loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
𝐀𝐤𝐢𝐧 𝐤𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐒𝐢𝐦𝐨𝐧

𝐀𝐤𝐢𝐧 𝐤𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐒𝐢𝐦𝐨𝐧

crosychaya · 1 chapter · 3,855 words

𝐀𝐤𝐢𝐧 𝐤𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐒𝐢𝐦𝐨𝐧

Nagtungo na lang agad ako ng silid ng makauwi ng bahay. Kampante naman ako kapag nasa bahay dahil kami lang naman dalawa ni kuya ang nandito kapag mga ganitong oras.

“Sino ’yan? Ikaw ba ’yan kuya?” Pagtatanong ko ng mapansin kong may sumisilip sa awang ng nakabukas kong pinto.

Sa labis na pagtataka ay lumapit ako sa pinto ngunit mabilis na umalis ang sumisilip duon. Nagkibit balikat na lang ako at isinara iyon. Itinuloy ko na lang ang paghuhunad ng uniporme saka nagbihis na lang.

“Kuya, ikaw ba yung sumisilip sa pinto ng kwarto ko?” Pagtatanong ko kaagad sa kanya ng makababa dahil kaming dalawa lang naman  ang nandito.

“Bakit naman kita sisilipan? Kanina pa ako nandito sa baba.” Mariin naman nyang tanggi.

Ipinasawalang bahala ko na lang baka guni guni ko lang. kaysa isipin ay nagtungo na lang ako ng banyo. Habang nakaupo sa inodoro napansin ko naman ang anino na nanggagaling sa ibaba na awang ng pinto na parang may tao sa labas ng pinto ng banyo.

Nagmamadaling tinapos ko na lang ang pagdumi dahil nagtataka na din ako kung bakit nanduon pa din ang anino.

“Kuya, sinisilipan mo ba ako?” Pagaakusa ko sa kanya dahil kaming dalawa lang naman kase talaga ang nandito.

“Jared, tigilan mo ko. Hindi kita kailanman sisilipan.” May inis sa tono na sabi nito.

“Di bale na lang. Baka guni guni ko lang.”

“Talagang guni guni mo lang yun. Sino ka ba para silipan ko? Babae ka ba?” Inis na sambit nya marahil ay nainsulto sa paga-akusa ko.

“Sorry. Sa taas na ako.”

“Ayusin mo kase yung binibintang mo.”

Hindi na naman naulit pa iyon ng sumunod na araw at napanatag naman ako dahil baka niloloko ko lang ang sarili ko o pwede kong sabihin na tinatakot ko lang ang sarili ko.

“Kuya, mga kaibigan ko pala. Dito pala muna sila magpapalipas ng gabi.” Pagpapaalam ko kay kuya.

“Ano namang gagawin nyo dito?” Bakas sa mukha ni kuya ang pagkadisgusto.

“May tatapusin lang kaming group project.” Paliwanag ko naman.

“Kung mahalaga naman, bakit hindi?”

“Salamat, kuya.”

Pinapasok ko na lang ang mga kaklase ko na kagrupo ko sa isang subject.

“Ano pala gusto nyong kainin?”

“Luto na lang tayo pancit canton. Ambagan na lang.” Suhestyon ni Crisselle.

“Ako na lang bibili. Akin na ambag nyo.” Alok ko sa sarili.

“May kanin kayo?” Nagaalangan namang tanong ni Myla. Kaklase kong matakaw.

“Oo. Ako ng bahala sa kanin.” Natatawa ko namang sabi dahil sa tanong nya.

Inabot naman nila sakin ang mga ambag nila para sa pancit canton na kakainin namin.

“Samahan na kita. May bibilhin din kase ako.” Sabi naman ni Kiyo na nakasunod na sakin.

“Sige. Tara na.”

“Oh! Saan ka pupunta?” Tinig na nagpahinto sakin.

“Dyan lang sa tindahan, kuya. Bibili lang.” Pagpapaalam ko.

“Bumalik ka kaagad.”

Lumabas na naman kami at nagtungo agad sa malapit na tindahan.

“Masungit ba talaga yung kuya mo na yun?” Pagtatanong ni Kiyo.

“Oo. Wag mo na lang pansinin yun. Ganun talaga ugali nun.” Natatawa kong sabi.

“Nay, isa nga pong rc maliit.” Sabi ni Kiyo sa nagtitinda.

“Akin, Nay, limang pancit canton chilimansi flavor.” Pahabol ko naman.

“Napansin ko lang, hindi ba kayo close ng kuya mo?” Pagtatanong nya habang hinihintay ang biniling softdrinks.

“Dati pero ngayon kase may trabaho na sya tapos ako busy pa sa school kaya ayun minsan na lang magpansinan.” Sagot ko naman sa tanong nya.

Bumalik na lang kami ng makuha na namin ang binili. Nadatnan ko si kuya na naghihintay sa labas ng pinto.

“Kuya, anong ginagawa mo dyan?”

“Hinihintay ka. Ang tagal mo. Pumasok na kayo sa loob.” Mariin na sabi ni kuya.

Agad naman kaming pumasok na sa loob. Nakita ko naman na inuumpisahan na nila yung group project namin.

“Lutuin ko lang ’to para makakain na kayo pagkatapos sasama na din ako sa paggawa.”

“Uhm! Simon, samahan mo na din ng juice. Baka meron kayo dyan.” Pahabol ni Myla bago ako magtungo ng kusina.

“Oo. Hindi naman kita matatanggihan eh!”

“Thank you,”

Nagtungo na lang ako ng kusina saka nagsalang na ng kaldero sa kalan para maluto na itong pancit canton na binili ko.

“Matutulog na ako. Ikaw ng bahala sa mga kaibigan mo.”

“Sige po, kuya.”

Nang maluto ay inaya ko na sila sa kusina para duon na lang kumain.

“Uy! Simon, ang hot ng kuya mo ah!” Kinikilig na parang ewan na sabi ni Gabriella.

“Oo nga. Anong pangalan nya?” Gatong pa ni Crisselle.

“Tigilan nyo nga yung kuya nya. Nandito naman ako.” Pagbibiro ni Kiyo.

“Shut up, Kiyo. Hindi ikaw yung topic.” Mataray na sabi naman ni Myla.

“Ayaw nyo ba sakin? Hot din naman ako ah!”

“Wag kang mangarap, Kiyo.” Sabi ni Myla na tinawanan lang namin.

“Manahimik ka din, taba.” Ganti naman ni Kiyo kay Myla.

“Tama na nga ’yan. Kumain muna tayo.” Pigil ko sa kanila na inuuna pa ang biruan.

“Ipakilala mo naman kami sa kuya mo.” Pagbasag ni Gabriella sa katahimikan.

“Hindi nyo sya gugustuhing makilala. Masungit ’yon.”

“Pansin ko nga din pero siguro hindi naman din.” Sabat pa ni Myla.

Tinapos na lang namin ang pagkain saka pinauna ko na lang sila sa sala kase maghuhuhas pa ako ng pinagkainan namin.

Nang matapos dinaluhan ko na din sila para matapos na.

“Kiyo, alam mo na yung part mo sa reporting. Wag mo kakalimutan.” Pagpapaalala ni Crisselle.

“Oo. Hindi mo naman kailangan ulit ulitin.” May pagkairita namang sabi ni Kiyo.

“Pinapaalala ko sayo.”

“Kukuha lang ako ng unan at kumot sa taas.” Paalam ko sa kanila ng matapos na namin ang group project.

Nagbitbit na lang ako ng isang makapal na panapin at isang malaking kumot saka dinala ko na lang din ang dalawa kong unan para may magamit sila.

“Salamat sa kanin, Simon. Nabusog talaga ako dun.” Masayang sambit ni Myla.

“Wala akong kumot.” Usal ni Kiyo.

“Isa lang pala nadala ko. Kukuha ulit ako sa taas.”

“Wag na. Dun na lang ako matutulog sa kwarto mo.”

“Kiyo, dito ka na lang. Wala kaming kasama.” May takot na sabi ni Gabriella.

“Dito ka na lang. Samahan mo na lang sila.” Sabi ko.

Umakyat na lang ulit ako at kumuha ng isa pang kumot para kay Kiyo. Lumabas na ako ng pinto at nabigla naman ako ng makita ko si kuya.

“Kuya, ginulat mo ko.”

“Bakit hindi ka pa natutulog?”

“Iaabot ko lang ’tong kumot sa kanila tapos matutulog na din ako.” Tugon ko naman saka iniwan na ako at pumasok na ng kanyang silid.

Napakamot na lang ako dahil nakakapanibago din si kuya. Pakiramdam ko binabakuran nya ako.

“Kiyo! Salo!” Sabi ko sabay hagis sa kanya ng kumot.

“Thanks”

“Kiyo, patayin mo na yung ilaw.” Paguutos ni Myla.

“Wag na nakakatakot. Madilim.” Tutol naman ni Crisselle.

“Manahimik ka, girl. Walang nakakatakot dito.”

Nagpaalam na ako sa kanila saka nagtungo na lang ng kwarto.

Kinumagahan, maagang umalis ang mga kaklase ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nagmamadali silang umuwi. Hindi pa nga sila naga-almusal at saka wala naman kaming pasok ngayon.

“Sigurado kayo?” Paniniguro ko sa gusto na talaga nilang umuwi.

“Wag mo na silang pigilan.”

Pagkakita nila kay kuya para naman silang mga butete sa bilis na magsilakad. Napakunot noo na lang tuloy ako sa inaakto nila.

“Ano kayang nangyare sa mga ’yon?” Pagtatanong ko sa sarili.

Lumipas ang ilan pang araw at napapadalas na din ang di kaaya ayang nararamdaman ko sa loob ng bahay na ito. Naninibago ako sa inaakto ni kuya pati na din sa pagbabago ng ugali nya. Palagi na lang mainit ang ulo nya kada uuwi sya. Minsan nahuli ko na din syang sinisilipan ako habang nagbibihis ako pagkagaling ko ng school pero nagalit lang sya kaya hindi ko na lang pinansin.

Ngunit hindi ko na nakakayanan dahil nagiging madalas na ang paninilip sakin ni kuya na nagbibigay sakin ng kakaibang pakiramdam. Ilang beses ko na syang nahuhuli ngunit palagi nya iyon itinatanggi at ako lang ang napapagalitan.

Isinara ko ng maigi ang pinto ng kwarto ko at sinigurong hindi na nya ako masisilipan. Nakabantay lang ako sa pinto habang nagbibihis ako. Nahuli ko din sya minsan na nagkatitig sa dalawa kong binti at kung minsan sa mga braso ko kaya natatakot na din ako.

Lumabas na lang ako ng silid ko na nakasuot ng sweater at pajama dahil ayaw ko din namang bigyan ng malisya ang mga napupuna ko kay kuya.

“Ano naman ’yang suot mo, Simon? Ang init init nakaganyan ka.” Galit na galit na bulyaw sakin ni kuya.

Ngayon ko lang nakita ang ganuong ekspresyon sa kanya kaya hindi ko din maiwasang hindi matakot and at the same time yung mailang.

“Hubarin mo nga ’yan. Magpalit ka.”

“O-Okay lang naman po sakin at saka matutulog na din naman po ako pagkatapos kumain.”

“Magpalit ka. ’Yong preskong damit.” Pag-uutos nya sakin.

Naglakad na lang ako pabalik ng silid ko.

“Saan ka pupunta?”

“Magpapalit po sabi nyo po.”

“Bakit kailangan sa kwarto ka pa magpalit? Pwedeng dito ka naman maghubad. May panloob ka naman ah!”

Hindi ko na nagawa pang buksan ang pinto ng kwarto ko at hinubad na lang ang sweater at pajama na suot ko habang pinagmamasdan lang nya ako.

Alam ko nakatingin sya sakin ngayon hindi ko lang magawang tignan dahil ayaw ko nga talaga sya pag-isipan ng kung ano pero sa pinapagawa nya sakin ngayon hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-isip.

“Simon, kuya mo ko. Hindi mo kailangan mailang sakin.” Malumanay na sabi ni kuya.

“Ipapasok ko lang po sa loob.” Paalam ko kay kuya.

Lumabas na lang ulit ako at nanduon pa din si kuya.

“Kumain na tayo.” May ngiting sabi ni Kuya.

Labis naman na akong natatakot dahil parang kanina lang galit sya tapos ngayon biglang nagbago ang mood nya.

“Samahan mo muna akong manuod ng tv pagkatapos nating kumain.

“May gagawin pa po ako.” Agad ko namang pagtutol.

“Anong sabi ko?” Iritableng sabi ni kuya.

“Samahan ko po muna kayo manuod ng tv.”

“Good. Kumain ka na.”

Hindi ko naman magawang kumain ng maayos. Hindi naman kami nagtagal sa pagkain at nauna na sya sa sala at binuksan ang tv.

“Mamaya mo na hugasan yan. Samahan mo na ako dito.”

“S-Sige po.”

Hindi ako makatanggi sa inuutos ni kuya dahil kapag ginawa ko baka magalit na naman sya. Naninibago na talaga ako sa kanya dahil hindi naman nya iyon ugali kahit pa dati.

Naupo na lang din ako sa sofa malayo sa kanya.

“Ang layo mo naman. Lumapit ka nga dito.”

Lumapit na lang ako ng kaunti sa kinauupuan ni kuya.

“Lumapit ka pa dito sakin. As in yung malapit.”

Wala naman akong nagawa kundi sundin na lang sya. Lumapit na lang ako at itinuon na lang ang atensyon sa pinapanuod nya na soccer game sa tv. Hindi pa naman ako interesado sa pinapanuod nya.

“Ang laki laki mo na, bunso. Parang kailan lang.”

Napalunok naman ako ng bigla akong akbayan ni kuya at pinisil pisil pa ang kanang balikat ko.

“Amoy baby ka pa din, bunso.”

Nabato na lang ako sa ginagawa nyang pagamoy sa buhok ko ngayon. Hindi naman maalis sa isipan ko ang hindi makaramdam ng pagkailang dahil sa ginagawa nya ngayon sakin.

Nagiging madiin na yung pagpisil nya sa balikat ko at nabibigyan ko na iyon ng malisya na pilit kong pinipigilan. Kaysa mag-isip itinuon ko na lang ang atensyon sa pinapanuod namin.

Nagulat naman ako ng ipatong ni kuya ang kaliwa kong binti sa kanan nyang binti.

“Ang kinis kinis ng legs mo, bunso.” Sabi nya sabay marahan na hinaplos ang hita ko.

Lalo akong nailang sa ginagawa nyang paghaplos sa binti ko.

“Kuya,” Tawag ko na sa kanya dahil umaabot na ang kamay nya sa parteng maselan ng katawan ko.

“Bakit? Ayaw mo bang hinahawakan ko ang hita mo.” May inis na sabi ni kuya.

“Hindi naman po sa ganuon. Gagawin ko pa po kase yung assignments ko.” Pagdadahilan ko.

Aktong aalisin ko na ang pagkakapatong ng binti ko sa binti nya ngunit mariin nyang pigilan iyon. Napatingin naman agad ako sa gawi ni kuya na galit ang ekspresyon ang mukha na nakatingin din sa gawi ko.

“Ayaw mo na bang ginagawa ko ’to sayo? Naglalambing lang ako sayo bilang kuya mo ah!”

“Kaya hayaan mo na lang ako. Titigil din naman ako eh!”

Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan na lang sya sa ginagawa nyang paghaplos sa hita ko kasabay pa nun ang pagpisil pisil nya sa braso at balikat ko.

Pansin kong pinagpapawisan na din ako ng malamig dahil sa ginagawa nya kaya nilakasan ko na ang loob ko.

“Inaantok na po ako, kuya.”

“Matulog ka na.”

Hindi naman nya ako pinigilan ng umalis na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag baka masyado lang akong nag-iisip o baka masyadong conscious lang ako dahil nagbibinata pa lang ako.

Nagtungo na lang ako ng aking silid at isinara na agad ang pinto. Hindi ko na tuloy naisipan pang gawin ang assignments ko dahil inaantok na din ako. Isinalampak ko na lang ang sarili sa ibabaw ng kama.

Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa init na nararamdaman ko. Bumangon ako para buksan ang fan dahil nakalimutan ko palang buksan kanina. Lumabas na lang din ako ng silid at nagtungo ng banyo sa baba para makaihi at mainom na din ng tubig.

Inaantok na bumalik na lang ulit ako ng silid at sinara iyon. Nahiga na ulit ako ng mapatay ko na ang pagkakabuhay ng ilaw.

——

Nagising na lang ulit ako ng maramdaman kong parang may humahaplos sa braso at balikat ko. Nagtatakang napatingin ako sa kamay na iyon at kapag kuwan sa nagma-may-ari nuon.

“K-Kuya, p-paano ako nakapasok?” Gulat na sambit ko sa kabila ng pagtataka.

“Matulog ka lang.”

“A-Ano pong ginagawa nyo sa kwarto ko?” Patuloy ko pa ding tanong dahil sa pagtataka at sa isiping paano sya nakapasok gayong naka-lock naman ang pagkakasara ng pinto ko.

“Ang kinis mo talaga, bunso.” Tanging narinig ko mula sa kanya.

“K-Kuya, anong bang ginagawa mo?” Kinakabahan kong sabi ng haplosin na nya ang tyan ko.

Nabahala naman ako kaya agad na tinabig ko iyon na hindi pa din nya tinitigilan. Aktong babangon na ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit. Nabigla ako ng kagatin nya ang tainga ko.

“Kuya, masakit po.” Atungal ko dahil parang matatanggal iyon sa ginagawa nyang pagkagat.

Lalo akong nabigla ng dilaan nya iyon pagkatapos nyang kagatin.

“Ang sarap mo, Simon. Nanggigil ako sayo.” May pagnanasa sa boses na sabi ni Kuya.

Napagtanto kong hindi ako nagkakamali sa paghihinala ko sa kanya. Kaya pala naninibago ako sa mga inaakto nya.

“Kuya, ano ba? Lasing ka ba?” Reklamo ko na dahil hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa nyang paghaplos sakin ngayon.

Nagiging marahas na din ang ginagawa nyang paghaplos sa balat ko na ikinairita ko.

“Aray!” Napangiwi ako ng bigla nya akong kagatin sa leeg.

Ramdam na ramdam ko kung paano nya ako panggigilan ng mga oras na iyon.

Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga ng maramdaman kong tutukan nya ako sa leeg ng kutsilyo. Hindi ko maigalaw ang sarili ko dahil baka kaunting galaw ko lang ay mahiwa ako.

“K-Kuya,” Naiiyak kong tawag sa kanya.

“Ilang taon ko ng tinitiis ’to, Simon. Baka panahon na para matikman na kita.” Pagkasabi nya nuon ay sya namang pagdapo ng dila nya sa batok ko.

“A-Ano pong ibig nyang sabihin?” Naguguluhan kong tanong.

“Gusto kong makipagtalik ka sakin, Simon.”

“Ayaw ko po.”

“Ayaw mo o ibabaon ko ito sa leeg mo.” Pagtutukoy nya sa kutsilyong nakatutok sa leeg ko.

“Kuya, wag mo pong gawin sakin ’to.” Humahagulgol ko ng sabi dahil sa labis na akong natatakot sa inaakto nya. Tinitingnan nya ako na parang hindi nya ako kapatid.

“Ano!” Kasabay nuon ang pagdiin ng kutsilyo.

“P-Pumapayag na po ako.” Mabilis kong sagot kahit na tutol pa ako.

Pinagbigyan ko na lang sya sa gusto nya. Masakit sa loob ko na gawin ang isang nakakadiring gawain na ’to na gustong gawin sakin ni kuya.

Nagising ako sa maingay at sunod sunod na katok sa main door ng bahay namin. Agad na sinilip ko ang sarili ngunit may suot na ulit akong damit. Napansin kong wala na din si kuya sa silid ko.

“Sino ba yan?” Reklamo ko ng makababa ako ng hagdan.

“Simon! Simon! Simon, nandyan ka ba? Buksan mo ’tong pinto?” Rinig kong sigaw ni Papa habang kinakatok ang pinto.

Agad ko namang binuksan iyon at tumambad sakin ang mga magulang ko.

“Ang ingay nyo naman po. Ang aga aga. Paano kung mag-reklamo yung mga kapitbahay natin.”

“Diyos ko! Anak, nandito ka lang pala.” Naiiyak na sabi ni Mama.

“Nandito lang naman po talaga ako. Wala naman po akong ibang pupuntahan.”

“Halos isang buwan ka na naming hinahanap ng mama mo. Nandito ka lang pala satin.” May galit na sabi ni Papa.

“Isang buwan? Isang buwan na nga din po kayong hindi umuuwi galing davao.”

“Ang mahalaga buhay ka, anak.” Sabay mariin na niyakap ako ni mama.

“Ano po bang pinagsasabi nyo? Hindi ko po kayo maintindihan.”

“Teka, Simon, saan mo nakuha itong mga kalmot mo sa hita at balikat?” Pagtatanong ni Papa habang sinuri ang mga kalmot na nanduon.

Nakunot naman ang noo ko dahil sa mga kalmot na nanduon nga. Itinaas din ni papa ang damit ko at nagulat kaming lahat na ang daming kalmot duon. Sinuri pa nila ang buo kong katawan.

“May kagat ka pa dito sa leeg at tainga mo. Sabihin mo samin anak, sino ang may gawa nito sayo?”

Nagtataka naman ako sa mga tinamo ko at pilit na inalala ang nangyare kagabi at duon ko naalala ang ginawang panghahalay sakin ni kuya. Napaiyak na lang ako.

“Anak, magsabi ka samin?”

“Ma, Pa, ayaw ko pong sabihin. Papatayin nya po ako.”

“Huwag ka mag-alala hindi nya ’yon pwedeng gawin sayo. Nandito na kami ng mama mo.”

“S-Si kuya po ang may gawa sakin nito. Pinilit nya po akong makipagtalik sa kanya kagabi.”

“Si kuya mo? Paanong nangyareng si kuya mo eh! Kasama namin sya sa paghahanap sayo.”

“Ma, nakita nyo na ba si simon?” Pagtatanong ng kararating lang na si Kuya.

Natakot naman akong bigla dahil sa isiping sino ang kasama ko gayong kasama nila sa kuya.

“Si kuya ang may gawa sakin nito. Umamin ka na kuya.” Paninigaw ko kay kuya.

“Ma! Pa! Anong nangyayare? Wala naman akong ginagawa.”

“Maang-maangan ka pa.” Sabi ko kapag kuwan ay sinugod sya at sinuntok sa mukha.

“Tama na yan, Simon.”

“Dapat sayo makulong.”

“Kumalma ka, Simon. Hindi magagawa iyan sayo ng kuya mo dahil kasama namin sya sa paghahanap sayo.”

“Hindi kaya, ma. Nasundan sya dito.” May takot na sabi ni Kuya.

Naguguluhan naman ako sa mga sinasabi nila kaya agad na tumakbo ako sa silid ko para ipakita sa kanila ang kutsilyong ginamit ni kuya pero wala na iyon duon. Sumilip na lang din ako sa kwarto ni kuya.

Dahan dahan akong lumapit sa higaan ni kuya at may natutulog duon. Duon na ako kinabahan saka dahan dahan kong tinanggal ang pagkakataklob ng kumot. Tumambad naman sakin ang sobrang puting lalaki na may matulis na tainga. Nagmulat ito ng mata at namumula iyon.

“Mama,” Pagsigaw ko dahil sa takot.

“Lubayan mo ang anak ko”. Sabi ni Mama na agad na yumakap sakin.

“Akin lang sya.” Huling sabi ng lalaking pula ang mata saka biglang naglaho na parang bula.

Hindi naman ako makapaniwala sa buong nangyare.

“Ma, anong nangyayare?” Naguguluhan at umiiyak na sabi ko.

“Talagang ginaya nya pa ako para magpanggap na kuya ni Simon.”

“Ma, natatakot ako.”

Nakikita ko na din ang lumuluhang mata ni mama pati na din ang nag-aalalang mukha ni papa at kuya.

“A-Ano po ba yun?”

“Isa yung engkanto na matagal ng may pagnanasa sayo.”

“Hindi ko na alam ang gagawin natin si anak natin. Nasusundan pa din sya kahit saan sya magpunta. Mabuti na lang at hindi ka sinaktan.”

“Maghanap na lang po tayo ng albularyo.” Narinig kong suhestyon ni Kuya.

Halos hindi naman ako makapaniwala sa nangyare. Ang buong akala ko si kuya ang kasama ko sa bahay na ito. Hindi ko din lubos maisip ngayon na isang engkanto pala ang kinakasama ko at isang engkanto na may pagnanasa sakin.

Agad na dinala nila ako sa albularyo o ispiritista para mahingan ng proteksyon.

“Ingatan nyo ang inyong anak dahil labis na malakas ang pwersa ng engkantong nahuhumaling sa inyong anak at huwag na huwag nyong hahayaang mawala sa paningin nyo ang anak nyo.”

“Bakit ho?”

“Dahil sa nakikita ko ay balak din nyang kunin ang anak ninyo.”

Natakot naman ako sa sinabi ng albularyo at napakapit na lang ng mahigpit sa umiiyak kong ina.

“Ano pong dapat naming gawin?”

“Bibigyan ko kayo ng pangontra at kailangan parati nya itong suot para ng sa ganuon ay hindi sya maamoy o makita nito.”

Isinuot sakin ng albularyo ang isang bracelet pagkatapos nya itong bigyan ng orasyon. Binigyan nya na din ang mama, papa at kuya ko para tuluyan na kaming hindi masundan.

Lumipas ang ilang araw at wala na namang nagparamdam samin at ganuon na lamang ang pasasalamat ng aking magulang.

Naligo na lang ako ng mga oras na iyon at ng matapos ay nagtungo na lang agad ng kwarto ko. Wala na ang nararamdaman kong pagkailang sa kuya ko at humingi na din ako ng tawad sa kanya.

“Kuya, anong ginagawa mo dito?” Pagtatanong ko sa kanya na nakahiga sa kama ko.

“Gusto ko ulit makipagtalik sayo.”

Nanigas naman akong bigla sa kinatatayuan ko ng marinig ko iyon. Agad na napasilip ako sa kamay ko at hindi ko suot ang bracelet. Nakita ko iyon sa ibabaw ng study table ko. Tinakbo ko iyon pero naabutan ako ng gumagaya ngayon sa kuya ko.

“Sumama ka na sakin.”

“Ayoko! Hinding hindi ako sasama!” Sigaw ko sa pagmumukha nya.

“Anak! Buksan mo itong pinto.”

“Ma,” Naiiyak at natatakot kong tawag sa kanya.

Lalo akong nanigas ng dilaan nya ang mukha ko.

Napatingin naman ako sa bracelet na malapit na sakin. Mabilis na pinulot ko iyon.

“Mapapasaakin karin, Simon.” Huling sabi nya sabay naglaho. Bumagsak ako sa sahig at sya namang pagbukas ng pinto.

“Ma, nandito sya.” Mahigpit na napayakap na lang ako sa mama at kuya ko.

“Nandito na kami.”

“Gusto nya akong isama, ma.”

“Kahit anong mangyare, huwag na huwag kang sasama at kahit anong mangyare huwag na huwag mong huhubarin ang bracelet.”

“Ako pa rin ba ang ginagaya nya?” Pagtatanong ni kuya.

Tumango na lang ako bilang pagsagot.

“Natatakot na ako, ma. Duon na lang tayo kila lola sa ibang bansa.”

“Kakausapin ko ang papa mo at sa lalong madaling panahon aalis din tayo. Maging matapang ka, anak.” Pagpapalakas sakin ni mama at ganun na din si kuya.

Natuloy ang paglipad namin papuntang Austria. Magmula nuon wala ng gumambala pa sakin at naging tahimik na ang buhay ko habang nag-aaral dito. Nalaman din nila lolo at lola ang nangyare kaya labis na lang din ang pagbibigay nila ng proteksyon sakin. Hindi ko na din hinubad ang bracelet kahit kailan para makasiguro na hindi nya kami nasundan.

Napanatag na ang kalooban naming lahat at masayang tinatamasa na lang ang simpleng buhay na meron kami ngayon dito.

—; ωσя∂ѕ fяσм: мaĸaтa wrιтeѕ ғιndιng a ѕтory? Leт мe welcoмe yoυ тo мy тιмelιne


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.