loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
All Of Me

All Of Me

YorTzekai · 5 chapters · 4,802 words

All Of Me

This is my second hetero Love story,sana po ay magustuahn nuo :p Ill update soon ’)

intro :)

Namulat si Curleen sa mahirap na buhay. At itinaga nya sa bato that she will do everything para umangat ang buhay. Binansagan syang manggagamit at golddigger but she just ignore that. Ang mahalaga sa kanya ay umangat,wala syang pakialam sa sasabihin ng ibang tao,lalo na at hindi naman sya kilalang lubusan ng mga ito. She promised to herself na hindi sya mamamatay na pobre. Until destiny makes its way,nakilala nya ang lalaking lubos na gumambala sa sistema nya,pero dahil akala nya ay katulad nya itong mahirap ay hindi nya pinansin ang nabubuo nyang damdamin para dito. Ngunit paano kung malaman nyang isa pala itong mayaman? Ano ang gagawin nya?

Chapter one

AN- THIS IS MY 2ND HETERO/STRAIGHT LOVE STORY. Kung interesado ka at sinusuportahan mo talaga ako,read this and leave a comment. Kung hindi mo trip ito,just dont read it. Itutuloy ko ito,suportahan nyo man o hindi,matagal ko ng gusto gumawa ng ganito at ngayon nga ay nagawa ko na,gusto kong sumulat outside my comfort zone. Sa mga susuporta po sa kwentong ito,ngayon pa lang nagpapasalamat na ako. Enjoy reading guys! =)

~

“Kaya kayong magkapatid,magsumikap kayo para umangat sa buhay,o di kaya’y mag asawa ng mayaman!” sabi ni Lola habang kumakain kami ng agahan,araw araw na ata nya iyang sinasabi,at nakatatak na iyon sa utak naming magkapatid. “Pag nagkaroon kayo ng karelasyon,huwag gamitin ang puso! Utak ang gamitin! Tingnan nyo ang nanay nyo,may boyfriend ng mayaman noon,pinairal ang puso at mas pinili ang tatay nyo.”

Napatingin ako sa kapatid kong lalaki,si Jofiel. Umikot ang mga mata nya,ibig lang sabihin hindi nya gusto ang sinasabi ni Lola,dun kami nagkaiba.

Kasi ako,I will do anything para umangat sa buhay,mataas ang pangarap ko,hindi din muna ako nagbo-boyfriend lalo na at walang ipapakain sa akin? Kaya nga gusto ko kung magkaka boyfriend ako,eh yung mayaman.

“Pasok na po ako sa school.” ani Jofiel at lumabas na. “Ate,magtatanong ako sa mga kakilala ko kung saan ka pwedeng mag apply,sasabihan kita pagka uwi ko.” pahabol pa nito.

“O siya. Ikaw na maghugas ng mga ito Curleen,pupunta lang ako sa mga kumare ko,baka simula na ang session ng majong.” tumayo na din si Lola at lumabas. Napabuntong hininga ako.

Kailan kaya giginhawa ang buhay namin? Ang buhay ko? Nakakapagod maging mahirap. Kung ang iba ay kuntento na sa simple nilang buhay,ako ay hindi.

Pagkatapos maghugas ng mga pinagkainan namin ay pumasok na ako sa maliit kong kwarto. Hinanda ko na ang mga damit ko,plano kong maghanap ng trabaho kahit part time lang,yung aayon sa schedule ko. Nasa fourth year college na ako sa kursong Education,yun kasi ang pinaka murang kurso,pero sa totoo lang,wala akong balak maging teacher.

Wala naman akong ibang masuot na pang ibaba kundi ang miniskirt,at ang pang itaas ay simpleng shirt lang na pinatungan ko ng blazer. Hindi ako nahihiya dahil makinis ang hita ko at maputi.

Tumingin ako sa maliit kong salamin. Hindi ko na siguro kailangan mag make up,maganda pa din ang natural na ganda.

Paglabas pa lang ng bahay ay pinagtitinginan na ako ng mga kapitbahay namin. Iniirapan ko lang sila,kung anu-ano kasing tsismis ang ikinakalat nila tungkol sa akin.

Habang naghihintay ng jeep ay nag isip ako. Saan nga ba ako mag aaply? Kung bakit kasi ngayong fourth year ko lang naisipan mag hanap ng trabaho eh!

Bahala na nga!

Habang sakay ng jeep ay tinitingnan ko ang bawat madaanan. Hanggang sa may makita akong building na may mga pumapasok na may mga dalang envelope o folder. Baka hiring dun! Agad kong pinara ang jeep at bumaba.

“Excuse me? Anong meron sa loob?” ang agad kong tanong sa gwardiya ng makalapit ako.

“My job fair po sa loob Miss. Mag aapply ka? Pumila ka na agad!”

“Ganon ba? Salamat!” agad akong pumasok sa loob at nakipila. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapila,pero nakaramdam na ako ng pagkainip at gutom. Sakto lang ang dala kong pera,at nanghihinayang naman ako kung hindi ko itutuloy ang pag aapply.

Makalipas siguro ang halos isang oras ay nasa pila pa din ako. Nangangawit na ang mga paa ko sa kakatayo at kailangan ko na din mag Cr.

“Okay! Pasensya na po sa mga nakapila pa. Pero cut off na po namin. Bumalik na lang kayo next week,same day and same time!” sabi ng isang lalaki na naka mega phone pa.

Nalaglag ang panga ko sa gulat. Ganon na lang yon? Wala ba silang konsiderasyon? Bwisit naman!

Marami ding umalma pero hindi na ako nakisali. Ang importante sa akin ay makapag CR muna dahil parang puputok na ang pantog ko!

May nakita akong janitor at tinanong ko ito kung nasaan ang Cr,agad naman nitong itinuro sa akin ang direksyon.

I feel relieved ng matapos akong mag cr. Ang pinagtataka ko lang eh kung bakit wala masyadong tao at bakit hindi pa lumalabas yung nasa kabilang cubicle.

Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at lumapit sa sink para maghugas ng mga kamay. Nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin,hindi na ako fresh. Kaya agad akong naglagay ng kaunting powder.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas yung cubicle na tinutukoy ko kanina. Nanlaki ang mga mata ko ng makita sa reflection ng salamin kung bakit.

“AAAHHH FUCK! Ayan naaa!!” sabi ng lalaki nakapikit at nakatingala habang naka stretch ang mga paa,nisapa nya siguro ang pinto? At yung babaeng nagtataas baba sa kandungan nya ay nakaharap sa kanya kaya hindi din ako nakita.

“Ako din! Uhmmm!!” sabi nung babae. Parang bigla akong nanginig at natulala sa nakita ko.

“My God!” ang tanging naibulalas ko kaya sabay silang napatingin sa akin.

“Shit!” pareho silang nataranta. Ako naman na estatwa na. Ano ba itong mga ito? Sapin sapin na lang ba?

Tiningnan ko yung lalaking tarantang nagbibihis. Maganda ang hubog ng katawan nya,matangkad sya. At higit sa lahat ay gwapo,mukhang mayaman. Pero ng makita ko ang damit nya ay nadismaya ako.

Isa lang pala syang Janitor.

Nagmadali akong lumabas sa Cr,direderetso ako sa labas ng building hanggang sa may humablot sa braso ko kaya napalingon ako.

“Teka! Miss.” anito. Tinitigan muna ako bago nagsalita. At ewan ko ba,bakit parang bigla akong kinabahan na ewan? Bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko mawari.

Gwapo nga talaga siya,makapal at maayos ang mga kilay,maganda ang mga mata na kulay brown,matangos ang ilong at mamula mula ang mga labi. Pero,isa syang janitor.

“Ano yon?” ang mataray kong sabi. “Pakibitawan ang braso ko.”

“Im sorry.” anito at binitawan ang braso ko,para kasi akong nakuryente sa pagkaka hawak niza eh. “Yung nakita mo,uhm–”

“Yun ba? Wala iyon. Ganyan talaga tayong mahihirap,kung saan lang abutin. Don’t worry,walang makaka alam dahil hindi naman kita kilala.” taas kilay kong sabi dito.

Parang nagulat naman ito sa inasta ko,kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para talikuran sya at maglakad palayo.

Gwapo sana,pero katulad ko din sya,mahirap.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapunta ako sa isang book store. May nakalagay na hiring daw para sa tagapagbantay.

Napaisip ako. Kung hindi ako pwede sa malalaking kumpanya,pagtatyagaan ko muna ito. Tutal pera din ito,at saka malay mo may maging costumer ditong mayaman at dun na magsimula ang maganda kong buhay.

Agad na akong pumasok sa loob,dumiretso ako sa counter at nag inquire. Malaki din itong book store na ito,pwedeng ipang tapat sa NBS.

“Uhm pasok ka lang po sa pintong iyon,Miss. Nandun si boss.” sabi ng nasa counter at agad nga akong pumasok sa tinuro nyang pinto.

“Good afternoon po! Im Curleen Crisostomo. Mag apply po sana ako.” ani ko sa babaeng naka upo sa swivel chair. May edad na ito,tingnan ako nito at ngumiti.

“Tanggap ka na ija! Ikaw ang kauna unahang pumasok dito para mag apply. Hindi nila pinapansin ang karatula sa labas,hindi siguro nila gusto ang ganitong trabaho.” dirediretsong sabi nito. Napa letter ‘O’ tuloy ang bibig ko.

“G-ganon po ba? Maraming salamat po! Uhm,baka hindi lang po nila gusto ang ganitong trabaho? Ang mapaligiran ng mga libro?” ani ko at alangang ngumiti.

“I like you ija! Mukhang ikaw ang magdadala ng swerte dito. Dodoblehin ko ang sweldo mo,kinsenas katapusan ang pasweldo ko dto,2,500 so in a month may 500 ang mga trabahante ko,pero ikaw dodoblehin ko! Nararamdaman kong ikaw ang swerte!” anito,tumayo at lumapit sa akin. “Maganda ka ija,makaka attract ka ng costumer!”

“Uhm,salamat po? Ang laki nyo naman po magpasweldo,baka malugi kayo?”

“Hindi ako malulugi,mayaman ako,kaya nga nagtatagal ang mga trabahante ko,malakas dati itong book store,pero biglang humina,ewan ko ba.” anito at biglang nalungkot. Bigla tuloy akong may naisip na idea.

“Uhm,pwede pong mag suggest?” sabi ko naman. Kung mayaman pala sya,edi hindi sya mahihirapan sa suggestion ko.

“Ano iyon ija?”

“Mga books pang school po ang nandito at mga lumang libro diba? Bakit hindi po kayo magbenta ng mga pocketbooks,ng mga books like Harry potter,twilight. Nang mga published book galing sa wattpad at mga horror books. Tutal mayaman po kayo,hindi kayo mahihirapang kumuha ng mga yan. Hindi naman po sa gagayahin natin ang NBS,pero mas mainam na din po na meron din kayong office and school supplies diba po ba?” ang mahaba kong sabi na ikinangiti ng matanda.

“Tama ka! Magandang idea yan. Nga pala,tawagin mo akong Tita Betty.” naglahad ito ng kamay.

“Curleen po.” ang pagtanggap ko sa pakikipagkamay nito.

“Hmmm tatawag na ako ngayon para madeliver bukas. Ikaw naman umuwi at magpahinga,bukas ka na magsisimula.” anito at lumapit sa mesa nya at kinuha ang telepono.

Nakangiti akong lumabas ng book store na iyon. Iniisip ko agad ang sweldo,may P10,000 ako sa loob ng isang buwan. Mukhang mag e-enjoy at magtatagal ako dito,magaan din kasi ang loob ko dun kay Tita Betty.

Dahil masaya ako ay kumain muna ako ng jollibee at nag take out para kay Jofiel,mapapalitan din naman itong perang pinambili ko. Panigurado matutuwa sila,kaso nagdadalawang isip ako kay Lola,baka nasa majungan pa iyon.

Umuwi na ako. Walang tao sa bahay. Kaya pumasok muna ako sa kwarto ko at nahiga.

Napangiti ako,mula bukas magsisimula na ang bagong kabanata ng buhay ko,sampung libo sa loob ng isang buwan? Para na din akong nagtrabaho sa private company nun. Panigurado makaka ipon na ako nun.

Pumikit ako. Biglang pumasok sa isipan ko yung eksena kanina sa CR. Yung mukha nung gwapong lalaki habang nakatingala at nakapaikit.

Ugh! Bakit ko ba naiisip ang janitor na iyon?

Chapter two

AN/ SALAMAT PO SA MGA NAGCOMMENT SA UNANG CHAPTER :)

~

Kinabukasan ay masaya akong pumasok sa school,iisa lang kami ng school ng kapatid kong si Jofiel kaya magkasabay kami pag may pasok. Panay ang tingin nya sa akin habang nasa jeep kami.

“Parang ang saya mo,ate?” ang agad nyang puna.

“Syempre! May trabaho na ako! Madali akong makaka ipon. At pag nagtagal aangat na buhay natin!” ang masaya ko namang sagot.

“Huh? Bakit ngayon mo lang sinabi? Does that mean na hindi ka na maghahanap ng mayamang boyfriend?” aniya. Napatingin tuloy ako sa mga kapwa namin pasahero. Ang ingay naman kasi nito ni Jofiel eh!

“Ang lakas ng boses mo!” ang bulong ko sa kanya. “Syempre maghahanap pa din,aba dapat ang lalaki ang mag angat sa buhay ng lalaki no?”

“Ewan ko sayo ate! Eh ano bang trabaho?”

“Sa bookstore! And mind you,10 thousand a month ang sweldo ko,mamaya ako magsisimula at kakausapin ko din ang may ari tungkol sa schedule ko sa school.” ang proud ko pang sagot.

“Eh ate,maghahanap na din ako ng trabaho. Pero teka,paano si Lola?”

“Huwag muna nating sabihin sa kanya. Baka manghingi ng manghingi at maubos lang sa majong ang pera!” sagot ko na ikinatawa ng kapatid ko.

Pagdating sa campus ay naghiwalay na kami. Inayos ko ang buhok ko at nilagay sa gilid bago naglakad. Hindi ako makahakbang ng maayos dahil sa uniform ko.

“Curleen! Date naman tayo!” sigaw ni Krawl na nakatambay sa bench kasama ang mga tropa nya. Close ko sya,matagal na syang nagpaparamdam,pero tulad ko,mahirap din sya kaya alam nya kung anong gusto ko.

“Saka na,pag mayaman ka na!” sagot ko na naka ngiti. Nagtawanan ang mga tropa nya at sumipol pa.

Gwapo sa Krawl,kung mayaman lang sya,matagal ko na syang sinagot. Kaya nga madaming nagagalit sa akin,pinapaasa ko daw sya,and they labeled me as a golddigger,the hell I care? Mga ipokrita sila. Atleast,hindi ako nakikipag flirt at make out gaya nila,mga bitch.

Pag pasok ko sa unang klase ay pinagtitinginan ako,ang iba ay iniirapan ako,hindi ko na lamang sila pinapansin dahil baka masira lang ang araw ko at ayoko iyong mangyari.

Nagtaka pa ako na may katabi akong bakanteng upuan,dito kasi ako sa dulo ng first row since Crisostmo ang apelyido ko.

Nagpasukan na ang ibang estudyante kasunod ang prof namin. Block section kasi kami,mas gusto ko ang ganito kesa palipat lipat ng room bawat subject,nakaka stress at nakakapagod.

“Class,meron tayong late enrolee at dito sya sa section nyo. He’ll be here in a minute dahil nasa Chancellor’s office pa sya.” ani Maam.

Matatapos na ang first sem tumatanggap pa sila ng late enrollee? Sa bagay,ano nga bang pakialam ko.

“Maam?” sabi ng boses sa may pintuan. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil pamilyar sa akin ang boses nya.

“Oh ijo! Nandyan ka na pala. Come here infront and introduce yourself.” ani Maam. Pumasok yung lalaki at tuluyan na akong napanganga.

Sya yung late enrollee? Si Janitor?!

Pagpunta sa harapan ni Janitor ay naghagikgikan ang mga babae. Sus! Ganyan sila pag nakakita ng gwapo.

“Good morning everyone! Im Rudd Del Rio,19 years old and Im glad to be here!” naka ngiting sabi nito at tumingin sa akin,agad ko naman syang inirapan.

“Good! Welcome here Rudd! Dun ka maupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Curleen.”

“Thank you Maam!” nakangiting sabi ni Rudd at naglakad na papunta sa akin. Kumalabog ang dibdib ko,ugali ba talaga nyang manitig?

Nang maupo sya sa tabi ko ay nagkunwari akong hindi ako affected sa presensya nya. Tumikhim sya kaya nagtinginan sa amin ang iba,karamihan ay inirapan ako.

Gusto nyo tong Rudd na to? Edi kayo tumabi sa kanya! Mga inggitera.

“Nice seeing you again,dito ka pala nag aaral?” pabulong nyang sabi. Dahan dahan ko syang nilingon.

May mukha pa talaga syang ihaharap sa akin? Matapos ko syang makitang nakikipag–ahh! Nevermind.

“Ganon talaga.” walang buhay kong sagot at binawi ang tingin sa kanya.

“Yung nakita mo dun sa cr,uhm pasensya–”

“Hindi ko na iyon iniisip,huwag mo ng ipaalala.” matabang kong pagputol sa sasabihin nya.

“Okay,salamat!” aniya at hindi ko na sya nilingon. Mahirap na,baka pag isipan na naman ako na lumalandi. Excuse me,wala akong balak mampatos ng kapareho kong mahirap.

Sa lahat ng klase namin ay hindi ko nilingon si Rudd,kahit na pakiramdam ko ay para na akong magkaka stiffneck.

Like seriously? Bakit nga ba hindi ko sya tinitingnan? Hindi naman bawal?

Nang nag break na ay inayos ko na ang gamit ko,kumawala ang buhok ko kaya inipit ko sa mga tenga ko saka ako tumayo. Naglapitan naman ang mga kaklase ko kay Rudd. Bahala na sila dyan.

“Ang ganda ganda ni Curleen,may boyfriend na iyon?” nadinig kong tanong bago lumabas ng pinto,at hindi lang ako sure kung sino ang nagtanong. Baka ko pa madinig ang sagot ay nagmadali na akong naglakad palayo.

Naisip kong gamitin ang break para pumunta sa Bookstore at makausap si Tita Betty regarding my school schedule.

Nagulat ako na iba na ang disensyo sa labas,at kitang kita ko na ang daming tao sa loob.

Pumasok ako at nagulat sa dami ng mga bagong libro. Inilibot ko ang paningin ko,karamihan ay puro babae ang costumer.

“Curleen! Nandito ka na!” boses ni Tita Betty kaya nilingon ko.

“Magandang tanghali po tita,mukhang ang lakas ng benta ah?” nakangiti kong sabi ng makalapit ito.

“Syempre,dahil yan sayo at sa suggestion mo. Nagpadeliver na din ako ng mga Manga dahil yun daw ang hilig ng mga binata ngayon.” anito at ngumiti. “Magsisimula ka na ba?”

“Uhm,tungkol dyan,Monday,Wednes,Thursday po may pasok ako pero lahat yun ay hanggang alas tres lang ng hapon,so sa mga araw na yon 3PM na ako mag time in,pag Tuesday,friday,saturday at sunday at whole day ako dito.” ang nahihiya kong sabi.

“Walang problema dyan,Curleen. Kumain ka na ba?”

“Hindi pa po.”

“Nako! Masamang nagpapalipas ng gutom ang mga magagandang babae. Ito ang pera,may malapit na fastfood dito at kumain ka,bumalik ka na lang dito mamayang alas tres.” sabay abot ng two hundred pesos,nag alangan ako,kasi parang pineperahan ko ang matanda. “Tanggapin mo na,kaltas na lang sa sweldo mo.”

Ganon nga ang ginawa ko,kumain ako sa Jollibee at pagkatapos ay bumalik sa campus,may dalawang klase pa kasi ako.

Pagdating sa room ay naabutan kong nagtatawanan sina Rudd,napapaligiran sya ng mga classmates naming lalaki at babae. Napatingin sila sa akin at agad nag alisan.

Ganyan nga,makuha kayo sa tingin. Lumapit na ako at pinagpag ang upuan saka ako umupo. Kinuha ko sa bag ko ang notebook at agad nag advance reading,baka biglaan na naman kasing magka quizz.

Sa dulo ng mga mata ko ay nakikita kong naglalaro sa phone nya si Rudd. Infairness,naka iphone. Siguro imitation lang? Hindi naman siguro afford ng janitor bumili ng ganon kamahal na cellphone.

“Uhm,Curleen?” ang pagtawag nito sa akin kaya nilingon ko sya. “Pwede bang makuha ang number mo? Nakuha ko na number ng mga classmates natin.”

“Wala akong cellphone eh.” sagot ko. Pero ang totoo ay meron,luma na at gamit ko pa ito mula first year high school,isang Nokia 1110i.

“Huh? Imposible!” anito. Biglang tumunog ang phone ko,wala sa sariling kinuha ko ito at sinagot dahil si Jofiel ang tumatawag.

“Hello? Magsisimula na ang klase ko.” ani ko dito,napatingin ako kay Rudd at naalala ko ang tungkol sa paghingi nya ng number ko.

“Hello ate? May pera ka ba? May project kasi kami eh.” napabuntong hininga ako. Naaawa ako sa kapatid ko.

“Sige,mangungutang ako para sa project mo. Mamaya tayo sa bahay mag usap.” at pinutol ko ang tawag.

Isa ito sa mga rason kung bakit gusto ko ang mabilisang pagyaman. Gusto kong matulungan at masuportahan ang kapatid ko.

“May cellphone ka naman pala eh.” naka ngiting sabi ni Rudd,inirapan ko sya at agad tinago sa bag ko ang cellphone ko.

“Oo. Ang mahalaga may contact ako sa kapatid ko.” sagot ko at ngumuso. Naisip ko na sa unang sweldo ay bibilhan ko ng mga damit at gamit sina Jofiel at Lola.

“Tama yan!” aniya.

“Kaya nga ang pagkakaroon lang ng mayamang boyfriend ang tanging alam kong kasagutan. Magkakatrabaho ako pero hindi sapat iyon para yumaman agad. Mataas ang pangarap ko,ambisyosa ako para sa pamilya ko. Hindi ako papatol sa pareho kong hampaslupa.” ang mahaba kong sabi. Ewan ko ba at bakit ko iyon sa kanya sinabi,siguro kailangan ko lang talaga ng may mapag sasabihan.

Hindi nagsalita si Rudd kaya nilingon ko sya. Nakatitig lang sya sa akin at nakaramdam ako ng pagkailang at pagbilis ng tibok ng puso,agad akong nag iwas ng tingin,sakto naman ay dumating na ang prof.

Nang dissmissal na ay nagmamadali na akong umalis. Paglabas ko ng building ay sinalubong ako ni Krawl.

“Hatid na kita,Curleen.” naka ngiting sabi nito. As usual,gwapo pa din. Kung hindi lang sya mahirap ay matagal ko na syang sinagot.

“Hindi na,may pupuntahan pa ako,salamat na lang.” naka ngiti kong sabi sa kanya.

“Hindi ba talaga ako pwedeng manligaw?” aniya habang sinasabayan ako sa paglalakad.

“Alam mong hindi pwede Krawl.” ang sagot ko na patuloy pa din sa paglalakad.

“May mayaman ka na bang boyfriend?” pangungulit pa nito. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko sya.

“Sana nga meron,pero wala.” sabi ko sa kanya. Bigla syang nalungkot kaya napabuntong hininga ako.

“Pag yumaman ba ako ay sasagutin mo ako kung manliligaw ako?” aniya.

“Magpayaman ka muna. At magpapayaman din ako.” sagot ko at napatingin sa likuran ko.

Nandun si Rudd,nakatayo at walang expression ang mukha na nakatingin sa akin.

Im sorry,janitor ka lang,pareho tayong mahirap kaya huwag mo akong tingnan ng ganyan.

Chapter three

Mula nung araw na narinig ni Rudd ang pag uusap namin ni Krawl ay hindi na nya ako masyadong kinikibo,maliban na lang sa mga school matters. But it doesn’t really matter to me,it doesn’t really bother me at all.

Let’s face it. Na turn off siguro sya dahil nalaman nyang mas mahalaga sa akin ang pera kesa sa pagmamahal. Sa panahon ngayon kailangan practical,hindi ka mabubuhay ng puro pag ibig lang. Lalo na ako,sa uri ng buhay na meron ako at ang pamilya ko,mas mahalaga sa akin ang pera.

“Curleen,ang lakas na ng kita natin. Mukhang kailangan natin magdagdag ng tauhan.” ani Tita Betty habang inaayos ko by category ang mga libro. Malaki ang naitulong sa akin nito dahil pag may homeworks ay libre akong nakaka gamit ng libro. May reading area na din kasi itong bookstore,at pang limang araw ko na dito.

“Ganon po kabilis? Kayo po Tita,kayo ang bahala,bookstore mo ito.” nakangiti kong sabi.

Medyo weird lang na taga asikaso ako ng mga costumers,taga ayos ng mga libro pero mas malaki pa ang sweldo ko kesa dun sa cashier,umpisa pa lang eh pinagtataka ko na yon,but its okay. As long as makaka ipon ako at maibibigay ko ang tustusin ni Jofiel sa school ay ayos na ako.

But still,Im hoping na dumating ang isang mayamang lalaki para mas mapadali ang pag angat ko sa buhay.

“Yeah. In just a span of five days. Nag boost ang kita ng store. Minsan nagkaka ubusan pa at nagkakanda ugaga na ako sa pag order ulit.” ani Tita Betty na nakangiti.

“Well,in that case tita,gawin mo ang sa tingin mo ay tama.” ani ko at pinasadahan ng tingin ang mga librong katatapusan ko lang ayusin.

“And I will promote you my dear! Ikaw ang swerte ko.” nakangiting sabi nito,tumalikod at kumakanta pang nagtungo sa office nya. Napangiti na lamang ako,sana ganyan din ang lola namin ni Jofiel.

“Dito Bro,laging nag lalabas ng new issue ng Naruto dito sa store na ito.” sabi ng isang boses na kakapasok pa lang. Pamilyar sa akin,parang sa kaklase ko lang.

“Really? Edi bumili na kayo. Wala akong hilig dyan.” sabi ng isa pang boses na ikinalaki ng mga mata ko. Si Rudd yon.

“Bakit bro? Ano ba hilig mo? Mga porn?” at nagtawanan sila kaya nagdesisyon akong maglakad papunta sa kanila.

“Uy! Curleen? What are you doing here?” ani Jase ng makita ako,agad napatingin sa akin si Rudd,but I just ignored him.

“Dito ako nagtatrabaho eh. Pili lang kayo,mga bagong issues yan ng Naruto at kaninang umaga lang dineliver.” ang sabi ko sabay turo sa shelf ng mga manga books.

“May fruit basket ba dito na Manga?” ang sabi naman ni Derf habang tumitingin tingin din.

“The fuck? Fruit basket? Yaoi yon bro. Are you some kind of beks?” naka ngising pang iinis dito ni Jase.

“Lul. Walang pakialaman!”

Biglang tumunog ang phone ni Rudd,napatingin kami sa kanya,nahuli ko syang nakatingin sa akin pero ako na mismo ang unang nagbawi ng tingin.

“Hello?” ang pagsagot nya sa tawag. “Oo,sige tapos na class ko,pupunta na ako dyan.”

Tinawagan na siguro sya para sa trabaho nya. Sayang talaga sya,mukha syang mayaman pero janitor lang pala. Alam kaya ng mga classmates namin ang trabaho nya?

“Nakapili na kami,Curleen.” pagpukaw ni Jase habang hawak ang manga na napili nya.

“Sige,dalhin nyo lang sa may counter.” ani ko at inayos ang mga nagulong manga books.

“Mga tol,kailangan ko ng umalis. Kita na lang tayo bukas.” ani Rudd kina Jase at Derf.

Hindi ko alam kung bakit buong oras ng trabaho ay ang pagiging janitor ni Rudd ang iniisip ko? Ganon ba ako nanghihinayang sa kanya?

Kaya ng matapos ang oras ng trabaho ay nagpasya akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep na dadaan sa amin. Nadaanan ko ang building kung saan ako nagtangkang mag apply at kung saan ko unang nakita si Rudd.

Sakto naman ay palabas na ng building si Rudd. He looks so exhausted kahit nasa malayo ako. Sa bagay,nakakapagod maglinis ng isang buong building. Malaki siguro ang sweldo kaya nakabili ng iphone.

Binawi ko na ang tingin ko ng lilingon na sya sa akin. Agad na akong nagmadaling maglakad para makauwi.

“Ate pumasa ako sa project namin! Salamat sayo ah? Magbabayad ako pag may pera na ako.” ani Jofiel ng makauwi ako. Wala na naman si Lola at mukhang nasa majungan na naman.

“Baliw! Bakit ka magbabayad? Kumain ka na ba?”

“Hindi pa. Naabutan ko si Lola na kakatapos lang kumain. Pagtingin ko sa kaldero wala ng kanin.” anito na sinusundan ang bawat galaw ko.

Naawa ako sa kapatid ko. Pero masikap ang kapatid ko,ang katalinuhan at kasipagan nya ang mag aangat sa kanya balang araw. Yun ang pinagkaiba talaga naming dalawa.

“Binigyan ako ng allowance ng boss ko,tara kain tayo sa labas. Hintayin mo ako at magbibihis lang ako.” ani ko at pumasok na sa aking kwarto.

Pagkatapos magbihis ay gumayak na kami. Sa Jollibee kami kumain para affordable. Panay ang kwento ng kapatid ko sa mga nangyayari sa kanya na sadyang ikinakatuwa ko.

“May girlfriend ka na ba Jof?” ani ko ng patapos na kaming kumain.

“Wala pa ate. Pero may nagugustuhan na ako. Liligawan ko sya pag kaya ko na syang gastusan.”

“Baka maunahan ka ng iba?” ang nag aalala kong sabi. Hindi lang naman ako ang babaeng ambisyosa at mataas ang pangarap,madaming nagkalat dyan sa paligid. Na tulad ko,pag dumating ang ganung pagkakataon ay susunggaban agad.

“Hindi naman siguro. Saka,may kontrata na kami at natatakan ko na sya.” ani Jofiel at nahihiyang ngumiti.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya,iba ang pumasok sa isipan ko.

“Anong ibig mong sabihin?! Dont tell me–”

“Oo,ate. She gave me her virginity.”

OH MY GAWD! Bakit ganon? Ako nga sobrang iniingatan ko ang akin eh? May mga babae siguro talagang ganon. Pero ayoko namang husgahan yung nagugustuhan ng kapatid ko.

“You mean. Uhm,parang kayo na parang hindi?”

“Medyo ganon na nga ate.”

Hanggang sa maka uwi at bago matulog ay yung mga sinabi ng kapatid ko ang naiisip ko. Gosh! Napaka bata pa nya para mawalan ng virginity! I want to meet the girl! Baka itsura lang ng kapatid ko ang habol nya,hindi pwede sa akin yon,Im a stage sister.

Kinabukasan,pagpasok sa room ay naabutan ko na namang nagkukumpulan sina Rudd at ang mga classmates namin. Dumiretso ako sa upuan ko at palihim na tiningnan ang aking phone,nakakahiya naman kasi talagang ipakita sa kanila.

May text galing kay Krawl.

Krawl:

I’ll fetch you after your work. Please don’t reject me this time.

Napabuntong hininga ako. Paano ko ba sya isisingit sa schedule ko? Sabagay,linggo ngayon,isa lang ang subject ko at diretso na ako sa trabaho pagkatapos. Magpapa alam na lamang ako kay Tita Betty para mapagbigyan lang si Krawl.

Agad na akong nagtype ng reply at sinend ito.

Frustrated kong naibalik sa bag ko ang phone. Wala pala akong load. Kainis!

Tumingin ako sa paligid. Kanino kaya ako pwedeng makitext? Wala naman ako ka close sa mga classmates ko. Hanggang sa mapansin ko si Derf na busy sa manga na binili nya kahapon sa bookstore.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa kanya. Ng nasa gilid na nya ako ay nag angat sya ng tingin at ngumiti.

“Oh? Curleen? May kailangan ka?”

“Uhm,pwedeng makitext? Naubusan na ako ng load eh.”

“Sure!” dinukot nya sa bulsa nya ang phone nya at iniabot sa akin. God! Paano gumamit ng ganito? Panay ang touch ko pero hindi ma unlock ang screen. “Ay! Naka lock pala ang homescreen.”

Tumayo si Derf at tumabi sa akin,habang hawak ko ang phone nya ay ini unlock nya ito at sya na mismo ang nagpindot sa write message.

Napatingin ako sa grupo nina Rudd,salubong ang kilay nyang nakatingin sa akin,at hindi ko alam kung bakit kumalabog ang dibdib ko.

“Yan,sige na. Magtext ka na. Kahit ilan pa. Postpaid naman ako.” ani Derf at naupo ulit.

Agad kong tinext si Krawl. Pagkasend ko pa lang,wala pang ten seconds ay tumawag na sya.

“Uhm,Derf. Wait lang ah? Tumawag eh.” ani ko,tumango si Derf at ngumiti saka ako lumabas ng room.

“Sino to?” ang bungad ni Krawl. Hindi nga pala ako nakapag pakilala sa text.

“Si Curleen ito. Nakitext lang ako! Hindi aking number ’to.” at tumingin ako sa loob ng room. Nakatingin pa din sa akin si Rudd.

“Anong problema nya?” ang tanong ko sa sarili ko.

“Oh! Sayong text yon? Yung pumayag kang sumama sa akin mamaya?”

“Oo! 5PM sa may bookstore,sunduin mo ako,bye!” at agad kong pinatay ang tawag. Nakita ko kasing padating na ang prof namin.

Naupo na ako sa upuan ko,at ramdam kong nakatingin sa akin si Rudd,pero hindi ako nagtangkang lingunin sya.

“Is that you’re way of getting boys attention and money?! Tsk,”

Aniya kaya dahan dahan ko syang nilingon. Kumulo agad ang dugo ko dahil sa sinabi nya.

“And If I am? Wala kang pakialam!” mahina ngunit gigil kong sabi.

“Oo nga naman. Pakialam ko ba sayo. Flirt with everyguy in the campus and get their money’s.”

Gusto ko syang sakalin! How dare he?!

  • RAINY AFTIE! BYE!

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.