loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ako at Si Prinsipe Yago (BXB 2014)

Ako at Si Prinsipe Yago (BXB 2014)

Ai Tenshi · 7 chapters · 9,427 words

TOP COMMENTS AND REVIEWS

AKO AT SI PRINSIPE YAGO (COMPLETED)

WRITTEN BY Ai_Tenshi

  ![](https://img.wattpad.com/b14e7b14401de0983aa0a93c3161e07541971d97/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f556b55625f48306f3573723958513d3d2d3933323132373033302e313632383634393433353136653364663835303731303534373639332e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/5a631b1ee535fce50e03e037d817f93192513ff7/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6a55347a764b54333939316536413d3d2d3933323132373033302e313632383634393539343936393237643634393130353832303937352e6a7067)

Ako at Si Prinsipe Yago

Book Cover by JohnLloyd Berzuela

Kulay ng Tag Ulan

Mula sa Panulat ng Mr. Genius X Mr. Blood Sucker, Sa Piling ni Lucario at My Guardian Devil

PAUNAWA:

“ Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po :)“

June 18, 2014

Wednesday

4:46pm

Ako at Si Prinsipe Yago

“Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Parang kahapon lamang ay normal pa ang aking pamumuhay, ngunit nang dahil sa isang pag kakamali ay nabago ang takbo ng aking mundo. Gusto ko na bumalik sa dati kung saan ang tanging masakit lamang ay ang sugat sa aking tuhod kapag nadarapa at hindi ang aking puso kapag nasasaktan” ito ang pag tangis ko sa aking sarili habang unti unting inilulubog ng malamig na tubig ng lawa ang aking katawan sa kailaliman nito.

Nakabukas ang aking mata habang nakatitig sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Ito ang liwanag na nag mumula sa buwan. Ramdam ko ang marahang pag ka ubos ng aking hininga hanggang sa unti unting nag balik sa aking ala ala ang lahat….

Part 1

Ako si Ned, 18 taong gulang. 5’8“ ang tangkad, sided na parang isang koreano ang buhok, mapula ang mga labi, matangos ang ilong at maganda ang hubog ng pangangatawan dahil batak ito sa gawaing bahay. Maputi ang aking balat at hindi naman sa pag mamayabang ngunit sinasabi nila na gwapo daw ako at hindi nalalayo ang itsura sa mga dugong bughaw sa kabila ng aking pagiging isang alipin.

“Ned! Gumising kana, may trabaho pa tayo sa bukid! Tatamad tamad ka na namang bata ka!” ang sigaw ni Tiyo Manuel habang kinakalampag nito ang pinto ng aking silid.

Agad naman akong bumalikwas sa aking pag kakahiga at agad nag ayos ng aking sarili. “Sandali lang tiyo, susunod na po ako”

Halos ganito lagi ang eksena namin ni tiyo Manuel tuwing umaga. Kami kasi ang nangangalaga sa mga bukirin ni Haring Rafael na sakop ng aming lugar. Ganito lang talaga ang kinabubuhay naming mga alipin o taga silbi sa palasyo. May tatlong uri kasi ng antas ng pamumuhay dito sa aming lugar, ang pinakamataas ay ang mga “dugong bughaw” na kinabibilangan ng mga hari, prinsipe, reyna at ilang mayayamang nilalang. Ang ika-lawa naman ay ang mga “gitna” o yung sakto lamang, hindi mayaman ngunit hindi rin naman mahirap. May mga pinag kukunan sila ng kabuhayan at yaman. At ang ikatlo naman ay ang “alipin” kung saan kami nabibilang, kami yung taga pangalaga ng mga ari arian ng mga mayayaman at taga silbi sa kanilang marangyang pamumuhay.

Sabi sa akin ni Tiyo Manuel, ang ama ko raw ay nabibilang dati sa mga “gitna” dahil matalik na kaibigan ito ng hari. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan daw ay bigla nalang silang nag away dahilan para ipinatapon ang aking ama sa himpilan ng mga alipin hanggang sa doon na ito bawian ng buhay. At tungkol naman daw sa aking ina, matagal na daw itong pumanaw dahil sa komplikasyon sa kanyang panganganak noong isilang ako. Kaya ngayon, tanging si Tiyo Manuel na lamang ang nag tataguyod sa akin.

Ngayon ay nasa 3rd year College na ako sa kursong Agrikultura, kasalukuyan akong nag aaral sa isang pambulikong paaral sa bayan kung saan ito rin ang paaralan ng ibang mga alipin na nais mag sipag tapos ng kanilang pag aaral. At dito naman sa bukid na aming pinag tataniman ay matatanaw mo ang isang magandang gusali na napapalibutan ang kulay pilak pa pader at magagandang palamuti, ito ang paaralan ng mga dugong bughaw at ilan sa matataas na antas sa lipunan. Kaiba ito sa aming paaralan na kahoy lamang at lumang pader ang nag sisilbing pundasyon.  Bakit ko ito sinasabi? Wala lang mga tol, gusto ko lang malaman nyo kaibahan ng alipin at ng mga mataas na antas sa lipunan.

“Hoy Ned! Ano ba yang iniisip mo? Bilisan mo ang pag tatanim dahil baka maabutan tayo ng bantay ng mahal na hari, tiyak na magagalit ang mga iyon dahil sa kupad nating mag trabaho!!” ang sigaw ni Tiyo

“Pasensya na po Tiyo, may bigla lang akong naisip”

“Saka mo na isipin ang bagay na iyan. Kung ano man iyan ay paniguradong makapag hihintay ito. Bilisan mo na ang pag gawa dahil may pasok ka pa sa eskwela mamaya.”

Ipinag patuloy ko ang pag tatanim at pilit na winaglit ang mga bagay na gumugulo sa aking isip.  Kung sa bagay, kahit na paulit ulit ko mang isipin ang malaking pag kakaiba ng agwat ng pamumuhay namin sa mga maharlika ay wala rin namang mababago, bagkus mas lalo pang liliit ang tingin ko sa aking sarili. Pero ganoon siguro ang buhay, hindi ka magiging matatag kung hindi ka haharap sa mga hamon nya.

Matapos ang aming trabaho sa bukid, nag paalam na ako kay tiyo dahil may pasok pa ako sa eskwela, nilalakad ko lang kasi ito mula sa aming bahay patawid ng pilapil, kinakailangan ko pang dumaan sa isang naka sabit na tulay para makarating dito kaya naman masasabi kong isang malaking sakripisyo ang pag pasok sa kolehiyo para sa aming mga alipin. Ngunit dahil nga sanay kami sa gawaing bahay at banat ang aming katawan sa pag gawa, hindi na namin alintana ang hirap ng pag tahak dito.

Marahil ay tinatanong nyo kung bakit kailangan pa namin mag tapos kung gayong isa lang kami sa mababang antas ng lipunan? Ang kasagutan dyan ay napaka simple lang, “upang makalayo” sa lugar na ito at magsimula ng bagong buhay sa labas ng kaharian. Ang mga taong nakapag tapos kasi ay malayang makalabas masok sa tarangkahan ng kaharian ng hindi nahihirapan o hinaharang. Kaya marahil ay isa ito sa naging pangarap ko.

“Tol, nabalitaan mo na ba?” tanong ni Abel habang palapit ito sa akin.

Si Abel ang aking kababata dito sa himpilan ng mga alipin, kasing edad ko siya at halos kasing tangkad ko rin. Maganda ang pangangatawan, matangos ang ilong, maganda ang mga mata, mapula na parang makopa ang labi at kayumangi ang balat. Kuha nga nya ang titulong tall dark and handsome kung tutuusin.

“Alin tol?” tanong ko na halatang walang ideya sa kanyang sinasabi

“Usap usapan dito sa paaralan na mag dodonate daw si haring Rowan ng mga bagong silya at bagong mga silid aralan. Hayun nga o, may sulat na ipanadala dito yung anak nya na si Prinsipe Yago na nag sasaad na tutulong nga daw sila”

“Eh sino naman yang Yago na iyan?”

“Si Prinsipe Yago yung anak ni haring Rowan ang totoo nun ay wala pang nakaka kita sa kanya ng personal dahil sobrang dalang daw talaga nitong lumabas ng palasyo. Ang usap usapan nga doon sa bayan, madami daw pinalayas na taga silbi sa palasyo ang prinsipe dahil may kasamaan daw ang ugali nito.”

“Kung may kasamaan pala ang ugali nya, bakit kaya tutulong pa siya dito sa paaralan natin? Baka naman may binabalak yan” pag tataka ko

“Hmmm, hindi natin alam tol, basta wala tayong paki alam sa kanya o sa kahit na kanino pa sa palasyo. Ang mahalaga sakin ay mag kasama pa rin tayo hanggang sa makatapos tayong dalawa.” ang sabi ni Abel sabay akbay sa akin.

“Oo naman tol, mag best friend tayo at pangako ko sayo na hindi kita iiwan, sabay tayong mag tatapos at aalis sa lugar na ito”

Mag ka klase kami ni Abel, simula pa noong mga bata pa lamang kami. Sabi nga nila ay magkarugtong daw ang mga bituka namin dahil kung nasaan sya ay nanduon din ako. Sabay kaming lumaki at nag kaisip. Sabay din kaming tinuli hanggang magbinata kaming dalawa. Sadyang napaka lalim ng aming samahan at pakiramdam ko nga ay kulang ang aking buhay kapag wala siya sa paligid o maging sa aking tabi. Ganyan kami ka lapit ni Abel sa isat isa.

Matapos ang aming klase, agad kaming dumeretso pauwi ng aming bahay. Halos abutin kami ng dilim sa pag lalakad dahil may kalayuan din ito at hindi  biro ang pag tawid sa nakasabit na tulay sa itaas ng burol dahil delikado rito.

Alas 8 ng gabi noong makarating ako sa aming bahay, palapit palang ako ay naaaninag ko na ang mga tao sa aming bakuran kaya naman dali dali akong nag lakad patungo dito. Habang palapit ako sa aming tinitirhan ay isang malaking katanungan ang namuo sa aking isip matapos kong makita ang mga kawal ng hari na nakapalibot sa aming bahay. “Ano naman kayang nangyari at bakit nandito ang kawal ng palasyo? May ginawa bang masama si Tiyo? o baka hindi nila nagustuhan ang mga pag tatanim namin kanina sa ibang bukirin nila?” ito ang mga katanungan na namuo sa aking iisip habang kabadong lumalakad patungo sa kanila.

Habang pumapasok ako sa loob ng bakuran ay naririnig ko si Tiyo Manuel na may kausap at parang nag kakainitan sila. “Matagal nang patay ang aking kapatid, hindi nyo na dapat kami ginugulo!”

“Hindi naman kita ginugulo Manuel, nais ko lang tuparin ang napag kasunduan namin ni Daniel bago siya mamatay.” ang boses ng lalaking kausap ni Tiyo.

“Bakit nya kilala ang aking ama na si Daniel? Saka bakit galit na galit si Tiyo Manuel sa kanila?” bulong ko sa aking sarili habang mabilis na pumapasok sa loob ng aming bahay. Hindi ko na pinansin ang mga kawal sa labas ng bahay bagamat mga naka tingin sila sa akin na para akong isang kriminal.

Pag pasok ko sa loob ng bahay, tumambad sa aking harapan ang isang lalaki na naka suot ng magarbong kasuotan, makintab ang tela ng kanyang damit at talaga namang napaka mamahalin ng dating. “Tiyo ano po ang nangyari?” ang pag sabad ko sa kanilang usapan.

“Dumating kana pala Ned, Mag bigay pugad ka sa mahal na hari” utos ni Tiyo bagamat halatang nagagalit ito

Agad akong yumuko at nag bigay galang sa mahal na hari, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin noong mga oras na iyon dahil ngayon ko lang nakita ang Hari sa talang buhay ko at bukod pa roon ay hindi ko rin ang sanhi ng pag parito nya. “M-maligayang pag dating po mahal na Hari”

“Ikaw ba ang anak ni Daniel?” ang tanong nito sa akin

“Ako nga po mahal na hari. Ano po ba ng ang kailangan nyo sa aking ama? Matagal na po siyang pumanaw dahil sa isang malubhang karamdaman” tugon ko habang naka yuko.

“Alam ko, nabalitaan ko ang pag panaw ni Daniel matagal na panahon na ang nakalilipas” sagot ng hari

“Kung gayon, sino po ang kailangan nyo?” tanong ko

tahimik..

Lumapit sa akin ang mahal na Hari at hinawakan nito ang aking ulo sabay sabing “Ikaw ang pinunta ko rito”

Parang isang basong malamig na tubig ang isinaboy sa aking mukha noong mga oras iyon. Tila binalot ng kaba ang aking buong pag katao, bakit naman kaya ako ang pakay ng hari? May atraso ba ang aking ama sa kanya at ako ang nais nyang pag bayarin nito?

“A-ano po ang kailangan nyo sa akin? Isa lang po akong alipin, paniguradong wala po kayong makukuhang kahit na ano sa akin”

“Mahal na hari, kung ano man ang naging kasunduan nyo ang aking kapatid na si Daniel, maaari po bang kalimutan mo na ito dahil walang anak na babae ang aking kapatid. Si Ned lamang ang kanyang anak kaya imposible itong ipakasal sa inyong anak” ang sabad ni Tiyo Manuel

“Ang totoo non, hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko kay Daniel dahil sa ginagawa nilang panlilinlang sa akin. Ngunit dahil sa matalik kong kaibigan si Daniel, at malaki ang naitulong nito sa akin bilang aking kanang kamay, kaya naman nais kong kalimutan na ang nakaraan at tuparin ang ano mang napag kasunduan namin.” paliwanag ng hari

“Napag kasunduan? Mahal na hari alam mong hindi ito maaari!” ang mataas na boses ni tiyo habang napahawak ito ng mahigpit sa silyang kinauupan. Samantalang ako naman ay nakatingin lamang sa kanilang dalawa. Wala akong alam sa pinag uusapan nila at naguguluhan ako sa mga pangyayari.

“Ano po bang nangyayari? Anong kasunduan? Anong kinalaman ng aking ama rito?!” ang tanong ko na tila nag hahanap ng kasagutan sa aking magulong isipan.

“Matagal ko na itong napag desisyunan Manuel. Ito lamang ang paraan upang makabawi ako sa malaking pag kukulang kay Daniel sa mga taong nasa paligid nya. Hayaan nyong tuparin ko ang aming sumpaan ng iyong kapatid.” ang sagot ng hari at biglang tumayo ito sa kanya kinauupuang silya.

“Pero mahal na hari. Lalaki si Ned! Hindi maaari ito!” ang sigaw ni Tiyo Manuel

Ngunit hindi natinag ang mahal na hari. Tumayo ito ng matuwid at nag wika. “Ang aking salita ay batas! Ikaw Manuel ay titira sa Palasyo kasama ng binatang ito!” sabay turo sa akin.

tahimik ulit..

Muli itong nag wika: “Ikaw Ned na anak ni Daniel ang makakaisang dib dib ng aking Anak na si Yago ayon na rin sa aming napag kasunduan ng iyong ama! Kung sasaway kayo sa aking nais, ihanda nyo na ang inyong sarili para harapin ang kamatayan!”

Tila isang malakas na bomba ang sumabog sa aking tenga noong mga sandaling iyon. Binalot ako ng matinding kaba at takot. Wala akong kamalay malay na ito na pala ang simula ng malaking pag babago sa aking buhay.

Itutuloy..

Ako at si Prinsipe Yago Part 2

Ako at si Prinsipe Yago

AiTenshi

June 30, 2014

fb ai_tenshi@rocketmail.com

Part 2

“Aalis na ako, ipapasundo ko na lamang kayo sa isang linggo kapag natanggap nyo na ang lahat” wika ng hari at agad nitong tinahak ang daan palabas ng bahay kasama ang kanyang mga kawal.

tahimik..

Naiwan kami ni Tiyo Manuel na nakatulala at nakatahimik sa loob ng aming munting dampa, halos gulong gulo ang aking pag iisip at hindi ko malaman kung paano babasagin ang katahimikan na lumukob sa paligid bagamat nais kong malaman ang katotohanan kung bakit ako ipapakasal sa anak ng mahal na hari kung gayong batid ng lahat na pareho kaming lalaki.

“Ned, kumuha ka muna ng tubig at makakain sa kusina.” utos ni tiyo Manuel bagamat halata rin sa kanya ang labis na pag iisip

Wala naman akong nagawa kundi sundin sya, kaya naman dali dali akong nag punta sa kusina upang kumuha ng aming hapunan. Agad ko itong dinala sa sala at doon ay umupo ako sa tabi ni tiyo habang pinag mamasdan itong kumuha ng pag kain. “Ano pang tinutunganga mo dyan? Kumain kana rin” utos nito.

“Opo tiyo, pasensya na. Iniisip ko lang kasi yung eksena kanina. Gusto ko lang malaman kung bakit ganoon nalang kayo kalapit ng aking ama sa mahal na hari. At saka bakit nya ako ipinag kakasundo sa anak nya? Ano po bang kasalanan ang ginawa nyo ni papa?” tanong ko

Nahinto si Tiyo Manuel sa pag nguya ng pag kain at ibinaling nito ang kanyang tingin sa akin “Wala kaming kasalanan ng ama mo sa mahal na hari, nag kataon lang na hindi umayon ang pag kakataon sa nais nya”

“Ano pong ibig nyong sabihin?!”

“Gusto mo ba talaga malaman kung bakit?” tanong nito

“Opo tiyo, gusto kong malaman ang puno’t dulo ng lahat. Hindi ko lubos maunawaan ang mga nangyayari kaya naguguluhan pa ako hanggang ngayon”

“Siguro ay panahon na nga upang malaman mo ang lahat. Halika sumunod ka sa akin” ang sabi ni tiyo at nag tungo kami sa likod bahay kung saan may isang malaking puno ng mangga. Kinuha nya ang pala at nag hukay siya sa paanan nito.

Halos tumagal ng 10 minuto ang pag huhukay ni Tiyo Manuel sa lupa hanggang sa ilang saglit pa ay tumambad sa aking harapan ang isang maliit na banga. Lumang lumang na ito at halos nangitim na sa katagalan. “Halos labing siyam na taon na itong nakalibing sa ilalim ng punong ito.” paliwanag ni Tiyo habang inaalis ang takip sa naturang banga.

Doon ay tumambad sa aking mata ang laman nito, nakabalot sa isang puting tela ang isang container na may lamang ibat ibang klaseng gamot. May mga tableta, kapsul, at ang iba naman ay mga likido na naka bote pa at halatang hindi pa nabubuksan. Kaya naman laking pag tataka ko kung ano at para saan ba ang napakaraming gamot na ito. “Ano po iyan tiyo?” tanong ko habang nakatitig sa lumang banga

“Dito nag simula ang lahat… Ito ang sikreto ni Daniel ang iyong ama. Natatandaan ko pa ang lahat, tag araw noon at masaya kaming nag lalaro ni Daniel at Rowan sa ilalim ng init ng araw. Bata palang kami ay matalik na kaming mag kakaibigan ng iyong ama at ni Haring Rowan. At dahil na rin sa sabay sabay kaming lumaki, naging mas malapit pa kami sa isat isa. Hanggang sa lumipas ang panahon ng aming pag bibinata, si Rowan ang naupo bilang pinakabatang hari ng palasyo at ang iyong ama naman na si Daniel ang tumatayong kanang kamay nya dahil mas malapit sila sa isat isa kaysa sa akin, kaya ako naman ay naging heneral ng mga kawal ng palasyo ayon na rin sa kagustuhan ng hari.

Hindi matatawaran ang pag kakaibigan ni Haring Rowan at Daniel dahil ang bawat desisyon at pag paplano sa palasyo ay silang dalawa ang nag papasya. Labis kasi siyang pinag kakatiwalaan ng hari kaya’t ang bawat salita ni Daniel ay kasing bigat din ng salita ng hari.

Lumipas pa ang mga taon, at naganap ang ikatlong digmaang pambansa. Sa gitna ng labanan ay nalagay sa bingit ng alanganin ang buhay ng hari, sa makatuwid ay muntik na itong mapaslang. Maraming salamat na lamang kay Daniel na nag ligtas sa kanyang buhay. At dahil dito, muling kinilala ng lahat ang iyong ama dahil na rin sa angking katapangan at katapatan nito sa Hari.

Matapos ang digmaan, nag pasya ang hari at ang iyong ama na gumawa ng isang kasunduan na mag bubuklod sa kanila at iyon ay ang pakikipag kasundo sa kanilang magiging anak. Sa makatuwid, ipapakasal ng hari ang kanyang anak sa magiging anak ng iyong ama. At sinang-ayunan naman ito ng mag kabilang partido.

“Teka muna tiyo, bakit pumayag ang aking ama na makipag kasundo kung gayong hindi naman sya sigurado na babae ang kanyang magiging anak? At hindi rin naman sigurado ng hari kung ano ang magiging anak nya?” ang pag tatakang tanong ko kay Tiyo Manuel

“Magandang katanungan iyan Ned, dahil ang susunod ikukwento ko ay ang pag kakaroon ng anak ng bawat partido” tugon ni tiyo

Muling nag salaysay si Tiyo Manuel tungkol sa nakaraang buhay ng aking ama at ni Haring Rowan. Ang bawat salitang binibitiwan nya sa aking harapan ay nag sisilbing isang susi upang mabuksan ang katotohanan sa likod ng isang kasunduan. “Lumipas pa ang ilang taon, nag dalang tao ang asawa ng hari at nag silang ito ng isang malusog na sanggol na lalaki at pinangalanan itong Yago. At dahil nga lalaki na ang anak ng hari kinakailangan ay maging babae ang anak ni Daniel kaya’t pilit ginawa ng hari ang lahat upang maisakatuparan ang kanilang kasunduan kaya naman pinatawag ng hari ang lahat ng pinaka sikat at mahuhusay na mang-gagamot sa buong kaharian upang siguraduhing babae ang maisisilang na sanggol ng asawa ni Daniel.

Kung tutuusin ay hindi nag kulang ng suporta ang hari dahil mga mamahaling gamot at inuming pang medisina ang ibinibigay nya kay Daniel upang makatiyak na babae ang isisilang na sanggol ng kanyang asawa. Ngunit habang tumatagal ay humihina ang asawa ni Daniel dahil narin sa ayaw tanggapin ng katawan nito ang katakot takot na gamot na pinapainom sa kanya kaya naman nag pasya si Daniel na itigil na ang pag bibigay nito sa kanyang asawa. Inutusan nya ako na itago at ibaon sa lupa ang lahat gamot na ibinibigay ng hari kanila. At ito ang mga gamot na nasa lumang banga na nakalibing sa ilalim ng lupa matagal na panahon na ang lumipas.

“Mas mahalaga ang buhay ng aking asawa, at ang buhay ng aking anak. Hindi ko hahayaang malagay sila sa peligro ng dahil sa kagustuhan ng hari” ito ang natatandaan kong wika ng iyong ama habang itinatakas nya ang kanyang asawa palabas ng palasyo.

Noong mga oras na iyon, walang kamalay malay ang hari sa ginawang pag lisan ni Daniel at ng kanyang asawa sa palasyo. Doon sila tumira sa gitna ng kakahuyan kung saan magiging tahimik at payapa ang kanilang pamumuhay. Hanga pa rin ako sa ipinakitang katapangan at lakas ng loob ng aking kapatid kaya naman malugod kong sinuportahan ang lahat ng kanyang naging desisyon bagamat mapanganib at labag ito sa kagustuhan ng naka taas ngunit dahil nga malakas ng loob ng iyong ama, nagagawa nyang gawing posible ang akala mo ay imposibleng gawin.

Lumipas ang ilang buwan, dumating na ang araw ng pag silang sa anak ni Daniel, ngunit sa araw ding iyon, kailangan nyang mamili kung sino ang bubuhayin. Ang anak ba? O ang kanyang asawa? Sadyang naging mahirap kay Daniel ang pag papasya kaya wala itong nagawa kundi umiyak na lamang.  Ngunit sa kabila ng lahat, nangibabaw pa rin ang pag mamahal ng isang ina sa kanyang anak kaya nag pasya pa rin ang iyong ina na iligtas ang kanyang dinadala kapalit man nito ang kanyang sarili buhay.

At makalipas ang ilang oras. Isinilang ang isang sanggol na lalaki at pinangalanan itong Nedriko..

Noong mga oras na iyon ay ibayong tuwa ang naramdaman ng iyong ama dahil kawangis na kawangis mo ang iyong ina. Nawala man sa piling ng iyong ama ang kanyang asawa, may naiwan naman na isang biyaya na galing sa kanya at iyon ay ikaw Ned. Kaya may dahilan pa rin si Daniel para matuwa.

Wala itong mapag sidlang ligaya sa kabila ng nabigong kasunduan na siyang babago sa takbo ng aming pamumuhay..

 itutuloy

Ako at Si Prinsipe Yago Part 3

Ako at si Prinsipe Yago

AiTenshi

July 2, 2014

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo, ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang  mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po

Part 3

Ngunit kagaya nga ng isang kasabihan na “May tenga ang lupa at may papak ang balita.” Agad nakarating sa mahal na hari ang balita na nag silang ng isang sanggol na lalaki ang asawa ni Daniel at hindi nya ito kinatuwa. Dahil dito, napag balingan nya ng galit ang mga “palpak” na mang-gagamot na nag bigay ng mga kagamitang medisina sa mag asawa. Kaya naman agad nyang pinatawag ang mga ito at hinatulan ng parusang kamatayan. Noong mga panahong iyon, halos naubos ang magagaling na mang gagamot sa buong kaharian, ang ilan sa kanila ay napaslang at ang iba naman ay lumisan sa malayong lugar upang makatakas.

Lumipas ang ilang araw, muling nag harap si Daniel at ang Hari, doon ay hindi na naitago ng hari ang kanyang galit sa kaibigan,  kaya naman ipinatapon nya ito sa himpilan ng mga alipin kasama ako at ang sanggol na isinilang ng kanyang asawa. Nawalan kami ng posisyon at kapangyarihan sa palasyo at mula noon ay namuhay kami ni Daniel kasama ng mga alipin  sa lugar na ito. “At mag buhat noong mamatay ang iyong ama, ako na ang nag alaga at nag taguyod sayo. Sa akin napunta ang lahat ng responsibiladad ng aking kapatid”

Tahimik..

Tila napipi ako sa aking mga narinig, doon ay ibayong lungkot ang lumukob sa aking pag katao kasabay nito ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Hindi ko alam na isang malaking kamalasan at pag kakamali pala ang pag silang sa akin sa mundong ito. Ngunit bakit kailangan kalabanin ng hari ang likha ng may kapal kung gayong wala naman siyang kakayahan na baguhin ang kasarian ang isang tao kahit nasa sinapupunan pa ito ng isang ina. “Napaka sama pala talaga at napaka babaw ng hari!!“ang sigaw ko sa aking sarili

“At ngayon, hindi ko alam kung anong hangin ang pumasok sa utak ng hari at naisipan nyang tuparin pa rin ang nabigong kasunduan nila ni Daniel!” wika ni tiyo

“Pareho kaming lalaki! Bakit kami ipapakasal? Hindi magandang tingnan iyon!” pag mamaktol ko

“Hindi ko rin maitindihan, ngunit sa aking palagay ay itinakda ang lahat ng ito. Naniniwala pa rin ako na ang bawat pang yayari sa ating buhay ay may dahilan at hanggang ngayon ay pinang hahawakan ko pa rin ito”

“tama ka tiyo, ngunit hindi ko lang talaga makita ang dahilan kung bakit ako mag papakasal sa kapwa ko lalaki.”

“Ned, sa kahariang ito, malaya ang bawat taong makipag relasyon sa kasariang gusto nila basta’t masaya sila. Hindi humahadlang ang palasyo sa pakikipag relasyon ng kanyang nasasakupan sa kaparehong kasarian basta masaya ang mga ito at maayos na namumuhay. Yung hindi nila sinusuway ang kahit na anong batas na maaaring ikapahamak nila katulad ng pag labag sa kautusan ng hari o ng palasyo.” paliwanag ni Tiyo

“Anong ibig mong sabihin tiyo?”

“Sa makatuwid, sa kahariang ito legal ang pag papakasal ng dalawang mag kaparehong kasarian hanggat wala silang nilalabag na batas ay aayunan ng palasyo ang lahat”

“Ibig sabihin maaari talaga akong ikasal kay Prinsipe Yago?” ang tanong ko

“Posible iyon Ned.”

Parang isang matigas na tubo ang hinataw sa aking ulo matapos kong malaman na legal pala ang pag papakasal ng dalawang lalaki o babae sa kaharian ito. Sa makatuwid, wala akong takas maliban nalang kung ang prinsipe Yago mismo ang tatanggi sa nais ng kanyang ama. “Grabe! nakaka loka na talaga ito!”

Kinabukasan, halos naging usap usapan sa bayan at maging sa buong himpilan ng mga alipin ang balitang pag papakasal ko sa isang dugong bughaw, bagamat hindi nila alam na sa prinsipe ako nakatakdang ikasal, maugong pa rin ang balitang iyon na halos gumimbal sa aking mga kamag aral at maging kay Abel na aking matalik na kaibigan. “Tol, nabalitaan ko na nakatakda ka daw ikasal sa anak ng hari dahil sa kasunduan ng inyong mga magulang mahabang panahon na ang lumipas” tanong ni Abel

Hindi agad ako naka imik at nabaling na lamang ang aking tingin sa di kalayuan at doon ay maigi kong pinag masdan ang luntiang tanawin. “Hindi ko alam tol, masyadong magulo ang isip ko”

tahimik..

Mahangin..

“Kung sa bagay, mahirap nga naman paniwalaan na ikakasal ka sa taong di mo naman kilala. Pero mas mahirap paniwalaan na lalayo ka sa akin tol.” pag basag nya sa katahimikan

“Kung ako ang masusunod, gusto ko na lumayo sa lugar na ito. Gusto kong lumipad katulad ng mga ibon o kaya lumangoy kagaya ng mga isda. Mabuti pa sila may pag kakataong lumaya at hindi katulad natin na habang panahon nang inaalipin ng palasyo” ang tugon ko

“Ned, tol maaari ka naman maging malaya, kung gugustuhin mo lang.”

“Pero paano?”

“Hindi ko alam, ano kaya kung itakas kita at ilayo sa lugar na ito? Tutal ayoko naman talagang matali ka sa taong di mo naman gusto”

“Kung maaari nga lang, ngunit natatakot naman ako dahil baka ito pa ang ikapahamak mo. Maaari tayong hatulan ng kamatayan o kaya’y ipatapon sa ibang lugar kapag nahuli tayo ng mga kawal ng hari”

“Kung mag papakasal ka, para ka na ring nabilanggo tol!!”

“Kung mag papakasal man ako, hindi dahil sa gusto ko ito. Kundi dahil sa benepisyong makukuha ko kapag parte na ko ng palasyo. Mag kakaroon na ako ng pag kakataon upang itaas ang bandila ng mga alipin at palayain sila sa himpilan ng kanilang kinasasadlakan! Ito lang muna ang plano kung sakali nga na matuloy ang kasunduan ng aking ama at hari.

“kailan daw ang takdang araw ng pag alis mo?” ang muling tanong ni Abel

“Hindi ko alam tol, isang linggo lang ang ibinigay na palugit ng hari.”

“So sa isang linggo na pala tol”

“Siguro..”

Parang may kung lungkot ang gumuhit aking dib dib habang naka tingin sa luntiang tanawin ng mga bukirin. Sa tuwing sumasagi sa aking isip na malalayo ako sa aking kababatang si Abel ay nakakaramdam ako ng pag kabigo at hindi maisalarawang kalungkutan. “Paano ba ko mag papa alam sayo Abel?” ang tanong ko habang nakatingin sa kanyang mga mata, doon ay hindi ko na naitago ang aking malungkot na emosyon.

“Tol, makinig ka.. Ang totoo nun ay nalulungkot din akong umalis ka pero ang labis na ikinalulungkot ko ay ang katotoohanang kaya ka aalis ay dahil mag papakasal ka sa iba.” sagot ni Abel at bigla akong niyakap nito ng mahigpit

“A-ayokong umalis.. natatakot ako..” ang tanging nasabi ko at hindi ko napigil ang aking pag iyak

“Natatakot din ako.. Takot na takot tol” ang bulong nito sabay halik sa pisngi ko.

Halos ilang minuto rin kaming mag kayakap ni Abel habang umiihip ang malamig na hangin sa aming mga katawan, tila isang perpektong eksena sa isang pelikula ang tagpong iyon. Isang pelikula kung saan mag hihiwalay ang dalawang bidang karakter ang kaibahan nga lang ay wala kaming background music o kayay narrator na nag sasalita para ilarawan ang bawat eksena na aming ginagawa.

Mabilis lumipas ang mga araw, at dumating na nga ang araw ng aking pag alis. Umaga palang ay pinalibutan na ng mga kawal ng hari ang aming munting tirahan na para bang isang kaming kriminal na aarestuhin at ibibilanggo sa piitan. Grabe talaga, nais daw kasi ng mahal na hari na matiyak na hindi ako gagawa ng kahit na anong gusot katulad ng pag takas o pag bali sa bagay na itinakda katulad ng ginawa ng aking ama kaya hindi tuluyang sumisikat ang araw ay naka abang na sila sa paligid. “Master Ned, pinag uutos ng mahal na haring Rowan na dalhin ka na sa palasyo ngayon din” ang sabi ng kanilang kapitan habang kinukuha ang lahat ng aking kagamitan.

“Maaari ba akong dumaan sa paaralan para mag paalam man lang sa aking mga kaibigan?” tanong ko

“Kayo po ang masusunod master Ned, basta’t kinakailangan bago ang hapunan ay makarating tayo sa palasyo ayon na rin sa utos ng hari”

Ayun nga ang set up, alas 10 ng umaga noong mag pasya kaming dumaan sa paaralan na aking pinapasukan, katulad nga inaasahan ko ay bumuhos ng luha at malungkot na eksena ang kaganapan sa paligid. Syempre naman katulad nga lang lagi kong sinasabi, walang madali sa pamamaalam. Ito na yata ang pinaka mahirap na parte sa lahat. Bago ako tuluyang umalis, nag tipon tipon pa ang aking mga kamag aral sa ground para lamang alayan ako ng isang kanta at iyon ang nakapag pa luha sa akin ng lubos.

If we hold on Together

Mp3 4shared

“Mag iingat ka tol, laging bukas ang aming himpilan para sa saiyo. Wag mo kaming kakalimutan dahil mahal na mahal ka namin” ang sabi ni Abel habang isinusuot sa akin ang kanyang kwintas. “Ingatan mo to tol, ito ang mag papa alala sa iyo na minsan may isang Abel na nadumaan at naging parte ng buhay mo. Sa tuwing malulungkot ka lagi mo lang itong hawakan at alalahanin na nandito lang ako para sa iyo. Mag iingat ka tol, huwag kang makakalimot”

“Babalik ako tol, pangako. Maraming salamat sa lahat. Salamat sa masasayang araw na pinag samahan natin, aaminin kong hindi naging madali ang buhay natin ngunit naging masaya naman ito dahil kasama kita. Paalam tol. Hanggang sa muli..”

Isang mahigpit na yakap ang ginawad ko kay Abel, kasabay nito ang isang pangako na ako ay mag babalik at palalayain ang mga tao sa himpilan ng mga alipin. Pantay pantay lamang tayong mga nilalang kaya ang bawat isa ay may karapatang lumaya at maging masaya. Ngayon ay tatahakin ko ang kakaibang buhay na kahit sa panaginip ay hindi ko pa nasilayan. Bagong buhay, bagong pag subok. Hindi ko alam kung anong ang nag hihintay sa akin ngunit nanangako sa aking sarili na magiging matatag at malakas sa lahat ng oras.

itutuloy..

Ako at Si Prinsipe Yago Part 4

Ako at si Prinsipe Yago

AiTenshi

fb ai_tenshi@rocketmail.com

Hi to Mr. Enzo Lawrence of San Fernando Pampanga. Happy Birthday.

July 5, 2014


Part 4

Sakay ng isang magarang karwahe, tinahak namin ang daan patungo sa palasyo. Sa kabilang karwahe naman ay nakasakay sina tiyo at ang iba pang heneral ng kaharian. Habang papalapit ang bayan kung nasa naroroon ang palasyo, hindi ko maiwasang kabahan at mag isip ng kung ano anong bagay, ang masaklap pa rito ay puro negatibo ang gumugulo sa aking kaloob looban. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa mga kawal ang tungkol kay Prinsipe Yago. Siyempre gusto ko rin naman mag karoon ng konting background o impormasyon tungkol sa kanya, kung ano ba ang paboritong sports nito, paboritong kulay o pag kain man lang  Naisip ko kasi na sadyang mahirap pakisamahan ang isang taong hindi mo pa naman lubos na kilala O yung taong ngayon mo palang makikita.

“Naku pasiensya na po master, hindi namin alam ang ugali ng Prinsipe. Basta ang naririnig lang namin ay medyo mainitin daw ang ulo nito at mabilis mapikon kapag natatalo sa kahit na anong laban. Ang totoo nun ay ilang beses palang namin nasilayan ang mukha ng Prinsipe Yago, madalang kasi itong lumabas at bumisita sa himpilan ng mga kawal.” ang paliwanag nila

“Ganon ba? Nakuu eh, baka naman may kasamaan ang ugali ng Prinsipe. Huwag na kaya akong tumuloy?” ang sabi ko na tila nakaramdam ng kaunting pangamba

“Naku, hindi po maaaring umurong master. Umaasa ang mahal na hari na kasama ka namin sa aming pag babalik. At isa pa ay maaari kaming maparusahan kapag pumalpak ang aming misyon”

“Edi wala talagang ibang pamimilian kundi ituloy ang kabaliwang ito?” tanong ko

“Ganoon na nga po master Ned”

Hindi na ako naka imik, at itinuon ko nalang aking tingin sa tanawin sa labas ng bintana. Sa labing walong pananatili ko rito sa mundo, ngayon lamang ako nakapag lakbay ng ganito kalayo. Tama nga sila, napakaganda ng mundo sa labas himpilan ng mga alipin. Kung makikita lang ito ni Abel at ng iba pa ay tiyak na mamangha sila sa ganda nito. Nag tataasan at nag lalakihan ang mga gusali, ang mga tao ay naka bihis ng magagandang kasuotan na animo ang lahat ay may pag titipon na dadaluhan. “Ganito ba talaga mag damit ang mga dugong maharlika? Makakapal ang kanilang mga suot at napapalibutan pa ng mga kumikinang na alahas sa katawan.”

“Master, tingnan nyo po ang malaking larawan na iyon. Ang billboard pong iyan ay si Prinsipe Yago” ang sabi ng kawal habang nakaturo ang daliri sa isang dambuhalang larawan ng isang lalaki sa gilid ng daan.

Larawan ito ng isang lalaking nakasandal sa isang napaka garang kotse, todo postura ito na parang isang modelo. Malakas ang dating nya sa larawan na tila isang artista sa telebisyon. Naka brush up ang buhok, nakaka silaw na ngiti at napaka perpektong mukha ang tumambad sa aking paningin. Bagamat naka suot ito ng itim na tuxedo, bakas na bakas pa rin ang ganda ng kanyang katawan na parang nililok sa perpektong hugis. “Tao ba talaga to?” ang tanong ko sa aking sarili habang naka titig sa larawan.

“Iyan po si Prinsipe Yago. ang itinakda para maging kabiyak nyo” ang singit isang kawal

“Naku e, sa lakas ng dating nya at napaka gwapong anyo nito mukhang hindi nya ako pag aaksayan ng panahon o papansinin man lang hahaha” biro ko lang bagamat binalot ako ng kakaibang kaba

“Ano ba ka ba master. Gwapo ka rin naman at hindi ka mag papahuli sa kanya. Maniwala ka sa amin, ngayon ay may kalaban na sya sa palasyo pag dating sa pa gwapuhan” biro ng kawal

“Haha wag nyo nga ako biruin ng ganyan baka maya maya ay patulan ko iyan!”

“O, edi patulan nyo po, nag sasabi lang naman kami ng totoo master Ned”

Halos napuno ng tawanan ang buong karwahe, mukha unti unti ko nang nakukuha ang loob ng mga kawal atleast diba kahit sila man lang maging karamay ko sa loob at labas ng palasyo. Bagamat sa kabila ng mga tawanan at biruan ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan at mag alala sa kung anong klaseng buhay ang nag hihintay sa akin doon, at isa pa ay kung paano ba ako makapag aadjust dahil mas sanay ako sa trabahong alipin. Kahit sino naman na subuan mo ng kaning mainit ay mabibigla kung hindi dadahan dahanin.

Habang papalayo ang aming sinasakyan sa higanteng larawan ng prinsipe ay halos hindi pa rin humuhupa ang pag hanga ko sa kanya. Mula sa magandang mata, matangos na ilong, mapulang labi, nakakabighaning ngiti at matikas na tindig. Napaka perpekto nya, makapangyahiran ang kanyang pamilya at naka salta sa magandang uri ng pamumuhay.

“Ilang sandali nalang po ay mararating na natin ang palasyo” wika ng kawal na nag mamaneho

Noong marinig ko iyon, ay muli nanamang nangatog ang aking tuhod, binalot nanaman ako ng di maipaliwanag na kaba at excitement.  Ganito ka roller coaster ang  feeling. Para na tuloy akong masisiraan ng bait noong mga sandaling iyon. “Ayos lang po ba sa mahal na hari na ipakasal ako sa anak nya kahit pareho kaming lalaki?” ang pag lilinaw ko

“Siguro Master, kasi hindi naman mag uutos ang hari kung hindi ito seryoso hindi ba?” sagot ng isa

“Ganoon ba?” matipid kong sagot na halatang nag aalangan sa aking gagawin.

Makalipas ang ilang oras na pag lalakbay, narating namin ang tarangkahan ng palasyo. Halos lumuwa ang aking mata sa sobrang pag kamangha sa laki nito.  Isang tarangkahan na parang wall of china ang dating at napapalibutan ng mga kawal ang bawat kanto nito. “Master Ned, ito ang tarangkahan ng palasyo.  Matagal na panahon na noong itinayo ito. Ginagamit ito upang maprotektahan ang palasyo sa mga mananakop.”

“Wow” ang tanging nasabi ko habang nanlalaki ang aking mata sa labis na pag ka mangha.

Nag patuloy kami sa pag usad, at doon ay tuluyan kaming nakapasok sa loob ng tarangkahan. Tama nga ang mga naririnig kong usapan sa labas kung paano ilarawan ang loob ng palasyo. Matao rito at abala ang lahat sa pag gawa. Kapansin pansin din ang mga makukulay na palamuti sa paligid at ang mga tindahan ng mga kung ano anong bagay katulad ng alahas,mga kakanin,laruan at mga pagkain. Marami din nag titinda ng mga lobo at malalaking palutang. Mistulang isang malaking pistahan ang loob ng palasyo kung iyong ilalarawan. “Ganito po ang ikinabubuhay ng mga tao rito sa loob ng palasyo. Ang lahat po ay masaya at payapang nabubuhay para sa kanilang pamilya. Ang mahal na hari po ang nag panukala na bigyan ng ikabubuhay ang tao rito sa kanyang nasasakupan at mag buhat noon ay naging masaya na at makulay ang loob ng kaharian.”

“Tama ba ang narinig ko? kung gayon ay mabuting tao pala talaga ang mahal na hari, taliwas sa pag lalarawang mga kaibigan ko sa himpilan ng mga alipin” ang bulong ko sa aking sarili habang pinapanood ang magandang tanawin sa labas ng karwahe.

Makalipas pa ang ilang minuto ay tumambad naman sa aking paningin ang pinaka magandang atraksyon sa loob ng kaharian. Nahulaan nyo na ba kung ano ito? Ang PALASYO na nakatirik sa gitna ng mala kristal na lawa.  Kahanga hanga ang nag lalakihang pader nito at ang mala dyamante na disenyo sa paligid. Ang bawat batong makukulay ay pinag aksayahan ng panahong iaayos upang maka buo ng hugis. Sa sobrang laki at tayog nito ay hindi na ito maabot ng aking mata. Ngayon ay masasabi ko na hindi ito normal na tanawin para sa kagaya kong lumaki kasama ng mga tiga silbi at alipin.“Maligayang pag dating po sa palasyo ni Haring Rowan” ang wika ng isang kawal na kanina ko pa kabiruan.

“Wow” ang bulong ko sa aking sarili habang mahilo hilong iniikot ang aking paningin sa paligid nito

Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa aking pag baba ng karwahe habang nag liliparan ang mga confetti sa paligid, para akong isang bayani na sinasalubong ng lahat habang tumutugtog ang mga musikero na siyang nag bibigay sigla at saya sa mga tao. Pinalibutan ako ng mga kawal at inihatid sa loob ng palasyo. “Bakit ang daming tao?” ang tanong ko

“Hinihintay po nila ang inyong pag dating, kaya kailangan ka namin paligiran upang hindi ka dumugin ng mga taong nag nanais makamayan ka”

“Wow,instant celebrity na agad ako?” ang biro ko

“Parang ganoon na nga po master Ned”

Hindi mag kamayaw ang mga taong nag tatangkang lumapit sa akin. Maging hanggang sa pintuan ng palasyo ay hinahabol ako ng mga ito kaya naman dali dali kaming pumasok sa bulwagan. Doon ay muling bumulaga sa akin ang napaka gagandang ilaw ng palasyo, mga hagdang ubod na taas at mga nag lalakihang kurtinang pula sa bawat sulok nito. Ang sahig ay makintab at nababalutan ng pulang carpet. Kapansin pansin din ang ganda ng mga estatwang ceramiko na naka palibot sa bulwagan. Inilakad ko pa ang aking mata at doon ay nakita ko ang mahal na hari na nakatayo sa dulo ng bulwagan at kumaway ito at parang sinasabi ni lumapit ako.

Marahan akong lumakad patungo sa kanyang kinatatayuan bagamat nangangatog ang aking tuhod dahil sa sobrang kaba. Halos mabitiwan ko na ang dala kong sako kung saan naka lagay ang aking gamit. Ang panget no? may hila hila akong sako, wala kasi akong bag sa bahay dahil kadalasan kasi bitbit ko lang ang aking note book at ballpen sa paaralan. Hindi uso ang bag sa aming mga taga pag linggod.

“Maligayang pag dating anak ni Daniel” bati ng mahal na hari habang naka tingin sa sakong aking hila hila. “Ano ba iyang dala mo?” tanong nito

“Ahh eh, mga gamit ko po. Wala po kasi akong bag kaya eto sa sako ko nalang inilagay” paliwanag ko

Natawa ang hari “hahaha, sige ibigay mo na sa mga tagapag linggod ang dala mo upang maipasok na rito sa kwarto. Sana ay maging masaya ang pag tira mo rito sa palasyo kasama ang aking anak”

“P-pasiensya na po kayo. Kinakabahan kasi ako” ang tanging naisagot ko

“Huwag kana kabahan dahil mabait naman ang aking anak. Halika at ipapakilala kita sa kanya” ang sabi ng hari at lumakad kami papanhik ng hagdan. “Wag ka mag alala dahil alam na ni Yago ang  kasunduan”  ang pag mamalaki ng hari na parang punong puno ng self confidence.

Nag tungo kami sa isang malaking pintuan na kulay ginto at pula “Ang silid ng aking anak. Halika at ipapakilala kita”

Marahan nyang binuksan ang silid at doon ay muli akong napahanga sa luwang at ganda nito. Ang laki higaan at mukhang bulak sa sobrang puti nito, ang disenyong kulay pula at ginto ang lalong nag paganda sa silid. Dito ay makikita mo rin ang isang kwadro na larawan ng isang lalaki na nakasuot ng damit na magarbo at nakangiti ito. Si Yago ang nasa larawan at nakapa gwapo talaga nya. Inikot ng hari ang kanyang paningin ngunit walang “Yago”na nag pakita sa amin. “Nasaan si Yago?!” ang sigaw ng hari sa mga taga pag lingkod.

“Mahal na hari, dalawang araw na pong wala ang prinsipe, sumama po itong mag bakasyon sa barkada nya” ang paliwanag nila

“Bakit hindi nag papa alam sakin?! Ibalik si Yago rito sa palasyo ngayon din!! Punyetang Yago yan!” ang galit na sigaw ng hari habang bumaba ng hagdan.

Parang kanina lang ang ganda ng mood ng hari, ngayon ay agad na nag bago ito noong malaman nyang nakapuslit na pala ang anak nya. May pag ka pasaway din pala si Yago dahil kahit ang sarili nyang ama ay nagagawa nyang lokohin at takasan. Paano kaya kapag nag sama na kami? tatakasan din nya kaya ako at lolokohin kagaya ng ginagawa nya sa kanyang ama?

itutuloy..

Ako at Si Prinsipe Yago Part 5

Ako si Prinsipe Yago

AiTenshi

Part 5

“Ned, pasiensya kana sa sakin. Talaga pasaway lang paminsan minsan yang si Yago. Lumaki kasi yan ng walang suporta ng kanyang ina dahil nag hiwalay kami. Kaya mag mag buhat noon lagi nang naging mainitin ang kanyang ulo at naging bugnutin.”

“A-ayos lang po iyon mahal na hari. Wala po dapat kayong ihingi ng pasiensya”

“Nga pala, siya si Mr. Felix, ang magiging guro mo at taga pangalaga dito sa palasyo. Siya ang mag tuturo sayo ng tamang pag sasalita at tamang pag kilos bilang isang dugong bughaw” ang paliwanag ng hari habang papasok ang isang lalaking nasa middle age na at naka ngiti ito

“Kinagagalak ko po kayong makilala master Ned” ang pag bati ng lalaki

Ngitian ko naman siya at kinamayan ito. “Kinagagalak ko po kayong makilala”

“Tama nga ang mahal na hari, napaka gwapong bata mo. Kailangan lang siguro kitang turuan ng tamang pag kilos upang maihanda ka sa pag iisa ninyo ng Prinsipe Yago”

“Salamat po”

“Mas maganda siguro kung ihatid mo muna si Ned sa kanyang silid upang makapag pahinga ito. Alam kong pagod ito sa malayong pag lalakbay.” mungkahi ng hari

Agad akong inihatid ni Mr. Felix sa aking silid malapit sa silid ni Yago, malaki rin naman ito at maganda ang desenyo, ito ang unang beses na mag kakaroon ako ng sariling silid, dahil karaniwan ay kasama ko lagi si tiyo Manuel na natutulog. “Nga pala Master Ned, ipinag uutos ng hari na itapon ang mga luma mong gamit na nasa sako, palitan ito ng mas bago at mas maganda”

“Ha? bakit naman daw? Sayang naman ang mga iyon kung itatapon lang”

“Hindi ko rin alam e, pero marahil ay para na rin hindi masyadong mahuli ang itsura mo sa mahal na prinsipe. Kasi madalas kayong susundan ng publiko at ng media kaya nais nyang siguraduhin na magiging maayos ang lahat. Pero wag mo muna isipin iyon. Ang mahalaga ngayon ay makapag pahinga ka muna. Paniguradong mamayang gabi ay darating na si Prinsipe Yago at mag kaka kilala na kayo ng personal”

“Salamat po Mr. Felix”

“Maiwan na muna kita. Ipatawag mo nalang ako kapag may kailangan ka”

“Sige po”

Iniwan akong mag isa sa silid at nanatili akong nakatayo habang namamanghang nakatitig sa ganda at laki ng nito. Ibayong tuwa at galak sa aking puso ang lumukob sa aking pag katao.

tahimik..

Parang may kung anong kiliti at kilig ang gumuhit sa aking dib dib, parang may kung anong sasabog sa aking loob. Galak na galak ako.. “Akin ba talaga ang silid na ito?” ang tanong ko sa aking sarili at agad akong nag tatakbo sa bintana upang buksan ito. Doon ay kitang kita ko ang ganda ng lawa at mga bangkang pumapalaot dito. Ilang minuto rin akong nasa ganoong pag oobserba ng maisipan kong mag tungo sa aking malamot na kama at parang batang nag lulundag dito. “Woooooo!!” ang sigaw ko habang galak na galak sa aking ginagawa.

Noong makaramdam ako ng pagod, agad akong nahiga at niyakap ang malambot na unan sa aking ulunan. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong tuwa. Para akong nasa loob ng isang magandang panaginip. Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa dalawin na ako ng matinding antok. At iyon na ang huli kong natandaan pa.

Gabi na noong ako ay magising, dahil na rin sa mga katok sa pintuan ng aking silid. “Master, nakahanda na po ang hapunan. Nag hihintay na ang mahal na hari sa hapag kainan” boses ni Mr. Felix

“susunod na po ako” ang sabi ko sabay balikwas sa pag kakahiga at nag mamadali ako sa pag aayos ng aking sarili.

Agad akong bumaba at doon ay inihatid ako ni Mr. Felix sa hapag kainan kung saan nag hihintay ang mahal na hari. “Master, kapag kaharap mo ang mahal na hari o ang prinsipe sa hapag kainan, huwag kang masyadong mag kukwento o mag bibida ng kahit na anong may kinalaman sa himpilan ng mga alipin o sa maski sa kahit na anong bagay. Play safe ka lang muna. Maliwanag po ba master?”

“O-opo Mr. Felix” ang sagot ko at lumakad ako magarbong hapag kainan kung saan nag hihintay ang hari. “Marami ba kaming kakain? Sa sobrang laki at haba nitong lamesa parang mag papakain sila ng isang buong barangay”

“Hahaha, tatlo lang po kayong kakain, masasanay ka rin dito sa buhay sa palasyo”

“Umupo kana rito Ned” ang aya ng hari kaya naman parang isang robot akong nag lakad patungo sa lamesa upang sumabay sa kanyang kumain. “Tawagin nyo na si Yago, at sabihin na nakahanda na ang hapag kainan” utos nito

“Pababa na po si Prinsipe Yago” ang sagot ng mga taga pag lingkod at doon nga ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki na pababa ng hagdan, gulo gulo pa ang buhok nito, naka suot ng kulay puting sando at kitang kita ang ganda ng dibdib nito na naka umbok at ang braso nito na bilugan. Naka suot rin ito ng pajama na humapit sa kanyang maselang binti. Nakaka demonyo ang kanyang dating at nakaka bighani ang kanyang anyo. Alam kong lalaki ako ngunit pati ako ay humanga sa kanya.

Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan nang lumapit sa amin ang naturang prinsipe. Doon ko nakita ng mas malapitan ang kanyang mukha. Shit! Mas gwapo pa siya sa personal kaysa doon sa mga larawan na nakita ko. Makinis ang kanyang mukha, matangos ang ilong, mapula ang labi, bilugang singkit ang mga mata at kulay brown ito. Talaga naman nakaka starstruck ang kanyang mukha. At bukod pa roon ay matangkad ito sa tantsa ko ay nasa 5’11 sya, maputi at makinis ang balat na parang hindi naarawan.

“Yago, gusto kong makilala mo si Ned, siya ang anak ng aking kaibigang si Daniel. Siya ang itinakda ko para sa iyo” ang bungad ng hari

Hindi naman kumibo si Yago at umupo lamang ito sa aking harapan. Agad itong nag sandok ng pag kain sa kanyang plato na parang walang narinig. Hindi man lang kami nginitian o pinansin man lamang kaya parang may kung anong bagay ang kumabog sa aking dib dib na maaaring hindi nya gusto ang nangyayaring pag tali sa kanya. “Yago, narinig mo ba ko?” ang tanong ng hari

Nahinto sa pag nguya ang prinsipe at tumingin ito ng masama  sa kanya. “Narinig ko!! hindi naman ako bingi para hindi marinig ang masakit sa tenga mong boses!” ang pabalang na sagot nito sa kanyang ama. Maya maya, bumaling ang tingin nya sa aking kinalalagyan at muling nag salita “Ipapakasal mo na nga lang ako, sa ALIPIN pa. Nakakahiya sa mga tao! Ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga kaibigan ko? Pumapatol ako sa lalaking amoy grasa at amoy araw?! Pwede ba papa, tigilan na natin ang kabaliwang ito. Pauwi mo na sa patikan ang alipin na iyan dahil hindi sya bagay dito. Excuse me! Nawalan na ko ng gana kumain!” pang iisulto niya at agad itong tumayo at tinumbok ang daan palabas ng kainan.

Natahimik ako sa aking narinig at napahawak na lamang ako sa kubyertos ng mahigpit habang pinipigilan ang pag tulo ng aking luha. Hindi ko akalain na lalabas sa bibig ng isang napaka gwapo at nakapa among mukha ang mga salitang iyon. Ang bawat pang iisultong binibitiwan nya sa aking harapan ay parang isang patalim na humihiwa sa aking dib dib. Sagad sa buto ang kirot at tagos sa puso ang hapdi. Kanina lamang ay mataas ang lebel ng aking enerhiya, kabalitaran ngayon na parang nawalan ako ng gana, bukod pa roon ay parang lalong bumama ang tingin ko sa aking sarili. Alam ko naman na isa lamang akong alipin pero walang masama doon, nag lilingkod kami para sa hari at sa palasyo ng walang pag iimbot at pag aalinlangan. Kaya wala akong ikahiya.

“Pasiensya na po mahal na hari, ngunit hindi po yata gusto ng inyong anak na nandito ako. Baka po maaari na akong bumalik sa himpilan bukas” mungkahi ko

“Hindi ka babalik doon, hindi ko maaaring bawiin ang aking salita kaya’t mananatili ka rito hanggang sa maging maayos ang lahat. Pag pasiensyahan mo na ang aking anak, sadyang naging mainitin talaga ang ulo nito mag buhat noong mawala ang kanyang ina. Nakiki usap ako sayo Ned, dumito ka muna sa akin”

Hindi naman ako naka imik, para akong binusalan sa bibig kaya’t tango lamang ang aking isinukli bagamat labis akong nasaktan sa pang iinsulto ng kanya anak sa aking pag katao. Ganoon pala ang tingin sa aming mga alipin, amoy grasa, amoy araw at mababang uri. Kung sa bagay, mataas naman talaga siya dahil prinsipe sya at milyong milya ang layo nya sa akin.

tahimik..

Ilang minuto rin akong nakatahimik at naka titig lamang sa aking plato, tila nawalan ako ng ulirat dahil sa sobrang pag kabigla. Parang naririnig ko pa rin ang masakit na salitang binitiwan nya sa aking harapan dahilan para kusang tumayo ang aking binti at lumakad palayo sa hapag kainan. “Pasiensya na po Mahal na Hari, ngunit kailangan ko na pong umalis” ang pag basag ko sa katahimikan

Agad akong nag tatakbo sa aking silid at kinuha ko ang sako na nag lalaman ng aking mga gamit, muli akong bumaba ng hagdan at mabilis na tinumbok ang pinto palabas ng palasyo. “Master Ned saan ka pupunta?!” sigaw ni Mr. Felix habang hinahabol ako nito

“Kailangan ko na po umalis! Pabayaan nyo na ako pakiusap po!”

“Hindi ka aalis Ned! Huminto ka!” ang sigaw ni Haring Rowan

“Wala naman dahilan para manatili pa ko. Hindi naman nya ako gusto. Walang may gusto nito!” sigaw ko

“Wag ka umalis Master, marahil ay nabibigla pa si Prinsipe Yago sa mga pangyayari kaya nakapag salita siya ng ganoon. Bigyan mo pa siya ng panahon para makapag isip. Alam kong pati ikaw ay naguguluhan din. Paki usap master, pag bigyan mo na ang kahilingan ng mahal na hari” paki usap ni Mr. Felix

Kung papayag ako sa kanilang kagustuhan baka ulanin lang ako ng pang iinsulto mula kay Yago at sa bulok na bibig nito. Napaka gwapong nilalang ngunit napaka pangit ng kanyang ugali. Kapag hindi naman ako pumayag sa kagustuhan nila, malayong masaktan ulit ako ngunit baka parusahan naman ako at idamay pa si Tiyo Manuel at ang buong himpilan. “Ayoko pong isiksik ang aking sarili sa mga bagay na hindi naman talaga para sa akin. Hindi po ako nararapat dito, malayo ang buhay na nakasanayan ko doon sa himpilan kasama ng mga alipin. Tama si Prinsipe Yago, hindi ako bagay dito!”

“Master Ned, paki usap po. Huwag mong biguin ang damdamin ng mahal na hari. Pangako ko sa iyo na tutulungan kita” paki usap ni Mr. Felix

Napahinto ako sa aking pag lalakad at humarap ako sa kanilang kinatatayuan, doon ko nakita ang mukha ng hari at ni Mr. Felix na lungkot na lungkot dahil sa aking biglaang pag alis kaya naman may kung anong bagay ang tumusok sa aking dib dib dahilan para lumakad ako pabalik sa kanilang kinalalagyan. “Sige po mananaliti ako ng ilang araw pa, ngunit kapag hindi nag bago ang pakikitungo ng prinsipe sa akin, pabayaan nyo na po akong lumisan.”

“Salamat po Master Ned, bumalik na tayo sa loob ng palasyo dahil nag hihintay na po ang mahal na hari doon”

Muli kaming bumalik sa loob ng palasyo at doon ay ikinalma ko ang aking sarili, katulad nga ng napag desisyunan ko kanina ay pipilitin kong tumagal pa ng ilang araw sa palasyo at mag oobserba kung may pag babago ba sa ugali ng prinsipe. Kung sa bagay tama rin naman si Mr. Felix na “BAKA” nga naguguluhan pa ito at wala pa sa katinuan dahil sa bilis ng mga pangyayari.

Makalipas ang ilang oras, muli akong bumalik sa aking silid upang mag pahinga. Nawala na rin naman ang gana kong kumain kaya itutulog ko nalang ito baka sakaling pag gising ko kinabukasan ay panibagong saya na ang nakalaan para sa akin.

itutuloy..

ANNOUNCEMENT:

WHAT HAPPENED HERE?

Ang kwentong “AKO AT SI PRINSIPE YAGO BOOK 1” ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “heart” or “like” button. Maraming salamat po.

  ![](https://img.wattpad.com/f9b1ad17316fb00e65e896ba9c09fb0381dd1969/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f747a4c5f6e4c364a445a56702d413d3d2d3933323132373931352e313632613233643235363136336332323637333733353837383730322e6a7067)

DREAME COVER BY ROVI MAT , IG rovi.mat

Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.


PLEASE READ THE DETAILS BELOW:

PAANO ANG GAGAWIN?

Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com

Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.

Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.

  ![](https://img.wattpad.com/9aa81a370dc108a3a3ec6a08b880d3cecd9ba97f/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f44514b4f6b6e595166715f486e413d3d2d3933323132373931352e313632383634626662613333373934663135333031373037363236322e706e67)

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pag mamahal at suporta..

-Ai_Tenshi


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.