loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Alcantara Brothers: The Runaway Billionaire (BXB) | ✔️

Alcantara Brothers: The Runaway Billionaire (BXB) | ✔️

IThinkJaimenlove · 48 chapters · 59,065 words

STORY DESCRIPTION

The Runaway Billionaire

Written and Owned by

IthinkJaimenlove

Date Started: SOON Date Finish: January 2, 2025

[DESCRIPTION]

“You’re the answer I was longing for.”

(Unofficial and can be changed)

Harrison Alcantara was doing the best he can, in order to make his ruthless father proud. But it’s not enough and when he reached the extremes. Running away from him was the only way he know and this led him to meet a young caretaker of his rest house, Conan Dimaamo.

And for years, trying to figure out what’s the feeling of in love. He found the answer with him. Pero hindi pa rin natatapos ang problema niya sa kaniyang Ama at naging hadlang ito para tuluyan siyang maging masaya.

Makakalaya pa kaya siya sa Ama o tuluyang susuko dahil kapalit nito ang buhay ng minamahal niya?

All right reserve. ©

IthinkJaimenlove

DISCLAIMER AND WARNING

DISCLAIMER!

All Right reserved. No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the permission of the author.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, places, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidence.

WARNING

!

NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. This book may contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity which may disturbing to some readers.

It’s also contains grammatically incorrect and typographical errors. If you’re perfectionist and you wanted to read stories without mistakes, this book is not for you. Leave it alone!

READ AT YOUR OWN RISK!

YOU’VE BEEN WARNED!

FOLLOW ME:

Facebook: Jaime

Kawit

Facebook page:

IthinkJaimenlove

Instagram:

IthinkJaimenlove

READ MY OTHER STORIES:

Dreame:

IthinkJaimenlove

Libri

:

IthinkJaimenlove

Readoo

:

IthinkJaimenlove

Wattpad: IthinkJaimenlove

PROLOGUE

THE RUNAWAY

BILLIONARE

HARRISON

ALCANTARA

THIRD-

PERSONʼS

POV

“You’re launching another business? Nagpapatawa ka ba, Harrison? The company’s income for the past years isn’t increasing! Ano sa tingin mo ang pumapasok diyan sa kukute mo?!” inis na bulyaw sa kaniya ng kaniya Ama nang ipatawag siya nito sa opisina.

Mr. Alcantara is also glaring at her with so much disappointments plastered on his face. Napapailing na napapasandal ito sa swivel chair habang siya’y tinitingnan. His Dad was right. Simula nang ibigay sa kaniya ang position bilang President, the CEO, ng Alcantara group of companies, hindi pa rin tumataas ang income rate ng kanilang kompanya. And he couldn’t blame his father to talk to him like that.

“I-I was just thinking if we could open a new restaurant not only in city but as well as the other parts of the Philippines. I think, that would be a big help to increase our income,” he answered, hoping for a positive response from his father.

Pero ni minsan, hindi siya nakatanggap ng papuri sa lahat ng achievements na kaniyang nakamit magmula noong naging CEO siya. He became the one of the youngest billionaire not only in the county. Pero iyon nga, madalas siyang kinukuwestiyon ng kaniyang ama sa lahat ng desisyong kaniyang ginawa. He admit that he couldn’t make the company’s income increase, but at least he didn’t give up no matter what his father will say. Kung madali lang siyang sumuko, edi sana noon pa bumagsak ang kompanya. But he’s not that kind of person, gusto niya kasing maging proud ang kaniyang ama sa mga nagawa niya.

But no matter what he does, it’s still not enough. No matter how he work harder. Walang saysay iyon dahil hindi pa rin iyon sapat para sa kaniyang ama.

“You’re not increasing the company’s income, instead, you’re wasting our money.”

Hindi siya nakasagot. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng mesa nito. Wala na siyang ibang maisip na dahilan para pumayag ito sa naiisip niyang plano. Although, he was the president of their company, hindi pa rin siya ang nagdedesisyon dahil kailangan pa rin niya ng approval ng kaniyang ama. Ironic but that’s true. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon, kung bakit pa nito ibinigay sa kaniya ang kompanya samantalang wala naman siyang karapatang mag-decide kung ano’ng mga planong naiisip niya.

“I’m sorry,” the only words came out from his mouth before leaving the room. Mabilis siyang pumasok sa kaniyang opisina at napasandal sa kaniyang swivel chair, nag-iisip kung ano pa ba’ng dapat niyang gawin para lang maging proud sa kaniya ang ama.

Simula pagkabata, mataas na ang tingin niya rito. He could even see himself as his father. Kaya nagpursigi siyang mag-aral ng business, inaral niya lahat nang dapat matutunan. Dahil gusto niyang maging proud ito sa kaniya, at balang araw ay siya ang papalit sa puwesto nito. But no matter how he work harder, hindi pa rin lahat sapat.

Napabuntonghininga siya at saka itinuon na lang ang pansin sa trabaho.

Afternoon came. Oras na para umuwi. At habang nasa daan siya, nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ama.

“Sa bahay ka umuwi, may ipapakilala kami sa ʼyo,” anito sa kabilang linya bago ibinaba ang tawag.

Wala siyang nagawa. Malamang, wala talaga siyang magagawa dahil ang ama niya ang palaging nasusunod. Nagtataka rin siya kung sino ang ipapakilala nito sa kaniya. Maybe, someone they know na magaling sa business? Or a business owner? Na pwede niyang maging business partner dahil naisip nito na maganda nga ang kaniyang planong magbukas ng restaurant sa ibang probinsiya. Napangiti siya at mabilis na nagmaneho patungo sa bahay ng kaniyang mga magulang.

Pagdating doon ay agad siyang pumasok. Tinanong ang isang kasambahay at anito’y nasa living room ang kaniyang mga magulang. Kaya agad siyang nagtungo roon. Naabutan nga niya ang mga ito, kasama ang tatlo pang tao na ngayon lang niya nakita.

“Mom… Dad,” he called their attention and they immediately look at him.

“Harrison, you’re finally here. Maupo ka,” ani ng kaniyang ina. Agad naman siyang sumunod at naupo sa tabi nito.

“Ano pong mayroon?” he suddenly asked, hindi na rin siya makagpahintay.

“This is Mr. And Mrs. Maguire and their daughter, Dolores.” Tumingin siya sa kaniyang harapan kung saan nakaupo ang tatlo, nasa gitna si Dolores na nakangiti sa kaniya. Sa tingin niya’y mas bata ito sa kaniya. Lagpas isang buwan na ang kaniyang edad at sa tingin niya’y nasa dalawampu pa lang si Dolores.

“Nice to meet you po,” aniya, sinubukan ding ngumiti. Tumingin siya sa ama na nakaupo sa pang-isahang sofa. “Pumapayag po ba kayo sa plano ko, Dad? At sila po ang tutulon-”

Hindi niya natuloy ang sasabihin nang mahinang tumawa si Mr. Alcantara at saka dismayado na namang tumingin sa kaniya. “No,” mabilis nitong sagot. “You’re going to marry their daughter. Malaking tulong ito para mas lalo pang lumawak ang sakop ng ating kompanya. Right, kumpare?”

“Yes, Harrison. Our business would be a big help kapag nag-merge ang ating mga kompanya ngunit mangyayari lang iyon kung pakakasalan mo ang anak namin,” segunda naman ni Mr. Maguire.

Hindi niya lubos maintindihan ang lahat. But when everything was cleared, doon lang siya napatingin sa kaniyang mga magulang, nagpalipat-lipat ng tingin.

Hindi niya alam kung ano’ng sasabihin kaya mabilis siyang tumayo at umalis doon. Lahat ng desisyon niya sa kompanya ay hindi nasunod dahil kailangan pa niya ng approval ng ama pero ang ipakasal siya ay ang bagay na pinakaayaw niya. He can’t just marry someone he doesn’t even know and worse, hindi naman niya ito mahal. Kaya imbes na sagutin ang ama ay mas minabuti na lang niyang umalis doon at mag-isip. Hindi pa siya handa, wala pa siyang napapatunayan.


Chararet

! Unofficial Prologue and can be change anytime hahahahaha!

CHAPTER 1

THE RUNAWAY BILLIONARE

CHAPTER 1

C O N A N

“We were both young when I first saw you. I close my eyes and the flashback starts, I’m standin’ there…” pagkanta ko sa paborito kong kanta ni Taylor Swift na Love Story habang dinidiligan ang mga halaman dito sa bakuran ng bahay.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang matingkad na kulay ng iba’t ibang bulaklak na nakatanim dito. Nang matapos akoʼy pinatay ko na ang tubig at saka iniligpit ang hose bago ko muling pinagmasdan ang munting garden.

“Napakaganda talaga!” ani ko sa sarili, sabay pitas ng isang bulaklak ng gumamela at saka iyon iniipit sa aking tainga. “Napakaganda ko rin,” dagdag ko pa sabay tawa.

“Conan!” Mabilis kong tinanggal ang bulaklak sa aking tainga’t mabilis na pinuntahan ang kung sino mang tumatawag sa aking pangalan. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso ako sa main door kung saan nakatayo roon ang isang Ginang na may edad na mahigit forty years na.

“Manang, ano pong kailangan niyo?” tanong ko sa mayordoma rito sa bahay, kung saan kami nagtatrabaho.

Oo, katulad niya’y katulong ako sa bahay na ʼto. Ang kaibahan lang ay stay in ako, samantalang ang iba nama’y umuuwi rin sa kanilang tahanan. Ako kasi ang care taker nitong bahay bakasyunan ni Sir Harrison Alcantara, ang may-ari nito. Bago lang akong care taker dahil ang dating care taker na si Mang David ay nangibang mundo na. Ang ibig kong sabihin, nategi na. Kaya itong si Manang Soy ang nag-hire sa akin kamakailan lang.

“Sabihan mo ang mga kasambahay na maglinis sila, ayusin ang kuwarto ni Sir Harris dahil tumawag siyang darating siya rito,” aniya, nagulat naman ako sa kaniyang ibinalita.

Hindi ko pa nakikita si Sir Harrison. Tanging si Manang lang ang nagsabi sa akin ng kaniyang pangalan at kung anong klaseng tao siyaʼy hindi ko alam. Kaya medyo kabado ako, dahil baka mamaya ay hindi niya magustuhan ang pagiging pakialamera ko. Oo, pinakialaman ko iyong garden niyang walang kabuhay-buhay. Kaya ngayong nalaman kong pupunta siya rito, hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko kapag nagalit siya.

“Bakit? May problema ba?” biglang tanong ni Manang nang mapansin nitong hindi ako tumugon.

Ngumiti ako, kahit na ang totoo niya’y mabilis ang tibok ng aking puso. “W-Wala po. Sige po, makakaasa kayong sasabihan ko sila,” sagot ko.

“Mabuti naman. Oh siya, maiiwan na kita dahil ako’y mamamalengke muna ng grocery dito. Sabi kasi ni Sir ay magtatagal daw siya rito.” Tumango lang ako at saka naman siya lumabas ng bahay.

Mabilis naman akong kumilos. Malinis naman ang bahay dahil halos araw-araw akong naglilinis dito, pero hindi ako kampante. Dahil baka masyadong perfectionist si Sir at kapag may nakita lang na alikabok ay ikagalit niya. Ako pa naman iyong klase ng isang taong, takot mapagalitan. Nakakatawa ngunit iyon ang totoo. Kaya hanggat maaari, ginagawa ko kung ano man ang trabaho ko.

Kinuha ko ang telepono at isa-isang tinawagan ang tatlong kasambahay upang ibalita sa kanila ang sinabi ni Manang Soy. Pagkatapos ko silang tawagan ay bumalik ako sa garden, sa likod nitong dalawang palapag na bahay. May tatlong kuwarto, dalawang guest room at iyong kuwarto ni Sir Harrison na walang kalaman-laman maliban sa mga cabinet at study table.

Pagdating ko sa likod ay pinagmasdan ko ang mga bulaklak na siyang itinanim ko rito. Hindi man sila mamahalin katulad ng ibang bulaklak ngunit mahal na mahal ko pa rin sila.

“ʼWag kayong mag-aalala, ramdam ko naman na hindi magagalit sa inyo si Sir dahil lang sa itinanim ko kayo rito,” kausap ko, tila ba isang baliw.

Humangin kaya napapikit ako ng mga mata. Malapit na rin pala ang taglamig dito sa Baguio. Dinama ko ang ihip ng hangin, kahit na dry season ngayon ay malamig pa rin ang simoy ng hangin. Nang imulat ko ang mga mataʼy ang mga bundok ang siyang bumungad sa aking paningin. Nasa mataas na parte nakatirik ang bahay kaya sa likod nitoʼy ang bulubunduking parte ng Baguio ang siyang makikita mo. Sa tuwing tumitingin ako ritoʼy kumakalma ang puso ko.

“Ma, Pa, miss ko na kayo…” bulong ko sa hangin.

Kumurap-kurap ako at sinubukang pigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Nakakainis! Bakit ba kasi ang babaw ng luha ko? Natawa ako at saka mabilis na pinunasan ang mga luhang hindi ko napigilang bumuhos. Tumingin muna ako sa mga halaman at saka bumuntonghininga. Muli akong bumalik sa loob nang makarinig ako ng door bell sa labas. Sigurado akong ang mga kasambahay na iyan.

THIRD-PERSONʼS POV

“Fuck, Harrison! Seryoso ka ba sa plano mo? What if he finds you? Patay ka!”

Tumingin siya rito nang masama ngunit hindi naman nagpatinag ang kaniyang kapatid sa pagtitig sa kaniya ng seryoso. He sighed before turning his gaze to the dance floor, where all drunk people were there dancing like stupid.

“This is the only way I know, Hunter. Kung hindi ko ʼto gagawin, baka mabaliw na ako sa lahat ng pinapagawa niya,” sabi niya.

“Pero-”

“Trust me. I can handle everything. Gusto ko lang na gawin moʼy huwag mong ipagsasabi kung kani-kanino kung nasaan ako. I trust you, Dude. Subukan mo lang.”

Umatras nang kaunti si Hunter at saka ngumisi. “Gago ka ba? Kung iyan ang gusto mo, then do it. Just don’t blame me for not warning you,” Hunter said.

Alam niyang delikado ang kaniyang plano. Lahat silang magkakapatid ay kilala na ang kanilang ama. Their father can do anything he wants in just a snap of his fingers. Kaya nitong pahirapan maski ang sarili nitong anak. Ngunit wala nang naiisip pang plano si Harrison kundi ang tumakas at magtago. Sawang-sawa na rin naman siya. Sakal na sakal na sa lahat ng mga pinapagawa nito.

Mabuti na lang ay na-realize niya ang lahat matapos niyang malamang ipapakasal siya nito sa iba para lang lumago ang kanilang kompanya. Napakawalang kwentang dahilan!

“I know him and I know what he can do,” he said.

“Pababayaan mo na lang ba ang kompanya?” tanong ni Hunter, seryoso na itong nakatitig sa kaniya.

This time, he turned his gaze to his brother. “I’ve heard you wanted to-”

“Shut up, Dude! Estudyante pa lang ako. Oo! Balak kong palitan ka sa puwesto but not in this time that all I can do is to fuck every virgin in town,” Hunter said with smirked plastered on his face and proudly looking at him.

“Inamin mo rin,” aniya sabay tawa. “But don’t worry, Dad will not allow you do that. Hayaan mo siyang magkaproblema, kasalanan naman niya iyan.” Ngumidi siya at kinuha ang panghuling bote ng alak at saka iyon tinunga.

“Tss!”

Hindi na siya nagsalita paʼt agad nang tumayo nang maubos ang alak na hawak. Tumingin muna siya sa kapatid.

“I have to go. Baka malaman pa agad ng demonyo ang plano koʼt ikulong pa ako,” he said, laughing. Tumango lang si Hunter kaya agad na siyang umalis doon. Mabilis siyang sumakay ng kaniyang kotse.

Ayaw man niyang iwan ang kompanyang matagal niyang pinapangarap na patakbuhin ngunit mas ayaw niyang ikasal sa babaeng kakakilala pa lang niya’t hindi naman niya mahal. Magpapakasal lang siya sa babaeng mahal niya, sa babaeng katulad niya .

Hindi na siya bumalik pa ng kaniyang bahay dahil dumeretso na siya sa airport. Bahala na ang damit na susuotin niya, bibili na lang siya roon kapag nakarating siya.

CHAPTER 2

THE RUNAWAY BILLIONARE

CHAPTER 2

C O N A N

Mahimbing na sana ang tulog ko ngunit bigla akong nagising nang makarinig ako ng kaluskos. Nasa unang palapag ang kuwarto, malapit sa gate nitong bahay. Kaya madali lang para sa akin ang marinig kung sino man ang papasok dito nang walang paalam.

Mabilis akong bumangon at hindi na nag-abalang isuot ang tsinelas ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto’t sumilip sa labas. Madilim ngunit dahil sa tulong ng liwanag ng buwan ay kitang-kita ko ang anino ng isang taong pumasok ng walang paalam. Bigla akong kinabahan.

May akyat bahay!

Kaya muli kong isinara ang pinto’t mabilis na hinanap ang tinatago-tago kong dos por dos na kahoy rito.

Muli kong binuksan nang dahan-dahan ang pinto at sumilip. Wala na ito roon. Sa tingin ko’y nakapasok na siya sa loob ng bahay. Patay! Uuwi pa naman dito si Sir Harrison. Baka mas lalo akong mapagalitan kapag may nawawala sa mga mamahaling gamit dito.

Kaya kahit alam kong hindi ko kayang makipagsuntukan, dahil sa liit ng katawan ko. Lakas-loob akong lumabas bitbit ang hawak kong kahoy. Imbes na sa main door dumaan ay sa mabilis akong umikot papunta sa likod kung saan doon ako pumasok. Nakapatay ang ilaw at walang tao sa loob nang makapasok ako sa unang palapag.

Ngunit sa ikalawang palapag ay nakabukas ang ilaw. Kaya dahan-dahan akong umakyat doon. Todo ingat ako dahil baka marinig ako ng magnanakaw at baka saktan pa niya ako. Nang makatapat ako sa kuwarto ni Sir Harrison, dahil dito ko nakitang pumasok iyong magnanakaw. Pinihit ko ang door knob at mabuti na lang hindi iyon naka-lock.

Huminga ako nang malalim. Bumilang ng tatlong beses.

Isa…

Dalawa…

Tatlo!

Mabilis kong binuksan ang pinto.

“WAAAAAAHHHH!!!!” sigaw ko, pikit-mata akong pumalo sa hangin. Wala akong pakialam kung alin man ang matamaan ko dahil na rin sa kabang nararamdaman.

“WHAT THE FCK!! ARAAY!!” Nang marinig ko ang sigaw ng magnanakaw ay iminulat ko saglit ang mga mata upang ito’y tingnan at saka puwersahan ulit na siya’y paluin.

“SINO KA?! MAGNANAKAW KA, ’NO?!” tanong ko, walang tigil pa rin ako sa pagpalo na siya rin nitong sinangga. Patuloy rin siya sa paghiyaw. “SUMAGOT KA!”

“FCK! STOP IT! WHO THE HELL ARE YOU?!!” Nagulat ako nang mahawakan nito ang dos por dos na hawak ko’t puwersahan itong hablutin sa kamay ko.

Mabilis naman akong umatras, inihanda ko ang sarili ko sa pagsugod niya. Ngunit imbes na lumapit ito’t gantihan ako sa ginawa ko. Ang switch ng ilaw ang siyang nilapitan niya. Kaya bumungad sa akin ang nakakamatay niyang tingin.

Napalunok ako. Pinagmasdan ko ang kaniyang itsura. Masama itong nakatitig sa akin ngunit hindi nakatakas sa aking mga mata ang tila pagod niyang mga mata. Umiigting din ang kaniyang panga. Malaki rin siyang tao, at doble kung ikukumpara sa katawan kong payat. Nang tingnan kong muli ang kaniyang mukha ay hindi  nakatakas sa paningin ko ang bukol sa kaniyang noo. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa dahil nagasgasan ang makinis niyang balat. Pero magnanakaw siya at hindi ako natatakot. Kaya nilakasan ko ang loob ko.

“S-Sino ka? T-Tumawag na ako ng pulis, kaya wala ka ng takas,” sabi ko.

“This is my house. Ikaw, sino ka? Bakit ka nandito?”

“House? Sa ʼyo ang bahay na ’to? Nag-iilusyon ka ba! Kay Sir Harrison ito.”

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay at humakbang ng dalawang beses papalapit sa akin. Nanatili naman ako sa aking puwesto, inihahanda ang sarili sa kung ano man ang gagawin niya. Mabilis din ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito.

“Don’t you know me? I’m Harrison Alcantara, the owner of this rest house,” may diin niyang sabi.

Sunod-sunod akong napalunok. Halos sumabog na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Hindi maaari! Akala ko baʼy bukas pa ang dating ni Sir? Pero sabi ni Manang Soy ay baka susulpot na lang ito bigla.

Patay! Patay talaga ako nito! Nasaktan ko si Sir Harrison. Ano’ng gagawin ko?

“Ikaw, sino ka’t bakit ka nakapasok sa pamamahay ko?”

Napabalik ako sa reyalidad nang muli itong magsalita, gamit pa naman ang malalim nitong boses na nakakapanindig balihibo.

Pero imbes na sagutin ang tanong niya’y lumuhod ako’t pinagsaklop ang dalawang palad na tila ba nagdasasal. Pumikit din ako.

“S-Sir, h-hindi ko po sinasadya. P-patawarin niyo po ako! Pasensiya na po. ’Wag niyo po akong tanggalin bilang care taker. Gagawin ko po lahat ʼwag lang po kayong magalit sa akin at palayasin.”

Kung puwede lang magpalamon sa sahig, matagal ko ng ginawa. Nanginginig din ang katawan ko sa takot at nagbabadya na rin ang pagbuhos ng mga luha ko. Taimtim din akong bumubulong na sanaʼy ʼwag niya akong palayasin sa kaniyang pamamahay dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.

“Tumayo ka riyan,” sabi nito, gamit pa rin ang nakakapanindig balahibong boses. Pero hindi ko siya sinunod. Natatakot kasi akong baka ang kamao niya ang bumungad sa akin kapag tumayo ako. “I said, stand up!” may kalakasan nitong boses.

Kaya sa pagkakataon ito’y walang pagdadalawang isip akong tumayo. Sa balkonahe ako tumingin, dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya.

“Answer me. Who are you and why are you here in my house?”

“C-Conan Dimaamo po, twenty years old po, isang ulila, at care taker po ng inyong rest house,” sagot ko. Hindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman. Sumulyap ako rito ngunit mabilis ding umiwas. Inilagay ko sa likod ang mga kamay ko’t pinagsaklop iyon. “S-Sir, h-hindi ko po talaga sinasadyang s-saktan kayo. S-Sana po–”

“Cut it out. I don’t need your explanation. Just go out of my room before I even ran out of patience.”

Napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil sa takot. Ang ibig niya bang sabihin ay lumayas na ako rito bago pa siya mawalan ng pasensiya? Paano na ʼto? Saan ako titira?

Tumingin ako kay Sir Harrison.“ S-Sir, p-palalayasin niyo na po ba ako rito sa bahay niyo?“ tanong ko, pahina nang pahina ang boses ko ngunit sapat lang iyon para marinig niya.

Itinapon niya sa gilid ang kanina pang hawak na dos por dos. Tapos ay isa-isa niyang tinanggal ang butones ng suot niyang puting polo.

“Bukas na natin iyan pag-usapan. I’m tired,” sabi niya at saka ako tinalikuran. Ibinagsak niya ang sarili sa kama. Halata ngang pagod siya dahil kita ko iyon sa kaniyang mga mata.

Nakahinga ako nang maluwag, sa ngayon. Hindi ko alam kung may matutuluyan pa ako kinakabuksan dahil sa katangahang nagawa ko. Sana ay magawa kong pakiusapan si Sir Harrison na ʼwag akong palayasin.

CHAPTER 3

THE RUNAWAY BILLIONARE

CHAPTER 3

C O N A N

Kahit kulang ako sa tulog, maaga pa rin akong nagising. Maagang-maaga na mas maaga pa sa kadalasang kong paggising. Sinadya ko ʼtong gawin upang makapaglinis, makapagdilig ng halaman, at makapagluto ng breakfast ni Sir Harrison. Ginawa ko ito upang makita niyang masipag ako, na alagang-alaga ko itong bahay.

Hanggang ngayo’y hindi pa rin nawawala ang takot ko. Na baka paalisin na ako nito bilang Caretaker ng kaniyang rest house, dahil nandito na rin naman siya. Hindi na niya ako kailangan pa. At, ang isa pang malaking dahilan ay ang nagawa kong katangahan kagabi.

Hindi ko naman kasi alam na siya pala ang tinutukoy ni Manang Soy na amo namin. Kung alam ko lang sana agad, hindi ko iyon gagawin. Kaya kahit sa ganitong paraan lang, sana’y mapatawad niya ako. Sana’y hindi niya ako paalisin dito.

Hanggang ngayo’y natatakot pa rin ako. Halos sumabog ang puso ko sa kaba. Kung maaari lang na ibalik ko ang oras, kagabi ko pa ginawa. Pero nangyari na, at kailangan ko na lang harapin kung papaano niya ako pagsasabihan nang masama at palalayasin.

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang bumuhos. Napakaiyakin ko talaga. Nakakainis! Bumuntonghininga at saka tiningnan ang garden ko rito sa likod ng bahay. Napangiti ako nang mapakla. Ito na siguro ang huling beses na makikita ko sila.

“Magpakabait kayo, ha? At, magpalago. Mapantilihin niyong matingkad ang bawat bulaklak ninyo,” kausap ko rito na imposibleng sumagot.

Pagkatapos ko silang diligan ay muli akong bumalik sa loob ng bahay. Pagpasok ko’y saktong pababa mula sa hagdan si Sir Harrison. Muli akong tinubuan ng kaba at takot nang makita ko siya. Tila ba naestatwa rin ako sa kinatatayuan habang siya’y pinagmamasdan.

Nakasuot lang siya ng simpleng kulay abong pajama at puting T-shirts na bumagay sa kaniya. Magulo rin ang kaniyang buhok. Nang makababa na siya ay saka pa lang ako nito napansin. Na siyang ikinatakot ko lalo. Wala akong nakikitang kahit na ano’ng emosiyon sa kaniyang mga mata maliban sa seryosong mga titig.

“Conan, right?”

Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. Nilalakasan ko lang din ang loob ko dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

“Where are the maids I hired? Bakit ikaw lang mag-isa?” sunod pa niyang tanong, bahagya rin na inilibot ang tingin sa paligid.

Lumunok na muna ako bago ako sumagot, “t-tuwing Sabado at Linggo lang po sila bumibisita, Sir. I-Isa pa po, kaya ko naman pong linisan mag-isa itong rest house ninyo.”

Muli siyang tumingin sa akin. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. Sasabog na yata ang puso ko sa kaba.

“You look like you’re incapable of doing the chores. Talaga bang kaya mo?”

Sunod-sunod akong tumango. “Opo, sir!” napalakas kong sagot, na mabilis kong napagtanto at sabay takip sa aking bibig. “S-Sorry po.”

“Okay. From now on, ikaw na lang ang maglilinis nitong buong rest house. Ikaw ang gagawa ng lahat ng gawain dito. Kaya mo bang magluto?” Muli akong tumango, nakatakip pa rin ang mga palad sa bibig. “That’s good and that would be your punishment for putting this to me,” dagdag niya, habang tinuturo ang bukol sa kaniyang noo.

Hindi ko iyon napansin pero ngayo’y kitang-kita ko na kung gaano ito kalaki. Napalunok na naman at mabilis na napaiwas sa kaniya ng tingin.

“O-Opo. Makakaasa po kayong gagawin ko ang lahat mapatawad niyo lang po ako sa nagawa ko. H-Hindi ko po talaga sinasadya iyon. Akala ko po kasi-” Natigil ako nang magsalita ito.

“You don’t have to explain everything. I understand but I will not let it go, I just want this to be a lesson to you. Is that clear?”

Nagpasalamat ako dahil ganoon lang ang pinapagawa niya sa akin at hindi ang paalisin sa kaniyang bahay. Umalis din siya pagkatapos naming mag-usap. Tumungo siya sa kusina dahil sinabi kong nakahanda na ang kaniyang almusal. Sumunod lang ako pagkatapos kong ilagay sa storage room ang hose na ginamit ko sa pagdilig ng mga halaman kanina.

Naabutan ko si Sir na kumakain na. Dali-dali akong kumuha ng pitsel ng tubig at saka nagsalin ng tubig sa kaniyang baso. Tumingin siya sa akin.

“Kumain ka na rin,” aniya.

Inilapag ko ang pitsel ng tubig sa mesa bago siya sinagot, “mamaya na po. ʼPag natapos na kayo.”

“No insist. You should join me. And that’s an order.”

“S-salamat po,” sagot ko at saka naupo sa bakanteng upuan. Ibinalik na rin niya ang pansin sa pagkain. Ako nama’y kumain na rin.

Inabala ko ang sarili sa paglilinis. Kahit na malinis naman ang buong bahay ay pinapanatili ko pa rin ang kalinisan nito. Nagtungo naman ako sa likod ng bahay kung saan may malaki pang espasyo rito na hindi natatamnan ng mga halaman. Bigla akong nakaisip ng magandang ideya. Matagal ko na itong pinaplano ngunit hindi ako makahanap ng tiyempo dahil nga nag-aaral ako, pero ngayon na tapos na ang semester namin ay may oras na ako para dito.

Bumalik ako sa loob at kumuha ng rake, ng pala, iyong maliit na pala, at saka ang wheelbarrow. Dinala ko ang mga ito sa likod ng bahay, sa espasyong tinutukoy ko, at saka sinimulan ang trabaho.

Inuna kong tanggalin ang mga damo. Bago ako nagsimulang magbungkal ng lupa. Nang mapagod ay sandali akong huminto at saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang suot kong damit. Hindi ko na pinansin na punong-puno na pala ako ng lupa sa kamay maging sa suot kong damit.

“What are you doing?” Napalingon ako rito, muntik pa akong mapatalon sa gulat. Bumungad sa akin si Sir Harrison na nakakunot noong nakatingin sa ginagawa ko.

Ang kaninang kaba ko ay biglang bumalik. Papaano na ’to? Baka tuluyan na niya akong palayasin dahil sa pakikialam ko sa kaniyang bakuran.

“B-Balak ko pong magtanim ng mga gulay rito, Sir. P-Pasensiya na po sa pakikialam at sa hindi pagpapaalam,” sagot ko, yumuko dahil hindi ko siya kayang titigan nang matagal.

Pakiramdam ko’y para akong hinihigop ng kaniyang mga mata at hindi ko alam kung ako’y makakabalik pa sa reyalidad.

“No. I mean, why are you doing this? Pinapagod mo lang ang sarili mo sa mga bagay na hindi naman maa-appreciate ng iba.”

Naiangat ko ang tingin dahil sa sinabi nito. Hindi ko siya lubos na naiintindihan. Pero ramdam ko sa tono ng boses nitong may pinanggagalingan ang kaniyang sinabi.

Ngumiti ako. “Masaya po ako sa ginagawa ko. Hindi ko na pinapakinggan ang sasabihin ng iba. At ang totoong pagod po ay kapag nawalan ka na ng gana gawin ang bagay na nakakapagpasaya sa ’yo,” sagot ko.

Nakatitig lang siya sa akin ng ilang segundo bago siya kumurap. Napansin ko ang pagbuntonghininga niya. Tumingin siya sa paligid at saka muling tumingin sa akin.

“Puwede ba kitang tulungan sa ginagawa mo?”

Mas lumawak ang ngiti ko sa tanong niya. Sunod-sunod akong tumango. Nakakatuwa. “Puwede po, puwede po!” masigla kong sabi. Kinuha ang rake at saka iyon binigay sa akin. “Ito po, gamitin niyo para mas ma-pulverized po ang lupa na hindi nadudumihan ang iyong kamay.”

Kinuha niya iyon. “Okay.” At, saka sinimulan ang trabaho.

CHAPTER 4

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 4

C O N A N

Sa loob ng ilang taon kong pananatili rito sa bahay na ‘to, ngayon lang ako nakaramdaman nang kagalakan. Minsan lang kasi ako magkaroon ng kasama rito. Sa mga minsan  na ‘yon ay mabilisan lang na pangyayari dahil sa tuwing may general cleaning lang ang mga kasambahay. Isang beses sa isang buwan lang ito kung gaganapin. Minsan may mga kasambahay naman tuwing Sabado’t Linggo pero mas madalas na wala dahil kaya ko namang panatilihing malinis ang bahay na mag-isa.

Kaya nga nang dumating dito si Sir Harrison, ang saya-saya ko. Siguro noong una’y natatakot ako dahil inaakala kong masungit ito at baka nga ayaw pa nito sa mga ‘tulad ko. Iyon ang mga tumatakbo sa isipan ko ngunit nang makilala ko siya’y hindi naman pala.

Tinulungan ako nitong magbungkal ng lupa dahil balak kong magtanim ng mga gulay rito. Malawak ang espasyo sa likod nitong bahay kung saan marami akong puwedeng itanim. Maganda pa ang lupa at sa tingin ko’y magiging malusog ang mga itatanim ko rito.

Tumingin ako kay Sir Harrison. Abala siyang nagbubunot ng mga damo’t binubungkal ang lupa pagkatapos alisin ang mga damo. Pinagpapawisan na siya dahil kanina pa kami rito. Basa na ang suot nitong T-shirt at humuhulma na ang malapag niyang dibdib sa suot na T-shirt. Mabilis akong napaiwas ng tingin. Ano ba itong iniisip ko?

Hinayaan ko na muna siya at dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay. Tinanggal ko ang suot kong bota dahil puno ito ng lupa. Dumiretso ako sa kusina. Tiningnan ko ang laman ng ref at kinuha ang isang pitsel ng juice at saka ako nagsalin sa dalawang malalaking baso. Binuksan ko naman ang cabinet sa may itaas ng lababo; mga junk foods ang halos laman nito. Kinuha ko na lang ang isang malaking pagkain. Binuksan at inilagay ang laman nito sa malaking bowl. Kinuha ko ang tray at inilagay roon ang juice at ang junk foods at saka ako bumalik sa likod ng bahay.

Paglabas ko’y muntik ko nang mabitiwan ang tray na hawak ng dalawa kong mga kamay dahil sa gulat. Sino ba kasing hindi magugulat kung tatambad sa ‘yo si Sir Harrison na walang suot na damit. Eksakto pang nakaharap siya sa akin at ang maputi’t makinis niyang katawan ay sumisigaw sa ganda. Pawisan at naging dahilan ito nang pagkintab ng kaniyang dibdib at tiyan. Para siyang modelo. Tumingin ito sa akin – diretso mismo sa aking mga mata. Para akong hihimatayin sa bilis ng tibok ng aking puso.

Pero bago pa man ako mawalan ng balanse dahil sa biglang panghihina ng aking mga tuhod. Umiwas ako ng tingin nang makalapit ako rito. “J-Juice po. M-mi-miryenda,” nauutal kong sabi’t ni pagtingin sa kaniya’y hindi ko magawa.

“Ayos ka lang? Your face is red,” saad niya.

Napapikit ako nang mariin at bumuntonghininga. Umayos ka, Conan!

“O-opo. M-mainit lang po siguro,” sabi ko.

Hindi na siya nagsalita pa’t kinuha na lang ang juice na nasa baso. Mabilis naman akong lumayo. Inilapag ko sa may bench ang tray at saka kinuha ang aking juice. Nilagok ko ‘yon dahil sa kaba. Para akong tumakbo nang matapos akong uminom. Pakiramdam ko’y hindi pa rin iyon sapat dahil tila ba natuyo ang aking lalamunan. Nagulat ako nang may tumambad sa harapan ko; basong may lamang juice at hawak iyon ng isang malalaking kamay at bakat na mga ugat.

“You’re thirst. Here, drink it. I actually don’t like orange juice.”

Tumingin ako kay Sir Harrison at juice na kaniyang hawak. Wala pang bawas ‘yon. “P-pasensiya na po,” saad ko at saka dali-daling kinuha ang juice mula sa kaniya. Nagtama ang balat naming dalawa at para akong kinuryente roon ngunit ‘di ko na lang iyon pinansin pa’t inisang lagok ulit ang juice.

“Mukhang uhaw na uhaw ka nga. We should stop.”

Tinalikuran niya akoʼt nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang at inakala niyang uhaw na uhaw ako dahil sa pagod. Hindi nito alam na iba’ng tumatakbo sa isipan ko.

Umayos ka, Conan!

——

Hindi na nasundan pa ang pagtulong sa akin ni Sir Harrison sa paglilinis sa likod ng bahay. Hindi na naman ako umaasa. Naging abala siyang muli sa kaniyang laptop. Minsan ay nasa labas siya’t may kausap sa cell phone niya.

Tatlong araw ang nakalilipas, iyon lang ang madalas niyang gawin. ʼTulad ngayon. Katatapos ko lang ihain ang mga pagkaing niluto ko. Tanghali na. Isang sinigang na Bangus ang niluto ko. Hindi ko alam kung magugustuhan ito ni Sir Harrison dahil napansin kong pihikan ito pagdating sa pagkain.

Kahapon ay hindi nito ginalaw ang niluto kong ampalaya na may itlog. Noong isang araw ay hindi rin nito kinain ang pritong talong na masarap isawsaw sa toyo o suka. Ayaw nito sa masusustansiyang mga pagkain. O marahil ay hindi lang siya sanay sa mga ganoong klase ng pagkain.

Lumabas ako ng kusina at pinuntahan siya sa sala. Nakatutok na naman ito sa kaniyang laptop at nakakunot ang noo ngunit hindi nababawasan kung gaano katangos ang kaniyang ilong, kaganda ang pilik mata, at ang labi nitong parang naka-lipstick ng pink.

Ano kaya ang binabasa nito’t bakit nakakunot ang kaniyang noo?

“Why are you looking at me like that, Mr. Dimaamo?”

Napaayos ako ng tayo. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako rito.

“P-po?” Mas lalong nagsalubong ang kilay nito. “A-ang ibig ko pong sabihin, t-tapos na akong magluto. Kumain na po tayo,” saad ko bago pa ako nito pagalitan dahil nakatitig ako rito.

Tumayo siya’t naglakad papalapit sa akin. Halos tingalain ko siya nang tumigil siya sa aking harapan. Tumitig siya sa akin. Nakakunot pa rin ang kaniyang noo. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Nagulat ako nang tumaas ang kamay nito. Napapikit ako dahil sa takot. Sasampalin niya ba ako? Pero imbes na sakit ang nararamdaman ko’y ang malambot na palad nito ang marahang dumampi sa aking pisngi’t may pinunasan siya.

“You have dirt on your face,” aniya. Dumilat ako ng mga mata ngunit wala na ito sa aking harapan. Tumingin ako sa likod ko’t saktong papasok na siya sa loob ng kusina.

Wala sa sarili akong napahawak sa aking pisngi kung saan pinunasan niya ang ’di ko namalayang dumi. Katatapos ko lang kasing magtanim kanina bago ako magluto ng aming kakainin. Ang init nang magkabila kong pisngi at sa tingin ko’y pulang-pula na ngayon ang buo kong mukha.

Humugot ako nang malalim na hininga. Sunod-sunod ang ginawa ko hanggang sa kumalma ang puso ko. Hindi ako maaaring magpakita rito na pulang-pula ang mukha ko, baka kung ano pa’ng kaniyang isipin.

Nang kumalma na ako’y naglakad na ako pabalik sa kusina. Naabutan ko itong ganadong kumakain. Bigla akong napangiti. Sa wakas ay kinakain na nito ang ulam na niluto ko. Napatingin siya sa akin. Nilunok niya muna ang laman ng bibig at saka uminom.

“What took you so long? Muntik ko nang maubos itong ulam. This is really delicious!”

Napakamot ako sa ulo. Tumambling ang puso ko. “S-salamat po. Kain lang po kayo. Marami po akong niluto riyan.”

“Really?” Tumango ako. “Then let’s finished it together!”

CHAPTER 5

THE RUNAWAY

BILLIONARE

CHAPTER 5

C O N A N

Nakangiti ako habang naghuhugas ng mga pinggan. Ayokong aminin ngunit ang puso ko’y ayaw tumigil sa kakatibok nang mabilis. Hindi kasi ako makapaniwalang nagustuhan ni Sir Harrison ang niluto kong ulam. Hindi naman kasi ako ganoon kagaling magluto. Natuto lang ako dahil wala akong kasama at kailangan kong pakainin ang sarili ko.

Ang mga sangkap ay tinatantya ko lang ang lasa.

Kaya nang sabihin nitong masarap ang niluto ko’y parang tumatambol ang dibdib.

Hanggang sa matapos akong maghugas at maglinis sa kusinaʼy nakangiti lang ako. Hindi na ito mawala-wala pa simula pa kanina. Ewan ko ba. Pakiramdam ko’y napapadalas na itong pagngiti ako ng mag-isa. Kinakabahan na ako baka senyales na ito na nasisiraan ako ng bait. ʼWag naman sana. Marami pa akong pangarap sa buhay.

Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. Mag-iipon ako dahil balak kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Gusto ko pang pumunta sa ibang bansa at makaranas ng snow. Gusto ko ring makita ang mga paborito kong mga actor sa Thailand. Hindi na ako makapaghintay na mangyari ang lahat ng iyon.

“You look weird.” Mabilis akong napalingon dito kung saan nakatayo si Sir Harrison sa may pinto nitong kusina. May hawak siyang laptop. Nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin. Mas maganda yata kung pukpukin ko ang ulo ko o kung puwede lang sana ay nagpalamon na lang ako sa lupa dahil sa kahihiyan.

Narinig ko ang mga yapak nito. Hindi ako makatingin dito. “Abutan mo nga ako ng beer,” utos nito.

Kaagad ko namang kinuha ang kaniyang gusto. May mga can beers siya sa kaniyang refrigerator na malapit lang sa may lababo. Inilapag ko iyon sa counter kung saan nakaupo siya sa may high chair. At dahan-dahan kong itinulak ang can beer papalapit sa kaniya, na hindi tumitingin sa kaniyang mukha.

“What are you doing? Don’t tell me you’re insane?”

“H-hindi po,” mabilis kong sagot. “Sige po. T-ta-tawagin niyo na lang ako kapag kailangan n-ni-niyo ako,” dagdag ko at saka hindi na siya hinintay pang makapagsalita dahil mabilis akong umalis ng kusina.

Halos takbuhin ko ang hallway patungo sa aking kuwarto. Nang makapasok akoʼy isinara ko ang pinto nito at napasandal dito. Ano baʼng nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito noong wala pa si Sir Harrison dito. Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Malakas na para akong aatakihin sa puso.

Marahil ay dala lang ito ng hindi ko sa pagiging introvert ko. Hindi rin kasi ako sanay na may kasama ibang tao. Hindi naman sa natatakot ako pero ewan ko ba, pakiramdam ko kasiʼy hinuhusgahan ako. Hindi ko naman sinasabing ganoon si Sir Harrison. Tinulungan ako nito sa pagbubungkal ng lupa sa may garden, pero kasi natatakot, at ʼdi ko malaman kung bakit.

Bumuntonghininga ako. Sinubulan kong kumalma ngunit ayaw pa ring tumigil ng puso ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nakatulog naman ako nang maayos sa kadahilang napagod ako buong maghapon. Dahan-dahan akong naglalakad sabay tingin sa paligid upang siguraduhing wala si Sir Harrison. Hanggang sa makarating ako sa pinto ng kusina ay bigla akong napatindig nang matuwid nang marinig ko ang malalim nitong boses.

“What are you doing, Mr. Dimaamo?”

Dahan-dahan akong umikot hanggang sa makaharap ko siya. Nakatingin ako sa mga paa niya, wala siyang suot na medyas. Iniangat ang ulo nang dahan-dahan, nakasuot siya ng manipis na pajama, at nagulat ako dahil wala siyang suot na damit. May hawak siyang puting tasa na sa tingin ko’y kape ang laman nito. Nakakunot ang kaniyang noo, magkasalubong ang mga kilay, at makikitaan ng pagtataka ang buo niyang mukha.

“Are you done staring at me? Now answer my question, what are you doing? You’re weird.”

Umiwas ako ng tingin. Ano ba’ng nangyayari sa akin?

“A-ano po-” Ano ba’ng dapat kong sabihin? Na umiiwas ako? Para saan? Tumingin ako rito. “B-Baka magising ko po kayo, k-kaya dahan-dahan lang po ako–”

“Don’t make fun of me. Alam nating napakalayong mangyari ang sinasabi mo. My room is soundproof,” pagpapahinto niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin. “P-Pasensiya na po. N-Nahihiya lang po kasi ako sa inyo. T-tama po,” sagot ko sabay kamot sa aking batok.

“Bakit, ano ba’ng nakakahiya?” Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Nakatingin din pala siya sa akin. “Tell me, so I can find ways to adjust.”

“W-wala po. Kalimutan niyo na lang po. Sige po. Magluluto lang po ako ng agahan,” sagot ko na lang. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko.

Siguro ngaʼy senyales na ito na malapit na akong masiraan ng bait. Hindi naman ako ganito noong mag-isa lang ako rito sa pamamahay na ito. Madalas ang mga bulaklak lang ang tangi kong kinakausap. Minsan iyong mga katulong sa tuwing nandito sila, pero mabilis lang dahil maglilinis lang sila ng ilang oras at uuwi rin.

“What t-” Tumigil ito. Hanggang ngayo’y nagtataka pa rin siyang nakatingin sa akin. “Fine. Pagkatapos mong magluto at kumain, maligo ka’t aalis tayo ngayon.” Hindi na ako nakasagot dahil agad ako nitong tinalikuran.

Sa tingin ko’y galit ito dahil sa inaakto ko ngayon. Bumuntonghininga na lang ako’t sinunod ang kaniyang gusto.

Sakay ng kotseng itim kung saan si Sir Harrison ang nagmamaneho, walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakatutok lang siya sa daan. Nilibang ko na lang ang sarili ko paligid. Kahit ano’ng panahon, maganda pa rin talaga ang Baguio. Maraming mga puno at bundok sa daan.

“Do you know any place here to visit?” Napatingin ako kay Sir Harrison. Nasa harapan pa rin ang kaniyang mga mata.

“Ang totoo niyan po, wala po akong alam. Pero sabi naman po ng mga kapitbahay namin noon, kahit saan naman po ay maganda rito sa Baguio,” sagot ko.

“What?” Tumingin siya sa akin. “You live here and yet you don’t know a place?” Nakakunot pa ang kaniyang noo.

“O-Opo,” nahihiya kong sagot. Umiwas ako at tumingin sa labas. “Hindi naman po kasi ako madalas lumabas. Malayo rin sa syudad iyong dati naming bahay at saka isa pa, wala rin naman pong pera sina Mama at Papa noon. Kinukuwento lang po ng mga kaibigan ko iyong mga lugar na napupuntahan nila.”

“I just can’t believe that you’ve never been to visit the places here,” ani Sir Harrison.

Hindi na lang ako sumagot. Mabuti na lang at tumahimik na ito. Pero iyon akala ko lang pala iyon.

“We’ll go to Burnham Park, I went there before,” sabi nito at pinabilis ang takbo ng kotse.

Hindi lang sa Burnham Park ang napuntahan namin ni Sir Harrison. Pati sa mga sikat na tourist destinations dito sa Baguio ay pinasyalan din namin. At lahat ng iyo’y nag-enjoy ako. Iyong mga lugar na dati ay gusto kong pasyalan ay napuntahan ko na.

“Akala ko’y magiging tour guide kita, but I was wrong. I was the one who toured you,” sabi niya, sakay na kaming dalawa ng kaniyang kotse.

Patungo kami ngayon sa isang restaurant dahil gusto raw nitong kumain sa labas.

“Salamat po,” sabi ko. Nahihiyang lumingon dito. May ngiti rin sa aking labi.

“I should be thankful to you. For the first time in my life, all the things that were bothering me disappeared.”

Hanggang sa makarating kami sa restaurant ay ang sinabi niya ang patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Hindi na ito nawala pa. Sinisubukan kong intindihin, at alamin kung ano’ng ibig niyang sabihin pero hindi ko rin naiintindihan. Nawala lang ang iniisip ko nang makapasok kami sa loob ay ang mga mata ng mga taong kumakain ay napatingin sa amin.

Hindi ko mawari kung ano’ng ipinapahiwatig ng kanilang mga titig, pero isa lang ang alam ko. Nasa kasama ko ang kanilang mga mata at dahan-dahan na inililipat sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi ako sanay na pinagtitinginan.

“Don’t mind them. Let’s go,” ani Sir Harrison na tila ba normal lang sa kaniya ang pinagtitinginan siya.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon kung si Sir Harrison na ang dadaan sa harapan mo? Matangkad siya, maganda ang pangangatawan, may matangos na ilong, at saktong kapal ng labi. Malinis din ito, at mabango. Tapos magtataka pa ang mga tao kung bakit ako nito kasama, isang pandak, payat, may kaunting tumutubong pimples, at hindi pantay na kulay ng kutis.

Sabi ni Mama, maamo at parang inosente ang aking mukha. Maputi rin daw ako noong bata pa lang ako, at itim na itim ang medyo kulot kong buhok. Pero parang hirap paniwalaan dahil sa itsura ko ngayon.

Kaya nakakahiya na kasama ko ngayon si Sir Harrison. Baka kung ano na ang iniisip ng mga tao tungkol sa kaniya.

Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong hinawakan sa kamay at mabilis na hinila palabas ng restaurant.


SHUTA! AFTER NG

ILANG

BUWAN

NGAYON LANG AKO NAG-UPDATE!!! SALAMAT SA

PAGHIHINTAY

.

CHAPTER 6

THE RUNAWAY BILLIONARE

CHAPTER 6

C O N A N

Dinala niya ako sa parking lot kung saan naka-park ang kaniyang kotse. Nakaguhit sa aking mukha ang pagtataka habang nakatingin sa kaniya. Akala ko ba’y kakain kami pero bakit bigla na lang niya akong hinila?

“A-ayos lang po kayo?” imbes na itanong sa kaniya kung bakit kami umali, iyon ang lumabas sa aking bibig.

Tumingin siya sa akin. Nakakunot ang noo. “I should be the one to ask you that. Are you alright?” Bumagsak ang panga ko sa gulat dahil hindi ko siya maintindihan.

“A-ayos-”

“You’re not,” mabilis niyang sabi. Napansin kong tila naiinis na siya. Bakit kaya? Naiinis na siguro siya sa akin. Siguro’y nagsisisi na rin siya na isinama niya ako rito.

Yumuko ako. Nahihiya na ako. “Pasensiya na po,” mahina kong sabi, hindi ko alam kung narinig ba niya iyon nang mabuti.

Napansin ko ang paghugot niya nang malalim na hininga dahil sa dibdib niyang tumaas at bumaba.

“We’re going home. Kaya mo pa bang magluto pagdating natin sa bahay?” Mabilis akong tumingin dito at tumango. “Great. Now get inside,” aniya.

Kahit pagod na ako, kakaisip sa kung ano’ng nangyayari sa akin at sa mga lakad namin ay sumunod na lang ako. Nagsinungaling na lang akong kaya ko pa - kahit na sa tingin koʼy hindi na. Pero wala naman akong karapatang tumanggi, dahil kasambahay lang ako. Trabaho kong magsilbi sa kaniya habang naririto pa siya. Dapat nga’y magpasalamat pa ako dahil hindi niya ako pinalayas nang pagpapaluin ko siya noon.

Bumuntonghininga ako at mabilis na pumasok sa loob ng kotse nang buksan niya ito. Umikot naman siya at tinungo ang driver’s seat.

Mabilis kaming nakarating sa kaniyang bahay bakasyunan. Nauna akong bumaba dahil binuksan ko pa ang tarangkahan at saka naman nito ipinasok sa loob ng garahe ang kaniyang kotse. Pumasok na rin ako at saka iyon isinarado. Wala na rin si Sir Harrison sa labas kaya pumasok na ako sa loob.

Wala si Sir Harrison sa sala, sa tingin ko’y dumiretso siya sa kaniyang kuwarto. Tinungo ko na rin ang kusina at saka nagsimulang maghanap ng puwede kong lutuin.

Tumingin ako sa orasan. Alas-onse na pala ng gabi. Kaya pala ramdam na ramdam ko na ang pagod. Pawis na pawis na rin ang buo kong katawan at gusto ko nang matulog. Hindi ako sanay na nagpupuyat. Pero kailangan kong pagsilbihan ang aking amo.

“Are you done?” Lumingon ako rito, saktong katatapos ko lang magluto ng ulam. Nakapagsaing na rin ako. Pero sana pala’y hindi ko na ginawa pang lumingon dahil ang tumambad sa akin ay ang hubad nitong katawan at suot na naman nito ang manipis niyang pajama.

Bigla akong umiwas ng tingin dahil see through ang suot niyang pajama at halos kita na ang nakapaloob dito.

“O-Opo. M-maupo na po kayo at maghahain lang ako,” mabilis kong sagot at natarantang kumuha ng mga plato, baso, at kutsara. Mabuti na lang ay hindi ko iyon nabitiwan dahil sabay-sabay ko itong hinahawakan.

“Are you really okay, Mr. Dimaamo? I can help you, just tell me what to do,” ani Sir Harrison.

“O-opo,” ang sagot ko na lang. Sinubukan kong ngumiti pero tila ba hindi talaga ito naniniwala sa akin. “Maupo na po kayo. Kaya ko na po ito,” dagdag ko pa.

Nagtataka man siya’y wala na siyang nagawa pa kung hindi ang maupo na lang. Ngumiti ako. Nanginginig na talaga ang kalamnan ko at kumukulo pa ang tiyan ko dahil sa gutom. Mabilis lang talaga akong mapagod. Ewan ko ba kung bakit tinanggap ko ang trabahong ito.

Tumalikod ako rito pero hindi ko pa naihahakbang ang mga paa ko’y bigla na lang akong nawalan ng balanse. Mabuti na lang ay mabilis akong nakahawak sa gilid ng mesa upang kumuha ng suporta.

“Fck! Shit!” Mabilis ko ring naramdaman ang mainit at malalaking brasong yumakap sa akin. “You should tell me you’re not okay,” anito.

Hindi ako makasagot. Nauubos na talaga ang lakas ko, kaya pati na ang boses ko’y nawawala na rin. Napahawak na lang ako sa malalaki niyang braso upang hindi ako tuluyang bumagsak.

Mainit iyon.

Teka nga, Conan! ʼYan talaga ang una mong napapansin imbes na ang sarili mo? Suway sa akin ng aking sarili.

Tama! Nababaliw na yata ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko.

Nagulat na lang ako nang bigla akong umangat sa ere. Binuhat ako ni Sir Harrison na pa-bridal. Naglakad siya palabas ng kusina hanggang sa makarating kami sa sala kung saan ay dahan-dahan niya akong pinahiga sa may sofa. Nakatingin lang ako rito at sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Hindi rin nakatakas sa akin ang amoy niya. Mabango. Amoy sabong mamahalin at samahan po ng natural niyang amoy.

Lalaking-lalaki.

Nang maihiga niya akoʼy kaagad din siyang tumayo at mabilis na umalis ng kusina. Ilang minuto lang ay bumalik siya’t dala-dala ang isang tray na may lamang mga pagkain. Nakaramdam ako ng kahihiyan dahil sa kaniyang ginawa. Kaya mabilis akong bumango.

“Wala akong sinabing bumango ka.”

“P-pero-”

“Just do what I told you to do, Mr. Dimaamo,” matigas niyang utos na may kasamang magkasalubong na mga kilay.

Natakot ako pero hindi ako bumalik sa pagkakahiga. Inilapg niya ang dala-dala sa may center table nitong sala. At saka siya naupo sa aking tabi.

“I didn’t know you were so stubborn,” aniya habang kinukuha ang platong may lamang kanin. At saka siya sumandok ng sabaw sa may mangkok na may lamang sinigang na bangus. “Kung pagod ka na, matuto kang magpahinga. I am not paying you just to overwork yourself.”

“Kailangan po dahil utos po ninyo ’yon. Wala akong karapatang humindi lalo pa’t katulong lang po ako,” sagot ko. Mabuti na lang dahil hindi ako nautal.

“And you have the rights to answer ‘no’. Hindi sa lahat ng bagay ay kailangan mong sumunod. Maiintindihan ko naman kung hindi mo na kaya.”

Hindi ako nakasagot dahil wala akong maisip na maaari kong isagot. Ngumiti na lang ako ng payak. “A-ako na po, kaya ko naman po ang saril-”

“No! Stay there and eat this,” sabi niya sabay puwesto ng kutsarang may lamang pagkain sa aking bibig.

Nakatingin ako sa kaniyang mga mata. Sinalubong naman niya ang mga titig ko, kaya mabilis akong umiwas at sinubo ang pagkain.

Pinakain ako ni Sir nang tahimik hanggang sa maubos ko ang laman ng plato at ang ulam na kaniyang kinuha. Bumalik naman ang lakas ko ngunit hindi talaga kaya ng mga mata ko, kaya humiga na lang ako sa may sala at hinayaan ang sariling makatulog doon.

Kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw nang magising ako ngunit ang ipinagtataka ko’y nagising ako na nakahiga sa aking kama. Sa pagkakatanda ko’y nakatulog ako kagabi sa sofa nang hindi man lang naglilinis ng katawan. Tiningnan ko ang sarili ko’t nakasuot ako ng pajama at bagong t-shirt.

Teka! Mabilis akong bumangon at tinungo ang banyo. May sariling banyo ang aking kuwarto. Maliit lang ito at sapat lang para sa akin. May lababo, salamin, at maliit na cabinet na pinaglalagyan ko ng mga deodorant, hygiene, at iba pang panglinis sa katawan. Tiningnan ko ang sarili sa salamin.

“N-Nilinisan ba ako ni Sir habang tulog kagabi?” tanong ko sa repleksiyon sa salamin, pero hindi ito sumagot. ’Di ba, silence means yes?

Nakita niya ang kahubaran ko?! Nakakahiya! Ang dami ko pa namang peklat sa may binti, tapos-tapos! Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa mga pumapasok sa isipan ko.

Hindi-hindi! Hindi gagawin ni Sir iyon. Malabo-malabo.

Naghilamos na ako’t nagsipilyo. Kumuha rin ako ng longsleeve dahil kahit na tanghali na rito’y malamig pa rin ang panahon. Samahan mo pa ng air-conditioned ang buong bahay bakasyunan. Hindi ko nga alam bakit hindi nilalamig si Sir Harrison. Palagi pa naman siyang nakahubad.

Pero sabagay, may heater naman dito sa loob at madalas na hindi naka-on ang aircon. Magulo mag-isip ang mga mayayaman.

Lumabas na lang ako’t tinungo ang kusina. Wala roon si sir. Lumabas ako at tiningnan ang sala, wala rin siya roon. Nagkibit na lang ako ng balikat. Marahil ay nasa kuwarto pa siya nito, puyat din iyon. Bumalik na lang ako sa kusina at tiningnan kung may hugasin ba ako ngunit wala, pero kagabi’y marami akong nagamit dahil sa pagluluto at isa pa, marumi itong kusina kagabi.

Nilinis kaya ni sir? O pinalinis siguro nito nang maaga kanina habang tulog ako?

Bago pa man ako masiraan ng bait - na naman. Nagsaing na lang ako’t naghanap ng puwedeng makain muna upang hindi malipasan ng gutom. Lumapit ako sa ref at kumunot ang noo ko sa sticky note na nakadikit sa may pinto nito. Kinuha’t binasa ang nakasulat doon gamit ang magandang penmanship.

“Magluto ka nang marami ngayong araw. My friend will be coming today and he’ll stay for a while. From Harris.”

CHAPTER 7

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 7

C O N A N

Pagkatapos ko ngang mabasa ang isinulat ni Sir Harris sa sticky note na idinikit niya sa may pinto ng refrigerator, kaagad ko iyong sinunod. Ngunit bago ako nagluto nang marami ay nag-almusal na muna ako dahil may nakahanda na ring mga pagkain sa mesa kung saan tinakpan lang ang mga ito. Fried eggs na medyo half cooked ang yolk nito, sinangag, at mayroon ding egg sandwich na kasama. Ewan ko ba, pakiramdam ko’y niluto iyon ni Sir para sa akin.

’Yon ang tumatakbo sa isipan ko, e. Hindi ko maiwasan.

Naglinis din muna ako saglit dahil araw-araw namang malinis ito at once a week lang din ang general cleaning. Pagsapit ng alas-diyes ng umaga ay kaagad kong sinimulan ang pagluluto ng mga pagkain. Inuna kong pakuluan na muna ang karne ng baka dahil balak kong magsinigang. Malamig dito sa Baguio at magandang hinihigop ang sabaw ng mainit-init na sinigang. Paborito ko rin ito dahil specialty ito ni Tatay noong nabubuhay pa siya. Sa tuwing may maliit na piging sa baryo namin ay si Tatay ang tinatawag ng mga kapitbahay upang magluto. Marahil ay sa kaniya ko minana ang hilig ko sa pagluluto dahil na rin madalas ko siyang panoorin sa tuwing siya’y nagluluto.

Napangiti ako nang mapakla dahil sa mga alaalang iyon na kahit gustuhin kong balikan ay hindi na mangyayari pa.

Inabot ako ng dalawa’t kalahating oras sa paghahanda ng mga pagkain. Mag-isa lang din kasi ako. Tatlong putahe ang aking naluto. Hinugasan ko rin ang mga strawberries at inilagay ’yon sa hapag. Napangiti ako nang makita kong natapos kong gawin ang ipinapagaw ni Sir sa akin na hindi ako nito naabutan. Matutuwa kaya siya sa aking ginawa?

Pagkatapos kong ligpitin ang mga ginamit ko’y saktong narinig ko ang busina ng kotse sa labas ng bahay. Dali-dali akong lumabas at mabilis ko ring binuksan ang tarangkahan ng bahay, at tumambad sa akin ang isang itim na kotse. Ito iyong kotse na sinakyan namin ni Sir Harris kahapon nang kami ay mamasyal. Tumabi ako at kaagad din namang pumasok ang kotse. Isinarado ko pagkatapos ang tarangkahan. Pagharap ko sa bahay ay isang matangkad, naka-cargo shorts, puting polo na bukas ang tatlong butones sa itaas, nakasuot ng sun glasses, at nakangising lalaki ang nakatingin sa akin.

Siguro siya ang tinutukoy ni Sir na kaibigan nito. Pero bakit siya nakangisi?

Sumunod namang lumabas si Sir sa driver’s seat at doon natuon ang pansin ng lalaki habang si Sir ay bigla ring napatingin sa akin.

“Dude, hindi mo sinabing may cute ka pa lang kinakasama rito.” Sabay lingon nito sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko matukoy kung ako ba ang sinasabihan nito o may nakikita pa ba siyang ibang tao maliban sa amin.

Lumapit si Sir sa akin at tumayo sa harapan ko. “What are you wearing, Mr. Dimaamo?”

Bigla akong kinabahan. Hindi ko maintindihan pero sa tingin ko’y galit ito sa akin. Napatingin ako sa aking sarili at ngayon ko lang napansin ang suot-suot ko. Isang pastel pink na apron na may nakasulat na, ‘I’m cute while cooking’ sa gitnang bahagi nito.

Pero ’di ko maintindihan, may mali ba rito? Muli akong tumingin kay Sir ngunit kaagad ding napaiwas dahil magkasalubong na ang mga kilay niya.

“P-Pasensiya na po. S-Sige, m-mauuna na po akong pumasok,” mahina kong sabi at mabilis itong nilampasan. Napansin ko pang pareho silang nakasunod ang mga tingin sa akin ngunit ’di na ako lumingon pa dahil baka tuluyan nang magalit si Sir.

Sa tingin ko’y kailangan ko nang itapon itong apron at ’di na muling isusuot pa. Paborito ko pa naman itong apron na ’to. Sa tingin ko’y itatago ko na lang kaysa itapon o ’di kaya’y ibibigay ko na lang sa iba.

Imbes na dumiretso ako sa kusina’y pumunta ako sa aking kuwarto at doon hinubad ang apron. Itinago iyon sa pinakasulok-sulokan ng aking cabinet. Hinayaan ko na lang na marumi iyon. Pumasok ako sa banyo at mabilis na naligo.

Naabutan ko sina Sir at ’yong kasama niya sa sala. Napatingin si Sir Harris sa akin at mabilis siyang tumayo.

“Have you prepared food for lunch already?” tanong nito.

Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ng kasama nito. “Why don’t you introduce your friend first, Harrison to this cute thing you have.”

“Shut up, Marcus. He’s not a thing.” Tumawa ang kaibigan nito.

“Kidding,” anito at lumapit sa aming puwesto. “Hi. I’m Marcus.” Iniabot niya ang kamay niya, tanda nang pakikipagkilala.

Inabot ko rin ’yon at magaspang ang kamay nito kahit pa kung siya’y titingnan ay tila ba anak siya ng isang mayamang pamilya. “C-Conan po, Sir.”

“Drop the ‘po’, hindi pa naman ako ganoon katanda. I think, Harrison is much older than me,” sabi niya habang tumatawa.

“Tss. Let’s eat. Gutom na ako sa tagal nang paghihintay sa ’yo. Sabi mo nasa airport ka na, hindi mo sinabing airport iyon nang Manila at alas-nuebe pa ang flight mo. How could you lie to your friend?”

Kanina pa ako palipat-lipat nang tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano pa’ng ginagawa ko rito samantalang wala naman kaming dapat na pag-usapang tatlo. Mabuti na lang ay tawa lang ang isinagot ni Sir Marcus kay Sir Harris at nauna na ang mga itong pumasok sa kusina. Sumunod din naman ako pagkatapos kong bumuntonghininga.

“Wow!” ’yon lang ang naibulalas ni Sir Marcus pagkakita nito sa mga pagkaing nakahain sa hapag.

“I told you, he’s good,” ani Sir Harris.

“Ikaw ba ang nagluto ng lahat na ito?” Nakatingin na ngayon si Sir Marcus sa akin. Tumango at ngumiti lang ako bilang sagot. “Wow. I mean, you’re small but you’ve done something like this. Incredible. Bigla tuloy akong nagutom.”

Nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa kaniyang papuri. “M-Maraming salamat po. Kumain na po kayo, sabihan niyo lang po ako kung may kailangan kayon,” sabi ko.

“Sasabay ka sa amin, Mr. Dimaamo,” ani Sir Harris. “And no buts,” dagdag pa niya.

Wala akong nagawa kundi ang tumango lang. Kaagad naman kaming pumuwesto. Nagulat ako ngunit ’di ko lang ipinahalata nang tumabi sa akin si Sir Harris habang kaharap naman namin si Sir Marcus na kaagad kumuha ng mangkok at nilagyan nang mainit-init pang sinigang.

“Fck, bro. This is perfect! Hindi ako makapaniwala na hindi ito galing sa isang mamahaling restaurant dito.”

Tumikim din si Sir Harris at wala itong sinabi, bagkus ay kumuha ito nang maraming kanin at kaagad silang kumain. Natuwa ako dahil nagustuhan nilang dalawa ang aking mga niluto. Sigurado akong ’pag nakita ito ni Tatay ay matutuwa rin ’yon dahil nasasarapan ang mga taong kumakain sa kaniyang specialty. Kumain na rin ako.

Nag-uusap silang dalawa habang nilalantakan ang mga pagkain sa hapag. Hindi nga nila napapansin na nauubos na ang sinaing kong kanin pati na rin ang mga ulam. Ani Sir Marcus na kailangan niyang mag-register sa malapit na gym rito dahil baka tumaba siya sa rami ng kaniyang kinain at ganoon din si Sir Harris. Ngayon ko nga lang din natuklasan na madaldal pala si Sir Harris dahil noong dumating siya rito, ’di naman siya madalas kung magsalita. Mas madalas pa ito sa kaniyang laptop at doon lang nakatuktok maghapon.

Pinag-uusapan din nila kung kailan sila mamamasyal at magtitingin ng mga bahay bakasyunan dito dahil balak ni Sir Marcus na bumili ng sarili niyang bahay.

“We’re here for work, not for fun. Remember that,” ani Sir Harris nang sabihin ni Sir Marcus na lilibutin nito ang buong Baguio.

“Bro, I know.” Tumawa pa ito. “Hindi mo pa rin pala nilulubayan ang trabaho mo? After what you’ve done? You still wanted his recognition? Tsk-tsk.”

Nagulat ako nang biglang tumayo si Sir Harris. Tapos na rin naman itong kumain. Umalis ito ng kusina nang hindi nagpapaalam.

Bakit?

May masama kaya sa sinabi ni Sir Marcus? Parang kanina lang ay masaya silang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay? Ganito ba talaga mag-isip ang mga mayayaman.

“Don’t mind him. Stress lang ’yon sa buhay. Can I ask you a favor?” biglang sabi ni Sir Marcus kaya sa kaniya ako napatingin. Sa muli, nakangisi na naman ito. Ngayon ko lang din napagmasdan ang mukha niya. Guwapo. Maputi. Mga natural na feature ng mga mayayaman. Mukha rin siyang badboy dahil sa hikaw niyang silver sa tainga na hindi mo mapapansin kung ’di mo siya nalalapitan.

“Ano po iyon?”

Tumawa siya na tila ba may naiisip na ’di maganda. At saka niya sinabi ang gusto nitong gawin ko. Hindi ko siya maintindihan dahil wala rin naman akong alam sa tinutukoy niya. Papaano? Pero napa-oo ako dahil maging sarili ko’y hindi ko na rin naiintindihan. Baliw na yata ako.


Back on track na tayo. 1st

sem

done na yey!

CHAPTER 8

THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL

CHAPTER 8

C O N A N

“What are these?” tanong ni Sir Harris nang ilapag ko sa harapan niya ang tinimpla kong kape at ang mga cookies na ginawa ko kanina.

“K-kape at saka mga cookies po. Ayaw niyo po ba? Tatangalin ko na lang po.” Akmang hahawakan ko ang tray nang pigilan niya ang kamay ko. Mainit ang kaniyang palad na biglang nagpatibok nang mabilis sa aking puso.

“No, I was just asking. Thanks,” sabi nito nang nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

Ngumiti ako at umayos tayo dahilan para mabitiwan niya ako. “Sige po. Kung kailangan po ninyo ako ay nasa sala lang po ako,” sabi ko at saka siya tinalikuran ngunit nang malapit na ako sa pinto ay muli akong lumingon sa kaniyang puwesto. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa kaniyang laptop na tila ba may problema siya rito.

Bumuntonghininga ako. Kung titingnan mo siya’y para itong walang mabigat na dinadala. Hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko ba iyong sinabi ni Sir Marcus sa akin o hindi. Hindi ko kasi nakikita kay Sir Harris na mayroon siyang problema. Isa pa mayaman siya, lahat ay nakukuha niya. At madali lang para sa kanilang solusyunan ang kanilang mga problema.

‘Yon ang palaging tumatakbo sa isipan ko, ‘pag mayaman ka’y wala ka nang puwedeng hilingin pa. Samantalang ang mga mahihirap na tulad ko’y ibang-iba. Kaya naman naming maging masaya sa mga simpleng bagay lang pero madalas, karamihan sa amin ay humihiling na sana’y mayaman na lang sila para mabili nila ang kanilang mga gusto. Pero ako, sapat na kung ano’ng mayroon ako ngayon.

Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin at mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Nanigas ako dahil nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Bigla siyang tumayo at ‘di ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

“Akala ko ba’y nasa sala ka?” Taas ang kilay niyang nakatingin sa akin.

“A-Ah ano po—” Ano’ng sasabihin ko?

“You’re staring at me, aren’t you?”

“H-Hindi po.” Mariin akong umiling at tumanggi. “Iyong mga halaman ko po ang tinitingnan ko dahil po baka po maapakan niyo po,” dagdag ko. Magaling, Conan, kailan ka pa natutong magsinungaling? Pero mabuti na rin iyon. At saka totoo naman dahil bakit ba nito naisipan na dito magtrabaho sa labas? Maatas ang sikat ng araw pero ‘di naman sobrang init.

Narinig kong tumawa siya kaya napatingin ako rito. Tumingin siya sa mga halaman na itinanim ko. “I am two meters away from your garden, Mr. Dimaamo. Now tell me the truth, why are you staring at me?”

“M-May gagawin pa po pala ako.” Tumalikod ako’t nagsimula nang maglakad papasok ng bahay. “Sige po, t-tawagin ninyo na lang ako ‘pag kailanga—”

“What if I need you right now?” Pero natigilan ako nang sabihin niya ‘yon. “I-I mean, I need your suggestion. Yeah, right.”

Nakahinga ako nang maluwag. Ewan ko ba kung ano itong mga tumatakbo sa isipan ko. Humarap ako rito pero ‘di ako direktang tumingin sa kaniyang mukha, lalong-lalo na sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam ko’y nanghihina ang buo kong katawan.

“Ano po ’yon?”

“Come here. I have something to show. Sabihin mo sa akin kung ano’ng kulang o kung ano’ng dapat kong tanggaling,” aniya. Tumalikod siya’t bumalik sa puwesto niya kanina. Kaagad naman akong sumunod. Pumuwesto ako sa likod niya kung saan kita ko ang nasa screen ng kaniyang laptop. Isang video ang naka-paused ang kasalukuyang naka-play roon.

“This is the video of the hotel I am planning to open soon and I want you to watch it,” aniya. Ini-play naman niya kaagad ang video na kaagad kong pinanood.

Mula sa labas, sa parking lot, at sa iba’t ibang parte ng hotel ay ipinakita sa video. Nakalagay rin sa screen kung ilang floors at mga benefits na maaaring makuha ng mga mag-che-check in doon. Masasabi kong maganda. Hindi ako magaling sa mga pagde-design dahil hindi ko naman pinag-aralan iyon. Pero alam kong maganda ang hotel at alam kong marami ang magkakagusto rito.

“So, what do you think? May kulang ba o kailangang bawasan?”

Napakamot ako sa aking likod ng ulo. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko sa kaniya. Umalis ako sa likod niya’t pumuwesto sa kabilang side ng mesa kung saan magkaharap kaming dalawa.

“N-Napuntahan na po ba ninyo iyong hotel?” tanong ko at ‘di ko alam kung bakit ‘yon ang sinabi ko. Pakiramdam ko’y pang-iinsulto ang nasabi ko dahil biglang nagbago ang kaniyang ekspresiyon. “A-Ang ibig ko pong sabihin, kung nabisita na po ba ninyo ito?”

“Well, I’ve been there no’ng sinisimulan itong gawin pero nang matapos ay hindi ko pa nabibisita. Why?”

“Kasi po kung titingnan sa video po na ipinakita ninyo, wala naman pong kulang. Kompletong-kompleto. Full package po kumbaga, pero kumusta naman po ang feeling kapag nasa hotel na kayo? Satisfied po ba kayo? Komportable? Safe? Maganda ba mag-serbisyo ang mga nakuha ninyong empleyado?” Hindi ko alam kung saan nagmumula itong mga sinasabi ko ngayon, kusa na lang silang lumalabas at nakikinig lang naman sa akin si Sir Harrison. “Kasi po kapag iyong mga iyon ay wala, sa tingin ninyo po ba ay may magtitiwala pa po ba sa hotel? Sa mga empleyado ninyo? At lalong-lalo na po sa inyo.”

“Madalas po sa mga nakikita ko pong issue ay iyong may mga hidden cameras po na nakalagay, minsan naman po iyong mga empleyado ay masusungit na parang sa kanila ‘yong may-ari ng buong building, tapos po hindi pa po maganda iyong serbisyo,” dagdag ko.

“W-well, I guess you’re right. But how can we know that my employees are worth to hire?”

Muli akong napakamot sa aking noo. “’Yon po ang ‘di ko alam sa ngayon, siguro po kapag nagtrabaho na sila sa inyo ng ilang linggo?” Umiwas ako ng tingin dahil ayaw kong makitang madismaya si Sir Harris.

Alam ko namang nonesense ang mga pinagsasabi ko. Bakit ba kasi ako nito tinanong tungkol diyan? Wala naman kasi akong kaalam-alam tungkol sa kung papaano magpatakbo ng business.

Napansin kong tumayo siya at nagulat ako na halos nanlaki’t ’di ko maigalaw ang buo kong katawan nang bigla na lang niya akong yakapin. Hindi mahigpit pero ramdam na ramdam ko ang lakas niya. Hindi pa nakatakas sa akin ang mabango niyang amoy na nagpalambot naman bigla sa aking mga tuhod.

“Thank you. You gave me an idea what to do next,” sabi niya pero mas lalo lang akong naguluhan.

Bumitaw rin naman siya at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. Tumingin siya sa akin. Tumingin din ako na punong-puno nang pagtataka ang buo kong mukha. Nakangiti siya sa akin. Malawak na malawak at kitang-kita ko ang pantay-pantay niyang mga puting ngipin.

“Bakit nga ba ngayon lang kita nakilala?”

“P-Po?”

Umayos siya ng tayo at saka nito ginulo ang aking buhok. “Nothing. Forget about that. Magluto ka na roon para makakain na tayo,” aniya.

Marahan lang akong tumango at saka muling nagpaalam sa kaniya. Kahit naguguluhan dahil sa mga inakto niya’y umalis na lang ako roon at sinunod ang kaniyang utos. Ano’ng ibig sabihin niyang bakit ngayon lang niya ako nakilala? Napakamot na lang ako sa ulo ko’t dumiretso na lang kusina.

Naghain ako ng para lang sa aming dalawa. Si Sir Marcus ay hindi naman pala magtatagal dito dahil noong isang araw ay umuwi na ito. Dalawang araw lang ang itinagal niya rito at kaagad na umalis. Pero bago ito umalis ay mariin niyang ipinaalala sa akin na ‘wag na ‘wag kong kalimutan ang naging kasunduan naming dalawa. Hindi ko naman iyon kalilimutan, at susubukan kong tuparin.

CHAPTER 9

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 9

C O N A N

SA araw na ito ay karaniwang araw lang para sa akin noong wala pa akong kasama rito sa rest house. Maglilinis, magdidilig ng halaman, at maglalaba ng mga marurumi kong damit. Kakain at saka magmumuni pagkatapos. Paulit-ulit lang iyon dahil ano pa ba’ng gagawin ko, hindi naman ako madalas lumabas, at isa pa, wala rin akong kaibigan na kasama para mamasyal.

Ngunit nang dumating si Sir Harrison, nabuhayan ang buong rest house. Kahit na hindi siya madalas magsalita at buong maghapon ay nakatutok lang siya sa kaniyang Laptop, masaya ako. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko’y hindi na ako nag-iisa ’tulad noon. Nagiging panatag na rin ang loob ko at hindi ’tulad noon na madalas akong magising nang madaling araw dahil pakiramdam ko’y may nagmamasid sa akin.

Dahil siguro sa takot? Takot na baka maulit ang nangyari noon ? Umiling ako. Hindi. Matagal na iyon. Malayo na ako. Hindi na nila alam kung nasaan ako. Ligtas ako rito kung mananatili ako.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit malapit sa pinto nitong aking kuwarto. Alas-nuebe na ng gabi at mag-iisang oras na ang nakalipas nang pumasok ako. Hindi ako makatulog dahil kahit na ano’ng gawin ko’y hindi ako makalimot, hindi nawawala sa aking isipan ang mga nakaraan. Kung nanatili kaya ako roon? Malamang ay matagal na rin akong nakalibing ngayon. Mariin akong umiling. Bumuntonghininga at sinubukang ipikit ang mga mata pero kahit ano’ng gawin ko’y hindi ako dinadalaw ng antok.

Kaya naisipan kong bumangon at lumabas ng aking kuwarto. Sa tuwing hindi ako makatulog ay umiinom ako ng gatas sa kusina. Kumunot ang noo ko dahil paglabas ko’y bukas ang ilaw sa kusina. Kinabahan ako nang makarinig ako nang malakas na tunog - na tila ba may nabasag. Pero imbes na muli akong pumasok sa loob ng kuwarto ko’y biglang pumasok sa aking isipan si Sir Harrison. Dalawa lang kaming magkasama rito at mas lalong dumagundong ang dibdib ko sa kaba.

Mabilis kong tinahak ang hallway patungong kusina at nang pumasok ako rito’y naabutan kong nakahandusay sa sahig ang walang malay na katawan ng aking Amo. May hawak siyang bote ng alak at nagkalat din sa sahig ang bubog ng nabasag na bote. Kaagad akong kumilos. Marahan akong lumapit dito upang makaiwas sa mga bubog ng bote.

“S-Sir, a-ayos lang po kayo?” tanong ko, niyugyog ko rin ang kaniyang balikat upang subukan kung gising pa ba siya. Nakahinga ako nang maluwag ng marahan siyang gumalaw at inimulat ang mga mata upang tingnan ako.

“W-who are you?”

Pero imbes na sagutin ko siya’y sinubukan ko na lang paupuin. Bakit ba kasi siya naglalasing? Ngayon ko lang din siya nakitang nagkaganito magmula nang dumating siya rito. Kaya hindi ko rin alam kung ano’ng gagawin ko.

“I said, who the fcking are you?!” nagulat ako nang lumakas ang kaniyang boses. Nakaupo na siya at masamang nakatingin sa akin.

“S-Si Conan po, Sir. A-ako po ang care taker nitong rest house ninyo,” sagot ko. “K-kaya po ba ninyong tumayo? Sasamahan ko ko po kayo sa inyong kuwarto para po makapagpahinga kayo.”

Pero imbes na sagutin niya ako’y sumandal siya sa pader malapit kung saan siya bumagsak. Nagpapasalamat ako dahil hindi niya nabagsakan ang mga bubog at hindi rin nabagok ang kaniyang ulo. Tumingin ako rito. Uminom siyang muli sa hawak niyang bote ng alak na may laman pa pala, tila ba tubig lang ito kung kaniyang lagukin.

Pagkatapos niyang uminom ay pinunasan niya ang labi at tumingin sa akin. “You know what? I fcking hate this life! If only I could choose, I would never choose to be his fcking son!”

“Sir, magpahinga na po kayo,” sabi ko, hindi pinansin ang kaniyang mga sinabi. Lumapit ako rito at sinubukan siyang patayuin ngunit malakas niya akong hinawi, dahilan para mapaatras ako’t maisandal ang mga kamay ko sa mga bubog na naging dahilan ng aking pagkasugat. Mahina akong napaaray na mukhang wala naman siyang pakialam dahil patuloy lang siya sa pag-inom.

“I’m trying my best to impress him. Ginawa ko lahat. Naging mabuti akong anak. I made my own name in the business world, but it’s not enough. Ano ba talagang gusto niyang gawin ko? Marry that woman I don’t love?!”

Hindi lang ang palad ko ang biglang kumirot dahil sa mga bubog kundi pati na rin ang aking puso sa narinig. Hindi ko alam na ganito pala kalalim ang pinagdadaanan ng isang ’tulad niyang mayaman. Ang sabi lang sa akin ni Sir Marcus ay tulungan ko si Sir Harrison dahil kaya ito nandito dahil sa problema, at hindi ko alam kung ano’ng klaseng problema iyon. Pumayag lang ako dahil alam kong wala namang mawawala sa akin at Amo ko siya, kailangan ko siyang tulungan.

Tumayo ako at lumapit sa lababo upang hugasan ang mga kamay kong punong-puno na ng dugo. Mahapdi ngunit tiniis ko. Naghanap ako ng bandage at saka muling bumalik kung nasaan si Sir Harrison. Tumingin siya sa akin, diretso sa aking mga mata. At kitang-kita ko ritong pagod na pagod na siya. Ang nakakagulat ay ang paglandas ng butil ng luha sa kaniyang mga mata hanggang sa naging parang gripo na lang iyon na hinahayaan na lang niyang bumuhos.

“B-Buong buhay ko, n-nagpaalipin lang ako sa kaniya. I did whatever he asked me to do, but he never cared my sacrifices. Gustong l-lumaya p-pero ’di ko alam ang gagawin ko.” Imbes na sagutin ko siya, mabilis kong ipinulupot ang mga kamay ko sa kaniya’t niyakap siya nang mahigpit.

Ito lang ang tangi kong alam para mapagaan ang kaniyang loob. Hindi ko man naiintindihan kung ano’ng puno’t dulo ng kaniyang paghihirap, naiintindihan ko naman ang kaniyang nararamdaman. Gusto niyang lumaya, ’tulad ko. Gusto kong lumaya mula sa nakaraan ngunit hindi ko alam kung papaano. Hindi ko alam kung papaano ko kakalagan ang mga nakatali kong pakpak para tuluyan na akong makaalis.

“M-Magiging maayos din po ang lahat. Nandito lang po ako, handa pong tumulong sa inyo. Hinding-hindi ko po kayo iiwan. Tandaan niyo po ’yan,” bulong ko. Mahigpit ko siyang niyakap na ipinapasalamat ko dahil naramdaman kong kumalma siya hanggang sa isandal niya ang ulo sa aking balikat.

“You promised that, Conan, the care taker?” aniya nang humiwalay siya sa akin at muling tumingin sa aking mukha.

Ngumiti ako bago ko siya sinagot, “pangako ko po ’yan.”

        --

MAGTATANGHALIAN na nang magising ako kinabukasan. Mabilis akong kumilos at lumabas ng kuwarto. Walang hila-hilamos nang pumasok ako sa kusina para lang maabutan ko si Sir Harrison na nakatalikod sa gawi ko’t nakasuot ng apron at ang nakakagulantang ay wala siyang suot na pang-itaas.

Malawak ang likuran at pormang-porma ang kaniyang mga muscles sa katawan. Biglang napadako ang mga mata ko sa kaniyang puwetan at ang laki nito, ngayon ko lang napansin. Nakasuot lang siya nang manipis na shorts at hapit na hapit ito sa kaniyang malalaking mga hita. Bigla siyang humarap at mabilis akong umiwas ng tingin pero ’di nakatakas sa akin ang malaki niyang umbok, nagtama ang mga mata naming dalawa. Nakangisi si Sir Harrison sa akin.

“Bago tayo kumain, maghilamos ka na muna. You’re drooling,” natatawa niyang sabi habang kakaiba kung sa akin makatingin.

Hindi ako sumagot at mabilis na tumalikod. Tumakbo ako pabalik sa aking kuwarto. Napahawak ako sa dibdib dahil sa bilis na naman ng tibok ng aking puso.

Conan, ano’ng nangyayari sa ’yo at bakit nagiging mahalay ka?! Amo mo siya, amo mo!

Pero bakit kasi ganoon ang ayos niya? Madalas naman siyang hubad baro pero bakit parang may nagbago? Tapos-tapos iyong nakatago roon! Umiling ako. Wala ’to. Dapat kong kalimutan ’yon. Tama-tama. Conan, kalma! Bumuntonghininga ako at saka pumasok na sa aking banyo upang makapaghilamos na nang tuluyan. Baka kung ano pa’ng isipin nito ’pag natagalan ako rito.

CHAPTER 10

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 10

C O N A N

SINUSUBUKAN kong inintindihin ang mga nangyayari. Itong mga kinikilos ngayon ni Sir Harrison ngunit hindi ko talaga ito naiintindihan. Nakangiti siya habang kumakain kami. Nakaupo siya sa harapan ko at panaka-nakang tumitingin sa akin.

Ni hindi ko manguya ang pagkain sa bibig ko dahil naiilang ako. Natatakot naman akong magtanong baka kung ano pa’ng isagot nito. Ni hindi ko rin magawang tumingin sa kaniya nang diretso ngunit napapansin kong nakatingin siya sa akin.

“Are you alright? Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo? Hindi ba masap ang niluto ko?” At iba rin ang tono ng kaniyang boses kung magtanong. Malambing. Para bang ingat na ingat siya sa kung ano’ng lalabas sa kaniyang bibig dahil pagnagkataon na may masabi siyang hindi maganda ay makakasakit iyon sa iba. Ang aliwalas din ng kaniyang mukha nang mapatingin akong muli rito.

Umiling ako. “A-Ayos lang po. Masarap naman po,” sagot ko. Kumain na lang ako at sinubukang ubusin ang mga nakahain. Nagpapasalamat ako dahil hindi na siya muling nagsalita pa dahil kapag nagtanong pa siya’y hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko.

“By the way, I’d like to apoligize,” ani Sir Harrison pagkaraan ng limang minuto, mahigit. Saktong patapos na akong kumain at siya naman ay kanina pa nito naubos ang pagkain niya ngunit hindi pa rin siya umaalis sa puwesto.

Uminom ako ng tubig at saka tumingin sa kaniya. “Tungkol po saan?” tanong ko nang maibaba ko ang baso.

“About what happened last night.” Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang hawakan niya ang aking kaliwang kamay. Tiningnan niya ang mga sugat dito mula sa mga bubog kagabi. “This… It’s my fault and I’m really sorry. You can slap me for being stupid and careless.”

Marahan kong binawi ang aking kamay at saka ngumiti ng pilit. “Natutuwa ako na alam ninyo ang pagkakamali ninyo pero hindi po ako ganoong klase ng tao, na marunong gumanti sa mga nakasakit sa akin. Ayos lang po sa akin. Isa pa po, trabaho ko pong alagaan kayo.”

Isa sa mga natutunan ko sa aking mga magulang ay ang huwag gumanti sa mga taong nagkasala sa atin. Hayaan natin silang pagsisihan ang mga lahat ng kanilang ginawa. Dahil kapag gumanti ka, mas lalo lang ding lalaki ang problema. Kung alam mong humakbang paatras, ganoon ang gawin mo. Nakatutuwa lang na marunong tumanggap nang pagkakamali si Sir Harrison at sana ay sa susunod, huwag na siyang uminom kung hindi naman niya kayang kontrolin ang sarili niya.

“But-”

“Huwag ninyo na pong isipin iyon, Sir. Ayos lang po talaga. Maghihilom din po ang mga ito,” pagpapatigil ko sa kaniya. Tumayo ako at iniligpit ang mga pinagkainan naming dalawa nang bigla na naman nitong hawakan ang mga kamay ko.

“Put them down. I can do this. Simula ngayon ay ako muna ang magtatrabaho habang hindi pa naghihilom ’yang mga sugat mo,” anito. Aangal na sana ako nang tumingin ako rito pero nagulat ako ng malungkot siyang nakatingin sa akin. “Please? Let me do this for you.”

“Sigurado po kayong kaya ninyo?” paniniguro ko. “Marunong po ba kayong maglaba? Maglinis ng CR? Tapos po iyong mga halaman ko po sa labas, kaya po ba ninyong linisan?” dagdag ko sa mga gagawin ko dapat ngayong araw.

Ngumiti siya kaya kitang-kita ko ang puti at pantay-pantay niyang mga ngipin. Binitiwan naman niya ang kamay ko at nanlaki ang mga mata ko nang mag-flex siya ng kaniyang muscles sa braso. Nakasuot lang siya ng puting sando na hapit na hapit sa kaniya. Mukha siyang body builder pero iyong sakto lang ang katawan. Sandali, ano ba itong iniisip ko?

“Look! I can do everything. I’ve done it before, so don’t worry.”

Umiwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi. “K-Kung ’yan ang gusto po ninyo,” sabi ko.

“Okay. Then…” Napasinghap ako nang hawakan ako nito sa balikat at dinala sa sala. “All you have to do is to sit and rest. Just tell me whatever you need.”

Naguguluhan ako. Wala talaga akong naiintindihan sa mga nangyayari. Hindi nagsi-sync in sa akin ang inaakto ni Sir Harrison ngayon. Samantalang noong mga nakaraang araw ay madalas siyang tahimik, nakatutok sa kaniyang laptop, at minsan ay may kausap din siya sa kaniyang cell phone. Pero itong inaakto niya ngayon ay pinapagulo lang ang isipan ko. Iba ang kaniyang tono kung siya’y magsalita; may lambing.

Naupo na lang ako at sumunod sa kaniyang gusto. Tinalikuran niya ako’t naglakad pabalik ng kusina. Sinundan ko siya ng tingin at nang malapit na siya sa pinto ng kusina ay bigla siyang humarap at ngumisi sabay kindat. Mabilis akong umiwas ng tingin at alam kong pulang-pula na ngayon ang magkabila kong pisngi dahil ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga ito.

Ano iyon? Para saan iyon? Bakit niya iyon ginawa?

Ang dami kong katanungan na mukhang mabubulok lang sa isipan ko’t magiging dahilan pa yata ito nang pagkasira ng aking ulo.

Sinubukan kong tanggalin iyong ginawa ni Sir Harrison sa isipan ko sa pamamagitan nang panonood ng television. Pero hindi talaga ito maalis. Naging permante at patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Muli namang lumabas si Sir Harrison sa kusina.

“I’m done cleaning the kitchen. I think, I needed your help for this one,” aniya.

Napangiti ako. Akala ko ba’y kaya niyang gawin ang lahat? Ang lakas pa niyang magpakita nang malalaking muscles tapos magpapatulong din pala siya? Tumayo ako.

“Tungkol po saan?” tanong ko. Umiwas siya ng tingin at kumunot ang noo ko. Kumamot siya sa kaniyang batok.

“I need a hug. You know, for motivation?”

Bumagsak ang panga ko sa gulat. Ano ’yong sabi niya? Yakap? Kailangan niya ng yakap?

“Can you hug me?” dagdag pa niya nang ilang segundo akong natigilan at hindi kaagad nakasagot.

“H-hindi ko po kayo maintindihan,” sabi ko, imbes na sagutin siya. Tumingin siya sa akin. “B-Bakit ko po kayo kailangang yakapin?”

“Well, my Mom was always telling me that if someone is tired, you hugged them. Para mawala iyong pagod nila.”

Ah, sabi pala iyon ng kaniyang Mama. Tumango lang ako. Lumapit naman ako rito at saka siya niyakap. Matangkad siya sa akin kaya sa katawan lang niya nakapulupot ang mga kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko na sana’y hindi niya maramdaman dahil wala akong maisasagot sa kaniya. Ni ang sarili ko’y hindi ko rin kayang sagutin kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin. Hindi iyon mahigpit at parang ingat na ingat pa rin siya. Isinandal naman nito ang ulo sa aking balikat. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso, ramdam na ramdam ko iyon. Walang nagsalita sa aming dalawa at nakayakap lang ako rito.

Ako ang unang bumitaw ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell sa labas ng bahay. Ngumit siya nang tumingin ako rito.

“T-Thanks. Sige, babalik na muna ako sa kusina. Ikaw na bahala magbukas ng gate. Baka ’yan na iyong Pizza na pina-deliver ko,” aniya at mabilis akong tinalikuran at iniwan.

BINUKSAN ko ang gate at hindi Pizza Delivery Rider ang bumungad sa akin kundi si Riley, anak ni Manang Elsa na panganay.

“Ri, naparito ka?” tanong ko.

Madalas na pumunta si Riley noon dito, kasama si Manang Elsa dahil tumutulong siya kay Manang Elsa sa paglilinis.

“Inutusan ako ni Mama na imbitahin kita. Birthday ni Maria mamayang gabi. Gusto ni Mama na pumunta ka,” sabi nito.

“Ganoon ba?” Tumango lang siya.

“Conan, what are you still doing there? I’m hungry,” narinig kong sabi ni Sir Harrison. Tumingin ako rito at papalapit siya sa amin. “I’ve already paid the Pizza,” sabi pa nito nang makalapit siya ngunit kaagad nitong nakita si Riley. “Who are you?”

Tumingin si Riley sa akin. “Ri, siya pala may-ari nitong bahay. Si Sir Harrison. Sir, si Riley po, anak ni Manang Tessy, isa sa mga pinapatawag ninyo para mag-general cleaning po,” sabi ko.

“Ikinagagalak ko pong makilala kayo, Sir Harrison,” ani Riley at iniabot ang kamay.

“Harrison. Nice to meet you.”

Nagpaalam na rin si Riley. Sinabi ko naman na susubukan kong pumunta. Inimbitahan din nito si Sir Harrison. Sakto naman na dumating din ang Pizza na binili nito. Bumalik din kaming dalawa sa loob at kinain ang kaniyang binili.


Sa

magkakapatid

,

si

Harrison po ang

mabait

at caring. I hope you’ll like him✨

CHAPTER 11

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 11

C O N A

N

IMBES na sa kusina namin kainin itong Pizza ay naisipan ni Sir Harrison na rito na lang sa labas, sa may garden kung saan madalas siyang tumambay sa tuwing nagtatrabaho siya. Maganda kasi ang paligid dito at isa pa, hindi mainit at maganda ang temperatura ngayon. Katatapos lang din niyang maglinis at maglaba sa loob ng bahay na hindi ko inaasahang mabilis niyang matatapos.

Hindi pa nito nalilinisan ay mga halaman ko pero hindi ko na siya sinabihan pa dahil baka isipin pa niyang namimihasa ako. Wala pa namang mga damo iyong mga itinanim ko kaya ayos lang iyon. Mukhang pagod din siya sa pagtatrabaho dahil pinagpapawisan na ang kaniyang noo, at medyo basa na rin ang suot niyang sando.

“Kanina ka pa nakatingin sa akin. Is there something wrong or you wanted to tell me?” Kaagad akong umiwas ng tingin at ibinaling sa may mga kabundukan. Kanina pa ba ako nakatingin? Parang hindi naman. Hindi ko nga matandaan kung ilang slice na ng Pizza ang kaniyang naubos.

“W-Wala po,” sagot kong hindi ko alam kung iyon ba ang dapat kong isagot.

“Gusto mo bang pumunta sa bahay ng lalaking ’yon?” tanong niya. Muli akong tumingin sa kaniya. Nakasandal siya sa upuan habang seryosong nakatingin sa akin. Ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa kaniyang ulunan kung kaya’t kitang-kita ko ang kili-kili niyang may kalaguan ang buhok.

“Opo. Sana?” sagot kong patanong. Nang imbitahan kasi siya ni Riley kanina ay hindi naman siya nagsabi kung pupunta siya o hindi. Hindi rin ako sigurado kung pupunta ba siya at nahihiya akong magtanong. Mabuti na lang dahil naisipan nitong buksan ang tungkol doon.

“Hmmmm.” Umayos siya ng upo na ikinakunot ng noo ko. Inilagay niya ang isang kamay sa baba habang minamasahe ito, nag-iisip habang nakatingin sa malayo. Hindi naman ako nagsalita at hinintay ang magiging sagot niya. “We’ll go together,” sabi niya.

Lumiwanag ang mukha ko dahilan para mapangiti ako nang malawak. “Salamat po, Sir!”

Ngumiti lang siya at tumango. Hindi na mawala ang ngiti ko sa labi habang inuubos namin ang natitirang Pizza. Sayang lang din kasi ito kung hindi mauubos. Apat na boxes pa naman ang binili ni Sir samantalang dalawa lang kaming kakain nito. Habang inuubos namin ito ay nag-uusap kaming dalawa. Hindi ko alam na madaldal pala si Sir, pero sabagay, hindi nga pala namin kilala ang isa’t isa ng buo.

“Where are your parents?” bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng aming usapan.

Nawala ang ngiti ko. “Patay na po sila,” sagot ko.

“I’m sorry about that,” aniya.

“Ayos lang po. Lahat naman tayo’y mamamatay,” sagot ko’t sinubukang tumawa ngunit siya’y seryoso lang na nakatingin sa akin. Alam kong hindi nakakatawa iyong joke ko. “M-May problema po ba?”

“You looked okay on the outside yet your eyes were telling the opposite. What really happened to them?”

Natigilan ako at saka umiwas ng tingin. Isa sa mga ayaw ko ay iyong pag-usapan ang tungkol sa mga magulang ko - sa kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanila. Hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa ring tanggapin ang lahat, na kaya nila nagawa iyon ay para lang sa ikabubuti ng buhay ko, ng buhay ng mga tinutulungan nila.

Kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanila. Naging mabuti silang mga magulang. Pinalaki nila akong mabuting tao na ipinapasalamat ko sa kanila. Minahal nila ako at kahit kailan ay hindi nila hinusgahan ang kasarian ko. Tinanggap nila ako nang buong-buo. Lalong-lalo na si Papa na palaging sinasabi sa akin na balang ay may taong magmamahal sa akin kung saan tatanggapin ako, ’tulad nang pagtanggap nila sa akin.

Mahal ko sila. Mahal na mahal. Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit kailangan nilang maglihim sa akin?

“Namatay po sila sa aksidente. Nagde-deliver po kasi si Papa at Mama noon, sa bundok po, tapos umuulan at doon po nangyari ang lahat,” sagot ko.

“Do you have any siblings or aunt?”

Umiling ako. Wala akong kapatid. Hindi ko naman alam kung may mga kapatid ba sina Mama at Papa dahil ni minsan ay walang pumuntang kamag-anak namin noon. “Wala po. Kayo po, kumusta naman po ang pamilya ninyo?” tanong ko upang malihis ang usapan namin tungkol sa mga magulang ko.

Ayoko silang pag-usapan. O marahil ay hindi pa ako handang sabihin sa iba ang totoo.

Tumingin ako kay Sir Harrison na biglang nabago ang ekspresiyon sa mukha.

“Pasensiya na po,” sabi ko nang hindi siya magsalita. Tumingin siya sa akin. “May nasabi po yata akong hindi niyo gusto,” dagdag ko.

“No. It’s okay. Everything is fine. Apat kaming magkakapatid. I’m the second child. My both parents are still alive and they’re doing great,” aniya. “We weren’t living together. I live in my condo and worked as a CEO of my company. It was my Dad’s company, honestly, but I take his position.”

Nagkwento pa siya tungkol sa buhay niya sa Manila. Maging ang naging buhay noong siya ay nasa College pa lang. Hindi rin pala nagkakalayo ang agwat ng edad namin. Twenty-three ako at habang siya ay Twenty-nine, na akala ko’y lagpas na siya sa kalendaryo dahil ang matured niyang tingnan.

“Hindi niyo po ba sila nami-miss? Ang girlfriend niyo po?” tanong ko na sana ay hindi na lang. Bakit ko ba naitanong ang tungkol sa kasintahan niya? Ano ba’ng pumapasok sa isipan ko?

“I missed them, but I have to do this in order to think about everything.” Tumango lang ako. Hindi niya sinagot ang tungkol sa kaniyang kasintahan. Hindi na lang ako nagsalita pa. Baka ayaw lang niyang pag-usapan ang tungkol doon. Siguro ay may problema silang dalawa at kailangan muna niyang mag-isip kung ano’ng gagawin.

--

NANG sumapit ang alas-singko ng hapon ay kaagad kaming gumayak ni Sir Harrison patungo sa bahay nina Manang Elsa. Hindi naman kalayuan iyon dito dahil kalapit lang nitong mga rest houses ang baryo kung saan nakatira si Manang Elsa. Sumakay kami sa kaniyang kotse at ilang minuto lang ay nakarating kami rito.

Maliit lang ang bahay nina Manang Elsa ngunit malawak ang bakuran nito kung saan kasalukuyang may mga taong abala sa paghahanda, pakikipag-usap, at kung ano-ano pang puwede nilang pagkaabalahan. Kaagad na lumapit si Riley sa amin nang makita kami nito.

“Conan, nakarating kayo. Maraming salamat,” aniya, may ngiti sa kaniyang labi dahilan para sumingkit pa lalo ang kaniyang mga mata. Iniabot ko sa kaniya ang paper bag na naglalaman ng regalo ni Sir Harrison para sa kaniyang kapatid. “Nag-abala pa kayo pero maraming salamat.”

“Walang anuman. Si Manang Elsa nga pala?”

“Ah. Nasa loob. Halika kayo’t sasamahan ko kayo sa kaniya.”

Sumunod kami kay Riley. Dumaan kami sa gitna ng mga taong abala sa pagkain dahilan para pagtinginan kami, o sadyang ang kasama ko ang umagaw sa kanilang atensiyon. Simple lang ang suot niya pero agaw atensiyon pa rin ang kaniyang itsura.

Pumasok kami sa loob ng bahay nina Manang Elsa kung saan nakita namin itong nakaupo kasama ang mga kaibigan nito. Nandito rin si Manang Soy, si Regine, at si Goldy na mga kasambahay sa bahay ni Sir Harrison. Nagsitayuan sila nang makita kami. Ipinakilala ko naman sila kay Sir Harrison dahil ’tulad ko noon ay hindi rin nila ito kilala.

Pagsapit ng alas-otso ng gabi kung saan dito na rin kami kumain. Kaagad nagsimula ang kanilang programa. Debut ng anak ni Manang Elsa ngayon. Kaagad na napalagay ang loob ko nang yayain ni Riley si Sir Harrison upang mag-inom. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagpaalam pa ito sa akin kani-kanina lang na nasa akin ang susi kung papayag siya o hindi. Habang ako, heto at nanonood sa mini games na kanilang inihanda.

“Bakla.”

Isang dalagang nakasuot ng spaghetti na damit at maikling shorts ang tumabi sa akin. May highlights ang kaniyang buhok ’tulad sa isang Korean female group sa internet.

“Ako po ba ang tinatawag ninyo?” tanong ko dahil pagkakatanda ko ay hindi naman bakla ang ipinangalan sa akin ng mga magulang ko.

“Gaga! Malamang. Sino pa bang Bakla rito kung hindi ikaw?”

Hindi ko alam kung maiinis ako o hahayaan na lang siyang tawagin akong bakla. Bumuntonghininga ako. “Pasensiya na pero hindi kasi Bakla ang pangalan ko. Conan po,” sagot ko sa kaniya.

“Pero bakla ka ’di ba?”

“Oo pero hindi mo ako kailangang tawagin sa harap ng maraming tao, lalo pa’t hindi naman tayo magkaibigan.”

“Ito naman. Masyadong seryoso. Itatanong ko lang kung sino iyong kasama mo kanina. Ang guwapo kasi,” aniya.

Bumuntonghininga akong muli. Ang totoo ay hindi lang siya ang lumapit sa akin para itanong kung sino ang kasama ko. Tatlo na sila at iisa lang isinasagot ko, “Si Sir Harrison at may asawa na siya.”

Bumusangot naman siyang umalis sa tabi ko’t ipinagpasalamat ko iyon dahil baka hindi na rin ako makapagtimpi at malait ko pa ang suot niya’t hairstyle.

Dalawang oras pa ang itinagal ng programa at natapos na rin iyon. Busog na busog na rin ako. Nilalamig na rin dahil nakalimutan kong magdala ng jacket. Tumayo ako at pinuntahan ang puwesto nina Sir Harrison pero nagulat ako dahil may katabi siyang babae, hindi iyong mga babaeng nagtanong sa akin kanina. Iba ito, maganda at maganda rin ang katawan. Iyong tipong pang beauty pageant ang kaniyang itsura. Nakahawak ito sa balikat ni Sir Harrison habang abala si Sir sa pag-inom. Mukhang hindi pa naman siya lasing at mukhang wala pang balak umalis.

Tumalikod na lang ako dahil hindi naman nila ako napansin. Umalis na lang ako roon at naghanap ng puwesto, malayo sa kanila dahil bakit ganoon? Nakaramdam ako ng pangingirot ng puso. Umupo na lang ako sa medyo madilim na parte upang walang makapansin sa akin. Pinanood ko na lang ang ginagawa ng mga tao; may kumakanta sa harapan upang i-entertain ang mga tao dahil tapos na ang party pero mukhang wala pang balak na umuwi ang lahat. Doon ko na lang itinuon ang buong atensiyon kaysa sa nakita ko.

“Conan?” Ibinaling ko ang tingin dito. “Bakit ka nandito? Ayos ka lang?”

Umiwas ako ng tingin at humugot nang malalim na hininga. Napayakap din ako sa sarili ko. “Ayos lang ako, Ri. Salamat.”

“Sandali at ikukuha kita ng jacket. Mukhang nilalamig ka,” aniya at mabilis ako nitong iniwan ngunit hindi nagtagal ay dumating din siya’t may dalang puting Jacket na kaagad niyang ipinasuot sa akin. “Hindi ka na nilalamig?”

Umiling ako at ngumiti. Nagpasalamat din. Akala ko ay iiwan na ako nito pero kumuha siya ng plastik na upuan at tumabi sa akin.

“Ang suwerte naman ni Boss Harris,” sabi niya bigla. Nang tingnan ko siya’y nakatingin siya sa direksiyon nina Sir na kita rin pala mula rito. ’Tulad nang nakita ko kanina ay ganoon pa rin ang puwesto nila pero sobrang dikit na ng mga ito sa isa’t isa at nagkakatinginan pa.

“M-Mukha nga,” sang-ayon ko pero ramdam ko ang hindi pagsang-ayon ng aking puso. “Sino nga pala ’yang kasama niya?”

“Bakit? Nagseselos ka ba?”

“Ha?! S-Sira. Hindi, ’no! Gusto ko lang malaman para kilala ko sakaling may mangyari.”

Tumawa si Riley. “Si Monica. Miss University sa School. Ang ganda niya, ’no?”

“May gusto ka ba sa kaniya?”

“Mayroon, matagal na. Noong mga bata pa lang kami pero wala, e, iba ang gusto niya. Gusto niya iyong angat ang buhay dahil maraming utang ang Mama niya.”

Ah, kaya ba nito katabi si Sir Harrison dahil huhuthuta lang pala niya? Tumayo ako. Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Riley sa akin at mabilis ang hakbang na nakalapit ako sa puwesto nina Sir.

“Hey, Conan. Come here, join us,” ani Sir nang mapansin ako nito. Tumingin naman sa akin ang mga kasama niya, pati si Monica na nakangiti pang nakatingin sa akin. Sumunod din pala si Riley sa akin.

“Mawalang galang na po pero kailangan na po natin umuwi. Tumawag po si Sir Marcus at may importante siyang sasabihin sa ’yo,” pagsisinungaling ko.

Nagulat siya. Mabilis siyang tumayo dahilan para mapabitaw si Monica sa pagkakahawak nito sa balikat ni Sir. “What? Why didn’t you tell me?” aniya at mabilis na umalis. “I am really sorry but we have to go.”

Hindi na niya pinansin ang mga kasama niya at nagulat ako nang hawakan niya ako sa kamay at hinila. Tumingin lang ako kay Riley at tumango lang siya, mukhang nakuha nito ang ibig kong sabihin. Sumakay kami ng kotse ni Sir at kaagad na siyang nagmaneho papauwi.

CHAPTER 12

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 12

C O N A N

NANG makarating kami sa rest house ni Sir Harrison ay kaagad siyang bumaba sa kotse. Mabilis siyang naglakad papasok ng bahay. Isinarado ko na muna ang gate bago ako sumunod sa kaniya. Binagalan ko ang paglalakad habang pinaglalaruan ang mga daliri ko dahil kinakabahan ako. Sa byahe pa lang ay kanina pa ako kabado dahil kasi naman, bakit ba ako nagsinungaling? At saka, hindi ko dala ang cell phone ko dahil na-low bat ito. Wala ring number si Sir Marcus sa akin at hindi ko rin ibinigay ang number ko rito, kaya papaano niya ako tatawagan?

Hindi na ba niya naisip ang mga iyon? Marahil ay lasing na siya at kung lasing na siya, mabuti na lang dahil nakauwi kami nang matiwasay.

Bago ako pumasok sa loob ay tumingin muna ako sa langit. Ang ganda ng buwan ngayong gabi pero hindi ko na ito pinagmasdan pa nang matagal dahil nagulat ako ng biglang lumabas si Sir Harrison na masamang nakatingin sa akin.

“You lied to me!” may kalakasan niyang sabi, dahilan para mapatalon ako. ‘Di ako nakasagot. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko, hindi naman iyon mahigpit ngunit natatakot pa rin ako. “Why? Can’t you see I’m enjoying their company? Tapos mang-iistorbo ka?”

Lasing na nga siya dahil namumula na ang kaniyang mukha. Isa pa, kakaiba ang tono ng kaniyang boses. Hindi iyong galit na nagtitimpi at kulang na lang ay makasakit siya. ‘Yong boses na mariin na parang pinanghihinayangan niya ang isang bagay dahil hindi niya iyon nakuha.

Bakit ba ang gulo mo, sir? Hindi kita mabasa. Hindi ko maintindihan ang mga inaakto mo. Gusto kong sabihin ang mga iyon sa kaniya pero mas pinili ko na lang na yumuko.

“P-Pasensiya na po. S-Sabi kasi ni Riley ay hindi magandang pakisamahan si Monica,” sagot ko sa kaniya.

“What?”

Bumuntonghininga ako. Mukhang hindi niya yata nakuha ang punto ko. Iniangat ko ang tingin ko’t sinalubong ang kaniyang mga mata. “Si Monica, ‘yong babaeng katabi mo kanina, hindi siya magandang pakisamahan. Nakita siguro niyang mayaman ka kaya gagamitin ka nito sa pansariling kagustuhan.”

Binitiwan niya ako. “Ano ba’ng pakialam mo kung gagamitin niya ako? Kasambahay lang kita rito. You’re not my mother, not even my father.”

Hindi ako nakasagot. Kumirot ang dibdib ko dahil doon dahil alam kong tama ang kaniyang sinabi. Ano nga ba’ng pakialam ko kung gagamitin lang siya ni Monica? Kasambahay lang ako nitong rest house niya – at doon lang dapat ako. Kung ano man ang personal niyang buhay ay wala na akong pakialam pa.

Nasaktan ako dahil sa mga maling akala. Tama siya. Kasambahay lang ako. Akala ko kasi ay kaibigan na ang turing niya sa akin kaya ko nagawa iyon dahil iniisip ko lang ang kapakanan niya. Mali pala. Isa lang pala akong kasambahay at wala ng iba.

“S-Sige po. Simula ngayon ay hindi na po kita pakikialaman,” mahina kong sabi dahil basag ang boses ko. Ramdam ko ang pagbabadya ng mga luha sa aking mga mata. Kaya humakbang ako at mabilis siyang nilampasan ngunit bago ako makapasok sa loob ng kaniyang bahay ay napatigil ako dahil hinawakan niya ang kamay ko.

“Wait, Conan.”

Bumuntonghininga ako. Sinubukan kong ikalma ang puso at isipan ko. Pinunasan ko ang mga luhang dumaloy mula sa aking mga mata bago ko siya hinarap. Kailangan kong umakto na parang wala lang dahil nga kasambahay lang ako.

“B-Bakit po?” Hindi ako tumingin sa kaniya, lalong-lalo na sa kaniyang mga mata.

“Tell me you’re not jealous?”

“H-Ho?” Tumawa ako nang mahina na alam ko sa sariling peke lang ang mga iyon. “Bakit naman po ako magseselos? Kasambahay nga lang po ako rito. Magseselos po ako kung tatanggalin niyo ako bilang kasambahay at palitan, k-kasi po wala na po akong matutuluyan,” sabi ko. Humina ang boses ko sa dulo.

“No. I’m not going to replace you. Look, I’m sorry if I hurt you. Naiinis lang ako kasi nagsinungaling ka sa akin. It’s okay if you told me to stay away from her, but you lied. You even used other people.”

Sa pagkakataong ito’y tumingin na ako sa kaniya. Kumikislap ang kaniyang mga mata mula sa ilalim ng buwan. Ramdam ko rin ang sinseridad sa kaniyang boses, dahilan para gumaan ang loob ko. Nawala iyong inis ko ngunit nandito pa rin ang kaunting kirot. Nasasaktan pa rin ako dahil kasalanan ko rin naman kung bakit inakala kong magkaibigan na kaming dalawa.

“Ayos lang po sa akin ang lahat. Pasensiya na po.”

--

	SAKTONG tapos na akong magluto ng agahan nang dumating si Sir Harrison. Wala siyang suot na pang-itaas at ‘tulad ng karaniwan niyang suot ay isang manipis na pajama lang sa ibaba. Inilapag ko naman ang katitimpla ko pa lang na kape na agad niyang ininom.

“Thank you. I really need this. My head’s hurt. Fck!”

Ngumiti lang ako. Ayokong magsalita dahil baka may masabi na naman akong hindi niya magustuhan. Inilapag ko na lang ang mga pagkain sa mesa na kaagad niyang nilantakan. Nakapagkape na ako kanina kaya kumain na rin ako. Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa matapos kami.

Lumabas siya ng kusina bitbit ang kaniyang kape. Iniligpit ko naman ang mga pinagkainan namin at saka iyon hinugasan. Maghapon ulit na nakatutok si Sir Harrison sa kaniyang laptop. Habang ako’y nilinisan ko ang aking garden dahil tumataas na ang mga damo nito. Napangiti ako nang makitang namumulaklak na ang mga Rosas na aking itinanim. Parang kailan lang ay maliliit pa lang sila. Tiningnan ko ang kabilang parte ng mga tanim ko kung saan ang mga gulay at ang mga Strawberry naman ang tanim. Maliliit pa lang ang mga ito pero ngayon ko lang napagtanto. Magdadalawang buwan na rin pala nang dumating si Sir Harrison dito.

Tumingin ako sa kaniyang direksiyon. ‘Tulad noon ay nasa upuan lang siya’t nakatutok sa kaniyang laptop. Nakakunot ang noo at mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Maya’t maya pa ay titipain niya ang keyboard ng kaniyang laptop at bumubuka ang kaniyang bibig na parang may binubulong. Napapaisip din ako, hindi kaya niya nami-miss ang mga taong mahal niya sa buhay? Ni minsan ay hindi ko siya narinig na kausap ang mga kapatid o hindi kaya ay ang mga magulang niya.

Mabuti pa nga siya, buhay pa ang pamilya niya. Hindi siya nag-iisa. Samantalang marami riyan at isa na ako roon na naghahangad na sana’y kumpleto ang pamilya ko. Kasi kung kompleto lang ay hinding-hindi ako aalis at mananatili palagi sa kanilang tabi dahil natatakot ako na baka sa pagtalikod ko ay mawala sila.

Siguro kung nabubuhay pa sina Mama at Papa, at kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari sa kanila. Hindi ko sila iiwan. Hindi ako aalis. Mananatili ako palagi kahit na sabihin nilang umalis ako, hindi ko sila susundin. Gusto ko kasama ko sila palagi kahit saan ako magpunta.

“You’re staring at me for more than five minutes and I can’t focus on my work.” Napabalik ako sa reyalidad at nang tumingin ako rito ay si Sir Harrison na nakatayo na sa aking harapan. Tumaas ang kaniyang kilay. Teka, kanina ay nakaupo lang siya roon, ah?

“P-Po? H-Hindi kaya!” mabilis kong sagot at umiwas ng tingin. Bumaling ako sa mga Rosas upang tingnan kung may dapat pa ba akong linisan pero kanina pa ako tapos.

“I caught you, Conan. You’re lying again.” Hindi ako mapakali. Bakit ba ako nito tinatawag sa pangalan ko? Samantalang noon ay ang apelyedo ako itinatawag niya sa akin. “Bakit mo ba ako pinagmamasdan? Am I that handsome that when you look at me, you can’t take your eyes off?”

Mabilis akong lumingin dito. Nakangisi siya. Hindi ko inaasahan iyong sasabihin niya. “Hindi kaya. A-Ano po kasi, napapaisip lang po ako, magdadalawang buwan na po kayong nandito. Hindi niyo po ba nami-miss ang pamilya ninyo? Hindi naman po sa nakikialam at hindi ibig sabihin ay ayaw ko pong nandito kayo. A-Ano lang po, nagtataka lang po ako.”

Hindi ko na napigilan ang sarili at naitanong ko na ang isa sa mga gumugulo sa isipan ko. Naglaho ang ngisi niya sa labi at napalitan ang ekspresiyon niya ng seryoso.

“Why? Do you want me to visit them and leave you here?”

Kumunot ang noo ko. “Ano po’ng ibig niyong sabihin? Puwede niyo naman po akong iwan at bisitahin sila.”

“But I won’t. Ayaw kong iwan ka. I like it here.” Heto na naman ang puso kong may katigasan din ang ulo – kung mayroon mang ulo ito. Ayaw makinig. Tumibok na naman nang mabilis. Ano ba kasi itong mga sinasabi ni Sir?

Pinulot ko na lang ang ginamit ko panglinis. ’Di ko na lang siya isinagot. Pero nagulat ako nang pagtayo ko ay may hawak siyang bulaklak sa kamay. Pinitas niya ang bulaklak ng Rosas ko.

“Bakit mo po pinitas? Tingnan niyo po, may dugo na iyong kamay ninyo,” nataranta kong sabi at dali-dali siyang nilapitan. Inagaw ko ang Rosas sa kaniya at tiningnan ang kaniyang kamay na dumudugo ng kaunti. Alam na niyang may tinik tapos pipitasin niya ng walang gamit na gunting?

“Sorry. Gusto lang kasi kitang bigyan ng Rose. Because you’re such a wonderful person. You’re beautiful.” Nakangiti siyang nakatingin sa akin at ako naman ay hindi na rin napigilan ang sarili’t napangiti.

CHAPTER 13

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 13

C O N A N

SIMULA nang sabihin niya iyon sa akin, ’di na ako mapakali. Hindi ako makatulog tuwing gabi at kitang-kita iyon mula sa aking mga mata. Maaga akong gumising para maipaghanda siya ng pagkain at mabilis naman akong lalabas upang maglinis kahit na alam kong malinis na ang bakuran. Sinasadya ko iyon upang makaiwas.

Ayoko ng gulo. Ayoko nang maraming iniisip. Ayokong mag-assume dahil alam kong imposibleng mangyari ang mga tumatakbo sa isipan ko.

Bakit nga ba kasi niya iyon sinabi? Ano’ng gusto niyang iparating? Ni hindi man lang siya nagpaliwanag. Basta na lang ako nitong tinalikuran pagkatapos niyang sabihin iyon dahil may tumawag sa kaniya. At ako, naiwang tulala habang hawak-hawak ang bulaklak na kaniyang ibinigay.

Sinusubukan kong intindihin ngunit naging dahilan lang iyon upang mapuyat ako gabi-gabi. At heto, tatlong araw na akong umiiwas kay Sir Harrison. Tatlong araw akong gumagawa ng mga paraan para hindi kami magkasama sa iisang lugar. Ipinagpapasalamat ko dahil hindi ako nito inuutusan at isa pa, masyado siyang abala sa kaniyang laptop na madalas kong makitang masama ang timpla ng kaniyang mukha.

Kahit gustuhin ko mang ipagtimpla siya ng kape sa tuwing nakikita ko siyang parang naiinis, pinipigilan ko. Umiiwas dapat ako. Natatakot din na baka magtanong siya’t wala akong maisagot. Wala akong ibang dahilan kundi itong puso kong tinatarantado ako. At ayokong kapag nalaman niya iyon ay baka pagtawanan niya ako.

Lumabas ako ng aking kuwarto. Katatapos ko lang maligo at balak kong magluto ng pananghalian ni Sir Harrison. Pinapauna ko siyang kumain at kapag wala na siya sa kusina ay saka naman ako kakain. Tumingin na muna ako sa sala at wala siya roon. Siguro ay nasa labas siya ng bahay o hindi kaya’y sa loob ng kaniyang kuwarto, mabuti dahil makagagalaw ako ng maayos kung wala siya sa paligid. Nakahinga ako lalo nang maluwag nang pagpasok ko sa Kusina ay wala siya. Tahimik akong lumapit sa Refrigerator nang mapahinto ako dahil sa malalim na boses na nagmula sa likuran ko.

“Are you avoiding me?”

Hindi ako lumingon kaagad. Biglang parang tumigil ang mundo at tanging ang tibok nitong puso ko ang siyang naririnig ko lang. Hindi ako lumingon dahil hindi ko magawang lumingon. Ayoko siyang harapin. Ayoko siyang sagutin ngunit ano’ng gagawin ko? Papaano ako iiwas? Pakiramdam ko pa’y masama siyang nakatingin sa akin ngayon.

“Answer my damn question, Conan! Iniiwasan mo ba ako?”

Bumuntonghininga ako. Nilakasan ko ang loob kong harapin siya. Nakasuot siya ng T-shirt na puti at Kargo Shorts. May hawak siyang libro. Kaya roon ako tumingin dahil hindi ko siya kayang tingnan sa kaniyang mukha. Ayokong makita ang ekpresiyon niyang nagpipigil na siguro ng galit.

“H-Hindi-”

“Liar!” Napatigil ako dahil doon. “Alam mong ayaw ko sa mga taong sinungaling. Tell me the truth, why are you avoiding me?”

Sa pagkakataong ito ay tumingin na ako sa kaniya. Seryoso ang mga mata niya at nagulat ako dahil bakit parang malungkot ang mga iyon?

“H-Hindi ko po kayo iniiwasan,” sagot ko, punong-puno iyon nang kasinungalingan.

Napapailing siya habang tumitingin sa akin. “Sinungaling ka. May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan kaya ka umiiwas? Tell me so I can fix it.”

Umiwas na ako ng tingin. “Wala po kayong ginawa at ’di ko po kayo iniiwasan. Busy po kayo kaya ayoko po kayong istorbohin,” sagot ko.

Nakaginhawa ako nang hindi na siya sumagot at basta-basta na lang siyang umalis sa harapan ko. Pero nang tatalikod na sana akong muli ay muling bumalik si Sir Harrison. Hindi na nito hawak ang libro kanina kundi ang kaniyang cell phone at iniharap iyon sa akin.

“Hindi mo ako iniiwasan, but looked at what you’re doing. I’ve install some CCTV cameras.” Tiningnan ko ang replay ng kuha ng CCTV Camera na hindi ko alam na mayroon pala. Halatang-halata ang bawas kilos ko. tumitingin-tingin ako sa paligid bago ako pumasok sa kusina. Ganoon din sa labas at sa sala. Kitang-kita ang mga iyon at ang nakakagulat doon ay nakatayo sa likod ko si Sir Harrison na pinagmamasdan ako habang tumitingin sa paligid para siguraduhing wala siya.

“Now tell me your reason or I’ll kiss you.”

Nanlaki ang mga mata kong tumingin dito. Kanina ay parang malungkot siya pero ngayon ay ang laki na ng ngisi sa kaniyang labi. Tila ba nanalo siya sa isang pustahan. Pero ano iyong sabi niya? Hahalikan niya raw ako kapag hindi ko sinabi sa kaniya ang rason?

At ano naman ang isasagot ko? Sasabihin ko bang may gusto ako sa kaniya at alam kong malabo siyang magkagusto sa akin kaya ako umiiwas? Kahit saan kasi tingnan, malabong-malabo. Kitang-kita na ang kaibahan naming dalawa. Isa pa, mali iyon sa mga mata ng marami.

“D-Dahil diyan sa ginagawa mo, k-kaya ako umiiwas.”

“Ano’ng mga ginagawa ko? I don’t understand.” Nakakunot ang kaniyang noo. Tila ba nagmamaang-maangan lang siya.

“Nagpapakita ka ng motibo na gusto mo ang isang tao at hindi ko mapigilang umasa. Kaya ako umiiwas dahil alam kong malabo at takot akong masaktan. Masaya na po ba kayo?” mabilis kong sagot. Pumikit ako dahil ayokong makita ang kaniyang reaksiyon. Ito na ba? Ito na ba iyong sinasabi kong kapag sinabi ko ang totoo ay pagtatawanan niya lang ako?

Baka nga ay paalisin na ako nito ngayon dahil matatakot siya na baka kung ano’ng gawin ko. Pero hindi ako ganoong klase ng tao.

Wala akong narinig. Kaya muli akong dumilat at tingnan siya.

“I-It was just a joke. I was doing those things to make you comfortable. I didn’t thought that you’re going to fall.”

Napasinghap ako dahil sa kaniyang sinabi. Nakatatawa. Joke? Marunong palang mag-joke ang katulad niya? Sana sinabi niya kaagad para ’di ako nagmumukhang tanga kakaintindi sa mga ginagawa niya. Napaka-sweet niya. Sinabihan pa akong maganda. At kanina, balak pa niya akong halikan. Pero Joke lang pala ang lahat.

“Haha. J-Joke pala iyon, Sir? P-parehas lang pala tayo ng iniisip. S-sige po. Babalik lang muna ako sa kuwarto dahil nakalimutan ko iyong apron ko,” sabi ko at mabilis siyang iniwan.

KINAGABIHAN ay sabay kaming kumain ni Sir Harrison. Tahimik hanggang sa nauna siyang matapos kumain. Nakahinga ako nang maluwag nang umalis din siya ng kusina. Hindi kasi ako mapakali. Simula pa kaninang tanghali, sabay rin kaming kumain, ay tahimik din siya. Hindi na ako nito kinakausap na ipinagpapasalamat ko dahil sa tuwing naaalala kong isa lang pa lang malaking Joke ang mga sinasabi’t ginagawa niya, kumikirot ang dibdib ko.

Ayoko na sanang isipin ang mga iyon dahil Joke lang pala pero hindi na ito matanggal sa isipan ko. Mas masakit pa pala ito sa mga tumatakbo noon sa isipan ko kapag umamin ako.

Pagkatapos kong maglinis ay pumasok na ako ng aking kuwarto. Naglinis at saka nahiga sa aking kama. Tumitig sa kisame kong puno na ng agiw dahil hindi ko naman ito madalas linisan. Siguro ay para may magawa ako bukas ay lilinisan ko na rin ito. Linggo naman bukas ay wala akong trabaho, isa pa, mayroong General Cleaning sina Aling Elsa.

Pagpikit ko’y agad akong dinalaw ng antok. Kinabukasan nga ay maaga pa lang nasa kusina na ako’t nagluluto ng almusal. Dumating din sina Aling Elsa, Goldy, at Manang Regine. Kasama ni Aling Elsa si Riley.

“Uyy saktong-sakto, hindi pa kami nag-aalmusal,” ani Riley nang pumasok sila sa Kusina. Napangiti ako. “Agahan pa lang, mapaparami yata ang kain ko. Masarap pa naman magluto si Conan.”

“Bolero!” sabi ko. Pumasok naman ng Kusina si Sir Harrison na magulo ang buhok. Binati siya ng mga kasambahay at tinanguan lang niya ito bago naupo sa kaniyang puwesto.

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Alam kong talentado ka pagdating sa larangan nang pagluluto,” sabi pa nito.

“Kumain ka na lang para marami kang magawa mamaya. Isama mo na rin iyong kuwarto ko, maagiw na,” pagbibiro ko.

“’Wag kang mag-aalala, ako’ng bahala.”

“Tss.” Napatingin ako kay Sir at nahuli kong nakataas ang gilid ng kaniyang labi pero sa baso lang naman siya nakatingin.

“May problema po?”

“Where’s my coffee?”

Shit! Muntik ko nang makalimutan. Si Riley kasi. “Hala! Pasensiya na po. Itong si Riley kasi,” sabi ko at mabilis na tumayo upang ipagtimpla siya ng kape. Mabilis kong natapos iyon at saka iniabot sa kaniya. Kaagad siyang uminom doon at kumain. Ganoon din ang ginawa ng iba bago kami magsimulang maglinis.

CHAPTER 14

Hi! It’s been a while :) sorry na, wag ka na magalit.

Uwu

! Char. Enjoy reading.

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 14

C O N A N

PAGKATAPOS naming mag-almusal ay siya ring pagsisimula ng kani-kanilang gawain. Nakatoka ako sa kusina kung saan abala akong naghuhugas ng mga pinggan at siya namang pagpasok ni Riley rito.

“May Juice ba kayo rito, Con? Nauuhaw ako,” sabi niya at dumiretso na siya sa Refrigerator upang tingnan kung mayroong Juice.

“Kailangan ba talagang Juice para mapawi ang uhaw mo?” pagbibiro ko. “Dalhin mo na rin nga pala iyan sa labas para may mainom din ang iba,” dagdag ko.

“Puwede ring pagmamahal. Uhaw na uhaw ako sa pagmamahal ng isang—” Hindi niya natapos ang sasabihin. Tumingin ako kay Riley at nakatingin naman siya sa pinto. Nakatayo roon si Sir Harrison. “Boss, makikiinom lang po ako ng Juice,” biglang sabi ni Riley.

Tumingin si Sir Harrison sa akin at bigla akong kinabahan. Hindi ko alam pero may kakaiba sa mga titig niyang hindi ko mawari. Umiwas na lang ako pero napansin ko pa rin ang paglingon niya kay Riley at marahang pagtango. Inilapag lang nito ang basong pinagtimplahan ko ng kape kanina sa Mesa at kaagad ding lumabas ng kusina.

“Ano mayroon?” tanong ni Riley, kaya tumingin ako sa kaniya at nagkibit ng balikat. “Weh? Kitang-kita ko iyong tingin ni Sir sa ’yo, malamig. May ginawa ka sigurong masama?”

“Sira! Ikaw, kalalaki mong tao napaka-tsismoso mo. Bumalik ka na roon at baka hinahanap ka ng Nanay mo,” sabi ko na lang sa kaniya at kinuha ang basong inilapag ni Sir Harrison sa mesa.

“Sige. Kapag may gusto kang ipatulong, sabihan mo lang ako.” Hindi ko na siya sinagot dahil napatitig ako sa basong hawak ko. Lumabas na rin naman siya ng kusina.

Wala naman talaga kaming problema ni Sir Harrison. At saka, hinding-hindi ako magkaroroon ng problema sa kaniya dahil mabait siyang amo. Binigyan nga niya ako ng dalawang araw na day off sa loob ng isang Linggo pero sadyang ayaw ko lang mag-day off dahil wala rin naman akong gagawin. Pinapasahod niya ako ng tama kung saan dinagdagan pa niya, kaya malaki-laki na rin ang naiipon ko’t sa susunod na school year ay makapag-e-enroll na ako.

Wala akong problema sa kaniya. Siguro nama’y ganoon din siya sa akin. Alam kong mabuti kong ginagawa ang trabaho ko, walang palya dahil wala pa akong naririnig na reklamo sa kaniya.

Bumuntonghininga ako. Sinabunan ko na ang baso at saka tinapos ang paghuhugas dahil tutulungan ko pa silang lahat, isa pa’y lilinisan ko rin ang kuwarto.

——

“Oh, ano’ng gagawin mo sa mga iyan, Conan?” tanong ni Manang Elsa, nang makita ako nitong may hawak na mop, walis, at iba pang panglinis. “Hindi ba’y day off mo ngayon?”

“Ah, lilinisan ko po ngayon ang aking kuwarto,” sagot ko.

“Tutulungan na kita,” ani Riley na abala sa pag-alis ng agiw sa kisame. “Ayan, tapos na ako rito.”

“Tama. Mabuti pa ngang tulungan mo na itong si Conan,” segunda naman ni Manang Elsa.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango lang at pumayag pero bigla akong nakaramdam ng kilabot sa katawan dahil parang may masamang nakatingin sa akin, ngunit nang tingnan ko sila isa-isa ay si Riley lang naman nakatingin sa akin. Si sir Harrison ay abala sa kaniyang laptop at tahimik lang sa may sala. Hindi naman siya nakakaistorbo dahil tapos na nilang linisan ang puwesto niya.

“Ako na magdadala niyan,” ani Riley na hindi ko namalayang nakalapit na pala.

“Hindi-hindi. Ako na, kaya ko naman ito,” sagot ko at inilayo sa kaniya ang mga hawak ko.

“Ako na sabi, Con. Ang liit ng kamay mo, oh. Parang hindi mo na kayang dakmain,” sabi niya’t natatawang pinagmamasdan ang aking kamay.

“Sira! Malakas kaya ako. Halika na nga nang makatapos tayo kaagad,” sabi ko at nauna nang maglakad.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero nahuli kong nakatingin si Sir Harrison sa akin. Nakatingin siya nang masama. Pero hindi ko na lang iyon pinansin at pumasok na lang sa kuwarto ko nang makarating ako. Sumunod naman si Riley sa akin.

Malinis naman ang kuwarto ko dahil araw-araw ko itong nililinis pero gusto ko kasing baguhin iyong pagkakaayos ng aking mga gamit dahil kahit na malinis, wala naman sa ayos ang kabinet at ang nag-iisang mesa rito.

Hinarap ko si Riley at iniabot sa kaniya ang walis. “Walisan mo na muna at aayusin ko lang ang kabinet, pagkatapos ay mag-mop ka na rin,” utos ko.

“Yes, boss!” aniya at sumaludo pa siya bago niya kunin sa akin ang walis.

Natawa na lang ako at inilagay na muna sa tabi ang mop. Nilapitan ko naman ang kabinet ko. Iilan lang ang mga gamit ko. Hindi kasi ako mahilig bumili ng mga damit dahil iniisip ko na hindi ko naman sila kailangan pa dahil wala naman akong pupuntahan at isa pa, ayos pa naman lahat ng mga damit ko. Inilabas ko lahat ng mga damit ko pati na ang alkansiya ko’t inilapag ang mga iyon sa aking kama.

Pagkatapos ay kumuha ako ng pamunas upang punasan ang loob ng kabinet. Maging ang pintuan nito’y pinunasan ko rin pero ang itaas ay hindi ko abot. Kinuha ko ang upuan na nasa aking mesa at sumampa rito, upang maabot ko ang ibabaw ng kabinet.

Sinusubukan kong abutin ang dulo nang hindi ko na ilalapit pa ang upuang sinasampaan, dahil nakakapagod nang bumaba tapos sasampa ulit. Ngunit hindi ko inaasahan na biglang bibigay ang upuang sinasampaan ko dahil sa kalumaan nito’t plastik pa.

“Aaaahh!!” Naipikit ko ang mga ko at hinintay na lang ang pagbagsak ko sa sahig. Siguro ay kapag tumama ang ulo ko sa sahig ay katapusan ko na. Mabuti na rin iyon dahil makakasama ko na sina Mama at Papa, at makatatakas ako sa kanila.

Ngunit ilang segundo ang lumipas ay hindi matigas na sahig ang naramdaman ng aking likod kundi matikas na mga braso ang nakayakap sa aking katawan. Iminulat ko ang mga mata at si Riley, na nakatingin sa akin ang bumungad. Nasalo ako nito at ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko nang bumukas iyon at tumambad sa amin sina Manang Elsa at Sir Harrison, nakatingin sila sa amin.

“Ano’ng nangyayari dito? Conan, bakit ka sumigaw?” tanong ni Manang Elsa.

Dahan-dahan akong ibinaba ni Riley.

“Mabuti na lang po at nandito ako, baka sa sahig niya matagpuan ang sarili niya dahil sa kamuntikang pagkahulog,” sagot ni Riley.

“Jusko po kang bata ka! Mabuti na lang at sinamahan ka ni Riley,” ani Manang Elsa.

Napayuko lang ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kanila, lalong-lalo na kay sir Harrison. Hindi ko mawari kung anong klaseng titig ang ipinapakita niya, galit ba siya o naaawa? Hindi ko alam. Ayaw ko ring alamin.

“P-Pasensiya na po. Ri, salamat,” mahina kong sabi.

Nagulat ako nang akbayan ako ni Riley. “Ano ka ba, ayos lang iyon. Sabi ko naman sa ’yo, ’pag hindi mo kaya, sabihan mo lang ako.”

“Oh siya, babalik na ako roon. Pasensiya na po sa abala, sir,” ani Manang Elsa.

Umalis na rin ito pagkatapos ngunit naiwan naman si sir Harrison. Ni walang salita ang lumabas sa kaniyang bibig at nang tumingin ako rito at nakatingin din siya sa aming dalawa ni Riley. Dumako pa ang tingin niya sa kamay ni Riley na nakaakbay sa akin bago siya tumingin sa aking mga mata.

“Come with me. May iuutos ako,” ani Sir Harrison at nauna na siyang lumabas. Kinilabutan ako dahil sa lamig ng kaniyang boses na kahit mahina lang iyon ay pumuno ito sa buo kong kuwarto.

Inalis naman ni Riley ang kamay niya. “Sige na, kaya ko na ito.” Kumindat pa siya sa akin. “Good luck,” dagdag niya habang may ngisi sa labi at hindi ko naintindihan kung ano’ng ibig niyang sabihin.

CHAPTER 15

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 15

C O N A N

NAKATINGIN lang ako sa malapad na likod ni Sir Harrison habang sinusundan ko siya. Tila ba may tumatambol sa puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may nagawa akong mali dahil kanina pa siya masama kung makatingin pero sa tuwing hinahanapan ko naman nang kasagutan ang lahat, wala akong mahanap.

Ginagawa ko lang naman ng tama ang mga trabaho ko rito. Ni minsan ay hindi pa ako nagkakamali o nahuli sa pagluluto ng kaniyang makakain. Iyon ang alam ko dahil iyon lang naman talaga ang koneksiyon namin sa dalawa.

O baka ang ikinagagalit niya’y dahil sa mga sinabi ko sa kaniya? Na hindi ko na maintindihan itong sarili ko’y unti-unti na akong nakararamdam ng kakaiba. Wala naman sigurong mali roon, ‘di ba? Pero kung iyon ang ikinagagalit niya, wala na akong magagawa pa roon. Naiintindihan ko naman siya. Kung ako ang nasa kinatatayuan niya, magagalit din ako sa taong nagkakagusto sa akin, lalo na’t isa pa iyong bakla. Straight siya at magkalayo ang agwat ng buhay naming dalawa. Magkaiba ang mundo namin pareho at kahit sino naman, ikahihiya ang ‘tulad ko.

Umakyat siya sa ikalawang palapag, saktong nakasalubong namin si Goldy na pababa. Binati nito si Sir at tinanguan lang siya nito. Napatingin naman ito sa akin at ngumiti kaming pareho sa isa’t isa. Hindi ko alam pero may kakaiba sa ngiti ni Goldy na hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin nang makarating kami sa tapat ng kaniyang kuwarto.

Binuksan niya ang pinto at nauna siyang pumasok doon. Bumuntonghininga na muna ako. Doble, hindi, triple na yata ang dagundong sa puso ko. Bakit ba kailangan pang dito niya sabihin sa akin ang ipagagawa niya? Sa pagkakaalam ko’y tapos na itong linisan ng mga kasambahay at nang pumasok ako’y malinis na malinis na ito. Siguro, ipauulit niya ang paglilinis bilang parusa sa akin dahil galit siya sa akin. Kung iyon lang ang ipagagawa niya’y hindi na ako magrereklamo, bagkus ay magpapasalamat pa ako dahil hindi nito naisipan na tanggalin ako sa trabaho.

Hindi pa sapat iyong ipon ko. Mabubuhay ako pero hindi magtatagal ay mauubos din iyon. Papaano na ang pagbabalik ko sa pag-aaral? Mahirap pa namang makahanap ng trabaho ngayon. Hindi pa ako college graduate. Iyon pa naman ang madalas na requirement sa isang maayos na trabaho.

Narinig ko lang ang pag-lock ng pinto at ang mga yapak ng paa ni Sir. Pumunta siya sa harapan ko. Sa dibdib niya ako nakatingin dahil hindi ko magawang iangat ang ulo sa kaba. Ayokong tingnan ang ekspresiyon niya.

Tahimik lang siya. Hindi ko rin magawang magsalita dahil sa kaba, na baka iba ang lumabas sa bibig ko at mas lalo niyang ikagalit. Kaya tumahimik na lang ako. Pinagmamasdan ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya ngunit bigla niyang pinulot ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.

“Nililigawan ka ba ng lalaking iyon?”

Naiangat ko nang mabilis ang ulo’t tumingin sa kaniyang mukha. Hindi siya nakatingin sa akin pero ang panga niya’t umiigting. Pakiramdam ko, tumigil sa pag-ikot ang mundo at tila ba nabingi ako sa kaniyang sinabi.

“Nililigawan ka ba ng lalaking iyon?”

“Nililigawan ka ba ng lalaking iyon?”

“Nililigawan ka ba ng lalaking iyon?”

Para iyong mga sirang plakang nagpaulit-ulit sa aking pandinig. Hindi ko maintindihan. Hindi ko siya maintindihan. Muli ay may mga nabuo na namang mga katanungan sa aking isipan. Bakit niya iyon naitanong? Ano’ng ibig niyang sabihin?Bakit niya ba ito ginagawa sa akin? At ang lahat ng ito ay hindi ko magawang bigkasin kaya’t nananatili na lamang sa aking isipan.

“Just fcking answer my damn question!” Napabalik ako sa ulirat ko nang muli na naman siyang magsalita.

Umiwas ako ng tingin. “B-Bakit po?” tanong ko, imbes na sagutin siya.

“I-I just wanted to know. But it doesn’t matter. Mas mabuti na rin iyon para hindi mo ituon sa akin ang pansin mo. I’m straight and I don’t want to hurt you,” aniya at saka ako nito iniwan.

Tulala at sa bintana lang ako nito nakatingin. Kumirot ang dibdib ko, oo. Masakit. Ayaw pala niya akong saktan, bakit pa siya nagpapakita ng mga motibo noon? At isa rin akong tanga, ang bilis maniwala. Nag-assume pa akong iba na ang kaniyang ipinapakita. Kasalanan ko, oo, pero mayroon din naman siyang kasalanan.

Naramdaman kong basa ang magkabila kong pisngi kaya mabilis ko iyong pinunasan. Bakit ako umiiyak? Napakasimpleng bagay. Wala lang naman ito, sanayan lang. Sanay na akong masaktan kaya ano pa’ng bago? Nakatadhana na yatang maging malungkot ang buhay ko.

Muli kong pinunasan ang mga luhang lumandas pero alam kong pulang-pula ngayon ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng banyo ni Sir Harrison at doon inayos ang sarili ko.

PAGBABA ko ay abala pa rin ang mga kasambahay sa paglilinis. Tumingin ako sa paligid at wala rito si Sir Harrison. Magtatanghalian na. Tatanungin ko pa naman siya kung ano’ng gusto niyang ulam ngayong tanghali. Nilapitan ko na lang si Manang Elsa.

“Si Sir Harrison po?”

“Ay naku, lumabas siya kanina. Ano’ng nangyari sa amo mong iyon, Conan? Ang bibigat ng mga lakad niya habang palabas,” sagot niya.

“Oo nga, ‘teh. Nakasalubong ko siya kanina habang papasok ako dahil nagtapon ako ng basura, sumakay siya sa kotse at pinaharurot iyon. Nag-away kayo?” segunda ni Goldy na nakaupo na ngayon sa sofa.

Bigla akong napalunok. Nag-away? Ano’ng pinagsasabi niya? Bakit naman kami – hindi kami nag-away. Baka may importante lang siyang lalakarin ngayon kaya siya umalis.

“H-Hindi po. Baka po mag-importante lang siyang lalakarin ngayon. Ano nga pala ang gusto niyong ulam?”

“Yown! Gusto ko ng sabaw, Con.” Biglang dumating si Riley at mabilis akong inakbayan.

Tumawa ako nang mahina. “Sige. Sinigang na lang ang lulutuin ko,” sagot ko at saka tinanggal ang kamay ni Riley sa akin.

Tatlong oras na ang nakalilipas nang umalis sina Manang Dolly at ang iba pa. Alas-otso na ng gabi at kahit gutom ako’y hindi ko pa ring magawang kumain dahil hinihintay ko ang pagdating ni Sir Harrison. Wala naman siyang ibinilin na ‘wag ko na siyang hintayin o kung uuwi ba siya ngayon pero heto ang gusto ko ng puso ko at hindi ko maintindihan.

Naiinis ako sa kaniya ngunit hindi ko magawang magalit ng tuluyan. Kasalanan ko rin naman.

Sa orasan lang ako nakatingin hanggang sa tumapat ang oras sa alas-diyes ay wala pa rin ito. Nakararamdam na ako ng antok pero tiniis kong magising ang diwa ko. Nag-aalala na rin ako. Papaano kung may nangyari na sa kaniyang masama? Hindi ko naman alam kung papaano ko siya matatawagan.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang makita ko ang sinag ng ilaw na nagmumula sa labas. Mabilis akong tumayo. Si Sir Harrison na iyan, kaya nakahinga ako nang maluwag. Dali-dali akong lumapit sa pinto at binuksan iyon, sakto namang nasa harap ng pinto si Sir Harrison. Tumingin siya sa akin.

“Can I court you too?” Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Amoy na amoy ko rin ang alak na nagmumula sa kaniya kaya’t alam kong lasing siya sa mga oras na ito. “Please, Conan. Let me court you. G-Gusto kong malaman kung ano itong nararamdaman ko.”

CHAPTER 16

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 16

C O N A N

        SA nagdaang mga araw, hindi ako nakatutulog nang maayos. Madalas, alas-dos na ng madaling araw ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Sinusubukan kong pumikit nang sa ganoon ay dalawin ako ng antok ngunit hindi pa rin. Magulo ang isip at puso ko sa ngayon, dahilan kung bakit palagi akong puyat at humihikab maghapon. Ipinagpapasalamat ko na lamang dahil wala 

siya rito ngayon. Dahil baka madagdagan pa ang iniisip ko kapag nandito iyon.

Isang linggo na rin ang nakalilipas nang sabihin niyang manliligaw siya at kinabukasan ng gabing iyon ay umalis siya’t hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Naiinis ako pero wala akong magawa. Bakit niya iyon sinabi? Nasaan siya ngayon?

Bakit ba ako nito pinapaasa na lang palagi?

Bumuntonghininga ako. Tumingin ako sa paligid. Hindi ako sanay na wala si Sir Harrison sa paligid. Pero ganito rin naman noon nang hindi pa siya dumarating, tahimik ang buong bahay at tanging ako lang ang tao rito.

“Siguro, dapat ko na ulit sanayin ang sarili kong mag-isa. Baka umuwi na siya ng Manila,” sabi sa sarili at muling humugot nang malalim na hininga.

Umihip ang malakas na simoy ng hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. Lumalamig na rin pala ang temperatura dito sa Baguio, mabuti na lang at nakasuot ako nang makapal na jacket kaya hindi ako gaanong nilalamig. Niligpit ko na muna ang mga ginamit ko sa paglilinis nitong garden at saka ako pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa sala ngunit napatigil ako nang makita ko si Sir Harrison na nakatayo sa tapat ng pinto.

Nakasuot siya ng corporate attire, may maliit na maleta sa kaniyang tabi, at may hawak siyang paperbag sa kanang kamay habang mga bulaklak naman sa kaliwan. Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

“I’m sorry,” iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig. Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Halatang wala rin siyang maayos na tulog at napansin kong tila ba pumayat siya, sa loob lang ng isang linggo. “Umalis ako ng wala man lang paalam, samantalang sinabi ko sa ’yong liligawan kita. I received an emergency,” dagdag niya. Nanatili pa rin siya sa puwesto nito, ganoon din ako.

Hindi ko magawang sumagot dahil blangko ngayon ang isipan ko. Isa pa, hindi ko rin alam kung papaano ko siya sasagutin. Humakbang naman siya’t pinutol ang distansiya naming dalawa ngunit ang mga mata namin ay pareho pa ring nakatitig sa isa’t isa. Ang lakas ng tibok ng puso ko’t pakiramdam ko’y lalabas ito mula sa aking dibdib.

“I fcking miss you, Conan.”

Tila ba tuwang-tuwa ito nang makita si Sir Harrison ngunit mariing tumatanggi ang aking isipan. Aniya’y “palabas niya lang ’yan, Conan. Huwag kang magpapaniwala sa kaniyang sinasabi dahil ganiyan talaga ang mga mayayaman, magaling sa salita ngunit wala naman sa gawa.”

Ngumiti lang ako at ako na ang unang bumawi ng tingin. Tumalikod ako rito. “M-Magpahinga na po muna kayo, magluluto lang ako ng hapunan,” sabi ko at akmang hahakbang nang maramdaman ko ang mahigpit nitong yapos sa aking buong katawan, sabay sandal ng kaniyang ulo sa aking balikad.

“Ikaw ang pahinga ko. Makita lang kita, bumabalik ang saya ko. You know, I’m so fcking happy right now.”

Tumigil ang mundo ko sa paggalaw at dahil sa mga sinabi niyang ’yon ay nabalewala ang isinisigaw ng aking isipan dahil sa muli, nagpatalo na naman ako sa aking puso.

Madalas ko lang na hilingin noon ay ang makalaya mula sa nakaraan na bumabangungot sa aking nang paulit-ulit. Pero iba ang ibinigay sa akin, isang taong magpapatunay na kahit ganito ako, isang bakla, nararapat pa rin akong mahalin. Ngunit may parte pa rin sa akin na natatakot. Papaano kung palabas lang pala ito? Na panaginip lang? Alam kong panandalian lang ang lahat ngunit sa tuwing sumasagi iyon sa aking isipan ay kumikirot pa rin ang puso ko.

“Are you okay? You don’t like my gifts?” Tumingin ako kay Sir Harrison. May lungkot sa kaniyang mga mata nang sabihin iyon kaya umiling ako.

“Ayos lang po ako. Gusto ko po pero parang sobra naman po yata ito,” sagot ko. Tinutukoy ko iyong laman ng paperbag kanina, isang mahahaling cellphone at mamahaling relo. Kahit siguro habang buhay akong manilbihan sa kaniya at hindi ko mababayaran ang lahat ng ito.

“I already told you, I’ll give anything you want in this world because you deserved it.”

“S-Salamat,” sagot ko.

“Saan mo gusto pumunta bukas?” tanong niya, kasalukuyan pa rin siyang nakatingin sa akin at kanina pa ako naiilang kaya itinutuon ko na lang ang pansin sa Cellphone upang aralin ito kung papaano gamitin.

“Hindi po ba kayo napapagod? Galing po kayo sa business trip.” Inilapag ko sa center table ang cellphone at tumingin sa kaniya.

Umiling siya bilang sagot at ngumiti. “You gave me strength, Conan. Kahit lakbayin ko pa ang buong mundo, as long as you’re with me, hinding-hindi ako mapapagod.”

Natawa ako sa kaniyang sinabi at nagpapasalamat ako dahil hindi niya napapansing namumula ang aking mga pisngi. “Ang korny niyo po pala,” sabi ko.

“What?! I’m just telling the truth.”

“Korny pa rin po ’yon,” sabi ko at tumawa nang mahina.

“Ah. Korny pala!” Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at mabilis na kiniliti ang aking tiyan, dahilan para mapuno nang aking halakhak ang buong sala.

“HAHA! S-sir, t-tama na po. A-ayoko na, promise hindi na kita-” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapahiga na kami pareho sa sofa, nasa ilalim ako’t siya nama’y nasa aking ibabaw.

Pareho kaming natigilan nang magkatitigan kaming dalawa. Nakatukod ang pareho niyang mga kamay sa aking magkabilang gilid, kaya hindi ko ramdam ang bigat niya. Pero hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng aking puso.

“Your eyes are so beautiful. If only I could stop the time and stare at you forever,” aniya sa malalim at mahinang boses na tumagos sa aking puso.

Hindi ako makasagot, marahil ay nahihiya ako dahil ’tulad niya’y pareho kami ng iniisip. Kung maaari lang na manatili na lang kami sa ganitong puwesto, ayos lang sa akin pero parang mahirap para sa kaniya.

“Fck! I’m sorry, but I can’t stop myself,” sabi pa niya’t mabilis na pinutol ang pagitan naming dalawa. Naramdaman ko na lang bigla ang malambot niyang labi sa aking labi. Dilat na dilat ang aking mga mata dahil sa gulat ngunit nang tuluyan niyang igalaw ang labi ay tila ba may sarili na ring mundo ang sa akin at gumanti sa kaniyang mga halik.


After a long hiatus, here i am again! Marami pong salamat sa mga patuloy na nagbabasa nitong kwento. Sana po ay manatili kayo dahil marami pa pong kaganapan. Kaya nga binitin ko kayo ngayon HAHAHAHA!

THANK YOU!

CHAPTER 17

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 17

C O N A N

        NAKAPIKIT ang aking mga mata habang dinadama ang labi niya. Malambot. Napasinghap ako nang bigla na lang lumandas ang kaniyang kamay sa loob ng suot kong damit, dahilan para makakuha siya ng tiyempong ipasok ang dila sa aking bibig. Hindi na ako nakapalag pa nang sabay niyang paglaruan ang dibdib ko gamit ang malalaki niyang kamay at ginagalugad naman ng kaniyang dila ang bibig ko. Naging makulit din ang aking dila dahil tuluyang nagpaanod sa agos at sumabay sa galaw ng sa kaniya.

Tanging impit na mga halinghing na lamang ang lumalabas sa aking bibig. Tama ba itong ginagawa namin? Tanong na tumatakbo sa aking isipan ngunit wala namang kasagutan. Marahil ay wala namang masama. Sandali, ano ba itong pumapasok sa isipan ko!

Buong puwersa kong itinulak si Sir Harrison, na ikinagulat niya pero hindi naman siya nagalit. Tila nahimasmasan din ito. Habol ang hininga kong mabilis na bumangon.

“I’m sorry.”

“Pasensiya na po,” sabay naming sabi.

“No. It’s okay, I should thank you. Kung hindi mo ako itinulak, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.” Ngumiti na lang ako bilang sagot at saka inayos ang sarili dahil kasalukuyan pa rin pa lang nakataas ang aking damit nang ipasok niya ang kamay rito.

“M-Magpahinga na po tayo, i-inaantok na ako,” sabi ko at hindi na siya hinintay pang makasagot dahil tuluyan na akong umalis at pumasok sa loob ng aking kuwarto.

Napahawak ako sa aking dibdib at sa aking labi. Shit! Muntikan na iyon! Mabuti na lang ay nasa tamang pag-iisip pa ako dahil baka pati ako’y hindi ko na rin mapigilan ang sarili. Ano ba, Conan! Umayos ka nga, huwag kang magpapatalo sa bugso ng iyong damdamin. Bumuntonghininga ako. Inayos ko na lang ang aking sarili sa aking higaan at ipinikit na lang ang mga mata, sinusubukang kalimutan ang nangyari kani-kanina lang.

        SAKAY ng kotse ay tinatahak namin ang daan. Kagabi ay tinanong ako ni Sir Harrison kung saan ko raw gustong pumunta ngunit hindi ko iyon nasagot, dahil gusto kong magpahinga siya buong maghapon pero heto kami't patungo na sa kung saan. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta, aniya lang ay maligo at magbihis ako dahil lalabas kami ngayon. Nag-agahan lang kaming dalawa kanina at parehong tahimik na walang gustong bumagsag nito, marahil ay pagkatapos nang nangyari kagabi ay nagkahiyaan na.

Maging dito sa loob ng kotse ay walang nagsasalita, kahit na kating-kati na ang dila kong itanong sa kaniya kung saan ba kami pupunta. Pero nahihiya ako at isa pa, ’di ko rin alam kung papaano ko sisimulan ang isang usapan. Inabala ko na lang ang sarili sa pagtingin ng mga post sa aking social media na kagagawa lang kahapon at tanging si Sir Harrison lang ang friends, kaya naman tanging ang mga posted statues at uploaded pictures niya lang ang dumadaan sa aking new feeds.

“Sa susunod na linggo, aayusin natin ang mga papeles mo para makapag-apply ka ng passport mo,” bigla niyang sabi. Lumingon ako rito nang nagtataka.

“B-bakit po? A-aalis po ba tayo ng bansa?” sunod-sunod kong tanong na may kasamang excitement.

“Yes, we’re going to travel the world together after marrying you abroad,” sagot niya, tumingin siya sa akin nang may kislap sa kaniyang mga mata at malawak ng ngiti sa labi.

Marry? Pakakasalan ako nito sa ibang bansa? Hindi ako kaagad nakasagot at nakatitig lang sa kaniya habang siya’y nakatutok na sa daan.

“P-Pero po, h-hindi ko pa po kayo sinasagot,” mahina kong sabi, sapat lang iyon upang marinig niya, naming pareho.

“You’re going to, after this day,” sagot niyang may ngisi na sa labi.

Ngumiti lang ako at muling ibinalik ang tingin sa harapan. Papaano ko sasabihin sa kaniyang hindi pa puwede? Na hindi pa ako handang umalis sa lugar na ito hangga’t hindi pa ako nilulubayan ng nakaraan ko? Nanatili na lang akong tahimik hanggang sa makarating kami sa isang strawberry farm. Sabay kaming lumabas ng kotse kung saan dalawang tao ang sumalubong sa aming dalawa, isang lalaki na may edad na at isang magandang babaeng nakasuot ng pang-cowgirl. Kayumanggi ang kaniyang balat na bagay na bagay sa kaniyang magandang mukha.

“Good morning, Mr. Alcantara. It’s an honor to meet you, I’m Anthony Jimenez and this is my daughter, Maria.” Iniabot naman nito ang kamay kay Sir at malugod namang tinanggap ito ni Sir Harrison. “Thank you for visiting Jimenez’s farm, sigurado akong magugustuhan niyo rito.”

Nang maglakad si Sir Anthony ay sumunod naman kami rito. Ipinapaliwanag nito kung gaano na katagal ang kanilang farm at kung gaano na karami ang naging pagsubok nito na palagi naman nilang nalulutasan. Wala naman akong naiintindihan sa kanilang pinag-uusapan kaya tumitingin-tingin na lang ako sa paligid. Ang ganda rito, hindi lang strawberries ang kanilang mga tanim kundi may iilan ding mga bulaklak at iba pang prutas.

Nakarating kami sa parang reception area nitong farm kung saan katabi naman nito’y restaurant dahil may iilang kumakain. Patuloy pa ring nagsasalita si Sir Anthony.

“So, iiwan ko na lang kayo kay Maria para sa pagpasyal. I have things to do in my office,” anito at saka nagpaalam na rin sa amin.

Tumingin naman ako kay Maria, mukhang mas matanda lang siya ng kaunti sa akin at mas matangkad na rin. Kanina ko pa siya napapansing nakatingin kay Sir Harrison.

“I’ve seen you a lot in magazines,” sabi nito. “Mas guwapo ka pala sa personal,” dagdag niya sabay kagat sa kaniyang ibabang labi.

Tumawa si Sir, at tuwang-tuwa pa siya sa sinabi ni Maria sa kaniya? “Oh really? Thank you, Maria, right?” Tumango naman si Maria bilang sagot. “So, where’s the way to the farm?”

Isang metro ang layo ko sa kanilang dalawa, nasa unahan sila habang ako’y nakasunod lang at nakikinig sa kanilang usapan. Mabuti na lang at hindi mainit dito sa bagyo dahil paniguradong kanina pa ako natuyuan ng laway simula nang makarating kami. Wala namang problema sa akin na trabaho ang ipinunta niya rito pero sabi niya’y mamamasyal kaming dalawa.

Nagmukha tuloy akong anino, nakikita ng kanilang mga mata ngunit binabalewala lang. Ewan ko ba, bakit pa ba ako sumama rito? Nanatili na lang sana ako sa loob ng kotse kung ganito lang ang mararanasan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang bilis-bilis kong makuha sa isang salita lang. Hindi ko alam kung kailan ako matututo.

“Conan, what do you think?”

Napatingin ako rito at napaawang ang labi. “P-po?” tanong ko dahil aba malay ko, wala sa kanila ang buo kong atensiyon dahil nasa kung papaano ako makakaalis dito.

“Maria asked me to have lunch with her,” ani Sir Harrison.

“Ah. K-kayo po, ayos lang sa akin. Hintayin ko na lang po kayo sa kotse,” sabi ko. Siyempre, siya lang niyaya, alangan na sumama pa ako roon. Magmumukha lang akong tanga. Aalis na sana ako nang lumapit si Sir Harrison sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“What? No! You’re coming with me,” aniya gamit ang malumanay niyang boses. Napatingin ako kay Maria na nakatingin din pala sa amin, sa kamay ni Sir Harrison na nakahawak sa akin. Hindi ko alam kung ano’ng tumatakbo sa kaniyang isipan kaya dahan-dahan kong binawi ang kamay ko’t tumingin kay Sir.

“Okay po.”

“Let’s go?” Tumango lang ako at sumunod dito nang maglakad siya pabalik sa restaurant. Medyo may kalayuan na si Sir Harrison nang pantayan ako ni Maria sa paglalakad.

“Baks, may girlfriend ba ’yang amo mo?” tanong niya.

’Di ako nakasagot kaagad, nagkunwari na lang akong hindi naapektuhan sa kaniyang tanong. “Wala po,” sagot ko dahil totoo naman, wala pang girlfriend si Sir Harrison.

“Perfect because I’ll make him mine.”


Bawi-bawi lang daw sabi ni Harrison, nagselos din sya noon e HAHAHAHA

CHAPTER 18

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 18

C O N A N

Para akong sirang plakang inulit-ulit sa isipan ko iyong mga binitiwang salita ni Maria. I’ll make him mine. Kung gusto pala nitong angkinin si Sir Harrison, edi kunin na niya. Sino ba ako para umangal at pigilan siya? Caretaker lang ako ng kaniyang bahay at hanggang doon lang iyon. Wala akong karapatang maging hadlang sa anumang gusto nito.

Bumuntonghining ako bago ihakbang ang mga paa upang sundan silang dalawa. Akala ko pa naman, mag-e-enjoy ako rito. Hindi kasi ako madalas lumabas noon dahil sa kawalan ng pera at takot na rin na baka may mangyari masama sa akin. Ngunit nang dumating si Sir at nang una ako nitong dalhin sa Burnham Park ay tuwang-tuwa ako. Tapos ngayon, hindi na ako natutuwa. Puro sama ng loob ang nabubuo sa dibdib ko.

Bakit pa ba kasi ako nito sinama rito? Ah, sabagay, utusan lang pala ako. Wala pala akong karapatang tumanggi dahil pera niya ang bumubuhay sa akin. Kung puwede lang na magpalamon na lang sa lupa para wala na akong iniisip ngayon, matagal ko ng ginawa.

“What took you so long?” Nagulat ako nang maabutan ko si Sir Harrison sa labas nitong restaurant. Nakakunot ang kaniyang noong nakatingin sa akin ngunit hindi ko naman nararamdamang galit ito o naiinis.

“A-Ah, nag-CR pa po kasi ako,” sagot ko kahit na hindi totooʼy hindi ko lang maigalaw ang mga paa ko kanina dahil sa gulat kay Maria.

“Are you alright?” tanong na naman nito. Tumingin ako rito, hindi na nakakunot ang kaniyang noo bagkus ay mahinahon ito’y tila may pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Ngumiti ako, iyong peke ngunit hindi halata. “Opo. Ayos lang ako. Tara na po sa loob? Baka po gutom na kayo,” sagot ko.

“Tell me if you’re not okay, so we can go home and rest,” aniya na tinanguan ko lang.

Kung puwede lang sabihin sa kaniyang gusto ko na talagang umuwi at magpahinga ngunit hindi ganoon kadali. Nakakahiya! Trabaho ang ipinunta niya rito, kaya hindi ko dapat inuuna itong nararamdaman kong kakaiba.

“You sure?” paniniguro niya, sabay hawak sa aking balikat at tumingin nang diretso sa aking mga mata.

Sasagot na sana ako nang biglang sumulpot si Maria sa likuran ni Sir Harrison.

“Everything’s ready. Tara na sa loob,” aniya. Pareho kaming napatingin dito ni Sir at tumango. Naunang pumasok si Maria at saka sabay naman kaming pumasok sa loob ni Sir Harrison.

Maganda ang loob ng restaurant nitong Farm. Hindi siya moderno. Lahat ay gawa sa kahoy at bukid na bukid ang tema nito.

May iilang kumakain dito at karamihan sa kanilaʼy foreigner. Sa isang pang-apatang taong lamesa kami huminto kung saan may mga pagkain ng nakahain, punong-puno ang lamesa. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagpunta ni Sir Harrison dito.

Umupo si Sir Harrison at mabilis namang sinundan ni Maria, kung saan naupo siya sa tabi nito. Umikot naman ako at sa harapan nila ako naupo, sa tapat ni Sir Harrison.

“Let’s eat? You’ll like every foods here,” masiglang sabi ni Maria. Kay Sir Harrison siya nakatingin na tila ba ito lang ang kasama niya.

Si Sir Harrison naman ay nahuli kong nakatingin sa akin ngunit kaagad din nitong binawi at ibinaling sa mga pagkain. Nauna siyang kumuha ng kutsara at mga pagkaing gusto niyang tikman. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang wala pang ni isang pagkain ang aking plato. Nawalan na yata ako ng ganang kumain.

“Why aren’t you eating yet? Everything here taste good,” sabi niya, nakatingin na pala siya sa akin. Ganoon din si Maria na seryoso lang.

“Hindi ko po kasi alam kung ano’ng uunahin ko, sa rami po nitong mga pagkain,” pagsisinungaling ko. Ilang beses na ba akong nagsinungaling ngayong araw? Napapadalas na yata ito.

Nagulat ako ng lagyan niya ng mga pagkain ang aking plato. Nahuli ko si Maria na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa ginagawa ni Sir Harrison. Gusto ko sana itong pigilan ngunit kaagad din siyang natapos sa paglalagay ng mga pagkain.

“There. Eat a lot,” sabi nito.

“May namamagitan ba sa inyo?” biglang tanong ni Maria. “Don’t get me wrong, okay? I’ve seen a lot of people here, and we’re in 21st Century where men can fall in love with men, it should be normal. Walang mali. Gusto ko lang malinawan, para naman ʼdi na ako umasa kay Mr. Alcantara,” dagdag pa niya, na sinundan nito ng mahinang pagtawa.

“W-Wa-” Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Sir Harrison.

“We’re not yet official,” aniya at biglang tumili si Maria nang mahina ngunit naagaw pa rin nito ang pansin ng mga malalapit sa amin.

Hindi ko inaasahan ang naging sagot ni Sir Harrison. Hindi iyon ang inaasahan ko, dahil akala ko’y tatanggi siya. Ayos lang naman sa aking tumanggi siya dahil naiintindihan kong may imahe siyang gustong alagaan. Pero nang sabihin niyang hindi pa opisyal ang relasiyon naming dalawa ay nakakagulat.

“OMG! I knew it! Buti na lang ʼdi ko itinuloy paglalandi ko sa ’yo, kasi baka sakalin ako nitong si Conan. Conan, right?” Tumango ako. “God! I’m really sorry,” dagdag pa niya.

“Ayos lang po,” sagot ko. Wala na akong maisip pa dahil sa gulat ko. Ang bilis din ng tibok nitong puso ko.

Ganito ba talaga pag nagmamahal ka? Ang daming mga hindi inaasahang pangyayari.

Sakay na kaming muli ng kotse ni Sir Harrison. Alas-dos pa lang ng hapon. Matapos kasi kaming kumain kanina ay dumating naman si Sir Anthony, Daddy ni Maria. Nag-usap sila tungkol sa business at iba pang bagay kaya napatagal pa kami roon hanggang sa naisipan na rin ni Sir Harrison umuwi.

“May gusto ka pa bang puntahan?” biglang niyang tanong habang kami’y nasa kalagitnaan ng daan.

Napaisip ako kung may lugar pa ba akong gustong puntahan, bigla kong naisip ang lugar na iyon nang mapadaan kami sa isang signage.

“Puwede po ba tayong dumaan na muna roon?” tanong ko, sabay tingin sa kaniya.

“Yes. We can go anywhere you want,” sagot niya.

Kaagad ko namang sinabi ang daan patungo roon. Sakto rin kasing nasa malapit lang kami. Ilang liko lang ng sasakyan ay nakarating kami sa lugar. Walang tao, walang bahay, at tanging mga puno’t mga nagtataasang bundok lang. Pinahinto niya ang kotse at sabay kaming lumabas ng sasakyan. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

“What is this place? What are we doing here?”

“Basta,” sagot ko. Lumapit ako sa kaniya at walang pag-aalinlangan kong hinawakan ang kaniyang kamay. “May ipapakita ako sa ’yo,” dagdag ko, sabay hila sa kaniya patungo roon.

Sa masukal na daan kami pumasok kung saan tanging tao lang ang nakakaraan dito. Ilang hakbang din papaakyat. Hawak ko pa rin ang kaniyang kamay at ang bilis na naman ng kabog sa dibdib ko. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mataas na parte kung saan kita rito ang isang maliit na Baryo. Napangiti ako, hanggang ngayo’y tila may mga naninirahan pa rin doon.

“Wow!” naibulalas ni Sir Harrison. Nabitiwan niya ang kamay ko at tumingin sa paligid.

Kita rin dito ang sakahan ng mga tao rito. Maganda ang tanawin. May mga bundok, at mga kabahayan. Mas maganda sana ito kung gabi dahil sa mga bituin sa langit.

“Sa Baryo pong ’yan ako nakatira,” sabi ko, sabay turo sa mga kabahayan sa ibaba. Napangiti ako habang inaalala ko ang kabataan ko noon sa lugar na tinutukoy ko.

Ang dami kong alaala sa lugar na iyan. Hindi ko iyon malilimutan, kahit pa puno ng mga kasinungalingan ay naging masaya pa rin ako dahil kasama ko sina Mama at Papa.

“I didn’t know this place existed. I’ve been in Baguio for how many times and went to every places here. Pero bakit hindi ko ito alam?”

Tumingin ako kay Sir Harrison. Bumuntonghininga ako. Siguro, nararapat lang na malaman niya kung ano iyong nakaraan ko.

“Hindi po kasi alam ng Gobyerno iyong lugar na ’yan. Tago po, dahil lahat po ng gawain ng mga tao riyan ay illegal. Namatay sina Mama at Papa hindi dahil sa aksidente, namatay sila dahil sa Ambush. Umalis ako sa lugar dahil ayokong madamay pa.”

Nakita ko ang pagbabago ng itsura ni Sir Harrison. Seryoso siyang tumingin sa akin at tila ba gulat na gulat sa aking sinabi.

“Dinala kita rito, para makilala mo ako. Ayokong magtiwala ka sa akin, dahil sa una pa lang hindi ako isang mabuting tao,” dagdag ko at saka umiwas ng tingin.

“Y-You’re kidding, right?”

“Hindi po ako marunong magbiro,” mabilis kong sagot.

Hindi siya nagsalita ngunit ilang sandali lang ay nagulat ako nang mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.

“No matter who you are and what your past is, you are still Conan. Iyong Conan na ginugusto na ngayon ng puso ko. Mahal kita, that’s all that matters.”

Guminhawa ang pakiramdam ko, kahit pa mayroon pa ring kirot ng nakaraan. Dahan-dahan kong itinaas ang mga kamay at gumanti sa kaniyang yakap.

“Mahal din po kita,” sagot ko. Nagulat ako nang bumitaw siya sa pagkakayakap at seryosong tumingin sa akin.

“M-Mahal mo rin ako?” Tumango ako. “Fck! Yes!” Lumayo siya ng kaunti at nagsisigaw. “Shit! Conan loves me. Wooooh! I’m the happiest man on earth!”

Natawa ako at pinigilan siya, na agad ding huminto ngunit tumingin sa akin.

“You don’t know how happy I am right now. I was longing for this and now you’re here, I’m not letting you go. You’re mine, and I’m always yours,” aniya sabay dampi ng malambot niyang labi sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata at dinama ang matamis niyang halik. Ang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko’y ligtas ako sa piling ni Sir Harrison. Matagal ko ring inasam-asam ito. Kaya walang pag-aatubiling gumanti ako sa kaniyang halik.

CHAPTER 19

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 19

C O N A N

Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag itong nararamdaman ko sa mga oras na ito. May parte sa akin ang natatakot sa mga possibleng mangyari; papaano kung ito’y panandalian lang pala? Ilusyon? Panaginip at kinabukasan ay magigising na lang akong wala siya? Sa tuwing iniisip ko iyon ay sumisikip ang puso ko ngunit naglalahp iyon nang maalala kong nasa reyalidad akoʼt totoo ang lahat ng ito.

Ang alam ko lang ay masaya ako ngayon at kung puwede lang na huminto na lang muna sa pag-ikot ang mundo’t manatili na lang kaming ganito.

“You’re okay?” Tumingin ako kay Sir Harrison. Kasalukuyan siyang nagmamaneho at pauwi na kami ngayon sa kaniyang bahay. “Tila malalim ang iniisip mo,” dagdag pa nito.

Natawa ako nang mahina dahil sa pagsasalita niya ng malalim na Tagalog. Saglit siyang lumingon sa akin at muling ibinalik ang tingin sa daan. Kumunot pa ang noo niyang makinis.

“Why are you laughing at me, mmm?”

Umiling ako. Papaano ko ba ipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito? Ito ang unang beses na naramdaman ko ito at hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.

“Wala po. Masaya lang po ako,” sagot ko.

“Is that because of me?”

“Opo,” kaagad kong sagot. Siguro, kung hindi siya dumating dito, baka hanggang ngayoʼy nangangapa pa rin ako sa dilim. Sinusubukang gumapang upang makaalis sa  kalungkutan.

Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. “Masaya rin ako ngayon. I’m so damn happy and I don’t want this moment or feelings to end. I wish I could stop the time.”

Napangiti na rin ako. Sa loob lang ng maikling panahon, simula nang dumating siya rito, lahat ay nagbago. Madilim ang mundo ko nang mawala sina Mama at Papa, ngunit bigla siyang lumitaw bitbit ang liwanag na ngayo’y pareho naming pinagsasaluhan.

“Salamat po,” sabi ko. “Salamat dahil dumating kayo. Salamat dahil ipinaramdam mo sa aking hindi ako nag-iisa. At, salamat po dahil sa ʼyo, hindi na ako natatakot sa mga possibleng mangyari mula sa nakaraan ko.”

“You changed my life too, Conan. I owed you a lot. I thought I was lost, but when I found you, I found peace.”

Ngumiti lang ako buong byahe. Parang ang bagal din ng takbo ng oras, o binagalan lang ni Sir Harrison ang takbo ng kotse. Pagdating ay nagkatinginan kami dahil may puting kotseng nakaparada sa labas ng bahay. Huminto si Sir Harrison at sabay kaming lumabas ng kotse.

“Wait.” Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya. “ʼPag tinanong ka ng kung sino mang may-ari nitong kotse. Tell them that you’re the caretaker of this house, okay?”

Kumunot ang noo ko. Ano’ng pinagsasabi niya? Caretaker naman talaga ako nitong bahay. Pero hindi na ako sumagot at sumunod na lang sa kaniyang sinabi. Nauna siyang pumasok ng bahay at kahit naguguluhan ako sa sinabi niya kanina ay sumunod na lang ako’t sinubukang iwaksi iyon sa isipan.

“You’re here, my brother!”

One inch ang buhok, may mga hikaw sa tainga, matangkad na halos magkasing tangkad na sila ni Sir Harrison, matikas din ang katawan ngunit mas bata lang ito kay Sir ng ilang taon, at higit sa lahat ay guwapo ngunit mukha siyang Gangster.

“H-Hunter, what are you doing here? And dude, what happened to your hair?”

“Tss! Don’t you fcking miss me, rebel?!” sagot nito. Dumako bigla ang tingin nito sa akin at nanindig ang balahibo ko ng bigla na lang niyang dilaan ang labi.

“Stop it, Hunter! I’m warning you,” ani Sir Harrison.

Tumawa si Sir Hunter at tumingin kay Sir Harrison. “What? I’m not doing anything.”

“Just fcking answer my damn question. What are you doing here?”

“Semester break, magbabakasyon lang,” sagot nito.

“Bakasyon? Bakit dito? Don’t you have your own safe house somewhere?”

Tumalikod si sir Hunter at naglakad patungong sala. Sumunod si Sir Harrison, ganoon din ang ginawa ko.

“Yeah. About that, I have to tell you something as well,” sagot ni sir Hunter.

“Conan, iwan mo muna kami. Maghanda ka na rin ng pagkain,” sabi ni Sir Harrison nang hindi tumitingin sa akin.

THIRD-PERSON POINT OF VIEW

Hunter sat on the sofa as if he’s the owner of the house. Nag-de quatro pa ito habang hindi mawa-wala ang ngisi sa kaniyang labi.

“Speak,” malalim na sabi ni Harrison. Nanatili siya sa kaniyang puwesto habang seryosong nakatingin kay Hunter.

“Father wants you to fcking go home and marry that fcking woman, or else…” Tumingin ito sa kaniya. “He’ll ruin your life, and our life as well if we don’t tell him where you’re hiding,” he added.

Harrison couldn’t composed his answer.

Bakit ba ito nangyayari? Ano ba’ng nagawa niyang mali? Hindi na ba siya puwedeng maging masaya kahit saglit lang? Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang sumunod lang nang sumunod sa ama.

All he wants is to make his father proud, but he did everything yet his father isn’t satisfied. He can’t have what he wants without the permission of his father.

“H-How about Henry? I heard that h-he…” Huminga siya nang malalim. “He liked his maid, his gay maid.”

“Who told you that?”

“Marcus,” mabilis na sagot ni Harrison.

“Right! Tsismoso nga pala iyang kaibigan mo. Tss.”

Umupo si Harrison sa pang-isahang sofa. “So tell me what he did to Henry?”

“He paid his maid to leave Henry’s house. Your father is just cruel! Wait… Why are we talking about Henry? Ikaw ang pinag-uusapan dito. Umuwi ka na, pakasalan mo iyong babaeng iyon. I don’t want my life to be miserable just like yours, Dude.”

Bumuntonghining si Harrison. Hindi niya alam kung ano’ng gagawin. Nakita na niya noon kung ano’ng kaayang gawin ng kaniyang Ama.

Tumayo siya at muling humugot nang malalim na hininga. “You’re selfish,” aniya.

“I’m sorry, Man. Ginagawa ko lang ito dahil sa taong mahal ko,” sagot ni Hunter kaya napatingin si Harrison dito.

“Y-you’re what?”

Umiwas ito ng tingin. “Nothing. Just do what our fathers wants. Hindi ba’y gusto mo siyang maging proud? This is the time, Dude. Besides, that woman is beautiful and her you know, body is fcking beautiful. Kung nasa katayuan mo lang ako, I’ll marry her and fck her every night.” Ngumisi si Hunter.

“Fck you, pervert! Kung gusto mo, bakit hindi mo sabihin kay Dad na gusto mong pakasalan ang babaeng iyon. I don’t love her.”

Tumayo si Hunter at nilapitan siya. Ipinatanong nito ang kamay sa kaniyang balikat. “Think about it, Harrison before it’s too late,” sabi nito.

Iniwan siya nito at tinungo ang kusina kung saan kasalukuyang nagluluto si Conan. Harrison left with so much questions running through his mind. Hindi niya alam kung ano’ng gagawin, kung papaano susulosiyonan ang problemang kinakaharap, at si Conan. He just admitted that he liked that gay and he’s happy when he’s with him. He doesn’t want to broke him, but part of him still wants to make his father proud.

Anong gagawin niya?

CHAPTER 20

THE

BILLIONAIREʼS

DOWNFALL

CHAPTER 20

C O N A N

Katatapos ko lang magsaing at balak ko na sanang magluto ng ulam – na naihanda ko na kanina pa, nang pumasok si Sir Hunter, iyong naabutan naming bisita ni Sir Harrison kanina, dito sa kusina. Kumuha siya ng tubig at saka ng malinis na baso.

“Don’t stare at me or I’ll eat you,” bigla nitong sabi.

Mabilis akong umiwas. Dumagundong ang puso ko sa kaba dahil sa sinabi niya. Halimaw ba siya? Bakit niya sinabing kakainin niya ako?

At saka, sino ba siya? Kahawig siya ni Sir Harrison ngunit mas bata lang siya ng ilang taon. Isa pa, mas nakakatakot itong si Sir Hunter dahil mukha siyang gangster. Kalbo, may tattoo sa braso, at mga hikaw sa tainga. Tapos nakasuot pa siya ng leather jacket at pantaloon na maong.

Tumawa siya nang mahina, kaya muli akong napatingin sa kaniya. Nakaupo na siya sa may high chair habang hawak ang basong may kaunti pang tubig.

“I’ve never seen my brother’s eyes glow while looking at someone. Tell me, what did you do to him?”

Nasagot ang tanong ko sa isipan. Kapatid pala siya ni Sir Harrison. Hindi naman malabo iyon dahil magkamukha silang dalawa. Pero ano iyong sinabi niya?

“P-Po?” sabi ko, dahil hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko sa kaniya. Ayaw ko naman siyang sagutin nang pabalang dahil baka totohanin niya iyong banta niya kanina.

Muli na naman siyang tumawa nang mahina, sabay ngisi habang nakatingin sa akin. Kinakabahan na ako. Nasaan na ba kasi si sir Harrison? Bakit ang tagal-tagal nito sa sala?

“When the day comes when you have to choose between two things, I want you to choose yourself.” Mas lalo ko siyang hindi naintindihan dahil sa kaniyang sinabi. “Conan, right?” Tumango ako kahit na naguguluhan ako. “Promise me, that you’ll choose yourself over my brother.”

“H-Hindi ko po kayo naiintindihan,” sagot ko rito.

“Just promise me,” pagpupumilit niya.

Kahit naguguluhan pa rin ay sumagot na lang ako, “pangako po.”

Nakahinga ako nang maluwag ng pumasok si sir Harrison. Iba na ang awra nito kumpara sa kaninang magkasama kami. Tila ba may nag-iba ngunit hindi ko naman nababasa kung ano’ng tumatakbo sa kaniyang isipan.

“Ano’ng pinag-uusapan ninyo?”

Sasagot na sana ako ngunit naunahan ako ni sir Hunter. “Nothing, bro. Ang cute pala nitong kasama mo sa bahay.”

Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Kaya bago pa man nila mapansin na namumula na ang mga ito’y mabilis akong tumalikod sa kanila at sinimulan ang ulam na plano kong lutuin.

Hindi ko na lang pinansin ang kanilang pinag-uusapan. Nagkakamustuhan sila at hanggang sa dumating sa usaping pangnegosyo, at iba pang mga bagay na hindi ko na maintindihan.

“Wow! What’s that smell? Fck. Nagugutom na ako sa amoy pa lang,” narinig kong sabi ni sir Hunter.

“Malapit na po itong maluto,” sabi ko. Tumingin ako sa kanilang dalawa. “K-kung maaari po, ihanda niyo na lang po iyong mga plato at kanin,” sabi ko. Komportable na ako sa kanilang dalawa ngunit hindi pa rin nawawala ang kabog sa aking dibdib.

“Ano nga pala iyang niluluto mo? Its smells good,” tanong ni sir Harrison.

“Yeah,” sang-ayon naman ng kaniyang kapatid.

“Bulalo po,” sagot ko.

Kaagad naman nilang sinunod ang utos ko. Inihanda ni sir Harrison ang mga gagamitin naming plato habang si sir Hunter naman ay kumuha ng mga baso, at isang litro ng softdrinks sa refrigerator.

Nang malapit na akong matapos ay nagulat ako dahil bigla na lang tumabi si sir Harrison sa akin.

“Ito siguro ang dahilan kung bakita kita minahal. You cook so well. Nawawala iyong pagod at mga pangamba ko,” aniya gamit ang mahinang boses.

Hindi ako nakasagot dahil sa hindi ko maintindihang kiliti sa buo kong katawan. Bumibilis ang tibok ng puso koʼt ang mga pisngi ay nag-iinit din.

“B-Bolero po pala kayo,” sagot ko sa kaniya. Tumalikod ako at kumuha ng kutsara. Napansin ko na wala si sir Hunter dito sa kusina. Bumalik ako sa niluluto ko.

“I’m not joking, Conan. Ginayuma mo ba ako gamit ang mga luto mo? Kaya ako in love na in love sa ʼyo?”

Hindi ko siya pinansin kahit na ang puso ko’y naghuhurumintado na sa pagkabog. Pulang-pula na rin, malamang, ang mga pisngi ko. Sumandok ako ng sabaw at humarap sa kaniya.

“Tikman niyo po kung sakto na iyong lasa,” sabi ko. Kunot noo niyang hinigop ang sabaw, kahit na mainit-init pa iyon.

“Mmmm! I fcking love it. I fcking love you,” aniya.

“Corny niyo!” Napatayo ako nang matuwid at tumingin dito. Si Sir Hunter na nakasandal sa pinto ng kusina habang seryosong nakatingin sa amin, kay sir Harrison. “Lumabas lang ako, naglandian na kayong dalawa.”

“P-Pasensiya na po.” Tumungo ako. Nakakahiya! Nahuli kami nito. Papaano kung ayaw pa lang ipaalam ni sir Harrison ang relasyon naming dalawa? Ayos lang naman sa akin, mas mabuti na rin nga iyon dahil walang manghuhusga sa aming dalawa.

“Kumain na tayo,” malamig namang sabi ni sir Harrison.

Gusto kong pukpukin ang sarili ko. Bakit ko ba kasi ginawa iyon?

“Hey.” Napatingin ako rito. Si sir Harrison na akala ko’y umalis na sa tabi ko. “It’s fine. Don’t mind him, he’s just teasing us. He knows it already,” sabi niya.

“Yeah. I don’t really care, I just want my life to be at peace when I get back home.”

——

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Ang dami-raming tumatakbo sa isipan ko. Kung papaanong sa bilis ng panahon ay nagmahal ako? At minamahal, ng amo ko pa?

Papaano kung dumating iyong araw na bigla na lang magbago na naman ang lahat? Babalik ang lahat sa normal, sa nakasanayan ko? Na wala si sir Harrison, tanging ako lang. Muli kayang babalik iyong mga takot ko? Tuluyan kayang mangyayari iyong mga pinangangbahan ko?

Bumangon ako. Lumabas ako ng kuwarto dahil nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan. Madilim na sa pasilyo rito sa unang palapag. Ngunit nagtaka ako dahil may ilaw pang nagmumula sa kusina. Kaya dahan-dahan akong naglakad patungo roon at napatigil nang marinig ko ang boses ni sir Hunter.

“Ano na ngayon ang plano mo?” Hindi ko makita kung sino ang kaniyang kausap dahil nakatago ako, isa pa, bakit hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko pabalik sa aking kuwarto? Hindi tamang makinig sa usapan nang may usapan.

“I don’t know. I can’t leave him,” sagot ng kausap na agad kong nakilala, si sir Harrison.

“Fck, dude! Mas pipiliin mo pa ba iyang pansarili mong interes kaysa sa pamilya mo? Ayusin mo muna iyong iniwan mong problema.”

“You don’t understand, Hunter Rye. Bakit ba hindi niyo na lang ako hayaang magpakasaya? For all my life, I was trying to convince my father to be proud of me, just for once. But he didn’t. I followed his path. Tapos kayong tatlo, nakukuha ninyo kung ano’ng gusto ninyo. And here I am, I just wanted to be happy, why can’t you give me that?”

“I’m doing this to protect Conan. He don’t deserve to be in this situation. Dad could do everything he can just to make sure you’ll marry that woman.”

Kasal? Sa isang babae? Si sir Harrison ay ikakasal sa isang babae?

Biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa narinig. Ikakasal na pala siya? Pero bakit siya nandito? Bakit sinabi niyang mahal niya ako? Gusto kong lumabas mula rito sa kinatatayuan ko’t magpakita sa kanilang dalawa. Gusto ko siyang tanungin kung totoo ba iyong mga sinabi niya sa akin kanina lang, at ang mga sinabi ni sir Hunter na ikakasal siya sa iba.

Pero tila naisemento ang mga paa ko’t hindi ko maigalaw. Sobrang sakit, kahit hindi ko pa alam kung totoo ba iyong mga narinig ko.

“Maybe you’re right. I shouldn’t put him on this situation. Fck!”

Umalis ako roon. Mabilis akong tumalikod at bumalik sa aking kuwarto. Isinarado ko iyon at napasandal sa likod ng aking pinto, habang ang mga luhaʼy hindi namalayang bumubuhos na pala. Bakit ganito ang ikot ng mundo? Sa dinami-rami ng puwedeng paglaruan ng tadhana, bakit ako pa?

Ano ba’ng nagawa kong mali?

CHAPTER 21

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 21

C O N A N

Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim habang nakatayo sa harapan ng pinto ng aking kuwarto. Hindi pa ako tuluyang nakalalabas. Ni hindi ko nga alam kung umaga na ba o kung ilang minuto na akong nakatayo rito. Simula pa kagabi ay hindi na mawala-wala sa isipan ko iyong mga narinig. Ang sakit pa ring isipin na iyong taong mahal mo’y ikakasal na pala sa iba.

Muli akong bumuntonghininga. Tuluyan kong hinawakan ang door knob ng pinto’t ito’y binuksan. Tahimik sa sala nang makarating ako rito, kaya naman dumiretso na lang ako sa kusina ngunit muntik na akong mapatalon sa gulat nang maabutan ko si Sir Harrison doon.

Wala siyang suot na pang-itaas na damit at tanging running shorts lang sa ibaba habang siya’y umiinom ng tubig. Hindi ko alam kung bakit ko siya nagawang pagmasdan. Ang ganda ng hubog ng kaniyang katawan. Malalaki ang kaniyang mga kalamnan. Kahit may suot siya o wala ay halata pa rin kung gaano kaganda ang kaniyang hubog. Ang tiyan niya’y may walong mala-pandesal na biglang nagpatakam sa akin nang hindi ko namamalayan. Pawisan ang katawan niya’t lalong nagpaganda sa kaniyang tindig.

“My Brother and I are known for being the hottest bachelors in town, and in the world as well.” Napatindig ako nang tuwid at tumingin dito nang mabilis. Si sir Hunter na may ngisi sa kaniyang labi. Mukhang kagigising pa lang nito.

“G-Good morning po, s-sir,” pagbati ko. Hindi ko na lang inintindi iyong sinabi niya dahil ayokong isipin nito na pinagnanasahan ko iyong kapatid niya dahil hindi ‘yon totoo. Nakangisi siyang naglakad papasok ng kusina at binati ang kaniyang nakatatandang kapatid. Kaya napabaling ang atensiyon ni Sir Harrison sa amin. Napatigil ako saglit nang muli akong mapatingin sa pawisan niyang katawan ngunit pinigilan ko na ang sariling mapatulala roon.

Mabilis akong kumilos at nagsaing ng kanin. Naghanda rin ako ng kape ng magkapatid at ako’y napatimpla rin dahil nakararamdam na ako ng antok. Hindi ko kasi namalayan ang oras kagabi kung ilang oras akong nakatulog sa dami nang tumatakbo sa isipan ko.

Gusto kong itanong kung totoo ba iyong mga narinig ko; ikakasal na ba siya? Bakit ba siya nandito? At bakit sinabi nitong mahal niya ako pero ayaw niyang malagay ako sa isang sitwasyon na mahihirapan ako? Hindi ko maintindihan at alam kong si Sir Harrison lamang ang makasasagot ng mga katanungan ko. pero hindi ko alam kung papaano ko iyon sisimulan o kung papaano ko siya kakausapin gayong nandito si sir Hunter.

“When are you leaving?” narinig kong tanong ni sir Harrison. Katatapos ko lang magluto ng almusal naming tatlo.

“Bakit pinapalayas mo na ba ako?”

“Just answer my question,” sagot ni sir Harrison.

Inilagay ko sa malinis na plato ang pinirito kong hotdogs, bacon, at itlog. Inilapag ko iyon sa kanilang harapan.

“Tch. Mamaya!” sagot ni sir Hunter at saka kumuha ng hotdog at kaagad iyong isinubo.

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag ng parehong umalis sina sir Harrison at sir Hunter. Mukhang ihahatid na nito ang kapatid sa Airport dahil may bitbit na bag si sir Hunter. Kaya naman inabala ko na lang muna ang sarili sa paglilinis ng buong bahay. Sinimulan ko sa kusina hanggang sa makarating ako sa ikalawang palapag ng bahay.

Inuna kong linisan ang guestroom. Hindi naman makalat dito pero pagpasok ko’y napatakip ako ng ilong dahil sa tapang ng amoy ng hindi ko maipaliwanag na amoy. Kaamoy nito iyong ginagamit ko panglinis ng kubeta kapag walang stock ng Mr. Clean. Mabilis kong tinanggal ang mga punda ng unan na may parang basa pa.

“Ano ba’ng pabango ni sir Hunter at bakit ganito ang amoy rito?” tanong sa sarili, habang napapailing.

Pagkatapos kong palitan ng mga punda at bed sheet ang kama, sunod kong pinuntahan ay ang kuwarto ni sir Harrison. Malinis naman dito kaya kaunting trabaho lang din ang ginawa ko. Mabango pa rin iyong mga punda ng unan at ng bed sheet nang amuyin ko ito. May kaunting amoy ng pabangong ginagamit ni sir Harrison na biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Mabilis kong tinapos ang ginagawa at kaagad nang umalis doon. Dinala ko sa laundry area ang mga maruruming damit at ang punda ng mga unan. Kaagad ko iyong nilabhan. Isinama ko na rin iyong mga marurumi kong damit.

Pinuntahan ko na muna iyong mga pananim ko habang hinihintay na tumigil sa pag-ikot iyong mga nilabhan ko. Hindi ko na pala sila naaalagaan dahil madalas, malalim ang iniisip ko’t nawawala sa isip ko ang maglinis dito. Napayakap ako sa sarili habang nakatanaw sa malayo.

Magkano na kaya iyong naiipon kong pera? Marami-rami na kaya? Sapat ba iyon para mabuhay akong mag-isa? Pero saan?

Napasinghap ako nang makaramdam ng mainit na yakap at marahang pagdami ng mga halik sa aking ulo. Hindi ako kaagad nakapagsalita ngunit hindi rin naman ako natakot dahil agad na yumapos sa aking ilong ay amoy nitong pamilyar at hindi ko malilimutan.

“What were you thinking? Hmm?” Muli na naman niyang hinalikan ang aking ulo. Ang tibok ng puso ko’y dumoble’t pakiramdam ko’y tuluyan itong lalabas sa aking dibdib.

“W-Wala po,” mahina kong sagot. “U-umalis na po si sir Hunter?” tanong ko. Nanatili kami sa ganoong puwesto. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil pagkatapos ng mga narinig ko kagabi ay hindi ko man lang siya magawang itulak. Sinisigaw ng puso ko na ‘kahit saglit lang’.

“Yeah. Why? Do you like my brother? He’s jerk!”

Mabilis akong kumawala sa kaniyang yakap at humarap dito. Umiling ako nang mariing. “Hindi po. K-kasi po, minsan na lang kayo magkasama, tapos pinaalis niyo pa,” sagot ko.

Ngumiti siya at ‘di ko maiwasang mapaisip kung totoo ba ang mga iyon. Pero base sa kaniyang mga mata’y totoo ang mga kislap doon. Pakiramdam ko, ako talaga itong nagkukunwari lang. Hindi ko alam.

Dumako ang palad niya sa aking pisngi habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. “I-I don’t know if I could live without you,” aniya gamit ang malalim niyang boses.

Ako rin, sir Harrison. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang

mabuhay

na mag-isa.

Gusto ko iyong sabihin sa kaniya pero mas pinili kong itikom ang bibig ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko’t ngumiti.

“Masaya po akong dumating kayo sa buhay ko. Pinaramdam niyo po sa aking hindi ako tuluyang nag-iisa. Maraming salamat po.”

Gusto kong itigil na ang lahat dito pero bakit wala akong lakas ng loob? Bakit hindi ko magawang sabihin sa kaniyang bumalik na sa dati niyang buhay at ayusin ang mga problemang iniwan niya – kung ano man ang mga iyon.

Hindi siya sumagot, bagkus ay mabilis niyang idinampi ang labi sa aking labi. Naipikit ko ang mga mata’t hindi namalayan ang pagbagsak ng luha rito na mabuti na lang ay hindi niya nakikita.

Patawarin sana nawa ako kung mas pipiliin kong huwag na lang siyang umalis dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang muling mabuhay na mag-isang lumalaban. At kung darating man ang araw na babawiin siya sa akin, sana’y handa akong harapin iyon.

CHAPTER 22

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 22

C O N A N

NAKASUOT ako ng makapal na jacket, galing ito mismo kay sir Harrison. Narito kami ngayon sa labas ng bahay habang nakatanaw sa madilim na kalangitan. Punong-puno ang langit ng mga makikislap na tala at walang bahid ng ulan. Katatapos lang naming kumain nang yayain ako nitong tumambay na raw muna rito sa labas. Hindi na ako tumanggi pa dahil wala rin naman akong gagawin.

Nakasandal ako sa kaniyang balikat habang nakatingala sa langit. Kung puwede lang humiling na sana’y huwag nang tumakbo ang oras at manatili na lamang kaming magkasama, kanina ko pa ginawa. Ang sarap sa pakiramdam. Kasama ko siya ngayon na walang halong pangamba’t takot sa aking damdamin. Ang mga bangungot nang nakaraan ay tuluyang naglaho.

Alam ko namang sa susunod na mga araw ay darating din ang araw na iyon pero sana, ‘pag dumating iyon ay handa na ako. Handa na akong bumalik sa kung ano’ng nakasanayan ko dati.

“Ah… sir.” Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo. “Ano’ng tawag mo sa akin?”

Nagtaka ako. Kaya kunot-noo na rin akong tumingin sa kaniya ngunit sumagot pa rin, “S-sir? Bakit po?”

Sumimangot siya at biglang tumalbog ang puso ko sa tuwa dahil kahit nakasimangot siya’y ang guwapo pa rin niya.

“Call me, Harrison from now on. I’m not your boss, I’m your boyfriend.”

Ayokong ipahalata sa kaniyang tumatambol na sa tuwa ang buo kong katawan. Boyfriend? Totoo ba talagang nangyayari ang lahat ng ito? Kukurutin ko sana ang sarili pero ‘di ko na ginawa, baka isipin niyang weirdo ako. Ngumiti ako mula sa aking puso. Base sa lamig na nararamdaman ko’y totoo ang lahat ng ito.

“Harrison…” mahina ngunit sapat lang iyon para marinig niya.

Gumuhit ang napakagandang ngiti sa kaniyang labi na tuluyang lumusaw sa aking mga pangamba’t tuluyang nagpaapi ang isipan ko sa aking damdamin.

“I like it. I mean, I love it very much.”

Nahawa na rin ako sa kaniyang ngiti. Abot langit ang saya ko sa mga oras na ito. Pareho kaming nakatingin sa mga mata ng isa’t isa, kaya kitang-kita ko ang mga kislap doon na hindi ko nakita sa kaniya nang siya’y dumating dito.

Hinawakan niya ang pisngi ko. Malambot ang kaniyang kamay at malamig, marahil ay dahil sa temperatura dito. Naipikit ko ang mga mata at dinama ang marahan niyang paghaplos sa aking balat gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking labi.

Ang lambot ng kaniyang labi. Siya ang una kong halik. Ang una kong minahal. At sana’y siya na lang ang huli.

Lumayo siya ng kaunti, kaya naidilat ko ang mga mata. Nakatingin din siya sa akin. “I love you, Conan. You’re my greatest love,” sabi niya.

Tagos sa aking puso ang kaniyang sinabi. Kumirot ito ngunit ‘di ko na lang pinansin at itinuon na lang sa kaniyang kumikislap na mga mata. Mahal na mahal din kita.

Pero imbes na sagutin siya’y hinawakan ko ang kaniyang mukha’t hinila papalapit sa akin. Ako ang nagkusang humalik sa kaniya. Gusto kong iparamdam sa kaniyang sa pamamagitan nitoʼy maramdaman din niyang mahal na mahal ko rin siya.

Ngunit laking ikinagulat ko dahil bigla na lang naging mapusok ang kaniyang mga halik. Hindi ko siya masabayan ngunit sa galing niyang humalik ay natagpuan ang sariling nagpaanod dito. Pumasok ang kaniyang dila sa aking bibig at nahanap nito ang aking dila. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Nakisabay na lang ako sa ritmo ng kaniyang dilang makulit na kinakalikot ang bibig ko.

Bigla ring nag-iinit ang buo kong katawan kahit na ang lamig-lamig dito sa labas. Nakakaramdam ako ng kiliti na ngayong ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.

Lumayo siya nang pareho na kaming nauubusan ng hangin. May ngisi sa kaniyang labi.

“Fck. This is all your fault,” aniya gamit ang malalim niyang boses. “You’re driving me insane!”

Hindi ko siya naiintindihan. Hindi pa man ako nakasasagot ay bigla na lang siyang tumayo at nagulat ako ng walang kahirap-hirap niya akong binuhat ng pa-bridal style. Kaagad kong iniyakap sa kaniyang leeg ang mga kamay nang sa ganoon ay hindi ako mahulog.

“Is it okay if we just continue inside?” Mas lalo ko siyang hindi naiintindihan. Pero ʼdi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit ako tumango at sumang-ayon sa kaniya.

Ang init sa katawan kong nagpapagulo sa aking isipan ay hindi rin mawala-wala.

Naglakad siya papasok sa loob ng kaniyang bahay, buhat-buhat ako. Tila ba’y bagong kasal kaming dalawa at biglang nag-init lalo ang magkabila kong pisngi sa naiisip.

Narating namin ang kaniyang kuwarto na walang  kahirap-hirap. Nagsimula ring kumabog nang malakas ang dibdib ko. Sinusubukan kong labanan ang sarili ngunit hindi ko magawa. Marahan niya akong inihiga sa malambot niyang kama. Napalunok ako.

Tama ba ito? Rito na ba magtatapos ang iniingat-ingat ko? Kinakabahan ako ngunit hindi ko mahagilap ang sariling katinuan ko sa ngayon.

Tumingin ako kay Sir Harrison. Hinubad niya ang suot niyang jacket kaya nakasuot na lang siya ng puting t-shirt na hapit sa kaniyang katawan. Tumingin siya sa akin at ’di niya pinuputol ang pagtitig sa akin habang sumasampa siya sa kama. Unti-unti. Mas lalo kong naramdaman ang pagdagundong ng puso ko sa lakas nang hindi nagtagal ay magkaharap sa kaming dalawa.

“I will ask you one more time.  Do you want to continue?  It’s okay if you’ll stop me,” aniya ngunit iba ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Hindi ko iyon mawari ngunit nag-aapoy rin iyon ’tulad ng aking buong katawan.

Nanginginig ang kamay kong humawak sa kaniyang pisngi. “Handa po akong gawin ito,” sagot ko at hindi nagtagal ay muli kong naramdaman ang malambot niyang labi.

Hindi na rin ako nakipagtalo pa sa aking isipan at tuluyang nagpagapi sa sinisigaw ng aking damdamin. Kung kanina’y marahang halik lang ngunit hindi nagtagal ay unti-unti itong naging mapusok. Hindi ko rin namalayang nakahiga na ako sa kama’t nakapatong na siya sa akin habang hindi napuputol ang halikan naming dalawa.

Napasinghap ako nang bumaba ang kaniyang halik sa aking leeg. Mainit ang binubuga niyang hangin na mas lalong nagpadagdag sa init na bumabalot sa aking katawan. Ang kamay niya’y nakahanap din ng paraan upang paglaruan ang dibdib ko. Tila ba kinukuryente ang buo kong katawan.

Bigla niyang itinaas ang suot kong jacket, kasama ang damit ko sa loob, at bigla na lang nitong sinungaban ang nakabuyangyang kong dibdib. Hindi na ako nakapalag pa’t isang impit na ungol ang lumabas sa aking bibig.

Salitan niyang nilalaro ang dibdib ko, gamit ang kaniyang dila. Gusto ko siyang pigilan ngunit hindi ko magawang igalaw ang mga kamay ko, dahil sa kuryenteng ibinibigay ng kaniyan dila.

“U-ugh!” ungol ko nang hindi ko na mapigilan. Napapapikit ang mga mata ko’t ang parehong kamay ay mahigpit na nakahawak sa kobre ng kama. Hindi alam kung saan ipapaling ang ulo.

Ganito pala ang pakiramdam. Tila ba dinadala ako sa alapaap. Ang sarap.

“Ugh! S-sir, p-please po–”

“Please, what, Babe? Do you like it?” Parang biglang nag-iba ang kaniyang boses.

“O-Opo,” ang siya kong sagot na hindi ko rin namalayang lumabas sa aking bibig. “P-please po, i-ipasok niyo na,” dagdag ko. Tumingin ako rito. May ngisi sa kaniyang labi.

“Sigurado ka? I’m a big man, you know.”

Kinabahan ako pero ibang kaba ang dumapo sa akin. Kabang may halong excitement na ’di ko maintindihan.

“Kakayanin ko po,” sagot ko.


Pabitin

mo na. Wag excited! Marami-rami pa

yan.

CHAPTER 23

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 23

C O N A N

“Kakayanin ko po,” sagot ko sa kaniyang tanong ngunit ang totoo niya’y natatakot ako.

Hindi na nakapagtatakang malaki ang kaniyang itinatago. Sa katawan pa lang niyaʼy masisiguro ko nang hindi iyon basta-basta.

Nakabukas ang bintana rito sa kaniyang kuwarto ngunit ’di ko maramdaman ang lamig na nagmumula sa labas, dahil ang buo kong katawan ay nag-aapoy sa init. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakapit ko kobre ng kama habang nakatingin kay sir Harrison na unti-unting hinuhubad ang suot niyang shorts.

Bigla akong napalunok nang bumalandra sa aking mukha ang suot niyang panloob. Kulay puti. Bakat na bakat dito ang nakatago niyang pagkalalaki na nakaturo sa itaas, kung saan gusto nang lumabas ng ulo nito. Tila ba nanunuyo ang lalamunan ko sa nakikita, hindi ko alam.

“You wanna hold it?” Napatingin ako kay sir Harrison. Nakaluhod siya sa harapan ko ngayon at nakangisi.

Hindi ako sumagot pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong tumango. Mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang labi. Hinawakan niya ang kanang kamay ko’t dinala ito sa kaniyang katawan. Napabangon na rin ako para lang maabot ko ito. Pinahaplos niya sa akin ang bawat parte ng maganda niyang katawan. Nararamdaman ko rin ang init na nagmumula rito.

Hanggang sa pababa na nang pababa ang paghaplos ko’t narating ang kaniyang pagkalalaking tumitibok-tibok. ’Di ko alam kung ano’ng gagawin ko.

“Remove my underwear, babe,” aniya. Para naman akong isang robot na isang utos lang ay kaagad nang sumusunod. Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng kaniyang panloob at dahan-dahang ibinaba ito hanggang sa kaniyang tuhod.

Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko. Ang dibdib ko’y triple na ang pagtibok at sobrang init na nang bumabalot sa buo kong pagkatao. Hindi na ako naghintay pa sa kaniyang sasabihin dahil kaagad ko iyong hinawakan.

Mainit, malaki, maugat, at nakakatakam. Tayung-tayo ito. Ang init na nagmumula rito’y unti-unti ring dumadaloy sa aking kamay hanggang sa binalot na ng dobleng init ang katawan ko.

“Mmmm… Fck! Suck it, please?”

Kahit hindi ko alam ang gagawin ko’y unti-unti kong ibinaba ang ulo’t sinunod ang kaniyang utos. Marahan kong ibinuka ang bibig at isinubo ang kaniyang naghuhumindig na pagkalalaki.

“Uggh!” halinghing niya.

Gumalaw ang aking ulo. Mas pinabuti ko ang pagsubo rito. Ingat din akong huwag sumayad ang aking ngipin. Tila ba para akong eksperto sa aking ginagawa. Naririnig ko na lang ang kaniyang mahihinang halinghing na nagmimistulang musika sa aking pandinig. Mas lalo ko tuloy binilisan ang pagtaas-baa ng aking ulo. Hawak ko naman ang kalahati ng kaniyang pagkalalaki upang sabayan ng pagtaas-baba ng kamay ko ang ulo ko.

“L-Look a-at me,” sabi niya. Kaagad akong tumingala habang subo-subo siya. Nakatingin din siya sa akin. “Fck, Conan. You’re so damn hot!” At bigla na lang niyang hinawakan ang ulo ko’t umurong-sulong siya.

Nabitiwan ko ang pagkalalaki niya ngunit hindi ko magawang lumayo dahil hawak niya ang ulo ko’t siya na ang nagkusang ilabas-masok ang pagkalalaki sa bibig ko. Hindi ko alam kung ilang minuto niya iyong ginawa at hindi ko alam kung papaano ko nakaya, ngunit nang magsawa siya’y mabilis akong lumayo, habol-habol ang hininga.

“Sorry. I can’t help it,” aniya. Nilapitan niya ako’t hinalikan ang noo.

Hindi ako sumagot. Bagkus ay tinanggal ko ang mga suot ko’t hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ako tumalikod at tumuwad. Alam kong malinis ako dahil sa tuwing naliligo ako araw-araw, bawat parte ng buo kong katawan ay nililisan ko.

“I-Ipasok niyo na po,” sabi ko. Hindi ko na nakikilala ang sarili ko. Tila ba binalot ako ng kalaswaan at imbes na labanan, mas ginusto kong magpatianod na lang sa kagustustan nito.

Bumaba siya sa kama at ilang saglit lang ay naramdaman ko ang muli niyang pagsampa. Nakapuwesto na siya ngayon sa likuran ko.

“I didn’t know you could be this naughty,” sabi niya at hindi ako nakasagot nang may ipinahid siyang malamig at madulas na likido sa pang-upo ko. “But I like it,” dagdag pa niya.

“Ahhh!” napaungol ako nang ipinasok niya ang isang daliri. Nakaramdam ako ng sakit ngunit kaagad ding naglaho nang dahan-dahan niyang ilabas masok ang daliri niya.

Dinagdagan niya ng isa. Nakakaramdam ako ng kirot na unti-unting napapalitan ng kiliti. Hanggang sa tatlong daliri na ang kaniyang naipasok. Isinubsub ko na ang sarili unan. Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan niyang alisin ang tatlong daliri ngunit kinabahan ako ng maramdaman ko ang ulo ng kaniyang paglalaking dumikit sa aking butas ko.

“I’m putting in.”

Napapikit at napakagat ako sa unan nang unti-unti niya itong ipasok sa akin. Para akong hinahati sa dalawa. Masakit man iyong daliri pa lang niya ang nakapasok ngunit nang ang pagkalalaki niya na’y hindi ko maipaliwanag ang kirot.

“Ugghhh!” ungol niya. Hindi ko alam kung naipasok na ba niya ng buo dahil pakiramdam ko’y namanhid na ng tuluyan ang katawan ko.

“Ugghh!” Napaungol ako nang ilang segundo’y dahan-dahan siyang umatras-abante, dahilan para muli akong mapabalik sa ulirat. Kakaibang kirot ang bumabalot sa buo kong katawan. “H-Harris– ugh!”

Ang sakit ng likod ko. Mabagal ang ginagawa niyang paglabas-masok ngunit ilang minuto lang ay binilisan na niya ang ginagawang ritmo. Nakakaramdam na rin ako ng kaunting kiliti; sensasyong ngayon ko lang naramdaman. May tinatamaan siya sa loob ko na nagbigay sa akin ng hindi maipaliwanag na sarap.

Binunot niya saglit ang pagkalalaki at iniharap ako. Kinuha ang magkabila kong mga paa’t ipinatong sa kaniyang magkabilang balikat. Muli niyang ipinasok ang naghuhumindig niyang paglalaki; masakit sa una ngunit hindi nagtagal ay muli ko na namang naramdaman ang sarap.

Bumaba siya upang huliin ang aking labi. Wala na rin ako sa katinuan. Nakipag-espadahan na rin ang dila ko sa kaniyang dila. Napayakap ako sa kaniyang malaking katawan habang siya’y mabilis ang ginagawang paglabas-masok.

Napupuno ng mga halinghing naming dalawa ang kaniyang kuwarto.

“Ugghhh!” napaungol ako nang malakas nang muli siyang bumangon ngunit hindi pa rin binubunot ang pagkalalaki sa akin.

“M-Malapit na ako,” banta niya.

Nagkusa namang gumalaw ang kamay ko’t inabot ko rin ang pagkalalaki ko, at ito’y isinabay sa kaniyang ritmo. Hanggang sa isang mahabang ungol ang lumabas sa aming mga bibig kasabay nang pagsirit ng init ng aking katawan. Nararamdaman ko rin ang pagbagal ng kaniyang galaw at nakakaramdam ako ng mainit sa aking loob.

Habol-habol ko ang hininga ko sa pagod. Pawis na pawis kaming pareho. Binunot niya ang matigas pa rin niyang pagkalalaki at tumabi sa akin.

Tumingin ako rito. Kumikislap ang kaniyang mga mata habang malawak ang ngiti sa kaniyang labi. Hinawakan niya ang mukha ko.

“I love you damn so much, Conan.”

Ngumiti ako. “Mahal na mahal din po kita,” sagot ko.

Ipinikit ko ang mga mata ngunit hindi pa ako tuluyang matutulog. Dinama ko na muna ang sayang nararamdaman sa mga oras na ito. Hindi ako makapaniwala, hanggang ngayon. Hindi ko inaasahang mangyayari ito sa buhay ko.

Wala akong ibang hinihiling kung hindi ang makalaya sa nakaraan at magkaroon ng taong tatanggap sa akin, ngunit hindi pa roon ang ibinigay sa akin.

Ayoko nang matapos ito. Kung puwede lang na manatili na lamang kami sa ganito pang habang buhay.

Kung puwede lang.

CHAPTER 24

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 24

C O N A N

    Ang sarap nang panaginip ko. Nasa paraiso ako kung saan tanging ako at si Sir Harrison ang naroroon. Masaya kaming dalawa. Ang daming mga bulaklak at ang mga ibon ay nagsisiawitan. Nakahiga ako sa kaniyang braso habang pinagmamasdan namin ang asul na kalangitan. Parehong may mga ngiti sa aming labi.

Nagising lang ako nang nakaramdam ako ng munting mga halik sa aking noon. Pagmulat ko sa mga mata ay ang malapad nitong likuran ang aking nakikita. Bumaba siya sa kama, nakasuot lang siya ng puting boxer short at dumuduyan ang kaniyang malaman na pang-upo. Pumasok siya sa loob ng banyo kaya nawala na siya sa paningin.

Nanatili akong nakahiga at pinapakiramdaman ang sarili. Inilibot ko ang paningin. Nasa kuwarto ako ni Sir Harrison. Muling bumalik sa aking alaala ang nangyari kagabi. Biglang nag-init ang buo kong mukha. Bigla ring bumukas ang pinto ng banyo kaya mabilis kong kinuha ang kumot at nagkunwaring natutulog. Nakikiramdam lang ako sa kung ano ang kaniyang gagawin.

“I know you’re awake already,” aniya. Naramdamanan ko ang paglubog ng kutson kung saan siya naupo. Hindi ako sumagot, nagkunwari pa rin akong tulog dahil ayaw kong makita niyang namumula ang buo kong mukha dahil sa alaala nang nangyari kagabi lang. Nakikiramdam pa rin ako sa kung ano’ng susunod niyang gagawin. “Uhmm… About last night, I-I’m sorry. Sorry for what happened.”

Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakabalot sa akin upang ipaalam sa kaniyang gising na nga ako. Tumingin ako rito. Nakatingin na rin pala siya sa akin at malungkot ang kaniyang mukha, pero bakit siya malungkot?

“Huwag niyo na pong isipin ‘yon…” Kasi ayaw ko na ring pag-usapan ang bagay na iyon. Mas lalo lang namumula ang pisngi ko kapag naalala ko pa iyon. “Ginusto ko pong gawin iyon dahil po mahal kita,” dagdag ko.

“Thank you, Conan. For making me happy and forget all the things that make my life miserable.” Ngayo’y may ngiti na sa kaniyang labi. Hindi ako sumagot bagkus ay ngumiti lang ako bilang tugon sa kaniya. “Can you move?” tanong niya.

Tumang ako. Pinilit kong maupo kahit na nakakaramdam ako ng kirot sa aking pang-upo at maging sa aking likuran. “Opo. Ayos lang ako,” sabi ko.

“Does it hurt?” dagdag niyang tanong, ngayon ay nasa tabi ko na siya’t pinapasadahan ako ng tingin upang suriin kung may masakit ba sa akin.

Umiling ako’t sumagot. “Ayos lang po talaga ako. M-magsuot ka na lang po roon ng damit.” Hindi ako tumingin sa kaniya. Hirap akong gumalaw pero pinilit ko ang sarili na makababa sa kama. Tila ba may napunit sa akin at para akong bagong panganak pa lang tapos sa butas ng pang-upo ko pa lumabas.

Naglakad ako papasok sa banyo nang dahan-dahan lang para ‘di niya mahalatang masakit ang katawan ko’t hindi ko kayang gumalaw. Hindi ko puwedeng sabihin iyon dahil marami pa akong dapat na tapusin ngayong araw. Iyong kapapalit ko pa lang na bed sheet niyang kama ay kailangan ko ulit labhan dahil marumi’t iba na ang amoy ng mga ito. Isa pa, sino’ng magluluto sa aming dalawa? Ako ang kasambahay rito, kaya ako dapat ang gagawa ng mga gawaing bahay.

Pagpasok ko sa loob ay kaagad kong ginawa ang araw-araw kong ritwal tuwing umaga. May mga tootbrush naman ditong hindi pa nabubuksan kaya iyon na lang ang ginamit ko dahil nasa ibaba iyong sa akin. Naghilamos ako pagkatapos at tumingin sa salamin.

Napangiti ako nang makitang iba na ang suot ko ngayon. Underwear ko pa rin itong suot ko dahil malalaki iyong underwear ni sir Harrison pero itong damit ay sa kaniya. Nagmistula itong bestida sa laki. Inamoy ko’t yumakap sa aking ilong ang halimuyak ng kaniyang ginagamit na pabango. Sa tingin ko’y paborito ko ang amoy niya simula ngayon at baka nga ma-adik ako nito.

“Does my shirt smells good that you even forgot to clean you face?” Nanlaki ang mga mata ko’t tumingin dito. Nakatayo siya malapit sa pinto’t nakasandal habang nakangising nakatingin din sa akin. “Babe, you don’t have to go here and hide just to smell it, just tell, I’ll give my all body to you.” At kumindat-kindat pa siya.

Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na kinuha ang malinis na face towel sa cabinet. “Inaamoy ko lang kung mabaho na para maisabay ko sa paglaba,” palusot ko pero alam ko namang hindi talaga iyon ang totoo. Hindi rin mabaho ang kaniyang mga damit sa tuwing nilalabhan ko na iyon.

Mahina lang siyang tumawa at mabilis akong hinawakan sa kamat at hinila papalit. Mahina rin akong napadaing sa sakit nang hindi niya nahahalata dahil sa ginawa niya pero. Dikit na dikit ang katawan naming dalawa. Tumingala ako at nakatungo naman siyang nakangitin sa akin. May ngiti na naman sa kaniyang labi.

“I love you,” aniya.

Tumambol na naman ang puso ko sa tuwa. Ipinulupot ko ang mga kamay sa kaniyang katawan at saka siya sinagot, “mahal na mahal din po kita.”

    BUONG maghapon ay magkasama kaming dalawa ni Sir Harrison. Nasabi ko rin sa kaniyang masakit ang katawan ko nang binuhat ako nito kanina’t ibinagsak sa kama. Muntik pang mangyari, mabuti na lamang ay napigilan ko. Ngayon ay nakaupo kaming dalawa sa harap ng hapag habang pinagsasaluhan naming dalawa ang binili niyang Pizza online.

Hindi na rin masakit ang katawan ko’t pang-upo dahil nakainom na rin ako ng pain reliever. Tinulungan din ako ni sir Harrison na maglinis at halos siya lahat ang gumawa dahil ayaw niyang ako ang maglinis.

“I’m going home next week…” Natigilan ako nang magsalita siya. “And I’m bringing you with me,” dagdag niya.

Hindi ako nakasagot dahil sa gulat. Uuwi na siya pero isasama niya ako sa kaniyang pag-uwi. Hindi ko alam kung ano ba’ng dapat kong maramdaman, matutuwa o matatakot? Papaano kung sa pag-uwi niya’y biglang nagbago ang lahat at bigla na lang niya akong iniwan sa ere?

“H-Hindi na po ba kayo masaya rito?” tanong ko’t hindi ko alam bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. “I am. This place is my paradise because I met you here, but I have to fix something there and I want you to come with me. Kasi ikaw ang lakas ko, Conan.”

Tumingin lang ako sa kaniya. Naiintindihan ko naman siya pero bakit may parte sa akin ang natatakot? Hindi sumagi sa isip kong balang araw ay aalis ako ng Baguio kung saan ako lumaki at kung saan ako nagsimulang mangarap. Pero hindi naman siguro masamang magsimulang muli sa malayo at isa pa, malayo ang Manila rito. Malayo sa mga nakaraang patuloy na bumabangungot sa akin.

Tumingin ako sa kamay niya’t ako naman ang humawak dito. “Hindi po aalis sa tabi mo, kung nasaan ka, nandoon ako,” sagot ko.


Mami-meet kaya ni Conan ang future father-in-law or baka

si

Andrei? 😂 What do you think?

CHAPTER 25

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 25

C O N A N

Nang sumunod na mga araw ay tinulungan ako ni sir Harrison asikasuin ang mga papeles ko; mga dokumento upang makapag-apply ng passport at dokumento ko sa dati kong paaralan. Hindi naman ako nahirap maliban dito sa dati kong pinapasukang eskwelahan.

“Bumalik ka na lang sa susunod na araw. Hahanapin ko muna iyong folder mo noon dahil matagal na rin kaming naglinis at itinago ang ibang dokumento,” ani ng nakabantay rito sa registrar.

“Ganoon po ba? Sige po,” sagot ko’t tumango lang siya bilang tugon. Umalis na rin ako kaagad sa pila dahil may mga nakasunod din sa akin.

Inilibot ko ang paningin upang hanapin iyong kanina lang ay nasa tabi ko. Kaagad ko siyang natagpuang pinagkakaguluhan ng iilang mga estudyante rito. Nagpapa-picture sa kaniya. Hindi ko naman sila masisisi.

Matangkad at matikas ang kaniyang pangangatawan. Tindig pa lang, nagmimistula siyang isang modelo ng isang sikat ng clothing line. At higit sa lahat, mayaman siya. Lahat ng hanap ng isang babae ay nasa kaniya na.

Tapos ako heto, ’di pa rin makapaniwalan hanggang ngayon. Sa dinami-rami ng babaeng nagkakagusto sa kaniya. Mayaman, maganda, at higit sa lahat isang babae pero sa akin siya nagkagusto na hindi isang tunay na babae.

Dumako ang tingin niya sa akin kaya ngumiti ako. Isang ngiti rin ang itinugon niya. Naglakad siya papalapit sa akin at bigla na lamang bumagal sa pag-ikot ang mundo. Isa-isang nawala iyong mga tao sa paligid habang siya’y papalapit. Ang puso ko’y hindi na magkandaugaga sa pagtalbog at dumoble pa ito nang nasa harapan ko na siya.

“Are you alright?” tanong niya.

Tumango ako. Hindi pa rin nabubura iyong ngiti sa labi ko. “Kayo po? Ayos lang po ba kayo? Hindi po ba kayo nasaktan?” tanong ko naman.

“Yeah I’m fine. They dragged me out of the line,” sagot niya at mahinang natawa.

“Guwapo niyo po kasi,” biglang lumabas sa bibig ko nang hindi ko namalayan. Ngumisi siya kaya roon ko lang napagtanto iyong nasabi ko. Namula ang magkabila kong pisngi kaya umiwas ako ng tingin.

“Am I?”

Hindi ko siya pinansin. Mabilis akong tumalikod dahil nahihiya na rin ako. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante rito, iyong iba’y nagtatakha ang mga mukha at iyong iba’y nakangiti.

“Wait, Babe!” Mabilis akong humakbang. Ang pula-pula na ng magkabila kong pisngi. Ngunit kahit gaano kabilis ang paghakbang ko’y mabilis din niya akong naabutan. Hinawakan niya ang braso ko. Saktong nasa parking lot na kaming dalawa. “Guwapo ba ako?”

Tumingin ako rito. Bakit ko ba kasi nasabi iyon? At saka bakit kailangan niya pang itanong iyan? Obvious naman na ang sagot.

“Oo na!” sagot ko at mabilis na pumasok sa kaniyang sasakyan. Tumingin ako rito at ang lawak-lawak ng kaniyang ngisi sa labi habang napapasuntok pa sa hangin dahil sa tuwa. Natawa rin ako sa kaniyang ginagawa.

Pagkatapos namin sa eskwelahan ay hindi na muna kami kaagad umuwi. Pumasyal kaming muli sa iba’t ibang lugar tulad ng isang strawberry farm, naglibot-libot naman kami sa Burnham park kung saan sumakay kami sa Swan Boat, at iba pang sikat na pasyalan dito sa Baguio.

Pagsapit ng gabi ay sa isang restaurant kami kumain. Pareho naming sinusulit ang mga bawat sandali namin dito sa Baguio kung saan nabuo ang lahat ng mga hindi ko inaasahan.

“I have something for you,” aniya. Katatapos lang naming kumain ngunit naririto pa rin kaming dalawa.

May kinuha siya sa kaniyang bulsa; isang pulang maliit na box, iyong box na ginagamit sa mga alahas. Iniabot niya iyon sa akin. Hindi ko sana ito tatanggapin dahil may hinala na ako sa kung ano’ng nilalaman nito ngunit tumingin ako kay sir Harrison at tumango siya nang marahan.

Binuksan ko ito’t tama ang hinala ko, naglalaman ito ng alahas. Isang kwintas na may maliit na compass na pendant.

“Akala ko noong una, nawawala ako. I couldn’t find where to go but when I found you, I know I’m not lost anymore.”

Pumatak ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kaniya at sa hawak kong kwintas. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Naubusan ako ng salita. Naubusan ako nang sasabihin maliban sa salamat.

“W-why are you crying?”

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Tumingin ako sa paligid. Iilan lang ang mga nandito at wala naman silang pakialam sa amin. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at ngumiti.

“P-Puwede niyo po bang isuot sa akin?” tanong ko, imbes na sagutin ang sinabi niya.

“Yeah, sure.” Mabilis siyang tumayo at pumuwesto sa likuran ko. Iniabot ko naman sa kaniya ang kwintas na kaagad niyang isinuot sa aking leeg.

“Hanggang ngayon hindi pa rin sumasagi sa isipan kong darating iyong mga araw na ito. Kaya gusto kong magpasalamat dahil dumating po kayo. Ipinaramdam niyo po sa aking hindi ako nag-iisa.”

May mga araw noon na bigla-bigla na lang bumubuhos iyong luha ko dahil sa lungkot. Nami-miss ko kasi ang mga magulang ko. Gabi-gabi ay natatakot ako dahil baka may mangyari sa aking masama ngunit unti-unti akong nasanay. Nang dumating si sir Harrison, lahat ng iyon ay nakalimutan ko’t mas nasanay akong kasama siya.

Ipinaramdam niya sa aking hindi ako nag-iisa, na hindi porque bakla ako’y wala nang magmamahal sa akin, at higit sa lahat ay dahil sa kaniya, naglaho iyong mga takot ko mula sa nakaraan.

Ayoko nang isiping panandalian lang ito. Kung puwede lang na ’wag nang umikot pa ang mundo.

“I will always be here for you,” bulong niya.

Kinabukasan ay malapit nang magtanghalian nang magising ako. Sa muli, nasa kuwarto ako ni sir Harrison dahil simula nang opisyal na kami sa aming nararamdaman ay magkatabi na kaming natutulog. Tumingin ako sa tabi ko, wala siya roon. Siguro’y nasa labas siya’t nag-e-exercise.

Pumasok lang ako saglit sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush bago ako lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa kusina nang hindi ko makita si sir Harrison sa sala. Walang tao. Lumabas ako upang tingnan kung nasa garden siya pero tahimik at malamig na hangin lang ang bumungad sa akin.

Muli akong pumasok sa loob ng kusina. May pagkain sa mesa at isang note ang ang nakapatong dito. Kaagad ko iyong binasa.

“I’ll be back at night, Harrison.” Nakalagay sa note. Kumunot pa ang noo ko dahil hindi naman ganito ang sulat kamay ni sir Harrison pero ’di ko na iyon pinansin dahil ganoon din naman ako minsan, paiba-iba iyong sulat kamay.

Binuksan ko na lang iyong pagkain at natawa ako dahil sunog ang pagkakaluto sa bacon. Ngayon lang ito nangyari noon. Kaya imbes na kainin iyon ay nagluto na lang ako ng kakainin ko.

MADILIM na sa labas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si sir Harrison. Katatapos ko lang kumain at narito ako ngayon sa sala dahil hinihintay ko siyang dumating. Palipat-lipat ang tingin ko sa aking cell phone at sa nakabukas na TV. Nag-text na ako kanina pero wala man lang akong natanggap na reply galing sa kaniya.

Saan kaya siya nagpunta? Bukas na rin iyong flight namin. Nakuha ko na rin iyong mga dokomento sa eskwelahan kanina at nakapag-empake na rin ako ng mga gamit.

Tinawagan ko siya ilang beses pero walang sumasagot. Nang tawagan ko siya ulit ay nakapatay na ang kaniyang cell phone kaya bigla akong kinabahan. Ngunit ilang sandali ay nakatanggap ako ng isang mensahe galing sa kaniya.

“I’m sorry, can’t go home tonight. I’ll meet you tomorrow at the airport.”

Nagtataka man sa nangyayari ay wala na akong nagawa. Bumuntonghininga ako. Siguro’y may inaayos lang siyang napaka-importante kaya wala na siyang oras para sagutin ang tawag ko’t mag-reply. Tapos pagod siya’t kaya sa isang hotel na lang siya matutulog. Iyon na lang ang inisip ko hanggang sa makatulog ako nang tuluyan.

CHAPTER 26

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 26

C O N A N

NAKAHANDA na ang lahat. Mula sa dadalhin kong gamit hanggang sarili ko. Maaga akong nagising kanina upang maghanda sa pag-alis. Muli kong tiningnan ang mga gamit ko. Isang maleta lang ito na binili naming dalawa ni sir Harrison nang minsan kaming namasyal bago dumating iyong araw na ito. Binilhan din niya ako ng mga bagong damit, na noong una’y inayawan ko ngunit ipinilit pa rin niyang bilhin.

Nang masiguro kong kompleto na ang gamit ko at hawak ko na rin ang ticket naming dalawa ni sir Harrison. Hinila ko na palabas ng bahay ang aking maleta. Saktong kararating lang ni Riley, ang inarkila ko upang ihatid ako sa airport.

“Naihanda mo na ba lahat?” tanong niya. Malungkot siyang ngumiti sa akin.

Tumango ako bago siya sinagot. “Naihanda ko na.” Napansin ko ang pagbuntonghininga niya. “M-may problema ba?”

Umiling siya. “Wala naman. Nalulungkot lang ako dahil aalis ka na rito. Papaano na itong bahay? Iyong mga pananim mo sa likod, sigurado akong malulungkot din sila ‘pag hindi ka na nila nakita.”

Napabuntonghininga rin ako. Tumingin ako sa rest house ni sir Harrison. Maliit lang ito ngunit napakalaki ng naging parte nito sa mga nabuo kong alaala na kahit saan man ako’y maalala ko. Dito ako unang natutuong mapag-isa, tumayo sa sariling mga paa, at dito ko unang naranasan ang pag-ibig na hindi ko inaasahan. Wala namang balak si sir Harrison na ibenta ang bahay dahil aniya’y puwede kaming magbakasyon dito kung kailan niya gusto.

Tumingin ako kay Riley at saka kinuha ang susi sa aking bulsa. “Nandito ka naman para alagaan ang bahay, ‘di ba?” Kumunot ang kaniyang noo kaya bago pa siya magtanong ay iniabot ko sa kaniya ang susi na ipinagtataka niya. “Sa ‘yo ko ipinagkakatiwala ang bahay,” dagdag ko.

Napangiti na rin siya. “’Wag kang mag-aalala, aalagaan ko itong bahay at ‘yong mga pananim mo.”

Tumango’t ngumiti lang ako. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Ilang minuto lang nang maisara namin ang bahay ay kaagad na kaming gumayak ni Riley sakay ng kaniyang tricycle. Pagkalipas lang din ng isang oras mahigit ay nakarating kami ng airport. Tinulungan niya akong ibaba ang aking maleta.

“Tandaan mo iyong mga sinabi ko sa ‘yo. Palagi mong ingatan ang sarili mo roon,” aniya. At muli na naman niyang ipinaalala iyong bilin niya sa akin kanina habang kami ay patungo rito.

“Opo, ‘tay,” sagot ko na pareho naming pinagtawanan.

“Pero seryoso ako, Con. Kung gusto mong bumalik ulit dito, nandito lang kami… ako. Hihintayin ka namin dito.”

Napangiti ako. Bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sa mga nagdaang taon, sina Riley at ang pamilya niya ang naging kasa-kasama ko. Sa mga mahahalagang okasyon tulad ng pasko, birthday, at iba pa, nariyan sila para damayan ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil itinuring nila akong parang pamilya lalong-lalo na si Nanay Elsa.

“Bakit mo ba ako pinapayak!” inis na sabi ko ngunit tumawa lang siya. Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. “Maraming salamat. Sa ‘yo, kay Nanay Elsa at sa iba.”

Sa muli ay niyakap niya ako’t ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. Niyakap ko siya nang mahigpit bago ako tuluyang pumasok sa loob ng aiport upang hintayin ang oras ng flight namin ni sir Harrison at para hanapin ko pa siya.

    Pero isang oras na lang ay paalis kami’t mag-iisang oras na rin akong nakaupo rito sa waiting area, ni anino ni sir Harrison ay hindi ko man nakita. Palipat-lipat ang tingin ko sa aking cell phone at sa aking paligid. Sinusubukan ko siyang tawagan ngunit hindi ko na makontak ang kaniyang cell phone.

Kinakabahan na ako. Ang huling mensahe niya sa akin ay rito na lang kami magkikita ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya? May nangyari kaya sa kaniyang masama?

Sa kaiisip ko nang mga posibleng mangyari’y hindi ko namalayang oras na para pumasok na kaming lahat. Doble na ang kaba ko. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Nagsitayuan ang mga kapwa ko pasahero at sunod-sunod na silang pumila kung saan papasok upang makasakay na ng eroplano. Habang ako’y nanatiling nakaupo. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si sir Harrison.

Nang mag-vibrate ang cell phone ko’y mabilis ko itong kinuha. “I’m sorry. I have an emergency to attend to. I will wait you here,” basa ko nang mahina sa text message.

Ibig sabihin ay nakaalis na siya? Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko, malulungkot ba dahil iniwan niya ako o matutuwa dahil kahit papaano’y walang nangyari sa kaniya nang masama? Pero hindi ko na iyon pinansin pa nang sa huling pagkakataon ay inanunsiyo na kailangan na naming pumasok sa loob. Kaya mabilis akong tumayo’t sumunod na rin sa pila ng mga pasahero.

    Isa’t kalahating oras ay nakarating ako sa Manila. Unang beses na makatatapak ako ritong mag-isa. Tinignan ko ang oras, mag-aala-una na at ngayon ko lang ding naramdaman ang gutom. Lumabas ako ng airport. Naghanap ako ng puwedeng mabilhan ng pagkain. Nang makabili ako’y bumalik ako sa waiting area para doon kumain.

Muli kong sinubukang tawagan si sir Harrison. Nag-r-ring na ito ngunit hindi niya sinasagot. Kaya ibinaba ko na lang dahil baka maka-istorbo pa ako. Baka nasa importante nga siyang meeting. Komportable na lamang akong umupo rito habang nililibang ang sarili sa pagtingin sa mga taong labas-masok sa loob ng airport.

Nag-message na rin ako kay sir na nakarating na ako’t kung nasaan ako ngayon. Ayaw kong umalis dito dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Wala akong kilala ni isa rito upang magpasundo. Ngunit isang oras na ang nakalilipas. Nag-iinit na rin ang pang-upo ko’y wala pa rin si sir Harrison.

Isang oras hanggang sa naging dalawa at umabot ng lima. Unti-unti nang dumidilim sa labas, wala pa ring sir Harrison na nagpapakita o tumatawag man lang. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil sa gutom. Hindi sapat iyong biskwit na binili ko kanina. Pa-lowbat na rin ang aking cell phone pero wala pa rin siya. Ilang beses na akong tumawag at nag-message sa kaniya.

Hindi ko na rin alam kung ilang oras na akong nakaupo rito. Iilan na lang ang pumapasok sa loob ng airport. Pakiramdam ko’y hinang-hina na ako dahil sa gutom. Hindi ako nag-almusal dahil maaga akong umalis kanina. Tanging biskwit at tubig lang ang laman ng aking tiyan simula pa kanina.

“C-Conan?” Mabilis akong lumingon dito. Si sir Marcus at may kasama siyang lalaking kahawig ni sir Harrison ngunit mas matanda ito sa kaniya. “Ikaw nga! Why are you here? Where’s Harrison?” Tumingin siya sa paligid pero wala naman dito si sir Harrison.

Tumayo ako’t bigla na lang umikot ang paligid ko hanggang sa dumilim at hindi ko na alam kung ano’ng sumunod na nangyari.

    NANG magising ako’y puro puti ang bumungad sa akin. Inilibot ko ang paningin. Malaki itong kuwarto, may TV, may isa pang kama, at iilang kabinet ngunit mayroon din ditong oxygen at iba pang apparatus na makikita sa Hospital. Kaagad kong napagtantong nasa Hospital ako at doon ko rin naalalang hinimatay nga pala ako kanina.

Bumukas ang pinto at pumasok si sir Marcus. May bitbit siyang paperbag na inilagay niya sa bedside table. “How’s your feeling?”

“B-Bakit po ako nandito?” tanong ko imbes na sagutin siya.

“Hinimatay ka kanina sa airport dahil sa gutom. Bakit hindi ka kumain? Wala ka bang pera? Nah, nevermind.” Kinuha niya iyong paperbag. “Binilhan na kita. Kainin mo na ito para lumakas ka.”

Bumangon ako’t tinanggap ang paperbag na naglalaman ng pagkain. Kaagad ko iyong nilantakan dahil kanina pa talaga ako gutom.

“Ano pa lang ginagawa mo sa airport? Where’s Harrison?”

Napatigil ako. Tama! Baka hinahanap na ako ngayon ni sir Harrison! Mabilis kong kinapa ang cell phone ko sa bulsa at tiningnan kung may mensahe ba ngunit wala. Wala ring missed calls galing sa kaniya. Tumingin ako kay sir Marcus. Itatanong ko rin sana sa kaniya kung nasaan si sir Harrison pero hindi ko na lang ginawa, bagkus ay sinabi ko sa kaniya ang buong kuwento. Hindi ko rin alam kung bakit hindi niya alam kung nasaan si sir Harrison, samantalang magkaibigan silang dalawa.

“H-Hindi po ba niya kayo tinawagan na nandito na siya?” Umiling lang siya bilang sagot.

“He didn’t but I know he’s going home today and he wanted to talk to his father, that’s why I was in the airport with his father.” Tatay pala ni sir Harrison iyong kasama ni sir Marcus kanina. Hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko sa kaniya. Maging ako’y naguguluhan din ngayon. “But don’t worry, I know he’ll be in his office tomorrow, you’ll see him there. May matutuluyan ka ba rito?”

Umiling ako at saka inubos ang pagkain. Sinabi naman ni sir Marcus na sa condo na muna niya ako tutuloy at nagpasalamat ako dahil siya ang nakakita sa akin. Dahil kung ibang tao, o hindi kaya’y wala, hindi ko alam kung saan ako pupulutin dito sa Manila.


Ano

kaya ang

nangyari

kay

Harrison?

CHAPTER 27

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 27

C O N A N

    PANSAMANTALA muna akong mananatili rito sa condo unit ni sir Marcus. Aniya’y rito na muna ako habang hindi pa kami nagkikita ni sir Harrison. Nagpasalamat ako nang maihatid niya ako rito. Ibinigay niya sa akin ang key card at saka nagpaalam na aalis na dahil may pupuntahan pa siya. Hindi rin siya rito tumutuloy dahil ang condo na ito’y noong college pa lang siya. Binuksan ko naman ang condo at pumasok sa loob.

Kompleto sa gamit ang condo. May maliit na kusina kung saan kompleto rin sa kagamitan. Sofa, TV, at mga cabinet. Iisa lang ang kuwarto nito na kaagad kong pinasukan dahil gusto na ring magpahinga. Malinis at parang bagong-bago ang mga gamit dito. Inilagay ko sa gilid ang maleta ko at saka pumasok sa loob ng banyo.

Nang makatapos akong maglinis ay kumuha lang ako ng isang pares ng komportableng damit sa maleta at saka naupo sa kama. Inilibot ko ang paningin. Nag-iisa na naman ako. Tumingin ako sa cell phone ko, hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na mensahe.

Bakit kaya hindi niya man lang ako matawagan o kahit sumagot man lang sa mga mensahe ko? May karapatan naman akong malaman iyon. Isa pa, nangako siyang ipapasyal niya ako rito bago mag-enroll sa susunod na linggo ngunit nasaan siya?

Ayokong mag-isip nang masama ngunit hindi ko maiwasan. Papaano kung ito na pala iyong araw na kinakatakutan ko noon? Na biglang nagising si sir Harrison sa katotohanang hindi kami puwedeng magkaroon ng relasyon. Nakatatakot din iyong kaniyang Tatay dahil sa seryoso nitong mga titig sa akin sa airport at alam kong pinag-aaralan na nito ang pagkatao ko. Pero kung ito man ang araw na iyon, hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Dapat ba akong bumalik na lang sa Baguio? Hindi! Bukas ay magkikita naman kaming dalawa. Naniniwala ako at may tiwala naman ako kay sir Harrison na hindi niya ako bibiguin.

    KINABUKASAN, maaga pa lang ay gising na ako. Tinungo ko ang kusina at tiningnan ang laman ng refrigerator. Inaasahan ko nang wala itong laman dahil ayon kay sir Marcus, matagal na siyang hindi tumutuloy rito pero nagulat ako dahil punong-puno ito ng sa tingin ko’y mga bagong biling groceries. Nagkibit balikat na lang ako. Marahil ay ganito talaga kapag mayaman, ayaw nilang nauubusan sila nang makakain kahit hindi naman nila iyon mauubos lahat.

Kumuha na lang ako ng easy-to-cook dahil bilin sa akin ni sir Marcus ay maaga kaming aalis ngayon upang puntahan si sir Harrison sa kaniyang kompanya. Kinakabahan ako nang hindi ko alam ang dahilan pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at naghanda na nang makakain. Ayaw kong malipasan ako ng gutom katulad nang nangyari sa akin kahapon.

Pagkatapos kong kumain ay ang sarili ko naman ang inihanda ko. Mabilis lang akong naligo at nagpalit ng damit. Tumingin ako sa wall clock na malapit sa pinto. Nakaturo ang maliit na kamay ng orasan sa alas-siyete. Saktong may nag-doorbell kaya mabilis akong lumabas at tinungo ang main door. Bumungad sa akin si sir Marcus, suot ang corporate suit niyang bagay na bagay sa kaniya.

“Are you ready?” tanong niya. Tumango lang ako.

Isinarado ko lang ang pinto at saka sumunod sa kaniya patungong elevator. Na sa ika-sampo kaming palapag nitong condo building. Ilang minuto ay nasa parking lot na kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto at ilang sandali lang ay umalis na kami roon sakay ng kaniyang kotseng itim.

“Nakausap mo na ba si Harrison?” tanong niya pagkaraan ng ilang minutong byahe. Nakatingin siya sa daan.

Kinuha ko ang cell phone sa aking bulsa at muli itong tiningnan. “Hanggang ngayon wala pa rin po,” sagot ko sa kaniya nang makitang kahit isang mensahe ay wala akong natanggap.

“Maybe he’s busy with work. You know how he loves hard work.”

Iyon na lang ang inisip ko habang kami ay nasa byahe dahil noong nasa Baguio pa lang kami, madalas ay nakikita ko si sir Harrison na nakatutok lang sa kaniyang laptop. Nagtitipa. Nagtatrabaho kahit na nasa malayo. Busy siyang tao, alam ko iyon.

Tumingin na lamang ako sa labas kung saan nagtataasang buildings ang nadaanan namin. Hindi ko ito napansin kagabi nang ihatid ako ni sir Marcus sa kaniyang condo dahil sa pagod, at sa dami nang iniisip. Saglit kong nakalimutan ang ginagawang pambabalewala ni sir Harrison sa akin dahil sa mga nakikita ko. Hindi na ako makapaghintay na makapasyal dito sa lugar. Nakikita ko sa social media na maraming puwedeng pasyalan dito.

Mahigit kalahating oras din ang itinagal ng byahe namin ay nakarating kami sa isang napakataas na building. Pumasok kami sa basement kung saan ang parking lot nitong building. Nang makahanap ng puwesto ay sabay kaming bumaba sa kaniyang kotse. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa tuluyan kaming nakapasok sa loob ng kompanya. Sumakay kami ng elevator at ilang minuto lang ay nakarating kami sa pinakadulong palapag nitong building.

Kinakabahan ako. Sinisigaw ng isipan kong ‘wag ko na lamang itong ituloy ngunit ayaw namang umatras ng aking mga paa. Unti-unting bumukas ang pinto ng elevator. Isang hallway ang bumungad sa amin. Lumabas si sir Marcus kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod. Tumingin ako sa mga nakasabit na mga portrait hanggang pinakadulo kung saan may pinto. Binuksan ito ni sir Marcus. Bumungad sa amin ang office desk ni sir Harrison pero wala siya roon.

“Mr. Alcantara! Conan’s here!” malakas na sigaw ni sir Marcus. Tumingin siya sa akin at ngumisi. “Don’t worry, no one’s here except Harris.”

Bumukas ang pinto sa kabilang banda at lumabas ang isang babae, suot ang isang malaking T-shirt na puti. Magulo ang kaniyang buhok pero hindi nito naitatago ang maganda niyang mukha. Ngumiti siya sa amin.

“Hi, I’m Dolores. Harrison’s fiancé. How can I help you?” ngumiti siya sa amin habang nakasandal sa nakasaradong pintuan.

Nanigas ang buo kong katawan sa gulat. Fiancé? Mapapangasawa? Ayokong maniwala dahil hindi iyon galing mismo kay sir Harrison ngunit base sa nakikita kong pinagmulan niya at nandito pa siya sa loob ng opisina ni sir Harrison, suot ang sa tingin ko’y damit nito. Totoo ang kaniyang sinasabi. Pero bakit hindi iyon sinabi sa akin ni sir Harrison?

Biglang naninikip ang dibdib ko at pakiramdam ko’y bubuhos ang mga luha ko pero pinigilan ko iyon. Hindi ko na lang ipinahalata sa kanila dahil pareho naman silang walang alam.

“I-I didn’t know you’re here,” ani ni sir Marcus.

“You must be Conan Dimaamo?” Napatingin ako kay ma’am Dolores. Kilala niya ako. Ngumiti siya at tumayo nang matuwid at saka naglakad papalapit sa akin. “Harrison told me about you. Iyong scholar na papaaralin niya rito? Nice to meet you,” dagdag niya.

Scholar? Ngumiti ako nang mapait. “A-ah o-opo. Ikinagagalak ko rin pong makilala kayo.” Gusto ko nang umalis dito. Gusto ko na lang bumalik ng Baguio.

“Pasensiya na nga pala. Harris’ still asleep and I don’t want to wake him because he was tired last night.”

“Ayos lang po. B-babalik na lang po kami sa susunod,” ako ang sumagot at mabilis na tumalikod upang makaalis na roon. Mabuti na rin iyon dahil ayokong makita si sir Harrison at ayokong makita niya akong nagkakaganito; parang tangang umaasa.

“Hey!” Napatigil ako nang may humawak sa braso ko. Tumingin ako rito, si sir Marcus na malungkot na nakatingin sa akin. “It’s okay. Alam kong may paliwanag si Harris tungkol dito,” aniya.

“Ayos lang po. Gusto ko lang po talagang itanong sa kaniya kung saang eskwelahan ako mag-aaral,” pagsisinungaling ko.

“Don’t lie to me, I know the truth. Don’t worry, everything will be fine. Gusto mo samahan kitang mamasyal at mamili ng eskwelahan?”

Umiwas ako ng tingin. Siguro mabuti na rin ito na may nakakaalam. “S-sige po,” pagpayag ko dahil ayaw kong mapag-isa na naman.

Gusto kong libangin ang sarili ko kahit pa alam kong imposibleng maliban ako dahil sa mga nalaman ko.

Hihintayin kong si sir Harrison mismo ang magsabi sa akin. Kung darating man iyon, sana’y handa akong magdesisyon.

CHAPTER 28

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 28

C O N A N

SAKAY kaming muli ni sir Marcus ng kaniyang kotse. Patungo kami sa syudad upang mamasyal, ayon sa kagustuhan ko. Tahimik lang kaming dalawa. Ni isang salita ay walang lumalabas sa aming mga bibig, habang siya’y nagmamaneho at habang ako’y nakatingin lang sa labas. Kahit wala naman akong ginagawa ay bigla akong napagod.

“Ano’ng kurso nga pala ang kukunin mo?” pambabasag ni sir Marcus sa nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Sa totoo lang, ang dami-rami kong gustong matutuhan pero bigla iyong nawala’t mas gusto ko na lang matutong makalimot. Gusto kong kalimutan ang lahat nang nangyari nang makilala ko si sir Harrison. Gusto ko na lang bumalik sa dating ako; nag-iisa at tanging sarili lang ang kasama.

Bumuntonghininga ako at saka tumingin sa kaniya. “Hindi ko pa po ala. Dati-rati’y gusto kong maging guro pero ngayon parang gusto ko pong mag-culinary arts,” sagot ko sa kaniya. Sinusubukan kong pasiglain ang boses dahil ayaw kong pati siya’y maapektuhan. Isa pa, nakahihiya ring pumayag sa kagustuhan niyang samahan na lang ako ngayon.

“There’s a lot of culinary schools here. We should ask Tito for assistance,” aniya. Tumango-tango lang ako. Siguro ay iyon na lang ang kukunin kong kurso at kapag nakapagtapos ako’y mag-a-abroad na lang ako o hindi kaya’y babalik ng Baguio para doon magsimula nang panibago. Mas mabuting ituon ko na lang ang buo kong atensiyon sa pag-aaral. “We’re here,” dadag ni sir Marcus.

Tumingin ako sa labas. Narito kami ngayon sa Mall of Asia. Nag-park lang siya’t sabay kaming lumabas ng kaniyang kotse. Sumunod lang ako rito hanggang sa makapasok kami sa loob. Maraming tao; pamilya, magkakaibigan, magkasintahan na maghihiwalay rin kalaunan, at nag-iisa lang ang mga nandito. May iba’t ibang ginagawa, iyong iba’y naglalakad lang at ang iba naman ay tumitingin-tingin sa mga shops na nandito.

“So, what do you want to do first?” tanong ni sir Marcus.

“Hindi ko po alam. Ano po bang magandang gawin dito?” tanong ko, kasi wala naman akong naiisip. Mayroon namang mall sa Baguio pero hindi naman ako madalas pumunta roon kaya wala akong ideya sa kung ano’ng gagawin maliban sa pagtitingin ng mga presyo ng mga damit at iba pa.

“How about we watch a movie?”

Tumango ako. “Sige po, basta ‘wag iyong nakakaiyak,” pagbibiro ko kahit na totoong ayaw ko ng ganoon. Ayokong umiyak dito. Dapat ay masaya ako dahil nandito ako, makapag-aaral ako.

Tumawa lang si sir Marcus at sumang-ayon din. Tinungo namin ang floor kung saan ang sinehan. Nang makarating kami roon ay sinabihan niya akong maghintay lang sa tabi dahil bibili na muna siya ng ticket. Tumayo ako malapit sa entrance ng sinehan. Napatingin ako sa paligid nang makaramdam ako ng tila ba may nakatingin sa akin ngunit wala naman dahil abala ang mga taong nandito sa kani-kanilang ginagawa. Nagkibit-balikat na lang ako.

Ilang minuto lang ay nakabalik na si sir Marcus, bitbit ang dalawang ticket at mga pagkain sa kaniyang braso. Kukunin ko sana iyon sa kaniya dahil nahihirapan siyang bitbit iyon ngunit mabilis niyang inilayo.

“I can do it. Just take the tickets.” Sumunod na lang ako at nauna nang pumila sa entrance ng sinehan.

    KAHIT papaano’y nalibang ang maghapon ko. Inabot kami ng halos limang oras kapapasyal dito sa syudad. Naglaro din kami sa time zone at nakakuha nang malaking premyo. Nagpapasalamat ako dahil sinamahan ako ni sir Marcus kahit pa paminsan-minsan ay tumitingin siya sa kaniyang cell phone na alam kong tungkol iyon sa kaniyang trabaho.

“Puwede ninyo na po akong ihatid,” sabi ko nang sa muli ay nakatingin na naman siya sa kaniyang cell phone. Hapon na at nandito kami sa isang coffee shop.

Tumingin siya sa akin. “Why?”

“Sa tingin ko po, kaya ko na pong mapag-isa,” sagot ko.

“But-“

Pinigilan ko siya. “At alam ko pong busy kayo pero mas pinili niyo akong samahan. Marami pong salamat, kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko.” Ngumiti ako upang ipakita sa kaniya ang sinseredad sa aking boses.

Ngumiti siya. “Don’t think about it…” aniya at saka bumulong ngunit hindi ko iyon narinig nang maayos.

“Ano po iyon?”

Tumawa siya’t ngumisi. “Nah don’t mind it. Pero ayos lang bang ihatid na kita?” Tumango lang ako. “Alright. Let’s get you home.”

Pagkatapos niyang magbayad ay kaagad kaming umalis doon. Ilang minuto lang ay nakarating kami sa condo building na tinutuluyan ko pansamantala. Ihahatid pa sana niya ako hanggang sa aking unit ngunit hindi na ako pumayag at dali-daling nagpaalam dito.

Sumakay ako ng elevator at hindi nagtagal ay nakarating sa harapan ng condo ni sir Marcus, na pansamantala kong tutuluyan habang ako’y nandito. Pero plano ko rin namang umalis dito at maghahanap na lang nang maliit na uupahan at raket. Nakakahiya na. Hindi naman dapat nila ako tinutulunga dahil isa lang akong probinsiyano’t wala silang mapapala sa akin. Ayokong iasa sa kanila ang lahat. Nais kong tumayo na sa sariling mga paa habang maaga pa.

Bumuntonghininga ako. Dinukot ko ang keycard sa aking bulsa at kaagad na binuksan ang pinto. Mabilis akong pumasok sa loob at ni-lock iyon. Kanina ko pa napapansin na tila ba may nakamasid sa akin kaya natatakot ako. Nang haharap na sana ako upang tumungo sa aking kuwarto’y may bigla na lang humawak sa aking braso’t hinila ako paharap at mahigpit na niyakap.

“Fck! Shit! I’m so so sorry.”

Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makapag-isip ng tama sa mga oras na ito. Ang alam ko lang ay yakap-yakap ako ni sir Harrison habang paulit-ulit siyang humihingi ng tawad na nagmistulang sirang plaka, hanggang sa mabingi na ako nang tuluyan. Gusto ko siyang itulak at pagsasampalin ngunit bakit hindi ko magawa?

“I’m sorry,” muli na naman niyang sabi. Walang katapusan. “Please, take care of yourself. I will tell you everything when everything’s alright. I’m sorry, Conan. But I have to leave you. My father’s just cruel and I fcking don’t want him to hurt you.”

Hindi ko siya naiintindihan. Ni isang salita sa mga sinabi niya ay walang nakasagot sa mga katanungang gumugulo sa aking isipan. Hindi ko rin siya maitulak ngunit nagkusa siyang lumayo at tumingin sa akin.

“I know you’re safe here, I have trust in Marcus. Just don’t let anyone hurt you, okay? Sasabihin ko sa ‘yo ang lahat kapag naging maayos na ang lahat. I love you,” aniya bago ako hinalikan sa noo’t nilampasan at lumabas ng condo.

Doon lang sumagi sa saking isipan ang lahat ngunit hindi naging malinaw. Ang alam ko lang ay pinaglalaruan lang ako ni sir Harrison. Nagpapakatanga ako. Isang salita lang niya’y naniniwala na kaagad ako. Ano ba’ng nagawa kong mali para gawin niya sa akin ito? Dahil ba sa napukpok ko noon ang kaniyang ulo tapos heto’t gaganti siya, ang tinde!

Isa-isang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Akala ko handa na ako. Akala ko’y handa na ang puso kong masaktan ngunit hindi pala. Ang sakit-sakit. Mas matinde pa ito nang malaman kong namatay ang mga magulang ko’t tanging ako na lang ang natitira. Pakiramdam ko’y nagkapira-piraso ang puso ko.

Pinunasan ko ang aking mga luha ngunit walang tigil lang ito sa pagbuhos.

Sana pala’y nanatili na lang ako sa Baguio habang may pagkakataon pa. o hindi kaya’y pinigilan ko na lang itong puso kong ibigin mahalin siya higit pa sa sarili ko.

CHAPTER 29

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 29

C O N A N

NANG gabing iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang nang umiyak. Nag-iisa sa isang tabi habang ang mga luha’y patuloy lang sa pagbuhos. Hinayaan ko ang sariling magpakalunod sa sakit at inaasahan na kapag napagod na ako’y mawawala rin iyon ngunit mali ako. Mali ako dahil nang magising ako kinabukasan, muli na namang bumuhos ang mga luha ko.

Ano ba’ng nagawa kong mali bakit ganito kung maglaro ang tadhana sa akin? Una ay ang mga magulang ko ang nang-iwan sa akin at ngayon ay ang taong mahal ko, ang unang nagpatunay na kahit isa akong bakla ay may magmamahal pa rin sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha nang mapagtantong kailangan kong bumangon. Pinilit ko ang sariling bumangon kahit pa nanghihina ako’t wala akong gana. Plano ko nga pa lang maghanap ngayon nang mauupahan at trabaho. Ayokong iasa sa kaniya ang lahat. At kapag nanatili pa ako rito’y mas lalo lang akong masasaktan.

Pagpasok ko sa banyo at pagharap sa salamin, nanibago ako sa aking itsura. Tila ba ang mundo’y tinalikuran na ako at lahat ng sigla sa aking katawan ay lumayas din. Mugto ang mga mata. May natuyo pang luha sa aking pisngi. Magulo ang buhok. Sinubukan kong ngumiti ngunit napaluha na lang dahil pakiramdam ko’y pati ang saya’y hindi na rin sumasang-ayon sa akin.

“K-Kaya mo ’to, Conan. K-Kinaya mo nga ang lahat,” pagbibigay lakas sa sarili. Kahit pa alam kong hindi ko kaya. Nakalimutan kong ihanda ang sarili ko noon dahil masyado akong nabulag na hindi darating ang araw na ito – na iiwan niya akong walang malinaw na dahilan.

Naghilamos lang ako at muling lumabas ng banyo. Lumabas ako ng kuwarto at tinungo ang kusina nitong condo. Naghanap ako ng puwedeng kainin kahit pa wala akong gana’y kumain pa rin ako dahil kailangan ko ng lakas. Nakalimutan ko ring kumain kagabi dahil sa kirot ng puso ko. Pagkatapos kong mag-almusal ay kaagad akong bumalik ng kuwarto upang ihanda ang sarili sa paghahanap ng trabahong babagay sa akin.

        ILANG fast food, coffee shop, at restaurant na ang napuntahan ko upang magtanong ng trabaho ngunit lahat sila'y hindi pa hiring sa ngayon. Ibinigay ko naman ang number ko dahil baka sakaling magbago ang isip nila't tawagan ako kahit malabo. Sa mga ganitong trabaho lang din kasi ang alam kong babagay ako pero ni isa'y wala man lang hiring.

Ngunit hindi ako nawalan nang pag-asa. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa makakita ako nang malaking signage ng mass hiring sila. Mabilis akong lumapit sa guard.

“Kuyang Guard, maaari po ba akong magtanong?” Tumingin siya sa akin kaya kaagad kong sinundan ang sinabi ko. “Totoo po ba iyong signage? May mass hiring po rito?”

“Bakit, ’toy, ano ba’ng natapos mo sa kolehiyo?” balik niyang tanong.

Nawala iyong panandalian kong sigla. “Ano po kasi, magkokolehiyo pa lang po ako. Nagbabakasakaling makahanap ng part-time po rito.”

“Ah ganoon ba? Puro college graduate hanap nila, e.”

“Ganoon po ba?” Tumango lang siya. “Sige po, marami po—”

“Hoy! Ikaw kuyang Guard, fake news ka lagi!” Napatingin ako rito. Ganoon din ang Guwardiya. Isang binata, hindi, bakla rin tulad ko, na nakapamewang habang nakataas ang kaniyang kilay na mukhang kakaahit pa lang. “Nanggigigil ako sa ’yo, alam mo ba iyon? Kaka-social media mo ’yan kaya kung ano-anong fake news pinapakalat mo rito!”

Napayuko ang Guwardiya. “P-Pasensiya na po, sir. I-Iyon po kasi ang narinig ko sa HR.”

“Tse! Susumbong talaga kita sa asawa ko,” anito at saka siya umirap sa Guwardiya’t tumingin sa akin. “Naghahanap ka ng trabaho?” Nakababa na ang kaniyang kilay at nakangiti sa aking nakatingin.

May asawa siya? Pero ang lambot niyang kumilos? Hindi ko siya masisisi. Ang lalaki ay puwedeng kumilos sa kung ano’ng nakapagpapasaya sa kanila. Puwedeng maging feminine at maging manly. Walang mali roon. Ang mali ay ang pag-isipan sila nang masama. Mali na husgahan sila, ganoon din sa isang babae.

Napangiti na rin ako. “Opo, sana, kaso—” Pinigilan niya ako.

“Huwag mo pansinin iyan si Koya. Fake news spreader ’yan. Hilig ding maniwala sa spliced videos sa social media,” aniya at saka ako hinila papasok sa loob. Nakatingin sa amin ang iilang mga tao rito sa loob pero wala siyang pakialam doon. Pumasok kami sa elevator.

“H-hiring po kayo kahit hindi college gradute?” tanong ko, habang nasa loob kami ng elevator.

“Oo naman! Basta open minded ka. Open minded ka ba?” ngumisi siya. Bigla akong kinabahan. “Char! Hindi ito networking, ah. Ang ibig kong sabihin, kung masipag ka at mapagkakatiwalaan, push natin ’yan.”

Ang ligalig niyang kausap. Kaya nawala iyong kaba ko. Ilang minuto lang ay nagbukas muli ang pinto ng elevator at lumabas siya. Kaya sumunod ako rito. Nakarating kami sa isang rainbow na pinto. Napangiti ako. Hindi na nakapagtatakang dito ang kaniyang opisina.

Pumasok siya roon kaya sumunod na rin ako. Nagulat ako nang pagpasok namin ay mayroon pa lang tao. Nakatayo ito at nakatalikod habang may kausap sa cell phone.

“Ehem!”

“Yeah. Sure. Goodbye.”

Humarap ito sa amin nang maibaba nito ang cell phone at maipasok sa bulsa. Nanlaki ang mga mata ko. Napakurap-kurap pa kung talaga ba’ng totoo ang nakikita ko. Ang tangkad niya tapos ang guwapo rin. Tumingin ako sa mesa kung saan nakalagay ang pangalan niya.

HENRY FIN ALCANTARA

PRESIDENT

Siya ang may-ari nitong kompanya? Ang nakakagulat ay iyong pinto nitong opisina niya na rainbow. Bakla siya? Pero ang guwapo niya?

“Sino iyong kausap mo? BABAE MO, ’NO?!” Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita itong nanghila sa akin dito.

“What? No. He’s just my client.”

“Weh? Naku lang talaga, Henry! ’Pag nalaman kong may babae ka, wala kang uuwiang bahay at ’di ka makakasisid sa akin.”

Hindi ko alam kung tama bang nandito ako. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Sino ba sila? Tapos itong lalaking ito’y isang Alcantara. Kaapelyedo ni sir Harrison. Kapatid niya ba ito? Si sir Hunter lang ang kilala ko pa lang na kapatid niya.

“You can’t do that, I know. Alam kong hindi mo rin ako kayang tiisin, Andrei.”

“Tse! Ewan ko sa ’yo!” At parang kiti-kiti itong nagpapadyak pero bigla ring umayos nang siguro’y napansin ako. “Ah nandito ka nga pala. Pasensiya na kung iniinggit kita pero ’yang lalaking ’yan nga pala’y asawa ko. Tutulungan ka niyang makapasok sa kung ano’ng trabahong gusto mo. ’Di ba, Hon?”

Mag-asawa sila?

“Yeah. Just let me know what can you do,” segunda naman ni sir Henry.

        NANG matapos ako roon sa kompanya kung saan ay sa susunod na Lunes na ako magsisimula sa trabaho ay kaagad na rin akong umalis. Nagpasalamt ako kay sir Andrei at sir Henry dahil binigyan nila ako ng trabaho. Roon mismo sa kompanya, sa canteen nito, bilang isang assistant chef.

Kaya ngayon ay uupahan naman ang hahanapin ko. May pera naman ako para sa pagbabayad ng renta at advance. Kahit maliit lang dahil mag-isa lang naman ako.

“Ate, may available pa po bang kuwarto?” tanong ko sa isang kaedad lang ni Nanay Elsa, nakatambay sa labas ng isang bahay paupahan.

“2000 pesos, down-payment at one month advance. Sa labas ang banyo at libre na kuryente.”

Hindi na ako nagdalawang isip pang kunin iyong nang makita ko ang kuwarto. Malinis naman. Sakto lang para sa iisang tao. Kaagad akong nagbayad ng renta at advance payment. Sinabi ko rin kung kailan ako lilipat. Sakto pang malapit ito sa kompanya ni sir Henry at sa isang Unibersidad. Hindi ko pa alam kung saan ako mag-aaral at kung ano’ng kursong kukunin ko. Gusto kong mag-culinary arts pero sa sitwasyon ko ngayon, mukhang mahirap yatang ipagpatuloy iyon.

Umalis na ako roon. Madilim na pala at nakararamdam na ako ng gutom. Kaya naisipan kong maghanap na lang ng puwedeng makainan. Nakarating ako, gamit lang ang mga paa ko, sa isang fast food restaurant. Ito lang kasi ang malapit sa boarding house na tutuluyan ko.

Papasok na sana ako nang may humarang sa aking dalawang malalaking mga lalaki. Nakasuot ng itim na suit habang may sun glasses pa.

“Sumama ka sa amin. Gusto kang makausap ni Boss,” ani ng isa.

Kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Tumingin ako sa paligid. Maraming mga tao at may guwardiya sa harap ng fast food kaya kung sisigaw ako’y mapapansin ako. Ngunit hindi ko nagawa nang muling magsalita ang isa sa kanila.

“Hindi ka namin sasaktan. Nais ka lang makausap ng amo namin, iyon lang.”

CHAPTER 30

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 30

C O N A N

    DAHIL sa kuryusidad at sa takot na biglang bumalot sa akin nang harangan ako nitong dalawang lalaking doble ang laki ng mga katawan sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanilang dalawa. Tinalikuran nila ako at naglakad papalayo. Isang metro ang layo nila’y hindi pa rin ako humahakbang ngunit tumigil ang mga ito at lumingon sa akin. Kaya mabilis akong kumilos at sumunod sa kanila.

Isang itim na kotse ang hinintuan namin. Wala akong makita sa loob dahil itim na itim din ang tint ng bintana nito. Dumoble ang kaba ko. Baka nagsisinungaling lang sila na hindi ako sasaktan? Pero ang totoo’y ibebenta nila ang lamang loob ko?

Ano’ng gagawin ko? Sabihin ko kayang may nakahahawa akong sakit? Pero maniniwalay kaya sila?

Ngunit bago pa man ako makapagsalita para sana’y magdahilan na may nakahahawa akong sakit at hindi ako puwedeng lapitan ng kahit na sino, bumukas ang pinto ng kotse sa passenger’s seat. Tumingin ako sa lalaking nagbukas nito, wala siyang sinabi pero ang tingin niya’y tila ba nagbabanta. Mabilis akong kumilos at pumasok doon.

Walang tao roon kaya mas lalo akong kinabahan sa mga nangyayari. Napasinghap ako nang isarado ng lalaki ang pinto. Sumunod naman ay sabay silang pumasok, isa sa driver’s seat at sa tabi nito. Pinaandar nito ang makina at tahimik kaming umalis sa parking lot.

Heto na ba ang katapusan ko?

Bigla kong naalala iyong mga masasayang alaala ko sa Baguio. Noong bata pa lang ako hanggang sa hindi ko namalayang nag-iisa na lang ako rito sa mundo. Bumuhos ang mga luha ko.  Tahimik akong umiyak sa back seat at mukhang hindi naman nila ako napapansin dahil madilim din dito.

Kung ito man ang katapusan ko. Masaya ako. Nanghihinayang lang ako dahil hindi ko man lang napasalamatan si sir Harrison at hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya nang maayos. Galit ako, oo, dahil sa mga pagpapaasa niya sa akin, pero marunong naman akong tumanaw ng utang na loob. Marami siyang naitulong sa akin at gusto ko siyang pasalamatan.

Tumigil ang kotseng sinasakyan ko sa isang restaurant. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at nagtatakang tumingin sa harapan ngunit bumukas na ang pinto ng back seat. Hindi na ako nagtanong dahil baka pakakainin na muna nila ako bago kunin ang mga lamang loob ko. Lumabas ako at sumunod dito. Pumasok kami sa loob ng restaurant. Kahit kinakabahan at nagtataka sa mga nangyayari, nagawa ko pa ring pagmasdan ang paligid at namangha sa mga palamuti.

May mga chandelier na nakasabit sa mataas na ceiling. Puno rin ng mga golden lights ang paligid at may iilang sculpture sa bawat sulok nitong restaurant. Sumisigaw na ang puwede lang kumain dito ay mayayaman.

Dahil sa kakamasid ko sa paligid at hindi ko napansing tumigil na pala iyong lalaking sinusundan ko kundi lang ako nabangga rito. Umalis siya sa harapan ko dahilan para mas lalong kabahan nang makita kung sino ang nakaupo sa puwestong hinintuan namin.

“Have a seat, Mr. Dimaamo,” aniya gamit ang baritonong boses. Nakakatakot. Napalunok ako.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Sinunod ko rin ang kaniyang gusto. Nakaka-intimidate ang kaniyang mga titig kaya hindi ako mapakali sa kinauupuan.

“Calm down.” Mahina siyang tumawa. “I’m not going to eat you. Mag-uusap lang tayong dalawa,” sabi niya.

Muli na naman akong napalunok. Pakiramdam ko’y lalabas sa dibdib ko itong puso ko. Tumingin ako rito. Kausap niya ang waiter at hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi dahil pabulong lang iyon. Umalis ang waiter pagkatapos nitong tumango at sumulyap sa akin ang kaharap ko.

Hindi ko siya kilala ng lubos ngunit base sa mga kwento ni sir Harrison ay napaka-strikto ng kaniyang ama. Ang lahat ng sumusuway sa kaniya’y hindi niya pinapatawad. Kaya heto ako, natatakot. Kung alam ko lang na siya ang gustong kumausap sa akin, kanina pa sana ako tumakbo papalayo.

Una ko siyang nakita noon sa airport. Wala pa siyang sinasabi pero base sa mga tingin niya sa akin ay alam kong kinikilatis na ako nito. Papaano pa kaya ‘pag nalaman niyang nagkaroon ng pagitan sa aming dalawa ng kaniyang anak? Baka ipapatay niya ako. Mayaman sila, ako’y isa lang ulila’t dukha. May imahe silang iniingatan at kapag nalaman ng mga tao ang bagay na iyon, masisira ang imaheng iyon.

Pumasok sa isipan ko si sir Henry at sir Andrei. Isang Alcantara si sir Henry at may kinakasama siyang ‘tulad kong bakla. Ano ba talaga ang nangyayari?

“Sir, b-bakit niyo po pala ako gustong kausapin?” tanong ko, dahil hindi ko na alam ang mga nangyayari at nais kong maliwanagan.

Ngumiti siya. “We’ll talk about that later. Kumain na muna tayong dalawa. Pagod ako sa trabaho at gutom na rin,” mahinahon niyang sagot.

Hindi nagtagal ay dumating ang mga i-ni-order niyang pagkain. Sobrang dami. Hindi ko mabilang kung ilang putahe ang inilapag ng waiter. Pero dalawa lang naman kaming dalawa ang nakaupo rito ngayon. Tumingin ako sa paligid at nakita na nasa may kalayuang mesa iyong dalawang lalaking humarang sa akin.

“Let’s eat,” sabi ni Mr. Alcantara.

Kumalam na rin ang sikmura ko kaya sumunod na lang ako rito. Ang mahalaga ay busog akong mamamatay.

“Leave my son.” Katatapos ko lang uminon nang magsalita siya. Katatapos lang naming kumain. Mahina lang iyon ngunit sapat lang para marinig ko. “Matagal na akong nakamasid sa inyong dalawa. At alam kong ‘di ka scholar ni Harrison but you’re his lover. And I want you to end that and leave him,” dagdag niya. Mas naging malinaw sa akin.

Hindi na nakapagtatakang alam niya iyon dahil sa yaman nila, sa isang pitik lang ng mga daliri nila’y nalalaman kaagad nila ang lahat.

Iwanan ba? Siya nga itong unang nangbabalewala sa aming dalawa.

“Hindi niyo na po ako kailangang sabihan dahil wala na po kami ng anak ninyo,” sagot ko sa kaniya dahil iyon naman ang totoo. “At huwag po kayong mag-aalala, hindi ko na rin po siya lalapitan simula ngayon.” Hindi ko alam kung papaano ko ito nasasabi lahat nang hindi nauutal at hindi naiiyak.

“I know but Harrison will do everything just see you. Dahil sa ‘yo, naapektuhan ang imahe ng kompanya at ang trabaho ng anak ko. Ayokong sirain mo iyon. If you would do me a favor, leave the country immediately. ‘Wag kang mag-aalala, susuportahan kita kung pinansyal ang usapan.”

Dahil sa akin naapektuhan ang imahe ng kompanya nila at si sir Harrison. Hindi ako nakasagot.

May kinuha siya kaniyang bag. Isang Ipad. Iniabot ito sa akin matapos niyang buksan. Napalunok ako nang makita ang litrato naming dalawa ni sir Harrison. Walang kaduda-dudang kaming dalawa ang nasa litrato kung saan magkayakap kaming dalawa sa bakuran ng kaniyang bahay sa Baguio. Isang article ang ipinakita sa akin ni Mr. Alcantara kung saan nakasulat ang panghuhusga at epekto ng relasyon namin ni sir Harrison.

Ibinalik ko iyon sa akin.

“Naniniwala ka na ba?”

Marahan akong tumango. Kumirot ang puso ko dahil sa mga nalaman. Kasalanan ko ito. Kung hindi ako nagpatukso sa damdamin ay hindi masisira ng husto ang kanilang imahe.

“P-Pero maaari po ba akong magpaalam muna kay sir-”

“You can’t,” mabilis niyang sagot. Napabuntonghininga ako. “This is for your own safety,” dagdag pa niya pero hindi ko na iyon inintindi pa.

Pinunasan ko ang mga luhang bumuhos na naman at tumingin sa ama ni sir Harrison. “Papayag po ako sa iisang kondisiyon,” sabi ko at hindi ko na siya pinasagot pa dahil kaagad kong dinugtungan iyon. “Pakinggan niyo po si sir Harrison, at palakpakan sa lahat ng mga achievements niya; maliit man o malaki. Magpakaama po kayo sa kaniya dahil kayo ang tinitingala niya sa lahat ng bagay. Sana po maging proud kayo bilang ama niya.”

Hindi siya nakasagot at natahimik lang. “I-I will,” sagot niya pagkaraan ng ilang segundong pananahimik.

Tumango ako at nakipagkamay, senyales ng aming sinang-ayunan.

CHAPTER 31

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 31

C O N A N

Hindi na ako nagtagal pa roon at kaagad na akong nagpaalam sa Tatay ni sir Harrison. Hindi naman niya ako pinigilan. Ang huli lang niyang sinabi sa akin ay kung kailan ako aalis ng bansa.

Ang bigat-bigat ng damdamin ko habang nakasakay ng taxi papauwi sa condong tinutuluyan ko. Gulong-gulo ang puso’t isipan ko sa mga nangyayari. Pakiramdam ko tuloy ay mababaliw na ako nang tuluyan.

Marahil ay tama lang na umalis na lang ako rito. Tama lang na magpakalayo-layo dahil kung hindi dahil sa akin at sa napakawalang kwenta kong nararamdaman, hindi mangyayari ito.

Siguro kung napigilan ko lang ito nang maaga, hindi mangyayari lahat ng ito. Hindi ako mapupunta sa sitwasyong ito. Nais ko lang namang sumaya pero hindi ko inaasahang may kapalit pa lang pighati ang bawat sayang naranasan ko.

Nagpabulag din ako sa katotohanang na sa kasalukuyang panahon ay tanggap na ang ganoong klase ng relasyon. Na hindi na huhusgahan. At ang pag-ibig ay wala nang pinipiling sekswalidad.

Pero mali pala, at maling-mali na mahalin ko si sir Harrison dahil sa una pa lang, alam ko ng bawal. Alam ko ng hindi kami puwede. Alam ko ng maraming tututol dahil magkalayo ang agwat ng buhay naming dalawa.

“Sir, nandito na po tayo,” narinig kong sabi ng driver, dahilan para mapabalik ako sa reyalidad.

Kaagad akong nagbayad dito at lumabas ng kotse. Tinungo ko ang elevator at mabilis na nakarating sa pinto ng condo. Mabigat ang damdaming pumasok sa loob at nang maisarado ang pinto’y mabilis na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Paggising ko kinaumagahan ay mabigat pa rin ang damdamin. Nakatingala sa kisame at inalalang muli ang nangyari kahapon. Hindi ko lubos maisip na mismong Ama ni sir Harrison ang kakausap sa akin at ilalayo ako sa kaniyang anak.

Hindi ko siya maintindihan, hanggang ngayon. Siya rin kaya ang dahilan kung bakit maghapon akong naghintay sa airport noon?

Ano ba’ng naging kasalanan ko sa kaniya? Ng anak niya?

Bumuntonghininga ako. Hindi ko na dapat iyon isipin pa. Ang mahalaga’y alam kong walang ni isang salita si sir Harrison. Ang lakas niyang makapagsabi ng mga pangako, pagkatapos sa huli’y biglang mapapako.

Ang lakas pa naman ng kapit ko sa mga pangako niya. Kung alam ko lang na mauuna siyang bibitaw, sana’y inihanda ko ang sarili sa pagbagsak. Sana’y tinibayan ko ang mga paa nang sa ganoon kapag bumagsak akong mag-isa ay kaya ko pang tumayo.

Bumangon na lang ako sa kama at ginawa ang pang-araw-araw kong gawain sa banyo. Pagkatapos ay lumabas ng kuwarto upang maghanda nang makakain. Dahil nga hindi ako matutuloy sa pag-aaral dito, siguro’y susulitin ko na lang ang natitira kong araw sa pagpasyal. Pamilyar na rin naman sa akin ang mga lugar dito, mayroon din namang Google map na makakatulong sa akin.

Pagkatapos kong kumain at maglinis sa kusina. Babalik na sana ako ng kuwarto upang maghanda nang tumunog ang doorbell. Kumunot ang noo ko, wala naman kasi akong inaasahang bisita ngayon, pero kaagad pa rin akong lumapit sa pinto at buksan iyon.

Nang mabuksan ko ang pinto, tumambad sa akin si sir Marcus. Nakasuot lang siya ng maong na pantaloon at plain na t-shirt. Nakangiti siya sa akin.

“Hi. Good morning,” pagbati niya.

Mas lalo akong nagtaka. Ano’ng ginagawa niya rito? Wala ba siyang trabaho?

“G-Good morning po,” sabi ko. “Pasok po kayo. Kumain na po ba kayo? Ipagluluto ko po kayo,” dagdag ko. Binigyan ko siya ng daan upang siya ay makapasok.

“I’ve eaten already,” sagot niya.

“Ganoon po ba?” Tumingin ako sa kaniya. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sa akin.

“Your Pajamas suits you well,” aniya habang nakangisi.

Nanlaki ang mga mata ko’t tumingin sa suot kong pajama. Terno ito kung saan si SpongeBob ang desenyo dahil paborito ko itong character sa mga cartoon noong bata ako. Nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa hiya.

“A-Ah e.” Bigla kong naalalang binili pala naming dalawa ito ni sir Harrison. Sa katunayan, parehas kami ng desenyong binili. Tumulo ang luha ko nang maalala iyon.

“Hey.” Hinawakan ako ni sir Marcus sa balikat. “Ayos ka lang?”

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko’t ngumiti. “O-Opo, ayos lang ako. Ano nga po pa lang ginagawa niyo rito?”

Binawi niya ang kamay at napakamot si likod ng ulo. “Yeah about that. Tito asked me guard you,” sagot niya. Nagtaka ako. Tito? Bantayan? Ako?

“B-Bakit po kailangan niyo akong bantayan? May malaki po ba akong kaso?”

Tumawa siya nang mahina. “Wala-wala. It’s just that he wanted to make sure that you’re alright. And Harrison won’t come near you,” sagot niya.

Doon ko lang naiintindihan kung bakit siya nandito. Ayaw ng Tatay ni sir Harrison na magkrus ang landas naming dalawa. Hindi na niya kailangan pang ipagawang bantayan ako kay sir Marcus, dahil wala akong planong makipagkita kay sir Harrison.

Nang mapagtanto ko ang lahat, wala na akong dahilan pa para makipagkita sa kaniya.

“Kahit huwag niyo po akong bantayan, kaya ko po ang sarili ko. Wala rin akong planong makipag-usap sa anak niya,” mariin kong sagot.

“Isa pa, gusto ko rin talagang samahan ka. I heard that you’re leaving the country next week and I don’t want to miss the chance to bond with you.”

Sumang-ayon na lang ako sa kaniyang sinabi. Hinayaan ko na lang siyang bantayan ako. Gusto niya raw na mamasyal kami. Hindi naman ganoon kalalim ang pinagsamahan namin ni sir Marcus ngunit kaibigan na ang turing ko sa kaniya. Mabait siyang tao at masayang kasama. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay hindi ako nag-iisa.

Maghapon kaming magkasama ni sir Marcus. Sinamahan niya akong mamasyal. Kahit papaano ay nawala iyong lungkot na nararamdaman ko. Tinulungan din niya akong mamili ng mga damit dahil aniya ay malamig sa ibang bansa.

Sanay na rin naman ako sa malamig dahil malamig din sa Baguio pero alam kong magkaiba pa rin ang lamig dito at doon. Kaya bumili ako ng mga makakapal na jacket at pang-winter na damit. Iyong perang ipon ko simula nang maging care taker ako sa bahay ni sir Harrison ay hindi pa nauubos.

Tinulungan din ako ni sir Marcus sa pagbubukas ng Bank Account para daw mas safe ang aking pera.

Nang sumapit ang gabi ay sa isang restaurant kami kumain. Ako ang nagbayad bilang pasasalamat sa kabutihan niya. Hindi na siya pumalag dahil mabilis kong kinuha ang bill naming dalawa.

“I’ll remember this day,” aniya. Na sa tapat na kami ng condo building. Inihatid niya ako pauwi.

Napangiti ako. “Ako rin po. Salamat.”

Tumango lang siya. Lumabas na ako ng kaniyang kotse at sumakay ng elevator nang makapasok ako sa loob ng building. Pagkaraan ng dalawang minuto, nasa tapat na ako ng condo. Bubuksan ko na dapat iyon nang may tumawag sa akin.

CHAPTER 32

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 32

C O N A N

    PAPASOK na sana ako sa loob ng condo nang may tumawag sa pangalan ko. Napatigil ako sa harapan ng pinto ngunit hindi ako lumingon dito. Boses pa lang ay kilala ko na, kahit na tila ba paos ito. Ayokong lumingon, pinipigilan ko ang sarili, pero hindi ko rin magawang igalaw ang mga paa para tuluyang makapasok sa loob ng condo.

“C-Conan…” muli niyang tawag pero hindi ko pa ring magawang lumingon. Ayoko siyang harapin hangga’t maaari dahil kapag ginawa ko ‘yon ay mawawalan lang ako ng lakas na ipagpatuloy ang napagkasunduan namin ng kaniyang Ama.

“U-Umalis na po kayo,” mahina kong sagot pero alam kong sapat lang ‘yon para marinig niya. Tahimik din naman dito sa hallway dahil kaming dalawa ang naririto.

“Kausapin mo muna ako,” aniya. Nakikita ko sa peripheral vision kong nakatayo lang siya malapit sa akin.

“Wala naman na po tayong dapat na pag-usapan. Malinaw na po sa akin ang lahat,” sagot ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ako nautal nang sabihin iyon. Pero sa mga oras na ito’y sobrang bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko’y sasabog na ako rito. Gusto ko nang pumasok sa loob dahil hindi ko na kaya.

“P-Please, after this, you won’t see me again.”

Halos mabingi ako sa sinabi niyang ‘yon. Pagkatapos nito’y hindi ko na siya makikita? Alam ko! Aalis na rin naman ako rito at hinding-hindi na talaga kami magkikita pa. Pero sobrang sakit pa lang marinig at malaman ang katotohanang ‘yon. Pakiramdam ko nagkapira-piraso ang puso ko at hindi ko alam kung kaya ko pang ibalik ito sa dating anyo.

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang ‘di ko namalayang bumagsak. Humugot ako nang malalim na hininga at marahang humarap sa kaniya. Halata ang puyat sa kaniyang mga mata. Magulo ang kaniyang buhok na tila ba galing siya sa isang malayuang takbuhan. Hindi na rin tulad dati na kumikislap ang kaniyang mga mata, ngayo’y tila siya’y nawawala.

“P-Please?” Tumango lang ako bilang sagot.

    SA isang park namin natagpuan ang mga sarili. Gabi na at iilan na lang din ang mga taong nakikita ko sa paligid. Malapit lang din itong park sa condo building na tinutuluyan ko. Nakaupo kaming dalawa rito sa bench na malapit sa swing.

Walang gustong pumutol sa kanina pang katahimikan. Pareho naming pinapakiramdaman ang bawat isa. Ilang araw na rin pala ang nakalilipas nang magkita kami. At sa mga nagdaang araw na ‘yon ay ang daming nagbago ngunit alam ko sa sarili kong hindi ako ‘yon, hindi ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sinusubukan ko namang lumimot, mag-move on na lang, dahil tanggap ko nang wala na talagang aayusin pa sa aming dalawa.

Ikakasal na si sir Harrison at ayokong maging dahilan para hindi matuloy ang bagay na ‘yon. Ako na nga ang dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayon, kung bakit nakakatanggap siya ng mga batikos sa mga sumusuporta sa kaniyang kompanya, tapos sisirain ko pa ang kasal niya? Gusto ko lang ay maging masaya siya. Makamit niya ‘yong matagal na niyang inaasam-asam na tagumpay at palakpak sa kaniyang ama.

“I know you’re leaving the country,” pambabasag niya sa katahimikan. Alam niya pero paano? “Marcus told me everything,” dagdag niya, dahilan para maging malinaw sa akin ang lahat.

Tumingala ako. Ang ganda ng langit. Punong-puno ng mga nagkikislapang bituin. Sabi nila, kapag ka malungkot ka’y makikisabay sa ‘yo ang kalangitan pero bakit ngayo’y hindi? Natatawa ako sa iniisip ko. Nasisiraan na yata ako ng bait dahil sa sobrang sakit. Bumuntonghininga ako’t ipinaling ang tingin kay sir Harrison.

“N-Nandito po ba kayo para pigilan ako?” tanong ko at hindi ko alam bakit tinanong ko ‘yon. Marahil ay umaasa ako? Umaasa na kaya niyang ipaglaban iyong relasyon naming dalawa. Pero bakit pa, Conan? Sa kaniya mismo nanggalin na hindi niya kayang labanan ang kaniyang Ama.

“I-I can’t. I’m sorry,” inaasahan kong sagot niya. “Duwag ako, e. I don’t have that courage to fight back. I-I’m so fcking coward!”

Kitang-kita ko ang pagbuhos ng mga luha sa kaniyang mga mata. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko kaya, isa pa, ayoko ring gawin iyon dahil sinusubukan kong patatagin ang sarili ko. Kapag ginawa ko ‘yon, magkakaroon pa ako ng dahilan para umasa. Mas lalo lang akong masasaktan.

“G-gusto kitang ipaglaban, C-Conan, pero hindi ko kaya. Gustong-gusto kitang pigilan dahil ayaw kong mawala ka. Binigyan mo ‘ko ng dahilan para umasa na balang araw, magiging proud din sa akin si Dad. You gave meaning into my life. Pero hindi ko man lang masuklian iyon. I’m not brave enough to hold you and to fight them. I am really sorry.”

Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko’t nakisabay na rin sa pagbagsak ng kaniyang mga luha. Hindi ko na alam kung ano’ng gagawin ko. Heto na naman ang naguguluhan na naman ako.

“H-Hindi niyo po kailangang humingi ng tawad. Huwag niyo rin pong sabihing wala kayong nagawa para sa akin. Binigyan niyo rin ako ng dahilan para magpatuloy. Tinulungan niyo ‘kong makalaya sa mga bangungot ko. Binigyan niyo ako ng pag-asa na may magmamahal din pala sa ‘tulad ko. Siguro, pinagtagpo lang po talaga tayo para tulungan ang isa’t isa,” sabi ko habang umiiyak. “At maraming-maraming salamat po. ‘Wag po kayong mag-aalala, hindi ko po kayo kalilimutan. Ipagdadasal ko po kayo palagi.”

Marahil ay pinagtagpo lang talaga kaming dalawa ni Tadhana para tulungan ang isa’t isa. Marahil dito na rin nagtatapos ang kuwento naming dalawa. Hindi man kami ang nagkatuluyan, masaya pa rin ako. Kahit papaano’y makakapagpaalam ako sa kaniya nang maayos. Kung ito man ang huli naming pagkikita, tatanawin ko itong napakagandang alaala.

“K-Kahit saan man po ako magpunta, dadalhin ko ‘yong mga alaala nating dalawa,” sabi ko ngunit imbes na sumagot siya’y mabilis ako nitong niyakap nang mahigpit.

Bumuhos lalo ang mga luha sa aking mga mata. Niyakap ko rin siya pabalik. Kung puwede ko lang pigilan ang oras sa pagtakbo at ang mundo sa pag-ikot, kanina ko pa ginawa. 

“No matter how long it takes, I’ll wait for your return. At sa panahong iyon, sisiguraduhin kong wala nang makakapigil sa atin kahit sino pa ‘yan,” bulong niya. Pero hindi ko na iyon pinansin at hindi ko na itinago sa aking damdamin dahil alam kong malabong mangyari ang bagay na ‘yon.

Ikakasal na siya. Bubuo nang masayang pamilya. At ayokong sirain iyon. Ipagdadasal ko na lang na sana’y matutunan niyang mahalin ang kaniyang magiging asawa. At sana’y darating ang panahon na makalilimot ako at magmamahal ng bago.

Hindi man ito ang huli naming pagkikita, pero ito na ang huli na ipararamdam ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal sa pamamagitan ng yakap kong ito.

Paalam, sir Harrison. Ikinagagalak kong makilala ka.

CHAPTER 33

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 33

THIRD-PERSON’S POINT OF VIEW

(Ito iyong nangyari sa Baguio kung bakit naunang umalis si Harrison hanggang sa kasalukuyan)

NAUNANG magising si Harrison kinaumagahan. Tumingin siya sa katabi. Mahimbing pa ring natutulog si Conan, bahagyang nakabukaka ang kaniyang bibig dahilan para gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Harrison.

He’s still wondering why this happened to him. He never thought that running away from his father would lead him to this. He was searching for it and now that he found it, he wanted to keep Conan forever. Wala na siyang gustong hilingin pa. Bahala na kung ano’ng isipin ng iba o kung ano’ng sasabihin ng kaniyang Ama. Masaya siya sa piling ni Conan. Siya ang tahanang magtagal na niyang hinahanap.

Hinalikan niya muna ito sa noo at saka bumangon. Bumaba sa kama at pumasok sa loob ng banyo. Mabilis lang siyang naghilamos at nang matapos ay muli siyang lumabas. Saktong tumutunog ang kaniyang cell phone na nasa side table ng kama. Mabilis niya itong dinampot dahil ayaw niyang gisingin ang kaniyang pinakamamahal.

“Hello-” Hindi niya natapos ang sana’y sasabihin nang magsalita ang nasa kabilang linya.

“Nandito ako sa labas ng bahay mo.”

Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya nakikilala ang boses ng babae sa kabilang linya. Tiningnan niya ang numero kung nakarehistro ba ito ngunit hindi. He putted his phone back to his ear.

“Sino ka?” he asked, calmly. He doesn’t want to ruin his beautiful morning with the thought of whoever this woman is.

“Your wife, Harrison. Your future wife.”

Dahil sa sinabi ng babae ay mabilis niyang ibinaba ang cell phone. Nakasuot lang siya ng boxer nang mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Binuksan niya ang gate ng bahay kung saan nakapamewang na naghihintay ang isang magandang babae. She’s wearing a designer’s clothes that matches her bag, with red lipstick and light make up. Pero sobrang ganda pa rin niya. Simple lang ang suot niyang damit pero sumisigaw ang halaga nito, hapit ito sa kaniyang katawan dahilan para mas humubog ang maganda niyang katawan.

“Ms. Maguire,” gulat na sabi ni Harrison. Bigla rin siyang kinabahan.

“Oh, common, Harrison. Ganiyan mo ba babatiin ang mapapangasawa mo?” sopistikadang sagot ng babae habang may ngisi ito sa labi.

“I’m sorry?” he answered. Nagtataka siya bakit tila iba ang tono ng babae ngayon samantalang napakahinhin nito nang una siyang ipakilala ng ama bilang mapapangasawa niya.

“Tss. Can I come inside first?” ani ng babae pero hindi pa man siya nakasasagot ay hinawi na siya nito upang ito’y makaraan. Tiningnan muna siya nito mula ulo hanggang paa. “You look damn good,” sabi nito bago siya nilampasan.

Kinikilabutan si Harrison dahil pakiramdam niya’y ibang tao itong pinatuloy niya sa kaniyang bahay. Then he remembered that Conan was still sleeping on his bed, wearing his shirt. May nangyari na naman sa kanila kagabi. Mabilis siyang pumasok upang sundan si Dolores dahil mahirap na baka umakyat pa ito sa taas at makita nito si Conan.

“Nice home. You must be comfortable here?” sabi ni Dolores nang makapasok siya sa loob. Nakatayo ito sa harapan ng hagdag at pinagmamasdan ang buong paligid. “I wonder what are your reasons for staying here?”

“What are you doing here?” he asked, calmly. Direkta siyang nakatingin dito.

Lumingon naman ang babae sa kaniya at ngumisi. “May lakad ka ba?” Mahina itong tumawa ngunit hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatayo. Naglakad naman papalapit ang babae sa kaniya at idinampi nito ang palad sa kaniyang dibdib. Mainit ang palad nito. Pinadausdos nito ang palad hanggang sa kaniyang tiyan patungo sa kaniyang hinaharap ngunit mabilis niya itong hinawi at umatras. Tiningnan niya nang masama si Dolores.

“Just answer my question, Ms. Maguire. What are you doing here?”

Napakagat ng labi si Dolores at saka ngumisi. Tila natutuwa itong pagkatuwaan si Harrison.

“Well your father asked me come here. Sa tingin mo ba, hindi niya malalaman kung saan ka nagtatago? You can’t run away from your responsibility, Harrison. You can’t run away from me,” she said. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy si Dolores. Lumingon siya sa hagdag patungo sa ikalawang palapag. “We knew that you’re living with someone, and not just someone but a gay, Harrison. Papaano mo nasisikmurang matulog na katabi ang baklang ’yon?”

Sinamaan niya ito ng tingin. But he couldn’t move his finger to hit her. Hindi rin siya makasagot at hindi niya maintindihan kung bakit. Maybe because he’s a coward. He didn’t have the courage to answer the woman and defend Conan, the only thing he could do is to glare at her.

Tumingin sa kaniya si Dolores. “Ha! Titingnan mo lang ba ako nang masama?” Tumawa ito. “Nandito ako para tulungan ka. Your father will kill that gay if you continue the relationship between the two of you.”

Nabingi siya sa narinig. How can a man have the courage to kill an innocent? Papaano nila nasisikmurang gumawa ng labag sa batas? Hindi siya makasagot, bagkus ay nagngangaliti siya sa galit dahil sa ama.

“W-what do you want me to do?” he asked clenching his teeth.

Ngumisi si Dolores at sinabi nito ang plano. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Sumama rito nang hindi man lang nakapagpaalam kay Conan na mahimbing pa ring natutulog. Kinuha ni Dolores ang kaniyang cell phone. Para siyang tuta na napapasunod sa bawat utos ng babae. He couldn’t do anything unless gusto niyang mamatay si Conan.

Harrison kept his promise that he would never see Conan again but couldn’t keep his promises to Conan. Bawat utos ni Dolores ay kaniyang sinusunod. Imbes na umuwi siya sa kanilang bahay o sa kaniyang condo, sa kompanya siya dumeretso kung saan maging si Dolores ay sumunod din sa kaniya.

Nagulat ang mga empleyado niya dahil maaga siyang nakabalik. Alam naman ng mga itong uuwi siya pero hindi nila inaasahang makakauwi siya nang maaga. He concentrated on work even though he had just returned. Dolores was bothering him but he never laid eyes on her.

Alam din niya ang araw ng flight nila ni Conan. Oras nang pagdating nito ay alam na alam niya ngunit hindi siya makaalis ng kompanya para sunduin ito dahil nakabantay sa kaniya si Dolores kahit saan siya magpunta. Hawak din nito ang cell phone niya.

Nangako siya kay Conan na ipapasyal niya ito sa Manila at sasamahang maghanap ng papasukang eskwelahan pero hindi niya ’yon natupad. He asked Marcus to keep an eye to him, pasikreto pa siyang nagpabili ng cell phone sa kaniyang Sekretarya.

“Mr. Alcantara! Cona’s here!” narinig niya ang boses ni Marcus sa loob ng kaniyang opisina nang sumunod na umaga. Mabilis siyang bumangon upang lumabas dahil gustong-gusto na niyang makita si Conan pero mabilis na humarang si Dolores, may bitbit itong t-shirt na suot niya kagabi.

Sinamaan siya nito ng tingin at umiling. “Don’t try or he’s dead,” she said as she took off the nightgown she was wearing and replaced it with the t-shirt she was holding. Damit iyon ni Harrison. “I’ll talk to them,” she added and leave him inside the room.

Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Dolores. Gustong-gusto niyang lumabas ngunit hindi niya magawa dahil sa mga banta ng kaniyang ama. He wanted to see Conan and hug and kiss him but he couldn’t. Hindi puwede.

“I-I’m sorry,” bulong niya habang nakasandal sa nakasaradong pinto.

Nang hindi na niya matiis at nakahanap siya ng tiyempo, mabilis siyang umalis ng kompanya at pinuntahan ang Condong tinutuluyan ni Conan. Sinabi ni Marcus kung saan ito kasalukuyang tumutuloy. Nagtataka siya bakit sa Condong iyon tumutuloy si Conan, wala naman siyang biniling bagong unit. Dahil plano niyang tumuloy sa kaniyang Condo.

Pero ipinagsawalang bahala na lang niya ’yon. Siguro ay kay Marcus ito na pinagdadalhan nito ng mga babae niya. Mabilis siyang nakapasok sa loob dahil sa spare key na ibinigay ng kaibigan. Matiyaga siyang naghintay at nang makapasok ang hinihintay ay mabilis niya itong niyakap nang mahigpit.

He missed him so much that he don’t want to let him go, however, he doesn’t have much time to explain everything to him. Bumitaw siya at hinalikan ito sa noo bago iniwan. Tears suddenly fall from his eyes but he immediately wiped those. Bumalik siya sa kompanya.

“WHERE HAVE YOU BEEN?” Dolores asked, glaring at him. “Kanina pa kita hinahanap. Look at yourself, you looked depressed! Magpalit ka roon. Dad wants to see you,” ani ng babae at mabilis siyang iniwanan.

He focused himself on working harder the past few days. Kahit na galit siya sa ama na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita, sinusubukan pa rin niyang gawin ang lahat para sa mga palakpak nito. Gusto niya itong maging proud at itigil na lang ang katarantaduhan nito. Pero ni minsan, hindi man lang ito nagpakita sa kaniya.

Kasalukuyan siyang umiinom nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Maruc informing him that Conan is leaving the country. Mabilis siyang umalis sa counter ng bar pagkatapos niyang bayaran ang ininom. He drove faster as he can and saw himself standing right in front of his father’s house. Pinatuloy naman siya ng guwardiya kaya agad siyang pumasok sa loob ng mansion kung saan nakaupo ang kaniyang ama sa sala habang nanonood ng TV.

“I’ve done everything, I even followed all your orders. Ni isang salita, wala kayong narinig sa akin. When I was in college, I was proud that you’re my father and I wanted to be like you. Pero hindi ko po maintindihan bakit ninyo ito ginagawa? Dahil ba ako lang ang takot sa inyo? Just because you could do everything you want with me? Pa, please, stop this nonsense game.”

Tumingin ito sa kaniya. Tumayo sa kaniya harapan at seryosong tumitig lang sa kaniya. “I was just doing this for your own sake, Harrison.”

“All my life, you have done nothing but interfere with my decisions. Ni minsan, tinanon mo ba ako kung ano’ng makabubuti sa akin? I see you as my father but I’ve never feel your fatherhood.” Isang malutong na sampal ang natanggap niya rito. Sinamaan niya ng tingin ang ama.

“Hindi mo ’ko naiintindihan, Harrison.”

“Mas hindi niyo ’ko naiintindihan,” he said and turned his back on him. Nakita niya ang ina na papalapit sa kanilang puwesto ngunit wala na siyang panahon pa para lapitan ito kahit gaano niya ito na-mi-miss. Umalis siya ng mansion para hanapin si Conan at kausapin sa huling pagkakataon.

CHAPTER 34

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 34

C O N A N

ONE YEAR LATER…

It’s been a year since that unexpected events happened to my life. It was amazing at first but at the end, it only gives me pain. It wasn’t a mistake, because I chose to be in that situation kahit na alam kong sa huli ay ako lang ang masasaktan.

Pero hindi naman ako nagsisisi. Naging masaya pa nga ako. Because that pain gave me strength to stand on my own two feet. I was able to let go and fight the fear in me.

It takes a month for me to finally realized that everything has changed. Wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok sa aking kuwarto at umiyak nang umiyak. Nahirapan pa akong mag-adjust sa bagong environment ko ngayon. Hindi naging madali pero proud ako sa sarili ko na lahat ng iyon ay kinaya ko nang walang kasama.

One year ago, I leave the country where I was born. Hindi ko aakalaing tatagal ako rito dahil sa lungkot at pangungulila araw-araw. I was vulnerable for the first month. Nahihirapan pa akong makipag-usap sa ibang tao pero kinaya ko naman, unti-unti kong natututuhan iyong mga nakasanayan nila rito.

“You passed out again.” Napatingin ako rito. Nakakunot ang kaniyang noong nakatingin din sa akin.

Ngumiti ako at umiling. “May iniisip lang kasi ako,” sagot ko.

“Ako ba iyan?” he asked, but I didn’t answer him.

Six months ago nang makilala ko si Lionel. He was half Filipino and half American. Dito na rin siya ipinanganak ngunit walang bahid ng pagkabulol ang kaniyang pagtatagalog. Aniya, Tagalog daw siya kung kausapin ng kaniyang Ina. We became friends, but two months ago, he confessed his feelings. Natakot ako kaya hindi ako nakasagot, hanggang ngayon. Hindi ko alam.

Mabait naman si Lionel, pati ang kaniyang mga magulang ay napakabait din. Alam din nila ang kasarian nito pero ewan ko ba, na sa akin ang problema.

Maybe because I am not ready to fall again? Mahirap na, baka kapag nagmahal ulit akoʼy matulad na naman sa dati o baka nga mas worst pa roon.

“Kumain na lang tayo, nagugutom na ako, e,” sagot ko sa kaniya at tiniklop ang librong binabasa ko kanina bago tumayo sa aking kinauupuan. Ibinalik ko iyon sa shelve kung saan ko kinuha, ganoon din ang ginawa nito.

Na sa library kami nitong University kung saan kasalukuyan akong pumapasok. Kumukuha ako ng kursong Business Administration. Nang pumunta ako rito, saktong kasisimula pa lang ng klase at ilang araw na lang ay magtatapos na ito. But I still have 3 years to go, or I don’t know, maybe I will stay here for a while after graduating.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na ako ni Lionel sa aking condo. Mag-isa lang ako rito. Nagpaalam din ito dahil maghahanda pa raw siya para sa kanilang family dinner mamaya. Niyaya naman niya ako pero hindi na ako sumama. Mabait ang pamilya ni Lionel pero ’di naman ganoon kakapal ang mukha ko para makisama pa sa kanilang family dinner.

Tiningnan ko ang orasang nakalagay sa aking study table. Alas-siyete na ng gabi, ibig sabihin ay alas-siyete ng umaga sa Pilipinas. Naupo ako sa kama at saka kinuha ang cellphone sa loob ng aking bag. Pagbukas ko ay ang lockscreen ang siyang unang bubungad sa akin. I couldn’t stop myself but to smile.

Picture ko iyon nang na sa Baguio pa lang ako. May hawak akong strawberry habang nakangiti sa camera kung saan siya ang kumuha nito. But the smile on my lips fades away as I remember that everything was already in the past, I should’ve move on.

Binuksan ko na lang ang social media accounts ko para tumingin ng mga messages. Iilang messages lang ang natanggap ko, kay Lionel na kagabi pa pero hindi ako nakapag-reply, kay Riley na madalas ay kausap ko rin ’pag may oras kaming dalawa, at kay Tito.

Binuksan ko ang conversation namin ni Tito at binasa ang mensaheng kaniyang ipinadala.

“Go home, he needs you. I’ll send your flight info and go back to the Philippines immediately.”

Bigla akong kinabahan, hindi ko alam. May nangyari bang masama? Palagi naman akong ini-u-update ni Tito sa mga nangyayari sa kaniya, at wala namang masamang nangyayari pero ngayon hindi ko alam.

I immediately typed my replies. “Tito, what happened?” I texted back. Online siya kaya mabilis itong nakapag-reply.

“I’ll tell when you get here. Please, Conan. I’m so sorry,” he said.

Hindi na ako nakapag-reply pa dahil sa naguguluhang damdamin. Kaagad ko namang natanggap ang flight info na ipinadala ni Tito sa akin. Mabilis kong inayos ang mga gamit na dadalhin ko, and after checking everything, kaagad akong umalis doon. Sa Airport na lang ako maghihintay.

Pagdating ko roon ay kaagad akong nag-message kay Lionel. Sinabi kong babalik ako sa Pilipinas dahil may emergency ako, and I asked for his forgiveness because I can’t feel what he felt for me. I know this is stupid but I don’t have time. Alam kong magkikita pa naman kami, sana.

Hindi ko na-ini-open pa ang cell phone ko hanggang sa makaalis ang eroplanong sinakyan ko pauwi ng Pinas.

More than 12 hours of travel and finally, I was home. Bumungad sa akin ang napakainit na panahon. Hindi ko alam kung ano’ng oras na ba rito. Kaagad kong kinuha ang dati kong Philippine sim card sa aking wallet upang i-activate itong muli. After activating my sim card, mabilis akong nakatanggap ng tawag mula kay Tito.

“Hello, Conan? Nakarating ka na ba? Where are you?” he asked.

“Na sa labas na po, Tito. Nasaan po kayo?” Tumingin ako sa paligid at mabilis ko siyang nakita. He looks the same but with different aura. Hindi katulad dati, seryoso siya at tila ba ang hirap niyang i-please, pero nang tumingin siya sa akin ay kaagad siyang ngumiti.

Mabilis siyang nakalapit sa akin at kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit.

“Finally, you’re here. Please, follow me,” he said after letting me go.

Kaagad naman akong sumunod sa kaniya at sumakay kami ng kotse niya.

“A-ano po ba talaga ang nangyari bakit niyo po ako pinauwi rito?” I immediately asked while we were inside the car.

“H-He ran away, again.”


Few chapters left.

CHAPTER 35

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 35

C O N A N

Dahil sa ibinunyag ni Tito sa akin na muli na namang lumayas si sir Harrison, hindi ako kaagad nakasagot. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na muli na naman niya ’yong gagawin, at ito na ang pangatlong beses na umalis siya ng hindi nagpapaalam. Ang unang paglalayas niya ay noong pumunta siya ng Baguio, at ang sumunod ay noong umalis ako pero isang buwan lang ay bumalik din siya.

Tito told me that everything was fine. He was doing fine after I left. Unti-unti na niyang natatanggap ang lahat pero bakit ganito?

“Where did he go?” tanong ko, nakatingin ako kay Tito. I was hoping that he could tell me the exact location of his son.

“We don’t know. Pumunta kami ng Baguio, hoping to see him there, but he wasn’t.”

Napabuntonghininga na lang ako dahil sa kaniyang naging sagot. Saan naman kaya siya nagpunta? Tumingin ako sa labas. Wala pa ring pinagbago ang Pinas, traffic pa rin. Muli akong lumingon kay Tito.

“Bakit po siya umalis? What exactly happened?” I asked.

“He found out the truth,” sagot niya. “I’m sorry, I wasn’t able to fight back before.”

Nalaman niya ang totoo? Hindi lingid sa akin ang lahat-lahat. Kung bakit hindi kami puwede ni sir Harrison, kung bakit ako pinaalis ni Tito ng bansa noon, at kung bakit kailangan magpakasal ni sir Harrison kay Dolores. Alam ko ang lahat. Kaya rin ako pumayag sa plano ni Tito ay dahil na rin sa kaligtasan naming lahat.

The Maguire clan was known for being a criminal and manipulative. Malakas naman ang kapangyarihan ng mga Alcantara ngunit hindi sa masamang gawain. Dolores Maguire used her background to manipulate Tito. Para mapasunod niya ito sa lahat ng kagustuhan niya. At kapag hindi sumunod si Tito, ipapapatay nito ang lahat ng kaniyang anak.

Natakot si Tito, that’s why he had no choice but to follow her orders. Pinaalis ako ni Tito ng bansa hindi dahil sa ayaw niya kaming magsama ni sir Harrison, kundi dahil sa gusto niya akong protektahan. Harrison didn’t know the truth, dahil kapag ka nalaman nito ang katotohanan, baka malagay sa alanganin ang pinaplano ni Tito. And now that he knew it already, we don’t know what would happen.

Nakarating kami sa mansion ng mga Alcantara. Ngayon lang ako makakapasok dito. Napakalaki nito. Old style rin ang mansion pero sumisigaw pa rin ang karangyaan dahil sa napapanatili ang kalinisan dito. Malawak ang garden sa harapan ng bahay kung saan mayroong fountain na may sirena sa gitna. I couldn’t help but to smile seeing the flowers bloom. I miss my hometown where I grew my flowers and talk to them like they could understand me.

“Welcome home, Conan,” ani Tito nang makapasok kami sa loob ng mansion. May dekorasyon kung saan nakasulat ang ‘welcome home, Conan’ na siyang ikinagulat ko. Nakatayo roon ang mga kasambahay at iilang mga taong hindi ko kilala.

“B-Bakit pa po kayo nag-abala?” ani ko at hindi ko mapigilang mapaluha. They treated me like their family.

“You deserved a little celebration for sacrificing a lot. Without you, I won’t be able to realize that I was just a father, but I wasn’t fathering at all.”

“TAMA NA ANG DRAMA! LET’S GO PARTY-PARTY NAAA!” Napatingin ako sa sumigaw. Si Andrei na may hawak na bote ng alak. “Hoy! Felix, uminom ka. Hindi ka na bata! Dapat nga nabinyagan ka na, e.”

Natawa ako dahil sa kaniyang inaakto. Inawat naman siya ni sir Henry. Dahilan para magtawanan kaming lahat.

Pagkatapos nang maikling salo-salo, sa kuwarto ni sir Harrison ako pinatuloy ng kaniyang mga magulang. Kaya inilapag ko na ang bag ko sa kama at tumingin sa paligid. Malinis ang kuwarto na tila ba hindi ito nagagamit ng kung sino.

“Simula nang umalis ka, hindi na siya umuwi rito. Even after their wedding, we barely see him.” Napatingin ako rito, si Tita Helen, mommy ni sir Harrison. Naupo siya sa tabi ko kaya humarap ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay.

“Huwag po kayong mag-aalala, gagawin ko po ang lahat nang makakaya ko para lang mahanap si sir Harrison.”

“Thank you, Conan. Thank you for being brave, and the same time, for waiting. We were really sorry dahil wala kaming magawa, hawak nila ang leeg ng pamilya namin.”

“Kahit po gaano katagal, maghihintay po ako. Naniniwala po kasi akong darating din ’yong araw na magiging maayos ang lahat. He taught me to have patience always because at the end of the rain, there will always a rainbow.”

Pagkatapos naming magkuwentuhan ni tita Helen ay lumabas din siya ng kuwarto. Naglinis naman ako ng katawan at nagpalit ng pantulog. Pagod na ako at antok na antok pa. Pero simula bukas, hindi ako puwedeng mapagod, kahit pa libutin ko ang buong mundo, mahanap lang siya’y gagawin ko.

KINABUKASAN nga’y maaga akong nagising. Nagpatulong pa ako sa kasambahay na nakasalubong ko dahil hindi ko mahanap kung nasaan ang kusina. Kaya inihatid niya ako rito kung saan naabutan ko sina Tito, Tita, ang kanilang mga anak maliban kay sir Harrison, si Andrei, at dalawa pang taong hindi ko pa kilala pero iyong katabi ni Hunter ay si Felix kaya ’yong isa na lang na katabi ni Harold.

Naupo ako sa tabi ni Andrei dahil iyon lang ang bakanteng upuan.

“Good morning, sis! Nakatulog ka ba nang maayos?”

“Good morning. Nakatulog naman ako nang maayos.”

“Wala naman. Buti na lang talaga soundproof lahat ng kuwarto dito. ’Di ba, Felix?” ani Andrei at tumingin kay Felix na pulang-pula na ang buong mukha.

“O-Opo. Maingay po kasi ako matulog,” sagot niya at umiwas ng tingin.

“We? ’Di mo sure!” At tumawa si Andrei.

Kumain rin naman kami nang dumating ang mga pagkain. Tahimik lang ang lahat kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para makapag-isip sa kung saan magsisimulang hanapin si sir Harrison. Saan naman kaya siya pupunta?

“What are your plans, Conan?” Tumingin ako sa nagsalita, si Harold. Kaya napatigil ang lahat at tumingin sa akin.

“Balak ko po munang kausapin si Dolores. Maybe she could help us find her husband,” sagot ko.

“It’s too dangerous. That’s suicide,” segunda ni Hunter.

Naguluhan ako. “B-bakit po? Ano po’ng mayroon? Alam kong masamang tao si Dolores, pero hindi pa naman po niya alam na alam natin lahat ang plano niya noon.”

“Bago umalis si Harrison, nakausap ko siya.” Napatingin kami sa nagsalita, ang kararating lang na si Marcus.

“Marcus, what are you doing here?” tanong ni tito.

“Narinig ko po kasing umuwi si Conan, Tito,” he answered and turn his glance at me. “Sinabi niya sa akin na nagkasagutan silang dalawa. Doon din niya nalaman na plano ni Dolores ang lahat. He was trying to fix this messed by gathering all the information para pabagsakin ang mga Maguire. Hindi niya sinabi kung saan siya nagtatago, ang alam ko lang ay gusto niyang lahat kayo’y ligtas, lalo ka na, Conan.”


There’s a lot of information that needs to be unfolded. please, stay tuned for more chapters! Konte na lang ba talaga?

CHAPTER 36

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 36

C O N A N

“Marcus, tell us where he is,” ani Tito nang matapos magkuwento si Marcus pero hindi kaagad nakasagot si Marcus at malungkot siyang tumingin sa amin.

“He doesn’t want us to know his location, Tito. I tried to convinced him but Harrison changed a lot. Ayaw niya pong madamay kayo dahil problema po niya ito, gusto niyang solusiyonan ng mag-isa lang siya.”

“Hindi.” Umiling ako at tumayo. “Tutulungan po natin siya. He can’t do this alone,” sabi ko sa kanilang lahat.

“But how?” Hunter asked. “The family can killed a bunch of people in just a snap of their finger. Marami silang koneksiyon sa bawat sulok ng Pinas,” he added.

“Oo nga, sis. Nakakatakot kaya sila. Like iw! Hindi pa ako nagkakaanak tapos mamamatay ako?” segunda naman ni Andrei pero hindi ako nakinig sa kanila.

“Kung ayaw niyo pong tumulong, ayos lang, pero pakinggan niyo po muna ako. Pamilya po kayo ni sir Harrison, at dapat sa pamilya ay nagtutulungan. Wala pong mamatay, dahil magkakasama po tayo rito.

“Tell us your plans, Conan. We’ll help,” sabi ni Tito kaya napangiti ako.

“Let’s finish our breakfast first,” dagdag ni Tita.

Niyaya na rin namin si Marcus na agad tumabi sa akin. Nagpatuloy kami sa pagkain. Si Andrei at patuloy pa ring inaasar si Felix na tila ba isang batang malapit nang umiyak ngunit kumikislap ang mga mata nito kapag ka napapatingin kay Hunter.

Napakunot ang noo ko. Ano kayang mayroon sa kanilang dalawa? At lumingon ako kay Harold, na tahimik lang ding kumakain katabi ang isang lalaking guwapo rin ’tulad niya, nakasuot ito ng sando na nagpapalitaw sa malalaki nitong muscles sa balikat pababa sa kaniyang braso.

Napangiti ako nang mapait. He’s the only person who wasn’t here. Akala ko kasi’y ay ayos na ang lahat. May tatlong taon pa ako para magtiis doon, e, at kapag natapos ko iyon ay magiging mabuti na kaming lahat. Pero mali ako.

Bakit ba hindi mo ako hinintay, Harrison? Nasaan ka ba?

Nakaramdam ako nang mahinang pagtapik sa aking balikat kaya napatingin ako rito. Si Marcus na mapait ding ngumiti. “Don’t worry. Mahahanap natin siya. Sa ngayon, kailangan mong magpalakas ng loob dahil hindi natin alam kung ano’ng mga haharapin natin.”

“Salamat,” iyon lang ang nasabi ko sa kaniya bago ako nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay sa sala kaming lahat pumunta. I went first into my room where I leave my laptop and bring it back to living room. Ini-connect ko ito sa TV para makita nila nang maayos.

Isang taon ang nakalilipas nang malaman ko ang lahat-lahat. Mga krimen na ginawa ng pamilya ni Dolores. Kaya habang na sa ibang bansa ako, lumilikom ako ng mga ebedensiya para ipanglaban sa kanila. Akala ko nga’y tatlong taon pa bago ko ilalabas ito dahil wala mahina pa ako, pero hindi ko inaasahan na mapapaaga ito ngunit alam kong handa ako kahit na ano man ang mangyari.

Paano ko ginawa iyon? Dahil sa mga allowances na ibinibigay ni Tito sa akin at may mga part-time jobs din ako sa ibang bansa, nakahanap ako ng mapagkakatiwalaang imbestigador. Sa tulong din ni Riley ay nakalap ko ang mga ebedensiyang hawak ko, pero hindi pa rin ito sapat. Hindi pa matibay para tuluyang pabagsakin ang mga Maguire.

Binuksan ko ang file sa laptop ko. Ipinakita ko sa kanila ang litrato ng isang pamilya, isang lalaki ang anak ng mag-asawa.

“Sino ang mga iyan, te?” tanong ni Andrei, lahat naman sila’y nakatingin sa TV.

“Sila po ang mga magulang ko. Iyang batang iyan ay ako,” sagot ko sa kanila. “Parte po ng mga sindikato ang mga magulang ko. Gumagawa ng mga krimen sa  iba’t ibang lugar. Malalakas ang loob dahil malalakas din ang kanilang kapit. I was too innocent that time. I thought they’re doing this thing in order for us to live, but I was wrong. Their way of living was wrong.”

Bumuntonghininga ako. Ang bigat pa rin sa loob na ikuwento ang buhay ko pero dapat nila itong malaman.

“Nang makaipon sina Mama at Papa sa pagsali nila sa sindikatong ’yon, kumalas po sila. Pero hindi po naging madali dahil sa pagkalas nila sa grupo ay siyang pagkakaroon ng taning ng buhay namin. They hunt us. Dahilan para masawi ang buhay mga buhay ng mga magulang ko.”

“Oh my God!”

“But why are you telling all these information to us?” tanong ni Hunter.

“Dahil po ang mga Maguire ang Boss ng mga sindikatong ito. May possibilities din pong alam ito ni sir Harrison at may posibilidad po na nasa lokasyon siya kung saan nagtatago ang mga sindikato. These may leads us to unlock more evidence to get them,” sabi ko sa kanila.

“So ano pa’ng hinihintay natin?” tanong ni Tito.

“Oo nga. Let’s finish this,” segunda ni Hunter.

“Bakit ba nagmamadali ka, Rye? We should think this through. They’re not an easy enemies,” sabi ni Harold.

“E kasi, ano! HAHAHAHA baka kanto—”

“Shut up, Andrei!”

“Kanton na kanton kako!”

“Huwag tayong magmadali. Kailangan ay pag-isipan po muna natin ang mga gagawin natin, dahil ’tulad po ng sabi ni Harold, hindi po sila madaling kalabanin. Unahin po muna natin si sir Harrison dahil baka po nasa panganib siya,” sabi ko sa kanila para lang magsitigil sila sa pag-aasaran.

Sumang-ayon naman silang lahat sa aking plano. Kaagad kaming umalis nina Tito, Marcus, at sir Henry. Ang mga natira ay siyang maghahanap ng mga ebedensiyang magpapalakas sa amin.

What we need to prioritize is Harrison’s safety.

Sakay ng private plane ay mabilis kaming nakaalis ng Manila patungong Baguio. Kinakabahan ako. What if, huli na pala kami ng dating? No! Hindi puwedeng mangyari iyon. Tahimik at taimtim akong nananalangin na sana’y nasa ligtas siyang lugar.

“Marcus,” tawag ko rito nang may maalala akong itanong sa kaniya. Tumingin siya sa akin. “Kanina sabi mo, nagbago na si Harrison. What do you mean?”

“Just like you, he changed a lot as well. Hindi na siya iyong duwag noon na palaging tinatakbuhan ang mga problema. You’ll see when you get the chance to meet him.”

Ilang oras lang ay nakarating kami sa Baguio. May sasakyan nang nakahanda sa Airport nang bumaba kami. Kaagad kaming sumakay rito at umalis doon. Isang oras lang din ay nakarating kami sa rest house ni sir Harrison. I took the spare key in my pocket and used it to open the door. Nakapasok kami sa loob.

“He’s here,” sabi ko sa kanila.

“But we went here last time?”

“Baka po wala siya rito nang pumunta kayo. Pero nandito po siya. Look.” Tinuro ko ang mga halaman. “Alagang-alaga ang mga bulaklak dito,” sabi ko at napangiti.

Pumasok kami sa loob. Tulad na tulad pa rin nito nang umalis ako. Walang nagbago. Malinis pa rin, nasa dating puwesto pa rin ang mga furnitures maliban sa mga bagong flower vase na naka-display.

“Ano’ng ginagawa niyo rito?”

CHAPTER 37

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 37

C O N A N

        SABAY-SABAY kaming napalingon sa nagsalita. Nagulat ako dahil sa laki nang pinagbago niya. Dati, malinis at shaved ang kaniyang balbas sa mukha at malinis ang gupit niya sa kaniyang buhok. Pero ngayon ay kabaliktaran ng nakaraan. May kahabaan na ang kaniyang buhok na magulo pa, pati na rin ang kaniyang balbas, at ang kaniyang pananamit ay malayong-malayo na rin sa kilala kong Harrison.

At nararamdaman kong pati ang kaniyang personalidad ay tila ba nagbago na rin. Isang taon pa lang ang nakalilipas ngunit bakit ganito na kaagad ang mga nangyayari?

“S-Son…” Pinutol ni Tito ang katahimikan sa pagitan naming lima. “We’re here to help,” ani Tito.

But Harrison didn’t answer him, not even looking at him. Instead, he look straight into my eyes and I could feel something that I couldn’t explain. Tumitig lang siya sa akin na tila ba pinag-aaralan niya ang buo kong pagkatao. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya nang matagal, kahit noon pa man ay palaging ako ang talo sa tuwing nagkakasalubong ang aming mga mata.

“Go home and leave. I don’t need your help,” malamig at puno ng galit ang pagkakasabi niya sa bawat salitang iyon. Tagos iyon sa aking puso na nakaramdam nang kaunting kirot.

“Tol, this isn’t the time to hate your father. You need our help,” sabi ni Marcus kaya naramdaman ko ang pag-iwas nito ng tingin sa akin at ibinaling iyon sa kaibigan.

“Makakasagabal lang kayo, lalo pa’t sarili niyo lang iniisip ninyo. Kaya kung puwede ba, umalis na lang kayo dahil hindi ko kailangan ng tulong ninyo,” he firmly said and turn his back on us.

Mabilis siyang naglakad, kaya mabilis ding gumalaw ang mga paa ko upang sundan siya. Lumabas siya ng kaniyang bahay at mabilis na naglakad papalayo. Tinawag ko siya ngunit tila ba wala siyang naririnig at tuloy-tuloy ang ginawa niyang paglalakad. Malayo-layo pa ang pagitan naming dalawa dahil malalaki ang kaniyang hakbang habang ako’y hapong-hapo na sa kahahabol sa kaniya.

Ngunit nagulat ako nang huminto siya, malayo na sa kaniyang rest house. Malayo sa mga kabahayaan. Kaya mabilis akong naglakad upang lapitan siya.

“Salamat naman at huminto ka,” ani ko habang hinahabol ang hininga matapos ang mahaba-habang paglalakad.

“Why did you follow me?” Tulad kanina nang sagutin niya sina Marcus at Tito, malamig pa rin ang kaniyang boses. Walang ka-emo-emosiyon sa boses nito.

Hindi ako nakasagot kaagad dahil sa pagod. Huminga na muna ako nang malalim at panandaliang tumingin sa paligid. Na sa mataas na parte pala kaming dalawa nitong lugar kung saan siya bumili ng rest house. Kita rito ang malawak na bundok na punong-puno ng mga matataas at berdeng-berdeng mga punong kahoy. Hindi ko na maalala kung nakapunta na ba ako rito noon pero isa lang ang masasabi ko, maganda rito at presko ang malamig na hanging bumabalot sa katawan ko.

“Bakit ba ayaw mong tulungan ka namin?” tanong ko, imbes na sagutin ang kaniyang tanong.

Tumingin ako rito pero sa malayo siya nakatingin, kaya nagawa kong pagmasdan muli ang kaniyang mukha. Kahit na mahaba ang kaniyang balbas at buhok, hindi pa rin nababawasan ang kaniyang ka-guwapuhan. Kahit na iba na ang pananamit niya, nakasuot ng puting damit na pinatungan ng checkered na jacket at maong na pantaloon, sumisigaw pa rin ang kaniyang kakisigan ngunit ’di na ’tulad ng dati dahil parang nangangayat siya.

Hindi ba siya nakakakain nang maayos?

“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” aniya. Para akong binato nang malalaking bato sa ulo. Kumirot din ang puso ko dahil pakiramdam ko, iba ang kaniyang ipinapahiwatig.

“P-Pero may mga impormasyon akong baka makatulong upang mapadali ang lahat,” sabi ko, imbes na pansinin ang kaniyang sinabi. Ipinagsawalang bahala ko na lang ’yon kahit pa ang puso ko’y naninikip na. I am trying not to burst in tears.

“Save it for yourself. This isn’t your fight.”

Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. Sinamaan ko siya ng tingin pero hanggang doon lang iyon. How could he said that?

“Laban natin ’tong dalawa. What I am fighting for is justice,” mariin kong sagot. He turn to look at me but I couldn’t figure it out what he’s thinking. Malamig na mga titig lang ang ibinabato niya sa akin.

“What I am fighting for is my freedom. We’re not the same. Kung hustisya ang hanap mo, magpatulong ka sa mga Pulis.” Sumikip lalo ang dibdib ko sa kaniyang mga sinabi. Hindi ko alam kung si tama bang umuwi ako rito at kung tama bang sundan ko siya rito. Hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko upang sana’y makaalis na rito.

“Ang dami niyo nang nagawang mabuti para sa akin. Nangako ako sa sarili kong susuklian ko ’yon. Kaya kung ano man po ang ipinaglalaban ninyo, tutulungan ko kayo sa ayaw at sa gusto ninyo.”

“Kung gusto mong makatulong, leave me alone. Bumalik ka na lang sa ibang bansa at unahin mo ang mga pangarap mo. That’s what you want right? You used me. Ginamit mo lang ako para magtagumpay ka sa pag-abot ng mga pangarap mo.”

Hindi ko napigilan ang sarili ko’t dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi upang sampalin siya. Napalingon siya sa kaliwa dahil sa lakas ng sampal ko at nanatiling nakatingin doon. Malalakas ang paghinga ko dahil sinusubukan kong pakalmahin ang sarili. Hindi rin ako nakasagot. Pakiramdam ko’y tama siya, kahit pa hindi ako ganoong klase ng tao, pero natamaan ako ng sobra.

Alam kong hindi ako ganoong klase ng tao, pero mas pinili ko pa ring tanggapin ang alokng kaniyang Ama at umalis dahil lang sa may kasunduhan kami ni Tito. Kasalanan ko ito. Kaya dapat ay ako ang aayos nito, kahit na ano man ang kapalit, maibalik ko lang sa dati ang lahat. Makita ko lang na nakangiti si Harrison. Ayos nang ako ang wasak, huwag lang siya.

“I-I’m sorry,” sagot ko’t mabilis siyang tinalikuran at bumalik sa kaniyang rest house.

        MADILIM na sa labas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Harrison. Napagdesisyunan namin nina Tito na ako na lang muna ang manatili rito at sila nama'y sa isang hotel malapit dito. Hindi kami makakapagsimula sa mga plano kung wala si Harrison.

He needs us and we need him as well. We have to work together. Dahil kapag magkakaiba kami ng plano ay mas lalong mahirap kalabanin ang kalaban.

Nakapagluto na rin ako ng pagkain. Dinamihan ko dahil napansin kong nangangayat siya, at malalim iyong kaniyang mga mata na tila ba kinukulang siya ng tulog. Lahat ng niluto ko’y kaniyang paborito na palagi niyang ipinapaluto sa akin noon. Pero bakit ba hanggang ngayon ay wala pa rin siya?

I’ve tried calling his number but I couldn’t reached him. Marahil ay nagpalit na siya ng number kaya hindi ko na makontak ang dati niyang number.

Ngunit nakahinga naman ako nang pumasok si sir Harrison. Kasalukuyan akong nandito sa sala upang siya’y hintayin. May bitbit siyang bote ng alak sa kamay pero matuwid pa rin naman siya kung maglakad. Napatingin siya sa akin.

“What are you still doing here?” he asked once again, using his cold tones.

I didn’t answer him, “nagluto ako ng mga paborito mo. Alam kong gutom ka na,” I said instead.

“Tapon mo na lang. Kumain na ako,” sagot niya at lalampasan na sana ako nang hawakan ko siya sa braso. He glared at me but I didn’t let him go. Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kaniya.

“Kumain ka ulit. Don’t you remembered what you’ve said to me before? Ayaw mong sinasayang ang mga pagkain?”

“I don’t and I don’t have time to remember the past,” he answered.

“Fine! Magpakalunod ka sa alak na wala man lang laman ang iyong tiyan. You were trying to have your freedom back, right? Pero sa ginagawa mo, kapag namatay ka, sa tingin mo kaya maibabalik mo iyon?”

“Tch,” tanging kaniyang sagot at mabilis na hinawi ang kamay ko. Imbes na umakyat, lumiko siya papasok sa kusina kaya napangiti ako.

Alam kong nagtitigas-tigasan lang siya. Bibigay rin siya.


Akala ko malapit na, mukhang may suyuan pang mangyayari. Hi! good to be back. Sorry medyo natatagalan ito, busy talaga. School, work, tapos dagdag pang tatakbo ako as SK Kagawad dito.

but Thank you! Thank you so muchhhh! muah.

CHAPTER 38

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 38

C O N A N

NAPAPANGITI ako habang nakatingin kay Harrison. Tahimik lang siyang kumakain na tila ba wala ako sa kaniyang paligid. Kanina’y nagtitigas-tigasan pa siya pero heto’t nilalantakan ang mga pagkaing niluto ko.

“Stop staring at me,” he said after chewing the foods in his mouth and turned to face me.

“I-I’m sorry.” Mabilis akong umiwas. Sinabayan ko na lang siyang kumain at mabilis naman kaming natapos. Tumayo siya at iniligpit ang mga pinagkainan namin. Inilagay niya ang mga iyon sa lababo at nanatili siya roong nakatayo ngunit hindi naman ginagalaw ang mga plato.

Hindi muna ako tumayo. Pinagmasdan kulang kung ano’ng susunod niyang gagawin ngunit nanatili siyang nakatayo habang nakatalikod sa akin. I know there’s something in his mind that he couldn’t tell, but I don’t know how to encourage him to speak, so what I did is to wait for him.

“Welcome home,” ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig at tumagos sa buo kong pagkatao.

“Y-Yeah. I’m home,” sagot ko sa kaniya at kahit hindi niya ako nakikita’y ngumiti pa rin ako. Bumuhos ang luha ko na mabilis ko ring pinunasan.

I couldn’t help it but to looked back on the past. This house was the only home I’ve had. Masyado akong naging komportable na tila ba ayaw ko nang umalis dito dahil pakiramdam ko’y safe ako, malayo sa kapahamakan. And then one night, I met him. Mabuti na lang din at hindi niya ako pinalayas dahil napagkamalan ko siyang magnanakaw.

Sa tuwing iniisip ko iyon ay natutuwa’t nahihiya pa rin ako. If only I could bring back the past, I will, always. I want to go back to the past where everything was just us. Pero hindi naman ganoon kadali iyon. Ang dami nang nagbago. Na sa kasalukuyan kamiʼt may problemang kinakaharap na kinakailangan naming tapusin.

At kapag natapos ang lahat ng ito, hindi ko alam kung may pag-asa pa ba.

Napabalik ako sa reyalidad nang maglakad siya papalayo. Mabilis akong tumayo para sundan siya.

“Wait, H-Harrison.” Huminto siya sa harapan ng hagdan at humarap sa akin. He’s directing a chilly stare my way, and I couldn’t maintain eye contact. Instead, I focused on examining the veins in his hands.

“If you have something to share, please go ahead, as I’m eager to get some rest.”

Lumunok na muna ako ng laway dahil nanunuyo ang lalamunan ko.

“Look, we genuinely wanted to help you. Your dad was deeply concerned about you, and he regrets that he couldn’t protect you. Pinagsisihan niyang pinilit kang magpakasal sa babaeng iyon. Kung bibigyan mo lang sana siya ng isang pagkakataong patunayan na proud na proud siya sa ’yo, he’ll gladly accept that.”

“Inutusan ka ba niyang sabihin iyan?” Mabilis akong umiling dahil iyon naman talaga ang totoo.

“H-hindi.”

“Fine. You can help, not them. They can go home tomorrow,” aniya bago ako iniwan at umakyat sa kaniyang kuwarto.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa kaniyang sinabi. Kaya nang mawala siya sa paningin ko’y mabilis kong dinukot ang cellphone sa bulsa at kaagad na ini-message si Tito sa kung ano’ng napag-usapan namin ni Harrison.

Ngunit bago ko pa ma-i-send ang mensahe ko, mabilis na bumalik si Harrison kaya napatingin ako rito.

“A-And you’ll be sleeping in my room.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. I was on the verge of inquiring why, but he spoke once more. Na siyang ikinagulat ko pa lalo nang husto. “What? We-we’re still together, right?” he said and left me hanging.

——

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Imbes na i-message si Tito kanina ay tinawagan ko na lang ito. Saglit akong lumabas ng garden para makapag-usap kami. Pagkatapos ay nagmasid-masid na muna ako sa paligid. Sinusubukang intindihin iyong mga sinabi ni Harrison kanina.

Hindi pa raw kami hiwalay.

Para iyong sirang plakang nagpaulit-ulit sa aking isipan. Sinubukan kong balikan iyong mga nakaraan at malabo na sa akin kung naghiwalay ba talaga kami o hindi, pero hindi ba dapat ay wala na? Dahil nakapag-asawa siya? Hindi ko alam! Mas lalo akong naguguluhan. Akala ko ba ay galit siya sa akin?

Bumuntonghininga ako. May kaunting tuwa sa puso ko ngunit mas nanaig ngayon sa akin ang takot. Hindi lang simpleng mga tao ang kalaban namin kundi isang malaking sindikato. Nasabi ko na iyong plano ko ngunit hindi ko alam kung magtatagumpay ba kami. Papaano kung mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan? Papaano kung sa ikalawang pagkakataon, muli na naman akong maiiwan?

Taimtim akong nanalangin na sana’y tulungan Niya kami sa laban naming ito.

Bago pa man ako manigas sa lamig ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Pinatay ko na muna ang mga ilaw sa ibaba bago ako umakyat sa taas. Ngayon ang takot ay napalitan ng kaba, kaba dahil makakatabi kong matulog si Harrison. It’s been a while.

Kumatok ako sa kuwarto ngunit walang sumasagot, kaya sinubukan kong pihitin ang doorknob at hindi naman ito naka-lock. Dumoble ang kabang nararamdaman ko nang unti-unti kong buksan ang pinto nitong kuwarto.

The room was dimly lit from the open window, where a faint glow emanated from the full moon outside. I entered cautiously as I noticed that Harrison was already sleeping.

Pumasok na muna ako sa banyo upang maglinis. May nakita rin naman akong pampatulog na nakatupi sa tabi ng lababo kaya iyon na lang ang kinuha ko’t isinuot. Na sa kabilang kuwarto kasi ang maleta ko at nakalimutan kong kumuha nito. Nang matapos ay kaagad akong lumabas. Dahan-dahang lumapit sa kama at saka nahiga. Tumingin na muna ako sa katabing mahimbing nang natutulog.

Due to the moonlight casting its gentle glow, I could discern his serene visage, his eyes shut in peaceful repose. A smile formed on my lips as memories of the past flooded my thoughts. It was two years ago when he was the one who changed my life completely. At, gagawin ko ang lahat-lahat nang makakaya ko, matulungan ko lang siya.

Marahan akong tumalikod at ipinikit ang mga mata. Ilang minuto lang ay napasinghap ako nang may malalaking brasong yumapos sa akin.

“I miss you so much, Conan.”

Ipinatong ko ang braso ko sa kaniyang braso at hindi na sumagot. Dinama ko na lang ang init na nagmumula sa kaniyang hubad na katawan.

If only we could stay like this forever.

CHAPTER 39

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 39

C O N A N

MAAGA pa nga lang ay mulat na ang aking mga mata. Nag-set ako ng alarm pero mas nauna pa akong gumising dito. I wanted to do something today that’s why I woke up as early as possible. Tumingin ako sa katabi, mahimbing pa rin siyang natutulog. He looks so peaceful. Ang daming nagbago sa kaniya sa loob lang ng dalawang taon.

Nang magkita kami kahapon, parang pagod na pagod ang kaniyang itsura. Humahaba na rin ang kaniyang mga balbas. At pakiramdam ko’y napabayaan na niya ang kaniyang sarili.

“Everything will be alright. And this time, I will be on your side, always. I promised you that,” mahina kong sabi habang nakatingin sa kaniyang mahimbing na natutulog. Bahagyang nakabukas ang kaniyang bibig kaya natawa ako nang mahina.

Marahan akong umalis sa kama upang hindi ko siya magising. Tumingin ako sa orasan na nakakabit malapit sa pinto palabas nitong kaniyang kuwarto. It’s still five-thirty in the morning and I have plenty of time to prepare. Kinuha ko naman ang aking cellphone na nakalapag sa bedside table malapit sa akin at tiningnan kung ano’ng araw ngayon. Today’s Harrison’s birthday. Napaka-espesyal ng araw na ito. This will be the first time that I’ll be doing this to him. hindi ko kasi ito nagawa noong nandito pa kaming dalawa dahil hindi ko naman alam ang kaniyang birthday.

Pumasok muna ako sa banyo nang mabilisan lang. I brushed my teeth and washed my face. Paglabas ko’y mahimbing pa ring natutulog si Harrison but this time, nakatihaya siyang nakahiga at bahagyang nakababa hanggang sa kaniyang baywang ang kumot na kanina lang ay bumabalot sa kaniya. Wala siyang suot na damit kaya malinaw na malinaw kong nakikita ang hubad niyang katawan. Bigla akong napalunok nang hindi ko namamalayan. Bigla pang uminit ang buo kong katawan at hindi ko iyong naiintindihan.

Bakit parang mas lalong gumanda ang kaniyang katawan? He looks so damn hot. Pati iyong buhok sa kaniyang kilikili at muscles sa kaniyang biceps ay napaka-sexy.

Bago pa man ako masiraan ng bati, mabilis ngunit marahan akong lumabas ng kuwarto. Ayoko nang magtagal dito dahil baka kung ano pa ang magawa ko.

Pumasok ako sa kusina at hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad akong nagluto. Nakatanggap din ako ng text message kaya mabilis akong lumabas upang salubungin ang delivery ng cake na in-order ko kagabi. Wala na kasi akong oras para mag-bake pa at baka magising si Harrison ay hindi pa iyon naluluto. Nag-order din ako ng balloons at mga dekorasyon na dumating din naman kaagad.

Habang hinihintay na maluto ang panghuling putaheng niluluto, kaagad kong pinalobo ang mga balloons at nag-décor dito sa may kusina. Para itong children’s party pero wala na akong pake. I am just hoping that he’ll like it.

Nang matapos ako’y kumuha ako ng party hat at inilagay iyon sa aking ulo. Sinindihan ko naman ang kandila ng cake na binili ko at saka iyon dahan-dahang dinala sa harapan ng pinto ni ng kuwarto. Binuksan ko ang pinto habang kinakanta ang kantang “happy birthday to you.”

“Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!”

The surprised on his face was so visible that I couldn’t even stop myself from smiling and the tears suddenly fall from my eyes.

“Why are you crying?” tanong niya. Nakabangon na siya nang pumasok ako at kasalukuyan niyang chini-check ang cellphone habang nakasandal sa headboard ng kama. Gulat na gulat din siya pero ako itong naiiyak dahil sa ginawa ko.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang isa kong kamay bago siya sinagot. “Masaya lang po ako. Happy birthday and I’m sorry.”

Nilapitan niya ako. Mabuti na lang at nakasuot siya ng boxer pero hindi ko siya matingnan nang maayos dahil wala pa rin siya suot na damit. Hinawakan niya ang baba ko’t marahang iniharap sa kaniya.

“Didn’t I told you to look at me when we talk?” A smirked plastered on his face, pero napalitan din iyon ng isang matamis na ngiti. “Thank you and you’re forgiven. Fck! Hindi kita matiis. Ano ba’ng ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako, ha?” Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha siya ng icing at inipahid iyon sa aking labi. “Ginayuma mo siguro ako gamit ang nakakatakam na labi mo,” aniya at mabilis na sinungaban ang aking labi.

Hindi ako makagalaw. Hawak ko pa ang cake gamit na ang aking dalawang kamay kaya hindi ko siya magawang itulak. He started kissing my lower lip and bit it. The only thing I could do is to stand and let him do whatever he wants. Lumayo lang ito nang wala ng icing sa aking labi. Isang ngisi ang nakaguhit ngayon sa kaniyang labi.

“Sweet,” he said in a low tone while grinning. “Thanks for the surprise. I couldn’t wait to open my gift later. Mayroon ba?”

Napalunok ako. Bigla kasi akong kinabahan dahil sa kaniyang tanong. And besides, ito lang ang ginawa ko, wala kasi akong maisip na ireregalo sa kaniya. Shit! Patay!

“A-Ah-eh, m-mamaya po. Hehe,” awkward kong sagot. “Make a wish na po,” dagdag ko at iniharap sa kaniya ang cake na hawak. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at saka humiling. Binuksan ito nang siya’y matapos at saka inihipan ang kandila. “Happy birthday po ulit,” sabi ko rito nang matapos niyang ihipan ang kandila.

I tried not to looked stupid while smiling at him. Kinakabahan and at the same time, nag-iisip ako kung ano’ng regalo ang puwede kong ibigay sa kaniya mamaya.

Sa bahay lang kami tumambay ni Harrison. We spend our time together; watching movies and gathering information. Hindi namin puwedeng ipagsawalang bahala na lang ang lahat lalo pa’t hindi lang iisa ang kalaban namin ngayon.

Based on my knowledge, they’re not alone. Hindi lang iisang grupo ang sindikatong ito. But it’s still unknown to everyone what’s their motives. Iyon ang gusto naming malaman. Dahil lang ba sa hindi nakapag-merge ang kompanya ng dalawang pamilya? No! there’s something and we wanted to uncover that mystery.

Kasalukuyan akong naghahanap ng mga information sa isang dark web na pinasukan ko nang makaramdam ako nang malamig na bagay sa aking pisngi. Nilingon ko ito. Isang ice cream ang iniaabot ni Harrison sa akin.

“Itigil mo na muna ‘yan. Today’s my birthday. We should celebrate, at least?” he said.

Itinabi ko ang laptop at saka iniabot ang ice cream na kaniyang iniaabot. “Kumain na po tayo kanina at saka nanood ng movies. Ano pa’ng gusto ninyo?”

“Let’s go on a date.”

CHAPTER 40

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 40

C O N A N

Suot ko ang stripes na sweater at maong na pantaloon. Maysuot akong t-shirt sa loob kaya kahit tanggalin ko ang sweater ko mamaya’y may suot pa rin ako. Malamig na kasi rito sa Baguio kaya kailangan na doble ang suot na damit. Napatingin ako sa sweater na suot-suot ko ngayon at saka napangiti. Bigay ito ni Harrison, two years ago. Tinago koi to at iningatan. Lahat ng mga bagay na ibinigay niya’y naitago ko pa. Ang cellphone na gamit ko’y sa kaniya rin galing noon at hanggang ngayon ay gamit na gamit ko pa rin. I treasured the things he gave and the memories we shared.

“Hon, are you still there?”

“Wait lang,” mabilis kong sagot at inayos tiningnan ang kabuuan ko sa salamin. Ngumiti ako. Bahagya ring nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa tinawag nito sa akin.

I still couldn’t believe na maayos na kami, na kahit papaanoy pinatawad niya ako. Isa lang ang problema namin sa ngayon, the Maguire clan. We still couldn’t locate them as of the moment. Hindi rin namin alam kung ano ba talaga ang pakay nila. But I believe that everything will be fine.

Bumuntonghinga ako. Tuluyan na akong lumabas ng banyo at nakitang prenteng nakaupo sa kama si Harrison. Kaagad siyang napatingin sa akin at isang matamis na ngiti ang unang gumuhit sa kaniyang labi.

“Na sa iyo pa rin pala ’yan,” aniya at saka tumayo. Lumapit sa akin, kaya ngayon ay magkaharap na kaming dalawa ngunit nakatingala ako sa kaniya dahil sa tangkad niya.

“Ah ito ba?” Itinuro ko ang sweater na suot-suot ko. “Opo. Itinago koi to kasi komportable akong suot-suot ito kahit saan ako magpunta,” sagot ko.

“Fck! I don’t know what you did to me,” sabi niya, mahinang tumatawa. “But it doesn’t matter because I’m happy with you.”

“K-Korny niyo po pala,” sagot ko at mabilis na umiwas ng tingin dahil bigla na namang nag-init ang magkabila kong pisngi na sa tingin ko’y namumula na sa ngayon. Pero nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at marahang akong ipinaharap sa kaniya.

He’s looking directly into my eyes. Namumungay ang kaniyang mga mata. “Kasalanan mo ’to, Conan. Kaya dapat pagkatapos ng lahat ng ito’y panindigan mo ako. You have to marry me,” he said and I didn’t have the chance to answer him because he immediately gave me a sweet kiss on my lips. “Let’s go?”

Para akong tangang napatango at napasunod sa kaniya dahil hawak-hawak niya ang aking kamay. Lumabas kami ng kuwarto at bumaba sa sala. Saktong palabas kami ng bahay nang bumukas ito na siyang pagpasok naman ng Daddy ni Harrison kasama si sir Henry, nakatatandang kapatid ni Harrison.

“Ano’ng ginagawa niyo rito?” tanong ni Harrison. Bahagyang napahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ko ngunit panandalian lang iyon.

“Kakamustahin lang namin kayo. And besides, today’s your birthday, Harrison. I just wanted to personally give you my gift,” sagot ni Tito at may iniabot naman si sir Henry rito na brown folder.

Bumitaw si Harrison sa akin at kinuha ang folder na iniabot ni Tito. Kaagad niya itong binuksan at nakitang titulo ito ng lupa’t nakapangalan sa kaniya.

“Gusto ko ring humingi ng kapatawaran, sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sa ’yo noon. I’m the worst father you’ve ever had. I gave you the worst life and I’m sorry for that. But, Son, I know it’s not too late… babawi ako sa mga pagkukulang ko noon. That’s why, I bought that land for you and Conan, I want you to build the family you’re dreaming. Susuportahan ko kayo, lahat kayo,” ani Tito at tumingin pa kay Henry.

Hindi sumagot si Harrison, bagkus ay nilapitan ang ama at mabilis itong niyakap. Bumuhos ang luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa. I couldn’t even help myself but to smile while crying. They went through a lot. Naging mahigpit si Tito kay Harrison, dahilan para lumayas ito’t magtago rito. Pero kung hindi kaya siya napadpad dito noon, makikilala kaya namin ang isa’t isa?

Pagkatapos ng dramahan kanina’y sabay-sabay kaming umalis ng bahay. Kaming dalawa magkasama ni Harrison sa kotse dahil sina Tito at sir Henry ay may pupuntahan pa. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Tila ba ang lahat ay nagiging maayos na. Sana nga’y matapos na itong problemang kinakaharap namin para tuluyan na kaming sumaya.

Ilang minute lang din ang naging byahe namin at nakarating kami sa isang restaurant. Spanish style ang restaurant na pinuntahan namin. Medyo luma na ang interior design nito ngunit mas nakadagdag iyon sa ganda ng lugar. May mga iilang kumakain dito.

Kaagad na lumapit ang waiter nang makaupo kami. I let him ordered the things he wanted to eat, kasi kung ako ang papipiliin, hindi ko alam kung alin sa mga nasa menu nila ang pipiliin ko. May mga pamilyar na putahe ngunit karamihan ay hindi, Spanish pa ang pangalan kaya may kahirapang bigkasin. Baka ako’y mapahiya lang kapag mali ang pagkakabigkas ko.

I looked around, may mga iilang kumakain ngayon dito ngunit may isang pumukaw sa atensiyon ko. nakatingin siya sa aming puwesto pero mabilis siyang umiwas nang magtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko siya namumukhaan ngunit base sa built ng kaniyang katawan ay isa siyang lalaki.

Kinabahan ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Harrison o hindi. But this is his day, his very important day and I don’t want to ruin that. Kaya mas pinili kong ’wag na lang sabihin at magmaang-maangan na lang akong wala akong nakita.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating ang order naming dalawa. Kaagad kaming kumain, tahimik lang hanggang sa nanigas ang buo kong katawan nang makaramdam ako ng matulis na bagay na nakatutok sa leeg ko. Napatingin ako kay Harrison, isang lalaki naman ang nakatayo sa kaniyang likuran habang tinututukan siya ng baril sa ulo. Bahagya akong napatingin sa paligid, parang bulang naglaho ang mga kumakain kanina.

“What do you want from us?” kalmadong tanong ni Harrison pero ako’y nanginginig na sa takot.

“Wala kaming kailangan sa inyong dalawa, pero ang Boss namin ay kailangan kayo. Sumama kayo sa amin kung ayaw ninyong masaktan.”

“H-Harri…”

“Sshhh. It’s okay. Everything’s going to be alright, I promised,” he said while looking at me.

Tumango lang ako. May tiwala ako kay Harrison. Tumayo kaming dalawa at sabay na naglakad palabas ng restaurant habang nakasunod sa amin ang dalawang armadong mga lalaki. Isang putting van ang naghihintay sa labas ng restaurant. Nakatutok pa rin sa amin ang kanilang mga armas habang papasok kami sa loob.

Nanginginig ang mga kamay ko ngunit naramdaman kong hinawakan ako ni Harrison kaya kahit papaano’y nawala ang aking takot. Umandar ang sasakyan at umalis doon.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa loob ng sasakyan, ang alam ko lang ay naghuhurumintado na sa kaba ang puso ko. Pakiramdam ko’y lalabas ito sa aking dibdib dahil sa takot. Aatakihin yata ako sa puso. Ang mga palad ko’y namamawis na rin kahit na mababa ang temperature dito sa Baguio.

Tumigil lang ang sasakyan sa tapat ng kakahuyan. Kaagad kaming pinababa ng mga dumukot sa amin. Pinagtutulakan kami ng mga ito papasok sa kagubatan. Hanggang sa narating namin ang isang mansion, lumang mansion, sa harap nito kung saan nakatayo si Dolores habang nakangisi.

“Well, well, well, look who’s here? Welcome!” she said with laughter. “Happy birthday, my husband. You’re going to receive your best birthday present later.”

CHAPTER 41

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 41

THIRD-PERSON POV

“Dolores, ano ba talaga ang pakay mo sa amin?” tanong ni Conan, nang matapos silang talian sa isang upuan. Hindi nila sinubukang pumiglas dahil alam nilang pareho na talo sila pagdating sa dami. Umaasa na lang silang matutunton sila ng otoridad sa mga oras na ’to.

“Conan, right? Hindi ka naman talaga kasali rito, e. But because Harrison loves you, edi damay ka na!” sagot nito kasabay ng pagtawa nito nang nakakakilabot. “Kaya dapat sisihin mo ’yang lalaking ’yan dahil sa kaniya, mamamatay ka ngayon,” dagdag pa ni Dolores.

Nanginginig ang buong katawan ni Conan sa takot. Bumalik ang lahat ng mga takot niya noon. Heto na ba ang katapusan niya?

“Napakawalang hiya mo! Wala kang puso! You’re just like your parents, mga mamamatay tao!” may diin ang bawat pagbigkas ni Conan sa mga salitang ’yon. Natatakot siya ngunit nilakasan niya ang loob upang sabihin ’yon kay Dolores.

“HAHA! Whatever. So, kilala mo pala ang mga magulang ko. You know what, Conan, I’m actually different from them. Nag-uutos lang sila kapag may gusto silang ipapatay. But for me, ako mismo ang pumapatay,” she said and pointed the gun to Conan’s head. “Kaya kung ako sa ’yo, mag-ba-bye ka na sa minamahal mo,” she added while grinning.

“Dolores, stop! Please.” Napatingin si Dolores nang magsalita si Harrison.

“Nandyan ka pala? I thought you were not going to say something.”

“I’m begging you to please stop this nonsense. Ako na lang ang patayin. Spare Conan’s life. Wala siyang kinalaman sa kung ano man ang problema ng mga pamilya natin.”

“Bakit ba sa dinami-rami ng puwede mong mahalin, ito pang baklang ’to, Harrison? And you could even sacrifice for his own life. Harrison, wake up! He’s just nobody. He deserves to die,” ani Dolores habang nakatutok pa rin ang baril kay Conan.

“P-Please, just let him live,” mga salitang tanging lumabas lang sa bibig ni Harrison.

“H-Harrison…” bulong ni Conan at hindi na rin niya napigilan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

“FINE! I’ll let you live for the rest of the night, but tomorrow’s, instead of one of you will die, dalawa na lang kayo ang papatayin ko. Besides, Harrison, pakikinabangan pa kita. I have your father’s neck.” Ibinaba ni Dolores ang baril at ibinalik ito sa kaniyang tauhan na nakatayo lang sa malapit.

“ANO’NG GAGAWIN MO?!”

“Paglalaruan ko lang kayo saglit. It’s nothing serious. Isa pa, masyado na kayong nasa itaas. It’s time for my family to be on top.”

“Don’t touch my family or I will never forgive you!” pagbabanta ni Harrison ngunit hindi nakinig si Dolores. Nakangisi lang itong nakatingin sa kanilang dalawa. Sinusubukang pumiglas ni Harrison mula sa pagkakatali ngunit hindi niya magawa dahil sa higpit nito.

“I am not going to touch them, unless hindi nila ako susundin,” sabi nito at tumalikod. Umalis ito ng kuwarto kasunod ng dalawang lalaking may hawak na mga armas.

Nang maisara nang mga ito ang pinto at mawala sila sa paningin nila’y mabilis na tumingin si Harrison kay Conan.

“Hon, are you alright?” he asked. He wanted to hug him, to ease his fear, but he couldn’t. Nakagapos ang parehong mga paa at mga kamay. Isang metro din ang layo nila sa isa’t isa.

Tumango si Conan at bahagyang ngumiti. Ngunit hindi nito naitago ang kanina pang takot na kaniyang nararamdaman. “A-Ayos lang ako. Sa tingin mo kaya, makakaligtas pa tayo rito?”

“Don’t worry, we will. I’m not letting her touch you or anyone else.”

Matamis lang na ngumiti si Conan. Tumingin siya sa paligid. Ngayon lang niya napansing na sa loob pala sila ng isang kuwarto. Walang kahit na ano, ni kama at bintana’y wala. Iba rin ang amoy nito at may mga mantsa ang mga tiles ng kulay itim.

“Ahmm. Harris,” aniya nang matapos pagmasdan ang kabuuan ng kuwarto. “Maraming-maraming salamat.”

“Why are you telling me that?” tanong ni Harrison. Nakakunot ang noo nito’t hindi mabasa kung ano ang ibig sabihin ni Conan kung bakit ito nagpapasalamat sa kaniya.

“I am so thankful that I met you. Ang dami-rami mo nang nagawa para sa akin pero ni isa’y hindi ko pa nasusuklian.” Ngumiti siya.

Masaya siyang nakilala niya si Harrison. He changed his life. Buong buhay niya, hindi niya naranasang maging masaya. Ang tanging na sa isip lang niya’y makapag-ipon, makapag-aral ulit, at mabuhay. Madalas kinukuwestiyon niya ang sarili kung bakit pa siya nabuhay. Kung bakit hindi na lang siya namatay kasama ng kaniyang mga magulang. Kasi wala na siyang saysay. Wala na ang kaniyang mga magulang na gusto niyang suklian.

But when Harrison entered his life, his life changed. Nagkaroon siya nang pag-asa. That were still hope. Nagkaroon siya ng direksyon, ’yon ay ang suklian at mahalin si Harrison ng buong puso.

“I did what you deserved, Hon, for adding color to my life. It was you whom I was longing for.”

Bago pa man siya makasagot, nakarinig sila ng putukan. Mas dumoble ang kaba ni Conan ngunit nagkaroon siya ng pag-asang baka ang mga otoridad na ito. 

Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto kung saan sila nakakulong at iniluwa nito ang isang sundalo at ang Daddy ni Harrison. Mabilis itong lumapit sa kanila’t niyakap nang mahigpit ang anak.

“Fck! I thought I’d lost you,” anito habang mahigpit pa ring yakap si Harrison. “Are you alright? Sinaktan ba kayo ni Dolores?” sunod-sunod naman nitong tanong pagkatapos kumawala sa pagkakayakap sa anak.

“We’re fine, Dad. Thank you,” Harrison answered. Saktong nawala na ang tali sa kanilang mga paa. Mabilis nitong nilapitan si Conan at niyakap.

“Don’t worry, you’re safe now.”

“Sir, everything’s clear. Nahuli na po ang mastermind,” ani ng sundalo.

Lumabas sila roon at tinungo ang labas ng mansion. Dumidilim na ang paligid at ilang minuto lang ay lulubog na ang araw. Maraming mga sundalo sa labas. Naririto rin si Henry at Harold, kasama ng mga sundalo.

“Paano niyo po kami natunton?” ang ’di mapigilang tanong ni Conan.

“Through Harrison’s phone. He sent us a warning that he’s in danger. Kaya mabilis kaming nakipag-usap sa mga Sundalo at mga Pulis to help us locate you. Isa pa, Dolores was just stupid to call my phone number,” sagot ni Daddy ni Henry.

“Where is she?” tanong naman ni Harrison. Saktong dumating ang dalawang sundalo kasama si Dolores na naka-posas na ang mga kamay.

“Fck! Let me go! Tangina niyong lahat! Isusumbong ko kayo sa mga magulang ko!” sigaw nito. Tumingin siya kay Harrison. “I’ll let mom and dad knows that you betrayed me,” she added.

“Your mom and dad was nowhere to be found. Nagtatago na siguro sila sa mga otoridad. Don’t worry, susunod sila sa ’yo sa kulungan,” ani Marcus.

Nagpupumiglas pa rin ito ngunit nakaposas na ang mga kamay nito. Kinaladkad naman ito ng mga sundalo sa kanilang sasakyan.

“Tito, maraming salamat,” ani Conan. Nilapitan ang Daddy ni Harrison at ito’y mahigpit na niyakap. Yumakap din ito pabalik sa kaniya.

“It’s my job to protect my son and you, Conan. You’re part of my family now,” sagot nito.

Nakahinga na nang maluwag si Conan dahil nailigtas sila ngunit hindi pa rin nawawala ang takot sa kaniyang puso dahil hindi pa nahuhuli ang mga magulang ni Dolores. Baka nga’y nagpa-plano na ang mga ito para gumanti. But it doesn’t matter, as long as Harrison was on his side, he’s safe.


Few more chapters left na

talaga

!

CHAPTER 42

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 42

C O N A N

Ang dami na rin pa lang nangyari magmula nang magkakilala kami ni Harrison. I was able to fulfill my dreams. Hindi ko aakalain na mangyayari ang lahat ng iyon. Mababa lang naman kasi ang mga pangarap ko noon. Gusto ko lang na makawala sa nakaraan.

But I didn’t know that after meeting him, he gave me hope. Ang dami rin naming pinagdaanan. Akala ko nga’y hanggang doon na lang iyon. Akala ko’y manantili lang kami roon. Akala ko’y hindi ko mararanasan na ipagsigawan sa buong mundo na mahal ako ng isang ’tulad niya. Well, for me, ayos lang naman na hindi ako ipakilala. I don’t want people to judge him because his lover is gay. But he didn’t listen to that.

Ngayon, isang buwan na ang nakalilipas noong ma-kidnap kaming dalawa ni Dolores. Natuntun din ang pinagtataguan ng kaniyang mga magulang, na nanlaban kaya napatay sila ng mga otoridad. Na sa kulungan pa rin si Dolores. Masaya ako’t nagkaroon din ng hustisiya ang pagkamatay ng aking mga magulang. Nawala ang lahat ng takot at pangamba ko.

“Te, matanong ko lang, ah. Hindi naman sa pinapakialaman kita sa buhay mo pero kailan niyo balak magpakasal ni Boss Harris?”

Bigla akong napaisip sa tanong ni Andrei. Kailangan ba talaga ’yon? Masaya naman kaming dalawa sa kung ano’ng mayroon kami. Tanggap namin ang bawat isa. Wala na nga rin akong mahihiling pa dahil halos na kay Harrison na ang lahat. Kahit pagod siya sa trabaho ay nakukuha pa niya akong alagaan. And no matter how busy he is, he always had time for me and for his family.

“Mahalaga pa ba iyon?” tanong ko rito.

Tinapik niya ako nang mahina sa balikat at saka tumawa. Mabuti na lang talaga’t wala kaming kasama ngayon. Naisipan kasi nitong bumisita dahil wala naman daw siyang ginagawa sa kanilang bahay. Isa pa’y wala raw doon ang kaniyang asawa kaya nabuburyo siya.

“Oo naman, ’no! gagang ’to. Para may karapatan ka sa tite niya,” sagot niya na ikinagulat ko.

Mabuti na lang at sanay na ako sa bibig ni Andrei.

“H-hindi ko alam, e,” sagot ko na lang.

“Pero seryoso, a. Dapat magpakasal na kayong dalawa at bumuo ng pamilya. Hindi madali pero nandoon ang totoong saya,” seryosong sagot nito.

Hanggang sa sumapit ang gabi at nang makauwi na si Harrison ay ang mga sinabi ni Andrei pa rin ang sumasagi sa isip. Kanina pa ako hindi mapakali. I have this feeling that I want but somehow I’m scared. What if he doesn’t want to have a family?

“Mukhang malalim yata ang iniisip mo?” Tumingin ako sa kalalabas lang na si Harrison mula sa banyo ngunit mabilis din akong napaiwas ng tingin dahil tanging tuwalya lang na nakapulupot sa kaniyang baywang ang suot nito.

“Ah-eh, wala ’to,” mabilis kong sagot. Bigla kasi akong kinabahan. I tried to calm myself. Huminga ako nang malalim at muling humarap sa kaniya ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumalon papunta sa aking tabi. He was wearing a boxer shorts only.

Napasinghap ako nang bigla niyang ipulupot ang mga kamay sa aking baywang at inamoy-amoy ang aking leeg. Katatapos ko lang maligo at medyo basa pa ang buhok ko kaya nakasandal ako sa headboard habang nakatulala kanina pa. Nakikiliti ako nang bahagya. Sinubukan kong kumawala ngunit mas lalo lang niya akong hinapit palapit.

“Ahmmm. You smells good,” aniya.

“Hon, ah-stop!” I tried to get away from his hug but he’s too strong. Ngunit hindi naman ako nasasaktan. Nararamdaman ko pa rin ang pagiging gentle sa akin ni Harrison sa tuwing ginagawa namin ang

bagay

na ’yon.

“What? I’m not doing anything.” Saglit siyang lumayo sa akin upang sabihin iyon at muli na namang ibinaon ang mukha sa aking leeg.

Itinutulak ko siya papalayo ngunit mas lalo lang siyang sumisiksik sa leeg ko dahilan para mawalan ako nang lakas.

“H-Hon, ano ba!”

“Titigil lang ako kung ano iyong malalim mong iniisip kani-kanina lang,” aniya.

“Fine!” mabilis kong pagsuko. Kaagad naman siyang lumayo. But I thought he was going to let me off, instead he rested his chin on my shoulder. “Akala ko ba titigil ka na?” tanong ko nang hindi siya tinitingnan.

Mahina siyang tumawa. “I didn’t said that I’m going to let you go.”

Bumuntonghininga ako. Hindi ko alam kung papaano ko itatanong ’to sa kaniya. Dapat ko ba ’tong itanong? Papaano kung ayaw niya iyong pag-usapan at pagmulan lang nang hindi namin pagkakaintindihan.

“Bumisita si Andrei rito kanina,” I said. Sumulyap ako nang bahagya sa kaniya. Nakapikit ang kaniyang mga mata. Kitang-kita ko tuloy kung gaano kakapa ang kaniyang mga pilik mata.

“Mmm? I know,” he said.

“Yeah but you don’t know what he just asked me,” sagot ko.

“What is it? Baka niloloko ka lang nun,” he said. Lumayo na siya sa akin at tumingin sa aking mga mata. “Don’t mind him. He’s just–”

“He asked me about marriage. Kung bakit hindi pa raw tayo nagpapakasal,” pagpuputol ko sa kaniyang sasabihin.

Bigla siyang natahimik. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Heto na ba? Sasabihin na ba niyang wala siyang planong pakasalan ako? Hindi naman iyon mahalaga sa akin kung sa tutuusin. Ayos lang sa aking hindi kami ikasal. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang gusto kong marinig mula sa kaniya.

Bumitaw siya sa akin at umiwas ng tingin. “Matulog na tayo. Pagod ako sa trabaho,” aniya na siyang ikinadismaya ko nang husto. Tumayo siya at nilapitan ang aming closet. Kumuha siya nang susuoting damit pantulog.

Napabuntonghininga ako. Hindi na lang ako nagsalita dahil ayaw kong humaba ang usapan. Isa lang naman ang gusto kong malaman, kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag itinanong ko iyon. And I guess, I was right. He doesn’t want to talk about marriage.

Umayos na lang ako ng higa. Tumalikod ako sa kaniya. Hindi ko namalayang bumuhos ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan, Masyado akong mababaw. Kasalan ko rin naman kung bakit ko pa sinabi iyon. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata upang subukang matulog nang sa ganoon ay hindi na lao pang sumama ang loob ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paghiga niya sa aking tabi. I was hoping that he’s going to hug me but he didn’t. Bakit ba ako nagkakaganito? Marahil ay sinanay niya ako sa mga bagay na noon ay pinapangarap ko.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko.

Hindi ko namalayang nakatulog ako kagabi sa bigat ng aming nararamdaman. Nagising na lang akong wala ng Harrison sa aking tabi. Madalas sa tuwing una siyang nagigising ay ginigising niya ako sa pamamagitan ng paghalik sa aking pisngi ngunit hindi niya iyon ginawa.

Muli na namang bumigat ang aking damdamin. Napabuntonghininga muna ako bago tuluyang bumangon. Kasalanan ko naman kung bakit ako nagkagaganito. I shoud make it up with him. Wala akong karapatan para magalit at sumama ang loob dahil lang sa hindi niya sinagot ang tanong ko.

Ako ang dapat na humingi ng tawad ngunit papaano ko iyon gagawin?

Pumasok na muna ako ng banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. Bahagyang mugto ang aking mga mata. Marahil dahil ito sa pagpipigil na ’wag tuluyang umiyak kagabi.

I faked a smile. “Kaya mo iyan, Conan. Huwag mo siyang sukuan. It’s not a big deal,” I said.

CHAPTER 43

The Runaway Billionaire

CHAPTER 43

C O N A N

Matamlay akong pumasok sa trabaho. Kahit wala akong ganang magpakita sa aking opisina ay wala akong magagawa. I have the right but I don’t want to take that opportunity para lang sa pansarili kong kapakanan. Marami ang umaasa sa akin. Kaya dapat kong pilitin ang sariling tugunan ang ginagampanan ko.

“Good morning, sir,” bati sa akin ng isa sa mga emplyado ko.

I built this small company using my own money and sweats. Pero laking pasalamat ko pa rin naman sa pamilya ni Harrison dahil kung hindi dahil sa kanila’y hindi ko mararating ang kinatatayuan ko ngayon. Siguro hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako sa dilim.

“Good morning,” bati ko pabalik. Ngumiti rin ako dahil ayaw kong ipakita sa kanilang may sama ako ng loob. Wala naman kasi silang kasalanan kung bakit ako nagkagaganito.

I tried to put a wide smile the whole day. Pinipilit kong ngumiti sa lahat ng mga taong nakakasalamuha ko sa mga meetings. Pero kapag papasok na ako sa aking opisina, isang malalim lang na buntonghininga ang nagagawa ko.

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa aking swivel chair ay mabilis kong dinampot ang aking cellphone sa aking mesa. I opened it and checked the messages immediately. Pero ni ‘ha’ ni ‘ho’ ay wala man lang akong natanggap. Umaasa pa naman ako na kahit sa ganoong paraan lang ay alam kong okay kaming dalawa.

Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang bigla itong mag-vibrate. Mabilis kong binuksan ang message dahil akala ko’y galing yon sa kaniya ngunit mali ako nang inaakala. It was from Andrei.

“Baks, samahan mo nga ako. Gogora lang akong mol, magpapahangin,” his message. Magrereply na sana ako pero sinundan niya iyon ng tawag.

“Hel-”

“Te, na saan ka na? Nandito ako sa labas ng kompanya mo, labas na riyan,” pagputol nito sa akin.

“What?”

“Anong what! Halikana o kakaladkarin kita palabas?”

Mabilis akong kumilos. Dinampot ko lang ang shoulder bag ko’t mabilis na naglakad palabas. “Wait! Palabas na ako,” sagot ko at mabilis na pinatay ang tawag kahit na alam kong magsasalita pa iyon. Kilala ko ang bunganga ni Andrei, kahit I-stapler ko ‘yon ay makagagawa pa rin siya nang paraan para makapagsalita. Hindi siya nauubusan ng sasabihin na animo’y Dj siya sa isang Radyo. Hindi ko alam bakit pinakasalan siya ng asawa niya.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa salitang asawa. Sana all!

“Katagal, a! Pasalamat ka’t naka-sunblock ako with spf 50 kundi ingungudngud kita sa sahid,” aniya nang makarating ako sa parking lot. Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-irap.

“Ewan ko sa ‘yo. Hindi naman maaraw at na sa loob ka lang ng kotse mo,” sagot ko sa kaniya. Umikot ako at pumasok sa passenger’s seat.

“Good afternoon, Tito Conan.” Lumingon ako rito. Napangiti ako nang makita si Finley.

Nawala ang sama ng loob ko maghapon at napalitan iyon ng tuwa dahil sa batang ‘to. He’s handsome, just like his father. Pero mas guwapo pa rin naman si Harrison.

“Good afternoon, Finley. How’s school?” tanong ko dahil nakasuot pa rin siya ng uniform. Sa tingin ko’y dinaanan siya ni Andrei bago ako nito naisipang yayaing lumabas.

“It’s really good po. I have stars din po.” Ipinakita naman nito ang mga nakuhang stars sa kaniyang braso.

“Wow! Ang galing mo naman,” sabi ko.

“Naman, te. Mana sa akin ‘yan,” segunda naman ni Andrei.

Tumawa lang ako. Nakatutuwa lang na kahit hindi nito totoong anak si Finley ay itinuturing niya itong parang anak.

Kaagad naman niyang pinaandar ang kotse.

“Ano ba’ng gagawin natin sa mall?” tanong ko, na sa kalagitnaan na kami ng byahe. Medyo traffic din dahil siguro hapon na.

“Magpapalamig nga ‘di ba?” he answered.

Napataas ang kilay kong tumingin sa kaniya. “Seryoso ka? Nawalan ba kayo ng kuryente at naiinitan ka?”

“Duh?! Kami mawawalan? Mayaman kami, te. Kaya kong bilhin kompanya mo,” aniya. Pinahinto na niya ang sasakyan dahil saktong nakarating na kami ng parking lot. “Eme lang! May project kasi itong si Finley kaya sasamahan kong bumili ng mga materials. At saka, talaga namang mainit ngayon.”

Sabay kaming lumabas ni Andrei ng kotse at saka naman niya pinagbuksan ng pinto si Finley. Tinulungan niya rin itong makababa.

“Bilisan natin. Ramdam na ramdam ko ang impyerno rito,” aniya at mabilis na naglakad habang hawak sa kamay ang anak.

Dumiretso kaming tatlo sa National Books Store. Kumuha ng cart si Andrei kaya ako naman ang humawak sa kamay ni Finley dahil siya ang nagtulak ng cart.

“Mauna muna tayo sa mga libro. May bibilhin lang ako roon,” sabi niya.

Tumungo kami sa bandang dulo kung saan naka-display ang mga libro. Iilan lang iyong mga nandito. Lumiko si Andrei sa isang pasilyo ngunit natigilan ito.

“H-Hunter?!” Mabilis akong sumunod nang sabihin niya ‘yon. Napakunot ang noo ko nang makita si Hunter na may kasamang isang maliit na lalaking nakasalamin.

“Tito Rye!” masiglang bati naman ni Finley at mabilis na nilapitan ang Tito. Kaagad namang binuhat ni Hunter ang pamangkin. “Why are you here po? Are you going to buy books din po ba?” sunod-sunod na tanong ng bata.

“Y-ye–”

“Hoy huwag ka magsinungalin sa bata. Nakita ko nakikipagtukaan ka!” mabilis na sagot ni Andrei.

“What?!”

“Oo kaya! Halos kainin mo na ng buo iyang kasa-” Mabilis kong siniko si Andrei. “Ano ba, te?!”

“Bibig mo,” suway ko. Napansin ko kasing biglang nagtago iyong kasama ni Hunter sa likod nito.

“It’s none of your business,” ani Hunter. Ibinaba niya si Finley at saka nito hinawakan iyong kasama niya’t hinila’t naiwan kaming tatlo.

“Naku te. Kung nakita mo lang paano humalik si Hunter,” aniya nang makaalis iyong dalawa.

“Ewan ko sa ‘yo. Bilhin mo na lahat ng gusto mo riyan pati ng kay Finley. I’ll pay for it,” sabi ko. “Bantayan mo muna iyang anak mo. May bibilhin lang din ako,” I added.

Nang mabili ko ang gusto ko sa katabing store lang ay kaagad kong binalikan sina Andrei. Tumingin ako sa paligid but I couldn’t see them. Pinuntahan ko ang mga school supplies pero wala sila roon.

Mabilis kong tinawagan ang cell phone niya, na kaagad naman nitong sinagot. “Where are you?”

“Na sa parking lot na kami, te. Tagal mo kasi. Bayaran mo na lang ako later,” he said. Nagtaka ako. Akala ko magpapalamig siya at bibili ng ice cream? Pero nagkibit balikat na lang ako.

Mabilis naman akong umalis doon at tinungo ang parking lot. Palapit na sana ako sa kotse ni Andrei ngunit bigla na lang may nagtakip ng basang panyo sa aking ilong at may kakaiba itong amoy. Umikot ang paningin ko, hanggang sa mawalan ako ng malay.

CHAPTER 44

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 44

C O N A N

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang magising ako’t maramdamang parehong nakagapos ang mga kamay at paa ko habang ako’y nakaupo sa isang upuan. Wala akong nakikita dahil madilim ang paligid. Sinubukan kong kalasin ang mga gapos sa aking mga kamay ngunit masyado itong mahigpit at nasasaktan ako.

Nagsimulang bumalik ang mga takot sa akin. Na sa kulungan na ang angkan ni Dolores. Wala naman akong atraso sa ibang tao. Wala akong naaalalang inapakan ko. Mabait ako sa lahat ng empleyado ko kaya wala akong maisip na kung sino mang may kagagawan nito.

Mas lalong lumakas ang kabog sa aking dibdib at nagsimulang magsiunahan sa pagbuhos ang aking mga luha.

Dito na ba nagtatapos ang buhay ko? Sana pala, nasabi ko kay Harrison kung gaano ko siya kamahal. Na kahit hindi niya ako pakasalanan o kahit na nanlalamig siya sa akin ngayon, okay lang. basta’y naiparamdam ko sa kaniyang mahal na mahal ko siya.

Sinubukan kong balikan ang mga masasayang araw naming dalawa. Nang magtagpo ang landas naming hanggang sa kung nasaan man kami ngayon. We’ve been through a lot. We’ve overcome a lot of challenges. Nalagay pa nga sa panganib ang buhay naming dalawa.

May mga alaalang malungkot ngunit mas nangingibabaw iyong sayang naranasan ko sa piling niya. If this is my end, then I will accept it with all my heart. Ipinikit ko ang mga mata habang ang mga luha’y patuloy na bumubuhos dito.

“Hey, why are you crying?” Mabilis akong nagmulat ng mga mata. Napatingin ako sa aking harapan. Nakabukas ang TV na hindi ko napansin kanina. “Natakot ba kita?” tumawa siya nang mahina. “I’m sorry. It was Andrei’s idea to scare you, but Hon, I love you, remember that.”

“Andreiiii!”

“Yes, baks! Tawag mo ‘ko?” Napatingin ako sa TV kung saan lumabas sa kung saan si Andrei na nakangisi sa akin. “Later na tayo chat-chat. May important matters pa si Harris sa ‘yo. Stay put ka lang diyan, okay? Ah sorry pala, te. Nakagapos ka, baka kasi magjak-“

“Leave us alone, Mr. Arrellano,” ani Harrison.

“Tse, bayaw mo ‘ko. Alcantara kasi. At saka, Misis na po! Pero bye na nga. Good luck, Conan. I’m happy for you.”

“So, we’re alone,” ani Harrison. Video call ba ‘to? Tumingin ako sa paligid. Maliban sa TV na naririto’y wala akong maaninag ni kahit na ano. “Eyes on me, Conan.”

Naibalik ko ang paningin dito. “Video call ba ‘to? Nasaan ka ba?”

Natawa siya. “Yes. I’m just around the corner, Hon. Just stay there and listen to what I’m saying.”

Umayos ako ng upo kahit na nahihirapan ako sa higpit nang pagkakatali sa akin. Malilintikan talaga sa akin si Andrei mamaya pag ako nakaalis dito. ‘Wag na siyang magpapakita sa akin. Halos atakihin ako sa puso dahil sa takot.

 Ano ba kasing mayroon at may ganitong kalokohan ang dalawang ‘to?

“Remember the day we met? You’ve hurt me, you know. Pero pagod ako kaya hindi na kita pinalutan. I don’t like you at first but after knowing you deep, I don’t know what happened. Nagising na lang akong ikaw na ‘yong tinitibok ng puso ko. You completed my life. You gave meaning to it. You’re my hope, Conan. I will give up everything just to be with you. I wanted to wake up every morning with you by my side. Wala na akong hihilingin pa, ikaw lang. ang makasama ka sa habang buhay. I don’t care what people would think or do, just hold on to me, just stay with me, and I’ll do the rest.”

Nagsimula na namang magsiunahan ang mga luha sa aking mga mata. I couldn’t stop it. Nakagapos ang mga kamay ko.

“I may not be the best boyfriend… or husband, but I promise that I will never leave. Hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan dahil hindi ako perpektong tao. Hon, I will always choose you. Kahit ipagtabuyan mo ako nang paulit-ulit, paulit-ulit din kitang hahabulin hanggang sa mapagod ka’t manatili na lang sa akin.”

“Y-You don’t know how much I love you, Harrison. Ikaw ‘yong dahilan kung bakit ako gumigising araw-araw. You don’t have to chase me because I will come for you. Pipiliin din kita araw-araw,” sabi ko sa gitna ng pag-iyak.

“So… you will marry me?”

“H-Ha?” tumawa siya nang mahina ngunit napansin ko ang pagbuhos ng luha sa kaniyang mga mata na mabilis niyang pinunasan.

“I mean, will you marry me? Will you be my forever? Will you stay with me until our hair?”

“A-Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Pakawalan mo kaya muna ako rito,” naiinis kong sabi. Basing-basa na ng mga luha ang magkabila kong pisngi. Baka nga nabura na ‘yong eye liner ko, e.

Mabilis na namatay ang TV at ilang sandali pa’y bumukas ang pinto’t lumiwanag ang buong kuwarto. Doon ko nasilayan ang buong paligid, na sa loob ako ng aming kuwarto. Punong-puno ng mga nakasabit na litrato ang paligid. May mga petals ng rosas na nagkalat sa paligid. May nakasabit din sa dingding na mga letrang binubuo ang mga salitang, “Will you Marry me?”

Ilang sandali pa’y naramdaman ko ang pagkalas niya sa mga taling pinanggapos sa akin. Nang matanggal iyon ay mabilis na dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi, na siyang ikinagulat niya.

“M-Muntik mo na akong patayin dahil sa takot, alam mo ba ‘yon?!” Nagulat siya sa ginawa ko.

“I-It wasn’t my id-“ Ngunit hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil mabilis kong hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinuli ang kaniyang labi. Mas nagulat siya sa ginawa ko ngunit kalauna’y gumanti rin.

“Yes, I will marry you, Harrison Alcantara,” sagot ko sa kaniyang tanong kanina nang humiwalay ako saglit.

“Fck. I love you!” aniya at muling hinagkan ang aking mga labi.

Nakarinig kami ng mga palakpak. Napatingin ako rito. Na sa loob na rin pala ng kuwarto naming ang kaniyang mga magulang, si Andrei, at Finley.

“Yey! Magkakaapo na kayo ng panibago, Tito at Tita! Sana lang ‘di baog tong si Harrison.”

“Andrei, your mouth…” ani ng Tatay ni Harrison. “Anyways, congratulation. Masaya ako para sa inyo but I do hope you will stay on your words.”

“Welcome to the family again, Conan,” sabi naman ng Nanay ni Harrison.

Napangiti ako dahil sa kanilang pagtanggap.

“So, when will be the wedding?” tanong ni Tito.

“Bukas na po. Nakahanda na po ang plane ticket.” Napatingin ako kay Andrei dahil sa gulat habang nakatingin siya sa kaniyang cellphone. Tumingin siya sa ‘kin. “Don’t worry, baks. Everything is set! Naaalala mo, tinanong kita sa dream wedding mo? This is it!”

Natawa ako dahil sa kaniyang sinabi. Naaalala ko ngang minsan naming napag-usapan ang tungkol sa kasal nilang dalawa ni Henry, tapos tinanong niya ako kung anong dream wedding ko kung sakaling ikakasal man ako. Sinabi ko iyon sa kaniya lahat. ‘Di ko alam na may pinaplano na pala silang dalawa ni Harrison.

“Are you ready to be my half?” Tumango lang ako bilang sagot habang may ngiti sa aking labi. Pinunasan niya ang mga luhang muli na namang bumuhos sa aking mga mata. Kanina’y takot ang kaniyang ipinaramdam, ngayo’y hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko’y na sa cloud nine ako sa mga oras na ‘to.

Totoo ba ‘to? Ikakasal na ako bukas?

EPILOGUE

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

EPILOGUE

THIRD-PERSON POV

Now Playing: Tahanan by Adie

AS the music began to sang, the door slowly open where Conan was patiently waiting. Wearing his white silk suit. Kita ang likod nito na may detayadong desenyo. He is indeed beautiful in white. Mayroon din siyang suot-suot na flower crown.

Sa Araw-araw

Tanging ikw ang palagi kong hinahangad

Laging tanaw

Sa ‘yo ang ilaw na nagsisilbi kong liwanag

Labis ang ngiti kapag ika’y kaharap

Ramdam ko ang pagmamahal, giliw

Namumukod-tangi ka at walang katulad

Ikaw lang para sa ‘kin.

This is indeed his dream wedding. Flowers were everywhere. Iba’t ibang bulaklak mula pa sa iba’t ibang bansa.  He wants his wedding to be like a garden full of different types of flowers. But his most favorite was the white Roses. Kung saan nakalinya ang puting Rosas sa red carpet na kaniyang inaapakan.

“Ang ganda mo, baks!” bulong ni Andrei, ang siyang maghahatid sa kaniya sa altar.

“Mas maganda ka,” he said and smile.

Umirap ito at saka ngumisi. Inayos din ang buhok na inipit sa kaniyang tainga. “I know. Walang makatatalo rito,” he answered.

Tumawa lang si Conan. Ibinaling ang paningin sa mga bisitang naroroon. Iilan lang ang kaniyang kilala. Ang mga kapatid ni Harrison na nakatayo malapit sa Altar. Ang mga magulang ni Harrison. Naroroon din ang iilang mga empleyado niya na inimbintihan niya. Lahat sila’y nakangiting nakatingin sa kaniya. Gumuhit din ang ngiti sa kaniyang labi.

“Tingnan mo si Harris, te. Umiiyak! Naku atras ka na, kasi ganiyang nakikita ko sa mga Celebreties, ‘pag umiiyak daw iyong lalaki, mag-chi-cheat ‘yan.”

Tiningnan niya si Harrison, kung saan kasalukuyan itong nagpupunas ng mga luha. Natawa siya nang mahina dahil binibiro ito ng mga kapatid.

“Umiyak din ba si Henry nung kasal ninyo?”

“Ako ang umiyak nung honeymoon namin! Ang sakit!”

“Bibig mo, Andrei.”

Tumawa lang ito. Saktong na sa harapan na silang dalawa ng Altar kung saan naghihintay ang kaniyang mapapangasawa. Bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso nang magtama ang kanilang mga mata.

Harrison was wearing a white suit. Guwapo, malinis ang gupit, at shaved ang balbas nitong bumagay rito. Namumula ang mga mapupungay na mga mata marahil sa pag-iyak nito.

“Why are you crying?” he asked, while smiles are playfully plastered on his lips.

Dito ka sa piling ko

Oh, dito ka lang, dito ka lang

“I just can’t believe that after all these years finding the true meaning of love, I found you. You’re the answer I was longing for, Conan.”

Bumabagal ang ikot ng mundo

Kapag ika’y nariyan, oh, aking tahanan.

“Mahal din kita, Harrison. Mahal na mahal. You completed the emptiness in my black and white life. No matter what happens, remember that I will choose you, stay with you, and live with you for the rest of our lives.”

“Chaka! ‘Di pa nagsisimula, nagbatuhan na kaagad ng vows!” hirit ni Andrei, napalakas ang pagsasabi nito na siyang dahilan nang pagtawa ng mga bisita.

2 years passed…

”Hon, wake up…” Nagising si Conan mula sa pagkakatulog sa kaniyang opisina. Nang maging malinaw ang kaniyang paningin ay nakita niya si Harrison, nakatayo sa kaniyang upuan, nakasuot ng business attire.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” Habang inaayos ang upo. Pasimple rin niyang pinunasan ang magkabilang gilid ng labi kung may tumulo bang laway rito.

“Sinusundo ka. We’re going home. You’re working late again. Didn’t I told you not to overwork?”

Hindi lang niya maiwasang mag-alala. Alam niyang kaya siyang buhayin ni Harrison ngunit ayaw niyang iasa rito ang lahat. Life can be playful sometimes, not everything you used to do will stay. Hindi lahat nananatili, lahat ay nagbabago.

Papaano kung mawala ang lahat ng ‘yon sa kanila? 

Bumuntonghininga siya. Tumingin siya sa picture frame na na sa kaniyang lamesa kung saan magkatabi sila roon habang malawak ang ngiti nilang dalawa. It was their wedding day from two years ago. Kung saan tuluyang nagbago ang kaniyang buhay. Harrison changed his life that he never imagined before.

Ang akala niya, ang mga ulilang ‘tulad niya’y mananatiling mag-isa habang buhay. But when this man, standing in front of him, came into his life, his life turned upside down. Ang dami-rami nilang pinagdaanang dalawa. Sa dami nang pagsubok na dumating, hindi pa rin siya makapaniwala kung papaano nila nalampasan ang lahat ng iyon.

But what he believes is that when you have trust and patience, everything will fall into place.

“A-Alam ko naman ‘yon. Ayoko lang na nakikita kang nahihirapan,” he answered.

“I told you not to overwork, Hon. Let’s go home? Your son’s waiting,” ani Harrison. Lumapit ito sa kaniyang pwesto at marahang hinalikan ang kaniyang buhok. “I love you so much.”

He closed his eyes in relief. “Mahal na mahal din kita.”

Sabay silang umuwi sa kanilang bahay dahil iyon ang nakagawian nilang gawin simula pa noon. Nang makarating sa kanilang mansion, naghihintay sa labas ang kasambahay habang buhat-buhat ang isang na sa mahigit isang taong gulang na bata. Nakasuot ito ng pajama.

“Papa! Dada!” sigaw ng bata.

“Good evening po, mga sir.”

Nang makalapit sila’y nagpupumiglas ang bata sa bisig ng kasambahay. Mabilis naman niya ‘yong dinaluhan at pinaghahalikan ang mataba nitong pisngi.

“Good evening, ‘te Mara. Salamat sa pagbabantay,” aniya. “I miss you much, Jacob!”

Humagikgik ang batang hawak niya. Hinalikan din siya nito sa magkabilang pisngi. “Mit you too, Papa! Mit you, Dada!”

“I miss you too, bud!” Hinalikan ito ni Harrison sa ulo at maging siya’y hinalikan din. “I miss you as well, hon. He misses you a lot! ” mahina nitong bulong sa kaniya. Nakatingin lang ang bata sa kanilang dalawa.

“May bata, Harris!”

“Later, please?”

“Leter,” ani naman ng bata. “Watch movie, Papa? Please?”

“We’ll watch it tomorrow, bud. Papa’s tired from work. Okay?” sagot ni Harrison.

“But-“

“No buts. I promised, tomorrow is family day.”

“Okay, Dada.”

Katatapos lang niyang maligo. Pinupunasan niya ang kaniyang buhok gamt ang tuwalya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Nakatayo roon si Harrison, nakasuot lang ng boxer shorts at walang kahit na anong saplot pang-itaas.

Tiningnan niya ito mula sa salamin. Maganda ang hubog ng katawan dahil linggo-linggo itong pumupunta sa gym kasama ang mga kapatid. Pinasadahan niya ito ng tingin at nagulat siya nang makita ang malaking bukol sa pagitan ng mga hit anito.

“Fck, don’t look at me like that, hon!”

Natawa siya nang mahina. “Wala naman akong ginagawa sa ‘yo.”

“You’re teasing me! Kanina ka pa sa banyo.”

“Ha? E matagal naman talaga akong maligo,” pagmamaang-maangan niya.

“No, you’re not.”

He rolled his eyes. Ibinbaba ang tuwalya’t umikot upang harapin ang kaniyang asawa.

“Then what are you still standing there, Mr. Alcantara?”

“Fck shit!” At nagulat na lang siya nang mabilis itong nakalapit sa kaniya’t inangkin ang kaniyang labi.

Mapaglaro ang tadhana. Minsan sa buhay natin darating ang mga bagay na hindi natin inaasahang babago sa buhay natin. Conan dreamed to have a life with no chaos. Gusto niyang makawala sa tali ng nakaraang pumipigil sa kaniyang tuluyang maging masaya. Harrison on the other hand wants freedom. Katulad niya’y nalilito rin ito sa kung ano nga ba ang takbo ng mundo.

Pinagtagpo ng tadhana, pinaglaruan ng tadhana ngunit tadhana rin ang nagbigay sa kanila ng daan patungo sa kung nasaan man sila ngayon.

As long as you have trust and patience, everything will fall into places. Lahat ay nasa tamang panahon. Kinakailangan lang na matutong maghintay at magtiwala.

The end…


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.