, bigla bigla ka na lang nawawala. At ngayon narito ka na naman sa harapan ko. Ano ang dahilan?”
“Hindi ko alam, gusto ko lang umuwi, pero nang umuwi ako. Biglang nandito na Ako. Naging library ang buong bahay. Tapos may liyon na sa harapan ko na nagsasalita.”
“Hindi lang basta liyon si Khuzgan, kaya kong maging ano na gusto ko. At ako ang may ari nitong tinatapakan mo. Kung may nais ka sa lugar na ito, ako ang kailangan mo. Dahil ako ang lugar na ito.”
“sa totoo lang gulong gulo talaga ako. Kailangan ko nang makabalik sa totoong bahay ko. Gusto ko nang makita ang mga kapatid ko at ang ina ko. Maari mo ba akong ibalik sa amin?”
“Ito ang tahanan mo, Binulong ng lugar na ito ang pangalan mo Juan. At kung may hinahanap ka, sa lugar na ito mo sila matatagpuan.”
“Dito? ibig mong sabihin nandito ang mga kapatid ko at ang ina ko? Pero paano? Ikaw, ikaw ba ang nagdala sa kanila dito?”
“Taga bantay lang ako ng lagusan ,hindi taga sundo. Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Pero kung ang lugar na ito ang nagdala sa iyo dito. Ibig sabihin nasa lugar na ito ang hinahanap mo.”
Lalong naguluhan si Juancho sa mga sinabi sa kanya ng liyon na si Khuzgan.
Mula sa bibig ng liyon nag buga ito ng malamig na hangin na nagdulot ng makapal na usok na lumukob sa palibot.
Nang humupa ang usok nasa ibang lugar na sina Juancho.
“May dahilan kung bakit binuksan ng Elphania ang lagusan sa iyo. Matagal nang panahon bago ko muling nasilayan ang paraisong ito.”
“Bakit? hindi ka ba naglalagi sa mundo niyo?”
“Walang kasing ganda ang lahat sa daigdig na ito. Ngunit nang tinalaga akong taga bantay ng lagusan. At na permi sa ibabaw, nakasanayan ko na ang mundo niyo. Mahabang taon at panahon na ang nakalipas ,at nakalimutan ko na ang anyo ng lugar dito. Marami na rin ang nagbago tulad ng mga nasaksihan ko sa mundo niyo.”
“kung matagal kang nasa mundo namin. Paano mo naitatago ang anyo mo?”
“Maraming hiwaga sa mundo niyo na iilan lang ang nakakakita at nakakaalam. Mga pinili at espesyal. At kahit sa mundo niyo, hindi nababawasan o nawawala ang angkin naming kapangyarihan at kakayanan. Kaya kung minsan nagpapakilala kami sa ganitong mga anyo.”
At sa harapan ni Juancho, ipinakita ni Khuzgan ang iba’t iba nitong anyo bilang isang tao. Minsan isang lalake, matandang lalake, at minsan pa babaeng nagbabantay ng book store.
“Ikaw din pala ang lahat ng iyon. Ang matanda sa antique shop, ang nagtitinda sa book store.”
“Ilan lang ito sa mga mukha na ginagamit ko sa tuwing nakikisalamuha ako sa mga tao. At iilan lang ang nakakatunton sa akin. Pero sa iyo, Ilang ulit mo na akong natatagpuan. Halika at libutin natin ang Elphania.”
Sumama si Juancho kay Khuzgan na maglakad pa sa kaptagan ng Elphania. Naibsan ng saglit ang mga pag alala ni Juancho sa mga kapatid at kanyang ina sa ganda ng lugar. Walang kasing ganda ang paligid na tila oginuhit na paraiso sa isamg kubling mundo. Doon nakilala at nakita ni Juancho ang mga nilalang ng Elphania, ang mga Dwendulin.
Mga maliliit na tao na tahimik na namumuhay sa Elphania. Bukod sa kanila kapansin pansin din ang mga malalaking hayop na mababangis na mas malalaki pa sa mga normal na laki ng hayop. Marami dito mga lalaking liyon, at ang nakakamangha,ang lahat ng mga hayop sa lugar na ito ay nagsasalita sa iba’t ibang linguwahe.
“Lahat ba ng mga liyon dito katulad mo? Nagiging tao din?” ang tanong ni Juancho.
“oo lahat ng mga narito sa Elphania nagagawa ang nagagawa ko, maging ang mga Dwendulin. Ngunit hindi lahat nabibigyan ng karapatang gawin iyon, lalo na kung gagamitin sa kasamaan. Malaking kasalanan sa batas dito ang gamitin ng walang habas ang kapangyarihan. Kaya magingat ka sa mga nagkakasalubong mo. Hindi lahat dito mabait gaya ng nakikita mo.”
“kumakain ba ng tao ang mga hayop dito, Ang lalaki nila.”
“Hindi karne ang kinakain namin dito, mga vegetarian kami, pero kapag nagustuhan namin at napaglaruan,halimbawa ang mga tao. Ninanakaw namin ang kanilang kanilang lakas at katawan upang maging kapalit nila sa mundo niyo. At ang mga punong iyan, lahat ng mga iyan mga tao mula sa mundo niyo.”
Sa kanilang paglakad lakad isang Dwendulin ang lumapit kina Juancho at Khuzgan. May kasama itong isang liyon. Huminto si Khuzgan nang makilala ang Dwendulin na si Saphero, isang kilalang mandirigma ng kanilang tribo at may mataas na katungkulan sa kapunuan ng Elphania.
“Ang dakilang Khuzgan, sa matagal na panahon muli na naman tayo nagkita. Ano ang meron at binuksan mo ang lagusan at nagsama ka ng isang mortal, sino siya at bakit nandito siya sa Elphania?”
“Kaibigang Saphero, ikinagagalak kong makita kang muli. Ang Elphania ang nagdala sa nilalang na ito dito. Tinawag siya ng hangin at dinala sa lupaing ito.” Ang tugon ni Khuzgan.
“Ikaw ang itinalangang taga ingat ng lagusan. walang sino man ang makakadaan sa iyo kung hindi mo pinagbuksan. Alam mo ang batas dito. “
“May sariling batas ang Elphania na tanging siya lang ang maalam. Gaya nga nang nasabi ko. Ang lupaing ito ang nagdala sa lalakeng ito dito. At kahit na Ako ang may hawak sa lagusan kung ang Elphania na ang nag pasya ,Wala na akong magagawa.”
Sumabat na si Juancho sa usapan ng dalawa.
“kaibigan, Ako si Juancho. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa mundong ito. Hinahanap ko lang ang aking mga kapatid,at ang aking Ina. At ayon kay Khuzgan baka nandito sila.”
“walang nakakatawid sa lugar na ito na hindi ko alam. Lalo na ang mga tao. Kaya sigurado ako na wala dito ang mga hinahanap mo. Bumalik ka na sa mundo niyo baka ikaw ang nawawala,hindi sila.”
“May kakaibang enerhiya akong nasasagap sa mga salita mo Saphero, ano ang nangyayari dito?May dapat ba akong malaman?”
Biglang nabahala si Khuzgan sa reaksiyon ni Saphero sa presensiya ni Juancho. Batid ni Khuzgan na may mali sa kanyang paligid.
“Isang propesiya ang kumakalat sa lahat ng lupain at nakarating ito sa amin. Isang delubyo ang magaganap sa Oras na muling mabuksan ang lagusan na nag uugnay sa magkabilang mundo. At ang pag dating niyo dito ay nagdulot ng pangamba at takot sa lahat. Kaya bago pa makita ng lahat ang lalaking ito, ibalik mo na siya sa mundo nila.”
“Sandali lang, Anong propesiya? at bakit hindi man lang umabot sa akin ang balita.Sabihin mo sa akin, ano ang nangyayari dito. At ano Ang koneksiyon nito sa lagusan?” tanong pa ni Khuzgan.
Nagkatitigan si Saphero at ang kasama nitong liyon. Napansin ni Khuzgan na tila may inililihim ang dalawa sa kanya. Tutugon na si Saphero Kay Khuzgan nang makarinig sila ng mga pagaspas ng mga pakpak na papalapit sa kanila.
Agad na sinabihan ni Saphero sina Juancho at Khuzgan na magkubli sa mga puno at damuhan. Gamit ang kanilang kakayahan, naging malaking bato si Khuzgan at ginawa namang bubuli nito si Juancho. Kita sa himpapawid ang pagdating ng mga Garuda na papalapit sa kanila.
Sila ang mga Garuda, mga taong pakpak kung tatawagin ng mga taga Elphania. Mga nilalang ng may ulo at pakpak ng isang agila at katawan naman ng isang makisig at matipunong lalake. May mga kamay at paang malakas na may matutulis na mga kuko na siyang ginagamit ng mga ito upang Mang dagit ng kanilang mga biktima. Kumakain sila ng laman at paborito nila ang laman ng mga taong nagagawi sa kanilang lupain ng Pugarhan.
Sinalubong sila ni Saphero, at agad tinanong ang kanilang pakay.
“Ano ang nagdala sa inyo dito mga taong pakpak?. Lumampas na kayo sa binigay na latid. Bakit kayo naparito?”
“Umabot na sa amin ang bulong-bulungan ng muling pagbubukas ng lagusan. Hinahanap namin ang tagabantay”
“Ako ang namamahala sa kabundukang ito, at sakop ko ang panatilihing sarado ang lagusan. Mali ang balitang nakarating sa inyo. Sarado ang lagusan at walang bakas ng tagabantay dito.”
Isa sa limang mga Garuda ang may naaamoy na kakaiba, lumapit ito sa malaking bato..At sinisinghot ang paligid nito.
“Kawu, ano ang naaamoy mo?”
“Tao, may naaamoy akong tagalupa sa paligid. Hinding hindi ko makakalimutan Ang mabangong amoy ng mga tao. kakaiba ang kanilang amoy.”
“imposible ang bagay na iyan! kanina pa ako rumuronda sa paligid, wala akong napansing kakaiba sa aking sakop. imposibleng may nakapasok na tao. Matagal nang nasarado mula sa taga labas ang mga taga lupa.” pag depensa ni Saphero.
“Hindi naitatago sa akin ang amoy ng mga tao na iyan. Nasapaligid lang iyon. Kayo hanapin niyo sa paligid. Matagal na akong nananabik sa lasa ng isang taga lupa.” pagutos pa ni Kawu,sa mga kasamahan nitong mga Garuda.
Humarang si Saphero at ang kasama nitong liyon sa balak ng mga Garuda.
“Subukan niyong bulabugin ang lupaing ito. At hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng hakbang laban sa Inyo. Lumampas na kayo sa latid. Wala sa Inyo ang krapatan na panghimasukan ang hindi niyo sakop. Lisanin niyo na ang Elphania kung ayaw niyong umikyas dito na wala ng mga pakpak.”
Sa sinabi ni Saphero, napaatras ang mga Garuda.Lalo na ng magsilabasan ang iba pang mga liyon at mga hayop at pinalibutan ang mga pangahas na Garuda.
Lumipad palayo ang mga ito, ngunit bago pa tuluyang lisanin ang lugar. Nagbanta ang mga ito na babalik dala ang laksang hukbo ng mga Garuda para tugisin ang pinaghihinalaang tagalupa na tumawid sa lagusan.
Nang tuluyan ng lumisan Ang mga Garuda, bumalik din sa dati nilang mga anyo sina Juancho at Khuzgan.Nabahala si Khuzgan sa kanyang narinig sa mga taong pakpak. Kaya nilinaw niya ito kay Saphero.
Inilahad ni Saphero ang tunay na kalagayan ng sang kalakhan ng mga lupain sa kanilang mundo. Ayon kay Saphero, matapos ang nangyaring pagbabago sa kaharian ng Berbanya dahil sa nagawang tulong ng ibong adarna sa hari na si Don Fernando. Kumalat sa mga karatig kaharian ang hiwaga na nagagawa ng ibon. Marami ang nagka interes at sumubok na kunin at nakawin ito sa kaharian. Ngunit marami ang nabigo sa kanilang pakay. Ngunit sa kasamaang palad natagpuan na lang sa kanilang silid ang mag asawa na wala ng buhay. Nagwawala rin sa palasyo ang mga prinsisang asawa ng kanilang mga anak na prinsipe. Isang Delfar ang nagpakilalang malayong kamaganak ng hari mula sa napakalayong kaharian. Dala ang kanyang sariling mga hukbo, inangkin nila nang sapilitan ang Berbanya. At inakusahan ang magkapatid na Pedro,Diego at Juan na siyang salarin sa pagpaslang sa kanilang mga magulang. Ikinulong sa malayong tapunan ng mga kriminal ang magkapatid. At ayon sa mga nakasaksi iniligtas ng ibong adarna si Juan kaya nakatakas ito matapos patulugin at gawing bato ang mga bantay sa kulungan.
Sa pamumuno ni Delfar at sa taglay nitong kapangyarihan. Inutos nito sa lahat ang paghahanap sa nasabing ibong adarna. At tugisin ang nakatakas na si Juan. Ngunit ilang paginog na ang nakaraan. Sa haha ng panahon ng paghahanap bigo ang lahat na matagpuan ang bakas ng adarna at ni Don Juan.
Sabi sabi, sa tulong ng ibon, nakatawid palabas ng mundo si Juan. At nabuo ang isang propesiya ng kanyang pagbabalik para pakawalan ang lahat sa tanikalang gawa ng malupit na si Delfar.
Sa pangamba pa ni Delfar sa propesiya. Mas lalo itong naging sakim at malupit sa lahat. Sa tulong ng kanyang mga kakamping Agtangan. Sinakop at pinatumba ni Delfar ang mga karatig na kaharian at lupain upang kamkamin ang kanilang yaman at gawing alipin ang mga naninirahan dito.
Ang mga Agtangan, sila Ang magkakapatid na mangkukulam na may pambihirang kapangyarihan na kayang kuntrolin ang mga bagay o nilalang na nais nilang mapasailalim sa kanilang mahika. Sila ang may pinaka malakas na kapangyarihan na hindi sakop ng Elemtalya.
Dahil sa tulong na bigay nila kay Delfar, matagumpay na napaluhod ng hari ang ibang kaharian at kalupaan na walang kahirap hirap.
Dahil sa malawakang kaguluhan , naging banta sa mga taga Elementalya ang paghariharian ni Delfar, lalo na nang naging kaanib na nito ang Kaudalman, ang mga halimaw ng karimlan.
Dito nag pasya ang mga lupain sa Elementalya na lagyan ng latid at harang ang bawat hangganan at pasukan sa bawat lupain. Upang maprotektahan Ang mga nilalang dito.
Kaya ganun na lang ang pangamba ni Saphero nang matuklasan na nabuksan na ang lagusan patawid sa kanilang mundo.
Naunawaan ni Khuzgan ang mga nangyari. At sumangayon ito sa Dwendulin na Ang kanyang pagbabalik sa kanilang mundo ay magdudulot lang ng pagkabalisa at pag alala para sa lahat. Ngayon pa at may kasama itong tagalupa.
Sumabat si Juancho matapos marinig ang paglalahad ni Saphero.
“sandali may gusto lang akong linawin, Tama ba Ang pagkakadinig ko. Tungkol ang lahat ng ito sa isang ibong Adarna?”
“iyon nga ang ugat ng lahat. bakit may alam ka ba tungkol sa ibong Adarna, tagalupa?”
“Eh kuwentong pambata lang iyon sa mundo namin. Isang kuwento na bunga lang ng isang imahinasyon mula sa isang writer. At ang mga nabanggit mong mga pangalan sila din mismo ang mga character sa kuwento tungkol sa alamat ng ibong Adarna. sa pagkakatanda ko pa sa kuwento. Makikita ang ibon sa kabundukan ng Tabor sa isang puno na Piedras Platas. Sa katunayan sa hilig ng mga magulang ko sa kuwento na iyan, Ipinangalan niya sa akin si Juan.”
“Totoo ang adarna. Kung nakarating sa mundo niyo ang kuwento niya. Ibig sabihin nasa mundo niyo ang tagatala at sinadya niyang ibahagi ang kuwentong ito upang makarating sa inyo ang mga nangyayari dito. Patunay lang na totoo ang lahat , tumakas nga at tumawid sa mundo niyo ang isa sa mga anak ni Don Fernando.”
“kalokuhan, paano naging totoo ang isang kuwentong alamat. Alam niyo , subrang marami na akong nakita at narinig mula sa mundo niyo. At nakakatawa mang aminin, hanggang ngayon Wala parin akong naintindihan. Gusto ko nang bumalik sa mundo ko.”
“Mabuti pa nga, bumalik ka na muna sa mundo niyo. Hanggat hindi pa malinaw ang lahat.” Ayon pa kay Khuzgan.
At sa isang pag kurap lang ng mga mata ni Juancho wala na agad ito sa lugar,. Nakabalik na si Juancho sa reyalidad, ngunit balot parin ito ng pagtataka at katanungan. Natagpuan na lang nito ang sarili na nakatayo sa gitna ng isang kalye kasama si Khuzgan na ngayon Isa na namang matipuno at guwapong lalake.
Naglakad ang dalawa sa kahabaan ng Elfan habang naguusap.
“Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Bakit paulit ulit ito. Kanina lang nasa bahay Ako tapos napunta ako sa mundo niyo, Ngayon narito na naman tayo sa kalyeng ito.”
“Wala akong sagot sa mga katanungan mo. Maging ako man may mga ilang katanungan din. Nakakabahala ang kusang pagbukas ng lagusan na hindi ko alam.”
“Pero bakit nandito tayo? Ano ang meron sa kalye na ito at pabalik balik ako dito”.
“Ang Elfan street at ang Elphania ay iisa, ito ang salamin ng mundo namin sa mundo niyo. Ang kalye na ito ang nag sisilbing portal ng mga taga Elphania kung nais nilang tumawid dito. Marami pang lugar sa mundo niyo na nagsisilbing portal sa aming daigdig at Isa lang ang Elfan.”
Pumara ng taxi si Juancho para Maka uwi na ito sa kanila. Nagulat ito nang sumakay din sa pinara nitong kotse si Khuzgan.
“Teka, bakit ka nakisakay? uuwi na Ako. Bumalik ka na rin sa Inyo.”
“Kung nasaan ang lagusan naroon dapat ang tagabantay. Kaya sasama ako.”
“what ever,… kuya sa North Capital tayo.” Sabi na lang nito sa taxi driver.
Wala nang nagawa si Juancho kung di ang isama si Khuzgan sa kanya. Nang makauwi ito sa kanilang bahay, naabutan nito sa labas ng kanilang gate ang kotse ni Princess. Nagmadali itong pumasok at sa sala ,naroon nga si Princess. Nagtaka si Juancho kung bakit umiiyak ito. Lumapit ang kanyang ina kay princess.
“Ano ang ginagawa niyan dito?” tanong ni Juancho sa Ina.
Ngunit tila hindi ito naririnig ng kanyang Ina. Kaya lumapit ito. Mas nagtaka si Juancho nang tila hindi siya nakikita at napapansin ng dalawa. Napatingin sa kanya ang kanyang Ina. Ngunit blangko lang Ang tingin nito na tila naka tingin lang sa hangin.
“Nakalimutan ko yatang saraduhan ang pinto, sandali lang Princess.” pagkatayo ng Ina ni Juancho, sinalubong niya ito. Ngunit tumagos lamang sa kanya ang kanyang Ina.
Nagtaka si Juancho sa nangyari. Tumagos lang sa kanyang katawan ang kanyang ina. At talagang hindi siya nito nakikita. Agad niya nilingon si Khuzgan at tinanong ang nangyari sa kanya. Ngunit maging si Khuzgan hindi alam ang nangyayari. Ngunit isa lang ang ibig sabihin sa kanyang nasaksihan.
“Isa na akong kaluluwa, ano ako patay na?”
“Iba ang espirito sa kaluluwa, buhay ka hindi patay. Marahil may nangyari lang sa katawan mo. Iyan siguro ang dahilan kung bakit ka nakapasok sa mundo namin. Dahil sa isa ka nang espirito katulad namin. Kami ang espirito ng kalikasan, mga elemental na bumabalanse sa pusod ng mundo. At sa nakikita ko sa iyo ngayon, katulad ka na sa amin.”
“Hindi puwede, kailangan kong bumalik sa pamilya ko. Kailangan ako ng pamilya ko. Khuzgan tulungan mo ako. Paano ba makabalik sa dating ako?!”
“Ngayon lang din ako nakasaksi nang ganito, Mabuti siguro kung hintayin na lang natin ang mga susunod na mangyayari. Marahil may dahilan ang lahat ng ito. Hayaan mo nandito ako para gabayan ka.”
“Nabanggit mo kanina, kung saan ang lagusan naroon ang tagabantay. Ano ang ibig mong sabihin?”
“Nang makita kita sa ganhaan ng lagusan, bigla na lang nag laho sa paningin ko ang lagusan. At nang makatawid na tayo sa mundo namin. May kung anong puwersa ang lumukob sa iyo. At nang himiling mong bumalik sa mundo niyo. Hindi na ako ang may gawa nun. Naisama mo na lang ako sa pabalik dito. Sa pagtalaga sa akin bilang taga bantay ng lagusan. Nakatali na ang katapatan ko na hindi iiwanan ang tawiran.”
Ano mang hiwaga ang nangyari kay Juancho. Naging malaking palaisipan din ito kay Khuzgan nang matuklasan nitong ang katawan na mismo ni Juancho ang nagsisilbing lagusan at tulay sa magkabilang daigdig. Bagay na lalong gumulo sa isip ni Juancho.
Binalikan ni Juancho ang unang mga sandali bago pa nangyari ang mga kababalaghan sa kanyang buhay. At nangyari ang lahat ng ito noong araw na nakipag hiwalay sa kanya si Princess.
Gusto mang sumigaw at huwiyaw sa galit at inis si Juancho, wala rin silbi dahil hindi naman ito naririnig ng kanyang pamilya.
Nakasandal ito sa pintuan ng kanilang bahay nang may dumating na lalake sa bahay nila at may ibinalita sa kanyang Ina. Isang pulis. Lumapit si Juancho para marinig ang pinag uusapan nila.
“Natagpuan na namin ang kotse ng anak mo. Lumubog ito sa ilog malapit sa tulay ng Trese Andas. Marahil nahulog sa kalapit na bangin ang kotse,. Ngunit pasensiya na ma’am,hindi namin natagpuan ang kanyang katawan. “
Humagulgol na lang ang Ina nito. Gusto mang yakapin ni Juancho ito, hindi naman nito maipapadama na nasa tabi lang siya ng Ina. Sakay ng police mobile sumama ang Ina at mga kapatid ni Juancho sa pulis upang puntahan ang ang site kung saan natagpuan ang kotse ni Juancho.
“Gusto mong sundan sila?” tanong ni Khuzgan kay Juancho na puno ng kalungkutan ang mukha.
“paano? lilipad tayo? “
“Isa ka ng espirito, at bukod doon ,Isa ka nang lagusan. Kaya mong magpalipat lipat kung saan na gusto mo. Kaya mo rin balikan ang nakaraan at silipin ang hinaharap, Iyan ang kakayahan ng lagusan na naipasa sa iyo. Isipin mo at magagawa mo.”
Ginawa ni Juancho ang sinabi sa kanya ni Khuzgan at sa isang iglap lang nasa bangin na sila ni Khuzgan malapit sa tulay sa lugar na sinabi ng pulis. Ngunit kapansin pansin na tahimik ang lugar, at wala doon ang mga pulis.
“Ano na naman ito? iposible namang nauna pa tayo sa mga pulis na iyon?”
“Hindi tayo na una, bumalik tayo sa Oras nang pangyayari. Sa araw na may nangyari sa iyo.”
Pagkasabi na iyon ni Khuzgan napalingon si Juancho sa bandang tulay, napansin nito ang isang kotse na mabilis ang takbo at medyo pa giwang giwang. Nang malapit na ito sa daan kung saan sila nakatayo ni Khuzgan. Nagulat ito nang makilala ang kanyang kotse at sakay siya nito. Mabilis ang takbo ng kotse hanggang sa dumiritso na lang ito sa bangin sa gilid ng kalsada. Sa harapan ni Juancho nakita nito ang buong pangyayari. Tuloy tuloy ang kotse pababa sa bangin hanggang sa bumulusok na lang ito sa ilog, at nilamon ito ng tubig.
Doon bumalik ang lahat kay Juancho. Naalala pa nito. Nang araw na nakipag hiwalay sa kanya si Princess, naglasing ito nang subra dahil sa nangyari. Papauwi na ito nang makaidlip at nawalan ng kontrol sa kanyang kotse kaya naikabig nito sa bangin ang sasakyan hanggang sa tuluyan na nga itong nahulog at lumubog sa ilog.
Gumuho ang lahat kay Juancho nang magsibalikan sa kanyang alaala ang mga nangyari. Inisip nito na patay na siya at isa na lang itong kaluluwa.
“Gaya nga nang nasabi ko magkaiba ang espirito sa kaluluwa. Hiwalay ang buhay sa hininga. Hindi ka pa patay Juan, tingnan mo.”
Nang may itinuro si Khuzgan kay Juancho sa ilog kung saan lumubog ang kanyang kotse. Lumiwanag ang bahagi ng ilog kung saan naroon ang kotse ni Juancho. Isang kalapati ang lumilipad ng paikot ikot sa ibabaw ng ilog. At mula sa tubig lumutang ang katawan ni Juancho at nabalot ng iba’t ibang kulay ng liwanag habang patuloy na iniikitan ng isang putting kalapati.
Tinangay ng liwanag ang katawan ni Juancho mula sa tubig ng ilog, at naglaho ito sa kawalan. Ang lahat ng ito nasaksihan ni Juancho nang bumalik ito sa simula. Lumapit sa kanya si Khuzgan at hinawakan ito sa kanyang balikat.
“Ngayon malinaw na sa akin kung ano ang nangyari sa iyo Juan. Isang espiritong gala ang tumulong sa iyo, at nagligtas ng buhay mo. Kung sino man siya, nasa pag iingat niya ang katawan mo. Siya din ang nag dala sa iyo sa akin. May malalim na kadahilanan kung bakit ka niya tinulungan.”
“Ang puting kalapati, noon pa man madalas ko nang nakikita ang ibon na iyan. Naalala ko pa noon, sa kalye ng Elfan mismo nakita ko siyang may bali sa pakpak. Inuwi ko siya sa bahay at inalagaan, pinangalanan siyang Adarna ng mga kapatid ko dahil sa pulang balahibo sa kanyang dibdib. Siya ang nagturo sa akin sa antique shop, kumatok sa aking bintana.”
“Kung noon pa man sinusundan ka na niya, ibig sabihin mahalaga ka sa kanya. Ang mga esperitong gala tagadala ng buhay sa lahat ng mga nilalang sa mundo namin maging sa mundo niyo. Ngunit hindi lahat sa kanila kaligtasan ang dala. Ang iba sa kanila tagahatid ng luha at pait. Mapalad ka at isang mabuti ang napunta sa iyo. “
“saan ko maaring mahanap ang katawan ko?”
“Kung nasaan ang ibon na iyon naroon ang katawan mo. Kailangan mo lang hanapin kung saan siya naglalagi. Kadalasan nasa tabi tabi lang ito ,nagbabalat kayo. Mahirap silang hanapin, liban na lang kung kagustuhan nila ang sa iyo ay magpakita.”
“parang ibong Adarna”.
“Parang ganun, mailap ang mga esperitong gala sa karamihan. Mapili sila, at dahil nasa kanya ang katawan mo. May koneksiyon kayo sa isa’t isa. Madali mo lang siya makikila kung makiramdam ka lang nang mabuti.”
“Saan natin sisimulan ang pag hunting sa kanya? Kailangan ko mabawi agad ang katawan ko.”
“Sisimulan natin kung saan mo siya noon unang natagpuan.”
“sa Elfan street.”
“Pero bago ang lahat kailangan muna natin mag balat kayo bilang ibang tao.”
“Bakit pa hindi rin naman tayo nila nakikita”.
“Paano ka nakapagpara ng taxi kung hindi ka nakita ng driver? Nakikita ka rin ng ibang tao liban na lang sa mga tao na nakakakilala sa iyo. Dahil para sa kanila, nawawala ka. Pero kung nais mo na makita ka nila, dapat sa ibang katauhan o anyo. Maging ibon ka , aso,pusa , insekto o kahit anong nilalang na gusto mo. huwag lang lamok baka palad nila ang huli mong makita.”
“paano kung tao? Tulad mo.”
“Puwede, Isa ka ng esperito, at dito sa mundo niyo may kakayahan kang gawin Ang nais mo. Pero kapag nasa mundo ka na namin. Ordenaryo ka paring tao.”
Nagpasya na nga si Juancho na sisimulan ang paghahanap sa kanyang katawan na tinangay ng esperitong gala. Bumalik sa kasalukuyan sina Juancho at Khuzgan. Bilang magkapatid na pulubi sa lansangan. Tumayong bunsong kapatid na lalake ni Juancho si Khuzgan na nagbalat kayong bilang bata.

