Alcantara Brothers: Chosen For Entertainment [BXB] | SOON
IThinkJaimenlove · 3 chapters · 1,571 words
STORY DESCRIPTION
CHOSEN FOR ENTERTAINMENT
BLURB
“I want you. I choose you to satisfy my needs.”
Namulat na si Caspian sa hirap ng buhay. Ito na ang kinagisnan niya sa loob nang halos dalawamput-siyam na taon. Kinakailangan munang kumayod upang may mailaman sa kumakalam na sikmura.
Hindi nakapagtapos ng pag-aaral, kaya ang kinikita ay kakarampot lang. Hindi pa rin sapat upang matustusan ang mga gamot ng may sakit niyang Ina, ang pag-aaral ng nakababatang kapatid, at kukuha pa rito ang Ama niyang walang trabahoʼt nagbibisyo.
Ngunit isang tao ang babago sa takbo ng kaniyang buhay. Tutulong sa kaniya sa lahat ng problemang pinansiya pero mayroong kapalit at iyon ay ang kaniyang sariling katawan.
Hanggang kailan siya magtitiis? Hanggang saan ang kaya niyang gawin?
All right reserve ©
IthinkJaimenlove
.
DISCLAIMER AND WARNING
DISCLAIMER!
All Right reserved. No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the permission of the author.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, places, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidence.
WARNING
!
NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. This book may contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity which may disturbing to some readers.
It’s also contains grammatically incorrect and typographical errors. If you’re perfectionist and you wanted to read stories without mistakes, this book is not for you. Leave it alone!
READ AT YOUR OWN RISK!
YOU’VE BEEN WARNED!
FOLLOW ME:
Facebook: Jaime
Kawit
Facebook page:
IthinkJaimenlove
Instagram:
IthinkJaimenlove
READ MY OTHER STORIES:
Dreame:
IthinkJaimenlove
Libri
:
IthinkJaimenlove
Readoo
:
IthinkJaimenlove
Wattpad: IthinkJaimenlove
Chapter 1
CHOSEN FOR ENTERTAINMENT
SIMULA
CASPIAN
Katatapos ko lang magpalit ng damit at handa na akong gumayak papunta sa aking trabaho nang pumasok ang aking magaling na Ama.
“Ano po’ng kailangan ninyo?” magalang kong tanong kahit pa matagal na akong nagtitimpi’y iginagaling ko pa rin siya. Tatay ko pa rin siya at umaasa pa rin akong balang araw, magigising siya isang araw na kailangan namin siya.
“Pahinging pang-yosi saka ng pang-inom na rin.” Inilahad niya ang kamay na nakasanayan na niyang gawin sa tuwing siya ay manghihingi ng pera sa akin.
“Wala na po akong pera, ‘Tay. Ang natitira na lang po’y gastusin sa mga gamot ni Inay.”
Sumama ang kaniyang paningin at mas lalong nakakatakot ang namumula niyang mga mata. “Ano’ng sabi mo? Kakasuweldo mo lang at wala ka na kaagad pera?!” mariin niyang sabi pero pinakalma ko pa rin ang sarili dahil ayaw ko siyang sagutin nang pabalang.
“May mga binayaran po ako, ‘yong utang po natin kay Aling Beba at iyong kuryente ay binayaran ko rin. Ang natitira na lang po’y para sa gamot ni Inay na bibilhin ko mamaya.”
“Akin na ‘yan at ako nang bibili,” aniya ngunit umiling ako.
“Ako na lang po dahil madadaanan ko rin naman po ang botika papuntang trabaho.”
Mabilis siyang lumapit sa akin at hinapit ang kwelyo ng suot kong itim na damit, uniporme ko ito sa aking pinapasukang trabaho. Mas lalong sumama ang kaniyang tingin sa akin. “Susunod ka ba sa gusto ko o bubugbugin pa kita bago mo ‘yan ibigay?”
“P-pero, ‘Tay-”
“Wala akong pakialam! Isa pa, bakit mo pa bibilhan ng gamot ‘yang Inay mo? Hayaan mo na lang siyang mamatay!” aniya na nagpakulo ng duo ko’t mabilis ko siyang itinulak at sinuntok.
Hindi ko alam pero sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa ko ‘yon kay Itay. Hindi ko siya pinapatulan sa mga masasakit na salitang sinasabi niya sa akin pero ‘yong sabihin niyang hayaan na lang si Inay na mamatay? Wala siyang kwentang ama! Namulat akong puro pasakit ang kaniyang dala kay Inay, gabi-gabi niya itong binubugbog habang ako’y walang nagagawa kundi ang magtago dahil natatakot na madamay.
Wala siyang ibang ginawa kundi ang magbisyo. Ni hindi man lang niya magawang magtrabaho para sa amin. Ako ang nagkayod para kahit papaano’y mabuhay kami.
Hindi pa ako nakakagalaw nang gumanti rin siya ng suntok kaya napaatras ako at susuntukin pa sana ako nito ngunit mabilis ko siyang tinadyakan dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo sa sahig.
“Puwede niyo po akong pagsabihan nang masasamang salita pero ang sabihin ninyong hayaan na lang si Inay na mamatay ay napakawalang kwenta ninyong Ama. S-sana maisip ninyong magsumikap din kahit na para lang sa bisyo ninyo,” ani ko rito at mabilis siyang iniwan doon. Pumasok ako sa kuwarto ni Inay at ng kapatid ko.
Naabutan ko siyang nakaupo sa kama at tahimik lang. Alam kong narinig niya ang kalabog sa kabilang kuwarto kung saan kami nagsuntukan ni Itay ngunit wala siyang magawa kundi ang makinig na lang dahil hindi na niya kayang maglakad.
“Nay, alis na po ako. Mamaya’y darating na si Jopet para alagaan kayo. ‘Wag ninyong kalimutang inumin ang mga gamot ninyo.” Umupo ako sa kanilang kama malapit sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “P-pasensiya ka na, Caspian anak. Pinapahirapan ka namin ng ganito,” aniya, may lungkot sa kaniyang mga mata. “Puwede mo naman na akong hayaa-”
“Nay, ano ba kayo. Kayang-kaya ko naman po ito. ‘Wag po kayong mag-aalala, makakabangon din po tayo.” Ngumiti ako at saka hinayakan ang kaniyang pisngi. Hinalikan ko siya sa noo bago ako nagpaalam at umalis ng bahay.
Isang squatter area itong kinatitirikan ng aming bahay. Simula pagkabata ay rito na ako lumaki, maging ang mga kapitbahay namin. Ang mga ipinanganak dito ay rito na rin namatay. Pero hindi naman ako naniniwalang hanggang dito na lang kami. Hindi man ako nakapagtapos nang pag-aaral, alam kong balang araw ay may suwerte pa ring darating sa akin.
“Hi, Caspian,” tawag sa akin ng isang dalaga, nakasuot siya ng maikling maong na shorts at hapit na puting sando. May hawak siyang sigarilyo, magulo ang buhok, at puro kolorete ang mukha.
Ngumiti ako. “Hi, Jen. Mukhang may lakad ka yata ngayon,” sabi ko sa kaniya.
Ngumisi siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at saka ibinalik sa aking mukha ang tingin. Sinuri niya akong maigi. “Grrr! Kailan mo ba ako pagbibigyan, Caspian? Nakakatakam ka sa totoo lang!” aniya pero natawa na lang ako.
“Haha. Kapag inilakad mo na ako sa mga raket mo,” pagbibiro ko rito.
“Talaga?” Tumango ako. “Ayon naman pala sana sinabi mo kaagad. Marami akong alam, balitaan kita kaagad kapag kailangan nila ng lalaki,” aniya.
Hindi lingid sa akin ang trabaho ni Jenina o mas kilala bilang si Jen dito sa aming baryo. Maganda siya, maganda rin ang kaniyang katawan. Sa katunayan ay siya yata ang pinakamaganda rito sa amin kaya madalas ko siyang nakikitang may kasamang lalaki.
“Oh siya, aalis na ako dahil may pasok ako ngayon.”
“Okay, fafa Caspian! Ihahanda ko lang ang sarili ko para sa ‘yo,” aniya pero tumawa lang ako’t nagpatuloy sa paglalakad.
May iilang mga bumati sa akin na siyang binati ko rin pabalik. Normal na rin ditong may madadaanan kang babaeng lalabas ng isang bahay na tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan at hinabol ng tunay na asawa ng lalaking kinakama.
“Potangina mo!”
Nilampasan ko na lang sila dahil dinumog na sila ng karamihan. Ilang sandali lang ay nakalabas na ako sa eskinita at nagpatuloy naman sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang Bar. Sarado pa ito dahil maaga pa lang ngunit maya maya’y magbubukas din ito.
Gabi lang ito nagbubukas hanggang alas-sais ng umaga. Nagtatrabaho ako bilang waiter dito, Lunes, Miyerkules, at Biyernes ang pasok ko at kada-shift ko’y tatlong daan ang sinasahod ko. At kapag ka wala akong pasok ay suma-sideline ako sa palengke bilang taga-buhat ng mga paninda, isda at iba pa.
Pumasok na ako sa loob. May iilan akong mga kasamahan sa trabaho ang naabutan ko. Abala na silang maglinis kaya dali-dali rin akong tumulong.
“Kailangan natin magmadali dahil sabi ni Boss may nag-reserved daw ritong VIP. Birthday party daw,” ani ng kasama ko sa trabaho.
Hindi naman sikat itong Bar pero madalas may mga napapa-reserved nito para sa isang private party. Kaya napangiti ako dahil malamang sa malamang ay malaki-laki ang kikitain ko ngayong gabi. Bukod sa tatlong daang sweldo’y may mga tip pa akong natatanggap sa mga costumer.
–
Dalawang oras na nang makarating ako rito. Nagpalit na rin muna ako ng isa ko pang uniporme dahil nabasa ng pawis iyong suot-suot ko kanina. Nandito ako ngayon sa locker room nang bumukas ang pinto nito.
“Caspian?” Napatingin ako rito, ang manager namin ang pumasok.
“Yes, boss?”
“Marunong kang sumayaw, ‘di ba?” tanong niya.
“P-po?”
“Kako, marunong kang sumayaw?”
“O-Opo,” sagot ko sa kaniya. “P-Pero hindi po ganoon kagaling,” dagdag ko.
“Okay. That’s good. Ikaw muna ang pumalit kay Lando ngayon dahil nagkasakit siya. Magpalit ka nung suot niya riyan dahil malapit nang dumating ang mga bisita.”
“P-Pero, boss—”
“Wala nang pero-pero, ikaw lang ang sa tingin kong qualified. And I know you need money so you better do good tonight, mga VIP’s at mayayaman ang costumers natin ngayon. Malaki ang bigayan, tatanggi ka pa ba?”
Napalunok ako. Minsan na rin naman akong naging dancer dito sa Bar. Mas malaki nga ang kitaan kumpara sa pagse-serve lang pero hindi ko alam bakit kinakabahan ako. Kaba ba ito o excitement? Hindi ko maintindihan ang takbo ng damdamin ko ngayon.
“S-Sige po. Maghahanda lang ako,” sagot ko sa aming Manager.
Tuloy-tuloy na ito pag mayjowa na ako charut HAHAHA
![Cover of Alcantara Brothers: Chosen For Entertainment [BXB] | SOON](/story-covers/alcantara-brothers-chosen-for-entertainment-bxb-soon_244740107.webp)
