loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ako at ang Callmate ko (BXB 2013)

Ako at ang Callmate ko (BXB 2013)

Ai Tenshi · 17 chapters · 33,615 words

Ako at ang Callmate ko Part 1

Book Cover Donated by Katalonia

PLS READ: AUTHOR’S NOTE:

Ang “Ako at ang Callmate ko” ay unang inilabas dito sa wattpad noong January 5, 2013, Ito ang pinaka unang kwentong ginawa ko noong ako ay nag sisimula pa lamang at makalipas ang ilang buwan ay nasundan pa ito ng dalawa pang kwento ang ’Classmate kong Siga“ at “Si Tol ang Lover ko” na kapwa inilabas noong taong 2013 din. Ang mga kwentong ito ang nag papa alala sa akin ng aking simula bilang isang manunulat, hindi ito ganoon kagilas at kahusay ngunit may puso naman ito at tiyak na kapupulutan ng aral.

Ang “Ako at ang Callmate ko” ay tumagal ng ilang buwan sa page ko ngunit agad ko rin itong inalis dahil umani ito ng katakot-takot na pintas at pang lalait mula sa mga mambabasa. Naunawaan ko naman dahil ang lahat ng baguhan ay dumaraan sa ganoon pag subok. Ngunit gayon pa man ay hindi ako tumigil sa pag susulat bagamat aminado ako na minsan ko na itong sinukuan dahil pakiramdam ko ay wala akong talent.

AT NGAYON, dahil marami na ang nag hahanap ng kwentong ito, ay ikinalulugod kong ibalik ito sa aking pahina upang mabasa ng lahat. Ito ay isang “revise version” at maaaring naiba na rin ang katapusan ng istorya. Samahan niyo po si Gin at ang callmate niya na tuklasin ang naiibang mukha ng buhay pag ibig.

P.S. Pero hindi ko ito masyadong binago dahil nais ko pa rin panatilihin ang sulat ng isang baguhang nag hahangad ng pang unawa. Salamat po.


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po..

Ako at ang Callmate ko

By : Ai Tenshi

January 5, 2013

Isang malaking kaba ang bumalot sa aking buong pagkatao ng i-anounce ng Emcee ang top 5 finalist sa isang patimpalak na aking nilahukan, ang Ginoong Sta Cruz . Hindi magkamayaw ang sigaw at palakpakan ng mga manood sa paligid at sa harap ng entablado. Isa, dalawa, tatlong minuto ang lumipas ng matapos ang matinding hiyawan. Duon ko na realize na hindi pala natawag ang aking numero #3. Ang lahat ng kalahok ay pinasalamatan at pinababa na ng entablado.

“Gin!!! Gin!!!” ang tawag ng bestfriend kong si Aj matapos akong makababa ng entablado. “Ayos lang iyon friend, atleast umabot ka sa semifinals, ang dami nyo kayang nag laban diba? Oh wag kaya kana ma sad dyan” ang sabi nya na parang nang aamo sabay akap sakin. “Ikaw talaga! Hehe, hindi naman ako sad. Ganuon talaga minsan hindi palaging nanalo.” Ang nasabi ko, sabay bitiw ng ngiting pilit.

Dali dali kaming bumalik ni Aj sa dressing room upang kunin ang aming mga gamit. Pag katapos ligpitin ang lahat ng aming dala ay nag pasya na kaming umuwi at huwag na tapusin ang contest. Nakasakay kami sa isang van ng biglang nag ring ang aking cellphone. Isang popular na ringtone ang narining sa buong sasakyan. Isang sikat na kanta ni Sarah Geronimo. “Ikaw”

“Dahil ikaw lamang ang hindi lumisan

Tunay na kaibigan lagi kang nandyan

O ikaw lamang ang hindi nang-iiwan

Nararapat lang ika’y pasalamatan

Ikaw, ikaw, ikaw… ikaw, ikaw, ikaw

La la la la la la la la ikaw, ikaw la la la la la la la

Ang nais kong pasalamatan la la la la la ikaw, ikaw“

“Hello” ang sabi ko kasabay nito ang pindot ko sa answer key button ng aking cellphone

“Hello??!! Gin?? Ako to si AL, im sorry hindi ako nakarating sa laban mo, medyo busy kasi ako dito sa bahay, oh kumusta na? Ano nangyari sa contest??

“Ah ikaw pala. Ayos naman, kaso di ako pinalad, wala ka kasi eh” biro ko naman bagamat may halo itong panlulumo dahil isa siya sa nag eexpect na maiiuuwi ko ang titulo

“Ohhhh, ayos lang yan tol, para sakin eh winner ka pa rin. At ikaw lagi ang the best.. Okay?? Ngiti kana please, wag kana malungkot dahil tiyak na malulungkot din ako niyan” sagot naman niya na may halong pang lalambing.

Salamat Al, sige kita nalang tayo sa campus, mag iingat ka lagi ha, I miss you.“ Ang sabi ko habang pinipilit itago ang aking malungkot na emosyon bagamat mabigat pa rin ang aking pakiramdam. “I miss you too, Gin” sagot nito sabay pindot ng end call.

Pag katapos namin mag usap ay nag paalam na siya. Napangiti naman ako sa sinabi nyang iyon atleast kahit papa ano ay alam kong nandiyan pa rin siya para sa akin. Yung malaman mo lang na may naniniwala sa iyo ay malaking rason na para makapag patuloy. Habang nasa ganoong pag iisip ako ay humarap ako sa bintana na aming sinasakyan upang masdan ang binabaybay naming daan. Doon bumalik sa ala-ala ko kung paano kami naging mag kaibigan ni AL.

Chapter 1

Ako si Gin C. San Miguel 18 years old, 5’9 ang height, ayos naman ang build ng katawan ko, alaga naman ako sa work out at gym dahil siguro iyon sa pagiging contesero ko. Syempre gwapo ako (yun ang sabi nila papa sa akin

kaya naman labis akong naniwala ako sa kanila hehehe ). Siguro natatawa kayo kung bakit Gin ang pinangalan sakin. Actually ang sabi sakin ni Papa ipinangalan daw ako sa isang sikat na bote ng alak ang “ Ginebra “. Nag kataon din naman na San Miguel ang aming Apelyido. Kaya wagas na wagas na combo at perfect combination ang pangalan ko. “Ginebra San Miguel” iyan nag bansag sakin ng mga kabarkada ko. Lumaki ako sa maginhawang buhay, dahil solo at nag iisang anak lang ako ay nasusunod ang lahat ng luho ko. Yun nga lang ay aminado naman ako na kulang ako sa pansin, kasi naman laging busy itong si mama at si papa sa trabaho.Kaya kadalasan ako lamang at ang kasambahay ang naiiwan sa bahay. Misan ay dumating pa nga yung time na nag papanggap akong may sakit para lang manatili sila sa bahay at makasama ko kahit sandaling araw lang.

“ Kkkringggggggg!!!“ tumatawag ang bestfriend kong si Aj . Siya ang una kong naka close sa eskwelahang pinapasukan ko simula nang mag transfer ako. Si Aj ang tipo ng tao na sobrang maingay, komedyante, laging may dalang kwento, may radar yata sa ulo tong tao na to. Hindi kami nag kakalayo ng edad, mas matangkad lamang ako sa kanya ng ilang sentemetro. “Hello?! Inaantok pa ako Aj. Ang aga mo naman tumawag.”

“Hoy ineng!! Anong oras na? May pasok tayo diba? Baka nakakalimutan mo Lunes ngayon, ano bang drama mo? Late kana ah!!” ang mabilis na pag sasalita nya.

“Hah? Lunes agad? Totoo ba? Late yata ang kalendaryo ko kasi ay Linggo pa lamang dito.” ang gulat kong sagot “tinatamad akong pumasok tol. Pass muna kaya??”

“ayyy ineng gumayak kana!! Pass ka dyan ammff. Ano to game show. Mag bihis kana..Late na, ano ka ba magagalit ang palakang prof natin mainit pa naman ang dugo sayo nuon, hahahahaha” ang pamimilit nya.

“ ohhh siya gagayak na!. Pokapya naman ng assingnment sa Math. Alam mo namang mahina ako doon.“ Ang pag mamadali ko.

“naku friend naigawa na kita. Kagabi pa, advance kaya ako. Girls scout este boy scout pala pare” Nag mamalaki si bestfriend.

“ salamat talaga bro. Hulog ka ng langit hehehe..Sige kita nalang tayo sa loob ng campus. Bye “ ang pag papa alam ko.

        Nag pahatid nalang ako sa driver ko para hindi ako malate ng todo. Ilang minuto pa ay narating namin nag school. Pag dating ko sa campus ay naka tingin sa akin ang ilang mga estudyante. Nag tataka ako kung bakit naka tingin sila sakin.  Pero hindi ko sila binigyang pansin.. lakad lang ako ng bongga..

“Ginnn!! Friend!!!!” ang sigaw ni Aj na kumakaripas ng takbo papunta skin..

“Oh bakit ba? Ano nanaman ang problema?” ang iritang sagot ko..

“Ano kaba? Baligtad ang suot mong t-shirt, yang neck line dapat nasa harap, wala sa likod. Hmm ano bagong pauso mo ba iyan? hahahah.” Ang malakas na tawa ni Aj.

“Tado ka! Bakit di mo sakin sinabi agad? May pasigaw sigaw ka pa dyan” ang inis kong sambit na nakaramdam ng kaunting pag kahiya. Marahil sa pag aapura kaya’t hindi ko na ito na pansin pa. Eng eng lang. Kaya naman dali dali akong nag tungo sa cr para ayusin ang damit .

“Aha!! Naisip ko lang kaya pala naka tingin ang mga studyante kanina sakin dahil sa t-shirt ko. Tsk tsk… ngayon lang ba sila naka kita ng baligtad na t-shirt.? Anong klaseng campus ba ito, out of style. Hehe joke lang “ ang bulong ko sa aking sarili. At pag katapos kong humarap sa salamin ng ilang sandali ay nag pasya na akong lumabas dito.

Noong araw ding iyon ay napag alaman ko na wala pala si Ms. Dizon ang professor ko sa Management kaya naman naisipan kong nalang libutin ang buong Campus. Pag patay ng oras kumbaga. Buhat nung lumipat ako dito ay never ko pa naikot ang kabuan nito. Maganda ang facilities ng paaralan pwede itong maihambing sa mga mamahalin at sikat na paaralan sa Maynila. Iba iba ang uniform na suot ng mga studyante. Sa unang palapag ng building ay makikita mo ang mga HRM student at ito ang kursong kina bibilangan ko. Nag patuloy ang aking pag lalakad hanggang makita ko ang mga ibat iba at asorted na studyanteng nag lalakad sa hallway. Nandyan ang mga Education, BS Administration, Computer Science, Liberal Arts, Info tech at ang mga Nursing. Halos umikot ang paningin ko sa sobrang daming studyante sa paligid. Kaya naman naisipan kong umakyat patungong 3rd floor ng building. Habang tinatahak ko ang hagdan patungong 3rd floor ay hindi ko maiwasan na tumingin sa ibat ibang uri ng anunsyo at poster sa mga bulletin board na naka sabit sa pader. Nandyan ang mga pangalan na mga pamatay ng Honor student. Nandito din ang mga activities ang pictures ng mga nag sisikatang Dancer ng Campus at hindi mawawala dito ang Varsity players. Sa dami ng naka paskil na papel sa mga bulletin board ay may isang larawan ng pumukaw sa aking pansin. Larawan yata ito ng “Flyers at Poster” ng campus. “Ahhh alam ko na ito yung mga pinamimigay pag mag papasukan” ang bulong ko sa aking sarili. Napansin ko ang isang lalaki na nasa picture. At di ko maiwasan na mapatitig sa kanya. Tik tak tik tak… ang naririning kong pintig ng orasan habang tahimik ang buong hallway sa may gawing hagdan.

“Bulaagggggaaaaaaaaa!!” pang gugulat ni Aj

“Ayttssss!! Puta!!” sigaw ko sabay batok dito.

“Arayy! Ang bayolente mo naman frend.” Pag mamaktol nito habang hinihimas ang batok.

“Sorry tol, ang akala ko ay kalaban ka.” Palusot ko naman at hindi ko napigil ang aking pag tawa.

“Hmmppp, ewan ko sayo, sino ka si Agent X44? Ewan talaga.” Patuloy niyang pag mamaktol. “ Teka, kanina pa kita hinahanap. Bigla kang nawala sa harapan ng Campus. Ano naman ang ginagawa mo dito? Wala naman interesting na bagay dito maliban sa mga gwapong lalaki dyan sa picture ng bullentin board, hay naawa na ako sayo frend, nag titiis ka nalang sa picture, mabuti pa doon tayo rumampa sa hallway, maraming gwapo doon, ALIVE IN FLESH!!“ malanding pag yaya nito sabay bitiw ng pigil na ngiti.

“Ano ka ba? Edi ikaw nalang ang rumampa doon. Di ako bakla no. Ikaw nalang!! Shoo!” ang tataboy ko dito. “Tse, ano ko aso? Hmp, kainis kana talaga frend.” Muli nyang pag mamaktol. “Teka bakit ba kasi nandito ka?”

“Ahh ehh ano.. Nag iikot ikot lang ako.” Ang sagot ko naman at hindi ko napapansin na hawak ko ang flyers na kinuha ko bulletin board. “Ano ba yang hawak mo? Patingin nga”. Sabay hablot ng papel na aking hawak. “Ahhhhh ito yung bagong flyers ng campus. At itong lalaki na ito ang ultimate celebrity dito sa campus alam mo ba iyon? Siya si Aldrich Gatchalian, Tourism Management student yan, Matangkad, Maputi, Gwapo, Yummy! At siya ang future husband ko. Hahahaha “ ang malandi at malakas na tawa nito.

“Tado!!” muli kong batok sa kanya.

“Aray… ano kaba friend. Masakit yun ha… bantay bata 163 yun.” Habang hinihimas kanyang batok, “piling ko magiging si imang na ako sayo. Yung bida sa kampanerang kuba.” Patuloy nitong pag mamaktol.

Tawanan kami..

Natutuwa ako sa bestfriend ko dahil kapag kaming dalawa lang ay lumalabas ang kanyang soft side. Dahil siguro siya ang president ng student council kaya magaling siya sa PR at pakikisama sa mga studyante. Natural ang kanya at likas talaga ang pag ka komedyante.

“Teka Aj, bakit siya ang kinuhang endorser ng campus eh hindi ba dapat artista talaga ang kunin nila para mas malakas ang hatak sa publiko?” ang nag tataka kong tanong.

“Hmmmmm.. ewan ko friend basta siya ang bet ng lahat. At wala tayong magagawa duon. At bet na bet ko rin siya syempre.hahahaha” Ang maarte at parang natataeng sagot nito.

Nakatitig pa din ako sa larawan ng poster “kung sa bagay, gwapo naman talaga siya. Heartrob ang dating. At sa tingin ko malayong malayo kaming dalawa. Nakaka inggit lang kapag natutuon ang aking mata sa kanyang anyo.” Ang bulong ko sa sarili ko nang makaramdam ako ng bahagyang pag kainggit. Saka ko ulit ibinalik ang poster sa board at saka inaya ko na si Aj na bumaba ng 1st floor.

        At dahil walang klase sa araw na iyon ay nag pasya na kong tawagan ang driver ko para sunduin na ko pauwi ng aming bahay. Agad akong nag tungo sa waiting area upang hintayin ang aming sasakyan. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ito.. Pero bago pa man din ako sumakay ay narinig kong may tumatawag sakin.

“Ginnnn!!! Ginnn!!!” ang sigaw ni Aj na halos malagutan ng hininga sa pag takbo

“oh Aj bakit ba nag aapura ka?” ang tanong ko.

“Eh obvious ba? Aalis ka na kaya, alangan naman mag slow motion ako. Ano to pelikula? Hahaha,oh heto” sabay abot ng hawak na papel na naka bilot nag pabilog.

“Ahhh anno to?” ang tanong ko.

“Iyan ay school paper, laman nyan ang mga article ng school na ito. At take note exclusive lang yan sa office ko sa student council, binigay ko yan sayo para kahit papano aware ka naman sa mga kaganapan dito sa school natin.” Ang paliwanag nya.

“Wow!! Salamat tol ha. The best ka talaga.” Ang uuto ko habang naka ngising aso.. “ oh uuwi na muna ako, wala naman ako subject ngayon.“ Ang dugtong ko.

“Ok lang yun noh, oh pano ingat ka, basahin mo iyan ha?”

“Oo sure” ang sagot ko. Habang sumasakay ng aming sasakyan. “bye”

Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay naisipan kong buklatin ang campus paper na bigay ni Aj. Nakita ko dito ang ibat ibang uri ng school activity, mga Intramurals, Foundation day, Linggo ng wika at marami pa. Nandito din ang mga tula, at mga piling larawan ng ibat ibang mag aaral. Nilipat ko ang pahina kung saan matatagpuan ang mga mensahe ng mga mag aaral na pinadala via text message. Mayroon mga mag aaral na nag rereklamo sa tuition fee, at meron din namang ilan na bumabati lamang sa kanila mga crush at hinahangaan sa campus. May isang mensahe na pumukaw sa aking paningin.

“Wanted Callmate 0917 433 2212”

Walang naka lagay na pangalan kung kino galing ang mensahe na iyon. Actually di ko alam kung anong kalokohan ang pumasok sa utak ko, namalayan ko nalang na hawak ko ang aking cellpone at dinial ang numero sa message section ng campus paper.“

“krrrrrrrrrrrinnnggggg… kringggggggggggg…” nag ring ang number. Nagulat ako!! active pala ito. Pero naisipan ko bigla na i cancel ang pag dial dahil di ko naman kilala iyon. Saka baka mag mukha naman akong cheap no, pumapatol sa number na hindi ko naman kilala.

“Gin wala ka bang balak bumaba ng sasakyan?” ang tawag ni Papa. Hindi ko man lang namalayan na nasa bahay na pala kami. Marahil ay nalibang din ako sa pag babasa.

“Sorry pa. May hinanap kasi ako.” Ang aking pasulot, at agad n pumasok sa bahay. Dagli akong pumasok sa kwarto ko at nahiga muna bago tuluyang mag bihis. Nagulat ako ng may mag txt sa aking cellphone.

Opening message…………..

From Aj Dizon: “Fwend… tawag ka dali. May chimax ako sayo. Matutuwa ka pwamis!! J

Bigla akong na curious kung ano ang sasabihin ni Aj. Kaya agad akong nag dial, tiyak na gugulong nanaman ako sa katatawa kapag nag bida ito kaya,t kapag sinabi niyang may chika siya ay agad akong tumatawag. “Krinngggggg… kringggg…… kringgggg…” ang tunog sa kabilang linya..

Tahimik sa kabilang linya..

Makalipas ang ilang pang ring ay sa wakas sumagot din si Aj.

“Ohhhh Aj? Anong sasabihin mo sakin? Na eexcite naman ako.” Ang pang bungad kong salita habang kinikilig sa bagong chismis ng aking best friend

“Hello? Sinong Aj? AL ang pangalan ko..sino ka ba?.!” Ang sabi sa kabilang linya..

Para kong sinalpakan ng isang garapon pulburon sa bibig at di agad ako nakapag salita. Kusang kumilos ang aking kamay at nag mamadaling pinindot ang “end call button.”

“Shit!!” Sa sobrang pag mamadali ko, hindi ko napansin na ang numerong dinial ko pala kanina ang natawagan ko sa halip na ang numero ni Aj. “shitttt!! Ang tanga ko tsk” ang bulong ko sa sarili.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko.

Calling…

0917 433 2212

Nanlaki ang mga mata ko. Tumatawag ang numero na aksidenteng natawagan ko..

Hinawakan ko ang aking cellphone at..

Tahimik..

“HELLO?” kaswal kong bati na walang kaalam-alam na ang taong tumawag sa akin ay ang taong mag babago ng aking kapalaran.

Itutuloy….

Ako at ang Callmate ko Part 2

BC by Chase Tae/ Gwapong Chase

AUTHOR’S NOTE: Ang kwentong ito ay nilikha ko noong 2013 pa, kasabay ng “Ang Classmate kong siga” at “Si tol ang lover ko”. Hindi ito ganoon kapulido kaya hinihingi ko ang inyong pang unawa.


PAUNAWA: Ang kwentong ito ay ang aking unang katha.

Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi

Chapter 2

“ HELLO ?“ ang nauutal kong boses.

“Hello? Diba tumawag ka sakin kanina? Sino ka? Ano kailangan mo? Pribadong itong number ko, paano mong nalaman ha.?” ang may kataasan boses nyang tanong na tila nag susungit.

“Ah eh.. wrong number lang ako tol, pasiensya kana sakin naistorbo yata kita.” Ang mapag kumbaba kong pag sosorry sa kanya. “Pribado? Naka limbag sa campus news paper? Adik ba?” sigaw ko naman sa aking sarili.

“Ganon ba? Sige ayos lang iyon dude. Ano pangalan mo at paano mo ba nalaman itong number ko?” muli niyang tanong.

“ Ahhh ehhh pangalan ko Gin, at nakuha ko ang number mo doon sa campus news paper, nag tataka nga ako kung paano mo nasabing pribado ka. “ Mataray kong sagot.

“ Ano Gin? alak iyon eh Ginebra San Miguel“ b iro nito na walang kamalay malay na seryoso naman talaga iyon ang buong pangalan ko. “Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?” pag tataka ko naman.

“Weh, di nga? San Miguel ang apleyido mo? Jaming mo ah, sige ako naman si Gold Eagle. Nice to meet you. Toma na!!” pabirong sagot nito.

“Iyon nga pangalan ko, hindi ako nag bibiro” tugon ko

“Seyoso ba?” tanong niya

“Oo nga” sagot ko naman.

Tahimik..

“Oh siya.. sige na naniniwala na ako. Siguro nga ay dapat ko nang palitang number ko dahil marami nang tumatawag at nag ttxt sa akin. Hindi ko alam na seryoso pala ang biro ng mga barkada ko na inilagay nila ang numero ko sa dyaryo ng campus” paliwanag niya.

“Oo nga e, tiyak na marami nang nakaka alam ng numero mo ngayon, mura lang naman ang prepaid sim eh, bumili ka nalang ng bago.” Biro ko naman.

Nag patuloy ang aming pag uusap, at makalipas ang ilang minuto ay tila palagay na kami sa isa’t isa. Nandyan yung parang nag getting to know muna kami, mula sa paboritong pag kain, kulay, brand ang tshirt, paboritong palabas sa t.v, libro, subject at pati aming kurso ay napag usapan din. Ewan, hindi lang ako makapaniwala na ang isang lalaki ay tatagal makipag usap sa kapwa niya lalaki din. Hindi ba’t karaniwa sa kanila ay babae ang hanap at sinabi mong lalaki ka ay tapos na ang usapan. Pero sa aking palagay ay iba ang isang ito dahil masarap siyang kausap at nakakalibang. Mabulaklak ang kanyang dila at hindi nawawalan ng nakatutuwang biro.

Hindi na namin namalayan ang oras..

11:30pm nang mag pasya akong mahiga na at matulog.

1:00am na bakit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil tila naririnig ko pa rin ang kanyang boses at ang pag tawa ng malakas.

2:00am anak ng pating alas dos na.. bakit di ako makatulog, pakiramdam ko ay kinukulam na nya ako at dahil tinig niya ay nanatili sa aking pandinig.. JUSKOOO!!! KINIKILIG AKO!! matulog ka Gin, assuming ka nanaman“ ang sabi ko sa sarili ko. Sabay takip ng unan sa tenga ko. Para di ko marinig ang katagang paulit ulit sa isipan ko.

5:00 am siguro ng dalawin ako ng dyosa ng pag tulog. Halos naka 1000 na tupa din ako na nabilang ahhh..

6:30am ang alarm ang clock ko. “ GANUN? “ ang sabi ko sa sarili ko. Parang wala pang 5 minutes mag buhat nung pumikit ako tapos eto papasok na pala ako sa campus.

Mag aalas 8:00am na nang marating ko ang campus. Agad akong sinalubong ni Aj.

“ayyyyyyy frend!! Teka may sakit kaba? Ano nang yari sayo ang lalim ng mata mo? Para kang patay na nabuhay, hindi kaba natulog?Hmmmmm teka dyan ka lang. Wag ka gagalaw.” Ang utos nya.

Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

“cge frend dahan dahan kang lumakad papunta sakin. Ayan ganyan nga!!.. THE ZOMBIES ARE COMING!! BRAINS… BRAINS…, ayan friend may halaman dali kainin mo.” Ang sigaw ni Aj.

“HEH! Tado ka!! Ginawa mo naman akong zombie” yung zombie ba sa sikat na computer games na plants vs zombie.. Sabay batok kay AJ.. ummmmmphhhhhff.. Loko!!

“aray!! Bantay bata na talaga yun ha!” ang pag hihimas nya ng batok. “ joke lng naman iyon friend. Saka gwapo ka pa din.“

Nag lakad kami papasok ng campus. Sa totoo lang gusto kong ikwento kay Aj yung nangyari kagabi kaso baka isipin nya nakikipag callmate ako sa kapwa lalaki. Eeww kaya iyon.

Narating namin ang classroom, tamang tama “Housekeeping” ang subject namin ngayon. Tinuturo dito kung pano mag bigay ng room services sa mga hotel at iba pang infastractures.Active naman ako sa clase. Lagi akong nakikipag participate sa mga discussions. Pero hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kagabi. “Ano tatawag pa kaya siya?” panay ang tingin ko sa cp ko.

“Mr. San Miguel are you listening?” ang sigaw ng prof ko habang naka tulala pa rin ako.

“Im sorry Maam” ang nahihiya kong sagot.

“Focus!! Mr. San Miguel, natutulog ka yata sa pansitan.” Ang pabiro nyang patutchada.

Napayuko nalng ako sa sobrang hiya. Hanggang mag ring ang bell. Sign na iyon na tapos na ang klase.Dali dali akong lumabas upang mag tungo sa cr. Ilang saglit pa ay narating ko rin ang gilid ng campus kung saan nanduon ang mga comfort room. Pag pasok ko humarap agad ako sa salamin upang tingnan ang sarili ko. “shitt ang laki ng eyebag ko.” ang bulong ko sa sarili. Kaya nag pasya akong yumuko sa lababo at duon ay maghilamos.

Halos ilang segundo ko rin kinuskos ang mukha ko ng malamig na tubig bago tuluyang iaangat ang mukha ko sa salamin.

Laking gulat ko nang may kasama na pala ako na nakaharap din sa salamin at hinihintay akong matapos. (Nag iisa lang kasi ang sink ang cr kaya nag hihintay siya.) “Pamilyar sakin ang lalaking ito. Parang nakita ko na siya somewhere.” Ang sambit ko sa sarili. Ang tangkad nya halos mas matangkad siya sakin ng ilang pulgada. Cguro nasa 5’11 yata ang height nya. Maputi, Makinis. Maganda ang mata. Kung susumahin mukha siyang celebrity. Iniisip ko pa din kung saan ko siya nakita.

“Are you okay?” ang tanong nya habang nakatayo sa likod ko.

“Ahhh sorry” ang sagot ko habang umalis patungo sa labas ng Cr.

Hindi naman nya ako pinansin. Nang maisip ko “ tama siya yung nasa poster sa hallway papuntang 3rd floor. “ Hindi ko man matandaan ang pangalan nya ngunit para natuwa ako ng makita siya ng personal. Hindi ko maiwasang mapahanga din sa taglay nyang pisikal na anyo.

Ilang minuto pa nakita ko ulit na nag lalakad sa hallway ang lalaki sa poster. Napapansin kong napaka popular nya. Lahat yata ng tao sa campus kilala siya.

“Aldrich!!! I love you!” may niring akong sumigaw na isang bading. Sabay tawanan ang mga studyante.

“ahhhh, Aldrich pala name nya” ang bulong ko sa sarili. Naalala ko na naman ang tumawag sakin kagabi. AL din ang pangalan. “Tado n yun!! Yung ang dahilan kaya hindi ako nakatulog kagabi!!”

Halos mag gagabi na ng makarating ako sa bahay namin. Hawak ko ang aking cp. Hindi ko alam kung bakit nag hihintay ako. Tsk. Assuming nanaman ako!! Naisip ko kung bakit ako nag kaka ganito. Para yun lang eh ang babaw ko naman!!

11:00pm, humiga na ko sa aking kama ng biglang tumunog ang cp ko.

Calling…

0917XXXXXXX

“SHITT ibang number!! tumatawag nanaman siya!!” kumakabog ang dib dib ko.

Dali dali kong kinuha ang cp ko para sagutin. “Hello?” ang sabi mabilis kong pag sagot.

“Ui hellowww! Musta na ang taong palaging lasing?!! May bagong number na ko” ang pang bungad nyang biro na may halong pag yayabang.

“Oo nga no. Siguro naman ay matatahimik na ang buhay mo niyan” biro ko naman. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pero mas nananaig yung excitement pag kausap ko tong tao na to. “bakit ba napatawag ka?” ang dagdag kong tanong.

“aah, wala naman. Sayang kasi itong Unlicall ko eh, walang matawagan saka bago ang tong number ko diba?.” Paliwanag niya

“Ah wala kang matagawan kaya ako ang tinawagan mo? So ibig sabihin ay wala kang choice ganoon ba?”

nag tatampo kong sagot. “Hindi no, masaya ka kasing kausap at magaan na ang pakiramdam ko sa iyo.” Sagot naman niya dahilan para mas lalo ang kiligin.

“Talaga?” ang excited kong tanong na tila binabalot ng kung anong tuwa ang aking buong pag katao.

“Oo naman tol, sa katuyan nga ay dalawa lang kayo ng GF kong nakaka alam ng number ko. Selosa kasi iyon at ayaw niyang nakikipag txt o call ako sa iba.” Sagot nito.

BASAG!!!

Tila bumagsak sa 0% ang lebel ng excitement ko. Kung ano ang ikinataas nito ay siya namang pag sadsad nito sa lupa. Ayan kasi, asumming ka Gin!! Nga nga ka tuloy!!

Itutuloy.

�����ځ�/

Ako at ang Callmate ko Part 3

Ako at ang Callmate ko

By:AiTenshi

Chapter 3

“Nakuppp, may gf kana pala. Baka maya maya ay mahuli ka nyang kausap ako. Malamang ay magagalit iyon sa iyo. Sige ibaba mo na at baka mag away pa kayo” ang tanging nasabi ko sabay pindot ng end call button. Ewan, para nakaramdam ako ng disappointment sa aking narinig, ang buong araw kong pinag pantasyahan na kaligayahan ay nauwi sa malagim na bangungot at tila nabura na lamang ito sa hangin. Assuming naman kasi ako, ayan BASAG tuloy!! Wasak na wasak!!!

Calling….

09171414003

Hindi ko na sana sasagutin, kaso biglang gumalaw ang kamay ko para sagutin ito. “lang ya!! Mangkukulam yata ito” ang bulong ko sa sarili.. hindi ko nanamalayan na nasagot ko na pala.

“Oh bakit?” ang medjo galit kong tanong

“Oh bakit pinatay mo? Para sinabi ko lang na may GF ako ay parang nag iba na ang mood mo ah, may regla ka ba? Huwag kang mag alala dahil nasa malayo ito at halos hindi na kami ng uusap. Teka nag seselos ka ba?” tanong nito.

“Hah? Hindi ah, ano bang sinasabi mong nag seselos ako? Porket pinatay ay nag seselos agad? Pwede bang nawalan ng signal o nalowbat ako?” palusot ko bagamat hindi ko talaga maisalarawan ang aking nararamdaman noong mga oras na iyon.

“Eh bakit nga parang galit ka? Aruuuuu” pang iinis nito.

“Ewan ko, napaka Judgemental mo naman pala” depensa ko.

“Aruuuuuu!! Wala naman akong ibang sinabi ah? Ang judgemental ay iyong palaging nang huhusga ng kapwa. Hindi ako ganoon.” Sagot niya dahilan para matahimik ako.

Hindi ako kumibo..

“Hala, bakit natahimik ka? Galit ka ba Gin?” tanong nito na may halong pag aalala

“Hindi.” Matipid kong sagot

“Sorry kung may nasabi akong mali” tugon niya.

“Bakit ka naman mag sosorry? Wala ka namang kasalanan?” tanong ko

“Hindi naman porket nag sorry ako ay may kasalanan na ako, ang ibig lang sabihin nito ay matured na ako upang tanggapin ang nagawa kong pag kakamali, kung mayroon man.. Kaya sorry kung mayroon akong nasabing taliwas sa iyong kagustuhan” paliwanag nito

Tahimik..

Apura pa rin ang sorry nya.. shocks para kong inaamong babae. Medjo naka ramdam ako ng konting pag kakilig. Pero sa ibang parte ng utak ko, naguguluhan na ko. Bakit ako nakaka ramdam ng ganito. Ang totoo ay hindi namana ko galit, bumagsak lang talaga ang excitement ko dahil may nag mamay ari na pala sa kanya.

“sorry na please, wag kana magalit dyan.” Ang sabi nya

Maya maya pa ay narininig kong kumanta sya. Isang pamosong kanta mula sa sikat na bandang silent sanctuary. “Hiling”

“Ipipikit ko ang aking mata dahil…

Nais ka lamang mahagkan…

Nais ka lamang masilalayan…

Kahit alam kong tapos na

Kahit alam kong wala ka na…

(Chorus)

At Hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo sa iyo, patungo sa iyo“

“Shit ang ganda ng boses ng mokong na to”. Para kong nasa ika-pitong alapaap habang pinapakinggan ko ang pag kanta nya. Ilang saglit pa ay natapos din ito sa pag awit. Para akong si Maria Clara na hinaharana.

“hmmm, para saan naman iyon?” ang tanong ko, kunwari hindi ako nagandahan sa pag kanta nya bagamat maganda naman talaga.

“Sorry na ohh” ang sabi nya.

“ayy ang kulit mo naman. Huwag kang mag sorry at wala ka namang kasalanan, may mga bagay lang na gumugulo sa aking isipan kaya natatahimik na lamang ako bigla. Pasensya ka na rin” paliwanag ko.

“Talag?a!”

“Oo naman, ang ganda ng boses mo.”

“Paborito kong kanta yun, madalas kong awitin yun pag may mga program at performance ako sa ibang lugar.” Ang sabi nya.

“Hmmm bakit mo naman naging paborito yun eh sobrang lungkot nang kanta na yun.” Ang tanong ko.

“Oo nga sobrang lungkot nun. Mayroon kasing dalawang mag kasintahan, umalis yung isa para mag punta ng ibang bansa para duon na mag patuloy ng kanyang bagong buhay. Naiwan nalang yung isa na umaasa na balang araw mag sasama ulit sila. Araw araw nyang hinihiling yun na sana dumating din yun araw ng maging masaya siya sa piling ng taong mahal nya kahit alam nya na sobrang imposible nang mangyari iyon.” Ang kwento nya.

“Ganon ba? Nakakalungkot naman. Siguro ay iyon ang dating mo GF no?” tanong ko naman.

“Hindi no.” Natatawang sagot nito.

“Tekaa hmmm saan mo naman nalaman yang kwento na yan?”

“Ahehehe, naikwento lang ng lolo ng lolo ng lolo ko sa lolo ko” ang natawawa nyang sagot.

Tawanan..

Halos hindi ko na namalayan na tumatakbo ang oras.. halos alas 3am na nang madaling araw nung mag pasya kami na matulog na. Pero sa pag kakataong ito ay mahimbing akong nakatulog.

Mabilis lumipas ang mga araw.. Dating set up pa din kami ni AL. Pag gabi tumatawag siya, paminsan minsan naman ako ang tumatawag sa kanya. Ibayong saya ang nararamdaman ko pag kausap ko siya parang nakaka wala ng stress at problema. Marahil siguro dahil sa pagiging palabiro nya. At dahil duon nanging “CALLMATE “ kami bagamat may mga oras na hindi sya tumatawag sa akin dahil marahil ay busy siya sa GF nya at wala akong magagawa doon. Basta nakikihati na lamang ako sa kasiyahang ibinibigay niya na kahit papaano ay itinuturing nya akong espesyal din katulad ng turing ko sa kanya

Lumipas ang mag linggo ay tuloy parin ang aming tawagan sa tuwing sasapit ang iyon, iyon nga lang parang kulang pa din. Alam kong nas isang campus lamang kami ngunit tila ba ayaw mag pakita nito kaya naman hinahayaan ko na lamang. Pero ngayon desidido na talaga ako na ayain siya makipag eyeball sa akin. Para naman makapag pasalamat ako. Saka matagal tagal na din kami mag kausap sa cp, halos gabi gabi. Kasi pag sa araw busy ako at marahil ay busy rin siya.

Isang gabi habang mag kausap kami ay hindi na ko nag atubiling ayain siya sa isang makasaysayang eyeball naming dalawa. Laking tuwa ko nuong pumayag naman siya at excited din na makita ako. Halos wala ako mapag lagyang tuwa sa sobrang excitement. Nag set kami ng araw ng aming pag kikita. Napag pasyahan namin na gawin ito ng Sabado dahil walang pasok pag ganuong araw.

Biyernes palang ay nag handa na ko. Namili ako ng mga bagong pantalon, at bagong t-shirt para naman maging presentable ako. “At nag effort pa talaga ako.” Hahahaha.. Binilan ko rin siya ng isang t-shirt bilang regalo o token of appreciation kumabaga dahil nag punta siya. Iyan ang ginawa kong pag hahanda.

Araw ng Sabado ganap na Alas 4 ng hapon nung marating ko ang mall. Ito kasi ang venue ng aming maka saysayang pag haharap. Naka suot ako ng pulang v neckline na t-shrit at faded na maong jeans.“kabog!!! kabog!! Kabog!!! Kabog!!” yan ang naramdaman ng aking dibdib habang palapit ang eksatong oras na kanyang sinabi.

Alas 5 ng hapon. Nag tataka ako, bakit wala pa siya. Kaya sinubukan ko siyang tagawan ngunit ring lang ng ring.. ayaw naman nya sagutin

Sumapit ang Alas 6 ng hapon. Namuti na ang aking mata kakahintay, walang AL na sumipot. Para kong maiiyak, hindi ko ma figure out kung magagalit ba ako o maiiyak. Muka akong tanga kakahintay sa wala.

“Hayup na iyon!! Poser siya! Manloloko!!! Hinding hindi ko siya papatawarin sa panloloko nya sakin.“ang bulong ko sa sarili habang lumalabas ng mall.

“sinubukan ko siyang tawagan ngunit “out of coverage area” ito.“

“Manloloko talaga siya. Ako naman tong si tanga nag tiwala agad.”

Alas 7 ng gabi nang dumating ang sundo kong sasakyan. Para akong natalo ng isang million sa aking itsura.

Habang binabaybay namin ang daan pauwi ay hindi ko mapigilang mapa luha nalang. Sobrang dissapointed ako. Pakiramdam ko pinag laruan lang nya ko.

“boss ang trapik” ang sabi ng driver ko.

“oo nga manong, pinaka maganda siguro sa ibang ruta nalang tayo dumaan.” Ang suggest ko.

“cge boss may isang kanto sa dyan malapit, duon nalang tayo dumaan, sigurado akong kasya itong sasakyan dun, pangalawang beses palang kasi akong dumaan dun.” Ang sabi ni manong.

“cge po” ang matipid kong sagot.

Lumiko kami sa kanto kung saan namin babaybayin ang short cut upang maka iwas sa sobrang trapik. Binuksan ni manong ang radyo ng sasakyan. At nilagay ito sa FM station.


Lyrics of Hiling – Silent Sanctuary

Minsan di ko maiwasang isipan ka

Lalo na sa t’wing nag iisa

Ano na kaya balita sayo

Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala

Wala nang dahilan para lumuha

Damdamin pilit ko nang tinatago

Hinahanap ka parin ng aking puso

Parang kulang nga kapag ika’y wala

(Chorus)

At ihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Ihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo…

Ala ala mong tinangay na ng hangin

Sa langit ko na lamang ba yayakapin

Nasan kana kaya, aasa ba sa wala

(Chorus)

At ihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Ihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Bridge: (bridge ba tawag d2? hehe ewan)

Ipipikit ko ang aking mata dahil

Nais ka lamang mahagkan

Nais ko lamang masilalayan

Kahit alam kong tapos na

Kahit alam kong wala ka na…

(Chorus)

At Hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Tagos sa puso ko ang lyrics ng kanta. Naalala ko na ito ang paboritong kanta ni AL. Hiling ng silent sanctuary. Hindi ko mapigilang umiyak. Pakiramdam ko kasi nabigo ako. Para akong nawalan ng kasintahan sa ganoong pakiramdam.. Nag eemote ako sa likod ng sasakyan nang biglang mag preno ng malakas si manong… Dahil wala akong seatbelt ay nasubsob ako sa harapang upuan..

“Arekupppp!!!!” ang sabi ko habang naka subsob pa rin. “Manong ano bang nangyari bakit ka nag preno ng ganung kalakas, muntik na matanggal ang ilong ko.” Ang medjo inis ko sabi.

“Nag eemote ako eh, panira. Tsk” ang bulong ko sa sarili.

“Boss sorry, May nag aaway kasi, may binubugbog na mama. Ayun oh iniwanan nalang nila dito sa gitnang kalsada, walang malay tao” ang katwiran ni manong

Medjo madilim sa kanto kaya inaninag ko ang lalaking naka handusay sa gitna ng kalye. Halos lumuwa ang mata ko, tutulungan ko ba ito o aalis na kami, baka isipin nila na kami ang may kasalanan. Pero nakukunsensia ako nakaka awa naman kung hahayaan ko nalang siya baka multuhin pa ko nito..hindi na ko nag isip pa.. “Bahala na” at dali dali akong bumaba ng sasakyan.

“halika na manong! Baka buhay pa ito, tulungan natin!”

Agad naman bumaba si manong sinamahan nya ko upang tinganan ang naka dapang katawan ng mama nasa gitna ng kalye. Walang malay. Puro latay at bugbog ang katawan nito. Medjo nahabag ako sa kalagayan nya.

Hinawakan ni manong ang mama at hinarap sa amin upang makita ang kanyang mukha.

Halos lumuwa ang aking mga mata nung makita ko ang mukha ng mama.

Matinding kaba ang bumalot sa dib dib ko.

Parang slow motion ang pag tama ng liwanag sa kanyang mukha.

Laging gulat ko.. siya nga!!

Si Aldrich!!!!!!

Itutuloy..

Ako at ang Callmate ko Part 4

Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi

Chapter 4

Author’s Note:

Anyway may pasok nanaman kami bukas. Dapat ngayon kami may pasok Lunes kasi Jan 7 2013. Eh naka recieve ako ng Gm na wag na daw muna pumasok. Alam nyo naman kaming mga Tourism student may sariling sched. Hahaha..

Oh sya,.. eto na yung chapter 4. :)


“Hindi ako nag kamali si Aldrich nga ang taong ito.” Ang bulong ko sa sarili ko.

Hindi ako makapaniwala na ang lalaking tinitilian at hinahangaan sa campus ay nakahandusay lang dito sa kalye at bugbog sarado. “Manong, tulungan mo kong buhatin siya. Dalhin natin cya sa sasakyan.” Naisipan ko na iuwi muna si Aldrich sa aming bahay (ano iniisip nyo ha? Iuuwi ko kasi injured nga eh) Im sure makaka tulong si Papa sa kanya dahil isa itong doctor. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay hinubad ko ang saking suot na damit at pinahid ito sa muka ni Aldrich na puro dusing at puro pasa.

Ilang minuto pa ay narating namin ang aming bahay. Dali dali namin binuhat si Aldrich sa loob.

“Ma… Pa…” ang sigaw ko.

Agad namang lumabas si Mama at si Papa nung marinig ako. Laking gulat nila ng makita ang buhat buhat namin ni manong Bert na isang walang malay na lalaki..

“Dyos ko Anak. Ano ang ginawa mo? Anong kalokohan nanaman ba ang pinasok mo?” ang tanong ni mama.

“Mamaya na po ako mag papaliwanag basta tulungan muna natin siya.” Ang nag aapura kong sagot.

Dali dali namang kinuha ni Papa ang first aid kit nya upang masuportahan ang kalagayan ni Aldrich. Ilang sandali pa ay natapos ni papa ang pag lalagay ng bundahe at ointment sa mga pasa ni Aldrich.

“sino ba iyan at parang binugbog yata?” Ang tanong ni papa.

“Ma.. Pa.. schoolmate ko po siya. Pauwi kami ni Manong Bert ng bigla nalang namin siyang nakitang naka handusay sa kalye. Napag tripan yata.” Ang kwento ko.

“sa dami ng pasa nya malamang hindi lang isang tao ang gumawa niyan.” Ang sabi ni papa.

Good job son! Mabuti at tinulungan mo siya. Im so proud of you.“ Ang sabi ni papa sabay tapik sa balikat ko.

Inakap ko si mama at hinalikan sa pisngi. Nag sorry ako sa kanilang dalawa dahil labis silang nag alala. Ilan minuto pa at nag patulong ako kay manong na dalhin si Aldrich sa kwarto ko upang duon na muna mag pahinga. Pumayag naman sila Papa na manatili duon si Aldrich. Dahil hindi namin alam kung paano namin ipag bibigay alam sa mga parents nya ang nangyari sa kanya. At hindi rin namin alam ang daan pauwi sa kanila.

Pagkatapos namin dalhin si Aldrich sa kwarto ko, nag pasya akong sa kama ko muna siya pahigain.

King size ang kama ko kaya kahit ilang katao ay kasya duon. Malikot kasi akong matulog kaya iyan ang binili ni papa sakin.

Agad kong tinawagan si Aj sa kanyang cp. At nag kwento ako tungkol sa nangyari kanina. Halos na shock din siya nang malaman na binugbog ng mga di nakilalang lalaki si Aldrich. “Ingatan mo siya friend! Alam mo bagay na bagay kayo, sa tingin ko lang ha” ang walang preno bibig nito “Tado!! Basta pag naka recover to punatahan mo ko dito sa bahay para maihatid natin siya sa kanila” ang sabi ko. Sabay nag paalam na ko sa kanya.

Habang naka higa si Aldrich ay hindi ko namamalayan na naka titig na pala ako sa kanya. Napansin kong gwapo pa rin siya sa kabila ng mga pasang natamo nya. Napansin ko rin ang madumi at sira sirang damit nya. Kaya nag pasya ako na hubarin ito at pahiramin siya ng damit.

Lumapit ako sa kama at inalis ko ang kanyang damit. Halos hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Tumambad sakin ang makinis at maputing katawan ni Aldrich. Walang kataba taba. Halatang binat ito sa gym at sa work out. Napansin ko rin ang bakat ng suntok at palo sa kanyang gawing tiyan at dib dib. Kumuha ako ng towel binasa ko ito saka pinunasan ang kanyang katawan. (ano ba madumi kasi puro putik, kung ano ano nanaman ang iniisip nyo ha).

Halos malagutan ako ng hininga sa sobrang kaba nung mapag pasyahan kong alisin ang puro putik nyang pantalon. “kabog!! Kabog!! Kabog!!” ang pintig ng aking puso habang binubuksan ko ang butones ng kanyang jeans.

“Lord, please tulungan nyo po ako. Wag nyo po ako hayaang mag kasala.” Ang bulong ko sa aking sarili habang hinihila paalis ang kanya pantalon. Nung maalis ko na ang kanyang jeans at tumambad sakin ang proportion nyang katawan. Halos napa lunok ako nang makita ang puti nyang brief at ang bukol nya na may ipag mamalaki rin pala.“ Pinunasan ko ang mga hita nya at ilang parteng madumi. Madumi rin pala ang kanyang brief kaya kailangan ko rin tong hubarin.

Pinilit kong labanan ang tukso. “hindi naman ako bakla eh. Bakit ako maakit” ang bulong ko sa sarili ko. Binigla ko ang pag baba ng kanya underwear. Bumulaga sakin ang kanyang ari. Pero hindi ko ito pinansin. Nag patay malisya ako habang sinuotan ko siya ng brief na pamalit. “Kasya kaya to sa kanya? Gifted ka pala Aldrich!! Hahaha..wala kanang itatago sakin ngayon” ang bulong ko sa sarili ko na naka ngising aso .

Narinig ko na lang na umuungol si Aldrich. Hindi siya nasasarapan no, kundi nasasaktan kaya naman naawa ako sa kalagayan nya. Kaya dali dali kong isinuot sa kanya ang pajama at isang cotton na t shirt para mas maging komportable siya.

Naisipan ko na rin na mag latag ng comforter sa sahig at duon nalang ako matulog. Malikot ako matulog baka lalong mabugbog si Aldrich sakin. “Dito nalang ako sa sahig” ang sabi ko sa sarili ko.

Hindi ako makaniwala na nandito ang crush ng bayan sa kwarto ko. At sa kama ko pa siya natutulog. Hindi ko mapigilan na mapangiti at humanga ng lubos. Pero may lungkot pa rin akong nadarama pag naalala ko ang manlolokong callmate ko. Inindian ako!! “bwiset n iyon, manloloko siya.” Ang bulong ko sa sarili ko. Habang maluha luhang tumagilid at umakap sa unan. “humanda siya sakin, alam kong taga campus lang iyon pero ayaw nyang umamin, gaganti ako sa kanya i swear!” ang aking sambit.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Umaga na ng magising ako. Pag dilat ko nang aking mga mata ay laking gulat ko nang makitang ka titig si Aldrich sa aking mukha. Marahil nag tataka siya kung paano siya napunta duon. Sinalubong nya ko nang isang napaka tamis na ngiti.

Dahan dahan akong bumangon upang kumustahin ang kalagayan nya.

“ummmhhh.. ok kana ba?” ang sabi ko

“oo naman, medjo ayos na ko, hindi ko alam kung paano ako nakarating rito pero maraming salamat tol, utang ko sayo buhay ko” ang sabi nya sakin habang seryosong naka titig sakin.

Tumahimik ang buong paligid. Para kong na matanda o na hypnotize sa taglay nyang mala anghel na mukha. Nabasag lang ang katahimikan ng marinig kong kumakalam ang kanya tiyan.

Medjo natawa ko at ganun din naman siya.

“sorry tol, hehehe nagugutom na kasi ako, kagabi pa ko hindi kumakain hehehe” ang nahihiya nyang sabi

Naawa naman ako bigla sa kanya sinabi kaya dali dali akong bumaba sa kusina upang kumuha ng makakain. Nakita kong kumakain na sila mama at papa. Kinamusta nila ang lagay ni Aldrich, natuwa naman sila nung sabihin kong ayos na siya. Kaya’t nag pasya sila na pababain na si Aldrich upang saluhan kami sa pag kain.

Bumaba si Aldrich at nag pasalamat sa mga magulang ko sa pag sagip sa kanya at sa pag papatuloy na rin.

“kumusta ka na iho? Ano ba ang nangyari sa iyo kagabi?” ang tanong ni Papa

“nag lalakad po ako papuntang Mall nang biglang hablutin yung dala kong cellphone. Kaya po hinabol ko sila. Nung nabawi ko ang cp ko binugbog nila ako.” Ang paliwanag ni Aldrich

“ano ba ang pangalan mo iho? Kwentuhan mo naman kami tungkol sa iyo. Para maiba naman ang usapan dito sa bahay, kasi twing umaga puro nalang kalokohan ng anak ko ang naririnig ko, hahaha” ang biro ni mama.

Napasimangot naman ako sa sinabing iyon ni mama. At medjo nakaramdam ako ng kaunting pag seselos.

“Ako po si Aldrich, 20 years old. Nag aaral po ako sa campus ka schoolmate ko po ang anak nyo. Pero ngayon lang po kami nag kakilala kahit madalas ko siyang nakikita at laging napapansin pag nag kakasalubong kami”. Ang sabi ni aldrich

“akalain nyo yun. Napapansin pala ko ng mokong na to.” Bulong ko sa sarili ko. Medjo kinilig ako nun.

“Naka board lang po ako sa kanto malapit sa school. Wala po dito ang mga magulang ko.” Ang dag dag pa niya.

“maraming maraming salamat po, mam at sir sa pag tulong sa akin.” Sabi nya

“wala iyon iho. Ang mahalaga ay ayos kana, natutuwa rin kami at nag dadala ng bisita si anak ko dito sa bahay.” Ang sabi ni papa

Matapos ang almusal ay nag pasya kami ni Aldrich na umakyat muli ng kwarto upang mag ka kwentuhan.

“Gin ba talaga name mo?” ang tanong sakin ni aldrich. May kakilala kasi akong kapa………“

Hindi natapos ang kanyang sasabihin ng..

“kriiinngggggggggg kringggggggggggg..” biglang nag ring ang cellphone sa loob ng pantalon nya.

Dali dali nya itong kinuha.. ngunit hindi na nya naabutan ang tumatawag kaya bumalik siya sa kama upang tulungan ako mag ligpit ng mga comforter.

Nakita ko ang cellphone ko sa taas ng divider at naalala ko nanaman yung manlolokong callmate ko. Kaya nag init ang mata ko at priness ang dial number. Nakita ko ang number niya at tinawagan ko ito.

“Aldrich sandali lang may kakausapin lang ako.” Ang sabi ko sa kanya sabay talikod at nilagay ko ang cp sa tenga ko.

“cge tol.” Ang sabi nya habang patuloy sa pag tiklop ng mga kumot.

tatawagan ko nanaman ang manloloko kong callmate para ipaalam sa kanya na mag papalit na ako ng number at ayoko na siya makausap.

Nag ring ang cellphone ng mokong….

Kringgg kringggg ang maririnig mo sa kabilang linya..

Nag tataka ako kung bakit nag riring din ang cp ni Aldrich naririnig ko ang nokia tune na rigtone nya.

Kitang kita ko kung paano nag mamadaling damputin ni Aldrich ang kanya cp at tinapat ito sa kanyang tenga..

“HELLO TOL?” ang sabi ni Aldrich

“hello tol?” ang echo narinig ko sa kabilang linya..

Nagkatinginan kami. At parehong nanlaki ang mga mata namin habang naka tapat ang mga cp namin sa aming tenga..

Tahimik ang paligid. Nabitawan ko na pala ang cellphone ko at naalis ang battery nuon.

Doon ko narealize na si Aldrich Gatchalian… ang CALLMATE ko..

Itutuloy…

Ako at ang Callmate ko Part 5

Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi

January 9, 2013

Chapter 5

Parang huminto ang buong paligid, nag pause ang mga kamay ng orasan. Hindi ko namalayan na nahulog na ang hawak kong cellphone sa aking mga kamay. Hindi ko alam kung paano ko gagalaw o mag sasalita. Tila ba halo halong emosyon ang lumukob sa aking pag katao noong mag sandaling iyon. Parang bulang natunaw ang lahat ng galit kong nararamdaman sa callmate ko. Sa hindi malamang dahilan ay naramdaman ko nalang ang pag agos ng luha ko na dumadaloy patungo sa aking mga labi. Masaya ako.. ngunit may kung kaba ang namamayani sa aking dibdib noong mga sandaling iyon.

“im sorry” ang wika nito habang naka tingin sa akin at nangungusap ang kanyang mga mata sabay yakap sa akin.

Wala naman akong nagawa kundi tumango at umakap na rin sa kanya. Ilang sandali pa ay bumitiw siya ng pag kaka akap upang pulutin isa isa ang parte ng cellphone ko na nalaglag. Pag katapos ay binuo nya ito at inabot muli sakin.

Naupo kami sa kama. Walang imikan..

Tahimik..

Pakiramdaman lang..

“Nice to meet you Gin.” Ang pag basag ni AL sa katahimikan. Sabay abot ng kanang kamay.

Tinanggap ko naman ito at nakipag kamay ako sa kanya.

“Ang ganda ng eyeball natin no? Masyadong madrama..ehehehe” ang pabiro nyang tugon. “pero alam mo hindi ko ito makakalimutan na niligtas mo ko.” Ang saad pa nya.

Tinitigan ko siya sa mga mata nya. At kinurot sa pisngi..

“Arrrrrayyyyyyy!!!!” ang sabi nya.

Nakurot ko pala ang pasa nya..

“ay!! Hindi nga ako nanaginip, totoo ka nga” ang aking sabi.

“pambihira naman oh.. dun mo pa tinapat sa pasa ko. Sana hinalikan mo nalang ako baka sakaling natuwa pa ko.” Ang pabiro nyang sagot.

“weehhh, kung maka “sana” ka naman wagas eh.“ Sabi ko

“teka baka ako naman ang nanaginip.” Ang sabi nya sabay kagat sa balikat ko.

“arrrrayyy!!!” ang sigaw ko.

“totoo nga to!” hahaha ang tawa nya ng malakas.

“tado!! Ang sakit nuon ha”.. ang sabi ko

Naramdaman ko nalang na lumapit siya sakin at inilingkis ang kanyang kamay patungo sa aking bewang. “salamat talaga sayo tol” ang bulong nya..

Napangiti ako. Sa totoo lang parang wala ako sa sarili. Pakiramdam ko naka high ako. Parang lumulutang ako sa kawalan. Kaya ang ginawa ko kay hinawakan ulit ang kanyang muka at biniling biling ito.. “sino ba naman kasi mag aakala na yang itsura mong yan eh mag hahanap pa ng callmate, at di ka pa nakonteto sa campus paper mo pa nilagay iyon.” Ang biro ko.

“hahaha, tol hindi ako nag lagay nun. Yung mga barkada ko. Napag tripan kasi nila ako.” Ang sabi nya.

Halos matagal kaming nag kwentuhan ni AL, hindi ko na namalayan ang oras dahil sa tawanan kami ng tawanan. Ang saya saya sa pakiramdam na kasama ko siya. Nawala bigla ang mga worries at agam agam ko. Napatingin ako sa orasan. Alas 2 n pala ng hapon.

“Tol, alas 2 n pala” ang sabi ko.

“Ayoko pang umuwi tol. Gusto pa kita makasama.” Ang malungkot niyang tugon.

“Loko, sino nag sabi na papauwiin kita, tingnan mo nga ang itsura mo, muka kang pusang racoon sa mga pasa mo. Baka mapag kamalan ka pang dalmatian dyan.” Hahahahaha ang pag biro ko kay AL.

“2pm na kaya kakain na muna tayo.” Ang dagdag ko

“hayyysstt, akala ko ihahatid mo na ko pauwi eh,” ang sabi nya.

“xiempre hindi. Dito ka lang muna.” Ang sabi ko.

Namalayan ko nalang na close na kaming dalawa. Imagine from being callmates medjo nag level up na at ngayon sobrang close na kami sa isat isa.

Kinagabihan ay nanood naman kami ng movie. Xmen marathon kaming dalawa. Mula sa Movie 1 hanggang umabot ng Last stand. Naka ubos kami ng tig 3 bote ng tanduay ice at dalawang bag ng large potato fries. Ngayon lang ako naka ramdam ng ganitong saya.. Matapos ang movie ay nag pasya na kami matulog.

“Tol diyan kana sa kama matulog. Mag lalatag nalang ako ng comforter dito sa sahig” ang sabi ko

“Hindi tol, ayoko.. Gusto ko tabi tayo matutulog, dito ka nalang din… please” ang pag mamaka awa nya..

Hay ang hirap tumanggi. Kaya sumampa na rin ako sa kama para makapag pahinga na.

Dala siguro ng nainom namin ay medjo inantok kaming dalawa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakatagilid ako paharap sa kanya nang maramdaman ko nalang na hinalikan nya ang aking noo. Sabay sabing “goodnight tol”.

Napangiti ako sabay sabing “goodnight AL.”

Mag aalas 3 ng madaling araw nang maalimpungatan ako. Nagising akong naka akap sa kanya at naka dantay ang aking mga hita sa kanyang bukol. Medjo nahiya ako sa pangyayari kaya dahan dahan kong inalis ang pag kaka akap sa kanya. Ngunit laking gulat ko nung magising siya at pinigilan ako.

“Ummmmphhhh dito ka lang”, ang mahina nyang bulong.

Marahil ay giniginaw siya sa lakas ng aircon. Kaya kinuha ko ang kumot ko at inilagay ito sa kanya. Hindi ko alam pero parang sinasadya nya yata na ipatama ang kanya tigas na tigas na bukol sa aking mga hita.

Pero hindi ako nag padala sa nararamdaman. Marahil ay dala lang iyon ng sobrang lamig kaya medjo agresibo ang kanyang katawan. Umaga na nang magising ako at pag dilat ng aking mga mata ay mukha nya agad ang una kong nasilayan na naka ngiti sakin.

“Goodmorning Gin” ang sabi nya.

Ngumiti naman ako at inilagay ang aking mga palad sa pisngi nya.

Naalala ko nga pala lunes ngayon.. May pasok sa campus.

Dali dali kong tinawagan si Aj upang ipag bigay alam na hinid ako makakarating sa school.

“Hello Aj?” ang sabi ko

“Hello kapatid, kumusta na jan? Dont worry naayos ko na, alam ko na di ka makakapasok ngayon, naka excuse ka na.” Ang natatawang sabi ni Aj.

“wow talaga.. salamat Aj napaka laking tulong mo talaga sakin.” Ang sabi ko

“ano kaba frend’ basta happy ako para sayo at para kay Aldrich” sabay pigil na tawa ni Aj na parang kinikilig pa yata.

“Sandali, pano yung tungkol kay AL, hindi pwedeng malaman ng mga studyante at faculty na nakipag away siya. Baka masira ang image nya.” Ang pag alala kong sabi

“hayy dont worry friend naayos ko na rin yan. Sinabi ko na may importanteng event naatendan si AL kaya wala siya ngayon sa campus.” Ang paliwanag nya.

“salamat Aj ha”

“wala iyon frend. Enjoy kayo jan ha hihi” ang malanding salita nito

Nag paalam si Aj dahil marami pa daw siyang gawain sa campus. Bilib talaga ako sa husay nya at sa suporta nya. Pati si AL ay natuwa rin sa kanya dahil sa labis na kabaitan ng kaibigan ko.

Nung hapon din iyon ay hinatid namin nila mama at papa si AL sa tinutuluyang boarding house nito. Nang marating namin ang lugar kung saan nanduon ang inuupahan nya ay nakita namin ang hirap ng pamumuhay nya. Tatlo silang nag hahati sa isang maliit na silid at nakapag init pa duon. Labis akong nalungkot sa kalagayan ni AL at siyempre nakita ko rin iyon sa mga mata ni Mama at ni Papa..

Nag paalam ako kay AL at sinabi ko na tatawag ako agad pag dating sa bahay.

Habang binabaybay ang daan pauwi ay nagulat ako sa sinabi ni Mama at ni Papa..

“wag kana malungkot anak. Pag may time ay tutulungan namin ang kaibagan mo.”

Labis ang tuwa ko nung marinig ko iyon…

Itutuloy..

Ako at ang Callmate ko Part 6

Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi

Chapter 6

Sobrang natuwa ako sa sinabi ni Mama at Papa.Halos parang musika iyon sa aking pandinig. Pag dating sa bahay ay agad kong tinawagan si AL at sinabi na balak siyang tulungan ni Mama at Papa. Labis na excitement at pag kamangha ang naging reaksyon ni AL habang nakikinig siya sa mga sinasabi ko.

Hindi ako makapaniwala na sa sandaling panahon ay naka gaanan ng loob ng mga magulang ko ang kaibigan kong si AL. Paminsan minsan ay duon umuuwi si AL sa aming bahay dahil sa kagustuhan na rin ng mga magulang ko dahil kadalasan wala akong kasama sa bahay namin.

Ganun pa rin naman ang set up naming dalawa. Close friend. At pag mag kahiwalay naman ay nag tatawagan kami. (syempre AKO AT ANG CALLMATE KO ang title diba? hahaha) Kapansin pansin rin ang biglaang pagiging close namin sa campus. Minsan pa nga ay hinihintay nya ko sa gate at sabay kami umuuwi. Hinid naka ligtas iyon sa mata ni Aj.

“uuyyy friend” ang naka titig na sabi sa sakin. “meron ka bang gustong sabihin sa akin?” ang kanyang tanong.

“ha? Wala naman Aj. Bakit mo nasasabi iyan?” ang sagot ko.

“hmmmpp mag tatampo na talaga ko nyan. Alam ko naman na may something sa inyo ni AL no? Nababasa ko sa mga mata mo iyon. At aummpppp aminin.” Ang kinikilig nyang sabi..

“ha? Anong bagay?? Hindi ako bakla ahh.” Ang matigas kong salita

“ehh wala naman akong sinabing gaylalu ka no. Basta happy ka friend, eh happy din ako.. ayiiii.” Sabi nya

“Um!” ang batok ko sa kanya

“arekup! Bantay bata 163 yun ha.” Sabay tawa..

Nagulat nalang ako ng makitang palapit si AL samin ni ng aking kaibigan.

“Oh eto pala kayo” ang bungad ni AL.

“hi AL ang sabi ni Aj habang kumakaway ito.”

“Hi mr. President” ang sabi ni AL kay Aj habang tinapik ito sa balikat.

“Ano uuwi na ba tayo?” ang sabi ni AL sakin.

“uuwi tayo?” ang nag tataka kong tanong. “hindi naman ako doon uuwi sa boarding house mo ah”

“oo tayo, nag txt sakin si mama at papa mo, nakiki usap sila na samahan ka sa bahay dahil nasa out of town daw sila.” Ang paliwanag nito sabay bitiw ng matamis na ngiti. “Aha buti ka pa sinabihan nila na aalis sila,ni hindi man lang ako sinabihan, ikaw na kaya ang maging anak?” ang biro ko naman na wari’y nag tatampo.

“Gusto lang nila ako para saiyo tol, gwapo daw kasi ako at mabait pa” pag bubuhat ng bangko ng mokong sabay tawa ng malakas. “Ayyyiii ang sweet.” Ang sabi ni Aj.. “cge mauna na ko umuwi” ang kanya paalam na parang sinasadyang iwan kaming dalawa para makapag usap ng maayos. “AL, ingatan mo yang friend ko. Hindi ko pinapadapuan sa lamok yan.” Ang biro pa nito habang sumasakay sa jeep.

“oo naman iingatan ko to. MAHAL KO TO EH”. Sabi ni AL habang naka ngising aso naka tingin sakin

“Um” ang pag tapak ko sa kanyang paa. “tara na nga umuwi na tayo.”

“Teka may dalaw ka ba? Ang sungit mo yata ah. Bakit parang away mo ko papuntahin dun sa inyo? Siguro may kasama kang iba no?” tanong nito.

“Wala no, pagod lang ako, saka huwag kang nag bibiro sa harap ni Aj kasi ay green minded iyon. Hindi lang berde ang dugo niya pati pag iisip ay ganoon din. Tara na nga” ang aya ko sa kanya sabay hatak sa bilugang braso nito.

Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay wala kaming kibuan ni AL.. Naguguluhan na kasi ako. Maging sa sarili ko. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako bakla, pero bakit nakakaramdam ako ng ganito. Sabay hampas ng kamay ko sa aking ulo.

“eyyy! Ano ba yang ginagawa mo?” ang tanong ni AL

“wala, makati kasi yung ulo ko” ang palusot ko.

“maligo ka kasi, baka balakubak na iyan.

“kapal ng face mo ha.” Sabay sabunot sa kanya “ikaw rin kaya maraming balakubak, nag kakalaglag oh” biro ko pa bagamat napaka ayos ng kanyang buhok, mabango pa ito

Tawanan..

“oh tama na. Nag bibiro lang naman ako oh.” Sabay kagat sa balikat ko.

“arayyyy!!’ ang sigaw ko.

Kinagulat iyon ni manong sabay preno ng sasakyan..

Tulad ng dati wala nanaman akong seat belt kaya nasusob nanaman ako sa harap na upuan.

“aray shit.. pumaling na yata ang ilong ko.” Bulong ko habang hinihimas ang aking mukha

“hahahahaha.. loko. Feeling mo naman retokado ka haha” ang tawa ni AL habang hinila ako pabalik sa tabi nya.

Bigla akong napalingon sa bintana ng sasakyan.

Nanlaki ang aking mga mata na may mabasa ako sa karatula.

“OPENING.. SUPERSALE 50% OFF LAHAT NG ITEMS.”

“manong sandali bababa ako.” Ang sabi ko

Agad namang pinarada ni manong Bert ang sasakyan.

“ano bang problema mo?” ang tanong ni AL.

“basta. Tara na.” Inaya ko siya na pumunta sa bagong bukas na super bodega.

Wala naman nagawa si AL kundi bumaba at samahan ako.

“wow ang daming items sa sale. Yung iba dito ay halos triple ang presyo sa mga mall, pero dito mabibili mo lang ito sa mababang halaga.”

Halos pakyawin ko ang mga tinda. Kaya sobrang dami naming dala.

“Adik ka talaga, hindi ka marunong mag tipid.” Ang sabi ni AL.

“hayaan mo na nandyan na iyan eh” ang sabi ko

“tamo pati ba naman itong laruang kotse binili mo rin, ang tanda mo na.” Ang sabi nya

“ano kaba. Hindi basta basta laruan yan,, nagiging robot din yan. Transformer kaya iyan hahaha” ang malakas kong tawa.

Habang palabas kami ng store ay may narinig akong tumatawag sakin.

“Gin!!” ang sabi nung lalaking palapit

“Yul?”

(Pause muna) si Yul nga pala nakalaban ko siya sa isang contest sa pampanga last year. Halos mag kasing tangkad kami. Mas maputi nga lang siya sakin. Chinito at hindi mag papahuli ng dating at looks kay AL. Kung pag kukumparahin ang dalawa ay mas cute si Yul. Muka siyang bida sa isang koreano nobela. Halos maging Lee min ho look a like siya dahil narin siguro sa idol nya ito kaya ginagaya nya.

(cge balik tayo sa scene)

“tol kumusta kana ang sabi ni Yul sabay akap sa akin” “namiss kita” ang dagdag pa nya

“ok naman ako, eto namili lang kami ng kaibigan kong si AL” sabay turo sa kanya

“Hi!” ang bati ni Yul kay AL.

Pero isang tango lamang ang sinukli ni AL. Pasuplado effect ang mokong.

“ummm ako ngayon palang ako pupunta duon sa loob, nga pala tol pakuha naman ng number mo para maisama kita sa mga raket ko.” Sabi ni YUL ,Sabay dukot ng cellphone sa bulsa nya.

Napansin kong naman na masama ang tingin sakin ni AL.

“mauna na ko sa sasakyan” sabi ni AL sabay talikod bitbit ang mga plastic at paper bags na aming pinamili.

Nakita ko siyang pumasok sa sasakyan at sinara ang pinto.

Kinuha ko ang cp ko at ibinigay kay Yul ang number ko.

Pagkatapos ay nag paalam na kami sa isat isa. Pero bago siya tumalikod ay inakap pa ako nito.

Pag pasok ko sa sasakyan ay mukha agad ni AL ang bumulaga sakin.

“Sino yon?” bungad na tanong nito na may halong pag kainis.

“ahh kaibigan ko, naka laban ko before sa contest na sinalihan ko.” Ang paliwanag ko.

Inirapan lang ako ni AL at hindi na ko kinausap. Pag dating sa bahay ay agad siyang pumasok sa kwarto. “ano problema nito.” Ang sabi ko sa sarili. Kayat napag pasyahan kong sundan siya.

“uyy Al ano ba problema?” ang sabi ko

“Wala akong problema, ayoko lang na kung kani kanino mo ipinamimigay ang number mo, tapos may halong yakap pa..” tugon nito na wariy naiinis.

Mistulang binusalan naman ang aking bibig at hindi agad ako nakapag salita. “Yakap lang naman yun. Walang malisya.” Paliwanag ko

“nag palitan pa kayo ng number. Sabagay mas mukang may “K” sakin yun kaya di kita masisisi“- sabi ni AL sabay alis sa kwarto ko.

“Aba, selos ang mokong.. nag walk out!!” ang bulong ko sa aking sarili na tila kinukuryenteng isda sa pag kakilig.

Tahimik..

Halos ilang oras din akong hindi kinausap ni AL. Nakita ko siya na naka upo sa mga upuan malapit sa garden ng aming bakuran sa likod bahay. Anyway maganda talaga ang tanawin duon sa likod ng bahay namin. Maluwang ang aming bakuran. May harang itong gate na bakal. Dahil sa labas nun ay bukirin na. Malakas ang hangin dito at napaka lamig pa. Nakaka relax, fresh na fresh ang simoy ng hangin.

“Oh ano may sanib ka pa ba? Sorry kanina.” Pag bati ko

Inilingkis naman nya ang kanyang kamay sa aking bewang. At sinabing “sorry din.”

“bati na tayo?” ang naka ngiti kong tanong..

“matitiis ba naman kita.” Sabay kagat sa balikat ko.

“aray!! Ummppp” sinabunutan ko siya sabay kagat din sa kanyang balikat.

Sumapit ang gabi tulad ng dating set up. Tabi ulit kami nakahiga.

Duon nya ko pinahiga sa mga braso nya habang naka akap ako sa kanya.

Para kaming mag asawa.

Tumagilid ako paharap sa kanya.

At ganun din naman siya. Naamoy ko ang kanyang mabangong hininga.. unti unting nilapit nya ang kanyang mga labi sakin. Pumikit nalang ako.. at naramdaman ko nalang ang kanyang mga labi sa king noo. Sabay sabing “goodnight gin”..

“ganon? Sa noo? Akala ko sa lips ako hahalikan nito, (actually dissapointed ako)” hahaha ang sabi ko sa aking isip.

“gudnyt” ang sagot ko. At naka tulog kami ng magka akap..

Kinabukasan pag gising ko ay wala na si AL sa tabi ko.

Agad ako bumaba ng kusina, ngunit wala siya sa paligid.

Hinanap ko siya sa CR.. sa bowl, sa basurahan, sa Cabinet, sa loob ng ref. Pero wala pa rin siya.

Nakita ko ang aming kasambahay. Manang nakita nyo po si AL?

“ay si sir AL. May pinuntahan po kanina. Umalis na siya.”

Umalis? San nag punta? Di nag sabi sakin?.. tinawagan ko siya pero“Subscriber cannot be reached”

Ibayong pag alala ang lumukob sa aking pag katao, naisip ko na baka natauhan na ito na hindi isang magandang babae ang kasama niya kundi isang lalaking may lawit din gaya niya, Ayun umalis nalang na walang paalam.

Itutuloy….

��^ؐ�

Ako at ang Callamate ko Part 7

Ako at ang Callmate ko

Chapter 7

Good day readers.

Nakaka 6 na chapter na buhat nung mag simula ang kwento ni AL at Gin.

Dito sa chapter 7.

Pinamagatan ko itong “Ang Pista ng Agosto”

Usually kasi dito sa amin kapag pista maraming mga fireworks display. Isa ito sa mga highlights ng event sa aming baryo dati.

Oh sya eto na…


Chapter 7

“ANG PISTA NG AGOSTO “

AL!!!!! Ang aking sigaw..

Hindi ko pa rin makita si AL. Lumabas ako ng gate pero wala siya sa paligid.

Labis na kaba at sama ng loob ang bumalot sa pagkatao ko.

Kaya nag pasya nalang ako na bumalik sa likod bahay baka sakaling nanduon siya.

Nang marating ko ang likod bahay ay nag taka ako naka bukas ang gate na harang nuon. Kaya naisipan ko na lumabas.. “waaaaa sobrang lamig!!! Ang sarap talaga dito sa bukid.” Ang aking sambit. Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang malaking puno ng Akasya. Tinahak ko ang puno binaybay ko ang mga pila pil papunta duon. Nang maka rating ako sa ilalim ng puno ay napansin kong may mga naka lagay na tabla at mga kahoy, may martliyo din na pampukpok at lagari. Siguro ay naiwan ito ni manong habang gumagawa dito sa bukid. Maya maya pa ay may naaninag akong isang lalaking nag lalakad sa di kalayuan. May dala itong mga kahoy at tabla. Papalapit ito ng papalapit sa puno ng akasya kung ako nanduon. Pilit kong minukaan ang lalaki. Naka hubad ito at puro putik sa katawan. “waaaaahhhh si AL” sigaw ko sa aking sarili.

Dito pala siya nang galing.. nang maka lapit siya dito ay inakay nya ko papunta sa kabilang sulok ng akasya..

“teka ano gagawin natin?” ang kunwaring natatakot kong tanong

“basta” ang sabi nya

“wag AL!! Hindi pa ko handa!” ang sabi ko

“ano bang pinag sasabi mo. Hindi kita rarapin no” ang sabi nya

“hindi mo ko rarapin?” ang tanong ko

“syempre hindi, hindi tayo talo” ang sabi nya

“hindi mo ko hahalikan?” ang tanong ko ulit

“hindi ah” ang sagot nito na may kasamang iling.

“edi wag na tayong mag punta jan” pag mamaktol ko naman sabay lakad palayo

“eyyyy sira ka talaga.” Pag tawag nito sabay hitak sa akin pabalik sa aking kinalalagyan.

“hindi naman pala ko gagahasain, hindi rin ako ikikiss edi ano pang ginagawa ko dito” ang sabi ko aking sarili. “Eh bakit ba kasi” masungit kong tanong

“SURPRISE” ang sabi nya na halatang galak na galak.

“WOW!!” Nagulat ako at natouch. Nag lagay pala siya ng pahingan sa ilalim ng puno ng akasya. Sa harap ng pahingahang upuan ay may napaka gandang view. Napaka romantic talaga ng lugar na ito.

Na excite ako kaya umupo ako sa isang parte ng upuan.

Pagka upo ko ay nahulog ako at nasaldak.

“araayyyy!!”

“tol sorry, hindi ko pala na fix ang parte na iyan” natawa siyang sabi.

“inirapan ko siya” feeling ko sinadya talaga nya, sabotahe to.

Kaya kinuha agad ni AL ang martilyo at nirepair niya ito.

Habang nag rerepair siya ay naka hubad siya.

“ang sexy ng mokong” ang sarap nya panoorin..

Ilang minuto akong naka titig sa kanya, hindi ko namamalayan na naka tingin na siya sakin.

“hoy! Anong tinitinganan mo dya? Pinag naasaan mo ko no?” ang tanong nito na naka ngiting aso/

“hindi ahh.. ang kapal ng mo!” ang sagot ko bagamat gwapo naman talaga siya at wala na siyang maitatago sa akin dahil pati buhok nya sa yagbols ay nabilang ko.

“Bakit namumula ang mukha mo? Naakit ka sa akin no?” ang pang aasar pa nito sabay kalat ng pawis sa kanyang matipunong dibdib.

“feelingero! Sabay sabunot sa kanya.”

Inaya nya kong maupo sa tabi nya. Habang humahangin ng malakas ay inakbayan nya ako.

Hindi ko alam kung anong kapilyuhan ang pumasok sa kukute ko at hinitak ko ang buhok nya sa kili kili..

“arekup!!! Ang sabi nya, bad ka ahh..” sabay kagat sa leeg ko

“edward cullen? Ikaw na yan?” ang tanong ko sabay tawa ng malakas.

Tawa siya ng tawa.. halos malagot ang kanyang hininga.

Sabay pisil sa mga pisngi ko. “ang cute cute mo!!” parang nangigigil siya.

Namalayan ko nalang na naka akap na ko sa kanya. At ang sweet namin. Imagine sa puno pa kami ng akasya nag lampungan. Huwaw, kabog silang lahat. “Anong pinag mamasdan mo?” tanong ko habang nakatitig sa kanyang mala anghel na mukha. “Pinag mamasdan ko ang bukirin, maganda ang kulay nito dahil nag aagaw ang kulay dilaw at luntian, alam mo bang ito ang hudyat ng tag-araw, ang pinaka magandang klima sa mundo dahil ang init nito ay nag dadala ng kakaibang sigla sa buhay ng bawat tao. Sabi nga nila ay huwag nating sayangin ang ating buhay, sumayaw tayo sa ilalim ng araw o kaya maligo sa ilalim ng ulan, sa ganitong paraan may maiipon kang kaban ng kasiyahan sa iyong puso at isipan.” Wika ni Al habang nakatingin sa kawalan.

“Gustong gusto ko ang kulay ng tag-araw.. Nag bibigay ito ng ibayong saya sa aking pag katao lalo’t ipinaalala nito ang pag dating mo sa buhay ko, salamat tol” wika ko naman sabay ngiti sa kanya.

Tanghali na nung bumalik kami ni AL sa bahay. Nakita namin na dumating na pala sila mama at papa. Inakap nila ako at inakap din nila si AL. Napansin ko na sobrang daming fire crackers ang binili nila. Galing pa daw iyon sa bulacan. Naalala ko. Bukas na pala ang taunang pista dito sa aming lugar. Pasasalamat iyon ng mga kababayan ko dahil sa magandang ani sa bawat taon. Maraming events kapag ganitong ka pistahan,.Nandyan ang mga street dancing sa umaga, mga singing contest, at ang highlights sa gabi ay ang fireworks display. Bumabaha din ng mga pag kain at kung ano anong gimik.

Kaya pala maraming tao dito sa bahay. Ang mama ko kasi ang sponsor sa pag papakain sa mga bisitang politiko na dadalaw dito sa barangay.

“AL iho, halika muna dito” ang tawag sa kanya ni mama. “Oh heto ang pasalubong namin sa iyo.”

Inabot ni AL ang isang kahon at inakap nya si mama at si papa. Isang bago at latest model ng cellphone ang binigay nila kay AL. Napansin kasi nila na naka tape lang ang cp nya at lumang model na ito.

Tuwang tuwa si AL sa natanggap nya. “Ma… ano po pasalubong nyo sakin?” ang tanong na parang sobrang excited. At meron nga pasalubong sakin si papa. “xiempre mamakalimutan ko ba naman ang pinaka mamahal kong bunso”. Inabot nya sakin ang isang plastic na nag lalaman ng………………DAING NA PUSIT!!

“Pa… ano to? Ang naiinis kong sabi”

“daing na pusit yan, diba paborito mo yan?” natatawang salita ni papa sabay gulo sa aking buhok. Nabusangot naman ako at nakita kong tawa ng tawa si AL, halata sa mukha nito ang labis na saya.

Pumasok kami sa kwarto at nakita ko si AL na naka titig sakin.

“ano problema mo? Gusto mo ng pusit?” ang inis kong sabi

Hindi kumibo si AL at inakap nya ko ng mahigpit.

“Kalibog mo!” ang sabi ko

“tado!! Malibog agad? Pwede bang mag lalambing muna.” Ang sabi nya.

Hmmmm.. ewan ko sa kanya.. naisip ko nalang nung mga oras na iyon. Panalo na siya.. nahuhulog na ko sa kanya. Kahit sabihin nya na bakla ako. Siguro ganun na rin yun! Ang mahalaga masaya ako na kasama siya.

Kinabukasan.. araw na ng PISTA sa aming bayan..

Maraming mga banda at mga tao na nag lalakad at nag iingay sa kalsada. Sobrang sarap nila panoorin umaawit, sumasayaw.

Maya maya pa ay lumapit sakin si AL may hawak na papel.

“ano naman iyan?” ang sabi ko.

“registration form” ang sagot nya

“para saan naman iyan? Wag mo sabihing sasali ka sa patimpatalak ng Ms Gay mamaya ha” ang biro ko naman.

“tado!!! Sa singing contest to. Sasali ako. Tingnan mo naman 10’000 para sa champion, 2nd place 5000, at 3rd place 2000. At 500 sa consolation prize.” Paliwanag niya. “Oh may K kaba?” nag dududang tanong ko bagamat alam ko naman na kumakanta talaga ito.

“Oo naman, pustahan tayo? Lips to lips kapag natalo ka” pang hahamon nito. “Oo ba. Ako pang hinamon mo” pag yayabang ko naman. “DEAL!! Lips tp lips kay Brownie” naka tawang sagot nito turo sa aso ng kapit bahay.

Tawanan kami..

Kinagabihan ay mag sisimula na ang singing contest. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako. Parang ako ang lalaban. Nakita ko si AL at si mama na magkatabi sa upuan. Nga pala si mama ang namili ng isusuot ni AL. Parang anak na talaga ang turing nila ito. Marahil ay nakatuwaan nila ito.

“At ang pang 14 na kalahok ay si Aldrich Gatchalian ng Sitio Asul” ang sabi ng emcee

Palak pakan ang mga tao. At lahat sila ay namangha. Pati ako. Animo artista si AL. Naka suot ng kulay pulang body fit na long sleeves, at at kulay itim na fitted na pantalon na lalong nag patingkad ng kanyang kagwapuhan.

Ilang saglit pa ay tahimik ang lahat.. at kinanta nya ang isang napaka gandang awit na originally ay inawit ni Piolo Pascual. Ang pamagat nito ay “Sana Ikaw.”

Hinid ko alam kung para kanina iyon pero naka sarap pakinggan.


Sana Ikaw

Ikaw ay dumating bigla

sa aking mundo

Hindi inaakalang

ngitian mo ako

Para akong natunaw

sa lambing nito

Di ka na maalis sa isip ko…

Paano na ngayon?

Ako’y litong lito…

Bakit kaya ako

nahulog na sa iyo?

Pero meron ka nang

ibang minamahal…

Hindi naman mahati

ang puso…

**

Kaya pag-ibig, pinipigilan ko

Pag-ibig na sana ay sa iyo

Diba’t nararapat sa iyo

Pag-ibig na buong buo

’Di ko makakayang

may saktan na iba

Kaya’t ikaw ay

mananatili na lang

Sa damdamin

at aking isipan

Iguguhit kita sa alaala…

Pagkat tayo ay hanggang

panaginip lamang.


Wari’y tumatagos lahat ng lyrics ng kanta sa aking puso. Napaka ganda ng boses nya. Nakaka kilig at nakaka bighani talaga. Matapos ang pag awit nya ay nag palakpakan ang mga tao. At bumaba siya ng emtablado at agad akong nilapitan.

“para sa iyo iyon” ang bulong nya

Napangiti naman ako at parang may kilig na naramdaman..

Ilang saglit pa ay inanounce ng MC ang mga nanalo.

“ang ating 2nd Placer makaka recieve ng 5,000 pesos. Walang iba kundi si.. Aldrich Gatchalian” wika ng emcee dahilan para mag hiyawan kami “wow.. 2nd ka tol Ayos!! Congrats!!!” natutuwa kong bati sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Dali dali kami umakyat ng stage (kasama talaga ako ha haha) at kinuha ang trophy at premyo.. tuwang tuwa kami ni AL. Nung matapos ang awarding ay ang rock mga rock band ang nag pakitang gilas.

Nung napagod kami ni AL ay naupo nalang kami sa tabi ng kalsada may hawak kami na fishball at kumakain.. rinig pa rin namin ang tugtog ng banda. At inaawit nila ang paborito naming kanta. Ang kantang Hiling ng silent sanctuary..

Makalipas ang ilang oras ay nag sisimula na ang mga fire works display sa langit. Agad akong hinitak ni AL pauwi at nag tungo agad kami sa puno ng akasya at naupo sa ginawa nyang pahigahan. “ahhh kaya pala ginawa mo ito dahil dito” wika ko naman habang namamangha.

Tumango siya..

Ang galing nya kumuha ng spot. Nakapaganda ng view.

Nakikita namin ang mga fire crackers sa alapapaap.. hugis pusong baligtad ang mga ito. Yung iba naman parang mga bulaklak na sobrang ganda sa pag bukadkad. Napatingin ako kay AL tinitigan ko siya habang naka tingin siya sa mga fireworks.. Napatingin din siya sakin..

At nag katitigan kami… bigla akong natawa.. at ang tawanan kami. Bigla nya kong hinalikan sa labi…

Sumabay sa magagandang kulay ng kalangitan ang pag dikit ng mga labi namin ni AL. Huminto sa mundo ko.. at halos ilang minuto din maka sugpong ang aming mga labi habang nag liliwanag ang langit.

Tiniyak ko sa puso ko na ang araw na ito ay hindi ko malilimot.. ang pista ng Agosto..

Itutuloy…

Ako at ang Callmate ko Part 8

Ako at ang Callmate ko

By AiTenshi

January 12, 2013

Chapter 8

Nabigla pa rin ako at natulala ng mag lapat ang mga labi namin ni AL sa ilalim ng puno ng akasya. Animo eksena ito sa isang pelikula. Habang may fireworks display ay napuno ng romantikong eksena ang paligid. Matapos ang pangyayari iyon ay nag akapan kami. Hindi ko na alintana kung may maka kita pa samin. Ang mahalaga ay masayang masaya ako. Hindi man malinaw kung ano talaga kaming dalawa ay masasabi kong napupuno ng kaligayahan ang bawat araw ko na kasama ko siya. Walang kapantay na tuwa ang aking nadarama bagamat may kaunting kirot sa aking dibdib kapag sumasagi sa isip ko na may gf sya sa malayo at baka nag hahanap lamang ito ng atensyon sa iba. Ay ewan, basta ayokong sirain ang moment na ito.

Mag aalas 12 ng hating gabi ng mag pasya na kami umuwi.Dumirecho agad kami sa kwarto upang makapag pahinga na. Kinuha ni AL ang bago nyang Cellphone at nag patugtog ito gamit ang kanyang Mp3 player.

Hiling – Silent Sanctuary

Minsan di ko maiwasang isipan ka

Lalo na sa t’wing nag iisa

Ano na kaya balita sayo

Naiisip mo rin kaya ako

Simula nang ikaw ay mawala

Wala nang dahilan para lumuha

Damdamin pilit ko nang tinatago

Hinahanap ka parin ng aking puso

Parang kulang nga kapag ika’y wala

(Chorus)

At ihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Ihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo…

Bridge:

Ipipikit ko ang aking mata dahil

Nais ka lamang mahagkan

Nais ko lamang masilalayan

Kahit alam kong tapos na

Kahit alam kong wala ka na…

(Chorus)

At Hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo sa iyo, patungo sa iyo


Habang tumugtog ang kanta ay hinatak niya ko. Inilagay ang mga kamay ko sa balikat nya. At inilagay naman nya ang mga kamay niya sa bewang ko. Hindi ko maintindihan dahil napaluha ako habang sinasayaw nya ko. Lumipas ang halos 4 na minuto namin ng pag sasayaw at hinalikan nya ako. Nag aalab, mapusok, hinawakan nya ako at hiniga sa kama. Nag hubad siya ng kanyang mga damit at hinubad din nya ang aking saplot habang magkadikit pa din ang aming mga labi. Namalayan ko nalang na wala na kaming natirang saplot sa katawan at inalipin na kami ng matinding pag nanasa at kamunduhan.

Matinding ungol ang bumalot sa buong kwarto ng nag halikan kami ni AL. Halos suyurin ng dila ni AL ang aking bibig. Ramdam ko ang laway nya na lumilipat sa bibig ko. Napaka sarap noon at manamis namis. “ahhhhh, ohhhhh ang sabi ko habang nararamdaman ko na tumatama sa aking tiyan ang naninigas na taguro ni Al. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili kaya bumalikwas ako at pumatong sa kanya. Dinilian ko ang kanyang leeg at sinopsup ang kanyang mga utong. Dumede ako na parang sanggol na gutom na gutom. Parang nag dedeliryo si Al sa aking ginagawa kaya hindi na siya nakapag pigil. Pilit niyang binaba ang aking ulo papunta sa pusod nya na may guhit ng buhok patungo sa kanyang ari.

Naramdaman ko nalang ang basang ulo ng ari nya na nilalabasan ng matindin precum. Isinubo ko ito at kahit hindi ako marunong alam ko na sumasabit ang aking mga ngipin pero hindi na nya ito pinapansin.

Naramdaman ko nalang na hawak ni Al ang aking ari at jinajakol nya ito.. “ahhhh ooohhh sige pa isubo mo pa” ang sabi ni Al habang idinidiin ang ang aking mukha sa kanyang ari. Nakikiliti ako sa buhok niya duon kaya minsan ay humihinto ako. Pinahinto niya ako at pinahiga. Naupo siya sa aking dib dib at itinapat ang kanyang ari sa aking mukha. Inalalayan nya ako habang nag lalabas pasok ang kanyang ari sa aking bibig. Maya maya pa ay narinig ko sa AL na umuungol ng malakas. Tanda na malapit na siyang labasan.

“OOOOOOhhhhhhhh, ahhhhhhh,, malapit na” ang sabi nya. Sabay bulwak ng kanyang mainit at masaganang katas sa tapat ng aking mukha. Nilabasan narin ako sa pag jakol ng sarili kong ari.

Umalis agad si Al at kumuha ng basahan, pinunasan nya nag mga tumilamsik na tamod sa aking mukha at sinamahan nya ako sa cr upang mag linis. Bumalik kami sa kama at pareho kaming lupay pay. Masayang masaya siya noong gabing iyon,…

Umaga na ng magising kami. Wala pa rin kaming saplot sa katawan. Nakita ko na tulog pa AL. Kaya inakap ko ito. Ngayon inaamin ko na sa sarili ko “Mahal ko siya” bahala na kung ano isipin ng mga tao basta masaya ako. Habang naka tingin ako sa kisame ay bigla nalang akong hinalikan ni AL at ngumiti sabay sabing “Goodmorning”. Dating gawi, hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan ko ito. Tinungo namin ang banyo sa kwarto ko at sabay na kami naligo. Pag katapos ay bumaba kami upang kumain ng almusal.

Namuhay kami ni AL sa ibang level ng relasyon. Para na talaga kaming mag asawa o mag kasintahan. Madalas na siya dito umuuwi sa bahay dahil sa kagustuhan na rin nila mama at papa para daw may kasama ako. Ilang bwan din ang lumipas at mas lalo pang naging intimate ang aming relasyon. Akala ko pang matagalan na tong sayang nararamdam ko, ngunit hindi pala.

Isang araw napapansin kong iwas si AL sakin. Kahit sa loob ng campus hindi ko alam kung bakit, wala naman akong alam na nagawa kong mali. Madalang na rin siya umuwi sa bahay hindi katulad ng dati na halos duon na siya tumira.

“Gin!!!” ang tawag ng kaibigan kong si AJ.

“oh aj bakit?” ang tanong ko

“friend alam mo na ang balita?” tugon nya

“anong balita?” tanong ko rin

“wag ka mabibigla friend ha.. narinig kong dumating na daw ang dating kasintahan ni AL galing daw ito ng ibang bansa” ang sabi nya

“ha? Hindi ko alam na may kasintahan siya.” Ang sabi ko. Bigla ko nalang naalala ang kwento ni AL sakin kung bakit paborito nya ang kantang “hiling”


“Oo nga sobrang lungkot nun. Mayroon kasing dalawang mag kasintahan, umalis yung isa para mag punta ng ibang bansa para duon na mag patuloy ng kanyang bagong buhay. Naiwan nalang yung isa na umaasa na balang araw mag sasama ulit sila. Araw araw nyang hinihiling yun na sana dumating din yun araw ng maging masaya siya sa piling ng taong mahal nya kahit alam nya na sobrang imposible nang mangyari iyon.” Ang kwento nya.

“Ganon ba? Nakakalungkot naman. Siguro ay iyon ang dating mo GF no?” tanong ko naman.

“Hindi no.” Natatawang sagot nito.

“Tekaa hmmm saan mo naman nalaman yang kwento na yan?”

“Ahehehe, naikwento lang ng lolo ng lolo ng lolo ko sa lolo ko” ang natawawa nyang sagot.

Tawanan..

Duon ko narealize yung kwento nya.. sabi nya sakin na kwento daw yun ng lolo nya. Hindi naman pala. Niloloko nya ko, ang sabi niya ay hindi na sila nag uusap ng GF nya at gawa gawa lamang niya ang kwento tungkol sa kanyang paboritong kanta, wala akong ideya na mag kaka kunekta pala ito.

“Gin!? Ayos ka lang ba?” ang sabi ni Aj

“ahh oo naman Aj, ayos lang ako.” Ang sagot ko

“sure ka ha? O cge maiwan muna kita. May meeting kasi ako”

“Oo naman, ehehe, may naiiisip lang ako” sagot ko sabay ngiti

Parang nawala ako sa aking sarili ng marinig ko ang sinabi ni Aj sakin. Hinanap ko si AL pero wala siya sa 3rd floor at wala rin siya sa paligid. Hindi daw pumasok sabi ng mga classmate niya sa Tourism Department.

“saan kaya nag suot ang mokong na yun” ang sabi ko sa sarili ko

Kinuha ko ang cellphone ko at tinangka kong tawagan siya. Pero naka off ang cp nya.

Sa sobrang pag inis ko ay nag punta ako ng Mall para mag palamig ng ulo. Kinain ko lahat ng pag kain na gusto kong kainin para makalimot. (totoo to guys. Sa personal kasi pag naiinis ako nag pupunta ko ng mall at kumakain ako ng marami haha).

Nag lakad ako para tingnan kung ano ba ang showing na pelikula sa oras na iyon. Laking gulat ko ng makita si Aldrich na palabas ng sinehan may kasamang babae. Nasa 5’6 ang height nya, may kulay ang buhok, napaka ganda nya. Parang isang modelo. Sexy naka suot lang t shirt na kulay black at jeans.. Parang kahawig siya ng modelong si Sam Pinto sa mga paningin ko.

Parang may humampas na malaking bato sa ulo ko ng makita ko silang dalawa. Hindi ko mapigilang mapaluha. Sasabog yata ang dib dib ko. Gusto kong sugurin si AL at awayin ito pero nakakahiya dahil maraming tao at hindi usuall na makipag away ang isang lalaki sa kapwa nya kung walang mabigat na dahilan.

Lumabas ako ng mall na umiiyak at hindi ko alam kung saan ako pupunta sa mga oras na iyon. Kaya tinawagan ko si Yul at nag pasama ako sa kanya. Nag punta kami sa isang sikat na restobar dito sa bayan. Gusto kong maka limot kaya ibinuhos ko ang sama ng loob sa inom ng alak.

Inum dito, inum dun, sayaw dito sayaw dun. Naramdaman ko nalang na pinipigilan na ko ni Yul dahil lasing na daw ako.

“Gin, tama na. Lets go.” Ang sabi ni yul

“ano ba, nag eenjoy yung tao eh, huwag muna tayo umalis. Mas masaya dito kaya huwag kang kill joy.”

“no! Please.. You Drunk too much. Halika na.” sabay hatak sakin ni yul palabas ng bar

Hinitak ako ni Yul pasakay ng sasakyan nya. At nung makasakay ako duon na ako nag palahaw ng kakaiyak. Walang preno kong sinabi sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Naintindihan naman nya ako at inakap..

“ang hirap no? Ganyan talaga bro. Napasok ka sa maling relasyon.” Wika nito

“bakit mali? Bakit masaya sa pakiramdam? Bakit maliiiii? Sabihin mo??????” tanong ko naman na may halong matinding emosyon.

“huminahon ka nga. Ang sabi nya.. dapat masanay ka na wala siya sa tabi mo. Dahil lalaki ka at lalaki din siya. Balang araw mag aasawa siya ng babae at mag kaka anak. At ganun ka din naman. Hindi mo kailangan sirain ang buhay mo sa kaka iyak at kakainom.umayos ka nga tol” Ang paliwanag nya.

Natahimik ako sa aking nakirinig. Sa totoo lang may point siya sa sinabi nya sakin. Balang araw aalis si AL at mag aasawa. At maiiwan akong mag isa. Tumulo nalng ang luha ko ng marinig ko iyon.Inakap ako ni Yul at pinaandar ang sasakyan nya para ihatid ako sa aming bahay. Halos mag aala 1 na ng madaling araw ng marating namin ang bahay.

Inalalayan ako ni Yul at ng kasambahay papasok ng bahay. At laking gulat ko ng lumabas si AL mula sa pintuan.

“San ka galing?” ang matigas nyang tanong.

Hindi ako sumagot at tiningnan ko siya ng matulis. Pag kahatid sakin ni Yul ay nag paalam na ito na aalis na. Nakita kong masama ang tingin ni AL kay Yul habang tinatahak nito ang daan patungong kotse nya.

“manang ako na dyan” ang sabi ni AL habang inalalayan ako patungo sa kwarto.

“wagggg mo ko hawakan!!! Kaya ko mag lakad hindi ako lumpo!!” ang pag hampas ko sa mga kamay nya

“nagulat siya sinabi ko kaya pinabayaan nalang nya ko. Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto at nasa likod ko naman siya na handa umalalay. Kahit nahihilo ako at umiikot ang paningin ko ay kinaya ko parin na mag punta sa taas at umakyat ng hagdan. Alam ko na nanjan siya at aalalay sakin.”

Pag dating namin sa kwarto ay ini lock nya ito at tinulak ako sa kama. Subsob ako.. hinawakan nya ang kuhelyo ng damit ko at sabay sabing..

“saan ka galing?? Bakit kasama mo yung tarantadong koreano na yun?” ang galit nyang sabi

Hindi ako sumagot….

“ano ginawa nyo? Bakit umiinom ka ng hindi ko alam?” alam ko na seryoso na siya.

“wala siyang gagawin sakin!! Dahil matino siya! Hindi mo kagaya!! Manloloko ka!!!!” ang sigaw ko.

“alam kong dumating na yung gf mo galing ibang bansa! Nakita ko kayo kanina palabas ng sinehan. Hinahalikan mo ko at nilalandi.. In a relationship ka naman pala!” galit kong paninita.

“Teka muna, huwag kang mag isip ng ganyan tol. Hindi mo pa alam ang totoong pang yayari”

“Na? Pang yayari na mag kasama kayo at sweet na sweet sa mall?” tanong ko naman dahilan para matahimik siya at mapayuko.

“Ngayon sabihin mo akin kung sino hindi matino.. kung sino ang nag lalaro!” sigaw ko pa. “Mali rin ako dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog sayo. Sana ay hindi ako nag pasailalim sa mahika mo dahil alam kong ilusyon lang ito at kailanman ay mag kakatotoo. Tanga ko e, alam ko na nga mayroon ay hinayaan ko pa ang aking sarili!” pag iyak ko habang naka hawak sa aking dibdib.

Halos hindi na nakapag salita si AL, at nakalma na rin ang utak ko, marahil siguro dahil nailabas ko na ang sama ng loob ko sa kanya.

Nakita ko nalang siya na umiiyak.. for the first time. Ngayon ko lng siya nakitang umiiyak naka upo sa sulok ng kwarto ko.

“Mahal mo ba ko?” ang tanong nya..

Itutuloy….

Ako at ang Callmate ko Part 9

PAUNAWA: ANG KWENTONG ITO AY NOON PANG 2013. HINDI KO ITO MASYADONG INIREVISE DAHIL KAWAWA NAMAN YUNG DALAWANG KASABAYAN NIYANG KWENTO ANG CLASSMATE KONG SIGA AT SI TOL ANG LOVER KO. HEHEHE


Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi

Chapter 9

Para kong binuhusan ng isang basong malamig na tubig ng marining ko ang sinabi niya.. hindi agad ako naka sagot.

“ano na? Mahal mo ba ko?” ang ulit nyang tanong.

“ha? Ano?” ang tanong ko. Kunwari di ko narinig

Lumapit siya sa tabi ko at sinabi ulit ang tanong nya. Pero this time gumamit siya na binilot na karton at itinapat ito sa tenga ko. “mahhhhhhaaaaallllll moooooooo baaaaaa kooooooo? Binggggggeeeeeee!!!!!” ang malakas nyang salita.

“arekup!!! Grr narinig kita!!!” tugon ko naman.

“So anong sagot mo? Mahal mo ko o hindi?” ang tanong nya

Ayoko talagang sumagot kaso hindi ko mapigil ang emosyon ko. Bahala na nga…

“Kung sabihin kong “OO” hihiwalayan mo ba yung babaeng pusit na octopus na yun? Magiging makasarili ba ako kapag sinabi kong mahal kita?“ tanong ko naman

Natawa siya. “eh yun naman pala eh. Edi walang problema”. Sabay lapit sakin at kinuha ang kamay ko.

May kinuha siya sa bulsa nya.. isang singsing na silver. Sobrang kintab nito at may batong maliit sa gitna..

“surprise!!” ang sabi nya habang naka ngiti

“wow singsing” ang sabi ko at excited ako

“ayy hindi kwintas to” nya

“para saan naman iyan?”

“edi para sa iyo” sagot nito sabay halik sa aking labi dahilan para mabura ang lahat ng aking galit at pag kainis. Ewan ko ba naman sa taong ito, simpleng pag lalambing lang ay lumalambot ako.

Sinuot nya ang singsing sa aking daliri.. “saktong sakto!:

“wow ang ganda..” naka titig ako sa singsing.. na curious ako dun sa batong maliit dahil maganda ito kaya kinagat ko. “heyyyy ano yang ginagawa mo.. wag mo kagatin? Gutom kaba?” ang sabi nya habang pinipigil ako.

“ayyy sorry. Ang ganda kasi eh.”

“ingatan mo iyan. Pag nawala yan!! Makakatikim ka sakin!!” pag babanta nito sabay gulo sa aking buhok.

Sobrang saya ko. Pakiramdam ko ay nabura ang lahat ng galit ko kay AL noong mga oras na iyon. Hinalikan ko siya at inakap nya ako. Muli ay pinag saluhan namin ang init ng mag damag. Noong mga oras ding iyon ay ipinaliwanag sa akin nito ang tungkol sa status ng relasyon nila ng kanyang “GF” at iyon ang nag bigay kaliwanagan sa aking isipan. “Matagal na siya sa ibang bansa tol, halos naging citizen na sya doon. Noong una ay naging mahirap sa akin tanggapin ang lahat kaya naman madalas ay binabalot ako ng matinding lungkot, ngunit sa pag lipas ng mga buwan ay unti unti kong natanggap na hindi talaga kami para sa isa’t isa dahil nag pasya na rin itong mag iba ng landas, ang tahakin ang daan ng hindi ako kasama. Nag asawa siya ng isang arabo at ngayon ay masaya silang namumuhay sa ibang bansa. Narito lamang siya para sa bakasyon. Ngayon ay kapwa namin tinatamasa ang maligayang buhay, siya sa piling ng taong mahal niya at ako naman ay sa piling din ng taong mahal ko.” Paliwanag nito sabay yakap at halik sa akin.

Kinabukasan nagising ako masakit na masakit ang ulo ko. Dala siguro ng kalasingan ko. Namalayan ko na kahiga pala ako sa mga braso ni AL at nakitang gising na pala siya.

“Goodmorning baby” ang bati ni AL habang naka ngiti. “ehem pwede bang paki punasan yung laway mo sa braso ko. Naka nga nga ka kc kanina.” Dagdag pa nito sabay tawa.

“Totoo ba? Sobra ka naman.” Wika ko sabay tingin sa kanyang braso at doon nga ay nakita ko ang aking laway na natuyo sa kanyang bilugang braso “totoo ng hehe sorry”..

“wag kana umiinom.. ayoko makikita kong kasama mo yung koreanong supot na iyon!” ang seryosong sabi ni AL.

“selos!! Woooo”

“hindi ahh. Hamak gwapo ko dun!!”

“Oh edi ikaw na talaga Mr. Gatchalian”

Tawanan..

Agad kaming bumangon at sabay na kaming naligo sa cr. Pag katapos ay kumain kami ng almusal at sabay na pumasok sa campus.

Pag pasok namin sa campus ay hinatid ako ni AL sa classroom. At saka siya umakyat ng 3rd floor.

Nag tataka ako walang AJ na sumalubong sakin..

“Today is a about finance. Any idea about this?” ang tanong ng prof ko.“Mr. San Miguel?”

Awwww ako pa tinawag nitong si fairy God mother. Sa lahat kasi ng prof dito sa campus ay siya lamang ang bukod tanging naka gown.

Tumayo ako at ngumiti sabay sagot “Finance is simply define as management of money. Or “funds” management. Its deals with different matters related to money and market..“ pang beauty queen lang ang dating alam Janine Tugonon.

“Very well mr. San miguel. Please take your seat”.

“Akala mo hindi ako makakasagot ha. Nag advance reading kaya ako.” Ang bulong ko sa sarili. Kasi naalala ko dati nung unang meeting hindi ako naka sagot sa tanong nya kaya medjo napahiya ako. “pwes misis Batobalani, hindi ka mag tatagumpay sa masama mong balak” sabay bitiw ng “evil smile”

Matapos ang klase ay pumunta ako sa office ng student council para tingnan si AJ. Pero wala siya dun. Sinubukan ko siyang hanapin sa room, sa cr, sa basurahan, sa lababo, pero wala parin siya. Kaya tinawagan ko na siya sa cp nya.. pero naka off ito. Nakaka pag taka naman kasi pag liliban siya sa clase nya o sa school tumatawag naman cya.

Kaya napag pasyahan kong umakyat ng 3rd floor at sabihin kay AL na puntahan namin si Aj sa apartment nito. Pagdating ko sa 3rd floor ay nakita ko agad si AL may kausap na babaeng classmate nya. Kinambatan ko siya. Pero di ako nakita.

“pareng AL!! Hinahanap ka ng anak mo!” ang sabi ng isang barkada nya

“tado!!” ang sabi ni AL. At lumapit sakin

“Oh anong problema?” ang tanong nya.

Pinaliwanag ko sa kanya na kung pwede ay puntahan namin si Aj sa kanila. Nag wowory kasi ako. Agad naman siyang sumama sa akin. Pinatawag ko ang driver ko para ihatid kami.

Mabagal ang takbo ng sasakyan dahil trapik.. naka lingon ako sa bintana at nakita ko si Aj na papasok sa isang MALL.

“si Aj yun!!! Ang sabi ko sabay hatak kay AL.

Sinundan namin si Aj na pumasok sa mall.

Tago dito, tago duon, para kaming spy ni AL.

“Gin ano ba? Pinag titinginan n tayo oh..” ang sabi ni AL

“hayaan mo sila, mga palaka yang mga yan” ang sagot habang sumisilip naka tabing sa manikin.

Nakita ko nalang na may kasamang lalaki si Aj, matangkad ito at chinito ang itsura. Pumasok sila sa sinehan. “breaking dawn” ang labas

“Gin teka teka.. anong binabalak mo? Wag mo sabihin susundan mo sila sa loob?” ang sabi ni AL na naiirita

“Oo nga.” Sabay hatak sa kanya sa bilihan ng ticket.

“wag na natin sundan, bigyan mo ng privacy ang bestfriend mo. Tao rin iyan, mukha lang hindi” biro nito habang tumatawa.

“AL. Please. Virgin pa yon!! Never been touch, never been kiss, baka gahasain siya sa loob ng sinehan. Kaya halika na..” pag hatak ko rito

“dito nalang ako” ang sabi nya.

“sige dito nalang tayo. Sayang itong ticket, cge ka pag nagahasa ang kaibigan ko at namasacre siya huhuhuhu ikaw ang may kasalanan.” Pananakot ko

“bakit naman ako” ang tanong nya

“basta sumama ka sakin!” ang sabi ko

Naka tingin samin yung mga studyante akala nila pinipick up ko si AL.

Nag tatawanan sila.

“pag di ka sumama sakin, sisigaw ako dito!!”

Napa kamot ito ng ulo at tila napilitan “sige na. Ang kulit mo.” Ang sabi nya

hawak ni AL ang kamay ko habang papsok ng sinehan..“ang bagal mo naman AL” ang sabi ko kaya bumitaw ako sa kanya at ako ang humawak sa kanya. Nang marating namin ang deluxe ay huminto ako.. nakita ko si AL naka tayo sa harap ko. “san tayo?” ang sabi nya

“AL?” bakit nanjan ka? Kung ganon sino tong hawak ko?

Pag lingod ko ay isang beki pala ang hawak ko sa braso. “hi papa” ang sabi nito. Napangiwi ako at kumaripas ng takbo sa taas.

Umupo kami ni AL sa likod ng bangko malapit sa upuan nila..

“naka hawak ako sa mga bisig ni AL habang nanood ng breaking dawn.”

Nag kiss na si bela at edward… at sa kitang kita ko nag kiss din si AJ at ang kasama nya.

“ang lalandi.” Ang sabi ko ng malakas kaya tinakpan ni AL ang bibig ko

Everytime na mag aakapan si Aj at ang kasama nya ay sinisipa ko ang bangko nila. Nagugulat naman sila.

“hayaan mo na nga..ang kulit kulit mo” wika ni Al

“halika ilapit mo sakin yang mukha mo” tugon ko

Nilapit naman nya ang muka nya at hinalikan ko siya.

“para san naman yun.” Ang tanong nya

“wala..” sabi ko sabay ngiti

Matapos ang movie ay lumabas sila Aj kaya gaya ng set up ay sinundan ko ito.

“bulaga!!!” bungad ni Aj “Nagulat ako sayo ah, nandito rin pala kayo.” Ang painosente kong tanong. “Weh….Friend ha, kanina ko pa kayo nakikita ng boyfriend mong si AL na nakasunod sakin!! Spy kayo no?” tugon nito sabay tawa

“hindi ahhh” pag deny ko

“oo” ang naman ni Al dahilan para tapakan ko siya sa paa. “arekup!!!”

“Sige na nga. Sorry na… hindi ko agad nasabi dahil alam mo naman kapag tumusok ang pana ni kupido ay wala ka nang magagawa kundi sundin ito… si Jiel nga pala” ang sabi ni Aj habang naka turo sa kasama nya

“hi” sabi ko naman sabay ngiti

Hinitak ko si Aj palayo kila jiel ang AL,

“halika nga ditong haliparot ka.” Bulong ko sa kanya

“natatawa si Aj “sasabihin ko naman talaga sayo kaso surprise to. Once in a blue moon lang kasi dumarating ang true love kaya di na kita na inform” paliwanag nito habang kinikilig.

“baka reypin ka nya. Tingnan mo nga siya mukang sadistang hapones ang sabi ko.”

“mabait yan friend, pag sinabi kong “sit” ang sisit agad siya. At sinabi kong “play dead” go siya..

Hinatak ako ni Aj pabalik kila AL.

“guys sumasakit daw ang tyan ni Gin. Mabuti pa siguro eh ihatid mo na siya AL. Ok lang kami ni jiel dto.. diba? Sabay kindat kay jiel sabi ni Aj

“ano hindi naman sumasakit ang tyan ko ah, ang bulong ko sa kanya.”

“ano kaba friend, its my time to shine!!” ang bulong nya

“bye friend” ang sabi nya habang tinutulak ako palayo

Hinatak naman ako ni AL palayo.

“halika na!!! Ang sabi ni AL.”

“sige na nga”

Naka sakay na kami sa sasakyan ng bigla naman mag preno ng malakas si manong…

Pero this time naka seat belt na ako. (akala nyo madadale ulit ang ilong ko no? Sanay na ko pang 3x n kaya to)

Binaybay namin ang daan pauwi ng may tumawag sa cp ni AL.

“hello?“naka ngiting bati nito

“hello pare.. nasusunog ang boarding house natin!!” ang sigaw ng kabarkada nya….

Nagulat si AL at nag apura kami papunta sa kanila..

Itutuloy…..

Ako at ang Callmate ko Part 10

Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi

Chapter 10

Laking gulat ni AL ng makitang nasusunog na ang boarding house nila at ilan sa mga kalapit bahay nuon. Tumakbo si AL at tinangkang pumasok sa loob ngunit pinigilan ko siya at hinatak palayo. “tama na please. Wag kana mag punta dun! Delikado pls..”

“Hindi maaari nandoon ang aking mga gamit, nandoon din ang mga gamit na ibinigay pa ng aking ina. Hindi ko ito maaaring iwan nalang doon!” pag pupumilit nito.

“Hindi rin maaari dahil malakas ang apoy at tiyak na mapapahamak ka!! Kung ano man iyon ay hayaan mo na. Mas mahalaga ka ang buhay mo!!”

Ayaw paawat ni AL, kaya nag pupumiglas ito.

“Hindi ako bumitaw hanggang mapasalampak ako sa lupa. Hinawakan ko sya sa mga binti para di siya maka alis.

“wag na please. Delikado.”

Nakita ko nalang na tumutulo ang luha sa mga mata nya habang pinapanood na kainin ng apoy ang tinitirhan nila. Sobrang nahabag ako ng makita si AL at ang mga kasamahan yan na umiiyak sa nangyari.

Inakap ako nito at nanghingi ng tawad.“sorry dahil hindi ko naisalba lahat ng bagay na binigay mo sakin, gayon din ang kay inay” Kaya nag wawala ako kanina. Hindi mo ba alam na sobrang ingat na ingat ako sa mga yun. Iyon ang nag silbing kayaman ko, nawala pa sakin“ ang hagulgol nya.

Habang nasa ganoong emosyon kami ay naramdaman ko nalang na dumurugo na ang noo nito dahil sa natamong untog kanina sa nahuhulog na kahoy. Hindi biro ang dugong dumadaloy sa kanyang mukha kaya naman nag panic ako agad ko itong sinugod sa pinaka malapit na ospital.

Tinawagan ko na rin sina mama at papa para ipag bigay alam ang nangyaring trahedya sa kanilang compound. Labis ang kanilang pag aalala noong marinig nila ito kaya naman makalipas ang ilang saglit ay agad silang bumisita sa ospital kung saan ko ito dinala. “Kumusta si Al? Bungad ng mga ito

“Nasa emergency room po ma… tinatahi yung noo nya”

“Dyos ko po!! Kawawa naman si AL.” Ang sabi ni mama habang maluha luha.

“Aalis muna ko para isettle ang bill” sabi ni papa.

Sinagot na ni papa ang gastos sa ospital. Ilang oras pa ay lumabas na si AL may bundahe sa ulo nya. Agad siyang inakap ni mama.

“kumusta na ang pakiramdam mo?’ ang tanong ni mama

“ayos na po ako ma.. SORRY po sa abala” ang sabi ni AL. “sorry po papa” ang sabi rin nya kay papa.

“wala iyon iho, ang mahalaga ay ok kana.” Ang sabi ni papa

“wag ka mag alala at ang mga kasama mo ay binigyan na namin ng isang apartment na malilipatan. Pwede ka na rin duon. Pero kung ayos lang sayo ay sa bahay kana muna para maalagaan kang mabuti. “ ang sabi ni mama.

napa luha si AL sa kabaitan ni Mama at Papa. Walang hanggan ang pasasalamat nya dito.

Kinagabihan ay sabay sabay kami nag hapunan. At duon na rin pinag hapunan ang mga kabarkada ni AL sa aming bahay, lahat ng maaaring maitulong ay ginawa ng aking mga magulang. Hindi lang iyon dahil nag hanap pa si papa ng bagong boarding house na malilipatan nilang mag kakaibigan.

Tuwang tuwa sila mama dahil ngayon lang nila nakitang ganuong kasaya ang bahay.

Inuman dito at inuman duon, videoke at kantahan..

Pinakanta namin si AL at siempre hindi nya kami binigo. Sinabi nya sakin na hati daw kami sa kanta kaya pumayag ako makipag duet sa kanya.


You Lyrics

Jim Brickman

I never felt alone

I was happy on my own

And who would ever know

There was something missing

I guess, I didn’t see the possibility

It was waiting all the time

But it never crossed my mind

Till you opened up my eyes

Now, all I think about is

You in my life, in my dreams

In my heart, I know it’s true

That I belong with you

Because of you in my world

In my arms, I have everything and now

I can’t imagine what I’d do

Without you, you

I never thought that love would be

Such a curiosity

What attracted you to me

Was so unexpected

But it was waiting all the time

And it never crossed my mind

’Til you opened up my eyes

Now, all I think about is

You in my life, in my dreams

In my heart, I know it’s true

That I belong with you

Because of you in my world

In my arms, I have everything and now

I can’t imagine what I’d do

I can’t imagine what I’d do

Without you

Without you

Ito ang unang pag kakataon na nagkaroon ang mga kaibigan dito sa compound. Bukod kasi kay Aj ay wala na akong iba pang kasama kundi ang sarili ko lang. Mababait at mga desente naman ang mga kabarkada ni Al kaya’t panatag sina mama na malalayo ako sa bisyo. Bukod pa roon ay matatalino ang mga ito at kabilang sa mga top list ng mga studyante sa aming campus.

“salamat tol.” Bulong sa akin ni Al habang naka higa at niyayapos ang aking mukha.

“wala iyon” ang naka ngiting sagot ko.

“I LOVE YOU Gin” tugon nya

“I LOVE YOU TOO” ang sagot ko sabay akap sa kanya. Natulog kami ng maka akap at masaya sa piling ng bawat isa, muli naming pinag saluhan ang tamis ng aming pag mamahal

Mabilis lumipas ang mga linggo…

Maayos na ulit ang lagay ni AL at naka recover na rin ito mula ibat ibang pag subok na dumarating sa kanyang buhay. Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo pang nag iigting ang aming samahan. Tila ba walang kahit anong bagay ang maaring mag buklod sa aming dalawa. Maliban na lamang sa isang pangyayari na naging sanhi ng problema sa pagitan naming dalawa.

.Akala ko ay tuloy tuloy na ang masasayang araw naming dalawa pero hindi nanaman pala.. Nakita ko ang isang magandang babae sa harap ng tarangkahan namin. “nandyan ba si Aldrich?” ang tanong sakin ng isang magandang babae. Tama siya yung kasama ni Al sa mall dati.

“sino po sila?” ang tanong ko..

“ako si Lyn ang Girlfriend nya.” Sagot nito kaya naman napakunot ang aking ulo. “GF? Ang akala ko ay happy na to sa ibang bansa kasama ng kasintahang arabo? Ano ang ginagawa niya dito?” tanong ko sa aking sarili. “nabigla ako. Akala ko nag hiwalay na sila ni AL”

Maya maya ay lumabas si Al ng gate sabay bulong “tol ako na bahala dito.” Samantalang ako naman ay nanatiling shock at clueless sa mga nangyayari. Bakit bigla na lamang nag bago ang sitwasyon ng lahat kung gayong kanina lamang ay maayos ito. Basta ang nakita ko lamang ay hinatak ni Al ang babae palayo sa akin at agad silang sumakay sa kotse nito.

Tahamik..

Pinanood ko lamang ang sasakyan habang palayo sa aking kinatatayuan, sakay ang taong nag papasaya sa akin.

Ibayong lungkot ang aking nadama noong mga sandaling iyon, pakiwari ko ba ay may kung anong bagay ang tumusok sa aking puso at tila yata damang dama ko ang kakaibang sakit dulot ng maiwang nag iisa. Hindi ko tuloy maiwasang mapaluha habang pumapasok ng kwarto.

Halos ilang oras ko rin inaabangan ang pag uwi ni Al mula sa kung saan, umupo ako sa harap ng gate upang hintayin ang pag dating nito. Bawat sasakyan na dumaraan ay hinahabol ko ng tingin, baka sakaling naroon siya at umuwi pabalik sa akin.

Sinubukan kong tumawag sa cp nya pero naiwan nya ito..

Hindi ko alam kung saan ko ba siya hahagilapin, o pupuntahan, sobrang lungkot ang nadama ko, halos kasing lamlam ito ng palubog na araw sa kalangitan na siya nag sisilbing karamay ko sa pag hihintay sa taong nag bibigay aliw at saya sa aking mundo. Sino ba naman kasi ang mag aakala na iibig ako sa isang “callmate” at ngayon ay heto mag isa akong nalulungkot. Kung sabagay ang lahat ay may hangganan at wakas, kahit nga sa call ay limitado rin kapag wala nang load wala itong pinag kaiba sa kaligayahan ng tao.

Naisip ko siguro masaya siya sa piling ng gf nya. Ano kaya ginagawa nila ngayon? Siguro magka akap sila. Magka hawak ng kamay, ayoko namang isipin na nag sinungaling si Al, lahat yata ng kwento nya sa akin tungkol sa kinahantungan nilang dalawa ay gawa gawa nya lamang upang hindi ako masaktan, wala siyang ideya na mas masakit ang kanyang ginawa ngayon kaysa sa pag lilihim sa akin ng buong katotohanan. Hindi ko namalayan na tumulo ang mga luha ko habang iniisip ko ang mga bagay na ito.

Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa rin siya umuwi. Nag punta ako sa apartment nya baka sakaling nandon siya pero bigo akong makita siya. Lahat posibleng puntahan nito ay tinahak ko ngunit bigo pa rin ako. Saan na kaya nag suot ang mokong na iyon, ibayong pag aalala na ang lumulukob sa aking pag katao. Nag tataka na rin sina mama kung bakit hindi na umuuwi si Al sa bahay, ang akala tuloy nila ay nag away kami. Hindi ko naman sinabing sumama ito doon sa babae niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Ayoko lang na mag alala sila.

May mga oras din na sobrang lungkot ng nadarama ko, pakiramdam ko ay binale wala na niya ako at ang nararamdaman ko kaya naman hinubad ko ang sing sing na binigay nya at tinago ito sa drawer kasama ng cellphone nya. Nag pasya rin akong puntahan ang puno ng akasya at duon ako naupo sa pahingahan na ginawa nya. Iyak ako ng iyak. Ayoko siyang kamuhian o magalit sa kanya pero hindi ko mapigil ang aking sariling maramdaman iyon. Nag lakad lakad ako sa pilapil, damang dama ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha at kasabay nito ang luhang pumapatak mula dito. Ito ang unang pag kakataon na umibig ako at ito na unang pag kakataon na nakaramdam ako ng ibayong pag iisa “sana hindi ko nalang nadama to.. sana hindi na tayo pinag tagpo, sana ay hindi na lang kita nakilala. “ Sabi ko sa aking sarili habang nakatayo ako sa gitna ng mga berdeng palay na unti unting tumutubo.

Ilang oras din akong nakatayo sa gitna noon hanggang sa unti unting nawala ang haring araw at kasabay nito ang pag bagsak ng malamig na patak ng ulan mula sa kalangitan, tila ba nakikiramay ito sa aking damdamin. Hindi ako kumilos, hinayaan ko lang ang aking sarili na mabasa at maligo sa ulan. Hindi ko na alintana ang lakas nito hanggang mag dilim ang mga mata aking paningin at unti unti akong bumagsak sa pilapil.

Wala na akong naalala pa.

Pag dilat ko ng aking mata ay nasa kwarto na ako.. naka ngiti si mama at si papa bagamat nag alala sila sa akin ng husto. Mabuti daw at nakita ako ni AL sa pilapil sa gitna ng bukid nilalamig at mataas ang lagnat. Iyon siguro ang dahilan kaya nawalan ako ng malay. “naka uwi na pala ang loko loko, sana ay hindi na sya nag pakita pa rito. Siya ang dahilan ng lahat ng ito” galit kong bulong sa aking sarili habang nakatingin sa kanyang kinauupuan.

Tahimik..

Tiningnan ko siya ng isang matulis na tingin. Gusto kong ipakita sa kanya na galit na galit ako at hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawang pag sama sa babaeng iyon. Hindi ako kumibo at hinintay ko lamang ang pag alis nila mama palabas ng kwarto. “Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi, hindi mo man lang inisip na nag alala ako sa iyo, hindi mo binigyang importansya ang mga taong nag lalaan ng oras upang isipin ka!” bungad ko agad.

“Tol mag papaliwanag ako, pakinggan mo ko please” malungkot na wika nito na parang inaping tuta.

Hindi ako kumibo at hinayaan ko lamang siyang mag salita.

“Noong araw na sinundo ako ni Lyn dito ay umuwi kami sa kanila.. umiiyak siya dahil buntis siya sa bf nyang arabo.. kaya nagalit sa kanya ang daddy nya at pinalayas sya sa bahay. Hindi alam ni Lyn kung saan pupunta kaya nag pasama ito sa kaibigan nya sa kabilang bayan para duon muna siya manatili. Nung pauwi ako ay may humampas sa likod ko. Nung magising ako nakita ko nalang na nasa bahay na ako nila Lyn. Pinadukot ako ng daddy nya at pilit pina pa ako sa akin ang batang dinadala ng anak nya. Ayaw nya kasi na sabihin na walang ama ang bata dahil iniwan ng arabong kinakasama ang kanyang anak. Halos isang araw din akong nakakulong sa bahay nila hanggang sa umuwi si Lyn pina alis ko nito. Nang hingi rin ito ng tawad dahil nadamay ako sa kanyang gulo. Iyon ang nangyari tol, huwag mong isiping pinag taksilan kita.” Paliwanag nito

“bravo!!!! Bravo!!! Wow hanep galing gumawa ng kwento ahhh. Pang mmk, gusto mo ipadala natin iyan kay ate charo?” pang aasar ko na hindi naniniwala sa kanyang dahilan

“ayaw mong maniwala?” ang tanong nya

“Ayoko kasi ay manloloko ka.” Sagot ko naman dahilan upang mag hubad at tumalikod sa akin. Nakita ko ang mga pasa sa likod nya dulot ng pag hampas ng paulit ulit, maitim ito at magang maga. Tila napahiya ako naman ako sa aking inasal. Hindi ko alam kung paano mag rereact sa kanyang mga sinabi dahilan para matahimik ako sa aking kinalalagyan.

Tahimik..

Tila may kung anong awa ang lumukob sa aking pag katao noong makita ko ang kanyang mukha na nangungusap at punong puno ng kalungkutan. “Hindi ako nag sisinungaling saiyo Gin. Maniwala ka sa akin.” Ang umiiyak na salita nito kaya naman yumakap ako sa kanya ng mahigpit at nanghingi ng tawad. Agad akong tumayo at kinuha ko ang ointment sa drawer ko at pinahiran ko ang kanyang likod. Hindi ako makapaniwala na sinapit ni Al, kung alam ko lamang ay hindi ko na siya pinayagang sumama sa babaeng iyon, sana ay hindi naputol ang kaligayahan namin.

Ilang oras ko rin siyang ginagamot, hindi ko namalayan na nakatulog kaming magka akap.. at hapon na rin ng magising kami. Pumasok ako sa cr para mag linis. Natouch naman ako at pumasok si AL para alalayan ako.

“OH wag ka masyado mag basa, baka malamigan ka pa.”- ang sabi nya habang pinupunasan ako ng twalya

“ok na ko oh,,, see” sabay ngiti sa kanya..

Maya maya ay nag ring ang cellphone ko..

“ i love you gin!!! I love you!!“ yung ang boses na naririnig ko habang natatawa si AL. Nirecord nya pala ito ay ginawa nyang ringtone..

Calling…

09278516454

“sino naman kaya ito?” tanong ko sa aking sarili

“hello?” ang sagot ko at naka loud speaker ito.

“hello. Good pm.. ito ba si Mr. Gin San Miguel?” ang boses ng isang lalaking hindi pamilyar.

“yes ako nga ito..” sagot ko

“sir.. wala na po si AJ Dizon. Patay na po siya!! Natagpuan po siyang lumulutang sa irigasyon walang saplot at halatang ginahasa ng sampung lalaki.”

Itutuloy….

Ako at ang Callmate ko Part 11

Ako at ang Callmate ko

By : Ai Tenshi

Chapter 11

“Hah? Ano? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?!!!” ang gulat kong tugon

Halos atakihin ako sa puso noong marinig ko ang sinabi nito. Hindi ako makapaniwala na ganoon sinapit ng aking kaibigan. Karumaldumal na gahasain siya ng sampung lalaki at itapon ang bangkay nito sa patubig. “Sino ka ba? Nasaan siya?!!” tanong ko pa

“im sorry sir Gin. Pero wala n siya.” Ang sagot lamang ng lalaki at nag patay ito ng cp. Duon na ako nag iiyak. Inakap ako ni AL at pilit na pinakalma. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, tila mababaliw ako sa aking narinig kaya naman agad na bumaba si Al at nanghingi ng tulong kina mama at papa.

Tahimik..

Patuloy ako sa pag iyak..

Maya maya ay nag ring ulit ang cp ko..

Calling…

09278516745

“helllooo” umiiyak ko sagot.

“Friend ako to.. niloloko ka lang namin hahahaha. Buhay na buhay ako oh!!” ang narinig kong boses sa kabilang linya.. “touched ako ha. Iiyakan mo pala talaga ko” biro pa nito.

Napakunot ang aking noo “tarantado ka!!” Ang sabi tinakot mo ko. Tado ka!!!

“Hahahaha… si Jiel yung kausap mo kanina at idea ko na iprank ang beauty mo para may kaunting drama naman ang episode nating ito. anyway papunta kami dyan ngayon may sasabihin ako importante to.” Wika nito sabay patay ng cp, hindi nanaman niya ako hinayaang mag salita. “Oh bakit ba nag iiyak ka raw? Anong nangyari sa kaibigan mo?” tanong ni mama habang pumapasok ito sa pinto. “Wala po ma, mali pa iyon. False alarm po” sagot ko naman habang nag papahid ng luha, si Al naman ay napakamot na lamang ng ulo habang naka tingin sa akin.

Hinintay namin sila Aj sa sala. Wala pang isang oras ay dumating na sila.

“friend!! Dali” ang sabi nya at excited siya

“bakit ba?” ang tanong ko sabay batok dito. “Areyyy!! Para saan iyon?!” tanong rin nya. “Edi sa pang gagago mo sakin! Mamatay ka lang ay gusto mo pang gahasain ka ng sampung lalaki!” galit kong sagot. “Naisip ko iyon para brutal at karumaldumal” ang natatawang sagot nito “Teka may ipapakita ako sayo.”

“ano naman iyon?” nag tataka kong tanong

“tada” may ipinakita siyang isang form.

“ano naman iyan?” ang tanong ko

“pinabibigay ito ni Mayor sayo friend. Ito ang Registration form mo sa Ginoong Sta. Cruz, hindi ba ikaw ang nanalo dito kaya ikaw ang mag rerepresent sa lugar natin!! Ang excited nyang sabi

natuwa ako sa sinabi nya at naexcite, nakita ko si AL na naka busangot at hindi maipinta ang mukha. Pero ayoko masira ang moment kaya dineadma ko siya..

(pause muna: kung nabasa nyo yung Prologue eto yung buong panyayari.)

Ilang sandali pa ay nag paalam si Aj. At naiwan kami ni AL sa sala.

“AL.” Ang tawag ko

“NOOOOO!!!!” ang agad nyang sabi

Ano ba naman to. Hindi pa ko nag sasalita ‘NO’ na agad ang sinabi.

“teka muna” ang sabi ko habang hinahabol siya papunta sa likod bahay. Alam ko na pupunta siya sa bukid sa may akasya. Kaya naman agad ko syang sinundan.

“narinig mo na ko diba? Ayoko Gin!! A-Y-O-K-O”. Pag emphasize nya..

“ano ka ba para sa buong bayan tong gagawin ko” ang sabi ko

“manahimik ka”. Ang sabi nya sabay upo sa upuan sa ilalim ng akasya

Nalungkot ako. Pakiramdam ko ay seryoso talaga siya na huwag akong pasalihin sa contest. Pero ano ba pipiliin ko? Isa sa mga pinangarap ko to. At ayokong bitawan basta basta nalang.

Ayokong dumating sa punto na papamiliin pa nya between sa dalawa.

“gusto mo ba talaga?” ang pagbasag niya sa katahimikan

Tango lamang ang isinagot ko.

Naramdaman ko nalang ang kanyang kamay na naka lingkis sa bewang ko at sinandal ang ulo nya sa balikat ko.. “kung gusto mo talaga, wala akong magagawa. Kasi yung makita kitang masaya ay mag papasaya rin sakin.” Ang sabi nya

Natingin ako sa kanya.. “talaga?” ang sabi ko

“oo naman. Kung ikakasaya ng taong pinaka mamahal ko ay ikaka saya ko na rin” ang seryoso nyang sabi

Sobrang na touched ako sa sinabi nyang iyon kaya hinalikan ko siya.

“i love you” ang sabi ko.

“i love you too” ang sagot nya.

Nagkasundo kami ni Al na ituloy ang balak kong pag lahok sa patimpalak. Ngunit sa isang kondisyon. Babantayan nya ko.

“naku po umiral nanaman ang pagka over protective nya” ang sabi ko sa sarili ko.

Dumating ang araw ng Pictorial at isinabay na dito ang swimwear competition. Sa 28 candidate ay pang number 3 ako. Tulad ng napag kasunduan ay kasama ko si AL sa venue. Nanduon din sila mama at papa, si Aj at ilang classmate ko para sumuporta. Kasama ko pa rin si AL hanggang sira siya ang taga abot ng gamit ko.

“AL paabot nga ng trunks ko”

“inabot ni AL ang kulay itim na trunks” oh eto

“hindi ito AL yung pula yung mas maigsi, yun ang official swimwear ng contest.” Ang sabi ko

“ayoko nga!! Tingnan mo nag kung gano kaigsi ito? Baka bati ulo na titi mo hindi maitago nito!!” ang galit nyang sabi

Pero wala syang nagawa kundi ibigay sakin kasi mag sisimula na. Habang palabas ako ay halatang galit na galit siya.. tinawag ang numero ko at nag pakitang gilas ako sa pag rampa.

Ngumiti ako ng napag ka tamis tamis sa mga tao. Pag lingon ko sa gilid ay nakita ko si AL tinaas nya ang kanya kanang kamao parang sinasabi nya “humanda ka sakin mamaya, lulumpuhin kita!!”

Sige lang, ngiti lang ako, at pilit na pinakita ang aking self confidence.

Pag katapos ay pinuntahan nila ako sa backstage ang lahat ay natutuwa sa pinakita ko. Nakita ko si Yul na papalapit inakap ako.. nanlaki nanaman ang mga mata ni AL

“nice one” ang sabi ni Yul

“nice one” ang pang gagaya ni AL habang ngingiwi ngiwi “tado”

Natawa naman si Yul sa inasal ni AL kaya medjo dumistansya ito.

“nakakatakot naman ang body guard mo hahaha” ang sabi ni Yul sakin..

Natawa ako sa sinabi nya.. nakita kong wala n pala sa paligid si Al umalis na ito.

Nung maka uwi kami ay agad akong sinalubong ni Al sa kwarto

“bakit nanduon yung kumag na yun?” ang sabi nya

“abay malay ko. Siguro ay gusto ko makita na naka brief lang.” Ang panunuya kong sambit

“bubulagin ko yung supot na yun!!” ang sabi nya

“loko hindi supot yun. Mas malaki pa nga yun kesa sayo” ang sabi kong tawa ng tawa

“ahhhh ganon!!” Hinila nya ako sa kama at nag pambuno kami hanggang mang yari nanaman ang dapat mangyari. “hanggang tingin nalang sila sayo akin ka lang!!” ang sabi nya sakin na gigil na gigil..

TALENT PORTION:

“friend!! May talent kanaba?” tanong ni Aj

“wala pa nga eh” ang sabi ko. Gusto ko manalo ng best in talent kahit ano gagawin ko. Kahit kumain ako ng buhay na manok o lumakad sa apoy o tumulay sa alambre para manalo gagawin ko..“ ang sabi ko

“hahaha friend ano kaba?? LAKAN ang hinahanap hindi “star attaraction ng perya” noh. Alam ko na may naisip ako.. bakit hindi ka kumanta at si Aldrich ang mag gigitara.“ Ang mungkahi nya

“oo nga maganda yang Aj. Hmmm”.. ang sagot ko.

Sinabi ko kay AL ang gagawin ko at hindi naman siya tumanggi.. nag practice kaming dalawa ng pag kanta at siya nag mag gigitara… naging maayos ang pag papractice namin.. at dumating ang araw ng talent portion..

Acoustic version ng “ hiling ng silent sanctuary“ ang kinanta namin. (syempre themesong yun ng novelang ito no)

Silent Sanctuary

Hiling lyrics

Minsan di ko maiwasang isipin ka…

Lalo na sa t’wing nag iisa…

Ano na kayang balita sayo…

Naiisip mo rin kaya ako…

Simula nang ikaw ay mawala…

Wala nang dahilan para lumuha…

Damdamin pilit ko nang tinatago…

Hinahanap ka parin ng aking puso…

Parang kulang nga kapag ika’y wala…

(Chorus)

At hihiling sa mga bituin…

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin…

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin…

Patungo…

Ala ala mong tinangay na ng hangin…

Sa langit ko na lamang ba yayakapin…

Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala…

(Chorus)

At hihiling sa mga bituin…

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin…

Hihiling kahit dumilim…

Ang aking daan na tatahakin…

Patungo sa iyo, patungo sa iyo…

Bridge:

Ipipikit ko ang aking mata dahil…

Nais ka lamang mahagkan…

Nais ka lamang masilalayan…

Kahit alam kong tapos na

Kahit alam kong wala ka na…

(Chorus)

At Hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Naging matagumpay ang talent portion. Halos di magkamayaw ang sigaw ng mga fans at taga suporta ko. Nakita ko si Aj na hawak hawak ang banner ko at umiiyak ito. Sobrang touched daw kasi siya… ilang araw nalang at mag tatapos na ang contest. Pinag hahandaan ko nalang ang Grand coronation night.

Habang papalapit ang araw ay naka tanggap ng tawag si AL na kailangan nyang umuwi sa kabilang bayan dahil may sakit daw ang nanay nya. Kaya naman nung araw din iyon ay hinatid ko siya sa sakayan ng bus sa terminal. Labis akong nalungkot nuong mga oras na iyon.

“uuwi na muna ko ha?” ang sabi nya sabay akap sakin

“tango lang ang naisagot ko at umiyak ako”

“oohhh wag ka umiyak babalik naman ako agad eh, basta galingan mo ha. Wag ka papatalo.”

Umakap ako sa kanya ng mahigpit wala akong paki alam kung may nakaka kita sa amin nuong mga oras na iyon.

“Im so proud of you” wika nito habang nakayakap sa akin at lalo naman akong umiyak…

Nakita kong hinubad nya ang kanyang kwintas, silver ito at may pendant na singsing.. eto yung singsing na naka lagay sa chocolate na regalo ko sa kanya..

“gusto ko isuot mo to.. para kahit papano lagi mo kong kasama ha” napansin kong naiiyak na siya..

Aalis na yung bus… at inakap nya ko ng mahigpit.. “ i love you“ ang sabi nya. Sabay akyat sa bus.

Gusto ko habulin ang bus.. gusto ko gayahin si San chai sa meteor garden habang hinahabol ang bus ni Dao ming shi!! Kaso masyadong mabilis ang bus..

Nung maka uwi ako ay direcho agad ako sa puno ng akasya at duon nag iiyak.. nagulat ako na nanduon pala si Mama..

“inakap nya ako” anak wag kana malungkot babalik naman si AL

Nahiya ako.. baka may alam sila..

“sorry ma…” ang sabi ko

“nalulungkot lang po ako wala si Al sa laban ko bukas ng gabi..” ang sabi ko

“Wag ka mag alala at nandito naman kami.” Sabay akap sa akin.

CORONATION NIGHT:

Lahat kami ay lumabas sa entablado ng naka suot na makukulay na native na damit. Naka suot ako ng isang bahag at may malaking banga sa likod.. Alam kong napapansin ako that time kaya sobrang confident ako. At nanounce na ang top 10. Mula sa 18 ay 10 nalang ang matitira.

Tinawag ng emcee sila number 4, 1, 9, 10,17, 14, 2, abat dalawa nalang ay wala pa ang number ko..

“to complete the top 10 semi finalist!!! The 10th spot is all yours number 3!!!!!!!!!!!!!!!!”

Hindi mag kamayaw ang mga tao sa pag sigaw, nakikita kong halos himatayin si Mama at si Papa sa sobrang kaba..

Number 3 eto ang iyong katanungan.

emcee- “lahat tayo ay may kinatatakutan…. ano ang kinatatakutan mo?”

Isang maigsi pero tricking tanong ang binato sa akin..

“isa sa mga kinatatakutan ko ay mawala ako sa mundong ito.. dahil naisip ko na kapag nawala ako im sure na masasaktan ang mga magulang ko at ayokong nakikita silang nag hihinagpis. Pag nawala ako sino nalang mag mamahal sa kanila katulad ng ginagawa ko ngayon? Sino nalang yung mag papaligaya sa kanila kapag nawala ako.. kaya po tinuturing kong isang mahalagang parte ng pag katao ko ang pagmamahal ko sa sarili ko. Dahil po dito nakakayanan kong labanan ang takot na nararamdaman ko at sumabay sa agos ng buhay ng walang kaba at walang pag aalinlangan..”

Iyon ang sagot ko, at nakikita kong nag papahid lang luha ang ilan sa mga judges.. si mama naman ay humagulgol.. nakita ko si Aj at sila Yul na naghihiyawan. Nag tthumbs up. Meaning OK ang ginawa ko..

Isang malaking kaba ang bumalot sa aking buong pagkatao ng i-anounce ng Emcee ang top 5 finalist sa isang patimpalak na aking nilahukan, ang Ginoong Sta Cruz . Hindi magkamayaw ang sigaw at palakpakan ng mga manood sa paligid at sa harap ng entablado. Isa, dalawa, tatlong minuto ang lumipas ng matapos ang matinding hiyawan. Duon ko na realize na hindi pala natawag ang aking numero #3. Ang lahat ng kalahok ay pinasalamatan at pinababa na ng entablado.

“Gin!!! Gin!!!” ang tawag ng bestfriend kong si Aj matapos akong makababa ng entablado. “Ayos lang iyon friend, atleast umabot ka sa semifinals, ang dami nyo kayang nag laban diba? Oh wag kaya kana ma sad dyan” ang sabi nya na parang nang aamo sabay akap sakin. “ Ikaw talaga! Hehe, hindi naman ako sad. Ganuon talaga minsan hindi palaging nanalo .“ Ang nasabi ko, sabay bitiw ng ngiting pilit.

Dali dali kaming bumalik ni Aj sa dressing room upang kunin ang aming mga gamit. Pag katapos ligpitin ang lahat ng aming dala ay nag pasya na kaming umuwi at huwag na tapusin ang contest. Nakasakay kami sa isang van ng biglang nag ring ang aking cellphone. Isang popular na ringtone ang narining sa buong sasakyan. Isang sikat na kanta ni Sarah Geronimo. “Ikaw”

“Dahil ikaw lamang ang hindi lumisan

Tunay na kaibigan lagi kang nandyan

O ikaw lamang ang hindi nang-iiwan

Nararapat lang ika’y pasalamatan

Ikaw, ikaw, ikaw… ikaw, ikaw, ikaw

La la la la la la la la ikaw, ikaw la la la la la la la

Ang nais kong pasalamatan la la la la la ikaw, ikaw“

“Hello” ang sabi ko kasabay nito ang pindot ko sa answer key button ng aking cellphone

“Hello??!! Gin?? Ako to si AL, im sorry hindi ako nakarating sa laban mo, medyo busy kasi ako dito sa bahay, oh kumusta na? Ano nangyari sa contest??

“Ah ikaw pala. Ayos naman, kaso di ako pinalad, wala ka kasi eh “ biro ko naman bagamat may halo itong panlulumo dahil isa siya sa nag eexpect na maiiuuwi ko ang titulo

“Ohhhh, ayos lang yan tol, para sakin eh winner ka pa rin. At ikaw lagi ang the best.. Okay?? Ngiti kana please, wag kana malungkot dahil tiyak na malulungkot din ako niyan” sagot naman niya na may halong pang lalambing.

Salamat Al, sige kita nalang tayo sa campus , mag iingat ka lagi ha, I miss you.“ Ang sabi ko habang pinipilit itago ang aking malungkot na emosyon bagamat mabigat pa rin ang aking pakiramdam. “I miss you too, Gin” sagot nito sabay pindot ng end call.

Naisip ko na nag palit ng number si AL. At nag desisyon ako na bukas na bukas din ay pupunta ako sa kanila upang bisitahin siya..

Itutuloy…

Ako at ang Callmate ko Part 12

Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi

Chapter 12

Halos isang linggo buhat nung umuwi si AL sa bayan nila upang alagaan ang nanay nya. At katatapos lang din ng contest na sinalihan ko. Makalipas ang dalawang araw ay buo na ang loob ko na puntahan si AL sa kanilang bahay. Kinuha ko ang lahat ng kailangan ko mga damit, pagkain, at kung ano ano pa at isinilid ito sa knapsack na animo isang bwan akong mawawala. (pero ang totoo mga 3 to 4 days lang plano ko) Pinayagaan naman ako nila mama sa kundisyon na ihahatid ako ng manong Bert papunta duon. So pumayag ako..

Halos dalawang oras mahigit ang byahe patungo sa bayan kung saan nanduon ang tinitirhan ni Al. Halos makatulog ako sa sobrang pagod ng mag preno ng malakas si manong.. (“naka seatbelt ako” akala nyo maiisahan nyo ko.) “manong bakit po?” ang tanong ko.

“dead end na pala dito boss, sa kabila tayo dumaan” ang sabi nya

“kayo po ang bahala” ang sabi ko at pumikit ulit ako

Nung marating namin ang bayan kung saan naninirahan si AL ay pinag tanong tanong namin ang kanilang tirahan. Siguro sa 25 na taong pinag tanungan namin ay 2 lang ang nakapag turo ng barangay nila. Pag pasok namin sa barangay nila ay nakatingin ako sa mga tanawin. Sobrang liblib ito at animo gubat na. Ngunit medjo maraming bahayan at napansin kong simple lang ang pamumuhay ng mga tao dito. Hindi katulad sa samin na palakihan ng bahay. Nakita ko ang mga pamilya na masayang nag kkwentuhan at nag tatawanan sa harap ng kanilang mga bahay.

“boss masyado nang maliit ang daan, baka hindi na mag kasya ang sasakyan.” Ang sabi ni manong

“mabuti pa po manong mag lakad nalang ako” sabay kuha ng knapsack at sinukbit ito sa balikat ko.

“sasamahan kita boss. Baka may mangyari sayo dito malalagot ako kila sir” ang sabi nya habang nilo-lock nya ang pinto ng sasakyan.

Nung maka baba ako at medjo nahiya ako dahil naka tingin lahat ng tao sakin. Animo torista ako na palinga linga sa paligid. Ngumiti ako at binati sila ng “magandang araw po” ang sabi ko

Nag patuloy kami sa pag lalakad pero di pa din namin makita ang bahay nila AL kaya nag lakas loob na ko mag tanong sa malapit na tindahan..

“magandang araw po nay” dayo po kami mula sa kabilang bayan. May hinahanap po akong tao. Ang pangalan mo ay Aldrich Gatchalian. Pamilyar po ba kayo?

“ahh ang mga gatchalian ba kamo iho? Oo naman. Halika’t pasasamahan sa aking apo” ang sabi ng matandang babaeng aming napag tanungan.

“ummmm maraming salamat po nay” ang sabi ko

Nag patuloy kami sa pag lalakad kasama namin ang apo ng may ari ng maliit na tindahan.. bata lang ito at napaka bibo. Nalibang ako sa pag lalakad dahil mistulan siyang isang tour guide.

Mga ilang sandali pa ay narating namin ang bahay nila AL.. sa sobrang tuwa ko sa bibong bata ay inabutan ko ito ng pera 5,00 php at tuwang tuwa naman ang bata at nag paalam na skin. Sumabay sa kanya si manong at sinabi ko na mag ttext nalang ako pag uuwi na ko.

Lumapit ako sa bahay nila AL. Kumakabog ang dib dib ko. Nahabag ako sa pamumuhay nila. Nakatira lamang sila sa isang maliit na kubo at may parte dito na lumang luma na. Namuo ang luha sa aking mga mata. Paano kaya nakakayanan ni AL ang mga gastos sa campus..

“tao po” ang tawag ko

Bumukas ang pinto at nakita ko ang isang babaeng nakatayo dito, “siguro siya ang nanay ni AL” bakas na bakas sa mga mukha nya ang hirap ng buhay.

“magandang hapon po nay, ako po Gin ahhh ehh kaibigan po ako ni Aldrich” ang pakilala ko sa kanya

“ikaw pala iho, kilala na kita lagi kang kinukwento sakin ni Al, halika tumuloy ka, pag pasiencyahan mo ang aming tirahan” ang sabi nya

“wala po yun nay..” sabay mano sa kanya.napag alaman ko na tatlo lang sila dito, si AL at ang pinsan nito na nag aalaga sa nanay nya pag wala siya.

“nay nasaan po si AL?” ang tanong ko

“ahhh pauwi na rin iyon, nandyan siya sa kabilang sitio at nag tatrabaho sa talyer.” Ang sabi ng nanay nya

“ha? Sa talyer? Bakit ganuon, parang lalo akong nahabag kay AL, sa campus namin tinitilian siya, ibang iba pala talaga ang buhay nya dito” ang bulong ko sa sarili ko

Pero labis akong humanga kay AL sa tatag at tibay ng loob nya.

“hihintayin ko na po siya sa labas.” Ang aking sabi

pumayag naman ang nanay nya at sinamahan ako sa labas at duon ay naupo kami at nag kwentuhan tungkol sa mga bagay bagay. Nang makita ko na dumating na si AL. Naka suot ito ng pantalong luma na may mga butas at isang maduming tshirt na puro grasa.

Nakita ko ang pag laki na mata ni AL nung makita nya ko.

“Ginnnnnn!!!!” at nag tatakbo ito at inakap ako

“miss na miss kasi kita kaya hindi ko natiis” ang bulong ko sa kanya.

“miss na miss kita. Kumusta kana?” ang sabi nya

“ok naman ako ganun pa din hehe” ang sagot ko.

“cge maiwan ko muna kayo para makapag handa ako ng hapunan, kayo na muna ang bahala dito” ang sabi ng nanay ni AL.

Nag hubad si AL ng damit at tinabihan ako. Tumitig siya sakin at kinagat ang balikat ko. “aray!!” ang sabi ko

“hindi nga to panaginip” ang sabi nya

Kaya hinatak ko ang ulo nya at sinabunutan ko siya.

“Um” tawa siya ng tawa.

Halos wala akong mapag lagyan ng tuwa ng muli kong makasama ang taong pinaka mamahal ko, Kinahapunan ay sabay sabay kami kumain at tawanan kami ng tawanan. Pag katapos ng hapunan ay naligo kami ni AL sa poso sa likod ng kanilang bahay. Sabuyan dito, sabuyan duon ang nangyari. Nag hahabulan pa kami na parang mga bata. Parang sarili namin ang mundo..

May dalawang kwarto sa bahay nila Al, gawa ito sa kawayan at pati sahig nito. Dun kami natulog sa isang kwarto at mag katabi kami. Tanging mga kuliglig lamang at aming naririnig.

“salamat” ang bulong sakin ni AL

“para saan?” ang sabi ko

“wala.. sa pag punta mo dito” ang sabi nya.

“ang arte mo. Sabay hatak sa buhok ng kili kili nya.

“aray!” hahahaha natawa siya.

Nagpambuno kami sa sahig at namalayan ko nalang na naka patong na siya sa akin. Nararamdaman ko ang tibok ng kanyang puso at naaamoy ko ang kanyang pag hinga. Ginawaran nya ko ng halik sa labi habang inaalis nya ang aking saplot sa katawan. Maya maya pa ay naramdaman ko nalang na wala na pala kaming natirang saplos. Marahas ang kanya pag halik at nararamdaman ko ang kanyang dila sa aking mga bibig. Gumapang ang kanyang pag halik pababa sa aking leeg at sa aking dib didib.. tanging “Ahhhhhh” lamang ang maririnig sa kwarto kasabay ng animo pag awit ng mga kulisap sa paligid.

Ako naman ang pumatong sa kanya. Hinalikan ko siya sa mga labi pababa sa kanya leeg nang makarating ako sa kanyang dib dib ay nilaro ko ng dila ko ang animo holen duon. “Ahhhh ohhhh” ang ungol ni AL. Maya maya pa ay may binulong sakin si AL habang pinahawak nya sakin ang kanyang tigas na tigas na pag ka lalaki.

“tol gusto kong ipasok sayo to!”

Nagulat ako sa aking narinig. Pero mahal ko siya kaya hindi ako tumanggi bagamat may takot sa dib dib ko.

“Ang laki nyan baka di ko kaya.” Ang natatakot kong sabi

“hindi ako bahala, please libog na libog na ko” sabi nya

Wala akong nagawa kundi mag paubaya.

Kumuha si Al ng langis at nilagay ito sa kanyang daliri. Nilagyan din nya nag aking pwet at pinasok dito ang daliri nya… “ahhhhhh ang sakit!!” ang ipit kong sigaw..

“tiisin mo lang tol please” ang sabi nya..

Pagkatapos ay namalayan ko na dalawang daliri na nya nag naka pasok sa loob ko. Para akong madudumi hindi ko na kaya..

Maya maya ay inalis nya ang kanyang mga kamay at itinapat ang kanyang naghuhumdig na pag kalalaki. Naka harap ako sa knya, itinaas nya ang aking dalawang paa at sinamapay ito sa balikat nya. “ahhhhhhhhh ang sigaw ko habang naramdaman kong napunit ang loob ko dahil sa ulo ng kanyang ari.. kaya huminto siya at hinalikan ako. “sshhhhh hindi kita papabayaan mahal na mahal kita Gin”.. ilang minuto pa ay umulos siya at pumasok ng buo ang kanya pag kalalaki.

“Ahhhhhhhhhhhh arrrayyyyy huhuhu” ang iyak ko.. naramdaman ko na naka baon ng todo ang kanyang taguro sa aking loob. Ilang minuto kaming mag akap at hindi siya gumagalaw. Nung maramdaman kong wala na ang sakit ay umulos at gumalaw na siya. Nabalot ako ng matinding libog.. “napaka sarap ahhh sige pa” ang sabi ko. Hinugot ni Al ang ari nya at pinatuwad ako.. ahhhhh pasok na pasok ito sa aking loob. Walang sakin. Swabe. Sinasabayan ko siya ng maramdaman na parang namumuo ang mga tamod sa bayag ko. Parang tumatama ang ari ni AL sa aking kaloob looban. Naramdam ko nalang na sumabog ang katas ko…

“heto na koooo… ahhh ahhhh ahhh” sabi ni AL habang nilalabasan siya sa aking loob..

Pag katapos nun ay inalalayan ako ni Al patungong cr. Umupo ako sa bowl at nakita kong may dugo at may halong katas ni Al ang nilabas ko. Nag worry ako at inakap ako ni AL sabay sabing “salamat sa tiwala. i love you”

“i love you too” ang aking sabi..

At natulog kami ng mag ka akap..

Kinabukasan ay masakit ang katawan ko.. nakita ko na wala na si AL sa tabi ko kaya hinanap ko ito. Nakita ko siya na nag luluto sa kusina nila.

“Goodmorning” ang sabi ni AL

“goodmorning din” ang sabi ko sa kanya sabay ngiti.

“ok kana ba?” ang tanong nya

“medjo” ang sagot ko

“natawa siya. Hmmmm “jackpot!!!”

“sira ulo.” Sabay apak sa mga paa nya.

Maya maya pa ay may tumawag kay AL boses ng isang lalaki. Kaya naman lumabas si AL at sinundan ko siya.

“Mark ikaw pala” ang parang nagulat na sabi ni AL

“????????????? clueless ako, sino naman tong pumapasok bigla sa eksena nato?” ang bulong ko sa sarili ko.

Mark pala name nya. Maputi rin siya, mag kasing tangkad kami at medjo fit ang toned ang katawan nya. Medjo mas payat siyang tingnan sakin.

Nagulat ako nang lumapit ito kay AL at sinabing “i miss you!” sabay halik sa kanyang mga labi.

Naibagsak ko ang dala kong baso at nabasag ito sa harapan ko. Sobrang shock ako. Dati ang kalaban ko babae ngayon kapwa ko na lalaki ang karibal ko kay AL.

Agad akong lumayo sa kanila. Nag tatakbo ako palayo sa bahay nila at hinabol ako ni AL. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Namalayan ko nalang nakarating na pala ako sa isang ilog sa sobrang pag kainis ay lumusong ako duon dahil balak kong tumawid sa kabila. Hindi ko namamalayan na malalim pala ang parteng nalusungan ko at duon ay naramdaman ko nalang na lumulubog na pala ako at nilamon na ako ng tubig.

Itutuloy…..

��ܐV��

Ako at ang Callmate ko Part 13

Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi

Chapter 13

Walang katapusang Tag-Ulan

Matapos akong ilubog ng animo buhay na tubig ilog ay nakaramdama ako ng labis na kaba. Halos mapatid ang aking pag hinga. Naramdaman ko nalang na may humitak sa akin at iniligtas ako nito.

Namalayan ko nalang na bumubuhos ang tubig sa aking bibig. Nang bumalik ang aking malay tao ay nakita ko si AL na naka hawak sa dib dib ko at umiiyak ito. Nung makita nya na natauhan na ako ay inakap nya ako ng mahigpit.

“Salamat!! Natakot ako akala ko binawi kana ng Diyos sakin” ang nag aalalang wika nito

Hindi naman ako sumagot, dahil kasabay ng pag balik ng malay ko ay kasabay din iyon ang pagkabuhay muli ng aking sama ng loob.

“sana hindi mo nalang ako iniligtas! Para hindi na ko nakakaramdam ng sakit!!” sabay hampas sa dib dib nya

“alam mo naman na mahal kita! Hindi ko kayang may mangyaring masama sayo”

“mahal mo ko?” sabay balikwas at umalis ako sa pag kaka akap nya.. “kung mahal mo ko bakit mo ko sinasaktan? Hindi ko na kaya Al!!! Pagod na kong ipag laban ka. Dati babae kalaban ko, ngayon pati ba naman lalaki kalaban ko na rin? Ano susunod nito? Engkanto? Kapre? Aswang? Ano pa? C’mon AL!!!” sigaw ko

“iniisip mo ba yung nangyari kanina?” tanong niya

“oo” obvious ba? Alam ko may paliwanag ka. Cge sabihin mo na baka sakaling maawa ako sayo“ ang sarcastic kong tugon

“si Mark ay kaibigan ko dito. Taga Maynila siya, nag babakasyon sila dito sa probinsya. Wala akong kapera pera pambili ng gamot ni inay kaya lumapit ako sa kanya. At bilang kapalit ng pag tulong nya sakin ay makikipag talik ako sa kanya. Bukod pa dun naka hiram ako ng may kalakihang halaga sa kanya sa pag papagamot ni inay. Nahihiya na kasi ako sayo at sa pamilya mo kaya hindi ko na sinabi sayo. Naalala mo ba ibang number ang gamit ko nung tumawag ako sayo pagkatapos ng contest mo? Number iyon ni Mark. Wala na kong cp dahil ibinenta ka na rin ito.” Ang maingayak ngiyak nya kwento

“so ginawa nyo ang mag talik?” ang tanong ko

“oo” ang sagot nya.

“eh mga baboy pala kayo.”

“nandidiri ako!! Pwe!! Grabe ka AL isa kang Arrrrrghhhh!!!!”

“isang ano? Pok pok? Bayaran? Ano ituloy mo?”

Umalis ako at bumalik sa bahay nila. Dali dali akong nag punta sa kwarto upang ayusin ang mga gamit ko. Naka sunod naman sakin si AL. Nakita ko na lumapit si Mark kay AL kaya nag dilim ang paningin ko. Nilapitan ko ito at tinulak ko.

“isa ka pa!! Mga baboy kayo!!” ang sigaw ko

Nashock din si AL sa inasal ko.

“Ikaw si Mark diba? Mag kano utang sayo ni AL para gawin mo yang “SEXTOY mo?” mag kano? Hinagis ko sa kanya ang wallet ko. Sinabog ko ang lahat ng pera ko sa kanila. “ayan kunin mo na! At umalis kana dito!!“ang sigaw ko na nag wawala. “siguro sobra pa yan!!” Pati credit card ko sinama ko na rin.

“anong problema mo tol?” ang sabi ni Mark

“ikaw ang problema ko!! Maniac ka!!” ang sigaw ko

Tulala si Mark at hindi nakapag salita na yuko ito. Marahil ay sa kahihiyan.

Naramdaman ko nalang na tinulak ako ni AL papasok na bahay nila at kinaladkad ako palayo kay Mark

“aray!!bitiwan mo ko” ang pag pupumiglas ko habang hawak ako ni Al

“nasasaktan ako.” Ang sabi ko

“Bakit mo ginawa iyon?” ang galit na tanong nito

“pasensya na ha!! MAHIRAP lang kasi ako!! Hindi mo ko kagaya mayaman, mapera, dito gigising ako sa umaga para mag hanap ng pag kain, pag wala pag kain mag titiis ako sa gutom!! Ikaw babangon ka lahat naka asa sa katulong nyo. Pag gutom ka isang pitik mo lang nanjan na ang pagkain sa harap mo.. Hindi mo alam Gin kung anong hirap ang pinag dadaanan ko sa araw araw.. sabagay ano nga ba naman ang alam mo sa salitang HIRAP eh prinsipe ka nga pala. Diba MAHAL NA PRINSIPE??” Nag pa eemphasize nya.

Para kong pinalo ng malaking tabla sa ulo pag katapos kong marining iyon. Wala na ko nagawa kundi umiyak nalang. Nakita ko na lumabas si AL at kinausap si Mark. Nuong hapon ding iyon at nag text ako kay manong bert na sunduin na ako. Mag aalas 6 ng hapon ay nag impake na ko ng gamit.

“nay may emergency po ako sa bahay. Kailangan ko na pong umuwi” ang sabi ko sa nanay ni AL

“hinid mo ba hihintayin si AL anak?” ang sabi nya

“hindi na po siguro nag mamadali po kasi kami.” Sabay akap sa nanay nya at tumalikod akong mabigat ang loob ko.

Wala si AL siguro kasama nanaman si Mark.. kaya sumakay na ko sa sasakyan upang makapag pahinga. Wala tigil sa pag agos ng luha ko sa aking mga mata. Lalo pa akong umiyak ng marinig ko ang kantang “Ulan ng cueshe.”


Cueshe - Ulan Lyrics

Lagi nalang umu-ulan

Parang walang katapusan

Tulad ng paghihirapko ngayon

Parang walang humpay

Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap

Na limutin ka ay di parin magawa

Hindi naman ako tanga

Alam ko na wala kana

Pero mahirap lang na tanggapin

Di na kita kapiling

Iniwan mo ako nag-iisa

Sa gitna ng dilim at basing-basa pa sa ulan

Pero huwag mag-alala

dina kita gagambalain

Alam ko naman ngayon

may kapiling ka nang-iba

Tanging hiling ko sa’yo

Na tuwing umu-ulan

Maalala mo sanang may

Nagmamahal sa’yo. Ako…..

Lalalalalalalalala….


Nakatulog ako ng masamang masama aking loob. Eksatong alas 11 ng hating gabi ng marating ko ang aming bahay. Agad akong umakyat sa itaas at hinagis ako ang aking dalang knapsack sa kama. Naka apat na bote ng Alak ako bago ako tuluyang dapuan ng antok. Sa aking panaginip nakita kong umiiyak ang aking sarili habang naka tayo sa puno ng akasya. Sobrang bigat ng pakiramdam ko noong mga oras na iyon.

Alas 9 ng umaga ng magising ako. Pero tulad ng dati ako lang ulit mag isa dito sa bahay. Kaya nag pasya akong mag lakad lakad sa likod bahay upang lumanghap ng sariwang hangin. Malungkot ang panahon. Animo namumuo ang sama ng panahon. Ramdam ko sa ihip ng hanggin na may kasama itong sama ng panahon.

Halos 3 oras din akong palakad lakad hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaya naisipan ko nalang na mag libot para na rin malibang ako. Kung saan saan ako nag punta.. Nag pasya ako mag punta sa plaza masaya kasi duon at malapit sa plaza ay may isang dinedevelop na lugar upang maging daungan ng mga yatte at bangka. Dagat iyon na nag susugpong dito at ibang kalapit na lalawigan.

Naupo ako duon sa paharap sa dagat, malakas ang hangin at pinag masdan ko ang paglubog nag araw sa langit. Napansin kong napaka lawak ng dagat, parang wala itong katapusan katulad ng lungkot at dalamhati na aking nararamdaman. Laking gulat ko ng bumuhos ang malakas na ulan kaya dali dali akong sumilong sa isang tindahan. Isinahod ko ang aking mga palad sa patak ng ulan. At napaluha ako nung maalala ko bigla si Aldrich.

Naalala ko nung ibigay ko sa kanya nag kwintas na may pendant na singsing..

Nag kataon kasi na bumili ako ng tshirt sa mall at naisipan kong bumili ng something para kay AL. Kaya binili ko yung kwintas na silver kaso walang pendant. Gustong gusto ko bigyan si Al ng singsing kaso sobrang nahihiya ako. (cyempre dalagang Filipina ako) . pero binili ko na rin yung sing sing. Bumalik ako sa school at nag kataon naman na culinary namin.. gumawa kami ng mga chocolates at duon pumasok ang idea na ilagay ang singsing sa loob ng cube na chocolate. Kaya ginawa ko ito.

Pag uwi namin ni AL ng bahay ay inabot ko sa kanya ang kwintas at tuwang tuwa siya siempre… at binigay ko sa kanya ang isang cube na chocolate nasa loob nun ay sing sing.. Laking gulat ko ng isinubo ng buo ang chocolate. Wala siyang kaalam alam na may sing sing sa loob nun. Nag panic ako kaya hinawakan ko ang mga bibig nya.

“waaaa bakit kinain mo!!! Huhuhu.. iluwa mo!! Iluwa mo!! Ang sabi ko habang hawak ang bibig nya

“ummmmhhhmmpppppp” di makapag salita si AL dahil puno ang kanyang bibig.

Maya maya ay may nakagat siyang matigas.. “pwe” ang sabi nya sabay luwa ng chocolate sa tissue paper.

“surprise!!” ang sabi ko

“ano ba to?” habang tinitingnan ang niluwang chocolate sa tissue

Inulit ko ulit!! “SURPRISE!!”

“tado umpp” sabay batok sakin

“balak mo kong patayin no?” sabay kuha sa sing sing ngumiti ito.

Akin na ako mag susuot sayo..

Sinubukan ko isuot sa lahat ng daliri ni AL pero maliit ang sing sing hindi ito kasya sa kanya.

Labis akong nalungkot at umiyak..natawa siya.. kaya kinuha nya ang singsing at inilagay ito sa kwintas na binigay ko iyon ang nag silbing pendant…

“oh ayan.. wag kana malungkot ha, i love you” ang sabi nya

Inakap ko siya.. “i love you too”

Halos mapaluha ako nung maalala ko iyon at nihawakan ko ang kwintas laking gulat ko ng wala na pala ito sa aking leeg!! Agad kong sinugod ang ulan para hanapin ito sa parke at sa plaza at dito ay may nakasalubong din akong isang lalaki na may lungkot sa kanyang mga mata. Sa tingin ko ay mag kaedad lamang kami.

“tol, may problema ka ba? Para kasing may hinahanap ka?” nito sa akin.

“ahh oo nga tol, nawawala kasi yung kwintas ko. Mahalaga kasi sa akin iyon, isang silver na kwintas iyon at may pendat na sing sing., dito kasi ako galing kanina, baka dito nalaglag “ sagot ko naman

“kinalulungkot ko tol, mahahanap mo rin iyon” ang sabi nito sabay ngiti “nga pala ako si Lee Cruz, taga kabilang bayan pa ako” pag papakilala ko rin.

“ako naman si Gin, Gin San Miguel nice to meet you..” ang pakilala ko rin sabay lahad ng aking kamay. “sige tol sana mahanap mo yung kwintas mo. Mag ingat ka..” wika nito.

Ngumiti rin ako bagamat bakas na bakas ang ibayong sakit at lungkot sa aking mga mata.

Halos mag palahaw ang kaka iyak sa matinding inis. Basang basa na ako ng ulan nang mawalan ako nag pag asa at sumalampak nalang ako sa gilid ng kalsada..

“PUTTTTTAAAAAA!!! Napaka malas ko!!!” ang sigaw ko

Habang pinupukpok ang sarili kong ulo.

Sobrang sakit at panghihinayang ang aking naramdaman. Pakiramdam ko wala ng katapusan ang pag buhos ng ulan. Hindi man halata na umiiyak ako.. ay ramdam ko sa puso ko ang bigat at hinagpis ko sa pag wala ng dalawang mahalagang bagay sa buhay ko. Si AL at ang Kwintas nya..

Itutuloy..

K

Ako at ang Callmate ko Part 14

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po..

Ako at ang Callmate ko

Chapter 14

Umuwi ako sa bahay ng halos basang basa at wala sa sarili. Naka yuko ako baka sakaling makita ko ang nawawalang kwintas ni Al. Wala pa rin tigil ang pag bagsak ng ulan habang tinatahak ko ang gate ng aming bahay. Wala pa rin tao sa aming bahay liban sa mga kasambahay na wala namang paki alam. Agad akong pumasok sa sala at duon ay nakita kong naka sabit ang picture namin ni AL. Nakita ko ang solong larawan nya na portrait naka display ito kasama ng mga picture ko sa mga image modeling. Lumapit ako upang tingnan ang larawan ni AL. Napaka gwapo nya dito. Naka puting t shirt at naka ngiti na parang celebrity. Dinisplay pala ito nila mama at papa binibiro kasi nila ang mga office mate nila at sinasabi nila na panganay nilang anak si AL. Naniniwala naman ang mga officemate nila dahil di naman kami nag kakalayo ng itsura ni AL kung tutuusin.

Kinuha ko ang larawan ni AL at tinitigan ko ito. Hindi ko mapigilan na umiyak habang inaakap ko ito. “Huhuhuhu mahal na mahal kita Al” kinakausap ko ang kanyang larawan habang apura parin ang iyak ko. Muka akong tanga.. umakyat ako ng hagdan na akap akap pa din ang larawan iyon ni AL. Patuloy pa rin ang pag iyak ko. Papasok na ako ng kwarto ko ng biglang may humatak sa buhok ko…

“Arekupppp!!!!” nasira ang moment kong mala Judy Ann Santos

“San ka galing?” ang sabi nya

Kilala ko ang boses na yun!!! AL!!!! Ang sabi ko..

“surprise” ang sabi nya..

Napaiyak ako at umakap ako sa kanya..

“uhuhuhuhu sorry, patawarin mo ko!!”

“wala na yun.. ako nga dapat ang mag sorry sayo dahil ilang beses na kitang nasasaktan.” Ang sabi nya

May kinuha siya sa kanyang bulsa. “naiwan mo ito sa bahay kaya kinuha ko.”

Natuwa ako. Iyon ang kwintas na may pendant na sing sing.. akala ko ay naiwala ko na ito..

Inakap ko si Al at hindi ko napigilan na halikan siya sa sobrang ligaya ko..

Naisip ko na parang may lahing kabute tong si Al. Bigla nalang itong susulpot at nawawala. Pero ngayon hindi ko na hahayaang mawala pa siya ulit. Ang hirap kaya sa pakiramdam.

Nag pasya akong maligo na at pumasok ako sa loob ng cr.

Nagulat ako na nanduon si AL, wala na itong saplot sa katawan!!

“surprise!!” ang sabi nya

“heh!! Pati ba naman dito sa cr may surprise ka pa rin!” ang sabi ko.

Inakap ako ni Al at nilapit sa akin ang kanyang katawan. “Alam mo na kung ano yun” ang sabi nya sakin na parang nang aakit.

“oo alam ko!! Eto” sabay dakma ng ari nya na nabubuhay palang

“arrrrrayyyyy!!!!” ang pag mamaktol nito

“hindi naman ito yung surprise ko wehh huhuhu.. sakit nun ahh” sabi nya sakin

“eh ano ba yun, sabihin mo na kasi.” Ang pangungulit ko

“eh mamaya nalang. Tara maligo na tayo” ang sabi nya

Edi ayun naligo kami.. (walang nangyari no, ayan nanaman kayo sa iniisip nyo). Matapos namin maligo ay nag tungo sa likod bahay sa puno ng akasya. “tamang tama gabi na..” sabi ni AL

“arrrayyyyy” ang sabi ko nakasubsob ako.. nilagyan kasi ni AL ng takip yung mata ko. Blind fold hindi naman ako inalalayan Grrrrrr

“aw!! Sorry. Nawala sa isip ko na may blind fold ka hahaha” sabay hawak sakin

“Um” sabay sabunot sa kanya..

“boss masakit yun ah..” ang sabi ni Mang Berting

“ayyyy sorry akala ko si Al yung hawak sakin.” Ang sabi ko

Akala ko si Al yung nasabunutan ko. Si Mang Berting pala. “nasa po ba si AL?”

“Nasa loob may kinuha lang” ang sabi nya

Makalipas ng ilang minuto ay lumapit sakin si AL.. at inalis ang piring ko sa mata.

“surprise!!!!” ang sabi nya..

Napamangha ako sa aking nakita.. ang puno ng akasya ay punong puno ng mga mumunting ilaw na ibat ibang kulay. Napaka ganda nito parang pinalibutan ng makukulay ng xmas lights. Napansin ko naka ngisi si AL.

“boss si Sir Al ang gumawa nyan lahat” ang sabi ni Mang berting

Natingin ako kay Al, at inaya nya ko sa upuan papunta sa gilid ng akasya. Nakita kong may mga palamuti ang upuan.. parang nasa enchanted world, punong puno ito ng bulaklak.. habang pinag mamasdan ko ang magaganda ilaw at bulaklak ay nawala sa paningin ko si AL. Umupo ako sa upuan pakiramdam ko isa kong bida sa isang fairytale..binaling baling ko ang aking paningin pero wala si AL sa paligid kaya tumayo ako para hanapin siya.

“ako ba hinahanap mo?” ang sabi ni AL na naka tayo sa likuran ko.

Naka suot ito ng puting body fit na long sleeve at naka jeans. Napaka sexy at gwapo talaga ng mahal ko.. may hawak itong isang boquet ng kulay puting rosas at lumapit sakin..

“para sayo” ang sabi nya

At inaya na ko sa ilalim ng puno..

“UM” hinampas ko sa kanya ang bulaklak

“nakaka inis ka, nag bihis ka tapos hindi ako ready.” Huhuhu ang naiinis kong sabi

“yan nga gusto ko yung totoo ikaw, naka short, naka tsinelas, naka tshirt lang, jan kita minahal, kung alam mo lang ayoko yung mga itsura mo sa mga contest na sinasalihan mo hindi kasi ikaw yun, hindi natural.” Ang sabi nya

naiyak ako sa sinabi ni AL.

“Tara na” sabay hila sakin sa upuan na ginawa nya may mga bulaklak duon.. at may lamesa may mga pag kain din.. “sino nag prepare nito?” ang tanong ko..

“kaninang maga pa ko nandto sa bahay nyo. Nung nalaman ko na umuwi ka nag paalam agad ako kay nanay para sundan ka dito. Nung makarating ako dito nalaman ko natulog ka kaya dun muna ko sa guest room natulog..kanina nagising ako wala ka daw at nag tungo ka sa plaza. Yun ang naging way para magawa ko to lahat.” Ang sabi nya na naka ngiti..

Napaka sweet naman ni AL, wala ako mapag lagyan ng ligaya..

“Lord pwede mo na kong kunin” ang sabi ko sa sarili.

Kumain kami ni Al at nang makatapos ay inalis nya ang table para medjo lumuwag sa upuan. Inakbayan nya ko at nilingkis ko ang aking kamay sa bewang nya. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang mga balikat..

“umiiyak ako,, salamat Al” ang sabi ko

“tara sayaw tayo” at pinatugtog nya ang paborito naming kanta ang HILING ng silent sanctuary

Silent Sanctuary

Hiling lyrics

Minsan di ko maiwasang isipin ka…

Lalo na sa t’wing nag iisa…

Ano na kayang balita sayo…

Naiisip mo rin kaya ako…

Simula nang ikaw ay mawala…

Wala nang dahilan para lumuha…

Damdamin pilit ko nang tinatago…

Hinahanap ka parin ng aking puso…

Parang kulang nga kapag ika’y wala…

(Chorus)

At hihiling sa mga bituin…

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin…

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin…

Patungo…

Ala ala mong tinangay na ng hangin…

Sa langit ko na lamang ba yayakapin…

Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala…

(Chorus)

At hihiling sa mga bituin…

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin…

Hihiling kahit dumilim…

Ang aking daan na tatahakin…

Patungo sa iyo, patungo sa iyo…

Bridge:

Ipipikit ko ang aking mata dahil…

Nais ka lamang mahagkan…

Nais ka lamang masilalayan…

Kahit alam kong tapos na

Kahit alam kong wala ka na…

(Chorus)

At Hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo sa iyo, patungo sa iyo..

Umiiyak ako sa sobrang saya. Di ako maka paniwala sa mga nangyayari sa kin.. kung nanaginip ako ayoko na gumising pa.

Habang nag sasayaw kami ni AL ay kinuha nya nag cp nya at pinindot ito.. pero di ko pinansin.. tuloy parin kami sa pag sasayaw ng…

Namula ang kalangitan… bumukadkad ang makukulay na paputok sa langit.. walang humpay ang pag liwanag ng fireworks…

“i love you so much” ang sabi ni AL

“inakap ko siya at “i love you too” ang sabi ko.

Akala ko dito na natatapos ang surpresa ni AL. Laking gulat ko ng makita sila Mama At Papa na palapit samin.

Kumakabog ang dib dib ko, baka may alam sila tungkol samin ni AL.

Inakap ni Al si mama at papa sabay sabing “salamat po”

“wala iyon iho.” Napaka ganda ng ginawa mo.

Hindi ko sila naintindahan pero nalaman ko nalang na kasama pala sa gumawa ng plano si mama at si papa. Hindi man daw malinaw kung ano kami ni AL ang mahalaga ay ayos na kami dahli pareho kaming anak nila.

Maya maya may tumugtog ulit ang isang kanta at sinayaw ni AL si Mama.. tuwang tuwa naman kami ni papa dahil napaka buting tao ni AL. Para siyang isang angel na bumaba sa lupa para pasayin kami lahat.

Pagkatapos ng celebration ay umakyat kami ni AL sa kwarto. Pag pasok namin ay nilock nya ang pinto. Nag hubad ito ng pang itaas na damit. Napalunok ako..

“ano mag hubad kana rin” ang sabi nya

“ayoko nga.. masakit eh” ang sabi ko na iiling iling

“mag hubad kana” ang pilit nya

“wag po kuya wag po!!!” ang sigaw ko

“ano ba mag huhubad ka o huhubaran kita? Mamili ka?” ang sabi nya

“as if naman may choice ako, pareho hubad din ang bagsak ko.”

Nag hubad ako..

Hinitak nya ako sa pag kakaupo, nag lapat ang aming mga katawan.. ummmppp

“sasayaw lang tayo, kung ano ano iniisip mo. Ang libog mo kasi eh” ang sabi ni Al sakin

“nakaka inis ka, um!!” sabay tapak sa mga paa nya

Ilang minuto din kami mag ka akap ni AL hanggang mapagod kaming dalawa. Nahiga kami sa kama at pinag saluhan ang saya ng mag damag..

Itutuloy….

Ako at ang Callmate ko Part 15

Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi

Chapter 15

Author’s diary

Ai Tenshi japanese word po ito na ang ibig sabihin ay

Ai- LOVE

Tenshi- ANGEL

“LOVE ANGEL”

Heto na po ang chapter 15


Pasukan na ulit. Tulad ng dati ay sabay pa rin kami ni Al pumapasok pero this time marunong na siyang mag drive. Nag paturo siya kay manong bert kung paano ito gawin. Sobrang busy na kasi si Manong kaya hindi n nya ako maharap.

“frieennnnnnddddd!!!” ang sigaw ni AJ

“aj kumusta ka na?” ang sagot ko “mukang tumaba ka yata” ang biro ko

“ahhhmmppp, cyempre hiyang eh hahaha” ang sagot nito. “nga pala tara muna sa office ko para makapag miryenda kayo duon, nag dala ako ng maraming pagkain” ang sabi nya

“sige ba!!” Ang sabi ko sabay hitak kay AL..

Nag punta kami sa office ni Aj at nakita namin ang maraming pag kain duon…

May kinuha ako sa bag ni AL na isang regalo..

“happy birthday Aj” ang sabi ko sabay abot ng gift galing samin ni AL.

“hahahaha akala mo di ko alam na birthday mo ha” ang sabi ko

“huhuhu touched naman ako.. salamat friend..” ang sabi nya sakin sabay akap.

“wala iyon no” ang sabi ko.

Matapos ang ilang oras ay pumasok na kami sa classroom para umatend ng classes.

Nag vibrate ang cp ko.

May nag text

FROM: ALDRICH

AL: pssssttttt

GIN: ano ba nag kaklase kami

AL: pakiss nga

GIN: MUAH

AL: Sarapan mo naman

GIN: ummmmmmmmuahhhhhhh tsup tsup

AL: Mag hubad kana dali

GIN: heh!! Malibog!!

AL: ahahaha I LOVE YOU

GIN: I LOVE YOU Too, see you later

AL: oo ihanda mo na yan!!

GIN: Libog!!!

Nag kukulitan kami ni Al ng di ko namalayan na dismiss na pala.. Agad akong lumabas para puntahan si Al. Ngunit naka salubong ko si Aj

“san ka pupunta?” ang tanong ko

“ayy hinahanap kita friend, nakita ko si Al papunta sa labas ng campus nag mamadali ito, sundan natin please!! Sundan natin siya huhuhu, baka may mangyaring masama sa kanya, please nag mamaka awa ako!!!” ang sabi ni Aj

“pak!! Sabay ko sa kanya, oh sige ikaw na boyfriend!! Sugod na!!“ang pag tulak ko sa kanya.. “Oa mo naman parang ikaw ang jowa ah”

Nag tataka rin ako kung san pupunta si AL kaya patahimik namin itong sinundan ni Aj.

Nagtungo siya sa bakanteng lote na malapit sa campus parang may hinihintay ito.

Nag masid lang kami ni Aj at naka tago..

“si AL nga yun” ang sabi ko sabay hampas sa likod ni AJ

“Arayyy!! Yung totoo may galit ka ba sa akin?” pag mamaktol nito. “naku friend baka kamuka lang nya si Al noh”

“heh,, si Al na nga oh, ayan na yung fez nya.” Ang sabi ko sabay hampas ulit sa likod nya dahilan para matumba na ito.

“Aray talagang dapat may hampas pa?”

“Siya talaga yon!!” pag giit ko at muli ko ito hahampasin ng umiwas na ito. “Akala mo ha.”

Tawanan..

Maya maya pa ay may dumating na grupo ng mga lalaki. Matatangkad ito at halatang nag ggym sa gaganda ng mga katawan. Lumapit sila kay AL

“friend baka yan yung mga ibang jowa ni AL” ang sabi nya

“tado!! Ang dami naman nyan!!” ang sabi ko..

Nag patuloy kami sa pag obserba sa nangyayari. Hindi ko man maintindihan kung anong nangyayari ay nakikita ko naman iyong ginagawa nila.

Naka tayo si Al habang lumapit ang isang lalaki, may pinag uusapan sila na parang nag sasagutan. Nakita kong napapa iling si Al habang nag sasalita ito. Ramdam ko may problema sa pagitan nya at ng mga lalaki na iyon. Binalot ng kaba ang aking dib dib. Parang natatakot ako lalo na nung hinablot ng isang lalaki ang kuhelyo ng damit ni AL at aakmang susuntukin..

Nakita kong natatakot si AJ, pero nilakasan ko ang loob ko kaya sumigaw ako!!

“Ano yan?? Bitawan nyo siya!!!” ang sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanila.

Nalingon si AL sakin at nagulat siya.

Binitiwan ng isa si Al at pumunta ako sa tabi niya handa akong ipagtanggol siya.

Nag salita ang isa..

“aba eto pala ang mahal na prinsipe na pinag mamalaki mo AL.” Sabay hawak sa muka ko.

“Gwapo ahh mukang masarap to. Hahaha” ang sabi nung isa

“kaya pala nababakla ka na AL” sabi pa nung isa

Parang sumabog ang bulkan sa ulo ni AL nang makita ko hinawakan nya ang kamay nung isang lalaki na naka hawak sa muka ko.

“subukan mo pang isayad ni isang daliri mo sa kanya mang hihiram ka ng muka sa aso tarantado ka”

Ang madiin na sabi ni Al. Na labis kong kinakaba.

Hinanda ko ang sarili ko na makikipag away kaming dalawa ng marinig ko si Aj.

“SUGOD MGA KAPATID!!!!”

Habang nakita ako na tumatakbo papunta samin ang ilang miyembro ng student counsil, ilang guard at pati janitor sinama narin nya.. pati ang Dean ay sinama rin nya!!“

Habang sumugod pala ako kanina ay nang hingi na siya ng tulong. Huli sa aktong hawak ako ng isa damit at hawak ng isa si AL kaya lumalabas na napag tripan kami ng mga lalaking ito.

Nag alisan ang mga lalaki at sinabing “may araw ka rin AL”

Nag pasalamat ako kay Aj at sa mga schoolmate ko. Matapos ang nangyari ito ay hindi ko na tinigilan si AL.

“ano ba nangyayari? Ano ba kinalaman mo sa mga tao na iyon?” ang tanong ko

“wala” ang sabi nya

“ano nga!! Please sabihin mo na.. sige na” ang pag mamaka awa ko

“ang kulit mo sige sasabihin ko na sayo.” Ang sabi nya

“ehem, excuse me eto pa ko. Sabihin mo samin noh ang hirap sumugod sa gera ng wala akong alam.” Ang sabi ni Aj habang kumakain sa office nya..

Eto ang kwento ni AL:

Noong mag aral ako dito ay sumali ako sa isang organisasyon ng mga outsiders sa school, pangako nila sa akin na tutulungan nila ko sa pag aaral ko at sa mga gastusin dito. Noong una tumutulong sila sa akin kapalit nun ay ang serbisyo ko sa kanila na maging isang tapat na miyembro. Huli na nang malaman ko ang katotohanan na isa pala itong PRATERNITY. Hindi ako dumaan sa hazing o sa ibat ibang welcome session dahil matalik kong kaibigan ang leader ng grupo. Ginawa nya kong kanang kamay niya at pinag katiwalaan ng todo todo. Noong una ay napaka ganda ng hangarin ng grupo. Tulong tulong kami na itaguyod ang bawat isa. All for one, One for all ang aming tema, problema ng isa ay problema rin ng lahat.

Pero isang araw may sumali sa amin siya si Rob..Sya yung may hawak kay Gin kanina.. hindi namin alam na nag sali kami ng isang ahas sa grupo. Unti unti nyang nilason ang utak ng mga kasamahan namin at isa isa itong nag si alis sa aming samahan. Huli na nang nalaman namin na naka buo na sila ng sarili nilang grupo.

Isang araw isang malaking pabor ang hiningi sa akin ng aming leader, dahil sa matalik ko itong kaibagan ay hindi ko si natangihan. Na ako ang maging leader ng aming brotherhood dahil na rin sa aalis na siya patungo sa ibang basa upang duon manirahan. Tinanggap ko ang kanyang alok at ako ang tumayong leader nila. Dahil sa utang na loob ay ginawa ko ito..

“samantala humarap sakin si Al habang nag bibida siya nakita nyang naka yuko ako at tinabihan nya ako.. ayos ka lang ba? Ang sabi nya.. “oo ayos lang ako ituloy mo?” sabi ko..“

Unti unti kong nalinis ang maduming pangalan ng aming grupo at isa isang bumalik sa ayos ang lahat. Nung nagawa ko na ito ay nag pasya akong tumiwalag dahil na rin aapektuhan na ang mga tao sa paligid ko, lalo akong natakot nung nag banta sila na sasaktan si Gin kapag hindi ako bumalik duon. Naging masama at mabangis ang grupo dahil si Rob na ahas ang tumayong leader nito.

At ngayon ay natatakot ako na si Gin ang pag balingan nila para makaganti sakin. Ito ang maiyak iyak na sinabi ni Al sa amin.

Grabe ang storyang narinig ko, wala akong imik, natatakot ako pero hindi ko ito pinahalata kay Al. At nagagawa ko pang mag patawa kahit deep inside im still shaking..

Napansin namin na alas 6 na pala ng hating gabi. At umuwi kami ni AL habang nag ddrive siya ay may napansin kaming 2 single na motor na naka sunod sa amin.. Pinatakbo ng matulin ni Al ang sasakyan pero na abutan kami ng mga ito. Huli na para umatras. Lumabas si Al ng sasakyan upang humarap at sabihin na huwag akong idadamay. Maya maya ay palapit na si Rob na may hawak isang baseball bat. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong lumabas ng sasakyan..

“AL kung alam ko lang sana nilumpo na kita dati nung binugbog ka namin sa kanto sa sta.cruz” ang sabi ni Rob

Duon ko narealize na hindi pala totoong nahold up si Al nung mga oras na matagpuan namin siya. Binugbog pala siya ng mga tarantado nato.

nag txt agad ako kila papa na may humarang samin dito sa kabilang kanto kaya any moment parating na sila..

Bigla ko nalang nakitang napaluhod si AL may humampas na pala dito!!

“AL!!!! “ sigaw ko. Ano bang kailangan nyo??? Bakit nyo to ginagawa?? Mga tarantado kayo!!!!

Isa pang hampas ang gagawin nila kay AL kaya hinarang ko na ang likod ko dito at ako ang tinamaan..

Bigla akong napasalampak sa lupa. Nakita ko kung pano nila dagukan at suntukin si Al. Kaya nag sisigaw ako!!

“TULONG !!!!!! parang awa nyo na!!!”“” ang malakas kong sigaw.

Nang marinig ko nalang ang putok ng baril may parating na palang pulis at agad nag punta sa lugar namin.

Iyon ang huli kong nasaksihan bago tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang duguang muka ni AL.

Itutuloy…..

Ako at ang Callmate ko Part 16

Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi


CHAPTER 16 – Pangako… Mahal kita

Nawalan ako ng malay at nakita ko nalang ang duguang mukha ni AL habang naka handusay sa kalye. Nagising ako na sana ospital na at nakita ko si Papa na nakabantay sa akin.

“papa.” Ang sabi ko

“kumusta ang pakiramdam mo anak?” ang sabi ni Papa

“ayos naman po ako, masakit lang ang likod ko.” Ang sabi ko at naalala ko bigla si AL.“nasaan po si AL? Ano nangyari sa kanya?” ang tanong ko sa kanila

“ok na siya anak, naka kabila siyang kwarto kasama ang mama mo.” Ang sabi nila

“ano po ang nangyari sa mga gumulpi samin?” ang tanong ko

“nung makita kayo na walang malay sa kalye ay nag takbuhan sila pero nahuli ang ilan sa kanila kasama na rito ang leader nila at ngayon ay naka kulong na ang mga ito.” Ang sabi ni papa

“gusto ko po makita si Al.” Ang sabi ko

“mamaya na anak, hintayin muna natin ang resulta ng xray at examine mo” ang sabi ni papa

Hindi ko maiwasang mag alala kay AL dahil sa nakitang umaagos ang dugo sa mukha nya.. siguro ay bunga iyon nang pag kakahampas sa kanya. Ilang minuto pa at dumating ang result ng examine sa akin. Dahil doctor si papa ay siya na ang tumingin nito. At natuwa siya na wala namang fracture at damage sa aking likuran. Kaya sinakay nya ako sa wheel chair at nag punta kami sa kwarto kung saan naka confine si AL.

Pag dating namin sa kwarto ay nakita kong gising na si AL at pinapakain ito ni Mama.

“Ma.. Al” ang sabi ko habang papalapit. Natuwa si mama kaya inakap nya ako. At nakita ko rin si Al na naka ngiti sakin, may pasa at benda sa ulo si AL. Iyon siguro ang sugat ng pag kaka hampas sa kanya.

Nilapitan ko si Al at nag pasalamat ako dahil ligtas na siya. Nag pasalamat sakin si AL dahil sinalba ko ang buhay nya. Hanga daw siya sa katapangan ko.

Mga ilang araw pa ang lumipas at naka labas na kami ni AL ng ospital. Bumalik kami sa dati naming buhay. Nag kukulitan at nag tatawanan.. Nag punta kami nila Mama at Papa sa beach at duon kami nag bakasyon kasama siyempre ang nanay ni AL, c Aj at si Jiel.. sinama rin namin si Yul at ang girlfriend nya.

Medjo hindi na nag seselos si AL kay Yul dahil may gf na ito at alam nya na solo na nya ko. (hahaha haba ng hair ko.) napansin kong naging close na silang dalawa at hindi na nag kakainisan pa. Xiempre tuwang tuwa naman sila mama at papa dahil nakikita kaming lahat na masaya. Magkatulong sa pag luluto si Mama at ang nanay ni AL. Kami naman ay nag lalaro ng valley ball. Ka team ko si Yul at si AL, ang kalaban naman namin ay sila Papa si Aj at Jiel.. salamantalang ang scorer naman ay ang gf ni Yul na naka suot ng bikini at napaka sexy.

Natapos ang laro namin at kumain kami ng tanghalian.. nag kakantahan ang lahat at muli ay pina kanta ko si AL. Pero di siya pumayag na siya lang ang kakanta kaya nag duet kami..


In Your Eyes Lyrics

I THINK I FINALLY KNOW YOU

I CAN SEE BEYOND YOUR SMILE

I THINK THAT I CAN SHOW YOU

THAT WHAT WE HAVE IS STILL WORTHWHILE

DON’T YOU KNOW THAT LOVE’S JUST LIKE THE THREAD

THAT KEEPS UNRAVELLING BUT THEN

IT TIES US BACK TOGETHER IN THE END

(CHORUS)

IN YOUR EYES, I CAN SEE MY DREAM’S REFLECTIONS

IN YOUR EYES, FOUND THE ANSWERS TO MY QUESTIONS

IN YOUR EYES, I CAN SEE THE REASONS WHY OUR LOVE’S ALIVE

IN YOUR EYES, WE’RE DRIFTING SAFELY BACK TO SHORE

AND I THINK I’VE FINALLY LEARNED TO LOVE YOU MORE

YOU WARNED ME THAT LIFE CHANGES

THAT NO ONE REALLY KNOWS

WHETHER TIME WOULD MAKE US STRANGERS

OR WHETHER TIME WOULD MAKE US GROW

EVEN THOUGH THE WINDS OF TIME WILL CHANGE

IN A WORLD WHERE NOTHING STAYS THE SAME

THROUGH IT ALL OUR LOVE WILL STILL REMAIN

(CHORUS)

IN YOUR EYES, I CAN SEE THE REASONS WHY OUR LOVE’S ALIVE

IN YOUR EYES, WE’RE DRIFTING SAFELY BACK TO SHORE

AND I THINK I’VE FINALLY LEARNED TO LOVE YOU MORE


Sobrang nakaka kilig ang duet namin ni AL isa ito sa mga kanta na maipapahayag namin ang aming damdamin sa isat isa.. Pagkatapos ng kainan ay naligo naman kami sa beach..

Angat na angat ang kagwapuhan ni AL habang lumabas ito ng naka brief at rumampa sa beach na animo modelo ng bench under wear.. masayang masaya kami ng mga oras na iyon..

Hindi mawawala ang kulitan at kapilyuhan namin ni AL habang naka lusong sa tubig ay naghihipuan kami. Hahaha

Matapos ang ilang oras ng pag lalaro at pag bababad sa tubig ay nag pasya kami na umahon muna at mag pahinga..

Hapon ay nag lakad kami ni AL sa dalampasigan at pinanood namin ang pag lubog ng araw.

“Gin may gusto kong sabihin sayo” ang sabi ni AL

“hmmmm ano naman yun!!?” tanong ko naman

“alam mo ba na una palang kitang makita sa campus ay nagka gusto na agad ako sayo? Alam mo rin ba na alam ko na pumasok ka na baligtad ang damit mo? At kinilig ako nung makita ko na hawak mo ang picture ko sa bulletin board?” ang natatawa nyang sabi sakin..

“eh ikaw alam mo ba na nung makita kita sa bulletin board ay nahulog ako agad sayo?” ang sabi ko

“eh nung pumasok ako sa cr. Sinadya ko talaga na tumayo ng matagal sa likod mo para matitigan kita ng malapitan.” Ang sabi nya..

Umiiyak si Al at inakap ako..“ayokong mawala ka sakin, mahal mahal kita…” ang sabi nito

“ano kaba hindi naman ako mawawala eh pangako!” ang sabi ko

“ayos ayan palubog na ang araw,” hinitak nya ako at tumayo kami sa dalampasigan.

Kinuha ni AL ang dalawang sing sing sa bulsa nya. Ibigay sakin ang isa at ang isa ay sa kanya.

“Gin, saksi ang pag lubog ng araw sa pag mamahal ko sayo..

“I, (Aldrich, take you, (Gin San Miguel), to be my lawfully wedded partner, my constant friend, my faithful partner and my love from this day forward. In the presence of God, our family and friends, I offer you my solemn vow to be your faithful partner in sickness and in health, in good times and in bad, and in joy as well as in sorrow. I promise to love you unconditionally, to support you in your goals, to honor and respect you, to laugh with you and cry with you, and to cherish you for as long as we both shall live..”

Tumulo ang luha ko… hikbi ako ng hikbi habang sinasabi nya ang kanya linya.. pag katapos ay binigay nya sakin ang papel at binasa ko ito..

“I, Gin, take you Aldrich, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part..”

At sinout namin ang maka mukang sing sing sa aming mga daliri..

At pinatugtog nya ang paborito naming kanta..

Silent Sanctuary

Hiling lyrics

Minsan di ko maiwasang isipin ka…

Lalo na sa t’wing nag iisa…

Ano na kayang balita sayo…

Naiisip mo rin kaya ako…

Simula nang ikaw ay mawala…

Wala nang dahilan para lumuha…

Damdamin pilit ko nang tinatago…

Hinahanap ka parin ng aking puso…

Parang kulang nga kapag ika’y wala…

(Chorus)

At hihiling sa mga bituin…

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin…

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin…

Patungo…

Ala ala mong tinangay na ng hangin…

Sa langit ko na lamang ba yayakapin…

Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala…

(Chorus)

At hihiling sa mga bituin…

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin…

Hihiling kahit dumilim…

Ang aking daan na tatahakin…

Patungo sa iyo, patungo sa iyo…

Bridge:

Ipipikit ko ang aking mata dahil…

Nais ka lamang mahagkan…

Nais ka lamang masilalayan…

Kahit alam kong tapos na

Kahit alam kong wala ka na…

(Chorus)

At Hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo sa iyo, patungo sa iyo

Inaya nya akong sumayaw.. nilagay ko ang aking kamay sa kanyang mga balikat at siya naman ay sa aking bewang.. nag lapat ang aming mga labi at kami ay naghalikan kasabay ng tuluyang pag lubog ng araw..

Ito ang araw na sinabi ko sa sarili ko na asawa ko na talaga si Al.. at pakiramdam ko ay Talagang kasal na kaming dalawa..

Pagkatapos ng aming seremonyas ay bumalik kami sa cottage at duon ay nakita namin na nag sasayawan sila mama at ang mga kasamahan namin. Tuwang tuwa sila kaya naman nakisali kami.. pag katapos ng sayawan ay bumilog kami sa isang von fire at nag salita si mama at papa bilang opening remarks.

“salamat sa pag dalo sa espesyal na araw na ito” ang sabi ni Papa

“masayang masaya kami dahil nakasama namin kayo sa ganitong uri ng pag titipon.. sa asawa ko salamat at nanatili ka parin sa tabi ko, kay Gin na anak ko, salamat sa pagiging mabuting anak mo sa amin ng mama mo.. at kay Al na ituniring kong anak ko na hanggad ko na maging maligaya kayo ni Gin!!” cheers

“ano daw? Maging maligaya? Kami? Ni AL?” ang tanong ko

“pa naman!!” ang sabi ko na tila nahihiya.

“anak wag ka mag alala.. alam na namin ng mama mo ang tungkol sa inyo ni AL matagal na. Pinag tapat na samin iyon ni AL. Naalala mo ba nuong nilagyan ni AL ng ilaw ang puno ng akasya? Duon nya sinabi na mahal ka nya ng higit pa sa kapatid.”

Palak pakan ang lahat.. napatingin ako kay AL at kinindatan ako nito at ngumiti ng nakaka lokong ngiti..

Natulog kami na masayang masaya.. at pinag saluhan namin ni AL ang aming honey moon sa bukod na cottage. Masayang masaya ako at sana ay manatili nalang ako sa ganito kasayang pakiramdam.. isa ito sa pinaka the best na moment ng buhay ko..

Kinabukasan ay napansin kong matamlay at hindi ito makatayo ng matuwid, parang nahihilo daw siya at umiikot ang kanyang paningin.

Nalamigan yata siya kahapon sa pag kaka babad sa tubig.. kaya naman pinuntahan ko siya.. “AL ayos ka lng ba??” tanong ko at laking gulat ko ng bigla na lamang himatayin ito

AL!!!!! Ang sigaw ko na may halong kaba at matinding takot.

Itutuloy….

Ako at ang Callmate ko Part 17 End

PLS READ: AUTHOR’S NOTE:

Ang “Ako at ang Callmate ko” ay unang inilabas dito sa wattpad noong January 5, 2013, Ito ang pinaka unang kwentong ginawa ko noong ako ay nag sisimula pa lamang at makalipas ang ilang buwan ay nasundan pa ito ng dalawa pang kwento ang ’Classmate kong Siga“ at “Si Tol ang Lover ko” na kapwa inilabas noong taong 2013 din. Ang mga kwentong ito ang nag papa alala sa akin ng aking simula bilang isang manunulat, hindi ito ganoon kagilas at kahusay ngunit may puso naman ito at tiyak na kapupulutan ng aral.

Ang “Ako at ang Callmate ko” ay tumagal ng ilang buwan sa page ko ngunit agad ko rin itong inalis dahil umani ito ng katakot-takot na pintas at pang lalait mula sa mga mambabasa. Naunawaan ko naman dahil ang lahat ng baguhan ay dumaraan sa ganoon pag subok. Ngunit gayon pa man ay hindi ako tumigil sa pag susulat bagamat aminado ako na minsan ko na itong sinukuan dahil pakiramdam ko ay wala akong talent.

AT NGAYON, dahil marami na ang nag hahanap ng kwentong ito, ay ikinalulugod kong ibalik ito sa aking pahina upang mabasa ng lahat. Ito ay isang “revise version” at maaaring naiba na rin ang katapusan ng istorya. Samahan niyo po si Gin at ang callmate niya na tuklasin ang naiibang mukha ng buhay pag ibig.

P.S. Pero hindi ko ito masyadong binago dahil nais ko pa rin panatilihin ang sulat ng isang baguhang nag hahangad ng pang unawa. Salamat po.


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po..

_

CREDITS 

SILENT SANCTUARY “HILING”

REGINE VELASQUES “IN YOUR EYES”

YOU JIM BRICKMAN

ULAN BY CUESHE


Ako at ang Callmate ko

By: AiTenshi


Chapter 17

Final

“AL!!” sigaw ko.. tulungan nyo kami!!…

Narinig naman nila mama at papa ang paghingi ko ng saklolo at agad na pumunta sila. Dinala namin si AL sa pinaka malapit na Ospital. Halos ilang oras din siyang inobserbahan bago ilabas ang result ng test.. napag alaman namin na may cancer pala ito at terminal stage na.

Umiyak ako at umakap kay AL.. nakita ko ang bakas ng lungkot sa mukha nya habang pinapaliwanag iyon ng doctor. Kasabay nito ang matinding pag kagalit ko sa kanya dahil inilihim nya ito. “Bakit hindi mo sa akin sinabi ang tungkol dito? Bakit?” ang sabi ko habang galit na galit nan aka sigaw dito

Nag pahayag naman ng suporta si Mama at Papa na kinatuwa naman ng nanay ni AL. Inakap ko si AL at sinabi ko sa kanya na pag subok lang ito ni God at hindi dapat kami sumuko.. kumuha sila mama at papa ng private nurse para masuportahan ang tuluyang pag galing ni AL.. Labis naman nya iyong kinatuwa..


Makalipas ang ilang linggo ay namuhay naman kami ni Al na parang mag asawa.. ok naman siya parang walang sakit.. Legal naman na kami sa pamilya kaya hindi na kami nag tatago.. nandyan pang mag kaakbay kami sa sala. Oh hinahalikan ko siya sa pisngi palagi. Hindi naman nag li-low ang kulitan naming dalawa..

“Gin alam mo ba kung anong date ngayon?” Ang sabi nya habang naka ngiti.. “June 14..”

Happy anniversary!! Surprise!!! At inabutan nya ko isang teddy bear..

“natouched naman ako sa ginawa nya. Anibersayo pala ng pagiging mag callmate namin.” Ang tagal narin nuon.. at heto kami ngayon Live in Partner na..

Sa totoo lang kung pwede ikasal dito sa Pinas ang same sex malamang ay pinakasalan ko na to sa lahat ng simbahan.. ang sabi ko sa sarili ko..

Pero kahit ok naman si AL ay sumasa ilalim parin siya sa mga vacinne para ma maintain ang kalusugan nya. Araw araw kong pinapakita kay Al kung gaano ko kasaya na mamuhay ng kasama siya. At lagi nya ko kinakantahan habang nag luluto ako o habang nag lilinis ng bahay. Anak nalang ang kulang. Kinausap ko si Mama at Papa kung pwede ba kami mag apon. Ngunit hindi sila pumayag.

May iminungkahi si papa na mag pa surrogate ng sperm cell si AL sa isang babae at iyon ang magiging nanay ng aming magiging anak. Excited din kasi si mama at papa na mag ka apo.. Agad ko itong ipinaliwanag kay AL at hindi naman siya tumanggi gusto rin daw nya maging tatay na at mag ka anak kami. Makalipas ang ilang linggo ng preperasyon ay nag pa surrogate ng sperm cell si AL sa isang babae na maganda at mabait. Gipit na gipit kasi ang babae kayat pumayag na ito. At pumayag din ito sa arrangement na napagkasunduan..

Ilang buwan ang lumipas at Good news!! Buntis na ang babae at magiging tatay na si AL..

At laking tuwa ni Papa at mama na mag kaka apo na rin sila.. duon narin tumira ang nanay ni AL sa aming bahay.. kayat napaka saya naming lahat na pinag hahandaan ang labas ng bata.

Kami naman ni Al ay masayang masaya dahil sa wakas makakaroon na rin kami ng anak, hindi nga lang galing sa aking ang bata, syempre naman wala naman akong matres no, ano akala nyo sa akin isda lumalabas sa bibig ang anak. Lol “Al salamat ha” ang sabi ko habang naka yakap sa kanya

“Oh bakit naman? Bakit ka nag papasalamat?” ang tanong nito

“Kasi pinasaya mo sila papa, pangarap kasi nila na mag karoon sila ng apo at batang aalagaan dito sa bahay, ngayon ko lang sila nakitang ganito ka excited at kasaya”

“Hmm, Syempre naman, ang kasiyahan ng mga magulang natin ay kasiyahan ko na rin, saka lahat ay gagawin ko para sayo at sa pamilya mo, kulang pa nga iyon sa ginagawa nyong pag tulong sa amin ni nanay eh”

“Shhh, pamilya tayo diba? Mag asawa tayo kaya dapat lang na mag tulungan, saka mahal na mahal ka nila mama at papa at mahal na mahal din kita”

“Salamat ha, ummphhhh, mahal na mahal din kita” ang sagot ni Al sabay gawad ng isang mainit na halik sa aking labi.

Habang naliligo si AL ay napansin ko ubo ito ng ubo kaya pinasok ko siya sa cr at inalalayan. Nagulat akong may lumalabas ng dugo sa kanyang bibig.. Agad kong tinawag si Mama at Papa dahil natakot talaga ako.. kaya pinag pahinga namin si AL upang makapg take ulit ng Vacinne.

Araw araw kami ni AL na nag pupunta ng church para mag dasal at mag pasalamat sa panginoon sa lahat ng biyaya. Sa napaka understanding naming magulang..

“pero alam mo kung ano yung sobrang pinag papasalamat ko?” ang sabi ko kay AL

“hmmmm ano?” ang sabi nya

“IKAW” dahil minahal mo ko. I love you Aldrich

“Mahal na Mahal din kita, Pahalik nga sa asawa ko.” Ummmmuahhhhh

Lumipas ang mga araw at unti unting bumagsak ang kalusugan ni Al, tila nawalan na ito ng lakas at kakahayang suportahan ang kanyang sarili, ngunit gayon pa man ay hindi ko ipinakita sa kanya na nalulungkot ako o nasasaktan, bagkus ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na darating isang milagrong mag sasalba sa buhay niya. Ilang araw na rin ito namamalagi sa loob ng ospital at tila ang lahat ay nawalan na rin ng pag asang maisalba pa ito.

Silent Sanctuary

Hiling lyrics

Minsan di ko maiwasang isipin ka…

Lalo na sa t’wing nag iisa…

Ano na kayang balita sayo…

Naiisip mo rin kaya ako…

Simula nang ikaw ay mawala…

Wala nang dahilan para lumuha…

Damdamin pilit ko nang tinatago…

Hinahanap ka parin ng aking puso…

Parang kulang nga kapag ika’y wala…

(Chorus)

At hihiling sa mga bituin…

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin…

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin…

Patungo…

Ala ala mong tinangay na ng hangin…

Sa langit ko na lamang ba yayakapin…

Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala…

(Chorus)

At hihiling sa mga bituin…

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin…

Hihiling kahit dumilim…

Ang aking daan na tatahakin…

Patungo sa iyo, patungo sa iyo…

Bridge:

Ipipikit ko ang aking mata dahil…

Nais ka lamang mahagkan…

Nais ka lamang masilalayan…

Kahit alam kong tapos na

Kahit alam kong wala ka na…

(Chorus)

At Hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo sa iyo, patungo sa iyo

“Alam mo AL, katulad paborito nating kanta.. wala na kong mahihiling pa..kasi buhay pa ko pinaramdam mo na sa akin ang langit dahil sa sobrang sarap mo mag mahal..” ang sabi ko

“ngumiti si AL at sinabi “kapag nalulungkot ipikit mo lang ang mata mo at makikita mo ko duon” ang sabi nya. Mahal na mahal kita Mr. Gin Gatchalian

Ang sabi nya sakin sabay ngiti.. “Uwi na tayo Gin” ang sabi ni AL sakin.. gusto ko kasi makita yung makinang na Akasya na ginawa ko..“

Kaya dali dali kami tumakas ni AL sa ospital, kahit hinang hina na siya inalalayan ko siya papunta sa akasya… sinindihan ko ang ilaw nun at nag liwanag ito.. umupo kami sa upuan na ginawa nya.

“Gin… salamat sa lahat” ang sabi nito na nanghihina ang tinig

“ano ba,.. wag ka ngang ganyan” ang galit sambit

“makinig ka sakin ha… salamat sa pag dating mo sa buhay ko. Isa ka sa pinaka magandang nanyari sakin. Lagi kang kakain ng madami, wag kang iyakin,, yung mag damit mo aayusin mo lagi, wag ka umaasa sa mga katulong.. yung kwarto natin lilinisin mo lagi. Ha??” tumulo ang luha nito habang pinipilit na mag salita.

“AL nman… umiyak ako at inakap siya..

“salamat sa mga alala ,, sa mga fire crakers..” mahal na mahal kita ayoko yata mawala ka sakin.. ang umiiyak kong sambit..

“Lagi kang mag dadasal bago matulog.. alagaan mo yung anak natin ha? Si mama at papa at si nanay wag mo sila papabayaan.. alagaan mo din tong upuan at akasya na to ha… mahal na mahal kita. Mamimiss kita Gin ko!!” ang sabi nya habang umuubo.

“Kunin mo yung kwintas ko Gin itago mo yan, ingatan mo ang pendant na singsing.. kunin mo rin yung hikaw ko. Isuot mo para lagi mo kong maririnig.”

Sinandal nya sakin ang kanyang ulo at kumanta ito..

“At hihiling sa mga bituin…

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin…

Hihiling kahit dumilim..“

At sinabayan ko siya habang tumutulo ang luha ko

“At Hihiling sa mga bituin

Na minsan pa sana ako’y iyong mahalin

Hihiling kahit dumilim

Ang aking daan na tatahakin

Patungo sa iyo, patungo sa iyo“

Napansin kong nahulog na ang kamay ni AL….

AL?? ALL??? Inuga uga ko siya pero di na siya sumasagot…

“ALDRICCHHHHHHHHHHH!!!!! Ang sigaw ko.” Hindi pa ko handa bakit mo ko iniwan? Huhuhuhu…

Dinala nila mama at papa ang katawan ni Aldrich para ayusin ito… sobrang iyak ni papa , mama at nanay nya. Bumuhos din ang pakikiramay..

Nung dumating ang casket ni AL ay kulay Green ito na kakulay ng mga dahon ng akasya..

Nakita ako ni Aj na naka tulala sa isang sulok. Inakap ko din siya at nag papalahaw ang sa kakaiyak…

Tinungo ko ang casket ni AL at nakita ko na maayos ang pag kaka ayos sa kanya.. kulay puting toxedo ang damit nya.. hindi ko napigilan na humagulgol sa harap ng ataul ni AL..

“ALLLLLLLLLL!!!! Bakit? Pano na ko???” naramdaman ko nalng na nawalan ako ng malay.

Nung magising ako ay inakap ako ni Papa at Mama kinausap ako ni Mama

“anak tatagan mo ang loob mo.. sa tingin mo ba matutuwa si Al nyan pag nakita kang ganyan? Alam mo ba na nag away sila nag papa mo nang aminin nya samin na mahal na mahal ka nya.. kaya nilagayan nya ng ilaw ang puno ng akasya ay dahil narin sa pag papatunay nya na ganun ka nya kamahal. Maging matatag ka para kay AL at sa anak mo” ang sabi nya..

Para sa anak namin ni Al magiging matatag ako..

Sumapit ang araw ng libing ni AL.. bago pa naman ibaon hukay ang kabaong nya ay hinalikan ko ito,, at inilagay sa tabi nya ang isang kahon,,, laman nun ay ang cellphone naming dalawa.. at isang sulat para sa kanya na ginawa ko..

“dear AL,

Salamat sa pag bibigay kulay sa buhay ko, pangako ko sayo na tutuparin ko ang mga pangarap mo. At alalagaan ko ang ating anak. Eto ang cellphone pabaon ko sayo.. naalala mo ba? Sa callmate tayo nag simulang bumuo ng pangarap..mahal na mahal kita Al at kahit kelan hindi kita lilimutin,, hanggng may mga fire cracker sa alapaap maaalala kita. Hindi man tayo natuloy dito, hinintayin mo sa kabilang buhay at duon mag sasama tayo ng masaya..

Nag mamahal Gin..

At tuluyan nang nawala sa paningin ko ang mag labi ni AL.. at sinumpa ko tutuparin ko ang mga pangarap nya.

Masakit na masakit pa rin sa akin ang nangyari at hanggang ngayon ay hindia ko makapaniwalang nawala na ang tanong aking pinaka mamahal. Iyak ako ng iyak at halos patayin ko ang aking sarili sa matinding kalungkutan hanggang sa mamalayan ko na lamang ang aking sarili na nalaglag sa aking higaan. “Anak, mabuti at gising kana. Ang tagal mong natutulog ah. Bumangon kana at mag ayos ng iyong sarili.“ang wika ni mama.

“Nasaan si Al? Nasaan ang libing? Bisitahin natin sya sa puntod niya ma.. napanaginipan ko siya!” ang umiiyak kong salita.

“Hala kang bata ka,ano bang sinasabi mo dyan? Nanaginip ka lang, buhay si Al at nag papahinga lang ito sa kanyang silid sa itaas. Kung ano anong iniisip mo. Tumayo kana dyan at puntahan siya doon.” Ang wika ni mama sabay tapik sa mukha ko. ’Oh ano, gising kana ba? Mag hilamos ka at parang natutulala ka pa.“ Ang dagdag pa nito sabay kurot sa aking ilong. Dito ko napag tatanto na panaginip lang pala ang lahat, mula sa ospital, pag kakaroon ng anak at kamatayan ni Al. “nga pala anak, noong mag collapse si Al kanina ay nag collapse ka rin, hindi namin alam kung sino sa inyong dalawa ang uunahin. Sinuri ka ng doktor at maayos naman daw ang lagay mo, labis ka lang nabigla. Si Al naman ay nilalagnat at kinombulsyon ito. Sa ngayon ay ligtas na sya.” Pahabol pa ni mama.

Noong mga sandaling iyon ay labis akong natuwa, tila may kung anong nabunot sa aking dibdib kaya’t nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko akalain na panaginip lamang ang lahat marahil ay ipinapakita lamang nito na limitado lamang ang buhay at ang oras kaya’t dapat ay gamitin natin ito sa makabuluhang bagay. “Salamat Lord, salamat at panaginip lamang ang lahat” wika ko sa aking sarili at doon ay nag ring ang cellphone.

Calling..

Aldrich.

“Hello” bati ko

“Nakakatampo ka tol, hindi mo man lang ako dalawin dito sa itaas.” Bungad nito na tila nag mamaktol.

“Buhay ka ba talaga?” tanong ko na tila hindi makapaniwala.

“Oo naman tol, anong akala mo sakin weak? Umakyat kana dito at halik mo lamang ang makaka gamot sa akin” ang biro nito kaya naman dali dali akong tumayo at nag tatakbo patungo sa 2nd floor kung saan ito naka confine.

Madaling gumaling si Al, at muli kaming nag sama ng masaya sa iisang bubong, katulad ng aking paniginip ay nag surrogate din ito ng punla upang mag karoon kami ng anak ayon na rin sa kahiligan ng aking mga magulang at mula dito ay mag bubukas ang mga panibagong yugto ng aming buhay bilang mag asawa.Katulad ko, ang aking kaibigang si Aj ay nag karoon din ng happy ending at ngayon ay mag kasama silang namumuhay sa probinsya at pinag sasaluhan ng wagas na pag mamahal sa isa’t isa.

Ang buhay isang napaka habang pag lalakbay, tiyak na daraan tayo sa iba’t ibang uri ng pag subok ngunit ang mahalaga ay patuloy tayong lumalaban sa hamon nito. Sa bawat hakbang na ating ginawa ay mapapagtanto natin na limitado lamang ang oras at ang bawat sandaling lumipas ay hindi na maaaring maibalik pa kaya naman sulitin mo ang panahon mo, tumakbo ka sa ilalim ng araw, maligo sa malakas na ulan, mag sayaw ng walang humpay, kumanta ng walang hanggan at umibig ng walang katapusan. Iyan ang mga bagay na itinuro sa akin ni Aldrich at kahit umabot ng mahabang panahon ay hinding hindi ko ito malilimot.

Nag simula lamang ito sa isang tawag..

Sino ba naman ang mag aakala na ang isang pag sagot sa tawag ng pag ibig ang siyang mag dadala sa amin ng walang katapusang kaligayahan. Salamat kay Al, salamat sa callmate ko.

Wakas.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.