loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
AFTER ALL [Completed]

AFTER ALL [Completed]

YorTzekai · 26 chapters · 31,208 words

AA ~ Introduction.

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are

purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


After 6 years ay nagbalik ang ating bida.

Yuri Mendoza, mas matured na kesa sa noon pero makulit pa din hanggang ngayon.

Now he owns several branches of Salon over the metro.

After 6 years matagpuan na kaya nya ang tunay na pagmamahal? Pagmamahal na ibinaon nya sa limot noong High school pa sya.

Muli kayang mag krus ang landas nila ng kanyang mga dating pag ibig o makahanap sya ng bago na makakasama sa habang buhay?

Magbabalik ang tropa,may dadagdag na bagong karakter at may magbabalik mula sa mga naunang serye.

Ating subaybayan ang panibagong yugto ng buhay ni Yuri :)))

AA o1 ~ The Start!

RIINGGG! RINGGG! RINGGG!

Luhh? Takteng yan! Kanina pa yang mga tawag na yan! Kakapagod sumagot! >_<

Inis na kinuha ko ang telepono sa cradel nito at sinagot.

“Odi kanina kapa! Mamaya na tayo mag usap!” bungad ko pagka sagot na pagka sagot ko dito.

“HUH? Odi ka dyan! Its me” sabi ng nasa kabilang line. Agad naman ako napatahimik.

“Kuya Jiian ikaw pala,napatawag ka?” malumanay ko ng sagot. Si kuya Jiian lang pala.

Si kuya Jiian ay may kambal,si Ate Angel, anak sila ni Tito Paul na Pinsan ni Papa sa mother’s side. Si tito ,may asawang beki,si Ate Chekai. Mahirap paniwalaan pero yon ang katotohanan. The are living together for almost 26 years now. Pano nagka anak? Well science is the answer! How I wish maging ganun din ako haha! Si Kuya Jiian at Ate Angel sa family company din nagtatrabaho,it runs in the blood haha!

“I will just remind you about the party later,agahan mo, youre Ate Angel needs you,sige na bye” at binabaan na nya ako =__=

Ganyan si Kuya Jiian,sala sa init,sala sa lamig haha! Hindi katulad ni ate Angel cool na cool ^_^

Agad kong inayos at tinapos lahat ng paper works ko para wala na ako babalikan. Grabe hindi ko inexpect na aabot ako sa ganito, na magkakaron ng sariling negosyo. Isang salon na sikat na ngayon and fortunately nag extend kami ng mga branches over the metro.

Pano ko naabot ang ganito? Sa tulong ni Tito Paul, six years ago ng inalok nya na pag aralin ako dahil nabalitaan nga nya na medyo kapos na kami ng mga magulang ko.

Kinuha nya kami. Pinag aral ako sa isang magandang unibersidad at nakapagtapos naman ng may magandang ibinunga. Si Papa kinuha ni Tito Paul para maging isa sa mga Stock Holder ng Zaavedra Group of Companies. Si Mama nanatiling housewife with side rocket. Ang buy&sell.

Nakapag patayo kami ng bahay sa mismong tabi ng bahay ni Tito. Ang galing no? Proud naman ako sa mga nangyari samin ng pamilya ko. Sariling paghihirap namin yon no? With the help syempre ni Tito Paul :)

Ang totoo nyan hindi naman talaga kami sa malayong lugar nagpunta. Sinabi ko lang iyon noon para mag expect sila na hindi na nila ako makikita. I tried my very hard para hindi magkrus ang mga landas namin,and for the past six years, I think I succeeded.

During those days what really shocked the hell out of me ay ang katotohanang ang kuya Dex pala ni Kurt ay tropa ni Kuya Jiian,and what’s more surprising? Dun din pala sila nag aral sa St.Adams.

Kaya ganun na lang talaga ang pag iwas ko pag nag open up na sina Ate Angel at Kuya Jiian about sa tropa nila. May isang beses pa sinabi sakin ni Ate Angel na nakita daw nila kami noon ni Kurt sa parking ng campus,nag walk out daw ako at iniwang luhaan si Kurt! Gawd! Ewan ko sa kanila! Lakas nila maka reminisce!

Napatigil lang ang paglilitanya ko sa isip ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang Adonis! XD

Si Odi ^____^

“Kuya Jiian invited me to the party kaya sabay na sana tayo” nakangiti nyang sabi.

Ako,natulala, tang ina naman kasi sa kagwapuhan tong impaktong to! Everything about him seems to be perfect.

Diyosko! Bakit lumikha ka ng ganitong nilalang? XD

“Ganon ba? Sure lets go,para maayusan ko na din si Ate Angel” sagot ko at niyaya na syang lumabas sa personal office ko.

Siya si Leandro Cyrus Villarin a.k.a ODI.

Kung bakit Odi nickname nya? Aba ewan ko sa kanya! :D

Nakilala ko sya nung senior year ko sa college. Accidentally na nagkabungguan sa canteen dahil tinatakasan nya mga crazy fan girls nya. Then the rest is history. Basta nag jive kami. And nagustuhan ko ugali nya, he respects me,he never judge me despite of what I am and who I am.

Ganun pa din naman ako eh,simple, I never cross dressed nor use make up’s kahit may salon ako. I just dont feel na magpa gurl ng bongga. Tulad ng sabi ko noon, what you see is what you get. Gets? Good XD

“Maganda si Marian no?” ani Odi ng makapasok kami sa kotse ko. Sya na lang pagdadraybin ko no.

“Siyempre magaling pumili si Kuya Jiian, tingnan mo naman mga anak nila” sagot ko at sumandal na sa pagkaka upo habang nagsimula na magmaneho si Odi.

“Tama, maganda din si Ate Angel,pero talagang hindi ko lubos maisip kung bakit ang pinsan kong baliw ang napangasawa non? Buti na lang kay Ate Angel nagmana ang pamangkin ko haha!” masaya nyang tugon. Maski naman ako nagulat na praning pala yung asawa ni Ate Angel,si Brian. Ang liit talaga ng mundo na pinsan pala yon ni Odi. Sa lahat naman ng kaibigan nina Ate at Kuya eh si Brian palang nakakakita sa akin sa loob ng anim na na taon. Syempre kinausap ko sya na wag magdaldal,mahirap na.

Pero bilib ako sa samahan nila ah? Six years na din. Hayst,bigla ko na miss ang tropa. Kamusta na kaya sila?

Panay lang ang kwentuhan namin ni Odi hanggang makarating ng bahay. Medyo may mga tao na nag aayos ng mga lamesa sa may garden. May konting bisita na din.

Sa totoo lang hindi dapat ako magpapakita dito dahil nga ayoko makita ako ng kuya ni Kurt dahil panigurado imbitado yon.

Pero kinulit ako ng kambal, no choice ako, pero siguro okay na din yong 6 years na pagtatago. Dapat na siguro akong humarap at magpakita sa mga taong bahagi ng nakaraan ko.

Pag pasok namin sinalubong agad nina Kuya Jiian at kuya Brian si Odi. At nagpaalam naman ako sa kanila na pupuntahan ko na si Ate Angel sa kwarto nito.

Nakita ko pa nga sina Mama at Papa kasama ni Tito Paul at Ate Khai sa may kusina. Wow ha? Trip nila maging tagaluto.

Masyado ako madaming napapansin, makapunta na nga kay Ate baka naiinip na yon don.

AN- Sana may magcomment at vote =)

AA o2 ~ The Party!

Yuri’s POV :)

And finally,narating ko din ang kwarto ni Ate Angel. My Gawd naman kasi tong bahay nila, kahit ilang beses na ako pabalik balik dito napapagod pa din ako sa sobrang laki. Kung may baguhang papasok sa bahay na to malamang maligaw!

“After 195.6 years you finally came” salubong ni Ate Angel sakin ng pumasok ako sa kwarto niya. Nakaharap na sya sa salamin nya. Excited lungs?

“Pasensya naman teh ha? Ang layo kasi ng kwarto mo,ilang kanto pa dito sa second floor ang niliko ko,kung bakit kasi tagong tago ang kwarto mo?” sagot ko at lumapit na. I prepared na my make up kit.

“Haha! Para hindi madali mahanap ng mga pinagtataguan ko” sabi nya while Im putting foundation on her face.

“Ate sabihin mo nga sa akin bakit kailangan ng party party na yan?” tanong ko naman.

“Actually its a Grand Reunion ng tropahan nina Mom at Dad,plus ng tropa namin. Matagal tagal na kasi yung last time na nagkasama lahat” magiliw na sagot ni Ate Angel.

Ang ganda talaga neto,pangitan ko kaya ang make up? Haha! Huwag baka mapatay ako ng wala sa oras XD

“Ow,I see,kaya invited din ang mga malalapit na kaibigan? Pati kami nina Mama?”- ako.

“Oo naman,walang exemption,and its about time na makita ka na nila no? My God Yuri youre now 21 years old and still youre acting like the old bitter high school Yuri” sabi nya. Okay?! Ang brutal nito ni Ate ah?

“Sobra ka ate ah! Papapangitin kita sige ka!” nasabi ko na lang,then she chuckled.

After 30 minutes natapos na din kami. Sinabihan na din ako ni Ate na mag prepare na. Dahil nga katabi lang ang bahay namin may sarili kaming daanan haha!

Naligo agad ako, I blow dry my hair after ko makapag bihis. Fitted na jeans,shirt na color pink. Then itinali ko buhok ko pataas.

Ganyan lang ka simple. Wala ng che che bureche o kung ano pa man. I told you,hindi ako yung beki na ganun okay? =)

7pm na at mukhang nagsisimula na din sila. Nagdatingan na mga bisita. Iginala ko ang paningin nagbabaka sakaling makita si Odi.

Pero iba ang nakita ko at nakakuha ng atensyon ko, ang tropa nina Kuya Jiian at ate Angel na naka pwesto sa isang long table.

I was amazed ng may makita akong kalahi! Haha! In all fairness,maganda sya ha? Beauty Queen material na beki. Napansin ako ni Ate Angel kaya she gestured na lumapit ako,and so I did.

Pinakilala nya ako at magalang naman din ako nakipag kilala.

“Guys this is our cousin Yuri, Yuri they are Dex at asawa nyang si Honey,Brylle at asawa nyang si Ira,Kevin and Arvin the lifetime partner,Pipay and Prinz ang magjowang baliw” sabi ni Ate Angel. The thing is,they are still looking at me.

“I remember now, youre my brother’s ex boyfriend” sabi nung Dex. Waahh! Nakakahiya!

“Sa wakas nakilala ka na din namin,pinsan mo pala tong kambal” naka ngiting singit naman ni Honey.

Pinaupo nila ako at ininterogate. Santisima barbaridad! Kung baliw ang mga tropa ko parang ang mga ito ang ninuno! Dinadagdagan pa ni Kuya Brian! Ang saya nila! Ang saya nilang ginigisa ako,mga animal! XD Tatawa tawa lang si Ate at Kuya.

“Hoy ate Marian wag ka na makitawa utang na loob! Wala ako kakampi! Ate Angel sige dagdagan mo pa! Hindi ko aalagaan mga anak nyo!” sabi kong ganyan na tinawanan lang nila.

Pero deep inside natutuwa ako dahil nakilala ko na sila. Its not that bad after all.

“Andito ka lang pala” napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Odi.

“Odi boy! Pinsan upo ka,makisaya ka sa amin” bati ni Kuya Brian dito. Umupo naman si Odi sa tabi ko. Then pinakilala din sya sa mga ito.

And guess what? Salitan ang tingin nya sa mga mag parter na Pipay at Prinz, Kevin at Arvin, then bumulong sya.

“Yuri is that for real? Is it just me or talagang normal na sa kanila ang ganyan”

“haha! Yup, believe it or not Yes,normal na sa kanila at tanggap nila yon” natatawa kong sabi. Syempre bilang straight na lalaki si Odi hindi nya naiisip ang mga ganyang posibilidad na ang same sex ay pupwede pala.

“Look at that Kevin and Arvin,sayang lahi nila” patuloy na bulong ni Odi,na ikinaka ngiti ko na lang.

Maya maya ay tumayo si kuya Dex at may kinausap sa phone. Lumayo ito na parang may pupuntahan.

“Pasensya na po, naligaw ako” sabi ng pamilyar na boses. So para makasiguro. Lumingon ako. And I was right.

Si Kurt.

Mejo natagalan ang pagtingin ko sa kanya,naramdaman nya siguro kaya napatingin sya sa akin. Ganun na lang ang panlalaki ng mata nya eh! Epic!

“Yuri? 0_0”

“ako nga” naka ngiti kong sagot. Bigla sya ngumiti,lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi pa din sya nagbabago,the same old Kurt :)

“The long lost ex lovers” biglang sabi ni kuya Brian. Nagtawanan tuloy lahat,saka lang sya bumitaw sa pagkaka yakap.

“Im sorry,natuwa lang akong makita ka after all these years” paumanhin nya,then he smiled. “you are still that beautiful,thanks at hindi ka nag iba” dugtong na bulong nya na sinagot ko lang ng ngiti.

“Kurt,maupo kana, magpapa serve na ako ng makakain natin para tuloy tuloy ang party” singit ni Kuya Jiian at tinawag na nga yung isa sa mga waiter na nag a-assist.

“I must say, magaling pa din kayo mag cater teh,and the waiters? Malakas maka attract ng costumers” maya maya ay sabi ni Ate Ira kay Pipay.

“Syempre naman, you know that,our resto is one of a kind at talagang dinudumog at binabalik balikan. I really dont know na sa pagluluto at managing a restaurant kami mapapadpad nito ni Prinz kahit Educ ang course natin” sagot ni Pipay.

Wow! Restaurant nya ang nag cater dito? Sosyal ah?!

“Huy” bulong ni Odi,nasa kanan ko sya at sa kaliwa naman si Kurt.

“Bakit?” tanong ko.

“Ex mo talaga yan?” sabay turo ng nguso kay Kurt. Nu ba yan! Kahit naka nguso ang gwapo pa din ng tukmol.

“Oo,but that was six years ago,at bata pa kami nun no, kaibigan na lang kami” sagot ko. Nag nod lang naman sya na parang kontento na sa sagot ko.

Later on,inilalapag na sa mesa namin ang mga foods, adobo,karekare etc etc. At talagang umatake na naman ang pagka patay gutom ko. Inunahan ko sila sa pag sandok sa kanin, then kumuha agad ng adobo at leche plan.

Mukhang mapapadami kain ko ^_^

Pag angat ko ng tingin,lahat sila nakatingin sakin.

0_0

“Bakit Po?” takang tanong ko. They just shook their heads, and me? I just ignore it, I have no time in deciphering kung bakit sila ganun maka tingin, whats more important ay malagyan ng laman ang aking tyan XD

“Hindi ka pa din nagbabago” sabi ni Kurt na ikinalingon ko. He was smiling. Ang saya mo dre ah?

“Hihi ganun talaga, just like you, you havent change” magiliw kong sagot,ngumisi lang sya at pinagpatuloy ko na ang pagkain.

The food were excellent! Superb! At hindi na ako makahinga,pakiramdam ko isa akong buntis na malapit na manganak. They were all talking bout their happy old days when I excused my self.

“San ka pupunta?” sabay na tanong ni Odi at Kurt.

“Sa CR” sagot ko at dire diretso na akong

Ng makatapos ay lumabas na ulit ako. Nakasalubong ko naman si Te Khai. He grabbed me at dinala naman dun sa pwesto nila. Andun sina Mama at Papa.

“Guys,I want you to meet,ang dalaga nina Kenji at Rizza, si Yuri, ang ganda diba?” pagpapakilala sa akin ni Te Khai. Nakangiti si Papa at si Mama naman namumula. Nahihiya siguro.

“Hello po” sabi ko, hindi ko maalala mga name nila,mas madami sila kesa kina kuya Jiian eh. After nila ako kausapin nagpaalam na ako sa kanila na babalik na sa pwesto ko. Nagbilin naman sina Mama at Papa na wag daw ako papakalasing. Ngek? Eh ayan lang bahay namin sa tabi at pag nalasing ako pwede naman na dito kina Tito Paul matulog,ang adik lang nila eh XD

Lumingon ako sa kanila saglit,nakakatuwa, even though nasa early 40’s na sila,magaganda at gwapo pa din sila,lalo na sina Mama,Papa at Tito Paul ^_^

Kung titingnan sila ngayon na nag uusap hindi mo iisiping mga corporates sila ng malalaking negosyo at may mga sariling bussiness. Para silang bumalik sa kabataan nila.

So this is the essence of this Grand Reunion. I hope one day may ganito din kami ng tropa.

Pag harap ko bigla ako napahawak sa ilong ko,nabangga kasi ako sa isang tao.

“Ang tagal mo bumalik” sabi nito.

“Kurt?”

“Sino pa ba? Tara kwentuhan naman tayo, tagal natin hindi nagkita eh” sagot nya at hinila nya ako palabas.

Ako naman nagpati anod lang,gusto ko din naman malaman ano mga kaganapan sa kanya sa loob ng anim na taong nakalipas pati na din sa tropa.

“May nadaanan akong park kanina,its better na dun tayo mag kwentuhan para tahimik” sabi nya habang hila hila pa din ako. Ang bilis nya lang maglakad.

AN ~ Slow update muna tayo dito, kung kakayanin ko mag slow update haha! Please comment and vote naman po :) maraming salamat ;*

About the characters :)

Kevin & Arvin sila po ang bida sa story na gawa ko din ang “Just Believe” na sinundan ng story ko din na “You are my dream” na sina Dex at Honey ang bida.

Brian,Brylle,Ira,Pipay,Prinz,Jiian at Angel ay mga katropa nila :) read it if you like =p

At yung mga tropa naman nina Paul at Khai ay nasa unang kwento ko, ang “Love always finds a way” syempre sina Paul at Khai ang bida XD

Wala lang, gusto ko lang ishare HAHAHA! Have a nice day powsz! XD

  • Tzekai

AA o3 ~ Truth or Dare?

Yuri’s POV :)

“Kamusta ka na?” tanong ni Kurt ng makaupo na kami sa isang bench. Nandito na kami sa park na sinasabi nya. Natawa nga ako kasi mini park lang to at may playground. Kumbaga ito ang park ng subdivision.

“eto okay naman,masaya,kasi naka ahon na kami sa hirap at may sarili pa akong negosyo kahit 21 palang ako” sagot ko naman.

“Good to know that,na miss kita, na miss ka ng tropa, walang araw na hindi ka topic” sabi naman nya. Napangiti naman ako. Ganun naman kasi talaga ang tropa kahit dati pa eh diba?

“Im glad na youre doing okay after ng lahat ng nangyari,and I can see na your more stronger and determine now”

“Haha! Ganon naman talaga,sa dami ng naranasan ko before diba? Kailangan ko maging matapang at matatag,for my family and for myself” nakangiti kong sabi.

Sabay kaming napatingala. Hay ang ganda ng langit. Ang daming bituin. Parang nangyari na to dati na nag usap din kami tas maganda kalangitan? Dejavu!

“Yung Odi, boyfriend mo ba yon?” maya maya ay tanong ni Kurt na nakatingin pa din sa langit.

Napatingin ako sa kanya at ganun din sya. Ngumiti ako bago sumagot.

“Si Odi? Tropa lang yon,parang kayo nina Jopet sakin noon. Mabait si Odi,responsable,mapagmahal na kaibigan,anak at kapatid, though talagang makalaglag panty sya at ubod ng bango,unfortunately,hindi nya ako type!” sabi ko saka tumawa. Natawa din naman sya sa sinabi ko.

“Pero type mo sya?” sabi ni Kurt na ikinatigil ko sa pagtawa. “Im sorry” dagdag nya ng hindi agad ako nakapag salita.

“No,you dont have,its not that kaya hindi ako sumagot,the truth is, crush ko lang si Odi at ang pagtingin ko sa kanya ay tulad ng pagtingin ko kina Jopet,Pat,Clyde at sa iba. Kasi I dont think na kaya ko pa magmahal or pumasok sa isang relasyon after ng mga nangyari diba? You exactly knew what I mean. Besides masaya na ako dito. Saka hindi rin siguro deserving na magkajowa ang tulad ko” mahaba kong litanya at dinugtungan ng pagak na tawa.

“No! That’s not true! Look at tito Paul and ate Khai, kuya Kevin and kuya Arvin,Pipay and kuya Prinz,nagtagal sila, dumanas sila ng madaming bagay bago sila dumating sa ganong nakikita natin,hindi sila bumitaw at nawalan ng pag asa,kaya dapat ikaw din Yuri,huwag sumuko at mawalan ng pag asa” pag disagree nya sa akin. Tama din sya dun. Pero iba na talaga ang paniniwala ko.

Call me stupid,moron,tanga. Pero I dont find myself na matutulad kina tito Paul.

“Magkakaiba naman kami Kurt eh,basta yon na yon,huwag ka na lang magpumilit kung ayaw mo mabasagan ng wisdom tooth okay?” nasabi ko na lang,ayoko na pag usapan pa yon eh XD

“Hahaha! Ikaw talaga! Yan ang hinahanap hanap namin eh!” sabi nya.

“Dapat lang!” sabi ko naman at tumayo na. “tara,balik na tayo sa party baka hinahanap na nila tayo” dugtong ko.

Habang naglalakad eh nag uusap pa din kami.

“Kelan mo balak magpakita sa tropa?”- Kurt.

“Pag hindi na busy,alam mo naman” simpleng sagot ko.

“Sus,wala ka ng choice no,Alumni Homecoming kaya ng Batch naten next saturday,wala ka ba natanggap na notification?” takte! Oo nga pala! Montik ko na makalimutan! O talagang kinalimutan ko dahil ang unang balak ko talaga ay wag pumunta? XD

“Oo nga pala! Good at pina alala mo” sabi ko. Sakto naka dating na kami.

Madami pa din bisita,parang mga hindi nauubusan ng energy at sasabihin.

Muli kaming bumalik sa pwesto nina kuya Jiian.

0_0 ?

Kaloka tong mga to?! Nasa isang magarang party kami tas sila naglalaro ng spin the bottle? Lakas ng amats nila ah? XD

“Naalala ko yang spin the bottle na yan! Dyan ko kauna unahang nakita magkiss si Papa Kevz at Arvin hahaha!” sabi nung Pipay,nagtawanan lang sila. Kami ni Kurt tinitingnan lang ang laro nila. Para silang mga bata.

“Tama! Tanda ko din na halos gusto na magwala ni Ikhai nun! Parang Emily rose lang!” banat pa ni Ate Ira.

Napangiwi ako sa nadinig.

Emilyrose? Yung sa Exorcism yon diba? Katakot pala yung Ikhai na binanggit ni Ate Ira.

At biglang tumutok sa akin ang bote.

0_0

“kasali ba ako?” takang tanong ko. Hala? Pag Truth nakaka kaba,pag dare ganon din. Kaya ayoko ng ganyang laro eh >_<

“Nasa table ka namin kaya kasali ka” sagot ni Kuya Jiian.

Lahat tuloy silang magtropa sa akin na nakatingin. Bigla dumating si Odi at naki sali sa amin.

San galing to?

“Okay cous,truth or dare?” naka ngising tanong ni Ate Angel.

Waaahhh! Kainis naman!

“Truth!” sagot ko. Lalo lumapad pagkaka ngisi ni Ate. My Gawd! Penge sinulid at karayom! Tatahiin ko lang bibig nya!

“Good choice! So here’s the very beautiful question”- Ate Angel.

Napalunok ako ng laway,pakiramdam ko ipapahamak ako ni Ate haha!

“Sino ang una mong natikman? At naka ilan kana?” tanong ni Ate Angel.

Potaneslul! 0_0

Pakibalik yung panga ko na nalaglag sa lupa! Grabe sa tanong! Nakakawala sa katinuan! Nakakawala ng moralidad! Haha tae namang tanong yan! T.T

Nilibot ko ang tingin sa kanila,lahat nag aabang. Lalo na si Kurt at Odi na mga nakiki ngisi din!

Mga tipaklong kayo! Naka ngisi pa kayo dyan!

“Uhm,ahh ,. Si.. Si..” hindi ko alam kung sasabihin o hindi,tungunu kase eh! Hindi naman ako sanay sa mga usapang ganyan eh! =__=

“Ang tagal!” reklamo nila kaya nagulat ako at napasagot agad.

“Si Gelo lang! At isang beses lang!” sabi ko na nataranta.

Nagtawanan sila,hindi ko alam kung sa reaksyon ko o sa sagot ko.

“Kawawa ka Bro! Naunahan ka pala nung Gelo” sabi ni kuya Dex, si Kurt naman tulad ko ay namumula na din. Ang adik ng mga to eh!

“Odi boy,paranas mo ang second time kay Yuri” sabi ni Kuya Brian at humalakhak pa. Sige! Kita ko lalamunan mo! Pasukan sana ng lamok! XD

“Baliw ka kuya!” sagot lang ni Odi.

Natigil ang paglalaro nila ng spin the bottle pero ako pinag uusapan nila. Kawawa daw ako kasi isang beses lang at hindi nasundan. Kung pag usapan nila ako parang hindi nila ako kasama,mga pinuno talaga ng mga baliw. Kung pwede lang mag teleport ala Son Goku ginawa ko na maka alis lang sa sobrang kahihiyan sa mga to eh.

No wonder talaga at nagclick silang magtotropa. Mga baliw! XD

AN ~ Lazy update pa. Ayoko magmadali sa mga maaari pang mangyari eh. Pero ngayon palang nagpapasalamat na ako sa mga bumabasa at magbabasa,at kung may mag comment,mas maraming salamat talaga :)

@Crildyl > ikaw kauna unahang nagcomment sa story na to,maraming maraming salamat po ;*

AA o4 ~ Alumni HomeComing!

Yuri’s POV

High pa din ako till now dahil sa takteng Spin the bottle na yun last saturday dun sa party!

Since then,hindi na mawala sa isip ko si Gelo. Parang bigla bigla namiss ko sya,namimiss ko na tawa nya,ang halik nya,the way he touch,the way he smiles, I missed everything about him! Damn it!

For the past six years I tried not to think of him,though sobrang imposible at mahirap nung una. Pero nung kalaunan,nasanay na din ako.

Pero ng dahil lang sa simpleng spin the bottle na yon biglang parang nawala yung paghihirap kong kalimutan sya? Ngayon every minute,every second pumapasok sya sa isip ko and its driving me crazy!

Parang nabalewala yung six years of forgetting and moving on,mahal ko pa din ba sya? Or sadyang bigla ko lang sya na miss? Tse! Kabuang! >_<

Nandito lang ako sa personal office para sa last set ng mga pipirmahan at mga paper works. The good thing about being the owner is hindi ko kailangan magbabad dito 24/7. I have a good set of employees, of which I can really trust and relay to. Kahit iwanan ko sa kanila to,tatakbo at tatakbo ang negosyo ko basta every weekends nandito ako para sa paper works and para sa mga meetings which is hindi naman necessary since my bussiness is a Salon Botique.

I can still enjoy my young life,remember Im only 21 years old,at ayoko naman magpakaburo sa trabaho, ayoko maagang malosyang! XD

Since the day after tomorrow na ang Alumni Homecoming,nandito na ako ngayon sa aking silid at nagkakalkal ng maaaring isuot for that occation.

Dahil hindi nga ako mahilig magpaganda,magsuot ng mga pa girl. Puro mga shirts and Jeans lang ang meron ako. Nagtataka nga sila bakit Salon ang negosyo ko,kung ako mismong owner ay walang hilig magpaganda.

Simple lang naman,masarap sa pakiramdam na napaganda at naayusan mo ang ibang tao.

But since its a formal party. Talagang nahihirapan ako at sumasakit na ang ulo ko kakaisip.

Kailangan ko bang magpa gurl para sa okasyon na yon? Urgh! No Way!

Agad kong binuksan ang laptop ko,then nag search sa google ng mga possible outfits na hindi pa girl pero hindi din panglalake pero something formal.

At ng makahanap na ako ng tingin ko ay okay naman. Agad akong pumunta ng mall para bumili. Pagdating dun pumasok agad ako dun sa isang Botique.

“Welcome miss,ano pong damit ang kailangan nyo?” salubong ng Saleslady. Palagi din kasi ako dito bumibili kaya kilala na nila ako. Pinabayaan ko na silang tawagin akong miss,wala naman mawawala diba?

Agad kong kinuha ang phone ko,inopen ang browser at ipinakita yong damit na gusto ko.

“Good thing at kakadating lang nyan Miss,I’ll just get it” anito at tumalikod. Nakahinga ako ng maluwag.

Hoho! Buti naman meron!

As soon as nakuha ko na yung gusto ko,lumabas na ako sa botique at naisipang mag ikot ikot. Nandito na din naman ako,bakit hindi ko pa sulitin diba?

Patingin tingin,tamang window shopping lang. Hindi naman kasi ako gumagastos para sa mga bagay na hindi ko naman magagamit. Kaya kontento na ako sa patingin tingin.

Nang mapagod at magutom pinasya kong pumasok sa Jollibee. Kurak! Kahit hanggang ngayon sa Jollibee pa din ako kumakain whenever I got the chance. Pang masa kasi. Mura na,busog ka pa! :)

I was savoring the chicken ng may magsalita kaya napatingin ako.

“Fancy seeing you here beautiful” nakangiting sabi nito.

“Odi”

“No other than!” sabi nya. “Pwedeng maki share?”

“Sure!” sagot ko. “Anong ginagawa mo dito?” dagdag ko then pinagpatuloy ang pagkain.

“Patay na patay ka talaga dito sa Jollibee ano?” aniya,I just smiled. “Well,ang magaling kong mga pamangkin eh nagrequest ng toys,kaya eto namili ako” sabay turo dun sa mga paper bags na nilapag nya.

“Ah, punumpuno na nga ng laruan mga kwarto ng kambal na yon,kahit sakin eh nagrerequest din” sagot ko. Ang tinutukoy namin ay ang kambal na anak nina Ate Angel at kuya Brian, and would you believe na kahit ang anak nina Kuya Jiian at Ate Marian ay kambal? I guess it really must be in genes.

“Right! So ikaw? Anong ginagawa mo dito bukod sa paglasap sa chicken joy?”

“Haha! Adik! May Alumni Homecoming ang Batch namin sa St.Adams sa isang araw kaya kinailangan ko bumili ng damit” sagot ko lang.

“Oh I see”


Tiningnan ko ang oras, 5:30pm, Prepared na ako para sa Alumni,suot ko na ang damit. Maganda sya actually,hindi masyadong pa girl,hindi din naman masyado panglalaki. I scanned myself in the mirror pagkatapos ko iipit ang mahaba kong buhok pataas. Yung tulad sa ipit ng Sexbomb Dancers noon. Ganun yon. Nagpulbo lang ako and Im off to go! ^_^

One hour din naging byahe ko papunta sa St.Adams. Ng mapark ko na ang kotse. I felt strange. Biglang nag flashback sakin lahat ng karanasan ko dito. Parang bigla nirefresh sa akin. Napangiti na lang ako.

Ayon sa Notification na natanggap ko, sa covered court ng St.Adams ang venue. So I walked papunta don.

Nakaramdam ako ng kaba,excitement,basta hindi ko maipaliwanag.

Ano na kaya itsura nila? May nagbago kaya sa kanila? Ganon pa din ba sila?

Ng makapasok na ako sa covered court,madami ng tao,iginala ko ang paningin,hoping na makita agad ang mga dati kong classmates at ang tropa.

“YURI-CHAN! OhmyGawwshh! I missed Youuuu ^o^” napalingon ako sa sumigaw at bigla tumalon ng payakap sa akin kaya na out of balance kami at tumumba,nadaganan nya ako -__-

“Kousagi,wait lang! Bruha ka hindi ako makahinga!” sabi ko,then tumayo sya at inalalayan akong tumayo.

“Hihi! Sorry Yuri-chan! Na carried away lang! Im so happy at nakita ulit kita!” pagpapaumanhin nya at agad tumabi sakin at niyakap ang kanang braso ko.

“Haha! Hindi ka pa din nagbabago at pinanindigan mo talaga ang pink mong hair at ang ipit mong parang tenga ng rabbit,what do you called that again?” say ko habang naglalakad kami.

“Odango tawag dito Yuri-chan,syempre this is my trademark!”

“Odango! Kanina pa kita hinahanap! Bigla bigla kang nawawala! Sino yang kasama mo?!” sabi ng boses sa aming likuran. I have a hint kung sino sya,kaya humarap kami ni Kousagi.

0_0 < - Marx

“Yuri?” parang nakakita ng multong sabi nito. Lumapit sa kanya si Kousagi at umabrisyete.

“Ganda nya no? Hihi”- Kousagi.

“Ganyan ba pag salubong sa akin Marx? Dapat panlakihan ng mga mata? Dukutin ko yan eh! Ge ka!” naka ngiti kong pagbabanta.

Lumapit sya at niyakap ako,and I hugged him back,then bumitiw na sya.

“Pasensya na,nagulat lang ako,hindi kasi namin ine-expect na darating ka,since wala ka talaga paramdam” pagkuway sabi ni Marx.

“Just like before Marx,mapapalampas ko ba ang mga ganito?”

“Yeah right,kamusta na? Lalo ka gumanda ah? Baka mainlab ulit si Kurt sayo” biro nya na tinawanan namin ni Kousagi.

“Letse ka ah? Basagin ko scrotum mo!” ganti ko. “Good thing at nagtagal kayo ni Kousagi” dagdag ko. Hindi siguro nabanggit sa kanila ni Kurt na nagkita na kami last saturday. Yaan na nga.

“Ganon talaga pag mahal mo” sabay nilang sagot. Sige! Kayo na nagmamahalan! Kayo na! XD

“Tara na Yuri-chan,Im sure masusurprise sila” excited na sabi ni Kousagi at hinila ako. Aba? Kinalimutan agad ang minamahal nyang si Marx? Haha!

Then nakarating kami sa assigned table and seats para sa amin, actually dalawang table na pinagdikit. They were busy chitchatting kaya hindi nila napansin ang pagdating namin.

“Guys,Look sino kasama namin ni Odango” pagkasabi nun ni Marx. They all turned their heads to us.

Parang mga tanga lang na napanganga at nanlaki ang mga mata nila.

0_0 <- ganyan sila haha! :D

Seriously,dapat ba kailangan lagi ganun reaksyon nila? Pakiramdam ko tuloy para akong patay na biglang nabuhay! Haha!

AN ~ Again! Thanks for reading guys! :)

AA o5 ~ Expect the Unexpected!

Yuri’s POV :)

“Oh? Ba’t parang nakakita kayo ng multo?” naka ngiti kong bungad sa kanila.

“Yuri!!” sabay sabay nilang sabi at tumayo,lumapit sila lahat sakin at niyakap ako isa’isa.

Damn! Namiss ko mga ulupong na to! T.T

“Bruha ka!? Sang part ng planet Nemic ka nagtago teh?” - Jepoy.

“Best! Na miss kita! Tagal mo nawala.” - Clyde.

“Impakta ka! Grabe! Namiss kita ng major major!” - Sugar.

“ Ganda,san ka nagtago? I missed you“- Jopet.

“Musta na? Long time no see! Talagang nagpa miss ka ah?” - Jinx

“Im glad,nagpunta ka,kala talaga namin walang Yuri na dadating” - Aifha.

“Nagpa miss ka! Kaya magkwento ka Yuri ah?” - Pat.

“Welcome back! Wala ng alisan girl ah?” - Kath.

SERIOUSLY?! Are they expecting me to answer them? Pagtatampalin ko sila ng alpombra eh! XD

“Baka pwedeng paupuin nyo muna ako no? Nakakahiya naman sa inyo na sunod sunod agad mag salita,pwedeng bumwelo muna ako?” sabi ko at nagtawanan sila.

Ng maka upo na kami,hala! Yan na sila, nagsimula na mag usisa. At dahil na miss ko talaga sila,lahat naman ay sinagot ko ng walang pag iimbot at buong katapatan XD

“Parang hindi ka naman na excite dude?” ani Jinx kay Kurt sabay siko.

“Nagkita at nagkasama na kami last saturday” sagot ni Kurt na naka ngiti. Napa ngiti na din ako.

“Tamo to! Ang daya mo! Hindi mo man lang sinabi sa amin!” nakalabing sabi ni Clyde habang naka akbay kay Kath. Im happy for the both of them. Bagay na bagay talaga sila, perfect match!

“Pagdating kay Yuri selfish talaga gagong yan!” patawa ni Jinx. Namula naman ako. Hindi pa din ba sila nakaka move on sa issue na yon? Oh etong sprite! Inumin nyo ng matunawan kayo! Mga kurimaw! :D

“Lul! Nagkataon lang yon no!” depensa naman niya at saka tumingin sakin. Nginitian ko na lang sya.

Nagsimula ng magkainan at panay kwentuhan pa din na parang walang bukas. Lumapit din samin ang mga dati naming classmates,tamang kamustuhan,chikahan.

Si Brix nandon din,nahihiya pa nga ata lumapit kaya ako na lumapit at kinausap sya.

Dumating din mga dati naming teachers, parang tulad ng tropa mga nagulat din sila. Pero saglit lang at nagpaalam na din sila na babalik sa pwesto nila.

Masaya ako,ang sarap sa pakiramdam na makita at makasama mo ulit ang mga taong naging bahagi ng buhay mo. Ang sarap balik balikan ng kahapon.

Pag nag uusap nga eh ang gaganda ng ngiti nila,kumikinang pa mga mata,waring binabalikan talaga ang magagandang alaala ng nakaraan.

Past 11pm na ng mag decide ang tropa na lumipat ng pwesto. Kina Jopet daw. Planado na pala ang lahat ng ito.

Hindi naman ako tumanggi,bagkus nagpaunlak ako ng buong dalisay.

Dalisay? Haha ewan,nasabi ko lang! XD

Nakina Jopet na kami, all out ang mga kurimaw. Party party talaga,daming alak at pagkain.

Ngayon ko lang talaga sila makakasama sa inuman,alam nyo naman nung high school kami more on studies and bonding kami.

Ang saya saya! Sayaw din ako ng sayaw! Ang sarap pala sa feeling! Ng mapagod ay umupo na ako. Parang nawala din yong tama ng alak.

Maya maya ay tumabi sa akin si Kurt.

“Napagod ka na din?” sabi ko at muling uminom.

“Medyo, ang galing mong sumayaw ah? Ive never seen you dance before” naka ngiting sagot ni Kurt at ininom na din nya ang laman ng bote ng San Mig Light na hawak nya.

“Actually,thats my hidden talent” sagot ko naman at tumawa lang kaming dalawa.

Suddenly my phone rings,agad ko itong sinagot kahit katabi ko si Kurt.

“Hello Odi? Napatawag ka?!” bungad ko,pero walang sumasagot. May nadidinig akong tugtog. Parang nasa bar sya.

“Shit Odi sumagot ka nga!” ngunit wala pa din sumasagot.

“Mukhang lasing na lasing na isang to ah?” nadinig kong sabi ng isang lalaki.

“Oo nga eh,pero tingnan mo,mukhang may tinawagan na,yaan na natin, may susundo din dyan” sagot naman ng isang boses at bigla na naputol ang tawag.

“Shit! May problema siguro yon? Sang bar ko yon hahanapin?” hindi ko maiwasang maisatinig.

“May problema ba Yuri?” tanong sakin ni Kurt. Syempre sinabi ko ang rason. Nag aalala na talaga ako kay Odi. Wala kasi hilig maglasing yon bukod sa pag may mabigat na problema at hindi na makayanan.

“Kurt,uhm susunduin ko lang si Odi,babalik agad ako,pag hinanap nila ako,pakisabi saglit lang ako ah?” paalam ko at tumayo na.

“Samahan na kita Yuri” sabi nya,pero tumanggi na ako. Bago pa sya magpumilit ay nag madali na akong lumabas.

Habang nagmamaneho ay hindi ko naman maisip kung san kong bar sya hahanapin. Takte naman kasi ang lalaking yon,ang daming bar na tinatambayan eh! >_<

Alam ko na! Baka nandun sya sa paborito nyang bar. Tama dun nga!

Ng makarating ako dun,halos siksikan na ang mga tao. No choice ako kundi magbayad ng entrance fee para makapasok at mahanap ko sya sa loob.

Kaya kahit nabubunggo bunggo na ng mga haliparot na sumasayaw ang aking gorgeous body ay tiniis ko para mahanap lang si Odi. Maya maya ay may nakita akong nakayupyop sa bar counter.

Pamilyar ang damit,si Odi nga iyon. Ano kaya problema nito.

“Pare andyan na syota mo sinusundo ka na” sabi ng isang lalaki. Actually dalawa sila pero nakatalikod yung isa.

Agad naman nag angat ng tingin si Odi.

“Yuri! Anong ginagawa mo dito?” pagkasabi nya nun,humarap sa amin yung nakatalikod.

Hindi ako nakagalaw sa pagkagulat. Parang biglang nanginig yung mga tuhod ko, maski ang sumagot sa tanong ni Odi ay hindi ko na magawa. Para bang pati pagbuka ng bibig ay ang hirap gawin?

Hindi ko inaasahan na sa mismong araw ng reunion ay makikita ko ang isang taong naging malaking bahagi ng buhay ko at ng puso ko.

Si Gelo . . .

OT/ Always Home

by Mariah Carey

AN ~ LSS ako sa kantang yan. Paulit ulit ko pinapakinggan haha! Kamusta po kayo? Happy reading! Kung trip mag comment ay magcomment lang po. Thank You :)

AA o6 ~ Indecent Proposal!

AN ~ Dahil mobile ang gamit ko,at hindi makapag dedicate via wattpad,I’ll dedic this chap via written XD

Dedicated to

ZJAU37

Yuri’s POV ^_^

For almost two minutes nagkatitigan lang kami ni Gelo. Yung isang lalaki napakunot na ang noo while Odi naman ganon din pero muling binalik ang ulo sa pagkaka yuko.

“Yuri” sa wakas nakapag salita na si Gelo and now he’s supressing a smile. Tengene! Nakaka timang lang eh! Ako hindi pa din makakilos! Buset! >_

Finally ng bumalik na sa katawan ko ang kaluluwa ko nakakilos na ako. I smiled back to Gelo. Why not? Okay naman ang paghihiwalay namin noon diba?

Muli binaling ko atensyon ko kay Odi while Gelo is still staring at me without blinking and still smiling.

Hindi ba nangangawit mukha nya kaka ngiti?

“Hoy! Umayos ka dyan! Tara na para makapag pahinga ka!” at hinablot ko si Odi na na laseng na laseng.

“Shan tahyoh?” sabi ni Odi. Napahagikgik na lang ako dahil sa gagong to eh.

“May dala ka bang kotse?” tanong ko.

“Wala. Tinatamad akoh heh!”

“Good,tara na” at saka ko inakay si Odi,at peste naman sa kabigatan ang bruho!

“Tulungan na kita” biglang lumapit si Gelo. Hindi na ako tumanggi neng. Hindi naman ako si Darna para mabuhay at maalalayan si Odi mag isa. Pang PowerPuff pa lang ang powers ko XD

“Thank you” pasalamat ko kay Gelo ng maisakay na namin pahiga sa back seat ng kotse ko si Odi.

“Youre welcome,oh san na kayo ngayon?” sabi ni Gelo na naka ngiti pa din.

“Bibili muna ng hot chocolate para sa gagong yan para mahimasmasan then balik kina Jopet,alumni kanina at ngayon after party na” sagot ko naman then sumakay na ako sa drivers seat.

“Oo nga pala kanina yun,uhm can I come? Please?” sabi nya na parang nagmamaka awa pa.

Pakyu ka Gelo! Huwag mo ako ganyanin! Baka mabaliw na naman ako sayo!

“oh sure,convoy na lang tayo” nasabi ko na lang, para makita din naman nya ang tropa diba?


Bago makarating kina Jopet eh buti at nahimasmasan na tong si Odi. Akala ko kailangan ko pa sya buhusan ng Hot chocolate para mawala kalasingan eh!

Pumasok na kaming tatlo sa loob,medyo mahina na ang sounds yung tipong kaming mga nasa loob lang ng bahay ang makakarinig.

Para naman silang mga tanga na nagulat samin.

“Gelo?” sabi nila.

“Sino yang isa?” si Jepoy na hindi maalis alis ang tingin kay Odi. Hey girl! Its my friend wag mo molestyahin sa polluted mong pag iisip! XD

“Guys this is Odi,my friend for almost 3years now” pakilala ko sa kanila, at nagpakilala din si Odi. Later on nagjoin na kami sa pakikipag kwentuhan at inuman sa tropa while si Odi ay tumatanggi na! Hahaha!

At tulad ng dati, dahil si Odi ang bago sa paningin nila,kaya sya ang ini-interogate ng mga impakto,isama na natin si Gelo na matagal din nilang hindi nakasama.

I dont know if its just me? Pero parang natahimik si Kurt at nawala sa mood. Whatever his reason is,ayaw ko munang isipin.

I think its almost 3:25am ng magkayayaan ng magpahinga at matulog.

Dahil nga mala palasyo din tong bahay nina Jopet. Kanya kanya sila ng pili kung sang kwarto matutulog.

Ako dahil pagod na din ay humanap na ng kwarto para makatulog,bago ako pumasok sa kwarto nakita ko pang inassist ni Jopet si Gelo para dun matulog sa isang kwarto. Hindi ko naman din makita na si Kurt. Nakapasok na siguro sa isa sa mga silid.

Kasama ko si Odi sa isang kwarto, walang issue sakin yon,ilang beses na kami nagkatabi sa pagtulog. As soon as we enter this big room,hinanap ko agad ang drawer,luckily may pajamas haha! Then I rushed to the bathroom to take a quick shower.

After refreshing my self,lumabas na ako just to be surprised to see Odi laying on the bed with his brief only.

Sabi ko senyo,sunod sunod ang naging paglunok ko ng laway,lalo na ng madako ang tingin ko sa dako paroon.

ASDFGJKL!! O_O

His huge even though its not fully erect!

Diyosko! Bakit nyo ako itinutulak sa mga ganitong kapana panabik na bagay?!

I shook my head to wipe those devilish thoughts. Slowly I sit in the bed. Drying my hair with the towel.

Ewan kay Odi kung gising pa,pero malamang nasa dreamland na ang isang ito,sa dami ng nainom nya sa bar,ewan ko lang kung hindi pa sya maka tulog agad kahit pa nahimasmasan na sya kanina.

At sa wakas! Natuyo na buhok ko. Nahiga na ako patalikod kay Odi. Naramdaman kong gumalaw sya pero nagpatay malisya ako.

Ayoko na masyado magmuni muni thats why pinikit ko na ang aking mga mata.

Minutes later, naramdaman kong umusog sya palapit sa akin. Then he hugged me. Nagulat ako! I freezed for a moment,naisip ko siguro nananaginip lang to kaya pinabayaan ko na.

“Yuri” pabulong nyang sabi. Shit lang! Nagtayuan ang mga balahibo ko,yung hininga nya kasi tumatama sa leeg ko and it brings me shiver down my spine!

Bigla pa nya mas dinikit ang katawan nya sa akin at idinantay ang paa. Now I can feel his already hard rock manhood behind me and its losing my temper. Its driving me crazy. Tangena naman oh?!

“Yuri,sex tayo please” he whispered gently to my ears.

AN ~ Hawasdat?? :D

AA o7 ~ I Surrender! XD

Yuri’s POV

“Yuri,sex tayo please” he gently whispered to my ears.

0_0

0_o

_

.

Parang tumigil paghinga ko nung sinabi yon ni Odi. Napalunok ako ng laway.

Ang pakyu ng lalaking to ah?! Hindi ba nya alam ng dahil sa sinabi nya eh naghuhumiyaw na mga demonyo sa isipan ko?!

Mas lalo humigpit pagkakayakap nya saken and oh my veggie! Kinikiskis nya yon sa aking likuran! Para akong hihimatayin!

What shocked the hell out of me is when he gently kisses my neck! Oh Men! Kill me now!

Nanatili pa din akong walang imik,then dahan dahan nya akong itinihaya,nanatili akong nakapikit. He then gently planted sweet kisses to my forehead,to my nose,to my cheeks,then to my lips!

Putapete! Ang lambot pala ng labi ni Odi?! Unti unti na akong nilalamon ng pagnanasa. Mas nangingibabaw na sa akin ang pagnanais na makaniig sya.

Damn! What am I thinking?

I dont know what happened to me,the next thing I knew sinasagot ko na ang kanyang mga halik.

“I want you Yuri,lets try this” sabi nya,ako naman parang ewan na sunod sunuran. Bahala na! Hindi naman ako babae para pahalagahan ang virginity eh XD

And before my very eyes,we were both naked. Hindi ko mapigilang mapasinghap ng makita ng buo ang kanyang kahubdan. Its beautiful! Napaka perfect ng bawat hubog na para bang nililok ng isang magaling na iskultor.

And that thing between his legs was so damn huge!

He positioned his self on top of me. There’s no turning back. Lunod na ako sa naglulumiyab na pagnanasa.

At nang ipatong nya ang mga paa ko sa kanyang mga balikat. I know,wala na talagang atrasan pa.

He gently trust,napayakap ako sa kanya. Takte! Ganun pala kasakit yon?! At ng dahan dahan at buo na nya itong maipasok. Napaiyak ako sa sakit. Ito ang first time ko! Si Gelo hindi namin to nagawa,pero si Odi? Bakit?

He stop for a while,wiping my tears.

“Hindi mo ba kaya? Masakit ba talaga?” nag aalalang tanong ni Odi. To answer his question,I just kissed him.

“No,its alright,just go on,sayang kung huhugutin mo pa? Patayin kita eh” naka ngiti kong sabi. He just chuckled. Then finally he started to trust again, at first it was slow,but later on nagiging mabilis na.

At ang sakit at hapdi na kaninang nararamdaman ko ay napawi at napalitan ng kiliti at sarap. Hindi ko na mapigilang sumabay sa ritmo na ginagawa ng kanyang katawan. Pakiramdam ko ay may music at sumasayaw kami ngunit kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Matagal,sobrang tagal,I feel like it was for eternity,dahil siguro sa nakainom sya kaya ganon,ngawit at ngalay na din ako,but later on,narating namin ang tugatog ng kaligayahan. Humiga sya sa ibabaw ko,bagsak at humihingal not minding na nakabaon pa din sya sa akin.

Hindi ako kumilos,napansin kong naging payapa ang paghinga nya,nakatulog siguro sa pagod. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan lang sya sa ibabaw ko.

Ano bang ginawa ko? Tama ba ito? Tama bang gawin to ng dalawang taong walang relasyon at walang namamagitan? Nakatulugan ko na lang ang pag iisip tungkol don.

Kinabukasan,nagising ako sa katok at tawag sa labas ng pinto. Pag mulat ko wala na si Odi at naka damit na ulit ako.

Sya siguro nagbihis sa akin.

“Bakla! Tara kakain na!” sigaw ni Sugar sa labas ng pinto. Kabisadong kabisado ko ang boses ng bruha.

“Sige! Sunod na ako,magpapalit lang ako ng damit” sagot ko.

Ng makapag palit ng damit ay bumaba na ako at pinuntahan sila sa malaking dining hall nina Jopet.

Umupo na din ako at nakisabay sa pagkain nila. Napansin kong wala si Gelo at Odi.

“Nasan si Gelo at Odi?” tanong ko habang naglalagay ng ulam sa aking plato.

“Si Odi sabi ni Manang,mga 5:30 daw umalis,si Gelo naman kanikanina lang” sagot ni Jopet. Nagkibit balikat na lang ako.

Pero yung pakiramdam na may nakatingin sayo? Damang dama ko eh, kaya naman hinanap ko kung sino yon. And I saw it was Kurt.

What’s his problem?

Agad akong nag iwas ng tingin at nakipag kwentuhan sa tropa. This is not going to be a normal lunch kung walang daldalan. Remember? High school pa lang ganito na kami.

Bago mag 1:30pm ay nakauwi na ako sa bahay.

Agad akong nahiga sa kama,parang ngayon lang ako nakaramdam ng pagod,at ngayon lang biglang sumakit ang katawan ko.

Grabe pala si Odi!

With that thought agad akong pumasok sa banyo para maligo. At actually,masakit pa yon at mahapdi.

Ng matapos maligo ay nagbihis na ako at muling naupo sa kama ko.

Ano na gagawin ko ngayon? Tapos ko na lahat ng paper works sa office ko. Tinatamad naman ako lumabas.

Nahiga ako at muling inisip ang nangyari samin ni Odi. Totoo ngang may nangyari sa amin. Pero bakit ako? Kaibigan nya ako diba? At sa pagkaka alam ko ayaw nya sa ganito. Hayst! Anong gagawin ko? Parang nahihiya ako magpakita at makipag usap sa kanya.

Gaga ka pala eh! Ginusto mo din yon eh! Bumigay ka din eh! Tapos ngayon parang magsisisi ka! Edi sana nagpigil ka!

Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko. Kakainis! Lalo ako napapaisip! Waaahh! Nakaka praning!

At biglang nag ring ang phone ko,tiningnan ko kung sino ang tumatawag. It was Jopet.

“Oh Jopet? Bakit napatawag ka? May naiwan ba ako?” agad kong bungad.

“Wow ha? Wow talaga! Pwedeng hello muna?” sagot nya kaya napahagikgik ako.

“Baliw! Oh ano nga at napatawag ka?”

“Ako nag ayos ng kwartong ginamit nyo ni Odi” sabi nya.

“Oh ano naman?”

“There was a blood stain,may ginawa ba kayong karumaldumal?” aniya.

0_0

For a moment,I was dumbfounded. Hindi ko naisip yon. My geez! Nakakahiya ka Yuri! >_

“Still there Yuri? Anyway kung ano man ginawa nyo I’ll remain silent,ako na ang naglaba ng bed sheet sa washing machine para walang ibang makakita, but the bad thing is,si Kurt ang unang nakapansin don” patuloy ni Jopet sa pagsasalita.

Wala talaga ako masabi. Ang nakakainis nakita pa ni Kurt?

Hmp! Bakit ba?! He’s not my boyfriend anyway so why should I care kung ano ang iisipin nya?!

“Napipi ka na,sige na bye,dont worry too much Yuri” at naputol na ang tawag.

Ano ba naman kasing pinag gagawa ko? Ang landi ko kasi eh! Ayan tuloy!

Parang ayaw ko na magpakita pa kahit kanino! >_

AN ~ Yan lang ang kinaya ko ngayon haha! Naka 3points agad si Odi,samantalang si Gelo at Kurt,bokya! What should they do? XD

AA o8 ~ Enchanted Kingdom 1

Yuri’s POV :)

Its been one week since nung Alumni,nakakapanibago dahil walang Odi na nangungulit at pumupunta sa office. Siguro dahil sa nangyari umiiwas na din sya. Pero wala naman ako magagawa dun sa gusto nya. Hintayin ko na lang ang time na lumapit ulet sya.

Nandito ako ngayon sa parking,nasa kotse,nakatambay,kakatapos ko lang kasi asikasuhin ung mga bago naming items sa salon at kinausap ko din ang mga employees ko.

Nagulat pa ako ng bigla mag ring ang phone ko. Si Sugar tumatawag.

Ano kaya kailangan ng babaitang ito?

“Baklaaaaa!! Nasan ka?” bungad sa akin ni Sugar na tuwang tuwa. Hindi pa man din ako nakakapag hello?

“Ang sakit sa tenga Teh! Nandito pa ako sa parking sa tapat ng salon,bakit?” irita kong sagot.

“Hoy bakla! Huwag mo ako aktuhan na parang may monthly period ka! San yan? Pupuntahan ka namin! Girl bonding to!” maligalig pa nyang sabi. Minsan nagtataka na ako dito kay Sugar pati Kousagi at Jepoy kung anong vitamins ang gamit? Napaka energetic! Ang liligalig,ang liliksi!

Hindi kaya?

Enervon ang gamit nila? XD

“Sige,dito lang sa ortigas,bilisan nyo! Manlibre kayo ah? Nagugutom na ako!” pagkuway sabi ko.

“Sure! Stay there! Stay put! Huwag gagalaw! Huwag hihinga!” at naputol na ang tawag.

Gaga ba sya? Anong huwag hihinga? Baka sya hindi makahinga pag sinakal ko tonsil nya! Ba! Wag nya ako hamunin! Hahaha :D

“A penny for your thought?” napakislot ako sa nagsalita at nilingon ito.

“Gelo? Anong ginagawa mo dito?” sabi ko at lumabas ng kotse para makapag usap kami ng maayos.

He smiled then answered me.

“Ikaw talaga ang sadya ko,sabi ng mga tauhan mo nandito pa daw sa parking ang car mo baka hindi ka pa daw umaalis,so agad kitang pinuntahan”

“Ganon ba? Eh anong sadya mo sakin?” sabi ko at sumandal sa aking kotse.

“Yayain sana kita mag gala” naka ngiti nyang sagot. Ngayon ko lang sya natitigan ng malapitan. Lalo sya gumwapo,ang ganda din ng hubog ng katawan nya. Ang ngiti nya ganun pa din,nakakatunaw. I must admit,isa sya sa nabiyayaan ng magandang ngiti at mga ngipin.

“Hala? May lakad din kami nina Sugar eh? Maybe next time na lang?” alangan na sagot ko. Wrong timing din naman kasi sya.

Luh? Yuri ang Lande mo! Beach ka! Beach! (bitch XD)

“Its okay! Sasama na lang ako sa inyo,nasan na ba sila?” ang sabi nya pang ganyan!

Napanganga na lang ako eh,lakas talaga ng fighting spirit nya ah? Palibhasa alam nyang hindi sya matatanggihan ng mga yon.

Hindi na ako nakasagot dahil sakto dumating ang mga bruha.

“Helloooo papa Gelo!^o^” - Jepoy

“Mosh mosh Gelo-san^_^” - Kousagi

“wazzup Gelo?” - Aifha.

“Hello there!” - Kath.

“Hi girls!” naka ngiting bati ni Gelo sa kanila.

“Girls daw oh?! Ang sarap sa feeling!” malanding sabi ni Jepoy.

“Teh,ang sabi Girls,it means KAME yon! hindi Grims! Bingi ka na naman!” bara ni Sugar saka bumaling kay Gelo “Ano ginagawa mo dito?” natawa na lang kami ng mapasimangot si Jepoy.

“Tinawagan ako ni Yuri eh,isinasama ako,mamamasyal daw kayo” naka ngising sagot ni Gelo.

Halos lumuwa eyeballs ko sa narinig. Impaktong to? Kung anu-ano ang sinasabi!

“Ow,sige masaya yan! Sige,tara sa EK!” masayang sabi ni Sugar. Excited na excited ang bruha! XD

“That’s great,buti yung van ang nadala ko,lets go” patiuna ni Gelo papunta sa van nya. Ng masigurong ayos na ang kotse ko at kotseng gamit nina Sugar ay sumunod na kami kay Gelo.

Nag unahan pa sila pag pasok at pinagtulakan pa nila ako na dun sa passenger’s seat maupo.

Anung drama ng mga bruha?

AN ~ Pasensya na po at maiksi,antok na ako at sobrang sakit ng ulo ko,parang pinupukpok ng martilyo >_

AA o9 ~ Enchanted Kingdom 2

Yuri’s POV

“Kyaaaahh! Im so excited na!” sabi ni Kousagi. Were on our way na to EK. Ang mga bruha sa likod ang saya saya. Samantalang ako nandito sa tabi ni Gelo na tahimik na nagdadrive.

“ako rin! Nung graduation nung college pa tayo huling nagpunta dun diba?” pag sang ayon ni Aifha.

“Aifha-chan tama ka dyan!” -kousagi.

Nagpunta pala sila dun? Sayang wala ako. But what’s important eh pupunta ako dun ngayon kasama sila.

“kawawa naman ang isa dyan,first time pupunta dun” sabi naman ni Sugar.

“Pero huwag ka teh,kahit first time nya,kasama naman nya ang pinakamamahal nya” singit ni Jepoy.

=__=

Nakakaloka mga to ah? Parang wala ako dito kung mag usap? Ganti ganti lang yan mamaya! Hahahaha :D

Si Gelo ngingiti ngiti pa.

“Anong nginingiti ngiti mo dyan?” asik ko sa kanya not minding na may mga baliw kaming kasama sa likod.

“Wala,na e-excite lang ako” sagot nya habang tutok pa din sa pagdadrive.

“Siguraduhin mo lang ah? Kung hindi lagot ka sa akin!” banta ko pang ganyan. Humagikgik lang ang depungal >_<

Minutes later nakarating na kami sa EK. Pasensya na pero hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at lawak nito. First time ko nga diba?

“Waaaaahhh! Gutom na ako!” biglang sabi ni Kousagi. Lumapit ako sa kanya at hinila ko sya,syempre hindi papatalo ang mga alaga ko sa tyan. Nagsisimula na din kasi sila magwelga.

Nakakita kami ni Kousagi ng mga nagtitinda ng Burgers and Hotdogs. Kaya ayun ang binili namen. Nakasunod naman samin ang iba.

Ng masatisfied ang aming mga tyan ay nagulat na lang ako na bigla tumakbo ang mga bruha at naiwan ako kay Gelo.

“Kita kits 8pm sa van!” sigaw ni Jepoy habang palayo sila. At ayon hindi ko na sila matanaw. Parang mga ninja lang!

“Adik tong mga to,akala ko bonding? Bat iniwan ako?” bulong ko.

“So you can have time with me” nakangiting sabi ni Gelo.

Ano daw?

“Huh?” nasabi ko na lang.

“Wala,tara na ng makapag enjoy” sagot nya.kinuha nya kanang kamay ko at pinaghugpong sa kaliwa nyang kamay at naglakad na kami.

Parang dati lang,nakaramdam ako ng libo libong boltahe na gumapang sa katawan ko sa pagkakadikit ng balat namin. Sinubukan ko hilahin pero ayaw nya pakawalan >_<

“Dito tayo” sabi nya ng tumigil kami sa paglakad.

Pagtingin ko kung anong ride, parang bigla nanlambot tuhod ko.

JUNGLE LOG JAM

“Ayoko dyan!” sabi ko habang tinitingnan yong mga stolen shots ng mga sumakay dun.

Nakakatakot kaya!

“Bakit? Masaya nga yan eh”- Gelo.

“Ayoko!”

“Basta sasakay tayo dyan” aniya at hinila ako. Para lang kaming naglalaro ng tag of war.

“Dali na Mhy! Dont be so stubborn! Pinagtitinginan na tayo oh” aniya.

0_0

Mhy?

Sinabi nya yon? No. Baka nagkamali lang ako ng dinig. Tumingin ako sa paligid, at tama nga sya,pinagtitinginan na kami.

Muli nya akong hinila at hindi na ako pumalag. Ayokong mapagtsismisan ng mga taong hindi ko kilala no?!

“Ayoko na! Hindi na ko sasakay dyan! Bukod sa parang isusuka ko bituka ko nagkanda basa basa pa ako! Ikaw kasi eh!” paninisi ko sa kanya sabay hampas sa braso nya ng makalabas na kami don.

“hahaha! Ang saya nga eh,tsaka hindi lang naman ikaw nabasa ah? Ako din kaya.!” tumatawa nyang sagot sakin.

Natanaw ko sa di kalayuan ang Space shuttle,mukhang exciting yon kesa sa Jungle log jam.

This time,ako naman ang humila sa kanya at wala syang palag! Pumalag sya tatamaan sya ng thunder kick ko!

“Here! Ito naman ang sakyan natin” sabi ko ng makalapit kami don.

“Wow! Tapang ah? Sigurado ka ba dyan?” naka ngising sabi ni Gelo.

“Oo naman! Ako pa!” mayabang kong sagot.

“Weh? Bakit kanina takot ka?” hindi naniniwalang sabi nya.

“Kunyari lang yon! Ayoko kasi mabasa! Tara na” at hinila ko na sya para makapila.

“Bakla ayoko dyan! Baka malaglag matris ko!”

“Huwag ka ng pumalag! Wala kang matris na dapat alalahanin!”

Napatingin kami ni Gelo sa mga nagsasagutan. Sina Sugar pala,pinipilit at tinutulak si Jepoy para sumakay din.

Ng makasakay na kami at naiayos na ang lahat ay nakaramdam ako ng takot.

“Scared?” - Gelo

“Hindi no?” sagot ko.

“Good!” then hinawakan nya kamay ko. Babawiin ko na sana kaso bigla ng umandar kayo hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak. Nakangiti naman si gago.

“WAAAAAHHH! ISINUSUMPA KO KAYO!!” dinig ko pang sigaw ni Jepoy ng nasa taas na ang cart at biglang bumulusok pababa.

Nakapikit at pigil hininga naman ako at napahigpit lalo ang kapit sa kamay ni Gelo.

“I STILL LOVE YOU MHY!!!” nadinig kong sigaw kaya napadilat ako ng mga mata. Pero hindi ako nagsalita.

Did he just shouted it?!

Ng matapos ang ride ay para kaming hilong isda ni Jepoy.

“Hey Lovebirds! Are you enjoying?” sabi ni Kath ng makalapit.

“Sobra! Thank you girls” sagot ni Gelo kaya napatingin ako sa kanya.

“Tara! Madami pa tayong sasakyan” sabi nya sa akin at ngumiti. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Shit ganito din yon noon!

Hinila na nya ako at nahiwalay na naman kaming dalawa sa tropa. Madami pa kaming mga sinakyan. At sa totoo lang nag e-enjoy ako,parang bumalik ako sa pagkabata,plus mas nag e-enjoy ako dahil si Gelo ang kasama ko.

Ibig ba sabihin non ay mahal ko pa din sya after all these years?

8pm sakto ng nagkita kita na kami sa labas. Napagod din ang mga bruha.

Hinatid muna namin sila isa isa. Medyo naaawa ako kay Gelo dahil halatang pagod na din.

“Kain muna tayo” yaya nya ng pumarada kami sa tapat ng isang restaurant.

“Sa bahay niyo na kita hatid maya,hindi naman siguro mawawala kotse mo don sa parking diba?” dagdag nya ng papasok na kami sa restaurant.

“Yup” maikli kong sagot. Ng makapasok kami sa resto ay namangha naman ako sa ganda ng mga designs. Magaan sa pakiramdam. Madami din tao,halatang masarap ang mga foods dito.

Sinamahan kami ng waiter papunta sa table namin. I must say, gwapo ang waiter huh? Magaling pumili ang may ari ng resto.

Agad kaming umorder ni Gelo,sya na ang pinapili ko para sa akin dahil lahat naman mukhang masasarap.

“Yon lang po ba Sir?” sabi ng gwapong waiter.

“Yes” simpleng sagot ni Gelo dito.

“Enzo,leave it to me” napatingin kaming tatlo sa nagsalita.

Si Pipay at Prinz!

“Yes,Mam and Sir” magalang na sagot nung Enzo.

“Ano ba order nila? Akin na ako kukuha, and go back to your post” sabi ni Prinz. Gwapo din pala ang isang to? Sabagay walang chakabelulu sa tropahan nina Kuya Jiian.

“Yes Sir”

At umalis na nga ang waiter at si Prinz.

“Its nice to finally have you as our costumer Yuri” nakangiting sabi ni Pipay at umupo sa tabi ko.

“Uhm thank you, siya nga pala,Ate Pipay si Gelo,Gelo si Ate Pipay” pakilala ko sa kanilang dalawa.

“Goodevening po” magalang na sagot ni Gelo.

“So ikaw si Gelo? Nice” sabi ni Pipay na nakangisi. Bigla ako kinabahan baka mabanggit nya yung tungkol sa Spin the bottle,sabihin pa ni Gelo pinagkakalat ko yon!

“Yup,bakit po?” takang tanong ni Gelo.

“Wala naman,nabanggit ka lang ni Yuri dati,anyways again ako si Pipay ang isa sa pinakamagandang beki sa balat ng lupa,and that guy is my husband Prinz,tropa namin ang pinsan nitong si Yuri,and samin ni Prinz ang restaurant na ito”

“Ah,nice,its a pleasure meeting the owners” sagot ni Gelo.

Ilang saglit pa dumating si Prinz dala mismo ang order namin at pagkain din nila. Nakisabay sila sa amin. Panay lang din ang kwentuhan nila. At pag mga ganyang pagkakataon sinasamantala ko talaga para matutok sa pagkain. Alam nyo naman na pagkain ang paborito ko sa lahat ng bagay.

Mga 9:30pm ng ihatid ako ni Gelo. I asked him na pumasok muna saglit para makapag pahinga o makapag kape man lang. He insisted, pero nakita sya nina Mama at Papa kaya wala syang nagawa kundi ang pagbigyan ang mga magulang ko.

AN ~ Maikli ata to? Bawi na lang po ako ulit next Update :) wala akong maisip na gawing kilig moment,mahina talaga ang 1mb kong utak pagdating sa ganon XD

AA 10 ~ Under The Shower

Yuri’s POV

“Oh Gelo mabuti at napadalaw ka ijo? Mas naging gwapo ka lalo” sabi ni Mama. Nandito kami ngayon sa sala.

“Salamat po Tita, nagulat nga po sina Mom and Dad ng sinabi ko na aalis kayo noon” magalang na sagot ni Gelo.

“Kaya nga ijo,hindi din kami nakapag abiso,kamusta na ba si Mariz?” - Mama.

“She’s doing fine naman po,nabalita ko na rin na nagkita kami ni Yuri nung nakaraan”- Gelo.

“Tell Rudolf na puntahan ako minsan sa opisina para naman makapag bonding ulit kami ng Dad mo ijo” singit ni Papa sa usapan.

“Sure po Tito,tiyak na matutuwa si Dad nyan” - Gelo.

“Teka ijo,nagkabalikan na ba kayo ng very beautiful son namin?” out of the blue ay sabi ni Mama.

0_0

Nabilaukan ako! Arrkk!

“Ma!” nasabi ko na lang,tumawa pa sila ni Papa. Si Gelo naman biglang namula sa hiya. Sinong hindi? Napaka straight forward ng mga magulang ko xD

“Anak makapag react ka naman,pa virgin ka masyado,diba nga nahuli ko pa kayo sa akto? Sayang walang nabuo! Hahaha” dagdag pa ni Mama.

Wagas sila ni Papa kung humalakhak,samantalang ako gusto ko na lumubog sa lupa. Si Gelo dumoble ang pamumula,parang kamatis lang.

“Haha! O sige na,magpahinga na tayo, Gelo ijo dito ka na matulog,dun ka sa kwarto ni Yuri” sabi ni Papa at tumayo na sila ni Mama para pumunta sa kwarto nila.

“Pero Pa,Ma” pahabol ko. Maawa kayo! Anak nyo ako! Huwag nyo ako itulak sa tukso!

“Goodnight anak at Gelo” sabay na sabi pa ni Mama at Papa na nakangisi. Ang lakas mang inis!

“Tara na Mhy,antok at pagod na ako” naka ngising sabi ni Gelo.

Tinaasan ko sya ng kilay.

“Anong Mhy? Mhy mayin ko mukha mo dyan eh! Dito ka sa sofa at don ako sa kwarto!” sabi ko pa.

“Oo Mhy,masama? Dali na,inaantok na ako saka hindi ako kasya dyan,hindi ka ba naaawa sa akin?” sagot ng kumag at nag puppy eyes pa.

Arrrggghh! >_<

“Fine! Basta sa lapag ka!” sabi ko at nagdabog na papuntang kwarto,sumunod naman sya.

“Pwedeng maki shower?” tanong ni Gelo ng makapasok kami.

“Magsashower din ako eh!” asar kong sabi. Kainis naman,makikisabay pa eh! Gusto ko na makapaglinis para makatulog na.

“Sige na naman,hindi ako sanay na hindi nagsashower bago matulog Mhy” pagmamakaawa pa ni gago sa akin. Sus! Akala nya uubra yon? Never!

At natagpuan ko na lang ang sarili ko na kumukuha ng mga damit kong malalaki at shorts na panglalaki sa cabinet ko,buti meron ditong naiwang short si Odi.

Inilapag ko sa kama ang susuotin nya at binuksan ko ang pinto ng cr sa room ko.

“Ito ang cr,bilisan mo at dun na ako sa cr ng guestroom magsashower” sabi ko.

“Bakit walang brief?” reklamo nya ng tinitingnan yung isusuot nya.

“Eh sa wala eh,ayos lang yan,labhan mo na lang yang suot mong brief panigurado tuyo na yan bukas” humahalukipkip kong sagot.

“Hindi ako sanay,tumatama sa hita ko si Junjun eh!” sabi naman nya. Lihim akong napangiti sa tinuran ng mokong,hinila ko na sya papunta sa cr at tinulak. Antok na din kasi talaga ako eh.

“Dami mong alam,bilisan mo na lang!” tulak ko sa kanya sa loob ng cr. Pero ang gago hinila ako sabay sara at lock ng pinto. Tinulak ako sa tapat ng shower at binuksan ito.

“Gago ka! Basa na tuloy ako” sigaw ko sa kanya. Tumawa lang ang gago at naghubad at walang tinirang kahit isang saplot.

Napalunok ako ng sunod sunod sa sobrang nerbyos. Para akong mag hahyperventilate!

“Maliligo ka din naman diba? Sabay na tayo” nakangisi nyang sabi at lumapit sa akin. Napasandal ako sa pader. Basang basa na ako pati ang damit ko pero pakiramdam ko nagliliyab ako sa init na nararamdaman ko.

Lalo pa syang lumapit sa akin at hinarang ang mga kamay sa magkabila kong gilid. Potah! Ang gwapo gwapo at ang hot nya habang tumutulo sa katawan nya ang tubig mula sa dutsa ng shower.

“G-gelo” yan lang ang nasabi ko bago nya sinakop ang aking bibig. Nanlalambot ang tuhod ko,sya lang talaga nakakagawa non sa akin.

Namalayan ko na lang na tinutugon ko ang maiinit nyang halik at haplos. Tinutupok na naman ako ng naglulumiyab na pagnanasa. Ramdam kong wala na din akong saplot.

Tama ba ito? Ang magpatalo na naman ako sa pagnanasa tulad ng nangyari samin ni Odi? Baka bigla din umiwas si Gelo? Napakasama ko na ba? Napaka landi ko na bang bakla para magpagamit sa dalawang lalaki?

Ang lahat ng agam agam ko ay nawala ng buhatin ako ni Gelo paharap sa kanya. Ipinulupot ko ang mga hita ko sa kanya pati yumakap ako sa kanya. At sa ganoong posisyon,sa unang pagkakataon, sa ilalim ng shower,inangkin ako ni Gelo.

AN ~ Oww! Whats happening to Yuri? Swerte mo teh! Naka dalawa kana! XD Pano na si Kurt? Hmmm.. Try ko mag Update ulit later :)

AA 11 ~ Kurt’s Undying love!

Yuri’s POV

“I love you Mhy,please be mine again” Sabi ni Gelo habang nakayakap sa akin at humalik sa noo ko. Nandito na kami sa kama at katatapos lang ulit namin sa isang mainit na eksena.

“Natatakot ako,ayoko na ulit masaktan,baka hindi ko na talaga kayanin pa” sagot ko. Hinigpitan nya ang yakap sa akin,damang dama ko ang pagmamahal nya sa simpleng yakap na iyon.

“Lalaban tayong dalawa Mhy,walang kahit sino o anong makakapigil sa pagmamahalan natin,hindi kita bibitawan” tugon nya sa akin.

Hindi kita bibitawan

Yan din ang eksaktong salita na sinabi sa akin ni Kurt noon.

Hayst,bakit naisip ko pa si Kurt?

“Mhy may problema ba? Hindi ka na sumagot” untag sa akin ni Gelo.

“Ha? W-wala naman,iniisip ko lang kung ano pa mga mangyayari” pagsisinungaling ko sa kanya.

“Mhy,sa ikalawang pagkakataon,handa ka bang sumugal at lumaban kasama ako?” maya maya ay tanong nya.

Handa na nga ba ulit ako? Kakayanin ko na nga ba? Siguro. Sapat na ang anim na taon na paghilom ng mga sugat mula sa nakaraan.

“Oo Mhy,handa na ako,handa na akong lumaban kasama ka” magiliw kong sagot.

“Salamat Mhy,mahal na mahal kita” at muli inangkin ni Gelo ang aking labi na buong puso at pagmamahal ko namang tinugon.


Nandito ako ngayon sa office,doing the paper works. Magaan ang pakiramdam ko. Inspired? Yes! Siguro nga. For the past 6 years pakiramdam ko ngayon lang ako nakalaya sa kulungan ng nakaraan. I felt like my world and life was just starting all over again.

This time damang dama ko ang nag uumapaw na pagmamahal para sa taong iyon,kay Gelo, hindi nakatulong ang anim na taon para mawala ang pagmamahal ko sa kanya,bagkus mas nadagdagan pala ito at mas tumatag. Masarap sa pakiramdam kaysa noon.

Nawala lang ako sa pagmumuni muni ng may kumatok.

“Come in” sagot ko na hindi tumitingin sa pinto,naramdaman kong lumapit ito sa table ko.

“Ito daw yung papeles ng ibang materials nyo,nautusan ako ni Kuya Brian para ihatid sayo” sabi nito sabay lapag ng isang envelope at folder.

Doon lang ako napalingon.

“Odi?” gulat kong sabi, out of the blue ay parang bigla ako kinabahan na hindi naman. Na miss ko lang siguro ang mokong na ito. Halos tatlong linggo syang hindi nagpakita sa akin pagkatapos nung may nangyari sa amin.

Nginitian ko sya pero wala syang reaksyon. Nadissapoint ako dun.

Lalabas na sana sya pero nakatayo agad ako at maagap ko syang napigilan.

“Odi saglit lang, may problema ba tayo? Galit ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya at iniharap sya sa akin. Hindi pa din sya sumagot at sa ibang direksyon sya tumingin.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa frustration. Ganon na lang pala ang galit nya sa akin dahil sa nangyari? Wala naman ako kasalanan dun ah? Sya ang nag insist,natukso lang ako,nadala lang ako.

“Look,kung dahil sa nangyari sa atin kaya ka nagkakaganyan,Im really sorry,natukso lang ako,nawala ako sa pag-iisip” naluluha ko ng sabi.

“Huwag mo ng isipin yon,isipin na lang natin na walang nangyari. Kasalanan ko din,dahil sa alak sayo ko naibunton ang frustration. At nagsisisi ako dahil ginawa ko yon sayo,nandidiri ako sa sarili ko” sagot nya na nakatingin sa aking mga mata.

PAK!!

Nasampal ko sya! Hindi ko akalain na sa mismong bibig nya manggagaling ang ganon. Ang sakit pala? Akala ko nirerespeto nya pagkatao ko. Hindi pala! Nandidiri pala sya akin! Itinuring ko syang kaibigan at parang kapatid pero isa din pala sya sa mga taong iba ang tingin sa tulad ko.

“Okay na?! Good,ito na huli nating pagkikita” galit na sabi ni Odi at lumabas na.

Naiwan ako na luhaan. Masakit na ang kaibigan mo ay ginanun ka. Ininsulto ka. Nakakalungkot na dahil lang sa pesteng pangyayaring iyon ay nasira ang pagkakaibigan nyo,nasayang yong iningatan nyong pagkakaibigan.

Ng mahimasmasan na ako ay tinext ko si Gelo na huwag na akong sunduin. Agad ko inayos ang sarili ko at umalis.

Kailangan ko ma relax,kailangan ko ng makakapag pagaan ng nararamdaman ko.

Papunta na ako sa parking ng makasalubong ko si Kurt.

Anong ginagawa nito dito?

“Oh Kurt?” bati ko.

“Good thing naabutan pa kita” naka ngiting sabi nito ng makalapit sa akin.

“Bakit? Anong meron?” takang tanong ko.

“Nabalitaan kasi namin mula sa girls na nagbonding daw kayo sa EK last week, so naisip namin ng bestfriend mong si Clyde na sa aming boys ka naman makipag bonding” mahaba nyang sagot.

“Bruha talaga mga yon, oh san ba tayo? Tara na!” naka ngiti kong sagot. Trying to hide the sadness that Im feeling right now dahil sa sinabi ni Odi.

“Yess!! Tara,dun tayo sa tambayan,inom tayo” masayang sabi ng gwapong si Kurt. Hinila na nya ako papunta sa kotse nya. Napapangiti na lang ako ng di sinasadya eh.

“WELCOME YURI!” sabay na salubong ng mga boys at nag group hug ng makarating kami kina Jinx. Sa tambayan.

“Ang o.a nyo,napipipi ako mga walangya!” sabi ko at nagtawanan sila bago kumalas.

Umupo na kami para pumwesto,mukhang kakasimula pa lang nila, sa isang case kasi ng RH na napansin ko dalawang bote pa lang ang nagagamit.

“Anong meron?” nakangiti kong sabi.

“Kami naman dapat mong ka bonding ngayon! Inagahan namin uwi mula sa work para makasama ka best no?” sagot ni Clyde.

“Nainggit kasi mga yan sa girls nung nag EK daw kayo” singit ni Kurt.

“Lul! Ikaw nga unang unang nagreak nun eh!” bara ni Jinx kay Kurt.

“Sabi mo pa hindi pwedeng sila lang!” segunda agad ni Marx. Nagtawanan na lang kami sa sagutan ng mga to.

“Nako ah,baka magselos si Jepoy” sabi ko. Nag start ng umikot ang tagay. Cowboy na cowboy datingan namin. Parang sa kanto lang umiinum haha!

“Wala sya karapatan mag selos,ikaw nauna,at ikaw ang Dyosa namin” naka ngiting sabi ni Jopet at saka kumindat sakin.

“Ayon oh! Kumindat!” - Pat

“Ahem!” kunwaring ubo ni Kurt. Napangiti na lang ako eh. Hindi ko na lang muna sasabihin sa kanila na kami na ulit ni Gelo.

Tumagal pa ang inuman,tinatamaan na ako. Hanggang sa maalala ko yung mga sinabi ni Odi. Tahimik akong napaluha,nakalimutan kong may mga kasama ako.

“Bakit ka umiiyak best?” alo ni Clyde sa akin. Napansin siguro ako,natahimik na silang lahat at sa akin na nakatuon ang atensyon.

“Si Gelo ba? Sinasabi ko na nga ba!” tiim bagang na sabi ni Kurt.

“Relax bro!” - Pat.

“Hindi si Gelo no? Kami na nga ulit nun eh” sa tama ng alak nasabi ko na tuloy. Hindi ko na mabawi. Lalo sila natahimik. Lalo na si Kurt.

“Kung hindi si Gelo,eh sino?” sabi ni Clyde.

“Si Odi! Yung gagong yon! Hindi ko naman sinadya na may mangyari samin eh! Sya nagpumilit! Natukso lang ako! Tapos biglang hindi sya mamamansin! Sasabihin nya nandiri daw sya sa nangyari! Gago ba sya? Tinuring ko syang totoong kaibigan tapos ganito? Tinapon nya ako bigla” mahaba kong sagot saka napahagulgol.

Niyakap naman ako bigla ni Kurt. Naramdaman kong humihikbi din sya. Umiiyak sya?

Tahimik ang lahat. Oa nga siguro ako dahil sa naging reaksyon ko towards Odi. Pero masakit lang talaga na ang kaibigan mo ay bigla magiging ganon sayo. Sya ang lagi kong kasama at kasangga noon. Pero ngayon wala na. Hindi na kami magkaibigan. And worse tinuring nya akong hindi kakilala.

Maya maya ay nahimasmasan ako. Bigla ko tuloy naisip yong mga pinagsasabi ko. Sinabi ko na kami ni Gelo at may nangyari samin ni Odi? Jusme! Nakakahiya!

Ano na lang iisipin nila sa akin? Ni Kurt? Ni Clyde? Pakiramdam ko sobrang dumi kong tao. Ngayon lang isinasampal sa akin ng sitwasyon kung gano ako kadumi. Wala akong pinag iba sa mga baklang hayok sa lalaki.

“Magpapahangin lang ako” paalam ko sa kanila,tumango lang sila at lumabas na ako.

Malawak itong bahay nina Jinx,nagpunta ako sa may pool dahil sa tabi nun parang may kubo.

Dun ako pumunta,naupo at nag isip ng mga bagay bagay.

Kung kelan ako tumanda saka ako pumasok sa ganito. Saka ako lumandi. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko pinagana ang utak ko! Kainis!

“Yuri”

Tiningnan ko ang nagsalita. Si Kurt,umupo sya sa tabi ko.

“Totoong kayo na ulit ni Gelo?” tanong nya,hindi ako sumagot. Pakiramdam ko pag binuka ko ang bibig ko sasabay sa pagtulo ang luha ko. Ang bigat pa din pala? Takteng Odi yan eh!

“Sa pangalawang pagkakataon nahuli na naman ako” dagdag ni Kurt,nilingon ko sya saglit. Ngayon parang alam ko na kung san patungo ang usapan namin.

“Makalipas ang anim na taon,hindi nawala pagmamahal ko sayo,mas nadagdagan pa,kaya nung magkita ulit tayo,alam ko sa sarili ko na handa na ako. Handa na akong magsimula ulit kasama ka,pero nahuli na naman ako,ang sakit lang Yuri,ginawa ko naman ang lahat para makalimutan ka pero hindi ako nagtagumpay, pero mas masakit pala ang katotohanan na hindi mo na ako kayang mahalin” umiiyak nyang sabi. This time hindi ko na napigilan ang mga luha ko na nag uunahan sa pagtulo.

Nasasaktan akong makita na nasasaktan sya,at ang dahilan ay ako. Hindi ko naman mapipilit ang sarili ko diba? Pero alam ko sa sarili ko na may pagmamahal pa din ako sa kanya pero Mas higit ang pagmamahal ko kay Gelo.

“Im so sorry Kurt,hindi ko alam na nasasaktan kana ng ganyan” sabi ko sa kanya ng buong sinseridad.

“Pero alam mo kahit papano Yuri masaya ako, kahit hindi na kita mahalikan.Mayakap o mahawakan,masaya na ako na matanaw ka,masya na ako na nakikita ka,ewan ko ba dito sa puso ko eh,paulit ulit ng tinitibok ang pangalan mo,wala naman ako magawa” pilit na ngiti ang ibinigay nya sa akin. Niyakap ko sya. Para iparamdam sa kanya na kahit hindi kami,nandito parin ako para sa kanya at hindi nawala.

“Pasensya kana Yuri ah? Nangako pa naman ako sayo noon, pero huwag ka mag alala,pag niloko ka ni Gelo sabihin mo agad babanatan ko!” bigla nyang sabi kaya hinampas ko sya pagka bitaw ko sa yakap.

“Ang sadista mo!” reklamo nya kaya napahagikgik ako.

“Ikaw kasi eh! Ako yung nagdadrama nang aagaw ka ng moment!” sagot ko naman.

“Edi ngumiti ka din. Yuri yung kay Odi huwag mo na isipin yon,hindi sya naging totoo sayo,he’s not worth for your tears okay?” sabi naman ni Kurt at tumayo na. Nag nod lang ako then inalok nya ang kanang kamay nya para tulungan ako tumayo.

“Salamat Kurt, maraming salamat ng sobra” sincere kong sabi,ngumiti sya at sumagot.

“Wala yon,basta ikaw,tara na sa loob,baka kung ano isipin ng mga kurimaw na yon”

Kahit papano gumaan na pakiramdam ko. Tama si Kurt. Hindi ko na dapat isipin si Odi. Ang dapat kong isipin ay si Gelo.

AN ~ Kamusta po ang chapter na to? Get ready sa mga sunod na chapter. Get ready for the big twist! :D

AA 12 ~ The Tragedy

Yuri’s POV

Abala akong inaayos ang sarili ko habang naghihintay sa akin sa sala si Kurt. Makikisabay daw kasi sya sa amin ni Gelo dahil coding sya ngayon.

May lakad ang tropa kasama si Gelo, birthday ng dati naming classmate na si King kung naaalala nyo pa.

Parang tinatamad na nga akong pumunta dahil maulan. Pero sabi ni Gelo nakakahiya naman daw kung hindi ako pupunta. Syempre sumang ayon na lang ako.

Ng matapos makapag ayos ay bumaba na ako sa sala, nandun na din pala si Gelo,kausap sila ni Papa samantalang si Mama naman ay nasa kusina daw.

“Anak malakas ang ulan,tutuloy pa ba kayo?” nag aalalang sabi ni Papa.

“Oo naman Pa,nakakahiya naman kung hindi kami pupunta” sagot ko saka binaling ang paningin sa dalawang gwapong titig na titig sa akin.

“Tara na?” akay ni Gelo sakin.

“Yup” sagot ko “Kurt nasan ba sila?” dagdag ko pang sabi.

“Nauna na daw sila dun,mga excited eh” sagot ni Kurt.

“Tita,tito alis na po kami” paalam nina Gelo at Kurt. Im glad na naibalik nila yung dati nilang turingan sa isa’t isa.

“Ma,Pa alis na kami” at lumabas na kami. Patakbo pa nga kaming sumakay sa kotse ni Gelo. Ako sa passengers seat at sa likod si Kurt.

Agad na kaming umalis, I dont know pero bigla ako kinabahan at natahimik. Habang nagmamaneho kinuha ni Gelo ang kaliwang kamay ko at hinalikan.

“Mahal na mahal kita Mhy,lagi mong tatandaan yan” sabi nya. Ngiti lang ang isinagot ko at nilingon si Kurt sa likod. Nakapikit na ang gago,natutulog siguro.

Mga 30mins na din kami bumibiyahe. Pinaalala ko kay Gelo na hwag mabilis dahil basa ang daan. Masunurin naman sya.

Sakto paliko kami sa isang intersection ng makarinig ako ng malakas na ingay ng makina ng sasakyan palapit sa amin. Nasilaw ako sa sobrang liwanag.

Nakita ko pang sinusubukang iiwas ni Gelo ang kotse ngunit kasunod nun ang malakas na tunog at nagdilim na ang paningin ko.

Kurt’s POV

“Argh!” damn! Ang sakit ng ulo ko, anong nangyari?

Napatingin ako sa paligid at nagtayuan ang balahibo ko sa nakita, bumangga kami! Si Gelo nakasubsob sa manibela at duguan, si Yuri ganon din. Kahit masakit ang katawan ko,pinilit ko kumilos at makalabas ng sasakyan.

Paglabas ko nakita ko sa kabilang gawi ang isang truck na bumangga din. Madami na din ang tao, may mga lumapit sa akin.

Kahit masakit ang ulo ko at maramdamang may tumutulong mainit sa mukha ko, binuksan ko ang passengers seat.

“K-ku-kurt… I-i-lig-ta-tas m-mo s-si Yu-yuri” nadinig kong sabi ni Gelo kaya lalo akong nataranta. Maingat naming inilibas ng mga tumulong sa akin si Yuri at inilayo sa kotse.

Ng masiguro kong naihiga sya ng maayos at inasikaso ng mga tao ay dali dali akong pumunta sa kotse para si Gelo naman ang tulungan.

Isang malakas na pagsabog ang ang gumulat sa aming lahat na naroon. Nanindig ang mga balahibo ko at nangatog ang tuhod ko.

Ang kotse ni Gelo sumabog at nasa loob pa sya!

“NOOOO!!! GELO!!!” sigaw ko at agad tumakbo papunta sa umaapoy na kotse, hindi pa ako nakakalapit ng may mga pumigil sa akin.

Mga pulis. Nagsidatingan na pala sila.

“Sir delikado ho,lumiliyab na ang sasakyan” sabi ng isang pulis.

Nagpupumiglas na ako,hindi pwedeng mawala ang kaibigan ko,hinding pwedeng mawala ang minamahal ng taong mahal ko.Hindi pwede! Nagwala na talaga ako at nagsisigaw.

“NO!! HINDI PWEDE! ANG KAIBIGAN KO NASA LOOB! KAILANGAN NYA NG TULONG!”

“sir panigurado sunog na din sya sa lakas ng pagsabog at ng apoy”

“HINDI! HINDI! TUTULUNGAN KO SYA! ANO BA BITAWAN NYO AKO! KAILANGAN SYA NG KAIBIGAN KO! HINDI SYA PWEDENG MAMATAY!!!”

yan ang paulit ulit kong sinisigaw. Kahit nawawalan na ako ng boses. Peste kasing mga Pulis to at pinigilan pa ako.

Paano na si Yuri? Magiging miserable na naman sya? Baka hindi na nya kayanin at maging sanhi pa yon ng kamatayan nya?

Naramdaman ko na lang na nanghina na talaga ang mga tuhod ko,kasunod nun ang pagdilim ng aking paningin.


“YURI!” Napabalikwas ako ng bangon pero napahiga ulit dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko. Pagkapa ko may benda sa ulo ko. May nakatusok din na dextrose sa aking kamay.

Nasa ospital ako?

Bigla ko naalala si Yuri at Gelo. Baka nandito din sila sa ospital. Patayo na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang tropa kasama sina Mom and Dad.

“Anak,magpahinga ka na muna,makakasama sayo ang maya’t mayang pagkilos” sabi ni Mom.

“Maraming nawala sayong dugo kaya magpahinga ka anak” segunda ni Dad.

“Si Yuri? Nasan sya? Ligtas sya diba? Pati si Gelo? Nasan sila?” hindi ko mapigilan itanong. Nagpalitan lamang sila ng tingin at hindi ako sinagot.

“ANO?! BAKIT HINDI KAYO MAKASAGOT?” sigaw ko ng ganyan. Naiinis na ako at kinakabahan sa mga pinapakita nilang reaksyon, ang mga lalaki tumungo at nag iyakan ang mga babae kaya naman mas kinabahan na ako.

Lumapit sa akin at umupo sa higaan si Sugar habang umiiyak.

“Kurt, ayos na si Yuri,nasa kabilang silid sya at binabantayan nina Tito at Tito at ni Odi” umiiyak nyang sabi.

“Odi? Bakit nandun yon? Kung okay na sya bakit ganyan kayo maka react?!” nanginginig kong sabi. Parang pumapasok na sa isip ko kung ano talaga ang nangyari.

“Si Gelo” sabi ko pa.

“Wala na sya,kasama sya sa pagsabog ng kotse,halos ma abo na ang kotse ng ma agapan ang apoy nito” sagot ni Sugar.

Doon na ako tuluyang nanlambot. Totoo pala ang lahat ng nangyari. At wala ako nagawa para tulungan si Gelo. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari!

“Hindi,hindi pwede! Pano na si Yuri? Malulungkot na naman sya,magiging miserable na naman sya! Kasalanan ko to! Hindi ko natulungan si Gelo! Hindi ko natulungan ang kaibigan ko! Nahuli ako sa paglapit sa kotse! Kung hindi sana ako mahina ng oras na yon nailigtas ko din sya! Kasalanan ko to eh!” hysterical ko ng sabi. Nagwala na ako. Niyakap na ako ni Mom.

Maya maya may pumasok ng Nurse at may tinurok sa akin kaya muli akong nakaramdam ng pagod at antok.

AN ~ Yan po muna :) wait for the next Update,comment po kayo if want nyo po,vote na din kung gusto nyo din :) Thanks po ^_^

AA 13 ~ Lost Memories

Clyde’s POV

Five days ng walang malay si Yuri,nandito ako ngayon sa ospital,kagagaling ko lang sa Funeral ni Gelo. Nandun pa ang tropa.

Si Kurt ayaw umalis dun,guilty daw sya kaya kailangan nyang bumawi kahit papano. Wala naman sya dapat ika guilty dahil aksidente lang ang lahat.

Hanggang ngayon parang hindi pa din ma absorb ng utak ko ang mga nangyari. Parang walang katapusang problema na lang ang dumadating sa mga kaibigan ko. Ganun ba kasama ang magmahal ng kaparehong kasarian? Kaya pati ang tadhana gumagawa na ng paraan para paghiwalayin sila? Nagmahal lang naman sila. Alin ba ang masama? Ang magnakaw,pumatay,manakit o magmahal ng kaparehong kasarian? Ganon ba kasalimuot yon?

Inilapit ko ang upuan sa tabi ng higaan ni Yuri. Nakakaawa sya. Hinawakan ko ang kamay nya.

“Best,hindi ko alam kung paano namin sasabihin sayo ang lahat lahat pag nagising kana,sana kayanin mo,alam kong matapang at malakas ka” pagkausap ko sa kanya kahit alam kong hindi sya sasagot.

Bigla na lang gumalaw ang kamay nyang hawak ko. Nabigla ako at hindi nakakibo. Umungol pa sya na tila nagigising na.

Sakto bumukas ang pinto at pumasok mga magulang niya kasunod ng tropa.

Muli gumalaw ang kamay nya at umungol sya,natigilan ang lahat.

Para bang tumigil ang pag ikot ng mundo namin ng pati ang katawan nya ay igalaw nya.

Maya maya ay nagmulat si Yuri ng mga mata,matagal nya akong tinitigan na parang nagtataka. Bumaling sya sa tao sa paligid.

“Ma? Pa? Anong nangyari? Bakit nandito ako?” pagkuway tanong nya,agad lumapit si Tita Rizza sa kanya at niyakap sya habang umiiyak.

“Sa wakas anak, nagising ka na” ani Tita Rizza. Nakaramdam ako ng ginhawa dahil nagising na sya.

“I’ll call the doctor” sabi naman ni Tito Kenji at agad lumabas.

“Ano ba nangyari ma?” takang tanong ni Yuri. Hindi makasagot si Tita na para bang hindi alam ang sasabihin.

Lumapit ang tropa at pumaikot sa higaan,lahat may luha at ngiti,dahil sa wakas,nagising na sya.

“Naaksidente kayo best,limang araw ka ng hindi gumigising” ako na ang sumagot sa tanong nya.

“Naaksidente? Best? Kelan?” tila naguluhan nyang tanong at bumaling kay Tita.

“Ma? Anong sinasabi nya? Diba pupuntahan ko lang naman sina Kuya Jiian? Pano ako na aksidente? Saka sino sya?” sabi nya. Natigilan ako at nawala ang ngiti. Maski ang tropa ay nagulat.

“Sino ka ba? At kayo sino kayo? Bakit nandito din kayo?” baling nya sa amin.

Anong nangyari? Bakit hindi nya kami kilala?

Maya maya ay dumating na ang Duktor kasama si Tito Kenji.

“Doc,anong nangyari sa anak namin? Bakit hindi na nya makilala mga kaibigan nya?” umiiyak na sabi ni Tita.

“Anong ibig mong sabihin Hon?” takang tanong ni Tito Kenji.

“We’ll make some test for him,mukhang nagkaroon ng malakas na impact sa utak nya ang aksidente,if you’ll excuse us,maari po munang lumabas kayo” sabi ng Duktor na sinunod naman namin.

20 minutes din kaming naghintay sa hallway ng lumabas ang ductor,agad lumapit sina Tito at Tita dito.

“Mr.And Ms.Mendoza tama nga na may amnesia ang inyong anak dahil sa malakas na impact ng pagkaka umpog ng ulo nya, meron syang Retrograde amnesia In this form of amnesia the affected individual will be unable to recollect events that occurred before the amnesia set in. The condition is caused either by disease or a brain injury especially in areas linked with episodic memory-the hippocampus and the median temporal lobes.

Memory is poorest regarding events that occurred just before amnesia set in. Early memories are comparatively safe with memory decline building up to the event. No cure has yet been found for this condition. May mga tinanong ako sa kanya,and unfortunately, hindi nya matandaan ang mga pangyayari four years ago,maski ang mga tao sa panahong yon, ang tanging natatandaan nya daw ay bago sya mag fourth year high school kasunod agad ay ang mga nangyari ngayon maliban sa aksidente,kumbaga parang cd na tumalon ang eksena,bihira ang mga ganitong kaso, just have faith na babalik din ang mga nawalang alaala sa kanya,tulad ng sabi ko,wala pang gamot dito,you just have to wait and be patience“ mahabang paliwanag ng duktor.

“Eh Doc,pero pano yung mga taong naging bahagi ng buhay nya after four years?” paninigurado ni Tito Kenji.

“That’s the Good thing,tanda nya ang mga yon at pangyayari on that time frame” sagot ng Ductor.

“Thanks Doc” pasalamat nina Tita dito at umalis na ang duktor,sina Tita naman muling pumasok sa silid kung san naka confine si Yuri.

Para akong nabingi sa nadinig ko. Ibig sabihin hindi nya kami maalala? Dahil fourth year high school na kami ng magkakila kilala. Maski si Gelo hindi nya maaalala. Oh God!

Tulalang naglakad ako palabas ng ospital at tuliro. Ano na mangyayari ngayon?

“Bro kailangan na tong malaman ni Kurt” sabi ni Pat. Sumunod pala sila sa akin. Nandito na kami sa parking.

“I can’t believe this! Hindi na nya tayo maalala!” - Sugar.

“Bakit ba kasi may ganong amnesia? Parang lumaktaw,parang sinadya”- Jepoy.

“Ngayon ang problema natin,pano natin mahihikayat si Yuri na pumunta sa libing ni Gelo kung hindi na nya yon makikilala,Im sure magtataka yon” - Jopet.

Napaisip ako dun. Kahit man lang sana sa huling hantungan ay maihatid ni Yuri si Gelo kahit hindi na nya ito maalala.

“Madali lang masasabi nina Tito Kenji na yung kaibigan nila eh namatayan ng anak,pero paano pag nagtanong tanong na si Yuri? Sasabihin ba nina Tita? Sasabihin ba natin?- Jinx.

Argh! Napasa bunot na lang ako sa sarili sa sobrang frustration. Agad akong niyakap ng mahal kong si Kath.

AN ~ Hello po! Maikli ata toh,bawi na lang po ako ulit next Update :)

AA 14 ~ Farewell Gelo

Yuri’s POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nagising na lang ako na nasa ospital at napapaligiran ng mga taong hindi ko kilala. Buti na lang nandun sina Mama at Papa.

Ang sabi na aksidente daw ako and worse nagka amnesia daw sabi ng doctor. Pero bakit ganun? Kilala ko pa si Odi? Sina kuya Jiian,ate Angel? Tito Paul,te Khai at mga pamangkin ko? Pero yung mga taong nasa loob ng kwarto ko dito sa ospital eh hindi ko kilala.

Ang sabe pa nawala daw ung alala ko mula 3rd year High school hanggang 3rd year college. Posible pala yun na may part ng memory mo ang mawawala?

Ngayon pauwi na kami pero hindi kami dideretso sa bahay. Ang sabi nina Papa ay may pupuntahan daw kaming importante.

Kaya laking pagtataka ko ng sa sementeryo kami pumasok.

Anong gagawin namin dito?

“Ma?Pa? Bakit tayo nandito?” naguguluhan ko ng tanong,nauna lumabas si Papa sa kotse at inalalayan nila ako ni Mama. Puro benda pa kasi ang katawan ko. At hindi pa ako gaanong makakilos.

Kinuha ni Papa ang wheelchair sa compartment at inayos,saka ako iniupo at si Mama ang nagtulak.

“Ma?Pa? Bakit?”

“Ihahatid natin sa huling hantungan ang isang napaka importanteng tao sa buhay mo,anak sya ng kaibigan namin ng Papa mo” sagot ni Mama habang patuloy ang pagtulak sa wheelchair.

Importanteng tao sa buhay ko na namayapa? Pero sino? Wala akong maalala?

Ng makalapit kami ay nagtinginan ang lahat ng tao. Nandun din yung mga tropa ko “daw”. Nagulat na lang ako ng may yumakap sa akin na babae,ka edad siguro ni Mama. Ng kumalas ng pagkakayakap sa akin ay umiiyak pala ito.

“Im glad your safe Yuri,pero ang anak ko hindi nakaligtas” sabi nito at muling umiyak.

“Tahan na mahal” alo dito ng lalaki na kasing edad naman siguro ni Papa.

“Ha? Naguguluhan ako” sabi ko na hindi na maitago ang pagtataka.

“Anak,sila ang Tita Mariz at Tito Rudolf mo,mga kaibigan namin ng Papa mo,anak nila si Gelo,ang boyfriend mo nasa loob ng ataol na iyan” paliwanag ni Mama.

Parang lalo ako naguluhan? Pero nung binanggit ang pangalang Gelo biglang bumilis ang tibok ng puso ko,hindi ko maintindihan? Bakit ganun?

“Boyfriend? Gelo?” sabi ko. At may pagtatakang tumingin sa akin yung Tita Mariz.

“Rudolf,Mariz,nagka amnesia si Yuri dahil sa aksidente iyon” paliwanag ni Papa. Para namang gulat na umiyak ulit si Tita Mariz at niyakap ako.

“Oh God! Im sorry,hindi ko alam” anito.

Maya maya pa may dumating ng Pari,nag start na sa mga dapat gawin. Nagbigay ng mensahe sina Tito Rudolf,Tita Mariz at yung isa pa daw na anak.

Ng pababa na sa ilalim ng hukay ay bigla ako nakaramdam ng matinding lungkot. Parang bigla naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit?

Pakiramdam ko habang papunta na sa ilalim ng lupa ang ataol ay may parte ng buhay ko ang nawala. Ang sabi boyfriend ko daw sya. Kaya siguro kahit hindi ko sya maalala ng aking isip ay naalala naman sya ng aking puso.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nasasaktan ako sa hindi ko alam na dahilan. Ng unti unti ng tabunan ito ng lupa ay nakisabay ako sa hinagpis nila.

Nagtaka na sila at napatingin sa akin. Pero mas nang lumapit sa akin ang isang binata. Yung isa pa daw na anak nila Tita Mariz, siguro nasa 13 o 14 years old na ito.

“Kuya Yuri,alam ko hindi mo na ako maalala at ang mga magulang namin ni Kuya Gelo, alam mo ba mahal na mahal ka ni Kuya” sabi nito na nagcrack na ang boses.

“Kahit noong bata pa ako at pag pumupunta ka sa bahay nagtataka ako kung bakit ganun ang karelasyon ni Kuya hindi ako nagtanong,kasi mabaet ka sa akin,kaya hindi na kami nagtaka na sobrang minahal ka ni kuya kahit matagal kayo naghiwalay” patuloy nito sa pagsasalita at tuluyan ng umiyak kaya pati ako ay naiyak na.

“Mabaet na kapatid si Kuya eh,mahal na mahal ako nyan pati sina Mom and Dad,kaya hindi ko matanggap kung bakit sa kanya pa yan nangyari” patuloy nya. Nasasaktan at naaawa ako. Pakiramdam ko wala ako kwenta dahil wala man lang ako maalala sa mga sinasabi nya.

“Sana,sana kahit nakalimutan mo na kaming lahat at nakalimutan mo na ang nakaraan,sana huwag mong kalimutan na may isang kuya Gelo na nagmahal sayo ng tapat at wagas,sana sa pagkawala nya,huwag mo syang kalilimutan,sana huwag syang kalimutan ng puso mo” at tuluyan na itong humagulhol.

“Argel!” sabi ko at agad syang niyakap. Ngunit may pagtatakang humiwalay ng yakap sa akin at tiningnan ako.

Bakit?

Maging ang tropa ko daw,sina Mama,Papa, Tito at Tita ay napatingin sa akin.

“Tinawag mo ako sa pangalan ko kahit hindi namin binabanggit sayo?” sabi pa nito.

“Huh? Hindi ko alam,bigla na lang yon lumabas sa bibig ko” takang sagot ko. Maging ako ay nagtaka din na binanggit ko ang pangalan nya.

Ng tuluyan ng matakpan ng lupa ang hukay at mailagay ang lapida dito. Isa isa ng umalis ang mga tao. Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay mabigat ang pakiramdam ko.

AN ~ Pasensya na po at kung ganyan ang nangyari,mga fans ni Gelo dont worry so much,kahit wala sya ay pipilitin ko pagandahin ang takbo ng kwento :)

Thanks po sa mga comments pati sa vote. Talagang ginaganahan po ako.

What time na? 9am na? Matutulog nko, nagising lang aq kninang 2:30am eh at nag start na magtype kaninang 4am hehe. Nyt and morning po! Sleep nko ^_^

AA 15 ~ Odi’s Rendezvouz

Yuri’s POV :)

Pagkatapos ng lahat,balik ako sa normal,kahit pa may nawala akong alaala hindi naman dun natatapos ang buhay. Kailangan kong magpatuloy. May kinabukasan pa ako na dapat harapin diba?

At muli nandito ako sa personal office ko sa salon. May mga natambak palang paper works na kailangan ko harapin. Hindi naman masyadong mahirap dahil maaasahan ang mga tauhan ko.

Patapos na ako sa pag review ng mga papeles ng may kumatok.

“Come in” tanging sagot ko at tinapos ang huling dalawang dapat ko pirmahan.

“Masyado kang busy,hindi porket nagka amnesia ka eh kakalimutan mo na ang gwapo mong kaibigan”

“Oh Odi? Kamusta” sagot ko naman sa kanya at niligpit na ang mga papeles.

“Eto namiss kita ng sobra” aniya lumapit sa akin at bigla ako hinalikan na ikinagulat ko.

“What was that for?” takang tanong ko. Oo crush ko sya simula 4th year college pero hindi naman sya nagpakita ng kahit anong interes sa akin kundi pakiki pagkaibigan lamang kaya nagtaka ako. Ito din ang kauna unahang pagkakataon na halikan nya ko.

“Ano pa nga ba? Edi kiss,namiss kita ng sobra,sorry hindi kita nadalaw sa ospital that time, nasa states ako nun for work” naka ngiti nyang sagot sa akin at umupo sa upuan sa harap ng table ko.

“At dahil dun kailangan mo ako halikan? Anong masamang hangin ang umihip sa utak mo?” sabi ko at tinitigan syang mabuti.

“Hindi lang yon” sagot nyang seryoso kaya napatahimik ako. Anong eksena nya?

“Then what?” lakas loob kong tanong.

“Pasensya ka na Yuri,hindi ko na din kasi mapigilan ang nararamdaman ko,ganito pala yon,hindi mo malalabanan” sagot nya na lalo kong pinagtaka.

“What do you mean?”

“Mula nung gabing may mangyari sa ating dalawa hindi ka na nawala sa isip ko,nakakapraning lang kasi kahit anong gawin ko,ikaw at ikaw pa din ang nasa isip ko Yuri, mahal na kita,mahal na mahal”

For a moment natulala ako. Mahal ako ni Odi? May nangyari sa amin? Pero pano? Edi ibig sabihin gusto ko sya kasi binigay ko sarili ko? Eh ano yung sinasabi nila na naging boyfriend ko daw yung Gelo?

“M-may nangyari sa atin? Pano? Bakit?” magkakasunod kong tanong sa kanya.

“Oo Yuri,that night nagtapat ka sa akin ng pagmamahal mo,at ako naman sinabi ko din sayo na gusto din kita pero hindi pa kita mahal nun,naka inom tayong dalawa nun hanggang sa may mangyari,after that sinabi ko na subukan natin maging tayo” paliwanag nya na lalo kong ikinabigla.

Wait! Does that mean na kami? Bakit pati ang mga yon hindi ko maalala?

Shit! Sabi nga pala ng Duktor pati ang mga pangyayari days before the accident ay nawala sa memory ko! So ibig sabihin kami nga?

“Tayo? Pero bakit walang nagsabi sa akin? At bakit sinasabi nila na yung Gelo ang boyfriend ko?”

“Oo tayo Yuri,si Gelo? Matagal na kayong hiwalay nun bago kayo mag graduate ng high school,ikaw pa nga ang nagsabi sa akin nun,hindi mo ba natatandaan?”

“Hindi ko maalala Odi” naguguluhan kong sagot. Bigla sumakit ang ulo ko at kumirot ang sintido ko.

“Sinasabi ko na nga ba,pati yon makakalimutan mo,kaya nga nandito ako eh,natakot ako na mawala ka sa akin,kaya ng makabalik ako mula sa states at malaman ko ang nangyari agad akong pumunta dito dahil nakalabas kana daw ng ospital” mahaba nyang sabi,hinawakan nya ang dalawa kong kamay na hindi ko naman magawang bawiin baka ma offend sya.

Tinitigan nya ako ng mabuti,ganun din ginawa ko,pero bakit wala ako mabasa sa mga mata nya?

“Can we start all over again Yuri? Please? Ito ang first time kong magmahal ng isang tulad mo,huwag mo sana akong biguin” dagdag pa nya. Hindi ko alam pero napatango na lang ako at niyakap nya ako.

Hinatid ako ni Odi sa bahay kaya inalok ko syang dito na lang magdinner na hindi naman nya tinanggihan. Ewan ko,parang ang saya saya nya.

“Odi ijo napadalaw ka? Tamang tama ako ang nagluto ngayon ng hapunan” bati ni Mama ng makapunta kami sa dining.

Si Papa naman walang kibo. Kaya nakaka panibago. Nagkibit balikat na lang ako,pagod din siguro si Papa sa trabaho at wala sa mood.

Later on,pinagsaluhan namin ang masarap na hapunan. Madami ako nakain,parang hindi ako nakakain sa matagal na panahon.

10pm na ng magpaalam si Odi na kailangan na nyang umuwi dahil maaga pa daw sya bukas at ayaw nya masabon ni Kuya Brian. Bago sya sumakay sa kanyang kotse ay hinalikan pa ulit nya ako. Nakakapanibago talaga.

Ng nasa kwarto na ako at nakahiga,mataman kong inisip ang mga bagay bagay. Kung talagang kami na ni Odi dapat siguro sa kanya ko na itinutuon ang pansin at pagmamahal ko. Hindi ko dapat sya idamay sa mga kung anu-ano kong naiisip. Kawawa naman sya pagnagkataon at ayaw ko naman makasakit.

Siguro paglipas ng mga araw eh manunumbalik ang pagmamahal ko sa kanya. I think so.

Pumikit na ako para matulog. Bukas na bukas sisimulan ko na ang tungkulin ng isang mabuti at mapagmahal na partner. I will do it.


Two weeks ng consistent si Odi sa panliligaw. Yup nanliligaw sya,sabi ko kase ligawan nya ako which actually is a joke, pero tinotoo nya. Lagi nga ako sinusundo at hatid. Ganun pala pakiramdam ng nililigawan? Nakakababae lang ng peg XD

“Oh san naman tayo ngayon?” naka ngiti kong tanong sa kanya habang nagmamaneho sya ng kotse,syempre sinundo na naman nya ako at walang palya yon. Ganito pala magmahal ang isang Odi? Hindi ko naimagine na dadating kami sa ganitong punto dahil nga wala kaming romantic feelings before,except me for having a crush on him even before. Well,you cant blame me,he’s such a damn hot man! Perfect!

“I’ll bring you to the most beautiful restaurant here in the metro,at kilala mo may ari nun” nakangiti nyang sagot. Ang gwapo lang talaga ng mokong na to. I wonder bakit hindi sya tumatagal sa mga past girlfriend nya? He’s such a gentleman indeed.

“Oh really,Im excited,I cant wait” naka ngiti ko namang sinabi.

Maya maya pa ay huminto kami sa tapat ng isang pamilyar na restaurant.

Ng makapasok kami sa loob ay agad kaming sinalubong ng isang gwapong waiter at mukha syang pamilyar sa akin. Tinitigan pa nga ako nito na parang may pagtataka.

“I have a reservation,Im Leandro Cyrus Villarin” sabi ni Odi dito.

Ah,nakapag pareserve sya. Talagang pinaghandaan ng mokong. Nakakakilig naman ^o^

“Ah,this way Sir,Mam” sabi ng waiter at sinamahan kami sa isang table.

Naupo na kami. Hindi pa umalis ang waiter ,hinihintay yung magiging order namin.

Later on naka order na kami at inilapag na ng waiter ang order namin. Natakam naman ako sa pagkain. Hindi ko alam tawag dun basta mukhang masarap.

“Maganda sya diba?” biglang sabi ni Odi na kinabigla naming dalawa ng waiter.

“Sir?” takang tanong ng waiter.

“Maganda kasama ko diba?” ulit ni Odi. Tumingin muna sa akin ang waiter,ngumiti ng tipid bago sumagot.

Ang gago nito ni Odi! Nakakahiya! >_

“Yes Sir! Uhm if you’ll excuse me I have to go” sagot at paalam nito. Tumango lang kami ni Odi bilang pagtugon.

“Good! Nililigawan ko sya” naka ngiting sabi ni Odi bago tuluyang maka alis ang waiter.

“Para kang adik! Nakakahiya ka! Feeling mo naman babae ako?” pagkuway sabi ko sa kanya.

“Bakit? What’s wrong with that? Im just proud na ako ang soon to be boyfriend mo,kailangan alam ng lahat yan,para wala ng magtatangka mang agaw,that guy is looking at you mula ng pumasok tayo” sagot nya at nagsimula na syang kumain,ganun din ako.

“Baliw ka talaga! Pati yon pinagselosan mo” sabi ko sabay subo ng pagkain. Wow! The food really taste good!

“Ganon lang kita kamahal Yuri” sagot nya.

Parang bigla may nag flash sa isipan ko na eksena. Ganito din. Ako may kasamang lalaki at dito din sa restaurant na ito at masaya kami nag uusap.

Napatigil ako sa pagkain. What was that? Parang totoo yung nakita ko sa isipan ko.

“May problema ba Yuri?”

“Ah wala,iniisip ko lang kung anong ingredients nito,ang sarap eh gusto ko magpaluto kay Mama” pagsisinungaling ko.

“I told you,the best ang restaurant na to, then in that case,we should ask the owners” nakangiti nyang sabi.

“Wag na no?! Nakakahiya” sabi ko at nagpatuloy kumain.

“Bakit ka mahihiya? Kaibigan nina Kuya Jiian,kuya Brian at Ate Angel ang mga may ari nitong P2 restaurant” aniya.

“Ah ganun ba? Sino naman?”

“Pipay and Prinz” sagot nya.

Really? Sa kanila pala to?

“Dont tell me hindi mo maalala?”

“Actually yes” nahihiya kong sagot. Grabe naman pala natamo kong amnesia? Pati mga ganito nakalimutan ko? Ang hirap ng may ganitong kalagayan.

“Baka pati pag sagot mo sa akin makalimutan mo din” sa sinabi nyang yon ay napatigil ako at napatingin sa kanya.

“Yuri,mahal na mahal kita,kahit ilang beses ko yon sabihin hindi ako magsasawa. I dont want to lose you,hindi ko kaya” madamdamin nyang sabi. I dont know pero wala ako maramdaman maliban sa kilig? Pero gusto ko subukan dahil nga hindi naman kami magiging mag on noon kung wala ako nararamdaman sa kanya diba? Siguro kailangan lang ako matrigger para bumalik yung dati kong nararamdaman sa kanya.

“Odi…”

Tumayo sya at humarap sa akin at lumuhod na ikinagulat ko. Pati ang ibang costumers nagsitinginan dahil sa ginawa nya.

“Odi ano ka ba? Tumayo ka nga dyan!” sita ko sa kanya. Nakakahiya ang ginagawa nya. May dinukot sya sa bulsa nya. Isang maliit na kahon. Alam ko na gusto nyang mangyari.

Kinuha nya ang kamay ko at isinuot ang singsing sa aking palasinsingan.

“Can I be your boyfriend Yuri?” tanong nya. Hindi ko na kailangan mag-isip dahil alam ko na ang dapat isagot.

“Yes Odi” sagot ko, then bigla nya ako niyakap.

“YESS! Thank you! Thank you!” sigaw nya at bigla humalik sa aking labi.

“I love you so much Yuri” sabi nya. Nakakahiya talaga! Lalo na ng magpalakpakan ang mga tao.

“Ang adik mo” nakangiti kong sabi then iginala ko ang paningin ko sa paligid. Then I saw Pipay and Prinz. Nakatingin sila sa akin na parang may dissapointment?

Bakit ganon? Dati naman lumapit at sumabay pa sila sa amin ni Gelo kumain ah?

Wait?! What was that? Talaga bang naisip ko yon? Bakit si Gelo ang kasama ko nun?

Nang matapos mag dinner ay hinatid na ako ni Odi. Binabagabag pa din ako ng mga naisip ko kanina. Si Gelo nakasama ko dun? I thought high school kami naghiwalay? Ganon na ba katagal ang restaurant na iyon?

AN ~ Sorry kung late :)

AA 16 ~ Mall Encounter

Kurt’s POV

Sumasakit na ulo ko sa sobrang babad dito sa work. Ewan ko ba kay kuya Dex parang walang bakas ng pagka stress at ganadong ganado pa? Sa bagay ikaw ba naman ang uuwi ng bahay na may madadatnang magandang asawa at isang supling,tanggal talaga siguro lahat ng pagod nya.

Makapag liwaliw nga mamaya,sino kaya pwedeng isama? Tangena kasi ng tropa eh,wala ka ligtas pag nagpasama ka sa isa sa kanila. Talagang papanindigan nilang magpalibre =__=

Dahil hindi na ako makatiis lumabas na ako.

“Lhen,cancel all of my appointments today,I’ll just deal with them tomorrow,at pag may naghanap,tumawag o si kuya Dex ang nagtanong, paki sabi na may importante akong pupuntahan okay?” bilin ko sa aking secretary pag labas ko sa personal office ko.

“Sige po Sir,ako na ang bahala, ingat po” sagot nito. I just nod and smiled then nagtuloy tuloy na ako sa paglabas sa department namin.

I headed straight to the elevator at ng dumating ito sa floor na kung nasaan ako ay agad ako pumasok pagkabukas nito. Binati ako ng mga employees ng kumpanya na nakasakay din dito.

Suddenly may nadinig akong tugtog.

~Mga tambay lang kami sawa sa babae,mga babaeng manloloko pineperahan lang kami ~

Bigla na lang akong napangiti,yan din yung tugtog noon sa taxi na nasakyan namin nung naging kami ni Yuri at first date namin yon.

I remember buying a couple phone para sa aming dalawa,kumain sa Jollibee at naglibot sa mall. Bata pa kami nun pero alam ko na sa sarili ko na sya na talaga ang mahal ko. Wala ako paki alam kahit bakla sya. Yon ang unang pagkakataon na nagmahal ako ng sobra. At madami ako pinagsisihan noon kung bakit sya nawala sa akin,pero hindi selfish ang pagmamahal ko sa kanya,alam kong kay Gelo sya sasaya kaya nagparaya ako, love is selfless,kaya lang bandang huli iniwan din sya nito, mabaet naman si Gelo at naging tropa na talaga namin sya. I just didnt expect na kamatayan nya pa ang maghihiwalay sa kanila ni Yuri. Napaka saklap.

Hanggang ngayon kinakain pa din ako ng guilt,kung sana mas malakas ako edi sabay ko sila ni Yuri nailabas sa kotse noon bago ito sumabog. Edi sana walang namatay. Walang nagka amnesia.

Amnesia. Bakit kaya kay Yuri pa yon nangyari? Ang masakit pa kaming mga importanteng tao ang nakalimutan nya. Pinili ng tropa na dumistansya muna pang samantala at hayaang si Yuri ang maka diskubre at maka alala ng lahat. Hindi din makakatulong na kami ang magpapa alala. Mahirap na baka ma pressure pa sya. Pero kahit may amnesia sya at pagkakataon ko na para maging akin sya ay hindi ko iyon gagawin,mahal na mahal ko si Yuri at hindi ako sakim,ang tanging magagawa ko lang,magagawa namin ay suportahan sya hanggang dumating ang tamang oras na magbalik na sa kanya ang lahat. At saka nirerespeto ko din naman si Gelo kaya wala talaga akong planong agawin sya kahit malaki na ang chance ko. I just cant do that.

Natigil lang ang pag-iisip at pagbabalik ko sa nakaraan ng tumunog na ang elevator. Nasa groundfloor na pala,hindi ko namalayan.

Dali dali akong sumakay sa kotse ko na hindi alam kung san pupunta.

Hanggang sa magtraffic sa tapat ng isang park. I remember this park. Dito din naaksidente noon si Yuri. Tiningnan ko ang mga taong masayang nasa park hanggang may makita akong pamilyar na tao.

Nagtayuan ang mga balahibo ko. May nakita akong isang pamilyar na tao. Pasimple kong itinabi ang aking kotse sa gilid ng kalsada at bumaba sa kotse.

Could this be? No pano?

Inikot ko ang buong park pero hindi ko na ulit nakita yung pamilyar na tao.

I just shooked my head because of that. Sobrang stress na siguro ako at mukhang kung anu-ano na ang nakikita ko.

Dahil sa wala akong mapuntahan,sa mall ko na lang naisipang magliwaliw.

Parang batang naglaro ako sa timezone. Ang sarap sa pakiramdam na nagawa ko ulit ang mga bagay na to after 6years. Nang maka graduate kasi kame ng High school eh nag level up ang mga ungas,since college na daw kami hindi na daw bagay samin ang mga ganito,parang mga timang lang >_

Ng mapagod ay naupo ako sa isa sa mga upuan. Then ng sa tingin ko ay humupa na ang pagod naglakad na ako para maghanap ng makakakain.

Pinili ko na lang sa food court kumain. Trip ko eh. Ng maka order na ako ng pagkain ay nagsimula na akong kumain.

“Yow! Dating yourself?” napalingon ako sa nagsalita.

Si Odi kasama si Yuri kaya hindi ko napigilan magsalubong ang mga kilay. Bakit sila magkasama? Ang kapal din ng mukha ng lalaking to eh! Sarap basagin ng bungo!

“Yup,and Im enjoying it, you?” inis kong sagot sa gagong to. Bakit kasama sya ni Yuri? Psh!

Bago sumagot ay ngumiti pa ng nakakaloko ang gago :/

“You see,pinapasyal ko boyfriend ko, yup you heard it right,boyfriend ko na si Yuri” sabi nito.

WHAT? PANO? Ediba dinispatsa nya si Yuri dahil nandidiri sya dito? Bakit nagkaganon?

Tiningnan ko si Yuri na parang nanghihingi ng explanation. Hindi naman ata tama na porket may amnesia sya eh sasamantalahin na.

“Totoo?” hindi ko maiwasang itanong. Tango ng isang nahihiyang tao ang sagot ni Yuri.

Shit! Anong ginawa mo Odi? Humanda ka sa akin!

“O sige na dude,maiwan kana namin” sabi ni Odi. Hindi na ako sumagot. Inis ako eh. Gagong Odi to,anong ginawa nya kay Yuri?!

Ang gagong yon?! Nag take advantage sa mga pangyayari! Ano kayang binabalak ng ungas na yon? Kailangan ko alamin para mapigilan. Nabubwisit ako,akala mo kung sinong anghel ,demonyo naman pala. May mapatunayan lang ako,basag sa akin mukha nya!

AN ~ I know its a lazy Update,kailangan yan mailagay eh haha! Para mag process na yung story :) kung mabaet vote and comment po,thank you for reading ^o^

AA 17 ~ The Park Part 1

Kurt’s POV

Hindi ako mapakali sa nalaman ko. Alam kong sinasamantala ni Odi ang pagkakaroon ng amnesia ni Yuri. Kaya kinagabihan pinatawag ko ang tropa at dun kami kina Jinx nag meeting.

“Anong meron bro?” bati ni Clyde at pumasok na sila lahat. Kami naman ni Jinx ay kanina pa nandito. Kinukulit na nga nya ako kung para saan ang meeting,sabi ko malalaman din nya pag nandito na ang lahat.

“Mukhang importante ah? Ang seryoso ng mukha mo” sabi naman ni Marx at nagsi upo na sila.

“Its about Yuri” sagot ko.

“What about him?” - Sugar.

“Bumalik na ba alaala ni Yuri-chan?^o^” - Kousagi.

“and.. Odi” dagdag ko naman na ikina kunot ng mga noo nila.

“Anong meron kay Papa Odi at Yuri?”- Jepoy.

“Teka? Diba’t hindi sila okay? Umiyak pa nga sya diba?”- Jopet.

“What do you mean?” takang tanong ni Aifha. Oo nga pala,walang alam ang mga girls sa nangyari nun.

“C’mon! Spill it out Kurt”- Kath.

“Remember the Alumni nung nakina Jopet na tayo at dumating si Yuri kasama si Gelo at Odi? Si Odi ang kasama ni Yuri sa kwarto at may nangyari sa kanila” panimula ko. Nanlaki naman ang mga mata ng mga babae.

0_0 <- yan sila.

“My Gawd! Naunahan ako ni Yuri! Kung alam ko lang!” sabi ni Jepoy na gulat na gulat.

“Poy!!” suway nila.

“Hihi sorry^o^V”- Jepoy.

“Then after that,matagal na hindi nagpakita si Odi kay Yuri,at nung may chance na magkausap sila, sinabi ni Odi kay Yuri na nandidiri sya sa nangyari at sinabihan pang huwag na silang magkita ulit” dagdag ko. Gusto ko ma explain sa kanila ang lahat para after this ay magkaroon kami ng solidong plano.

“That Monster! Sinabi nya yon?! Kapal ng mukha nya ah?!” galit na sabi ni Sugar. Sa tropa talaga sya laging affected pag may nangyayari kay Yuri,syempre ako at si Clyde din,hindi na lang namin pinapahalata.

“Relax Sugar, so ano na sumunod na nangyari dude?”- Pat.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy.

“Kanina nag mall ako at nakita ko silang dalawa, believe it or not,silang dalawa na. I dont know what happen basta ang alam ko may pinaplano yang si Odi” sabi ko.

“WHAT?! Agad agad? Sila na?!”

“Kung ganon,sinamantala pala ng Odi na ito ang Yuri natin? So ano gagawin natin?” - Jinx

“Malapit na birthday ni Yuri,at ako mag sa-suggest kina Tito at Tita na sa isang Resort na lang yon gawin” sagot ko naman at saka sumandal sa sofa. Parang ngayon ko naramdaman ang pagod kakaisip.

“So whats the plan then?”- Aifha.

“Sa birthday nya,gagawin natin lahat ng possibility na may maalala sya without forcing him,at pasimple nyo syang ilayo kay Odi,while kaming mga boys ang mag iimbistiga kung ano talaga plano ni Odi” pagtatapos ko sa plano.

“Im so excited! Matagal natin tong hindi ginawa!” bulalas ni Kousagi.

“Kaya kailangan,galingan natin, hindi naman pwedeng kanya lang si Yuri tapos mapapasama pa? Masyado na madaming pinagdaanan ang kaibigan natin para may maranasan pang masakit!” segunda ni Clyde. Napangiti na lang ako eh. Parang dati lang din, mahal na mahal nya si Yuri pero nagparaya sya para sa akin at sinayang ko naman. Nahuli na ako ng pagbawi dahil may Gelo na dumating sa buhay ni Yuri.

“TAMAAAA!?!” sabay sabay nilang sabi at saka nagtawanan. Mga baliw talaga.

Yuri’s POV

Hayst! Ang bilis ng araw, isang buwan na din kaming mag on ni Odi. Masaya naman ako sa kanya pero parang may kulang. Ewan hindi ko din maipaliwanag eh.

Tapos next week na birthday ko,sabi nina Mama at Papa sila na daw bahala kaya ipinaubaya ko na lang sa kanila ang lahat.

Andito ako sa kwarto ko at bored na bored? Ano kayang dapat gawin?

Bigla na lang sumagi sa isip ko yung itsura nung Kurt ng malaman nyang kami ni Odi. Ang mga mata nya full of dissapointment parang tulad kina Pipay at Prinz. Ano bang meron? Pakiramdam ko may ginagawa akong mali dahil sa ganung reaksyon nila.

Tapos paminsan minsan pa biglang may magfaflash na eksena sa isipan ko kaya lalo ako naguguluhan. Ano bang meron sa mga alaalang nawala sa akin.

Hayst! Hindi ko na matiis,mababaliw na ako kakaisip.

Agad akong lumabas at pumunta sa katabing bahay,kina Tito Paul. Makikipaglaro na lang ako sa mga pamangkin ko para malibang ako.

Laking dissapointment naman naramdaman ko ng sabihin ng isa sa mga katulong na umalis ang buong pamilya. Bakit hindi sila nagsabi? Bakit wala kaming alam?

Hayst,kahit saan na nga lang basta malilibang ako. Maybe sa Mall. Tama! Dun na lang! XD

Agad kong tinungo ang kotse ko at pinasibad ito.

Drive lang ako ng drive hanggang sa biglang may eksenang pumasok sa isip ko.

Nasa kotse daw ako. Nasa passengers seat at ung driver eh iniiwas ang sasakyan hanggang sa puro liwanag at ingay na lang ang sumunod na eksena.

Napatigil ako sa pagdrive,sumakit bigla ang ulo ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari sa akin.

Nasa tapat ako ng isang park.

Pamilyar sa akin ang park na to, parang nakapunta na ako dito noon. Agad kong ipinark sa tabi ang kotse at lumabas. Parang may kung anong enerhiya ang humihila sa akin sa park na ito.

Naglakad lakad pa ako,bawat bahagi ng park ay pamilyar sa akin, para bang biglang gumaan ang pakiramdam ko.

Umupo ako sa isang bench at patuloy na pinagmamasdan ang paligid,ang mga tao. Hanggang natutok ang tingin ko sa isang puno. Ewan ang weird ng pakiramdam pero parang tinatawag ako ng puno kaya agad ko itong pinuntahan.

Umupo ako sa lilim nito at isinandal ang aking ulo sa katawan ng puno. Pumikit ako. Napaka relaxing at napaka calm sa pakiramdam. Parang hinehele ako.

Napadilat ako ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. And I was right. May lalaking nakatayo sa harap ko at nakatingin sa akin. Agad ako napatayo dahil pamilyar sya sa akin.

AN ~ OOOPPPSS! Maya na po ang karugtong sa susunod na chapter :) nga pala baka hindi umabot ng 30 chapters to. Sa baka madaling matapos :)

AA 18 ~ The Park Part 2

Yuri’s POV

“Ikaw? Diba ikaw yung waiter sa P2 Restaurant? Anong ginagawa mo dito” gulat kong tanong sabay tayo agad.

“Yup! Ako nga,and its my restday,namamasyal lang and fortunately I saw you sleeping here,thats why lumapit ako,nakakapagtaka kasi” nakangiting sagot nito.

“Napagod lang ako, ano nga ulit pangalan mo?” pagkuway sabi ko at naglakad papunta sa isa sa mga benches. Madilim na pala? Mahaba siguro naitulog ko sa ilalim ng puno na iyon.

Agad akong umupo at tumabi sya.

“Im Lorenzo Alden Samaniego,Enzo for short, ikaw anong ginagawa mo dito?” sagot at tanong din nya. Magaan loob ko sa taong to kahit ngayon lang kami nagkausap.

“Mag mo-mall sana ako eh,pero dito ako napadpad,this place seems so familiar to me” sagot ko na lang.

“Baka dito kayo namamasyal ng boyfriend mo nakalimutan mo lang” sabi nya. Oo nga pala,hindi nya alam na may amnesia ako.

“No, hindi pa kami napunta dito ni Odi” sabi ko naman at muling itinuon ang atensyon sa mga taong masayang nagliliwaliw dito sa park.

“Alam mo, I used to admire the two of you ever since na pumasok kayo sa P2, iniisip ko talagang makapangyarihan ang pag-ibig at iniisip ko na balang araw magkakatagpo din ako ng taong itinakda para sa akin” maya maya ay sabi nya. Kaya napalingon ako sa kanya.

Gwapo nga din talaga pala ang Enzo na to,pero anong ibig nya sabihin? Sa gwapo nyang yan wala sya girlfriend? Baka torpe? Baka nga.

“Ganon ba, mabaet talaga yon si Odi kaya nga nagtagal kami eh,saka ano ka ba! Kung ako ngang bakla may lovelife eh,ikaw pa kaya? Ang gwapo gwapo mo,wala ka bang tiwala sa sarili mo?” sagot ko sa kanya. Ewan ko ba, somehow parang nadadala ako sa emosyon nya and in the same time naguguluhan ako kasi parang may nararamdaman din akong lungkot na hindi ko naman dapat maramdaman.

Ngumiti sya at tumingin sa akin

“Odi ba pangalan non? Yung unang kasama mo sa P2? He seems to be a good guy,kaya nga napahanga ako sa inyo eh,kaso pagbalik mo iba na kasama mo”

Sino ba tinutukoy nito?

“Ano,nakapunta na ako dun dati? Kasi unang punta ko pa lang dun nung may nagpropose sa akin diba?” nasabi ko na lang.

Para namang nagtaka at nagulat sya sa sinabi ko. Oo nga pala hindi nya alam kalagayan ko.

Nagulat ako ng bigla sya tumayo at nag inat.

“Nagugutom ako! Tara kaen tayo,my treat!” nakangiti nyang sabi,kaya tumayo na din ako. “ayon oh fishbol!” turo pa nya sa nagtitinda ng fishbol.

Ng makabili kami ay agad kaming naupo sa bench na inupuan namin kanina. Nakakatuwa syang kumain ng fishbol, parang takam na takam ang kurimaw ^o^

Biglang nag flash sa isip ko ang isang eksena.

Nasa park ako natutulog sa ilalim ng puno, at sumunod na eksena may inaaway akong lalaki at ang sumunod dun kumakain daw kami nung lalaki ng fishbol at nagtatawanan.

Napahawak ako sa noo ko. Parang nagiging sunod sunod na ang mga nakikita ko sa isipan ko.

“Hey! Are you okay?” alalang sabi ni Enzo. Tumango lang ako at ngumiti.

Yung nakita ko sa isip ko,ito din yung park na yon. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sa park na to. Kaya pala ganun. Pero sino yung kasama ko nun?

Maya maya pa nagpasya na kaming umuwi ni Enzo. Nagbigayan pa kami ng cp numbers para ma extend ang friendship namin.

Pagkauwi ko sakto kakahain lang ng hapunan kaya sumabay na ako mag dinner kina Mama at Papa.

Ng matapos ay agad akong nagpunta sa kwarto ko at nahiga,kinuha ko ang phone ko sa bulsa para icheck kung may text si Odi. Hindi kasi sya tumatawag pa. Unfortunately eh walang text kahit isa.

Napatutok ang tingin ko sa kisame at napatulala. Nagiging sunod sunod na yung nakikita ko sa isip ko. Babalik na kaya yung mga alaala kong nawala?

Bakit pakiramdam ko may kailangan ako malaman?

P2 restaurant

Park

Fishbol

at yung lalaki sa bawat eksena. Sino sya? Bakit hindi ko sya kilala? Bakit sya ang kasama ko? Bakit hindi si Odi? Bakit?

AN ~ HELLOOO =) Thanks sa mga patuloy na nagbabasa at dun sa dalawang walang palya magcomment,nakaka inspired kaung dalawa,kahit papano talaga dama ko na may nagbabasa.Thanks po ng madame.

Anyways,maikli ata tong update na to,blanko utak ko eh,bawi na lang sa mga next updates :)

AA 19 ~ HMMNN?

Yuri’s POV

The day bago ang birthday ko ay naisipan ko magpunta sa park. Baka nandun si Enzo at makapag kwentuhan kami. Tutal Saturday ,rest day nya ata. Si Odi naman hindi ko alam kung nasaan,madalang na magpakita,but he make sure na pupunta daw sya bukas.

Ewan,pero abnormal ata ako na okay lang sa akin na hindi kami magkita ni Odi? Para bang mas palagay ang loob ko pag wala sya? Ewan ko ba?! May tama ata utak ko eh!

Ng nasa park na ako,napangiti na lang ako,magaan talaga pakiramdam ko pag nandito. Tulad ng dati madami pa ding tao.

Nadako ang paningin ko sa puno na dati kong tinulugan. May nakasandal dun at may takip na panyo ang mukha. Si Enzo siguro?

Aagawan pa ako ng tulugan ng bruho na to! Agad agad akong lumapit at tinanggal ang panyong nakatakip sa mukha nya.

“Ano ba??!” singhal nito sa akin sabay tingin ng masama.

Napaatras ako sa takot. Ang mga mata nya kakaiba kung tumingin. Nakatayo na sya ngayon at tinitingnan ako ng mata sa mata.

“S-sorry,akala ko ikaw yung kakilala ko” hinging paumanhin ko.

Bigla sya tumingin ng masama ulit. Gawd! Biglang bumilis tibok ng puso ko! Nanginig mga tuhod ko! Yung pakiramdam na ganito parang pamilyar. Parang naramdaman ko na noon.

Dahan dahan sya lumapit sa akin. Napalunok ako,pakiramdam ko anytime bibigay ang mga tuhod ko. Bakit ganun? Natatakot ba ako? Pero parang hindi naman?

At bakit sya nagagalit sa simpleng pagtanggal ko lang ng panyo? Bakit sya lumalapit? May binabalak ba sya? Bubugbugin ba nya ako? Jusme! Hindi pa ako nabubugbog ng lalaki sa tanang buhay ko! Dapat pala hindi na ako pumunta dito,kung bakit kasi naisipan ko pang pumunta at kung bakit kasi naisip kong si Enzo sya? Shunga mo Yuri.

5 inches na lang ang pagitan namin at tumigil sya.

“Next time,huwag ka basta basta nang gagambala ng taong hindi mo kilala,look at you,halos maihi ka na” sabi nya sabay tampal ng mahina sa pisngi ko at naglakad palayo.

Napasinghap ako,ang amoy na yon pamilyar! I mean yung natural nyang amoy. Hindi ako nakakilos,ni hindi ko sya nilingon. Bakit nya ginawa yon? Kahit mahina yon,sampal pa din yon! Buwisit na yon? At halos maihi na daw ako? Ha! Kapal ng mukha nya!

Pero bakit ganun? Nung malapat ang balat nya sa akin I felt secured?

Biglang may nagflash na eksena ulit sa isipan ko. Nasa isang kwarto daw ako,hubad,may kasamang lalaki! At ang kwartong yon ay kwarto ko sa dati naming bahay!

Nakayakap daw kami sa isa’t isa at nag uusap.

Bakit ganon? Hindi ko pa din makita ng malinaw ang mukha nya? Sino ba yon? Parang baliw na napasubunot na lang ako sa sarili.

Umupo ako sa bench at binalikan lahat ng eksenang nagpaflash sa isip ko mula umpisa. Pero parang wala na akong maalala! At lagi may lalaki akong kasama. Pinilit kong alalahanin ang nakaraan pero wala talaga! Naramdaman ko na lang na sumakit na ang ulo ko.

Agad na akong umuwi at hindi pa din nawawala sa isip ko ang nangyare. Ano ba yan? Ang bongga ng park na yon ah? Dalawang tao na nakilala ko dun.

Ng makarating sa bahay ay ipinark ko agad ang kotse at nagtatakbo papunta kina Tito Paul. Gusto ko sila imbitahin ng personal para pumunta sa birthday ko bukas.

“Oh? Napadalaw ka?” salubong ni Ate Angel sa akin ng makapasok ako.

“Ang OA mo ah? Magkatabing bahay lang tayo teh!” sagot ko naman

“Yun na nga eh,magkapitbahay lang tayo bakit ngayon ka lang nagpunta” aniya at umupo kami sa sofa.

“Busy ako ate at nag iisip,alam mo naman ang sitwasyon ko” malungkot kong sabi.

“Wala ka pa din ba naaalala?”

Umiling ako bilang sagot. “Nasan sila?” sabi ko na lang.

“Ang kambal ko tulog na,ang kambal ni Jiian nasa kwarto nila Marian,nakikipaglaro pa ata si Marian sa mga anak,si Brian at Jiian umalis,may lakad ata sila ng mga boys.” mahabang sagot ni Ate Angel.

“Si Tito Paul at Te Khai?”

“Nakoo! Naglalabing labing pa sina Daddy haha! Bilib talaga ako sa pagmamahalan ng mga magulang namin” proud na proud na sagot nya sa akin. Napangiti na lng ako ng mapait. Ako kaya kelan? I dont know but I cant see my self growing old with Odi. Hayst.

“Nalungkot kana dyan neng,oh ano ba talaga sadya mo,teka birthday mo na bukas,anong plano mo”

“Yun na nga sadya ko ate,invite ko kayo bukas, sa isang resort daw gagawin ang birthday ko. Please come baka kasi dun biglang bumalik ang mga nawala kong alaala” sabi ko at hinawakan kamay ni Ate Angel.

Ngumiti sya,napakaganda talaga ni Ate,kung ako naging babae,gusto ko ng ganyang mukha.

“Ofcourse we will come,expect us to be there”

“Salamat Ate,oh pano,uwi na ako para makapag prepare ng gamit para bukas” paalam ko at tumayo na.

“Sige,at magpahinga ka na din,masyado ka nang stress,bawal panget sa lahi natin” sabi ni ate ng maihatid na ako sa pinto. Ngumiti lang ako at dumiretso na sa bahay.

Hayst,totoo nga,masyado na akong stress,at ayoko naman mag mukhang zombie bukas noh?!

AN ~ Tenen! Mustasa? Please continue reading. Malapit na tayo sa Main course ^_^

Comments and Votes are highly appriciated :)

AA 20 ~ The Past Returns!

Yuri’s POV

Kinabukasan nagising ako na parang may humahalik halik sa akin. Pag dilat ko,naka ngiting si Odi ang bumungad sa akin.

“Happy Birthday my love” aniya, at bumangon na din ako at kinusot kusot ang mga mata.

“Thanks” nakangiti kong tugon. “nasan sina Mama at Papa?” dagdag ko at tuluyan ng tumayo.

“Maaga sila nagpunta dun sa Resort,sila nina kuya Brian ang magkakasama, dalian mo maligo kana baka may magawa ako sayo” sagot naman ni Odi na nakangisi.

“Baliw ka! Sige wait lang” sabi ko na lang at pumasok na sa loob ng CR. Syempre habang naliligo siniguro kong malinis at mabango ang katawan ko. After mag balot ng towel sa katawan ay agad akong nagtoothbrush na.

Agad din kaming umalis dahil medyo malayo yung resort. Inabot din kami ng isang oras sa byahe. Pero nag enjoy ako sa mga tanawin na nadadaanan namin.

Ng makarating sa Resort ay namangha naman ako. Talagang inarkila at pinaghandaan nina Mama at Papa ang birthday ko.

Pagpasok palang ng sasakyan sa pinaka parking ng Resort napanganga na ako eh. Napaka ganda ng asul na dagat at ang buhangin kulay puti at pino.

“Ayos dito ah?” sabi ni Odi at inalalayan pa ako paglabas sa kotse. Kahit kailan talaga,mula ng maging kami he always act like that na para ba akong isang babasaging bagay na kailangan protektahan.

“Oo nga eh,ang galing pumilh nina Papa” pag sang ayon ko.

Naglakad pa kami ni Odi papunta sa isang two storey building na napakalaki. Iyon siguro ang pinaka hotel sa resort na ito. Mukhang walang tao at kami kami lang talaga.

Malapit na kami sa Hotel na yon ng mapalingon ako sa isang cottage malapit lang din dun.

Anong ginagawa nila dito?

Nasa cottage sila at parang nag iihaw at masayang nagtatawanan. Ng mapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay natigil sila sa ginagawa. Lahat ngumiti sa akin.

I dont know,pero sa mga ngiti nila at tingin parang may humaplos sa puso ko. I felt loved.

Naalimpungatan lang ako ng may sumisigaw na tumatakbo palapit samin ni Odi kaya napatigil din si Odi sa paglalakad.

“YURI-CHAN!” sigaw nung babaeng isip bata na may kulay pink na buhok. Ang weird! =__=

Bigla na lang syang dumamba sa akin at yumakap kaya nagulat ako pareho kaming tumumba sa buhanginan.

“Happy Birthday Yuri-chan! I missed you! Youre still so kawaii^o^” sabi nito at pinahahalikan pa pisngi ko.

Eeww! Girl hindi tayo talo! Pero bakit ganun? Napapangiti ako? The feeling was nostalgic.

“Ahem” agad kaming napatayo at nagpagpag ng katawan dahil sa kunwaring pag ubo ni Odi.

“C’mon Yuri-chan,lets go the Hotel,they are all waiting for you, Odi-sun follow us! Daijobu?” sabi nito at hinila na ako ng tuluyan papasok sa Hotel,walang nagawa si Odi kundi ang sumunod.

Pagkapasok palang sa Lobby eh namangha na ako. May banner ng HAPPY BIRTHDAY, may mga balloons,buffet table.

Agad akong sinalubong nina Mama at Papa ng nakangiti. Niyakap ko sila parehas. Masayang masaya ako.

“Happy birthday anak” sabay nilang sabi.

“salamat po Ma,Pa” maluha luha kong sabi. Ngayon lang kasi ako nag celebrate ng birthday ng ganito at sa isang Resort pa.

“Walang anuman,hala sige magpahinga muna kayo saglit ni Odi at magbihis,mamaya ng konti tatawagin na namin kayo” sabi ni Mama.

“Talagang nagprepare kayo ah” pagkuway sabi ko.

“No,hindi kami,ang mga tropa mo ang nagplano at asikaso sa lahat,tumulong lang kami ng konti” si Papa ang sumagot. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Odi.

“Its their idea,at kinausap nila kami at Tito Paul mo kung pwede ba daw dito ganapin,sa Tito mo ang resort na to”

Again. Parang may humaplos sa puso ko. Ginawa nila yon? Kahit hindi ko sila maalala ay ginawa pa din nila yon?

“Ow! The celebrant” sabi ng isang boses. Napalingon ako. Si Ate Angel pala kasama si kuya Jiian. Binati nila ako agad at nagpasalamat ako. Kinamusta din nila si Odi.

“Halika cous,samahan kita sa magiging room mo” ani Ate Angel. Nagpaalam naman ako kina Mama at Papa. Si Odi naiwan dun dahil nilapitan ni kuya Brian.


Mga alas dose na ng tanghali ng tawagin na ako. Magsisimula na daw ang party. Excited akong bumaba sa lobby.

Lahat nandun na,naka prepare na sa buffet table ang mga pagkain. May mini stage pa. May malaki pang screen pero hindi pa naka on.

Ng mapansin ako ni Papa ay lumapit na sya sa akin at inakay ako papunta sa mini stage.

“Oh,the celebrant is here,lets start” at sabay sabay sila kumanta ng Happy Birthday. Napapangiti na lang ako eh,pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata.

Ng matapos ako kantahan ay nag blow the candle na ako at nagpalakpakan naman sila.

“Speech! Speech!” sigaw ng dalawa kong pinsan na sinundan pa ng mga asawa nila. Kinuha ko ang mic at pinagbigyan sila. Susulitin ko na ang pagkakataon ^_^

“Uhmm, I really dont know what to say, kahit expected ko na ang celebration,still na surprise pa din ako. Masaya ako na pinag ukulan nyo ng panahon ang pinaka importanteng araw sa buhay ko. Kina Mama at Papa na walang sawang pinapakita at pinapadama sa akin ang pagmamahal nila sa akin kahit ganito ako.” I paused for a while. Nararamdaman ko kasing namumuo na sa gilid ng aking mga mata ang luha. But Im pretty sure it was a tears of joy.

“Kina Tito Paul,teh Khai,sa mga pinsan kong baliw Ate Angel,kuya Jiian at sa mga asawa nilang baliw din Ate Marian at kuya Brian, na tinanggap din ako bilang ako at sumuporta sa lahat ng bagay na ginagawa ko,salamat po” dagdag ko,this time nakangiti ako at tumutulo ang luha ko.

Napalingon ako sa table ng mga tropa ko daw.

“At sa mga tropa ko na naghanda sa lahat ng ito. Na kahit hindi ko na sila maalala ay nanatiling nasa tabi ko pa din. Kahit wala ako maalala sa kung ano mang mga pinagsamahan natin,alam ko at nararamdaman ng puso ko ang pagmamahal nyo sa akin. Pasensya na talaga at wala ako maalala. Nakakainis na nga din eh,pero sana huwag kayo bumitaw sa akin,hanggang sa dumating ang panahon na unti unti na akong maka alala,sana nandito pa din kayo hanggang sa time na tuluyan na akong makabangon. Guys I really appriciate all your efforts. Maraming maraming salamat” ewan ba. Pero habang sinasabi ko yun mas nag tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Nahihiya kasi ako sa kanila na sa kabila ng lahat na nalimutan ko sila. Sila naman ay hindi ako kinalimutan.

“At kay Odi,thanks for always being there for me and thanks for your love” pagtatapos ko. Nagpalakpakan sila. Kita ko naman na nagpupunas ng luha ang iba sa kanila.

Matapos yon ay lahat sila isa isa akong binati at niyakap. Nakakapagod man makipag yakapan. Worth it naman dahil ramdam ko ang pagmamahal at respeto nila.

Sa isang baklang tulad ko. Pagmamahal at respeto ang tangi naming inaasam at nakamit ko yon dahil sa kanila. Nawala man ang ilan sa mga alaala ko ay mananatili naman ang pagmamahal at respeto na ibinibigay nila.

After that we started eating na. Lahat bakas ang kasiyahan. Lahat masayang kumakain at nag uusap habang may tumutugtog na back ground music na nakakadagdag sa saya.

Ng matapos sa kainan ay nagpahinga saglit ang lahat at pagsapit ng ng alas dos lahat nag uunahang tumakbo sa tubig dagat. Parang mga bata silang nagtatampisaw at naghaharutan. Ang sarap nila panoorin. May mga gumagawa pa ng sand castle. May naglalaro ng beach volley ball. I never thought na magiging ganito outcome ng birthday celebration ko.

Hindi ako nakatiis,nakipag kulitan na ako sa tropa. Kahit ang awkward lang nung una ay napawi naman din yon. Ang gaganda ng tingin at ngiti nila sa akin.

Hindi namin namalayan na madilim na pala. Agad kaming tinawag ni kuya Brian. Mag start na daw ang pagbibigay ng regalo sa akin after namin magbanlaw at magbihis.

Natawa naman ako dun. Parang bata lang? Parang debut?

And then natigilan ako. Realization hit me. It is really my debut. 21 years old. Oo nga pala! Boys celebrate their debut at 21.

Nang matapos makaligo at makapagbihis ay may kumatok. Pag bukas ko si Odi. Napaka gwapo pa rin talaga ng isang ito.

“Hey there celebrant,mind if I asked you to be your escort?” nakangiti nyang sabi.

“Sure” nakangiti ko ding sagot at inabrisyete ang aking kanang kamay sa kanyang kaliwang braso.

Ng makarating sa lobby ay nakahanda na ang lahat. Nagsisimula na nga silang uminom. Then nagpunta sa mini stage si Ate Angel. Sya daw ang mag host sa pagbibigay sa akin ng regalo na may kasamang mensahe.

At nagsimula na nga,umupo lang ako sa isang upuan na nasa stage din.

Naunang magbigay ng mensahe at regalo sina Mama at Papa. Sumunod sina Tito Paul,teh Khai,Ate Angel,kuya Jiian,kuya Brian at Ate Marian.

Nakakatuwa nga habang nagbibigay sila ng message sa akin at kung bakit yon ang mga regalo nila ay may slide show sa screen ng mga pictures namin. Nakakatuwa na nakakaiyak ang mensahe nila.

Ng si Odi na ang nagbigay ng regalo at mensahe ay talagang naguluhan ako.

“Happy birthday mahal ko,ang regalo kong ito ay magpapaalala sayo nung college days pa natin. Pero sa ngayon mahalaga sa akin na kasama kita at maipadama kung gano kita kamahal,noon ayaw ko talaga sa mga tulad mo,until I met you,everything changed, minahal na pala kita ng hindi ko namamalayan. I was in denial pa dati. Pero ngayon inienjoy ko muna ang mga panahon na kasama kita. Sana pagbalik ng mga nawala mong alaala,maintindihan mo kung bakit ko ginawa ang mga bagay na ito. Until that day come,mapatawad mo sana ako,mahal lang talaga kita,happy birthday ulit” aniya at lumapit sa akin. Niyakap ako at hinalikan. Ng maghiwalay ang aming mga labi nakita kong tumutulo ang kanyang mga luha.

“Odi?”

Ngumiti sya at saka lumakad palabas ng hotel. Lahat nagtataka. Gusto ko sya sundan pero ayaw ko masira ang gabing ito. Not now.

Nagpatuloy ang pagbibigay ng regalo at mensahe. Ang tropa na ang sumunod. Kahit wala ako maalala sa mga sinasabi nila ay masaya naman ako. Suddenly napatingin ako sa screen sakto ang isang picture. Ako at isang lalaki na nakangiti at aktong maghahalikan.

That guy! I know him! Sya yon!

Napatayo ako bigla,sakto na tapos na sila lahat magbigay ng regalo at mensahe.

“That guy! I know him!” bulalas ko na ikinabigla ng lahat.

“Huh? Sino?” tanong ni Kurt na hindi pa nakakababa ng mini stage.

“Yung lalaki sa picture na aktong hahalikan ako! I know him!” sagot ko na lalong ipinagtaka nila.

“Naaalala mo na?” - Kurt.

Madiin akong umiling.

“No, I just met him yesterday sa park!” sagot ko. Ngayon unti unti ng nagkakamukha ang lahat ng nakikita at naiisip ko.

“Imposible, patay na sya nung maaksidente kayo anak” sabi ni Papa ng makalapit.

“Patay? Sino ba sya? Lagi ko sya nakikita sa isip ko,at kahapon lang nagkita kami! Buhay na buhay sya!” muli kong sabi na nanginginig na.

“Anak si Gelo yon! Ang namatay mong boyfriend nung maaksidente kayo!” giit ni Papa.

Biglang may nagflash ulit na eksena sa isip ko. Si Gelo at ako,nasa park sa ilalim ng puno nagsasagutan.

“Sya si Gelo? Buhay po sya! Im sorry! I have to go, kayo na bahala dito,babalik ako,please continue the party” sabi ko saka tumakbo palabas ng hotel.

“Wait! Yuri samahan ka namin” pagtingin ko ang buong tropa. Napangiti ako bilang tugon.

Ang Van ang ginamit naming sasakyan. Sinabi ko kay Kurt na nagmamaneho na dun ako dalhin sa park.

AN ~ HELLO?! Oh ayan na po ah? Hihi pasensya kung late. Vote and comment kung nagustuhan,thanks po :)

AA 21 ~ Under The Tree :)

Yuri’s POV

Habang umaandar ang sasakyan ay samu’t saring eksena sa nakaraan ang pumapasok sa isip ko. Parang isang slide show o photo album na isa isang binubuklat ang bawat pahina. Napaiyak na lang ako bigla. Napatingin sila sa akin.

“Are you okay best?” takang tanong ni Clyde.

“Oo best okay lang ako” sagot ko habang nagpapahid ng luha. Halata namang nabigla si Clyde at ang tropa. Maging si Kurt ay itinigil ang van.

“Kilala mo na ako? Naaalala mo na?” manghang tanong ni Clyde na naka ngiti. Hindi ko muna sya pinansin at itinuon ang pansin kay Kurt.

“Bakit mo tinigil?! Continue driving!! Baka hindi ko na makita si Gelo!!” bulyaw ko kay Kurt,lumingon si Kurt sa akin saka ngumiti at umiling.

“Youre back” mahinang sabi nya at pinagpatuloy ang pagdadrive.

“Oo guys,bumalik na mga nawala kong alaala” sabi ko ng lingunin sila sa likuran. Para naman silang mga tanga na nag sigawan sa tuwa na akala mo nanalo sa lotto. Natuwa ako at napangiti. Mahal talaga ako ng mga kurimaw na to. Pero nasan na kaya si Odi? Ah,kausapin ko na lang sya pagkatapos ng lahat.

Sa ngayon,uunahin ko muna si Gelo.

“Yuri-chan how sure you are na si Gelo-san ang nakita mo kahapon sa park?” maya maya ay tanong ni Kousagi.

“I just know, my heart knows na sya yon” simpleng sagot ko.

“Pero pano nangyari yon? Kaninong katawan yong natagpuan sa sasakyang sumabog?” - Jinx

“Saka na siguro natin alamin yon, malakas ang hinala ko na nagka amnesia din sya,dahil wala akong nakitang recognition sa kanya kahapon. Parang normal na tao lang nya akong nakita,and Im sure,walang alam dito sina Tita Mariz at Tito Rudolf. Ang pananamit nya napaka simple, parang normal na pananamit ng isang simpleng mamamayan” mahaba kong sabi.

Ngayon ang pagsubok na haharapin ko naman ay amnesia nya. Kung nakaya ng tropa na hintayin akong maibalik ang mga nawalang alaala. Magagawa ko din iyon kay Gelo. Gagawin at kakayanin ko.

“Oh God! Another amnesia,napaka viral naman ata at napaka severe!” sabi ni Sugar.

“Eh kung iuntog kaya kita sa bintana teh ng magka amnesia ka din? OA mo maka react ah? Relax lang ning!” bara ni Jepoy dito.

“Takungin kita gusto mo??!” sagot ni Sugar. Natawa na lang ako. Walang nagbago. Never gets old.

Maya maya ay nakarating din kami sa park. Medyo may mga tao pa din. Nagmamadali akong bumaba ng van at tumakbo sa park. Nagpalinga lingo. Until mapatingin ako sa isang spot.

Sa puno.

There he was,standing at nakatingin sa mga sanga ng puno, dahan dahan ako lumapit,nasa likod ko ang tropa. Habang papalapit ako, palakas naman ng palakas ang tibok ng puso ko. Parang bigla akong namanhid na ewan. Parang lutang ako,pati pag tapak sa lapag ay hindi ko maramdaman.

Alam ko pati ang tropa hindi makapaniwala sa nakikita. Dahil ang buong akala nila patay na nga si Gelo.

“Gelo . . .” mahina kong tawag. Sapat na para marinig nya.

Dahan dahan itong lumingon at parang nagulat pa sa amin. Nilingon ko ang tropa. Gusto ko matawa sa reaksyon nila. Literal na nanlalaki ang mga mata nila at nakabukas ang mga bibig.

“Ikaw?” sabi ni Gelo at ang tropa naman ang tiningnan. “Sino kayo? Anong kailangan nyo?”

“Gelo,bro nandito kami para kausapin ka, kami ang mga kaibigan mo. At ang taong nasa harapan mo,ay ang taong mahal na mahal mo” sabi naman bigla ni Clyde. Ang rude talaga! Pabigla bigla.

Halatang naguluhan si Gelo sa sinasabi ni Clyde.

“Anong sinasabi mo? Hindi ko kayo kilala, sya mahal ko? Naloloko ka na ba? Hindi ako bakla” sagot ni Gelo.

Nasaktan ako sa sinabi nya pero kailangan ko yon indahin. Wala sya maalala. Alam ko ang pakiramdam ng ganyan. Lumapit ako at hinawakan ang kamay nya. Hindi naman sya pumalag. Nang magdampi ang mga balat naman I felt warm,parang nilukob ng init na yon ang puso ko.

“Gelo kailangan mo ng umuwi sa inyo. Kailangan malaman ng pamilya mo na buhay ka,at hindi ikaw yung taong nakalibing doon” mahina kong sabi.

“ Pamilya? May pamilya ako? Wala ako maalala“ mahinahon nyang sabi.

“I think pag usapan natin to” sabi ko naman at umupo sa damuhan, sumunod ang tropa,naka paikot kami,parang nagpipicnic. Huling naupo si Gelo. Willing din siguro sya malaman ang mga sinasabi namin.

“Naaksidente tayo ng papunta tayo sa party ng isa sa mga kaklase namin, si Yuri lang ang nailigtas ko,nung babalikan na kita,sumabog ang kotseng sinakyan natin at ang akala namin nasa loob ka pa,dahil may nakuhang bangkay doon. Limang araw na tulog sa ospital si Yuri. At ng magising sya,wala na sya maalala, nagka amnesia sya tulad mo at kanina lang bumalik ang alaala nya” mahabang panimula ni Kurt. Halatang pinag iisipan ni Gelo ang mga sinabi ni Kurt.

“Hindi lang pala panaginip at bangungot ang nakikita ko sa isipan ko. Totoo pala iyon” sabi ni Gelo. Nakaramdam ako ng tuwa at pag asa. Na somehow babalik din agad ang mga alaala nya.

“Kung ganon,ano ba ang natatandaan mo?” pagkuway tanong ko. Mataman lang nakikinig ang tropa. Walang gusto magsalita. Lahat interesado makinig.

“Nagising ako nun na nasa isang kotse ako at nagtataka ako, masakit ang ulo at katawan ko nun,pinilit ko lumabas sa kotse,ng medyo malayo na ako may nakita akong pulubi,siguro baliw yon,dahil alam na nga nyang nag aapoy yun ay lumapit pa sya,pagkatapos nun may sumabog kasabay nun nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako sa ospital. Walang maalala,walang matandaan kahit ang pangalan ko. May mga mabubuting tao daw na nagdala sa akin sa ospital. Nagtataka din ako kung bakit walang dumadalaw sa akin. Hanggang sa makalabas ako at walang mapuntahan. Napadpad ako dito sa lugar na to,hanggang sa may lumapit sa aking mag asawa at tinulungan ako. Mula nun araw araw na akong nandito,umaasa na may makuhang kasagutan” mahabang kwento ni Gelo.

Nakaramdam ako ng habag para sa kanya. Ang mahal ko,naghihirap din pala ng lubos. Masakit na pinagdaanan nya ang ganun ng walang karamay. Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin. Tumayo ako at lumapit sa kanya saka ko sya niyakap ng mahigpit habang umiiyak.

Naramdaman kong yumakap din sya sa akin.

“Ang yakap mo,napaka pamilyar,masarap sa pakiramdam” sabi nya at lalo ako naiyak dun.

“Salamat sa Diyos at buhay ka” sabi ni Kurt. Kumalas na din ako sa pagkakayakap kay Gelo.

“Saan ka ba nakatira ngayon Gelo-san? Puntahan natin para maipalam na natin na uuwi ka na sa pamilya mo” biglang sabi ni Kousagi.

“Sasamahan nyo ako? Hindi ba nakakahiya? Hindi ko pa din kasi kayo naaalala eh,pasensya na ha?” nahihiyang sabi ni Gelo. Napangiti ako kasi napaka gwapo nya sa ganung gesture. Ang genuine lang.

“Ano ka ba? Para saan pa’t magkakaibigan tayo? Tara na!” naka ngiting sabi ni Kurt. Lahat na kami tumayo.

“Teka lang” pigil ni Gelo na ikinalingon naming lahat ng may pagtataka.

“Ahm.. Ahm.. T-totoo b-ang karelasyon ko sya?” nahihiyang sabi ni Gelo at tinuro ako. Wala ako naging reaksyon.

“Oo! Ang tagal at haba na ng love story nyo ah? Kaya pilitin mong maka alala dude,sige ka,pag pinakawalan mo pa yan,aagawin yan ni Kurt” si Jinx ang sumagot. Kahit kailan talaga tong mokong na to! Nagkatinginan tuloy kami ni Kurt.

“Gago mo!” - Kurt.

“Joke lang^o^V” - Jinx

“Pero pag hindi nagbalik yun Pafa Gelo,ako na lang mahalin moooww” malanding sabi ni Jepoy agad syang binatukan ni Sugar.

“Aray teh!!”

“Ang kalandian mo wala sa lugar!” sabi ni Sugar.

Napalingon ako kay Gelo,nakangiti sya na may amusement sa mga mata,then tumingin sya sa akin.

LUB.DuB.Lub.Dub

Ang puso ko! Si Gelo lang talaga nakakagawa nito sa akin! Nakakapanglambot ng tuhod ang mga tingin nya. Nakakatunaw.

“Ano kasi… Uhm kung totoo yon,pwede bang tulungan mo akong alalahanin ang pagmamahal ko sayo? Tulungan mo akong mailabas ang nagtatago kong pagmamahal sayo?” nahihiya nya ulit na sabi.

Nag apir-an ang mga boys,nagtitili ang mga girls with Jepoy.

At ako? Pakiramdam ko lumulutang ako sa alapa-ap. Ang sarap ng pakiramdam. Yung puso ko naging abnormal na naman ang sistema. Para pa akong may naririnig na music ng sinabi nya yon. Pakiramdam ko teenager ulit ako na nagsisimula pa lang mainlove. Sobrang kilig. Alam ko that very moment,namumula na ako.

AN ~ Second Update for today mga mahaaalss :) kung bet mag vote at comment, gora lang ^_^

AA 22 ~ Welcome Home!

Yuri’s POV

Ng makarating kami sa bahay ng kumupkop kay Gelo ay natigilan kami. Tama nga si Gelo na hindi marangya ang mga ito.

Sunod sunod kaming lumabas sa Van,nauna na si Gelo,akala mo may kukuyugin kami eh. Sino ba namang hindi magtataka eh ang dami namin.

Kumatok na si Gelo,maya maya ay nagbukas na ang pinto. Isang binatilyo ang nagbukas. Or should I say dalagita. Halata kasi sa kilos at ang mukha nya pambabae,maganda,singkit at maputi hindi halatang sa ganitong bahay naninirahan. At ang buhok nya parang kulay Silver na may pagka Grey white.

Talaga bang uso na ngayon ang mga kakaibang kulay ng buhok? Napatingin tuloy ako kay Kousagi. I wonder how she managed to maintain her hair pink after all these years?

“Kuya! Ginabi ka ata?” salubong na bati nito.

“Nakita kasi ako ng mga kaibigan ko at saka magpapaalam na din ako” sagot ni Gelo daw. Bigla nanlaki ung mata ng kausap ni Gelo tas biglang naging malungkot. Kami naman walang imik.

“Yuweh anak sinong kausap mo? Ang Tatay mo na ba iyan?” sabi ng boses sa loob ng buhay.

“Hindi po Nay! Si kuya Pogi po,may mga kasama!” sagot nito.

“Papasukin mo kaya sila?” sagot ng tinawag na Nay sa loob.

“Ay,tuloy po kayo hehe! Nintai shite kudasai” sabi nito nilawakan ang bukas ng pinto at nagbow.

0_0

“kyaaahhh! Kawaii! Japanese ka?^o^” maligalig na sabi ni Kousagi ng papasok na kami sa bahay. Maliit lang ito ngunit malinis naman at presko.

“Half po, hapon kasi si Tatay” magalang na sagot ni. Sa totoo lang ang kyut nya. Minsan lang ako maka appriciate ng mukha ng kapwa ko bading. And I must say isa itong Yuweh na ito na nabiyayaan ng Diyos ng magandang mukha ^_^

Ng pinaupo kami sa mga upuan ay nagsisiksikan pa kami. Para kaming mga timang hindi nagkasya. Samantalang si Kousagi ay dinadaldal si Yuweh >_

Pumunta si Gelo sa kusina,maya maya ay bumalik na sya na may kasama.

Isang babae,napaka ganda,siguro nasa late 30’s lang ang edad nito. May pinagmanahan naman pala ang anak.

“Magandang gabi po” sabay sabay naming bati.

“Magandang gabi din naman sa inyo, nasabi na sa akin ni Pogi ang dahilan,nagpapasalamat ako at natagpuan nyo na din sya” magiliw nitong sagot.

“Nako! Dapat nga po kami ang magpasalamat at kinupkop nyo ang kaibigan namin” sabi ni Aifha ng buong galang.

“Nakapag pasalamat at paalam na sa akin itong si Pogi kanina ng puntahan nya ako sa kusina,mabuti naman at magiging ayos na ang lahat,hintayin lang daw nya ang aking asawa para makapag paalam na din, sya nga pala,nakalimutan ko magpakilala, ako nga pala si Vangie Tomoe,at yan ang anak kong si Yuweh” sabi pa nito.

“Tita Vangie pasensya na kayo kung biglaan ah?” singit ni Gelo sa usapan. Ngiti lamang ang sagot ng magandang si Tita Vangie.

So Japanese ang napangasawa nya? Bakit ganito ang buhay nila?

“Pasensya na kayo at maliit ang aming tahanan, pinagkakasya na lamang namin ang aming mga sarili sa ganitong buhay,kontento at masaya naman kami” naka ngiti nitong sabi. Parang lahat kami biglang naging interesado. And then nagkwento na nga ito habang hinihintay namin ang kaniyang asawa.

Anak mayaman pala sa Japan ang asawa nitong si Dr.Hiroshi Tomoe,na ngayon ay Doctor sa isang pang publikong Ospital. Ng malaman daw ng mga magulang nung asawa nya na may karelasyon itong Pinay ay tinanggalan ng mana. Nagpilit daw pumunta sa Pilipinas ito at sya ang pinili. Sa ngayon 18 years na silang kasal at nagsasama.

Kaya pala ganito ang uri ng pamumuhay nila. Marami din palang tao ang mas mabibigat ang problema kaysa sa akin.

Maya maya pa ay dumating na ang asawa nito. Maayos kaming kinausap at tinanggap,gwapo din ito. Hindi din mahahalatang mahirap. Nagpaalam na kami, si Gelo ganun din at nagpasalamat. At nangakong dadalaw at hindi makakalimot. Kinuha namin ang mga phone numbers nila para kung sakali mainvite namin sila sa mga dadating na panahon.


Nasa Van na kami at patuloy si Kurt sa pagdadrive, ang iba mga naka pikit na,pagod na siguro. Ang huli naming pupuntahan ay ang bahay nina Gelo. Halata sa mga mata nya ang excitement at kaba. Masaya ako para sa kanya,hindi na sya magtitiis sa hirap though may amnesia sya I know na babalik din tulad ko ang mga alaala nya.

“Babalik pa ba tayo sa Resort teh?” tanong ni Jepoy,sya na lang pala ang gising maliban samin nina Kurt at Gelo.

“Hindi na,tatawagan ko na lang sila mamaya Poy” simpleng sagot ko.

“Ang bungga ng birthday mo,ang daming nangyari,bumalik alaala mo,nakita natin si Pafa Gelo,ano pa mahihiling mo? Ikaw na! You na!” sabi ni Jepoy natawa na lang kami ni Kurt pero si Gelo hindi. Nakatitig lang sya sa mukha ko kaya nakaramdam ako ng ilang.

“Birthday mo?” tanong nya. Tango lang ang sagot nito.

“Happy Birthday” sabi nya at bigla ako hinalikan sa pisngi. Pakiramdam ko para ng kulay makopa ang mukha ko dahil dun.

“Ay! Ang taray! May amnesia yan ah? Pano na lng kung wala? Teh yung buhok mo natatapakan ko!” banat ni ulit ni Jepoy at nagtawanan kami.

“Mula ngayon pipilitin kong alalahanin ang lahat,pati ang pagmamahal ko sayo basta tulungan mo ako ah?” naka ngiti nyang sabi. Muli,tango lang naisagot ko,wala ako masabi.

Itong birthday kong ito ang pinaka masaya sa lahat. Nakatanggap ako ng dalawang magagandang regalo, ang pagbabalik ng mga nawala kong alaala at ang pagbabalik ni Gelo. Wala na akong mahihiling pa. Maraming maraming salamat sa Diyos.

Ng makarating sa bahay nina Gelo ay hindi na namin ginising ang mga tulog,si Kurt,ako,Gelo at Jepoy na lamang ang tumuloy sa bahay.

Halatang namangha si Gelo sa nakita. Kaya napangiti ako.

Ako na ang nag doorbell,maya maya pa lumabas ang isa sa mga katulong nila.

“Miss Yuri ano pong kailangan nyo?” anito at saka tumingin sa katabi ko. Para itong nakakita ng multo at namutla.

“Nandyan ba sina Tita?” tanong ko na nagpipigil ng tawa.

“Si ati parang hihimatayin” nadinig kong bulong ni Jepoy.

“Ah.. Ahh.. O-opo,pasok k-kayo,tawagin k-ko sila” sabi nito at sinamahan kami sa loob then kumatok ito sa pinaka Library o study room nina Gelo then pumasok sa loob.

Naupo kami sa Sofa sa recieving hall nila. Talagang mayaman sina Gelo.

“Anong nangyari sa kanya? Dito ba talaga ako nakatira?” inosenteng tanong ni Gelo.

“Oo Bro,ito ang bahay mo” sagot ni Kurt. Biglang bumukas ang pinto ng isang silid. Niluwa si Argel,hindi siguro kami napansin dahil naglakad ito papunta sa Dining.

“Ate Aura! Dalhan mo ako ng gatas sa ro–” hindi naituloy ni Argel ang sasabihin dahil napalingon sa amin. Biglang tumayo si Gelo na ipinagtaka namin.

“K-kuya..” mahinang sabi ni Argel, naglakad si Gelo palapit dito. Napaatras si Argel. Natakot siguro at hindi makapaniwala sa nakikita.

“Mom!! Dad!! Si Kuya! Nagmumulto!!” tarantang sigaw nito pero bigla syang niyakap ni Gelo at natahimik.

0_0

Sa eksenang yon nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano nangyari kay Gelo but Im pretty sure may naalala sya.

Natouch ako sa nakita ko lalo na ng marinig ko ang iyak ni Argel at mahigpit nyang yakap sa kuya nya para bang ayaw na nya itong bitawan.

“Argel bakit kaba sumisigaw nandito daw si Kuya Yuri mo at mga kaibi—” natigilan si Tito Rudolf sa pagsasalita ng makita nyang magkayakap ang mga anak at umiiyak. Parang nagbubulungan pa nga ang magkapatid. Pati si Tita Mariz na kalalabas lang din sa pinagmulang kwarto ni Tito ay natigilan at napatakip sa bibig . Kitang kita namin kung paano umagos ang luha sa mga mata ng mag asawa. Bumitaw sa yakapan ang magkapatid. Humarap sa mga magulang, sina Tito at Tita na ang lumapit kay Gelo at niyakap. Nag iyakan sila. Dinig namin yung mga sinasabi nila. Nakaka antig ng damdamin. Nakaka dala. Hindi ko namalayan na humahagulhol na din ako at si Jepoy. Inaalo ako ni Kurt.

Masarap sa pakiramdam na nagkita na sila. Ngayon alam na nila na hindi patay si Gelo. Buhay na buhay ito!

Ng mapansin kami nina Tita at Tito ay lumapit samin at umupo sa couch. Nagkamustahan kami at sinabi namin ang lahat lahat,walang labis walang kulang at nagpasalamat sila sa akin at naging masaya din sila ng sabihin kong bumalik na mga nawala kong alaala at binati din nila ako para sa aking kaarawan.

“Pero kung may amnesia si Kuya,bakit nakilala nya kami? Bakit kuya?” takang tanong ni Argel.

“Hindi ko din alam bunso,basta ng makita kita biglang parang kinabahan ako na hindi tapos may naalala ako,nakita ko sa balintanaw ko yung mga panahon na magkakasama tayong pamilya kaya ayon,pero wala pa din ako naaalala sa iba” paliwanag ni Gelo.

“Its a Good sign Ijo,in no time babalik din alaala mo” naka ngiting sabi ni Tito Rudolf.

“Pati ba si Yuri naalala mo na anak? Nagkabalikan na ba kayo?” sabi ni tita.

///

Nag init ang mukha ko dun. Nakakagulat mga salita ni Tita Mariz. Walang preno! >_

“Hindi pa po,pero gusto ko magsimula kami at pipilitin ko alalahanin at ibalik kung anong meron kami Mom,Dad” sagot ni Gelo sa mga magulang.

“Ganon ba? Akala namin maipapakasal na namin kayo sa ibang bansa” ani Tito sabay tawa.

Waaahhhh! Gusto ko yon!^_^

“Mom,Dad kaya kung pwede sana,dito muna si Yuri sa atin hanggang sa bumalik sa akin ang lahat” sabi pa ni Gelo.

“Sure,Ill just call Rizza and Kenji about that,for the mean time dito kana matulog Yuri anak” pag sang ayon ng mag asawa. Wala na akong magawa kundi mag nod. Besides gusto ko din yon,ang laging makasama ko ang pinakamamahal kong si Gelo.

Nagpaalam na din sina Kurt,inalok pa sila na dito na din matulog pero tumanggi,may trabaho pa daw bukas.

Inihatid ko lang sila sa Gate,niyakap at hinalikan ako ni Kurt sa lips then umalis na sila. Mga pagod na din siguro.

Hay! What a day! What a very exhausting but beautiful day. Hindi na ako makapag hintay na makahiga at makayakap si Gelo. Parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod. This was the best Birthday I ever had.

AN ~ Pasensya Late :) Thanks sa mga walang sawang nag vote at comments. May GodBless you guys :)

ABANGAN SI YUWEH SA NEXT STORY :]

AA 23 ~ The Pre-Finale

Yuri’s POV

Naging ganun nga ang set-up namin. Kina Gelo na muna ako para matulungan sya mas maka alala. Hindi naman tumutol sina Mama at Papa. Ang sabi pa sanayin ko na daw ang sarili ko na may buhay may asawa.

HELLO?! Ano akala nila sakin? Merlat at bagong kasal kami ni Gelo?

Mabuti na lamang talaga at hindi ako trinato ng iba nina Tita Mariz at Tito Rudolf,they threat me as if Im one of their SON’s.

Everyday ginagawa ko ang mga bagay na dapat gawin ng isang butihing partner. Lagi ko pinagsisilbihan si Gelo before and after work nyo. Hindi ko din naman sya matanong about sa kalagayan nya kung nakaka alala na ba sya or naaalala na nya ako.

Basta ako I never failed to show him and to make him feel how much I love him. In his part naman I know na he’s doing his best din naman. He always appriciate every efforts I exert, he always thanked me,smile at me,kiss me at my forehead. BUT. But he doesnt tell me that he love me.

I understand. Maghihintay ako. Kahit anong mangyari. Pero feeling ko naman naregain na nya yung iba nyang memories coz he actually did great naman daw sa company nila. Thats a good thing. I just wished that someday eh bumalik na lahat ng alaala nya.

Pag naiiwan ako sa bahay eh ang mga kasambahay nila ang kausap ko at minsan si Argel. Nakakatuwa na yung batang makulit at kyoot noon eh lumaking magandang lalaki. Well it really must be in the genes.

Almost mag 2 months na din ako dito kina Gelo. Ganun at ganon pa din,parang walang nagbabago sa kalagayan nya.

Okay,the truth is may nagbago. Hindi na sya masyadong nagreresponse sa mga ginagawa ko. Minsan kasi nauuna ako umuwi sa kanya pag galing ako sa office. And when I get home tulog na sya. At pag may pagkakataon namang pwede kami mag usap ay parang naiilang na sya. And Im really wondering why?

Isang beses hindi ako nakapag paalam na aalis ako at hindi ko din nasabi kung anong oras ako uuwi. Me,being excited with the thought na magkakatabi kami ni Gelo sa pagtulog ay talagang nagpapangiti sa akin.

It was 11pm na,kampanteng naglakad ako papunta ng kwarto pero ganun na lang ang kabog ng dibdib ko ng may marinig akong boses ng babae sa kwarto namin. Kinabahan ako. Was he cheating? NO! Kung ano-ano naiisip ko. Pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto.

Then I saw them kissing.

Nanlamig ako,hindi ako nakakilos. Ng mapalingon sila sa akin ay napaurong ako.

“Im sorry naistorbo ata kayo” I said then closed the door. Tears started rolling down my face. I just cant believe what I saw. Pero kailangan ko pakatatag. Diba sabi ko maghihintay ako hanggang sa bumalik ang lahat ng alaala at pagmamahal nya sa akin.

Pumunta ako sa recieving hall nila,nahiga ako sa malaki at malambot na sofa,dito na lang ako matutulog.

Bigla ko ding naisip na ,pano kung bumalik na nga lahat ng alaala nya? Pero hindi na pala nya ako mahal? May hihintayin at babalikan pa ba ako? May dapat pa ba akong hintayin? I was crying all night until I fall asleep.

The next day nagising ako sa mga tapik sa akin. Kaagad akong napadilat ng mata. Anong oras na? Ipaghahanda ko pa si Gelo ng mga isusuot nya. Napabangon ako at tumingin sa nang gising sa akin.

Si Argel.

“Bakit dyan ka natutulog kuya Yuri?” takang tanong nito sa akin. Ano nga ba isasagot ko? Na may kasamang babae ang kuya nya sa kwarto namin? No! Hindi pa ako buang para sabihin yon.

“Pagod at antok na kasi ako kagabi,hindi ko na kinayang umakyat kaya dito na ako natulog, sina Tito’t tita pumasok na ba?”

“Oo kanina pa,ako na lang daw gumising sayo,pasalamat ka Kuya wala akong pasok,may makakasama ka ngayon” nakangiting sabi ni Argel. Nginitian ko lang din sya.

“Eh ang kuya Gelo mo?”

“Nakapasok na ata eh?” sagot nya. Biglang kami napalingon ni Argel sa hagdan. Si Gelo pababa kasama yung babae. Kita ko kung pano nabigla at nanlaki ang mata ni Argel. Tumingin sya sa akin pero yumuko ako. Sa puntong yon alam kong pag kumurap ako tutulo na ang luha ko.

Tumayo ako ng nakayuko at dahan dahan naglakad palabas. Gusto ko umalis. Ayoko naman harap harapan masaktan. Bakit kaya lagi na lang ganon? Kelan kaya ako masasanay?

Hindi pa ako nakakalabas ng pinto ng tawagin ako ni Gelo. Tumigil ako sa paglakad pero hindi ako lumingon. Ayoko! Ayokong makita nya na nasasaktan ako. Ayokong isipin nya na mahina ako. AYOKO!

“Yuri, mag-usap tayo,hintayin mo ako sa kwarto at ihahatid ko lang si Stef” sabi nya. Nakayuko akong humarap at naglakad pabalik. Napansin ko pa na nakatingin sa akin si Argel. Nagmadali na akong umakyat at pumasok sa kwarto.

Makalipas ang ilang minuto,pumasok na si Gelo. Ito na, dumating na ang pinaka kinakatakutan kong sandali. Huminga ako ng malalim para makalma. Hindi ko kasi mapigilan manginig eh. Parang pati mga kalamnan ko nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon.

Umupo si Gelo sa tabi ko pero hindi ko sya nilingon. Tumingin lang ako sa frame na naka sabit sa wall ng kwarto nya. Picture naming dalawa yun six years ago.

“Yuri.. Youve been a good person to me,naging napaka mabaet,maalalahanin at mapagmahal mo sa akin. Nakikita at na a-appriciate ko lahat ng ginagawa mo,I really do

Pero wala pa din eh,ayaw pa din, I really tried! God knows how much I tried, Im sorry, I just can’t love you back“ sabi nya. That very minute nag unahan na tumulo ang mga luha ko. Hindi ako makapag salita. Ano pa nga ba ang sasabihin ko?

Ganito pala yung sinasabi ni Kurt noon na masakit na malamang sinubukan ka nya mahalin pero hindi nya nagawa.

“Ayokong maging unfair sayo, ayokong maghintay ka sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Yuri pinapalaya na kita,you dont deserve me,ayokong patagalin pa ang paghihintay mo,hindi natin alam kung kailan ako muling makaka alala ng buong buo. Im really sorry” dagdag ni Gelo at humarap sa akin.

Humarap din ako sa kanya at binigyan sya ng pinakahuling ngiti na pwede ko maibigay. Pagod na din siguro sya.

With that thought,Suddenly parang bigla din ako napagod, ang utak ko,puso ko,katawan ko,maging ang ang buong pagkatao ko.

Tumayo ako at huminga ng malalim. Alam kong nakatingin sya sa akin. Mamimiss ko ang lahat lahat sa kanya. Hindi ko akalain na sa dami ng pinagdaanan namin ay sa ganito kami magtatapos. Napaka sakit,pero siguro tama na rin to para hindi na magkasakitan.

“I understand” sabi ko at walang lingon likod na tinungo ang cabinet at kinuha lahat ng damit ko ,muli akong bumalik sa kama at hinila sa ilalim nito ang maletang ginamit ko ng lumipat din ako dito.

Maayos kong isinilid lahat ng damit ko. Tahimik lang akong pinapanood ni Gelo. Gusto ko pa sana sya kausapin pero pinili ko na lamang manahimik.

Biglang bumukas ang pinto.

“Kuya Yuri,may naghahanap sayo,Brian ang pangalan” sabi nito. Nagtaka naman ako kung anong kailangan ni Kuya Brian sa akin.

“Bakit daw?” tanong ko.

“Tungkol daw dun sa Odi?” muling sagot nito.

Si Odi? Anong nangyari sa kanya? Oo nga pala hanggang ngayon hindi ko pa sya nakaka usap. Its been three months.

Hila hila ang maleta ay lumabas ako ng kwarto ni Gelo. Nakita ko pa syang sumunod.

“Kuya Brian anong nangyari kay Odi?” tanong ko ng makababa na at makita si Kuya Brian. Nasa likod ko ang magkapatid.

“He needs you, he almost killed his self! That guy is a suicidal,3months na syang ganun after nung birthday mo. Nag iinum gabi gabi. Nagwawala,napapa away. At ang huli uminum ng madaming sleeping pills. We figured na ikaw lang makakapag pakalma sa kanya. Please be with my cousin. Dun ka muna tumira sa kanya” mahabang paliwanag ni Kuya Brian.

Nabigla ako. Bakit ginagawa ni Odi yon sa sarili? Ang masakit ako pa dahilan. Ngayon gusto nila doon ako tumira para mabantayan sya? Ano ba ako? Hayop na pwedeng pagpasa pasahan? Pero hindi dapat ako mainis. Kailangan ako ni Odi. Ayokong may buhay na mawala dahil sa akin. Kahit papano mahalaga si Odi sa akin. He’s my friend right?

“Sige sasama ako” tanging sagot ko at hinarap ang magkapatid. Pero si Argel ang kinausap ko,pag si Gelo kasi kinausap ko,malamang,umiyak na naman ako.

“Argel,pakisabi sa Mom at Dad nyo na umuwi na ako. Hindi na kasi ako kailangan dito,at nabigo ako sa dapat kong gawin. Pakisabi din na maraming maraming salamat sa pagpapatira nyo sa akin dito. Dadalaw dalaw pa din ako. Magpaka bait ka lalo okay?” nakangiti kong sabi. Niyakap ako ni Argel and I hugged him back. Nakatingin samin si Gelo.

“Mag iingat ka Kuya Yuri,mamimiss kita” sabi ni Argel, I just tapped his shoulder and turn my head to kuya Brian.

“Tara na kuya Brian” yaya ko ka’y Kuya Brian.

Agad na din kaming umalis. This has been so much. Masyado naman atang sunod sunod ang dagok sa akin ng kapalaran. Buti at nagagawa ko pang huminga.

“Im sorry I have to drag you into this,alam kong kailangan ka din ni Gelo” paumanhin ni Kuya Brian sa akin habang nagmamaneho.

“No its okay,kailangan ako ni Odi,hindi ko naman sya matitiis,besides,tapos na kami ni Gelo kuya, I failed” then I cried.

“Im so sorry Yuri” sabi lang ni kuya Brian.

Ng makarating sa bahay ni Odi ay hindi ko maiwasang kabahan. Ang tagal na din pala ng huling punta ko dito. Yung pakiramdam ko parang lumulobo ang ulo ko sa tensyon. Ng makapasok kami ay naabutan namin sa sala si Kuya Jiian at Kuya Brylle.

“Yuri” bati nila. Tipid na ngiti lamang ang isinagot ko.

Pumunta kaming lahat sa tapat ng kwarto ni Odi. Kumatok si kuya Brian.

“UMALIS KAYO! HINDI KAYO ANG KAILANGAN KO! SI YURI ANG KAILANGAN KO!!” bulyaw nito mula sa loob. Lalo ako kinabahan.

“Buhay pa naman pala” sabi ni Kuya Jiian.

Bumuntong hininga ako bago kumatok.

“Odi buksan mo ang pinto! Si Yuri to! Mag usap tayo” sabi ko. Nakadinig kami ng yabag. Papunta siguro sya sa pinto.

Pagbukas ng pinto ay agad akong hinila ni Yuri papasok sa loob at isinara pabalibag ang pinto. Gulat ako kaya hindi agad ako nakapag reak.

“Shit! Odi! Palabasin mo si Yuri!” sigaw ni Kuya Brian sa labas at halos gibain na ang pinto.

“Hoy Odi! Pag may ginawa kang masama sa pinsan ko mananagot ka sa akin!!” sigaw naman ni kuya Jiian.

Dito sa loob nakayakap lang sa akin si Odi. Nakakaawa ang itsura nya. Halatang napabayaan ang sarili. Umiiyak syang nakayakap sa akin.

Oh God! I can’t believe na dahil sa akin nagkakaganito sya. Its all my fault!

“Okay lang po ako dito mga Kuya! Mag uusap lang kami” sigaw ko makampante silang walang ginagawa sa akin si Odi.

Natahimik na sa labas,umalis na siguro sila.

“Mahal na mahal kita Yuri! Patawarin mo ako sa ginawa ko nung may amnesia kapa! Mahal lang talaga kita,hindi ko pala kayang wala ka sa akin. Yuri mahal na mahal kita” humahagulhol ng sabi ni Odi.

Naaawa ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Pero desidido akong sabihin sa kanya na hindi ko sya kayang mahalin. Dahil kahit tapos na kami ni Gelo sya lang ang lalaking mamahalin ko.


dahan dahan ako lumabas ng kwarto at isinara ang pinto. Lumapit sa akin sina kuya Brian.

“Tulog na sya” sabi ko.

“Anong nangyari?” si Kuya Brian at Kuya Brylle.

“kung ano ang dapat mangyari,yon lang naisip kong paraan para mapakalma sya” sagot ko at ngumiti ng mapait. Oo may nangyari sa amin ni Odi. Hindi ko ginusto pero yon ang tanging paraan. Masakit sa akin ang mga nangyayari ngayon pero wala akong choice.

“Gago ka ba? Hindi mo ba naisip na dahil sa ginawa mo eh lalo sya aasa? Damn! What are you thinking Yuri? Pano si Gelo?” galit na sabi ni Kuya Jiian. Napayuko ako. Naalala ko na naman ang nangyari.

“Were through,tapos na kami Kuya,hindi pa din sya maka alala at hindi pa din nya maramdamang mahal nya ako kaya tinapos na nya ang lahat sa amin” mahina kong sagot habang umiiyak.

Shocked si kuya Jiian at kuya Brylle sa sinabi ko. Maliban kay kuya Brian.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Si Kuya Jiian.

“Magiging ayos din ang lahat,matatapos din ang paghihirap mo,trust me” bulong ni Kuya Jiian habang nakayakap sa akin. Doon,ibinuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hoping na pag natapos akong umiyak ay magiging ayos na ang lahat,atleast thats what I thought.

AN ~ HI! Kamusta naman! Grand Finale na po ang next chapter! Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Mga silent readers po magparamdam hihi ^_^ at sa mga walang sawang nag babasa,comments at votes. Maraming maraming salamat po sa inyo :)

AA 24 ~ The Grand Finale!

Kamusta? ^_^

Buti at umabot pa tayo dito sa last chapter ng buhay pag-ibig ni Yuri :)

Una gusto kong magpasalamat na kahit papaano ay may nagbabasa naman pala ng mga story ko :]

Pangalawa salamat din sa mga Silent Readers,sana next story mag paramdam na kayo =p . Salamat din sa mga naglagay ng AA sa mga READING LIST nila,napapangiti ako pag may nakita akong nag add sa reading list nila ang AA :“>

Pangatlo ,gusto kong pasalamatan ang mga taong ito na walang sawa sa pagbasa,pag subaybay,pag vote at pag comment :

Zjau37 ,

Crildyl,

Calibullet

ZaijanZy

TereyaShy

  • Maraming salamat, nakadagdag kayo sa kagustuhan kong magpatuloy sa pagsulat,dahil sa inyo naging ganado ako mag UPDATE everyday. Nakakataba ng puso ang bawat comments nyo. Maraming maraming salamat. Kita kits sa next story,God Bless po :]

— ~*

GRAND FiNALE

Gelo’s POV :)

Its been three weeks ng umalis dito sa amin si Yuri. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Dapat okay lang sa akin diba? Kasi ako na ang pumutol sa kung anong meron kami.

Ginawa ko naman ang lahat para maka alala at maibalik ko sa kanya ang pagmamahal ko. Pero pakiramdam ko wala talaga nangyayari. Kahit dalawang buwan syang tumira dito sa bahay wala pa din ako maramdaman. Alam ko nahihirapan na sya. Kita ko yon sa mga mata nya.

Pero yung gabing nakita nya kami ni Stef nagulat talaga ako ng makita sya. Kumirot dibdib ko. Pakiramdam ko sobrang laki ng kasalanang ginawa ko sa kanya. Pero hindi ko pa din maramdamang mahal ko sya at hindi ko naman ginusto ang nangyari sa amin ng babaeng yon, we were both drunk.

Nung makita nya kami ni Stef na naghahalikan at lumabas sya gusto ko sya habulin, I dont know why pero pinigil ko ang sarili ko.

Mabaet si Yuri,mapagmahal,maalaga. Kaya siguro minahal ko sya NOON. Pero I just realized one thing, pag pinagpatuloy pa namin yon lalo sya masasaktan,at saka kahit ganon pa man hindi ko pa rin talaga maalala ang buong sya at buong pagkatao nya, plus siguro nag fade away na yung dati kong pagmamahal sa kanya, Lalaki ako,at babae ang para sa akin diba?

Pero that moment na tinatapos ko na ang lahat sa amin,at nakita ko kung paano sya masaktan at lumuha,I felt like my heart is broken into pieces. Na parang may nagsasabi sa akin sa loob ko na pagsisisihan ko ang ginawa kong ito. Gusto ko bawiin ang sinabi ko pero buo na ang desisyon ko. And I dont want to be unfair with him.

Nainis din ako dahil imbis na umuwi na lang sya sa kanila ay doon pa sya kina Odi nagpunta,pero naiintindihan ko,kailangan sya ng kaibigan nya. Pero deep inside my heart nasaktan ako. Alam ko kasi na mahal sya ni Odi. Naiinis ako sarili ko,may ilang bagay na akong naalala,but still hindi ko pa din sya maalala ng lubusan? Pero bakit namimiss ko sya? Mahal ko na ba sya ulit? No,imposible how can I love someone whom I cant even remember?

Napukaw ako sa pag-iisip ng magsalita si Argel. Nandito kasi kami sa Leisure room,naglalaro ng Xbox. Hindi ako pumasok sa work.

“Hay! Namimiss ko na si Kuya Yuri! Ang panget mo kalaro kuya!” sabi ni Argel kaya kinurugan ko.

“Gago ka! Wala lang ako sa mood” sabi ko at pinatay na yung nilalaro namin.

“Kuya masarap ba magmahal mga bakla? Pano sila mahalin? Kung katulad na lang kaya ni kuya Yuri ang ibigin ko?” seryosong sabi ng kapatid ko kaya natigilan ako.

“Ano bang sinasabi mo? Gutom ka lang! Tara mag meryenda” sabi ko na lang at lumabas na kami ng Leisure room at nagpaluto ng pancake kay Ate Aura.

Kahit papano naman masaya ako na naregain ko ang iba kong memories. Nakakapraning pala ang kaso ko. Pero kahit papano naha-handle ko naman.

Katatapos lang namin kumain ni Argel ng mag ring ang phone ko,tiningnan ko,unregistered number.

Sino kaya to? Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin o hindi. Pero sinagot ko na din. Baka importante.

“Hello? Sino to?… Ha?… Sige,I will come”

“Kuya Sino yon?”

“Wala, aalis muna ako bunso,ikaw na bahala dito” sagot ko sabay alis.

Habang nasa daan nagtataka ako kung bakit nakikipagkita ang taong kausap ko kanina. Sa totoo lang kahit sinabi nya pangalan nya eh hindi ko pa din matandaan kung kilala ko sya.

Ng makarating ako sa meeting place ay medyo kumabog ang dibdib ko. Baka kung anong gawin sa akin ng gagong yon.

Nagpalinga linga ako sa loob nitong LaFamilia bar. Wala pa masyadong tao. Until someone caught my attention. Bigla ko naalala kung sino sya,and Im sure sya ang taong makikipag usap sa akin. Good timing din pala ang pasulpot sulpot na flash ng memory sa utak ko.

Lumapit ako at umupo sa upuang kaharap nya. May iniinom na syang beer. Ng lumapit ang waiter ay sinabi ko na din ang order ko.

“Ikaw ang kuya ni Kurt diba? Yung dating varsity sa St.Adams?” sabi ko. Nagulat na lang ako sa salitang binitawan ko. How could I possibly know that? Tuloy tuloy na ba ang pagbalik ng alaala ko?

“Yup,Im Dex,at hindi na ako magpapatumpik tumpik,nabalitaan kong pinaalis mo si Yuri sa inyo at pinutol mo na kung anong meron kayo at ngayon kina Odi naman sya nakatira” pasimula nya. Sakto dumating ang order kong beer at agad ako lumagok.

“Oo” sabi ko.

“Alam mo ba kung gano sya kamahal ng kapatid ko? Pero ng dahil sa sobrang pagmamahal ni Kurt kay Yuri nagparaya sya sayo,and its the second time na pinakawalan mo sya” dagdag ni Dex, ano ba gusto nyang ipagkahulugan?

“You can’t blame me,nagka amnesia ako,but I really tried and doesnt work so I set him free,ayoko maging unfair” sagot ko.

“Utak lang ang nakalimot sayo Gelo ang hindi ang puso mo. We all damn know the truth na kahit nakalimot ang utak mo,si Yuri pa din ang tinitibok nyan,But you are just blinded by the idea of your amnesia, you can’t fool us. We are not born yesterday” sabi pa nya.

Napaisip ako sa sinabi nya. Totoo kaya yon na nabubulagan lang ako sa idea na may amnesia ako kaya pati pagmamahal ko kay Yuri nakalimutan ko?

“I dont get it,why are you saying this things? Hindi ba dapat kina Odi at Kurt ka nagsasabi ng ganyan? I dont get it,whats your point?”

“My point is, pag pinabayaan at pinatagal mo yan. Mapapasa kamay na ni Odi ng tuluyan si Yuri at hinding hindi mo na sya mababawi kahit kailan,Im saying this para malinawan ka” anito at biglang tumayo at umalis.

Natulala ako. Nakaramdam ako ng takot na mawala ng tuluyan sa akin si Yuri. Right then,flashes of memory came rushing before my very eyes. I was awed. Nagtayuan ang balahibo ko.

“Yuri” sambit ko sa pangalan nya,then my heart starts beating fast.

Hindi pwede! Hindi pwedeng mawala sa akin ang taong pinakamamahal ko ng higit sa aking buhay. Lumabas ako ng bar and started dialing the numbers of Yuri’s friends. But none of them know kung saan nakatira si Odi. I can’t lose Yuri this time! Never!

Papunta na ako sa parking ng makasalubong ko ang mga tropang lalaki ni Yuri.

“Guys” bati ko.

“Oh? Fancy seeing you here bastard!” sabi ni Clyde. Hindi ako sumagot. Totoo naman eh.

“Kilala mo na ba kami ulit?” sabi naman ni Pat. Si Kurt ay tahimik lang. Alam ko galit sya sa akin. Napaka laking gago ko kasi eh.

Tumango ako bilang sagot.

“Oh! Thats great! Then that means we have to celebrate,its on me” sabi ni Jopet at umakbay sa akin at pumasok ulit kami sa loob. Kailangan ko ng sabihin sa kanila lahat. I need to get this off of my chest.

Ng makahanap ng magandang pwesto ay nagtatalo pa sila ng kung anong o-orderin.

Pero ako umorder ng matapang na alak.

We started drinking ,kwentuhan lang sila,nakikinig lang ako habang sunod sunod ang tagay.

“Magpapakamatay ka ba? Mukhang malaki ang problema mo ah?” sabi ni Jinx.

“Hulaan ko! Buhay pag-ibig!” maligalig namang sabat ni Marx.

“Naalala ko na ang lahat. I was just so stupid na nabulagan ako sa amnesia na to, na ang totoo mahal ko pa din pala si Yuri” My voice cracked. But the hell I care! Gusto kong mailabas ang mga saloobin ko.

“But you let your chance slipped,ngayon ay nasa piling na ni Odi boy si Yuri, may magagawa ka pa ba? Ikaw na ang pumutol sa ugnayan nyo ni Yuri diba?”- Pat.

“Oo! At ang laki kong tanga,nagsisisi na ako. Ngayon hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam pano ulit sya magiging akin” Lumuluha kong sabi. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong frustration. At dahil kasalanan ko yon. Pinabayaan ko ang sarili ko na pakawalan si Yuri.

“Hindi lahat ng iniiwan ay binabalikan,at hindi lahat ng nang iiwan ay may babalikan.Tama ba ako?” nagulat ako sa sinabi ni Kurt. How can he say this? Bakit sya pinapabayaan lang din nya malayo si Yuri? Diba mahal nya din si Yuri?

“At ang tangi lang magagawa ng taong yon tanggapin ang katotohanan at mag move on. Sinayang mo ang mga pagkakataong nasa kamay mo si Yuri” dagdag ni Kurt. It hit me. Totoo mga sinabi nya. Hindi ko kayang depensahan ang sarili ko.

“Oh boy, kailangan mo nga maglasing” sabi ni Clyde.

Bigla ako tumayo na ipinagtaka nila. Kahit medyo hilo ay kaya ko pa naman. Kailangan ko makausap si Yuri.

“Oh? San ka pupunta?” tanong nila.

“Kailangan kong hanapin at kausapin si Yuri” mariin kong sagot. Hindi ako papayag na matatapos lang sa ganito ang lahat.

“At sa tingin mo pag ginawa mo yon may magbabago ba?”- Kurt.

“Pwedeng oo pwedeng wala,pero hindi ko malalaman ang sagot kung hindi ko susubukan” buong tatag kong sabi sa kanila. For a moment ay natahimik sila. Nagulat na lng ako ng tumayo sila lahat na naka ngiti.

“Sasamahan ka naming bawiin ang para sayo”- Jinx

“Ito na ang huling baraha mo kaya hindi mo dapat ipatalo,its your last chance” sabi naman ni Kurt at ginawa namin yong handshake namin noon.

“Naalala ko ang sarili ko sayo nung panahong nagugustuhan ko na si Kath,sumugal din ako”- Clyde.

Hindi ako makapaniwala,kahit mali ang nagawa ko ay tutulungan pa din nila ako.

Nakangiting lumabas kami ng bar. Dala pala nila ang van. Dun kami sumakay. Ngayon patungo na kami sa bahay ni Odi. Kinakabahan ako na baka hindi ako pakinggan ni Yuri.

Bahala na nga!

Pagdating namin doon ay nagulat kami dahil may mga sasakyan.

“Oopps! Mukhang inaasahan nila tayo ah” ani Pat.

“Mukha nga” sang ayon ni Marx.

“Wala ako paki alam,gusto kong matapos na lahat ng ito” ani Clyde at naunang lumabas sa van. Agad kaming sumunod. Sakto palabas ng gate ang mga kaibigan ng pinsan ni Yuri.

“Nandito kami para bawiin si Yuri” deklara ni Clyde ng walang patumpik tumpik. Ang barumbado pala talaga ng gagong to.

“Wala kayong dapat bawiin dahil wala kaming kinukuha” sagot nung isa,ang tanda ko Brylle ang pangalan.

“Kahit matanda kayo sa amin hindi namin kayo uurungan kung hindi nyo ibabalik si Yuri” sagot naman ni Jepoy.

“Walang pwede kumuha kay Yuri” biglang dating ni Odi. Psh! Maangas din talaga ang kupal na to.

Nilingon ko mga kasama ko Mukhang away ang gusto nitong mga to ah. Kaya hinanda ko na ang sarili ko. Kahit anong mangyari lalaban ako.

“Ano Gelo? Naka alala ka na ba? Narealize mo na ba ang kagaguhang ginawa mo sa pinsan ko?” biglang sabi ni Kuya Jiian.

“Oo nagkamali ako. But you cant just blame me. Palit tayo ng sitwasyon ng maramdaman at maranasan mga pinagdaanan ko” matatag kong sabi.

“Ano pa bang kailangan mo Gelo? You just dumped Yuri,meron kang tatlong linggo para hanapin at kausapin sya pero hindi mo ginawa” biglang sabi ni Odi.

Nagtagis ang mga bagang ko at naikuyom ko ang aking mga kamao. Gusto kong bugbugin ang kumag na to pero kailangan ko kumalma.

“Kaya nga ako nandito. Maaaring huli na ako pero wala akong pakialam kahit hindi na nya ako tanggapin. Ang mahalaga sa akin ay masabi ko lahat ng gusto ko” sagot ko naman.

“Wala dito ang gusto mong bawiin,Kung talagang desidido ka, nasa lugar sya na alam kong alam mo kung saan. Doon sya naghihintay” malumanay na sagot ni kuya Jiian.

“Kuya Jiian! No!” protesta ni Odi.

“Salamat” sabi ko at tumalikod na at naglakad palayo. Lakad takbo ang ginawa ko.

Lugar na doon sya maghihintay?

Sa Park!

Ng makakita ako ng taxi ay agad akong pumara at sinabi kong saan ang pakay ko. Halos hindi ako mapakali sa loob ng taxi. Maya’t maya ko sinasabi sa driver na bilisan ang pagpapatakbo.

At ng marating ang park ay agad akong nagbayad at bumaba. Parang may sariling buhay ang aking mga paa na alam kung saan pupunta.

And then I saw him.

My precious one,my life,my love.

Si Yuri.

Nakasandal sa puno at nakapikit. Parang napaka payapa ng tulog nya,para syang anghel.

Tiningnan ko relo ko, 1:45am na. The Sky was filled of bright shining stars. Maliwanag din ang buwan. Napaka perfect na gabi, I mean madaling araw.

Slowly lumapit ako kay Yuri na nakapikit parin. I can’t help but smile pero tumutulo ang luha ko. At ang puso ko parang gusto kumawala sa dibdib ko. Si Yuri lang talaga nakakapag pa abno sa tibok ng puso ko.

“Hindi ka ba nilalamok?” medyo nilakasan ko ang boses nya para magising talaga sya. At nagtagumpay ako dahil dahan dahan sya nagmulat ng mata. What an amazing view to be hold. At napaka swerte ko dahil ako ang naka saksi non.

“G-gelo?” parang taka pa nyang tanong,hindi ako sumagot,nag squat ako at agad syang niyakap ng mahigpit.

God! How I miss him! How I miss hugging him! How I miss feeling his body against mine.

“I missed you Mhy, please come back,patawarin mo ako sa lahat ng nagawa kong mali” sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya ng mahigpit. It felt warm. I feel secured.

“Nakakaalala kana? You called me mhy” sabi ni Yuri na halatang umiiyak na din. Kakawala sana sya sa yakap pero mas hinigpitan ko. I dont want to let him go. Never.

“Please lets stay like this” bulong ko sa kanya.

“Adik ka ba? Pano tayo mag-uusap ng matino? At saka hindi ako makahinga!” biglang sabi nya kaya napakalas ako ng yakap.

“Sorry, Its just that. I dont want to let go of you again” nahihiya kong sabi.

“Buang ka! Amoy alak ka pa,naglasing ka ba?” sabi nya. Nahihiya namang napatango ako.

“Uhm mhy,Im so sorry talaga,naging tanga at bulag ako,hinayaan kong matalo ako ng amnesia ko,pero kanina,mas nauna tumibok ng mabilis ang puso ko ng sinabi ni Dex na hindi kita mababawi,natakot ako at dun biglang nagbalik ang lahat sa akin” mahaba kong paliwanag. Gusto ko malinaw sa kanya ang lahat.

“Hindi mo kailangan magpaliwanag,naiintindihan ko. Dati pa man naiintindihan ko. I knew that day would come,ang isuko mo ako,pero I never lose hope. Alam ko na ma-aalala at ma-aalala ako ng puso mo kaya matyaga ako naghintay. Okay na lahat,you dont need to be sorry,biktima lang tayo ng panahon” mahaba nyang sabi. I was speechless. I just found my self crying again. This boy really love me that much,and I also do.

“Ganon mo ako kamahal?” tanong ko na nagpipigil ng ngiti. I cant contain it. Kinikilig ako.

“Oo naman, oh bakit namumula ka dyan?”

“Ha? Hindi kaya” pagtanggi ko.

“Anong hindi? Kitang kita o! Liwaliwanag ng buwan kaya kita pamumula mo” dagdag pa nya. Kaya para hindi na sya makadaldal pa. Siniil ko sya ng halik,hindi gigil,hindi sabik. Yung tama lang,yung halik na puno ng pagmamahal,at hindi nya ako binigo at tumugon sya.

We shared a very romantic and passionate kiss under the bright stars and moon,and ofcourse,under our favorite tree. Where our love story was born.

Everything seems so magical. Parang yung mga tibok ng puso na lang namin ang naririnig ko.

“Mahal na mahal kita Mhy, maraming salamat at hindi ka nagsawa at sumuko sa akin” sabi ko habang tinititigan ang kanyang magagandang mata.

“I just loved you that much mhy, I dont think I could handle losing you,I love you so much” tugon ng taong pinakamamahal ko then I hugged him. Walang duda,mahal na mahal ko nga sya.

“After All that we’ve been through,dito pa rin tayo hahantong,hanggang huli ikaw at ako,Mhy, i love you” sabi ko then I kissed him again. Hinding hindi ako magsasawang halikan sya ng halikan.

Natigil ako ng parang may narinig kaming kanta malapit sa amin,narecognize ko yung kanta,parang hinaplos ang puso ko,parang sobrang sarap pakinggan nung kanta.

Sakto sa mga pinagdaanan namin ni Yuri.

Well here we are again

I guess it must be fate

We’ve tried it on our own

But deep inside we’ve known

We’d be back to set things straight

I still remember when Your kiss was so brand new

Every memory repeats

Every step I take retreats

Every journey always

Brings me back to you

CHORUS:

After all the stops and starts

We keep coming back to these two

hearts

Two angels who’ve been rescued from

the fall

And after all that we’ve been through It all comes down to me and you

I guess it’s meant to be

Forever you and me

After all

When love is truly right

This time it’s truly right It lives from year to year

It changes as it goes

Oh and on the way it grows

But it never disappears

After all the stops and starts

We keep coming back to these two

hearts

Two angels who’ve been rescued from

the fall

And after all that we’ve been through It all comes down to me and you

I guess it’s meant to be

Forever you and me

After all

Always just beyond my touch Though I needed you so much

After all what else is living for

Whoa

After all the stops and starts

We keep coming back to these two

hearts

Two angels who’ve been rescued from

the fall

And after all that we’ve been through It all comes down to me and you

I guess it’s meant to be

Forever you and me

After all

After all the stops and starts

We keep coming back to these two

hearts

Two angels who’ve been rescued from

the fall

And after all that we’ve been through It all comes down to me and you

I guess it’s meant to be

Forever you and me

After all

Habang tumutugtog yon ay hinahanap namin. Imposible namang sa mga tao sa park eh halos kaming dalawa na lang tao dito. Then may nakita ako pink na triangle odango sa may di kalayuan.

“Lumabas na kayo dyan,tapos na drama” sabi ni Yuri. At yon nga isa isang naglabasan ang mga ito. Nagulat na lang kami.

“I guess we really did a great job! Where’s our payment?” sabi ni Odi kay Kuya Jiian kaya napakunot ang noo namin ni Yuri.

“Dahil success ang plano namin at ang misyon nyo,magpapakain ako tom at magpapainom” sagot ni Kuya Jiian at nag sigawan naman sila. Kung may mga tao pa dito sa park for sure agaw eksena kami.

“Planado lahat ng ito? 0_0” gulat na sabi ni Yuri napangiti na lang ako eh at inakbayan sya.

“Yup,Dont worry din,naka move on na ako,kailangan ko lang pala talaga tanggapin” nakangiting sabi Odi.

“Our plan never fails,ganyan din ginawa namin noon kina Arvin at Kevin”- Kuya Dex.

“At yung pag arte? Namiss ko yon! Haha”- Marx

“Salamat sa inyo” sabay naming sabi ni Yuri. At habang abala sila sa pag uusap. Kinuha ko ang pagkakataon para muling matikman ang matamis at malambot na labi ng taong sobrang minamahal ko.

~****

THE END.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.