loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Alcantara Brothers: His Innocent Prey (BXB) | ON GOING

Alcantara Brothers: His Innocent Prey (BXB) | ON GOING

IThinkJaimenlove · 10 chapters · 9,285 words

STORY DESCRIPTION

Hunter Rye Alcantara: His Innocent Prey

Written and Owned by IthinkJaimenlove

[DESCRIPTION] – Unofficial and can be changed.

“It was only your body I wanted, but I wanted my last name after yours.”

Hunter Rye Alcantara, just like his name, is the one who hunts. He loves playing with virgins and innocent. And, when Felix appeared, he was even more thirsty for an innocent.

He thought, he could easily catch his prey, but his world turns into something that he never expected. A womanizer like him was lost on his own game. His prey was hunting his heart.

Will he be able to continue that game he started, or will his heart take over and change his plans?

All right reserve © IthinkJaimenlove

DISCLAIMER AND WARNING

DISCLAIMER!

All Right reserved. No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the permission of the author.

This is a work of fiction . Names, characters, businesses, events, places, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidence.

WARNING!

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. This book may contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity which may disturbing to some readers.

It’s also contains grammatically incorrect and typographical errors. If you’re perfectionist and you wanted to read stories without mistakes, this book is not for you. Leave it alone!

READ AT YOUR OWN RISK! YOU’VE BEEN WARNED!

FOLLOW ME:

Facebook: Jaime Kawit

Facebook page:

IthinkJaimenlove

Instagram:

IthinkJaimenlove

READ MY OTHER STORIES:

Dreame: IthinkJaimenlove

Libri: IthinkJaimenlove

Readoo: IthinkJaimenlove

Wattpad: IthinkJaimenlove

SIMULA

HIS INNOCENT PREY

SIMULA

FERDYNAND FELIX SORIANO

Ang mga kamay ay naka-intertwined habang taimtim na nananalangin. Hindi alintana ang iilang mga estudyanteng sa akiʼy napapatingin. Nakatutok ang buo kong atensiyon kay bathala na sanaʼy gabayan ako nito sa araw-araw.

“Look at that guy, he’s stupid,” narinig kong sabi ng kung sinong hindi ko naman kilala.

Nagmulat akoʼt tumingin dito. Isang babae. Ang bastos ng suot nito dahil sa iksi ng kaniyang palda, at masikip na blouse na halos pumutok na ang dibdib. Mariin akong umiling at sinuway ang sarili. 

“Huwag mo silang intindihin, Felix! Makasalanan silang nilalang,” ani sa sariliʼt nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Humawak ako sa straps ng backpack koʼt tinungo na ang daan sa aking unang klase. Alam ko na rin naman ng ang pasikot-sikot nitong Unibersidad dahil galing na rin ako rito noong nag-enroll at nag-entrance exam ako. Habang nasa hallway akoʼy palinga-linga ako sa paligid. May mga katulad kong wala pang uniporme–na sa tingin koʼy mga first year din sila ʼtulad ko. Napangiti ako. Sanaʼy maging kaibiyan ko silang lahat.

“OMG! ISN’T THAT HUNTER RYE ALCANTARA?!” narinig kong sigaw ng isang estudyante.

Napansin ko ang mga babaeng estudyante na inilibas ang kanilang mga make up kit at salamin upang tingnan ang sarili. Napatigil akoʼt napakunot ang noo. Ano’ng nangyayari? Bakit tila ba naging parlor itong hallway dahil lang sa sigaw ng estudyanteng iyon? May binanggit pa siyang pangalan, Hunter Rye Alcantara.

“He’s here! OMG! I’m wet,” ani pa ng isang babae na sanaʼy hindi ko na lang narinig ang sinabi. Napakabastos naman ng kaniyang bunganga. Alam ba nitong bawal sabihin ang bagay na iyon?

Hahakbang na sana ako upang magpatuloy na sa aking classroom ng may isang malalim na boses ang nakapagpatigil sa ʼkin.

“Move.” Isang salita lang iyon ngunit biglang nanindig ang balahibo ko sa kaba.

At tila ba may dumaang anghel sa hallway dahil ang kaninang bulong-bulungang ay biglang naglaho. Dahan-dahan naman akong lumingon sa aking likuran, kung saan isang matangkad na lalaking may mahabang buhok, may suot na sunglasses, seryoso ang ekspresiyong sa mukha, at may magagandang hugis ng labi ang ngayoʼy nakatayo sa aking harapan. Napalunok ako.

“OMG talaga, ʼteh! Sino ba iyang weird na iyan at nakaharang sa dinaraanan ng Prinsipe?!”

“Patay talaga ang batang ʼyan!”

“Yeah IKR!”

Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila dahil ang mga mataʼt atensiyon koʼy nasa lalaking ngayoʼy kaharap ko. Gusto kong igalaw ang mga paa ko upang makaalis na ngunit ayaw nitong sumunod. Tila ba nasemento ang mga paa ko. Nagulat pa ako nang ngumisi ito bago itinaas ang kamay at mabilisan akong hinawi.

“Tss!” At saka ito umalis.

Kanina pa nakalutang ang isipan ko. Mabuti na lang at mabilis na natapos ang aming klase–na naubos lang ang oras sa pagpapakilala. At lahat ng mga kaklase koʼy wala akong natatandaan ni isa sa kanila. Sa kadalihanang hindi na nilubayan ng lalaking bastos na iyon ang isipan ko.

“Kanina ko pa napapansing malalim ang iniisip mo.” Tumingin ako rito. “Naghahalikan bang dalawang lalaki ang iniisip mo? Same, sis!”

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Ano raw ang kaniyang sinabi? Dalawang lalaking naghahalikan? Papaano niya nasasabi iyon gayong isa siyang babae? Hindi ba siya nandidiri?

“A-Ang bastos ng bunganga mo,” ang bigla kong nasabi mo. “Papaano kung may makarinig sa ʼyo? Huhusgahan ka nila,” dagdag ko pa na ikinatawa lang nito.

“Gaga! Pa-inosente ka masyado. Huwag ako, beh!”

Umiling na lang ako dahil sa hindi ako makapaniwala sa taong ʼto. Napakabastos ng kaniyang isipan. Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko dahil tapos na ang klase at tutungo ako sa cafeteria upang bumili ng makakain. Ngayon ko lang din napansin na ako at itong bastos na babaeng ’to na lang ang natitira.

“Hoy! Hindi ka na mabiro. I was just joking you know,” sabi nito ngunit hindi ko siya pinakinggan. Tumayo ako at akmang iiwan na siya nang mabilis ako nitong nahawakan sa braso.

Masama ko siyang tiningnan. “Huwag mo akong kausapin. Baka mahawaan ako ng iyong kabastusan,” sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata nito – na literal namang malaki noong una pa lang. At pagkaraan ng ilang segundoʼy napuno ng kaniyang tawa ang apat na sulok ng silid. Mas lalo akong hindi makapaniwala. Hindi bagay para sa katulad niyang babae ang tumawa nang malakas.

“Yawa! I can’t believe there’s still someone like you,” sabi niya. Nangingilid ang mga luha mula sa walang humpay niyang pagtawa. “Tara na nga! Pakiramdam ko, bagay tayo e!” Ngumisi pa ito sabay akbay sa akin–na animoʼy magkaibigan kami.

Nagtataka ko siyang tiningnan ngunit nginitian lang niya ako. ʼDi ko siya maintindihan. Naguguluhan ako sa kaniyang kinikilos. Hindi ko naman siya kilala. Nakaakbay ako nitong kinaladkad palabas ng silid ngunit huminto ako ng nasa labas na kami na siyang ikinahinto rin niya.

“Bakit?”

Inalis ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin. “Sino ka ba? Bakit ba feeling close ka? Ayaw ko pa naman sa mga bastos ang bunganga,” prangka kong sabi ngunit tila ba hindi siya natinag sa kinatatayuan.

“Hoy! Grabe ka sa ʼkin, Ferdynand Felix Soriano!”

Lalong kumunot ang noo ko. “K-Kilala mo ʼko?”

Namewang siya. “Malamang po! Nagpakilala ka kaya sa harapan. Halur!”

“Pero ʼdi kita kilala,” sabi ko.

“Kasi–” Napakamot siya sa ulo. “Never mind na nga lang! Adella nga pala. Della na lang,” pakilala nito sabay abot sa kaniyang kamay.

Tinitigan ko lang iyon. At saka tumingin sa kaniyang mukha. “Pero bastos ang bunganga mo,” nakanguso kong sabi.

Mabilis nitong kinuha ang kamay koʼt sapilitang nakipagkamay sa kaniya. “Ayan! Pakikipagkamay lang e,” aniya. “Tara na nga! Nagugutom na ako. Nagugutom na ako ng mga guwapo.”

CHAPTER 1

HIS INNOCENT PREY

CHAPTER 1

FELIX

Ang lawak-lawak ng mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ang daming bookshelves kung saan may mga iba’t ibang klase ng mga librong nakalagay. Iba-iba ang kulay at iba-iba ang kapal. Sumisinghot-singhot ako dahil sa kagustuhang amuyin ang amoy ng mga libro.

“Weird.” Lumingon ako rito, isang babaeng kulot ang kaniyang buhok, Morena ang balat, at nakasuot siya ng salamin.

“P-Po?”

“Sabi ko, bawal ang mga bata rito,” aniya.

Tumingin ako sa paligid at muling ibinalik ang mga tingin sa kaniya nang nakakunot ang noo ko.

“Wala naman pong mga bata rito,” sagot ko dahil wala naman talagang mga bata rito.

“Nevermind,” aniya lang at saka ako tinalikuran nang makuha niya ang isang libro sa shelves.

Napakamot na lang ako sa aking batok. Ang hirap intindihin ng mga tao rito sa eskwelahan, pareho naman kaming mga nilalang. Sana dinala ko na lang sina Luna at Cream-o, mga alaga kong Pusa at Hamster. Mas Madali pa silang intindihin kaysa sa mga estudyante rito.

Nagtingin-tingin na lang ako ng mga libro. Na sa library ako ngayon dahil may assignment kami sa isang major subject. Tumingin ako sa itaas nang makita roon ang librong hinahanap ko at saka napasimangot. Sa dinami-rami ng puwede nilang paglagyan ng libro, bakit sa pinakataas pa? Na sa sulok na bahagi na ito ng library. Tumingin ako sa kanang bahagi ko, walang taong puwedeng makatulong sa akin. Tumingin naman ako sa kabila, wala ring naroroon pero may hagdan sa pinakadulo.

Mabilis akong naglakad patungo roon ngunit napatigil ako nang may marinig akong humahalinghing.

“Fck! That’s it, Babe. Your mouth is so fucking tight!” Nanlaki ang mga ko dahil sa maririing pagmumura ng isang lalaki, base sa lalim ng kaniyang boses.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Dahil sa kuryusidad, tinanggal ko ang ilang libro sa books shelves at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang nangyayari sa kabila.

Nabitiwan ko ang hawak na mga libro, dahilan para gumawa ’yon ng ingay na sapat lang para marinig ng na sa kabila ngunit tila ba walang narinig ang dalawa at tumingin lang sa akin ang lalaking bahagyang nakapikit at nakatingin sa itaas kanina, dahilan para hindi ko makita ang kaniyang mukha.

Mabilis akong umalis doon nang magtama ang aming mga mata. Bumalik ako sa mesa kung saan ko iniwan si Della. Nagtatakha siyang tumingin sa akin.

“Ba’t pulang-pula ka, ʼte? May nakita ka bang multo?” natatawa ngunit mahina niyang tanong.

Hindi ako sumagot dahil hanggang ngayon, tumatakbo pa rin sa isipan ko iyong reaksiyon ng lalaking ʼyon. Bakit kaya siya nakapikit at nagmumura? At saka, bakit nakaluhod iyong babae habang umuurong-sulong sa harapan niya? Tapos nakababa pa iyong slacks nung lalaking ʼyon.

“Huy!” Napalakas ang pagtapik ni Della sa akin dahilan para makabalik ako sa reyalidad.

“B-Bakit po?”

“Ano’ng nangyari sa ʼyo? At puwede ba, tigi-tigilan mo na kaka-po mo sa akin. Isang taon lang tanda ko sa ʼyo.” Inirapan ako.

“W-Wala po. M-May nakita lang akong Ipis,” sagot ko sa kaniya at saktong pagtingin ko kung saan ko nakita ʼyong Ipis ay siya ring paglabas ng tinutukoy ko Ipis.

Hunter.

Mabilis akong umiwas ng tingin. Sino’ng hindi makakakilala sa kaniya? Halos lahat yata ng mga estudyante rito, kilala siya, pati na rin ako dahil walang ibang bukambibig ang mga kaklase kong babae kundi siya. Pati na rin itong si Dellaʼy lagi siyang binabanggit.

“Ipis o baka tite?” tanong niya, sapat lang na kaming dalawa lang ang nakaririnig.

“N-Nasa library po tayo, bawal ang bastos dito.”

“Tse!”

“Is anyone sitting here?” Pareho kaming napatingin ni Della sa nagtanong. Nakaturo ang kaniyang hintuturo sa upuang na sa aking tabi.

“OMG!”

Bigla na namang nag-flash sa aking isipan ang kaniyang reaksiyon kani-kanina lang. Tila ba sarap na sarap siya sa sensasyong nararamdaman. Nag-init ang magkabila kong pisngi at mabilis na kinuha ang aking bag na nakapatong lang sa mesa.

“M-May gagawin pa po pala ako,” sabi ko at mabilis na umalis doon.

Narinig kong tinawag pa ako ni Della pero ’di ko na siya pinansin pa, ang nais ko lang ay makaalis doon dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko rin maipaliwanag ang sarili bakit ganito ang reaksiyon ko, wala naman akong natatandaang atraso ko sa lalaking iyon.

Pumasok ako sa banyo nang makarating ako sa aming department at saka tinungo ang lababo. Bumuntonghininga ako para ibsan ang kabang nararamdaman.

“Ano ka ba, Felix! Wala lang ’yong nakita mo. A-Ano lang iyon, b-baka tinutulungan lang siya nung babae magsuot ng slacks tapos naipit ng zipper iyong––” Umiling ako. Muli akong bumuntonghininga at saka naghilamos para mahimasmasan kahit papaano. “Mawala ka sa aking isipan, period! Tapon sa basurahan,” sabi ko.

Napatalon ako sa gulat nang may mahinang tumawa. Lumingon ako sa bandang pintuan kung saan nakatayo siya roon habang nakasandal at naka-cross arms sa dibdib.

“You’re funny,” aniya habang malawak ang kaniyang ngisi.

“H-Hindi naman po ako nagpapatawa,” sagot ko.

“What? Mukha ba akong matanda para sa ’yo?”

“Ano pong kailangan nila?” tanong ko, imbes na sagutin siya. Nilakasan ang loob dahil pakiramdam ko, lalabas na ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

Napahawak siya sa noo’t hinilot iyon habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Masakit kaya ang ulo niya? Gusto ko sanang itanong iyon pero pinigilan ko ang sarili. Muli siyang tumingin sa akin ngunit ngayo’y seryoso na.

“Gusto ko lang sabihin sa ’yong huwag na huwag mong ipagsabi ang nakita mo kanina,” aniya.

“Ang alin po?” tanong ko dahil malay ko ba kung alin ang tinutukoy niya, ang dami ko kayang nakita kanina.

“Library where that girl’s sucking my dick.”

“Po? S-Sinusubo nung babae ’yong ano niyo po? B-bakit po?” Nagulat siya sa tanong ko dahil napaawang ang kaniyang bibig at tila ba nakakita siya ng hindi kapani-paniwala.

“Fck! I can’t believe this,” mahina niyang bulong. “You don’t know what she’s doing to me?”

Umiling ako. “A-Ano po, akala ko tinutulungan niya kayong magsuot ng slacks,” sagot ko.

“She’s sucking my dick,” aniya na parang normal lang para sa kaniyang sabihin iyon.

“Pero bakit po? Wala naman pong ahas doon na kumagat sa inyo, ’di ba?” tanong ko kasi ’di ba kapag kinagat ka ng ahas, dapat sipsipin iyong kamandag para hindi kumalat?

“Shit! This is unbelievable!” Lalong kumunot ang noo ko. “Then why did you runaway?”

“Hihingi po sana ako ng tulong kay Della pero nakalimutan ko po tapos bigla rin kayong lumabas tapos naalala kong may klase pa po pala ako,” sagot ko. “P-Pero a-ayos na po ba kayo?”

“Yeah, no need to worry. I’m fine.” Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang ayos lang naman siya. “She’s really good at sucking the venom inside me,” dagdag niya.

“Sige po. Pero magpa-check po kayo sa Doctor baka may natira pa po.” Tumingin ako sa pinto. “P-Puwede na po ba akong dumaan?”

“Oh sorry, yes. You may, Mr?”

“Ferdinand Felix Soriano po.”

“It’s nice meeting you, Felix. I’m Hunter Rye Alcantara,” sabi niya habang may ngisi sa kaniyang labi na hindi ko maintindihan para saan ang ngisi na iyon.

CHAPTER 2

HIS INNOCENT PREY

CHAPTER 2

F E L I X

“Dada, may tanong po ako sa inyo.” Na sa hapag na kami’t katatapos lang kumain ngunit nagpapahinga lang bago iligpit ang mga pinagkainan.

Kinuha ko rin ang pagkakataong ‘to upang itanong sa kaniya ang kanina pang bumabagabag sa aking isipan. Kapag ka hindi ko ‘to ginawa, baka hindi ako makatulog nang maayos at ayaw ko ng ganoon. Mapapagalitan ako kapag nagpuyat ako.

“Hmmm? Ano ‘yon, ‘nak?” tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin. “May nambu-bully bas a ‘yo sa eskwelahan ninyo?” dagdag niya, nilingon si Papa nang nakataas ang kilay.

“Oh bakit ganiyan ka na naman sa akin makatingin, Love?” tanong ni Papa.

“E kasalanan mo kasi bakit doon mo siya in-enroll! Ang dami naman diyang eskwelahan na magiging ligtas siya. Sa St. Benedict, walang mambu-bully roon sa kaniya dahil nandoon sina Sister at ‘yong iba pa.”

Mabilis akong umiling. “’Da, kalma po. Wala pong nangyayaring ganoon,” sagot ko, pareho silang tumingin sa akin.

“See, wala naman pala. Love, you’re overreacting,” ani Papa pero inirapan lang siya ni Dada.

Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Siguro, kung totoo man ang reincarnation, pipiliin ko pa ring sila ang magiging magulang ko. Kahit na iba ang tingin ng karamihan sa pamilyang mayroon kami, mas gugustuhin ko pa rin na sila ang makasama ko.

“Then what is it, ‘nak?” tanong ni Dada, seryoso na siyang nakatingin sa akin ngayon.

“Posible po kayang may ahas sa library po?” tanong ko, pareho silang nagkatinginan at muling ibinalik ang tingin sa akin na nakakunot ang noo. “Kasi po, kanina may nakita po ako sa library na sinisipsip po iyong ano ng lalaki.” Kaya kinuwento ko sa kanilang dalawa ‘yong nangyari kanina para maibsan ang pagtatakha nila.

“Ang ano?”

Nag-init ang magkabila kong pisngi at napaiwas ng tingin sa kanilang dalawa. “T-Tite po,” mahina kong sagot.

“AYAN! AYAN NA NGA BA ANG SINASABI KO SA ‘YO, DESMOND!”

Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Napahigpit ang kapit ko sa suot kong pajama habang nakayuko. Nakakatakot kasi si Dada sa tuwing nagagalit siya. At ngayon, mukhang galit siya’t kasalanan ko iyon kung bakit. Sana’y hindi ko na lang sinabi ‘yon.

“Love, calm down. You’re scaring our son,” mahinahanong sambit ni Papa.

Pakiramdam ko’y bubuhos na ang mga luha ko dahil sa takot.

“P-Pasensiya na, ‘nak. Oo naman, posibleng magkaroon ng ahas sa library. Kaya mag-ingat ka lalo na sa pinakadulo sa mga walang katao-tao baka roon namamalagi ang mga ahas. May bulate nga rin sa library, e,” ani Dada. Kumalma ang puso ko at tumingin sa kaniya.

“T-Talaga po may bulate?”

“Oo, bookworm,” aniya.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan at ayusin ang sarili, naupo ako sa aking study table. Kinuha ko ang Ipad ko upang makapag-advance study ako sa mga subjects namin. Hindi naman kasi ako matalino, kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti pero ewan ko ba, kahit na anong gawin kong pagbabasa’y nahihirapan pa rin ako.

Patapos na ako sa isang subject ng mag-vibrate ang aking cell phone. Mabilis ko iyong kinuha at binuksan ang notification, isang text message mula sa isang unregistered number.

From: +639******010 “In tender years when hearts are pure, Where innocence and dreams endure, A spark ignites, a gentle flame, And first love whispers, calls your name.” Good evening :)

Pinatay ko iyon at ibinalik sa kung saan ko kinuha nang hindi nire-replyan ang message. Alam ko kasing scam lang ’yon or iyong mga automated na messages. Pinatay ko na rin ang Ipad ko’t nag-inat bago tinungo ang aking kama, dahil inaantok na ako.

Naging Maayos naman ang tulog ko kagabi dahil nasabi ko sa mga magulang ko iyong bumabagabag sa akin. Kaya maaga akong nagising at kaagad na naghanda upang makapasok sa eskwelahan. Nang maisuot ko na ang damit ko, dahil wala pa kaming uniporme at isang linggo pa lang naman noong magsimula ang klase, naka-civilian lang ako ngayon.

Bumaba ako’t dumiretso sa kusina kung saan naabutan ko si Dada na nakatalikod habang may niluluto siya habang si Papa nama’y ‘tulad ko, nakabihis na rin ng kaniyang pang-opisina habang nakaupo’t nagkakape. Ang guwapo ni Papa sa suot niya, pati na rin si Dada’y guwapo rin. Mababait pa sila.

“Good morning po, Papa!” bati ko nang makalapit ako sabay halik sa kaniyang pisngi.

“Good morning, baby,” bati niya pabalik.

“At bakit ang Papa mo ang inuna mo ngayon ha?” Napangiti ako nang humarap si Dada at nakapamewang na tumingin sa amin.

Lumapit ako rito sabay halik sa kaniyang pisngi. “Save the best for last po kasi, Dada. Good morning po!”

“Aysus! Manang-mana ka sa Papa mo, mahilig mang-uto,” sagot niya pero hindi ako natawa dahil napatingin ako sa kaniyang leeg na may mga pulang marka.

“Ano pong nangyari sa leeg niyo, Dada? Lagi po kayong may ganiyan, e. Okay lang po ba kayo? Magpatingin na po kaya kayo sa Doctor,” sagot ko.

Narinig ko ang pagtawa ni Papa kaya nagtatakha akong lumingon sa kaniya.

“A-Ah, wala ’to, ’nak. Baka allergies lang ’to pero okay lang ako, don’t worry. Maupo ka na roon at kakain na tayo.”

“Thank you po, Papa. Mag-iingat po kayo.” Binuksan ko ang pinto nang sasakyan at lumabas na rito.

“Call me when you need something, okay? Take care of yourself.”

May maliit na kompanyang pinapatakbo ang mga magulang ko. Si Dada ay sa bahay lang pero may trabaho rin naman siya, work from home. Habang si Papa ang nag-a-asikaso sa mga kakailanganin sa kompanya.

Nang makaalis si Papa ay kaagad akong pumasok sa loob ng eskwelahan.

“Baaakss!!” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang matinis at nakaririnding boses. Nilingon ko ito, si Della na malawak ang ngiting naglalakad papalapit sa akin. “Good morning!”

“Good morning–”

“Good morning lang, ’wag mo nang dagdagan ng po,” pagpipigil niya sa sasabihin ko. Inirapan niya rin ako. “Nga pala, bago ko makalimutan…” Tumigil kami sa paglalakad. Humarap ako sa kaniya. “Hiningi pala ni Hunter sa akin ang cell phone number mo! Waaaah!”

Nagmistula siyang kiti-kiti na hindi ko maintindihan ang paggalaw ng kaniyang katawan, habang nakapikit at nagpipigil ng sigaw. May iilang mga estudyanteng napapatingin sa amin kaya mabilis ko siyang pinigilan dahil nakakahiya.

“Ano ba, te! Kinikilig pa nga ako, e. Feel ko type ka nun. OMG! BL na ba this?!”

“H-ha? Ano’ng BL?”

“Seryoso ka, hindi mo alam?” Umiling ako. “Boy’s Love, sis! Dalawang lalaking nagmamahalan,” sagot niya. Napatango na lang ako, katulad pala iyon nila Dada at Papa. “Back to the topic, nag-text ba siya sa ’yo?”

“Sino?” nakakunot-noo kong tanong.

“Si Hunter, hello?!”

Bago ko pa siya sagutin ay muli na namang nag-vibrate ang  cell phone ko.

From: +639******010 “In a moment swift, our eyes did meet, A spark ignites, a rhythm sweet, A world transformed in a heartbeat, Love at first sight, so pure, complete.” Good morning :)

Ibinalik ko na lang iyon sa bulsa ko. “Wala naman akong natanggap,” sagot ko dahil totoo naman talagang wala.

“Eh ano iyong binasa mo?” nakataas kilay niyang tanong.

“Computer. Kagabi pa iyon, e. Nag-se-send ng poem, siguro galing sa chatgpt. Tara na? Baka ma-late na tayo sa klase.”

CHAPTER 3

HIS INNOCENT PREY

CHAPTER 3

FELIX

KATATAPOS

lang ng aming klase. Kahit na anong gawin kong pakikinig, limitado lang ang pumapasok sa aking isipan. Gusto ko naman ang kursong kinuha ko ngunit hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong intindihin ang mga discussion. 

Marahil hindi lang talaga marunong magturo ang mga Professors dito?

Parehong matalino sina Dada at Papa. Nakapagtapos sila ng parehong may Latin. Anak ba talaga nila ako? Bakit hindi ko ‘yon namana sa kanila? Siguro, sa babaeng nagluwal sa akin ako nagmana.

Ipinaliwanag na sa akin nina Dada at Papa kung papaano ako nabuo. Sa galing ng teknolihiya sa panahon ngayon, masasabi kong posible nan gang mangyari ‘yon. Wala naman akong nararamdamang kakaiba bagkus ay nagpapasalamat pa ako dahil sila ang mga naging magulang ko. Maalaga, mabait, at higit sa lahat ay puno ako ng pagmamahal na galing sa kanilang dalawa.

“Girl, tulala ka naman. Ano na naman ‘yang iniisip mo? For sure, tite na naman ‘yan!”

Sinamaan ko ng tingin si Della. “Subukan mo po kayang magpabasbas nang mawala po ‘yang mga masasamang espirito sa ‘yong katawan,” sabi ko rito pero tumawa lang siya.

Minsan hindi ko siya maintindihan. Ang hirap niyang basahin. Napaka-unpredictable rin ng mga lumalabas sa kaniyang bibig. Kung puwede lang na i-staple ang kaniyang bibig kapag na sa pampubliko kaming lugar, ginawa ko na.

“Tse! I was just stating the fact,” aniya.

“Walang pong katotohanan sa mga sinabi mo. Sabi ni Dada, masamang mag-isip nang mahahalay na bagay dahil masisira lang ang isipan mo.”

Mas lalo siyang natawa sa isinagot ko. Bumuntonghininga na lang at tumingin sa paligid. Na sa cafeteria kami dahil may dalawang oras kaming vacant bago ang susunod na klase. Rito ako nito dinala dahil para hindi raw siya ma-bore. Gusto ko ngang sa library pero bigla kong naalala iyong sinabi ni Dada sa akin na may ahas at bulate raw sa library, kaya natatakot akong pumunta roon mag-isa.

“OMG! Hunter’s here!”

Ang kaninang tahimik na cafeteria ay biglang naghiyawaan nang pumasok ito rito. Kahit ayaw mong gawin ay mapapatingin ka pa rin dito dahil halos lahat ng mga nandito ay nakatingin din sa kaniya. Huminto ito at inilibot ang paningin. Biglang may nagtatambol sa aking dibdib nang magtama ang aming mga mata.

Ano ‘tong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan? Hindi naman ako natatakot sa kaniya. Wala akong kasalanan para matakot. At kung mayroon man, marahil hihingi na lang ako ng tawad nang sa ganoon ay matapos na ‘tong kabang nararamdaman ko.

“He’s looking at you!” ani Della at impit na sumigaw.

Hindi ako sumagot dahil nakatuon ang buo kong atensiyon sa aking dumaragundong na puso. Nang maglakad ito’y mas dumoble ang kabang naramdaman dahil imbes na sa counter ito dumiretso ay naglakad ito patungo sa aming direksiyon.

Felix, kalma. Tao lang naman ‘yan. Hindi ka niya sasaktan. Isusumbong na lang natin sa Dada mo!

“Hey,” aniya. Ang lawak ng ngiti sa kaniyang magagandang labi. Lumitaw rin ang maputi’t pantay-pantay niyang mga ngipin.

“Hi, Hunter.”

“Hi, Dell. How are you?”

“Waaah! I’m fine, pap-este, Hunter. Upo ka na muna. Ayusin ko lang itong kaibigan kong tulala na naman. Iniisip nitong nakahubad ka.”

Naupo ito sa harapan namin. Nakatingin lang siya’t hindi nabubura ang ngiti o mas magandang sabihing nakangisi na siya ngayon. Inayos niya ang mahabang buhok, dahilan para muling umingay ang mga estudyanteng malapit sa amin.

“Ang poge!”

Umiwas ako ng tingin at itinuon na lang iyon sa aking pagkain. Gusto kong umalis ngunit saan naman ako pupunta? Ayaw ko namang pumunta mag-isa sa Library dahil baka makakita ako ng ahas doon.

“I texted you. Bakit hindi ka nag-re-reply?” Lumingon ako kay Della. Abala ito sa kaniyang salamin dahil tapos na siyang kumain.

“Della, kinakausap ka po niya—”

“Ikaw ang kausap ko, Felix.”

Lumingon ako rito. Si Dada at Papa lang ang tumatawag sa akin nun. Kumunot ang noo ko, itinuro ang sarili. “K-Kausap niyo po ako?”

Tumawa siya nang mahina. “Yeah. Why didn’t you answer my messages?”

“Ano pong message? W-wala naman po akong natanggap.”

Totoo naman talagang wala akong natanggap. Kung mayroon lang, mag-re-reply ako. Kaso papaano ko re-reply-an ang mga automated messages mula sa mga scammer? Baka ma-hack pa ‘yong account ko kapag ginawa ko iyon.

Napansin ko ang pag-igting ng panga niya na tila ba hindi siya makapaniwala sa isinagot ko. nagsalubong din ang kaniyang kilay ngunit mabilis din itong bumuntonghininga. May kinuha siya sa kaniyang bulsa, cellphone, ‘yong latest na model ng isang sikat na brand. Ilang pindot ang ginawa niya’t iniharap iyon sa akin.

“Look,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kinuha ang cellphone ko’t tiningnan ang mga message na natanggap ko kagabi.

“G-Galing po sa inyo ‘to?” Ipinakita ko ang text message na natanggap. “A-Akala ko po sa mga scammer ‘to.” Tiningnan niya ang cellphone ko at isang maliit na ngisi ang gumihit sa kaniyang labi. Mabilis ko naman itong ibinalik sa bulsa.

“What? Do I look like a scammer to you?” Umiling ako.

“Ano po pa lang kailangan ninyo?” tanong ko, imbes na sagutin siya. Kasi hindi ko pa masabi sa ngayon kung scammer siya o hindi dahil hindi ko naman siya lubos na kilala.

“I want to be intimately close to you,” sagot niya.

Kumunot ang noo ko. hindi ko kasi ‘to lubos na naiintindihan. Nilingon ko si Della ngunit abala na ito sa paglalagay ng kolorete sa kaniyang pisngi na halos magmukha ng painting ang kaniyang mukha. Muli kong ibinalik ang paningin kay Hunter, nakangisi pa rin siya. Hindi ko Mabasa kung ano’ng tumatakbo sa kaniyang isipan.

“B-Baka po pag-isipan nila tayo nang masama kung magiging malapit tayo,” mahina kong sabi. Ngayon pa lang na umupo siya sa puwesto naming ay pinagtitinginan na kami ng mga estudyante rito.

“I was meaning to say, on bed, Felix. On fcking bed!”

“Ayos ka lang, ‘nak?” Napatingin ako kay Dada. Na sa hapag kami ngayon at kasalukuyang kumakain. Napansin siguro niya ang kanina ko pang pananahimik dahil madalas ay ako ang laging nagsasalita.

Ngumiti ako at saka tumango. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi. Natatakot kasi ako na baka ‘pag hindi nila nagustuhan iyong sasabihin ko’y ililipat nila ako ng eskwelahan. Ayokong lumipat. Gusto ko sa Unibersidad na pinapasukan ko.

“Kilala kita, Felix. May problema ka ba? Hindi ba sapat ang perang ibinibigay naming sa ‘yo?”

“Naku, ‘Da, hindi po ganoon. Sapat na sapat po iyong allowance ko po. Sobra pa nga po, e.”

“Then what’s bothering you?” si Papa naman ngayon ang nagtanong.

Bumuntonghininga ako. Kapag hindi ko nasabi sa kanila ‘to ay baka hindi ako makatulog mamaya kaiisip.

“K-Kasi po, may g-gustong makipagkaibigan sa akin.”

“Iyon lang ba? E ano namang problema roon? Is she or he did something you don’t like?” Umiling ako.

“Wala naman po, Pa.” Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa ilalim ng mesa upang hindi nila mahalatang kinakabahan ko. “Mabait naman po siya. Ang sabi nga po niya, gusto niya raw kaming magtabi sa kama.”

Napatayo si Dada. “Lalaki ba ‘to o babae, Felix?” medyo may kalakasan ang kaniyang boses.

“Hon, calm down.”

“L-Lalaki po,” sagot ko.

Hindi sila sumagot. Muling umupo si Dada at tiningnan si Papa. Napansin ko ang pagbuntonghininga nilang dalawa.

“Huwag kang makikipagkaibigan sa taong ‘to, Felix. Naiintindihan mo ba ako? Wala siyang maidudulot na mabuti sa ‘yo. Iwasan mo siya.”

Tumango lang ako bilang sagot at saka nagpatuloy na sa pagkain. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasabi ko rin sa kanila ang bumabagabag sa akin.

CHAPTER 4

HIS INNOCENT PREY

CHAPTER 4

F E L I X

            PAGKATAPOS 

kong maghilamos ay kaagad akong umupo sa aking gaming chair. Binuksan ko ang aking laptop at kinuha ang notebook ko sa aking bag. Kailangan kong aralin ang mga discussions kanina dahil baka may pa-surprise quiz sa amin bukas.

Ngunit bago pa man ako makapagsimula ay napukaw ang atensiyon ko nang tumunog ang aking cellphone. Kaya kaagad ko itong kinuha at binasa ang text message na aking natanggap.

“Hi,” basa ko sa mensahe mula kay Hunter. Na-i-save ko na ang kaniyang number.

’Di ako nag-reply. Sabi kasi ni Dada ay huwag akong makipagkaibigan sa kaniya. Pero kung tutuusin ay hindi naman mukhang masamang tao si Hunter. Halos lahat nga ng estudyante ay kilala siya tapos palagi pa siyang nakangiti. Mukha lang masungit ang kaniyang mukha.

Ibinalik ko ang pansin sa aking laptop na saktong nakabukas na ngunit bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot ang tawag dahil baka importante.

“Hey,” ani ng malalim na boses na nasa kabilang linya. Tiningnan ko kung sino ito at napag-alamang si Hunter ang tumawag.

“H-Hello po. G-good evening,” sabi ko. Bigla akong kinabahan. “B-bakit po kayo napatawag?”

“Fck! Your voice is so calm. It makes me hard,” aniya.

“Hard? Ano po’ng matigas sa ’yo?”

Tumawa siya at ’di ko alam bakit biglang nag-init ang magkabila kong pisngi nang marinig ko ang kaniyang tawa.

“My pet, wanna see it?”

“P-Po?”

“Didn’t you hear me? Gusto mo ba kakong makita ang alaga ko?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi.

Alaga? May alaga siya? Gusto kong makita! Aso? Pusa? Gusto ko magkaroon ng alaga kaso ayaw nina Dada at Papa dahil sa asthma ko. Kaya mga stuff toys na lang ang mga inaalagaan ko.

“May alaga po kayo?”

“Yes, Felix. Wanna see it?” na-excite ako. Ipapakita niya ang kaniyang alaga!

“Opo!” natutuwa kong sagot.

“Fck! W-wait ugh.” Kinabahan ako nang bigla siyang umungol.

“A-Ano po’ng nangyayari sa inyo? M-may masakit po sa inyo?”

“N-no. it just that, sobrang laki kasi ng alaga ko. Ang hirap ilabas sa kaniyang lungga,” sagot niya sa kabilang linya.

“Gano’n po ba. H-hindi naman po niya kayo kinagat?” nag-aalala kong tanong. Kinakabahan din ako dahil baka mapano pa siya sa kagustuhan kong makita ang kaniyang alaga.

“W-what? No! – I mean, no. wait I’ll facetime you,” aniya at biglang namatay ang tawag ngunit ’di nagtagal ay muli siyang tumawag at sa pagkakataong ito’y naka-facetime na.

Mabilis kong sinagot at bumunga sa akin si Hunter. Nakangisi siyang nakatingin sa akin habang wala siyang suot na damit pang-itaas. Magulo ang kaniyang buhok. Nakaupo siya sa swivel chair sa loob siguro ng kaniyang kuwarto dahil may nakikita akong kama sa kaniyang likod.

“Hey, cutie,” aniya.

Napaiwasa ako ng tingin. “B-Bakit po kayo nakahubad? N-nasaan na po iyong alaga na ipapakita ninyo?” tanong ko.

“Look at me first,” aniya, gamit pa rin ang nakakapanindig balahibo niyang boses. Dahan-dahan naman akong tumingin sa screen ng aking cellphone. “That’s it, baby. Look at me.” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang kinagat ang pang-ibabang labi.

“A-Ano po’ng ginagawa ninyo?” Nakakunot noo kong tanong dahil hindi ko maintindihan ang expression sa kaniyang mukha.

“Do you want to see my pet already? Gusto mo bang makita na paglaruan ko?” imbes ay tanong niya. Tumango ako at malawak na ngumiti kahit na hindi ako sanay na nakikita ang kaniyang hubad na katawan.

Inayos niya ang kaniyang cellphone kung saan kita ko pa rin siya. Umatras siya’t biglang tumayo na siyang ikinalaki lalo ng aking mga mata at panginginig ng aking katawan nang makita ni isang saplot ay wala siyang suot.

Matayog ang tindig ng kaniyang pagkalalaki. Hinawakan niya ito’t iwinagayway.

Hindi ako makasigaw sa gulat dahil na sa kabilang kuwarto lang sila Dada at Papa. Baka kung ano’ng isipin nila at tanungin na naman ako ni Dada.

“Look, Felix. This is my –”

Hindi ko pinatapos ang kaniyang dapat na sasabihin dahil mabilis kong pinatay ang tawag. Ini-off ko rin ang aking cellphone. Mabilis ang tibok ng puso ko. Bakit siya nakahubad? Akala ko ba’y ang alaga niya ang ipapakita niya? Wala naman siyang alagang hayop, e!

Sinungaling siya! Tama si Dada, hindi dapat ako makipagkaibigan sa kaniya.

Halos hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Mag-re-review pa sana ako pero hindi ko na rin natuloy dahil hindi naman pumapasok sa isipan ko iyong mga nakasulat sa notebooks ko. Kung bakit ko pa kasi sinagot ang tawag ni Hunter.

Ni hindi rin ako maka-focus sa mga discussions simula pa kaninang umaga dahil hanggang ngayo’y ang nangyari pa rin kagabi ang tumatakbo sa isipan ko. Nagdasal naman ako bago matulog at paggising ko, e.

“Mr. Tan, stand up and answer the following on the board,” ani ng Professor namin sa Math.

“Alam mo baks,” tawag pansin ni Della sa akin. Kaya naituon ko ang pansin sa kaniya.

“Ano ’yon?” tanong ko.

“Napaisip lang ako kasi what if magkatuluyan sina Charles at Angelika, tapos ikinasal pa sila. Alam mo kung ano magiging apilyedo ni Angelika?” aniya. Napaisip din ako pero wala namang mali kung magkakatuluyan sila. Si Charles Tan ang kaniyang tinutukoy na kasalukuyang may sinasagutan sa white board habang si Angelika ay ’yung President ng aming classroom.

“Magiging Tan na rin?” tanong ko.

“Mali ka! Ano ba’ng apilyedo ni Angelika?”

“Canto,” sagot ko. Nakakunot pa rin ang noo.

“Tapos kapag ikinasal sila ni Charles?”

Napatango ako. “Ay oo ng apala. Magiging middle name na niya ’yung Canto. E ’di, Angelika Canto-Tan?”

“Pft!” Nagpipigil niyang tawa.

“Bakit?”

Sinamaan niya ako ng tingin. “Ewan ko sa ’yo, wala kang alam sa mga bagay-bagay!” aniya at inirapan ako. Ibinaling na lang niya ang pansin sa katabi niya’t ito na naman ang tinanong sa kung ano’ng magiging apilyedo ni Angelika kapag nagkatuluyan sila ni Charles at sabay silang tumawa.

“Milagros and Adella, what’s noise there?” na siyang napansin ng Professor namin.

“Ah, sir, w-wala po.” Kita ko ang kaba ni Della.

“I don’t believe in you. Maniniwala ako kung may magsasabi sa akin ng totoo.” Tumingin si sir sa direksiyon ko. “Felix, katabi mo ’yang dalawa. Ano’ng pinagtatawanan nila.”

“Bakla, ’wag mong sabihin ang totoo!” mahinang bulong sa akin ni Della.

“Ah wala naman po, sir. Tinanong lang po ni Della si Milagros kung ano magiging apilyedo ni Angelika Canto kapag po ikinasal sila ni Charles Tan,” sagot ko.

“GAGA KA, TE! Pati si sir natawa sa ’yo. Ang benta mo kanina, e!” ani Della nang makalabas kami. Patungo kami sa canteen upang mag-lunch dahil mayroon kaming isang oras na break.

“May nakakatawa ba sa sinabi ko? Totoo naman kasi, e. Bakit hindi ba totoo?”

“Hayst. Ewan ko sa ’yo! Bilisan na nga natin dahil kanina pa ako gutom.”

Naiwan ako sa mesang inukopa namin ni Della dahil aniya’y siya na lang daw ang mag-o-order. Inilabas ko ang cellphone ko na kagabi pa nakapatay dahil baka muling tumawag si Hunter at makita ko na naman ang hubad niyang katawan.

“Nakita rin kita.”

CHAPTER 5

HIS INNOCENT PREY

CHAPTER 5

F E L I X

“NAKITA rin kita,” ani ng malalim na boses na mabilis kong nilingon.

Kung puwede lang na maglaho ngayon, marahil ay mabilis ko na iyong ginawa nang makita si Hunter na nakatayo’t nakatungong nakatingin sa akin. Hindi ko Mabasa kung ano’ng tumatakbo sa isipan niya. Seryoso ito, ‘tulad nang palagi niyang ekspresiyon. Naglalaman ng maraming misteryong hindi ko mawari kung ano ang mga ‘yon at natatakot akong malaman ‘yon.

“A-Ah—” Umiwas ako ng tingin at tiningnan si Della na kasalukuyang na sa counter pa rin at namimili ng pagkain. Hinihiling na sana’y bumalik na siya rito kaagad.

Nagulat ako nang umupo siya sa aking harapan. “What? You’re ignoring me?” Nakakunot noo niyang tanong.

“Opo,” mabilis kong sagot. Napapikit ako dahil mahina siyang nagmura. “H-huwag po kayong magmura dahil masama po iyon,” sabi ko.

Tumawa lang siya. “You’re honest. Why?”

“Dahil po sinungaling kayo at bastos,” sagot ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian lang niya ako na tila ba hindi siya natatakot sa akin.

“Why? You don’t like my dick?”

Umiling ako. “Sabi niyo kagabi, ipapakita ninyo ang alaga ninyo!”

“But that’s my pet,” mabilis niyang sagot.

“Hindi po kaya ‘yon pet! Pagkalalaki niyo ‘yon at saka bakit po gano’n iyon kalaki? Namamaga po ba? Dahil po ba ‘yon sa kagat ng bulate?” sunod-sunod kong sabi nang maalala ko kung gaano kalaki iyong pagkalalaki niya na tila ba namamaga.

E ‘di ba noong nakaraan, na sa library siya’t sabi niya’y kinagat siya ng makamandag na bulate? Hinahanap ko sa internet kung anong klase ng bulate iyong may kamandag pero wala naman akong nakita. Marahil ay hindi pa ito naipa-publish sa internet kaya hindi ko iyon mahanap.

Muli siyang tumawa. May mga iilang estudyanteng napapatingin sa aming direksiyon, ‘yong iba’y mahihinang humahalinghing at ‘yong iba nama’y masamang nakatingin.

“As I’ve said—”

“Finally, I’ve looked you everywhere at dito lang pal akita makikita.” Natigilan si Hunter sa sana’y sasabihin niya nang may magsalita. Sabay kaming napalingon dito. Isang babaeng medyo blonde ang kaniyang buhok, mukha siyang koreano na parang amerikano. In short, maganda siya. Tinaasan niya ako ng kilay ng mapatingin sa akin.

“Karen, hi,” ani Hunter.

“It’s Caroline, you jerk.”

“Ohh sorry, I forgot. What do you want?” tanong ni Hunter, tila ba wala siyang pakialam sa masasamang pinupukol sa kaniya ng babaeng maganda.

“I think, I’m pregnant,” ani ng babae.

Napaigtad ako ng biglang tumayo si Hunter dahil sa gulat. “What?!” sigaw niya. Napalingon sa amin ang mga estudyanteng nandito at nagbulungan.

Saktong dumating si Della, na mabilis na naupo sa tabi ko.

“Baks, sino iyan?” mahina niyang tanong.

“Didn’t you hear me? Buntis ako, Hunter at ikaw ang ama,” ani ng babae. Lumakas at dumami ang bulungan.

Bigla akong kinabahan nang mabilis na hinila ni Hunter ang babae palabas ng cafeteria. Natakot ako at naawa sa babae. Buntis siya? ‘Yon ang narinig ko. malinaw na malinaw dahil na sa harapan ko sila mismo nag-uusap.

Pero masyado pa sila mga bata para maging mga magulang. Ano ba’ng nangyayari sa panahon ngayon? Mas mabilis na tumaas ang teenage pregnancy kaysa sa pag-unlad ng bansa?

“W-what the hell?” gulat na bulalas ni Della nang maglaho sa harapan naming ang dalawa. Tumingin siya sa akin. “Bakla, narinig mo ba ‘yon? Magiging ama na si Hunter? Paano na ‘to? Papaano na kaming mga umaasang matikman siya?”

Tila ba nagkaroon ng kaguluhan sa cafeteria dahil lang sa nangyari. Nagsisiiyakan ang mga babaeng nandito na tila ba nawalan sila ng pag-asang makamit ang pinapangarap nila.

Bakit nila gustong tikman si Hunter? Putahe ba siya?

Hindi pa rin maka-move on si Della at buong klase namin nang hapon ay bagsak ang kaniyang balikat. Pinapagaan ko naman ang kaniyang loob at nagkukuwento ako sa kaniya ngunit lagi niyang sinasagot, “te, mukha ba akong bata para kwentuhan mo ng mga alamat-alamat na ‘yan?”

Kaya nang mag-uwian na’y mabilis siyang umuwi dahil may dadaanan pa raw siya.

“Saan ka dadaan? Bibili ka na ba ng materials nung project natin? Puwede ba akong magpabili sa ‘yo?” tanong ko, dahil magkaiba kami ng dadanan pauwi.

“Hindi. Sa simbahan ako dadaan. Narinig ko kasi maraming nagbebenta ro’n ng pangkulam o ‘di kaya’y gayuma tapos ipagdadasal ko na lang na sana’y malaglagan ‘yong babae kanina.”

“Hala! Masama ‘yan sabi ni Dada. Masamang magdasal ng ikakapahamak ng kapwa natin.”

“Ewan ko sa ‘yo, te. Ang hirap mag-joke sa katulad mo,” aniya at inirapan lang ako. Nagpaalam na rin naman siya nang dumating ang kaniyang sundo. Nakangiting kumaway lang ako sa kaniya.

Nakatayo lang ako sa waiting shed habang tumitingin-tingin sa daan. 3:30 pa lang naman ng hapon at alas-kuwatro pa ang uwi ni Papa. May halos thirty minutes pa akong maghihintay rito. Gusto ko sanang tumambay muna sa isang café malapit dito pero baka biglang dumating si Papa at hindi ako makita kaagad. Baka magalit siya.

Kaya imbes na umalis ay nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin ako sa aking paanan habang pinaglalaruan ng mga paa ko ang maliit na bato. Nakatuon ang atensiyon ko rito’t hindi na napansin ang mga taong tumatabi sa akin at maya’t maya’y aalis dahil may sundo na sila.

Tiningnan ko ang oras at saktong alas-kuwatro na. Palabas na siguro iyon si Papa ngunit saktong tumunog ang cellphone ko na mabilis kong kinuha sa aking bulsa.

Text message from Papa:

Love, I’m really sorry I couldn’t pick you up. I have meeting to attend and will be home late. I called your Dada already.

Dahil sa natanggap kong text message galing kay Papa ay hahakbang n asana ako paalis nang may humintong itim at mamahaling sportscar sa aking harapan. Bumaba ang bintana nito’t tumambad sa akin si Hunter, na nakangisi na naman.

“Hey,” pagbati niya. “Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita.”

Nagulat ako. “Alam niyo po ang bahay namin?” tanong ko. Tumawa siya. Ano’ng nakakatawa?

“Not yet but you have to show me the way.”

“Ahh. P-pero hindi napo. Mag-ko-ko-commute na lang po ako,” sagot ko.

“Ipinagbabawal ngayon ang pagko-commute,” aniya.

Bigla akong kinabahan dahil do’n. Papaano ako uuwi kung bawal ang mag-commute?

“T-Talaga po? Papaano po ako uuwi?”

Lumaki ang pagkakangisi niya. “That’s why I’m here. Common, sumakay ka na.”

Dahil nga sa bawal ang mag-commute, wala akong nagawa kundi ang umikot at buksan ang tabi ng driver’s seat para makasakay. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako pumapayag na ihatid niya kahit na sinungaling at bastos siya. Pero wala na kasi akong ibang pagpipilian pa, siya lang kasi ang kilala ko at wala na rito si Della.

CHAPTER 6

His Innocent Prey

Chapter 6

F E L I X

Taimtim akong nanalangin habang kami’y na sa byahe. Kinakabahan kasi ako. Hindi naman siya mabilis magmaneho pero dahil kaming dalawa lang ngayo’y ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Are you okay?”

“P-Po?” Tumawa siya sa naging sagot ko habang nakatingin pa rin sa daan, ngunit huminto siya nang maging pula ang traffic light.

Tumingin siya sa akin, magkasalubong ang kaniyang makakapal na kilay. Ngayon ko lang din napansin na nakatali ang mahaba niyang buhok na may kaunting nahulog sa banda niyang tainga. Kung hindi lang siya malaking tao, baka mapagkamalan mo siyang babae kapag nakatalikod.

“Sabi ko, ayos ka lang ba?” aniya, gamit ang malalim niyang boses na mas lalong nagpakaba sa akin. Muli siyang tumingin sa harapan.

Tumango ako. “A-ayos lang po ako,” mahina kong sagot.

“You sure about that?” tanong niya. Muli akong tumango at tumingin na lang sa labas.

Hindi na siya nagsalita pa ng maging green na ang traffic lights sa aming harapan, hudyat na pwede na kaming magpatuloy. Mabagal lang siyang nagmamaneho na siyang ipinagpapasalamat ko.

Tinuturo ko sa kaniya ang daan papunta sa amin na mabilis naman niyang nakukuha. Saktong napadaan kami sa isang fast food nang biglang kumulo ang aking tiyan.

“What was that?” aniya, mas lalong bumagal ang kaniyang pagmamaneho at mabilis na sumulyap sa akin.

“A-Ah.” Napahawak ako sa aking tiyan at saka nilingon ang fast food na palagi naming pinupuntahan ni Papa sa tuwing susunduin niya ako o minsan nama’y si Dada.

Narinig ko siyang muling tumawa kaya tumingin ako rito nang masama.

“Seriously, you should’ve told me,” aniya at mabilis na lumiko upang makabalik kami sa fast food na nadaanan namin.

Napapapikit ako habang nginunguya ang binili kong burger. Nag-drive thru lang kami at muling nagbyahe nang makuha ang order naming mga pagkain.

“Takaw,” narinig kong sabi ni Hunter pero hindi ko siya pinansin.

Marami akong binili. ’Yung iba ay ilalagay ko sa ref tapos kakainin ko kapag ka nag-aaral ako. Binilhan ko rin sina Papa at Dada ng pasalubong.

“Pahingi naman ako.” Tumingin ako rito.

“W-wala po kayong binili?” Nakakunot ang noo kong tiningnan ang loob ng kaniyang kotse. Wala rin siyang hawak na pagkain.

“I thought I wasn’t hungry, but seeing you eat that makes me wish it were me,” nakangisi niyang sabi pero hindi ko siya maintindihan.

“Ha? Gusto niyong kainin ko kayo? E hindi naman po ako aswang,” sagot ko.

Tumawa siya nang mahina. “Bakit, aswang lang ba ang puwedeng kumain ng tao?”

Imbes na sagutin siya’y kinuha ko na lang ang extrang burger sa paper at saka iniabot iyon sa kaniya.

“Sa ’yo na lang ito, pasasalamat ko,” sagot ko at saka ngumiti.

Saglit siyang tumingin sa akin at tiningnan ang kamay niyang parehong nakahawak sa manibela ng sasakyan.

“I’m driving, how am I supposed to eat that?”

Binawi ko ang iniaabot kong pagkain at saka tumingin sa harapan. Oo nga naman! Nagmamaneho pala siya. Baka mabangga kami. Pagagalitan ako ni Papa kapag may nangyaring masama sa akin.

Ibinalik ko na lang ang burger sa paperbag at saka muling tumingin sa kaniya.

“E di mamaya niyo na lang po kainin kapag nakarating na tayo,” ani ko.

“But I’m really hungry. Feed me instead, please?” Kumurap-kurap pa ang kaniyang mga mata nang lumingon siya sa akin.

Biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan at nagkusa ring gumalaw ang kamay ko’t dinukot muli ang burger sa paperbag.

Binuksan ko iyon at saka idinulog ito sa kaniyang bibig. Na siya ring nagkusang  kumagat sa pagkaing hawak.

Nanginginig ang kamay kong binawi iyon.

“Fck, sarap mo!” aniya sabay ngisi.

“Bawal po magsalita habang may laman ang bibig,” sabi ko.

“Pero pwedeng mabulunan kapag subo-subo mo ’to,” sagot niya nang malunok ang nginunguya sabay tingin sa gitna ng kaniyang mga hita.

Hindi ko na lang siya sinagot. Hindi ko rin naman naiintindihan ang mga sinasabi niya. Bagkus ay tumingin na lang ako sa daan at saktong malapit na kami sa amin.

“Yan po, kulay gray na gate,” ani ko.

“You lived here?” tanong niya nang tumigil ang kotse niya sa harapan ng aming bahay.

“Opo. Bakit po?”

Tumingin siya sa bahay namin. Dalawang palapag na building. Kumunot ang noo niya.

“Nothing. Your house looks familiar,” aniya.

“E kasi po subdivision ito, pare-pareho ang style po ng bahay rito.”

Tumawa siya at saka tumango-tango. Bigla namang bumukas ang maliit ng gate at iniluwa nito si Dada, na nakasuot ng apron. Mabilis akong lumabas.

“Dada!” Lumapit dito bitbit ang paperbag na dala-dala.

“Naku bata ka! Tinatawagan ka ng Papa mo kanina dahil natapos agad ang meeting niya. Bakit hindi ka makasagot ha?”

Ngumiti ako at saka siya hinalikan sa pisngi.

“Sorry po, Dada. Lowbat po iyong phone ko po tapos na sa bag ko. Tingnan niyo po, may pasalubong ako sa inyo.”

Ipinakita ko ang hawak kong paperbag. Biglang lumiwanag ang kaniyang mga mata kaya nakahinga ako nang maluwag.

“Talaga para sa akin ’to?” Tumango-tango ako. Mabilis naman niyang tiningnan ang laman ng paperbag pero mabilis ding umangat ang kaniyang tingin at tumingin sa aking likuran.

Lumingon din ako rito at nakita si Hunter na nakatayo’t nakapamulsa.

“Hello po. Magandang hapon po,” bati niya’t may malawak na ngiti sa kaniyang labi.

“SINO KA?! BOYFRIEND MO BA ’TONG ANAK KO?! MAG-BREAK KAYO, HINDI PWEDE! BATA PA SIYA,” hysterical na sabi ni Dada at dinuro pa si Hunter gamit ang hawak niyang sandok na ngayon ko lang napansin.

Nanlaki ang mga mata ko. Napansin ko rin ang gulat sa mukha ni Hunter.

“W-what? Gusto ko lang tik—”

“Da, kaibigan ko lang po siya. Inihatid po niya ako dahil wala na po akong masakyan,” mabilis kong sagot upang pakalmahin si Dada.

Tiningnan niya nang masama si Hunter bago bumaling sa akin.

“Sure ka hindi ka nag-bo-boyfriend?” Umiling ako. “Sinasabi ko sa ’yo, Felix. Walang maidudulot na mabuti iyang pagbo-boyfriend na ʼyan,” dagdag niya pa.

Tumingin ako kay Dada na masama rjng nakatingin sa akin.

“Promise po, Dada!” Itinaas ko ang kanang kamay. “Cross my heart po,” dagdag ko.

Narinig kong tumawa si Hunter kaya pareho kaming tumingin ni Dada rito. Mabilis naman siyang tumigil.

“Pumasok na muna kayong dalawa at magdidilim na,” ani Dada at saka kami nito tinalikuran.

Wala pa si Papa nang makapasok kami sa loob.

“Ano nga pa lang pangalan mo, ijo?” tanong ni Dada.

“Oh right, I’m sorry. I’m Hunter Rye Alcantara, sir,” pakilala ni Hunter at iniabot ang kamay kay Dada.

“Alcantara?” ani Dada habang nakikipagkamay rito.

“Yes, sir.”

Tumango-tango lang si Dada at saka binawi ang kamay.

“Oh siya, maupo na muna kayo sa sala’t tatapusin ko lang ang niluluto ko. Maya-maya’y darating na ang Papa mo,” ani Dada at saka kami nito iniwan.

Iginaya ko naman si Hunter patungo sa aming sala. Umupo siya’t tumingin sa akin.

“Do you think your father might know me?” tanong niya.

“Bakit niyo po ako tinatanong?”

Nagkibit na lang siya nang balikat at saka tumingin sa paligid. Hindi naman gano’n kalakihan ang bahay namin. May kompleto kaming gamit. Malinis dahil araw-araw itong nililinisan ni Dada.

“Saan nga pala ang Mama mo? And I’ve heard earlier about your Papa? I don’t get it.”

Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang main door, saktong iniluwa nito si Papa.

“Hon, I’m home.”

“Y-you have two fathers?”


AUTHOR’S NOTE

NAGPAPARAMDAM

LANG BAKA

ISIPIN

NIYO

NAMATAY

NA AKO.

CHAPTER 7

HIS INNOCENT PREY

CHAPTER 7

FELIX

NA sa harapan na kami ng hapagkainan. Kaharap namin sina Papa at Dada, tahimik na kumakain. Habang ang katabi ko’y nakadalawang kanin na simula nang kami’y kumakain.

Bastos na nga, patay gutom pa!

Tumingin ako kay Dada na seryosong nakatingin sa akin. Umayos ako ng upo at saka pasimpleng ngumiti sa kaniya bago itinuon ang pansin sa pagkain. Ngunit kaagad ding naiangat ang tingin nang magsalita si Papa.

“So…” Sabay kaming napatingin ng katabi ko. “Mr. Alcantara, are you aware that my son is gay?”

“Pa!” ani ko, kaya sa akin napatingin si Papa. Napatingin ako kay Hunter.

“What? Gusto ko lang klaruhin ang lahat,” sagot ni Papa sa akin.

“I am, sir,” sagot ni Hunter. May ngiti pa sa kaniyang labi.

“And you know the consequences of putting yourself in this situation?”

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Papa at kay Hunter, habang si Dada ay tahimik lang ding nakatingin sa dalawa na tila ba inoobserbahan ang dalawa bago siya magsalita. Hindi ko sila maintindihan. Ano ba’ng pinagsasabi nito ni Papa? Bakit niya pa kailangang ipaalam dito kay Hunter ang sekswalidad na mayroon ako?

“I am aware of that, sir,” sagot ni Hunter.

“Pero hindi pa rin pwede mag-boyfriend ang baby ko. Bata pa siya. Kailangan ay makapagtapos muna siya nang pag-aaral,” biglang singit ni Dada.

Mas lalo akong naguluhan ngayon. Hindi ko na sila naiintindihan.

“Makapaghihintay naman po ako.”

“I didn’t know you had two fathers,” ani Hunter. Na sa labas na kaming dalawa dahil uuwi na siya’t kanina pa siya nag-eenjoy makipagkwentuhan sa mga magulang ko.

“Eh hindi naman tayo close, bakit ko sasabihin sa ’yo?” sagot ko.

Totoo naman kasi. Hindi kami close. Ni hindi nga kami magkaibigan. At saka ano ba ’yong mga pinagsasabi niya kina Papa at Dada kanina habang na sa hapag kami? Bakit siya maghihintay? At sino’ng hihintayin niya?

“Sabagay.” Ngumiti lang ako. “But now that we’re friends, you can tell everything to me,” dagdag niya.

Kumunot ang noo ko. “Ano naman po sasabihin ko sa ’yo? Hindi naman po ako ganoon ka-importanteng tao rito sa mundo. At wala rin po akong sikreto dahil masama raw pong magtago ng sikreto sabi ni Dada,” sagot ko.

Tumawa siya. “I don’t know… Maybe your fantasies? What makes you horny? And do you think I’m hot?”

Napakurap-kurap akong napatingin sa kaniya. Ang bastos talaga ng bibig ng lalaking ito! Siguro’y palagi siyang nanonood ng mga bastos na palabas?

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil bigla kong naalala iyong ginawa niya noon. Nang ipakita nito sa akin ang alaga niya, na akala ko’y totoo niyang alaga.

“Hey…” Tinapik niya ako sa balikat. “Ayos ka lang? Hindi mo ’ko sinasagot,” aniya na may ngisi pa sa kaniyang labi.

“Ah… U-umuwi na po ako. Gabi na po at baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo,” sagot ko at mabilis na pumasok sa loob ng aming bahay.

Isinara ko ang pintuan sabay hawak sa aking dibdib. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko’t hindi ko alam kung ano’ng dahilan. Dahil ba sa mga tanong niya? Na totoong hot siya? Hindi ko alam! Ano ba’ng nangyayari sa akin?

“Felix.”

“Dada!” Muntik na akong mapatalon sa gulat. “K-Kanina pa ho kayo riyan?”

Magkasalubong ang kaniyang kilay at nakapamewang siyang nakatingin sa akin. “Umamin ka nga sa akin. Gusto mo ba ’yung lalaking iyon?”

“Po? Hindi ko po kayo maintindihan.”

Lumapit siya sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking mukha. At saka siya bumuntonghininga.

“Alam ko, hindi kita kayang pigilan sa bagay na ’to dahil maski ako noon, hindi rin nagpapigil. Pero paalala ko lang, hindi dapat minamadali ang mga bagay-bagay. Hindi man natin kayang pigilan kung sino ang gugustuhin nito…” Tinuro niya ang kaliwang dibdib ko. “Ngunit kaya nating gamitan nito.” Sabay turo nito sa aking ulo.

Ngumiti ako kahit na ang totoo’y hindi ko naiintindihan ang kaniyang sinasabi.

Si Dada kasi masyadong matalinghaga. Hindi ko tuloy alam kung ano’ng isasagot ko sa kaniya.

“Hon, I’m ready!” sigaw ni Papa mula sa kanilang kuwarto.

“Saan po kayo pupunta?” Kunot-noo kong tanong. Tiningnan ko ang suot ni Dada. Nakapampatulog na siya. “Pupunta po kayo ng convinient store, ’Da? Sama ako!”

Biglang hindi siya mapakali na mas lalo kong ipinagtataka. Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti.

“A-Ahh, ano…”

“Da, may sinasabi po kayo?” tanong ko dahil hindi ko narinig ang binubulong niya.

“Ah wala, ’nak. Akyat ka na sa kuwarto. Hindi kami pupunta ng convinient store. Magpapamasahe lang ang Papa mo,” sagot niya at hindi siya makatingin ng diretso sa aking mga mata. “Lagot talaga sa akin ang lalaking ’yan!”

Ni minsan ay hindi ko pa nakitang mag-away sina Papa at Dada. Siguro may tampuhan pero wala akong naaalalang naging bangayan nilang dalawa. Marahil ay masaya ang kanilang pagsasama. Na siyang sana’y gusto ko ring maranasan sa takdang panahon.

“Pa, nag-away po ba kayo ni Dada kagabi?” tanong ko. Na sa sasakyan na kaming pareho.

“No. Why?” Tiningnan ko ang leeg niyang namumula at saka iyon tinuro pero tumawa lang si Papa. “Masyado lang ginalingan ng Papa mo kagabi, ’nak. Kaya nanggigil ang Dada mo sa akin,” sagot niya.

“Naglaro po kayo kagabi ng mortal combat? Bakit hindi niyo ’ko sinali?” Masama ko siyang tiningnan.

Mas lalo siyang natawa. “What?!” at hindi ko na napigil ang halakhak ni Papa. “I’m sorry. Bawal sa mga bata ’yon,” dagdag niya.

Hindi na lang ako sumagot at tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Minsan talaga itong mga magulang ko’y maramot. Kapag naglalaro sila’y hindi nila ako sinasali. Minsan pa nga’y naririnig ko na sumisigaw si Dada pero hindi nila ako pinagbubuksan ng pinto.

Pakiramdam ko nga’y pinagkakatuwaan lang nila akong dalawa. Balang araw ay makagaganti rin ako!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.