loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Alapaap | R-18

Alapaap | R-18

Terrorious · 66 chapters · 112,589 words

PAALALA

Ang istoryang ito ay pumapatungkol sa pagmamahalan ng dalawang kalalakihan. Kung hindi bukas ang iyong isipan sa ganitong uri ng istorya ay maari ka nang tumigil at maghanap ng iba.

Ang layunin ko bilang isang manunulat ay makapagbigay kaalaman na ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang lalaki ay hindi dapat natin husgahan dahil gaya ng normal na magkarelasyon na binubuo ng lalaki at babae, ay dapat din natin itong respetuhin.

Ang
Alapaap
ay naglalaman ng maseselang eksena kaya’t hindi
ko pinahihintulutan ang mga mambabasa na basahin ito kung sakaling wala pa sila sa wastong edad. Ito ang unang beses na magsusulat ako ng kwentong tungkol sa kasarinlan kaya’t ako’y labis na nag-aalala. Gayunpaman, ay gagawin ko ang lahat upang hindi kayo biguin.

Hindi ako perpektong manunulat kaya maaring mapansin ninyo ang mga maling palatitikan, bantas
at paulit-ulit na paggamit ng mga salita. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin.

Ang kwentong ito ay hango mula sa aking imahinasyon at pawang kathang-isip lamang. Ang lahat ng mabanggit na pangalan, lugar at pangyayari ay hindi naganap sa totoong buhay.

Ang pabalat ay gawa ng aking kaibigan na si
TalesInMind
. Maraming salamat sa pagbibigay ng ideya na gumawa ako ng ganitong istorya.

Lahat ng karapatan ay nakalaan kay:

Terrorious

KABANATA 1: Kasunduan

Ryannel

Guevarra

Nakasaklob ang dalawa kong kamay sa aking mukha at pilit na nilalabanan ang pagkasuklam. Bahagya akong napaigtad nung makarinig nang sunod-sunod na katok sa labas ng aking silid. Humugot ako nang malalim na hininga bago tumayo at buksan ang pinto.

“Anak, maari ba kitang makausap?”
sambit ng aking ina habang hawak ang bandeha na may baso ng gatas.

Pinihit ko ang hawakan ng pinto habang taimtim na nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi naglaon ay binigyan ko siya nang matamis na ngiti bago tuluyang papasukin sa aking silid. Matapos niyang ilapag ang dala niyang inumin sa aking lamesa ay pinasadahan niya ng tingin ang mga papeles roon.

Tumikhim ako upang kuhanin ang kanyang atensyon.
“Ano pong sadya niyo rito, ina?”

“Nais lang kitang kamustahin, anak. Balita ko’y abala ka sa katipunan dahil sa mga gawain sa pamahalaan,”
saad niya bago umupo sa gilid ng aking higaan.

Umupo naman ako sa tabi niya.
“Maayos naman po ako, ina. Alam niyo naman pong wala akong ibang nais kung hindi ang protektahan ang ating mga kababayan.”

Kaagad tumulo ang aking luha matapos niya akong ikulong sa kanyang braso at bigyan nang mahigpit na yakap. Lumaki akong sabik sa pagmamahal ng aking mga magulang. Ang aking ama na si Marcelo Guevarra ay pumanaw ng makipaglaban ito sa mga kastila, tatlong taon na ang nakalipas. Ang aking ina naman na si Florencia Guevarra na siyang yakap ko ngayon ay nananatiling matatag sa kabila ng sakit niya sa puso. Marahil ay mas lumala iyon nang sumakabilang buhay ang aking ama.

Simula nung pumanaw ang aking ama ay kinailangan kong akuin ang kanyang posisyon bilang heneral ng San Fernando, dahil iyon rin ang kahilingan ng aming mga kababayan. Lumaki akong pinaliligiran ng mabuting mga tao. Ang aking ama’t ina ay tumutulong sa lahat nang walang hinihinging kapalit, at ang busilak nilang puso ang nag-udyok sa mga mamamayan na pamunuan sila ng aming pamilya.

“Nagkukulong pa rin ang iyong kapatid sa kanyang silid, at lalabas lamang kapag malalim na ang gabi para kumain,”
sagot ni ina nang tanungin ko ang kalagayan ni Stella- ang kaisa-isa kong kapatid.

Si Stella Guevarra ay mas bata sa akin ng apat na taon. Sa aming dalawa ay higit na mas matapang siya. Lahat ay kaya niyang kalabanin maliban sa aking ina kaya’t hindi siya tumutol nang malaman niyang kailangan siyang ipakasal sa isang espanyol kapalit ng kapayapaan sa dalawang nasyon. Si Heneral Javier Vicencio ay ang punong heneral mula sa Espanya na siyang ipapakasal sa aking kapatid. Hindi nila kilala ang isa’t-isa kaya’t hindi ko mawari kung ano ang nag-udyok dito na hingin ang kamay ng aking nakababatang kapatid.

Nang tumutok ang maliit na kamay ng orasan sa pang-sampung numero ay agad akong lumakad papunta sa silid ni Stella. Labis akong nag-aalala sa kanya kaya’t hindi ko palalagpasin ang gabi na ito nang hindi ko siya nasisilayan. Idinikit ko ang aking tenga sa pintuan ng kanyang silid at nang wala akong marinig na kahit ano, ay umupo na lamang ako sa harap ng kanyang silid.

“Kuya?”
nagising ako sa pagkakahimbing nung marinig ang boses ni Stella kasabay ng pagtapik niya sa aking balikat.

Kinusot ko ang aking mga mata.
“Mabuti naman at nakita kita, Stella. Hindi ako makatulog nang maayos sa kakaisip tungkol sa iyo. Kumusta ka?”

Bago niya pa isara ang kanyang pinto at umupo sa tabi ko ay hindi nakatakas sa aking mga mata ang magulo niyang silid. Labis akong nangamba nang mapansin ang lubid na nakatali sa itaas at ang upuan sa ilalim nito.

O diyos ko!

“Maayos lang po ako, kuya. M-masaya nga po ako’t ikakasal na rin ako sa wakas,”
sambit niya.

Binigyan ko siya nang malaking ngiti upang itago ang lungkot na aking nararamdaman. Sinabi niyang masaya siya ngunit hindi iyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Namumula ang mga ito, senyales na kagagaling lang niya sa matagal na pag-iyak.

Lumunok ako bago tumugon,
“Hindi mo siya iniibig, hindi ba?”

“Wala naman po akong magagawa kung hindi ko siya iniibig, kuya. Ang aming kasal ay nakatakda ng mangyari sa makalawa at kahit anong plano kong pagtakas ay… s-sigurado akong matutunton niya rin ako,”
naghahabol ng hininga niyang sagot.

“Kung gayon ay ititigil ko ang kasal, Stella.”

Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pagtulo ng mga luha mula rito.
“N-ngunit paano mo naman iyon matitigil, kuya? Sadyang napakalupit ni Heneral Vicencio at iyon ang usap-usapan sa buong nasyon. Walang kahit sinong makakapigil sa kanya.”

“Maliban sa akin,”
pabalang kong wika.

Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay at hinalikan iyon. Hindi ko kayang makita na nasasaktan ang aking kapatid. Labing walo pa lamang ang kanyang edad at kahit kailan ay hindi siya nagtapat na mayroon siyang iniibig. Bilang nakatatandang kapatid ay nais ko siyang ikasal sa taong may busilak na puso at hindi siya sasaktan.

Nangako ako sa kanyang gagawin ko ang lahat upang hindi matuloy ang kanilang kasal, kaya’t napanatag ang kanyang loob. Sinamahan ko siya sa sa loob ng kanyang silid hanggang siya ay makatulog nang mahimbing. Ang kanyang mahinang paghilik ay hudyat na maari ko nang ayusin ang kanyang magulong silid at itago ang lubid sa takot na kung anong gawin niya roon. Nang matapos ako sa paglilinis ay pinatakan ko siya ng halik sa noo bago bumalik sa aking silid para magpahinga.

Madilim na ang langit kinabukasan nung matapos ang pagpupulong sa katipunan. Nakasuot ako ng kulay kapeng uniporme na may ilang emblem na nakasabit sa bandang dibdib. Sagisag iyon ng aking ranggo at magsisilbing susi upang papasukin ako ng mga gwardiya sibil sa mansyon ni Heneral Vicencio. Hindi nga ako nagkamali nang makitang may higit sampung sundalo na nagbabantay sa tarangkahan ng nasabing mansyon.

Matapos kong bumaba sa aking kabayo ay nilapitan ako ng matandang gwardya sibil.
“General Guevarra, ¿qué la trae por aquí?”

(Heneral Guevarra, anong sadya mo rito?).

“V-vengo a hablar… con el General Vicencio, ¿está d-disponible?”

(Narito ako upang makita si Heneral Vicencio. Maari ba siyang makausap?)

Tumango lamang siya bago pumasok sa loob ng mansyon. Ang ilang gwardya ay masama ang tingin sa akin ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin. Wala akong dalang kahit anong armas kaya’t wala silang dapat ipag-alala. Makalipas ang limang minuto ay lumabas na rin sa wakas ang gwardya na kausap ko kanina upang ipaalam na maari na akong pumasok sa loob.

Hawak ko ang isang supot na naglalaman ng ilang ginto nang kapkapan ako ng mga taga-bantay. Nang masigurong wala akong dalang baril o patalim ay malugod nila akong hinatid sa bukana ng mansyon. Napaawang ang aking labi nung masilayan ang kabuuan nito sa loob. Kumikislap ang paligid sa samut saring mga abubot na puro ginto.
Magmula sa mga upuan at maging sa mga maliit na dekorasyong nakasabit sa dingding ay hindi mapagkakailang hindi lumaki sa hirap ang kung sino mang may-ari nito. May dalawang hagdan sa magkabilang gilid papunta sa mga palapag ng mansyon. Nang bumaling ang tingin ko sa pangatlong palapag ay natanaw ko ang lalaking sinadya ko rito.

Nakasuot siya ng kulay berdeng uniporme at hawak niya ang kanyang sumbrero habang ang kanyang mga siko’y nakatukod sa pasamano ng hagdan. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Napakaamo noon kaya’t hindi ko maiwasang magtaka kung siya ngang tunay si Heneral Javier Vicencio. Ang lalaking kinatatakutan ng lahat dahil sa angkin niyang kalupitan. Ang lalaking ikakasal sa aking kapatid na dapat kong pigilan.

Nung senyasan niya akong umakyat ay iyon ang ginawa ko. Ang kanyang mga gwardya na katabi ko kanina ay naglahong parang bula. Kapansin-
pansing wala akong nakitang ibang tao sa loob ng mansyon maliban sa kanya. Napakatahimik ng paligid at tanging paghakbang ko lamang ang maririnig.

“Heneral?”
mahina kong tawag matapos kong katukin ang bukod tanging pinto sa pangatlong palapag.

“Puedes entrar,”

(Maari ka nang pumasok),
rinig kong sambit niya. Hindi ko mawari ang ibig sabihin noon kaya’t dahan-dahan kong pinihit ang puting pinto para buksan iyon.

Bumungad sa akin ang napakalaking silid tulugan. Nakaupo ang heneral sa pinakadulong parte at nakaharap siya sa bukas na bintana, pinagmamasdan ang buwan. Mukhang malalim ang kanyang iniisip dahil hindi niya narinig ang pagtawag ko sa kanya sa pang-limang beses. Minabuti ko na lamang na pumasok nang tuluyan at hayaang nakabukas ang pinto.

“B-buenas noches, General Vicencio, soy Ryannel Guevarra, h-hermano… de… Stella Guevarra, ¿puedo hablar con usted?”

(Magandang gabi, Heneral Vicencio. Ako po si Ryannel Guevarra, kapatid ni Stella Guevarra; Maari ba kitang makausap?)
uutal-utal kong sambit habang binabasa ang nakasulat sa aking palad.

Tumawa siya nang malakas bago humarap sa akin. Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa lamesa na nasa gitna naming dalawa at nilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi nawala ang ngisi sa kanyang labi habang taimtim kong sinusuri ang kanyang kulay bughaw na mga mata. Ang aking tingin ay bumaba sa kanyang matangos na ilong hanggang sa makarating iyon sa manipis at mapula niyang labi.

“Maari mo akong kausapin sa wikang tagalog, Heneral Guevarra, sapagkat nakakaintindi ako,”
bulong niya.

Nagulat ako sa kanyang malalim na boses kaya’t hindi ako nakasagot kaagad. Nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili dahil sigurado akong mukha akong mangmang nung subukan kong magsalita ng wikang espanyol. Mabuti naman at nakakaintindi siya ng tagalog kaya’t mas maipapahayag ko ang nais kong iparating.

“Nais ko pong tumutol sa nalalapit ninyong kasal ng aking kapatid, heneral,”
diretso kong saad bago yumuko nang kaunti bilang pagrespeto.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
“Hindi ako makakapayag, Heneral Guevarra. Ang kasal na ito ay magbubuklod sa dalawang nasyon kaya’t hindi ito maaring itigil.”

Inilapag ko sa kanyang lamesa ang supot na naglalaman ng mga ginto.
“Heneral, ito ang kayamanan na naiwan sa akin ng aking ama. Handa ko itong ibigay sa iyo kapalit ng kapayapaan ng aking mahal na kapatid.”

Hindi man lang niya iyon sinulyapan at nanatiling nakatingin sa akin.
“Hindi ko iyan kailangan, Heneral Guevarra. Batid kong alam mo na ang kayamanang dala mo ay barya lamang sa akin. Hindi ko iyan matatanggap.”

“Mahal mo ba ang aking kapatid?”
bahagyang tumaas ang aking boses.

“Hindi,”
nagkibit balikat siya.

Kumunot ang aking noo nung muli na naman siyang humagikgik.
“K-kung gayo’y bakit mo siya nais pakasalan?”

“Dahil nais ko ng kasama…”

“Kasama? Kung kasama ang iyong nais ay maaring-”

Napatigil ako nung magsalita siyang muli.
“Kasama sa pagtulog, Ryannel. Nais ko ng kasama sa pagtulog tuwing gabi. Matagal-tagal na rin simula noong nakatulog ako nang mahimbing at mangyayari lamang iyon kung mayroon akong katabi.”

Ryannel? Tinawag niya ba ako sa aking pangalan?

“Ipagpaumanhin ninyo ang aking kalapastanganan, heneral, subalit… wala po ba kayong kasama dito? Nasaan na po ang pamilya ninyo?”

Tumayo siya nang tuwid at muling sumulyap sa maliwanag na buwan sa labas.
“Wala na ang aking ama, samantalang ang aking ina ay nasa Espanya.

Nang mapansin kong patuloy ang paggalaw ng kanyang balikat ay hindi ako nag-atubiling lapitan siya. Yukom ang kanyang kamao at kunot ang kanyang noo. Para kong pinagmamasdan ang aking sarili tatlong taon ang nakalipas noong pumanaw ang aking ama. Kagaya niya’y binalot din ako ng lungkot at hindi ko rin ipinakita ang aking kahinaan sa maraming tao.

“Papayag ka ba kung sasabihin kong… handa akong tabihan ka?”
bulong ko sa kawalan.

Mabilis niya akong nilingon. Ang kanyang mukha ay mayroong blankong ekspresyon. Buong akala ko’y tatawa siyang muli ngunit tumango lamang siya bago kuhanin ang isang papel sa kanyang lamesa. Nang iabot niya iyon sa akin ay napakamot ako sa aking ulo dahil ang nakasulat roon ay nasa wikang espanyol.

“Iyan ang kasamiyento ng kasal namin ng iyong kapatid. Ang iyong lagda ang magpapatunay na tapos na ang aming ugnayan at wala ng kasal na magaganap sa makalawa,”
kaswal niyang wika.

Imbes na gamitin ang panulat na hawak niya ay kinagat ko ang aking hinlalaki hanggang sa ito’y dumugo. Sinelyo ko ang kontrata gamit ang bakas ng aking daliri upang ipakita na lubos akong pumapayag sa alok niya.

“Labis kong tatanawin ng utang na loob ang inyong kabuti-”

Hindi ko natapos ang aking sasabihin nung halikan niya ako nang walang pasabi. Kumurap ako ng tatlong beses habang ang aking katawan ay nanatiling naka-estatwa. Sinupsop niya ang aking labi na para bang sobra siyang nananabik roon. Nang maramdaman ko ang kanyang kamay na naglalakbay sa aking pang-upo ay doon na umawang ang aking labi. Nagbigay daan iyon upang pasukin niya ang aking bibig gamit ang kanyang mapusok na dila.

“Hindi ka na makakatakas sa akin, Ryannel. Kapalit ng kalayaan ng iyong nasyon at ng iyong mahal na kapatid, ay ang pag-angkin ko sa iyo nang buo,”
iyon ang huli niyang sambit bago ako itulak sa kanyang malambot na higaan.

-Terrorious

×××

A/N:
Magandang araw sa aking masugid na mga mambabasa. Nais ko lamang ipahatid sa inyo na ito ang unang beses na magsusulat ako ng akdang purong tagalog ang wika kaya’t ako’y labis na nangangamba.
Bukod pa roon ay ito rin ang unang istoryang may kinalaman sa kasarinlan.

KABANATA 2: Masikip 🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Bago pa dumagan sa aking katawan ang balasubas na heneral ay binigyan ko na siya nang mabigat na suntok. Sa lakas ng aking kamao ay halos tumabingi ang kanyang mukha. Nagpakawala siya nang malalim na hininga bago humarap sa akin.

“Lapastangan! Marahil ay hindi naituro sa Espanya na ang kalalakihan ay hindi maaring humalik sa kaparehas niyang uri. Ganoon rin sa mga kababaihan,”
Ang malakas kong sigaw ay umalingawngaw sa apat na sulok ng kanyang silid.

Halos malagutan ako ng hininga nang walang pasabi niya akong sakalin gamit ang dalawa niyang malalaking kamay.
“Quién te crees que eres para lastimarme?!”

“H-hindi k-kita ma—intin-dihan,”
Kahit paano ay nagawa kong makapagsalita sa kabila ng hirap na aking nadarama.

“Narito ka upang makiusap, hindi ba? Kung gayon ay bakit hindi ka sumusunod sa aking kagustuhan, heneral?”
Tiim bagang niyang turan.

Namimilipit ako sa sakit nang muli kong masilayan ang kanyang bughaw na mga mata. Wala akong makita mula roon kung hindi poot at pagkasuklam Ang ngiti sa kanyang labi na wala pang katagalan ay naglaho sa isang iglap.

“N-nasasaktan ako, h-heneral.”
hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na nasa aking leeg habang nangingilid ang aking mga luha.

Ang suklam niyang ekspresyon ay umamong muli at dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkakahawak sa aking leeg. Kumumpas ang kanyang palad pataas sa aking pisngi upang punasan ang luha mula roon.

Buong akala ko’y papakawalan niya na ako subalit balintataw ko lamang pala iyon nung muli niyang hinigop ang aking hininga gamit ang kanyang bibig. Napakabilis ng kanyang kilos at sa isang iglap ay tumambad sa akin ang matipuno niyang dibdib. Ang kamay niya ay naglakbay patungo sa aking uniporme at bago niya pa maalis ang pagkakabutones noon ay muli ko siyang pinigilan.

“H-heneral, ang balak niyong gawin ay labag sa kautusan ng diyos, at bukod pa roon ay hindi ito ang nakapaloob sa kontratang sinelyahan ko.”

Nag-aalimpuyo ang kanyang mukha na akala mo’y ako pa ang mali sa aming dalawa.
“Ryannel, malinaw na nakalathala sa kontrata na iyong inaprubahan na kailangan mo akong paligayahin hanggang sa dumating ang aking ina.”

“Paligayahin?”
Nagdikit ang aking mga kilay.
“Ngunit ang sabi mo sa akin ay sasamahan lamang kita sa pagtulog, hindi ba?”

Bumalik muli ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Napakalapit ng mukha namin sa isa’t-isa kaya bawat paghinga niya ay nalalasap ko sa tuwina. Para akong hinihipnotismo noon sa hindi ko mawaring dahilan.

“Tama ka, Ryannel. Malinaw kong sinabi sa iyo na sasamahan mo ako sa pagtulog, ngunit hindi pipikit ang aking mga mata nang hindi ako nakakalasap ng tunay na ligaya.”

Inayos ko ang aking hagway bago tumugon.
“At ang ligaya na iyon ay?”

“Ikaw,”
saad niya bago pinatakan ng halik ang aking leeg na siya ring pinilipit niya kanina.

Hindi ko maitago ang init na dumadaloy sa aking katawan nang sipsipin niya ang aking lalagukan. Para siyang nakikipagkarerahan sa pagtanggal ng mga butones ng aking uniporme. Sa sobrang sabik ng kanyang halik ay hinayaan ko lamang siya.

Nang magsawa siya roon ay muli siyang bumalik sa aking labi.
“Labis akong naaakit sa iyong katawan, Ryannel.”

Hindi ko narinig ang kanyang sinambit nang mahagip ng aking tingin ang nakabukas niyang pintuan. Akmang tatayo ako mula sa higaan nung buong lakas niya akong itulak pahiga at nagkukumahog na pumatong sa akin.

“Hayaan mo nang nakabukas ang silid sapagkat tayong dalawa lamang ang naririto, Ryannel.”
paos niyang wika.

“A-anong binabalak mo, heneral?!”
nangangamba kong ani nang hawakan niya ang butones ng aking suot na pantalon.

Ang nakakaloko niyang ngisi ay muling pumaskil sa kanyang mukha.
“Nais kong pasayahin ka bago mo ako pasayahin, Ryannel.”

Kumapit ako nang mahigpit sa puting sapin ng kanyang higaan nang dakmain niya ang aking kahabaan matapos niya iyong mailabas sa aking pang-ibabang kasuotan. Hindi humiwalay ang bughaw niyang mga mata na nakatitig sa akin nang simulan niyang himurin ang aking sandata gamit ang nanlalaban niyang dila.

“Ahhh---”
impit akong napaugol sa kanyang pangroromansa.

Hindi sa pagmamayabang ay saludo ako sa sukat ng aking pagkalalaki. Walang dudang madidiluryo sa sarap kung sino mang binibini ang aking mapapangasawa, subalit hindi ko lubos maisip na ang unang makakatikim sa akin ay kapwa ko rin heneral.

Kagaya nang pagsupsop na ginawa niya sa aking labi ay ganoon rin ka-agresibo ang galaw ng kanyang dila habang nasa loob ako ng kanyang mainit na bibig. Hindi ko namalayang nakakapit na pala ako sa kanyang magulong buhok upang salubungin ang kanyang labi.

“Ahhh! Napakagaling mo, heneral!”
tirik mata kong ungol.

Hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay at ikinulong sa magkabila kong gilid. Marahil ay nasaktan siya sa paghigit ko sa kanyang kulay gintong buhok. Wala akong nagawa kung hindi ang sumigaw sa sarap tuwing bumabaon ang aking pagkalalaki sagad sa kanyang lalamunan.

Napakagat ako sa aking labi nang mas bumilis ang paggalaw ng kanyang ulo pataas-baba sa gitna ng aking hita.
“H-heneral, itigil mo na. Nararamdaman ko na ang aking sukdulan, pakiusap.”

“Tawagin mo akong ginoo, Ryannel, kung iyon ang nais mong aking gawin,”
wika niya at muling sinipat ang aking tayong-tayo na pag-aari.

“G-ginoo… Ginoo, maghunos dili ka!”
buong lakas ko iyong sinigaw nang maramdaman ang paninigas ng aking tiyan.

Imbes na tumigil ay mas lalo pang tumulin ang pagsubo ni Heneral Vicencio sa aking kabuuan. Kumurba ang aking likod sa samut saring nararamdaman pero namamayani ang roon ang tukso. Humigpit ang kapit ng heneral sa aking kamay nung sinubukan kong magpumiglas.

“Ginoo, hindi ko na kaya!”

“Ibigay mo sa akin, Ryannel. Huwag mo nang subukan na pigilan.”

Tumalima na lamang ako hanggang sa marating ko ang aking sukdulan. Walang sinayang si Heneral Vicencio sa katas na aking inilabas at nilunok niya iyon lahat. Nagtaas-baba muli ang kanyang ulo at nang nalinis ang lahat ng sulok sa aking pag-aari, ay doon lamang niya binitawan ang aking mga kamay.

“Sa tingin ko’y ako naman dapat ang iyong pasayahin, Ryannel,”
nakangisi niyang babala bago dahan-dahang ibinaba ang kanyang suot na pantalon.

Bumulaga sa akin ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki na sa tingin ko’y nasa sampu o higit pang pulgada ang sukat. Binalot ako ng kaba sa aking nasaksihan. Sinalikop niya ang kanyang kahabaan gamit ang kanyang palad at hindi ako nagtakang hindi niya iyon mahawakan ng buo. Sobrang laki noon kaya’t napakagat ako sa aking ibabang labi.

Nanunudyo niya akong tiningnan.
“Ano pang hinihintay mo, Ryannel? Kung nais mong makauwi nang hindi pa bukang liwayway ay pasiyahin mo na ang iyong ginoo. Ngayon na.”

Umupo ako sa kanyang tulugan upang magpantay kami.
“Ginoo, ipagpaumanhin ninyo ngunit hindi ko po magagawa—”

Hinigit niya ang aking buhok upang itapat ang aking mukha sa kanyang kalakihan. Sumakto ang ulo noon sa aking labi. Gumalaw nang kusa ang kanyang sandata na wari mo’y hinintay itong tuklawin ko.

“Gagawin mo o gusto mong ipalit ko ang iyong mahal na kapatid sa posisyon mo ngayon?”
bulalas niya.

Ibinuka ko ang aking bibig at maingat na sinubo ang ulo ng kanyang pag-aari. Mala-bombilya ang laki noon kaya’t halos mabanat ang aking bibig. Mestiso ang kutis ng heneral at hindi nakakabiglang kulay rosas ang ulo ng kanyang alaga. Nang may malasahan ako na maalat ay nakagat ko ang kanyang pag-aari, dahilan upang sumigaw siya sa sakit.

“Aray!!! Tinamaan ka ng lintik, Ryannel. Pagbutihin mo.”

Inalis ko sa aking bibig ang kanyang ari at siya’y pinandilatan ng mata.

“Kasing liwanag ng araw kung paano ko sabihin sa iyo na hindi ako dalubhasa sa pagkain, Heneral.”

“H-heneral?”
Hindi makapaniwala niyang tanong.
“Hindi ba’t sinabi ko sa iyong tawagin mo akong

ginoo

? Maari mo lamang akong tawagin na heneral sa harap ng maraming tao, subalit kapag tayo lamang ay ako ang iyong ginoo. Naiintindihan mo?!”
Itinaas niya ang aking mukha para masilayan ko siya.

“Masusunod, g-ginoo.”

Kagat labi siyang ngumiti.
“Kung gayo’y ituloy mo ang pag-angkin sa iyong ginoo, Ryannel.”

Lumunok ako bago muling sinupsop ang kanyang kalakihan. Humugot siya nang malalim na hininga bago kumapit sa aking buhok at siya na ngayon ang umulos sa aking bibig. Nagsimulang dumausdos ang kanyang ari sa aking lalamunan at halos malagutan akong muli ng hininga. Isinentro ko ang aking mga kamay sa bato-bato niyang tiyan upang pigilan siya sa pagsagad nito.

“Ahhh! Mierda! Napakasikip ng iyong bibig, Ryannel,”
naghihikahos niyang sambit habang patuloy na umuulos sa aking bibig.

Tumulo ang mga luha sa aking mata, marahil ay dahil hindi ko makayanan ang laki niyang taglay. Ako’y labis na nalulula sa kung paano niya buweltahan ang aking bibig. Ang kanyang bewang ay parang sumasabay sa ritmo bawat galaw. Nakatingala na ang heneral sa bubungan sa sensasyon na kanyang nararamdaman.

Sinuklay niya ang pawisan niyang buhok gamit ang kanyang daliri at bumalandra sa akin ang malaki niyang braso. Kagaya ko’y maganda rin ang hubog ng kanyang katawan at walang duda na dulot ito ng matindi niyang pagbabanat ng buto. Nang maramdaman kong mas bumanat ang aking bibig dahil sa kanyang pagkalalaki, ay hudyat na malapit siya sa rurok ng tagumpay.

“¡Carajo, Ryannel! Parating na ako!”
babala niya at mas isinubsob ang aking mukha sa kanyang pag-aari.

Halos maduwal ako sa kalakihan niya. Tinapik ko ang kanyang tiyan upang ipahiwatig na hindi ko na kaya subalit patuloy siyang umulos. Ang tubig mula sa aking bibig ay tumutulo na dahil sa kanyang pagiging marahas. Walang humpay na kumumpas ang kanyang bewang hanggang sa ilabas niya ang kanyang pag-aari sa aking bibig, at paulanan ang aking mukha ng kanyang punla.

Nakapikit lamang ako habang pinapakiramdaman ang mainit at malagkit na likido na nagmula sa heneral. Maya-maya pa’y may malambot na labi na humalik sa aking mata, pababa sa aking ilong hanggang sa dumampi iyon sa aking labi.

“Napasaya mo ako ngayong gabi, Ryannel. Sa susunod muli,”
huli niyang sambit bago niya ako daganan at marinig ang malakas niyang paghilik.

-Terrorious

×××

KABATANA 3: Kulong

Waring nagkukumahog ang kung sino mang kumakatok sa labas ng aking silid. Pupungay-pungay akong tumayo mula sa aking tulugan upang buksan ang pinto. Nang makita ko ang dagap ng aking nakababatang kapatid ay bumukal sa akin ang ngiti.

“Ryannel, ako’y labis na nagpapasalamat sa iyong kabutihan. Sa wakas ay hindi na matutuloy ang pag-iisang dibdib namin ng heneral,”
ang tumatangis niyang mga mata ang nag-udyok sa akin na ikulong siya sa aking bisig.

Tumangan ako sa kanyang likod at hinaplos iyon nang humagulgol siya.
“Ginawa ko lamang ang nararapat, Stella. Bilang nakatatanda mong kapatid ay tungkulin kong protektahan ka. Hindi matatanggap ng aking puso ang makita kang nagdurusa.”

Nanumpa ako sa aking ama na hindi ko pababayaan ang aking kapatid. Ang agamahang kristiyano ay sadyang banal sa usaping pag-iisang dibdib at hindi pinahihintulutan ang diborsyo o pagpapawalang bisa ng kasal.

Matapos ang pag-uusap namin ni Stella ay nanatili ako sa aking silid pansamantala. Sa aking kamay ay ang kontratang aking inaprubahan kapalit ng kalayaan ng aking kapatid. Puno ng kahihiyan ang nadarama ko sa tuwing binabagabag ng nangyari noong takipsilim, subalit ang mas nagpalala ng aking agam ay ang katotohanang napaligaya rin ako ni Heneral Vicencio.

“Isang milagro ang makita kang huli sa pagtitipon, Ryannel,”
pagbati sa akin ni Tinyente Ismael nang marating ko ang mansyon ng mga Gerardo.

Siya ang nagsisilbing kanang-kamay ko at humahalili sa akin bilang heneral ng aming siyudad. Isang taon ang tanda niya sa akin at malapit kaming magkaibigan kaya’t nang mahalal ako bilang heneral ay hindi ako nag-atubiling gawin siyang aking kahalili.

Inayos ko ang pagkakasuot ng aking uniporme nang makababa ako sa aking kabayo.
“Narito na ba ang lahat?”

“Mahigit isang oras na ang nakalipas kaya’t humayo na tayo,” sambit niya at lumakad patungo sa pinakadulong silid kung nasaan ang pagtitipon.

Isinentro ko ang aking sumbrero sa tapat ng aking dibdib at yumuko matapos kong makita ang lahat ng myembro ng katipunan. Nang pahintulutan nila akong pumasok ay doon lamang ako gumalaw mula sa aking kinatatayuan. Umupo ako sa pinakadulong silya at pinagmasdan ang lahat ng naririto.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, Heneral Guevarra. Nais kitang batiin sapagkat napag-alaman kong hindi na matutuloy ang pag-iisang dibdib ng iyong nakababatang kapatid sa busabos na heneral ng Espanya,”
bakas ang galak sa tono ng pagsasalita ni Padre Dencio.

Panandalian akong natahimik bago tumugon,
“Maraming salamat, Padre. Ako man rin ay hindi makapaniwalang sa wakas ay nagawa itong mapawalang bisa.”

“Tiyak na maraming ginoo ang nagdiriwang ngayon dahil sa balitang ito. Isang marikit na dalaga si binibining Stella kaya’t asahan mong bubulabugin kayo sa pagtulog ng mga binatang nais siyang maging kasintahan,”
sambit ni Don Gerardo bago sumimsim sa kanyang inumin.

Sumabat naman si Donya Gerardo sa kanyang asawa,
“Subalit kahit na kahali-halina ang kagandahan ni binibining Stella ay wala pa ring nangahas na mag-abot sa kanya ng mga liham pag-ibig. Sigurado akong duwag ang mga binata sa ating siyudad dahil isang heneral ang kapatid ng naturang binibini.”

Nagtawanan ang lahat sa pagpupulong kaya’t sumabay na rin ako. Ang totoo niyan ay hindi ko naman balak paslangin ang kahit sinong mangangahas na maging kasintahan ng aking kapatid. Ang mahalaga sa akin ay kasiguraduhang hindi siya nito sasaktan at iniibig nila ang isa’t-isa.

“Isa pang magandang balita na nais kong idagdag ay naging maganda ang ani ng ating huwarang magsasaka sa nayon at labis silang nagpapasalamat sa iyo, Heneral, sa hindi pagsingil ng tributo sa nakalipas na tatlong buwan,”
ani Jose na siyang tagapag-ulat tungkol sa aming nasasakupan.

Malugod kong tinanggap ang masigabong palakpakan na kanilang iginawad. Ang tatlong buwang hindi paniningil ng buwis ay isa ngang magandang ideya matapos kaming hagupitin ng kalamidad sa nakalipas na buwan. Iyon ang dahilan kung bakit natigil ang samut saring nakawan sa pamilihan, maging sa kalakalan.

Tumikhim si Jose bago muling nagsalita,
“Nakapagtatakang hindi ko nakadaupang palad ang mga sundalong espanyol sa bayan kaya’t malayang nakapamili ang ilan nating kababayan na takot sa kanila.”

“Totoo ba ang iyong sinabi?!”
singhap ni Donya Gerardo bago buklatin ang kanyang gintong abaniko.

Yumuko bilang pagrespeto si Jose.
“Ako po ay nagsasabi ng katotohanan, Donya. Ang narinig ko pang usapan ng mga naroroon ay si Heneral Vicencio ang nag-utos sa kanyang mga sundalo na itigil ang pagbabantay sa daungan. Nakapagtataka… hindi ba?”

“Sana ay magtuloy-tuloy na ito para naman kahit papaano ay kaawaan siya ng diyos,”
wika ni Padre Dencio.

Marami kaming natalakay sa pagpupulong kaya’t hindi ko namalayang palubog na ang araw. Hinabilin ko sa mga huwarang sundalo na higpitan ang pagbabantay sa daungan. Wala man ang mga sundalong espanyol sa paligid ay mabuti na ring makasiguro.

Kasalukuyan akong nagpapalit ng aking kasuotan nang marinig ko si ina sa labas ng aking silid. Matulin akong nagbihis at nagkukumahog na binuksan ang pinto. Hindi na ako nagulat nang makitang may hawak siyang bandeha na may baso ng gatas. Pinaunlakan ko siyang pumasok at maingat niya iyong ibinaba sa lamesa.

“Anak, maari mo bang sabihin sa akin kung saan ka patungo? Nabanggit sa akin ni Stella na mayroon kang mahalagang pupuntahan kaya’t narito ako upang malaman iyon.”

Bakas sa mata ng aking mahal na ina ang agam-agam at hindi ko rin maaring sabihin ang katotohanan, dahil mahina ang kanyang puso.

“A-ako po’y makikipagkita kay Heneral Vicencio upang makipagkalakalan.”

Umawang ang kanyang labi at hinawakan ang dalawa kong kamay.
“Ryannel, hindi kita maaring pahintulutan na makipagkita sa kahit sinong espanyol lalo na sa kanilang punong heneral.”

“Ina, hindi po maaaring hindi ako pumunta. Nasa kamay ko po ang kapayapaan ng buong San Fernando at gagawin ko po ang lahat upang maligtas ang ating mga kababayan.”

Ang sulok ng kanyang mga mata ay nagbabadyang lumuha kaya’t ikinulong ko siya sa aking bisig. Tumulo rin ang aking mga luha nung magsimula siyang humikbi. Makalipas ang ilang minuto ay kumalma rin siya sa wakas.

“Nangangako akong iingatan ang aking sarili at ang ating bayan, ina. Patawarin niyo ako sa aking pagsuway,”
huli kong turan bago lumabas ng mansyon at sumakay sa aking kabayo.

Ang ilang sundalong espanyol ang bumungad sa akin nang marating ko ang tarangkahan. Lumapit sa akin ang matandang guwardiya sibil na nakausap ko rin kagabi. Bahagya akong yumuko bago pasadahan ng tingin ang paligid.

Inabot niya sa akin ang isang susi kaya’t tinanong ko kung para saan iyon subalit hindi na siya nagsalita. Nang maitali ko ang kabayo sa puno ng mangga ay ako na ang nagkusang pumasok sa loob. Hindi na ako kinapkapan ng mga tagabantay na siyang aking pinagtataka.

Tahimik ang buong mansyon nang pumasok ako sa loob. Huminga ako nang malalim bago umakyat sa hagdan patungong ikatlong palapag. Kumatok ako sa silid ni Heneral Vicencio nang mahigit limang beses ngunit wala akong narinig na pahintulot mula sa loob.

“Heneral?”
umalingawngaw ang aking tinig sa apat ng sulok ng kanyang silid nang buksan ko iyon.

Isinara ko ang pinto bago muling tawagin ang kanyang pangalan. Maya-maya pa’y nakarinig ako ng sunod-sunod na pagsuntok. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog hanggang sa marating ko ang malaking pinto na aakalain mong pader sa malayo. Ginamit ko ang susi upang buksan ang pinto at tumambad sa akin ang isang silid pang-ensayo. May mga espada at ilang baril na nakasabit sa dingding at nang mahagip ng aking mata ang paligid ay nakita ko si Heneral Vicencio na nakikipaglaban gamit ang kanyang kamao sa isang sundalo.

Wala siyang kasuotan pang-itaas at tagaktak ang kanyang pawis. Namimintig ang malalaki niyang braso at bakas ang nag-aalimpuyo niyang mga mata sa kalaban. Nang bumaling sa akin ang kanyang tingin ay napabuntong hininga siya.

“Ya puedes irte, Tiago,”
rinig kong sabi niya sa kasama niyang sundalo bago kami nito iniwan sa loob.

Nang marinig kong kinandado kami ng sundalo mula sa labas ay dali-dali akong lumapit sa pinto. Buong lakas kong pinihit iyon subalit bigo akong sumulyap kay Heneral Vicencio nung hindi ko iyon mabuksan.

“Heneral, marahil ay hindi batid ng iyong sundalo na hindi ako magtatagal rito,”
ani ko.

Humakbang siya palapit upang pagdikitin ang distansya naming dalawa. Lumunok ako nang hawiin niya ang aking buhok gamit ang magaspang niyang kamay. Ang bughaw niyang mga mata ay nakasentro sa aking labi at tiim ang kanyang bagang. Napakislot ako nang kumapit siya sa aking bewang at idikit ako nang mariin sa kanyang hubad na katawan.

“Kung gayo’y nararapat lamang pala na makulong ka rito kasama ko kung nais mo rin akong iwan, Ryannel.”
paos niyang singhal bago ako siniil nang marahas na halik sa labi.

-Terrorious

×××

KABANATA 4: Susi 🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Hindi ko mawari kung dahil ba liblib ang silid na ito o sadyang naglalagablab ang kanyang halik kaya’t ako’y pinagpawisan. Daig pa niya ang linta kung idikit ang pawisan niyang katawan sa akin. Nakakulong ako sa kanyang malalaking braso at kahit anong pilit kong makawala ay hindi ko magawa.

Nahigop niya na ang buo kong lakas.

“H-heneral, hindi ako ahh… maka… hinga,”
malat kong pahayag.

Awa ng diyos ay tinigil niya ang halik. Iwinaksi ko ang aking mukha palayo sa kanya at kumuha ng hangin pansamantala. Buong akala ko’y katapusan ko na, dahil sa tindi ng kanyang halik ay nahigop niya marahil ang aking kaluluwa. Gamit ang likod ng aking kanang kamay ay pinunasan ko ang aking bibig sa pag-aakalang mabubura nito ang katotohanang may parte sa akin na gustong tumugon sa kanyang mapusok na labi.

“Nasasaktan ako, h-heneral,”
aking bigkas nang paharapin niya ako nang puwersahan sa kanya sa pamamagitan ng pagsaklob sa aking pisngi.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi.
“Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na huwag mo akong tawaging heneral sa tuwing tayo lamang dalawa? Gaano ba kahirap unawain iyon, Ryannel?”

“Ipagpaumanhin ninyo ang aking kalapastanganan, heneral– a-ang ibig kong sabihin ay

ginoo

. Ako po’y mabilis makalimot kaya’t sana ay maunawaan ninyo.”

“Nais mo bang malaman ang aking gagawin upang hindi mo ako makalimutan?”
pinadausdos niya ang kanyang daliri sa aking labi.

Ang mga mata niya’y nakatitig sa akin at hindi ko nagugustuhan ang tindi ng epekto nito. Nanghahamon ang tono ng kanyang pananalita kaya’t hindi ako nakatugon nang agapan.

Tumikhim ako bago nagsalita,
“Papaslangin niyo ako, hindi ba? Kung iyan ang inyong pinaplano ay handa akong makipaglaban hanggang kamatayan, heneral.”

“Bakit ko naman gagawin iyon, Ryannel?”
bulong niya sa aking tainga.
“Pinapangako ko sa iyong hindi kita magagawang paslangin. Sisiguraduhin ko lamang na hindi mo ako malilimutan pagkatapos ng gabing ito.”

Napasigaw ako nang umangat ang aking katawan matapos niya akong buhatin. Ang aking mga hita ay nakapalibot sa kanyang baywang at mahigpit akong nakakapit sa kanyang leeg upang hindi ako mahulog. Pinisil niya ang aking pang-upo bago siya nagsimulang humakbang nang dahan-dahan.

“Kumapit kang maigi, Ryannel. Dadalhin kita sa

alapaap

ngayong gabi,”
babala niya sa akin.

Ibinaon ko na lamang ang aking mukha sa kanyang leeg nung marinig ko siyang tumawa. Pawisan man ang heneral sa kanyang pag-eensayo ay hindi maikukubling mahalimuyak pa rin ang kanyang katawan. Para akong nawawala sa ulirat sa hindi malamang dahilan.

Ako na ang nagkusang bumaba nang tumigil ang heneral sa kumpol ng mga dayami. Nasa gitna kaming parte ng silid at tanging mga lampara lamang sa dingding ang nagsisilbing liwanag mula roon. Suminghap ako dahil sa gulat nang itali ni Heneral Vicencio ang aking dalawang kamay gamit ang lubid.

“Heneral, a-ano po ang inyong binabalak? Itigil na po natin ito pakiusap,”
pagsusumamo ko ngunit nagkibit balikat lamang siya.

“Nakalimutan mo na rin ba ang kontrata na iyong sinelyahan, Ryannel? Huwag kang matakot dahil may isa pang paraan kung paano ka makakalabas sa silid na ito,”
kaswal niyang sagot.

Pag-asa ang namayani sa aking puso.
“Totoo nga ba ang iyong tinuran? Kung gayon ay ano ang nararapat kong gawin upang makawala rito?”

“May isa pang lagusan upang makalabas ka sa aking silid, ngunit nakakandado rin ito. Ang tanging susi ay nakatago sa kumpol ng dayaming nasa harap mo. Bibigyan kita ng isang buong gabi para hanapin iyon, Ryannel, subalit sinisigurado ko sa iyong hindi ito magiging madali.”

“Buong gabi para hanapin ang susi?”
tumaas ang sulok ng aking labi.
“Bigyan mo lamang ako ng limang minuto at makikita ko iyon kahit nakatali ang aking mga kamay.”

Wala akong sinayang na oras at dali-daling hinalukay ang mga dayami. Kinailangan kong bumalintuwad nang bahagya upang mas makita ang nasa loob noon. Ang aking pagkawili sa paghahanap ay natigil nung maramdaman ko ang paghaplos ng heneral sa aking pang-upo.

“Ituloy mo ang paghahanap, Ryannel. Itutuon ko naman ang aking sarili sa ibang lagusan kung nasaan ko nais pumasok,”
aniya bago hubarin ang pang-ibaba kong kasuotan.

Binaling ko ang tingin sa kanya nang hampasin niya ang aking pang-upo habang kagat ang ibaba niyang labi. Sinenyasan niya akong magpatuloy sa paghahanap kaya’t iyon na lamang ang aking ginawa. Alam kong wala rin akong laban kung sakali dahil sa mahigpit na gapos sa aking mga kamay.

Sumigaw ako nung maramdaman ang pagpasok ng matigas na bagay sa loob ng aking lagusan.
“Ahhh! Ginoo, nasasaktan ako.”

“Ryannel, daliri ko pa lamang iyon ngunit naghahamok ka na? Nagsisimula pa lamang tayo at sisiguraduhin kong hindi na ako mawawala sa iyong isip matapos ng gabing ito.”
may awtoridad niyang pahayag bago maingat na inilabas-masok ang mahaba niyang daliri sa akin.

“Ahhh! Ahhh! Tama na!”
namamaos na ang aking boses sa kakasigaw ngunit nag-taingang kawali lamang ang heneral at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Hindi ko na magawang ituon ang aking atensyon sa paghahanap ng susi. Mahigpit akong nakakapit sa mga dayami upang hindi mahulog sa bilis ng kanyang kamay. Nanlalambot na ang aking mga tuhod hanggang sa masanay ang katawan ko sa kanyang ginagawa.

“G-Ginoo, anong–ahhh!”
naputol ang aking nais sabihin nang paghiwalayin niya ang pisngi ng aking pang-upo at himurin ang lagusan ko gamit ang eksperto niyang dila.

“Mauubos na ang limang minuto, Ryannel. Kung ako sa iyo ay huwag mo nang hanapin ang susi at hayaan mong pagurin kita buong gabi,”
suwestiyon niya at muling dinilaan ang aking butas.

Hinukay kong muli ang mga dayami gamit ang nanginginig kong mga kamay. Bawat paghimod ng kanyang dila ay siya ring paglabas-masok ng daliri niya sa akin. Kagaya ng pagbilang sa napakaraming bituin sa madilim na kalangitan, ay wala ring pag-asa na mahanap ko pa ang susi kung ipagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa.

“Tapos na ang limang minuto, Ryannel,”
pinal niyang wika bago tumayo nang tuwid upang hubarin ang suot niyang pantalon.

Pinagpawisan ako nang malamig nung tumambad sa akin ang kanyang kahabaan.
Maari ba namang makalimutan ko kung gaano kahaba at kalaki iyon?
Tayong-tayo ito namimintig na parang sawa. Pakiramdam ko’y namula ang aking mukha nang tingnan kong maigi ang hubad na katawan ng heneral.

Basa at walang kaayusan ang kanyang buhok dahil sa kanyang pawis. Malalim ang kanyang bughaw na mga mata at bakas roon ang pananabik. Kagat niya ang ibaba niyang labi at patuloy siya sa paglagok habang nakasentro ang mahigit sampung pulgada niyang pagkalalaki sa aking lagusan.

“G-Ginoo, w-wag po. Hindi po iyan kakasiya–ahhh!”
umalingawngaw ang boses ko nang bigla niyang itarak sa aking lagusan ang buo niyang pagkalalaki.

“Nagkasiya naman, hindi ba?”
agik niya at ibinaba ang kanyang sarili upang halikan ang aking leeg.

Tumulo ang luha sa aking mga mata nang wari ko’y nawasak ang buo kong pagkatao. Pansamantala siyang hindi gumalaw kaya’t ramdam ko ang kabuuan niya sa loob ng aking katawan. Umabot yata iyon sa aking lalamunan kaya’t nahirapan akong huminga.

“Ryannel, tumingin ka sa iyong

ginoo

,”
utos niya.

Pinunasan niya ang aking mga luha nang humarap ako sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata nang halikan niya ang aking labi. Ang halik niya ngayon ay may ibayong pag-iingat kumpara kanina. Hinayaan ko na lamang na pasukin ng kanyang dila ang aking bibig nang tumugon ako sa kanyang mainit na halik.

“Sa una lamang ito masakit, subalit huhupa rin matapos ang ilang ulos. Nangangako ako bilang iyong

ginoo

na mas mag-iingat upang hindi ka na umiyak pang muli, Ryannel.”
pangako niya sa akin na aking pinanghawakan.

-Terrorious

×××

KABANATA 5: Pakiusap 🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Mariin akong nakapikit habang kagat ang ibaba kong labi. Pinatakan ni Heneral Vicencio nang magkakasunod na halik ang aking leeg at nang hindi siya makuntento ay hinigit niya aking mukha upang pahaparin ako sa kanya.

Nais ko sanang magsalita subalit agaran niya akong sinunggaban nang masimod na halik. Idiniin niya ang pagpisil sa aking pisngi dahilan upang umawang ang aking labi at pasukin niya iyon ng kanyang dila. Mapusok ang paraan ng kanyang pag-angkin kung kaya’t halos malagutan ako ng hininga.

“Kasing tamis ng iyong lagusan ang iyong labi, Ryannel. Mas lalo akong nananabik sa iyo,”
ani ng heneral bago kinipkip ang dalawa kong kamay sa aking likuran.

Sinubukan kong magpumiglas sa takot na mawalan ako ng balanse ngunit hinigpitan niya ang pagkapit doon. Nang hilain niya ang aking braso palapit sa kanyang katawan ay mas lalo kong naramdaman ang kabuuan niya sa loob ko.

“H-heneral–ahhh!”

Nagpakawala siya nang isang malakas na ulos kung kaya’t ako ay humiyaw sa sakit at pagkabigla. Inangkla niya ang kanyang braso sa aking leeg dahilan upang ako’y mapahilig sa pawisan niyang katawan. Bukod sa naghuhumindig niyang pagkalalaki ay nadarama ko rin ang mabilis niyang paghinga mula sa aking likuran.

“Ako ang iyong ginoo, Ryannel. Isa pang sambit mo ng salitang heneral ay tuluyan na kitang lulumpuhin… sa ligaya,”
babala niya.

Lumagok ako bago tumugon,
“Hindi na po mauulit, aking g-ginoo.”

Sinupsop niya ang ibaba ng aking tainga bago nagsimulang gumalaw pasulong sa aking lagusan. May ibayong pag-iingat ang kanyang pagdausdos ngunit mas lalo lamang akong nagdusa. Waring napupunit ang buong kong katawan sa kanyang kalakihan.

“Ginoo, nasasaktan ako,”
pag-amin ko habang nakatingin sa kanyang bughaw na mga mata.

Tumango siya at kumalas sa pagkakahawak sa aking braso. Kumapit akong muli sa mga dayami at akmang tatayo sa pag-aakalang iyon na ang wakas subalit puwersahan niyang hinawakan ang aking baywang upang idiin iyon sa kanyang katawan. Halos tumirik ang aking mata nang tumarak niya ng buo ang kanyang kalakihan sa aking lagusan.

“Nasasaktan ka marahil dahil hindi mo ako nais papasukin, Ryannel.”
sabat niya bago bumiwelta pasulong sa akin.

Pasok. Labas. Pasok. Labas.

Para iyong ritmo na paulit-ulit niyang ginagawa. Sa bawat ulos niya sa akin ay napapahiyaw ako sa sakit, ngunit agaran ring kumakalma tuwing iwawaksi niya palabas ang kanyang pagkalalaki. Mahigit ilang minuto rin ang nakalipas bago nasanay ng tuluyan ang aking katawan sa kanyang kalakihan. Ang kaninang kirot ay napalitan ng labis na pananabik.

“Ginoo, maari mo nang bilisan.”
ang aking tono ay may halong paghahangad.

Imbes na bilisan ay tumigil si Heneral Vicencio at humilig pababa sa aking katawan.
“Nais kong marinig ang iyong pagmamakaawa, Ryannel. Iparinig mo sa akin ang iyong pananabik. Iparamdam mo sa akin na gusto mong angkinin kita ngayong gabi.”

Sa halip na tumugon ay puwersahan kong tinanggal ang lubid na nakapulupot sa aking mga kamay. Nag-aalimpuyo ang aking itsura nung buong lakas kong itinulak ang tusong heneral at ako naman ang pumatong sa tuktok niya. Akmang hahawakan niya ako subalit mabilis kong naigapos ang kanyang kamay gamit ang lubid na itinali niya rin sa akin.

“R-Ryannel, a-anong ibig sabihin nito?”
utal niyang tanong.

Tumaas ang sulok ng aking labi nang mahawakan ko ang kanyang mahaba at malaking sandata. Itinaas baba ko iyon sa aking kamay kaya siya napa-ungol sa tuwa. Itinaas ko ang kanyang braso papunta sa kanyang ulunan bago ako umurong pababa sa kanyang maugat na pagkalalaki.

“Isa kang mapaglarong heneral, Ginoong Javier,”
sabik kong wika bago himurin ang ulo ng kanyang ari gamit ang aking basang dila.

“Ahhh, Ryannel…”
naghihikahos niyang tawag habang nilalasap ng aking bibig sa kanyang pagkalalaki.

Pinagsaklob ko ang kanyang nakatayong sandata gamit ang dalawa kong kamay at dinilaan ang magkabilang bola na nakalaylay sa ibaba niyon. Mas ibinuka ng heneral ang kanyang mga hita upang mas bigyan ako ng espasyo para matikman siya nang lubusan.

Nang magsawa ako sa pagdila ay sinunggaban ko naman ang kanyang pag-aari at sinubo iyon. Garalgal na napasigaw ang heneral kaya’t mas lalo akong ginanahan sa pagkain sa kanya. Pakiramdam ko’y labis na nababanat ang aking bibig dahil sa laki ng kanyang ari at hindi ko rin iyon magawang isubo ng buo dahil mahaba rin ito.

Ang aking mga mata’y nakasentro sa kanyang mukha na puno ng pagnanasa. Kagat niya ang kanyang ibabang labi habang pinagmamasdan ako sa gitna ng kanyang mga hita. Nang sinubukan kong ipasok iyon ng buo sa aking bibig ay kumurba ang baywang ng heneral. Ang maliliit na buhok na nakapalibot sa kanyang ari ay nagbigay ng kiliti nang dumampi iyon sa aking labi.

“R-Ryannel, bilisan mo pa. Paligayahin mo ang iyong ginoo ngayong gabi,”
singhal niya.

Dinila-dilaan ko ang ulo ng kanyang ari bago sumambit ng salita,
“Nais kong marinig ang pagmamakaawa mo, ginoo. Iparinig mo sa akin ang iyong pananabik. Iparamdam mo sa akin na gusto mong paligayahin kita ngayong gabi.”

Sadyang mataas ang kapalaluan ng heneral kaya’t imbes na magmakaawa ay tinikom niya na lamang ang kanyang bibig. Binigyan ko siya nang mapaglarong ngiti bago muling dumagan sa kanyang katawan. Ang kanyang saludong ari ay nakadikit sa gitna ng aking puwetan. Iginalaw ko ang aking baywang upang mas lalo siyang mag-init.

“Hindi mo ba talaga nais makiusap, ginoo?”
nanunudyo kong tanong.

Tumawa siya nang pagal.
“Kahit ano pang klaseng pangroromansa ang gawin mo, Ryannel, ay hindi ako magmamakaawa.”

“Sisiguraduhin kong kakainin mo ang iyong sinabi, ginoo.”
huli kong wika bago dahan-dahang ipinasok ang kanyang pagkalalaki sa aking butas.

Impit siyang napa-ungol sa aking biglaang ginawa. Humawak ako sa bato-bato niyang tiyan at tumaas baba sa kanyang sandata. Dahil sa posisyon na ito ay mas ramdam ko ang buo niyang sukat sa loob ko. Tuwing tumatama ang ulo ng kanyang ari sa maselan kong parte ay napapahiyaw ako sa temtasiyon na aking nadarama.

“Ahhh! Ahhh!”
hinihingal kong ani habang tumataas baba sa malaking pag-aari ni Heneral Vicencio.

Gumagawa ng wari mo’y palakpak na tunog ang dalawa naming katawan sa tuwing bumababa ako sa kanya. Pawis na ang aking buong katawan at mas lalo akong nag-init nang masilayan ang ekspresyon ng mukha ni Heneral Vicencio na sabik sa bawat paggalaw ko sa tuktok niya.

“Ryannel, Ahhh! Malapit na ako,”
bulalas niya.

Ang ngiti sa kanyang labi sa pag-aakalang makakamtan niya na ang kanyang sukdulan ay naglaho nang tumigil ako sa paggalaw. Nanatili ang kanyang pagkalalaki sa loob ng aking lagusan habang hinihimas ko ang maskulado niyang dibdib pababa sa kanyang tiyan.

“Ryannel, malapit na ako. Bakit ka napatigil? May masakit ba sa iyo?”
nag-aalala niyang wika at pilit kinakalas ang lubid na nakatali sa dalawa niyang kamay.

Bago niya pa iyon tuluyang matanggal ay hinawakan ko ang kanyang kamay at itinaas iyon muli. Nang lumapit ang mukha ko sa kanya ay kaagad niya akong hinalikan sa labi. Nang hindi ako tumugon ay doon lamang siya tumigil.

“Ginoo, batid kong alam mo ang nais kong marinig kung ibig mong makamtan ang iyong kasukdulan. Ang dalawa kong tainga ay bukas upang marinig ang iyong buong pusong pagmamakaawa.”

Gumalaw ako nang bahagya sa kanyang tuktok kaya siya napalagok. Sobra pula ng kanyang mukha at halata iyon dahil sa maputi niyang kutis. Dinilaan niya ang ibaba niyang labi bago ko narinig ang kanyang malalim na boses.

“Nagmamakaawa ako, Ryannel. Hayaan mong iputok ko sa loob ng iyong masikip na lagusan ang aking punla. Pakiusap.”

“Masusunod, ginoo,”
tagumpay kong tugon bago muling nagtaas baba sa gitna ng kanyang mga hita.

Napapaliyad ako dahil mas higit na lumaki ang kanyang sandata sa loob ko. Mas idiniin ko ang paghampas ng aming katawan at walang duda na labis akong nasisiyahan sa hindi malamang dahilan. Para bang nakalaan sa aking lagusan ang kanyang pagkalalaki, at gayon din ang lagusan ko para sa kanya.

“Ahhh! Ryannel, parating na ako!”
sigaw niya.

Mas lalo ko pang binilisan ang pangroromansa kaya’t pati ako’y napapahiyaw na rin. Ilan pang pagtaas-baba ang aking ginawa bago ko naramdaman ang mainit niyang punla sa aking loob. Itinuloy ko ang paggalaw hanggang sa masigurong wala nang lalabas na katas sa ari ng tusong heneral. Kusa na akong napahilig sa kanyang pawisang dibdib nang ako’y manghina.

Tumama ang aking tingin sa bughaw niyang mga mata nang dumapo ang kanyang dalawang kamay sa aking puwetan. Ako ay napasinghap nang makumpirmang nakawala na siya sa lubid na nakagapos sa kanya.

“Hindi pa tapos ang ating laban, Ryannel. Nagsisimula pa lamang tayo,”
paalala niya at dahan-dahang ipinasok ang kanyang daliri sa aking lagusan.

Katapusan ko na!

-Terrorious

×××

KABANATA 6: Panauhin 🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

“A-anak, bakit ngayon ka lamang nakauwi? At b-bakit naiba ang iyong kasuotan?”
tanong ni ina matapos akong makabalik sa mansyon.

Ramdam ko ang pananakit ng aking ibabang katawan ngunit hindi ko iyon ipinakita kay ina. Bagkus ay nanatili akong nakangiti habang natutuliro kung ano ang maari kong isagot sa kanyang katanungan.

Napatakip si ina sa kanyang labi nang mayroon siyang napagtanto.
“Huwag mo sabihing ipinagbili mo ang iyong kasuotan sa heneral ng Espanya kapalit ng ilang barya, anak?”

“N-nadumihan po ang aking kasuotan kaya’t pinahiram ako ni Heneral Vicencio ng kanyang uniporme, ina.”
winagayway ko ang aking mga kamay bilang pagtanggi.

Patawarin ninyo ako, ina.

Hindi ko ibig na magsinungaling subalit hindi ko naman kayang aminin na ang aking kasuotan ay nagmistulang gutay-gutay na basahan matapos iyong punitin ng pilyong heneral.

(Balik tanaw)

“Hindi pa tapos ang ating laban, Ryannel. Nagsisimula pa lamang tayo,”
paalala niya at dahan-dahang ipinasok ang kanyang daliri sa aking lagusan.

Bumaon ang aking kuko sa kanyang braso nang bumilis ang kanyang pagkilos. Ang heneral ay nanatiling nakangisi nang dumapo ang aking tingin sa kanyang mukha. Para bang nawiwili siya sa kanyang ginagawa na siya namang kasalungat ng aking nararamdaman.

Sinubukan kong iwaksi ang malaki niyang braso na nakahilig sa aking katawan ngunit hindi man lang siya nagpatinag. Humilig ako sa kanyang pawisan at mabalahibong dibdib nang ipasok niya ang isa pa niyang daliri.

“G-ginoo, patawarin niyo ako sa aking nagawa. Lahat ay gagawin ko huwag lamang ito. Ako’y pagod at wala nang lakas para magpatuloy.”
hinang-hina kong wika.

“Kung gayo’y pagbibigyan kita, Ryannel.”
rinig kong sambit niya kaya ako nabuhayan ng pag-asa.

Napalagok ako nang dahan-dahang tumayo ang heneral habang yakap ang aking katawan. Hindi ko na sinubukang magpumiglas nang buhatin niya akong muli. Umangkla ang aking dalawang hita sa kanyang baywang upang hindi ako mahulog. Ang magagaspang niyang kamay ay nakasaklob sa aking pang-upo noong magsimula siyang maglakad.

“Ginoo, huwag!”
pagtutol ko ngunit huli na ang lahat nang punitin niya ang suot kong barong pangtulog.

Dumaing ako nang hampasin niya ang aking pang-upo sa sabik na paraan.
“Anong huwag? Ang ibig mo bang sabihin ay huwag na natin patagalin ang ating susunod na laban, Ryannel?”

May ibayong pag-iingat akong ibinaba ni Heneral Vicencio sa kumpol ng mga dayami. Ginamit niya ang aking barong na kasuotan upang hindi magalusan ang aking katawan nang pahigain niya ako sa mga iyon. Ang talukap ng aking mga mata ay dahan-dahang pumikit subalit hindi pa man ako nakakapagpahinga ay hinawakan na ng heneral ang dalawa kong paa at pahiwalay iyong itinaas sa ere.

“Inilagay kita sa ganyang posisyon hindi para matulog ka, Ryannel. Nais ko lamang na makitang komportable ka sa mahaba nating sesyon ngayong gabi.”
paglilinaw ng tusong heneral.

Sa halip na sumagot ay suminghap na lamang ako at naghalukipkip. Nang makita ng heneral ang aking ekspresyon ay ngumiti ito bago dumagan sa aking katawan nang walang pasabi. Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi nang supsupin ng heneral ang aking dibdib na parang gutom na sanggol.

“Ginoo…”
kumapit ako sa kanyang magulong buhok nang paglaruan niya iyon gamit ang mahusay niyang dila.

Pinipisil ng kaliwa niyang kamay ang isa kong dibdib.
“Hinding-hindi ako magsasawang tikman ka, Ryannel. Ang iyong bawat pag-ungol ay musika sa aking tainga.”

“Totoo nga ba ang aking narinig, ginoo? Hmm?”
panunudyo ko.

Ang mata ng heneral ay mas lalong nanabik kung kaya’t agad ko ring pinagsisihan ang aking sinabi. Itinigil niya ang paghimod sa aking dibdib at mabilis na inangkla ang dalawa kong binti sa kanya. Hinalikan niya ang aking labi bago ipadausdos ang kanyang ari sa aking puwetan. Nang mahanap nito ang aking lagusan ay bigla na lamang siyang umulos kaya ako napasigaw.

“Ahhh, ginoo!”

“Iyan ang nais mo hindi ba, Ryannel. Nais mo akong akitin upang mas lalo akong mabaliw sa iyo. Huwag kang mag-alala dahil kahit hindi ka pa umuungol ay nakuha mo na ako,”
sabat niya at binilisan ang pagbayo.

Ang malalakas na paghampas ng aming katawan ang dahilan kung bakit hindi ko gaanong narinig ang kanyang huling sinabi. Ang aking mga kamay ay nakakapit sa kanyang braso dahil pakiramdam ko’y sa bawat pag-ulos niya ay maari akong mahulog mula sa mga dayami.

“Ahh! Ginoo, m-maari mo bang… bagalan?”
pakiusap ko habang niyuyogyog niya ang aking katawan.

“Bagalan?”
ngumisi ang heneral.
“Ngunit hindi iyan ang nais ng iyong lagusan, Ryannel. Para bang iniibig nito ang aking kalakihan at nais pa nitong bilisan ko ang paggalaw.”

“Ahhh! H-hindi kita maunawaan, ginoo.”

Itinaas niya nang bahagya ang aking katawan sa pamamagitan ng paghigit sa aking braso.
“Nais kong tingnan mo ang aking pagkalalaki, Ryannel. Pagmasdan mo kung paano hinihigop ng iyong masikip na lagusan ang aking sandata.”

Nang makita ko iyon at nag-init ako nang biglaan. Tanging sinag na nagmumula sa lampara ang nagsisilbing liwanag sa buong silid ngunit kitang-kita ko ang kanyang kalakihan. Nang ibaon niya ang kabuuan niya sa akin ay muli akong napahiga at umungol.

“Ginoo, ahhh! Bilisan mo pa!”
sabik kong utos nang masanay na ako sa aming posisyon.

“Masusunod, Ryannel,”
sambit ng heneral at mas lalong binilisan ang pag-angkin sa akin.

Ang aking mga paa ay naka-angkla na ngayon sa likod ng kanyang hita. Sabay kaming napapahiyaw sa tuwing bumabaon ang kanyang sandata sa akin, at napapabuntong hininga sa tuwing titigil siya nang saglit. Batid kong malapit na siya sa kanyang kasukdulan ngunit pinipigil niya iyon sa pagbugso.

Nang muli siyang umulos ay ikinulong ko na ang kanyang katawan sa akin gamit ang dalawa kong hita. Ang kanyang tuhod ay nakaluhod sa mga dayami kung kaya’t nagawa kong gumalaw upang salubungin ang kanyang paggalaw.

“La hostia, Ryannel! Malapit na ako…”
akmang aalis siya sa aking ibabaw ngunit niyakap ko siya nang mahigpit.

Ngumiti ako nang nakakaloko.
“Ibigay mo sa akin, ginoo.”

“Kung gayo’y tanggapin mo ito,”
babala niya at mas ibinaon ako sa kanyang pagkalalaki.

Humawak siya nang mariin sa aking balikat upang mas idikit ang aking katawan sa kanya. Namamaos na ang aking boses sa kakasigaw ngunit nagbingi-bingihan ang heneral at mas itinuon ang pansin sa pagroromansa. Matapos ang sampung ulos ay naramdaman ko ang limang beses na pagputok ng kanyang sandata sa aking kaloob-looban.

Nagpatuloy ang kanyang paggalaw hanggang sa ako na lamang ang nakatulog dahil sa labis na panghihina. Hindi ko na nagawang bilangin kung ilang beses siyang nakaraos dahil sigurado akong kulang ang dalawa kong kamay upang bilangin iyon.

Tirik na ang araw sa labas nang ako’y magising sa pagtulog. Bumungad sa akin ang matandang manggagamot na abala sa pag-aasikaso sa akin. Nang pasadahan ko ng tingin ang paligid ay nabatid kong nasa loob na ako ng silid ni Heneral Vicencio. Kasalukuyan rin akong nakahiga sa kanyang malambot na tulugan.

Ang sabi ng matanda ay maaga raw lumisan ang heneral at hinabilin sa kanyang bantayan ako at pakainin ng mga putahe sa hapag. Sa kabila ng kirot ng aking katawan lalo na sa aking likuran ay nagawa tumayo at pinilit kainin ang mainit na lugaw. Hindi gaano kasarapan ngunit dahil kumakalam na ang aking sikmura ay maari na iyong pagtiyagaan.

Isang kulay puting karwahe ang bumungad sa aking mga mata pagkalabas ko ng mansyon. Labag man sa aking loob ay sumakay na lamang ako roon hanggang sa makauwi dahil hinabilin rin daw ito ni Heneral Vicencio sa mamang kutsero. Kung hindi pa nabanggit ni ina ay hindi ko mapapansing suot ko ang baro ng heneral na siyang dahilan kung bakit nagmistula akong lumpo kung maglakad.

“Kuya! Kuya! Kuya!”
sunod-sunod na tawag ni Stella kasabay ng pagkatok niya sa pinto ng aking silid.

Nagkukumahog kong binuksan ang pintuan at kaagad akong napangiti dahil gayon rin siya. Nakasuot siya nang bulaklaking bestida na lampas tuhod at nakakulot rin ang kanyang mahabang buhok. Ang kanyang labi ay napakapula at nagmistulang bahaghari ang kanyang mukha sa samut saring kolorete.

“Anong… nangyari sa iyo, Stella?”
nanunuya kong tanong.

Hinawakan niya ang aking kamay at sinubukan akong hilahin patungo sa kung saan, ngunit hindi ako nagpadala. Naguguluhan ako sa kanyang kinikilos.

“Mayroon tayong panauhin na siguradong ikakabigla mo, kuya.”
pamimilit niya.

Tiim bagang ko siyang tiningnan.
“Ang panauhin na iyong tinutukoy ay hindi mo naman iniibig, tama ba ako?”

“Iniibig ko?”
tinakpan niya ang kanyang bibig.
“Nagkakamali ka, kuya. Ang panauhin na nasa ibaba ay ang iyong iniibig. Walang iba kung hindi ang iyong kababata na si Binibining Juana Gerardo.”

-Terrorious

×××

KABANATA 7: Kababata

Hindi mapagsidlan ang galak sa aking puso nang malaman kong ang binibining nasa ibaba ay ang aking sinta. Sa bawat hakbang na aking ginawa ay para akong tumatapak sa mga ulap. Mahigpit akong humawak sa barandilya ng hagdan nang aking masilayan ang marikit na binibini.

Ang kanyang buong atensiyon ay nakatuon sa aking larawan na nakapaskil sa dingding. Katabi iyon ng ilang parangal na aking natanggap sa tatlong taong serbisyo sa militar. Bukod sa aking pamilya ay handog ko sa kanya ang aking tagumpay.

“Sampung taon na rin pala ang nakalipas… Ginoong Ryannel,”
at dahan-dahan siyang lumingon sa aking pinanggalingan.

Ang bilis ng tibok ng aking puso ay mas lalong bumilis nang magtama ang aming mga mata. Tunay ngang napakaganda ng binibini kahit noong ito’y musmos pa lamang. Sa loob ng sampung taon ay naging mas kahali-halina ang kanyang mukha. Magmula sa maalon at mahaba nitong buhok na may ilang palamuti, mapupungay niyang mga mata, katamtamang tangos ng ilong at kulay rosas na labi, ay walang dudang nahulog ako sa kanya simula pa noon.

Nakangiti akong lumapit sa kanya.
“Ilang taon rin ang nagdaan, Binibining Juana. Ako’y labis na nagagalak sa iyong pagbabalik mula sa Amerika.”

“Labis rin akong nasasabik sa iyo, Ginoong Ryannel,”
at biglaan niya akong niyakap nang mahigpit.

Naestatwa ako sa kanyang ginawa kung kaya’t hindi kaagad ako nakatugon. Hinaplos ko ang kanyang likod bago siya yakapin pabalik. Sigurado akong naririnig ng binibini ang mala-tambol kong puso nang humilig siya sa aking dibdib. Hindi niya naman kailangang mabahala sapagkat siya lamang ang tinitibok nito mula pa noong pagkabata.

“Anak, Binibini,”
tawag ni ina matapos siyang tumikhim.
“Naghanda ako ng mainit na kape para sa inyo.”

Kaagad ring lumakad palayo si ina matapos niyang ilapag ang bandeha na mayroong kape upang bigyan kami ng espasyo. Hawak ko ang kamay ng binibini upang alalayan ito patungo sa hapag-kainan. Nang makaupo na siya nang kumportable ay umupo naman ako sa kanyang tapat.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap na kita ngayon, binibini. Ako ba’y nananaginip lamang dahil kung iyon ang totoo’y huwag na sana akong magising.”

Mahinang humagikgik si Binibining Juana.
“Hindi ito isang panaginip, Ginoong Ryannel. Ang iyong nasa harapan ay ang totoong Binibining Juana. Ako man rin ay hindi lubos makapaniwalang nasa harapan ko ngayon ang napakakisig na ginoo ng buong San Fernando.”

Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang pagngiti.
“Napakatamis mo pa ring magsalita, binibini. Sigurado akong kahit sinong ginoo ang makarinig niyan ay lubos kang maiibigan.”

Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil iyon.
“Ang aking mabulaklak na mga salita ay nakalaan lamang sa iyo, Ginoong Ryannel.”

“M-maari ko bang malaman kung ano ang dahilan ng hindi mo pagsagot sa aking mga liham, binibini?”
Hindi ko sadyang sambitin ang laman ng aking utak.

Pinagsaklob niya ang kanyang kamay.
“Naging abala ako sa pag-aaral sa Amerika kung kaya’t hindi ako nakapagpadala ng liham bilang tugon sa iyo, Ginoo. Gayumpaman, ang iyong mga liham pag-ibig ay aking tinatago at paulit-ulit binabasa sa tuwing nalulumbay ako sa iyo.”

Nang tumulo ang luha ng binibini ay mabilis akong lumapit upang punasan iyon. Narapat lamang na hindi na ako nagtanong kung pagtangis ang aking masasaksihan mula sa kanya. Nang kumalma ang binibini ay doon lamang nagsimula ang aming kamustahan.

Nabanggit niyang nag-aral siya ng medisina sa isang tanyag na unibersidad sa Amerika. Siya ang kaisa-isang anak nina Don at Donya Gerardo na Gobernadorcillo ng aming lungsod at suportado nito ang kanyang pangarap bilang doktor. Bata pa lamang ay nakitaan na siya ng husay sa larangan ng medisina sapagkat lagi siyang nasa klinika ng bayan kung saan rin kami unang nagkadaupang palad.

“Juana, saan ka ba napadpad at hindi ka mahagilap sa buong San Fernando?”
boses iyon ni Donya Gerardo nang maihatid ko ang binibini sa kanila.

Nang hindi ko marinig ang pagsagot ng binibini ay ako na ang nagkusang pumasok sa loob ng kanilang mansyon. Mabuti naman at walang magaganap na pagtitipon sa katipunan ngayon kung kaya’t ang tanging naririto ay ang aming Gobernadorcillo at ilan nilang katulong.

“Magandang gabi po, Donya Gerardo,”
itinapat ko ang sumbrero sa aking dibdib habang nakayuko.

“Ako po ay humihingi ng tawad kung ngayon ko lamang naiuwi ang inyong unica hija. Nawili po kami sa aming pagbabalik tanaw at kamustahan.”

Ang pangamba sa mukha ng donya ay humupa naman sa isang iglap.
“Ikaw pala iyan, Ginoong Ryannel. Kung gayon ay magkasama pala kayo ng aking anak. Nais mo bang dito kumain ng hapunan?”

Isinuot kong muli ang aking sumbrero at nagdalawang isip.
“Hindi na po–”

“Ginoo, nais pa kitang makasama,”
kumapit si Binibining Juana sa aking braso.
“Maari bang dito ka na lamang kumain ng hapunan? Kung hindi mo naitatanong ay bago ako nagtungo sa iyo ay nagluto muna ako ng paborito mong tinola.”

“Subalit…”

paano si Heneral Vicencio.

Bumaling ang aking atensyon sa ikalawang palapag nang lumabas si Don Gerardo ng kanyang silid. Nang alukin niya akong manatili ay hindi na ako muli pang umalma. Ako rin ay nababahala kung sakali mang mayroon siyang importanteng tatalakayin ukol sa katipunan.

Samut saring mga putahe ang nakahanda sa kanilang hapag-kainan nang maupo kami roon. Kung nakatanggap ako ng paanyaya sa kanilang selebrasiyon ay mas maaga ko sanang naiuwi ang binibini pabalik sa kanilang mansyon.

Napalunok ako nang ipaghanda ako ni Binibining Juana ng pagkain.
“Tikman mo ang espesyal na tinolang manok na aking inaral lutuin para lamang sa iyo, ginoo. Hindi man iyan ganoon kasarapan ay maibigan mo sana ito.”

“M-masarap, binibini. Maging ang luto mo ay naibigan ko,”
saad ko matapos ko iyong tikman.

Abot tainga ang ngiti ni Donya Gerardo habang pinagmamasdan kami ng kanyang anak. Si Don Gerardo naman ay walang ekspresyong ipinakita kagaya ng aking inaasahan. Akmang lalagyan pang muli ni Binibining Juana ang aking mangkok ng ilang putahe ngunit tumanggi na ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking tiyan at wala na itong mapaglalagyan.

“Heneral Guevarra, bago ka lumisan ay nais kong ipaalam sa iyo na ang aking unica hija ay nais magtrabaho sa ospital ng ating bayan. Maari mo ba siyang samahan roon kinabukasan?”
ang tono ng Gobernadorcillo ay humihingi ng pabor.

Matapos akong sumimsim ng tubig ay doon lamang ako nakasagot.
“Ang ospital po ba na iyong tinutukoy ay ang Mediko Del Fuego?”

“Iyon nga. Maari kayong maglakbay habang hindi ba sumisikat ang araw upang maaga rin kayong makabalik,”
sabat ni Donya Gerardo.

Malalim ang akong nag-isip. Walang dudang nais kong makasama ang binibini subalit inaalala ko ang heneral. Batid kong hindi niya magugustuhan ang lumisan ako ng kanyang mansyon ng hindi pa lumilitaw ang araw sa kalangitan. Bukod pa roon ay kumikirot pa rin ang aking pang-upo sa naganap naming laban kagabi.

“Ipagpaumanhin ninyo ang aking pagtanggi, Don, Donya at Binibining Juana. Ibig ko mang pumayag, subalit araw-araw akong n-nahuhuli ng gising sa umaga,”
pagdadahilan ko.

Pinagpawisan ako nang maramdaman ang paghaplos ni Binibining Juana sa aking hita. Kagat niya ang ibaba niyang labi nang tingnan ko siya na wari mo’y inaakit ako sa kanyang malagkit na titig.

“Mabuti pa’t dito ka na lamang magpalipas ng gabi, ginoo. Huwag kang mangamba dahil ako mismo ang gigising sa iyo sa umaga,”
bulong ni Binibining Juana sa aking tainga.

-Terrorious

×××

KABANATA 8: Sinungaling

“Mayroon ka pa po bang kailangan, Heneral?”
iyan ang tanong ng kaagapay sa mansyon ng mga Gerardo matapos linisin ang bakanteng silid.

Ang silid na ito ay nasa ikalawang palapag. Mayroon itong isang kobrekama, maliit na lampara sa ibabaw ng lamesa at bintana na abot tanaw ang malawak na hardin sa bakuran.

“Sa tingin ko’y narito na ang lahat ng kailangan ko. Marami pong salamat
,” yumuko ako bilang pagrespeto.

Lumapit ako sa kobre kama nang lumisan ang katuwang ng mansyon. Nakita ko roon ang barong pangtulog na ipinahiram sa akin ngayong gabi. Matapos ko iyong kuhanin ay pumasok ako sa palikuran upang maglinis ng katawan.

Ang totoo niyan ay hindi ito ang unang beses na nagpalipas ako ng gabi sa mansyon ng mga Gerardo. Noong musmos pa kami ni Juana ay halos araw-araw akong narito sa kanila upang maglaro. Ang aming pamilya ay malapit sa isa’t-isa kung kaya’t panatag ang loob ng aking ama at ina sa tuwing narito ako.

“J-Juana, b-bakit ka naririto?”
utal kong sambit nang tumambad siya sa aking harapan nang makalabas ako ng palikuran.

Tanging tuwalya ang tapis sa aking ibabang katawan at tumutulo pa ang ilang butil ng tubig mula sa aking basang buhok. Siya naman ay nakasuot nang maluwag na bestida at hawak ang aklat na aming binabasa noong aming kabataan.

Tumalikod siya at tinakpan ang kanyang mukha, dahilan upang mahulog ang aklat na kanyang hawak. Umiling ako nang ilang beses bago damputin iyon. Nang kalabitin ko siya ay doon lamang siya sumambit ng salita.

“Narito ako upang magbalik tanaw sa akdang nakahiligan mong basahin para sa akin noon, Ginoo,”
matulin niyang sagot.

“Binibining Juana, batid mo bang mahigpit na ipinagbabawal sa mga kababaihan ang pagpasok sa silid ng kahit sinong kalalakihan tuwing sasapit ang gabi?”

Kumamot siya ng kanyang ulo.
“Paumanhin. Nawaglit iyan sa aking isipan, ginoo. Kung gayon ay nararapat lamang na lumabas na ako ng iyong silid.”

Bagsak ang kanyang balikat at busangot ang kanyang mukha nang lagpasan niya ako. Hindi ko mawari kung bakit parang may tinik na tumusok sa aking puso nang mapagtanto kong nasaktan ko siya. Bago pa tuluyang makalabas ang binibini sa silid ay hinawakan ko ang kanyang palapulsuhan upang siya ay pigilan.

“M-maari kang lumisan pagkatapos kitang kuwentuhan ng paborito nating akda,”
wika ko.

Hindi mapagsildlan ang tuwa sa mukha ni Binibining Juana matapos iyong marinig mula sa akin. Nanlaki ang mata ko nang yakapin niya ako nang biglaan sa mahigpit na paraan. Wala akong pang-itaas na kasuotan at kahit basa pa ang aking katawan ay hindi niya iyon ininda.

Napakabilis nang tibok ng aking puso ngunit hindi ko maintindihan kung ito ba’y dahil sa pagmamahal o nabigla lamang ako sa kanyang inasal.

Mahigit isang oras rin ang itinagal ng aming kuwentuhan at kagaya ng aming usapan, ay lumisan rin ang binibini nang matapos ang akdang aking isinalaysay. Mag-isa na lamang ako muli sa silid at kasalukuyang nakadungaw sa bintana. Napakaraming bumabagabag sa akin kaya’t hindi ako madapuan ng antok.

Kumusta kaya ang Heneral Vicencio?

Hinahanap niya kaya ako?

Ako ba’y mapapatawad niya sa hindi ko pagpunta sa kanyang silid upang siya’y paligayahin?

Nang makita ko ang papel at panulat sa ibabaw ng lamesa ay may kung anong nagtulak sa akin upang gumawa ng liham. Malakas kong sinampal ang aking mukha nang mapagtantong pangalan ni Heneral Vicencio ang nais kong pag-alayan nito.

“Ikaw lamang ay binabagabag ng iyong konsensiya, Ryannel. Wala kang dapat ipag-alala,”
sabi ko sa aking sarili.

Hindi pa sumisikat ang araw ay kumatok na sa pinto ng silid si Binibining Juana kinabukasan. May agahan ng nakahain sa hapag noong ako’y lumabas at abala ang kanilang mga katuwang sa paglilinis ng buong mansyon. Nang matapos kaming mag-agahan ay doon lamang nagpakita si Tinyente Ismael, siya ang humahalili sa Gobernadorcillo.

“Magandang umaga sa inyo, Heneral Guevarra at Binibining Juana. Ang maghahatid sa inyong karwahe ay nakahanda na,”
maligayang anunsiyo ni Tinyente Ismael.

Iginawad ko ang aking kaliwang kamay.
“Halika na, binibini. Malayo pa ang ating lalakbayin.”

“Mabuti pa nga, Ginoong Ryannel,”
hinawakan niya ang aking kamay at hinayaang akong gabayan siya sa pagtayo.

Nakasuot lamang ako ng pang-ordinaryong barong upang hindi magambala ang ilang mamimili sa bayan. Samantalang kapansin-
pansin naman ang suot ni Binibining Juana dahil sa pula niyang kamiseta na sa tingin ko ay galing pa sa Amerika.

Hindi ko binitawan ang kanyang kamay hanggang sa makasakay kami sa loob ng magarang karwahe. Sa tuwing madadaanan namin ang ilang lugar kung saan kami madalas pumunta noon ay napapangiti kaming dalawa. Sa loob ng sampung taon ay malaki ang pinagbago ng San Fernando. Kung dati ay malawak na palayan ang sasalubong sa iyo bago makarating ng bayan, ngayon ay may nakatayo na ritong ilang kabahayan.

“Ginoo,”
kinalabit niya ang aking braso para kuhanin ang aking atensyon.
“Hindi ba’t iyan ang batis kung saan tayo nagtatampisaw noon?”
turo ng binibini sa hindi kalayuan.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang maalala ang aming kabataan.
“Tama ka, binibini. Noon ay isa lamang iyang karaniwang anyong tubig subalit ang ating mga kababayan ay pinangalanan iyang

Batis ng Kasarinlan

. Ang sabi ng mga matatanda ay matutupad ang hinihiling na kapayapaan ng kung sino mang magtampisaw sa batis na iyan sa araw ng kanilang kaarawan.”

“Kung gayon ay milagroso ngang tunay ang lawa na iyan! Ginoo, maari ba tayong bumalik sa lawang ito sa nalalapit mong kaarawan?”
hinawakan niya ang aking mga kamay.

Hindi ko namalayan na malapit na nga pala ang aking ika dalawampu’t isang kaarawan sa labis kong pagiging abala. Sa tatlong taon kong serbisyo bilang punong heneral ay hindi ako nakaranas magdiwang ng aking kaarawan. Nakakalimutan ko na ang aking sarili dahil mas binibigyang pansin ko ang aking nasasakupan.

“Kung iyon ang nais ng Binibining Juana ay aking malugod na susundin,”
tugon ko.

Tirik na ang araw nang makarating kami sa Mediko Del Fuego, ang pinakatanyag na pagamutan sa buong San Fernando. Hindi naging balakid ang aking karaniwang kasuotan upang hindi ako makilala ng mga lokal rito. Ako’y labis na nawiwili sapagkat nakadaupang palad ko rin si Ginoong Pablo, siya ang kabesa ng aming nayon at malapit na kaibigan ng aking namayapang ama.

Hapon na noong huminto ang karwahe sa mansyon ng mga Gerardo. Gaya ng aking inaasahan ay naging matagumpay si Binibining Juana na maging kaisa ng Mediko Del Fuego. Tiyak na malaki ang kanyang magiging tulong gamit ang talento niya sa larangan ng medisina.

Nagkaroon lamang ng maiksing pagpupulong ukol sa katipunan at nakahinga ako nang maluwag nang mapag-alamang gaya ng nagdaang mga araw, ay bihira na lamang magparamdam ang mga sundalong mula sa Espanya. Matiwasay ang pakikipagkalakalan tuwing gabi at wala na ring humaharang sa daungan ng pamilihan tuwing sasapit ang bukang liwayway.

“H-heneral?”
pumiyok ang aking boses sa labis na kaba nang kumatok ako sa pintuan.

Narito ako ngayon sa labas ng kanyang silid matapos akong pahintulutang pumasok ng kanyang mga sundalo. Muli akong kumatok at sa wakas ay bumukas na ito at bumulaga sa akin ang usok na batid kong galing sa halamang gamot.

Umawang ang aking labi nang hawakan ni Heneral Vicencio ang aking kamay at paupuin ako sa silyang katapat ng isang manggagamot na abala sa paggawa ng langis yari sa bulaklak na Baino.

“Kumusta ang iyong pakiramdam sa ngayon, heneral?”
tanong sa akin ng manggagamot na matanda.

Naguguluhan ang aking isip kaya’t hindi ako nakatugon. Kumuha ng isa pang silya si Heneral Vicencio at umupo sa tapat ko. Gamit ang kanyang palad ay pinakiramdaman niya ang aking noo at leeg.

“Nakapagtataka,”
napakamot siya ng kanyang sentido.
“Malinaw na nakasaad sa liham na aking natanggap na ikaw ay inaapoy ng lagnat kung kaya’t hindi ka pumunta upang ako’y pinaligay–”

Tinakpan ko ang kanyang busabos na bibig at tumawa nang pilit.
“Tama po kayo, heneral. Masama nga po ang aking pakiramdam noong gabi subalit nawala rin ito ngayon. H-hindi ka na sana nag-abala pa.”

“Totoo ba ang iyong tinuran? Lahat ba ng nakapaloob sa liham na aking natanggap ay katotohanan lamang?”
may awtoridad niyang tanong.

Lumunok ako bago sumagot,
“Oo, heneral. Lahat ng nakapaloob sa liham na iyon ay walang bahid na kasinungalingan.”

Sinuri niya ang aking mukha na para bang humahanap siya ng ebidesiya roon.
“Kung gayon ay maniniwala ako sa iyo, subalit hindi mo maiibigan ang kaya kong gawin kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa akin, Ryannel.”

Patawarin mo ako, Heneral Vicencio.

-Terrorious

×××

Glosari:


Baino

  • Lotus

KABANATA 9: Lupa

Isang linggo na ang nakalipas simula noong huli akong pumunta sa mansyon ni Heneral Vicencio. Matapos niya akong ipatingin sa manggagamot ay napagdesisyunan niyang pansamantala kaming hindi magkita.

Ang hindi ko pagpunta sa kanyang mansyon ay ang aking kapayapaan. Mas napagtuunan ko ng pansin ang aking pamilya, ang katipunan at higit sa lahat ay mas marami akong nailaang oras para sa sinta kong si Binibining Juana.

Sa nagdaang mga araw ay hindi nawaglit sa aking isipan ang paghatid sa binibini patungo sa aming bayan. Matapos iyon ay tutungo ako sa katipunan upang makapanayam ang mga makapangyarihang tao sa pamahalaan na may adhikaing mapanatili ang kapayapaan sa buong San Fernando. At tuwing darating ang takip-silim ay nagkakaroon nang maiksing pagpupulong kasama ang mga sundalong militar.

“Kuya…”
pagtawag sa akin ni Stella matapos siyang pumasok sa aking silid.

Magkasaklob ang kanyang mga kamay nang lumakad siya palapit. Tila ba mayroong bumabagabag sa kanyang isipan kaya ko iniwan ang ilang papeles sa lamesa. Inanyayahan ko siyang umupo sa sulok ng aking higaan bago ako umupo sa kanyang tabi.

“Anong sadya mo rito aking mahal na kapatid?”
mahinahon kong saad.

“Nais lamang kitang kamustahin, kuya,”
lanyos niya.
“Bago pa bumalik sa San Fernando si Binibining Juana ay tila maraming bumabagabag sa iyo, at labis akong napanatag nang siya’y bumalik dahil nakikita kong masaya ka sa kanyang piling.”

“Wala kang dapat ipag-alala, Stella. Naging abala lamang ako sa pag-aasikaso sa ating nasasakupan noong nagdaang linggo,”
turan ko.

“Iniibig mo bang tunay si Binibining Juana?”
direkta niyang tanong kaya ako nabigla.

Ilang segudo akong natahimik bago tumugon.
“Oo, Stella. Iniibig ko pa rin si Binibining Juana.”

Simula pagkabata ay nangako ako sa aking sarili na kung hindi lang rin si Binibining Juana ang aking iibigin, ay hindi na lamang ako iibig. Ngunit sa paglipas nang maraming taon naming nagkawalay ay labis akong nalumbay. Noong muli siyang bumalik sa San Fernando pagkalipas ng sampung taon ay napakalaki ng kanyang pinagbago. Walang duda na siya pa rin ang Binibining Juana na aking inibig noon, subalit ang kanyang kilos ay nag-iba. Marahil ay kaya ganoon ang kanyang kinikilos ay dahil sa tagal niyang nawalay sa lupang kanyang sinilangan. Gayunpaman ay handa ko siyang tanggapin ng buong puso.

“Mag-iingat ka sa iyong pagbabalik, ginoo,”
wika ni Binibining Juana matapos ko siyang maihatid sa Mediko Del Fuego kinabukasan.

“Babalik akong muli pagsapit ng ala syete ng gabi upang sunduin ka kung iyong mamarapatin,”
yumuko ako nang bahagya, hinihintay ang kanyang magiging sagot.

Napaigtad ako nang hawakan niya ang aking dalawang balikat bago siya tumingkayad upang halikan ang aking kanang pisngi. May ngiti sa labi ang binibini nang siya’y aking masilayan. Iyon ang unang halik na natanggap ko sa kahit sinong kababaihan.

“B-bakit?”
pakiramdam ko’y namula ang aking mukha.

Pinasadahan ko ng tingin ang pagamutan at dahil hindi pa sumisikat ang araw ay kaunti pa lamang ang mga tao roon. May ilang kabataan na patungo sa eskwelahan at mga mamimili na ang destinasyon ay sa norte kung nasaan naman ang pamilihang bayan. Payapa ang paligid at ang tanging maririnig ay ang huni ng mga ibon sa malapit na kagubatan.

Pinunasan niya ang pisngi kong namarkahan ng pula niyang labi.
“Batid kong hindi ka pa nakakapagpahinga, ginoo. Maari ka nang umuwi sa inyong mansyon sapagkat napakiusapan ko ang aking ama na asikasuhin ang katipunan ngayong araw.”

“Maraming salamat sa pag-aalala, binibini. Ako’y mauuna na upang makabawi ng lakas.”
iyan ang aking sinambit bago sumakay sa kabayo.

Pagkatapos kong magpaalam ay nagsimula na akong maglakbay pabalik sa aming mansyon. May ibayong pag-iingat kong pinalakad ang aking kabayo habang ang aking mga mata’y nagmamasid sa paligid. Tumigil ako pansamantala nang aking makadaupang palad ang matandang gwardiya sibil na mula sa Espanya.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang nagbabantay sa tarangkahan ng mansyon ni Heneral Vicencio. Nakasuot siya ng itim na barong at nakatakip sa kanyang mukha ang itim ring sumbrero. Marahil ay hindi niya napagtantong namumukhaan ko siya nang magpatuloy ako sa paglalakbay.

Bakit kaya siya naririto?

Mahigit tatlumpong minuto ang guguguling oras mula sa mansyon ni Heneral Vicencio hanggang sa bayan. Bukod sa kanya ay wala na akong nakita na iba pang sundalo na mula sa Espanya. Isinawalang bahala ko iyon sa pag-aakalang namamalik-mata lamang ako.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating din ako sa wakas sa aking destinasiyon. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa aming mansyon ay naririnig ko na ang alingawngaw na boses ng isang ginang. Dahan-dahan akong lumakad sa bukana ng silid tanggapan upang hindi sila magambala.

“Batid ko ang ibig mong iparating Donya Florencio, subalit hindi pa ba sapat na ebidensiya ang labis na pagmamalasakit ng iyong anak sa aking unice hija?”
boses iyon ng ina ni Binibining Juana na si Donya Gerardo habang kausap ang aking ina.

“Sa aking palagay ay hindi nararapat na pangunahan natin ang ating mga anak, Donya. Kung tunay ngang iniibig nila ang isa’t-isa ay sigurado akong mapupunta rin sila sa kasalan, hindi ba?”
wika ni ina.

Humakbang ako palapit sa tanggapan ng panauhin at nakita kong dalawa lamang sila roon. Ang aking ina ay nakasuot ng karaniwang bestida dahil hindi nito ibig ang mga magagarang kasuotan, samantalang si Donya Gerardo naman ay suot ang kanyang dilaw na kamiseta at nakakasilaw ang mga alahas na nakasabit sa kanyang leeg, tainga at kamay.

“Batid mong ang aking nag-iisang anak na si Juana ang itinalagang pinakamarikit na binibini sa buong San Fernando, at halos gabi-gabi’y hindi magkandamayaw ang mga binatang bumubulabog sa aming mansyon tuwing darating ang takip-silim upang mangharana,”
pagmamalaki ni Donya Gerardo at binuklat ang kanyang gintong abaniko.

“Tinuran mo bang ang iyong anak ang pinakamarikit sa buong San Fernando?”
Humagikgik ang aking ina,
“Marahil ay ang balitang iyan ay sampung taon na ang nakalipas. Ang bukod tanging binibini na mayroong napakaraming manliligaw ay ang aking anak na si Stella. Mawalang galang na rin dahil ang aking binatang anak naman na si Ryannel ay pinag-aagawan rin ng mga binibini sa angkin nitong kakisigan kaya’t huwag mong isipin na ang iyong marikit na anak lamang ang gustong umangkin sa aking binatang anak. Kung wala ka nang maidadagdag ay maari ka nang gumayak paalis, Donya Gerardo.”

Rumolyo ng kanyang mata ang nasabing donya bago ito lumakad palabas ng aming mansyon. Kaagad na pinatakbo ng kutsero ang karwahe nang makasakay roon si Donya Gerardo. Hindi ko lubos maisip na maririnig ko iyon sa aking ina kung kaya’t ginagambala pa rin ako nito hanggang sa makapasok ako sa loob ng aking silid. Pinilit ko na lamang ang aking sarili na matulog upang iwaksi iyon sa aking isipan.

“Kuya…  KUYA!”
pambubulabog ni Stella sa aking tulog habang patuloy ang pagkatok sa aking pinto.

Kinusot ko ang aking mga mata bago lumakad palapit upang buksan iyon. Nang dumapo ang aking tingin sa bintana ay doon ko napag-alamang madilim na ang kalangitan.

“Magandang gabi, Stella,”
bati ko sa kanya matapos kong masilayan ang kanyang busangot na mukha.

“Maganda ang aking gabi subalit hindi ko masisigurong ganoon rin ang sa iyo, kapag nalaman mo ang aking ibabalita,”
saad niya.

Ang ngiti sa aking labi ay naglahong parang bula.
“Maari ko bang marinig ang iyong balita?”

“Si B-binibining Juana,”
napatigil siya ng ilang segundo.
“Hinarang siya ng mga sundalong mula sa Espanya sa bayan. Hanggang ngayon ay naroon pa rin siya.”

Hindi ako nag-aksaya ng oras at nagmamadali akong bumaba patungo sa tarangkahan ng mansyon. Doon ay nakita ko si Tinyente Ismael na nakasakay sa kanyang kabayo, waring hinihintay ako nito. Sa labis kong pag-aalala ay hindi ko man lang siya nabati at kumaripas ng takbo matapos akong sumakay sa aking kabayo. Narinig ko naman ang pagsunod niya mula sa aking likuran.

Malalim na ang gabi kung kaya’t ang liwanag mula sa bilog na buwan ang nagsilbing gabay sa madilim na daan. Nangangatog ako sa lamig nang sumalubong sa akin ang malamig na hangin mula sa silangan. Doon ko napagtantong nakasuot lamang ako ng manipis na barong pangtulog at nawaglit sa aking isipan ang magpalit ng kasuotan bago maglakbay patungong bayan.

Bumungad sa akin ang napakaraming sundalo na pinalilibutan ang isang karwahe. Malayo pa man ako ay batid kong sakay niyon ang binibini. Matapos kong itali ang aking kabayo sa puno ng mangga ay lumakad ako palapit roon.

“Nuestro general ya compró esta tierra. No puedes pasar por aquí!”

(Hindi kayo maaaring dumaan sapagkat napagbili na ang lupang ito)
sigaw ng gwardya sibil.

Kumamot ng ulo ang kutsero.
“Ipagpaumanhin ninyo subalit hindi ko kayo maunawaan. Maari ba kayong makipag-usap sa wikang Filipino?”

“Buenas noches!”
bati ko sa mga sundalo kaya’t nabaling sa akin ang kanilang atensiyon.

Sinenyasan ko si Binibining Juana na manatili siya sa loob ng karwahe nang dumungaw siya roon. Bakas ang pangamba sa kanyang maamong mukha.

“Buenas Noches,”
bati sa akin pabalik ng gwardiya sibil na nakita ko kaninang umaga,
“Estamos contentos de estar fortalecidos por su presencia esta noche, pero si planea convencernos de dejar pasar a la chica, entonces está perdiendo el tiempo, Heneral Guevarra.”

(Masaya kaming masilayan ang presensiya mo ngayong gabi, ngunit kung naririto ka upang makiusap na hayaan naming makadaan ang binibini, ay nag-aaksaya ka lamang ng iyong oras, Heneral Guevarra).

“¿Puedo hablar con la persona que compró esta tierra para poder convencerlo en su lugar?”

(Maari niyo ba akong pahintulutang makapanayam ang taong bumili ng lupang ito?)
mahinahon kong pakiusap.

Sa loob ng isang linggo ay nag-aral ako ng wikang Espanyol. Batid kong magagamit ko ang aking kaalaman sa naturang wika at hindi nga ako nagkamali. Bakas ang pagkagulat sa mukha ng gwardiya sibil matapos iyong marinig sa akin.

Tinuro niya ang malaking karwahe sa hindi kalayuan.
“Ese carruaje pertenece a la persona que compró esta tierra. Puedes intentar persuadirlo, pero dudo que lo consigas. Como ahora está loco, puede matar a cualquiera que se le acerque.”

(Nasa loob ng karwaheng iyon ang taong nagmamay-ari ng lupang ito. Maari mong subukan na siya’y kumbinsihin subalit sigurado akong hindi ka magtatagumpay. Kaya niyang pumaslang ng kahit sinong lumapit dahil sa poot na kanyang nadarama sa ngayon).

Tumango na lamang ako bilang tugon at marahang humakbang palapit sa itim na karwahe. Napailing ako nang makita ang mahigit sampung sundalong bangkay na nakahandusay sa lupa. Tahimik ang paligid at ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin mula sa likuran.

“B-Buenas Noches,”
Yumuko ako bilang paggalang.
“Puedo pedir su permiso para permitir que la niña camine por el camino para que pueda regresar a casa? Cualquier cosa que desees, estoy dispuesto a hacerlo.”

(Maari mo bang pahintulutang makadaan ang binibini sa iyong nabiling lupain upang siya’y makauwi? Kahit anong kapalit ay malugod kong susundin).

“Tama ba ang aking narinig, Ryannel?”
ang malalim na boses na iyon ay mula kay Heneral Vicencio.
“Sinabi mo bang kahit anong iuutos ko ay iyong susundin?”

Kinagat ko ang ibaba kong labi habang kuyom ang aking kamao.
“Kahit ano kapalit ng kalayaan ng binibini.”

“Kung gayon ay pumasok ka sa aking karwahe at hikayatin akong pumayag, ngunit hindi iyon magiging madali. Malinaw kong sinabi sa iyo na hindi mo maiibigan ang kaya kong gawin sa tulad mong sinungaling,”
may pinaghalong poot at pagdaramdam ang tono ng heneral.

Marahil ang aking mahabang pahinga ay nakalaan para rito.

-Terrorious

×××

KABANATA 10: Karwahe 🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Nakamamatay na tingin ni Heneral Vicencio ang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa loob ng malaki niyang karwahe. Nakasuot siya ng unipormeng pang-militar na kulay berde at duguan ang kanyang kamao. May ilang balang nagkalat sa lapag at isang baril na maaring ginamit sa pagpaslang sa ilang sundalo sa labas.

“Ano pang hinihintay mo?”
udyok niya.
“Makiusap ka kung hindi mo ibig na sumunod sa mga bangkay na

kasalukuyang nasa labas.”

Nag-aalimpuyo ang kanyang boses, hudyat na ang kanyang poot ay may kaakibat na pagkasuklam. Itinapat ko ang aking kanang kamay sa aking dibdib bago yumuko.

“Sa ngalan ni Binibining Juana ay humihingi po ako ng paumanhin, Heneral Vicencio. Maging ako’y nabigla nang malaman kong naipagbili ang lupang ito sa inyo. Maari niyo po bang pahintulutan ang binibini na tumawid sa inyong lupain?”
pagsusumamo ko.

“Bigyan mo ako ng kaibig-ibig na rason upang siya’y aking pahintulutan, Heneral Guevarra,”
wika ng heneral.

Direkta akong sumulyap sa kanyang mukha.
“Dahil iniibig ko po ang nasabing binibini, Heneral.”

Mahigpit na kumuyom ang dalawa niyang kamao matapos ko iyong sabihin. Kung titigan niya ako’y para bang kasalanan ang pag-amin ko sa tunay kong nararamdaman. Napaatras ako nang damputin ni Heneral Vicencio ang baril at itutok iyon sa aking dibdib.

“Maaring nabingi lamang ako sa aking narinig. Tumingin ka sa aking mga mata at ulitin ang iyong sinabi, Heneral Guevarra,”
utos niya.

Pilit kong binabasa ang laman ng kanyang isipan sa pamamagitan ng pagtutok sa bughaw niyang mga mata. Kung hindi niya maibigan ang mga salitang ibibigkas ng aking bibig ay posibleng iyon na rin ang huli kong salita.

“Ang binibini ay aking matalik na kaibigan simula pagkabata, Heneral Vicencio, kung kaya’t malapit siya sa aking puso,”
paglilinaw ko.

Batid kong nakumbinsi ko ang heneral nang ibaba niyang muli ang baril. Hindi ko mapigilan ang ngumiti sa pag-aakalang tagumpay ko siyang nakumbinsi ngunit balintataw ko lamang pala iyon. Hinila niya ang aking kamay upang ilapit ako sa kanyang katawan nang biglaan. Buong puwersa niya iyong ginawa dahilan upang dumikit ang aking mukha sa kanyang matigas na dibdib.

“Pakinggan mong maigi ang aking puso, Ryannel,”
hikahos niya.
“Labis akong nagdamdam nang mapatunayan kong ang liham na iyong pinadala sa akin ay pawang kasinungalingan.”

Nakikipagkarera sa bilis ang tibok ng puso ng heneral nang mapakinggan ko iyon. Hinaplos niya ang aking buhok bago ako yakaping mahigpit. Hindi ako kumportable sa aming posisyon, dahil nakaluhod ako sa gitna ng kanyang hita at dahil mas humigpit ang kanyang yakap ay nadarama ko ang malaking umbok sa kanyang pantalon.

“Nais mong makadaan ang binibini upang malaya siyang makauwi… hindi ba?”
paos na wika ng heneral.

Kinagat ko ang aking ibabang labi bago tumugon,
“Kung inyong pahihintulutan,

ginoo

.”

“Ginoo?”
tumawa siya nang mahina at mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“Kung gayon ay paligayahin mo ako sa loob ng aking karwahe. Hindi makakadaan ang binibini hangga’t hindi ko nararating ang aking kasukdulan, Ryannel,”
bulong niya sa aking tainga.

Tumingala ako upang tingnan ang kanyang mukha. Ang kanyang nag-aalimpuyong ekspresyon ay naglaho sapagkat napalitan iyon ng temtasyon. Hinawakan niya ang aking baba at yumuko upang halikan ako nang may halong pananabik.

Nang lumapat ang kamay niya sa butones ng aking barong ay umawang ang aking labi. Nagawa niyang ipasok ang kanyang dila at higupin ang aking lakas. Napakapit ako sa kanyang dibdib nang mahirapan akong huminga subalit nagpatuloy ang heneral.

“G-ginoo…”
naghihingalo kong usal.

Itinigil niya ang halik at hinawakan ang aking pisngi.
“Alam mo bang hindi ako nakatulog nang maayos sa nagdaang linggo dahil buong akala ko’y nagkasakit ka dahil sa akin? Ngayon ay kailangan mong magbayad sa mga gabing hindi mo ako pinaligaya, Ryannel.”

Suminghap ako nang iharap niya ang aking mukha sa malaking umbok sa gitna ng kanyang pantalon. Tinitigan ko lamang iyon dahil hindi ko maiwasang magtaka kung paano iyon nagkakasya sa pang-ibaba niyang kasuotan.

“Buksan mo ang aking pantalon gamit ang iyong bibig, Ryannel,”
paghahamon ng tusong heneral.

Pumikit ako nang mariin bago ilapit ang aking mukha. Ang dalawa kong kamay ay nakahawak sa dalawa niyang hita nang ibuka ko ang aking bibig upang buksan ang pantalon ng heneral. Ang aking mga ngipin ang naging daan para maibaba ko ang metal na nakasara roon.

“Diyos ko,”

iyan ang laman ng aking utak nang bumulaga sa akin ang sampung pulgada niyang pagkalalaki.

Nakatayo iyon at nakatapat sa aking bibig. Kung ilalarawan ko ang kanyang pag-aari ay kasing laki iyon ng braso ng bata. Maugat rin iyon at pumipintig pa. Sa labis na takot ay sinubukan kong tumayo ngunit hinawakan ni Heneral Vicencio ang aking balikat para pigilan ako.

“Huwag kang matakot, Ryannel. Hindi iyan nanunuklaw gaya ng aking bibig,”
tukso ng heneral.

Inisip ko na lamang ang kapalit ng aking gagawin nang dahan-dahan kong ibinuka ang aking labi. Nang halikan ko ang ulo ng kanyang pagkalalaki ay mahinang napaungol ang heneral. Gamit ang aking dila ay tinikman ko ang bawat sulok ng kanyang pag-aari mula sa pinakababa hanggang sa taas nito.

“Hmp!”
impit kong sambit nang ibaon niya ang kanyang sandata sa aking bibig.

Nakakapit ang heneral sa likod ng aking leeg, ginagabayan ako sa paggalaw. Sa tuwing babaon ang kanyang pagkalalaki sa aking lalamunan ay halos tumitirik ang aking mata. Bukod sa malaki iyon ay mahaba rin ito. Hindi iyon magkakasya sa aking bibig kahit anong pilit niya.

Nagpatuloy ang paglabas-masok ng kanyang kahabaan sa aking maliit na bibig at kagaya ng aking laway at tumutulo na rin ang aking luha. Batid kong parating na sa kanyang sukdulan ang heneral ngunit hindi iyon natuloy nang mapansin niya ang aking pag-iyak.

“Nasaktan ba kita, Ryannel?”
may bahid na pag-aalalang tanong ng heneral.

Umiling ako,
“Hindi po, ginoo. Ako lamang ay nababahala dahil maari tayong marinig sa labas ng inyong karwahe.”

“Ganoon ba?”
ngumisi ang heneral bago siya sumigaw,
“Ya puedes dejar pasar a la chica!”

(Maari niyo nang padaanin ang binibini!).

Hindi mapagsidlan ang tuwa sa aking mukha dahil sa aking narinig. Napapikit ako nang punasan ng heneral ang aking mga luha at aking bibig bago niya hampasin ang malaki niyang karwahe. Nang gumalaw iyon pasulong ay doon ako nangamba.

“G-ginoo, saan tayo patungo?”

“Sa lugar kung saan natin papaligayahin ang isa’t-isa simula ngayon, Ryannel,”
saad ng heneral at inalalayan akong tumayo at paupuin sa kanyang hita.

-Terrorious

×××

KABANATA 11: Lagnat 🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Ang aking labi ay kumurba ng ngiti nang uminit ang aking pakiramdam. Niyakap ko nang mahigpit ang unan at ibinaon ang aking mukha doon. Nakarinig ako nang malalim na boses na wari mo’y humahagikgik. Para iyong musika sa aking tainga na hindi ako magsasawang pakinggan.

“Ryannel,”
rinig kong bigkas ng isang lalaki na may baritong tinig.

Mas diniinan ko ang pagyakap sa unan at inamoy iyon bago ngumiting muli,
“Hmmm?”

“Gumising ka na,”
naramdaman ko ang paghaplos sa aking tainga.
“Narito na tayo.”

“Masamang gisingin ang mahimbing na natutulog,”
pag-alma ko bago tumawa nang makaramdam ako ng kiliti sa aking leeg.

Mayroong kamay na humaplos sa aking mukha,
“Kailangan na nating bumaba, Ryannel. Mahigit tatlumpong minuto na ang nakalipas nang iwan tayo ng aking kutsero.”

“Mahigit tatlumpung minuto ka na ring nakayakap at nakapatong sa akin,”
dagdag pa niya.

Ginoo

, hayaan mo muna akong magpahinga. Mamaya mo na lamang ako gambalain, pakiusap,”
nagsusumamo kong usal.

“Kung iyon ang gusto mo,”
pagsuko niya bago ko maramdamang binubuhat ang aking katawan.

Sa takot na ako’y mahulog ay mas hinigpitan ko ang pagkapit sa may
katigasang
unan. Maging ang aking mga hita ay lumingkis doon nang mahigpit, dahilan upang dumaing ang ginoong pilit akong ginigising hindi pa katagalan. Nang makarinig ako ng hindi magandang salita ay hinampas ko ang unan at humilig muli doon.

Ang pakiramdam na dinadala ako kung saan nang hindi ko kinakailangan maglakad ay ngayon ko lamang muli naranasan. Kung ito’y tunay ngang panaginip ay nais ko itong masulit. Natatandaan ko noong ako ay musmos pa lamang. Natutuwa rin ako sa tuwing bubuhatin ako ni ama. Naglalakbay pa kami noon sa kakahuyan at mangingisda kapag darating ang takip silim.

“Ryannel,”
pagtawag sa akin ng ginoo bago dumampi sa aking noo ang tingin ko’y kanyang labi.

Kinusot ko ang aking mga mata at halos mahulog sa higaan nang makitang yakap ako ni Heneral Vicencio. Lantad ang matipuno niyang dibdib at naglalakihan niyang braso sapagkat hindi niya suot ang itaas niyang kasuotan. Buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa aking katawan.

“Bitawan mo ako, heneral!”
inikot ko ang aking paningin sa paligid at napagtantong hindi ito ang kanyang silid.

“Nasaan ako?! Saan mo ako dinala, hener–”

Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang siniil niya nang mapusok na halik ang aking labi. Ikinulong niya ang aking katawan gamit ang kanyang malalaking braso at nang manlaban ako ay kinipkip niya ang aking mga kamay sa ulunan nang malambot na higaan.

Naputol ang halik nang kagatin ko ang kanyang labi, dahilan upang dumugo iyon. Tiim ang kanyang bagang nang pumaibabaw siya sa akin. Para akong nahihipnotismo sa kanyang tingin kaya’t sa mapula niyang labi na lamang ako nagmasid.

“Inaapoy ka ng lagnat, Ryannel. Iyon ang dahilan kung bakit ko hinayaang yumakap ka sa akin,”
pagdadahilan niya.

Sarado ang bintana at ang pinto sa loob ng silid nang pasadahan ko iyon ng tingin, ngunit labis pa rin akong nilalamig. Balisa man ang aking katawan ay nagawa kong itulak ang heneral at tumakbo patungo sa pinto upang buksan iyon. Umawang ang aking bibig sa aking nasilayan.

“Iyon ang Batis ng Kasarinlan, hindi ba?”
turo ko sa hindi kalayuan.

Kinuha ng heneral ang pang-itaas niyang kasuotan at isinuot iyon. Iniwan niyang nakabukas ang tatlong butones sa itaas kaya’t hindi rin iyon nakatulong sapagkat nasisilayan ko pa rin ang mabalahibo niyang dibdib.

“Tama ka, Ryannel. Ang tahanang ito ay ipinatayo ko malapit sa Batis ng Kasarinlan kaya’t saksi ako sa pangangaliwa mo sa akin,”
sumbat niya na aking ikinagulat.

Tumawa ako nang pilit,
“Hene–”

Ginoo

,”
kumunot ang kanyang noo.
“Tawagin mo akong

ginoo

.”

Huminga ako nang malalim,
“G-Ginoo, hindi mo ako maaring lokohin dahil nakakabasa na ako ng wikang Espanyol. Malinaw na nakasaad sa kontratang sinelyahan ko na p-papaligayahin lamang kita. Hindi nakasaad roon na hindi ako maaring umibig sa iba.”

“Kung gayon ay idagdag natin iyon sa kasunduan, Ryannel.”

Pinag-krus ko ang aking braso katapat ng aking dibdib.
“Ano namang kapalit ng pagsang ayon ko, g-ginoo?”

Ngumiti siya,
“Kapalit ng hindi mo pag-ibig sa binibini ay pahihintulutan kitang ibigin

ako

bilang kapalit,”
buong tapang niyang wika.

“Ano?!”
tumaas ang aking boses.
“Hindi kita kailanman iibigin, ginoo, sapagkat ang puso ko’y nakalaan lamang para sa binibini.”

Hinawakan niya ang aking dalawang balikat at idiniin ako sa dingding.
“Ngunit ang pagmamahal na iyan ay hindi magliligtas sa iyong nasasakupan mula sa akin, Ryannel.”

Nang kumislot ako sa sakit ay dahan-dahang binitawan ng heneral ang aking balikat. Hinaplos niya iyon habang direktang nakatingin sa aking mga mata. Muli, ang kanyang tingin ay sadyang nakahahalina kaya’t umiwas ako nang agaran.

“Kapalit ng hindi mo pag-ibig sa binibining iyon ay pahihintulutan ko siyang makadaan sa lupain ko. Isa siyang doktor sa bayan, hindi ba?”
pagkumpirma niya.

Tiningnan ko siya nang may halong pagdududa.
“Paano mo iyan nalaman?”

“Ryannel,”
lumakbay ang kanyang kamay sa aking pisngi papunta sa aking labi.
“Lahat ng tungkol sa iyo ay alam ko. Hindi ka kailanman makakapaglihim sa akin.”

Pakiramdam ko’y nakatali ako sa kanya nang marinig ko iyon. Para akong ibon na hindi na makakalipad sa himpapawid sapagkat wala na akong pakpak. Para ko na ring ipinagbili ang aking kaluluwa sa diyablo sa katawan ng isang makisig na heneral mula sa Espanya.

“Kung gayon ay… pumapayag na ako,

ginoo

,”
yumuko ako habang inaalala ang mukha ng binibini.

Narinig ko ang pagsara ng pinto at ang paglapit sa akin ng heneral. Gamit ang kanyang mga kamay ay pinagsaklob niya ang aking mukha upang tumingin ako sa kanya. Binigyan niya ako nang matamis na ngiti.

“Papaligayahin kita, Ryannel, higit pa sa kayang gawin ng kahit sinong binibini,”
usal niya at hinalikan ako nang mariin.

Nakakatukso ang paraan ng kanyang halik kung kaya’t hinayaan ko na lamang ito. May halong panggigigil akong itinulak ng heneral sa higaan kaya ako napatalbog roon. Nang maglakbay ang kamay ng heneral sa suot kong pantalon ay pinigilan ko ang kanyang kamay.

“Huwag ka nang mahiya pa, Ryannel. Hayaan mo na lamang ang iyong

ginoo

na paligayahin ka,”
hinalikan niya ang aking mga kamay at inalis iyon sa aking harapan.

Kumapit ako sa kumot na aking hinihigaan nang mabilis na natanggal ng heneral ang pang-ibaba kong kasuotan. Inamoy niya muna iyon bago itapon sa kung saan. Ang kanyang kulay bughaw na mga mata ay nakatutok sa aking mainit na mukha nang simulan niyang dilaan ang dulo ng aking pagkalalaki.

“Ngghhh… g-ginoo,”
sabik kong tawag nang hawakan niya ang saludo kong pag-aari at isubo ang ulo nito.

Dinilaan ng heneral ang aking sandata bago sumambit ng salita,
“Ganyan nga, Ryannel. Mas ginaganahan ako tuwing naririnig kitang umuungol.”

Nang subukang ibaon ng heneral ang aking pagkakalaki sa kanyang bibig ay mas lumakas ang aking pag-ungol. Napakakipot ng kanyang bibig at ramdam kong umaabot iyon sa kanyang lalamunan. Ang mga mata niya’y labis ang pagnanasa at sigurado akong hindi siya titigil sa pag-angkin sa akin hangga’t hindi ko nararating ang aking kasukdulan.

“Ahhh, ginoo,”
kumapit ako sa kanyang magulong buhok upang patigilin siya subalit hindi siya nagpatinag.

Patuloy ang ginawa niyang pagsubo at nang subukan kong umupo ay itinulak niya akong muli sa higaan. Mas binilisan niya ang pagroromansa at upang pigilan ang aking paghalinghing, ay tinakpan ko ang aking mukha ng unan. Nang maramdaman ko ang kakaibang kilita sa aking tiyan ay hudyat na malapit na ako.

“G-ginoo, tumigil ka,”
pagtutol ko.

Nagtaas-baba ang kanyang dila sa aking kahabaan habang taimtim na nakatitig sa aking mga mata,
“Sa tingin mo ba’y titigil ako, Ryannel?”

Umiling ako at pinakiramdaman ang paglalaro ng kanyang dila. Hindi ko maiwasang magtaka kung ganito rin ba ang nararamdamang ligaya ng heneral sa tuwing papaligayahin ko siya. Hindi hamak na mas bihasa siya sa akin kung kaya’t dapat kong mas pag-igihan sa
susunod
kung ganito siya kagaling.

“Ahhh, ginoo…”
hindi mapalagay kong wika nang marating ko ang aking kasukdulan.

Nang marinig ko ang paghigop niya roon ay mabilis akong umangat upang pigilan siya subalit huli na ang lahat. Malinis na ang aking sandata samantalang magulo ang buhok ng heneral dahil sa ginawa kong paghigit kanina.

“G-ginoo, huwag mo sabihing… n-nilunok mo ang aking…”
utal kong sambit.

Dinilaan ng heneral ang kanyang basang labi bago ngumisi,
“May masama ba roon, Ryannel?”

“Ngunit inaapoy ako ng lagnat. P-paano kung magkasakit ka?”
kinakabahan kong tanong.

“Kung magkasakit ako ay ikaw ang gagamot sa akin. Hindi mo naman ibig na hayaan akong magdusa pagkatapos kitang paligayahin, hindi ba?”

Tumango ako bilang pagsang ayon. May magagawa pa nga ba ako kung dahil sa kanya ay humupa ang sakit na nararamdaman ko?

-Terrorious

×××

KABANATA 12: Kalinga

Pupungay-pungay akong nagising nang makarinig nang ani mo’y nagsisibak sa labas. Tirik na ang araw nang mapadpad ang aking tingin sa bukas na bintana, subalit dahil ilang metro lamang ang layo ng ilog ay maaliwalas pa rin ang hangin.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan matapos mapagtantong ang barong na kasalukuyan kong suot ay pagmamay-ari ng heneral. Kagaya nang dati kong kasuotan ay nagmistula iyong basahan na ginutay-gutay nang mapansin ko iyong nakapatong sa katabing lamesa.

“Sólo déjame…”
rinig kong wika ng taong kanina ko pa hinahanap.

Dumungaw ako sa uwang ng bukas na bintana, ang aking kaliwang kamay ay nakalagay sa aking baba. Bumungad sa akin si Heneral Vicencio na wari ko’y kanina pa nagsisibak ng mga kahoy. Pawisan ang kanyang matipunong katawan at malinaw iyon sa aking mga mata sapagkat hindi siya nakasuot ng pang-itaas na kasuotan. Dahil sa kanyang pawis ay mas naging klaro ang bawat detalye ng kanyang malalaking ng braso, matigas at mabalahibong dibdib at bato-bato niyang tiyan.

Namumula ang kanyang mukha habang patuloy ang pagsibak niya sa mga troso na nasa kanyang harapan. Nang marinig ko ang halinghing ng mga kababaihang nakamasid sa kanya ay roon ko napatunayang may kakisigan nga siyang taglay.

“¿Quieres descansar, Javier? Sé que no estás acostumbrado a este tipo de cosas, así que–”

(Nais mo bang magpahinga muna, Javier? Batid kong hindi ka sanay sa ganitong gawain kaya’t–” )
panghihikayat ng matandang guwardiya sibil.

“Te dije que puedo, Paz. Solo déjame en paz,”

(Sinabi ko na sa iyong kaya ko, Paz. Hindi ko kailangan ng tulong mo)
pagtutol ng pursigidong heneral.

Nagawa pang magbiro ng matanda,
“Tal vez te gusta la atención de las mujeres detrás de ti. Te han estado mirando desde antes.”

(Marahil ay nais mo lang maagaw ang atensiyon ng mga binibini sa hindi kalayuan. Kanina pa sila natingin sa iyo).

“Hindi ko kailangan ng kanilang atensiyon, Paz,”
napaigtad ako nang sumulyap siya sa aking direksyon.
“Narito sa aking harapan ang taong mas

kaibig-ibig

sa kahit sinong binibini.”

Bago pa bumaling sa akin ang tingin ng matandang sundalo ay nagkukumahog kong isinara ang bintana. Kung titingnang maigi ang mukha ng heneral ay seryoso ito sa kanyang sinabi na para bang hindi siya nagbibiro. Na para bang tunay niya akong
iniibig
.

Imbes na gugulin ang aking oras sa kanyang mga salita ay minabuti ko na lamang na dumaan sa likod-bahay upang makatakas. Ang ideyang iyon ay iwinaksi ko na dapat sa aking isip nang masaksihan ang kumpol ng mga sundalong espanyol. Lahat sila’y napatingin sa akin na may gulat na ekspresiyon.

Maging ako ay magugulat kung ako man sila dahil suot ko na ang barong ng kanilang heneral.

“B-buenos días, Heneral Guevarra!”
sabay nilang bati at bahagyang yumuko bilang pagrespeto.

Labis ko iyong ikinagulat kung kaya’t hindi ko sila agarang nabati pabalik. Matatandaang nakabusangot noon ang kanilang mga mukha sa tuwing nakikita ako, subalit ngayon ay abot tainga ang kanilang mga ngiti. Umawang ang aking labi nang mapansing sugatan silang lahat.

“Hindi mo ba balak batiin ang iyong

ginoo

kagaya ng iyong pagbati sa aking mga sundalo?”
tumaas ang aking mga balahibo nang marinig ang malalim na boses ng heneral sa aking likuran.

Bumalik akong muli sa loob ng kanyang tahanan matapos isara ang pintuan. Halos magdikit ang aking mga kilay at nakakunot ang aking noo. Lumapit ako sa heneral habang kuyom ang kamao.

“Ano ang iyong inutos sa iyong mga sundalo, heneral? Bakit nagbago ang pakikisama nila sa akin? Huwag mo sabihing pinilit mo sila gamit ang dahas?”
pag-aakusa ko.

Tumiim ang kanyang panga,
“Sa tingin mo ba’y ganoon ako kalupit para gumamit ng dahas sa aking kapwa, Ryannel? Ganoon na lamang ba kababa ang tingin mo sa akin?”

“H-hindi naman sa ganoon, ginoo,”
kinagat ko ang ibaba kong labi.
“Ipagpaumanhin ninyo ang aking tinuran. Nasabi ko lamang iyon dahil labis akong nag-alala sa kanilang mga sugat.”

Hinaplos ng heneral ang aking braso bago ako alalayang dumungaw sa bintana nang malawak niyang bakuran. Mula roon ay nakita ko ang kanyang mga sundalong nag-eensayo gamit ang matatalim nilang espada, katunggali nila ang isa’t-isa.

“Masama ang magbintang sa iyong kapwa, Ryannel, lalo pa kung wala kang sapat na ebidensiya,”
hikahos ng heneral at niyakap ako mula sa aking likuran.
“Marahil ay kaya nagbago ang pakikitungo nila sa iyo ay dahil sa

namamagitan

sa atin.”

Buong puwersa akong kumawala mula sa malalaki niyang braso at masama siyang tiningnan. Marahil ay batid niyang aakusahan ko siyang muli kaya’t tinakpan niya ang kanyang dalawang tainga gamit ang kanyang mga kamay.

Daig pa niya ang bata sa kanyang inaasta!

“Heneral…”
pagtawag ko.

Umiling siya habang takip ang kanyang tainga,
“Hindi kita marinig, Ryannel.”

“Heneral, isa!”
pagbabanta ko.

Nakanguso siyang umiling at umaktong walang naririnig sa paligid.

“G-ginoo, makinig ka sa akin,”
mahinahon kong usal at hinawakan ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa kanyang tainga.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang dalawa niyang kamay habang taimtim na nakatingin sa aking mukha. Bago ko pa man sabihin ang aking hinaing ay biglaan niya akong idinikit sa kanyang hubad na katawan sa pamamagitan ng paghatak sa aking baywang.

“Ang makita ang aking kasuotan na iyong suot ay sadyang nakakaakit, Ryannel,”
nakatuon ang kanyang tingin sa aking labi.

Bumuntong hininga ako bago pilit kumawala sa kanyang pagyakap, ngunit kagaya ng nakagawian ay
bigo
ako. Para akong nanghihina sa tuwing masisilayan ko ang repleksiyon ng aking mukha sa kanyang bughaw na mga mata. Kung ang kanyang kasuotan na aking kasalukuyang suot ang kahinaan ni Heneral Vicencio, ang kanyang bughaw na mga mata naman ang akin.

“Nagluto ako ng iyong paboritong putahe, Ryanel, s-subalit mabuti pang huwag mo na iyong tikman dahil batid kong hindi mo iyon magugustuhan,”
lumayo siya ng tingin habang namumula ang kanyang tainga.

Nahihiya ba ang heneral sa akin?
Hindi ko inaasahang mapapangiti ako sa aking nasasaksihan. Hindi siya makatingin sa aking mukha ngunit yakap niya pa rin ako.

Nilakbay ko ang aking palad sa kanyang pisngi upang paharapin siya sa akin,
“Kahit hindi ganoon kasarap ang pagkaing inihanda mo sa akin ay akin pa rin iyong uubusin,

ginoo

.”

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at ngumisi,
“Binibigyan mo ako lalo ng dahilan para hindi ka pakawalan, Ryannel. Handa ka bang maging–”

“Javier, el comedor está listo para–”

(Javier, ang hapag-kainan ay nakahanda na para–)
usal ng matandang sundalo matapos buksan ang pintuan kaya ko naitulak nang malakas ang tusong heneral.

“¡Cierra la puerta, Paz!”
bulyaw ng heneral.
“¿Quién te dijo que entraras sin tocar?”

(Isara mo ang pinto, Paz! Sino ang nagpahintulot sa iyong pumasok ng hindi kumakatok?)

Nang makita kong nag-aalboroto na naman sa poot ang heneral ay sinamaan ko siya ng tingin. Ang kaninang busangot niyang mukha ay kumalma naman hindi naglaon. Palihim akong ngumiti bago kami sumunod sa matandang sundalo na may ngalang Paz patungo sa hapag-kainan kung nasaan ang mga putaheng niluto
raw
ng kanilang heneral.

-Terrorious

×××

KABANATA 13: Husay 🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Nakalatag ang ilang dahon ng saging sa malawak na lamesang kahoy at naroon ang mainit na kanin, inihaw na mga isda, sariwang mga prutas at ilan pang putahe nang makalabas kami ng tahanan ng heneral. Katulad ng nangyari hindi naglaon, ay maligaya akong binati ng mga sundalong mula sa Espanya na batid kong katatapos lamang mag-ensayo.

May ilang nagpakilala sa akin na aking ikinatuwa. Dahil sa kanilang ipinapakitang kabutihan ay hindi ko maiwasang hindi kuwestiyunin ang mga agam-agam sa bayan na ang mga sundalong nasa aking harapan ay sadyang napakalupit katulad ng kanilang heneral. Malinaw sa aking isipan ang tinuran ni Jose na hinaharang ng mga sundalong ito ang mga mamimili sa bayan. Ganoon rin tuwing sasapit ang takip silim kung saan nagaganap ang kalakalan sa laot.

“H-heneral Guevarra,”
usal ng lalaking mayroong malalim na boses.

Nang magawi ang tingin ko sa kanya ay una kong napansin ang galos sa kanyang kaliwang kilay. Para iyong sugat na nagmula sa isang matalim na bagay na hindi na naalis sa kanyang mukha sa paglipas ng panahon. Gayunpaman, ay makisig ang sundalong nasa aking harapan. Sa palagay ko ay mas matangkad ito ng isang pulgada sa akin. Nakasuot siya ng berdeng uniporme at pawisan ang kanyang kulay tsokolateng buhok at noo.

Itinapat niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang dibdib,
“Ipagpaumanhin ninyo ang aking pagtawag. Nais ko lamang magpakilala kung inyo pong pahihintulutan. Tristan po ang aking pangalan,”
at inilahad niya ang kanyang kanang kamay.

“Ikinagagalak kitang makilala, Tristan. Daig mo pa ang lokal sa galing mong magsalita ng wikang Filipino,”
komento ko.

Hinaplos niya ang likod ng kanyang leeg at ngumiti,
“Hindi naman po, Heneral Guevarra. Ang lahat ng aking nalalaman tungkol sa inyong wika ay nagmula sa aking

sinta

.”

Nais ko pa sanang tumugon subalit hindi iyon natuloy nang mayroong kamay na pumisil sa aking kanang balikat. Tiim ang bagang ni Heneral Vicencio nang dumapo sa kanya ang aking tingin. Nanatili ang kamay niyang nakahawak sa akin habang ang nakamamatay niyang tingin ay nakasentro sa sundalong aking kaharap.

“Tristan, ¿puedo unirme a tu conversación?”

(Tristan, maari ba akong sumali sa inyong talakayan?)
mariing bigkas ng heneral na ikinabahala ni Tristan.

Umiling si Tristan,
“Para ser honesto, en realidad hemos terminado de hablar,”

(Ang totoo po niyan ay tapos na po kaming mag-usap).

“Hindi. Sa tingin ko’y mayroon ka pang balak sabihin kay Ryannel. Maari niyo nang ituloy ang inyong naudlot na usapan habang ako’y naririto,”
bulalas ng heneral na sa wari ko’y galit na.

Tumikhim ako upang kuhanin ang kanilang atensiyon,
“Tristan, maari mo ba kaming bigyan ng espasyo ng iyong heneral?”

“Opo! Masusunod po,”
mabilis na sagot ni Tristan.

Ngumisi ang busangot na mukha ng heneral,
“Hindi ka maaaring lumisan, Tristan, hangga’t hindi ko nalalaman ang inyong pinag-usa–”

“Tristan, maari ka nang lumisan,”
mariin kong wika at agarang lumisan ang sundalo bago pa muling magsalita ang heneral.

Tumingin sa paligid ang heneral at nang masigurong abala sa pagkain ang kanyang mga sundalo ay doon lamang niya ako kinausap.

“Mayroon kang limang minuto upang magpaliwanag, Ryannel,”
pinagkrus ng heneral ang kanyang braso, ang mukha niya’y hindi maipinta.

Nagkibit balikat ako,
“At bakit ko naman kailangang magpaliwanag sa iyo, heneral?”

Ginoo

,”
huminga siya nang malalim,
“Kung ako sa iyo ay tawagin mo akong ginoo, dahil mas lalo mo lamang akong ginagalit sa tuwing tinatawag mo akong heneral.”

“Ngunit hindi ba sabi mo’y maari lamang kitang tawaging ginoo sa tuwing tayo lamang dalawa?”

“Simula ngayon ay maari mo na akong tawaging ginoo sa tapat ng kahit sinong kalalakihan na nais kang

agawin

mula sa akin,”
utos niya.

Hindi ko lubusang maintindihan ang nais niyang ipahiwatig. Nakasisiguro akong kung sino man ang mangangahas na makinig sa aming usapan ay iisiping ang heneral ay aking kasintahan. Kailangan ko itong itigil. Hindi ito ang kasamiyento na aking nilagdaan.

“Heneral, naririnig mo ba ang iyong sinasabi?”
mahinahon kong sambit,
“Hindi lahat ng iyong inuutos ay aking susundin.”

Tumingin siya sa aking likuran at ani mo’y mayroong sinenyasan bago niya hawakan ang aking kamay at dalhin ako papasok sa kanyang tahanan. Masama ko siyang tinitigan nang isarado niya ang pinto matapos kaming makarating sa silid-tulugan.

Biglaan niya akong niyakap nang mahigpit na aking ikinagulat,
“Ryannel, ang nabanggit ko kanina ay hindi isang kautusan. Ako ay nagmamakaawa na gawin mo akong iyo. Sarilihin mo ako bilang iyong ginoo.”

“Hindi kita maintindihan,”
ani ko.

Dinala niya ang aking mga kamay patungo sa kanyang namumulang pisngi. Nang masilayan ko ang bughaw niyang mga mata ay nakita ko ang pag-aalala mula roon. Akmang aalisin ko ang aking mga kamay mula sa kanyang mukha nang magsalita siyang muli.

“Naninibugho ang aking puso sa tuwing makikita kang masaya sa piling ng iba, Ryannel. Hindi ko rin lubos na maintindihan ang aking nararamdaman subalit isa lamang ang alam ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako, Ryannel,”
namumula ang mga mata ng heneral.

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso kung kaya’t lumayo ako nang bahagya mula sa kanya. Akmang bubuksan ko ang pinto upang makalasap ng sariwang hangin nang itulak niya ang pinto at ikulong ako sa malalaki niyang bisig.

“G-ginoo, sa tingin ko’y kailangan kong huminga,”
umiwas ako ng tingin nang pakiramdam ko’y namumula ang aking mukha.

Hinawakan niya ang aking mukha, dahilan upang magtama ang aming tingin. Doon ko napagtantong kasing pula ng kamatis ang kanyang mukha at tainga. Gamit ang aking kamay ay pinakiramdaman ko ang kanyang noo upang masigurong wala siyang sakit.

“Huwag kang mag-alala, Ryannel. Hindi ako nahawa ng iyong lagnat kagabi,”
dinala niya ang aking kamay sa tapat ng kanyang dibdib,
“Bagkus ay mas lalo lamang lumalim ang nararamdaman ko sa iyo.”

“Ginoo…”
mahina kong sabi.

“Nahihirapan kang huminga, hindi ba
?” tanong niya kaya’t agad akong tumango,
“Kung gayon ay pahihintulutan kitang huminga.”

Napakapit ako sa kanyang uniporme nang halikan niya ako nang mariin. Ang kanyang dila ay malayang nakapasok sa aking bibig at mas lalo akong hindi makahinga sa lalim ng kanyang halik. Hinaplos niya ang aking pang-upo at sa isang iglap ay buong lakas niya akong nabuhat nang walang kahirap-hirap.

Ang dalawa kong hita ay bumalot sa kanyang baywang upang hindi ako mahulog. Ang malalaking kamay ng heneral ay nakakapit sa aking mga hita bilang suporta nang dahan-dahan niya akong pinahiga sa kanyang malambot na tulugan.

“Hmmm… ginoo,”
mahina kong ungol nang hubarin niya ang barong na ipinasuot niya sa akin at supsupin ang aking kaliwang dibdib.

Ang kanyang bughaw na mga mata ay nakatitig sa akin habang pinaglalaruan ang magkabila kong dibdib. Nang kinagat niya ang aking utong ay napakislot ako sa magkahalong sakit at sarap.

“Pigilan mo ang iyong pag-ungol, Ryannel, kung hindi mo nais na ipakilalang kitang

nobyo

ko

sa aking mga sundalo,”
pagbibiro ng heneral bago paulanan ng halik ang aking leeg pataas sa aking labi.

Halos dumugo ang aking labi dahil sa pagkagat ko roon upang pigilan ang paggawa ng ingay. Nang mapansin iyon ng heneral ay ginabayan niya akong umupo sa higaan at muling halikan bago itapat ang aking mukha sa malaking umbok ng kanyang pantalon.

“Hindi tayo makakalabas sa silid na ito kung tititigan mo lamang iyan, Ryannel,”
panunudyo ng tusong heneral.

Lumunok ako bago dahan-dahang ibaba ang pang-ibaba niyang kasuotan. Bumulaga sa aking mukha ang naghuhumindig niyang alaga na hanggang ngayon ay nababagabag pa rin ako sa kung paano iyon nagkasiya sa loob ng kanyang pantalon. Nang saklubin ko iyon ng dalawa kong kamay ay mas lalo iyong lumaki.

Marahil ay naubusan na ng pasensiya ang heneral kaya niya hinawakan ang kanyang pagkalalaki at ihampas iyon sa aking kanang pisngi. Tumunog iyon sa sobrang lakas dahilan upang umawang ang aking labi at ipasok niya ang mahigit sampung pulgada niyang ari roon.

Hindi pa man niya iyon sinasagad sa aking bibig ay naluluha na ako sa kanyang kalakihan. Nang tumulo ang luha sa aking mga mata ay pinunasan iyon ng heneral at hinayaan akong gumalaw upang paligayahin siya. Kagaya ng ginawang pangroromansa ng heneral sa akin kagabi ay pinaikot-ikot ko ang aking dila habang nasa loob ng aking bibig ang kanyang pagkalalaki. Nang tumingala ako ay nasilayan ko ang mga mukha ng heneral na may halong pagnanasa.

“Ryannel, husayan mo pa,”
bulong ng heneral.

Hindi ko naibigan ang kanyang sinabi kaya’t hinawakan ko ang kanyang baywang at inihiga siya sa kobre kama. Doon ay mas lalo kong nasilayan ang kanyang kahabaan na ngayon ay tayong-tayo at basa na rin buhat ng aking bibig. Kumuha ako ng malalim na hininga bago saklubin ang kanyang pagkalalaki at dilaan ang mga bolang nakalaylay roon pataas sa ulo nitong mala-bombilya sa laki.

Tinitigan ko nang masama ang heneral nang subukan niyang hawakan ang aking buhok. Marahil ay nais na naman niyang ibaon sa aking bibig ang kanyang pagkalalaki. Hindi naman iyon magkakasiya kahit anong pilit niya.

“Nghhh…”
impit na ungol ng heneral nang ilabas masok ko sa aking makipot na bibig ang ulo ng kanyang pag-aari.

Mahigpit siyang kumapit sa kanyang hinihigaan habang pinagmamasdan akong nagliliwaliw sa kanyang kahabaan. Mula sa ulo ng kanyang ari ay mas lumalim ang pagkain ko sa kanya. Nagawa kong maipasok sa aking bibig ang kalahati ng kanyang pagkalalaki habang ang aking kamay ang naglalaro sa dulo nito dahil hindi na iyon magkakasiya ng buo sa aking bibig.

Bawat pagsupsop na aking ginagawa ay nakatitig ako sa kanya. Hindi niya man sabihin sa akin ay batid kong labis siyang natutuwa sa tuwing masisilayan niya ang aking mukha sa gitna ng kanyang mga hita. Nagpatuloy ako sa pagsubo sa kanyang kahabaan hanggang sa saklubin niya ang aking pawisang buhok.

“R-Ryannel, itigil mo na. Malapit na ako,”
pikit matang utos ng heneral.

Akala ko ba’y husayan ko pa?

Bakit nais niya akong patigilin kung halata naman sa kanyang mukha na salungat iyon sa kanyang sinabi?

Nag-taingang kawali ako at mas pinagbuti ang pangroromansa sa tusong heneral. Inilabas ko sa aking bibig ang kanyang ari at dinalaan iyon sa kanyang harapan. Hawak ko ang dulo nito upang hindi siya makawala kung sakali mang subukan niya.

“Ryannel, maari ka nang t-tumigil,”
pumiyok ang heneral nang bigla kong bilisan ang pagsubo sa kanyang malaking alaga.

Nagpatuloy ang aking pag-angkin sa kanyang pagkalalaki hanggang sa isubsob ako ng heneral sa kanyang kahabaan at iputok sa aking bibig ang mainit niyang katas. Patuloy ako sa paghigop hanggang sa masiguro kong wala nang lalabas pa mula roon. Mabilis na hinawakan ng heneral ang aking mukha at ibinuka ang aking bibig ngunit huli na ang lahat.

Nalunok ko na ang kanyang katas na sadyang malapot at may kaalatan.

“Mahusay na ba ako, ginoo?”
panunudyo ko kaya siya ngumiti.

Hinalikan niya ang aking noo,
“Sa akin mo lamang ipakita ang tunay mong husay, Ryannel. Aangkinin na kita ngayon.”

-Terrorious

×××

KABANATA 14: Tangay

“Ama naming Diyos, nawa’y biyayaan mo ng walang hanggang kaluwalhatian at kapayapaan ang buong San Fernando,”
wika ni Padre Dencio.

Itinapat ko sa aking noo ang nakasaklob kong mga kamay at taimtim na nanalangin. Pikit ang aking mga mata gayon rin ang mga taong sumasampalataya sa loob ng kapitolyo.

“Mahigit isang oras na ang nakalipas subalit bakit hindi pa rin nagwawakas ang pagsamba?”
humikab si Stella,
“Dinadalaw na ako ng aking antok.”

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ko ang mahinang sermon ni ina sa aking nakababatang kapatid. Kasalukuyan kaming nakaluhod at maging ang ilang naririto ay napapansin ang komosiyon sa aming direksiyon.

“Ginoo,”
narinig ko ang mahinang pagtawag ni Binibining Juana mula sa aking likuran.

Labis kong naituon ang aking atensiyon sa pagsamba kaya’t marahil ay hindi ko napansing narito ang marikit na binibini. Bulaklaking filipiniana ang kanyang kasuotan at nakapusod ang mahaba niyang buhok. Nasa kanyang tabi ang ama niyang si Don Gerardo na nakasuot ng puting barong. Sumunod sa hanay ang kanyang ina na si Donya Gerardo na katulad noon ay puno ng kolorete at makulay ang kasuotan.

“Binibining Juana, ipagpaumanhin mo ang hindi ko agarang pagtugon,”
saad ko nang magwakas ang pagsamba.

“Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, ginoo. Mayroon lamang akong nais sabihin sa iyo,”
hawak niya ang laylayan ng mahaba niyang kasuotan nang magsimula siyang maglakad.

Inalalayan ko siyang maupo sa malapit na silya bago tumugon,
“Ano iyon, binibini?”

“N-nagpapasalamat ako sa pagtulong mo sa akin tatlong araw na ang nakalipas,”
yumuko siya,
“Marahil ay p-pabigat lamang ako sa iyo kung kaya’t hindi mo na ako binisita sa aming mansyon magmula n-noon.”

Kumuha ako nang malalim na hininga,
“Hindi ka kailanman naging pabigat sa akin, binibini.”

“Mabuti naman kung ganoon. Hindi kakayanin ng aking puso ang mawalay ka sa akin, ginoo. Simula pagkabata nakagisnan kong narito ka lagi sa aking tabi, kaya’t noong nagpatuloy ako ng aking pag-aaral sa Amerika ay labis akong nahirapan sa araw-araw na hindi kita kasama,”
aniya.

Palihim akong napangiti,
“Maging ako’y ganiyan ang nararamdaman, binibini. Hindi naging sapat ang mga liham na aking sinusulat sa kung gaano ko nais ipakita ang pangungulila sa iyo. Sa tuwing matatanggap ko ang iyong tugon ay hindi mapagsidlan ang aking kasiyahan.”

“Kung hindi ba ikaw ang punong heneral ng San Fernando ay papayag kang manirahan sa Amerika kung nasaan ako, ginoo?”
ang tinig ng binibini ay may halong pag-aasam.

Sandali akong natahimik.

Nasa bukana kaming dalawa ng kapitolyo habang hinihintay ang aming pamilya na wari ko ay kausap si Padre Dencio. Nakapaskil sa aking mukha ang matamis na ngiti sa tuwing binabati kami ng mga sumasamba. Marami roon ang mga matatandang akin ring kilala na mula pa sa kabilang bayan. Tanging ang Katedral ng San Fernando ang kapitolyo na hindi gaanong napinsala sa nagdaang bagyo.

“Hindi ko magagawang iwan ang ating mga kababayan sa ngalan ng aking nararamdaman, binibini,”
wika ko habang ang aking mga mata’y nakatuon sa mga taong papalabas pa lamang ng kapitolyo,
“Sa mga araw na hindi ka tumugon sa aking liham pag-ibig ay mas lalo akong napamahal sa aking lupang sinilangan. Gayon rin sa mga taong naririto.”

Bago pa mas lumalim ang aming pag-uusap ay namataan ko na ang nakabusangot na si Stella na naglalakad patungo sa aming direksiyon. Nang makita niya ako’y nagkukumahog siyang tumakbo palapit dahilan upang mapag-iwanan ang aming ina na kasabay sina Don at Donya Gerardo.

“Malayo pa lamang ay hindi ko na maipinta ang mukha niyong dalawa. Maari ko bang malaman ang inyong pinag-uusapan nang mawala ang aking pananamlay mula sa sermon na aking inabot kay ina?”
at pumagitna sa amin si Stella.

“Binibining Stella, ang aming pinag-usapan ng iyong nakatatandang kapatid ay nais kong sa amin na lamang. Hindi iyon naaangkop sa iyong edad,”
nanunuyang sabi ni Binibining Juana.

Pinag-krus ng aking kapatid ang kanyang mga braso at ngumuso,
“Ngunit nasa wastong edad na ako, binibini. Sa totoo nga niyan ay hindi hamak na mas marami akong kaalaman sa aking kuya sa mga talakayan tungkol sa tamang posisyon upang makabuo ng bat–”

Tinakpan ko ang bibig ni Stella at tumawa nang pilit,
“A-ang ibig sabihin ng aking kapatid ay makabuo ng

b-batas

. Batas sa ating p-pamahalaan na makakatulong sa ating lahat. Tama ako, Stella, hindi ba?”

Puwersahang iwinaksi ni Stella ang kanyang bibig mula sa aking kaliwang palad at ngumisi,
“Kapag sinabi ng aking kapatid na iyon ang tama… ay iyon ang tama.”

“Ryannel, Stella, Binibining Juana, mabuti at hindi kayo lumayo sa kapitolyo dahil napagdesisyunan namin nila Don at Donya Gerardo na magkaroon ng munting salo-salo. Matagal-tagal na rin ang nakalipas simula noong huli tayong nagsama sa hapag-kaninan,”
ani ina.

Inalalayan kong tumayo ang dalawang binibini. Ang nasabing salo-salo ay magaganap sa aming mansyon at dahil biglaan ito ay kinailangan kong maunang umuwi upang maipag-bigay alam ito sa aming mga tagapagluto.

Maging ako ay tumulong na rin sa paghahanda ng ilang putahe gaya ng kalderetang baka, pansit, at ang aking paboritong tinolang manok. Habang inalalagay ko ang kaldereta sa hapag-kainan ay narinig ko ang tunog ng karwahe mula sa labas. Mas lalo kong binilisan ang kilos kasabay ng aming mga katuwang.

“Napapaso ang aking balat sa init ng araw!
” ang matinis na boses na iyon ay mula kay Donya Gerardo.

Mabilis na lumabas ang isa sa aming katuwang na si Mang Romolo bitbit ang malaking paragwas. Magkakasabay na pagbati ang aking narinig mula sa bukana ng mansyon nang tuluyang makapasok sila ina at ang aming mga panauhin.

“Maraming salamat sa paanyaya ninyong makasama kami sa inyong hapag, Donya Guevarra,”
saad ni Don Gerardo habang inaalalayang makaupo sa silya ang kanyang asawa.

“Walang ano man, Don Gerardo. Nawa’y maibigan ninyo ang mga pagkaing nakahain,”
kumumpas ang kamay ni ina sa mga putahe.

Parihaba ang sukat ng aming lamesa at napapagitnaan ako ng aking kapatid at ni ina. Gayon rin puwesto ni Binibining Juana na nasa aking tapat. Nanalangin muna kami bago nagsimulang kumain.

Noong nabubuhay pa ang aking ama ay madalas ang pamilyang Gerardo dito sa aming tahanan. Ang aking ama na si Marcelo Guevarra at si Don Gerardo ay dating magkatunggali sa pagka-heneral ngunit naputol ang hidwaan nang mapasakamay ng aking ama ang nasabing posisyon. Hindi naglaon ay naihalal naman na Gobernadorcillo si Don Gerardo sa San Fernando kaya’t mas lalo silang napalapit sa isa’t-isa sa ngalan ng pamahalaan.

“Heneral Guevarra, hindi ba’t ang iyong kaarawan ay sa darating na makalawa?”
tanong ni Don Gerardo at nilagyan ng serbesa ang aking baso.

“Tama po kayo, Don Gerardo. Iyon po ang aking ika-dalawampu’t isang kaarawan. Sadyang napakabilis ng mga araw kung kaya’t muntik na iyong mawaglit sa aking isipan,”
ininom ko ang serbesa bago nagpatuloy,
“Kung hindi ipinaalala sa akin ni Binibining Juana ay hindi ko na sana iyon pagtutuunan pa ng pansin.”

Binigyan ako nang matamis na ngiti ng binibini,
“Ang bawat kaarawan ay biyaya ng diyos, ginoo. Iyon ang araw ng iyong pagkabuhay at nararapat lamang na ito’y hindi isinasawalang bahala.”

“Tama ang aking anak,”
sagot ni Don Gerardo at muling pinuno ang baso ko ng nakalalasing na serbesa,
“Nabanggit niya sa akin na kayo’y pupunta sa Batis ng Kasarinlan sa araw na iyon. Kung hindi ninyo naitatanong ay sa batis rin na iyon ako nagtapat ng aking pag-ibig.”

Malakas na tumawa si Donya Gerardo,
“Ang bagay na iyon ay hindi na dapat pang ibinabahagi, mahal ko,”
ang mga mata ng donya ay nakatuon kay Don Gerardo.

Biglaang ang ginawang pagtayo ni Stella kaya’t napukaw niya ang aming atensiyon. Yumuko ito nang bahagya bago sumambit ng salita,
“Ipagpaumanhin ninyo ang aking inasta. Hindi ko namalayang magdidilim na ang kalangitan at mayroon pa akong kailangang bilhin sa pamilihan. Ako po muna’y aalis saglit at babalik rin kaagad.”

“Stella, hayaan mong samahan ka ng iyong kuya,”
ani ina bago pa tuluyang lumisan ang aking kapatid.

Bumusangot ang mukha ni Stella,
“Ngunit amoy serbesa ang kuya. Mabuti pa at isama ko na lamang amg katuwang natin na si Mang Romolo.”

“Hindi ba maaaring bukas ka na lamang mamili, binibini?”
suwestiyon ni Binibining Juana sa aking kapatid.

Umiling lamang at nagkibit balikat si Stella,
“Hindi. Mauuna na ako, ina. Babalik kami ni Mang Romolo bago ang hapunan,”
bago pa muling pigilin ni ina ay sumibat na ito kasama ang aming katuwang.

Si Mang Romolo ay isang sundalo noon katulad ng aking ama bago pa ito italagang punong heneral, ngunit ng pumanaw ang aking ama ay napagdesisyunan ni Mang Romolo na maging isa sa aming mga katuwang. Hindi man nabanggit ng aking ama ay alam kong hinabilin niya kami ni ina at Stella kay Mang Romolo bago pa man maganap ang pananakop ng mga kastila tatlong taon na ang nakakalipas.

Matamlay kong minulat ko ang aking mga mata nang makaramdam ng tumatapik sa aking balikat. Kasabay niyon ang boses ng aking ina na may bahid ng pag-aalala.

“Diyos ko, totoo ba ang iyong sinasabi?”
hawak ni ina ang kanyang dibdib habang kausap ang isa sa mga sundalo.

Hindi ko namalayang narito ako sa hapag kainan nakatulog sa labis na kalasingan. Ang pamilyang Gerardo ay umuwi na marahil sapagkat wala na sila sa paligid. Nasa aking harapan ang mahigit sampung bote ng serbesa na sa tingin ko’y halos ako rin ang umubos.

“Ina,”
pagtawag ko at lumapit sa kanya,
“hindi makakabuti sa inyong puso ang labis na pag-aalala. Ano po ba ang problema?”

Tumulo ang kanyang luha at napakapit sa aking tela ng suot kong barong,
“Ang iyong k-kapatid.. namataan siyang tinangay ng isang sundalong espanyol.”

-Terrorious

×××

KABANATA 15: Ugnayan


Inyo po bang nakita si Stella, Mang Karding? Narito raw po siya huling namataan bago siya nadakip?”
nababagabag kong tanong sa isang matanda sa pamilihan.

Kasalukuyan siyang nagpapasok ng mga kalakal kaya’t habang naghihintay ng kanyang sagot ay pinalibot ko ang aking tingin sa paligid. Lasing man ang aking estado mula sa serbesang aking nainom ay malinaw sa aking malalim na ang gabi. Kakaunti na lamang ang mga tao rito sa pamilihang bayan. Bukod sa mga nagtitinda ng isda at karne ay ang maliit na gusaling ito na lamang ang hindi pa tuluyang nagsasara.

Si Mang Karding ay isang mangangalakal na nagbebenta ng mga lumang kagamitan. Ilan sa kanyang mga ipinagbibili ay mga lumang relos, alahas at maging kagamitan sa tahanan na nagmula pa sa iba’t-ibang bansa.

“Hijo, nakita mo bang pasara na ang aking tindahan? Hindi ko na mapauunlakan ang iyong nais bilhin. Ipagpabukas mo na lamang iyan,”
aniya at akmang papasok sa loob ng kanyang tindahan ngunit napigilan ko siya.

“Mang Karding, ako po ito. Si Ryannel na anak ni Don Marcelo at Donya Florencia Guevarra,”
klaro kong wika.

Sa wari ko’y nasa edad pitumpu na si Mang Karding kung kaya’t hirap na siyang makaalala ng mga tao. Ang kanyang nag-iisang anak ay maagang pumanaw sa sakit nito sa puso. Matapos niyon ay mas lalong lumubha ang pagkalimot ni Mang Karding na maging ang pumanaw niyang anak ay hindi niya na maalala.

“O ikaw nga, Heneral Ryannel. Matagal ka ring hindi nakadalaw. Nais mo bang samahan akong maghapunan?”
alok ng matanda.

Napakamot ako sa likod ng aking leeg,
“Hindi na po, Mang Karding. Ang sadya ko po kaya ako naparito ay hinahanap ko ang nakababata kong kapatid na si Stella. Nakita niyo po ba siya?”

Hindi mapalagay si Mang Karding nang mapansin ang mga sundalong nasa aking likuran kaya’t pinalayo ko ang mga ito. Nang masigurong malayo na ang mga sundalo sa kanyang tindahan ay doon siya tumugon.

“Ang totoo niyan, Heneral Ryannel, ay mali ang kumakalat na balita na dinakip ang iyong kapatid ng isang sundalong espanyol,”
pag-amin niya,
“Base sa pagkakatanda ko ay… ang iyong kapatid ang siyang dumakip sa sundalong espanyol.”

Tumawa ako nang malakas, pilit pinoproseso ng aking utak ang narinig,
“Tulad noon ay sadyang mapagbiro ka pa rin, Mang Karding.”

“Heneral Ryannel, wala na ako sa wastong edad para magbiro,”
seryoso niyang wika kaya ako’y nagambala.

Sakay ng aking kabayo ay mag-isa kong nilakbay matarik na daan patungo sa Batis ng Kasarinlan kung nasaan ang heneral. Ang mga luha ang aking mga mata ay nangingilid na sa labis na pag-aalala. Kung may mangyaring masama sa aking kapatid ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili.

Dapat ay nagpumilit akong sumama sa kanya. Nangako ako sa aking ama na poprotektahan ko ang aking kapatid at ina higit pa sa lahat. Mapapanatag lamang ang aking kalooban kung makita kong ligtas ang aking kapatid.

“Heneral!”
umalingawngaw ang aking boses habang patuloy ako sa pagkatok sa pintuan ng kanyang tahanan.

Nang wala akong narinig na tugon ay muli akong kumatok ng tatlong beses. Mapapansing madilim ang paligid at marahil ay hindi nasindihan ng kung sino mang nasa loob ang gasera. Matapos ang ilang katok at pagtawag ay pinihit ko ang pinto. Nakapagtatakang hindi iyon nakakandado kaya’t malaya akong nakapasok.

“¿Dónde está la medicina herbal, Tristan? ¡Me muero de dolor!”

(Nasaan na ang halamang gamot, Tristan? Mamamatay ako sa kirot!)
bulalas ni Heneral Vicencio.

Dahan-dahan kong binuksan ang bintana at nang lumiwanag nang kaunti dulot ng bilog na buwan ay nasilayan ko na rin ang paligid. Nang sindihan ko ang gasera sa lamesa ay naroon ang pinitas na halamang gamot na hinahanap ng heneral. Dahon iyon ng sambong na sa wari ko’y namumunga lamang sa gitnang parte ng kagubatan.

Akmang lalabas na ako upang magpatuloy sa paghahanap ng aking kapatid nang muli kong marinig ang heneral,
“R-Ryannel, nasaan ka na?”

Kinagat ko nang mariin ang ibaba kong labi bago isarang maigi ang pinto. Dumungaw ako sa kanyang silid-tulugan at roon ay bumungad sa akin ang heneral. Nakadapa ito sa kanyang higaan. Wala itong saplot pang-itaas kaya’t malinaw sa aking mga mata ang hubad niyang likuran.

“Paz, ikaw ba iyan?”
pagtawag niya nang marinig ang mga hakbang ko palapit,
“Maari mo ba akong abutan ng maari kong pagsulatan? Ako lamang ay gagawa ng liham para sa aking

sinta

upang bisitahin ako.”

Umupo ako sa kanyang tabi bago sumambit ng salita,
“Mayroon ka na palang iniibig, Heneral Vicencio? Sana ay sinabi mo sa akin upang itigil ko na ang pagpunta rito.”

Wari mo’y nabuhusan nang malamig na tubig ang
hindi makuntentong
heneral nang maupo ito upang titigan ang aking mukha. Hinaplos niya ang aking pisngi pababa sa aking labi at nang mapatunayang ako nga ito, ay mahigpit niya akong niyakap.

“Ryannel, buong akala ko’y nasa langit na ako dahil nakakita ako ng anghel,”
aniya.

Gustuhin ko mang itulak palayo ang
hindi makuntentong
heneral ay hinayaan ko na lamang siyang yakapin ako. Nasanay na marahil ako sa kanyang halik at mga yakap.

“Maari na ba nating ipawalang bisa ang kasamiyento na aking nilagdaan, heneral?”
mariin kong ani kaya niya tinigil ang pagyakap,
“Narinig kong nais mong gumawa ng liham para sa iyong sinta.”

Tumaas ang sulok ng labi ng heneral,
“Ikaw ba ay… naninibugho, Ryannel?”

“Ako?”
itinuro ko ang aking sarili,
“Hindi ako kailanman makakaramdam ng ganiyan, heneral.”

Pinagsaklob niya ang aking pisngi at itinapat ang kanyang noo sa akin,
“Hindi mo na kailangan pang ikaila, Ryannel. Batid kong nais mong malaman kung kanino ko iaalay ang liham na aking isusulat. Nais mong makilala ang aking sinta, tama ba ako?”

“Hindi ako interesado.”

Hinalikan niya ang aking labi sa kaunting sandali,
“Tumingin ka sa aking mga mata, Ryannel.”

Kagaya ng utos ng heneral ay dumapo ang aking tingin sa kanyang bughaw na mga mata. Matagal ko na iyong tinitingnan ngunit hanggang ngayon ay labis pa rin akong namamangha sa mga iyon.

“Ang repleksiyon ng aking sinta ay iyong makikita sa aking mga mata. Wala akong ibang pag-aalayan ng liham at ng aking puso kung hindi ikaw lamang, Ryannel,”
pag-amin niya.

“Heneral…”

“Naiintindihan kong hindi ko matuturuan ang iyong puso, Ryannel. Maging ang pagtawag sa akin ng

ginoo

ay nakakaligtaan mo madalas subalit hindi ako susuko. Kung kinakailangan kong sungkitin ang bituin upang puso mo’y aking maangkin… ay handa akong gawin.”

Biglaang bumilis ang tibok ng aking puso at sa takot na marinig iyon ng heneral ay lumayo ako. Nagpakawala ako ng sunod-sunod na hininga habang siya’y pinagmamasdan ang aking kakaibang kilos. Tumatalab na marahil muli ang serbesa na aking nainom kaya’t nag-iinit ang aking katawan.

“Ryannel!”
tawag niya nang lumabas ako ng kanyang silid-tulugan.

Kinuha ko ang halamang gamot at pinakuluan iyon matapos magdingas ng apoy. Matapos makuluan ay isinalin ko ang mga dahon kasama ng mainit na tubig sa isang lalagyang yari sa metal at bumalik muli sa silid ng heneral bitbit ito.

“Nasaang parte ng iyong katawan ka nasasaktan, g-ginoo?”
tanong ko at pinigaan ang maliit na tuwalyang mula sa halamang aking pinakuluan.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng heneral,
“Ryannel, pakiramdam ko’y masakit ang nasa gitna ng aking mga hita. Kailangan nito ng iyong–Ahhh!”
sigaw niya matapos kong diinan ang kanyang likod.

“Ano ba ang iyong ginawa at namamaga ang iyong likuran? Hindi ba’t pinagbawalan ka ni Tandang Paz na magsibak ng kahoy? Huwag mo sabihing nagpatuloy ka pa rin?”
sunod-sunod kong tanong.

“Para na kitang kasintahan dahil sa mga tanong mo na iyan, Ryannel,”
pag-iiba niya ng usapan.

Natigil ang aming usapan nang marinig ko ang tunog ng kabayo mula sa labas. Nagkukumahog akong tumayo nang tuwid nang mayroong kumatok sa pinto at kasunod nito ay ang boses na tinatawag ang heneral.

“Maari mo bang buksan ang pintuan, Ryannel?”
ani ng heneral bago humikab.

Umiling ako,
“Ngunit ikaw ang hinahanap ng kung sino mang nasa labas, ginoo.”

“Sigurado akong si Tristan iyan. Siya lamang ang inutusan kong maghatid sa akin ng halamang gamot.”

Wala na akong nagawa kung hindi pagbuksan ng pinto si Tristan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong ako ang nasa harapan niya at hindi ang Heneral Vicencio. Nakasuot siya ng kulay asul na unipormeng pang-sundalo at puting sumbrero. Higit na aking napansin ang dalawa niyang emblem sa kanyang kanang dibdib na batid ko noon ay tatlo.

“Kilala mo ba ang aking nakababatang kapatid na si Stella Guevarra?”
walang pag-aalinlangan kong tanong kay Tristan.

“Opo, heneral,”
mabilis niyang sagot.

Tumikhim ako at muling nagtanong gamit ang maawtoriko kong boses,
“Nakadaupang palad mo ba siya?”

“Huwag po kayong mag-alala. Ang inyo pong nakababatang kapatid ay nakauwi ng ligtas,”
aniya.

Tumango ako,
“Saan mo nakuha ang impormasiyong iyan, Tristan?”

“Heneral Guevarra, ang aking

sinta

ay walang iba kung hindi ang inyong kapatid na si Binibining Stella,”
malinaw niyang pag-amin at lumuhod sa aking harapan.

-Terrorious

×××

KABANATA 16: Sinta

Nang makabalik ako sa aming mansyon ay namataan ko si Mang Romolo sa may kuwadra. Pinapakain niya ang mga kabayo roon. Matapos kong ipasok sa kanyang kuwadra ang aking kabayo ay lumapit ako sa kanya. Nawiwili ang matanda kaya’t hindi niya napansin ang aking presensiya.

“Malalim na ang gabi, Mang Romolo, ngunit hindi ka pa rin nagpapahinga,”
ani ko at naupo sa mataas na dayami.

Matapos lagyan ng tubig ang inuman ng bawat kabayong naroroon ay umupo siya sa aking tabi,
“Himala at maaga kang nakabalik, Ryannel. Madalas kasi kitang nakikitang umuuwi ng pasikat na ang araw.”

“W-wala po kasing kalakalan ngayon kaya’t narito ako,”
pagdadahilan ko.

“Nabanggit sa akin ng iyong ina ang pakikipagkita mo sa heneral ng Espanya. Hindi ako isang mangmang para paniwalaang pakikipagkalakalan ang dahilan ng inyong pagkikita,”
binabasa ni Mang Romolo ang aking ekspresiyon.

Malalim akong nag-isip bago tumugon,
“Huwag niyo po sanang sabihin ang inyong nalalaman kay ina, Mang Romolo. Pinapangako kong kung ano man ang dahilan ng patuloy kong pakikipagkita sa heneral ng Espanya ay para ito sa San Fernando.”

“Ryannel,”
tawag niya,
“Sana’y huwag mo ring sarilihin ang gampanin. Bukod sa amin ay nariyan ang katipunan na handang tumulong upang mapagbuti ang ating nasyon hindi lamang ang San Fernando.”

Tumingala ako upang pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. Namumuo ang aking mga luha matapos kong marinig ang kanyang sinabi.
Kung nabubuhay pa ang aking ama ay iyon din kaya ang maipapayo niya sa akin?

“Maraming salamat po, Mang Romolo,” tugon ko.

Matapos ang aming masinsinang usapan ni Mang Romolo ay minabuti kong puntahan ang silid ni Stella. Hindi ako mapalagay kahit na nabanggit ni Tristan na ligtas niya itong naiuwi.

“Stella?”
pagtawag ko at maingat na kumatok sa pintuan.

Nagpatuloy ako sa pagkatok at nang hindi pa rin nito binuksan ang pinto ay ako na ang nagbukas niyon. Tanging liwanag mula sa lampara sa kanyang lamesa ang nagsilbing gabay upang masilayan ko siya. Nakasuot ito ng pangtulog na kasuotan at abala ito sa librong kanyang binabasa. Naka-krus ang aking braso habang pinapanuod ang kanyang bawat galaw.

“Kailan ka pa naging interesadong matuto ng wikang Espanyol, Stella?”
tudyo ko.

Tumaas ang kanyang kaliwang kilay nang makita ako sa bukana ng kanyang silid,
“Matagal na akong interesado sa wikang Espanyol katulad mo, kuya.”

Umawang ang aking labi,
“Katulad ko?”

“Opo,”
tumawa siya at niligpit ang librong binabasa,
“Nakita kitang nag-aaral ng wikang Espanyol noong nagdaang linggo. Nais ko sanang itanong kung kailangan mo ng tulong subalit natatakot akong pagalitan mo.”

Tuluyan na akong pumasok sa kanyang silid. Napaiwas ako ng tingin nang mapansin ang mga liham sa kanyang lamesa na kaagad niya ring itinago. Naupo ako kanyang tabi at napanatag nang mapagtantong maligaya ang aking kapatid. Naalala ko noong hindi pa natitigil ang pag-iisang dibdib ng aking kapatid at ng heneral. Hindi maipinta ang kanyang mukha noon. Bukod pa roon ay labis akong nag-alala noong muntik niya nang wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal.

“Stella,”
hinawakan ko ang kanyang mga kamay,
“kailanman ay hindi ko magagawang magalit sa iyo. Ang kaalaman sa ibang wika ay hindi isang kasalanan. Hangga’t namamayani sa iyong puso ang wikang Filipino higit pa sa kahit anong wika ay wala kang dapat ihingi ng paumanhin.”

Napaigtad ako nang yakapin ako ng aking kapatid nang biglaan. Kasunod niyon ay ang pagtangis niya. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig at tinapik ang kanyang likod hanggang sa tumigil siya sa paghikbi.

“P-patawarin mo ako, kuya,”
naramdaman ko ang kanyang mga luhang bumagsak sa aking kaliwang balikat.

Pumikit ako nang mariin nang tumulo na rin ang aking mga luha,
“Para saan, at bakit ka humihingi ng tawad, Stella?”

Humikbi siyang muli,
“M-mayroon akong n-nagawang kasalanan at natatakot akong h-hindi ko ito… m-magagawang wakasan.”

Nang marinig ko ang mga salitang iyan sa aking kapatid ay batid kong labis siyang nagmamahal. Nahulog na siya sa malalim na bangin na kahit anong pilit niyang umakyat ay hindi niya magawa.

Ganoon nga ba ang pag-ibig?

Na kahit alam mong hindi maaari ay handa kang ipaglaban?

Kung iyan ang esensiya ng pag-ibig ay hindi ko pa iyon naramdaman sa aking tanang buhay. Sa tagal kong nangulila kay Binibining Juana nang magpatuloy ito ng kanyang edukasiyon sa Amerika ay hindi ako nagtangis kailanman. Hindi pumasok sa aking isipan na ipaglaban siya kung sakaling labag ito sa bayan.

Ibig sabihin ba nito’y hindi ko tunay na minamahal ang binibini?

Ako lamang ba’y naguguluhan sapagkat malapit siya sa aking puso simula pagkabata?

Kasalukuyan akong nakahiga sa loob ng aking silid habang ang aking mga mata’y nakatingin sa kisame. Pilit akong ginagambala ng mga katanungang ukol sa pag-ibig kaya’t hindi ako makatulog. Nakakapagtakang malalim pa rin ang gabi sa tagal kong nakatulala nang bumaling ang aking tingin sa bukas kong bintana.

Ang aking pagkabalisa ay naglahong bigla nang matamaan ako ng wari ko’y bato na nagmula sa ibaba ng aming mansyon. Noong una ay inakala kong imahinasiyon ko lamang iyon, ngunit nang tamaan akong muli sa aking noo ay kinuha ko na ang aking baril na nasa ilalim ng malambot kong unan.

Buong pag-iingat akong lumapit sa uwang ng bintana at itinapat ang aking likuran sa may dingding. Mula roon ay itinutok ko ang baril sa labas at hinanap ang pinanggagalingan ng mga batong kanina pa ako ginagambala. Nang mahuli ng aking mga mata ang
salarin
ay bagsak balikat kong ibinaba ang baril at nagkukumahog na bumaba sa labas ng aming mansyon.

“Heneral,”
hinihingal kong bigkas at tumakbo palapit sa kanya,
“B-bakit ka naparito? Paano kung may makahuli sa iyo?”

Bago ako makauwi sa aming mansyon kanina ay mahimbing ang kanyang tulog nang siya’y aking iwan. Hindi ko na siya ginising pa upang magpaalam dahil hindi ko siya nais gambalain. Ngayon ay nakasuot siya ng barong tagalog, kayumangging pantalon na itinupi niya hanggang tuhod at sumbrerong yari sa abaka. Iisipin mong magsasaka ang heneral sa unang tingin ngunit dahil sa kanyang aristokratong mukha ay hindi ito bumagay sa kanya.

Nanlaki ang aking mata nang abutan niya ako ng pinitas niyang gumamela sa aming hardin,
“Ako’y naparito upang suyuin ang

aking sinta

.”

Hinawakan ko ang kanyang kamay upang dalhin sa liblib na lugar. Hindi kami maaaring makitang magkasama ng heneral ng Espanya lalo pa’t malapit ang aming mansyon sa katipunan. Mayroon ring ilang sundalo na nagmamatyag sa paligid kayat mabuti nang mag-ingat.

“Hindi ko lubos maisip na sa labis mong pananabik sa akin ay hindi mo na mabitawan ang aking kamay,

aking sinta

,”
tudyo niya at hinalikan ang likod ng aking kamay.

Mabilis kong binitawan ang kanyang kamay at matalim siyang tinitigan,
“Heneral…”

“Ginoo. Tawagin mo akong ginoo,

aking sinta

,”
pag-uudyok niya.

Bumuntong hininga ako,
“Kung gayon ay itigil mo ang pagtawag sa akin bilang iyong

sinta

, heneral.”

“Maari kong itigil ang pagtawag sa iyo bilang

aking sinta

kung hahalikan mo ako sa labi,”
aniya at inilapit ang kanyang mukha sa akin.

Bago pa man magtagpo ang aming mga labi ay bahagya ko na siyang naitulak palayo,
“Hindi mo ako madadala sa mga halik na iyan. Batid kong kahit pudpudin pa kita ng walang katapusang halik ay hindi mo ako susundin.”

“Ngunit walang masama kung iyong susubukan, hindi ba?”
lumapit siya sa akin at isinandal ako sa puno ng mangga,
“Isang halik lamang ang hinihingi ko sa iyo, subalit kung ibig mo akong pudpudin ng maraming halik ay malugod ko iyong tatanggapin.”

“Pumikit ka… ginoo,”
mahina kong utos na agaran niya ring sinunod.

Nakangiti ang labi ng heneral habang ang mga mata niya’y nakapikit. Dahan-dahan kong inangkla ang aking mga braso sa kanyang leeg at binigyan siya nang halik sa labi. Akmang ilalayo ko ang aking mukha upang matigil ang halik nang mas palalimin niya ito. Niyakap niya ako nang mahigpit upang hindi ako makawala sa kanya at mas idiniin ang kanyang katawan sa akin, dahilan upang maramdaman ko ang umbok sa pagitan ng kanyang mga hita.

“Mmm… ginoo,”
ani ko at mahigpit na kumapit sa kanyang suot na barong.

“Huwag kang mag-alala,

aking sinta.

Labis man akong nananabik sa iyo ay hindi kita pipilitin sa mga bagay na hindi mo naiibigan. Ako ay naparito bilang isang mangingibig at hindi bilang isang heneral ng Espanya na una mong nakilala,”
saad niya.

“Kung gayon ay hindi na kita paliligayahin?”
ang aking boses ay bakas ang pag-aasam.

Hinaplos niya ang aking pisngi bago halikan ang aking noo,
“Handa kong hintayin ang araw na ako’y mamahalin mo rin at ang gabing ikaw na mismo ang magmamakaawang paligayahin natin ang isa’t-isa,

aking sinta

. Sa ngayon ay hayaan mong patunayan ko sa iyo kung paano umibig ang isang Javier Vicencio.”

“Maari mo ba akong pahintulutang mahalin ka, Ryannel?”
dagdag pa niya.

Nang makita ko ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata ay kumirot ang aking puso,
“Ginoo, hindi ko–”

“Mahal kita, Ryannel,”
pag-amin niya,
“Bigyan mo lamang ako ng pagkakataong mahalin ka. At kung dumating ang panahong nais mong itigil ko na ang kahibangang ito… ay lalayo ako sa iyo, pangako.”

-Terrorious

×××

KABANATA 17: Pangako

“Heneral?”
ang pagtawag ni Jose ang nagpabalik sa akin mula sa mahabang pagkatulala.

Hinilot ko ang aking sentido,
“Ipagpaumanhin ninyo ang aking hindi agarang pagtugon,”
ani ko sa mga naririto sa katipunan.

“Sadyang napakalalim ng iyong iniisip, heneral. Dahil ba ito sa kaarawan mo bukas?”
binuklat ni Donya Gerardo ang kanyang makulay na abaniko at pinaypayan ang sarili.

“Muntik ko nang makalimutan! Oo nga pala’t kaarawan mo na bukas, heneral. Mayroon ka bang planong maghanda ng piging para sa ating mga kababayan?”
dagdag ni Don Gerardo.

“Sa tingin ko ay magandang ideya iyan, heneral. Kung ipahihintulot mo’y ako na mismo ang magbibigay ng imbitasiyon sa ating mga karatig-nayon,”
suwestiyon ni Tinyente Ismael.

Napatango na lamang ako,
“Maraming salamat sa inyong lahat. Batid kong abala rin kayo sa maraming gawain sa ating pamahalaan at sa katipunan, kaya’t sadyang nakakataba ng puso na naalala ninyo ang aking nalalapit na kaarawan.”

Noong nabubuhay pa ang aking ama ay hindi nakakaligtaan ng aming pamilya ang magdiwang sa tuwing sasapit ang kaarawan namin ni Stella. Makukulay na palamuti at iba’t-ibang putahe ang inihahanda ng aming katuwang sa espesyal na araw, subalit nang pumanaw ang aking ama ay natigil ito.

Matapos akong pumayag sa nasabing piging ay naglakbay ako patungong bayan upang puntahan si Binibining Juana. Simula noong nagkaroon ng komusiyon at hinarang ng mga sundalong Espanyol ang karwahe ng binibini ay hindi ko na siya muli pang naihatid.

At ang salarin ay walang iba kung hindi ang heneral ng mga Espanyol na si
Javier
. Hindi niya ako pinahihintulutang makipagkita sa binibini kapalit ng pagpayag niya na makadaan ito sa kanyang lupain.

“Nasaan na kaya ang ginoo?”
tanong ko sa aking sarili nang tumigil ang aking kabayo sa tapat ng kanyang tirahan.

Bukod sa pag-agos ng tubig sa Batis ng Kasarinlan ay wala akong marinig sa paligid. Marahil ay bumalik ang heneral kasama ng mga sundalo sa kanyang mansyon. Hinilot ko ang aking sentido nang muli iyong kumirot sa dami ng bumabagabag sa akin.

Ang totoo niyan ay ginagambala ako ng mga salitang binitawan ni Heneral Vicencio kagabi. Umamin siyang ako’y kanyang iniibig at handa siyang lumayo sa akin kung ito ang aking nais. Hindi naging matiwasay ang una naming pagkikita kaya’t kung noon niya sinabing handa siyang lumayo kung iyon ang aking kagustuhan, ay ipinaalam ko na iyon sa kanya. Subalit nitong nagdaang linggo ay sinasakop niya ang aking isipan. Magmula sa mga matatamis niyang mga salita hanggang sa mga pangakong hindi ko batid kung ito’y totoo.

Heneral Vicencio, nasisiraan ako ng bait dahil sa iyo!

“Ginoo!”
nabaling ang aking atensiyon sa silangan nang marinig ko ang boses ni Binibining Juana.

Bumaba siya sa kalesa kung nasaan siya kasalukuyang nakasakay upang lapitan ako at yakapin. Lumingon ako sa paligid bago ko siya yakaping pabalik.

“Bukas na ang iyong kaarawan, ginoo,”
tinitigan niya ang aking mga mata na wari’y binabasa ang nakapaloob dito,
“Naaalala mo pa rin ang pangako mo sa akin, hindi ba?”

Nang mapansin ko ang namamanglaw niyang mga mata ay napangiti ako,
“Oo naman, binibini. Hindi ako kailanman makakalimot sa aking pangako.”

Namanatag naman ang kanyang dagap hindi naglaon,
“Mabuti kung ganoon. Maari ba tayong dumaan sa pamilihan upang mamili ng mga kakailanganin natin bukas?”

Tumango ako bago siya alalayang makasakay sa aking kabayo. Nasa unahan ang binibini samantalang ako’y nakaupo sa likuran. Nakakulong siya sa aking mga braso nang magsimula kaming maglakbay patungo sa pamilihang bayan.

Hindi magkandamayaw ang ilan sa mga nagtitinda sa pagtawag sa amin upang doon mamili dahilan upang kami’y mapuspos. Kilalang tao sina Don at Donya Gerardo dahil sa mataas nilang posisyon sa pamahalaan kaya’t hindi nakapagtatakang marami ang nakakakilala sa kanilang nag-iisang anak na si Binibining Juana.

“Binibining Juana, sino ba iyang ginoo na kasama mo?”
ani Ginang Cora na asawa ng isang magsasaka.

Dahil sa itim na sumbrero at kaswal kong kasuotan ay hindi niya ako namukhaan. Sa tuwing mapapadpad ako sa pamilihan ay hindi ko sinusuot ang aking uniporme upang hindi magambala ang ilang mamimili. Bukod pa roon ay lubos akong nag-aalala na makadaupang palad namin ang kahit sinong sundalong Espanyol lalo na ang kanilang heneral na si
Javier
.

Nilingkis ni Binibining Juana ang kanyang braso sa akin matapos kaming bumaba sa kabayo,
“Siya nga po pala ang aking katipan. Sadyang mahiyain ang

aking ginoo

kung kaya’t hindi niya ibig ipakita ang kanyang mukha. Nawa’y maintindihan po ninyo.”

“Oo naman!”
bakas ang giliw sa mukha ng ginang,
“Naku, sigurado akong maiibigan ninyo ang aking mga paninda. Ang lahat ng iyan ay nababagay sa mga magkasintahan.”

Magkapares na mga alahas, palamuti at mga kasuotan ang naroroon. Labis akong nagagalak sa napakaraming gamit kaya’t hindi ko mawari kung saan ko itutuon ang aking atensiyon. Lahat ng mga kagamitang naririto ay siguradong mapupusuan ng kahit na sinong binibini.

Napaawang ang aking labi nang hawakan ni Binibining Juana ang aking kaliwang kamay at isuot roon ang isang singsing,
“Ginoo, ito ang magsisilbing regalo ko para sa iyong kaarawan bukas.”

“B-binibini, ang singsing–”

“Alam ko,”
aniya at ibinigay ang kaparehas na singsing kay Ginang Cora, ”
Alam kong ang pagbibigay ng singsing ay isang uri ng panunumpa sa iyong naiibigan. Ginoo, kung mayroon ka nang iniibig ay maari mong bilhin ang kaparehas ng singsing na iyan sa tindahang ito upang isuot sa kamay ng iyong tunay na kasintahan.”

Binigyan niya ako nang matamis na ngiti bago abutan ng alahas si Ginang Cora bilang pambayad. Ikinatuwa naman iyon ng matanda. Akmang aalma ako nang mayroong pamilyar na boses akong narinig kaya’t binalot ako ng kaba.

“Maari ko po bang ipagpalit sa ginto ang kuwintas na ito?”
tanong ni Tristan habang hawak ang kulay pulang kuwintas na may nakaukit na rosas.

Kagaya ko ay nakasuot rin siya ng kaswal na barong tagalog sa halip na uniporme. Kapansin-pansin ang ilang binibini na nakatingin sa kanya. Marahil ay dahil iyon sa kanyang tindig o sadyang makisig ito katulad na kanilang heneral.

“Hindi ba’t ikaw rin ang ginoong bumili rito kahapon?”
magiliw na pag-uusisa ni Ginang Cora.

Napangisi si Tristan bago ito tumango,
“Opo. Nais ko pong bumili muli sa inyong tindahan sapagkat hindi naibigan ng aking sinta ang porselas na nabili ko kahapon.”

“Imbes na alahas ang iyong ibigay ay mas maiibigan niya ang mga gamit sa pandirigma. Maliban na lamang kung ibang binibini ang pagbibigyan mo nito,”
bulong ko sa kawalan.

“Ano po iyon?”
lumingon sa akin si Tristan,
“Ginoo, kilala niyo po ba ang aking sinta kaya’t batid niyong hindi niya maiibigan ang mga alahas na naririto?”

Tumikhim ako at yumuko upang itago ang aking mukha sa suot kong sumbrero,
“Paumahin. Ang aking nasabi ay huwag mo sanang damdamin, ginoo.”

“Mauuna na po ako. Marami pong salamat,”
iyan ang huling sambit ni Tristan bago ito naglakad patungo sa kabilang tindahan kung nasaan ang mga gamit pang-digma.

Hindi ko namalayang lumubog na ang araw matapos naming makapamili ng iba’t-ibang kagamitan para bukas. Handa na ang lahat. Pagsapit ng umaga ay maghahanda ang lahat sa aming mansyon para sa gaganaping piging sa buong San Fernando. At kapag lumubog na ang araw ay maglalakbay kami ni Binibining Juana patungo sa Batis ng Kasarinlan dahil iyon ang aking pinangako.

Isa na lamang ang aking pinangangambahan. Iyon ay kung paano ako ito ipapaalam sa heneral ng Espanya. Hawak ko ang isang liham nang magtungo ako sa mansyon ni Heneral Vicencio. Hindi nga ako nagkamali nang madatnan ko ang  ilan sa kanyang mga sundalo na nagbabantay sa tarangkahan.

“Heneral Guevarra, si lo que busca es nuestro general, no está aquí. Se fue a alguna parte, junto con algunos de nuestros compañeros soldados,”

(Heneral Guevarra, kung inyo pong hinahanap ang aming heneral ay wala po siya rito. Kasama po niya ang ilang sundalo at hindi namin siya mahagilap magmula pa kanina),
ani Ginoong Paz.

Biglaan akong nakaramdam ng kaba,
“Dónde lo viste por última vez?!”

(Nasaan mo po siya huling namataan?!)

Tiningnan niya ako nang malalim bago tumugon,
“Previamente le había informado al general que ir a la isla desde el este estaba prohibido debido a la gran cantidad de animales salvajes allí, pero aun así fue.”

(Bago pa man magtungo sa silangang isla ang heneral ay binalaan na namin siyang mapanganib roon dahil sa mga mababangis na hayop, subalit nagpatuloy pa rin ito).

“Heneral Guevarra,”
hinawakan ng matanda ang dalawa kong kamay,
“Los soldados con los que está ya están aquí, pero él sigue desaparecido, así que por favor búsquenlo. No puede estar solo.”

(Ang mga sundalong kanyang kasama kanina ay narito na, subalit ang aming heneral ay nanatili sa isla. Hanapin mo siya, pakiusap. Hindi niya kayang mag-isa).

“May magagawa pa ba ako?”
tanong ko sa aking sarili matapos kong patakbuhin nang mabilis ang aking kabayo.

-Terrorious

×××

KABANATA 18: Kaarawan

“Ipagpaumanhin po ninyo subalit malalim na ang gabi at bukod pa roon ay paparating ang malakas na bagyo, kaya’t hindi ko kayo maaring ihatid sa kabilang isla,”
paliwanag ng matanda sa daungan.

Mas lalo akong binalot nang pangamba,
“Kung gayon ay binigyan mo lamang ako nang malalim na dahilan upang magpumilit. Nasa islang iyon ang aking… k-kakilala at kailangan ko siyang sunduin.”

Mahigpit na itinali ng matanda ang kanyang bangka sa pampang bago iyon takpan ng lambat. Sa pakiwari ko’y hindi ako nito namumukhaan dahil madilim ang paligid at tanging gasera lamang ang nagbibigay liwanag sa pampang.


Mabuti pa’t ipagpabukas mo na lamang ang pagpunta roon. Kung gusto mo’y ako pa mismo ang maghahatid sa iyo… huwag lamang ngayon. Lubhang mapanganib ang tumawid sa dagat patungo sa kabilang isla,”
aniya.

Ang aking mga mata’y nakatuon sa matanda nang maglakad ito papalayo. Bitbit niya ang lahat ng kanyang kagamitan sa pangingisda at sinalubong siya ng isang ginang upang tulungan ito. Napaupo ako sa kanyang bangka nang tuluyan na silang mawala sa aking paningin.

Hindi pa man nagtatagal ay bumugso ang malakas na paghampas ng hangin kasabay ng alon sa anyong tubig. Wari mo’y tinatawag ang aking diwa nang magalit ang kalangitan at sundan iyon nang hagupit ng ulan.

“Ryannel!”
ang boses na iyon ay mula kay Mang Romolo.

Malayo pa lamang ay bumaba na ito sa karwahe upang lapitan ako. Hawak niya ang malaking parasol at natigil ang pagpatak ng ulan sa aking katawan dahil doon.

Niyakap ko ang aking sarili sa labis na lamig,
“P-paano niyo po napag-alamang n-narito ako?”

“Hindi na iyon mahalaga, Ryannel,”
mariin niyang wika,
“Halika’t bumalik na tayo sa inyong mansyon.”

Umiling ako,
“Maari niyo po bang ipaalam sa may-ari ng bangkang ito na ako’y tutuloy sa aking pupuntahan at nangangakong ibabalik rin ito sa kanya?”

Bago pa man makatugon si Mang Romolo ay nagsalita akong muli,
“Sa tingin ko’y pumatak na ang orasan sa ikalabindalawang numero, hudyat na sa oras na ito’y kaarawan ko na sa wakas. Nawa’y pahintulutan po ninyo ang aking munting kahilingan, Mang Romolo.”

Buong akala ko’y tututulan niya ang aking pasiya ngunit tinulungan niya pa akong maihanda ang bangka ng mangingisda. Hindi man niya aminin ay batid kong nag-aalala siya para sa akin. Pinangako kong babalik nang agaran upang ipagdiwang ang aking kaarawan at doon lamang napanatag ang kanyang kalooban.

“Mag-iingat ka, Ryannel!”
rinig kong sigaw ni Mang Romolo nang makalayo ako sa pampang.

Napakalakas ng alon gayon rin ang hangin kung kaya’t nahihirapan ako sa pagsagwan. Sumabay pa ang pagpatak ng ulan mula sa madilim na kalangitan. Hindi ko mawari kung bakit labis pa akong nangangamba sa kalagayan ng tusong heneral kaysa sa aking sarili.

“Ryannel, tuluyan ka ng nahihibang,”
bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko na maaninag ang liwanag mula sa aking pinanggalingan kaya’t nakasisiguro akong malayo na ang aking nalakbay. Maging ang aking dalawang braso ay hindi ko na maramdaman sa labis na pamamanhid. Mainit na rin ang aking pakiramdam at walang dudang dahil ito sa aking kahangalan.

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay narating ko rin ang mahiwagang isla. Hindi raw nakalalabas ng islang ito ang kung sino mang mangahas na maglakbay ayon sa balitang aking naulinigan. Isa ako sa handang magpatunay na wala iyong katotohan sapagkat minsan na akong napadpad sa lugar na ito.

Sa pagkakatanda ko’y musmos pa ako noon. Isinama ako ng aking ama sa islang ito upang humuli ng mababangis na hayop subalit sa gitna ng aming paglalakbay ay naligaw ako sa gitna ng kagubatan. Magmula noon ay hindi na kami bumalik pa muli rito.

“Heneral Vicencio!”
buong lakas ko iyong isinigaw nang maitali ko ang bangka sa sanga ng puno.

Sinuklay ko ang basa kong buhok gamit ang aking daliri at niyakap ang aking sarili bago maglakad sa liblib na isla. Bukod sa hindi matigil na ulan ay wala akong marinig sa paligid.

“Heneral? Ginoo? Javier?”
ilan lamang iyan sa mga salitang binigkas ko subalit hindi ako nakarinig ng tugon.

Nasaan na ba ako?
Marahil ay tuluyan na ulit akong naligaw katulad ng nangyari noong ako’y musmos pa lamang. Maging ang pagbalik sa dalampasigan ay hindi ko na maalala pa.

“Ginoong Javier, narito na ako! Ginoo, nasaan ka? Magpakita ka na… pakiusap.”

Pinunasan ko ang aking pisngi nang umagos ang luha roon. Pakiramdam ko’y sumisikip ang aking dibdib at labis ang bigat na aking nararamdaman.
Natatakot ako.
Natatakot akong muling maligaw. Natatakot akong hindi ko na siya makita pa.

Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha nang masilayan ko ang liwanag sa hindi kalayuan. Kagat ko ang aking labi nang magtungo ako sa kinaroroonan nito. Sa bawat hakbang na aking ginawa ay umaasa akong naroon siya.
Na sana’y ligtas siya.

Napatigil ako sa harapan ng isang malaking kuweba. Yari iyon sa bato at nasa loob nito ang pinanggagalingan ng liwanag. Kumuha ako ng lakas ng loob bago tuluyang tingnan kung ano ang nasa loob niyon.

Hindi ko mabatid ang dapat kong maramdaman nang makita ko ang lalaking matagal kong hinanap. Nakahiga ito sa dulo ng kuweba at tanging ang liyab na nagmumula sa mga sinindihang troso ang panlaban niya sa lamig. Nanginginig ito sa lamig at hindi ito mapalagay.

“Ryannel, a-aking

sinta

,”
bulong niya na malinaw kong narinig mula sa malayo.

Palihim na tumaas ang sulok ng aking labi bago ako lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Napatigil ako sa paghinga nang yakapin niya ang aking baywang nang mahigpit.

Hinaplos ko ang maamo niyang mukha at hinayaan siyang yakapin ako, ”
Ginoo.”

“Ryannel, sinta ko,”
mabilis niyang sagot habang ang mga mata niya’y nakapikit.

“Ano bang pumasok sa iyong isip at pumarito ka? Hindi mo ba alam na mapanganib sa islang ito?”
saad ko.

Napangiti ang heneral,
“Hindi ako makatulog nang maayos nitong nagdaang mga araw, sinta ko.”

“Bakit? Mayroon ka bang dinaramdam?”

“Ikaw ang dahilan, sinta ko,”
hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon,
“Magmula noong magtapat ako ng aking tunay na nararamdaman sa iyo ay hindi ka na muli pang nagpakita sa akin.”

“Ipagpaumanhin ninyo, ginoo. Ako lamang ay naguguluhan ng mga nagdaang araw,”
tugon ko.

“Kung hindi mo ako mahal ay maari kang magtapat sa akin, Ryannel.”

Bumukas ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang singsing na nakasuot sa aking daliri. Kumirot ang aking puso nang ngumiti ang heneral nang pilit. Taimtim niya akong tiningnan sa mata bago sumambit ng salita.

“Kung batid ko lamang na kailangan ko pang tawirin ang islang ito upang mag-alala ka sa akin ay noon ko pa sana ginawa, Ryannel.”

“Ginoo, hindi magandang biro ito,”
mariin kong wika.

Umupo ang heneral upang yakapin ako,
“Maligayang kaarawan, sinta ko. Kung ngayon mo nais hilingin na ipawalang bisa ang kasamiyento na iyong sinelyahan ay buong puso kitang palalayain. Nais kong maging masaya ka kapalit man nito ang aking kalungkutan at pangungulila sa iyo.”

“Paumanhin, ginoo, subalit hindi ko rin marahil kakayanin ang mawalay sa iyo,”
mahina kong sabi dahilan para itigil ng heneral ang pagyakap sa akin upang pagmasdan ang aking mukha.

Napalunok ang heneral,
“Nais kong marinig muli ang iyong sinambit, sinta ko.”

“Sa tingin mo ba’y handa akong sundan ka sa islang ito sa kabila ng malakas na bagyo kung hindi ka mahalaga sa akin,

ginoo

?”
pag-amin ko.

Kumapit ako sa kanyang braso nang bumulong siya sa aking kaliwang tainga,
“Batid mo bang

hindi makabubuti

sa iyo ang sabihin ang mga salitang iyan lalo pa’t tayo lamang ang nasa islang ito?”

“Ginoo…”
nagpigil ako ng paghinga nang halikan niya ang aking leeg.

“Nais kong marinig sa iyong nananabik ka sa akin, Ryannel,”
aniya at pinagpatuloy ang paghalik.

Yumakap ako sa kanyang leeg,
“Ginoo, nananabik ako sa iyo.”

“Ryannel,”
sinimulan niyang buksan ang butones ng aking kasuotan pang-itaas,
“Ibibigay ko sa iyo ang kaarawang hindi mo malilimutan.”

-Terrorious

×××

KABANATA 19: Kuweba🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Inilagay ng ginoo ang aking palad sa tapat ng kanyang dibdib bago niya ako hinalikan nang malalim. Katulad ko’y napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Waring naghahabulan ang pagpintig nito. Isa pa sa pinangangamba ko ay ang paraan ng paghalik niya sa akin. Sa ngayo’y nararapat lamang na sanay na ako sa rahas ng kanyang labi ngunit para bang bago pa rin ito sa akin.

Nang simulang buksan ng ginoo ang butones ng suot kong barong ay hudyat na wala na akong kawala sa kanya. Maingat niyang naihubad ang aking pang-itaas na kasuotan nang hindi ko namamalayan. Bumalik lamang ako sa katinuan nang isandal niya ako sa isang malaking bato habang patuloy ang paghalik sa aking labi.

“Ginoo… ahhh!”
hindi ko napigilang gumawa ng ingay nang kagatin niya ang aking leeg at halikan iyon pagkatapos.

Tinakpan ng ginoo ang aking bibig,
“Batid mo bang napakaraming mababangis na hayop sa islang ito, aking sinta? Kung ako sa iyo ay pipigilan ko ang pag-ungol upang hindi nila tayo marinig.”

“Bukod sa

iyo

ay wala akong nakadaupang palad na mababangis na hayop sa islang ito, ginoo,”
ganti ko.

Tumawa ang heneral,
“Tama ka, aking sinta. Bukod sa akin ay walang ibang nilalang sa islang ito ang mangangahas na kumain sa iyo.”

Kumain? Anong ibig niyang sabihin?

Panandalian akong natulala ngunit natigil rin iyon nang supsupin ng ginoo aking dibdib habang ang bughaw niyang mga mata’y nakasentro sa akin. Kumapit ako sa kanyang buhok sa labis na pananabik. Sa tuwing pinaglalaruan ng kanyang dila ang magkabila kong dibdib ay napapaliyad ako sa sarap.

Ang sarap ay nahaluan ng kiliti nang bumaba ang paghalik ng ginoo papunta sa aking tiyan. Gamit ang kanyang dila ay waring tinitikman niya ang bawat sulok niyon. Ang kanyang mukha’y bakas ang panunudyo sa tuwing magtatama ang aming tingin.

“Ginoo, s-sandali lamang,”
aking bigkas nang akmang huhubarin niya ang suot kong pantalon.

Para bang binabasa niya ang nasa loob ng aking isipan gamit ang kanyang mapupungay na mga mata,
“Ang aking pasensiya ay hindi ganoon kahaba, sinta ko.”

“Hindi mo na kailangan pang gawin ang iyong binabalak, ginoo. Hayaan mong ako na lamang ang gumawa sa iyo nito,”
pagdadahilan ko.

Tumango ang ginoo at pinatakan ng halik ang aking hubad na tiyan,
“Nahihiya ka ba sa akin, sinta ko?”

Umiling ako kasabay ng pag-iinit ng aking pisngi,
“H-hindi po, ginoo.”

Aking ginoo

,”
pagklaro niya,
“Simula ngayo’y tawagin mo akong iyong ginoo sapagkat

akin ka na

at

sa iyo na ako

, sinta ko.”

Umawang ang aking labi sa labis na pagkabigla,
“Aking g-ginoo?”

“Ganiyan nga,”
saad niya bago tuluyang ibaba ang aking pantalon at hawakan ang aking sandata,
“Wala kang dapat ikahiya, sinta ko. Kung kinakailangang kainin kita araw-araw upang mawala ang iyong hiya ay gagawin ko.”

“Aking ginoo, hindi mo na kailanga–ahh!!!”

Umalingawngaw sa loob ng kuweba ang aking pag-ungol matapos ibuka ng heneral ang aking mga hita at isubo ang aking pagkalalaki. Noong una’y pinaglalaruan niya ang ulo nito subalit hindi naglaon ay bumabaon na iyon sa kanyang bibig.

“Aking sinta, iparinig mo sa akin ang pangalan ng iyong ginoo,”
saad niya at pinagpatuloy ang pangroromansa.

Nang mas ibaon niya ang aking kahabaan sa kanyang bibig ay napasigaw ako bilang sagot,
“Javier Vicencio! J-Javier Vicencio ang pangalan ng aking ginoo…”

Nang marinig iyon ng ginoo ay mas lalo lamang siyang ginanahan sa pag-angkin sa akin. Naririnig ko ang bawat pagsupsop na kanyang ginagawa sa aking pagkalalaki. Hindi ko mawari kung saan ako kakapit sa tuwing bumabaon iyon sa kanyang lalagukan.

“Aking ginoo, malapit na ako,”
impit kong wika nang aking maramdaman ang paninikip ng aking tiyan.

Hinawakan ng ginoo ang aking kahabaan at dinalaan ang ulo nito sa aking harapan,
“Handa na ako, sinta ko.”

Nagpatuloy siya sa pagdila roon. Nang maramdaman ko ang aking kasukdulan ay pinilit kong ilayo ang kanyang mukha. Katulad ng aking inaasahan ay sinubo ng
aking ginoo
ang aking pagkalalaki at hinayaang lunukin ang aking katas.

“Kagaya noong una nating pagkikita ay napakatamis pa rin ng iyong punla, sinta ko,”
aniya.

Ngumiti ako at umaktong humihikab,
“Nais ko nang magpahinga, ginoo.”

“Ano?”
napaigtad ako sa lakas ng kanyang boses,
“P-paano ako, sinta ko?”

Nang bumusangot ang kanyang mukha at bumaba ang kanyang balikat ay doon ko siya hinalikan. Noong una’y hindi siya gumalaw ngunit nang akmang bibitaw na ako ay niyakap niya ako nang mahigpit. Para bang nasa digmaan ang aming mga dila dahil maging ang mga ito’y naglalaban sa isa’t-isa.

“Te amo, Ryannel,”
sambit niya sa gitna ng aming mainit na halik.

Palihim akong napangiti bago tumugon,
“Yo también te amo, Javier.”

(Mahal rin kita, Javier.)

Ang kanyang halik ay bumaba sa aking leeg at nang mag-iwan iyon ng marka ay biglaan niya akong pinaharap sa tapat ng isang malaking bato.

“Kumapit kang maigi, sinta ko. Magsisimula na ang pag-angkin ko sa iyo,”
babala niya bago ko maramdaman ang kanyang dila sa aking lagusan.

Pinaghiwalay ko ang aking dalawang hita upang bigyan siya ng espasiyo. Walang dudang napakagaling ng heneral kaya’t hindi ko maiwasang magtaka kung ganito rin ba ang paraan ng kanyang pangroromansa sa mga dati niyang iniibig.

“Ahhh, ginoo!”
bulyaw ko nang hampasin niya ang aking pang-upo.

“Inakit mo ako, Ryannel. Hindi na ako makatingin pa sa ibang kababaihan dahil nahulog na ako sa iyo,”
pag-aakusa niya.

Napalingon ako sa kanya,
“Ginoo, hindi kita maintindihan.”

Itinigil niya ang pag-angkin sa aking lagusan upang itaas ang isa kong hita sa kaharap kong bato. Muli niyang hinampas ang aking pang-upo sa nakakagigil na paraan bago niya halikan iyon. Samut sari ang naramdaman ng aking puso nang ibaba niya ang suot niyang pantalon at tumambad sa akin ang kanyang matigas at mahabang pagkalalaki.

“Hayaan mong ipaintindi ko sa iyo, aking sinta,”
bulong niya sa aking tainga bago ibaon ang kanyang pagkakalaki sa aking lagusan.

“Nghh! Ginoo…”
halos dumugo ang aking labi matapos ko iyong kagatin.

Hindi ito ang unang beses na pumasok sa akin ang kanyang pagkalalaki subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa laki nito. Pakiramdam ko’y mas lalo iyong lumalaki sa loob ko at para akong nababanat sa sakit.

Hinalikan ng ginoo ang likod ng aking leeg,
“Hindi pa iyan ang aking kabuuan subalit naiiyak ka na, aking sinta.”

“A-ang s-sakit,

aking ginoo

,”
hikbi kong pahayag.

“Mag-iingat ako. Pangako,”
aniya bago dahan-dahang ibaon ang kanyang kalakihan sa akin.

Nang maipasok niya iyon nang buo ay hindi siya gumalaw. Sa tingin ko’y nais niyang ako ang magkusang gumalaw para sa aming dalawa. Kumapit siya sa aking baywang upang ihanda ang aking sarili sa kanyang pag-ulos. Matapos kong tumango bilang pagsang ayon ay sinimulan niya na ang paglabas-masok sa aking lagusan.

“Ahhhh! Mierda!”
singhal niya habang unti-unti akong nasasanay sa kanyang kalakihan.

Sa tuwing bumabaon ang kanyang pagkalalaki sa akin ay napapatingala ako sa magkahalong kirot at sarap.
Napakalaki niya!
Parang napupuno ang loob ng aking tiyan dahil sa kanyang pagkalalaki. Nang tuluyan nang mawala ang kirot ay ako na mismo ang sumasalubong sa kanyang bawat ulos.

“Ginoo, masyado kang mabilis!”
ani ko nang mas lalo siyang bumilis sa pag-angkin sa akin.

Mahigpit siyang nakakapit sa aking baywang upang salubungin ang kanyang mabilis na mga galaw. Bukod sa mga ungol naming dalawa ay maririnig sa loob ng kuweba ang nagsasalpukan naming katawan. Dahil sa labis na panggigigil ng heneral ay hindi ko na gaanong maramdaman ang aking pang-upo. Para na iyong namanhid sa rahas niyang taglay.

“Parating na ako, aking sinta,”
paos niyang wika at hinawakan ang aking pisngi bago ako halikan sa labi.

Binigyan niya ako nang mababagal at malalalim na mga ulos. Nang maramdaman ko ang paglaki ng kanyang sandata sa loob ko ay hudyat na paparating na siya sa kanyang sukdulan. Ilang sunod-sunod na mga ulos ang kanyang pinakawalan bago ko madama ang mainit niyang katas sa loob ng aking lagusan.

“Handa ka na bang maging ina ng aking mga supling, sinta ko?”
pagbibiro niya.

Nagpakawala ako nang buntong hininga at tinitigan siya nang masama,
“Huwag mo akong kausapin,

Vicencio

. Pinagod mo ako sa aking kaarawan.”

“V-Vicencio?”
pagal siyang tumawa,
“Walang dudang naglilihi ka na sa ating panganay-ahh!”

Napasigaw siya sa sakit matapos kong hampasin ang kanyang braso. Kahit kailan ay isa siyang
tuso
at
mapagbirong
heneral ng Espanya.

-Terrorious

×××

KABANATA 20: Balita

Tirik na ang sikat ng araw noong ako’y magising. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid ngunit hindi ko mahagilap ang ginoo. Gayumpaman, nakasisiguro akong naririto pa rin siya sa isla sapagkat kasalukuyan kong suot ang kanyang barong.

Nang umalboroto ang aking tiyan sa gutom ay doon lamang ako humayo upang hanapin siya. Ang nakakahalinang huni ng mga ibon at maaliwalas na simoy ng hangin ang bumungad sa akin nang tuluyan akong makalabas ng kuweba.

Tunay nga kayang mayroong mababangis na hayop sa islang ito?

Nagsimula kong suyudin ang gitna ng kagubatan habang hawak ang isang sibat na akin ring natagpuan sa paglalakbay. Sa tuwing mayroong kakaibang huni akong naririnig, ay napapaigtad ako. Bukod sa mga mababangis na hayop ay nag-aalala rin ako sa pagguho ng lupa sapagkat napakalakas ng ulan noong gabi.

Matapos ang nakakapagod na paghahanap ay narating ko ang nakabibighaning anyong tubig na nagmumula sa mataas na bahagi ng bundok. Walang duda na napakayaman ng tagong islang ito sa naipagkaloob ng kalikasan.

“Aking

sinta

!”
ang malalim na tinig na iyon ay nagmula sa lalaking namamanglaw sa talon.

Malayo man ang distansiya ng ginoo mula sa aking kinatatayuan ay napakalinaw sa akin ang matamis niyang ngiti. Hindi ko lubos maisip kung bakit isang ngiti niya lamang ay naglaho na ng agaran ang aking pangamba.

Kumaway ang ginoo upang kuhanin ang aking atensiyon,
“Aking sinta, halika’t samahan mo akong magtampisaw.”

Kinagat ko ang aking ibabang labi at huminga nang malalim. Pilit pinoproseso ng aking utak ang kanyang sinabi, ngunit hindi ko magawang tumugon sapagkat muli akong binagabag ng aking pagtatapat.

Te amo, Ryannel…

Yo también te amo, Javier…

“Ibig ba sabihin nito’y kasintahan ko na ang ginoo?”
mahina kong wika habang kagat ang aking kuko.

“Aking sinta, maayos ba ang iyong pakiramdam?”
ani ginoo at hinaplos ang aking pisngi.

Hinawakan ko ang kanyang kamay upang ilayo iyon sa akin,
“M-maayos naman ako, ginoo.”

Nagitla ako sa kung paano niya nagawang makapunta sa aking harapan nang hindi ko namamalayan. Buhat ng pagtatampisaw niya sa talon ay tumutulo pa ang mga butil ng tubig na nagmumula sa kanyang kulay gintong buhok, pababa sa matipuno at hubad niyang katawan na ngayon ay tumatambad sa akin sapagkat suot ko ang kanyang barong.

Gamit ang kanyang daliri ay iwinaksi niya ang aking buhok na tumatakip sa aking mata,
“Hindi ko lubos maisip na ang makita kang suot ang aking kasuotan ang bubuo ng aking araw, sinta.”

Kagaya niya’y sinuklay ko ang kanyang basang buhok gamit ang aking kamay,
“Pakiramdam ko’y naging buo na rin ang aking araw nang makita kang walang kasuotan,

aking ginoo.

Lumaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang binigkas ng aking
makasalanang
bibig. Para akong binuhusan nang malamig na tubig at kung magkakaroon ako ng kakayahang baguhin ang aking sinabi, ay hindi ako magdadalawang-isip.

“Hindi ko akalaing mayroong kang tinatagong

pagnanasa

sa akin, aking sinta,”
ang mukha ng ginoo ay sadyang mapaglaro.

Tumawa ako nang pilit,
“Nalipasan na marahil ako ng gutom, ginoo, kung kaya’t hindi na kaaya-aya ang aking sinasa–”

Hindi ko natapos ang aking pagdadahilan nang hawakan ng ginoo ang likod ng aking leeg upang siliin ako ng halik. Malayang nakapasok ang kanyang dila nang ibuka ko ang aking bibig. Para bang walang balak ang ginoo na pakawalan ako nang yakapin niya ang aking katawan ang napakahigpit.

“Para sa iyong kaalaman, aking sinta. Pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili simula noong ako’y magising, subalit inakit mo akong muli,”
aniya at sinimulang buksan ang butones ng suot kong barong.

Bago pa niya iyon tuluyang masira ay hinawakan ko ang kanyang kamay,
“G-ginoo, hindi natin ito maaaring g-gawin ngayon.”

Umawang ang kanyang labi,
“Bakit? Masama ba ang iyong pakiramdam, aking sinta?”

“Hindi, ginoo,”
umiling ako,
“Hindi natin ito maaaring gawin sapagkat… kaarawan ko ngayon at a-araw ng linggo.”

“Araw ng linggo?!”
bakas ang pagkadismaya ng ginoo,
“Anong mayroon sa araw ng linggo at hindi natin

iyon

maaring gawin, aking sinta?”

“D-dahil isa iyong… kasalanan? Tama! Isa iyong kasalanan dahil ngayon ang araw ng pagsamba.”

Sana’y maniwala ang heneral…

Ang totoo niyan ay hindi ako panatag na gawin iyon sa lugar na ito. Naiintindihan kong ginawa namin iyon noon sa loob ng karwahe o maging sa kuweba noong gabi, subalit madilim iyon kaya’t hindi ako ganoong nababagabag.

Buong akala ko’y magagalit ang heneral ngunit hindi niya iyon ginawa. Bagkus, ay hinalikan niya ang aking noo bilang tanda ng pagrespeto. Noong yayain niya akong magtampisaw ay malugod akong sumunod.

“Aking sinta, hawakan mo ang aking kamay at huwag kang bibitaw,”
aniya.

Matamis na ngiti ang aking iginawad sa ginoo bago ko hawakan ang kanyang kamay. Habang tinatawid namin ang maalon na katubigan ay hindi ko maalis ang aking tingin sa kanya. Daig ko pa ang kahit sinong binibini sa kung paano niya ako bigyan ng kalinga.

Bakit nga ba hindi ako umibig noon pa sa kanya?

Matapos kaming makapagtampisaw ay naghuli naman kami ng ilang isda–Ang ibig ko sabihin ay
ako
ang bukod tanging naghuli sapagkat napagtanto kong hindi perpekto ang isang Heneral Javier Vicencio. Sa halos isang araw na magkasama kami sa islang ito ay aking nalaman na bukod sa hindi marunong mangisda ang ginoo, ay hindi rin ito tumatanggap ng pagkatalo.

“Aking sinta, hindi ba maaring manatili tayo rito sa isla at bukas na lamang bumalik?”
ang boses ng ginoo ay nagsusumamo.

“Ginoo, gustuhin ko mang manatili ay hindi ko ibig na mag-alala ang aking ina,”
sumulyap ako sa kanya bago tuluyang tanggalin ang pagkakatali ng bangka na siyang ginamit ko noong gabi.

“Kung gayon ay…”
nagkukumahog na sumakay ang ginoo sa bangka,
“maari mo na ba akong ipakilala bilang iyong

kasintahan

sa iyong ina at kapatid, aking sinta?”

Lumaki ang aking mga mata sa narinig,
“Ginoo, ipagpaumanhin ninyo ngunit sa tingin ko’y h-hindi pa ito ang tamang panahon para diyan.”

“Nagbibiro lamang ako,”
lumayo ng tingin ang ginoo at pinagmasdan ang paglubog ng araw sa kanluran.

Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran at bumulong,
“Ginoo, wala kang dapat ipagdamdam sapagkat wala akong ibang ipapakilalang aking kasintahan kung hindi ikaw lamang.”

Hindi man nakatugon ang ginoo ay malinaw pa sa tubig ng dagat na naibigan niya ang kanyang narinig. Nanatili ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa tuluyan na naming lisanin ang islang naging saksi ng aming pagtatapat.

Malayo pa lamang sa karatig isla ay namataan ko na ang ilang sundalong militar na marahil ay matagal nang naghihintay sa aking pagbabalik. Kung batid ko lamang ang masamang balita ay minabuti ko na sanang bumalik nang agapan.

“Heneral Guevarra, ang inyong ina… ay malala ang kalagayan,”
balita ni Jose dahilan upang mawala ang pandaliang saya sa aking kaarawan.

-Terrorious

×××

KABANATA 21: Karamdaman

Heneral Guevarra, ang inyong ina ay malala na ang kalagayan…

Nang marinig ko ang balita kay Jose ay hindi na ako nakapagpaalam pa sa ginoo. Hindi na rin ako nakapagsalita sapagkat pinipigil ko ang luhang namumuo sa aking mga mata. Mabigat ang aking puso nang sumakay ako sa kabayo na pagmamay-ari ng isa sa mga sundalo.

Marahil ay hindi ko napansing matulin ang takbo ng kabayo dahilan upang magsitabi ang bawat mamamayang nadaanan ko. Waring naudlot ko pa ang kanilang talakayan na sa aking pagkakarinig ay pumapatungkol sa aking ina.

Wala pang kalahating oras ay narating ko rin sa wakas ang tarangkahan ng aming mansyon. Doon ay aking nakita ang napakaraming bisita. Kasapi man ng pamahalaan o maging karatig nayon ay naririto. Lahat sila’y hindi mapalagay sapagkat hindi sila pinahihintulutang makapasok sa loob upang makiusisa.

“Ryannel, bakit ngayon ka lamang bumalik?”
bungad sa akin ni Mang Romolo.

Mahigpit kong kinuyom ang aking kamao, nilalabanan ang matinding emosiyon,
“Ako po’y humihingi nang paumanhin sa aking huling pagbabalik. Maari ko po bang malaman kung nasaan po ang aking ina?”

Panandaliang natahimik si Mang Romolo bago ito sumagot,
“Naroon siya sa kanyang silid upang magpahinga.”

Malumanay man ang tono ng kaniyang pananalita ay hindi pa rin nawala ang bigat sa aking puso. Pinuntahan ko ang aking ina at doon ay aking nasaksihan ang tunay niyang kalagayan. Patuloy ang pag-ubo nito habang katabi niya ang aking kapatid na si Stella. Bagamat nakangiti ang kanyang mukha nang ako’y kaniyang masilayan, ay nababasa ko sa kaniyang malamlam na mga mata ang paghihirap.

“Salamat sa panginoon at nakabalik ka, anak. Saan ka ba–”
hindi niya nagawang matapos ang kaniyang nais sabihin nang siya’y aking yakapin.

Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay malayang kumawala sa aking mga mata. Lubos akong nag-aalala noong hindi ko pa siya nasisilayan, ngunit mas lalo lamang akong nagpadala sa aking emosiyon nang siya’y aking mayakap.

Naghihikahos akong nagsalita,
“Ina, a-ako po’y patawarin ninyo sa hindi ko agarang pagbalik.”

Hinaplos ni ina ang aking mukha at pinahid ang mga luha roon,
“Ang mahalaga’y nakabalik ka. Huwag kang mag-alala, anak. Ang aking karamdaman ay bunga lamang ng aking pagtanda.”

“Ina!”
pagtawag ni Stella sa aming atensiyon,
“Huwag mo na pong itago kay kuya ang tunay niyong karamdaman.”

Batid kong nais pigilan ni ina si Stella, subalit hindi niya iyon magawa sapagkat patuloy ang kaniyang pag-ubo. Umupo ako sa kaniyang tabi at ginabayan siyang humiga upang makapagpahingang muli. Nang bumukas ang pinto ng silid ay namataan ko si Binibining Juana kasama ang ilang doktor. May hawak silang mga kagamitan sa panggagamot at tinulungan ko silang mailapag iyon sa lamesa.

Tipid siyang ngumiti sa akin bago ibaling ang buo niyang atensiyon sa aking ina. Bawat pag-ubo ng aking ina ay parang tinutusok ang aking puso. Minabuti ko na lamang na lumabas sa kaniyang silid upang itago ang labis kong pagdaramdam. Ako na lamang ang sandalan ng aking ina’t kapatid simula noong pumanaw si ama.

“Kailangan kong maging matatag para sa kanila,”
paulit-ulit kong binibigkas subalit sumasalungat iyan sa aking mga luha.

“Ginoo, maari ba kitang makausap?”
tanong ni Binibining Juana matapos siyang makalabas ng silid.

Tumango ako bilang tugon at hinayaan siyang maunang maglakad habang ako’y nakasunod sa kaniya. Walang naglakas ng loob sa pagitan naming dalawa ang nagsalita hanggang sa nakarating kami sa hardin. Payapa na ang kapaligiran kumpara kanina sapagkat nakaalis na ang mga panauhin. Nang maupo ang binibini sa upuang yari sa kahoy ay tumabi ako sa kaniya.

“Ginoo, una sa lahat ay nais kong batiin ka ng maligayang kaarawan. Bilang isang

kaibigan

ay hindi ko alam kung paano ito sisimulan, subalit dahil isa akong doktor ay nararapat lamang na ipaalam ko ito sa iyo,”
bungad ng binibini.

“Totoo bang… m-malala na ang kalagayan ng aking ina?”
direkta kong tanong.

Pinagsaklob niya ang kaniyang mga kamay,
“Ginoo, ang karamdaman ng inyong ina ay kasalukuyang malala. Batid kong mayroon siyang sakit sa puso at kung magpatuloy ang paglala ng kaniyang pag-uubo ay natatakot ako sa magiging epekto nito.”

“Kung gayon ay nararapat lamang na malunasan ang kaniyang karamdaman bago pa mahuli ang lahat!”
bahagyang lumakas ang aking boses.

“Ngunit hindi ibig ng inyong ina na malaman ang tunay niyang karamdaman, ginoo. Waring mayroong nagpipigil sa kaniyang magpagamot sapagkat tikom ang kaniyang bibig. Ako’y labis na nag-aalala kay Donya Florencia.”

Palubog na ang araw nang lumisan ang mga doktor kabilang si Binibining Juana. Katulad ng inusal ng binibini ay hindi nga mapilit ang aking ina na magpagamot alang-alang sa kaniyang sariling kalusugan.

Nang dumilim ang kalangitan ay minabuti kong magbantay sa aking ina upang makapagpahinga ang aking kapatid na si Stella. Noong una’y hindi ito pumapayag ngunit nang sabihin kong kailangan ako ng katipunan kinabukasan, ay hindi na ito umalma pa.

Kasalukuyang mahimbing ang tulog ni ina nang makarinig ako ng tatlong mahihinang pagkatok sa pintuan. Maya-maya pa’y bumukas iyon at iniluwal ang isa sa aming katuwang na si Nena. Kung hindi ako nagkakamali ay magkaparehas kami ng edad. Buhat ng kalunos-lunos na sinapit ng kanyang mga magulang sa nakalipas na pag-aaklas ng mga kastila, ay pumanaw rin sila gaya ng aking ama.

“H-heneral Guevarra, kayo po pala’y naririto. Ipagpaumanhin ninyo ang aking pagpasok,”
aniya habang bitbit ang bandeha na naglalaman ng isang baso ng inumin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo upang salubungin siya,
“Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, Nena. Ang inumin ba na iyan ay para sa aking ina?”
turo ko sa kaniyang hawak.

Tumango siya nang agapan at hinigpitan ang pagkakahawak roon, “Opo, ginoo. Ang inumin po na ito ay mula sa halamang gamot na mainam sa kalusugan ni Donya Florencia.”

“Kung gayon ay hayaan mong gisingin ko si ina upang mainom niya iyan ngayon rin,”
sambit ko bago harapin ang aking inang natutulog nang mahimbing.

“Heneral, sa tingin ko’y nararapat lamang na ipagpabukas ni Donya Florencia ang pag-inom ng kaniyang medisina. Hindi ko po ibig na gambalian ang kaniyang pahinga,”
suwestiyon ni Nena.

“Maaari ba iyon? Ngunit masasayang ang inuming iyan kung hindi mapapakinabangan. Mabuti pa’t ako na lamang ang uminom niyan,”
akmang kukuhanin ko ang baso ng inumin nang ilayo ito sa akin ni Nena.

“Heneral, patawarin ninyo ako subalit ang inumin na ito ay nakalaan lamang sa inyong ina na si Donya Florencia.”

“Ganoon ba?”
napakamot ako sa aking ulo.

“Opo, heneral,”
tumawa siya bago lumakad palabas ng pintuan habang hawak ang bandeha.

Nang tuluyang sumara ang pinto ay muli na naman akong ginambala ng nakakatakot na katahimikan. Binuksan ko ang bintana upang pagmasdan ang maliwanang na buwan sa kalangitan, damhin ang malamig na simoy ng hangin, at makita ang makisig na ginoo na naghihintay sa aming hardin.

Katulad noong huli niyang pagbisita ay nakasuot ito ng barong tagalog at sumbrero na yari sa abaka upang itago ang kaniyang ranggo. Pinagpagan niya ang kaniyang pantalon matapos itong tumayo mula sa mga dayami.

Gaano katagal na ba siyang naghihintay sa akin?

Mabilis pa sa kisapmata ang pagbabago ng ekspresiyon ng ginoo. Ang kaninang busangot niyang mukha sa matagal na paghihintay ay napalitan ng ngiti nang buksan ko ang bintana ng silid ni ina. Nangungusap ang kaniyang kulay bughaw na mga mata.

“Aking sin–”
hindi natuloy ng ginoo ang nais niyang sabihin.

“Shh…”
pagsuway ko sa kanya nang pabulong,
“Ginoo, natutulog ang aking ina. Maari mo ba akong hintayin sa puno ng mangga?”

Tumango ang ginoo at ngumiti. Hinubad niya ang suot niyang sumbrero pagkatapos ay itinapat iyon sa kaniyang dibdib.

“Maghihintay ako sa iyo… aking sinta,”
aniya at naglakad patungo sa nasabing tagpuan.

-Terrorious

×××

KABANATA 22: Kutob

Nang aking masiguro na wala ng tao sa paligid matapos akong makalabas ng mansyon ay tumungo ako sa hardin. Malayo pa lamang ay nasilayan ko na ang ginoo na naghihintay sa ilalim ng puno ng mangga. Napakagandang pagmasdan ng mga alitaptap na nagbibigay liwanag sa kanyang angkin na kakisigan.

“Aking sinta, nabalitaan ko ang kalagayan ng iyong ina. Kumusta siya? K-kumusta ka?”
bakas ang pag-aalala sa tono ng kaniyang pananalita.

Yumuko ako upang itago ang lungkot sa aking mukha,
“M-maari ba kitang… yakapin, ginoo?”

Lumapit siya sa akin upang isara ang espasiyo sa pagitan naming dalawa. Kinulong niya ako sa kaniyang mga bisig. Minabuti ko na lamang na itago ang aking mukha sa kanyang dibdib sapagkat sa pakiwari ko’y ano mang sandali ay hindi ko na magagawa pang pigilan ang aking emosiyon.

“Aking sinta, hindi mo na kailangan pang hingiin ang aking abiso upang yakapin ka,”
aniya bago halikan ang aking noo.

Paulit-ulit kong itinatatak sa aking puso at isip na hindi ako kailanman magpapakita ng kahinaan ng loob sa kahit kanino. Bukod sa isa akong punong heneral ay ako na lamang ang aasahan ng aking pamilya sapagkat pumanaw na ang aking ama. Sa hindi ko malamang dahilan ay napakadali sa aking ipakita ang tunay kong nararamdaman sa tuwing kaharap ko ang ginoong ito.

“Ginoo, natatakot ako. N-natatakot akong iwan rin ni ina,”
humihikbi kong pahayag.

Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin,
“Hindi mangyayari ang iyong kinatatakutan, aking sinta. Kung kinakailangan kong ipatawag ang mga pinakatanyag at dalubhasang doktor mula sa Espanya ay handa kong gawin.”

Nagpunas ako ng aking luha at tinitigan ang bughaw niyang mga mata,
“Ginoo, maraming salamat dahil pinagaan mo ang aking kalooban.”

“Walang ano man, aking sinta. Huwag ka nang umiyak. Nais kong lumipas ang iyong kaarawan nang may ngiti ka sa iyong labi,”
isinuot niya sa aking ulo ang suot niyang sumbrero.

Sandali akong napaisip. Masyadong napukol ang aking buong atensiyon sa pagbabantay sa aking ina kung kaya’t hindi ko naalalang ang araw na ito ay aking kaarawan. Bumalik ako sa aking katinuan nang mayroong liwanag na patungo sa aming direksiyon.

Nagkukumahog kong hinawakan ang kamay ng ginoo upang magtago sa likod ng puno. Buhat na ang puno ng mangga ay hindi gaanong kalakihan kung kaya’t kinailangan naming magdikit upang hindi kami makita.

“Sa tingin ko’y nakipagkalakalan siyang muli,”
ang boses na iyon ay mula kay Stella na may hawak na gasera.

Napakamot pa ito ng kaniyang ulo bago muling nagreklamo,
“Mahal kong

Tristan

, patawarin mo ako kung hindi ako makakatuloy sa ating pagkikitaan.”

Maya-maya pa’y narinig ko na ang kaluskos ng paglalakad ng aking kapatid pabalik sa mansyon. Nang tuluyan na itong maglaho sa aking paningin ay muling pumukol ang aking tingin sa ginoo na kasalukuyang tulala. Ikinaway ko ang aking kamay upang agawin ang kaniyang atensiyon.

“Tristan? Marahil ay mali lamang ako ng narinig o kung tama man iyon ay hindi dapat ako mag-alala sapagkat ang napakaraming kalalakihan ang may pangalang Tristan,”
tiim bagang niyang wika.

“Ang Tristan na iniibig ng iyong kapatid ay hindi ang Tristan na aking sundalo, tama ako hindi ba?”
pagkumpirma niya.

Hinaplos ko ang kaniyang mukha,
“Ginoo, maging ako’y hindi makapaniwala subalit iyon ang totoo.”

Ngumisi ang heneral at sinubukang lumakad palayo subalit napigilan ko siya. Batid kong magiging gulo ito kung siya’y aking hahayaan.

“Ryannel, gaano katagal mo na ito nalaman at bakit hindi mo ibinahagi sa akin?”
tanong niya.

Tinawag niya ako sa aking tunay na pangalan at hindi
aking sinta
kaya’t alam kong masama ang kaniyang loob.

“Isang linggo na ang nakalipas, ginoo,”
pag-amin ko.

“Bakit mo naitanong? Huwag mo sabihing… iniibig mong tunay ang aking kapatid kaya’t tumututol ka sa kanilang ugnayan?”
tanong ko sa kaniya pabalik.

Ang kaninang poot na ekspresiyon sa kaniyang mukha ay napalitan ng ngiti. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay ngunit iniwas ko iyon at naghalukipkip. Kahit ipakita niya pa sa akin ang matamis niyang ngiti ay hindi ako natutuwa. Nang subukan niya akong yakapin ay humakbang ako palayo.

“Aking sinta, hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay na makita ang naninubugho mong mukha,”
namamangha niyang sabi.

Umiling ako at tinitigan siya nang masama,
“Para sa iyong kaalaman,

Javier

, hindi ako kailanman nakaramdam ng ganiyan. Mabuti pa’t bumalik na ako sa aming mansyon at huwag ka na munang magpakita sa akin.”

Humakbang ako palayo subalit nang yakapin niya ako mula sa aking likuran ay para akong na-estatwa. Nakakabingi man ang ingay ng mga alitaptap ay hindi iyon naging hadlang upang hindi ko marinig ang mabilis na pagpintig ng puso ng ginoo.

“Aking sinta, ako’y hindi tumututol sa ugnayan ni Tristan ng iyong nakababatang kapatid. Ako lamang ay nabigla sa aking nalaman kung kaya’t nais kong kausapin ang aking tapat na sundalo. Ngunit sa tingin ko’y kayang maghintay ng aking sermon kung ang kapalit nito’y ang masaksihan ang wagas mong pag-ibig sa akin.”

Kinagat ko ang aking labi,
“Nahihibang ka na, Javier.”

“Sa iyo lamang ako nahibang nang ganito, Ryannel,”
dinampian niya ng halik ang aking leeg.

“Nais kitang makasama bago tuluyang matapos ang iyong kaarawan. Sa pakiwari ko’y ang iyong kapatid ang nagbabantay sa

aking biyenan

dahil hindi natuloy ang kanilang pagkikita ni Tristan sapagkat narito ka sa akin,”
paanyaya niya.

“Ipagpabukas na lamang natin ito… ginoo,”
pilit akong kumakawala sa kaniyang yakap subalit sadyang malakas ito.

Nang mas lalo niyang idikit ang aking katawan sa kaniya ay naramdaman ko ang malaki niyang kargada mula sa aking likuran.

Wala ba siyang kapaguran?

Sa pagkakatanda ko’y hindi lamang isang beses niya akong inangkin sa kabilang isla. Base sa aking pagkakatanda ay nakatulog na lamang ako samantalang patuloy pa rin siya.

Hindi!
Hindi ko hahayaang malinlang ako ng tusong heneral na ito. Kung hahayaan ko siya’y hindi malabong sa murang edad ay malulumpo na ako ng tuluyan.

“Aking sinta, napakalalim ng iyong iniisip simula pa kanina,”
wika ng ginoo na ngayo’y aking katabi sa higaan.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at napahilot sa aking sintido nang aking mapagtanto na ako’y nasa loob na ng silid ng ginoo. Nakayakap ako sa kaniya habang ang aking ulo ay nakatapat sa kaniyang dibdib. Nang silipin ko ang aking katawan sa ilalim ng kumot at nakitang suot ko pa rin ang aking kasuotan ay napanatag ako.

Oo nga pala’t dinahilan niya ang hirap sa kaniyang pagtulog nang walang katabi kaya ako’y sumama. Nang marinig ko ang payapa niyang paghinga ay hudyat na natutulog na ito nang mahimbing. Maingat akong bumangon upang hindi magambala ang kaniyang pahinga. Hindi naglaon ay tumungo ako sa bahagi ng kaniyang silid kung nasaan ang napakaraming aklat tungkol sa kasarinlan, agham, at marami pang iba.

Isa sa aking napansin noong unang beses akong makapasok sa kaniyang mansyon ay ang pagiging masinop nito sa kagamitan. Bukod pa roon ay maayos na nakahanay ang mga ito lalo na ang mga aklat sa istante. Sa dinami-rami ng mga aklat na nasa aking harapan ay pumukaw sa aking atensiyon ang mga aklat na pang-medisina.

Natatandaan kong nabanggit sa akin ni ina ang halamang gamot na kaniyang iniinom para sa sakit niya sa puso. Ako’y binalot ng kaba sapagkat nabuklat ko na ang lahat ng pahina ng mga aklat na aking binabasa, ngunit hindi ko natagpuan ang kaparehas na inumin na inihahanda ng aming katuwang na si Nena.

-Terrorious

×××

KABANATA 23: Patibong

Ang aking diwa ay hindi mapalagay sa paglipas ng mga sumunod na araw. Halos hindi ko na malisan ang aming mansyon upang bantayan ang aking ina lalo pa’t napag-alaman kong mayroon siyang sakit sa baga. Batid kong napakarami ko ring gampanin sa San Fernando at isa iyon sa gumagambala sa akin.

Nang makarinig ako nang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ay sumulyap ako sa aking ina. Malamlam ang kaniyang mga mata at patuloy ang kaniyang malalakas na pag-ubo.

“Heneral Guevarra?”
ang tinig na iyon ay mula kay Jose.

Hindi nga ako nagkamali nang buksan ko ang pintuan ng silid ni ina. Mula sa aking kinatatayuan ay naririnig ko na ang mga usapan mula sa aming hardin.

“Magandang umaga po, Heneral Guevarra. Nais ko pong ibahagi sa inyong narito na po ang mga miyembro ng katipunan,”
aniya habang nakayuko bilang pagrespeto.

Itinapat ko ang aking kamay sa kaniyang balikat,
“Nawa’y maging matagumpay ang ating plano sa araw na ito, Jose.”

“Huwag po kayong mag-alala sapagkat hindi matatapos ang pulong na ito hangga’t hindi natin nakakamit ang tagumpay,”
palihim nitong wika bago tumungo sa kusina upang tumulong sa paghahain ng mga pagkain.

Muli kong sinulyapan ang aking ina na ngayo’y malalim ang iniisip. Nakabalot sa kaniyang katawan ang kumot at nakapukaw ang buo niyang atensiyon sa uwang ng bintana.

Huminga ako nang malalim bago siya tawagin,
“Ina, nais niyo po bang lumabas ng iyong silid? Narito po gaganapin sa ating tahanan ang pagpupulong ngayong araw.”

“Mabuti pa’t dito na lamang ako manatili sa aking silid. Ako’y nangangambang mahawa ang mga bisita ng aking sakit,”
sabi nito mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig nang siya’y umubo.

Bagaman mayroong medisinang nirekomenda ang mga doktor ay hindi nito kayang pawalain ang sakit ng aking ina. Labis na napinsala ang kaniyang baga dahilan upang mahirapan siyang huminga lalo na tuwing sasapit ang gabi.

Pagkatapos kong magpaalam kay ina ay tumungo ako sa aming malawak hardin. Nakakatuwang makita ang lahat ng miyembro ng katipunan na pinaunlakan ang aking paanyaya. Narito si Padre Dencio, Ginoong Pablo na siyang kabesa ng San Fernando, Tandang Dante na siyang Alkalde ng buong nayon, Tinyente Ismael, ang mag-asawang Gerardo, Esteban at Castor.

“Ginoo,”
hawak ni Binibining Juana ang laylayan ng kaniyang kamiseta nang lumapit ito sa akin.

Itinapat ko ang aking kamay sa aking dibdib at yumuko,
“Magandang umaga, Binibining Juana.”

“Sa iyo rin, ginoo,”
ang ngiti sa kaniyang labi ay napalitan ng pangamba,
“K-kumusta na pala si Donya Florencia? Ilang araw rin ang nakalipas simula noong huli ko siyang nasilayan.”

“Maayos naman ang kaniyang kalagayan, Binibining Juana,”
sagot ng kapatid kong si Stella na hindi ko namalayang nasa aking likuran.

Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Binibining Juana nang siya’y tumugon,
“Mabuti kung ganoon. Nawa’y magtuloy-tuloy na ang kaniyang paggaling.”

“Heneral Guevarra!”
ang matinis na boses na iyon ay mula sa ina ni Binibining Juana na si Donya Gerardo.

Nakaupo ito katabi ng kaniyang asawa na si Don Gerardo na siya ring Gobernadorcillo ng San Fernando. Sa kanilang tapat ay naroon sina Padre Dencio, Tandang Dante, Ginoong Pablo, at Tinyente Ismael.

Awtomatikong inilingkis ni Binibining Juana ang kaniyang braso sa akin kaya’t wala akong nagawa kung hindi ang alalayan ito papunta sa hapag kainan. Bago ako umupo sa aking nakareserbang silya ay hinanap ko ang aking kapatid subalit hindi ko na ito makita.

Marahil ay nagbabantay ito kay ina, o kung hindi man ay pumuslit ito upang makipagkita kay Tristan.

Tatlong araw na rin ang nakalipas simula noong huli akong nakalabas sa tarangkahan ng aming mansyon. Gayon rin ang aking kapatid sapagkat kung hindi ako’y siya naman ang nagbabantay sa aming ina.

Tatlong araw ko na ring hindi nasisilayan ang mukha ng
aking sinta
.

Sa mga araw na nakalipas ay hindi siya nakalimot na magpadala ng mga liham pag-ibig, subalit hindi ito sapat upang mapanatag ang aking loob. Balita ko’y abala rin ito sa pamumuno sa mga sundalong Espanyol.

“Heneral Guevarra?”
pagtawag sa aking atensiyon ni Padre Dencio.

Marahil ay labis na nakatuon ang aking diwa sa ginoo kung kaya’t hindi ako nakasabay sa talakayan. Tumango na lamang ako bilang tugon upang sila’y magpatuloy.

“Napapansin ko ang iyong pagkabalisa, Heneral Guevarra. Kung iyong pahihintulutan ay maari nating ipagpabukas ito upang ikaw ay makapagpahinga,”
suwestiyon ni Ginoong Pablo.

Mula sa aking kinauupuan ay hindi ko mawari kung tunay ba ang pag-aalala sa akin ng mga miyembro ng katipunan. Kung noon ay malaya akong nakapagbibigay ng ideya sa bawat paksa; ngayon ay tikom ang aking bibig.

“Heneral Guevarra, batid naming malala ang kondisiyon ng iyong ina at natatakot kaming maari itong makaapekto sa iyong pamumuno sa buong San Fernando,”
wika ni Don Gerardo.

Pagkalipas ng isang minutong katahimikan ay doon lamang ako tumugon,
“Nais ninyo akong bumitiw sa pagiging punong heneral, tama ba ako?”

Kaagad na tumayo si Binibining Juana matapos hampasin ang lamesa,
“Ama, bawiin po ninyo ang iyong sinabi!”

Nangingilid ang luha sa mga mata ng binibini. Walang dudang hindi ito pumapayag sa nais ng kaniyang ama. Nang palihim kong senyasan ang binibini ay umupo itong muli sa tabi ng kaniyang ina.

“Kung nais ninyo akong bumitiw sa pagiging punong heneral ng San Fernando… ay maaari ko iyang isaalang-alang,”
ani ko na ikinagulat ng lahat.

Masayang bumati si Donya Gerardo,
“Walang dudang ikaw nga ang anak ng namayapang punong heneral sapagkat nakikinig ka sa iyong nasasakupan, Heneral Guevarra.”

“Maraming salamat sa inyong lahat na dumalo sa aking paanyaya na makasalo kayo ngayong umaga. Bakit hindi natin ito sabayan ng

nakapagpapagaling na inumin

?”
tumayo ako at pumalakpak upang magbigay hudyat na simula na ng aking
patibong
.

“N-nakapagpapagaling na inumin?”
tanong ni Don Gerardo.

Maya-maya pa’y lumabas ng mansyon sina Nena at Jose habang bitbit ang bandeha na naglalaman ng mga inumin na kaparehas ng inihahanda ni Nena sa aking ina. Tiim ang aking bagang sa labis na poot, sapagkat isinuplong sa akin ni Nena na isa sa mga miyembro ng katipunan ang nag-utos sa kaniyang lasunin ang aking ina kapalit ng ilang ginto at ari-arian.

Matapos ilapag ng aming katuwang ang mga inumin ay binalot ng katahimikan ang lahat.

“Ang pagbitiw ko bilang punong heneral ay nakasalalay kung sasaluhan ninyo ako sa mga inuming nasa ating harapan,”
sarkastiko kong wika.

Tumayo sina Padre Dencio, Ginoong Pablo, at Tandang Dante nang walang pag-aalinlangan at kumuha ng kanilang inumin. Bagamat hawak nila ito ay walang nagtangkang uminom habang hinihintay ang mag-anak na Gerardo na sumabay sa amin.

“Mapapangako mo bang bibitiw ka sa iyong posisyon kung sasaluhan ka naming uminom… Heneral Guevarra?”
nag-aalinlangang tanong ni Don Gerardo.

Tumango ako,
“Kilala ang mga Guevarra sa pagsunod sa mga napagkasunduan, Don Gerardo.”

Matapos ko iyong sabihin ay hindi na napigilan ni Binibining Juana ang umiyak. Buong tapang niyang itinulak ang lamesa dahilan upang matapon ang ilang inumin na para sa kaniyang mga magulang. Humihikbi itong tumakbo palabas ng aming mansyon na agad ring sinundan ng ilang katuwang.

Nagkukumahog na tumayo ang mag-asawang Gerardo at yumuko,
“Ipagpaumanhin ninyo ang kalapastanganan ng aming anak, Heneral Guevarra.”

Ngumiti ako nang pilit,
“Wala kayong dapat ihingi ng tawad. Marahil ay nadala lamang ang binibini ng kaniyang emosiyon kaya niya iyon nagawa.”

“Maraming salamat sa iyong pag-unawa, Heneral,”
ani Donya Gerardo habang nakatitig sa hawak kong inumin.

“Kung hindi ninyo naitatanong, ang inuming ito ay inihahanda ng aming katuwang para sa aking ina sa nakalipas na isang buwan. Espesiyal ang araw na ito dahil ako’y inyong binisita kaya’t humiling akong gawin niya itong

purong

halamang gamot. Ako’y labis na nasasayangan kung hindi ito mauubos kaya’t… hayaan ninyong

ako

na lamang ang uminom ng mga natitirang inumin,”
matapang kong wika na labag sa aking kalooban.

Tatlo na lamang ang natitirang inumin at maaring mas maging malala ang aking karamdaman kay ina kung uubusin ko iyong lahat. Nais kong malaman kung may konsensiya pa bang natitira sa tunay na salarin subalit walang nagtatangkang pumigil sa akin.

Kasabay ng paglapit ng baso sa aking bibig ay ang pagbukas ng tarangkahan ng aming mansyon. Mula roon ay nakita ko ang
ginoo
na sakay ng kaniyang kabayo at bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala. Sa wari ko’y galing pa ito sa pag-eensayo sapagkat nakasuot ito ng unipormeng pang-heneral. Wala itong sinayang na sandali at pinatakbo ang kabayo patungo sa aking direksyon bago pa mahuli ang lahat.

Nang makababa ito sa kaniyang kabayo ay kinuha niya sa aking kamay ang baso na naglalaman ng nakalalason na inumin at nagpakilala.

“Magandang umaga sa inyong lahat. Ako po ang punong heneral ng Espanya na si Javier Vicencio, at narito ako upang tumutol sa pagbitiw ni Heneral Guevarra bilang punong heneral ng San Fernando,”
dikta niya.

“Ang desisyong iyan ay sa amin dapat magmula at hindi sa punong heneral ng Espanya!”
madiing wika ni Don Gerardo.

Gamit ang malaya niyang kamay ay inilabas ni Heneral Vicencio ang baril mula sa kaniyang tagiliran at tinutukan si Don Gerardo,
“Kung hindi dahil sa

aking sinta

ay matagal ko nang sinimulan ang rebolusiyon kaya’t manahimik ka!”

Malalim ang paghinga ng ginoo at kung magpapatuloy si Don Gerardo ay hindi ito magdadalawang-isip na barilin ito. Hinawakan ko ang kaniyang balikat upang siya’y pakalmahin at napanatag ako nang ibaba nito ang baril.

“Kung kinakailangang

ako

ang uminom ng natitirang inumin upang matapos ang usapang ito ay gagawin ko,”
tinitigan ni Heneral Vicencio ang aking mga mata bago sinimulang sumimsim sa inumin.

Nang subukan kong agawin sa kaniya iyon ay niyakap niya ako nang sobrang higpit. Bawat lagok na kaniyang ginagawa ay parang punyal na tumatagos sa aking puso. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay sadyang mahigpit ang kaniyang yakap upang pigilan ako.

Patuloy ang pagtulo ng aking luha hanggang sa makarinig ako ng mga hakbang papalapit. Maya-maya pa’y narinig ko ang pagbasag ng baso na nagpatigil sa pag-inom ng ginoo.

“Nena, tawagin mo ang mga doktor! Ngayon na!”
sigaw ni ina bago mawalan ng malay ni Heneral Vicencio na kasalukuyang nakayakap sa akin.

-Terrorious

×××

KABANATA 24: Dayuhan

Hindi ko maiwasang hindi mangamba habang pinagmamasdan ang doktor na kasalukuyang sinusuri ang kalagayan ng ginoo. Kanina’y pinainom niya ito ng paunang lunas subalit walang pagbabago rito. Wari mo’y mahimbing itong natutulog ngunit kung titignang maigi ay maputla ang mukha nito lalo na ang kaniyang labi.

Maya-maya pa’y nagsalita rin sa wakas ang doktor,
“Sadyang nakalalason ang inumin na nakonsuma ng heneral ng Espanya, at kaya nitong kumitil ng buhay kung nagkataon. Mabuti at napigilan ang heneral na tuluyang maubos ang nasabing inumin kaya’t hindi gaanong naapektuhan ang kaniyang katawan.”

“Ibig sabihin po ba nito’y ligtas na ang heneral?”
puno ng pagsusumamo kong tanong.

“Bagamat hindi naubos ng heneral ang nakamamatay na inumin, ay kinalulungkot kong sabihin na maaring hindi na… magising ang heneral ng Espanya,”
anunsiyo ng doktor na aking ikinabigla.

“Hindi. H-hindi ito maaari,”
hinawakan ko nang mariin ang braso ng doktor at nakiusap,
“G-gumawa po kayo ng… paraan.”

Nang humingi ng tawad ang doktor ay labis na naghinagpis ang aking puso. Waring gumuho ang aking mundo na kahit niyakap ako ni ina, ay hindi ako tumitigil sa pag-iyak. Ang aking buong atensiyon ay nakatuon sa natutulog na ginoo habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.

Kasalanan ko ito!

Kung hindi ako nagpadala sa aking poot upang makilala ang tunay na salarin, ay hindi ito mangyayari.

Hindi sana napahamak ang ginoo.

Sa buong araw ay hindi ako lumisan sa piling ng ginoo. Umaasang ako ang una niyang makikita sa pagmulat ng kaniyang mga mata. Imbes na ibaon ang aking sarili sa nakalulunod na lungkot ay kinuwento ko sa ginoo ang aking paboritong mga aklat. Gayon rin ang aking masayang kabataan. Sa sobrang bilis ng oras ay hindi ko namalayang lumubog na ang araw sa kanluran.

“Kuya?”
bumukas ang pintuan ng silid at bumungad ang kapatid kong si Stella na may dalang pagkain.

Nagkukumahog kong binitawan ang kamay ng ginoo at sinalubong ito. Pigil ang ngiti ng aking kapatid habang nilalapag ang bandeha na naglalaman ng kanin, tinola at inumin.

“Maraming salamat, Stella,”
wika ko nang abutan niya ako ng kutsarita.

Umiling siya bago ako ikulong sa kaniyang bisig,
“Kuya, huwag mo sanang sisihin ang iyong sarili sa nangyari sa

iyong ginoo

. Nakasisiguro akong hindi niya maiibigan ang makita kang umiiyak sapagkat ang desisyon na kaniyang ginawa ay iyo ring gagawin kung siya’y nasa iyong posisyon, tama ba ako?”

Kinagat ko ang aking labi at tumango, tumatangis,
“T-tama ka, Stella.”

“Kung gayo’y tama nga ang balitang kumakalat sa buong San Fernando na kasintahan mo ang heneral ng Espanya,”
bulong niya na aking ikinabigla.

Pinunasan ko ang aking mga luha at kumawala sa kaniyang yakap,
“Balita? P-paano nangyari–”

“Walang dudang miyembro ng katipunan ang nagpakalat nito. Bagamat wala pang sapat na katibayan na kayo nga ng heneral ng Espanya ay magkasintahan, ay marami ang tutol sa dito,”
aniya habang naka-krus ang braso.

“Ang balita bang ito’y n-nakarating na kay… ina?”
pumiyok ang aking boses sa labis na kaba.

Sandali itong nanahimik bago tumugon,
“Kuya, matagal nang… alam ni ina ang ugnayan ninyo ni Heneral Vicencio.”

Ugnayan?
Ako’y nababagabag sa kung anong ugnayan ang nalalaman ni ina sa pagitan namin ng heneral ng Espanya. Marahil ay hinihintay niya lamang na aminin ko ito sa kaniya.

“Kuya, batid kong napakarami nang tumatakbo sa iyong isip, subalit… ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay kung paano mo ipapaalam sa mga sundalong Espanyol ang nangyari sa kanilang punong heneral,”
dagdag pa ni Stella.

Hindi ko man ibig na iwan ang ginoo kahit isang saglit, ay nagtungo pa rin ako sa kaniyang mansyon matapos ang usapan namin ni Stella. Tanging dala ko lamang ay ang aking kabayo at ang pag-asang hindi mangyayari ang rebolusiyong aking ikinakatakot.

Ang kaba ay napalitan ng pagtataka nang malaya akong nakapasok sa tarangkahan ng kaniyang mansyon. Bukod sa huni ng mga alitaptap ay wala akong marinig sa paligid. Ang mga sundalong dapat ay nagbabantay sa bukana ng mansyon ay wala rin roon. Nang maitali ko ang aking kabayo sa malapit na puno ay tumungo na ako sa silid tanggapan ng mansyon ng heneral.

Ilang buwan na nga ba ang nakalipas magmula noong una akong pumasok rito?

Malinaw pa sa aking alaala ang kaba na namayani sa aking puso nang tumutol ako sa napagkasunduang kasal ng aking kapatid at ng ginoo noong gabing iyon. At kung paano ako natunaw sa aking kinatatayuan nang magtama ang aming mga mata.

Nang pihitin ko ang pinto ng silid ng ginoo ay waring bumalik sa akin ang palitan namin ng mga salita.

Hindi ko mapigilang mapaluha sa aking naalala…

“Papayag ka ba kung sasabihin kong… handa akong tabihan ka?”

mga salitang lumabas lamang sa aking bibig nang hindi ko lubos na pinag-isipan.

Mga salitang nagmula sa aking puso na kailanman ma’y hindi ko pinagsisihan. Ako man rin ay hindi makapaniwala sa kung paanong ang mga salitang iyon ay naging tulay sa ating ugnayan sa kasalukuyan.

“Ikaw ba ay nakasisiguro sa iyong alok, Ryannel? Marahil ay nadala ka lamang ng iyong awa sa akin kaya mo nasabi iyan,”

mariing wika ni Heneral Vicencio.

Umiling ako,

“Bagamat katulad mo’y maaga rin akong nawalan ng ama, hindi ko kailanman kinaawaan ang mga naulila. Batid kong ang higit mong kailangan ay…”

Humakbang ako palayo nang lumapit sa akin ang heneral at isara ang espasiyo sa pagitan naming dalawa. Ang kaniyang bughaw na mga mata na nakatitig sa akin ay sadyang nakakapanghina. Yumuko ako nang maikulong niya ako sa sulok ng kaniyang malawak na silid.

Gamit ang kaniyang daliri ay hinaplos niya ang aking labi,

“Ryannel, tumingin ka sa aking mga mata at ipagpatuloy ang iyong naudlot na salita. Ano ang aking kailangan?”

Lumunok ako bago sulyapan ang kaniyang nangungusap na mga mata. Nang subukan kong lumayo ay mabilis niya akong naikulong sa malalaki niyang braso. Kung tutuusin ay maari kong subukan na lumaban, subalit narito ako upang makiusap para sa kapakanan ng aking kapatid.

“B-batid kong ang higit mong kailangan ay kalinga at pagmamahal… g-ginoo.”

ani ko na ikinaawang ng kaniyang labi.

Nagkukumahog itong lumayo sa akin na wari mo’y mayroon akong nakahahawang sakit. Daig pa ang kamatis sa kung gaano kapula ang kaniyang tainga’t mukha. Maraming beses rin itong lumunok bago tanggalin ang ilang pagkakabutones ng kaniyang uniporme.

“Kung alam ko lamang na ang kahinaan mo ay ang tawagin kitang

ginoo

, ay hindi ko na sana dinala ang kayamanang iniwan sa akin ni ama noong gabing iyon,”
bulalas ko.

Magkakasunod na hakbang mula sa labas ng silid ang aking narinig. Pigil ang aking paghinga nang mapagtanto kong ang bawat palalong hakbang na iyon ay hindi mula sa isang sundalo.

Maya-maya pa’y nasa harapan ko na ang isang marikit na ginang. Nakasuot ito ng kulay puting kamiseta at talukong na may burdang batid kong mula pa sa ibang bansa. Mapagmataas man ang kaniyang dating sa akin, ay hindi maikukubling katulad ng ginoong malapit sa aking puso ay isa rin itong dayuhan.

“Heneral Guevarra, nagkita rin tayo sa wakas,”
bati sa akin ng ina ni Heneral Vicencio mula pa sa Espanya.

-Terrorious

×××

KABANATA 25: Dakip

“B-buenas n-noches, Señora!”
bahagyang tumaas ang aking boses sa labis na pagkabigla.

Nanatili akong nakayuko habang hinihintay siyang tumugon. Sa halip na magsalita’y nilagpasan ako ng ginang at pumasok sa silid ng kaniyang anak. Maya-maya pa’y taas noo itong umupo sa silyang nasa aking harapan.

Bumuntong hininga siya bago magsalita,
“No le parece raro, general Guevarra, que en el cuarto del general de España se haya descubierto al general de San Fernando?”

(Ikaw rin ba’y nagtataka, Heneral Guevarra, kung paano namataan ang heneral ng San Fernando sa loob ng silid ng heneral ng Espanya?)

Marahan akong tumingala upang masilayan ang kaniyang mga mata. Kung pagmamasdang maigi ay sadyang kahali-halina ang kagandahan ng ina ng heneral. Bagamat namana ng heneral ang katangian nito sa pisikal sa itsura lalo na ang bughaw nitong mga mata, ay batid kong hindi ako nais makita ng kaniyang ina.

“M-me disculpo por entrar a su mansión sin su permiso, Señora, y si me lo permite, me iría en este momento,”

(Ipagpaumanhin ninyo ang aking pagpasok sa inyong mansyon nang walang permiso, Señora. Kung inyo pong mamarapatin ay ako’y lilisan na).

Nang hindi siya tumugon ay marahan akong lumakad palayo. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng silid, ay mayroong binibining naghihikahos patungo sa aking kinaroroonan. Bakas man sa kaniyang mukha ang pag-aalala, ay hindi maikukubli ang kagandahan nitong taglay. Magmula sa kaniyang kulay gintong buhok na maayos na nakapusod, perpektong mukha, at kutis na kasing puti ng niyebe.

“Buenas noches, Señora,”
akin siyang binati at tumango ito bilang tugon bago pumasok sa silid kung nasaan naroroon ang ginang.

Binilisan ko na lamang ang pagbaba sa hagdan upang hindi makagambala sa kanilang usapan. Nang tuluyan akong makababa ay namataan ko ang napakaraming bagahe at ilang katuwang na ngayon ko lamang nasilayan. Naroon rin ang mga sundalong aking sadya kung bakit ako naririto.


Buenas… noches, Heneral Guevarra!”
bati sa akin ni Tristan.

Kasalukuyan niyang ibinababa ang ilang bagahe mula sa karwahe ngunit natigilan siya nang makita ako. Pilit siyang ngumiti nang batiin ko siyang pabalik. Matapos nito’y ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa.

Nakapagtatakang ang mga sundalo ng Espanya na malugod akong binabati noon, ay hindi man lamang ako matapunan ng tingin ngayon. Walang dudang nalaman na nila ang nangyari sa kanilang punong heneral.

Tiim bagang akong sumakay sa aking kabayo. Bago tuluyang lumisan ay muli kong sinulyapan ang malaking mansyon at ang mga taong nagbabantay roon. Humugot ako nang malalim na hininga kasabay nang pagtakbo ng aking kabayo pabalik sa aming mansyon.

“Démonos prisa!”

(Bilisan natin!)
ang malakas na sigaw na iyon ang umalingawngaw sa madilim na kagubatan.

Nang maaninag ko ang mga sundalong Espanyol na sasalubong sa akin ay napatigil ako. Sa tulong ng bilugang buwan ay malinaw kong nasilayan ang mga dala nilang baril. Dala ng aking takot ay nagkukumahog akong nagtago sa likod nang isang malaking puno habang minamatiyagan ang paligid.

Pakiwari ko’y mahigit sampung sundalong Espanyol na pawang armado ang nagmula sa hilaga. Pinangungunahan sila ng isang malaking karwahe na ang nagpapatakbo ay walang iba kung hindi si Paz. Tikom ang aking bibig hanggang sa tuluyan na silang mawala sa aking paningin.

Ito ang unang beses na namataan ko ang grupo ng mga sundalong Espanyol sa rutang ito, sapagkat madalas silang nasa timog kung nasaan ang pamilihang bayan.

“Bukod sa simbahan ng San Fernando ay wala akong maisip na kanilang sadya. Maliban na lamang kung ito ang aming…”

Hindi ako nag-aksaya pa ng oras at pinatakbo nang mabilis ang aking kabayo. Ang labis na pag-iisip nang negatibo ay hindi makakatulong sa akin, subalit bukod sa aming mansyon ay wala nang ibang lugar sa hilaga ang maaring puntahan ng mga armadong Espanyol.

Malayo pa lamang sa tarangkahan ay naririnig ko na ang hinagpis. Pigil ang aking paghinga nang bumungad sa akin ang mga sundalong sugatan na nakahandusay sa lupang aking sinilangan. Nagkalat ang dugo at mga balang wari mo’y patak ng ulan sa dami nito.

“Ryannel!”
naghihikahos na sigaw ni Mang Romolo habang papalapit sa akin.

Hawak niya ang duguang itak at ang kasuotan niya’y puno ng dugo. Nagsusumamo ang kaniyang mga mata at naghahabol ito ng hininga. Hindi pa man siya nagsasalita’y tumutulo na ang aking mga luha.

“A-ang m-mga sundalong Espanyol, Ryannel,”
pagtatapat ni Mang Romolo nang aking tanungin kung sino ang may kagagawan nito.

Hindi mapigil ang aking pagluha nang tumakbo ako patungo sa loob ng aming mansyon. Doon ay aking nasaksihan ang mga sugatan naming katuwang at nagkalat na mga kagamitan. Labis ang aking kaba sa bawat hakbang na aking ginagawa hanggang sa marating ko ang tapat ng silid ni ina. Nakasarado iyon at wala akong lakas upang buksan ang pinto at malaman ang nasa loob nito.

Maya-maya pa’y bumukas ang pinto na siyang aking ikinagulat. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang si Stella ang nagbukas niyon. Mahigpit ko siyang niyakap at napanatag sapagkat ligtas siya gayon rin ang aming ina.

“Patawarin ninyo ako sa aking paglisan, mahal kong ina at kapatid,”
pagsusumamo ko.

Mahina man ay pinilit ni ina na tumayo upang yakapin ako at sabihing,
“Wala kang dapat ihingi ng tawad, anak. Ang mahalaga’y ligtas ka.”

Pinunasan ko ang aking luha,
“T-totoo bang ang mga sundalong Espanyol ang may kagagawan nito?”

Yumuko si Stella at tumango,
“Opo, kuya. Binalaan nila kaming p-papaslangin kung hindi namin isusuko ang kanilang punong heneral at si Nena.”

“Si Nena? Siya ba ang dahilan kung bakit nanlaban ang ating mga sundalo at mga katuwang?”
tanong ko.

“Buo ang kanilang desisyon na paslangin si Nena sapagkat siya ang may gawa ng inuming naging sanhi ng pagkawala ng malay ng heneral,”
suplong ni Stella.

Umiling ako bilang pagtutol,
“Hindi! Ang tunay na salarin ay ako. Ang lahat ng nangyaring ito ay dulot ng aking kasakiman. A-ako dapat ang tinangay nila. N-nararapat lamang na ako ang paslangin nila at hindi si Ne–”

Napatigil ako nang dumapo sa aking kanang pisngi ang palad ni ina,
“Anak, paano kami? Kung tinangay ka ng mga sundalong Espanyol at paslangin nang walang kalaban-laban, ay paano ang buong San Fernando? Anak, hindi mo kailangang akuin ang kasalanang hindi ikaw ang may kagagawan! Sa tingin mo ba’y ininom ng heneral ng Espanya ang lason na dapat ay para sa iyo kung ang kapalit nito’y ang iyong kamatayan?”

Hinaplos ni ina ang aking mukha at pinahid ang mga luha,
“Nakasisiguro akong mayroon pang ibang paraan, anak. Huwag mo hayaang kainin ka ng iyong konsensiya.”

-Terrorious

×××

KABANATA 26: Paratang

“Heneral Guevarra, saan mo balak magpunta?”
seryosong anas ni Jose nang siya’y aking makadaupang palad sa daan.

“Nais kong bawiin si Nena mula sa mga Espanyol. Hindi maaatim ng aking puso ang manatili sa isang tabi habang siya’y naghihirap,”
mariin kong sagot.

Akmang itutuloy ko ang aking paglalakbay nang harangan niya ang daan gamit ang kaniyang sarili. Nakatayo siya nang tuwid habang bukas ang kaniyang mga bisig.

“Ipagpaumanhin ninyo subalit hindi ko hahayaang malagay kayo sa kapahamakan, heneral. Batid po ninyong kumakalat sa buong San Fernando ang balitang kayo ay umiibig sa heneral ng Espanya, kaya’t hindi makabubuti ang makita nila kayong patungo sa kaniyang mansyon,”
pagklaro ni Jose.

Pawang katotohanan ang lahat ng kaniyang nabanggit. Magmula sa balitang ako’y labis na umiibig sa heneral ng Espanya, gayon rin sa pagtutol ng buong San Fernando sa aming pagmamahalan. Kahit anong pilit kong itatak sa aking isip na ito’y isang kasalanan, ay hindi ko magawang burahin siya sa aking puso.

Sa wakas ay hinayaan na lamang ako ni Jose matapos marinig ang aking paliwanag. Tirik ang araw sa kalangitan ngunit hindi ako nagsisi na hindi ako sumakay sa aking kabayo patungo sa aking destinasiyon. Bago sa aking paningin na makitang ang aking mga kababayan na noon ay hindi magkandamayaw sa pagbati, ay hindi man lamang ako matapunan ng tingin ngayon.

“Hindi siya nararapat bilang punong heneral…”

“Isang malaking kasalanan ang pagmamahalan ng dalawang kalalakihan…”

“Nakasisiguro akong naghihinagpis sina Donya Florencia at ang namayapang si Don Marcelo sa kinahinatnan ng kanilang unico hijo…”

Iyan ang ilang bulungan na aking narinig nang mapadaan ako sa pamilihang bayan. Ang bawat salitang kanilang binibigkas ay waring punyal na tumutusok sa aking puso. Umiling ako at ipinagpatuloy ang paglalakad nang makaramdam ako ng kirot sa aking noo.

“Isa kang salot sa ating lipunan!”

“Naturingan kang heneral ngunit isa kang parausan!”

“Kung ang kapalit nang kalayaan ay ang pagkawala ng puri at dangal, ay mabuti pang sakupin na lamang tayo ng mga dayuhan!”

Ang mga bulyaw na aking naririnig ay umugong sa aking tainga habang patuloy na tumatama ang mga bato sa aking katawan. Wala akong magawa kung hindi tanggapin ang sakit at hayaan silang tamaan ang aking likod, braso, maging ang aking mukha hanggang sa hindi na ako makaramdam. Nakita ko na lamang ang aking duguang sarili na nakahandusay sa mainit na lupa.

Maya-maya pa’y isang malakas na pito ang nagpahinto sa naganap na kumosiyon. Lumapit ang mga lokal na sundalo na pawang armado. Sandali nilang pinagmasdan ang aking kalagayan bago sumambit ng salita.


Ang inyong inaakusahan ay isa pa ring ganap na punong heneral. Lahat ng naririto ay nararapat lamang na hatulan ng karampatang kaparusahan.”

“Hindi namin matatanggap na manatili siyang punong heneral! Magmula noong tumaas ang buwis na aming binabayaran nang walang kadahilanan, ay hindi na namin siya tinuring na heneral,”
ani ng isang matandang sa tingin ko’y magsasaka.

Sumabat ang isang ginang na tumatangis,
“Buong akala namin ay isa kang mabuti at huwarang heneral, subalit ipinautos mo sa iyong mga sundalo na… ipagbili ang aming lupain sa mga Espanyol.”

Ramdam ko man ang kirot sa aking katawan ay pinilit kong tumayo,
“A-anong ibig niyong sabihin? Magmula noong nagdaang kalamidad ay hindi ako naghabilin na itaas ang buwis gayon rin ang pagbebenta ng mga lupain.”

“Isa kang sakim, Heneral Guevarra!”
namamaos na sigaw ng ginang habang tumutulo ang kaniyang mga luha.

Naguguluhan ang aking isipan sa paratang na wala sa aking kaalaman. Nais ko siyang lapitan nang mayroong humawak sa aking palapulsuhan upang ako’y ilayo. Umawang ang aking labi nang malamang si Binibining Juana ito at patungo kami sa kaniyang karwahe.

“Binibining Juana, b-bakit ka naparito?”
tanong ko.

Mas binilisan niya ang paglalakad habang ako’y patuloy niyang hawak. Binitawan niya lamang ako nang tumigil kami sa harapan ng kaniyang karwahe. Ang blanko niyang ekspresiyon ay napalitan ng pangamba nang magtama ang aming mga mata.

“Ginoo, musmos pa lamang tayo ay humanga na ako sa husay mong ipahayag ang iyong mga saloobin. Ngunit bakit hindi mo masabi ang katotohanan at hinayaan silang magparatang nang walang sapat na ebidensiya?”
bahagyang lumakas ang boses ng binibini.

Napayuko ako,
“Sapagkat wala rin akong patunay na hindi ako ang may sala, binibini.”

“Kung gayon ay humanap ka ng ebidensiya,”
inilabas niya ang kaniyang panyo upang punasan ang duguan kong mukha.

Sa tuwing dumadampi ang kaniyang panyo sa aking sugat, ay napapakislot ako sa kirot. Nakakatuwang isipin na katulad noon ay siya rin ang gumagamot sa aking mga sugat dahil nais niyang maging doktor.

“Binibini, nais kong… humingi ng tawad,”
mahina kong saad.

Ngumiti ang binibini,
“Kung tungkol ito sa iyong pagmamahal sa heneral ng Espanya ay wala kang dapat ihingi ng tawad.”

Nanlaki ang aking mga mata nang ilabas niya ang singsing na kaparehas ng kaniyang regalo bago ang aking kaarawan. Inilagay niya iyon sa aking palad at taimtim akong tinignan.

“Ginoo, nais kong ialay mo ang singsing na iyan sa tunay na nagmamay-ari ng iyong puso. Hayaan mong ihatid ka ng aking karwahe patungo roon,”
namumula ang sulok ng kaniyang mga mata nang sabihin niya iyon.

Mahigpit ko siyang niyakap bago pumasok sa kaniyang magarang karwahe. Matulin na pinatakbo ng kutsero ang kabayo matapos bigyan ng hudyat ng binibini. Habang papalapit kami sa aming destinasiyon ay napakabilis nang tibok ng aking puso. Bukod sa mabawi si Nena ay nais ko ring malaman ang kalagayan ng
aking ginoo.

“Nais kong ialay ang aking wagas na pag-ibig,”
buong puso kong bulong habang hawak ang singsing.

“H-heneral Guevarra, sa wari ko’y hanggang dito na lamang kita maihahatid,”
ani ng kutsero nang makitang armado ang mga sundalong Espanyol na nagbabantay sa tarangkahan.

“Maraming salamat sa paghatid sa akin, Señor,”
huli kong sambit bago bumaba ng karwahe.

Marahil ay batid nilang paparito ako kung kaya’t malayo pa lamang ay tinutukan na nila ako ng kanilang mga baril. Huminto ako sa paglalakad at huminga nang malalim.

“General Guevarra, no se le permite ingresar a la mansión. Si cruza la línea delante de usted, no tenemos más remedio que dispararle,”

(Heneral Guevarra, hindi ka pinahihintulutang pumasok sa mansyon. Kung lalagpas ka sa linyang nasa inyong harapan, ay wala kaming magagawa kung hindi ang barilin ka),
babala ng sundalong si Paz.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at tinawid ang linyang nakaukit sa lupa. Nang itaas ni Paz ang kaniyang baril sa kalangitan at magpaputok ay sandali akong napatigil. llang hakbang na lamang ay malapit na ako sa kanila.

“Heneral Guevarra, kung narito ka upang makita ang aming punong heneral ay hindi ka namin pahihintulutan,”
wika ni Tristan.

“Bukod sa ginoo ay narito ako upang bawiin ang aming katuwang na si Nena. Ang sinapit ng ginoo ay bunga ng aking kasakiman. Ako na lamang ang inyong parusahan,”
pagsusumamo ko.

“Ikinalulungkot kong sabihing huli na ang lahat, heneral. Ang inyong katuwang ay nakatakdang bitayin kinabukasan sa plaza kung nasaan maraming tao ang makakasaksi,”
suplong ni Tristan sa siyang aking ikinakatakot.

-Terrorious

×××

KABANATA 27: Leonor

“Anak, nais kong bawiin mo si Nena mula sa mga Espanyol,”
hinawakan ni ina ang dalawa kong kamay at nakiusap.

Sumagot si Stella,
“Ina, kung hindi dahil kay Nena ay wala sana kayong karamdaman ngayon. Naiintindihan naming malapit na katuwang natin si Nena subalit… kahit hindi siya parusahan ng mga Espanyol ay mabibilanggo siya sa kaniyang kasalanan.”

“Mapapanatag lamang ang aking puso kung ang magpaparusa sa kaniya ay kapwa niya rin pilipino. Sadyang napakalupit ng mga Espanyol, anak. At hindi ako mapapatawad ng mga magulang ni Nena kung hindi mo siya maililigtas,”
wika ni ina.

Magmula noong ako’y musmos pa lamang ay narito na sa mansyon nanatili si Nena. Kung tutuusin ay itinuring siyang tunay na anak ng aking mga magulang kaya’t nais kong malaman ang tunay na dahilan kung bakit niya nagawa iyon sa aking ina.

“Donya, m-mahal p-po ba ako ng aking mga magulang?”
iyan ang unang mga salitang binitawan niya matapos siyang ihabilin ng kaniyang butihing mga magulang sa aking ina.

Matuturing na bayani ang kaniyang mga magulang sapagkat lumaban ang mga ito noong sinakop ang aming nasiyon ng mga kastila. Mapalad na umuwing buhay ang aking ama subalit napaslang ang mga magulang ni Nena. Labis ang pagmamahal ng mga ito kay Nena na hanggang sa huli nitong hininga’y humiling sila na huwag pabayaan ang kanilang anak.

Nang marinig ko ang parusang igagawad ng mga Espanyol kay Nena ay binalot ako ng takot. Hindi ko namalayang dinadala ako ng aking mga paa sa tarangkahan ng mansyon. Maging ang mga sundalong Espanyol na sinubukan akong pigilan gamit ang dahas ay walang nagawa. Marahil ay nadala ako ng aking emosiyon kung kaya’t nagawa kong labanan sila ng walang alinlangan.

Kaagad akong tumungo sa ibabang bahagi ng mansyon matapos kong malagpasan ang mga sundalo. Bagamat madilim ang paligid dahil nagmistula itong kuwebang yari sa bato, ay naaninag ko ang selda ni Nena sa tulong ng mga lampara sa paligid.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kaniya’y tumutulo na ang aking mga luha. Mahigpit kong kinuyom ang aking kamao nang lumakad ako papalapit. Sa wari ko’y narinig niya ang aking mga hakbang kung kaya’t sumilip siya mula sa kaniyang seldang yari sa kawayan.

“H-heneral Guevarra, p-paano po kayo nakapasok rito?”
bakas ang pagkagulat sa kaniyang sugatang mukha.

Lumuhod ako upang pagmasdan siyang maigi at napailing sa kaniyang sinapit. Namamaga ang kaniyang mga mata, puno ng galos at mga pasa ang kaniyang mukha, at malalim ang mga sugat sa kaniyang mga braso na wari ko’y bunga ng paulit-ulit na hampas ng latigo.

“Nena, narito ako upang iligtas ka,”
pagkasabi ko nito’y kumuha ako ng malaking bato at akmang sisirain ang kandadong nakakabit sa rehas nang pigilan niya ako.

Hinawakan niya ang aking kamay at nakiusap,
“Heneral, humihiling ako sa inyong lisanin ninyo ang lugar na ito. Ang kaparusahang igagawad nila sa akin ay kabayaran sa aking kalapastanganan.”

“Ngunit–”

Naputol ang nais kong sabihin nang siya’y magsalita,
“Heneral, bago ko pa man gawin ang aking kasalanan ay inihanda ko na ang aking sarili sa kamatayan. Hindi ko lamang lubos maisip na katulad ng aking mga magulang, ay mga dayuhan rin ang kikitil sa aking buhay.”

Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa.
Iyan ang tumatakbo sa aking isipan habang pinagmamasdan si Nena. Nang marinig ko ang mga sundalo mula sa aking likuran ay hudyat na tapos na ang aking pagbisita. Bago ako tuluyang lisanin si Nena ay humiling itong huwag na siyang iligtas kung ang kapalit nito’y kapahamakan ng nakararami.

“Heneral Guevarra, nais po kayong makausap ni Donya Isabella,”
ani Tristan dahilan upang matigilan ako sa paglalakad.

Hindi iyon isang kahilingan dahil mas para iyong kautusan. Nang ako’y tumango bilang pagsang-ayon ay hinayaan ako ng mga armadong sundalo na sumama kay Tristan. Mabagal ang kaniyang mga hakbang na wari mo’y humahanap ito ng tamang tiyempo kung kailan magsasalita.

“Kayo ba’y… nagkikita pa ng aking kapatid?”
pagputol ko ng katahimikan.

Mabilis niya akong nilingon,
“Nang dakipin namin ang inyong katuwang ay natapos na rin ang aming ugnayan ng inyong kapatid, heneral.”

“Sa tingin ko’y ang desisyon na iyan ay mag-isa mong binuo. Hindi man sabihin sa akin ni Stella ang kaniyang tunay na nadarama, ay batid kong hindi maglalaho ang pagmamahal niya sa iyo.”

“Narito na tayo, heneral,”
pag-iiba niya ng usapan nang marating namin ang dulong silid.

Nakatutok ang buo kong atensiyon sa pintuan ng silid. Lumunok ako bago hawakan ang pihitan ng pinto at bago ako tuluyang makapasok sa loob nito’y narinig ko sumpa ni Tristan.

“Papatunayan ko kay Stella na karapat-dapat ako sa kaniyang pagmamahal, heneral.”

Gumuhit ang ngiti sa aking labi, ngunit napalitan iyon ng pagkabigla nang makita ang isang binibini na nakasuot nang magarang baro. Kung tama ang aking memorya ay siya ang marikit na binibining nakadaupang palad ko noong makalawa.

Siya ba’y kapatid ng ginoo?
Ngunit sa pagkakaalam ko’y nag-iisang anak lamang ang ginoo. Magmula sa maganda nitong mukha, kasuotan at tindig ay walang dudang nagmula ito sa marangyang pamilya.

“Magnífico! Te ves impresionante sin importar lo que lleves puesto,”

(Kahanga-hanga! Sadyang nakabibighani ang iyong kagandahan kahit ano man ang iyong suotin),
manghang giliw ng donya sa binibinti at pumapalakpak pa.

Malaking ngiti ang iginawad ng binibini at yumuko,
“Realmente aprecio tus cumplidos, Doña Isabella.”

(Ikinalulugod ko ang inyong mga papuri, Donya Isabella).

“No puedo creer que mi viejo vestido te quede bien. Este es el mismo vestido que usé cuando me casé con el padre de Javier. Y ahora, estaré encantado de dártelo, Señorita Leonor.”

(Hindi ako makapaniwalang magkakasiya sa iyo ang luma kong kamiseta. Ito ang kasuotang isinuot ko noong ikinasal kami ng ama ni Javier. At ngayon ay masaya akong ipasa ito sa iyo, Binibining Leonor),
magiliw na wika ng donya.

Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi. Hindi ko inaasahan ang aking mga narinig. Batid ng donya na naririnig ko ang kanilang usapan at iyon ang pinakamasakit. Akmang lalabas ako ng silid nang tawagin niya ako.

“General Guevarra, por fin está aquí!”

(Heneral Guevarra, narito ka na rin sa wakas!”
umalingawngaw ang tinig ng donya sa apat na sulok ng silid.

“No sabía que tenías una visita, Doña Isabella. Los dejaré solos a los dos,”

(Mayroon ka po palang bisita, Donya Isabella. Maiwan ko po muna kayong dalawa),
mahinhing sabi ng binibini.

Hindi pa man tuluyang nakakalabas ng silid ang binibini ay muling nagsalita ang donya,
“General, permítame presentarle a la prometida de mi hijo, la señorita Leonor.”

(Heneral, hayaan mong ipakilala ko sa iyo ang kasintahan ng aking anak, si Binibining Leonor).

Hinawakan ng binibini ang laylayan ng kaniyang baro at yumuko,
“Es un placer conocerlo, General. Escuché que has sido un gran amigo de mi amor.”

(Ikinagagalak kitang makilala, heneral. Narinig kong malapit kayong magkaibigan ng aking

sinta

).

Hindi ko namalayan kung ilang segundo o minuto akong nakatulala. Magkahalong lungkot at sakit ang aking nadarama. Nang tumulo ang aking luha’y mabilis ko iyong pinunasan at ngumiti na para bang walang nangyari.

“Es un placer conocerte también, Señora,”

(Ikinagagalak rin kitang makilala, binibini),
halos pabulong kong bati.

Ginoo, kasintahan mo nga bang tunay ang binibining nasa harapan ko?

Kung batid ko lamang na magdurugo ang aking puso’y hindi na sana ako pumasok sa silid na ito.

-Terrorious

×××

KABANATA 28: Kapalit

“Maupo ka, heneral,”
ani Binibining Leonor at ikinumpas ang direksyon patungo sa mahabang silya.

Humugot ako nang malalim na hininga bago umupo roon. Maingat niyang hawak ang laylayan ng kaniyang kamiseta at naupo sa aking tapat. Nagpatawag pa ito ng katuwang upang ipaghanda kami ng inumin. Upang bigyan kami ng espasiyo ay lumabas ng silid si Donya Isabella.

“General Guevarra? Estoy en lo correcto?”

(Heneral Guevarra? Tama ba ako?)
pagkumpirma niya.

Tumango ako,
“Doña Leonor, tiene razón, soy el General Guevarra, el Jefe General de San Fernando.”

(Binibining Leonor, tama po ang inyong tinuran. Ako nga po si Heneral Guevarra. Ang punong heneral ng San Fernando).

“A decir verdad, tengo muchas ganas de conocerte desde que vine aquí en San Fernando. Quiero conocer al orgulloso amigo de Javier.”

(Ang totoo niya’y nais na kitang makita simula noong una pa lamang akong naparito sa San Fernando. Nais kong makilala ang ipinagmamalaking kaibigan sa akin ni Javier).

“Casi todas las cartas que me ha estado enviando son sobre ti. Más que un buen amigo, dijo que eres un gran líder, lo que más admira.”

(Halos lahat ng mga liham na natatanggap ko sa kaniya’y pumapatungkol sa iyo. Higit pa sa isang kaibigan, ay labis niyang hinahangaan ang iyong kahusayan bilang isang pinuno),
dagdag pa niya.

Hindi ko mawari ang aking sariling damdamin nang marinig ko iyon. Dapat ba akong maging masaya sa mga papuri?

O kainin ng poot sapagkat lingid sa aking kaalaman na ang ginoong aking iniibig ay mayroon rin palang ibang iniibig?

Kasing tamis rin kaya ng mabulaklak niyang mga salita ang mga liham na ipinapadala niya sa binibining nasa aking harapan?

Kasing bango rin kaya ng gumamela ang bulaklak na inaalay niya sa binibini sa tuwing ito’y kaniyang susuyuin?

Upang iwaksi ang aking iniisip ay sinimsim ko na lamang ang kapeng nakahanda sa lamesa. Nahagip ng aking tingin ang mga mata ni Binibining Leonor na nakasentro sa aking kamay.

“Ese anillo le queda bien, General Guevarra. Me pregunto si mi amor se verá aún mejor si usa el anillo para nuestra boda,”

(Napakaganda ng singsing na iyong suot, Heneral Guevarra. Labis ang aking pananabik na makitang suot ng aking pinakamamahal ang singsing na katulad niyan sa aming nalalapit na pag-iisang dibdib),
bakas ang galak sa kaniyang tinig.

Nang makaramdam ako ng paninikip sa aking dibdib ay itinago ko ang aking kamay at tumayo. Nakita ko na lamang ang aking sariling palabas ng silid habang kagat ang ibaba kong labi. Batid kong ano mang sandali ay babagsak ang aking mga luha.

Bawat paghakbang ko sa mahabang pasilyo ng mansyon ay siya ring paglabo ng aking paningin. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang hindi ko marating ang silid ni Heneral Vicencio. Wari mo’y mayroong sariling pag-iisip ang aking mga paa at dinala nila ako patungo sa ginoo.

Maingat kong pinihit ang pinto at nang mapagtantong tahimik ang nasa loob nito’y hindi ako nag-atubiling pumasok. Bukod sa puting telang nakapalibot sa tulugan ay walang nagbago sa paligid ng silid. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay batid ko nang nasa higaang iyon ang aking
pinakamamahal
.

“G-ginoo, n-nais ko mang lapitan o… masilayan ka’y hindi ko magawa sapagkat… lalo lamang akong masasaktan. Humihingi ako ng kapatawaran sa aking kasakiman na nadulot nito sa iyo. Nagdurugo man ang aking puso sa aking nalaman ay hindi nito nabago ang pagmamahal ko. Hangad kong sa pagmulat ng iyong mga mata’y makamtan mo ang wagas na pag-ibig sa ngalan ng iyong sintang si Binibining Leonor,”
iyan ang nais kong iparating sa iyo.

“A-anak, anong nangyari? Hindi ba pumayag ang mga Espanyol na pakawalan si Nena?”
bungad ni ina nang makabalik ako sa aming mansyon.

Sa halip na siya’y sagutin ay tumakbo ako palapit sa kaniya upang siya’y yakapin. Hindi ko na napagilang humagulgol nang ikulong niya ako sa kaniyang bisig. Bakas man ang pagtataka sa mukha ni Stella ay lumapit rin ito akin upang damayan ang aking pighati.

“Kuya, ang mahalaga’y ginawa mo ang iyong makakaya. Bigo ka mang bawiin si Nena ay nakasisiguro akong mayroon pang ibang paraan upang hindi matuloy ang masama nilang balak sa kaniya,”
ani Stella.

Pinahid ko ang aking luha bago tumugon,
“Si N-nena ay ligtas na sa kapahamakan mula sa mga Espanyol. Kasalukuyan siyang nasa Mediko Del Fuego upang bigyan ng paunang lunas. Wala na po kayong dapat ipag-alala.”

Pinagmasdan ni ina ang aking mga mata na para bang binabasa niya ang nakapaloob roon,
“Anak, sinaktan ka rin ba ng mga Espanyol?! Sabihin mo sa akin kung ano ang kapalit ng kalayaan ni Nena…”

Higit na nag-alala si ina kung kaya’t sinuri niya ang aking mga braso kung nagtamo ako ng kahit isang sugat. Nang masigurong hindi nangyari ang kaniyang kinakatakot ay muli niya akong tinanong.

Umiling ako,
“Ina, Stella, ako muna’y papasok sa aking silid upang magpahinga. Huwag kayong mag-alala. Ang kapalit sa paglaya ni Nena ay hindi ikakapahamak ng kahit na sino.”

Hindi ko na hinintay ang kanilang abiso at ako’y nagtungo at nagkulong sa aking silid. Katulad noon ay hindi ko pa rin magawang ibahagi sa aking ina at kapatid ang aking mga suliranin. Hangga’t maaari ay nais kong sarilihin ang sakit at hayaang maghilom ito sa paglipas ng panahon.

“Si quieres que tu siervo se salve de la muerte, aléjate de mi hijo. Crees que aceptaré tu afirmación de que mi hijo y tú solo sois amigos? Eres consciente de que cualquier conexión que tengas con él es impropia,”

(Kung nais mong makalaya ang iyong katuwang mula sa kamatayan ay nais kong huwag ka nang magpakita pa sa aking anak. Sa tingin mo ba’y maniniwala akong ang dalawang magkalabang heneral ay magiging magkaibigan? Batid mong kung ano mang koneksiyon ninyong dalawa ay hindi nararapat),
mariing wika ni Donya Isabella nang madatnan ako sa silid ng kaniyang anak.

Hindi ako nagdalawang isip na lumuhod,
“Aceptaré todo excepto eso, Lady Isabella. Deberías haberme castigado en su lugar, ya que fui yo quien te hizo actuar así. Incluso estoy dispuesto a sufrir cien veces si eso mejorará su condición.”

(Tatanggapin ko po ang kahit na ano huwag lamang iyan, Donya Isabella. Parusahan niyo na lamang po ako sapagkat ako ang salarin sa sinapit ng inyong anak. Handa akong tanggapin ang parusang higit pa sa kaniyang sinapit kung ang kapalit nito’y ikabubuti niya).

“Sabías que la revolución que temes comenzaría una vez que mataran a tu sirviente en la plaza frente a todas tus residencias? ¿No es parar la revolución la razón por la que hiciste un trato con mi hijo? No creo que tenga derecho a elegir su propio castigo, General,”

(Batid mo bang ang kinakatakutan mong rebolusiyon ay magsisimula kung matutuloy ang parusa sa iyong katuwang sa plaza kinabukasan? Hindi ba’t ang rebolusiyon at ang kalayaan ng iyong kapatid ang dahilan kung bakit ka nakipag-ugnayan sa aking anak? Sa tingin ko’y wala kang karapatan na mamili ng parusa para sa iyo, Heneral).

Umawang ang aking labi nang marinig ko iyon. Bukod sa magiging resulta ng kaparusahan kay Nena ay alam niya ang kasamiyentong aking sinang-ayunan.

Ginoo… pinaikot mo lamang ba ako sa iyong palad?

-Terrorious

×××

KABANATA 29: Garote

Nakasaklob ang dalawa kong kamay sa aking mukha at inabot na ako ng bukang liwayway. Hindi ko na nagawa pang magpahinga sa labis na pag-aalala. Bumalik lamang ako sa ulirat nang marinig ang mahinang pagkatok sa pinto ng aking silid.


K-kuya, maari mo ba akong pagbuksan? Naghanda ako ng ating almusal,”
wika ni Stella.

Bago ko buksan ang pinto’y pinunasan ko muna ang mga natuyong luha sa aking pisngi. Batid kong hindi lamang ako ang nagdurusa sa mga nangyayari at bilang tumatayong haligi ng aming tahanan ay kailangan kong maging matatag.

May nakapaskil na ngiti sa aking labi nang pagbuksan ko ng pinto ang aking nakababatang kapatid. Ibinalik nito ang aking ngiti at pumasok sa aking silid upang ilapag ang pagkain. Umawang ang aking labi nang yakapin ako nito nang sobrang higpit.

“Kuya, labis akong nag-alala. Buong magdamag kong naririnig ang iyong mga hikbi mula sa aking silid,”
aniya.

Tinapik ko ang kaniyang likuran, umaasang gagaan ang kaniyang kalooban ngunit lalo lamang itong nagdamdam. Naririnig ko na ang kaniyang pag-iyak.

“Buong a-akala ko’y iiwan mo rin kami ni ina. Hindi ko yata kakayaning mawalan pa ng mahal sa buhay, kuya,”
para bang pinipiga ang aking puso habang binabanggit niya ang mga salitang iyon.

“Stella, hinding-hindi mangyayari ang iyong kinatatakot. Labis ang pagmamahal ko sa inyo ni ina,”
pag-aalo ko.

Imbes na sa aking silid ay minabuti kong sa hapag-kainan kumain kasama si ina at Stella. Nakakatuwang bumubuti na ang kalagayan ng aking ina. Malaking pasasalamat ko kay Binibining Juana sapagkat ibinahagi niya sa akin ang nakapagpapagaling na gamot na nagmula pa sa Amerika.

Matapos kumain ay nauna na akong pumunta sa plaza kung saan gaganapin ang kaparusahan ipapataw kay Nena. Gaya ng aking inaasahan ay naroroon ang buong mamamayan ng San Fernando. Halos lahat ng mga tao’y nakasuot ng itim na kasuotan, patunay ng kanilang pagluluksa sa ano mang mangyayari.

Ang kanilang buong atensiyon ay nasa gitna ng plaza kung nasaan mayroong silya ng
garote
. Isa iyong klase ng pagkitil sa buhay ng mga taong labis ang pagkakasala at sinestensiyahan ng parusang kamatayan. Ang mga nagkasala ay puwersahang pinapaupo sa silyang iyon at gamit ang bakal na tanikala ay iipitin ang leeg hanggang sa malagutan ito ng hininga. Nakapalibot rito ang grupo ng mga sundalong Espanyol. Naroon rin sina Tristan at Paz na kanang-kamay ng heneral nilang hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

“Narito ang punong heneral…”
rinig kong bulungan ng ilan sa mga nakakita sa akin.

“Paano niya nagawang suotin ang kaniyang uniporme at tumungo rito kung wala naman siyang nagawa upang tulungan ang sarili niyang katuwang?”
bulong ng isang matanda.

Sa hindi kalayuan ay aking natanaw ang ilan sa aking mga sundalo subalit nagbulag-bulagan ang mga ito. Nasa kanilang tabi ang pamilya Gerardo at naroon rin si Binibining Juana na bakas ang pag-aalala.

Nabaling ang buong atensiyon ng lahat nang mag-anunsiyo si Paz,
“Tayo ay nagtipon sa araw na ito upang saksihan ang parusang kamatayan na ipapataw sa taong dahilan ng pagkalason ng punong heneral ng Espanya.”

Maya-maya pa’y maririnig ang pagdating ng kalesa kung saan nakapalibot ang ilan pang armadong Espanyol. Nakatali roon ang lubid na humihila sa nakayapak at duguang si Nena dahilan upang tumangis ang mga matatandang saksi.

Sa magarang kalesang iyon ay bumaba sina Donya Isabella at Señorita Leonor. Taas-noo silang umupo sa mga silyang nasa likuran ng garote. Pinagmamasdan nila ang mga kapwa ko pilipino na para bang mabababang uri ng mga tao.

Walang pag-iingat na kinalas ng isang sundalong Espanyol ang pagkakatali ng lubid mula sa kalesa at puwersahang hilahin si Nena patungo sa gitnang bahagi ng plaza. Kuyom ang aking kamao at akmang lalapit nang magtama ang aming tingin ni Nena. Mahina nitong iniyugyog ang kaniyang ulo upang bigyan ako ng senyales na huwag nang tumutol. Kasabay noon ang pagtulo ng kaniyang luha at mapait niyang ngiti.

“Heneral, bago ko po gawin ang aking kasalanan ay inihanda ko na ang aking sarili sa kamatayan.”

iyan ang paulit-ulit na naririnig kong sinabi ni Nena noong mga sandaling iyon.

Hindi nararapat na siya ang umako ng kasalanang hindi siya ang may pakana. Napag-utusan lamang siya! Subalit wala akong sapat na ebidensiya. Kung aakuin ko ang kaniyang kasalanan ay para ko na ring pinatunayang hindi ako gumawa ng paraan upang malaman ang tunay na salarin sapagkat kapalit nito’y kamatayan.

Nang paupuin si Nena sa silyang garote ay para bang pati ang kalangitan ay nagluluksa nang dumilim ito. Gayunpaman ay hindi natinag ang mga sundalong Espanyol dahil sa hudyat ni Donya Isabella ay iginapos na si Nena roon upang hindi ito makawala. Nakahanda na rin ang dalawang sundalo sa likuran ng silya. Sila ang maghihigpit ng bakal na tanikala hanggang sa tuluyan nang malagutan ng hininga ang kinikilala nilang salarin.

“Sa ngalan ng aming punong heneral na si Javier Vicencio ay hinahatulan ko ng kamatayan ang babaeng ito na siyang dahilan ng kaniyang pagkalason.”

Bago pa man tuluyang mahuli ang lahat ay lumapit ako sa tagapaghatol na si Paz habang nakataas ang dalawa kong kamay. Ang lahat ay nanatiling tahimik, naghihintay ng aking sasabihin.

Walang pagdadalawang-isip akong lumuhod at nakiusap sa wikang Espanyol,
“Bilang punong heneral ng San Fernando ay labis akong tumututol sa parusang ito. Ang lasong ininom ng Heneral Vicencio ay dapat para sa akin. Bagamat hindi ko kakayaning akuin ang kamatayang inihatol ninyo sa aking katuwang ay tatanggapin ko ang kahit anong kapalit.”

Pagal na tumawa si Donya Isabella,
“Estoy asombrado por su valentía, General Guevarra. Dado tu rango, ¿por qué no le preguntamos a tus conciudadanos qué consecuencias querían para ti por casi perder a alguien solo por tu orgullo?”

(Ako’y namamangha sa iyong katapangan, Heneral Guevarra. Sa ngalan ng iyong ranggo, bakit hindi natin tanungin ang iyong kababayan kung ano ang nais nilang kapalit sa muntik nang kahinatnan ng isa mong nasasakupan dahil sa iyong kahibangan).

Ang sinabi ni Donya Isabella ay agad namang isinalin ni Paz sa wikang Filipino upang maunawaan ng mga saksi. Napapikit ako nang mariin matapos marinig ang sigaw ng aking nasasakupan.

“BUMITIW KA NA SA IYONG TUNGKULIN!”

Mula sa malayo ay natanaw ko ang kararating lang na sina Mang Romolo, Stella, at ina. Bakas sa kanilang mukha ang pagtutol sa mga naririnig. Buong buhay ko’y isina-isip at puso kong gagampanan ko nang mabuti ang pagiging punong heneral katulad ng aking ama, subalit wala itong saysay kung ang mismong pagsisilbihan ko’y hindi na ako nais.

Imbes na magsalita ay tinanggal ko ang emblem na nakasabit sa bandang dibdib ng aking uniporme at lumapit kay Nena upang tanggalin ang pagkakagapos nito. Isa iyong tanda na bumibitiw na ako sa aking tungkulin bilang punong heneral ng San Fernando kapalit ng kalayaan ni Nena at sa ikapapanatag ng loob ng pinakamamahal kong inang bayan.

-Terrorious

×××

KABANATA 30: Tela

“Magandang umaga, Mang Romolo at Jose!”
bati ko sa kanila nang sila’y aking matanaw sa dalampasigan.

Itinigil nilang dalawa ang paghahanda sa bangka nang marinig ako. Pupungay-pungay pa ang mata ni Jose. Halata sa mukha nitong kagigising lamang habang si Mang Romolo naman ay tinulungan akong buhatin ang ilan sa mga kagamitan sa pangingisda.

“Magandang umaga rin sa iyo, Ryannel. Nag-agahan ka na ba?”
tanong ni Mang Romolo.

Tumango ako habang pinagmamasdan ang alon sa dagat,
“Opo, Mang Romolo. Maagang naghanda sina Stella at Nena ng agahan. Si Ina naman ay nagtatahi ng mga telang nabili niya sa pamilihang bayan noong gabi.”

“HENERAL GUEVARRA, NAKAHANDA NA PO ANG BANGKA. MAARI NA TAYONG LUMAYAG!”
halos mabingi ako sa sinabi ni Jose. Bakas sa mukha nito ang pananabik.

Kinatok ko ang noo nito at ngumisi,
“Hindi ba’t paulit-ulit ko nang ipinaalala sa iyo sa huwag mo na ako tawaging Heneral Guevarra? Hindi na ako isang heneral, Jose.”

Tatlong buwan na ang nakalipas mula noong bumitiw ako sa aking tungkulin bilang punong heneral ng San Fernando. Minabuti ni ina na ipagbili ang aming mansyon at gamitin ang salaping nalikom roon upang manirahan sa tagong isla. Pangingisda ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao rito. Ang mga naninirahan ay payapa at malayo sa siyudad kung saan malayang nakadestino ang mga sundalong Espanyol.

Bago pa man sumikat ang araw ay nagsimula na kaming lumayag patungo sa gitna ng dagat. Kaming tatlo nina Jose at Mang Romolo ay nanghuhuli ng isda araw-araw na aming ibinibenta sa pamilihan kapalit ng bigas at kaunting salapi. Pagtatahi naman ang pinagkaka-abalahan nina Ina, Stella, at Nena sa isla. Buong akala ko noon ay hindi kami magtatagal sa islang ito sapagkat nasanay kaming tumira sa siyudad, ngunit nagkamali ako.

Nang maayos namin ang lambat sa ilalim ng dagat ay mahaba-habang paghihintay at ang mainit na araw ang aming naging kalaban. Kung noon ay napagkakamalan akong dayuhan sa aking maputlang balat, ngayon ay kayumanggi na ito. Nang tumulo ang pawis sa aking noo ay pinunasan ko rin iyon kaagad gamit ang tuwalyang nakasabit sa aking kanang balikat. Ibinigay ko naman ay Mang Romolo ang aking sumbrerong yari sa tambo nang mapansing naiinitan rin ito.

“Balita ko’y nagpo-protesta ang ilan sa ating kababayan sa lungsod sapagkat napakataas ng buwis na sinisingil ng bagong punong heneral,”
pagbabahagi ni Jose.

Napakamot ng ulo si Mang Romolo,
“Totoo ba ang aking narinig? Hindi ba’t noong nakaraang buwan ay itinaas niya ito sa tatlumpung piso?”

“Opo, Mang Romolo. Hulaan niyo kung magkano na ito ngayon?”
itinaas pa ni Jose ang kaniyang panurong daliri na parang isang guro.

“Magkano?”
lumapit si Mang Romolo, hinihintay ang sagot ni Jose.

“Hulaan niyo nga po,”
ani Jose. Sa tagal ko na itong kilala ay malabong sabihin niya ito nang ganoon na lamang.

“Tatlumpu’t lima?”
hula ni Mang Romolo.

“Hindi po,”
sagot ni Jose.

“A-apatnapu?”
hula muli ni Mang Romolo.

“Malapit ka na po,”
diretsong sagot ni Jose. Halata sa mukha ni Mang Romolo ang pagkainis.

Hinawakan ni Mang Romolo ang balikat ni Jose at pabirong nagbanta,
“Malapit ka na ring

masaktan

, Jose.”

“Limampung piso,”
mahina kong sagot na kaagad naman nilang narinig dahil bumaling sa akin ang kanilang atensiyon.

“HENERAL GUEVARRA, SINASABI KO NA NGA BA’T MAYROON KA PA RING MALASAKIT SA IYONG MGA NASASAKUPAN!”
mahigpit akong niyakap ni Jose at umaktong umiiyak.

Bumuntong hininga ako at tinanggal ang braso niyang nakalingkis sa akin. Kung si Stella ang gumagambala sa tahimik kong buhay sa pampang, si Jose naman rito sa gitna ng dagat. Palibahasa’y mas bata ito ng tatlong taon kumpara sa akin kung kaya’t ganito siya umasta.

“Limampung piso?! Hindi makatarungan ang buwis na ganoon kalaki,”
reklamo ni Mang Romolo. Sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang galit sa kaniyang bawat salita.

“Mas pinili nilang pamunuan ng isang malaking buwaya kaya’t sila rin ang nagsisisi,”
dagdag pa ni Jose.

“Sa wari ko’y marami na tayong nahuling isda. Ako muna’y sisisid upang maiahon ang lambat,”
pag-iiba ko ng usapan.

Nang tumango silang dalawa ay hinubad ko ang pang-itaas kong kasuotan at sumisid sa malalim na dagat. Habang inaahon ko ang mga nahuling isda ay hindi mawaglit sa aking isipan ang kasalukuyang sinasapit ng San Fernando. Noong nabubuhay pa ang aking ama ay ninais na ni Don Gerardo na mapasakamay niya ang pagiging punong heneral. Bilang kawani ng katipunan ay hindi nakapagtatakang siya ang inihalal ng aming mga kababayan upang maging aking kapalit.

Tanghali na nang makarating kami sa pamilihang bayan. Katulad ng mga nagdaang araw ay naririto muli ang ilang sundalong Espanyol upang magmasid gayon rin ang ilan sa aking mga sundalo noon na pinapanatili ang payapang pakikipagkalakalan.

“Hener– G-ginoo, naipagbili na po ni Mang Romolo ang nahuling mga isda. Hindi ka po ba bibili ng mga tela para kila Nena?”
tanong ni Jose.

Umiling ako,
“Hindi na, Jose.”

“Huwag po kayong mag-alala. Paniguradong kahit mamukhaan kayo ng ating mga kababayan rito ay hindi nila kayo pagsasalitaan nang masama. Kayo po kaya ang pinakamabuting punong heneral na kilala ko,”
pambobola niya.

Magmula noong tumira kami sa isla ay hindi na ako tumapak pa sa lungsod. Hindi dahil takot ako sa aking mga kababayan, ngunit dahil labis kong ikinahihiya ang aking sarili. Pakiramdam ko’y hindi ko nagampanang maayos ang aking tungkulin na siyang pinangako ko sa namayapa kong ama.

Malalim akong nag-iisip nang mayroong sumbrerong nagtakip sa aking ulo. Narito na pala si Mang Romolo. Umupo ito sa bangka at inilapag ang isang sako ng bigas. Maya-maya pa’y inabutan ako nito ng ilang salapi at sinabing hindi raw kami aalis sa pamilihan hangga’t walang telang panahi na ako mismo ang bumili.

Pangkaraniwan lamang ang aking kasuotan. Isa itong kulay kapeng damit na mahaba ang manggas, pantalon na aking tinupi hanggang tuhod, at ang sumbrerong pang-saka. Nakayuko akong sumunod kay Jose sa loob ng pamilihang bayan.

“Sa loob ng tatlong buwan ay marami na ang nagbago rito. Ang ilan sa mga nagtitinda na walang pambayad ng buwis ay minabuti na lamang na magsaka o mangisda…”
maraming sinasabi si Jose habang naglalakad at dahil na rin sa mga mamimili ay hindi ko na narinig ang mga dulo niyang sinabi.

Patuloy ito sa paglalakad at pagsasalita. Ako nama’y nawili nang mapunta kami sa parte ng pamilihan kung saan makakabili ng mga palamuti at mga alahas. Tumigil lamang si Jose nang marating namin ang isang malaking tindahan na may iba’t-ibang makukulay na tela.

“Dito po bumibili ng telang panahi ang inyong ina, Ginoo. Ako po muna’y bibili ng pagkain habang kayo po’y namimili,”
paalam ni Jose.

Hindi pa man ako nakakasagot ay kumaripas na ito ng takbo. Humugot ako nang malalim na hininga bago pumasok roon. Aking nadatnan ang ilang magkasintahan na may magagarang kasuotan. Bukod kasi sa mga tela ay mayroon din silang binibentang mga baro’t saya na walang dudang mamahalin ang presyo.

“Magandang tanghali sa iyo, Ginoo. Maari ko bang malaman ang iyong nais bilhin?”
tanong ng ginang na wari ko’y ang may-ari ng pamilihang ito.

Iginala ko ang aking mata sa mga telang naroroon,
“Nais ko pong bumili ng mga telang pang-tahi.”

“Ganoon ba? Ano bang mga kulay ng tela ang iyong naiibigan?”
nakangiting sambit ng matanda.

Napakamot ako ng ulo,
“Kahit ano pong kulay. Tatlong yarda po sana bawat kulay.”

Tumango naman ang matanda bilang pagsang-ayon bago ito pumili ng mga tela. Tinanggal ko ang suot na sumbrero upang mas masilayan ang mga nag-gagandahang kasuotan doon. Noong naninirahan ako sa mansyon ay ganito ang mga kasuotan na lagi kong sinusuot. Nakita ko rin doon ang isang kulay berdeng uniporme na kaparehas ng suot ng
ginoo
. Nang mapansing madumi ang aking kamay ay minabuti ko na lamang ang lumayo rito.

“Nasaan na kaya si Jose?”
mahina kong sambit sa kawalan at sinabayan iyon ng kaba nang tawagin ng matanda ang hindi inaasahang mamimili sa aking likuran.

“Heneral Vicencio, mabuti at pumasyal ka! Narito na ang unipormeng ipinagawa mo sa akin,”
maligayang bati ng matanda at nilagpasan ako upang salubungin ang lalaking pilit kong kinalimutan.

-Terrorious

×××

KABANATA 31: Tulong

“Ang totoo niya’y ihahatid ko sana ang iyong uniporme sa inyong mansyon,”
dagdag pa ng matanda. Bakas sa tono ng boses nito ang paggiliw.

“Naku, huwag na po! Nakakahiya na nga pong nagpatahi ako inyo sa dami ng inyong gawain rito sa pamilihan,”
wika ng heneral.

Habang abala ang dalawa sa pag-uusap ay nakahanap ako ng tiyempo na lumapit sa mga kasuotan roon. Sinuot kong muli ang aking sumbrero at nagkunwaring naghahanap ng baro. Hindi pa man ako nagtatagal roon ay narinig ko na ang dahan-dahang paghakbang na papalapit sa aking direksiyon.

Nang lumabas mula sa silid-sukatan ang isang binibini ay basta na lamang akong kumuha ng kahit anong damit at ikinulong ang sarili roon. Naghahabol ako ng aking hininga na para bang galing ako sa karera.

“Bakit ba siya naparito? Bakit ngayon pa?!”
sigaw ng aking isip.

Sa aking harapan ang isang malaking salamin at daig ko pa ang nakakita ng multo kahit hindi ko pa naman siya nasisilayan. Kahit hindi siya tawaging Heneral Vicencio ng matanda ay malalaman kong siya nga iyong tunay. Sa kaniyang malalim na boses at ang bilis nang tibok ng puso ko noon kapag siya’y papalapit.

Hindi ko dapat ito nararamdaman.
 

Bumaling ang aking tingin sa kahoy na dingding nang may kumatok rito galing sa kabilang silid-sukatan.

“Ginoo, inyong pong ipagpaumanhin ngunit ang kasuotan na iyong napili ay para sa akin. Iyan ang unipormeng ipinatahi ko rito kay Ginang Sonya,”
ang boses iyon ay mula kay Heneral Vicencio.

Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong ang hawak ko ay ang kulay berde niyang uniporme. Maging ang kaniyang pangalan ay nakatahi sa kanang dibdib nito.

Javier Vicencio

“Ginoo, ikaw ba’y… nariyan pa sa loob?”
tanong ni Heneral Vicencio at muling kumatok.

Pilit akong umubo nang malakas, umaasang magbabago ang aking tinig upang hindi niya ito matunugan.

“P-pasensiya na po. Heto po ang inyong uniporme,”
mahina kong sambit at inilusot ang uniporme sa uwang ng dingding patungo sa kaniya.

“Gracias,”
pasasalamat niya.

Dali-dali akong lumabas ng silid-sukatan nang marinig kong sinusukat niya na ang kaniyang uniporme. Bumungad sa akin ang matandang babae hawak ang nakasupot na mga tela. Ibinigay ko sa kaniya ang salaping pambayad kapalit nito at mabilis na lumabas sa pamilihan. Sakto namang naroon si Jose kaya’t hindi na ako naghintay pa.

“Mang Romolo, tayo na po’t bumalik sa isla!”
naghihingalo kong wika nang makabalik kami ni Jose sa bangka.

Hindi naman nagtanong pa si Mang Romolo. Tinanggal niya ang pagkakatali ng bangka at nagsimulang magsagwan pabalik sa isla. Matapos ang mahigit isang oras ay nakarating na kami sa pampang. Sinalubong kami nina Nena at Stella na mukhang kakatapos lamang maglabada.

“Kuya, maligayang pagbabalik!”
bati ni Stella.

Iniabot ko sa kaniya ang nakasupot na rolyo ng mga tela at binati siya pabalik. Mabuti at nakabili ng mga mais si Jose sa pamilihan kaya’t kahit papaano ay mayroon kaming pasalubong para sa kanila.

Nakahanda na ang pagkain sa lapag ng aming kubo nang pumasok ako roon. Marami mang pumapasok sa aking isip ay hindi ako tumanggi nang hainan ako ni ina. Sadyang maliit ang kubo na aming tinitirahan dahilan para mag-umpugan ang aming mga siko. Gayunpaman, ang araw-araw naming salo-salo ang nakapagpapawala ng aking pagod sa maghapong pangingisda.

“Anak, mayroon kang bisita,”
wika ni ina. Tumigil naman ako agad sa pagbabasa ng aklat ng panitikan.

Maya-maya pa’y pumasok ng kubo si Binibining Juana. Nakasuot ito ng pang-karaniwang kasuotan katulad noong nagdaang linggo nang bumisita ito sa akin. Nagmano ito kay ina bilang pagrespeto at umupo sa aking tabi. Nang senyasan ko ang aking kapatid na si Stella na bigyan ng inumin ang aming bisita ay agaran naman itong sumunod. Lumabas rin silang dalawa ni ina sa kubo upang bigyan kami ni Binibining Juana ng espasiyo.

“Totoo nga ang ating prediksiyon, Ginoo. Nakipagkasundo nga ang aking ama’t-ina sa mga Espanyol at maaaring ginamit lamang nila si N-nena upang mapatalsik ka sa iyong puwesto bilang Punong Heneral,”
pag-amin ni Binibining Juana.

Para bang may apoy sa aking puso na ngayo’y sumiklab pagkatapos kong marinig iyon,
“Saan at p-paano mo ito nalaman, Binibini?”

“Nalaman ko lamang ito noong Miyerkules, tatlong araw na ang nakakalipas. Malalim na ang gabi noon nang bumisita sa aming mansyon sina Donya Isabella at ang kaniyang anak na punong heneral ng mga Espanyol na si Heneral Vicencio. Palihim ang pagbisitang ito at narinig kong pinag-uusapan nila ang tungkol sa planong pag-angkin sa lupain ng mga maralita. Kailangan nating gumawa ng aksiyon, Ginoo,”
bakas sa kaniyang boses ang labis na pangangamba.

Ako nama’y tila naubusan ng sasabihin, pilit pinoproseso ng aking utak ang mga impormasiyong nalaman. Bukod kay Binibining Juana ay wala ng ibang taga-lungsod ang nakakaalam kung nasaan ako kasalukuyang naninirahan. Tandang-tanda ko pa noon kung paano ako nakiusap na bigyan ng medisinang nagpagaling sa aking ina para lamang sikretong iabot kay Paz na siya ring nagpagaling kay Heneral Vicencio. Ngayong napag-alaman kong kasapi siya nina Don Gerardo ay kumirot ang aking puso.

Iniisip ko kung plinano niya ba talaga ang lahat mula sa una naming pagkikita.

“Ginoo?”
ikinaway ni Binibining Juana ang kaniyang kamay, tapat ng aking mukha upang kuhain ang aking atensiyon.

Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata,
“Binibining Juana, ako’y labis na nagpapasalamat sa balitang iyong inihatid subalit… hindi ba ito makakasama sa iyo? Batid kong mayroon kang busilak na kalooban at nais mo ring tulungan ang ating kapwa pilipino ngunit si Don Gerardo na punong heneral ngayon ay siya ring

ama

mo.”

“Tama ka, ginoo. Ang katotohanang siya ang aking ama ang hindi ko lubusang matanggap. B-buong buhay ko’y hindi ako kailanman tumanggi sa kaniyang kagustuhan. Noong nagtungo ako ng Amerika upang mag-aral at mapalayo sa iyo ay siya rin ang may kagustuhan nito,”
naging emosiyunal ang binibini.

Walang pag-aalinlangan ko siyang niyakap. Ang bawat salitang kaniyang binitawan ay parang kay tagal niyang kinimkim at sa loob nang maraming taon ay ngayon niya lamang ito naipahayag. Batid kong sakim ang kaniyang ama at gagawin nito ang lahat mapanatili lamang nito ang kaniyang posisyon… kahit pa saktan ang damdamin ng kaniyang nag-iisang anak.

Sa gitna ng mga hikbi ng binibini ay muli itong nagsalita,
“G-ginoo, k-kailangan mo akong iligtas. Kasabay nang pagbalik ni Binibining Leonor sa Espanya ay sinabi ni ama na ipapakasal niya ako sa isang Espanyol. M-malakas ang kutob kong ang lalaking ipapakasal sa akin ay si… Heneral Vicencio.”

-Terrorious

×××

KABANATA 32: Gumamela

“Anak, maayos bang nakauwi si Binibining Juana?”
tanong ni ina.

Lumingon ako sa kaniya at tumango,
“Opo, ina. Inihatid namin siya ni Jose sa daungan malapit sa kanilang mansyon gamit ang bangka.”

Nang masagot ko ang kaniyang katanungan ay itinuon ko ang aking atensiyon sa mga tanim kong gumamela. Kung sa araw ay nasa gitna ako ng karagatan upang mangisda, sa gabi nama’y hindi nawawaglit sa aking isipan na tingnan ang aking tanim bago magpahinga.

“Batid mo bang ang mga gumamela ay sadyang maselang halaman, anak?”
nakasuot man ng kaniyang pang-tulog na kasuotan ay umupo pa rin si ina sa aking tabi.

“Po?”

“Sa ating mansyon sa San Fernando ay mayroon rin tayong tanim na gumamela. Subalit dahil tropikal ang temperatura roon, ay tila napakahirap itong mamulaklak. Naalala ko pa noon, hindi ka kailanman tumapak sa ating hardin ngunit nagbago iyon ilang buwan ang nakalipas bago tayo lumisan sa lungsod,”
banayad ang boses ni ina at kahit napakalamig nang simoy ng hangin buhat ng dagat na malapit ay para akong niyayakap.

“Naging malinaw lamang sa akin ang lahat nang masaksihan ko ang isang ginoong naglalagay ng pataba sa lupa ng mga tanim kong gumamela tuwing gabi matapos niyang pitasin ang ilan sa mga bulaklak nito. Ang unang pumasok sa isip ko noon ay… iaalay niya ang mga bulaklak ng gumamela sa kaniyang napupusuan, at hindi nga ako nagkamali. Noong gabi rin na iyon ay nakita ko ang ginoo na masugid na naghihintay na buksan mo ang bintana ng iyong silid at siya’y iyong puntahan. Malinaw pa sa aking isip noong iniabot sa iyo ang mga pinitas niyang mga bulaklak at sinabing…”

Palihim kong pinunasan ang aking luha gamit ang likod ng aking kamay nang tumulo ito at umiling,
“Ina, h-hindi ko na po sana gustong marinig ang kahit na ano tungkol sa ginoo.”

Hinawakan ni ina ang aking kamay at sinabing,
“Batid kong hanggang ngayon ay siya pa rin ang iyong iniibig, anak. Itanggi mo man ito nang paulit-ulit ay batid ng isang ina ang nilalaman ng puso ng kanilang anak.”

“I-ina…”

“Mabuti siyang tao… anak. Napakarami mang akusasiyon ang lumitaw tungkol sa kaniya ay naniniwala akong mahal ka rin niyang tunay kagaya ng pagmamahal ko sa iyo.”

Niyakap ko si ina nang napakahigpit habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Bukod sa katotohanang labis ang pag-aalala niya sa akin ay mas naantig ang aking puso sa kadahilanang hindi nagbago ang pagmamahal niya sa akin sa kabila ng kaniyang nalaman.

Kinabukasan ay maaga ulit kaming nangisda nina Mang Romolo at Jose. Hindi man marami ang aming nahuli dahil sa paparating na bagyo, ay sapat na ito. Marami naman kaming nahuling isda kahapon. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap ni ina ay napagpasiyahan kong ako na lamang ang mamimili ng kaniyang mga telang panahi. Nais ko rin kasing masaksihan ang mga pagbabagong nangyari magmula noong itinalaga si Don Gerardo bilang punong heneral. Bukod pa roon ay patago kong mamanmanan si Heneral Vicencio upang malaman ang tunay niyang pinaplano.

“Makisig na ginoo, ako’y natutuwang makita kang muli,”
bungad nang matandang may-ari ng pinagbibilhan ko ng tela. Kung tama ang pagkakarinig ko, ang pangalan niya’y Ginang Sonya.

Walang ibang tao roon kaya’t ako siguro ang tinawag niyang makisig na ginoo. Masaya akong pinapasok ni Ginang Sonya sa kaniyang tindahan at ipinakita ang makukulay niyang mga tela.

“Ginoo, ang mga naggagandahang tela na ito ay nanggaling pa sa Espanya. Kararating lamang nito kagabi at talagang hinintay ko ang iyong pagbabalik upang ipakita ito sa iyo,”
pagmamalaki ni Ginang Sonya.

“Tunay nga pong napakaganda ng mga telang iyan. Ngayon lamang po ako nakahawak ng telang ganito kadulas at mayroon na ring mga dekorasiyong nakatahi… subalit hindi po yata sapat ang aking salapi upang mabili ang ganitong klaseng mga tela. Bibilhin ko na lamang po ang mga telang nabili ko kahapon–”

Itinapat ng matanda ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi, senyales na itigil ko ang pagsasalita. Pumasok siya sa maliit na imbakan at inilabas pa ang ilang makukulay na mga tela.

“Huwag kayong mag-alala, ginoo. Ang lahat ng telang ito ay mabibili mo lamang sa halagang tatlong piso,”
aniya.

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Tatlong piso para sa mga telang nagmula pa sa ibang bansa, hindi ba’t sobrang mura naman yata noon? Base sa aking nahihinuha ay hindi ako tatantanan ni Ginang Sonya hangga’t hindi niya napagbibili sa akin ang mga telang ito kaya naman iyon ang aking ginawa. Sana’y mayroon pa siyang tubo kung ganoon kababang presiyo niya ipinagbibili ang mga telang may ganoong kagandang kalidad.

Hawak ang supot na naglalaman ng mga tela ay bumili ako ng tuyo sa malapit na tindahan. Mura lang kasi iyon at paborito ito ng aking kapatid na si Stella. Nakakatuwang pihikan siya noon sa pagkain kaya’t nagulat ako na naibigan niya ang tuyo kasabay ng piniritong kanin sa umaga.

“Atrapar al ladrón!”

(Hulihin ang magnanakaw!),
narinig kong sigaw ng isang armadong sundalong Espanyol.

Papalapit sa akin ang isang tumatakbong batang babae na sa wari ko’y nasa edad na tatlo. Sugatan ang bata at nakasaklob sa kaniyang maliliit na kamay ang mga butil ng bigas. Nang makita ako nito ay nagtago ito sa aking likuran.

“Eres cómplice de ese bastardo?!”

(Ikaw ba ay kasabwat ng hampaslupang iyan?!)
malakas na sigaw ng sundalong Espanyol sa akin.

Nakakapagtakang para bang walang naririnig o nakikita ang mga tao sa pamilihan. Lahat sila’y abala sa pamimili at pagtitinda. Sa kabilang banda, ang sundalong Espanyol na nasa aking tapat ay hindi ko maalala. Malamang ay bago lamang ito.

“¡Respóndeme!”

(Sumagot ka!)

Ramdam ko ang takot ng bata sa aking likuran nang hawakan nitong mahigpit ang laylayan ng aking pantalon. Sa pagkakataong ito ay nahulog na sa lupa ang mga bigas na ipinuslit niya.

“Esta niña es mi hermana. Me gustaría disculparme por lo que pasó. Pagaré por el grano de arroz que recibió,”

(Ang batang ito ay aking nakababatang kapatid. Ako’y humihingi ng tawad sa nangyari. Hayaan mong bayaran ko ang butil ng bigas na hindi niya nabayaran),
mahinahon kong wika.

“Tú hablas Español?”

(Marunong kang mag-Espanyol?)
hindi makapaniwalang tanong ng sundalo.

Imbes na sumagot ay kumuha ako sa aking bulsa ng limang pisong barya. Kung tutuusin ay katumbas na iyon ng dalawang salop ng bigas. Nang iabot ko iyon sa sundalong Espanyol ay lalo lamang itong nagalit. Kulang pa raw iyon sapagkat ang batang nasa aking likuran ay matagal nang magnanakaw.

Itinutok ng sundalo ang kaniyang baril sa akin. Tinitigan ko lamang ito sa mata at ang bata naman ay pinanatili kong nakatago sa aking likuran. Nakahanda na akong barilin ng sundalo nang mayroong boses na nagpatigil rito.

“Baja tu arma, Alvaro!”

(Ibaba mo ang iyong baril, Alvaro!)
utos ni Tristan.

-Terrorious

×××

Kaalaman tungkol sa presyo ng bigas noon:

Hanggang dekada-1980 ang bilihan ng bigas sa palengke ay sa “ganta” o “
salop
”. Halaw ang “ganta” sa India; ang “
salop
” ay salitang Malay. Katumbas nu’n ang halos dalawang kilo.

KABANATA 33: Pagkikita

May awtoridad ang boses at tindig ni Tristan mula sa malayo at para iyong umalingawngaw sa buong pamilihan. Ang sundalong nagngangalang Alvaro ay agarang sumunod at ibinaba ang kaniyang baril na kanina’y nakatutok sa akin.

Buong akala ko’y katapusan ko na!

Magkasalubong ang kilay ni Tristan habang siya’y papalapit. Ang kaniyang mga mata’y hindi umalis ang tingin sa akin. Ako nama’y yumuko at pilit itinatago ang aking mukha sa suot kong sumbrero na yari sa tambo.

“Ahora puedes volver a la mansión. Puedo tomarlo desde aquí,”

(Maari ka nang bumalik sa mansyon. Ako na ang bahala rito),
utos ni Tristan sa sundalo.

Tumalikod ako upang kargahin ang batang nagtatago sa aking likuran. Marahil ay dahil sa labis na takot ay niyakap ako nito at umiyak sa aking balikat. Hinaplos ko naman ang kaniyang likod upang siya’y pakalmahin.

“Huwag kang mag-alala. Hindi ka nila magagawang saktan habang ako’y naririto,”
bulong ko rito.

“H-huwag n-niyo po akong ibigay sa k-kanila. Hindi ko na po uulitin. N-nagawa ko lamang po iyon dahil nawalan ng pagkakakitaan ang aking mga magulang at… tatlong araw na po kaming walang makain,”
pag-amin niya.

“Nasaan ba ang iyong mga magulang at ihahatid kita sa inyo?”
sabi ko.

Napanatag ang kaniyang loob at hinayaan niya akong ihatid siya patungo sa kanilang tirahan. Gamit ang natitira kong salapi ay ipinagbili ko siya ng bigas na sa tingin ko’y aabot ng tatlong araw. Nang makarating kami sa kanilang tirahan ay bumungad sa aking ang maliit na kubo na yari sa pinagtagpi-tagping kahoy at dayami. Naroon ang kaniyang ama at ina na pawang may karamdaman. Ang kaniya namang nakatatandang kapatid ay lumuwas raw upang magsaka at pauwi na rin daw ito.

Ipinagtapat sa akin ng ama ng batang si Marina na dati silang mayroong puwesto sa pamilihan. Nagtitinda sila ng mga gulay subalit dahil sa napakataas na buwis ay nahirapan silang bayaran ito, dahilan para sapilitan silang paalisin roon.

“Magmula noong bumitiw ka sa iyong tungkulin bilang punong heneral at palitan ka ni Don Gerardo ay labis na naghirap ang mga tao rito,”
wika ng ama ni Marina.

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Nais kong pagaanin ang kaniyang kalooban subalit ano bang magagawa ko? Parehas lamang kaming maralitang maituturing ng pamahalaan.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nakiusap,
“Ginoong Guevarra, maari bang bumalik ka na sa iyong tungkulin? Marami kaming umaasang babalik ka upang kami’y iyong iligtas mula sa buwayang pinuno.”

Bakas sa kaniyang boses ang paghihinagpis. Patuloy ang pagtulo ng kaniyang mga luha at hindi niya binibitawan ang aking mga kamay. Hinihintay nito ang aking kasagutan.

Mariin akong pumikit at sumagot,
“Hindi ko po maipapangako iyan, subalit umasa po kayong gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Ako’y lubos na nalulungkot sa sinapit ng iyong pamilya gayon rin ng ating mga kababayan.”

Paglabas ko sa tahanan ng musmos na si Marina ay nagulat ako nang makitang naghihintay sa labas si Tristan. Katulad noon ay makisig pa rin ito. Bukod sa kulay tansong emblem na nakasabit sa kaniyang uniporme ay wala akong napansing kakaiba rito.

Itinapat nito ang palad sa kaniyang dibdib at yumuko,
“Ikinagagalak kitang makitang muli, Heneral Guevarra.”

“Tatlong buwan na akong bumitiw sa aking tungkulin, Tristan. Mas mapapanatag ang aking loob kung hindi mo ako tatawaging heneral,”
pakiusap ko.

Mabilis akong naglakad at humiling na sana’y maintindihan niyang nais ko nang umalis, subalit sinusundan ako nito. Dahil sa kaniyang sundalong kasuotan ay nagmistula akong makasalanang ihahatid sa aking kulungan.

Malapit na ako sa daungan bago ko napagdesisyunang harapin siya,
“May kailangan ka ba sa akin, Tristan?”

Itinaas nito ang dalawa niyang kamay sa ere at umaktong sumusuko,
“Wala po, Heneral– ang ibig kong sabihin ay wala po Ginoong Guevarra.”

“Bakit mo ako sinusundan?”
giit ko.

“H-hindi po kita sinusundan. Ang totoo po niya’y patungo rin ako sa… d-daungan upang bantayan ang magaganap na kalakalan mamaya,”
nabubulol niyang sagot.

Hindi ako kumbinsido sa kaniyang sagot kaya’t sinabihan ko siyang mauna sa paglalakad na agad ko ring pinagsisihan sapagkat daig pa nito ang pagong kung humakbang. Waring pinapakiramdaman ako nito mula sa kaniyang likuran.

Batid ba niyang tatakas ako kung makahanap ng tiyempo?

“Napansin ko ang hawak niyong supot, Ginoong Guevarra. Ano pala ang laman niyan?”
turo niya sa aking hawak.

Sinuri ko ang kaniyang mukha at nakangiti ito,
“Ang laman nito’y telang panahi. Nabili ko ito sa pamilihan sa halagang tatlong piso.”

Walang pasabi nitong inagaw ang supot ng tela at binuksan,
“Tatlong piso para sa naggagandahang tela na ito?! Nakakapagtakang mahal ang ganitong klase ng mga tela sa Espanya. Saan mo po ito nabili?”

Napakamot ako ng ulo at kinuha iyon sa kaniya,
“Hindi na iyon mahalaga. Ako’y uuwi na at umaasa akong hindi mo ipagsasabi sa kahit kaninong nakita mo ako.”

“Eso no puede pasar!”

(Hindi po maaari)
, kinakabahan niyang tugon.

“Bakit?”
nauubusan na ako ng pasensiya sa taong ito.

Napasapo ito sa kaniyang noo,
“A-ang ibig ko pong sabihin ay hindi maaaring umalis ka na lamang nang ganoon na lamang. Hindi mo po ba nais makita ang aming punong heneral? Hanggang ngayon ay hinahanap ka pa rin po niya.”

“Kung ano man ang namagitan sa amin ng iyong punong heneral ay matagal na itong nagwakas. Wala akong dahilan para siya’y aking kumustahin at makita,”
paglilinaw ko.

“Ngunit hindi iyan ang sinabi sa akin ni Heneral Vicencio. Nang magising ito mula sa pagkalason ay ikaw ang una niyang hinanap. Hindi rin po natuloy ang pinaplanong kasal nila ni Binibining Leonor dahil gawa-gawa lamang ni Donya Isabella na magkasintahan sila ng kaniyang anak. Ang totoo po ay hindi sila magkakilala,”
suplong ni Tristan na siyang aking ikinagulat.

Tinapik nito ang aking balikat at sinabing,
“Heneral Guevarra, ikaw lamang ang nakapagpasaya sa aming punong heneral. Simula noong pumanaw ang kaniyang ama ay hindi ko na ito nakitang ngumiti gaya ng ngiting ibinigay niya sa iyo. Sa loob ng tatlong buwan ay bumalik ito sa dating siya. Pilit ang mga ngiti nito at bakas sa kaniyang kilos ang pangungulila.”

“N-nasaan siya?”
nanginginig ang aking boses at pinipilit ko ang aking sarili na huwag umiyak.

“Naghihintay po siya sa inyong tagpuan gabi-gabi, Heneral Guevarra.”

Hindi ko alam ang dapat kong asahan sa aking narinig. Maging ang aking magiging reaksiyon kapag kami’y muling magkita ng
ginoo
o kung ano ang una kong sasabihin sa kaniya. Nakita ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo patungo sa aming tagpuan. Bawat hakbang ay kasing-bigat ng aking damdamin at waring ang langit ay naghihinagpis sa tagal naming hindi nagkita nang bumuhos ang kay lakas na ulan.

Nang marating ko ang Batis ng Kasarinlan ay naghahabol ako ng aking hininga. Madilim ang paligid at tanging ang bilog na buwan sa langit ang nagsisilbing liwanag roon. Mula sa aking kinatatayuan ay natanaw ko ang isang lalaki na nakaupo sa tapat ng lawa. Hawak nito ang isang gumamela at hindi nito alintana ang ulan. Ang sabi nila’y sa Batis ng Kasarinlan mo matatagpuan ang kapayapaan subalit ang ginoong aking nasasaksihan ngayon ay labis na nagdaramdam.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at narinig ang kaniyang dalangin.

“Aking… sinta, hanggang ngayon ay labis pa rin akong nasasaktan sa iyong paglisan. Kung ang tunay na pagmamahal ay katumbas nang matagal na paghihintay ay nakahanda akong maghintay pa. Ngunit sa isang saglit, maari bang magpakita ka sa akin? Nais ko lamang masigurong ligtas ka at umasa kang hindi kita guguluhin kung iyon ang iyong ibig,”
nakatulala at malayo ang tingin ng ginoo. Hindi nito napansing nasa likuran niya na ako.

Marahan kong hinawakan ang kaniyang balikat kaya’t napaigtad ito. Mabilis itong tumayo at itinutok sa akin ang baril sa pag-aakalang isa akong kalaban. Pagkagulat, pangungulila, at pag-asa ang ipinahihiwatig sa akin ng kaniyang ekspresiyon.

Sapagkat napakadilim ng paligid at tanging buwan ang nagbibigay ng liwanag ay para bang siya lamang ang aking nakikita. Matagal itong walang malay at iyon marahil ang dahilan kung bakit mas tumangkad ito sa akin. May kahabaan na rin ang kaniyang buhok. Ang mga bughaw niyang mga mata na ngayon man ay lumuluha ay kay ganda pa ring pagmasdan. Bumagay sa kaniyang aristokratong mukha ang balbas sa kaniyang panga at sa baba.

Marahil ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita kaya’t para itong na-estatwa. Kaagad niya rin namang ibinaba ang baril at mariing hinawakan ang aking palapulsuhan upang hilahin ako palapit sa kaniya. Napaawang ang aking labi nang ako’y kaniyang yakapin.

“H-hindi ako… m-makahinga,”
literal na nauubusan ako ng hangin sa higpit nang kaniyang yakap.

Niluwagan naman niya iyon subalit nakalingkis pa rin sa aking katawan ang malalaki niyang braso at dahil mas tumangkad ito, ay kinailangan niyang yumuko nang kaunti para sa akin.

Ginoo

, hindi pa rin po ako makahinga,”
paos kong bulong.

Napahawak ako sa aking dibdib at kumuha agad ng hangin nang pakawalan niya ako. Siya naman ay titig na titig sa akin na para bang inaaral ang aking buong mukha.

“Nahihirapan ka pa rin bang huminga?”
tanong niya at kinagat ang kaniyang ibabang labi.

Tumango ako bilang tugon at muli siyang nagsalita,
“Sana’y sinabi mo sa akin kaagad, aking sinta.”

Pinoproseso pa lamang ng aking utak ang kaniyang sinabi at sa isang iglap ay naramdaman ko na lamang ang kaniyang labing nakadikit sa akin. Bumaba ang kaniyang kamay patungo sa aking baywang at ekspertong binigyan ako ng hangin gamit ang kaniyang bibig.

-Terrorious

×××

KABANATA 34: Hatid

“Napakalakas ng ulan at delikado ang maglakbay lalo na’t malalim na ang gabi. Paano kaya kung dito ka na lamang sa aking kubo magpahinga, aking sinta?”
ani ginoo habang nakahawak ito sa manggas ng suot kong damit. Tila takot itong iwanan siya.

Iyan ang una niyang sinabi matapos ko siyang suntukin sa tiyan dahil ninakawan niya ako ng halik. Kasalukuyan kaming nakaupo sa silong ng kaniyang ipinatayong kubo rito sa tapat ng Batis ng Kasarinlan.

“Kailangan kong bumalik sa amin ngayon ring gabi dahil labis na mag-aalala si ina,”
tapat kong wika.

Sandali itong natulala at parang nag-iisip ng susunod niyang sasabihin,
“Kung gayon ay hayaan mo akong ihatid ka patungo sa inyong tahanan, aking sinta.”

“Hindi ko iyan pahihintulutan, ginoo. Tahimik ang lugar kung nasaan kami nananatili at ang mga tao roon ay malaki ang galit sa mga… Espanyol,”
nakatitig ako sa kaniyang mga mata habang sinasabi iyon.

Tumango ito at ngumuso na parang isang musmos na hindi nasunod ang gusto. Lumayo ito ng tingin sa akin, ngunit nanatiling nakakapit sa aking damit. Maya-maya pa’y umubo ito nang malakas. Marahil ay dahil lumaki itong marangya ang pamumuhay ay maselan ang katawan nito. Katulad noon ay kaunting ulan lamang ay nagkakasakit na ito.

Napakamot ako ng aking ulo,
“Dito lamang ako magpapalipas ng gabi, ngunit bago sumapit ang bukang liwayway ay aalis rin ako kaagad.”

Malaking ngiti ang iginawad sa akin ng ginoo at dali-daling tumayo. Humarap ito sa akin at inilahad ang kaniyang kaliwang kamay. Nang abutin ko iyon ay tinulungan niya akong tumayo. Hindi niya binitawan ang aking kamay hanggang sa makapasok kami sa kaniyang kubo.

Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang loob nito. Kung tutuusin ay hindi hamak na mas malawak at malaki ang kaniyang kubo kumpara sa amin. Lumabas ito mula sa kaniyang silid hawak ang tuwalya at dalawang pang-tulog na kasuotan. Iniabot niya sa akin ang isang pares at kinuha ang supot ng tela na aking hawak.

Pagkatapos ilapag ang supot ng tela sa lamesa ay hinawakan nito ang aking kamay at sinabing,
“Aking sinta, halika’t

sabay

tayong maglinis ng ating katawan at magpalit ng kasuotan sapagkat nabasa tayo ng ulan.”

Nagkukumahog kong iwinasiwas ko ang aking mga kamay at tumanggi,
“H-hindi na kailangan! Ang ibig kong sabihin ay… k-kaya ko nang maglinis ng aking katawan at magpalit ng kasuotan mag-isa.”

“Ngunit paano kung umalis kang muli at hindi mo na ako balikan?”
halata sa kaniyang tinig ang pag-aalala.

“Ang supot ng tela na aking dala ay para kay ina. Asahan mong hindi ako aalis nang hindi ko iyan kasama,”
turo ko sa supot ng tela na inilapag niya sa lamesa.

Hawak ang kasuotang kaniyang ipinahiram ay nagtungo ako kaniyang palikuran. Mabuti at may gaserang nakasabit sa dingding nito kung kaya’t maayos kong nakikita ang paligid. Nang matapos ay bumalik ako sa kubo at bumungad sa akin ang tulog na si Heneral Vicencio. Nakaupo ito sa kaniyang silya yakap ang supot ng tela na aking nabili sa pamilihan. Mabuti at nakapagpalit na rin ito ng kaniyang kasuotan.

“Ginoo,”
mahina kong tawag at inalog ang kaniyang balikat.

Hindi naman ito nagising kung kaya’t tinawag ko siyang muli nang mas malakas kumpara kanina, ngunit bigo ako. Inaapoy ito ng lagnat nang pakiramdaman ko ang kaniyang leeg.

“Paz, hangga’t nasa akin ang telang ito ay hindi ako magagawang iwan ng aking sinta,”
nagsalita ito kahit tulog nang subukan kong kuhanin ang supot ng telang mahigpit niyang yakap.

Sadyang malakas si Heneral Vicencio kaya’t hindi ko na sinubukan pa sa pangalawang pagkakataon na agawin iyon sa kaniya. Gayunpaman, nagawa kong maipasok ang ginoo sa kaniyang silid. Inilingkis ko ang kaniyang braso sa aking balikat at nang ibaba ko siya sa kaniyang tulugan ay maging ako ay nasama. Doon lamang niya binitiwan ang supot ng tela at ngayon ay ako naman ang yakap nito.

Bukod sa kaniyang paghinga na nararamdaman ko sa aking leeg ay naririnig ko ang bilis nang tibok ng aking puso. Tumigil na ang ulan sa labas subalit napakalamig ng hangin mula sa uwang ng kaniyang bintana. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang pagtawa nang ibaon niya ang kaniyang mukha sa aking leeg.

Nakalingkis ang kaniyang mga hita sa aking baywang, habang ang kaliwa nitong braso ay nakayap sa akin. Iyan ang aming kalagayan bago ko isara ang aking mga mata at tuluyan nang makatulog.

Kinabukasan ay nagising akong mayroong nakahandang kape at tinapay sa hapag-kainan. Nakapagtatakang wala ang ginoo sa paligid samantalang kagabi ay halos ayaw ako nitong pakawalan. Sumimsim ako ng kape at pinagmasdan ang payapang tanawin mula sa bintana ng kaniyang kubo. Nang maubos ang aking makakain ay isinuot kong muli ang kasuotang pinatuyo ko kagabi.

“Aking sinta!”
malayo pa lamang ay narinig ko na ang pagtawag ni Heneral Vicencio.

Lumabas ako ng kaniyang kubo sapagkat handa na rin akong umalis. Nang mapansin kong hindi nakasuot ng kaniyang uniporme at maloko itong nakangisi ay tinitigan ko ito nang masama. Hindi naman ito nagpatinag at nagawa pa akong patakan ng halik sa aking kanang pisngi.

“Hayaan mong ihatid kita sa inyong tirahan, aking sinta,”
hindi iyon isang kahilingan, mas para iyong utos.

Pinagkrus ko ang aking braso,
“At sinong nagpapayag sa iyo?”

“Huh? Aking sinta, hindi ba’t sa iyo na mismo nanggaling na ang mga taong naninirahan sa kung saan ka man nakatira ay galit sa mga Espanyol? Tingnan mong maigi ang aking itsura. Hindi ba’t mukha na rin akong isang pilipino?”
umikot pa ang ginoo upang ipakita ang buo niyang kasuotan.

Nakasuot siya ng puting damit na may kuwelyo sa may bandang leeg. Hapit na hapit iyon sa kaniyang matipunong katawan. Kulay kape naman ang kaniyang pantalon, at maging ang kaniyang pang-saka na sumbrero ay sa tingin ko’y nabili pa niya sa pamilihan.

Hinawakan ko ang kaniyang mukha na siyang kaniyang ikinagulat at sinabing,
“Ginoo, labis kong ikinatutuwa na nais mo akong ihatid sa amin subalit kapag mamataan tayo ng iyong mga sundalo at ipaalam ito sa iyong ina, ay hindi makabubuti sa ating dalawa.”

Nilapat niya ang kaniyang mga kamay na ngayo’y nakahawak sa kaniyang mukha. Taimtim niya akong tinitigan at kahit anong pilit kong iwaksi ay hindi ko maitatanggi ang katotohanang ang bughaw niyang mga mata ang siya pa ring aking kahinaan. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Ako nama’y pumikit nang mariin at pinapakiramdaman ang susunod niyang gagawin.

“Huwag kang mag-alala, aking sinta. Ang aking mga sundalo ay abala sa pagpupulong kaya’t makakaasa kang hindi nila tayo makikita,”
paos niyang wika na ibinulong niya sa aking tainga.

“G-ganoon ba?”
minulat ko ang aking mga mata at napalunok.

Mapagbiro nitong itinaas-baba ang kaniyang kilay,
“Ganoon na nga, aking sinta. Maari mo na bang pangunahan ang daan patungo sa iyong tirahan?”

Upang matapos na ang aming diskusiyon ay nagsimula na akong maglakad. Walang dudang naging maganda ang gising at wala na itong sakit sapagkat nagagawa pa nitong sumipol habang nasunod sa aking likuran.

Ano na lamang kaya ang magiging reaksiyon ni ina kapag nakita niyang kasama ko ang punong heneral ng Espanya matapos akong hindi umuwi ng isang gabi?

Terrorious

×××

KABANATA 35: Pamamanhikan

Matapos ang mahabang paglalakad ay narating na namin ng ginoo ang pamilihan. Totoo nga ang kaniyang sinabing ang kaniyang mga sundalo ay nagpupulong sapagkat wala ang mga ito sa paligid. Nakakatuwang pagmasdan ang mga mamimili na malayang nakikipagkalakalan.

“Ginoo, kailangan nating sumakay riyan upang marating ang aming tirahan,”
turo ko sa aking bangka na nakatali sa daungan.

Humawak ito sa kaniyang baba at malalim na nag-isip. Nakatutok ang kaniyang mga mata sa maliit na bangka kung saan kami sasakay. Malamang ay nag-aalangan itong sumakay roon sapagkat ang mga pag-aari niyang bangka ay hindi hamak na mas malalaki kumpara dito.

Maya-maya pa’y nauna na itong sumakay at magiliw na inilahad ang kamay sa akin upang tulungan akong makasakay. Habang abala ako sa pagtatanggal ng pagkakatali ng aking bangka, ang ginoo naman ay pawang pinapakiramdaman ang bangka. Sa palagay ko’y natatakot itong mahulog sa karagatan.

“Bulaklak! Bumili na po kayo ng bulaklak!”
pag-aalok ng isang batang lalaking malapit sa amin.

Bukod sa kaniya ay malaya ring nakakapagtinda ang ilang taong walang puwesto sa pamilihan sa pamamagitan ng paglalatag ng malapad na dahon o tela sa lupa. Doon nila inilalagay ang kanilang mga paninda katulad ng gulay, prutas, at mga palamuti.

“Magkano iyang lahat?”
ang boses na iyon ay galing kay Heneral Vicencio.

Hinanap ko ito sa bangka ngunit wala na ito. Sa isang iglap ay nasa tapat na siya ng batang nagtitinda ng iba’t-ibang klaseng bulaklak. Pinagmamasdan ko lamang siya mula sa aking bangka.

“Ang lahat po ng bulaklak na ito ay nagkakahalaga ng humigit kumulang limang piso, sapagkat tumaas ang presiyo nito sa nagdaang bagyo,”
sagot ng bata.

Humugot ang ginoo ng akala ko’y salapi sa bulsa ng kaniyang pantalon. Nang inilabas nito ang isang pilak at akmang iaabot ito sa bata ay nagkukumahog akong lumapit.

“Ito na ang bayad ng ginoo. Maraming salamat,”
wika ko at iniabot ang limang piso.

Nakangiting tumango ang bata,
“Maraming salamat rin po inyo, mga nagkikisigang ginoo. Nawa’y magustuhan ng inyong mga iniibig ang mga bulaklak na iyan.”

Nagulat ako nang iabot sa akin ni Heneral Vicencio ang tatlong tangkay ng bulaklak ng gumamela,
“Nagustuhan mo ba ang bulaklak na iyan, aking sinta?”

Nakamamatay na tingin ang iginawad ko sa Heneral ng Espanya, ngunit binigyan lamang ako nito nang matamis na ngiti. Ang bata naman na pinagbilhan namin ng mga bulaklak ay para bang na-estatuwa sa narinig. Tumango-tango ito at sinabing mabuhay raw kami nang matagal sa piling ng isa’t-isa bago lumisan.

“Alam mo bang ang isang pilak ay nagkakahalaga nang walong real? Katumbas ito ng walumpung piso, Javier,”
may diin ang bawat salitang aking binitawan habang nagsasagwan.

Nasa kalagitnaan na kami ng karagatan at mula pa kanina’y pinagsasabihan ko ang heneral. Nakayuko itong nagsasagwan at hindi ko mawari kung ako ba’y kaniyang pinakikinggan.

“Alam ko… aking sinta. Subalit bukod sa mga pilak ay wala akong dalang salapi,”
halos bulong niyang sagot.

“Kung wala ako roon ay hindi ka magdadalawang-isip na gamiting pambayad ang pilak, tama ba ako?”

“Tama ka, aking sinta. Dahil sa nagdaang bagyo ay nais kong tulungan ang batang iyon kahit sa maliit na paraan,”
kampante niyang sagot.

“Ang ibig mo bang sabihin ay binili mo lamang ang mga bulaklak upang makatulong?”
tanong ko ulit.

Itinigil nito ang pagsasagwan at hinawakan ang aking kanang kamay. Maya-maya pa’y dinampian niya ng halik ang likod nito.

“Aking sinta, ang mga bulaklak na aking binili ay para sa iyo… lalo na ang mga gumamela. Oo, nais kong makatulong sa aking sariling paraan subalit ang pinakamahalaga sa akin ay walang iba kung hindi ikaw,”
buong puso niyang pahayag.

Kung kaming dalawa’y naglalaban sa isang debate ay aaminin ko na ang aking pagkatalo. Ang heneral na ito ay sadyang maingat sumagot at kapag wala ng lusot ay gagamitan ka nang matamis niyang mga salita.

Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa dalampasigan ay nasisilayan ko na si ina. Bukod sa kaniya ay naroon rin sina Mang Romolo at Jose na naghahanda sa pangingisda. May ilan ring mga naninirahan roon na nagtatampisaw sa dagat.

Sumikat na ang araw kaya marahil ay hindi ako maaninag ni ina mula sa kaniyang kinatatayuan, ngunit nang malapit na ang bangka sa pampang ay sinalubong ako nito. Pagkababa ko sa bangka ay agaran ako nitong niyakap at sinabing labis siyang nag-alala sa hindi ko pagbalik noong gabi.

Nang mapansing hindi ako mag-isang bumalik sa isla ay tila nabagabag ito. Kinuha iyong tiyempo ni Heneral Vicencio upang bumaba sa bangka at magmano sa aking ina.

“Kasing-ganda po kayo ng umaga, Donya Florencia. Para sa inyo po ang mga bulaklak na ito,”
nakayuko niyang iniabot ang mga rosas na kaniyang dala.

Kung gayon ay ang gumamela ay sa akin, samantalang ang pulang rosas ay para sa aking ina. Ang ilan pang mga uri ng bulaklak gaya ng sampaguita ay para raw sa aking kapatid na si Stella, at ang santan naman ay para kay Nena.

“Maraming salamat sa iyong papuri at sa mga… bulaklak na ito, Heneral,”
yakap ni ina ang mga iyon at tinapik ang balikat ng ginoo.

“Javier na lamang po ang itawag niyo sa akin,”
lumapit ito sa aking ina at bumulong,
“Batid ko pong malaki ang galit ng ilang naninirahan rito sa mga Espanyol.”

Tumawa ang aking ina sa narinig,
“Mas mapapanatag rin ako kung hindi mo na ako tatawaging Donya, Javier.”

“Masusunod po…

ina

,”
mabilis nitong sagot, dahilan para magulat kaming dalawa ni ina.

“Tsk! Tsk! Tsk! Tiyak na mas maiibigan ni Tiya Florencia ang bigas kaysa sa mga bulaklak na iyong dala, ginoo,”
naka-krus ang mga braso ni Jose at nagpaikot-ikot kay Heneral Vicencio na tila isa itong bisor.

“G-ganoon po ba, ina? Nais niyo po bang padalhan ko kayo rito ng maraming bigas?”
tanong ni Heneral Vicencio sa aking ina.

Hindi naman kaagad nakasagot si ina nang muling magsalita si Jose,
“Sa islang ito ay hindi po kami tumatanggap ng kahit na ano ng walang kabayaran. Nagkakaroon lamang po kami ng bigas at iba pang pagkain sa pamamagitan ng pangingisda.”

Napahawak si Heneral Guevarra sa kaniyang baba at malalim na nag-isip. Matalim namang tinitigan ni ina si Jose, senyales na itigil na nito ang pagsasalita.

“Pagpasensiyahan mo na ang mapagbirong si Jose, Javier. Nais lamang niyang makasama ka namin sa pangingisda,”
paglilinaw ni Mang Romolo.

“Ah, ganoon po ba?”
pailalim na tumingin sa akin si Heneral Vicencio, tila gusto nitong kumpirmahin kung tama ang kaniyang narinig.

“Kung ako sayo’y magpapakitang gilas ako kay Tiya Florencia, ginoo. Isa iyong susi sa matagumpay na pamamanhika–”
tinakpan ko ang ilong at bibig ni Jose bago pa niya matapos ang kaniyang sasabihin.

“Siguraduhin ninyong matibay ang ating bangka sapagkat pupunuin natin ito ng mga isda ngayong araw,”
taas-noong pagmamayabang ng ginoo na siyang aking ikinabahala.

Terrorious

×××

KABANATA 36: Katapat

“Ginoo, hindi kaya’y takot sa iyo ang mga isda kaya hanggang ngayon ay kaunti pa lamang ang ating nahuhuli?”
nakayukong bulalas ni Jose habang pinagmamasdan ang repleksiyon ng lambat sa ilalim ng bangka.

“Marahil ay maging ang mga isda ay nahihiya sa taglay kong kakisigan kaya’t hindi nagpapahuli ang mga ito,”
walang pag-aalinlangan niyang sagot.

Hindi naman nagpatalo si Jose,
“Hindi ba dapat ay lumapit ang mga isda kung tunay silang nabibighani sa iyong kakisigan, ginoo?”

“Sadyang bata ka pa para lubusang maunawaan ang wagas na pag-ibig. Kung tunay kang nabibighani sa isang tao ay mahihiya kang lumapit rito,”
pagbabahagi ng heneral.

“Kung gayon ay bakit ka napadpad sa islang ito, ginoo? Kung tunay kang nabibighani sa iyong iniibig ay hindi ba dapat ay… mahihiya kang lumapit rito?

Ibig sabihin ba nito’y hindi ka wagas na umiibig?”
tiningnan ako ni Jose.

“Nakahanap rin siya ngayon ng kaniyang katapat,”
bulong ko sa kawalan at ngumiting palihim.

“Ano ang iyong sinabi, aking sin–”

Bago pa matapos ni Heneral Vicencio ang nais nitong itanong ay inunahan ko na ito ng sagot,
“Ang dahilan kung bakit mahina ang huli ng mga mangisngisda ngayon ay dahil sa nagdaang bagyo. Hindi dahil nahihiya ang mga isda dahil sa taglay mong kakisigan, Ginoong Javier.”

“Mabuti pa’t iangat na natin ang lambat at ang iba pa nating mga nahuling isda. Pumunta na rin tayo agad sa pamilihan upang makauwi ka na rin sa bayan, Javier,”
ani Mang Romolo.

Ang kaninang hindi maalis na ngiti sa mukha ng ginoo ay unti-unting naglaho. Kahit pa nais niyang manatili ay hindi maaari sapagkat malaki ang kaniyang gampanin bilang punong heneral. Malakas ang kutob kong pinaghahanap na ito ngayon.

Sadyang kakaunti lamang ang nahuli ng iba pang mangingisda nang makarating kami sa daungan ng pamilihan. Matapos iyong maubos ay nagpaalam na ako kay Heneral Vicencio. Noong una’y nagpupumilit pa itong kinabukasan na lamang siyang bumalik, subalit napapayag ko ito nang mangako akong hindi pa ito ang huli naming pagkikita.

Habang naglalakad ito palayo sa akin ay para bang kumikirot ang aking puso sa hindi malamang dahilan. Sa tuwing lumilingon ito pabalik sa aming direksyon ay pilit kong ipinapaskil ang ngiti sa aking labi. Para bang nais ng aking mga paa na sundan ko siya ngunit pinipigilan ako ng aking isip.

“Ryannel, halika na’t bumalik na tayo sa isla. Sigurado akong naghihintay ang iyong ina’t kapatid,”
sabi ni Mang Romolo na nasa aking likuran.

Bumalik ako sa bangka upang maghanda ng umuwi. Abala si Jose sa pagtatanggal ng tali ng aming bangka, habang si Mang Romolo ay isinasaayos ang lambat at mga panghuli ng isda. Nagsisimula na kaming mamangka nang may narinig akong boses mula sa malayo.

“Aking sinta!”

Nagkukumahog akong bumaba ng bangka at kahit na nabasa ang laylayan ng aking pantalon sa tubig ay hindi ko na iyon binigyang pansin. Ang mahalaga sa akin ay ang lalaking tumatakbo pabalik sa akin.

Naghahabol ng hininga itong tumigil sa aking tapat. Tumutulo rin ang pawis sa kaniyang noo gawa ng init ng araw at labis na pagtakbo. Maya-maya pa’y inabot nito sa akin ang isang supot ng mga tela na may iba’t-ibang kulay.

“Ang mga telang iyan ay galing kay Ginang Sonya na siyang iyong binabalik-balikan rito sa San Fernando. Nais kong ibigay mo iyan sa iyong ina at umaasang hindi man ako nagbebenta ng mga tela ay babalik ka rin sa akin,

mahal ko

,”
hinawakan niya ang dalawa kong kamay na tila ba siya’y nakikiusap.

Nakayuko akong tumango. Taimtim kong pinagmamasdan ang magkahawak naming mga kamay. Tumingin ako sa kaniyang mga mata at akmang bibitiw ng salita nang aking mapansin ang paparating na sundalong nagpapatakbo ng kalesa.

Ang sundalong iyon ay walang iba kung hindi si Paz. Sinabi nitong kailangan ng bumalik ni Heneral Vicencio sa mansyon upang magsanay.

“Hanggang sa susunod nating pagkikita, ginoo,”
iyan ang huli kong sinabi bago ito sumama kay Paz pauwi sa mansyon.

Nagsimula rin kaming umuwi patungo sa isla. Tahimik ang aming naging paglalakbay at kahit si Jose na hindi matigil ang kaniyang bibig sa pagsasalita ay walang imik. Nang tuluyan na kaming makabalik ay palubog na ang araw sa kanluran. Namataan ko naman si Stella na nakikipag-usap kay Binibining Juana o mas angkop na sabihing
nakikipagtigasan
ito.

“Sinabi ko na sa iyo, ang aking kuya ay hindi pa nakakauwi mula sa pangingisda. Mahirap bang paniwalaan iyon, Binibining Juana?”
sarkastikong ani Stella habang ito’y naglalaga ng mais sa bakuran.

Lumapit naman rito si Binibining Juana,
“Sa tagal ko ng bumibisita kay Ginoong Ryannel ay ngayon lamang siya inabot nang ganito katagal sa pangingisda. P-paano kung nakita siya ng mga Espanyol?”

Hinarap ni Stella si Binibining Juana at matalim itong tinitigan,
“Kung makita ang aking kapatid ng mga Espanyol ay nakasisiguro akong hindi siya nito sasaktan. Ang totoo nga niya’y mas dapat siyang mag-ingat sa mga kapwa niya pilipino na nagbabalatkayong mabuti subalit mayroon naman palang masamang hangarin.”

“Anong sinabi mo?”
bahagyang tumaas ang boses ng binibini.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Stella,
“Binibining Juana, hindi ko alam kung paano mo kami natunton sa islang ito at ano ang tunay na dahilan nang patuloy mong pagbisita sa aking kapatid, ngunit kapag dumating ang araw at mapatunayan kong ika’y nagbabalatkayo rin ay asahan mong hindi ako mananahimik sa isang tabi.”

Mula noong mga bata pa lamang ay hindi na magkasundo ang aking kapatid at si Binibining Juana. Malinaw pa sa aking alaala ang mga panahong tutol ang aking kapatid noong ipinagtapat ko ritong naiibigan ko ang naturang binibini. Sinabi pa nito na katulad ng mga magulang nitong sina Don at Donya Gerardo ay sakim rin ito sa kapangyarihan at handa nitong hamakin ang lahat makamtan lamang iyon.

“Paumanhin sa inasal ng aking kapatid. Hayaan mo’t pagsasabihan ko siya,”
wika ko at inabutan si Binibining Juana ng mainit na mais.

“Huwag na, ginoo. Naiintindihan ko kung bakit nasabi iyon ni Binibining Stella. Kung ako’y nasa kaniyang posisiyon ay ganoon rin ang aking iisipin,”
tugon niya.

Nakaupo kami ngayon sa isang troso na nakatapat sa dagat. Hinahayaan kong damahin ng aking nakayapak na mga paa ang alon at puting buhangin. Nang muling magsalita ang binibini ay itinuon ko sa kaniya ang aking atensiyon.

“Ang kaarawan ng aking ama ay gaganapin sa hardin ng aming mansyon dalawang araw mula ngayon. Naririto ako upang imbitahan kayong pumunta.”

“Binibini, sa tingin ko ay hindi iyan magandang ideya. Kung hindi ako isang punong heneral noon ay tiyak akong hindi nito nais makita ang aking presensiya,”
mahina akong tumawa.

“Kailangan mong pumunta,”
mariin niyang wika.
“Sa kaniyang mismong kaarawan niya ipapaalam sa buong San Fernando ang nalalapit kong kasal.”

-Terrorious

×××

KABANATA 37: Ismael

“Tinyente Ismael, nariyan ka ba sa loob?”
ako’y nagtatawag mula sa kaniyang maliit na bakuran, umaasang nasa loob siya ng kaniyang tirahan.

Lumapit sa akin ang isang ginang na may hawak na bilao ng mga gulay. Tiyak na patungo ito sa pamilihan.

“Naku, ginoo! Si Tinyente Ismael ay maagang nagtungo sa kapitolyo. Araw kasi ngayon ng pagsamba,”
saad nito.

“Marami pong salamat. Maghihintay na lamang po ako sa kaniyang pagbabalik rito sa kaniyang bakuran kung maaari…”
paalam ko sa ginang.

Pumayag naman ang ginang na sa tingin ko’y nakatira lamang malapit rito. Hindi pa sumisikat ang araw ay nagpaalam na ako kay ina na ako’y may kikitain sa bayan. Nang malaman kong nalalapit na ang kaarawan ni Don Gerardo, na siyang dahilan ng pagkalugmok na aking mga kapwa pilipino ay kailangan ko nang gumawa ng aksiyon.

Bukod kay Tinyente Ismael ay wala akong pinagkakatiwalaan sa mga natitirang sangay ng katipunan. Siya ay tapat na kaibigan at kahalili ko noong ako’y punong heneral pa ng San Fernando. Mas matanda lamang ito sa akin ng isang taon at marahil ay isa iyon sa dahilan kung kaya’t magaan ang aking loob at tiwala sa kaniya.

Marahil ay abala ito sa kaniyang tungkulin dahilan para hindi na nito maalagaan ang ilan niyang mga tanim. Habang naghihintay sa kaniya ay minabuti ko na lamang na diligan ang mga iyon at pitasin ang natuyong mga dahon.

“Sino ka at ano ang iyong ginagawa rito?”
ang malalim na tono na iyon ay nagmula sa aking likuran.

Kumapit ako sa aking mga tuhod at tumayo. Hindi nga ako nagkamali dahil ang boses na iyon ay galing kay Tinyente Ismael. Nakasuot ito ng kaniyang puting sumbrero, kulay berdeng uniporme, at sapatos na pandigma. Umawang ang labi nito nang makita ako.

Tinangka ko siyang kamayan subalit imbes na tanggapin iyon ay binigyan niya ako nang mahigpit na yakap,
“Salamat sa diyos at dininig niya ang aking panalangin! Buong akala ko’y hindi na kita muli pang makikita, Ryannel.”

“Natutuwa rin akong makita ka, Tinyente,”
sagot ko at kumawala sa kaniyang yakap.

Hinaplos nito ang likurang bahagi ng kaniyang leeg at ngumiti. Hindi man lang nagbago ang maamo nitong mukha. Halata mang pagod sa mga gawain sa pamahalaan ay hindi ko pa ito nakitang bumusangot o dumaing kahit minsan.

Inanyayahan ako nitong pumasok sa kaniyang tirahan at naroon ko nakita ang aking mga mukha na kaniyang iginuhit. Nang tanungin ko siya tungkol roon ay sinabi nitong gamit niya ang mga iyon sa paghahanap sa akin. Nahagilap na raw niya ang buong San Fernando at mga karatig isla subalit bigo siyang mahanap ako.

“Ryannel, saksi ako sa kung paano ka ipinagbitiw sa tungkulin ng ating mga kababayan. Kung ako ang nasa iyong posisiyon ay hindi ko na nanaisin pang sila’y paglingkuran, subalit kailangan ka nila. Kailangan ka namin,”
wika nito.

“Ang totoo niyan ay naparito ako dahil kailangan ko ng iyong tulong, Tinyente. Sa tatlong buwan kong pagtatago ay batid ko ang mga kaganapan rito sa San Fernando. Magmula sa pagtaas ng buwis, pagpapaalis sa mga may-ari ng pamilihan na walang maipambayad, at maging ang mga lupaing pangsaka na ipinagbili sa mga Espanyol.”

“Sabihin mo sa akin kung paano kita matutulungan, Ryannel?”
seryoso itong nagtanong.

Malalim akong nag-isip,
“Noong ako pa’y kasapi ng katipunan ay nagpresinta si Don Gerardo na siya ang magtabi ng ilang mahahalagang dokumento tungkol sa pakikipagkalakalan. Malakas ang kutob kong kasama ng mga dokumentong iyon ang mga ebidensiya na siya’y kasapi ng mga Espanyol at siya ang salarin sa paghihirap ng mga pilipino.”

“At ang mga dokumentong iyon ay…”

“Ang mga dokumentong iyon ay nakatago sa loob ng mansyon ng mga Gerardo,”
pagtapos ko sa kaniyang nais sabihin.

Napagkasunduan namin ni Tinyente Ismael na isagawa ang aming plano pagsapit ng gabi. Tila umaayon sa amin ang tadhana nang sabihin ni Tinyente na magaganap ang pagpupulong ng mga kawani ng katipunan sa mansyon ng mga Gerardo mamaya ring gabi.

Hindi ko namalayan ang paglubog ng araw sa dami naming natalakay ni Tinyente Ismael. Nagprisenta akong magluto ng aming tanghalian at dahil naparami ito ay iyon na rin ang pinagsaluhan namin ngayong gabi bago ito naunang umalis.

Bukod sa itim na telang ipangtatakip ko sa aking mukha ay wala na akong ibang dala noong nagtungo ako sa mansyon ng mga Gerardo. Madali akong nakaakyat sa tarangkahan dahil walang bantay sa paligid. Maingat ang aking bawat galaw sapagkat kaunting kaluskos lamang ay hindi ko na maisasakatuparan ang aking pinaplano.

Mayroong tatlong palapag ang mansyon ng mga Gerardo. Sigurado akong wala sa unang palapag ang aking hinahanap dahil naroroon ang tanggapan nila ng mga bisita. Nasa pangalawang palapag naman ang mga silid-tulugan samantalang hindi pa ako nakakatuntong sa kanilang huling palapag kahit noong ako’y musmos pa at sa mansyon nila ako madalas naglalaro kasama si Binibining Juana.

”… hindi nalang ang punong heneral ng Espanya,”
napatigil ako sa paghinga nang makarinig ng tinig.

Kasalukuyan akong nasa ikalawang palapag at nasa loob ng isang makulay na silid-tulugan. Kung magkasamang natutulog ang mag-asawang Gerardo ay tiyak akong ito ang kanilang silid. Nakita ko pa lamang ang mga makukulay na abanikong nakasalansan sa lamesa ay batid akong kay Donya Gerardo ang mga iyon.

Maingat kong binuksan ang lagayan ng mga damit at nagtago roon nang pumasok sa silid ang dalawang katuwang. Waring may hinahanap ang mga ito at nag-uusap sa mahinang paraan.

“Ngunit hindi natin maitatangging ang lalaking ipapakasal sa ating binibini ay sadyang napakakisig,”
ani ng babaeng may kulot na buhok.

“Huwag kang maingay at baka marinig ka ng ginoo. Nariyan lamang siya sa ibaba kausap ng ating binibini,”
sagot naman ng kasama nito.

Para akong nabunutan ng tinik nang lumabas ng silid ang mga ito matapos ayusin ang higaan. Kung tama ang aking pagkakarinig ay narito rin sa mansyon si Heneral Vicencio.

Kailangan ko nang umalis!

Hangga’t maaari ay nais kong si Tinyente Ismael muna ang makaalam ng pinaplano kong paghihimagsik laban kay Don Gerardo. Kapag nalaman niyang naririto ako ay tiyak na tatanungin nito ang aking sadya at kung batid ko ang tungkol sa plano nilang kasal ni Binibining Juana.

Bukod sa ilang papeles ay wala akong ibang nakitang kakaiba sa silid na iyon. Ang napagkasunduan namin ni Tinyente Ismael na sampung minuto lamang ako magtatagal sa loob ng mansyon ng mga Gerardo ay umabot na sa kalahating oras nang hindi ko namamalayan. Dali-dali kong binuksan ang bintana sa likod-bahay mula sa ikalawang palapag upang doon tumangkang lumabas.

Hindi ako nag-aksaya pa ng panahon at tumalon mula roon nang aking marinig ang mga mabibigat na hakbang papasok ng silid. Halos mapasigaw ako sa kirot sapagkat mali ang aking naging pagbagsak. Pakiramdam ko’y nabali ang aking kaliwang paa sa taas ng aking pinanggalingan. Upang tignang maigi ang kalagayan ng aking paa ay tinanggal ko ang telang nagtatakip sa aking mukha. Akmang hahawakan ko iyon nang may pamilyar na boses akong narinig malapit sa akin.

“Kung alam ko lamang na pupunta ka rito ay sana’y ipinaalam mo sa akin,

aking sinta

. Hindi ka sana nahulog at nasaktan sapagkat handa kitang saluhin,”
pinunit nito ang laylayan ng kaniyang damit upang balutin ang parte ng aking paa na namamanhid na ngayon sa sakit.

Tumingin ako sa kaniyang mga mata at nang magtama ang aming mga tingin ay mabilis akong yumuko. Kinuha niya ang mga papeles na mahigpit kong hawak at sa isang iglap ay buhat niya na ako sa kaniyang likuran. Niyakap ko naman ang kaniyang leeg sa takot na ako’y mahulog muli. Hindi ko na naisipan pang tumanggi sa kaniyang binigay na tulong dahil sa kondisyon ng aking paa.

Hindi pa man kami nakakalayo sa mansyon ng mga Gerardo ay namataan ko na si Tinyente Ismael na naghihintay sa daan. Si Heneral Vicencio naman ay tila walang pakialam at patuloy lang sa paglalakad habang buhat ako. Bago pa namin tuluyang malampasan si Tinyente Ismael ay tumayo na ito sa aming tapat upang harangin ang daan.

“Heneral Vicencio, hindi po makakabuti kung mayroong makakita sa inyong kasama si Ryannel,”
matapang na wika ni Tinyente Ismael.

Umigting ang panga ni Heneral Vicencio sa narinig,
“R-Ryannel? Sino ka para tawagin ang aking sinta sa kaniyang pangalan?”

“Ginoo, maraming salamat sa iyong tulong. Sa tingin ko’y mas makakabuti sa ating dalawa kung sasama ako kay Tinyente Ismael,”
pinilit kong bumaba mula sa kaniyang likuran ngunit pinigilan ako nito.

Sa huling pagkakataon ay sinubukang humakbang ng heneral pasulong subalit muli siyang hinarangan ni Tinyente Ismael,
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Ryannel? Sa kaniya na mismo nanggaling na akin siya sasama, Heneral. Huwag kang mabahala. Hindi ko siya hahayaang bumalik sa kaniyang tirahan lalo pa’t delikado at malalim na ang gabi.”

-Terrorious

×××

KABANATA 38: Imbakan🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

“Bakit mo ginawa iyon, Tinyente?”
tanong ko kay Tinyente Ismael. Kilala ang punong heneral ng Espanya sa taglay nitong kalupitan kaya’t nais kong malaman ang nag-udyok rito upang makipagtigasan.

Ibinaba nito ang maliit na palanggana na naglalaman ng mainit na tubig at tuwalya. Napakislot ako sa sakit nang tanggalin nito ang telang nakabalot sa aking kaliwang paa upang bigyan iyon ng paunang lunas.

Habang dinadampian ng mainit at basang tuwalya ang bukong-bukong ng aking paa ay sumagot ito,
“Ang alin, Ryannel? Ang pagharang ko sa heneral na siyang nararapat ko lamang gawin… o ang iuwi ka rito sa aking tahanan imbes na hayaan kang sumama sa kaniya?”

“A-ang lahat ng iyon. Sa pagkakakilala ko sa iyo noon ay batid kong hindi mo ito gagawin. Kung hindi ako pumagitna ay tiyak akong may isa sa inyong dalawa ang hindi na makakauwi ng buhay,”
seryoso kong saad ngunit nginitian lamang ako nito.

Napakapit ako sa sulok ng aking inuupuan nang mabilis nitong ilapit ang kaniyang mukha sa akin. Isang pulgada lamang ang pagitan namin sa isa’t-isa kung kaya’t malinaw sa aking paningin ang bawat detalye ng kaniyang mukha at ang ekspresiyon nito.

“Ryannel, ginawa ko lamang iyon para sa iyong ikabubuti. Isa pa, mas mapapanatag ang aking kalooban kapag narito ka,”
anito at lumayo nang kaunti upang magpatuloy sa pagdadampi ng mainit sa tubig sa aking paa.

“Oo nga pala, narito ang ilang papeles na aking natagpuan sa silid nina Don Gerardo,”
pag-iiba ko ng usapan.

Iniabot ko sa kaniya ang mga papeles na agad naman nitong binasa. Nakasulat man sa wikang Espanyol ang nilalaman nito ay nagawa pa rin namin itong maintindihan sapagkat parehas kaming may alam sa nasabing wika.

“Ang mga papeles na ito ay kasamiyento ng kasal ni Binibining Juana sa kastila. Sinasabi ritong sa araw na matuloy ang kasal ay mababahagian ang pamilyang Gerardo ng kayamanan kapalit ng pag-angkin ng mga Espanyol sa buong San Fernando,”
wika ni Tinyente Ismael.

“Hindi maaring matuloy ang kasal na ito. Siguradong maraming pilipino ang mag-aaklas sa oras na angkinin ng mga kastila ang ating bayan,”
mariin kong tugon.

“Subalit nakakapagtakang hindi nakasulat sa kasamiyentong ito ang kastilang ipapakasal kay Binibining Juana, Ryannel,”
binuklat ni Tinyente Ismael ang tatlong pahinang mga papeles upang tignan iyong maigi.

“Sadyang mapanlinlang ang mga Espanyol, Tinyente Ismael. Hindi sila papayag na gumawa ng isang kasunduan na hindi sila ang lubos na makikinabang.”

Tirik na ang araw noong ako’y magising kinabukasan. Nakakatuwang hindi na ganoon kasakit ang aking kaliwang paa. Sa kabilang banda ay hindi ko na naabutan ang pag-alis ni Tinyente Ismael na sa tingin ko’y nagtungo na sa katipunan. Hawak ang liham para kay ina ay nagtungo naman ako sa pamilihan upang bumili ng mga tela.

Napakamot ako ng ulo nang mamataang sarado ang tindahan ni Ginang Sonya na siyang pinagbibilhan ko ng mga tela. Nang tingnan ko ang paligid ay bukas naman ang mga katabi nitong tindahan. Akmang lalakad akong palayo nang bumukas ang pintuan ng tindahan na yari sa kahoy.

Kumatok ako roon at sinabing,
“Ginang Sonya, kayo po ba’y nariyan sa loob? Bibili po sana ako ng mga tela kung maaari.”

Wala mang sumagot sa akin ay batid kong mayroong tao sa loob sapagkat nakakarinig ako ng tila yapak ng sapatos. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto upang pasukin ang tindahan. Kung nakabukas lamang ang pinto ay iisipin kong mayroong nagtitinda rito dahil ang mga tela at mga mamahaling kasuotan ay nakasabit pa rin sa dingding.

Nang hawiin ko ang pulang tela na nagtatakip sa imbakan ay bumungad sa akin si Heneral Vicencio. Nakaupo ito sa isang malaking silya na ipinuwesto nito sa gitna. Nakasandal siya rito habang ang mga braso niya’y nakapatong sa magkabilang hawakan. Samantalang ang kanina ko pa naririnig na mga yapak ay galing pala sa kaniyang makinis na sapatos.

“Aking sinta, narito ka na pala. Kumusta ang iyong naging pahinga sa tirahan ng Tinyente?”
tanong ni Heneral Vicencio.

Hindi ko mabasa ang kaniyang pinapakitang ekspresiyon. Nakangiti ito sa akin subalit para itong galit. Gayunpaman ay sinagot ko pa rin ang tanong nito.

“Maayos naman ang aking naging pahinga, ginoo.”

Itinaas nito ang manggas ng suot niyang pormal na damit hanggang sumilay ang maugat at malaki nitong mga braso. Nang mapansing napatingin ako roon ay sinadya nitong humalukipkip.

“Ako, aking sinta? Hindi mo ba ako tatanungin kung kumusta ang aking naging pahinga?”
muli nitong tanong.

Huminga akong malalim bago ibalik ang tanong sa kaniya,
“Kumusta po ang inyong naging pahinga, ginoo?”

“Hindi ganoon kaayos, aking sinta,”
tumayo ito at lumapit sa akin.

Magkahalong kaba at takot ang aking nadarama sa bawat hakbang nito palapit dahilan upang humahakbang ako paurong. Nang mapasandal ako sa dingding ay batid kong wala na akong takas.

Hinawakan nito ang aking leeg sa maingat na paraan,
“N-naninibugho akong muli, aking sinta. Hindi ko inakalang mas pipiliin mong sumama sa tinyenteng iyon kaysa sa akin.”

“Ang aking ginawa ay para sa ikabubuti nating dalawa.”

“Hindi,”
hikahos niya.
“Hindi iyon nakabuti sa akin dahil buong gabi akong hindi nakatulog sa labis na pagdaramdam. B-bakit tinawag ka niyang Ryannel imbes na

ginoo

o

heneral

? Paano kung iniibig ka rin niya gaya ko. Paano kung iniibig mo rin siya–”

“Iniibig kita, Javier Vicencio,”
buong puso kong wika.
“Si Tinyente Ismael ay aking kaibigan lamang. Ang kaniyang ama at ang aking ama ay magkasamang namatay sa giyera mag-aapat na taon na ang nakalipas.”

“Kung gayon ay hindi mo siya iniibig, tama ba ako?”
idinikit nito ang kaniyang noo sa akin.

Umiling ako,
“Hindi ko siya iniibig gaya ng pag-ibig ko sa iyo, ginoo.”

Umawang ang aking labi nang mariin nitong hinalikan ang aking leeg. Napakapit ako sa kaniyang malapad na balikat at muntik nang sumigaw matapos niya iyong kagatin at patakan ng mga halik. Sigurado akong mag-iiwan iyon ng marka.

“G-ginoo, h-huwag po dito. P-paano po kung dumating si Ginang Sonya at marinig tayo sa labas?”
bulong ko.

Nakataas ang sulok ng labi ng heneral nang malagkit itong tumitig sa akin,
“Aking sinta, ang tindahan na ito ay akin samantalang si Ginang Sonya na aking tagapangalaga ay hindi ko pinapasok ngayon. Ngayon, kung hindi mo nais na marinig tayo sa labas ay tahimik nating paliligayahin ang isa’t-isa.”

Hindi pa man pinoproseso ng aking utak ang kaniyang mga sinabi ay marahas niyang pinunit ang suot kong damit pang-itaas. Nanggigil nitong sinunggaban ng halik ang aking lalagukan pababa sa aking dibdib. Upang pigilan ang aking sarili na gumawa ng ingay ay kinagat ko nang mariin ang aking labi.

Walang pagdadalawang-isip akong binuhat ni Heneral Vicencio nang sabihin ko ritong nasasaktan ang aking likuran gawa ng dingding na yari sa bato na aking sinasandalan. Hawak ang dalawa kong hita ay umupo itong muli sa kaniyang upuan. Sapagkat gutay-gutay na ang suot kong damit ay nakatambad na ang aking hubad na dibdib at balikat.

Itinapat ng ginoo ang aking mga kamay sa butones ng kaniyang damit at nagsabing,
“Nasa sa iyo kung nais mong maghiganti at punitin rin ang aking kasuotan, aking sinta.”

Pakiramdam ko’y namula ang buo kong mukha sa narinig. Marahan kong tinanggal ang pagkakabutones ng kaniyang damit at nang matagalan, ay siya na mismo ang nagtapos ng aking ginagawa. Hapit na hapit sa kaniyang matipunong katawan ang kaniyang damit kung kaya ay nahirapan pa itong tanggalin iyon. Dahil sa galit ay itinapon niya iyon nang malakas matapos iyong hubarin.

Nanlaki naman ang mata nito nang halikan ko siya sa labi habang ang aking mga kamay ay naglalakbay pababa sa kaniyang matigas na dibdib. Napakabilis ng tibok ng kaniyang puso at walang kasing-init ang kaniyang katawan. Para bang sabik na sabik ito gaya ng kaniyang pagkalalaki na aking nararamdaman sapagkat kasalukuyan akong nakaupo sa gitna ng kaniyang hita.

Itinigil nito ang halik at halos magulantang ako sa nais nitong aking gawin,
“Igiling mo ang iyong balakang hanggang sa maging handa na ang aking sandata, aking sinta.”

“G-ginoo?”
tumaas ang aking kilay sa narinig.

Nag-taingang kawali lamang si Heneral Vicencio at taas-noong inilagay ang dalawa niyang kamay sa likod ng kaniyang ulo. Hinihintay nito ang aking susunod na galaw. Sa takot na ako’y mahulog ay kumapit ako sa makikisig niyang braso bago ko simulan ang pangroromansa. Itinaas-baba ko ang aking balakang sa mahinang paraan at nang masanay ay iginiling ko iyon gaya ng kaniyang inuutos.

Ang tusong heneral naman ay napapapikit pa sa tuwing nauupuan ko ang malaking umbok sa gitna ng kaniyang pantalon. Nang hawakan nito ang aking balakang upang alalayan akong gumalaw sa kaniyang itaas ay hudyat na handa na ito. Mapang-akit ko siyang tinitigan nang bumaba ako mula sa pagkakapatong sa kaniya at lumuhod sa kaniyang harapan.

Gamit ang aking mga kamay ay hinaplos ko ang kaniyang mga hita at mas lalo iyong ibinuka. Malagkit ko siyang tinitigan nang dakmain ko ang naghuhumindig nitong pagkalalaki na gusto nang makawala sa loob ng kaniyang pantalon.

“A-aking sinta, nais na kitang angkinin,”
aniya at namumuo ang pawis nito sa kaniyang mukha.

Tumayo ako upang halikan ito muli,
“Ginoo, sa tingin ko’y nasa daungan na sila Jose. Ako muna’y aalis upang ipaabot ang liham para kay ina bago pa mahuli ang lahat.”

“Ha? A-anong sinabi mo?”
nagpumilit itong tumayo sa kaniyang silya subalit naitali ko ang kaniyang mga paa.

Kumuha na lamang ako ng kahit anong tela roon na ibibigay ko kay ina at isang damit pang-itaas na nakasabit sa dingding na siya namang aking susuotin. Bakas sa mukha ng ginoo na hindi nito nagustuhan ang aking ginawa.

“Ginoo, sapat na siguro sa ngayon ang pagpapaligaya ko sa iyo. Ang mga tela at ang damit ay hindi ko na babayaran. Asahan mong sa susunod nating pagkikita ay itutuloy ko ang aking sinimulan,”
pangako ko bago lumabas ng pamilihan at marinig ang pagsigaw ng kawawang heneral sa aking pangalan.

-Terrorious

×××

KABANATA 39: Alkalde

“Heneral Guevarra!”
tinawag ako ni Jose mula sa malayo habang ang mga kamay nito’y kumakaway pa sa ere nang makita ako.

Ang ilan namang mga mamimili ay napatingin sa aking direksiyon. Masama kong tiningnan si Jose kaya tinakpan nito ang kaniyang bibig. Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya’y pinunasan ko ang aking pawis. Simula kasi noong iniwan ko ang punong heneral ng mga Espanyol sa tindahan hanggang sa makarating ako sa daungan ay mabilis akong tumakbo. Kung tutuusin ay ilang dipa lamang ang layo nito subalit marahil ay naghalo-halo na ang aking nararamdaman na sinabayan pa ng init ng araw.

“Sinabi ko na sa iyong huwag mo na ako tawaging Heneral Guevarra, hindi ba?”
paalala ko.

Kumamot ito sa kaniyang ulo,
“Pasensiya na po, ginoo. Sadyang makakalimutin ako. Iniisip ko nga po na kapag dumating ang araw na italaga kang muli bilang punong heneral ay ginoo naman ang lagi kong itawag sa inyo.”

“Mas mainam sa akin iyon. Sa tagal ng ating pinagsamahan ay mas ikatutuwa ng aking puso kung tatawagin mo akong ginoo kaysa heneral,”
ani ko at iniabot ang liham at mga tela na para kay ina.

Sinubukan pa ngang basahin ni Jose ang liham ngunit pinigilan ko ito. Maya-maya pa’y namataan ko si Mang Romolo na agad rin akong kinamusta. Mas marami raw ang huli ngayong mga isda kumpara noong nakaraan na siya namang aking ikinatuwa.

“Hindi mo ba nais umuwi ngayong gabi, Ryannel? Maari naman kayong magsabay nina Stella at iyong ina bukas patungo sa mansyon ni Don Gerardo,”
suwestiyon ni Mang Romolo.

“Hindi na po, Mang Romolo. Hihingi po sana ako ng pabor na ihatid sila rito kasama si Nena bukas. Imbitado po ang buong San Fernando kaya’t lahat po tayo ay maaring dumalo,”
saad ko.

Lumapit sa akin si Jose at binigyan ako nang kuwestiyunableng tingin,
“Ginoo, sa palagay ko ay mas makakabuti sa iyong magpahinga sa inyong tirahan kaysa kay Tinyente Ismael. Marami po kayong mga kagat ng lamok lalo na sa iyong leeg. Teka, may ngipin po ba ang mga lamok–”

Tinakpan ni Mang Romolo ang bibig ni Jose at sapilitan itong pinasakay sa bangka,
“Mauuna na kami, Ryannel. Mag-iingat ka.”

Pilit akong ngumiti sapagkat kinakain na ako ng hiya sa aking kinatatayuan. Kinawayan ko sila Mang Romolo at Jose bilang paalam at nang tuluyan na itong mawala sa aking paningin ay napatakip ako ng aking mukha.

Nakahanda na sa hapag-kainan ang mainit na kanin at sinabawang isda na aking iniluto pagkarating ni Tinyente Ismael sa kaniyang tirahan nang lumubog ang araw. Kinuwento nito na mabusisi ang paghahanda sa mansyon ng mga Gerardo para sa kaarawan ng kanilang padre de pamilya. Si Donya Gerardo na kilala sa pagiging pihikan ay nagpatulong pa sa ilang kilalang ilustrador na maalam sa pagdidesenyo masiguro lamang na magiging engrande ang kanilang malawak na hardin.

“Ryannel, bago ko pa makalimutan. Ipinadala ko sa inyong isla ang mga kasuotang maaring suotin nina Donya Florencia para bukas. At ito naman ay para sa iyo,”
binigay sa akin ni Tinyente Ismael ang nakatuping barong at pantalon na wari ko’y mahal ang halaga. Kulay puti ang mga ito at may itim na mga disenyong nakaburda at mayroon ring pares ng sapatos.

“Naku! Hindi ko matatanggap ang mga ito, Tinyente,”
pagtanggi ko subalit hindi ito pumayag.

“Ryannel, ang tunay na basehan ng kapangyarihan ay ang iyong kasuotan. Iyan ang sinabi sa akin ng aking ama na hanggang ngayo’y nakatatak pa rin sa aking isipan,”
anito.

Nag-aalangan man ay tinanggap ko iyon ng buong puso. Kung sabagay, isang araw ko lang naman ito isusuot at pagkatapos labahan ay ibabalik ko rin sa kaniya agad.

“Ryannel, sapat na ba ang kasamiyento ng kasal ni Binibining Juana bilang ebidensiya o kailangan mo pa rin ang mga dokumento sa pangangalakal?”
tanong ni Tinyente nang panandalian akong matulala sa aking iniisip.

“Sa ngayon ay sapat na muna ang kasunduan ng kasal ng binibini. Sadyang delikado kung susubukan kong hanapin ang aking pakay bukas sa mismong kaarawan ni Don Gerardo sapagkat napakaraming tao ang dadalo,”
paliwanag ko.

Ang totoo niyan ay plano ko talagang pasukin ang pangatlong palapag ng mansyon ng mga Gerardo bukas. Abala ang lahat pati na rin ang kanilang mga katuwang kaya’t isa iyong magandang oportunidad. At kung sakaling mahuli ako ay mas mainam na walang alam si Tinyente Ismael.

Bago tuluyang lumubog ang araw kinabukasan ang simula ng pagdiriwang para sa kaarawan ni Don Gerardo sa kanilang mansyon. Nagkalat ang mga imbitasiyon na ipinaaabot ng mga sundalo sa mga naninirahan sa buong San Fernando. Nakabibingi ang mga instrumentong tumutugtog sa plaza at dahil malapit ang tirahan ni Tinyente Ismael sa bayan ay rinig na rinig ito.

“Sasabay ka ba sa akin, Ryannel?”
tanong ni Tinyente habang pinagmamasdan ang kaniyang sarili sa salamin.

Bumagay sa kaniya ang suot niyang kulay asul na baro. Nakakapanibagong tingnan ang tinyente dahil lagi itong nakasuot ng kaniyang uniporme. Ngayon ay mas lalong lumitaw ang kaniyang kakisigan at siguradong marami ang mabibighaning mga binibini.

Lumapit ako sa kaniya upang ayusin ang kuwelyo ng kaniyang damit,
“Hindi na, Tinyente. Dadaan ako kay Tandang Dante upang makahiram ng kalesa. Nais kong sunduin sila ina sa daungan.”

“Kung iyong mamarapatin ay maaring dalawa tayo ang magsundo sa kanila,”
bulong nito sa aking tainga.

Tinapik ko ang kaniyang mga balikat at tumanggi,
“Magsisimula na ang pagdiriwang maya-maya. Tiyak akong hahanapin ka ng mga kasapi ng katipunan kung hindi ka nila mamataan, Tinyente.”

“Ganoon ba? Kung gayon ay iabot mo na lamang ito kila Donya Florencia at Stella. Hihintayin ko ang inyong pagdating sa mansyon ng mga Gerardo,”
inilahad niya sa aking kamay ang dalawang palumpon ng rosas.

“Maraming salamat, Tinyente. Magugustuhan nila ang mga ito,”
saad ko.

Nang makaalis si Tinyente Ismael ay nagtungo naman ako Tandang Dante. Suwerteng naabutan ko ito sa kaniyang bukid na nagtatanim ng mga palay. Nang mamataan ako nito ay nagkamustahan muna kami bago ako nanghiram ng kalesa. Si Tandang Dante ay isa sa mga mayayamang tao na nakatira sa San Fernando. Bukod sa napakalawak na ektarya nitong lupa ay marami rin siyang mga kabayo. Ang aking kabayo na kasama ko noong ako’y isa pang punong heneral ay siya rin ang nagbigay.

“Ina! Stella!”
pagkuha ko sa kanilang atensiyon nang bumaba sila sa bangka.

Matamis na ngiti at yakap ang iginawad sa akin ni ina paglapit sa akin nito. Napaka-elegente niyang tignan sa suot niyang kulay asul na filipiniana. Suot rin nito ang hikaw at kuwintas na regalo sa kaniya ni ama noong sila’y ikinasal. Sa kabilang banda ay may ilang mga kalalakihan na nais makipagkilala kay Stella. Umangat ang kagandahan nito sa suot niyang puting baro’t saya. May nakaburda roong mga bulaklak at mga paro-paro na talaga namang nakakapukaw pansin.

“Nakakabighani ang ganda ninyong dalawa,”
papuri ko at ibinigay ang kumpol ng mga bulaklak na inihabilin ni Tinyente Ismael.

“Lakasan mo ang iyong boses hanggang sa marinig ng lahat ang iyong papuri, kuya,”
biro ni Stella.

“Bumagay rin sa iyo ang suot mong barong, anak,”
masayang tugon ni ina.

Binati ko rin sina Mang Romolo, Jose, at Nena na nakasuot rin ng naggagandahang kasuotan. Ang ilang mga nadaang tao ay hindi maiwasang magbulungan lalo pa’t akala nila’y itinakwil namin si Nena bilang katuwang matapos akong bumitiw sa aking tungkulin para sa kaniya.

Madilim na ang langit nang makarating kami sa mansyon ng mga Gerardo. Bukod sa dami ng mga taong dumalo ay naroroon ang aking mga sundalo na ngayon ay nasa pangangalaga na ng bagong punong heneral. Hindi nakapagtatakang makulay ang paligid sapagkat si Donya Gerardo ang nangasiwa ng lahat. Narito rin ang mga musikero na naririnig kong tumutugtog sa plaza buong maghapon. Marahil ay dahil tatlong buwan na ang nakakalipas simula noong huli kaming makita ng aming mga kababayan kaya hindi maalis sa amin ang tingin ng lahat.

“Donya Florencia, hayaan po ninyong ihatid ko kayo sa inyong lamesa,”
wika ni Tinyenre Ismael at nagmano kay ina at Mang Romolo.

Malugod kaming sumunod sa kaniya hanggang tumigil ito sa bakanteng lamesa sa bandang harapan. Pabilog at malaki ang lamesang ito at nakakatuwang batid nilang pupunta kaming buong mag-anak sapagkat sakto ang mga upuang nakareserba para sa amin.

“Ginang Florencia, hindi ko inaasahang makakapunta ka!”
ang napakatinis na tinig na iyon ay nanggaling kay Donya Gerardo.

Nagmistula itong reyna ng mga bulaklak sa kaniyang suot na filipiniana. Napakataas ng pagkakapusod ng kaniyang buhok at talaga namang pulang-pula ang kaniyang labi.

“Maligayang kaarawan sa iyong asawa, Donya Gerardo. Nawa’y magustuhan ng punong heneral ang aming munting handog,”
malumanay ang boses ng aking ina nang iabot ang regalo na nakabalot sa makulay na tela.

Imbes na tanggapin ay naghalukipkip ang Donya habang ang mga mata niya’y labis kung manghusga,
“Hindi tumatanggap ang aking asawa ng kahit anong handog na nagmula sa mga maralita. Mas gagaan ang aming kalooban kung ibibili niyo na lamang ng inyong pagkain ang nais ninyong ibigay.”

Akmang tatayo si Stella upang makipagtalo ngunit napigilan ko ito. Nabaling naman ang atensiyon ni Donya Gerardo nang pumasok ng tarangkahan ang karwahe nina Donya Isabella at Heneral Vicencio. Sapagkat may lahing kastila ay hindi na ako nagulat na kakaiba ang kasuotan ng mag-ina. Si Donya Isabella ay nakasuot ng Traje de Flamenca. Kilala iyon bilang pang-sayaw na kasuotan sa Espanya at maari ring suotin sa mga espesiyal na panahon. Samantalang si Heneral Vicencio naman ay nakasuot ng itim na Traje Corto. Kumpara sa barong pilipino ay mas hapit na hapit ang kasuotang ito sa kaniyang malapad na balikat at malalaking braso. Nang magtama ang aming tingin ay mabilis akong umiwas. Malaki ang pagkakasala ko sa kaniya noong huli kaming magkita.

“Magandang gabi po, Donya Florencia,”
nagulat ako nang isang iglap ay nakatayo na sa aming harapan sina Heneral Vicencio at si Tristan.

Nagmano ang dalawa sa aking ina at kay Mang Romolo at nangamusta. Kapansin-pansin ang hindi pagtugon ni Stella nang batiin ito ni Tristan. Hindi ko maiwasang mapaisip kung batid ni Tristan kung nasaan kami naroroon. Siya ang kanang-kamay ni Heneral Vicencio at kung totoo ngang ipinahanap niya kami ay siguradong napag-utusan niya noon si Tristan.

“Kuya, ako muna’y magpapahangin sa tarangkahan,”
paalam ni Stella. Ang kaniyang mga mata’y nangungusap.

“Binibining Stella,”
pagtawag ni Tristan nang nagkukumahog itong lumabas ng mansyon.

Nang humingi ng pahintulot si Tristan kay ina upang sundan si Stella ay pumayag si ito. Upang makasiguro ay hinabilin ko kay Jose na sundan ang dalawa. Kinakabahan ang aking puso dahil paulit-ulit na tumatatak sa aking isipan ang naninibughong ekspresiyon ng aking kapatid. Tumayo ako upang siya’y sundan ngunit napatigil nang magsalita si Don Gerardo na ngayon ay nakatayo sa magarang entablado.

“Magandang gabi sa inyong lahat. Hindi ko mailarawan ang aking kasiyahan sa inyong pagpunta sa aking kaarawan. Bukod sa selebrasiyon ng aking kaarawan ay hayaan niyong samantalahin ko ang pagkakataong ito upang ianunsiyo ang isang magandang balita. Ang aking nag-iisang anak na si Binibining Juana ay nalalapit na ang kasal,”
abot tainga ang ngiti ni Don Gerardo.

Hawak ang kamiseta ng suot niyang baro’t saya ay umakyat sa entablado ang marikit na si Binibining Juana kasama ang kaniyang ina. Buong akala ko’y labag sa kaniyang kalooban ang maikasal sa punong heneral ng Espanya ngunit masaya ito ngayon. Nagawa pa ako nitong ngitian nang magtagpo ang aming mga mata.

“Aking ipinapatawag sa entablado ring ito ang makisig at mapalad na ginoo na siyang makaka-isang dibdib ng aking anak,”
ani Don Gerardo.

Ang lahat ng bisita ay nagmamasid sa paligid, hinihintay tumayo ang ginoo na tinutukoy ni Don Gerardo. Nang makita kong nanatiling nakaupo sa kaniyang silya si Heneral Vicencio katabi ng kaniyang ina ay muli akong nakaramdam ng kaba. Maya-maya pa’y nakarinig ako ng mabibilis na hakbang mula sa likuran. Tumatakbo ang isang ginoo patungo sa entablado na nanggaling sa tarangkahan ng mansyon. Lumapit ito kay Binibining Juana at waring may ibinulong.

“Si Tristan Vélez na itinalagang

alkalde

ng gobernador heneral ng Espanya ang siyang ikakasal sa aking anak. Ang kasalang ito ang magbubuklod sa dalawang bansa upang mapanatili ang ating kapayapaan,”
pahayag ni Donya Gerardo.

-Terrorious

×××

KABANATA 40: Stella

Ang kabanatang ito ay inaalay kay Stella Corazon Guevarra.

Tandang-tanda ko pa ang sinabi sa akin ni ama noong siya ay nabubuhay pa. Na ang mga kababaihan
raw
ay mas maagang namumulat sa reyalidad ng buhay kumpara sa kalalakihan. Sa edad na labingwalo ay napatunayan kong hindi naaangkop ang kasabihang iyon sa kaniyang unica hija.

Lumaki akong nasusunod ang lahat ng gusto. Palibahasa’y mayroong marangyang buhay, bunsong anak, at pinakaiingatan ng kaniyang nakatatandang kapatid. Buong akala ko’y ang tunay na reyalidad ay aking naranasan noong pumanaw ang aking ama. O noong araw na ipinatawag ako ni ina sa kaniyang silid at sinabing,
“Stella, patawarin mo ako. Lahat ng aking makakaya ay aking ginawa subalit bigo akong itigil ang iyong nalalapit na kasal sa kastila.”

Lahat ng iyon ay hindi ko maituturing na reyalidad ng aking buhay na siyang magbibigay sa akin ng tunay na saya at pighati, sapagkat ang nagpamulat sa akin ng reyalidad ay walang iba kung hindi ikaw.

“Binibini, halika na’t bumalik na po tayo sa inyong mansyon. Mahigpit na ipinagbabawal ni Heneral Guevarra ang pagtakas ninyo nang walang kasamang magbabantay,”
bakas sa tono ng boses ni Nena ang pagkabalisa.

Itinigil ko ang pamimili ng mga sibat upang siya’y kausapin,
“Nena, ang salitang

takas

ay hindi mabubuo kung ako o ikaw ay magpapaalam. At saka narito ka para ako ay bantayan. Huwag kang mag-alala. Kaya kong iligtas ang aking sarili kahit ako pa’y nakapikit.”

Narito kami ngayon sa pamilihang bayan. Gaya ng sinabi ni Nena-ang magaling naming katuwang sa mansyon, ako ay tumakas sapagkat nais kong ibaling sa iba ang aking isip. Mabuti at napadpad ako dito sa bilihan ng mga armas pandigma. Mayroon ditong matatalas na kutsilyo, itak, at mga espada.

Umaayon talaga sa akin ang tadhana!

“Magandang araw po sa inyo. Alin po sa mga armas na inyong itinitinda ang kayang pumaslang sa lalaking hindi ko nais pakasalan?”
tanong ko sa matandang lalaki na sa tingin ko’y ang may-ari ng tindahang ito.

Napakamot ito ng kaniyang ulo,
“Binibini, hindi po magandang biro iyan. Bukod pa roon ay hindi po ako nagbebenta ng aking mga kalakal sa mga hindi kasapi ng militar.”

“Kung gayon ay sana hindi na po kayo nagbukas ng inyong tindahan,”
ang sabi ko sa aking isip at napairap.

“Mi señora, según lo que dijo, creo que el cuchillo Navaja es el que debe obtener.”

(Aking binibini, base sa iyong nabanggit ay sa tingin ko’y ang Navaja ang nararapat mong piliin)
, tugon ng isang mamimili na hindi ko namalayan na nasa aking tabi.

Isang makisig na ginoo ang aking nakita nang lumingon ako sa pinanggalingan ng malalim na boses. Sapagkat nakatagilid ang mukha nito’y malaya kong napagmasdan ang kaniyang itsura. Para bang nabusog ang aking mga mata sa kaniyang kulay kapeng mata ay kulay tsokolateng buhok. Sadyang nakakalula ang tangos ng kaniyang ilong. Samantalang maihahalintulad ko sa isang dugo ang kulay ng kaniyang manipis na labi. Ang pagkahumaling na aking nararamdaman ay naglahong parang bula nang bumaba ang aking tingin sa suot niyang uniporme.

Isa siyang sundalong Espanyol!

“Pasensiya na, binibini. Marahil ay hindi mo naunawaan ang aking sinabi. Hindi pa ganoon kalawak ang aking kaalaman sa wikang Filipino. Nais ko lamang imungkahi sa iyo ang kutsilyong ito na tinatawag na Nervaja.”

Ang tinutukoy niya ay ang maliit na kutsilyong kakaiba sa lahat dahil maari itong matupi. Ang sabi ng matandang nagtitinda ay nagmula pa ang nasabing armas sa Espanya. Kaya siguro iyon ang iminungkahi ng lalaking ito.

Nais niyang tangkilikin ang kanilang sariling gawa.

Kinuha ko ang kutsilyong Nervaja at pinagmasdan iyong maigi. Gamit ang aking hintuturong daliri ay hinaplos ko ang talim nito at nang dumugo ay senyales na matalim nga itong tunay. Subalit hindi pa ako nakuntento. Upang masigurong kaya nitong pumaslang ng isang kastila ay itinutok ko iyon sa sundalong Espanyol, dahilan para itaas nito ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko.

“B-binibini!”
sigaw ni Nena upang pigilan ako.

Gulong-gulo ang aking isip sa mga oras na iyon. Hindi ko lubusang maunawaan ang aking sarili sa kung bakit ko itinutok ang patalim sa sundalong Espanyol kahit hindi naman siya ang lalaking ipapakasal sa akin. Ang lahat ng mga tao sa pamilihan ay nakapalibot sa akin. Bagama’t nakasuot ako ng kasuwal na kasuotan ay maaaring makilala nilang ako si Stella Corazon Guevarra-ang anak ng yumaong si Don Guevarra at kapatid ng bagong punong heneral na si Ryannel Guevarra.

Siguradong magagalit sa akin si kuya!

Ang pagtutok ng patalim sa isang sundalong Espanyol ay may kaparusahang kamatayan kung ikaw ay isang sibilyan, hindi ba?

Tumutulo ang aking mga luha sa labis na takot at hindi ko maigalaw ang aking mga kamay. Nakatitig lamang ako sa sundalong nasa aking harapan. Nakatutok man sa kaniyang dibdib ang matalim na kutsilyo ay hindi nagbago ang kaniyang ekspresiyon. Nagawa pa nitong ngumiti na para bang batid niyang hindi ko magagawang siya’y saktan sapagkat nadala lamang ako ng aking emosiyon.

“Binibini, ganiyan nga. Ngayon ay susubukan kong agawin sa iyo ang nervaja at gawin mo ang lahat upang hindi ako magtagumpay… gaya ng ating napag-ensayuhan,”
bahagyang lumakas ang tinig ng sundalong Espanyol.

Nang marinig iyon ng ilang mamimiling saksi ay bumalik sila sa kanilang mga ginagawa. Habang naroroon ang aking atensiyon ay dahan-dahang lumapit ang ginoo upang tangkaing kunin ang patalim na aking hawak. Nahawakan niya ang aking kamay kaya ako napaigtad at hindi sinasadyang siya’y madaplisan sa kaniyang mukha. Napaawang ang aking labi nang maingat niyang nakuha ang nervaja na aking mahigpit na hawak at sa isang iglap ay yakap na ako nito mula sa aking likuran.

“A-ano sa tingin mo ang iyong gina-”
hindi ko nagawang tapusin ang aking sasabihin nang magsimulang pumatak sa lupa ang kaniyang dugo.

Nang lumingon ako sa kaniya upang makita ang kaniyang mukha ay mabilis nitong tinakpan ang aking mga mata. Sadyang napakalapit namin sa isa’t-isa kaya’t nadarama ko ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Marahil ay dahil iyon sa kasalanang aking ginawa. Gayunpaman, nagawa pa rin nitong ihabilin ako kay Nena at sinabing bumalik na kaming dalawa sa mansyon. Doon ko napagtantong kilala niya ako at malamang ay napag-utusan lamang siya ng kaniyang punong heneral na siyang ipapakasal sa akin upang ako’y manmanan.

“Ang iyong ginawa sa akin at ang dahilan ng paghahanap mo ng armas ay makakarating kay Heneral Vicencio kung susubukan mong lumingon sa akin, binibini,”
iyan ang huli niyang wika bago ako sumama kay Nena pabalik sa mansyon.

Ang mga araw bago ang nalalapit kong kasal ay iginugol ko sa pagtakas sa aming mansyon upang magtungo sa pamilihan. Nais ko lamang siyang masilayang muli. Nais kong makita kung gaano kalaki ang aking naging kasalanan at kung nag-iwan ba iyon ng marka sa kaniyang mukha. Umaraw man o umulan ay hindi naging alintana sa akin upang siya’y hanapin subalit tinanggap ko rin ang aking kabiguan nang mapagtantong hindi na ito magpapakita pa.

Ang lungkot na aking nadarama ay nabawasan nang sabihin ni kuya na napawalang bisa ang kasamiyento ng aking nalalapit na kasal. Kumalat ang balitang iyon sa San Fernando dahilan para muling magparamdam ang ilang binata na nahuhumaling sa akin. Palihim silang nagpapadala ng mga liham at samu’t saring bulaklak habang ang ila’y nangangahas pang mangharana sa labas ng mansyon tuwing nasa katipunan ang aking nakatatandang kapatid. Kung tutuusin ay makikisig rin ang mga ginoong nais akong maging kasintahan, subalit tila hindi ko magawang ituon sa kanila ang aking atensiyon.

Pilit ko mang itanggi ay hindi ko mababago ang katotohanang umiibig ako sa isang sundalong kastila na isang beses ko pa lamang nakita.

“Narito ako upang bumili ng armas. Ngayon ay gusto kong bilhin ang pinakamatalim na armas sa tindahang ito na kayang pumaslang sa punong heneral ng Espanya,”
bungad ko sa matandang pagbibilhan ko rin dapat noon ng nervaja.

Malakas ang aking kutob na sinasaktan ni Heneral Vicencio ang aking kapatid kapalit ng pagpapawalang bisa ng kasamiyento ng aming kasal. Palagi na lamang balisa si kuya sa tuwing uuwi ito sa aming mansyon matapos makipagkalakalan sa ginoong iyon. Kung hindi siya madadala sa pakiusap ay nararapat lamang na wakasan ko na ang kaniyang buhay!

“Binibini, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko pinagbibili ang mga armas na ito sa mga sibilyan,”
saad ng matanda at napabuntong hininga.

“Hindi mo po ba ako kilala! Ako si Stella Gueva-”

Nanlaki ang aking mga mata nang mayroong nagtakip ng aking bibig upang pigilan akong magsalita. Nalawayan ko pa iyon at nalasahan ang maalat niyang palad.


Pagpasensiyahan niyo na po ang

aking nobya

. Siya lamang ay nadala ng kaniyang damdamin sapagkat hindi ako nakauwi kagabi,”
pagsisinungaling ng lalaking may pamilyar na boses.

Tinignan ko ang kaniyang mukha at nang masigurong tama ang aking hinala ay palihim akong napangiti. Nag-iwan man ng marka ang aking nagawa sa kaniyang kaliwang kilay ay hindi nito nabawasan ang kaniyang kakisigan.

Pero sandali, tinawag niya ba akong nobya? Napakabilis naman yata.

Piningot ko ang tainga nito dahilan para mapakislot ito sa sakit,
“Kay tagal kong naghintay sa iyo dahil akala ko’y napaano ka na… Emilio?”

“T-tristan,”
pagtatama niya. Ang aking kamay ay nakapikot pa rin sa kaniyang namumulang tainga.

Tristan pala ang kaniyang pangalan. Bakit ba Emilio ang unang pumasok sa aking isipan?

“Tama, Tristan. Mangako kang hindi ka na muli pang magpapalipas ng gabi sa pag-eensayo!”
pananakot ko.

“Hindi na mauulit, Stella,”
sagot naman nito.

Tumango ako at siya’y pinakawalan. Para bang natunaw ang aking puso nang marinig siyang tawagin ako sa aking pangalan. Ngayon ko lamang napagtantong ang pangalang Stella pala ay napakagandang pakinggan.

“Kami na po’y mauuna na. Paumanhin po ulit,”
paalam ni Tristan sa matanda pagkatapos ay inalalayan ako nitong sumakay sa kaniyang kabayo at tinakpan ang aking mukha ng bandana.

“Kumapit kang maigi, Binibining Stella,”
habilin ng makisig na ginoo.

Sinunod ko naman ang sinabi nito at yumakap nang mahigpit sa kaniyang baywang. Nang magsimula siyang magpatakbo ay nawili naman akong siya’y lubusang kilalanin. Ang pangalan niya’y
Tristan Vélez
at siya ang kanang kamay ng punong heneral ng Espanya. Kasing-edad siya ng aking nakatatandang kapatid. Napag-utusan raw siya ni Heneral Vicencio na sundan ako hanggang sa araw ng aming kasal at nang tanungin ko ito kung bakit niya ako sinundan sa pamilihan ngayong wala ng bisa ang aming kasal ng kaniyang punong heneral ay natahimik ito.

“Nasanay na akong pagmasdan ka mula sa malayo at masiguro ang iyong kaligtasan kaya’t kahit hindi na ipinag-uutos sa akin ng aking pinuno na ikaw ay aking sundan… ay hindi ko matigilan, binibini.”

Simula noon ay palihim na kaming nagkikita ni Tristan sa pamilihan. Araw-araw rin kaming nagpapalitan ng mga tula at liham ng pag-ibig. Nakakatuwang isipin na dahil doon ay natuto ako ng wikang Espanyol habang siya naman ay mas nahasa sa wikang Filipino.

“Binibining Stella, ang emblem na ito ay sagisag ng aking katapatan bilang sundalong Espanyol. Inaalay ko ito sa iyo bilang pangakong mananatili akong tapat sa aking pag-ibig,”
iyan ang kaniyang pangako matapos ibigay ang emblem na katulad ng sa aking kuya.

Ang pangakong iyon ang aking pinanghawakan hanggang sa dumating ang malaking sakuna. Isang gabi ay lumusob sa aming mansyon ang kumpol ng mga sundalong Espanyol. Nagising ako sa sunod-sunod na putok ng mga baril at sigawan ng aming mga katuwang. Una kong pinuntahan ang silid ni ina upang masigurong ligtas siya. Mula sa uwang ng bintana ay nakita kita,
mahal ko
. Kasama mo ang mga armadong sundalo at ang inyong sadya ay ang punong heneral na kasalukuyang walang malay dulot ng nainom nitong lason at si Nena na tinuturong salarin.

“Nasa inyo na ang inyong punong heneral. Hangga’t hindi bumabalik si Heneral Guevarra ay mananatili rito si Nena,”
may awtoridad na wika ni Mang Romolo.

“Paumanhin subalit napag-utusan lamang kami ng nakataas sa amin. Kung hindi ninyo isusuko ang salarin ay mapipilitan kaming gumamit ng dahas,”
sabi ng matandang sundalo na nagngangalang Paz.

Nasa likod ko si Nena at hindi ko siya isusuko sa mga kastila. Batid kong malupit sila sa mga nagkakasala at hindi ako makapapayag na saktan nila si Nena. Mabilis akong tinutukan ng baril ng mga sundalong Espanyol nang humakbang ako pasulong.

“Binibini…”
paos na pagtawag ni Tristan at sinenyasan ang mga sundalo na huwag itutok sa akin ang mga armas.

Pinipigil ko ang pagtulo ng aking luha,
“Si Nena ay itinuturing kong kapatid bukod sa aking kuya. Batid kong hindi niya magagawang mag-isa ang kaniyang ginawang kasalanan. N-nakikiusap ako. Huwag niyo siyang dakipin.”

“Patawad, binibini,”
saad ni Tristan bago sapilitang dakipin ng mga kapwa niya sundalo si Nena.

Noong gabing iyon ay natapos rin ang aming ugnayan. Nagpapadala pa rin siya ng mga tula at mga liham subalit hindi na ako tumugon. Nang minsang mapadpad ako sa pamilihan ay namataan ko siyang naghihintay roon. Minabuti ni ina na lumayo kami sa bayan at manirahan sa isang tagong isla. Doon ay nagsimula akong muli. Sa loob ng tatlong buwan na pamamalagi ko sa isla ay pinilit kong kalimutan si Tristan at hindi iyon naging madali.

May mga araw na gusto kong sumama kay ina sa pamilihang bayan nang walang kasiguraduhan kung siya ba’y naghihintay roon. Mga gabing namamanglaw ako sa dalampasigan ng karagatan at umaasang magpapakita siya.

“Binibini, ako nga pala si Lorenzo. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?

“Binibining Stella, ako ito. Si Mattias, isa sa iyong masugid na manliligaw.”

“Tatlong buwan kang hindi nagpakita sa San Fernando. Naalala mo pa ba ako, binibini? Ang pangalan ko’y Ricardo.”

Napalibutan ako ng mga kalalakihang ang iba’y hindi ko mamukhaan pagbaba ko ng bangka. Narito kaming mag-anak sa San Fernando upang dumalo sa kaarawan ni Don Gerardo-ang bagong punong heneral na pumalit sa aking kuya. Buong akala ko’y hindi na ako makikilala ng mga nakatira rito sapagkat ang dating mapusyaw kong kutis ay naging kayumanggi sa pananatili sa isla. Hindi ko pinagtuunang pansin ang mga binatang iyon at lumapit kay kuya.

Sakay ng karwahe ay nakarating kami sa mansyon ng mga Gerardo. Nagpakulo naman agad ng aking dugo si Donya Gerardo.

Sino siya para pagsalitaan si ina nang ganoon?

Maralita raw kami kaya imbes na magbigay ng regalo ay mas mainam na ipinambili namin iyon ng bigas? Tama naman siya. Hindi ko lang naibigan ang tono ng kaniyang boses.

Nang salubungin ni Donya Gerardo sina Heneral Vicencio at ang kaniyang ina ay nakaramdam ako ng kaba. Mas umigting iyon nang makita ko si Tristan na bumaba sa kalesa. Hindi maitatangging makisig siyang tunay at mas lumitaw iyon sa suot niyang kulay asul na Traje Corto. Malugod itong nagmano ang aking ina at nang magtama ang aming mga mata’y para akong isang duwag kung umiwas.

Matagal kong pinaghandaan ang aming muling pagkikita. Nais kong ipakita sa kaniyang tuluyan ko na siyang nalimutan sa loob ng tatlong buwan, subalit ang lahat ng iyon ay binawi ko rin nang malaman ko ang balita tungkol sa kaniya.

“Binibining Stella, masaya akong makita kang muli,”
pagbati nito sa akin matapos akong sundan nito sa tarangkahan.

“Gayon rin ako, ginoo. Kumusta ka na?”
kung batid ko lamang na ikakawasak ng aking puso ang kaniyang magiging sagot ay sana’y hindi na lamang ako nagtanong.

“Ikakasal na ako… binibini. Nakatakda na ang aking nalalapit na kasal sa anak ng punong heneral na si Binibining Juana,”
saad nito.

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. Ang emblem na kaniyang inialay sa akin na dala ko saan man ako magtungo ay mahigpit kong hinawakan. Doon ako pilit na kumukuha ng lakas.

Gusto kong umiyak pero hindi ko nais ipakita sa kaniyang ako’y mahina.

Gusto kong itanong kung paano at bakit siya ikakasal sa iba ngunit naunahan na ako lungkot.

Gusto kong makiusap na itigil ang magaganap niyang kasal subalit wala na akong karapatan. Matagal nang natapos ang aming ugnayan.

“M-masaya ako para sa iyo, ginoo,”
tipid kong sagot bago ito umalis sa aking harapan upang bumalik sa mansyon ng mga Gerardo.

Para sa akin, ang tunay na reyalidad ay makakamtan ng isang tao kung naranasan na niyang maging masaya, malungkot, umibig, at manghinayang. Ako, si Stella Corazon Guevarra at ang tunay na nagpamulat sa akin ng reyalidad ng buhay ay walang iba kung hindi ikaw, Tristan Vélez.

-Terrorious

×××

KABANATA 41: Hangarin

“Ryannel, handa na ang bangka at maari na tayong bumalik,”
ani Mang Romolo nang ihatid ko sila sa daungan.

“Mauna na po kayong bumalik sa isla, Mang Romolo. May kailangan lamang akong asikasuhin sa mansyon ng mga Gerardo ngayong gabi,”
saad ko rito.

Sa wari ko’y napansin ni Mang Romolo na hindi ako mapalagay sa tono ng aking boses. Para bang binabasa niya ang aking isip sa kung paano nito tingnan ang aking mga mata. Nang tapikin nito ang aking balikat ay kahit papaano ay gumaan ang bigat na aking nadarama.

“Mag-iingat ka, Ryannel. Hindi ko man batid ang iyong pinaplano ay umaasa akong makabubuti ito sa lahat.”

Kung nabubuhay pa si ama ay sigurado akong ganoon rin ang sasabihin niya. Mapalad ako na kahit namayapa na ang aking ama ay nandiyan pa rin si Mang Romolo na siyang itinuring kong pangalawang ama.

Matulin kong pinatakbo ang kabayo na siya ring naghatid sa amin patungo sa mansyon ng mga Gerardo matapos lumayag ng bangka. Nang lumisan kami roon ay inilalabas na ang mga mamahaling serbesa na ipinagmamalaki ni Donya Gerardo sapagkat nagmula pa raw iyon sa ibang bansa. Iyon daw ang mainam na panulak sa samu’t saring pagkaing kanilang inihanda.

Hindi pa man ako nakakalapit sa tarangkahan ng mansyon ay namataan ko na si Tristan. Nakatayo lamang ito sa gitna ng daan at waring malayo ang iniisip. Mas lalo kong binilisan ang takbo hanggang sa ilang dipa na lamang ang aming pagitan. Bago ko pa ito tuluyang mabunggo ay pinatigil ko na ang pagpapatakbo sa kabayo.

“Heneral, si Stella…”
bukambibig nito.

Gamit ang aking buong lakas ay dinambahan ko ito ng suntok sa mukha dahilan para bumulagta ito sa lupa. Kuyom ang aking kamao habang pinagmamasdan itong punasan ang kaniyang duguang labi.

Hinawakan ko ito sa kuwelyo ng suot niyang Traje Corto at sapilitang pinatayo,
“Sino ka para hanapin ang aking kapatid matapos mo siyang saktan? Anong sinabi mo sa akin noon? Na papatunayan mong karapat-dapat ka sa kaniyang pagmamahal? Sa ganitong paraan?!”

“P-patawarin n-niyo po ako, heneral,”
naghihinagpis ang mukha nito at tumutulo ang luha.

“Sabihin mo sa akin, Tristan. Tunay bang… minahal mo ang aking kapatid? Kung tunay mo siyang mahal ay–”

Hindi pa man nito naririnig ang kabuuan ng aking nais sabihin ay tumugon na ito,
“Ang totoo ay hindi ko kailanman minahal si Binibining Stella. Pinagbigyan ko lamang ang pagmamahal niya sa akin noon sa pag-aakalang matututunan ko rin siyang mahalin, subalit hindi iyon nangyari. Ang tunay ko pong iniibig ay si B-binibining Juana, heneral.”

Nang marinig ko iyon ay para bang lumabo ang aking paningin. Mas lalong umigting ang galit na aking nararamdaman. Bukod sa lalaking
ito
ay wala nang iba pang minahal ang aking kapatid. Buong akala ko noon ay tunay ang kaniyang pagmamahal rito kaya’t panatag ang aking kalooban na hindi niya ito magagawang saktan.

Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kaniyang damit,
“Maari ka nang umalis sa aking harapan, Tristan. Kung mayroon pang natitirang kabutihan o awa sa iyong puso, sana’y hindi na mag-krus ang inyong landas ng aking kapatid. Kung nauunawaan mo ang ibig kong sabihin.”

Yumuko ito bilang tugon pagkatapos ay sumakay sa loob ng karwahe na siyang naghatid sa kanila. Mabibigat ang aking mga hakbang nang pumasok akong muli sa hardin ng mga Gerardo. Naroroon pa rin ang mga bisita na halos puro kalalakihan. Marahil ay pinauwi na ang mga kababaihan sapagkat malalim na ang gabi at nagsisimula nang malasing ang lahat dulot ng mga serbesa.

“Para sa ikapapayapa ng San Fernando at sa nalalapit na kasal ng aking anak,”
masayang sambit ni Don Gerardo at itinapat ang baso na may lamang serbesa kay Donya Isabella.

Gumaya naman si Donya Gerardo na abot tainga ang ngiti. Marahil ay hindi naunawaan ni Donya Isabella ang sinabi ni Don Gerardo kaya idinikit na lamang nito ang baso na kaniyang hawak sa baso ng mag-asawa at pilit na ngumiti. Nakapagtatakang hindi ko matanaw si Heneral Vicencio sa paligid. Umuwi na siguro ito sa kanilang mansyon dahil sa labis na kalasingan.

Nang mayroong lumapit sa akin na katuwang upang alukin ako ng inumin ay hudyat na maari ko nang simulan ang aking pinaplano. Tinanong ko ito kung nasaan ang kanilang palikuran. Sinamahan naman ako nito sa loob ng mansyon upang magbantay kahit na maraming sundalo sa paligid.

“Ginoo, kanina pa kita hinahanap! Nasaan na sila Donya Florencia?”
usisa ni Binibining Juana nang makita ako nito habang siya’y pababa ng hagdan.

Lumapit ako sa kaniya,
“Nakaalis na sila, binibini. Kung hindi nakakaabala ay maari ba kitang makausap?”

“Oo naman, ginoo. Maari bang iwan niyo muna kami?”
utos ni Binibining Juana sa katuwang at ilang sundalo sa loob ng mansyon.

Hindi nagdalawang isip ang mga ito at lumabas upang bigyan kami ng espasiyo. Bagamat tumigil na ang mga musikero sa pagpapatugtog ng mga instrumento, napalitan naman iyon ng ingay sa hardin. Abot sa aking kinatatayuan ang matinis na tinig ni Donya Gerardo.

“Halika, ginoo. Doon tayo sa balkonahe mag-usap,”
paanyaya ng binibini.

Inalalayan ko itong umakyat muli ng hagdan gawa ng suot nitong filipiniana. Nang makaakyat kami sa ikalawang palapag ay tumungo kami sa balkonahe malapit sa kaniyang silid. Nang pasadahan ko ng tingin ang koridor ay walang tao roon.

“Ginoo, ano ang iyong nais sabihin?”
kinalabit ako nito upang kuhanin ang aking atensiyon.

Tumikhim ako,
“Binibining Juana, buong akala ko’y labag sa iyong loob ang pagpapakasal sa kastila. Bakit tila hindi iyan ang sinasabi ng iyong ngiti kanina?”

Kapansin-pansin ang pagkagulat sa kaniyang mukha,
“Ginoo, ang totoo niyan ay abot langit ang galit ko sa mga Espanyol sapagkat nananatili sila rito sa ating bayan at kung umasta sila’y daig pa nila ang mga lokal, subalit iba si Tristan. Napakakisig niya at mabuti siyang tao. Siya ang tipo ng ginoo na tiyak akong magugustuhan ng lahat ng binibini. Hindi nakapagtatakang nagustuhan siya ni Binibining Stella.”

“Ano ang iyong sinabi?”
nais kong masiguro na tama ang aking narinig.

“Ang ibig kong sabihin ay nalulungkot akong malaman na ang ginoo na aking papakasalan ay siya palang naiibigan ni Binibining Stella. Hindi ko maiwasang mabagabag lalo pa’t alam kong ang kasalang ito ang ikakawasak ng kaniyang puso,”
paglilinaw nito.

Buong puso niya iyong sinabi ngunit hindi ko nararamdaman na totoo ito. Ngayon ko lamang narinig ang ganitong tono ng binibini sa pagsasalita. Para bang nakikipag-usap ako ngayon sa kaniyang ina na si Donya Gerardo.

“Bilang tulong sa aking kapatid ay narito ako upang hiramin ang akda na binabasa ko sa iyo noon, binibini. Batid kong hindi nito mapapawala ang sakit na naidulot ni Ginoong Tristan, subalit umaasa akong maiibsan ito kahit papaano,”
ginaya ko ang tono ng kaniyang pananalita.

“Oo naman, ginoo. Maghintay ka rito at hayaan mong hanapin ko iyon para kay Binibining Stella,”
nagkukumahog na pumasok ang binibini sa kaniyang silid.

Habang abala ang binibini sa paghahanap ng akda ay marahan akong lumakad sa pasilyo. Hindi makabasag pinggan ang aking mga hakbang nang umakyat ako sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. Kung sa ikalawang palapag ay mayroong napakaraming silid, nakakapagtakang isa lamang ang silid rito. Pinihit ko ang nag-iisang pinto sa dulong parte ng koridor at bumukas ito.

Naiwan ba itong nakabukas o sadyang wala itong kandado?

Madilim at tanging liwanag lamang sa uwang ng pinto ang nagbibigay daan para masilayan nang kaunti ang kalooban nito. Mayroong napakaraming estante na punong-puno ng mga libro ang una kong napansin. Pumasok ako roon nang tanging ang naririnig ko lamang ay ang aking maliliit na hakbang at paghinga.

“Nasaan mo siya huling nakita?!”
umalingawngaw ang boses ni Don Gerardo na sa wari ko’y nasa ikalawang palapag na ngayon.

“Iniwan ko lamang po si Ginoong Ryannel rito sa balkonahe at pagbalik ko’y wala na siya,”
iyon si Binibining Juana.

“Kami na po ang bahalang maghanap sa kaniya, Heneral Gerardo,”
ang boses na iyon ay malamang na nagmula sa isang sundalo.

“Hindi na. Ibigay mo sa akin ang iyong baril. Kung narito man siya sa loob ng aking pamamahay ay hindi siya makakalabas ng buhay,”
babala ni Don Gerardo.

Kagat ko ang aking ibabang labi nang pihitin ko ang pintuan. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay mayroong humawak sa aking palapulsuhan at puwersahan akong hinatak papasok ng silid.

“Sino–”

Tinakpan nito ang aking bibig at isinandal ang aking likod sa pintuan,
“Aking sinta, lingid sa aking kaalaman na parehas tayo ng hangarin. Kung hindi ka naririto upang maghanap ng ebidensiya laban kay Heneral Gerardo… ay posible kayang narito ka upang ituloy ang iyong sinimulan sa imbakan?”

-Terrorious

×××

KABANATA 42: Serbesa🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Binigyan ko ang ginoo nang matalim na tingin kahit alam kong hindi niya iyon makikita sapagkat madilim ang paligid. Nagsimulang maglakbay ang kamay nito sa aking baywang at dahil sa gulat ay naitulak ko ito.

“Hindi ngayon ang tamang pagkakataon para riyan, Javier,”
nayayamot kong saad.

Bago pa ako tuluyang mapuno sa heneral ng Espanya ay itinapat ko ang aking tainga sa pintuan upang pakinggan ang nasa labas. Nakahinga ako nang maluwag nang wala akong marinig roon. Siguro’y nasa labas ng mansyon naghahanap sina Don Gerardo.

“Tinawag na po niya akong

Javier

. Itataya ko po ang lahat ng aking kayamanan na hindi po maganda ang timpla ng aking sinta. Mahihirapan po akong muli na suyuin siya,”
pagpaparinig ng heneral sa aking likuran.

Lumingon ako sa kaniya at nagbanta,
“Huwag kang maingay diyan, Javier. Baka tayo’y marinig sa labas.”

Pipihitin ko sana ang hawakan ng pinto ngunit napigilan ako nang magsalita si Heneral Vicencio,
“Aking sinta, mas ligtas ka rito kasama ko. Huwag mo na subukan pang lumabas dahil nasa ikalawang palapag na ngayon ang ilang mga sundalo. Walang ring ibang matatakasan rito sa ikatlong palapag.”

Tama siya. Wala na nga akong kawala
.

“Heneral Vicencio, ano pala ang ginagawa mo sa silid na ito?”
tanong ko rito.

Narinig ko ang mga hakbang nito papalapit sa akin kaya’t napaatras ako,
“Sabihin nalang natin na labis kitang iniibig at umabot iyon sa puntong kaya ko nang basahin ang iyong isip, aking sinta. Batid kong nais mong humanap ng mga ebidensiya laban sa buwayang si Heneral Gerardo noong araw na mas pinili mong sumama sa tinyenteng iyon kaysa sa akin.”

Hindi talaga siya nakakalimot!

Hanggang ngayon ay ang hindi ko pagpili sa kaniya noong gabing iyon ay ang kaniyang bukambibig.

Napaigtad ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Higit pa rito ang nangyari sa amin ni Heneral Vicencio subalit hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Napakabilis nang tibok ng aking puso.

Idinikit nito ang kaniyang noo sa aking noo,
“Natatakot ka pa rin ba sa akin, aking sinta. Huwag kang mag-alala, hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay na hindi mo maiibigan.”

Kinagat ko ang aking ibabang labi,
“Ginoo, sensitibo lamang ang aking sarili sa dilim.”

“Narito ako, aking sinta. Wala kang dapat ikatakot,”
inilapat niya ang aking mga kamay sa kaniyang magkabilang pisngi.

Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman kong papalapit ang kaniyang mukha sa akin. Para akong hinihipnotismo ng amoy ng serbesa sa kaniyang mainit na hininga. Hindi pa man nagsasara ang aming destansiya ay nakarinig ako nang mabibigat na hakbang pataas ng hagdan. Mabilis akong naitago ni Heneral Vicencio sa likod ng estante ng mga libro bago bumukas ang pintuan ng silid.

“Heneral Vicencio, a-anong ginagawa mo rito?”
ang boses na iyon ay galing kay Don Gerardo.

“Heneral Gerardo, pasensiya na po. Tumatalab na marahil sa akin ang serbesa na iyong pinainom kaya ako napadpad dito,”
pagdadahilan ng ginoo.

“Ngunit isang baso lamang ang iyong nainom para masabing tumalab na ang serbesa sa iyo. Mabuti pa’t ubusin mo ito at ipapakilala kita sa mga naggagandahang binibini na ibaba,”
ani Don Gerardo.

Mula sa aking pinagtataguan ay sinilip ko silang dalawa. Nakita kong inubos ni Heneral Vicencio ng isang tunggaan ang bote ng serbesa na inalok ni Don Gerardo. Sapagkat mayroong maputlang balat ang ginoo ay namula nang agaran ang kaniyang mukha at tainga.

“Napakahusay, Heneral Vicencio. Halika na sa ibaba at maaring isa sa mga binibini ang makapagpapasaya sa iyo ngayong gabi,”
giliw na wika ng matanda.

“Subukan mong bumaba, Javier,”
nanghahamon kong bulong sa kawalan.

Hinilot ni Heneral Vicencio ang kaniyang sentido at inalog ang kaniyang ulo. Walang dudang tumatalab na ang kung ano mang pinainom sa kaniya ni Don Gerardo. Hinawakan ni Don Gerardo ang palapulsuhan ng ginoo upang pilitin itong bumaba. Akmang lalabas ako sa aking pinagtataguan nang magsalita si Heneral Vicencio.

“M-mauna na po kayo, Heneral Gerardo. Susunod po ako maya-maya,”
mariing sagot ni Heneral Vicencio.

Itinigil naman ni Don Gerardo ang pamimilit. Wala sa sarili itong tumango at lumakad paalis matapos marinig ang tugon ni Heneral Vicencio. Nag-aalala akong lumapit kay Heneral Vicencio nang mapansin kong nakatayo lamang ito makalipas ang ilang minuto sa uwang ng pinto.

Kinalabit ko ang kaniyang balikat at siya’y tinawag,
“G-ginoo…”

Nang lumingon ito sa akin ay para bang iba itong tao. Malalalim ang kaniyang mga paghinga at namamawis ang kaniyang mukha. Tinanggal nito ang pagkakabutones ng kaniyang damit at sa sobrang lakas ay halos mapigtal ito.

Hinawakan ko ang kaniyang mukha,
“Ginoo, anong nangyayari sa iyo? B-bakit napakainit ng iyong katawan? A-anong pinainom ni Don Gerardo sa iyo?”

Halos malagutan ako ng hininga nang buong puwersa niya akong sakalin sa leeg,
“¿Quién eres tú para tocarme? ¿Sabías que tengo un amante? ¡Nunca seré seducido por ti, incluso lo hermosa que eres!”

(Sino ka para hawakan ako? Hindi mo ba alam na mayroon na akong iniibig? Hindi ako kailanman maaakit sa katulad mo kahit gaano ka pa kaganda sa aking paningin!)

Namumuo ang aking mga luha at pinipilit kong tanggalin ang pagkakasal niya sa aking leeg. Higit na mas malaki at matangkad sa akin si Heneral Vicencio kaya’t napapatingkayad ang aking mga paa. Para bang papatayin niya ako sa kaniyang tingin.

“G-ginoo, a-ako ito. Si Ryannel Guevarra,”
kahit papaano ay nagawa kong makapagsalita.

Napaawang ang labi ni Heneral Vicencio nang marinig ako. Binitawan nito ang aking leeg at umiyak sa pagkatanto. Kung hindi ko nagawang sabihin ang aking pangalan ay siguradong nalagutan na ako ng hininga.

“Aking sinta, p-patawarin mo ako. H-hindi ko nais na saktan ka,”
paghihingi nito ng tawad.

Niyakap ko ito nang mahigpit. Hindi nagbago ang kaniyang temperatura. Napakataas pa rin nito at dahil iyon sa pinainom ni Don Gerardo. Nanlaki ang aking mga mata nang marahas na ibaon ng ginoo ang kaniyang mukha sa aking leeg at inamoy iyon.

Paos itong bumulong na siyang nagpataas ng aking balahibo,
“Nag-iinit ako, aking sinta. Pakiusap, maari mo na bang ituloy ang iyong sinimulan sa imbakan?”

Imbes na sumagot ay isinara ko ang pinto bago ko hinalikan ang heneral ng Espanya. Mabilis naman itong sumunggab at ibinalik sa akin ang halik. Kakaiba ang paraan ng kaniyang halik ngayon dahil sa serbesa. Marahas ito ngunit may halong pagkasabik.

Kumapit ako sa kaniyang leeg nang walang pasabi ako nitong buhatin. Eksperto ako nitong hinahalikan habang dinadala ako sa kung saan. Napatakip ako sa aking bibig nang ibaba ako nito at ipaharap sa mabatong dingding.

“Huwag mong punitin, ginoo,”
inabisuhan ko na ito bago pa niya hawakan ang aking kasuotan.

Sinunod naman niya ito at ibinaba ang suot kong pantalon at pang-loob. Huli na bago ko siya paalalahanan na huwag itong ihagis sa kung saan. Napakapit ako sa mabatong dingding nang aking maramdaman ang kaniyang dila na naglalaro sa aking lagusan. Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilan ang aking sarili na gumawa ng ingay.

“May nakapagsabi na ba sa iyong napakaganda mo, aking sinta?”
aniya.

“Wala pa-ahhh!”
napasigaw ako sa gulat nang ipasok niya ang kaniyang daliri.

“Nakasisiguro ka bang wala pa. Ang totoo niyan ay dalawa kaming nabibighani sa iyo, aking sinta,”
wika ng heneral habang inilalabas-masok ang kaniyang daliri sa akin.

Ipinasok pa nito ang isa pa niyang daliri kasabay nang paglalaro ng kaniyang dila. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng aking puwetan upang mas bigyang daan ang kaniyang ginagawa. Sinampal niya iyon sa labis na panggigigil.

“K-kayong dalawa? Sino ang isa?”

Bigla itong tumigil upang hawakan ang aking dalawang braso at malakas akong hatakin patungo sa kaniya. Nakaluhod kaming dalawa at mula sa aking likuran ay nadarama ko ang init ng kaniyang hininga, pagbilis ng tibok ng kaniyang puso, at ang nagagalit na umbok sa kaniyang pantalon.

Gamit ang isa niyang kamay ay tinanggal nito ang pagkakabutones ng aking pang-itaas na kasuotan. Hinagis niya rin iyon sa kung saan matapos kong matanggal at pinatakan ako ng halik sa likod ng aking leeg.

“Gusto mo bang makilala ang aking karibal sa pagkahumaling sa iyo, aking sinta?”
mapang-akit niyang tanong.

“Hindi ko siya nais makilala. Natatakot ako sa kaniya,”
seryoso kong sagot.

“Huwag kang matakot, aking sinta. Sigurado akong maiibigan mo siya,”
anito at iniharap ako sa kaniya.

Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng kaniyang pantalon. Tumayo ito habang ako’y nanatiling nakaluhod. Ibinaba nito ang suot niyang pang-ibabang kasuotan at hinalikan akong muli sa aking labi. Sandali lamang iyon ngunit punong-puno ng pagnanasa. Hinawakan nito ang aking ulo at ginabayan patungo sa kaniyang pagkalalaki.

Kagaya ng aking inaasahan ay malaki pa rin ang kaniyang pagkalalaki o dapat kong sabihing mas lumaki ito ngayon. Gamit ang aking kamay ay sinubukan kong saklubin iyon ngunit hindi iyon makaya ng aking palad. Narinig ko ang mahinang pag-ungol ng heneral nang paglaruan ko ang kaniyang sandata. Taas at baba ang aking galaw at sa tuwing sumasagad ang aking kamay sa dulo nito ay nadidiluryo ito sa sarap.

Hindi na nakapagpigil ang ginoo at hinawakan ang aking buhok,
“Napapagod na marahil ang iyong mga palad, aking sinta.”

Batid ko ang ibig niyang sabihin. Ako lamang ay nag-aalangan dahil maaaring hindi ito magkasiya sa aking bibig. Gayunpaman, sinubukan ko pa rin kung ito ba’y aking makakaya. Dahan-dahan kong isinubo ang matigas niyang pagkalalaki subalit hindi pa man nangangalahati ay naduduwal na ako.

“Ibuka mo ang iyong bibig, aking sinta. Hayaan mong ako ang magpatuloy ng iyomg sinimulan,”
utos nito.

Sinunod ko naman ang kaniyang sinabi at binuksan ang aking bibig. Maya-maya pa’y ipinasok niya roon ang kaniyang sandata at binigyan ako nang magkakasunod na ulos. Hindi naglaon ay nasanay na rin ako sa kaniyang kalakihan kaya’t ako na ang gumagalaw. Gamit ang aking dila ay ipinapaikot ko iyon sa ulo at mga ugat ng kaniyang tayong-tayo na pagkalalaki. Magkahalong pawis at tamis ng kaniyang nainom ang aking nalalasan mula sa kaniya.

“Mierda! Ganiyan nga, aking sinta,”
napamura ang heneral nang sipsipin ko ang kaniyang pagkalalaki at lunukin ang pauna niyang katas.

“Sa tingin ko’y handa ka na sa akin,”
wika nito at pinahiga ako sahig ng madilim na silid.

Ibinuka nito ang dalawa kong hita at muling dinilaan ang aking lagusan. Ipinasok nito ang tatlo niyang daliri at inilabas rin kaagad nang umungol ako bilang tugon. Napalunok ako nang maramdaman ang kaniyang sandata na ngayo’y itinatapat niya na sa aking lagusan.

Nagawa pang maglaro ng tusong heneral sa pamamagitan ng pagkiskis ng ulo ng kaniyang mahabang sandata. Napahawak ako sa kaniyang tiyan nang simulan nitong ilabas masok ang ulo ng kaniyang pagkalalaki.

“Nasasaktan ka ba, aking sinta?”
sambit niya.

“Hindi. N-nagulat lamang ako, ginoo.”

“Mabuti kong ganoon, dahil hindi ko na matatagalan pa ang paghihinay,”
ani Heneral Vicencio pagkatapos ay ibinaon ang kaniyang pagkalalaki sa aking lagusan.

Napakislot ako sa sakit subalit humupa rin iyon nang magsimula itong gumalaw. Mahina ang mga ulos nito na para bang pinakikiramdaman ang aking kalagayan. Hinawakan nito ang aking mga paa upang salubungin lalo ang kaniyang mga ulos. Nang binilisan nito ang paggalaw ay hindi ko maiwasang hindi umungol.

“Ahhh! Ginoo, maghunos dili ka,”
sabi ko.

Hindi ito nakinig at mas lalo pang naging marahas ang mga pag-ulos,
“Bakit ko babagalan kung masayang tinatanggap ng iyong lagusan ang aking alaga, aking sinta?”

Sa laki at haba ng kaniyang pagkalalaki ay pakiramdam ko’y tumatagos iyon sa aking kaibuturan. Papabilis nang papabilis ang kaniyang mga galaw. Nang makakuha ako ng tiyempo ay nagawa kong dumapa. Gamit ang kaunti kong lakas ay sinubukan kong gumapang palayo ngunit hinawakan ng ginoo ang aking braso mula sa likuran upang paluhurin ako.

“Saan ka pupunta, aking sinta? Balak mo ba muling takasan ako nang hindi ko pa naabot ang aking sukdulan? Hindi mo alam kung gaano sumakit ang aking pantog noong iniwan mo ako sa imbakan,”
mariin nitong bulong sa aking tainga at kinagat ang aking leeg.

“Ahhh, Ginoo, s-sandali lamang–”

Tinakpan nito ang aking bibig mula sa aking likuran at dahan-dahang naglabas-masok sa aking lagusan,
“Nais mo bang ipaalam sa mga bisitang nasa ibaba na kasalukuyan kang inaangkin ng punong heneral ng Espanya sa silid na ito, aking sinta? Hindi mo man aminin ay batid kong nasasarapan ka sa aking mga pag-ulos. Nadidiluryo ka sa sarap sa tuwing ibinabaon ko ang aking sandata sa iyong masikip na lagusan, hindi ba?”

Impit akong napaungol nang hawakan nito ang aking pagkalalaki at sinimulan iyong salsalin. Habang sunod-sunod ang kaniyang ulos ay itinataas baba din nito ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking pagkalalaki.

Aaminin kong nasasarapan ako sa kaniyang ginagawa subalit mas nangingibabaw sa akin ang takot. Kasalanan ito ng serbesa o kung ano man ang inihalo roon ni Don Gerardo para maging agresibo ang heneral. Literal na ako ay kaniyang inaangkin sa mga oras na ito at wala akong ibang magawa kung hindi tanggapin iyon. Nang maramdaman kong mas lumalaki ang kaniyang sandata sa loob ng aking lagusan ay hudyat na malapit na ito sa kaniyang kasukdulan.

“Ahhh! Napakakipot ng iyong lagusan, aking sinta. Hindi lamang kita naangkin ng tatlong buwan ay sumikip na ito,”
namamaos nitong saad.

Nang aking mapansin na binabagalan niya ang mga pag-ulos upang mas tumagal ang aming pag-iisa, ay hindi na ako nakapaghintay. Puwersahan kong itinulak ang heneral hanggang sa mapaupo ito sa sahig. Marahas ko siyang hinalikan habang ang aking mga braso ay nakapalibot sa kaniyang leeg. Hinawakan nito ang aking baywang at pinaupo ako sa gitna ng kaniyang mga hita.

“Ganoon ka na ba kalasing, Heneral Vicencio, kung kaya’t puro malalaswang salita ang iyong binibitawan?”
may pang-aakit kong tanong at ipinasok ang kaniyang matigas na pagkalalaki sa aking lagusan.

“A-aking sinta, g-ganiyan nga. Ahhh!”
ungol nito at ginabayan ang aking baywang pataas at pababa.

Humawak ako sa kaniyang balikat at pinatakan ng halik ang kaniyang tainga pababa sa kaniyang leeg. Ginagaya ko lamang ang ginawa niya sa akin kanina. Habang ang aking kamay ay nakahawak sa kaniyang balikat bilang suporta, ay mabilis akong gumalaw sa kaniyang itaas.

“Hmp! Ginoo,”
kinagat ko ang aking ibabang labi nang sipsipin nito ang aking magkabilang utong.

Sabay kaming napapaungol sa tuwing bumabaon ang kaniyang pagkalalaki sa akin. Bagamat mahigpit itong nakakapit sa aking baywang bilang suporta ay patuloy pa rin ako sa pagtaas at pagbaba. Hindi ako tumitigil sa paggalaw kahit ako’y pagod na sapagkat batid kong hindi ako nito titigilan hanggang sa marating niya ang kaniyang sukdulan.

“Ughh! Malapit na ako, aking sinta,”
aniya kaya’t napangiti ako nang palihim.

Tinanggal ko ang kaniyang kamay mula sa aking baywang at inilagay iyon sa aking balikat. Mahigpit iyong hinawakan ng pawisang heneral at mas lalo akong ibinaon sa kaniyang pagkalalaki. Tumitirik ang aking mga mata at napapatingala sa bawat pag-ulos.

“Mierda! Equí vengo,”

(Puta! Parating na ako!)
babala ng heneral at binigyan ako nang sunod-sunod na mga ulos.

Bumaon ang aking kuko sa kaniyang likuran nang maramdaman ko ang mainit niyang katas sa loob ng aking lagusan. Kasabay noon ay ang aking kasukdulan. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa huling patak ng kaniyang punla.

“Sa wakas ay natapos ko na ang aking nasimulan,”
pagod na pagod kong wika at yumakap sa leeg ng ginoo.

Hinalikan nitong muli ang aking labi at sinabing,
“Ryannel Guevarra, dahil naibigan ko ang pag-angkin mo sa akin ay maari bang sabay nating isagawa ang iyong plano sa pagpapatalsik kay Heneral Gerardo at pagkatapos noon ay isunod natin ang paggawa ng batas na maari nang mag-ibigan ang dalawang kalalakihan kapag ikaw na muli ang punong heneral?”

Madilim man ang paligid ay sinubukan ko pa ring tignan ang kaniyang mukha. Hindi ko na kailangan pang basahin ang nilalaman ng kaniyang bughaw na mga mata sapagkat batid kong dalisay ang kaniyang mga sinabi. Napaawang ang aking labi nang maramdaman kong may iniabot itong mga papeles sa akin.

“Ang mga papeles na iyan na naglalaman ng mga ilegal na transaksiyon ni Heneral Gerardo ang iyong pakay rito, tama ba ako, aking sinta?”
tanong niya.

“Tama ka, ginoo,”
sagot ko at kinuha ang mga papeles sa kaniya.

“Kapag natapos na ang lahat ay maari bang planuhin naman natin ang ating kasal? Batid kong ipinagbabawal pa ito sa ating panahon subalit wala akong ibang dalangin kung hindi ang iyong maging nobyo. Pinapangako kong poprotektahan kita, ang iyong ina, kapatid, at ang buong San Fernando, mahal ko,”
pangako niya.

Hindi ko maiwasang hindi maging emosiyunal sa aking narinig. Hinaplos ng ginoo ang aking mukha at pinahid ang mga luha roon. Tumango ako sa kaniya at muling hinalikan ang kaniyang labi.

“Wala rin akong dalangin kung hindi ang makasama ka habambuhay, ginoo,”
nakangiti kong sagot.

-Terrorious

×××

KABANATA 43: Tirahan

“Plano ko pong bawiin ang pagiging punong heneral mula kay Don Gerardo,”
ani ko at inilapag ang mga kubyertos pagkatapos kumain.

Walang bahid ng pagkagulat sa mukha ni ina. Para bang batid nito na darating muli ang araw na nanaisin kong maangkin ang tungkulin na siyang ipinangako ko kay ama. Si Stella naman ay ngumiti nang tipid. Simula noong makauwi ako rito sa isla ay pansin ko ang pagkabalisa nito. Bukod sa nalalapit na kasal ni Tristan sa susunod na linggo ay wala akong ibang maisip na dahilan sa kaniyang ikinikilos. Samantala, sina Mang Romolo, Jose, at Nena ay ipinahayag ang kanilang suporta.

“Maari akong manuluyan pansamantala sa tirahan ni Tinyente Ismael, ina,”
sagot ko kay ina matapos ko sabihing hindi ako makakabalik sa isla sa maiksing panahon.

“Hindi ako makakapayag na manatili ka sa Tinyenteng iyon!”
bahagyang napalakas ang boses ni Heneral Vicencio dahilan para magulat kaming lahat na narito sa loob ng kubo.

Ang sabi nito’y ihahatid niya lamang ako sa daungan kaninang umaga ngunit nagpumilit itong sumama. Hindi ko naman ito mapigilan sapagkat bumili ito ng mga bigas at mga prutas na ipinamahagi niya sa amin at sa ilang naninirahan rito sa isla. Ikinatuwa naman iyon ng mga lokal na matagal nang nakatira rito.

“A-ang ibig kong sabihin ay… hindi

po

makabubuti na manirahan siya kasama ng tinyente,”
paglilinaw ng heneral.

“Sandali nga,”
itinaas ni Jose ang kaniyang kamay.
“Naiintindihan kong hindi kumportableng manirahan sa bahay ni Tinyente dahil sa napakaraming

lamok

na kumagat sa aming ginoo, subalit mas mainam na iyon kaysa sa wala.”

“Kagat ng mga lamok kamo?”
pinasadahan ng tingin ni ina ang aking katawan.

Mabilis kong tinakpan ang aking leeg gamit ang aking kamay nang mapadpad ang tingin niya roon,
“N-nakalimutan po kasi naming isara ang bintana k-kaya po ganoon.”

“Ganoon ba?”
hindi kumbinsido si ina. Uminom ito ng tubig habang masuring tinitignan ang heneral ng Espanya na ngayo’y nagpipigil ng tawa.

“Tingnan mo ang nangyari? Dahil sa pamamalagi mo sa tirahan ng tinyente na iyon ay nakakagat ka ng lamok. Mabuti pa’t manatili ka na lamang sa isa sa aking mga tirahan. Maari rin po kayong manirahan roon kung inyong nanaisin, Donya Florencia. Mapayapa po roon at… walang

lamok

na mangangahas mangagat sa aking sinta– AHHH!”
napasigaw ito sa kirot nang kurutin ko ang kaniyang tagiliran. Ginagawa niya pang dahilan ang kagat sa aking leeg samantalang siya naman ang may kagagawan nito!

“Salamat sa iyo, Javier. Ako man ay labis na natutuwa na nais mo kaming patirahin sa isa sa iyong mga tahanan ay mas pipiliin naming manatili rito sa isla,”
ani ina.

Hinawakan ni ina ang aking kamay at nagpatuloy sa pagsasalita,
“Gayunpaman, kung ako ang tatanungin ay makabubuti ngang manatili ka sa tirahan ni Javier, anak. Lalo na ngayon na kayo’y may relasiyon, hindi naaayon kung manatili ka pa sa tirahan ni Tinyente Ismael.”

“Sang-ayon ako sa iyong ina, Ryannel. Kung ako ang nasa posisiyon nitong si Javier ay maninibugho ako kay Tinyente Ismael lalo pa’t malapit kayong magkaibigan. Isa pa, hindi ba’t nabanggit mo na handa mong tulungan si Ryannel sa kaniyang pinaplano, Javier?”
pagtatanong ni Mang Romolo.

“Tama po kayo. Lahat po ay aking gagawin upang matulungan ang aking sinta na maibalik ang kaniyang posisiyon,”
pangako ni Heneral Vicencio.

“Mag-iingat po kayo, Ginoong Ryannel at Ginoong Javier. Hindi po madaling kalabanin ang mga Gerardo. Lahat po ay kaya nilang gawin,”
habilin ni Nena.

Kailan ko nga ba huli itong narinig na magsalita?

Sa loob ng tatlong buwan na pananatili namin dito sa isla ay mabibilang ko lamang sa aking mga daliri ang mga salitang kaniyang nasabi. Hindi man manggaling sa kaniyang bibig ay batid kong si Don Gerardo ang nag-utos sa kaniyang lasunin si ina noon. Marahil ay takot itong magsuplong kung kaya’t imbes na pilitin itong umamin ay mas pinili kong humanap ng mga ebidensiya.

“Akala ko ba’y ipapakita mo sa akin ang tirahan kung saan ako pansamantalang mamalagi, ginoo?”
nagtataka kong tanong habang hawak nito ang aking kamay. Patungo kami ngayon sa pamilihang bayan.

Dalawa ang klase ng pamilihan sa San Fernando. Ang isa ay ang pamilihan sa may daungan kung saan inaangkat ang mga isda at iba pang pagkain. Habang ang pamilihan sa bayan ay puro kagamitan. Naroon rin ako bumibili ng mga armas noong ako’y isa pang punong heneral.

“Malapit lamang rito ang tahanang aking ipinagawa, aking sinta. Sapagkat bakante iyon, ay wala pa itong ibang kagamitan,”
anito at ipinikit ang isang mata.

Nang mayroong mga sundalong dumaan ay mabilis kong binitawan ang kaniyang kamay. Para kaming mga bata kung humagikgik matapos kaming malagpasan ng mga ito.

“Magkano po ninyo binibenta ang mga kubyertos na ito, Mang Agustin?”
tanong ni Heneral Vicencio sa matandang nagbebenta matapos silang magkamay. Sa pagkakaalala ko’y siya ang ama ni Marina. Ang batang iniligtas ko sa sundalo nang akusahan itong magnanakaw.

“Kahit huwag mo na po akong bayaran, Heneral Vicencio. Sapat na po sa akin ang naitulong ninyo sa aking pamilya at sa ilang mga nagtitinda rito sa pamilihan,”
bakas sa mukha ng matanda ang pasasalamat nito sa heneral ng Espanya.

Nagulat ako nang hawakan ni Heneral Vicencio ang aking balikat upang palapitin ako sa matanda,
“Ang dapat niyo pong pasalamatan ay si Ginoong Guevarra. Kung hindi po siya napadpad sa pamilihan ay hindi ko malalamang napaalis kayo sa inyong puwesto.”

“Magandang araw po sa inyo,”
bati ko rito nang dumapo sa akin ang kaniyang tingin.

Kinamayan rin ako ng matanda,
“Ginoong Guevarra, marami pong salamat sa pagpapabalik hindi lamang sa akin kung hindi para na rin sa lahat ng mga negosiyanteng nawalan ng puwesto sa pamilihan. Nakabalik na po kami sa mga dati naming tindahan ng dahil sa inyong kabutihan.”

Bahagyang napalakas ang boses ni Mang Agustin dahilan para marinig iyon ng ilang nagtitinda. Nagkukumahog ang mga itong lumapit sa akin at nagpahayag ng kanilang pasasalamat.

“Maraming-maraming salamat, Ginoong Guevarra. Kung hindi dahil sa iyo ay nawalan na kami ng pag-asa.”

“Kami’y labis na humihingi ng tawad sa aming nagawa noon. Labis naming pinagsisihan namin ang pagbitiw mo sa iyong posisiyon.”

“Sabihin mo lamang sa amin kung mayroon kaming maitutulong sa iyo bilang kapalit.”

Hindi pa man ako nagsasalita ay nagkusa ng magbigay ang aking mga kababayan ng ilan sa kanilang paninda. Mga pinggan, kubyertos, at ilan pang mga kagamitan ang magiliw nilang ibinigay sa akin. Nang mag-abot ako ng pambayad ay hindi nila ito tinanggap. Buong puso na lamang akong nagpasalamat bilang kapalit sa kanilang kabutihang loob.

“Ginoo, bakit mo sinabing ako ang tumulong sa kanila gayong ikaw naman dapat ang kanilang pasalamatan?”
tanong ko kay Heneral Guevarra. Hawak ko ang bayong na naglalaman ng aking mga kagamitan mula sa isla samantalang si Heneral Vicencio ang may dala ng mga kagamitang ibinigay ng mga tao sa pamilihan.

“Aking sinta, nararapat lamang na ikaw ang kanilang pasalamatan sapagkat nakasisiguro akong gagawin mo rin ng walang pagdadalawang-isip ang aking ginawa. Isa pa, hindi sila maniniwalang ang punong heneral ng Espanya ang tumulong sa mga pilipino gayong ang pananatili namin rito ang nagpapahirap sa inyo,”
paliwanag niya. Kapansin-
pansin ang pagbaba ng kaniyang balikat at paglaho ng ngiti sa kaniyang labi.

Kapag naririnig ng mga lokal ang salitang
Espanyol
ay nakakaramdam kaagad sila ng takot. Kilala ang mga Espanyol bilang malulupit at mapagmataas na hanay, subalit lingid sa kaalaman ng nakararami na ang punong heneral ng Espanya na si Heneral Vicencio ay mayroong busilak na kalooban. Lumapit ako rito at tumingkayad upang magpantay ang aming mukha bago ito halikan sa pisngi. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkabigla at binaling sa akin ang tingin.

“Batid mo ba ang iyong kahihinatnan bago mo ako ninakawan ng halik, aking sinta?”
nanunudyong saad ng heneral. Namumula ang tainga nito.

Nag-taingang kawali lamang ako at pumasok sa bilihan ng mga kasuotan. Kumpara sa tindahan ni Ginang Sonya na pagmamay-ari pala ng heneral ay mas mura ang mga damit rito. Kailangan kong mamili ng mga kasuotan sapagkat kaunti lamang ang aking nadala.

“Ginoo?”
pagtawag ko.

Nang hindi ito sumagot ay lumingon ako sa kaniya. Nakahalumbaba itong nakatitig sa kasuotang ang tawag ay
malong
. Isa iyong tradisyonal na kasuotan ng mga kababaihan na yari sa makulay na tela na isinusuot sa pamamagitan ng pagtatapis sa ibabang parte ng katawan. Mabusisi niya iyong pinagmamasdan na para bang isa iyong sining na ipininta ng isang mahusay na pintor. Nang makipag-usap ito sa may-ari ng tindahan ay muli kong itinuon ang aking atensiyon sa mga naiibigan kong kasuotan.

“Alin kaya sa mga ito ang nararapat kong bilhin?”
tanong ko sa aking sarili habang namimili.

“Aking sinta, bakit mo pa kailangan bumili ng mga damit kung pupunitin ko rin naman,”
puna ni Heneral Vicencio kaya’t masama ko itong tiningnan.

Kinagat nito ang kaniyang ibabang labi at napagdesisyunang maghintay sa aking bibilhin. Hindi naman nagtagal ay nakapili na rin ako ng ilang kasuotan na aking binayaran sa wakas. Nang dahil roon ay gumaan ang aking pakiramdam.

Kagaya ng sinabi ng ginoo ay malapit lamang sa pamilihang bayan ang isa sa kaniyang mga bakanteng tirahan. Isa iyong malaking kubo na yari sa kawayan at nipa. Mayroon itong dalawang palapag na batid kong mabusising ginawa. Mayroon rin itong bakuran at hardin na maaring pagtaniman. Bagamat nasa bayan ito nakatayo ay hindi ito malapit sa ibang mga kabahayan.

“Ginoo, maari ba talaga akong pansamantalang manirahan rito?”
ani ko nang makapasok kami sa loob.

Inilapag ni Heneral Vicencio ang mga kagamitan na kaniyang dala sa mahabang upuan na yari sa kahoy at kinuha ang hawak kong bayong na aking dala mula sa isla.

“Aking sinta, maari kang manirahan rito kahit gaano pa katagal. Ang totoo niyan ay para talaga sa iyo nakalaan ang tirahang ito,”
wika ni Heneral Vicencio.

“Ngunit masiyado yata itong malaki para sa akin, ginoo?”
tanong ko nang may pag-aalinlangan.

Matapos ilapag ni Heneral Vicencio ang aking kagamitan ay lumapit ito sa akin. Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay na akin namang tinanggap. Nang hilahin ako nito papalapit sa kaniya ay umawang ang aking labi. Napakapit ako sa kaniyang malapad na balikat habang ang kaniyang mga kamay ay pumipisil sa aking baywang.

Inilapit nito ang kaniyang labi sa aking tainga at bumulong,
“Nararapat lamang na malaki ang tirahang ito dahil dito rin ako maninirahan kasama mo, aking sinta. Sisiguraduhin kong ang bawat sulok ng kubong ito ay magiging saksi ng wagas kong pag-ibig sa iyo. Ngayon, maari na ba natin iyong simulan sa pagsuot mo ng nakakaakit na kasuotang ito?”

Napatingin ako sa kaniyang hawak na malong. Ito ang kasuotang pumukaw sa kaniyang atensiyon kanina. Hindi ko akalaing nabili niya ito nang hindi ko nalalaman.

“Ngunit hindi ba’t kailangan mo nang bumalik sa iyong mga sundalo? S-sigurado ako hinahanap ka na nila,”
pagdadahilan ko.

Ang totoo niyan ay kinakain na ako ng hiya sa aking kinatatayuan. Hindi kailanman sumagi sa aking isip na magsusuot ako ng kasuotanng pambabae gayong ako’y isang pa ring lalaki umiibig man ako sa heneral.

Itinapat ng heneral ang aking kamay sa matigas na umbok sa kaniyang pantalon at sinabing,
“Ang aking mga sundalo ay makapaghihintay, subalit ang

isang it

o ay kanina pa gising noong ninakawan mo ako ng halik sa pamilihan, aking sinta.”

-Terrorious

×××

KABANATA 44: Malong🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

“Umupo ka rito, aking sinta,”
tinapik ni Heneral Vicencio ang kaniyang kandungan. Ang bughaw nitong mga mata na taimtim na nakatitig sa akin ay para akong kakainin ng buhay.

Malalim akong lumunok bago lumapit sa kaniya. Bukod sa makulay na malong na suot ko sa aking pang-ibaba ay wala na akong ibang kasuotan. Mabuti ay mayroong palikuran sa loob ng tahanang ito kaya’t hindi ko na kinailangang lumabas para magpalit. Naiisip ko pa lamang na makikita ako ng ibang tao na nakasuot nito ay lulubog na ako sa kahihiyan.

“Aking sinta, mahaba pa ang araw na ito ngunit hindi na ako makapaghihintay pa,”
anito habang nakatingala sa akin.

Nakatayo lamang ako sa kaniyang harapan. Yakap ko ang aking sarili at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong takpan. Ngayon pa lamang ay pinagsisihan ko nang ninakawan ko ito ng halik sa pamilihang bayan. Base sa malagkit na titig nito sa akin ngayon ay nakasisiguro akong mauubos muli ang aking lakas.

Sapagkat masikip sa akin ang malong at hapit na hapit iyon sa aking mga hita ay kinailangan kong itaas ang laylayan nito upang makaupo ako sa kandungan ng heneral. Napakabilis ng tibok ng aking puso at mas bumilis iyon nang ilagay ng Heneral Vicencio ang aking mga kamay sa kaniyang balikat. Ngayo’y nakawak na ito sa aking mga hita at masuring nakatitig sa aking dibdib.

Yumuko ako at sinabing,
“N-nahihiya ako, ginoo. Hindi ko na dapat isinuot ang malong na ito.”

Hinawakan ni Heneral Vicencio ang aking baba upang magtama ang aming mga mata,
“Wala kang dapat ikahiya dahil bukod sa akin ay hindi ko hahayaan ang ibang makakita sa iyo na suot ito. Napakaganda mo, mahal ko.”

Tumawa ako at umiling.

Ang salitang
maganda
ay naririnig ko lamang na sinasambit ng mga kalalakihan sa binibining kanilang napupusuan. Kailanman ay hindi sumagi sa aking isipan na mayroong tatawag sa akin nito.

“Bilang punong heneral ng Espanya at batid mong mahalaga sa akin ang bawat oras, Ryannel. Nais kong talakayin mo ang iyong mga plano upang maibabalik muli ang iyong posisiyon sa pamahalaan. Kung naibigan ko ang iyong mga saloobin ay asahan mo ang aking pagtulong hanggang sa maging ganap kang punong heneral muli ng San Fernando,”
nagbagong bigla ang boses ni Heneral Vicencio na aking ikinabahala. Ang tono ng kaniyang pananalita ay kaparehas noong una kaming magkita sa kanilang mansyon.

Uminom ba siya ng serbesa nang palihim ng hindi ko nalalaman?

“Magsalita ka, Ryannel,”
may awtorikong patuloy ng heneral.

“Ginoo, nais kong makabalik sa aking posisiyon upang…”
napatigil ako nang magsimulang maglakbay ang mga kamay ng heneral sa aking hita.

“Upang? Ipagpatuloy mo, Ryannel, nakikinig ako,”
saad nito subalit nagpatuloy ang pagtaas ng kaniyang malikot na mga kamay hanggang sa unti-unti nitong itinataas ang suot kong malong.

Humigpit ang pagkapit ko sa kaniyang balikat,
“U-upang matulungan ang aking mga k-kababayan mula sa buwayang si Don Gerardo–ahhh!”

Mabilis kong tinakpan ang aking bibig matapos akong mapahiyaw nang kagatin ni Heneral Vicencio ang kaliwa kong dibdib. Nakatitig ito sa akin habang sinisipsip ang aking utong samantalang ang malaya nitong kamay ay naglalaro sa aking kanang dibdib.

“Ipagpatuloy mo, Ryannel. Paano mo ako makukumbinsing tulungan ka kung nauutal ang iyong mga sinasabi?”
paghahamon nito.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy,
“Simula noong itinalaga si Don Gerardo na punong heneral ay marami sa aking mga kababayan ang nagdusa. Nais kong makuhang muli ang aking posisiyon at mabigyan ng karampatang kaparusahan ang mga nagkasala.”

Bumaling ang tingin ko sa malong na aking suot nang punitin iyon ng heneral. Hinalikan niya pa ang napunit na kasuotan bago ito ihagis sa kung saan. Ngayon ay nakatambad sa kaniya ang aking hubad na katawan.

“Ryannel, nais kong ipaalam mo sa akin ang iyong plano upang mapatalsik si Heneral Gerardo,”
wika ng heneral.

“Una ay… ”
napatigil ako sandali nang pisilin ng heneral ang aking puwetan pagkatapos ay binuksan ang kaniyang pantalon.

“Una ay ano, Ryannel? Hmmm?”
mapagbiro na idinidikit ng heneral ang ulo ng matigas niyang sandata sa tapat ng aking lagusan.

Tumikhim ako,
“Una ay hindi dapat matuloy ang kasal ni Tristan at ni Binibining Juana. Pangalawa ay–”

Hindi ko muling natapos ang balak kong sabihin nang maramdaman ko ang pagpasok ng daliri ng heneral sa aking lagusan. Mahigpit akong yumakap sa kaniyang leeg nang ipasok niya pa ang isa pa niyang daliri. Ibinabaon ko ang aking mukha sa kaniyang leeg upang pigilan ang ungol sa tuwing naabot ng kaniyang daliri ang sensitibo kong parte.

“Ang una mo bang gagawin ay yumakap sa punong heneral ng Espanya, Ryannel?”
tukso ni Heneral Vicencio.

“H-hindi po, ginoo,”
mabilis kong sagot.

Itinigil ko ang pagyakap sa kaniya at humawak na lamang sa kaniyang balikat. Mula sa aking likuran ay nararamdaman ko ang matigas nitong pagkalalaki. Handang-handa na iyon at paniguradong masasaktan ako kung hindi niya ihahanda ang aking lagusan.

“Ryannel Guevarra, sa tingin mo ba’y ang pang-aakit sa akin ang susi upang tulungan kitang maibalik ang iyong posisiyon sa pamahalaan?”
pang-aakusa nito.

Bahagyang tumaas ang aking kilay sa narinig,
“A-anong pinagsasabi mo?”

“Kung nais mo akong akitin ay husayan mo, Ryannel,”
utos nito at pinaluhod ako sa kaniyang harapan.

Sapagkat nanatili itong nakaupo ay katapat ng aking mukha ang tayung-tayo nitong sandata. Hindi ko na maalala ang huling araw na nakita ko ito nang ganito kalapit. Sapagkat mapusyaw ang kutis ng heneral ay ganoon rin ang kaniyang pagkalalaki. Nakakatakot ang laki nito at mayroon ring kaunting buhok. Nang tumitig ako sa kaniyang mukha ay tumaas ang kaniyang kilay, hudyat na hinihintay nito ang aking susunod na gagawin.

“Kung nais mo ng ganitong klaseng pakiusapan ay ibibigay ko sa iyo, Heneral Vicencio. Sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak,”
sabi ko sa aking isip.

Hindi ko inalis ang aking tingin sa kaniyang bughaw na mga mata nang gumapang ako palapit sa kaniyang pagkalalaki. Hinawakan ko iyon at lumuhod bago sinimulang dilaan ang ulo nito. Marahil ay hindi iyon inasahan ng ginoo kaya’t napaawang ang labi nito.

Ibinuka ko pa lalo ang kaniyang mga hita at pinaglaruan ang kaniyang sandata gamit ang aking dila. Napatingala ito nang isubo ko ang ulo ng kaniyang pagkalalaki at hayaang sauluhin ko ang bawat detalye nito. Nagawa pa nitong kumapit sa aking buhok upang gabayan ang aking galaw. Hinawakan ko ang kaniyang pagkalalaki at isinubo iyon sa abot ng aking makakaya.

Gaya ng aking inaasahan ay bigo akong masubo iyon ng buo. Nangangalahati pa lamang ang kaniyang sandata sa aking bibig ay naduduwal na ako. Mahigpit akong napakapit sa kaniyang mga hita nang dahan-dahan nitong ibinaon ang aking mukha sa kaniyang saludong pagkalalaki.

“Arghh, ganiyan nga, Ryannel. Napakakipot ng iyong bibig,”
namamalat nitong ungol.

Mas binilisan ko ang pagsubo sa kaniyang pagkalalaki dahilan upang mawala ang heneral sa kaniyang ulirat. Nang aking maramdaman na malapit sa siya sa kaniyang kasukdulan ay itinigil ko ang pagsubo. Hinubad ko ang kaniyang pantalon at muling umupo sa kaniyang kandungan. Nanunudyo kong inilapit ang aking mukha sa kaniya at umaktong hahalikan ang kaniyang labi. Bakas sa mukha ng heneral ang pagkabanas nang iniwas ko ang aking mukha isang pulgada ang layo bago maglapat ang aming mga labi.

“Kung paghuhusayan ko ba ang pagpapaligaya sa iyo ngayong gabi ay tutulungan mo akong maisagawa ang aking pinaplano, Heneral Vicencio?”
mapang-akit kong bulong sa kaniyang tainga habang ang aking daliri ay naglalandas sa kaniyang labi.

“Nakadepende iyon sa kung paanong paraan mo ako mapapaligaya, aking sinta,”
anito bago hawakan ang likod ng aking leeg at sunggaban ako nang mainit na halik.

Malayang nakapasok ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Hindi ko mapigilang mapahawak sa kaniyang dibdib nang mas pailalimin niya ang halik. Para akong mawawalan ng hininga sa kaniyang ginagawa. Sinusupsop niya ang aking labi na para bang sabik na sabik siya roon. Hindi naglaon ay bumaba ang kaniyang halik sa aking leeg. Muli niyang ipinasok sa aking lagusan ang kaniyang daliri at nang maihanda ako ay may pag-iingat niyang pinasok ang kaniyang sandata.

“Aking sinta, nais mo pa bang ipagpatuloy ito?”
nag-aalala niyang tanong nang mapansin ang paglukot ng aking mukha.

Ulo pa lamang ng kaniyang pagkalalaki ang kasalukuyang nasa loob ng aking lagusan. Marahil ay dahil sa taglay niyang kalakihan kung kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay ang aking katawan sa tuwing inaangkin ako nito. Gayunpaman, mas nangingibabaw sa akin ang pananabik sa kaniya kaysa sa sakit.

“Hindi ko nais na sumakit muli ang pantog ng aking ginoo,”
pagbibiro ko at tumawa naman ito.

Nagulat ito nang punitin ko ang suot niyang pang-itaas at halikan ang kaniyang leeg. Maging ang pawis niya’y nakakaakit. Napakainit ng kaniyang katawan at nagbibigay iyon ng kiliti nang simulan kong gumalaw sa kaniyang ibabaw. Sa tuwing bumabaon ang kaniyang pagkalalaki sa akin ay pakiramdam ko’y tatagos iyon sa aking katawan. Nang masanay na ako sa kaniyang kalakihan ay mas bumilis ang aking paggalaw.

“Marahil ay dahil marunong kang sumakay sa kabayo kaya’t napakahusay mong sumakay sa akin, mahal ko,”
wika nito sa gitna ng kaniyang mga ungol.

Hindi ko na magawa pang tumugon sapagkat sa pagtaas-baba pa lamang sa kaniyang kandungan ay ubos na ang aking lakas. Nang mapansin iyon ng ginoo ay kumapit ito sa aking mga hita at tumayo. Buong akala ko’y mahuhulog ako sa biglaan niyang pagtayo kaya’t mahigpit akong yumakap sa kaniya.

“Ginoo, maari mo na akong ibaba–ahh!”
hindi ko napigilan ang pag-ungol nang angkinin ako nito habang siya’y nakatayo.

Hawak niya ang aking mga hita upang hindi ako mahulog at umuulos ito sa akin sa mabilis na paraan. Dahil sa posisiyon na ito’y mas ramdam ko ang kaniyang kalakihan. Para bang wala akong ibang marinig kung hindi ang pagsalpok ng aming mga katawan.

“Ahhh!”
magkasabay naming ungol nang makaraos ito sa loob ng aking lagusan.

“Aking sinta, makinig ka sa akin,”
ibinaba ako nito at niyakap nang mahigpit.
“Hindi ko magagawang sabihin ito sa ibang paraan at ngayon lamang ako nakahanap ng tamang tiyempo.”

“Ano iyon, ginoo?”
seryoso ang tono nito.

“Ang nararapat na ikasal kay Binibining Juana ay walang iba kung hindi ako, ngunit hindi ako pumayag sa nais ng aking ina. Iyon ang dahilan kung bakit napilitan si Tristan na siyang aking alkalde na akuin ang aking responsibilidad labag man ito sa kaniyang kalooban,”
suplong nito.

Hindi maproseso ng aking utak ang kaniyang mga sinabi.

Kung gayon ay tama nga ang hinala ni Binibining Juana na si Heneral Vicencio ang sa tingin niya’y kaniyang papakasalan. Kung gayon ay posibleng kasinungalingan ang sinabi sa akin ni Tristan na hindi niya kailanman minahal ang aking kapatid at napilitan lamang siyang sabihin iyon gawa ng kaniyang responsibilidad.

“B-bakit mo nagawang kumontra sa kagustuhan ng iyong ina, ginoo?”

“Dahil mahal kita,”
walang pagdadalawang-isip niyang sagot.
“Itakwil man ako ng sarili kong ina ay hindi ko magagawang pakasalan ang kahit sinong hindi ko naiibigan.”

“Paano kung hindi na ako nagpakita? P-paano kung nanatili ako sa isla at hindi kailanman tumapak muli sa bayan?”
tanong ko.

“Patuloy akong maghihintay para sa iyo, aking sinta. Sapagkat bukod sa iyo ay walang ibang nangyaring tama sa aking buhay. Sa lahat ng desisiyon na aking ginawa, batid kong ang wagas kong pag-ibig sa iyo ang hindi ko kailanman pagsisisihan

,”
sagot nito at hinaplos ang aking mukha.

Habang pinagmamasdan ko siyang sabihin ang bawat salitang kaniyang binitawan ay mas higit ko siyang minahal. Hindi ko lubos maisip na kaya nitong sumuway sa kaniyang sariling ina para lamang sa isang katulad ko.

Itinapat ko ang kaniyang kamay sa aking dibdib,
“Magkahalong tuwa at lungkot ang nadarama ng aking puso sa iyong sinabi, ginoo. Natutuwa ako sapagkat busilak ang iyong pagmamahal sa akin, subalit ako rin ay nalulungkot dahil ako ang sanhi ng hidwaan ninyo ng iyong ina.”

Umiling ito,
“Wala kang dapat ikalungkot, aking sinta. Magmula noong makipagkasundo si ina kay Heneral Gerardo at ipinilit akong ipakasal kay Binibining Juana ay hindi ko na siya itinuring na ina. Ang pinakamahalaga sa akin ngayon ay matulungan ang aking alkalde na si Tristan. Hindi maaaring matuloy ang kasal nila ni Binibining Juana.”

“Ano ang maari nating gawin upang matigil ito?”
mariin kong tanong.

“Bilang selebrasiyon sa nalalapit na kasal ay magaganap ang inaabangang batalya sa aming mansyon dalawang araw mula ngayon. Isa iyong palaro kung saan masusubok ang kakayahan ng lahat ng mga sundalong Espanyol. Nais kong sumali bilang isa sa mga kalahok at kung papalarin ay ang pagtigil ng kasal ang nais kong gantimpala. Sigurado akong iyon rin ang nais ni Tristan,”
ani Heneral Vicencio.

Kilala si Heneral Vicencio na isang mahusay at malupit na mandirigma. Bilang alkalde ay nakasisiguro rin akong batak sa pag-eensayo si Tristan. Gumaan ang aking loob pansamantala ngunit napalitan rin iyon ng pangamba.

“Nais kong tulungan mo akong maghanda, aking sinta. Ang mananalo sa batalyang ito ay maaring hingin ang kahit na anong gantimpala. Hindi ako magtataka na marami sa aking mga sundalo ang inaasam ang aking posisiyon bilang punong heneral ng Espanya,”
saad ng ginoo.

-Terrorious

×××

KABANATA 45: Palatuntunan

Sapagkat limitado lamang ang panahon bago ang batalya ay hindi mawala sa aking puso ang pag-aalala. Kung husay lamang ay walang dudang napakagaling ni Heneral Vicencio sa pakikipaglaban. Bukod sa taglay niyang lakas ay alerto rin ito. Tila ba batid nito ang bawat kong galaw sa tuwing kami ay nag-eensayo.

Ngayon ang araw ng batalya at kasalukuyan akong nasa isla kung saan naninirahan ang aking magulang at kapatid. Si Heneral Vicencio ay nagpasyang maunang bumalik sa San Fernando matapos ang huli naming ensayo sa islang ito. Marahil ay nais niyang salubungin ang aking pamilya, subalit malaki ang posibilidad na hindi ito mangyari.

“Stella, buo na ba ang iyong pasiya na hindi mo nais masaksihan ang batalya ng mga Espanyol?”
usal ko sa aking kapatid na kasalukuyang nagtutupi ng kaniyang mga kasuotan.

“Buo na po ang aking desisyon, kuya. Nais kong samahan si ina rito imbes na saksihan ang batalyang iyon.”

Ni hindi lamang ako nito tinitigan sa aking mata ng banggitin niya iyon. Inaasahang mapupuno ang malawak na lupain ng mansyon nina Heneral Vicencio sapagkat inanyayahan ni Donya Isabella ang lahat ng mga lokal sa San Fernando at mga kalapit bayan na maging saksi sa naturang batalya. Kahapon ay pumarito si Binibining Juana upang pormal na imbitahan ang aming pamilya na dumalo. Nalalapit na rin ang kaniyang kasal kay Tristan at bakas sa mukha nito ang tuwa.

Bilang paglilinaw, ang sasama sa akin pabalik sa San Fernando ay tanging si Jose lamang. Hindi makabubuti kay ina ang batalya, samantalang si Mang Romolo, Nena at Stella ay piniling samahan si ina na siyang aking pinasalamat. Naisin ko mang manatili rito kasama nila ay mapapanatag ang aking loob kung naroon ako upang suportahan si Heneral Vicencio imbes na maghintay na lamang ng balita. Isa pa, nais ko ring makita ang mga lokal na pupunta at ang mga kasapi ng katipunan.

Gamit ang bangkang pangisda ay tinawid namin ni Jose ang katubigan patungo sa San Fernando. Hindi ko namataan si Heneral Vicencio sa daungan kung kaya’t nakasisiguro akong naroroon siya sa kanilang mansyon upang maghanda. Inasahan ko namang walang mga sundalong Espanyol sa paligid.

“Ryannel, rito!”
ang malakas na boses na iyon ay galing kay Tinyente Ismael nang mamataan niya akong naghahanap ng mauupuan sa gaganapan ng batalya.

Dahil sa kaniyang pagtawag ay natuon sa akin ang atensiyon ng ilang naroroon. Nang batiin ako ng mga lokal kong kakilala ay binati ko silang pabalik. Nagtatanong pa ang ilan sa mga ito kung nasaan ang aking ina at kapatid at nang mapunta ang usapan sa kung saan kami naninirahan ay mas pinili kong huwag na itong sagutin.

“Bakit ngayon lamang kayo? Buong akala ko’y hindi ka na darating, Ryannel,”
bagkus Tinyente Ismael.

“Hindi maaaring hindi ako pumarito, Tinyente,”
ang aking mga mata’y gumagala sa paligid, hinahanap ang kalahok na nais kong makita.

Nasa unahan nakaupo sina Donya Isabella, si Heneral Gerardo, Donya Gerardo, si Binibining Juana at Tristan. Magagara ang kanilang mga kasuotan. Samantala, nasa kanilang likuran ang ilang Espanyol na marahil ay mataas ang katungkulan at mga kasapi ng pamahalaang lokal. Naroroon sina Ginoong Pablo, Tandang Dante, at maging si Padre Dencio. Ako ay nakapuwesto sa bandang likuran kaya’t hindi nila ako matanaw rito.

Nasaan na siya?

Nasaan ang mga kalahok?

“Kung ang sinisipat mo ay si Heneral Vicencio ay hindi mo siya matatagpuan sa paligid, Ryannel,”
saad ni Tinyente Ismael na siyang aking ikinabigla.

“Anong ibig mong sabihin, Tinyente?”
bahagyang tumaas ang aking boses.

“Dalawang araw na ang nakalipas simula noong ipahanap siya ni Donya Isabella, Ryannel. Buong akala ko’y kasama mo siyang paparito sapagkat nais niyang magwagi sa batalya,”
wika ni Tristan.

Kasama ko ang heneral sa isla kung saan naninirahan ang aking pamilya sa nagdaang mga araw, subalit nararapat na narito na siya. Pasikat pa lamang ang araw noong bumalik ito sa San Fernando apat na oras ang nakalipas.

“Ginoo, saan po kayo tutungo?”
pagpigil sa akin ni Jose nang mabilis akong tumayo mula sa aking kinauupuan.

“K-kailangan ko siyang hanapin, Jose,”
hindi maitago ang kaba sa aking boses.

Magmula noong nalagay sa kapahamakan ang ginoo ay napagtanto kong hindi ko kakayanin na mangyari muli ito. Kung totoong hindi pa siya natatagpuan dalawang araw na ang nakalipas ay posibleng hindi siya nakatuntong rito sa San Fernando o mayroong masamang loob na dumakip rito.

Ngunit kung hindi mahagilap ang kasalukuyang punong heneral ng Espanya, bakit tuloy pa rin ang batalyang ito?

“Aking sinta, lahat ay gagawin ko upang magwagi sa batalya at nakasisiguro akong gayon din ang gagawin ng ibang mga kalahok. Magwagi man ako o mabigo, hindi ko pagsisisihan ang pagsali rito sapagkat batid kong ibinigay ko ang aking buong makakaya.”

Iyan ang isa sa mga natatandaan kong sinabi ng ginoo matapos ang huli naming ensayo. Nang mapagtanto ko ang tunay na kahulugan ng kaniyang sinabi ay pinili kong manatili. Inutusan ko si Jose na hanapin si Heneral Vicencio nang patago at bago pa man magsimula ang batalya ay buo ang aking desisyon.

Hindi ko hahayaang masayang ang pinaghirapan ng aking sinta!

“Maligayang bati sa lahat ng mga naririto. Ang batalya na ating masasaksihan ay tradisiyon ng pamahalaan tuwing ika-limang taon. Dito masusubok ang husay ng ating magigiting na sundalo at ng kasalukuyang punong heneral… na ikinalulungkot naming hindi makakalahok ngayon. Gayunpaman, ang lahat ay hindi makapaghintay sa tatanghaling kampiyon at kung ano ang hihingin nitong gantimpala. Nakahanda na ba ang lahat?”
buong lakas na wika ng matandang tagapagsalita sa wikang Espanyol.

Masigabong palakpakan ang itinugon ng mga manunuod ngunit natigil rin iyon ng itaas ko ang aking kamay kasabay nang pagtayo. Ang buong atensiyon ng lahat ay nasa akin. Tikom ang bibig ng lahat, hinihintay ang aking sasambitin.

“Quiero reemplazar al General Vicencio como uno de los protagonistas de esta batalla. Nais kong pumalit kay Heneral Vicencio bilang isa sa mga kalahok ng batalyang ito.”
Inulit ko ang aking sinabi sa wikang Filipino upang maintindihan ito ng karamihan.

Hinawakan ni Tinyente Ismael ang aking palapulsuhan,
“Ryannel, bawiin mo ang iyong sinabi. Hindi mo ba batid na lubha itong mapanganib?”

Tama siya. Kung tutuusin ay magsisilbi itong una kong batalya kung pahihintulutan. Batid ko na lubha itong mapanganib subalit hindi kalahok si Tristan.

Paano niya magagawang tumutol sa sarili niyang kasal kung hindi man lamang siya pinahintulutang sumali?

Kung magwawagi ay maaari ko bang hilingin ang pang-habambuhay na kapayapaan sa San Fernando?

Maari ko bang hilingin ang pagtanggap sa pagmamahalan namin ni Heneral Vicencio?

Maya-maya pa’y tumayo si Donya Isabella matapos itong bulungan ni Heneral Gerardo at ng asawa nito. Sa wari ko’y may napagkasunduan ang mga ito. Hindi ko maitanggi ang kaba sa aking puso.

“Ginoong Guevarra, kung malalagay ka sa bingit ng kamatayan sa desisyon mong iyan, nanaisin mo pa rin bang sumali para sa aking anak?”
malalim ang tono ni Donya Isabella ng sabihin niya iyon sa wikang Espanyol.

“Ano pong ibig niyong sabihin?”

“Kung nais mong magpakabayani ay babaguhin ang palatuntunan ng batalya, Ginoong Guevarra. Nanaisin mo pa rin bang tumuloy kung ang iyong kalaban ay ang lahat ng mga kalahok sa batalyang ito?”
ang paglilinaw na iyon ay mula kay Heneral Gerardo.

-Terrorious

×××

KABANATA 46: Batalya

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng karahasan na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Ako laban sa lahat ng kalahok sa batalyang ito. Walang dudang nais nila akong mabigo. Base sa naririnig kong bulungan ng mga manunuod ay hindi sila sang-ayon rito.

Kung tutuusin ay hinamon ako ng mga nakakataas at batid nilang hindi ako aatras kung nais kong patunayang karapat-dapat pa rin ako bilang punong heneral. Kilala ang aking ama na si Don Marcello Guevarra bilang pinakamahusay na mandirigma, bukod pa roon ay bukal ang puso nitong tumulong sa kaniyang nasasakupan kung kaya’t siya ang hinirang na punong heneral. Sapagkat biglaan ang pagkamay nito sa nakaraang digmaan ay napagkasunduan na ako ang magpatuloy ng kaniyang pamamahala. Hindi man ako kasinghusay ng aking ama ay nais kong patunayan na higit na karapat-dapat ako bilang punong heneral kapalit man nito ay ang aking buhay.

“Ama, bawiin mo po ang iyong sinabi! Napakarami ng mga kalahok at hindi ito kakayanin ng ginoo nang mag-isa lamang,”
tumayo si Binibining Juana at nakiusap sa kaniyang ama.

Hindi ito binigyang pansin ni Heneral Gerardo. Binalaan naman ni Donya Gerardo ang kanilang anak kaya’t umupo na lamang ito muli. Si Tristan naman ay umiling, waring sinisenyasan akong huwag pumayag sa kagustuhan ng mga sakim.

“Ryannel, kung nais mong magpatuloy ay hayaan mong tulungan kita. Tama si Binibining Juana, hindi mo kakayaning mag-isa ang mga sundalong Espanyol,”
suwestiyon ni Tinyente Ismael.

“Tinyente, labis akong natutuwa sa iyong kabutihan subalit hindi ko kakayaning malagay sa panganib ang mga taong mahalaga sa akin,”
palakad na ako patungo sa gitna nang hawakan ni Tinyente ang aking palapulsuhan, dahilan upang ako’y mapahinto.

“Ryannel, batid mo bang kung mayroong mangyaring masama sa iyo at nalaman ni Heneral Vicencio kung sino ang may kagagawan, maaring mangyari ang kinatatakutang himagsikan?”
aniya.

Tumango ako,
“Huwag kang mag-alala, Tinyente. Hindi mangyayari ang himagsikan.”

Hindi na ako nagawang pigilan ni Tinyente Ismael. Nang kumpirmahin ko ang pagsang-ayon sa hamon ay lumabas na ang lahat ng kalahok. Nakasuot ang mga ito ng kanilang unipormeng pang-sundalo. Bawat isa sa mga ito’y may hawak na mahabang itak at matalim ang tingin ng mga ito sa akin. Hindi ko matandaan ang kahit sino sa kanila maliban sa isang sundalo na hindi ko inaasahang kalahok sa batalyang ito. Walang iba kung hindi si
Paz
.

Hindi ba’t isa siya sa pinagkakatiwalaang sundalo ni Heneral Vicencio?

Bakit siya sumali sa batalyang ito?

Bumalik ako sa ulirat nang ibinigay sa akin ng isa sa mga sundalo ang isang matalas na itak. Katulad nang napakainit na araw sa kalangitan ay gayon din ang mainit na suporta na ibinigay ng mga lokal na manunuod.

“Kumpleto na ang lahat ng mga kalahok ngunit bago magsimula ang batalya ay nais kong ipaliwanag ang palatuntunin. Kung sino man sa pagitan ng labing walong sundalong Espanyol at ni Ryannel Guevarra ang mananatiling nakatayo makalipas ang isang oras ang siyang matutupad ang kahit ano mang kahilingan,”
wika ng tagapagsalita.

“Kung ang pagpaslang sa inyong katunggali ang susi upang magtagumpay, ay maari ninyong gawin,”
dagdag pa ni Heneral Gerardo na siyang inanunsiyo ng tagapagsalita sa wikang Espanyol.

Pinoproseso pa lamang ng aking utak ang aking mga narinig nang magpaputok ng baril si Heneral Gerardo. Hudyat na simula na ang batalya.

Mahigpit akong napakapit sa hawak kong itak nang sumugod ang limang sundalo patungo sa akin. Kasabay ng aking pagdaing ay ang pagsigaw ng manunuod nang madaplisan ng itak ang aking kanang braso. Bago pa man ako muling masugatan ay nagawa kong umiwas sa mga sandatang kanilang hawak na dahil sa kanilang bilis ay pawang naglalaho ito sa ere.

Malalim man ang sugat sa aking braso ay nagpatuloy ako sa laban. Nagawa kong patumbahin ang limang sundalo sa pamamagitan ng pagputol sa kanilang mga paa. Nakasisiguro akong buhay pa ang mga ito subalit permanente na itong mga lumpo. Ang pagpapatumba ng limang sundalong Espanyol ay hindi naging madali. Kapalit nito ay ang karagdagang mga sugat sa aking magkabilang braso, tagiliran, at hita. Ang aking kasuotan na itinahi ni ina ay ngayo’y duguan na.

Mariin kong kinagat ang aking labi dahil sa kirot na aking nadarama. Maya-maya pa’y sumunod na sa pagsugod ang lima pang sundalong Espanyol. Walang dudang mahuhusay ang limang sundalong aking nakatunggali kanina, subalit higit na bihasa ang limang sundalo na kasalukuyan kong kalaban. Nagagawa nilang salagin ang bawat kong galaw. Impit akong napasigaw nang mahagip ng itak ang aking kaliwang balikat.

Nahulog sa lupa ang aking sandata ng pilit kong takpan ang dugo na umaagos mula roon. Napaluha ako sa labis na kirot. Lumalabo man ang aking paningin ay malinaw sa akin ang tuwa sa mukha ni Heneral Gerardo. Napatukod ako sa duguang lupa nang maramdaman ko ang pagtama ng itak sa aking binti.

“No te fuerces si no puedes soportar el dolor, señor,”
rinig kong wika ng isang sundalo na aking katunggali.

Mula sa aking posisiyon ay naririnig ko ang ilang kasapi ng pamahalaan na nais nang itigil ang batalya. Si Tinyete Ismael nama’y hinarang ng mga sundalo nang subukan nitong lumapit.

Sa buhay kong puno ng kabiguan, masama bang maghangad ng tagumpay?

Nabigo akong mapanatili ang aking posisiyon bilang punong heneral ng San Fernando. Kalakip nito ang nabigo kong pangako sa aking ama na protektahan ang aking pamilya at nasasakupan sa mga mapang-abuso at sakim sa kapangyarihan.

Sa kagustuhan kong magwagi ay muli akong lumaban. Wari mo’y instrumento ang mga itak na sandata ng bawat kalahok sa batalya na naglilikha ng musika dahil sa magkakasunod nitong tunog. Nang mapatumba ko ang limang sundalo ay sumunod ang pito. Nagdanak ang dugo sa lupa at napakalakas na hiyaw ang tugon ng mga saksi.

Sampu’? Dalawpu’? Limampu’? Hindi ko na mabilang at maramdaman ang mga sugat na aking natamo sa buo kong katawan matapos kong mapatumba ang labimpitong sundalo. Ang totoo niyan ay milagro na nakakahinga pa ako at nananatiling nakatayo. Ngayon ko lamang napagtantong napakalawak ng lupain na ito habang pinagmamasdan ang mga sundalong nakabulagta sa lupa na waring putol ang mga paa.

“Señor, si todavía quiere presenciar mañana, simplemente ríndase. Soy el único superviviente de la última guerra que ocurrió,”

(Señor, kung nais mo pang masaksihan ang araw kinabukasan ay sumuko ka na. Ako ang tanging sundalong nakaligtas sa rebolusiyon na naganap tatlong taon na ang nakalipas),
babala ni Paz.

Lumapit ito sa akin hawak ang itak at akmang sesentruhin ang aking dibdib ngunit nakaiwas ako. Nang subukan kong tumugon gamit ang aking itak ay nakaiwas rin ito gaya ng aking inaasahan.

“Maari ko bang malaman ang nais mong hilingin kung mananalo ka sa batalyang ito?”
tanong ko sa wikang Espanyol.

“Cualquiera que sea mi deseo, será beneficioso para nuestro señor, pero ¿quieres saber quién estuvo conmigo durante la revolución y quién lo mató?”

(Kung ano man ang aking kahilingan ay makakabuti ito sa aming Señor, ngunit nais mo bang malaman kung sino mahalagang tao na aking kasama sa rebolusiyon at kung sino ang pumaslang sa kaniya),
matalim niya akong tinitigan.

“S-sino?”
tanong ko pabalik.

“Si Don Alejandro Vicencio, ang ama ng lalaking iyong minamahal na walang awang pinaslang ng sarili mong

ama

.”

Kasabay nang masakit na impormasiyong aking narinig ay ang pagtarak ng kaniyang itak sa aking sikmura. Napakapit ako sa dalawa niyang kamay na mahigpit na nakahawak sa itak. Sunod-sunod na tumulo ang aking luha dahil sa aking nalaman alinsunod sa aking dugo.

“Kung hindi umibig sa iyo ang aming ginoo ay matagal na kayong sinakop ng mga kastila!”
aniya bago hugutin ang patalim na nakatarak sa aking sikmura, dahilan para tuluyan na akong matumba sa lupa.

-Terrorious

×××

KABANATA 47: Kalayaan

Tatlong taon na ang nakalipas subalit malinaw pa rin sa aking isipan ang huling pag-uusap namin ni ama bago ito sumabak sa rebolusiyon. Ninais sakupin ng mga kastila ang aming buong kapuluan at gawin itong kaninang pormal na teritoryo. Noong una’y ipinatupad nila ang ebanghelisasiyon na isang mapayapang paraan ng paglaganap ng kristiyanismo. Ngunit nagsimula ang pagtutol ng mga pilipino nang kanilang ipamulat ang estratehiyang kolonisasiyon na kasalungat ng naunang estratehiya. Nagsisimbolo ito ng espada dahil ginagamitan ito ng lakas-militar.

“Anak, nauunawaan ko ang iyong kagustuhang ipaglaban ang ating kapayapaan subalit hindi maaaring walang kasama ang iyong ina at kapatid rito. Paano na lamang kung mapadpad ang mga kastila rito? Sino ang poprotekta sa kanila?”
paliwanag ni ama.

Ang kaniyang tinig ay waring nakikiusap. Kasalukuyan kaming nagtatago sa parokya ng San Fernando kasama ang ilan pang lokal na hindi kasapi ng militar. Base sa nakalap na balita ay mahigit siyam na raan na ang nasawi dulot ng rebolusiyon sa karatig bayan. Kung hindi kikilos ang sandatahang militar ay mas marami pang sibilyang masasawi.

“Marcelo, mag-iingat ka. Mag-iingat kayo ng magigiting nating mga sundalo. Hihintayin ko ang iyong pagbabalik, mahal ko,”
niyakap ni ina si ama nang napakahigpit. Nagsimula itong tumangis na siyang nagbigay ng kirot sa aking puso.

Nakasisiguro akong lahat ng pamilya ng mga sundalong naririto sa parokya ay hindi nais pakawalan ang kanilang mahal sa buhay lalo pa’t malalagay ang mga ito sa kapahamakan upang makamtan ang kalayaan. Hinalikan ni ama ang aking ina at nangakong babalik ito. Ang kapatid kong si Stella ay yumakap rin kay ama. Ang senaryong aking nasasaksihan ay tunay na makabagbag damdamin.

“Heneral Guevarra, kailangan na po nating humayo! Paubos na ang mga sundalo sa karatig bayan,”
abiso ng isa sa mga sundalo.

Tumango si ama at kumalas sa yakap nina ina at Stella. Lumapit ito sa akin at inabot ang supot na wari ko’y naglalaman ng ginto at isang baril. Nakatitig ako sa kaniyang mga matang nangungusap.


Anak, ang kayamanang iyan ay pakaingatan mo. Gamitin mo iyan sa oras ng kagipitan. Kung ako’y mabigo at hindi na makabalik muli, nakikiusap akong protektahan mo ang iyong ina at kapatid. Gagawin ko ito upang ipaglaban ang ating karapatan. Ang ating kalayaan. Mahal na mahal ko kayo,”
habilin ni ama bago ito lumabas sa kapitolyo kasama ang mga sundalo.

Sampung araw ang lumipas at nakarating sa amin ang balitang nakamtan na ang kalayaan sa wakas. Matiyagang naghintay ang lahat ng mga pamilya sa labas ng kapitolyo sa pagbabalik ng kanilang mahal sa buhay. Sa tatlong raang sundalo ng San Fernando na lumisan upang makipaglaban sa mga kastila, lima lamang ang nakabalik at wala roon si ama. Nakamtan man namin ang minimithing kalayaan ay hindi ito maramdaman. Kalayaan na ang naging kapalit ay pagluluksa sa mga taong ipinaglaban ito.

Hindi pa man ako lubos na handa ay iginawad sa akin ng mga mamamayan ng San Fernando ang pagiging punong heneral. Saksi ang lahat lalo na ang limang sundalong nakaligtas sa giyera sa kagitingang ipinamalas ng aking ama at naniniwala silang ako ang magpapatuloy nito. Isa itong napakalaking responsibilidad at hindi ko sila nais biguin kung kaya’t gayon na lamang ang kagustuhan kong maibalik sa akin muli ang pagiging punong heneral kahit buhay ko pa ang nakalaan.

“Anak, sa wakas at nagkamalay ka na,”
ani ina at dinampian ng halik ang aking noo.

Napangiwi ako sa sakit nang maramdaman ang sugat sa aking tiyan ngunit hindi iyon naging alintana upang mayakap ko nang mahigpit ang aking ina. Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha habang si ina ay hinahaplos ang aking likuran, pinakakalma ako nito.

“Ina, n-nanaginip po ako,”
nahikbi kong sabi.

“Masama ba ang iyong naging panaginip, anak?”
tanong nito.

Umiling ako,
“Hindi po. Masaya po itong panaginip. Nakita ko pong muli si ama.”

Pinawi ni ina ang aking mga luha at binigyan ako nang matamis na ngiti. Bakas sa kaniyang mga mata ang pangungulila kay ama. Ang pagdaramdam ay naalintana nang aking mapagtanto ang pamilyar na paligid.

“Kuya! Salamat sa diyos at gising ka na,”
halos malagutan ako nang hininga nang pumasok sa silid si Stella at biglaan akong niyakap nang napakahigpit.

“N-nais mo ba akong mamahinga nang tuluyan, Stella?”
pabiro kong tanong.

Itinigil nito ang pagyakap nang mapansing nahirapan ako sa paghinga. Doon ko lamang napagtanto ang pamilyar na silid kung nasaan kami sa ngayon. Inilibot ko ang aking paningin upang masigurong hindi ako namamalik-mata. Maging ang kanilang mga kasuotan ay malayo sa kasuotan nila sa isla.

“Ina, Stella, a-ang silid na ito…”

Tumango si ina,
“Kung ano ang iyong nakikita ay totoo, anak. Narito na tayong muli sa ating mansyon.”

“Ngunit, p-paano-”

“Isang buwan ka pong walang malay, kuya, at sa loob ng isang buwang iyon ay napakaraming nangyari,”
masayang wika ni Stella.

Hindi maproseso ng aking isip at diwa ang aking narinig.

“Batid kong napakaraming tanong ang nais mong masagot, anak. Hayaan mong ipaliwanag ito ng taong karapat-dapat sumagot nito,”
hinaplos ni ina ang aking mukha bago nito bigyan ng senyales si Stella na lumabas ng aking silid.

Nang sumara ang pinto ay sinulyapan ko ang aking sikmura na ngayo’y may bendahe. Bukod sa sugat ko roon ay mukhang magaling na ang ilang sugat sa ibang parte ng aking katawan. Bumaling ang aking buong atensiyon sa pinto nang bumukas iyon at iniluwal si Heneral Vicencio at isang lalaki na nakasisiguro akong isa ring Espanyol. Hinarangan ni Heneral Vicencio ang lalaki bago pa man ito tuluyang makapasok sa silid at binigyan ako nang matalim na tingin. Doon ko lamang napansing nakataas pa rin ang aking pang-itaas na kasuotan. Dali-dali ko iyong ibinaba.

“Javier, no puedo pasar!”

(Javier, hindi ako makadaan),
ani ng lalaki. Hindi pa rin siya nais papasukin ni Heneral Vicencio.

“Lo siento, Santiago. No me di cuenta que me seguías.”

(Pasensiya na, Santiago. Hindi ko namalayang nakasunod ka sa akin),
ang tono ng heneral ay tila mapagbiro.

Umiling ang lalaking may pangalang Santiago. Nagtungo sa aking tulugan ang ginoo at ninakawan ako ng halik sa noo. Nanlaki ang aking mga mata sa pagkabigla.

“Kay tagal kong hinintay ang iyong paggising, aking sinta,”
malambing nitong sabi.

Una kong napansin ang maliliit na balbas sa itaas at ibabang labi nito gayon din sa kaniyang panga. Ang kaniyang asul na pares ng mga mata, matangos na ilong, manipis at pulang labi ay napakaganda pa ring tingnan. Makisig pa rin ito gaya noong huli ko siyang makita.

Tumikhim ang lalaki sa likuran ng ginoo at nagpakilala sa wikang Espanyol,
“Magandang araw, Heneral Guevarra. Ako nga po pala si Santiago. Ako po’y kaibigan ni Javier at isang bihasang manggagamot sa Espanya. Ako po ang naatasang gumamot sa inyo hanggang sa tuluyan nang gumaling ang inyong mga sugat.”

“Maraming salamat, Santiago. Maari mo akong tawaging ginoo. Hindi ako nararapat na tawaging Heneral sapagkat si Heneral Gerardo ang pumalit sa akin,”
paglilinaw ko.

“Aking sinta, nararapat lamang na tawagin kang Heneral Guevarra sapagkat ikaw na muli ang heneral ng San Fernando. Matagumpay na napatalsik sa puwesto si Don Gerardo nang atakihin ito sa puso at sumakabilang buhay,”
napaawang ang aking labi sa balitang ibinahagi ng ginoo.

-Terrorious

×××

KABANATA 48: Sayaw

Magkahalong pagkabigla at pag-aalala ang aking nadama matapos kong marinig ang pahayag ni Heneral Vicencio. Ang huling memoriyang tumatak sa aking isipan ay noong ako’y lumahok sa batalya. Ang aking kamay ay dumampi sa aking tiyan upang pakiramdaman ang sugat roon na ngayo’y masasabi kong naghilom na sa isang buwan kong pamamahinga.

Bagamat katiting lamang na impormasiyon ang ibinahagi ni Heneral Vicencio, hindi ko maiwasang hindi makiusisa sa aking paligid. Bukod kasi sa pagkamatay ni Heneral Gerardo dahil sa sakit nito sa puso ay tikom ang kaniyang bibig sa iba ko pang katanungan.

Nasaan siya noong batalya?

Ano ang rason kung bakit bumalik sa Espanya ang kaniyang ina?

At kung ano ang nakita nitong espesiyal sa isang katulad ko para hindi nito ituloy ang binabalak niyang pananakop?

Lumipas ang tatlong buwan at mas naging abala kami sa aming tungkulin bilang kapwa heneral. Kung aking ikukumpara ay para bang bumalik kami sa dati naming pamumuhay nang paunti-unti. Ang limang beses na pagkikita namin sa isang linggo ay naging tatlo, hanggang sa naging isa.

Walang dudang minamahal ko siya at hindi iyon nabawasan sa kabila nang madalang naming pagkikita. Minsa’y papasiyal kami sa pamilihan, minsan nama’y bibisita ako sa kaniyang mansiyon at gayon rin siya sa akin. Paminsan-minsan ay magtatampisaw kami sa dagat at manghuhuli ng isda, ngunit ang hindi ko makakalimutan sa mga araw na kami’y magkasama ay ang pabaon nitong halik bago kami magpaalam sa isa’t-isa.

“Heneral Guevarra, pinapatawag po kayo sa silid-tanggapan,”
bumalik ako sa reyalidad sa pagtawag ni Jose.

Ibinalik ko sa istante ang aklat na napagpasiyahan kong basahin subalit nawaglit sa aking isipan. Inayos ko ang kuwelyo ng aking barong na kulay kahel. Tumango ako bilang pagtugon kay Jose dahilan para lumakad na ito patungo sa tanggapan ng mga bisita.

Ngayon gaganapin ang pamamanhikan ni Tristan sa aming mansiyon. Kasalungat ng kaniyang heneral ay nakagawian na ni Tristan ang pagbisita sa aking kapatid bago magtakip-silim. Kakamustahin niya ito at dadalhan ng iba’t-ibang uri ng armas na ang iba’y siya mismo ang nagyari. Batid niyang hindi hilig ni Stella ang mga bulaklak kung kaya’t minsan ay aalayan niya ito ng kantang pag-ibig.

Hindi na namin tinutulan ni ina ang kanilang pagmamahalan sapagkat ako rin ay umibig sa kastila, subalit maraming pilipino ang hindi sang-ayon sa kasalang ito. Ako lamang ay nalilito dahil noong ikakasal ang aking kapatid kay Heneral Vicencio kapalit ng kapayapaan ay hindi sila tumutol, samantalang ngayon ay napakarami nilang sinasabi.

“Magandang tanghali, Heneral Guevarra!”
pagbati sa akin ni Tristan habang nakayuko, nakasentro ang itim nitong sumbrero sa kaniyang dibdib.

“Magandang tanghali rin sa iyo, Tristan,”
ani ko habang ang aking mata’y naglilibot sa mga taong naroroon.

Nang bumaba mula sa hagdan ang aking ina ay sinalubong ito ni Tristan at nagmano. Puno ng papuri ang mga salitang binitawan ng binata sa aking ina at inalalayan rin ito sa patungo sa kaniyang upuan. Ibinida nito ang mahigit sampung kahon at baul na sa wari ko’y naglalaman ng mga mamahaling alahas at ginto.

Palibhasa’y makisig ngang tunay si Tristan kung kaya’t ang ilang binibini na naririto ay napapalingon sa kaniya. Nakataas pa ang ilang hibla ng kaniyang buhok at para bang nagmadali pa itong pumunta rito pagkatapos ng kaniyang ensayo. Wala rin yata itong pahinga sapagkat salitan ang mga sundalo sa pagbabantay sa daungan ng pamilihan tuwing gabi.

Pagkababa ni Stella ay sakto ring pagdating ng ilan pang hindi inaasahang panauhin. Narito na sina Binibining Juana at ang kaniyang ina na si Donya Gerardo. Kasabay nila ay sila Padre Dencio, Ginoong Pablo na siyang kabesa ng San Fernando at si Tinyente Ismael.

Bumati ang mga ito bago maupo sa kani-kanilang upuan. Mas pinili ni ina na gawing pang-karaniwan ang nasabing pamamanhikan dahil bukod sa hindi ito naiibigan ng ilan naming kababayan ay nais niyang maramdaman ni Tristan na hindi nito kailangan magbigay ng kahit na ano- kundi ang wagas at tunay na pag-ibig sa aking kapatid.

Pumanaw na ang mga magulang ni Tristan kung kaya’t tanging ang mga kapwa niya sundalong Espanyol ang naririto. Nang ihanda ang mga pagkain ay napuno nang tawanan at magkakasunod na tunog ng mga kubyertos ang paligid. Magkatabi sina Stella at si Tristan na tila nagpapalitan nang matatamis na salita. Naroroon rin sa kanilang lamesa kumakain sila ina, Nena, Mang Romolo at Jose. Sa kabilang banda ay ang mag-inang Gerardo at ilang kasapi ng pamahalaan. Ako ngayon ay naririto sa hanay nila Tinyente Ismael, Ginoong Pablo, Tandang Dante, at ilang sundalong pilipino.

“Kapansin-pansing wala sa espesiyal na kaganapang ito si Heneral Vicencio, heneral,
” nagtatakang wika ni Tinyente Ismael.

Tumango ang ilan sa aking sundalo bilang pagsang-ayon at ang iba pa’y lumingon sa paligid, waring hinahanap ito.

Pinunasan ko ang aking labi,
“Marahil ay abala ito sa ngayon.”

Suntok sa buwan ang pagdalo ng heneral ng Espanya sapagkat nagkita na kami noong nakaraang araw.

“Bago ko pa makalimutan, heneral. Ngayong ikakasal na ang inyong kapatid sa isang Espanyol ay wala na bang pag-asang bumalik ang mga ito sa Espanya?”
ani Ginoong Pablo.

“Habang naririto sa ating bansa ang kanilang heneral ay hindi pa rin nasisiguro ang ating kalayaan,”
dagdag pa ni Tandang Dante.

“Wala po kayong dapat ipag-alala. Hindi magagawa ng heneral ng Espanya na sakupin ang ating bansa,”
mariin kong wika.

“At ano ang dapat naming panghawakan, heneral? Ang pagmamahal niya sa iyo? Higit pa sa kagustuhan ng kaniyang ina? Higit pa sa hustisiya na nais niyang makamtan sa pagpaslang ng iyong namayapang ama sa kaniyang ama?”
biglang sabat ni Donya Gerardo na nakiusisa na rin sa amin.

Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi,
“Kung ang nais ng punong heneral ng Espanya na sakupin ang ating bansa ay noon niya pa dapat ito ginawa. Hangga’t ako ang punong heneral ay makakaasa kayong gagawin ko ang lahat, huwag lamang mangyari ang inyong kinatatakutan.”

Marami pa siyang sinasabi subalit hindi ko na nais marinig ang mga iyon. Tumayo ako at tumungo sa hardin upang pakalmahin ang aking sarili. Mula sa aking kinatatayuan ay naririnig ko ang mga musikero na tumutugtog nang masayang awitin. Nagsimulang magsayaw ang lahat kasabay sa ritmo ng awitin.

“Ryannel,”
hindi ko namalayang nasa akin na palang tabi si Tinyente Ismael dahil sa lalim ng aking iniisip.

“Pagpasensiyahan mo ang hindi ko agarang pagtugon, tinyente. Bakit ka naririto imbes na sumayaw sa loob?”
tanong ko.

Napahawak ito sa kaniyang batok,
“Maniniwala ka bang dinala ako ng aking mga paa patungo sa iyo?”

Napatawa niya ako nang saglit subalit nang mapansin kong hindi ito nagbibiro ay pinigilan ko ang paghagikgik.

“Pinapatawa lamang kita, heneral. Pagpasensiyahan mo na ang mga sinabi ni Donya Gerardo. Ganoon yata talaga ang mga matatandang babae kapag sila’y naging biyuda,”
mahinang wika nito.

Ngumisi ako at umiling. Batid kong nais lamang nito na pagaanin ang aking loob. Matagal rin kaming nag-usap bago nagpasiyang bumalik sa loob ng mansiyon. Abala pa rin ang halos lahat sa pagsayaw kasabay ng indayog ng musika. Nakakagaan ng loob silang pagmasdan. Maya-maya pa’y inabutan ako ng aming katuwang ng baso ng alak na siya ring aking tinanggap.

“Heneral, nais mo bang kuhanan pa kita ng isa?”
bulong ni Jose, tinutukoy nito ang baso ng alak dahil binalaan ako ni ina na huwag nang uminom pa.

Palibhasa’y batid ni ina na mahina ang toleransiya ko pagdating sa serbesa, ngunit hindi niya ako mapipigilan sapagkat tuwing mayroong selebrasiyon lamang ako nakakatikim nito.

Mabilis na tumayo si Jose upang kuhanan akong muli ng aking pang-limang inumin. Kasalukuyan akong nakahalumbaba at bagot sa paghihintay nang maramdaman kong nakaupo na sa aking tabi si Jose. Inilapag nito ang baso sa lamesa na siya ring aking kinuha at tinungga. Agad na nagsalubong ang aking kilay nang malasahan ko ang maligamgam na tubig imbes na alak na siyang aking hiningi. Nang ibalik ko ang aking paningin kay Jose at nakitang si Heneral Vicencio na ang aking katabi ngayon ay umawang ang aking labi.

“Hindi makabubuti sa iyo ang pag-inom ng alak lalo pa’t kakagaling mo lamang, aking sinta,”
anito at iniabot sa akin ang pinggan na mayroong pinitas na ubas.

Nang haplusin ko ang kaniyang pisngi ay hinawakan niya ang aking kamay, pinapanatili ang paghawak ko sa kaniyang mukha. Kumuha ako ng ubas at lumapit sa kaniya. Binigyan ko siya nang matamis na ngiti bago itapat ang ubas sa kaniyang labi. Bakas ang hiya nito nang lumingon siya sa paligid bago ibuka ang kaniyang bibig upang kainin ang ubas.

“Buong akala ko’y hindi ka makakadalo, ginoo,”
mahina kong sabi.

“Sa tingin mo ba’y palalagpasin ko ang ganitong pagkakataon makita ka lamang, mahal ko?”
wika nito.

Marahil ay dahil na rin sa epekto ng alak sa akin kung kaya’t mas lalo kong hinangaan ang kakisigan ng Heneral ng Espanya. Nakasuot ito ng kulay asul na barong na kakulay ng kaniyang mga mata. Maya-maya pa’y tumugtog ang mabagal na kanta. Ang mga magkakasintahan kabilang sina Stella at Tristan ay sumayaw kasabay nito.

Inilahad ni Heneral Vicencio ang kaniyang kamay,
“Kung iyong pahihintulutan, maari ba kitang maisayaw, aking sinta?”

Binigyan kami ng espasiyo ng mga sumsayaw nang mapansing patungo kami sa gitnang bahagi, katabi ng aking kapatid at ng iniibig nito. Hinawakan ni Heneral Vicencio ang dalawa kong kamay at inilapat ang mga ito sa kaniyang balikat. Pagkatapos nito’y hinawakan niya ang aking baywang upang gabayan ako sa pagsayaw. Mula sa aking kinatatayuan ay nadarama ko ang tensiyon sa paligid. Kung nakamamatay lamang ang pagtingin ng mga tao ay walang dudang kanina pa ako nalagutan ng hininga.

 

“Nais mo bang itigil natin ang pagsasayaw, aking sinta?”
may pangambang tanong ng heneral.

 

“H-hindi, ginoo. Ako lamang ay nangingimi sa dami ng nakatingin sa atin,”
nakayuko kong sagot.

 

Kung tama ang aking bilang ay mahigit sampung beses ko nang natapakan ang kaniyang mamahaling sapatos!

 

Hindi mapagkakailang mahusay ang heneral sa pagsasayaw. Sa hula ko’y marami na itong naisayaw na mga binibini sa Espanya, samantalang ako’y bukod kay ina, Stella at Binibining Juana ay wala pang ibang naisayaw sa aking tanang buhay.

 

Bahagyang nilapit ng ginoo ang kaniyang mukha sa akin at sinabing,
“Nais mo bang malaman ang mabilis na solusiyon upang maibsan ang matinding kahihiyan, aking sinta?”

“Paano?”
tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata.

“Ganito,”
isang salita lamang ang binitawan ng tusong heneral bago ko maramdaman ang pagdampi ng kaniyang labi.

-Terrorious

×××

KABANATA 49: Pintor

Naging abala ang nagdaang linggo dahil bukod sa paghahanda sa nalalapit na pag-iisang dibdib nina Stella at Tristan ay kasunod nito ang kaarawan ng aking ina. Nasanay na ang mga tao sa magarbong selebrasiyon ng kaniyang kaarawan kahit pa noong hindi pa punong heneral ang aking ama. Mabuting tao ang aking ina kung kaya’t halos lahat ay nasa aming mansiyon upang ipagdiwang ang kaniyang espesiyal na kaarawan.

“Jose, nasiguro mo bang nakakadalo ang mga musikero bukas ng umaga?”
tanong ni ina habang sinusuri ang mga katuwang na tulong-tulong na maglagay ng dekorasiyon sa paligid. Maninahon nitong pinapaypayan ang sarili gamit ang kaniyang abaniko.

“Opo. Sinadya po namin sila sa kanilang tirahan ni Nena sa halip na padalhan sila ng mga sulat. Nang sa gayon ay makumpirma namin na sila nga po’y makakapunta,”
anito.

“Mabuti kung ganoon. Kumusta naman ang mga pagkain bukas?”
tanong muli ni ina.

“Handa na po ang mga ito, Donya Guevarra. Narito po ang listahan ng mga ihahanda bukas na inyo pong iminungkahi sa ating mga tagaluto. Meron po riyang lechón, adobo, pancit, bibingka, puto at ang hinabilin po ni Heneral Guevarra na kaldereta na siya raw pong paborito ni Heneral Vicencio,”
iniabot ni Jose kay ina ang piraso ng papel at pabirong kinurap ang isang mata.

Nang lingunin ako ni ina ay tinuon ko ang aking atensiyon sa dingding na ngayo’y pinapalitan ng tela ng isa sa aming katuwang. Sinuri ko iyon na para bang isa itong napakagandang likhang sining.

Jose, ang sabi ko sayo’y sikreto lamang iyon!

Bumaling ang aking atensiyon sa bukana ng aming silid tanggapan nang marinig ko ang matinis na halakhak ni Donya Gerardo. Kasama nito si Binibining Juana at isang matangkad na lalaki. Una kong napansin ang hawak nitong pintsel at lapis na nakalagay sa kaniyang kaliwang tainga.

“Donya Guevarra, magandang araw gayon rin sa iyo Heneral Guevarra! Ipinakikilala ko sa inyo si Julio. Teka, Hugo? Hu–”

“Antonio po. Antonio Gomez,”
nakangiti itong nagmano kay ina at nakipag-kamay sa akin.

Ang mga kababaihang abala kanina ay napako ang tingin sa ginoong nasa aking harapan. Hindi maikukubli ang taglay nitong kakisigan. Nakakahawa rin ang malawak nitong ngiti.

Antonio Gomez? Para bang narinig ko na iyon noon.

Marahan nitong pinisil ang aking kamay,
“Kung hindi mo ako maalala ay isa ako sa iyong kamag-aral sa kolehiyo, heneral. Ako na ngayon ay isang kilalang pintor at isa sa masugid ninyong tagahanga.”

Siya ngang tunay!

Ang totoo niyan ay bilang lamang sa aking isang kamay ang mga taong naaalala ko noong ako’y nag-aaral pa. Bukod sa tutok ako sa pag-aaral ay hindi ko ninais na magkaroon ng kaibigan. Hindi ako ang lumalapit sa kanila, bagkus ay sila ang nakikipag-kaibigan sa akin. Tatlo lamang ang naiisip kong rason kung bakit nila iyon ginagawa. Una, namamangha sila sa taglay kong kagalingan sa lahat ng leksiyon at batid nilang matutulungan ko sila roon. Pangalawa, marami sa kanila ang nais maging parte ng pamahalaan at dahil ang aking ama’y punong heneral, buong akala nila’y magiging madali iyon kung ako ay kanilang kakaibiganin. Pangatlo, ay ang taglay kong
kakisigan
. Hindi na dapat ako magbigay ng komento. Hahayaan kong ang perpekto kong mukha at katawan na para bang larawan sa mga museyo ang maging patunay.

Napangiti ako sa naisip. Sinuklay ko ang aking buhok at napakagat sa ibabang labi.

“Maligayang bati sa iyo, Ginoong Gomez. Hindi kailanman nabanggit sa akin ng aking anak na mayroon siyang kamag-aral na isa na ngayong pintor,”
natutuwang sabi ni ina. Hawak na nito ang malaking aklat na naglalaman ng mga taong ipininta ng pintor.

Tumawa ito,
“Marahil ay binaon na sa limot ng heneral ang mga alaala niya tungkol sa akin. Naalala ko pa noon, imbes na tumutok sa pag-aaral ay siya ang nais kong aralin.”

Umawang ang labi ni ina, si Donya Gerardo ay napatakip ng kaniyang bibig gamit ang abaniko, samantalang si Binibing Juana ay binigyan ako nang makahulugang tingin.

Pati siya ay nagulat sa reaksiyon ng mga tao sa paligid. Kinakabahan itong umiling,
“Huwag po kayong mag-alala, Donya Guevarra. Nakarating po sa akin ang balita tungkol sa relasiyong namamagitan sa inyong anak at ng heneral ng Espanya. Wala po akong balak sa sirain iyon. Narito po ako upang ipinta ang inyong anak at ang kaniyang mapapangasawa.”

“P-pero hindi pa kami ikakasal ni Heneral Vicencio, Ginoong Gomez
,” mabilis kong sagot.

“Hindi ikaw ay kaniyang tinutukoy, ginoo. Narito siya para kay Ginoong Tristan at Binibining Stella,”
paglilinaw ni Binibining Juana.

“Maraming salamat at pinagbigyan mo ang aking kahilingan, Ginoong Gomez. Salamat sa iyong pagpunta,”
ang tinig na iyon ay mula kay Stella.

Papalapit ito sa aming direksiyon habang ang kaniyang kamay ay nakakapit sa braso ni Tristan. Pormal at handa ang dalawang ito base sa suot nilang kasuotan. Nakasuot si Stella ng baro’t saya na kulay puti at pula. May mga bulaklak itong mga burda. Bumagay ang mga palamuti nito sa buhok niyang maayos na nakapusod. May
panuelo
rin ito sa kaniyang balikat.

Habang si Tristan naman ay nakataas ang pagkakasuklay ng buhok. Nakasuot siya ng itim na amerikana at pantalon na mayroong makikinang na butones. Hawak nito ang kaniyang sumbrero.

“Walang ano man po, binibini. Ako nga po ay labis na natutuwa sapagkat sa dami ng pintor ay ako ang inyong napili,”
nakayuko nitong saad.

Minabuti nila Tristan at Stella na sa hardin ng mansyon sila ipinta. Bukod kasi sa abala ang mga tao ng loob ay naroroon na ang mga kagamitan ng pintor gaya ng paleta, tela, pigmento at kabalyete nito. Dahil wala namang pagtitipon sa pamahalaan ay minabuti ko na lamang na sila’y panuorin.

Nakita ko kung paano inayos ni Stella ang kuwelyo ng kasuotan ng kaniyang kasintahan nang makaupo sila sa kanilang upuan. Inihahanda naman ni Ginoong Gomez ang kaniyang mga pangguhit nang paalalahanan ni Tristan si Stella na ayusin nito ang kaniyang pag-upo. Walang dudang mahal nila ang isa’t-isa.

“Nais niyo po bang baguhin ko ang tanawin sa inyong likuran, binibini at ginoo? Kung hindi po ninyo nais ang hardin na kapaligiran ay maari ko ito palitan ng inyong mansyon, dalampasigan o hindi kaya’y isang kulay lamang,”
tanong ng pintor.

“Para sa akin ay hardin na lamang, Ginoong Gomez. Hindi ko lamang sigurado kung sasang-ayon sa akin ang aking minamahal,”
nilingon niya si Tristan at naghintay ng isasagot nito.

Ilang segundo itong natulala nang magtagpo ang kanilang mata bago ito sumagot,
“Kung anong ibig ng aking minamahal ay siyang masusunod.”

Hindi ko namalayang tapos na ito sa pagpinta sa dalawa. Mahigit dalawang oras rin akong nakatayo rito sa ilalim ng puno ng nara. Doon ko lamang napansin na nakaayos na ang mga upuan at mga lamesa sa paligid ng hardin. Paniguradong hindi kayang okopahin ng loob ng aming mansiyon ang lahat ng dadalo bukas kung kaya’t ang iba’y rito na lamang sa hardin magsasaya.

“Pinatawag ko ang heneral ng Espanya kay Jose,”
sambit ni Mang Romolo nang abutan ako nito ng maiinom.

Kaagad na umawang ang aking labi,
“Bakit mo po siya pinatawag?”

Sumimsim ito sa kaniyang inumin bago sumagot,
“Hinabilin niya sa akin na huwag akong magdadalawang-isip na siya’y paalalahanan sa tuwing ikaw ay malungkot, nababagabag o nasa panganib, Ryannel.”

“Ako? Subalit hindi ako nakakaramdam ng kahit na ano sa inyong mga nabanggit, Mang Romolo,”
paglilinaw ko.

“Alam ko pero habang pinagmamasdan kitang nakatitig sa dalawang magkasintahan kanina ay para bang nawawalay ka sa kaniya,”
anito.

“Hindi naman po, Mang Romolo. Batid kong abala rin ito sapagkat bukas gaganapin ang kasal ng kaniyang matalik na kaibigan. Ito rin po ang unang pagkakataon na pahihintulutan ang kasalan ng isang kastila at pilipino,”
ngumiti ako ng aking mapagtanto.

“Hindi mo ba nais ikasal katulad ng iyong kapatid?”
tanong niya.

“Nais ko rin pong ikasal subalit hindi pa ito ang tamang panahon. Magiging mahaba ang proseso nito sapagkat wala akong nais pakasalan kung hindi ang heneral ng Espanya at parehas kami ng kasarian,”
malalim kong sagot.

Paniguradong sasang-ayon ang aking ina at si Stella kung sakali mang matutuloy ang pag-iisang dibdib namin ni Heneral Vicenco, ngunit iniisip ko ang aking namayapang ama gayon rin ang aking mga kababayan. Marami pa rin sa kanila ang hindi tanggap ang relasiyon namin ng heneral at hindi ko rin sila masisisi.

Bawal at itinuturing na labag sa batas at moralidad ang pagmamahalan o pagpapakasal ng lalaki sa kapwa lalaki. Bukod pa roon ay hindi rin ito pinahihintulutan sa simbahang katolika. Naalala kong pinagsabihan ako ni Padre Dencio kahit hindi ko pa ito naidudulog sa kaniya.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Mang Romolo nang dumating si Heneral Vicencio. Nakasakay ito sa kaniyang kabayo at nakasakay rin roon si Jose. Napansin kong kasama niya ang ilang mga sundalo. Nakasuot niya berdeng uniporme na pang-militar na mayroong gintong burda. Nang makababa ito sa kabayo ay tinanggal nito ang kaniyang sumbrero at nagmano kay Mang Romolo.

“S-sandali, heneral! Paano ako makakababa rito?”
si Jose iyon. Aligaga sapagkat hindi nito alam kung paano makakababa sa kabayo.

Imbes na tulungan ay binigyan lamang niya ito ng ngisi bago lumapit sa akin. Kinuha nito ang hawak kong tasa at ibinigay iyon sa isa naming katuwang bago ako ikinulong sa kaniyang mga bisig. Tinapik ko ang kaniyang likod at ngumiti. Ang yakap niya’y mas humigpit kung kaya’t hindi naglaon ay niyakap ko rin ito pabalik.

“May problema ba, heneral?”
mahina kong bulong.

Naramdaman ko ang pag-iling nito,
“Wala naman, mahal ko. Ako lamang ay nangamba nang sabihin sa akin ni Jose na ikaw raw ay malungkot.”

Nang makita ko si Jose na tuluyan nang nakababa sa kabayo sa tulong ni Mang Romolo ay binigyan ko ito nang matalim na titig. Nabasa ko ang labi nitong humihingi ng paumanhin.

Itinigil ko ang yakap sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang magkabilang braso.

“Wala kang dapat ipangamba, ginoo. Hindi ako malungkot. Ang totoo nga ay masaya ako sapagkat sa wakas ay makakaisang dibdib ng aking kapatid ang lalaking tunay niyang minamahal,”
paglilinaw ko.

“Sumasang-ayon ako sa iyo, aking sinta,”
tugon ng heneral, hinawakan nito ang aking kamay at hinalikan iyon.

“Pasensiya na po sa paggambala sa inyong lambingan, mga heneral. Itatanong ko lamang kung nais niyo po bang kayo ang sunod kong ipinta?”
nagdadalawang-isip na tanong ng pintor.

“Tama ba ang aking narinig? Tinatanong mo ako kung nais kong maipinta katabi ng makisig, matipuno, maginoo, maamo, at kaakit-akit na heneral na ito?”
inakbayan ako ng heneral.

Diyos ko! Bigyan niyo po siya nang kahit kaunting kahihiyan.

“Ah– kung inyo pong pagbibigyan, heneral?”
maging si Ginoong Gomez ay nalilito sa kaniyang isasagot.

“Kung akala mo’y madadaan mo ako sa mga ganiyan ay nagkakamali ka, ginoo. Sa tingin mo ba’y basta-basta na lamang ako papayag dahil lamang maipipinta mo kaming dalawa, halika’t dalian natin, aking sinta,”
walang prenong wika ni Heneral Vicencio.

Nang marinig ang nasasabik na heneral ay nagpaalam na sina Tristan at Stella. May gagawin pa raw ang dalawa bilang paghahanda bukas. Ang mga sundalo namang kasama ng heneral ay tumulong na sa pag-aayos. Tanging kami na lamang tatlo ang natira sa parteng iyon ng hardin.

Naunang maupo si Heneral Vicencio sa bangko at isinuot muli ang kaniyang sumbrero. Habang papalapit ako sa kaniya ay hindi ko nagugustuhan ang naglalaro nitong titig. Nang makalapit ako sa kaniya ay inilayo niya ang isang upuan na dapat sana’y para sa akin.

Tinapik nito ang kaniyang kanang hita,
“Dito ka na lamang umupo, aking sinta. Tiyak akong magiging parte ng kasaysayan ang larawan kung saan makikita kung gaano nahumaling sa

makisig

na heneral ng Espanya ang heneral ng San Fernando.”

“Hindi ba dapat ay ikaw ang maupo sa akin dahil sa ating dalawa, nakasisiguro akong ikaw ang mas nahuhumaling sa akin?”
tinitigan ko ito sa kaniyang mata at ibinalik ang bangko sa dati nitong puwesto.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagkagat niya sa kaniyang ibabang labi at pag-iling nito. Hinayaan niya akong umupo na lamang sa kaniyang tabi. Napaigtad pa ito nang akbayan ko siya nang walang pasabi. Binigyan ko nang kindat ang pintor hudyat na maari na itong magsimula.

-Terrorious

xxx

KABANATA 50: Ilang-ilang

“Nais ko pong tumutol sa kasal ninyo ng aking kapatid, Heneral Vicencio.”

“Hindi ako makakapayag, Heneral Guevarra. Pinaslang ng iyong ama ang aking ama at ang kapalit niyon ay ang pagdurusa ng kaniyang anak!”

mapait ang bawat salitang binitawan ng heneral nang dumagundong ang boses nito sa loob ng kaniyang silid.

Nalasahan ko ang dugo mula sa aking ibabang labi nang mariin ko iyong kagatin,

“K-kung gayon ay patayin mo na lamang rin ako. Iyon naman ang iyong pakay kung bakit ka pumarito sa aming bansa, hindi ba?

Nakita ko ang pagdapo ng kaniyang tingin sa aking labi na ikinatiim ng kaniyang bagang. Gamit ang isa niyang kamay ay walang habas nitong sinakop ang aking panga. Itinaas nito ang aking mukha. Puno ng galit ang kaniyang bughaw na mga mata.

“Sa tingin mo ba’y ganoon lamang iyon kadali? Sa tingin mo ba’y makokontento ako kung papaslangin ko ang isang katulad mo? Sa tingin mo ba’y hindi ko itutuloy ang paghihimagsik laban sa katulad mong pilipino? Sa tingin mo ba’y maipagmamalaki ka ng iyong nasasakupan kapag nalaman nilang handa kang itaya ang iyong buhay para sa kanila?”

mas diniinan pa nito ang paghawak sa aking mukha, dahilan para mapahawak ako sa magaspang niyang kamay.

Tumulo ang aking luha hindi sa sakit, kung hindi sa kung paano ko naramdaman ang bawat salitang kaniyang sinabi.

“Hindi ko hahayaang masaktan ang aking kapatid. Kung hindi mo ako papaslangin ay ako mismo ang kikitil ng iyong buhay, heneral,”

nagawa ko pang ngumiti na agad ko ring pinagsisihan sapagkat nagalit lalo ang heneral ng Espanya.

Marahas itong kumapit sa aking balikat at ako’y kaniyang pinatalikod. Napasinghap ako nang idiin niya ako sa kaniyang katawan, habang ang isang matalas na punyal ay nakatutok na sa aking leeg. Mabilis ang kaniyang paghinga at nararamdaman ko iyon sa aking likuran.

“Batid mo ba kung ilang saksak ang tinamo ng aking ama bago ito mawalan ng buhay sa kamay ng iyong ama?”

halos pabulong ang boses nito.

Hindi ako nakasagot. Ang tanging nasa utak ko lamang ay ang supot ng ginto na nahulog matapos niya akong idikit sa kaniya.

Ang mga gintong iyon ay pamana ng aking ama!

“Labinlima,”

aniya, halos wala nang tinig.

“Tatlo rito,”

itinapat nito ang patalim sa aking tiyan.

Kasunod nito ay itinapat naman niya ang patalim sa aking tagiliran,

“Dalawa rito.”

“Sampu rito,”

napakislot ako nang maramdaman ang tubig sa aking leeg kasabay ng pagtutok ng patalim sa aking kaliwang dibdib.

Tumatangis ang heneral sa labis na kalungkutan at poot.

“Sampung m-magkakasunod sa saksak sa kaniyang puso, heneral. Wala siyang awa! Hindi ko ginusto ang maging heneral dahil ayaw kong pumatay katulad niya pero dahil sa kagustuhan kong maghiganti ay narito ako ngayon!”

nanginginig ang boses na saad niya.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at akmang itatarak sa akin ang patalim niyang hawak nang pigilan niya ako.

“A-ano ang iyong binabalak?”

napatigil siya sa paghikbi.

Nilingon ko siya sa aking likuran at pinahid ang mga luha sa kaniyang pisngi. Binigyan ko siya nang ngiti, nagsusumamo. Hindi niya kayang pumatay. Hindi niya rin kayang manakit ng tao subalit narito siya sapagkat nais niyang makamit ang hustisya sa sinapit ng kaniyang ama.

Hindi ko kayang makitang masaktan ang aking kapatid, ang aking ina, o kahit na sinong pilipino sa aking bansa. At kung aking buhay ang kapalit ng kaligtasan nang lahat, ay walang pagdadalawang-isip ko iyong iaalay.

“Heneral!”

sigaw nito nang puwersahan kong itarak sa aking puso ang patalim.

“Heneral! H-heneral, gumising ka po!”

Halos mabingi ako sa sigaw ni Jose kinaumagahan, dahilan upang tuluyan na akong bumalik sa reyalidad. Nabasa ang aking palad nang haplusin ko ang aking pisngi. Lumuha ako.
Parang totoo iyon.

Inabutan ako ni Jose ng baso ng tubig nang makaupo,
“Heneral, ilang beses na po kayong binabangungot. Sa tingin ko’y dapat na kayong magpatingin sa albularyo.”

“Hindi na, Jose. Kailangan ko lamang manalangin sa simbahan upang hindi na ito maulit. At isa pa, masaya iyong panaginip,”
sambit ko.

“Masaya? Bakit kayo umiyak kung masaya nga itong tunay?”
usisa ni Jose.

Masaya sapagkat nakamit ng aking mahal ang layunin nito. Taliwas man sa kaniyang kagustuhan. Hindi man iyon ang gusto niyang paraan.

Gaya ng sinabi ni Jose ay binabagabag ako ng mga panaginip tungkol sa heneral ng Espanya sa mga nagdaang araw. Napansin kong nagsimula ito noong nagpasiya ang aking kapatid at Tristan na magpakasal. Iba-iba ang aking mga panaginip pero iisa lamang ang laging kinahahantungan nito.

Iyon ay ang aking kamatayan sa kamay ng punong heneral ng Espanya.

Bago pa man tumuntong ang alas-diyes ng umaga, nagmistulang gintong ilog ang kahabaan ng kalsadang mula sa kumbento patungong lumang simbahang bato. Ang mga arko ay sinabayan ng mga banderitang habing kamay, pula at ginto ang kulay, sumasayaw sa hangin na tila ba kasama sa pagsasaya ng bayan.

Sa loob nang malaking karwahe ay narito kaming tatlo nina ina at Stella – pawang magagara ang mga kasuotan. Ang suot ni ina’y kulay dilaw na trahe de boda — habing piña mula sa Aklan, pinagtahi ng tatlong mananahi mula Maynila. Ang laylayan ay may burdang bulaklak na tila inilapat ng hangin mismo, at ang manggas ay may manipis na puntas na animo’y ulap sa kanyang balat.

Ako nama’y nakasuot nang magarang barong tagalog. Mayroon itong burdang emblema sa aking kaliwang dibdib na sagisag ng aking posisyon bilang punong heneral. Ang aking itim at makapal na buhok sa ilalim ng aking sumbrero ay inayos nang bahagya patalikod.

Ang akin namang kapatid na si Stella ay nakasuot ng isang eleganteng terno, may manggas na katulad ng isang paro-paro, malapad at magarbo ngunit may lambot sa hugis, para bang dalawang alon na pumapatong sa kaniyang balikat. Mga palumpong ng sampagita at bituin, nakahanay sa laylayan ng saya, at sa dibdib ay mga bulaklak na tila ipinintang may pananampalataya. Sa gilid ng kaniyang belo, naroon ang encaje de bolillos — ang manipis at masalimuot na puntas mula pa sa aking ina. Ito rin ang suot nito noong ikinasal sila ni ama.

“Ang iyong nararamdamang pag-aalala ay normal lamang, anak. Magiging matagumpay ang inyong kasal. Magtiwala ka,”
panatag na wika ni ina, hinawakan nito ang nanginginig na kamay ni Stella.

Pinahid ni Stella ang kaniyang luha at ngumiti,
“Matagal ko po itong pinangarap, ina. Bukod po kay Tristan ay wala na pong ibang lalaki ang nagpatibok sa aking puso. Mahal na mahal niya ako. Pinangako niya sa akin na mamumuhay kami sa tirahang kaniyang ipinatayo sa tagong isla, sapagkat nabanggit ko sa kaniyang nais ko ng simpleng buhay. Bibitiw raw po siya bilang sundalo at magtitinda ng mga isda at gulay sa pamilihan.”

Punong-puno ng pangarap at pagmamahal ang binitawan niyang mga salita. Kumikislap ang kaniyang mga mata at ang saya-saya nito. Matagal ko na ring hindi nasilayan ang tunay nitong ngiti at ang dahilan nito ay walang iba kung hindi si Tristan.

“Ako na ang bahala sa magiging puwesto ng iyong iniibig sa pamilihan. Sa wari ko’y hindi bihasa ang iyong kasintahan sa pangingisda at pagtatanim. Kung gusto mo’y maari ko siyang turuan?”
tanong ko.

Mahigpit akong niyakap ng aking kapatid na siyang aking ikinabigla,
“Totoo ba iyan, kuya? Kung gayon ay labis akong nagpapasalamat sa kabutihan mong loob. Makakatulong iyon sa aming pagsisimula.”

Ikinatuwa rin iyon ni ina.

“Walang ano man, Stella. Ang mahalaga sa akin ay ang iyong kasiyahan, pero hindi nangangahulugang hindi na kayo magbabayad ng buwis dahil lamang kapatid mo ang

makisig

na punong heneral ng San Fernando,”
litanya ko habang nakangiti habang itinuturo ko ang sarili.

Nabigla ako nang kumawala sa yakap si Stella at tinakpan ang kaniyang bibig. Nakakunot ang noo nito at naglahong parang bula ang ngiti nito kanina. Nang subukan kong hawakan siya upang kamustahin ay bigla itong umiwas.

“Kuya, sa inyo po ba galing ang amoy na iyon?”
seryosong tanong niya.

“Anong amoy?”
inamoy ko ang barong na aking suot ngunit wala namang kakaibang amoy roon.

Nang suklayin ko ang aking buhoy gamit ang aking daliri ay doon ko napagtanong ang amoy na kaniyang tinutukoy ay mula sa ilang-ilang. Ginamit iyon ng nag-ayos sa akin at inilagay sa aking buhok upang manatili itong basa at makintab.

“Ayaw ko po niyan, kuya. Sa susunod ay huwag na po kayong gumamit ng ganiyang amoy. H-hindi ko po iyan gusto,”
reklamo niya.

Nangako naman akong hindi na muli pang gagamit nito. Minabuti ko na lamang na buksan ang magkabilang kurtina na nakatakip sa kalesa kung nasaan kami nakasakay. Bumungad sa amin ang mga taong may ngiti sa kanilang labi. Binabati nila ang aking kapatid sa kasal nito habang ang aking ina ay binabati dahil sa kaniyang kaarawan. Inaabutan pa sila ng mga bulaklak. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Stella nang amuyin nito ang bulaklak ng sampaguita na ibinigay sa kaniya ng isang ginang.

Kung gayon ay mabango sa kaniyang pang-amoy ang sampaguita – iyon na lamang ang aking gagamitin sa susunod.

Nang makita ko ang ilan sa aking mga sundalo sa bukana ng simbahan ay binati kami ng mga ito. Maingay ang buong paligid at ang lahat ay nananabik. Nakita ko ang pagbaba mula karwahe ng ilang kasapi ng pamahalaan na pawang magagara ang kasuotan.

Sapagkat nasa unahan ng aming karwahe sina Donya Gerardo at ang anak nitong si Binibining Juana ay nauna itong bumaba sa amin. Kumpara sa kasuotan ni Binibining Juana ay mas magarbo ang kasuotan ni Donya Gerardo. Para bang ipinamumukha nito ang kaniyang kayamanan magmula sa kaniyang mga alahas, pati na rin sa suot nitong Saya de Traje. Isa iyong malapad na saya na sa wari ko’y galing pa sa Espanya.

Maya-maya pa’y lumabas mula sa simbahan si Padre Dencio. Hindi ito mapalagay. Nang magtama ang aming mata at umiling ito ay nagkukumahog kong isinara ang kurtina ng kalesa kung saan kami nakasakay.

“Kuya, maari na po ba tayong bumaba? Marahil ay nasa loob na ng simbahan si Tristan at magsisimula na ang kasal,”
nakangiting wika ni Stella.

“Mauuna akong bumaba sa inyo sapagkat mainit sa labas. Mabuti pang dito muna kayo. Kapag nagsimula ang pagtugtog ng mga banda ay hudyat na maari na kayong bumaba,”
malumanay kong sabi.

Nang tumango ang aking ina at si Stella ay bumaba ako ng karwahe upang malaman ang kumosiyon sa tapat ng simbahan. Habang papalapit ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga dekorasiyon sa paligid.

Ang simbahan ay pinapalamutian ng puting telang jusi, mga sampagita at rosal, at ilawang langis na isinasabit sa bawat arko. May mga alagad ng simbahan na naghihintay sa labas, suot ang habito at may hawak na krusipiho, samantalang ang banda ng bayan ay tahimik na nag-aayos ng kanilang instrumento sa lilim ng puno ng acacia.

“Heneral Guevarra, mayroong masamang balita. Hindi makakapunta ang sundalong Espanyol sa kasal nila ng binibini,”
bungad sa akin ni Padre Dencio.

Sandali akong natulala – pilit pinoproseso ang aking narinig. Bakas ang pag-aalala ng mga tao sa paligid ng simbahan. Nagsimula ang mga bulong-bulungan sa paligid. Kumuyom ang aking kamao nang mapagtantong walang kahit isang Espanyol ang naririto.

“Paanong hindi siya makakapunta, Padre Dencio? H-hindi maaari. Marahil ay nauna lamang kami sa kanila,”
depensa ko.

Nang iabot sa akin ni Padre Dencio ang isang liham na galing mismo sa lalaking ikakasal sa aking kapatid ay para akong nanghina.

Mahal Kong Stella,

    Habang sinusulat ko ito, tanaw ko ang simbahan kung saan sana’y itatali natin ang sumpa ng ating pag-ibig. Ngunit mahal, hindi ako makararating.

   Ipinatawag ako ng aking bansa at doon ay pagbabayaran ko ang aking kasalanan. Ipinabasa sa akin ang kautusan mula sa Madrid na ipinagbabawal sa sinumang Español na opisyal o kawani ng pamahalaan ang magpakasal sa isang Indiyang walang dugong Europeo, ay papatawan ng kamatayan.

   Stella, pinili kong umatras hindi dahil kulang ang aking pag-ibig, kundi dahil ayokong ikaw ang pagbayaran ng aking paglaban. Kung itutuloy ko ito, ikaw ang dudurugin ng aming lipunan — ikaw ang tatanggalan ng dangal. Patawarin mo ako. Huwag mo akong ituring na taksil. Sa halip, alalahanin mo lamang na minsan, sa ilalim ng buwan, may isang lalaki na mula sa Espanya na buong-pusong umibig sa iyo.

   Sa huling pagkakataon,

   — Tristan Vélez

Inutusan ko ang ilan sa aking mga sundalo na salubungin si Tristan kung mamataan nila ito. Mabilis naman silang kumilos. Napatingin ako sa kampana ng simbahan nang tumunog ito —tila sinasabi sa lahat na darating na ang sandaling itinatadhana — ang kasal na pinakahihintay ng marami.

“Sino ang nagpatunog ng kampana? Hindi na maaring magsimula ang kasal sapagkat hindi na ito matutuloy!”
malakas na bulyaw ni Donya Gerardo, dahilan upang marinig iyon nang nakararami.

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at dahil sa lakas ng kaniyang matinis na boses ay narinig rin iyon ng aking ina at ni Stella, dahilan upang lumabas sila sa karwahe. Mula sa aking kinatatayuan ay dama ko ang lungkot ng aking kapatid.

“T-tama po ba ang aking narinig, kuya? Hindi po m-makakapunta si Tristan?”
ako ang tinanong ni Stella upang kumpirmahin ang sinabi ni Donya Gerardo.

Hindi ako makasagot. Ang buong atensiyon ng lahat ay nasa kaniya. Bago pa tumulo ang kaniyang mga luha ay ikinulong ko siya sa aking mga bisig. Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking dibdib at humagulgol roon.

“K-kuya, h-hindi po m-maaaring hindi siya makapunta. K-kailangan ko po siyang makausap. P-pakiusap!”
nanginginig ang kaniyang boses.

“Hahanapin ko siya, Stella. Huwag ka na umiyak. Pakiusap,”
pinapatahan ko ito subalit base sa patuloy nitong paghikbi ay paniguradong matatagalan pa.

Ang aking ina ay nakiusap sa mga tao na itigil ang kanilang bulungan. Bumalik ito kay Stella at banayad na hinaplos ang likod nito upang pakalmahin.

“Nangako siya, kuya. N-nangako siyang bubuo kami ng masayang pamilya. N-nngako siyang hindi niya

kami

iiwan,”
nanghihina niyang wika at parang nabuhusan ako nang malamig na tubig sa aking napagtanto.

Hindi niya kami iiwan.

Ang aking kapatid… ay nagdadalang tao.

-Terrorious

×××

KABANATA 51: Babala

Hindi ko mailarawan kung ano ang tunay na aking nadarama habang aking binabagtas ang daan patungo sa kinaroroonan ni Tristan. Hindi ito yaong sigaw na naghahanap ng suntok, kundi isang uri ng pagngangalit na walang tunog, tila baha ng bangis at pagkasuklam.

Kung maari lamang niyang ipasan ang lahat ng kahihiyan. Kung maari lamang niyang bawiin ang bawat matang tumingin kay Stella na may habag, may tanong, may awa.

Makatuwiran ba itong aking nararamdaman?

Ipinapasa-diyos ko na lamang na sana’y bigyan niya ako nang katanggap-tanggap na rason upang hindi sumipot sa kasal nila ng aking kapatid.

Nang huminto ang karo sa tapat ng mansyon ni Heneral Vicencio ay nagkukumahog akong bumaba. Matikas ang aking tindig habang suot ang barong tagalog na inihanda para sa espesiyal na araw na ito. Tumigil ako sa aking paghakbang nang mayroong dalawang sundalong Espanyol ang sumalag sa aking harapan.

“Alto! Walang utos na ikaw ay tanggapin dito,”
mariing wika ng isa sa kanilang sariling wika, malamig ang tinig na parang hindi tao ang kaharap, kundi anino ng banta.

Nakakapagtakang hindi ko mamukhaan ang dalawang ito. Matatangkad, mapuputi, naka-uniporme ng mahigpit, at may hawak na bayoneta.

Hindi ba nila ako kilala?

“Nariyan ba ang inyong punong heneral? Pakisabi sa kaniyang narito ang punong heneral ng San Fernando at nais kong kausapin si Tristan Vélez,”
mahinahon kong wika. Batid kong walang magandang maidudulot kung sa kanila ko ibubuhos ang aking galit.

“Mahigpit na iniutos ng aming heneral na huwag papasukin ang kahit na sinong lokal rito — may katungkulan man o wala. Kung iyong ipipilit ay mapipilitan kaming gumamit ng dahas!”
sigaw ng isa at walang pag-aalinlangan akong tinutukan ng baril.

Napaatras ako sapagkat hindi ko iyon inasahan. Ang mga kasama kong sundalo ay mabilis akong sinaklolohan sa pamamagitan nang pagtutok ng kanilang espada sa dalawang sundalong kastila. Mula sa aking kinatatayuan ay madarama ang nagbubugsong galit sa magkabilang pangkat.

“Umalis na kayo ngayon rin! Isa pang hakbang at hindi kami magdadalawang-isip na gumamit ng dahas!”
mariing wika muli ng sundalong Espanyol.

“Sino kayo upang tutukan ng armas ang punong heneral ng San Fernando!”
napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang pamilyar na tinig.

Hindi ko inaasahang makikita ko si Tinyente Ismael rito. Nakasuot rin siya ng pormal na kasuotan katulad ko. Bumagay sa kaniya ang suot niyang puting barong na may nakaburdang mga tuyong dahon sa bandang dibdib.

Inilabas niya ang baril na nakatago sa kaniyang tagiliran at akmang tututukan ang isa sa mga sundalong Espanyol nang lumabas si
Paz
— ang sundalong Espanyol na tumayong kanang-kamay ni Heneral Vicencio ay narito sa aking harapan.

Ang sundalong Espanyol na handang pumaslang upang maipaghiganti lamang ang kaniyang pinuno.

Napahawak ako sa aking sikmura. Bagamat wala na akong nararamdaman sugat roon ay parang bumalik ang aking alaala sa batalya at kung paano niya itinarak sa akin ang patalim na nababalot ng kaniyang pagkasuklam.

“Ang heneral ng San Fernando lamang ang pahintulutan ninyong makapasok. Siguraduhing wala itong dalang armas,”
anito habang hawak ang isang tungkod. Hirap na itong lumakad pabalik.

Tutol man sa pahayag ni Paz ay walang nagawa ang aking mga sundalo at si Tinyente Ismael. Nakatitiyak akong hindi nila ako tatangkaing paslangin sapagkat minamahal ako ng kanilang heneral. Subalit hindi rin ako nararapat na makampante.

Nang masigurong wala akong dalang armas pandigma ay maaari na akong pumasok. Kuyom ang aking kamao at nakahanda ako sa maraming posibilidad. Ang nais ko lamang ay ang tunay na kasagutan ng lalaking ikakasal sa aking kapatid. Iyon lang. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang humantong sa ganito.

“Ryannel!”
tinawag ni Tinyente Ismael ang aking pangalan bago pa akong makapasok sa tarangkahan.

Lumapit ako sa kaniya at nabigla nang yakapin ako nito. Humigpit iyon kung kaya’t napakapit ako sa kaniyang braso upang siya’y itulak. Nung magsalita siya gamit ang mahinang tinig ay parang hinaplos ang aking puso.

“Mag-iingat ka. Kung sa tingin mo’y mapanganib at kailangan mo ng tulong ay isigaw mo ang aking pangalan.”

Tumawa ako sapagkat seryoso niya iyong tinuran, ngunit nagpigil ako nang sumabat siyang muli.

“Huwag mo sana gawing katatawanan ang aking pag-aalala, Ryannel. Sana’y malaman mong wala akong ibang hangad kung hindi ang iyong kaligtasan.”

“Nauunawaan ko, Tinyente. Ngayon, maari mo na ba akong bitiwan?”
saad ko na agad niya ring sinunod.

Nagpaalam ako sa kanila at sumunod kay Paz sa loob ng mansyon. Napansin kong napuruhan ang kanan nitong paa kung kaya’t gumagamit ito ng tungkod o saklay. Buong akala ko’y bumalik na ito sa Espanya dahil sa tagal ko itong hindi nakita. Hinatid niya ako sa silid-pulungan sa bandang likuran ng mansyon. Ngayon lamang ako napadpad rito.

Kumatok si Paz sa pinto bago iyon buksan. Pumukaw sa aking atensiyon ang mga armas na pirmeng nakaayos sa dingding. Napansin ko rin ang napakaraming mga sundalong Espanyol na nagpupulong at ang kanilang punong heneral na awtomatikong nagdilim ang ekspresiyon nang magtama ang aming mga mata. Suot niya ang uniporme ng kanyang lahi — matikas, mahigpit, ngunit ang mga mata niya’y tila naghuhubad ng lahat ng ranggo.

“Heneral Vicencio, narito po ang heneral ng San Fernando,”
sabi ni Paz na nagpatigil sa gitna ng kanilang mainit sa diskusiyon.

Ang galit niyang ekspresiyon na akala ko’y maglalaho kapag nakita niya ako’y mas lalong nagdilim. Pinasadahan ko nang tingin ang lahat ng sundalo roon na sa wari ko’y katatapos lamang mag-ensayo. Pawis na pawis ang mga ito habang ang iba’y walang pang-itaas na kasuotan. Halata sa mga makikisig nilang katawan ang tindi ng kanilang pagsasanay. Ang lahat ay nakatingin sa akin ngunit hindi ko na sila binigyan ng pansin.

Nasaan ba si Tristan?

Halos mawasak ang lamesang yari sa matigas na puno nang hampasin iyon ng Heneral Vicencio,
“Si no tiene más preguntas, puede retirarse. Muchas gracias!”

Hindi nagsayang ng oras ang mga sundalong naroroon at lumabas sa silid. Nakatingin lamang ako sa bughaw niyang mga mata—pilit binabasa iyon. Nawala na lamang ang lahat ng tao maliban sa kaniya ngunit hindi ko pa rin siya mawari. Magkasalubong ang kaniyang kilay at galit itong tunay sa hindi ko malamang dahilan.

“Paz, maari mo na kaming iwan,”
aniya.

Nang umalis si Paz ay pumasok na ako sa loob ng silid. Malawak iyon kumpara sa aming silid-tanggapan sa mansyon. Lumapit ako sa kaniya habang nakamasid sa napakaraming baril na nakapatong lamesa.


Anong ginagawa mo rito, heneral?”
tanong niya nang pabalang.

Heneral?

Sanay na akong tawagin nang ganoon, ngunit bakit pagdating sa kaniya’y bago iyon sa aking pandinig?

“Nais kong makausap si Tristan, h-heneral. Nais kong malaman ang dahilan ng hindi niya pagsipot sa kasal nila ni Stella.”

Kumuha siya nang isang baril at inilapat ang kaniyang daliri sa gatilyo. Nanatili roon ang kaniyang mga mata.

“Hindi pa ba sapat ang liham na ipinadala niya sa iyong kapatid, heneral? Kung naunawaan mo iyong tunay ay hindi ka na dapat pumunta pa rito,”
malamig niyang wika.

Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat, dahilan upang mapako sa akin ang kaniyang buong atensiyon.

Gulong-gulo ang aking isip at nasasaktan ang aking puso. Hindi lubos maunawaan kung bakit hindi niya na lamang sabihin sa akin kung nasaan si Tristan. Nasasaktan ako sa sinapit ng aking kapatid na walang ibang hangad kung hindi ang ikasal sa taong kaniyang minamahal. Nadudurog ako sa inaasta ng punong heneral sa akin ngayon.

“May nagawa ba akong kasalanan, heneral?”
nakikiusap akong sabihin niya sa akin ang aking kamalian.

Hindi siya sumagot.

Bagkus ay ako ang kaniyang tinanong, ”
Minahal mo ba akong tunay o plinano mo ang lahat upang hindi matuloy ang pina-planong digmaan sa pagitan ng dalawa nating bansa?”

Bahagyang kumibot ang aking panga, ngunit nanatiling tikom ang bibig. Pinisil ko ang sulok ng mesa, waring doon idinaan ang lahat ng damdaming nais isabog.

“Oo,”
sagot ko sa wakas, buo, walang pag-aalinlangan.

“Minahal kita sa mga panahong dapat kitang iwasan. Sa mga lihim na sandali, sa pagitan ng liham at galos. Pero hindi kita pinilit minahal dahil sa paghihimagsik. Pinili kita dahil ikaw ang tinitibok ng aking puso, Heneral Vicencio,”
buong puso kong wika.


Hindi mo na dapat ako minahal,”
bulong niya, paos, waring bawat salita’y tinutulis ng sakit.

Nakita ko ang pagmula ng sulok ng kaniyang mga mata. Tumulo roon ang kaniyang luha na agad rin niyang pinahid.

“H-hindi ako ang tahanan. Hindi ako ang wakas na nais mong marating. Ako ang unos na paparating. Ako ang delubyo na maaring kumitil sa napakaraming buhay,”
babala niya.

Tila naging isa akong estatuwa sapagkat hindi ako makagalaw sa aking narinig. Bawat salita na kaniyang sinabi ay parang punyal sa aking puso. Hindi ko inaasahan ang kaniyang tugon.

“Pakinggan mong maigi ang mga salitang aking babanggitin, sapagkat pagkatapos nito… baka hindi na ako makapagsalita muli sa paraang totoo,”
aniya, mababa ngunit mariin.

“Hindi mo na ito kayang pigilan, heneral. Hindi na natin ito kayang ilihis. Ang mga matataas ay gumalaw na. Ang simbahan ay may lihim nang pahayag. Ang mga liham ng pagdududa ay narating na ang palasyo sa Madrid. At isa mga araw ngayong linggo ay darating ang mga atas—hindi upang makipag-usap, kundi upang magparusa.”

Tumaas ang aking dibdib, ngunit hindi ako nagsalita. Ramdam ko ang bawat salitang bitin sa labi ni Heneral Vicencio ay may kasamang pait, takot, at panunumbat sa sariling walang magawa.


Maghanda ka,”
dagdag ng heneral, halos paanas.

“Sa paparating na unos—hindi ako ang hahawak ng espada. Ngunit hindi ko kayang itago ang katawan mo mula sa talim nito. Hindi ako ang may hawak ng baril. Ngunit hindi ko rin kayang pigilan ang bawat gatilyo upang hindi nakapinsala ito. Hindi ko kayang iligtas ang lahat pero ikaw. Mahal ko, kaya kitang iligtas. Kung sasama ka sa akin—”

“Hindi! Hindi ako sasama sa iyo!”
pagtutol ko. Ang aking boses ay dumagundong sa apat na sulok ng silid.

“Mahal kita! Aking sinta, mahal kita. Pakiusap…”
pagsusumamo niya.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinalikan iyon habang patuloy na tumatangis. Nahihirapan siyang huminga sa labis na pag-iyak. Hinanap niya ang aking mga mata at nakiusap. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at ayaw niya akong pakawalan.

“Sumama ka sa akin, aking sinta,”
bulong niya, ngunit puno ng damdaming halos masigaw.


May daong na aalis patungong Cartagena bukas ng gabi. Lihim ang daan, tahimik ang pag-alis. Dadalhin kita sa lupang hindi tayo huhusgahan. Sa lugar na hindi mahalaga kung sino ang mas makapangyarihan. Iiwan natin ang lahat. Ang tungkulin. Ang ranggo. Ang pangalan. Basta’t buo ka pa sa tabi ko.”

Buong lakas akong kumawala sa kaniyang paghawak sa aking kamay.
“Heneral Vicencio, naririnig mo ba ang iyong sarili?”

Parehas kaming nasasaktan at durog na durog ang aming mga puso, subalit kailangan kong ipaintindi sa kaniya ang lahat. Batid kong hangad lamang niya ang aking kaligtasan, subalit hindi sa ganitong paraan.

“Heneral, mahal ko…”
mahinang sambit ko, ngunit bawat pantig ay matalim.

“P-pangarap iyan ng isang pusong nagmahal. Pero hindi ng pusong ipinanganak sa lupaing ito. Hindi kita sinusukuan. Ngunit hindi ko rin kayang talikuran ang bayan kong umiiyak habang ako’y umiibig. Habang ako’y ligtas sa iyong piling.”

Pilit ko siya itinutulak ngunit kahit hinang-hina ay patuloy itong lumalapit sa akin. Hinawakan niya ang aking mukha at itinapat ang aming noo, halos hindi makahinga. Ramdam niyang ang bawat salita na mula sa akin ay hindi pagtanggi sa damdamin — kundi pagtanggi sa pagtakbo.

“M-mahal kita. Mahal k-kita. Mahal kita,”
paulit-ulit niyang sabi habang basag ang tinig.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses lumabas ang mga salitang iyon sa kaniya. Pinapahid niya ang mga luhang patuloy umaagos sa aking mga mata habang siya’y patuloy na tumatangis.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa aming dalawa.

“Patawad, ginoo.”
tanging sagot ko.

Tumango siya — hudyat na tinanggap niya na ang aking kasagutan.


Maghanda ka… aking sinta,”
bulong ni Heneral Vicencio, habang pinipigil ang tinig na gustong mabasag.

“I
handa mo ang iyong mga tauhan, ang iyong mga mamamayan… ihanda mo ang iyong sarili, sapagkat ang katahimikan ay hindi na magtatagal.”

Huminga ako nang malalim. Ang mga mata ng heneral ay wala nang pakiusap. Wala nang pagpipigil.

“K-kung ito na ang huling gabi ng kapayapaan sa pagitan natin, nais kong malaman mong buong paggalang kong tinatanggap ang pasya mong lumabas sa pintuang ito — hindi upang tumakas, kundi upang harapin ang bagyong paparating.”

Tumango ako at akmang lalabas mula sa silid nang muli siyang magsalita.

“Ang lalaking minamahal ng iyong kapatid…”

Mabilis ko siyang nilingon, hangad ang kasagutan kung saan matatagpuan si Tristan.

“Hinuli siya ng sarili naming mga kawal. Bukas ng madaling-araw, sasakay siya sa daong na patungong Madrid. At doon, sa sarili niyang bayan, pagbabayaran niya ang kasalanang iniwan niya rito.”

“Kung nais siyang makita ng iyong kapatid—kung nais niyang magtanong, humingi ng sagot, o kahit silayan siya sa huling pagkakataon… Maari siyang magtungo sa daungan bago sumikat ang araw. Pahihintulutan ko silang mag-usap sa huling pagkakataon. Pagdating ng liwanag ay tatapusin na nila ang kanilang ugnayan.”

Tahimik akong tumango. Sa labas, umuugong ang hangin ng gabi. Sa loob, wala nang dapat sabihin.

Sapagkat may mga sagot na hindi na kailangang dugtungan — tanging pagtanggap na lang ang natitira.

Terrorious

×××

KABANATA 52: Plano

Nang gabi ring iyon, sa bulwagan ng kampo-militar ng San Fernando, natipon ang lahat ng opisyal, kawal, at bantay ng lalawigan. Walang palamuti ang paligid — tanging lamparang umiilaw sa paligid ng estrado, at ang aking presensiya na waring isang bagyong nagkukubli sa katahimikan.


Mga ginoo, mga magigiting kong sundalo,”
panimula ko, inilibot ko ang tingin sa bawat isa.

“Ipinatawag ko kayo hindi upang magbalita ng tagumpay, kundi upang ihayag ang isang pagdududa na hindi na natin maaaring ipagwalang-bahala. Wala pang opisyal na atas, wala pang sigaw ng himagsikan. Ngunit dumating na sa aking kaalaman ang isang bagay na hindi natin puwedeng ikibit-balikat..”
bumigat ang hangin. May mga sundalong bahagyang nagkatinginan, ngunit walang umimik.

Batid nila ang kahalagahan ng pagpupulong na ito. Bilang lamang sa aking isang kamay kung ilang beses ko silang ipinatawag sa lalong madaling panahon.

“Mayroong mga daong mula Madrid na naglalayag na patungong Maynila. Lulan nila ang hukbong Espanyol—hindi upang magbantay, kundi upang iguhit ang pamumuno sa ating mga lupa,”
mariin kong wika.

“Kaya’t inaatasan ko kayo, mga kawal ng San Fernando. Simula ngayong gabi, doblehin ang pagbabantay sa mga daungan at lansangang palusong mula sa hilaga at ihanda ang mga sandata. Iayos ang mga imbakan ng bala, pulbura, at kasangkapan. Pagsiyasatin ang mga reserbang pagkain ng kampo.”

“Wala tayong pahintulot magpakana ng paghihimagsik. Ngunit wala ring batas ang nagsasabing hindi tayo puwedeng maging handa. Kung dumating man ang araw ng pagsalakay—at sa tinig ng hangin, batid kong papalapit na iyon—ayaw kong magising kayong wala sa posisyon, o magpauna sa inyo ang kamatayan…”

Nang marinig nila ang salitang
kamatayan
at bakas sa iilan ang takot. Hindi ko iyon maaaring alisin sa kanila sapagkat ang ilan sa kanila’y pamilyado na. Napakaraming sundalo ang nagbuwis ng kanilang buhay sa nakaraang digmaan at maging ako’y nababalot ng kaba, ngunit hindi ako magpapadala sa takot. Bilang punong heneral, ako ang magsisilbing kalasag sa harap ng unos.

“Hindi sapat ang ating lakas kung tayo-tayo lamang ang kikilos,”
dagdag ko.

“Ang digmaang ito, kung sasabog man, ay hindi lamang sa San Fernando dadaan. Kailangang iparating sa bawat sulok ng lupang ito ang babalang sa atin ay nalalapit.”

“Kapitan Morales!”
tawag ko sa isa sa mga sundalo na aking pinagkakatiwalaan.

Sa mahabang lamesa na gawa sa narra ay naroon ang nakalatag na mapa ng Luzon, may mga pulang tuldok sa bawat lalawigang kailangang abutin. Sa paligid ng silid ay mga selyadong liham, nakatumpok, bawat isa’y may bitbit na bigat ng panawagan.

“Tumungo ka sa Bacolor. Hanapin mo ang Gobernadorcillo at ipagbigay-alam mo ang balitang ito. Sabihin mong hindi ito pananakot, kundi paanyaya sa pagkakaisa. Kung may mga armas silang maaaring ipahiram, kung may tauhang maaaring ipadala — sabihin mong kailangan natin sila sa lalong madaling panahon,”
utos ko sa kaniya.

Tumango siya  at sa aking hudyat ay nagmamadaling lumabas ng bulwagan upang sundin ito.

“Tinyente Ismael,”
tawag ko.

Kinalabit ako nito sa aking kanang balikat. Hindi ko namalayang katabi ko pala ang tinyente sa dami ng aking iniisip.

“Maari ka bang magtungo sa Arayat at San Miguel? Maaari kang magsama ng ilang sundalo upang mapabilis ito. Iwasan mong dumaan sa pangunahing lansangan — kung may mga mata na ng mga banyaga ang nakakalat, hindi nila maaaring malaman.”

Iniabot ko sa kaniya ang mga liham na aking inihanda, unang araw pa lamang nang pagtapak ng mga Espanyol rito sa San Fernando.

“Kailangang tumindig ang buong gitnang Luzon. Narito ang mga lalawigang kailangang makarinig ng ating panawagan. Sa hilaga ay ang Tarlac, Camiling, at La Paz. Sa timog ay Guagua, Bacolor, at Lubao. Sa silangan ay ang Arayat, Candaba, San Miguel, at Gapan. At sa kanluran naman ay ang Subic at Olongapo, kung saan maaaring dumaong ang ilan sa mga daong ng Espanya.”

“Magsisimula ang paglalakbay ngayong gabi,”
utos ko.

“Bago pa man sumikat ang araw sa ikalawang araw mula ngayon, gusto kong bawat pinunong ito ay nakatanggap na ng ating balita.”

Nasa kalagitnaan na ng gabi nang matapos ang pagpupulong. Ang aking bawat tauhan ay naghiwa-hiwalay na ng landas. Ang lampara sa gilid ng silid ay humihina na, waring sinasalamin ang bigat ng aking dibdib.

Ang mapa na nasa lamesa ay mabilis kong itinago nang marinig ang mahihinang katok mula sa labas ng bulwagan. Nang pahintulutan ko itong tumuloy ay pumasok si Jose kasama si Stella na kapansin-pansin ang pag-aalala — nakasuot siya ng simpleng saya at makapal na bandana na panglaban sa lamig.

Isinuot ko nang mabilis ang aking sumbrero nang tuluyan na itong makapunta sa aking harapan. Naaamoy ko pa rin kasi ang ilang-ilang na inilagay sa aking buhok na batid kong hindi nagugustuhan ng aking kapatid. Marahil ay sensitibo ang aking
pamangkin
.

Iniisip ko pa lamang na nasa sinapupunan ng aking kapatid ang aking pamangkin, ay labis na akong natutuwa.

Ako’y nananabik at mas lalo akong nagkakaroon ng tapang upang ipagtanggol at ilayo sila sa kahit anong kapahamakan.

“K-kuya… nalaman mo po ba kung nasaan siya?”
ngumiti si Stella habang nagbabadya ang mga luha.

Pinunasan ko ang kaniyang pisngi nang tumangis ito. Marahil ay dahil nagdadalang-tao ito kung kaya’t kumpara noon ay mababaw ang kaniyang luha.

“Stella, hindi makabututi sa iyong makita pa siya. Hindi na rin siya magtatagal rito sapagkat babalik na ito sa Madrid upang pagbayarin ang kaniyang—”

Naputol ang aking sasabihin nang hinang-hina itong lumuhod sa aking harapan,
“H-hindi na mahalaga iyon, kuya! Sabihin mo sa akin, kuya. K-kailangan ko po siyang… makita.”

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at muling nakiusap,
“Kuya… hindi ko siya piniling mahalin upang sumuko sa huli. Nagdadalang tao ako, oo. Pero isa lang ang hiling ko… isang huling pagkakataon. Isang tanong, isang titig, kahit isang salita lang. Kung ito na ang wakas namin — ako na po ang magpapasya.”

Sinubukan ko siyang itayo ngunit hindi ito nagpatinag. Kilala ko si Stella. Hindi ito papayag na hindi nasusunod ang kagustuhan, pero iba ito. Ngayon ko lamang siya nakitang lumuhod para lamang masunod ang kaniyang hiling.

Mahal niya ngang tunay ang kastila. Walang pagdududa.

“Jose…”
tawag ko sa katuwang na itinuring ko na ring nakababatang kapatid.

Pinunasan nito ang kaniyang luha gamit ang kaniyang damit at pilit na ngumiti,
“Ano po iyon, heneral?”

“Sa daungan. Naroroon si Tristan. Naka-eskorta. Kung lalakbayin niyo ito ngayon rin ay makakarating kayo ng madaling-araw. Lululan siya ng barko pabalik sa Madrid. Hindi na siya babalik. Hindi na kayo magkikita kung di mo siya pupuntahan ngayon ring gabi,”
wika ko.

Nanatiling tahimik si Stella. Ngunit sa kanyang mga mata, may pumutok na isa pang luha. Waring nasagot ko ang libo-libong tanong sa kanyang dibdib.


Salamat, kuya.”
tumayo ito at niyakap ako nang sobrang higpit.

Nagmamadaling tumalikod si Stella matapos ang yakap. Ngunit bago siya tuluyang makalabas, nagsalita akong muli— tinig na tila ayaw lumamon ng hangin, ngunit kailangang ibulong.

“Stella, hindi mo ba nais tanggapin ang iyong regalo mula sa akin para sa iyong kasal?”
nakangiti kong tanong.

Dahan-dahang lumapit si Stella sa akin at nang inilabas ko mula sa aking bulsa ang isang ginintuang anting-anting ay umawang ang kaniyang labi.

“Anting-anting ito ng ating ama. Ibinigay niya ito sa akin noong una akong ipinadala sa labas ng Maynila. Patawad kung hindi ko kayo magagawang samahan patungo sa daungan at wala na rin akong sundalo na mahahabilinan. Stella, hayaan mong ang anting-anting na ito ang magsilbi niyong gabay at ilayo kayo sa panganib.”

Tumingin ako sa kaniyang mga mata, tila ako’y hindi heneral, kundi isang simpleng kapatid na lalaking pinipigilang lumuha.

“Kuya… salamat. Hindi ko po ito iwawala. Pangako.

“Jose, samahan mo siya hanggang daungan. Ingatan mo siya na para bang kapatid mo ang batang kaniyang dinadala,”
hindi iyon isang utos—isa iyong pakiusap.

Muli akong lumingo kay Stella, at bagaman wala siyang binigkas na ”
paalam
”, ang kanyang mga mata’y tila naghahanap ng pangakong muli kaming magkikita.

Bumalik ka bukas, Stella…

Bitbit ang anting-anting na ‘yan.

Hindi dahil gusto ko itong maibalik — kundi dahil gusto kong makita kang ligtas.

Pagkarating mula sa kwartel, tahimik akong bumaba sa aking kabayo, kaharap ang mansyon ng aming angkan. Ang gabi’y halos sagad na sa lamig, at ang ilaw sa durungawan ay kumikislap sa tindi ng hangin.

Binuksan ng isang katiwala ang pinto, at sinalubong ako ng amoy ng pinaghalong sampaguita, lumang kahoy, at kape — tanda ng isang bahay na gising sa gitna ng takot.

Sa tabi ng hagdan, naroroon si ina, nakaupo sa silyang yari sa nara, hawak ang rosaryo, at tahimik na nagdarasal.

“Ina,”
mahinang bati ko habang nakayuko upang magmano.

“Anak, mabuti at narito ka na! Nakita mo ba si Stella? Nagkulong ito sa kaniyang silid at nang amin itong buksan sa takot na may gawin itong hindi kaaya-aya ay wala na ito roon,”
ibinababa ni ina ang rosaryo at nanginginig ang mga kamay.

“Ina, huwag po kayong mag-alala. Babalik si Stella bukas rin ng umaga. Kasama niya si Jose sa daungan at pinasunod ko roon si Mang Romolo upang matiyak ang kanilang kaligtasan,”
paliwanag ko.

Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari para na rin sa kaniyang kapanatagan. Sa kung bakit hindi nakasipot si Tristan sa kasal. Ang kasalanan nito na dapat niyang pagbayaran at ang huli nilang pagkikita sa daungan.

Minabuti kong hindi muna sabihin sa kaniya ang balita tungkol sa himagsikan. Mahaba-haba iyong usapin at maaring hindi makabuti sa kaniya kung ngayon ko rin iyon sasabihin.

Nang makapasok ako sa aking silid ay sinimulan ko ang pagbuo ng aking pinaplano. Mga bagay na akin nang pinag-isipan kung sakali mang matutuloy ang digmaan. Kailangan kong makipag-ugnayan sa mga kawani ng pamahalaan.

Ipipuwesto ko ang tatlong pangkat ng kawal sa baybayin kung saan unang inaasahang maglalapag ang mga Espanyol.

Sa bawat pangkat ay may tig-aapat na kawal na bihasa sa baril at dalawang tanod na may sungkit — hindi upang makipagsabayan sa baril ng kalaban, kundi upang makapagbigay ng hudyat sa loob ng siyam na minuto kapag nakita ang unang layag sa dagat.

Ang unang tunog ng kampana ng simbahan ang magiging hudyat ng buong San Fernando na ang pagsalakay ay nagsimula na.

Kailangan ko ring pagtuunan ng pansin ang lohistika at suplay. Bukod sa mga sandata ng militar ay mayroon pang mga baril na hindi lisensyado, itak na siningkawan ng bakal, at mga lumang kanyon na itinago pa mula sa pananakop ng mga nakaraang kastila. Kung nagkataong maubusan kami ng kagamitan ay maari namin iyong gamitin.

Isa pa sa dapat kong pagtuunan nang pansin ay ang medikal na pangangailangan. Bagamat mayroong pagamutan sa bayan ay hindi iyon sapat kung sakali mang magkaroon ng maraming pinsala sa paparating na himagsikan.

“Nena,”
pagtawag ko sa kaniyang atensiyon matapos ilapag ang baso ng kape sa aking lamesa kung saan nagkalat ang mga libro at papeles.

“Ano po iyon, heneral?”

“Ipaalam sa ating mga katuwang na ang silid-aklatan ng mansyon ay pansamantala nating gagawing pasilidad medikal. Ipatawag rin ang ilang kawani ng Mediko Del Fuego at sabihing kailangan natin ng mga doktor at kaagapay rito sa lalong madaling panahon,”
utos ko sa kaniya.

Lumabas rin ito agad sa aking silid. Matagal rin akong nagsulat at bumuo ng aking mga plano nang makaramdam ako ng antok. Sumimsim ako ng kape upang pigilan iyon. Napatingin ako sa orasan na pirmeng nakasabit sa dingding nang mapagtanto kong mag-aalas singko na ng umaga.

Nagkita na kaya sina Tristan at Stella?

Maya-maya ay liliwanag na…

Makikita ko na muli ang aking kapatid.

Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Nena sa labas ng silid. Pagkatapos kong magbihis ng unipormeng pang-sundalo ay binuksan ko ang pinto.

“Ginoo… patawad sa abala. Nasa labas po… si Heneral Vicencio,”
aniya.

Sa pag-aakalang masama ang sadya nito ay dali-dali akong lumabas. Gising pa ang mga katuwang na nag-aayos sa silid-aklatan nang madaanan ko ang mga ito. Nakatitiyak naman akong natutulog na ang aking ina sa kaniyang silid.

Sa aking paglapit sa pintuan ng mansyon, sinalubong ako ng amoy ng damong bagong dinilig ng hamog, at ang isang anyong pamilyar—si Heneral Vicencio, nakatayo sa paanan ng hagdan, suot ang magarang damit na bago sa aking paningin.

Ameranong kulay-bughaw na may ginintuang sinulid, at kapa ng makapal na pelus na pilit tinatakpan ang pagod sa balikat.

“Hindi pa ako natutulog, aking sinta,”
sambit niya, mahinahon.

Ang taglay niyang kakisigan ay para bang nakakawala ng pagod.

“Ako rin,”
Ngunit agad din akong umiwas ng tingin, sapagkat… nakatitig sa akin ang bughaw niyang mga mata kasabay nang nakakaakit na ngiti.

Nakakatunaw iyon.

May ilang hakbang siyang nilakad, saka iniabot ang isang bagay na hawak sa kanyang palad. Isang pula’t rosas na gumamela, bahagyang namasa ng hamog, at may ilang gasgas sa gilid ng talulot.

“Naalala mo pa ba ang unang beses na binigyan kita ng gumamela?”
tanong niya, nakangisi.

“Hindi ko maalala…”
pagbibiro ko at kinuha iyon sa kaniyang kamay at inamoy.

Napasinghap siya at akmang lalakad pauwi,
“Babalik na ako sa Espanya.”

“Sandali!”
hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila patungo sa parte ng hardin kung saan ko siya dinala noong gabing iyon.

Nang mapagtanto niya kung nasaan kami nagtungo ay kinagat niya ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang ngiti. Tinakpan niya pa ang kaniyang bibig at saka kumapit sa puno ng mangga, kumukuha nang lakas doon.

“Aking sinta, bakit mo ako dinala rito? Nais mo sigurong halikan kitang muli, tama ba ako?”
aniya.

Ngumuso siya habang nakapikit ang mga mata. Papalapit sa akin ang kaniyang mukha. Ngunit bago umabot sa aking labi ay umiwas na ako. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking baywang upang pagdikitin ang aming katawan.

Napalunok ako nang imbes na sa labi ay hinalikan niya ako sa aking noo. Dampi lamang iyon subalit nadarama ko ang labis na pagmamahal.

Hinawakan niya ang aking kamay na hawak ang mga bulaklak,
“Wala pa kasing bukas na pamilihan, kaya katulad na dati’y pinitas ko lamang ang mga ito sa inyong hardin. Patawad, mahal. Huwag kang mag-alala. Sa susunod ay ibibili kita nang mas maganda pa sa mga ito. Kung gusto mo’y bibili na lamang ako nang malawak na lupain at patataniman ko iyon ng maraming bulaklak. Ang mga gumamela ay para sa iyo, ang pulang rosas ay para sa iyong ina, ang sampaguita ay para sa iyong nakababatang kapati—”

Hindi niya natapos ang mahaba niyang sinasabi nang kumapit ako sa kaniyang malapad na balikat at siniil siya nang halik. Hindi siya gumalaw agad. Parang hindi siya huminga. Naestatuwa. Hanggang maramdaman ko ang kanyang mga daliri sa batok ko, marahan, nanginginig, at puno ng pakiusap na huwag pa sanang matapos ang sandaling iyon.

Nang marinig namin ang pagtilaok ng mga manok ay naputol ang halik. Ngumiti ako, kahit bahagya. Pero sa loob ko, humihiyaw ang bawat damdaming nasa aking puso.

“Halika,”
wika ni Heneral Vicencio, habang tinuturo ang landas palabas ng mansyon.


Samahan mo akong salubungin ang bukang-liwayway, aking sinta. Sa Batis ng Kasarinlan kung saan tahimik ang tubig at magandang pagmasdan ang

alapaap

. Bago muli tayong kunin ng kani-kaniyang tungkulin,”
paanyaya niya.

Terrorious

×××

KABANATA 53: Uwak

Hindi pa sumisikat ang araw.

Ang paligid ay balot ng manipis na hamog, at ang mga dahon ng molave ay basang-basa sa lamig ng madaling araw. Tahimik ang kagubatan ng San Fernando, ngunit hindi tahimik ang aming damdamin na ngayon ay naglalakad, sapo ng dilim na may pangakong liwanag.

“Naririnig mo ba ‘yon, ginoo?”
tanong ko, marahang tumigil sa landas.

“Ang ano?”
tanong ni Heneral Vicencio habang pinapahid ang hamog sa aking balikat.

“Yung katahimikan. Para bang may humihinga… sa pagitan ng mga punong ‘yan,”
nagturo pa ako.

Natigil siya sa paglalakad at kapagkuan ay niyakap ako mula sa aking likuran. Naririnig mula sa aming kinatatayuan ang mga huni ng mga hayop at ibon na wari mo’y pinaliligiran kami.

“Huwag kang matakot, aking sinta. Narito ako. Hindi ko hahayaang kunin ka nila,”
malalim ang kaniyang boses at mas lalong humigpit ang yakap.

Ang kaniyang braso ay nakayapos sa aking braso. Mula sa aking batok ay nadarama ko ang mainit nitong hininga. Mas lalo nitong hinigpitan na para bang hindi niya nais na makawala ako sa kaniya.

Noong una’y natutuwa pa ako sapagkat akala ko ay natatakot ito, subalit nang mapagtanto ko ang kaniyang binabalak ay bumuntong hininga na lamang ako.

“Yakapin mo rin ako, aking sinta. Walang sino man ang mangangahas na saktan ka hangga’t kulong ka ng aking bisig,”
anito at hinaplos ang aking dibdib, pababa sa aking tiyan.

Hinampas ko siya, dahilan upang siya’y mapaigtad,
“Bitiwan mo ako,

Javier

.”

“Javier? Bakit mo ako tinawag sa aking pangalan? Nagagalit ka ba sa akin, aking sinta?”
nagtatakang tanong nito at tinitigan pa ako sa mata.

Gamit ang aking kamay ay inilayo ko ang kaniyang mukha ngunit nagpumiglas ito. Sinabi kong hindi ako nagagalit sa kaniya, ngunit hindi ito kumbinsido. Nakanguso ito at ipinatong ang baba sa aking kanang balikat.

“Kung ako’y hahalikan mong muli ay mapapatunayan kong hindi ka nga nagdaramdam sa akin, mahal ko,”
nanunudyo nitong wika.

“At kung hindi ko gagawin?”

Ngumisi ito,
“Pabor sa akin iyon sapagkat yayakapin kita sa ganitong posisyon buong maghapon. Maghapon tayong nakatayo. Maghapon akong nakalingkis sa iyo.”

Kung tutuusin ay kaya kong tumakas mula sa kaniyang yakap kung aking gugustuhin. Oo, mas matangkad siya nang kaunti at mas malaki subalit hindi maipagkakaila ang aking kalakasan. Walang hirap ko siyang patataubin kung ito’y aking gugustuhin, subalit mahal ko siyang tunay.

Nang makawala ako sa kaniyang yakap ay sinakop ko ang kaniyang mukha upang siya’y halikan muli. Inasahan niyang ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang nais sa kung paano niya dinala ang aking braso sa kaniyang leeg at kung paano niya nahanap ang aking baywang upang mas lalong idikit sa kaniyang katawan.

Hinawakan ni Heneral Vicencio ang aking likod — mahigpit, parang ayaw nang bitiwan. Wala sa sarili akong napaungol sa init ng halik, at tila buong katawan namin ay nagsimulang gumalaw nang sabay.

“Ginoo…”
tawag ko sa kaniya, hinihingal.

Hindi ko pa natatapos ang nais kong sabihin nang muli niyang sinupsop ang aking ibabang labi. Para akong mauubusan ng lakas sa kung paano niya sakupin ang aking labi gamit ang kaniyang bibig at dila. Nakakapit lamang ako sa kaniyang balikat at doon kumukuha ng lakas.

Nang makahanap nang tiyempo ay muli akong nagsalita,
“G-ginoo, tayo na’t magtungo sa Batis! Nais kong makita ang bukang liwayway at magtampisaw roon.”

“Pero… aking sinta,”
pagmamakaawa niya bago bumaba ang kaniyang tingin sa umbok sa pagitan ng kaniyang hita.

Pati ako’y napatingin doon. Mula sa kaniyang pantalon ay para nais nitong kumawala. Gamit ang kaniyang bughaw na mga mata na tila’y nagmamakaawa ay muli ako nitong tinignan.

“Aking sinta, maari bang—”

“Hindi! Hindi iyan maaari,”
hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila patungong batis.

Tumawa siya nang nakakaloko,
“Oo nga. Magandang ideya na paligayahin natin ang isa’t-isa habang nakalubog sa katubigan nang sa gayon ay walang makakita sa atin.”

“Nabasa ko sa isang libro na makatutulong ang paglusong sa malamig na tubig upang pakalmahin ang sarili, ginoo,”
pagtutol ko.

Hindi ko batid kung anong sumanib sa akin nang marating namin ang Batis ng Kasarinlan. Marahil ay dahil sa lamig ng madaling-araw. Nang mapako ang aking tingin sa punong heneral ng Espanya ay tahimik itong nakatayo sa gilid ng batis. Ang mukha nito’y may pag-aalangan.

Akala ko ba’y nais niya rito sa batis?

Ako, sa kabilang banda, ay hindi na nakatiis. Unti-unti kong hinubad ang aking kasuotan na pinahulma pa sa Lumban. Isa-isa kong binuksan ang butones ng aking uniporme. Hindi ko binigyan nang pansin ang malagkit na tingin sa akin ni Heneral Vicencio habang hinuhubad ang pang-itaas kong kasuotan. Nang tuluyan ko itong maalis at maisampay sa sanga ng punong tikoy, ramdam kong huminga ako nang mas malalim.

Lumakad ako palapit sa tubig, pinakiramdaman ang lamig na dumampi sa aking talampakan, binti, hanggang sa buong katawan. Hinayaan kong lamunin ako ng agos. Tumawa ako nang hindi ko namamalayan.

“Ginoo! Hindi mo ba ako nais daluhan rito?”
sigaw ko, lumingon sa kanya habang ang tubig ay gumuguhit sa aking mukha.

Tahimik siya. Ang bughaw niyang mga mata na pirmeng nakatingin sa akin magmula kanina. Waring nagbibigay iyon ng init sa malamig na katubigan. Parang sinasalungat pa rin niya ang sarili kung siya’y susunod. Pero sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin, alam kong gustong-gusto niyang sumuko.

At nang talsikan ko siya ng tubig ay nakita kong napukaw ko siya. Ang kanyang ngiti, bagamat bahagya, sapat na upang mapagtanto kong susunod pa rin ito sa kabila ng kaniyang pag-aalinlangan.

Hindi nagtagal ay inilapat niya ang mga daliri sa laylayan ng kaniyang kasuotan. Isa-isa niyang tinanggal ang butones, dahan-dahan, parang bawat pag-alis ay isang kasalanang walang kapatawaran.

At sa wakas, nang mahubad niya ang kaniyang damit pang-itaas, ay nasilayan ko ang katawan ng isang lalaking hinubog ng kaniyang tungkulin.

Ang dibdib niya ay malapad, maugat, at may bakas ng mga luma’t bagong sugat—tila isang mapa ng mga laban na kaniyang pinili’t pinasan. Ang mga balikat niya’y parang marmol, batak ngunit hindi sobra, at ang kaniyang tiyan ay may linya, hindi bunga ng pagyayabang kundi bunga ng taon-taong pag-eensayo, sabay sa kaniyang mga sundalo.

Maraming beses ko nang nasilayan ang kaniyang katawan, subalit hindi ko iyon maiwasang tingnan.

Lumapit siya. Ang tubig ay lumagaslas sa kaniyang paanan habang papalapit. At bago ko pa mapigilan ang sarili kong tingin, ngumisi siya at nagsalita.

“Tinititigan mo ba ang aking katawan, Heneral Guevarra?”
aniya, may biro sa tinig.

“Hindi,”
sagot ko agad—masyadong mabilis, kaya’t tiyak kong halata.

“Hindi makabubuti iyan, Heneral. Ang

pagnanasa

sa kapwa mo heneral ay dapat mong itago. Base sa iyong malagkit na titig ay para bang higit pa sa pagtitig ang nais mong gawin sa akin,”
niyakap niya pa ang kaniyang sarili na para bang natatakot ito sa maaari kong gawin.

Lumayo ako ng tingin,
“Bakit ko naman titignan ang iyong katawan gayong hindi hamak na mas maganda ang hubog ng akin.”

“Nakasisiguro ka ba diyan, aking sinta?”
Nilapitan niya ako. Umangat ang isang kilay.

“Sige nga. Hawakan mo ang aking katawan at ikumpara ito sa iyo,”
paghahamon niya.

Buong akala ko’y nagbibiro lamang ito ngunit hinawakan niya ang aking kamay at ipinatong sa kaniyang dibdib. Mainit. Mabilis ang tibok. At sa kabila ng biro’y naroon ang isang lamlam sa kaniyang mga mata. Hindi na siya tumatawa. Hindi na siya nanunukso.

“Heneral Ryannel Guevarra,”
mahinang bulong niya,
“ikaw ang una.”

Napalunok ako. Hindi ko agad naunawaan ang ibig niyang sabihin. O marahil, alam ko na ngunit hindi ko nais paniwalaan.

“Ang… una saan?”
tanong ko, mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

“Ang una kong minahal. Ang una kong pinili. Wala nang nauna. Wala ring iba. Wala nang kahit sino,”
pagtatapat niya.

Hindi ko alam kung saan ako titingin. Ang mga salitang iyon, bagamat banayad ang pagkakasambit, ay bumagsak sa akin na parang kulog sa pusong matagal nang walang tinig.

Hinawi niya ang mga buhok sa gilid ng aking noo, saka dumako ang palad niya sa batok ko, marahan, tila’y pilit inaamo ang panginginig sa aking laman.

“Bakit mo ako pinili? Parehas tayo ng kasarian? Mahigpit na ipinagbabawal ang ating pagmamahalan…”
tanong ko, halos pabulong.

“Dahil kahit sa lahat ng ipinagbabawal… ikaw lang ang hindi ko kayang isuko.”

Lumapit siya. Hindi siya nagtanong kung maaari niya akong halikan. Hindi siya nagduda kung dapat. Nilapit niya lang ang kaniyang mukha, dahan-dahan, parang paglapit ng liwanag sa madilim na kalangitan. At nang magtagpo ang aming mga labi—hindi iyon halik ng kasalanan, kundi halik ng pagpapalaya.

Hindi marahas. Hindi rin magaan. Isa iyong halik na may bigat ng taon ng pagtitimpi, ng mga gabi ng pag-aalala, ng mga lihim na hindi kailanman nasambit.

Hinalikan niya ako na para bang ako ang huling iiwan ng araw. Ako naman, humalik na para bang siya ang unang sinag na dumapo sa aking balat.

Nag-angat siya ng mukha nang bahagya. Nanginginig ang kanyang hininga, ang kanyang mata’y parang may gustong sabihin na hindi niya kayang sabihin.

“Ginoo…”
bulong ko, nakahawak sa kanyang dibdib.

Hindi siya sumagot.

Sa halip, isinubsob niya ang kanyang noo sa aking balikat, hinalikan ang aking leeg, at sa kanyang mga palad ay tila nakabaon ang panginginig ng kanyang dibdib.

Ang tubig ay patuloy sa pag-agos sa aming paligid, ngunit ang pagitan naming dalawa ay tila naging isang payapang dagat. Hinawakan niya ang aking baywang. Hinawakan ko ang kaniyang likod.

Magkaharap kami, magkadikit, parang dalawang dahong humimlay sa ibabaw ng iisang alon. Ang halik ay naulit. Minsan. Dalawang ulit. Tila wala nang katapusan.

Hanggang sa isang kulog ang bumasag sa katahimikan. Tumigil kami. Napatingala ako. Ang langit ay nangingitim. Ang dapat sanang sikat ng araw ay kinain ng ulap. At sa kalangitan, tatlong uwak ang lumipad. Mababa. Mabigat ang mga pakpak. May hudyat. Para iyong babala.

Tumingin siya sa akin, mariin.
“Mahal na mahal kita, Heneral Guevarra. Maraming mangyayari, ngunit sana’y paniwalaan mo ang pag-ibig ko sa iyo.”

“Mahal rin kita, Heneral Vicencio,”
sagot ko agad.

Malakas ang buhos ng ulan nang ako’y muling humakbang sa loob ng kampo. Basa ang aking suot, basa ang aking buhok, ngunit wala akong naramdaman kundi ang bigat ng nakaambang unos — hindi ng langit, kundi ng bayan.

Sa bawat patak ng ulan na sumasalpok sa bubungan ng bulwagan, ramdam kong lumalapit ang dapithapon ng kapayapaan at pagsilang ng apoy. Tila ang langit ay nakikiramay na rin — sa pagsuko ng mga araw na payapa at sa pagdating ng mga panahong walang katiyakan.

Ang mahabang lamesa sa gitna ng bulwagan ay muli kong tinapatan. Nakatayo roon ang aking mga sundalo. Nakaupo naman sa mga silya ang mga kasapi ng pamahalaan at katipunan na sina Padre Dencio, Tandang Dante na siyang alkalde ng San Fernando, Ginoong Pablo na kabesa ng nayon, at si Donya Gerardo na siyang asawa ng gobernadorcillo na namayapa na.

Basa ang ilan, pagod ang iba, ngunit walang isa mang umangal. Ang kanilang mga anino sa liwanag ng mga ilawang de-langis ay tila mga haliging nakahanda sa pagbagsak ng unos.

“Uumpisahan na natin,”
sabi ko.

Ipinatong ko sa mesa ang mapa ng lalawigan. Ibinukas ko ang talaan ng Mga Tauhang Handang Lumaban.

“Mayroon tayong humigit-

kumulang na tatlong daang sundalo sa buong San Fernando. Mahigit limampung baril, at daan-daang gulok, sibat, at bolos. May mga tagalunsod na handang tumulong, ngunit sa ngayon—tayo muna ang mangunguna.”

Huminga ako nang malalim
, “Ang plano ay panatilihin ang kampo sa gitna ng bayan bilang sentro ng mga sugatan at ng medikang pasilidad. Magtatayo tayo ng dalawang barikada — isa sa silangan, isa sa kanluran. Ang Arayat at Olongapo ang pinaka-posibleng daanan ng sundalo’t kanyon ng Espanya.”

Tumayo si Ginoong Pablo,
“At kung sa timog sila dumaong?”

“Iyon ang dahilan kung bakit kailangang maging mabilis si Tinyente Ismael sa pagpapakalat ng mga tagapagbantay. Magtatayo tayo ng mga lihim na tagamasid sa Bacolor, Guagua, at Lubao. Ang makakita ng unang daong — agad magbibigay ng ulat.”

Maging si Donya Gerardo ay tumayo rin upang maglatag ng katanungan,
“Paano kaming mga kababaihan? Ang mga hindi armadong tauhan?”

“Ang aming silid-aklatan sa mansyon ay pansamantala nating gagawing pasilidad medikal. May itatalaga tayong medikal at tagapagdala ng suplay. Kailangan natin ng mga tagabuhat ng armas, ng pagkain, ng sugatan. At higit sa lahat… kailangan natin ng mga hindi natatakot sa liwanag ng tanghali kahit kalaban ang gising sa gabi.”


Heneral Guevarra, pagpaumanhin ninyo kung ako’y magsasalita — ako’y hindi marunong sa estratehiya o sa taktika, ngunit nais kong itanong kung paano makatutulong ang simbahan sa panahong ito ng panganib?”
sambit ni Padre Dencio, habang itinataas ang tinig sa gitna ng katahimikan.

“Hindi ko hinihiling sa simbahan na sumama sa digmaan, kundi sa pakikibaka ng dangal. Kung papayag kayo, nais kong gawing kanlungan ang mga silid sa ilalim ng kumbento para sa sugatan. Ang inyong mesa, maging ang inyong tinapay, ay maaaring makapagligtas ng buhay. Ang mga madre at laykong may kaalaman sa panggagamot ay kakailanganin,”
sagot ko.

Nasa kalagitnaan kami nang pagpaplano nang aming marinig ang mabilis at sunod-sunod na katok sa labas ng bulwagan. Bumukas ang pinto nang hindi ko pa man naisasagot.

Bumungad si Jose. Basang-basa ito. Nanginginig. Duguan. Halos matumba sa kanyang pagpasok.

“Jose!”
sigaw ko, dali-daling lumapit.


A-anong nangyari sa iyo?”
tanong ko at hinanap ang aking kapatid sa bukana.

Bumagsak siya sa tuhod, ang damit niya’y may dugong sariwa at tuyô, hinaluan ng putik ng lansangan. Hawak niya sa nanginginig na kamay ang anting-anting — ang inabot ko kay Stella, ang niregalo kong pangako ng proteksyon.

“Hindi ko siya n-napigilan, heneral. Dinala siya ng mga sundalong Espanyol… sakay ng malaking bangka… armado… papalayo sa dalampasigan…”

Nanginig ang mga kamay ko. Ang anting-anting na nakabalot pa sa piraso ng basang tela ay dahan-dahang inabot ni Jose, halos ayaw niyang bitawan. Para bang kasalanan niya. Para bang iyon na lang ang natira.

“Wala po si G-ginoong Tristan sa daungan. Wala siyang iniwan ni isang salita. Walang paalam. Lahat ay bitag. Lahat ay kasinungalingan. Hinarang po kami… Si Mang Romolo… inilaban po kami. Pinagtanggol niya kami. Sinigawan niya sila—

‘Anak ‘yan ng Heneral! Ako nalang! Pakiusap. Huwag n’yo siyang gagalawin!

Pinukpok siya sa batok… binaril…”

Hindi ko na narinig ang kasunod. Ang mundo ko’y biglang naging hungkag. Bumagsak sa lupa ang anting-anting.
Pinulot ko ito ng dahan-dahan, para bang bibiyak kung hindi ko siya mahahawakan nang buong galang. Ang tela’y batik ng dugo ni Jose at ni Stella, marahil. O ng isang gabi ng kabiguan.

“Inilaban namin siya, mahal na Heneral… sinubukan naming habulin ang bangka. Nakasakay siya… tinangay siya ng tubig…”

“Hindi ko po siya nailigtas…”

“Wala na si Mang Romolo…”

Terrorious

×××

P.S. Kung nakarating po kayo sa kabanatang ito ay gusto kong magpasalamat sa inyo. Sa iyo na masugid na naghihintay ng update ko. Kumpara sa mga nagbabasa nitong Alapaap noon, aminado akong mas naging kaunti ang nagbabasa nito ngayon. Pero masaya ako dahil mayroon pa ring nagbabasa nito sa kabila nang matagal kong pagkawala. Hindi ko mapapangako yung pag-u-update ko kasi busy rin po ako pero gagawin ko ‘yong best ko para makapag-update.

Malapit nang matapos ang Alapaap. Marami pa pong mangyayari na mas kaabang-abang. Right now, ito lang yung tinututukan kong story. Pagkatapos nito magfo-focus ako sa September’s Escapade na nasa kabilang account ko, then itutuloy ko ‘yong Thirst Trap Series.

Question: Gusto niyo pa ba ng historical story na BL?

KABANATA 54: Punyal

Babala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng sensitibong tema ng
karahasan at pagkamatay
. Magbasa nang may pag-iingat.

Bawat hakbang sa lupa’y tila paghawi sa pagitan ng buhay at kamatayan. Ang ulan ay hindi lamang ulan - ito’y talim sa balikat, dagok sa dibdib. Sa ilalim ng makapal na langit, ang kagubatan ng islang ito’y tila walang wakas, at ang bawat tunog ng kaluskos sa dahon ay maaaring pag-asa… o panganib.

“Walang humpay ang pag-ulan, heneral. Ang balita’y mayroong bagyong paparating,”
bulong ng isang sundalo.

Ngunit hindi ako tumigil.

Wala sa akin ang kaba.

Ang natitira na lang sa dibdib ko’y ang pangalan ng kapatid kong pinilit agawin ng dilim.

“STELLA!”
sigaw ko, sabay hawi ng makapal na halamang sumasakmal sa daan.

“Ako ito! Ang iyong kuya! Narito na ako!”

Ang bawat hakbang ko sa basang kagubatan ay parang pinupunit ang laman ng aking puso.

Hindi ako lumalaban sa ulan, ni sa putik, ni sa mga matatalim na dahong humahampas sa aking mukha. Sapagkat ang tunay kong kaaway ay nasa loob-isang bagyong walang pangalan. Takot. Pagsisisi. Galit. At isang kirot na walang sinasaktan kundi ako lang.

“Stella!”

“Nasaan k

a

!

Nang pumutok ang balitang sasalakay ang mga Espanyol ilang taon na ang nakalipas, ako ang naiwan.

Hindi ko na nakita si ama. Hindi ako nakapagpaalam. Hindi ako nakaabot sa kanyang huling gabi. Dahil habang siya’y lumalaban sa hilaga, ako’y naiwan upang protektahan sina ina at si Stella.

“Ang kababaihan ng ating pamilya, ikaw na ang bahala.”
iyan ang huling bilin ng isa sa kanyang mga sundalo, habang ibinibigay ang sulat na isinulat ni ama bago siya lumusob.

At ngayon, naisip ko kung anong silbi ng paninindigan kung hindi ko rin pala kayang protektahan ang iisa kong kapatid?

“BINIBINING STELLA!”

“BINIBINING STELLA!”

“BINIBINING STELLA!”

Paulit-ulit na pagtawag ng aking mga sundalo. Ngunit ang ulan lamang ang tumutugon.

Ang tubig ay umaabot na sa aking tuhod. Ang putik ay lumulubog sa aking bota, bawat hakbang ay mabigat, pero hindi ko magawang huminto.

“STELLA!”
muli kong sigaw, halos pumutok ang aking lalamunan.

“Huwag kang matakot! Narito na ako!”

Bumalik ang tinig ko sa akin bilang alingawngaw, tila pinaglalaruan ng mga aninong nakasilip sa pagitan ng punongkahoy. Sa di-kalayuan, naririnig ko ang hingal ng mga kasamahan ko, mga sundalong kahit napapaos sa kakasigaw ay pilit pa ring naghahanap.

“Heneral! May balita mula sa mangingisdang nagkubli sa baybayin. May nakita raw na babae sa isang karatig na isla!”
sigaw ni Rosal na isa sa aking sundalo habang tinatakpan ang kanyang mukha mula sa ulan.

Napatigil ang aking mundo. Nagkaroon ako ng pag-asa.

Tumakbo ako, hindi na alintana ang sakit sa binti at hapdi sa balat. Tumalon ako sa mga ugat, nadulas, muling tumayo.

“Itulak ang bangka. Ngayon rin!”
utos ko na agad rin nilang sinunod.

Humahampas sa gilid ng bangka ang alon habang papalapit kami sa pampang. Ang ulan ay tila walang balak tumigil, at ang kalangitan - kulay tingga, malamig at tahimik.

Walang nagsasalita sa mga sundalong kasama ko. Ang kanilang mga mukha ay nababalot ng pag-aalinlangan, at sa kanilang mga mata, may pagtingin silang hindi kayang idaan sa salita.

Paglapag namin sa dalampasigan ng karatig isla, isang matandang mangingisda ang nakikipag-usap sa ilan sa aking tauhan. May dalang panghuli ng alimango, ngunit wala sa bitbit nito ang pag-asang karaniwang dala ng mga naninirahan sa tubig.

Pagkakita niya sa akin ay bahagya siyang napaatras. Saglit niyang sinipat ang mga medalya ko sa dibdib, saka marahang yumuko.

“Heneral Guevarra…”
pagkumpirma niya, ang kaniyang tinig ay may bahid na pag-aalala.

“Ako nga po. May nakita ba kayong isang binibini rito? Kasama marahil ng mga dayuhang sundalo…”
tanong ko.

Napatingin siya sa kagubatan. Kinagat ang kanyang labi. Tila may pasan siyang lihim na ayaw isiwalat.

“M-may tinig po, heneral. Tinig ng babae… nanggagaling sa loob ng kuweba roon,”
sabay turo sa hilaga ng gubat.

“Kanina pa siya humihingi ng tulong… Paulit-ulit niyang sinasambit ang inyong pangalan at salitang

kuya

si kuya

…”
dagdag pa nito.

Hindi na ako nakasagot. Nabingi ako sa sariling pintig ng puso. Agad kong kinuha ang sulo, bumaba sa bangka, at nagsimulang tumakbo.

Hindi ko na inintay ang mga kasama ko. Hindi ko na inalintana ang lagkit ng putik sa bota ko, ang pait ng pawis na humahalo sa ulan.

Basta’t tumatakbo ako.

Paakyat. Paliko. Papasok.

Hanggang sa dumating ako sa harapan ng isang kuweba. Madilim. Malamig. May halimuyak ng luma at
dugo
.

Napaiyak ako. Sa unang hakbang ko pa lamang sa loob, narinig ko na agad ang tila pabulong na tinig, parang panaginip.

“…kuya… kuya…”

Nanginginig ang kamay ko habang tinataas ang sulo.

At doon. Sa isang sulok ng kuweba, sa ibabaw ng batong basa ng ulan at lamig, ay ang katawan ng isang dalagang halos wala nang saplot. Pigtas ang saya, wasak ang laylayan. Ang kaniyang saya’y wasak, ang katawan ay sugatan, at sa mismong gitna ng kaniyang tiyan, nakabaon ang isang punyal — matalim, makintab sa dugo, at tila nakatanim na parang sumpa.

Si
Stella
.

“STELLA! Diyos ko, Stella!”
sigaw ko, napaluhod ako agad, halos masubsob sa lupang pinagbuhusan ng kanyang dugo.

“Kuya…”

Napasigaw ako habang lumuluhod. Agad kong inabot ang hawakan ng punyal, nanginginig ang aking mga daliri habang hinahawakan iyon. Ang buong katawan ko’y nanginginig— hindi sa lamig, kundi sa takot.

“Kailangan nating alisin ito,”
garalgal kong bulong.


Makakatulong pa ang mga manggagamot. Hangga’t narito ‘yan, hindi titigil ang pagdurugo mo!”

Akmang tatayo ako upang humingi nang tulong ngunit agad niyang pinigil ang kamay ko. Mahina man, ngunit mariin.

May lalim ang kanyang tingin — tila isang lihim na naunawaan na niya bago ko pa man nasabi.

“K-kuya… huwag…”

“Stella! Pakiusap, makini-”

“Hindi na po ako magtatagal,”
aniya, na halos ikawasak ng aking puso.

Hinaplos niya ang sariling tiyan. Dahan-dahan. Parang paalam. Parang may pinakikinggang musika sa katahimikan ng kaniyang sinapupunan.

“Kapag tinanggal mo ang punyal… mas mabilis akong mawawala. At kapag nawala ako agad… hindi ko na makakasama nang mas matagal ang aming anak.”

Tumulo ang luha sa kaniyang pisngi. Hindi dahil sa sakit ng sugat, kundi dahil sa sakit ng katotohanan.

“Gusto kong maramdaman niya ako… kahit ilang sandali pa. Gusto kong maramdaman niyang hindi siya iniwan ng kaniyang ina. K-kuya… ayokong mamatay na hindi ko siya minahal hanggang dulo.”

Nanginginig ang aking mga kamay nang siya’y aking binalot ng uniporme. Marahan kong hinaplos ang kaniyang maputlang mukha, at sa uling liwanag ng sulo, doon ko lang nakita ang kabuuang pinsala - may pasa ang kaniyang mga braso, may mga sugat sa hita, at ang tiyan niya’y halos hindi na maapuhap ng init ng katawan.


K-kuya…”

“Sinong gumawa sa iyo nito? Sabihin mo sa akin.”

Umiling siya. Mahina. Mabagal.

“Patawad, mahal ko… hindi kita nasalubong sa daungan… patawad…”

“Hindi mo po kasalanan. Akala ko… akala ko’y… makikita ko pa siya…”
bulong niya.

Hinaplos niya ang tiyan niya. Marahan. Gamit ang nanginginig niyang daliri.

“Kuya, n-nasaan po siya?”
nanghihina ang kaniyang tinig.

Tumigil ang mundo ko.

Paano ko sasabihin?

Paanong ipapaliwanag?

“Stella…”

“S-sabihin mo, kuya… pakiusap…”

May butil ng luha na bumagsak sa mata niya — hindi dahil sa sugat, kundi dahil sa pag-asa na unti-unting nilalamon ng katotohanan.

“Sabihin mong… naroon siya. Sabihin mong… naghihintay siya…”

“Wala siya roon…”
bulong ko, pilit pinipigil ang labis na pag-iyak.

Isang katahimikan ang lumambong sa pagitan naming dalawa. At sa katahimikang iyon, nagsimulang bumuhos ang pinakamasakit niyang salaysay.

“Pagdating ko roon… wala po siya. May mga lalaking naka-armas… mga kastila na hindi ko kilala. Sumigaw ako, kuya. T-tumakbo ako…”
nanghihina na siya ngunit nais niyang magpatuloy.

“Sinabi ko,

ako’y may dinadala, huwag n’yo akong saktan

. Pero wala silang pakialam. Para akong hayop na kanilang hinuli. Itinali nila ang kamay ko, hinila ako papunta sa bangka. Hinampas ako… tinadyakan…”

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko, tila baka biglang mapigtal ang sarili niyang alaala.

“Si Jose at Mang Romolo… sinubukan nila akong iligtas. Si Mang Romolo… tinamaan ng bala sa dibdib. Si Jose… halos hindi na makatayo… pero pilit pa rin akong pinoprotektahan…”

“A-at ako, kuya… h-hindi ko na maalala kung ilang beses akong nawalan ng ulirat. Basta pagmulat ko… narito na ako. Sa lugar na ito. Ako’y ginapos… pinalibutan ng mga anino. Pinagsamantalahan. Pinagpasa-pasahan. Pinaglaruan. Pinagtawanan. Plinano nila lahat.”

Dumampi ang pisngi niya sa dibdib ko. Ako’y nanginginig, wala nang alam kundi ang hawakan siya nang mahigpit, para bang ang init ng katawan ko’y makakalaban sa lamig ng kamatayan.

“Stella…”

“Patawarin mo ako…”

Hindi na siya sumagot.

Marahan siyang ngumiti - isang ngiting puno ng kapayapaan, na para bang natapos na ang paglalakad niya sa kagubatan ng kirot.

At saka, sa pagitan ng ulan, ng hamog, at ng panaghoy ng aking puso…

Pumikit siya.

At sa huling pagkakataon, narinig ko siyang bumulong.

“Wala ka pong kasalanan, kuya…”

At ang sulo ko’y unti-unting naupos sa dilim. Hindi na kailangan ng liwanag… sapagkat wala na siya upang masilayan ito.

“Heneral!… Wala na siya.”

Ang pagkumpirma ng manggagamot ay parang putok ng kanyon sa dibdib ko. Marahan niyang iniangat ang kumot sa mukha ni Stella, habang ako’y nakaluhod sa tabi ng papag na gawa sa kawayan. Basang-basa ang kanyang buhok, may tubig-ulan pa sa gilid ng kanyang mata. Hindi na maalis ng sinumang kamay ang lamig na dumapo sa kanyang balat.

“Ginawa namin ang lahat… sinubukan naming tahiin ang sugat, ngunit napakaraming dugo ang nawala. Wala na siya. Wala na po sila.”

Patuloy siya sa paghingi ng tawad subalit wala akong nais marinig. Maya-maya pa’y huminto ang isang bangka sa mababaw na bahagi ng pampang. Buong paligid ay nananatiling abot-tuhod ang putik, at ang ulan ay hindi pa rin tumitigil. Halos magtatanghali na, ngunit tila nananatiling madilim ang langit, na para bang ayaw nitong ipasilay ang araw sa mga nawalan.

“Anak!”
Pamilyar ang tinig.

Tumigil ang mundo ko sa pagtawag ni ina sa aking pangalan. Paglingon ko, nakita ko siya. Basa ang saya, nanginginig ang mga labi, hawak sa dibdib ang rosaryong kahoy.

Sumadsad siya sa putik nang makita ang nakatakip na katawan ni Stella, at ang bandanang pinangtakip sa kaniyang tiyan na puno ng dugo

“Diyos ko… Diyos ko, hindi totoo ito!”

“Stella! Anak ko… Stella! Ryannel, anak, Sabihin mong hindi ito totoo!”
tinig niyang bumasag sa himig ng ulan.

Lumuhod ako sa harap niya, katabi niya, at niyakap ko siya habang yakap niya si Stella.

“Ina, p-patawad po. Hindi ko siya nailigtas… Hindi ko sila nailigtas.”

×××

Terrorious

KABANATA 55: Pagmamakaawa

Umuulan pa rin nang tuluyang isagawa ang pagtitipon sa bulwagan ng mansyon. Ang silid na dating puno ng utos at estratehiya ay napalitan ng puting tela at itim na tabing. Naroon ang mga kabaong ni Stella at Mang Romolo — at sa harap nila ay naroon si ina. Nakapalibot naman ang mga tao ng bayan, mga katiwala, at mga tagapagdala ng balita.

Naroon si Padre Dencio, bitbit ang krusipihong kahoy habang taimtim na nagdarasal.

Nakatayo sa isang gilid si Ginoong Pablo, ang kabesa at matalik na kaibigan ni ama. Hawak niya ang baston na regalo sa kaniya nito — alaala ng paninindigan at pagkakaibigang pilit na binubuhay kahit wala na ang ilan sa kanila.

“Ina…”
Wala akong ibang nasabi kundi ang pangalan niya habang yakap niya ang kabaong ni Stella.

Hindi siya umiiyak nang malakas. Hindi siya sumisigaw. Ngunit ramdam ng lahat na pinakamasakit ang kanyang katahimikang puno ng pagdadalamhati.

Ang mga katuwang ng mansyon ay tahimik na nagdarasal sa gilid. Isinusuot ni Nena ang lumang mantilya na ginagamit lamang sa mga libing ng miyembro ng pamilya. Si Jose, bagamat may mga sugat pa rin sa mukha, ay nakaluhod sa harap ng kabaong ni Mang Romolo — hawak ang rosaryo nitong iniabot sa kaniya bago ito bawian ng hininga.

Lumapit ang ilang kababayan mula sa mga baryo.

May dalang pagkain, kandila, at bulaklak. Hindi alintana ng mga lalaki’t babae ang putik sa kanilang mga paa o ang gutom sa kanilang sikmura. Iisa ang nais nila—ang makiramay, at makisigaw sa katahimikan ng aming pagluluksa.

“Kung makikita lamang kayo ng ama niyo ngayon, Heneral… hindi niya kakayanin ang sakit na ito,”
bulong ni Ginang Sonya, ang ginang na pinagbibilhan ko noon ng mga magagandang tela.

Tumango lang ako, ngunit hindi ako sumagot.

Sa gitna ng katahimikan, isang matinis na tinig ang pumunit sa silid.
“Iyan ba ang uri ng pamumuno mo, Heneral Guevarra?”

Lumingon ang lahat sa pamilyar na palda ng sutlang pula at pamaypay na kasing laki ng mukha ng nagsasalita. Walang iba kung hindi si Donya Gerardo.

“Ang kapatid mong si Stella… isang inosente. Isang bulaklak na hindi mo nabantayan? At si Mang Romolo? Isa siyang haligi sa mansyon na ito. Namatay silang pareho sa ilalim ng iyong pangangalaga!”
sigaw nito.

Napakagat ako sa aking ibabang labi mang mariin. Walang saysay kung sasagot ako, sapagkat maging ako’y sinisisi ang aking sarili. Pinahid ko ang aking luha at yumuko nang bahagya.

“Hindi sapat ang pag-iyak, Heneral! Baka pati kasaysayan, iiyak rin sa mga pagkukulang mo! Walang alam sa pamumuno kundi ang umibig at manahimik! At nasaan ang sundalong Espanyol? Nasaan ang lalaking inibig ng kapatid mo? Hindi ba’t siya rin ang dahilan ng lahat? Nakakahiya ka! Mas inuna mo pa ang pag-ibig sa heneral na iyon gayong parehas kayong lalaki. Kung buhay pa ang iyong ama’y sigurado akong—”

“INA!”

Sa isang iglap, tumindig ang aking ina, lumapit sa gitna ng mga tao, at walang pasubaling isinampal ang kanyang palad sa makintab na pisngi ni Donya Gerardo.

“Hindi ito ang panahon ng paninisi. Kung may dugo sa mga kamay ng anak ko, mas lalong hindi malinis ang sa inyo, Donya.”
  mariing wika niya.

Natahimik ang lahat. Maging ang abaniko ni Donya Gerardo ay nahulog sa sahig. Pinulot ni Binibining Juana ang abaniko bago ito magtanong sa akin.

“Ginoo, nakasisiguro ka bang hindi mo alam kung nasaan si Ginoong Tristan? Kung malalaman niyang wala na si Binibining Stella ay malulungkot iyon panigurado. Marahil ay kailangan niya nang karamay,”
humina pa ang boses nito at kinagat ang ibabang labi, halatang pinipigil ang ngiti.

Akmang sasagutin ko ito nang pabalang ngunit naunahan ako ng kaniyang ina.

“Juana! Kung ano man ang iyong iniisip ay itigil mo na! Ang sundalong espanyol na iyon ay walang madudulot na mabuti sa iyo. Tinangka namin ng iyong ama na ipakasal ka sa kaniya noong siya pa’y alkalde ng gobernador heneral ng Espanya. Ngayo’y isa na lamang siyang makasalanan at nakatitiyak akong patungo na ito sa Madrid upang maging bilanggo,”
pagtutol ni Donya Gerardo at hinampas ng abaniko si Binibining Juana.

“Donya Gerardo… saan niyo po nakuha ang

balitang

iyan?”
ang aking tono ay may bahid na pag-akusa.

Bukod sa akin ay tanging ang mga Espanyol lamang ang nakakaalam kung saan patungo si Tristan.

Napalunok ito at binuklat ang abaniko upang paypayan ang sarili,
“A-ahh… M-may nakapagbalita lamang sa akin.”

“Padre Dencio,”
wika ng isa sa mga sundalo,
“nais n’yong magsalita?”

Lumapit ang matandang pari.

“Sa mga ganitong pagkakataon, hindi palaging dasal ang kailangan ng bayan… kundi paninindigan. Ang simbahan ay kaisa ninyo sa pagdadalamhati. Ngunit higit sa lahat, kaisa sa pagkilos. Kung may kailangan kayong lunas, o kanlungan, o kaligtasan — ibubukas namin ang aming pintuan. Sa pagkakataong ito, ang pananampalataya ay hindi dapat manatili sa pulpito.”

Napagpasyahan ng lahat na magdasal na lamang para sa ikapapayapa ng mga yumao. Sa kanyang isip ay umiikot ang huling sandali ni Stella… ang sinabi nitong…

“Plinano nila ang lahat…”

Pilit na bumabalik sa isip ko ang mahinang tinig ni Stella, nang muli ko siyang mayakap bago siya tuluyang nalagutan ng hininga. At ngayong nahihimlay siya sa kahoy na baul, gayon rin si Mang Romolo. Ang mga taong malapit sa aking puso ay pinaslang nang walang kalaban-laban at wala ako roon upang sila’y protektahan.

Itinigil ko ang pag-iyak. Kuyom ang aking kamao. Sa ilalim ng aking balat, ang aking dugo ay kumukulo.


Saan ka pupunta, anak?”
tanong ni Ina nang makita akong papalabas.

Hindi ako nagsinungaling
, “Sa mansyon ni Heneral Vicencio.”

Tumango siya, tila alam na ang ibig sabihin. Hindi niya ako pinigilan. Ngunit habang paalis ako, narinig ko ang kanyang boses sa likod ko.

“Nawa’y bumalik kang buo at ligtas, anak.”

Nang makita ako ng aking mga sundalo sa kuwadra upang ilabas ang aking kabayo ay humingi sila nang pahintulot kung maari silang sumama, subalit hindi ako pumayag. Bukod sa baril na nakasuksok sa aking tagiliran ay wala na akong ibang panlaban. Buhay na ang kinuha mula sa amin kung kaya’t nararapat lang rin na buhay ng mga may sala ang maging kapalit.

Ang paglalakbay ko sa kalsadang putik ay tila walang humpay, bawat hakbang ay alay sa mga taong malapit sa aking puso. Para sa aking kapatid na ang nais lamang ay magmahal at mahalin, para sa aking pamangkin na hindi nasilayan ang mundo, at para kay Mang Romolo na nagsilbing aking pangalawang ama na wagas ang katapatan sa amin.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa lupain ni Heneral Vicencio. Walang sinuman ang humadlang sa akin sa pagpasok sa tarangkahan. Dumiretso ako sa bulwagan at hindi nga ako nagkakamali. Naroon si Heneral Vicencio kausap ang kaniyang mga sundalo. Tumitimo ang bawat yabag ko, ngunit wala akong pakialam kung ako’y marinig man nila.

Hanggang sa marinig ko ang rebelasiyon ni Heneral Vicencio na siyang nagpatindi nang aking damdamin.

“Lo que está destinado a suceder, debe suceder. Si nos quitan la vida, también la devolverán.”

(Ang nakatakdang mangyari ay nararapat lamang na mangyari. Kung buhay ang kinuha sa atin, ay buhay rin ang kapalit).

Kaagad na nagtanong ang isa sa kaniyang sundalo,
“General, qué pasaría si el general Guevarra descubriera que usted hizo todo? Cree que lo perdonará?”

(Heneral, paano kung malaman ni Heneral Guevarra na ikaw ang may kagagawan ng lahat? Sa tingin mo ba’y mapapatawad ka niya?)

Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot. Bumukas ang malalaking pinto ng silid pulungan.

“General Guevarra—!”
sigaw ng isa sa mga sundalo, tumayo ang lahat.

Ngunit hindi ko sila pinansin. Sa iisang iglap, itinulak ko ang mesa. Diretso sa mukha ni Vicencio ang suntok ko—mabilis, mabigat, buo ang aking galit.

Bumagsak siya. Tumama ang likod niya sa upuang de-sandalan.

“General Guevarra, deténgase!”
sigaw ng ilang Kastila, hawak ang kanilang mga sandata.

Ngunit inangat niya ang kamay niya, ”
Déjanos en paz. Ahora mismo!”

(Iwan niyo muna kami. Ngayon rin!)

Isang utos lamang ng kanilang heneral ay sumunod agad ang mga sundalo. Dalawa na lamang kaming naiwan sa bulwagan. Hindi ko mabasa ang nilalaman ng kaniyang isip, ngunit batid kong nababasa niya ang akin.

Pinisil niya ang kaniyang nagdudugong labi at binigyan ako nang ngisi
, “Aking sinta… matagal-tagal na rin mula noong huli mo akong sinuntok sa mukha—”

Muli ko siyang binigyan nang suntok sa kabilang pisngi. Mas malakas iyon kumpara sa una. Halos mawalan siya nang balanse ngunit nagawa niyang humawak sa sulok ng lamesa.

“Hindi pa ba sapat ang kamatayan ng aking ama?!”
nabasag ang aking tinig.

Ang nakakaloko niyang ngisi ay dahan-dahang naglaho noong tumulo ang aking luha. Napakabigat ng aking dibdib at para akong mawawalan ng lakas. Ngunit mas nangingibabaw sa akin ang galit, ang poot, ang pighati.

“Ito ang gusto mo, hindi ba? Ang makapaghiganti! Hindi pa ba sapat ang kamatayan ng aking ama? Kapatid ko iyon! Kapatid ko, Javier!”

Umawang ang kaniyang labi habang ang bughaw niyang mga mata ay nakatingin sa akin. Sumilip ang awa roon ngunit marahil ay nanlalabo lamang ang aking paningin dahil sa tuloy-tuloy na pagluha.

“Sabihin mo sa aking hindi ikaw ang may kagagawan!”
inilabas ko ang baril at itinutok iyon sa kaniya.

“P-pakiusap…”
nanghihina kong wika.

Tinangka niyang lumapit sa akin ngunit pinigilan ko siya nang ikasa ko ang baril. Hindi niya iyon inaasahan. Nakita ko ang pamumula ng sulok ng kaniyang mga mata.

“H-hindi. H-hindi ko… sinasadya, aking sinta.”

Umiling ako,
“Ang katulad mo’y walang karapatan upang tawagin akong

sinta

. Hindi ka tunay na nagmamahal, Javier!”

“Mahal kita!”
buong puso niyang sigaw ngunit natigilan siya nang marinig ang aking tugon.

“Hindi kita minahal kahit kailan!”
nanginginig ang aking kamay habang hawak ang baril.

Lumapit siya, at sa mata niyang bahagyang namamasa ay nakita ko ang kirot na hindi kayang itago ng ranggo.

“A-ano ang iyong… s-sinabi?”
nakatitig siya sa aking mga mata na para bang umaasa na hindi totoo iyon.

Ngunit hindi ako nagpatinag,
“Kailanman ay hindi kita magagawang… mahalin. At mas lalo lamang kitang kasusuklaman sa ginawa mo sa aking kapatid at kay Mang Romolo.”

Umiling siya nang paulit-ulit,
“H-hindi iyan totoo, aking sinta. Hindi iyan ang tunay mong nararamdaman, hindi ba? Ikaw lamang ay pinangungunahan ng galit sa ngayon ngunit—”

“Tumutol ako sa kasal ninyo ng aking kapatid dahil iyon ang nararapat. Noong ipinagtapat mo sa akin ang iyong pag-ibig ay ginamit ko iyon upang hindi matuloy ang himagsikan,”
paliwanag ko.

Lumuhod siya nang walang kalaban-laban, may bahid ng pagod sa boses,
“Ngunit ang sabi mo’y… iniibig mo rin ako?”

Matigas ang aking naging sagot, walang pagdadalawang-isip,
“Dahil pinilit mo akong ibigin ka!”

Mula sa kaniyang pagkakaluhod ay tumingala siya sa akin. Kumirot ang aking puso nang makita ang kaniyang mukha. Patuloy ang kaniyang paghikbi. Inilayo ko ang aking tingin sa kaniya ngunit muli itong tumutok sa kaniya nang hawakan niya ang aking kamay.

“P-patayin mo na lamang ako, Ryannel. Pakiusap. Wala ring silbi ang aking buhay kung hindi kita makakasama pa,”
pagmamakaawa niya, nahihirapan siyang huminga sa labis na pag-iyak.

Napalunok ako. Parang bumalik sa akin ang aking masamang panaginip na gabi-gabi akong binabalikan.

Pinilit kong agawin ang baril mula sa kaniya. At nang tuluyan ko iyon makuha mula sa kaniya ay isinuksok ko iyon muli sa aking tagiliran. Hindi ko na siya kaya pang tingnan. Hindi ko na siya kayang makita.

“Ryannel…”

“Javier, nais kong… tuparin mo ang iyong pangako sa akin.”

“H-huwag! Pakiusap, mahal ko. Mahal kita. Tingnan mo ang aking mga mata, pakiusap,”
hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nakayukom at hinalikan iyon.

Tumulo ang luha ko—hindi sa galit, kundi sa lungkot ng isang pag-ibig na nabigo.

Inilayo ko ang aking mga kamay sa kaniya,
“Tapusin na natin ang ating ugnayan, Javier. Kung tunay ang pag-ibig mo’y… tuparin mo ang iyong pangakong lalayuan ako kapag dumating ang panahong nais kong itigil mo ang kahibangang ito.”

Umawang ang kaniyang labi nang maalala ang sarili niyang pangako.

“Iyan ba ang… gusto mo?”
tanong niya, mahina ang tinig.

Tumango ako bilang tugon. Tinalikuran ko siya at doon bumuhos ang mga malalaking patak ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Nagdugo ang aking ibabang labi sa diin nang pagkagat ko roon upang pigilan ang paghikbi. Bago pa man ako lumakad palayo ay muli siyang nagsalita.

“Ang lahat ng kasangkot sa pagkamatay ng iyong kapatid at ni Mang Romolo ay wala na ring buhay… Heneral Guevarra,”
aniya.

Kung lahat ng kasangkot ay yumao na, bakit buhay ka pa rin?

Hindi na ako nagsalita. Humakbang ako paalis. Bawat yabag ko sa marmol na sahig ay tila tinig ng pagtuligsa—na ako’y tinalikuran na ng lahat ng dati kong pinaniwalaan.

Ngunit bago pa ko tuluyang makalabas ng bulwagan ay sinalubong ako nang isang balita mula kay Paz.

“General Vicencio, su madre va camino a San Fernando con todo el ejército de soldados de guerra de Madrid. Hay cañones, hay caballos. Vinieron de Subic. ¡Los cargaron en buques de guerra!”

(Heneral Vicencio, ang inyong ina ay lalapag na rito sa San Fernando ilang oras mula ngayon kasama ang buong hukbong sundalong pandigma mula sa Madrid. May mga kanyon, may mga kabayo. Galing silang Subic. Isinakay sa mga barkong pandigma!)

Nanlamig ang dibdib ko. Parang may matalim na pako na pinukpok sa aking puso.

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita.

Tumingin ako kay Heneral Vicencio na kaagad tumayo. Waring hindi niya rin ito inaasahan. 

“Ihanda ang ating mga sundalo at armas, Paz! Bantayan ang daungan kung saan sila lalapag,”
utos ni Heneral Vicencio.

Tumango ito at sumunod,
“Lo haré, general!”

(Masusunod po, heneral!)

Hinawakan niya ang aking balikat,
“Heneral Guevarra, ihanda mo ang iyong mga sundalo—”

Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ng heneral at seryoso siyang tiningnan,
“Hindi mo ako kailangang utusan. Alam ko ang aking gagawin.”

Parating na ang kaniyang ina.

Pabalik na siya. At sa pagbabalik niya’y simula na ang
wakas
.

Terrorious

×××

KABANATA 56: Pagsuko

Hindi ako makahinga. Para akong nilulunod ng bigat sa dibdib. Isang tingin ko lamang sa aking ina ay alam kong hindi niya kailanman nanaising lisanin ang San Fernando. Ang bayan na ito— ang bayan na pinaghirapan ng aming pamilya, na binuhusan ng dugo at pagmamahal— ay hindi basta-basta maiiwan sa mga kamay ng mga banyaga.

Ngunit wala na akong oras. Paparating na sila.

“Ina…”
bagamat paos ang aking tinig ay nagawa ko ulit siyang pakiusapan sa pangatlong pagkakataon.

“Kailangan ninyo pong umalis. Kailangan ninyong sumakay sa barkong inihanda ni Ginoong Pablo. Kasama si Nena, sina Jose, at lahat ng kababaihan, matatanda, at mga bata. Kailangan ninyong makaligtas.”

“Hindi ko iiwan ang San Fernando, anak! Hindi habang alam kong nandito ka. Hindi habang inililibing pa natin ang ating mga mahal sa buhay!”
mariing sagot ni ina.

Nakatindig siya sa harap ng mansyon, ang kaniyang mga mata’y nakatitig sa kabaong nina Stella at Mang Romolo.

“Ina, wala na pong ligtas kung mananatili pa kayo rito—”

“Anak! Hindi mo ako naiintindihan. Nais ko mang maligtas ay hindi rin makakampante ang aking kalooban kung hindi kita kasama? W-wala na ang iyong ama. Wala na rin si Stella. Paano kung… pati ikaw, anak?”
pasigaw niyang tugon.

Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay,
“Huwag po kayong mag-alala, ina. Kaya ko ang aking sarili. Susunod rin po ako sa inyo sa kabilang pulo pagkatapos nito. Isama niyo sina Stella at Mang Romolo—”

Napatigil ako nang marinig ang isang pamilyar na boses,
“Kung hindi niyo isasakay ang bangkay nina Stella at Mang Romolo, tiyak na mas marami pa tayong buhay na maaring mailigtas.”

Lumingon ako—si
Donya Gerardo.

Nakasalampak sa isang telang makukulay ang kaniyang bestida, tangan ang napakalaki niyang pamaypay at ang kanyang matinis na boses ay tila mga kuko sa salamin.

“Nakasisindak ang inyong pagluluksa, ngunit kailangan ninyong maging praktikal, Heneral! Aalinsangan ang mga bangkay! Hindi na kakasya sa barko kung isasama pa ang dalawang patay!”

“Wala kang karapatang magsalita ng ganyan, Donya Gerardo!”
mariing sambit ng aking ina.

“Donya Florencia, hindi ako ang walang pakiramdam dito. Kayo—kayo ang nagpapabigat sa lahat!”

Nagpanting ang tenga ko. Hindi ko na kayang tiisin pa ang mga pang-uuyam ni Donya Gerardo.

“Donya Gerardo… p-paano mo nasasabi ang lahat ng iyan gayong ang aking kapatid at si Mang Romolo ay hindi na iba sa inyo?”
mahinahon kong tanong.

“Wala akong pakialam! Kung tutuusin ay kasalanan ng iyong kapatid kung bakit siya sumakabilang-buhay. Kung hindi siya umibig sa Espanyol na iyon ay hindi mangyayari ito!”
sigaw niya.

“Tumigil ka!”
sigaw ni Inang Florencia. At bago pa makapagsalita pa si Donya Gerardo ay isang malutong na sampal ang ibinigay sa kanya ng aking ina.
“Hindi lahat ng mayaman ay may dangal. Tandaan mo iyan, Donya Gerardo.”

Nagkagulatan ang lahat. Si Binibining Juana, ang anak ni Donya Gerardo, ay napatingin sa aking ina na tila nais siyang lapain. Ngunit wala siyang sinabi.

Lumapit si Ginoong Pablo, ang may-ari ng barko.
“Heneral… ikinalulungkot ko pong sabihin, subalit totoo ang sinabi ni Donya Gerardo. Hindi po kakasya ang lahat kung isasakay pa ang mga bangkay.”

Napahawak ako sa aking sinturon, sa aking baril. Hindi ko alam kung uunahin ko bang mamatay sa sakit o sa galit. Ako’y napaiyak na lang. Napahawak ang ina ko sa aking balikat, at sabay kaming lumuhod sa tabi ng kabaong ni Stella.

“Patawad, anak. Patawad kung hindi ka namin madadala sa ligtas na lugar,”
bulong ni ina sa kabaong ni Stella.

Mahirap para sa aming dalawa, gayon rin ang mga kasama namin sa mansyon ang aming naging desisyon. Nagpasya kami na ilibing sila rito sa San Fernando, sa likod ng mansyon. Inatasan ko sina Padre Dencio at ilan kong pinagkakatiwalaang kawal upang asikasuhin ito. Hindi ko kayang panoorin. May mas mabigat akong tungkulin.

“Mahal kong Ina,”
sabay halik sa kanyang noo, ”
oras na upang kayo’y lumikas. May mga sundalong handang sumama sa inyo. Sasakay kayo sa karwahe patungong kabilang daungan, at mula roon ay barkong maghahatid sa inyo sa kabilang pulo. Ligtas kayo roon.”

Tumango si Inang Florencia, bagamat may luha pa rin sa kanyang mga mata. Kasama sina Donya Gerardo, Binibining Juana, Jose, Nena, at ilang mga kasambahay, sumakay na sila sa karwahe.

Mabilis ang lakad ko habang binabagtas ang pasilyo ng lumang mansyon. Malapit na ang dapithapon, at ramdam kong mas mabilis ang takbo ng oras kaysa sa tibok ng puso ko. Kasabay ng paglalakad ay ang bigat sa dibdib na pilit kong pinapasan maghapon. Lahat ng ito—ang pagkamatay ni Stella at ni Mang Romolo, ang pamamaalam ni Ina, ang pagtatapos ng aming ugnayan ni Heneral Vicencio, ang pag-atake ng mga Espanyol—lahat ng ito’y dagok na unti-unting bumabagsak sa pagkatao ko.

Ang lumang kahoy ng pintuan ng silid-aklatan ay bahagyang nakaawang, marahil ay may mga manggagamot pang nag-aayos ng mga gamit. Akma ko nang bubuksan nang tuluyan ang pinto nang marinig ko ang boses ni Tinyente Ismael.

Nakabalik na pala ito.

Pumasok ako nang dahan-dahan. At doon ko siya nakita.

“Kung masugatan at magtamo nang matinding pinsala si Heneral Guevarra,”
wika ni Tinyente Ismael,
“unahin ninyo siya, Ginoong Medico. Huwag n’yong hayaang makalipas ang isang sandali nang hindi siya nagagamot.”

“Ngunit, Tinyente, may mga sugatang sibilyan at sundalo ring maaaring—”
sasagot sana ang matandang manggagamot ngunit nagsalitang muli si Tinyente Ismael.

“Alam ko,”
putol ni Ismael,
“alam ko. Ngunit siya ang pinuno ng San Fernando. Kapag siya ang bumagsak… babagsak din ang buong bayan.”

Nanatili akong nakatayo sa pintuan, hindi muna nagpahayag ng presensya. Ang mga salitang iyon ay tila tumama sa dibdib ko nang may lakas na hindi ko inaasahan. Tila ako’y nilamon ng sariling kabiguan—na sa dami ng inaasahan sa akin, wala akong magawa kundi tanggapin ang kabigatang hindi ko alam kung kaya ko pa.

“Hindi ko siya mapipigilan. Kilala ko si Ryannel mula pagkabata. Lalabas siya. Lalaban siya. Kaya’t kung sakali—kung duguan siyang bumalik—gamutin n’yo siya agad. Dahil kapag siya’y nawala…”
dagdag pa ni Tinyente.

Naputol ang usapan nang bumukas ang pinto.

“Ako na mismo ang nagsasabing hindi ako mawawala, Tinyente,”
mahinang tugon ko, pilit ang ngiti, kahit alam kong bakas sa buong anyo ko ang pagod, galit, at pagdadalamhati.

Nagulat si Tinyente Ismael, mabilis na tumindig mula sa kinauupuan. Lumingon ang manggagamot at marahang yumuko bilang paggalang bago tuluyang lumabas, iwan kaming dalawa.

Lumapit ako sa gitna ng silid—kung saan nakasalansan ang mga kahon ng benda, iilang banig ng sugatan, at mesa ng mga panangga at gamot.

“Ryannel…”
bulong ni Tinyente Ismael.

Napahinto ako. Hindi ko na kayang magkunwaring matibay. Mula sa likod ng aking likod, unti-unti akong nanghina. Hinawakan ko ang mesa’t saglit na yumuko, pilit ikinukubli ang nangingilid na luha.

Ngunit huli na. Lumapit si Tinyente Ismael. Isang yakap. Mainit, mahigpit. Hindi mapangahas—bagkus, puno ng pag-unawa.

Walang siyang salitang binigkas, ngunit ramdam ko sa kaniyang yakap na para bang narito siya upang ako’y damayan at pakinggan.

“Hindi ko na alam kung kaya ko pa, Tinyente…”
mahinang sambit ko sa pagitan ng hikbi.
“Hindi ko na alam kung para saan pa itong lahat. Nauubos na ako.”

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap. Ipinasok niya ang kanyang braso sa ilalim ng aking bisig, hinaplos ang likod ko na tila ba doon niya gustong ibuhos ang lahat ng lakas niya para maipasa sa akin.

“Ngunit hindi ka nag-iisa,”
bulong niya.
“At hindi kita pababayaan.”

Natahimik ako, pilit pinipigil ang muling pagsabog ng damdamin. Hanggang sa marahan niya akong paupuing mabuti, naupo siya sa tabi ko, at saka siya nagpatuloy.

“Naitawid ko ang mensahe, Heneral. Tagumpay ang paglalakbay ko. Nakarating sa mga pinuno ng Katipunan sa Gitnang Luzon ang balita. Napag-usapan na nila ang mga hakbang. May mga handang tumulong.”

Napatingin ako sa kanya, mga mata ko’y namamaga, nangingitim sa puyat at pag-iyak.

“May pag-asa pa,”
dagdag niya.
“Hindi pa ito ang wakas. Hindi ito dapat maging wakas, Heneral.”

Kumawala agad ako sa kaniyang mahigpit na yakap nang kumatok si Kapitan Morales upang ibalitang matagumpay na nakalikas sakay ng barko ang aking ina at mga mamamayang kailangang iligtas.

Napalalim akong buntong-hininga—isang bahagyang ginhawa sa gitna ng kaguluhan. Ngunit ang digmaan ay hindi tumitigil sa isang magandang balita lamang.

Ang kalangitan ay nagbabantang pumatak, tila nakikidalamhati sa tensyong bumabalot sa daungan ng San Fernando. Kasama ko ang aking mga tauhan, armado’t handang salubungin ang mga Espanyol. Sa loob ng ilang oras ay naghintay kami—mga mata’y laging nakatutok sa anino ng karagatan, mga daliri’y mahigpit sa gatilyo, mga puso’y bumibilis ang tibok sa bawat hampas ng alon sa dalampasigan.

Ngunit wala.

Maging ang mga sundalo ni Heneral Vicencio na inatasan niyang magbantay sa daungang ito’y hindi ko makita.

“Heneral, hindi mo ba nais magpahinga muna?”
bulong ni Tinyente Ismael habang lumalapit.

Umiling ako,
“Salamat, Tinyente, gustuhin mo man subalit hindi rin ako makakapagpahinga nang mapayapa.”

Nagpipigil ako ng inis, ng kaba, ng hindi maipaliwanag na gutay-gutay na pakiramdam sa dibdib. Ang tatlong oras na paghihintay ay naging lima. Nang biglang may dumating na isang kabayo—hingal ang sakay nitong sugo, duguan ang baro’t alikabok ang buo niyang katawan.

“Heneral, masamang balita! H-hindi po sila rito lalapag!”
sigaw niya habang bumababa.

“Sa kabilang daungan po sila dumaan—ang lihim na daungan kung saan dumaan ang barkong sakay ang inyong ina at mga kababayan!”

Napalakas ang kabog ng dibdib ko. Parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.

“Totoo ba ang iyong sinabi?”
tanong ko, nakakuyom ang kamao.

“Hindi po ito biro, Heneral. Nakita po ng mga taga-bantay. Papalapit ang mga Espanyol. Kasama po nila ang ilang sundalong pandigma—at ang ina ng punong heneral ng Espanya!”
dagdag pa niya.

Muli.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong niloko ng Heneral ng Espanya.

Ako’y naniwala. Ako’y naghintay. Ako’y naghanda.

Ngunit ako’y pinaghintay sa wala.

Sa isang iglap, winasak niya hindi lamang ang tiwalang matagal ko nang pilit pinanghahawakan—kundi pati na rin ang huling hibla ng pagmamahal ko sa kaniya. Ang pag-ibig na pilit kong binuhay sa kabila ng kanyang mga kasalanan.

Ang damdaming pilit kong ikinubli sa ngalan ng bayan.

Lahat ng iyon… nilamon ng galit, ng poot, ng matinding pagkasuklam.

Isinigaw ko ang aking galit,
“Mga hanay! Sa akin kayo! Tayo’y paroroon—ngayon din!”

Mabilis kaming sumugod patungong lihim na daungan. Ang daang tinahak namin ay madamo’t lubak-lubak, napakadilim, ngunit para sa akin ay isa itong daang palayo sa pag-asa. Hanggang sa makarating kami roon ngunit
huli na.

Napahinto ako.

Dumilat ang mata ko’t para bang hindi na ako humihinga.

Ang buong daungan ay balot ng usok, sunog, at bangkay. Kababaihan. Matatanda. Mga bata. Mga Pilipino.

Mga walang kalaban-laban. Nakahandusay. Maruruming sugat. Duguan. Ang ilan ay wala nang mukha. Ang ilan ay magkahawak pa ng kamay. Ang ilan ay… tila bagong nagsimulang mamuhay—at ngayo’y kinitil agad.

“TINARANTADO NINYO ANG BAYAN KO!”
napasigaw ako. Humigpit ang hawak ko sa espadang basang-basa sa pawis.

At doon ko siya nakita. Si Heneral Vicencio.

Nakatayo sa gitna ng daungan, hawak ang duguang espada. Mga dugong mula sa aking mga walang kalaban-laban na mga mamamayan. Ang mga mata niya’y hindi ko maaninag kung puno galit, o panlulumo. Nakatingin ito sa mga bangkay na nasa lupa na siya rin ang may kagagawan. Ngunit sa akin, isa lang ang nakita ko. Kamatayan.

“Heneral Vicencio!”
singhal ko sabay sugod. Tinulak ako ng galit, ng sakit, ng pagkasuklam.

“MAMATAY KA!”
sigaw ko.

Pumalag siya. Nagtama ang aming mga espada. Kumislap sa gabi ang bakal na may dugo.

“Heneral Guevarra, aking sinta, makinig ka sa akin!”
sigaw ni Heneral Vicencio, ang kaniyang bughaw na mga mata’y para bang may lungkot.

“WALA NA AKONG DAPAT PAKINGGAN!”

Pumutok ang mga baril.

Ang mga sundalong Espanyol ay agad sumalakay. Gumanti ng putok sina Tinyente Ismael at ang aking mga kasamahan. Putukan. Sigawan. Talsikan ng dugo. Sandaling impyerno sa pampang ng isang bayang unti-unti nang namamatay.

Hanggang sa tumigil ang lahat.

Mula sa barkong Espanyol, lumabas si Donya Isabella. Ang puting saya’t balabal niya’y hindi nabahiran ng dugo, tila simbolo ng kasinungalingang mukhang banal. Sa kaniyang kaliwa at kanan ay may dalawang sundalong Espanyol.

At sa gitna nila…

“Ina!”
sigaw ko.

Ang aking ina. Nakagapos. Hawak siya ng dalawang sundalo, at sa leeg niya’y nakatutok ang punyal mismo ni Donya Isabella. Isa sa mga sundalong naroroon ay si Paz.

Lahat ay natigilan. Huminto ang mga sundalo. Pati ang hangin ay tila nanahimik.

Nagbigay ng babala si Donya Isabella,
“IIntenta hacerle daño a mi hijo y seguiré a tu madre, General Guevarra!”

(Subukan mong saktan ang anak ko at isusunod ko ang iyong ina, Heneral Guevarra!)

Napatingin ako kay Vicencio. Nakaamba pa rin ang aking espada, ngunit nanginginig ang aking kamay.

“Ina, pakiusap itigil mo na ito! Lahat ng iyong inutos sa akin ay aking ginawa! Hindi pa ba iyon sapat?”
mariing wika ni Heneral Vicencio sa wikang Espanyol.

Gamit ang punyal na kaniyang hawak ay tinuro ako ng kaniyang ina,
“Lo hiciste todo? Y entonces por qué sigue vivo ese cabrón?”

(Ang lahat ba kamo? Kung gayo’y bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ang hangal na iyan?)

Tumulo ang aking luha.

“H-hindi ko sila pinatay, mahal ko. Hindi ako ang may gawa nito,”
binitawan niya ang espada at hinawakan ang aking kamay.

“Huwag mo akong lokohin!”
mariin kong iwinaksi ang pagkakahawak niya sa akin na para bang diring-diri ako roon, dahilan upang madaplisan ang kaniyang braso ng aking espada.

“Mahal ko, pakinggan mo ako—”

“Pagod na akong pakinggan ka! Pagod na akong patuloy na maniwala sa iyo. Pagod na pagod na ako sa lahat ng iyong kasinungalingan! Kinasusuklaman kita! Kinasusuklaman ko kayong lahat sa pagtapak sa aking lupang sinilangan, sa pagkitil ng buhay ng aking mga mahal sa buhay at sa aking mga kababayan. Tapusin na natin ito!”

Ngunit bago ko maitaas muli ang espada, isang masakit na rebelasiyon ang pumunit sa katahimikan.

Napatigil ako.

Sa likuran ni Donya Isabella… lumabas si Donya Gerardo at Binibining Juana. Isang napakalakas na sampal ang ibinigay ni Donya Gerardo sa aking ina dahilan para matumba ito.

“Sampal sa sampal. Ang sampal na iyan ay kulang pa sa ilang beses mong pagpapahiya sa akin, Donya Guevarra!”
nakangisi niyang sabi.

Sinubukan kong umawat ngunit nang marahas na pinatayong muli ang aking ina at tinutukan ng patalim sa kaniyang leeg, ay wala akong nagawa.

Muli niyang sinampal ang aking ina. Sinubukang pigilan ni Binibining Juana ang kaniyang ina subalit nag-taingang kawali lamang ito. Ang aking ina nama’y malugod lamang iyong tinanggap. Bawat sampal ay napakalakas at nakakapanghina. Patuloy ang pagtulo ng aking luha.

“Matagal na tayong may kasunduan, Heneral Guevarra. Ako ang nagbukas ng pinto ng barkong ito. Ako ang nagpadala ng mensahe kay Isabella,”
pagsisiwalat ni Donya Gerardo.

“N-Na—”
hindi ko matapos ang salita. Ang mundo ko’y gumuho.

“Ginawa ko ito para sa iyo. Para sa kapayapaan. Para sa bayan.”

“Sa ganitong paraan?”
halos mawasak ang tinig ko. ”
Sa ganitong kabayaran? Mga bangkay?! Mga bata?!”

Tumahimik si Donya Gerardo. Yumuko siya, ngunit hindi nagsisi. Mula sa mga sundalong Espanyol ay mayroong inutos si Donya Isabella na agad namang tinugunan.

Biglang nagkaroon ng kaguluhan sa gilid ng daungan. Isa-isang nagsidatingan ang mga kalalakihang mamamayan ng San Fernando—mga manggagawa, mangingisda, panday, magsasaka. Karamihan sa kanila’y walang suot na uniporme, may ilan pang may sugat o nakataling sugpo sa braso’t binti, ngunit tangan nila ang kanilang mga itak, sibat, at ilang baril na tila nagmula pa sa panahon ng kanilang mga ninuno. Mula sa likuran ay maririnig ang alingawngaw ng mga sigaw ng bayan—handa silang lumaban, handang magtanggol.

Ngunit ang katapangan nilang iyon ay agad naupos gaya ng apoy sa gitna ng ulan, nang masilayan nila ang mga bihag—mga asawa nila, anak, kapatid, ina—hawak ng mga sundalong Espanyol, nakatuon ang baril, kapwa nakagapos ang mga kamay, at may nakatutok na patalim sa mga leeg ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kinaladkad sila ng mga sundalo at itinulak sa gitna ng daungan, kung saan kitang-kita ko ang pamilyar na mga mukha.

“Nena! Jose!”
sigaw ko, halos mapatid ang hininga.

Ang mga mata nila ay puno ng takot. Naroon rin ang aming matatapat na kutsero at mga kasambahay—si Amang Ildefonso na may sugat sa sentido, si Aling Lucia na hindi na makatayo’t inaalalayan ng dalawang sundalong Espanyol.

Napahigpit ang hawak ko sa baril, habang si Tinyente Ismael ay mabilis na tumabi sa akin, handang sumugod. Ngunit bago pa man makagalaw ang alinman sa amin, lumapit si Donya Isabella—matikas pa rin sa kaniyang postura, subalit sa ngiting kasuklam-suklam ay naroon ang isang malinaw na pananakot.

Sa wikang Espanyol, sinabi niyang,
“Mientras tengamos a estos prisioneros, no podrás hacer nada, Heneral Guevarra.”

(Hangga’t hawak namin ang mga bihag na ito, wala kang magagawa, Heneral Guevarra).

“Kada hakbang mong salungat sa amin, isang buhay ang kapalit,”
babala ni Donya Gerardo.

Napakuyom ang kamao ko. Nanginginig ako hindi sa takot—kundi sa galit na hindi ko mailabas. Sa bawat pagpintig ng puso ko, ramdam ko ang bigat ng pagpili. Isang maling galaw lamang… at baka habambuhay kong ikulong ang sarili sa pagdadalamhati.

“Simula ngayon, Guevarra,”
dagdag pa ni Donya Isabella, sa salitang Espanyol,
“ang bawat kautusan ko ay susundin niyo. Kung nais ninyong manatiling buhay ang inyong mga minamahal ay ibaba ninyo ang inyong mga armas. Simula sa sandaling ito, ang lahat ng utos ko ay kailangang masunod. Ang sinumang sumuway—isang buhay ang kapalit.”

Narinig kong muling sigaw ni Heneral Vicencio ang tinig ng isang anak na hindi na kayang pigilan ang sarili.

“Ina! Tama na!”
pagsusumamo niya sa wikang banyaga.

Ngunit hindi siya nilingon ni Donya Isabella. Tila baga tuluyan na siyang nalunod sa sariling kasakiman. Hindi nag-atubili si Heneral Vicencio at mabilis na hinugot ang kaniyang espada upang sugurin ang isa sa mga sundalong Espanyol na hawak ang isang matandang babae. Napalayo ang sundalo’t muntik na rin mapakawalan ang bihag kung hindi lang siya agad nasalag ng isa pang kawal.

“Hindi ako papayag na saktan ang mga inosente!”
mariing sigaw ni Vicencio, mariin ang pagkakapit sa espada, ang mga mata’y naglalagablab sa paghihimagsik.

Ngunit muling lumitaw si Donya Isabella mula sa gitna ng mga Espanyol, tangan-tangan pa rin ang aking ina, habang ang dalawang sundalo sa kaniyang tabi ay mahigpit siyang hawak.

“Javier!”
babala ni Donya Isabella sa kanilang sariling wika.

“Bitawan mo ang espada. Kung hindi, ipapapatay ko ang mga bihag. Isa-isa. Magsimula tayo sa ina ng iyong mahal na Heneral,”
malamig niyang wika at ngumisi.

At kasabay ng kaniyang mga salita, ay dahan-dahan niyang iginuhit ang matalas na punyal sa leeg ng aking inang si Donya Florencia.

Nabitawan ni Heneral Vicencio ang kaniyang espada sa labis na takot. Napatigil ang paghinga ko. Napaatras ang aking katawan na tila napako sa lupa. Ang nanlilimahid na mundo sa aking paligid ay biglang tumahimik, naglaho ang mga sigaw, ang hangin, ang pagaspas ng watawat. Ang tanging naririnig ko ay ang kaba ng aking dibdib, malakas, mabilis—at masakit.

Isa-isang bumaba ang mga sandata ng mga kalalakihang mamamayan. Ang mga sibat ay inihagis sa lupa, ang mga baril ay ibinaba na waring wala nang silbi, at ang tapang sa kanilang mga mata ay napalitan ng paninikluhod. Napatingin sila sa akin, mistulang humihingi ng awa at desisyon. May ilan sa kanila ang nagsalita.

“Heneral… alang-alang sa kanila. Sa kababaihan. Sa mga bata…”

“Kung tayo’y lalaban ngayon, mamamatay silang lahat.”

“Pakiusap…”

Dinig ko ang tinig ng pagmamakaawa sa bawat salita. Parang may mga kamay na humahawak sa akin mula sa lahat ng direksyon—hindi ko na alam kung alin ang tama, alin ang mali. Ang mga sundalong Pilipino sa aking likuran ay naghintay ng hudyat mula sa akin. Wala ni isa mang gumalaw.

Tiningnan ko ang aking ina—si Donya Florencia, hawak pa rin ng dalawang sundalong Kastila, at ngayon ay umiiyak, pilit na sumisigaw kahit wala na siyang boses.

“Ryannel! Anak ko! Huwag!”
halos mabasag ang tinig ni ina.

Subalit… pagod na ako.

Hindi ko na muling kayang masaksihan ang pagkasira ng isang pamilya. Hindi ko na kayang muling mailibing ang isang mahal sa buhay habang ang aking mga kamay ay puno ng dugo—kahit pa ito’y dugo ng mga kaaway.

Hinayaan kong bumaba ang aking espada, maging ang baril na nasa aking tagiliran ay isinunod ko.

Tumigil ang oras.

Para bang sa simpleng kilos na iyon, kasabay na ring bumaba ang lahat ng pag-asa sa puso ko. Bumaba rin ang lahat ng armas ng aking mga tauhan, isa-isa, tahimik, bagaman mabigat. Tumingin sa akin si Tinyente Ismael—hindi ko mabasa ang kaniyang tingin. Galit ba? Pag-unawa? O pag-aalala?

At sa dulo ng aking paningin, naroon si Heneral Vicencio.

Nakatayo siya sa gitna ng kaguluhan, sa gitna ng mga Espanyol, duguan ang kaniyang balikat at nanginginig ang mga kamay. Nangingintab sa pawis ang kaniyang noo, maputla ang kaniyang mukha, ngunit higit sa lahat—nandoon sa bughaw niyang mga mata ang isang uri ng pagkawasak na hindi kayang tapatan ng sugat o dugo.

Ako’y Heneral, ngunit ngayong gabi, ako’y anak. Ako’y kapatid. Ako’y mamamayang tulad nila—may minamahal, may kinatatakutan na mawala.

At sa paglapag ng sandata, tila narinig ko ang paghagulgol ng bayan, ng puso kong muli’t-muling pinipilas ng kasaysayan.

Terrorious

×××

KABANATA 57: Selda

Babala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga temang maaaring maging maselan o mahirap sa ilang mambabasa, kabilang ang karahasan, pagpapahirap, pagtatangkang pang-aabuso, at matinding emosyonal na dalamhati.

Ang pagsilay ng araw sa kalangitan ay kasalungat sa lamig na nadaramdaman ko—isang lamig na mula sa pasakit ng pagkabihag, pangungulila sa nakasilangang ina, at ang patuloy na paghahantong sa sugat ng pagkamatay ng mga mahal ko. Humihiga ako sa puwang ng kulungan sa likod ng malaking mansyon ni Heneral Vicencio, mga tanikala sa bisig ko’t paa, naliliwanangan ng apoy ng araw ang aking balat ngunit hindi iyon ang dahilan ng aking pagkauhaw — pagkauhaw na hindi natutugunan ng dugo ng bayan, kundi uhaw na nanghahangad ng kapayapaan.

Araw-araw ako’y pinapalakad patungo sa plaza. Nakagapos ang aking mga kamay sa taling bakal, ang bawat hakbang ko’y putik na tila sumisingit sa sugat sa aking katawan. Dugo ang pumapatak habang ang aking katawan ay sinusuri ng ilan sa dating kasapi ng Katipunan na ngayo’y kasapi na ng mga Espanyol. Katulad ni Donya Gerardo ay tuluyan na silang pumanig sa mga kastilang kinamumuhian ko.

Tumingala ako at napatingin sa liwanag na sumisilay na maliit na butas na nagsisilbing aking bintana sa aking selda. Gamit ang aking inipong lakas ay sinubukan kong kumawala sa mga kadenang batid kong kahit anong pilit ko’y wala akong kawala. Napapakislot ako sa hapdi sa tuwing kumikiskis ang aking sugatang palapulsuhan at ang aking mga paa sa bakal na nakatali sa akin. Ngunit higit sa sakit na iyon ay mas masakit ang aking kalooban.

Nangungulila ako sa aking pamilya. Sampung araw na mula noong nakita ko ang aking ina. Sa bawat gabi’y nagigising ako sa tuwing ako’y binabangungot ng mga alaala nina Stella at Mang Romolo. Sa umaga nama’y nawawalan ako ng pag-asa sapagkat pakiramdam ko’y wala na akong kakampi. Bukod kay Tinyente Ismael na nasa kabilang selda ay naroroon rin ang ilang sundalo at mga pilipino na mas piniling pumanig sa akin kaysa sa mga Espanyol. Kung hindi ako nagkakamali’y nasa dalawampu’t lima pa sila noon, ngunit ngayo’y lima na lamang.

Bukod kasi sa paglalatigo sa amin tuwing sasapit ang gabi ay ipinahihimlay rin kami sa mabibigat na punong kahoy kasabay nang paso ng araw at ulan. Pag-inom lamang ng tubig at pagkaing bakas-hangin lamang ang nagpapalakas sa amin. At bukod pa roon ay malayang gumagamit ng baril at mga patalim ang mga sundalong Espanyol at kung kanilang nanaisin ay maari rin nila akong paslangin sa isang iglap.

Isang gabi ay mayroong hindi inaasahang bisita sa selda. Pamilyar ang kaniyang mukha ngunit hindi ko matandaan kung kailan ko siya nakita. Nakasuot siya nang pormal na kasuotan at nang kausapin niya sa wikang Espanyol ang mga sundalong nagbabantay sa labas ay doon ko naalala kung sino siya.

“Heneral Guevarra, ako si Santiago. Naaalala mo pa ba ako? Isa akong bihasang manggagamot sa Madrid at ako rin ang gumamot sa iyo matapos ang batalya. Ako’y naparito upang bigyan kayo ng paunang lunas,”
pagpapakilala niya sa sariling wika.

Lumapit si Santiago sa akin nang halos hindi ko inaasahan. Dala‑dala niya ang isang maliit na garapon ng alkohol—latas na tinalian sa basong tubig at kutsara ng brandi bilang pampamanhid. Hindi ito tulad ng mga panggamot sa aming medikal na pasilid—ito’y labis na limitado, makakatulong iyon upang hugasan ang maruming sugat sa aking pulso.

“Le dije a los guardias que fue Doña Isabella quien me ordenó curar tus heridas porque no quiere que mueras, pero en realidad es Javier.”

(Sinabi ko sa mga guwardiya sibil na inutos ni Donya Isabella na gamutin kita sapagkat hindi ka pa maaring mamatay, ngunit si Javier ang nag-utos sa akin
), paliwanag niya.

Nang marinig ko ang pangalan ng lalaking aking kinamumuhian ay bahagya akong lumayo sa kaniya. Kung wala lamang akong gapos ay itinulak ko na ito palayo.

Sa tingin ba niya’y ang mapapatawad ko pa siya? 

Kahit anong gamot ay hindi na maghihilom ang sugat na dinulot niya!

Kahit anong gawin niya ay hindi na maibabalik ang aking kapatid at si Mang Romolo!

Ang aking ina! Ang mga pilipinong nagdurusa.

Imbes na magmalasakit ay mas matutuwa pa ako kung tuluyan na silang bumalik sa kanilang pinanggalingan.

“Ang iyong Inang Florencia ay ilang araw nang hindi kumakain, heneral,”
turan niya sa wikang kastila.

Bumigat ang dibdib ko sa narinig. Lumapit akong muli sa kaniya sapagkat mahina ang kaniyang tinig, marahil ay upang hindi siya marinig ng mga guwardiyang Espanyol.

“Kailangan mong maging malakas, heneral. Bukod sa inyong ina ay maraming pilipino ang naghahangad ng iyong kaligtasan at kalakasan. Inaasam nilang maging malaya. Ngunit hindi mangyayari iyon kung nakakulong kayo rito,”
aniya at pinunasan ang aking sugat bandang dibdib.

“Dónde está… mi madre? Quiero verla.”

(Nasaan ang aking ina? Nais ko siyang makita),
mahina kong pakiusap.

“Javier está listo para ayudarte.”

(Handa kang tulungan ni Javier)
, aniya habang pirmeng nakatitig sa aking lumuluhang mga mata.

Nang marinig kong muli ang pangalang iyon ay bahagyang lumakas ang aking boses,
“Hindi ko kailangan nang tulong ng traydor na iyon! Hindi na ako magtitiwala pa sa kaniya. Gagawa ako nang paraan upang makalaya rito upang iligtas ang aking ina nang hindi kailangan nang tulong ng kahit na sino.”

Hindi ko batid kong naunawaan niya ba ang nais kong iparating sapagkat hindi ito nakakaintindi ng aking lengguwahe. Bukod sa aking sarili ay hindi ko na kaya pang magtiwalang muli sa kahit na sino. Pakiramdam ko’y kung magtitiwala akong muli ay pagsisisihan ko rin ito sa dulo.

Maliban kay Tinyente Ismael at Padre Dencio ay nalaman kong matagal nang kasapi ang lahat ng miyembro ng katipunan kay Donya Isabella. Napagtantong kong ang barkong pinahiram ni Ginoong Pablo ay hindi paraan ng pagtakas, kundi patibong upang mapadpad ang mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Si Kapitan Morales naman na inatasan ko noong pumunta sa Bacolor upang humingi ng tulong sa gobernadorcillo ay pinilit si Padre Dencio na sabihin ang mismong pinaglilibingan nina Stella at Mang Romolo kay Donya Isabella. Si Tandang Dante na siyang alkalde ay isa sa mga tumutulong sa mga sundalong Espanyol na hagilapin ang mga pilipino upang sapilitang pagtrabahuhin at pagbayarin ng malaking buwis. At si Donya Gerardo naman na siyang kahalili ni Donya Isabella sa pagpapahirap naming lahat.

Bago umalis si Santiago ay sinabi nitong bukas ng gabi ay tutulungan akong makalaya ni Heneral Vicencio. Hindi ko naman iyon pinaniwalaan.

Kinabukasan ng gabi. Tahimik sa piitang nasa likod ng mansyon. Iyon ang una kong pagkakataong makita ang langit nang walang rehas. Ipinagdasal kong makalaya—hindi para sa bayan, kundi para sa kaniya. Para kay Inang Florencia.

Gamit ang talim na tagong metal na pinulot ko mula sa sirang bubong nang pakainin nila ako kanina. Iyon ang aking ginamit upang subukang tapyasin ang bakal na tanikala sa aking paa. Puno ng pawis at galos ang aking katawan mula sa limampung beses na latigo na iginawad sa akin. Dugo sa kamao. Sugat sa braso. Ngunit ang puso ko’y tiyak—
ililigtas ko si Ina.

Ngunit sadyang hindi umaayon sa akin ang tadhana nang mahuli ako nang dalawang kawal at muli akong pinarusahan. Tila unti-unting pinuno ng apoy ang hangin sa selda—isang selang hindi man lang lapitan ng saglit na ginhawa. Nasa lupa ako, nakaluhod, nang pasimulang maglatigo ang mga sundalong Kastila—isang halakhak ang kasabay ng langaw na sumakop sa hangin.

“Tingnan mo ang kawawang heneral na ito. Hanggang ngayo’y sinusubukan pa rin niyang makatakas kahit batid niyang imposible iyong mangyari,”
ani ng isa sa kanila sa sariling wika. May hayag na pagtawa.

Sinakop ng isang guwardya na sa tingin ko’y mas matanda sa akin ang aking panga,
“Esto es lo que quiere el hijo de doña Isabella? No puede aceptar la derrota.”

(Ganitong uri pala ang nais ng anak ni Donya Isabella? Hindi makatanggap ng pagkatalo).

Dinuraan ko ang kaniyang mukha kaya’t napapikit ito,
“Bitiwan niyo ako!”

Napadaing ako nang malakas akong sampalin ng isa sa kanila na mas malaki ang katawan kumpara sa akin,
“No eres tan guapa como las mujeres obsesionadas con nuestro general, y es aún menos agradable hablar contigo. Quizás se te dé bien otra cosa!”

(Hindi ka kasing ganda ng mga binibini na nahuhumaling sa aming heneral at mas lalong hindi ka rin kaaya-ayang magsalita. Marahil ay magaling ka sa ibang bagay).

Hindi kaagad naproseso ng aking utak ang sinabi niyang iyon, ngunit nang puwersahang hinawakan ng isang sundalo ang aking mga kamay habang ang isa nama’y pinunit nang tuluyan ang aking pang-itaas na kasuotan ay napasigaw ako sa takot.


Pakiusap! Itigil niyo ang kalapastanganang iyan! Ryannel!”
ang sigaw na iyon ay mula kay Tinyente Ismael na nasa kabilang selda.

Narinig niya ang aking pagmamakaawa. Sugatan man at mahina ay ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang lumaban sa kanila. Nang makita ko ang nakakaloko ng guwardya ay nagawa kong makawala sa isang nakakapit sa aking kamay upang suntukin siya sa mukha. Malakas iyon kung kaya’t halos tumabingi ang kaniyang ulo.

Nagkukumahog akong tumayo at tumakbo palabas ng aking selda, ngunit ang kadena na nakagapos sa aking paa ang pumigil sa akin. Napakislot ako sa sakit nang tumama ang aking balikat sa batong dingding matapos akong gantihan ng malaking lalaki.

Para bang nabali ang aking buto sa lakas nito. Pumikit ako at pinakiramdaman ang sakit ngunit sa aking pagdilat ay isang malakas na suntok at tadyak ang iginawad sa akin ng isa sa kanila, dahilan upang sumadsad akong muli sa lupa.

Nanginginig ang buo kong katawan habang papalapit sila sa akin. Bukod sa kanilang pagtawa ay malakas kong naririnig ang boses ni Tinyente Ismael na halos mapaos kakasigaw—humihingi ng tulong.

Mahigpit na sinakop ng isang gwardya ang aking buhok at isinandal ako sa kaniyang dibdib. Ang aking mga kamay ay muli niyang hinawakan at ngayo’y mas mahigpit.

“Tulong! T-tulungan niyo ako! Heneral Vicencio! Pakiusap!”
hindi ko maunawaan ang aking sarili.

Sa dinami-dami ng pangalang aking babanggitin na paghihingian ko ng tulong ay siya pa rin ang aking naisip. Batid kong malabo siyang pumunta. Suntok sa buwan kung siya’y darating upang iligtas ako.

Ang sakit ng dibdib ko. Para akong mauubusan ng luha at boses sa walang sawang pakikiusap. Ngunit hindi nila ako pinakinggan. Napatingala ako nang tumayo sa aking harapan ang matangkad na Espanyol na guwardiya sibil. Ibinaba niya ang kaniyang pantalon kung kaya’t ipinikit ko ang aking mga mata at nanalangin sa aking isip.

“Abre los ojos!”

(Buksan mo ang iyong mata!)
utos niya ngunit hindi ko sinunod.

Mariin akong pumikit nang pilitin niyang ibuka ang aking bibig. Hinihintay ko ang suntok o sampal mula sa kaniya ngunit para bang panandaliang tumahimik. Narinig ko na lamang ang pagbukas ng bakal na pintuan ng aking selda at ang malakas na puwersa sa aking harapan. Maya-maya pa’y binitawan ako ng guwardiyang nakahawak sa aking mga kamay at narinig ko ang paghingi nito ng tawad. Takot na takot ang boses nito.

“Huwag ka munang titingin!”
babala ng pamilyar na boses.

Nang marinig ko ang boses na iyon ay para akong nabunutan ng tinik.
Ligtas na ako!
Iyon ang sabi ng aking puso ngunit nang muling bumalik sa akin ang dahilan kung bakit ko siya kinamumuhian ay kumuyom ang aking kamao.

Pagmulat ko’y nakaharap na siya sa akin. Ang dalawang guwardiya ay magkapatong na sa isa’t-isa. Sa pagitan ng dilim ng selda at liwanag na nagmumula sa maliit na tanglaw ay nakita ko si Heneral Vicencio. Siya ay sugatan, ang uniporme’y pinunit at duguan… ngunit nakatayo. Kay bughaw ng mata niya, halos hindi makapiling ng basa ng luha, ngunit lumapit nang buong tapang.

Ngunit bago pa man makalapit siya sa akin, isang putok—ang isang sundalong Espanyol na mula sa labas ng selda ang may hawak ng baril. Ang balang iyon ay para sa akin ngunit pumagitna siya. Tinanggap niya nang nakangiti sa akin. Walang halong pagsisisi akong nakita sa kaniyang mga mata.

Nang harapin niya ang salarin ay tumutulo ang dugo sa kaniyang likod ngunit hindi siya nagpatigil. Minadali niyang tinuligsa ang mga natitirang sundalo nang walang armas, puro pagkagalit at sigasig.

Walang kahirap-hirap niyang napaslang ang sundalong iyon sa kabila ng kaniyang tinamo. Lumuhod siya at sinusian ang kandadong tanikala sa aking paa.

“S-sinaktan ka nila…”
hindi iyon isang tanong. Para bang batid niya ang lahat ng pinagdaanan ko ng mga oras na iyon.

Sinubukan niyang haplusin ang aking mukha ngunit tinaboy ko ang kaniyang kamay. Batid kong hindi niya inaasahan ang aking naging tugon.

“Huwag mo ‘kong hawakan! Kinamumuhian kita… higit pa sa mga taong lumapit upang dungisan ang aking dangal!”
bawat salita ko’y may bigat, tila bawat pantig ay tinaga mula sa pusong biniyak ng pagtataksil.

Napayuko si Heneral Vicencio, nanginginig ang balikat, at bahagyang umiling habang pilit nilulunok ang pait ng mga salitang tumarak sa kaniyang dibdib.

“Tama. Kamuhian mo ako. Kamuhian mo ang aking ina. Kamuhian mo ang bawat Espanyol na nagnakaw sa inyo ng dangal, ng lupa, ng kalayaan. At ako ang una sa kanila… ako ang nagtaksil sa ‘yo.

“Anong karapatan mong humarap sa akin ngayon, pagkatapos mong hayaang kitlin ang buhay ni Stella—ni Mang Romolo—at ng lahat ng mga Pilipinong pinaslang habang ikaw ay nanonood lamang?”

“A-alam kong wala,”
mahinang sagot niya, halos bulong.
“Araw-araw kong inuukit sa aking isip ang mga huling hininga nila. Sa bawat gabi’y ginigising ako ng mga sigaw nila. At ang pinakamasakit sa lahat, ay ang alaala ng ‘yong mga mata—noong huli kang humingi ng tulong… at pinili kong manahimik.”

Lumapit siya sa akin, nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.
“Kung maaari lamang na ibalik ko ang panahon ay ginawa ko na. Kung puwede lamang ay ako ang magdala ng lahat ng galit mo. Dahil ako ang may kasalanan. Hindi ang digmaan, hindi ang Espanya—ako. Kaya’t saktan mo ako, sigawan mo ako, duraan mo ako—basta hayaan mong mailigtas kita ngayon. Hayaan mong bumawi ako.”

“Ano’ng silbi ng pagtakas kung bitbit ko ang bigat ng pagkakait mo sa amin ng katarungan?”
Iwinasiwas ko ang kamay kong sugatan, tinuturo siya ng poot.
“Hindi mo mababawi ang pagkamatay ng mga mahal ko!”

“Totoo. Hindi ko sila mabubuhay muli,”
sagot niya, nanginginig ang tinig.
“Ngunit may isa pa akong maibibigay. Isa pa. Isa na marahil ay huli ko nang pagkakataon.”

Saglit siyang tumigil. Sumulyap siya sa madilim na pasilyo sa labas ng selda.
“Nasa labas ng kulungang ito ang isang karwahe. Nandoon ang iyong ina—si Donya Florencia. Buhay pa siya, bagamat mahina. Ngunit gagaling siya. Basta’t malayo kayo rito.”

“Hindi lang siya,”
dagdag ni Javier.

“Lahat ng mga nakakulong dito—iyong mga sundalo mong hindi sumuko, iyong mga matatanda, mga babae’t bata—pakakawalan ko. Hindi ko sila pababayaan. Wala na akong ranggo. Wala na akong kapangyarihan. Pero meron pa akong salita. At ito ang tanging maiaalay ko bilang bayad sa lahat ng kasalanan ko.”

Wala na siyang ranggo? Anong ibig niyang sabihin?

“Ang kutserong maghahatid sa inyo’y taong pinagkakatiwalaan ko. P-pakiusap. Magtiwala ka sa akin. Nakasisiguro akong hindi niya kayo sasaktan. Dadalhin niya kayo sa ligtas na pook. Malayo sa impiyernong ito.”

Hindi ako sumagot. Lumakad ako, binagtas ang madilim na pasilyo ng kulungan. At sa bawat hakbang ko’y tila may tinatalikuran akong bahagi ng aking puso.

Sa ngayo’y kailangan ko muna masiguro ang kaligtasan ng aking ina sapagkat siya na lamang ang mayroon ako. Pagkatapos nito’y babalik ako upang masiguro ang kaligtasan ng aking mga kababayan.

Nang marating ko ang tarangkahan sa labas, sinalubong ako ng amoy ng dugo. Nakita ko ang mga nakabulagtang Espanyol sa damuhan—tila mga hayop na pinatahimik. Marahil ay si Heneral Vicencio ang may gawa nito. Isa-isa silang may tama ng baril, at ang iba nama’y tila ginamitan ng kamay. Puno ng galit at paninisi.

Sa tapat ng karwahe, nakita ko si
Tristan
—nakaupo sa paanan nito, hawak ang isang lukbutan. Parang pumayat ito kumpara noong huli ko siyang nakita. Puno ng dumi ang kasuotan, nangingitim ang talukap ng mata, at bakas ang pangungulila sa kaniyang anyo.

Sa marahang pag-angat ng ulo niya, nakita ko ang bahagyang ngiti—pilit—at kasunod nito’y pag-agos ng luha. Pinahid niya ito gamit ang maruming manggas ng baro.

“Heneral…”
mahinang sabi niya.
“…ako po ang maghahatid sa inyo.”

Tahimik akong lumapit at yumuko. Sa loob ng karwahe ay naroon ang ina kong si Donya Florencia, payat at maputla, tila usok na lang ang natitirang hininga. Dito ako tuluyang lumuhod at humagulgol.

At sa likod ng mga hikbi ko, narinig ko ang mga yabag ni Javier na papalayo. Hindi ko na siya nilingon.

Hindi rin ako nakaramdam ng awa sa kaniyang mga sinabi at sa sinapit niya.

×××

-Terrorious

KABANATA 58: Kabutihan

Mahina ang hagod ng hangin noong gabing iyon, ngunit ramdam ko ang init ng pagkalinga habang pinapawi ko ang pawis sa noo ni Inang Florencia.

Buong araw siyang hindi makalakad nang hindi ko naramdaman ang kaniyang yakap. Sa loob ng simpleng kubureta sa gitna ng parque, pinalilibutan ng luntiang halamang mapayapa, siya’y nakahiga sa banig na gawa sa tinagit na dayami. Nang makahinga siyang maluwag, tumama sa puso ko ang katotohanang dalawa na lamang kami.

Matagal nang wala si ama. Si Stella at Mang Romolo naman ay pumanaw na. Samantalang sina Jose at Nena ay hindi ko pa nakikita.

Matapos siyang matulog, lumabas ako nang tahimik. Mula sa lawang puno ng mga ilaw ng alitaptap at lampara, narating ko ang isang bahay na itinayo sa gitna ng liwanag ng buwan. Dito ko nakilala si Mang Lucas—isang matandang manggagamot na tumutulong sa pagpapagaling namin ni ina.

“Heneral,”
bati niya nang may paggalang.

“Magandang gabi po, Mang Lucas. Maraming salamat po sa pagbibigay ng paunang lunas sa aking ina at sa akin. Nawa’y sa mga susunod na araw ay bumalik na muli ang kaniyang sigla,”
wika ko at umupo malapit sa sinaing na kaniyang niluluto sa tulong ng liyab ng uling.

“Walang anuman, heneral,”
aniya habang iniaabot sa akin ang tasa ng kape.
“Ang totoo niyan ay ako ang dapat na magpasalamat. Hindi kami kailanman makalilimot sa

kabutihan

ninyong ginawa.”

Napatitig ako sa kaniya. Ang pangungusap na galing sa kaniya ay pilit kong inaalala, ngunit tila bang nababalot ng hamog ang alaala ko.

“Ano pong… ibig ninyong sabihin?”
tanong ko.
“May ginawa po ba akong… kabutihan?”

Ngumiti ang matanda, ngunit bakas ang pagkagulat sa aking tanong,
“Aba’y marami, Heneral! Noong dumating ang malakas na bagyo ilang buwan na ang nakararaan, kayo po ang nag-utos na padalhan kami ng mga bangkang puno ng bigas at gamot. Nang gumuho ang mga bubong ng mga bahay namin sa bundok, kayo rin ang nagpautos na dalhin kami sa lupang ito—ligtas, may sariwang tubig, at malayo sa mga mata ng mga sundalong dayuhan.”

Muling bumigat ang dibdib ko. Wala akong maalala sa mga iyon. Parang dayuhan ako sa mga kabutihang binanggit niya.

“H-hindi ko po matandaan. Totoo bang ginawa ko iyon?”
ani ko nang may pag-aalinlangan at kumamot sa ulo.

Tumawa ng kaunti si Mang Lucas, ngunit puno ng awa ang kaniyang tinig.

“Nakakatuwa po, Heneral,  sapagkat iyan din ang tanong namin noong una. Pero ayon sa sinabi ng punong heneral ng Espanya, ay kayo raw po ang nag-utos ng mga iyon. Ang sabi pa nga niya…”
— tumigil siya saglit, saka marahang tumingin sa akin —
“…lahat ng pagkalinga niya sa amin ay regalo raw mula sa taong pinakamahalaga sa kaniya.”

Hindi ko magawang sumagot. Nabingi ako sa pagitan ng kanyang mga salita, na tila ba bawat kataga’y pinitik ng guniguni ng nakaraan. Naging malamig ang hangin sa paligid, at napayuko ako upang pagtakpan ang pagkabog ng aking dibdib.

“Usap-usapan nga noon…”
patuloy ng matanda,
“na kayo raw po ang nakabingwit sa saradong puso ng punong heneral ng Espanya. Na bago kayo mawala’t patalsikin, kayo na ang kaniyang kasangga at higit pa roon… kabiyak ng damdamin. Noong nawala po kayo at nagpakalayo-layo matapos bumitiw sa inyong tungkulin ay walang araw na hindi kayo hinanap ng heneral ng Espanya. Bumabagyo pa noon ngunit ang pagtawag niya sa inyong pangalan sa mga kagubatan ay malakas kasabay ng mga kidlat sa kalangitan.”

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko iyon inaasahan. Sa harap ng isang payak na manggagamot, ako’y muling naging isang tao—hindi isang heneral, kundi isang nilalang na minsa’y minahal.

“Hindi ko na sigurado kung alin sa mga ginawa niya ang talagang mula sa akin, o ipinangalan lang niya sa akin para lang maalala ako ng mga tao,”
marahan kong tugon.

Tumango si Mang Lucas, saka inilagay ang kamay sa aking balikat.
“Ang kabutihang puso, Heneral, kahit sino ang magdala niyan—kung alam mong sa ‘yo inalay, sa ‘yo pa rin iyan babalik.”

Nang pumasok si Mang Lucas sa maliit niyang kubo upang pakainin ang kaniyang mag-anak ay nanahimik ang paligid. Tanging mga kuliglig ang marahang humuhuni sa dilim. Nakita ko si Tristan na nakaupo sa may batuhan, sa lilim ng isang punong molave. Nakasubsob ang kaniyang ulo sa dalawang kamay. Doon ko nakita kung paanong tila bumagsak sa isang sundalong minsang walang inuurungan ang buong bigat ng alaala.

Dahan-dahan akong lumapit.

“Tristan, nais mo ba nang kausap?”
mahina kong tanong.

Napatingin siya. Namumugto ang kaniyang mga mata. Inangat niya ang ulo at tinakpan agad ang kaniyang pisngi, wari’y ikinahihiya ang mga luhang kanina pa lumalagaslas mula roon.

“Pasensya na, Heneral,”
bulong niya,
“hindi ko dapat… ipakita sa inyo ang ganitong kahinaan.”

Umupo ako sa tabi niya, sa malamig na lupa. Pinagmasdan ko ang kanyang hawak-hawak na piraso ng basang panyo—marahil ay kay Stella. Hindi ko siya sinagot agad. Hinintay kong siya ang muling magsalita.

“Bumisita po ako sa kaniya…”
simula niya, bahagyang nanginginig ang tinig.

“Kanino?”

“Sa kapatid po ninyo, Heneral. Katabi po niya ang libingan ni Mang Romolo. Kung nais po ninyo ay maaring dalhin ko kayo roon. Hindi kalayuan mula rito. Sa ilalim ng mga bulaklak… na siya mismo ang pumili.”

“Sino?”
mahina kong tanong.

“Si Heneral Vicencio,”
mabilis niyang sagot.

Tila bagang mayroong pumutok na salamin sa loob ng dibdib ko. Isang katahimikang puno ng libong tinig ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Hindi ko magawang magsalita, ngunit ang damdamin ko’y nagsisimula muling bumaluktot sa kirot.

“Heneral… mahal na mahal niya kayo.”
Inihinga ni Tristan ang mga salitang iyon na parang suntok sa puso.
“Kahit kailan, hindi niya kayo ipinagkanulo. Kayo ang dahilan kung bakit siya nanatili. Kung bakit siya tumulong. At kung bakit siya ngayo’y hinahabol ng sarili niyang mga sundalo.”

“Wala akong karapatang marinig ‘yan,”
sagot ko, halos pabulong.

“Kahit ilang ulit kayong lumayo, kahit ilang beses ninyong tinalikuran ang kanyang pagsuyo—hindi siya natinag, heneral. Siya pa rin ang dahilan kung bakit kami narito. Siya ang nagturo sa akin kung paanong magmahal kahit walang kapalit.”

Tumingin siya sa akin, at sa mga mata niyang namumugto’y nakita ko ang pusong humihingi ng saksi, hindi awa.

“Nais kong ikuwento sa inyo ang huling gabi namin ni Stella,”
wika niya.
“Ang gabing dapat ay simula ng bago naming buhay… ngunit nauwi sa bangungot.”

Masakit man sa akin na balikan iyon ay tumango ako. Hinanda ko ang aking damdamin sa mga dapat ko pang malaman.

“Binalak naming tumakas,”
panimula ni Tristan.

“Sa tulong ni Heneral Vicencio. Gusto niya kaming ipalayo—palayain. Sa isang daungang lihim, inihanda niya ang bangka. Ako at si Stella. Ngunit bago pa man makarating si Stella… dinampot ako ng sarili kong mga kasamahan. Sinaktan. Pinagmalupitan. Pinilit na dalhin ako sa barkong papuntang Madrid upang doon ako litisin sa mga kasalanang hindi ko lubos na nauunawaan.”

“At kung hindi raw ako sasama bago pa dumating si Stella…”
— huminto siya, humikbi —
“…papatayin nila ang inyong kapatid.”

Napayuko siya. Itinikom niya ang kaniyang mga kamao.

“Kaya tumakas ako. Tumalon sa karagatan habang sinusundan ng mga bala. Nilangoy ko ang dagat nang walang pahinga. Ngunit huli na ang lahat. Nang ako’y makarating… w-wala na siya.”

Tahimik akong nakinig. Ang dibdib ko’y tila sinasakal ng lumbay. Wari’y bumalik sa akin ang lahat ng alaala—si Stella, ang kanyang mga mata, ang kanyang pangarap. At ngayon, nasa amin nang harap ang kaniyang libingan na itinuro ni Tristan.

“Si Heneral Vicencio ang nagpahukay ng libingang ito bago pa dumating ang mga sundalong mula Madrid. At sa tulong ni Padre Dencio ay nailibing nila rito sina Stella at Mang Romolo.”
dugtong ni Tristan.

“Pagkatapos ng digmaang ito ay hindi na ako muling hahawak ng baril, Heneral,”
mariing wika ni Tristan,
“Iyan ang pangako ko kay Stella. Hindi ko na kayang makakita pa ng dugo, ng kamatayan. Hindi na ako isang sundalo. Isa na lamang akong lalaking nagluluksa.”

“Alam niyo bang pangarap naming magkaroon ng anak? Ang sabi ko’y nais ko ng lima, ngunit sabi niya’y nais lamang niya ng isa. Ipinalangin ko na kung kami ay mabibiyayaan, tatanggapin namin iyon. Gagabayan. Palalakihin na may dangal. Ngunit hindi iyon natupad. H-hindi na iyon matutupad.”

Labis siyang nagluluksa. Mabibigat ang butil ng kaniyang mga luha at marahil ay hindi niya na kakayanin pa kung ipagtatapat ko sa kaniyang nagdadalang-tao ang aking kapatid noong pumanaw ito. Na nasa kaniyang sinapupunan ang hinihiling ng lalaking nasa tabi ko ngayon na nagdurusa.

“Heneral Guevarra, alam ba ninyong… ipinagpalit ng aming heneral ang kaniyang dangal, ang kanyang pangalan, at ang kanyang buhay para sa inyo?”

Napatingin ako sa kanya. Gusto kong tumanggi. Gusto kong sabihing hindi totoo. Ngunit wala akong lakas na magsinungaling sa harap ng katotohanang matagal ko nang pilit nililibing.

“Ngayo’y hindi na siya ang punong heneral. Tinanggihan niya ang utos ng kanyang ina. Bigo siyang masakop ang San Fernando—isang pangakong ipinilit ni Donya Isabella na tupadin niya kung ibig niyang makabalik sa Madrid.”

“At ano ang kapalit ng kabiguang iyon?”
tanong ko.

“Pagkatiwalag. Tinakwil po siya bilang

anak

.”

Kumirot ang aking puso sa narinig. Ang totoo ay hindi ko na nais marinig pa ang pangalan ng kaniyang punong heneral, subalit napakarami niyang kabutihang ginawa upang ipagsawalang bahala.

Sinabi pa ni Tristan na si Paz na ang itinalagang bagong punong heneral ng Espanya na siya ring kalaguyo ng ina ni Heneral Vicencio na si Donya Isabella. Posibleng pinaghahanap na ngayon si Javier Vicencio ng punong militar ng Espanya sa pangunguna ni Paz kung natupad ang pangako nitong pakakawalan ang mga bihag.

Hindi naman niya iyon tinupad, hindi ba?

Hinihiling ko sa diyos na nagsisinungaling lamang siya. Na sinabi niya lamang iyon sa akin upang hindi tuluyang mawala ang pagmamahal ko. Na gaya ng sinabi kong
hindi ko siya minahal kahit kailan
ay hindi rin totoo ang pangako niyang palalayain sila.

Hindi ko na napigil ang sarili. Napaluha ako, tahimik ngunit matalim. Umagos ang luhang tila mula pa sa mga taon ng pagsikil sa damdamin. Sa bawat luha, isa-isang gumuho ang pader sa loob ko.

“Ilang beses niya akong iniligtas,”
bulong ko.
“At ilang beses ko siyang… sinaktan.”

“Nakikiusap ako, Heneral,”
sagot ni Tristan at nagmakaawa,
“sana naman ay tulungan niyo akong iligtas ang Heneral Vicencio.”

Kinabukasan, maaga akong naghanda. Maaga pa lamang ay bumangon na ako upang lutuin ang maiinit na sabaw para sa aking ina. Malalim pa rin ang kaniyang pagtulog, tila ba ninanakaw ng bawat sandali ang natitirang hininga sa kaniyang payat na katawan. Maingat kong binasa ang kaniyang noo nang malamig na telang yari sa koton at saka pinakain ng kaunting sabaw nang tuluyang magmulat ng mata. Walang anumang tinig ang lumabas sa kaniyang bibig, tanging marahang paghawak sa aking kamay at ang mapurol na titig ang kaniyang tugon.

Binigyan ko siya nang matamis na ngiti at nagpaalam,
“Aalis po muna ako, ina. Kailangan ako ng ating mga kababayan. Kailangan kong masigurong listas sila.”

“Mag-iingat ka, anak,”
niyakap niya ako at sandaling nanalangin para sa aking kaligtasan.

Kasama ko si Tristan nang muli kaming tumungo sa daungan ng San Fernando. Bago iyon, inihabilin ko muna ang aking ina kay Mang Lucas at sa ilang matatanda sa ligtas na pook na iyon. Nangako silang hindi ito iiwan, at isa sa mga mabubuting mangingisda ang nagpahiram sa amin ng maliit na bangka.

Sa gitna ng laot, habang pumapalaot ang aming bangka, tahimik si Tristan. Mukhang malalim ang iniisip.

“Sigurado ka bang sa akin ka pumapanig at hindi sa mga Espanyol?”
bulong ko habang nilalapatan ko ng langis ang baril na dala namin.
“Batid kong mahal mo ang aking kapatid ngunit ngayong wala na siya—”

Hindi niya ako pinatapos,
“Heneral, ginagawa ko lamang ang sa tingin ko’y tama. Ang laban ninyong dalawa ni Heneral Vicencio ay laban ko rin.”

Hindi ko siya sinagot, ngunit batid ko—sa bawat kilos niya, sa bawat pagtingin niya sa akin—dala niya ang bigat ng mga alaala. Alaala ni Stella. Alaala ng kaniyang pagdurusa. At alaala ng kaniyang heneral na inaasam niyang nasa mabuti pang kalagayan.

Sa aming pagbabalik sa lupain, bumungad sa amin ang katahimikang may nakatagong panganib.

Walang masyadong ingay, ngunit makikita ang pagbabago. Sa bawat kanto ng bayan ay may nakapaskil na larawan ni Javier Vicencio, ang dating punong heneral ng mga Espanyol. May pabuya sa sinumang makapagtuturo ng kaniyang kinaroroonan—buhay man o bangkay.

“Huwag kayong magpahalata,”
bulong ni Tristan habang inaayos ang kaniyang unipormeng Espanyol. Pinili niyang muling isuot ang kanyang dating kasuotan upang magkunwaring kasapi pa rin ng hanay ng mga kaaway.
“Ako ang mauunang makapasok. Maghahanap ako ng paraan para makasunod ka, heneral.”

Nagtungo siya sa harapan ng lumang mansyon, kung saan dati ako ikinulong. Dala ko naman ang maliit na supot na may baril, kutsilyo, at ilang bala lamang. May isa rin akong natagong gamot at bendahe—sa pagkakataong mangailangan kami ng lunas.

Mula sa gilid ng bakod, sumenyas si Tristan. Tahimik akong pumasok sa tagiliran ng mansyon. Ang paligid ay bantay-sarado ng mga sundalong Espanyol, ngunit sa husay ni Tristan sa pagsisinungaling, mabilis siyang nakapasok at nilibang ang ilang guwardiyang nasa harapan.

Dumiretso ako sa selda. Dati, sa lugar na ito ko ibinuhos ang lahat ng sakit, galit, at pagdurusa. Ngunit pagpasok ko… wala na roon ang sinuman.

Walang laman ang mga tanikala.

Walang duguang sahig.

Walang ungol ng mga nilalapastangan.

Tahimik. Mas tahimik pa sa gabi ng pagtalikod sa akin ng mga kasamahan kong katipunero.

“Nasaan na sila?”
tanong ko sa sarili.
“Wala na bang natirang pag-asa?”

Hindi ko napigilang mapaluhod. Hinaplos ko ang malamig na sahig, ang dingding na minsang pinagduguan ng aking likod, at ang rehas na minsan kong pinilit gibain sa loob ng gabi. Nagbabalik ang lahat. Ngunit wala ni isang katao.

Habang nagmumuni-muni, narinig ko ang mga boses ng ilang sundalo sa kabilang silid.

“Pinatigil muna ni Heneral Paz ang mga pagpapahirap. Baka raw gamitin pa natin ang mga bihag kung hindi natin mahuli si Javier,”
ani ng isa sa wikang kastila.

“Buhay pa ba siya?”
tanong ng isa, bahagyang bumaba ang tinig na wari’y may halong takot.

“Hindi natin alam. Pero sa tingin ko’y hindi iyon makakalayo,”
sagot ng kasama niyang sundalo.
“Marami siyang natamong sugat. May tama siya ng baril sa tagiliran at sa likod. Nang mahuli siya—pinagtulungan, pinagpapalo, halos hindi na makalakad. Pero kahit ganoon, tinulungan pa rin niyang makatakas ang mga bihag… para sa isang taksil, matindi ang tapang ng traydor na ‘yon.”

May tumawa ng pilit sa gilid.
“Kaya nga dapat mahuli na. Lahat ng dating sundalo ni Vicencio… huhulihin. Pati na ang mga dati niyang kasamahan… lalo na ang Filipinong tinatawag nilang Guevarra.”

“Kung ako ang makahuli sa dating punong heneral ay ako na mismo ang kikitil sa kaniyang buhay. Sigurado akong masusulat ang aking pangalan sa kasaysayan sa hinaharap kapag nagkataon.”

Tumawa silang muli.

Ngunit ako, nanatiling nakayuko sa dilim ng pasilyo, tangan ang baril, pinipigilan ang sariling sumugod at isabog ang bala sa ulo ng mga hayop na iyon. Sa puso ko’y may muling umusbong na pangamba—hindi para sa akin, kundi para kay Javier Vicencio.

Buhay pa ba siya?

Ginugulo ng tanong na iyon ang isipan ko.

Tumibok nang mas mabilis ang aking puso. Hindi dahil sa takot, kundi sa isang matinding udyok—ang muling hanapin ang taong pilit kong kinasusuklaman ngunit habang tumatagal ay mas lalo lamang napapamahal.

×××

-Terrorious

KABANATA 59: Paz

Babala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng matitinding tagpo ng karahasan, emosyonal na tensyon, at paglaban para sa buhay at dangal.

Tatlong araw. Tatlong araw ng walang humpay na paghahanap, ng paglalakad sa ilalim ng araw at ulan, ng paghinga sa mga aninong maaaring magbunyag ng bangkay o milagro. Ang bawat hakbang ko’y tila may dalang patalim—sapagkat sa bawat liko ng daan, at marahil ay doon ko makita si Javier, malamig at iniwan ng pag-asa.

Noong unang araw, dala ko pa ang lakas ng loob. Akala ko’y madali ko siyang matutunton. Akala ko’y mararamdaman ng puso ko ang tibok ng sa kaniya. Ngunit niligaw ako ng hangin, binulag ako ng ulap. Ang mga pook na dati naming tinutuluyan—kubo sa bukid, yungib sa gilid ng ilog, silong ng simbahan sa pinakakanlurang dako—ay pawang mga hungkag. Wala ni anino niya. Wala kahit bahid ng kanyang tinig.

Sa ikalawang araw, doon ako nagsimulang mataranta. Napansin ni Tristan ang pagkabigat ng aking lakad. Ang tahimik kong bibig. Hindi ko na rin siya pinansin nang paulit-ulit niyang tanungin kung gusto ko bang magpahinga. Hindi ako puwedeng huminto. Hindi ako puwedeng maghintay. Baka habang ako’y nagpapahinga, siya’y nagdurusa. Baka habang ako’y nakalugmok, siya’y nadakip na ng mga sundalong kastila.

Sa bawat gabi, habang nakasandal ako sa ugat ng punong molave, hindi ako dinadalaw ng antok. Tanging mukha niya ang naririto—ang mga mata niyang laging puno ng tanong, ang ngiti niyang batid kong tapat, ang tinig niyang parang musika na nagpapakalma sa akin.

Bakit ko ba siya itinaboy noon?

Bakit ko ba piniling itikom ang damdamin ko sa isang tao na buong-buo akong pinili?

Na kahit wasakin ang pangalan niya, ay ginawa—maprotektahan lamang ako.

Na kahit batikusin, barilin, itakwil, ay inako ang lahat ng paratang upang ibaling sa mga Kastila ang galit ko?

Ako ang iniwan niya, ngunit ako rin ang
iningatan
niya.

Pagdapo ng ikatlong araw, tila mas mabigat ang hangin. Tuyo ang aking lalamunan. May ilang dahon ng akasya sa aking buhok, alikabok sa aking mukha, at galos sa aking mga binti, ngunit hindi iyon ang masakit—kundi ang kaba na baka sa bawat oras ng pagkaantala ay siya ring unti-unting pagkalayo sa taong hinahanap ko.

Habang nilalampasan namin ni Tristan ang isang daang masukal na halos wala nang landas, may mga yapak kaming narinig. Biglang bumunot ng itak si Tristan at ako nama’y itinutok ang baril sa pinanggagalingan nito.

Maya-maya’y sumilip sa pagitan ng mga puno ang isang anyong pamilyar—maputik ang suot ngunit may dugong Pilipino sa mga mata.

“Ryannel…”
halos walang boses niyang pagtawag.

Lumabas ako mula sa aking pinagtataguan.

“Tinyente Ismael…”

Napatigil ako. Nasa likod niya ang ilan pang mga sundalong Pilipino—ang mga nakaligtas sa mga kastilang sundalo. May mga galos, may ilang nakabenda sa ulo, ngunit ang ningas sa kanilang mga mata ay hindi nawala.

“Matagal ka naming hinahanap, Heneral,”
ani Tinyente Ismael habang lumapit at iniabot ang kanyang kamay.
“Ligtas na kami. Nakapagtago sa mga bundok. Pero hindi kami tumigil sa pag-asang buhay ka pa.”

“Maraming salamat…”
bulong ko.
“Akala ko’y iniwan na ako ng lahat.”

“Hindi kita iiwan, Ryannel,”
sagot ni Ismael, mahina ngunit mariin.
“Kahit kailan.”

Narinig ko ang pagtikhim ni Tristan mula sa aking likuran. Nang siya’y aking lingunin ay nanlilisik ang kulay kape nitong mga mata kay Tinyente Ismael. Sa paraan nang kaniyang pagtitig ay para bang mayroong malaking kasalanang ginawa ang aking tapat na kaibigan.

“Mabuti pa’t magpatuloy na tayo sa paghahanap sa tunay na nagmamay-ari ng iyong puso, Heneral Guevarra,”
pabalang na wika ni Tristan.

Lumapit sa akin ang isa sa aking tapat na sundalo—si Matias, at iniabot ang isa sa mga mapang isinulat ni Padre Dencio ukol sa posibleng mga taguan ng mga sugatang rebolusyonaryo. Isa roon ay ang tabing-ilog sa silangan, malapit sa binabahang palayan.

“Heneral, ayon sa ilang nakakita,”
ani Pablo,
“mayroon raw na lalaking kastila na namimitas ng mga halamang gamot doon. Sa pagkakatanda namin ay isa siyang manggagamot at matalik na kaibigan ni Heneral Vicencio.”

Si

Santiago
.

Sa ilalim ng araw na patak na ang init sa balikat, sa likod ng mga sagingan, doon namin siya nakita—may pasan-pasang buslo ng dahon at ugat. Kalmado ang kanyang mukha, ngunit nagulat siya sa aming pagdating.

Tumigil siya sa paglalakad at humawak sa hawakan ng kaniyang kutsilyo sa tagiliran. Marahan siyang tumingin sa akin at sa mga sundalo kong kasama.

“Soldados, sois verdaderamente dignos de confianza?”

(Mga sundalo, kayo ba’y tunay na mapagkakatiwalaan?)
tanong nito sa aking mga sundalo.

“Mapagkakatiwalaan sila, Santiago,”
sagot ko.

May pag-aalinlangan man sa kaniyang mukha ay hinayaan niya kaming matunton ang kinaroroonan ni Javier Vicencio. Tinahak namin ang masukal na landas sa pangunguna ni Santiago. Habang naglalakad ay nagpapalitan kami ng salita. Sa aming likuran ay naroon sina Tinyente Ismael at Tristan. Tahimik ang mga ito na naglalakad. Sa pinakalikuran ang ilang mga sundalo. Pinakiusapan ko silang huwag sumunod at magbantay sa maaaring panganib.

Sa isang kubo na halos hindi na kubo ay doon siya huminto. Wasak ang bubong, ang mga dingding ay tinapalan ng banig at dahon. Ang amoy ng halamang gamot at tuyong damo ay agad lumukob sa akin pagpasok roon. At sa banig na pinatungan ng tuyong dahon ng saging—naroon siya.

Si Javier Vicencio.

Hindi siya gumagalaw.

Ang dibdib niya’y banayad ang galaw, senyales na buhay pa siya. May balot ng dahon ang kanyang balikat, tiyan, at kanang hita—mga sugat na minsan ay naging bukas na pintuan ng kamatayan. Puno ng latay ang katawan niya. Maputla. At bakas ang mapait nitong sinapit sa kamay ng kaniyang mga kalahi.

Lumuhod ako. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang kamay. Malamig, ngunit hindi malamig gaya ng isang bangkay. May pintig pa.

“Javier…”
Mahinang bulong iyon, tila panalangin.

Si Santiago, nasa gilid, ay abalang nag-aayos ng mga bagong pinitas na mga halaman. Hindi siya nagsalita. Ngunit naramdaman ko ang kaniyang pakikiramay—hindi bilang Kastila, kundi bilang isang lalaking nakasaksi sa sinapit ng kaniyang matalik na kaibigan.

Ipinagtapat sa akin ni Santiago na si Javier mismo ang nagdesisyong dito manatili sa kubong ito. Malayo ito sa mataong lugar at nasa gitna ng palayan. Kung tutuusin ay mas mapapabilis sana ang kaniyang paggaling kung dinala siya sa pook kung nasaan namamalagi si Ina at mga Pilipinong tinulungan niya sapagkat marami roong manggagamot at mabubuti sa kaniya, ngunit natatakot siyang masundan at malagay pa ako muli sa kapahamakan.

“Él dijo… que si lo encuentran aquí… no quieres que te encuentren también”

(Sabi niya… kung matunton man siya rito…ang mahalaga’y hindi ka nila matutunton).

Hindi ko agad nakayang sumagot. Tinitigan ko lamang ang natutulog niyang anyo sa banig—tahimik, waring payapa, ngunit puno ng pasa’t sugat ang kaniyang katawan. Ang kaniyang kaliwang braso ay balot ng tuyong dahon ng saging na ginuguhitan ng luyang dilaw at pinatuyong ugat. Sa kaniyang dibdib ay may palamig na tapal, nilalapatan ni Santiago gabi-gabi upang mapababa ang kaniyang lagnat.

“Ako ang may kasalanan nito…”
mahina kong bulong, halos di naririnig.

“Bakit mo kailangang akuin ang lahat, Javier?”
tanong ko sa sarili ko.
“Bakit mo ako inalisan ng karapatang… alagaan ka sa panahon na ikaw naman ang sugatan?”

Tila’y sinasakal ako ng sariling alaala.

Hinaplos ko ang kaniyang buhok—madungis at magaspang dahil sa pawis at alabok—at bahagyang napangiti nang may konting galaw ang kanyang kilay. Ngunit hindi pa rin siya nagising.

“Javier… kung alam mo lamang kung gaano ako nagsisisi…”
halos pabulong, tinig ko’y gumagapang sa hangin.

Waring maririnig ko pa sa alaala ang kaniyang tinig.

“Heneral Ryannel Guevarra, aking sinta, ikaw ang una. Ang una kong minahal. Ang una kong pinili. Wala nang nauna. Wala ring iba. Wala nang kahit sino…”

Napayuko ako. Ang mga luha ay kusa nang bumagsak sa kaniyang balikat.

Pilit kong hinipan ang mga sugat niya, animo’y mapapawi ang sakit. Hindi ko na kayang makita siyang ganito. Gusto kong isigaw ang lahat ng sakit, gusto kong muling humawak ng tabak at tagpasin ang lahat ng salarin sa kaniyang kalagayan.

Lumalim ang gabi. Ang hamog ay unti-unting bumalot sa aming paligid. Tanging huni ng kuliglig, bahagyang kaluskos ng mga tuyong dahon, at ang mabining hinga ni Javier ang nagbibigay-buhay sa katahimikan.

Binabantayan ko siya. Inaayos ang kaniyang kumot. Pinapalitan ang mga dahong gamot. Inaawitan siya ng mga panalanging walang tinig.

Subalit sa likod ng lahat ng ito, ay batid kong hindi kami ligtas.

Isang mahinang kaluskos ang sumambulat mula sa damuhan. Sumunod ay mga yabag. Mabibigat. Masisidhing hakbang.

“Tristan,”
bulong ko, sabay abot ng aking baril.
“May tao sa paligid.”

Lumabas ako ng kubo. At doon, sa ilalim ng liwanag ng buwan na nagtatago sa likod nang makakapal na ulap, nakita ko siya. Si
Paz
. Nakasuot ng unipormeng mas marangya sa huli naming pagkikita. Bitbit niya ang bagong sagisag ng kapangyarihan—ang emblema ng pagiging Punong Heneral ng Espanya.

Kasama niya ang mahigit dalawampung sundalong Espanyol, pawang armado, at ang ilan ay may dalang sulo.

Sa tabi ko, si Santiago ay agad na kumilos. Humanda rin sina Tristan, Tinyente Ismael, at ilan pang Pilipinong sundalo. Wala sa mukha nila ang takot—tanging katatagan at paghihintay sa aking utos.

“Guevarra! Hindi ikaw ang pakay namin. Nais lang namin ang lalaking tinatago mo sa loob ng kubong ito. Si Javier Vicencio.”
sigaw ni Paz sa wikang kastila, nakangisi.

Tumindig ang mga balahibo ko.

“Saben que mientras viva, estoy inseguro. No puedo ser Comandante en Jefe mientras él viva. Entréguenlo y los liberaré. Una vida a cambio de la seguridad de muchos.”

(Alam mong habang siya’y nabubuhay, ako’y walang katiyakan. Hindi ako makakahinga bilang Punong Heneral hangga’t siya’y humihinga pa. Isuko mo siya, at pangakong palalayain ko kayong lahat. Isang buhay kapalit ng kaligtasan ng marami).

Tahimik. Walang umimik. Tanging tunog ng aking puso ang naririnig ko—malakas, mabilis, nagngangalit.

“Hangga’t nabubuhay ako,”
mariin kong sagot sa wikang Espanyol,
“ay hindi mangyayari ang iyong nais.”

Lumapit ako, dahan-dahan.
“Lumaban ka nang patas, Heneral! Ibaba natin ang mga sandata. Kung matagumpay kang tapusin ang aking buhay, maari mong kunin ang iyong gusto. Ngunit kung ako ang magtagumpay, ipangako mong hindi hahawakan ni isa mang sundalo mo si Javier Vicencio.”

Natawa si Paz. Isang malalim, mapanghamak na tawa.

“Te estás volviendo loco, General Guevarra. Es una pena que hayas derrotado a alguien como yo. ¿No te basta el resultado de nuestra última pelea? Yo fui quien te noqueó. Yo fui quien casi te quita la vida…”

(Nahihibang ka na, Heneral Guevarra. Suntok sa buwan na matalo mo ang isang katulad ko. Hindi pa ba sapat sa iyo ang naging resulta ng nakaraan nating laban? Ako ang nagpatumba sa iyo. Ako ang halos kumitil ng iyong buhay—).

“Ngunit buhay pa ako!”
singhal ko, pinutol ang kanyang panghahamak.
“At habang humihinga ako, hinding-hindi ka magtatagumpay.”

Kumunot ang kaniyang noo. Sumiklab ang poot sa kaniyang mga mata.

Isang iglap lang, ibinato niya ang kaniyang baril. Mabilis siyang sumugod at bago pa ako makailag, isang malakas na sipa sa aking dibdib ang nagpataob sa akin.

Sumalpok ako sa dingding ng kubo. Tumilapon ang ilang tabla. Napasigaw si Tinyente Ismael.

“Ryannel!”
sigaw niya.

Ngunit itinaas ko ang aking kamay.
“Huwag! Huwag kayong makialam!”

Sunod-sunod ang mga suntok ni Paz. Malalakas. Walang awa. Tumilamsik ang dugo sa aking labi, at ang katawan ko’y halos hindi na makatayo. Tila ba bawat suntok niya’y hatid ang galit at pagkauhaw sa kapangyarihan.

“Qué, Guevarra?”
panunuya niya.
“Aún quieres hacer la paz?”

(Ano, Guevarra? Gusto mo pa bang makipagkasundo?).

Bagsak ako sa lupa. Umiikot ang paningin ko.

Ngunit…

Sa isang iglap, pumasok sa gunita ko ang imahe ni Javier—ang una naming pagkikita sa kanilang mansyon kung saan ko sinelyahan ang isang kasunduang lingid sa aking kaalaman na siyang magpapalalim ng aming ugnayan.

Ang gabing iyon, sa ilalim ng ilawang gasera, ay parang pagkit na unti-unting natunaw sa pagitan naming dalawa. Hindi ko inaasahan na sa likod ng kaniyang tikas at mataas na katungkulan ay may pusong marunong umibig nang tahimik, tapat, at walang hinihinging kapalit.

Naalala ko rin ang pagpunta niya sa aming mansyon, suot ang kaniyang ginintuang medalyon at may alay na gumamela sa pinitas niya rin sa aming hardin—hindi upang humingi ng tawad kundi upang aluin akong hindi naman niya kailanman sinaktan. Sa bawat hakbang niya sa looban ng aming bakuran ay dama ko ang bigat ng kaniyang damdamin—damdaming nais manatili sa akin kahit buong mundo’y tumutol.

Naaalala ko ang taglay nitong kapilyuhan kahit pa hindi hamak na mas matanda ito sa akin—kung paano niya ako patatawanin sa gitna ng aming seryosong usapin, kung paano niya ginagaya ang aking tikas sa harap ng mga sundalo, at kung paanong sa likod ng kaniyang ngiti ay may lihim na pagtingin.

Ang bughaw niyang mga mata—malamig kung titigan sa una, ngunit lumalalim ang tingin sa tuwing ito’y naninibugho. Sa tuwing may binibining lumalapit sa akin at pilit na nagpaparamdam, hindi man niya ito ipakita sa harap ng iba, kapansin-pansin ang kaniyang pananahimik. Ngunit sa sandaling kami’y magkausap nang kami lamang, magaan ang kaniyang pag-amin:

“No me gusta cuando sonríes así a los demás.”

(Nasasaktan ako sa tuwing ganiyan ka ngumiti sa iba).

At higit sa lahat, ang tapat niyang pagmamahal na kailanman ay hindi siya humingi nang kapalit. Ibinigay niya ang lahat sa akin—ang kaniyang pangalan, dangal, posisyon, at maging ang kaniyang kalayaan—nang hindi siya kailanman nanghingi ng kahit anong pangako. Hindi niya kailangang sabihin, ngunit dama ko na ako ang tanging dahilan kung bakit siya nabubuhay. Dahil hangad niya ang aking kaligtasan.

At ngayon, habang dumadaloy ang dugo ko’t halos mawalan ako ng malay, ang alaala niya ang siyang gumising sa puso kong pagod at katawan kong halos bumigay.

“Para kay Javier!”

Gamit ang natitira kong lakas, mabilis akong tumindig mula sa pagkakayuko. Hindi na ako nagdalawang-isip. Sa halip na umatras, ako’y sumugod kay Paz nang duguan, hinayaan kong gabayan ako ng poot, ng pag-ibig, ng panunumpang hindi na muling mauulit ang pagkatalo ko sa kaniya.

Nagulat si Paz—hindi siya makapaniwalang nakatayo pa ako sa dami nang malalakas na suntok at tadyak na pinakawalan niya.

Sumambulat ang unang suntok ko sa kaniyang panga—isang matinding hampas na nagpabigla sa kaniya. Ngunit hindi pa roon nagtapos. Sa kasunod na iglap, itinaas niya ang kanyang bisig upang ako’y hampasin, ngunit nasalo ko ito at sinundan ko nang mabilis na siko sa kaniyang tagiliran. Magkakasunod na suntok sa kaniyang mukha ang aking pinakawalan.

Bumawi siya. Umigkas ang kanyang tuhod sa aking tiyan at ako’y napaatras. Ngunit hindi ako bumagsak. Nakita kong tila siya na ngayon ang nauubusan ng lakas. Napansin kong bumabagal ang kanyang galaw—marahil dala na rin ng bigat ng suot niyang uniporme, o marahil ng bigat ng sariling kasakiman.

Lumundag ako upang sipain siya sa balikat. Nang siya’y mapaluhod, agad ko siyang sinunggaban sa leeg, ibinagsak sa lupa, at walang awang pinagsusuntok. Ang mukha niyang minsang mapagmataas ay ngayo’y duguan, ang tingin niyang dati’y nanlilibak ay ngayo’y nangangatog sa takot.

“Ito ang para kay Stella! Para kay Mang Romolo! Para sa aking ina! Para sa lahat ng pilipinong walang awa niyong pinaslang!”

Hawak ko na ang panalo sa aking palad. Isa na lang na suntok at baka mawalan na siya ng malay.

Ngunit…

Isang malamig na kirot ang sumakmal sa aking tagiliran.

Nakita kong inilabas ni Paz ang patalim na pilit niyang itinago mula sa kanyang bota—at itinarak niya iyon sa aking tagiliran habang ako’y nakadagan sa kaniya. Napasigaw ako, napaatras habang dumadaloy ang dugo sa gilid ng aking baywang. Kumunot ang aking noo, hindi sa sakit ng sugat, kundi sa pagkasuklam.

“N-no puedes vencerme…”
habang dahan-dahang tumayo, iwinawasiwas ang dugong patalim.
“Nunca. N-no puede derrotarme, General Guevarra…”

(Hindi ikaw ang magwawagi sa ating dalawa. Hindi kailanman. Hhindi mo ako matatalo, Heneral Guevarra).

Bago pa siya muling makalapit, isang sigaw ang sumambulat mula sa gilid.

“Ngayon na!”
Sigaw ni Tinyente Ismael.

“Por la libertad!”
Ang nagagalit na sigaw na iyon ay mula kay Tristan.

Agad na lumusob sina Tinyente Ismael, Santiago, Tristan, at ang mga sundalong Pilipino. Ang bangin ng digmaan ay sumiklab—Espanyol laban sa Pilipino. Ang gabi ay napuno ng sigawan, putukan, at kalabog ng mga katawan sa lupa.

Ngunit hindi ko sila pinansin. Nakatuon lamang ako sa traydor na si Paz.

Pinilit kong tumindig kahit nanlalabo ang paningin. Sinapo ko ang sugat ko at muling lumapit sa kaniya.

Muli siyang sumugod, ngunit ako’y umilag. Sa ikalawang pagkakataon ay hinablot ko ang kanyang braso at tinadyakan siya sa tuhod—hanggang sa bumagsak siya sa lupa, hawak pa rin ang patalim. Sa isang iglap, sinunggaban ko ang kaniyang kamay at pinilit ang patalim palayo sa kaniya.

“Qué— Dejarlo ir—”

(Anong—bitawan mo—)
hiyaw niya.

“Hindi na kita bibigyan ng pagkakataong makasakit pa.”

Hinawakan ko ang kaniyang patalim—at ako mismo ang nagtarak nito sa kaniyang dibdib. Sa puso nitong walang awa.

Tumigil ang lahat.

Lumuwag ang hawak niya sa akin. Nanlaki ang kaniyang mata. Umangat ang kanyang bibig, parang may gustong sabihin—ngunit wala nang tinig na lumabas.

Dahan-dahan siyang bumagsak sa lupa.

“Paz está muerta!”

(Patay na si Paz!),
sigaw ni Tristan.

Nagulat ang mga sundalong Espanyol. Ang iba’y tumakbo, ang ilan ay isinuko ang sandata.

Nagmadaling lumapit sina Tinyente Ismael at Santiago sa akin habang ako’y nanginginig sa dugo at sakit. Bumagsak ako sa lupa sa labis na panghihina.

“Ryannel!”
bulalas ni Tinyente Ismael, hawak ako sa balikat.

Ngunit sa kabila ng hapdi sa katawan, may ngiti akong pinakawalan.

“Naipaglaban ko siya. Nabawi ko si Javier,”
nanghihina kong bulong habang hawak ang emblem na kinuha ko kay Paz na pagmamay-ari ni Javier.

×××

-Terrorious

KABANATA 60: Senyales

Hindi ko hahayaang lumaban kang muli nang ganiyan ang iyong kalagayan!”
Malakas ngunit puno ng pag-aalala ang tinig ni Tinyente Ismael nang sabihin kong kailangan na naming lumaban ngayon rin.


Tingnan mo nga ang iyong sarili, Ryannel… halos hindi ka na makatayo sa sarili mong paa. Batid kong nais mong magtagumpay, at oo—ngayon ang pinakamainam na panahon para sumalakay, sapagkat wala na ang kanilang bagong punong heneral. Ngunit kung itutuloy mo ito sa lagay mong iyan, para mo na ring isinuko ang iyong buhay.”

Hinugot niya ang kanyang paghinga, wari’y pinipigil ang galit at pag-aalala na maghalo.

“Kailangan nating unahin ang iyong kaligtasan. Darating ang tulong mula sa Central Luzon bukas. Sa ngayo’y magpapahinga ka muna at magpapagaling. Ginoong Santiago,”
sabay lingon sa manggagamot,
“maaasahan ko bang mabibigyan mo ng paunang lunas ang punong heneral ng San Fernando?”

Tumango si Santiago, walang sinayang na oras upang lapitan ako. Naramdaman ko ang bigat ng kamay niya sa aking balikat, at ang malamig na gamot na pinapahid niya sa sugat ko’y parang apoy na humahapdi ngunit nagpapaalala na ako’y buhay pa.

“Kung gayon… sa tulong ng ilang mga sundalo na naririto ay kailangang mailayo ninyo si Heneral Guevarra at si Heneral Vicencio mula sa lugar na ito. Tiyak na babalik ang mga sundalong Kastila lalo pa’t nasa atin ang bangkay ng kanilang bagong punong heneral.”
suwestiyon ni Tinyenre Ismael.

Mula sa gilid, nagsalita si Tristan, ang tinig niya’y mababa ngunit matatag.
“Huwag kang mag-alala, Heneral Guevarra. Maaari akong maging pain upang alamin ang pinaplano ng mga Kastila.”

Napakunot ang aking noo.
“Ano ang iyong ibig sabihin, Tristan?”

Huminga siya nang malalim bago sumagot.
“Nangako po ako kay Stella… na kung dumating ang kinatatakutang digmaan sa pagitan ng aming dalawang bayan, ay sa inyo ako kakampi. Ngayong alam na nilang tumakas ako at hindi pinagbayaran ang aking kasalanan sa Madrid, ay kailangan ko nang harapin ang aking kahahantungan. Kung ako’y mamamatay, Heneral, nais kong may magawa ako upang matulungan kayo.”

Napatingin ako sa kanya—sa mga mata niyang walang bahid ng takot, tanging katapatan at paninindigan ang nandoon.

At habang sakay kami ng karomata patungo sa kinaroroonan ni Ina, umuugong sa aking isipan ang kanyang mga salita. Sa tabi ko, nakahimlay si Heneral Vicencio—wala pa ring malay, ngunit tila payapa. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang hinga na banayad ngunit mabigat, at inisip ko kung ilang buhay pa ang kailangan naming isugal upang wakasan ang lahat ng ito.

Sa bawat pag-ikot ng gulong sa mabatong kalsada, lalong bumibigat ang aking pasya. Ramdam ko ang bigat sa aking dibdib. Hindi lamang dahil sa sugat sa aking tagiliran na patuloy na dinudugo mula sa patalim ni Paz, kundi dahil sa mga iniwan kong handang lumaban para sa aming kalayaan.

Ako ang punong heneral… ngunit narito ako, nakalayo sa kanila sa oras na maaaring maging pinakamapanganib.

Nakatanaw ako sa malayo, pilit nilalakbay ng aking isipan ang mga baryo at bayan na maaaring ngayon ay pinapasok na ng mga kaaway. Sa bawat paghinga, sumisiksik sa puso ko ang pagdududa.

Tama ba na nauna ko ang aking pagpapagaling kaysa sa tungkulin ko?

“Diyos ko…”
mahina kong bulong, halos hindi marinig.
“Bigyan mo po ako ng senyales na tama ang aking naging pasya.”

Napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Heneral Vicencio. Ramdam ko ang biglang pagpisil niya—mahigpit, mainit—na wari’y nagsasabi na tama ang ginawa ko. Hindi ko na kailangang marinig mula sa kanyang labi. Sapat na ang haplos na iyon para maramdaman kong hindi ko pinabayaan ang lahat. Dahan-dahan akong tumango at ipinikit ang mga mata, sinusubukang pakalmahin ang sariling pusong tila binibiyak ng pangungulila at pagkabahala.

Pagdating namin sa pampang, inilipat kami mula sa karomata patungo sa isang maliit na bangka. Tahimik ang lahat habang tinatahak namin ang tubig na kumikislap sa liwanag ng mga alitaptap. Nagbibigay sila ng liwanag sa madilim na kapaligiran.

Malalim ang gabi nang sa wakas ay marating namin ang pook kung saan naroon si Inang Florencia. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga kuliglig at mahihinang hampas ng alon sa pampang ang sumasabay sa tibok ng aking dibdib na tila ba handa nang sumabog sa pananabik at pangungulila.

Habang bumababa ako mula sa bangka, inalalayan ako ng isa kong kawal, ngunit halos hindi ko iyon alintana. Ang tanging nasa isip ko ay ang makita ang aking ina—ang kaisa-isa kong sandigan mula pagkabata, at ngayon ay isa ring dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban.

Sa liwanag ng lamparang hawak ng isa sa mga taga-roon, nasilayan ko siya. Payat na payat, may bahid ng pangungulila sa kaniyang mga mata, ngunit nananatili pa rin ang matatag na anyo ng isang inang kayang tiisin ang lahat para sa kaniyang anak. Nang magtama ang aming mga paningin, bigla na lamang siyang napaiyak, mabilis na tinakbo ang maikling distansya sa pagitan namin, at walang alinlangang niyakap ako nang mahigpit—tila ba ayaw na niya akong pakawalan.

“Anak… Diyos ko, salamat at buhay ka,”
garalgal niyang bulong, nanginginig ang kaniyang tinig habang mahigpit ang kapit sa akin. Ramdam ko ang malamig na butil ng luha na bumabagsak sa aking balikat, at ang rosaryong hawak niya ay halos bumaon sa aking likod sa higpit ng pagkakayakap niya.

Ako man ay hindi napigilan ang pagyakap nang mariin, halos ayaw ko ring bumitaw kahit masakit ang aking mga sugat at buong katawan.

“Ina… patawarin mo ako sa lahat ng pag-aalala’t takot na idinulot ko sa’yo,”
mahina kong wika, pilit pinipigil ang pagbagsak ng aking luha ngunit tuluyan itong bumigay.

Sa sandaling iyon, tila nawala ang bigat ng sugat at kirot sa katawan ko. Ang natira na lamang ay ang init ng yakap ng aking ina—ang pinakamatibay na sandata laban sa lahat ng unos.

Pagkatapos ng ilang saglit na walang ibang iniisip kundi ang damhin ang yakap niya, dahan-dahan niya akong binitawan, pinagmamasdan mula ulo hanggang paa, wari’y sinisiguro na wala akong mas seryosong pinsala. Ngunit nang mapansin niya ang dugo sa aking tagiliran, mabilis siyang napahawak sa bibig, halos matigilan sa takot.

Mabilis ang mga naging pangyayari. Pumasok kami sa loob ng kubo kung saan binigyan ako ng paunang lunas nina Santiago at Mang Lucas. Ramdam ko ang hapdi ng bawat galaw, ngunit higit na mabigat sa dibdib ko ang kaba’t pag-aalala para sa aking bayan.

Bago ako tuluyang makatulog nang gabing iyon, narinig ko ang tinig ni Mang Lucas, mababa ngunit puno ng pag-asa.

“Maaaring magising na si Heneral Vicencio ano mang oras.”

Bahagyang gumaan ang aking loob, ngunit alam kong hindi pa roon nagtatapos ang laban.

Kinabukasan, gaya ng inaasahan, ay hindi pa rin ako lubusang magaling. Mas matindi pa ang kirot kaysa kahapon—ang bawat pasa’y tila pinapainit ng aking galit, ang mga sugat ay humihigpit, at higit sa lahat ay halos hindi ko magalaw ang tagiliran sa tindi ng hapdi mula sa tahi. Ngunit hindi ko maaaring hayaan na pigilan ako ng sakit.

Habang tumatagal ako rito, lalo lamang akong binubulabog ng aking konsensiya. Alam kong may mas malaki pang panganib na nakabitin sa ibabaw ng San Fernando. Kaya’t kahit mariing tinutulan ng aking ina—na halos mapaiyak sa takot, ay muli akong bumalik.

Ngayo’y kasama kong muli ang lima kong matatapat na sundalo. Si Heneral Vicencio at si Santiago ay iniwan ko roon, upang makabawi sa lakas at hindi malagay sa alanganin.

Pagbaba pa lamang namin sa bangka ay sumalubong na sa akin ang amoy ng usok at dugo—isang matalim na halimuyak na tila nanunuot hanggang sa kaibuturan ng aking dibdib. Sa bawat hakbang ko sa basang dalampasigan ay kumakapit sa aking mga bota ang putik na nilapatan ng dugo ng mga kapatid nating pilit ipinaglaban ang ating kalayaan.

Mula sa malayo, kitang-kita ko ang makapal na usok na bumabalot sa langit ng San Fernando, tila isang ulap ng dalamhati na hindi pa handang maglaho.

Ang mga kabahayan na dati’y puno ng tawanan ay ngayo’y abo na lamang at guho. Sa gilid ng kalsada, nagkalat ang mga bangkay—mga kababayang walang kalaban-laban, mga sundalong tumindig laban sa banyaga, ngayon ay malamig na, nakatingala sa kawalan na para bang nagtatanong kung bakit sila pinabayaan ng kanilang bayan.

Naramdaman kong tila may kumurot sa aking puso nang makita ko ang isang batang lalaki, wala pang sampung taong gulang, nakayakap sa katawan ng isang lalaking marahil ay kanyang ama. Nanigas ang aking mga kamay.

Nais kong magluksa para sa kanila ngunit wala akong oras. Ang bawat patak ng luha ay tila magiging mantsa ng aking kahinaan. Ngunit paano ko pipigilan, kung ang tanawin mismo ay sugat sa aking kaluluwa?

Lumapit sa akin si Tinyente Ismael, duguan ang kanyang uniporme, at halatang pagod na pagod ang bawat galaw.

“Heneral…”
aniya, nanginginig ang boses,
“patawad. Isang hukbo ng sundalong Kastila ang lumapag kagabi sakay ng malaking barko. Marami po sa ating mga kasamahan ang napatay… pati mga inosente. At… ang mas masakit, ilang bahagi ng Katipunan ang tuluyan nang kumampi sa mga Kastila. Sila mismo ang nagbigay ng tulong para puksain ang sarili nilang bayan.”

Para bang tinaga ako sa dibdib ng mga salitang iyon. Pinilit kong magpigil ng emosyon, ngunit ramdam ko ang pagbagsak ng aking balikat. Lumingon ako sa paligid—mga sugatan naming sundalo’y pilit pa ring nakatayo, hawak ang sandata kahit nanginginig na ang kamay.

Bigla kong napansin na ang tingin ng lahat ay napako sa dagat. Mula sa abot-tanaw, unti-unting lumilitaw ang isang dambuhalang barkong pandigma. Ngunit hindi ito kaaway—nakita ko ang mga bandilang hindi Kastila. Kasunod ang maraming bangka na puno ng mga sundalong Pilipino mula sa iba’t-ibang panig ng Luzon. Ang ilan sa kanila’y may sugat pa, ngunit dala nila ang apoy ng paglaban sa mga mata.

Huminga ako nang malalim, pinahid ang luha sa gilid ng aking mata, at tinigasan ang boses.

“Walang aatras,”
mariin kong wika.
“Lalaban tayo hanggang kamatayan para sa ating lupang sinilangan. Kung ito man ang ating huling hininga, gugulin natin ito sa dangal at hindi sa takot.”

Ngunit sa kaibuturan ko, alam kong ang laban na ito ay hindi lamang laban para sa lupa—ito ay laban para sa alaala ng bawat katawang nakahandusay sa aking harapan.

×××

-Terrorious

KABANATA 61: Traydor

Tahimik sa unang tingin, ngunit iyon ay katahimikang puno ng bagabag at dugo. Kasalukuyan kaming nasa plaza, at habang pinagmamasdan ko ang hanay ng mga sundalong Kastila sa aking harapan, hindi ko maiwasang bilangin sila isa-isa. Mahigit animnaraang sundalo, mabibigat ang hakbang, matitigas ang mukha, at nakapila nang tila pader na bakal.

At kami?
Dalawangdaan at limampu lamang.

Sa gitna ng plaza, nakatirik pa rin ang lumang simbahan—ang parehong simbahan na minsang naging puso ng bayan. Dito dati nagtitipon ang mga tao tuwing Linggo, nakikinig sa kampana, nakikipagkamay sa isa’t-isa, nagbubulungan ng balita.

Ngunit ngayon… para na lamang itong guwardiyang nakamasid sa aming pagkamatay. Ang puting pader nito ay nadungisan ng usok at pulbura, ang mga bintanang salamin ay wasak, at sa bawat sulok nito ay nakapinta ang alaala ng mga Pilipinong pinaslang sa mismong bakuran nito.

Sa tapat ng kapitolyo, naroon ang isang tanawing lalong nagpatigas ng aking dibdib. Si Padre Dencio, gapos ang mga kamay at tinutukan ng riple, kasama ang ilang madre na nakayuko at nanginginig. Mga taong nagsakripisyo para sa pananampalataya, ngayo’y ginawang bihag at panangga ng kalaban.

At sa likod ng kanilang hanay, naroon ang sampung kanyon ng pamahalaan. Malalaki, makintab, at puno ng bala, ngunit hindi para sa amin. Hawak na iyon ng mga Kastila. Alam kong hindi iyon basta nabawi bagkus ay ibinigay iyon sa kanila. Ipinagkaloob ng mga
traydor
.

Sa mga Kastila ring iyon sumapi ang ilan sa mga taong minsan kong tinuring na kapanalig. Nasa gitnang hanay, nakatayo si Donya Isabella, ang ina ni Heneral Vicencio, ang kaniyang tingin ay parang patalim na handang bumaon sa aking puso. Katabi niya si Donya Gerardo, nakabihis ng marangyang kasuotang wari’y inangkat mula pa sa Espanya, iniindayog ang ginintuang abaniko na parang wala lang sa kaniya ang patayan sa paligid.

Nasa loob ng isang marangyang karwahe si Binibining Juana, ang mukha’y walang mabasa kung awa o panunuya. Sa tabi ng kaniyang karwahe ay limang karwaheng puno ng bagahe—kayamanan at ari-ariang tiyak na galing sa mga kababayan naming ninakawan at pinahirapan.

Nakita ko rin si Ginoong Pablo na akala ko’y kapanalig, kaibigan ng aking ama, at kabesa ng bayan. Siya ang may-ari ng barkong dapat sana’y magsisilbing takas ng aking ina, mga kababaihan, matatanda at mga bata, ngunit iyon pala’y bitag lamang upang mapasakamay ng mga Kastila.

Si Tandang Dante, ang alkalde na ngayo’y nakatayo sa panig ng mga Kastila, at alam kong siya ang nagbenta ng marami naming kababayan, inilabas mula sa kanilang pinagtataguan, upang pagbayarin ng buwis bago tuluyang agawan ng ari-arian.

At higit sa lahat, ang tumusok sa aking puso ay si Kapitan Morales. Isa sa mga pinakakinikilalang matapat kong sundalo, ngunit ngayon ay naroon sa kabilang hanay, nakasuot ng uniporme ng mga Kastila, walang bakas ng pagsisisi. Hindi niya tinupad ang aking utos na pumunta sa Bacolor upang humingi ng tulong.

Ang lahat ng ito, habang sa likuran ko ay naroon si Tinyente Ismael, duguan ngunit matatag, at sa mas malayo pa’y nakahanay ang mga natitirang sundalo ng San Fernando, mga sundalo mula iba’t-ibang panig ng Luzon at ang mga kalalakihan mula sa bayan. Mga magsasakang ngayon ay may hawak nang bolo, itak, at ilang baril.

Madilim ang paligid. May bagyong paparating, at ang langit ay kulay abo na tila nakikidalamhati. Malamig ang simoy, ngunit mainit ang dugo sa aking mga ugat. Sa gitna ng paghaharap, lumapit sa akin ang isang sundalong Kastila—matangkad, matikas, at halatang may ranggo. Nakasuot siya ng unipormeng may emblem sa balikat, at sa bawat hakbang niya’y tila lumalaki ang kaniyang anino sa aking paningin.

Itinaas ni Tinyente Ismael ang kaniyang baril, handang bumaril, ngunit sinenyasan ko siya na huwag.

Huminto ang kastila sa aking harapan at nagsalita sa sariling wika, malinaw ang kaniyang tinig.

“Ríndase, General Guevarra. No nos vencerá. Los soldados de Madrid que vinieron con doña Isabel tienen experiencia en la guerra. Son mejores que sus soldados, incluso si los juntara.”

(Sumuko na kayo, Heneral Guevarra. Hindi ninyo kami matatalo. Ang mga sundalong mula sa Madrid na dumating kasama ni Donya Isabella ay mahusay sa digmaan. Mas mahuhusay sila kaysa sa inyong mga kawal, kahit pagsama-samahin pa ninyo).

Tinitigan ko siya nang diretso, at sa wikang Kastila ay mariin kong sinagot.

“Mas pipiliin kong mamatay sa pakikipaglaban kaysa sumuko at hayaang alipinin ng mga dayuhan ang sarili naming bayan.”

Ngumisi siya, na waring inasahan niya na ang aking naging sagot. Lumakad siya pabalik sa kaniyang hanay, ngunit bago tuluyang lumayo, nakita ko ang pagtango niya kay Donya Isabella. At doon ko naunawaan.
Iyon ang hudyat
.

“¡Ahora!”

(Ngayon na!)
sigaw niya.

Sabay-sabay, gumalaw ang hanay ng mga Kastila, hawak ang kanilang mga baril. Sunod-sunod na nagputukan ang mga baril, tila ulan ng apoy. Kasabay noon, ang mga kanyon ay umalingawngaw, yumanig ang lupa, at sumabog ang kapaligiran sa alikabok at apoy.

Isang putok ng kanyon ang tumama malapit sa akin, ngunit bago ako tamaan ng mga lumilipad na bakal, itinulak ako ni Tinyente Ismael. Naramdaman kong may sumabog sa aking kaliwa, at ang hangin ay puno ng sigaw at alingawngaw ng bakal.

Nang makabawi ako sa pagkakatumba, nakita kong duguan si Tinyente Ismael, ngunit tumayo pa rin siya.

Muli kong naramdaman ang kirot sa aking tagiliran—ang tahi ko’y muling bumuka, at dumaloy ang dugo. Ngunit wala akong oras upang magpahinga, sapagkat mula sa usok, lumitaw ang sundalong kausap ko kanina. Wala siyang sinasanto. Walang awa niyang binabaril ang bawat Pilipinong madadaanan.

Doon ko naunawaan—
ako ang pakay niya.
Nang itutok niya sa akin ang kaniyang baril, agad akong kumilos, iniwasan ang bala, at umatras nang kaunti. Sumugod si Tinyente Ismael upang harangin siya, at doon ko nakita kung gaano kahusay ang Kastilang iyon sa pakikipaglaban.

Baril, espada, kamao—lahat ay gamit niya na parang iisang galaw lamang. Ang paligid ay nagkakagulo. Sunod-sunod na putok ng baril, sigaw ng sugatan, at putok ng kanyon. Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, parang kaming tatlo lamang ang nasa mundo.

Lumaban ako, kahit magkahalong kirot at pagod ang nadarama ko. Pinilit kong tamaan ng baril ang sundalong parang imortal, ngunit bawat atake ko’y kaniyang nababasa. Si Tinyente Ismael naman na kahit sugatan, ay sumasabay sa aking galaw. Hanggang sa matamaan niya ng baril ang dibdib nito, ngunit hindi pa rin ito natumba. Para bang bato ang laman nito.

Isang bigwas ang tumama sa aking sugat sa tagiliran. Parang umikot ang mundo ko, at nakita ko ang dugo ko sa lupa. Ngunit pinilit kong tumayo. Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita akong nakaluhod.

“Marami sila, Heneral!”
sigaw ni Tinyente Ismael habang tinatabig ng kaniyang tabak ang isa lang sundalong kastila na papalapit.

“Mas marami ang ating pinaghuhugutan, Tinyente!”
balik ko, kahit dama ko ang hapdi ng aking dibdib sa bawat Pilipinong bumabagsak sa putikan, nag-aagaw buhay.

Sa gilid ng aking paningin, nakita ko ang mga miyembro ng katipunan na dati’y ipinangako kong poprotektahan, ngunit ngayo’y nakatayo lamang. Walang ginagawa. Ang ilan pa nga ay nakangisi, wari’y tuwang-tuwa sa aming pagdurusa. Mga kababayang sana’y kasama sa digmaan, ngayo’y nakatalikod sa bayan at nakapaloob sa panig ng mga Kastila.

Nagpatuloy ang laban hanggang sa pareho na kaming bumagsak ni Tinyente Ismael. May tama ako ng bala sa braso, habang si Tinyente Ismael naman ay tinamaan sa likod—bala na para sana sa akin. Parehas kaming sugatan at kapwa naghihingalo.

Habang nakahandusay kami ay patuloy ang patayan sa paligid. Ramdam ko na ang hirap sa paghinga, at isang bahagi ko’y gustong sumuko. Ngunit bago pa tuluyang bumagsak ang lahat, lumapit muli ang kastilang parang manhid sa suntok at balang pinatama namin ni Tinyente Ismael.

Bago pa ako makapihit, mahigpit na niyang isinakal ang aking leeg. Ramdam ang matigas niyang bisig na halos punitin ang aking hininga.

“Ríndete ya!”

(sumuko ka na!)
, mariin niyang utos, ang boses niya’y malamig at puno ng paghamak. Sumunod ang dagundong ng aking puso, ngunit ang sagot ko’y pag-iling.

Hindi.
Hindi ako susuko
.

Nagsalubong ang kaniyang kilay, at sunod-sunod ang kaniyang suntok sa aking mukha. Malakas, walang patid hanggang sa magdilim ang paningin ko.

“Si el general Vicencio hubiera cumplido su promesa a doña Isabella… si te hubiera matado antes, ¡no habría terminado así!!”

(Kung tinuloy lamang ni Heneral Vicencio ang pangako niya kay Donya Isabella… kung pinatay ka niya noon pa ay hindi na sana hahantong sa ganito!).

¿Qué vio en ti General Vicencio? Está dispuesto a desobedecer a su madre, dispuesto a arriesgar su posición… ¡¿por ti?!”

(Ano bang nakita ni Heneral Vicencio sa iyo? At handa niyang suwayin ang kaniyang ina, handang isugal ang kaniyang posisyon… para sa iyo?),
singhal niya.

Itinaas niya muli ang kaniyang kamao, saka tumigil. Huminga siya nang malalim, tila sinusukat ang aking huling sandali.

“Isang salita lamang… sabihin mong sumusuko ka, at titigil na ang lahat ng patayang ito.”
aniya sa wikang kastila.

Dahan-dahan kong binuka ang bibig, halos hindi niya marinig ang aking tinig. Lumapit siya, inilapit ang kaniyang tainga sa aking labi. At doon, malakas akong sumigaw.

“Mamatay ka na!”

Mabilis siyang umatras, galit na galit, at agad niyang itinutok ang baril sa aking sentido ngunit hindi niya naituloy ang kaniyang binabalak.

Mula sa malayo, sa gitna ng alikabok at usok ng labanan, isang matinis na putok ang bumasag sa ingay ng mga sigaw at yabag.

Naramdaman kong binitiwan ako ng sundalong kastila. Isang sigaw ng sakit ang sumabog mula sa kaniyang bibig nang tamaan ang kaniyang paa. Bumagsak siya sa lupa, napamura sa wikang Kastila.

Napatingin ako sa pinanggalingan ng putok ng baril. At mula roon ay nakita ko siyang muli
. Si Heneral Vicencio
. Nakasakay siya sa isang itim na kabayo, papalapit mula sa malayo. Kasama niya ang napakaraming sundalong Kastila, ngunit kapansin-pansin na ang karamihan sa kanila’y nakasuot ng unipormeng pang-Pilipino. Ang ilan ay agad kong namukhaan—mga sundalong kasama niya noon sa kaniyang pagsasanay, ngayo’y nakaharap sa parehong laban.

Huminto ang putukan, tila biglang huminto rin ang hangin sa mismong sandaling pumasok si Heneral Vicencio sa gitna ng nagbabanggaan. Bumaba siya mula sa kabayo, at doon ko napansin na hindi niya suot ang emblema ng Espanya na pagmamay-ari niya, ang sagisag ng kaniyang mataas na katungkulan. Sa halip, suot niya ang kasuotan ng isang sundalong Pilipino.

Lumapit siya sa akin, at bago ko pa maintindihan ay ikinulong niya ako sa kaniyang bisig. Hinaplos niya ang aking mukha, at nakita ko sa kaniyang mga mata ang galit at pangungulila na naghalo sa iisang ningas. Nang makita niya ang dugo sa aking tagiliran, at ang mga sugat sa aking mukha at katawan ay dumilim ang kaniyang ekspresyon.

“S-sino?…”
nanginginig ang kaniyang boses,
“Sino ang gumawa sa iyo nito, mahal ko?”

Hindi ako nagsalita. Bagkus, ginamit ko ang nanginginig kong kamay upang hawakan ang kaniyang pisngi. Mahigpit niyang hinawakan ang aking palad, saka marahang hinalikan iyon habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.

“Patawad…

aking sinta

,”
bulong niya, halos mabasag ang tinig.
“Nahuli ako… Nabigo akong protektahan ka.”

Mula sa hindi kalayuan, sumigaw ang isang pamilyar na tinig ni Donya Isabella.

“Javier! Hijo!”
pagtawag niya sa kaniyang anak.

Ngunit sa halip na malusaw ang galit sa mga mata ni Heneral Vicencio ay lalo lamang itong nag-alab.

Tinawag niya si Santiago sa wikang kastila,
“Gamutin mo siya. Siguruhin mong mabubuhay siya.”

Tumango si Santiago at sinimulang alalayan ako palayo, kahit na pilit akong nanatili upang makita ang mga susunod na mangyayari. Ilang sundalong Kastilang kakampi ni Vicencio ang lumapit at binuhat palayo sina Tinyente Ismael, mga kalalakihan at sundalong pilipinong nag-aagaw buhay dulot ng mga kastila.

Bahagyang lumapit si Heneral Vicencio sa gitna nang laban. Nakita ko ang pagtiim ng kaniyang panga habang tinitingnan isa-isa ang mga kapanalig ng kaniyang ina. Sa malamig na tinig ng isang hukom, siya’y nagsalita.

“Todos los que dañaron al Comandante en Jefe de San Fernando… pagarán con su vida. Y contigo empezaremos…”

(Lahat ng nanakit sa Punong Heneral ng San Fernando ay magbabayad ng kanilang buhay. Sa iyo tayo magsisimula…)

Muli niyang pinaputok ang baril. Ngunit sa halip na itutok iyon sa harap, ibinaon niya ang tingin sa kaaway. Pinakawalan niya ang punglo diretso sa sentido ng kastilang pilit naming pinabagsak ni Tinyente Ismael dahilan upang tuluyan na itong mawalan ng buhay.

×××

-Terrorious

KABANATA 62: Kayamanan

Hindi ko maikubli ang pagkabog ng aking dibdib. Bahagya akong nakasandal sa loob ng karwahe, habang si Santiago’y abala sa paglilinis ng aking sugat. Amoy ko pa rin ang usok ng pulbura na pumapasok sa bawat siwang ng takip. Sa labas, rinig ko ang putok ng mga riple at ang matatalim na sigaw ng mga sugatan. Nais kong lumabas, sumama sa kanila, hawakan muli ang aking tabak at patayin ang sinumang Espanyol na haharang. Ngunit pinipigilan ako ni Santiago, matatag, wari’y isang pader na hindi ko malampasan.

Ang ugong ng mga kanyon ay tila alon ng kamatayan na paulit-ulit na sumasalpok sa pandinig ko. Sa bawat pagsabog, yumanig ang lupa, at kasabay nito ay ang pagbagsak ng isa na namang kababayan — sundalo, magsasaka, binata — lahat lumaban para sa iisang mithiin. Ang makita ang araw ng kalayaan.

Kasabay ng labang iyon, sa gilid ng plaza, natanaw ko ang mas masakit pang tanawin. Hawak pa rin ng mga sundalong Espanyol sina Padre Dencio at ilang madre mula sa kumbento. Pinagkakabigkis ang kanilang mga kamay, pinipilit silang lumuhod sa lupa, tila panangga laban sa mga Pilipinong maaaring sumugod. Ang mga madre, nakayuko, nanginginig, at may ilan na umiiyak nang walang tunog. Si Padre Dencio’y nakatingin sa akin mula sa malayo, wari’y nagmamakaawa hindi para sa kaniyang sarili, kundi para sa lahat ng inosenteng kaluluwa sa kanilang piling.

“Hindi na ako manonood lamang!”
bulalas ko, itinutulak ang kurtina ng karwahe.

“Patawarin mo ako, Heneral Guevarra,”
mariin ang wika ni Santiago sa Espanyol habang hinaharangan ako.
“Ngunit hindi kita pahihintulutang ilagay sa panganib ang sarili mo ngayon.”

“Huwag mo akong pigilan, Santiago! Ano pang silbi ko bilang heneral ng sarili kong bayan kung ang heneral ng Espanya ang lumalaban para sa akin!”
pasigaw kong tugon, ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay.

“Kung lalabas ka ngayon,”
sagot ni Santiago sa sariling wika,
“wala nang magliligtas sa bayan na ito kapag kapwa kayo nawala. Maniwala ka, heneral. Ang iyong

kaligtasan

ay sapat na upang manatiling matatag ang aming punong heneral.”

Napakuyom ako ng kamao, nanlalabo ang paningin ko sa galit at panghihinayang. Ngunit nanatili ako sa loob, pinagmamasdan ang isang laban na maaaring magtapos sa pagkawala ng tanging taong handang ipaglaban ang kalayaan kahit laban sa sariling dugo.

Sa kaniyang bawat galaw at husay sa pakikipagdigma ay hindi maikukubling isa siyang tunay na punong heneral. Siya’y tila nilalang na hinubog ng apoy at dugo. Sa bawat pag-apak ng kaniyang bota sa putikan na nalugmok sa pulang dugo, may kasunod na pagbagsak ng isang kalaban. Hawak niya ang kaniyang baril, at sa bawat paghila niya ng gatilyo ay walang nabubuhay na sundalong Espanyol na kaniyang tinutukan. Ang kaniyang mga galaw ay mabilis, matalim, at tumpak—para bang ang mismong kamatayan ang gumagabay sa kaniyang mga kamay.

Hindi ko mawari kung papaanong sa dami ng kaniyang nakakalaban ay nananatili pa rin siyang matatag. Ang uniporme niyang suot ay halos hindi na makilala. Balot ito ng dugo, ngunit hindi sa kaniya, kung hindi ng mga dugong ibinuhos ng kaniyang mga pinaslang. Ang kaniyang mukha ay walang bakas ng panghihina. Bagkus, iyon ay nag-aapoy sa matinding galit at pagnanais na tapusin ang lahat.

Maging ang mga sundalong Espanyol ay tila nanginginig tuwing nakakaharap siya. Hindi sila basta-basta lumalapit. kinakailangan nilang magsama-sama, magtipon ng lakas, at kahit ganoon, isa-isa pa rin silang napapatumba. Ang bawat bala ni Javier ay hindi nasasayang. Ang bawat pagtutok niya ng baril ay may kasamang sigaw ng isang kalaban na nawalan ng hininga.

Mula sa kalayuan, ay wala akong makita sa mata ni Donya Isabella na kahit anong bakas ng pag-aalala para sa anak niyang si Javier. Sa halip, siya pa ang tila nag-uutos ng mas maigting na pagpapaputok. Sa tuwing tataas ang kaniyang kamay, may kasunod na ulan ng bala.

Ang mas masakit pa ay ang mga kasapi ng Katipunan na dati’y itinuturing kong kapatid sa laban ay kasama niya. Mga kababayang nakatingin sa amin na para bang kami ang tunay na kalaban gayong sila naman ang sumasaksak sa sarili nilang lahi patalikod.

Dahil sa pinagsamang husay ni Heneral Vicencio, ng kaniyang mga kawal, ng mga sundalong pilipino, at ng mga mamamayan na ang iba’y walang ibang sandata kundi itak, sibat, at lakas ng loob, ay unti-unting nabawasan ang bilang ng mga sundalong Espanyol. Subalit hindi iyon naging madali.

Bawat hakbang pasulong ay katumbas ng dugo. Bawat putok ng riple ay may kasabay na sigaw ng isang amang hindi na masisilayan ang kaniyang anak, o ng isang kabataang sundalong bumagsak nang hindi na muling babangon.

Mas marami ang baril ng mga Kastila, mas bihasa sila sa taktika ng digmaan, ngunit mas malakas ang alab ng damdamin sa dibdib ng mga Pilipino. Nakita kong may mga magsasaka na, kahit sugatan na, patuloy pa ring sumusugod hawak ang itak na nanginginig sa dugo ng kaaway. May mga kawal na, matapos maubusan ng bala, ay ipinangsangga ang sariling katawan upang mapigil ang paglusob ng kalaban. Narinig ko ang mga dasal na pabulong ng mga sugatan—dasal ng pagsuko sa Maykapal, dasal ng pag-asa na sana’y mailigtas ang bayan kahit sila’y mawala.

Nang mapansin ng mga nakatataas na opisyal ng katipunan na malapit na kaming magtagumpay ay nagsimula na silang magkumahog sa pagtakas.

Sa isang gilid ng larangan, natanaw ko si Ginoong Pablo na siyang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama. Hindi ko sukat akalaing aabot siya sa ganitong antas ng kahihiyan. Sumusunod siya sa isang karwahe, bitbit ang isang mabigat na baul na hindi ko na kailangang buksan upang malaman ang laman. Salapi, ginto, marahil pati mga alahas na ipinagpalit niya sa dangal at pagkatao. Lalong sumidhi ang aking poot nang maisip kong mula iyon kay Donya Isabella, bilang kabayaran sa kaniyang pagtataksil hindi lamang sa akin, kundi sa inang bayan.

Kasunod niya si Tandang Dante, walang bahid ng hiya, walang bakas ng takot—naglalakad na parang pangkaraniwan lamang ang lahat. Inagaw niya ang isang kabayo mula sa karwahe ni Binibining Juana. Ngunit walang awa itong pinakawalan. Sa kanyang balikat ay nakasabit ang isang sako, halatang puno ng mga alahas at hiyas—mga yamang ninakaw mula sa pawis at dugo ng mga kababayan. Isang silaw na mamamatay na rin sa kinang ng ginto. Mabilis siyang naglaho sa alikabok ng lansangan, iniwan ang mga kasama upang ipagpatuloy ang kanilang pakikibaka habang siya’y sumakay patungong kawalan.

Nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ko mapigilan ang ibaling ang tingin sa mga sundalong nakapaligid sa karwahe—mga kawal na, bagamat sugatan at pagod, ay tapat pa ring nakatingin sa akin.

“¡Síganlos! ¡No los dejen ir sin compensación por su traición!”

(Sundan ninyo ang mga iyan! Huwag ninyo silang paalisin na walang kabayaran sa kanilang pagtataksil!).

Matalim ang aking tinig, tila bakal na sumasagasa sa kanilang pandinig. Tumango ang ilan, walang alinlangan. Agad nilang sinunggaban ang mga kabayo, sinikap sumunod sa alikabok na iniwan ng mga traydor.

Sa kabilang banda, nanginginig sa takot si Donya Gerardo habang kapit na kapit sa gilid ng karwahe. Hindi siya makaalis, sapagkat kulang ang kabayo na hihila sa kanilang sasakyan. Kita ko ang mga mata niyang naglalakbay sa paligid, wari’y naghahanap ng paraan upang iligtas ang sarili. Sa tabi niya, si Binibining Juana ay nangingilid ang luha, hawak-hawak ang laylayan ng saya ng matanda, pilit itong pinapakalma.

Sa isang iglap, nakita kong mayroong ibinulong si Donya Gerardo sa tainga ni Kapitan Morales nang lumapit ito. Isang lihim na sinadya niyang hindi marinig ng kahit sino maliban sa kaniya. Ngunit batid ng aking puso na wala iyong maidudulot na mabuti. Kumabog ang dibdib ko nang biglang ilabas ni Kapitan Morales ang isang granada mula sa kaniyang sinturon.

“Diyos ko…”
bulong ko, nanlalamig ang mga palad ko sa aking hawak na baril.

Nagkukumahog akong lumabas mg karwahe at bago pa ako makalapit, isinindi iyon ni Kapitan Morales gamit ang nakasinding misa na iniabot ni Donya Gerardo.

“Javier! Ang iyong ina!”
sigaw ko, halos mapatid ang aking tinig.

Napatigil sa pagsugod si Heneral Vicencio. Ang mga mata niya, puno ng pagkalito at pangamba, ay agad lumingon sa direksyon ng kaniyang ina.

Ngunit huli na ang lahat.

Sa harapan mismo ni Donya Isabella, ibinato ni Kapitan Morales ang granada—isang sandata ng kapahamakan na lumipad sa ere na para bang mabagal ang lahat ng bagay.

Sumabog ang granada kasabay ng nakabibinging dagundong. Gumuhit ang apoy at alikabok, lumipad ang mga pira-pirasong kahoy at bakal mula sa karwahe. Narinig ko ang huling titig, huling tawag, at huling pagtulo ng luha ni Donya Isabella habang nakatingin sa kaniyang anak.

Hindi ito tumakbo. Ni hindi ito gumalaw sa kaniyang kinatatayuan. Waring tinanggap niya iyon para pagbayaran ang kaniyang kasalanan o marahil ay upang mapatawad ng kaniyang nag-iisang anak.

Napasubsob si Heneral Vicencio sa lupa, hawak ang kaniyang ulo. Nakita ko ang kaniyang mukha, puno ng abo, dugo, at luha. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at tumakbo ito palapit sa kaniyang inang wala nang buhay. Niyakap niya ang katawan ng kaniyang ina na ngayo’y nagkalasog-lusog, at humulagpos sa kaniyang lalamunan ang isang tinig na hindi ko kailanman narinig mula sa kaniya.


¡Madre… mírame! Por favor… contéstame…”

(Ina… tingnan mo ako! Pakiusap… sumagot ka…),
paulit-ulit niyang pabulong na tila dasal, habang ang kaniyang mga palad ay nanginginig na nakayakap sa malamig na katawan.

Tumigil ang digmaan. Ang mga Espanyol at mga Pilipino ay kapwa natigilan, parang mga estatwa na binura ng biglaang bagyo ang kanilang galit. Ang mga sundalong Kastila ay isa-isang nagbaba ng kanilang sandata, at maging ang mga bihag—sina Padre Dencio at mga madre ay agad na pinalaya, tila ba ang mismong kasawian ni Heneral Vicencio ang pumunit sa pusod ng labanang iyon.

Naroon ako, at bawat sigaw ni Javier ay tila punyal na paulit-ulit na isinusubsob sa aking dibdib. Hindi ako makalapit. Hindi ko magawang hawakan siya, sapagkat alam kong ang sakit na iyon ay kaniya lamang—sakit ng isang anak na nawalan ng ina, kahit pa iyon ay isang inang minsan ay tumakwil sa kaniya.

Kahit pa itinakwil siya ni Donya Isabella, kahit pa walang kalinga ang iniukol dito noong siya’y nabubuhay, sa huli’y hindi maitatanggi ng dugo ang ugnayan nila. At ngayo’y nakita ko kung paano gumuho ang isang mandirigmang tila bakal kanina lamang at ngayo’y isa na lamang siyang anak na umiiyak sa piling ng bangkay ng kaniyang ina.

“Perdóname… si alguna vez… no fui el hijo que deseabas…”

(Patawarin mo ako… kung sakaling… hindi ako naging anak na iyong ninanais…)
garalgal niyang bulong, at kasabay noon ang pag-agos ng kaniyang mga luha na bumabasa sa damit ng kaniyang ina.

Bumaling ako, at nakita ko si Donya Gerardo. Sa halip na may bakas ng pagkahabag sa kaniyang mukha, nangingislap ang kaniyang mga mata sa isang kasuklam-suklam na kasiyahan.

Hawak ang palapulsuhan nang humahangos na si Binibining Juana. Sa utos ni Donya Gerardo ay mabilis nilang isinakay ang mga baul ng kayamanan—mga ginto, alahas, at salaping mula kay Donya Isabella. Tumakas sila gamit ang karwahe habang minamaneho iyon ni Kapitan Morales.

Ngunit hindi ko hahayaang makalayo pa sila.

Hiniram ko ang kabayong nasa karwahe at hindi na ako pinigilan ni Santiago. Kasama ang mga sundalong Espanyol ay mayroon kaming isang layunin—ang tugisin ang mga traydor.

Ang kanilang karwaheng kinasasakyan ay patungo na sa makapal na gubat, pataas ng bundok, tangan ang mga baul ng kayamanan na ninakaw mula sa bayan at mula sa bangkay ni Donya Isabella.

Habang nakatanaw pa ako sa likuran, nakita ko si Javier na nakayakap pa rin sa kaniyang ina.

Ang mga kabayo’y dumadagundong ang mga yabag sa lupa habang tinutugis namin ang karwaheng sinasakyan nina Donya Gerardo, Binibining Juana at Kapitan Morales. Ang hangin sa gubat ay mabigat, puno ng amoy ng pulbura at sariwang dugo mula sa labanan sa San Fernando. Ang mga sanga ng punongkahoy ay humahampas sa aking balikat, ngunit hindi iyon naging sagabal. Tanging iisang mithiin ang nanunuot sa aking diwa—ang wakasan ang pagtataksil nina Kapitan Morales at ng mga Gerardo.

Sa tuktok ng isang burol, bumigay ang gulong ng karwahe. Bumaling si Donya Gerardo, yakap ang isang baul ng ginto at hiyas, at nataranta ang kaniyang mga mata. Samantala, mabilis na tumalon si Kapitan Morales mula sa karwahe, baril ang tangan at agad na nagtago sa likod ng makakapal na punongkahoy.

“Heneral Guevarra!”
sigaw niya, paos ngunit puno ng pang-uuyam.
“Kaninong panig ka ba talaga? Sa bayan? Sa mga Kastila? O sa sarili mong pusong naliligaw?”

Huminto ako at tinaas ang aking kamay, hudyat sa mga sundalong Espanyol na huwag makialam
. “Nadie más se moverá. Yo me encargaré de esto.”

(Ako ang bahala rito.Walang ibang gagalaw).

Bumaba ako sa aking kabayo at dahan-dahang lumapit sa anino ni Kapitan Morales. Dumadagundong ang dibdib ko, hindi dahil sa takot, kundi sa bigat ng katotohanang isa na namang Pilipinong tumalikod sa bayan.

“Kapitan Morales!”
sigaw ko habang hawak ang aking baril.
“Hindi na ito tungkol sa panig—ito’y tungkol sa ating dangal! Ikaw na sana’y dapat nagtatanggol sa ating lupa, ay mas piniling kumampi sa nais itong angkinin.”

Mula sa kaniyang pinagtataguan, biglang pumutok ang kaniyang baril. Dumaplis iyon sa aking balikat, at agad kong naramdaman ang apoy ng sugat na gumapang sa laman ko.

“Ako’y hindi matitinag ng iyong bala,”
mariin kong bulong sa aking sarili.

Nagkaharap kami sa gitna ng masukal na gubat. Siya’y muling nagpaputok, ngunit lumihis ang bala. Ako nama’y mabilis na sumugod, at bago niya maiputok muli ang kaniyang armas, nasipa ko ito at tumilapon sa putikan. Doon nagsimula ang aming marahas na sagupaan—hampasan ng kamao, suntukan ng pwersa at galit.

Mabigat ang kaniyang kamao, at ilang ulit akong tinamaan sa panga at sikmura kung nasaan ang aking malalim na sugat. Ngunit sa bawat pagbagsak ko, muli akong bumabangon, sapagkat alam kong higit pa sa aking buhay ang nakataya rito.

Sa huli, nagawa kong ipitin ang kaniyang braso, sinakal siya gamit ang aking sugatang lakas, at itinumba sa lupa. Itinutok ko ang aking baril sa kaniyang sentido—isang simpleng paghilang lamang sa gatilyo at magwawakas ang kaniyang kasinungalingan.

“Tapusin mo na ako, Heneral Guevarra!”
sigaw ni Kapitan Morales, habang duguan ang bibig.
“Mas mabuti pang mamatay ako kaysa makita ang pagkatalo ng aking panig!”

Ngunit mariin kong ibinaba ang baril at bumulong sa kaniyang kaliwang tainga
, “Hindi. Hindi ko ikinagagalak na wakasan ang buhay ng isang traydor nang ganoon kabilis. Nais kong makita kang maghinagpis nang paunti-unti, nang mabagal… at hilinging sana’y winakasan ko na ang iyong buhay.”

Lumingon ako sa mga sundalong Espanyol na naghihintay.
“¡Arréstenlo! ¡Entréguenlo vivo a la justicia!”

(Dakpin siya! Buhay siyang isuko sa hustisya!).

Agad silang lumapit, pinosasan si Kapitan Morales, at itinayo nang marahas. Pilit pa rin siyang nagpumiglas, subalit wala na siyang laban.

Mula naman sa hindi kalayuan, natanaw ko si Donya Gerardo habang nagmamakaaawa sa kaniya ang kaniyang anak. Yakap-yakap pa rin niya ang baul ng kayamanan, dinidilaan ang mga gintong baryang kumikislap sa araw. Para siyang nawala sa sariling pag-iisip, paulit-ulit na binubulong ang mga salitang walang saysay.

“Sa akin ito… sa akin lahat ito… hindi ninyo ito makukuha… hindi ninyo ito makukuha…”
garalgal niyang bulong habang pinupulot ang mga nagkalat na salapi sa putik, pinupuno ng lupa ang kaniyang mga palad ngunit waring wala na siyang pakialam.

“Ina, p-pakiusap. Hindi na mahalaga ang mga kayamanang iyan. Tayo na po! Lumayo na tayo rito!”
umiiyak na pagsusumamo ni Binibining Juana habang pilit siyang hinihila patayo. Ngunit, sa halip na sumunod, itinulak siya ng kaniyang ina nang mariin.

“Juana! Anak! Tulungan mo ako rito. Hindi maaaring maagaw ito sa akin! Ang lahat ng ito’y atin na, anak! T-tatakas tayo kasama ang iyong ama…”
nanginginig ang tinig ni Donya Gerardo, wari’y hindi na niya alam kung nasa kasalukuyan ba siya o hinahabol ang mga pangarap na matagal nang naglaho.

“Tutuparin na namin ang aming pangako ng iyong ama sa iyo, anak ko. H-hindi ka na ipapakasal sa lalaking hindi mo mahal, o sa lalaking may mataas na katungkulan. Ako ang bahala sa iyo… ako… ako…”
dagdag pa ng ina ni Binibining Juana.

Napasapo ng mukha si Binibining Juana at humikbi. Lumuhod siya sa tabi ng kaniyang ina at dahan-dahang niyakap ito. Kahit pa pilit siyang tinutulak at pinapalo ni Donya Gerardo sa dibdib, hindi siya bumitaw.

“Ina, makinig ka po sa akin…”
halos wala nang tinig si Binibining Juana, nanginginig ang mga balikat habang sumisikip ang kaniyang dibdib.
“H-hindi mo na po kailangan ang mga kayamanang iyan. Hindi ko po kailangan ng ginto o mga baul. Ang kailangan ko po… kayo. Ikaw, ina. Ayaw ko pong mawala ka sa akin.”

Pinunasan niya ang kaniyang mga luha gamit ang maruming palad at idinikit ang kaniyang noo sa balikat ng ina.
“Mayroon na po akong naipon kahit kaunti, ina. Kaya na tayong buhayin, kahit simpleng buhay lamang. Kahit walang mararangyang kasuotan, kahit walang karwahe. Ang mahalaga, magkasama po tayong dalawa. Pakiusap, ina… piliin mo ako, hindi ang mga bagay na iyan.”

Ngunit tila bingi si Donya Gerardo, nanlalaki ang mga mata habang patuloy na kinakawit ang mga kamay sa baul na puno ng kayamanan.
“Hindi… hindi ko ito bibitawan. Lahat ng ito’y para sa iyo, Juana! Para sa iyo! Kapag kinuha nila ito, wala nang saysay ang lahat!”

“Pero ina…”
bumuhos ang hagulgol ni Binibining Juana, halos mamatay ang kaniyang tinig sa bigat ng sakit na sumisingaw sa bawat salita
. “Ako lang po ang kailangan ninyo. Hindi ko po kailangan ang kayamanan… ina, ako po ang anak ninyo. Ako po.”

At doon, tuluyan nang nagdugo ang puso ko sa nasaksihan. Ang isang inang nabaliw sa kasakiman, at isang anak na umiiyak, pilit ipinapaalala na higit pa sa lahat ng ginto’t salapi, siya mismo ang kayamanan na dapat yakapin.

“Basta’t sa akin ito!”
hiyaw ni Donya Gerardo at itinulak ng ubod-lakas ang sariling anak, dahilan upang bumagsak si Juana sa putikan.

Makirot man ang aking puso ay inutusan ko ang mga sundalong hulihin ang mag-inang Gerardo. Patuloy na nagpupumiglas si Donya Gerardo, kumakapit pa rin sa mga gintong baryang hawak, nagngangalit at umiiyak na parang isang nilalang na tuluyan nang ninakawan ng katinuan. Samantalang si Binibining Juana ay walang magawa kundi ang umiyak at makiusap para sa kaniyang ina.

Lumapit pa siya, halos gumapang, upang hawakan ang aking mga paa.
“Patawarin mo po kami… patawarin niyo na lamang siya, Heneral. Hindi niya na alam ang kaniyang mga ginagawa. A-ako po ang may kasalanan kung bakit siya naging ganito. Ako po ang dahilan kaya’t ninanais niyang ingatan ang mga kayamanang ito. Ako po ang kaniyang kasalanan at kahinaan…”

Pinikit ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita, ang pagkalas ng kaluluwa ni Juana sa bawat pakiusap, at ang pait ng katotohanang minsan ang tao, sa sobrang paghahangad ng yaman at kapangyarihan, ay tuluyan nang nadidiliman ang pag-iisip.

Ngunit ako’y isang
Heneral
—hindi ako maaaring palambutin ng damdamin. Isa itong digmaan, at lahat ng kasalanan ay may kapalit na hustisya.

Bumigkas ako ng mabigat na tinig, halos mabasag ang aking boses sa bigat ng pasya,
“Hulihin silang mag-ina. Huwag silang saktan… ngunit ilayo sa kayamanan. Hayaan ninyo na ang kanilang kapalaran ay hatulan ng kanilang sariling gawa.”

Sa utos kong iyon, lumapit ang mga sundalo. Pumalag si Donya Gerardo, nagngangalit, kumakapit sa baul ng ginto habang pilit na hinihila ang kaniyang mga kamay. Ang kaniyang tinig ay isang sigaw ng isang taong nabaliw sa pagkahumaling.

“Hindi! Hindi ninyo ito makukuha! Sa akin ito! Sa amin ni Juana ito! Anak! Tulungan mo ako! Juana!

Ngunit si Binibining Juana, sa gitna ng lahat, ay yakap-yakap lamang ang kaniyang ina, umiiyak nang walang tigil. ”
Ina… tama na po. Patawad… patawad…”

At sa tagpong iyon, ako’y nanatiling nakatayo, hawak ang aking baril na tila biglang naging mabigat sa aking palad. Sa kabila ng aking matatag na anyo, ang aking dibdib ay dinudurog ng isang mapait na paalala. Ang digmaan ay hindi lamang kumikitil ng buhay—kundi pati ng puso, ng isipan, at ng mga pamilya.

×××

Author’s Note:

Sa lahat ng masusugid kong mambabasa, taos-puso akong nagpapasalamat sa inyo na nakasubaybay hanggang sa kabanatang ito at matiyagang naghintay sa aking pagbabalik.

Malapit na pong magwakas ang Alapaap at masakit man sa aking pakawalan sina Ryannel at Javier, ay marami na silang pinagdaanan.

Gayunpaman, sana’y suportahan niyo rin sina Eladio at Mateo sa bago kong akdang pinamagatang
Alipato
.

-Terrorious

KABANATA 63: Nobleza

Mahaba na ang limang buwan mula nang huling dumanak ang dugo sa aming bayan. At ngayong gabi. Gabi ng Pasko ng pagkabuhay at pag-asa. Kami’y narito sa loob ng simbahan ng San Fernando.

Tahimik ang lahat, maliban sa pag-ugong ng kampana na waring nagpapaalala ng parehong saya at lungkot. Nasa unahan kami ng mga upuan—ako, si Inang Florencia, at si Jose na nakaupo sa gitna naming mag-ina. Hawak ni Jose ang munting rosaryo na bigay ni Stella noon pa man, at pinaglalaruan niya iyon na para bang iyon ang tanging laruan sa buong mundo.

Sa altar, nakatayo si Padre Dencio, nakasuot ng kaniyang puting abito at nakangiti sa kabila ng lahat ng pinagdaanan. Nagsimula siyang magsermon, ang tinig niya’y umaalingawngaw sa bawat sulok ng simbahan.

“Mga kapatid,”
wika niya,
“nawa’y alalahanin natin ang sinabi ng ating Panginoon sa Banal na Kasulatan na

‘Mapapalad ang mga umiiyak, sapagkat sila ay aaliwin.’

Sapagkat tulad ni Kristo, tayo man ay dumaan sa hirap, sa pagkawasak ng pamilya, sa pagkakait ng dangal. Ngunit narito tayo ngayon—buhay, nagdiriwang, at malaya.”

Ang mga salitang iyon ay tumimo sa aking dibdib. At sa biglang pag-usal ni Padre Dencio ng mga pangalan ng mga yumao, naalala ko si Stella.

Noong mga panahong buhay pa siya, tuwing Pasko, siya ang pinakahuling nagigising sa aming tatlo. Lagi siyang nakakatulog sa misa, nakasandal sa aking balikat, at palaging napapagalitan ni Inang Florencia.

Stella, iha, imulat mo ang iyong mga mata. Tayo’y narito sa simbahan at hindi ito ang iyong silid”

sadyang matalim na sasaway ng aking ina noon, habang kami’y nagpipigil ng tawa.

At si Mang Romolo… siya ang laging nasa labas, tangan ang renda ng karwahe, at sasalubong sa amin paglabas ng simbahan.

“Nakanda na po ang mesa, Donya Florencia. Halina po’t malamig na ang hamon,”

iyon ang paborito niyang sambit tuwing kapaskuhan.

Ngayo’y wala na sila
. Ang bangko ng simbahan kung saan lagi nakaupo si Stella ay bakante. Ang tarangkahan kung saan hinihintay kami ni Mang Romolo ay wala nang nakatigil na karwahe.

Napatingin ako sa paligid. Ang mga tao, ang aking bayan ay naririto. Ang ilan ay nakayuko, taimtim na nagdarasal. Ang iba nama’y luhaan, waring binabalikan ang mga mahal nilang hindi na muling makakapiling.

Muli kong narinig ang tinig ni Padre Dencio.

“Mga anak, totoo ngang maraming sugat ang iniwan ng masamang pananakop. Ngunit higit sa lahat, huwag nating kalimutan na ang ating kasarinlan ay naipaglaban. Hindi nasayang ang dugo ng ating mga kapatid. Sapagkat sila ang naging haligi ng ating kalayaan. At ngayong Pasko, ipagbunyi natin hindi lamang ang kapanganakan ng ating Panginoon, kundi ang kapanganakan ng ating bayan.”

Dinig ko ang hikbi ni Inang Florencia. Nakayuko siya, hawak-hawak ang kaniyang rosaryo, at dahan-dahang pinupunasan ang mga luhang dumaloy sa kaniyang mga pisngi. Napayakap ako sa kaniya ganoon rin si Jose. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak, subalit sa kanyang luha’y may hatid ding lakas—paalala na ako’y hindi nag-iisa.

Nang magwakas ang misa, sinalubong kami nang malamig na simoy ng gabi. Ang buwan ay maliwanag at tila nakikiisa sa aming kapistahan. Agad na lumapit ang mga mamamayan upang bumati.

“Maligayang Pasko po, Heneral!”
sambit ng isang matandang lalaki habang iniaabot ang kamay.
“Kung hindi po dahil sa inyong tapang at pagkalinga, hindi kami makararating sa gabing ito.”

“Maraming salamat rin po, Donya Florencia,”
dagdag naman ng isang ginang.
“Kung hindi dahil sa inyong malasakit, hindi po namin kinaya ang gutom at sakit noong kami’y nagtatago.”

Ngumiti si Inang Florencia, bagaman bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagod ng mga taon. Pinunasan niya ang kaniyang luha at hinaplos ang mga kamay ng mga taong lumalapit.

Sa paglabas namin sa pintuan ng simbahan, bumungad sa amin ang mga batang naglalaro sa labas. May ilang kumakanta ng mga awit ng Pasko, hawak ang maliliit na parol na yari sa kawayan at papel de Hapon. Sa gilid, naroon ang mga nagtitinda ng bibingka, puto bumbong, at suman. Ang amoy ng niyog, asukal, at mantikilya’y kumalat sa hangin.

Ang lahat ay nakasuot ng kanilang pinakamagagandang kasuotan. Ang mga babae’y nakabarong manipis at saya, habang ang mga lalaki’y may barong na ginayakan ng pulang pamigkis. Para bang ang buong bayan ay isang pamilya na sabay-sabay nagdiriwang.

Ngunit sa kabila ng kasayahang iyon, hindi ko maiwasang maalala ang mga naging taksil at ang kanilang naging kapalaran.

Si Ginoong Pablo ay nananatili pa ring nakakulong. Wala ni isa mang kamag-anak o kaibigang dumalaw sa kaniya mula nang siya’y ikulong, wari’y itinakwil na ng lipunan at ng sariling dugo.

Si Tandang Dante, na minsang pinagmulan ng yaman at kapangyarihan, ngayo’y naglaho sa kaniya ang lahat. Nawalan siya ng salapi, nalugmok sa matinding kahirapan, at ngayo’y nakapiit din sa kulungan, pinahihirapan ng sakit sa puso at ng pagkakasala sa sarili.

Samantala, si Kapitan Morales ay hindi kinaya ang bigat ng kasalanan at kahihiyan. Matapos ang ilang araw sa selda, pinili niyang kitilin ang sariling buhay.

Si Donya Gerardo, na minsang kinatatakutan at iginagalang ng marami, ay ngayo’y tuluyan nang bumigay ang isipan. Nabaliw siya at hindi na makilala ang sinuman, kahit pa ang sariling anak na minsan ay buong pusong ipinaglaban niya.

At si Binibining Juana, na noo’y may pangarap na maging manggagamot at makapaglingkod sa bayan, ay tuluyang nawalan ng kinabukasan. Tinanggalan siya ng lisensiya at hindi na muling pinahintulutang humawak ng tungkulin.

At higit sa lahat, naalala ko si Tristan na siyang minahal ng aking kapatid.

Ayon sa balitang natanggap ko noong araw na bumagsak ang mga Espanyol, pinahirapan siya ng mga sundalo. Pagkatapos ay inabutan siya ng lason at pinili niyang ito’y inumin matapos sabihin sa kaniya ang masakit na katotohanan na noong namatay si Stella, kasama nitong nawala ang kanilang anak na nasa sinapupunan ng aking kapatid. At ang sanhi ng lahat ay si Tristan mismo, sapagkat siya ang dahilan ng pagpunta ni Stella sa daungan.

Magkatabi na ngayon ang kanilang mga puntod sa sementeryo malapit sa simbahan. Pinili kong doon sila ilibing—sa lugar na malapit sa ating Panginoon at sa mga taong nakasaksi sa kanilang pagmamahalan. Sa bawat pagbisita ko roon, para bang naaalala ko ang pait ng kasaysayan at ang kabayaran ng aming kalayaan.

“Heneral…”
bulong ni Jose, sabay tapik sa aking balikat.
“Sa tingin ko’y nakahanda na po ang mga pagkain sa mansyon.”

Malaki ang aking naging ngiti. Naalala iyon ni Inang Florencia at nagwika,
“Imbitahin natin ang lahat ng nasa simbahan. Walang dapat mapag-iwanan ngayong gabi.”

Gaya ng nakaugalian ay inimbita namin ang lahat ng aming makikita. Magsasaya ang mga tao at sabay-sabay na sumagot na sila’y makakapunta bago ang hating-gabi.

Sa gitna ng tawanan at palitan ng masayang usapan ng mga tao ay bigla na lamang tumigil sa harapan ng simbahan ang isang malaking karwahe. Ang mga kabayo’y kulay puti, at ang kutsero’y nakasuot ng maayos na uniporme. Napatigil ang lahat, namangha, at napatingin.

Ngayon lamang ako nakakita ng puting kabayo sa tanang buhay ko!

“Narito na pala ang aming sundo,”
malugod na sabi ni Inang Florencia.
“Nawa’y makapunta kayong lahat sa aming mansyon.”

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng karwahe. At mula rito, bumaba ang isang lalaki na hindi ko inaasahan.

Bumagal ang ikot ng mundo nang bumaba si Heneral Vicencio mula sa karwahe. Siya’y nakasuot ng puting barong Tagalog na yari sa pinya, may burdang gintong sinulid sa laylayan, at may pulang pamigkis na kumikislap sa ilalim ng liwanag ng buwan. Ang kaniyang buhok ay maayos na nakasuklay, ang kaniyang balat ay kumikinang sa ilalim ng lampara, at ang kaniyang tindig ay wari’y isang prinsipe ng bayan.

Napatitig ang lahat ng kababaihan sa kaniya, ang mga matang kanina’y nakatuon sa akin ay ngayo’y nahulog sa kaniyang karisma. Ang mga dalagang nasa gilid ay nagbulungan, paminsan-minsan ay napapasinghap.

Sa bawat hakbang niya, wari’y lumulubog sa alon ng alaala ang aking diwa—parang sinasadya ng tadhana na pahabain ang mga sandaling iyon. Tumigil ang mga kanta, huminto ang hangin, at tanging pintig ng aking puso ang aking naririnig.

Nang magtama ang aming mga mata, tila walang ibang tao sa paligid—wala ang mga sundalo, wala ang mga bata, wala ang mga matatandang nagsasaya. Kami lamang, nakatitig sa isa’t-isa, wari’y dalawang nilalang na muling nagtagpo matapos ang walang katapusang pagkakawalay.

Binati niya ang mga tao ng maligayang pasko. At sa kaniyang paglapit, yumuko ito at magalang na nagmano kay Inang Florencia. Sunod niyang nilapitan si Jose, ginulo ang maayos nitong buhok.

“Aba, heneral! Huwag mong galawin, inayos ko na po ito!”
reklamo ni Jose, sabay sumuntok nang pabiro sa braso ni Heneral Vicencio.

Napangiti lamang si Vicencio, isang ngiting noon pa man ay nagbibigay sa akin ng kapayapaan at pananabik.

At bago ko pa maunawaan ang lahat, naramdaman ko na lamang ang mahigpit niyang bisig sa aking katawan, at ang mainit na palad na humawak sa aking batok. Niyakap niya ako nang walang pasabi sa harapan ng mga taong naroroon.

“Maligayang Pasko… aking sinta,”
bulong niya sa aking tainga, tinig na halos mapatid sa dami ng pinipigil na damdamin. ”
Ngayo’y nagdiriwang din kami ng Pasko sa Madrid subalit hindi iyon kasing-ligaya rito… sapagkat wala ka roon.”

Matapos ang mahabang digmaan na lumamon sa maraming buhay at mga ari-arian ay iniwan ni Heneral Vicencio ang lupaing ito at bumalik sa Espanya. Kasama niya ang lahat ng mga sundalong Kastila, at sa kaniyang paglisan ay wari kong tinangay niya ang kalahati ng aking pagkatao. Sa mga gabi ng aking pag-iisa, tanging mga liham niya ang aking kinakapitan, at sa bawat sagot ko’y hindi ko alam kung kailan at kung muli pa ba kaming magkikita.

Buong akala ko’y ang Paskong ito ay magiging isa na lamang alaala, isang gunita ng damdaming hindi na magtatagpo.

“Ang dalawang kabayong puti na iyan ay para sa inyo po, Donya Florencia,”
wika niya kay Inay, sabay turo sa mga nilalang na kumikislap ang balahibo sa ilalim ng buwan.

“At nasa loob po ng karwahe ang iba pang mga regalo. Maari niyo pong bigyan ang batang ito…”
tinapik niya ang balikat ni Jose
. “at ang mga kababayan rito sa San Fernando. Ipagpaumanhin niyo po ang aking pagbisita nang walang paalam.”

“Maraming salamat, hijo. Ang totoo nga niyan ay kami ang labis na natutuwa sa iyong pagbabalik. Nabalitaan ko ang iyong mga ginawa para sa amin. Tandaan mong tanggap ka namin rito sa aming munting bayan,”
mahinahong wika ni ina.

Tinulungan ni Heneral Vicencio ang aking ina na makasakay sa karwahe. Katabi ni ina si Jose, na halos maipit sa dami ng mga kahong nakasalansan sa loob ng karwahe. Halos hindi na nga sila magkasya sa dami ng regalo, at nang pumalaot ang kabayo sa daan patungong mansyon ng aming angkan, naiwan kaming dalawa ni Vicencio sa harap ng simbahan—ako na puno ng pag-aalinlangan, at siya na waring puno ng pananabik.

Nang tuluyan nang maglaho ang karwahe ay tumabi sa akin si Heneral Vicencio. Pirme itong umakbay sa akin na parang hindi siya nawala ng limang buwan.

“Ayos lang ba sa iyong… maglakad patungo sa inyong mansyon, aking sinta?”
bulong niya, na may halong pang-aasar sa tinig.

Umiling ako at sinadyang galawin ang aking balikat ngunit nanatili roon ang kaniyang braso.

“Paniguradong sasakit ang iyong mga paa. Ngunit huwag kang mag-alala. Handa kong ialay ang aking likod upang sa akin ka sumakay. At kung nais mong magbayad sa aking serbisyo, isang

halik

lamang mula sa iyo ang tatanggapin ko.”

Sumabat ako,
“Mahigit limang kilometro ang layo ng pagitan ng simbahan sa aming mansyon. Kung lalakarin ito’y aabutin ng sampu o kalahating oras bago iyon marating.”

Ngumisi siya, wari’y batang nakahanap ng bagong laruan.

“Malayo nga, aking sinta, ngunit mas pabor iyon sa akin. Ibig sabihin nito’y mas matagal kitang makakasama—tayong dalawa sa gitna ng gabi. Habang nakasakay ka sa aking likod. Habang nakalingkis sa akin ang iyong mga braso. Habang inaawitan mo ako ng mga awiting pamasko. Habang—”

“Marahil ay patungo na rito si Kapitan Ismael,”
mabilis kong putol sa kaniyang imahinasyon.
“Siya ang nag-alok na sunduin kami matapos ang misa. Kung nais mo’y sa karwahe na lamang niya tayo sumakay patungo sa mansyon. Mas mapapabilis iyon, Heneral Vicencio.”

Agad siyang tumigil at ngumuso, parang batang pinagalitan.

“Hindi maaari, aking sinta. Una—”
itinaas niya ang isa niyang kamay at nagsimulang magbilang ng mga daliri,
“—bakit sa dinami-dami ng susundo sa inyo ay si Ismael pa? Mayroon kayong bagong kutsero na si Mang Delfin, hindi ba? Iyon ang kuwento mo sa akin sa iyong liham. Maaari rin namang… isa sa iyong mga sundalo.”

“Pangalawa,”
dagdag niya, tumititig sa akin na para bang binabasa ang aking isip,
“nagbibiro lamang akong maglakad tayo patungo sa inyong mansyon. Ang totoo, dala ko ang aking paboritong kabayo na siyang maghahatid sa atin.”

“At pangatlo,”
dito bumigat ang kaniyang tinig, may bahid ng panunumbat,
“bakit para bang nanlalamig ka sa akin? May nagawa ba akong kamalian? May hindi ka ba nagustuhan? Mayroon ka na bang ibang iniibig? Ni hindi mo ako tinawag na

ginoo

, aking sinta. Sa ating dalawa, wari’y ako lamang ang nananabik sa ating muling pagkikita.”

Habang pinagmamasdan ko ang anyo ni Heneral Vicencio—ang kaniyang mga matang tila nagdidilim sa lungkot, ang labi niyang pilit na nakapirmi sa anyong matapang subalit nanginginig sa pag-aalala—tila unti-unting natutunaw ang aking pagtatampo. Sa aking dibdib, umusbong ang kirot ng pangungulila, at higit pa roon, ang pagkilala na sa kabila ng lahat ng aming pinagdaanan—ang mga sugat ng digmaan, ang mga liham na nagsilbing tulay ng aming puso, at ang mga gabing walang katiyakan kung siya’y muling magbabalik.

Ang mahalaga’y narito siya, sa aking piling, ngayong Pasko.

Ano pa nga ba ang saysay ng aking hinanakit kung kaharap ko ngayon ang lalaking minsang inakala kong hindi na muling babalik?

Mas nanaisin kong pasalamatan ang pagkakataon kaysa ubusin ang sandali sa pagsumbat.

“Ginoo…”
mahinahon kong sambit, ang aking mga kamay ay humawak sa kaniyang mukha habang unti-unting bumabalik ang lambing sa tinig ko.

Napatingin siya sa akin, at bagaman pilit niyang ikinukubli ang ngiti, nabanaagan ko ang bahagyang pag-angat ng kaniyang labi.

“Patawad. Hindi ka dapat magduda sa pag-ibig ko sa iyo. Lalong higit na hindi ka dapat manibugho kay Kapitan Ismael. Siya’y kaibigan lamang, at kahalili ko sa pamumuno kapag ako’y wala. Wala siyang ibang lugar sa aking puso kundi bilang kapatid sa pamamahala.”

Namungay ang mga mata ni Heneral Vicencio, at doon ko nasilayan ang ngiting ilang buwan kong pinanabikan. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib at muling sumilay ang sigla sa kaniyang mukha.

“Salamat, aking sinta,”
mahina niyang tugon, saka niya ako inakbayan at hinapit palapit sa kanya.
“Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa akin ang marinig mula sa iyong bibig na ako pa rin ang laman ng iyong damdamin. Sa bawat liham na isinulat ko mula sa Madrid, takot ko palagi na dumating ang araw na umiibig ka na sa iba. Ngunit ngayong narito ka, at narinig kong muli na tinawag mo ako bilang iyong

‘ginoo’…

tila ba muling nabuo ang lahat ng aking pangarap.”

Hawak ang aking kamay ay dinala niya ako patungo sa gilid ng simbahan, at doon ko nasilayan ang isang puting kabayo—matikas, may malinis na balahibo na kumikislap sa ilalim ng liwanag ng buwan. Umamo ito nang makita ako, para bang matagal na kaming magkaibigan.

“Siya si Nobleza. Siya’y isa sa mga unang regalo ng aking ama sa akin. Ang aking matalik na kaibigan,”
wika ni Heneral Vicencio na puno ng pagmamalaki at lambing.
“Simula ngayon ay sa iyo ko na siya ipagkakatiwala. Nabasa ko sa isang aklat ukol sa

Aral ng Pag-ibig at Katapatan

na kung ang isang hayop raw ay tunay na nagmamahal sa kaniyang amo, iniibig din niya yaong iniibig ng amo, sapagkat ang pusong tapat ay nakikibahagi sa damdamin ng minamahal.”

Lumapit ako at hinaplos ang leeg ng kabayo. Ilang sandali ako nitong tinignan bago nito idinikit ang ulo sa aking kamay. Labis na natutuwa ang aking puso sapagkat sa tingin ko’y nagustuhan ako nito.

Napahigit ako ng aking hininga nang paharapin niya ako sa kaniya at biglaan niya akong niyakap. Nakayuko siya at ang kaniyang mukha’y nakasandal sa aking kanang balikat. Ang kaniyang braso’y nakapulupot sa aking baywang at para akong naging isang bato nang maramdaman ko ang bigat ng kaniyang paghinga.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid habang kapit ko ang kaniyang likod. Bagamat tago at liblib ang tabi ng simbahan kung nasaan niya ako dinala ay hindi pa rin ito malayo sa mga tao. Dahil sa mga ilaw at mga tao sa paligid ng simbahan, ay pakiramdam ko’y mayroong nakatingin sa amin. Sinubukan ko siyang ilayo nang kaunti subalit mas lalo lamang nitong siniksik ang sarili sa akin.

Para bang pasan ko ang lahat ng bigat niya at dahil mas malaki siya kumpara sa akin ay kailangan kong tatagan ang aking mga binti upang hindi kami tuluyang matumba.

Lumapit siya sa akin hanggang mapasandal ako sa isang puno. Muntik pang tumama ang aking ulo roon, ngunit mabuti at nakahawak siya sa likod ng aking leeg. Sa marahang paraan ay inangat niya ang aking mukha upang magtama ang aming mga mata. Doon ko nasilayan nang mabuti ang kaniyang bughaw na mga mata na lagi akong hinihipnotismo sa tuwing aking nakikita. Ang kaniyang buhok ay maayos na nakasuklay pataas. Nakangiti ito sa akin na waring mayroong pinapabatid.

Kinuha niya ang aking palad at inabot ang isang tangkay ng gumamela na hindi ko napansing matagal niya nang hawak. Napakabilis nang tibok ng aking puso na waring nakikipaghabulan ito.

“Nangungulila ako sa iyo, aking sinta,”
marahan niyang sambit, tila boses ng isang nagdarasal.
“Kay tagal kong hinintay ang araw na ito na muli tayong magkikita. Limang buwan, aking sinta… limang buwan kong tiniis ang bawat gabi nang wala ka sa aking tabi. Hindi sapat ang ating palitan ng sulat, sapagkat sa bawat salitang binabasa ko ay lalo lamang lumalalim ang aking pananabik. Sa tuwing sasapit ang gabi, ako’y hindi makatulog. Ang iyong pangalan ang laging kasama ng aking mga panalangin at hinahanap ng aking bisig sa aking pag-idlip.”

Sandaling tumigil siya, mariing nakapikit, bago nagpatuloy na mas masidhi ang tinig.

“Kapag ako’y nangingisda upang linangin ang aking isipan, walang kasayahan ang aking nadarama sapagkat wala ka roon upang tulungan ako. Ikaw ang mas bihasa, hindi lamang sa pagkuha ng isda, kundi sa paghuli ng aking puso. Sa tuwing makakakita ako ng bulaklak, ikaw lamang ang naiisip kong pag-alayan nito, sapagkat walang sinumang iba ang karapat-dapat. At sa bawat dapithapon, ang hangin ay tila nagiging malamig, at paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili kung sa parehong oras ba’y iniisip mo rin ako. Subalit ngayong ika’y nasa harapan ko, wala nang halaga ang ang limang buwang iyon… sapagkat ang lahat ng aking pangungulila ay nagkaroon ng kasagutan.

Mahal kita

, higit sa anumang salitang aking mabibigkas.”

Maya-maya pa’y isinara niya ang pagitan naming dalawa. Ang aming mga anino’y tila nagtagpo sa ilalim ng buwan, at ang mga ilaw mula sa simbahan at mga alitaptap ay nagsilbing liwanag sa sandaling iyon. Sa kabila ng mga tinig ng mga mamamayang nag-aawitan ng himig ng Pasko, tanging tibok lamang ng aming puso ang aking naririnig.

Sa lilim ng matandang puno ng mangga, marahan niyang inilapat ang kaniyang mga labi sa akin—hindi basta halik, kundi isang halik na puno ng pagmamahal at pananabik.

“Aking sinta…”
bulong niya sa pagitan ng aming halikan, nanginginig ang kaniyang tinig,
“Sana’y magkasama tayong makarating roon…”

At bago pa siya tuluyang madala ng sariling damdamin, tumulo ang kaniyang luha at dumaloy sa kaniyang pisngi.

Umawang ang aking labi at agad kong pinunasan ng aking mga daliri ang kaniyang luha, pinilit kong ngumiti upang palayain siya sa bigat ng kaniyang nararamdaman.

“Saan mo nais pumunta, ginoo?”
mahina kong usisa, bagamat ramdam ko na ang sagot ay higit pa sa mga salitang kaniyang kayang ipaliwanag.

Sandali siyang natawa, isang tawang puno ng pait at pag-asa.
“Hindi ko pa alam sa ngayon,”
aniya habang marahang umiiling.
“Marahil… marahil ay sa buhay na ating pinapangarap. Sa isang lugar na wala nang digmaan, wala nang pagtataksil, at malaya tayong magmamahalan. Isang mundong tayo lamang, ikaw at ako, mahal ko.”

×××

-Terrorious

KABANATA 64: Nais

Kasalukuyan akong nakaupo sa malapad na bangko na yari sa matibay na narra nasa gilid nang maluwang na hardin ng aming mansyon. Ang gabi’y kay lamig, hinahaplos ng hanging amihan na may dalang samyo ng bagong lutong bibingka at puto bumbong. Sa gitna ng halamanan, nakatindig ang isang dambuhalang parol na yari sa kawayan at makukulay na papel, nagliliwanag na wari’y tala ng Bethlehem. Ang mga ilawan, parol, at mga ilaw na langis ay nakasabit sa bawat puno ng mangga at acacia. Sumasayaw ang liwanag na wari’y mga alitaptap na ipinanganak ng gabi ng Pasko.

Ang mga musiko, nakadamit ng barong tagalog, ay tumutugtog ng rondalya sa isang gilid, habang ang mga bata, na nagtatampisaw sa tuwa, ay nagtatakbuhan sa damuhan, nagbabatuhan ng bulaklak, at sumisigaw ng
“Maligayang Pasko!”
na tila walang kapaguran. Ang mga katiwala ay masaya ring nakikipagsalo-salo sa lahat.

Sa mga mesang inilatag sa paligid, nakahilera ang mga pagkaing lutong-bahay. Mayroong adobong baboy, tinolang manok, inihaw na bangus, at iba pang handa. Sa gitna ng bawat dulang, may mga plato ng kakanin. Naroon ang csapin-sapin, kutsinta, at bibingka. Ang mga mamamayan, mula sa pinakamataas na kawani ng pamahalaan hanggang sa pinakasimpleng magsasaka, ay sabay-sabay na nagsasalu-salo, wari’y wala nang pagitan ng uri o kalagayan.

Ang aking inang si Donya Florencia, bagamat may edad na, ay masiglang naglalakad sa pagitan ng mga mesa, binabati ang bawat mamamayan, hinahaplos ang mga bata, at ipinagdarasal ang kanilang kaligtasan.

“Maligayang Pasko, hija… hijo…”
wika niya sa bawat makasalubong.

Ang kaniyang tinig ay tila himig ng ina ng bayan, at ang bawat mamamayan ay tila anak niyang pinapangalagaan.

Samantala, ako nama’y nakikipag-usap sa ilang ginoo ng pamahalaan na naglakbay pa mula sa Maynila upang iparating ang kanilang pasasalamat.

“Punong Heneral Guevarra,”
wika ng isa, ”
hindi matutumbasan ng salita ang iyong kabayanihan. Sa iyong pangunguna, hindi tuluyang nasakop ng mga kastila ang buong Pilipinas.”

Ako’y bahagyang yumuko, sapagkat hindi ko iniinom ang papuri gaya ng alak na nakalagay sa aking tabi.

“Mga ginoo,”
wika ko,
“ang aking nagawa ay hindi para sa aking sarili, kundi para sa ating Inang Bayan. Kung wala ang mga anak ng bayan, ako’y wala ring magagawa.”

Habang ako’y nakikipag-usap sa kanila, hindi ko maiwasang idako ang aking paningin sa isang dako ng hardin. Naroroon si Heneral Vicencio na bagong balik sa San Fernando matapos ang limang buwang pagkakahiwalay. Simula nang mabunyag sa bayan ang kaniyang pagtulong laban sa mga kapwa kastila ay mas lalo siyang minahal ng mga mamamayan. Ang bawat pagyuko sa kaniya, bawat palakpak, bawat pag-abot ng kamay, ay tanda ng taos-pusong pagtanaw ng utang na loob.

Kitang-kita ko kung paano siya nakikipagsaya sa mga sundalong Pilipino na ngayo’y nakasuot ng kaswal, hindi na ang kanilang uniporme. Tila mga magkakapatid sila, nagtatawanan, nagbibiruan, at muling pinapaalala ang kanilang tagumpay. May mga matatanda ring lumalapit sa kaniya, at sa bawat isa’y nagmamano siya, tanda ng paggalang. Ngunit higit sa lahat, ang aking dibdib ay tila kinikiliti’t sinasakal sa iisang bagay…

Iyon ay dahil sa mga
binibining
lumalapit upang bumati sa kaniya.

Aba, kay laki niyang ngumiti!

Kay gaan ng kaniyang loob sa mga dilag na nag-aalay ng papuri!

Ako nama’y sumimsim ng alak upang iwaksi ang kung ano mang tumatakbo sa aking loob.

Maya-maya pa’y naramdaman kong may naupo sa aking tabi. Si Jose pala, tangan ang isang pinggan ng kakanin. Inalok niya ako ngunit tinanggihan ko, sapagkat hindi ko malasahan ang tamis ng sapin-sapin sa oras na iyon.

Tahimik akong nakatitig pa rin kay Javier nang bigla siyang magsalita,
“Kung nakamamatay lamang ang tingin, Heneral, marahil ay kanina pa pinaglalamayan ang Punong Heneral ng Espanya.”

Ako’y napatingin sa kaniya.
“Jose, ako ba ang iyong pinapatamaan?”

Tumango siya, ngumiti nang may pilyong anyo.
“Opo, Heneral. May iba pa po bang naninibugho rito dahil nawala sa kaniya, kahit saglit, ang atensiyon ni Heneral Vicencio?”

Pinaglaruan ko ang baso ng alak, iniikot-ikot bago sumagot.
“Hindi ako naninibugho, Jose. Ang lahat ng tao sa kaniyang paligid ay yaong mga taong nagagalak sa kaniyang naitulong. Ang kanilang kagalakan ay kagalakan ko rin.”

Ngunit sa aking dibdib, alam kong
kabaligtaran
ang totoo.

Bagamat masaya ako sa mga matatanda, bata, at maging sundalo na nagpapabatid ng kanilang pasasalamat sa kanya’y hindi ko maiwasang mangamba sa tuwing mayroong lalapit sa kaniyang mga binibini upang magpakilala at magpasalamat.

Kahit baliktarin ko pa ang mundo ay isa siyang lalaki at hindi malabong sa isang iglap ay mahumaling siya sa mga iyon.

Paano na ako kung mangyari iyon?

Muling sumimsim ang aking labi sa alak. Nang muli kong idako ang aking paningin, nakita kong tinapos na ni Javier ang kaniyang pakikipag-usap sa mga binibini at mga sundalo. Papalapit na siya sa aking kinaroroonan nang bigla siyang harangin ng isang dalagang nakasuot ng maringal na saya. Mahaba ang kaniyang buhok, kulot at kumikislap sa ilalim ng ilawan. Mula sa likod, siya’y kaakit-akit, wari’y bulaklak na sumibol sa gabi ng Pasko.

Ngumiti si Javier sa kaniya, at ang ngiting iyon ay hindi ko matanggap.

Kahit sinong kababaihan ay tiyak na mahuhulog sa ngiti niyang iyon!

“Sino ang… binibining iyon at bakit abot-tainga ang ngiti ni Javier?”
bulong ko sa aking isip, hindi ko namalayang lumabas iyon sa aking bibig.

“Siya ang aking anak na si Celestina, Heneral Guevarra. Magmula nang mabalitaan ang kabayanihan ni Heneral Vicencio, ninanais niya itong makilala. Sabi pa nga nito’y nais niyang makapangasawa ng lalaking katulad ng heneral ng Espanya.”
sagot ng gobernadorcillo na nakaupo sa tabi ko.

Humigpit ang hawak ko sa babasaging baso dahil sa aking narinig.

“Ang heneral ng Espanya ba kamo ang nais niyang mapangasawa?”
tanong ko sapagkat parang pumintig ang aking tainga.

Marahil ay bahagyang lumakas ang aking tinig sapagkat napalingon sa akin ang ibang bisita.

Nagkukumahog na umiling ang gobernadorcillo na waring inakusahan ito nang maling paratang,

“H-hindi po, heneral. Hindi niya po nais na maging kasintahan ang

inyong ginoo

. A-ang ibig kong sabihin ay nais ng aking anak ang lalaking katulad ni Heneral Vicencio.”

Ngunit hindi nito pinagaan ang bigat sa aking puso. Nang tuluyan kong makita ang mukha ng anak ng gobernadorcillo, doon ako halos nanlumo.

Napakaganda niya. Tila diwata ng kagubatan. Walang pagtataka kung bakit masiglang nakikipag-usap roon si Javier. Ang kaniyang mga mata ay nagniningning, ang kaniyang labi’y mapula at napakaganda ng kaniyang ngiti.

Agad kong binuhos ang natitirang alak sa aking baso, muling pinuno, at ininom nang isang lagukan. Ang init ng alak ay sumiklab sa aking sikmura, ngunit hindi nito natalo ang init ng paninibugho na dumadaloy sa aking dugo.

“Ngayon lamang kita nakitang uminom nang ganiyan, Heneral,”
wika ni Kapitan Ismael na biglang lumitaw at pinalitan ang hawak kong alak ng baso ng tubig.
“Hindi makabubuti sa iyo ang labis na alak.”

Saan siya nanggaling?

Hindi ko namalayang narito na pala siya.

Ininom ko ang tubig, nagpasalamat, ngunit hindi ko naitago ang aking paningin. Nakatitig pa rin ako kay Javier. Ngunit nang sandaling iyon, tila nagbago ang kaniyang anyo. Hindi na siya natutuwang makipag-usap sa magandang binibini. Ang kaniyang mga mata’y nakatutok sa amin ni Kapitan Ismael.

Ako nama’y nag-alsa ng aking katawan upang tumayo, subalit ako’y nabigo. Ako’y nawalan ng balanse, muntik nang bumagsak kung hindi lamang ako nasalo ni Kapitan Ismael.

“Nais ko nang… magpahinga,”
mahina kong utos at bumulong sa kaniyang tainga sapagkat malakas ang musika.
“Nais ko nang pumasok sa aking silid.”

Ngunit bago makagalaw si Kapitan Ismael, isang tinig ang pumigil sa kaniya.

“Kapitan, ako na ang magdadala sa aking sinta sa kaniyang silid. Maraming salamat,”
anito at matalim ang titig kay Kapitan Ismael.

Si Javier. Narito na siya. Sa wakas. Malapit na malapit, ang kaniyang mga kamay ay nakalahad upang ako’y alalayan.

Si Inang Florencia naman ay agad lumapit, hinaplos ang aking likod.

“Mabuti pa nga, hijo,”
wika ni ina kay Javier.
“Kung maaari, ikaw na muna ang magbantay sa aking anak. Huwag mo siyang iiwanan sa ganitong kalagayan.”

Hindi na ako tumutol nang gabayan ako ni Heneral Vicencio papasok sa loob ng mansyon. Sa aming paglalakad ay mayroon kaming nakakasalubong na mga katuwang na abala sa paglalabas ng mga pagkain patungo sa hardin. Si Heneral Vicencio na lamang ang tumutugon sa kanilang pagbati sapagkat pakiramdam ko’y umiikot ang aking paningin.

Ang paglalakad papasok sa mansyon ay tila pagsubok, ngunit hindi ko inasahang mas mahirap ang aking pasanin pag-akyat patungo sa aking silid.

“Kaya ko ang aking sarili,”
malamig kong wika at inalis ang kamay niyang nakakapit sa akin.

Napatigil siya, wari’y natigilan sa bigat ng tinig ko. Ang kaniyang mga mata’y nanatiling nakatingin, may halong pagtataka at pag-aalala.

“Hindi mo kaya ang iyong sarili, aking sinta,”
wika niya, mababa ang boses, wari bang nagmamakaawa. ”
Kung hahayaan kita’y maaring mahulog ka paakyat.”

At muli niyang hinawakan ang aking braso, mahigpit, puno ng malasakit. Ngunit ako’y nagpumiglas. Hinayaan kong ang aking sariling kamay ay kumapit sa malamig na hawakan ng hagdan.

“Sinabi ko nang kaya kong mag-isa!”
halos pasigaw kong tugon. Pilit kong pinatatag ang sarili, bagamat ang aking tuhod ay nanginginig.
“Bumalik ka na roon sa kasiyahan. Kung saan ka… tunay na… masaya.”

Muntik nang mabasag ang tinig ko. Pinilit kong tumalikod, pinipigil ang init na sumisiksik sa aking mga mata. Walang duda. Kasalanan ito ng
alak
, kasalanan ng mga awit sa labas at ng pag-alaala sa lahat ng aking pinagbuhusan ng dugo’t pawis. Kasalanan ng aking pusong mahina kapag siya ang kaharap.

Ngunit hindi siya umalis.

“Hindi kita maunawaan, aking sinta,”
wika niya, mariin, ngunit may halong lungkot.
“Kung tunay na kaligayahan lamang ang pag-uusapan ay mas masaya akong kapiling ka—”

“Hindi! Hindi iyan totoo,”
sigaw ko, sabay lingon, at sa wakas tumulo ang luhang matagal kong pinipigil.
“Hindi ka tunay na masaya sa tuwing ako’y iyong kapiling!”

Nanlaki ang kaniyang mga mata. At sa halip na masaktan, wari bang siya’y natutuwa pa. Dangan nga lamang ay kinagat niya ang kaniyang ibabang labi upang itikom ang pag-usbong ng ngiti.

Nadadala na ako ng aking damdamin. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi at pinisil iyon na wari bang isang bata na ayaw pakawalan ang laruan.

“Ginoo…”
bulong ko, humihikbi.

“Hmmm?”
may ngisi sa kaniyang labi.

“Ngumiti ka sa akin,”
utos ko.
“Ipakita mo sa akin ang iyong ngiti.”

Magkakasunod siyang kumurap. Waring binabasa ang aking isip. Hindi nagtagal, siya ay lumapit. Ang kaniyang kamay ay dumapo sa aking baywang, hinila akong mas malapit, at sa kaniyang labi’y lumitaw ang ngiti na akin ngang hiniling.

Ngunit ang akin namang mga luha ay tuluyang bumuhos, sunod-sunod, parang ulan sa pag-agos.

“Hindi ganito iyon!”
bakas ang pighati sa aking tinig, at lalo kong pinisil ang kaniyang pisngi hanggang sa maglaho ang kaniyang ngiti, napalitan iyon ng kirot.

“Mas malaki ang ngiti mo sa binibining iyon. Umamin ka sa akin, Javier. Hindi ka bumalik rito sa San Fernando para sa akin, kung hindi upang gamitin ang iyong ngiti at makapang-akit ng mga binibini, tama ba ako?”

Ramdam ko ang pag-igting ng kaniyang panga, ngunit hindi siya nagalit. Ang kaniyang kamay ay marahang dumapo sa akin mismong kamay na pumipisil sa kaniyang mukha.

“Aking sinta,”
aniya, mahina, halos paungol sa sakit,
“ang dahilan kung bakit ako napangiti sa mga binibining iyon ay dahil sinabi nila sa akin na natutuwa sila sa ating pagmamahalan.”

Nanlumo ako sa kaniyang sagot. Unti-unti kong inalis ang pagkakapisil, at nang mabitawan ko ang kaniyang mukha ay nakita ko ang pamumula ng kaniyang balat, ang bakas ng aking kuko na wari’y sugat na aking iniwan. Subalit wala akong narinig na galit mula sa kaniya. Sa halip, inabot niya ang aking kamay at hinalikan ang likod nito.

Ang kaniyang mga mata’y kumislap, at sa kaniyang labi’y lumitaw ang ngiti na higit pang dakila kaysa sa anumang ipinakita niya kanino man.

“Aking sinta, hindi pa ba sapat ang lahat ng aking ginawa upang mapatunayan ang pag-ibig ko sa iyo? Ano pa ang kulang? Sabihin mo sa akin at pupunan ko.”

Nanlamig ang aking puso. Nakatingin ako sa kaniyang bughaw na mga mata, wari bang dagat na walang hanggan.

Umiyak ako lalo sapagkat wala akong masagot sa kaniyang tanong. Pakiramdam ko’y hindi ako sapat sa kaniya.

“Wala kang pagkukulang… ginoo,”
tugon ko at pinunasan ang luha,
“Kung mayroon mang kulang sa ating dalawa ay ako iyon. Labis na ang iyong naibigay, subalit kulang ang naibalik ko. Patawarin mo ako.”

Ngunit umiling siya, at marahang hinalikan ang aking noo.

“Aking sinta, makinig ka sa akin.”
aniya kung kaya’t ibinigay ko sa kaniya ang buo kong atensiyon.


Kailanman ay hindi ko naramdaman na nagkulang ka sa akin. Makita lamang kitang ligtas ay sobra na sa akin. Marinig ko lamang ang iyong tinig ay tumatalon na ang aking puso. At sa tuwing nahahawakan kita…”
niyakap niya ako nang mahigpit,
“…katulad nito ay higit pa sa ulap ang aking kagalakan.”

At ako nama’y sumubsob sa kaniyang leeg, niyakap siyang waring ako’y isang batang naulila at ngayo’y nakatagpo ng tahanan. Mainit ang aking katawan, nilulunod ng alak, ngunit malinaw sa aking isipan ang aking
nais
.

“Ginoo…”
bulong ko, habang hinahaplos ko ang kaniyang tainga ng dulo ng aking daliri.

Naramdaman ko ang panginginig niya. Senyales na nakikiliti ito.

“Sabihin mo lamang, aking sinta.”
halos paos nitong wika.

At sa aking labi’y lumitaw ang mapusok na ngiti.

“Ginoo,”
bulong ko.
“Hindi ko na kaya. Buhatin mo na lamang ako papasok sa aking silid.”

Huminga siyang malalim, wari bang nagtatago ng kaba. Ngunit mas bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang idiin ko lalo ang aking sarili sa kaniyang katawan at kinagat ang ibaba ng kaniyang tainga.

“Ano ang nais iparating sa akin ng iyong kinikilos, aking sinta?”
tanong niya, ngayo’y pinipisil ang aking baywang.

At sa wakas, lumabas ang nadaramang tukso na pilit kong tinatago magmula kanina,
“Nais kita, ginoo. Ngayong gabi. Ngayong pasko.”

×××

-Terrorious

KABANATA 65: Bukas🔞

Paalala:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maseselang eksena na hindi angkop sa mga menor de edad o hindi bukas ang pag-iisip.

Tila isang himala kung paanong narating namin ang aking silid nang hindi napuputol ang pagkakalapat ng aming mga labi. Ilang ulit man kaming nawalan ng balanse paakyat ng hagdanan ay hindi kami naghiwalay ng kahit isang saglit. Sa bawat hakbang, wari’y kami’y magkasangga sa digmaan.

Ako ang humihinga para sa kaniya, siya naman ang sumusuporta sa akin.

Siya ang nagbukas ng pintuan habang mahigpit ang kaniyang kaliwang kamay sa aking baywang, samantalang ako naman ang dahan-dahang nagsara ng pinto, hindi pa rin inaalis ang aking mga labi mula sa kaniya.

Tanging liwanag mula sa bintana ang nagsilbing gabay sa aming mga mata. Sa malamlam na sinag ng buwan, nasilayan ko ang namumulang leeg at tainga ni Javier. Tila ba’y ang init ng aking hininga ang nag-iwan ng bakas doon. Ang kaniyang bughaw na mga mata’y kumikislap na wari’y uhaw. Hindi lamang sa paghinga kundi sa akin. Mabibigat at magkakasunod ang kaniyang paghinga, tila ba’y may hinahabol na hindi niya maabot, maliban lamang kung ako ay kaniyang mahahawakan. Ang titig niyang iyon, mula sa aking mga mata hanggang sa aking labi, ay nagdulot ng pagkabog sa aking dibdib.

Humugot ako nang malalim na hininga.

“Aking sinta, sigurado ka bang nais mo ako ngayong gabi?”
aniya, paos at nanginginig ang tinig, wari’y nagmamakaawa ng katiyakan.

“Ang salitang

‘nais’

ay kulang,”
sagot ko habang dinadama ang init ng kaniyang hininga sa pagitan ng aming mga mukha.
“Hindi iyon magiging sapat… sapagkat mahal kita, Javier. Mahal na mahal.”

Tumango siya, mariing nakatitig sa akin.
“Mahal na mahal rin kita, Ryannel.”

At muli, siniil niya ako ng halik. Ito ay mariin, mapusok, nakapapaso. Napasandal ako sa malamig na pintuan ng aking silid, wari’y wala na akong pagtakas mula sa kaniya. Ang kaniyang mga labi ay walang habas na sumupsop sa akin. Ang kaniyang dila’y mapangahas na kumakatok sa aking bibig.

Bahagya kong itinagilid ang mukha, ibinuka ang labi, at buong puso kong tinanggap siya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang balikat, wari’y nais kong ibaon ang aking sarili sa kaniya. Paminsan-minsan ay sumasayad ang aking mga palad sa kaniyang mukha, hinahaplos iyon, upang lalo pang ipailalim ang aming halikan. Sa bawat pisil ng kaniyang mga kamay sa aking baywang, sa bawat pagkagat niya sa aking ibabang labi, ay tila sinusunog niya ang aking kaluluwa sa init ng kaniyang pagnanasa.

Nang ako naman ang gumanti ng halik, kasing lalim at kasing init ng kaniya, napahinto siya sa paghinga. Tila ba ako ang bumawi ng kaniyang lakas.

Mapusok. Mainit. Walang awa.
Salamat sa musika at tawanan mula sa hardin dahil kung hindi’y matagal nang narinig ng lahat ang aming mga impit na ungol, ang tunog ng labi’t dila na parang nauuhaw na uminom ng pinakamamis na alak.

“Kumapit ka sa aking balikat, aking sinta,”
aniya sa paos na tinig.

Agad ko siyang sinunod at halos mapasigaw nang bigla niya akong buhatin. Napulupot ang aking mga binti sa kaniyang baywang, at ang kaniyang matitipunong bisig ay nakahawak sa aking mga hita. Ako nama’y nakasandal sa pintuan, ngunit hindi niya tinigilan ang halikan.

Sa takot na mahulog, hinila ko ang kaniyang balikat, pinunit halos ang kaniyang barong, at itinulak ang aking mukha sa kaniyang mga labi. Ngunit siya’y ngumisi, wari’y nalilibang sa aking panggigigil.

“Javier…”
bulong ko, nanginginig.

“Shhh… hawakan mo lamang ako, sinta.”

Ngunit hindi ko mapigilan ang manginig nang dahan-dahan niyang igalaw ang aking katawan, pataas-baba sa kaniyang kandungan. Ramdam ko ang kaniyang matigas na pagnanasa kahit may tabing pang tela. Waring nais nang kumawala at tuluyang angkinin ako.

Sandaling dumaan sa aking isip ang takot sapagkat matagal na mula nang huli niya akong inangkin. At batay sa apoy ng kaniyang halik, batid kong kay tagal niyang tiniis ang pananabik na ito.

Dinala niya ako patungo sa aking higaan, buhat pa rin ako, at umupo siya sa sulok nito. Ako nama’y nanatiling nakaupo sa kaniyang mga hita, ramdam ang kabog ng kaniyang puso laban sa aking dibdib. Hinaplos pa niya ang aking likuran, bumaba ang kamay hanggang sa aking pang-upo, at bigla akong idiin sa kaniyang kandungan. Napaungol ako sa init ng pagkakadikit namin.

Habang abala siya sa pagsamsam ng bawat bahagi ng aking katawan, inabot ko ang mga butones ng kaniyang barong. Isa-isa kong tinanggal ang mga iyon, marahan ngunit puno ng pananabik. Dahil mas mataas ang aking pagkakaupo, madali kong naalis ang kaniyang pang-itaas. Nang tuluyan ko itong mahubad ay nagawa ko pang amuyin ang telaisang amoy na pinaghalo ng pawis, alak, at ng kaniyang sariling balat habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Sa sandaling iyon, nahuli ko ang pagbabago ng kaniyang titig. Ang kaniyang mga mata’y dumilim, hindi sa galit kundi sa matinding pagnanasa. At ako’y halos lamunin ng apoy ng kaniyang pagnanasa.
Naghihikahos ngunit may pag-iingat niyang hinubad ang bawat saplot na bumabalot sa aking katawan. Isa-isang nalaglag sa sahig ang aking kasuotan na para bang kasabay niyon ay ang pagtanggal sa bigat at pangamba ng mga nakaraang buwan na hindi namin kapiling ang isa’t-isa.

Nang tuluyan akong mawalan ng saplot, napakapit ako sa ulunan ng higaan nang pasandigin niya ako roon, bahagyang pasulong.
Nasa aking likuran si Javier ngunit dama ko ang mainit na haplos ng kaniyang mga palad sa aking baywang, pababa sa aking pang-upo. Ang bawat dampi ay may kasamang init na kumakalat sa aking buong katawan, at nagdulot ng mga ungol na pilit kong sinisikil.

“Masakit ba, aking sinta?”
tanong niya, paos ang tinig, nang maramdaman ko ang marahan ngunit mariing pagpasok ng kaniyang daliri sa aking kaibuturan.

Tumango ako, at napalingon sa kaniya. Nahuli kong kagat niya ang kaniyang ibabang labi. Halatang pinipigil ang sarili habang nakatuon ang buong atensiyon sa akin, wari’y isang mandirigmang uhaw na uhaw ngunit nagpipigil para sa kaniyang mahal.

Impis akong napaungol nang sabayan ng kaniyang dila ang galaw ng kaniyang daliri. Parang may apoy na gumuguhit sa aking balat, pababa, hanggang sa kaibuturan. Sa bawat pagpasok at paghugot ng kaniyang daliri ay tila ba hinahaplos ang mismong loob ng aking tiyan. Ang kaniyang dila, mapaglaro at magilas, ay para bang isang sandata na hindi sugat kundi kiliti at panghihina ang iniiwan sa akin.

“Pahupain mo ang tensiyong nadarama, aking sinta,”
bulong niya, mariin ngunit malambing,
“hindi ako magiging marahas, gaano man ako nanabik sa iyo.”

Ang tinig niya’y parang sumpa at panalangin na sabay kong tinanggap. Bumalik sa aking alaala ang mga gabing nag-iisa kami. Ang kaniyang paglalambing, ang kaniyang pagkalinga. Kailanma’y hindi niya ako sinaktan ni ipinilit ang sarili sa akin. Kung tutuusin, kaya kong makipagsabayan, kaya kong sumubok tumakas kung gugustuhin. Ngunit ngayong gabi, hindi ko gustong kumawala. Kaya bago pa siya tuluyang magtagumpay sa kaniyang ninanais, itinulak ko siya pahiga sa aking higaan at ako naman ang pumatong sa kaniyang kandungan.

Nagulat siya, bakas sa bughaw niyang mga mata ang pagtataka, ngunit mabilis iyong napalitan ng pananabik. Akmang hahawakan niya ang aking baywang, ngunit hinawakan ko nang mahigpit ang kaniyang dalawang kamay at isiniksik ko iyon sa ulunan ng kama. Nais kong iparamdam na ngayong gabi, ako ang may hawak sa laban.

Dahan-dahan kong iginalaw ang aking balakang, idinidiin at ikinukiskis sa matigas na bukol na pilit nang kumakawala sa kaniyang pantalon. Napasinghap siya, at napansin kong kumibot ang kaniyang lalagukan habang malalim ang bawat paghinga. Pawisan na ang kaniyang noo, at bawat kislot ng kaniyang katawan ay tila ba pagsusumamo.

“Pahupain mo ang iyong pananabik, ginoo,”
mapaglaro kong wika habang nakadikit ang labi ko sa kaniyang tainga,
“mahaba pa ang gabi… at hindi pa tayo nagsisimula.”

Napakagat siya sa labi at mariing pumikit, wari’y pinipigil ang sariling umalpas. Ngunit nang halikan ko siya, una’y mabilis at magaan sa labi, sumunod sa kaniyang leeg, pababa sa kaniyang matikas na dibdib, ay narinig ko ang impit niyang daing.

Pinasadahan ko ng halik ang kaniyang matitigas na kalamnan, bawat hinga niya’y mabilis at mabigat, hanggang sa bumaba ako sa kaniyang tiyan. Ang katawan niya’y parang inukit sa bato, bawat guhit at hulma ay patunay ng disiplina at lakas. Ngunit sa aking mga halik, siya’y natitinag at napapaigtad, parang bata na nakikiliti sa sariling kahinaan.

Nang tuluyan kong ibaba ang kaniyang pantalon, sumalubong sa akin ang kaniyang kalakihan. Matikas, matindi, at wari’y matagal nang ikinulong na ngayon lamang pinakawalan. Napalunok ako, hindi dahil sa takot kundi dahil sa matinding pananabik.

Nang lingunin ko siya, itinaas niya ang isang kilay, wari’y nagmamalaki pa, at tumitig sa akin na parang hinahamon akong tanggapin siya nang buo.

At sa halip na umatras, hinawakan ko iyon ng aking dalawang kamay. Mainit, namimintig, at mas tumitigas habang marahan kong itinaas-baba ang hagod. Sa bawat sandali, lalo itong lumalaki, tila ba sumasabay sa tibok ng aming mga puso.

“Ahh—”
ungol niya ngunit hinawakan ko ang kaniyang bibig at dinilaan ang ulo ng kaniyang pagkalalaki.

Nang hindi ko na naririnig ang kaniyang mga ungol ay tinanggal ko na ang paghawak sa kaniyang bibig upang mas bigyang atensyon ang kaniyang kahabaan. Gaya ng ginawa niya sa aking lagusan ay naglaro rin ang aking dila sa kaniyang pagkalalaki.

Bawat sulok ay aking tinikman at pinagnasaan. Pagkatapos ay isinubo ko iyon sa abot ng aking makakaya, ngunit bigo akong kayanin ang kaniyang kabuuan. Gayunpaman, patuloy pa rin ako sa pagpapaligaya sa kaniya.

Hindi pa man ako nagtatagal roon ay umupo siya at muli akong hinalikan. Napahawak ako sa kaniyang dibdib sa lalim ng halik na iyon. Para kaming naghahabol muli ng bawat hininga. Ang aking mga kamay ay kusang yumakap sa kaniya habang tinatanggap ko ang kaniyang mga halik. Ibinaba niya ako sa malambot na kama bago paglaruan ng kaniyang dila ang aking pagkalalaki.

“Ahhh… G-ginoo,”
mahina kong ungol nang ipasok niyang muli ang kaniyang daliri sa aking lagusan habang patuloy sa pagpapaligaya sa akin.

Kung hirap akong pagkasiyahin ang kaniyang kalakihan sa aking bibig ay hindi iyon naging mahirap para sa kaniya. Kung ikukumpara, walang dudang mas mahaba at mas malaki ang kaniyang pagkakalaki sa akin. Ngunit malaki rin ang akin.

Napapaigtad ako sa aking higaan sa tuwing ipapasok niya ang aking kabuuan sa kaniyang mainit na bibig. Sumasabay pa ang kaniyang mga daliri na hinahanda ang aking lagusan para sa kaniya. Sa tuwing sumasagad ang aking pagkalalaki sa kaniyang lalamunan ay tumitirik ang aking mga mata. Nang maramdaman ko ang paninikip ng aking tiyan ay napakapit ako sa kaniyang pawisang buhok.

“Ginoo, malapit na ako,”
babala ko.

Ngumisi siya,
“Naghihintay lamang ako sa iyo, aking sinta.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli siyang nagsalita,
“Masarap ba? Aking sinta, sabihin mo sa akin kung ano pa ang iyong nais?”

“Nais ko ang lahat ng ito,”
Hinawakan ko ang kaniyang buong pagkalalaki at itinutok iyon sa aking lagusan at itinutok sa aking lagusan.

Hindi ko man makita ang aking sariling mukha ay batid kong bakas roon ang pagnanasa para sa ginoo. Mabilis ang kaniyang naging paghinga bago hinawakan ang aking kamay at hinalikan iyon. Muli niya akong hinalikan sa aking labi habang ramdam kong hinahagod niya ang kaniyang matigas at nagbabadyang kalakihan sa aking pang-upo.

“Ahh…”
mahina at impit kong ungol nang ipasok niya paunti-unti ang kaniyang sandata sa aking lagusan.

Napakapit ako sa kaniyang hubad na likuran. Ang init ng kaniyang katawan ang nagsilbing panangga ko sa kirot na kaniyang dulot. Kahit ano yatang gawin niyang paghahanda sa akin ay hindi ako magiging handa para sa kaniyang pagkalalaki. Para akong pinupunit ngunit may kaakibat iyong sensasyon sa aking kalooban.

“Ahhh! Ginoo, maghunos dili ka. Masiyado kang mabilis—”
Tinakpan niya ang aking bibig ngunit patuloy siya sa pagbayo.

“Oo, naiintindihan kita, aking sinta. Narito hindi ba?”
aniya sa malalim na tinig at mas lalong ibinaon ang kaniyang sarili sa akin.

Napaigtad ako sa kaniyang ginawa.

“Sa tuwing tumatama ang aking pagkalalaki sa parteng ito,”
ibinaon niya nang paulit-ulit ang kaniyang pagkalalaki,
“ay sumisikip ang iyong lagusan, sinta ko.”

Napaawang ang aking bibig at may kaunting ungol na lumabas mula roon. Ang aking kuko’y bumaon sa kaniyang likod sa biglaan niyang paggalaw. Para iyong sibat na asintadong tumama sa nais nitong tamaan. Nang makita ko ang kaniyang mukha na namumula at nananabik ay batid kong labis din siyang nananabik sa mga sandaling iyon.

Ibinuka niya ang aking mga hita at itinaas pa iyon hanggang sa tumapat ang aking mga tuhod sa aking balikat. Dumagan siya sa akin at dahil mas malaki ang kaniyang katawan kumpara sa akin ay para akong mawawasak sa tuwing umuulos siya nang pabilis nang pabilis.
Kung kanina ay ramdam ko ang kaniyang pag-iingat sa kaniyang mabagal na paggalaw, ngayon ay mas bumilis ito. Waring mayroong hinahabol. Pagkatapos naming marating ang aming kasukdulan, buong akala ko’y magpapahinga na kami subalit sinabi niyang kailangan raw naming punan ang mga buwang hindi kami nagkita.


Ahhh… Ginoo, hindi ko na kaya,”
pagod kong sambit sa gitna ng aking pigil na mga ungol.

“Malapit na, aking sinta. Kaunting tiis na lamang,”
pangako niya.

Nanginginig ang buo kong kalamnan nang maramdaman ko sa aking loob na mas tumigas ang kaniyang pagkalalaki. Nagbabadya na ang kaniyang kasukdulan. Malugod kong tinanggap ang bawat pagsulong niya. Ang bawat paghampas ng aming bawat katawan sa tuwing ito’y magdidikit ay parang tambol sa lakas.
May puwersa. May diin.

“Ginoo… Ahhh! Mas bilisan mo pa
…” pakikiusap ko, ang aking tinig ay bakas ang pag-aasam.

Ang kaniyang kamay na kasalukuyang nakakapit sa aking baywang at tumungo sa aking mga balikat.

“Masusunod, aking sinta.”

Katulad ng kaniyang sinabi ay mas lalo nga niyang binilisan. Sa tuwing bumabaon siya sa akin ay para akong nawawala sa aking sarili. Magkakasunod ang pinakawalan naming mga ungol bago ko naramdaman ang mainit niyang punla sa loob ng aking katawan.
Napadapa ako sa aking higaan habang ang aking mga kamay ay nakakapit sa gusot na kumot. Ang pag-ulos ni Heneral Vicencio mula sa aking likuran habang nakakapit siya sa aking baywang ay tumigil. Waring isa akong lantang gulay na napahiga sa aking higaan at naghahabol ng aking hininga.

Ilang beses na ba niyang sinabing huli na?

Panglima na yata ang bilang ko at gaya ng bawat digmaan, hindi ko na alam kung ako ba’y matatawa o matutuluyang mapahiga sa pagkatalo.

Para akong mandirigmang bumalik mula sa larangan ng pakikibaka, ubos ang lakas ngunit buhay ang dibdib dahil sa isang tiyak na dahilan.
Wala na akong mailalabas at marahil ganoon din siya, ngunit naroon pa rin ang kaniyang halik sa aking pisngi na banayad, malambing, puno ng pag-aalaga. Bago ko pa man maisip ang sumunod, bigla niya akong binuhat na wari’y isang batang pinangangalagaan.

“G-ginoo, saan mo ako dadalhin?”
tanong ko, bakas ang pagtataka at pagod sa aking tinig.

Nakabalot ako sa kumot, hubad ang katawan at sugatan sa tamis ng aming pagsasama. Nakapulupot ang aking mga braso at binti sa kaniya, at ramdam ko ang lakas ng kaniyang dibdib sa bawat hakbang. Ang kaniyang mga bisig naman ay nakalingkis nang mahigpit sa aking likod, animo’y panata na hindi niya ako bibitawan.

“Huwag kang mag-alala, aking sinta,”
aniya, mariing nakatingin sa unahan.
“Hindi kita hahayaang magpahinga nang hindi kita nililinisan.”

Bago pa niya mabuksan ang pinto, ako mismo ang nagbalot ng kumot sa kaniya upang kami’y pareho ring maprotektahan mula sa lamig ng gabi. Mabuti na lamang at sa labas ng aking silid ay naroon ang paliguan. Lahat ng tao’y abala pa rin sa ibaba, sa kasayahan ng pista at pagdiriwang ng Pasko.

Bumulaga sa amin ang malaking batya, puno ng bahagyang mainit na tubig. Ibinaba niya ako roon na may ibayong pag-iingat. Lumubog ako nang dahan-dahan at agad kong naramdaman ang sarap ng init na tumatagos sa aking nanlalamig na laman.

“Ginoo, halika rito sa aking tabi,”
nakangiti kong alok, sabay tapik sa gilid ng batya.

Tumango siya, ibinabad ang kumot sa isang timba, at marahang pumasok. Sapagkat dalawa na kaming nakalubog, agad na umapaw ang tubig. Ngunit hindi ko na iyon ininda. Mas nangingibabaw ang init ng kaniyang bisig na yumakap sa akin mula sa likuran at ang mga halik niyang dahan-dahang umakyat mula sa aking balikat hanggang sa aking tainga.

Napatawa ako nang mahina, sapagkat ang kaniyang hininga’y nagdulot ng kiliti. Ngunit kasabay noon, parang tambol ang pintig ng aking puso kung saan ito ay mabilis, malakas, hindi mapigil at iyon ay dahil sa kaniya.

Sumandal ako sa kaniya, hinawakan ang kaniyang braso na mahigpit na nakapulupot sa aking dibdib. Napansin kong gayon din ang tibok ng kaniyang puso kasabay, kasingbilis, kapantay ng akin. Nakakatuwang isipin na kapag siya ang kasama ko, ang lahat ay payapa. Hindi ko kailangang maging matapang, hindi ko kailangang maging punong heneral sa kaniyang piling.

“Aking sinta…”
wika niya sa isang tinig na mahina ngunit puno ng damdamin.

“Ano iyon, ginoo?”
sagot ko.

“Anong nais mong gawin kinabukasan?”
tanong niya, masinsin at parang may kahulugan sa likod ng tanong.

“Bibisitahin namin ng aking ina ang libingan ng mga yumaong aming minamahal,”
mabilis kong tugon.


Maari ba akong sumama sa inyo?”

Lumingon ako at ngumiti.
“Oo naman, ginoo.”

Nakangiti siyang hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

“Paano naman sa susunod na bukas?”
muli niyang tanong, tila bata na ayaw maubusan ng sagot.

Tumingala ako, nag-isip sandali, at saka sumagot,
“Nais kong tumungo sa plaza kasama ka, ginoo. Tuwing araw ng Pasko ay dagsa ang mga tao roon. May mga palaro, at mga kagamitang inangkat mula sa mga katutubo na maaring bilhin. Minsan lang iyon mangyari at nais kong… kasama ka.”

Tumango siya at muling nagtanong,
“Sa susunod pang bukas… ano naman ang nais mong gawin?”

Doon ako natahimik. Hindi na niya kailangang sabihin pa. Sa bawat tanong niya ay dama ko ang pangungulila na ayaw niyang banggitin.

Ang mga araw naming magkasama ay mabibilang lamang at sa bawat
bukas
na binabanggit niya, lalo kong nararamdaman ang kirot ng katotohanang ito’y hindi magtatagal.

Kumirot ang aking dibdib. Napayuko ako, pilit ikinukubli ang luhang nagbabadya. At sa halip na sagutin, binalik ko sa kaniya ang tanong.

“Ikaw, ginoo… Ano ang nais mong gawin?”

Yumakap siya sa akin nang mahigpit, mas mahigpit pa kaysa kanina. At sa kaniyang pagyakap ay dama ko ang panginginig ng kaniyang dibdib.

“Nais kong ikasal sa iyo, Ryannel.”
aniya sa tinig na nanginginig ngunit buo.

“Ako rin, Javier. Kung maaari lamang.”

Sa mga salitang iyon, hindi ko na napigilan. Tumulo ang luha ko at humalo sa tubig ng batya. Ang kaniyang mga labi’y dumampi sa aking noo, at ako’y napapikit. Sa isang iglap, lahat ng sakit, lahat ng pangamba, lahat ng bigat ng digmaan at responsibilidad ay naglaho. Ang natira na lamang ay siya.

×××

-Terrorious


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.50.274
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.