loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Alter The Game

Alter The Game

beeyotch · 53 chapters · 138,095 words

About The Story

(Game Series # 8) Mauro Eugenio dela Rama’s life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo kasi pinili niya naman ’yon. For him, he’d rather be exhausted with his 9 to 5 and 5 to 9 kaysa humingi ng pambayad ng tuition sa tatay niya. 

He was doing fine kahit nahihirapan siya. Akala niya hindi niya kailangan ng tulong… 

Then he met Atty. Achilles V. Marroquin. 

Mauro thought that he was just being nice to him dahil abogado na ’to ay siya ay ’di hamak na struggling law student lamang. Kahit nahihiya siya, humingi siya ng tulong dito. Kakapalan niya na ang mukha niya kaysa bumagsak siya sa subjects niya. 

He thought he was just being regular nice to him… hanggang isang araw ay napapatanong na lang siya sa sarili niya kung normal pa ba ’to o nilalandi ba siya ng abogadong ’to?

Chapter 00

#ATG00 Chapter 00

“Uy, good mood ba si Judge ngayon?”

Hindi ako naka-sagot dahil hindi rin naman ako sigurado. Nung huli kong sinabi na good mood si Judge, bigla siyang na-bad mood tapos sa akin nagalit kasi ’di raw ako nagsabi ng totoo. E malay ko ba? ’Di ko naman hawak mood ni Judge. Nakiki-sabay lang din ako sa mood ni Judge.

“Di ko sigurado… Tignan mo na lang.”

Napa-simangot siya. “Wala man lang bang clue?”

Nagkibit-balikat ako. “Di ko talaga alam,” sabi ko na bahagyang tumawa. Aba, mahirap na. Mamaya e kasalanan ko na naman. Nananahimik ako tapos biglang kasalanan ko na naman.

Dahil kailangan niya yata talagang maka-usap si Judge, pumasok pa rin siya sa chamber. Bahala siya d’yan. Tapos naman na ako sa pinapa-gawa ni Judge kaya nagrereview na ako. Kung papipiliin lang talaga ako, ayoko talagang magworking student. Nung college, kaya pa.

Ngayong law school? Parang ika-mamatay ko na lang talaga.

Parang bigla na lang akong bubulagta sa kalsada sa sobrang pagod.

’Di ko rin alam kung saan talaga ako pagod–kung sa trabaho ko ba o dahil pagod na iyong utak ko dahil kahit ano’ng gawin ko, wala talaga akong maintindihan sa pinag-aaralan ko? Tuwing may klase, para bang nasa ibang dimensyon ako at wala akong maintindihan sa mga tinuturo sa amin. Parang dumadaan lang iyong mga salita sa tenga ko.

Ewan ko ba.

Lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na konting gapang pa.

At least kahit gumagapang ka, ’di ka stagnant. Pasasaan ba at makaka-rating din ako sa finish line.

Tahimik akong nagbabasa ng sa Statcon nang biglang lumabas si Tin. Napa-tingin ako sa kanya.

“Bad mood?” tanong ko.

“May kausap,” sagot niya.

“Oh? Sino?” nagtatakang tanong ko dahil wala akong maalala na pumasok sa chamber ni Judge. Kanina pa naman ako rito… Weird naman.

“Lawyer pero ’di ko alam pangalan,” sagot niya.

“Galit?”

Mariin siyang tumango. “Ayaw magbackdown nung abogado. Lakas, e! ’Di natatakot ma-cite in contempt,” tatawa-tawang sabi niya. Medyo nanlaki rin ang mga mata ko. Ayos, ah… Sa tagal na nagtrabaho ako kay Judge, ngayon lang ako naka-rinig ng lawyer na puma-palag sa kanya. Kadalasan kasi sa mga nakaka-salamuha ko rito sumi-sipsip, e. Syempre para kapag si Judge may hawak ng kaso nila, feeling nila favorite sila. Sobrang lala kapag birthday ni Judge. Para kaming malulunod sa lechon na pina-padala ng mga abogado. Parang tanga nga, e. Minsan, na-weirduhan sila Mama sa akin may uwi akong isang buong lechon. E ano’ng magagawa ko? Pina-uwi sa akin ni Judge kasi wala naman daw kakain dahil nung time na ’yun e 5 lechon ata pina-dala.

Sa susunod nga gagawa na ako ng registry, e. Para hindi puro lechon. Try naman nila pasta o kaya pizza. Bakit puro lechon?

“Pero ang gwapo!” dagdag ni Tin. “Alamin mo naman pangalan tapos sabihin mo sa ’kin.”

Nagkibit-balikat na lang ako.

Binalik ko iyong atensyon ko sa pag-aaral. Olats kasi ’yung unang recit ko sa Statcon. Sabi nila basic subject lang ’to, pero bakit kahit basic nalilito ako? Bumabaluktot na iyong dila ko sa mga Latin maxims. Minsan pakiramdam ko nagsa-summon na ako ng mga espiritu kapag nirerecite ko sila.

‘Uwi ka maaga,’ biglang text ni Mauve.

‘May klase ako,’ sagot ko.

‘Birthday ni Papa. Nalimutan mo ba?’

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

Shit.

Nalimutan ko!

Agad akong tumingin sa relo ko. Lagot! Hindi pa ako pwedeng umalis kasi ’di pa time… kaso kapag ’di ako umalis ngayon, ’di na ako makaka-abot sa mall kasi may pasok pa ako. ’Di ako pwedeng umabsent sa Statcon kasi baka tuluyan na akong buminggo kay Atty. Isipin pa nun ’di na nga ako ka-talinuhan tapos kapal pa ng mukha kong umabsent.

‘Nalimutan mo nga?’

‘Hindi.’

‘Sure ka? Sabi mo sakin pupunta ka.’

‘Hindi nga.’

Ano ba ’yan… Ano uunahin ko?

‘May regalo ka naman di ba?’

‘Hoy sumagot ka nga.’

Sunud-sunod iyong text sa akin ni Mauve. Paano ako uuwi nito? Sigurado ako babatuhin ako nun kapag umuwi ako. Bakit ba kasi ’di ako magaling magmemorize ng mga birthday? Bakit ba ’di ako nag-aattempt na ilagay sa kalendaryo?

Ako talaga nagbibigay ng problema sa sarili ko, e.

‘Puro ka law school?’

Napa-buntung-hininga ako, at saka tumayo. Kinuha ko iyong bag ko. Magpapa-late na lang ako. Sisisihin ko na lang iyong traffic kahit malapit lang naman ’tong trabaho ko sa school. Kaysa naman ma-badtrip pa ako kay Mauve. Badtrip na nga sa school, badtrip na sa trabaho, badtrip pa sa bahay. Triple whammy.

Naka-handa na iyong mga gamit ko.

Alis na alis na ako.

Hini-hintay ko lang magalas-cuatro para maka-alis na ako.

O baka biglang aalis na rin si Judge para maka-alis na rin ako.

Nang bumukas iyong pinto, agad na napa-tingin ako roon. May lumabas na lalaki. Iyon siguro iyong abogado na sinasabi ni Tin kanina na dahilan kung bakit bad trip si Judge.

Nang maisara niya iyong pinto sa chamber ni Judge, kitang-kita ko kung paano siya nagpipigil na para bang badtrip na rin siya. Ibinaba niya iyong dala niyang brief case at saka tinanggal iyong pagkaka-butones nung ilang butones ng suot niyang puting polo.

Huminga siya nang malalim.

Malalim na malalim.

Parang bigla na lang siyang maninipa.

Tapos nang dumilat ang mga mata niya, tumingin siya sa gawi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong maglakad siya palapit sa akin.

Tapos huminto siya sa harap ng lamesa ko.

“Assistant ka ni Judge, ’di ba?” tanong niya bigla.

Napa-tango ako. “Bakit?”

“Ano’ng schedule niya bukas?”

“Ha?”

“Dito lang ba siya ulit bukas?”

“Bakit?” tanong ko dahil ’di ako sigurado kung pwede ko bang sabihin sa kanya iyong schedule ni Judge. Kailangang ipagpaalam ko muna ’yun. Mamaya mawalan pa ko ng trabaho.

“Dito ba siya o hindi?” tanong niya na para bang utang na loob ko pa na sabihin sa kanya iyong schedule ni Judge.

“Bakit ba kasi–”

“Kung nandito siya bukas, pa-sched ako kahit ano’ng oras, kahit sampung minuto lang,” sabi niya sabay lapag ng calling card sa lamesa ko. “Salamat,” dugtong niya pa bago umalis.

Atty. Achilles V. Marroquin

Public Attorney’s Office

Chapter 01

Chapter 01

“Hey—”

Shit.

Iyong makulit na abogado.

Mabilis akong bumaling at naglakad. Nagpanggap ako na walang naririnig. Alam ko kasi na kukulitin niya na naman ako tungkol sa schedule ni Judge e hindi naman talaga pwedeng sabihin lalo na at iyong gusto niyang itanong e medyo high profile case. E ’di sana kung ganon, pinost ko na lang sa Facebook kung kailan may free time.

Nakatayo ako sa may sakayan ng FX. Nasa repair shop kasi iyong sasakyan ko. Ayoko naman magbook ng grab dahil nanghihinayang ako. Hirap magtrabaho tapos ano? Doon din mapupunta pinagtrabahuhan ko?

Minsan, mapapaisip ka na lang talaga kung para saan ka bumabangon.

Habang naghihintay, nilabas ko iyong codal ko. Oblicon kasi iyong subject ko mamaya. Delikado pa naman ’yon sabi sa akin. Marami kasing subject na pre-requisite iyong Oblicon. Kapag bumagsak ako doon, automatic made-delay ako. Kaya kailangan ko talagang ayusin. Ayoko nang ma-extend pa sa law school. Nakaka-isang sem pa lang ako, pero ready na akong grumaduate. Tuwing nasa school ako, ready na agad ako umuwi.

Hindi ko nga rin alam kung bat ako napunta sa law school. Pero nandyan na, e. Tapusin ko na nga lang din. Sayang effort ko nung first sem. Gapang na gapang lahat para lang maipasa ko.

Busy ako na kabisaduhin iyong meaning ng obligation nang biglang may malakas na bumusina sa paligid ko. Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng tunog.

“Kulit naman nito,” bulong ko sa sarili ko nang bumaba iyong bintana nung sasakyan at makita ko kung sino iyong nandon.

“Hi, attorney!” bati ko bilang paggalang. Public defender pa rin naman siya kahit ang kulit niya. Mataas din kasi respeto ko sa mga lawyers ng PAO. Alam ko kung gaano karami iyong kaso na inaasikaso nila. Nakakapagod kaya ’yon. Ako nga na law student pa lang, naghihingalo na. Sila pa kaya na nagta-trabaho na? Para pa namang everyday recit lalo na sa litigation. Si Judge kasi minsan trip magpa-pop quiz sa mga abogado. Kita ko stress sa mukha nila. Alam mo ’yung minsan ten years ago na nung huli kang pumasok sa school tapos minsan tatanungin ka kung ano meaning ng stipulation pour autrui?

“San ka?” he asked. Ang baba ng boses niya. Ang seryoso niya talaga. Siguro importante lang talaga iyong kailangan niya kay Judge kasi parang wala naman sa personality niya ang mangulit.

“Brent po,” I replied.

“Gusto mong sumabay?”

“Ah, hindi na po, Attorney,” sabi ko.

He merely shrugged and started to roll the windows up.

Napatingin ako sa phone ko.

Ano ba ’yan.

“What?” he asked after he rolled the windows down again pagkatapos kong lumapit doon at kumatok.

“On the way po ba?” I asked kasi nakakahiya man, pero mas delikado naman kung ma-late ako sa Oblicon! ’Di ko talaga kayang ma-delay sa law school.

He gave me a brief nod as he unlocked the door.

“Seatbelt,” he said nang makaupo ako.

“Ah, oo nga po pala. Sorry po,” I replied as I wore the seatbelt.

Nakapatong lang sa mga binti ko iyong dalawang kamay ko. ’Di ako makagalaw nang maayos dito. Nakakahiya kasi. Kung magbu-book din naman ako ng sasakyan, ’di rin naman agad makakarating dito ’yon.

Simula talaga nung naglaw school ako, pakapal lang nang pakapal ang mukha ko. Ikaw ba naman masigawan twice a week o matanong kung ginagamit mo ba isip mo, ’di ba kakapal ang mukha mo?

“What year?” he asked. Nakapatong lang sa steering wheel iyong kamay niya. Naka-red pa kasi iyong ilaw. Napa-tingin ako sa rosaryo na naka-sabit sa may rearview mirror niya.

“First po.”

He gently nodded his head. “Oblicon?”

I nodded. “San po kayo nag-aral nung law school?”

“SCA.”

Naks.

Talino nga talaga. Ni hindi ko naisipan na mag-aral sa SCA kasi iba raw iyong aral ng mga tao don. Hindi naman sa tamad mga tiga-Brent, pero iba pa rin kasi iyong sa SCA. Naisip ko lang na since working student ako, ayoko nung sobrang ma-hassle din ako sa acads. Baka sa mental hospital na bagsak ko.

“Pano niyo po inaral ’yung Obli?”

“Codal,” he replied.

“As in codal lang?”

He nodded. “Basically memorized the entire civil code when I was still studying.”

Nanlaki iyong mga mata ko at napaawang iyong mga labi ko. Napatingin siya sa akin at napakunot iyong noo.

“What? Hindi na ba ganon ang ginagawa ng mga estudyante?” he asked like he genuinely believed na ganoon ang dapat na paraan ng pag-aaral.

Mabilis akong umiling. “Hindi ako.”

Kumunot ang noo niya. “Paano ka nag-aaral?” he asked na parang nagtataka siya kung paano ako nakapasok sa law school na parang tatamad-tamad lang ako.

“Nagbabasa?”

“Yeah… but you don’t memorize?” he asked, still sounding a bit concerned sa study habits ko.

“Hindi kasya sa utak ko.”

“Pagkasyahin mo.”

“Walang space.”

“Pagkasyahin mo pa rin.”

“Di naman siguro kailangan na memorize.”

He shrugged like he wanted to tell me na maki-kick out ako sa mga desisyon ko sa buhay.

“Memorize mo nga talaga, Attorney?” I asked. He nodded habang naka-focus pa rin iyong mga mata niya sa daan. Akala ko seryoso na iyong itsura niya, pero mas mukha siyang seryoso kapag nagda-drive.

“Dami nun. May gamot ka ba na iniinom?” I asked again. Baka may supplement siya. Ang dami kasi talaga nun. Buong civil code? Halimaw naman ’to mag-aral.

Kaya sabi ko ’di talaga ako pang SCA, e.

Buti talaga isa ’yan sa mga tamang desisyon ko.

“Just read the provisions again and again and again.”

“Paulit-ulit.”

“Ganon talaga.”

“Nakakasawa.”

“Baka nasa maling profession ka,” he replied.

“Bawal magreklamo? ’Di ka ba nagreklamo nung nag-aaral ka pa?”

Umiling siya. “Sayang sa oras.”

“Grabe… Valedictorian ka ba nung grumaduate ka?” I asked at bakit ba ako nagulat pa nung tumango siya. Ang talino naman pala talaga nito!

Gusto ko sanang tanungin siya kung bakit siya napunta sa PAO. Kasi kung Valedictorian siya, malamang ’di pa siya graduate e marami na siyang offer mula sa malalaking firm dito sa Manila. Ang daming opportunity para sa kanya.

Naputol iyong pag-iisip ko nang mapansin ko na nasa may malapit na kami sa gate ng Brent. Inunlock ko na iyong seatbelt.

“Salamat, Attorney Marroquin,” I said.

He gave me a curt nod. Lumabas na ako sa sasakyan niya at mabilis na naglakad papunta sa classroom. Sakto na nakita ko na naglalakad na papunta sa room namin iyong prof kaya naman binilisan ko iyong lakad.

“Hi,” sabi ko sa katabi ko. Naka-alphabetical arrangement kasi kami.

“Hi,” sagot niya na naka-ngiti.

Buti na lang at si Assia iyong katabi ko sa upuan. Meron kasi kaming ibang kaklase na maiingay. Iyong mga wala masyadong pakielam kung may bagsak. Marami din kasi sa Brent na nag-aaral na mga mayayaman na ’di ko rin alam kung bakit sila nandito. Baka kagaya ko lang din sila na naliligaw ng landas.

“May balita ka ba kung may digest pool?” tanong ko kay Assia.

“Saang subject?”

“Kahit saan,” sabi ko.

“Wala, e,” mahinhin na sagot niya. Ang hinhin naman ng isang ’to. Parang ’di dapat gawan ng masama. “Kailangan ba?”

“Hindi naman, pero para mas mapadali sana. Dami kasing cases assigned.”

She gently nodded her head. “Gusto mo tanungin ko si Niko? Nahihirapan din ’yon sa dami ng cases, e.”

Napatingin ako kay Niko nang sabihin niya ’yon. Nandon si Niko sa dulo katabi iyong mga kaibigan niya. May sinasabi siya at mag-isa lang siyang tumatawa habang bahagyang naka-kunot iyong noo nina Sancho at Vito.

“Di ka sasama?” I asked kasi ano ’yon? Kaming dalawa lang ni Niko sa digest pool? Medyo may pagka-tamad pa naman ’yon. Lagi kaya nasisigawan sa Crim 1 ’yon. Baka sabay pa kaming bumagsak.

“Gusto ko kasi binabasa iyong full text,” sabi niya sa akin. “Pero kung gusto mo, sama na rin ako.”

Gusto ko sanang tumango at umoo, pero nakakahiya talaga dito kay Assia. Ang bait kasi masyado. Nakaka-konsensya.

“Hindi na,” sabi ko.

“Sigurado ka?”

I nodded. “Full text na lang din ako,” sabi ko na lang kahit sa totoo lang, ’di ko talaga kayang magbasa ng full text kahit gustuhin ko pa. Para sa working student na gaya ko, sa digest talaga kumakapit. Pero ayoko kasi nung galing sa internet kasi sobrang kulang. Parang ’di mo rin maintindihan kung ano nangyari sa kaso kasi masyadong general na iyong facts. Pati iyong issue, hindi masyadong nadidiscuss kung ano iyong doctrine.


Days passed at mas lalo lang akong nalunod sa dami ng binabasa. Sabi sa akin dati, adjustment phase daw iyong first year. Magiging okay din ako. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako sa parte na magiging okay ako.

Sinubukan ko na magtanong sa klase kung may gusto ba magdigest pool, pero seenzone—bukod kay Assia na nagPM sa akin at tinatanong kung ayaw ko raw ba talaga kasama si Niko. Siguro kung wala na talaga akong choice, papayag na akong magdigest pool kaming dalawa ni Niko. Bakit kasi si Niko lang? Mas okay sana kung kasama rin si Sancho. Ang galing nun sa klase, e.

May 26 na kaso na kailangang basahin para sa class bukas. It was already 11PM at nakaka-tatlong full text pa lang ako. Naghanap ako sa Internet ng digests, pero ang papangit ng nakita ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nung nakita ko iyong calling card ni Atty. Marroquin ay naisip kong magtext.

‘Kakapalan ko na iyong mukha ko, Atty. May digest ka sa crim 2?’

‘Who is this?’

Ah, shet.

‘Mauro.’

‘Wala akong kilalang Mauro.’

Taena.

Bakit ako na-offend? E hindi nga pala niya talaga alam iyong pangalan ko. Magkakilala lang kami sa mukha dahil lagi siyang nasa office ni Judge.

‘Sa MTC 43,’ reply ko. ‘Iyong sinabay mo nung isang araw papunta sa Brent.’

Nakita ko na nag-read iyong message ko sa kanya.

‘Okay lang kung wala. Nagbabaka sakali lang,’ I messaged him again. Antok na antok na ako. Gigising na nga lang ako nang maaga para makapagbasa. Okay na siguro iyong digest. Daan na lang ako sa chapel at ipagdadasal ko na hindi ako matawag mamaya kahit na on deck ako.

Iniwan ko iyong phone ko sa study table at saka mabilis na natulog. Nang mag-alarm iyong phone ko ng 3AM, pinilit ko iyong sarili ko na bumangon. Mukha akong zombie na naglalakad pabalik sa study desk.

Napakunot ang noo ko nang may makita akong notification ng message.

‘Here,’ he messaged na may kasamang attachment. ‘Sorry for the late response. Hinanap ko pa sa files ko.’

Napaawang iyong labi ko.

Wow—ang ganda ng digest niya!

**

This story is already at Chapter 04 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 02

Chapter 02

“Ang galing,” sabi sa akin ni Assia pagka-dismiss namin sa Crim 2. Mula sa kinatatayuan namin, rinig na rinig ko iyong reklamo ni Niko sa mga kaibigan niya. Ewan ko kung ano ang meron sa Crim na hirap na hirap si Niko. Okay naman siya sa ibang subjects. Kasi last sem, halos ibagsak siya ni Prosec, e.

“Sakto lang,” sagot ko.

“Nakahanap ka ng kasama magdigest?”

“Digest? There’s a digest pool?” tanong ni Niko na parang kabute na sumulpot sa gilid ni Assia. Siya ata suki ng digest pool sa block namin. Nung first sem, nag-aayos ng digest pool iyong mga beadle per subject. May rule kasi na bawal iyong galing sa Internet. Kaso ang dami talagang pasaway na directly copy-paste lang. Wala na tuloy block digest. Kanya-kanyang grupo na lang. E ang hirap din na working student. Wala akong masyadong ka-close sa section namin. Sana maka-close ko si Assia kasi ang bait niya.

Tumingin sa akin si Assia.

Agad akong umiling. “Wala,” sagot ko. Binigay na nga lang sa akin ng libre iyong digest, tapos ipapamigay ko pa? Kapal naman ng mukha ko.

“Oh…” parang natalo sa lotto na sagot ni Niko. “But do you have digests? Is it for sale? Can I buy?”

Marami akong mayaman na ka-block, pero dito ako kay Niko pinaka-curious. Nakita ko kasi na bulletproof iyong sasakyan niya. Ganoon ba karami iyong banta sa buhay niya na tipong kailangan niya ng ganoon na sasakyan? Tapos lagi ko pa siya naririnig na ’ how much’ ang sinasabi. ’Di ko alam kung ano context minsan, pero alam mo ’yon? Parang sa kanya, may halaga ang lahat—at kaya niyang bilhin.

“No, sorry,” I replied. “I don’t have digest. I read the full text.”

“Ah, okay,” sagot niya tapos tumingin kay Assia. “I really don’t know how to read all the cases in Crim 2. There are a lot of elements to memorize already,” parang bata na reklamo niya. Madalas kapag nakikita ko sila ni Assia na magkasama, para siyang bata na nagsusumbong sa nanay niya.

Nagpaalam ako kay Assia na mauuna na ako. Nakita ko na masama iyong tingin sa akin ni Vito. Napakunot iyong noo ko. Gusto ko sanang itanong kay Assia kung may problema ba sa akin si Vito, pero uwing-uwi na talaga ako.

Isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang night class ay dahil pagdating ko sa bahay, tulog na ang mga tao. Ayoko na rin kasing makipag-usap sa kanila. ’Di ko rin kasi masyadong kasundo si Papa. Medyo mataas kasi iyong posisyon niya sa NBI. Gets ko naman na dahil sa trabaho niya, kailangang makibagay siya at makisama. Pero kasi sa trabaho ko pati sa school, alam mo ’yon? Ang hirap na iyong alam mo na tama, kabaliktaran iyong ginagawa ng tatay mo. Na alam mo naman na alam niya na mali, pero makikita mo pa rin minsan iyong mukha niya sa TV na para siyang clown na binabaliktad kung ano iyong tama.

Minsan, nakaka-gago.

Kaya ayoko rin siya kausap, e. Mas okay na ’to. Kaysa naman masagot ko pa siya at matanong kung paano niya kinakayang maging puppet nung mga nasa gobyerno. Kasi sabi ni Mama dati, si Papa iyong tipo na sobrang vocal sa mga political issues. ’Di ko maimagine.

Nakaka-gago talaga ang politika.

Dahil nagutom ako, nagluto muna ako ng pagkain. ’Di pa naman ako masyadong inaantok. Basahin ko muna ng mabilis iyong coverage para sa quiz bukas para second reading na ako. Mas okay kasi sa akin kapag paulit-ulit binabasa.

Habang hinihintay kong maluto iyong kanin, kinuha ko iyong cellphone ko para i-check iyong coverage.

‘No problem,’ reply ni Atty. Marroquin sa thank you text ko kaninang umaga. Ngayon lang siya nagreply after ng ilang oras. Baka sobrang busy din. Iba kasi talaga workload ng PAO. Kaya ’di ko balak magtrabaho don, e. ’Di ko pa alam kung saan ko gustong magtrabaho, pero sigurado ako na hindi sa lugar na tipong doon iikot ang buhay ko. ’Di na nga ako maka-hinga sa pagiging working student. Ayoko nung ganitong buhay kahit pagkatapos kong grumaduate.

‘Thanks, Atty. Nakasagot ako dahil don sa digest mo.’

Gising pa pala siya. Nakita ko iyong typing bubble.

‘Sino prof mo?’

‘Dean Trinidad.’

‘Ah. Magaling yon.’

‘Siya din ba prof mo?’

‘Yes.’

‘May tips ka ba pano pumasa?’

Bago pa siya magreply, nagdagdag ako.

‘Bukod sa imemorize ko lahat.’

Hindi ko alam, pero na-imagine ko na umirap siya. Ganyan kasi itsura niya nung magkasama kami. Ang seryoso niyang tao, pero ’di naman siya tipong mysterious. Nagsasalita naman siya. Very straightforward nga lang. Siguro dahil public defender siya? Dahil marami siyang client kaya dapat kapag nagsalita siya, straight to the point dahil marami pa siyang kailangang kausapin?

Nakaka-curious naman kung paano ang trabaho niya. Baka worth it naman kahit nakakapagod.

‘Memorization. Puro elements Crim 2. Wala kang choice.’

‘Mamimili lang ako ng imememorize. Sobrang dami non.’

’Pano pag napili mga ‘di mo minemorize?’

‘Ang negative mong tao, Atty.’

’Pano nga kapag natanong ’yung ‘di mo pinili?’

‘Sobrang daming crimes nun saka elements. Tapos kailangan ko rin imemorize iyong mga circumstances affecting liabilities. Tapos kailangan din memorized ko iyong definition nung attempted/frustrated/consummated. Ang dami. Study smart na lang.’

Hilig talagang mang-seenzone nito.

Nagprito na lang ako ng itlog kasi tinatamad na akong mag-isip ng pagkain. Kumain lang ako habang nanonood ng Modern Family. Pagkatapos, naghugas na ako ng mga ginamit ko at dumiretso na pabalik sa kwarto ko.

Sino ba’ng niloko ko nung sinabi ko na magbabasa muna ako? Ako iyong tipo ng tao na inaantok kapag kumain.

After kong magshower, kinuha ko iyong phone ko para i-check iyong alarm. Naka-alarm naman ’yon tuwing 4AM, pero para sigurado, chine-check ko lagi bago ako matulog.

‘Crim2 Table.pdf,’ message ni Atty. Marroquin. ‘Print mo tapos basahin mo palagi para ma-memorize mo.’

I clicked on the file.

Oh, shit.

Ang ganda naman ng mga reviewers nito! No wonder valedictorian ng batch niya. Kumpleto iyong table nung crimes mula sa Crim Law Book II. May elements, penalty, saka important notes sa bawat crime.

Fuck.

Ito ata sasalba sa grades ko. Kabado pa naman ako dahil medyo tagilid recit ko. Ayoko na kasi nung pangit midterm grades ko. Ganon kasi ako last sem. Tipong 48 lang midterm grades ko kaya halos malagasan ako ng buhok nung finals period dahil sa sobrang stressed sa taas ng hahabulin kong grades. Naghimala ata ako dahil naka-pasa pa rin ako kahit 90 iyong required na final exam grades ko. Kasi ba naman hanggang sa panaginip ata e nagrereview ako.

‘Salamat, Atty! Hulog ka ng langit!’

Hindi siya nagreply. After 20 hours pa siguro ulit.


“Hindi naman ako si Judge, ’di ba?” tanong ko kay Tin.

“Uh… hindi?” she replied, naguluhan sa tanong ko. “Hindi ka ba sure na hindi ikaw si Judge?”

Bahagya akong natawa. Taena. Parang tanga nga iyong tanong ko.

“Hindi,” sagot ko. “I mean, binigyan kasi ako ni Atty. Marroquin ng reviewer. Okay lang kaya na magpadala ako ng kape sa opisina niya? ’Di naman siguro sign of impropriety ’yon, noh? Galing naman sa akin. Pero kasi ayoko lang magka-issue kay Judge.”

Hirap din kasi ng first level court. Nandito lahat ng hearing. Pakiramdam ko medyo mas madali sa mga second level. Halos puro appeal na kasi don. Basa-basa na lang ng records o kaya mga bagong evidence na ipapasa.

Ang alam ko pa naman e gusto ni Judge maging Justice sa Supreme Court one day. Kaya mahigpit talaga siya. Ayaw niyang nadadamay sa mga issue ng bias. Wala rin naman talaga siyang bias. Medyo matagal na akong nagta-trabaho dito. Bawal talaga sumipsip kay Judge. Kaya ayoko rin ibigay kay Atty. Marroquin iyong schedule. Malay ko ba kung may pagka-stalker siya.

“Di naman siguro,” sagot ni Tin. “Close mo na si Atty?”

“Di naman.”

“May girlfriend?”

“Malay ko,” sagot ko. “Stalk mo na lang online.”

“Tinry ko na! Walang facebook!”

“Instagram?”

“Wala rin.”

“LinkedIn?”

“Meron,” sagot niya. “Wala namang relationship status don.”

I shrugged. “Tanungin mo na lang pag nagpunta ulit dito.”

“Pupunta raw ba siya?”

“Malay ko,” sagot ko na lang kay Tin. Malay ko ba sa schedule nun? Kinakausap ko lang naman ’yon kapag kailangan ko ng reviewer. Luh. Baka isipin non may pagka-user ako kahit medyo totoo naman. E sa kailangan ko ng tulong, e. Saka ’di ko naman siya pinilit.

Habang naka-break ako sa pagrereview para sa Obli, tinignan ko iyong LinkedIn niya.

Achilles V. Marroquin

St. Claire’s Academy – Economics (Valedictorian)

St. Claire’s Academy College of Law – Juris Doctor (Valedictorian)

Gulmatico & Zobel – Senior Associate

Public Attorney’s Office – Public Attorney IV

Ang talino talaga… Pwede ba ’tong gawing mentor? Kasi meron din siyang extra-curricular activities. Usually kasi iyong mga valedictorian na kilala ko, tutok talaga sa acads kaya wala silang halos extra-curricular. Pero itong si Atty. Marroquin, naging head pa ng BAROPS—’di lang basta subject head kung hindi head ng buong BAR Operations. Kaya siguro maraming files ’to!

Ano kaya paboritong pagkain nito? Mapadalhan nga at baka mabiyayaan pa ako ng mas maraming review materials.

“Talino, noh? Gwapo na, ang talino pa,” biglang sabi ni Tin na nasa gilid ko na pala at nakikibasa sa screen ko.

“Sabi ng ’wag kang nanggugulat,” sabi ko kasi ilang beses niya na ’tong ginawa sa akin.

“Hinay lang kasi sa pagkakape,” sabi niya. “Ay, naka-anonymous ba ’yang LinkedIn mo?”

Kumunot ang noo ko. “Ha?”

“Makikita ni Atty na inistalk mo ’yung profile niya,” sabi niya na natatawa.

Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. “Ano?”

“Magnonotify sa kanya na ‘Mauro Eugenio dela Rama viewed your account.’ “

Mas lalong nanlaki iyong mga mata ko. “Hindi nga?”

Tumango siya. “Next time kasi, magtatanong ka sa professional stalker aka me,” sabi niya at saka inayos niya iyong settings ng LinkedIn ko at in-on iyong anonymous viewing.

Fuck.

Nakakahiya!

**

This story is already at Chapter 05 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 03

Chapter 03

Imbes na mag-aral ako para sa subject ko, kanina pa ako naggoogle kung nagnonotify ba kapag tinignan mo iyong account o baka makikita mo lang iyon kapag pupunta ka sa mismong LinkedIn account mo at pipindutin mo iyong who’s viewed my profile ?

Nakaka-bobo naman ’tong LinkedIn.

“Di naman siguro magche-check ’yon,” sabi sa akin ni Tin. Kasalanan niya ’to, e. Nananahimik ako. ’Di naman ako tumitingin talaga sa LinkedIn kasi parang Facebook group ’yon ng mga working professional. Don nagpapayabangan iyong mga tao. Sakit lang sa ulo kasi kahit ’di mo gawin e mapapa-compare ka.

“Kahiya lang,” sagot ko.

“Daming ginagawa sa PAO. Wala na sigurong time magcheck ’yon don.”

“E paano kung meron?”

She shrugged. “Sabihin mo napadpad ka lang.”

Tumango ako.

Tama.

Casually lurking lang ako sa LinkedIn. Kaso… kaso si Atty. Marroquin iyong tipo ng tao na mukhang gumagamit ng LinkedIn. ’Di ko siya ma-imagine na gumagamit ng Facebook at nagshe-share ng memes doon.

Tsk.

Bahala na nga.

Baka ito pa ika-bagsak ko dahil ’di ako makapag-aral sa kaka-isip.

Pagdating ko sa school, nakita ko iyong United Nations na nakatambay sa isang gilid. Si Sancho ay seryosong nagbabasa ng codal. Si Niko naman ay nakatingin sa langit na para bang nandon ang sagot sa kung anuman ang problema niya. Si Vito naman ay naka-tingin sa akin na para bang ako ang problema niya.

Lumingon ako sa likuran ko dahil baka iba ang tinitignan ni Vito. Wala naman akong maalala na nag-usap kami na kaming dalawa lang. Una, lagi niyang kasama iyong mga kaibigan niya o kaya si Assia. Pangalawa, pag dumadating ako dito sa school, halos pa-simula na iyong klase.

Ano kaya problema nito?

“There you are!”

Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ako ni Niko. Nawala na iyong ekspresyon sa mukha niya na parang gulung-gulo siya. Naka-tingin na siya sa akin ngayon at naka-ngiti.

“Hinahanap mo ako?” tanong ko, medyo naguluhan dahil wala akong maalala na magkikita kami ni Niko ngayon. Ni hindi nga kami friends sa Facebook. Wala rin kaming number ng isa’t-isa.

Ang gulo ng araw na ’to.

Tumango siya. “I noticed that your recitations have gotten so much better… Especially in crim…”

Naka-akbay siya sa akin habang sinasabayan niya akong maglakad.

Napatingin na naman ako kay Vito na ang sama ng tingin sa akin.

“Don’t mind him,” sabi ni Niko nang mapansin niya na nakatingin ako kay Vito. “As I was saying—”

“May nagawa ba akong atraso kay Vito?” tanong ko kay Niko. Okay naman siyang kausapin ng Tagalog kasi naririnig ko lagi si Assia na Tagalog sila kung kausapin. Kung ako lang, baka nag-English na ako. Mukha kasi talagang foreigner si Vito at si Niko. Si Sancho pwede mo ring pagkamalang Latino, e.

“No, he’s just being weird,” sabi ni Niko. “Now, back to business.”

Kumunot ang noo ko. “Business?”

“Yes,” he replied. “I know you have digests. I’ve seen it.”

Ito pa rin?

Digests pa rin?

“How much?”

Napa-buntung hininga ako. “Hindi nga—”

“Name your price.”

“One million,” pabirong sabi ko pero seryoso iyong tono.

“That’s pretty expensive,” sagot niya. “Does it include digest for all the subjects? And other reviewers? What are the inclusions?”

Napaawang iyong labi ko. Seryoso ba siya? Kasi ako seryoso na joke lang naman iyong sinabi ko. Pero siya? Sineryoso niya?

Nakakapagduda talaga kung gaano karami ang pera ng isang ’to…

“Sensya na,” sabi ko. “Bigay lang kasi sa ’kin ’yon.”

“Who gave it to you?”

Kulit naman ng isang ’to.

“Di mo kilala, e.”

“Can you ask him if I can have a copy? I can pay,” he said. “I know I’m annoying, but you’re acing all Crim recits.”

Tama naman din siya.

Ang ganda talaga nung table na binigay sa akin ni Atty. Marroquin. Nandon sa important notes part iyong mga trick questions na tinatanong sa amin. Sobrang personalized kasi kahit iyong Memory Aid ng Brent, hindi naman ganito ka-detailed. Saka sobrang haba non kaya nakaka-umay basahin minsan. Iyong binigay sa akin ni Atty. Marroquin, compressed na—ideal sa working student na kagaya ko na hapit lagi sa oras.

“Okay. Tatanong ko,” sabi ko tapos nanlaki iyong mga mata niya at napa-ngiti. “But no assurance.”

“Okay, okay,” he replied. “Thanks, man.”

Tumango lang ako sa kanya. Okay din naman si Niko. Sabi ni Assia, sobrang bait daw non. Pero ewan ko kasi parang ’di naman nila pinapansin halos lahat sa klase—minsan lang kapag kailangang mag-usap tungkol sa subjects. Si Assia lang ang kinakausap nila talaga. Dati nga napaisip ako kung nasa polyamorous relationship ba iyong apat na ’yon… pero parang wala naman sa itsura ni Assia.

Pagkatapos nung Persons class namin, gusto ko sanang umuwi na dahil nahilo ako sa dami nung tanong. Okay naman aralin iyong Persons kaya lang ang confusing niya minsan lalo na kapag tinatanong kami tungkol sa different kinds of property regime. Medyo nakaka-hilo siya sa akin.

Medyo maaga pa kaya naman ayoko munang umuwi. Baka kasi gising pa sila Papa.

Ang hirap ng walang sasakyan kaya naman naglakad-lakad muna ako at naghanap ng pwedeng kainan. Mamaya na ako uuwi kapag ’di na rush hour. Masakit din kasi ulo ko kaya baka mag-Angkas na lang ako o kaya Grab kapag ’di masyadong mahal. Ayoko rin kasi ng Taxi kasi minsan nagagalit pa sa akin driver kapag ’di ko alam direksyon papunta sa pupuntahan ko. Ka-badtrip lang minsan.

Pota naman.

’Di ko sigurado kung si Atty. Marroquin ba iyong naka-pila sa may harapan o pinagttripan lang ako ng konsensya ko—o kaya naman ay napaka-lakas lang ni Niko kay Lord kaya talagang dinala niya si Atty. Marroquin sa harap ko para matanong ko siya tungkol doon sa reviewer.

Nag-iisip pa ako kung lalapitan ko ba si Atty. Kasi ’di naman kami friends—established lawyer na siya habang hampaslupang law student lang ako na nanghihingi sa kanya ng reviewer.

Pero mukhang ’di ko na kailangang mag-isip pa dahil biglang may lumapit sa kanyang babae.

Mukhang kasama iyong girlfriend.

Kahit gusto ko sana iyong pagkain dito, lumabas na ako at saka naghanap ng ibang lilipatan. Mamaya nakita pala niya iyong sa LinkedIn tapos ano? Makikita niya ako rito? ’Di ko rin siya masisisi kung isiipin niya na stalker niya ako.

Ang endinng, don ako kumain sa may Jollibee. Okay lang. Masarap pa rin naman.

“Attorney,” nabiglang sabi ko nang makasalubong ko siya. Dalawang oras na rin simula nung una ko siyang makita. Akala ko naman naka-alis na siya kaya lumabas na rin ako sa Jollibee.

Medyo kumunot iyong noo niya sa tono ng pagbati ko. Umayos ako ng tayo dahil para naman akong tanga. ’Di naman siya ang may-ari ng Maynila.

“Umuwi na po girlfriend niyo?” tanong ko dahil mas nawweirduhan ako kapag tahimik lang.

Kumunot ang noo niya. “Girlfriend?”

“Iyong kasama niyo kanina—” sabi ko tapos natigilan ako. Taena. Kapag inisip nito na stalker ako, kasalanan ko rin kasi ang bobo ko lang. Hinigop ng Persons ata lahat ng natitirang braincells ko. Sana may natira pa for Obli.

“Kanina?” he asked.

Gusto ko sanang hilingin sa langit na ’wag niyang mapansin iyong sinabi ko, pero medyo impossible. PAO lawyer siya. Malamang matalino. Malamang mapapansin niya iyong sinabi ko. Mas nakakatakot naman kung hindi kasi ibig sabihin may pagka-slow siya. Kawawa naman mga kliyente nito.

“Nakita mo ako kanina?” he asked.

“Nadaanan lang,” I said as casually as I could.

“You should’ve said hi.”

“Di naman tayo friends.”

He gave a small nod. “Pwede naman,” sabi niya. “Ilang taon ka na ba?”

“23,” sagot ko. “Ikaw?”

“30,” he replied.

“Tanda mo na pala.”

“Ikaw ’yung bata,” he replied.

“Nagta-trabaho na kaya ako.”

“So?”

“So, hindi na ako bata—saka malapit na akong magbirthday.”

He gave a small shrug. “E ’di happy birthday.”

Taena.

Ang pilosopo.

“Bakit? Bawal ba maging kaibigan mo kapag bata pa?”

“Weird lang,” sabi niya. “Ano pag-uusapan natin?”

Kumunot ang noo ko. “Tingin mo sa 23 years old? Ang gustong pag-usapan ay si Peppa Pig?”

Kumunot ang noo niya. “Sino ’yon?”

Napaawang ang labi ko. “Seryoso? ’Di mo kilala si Peppa?”

Umiling siya. “Sikat na baboy ba siya?”

Kulang na lang ay mag-facepalm ako sa kanya.

“Wala ka bang anak?” I asked.

“Kung may anak ako, wala ako sa labas sa kalagitnaan ng gabi.”

“Naks… Ideal father naman pala siya.”

Tinignan niya lang ako ng seryoso. Kapag siya, okay lang mambara? Kapag ako, titignan niya nang masama? Ayos din, ah.

“Fine…” sabi ko na lang. “Wala kang kapatid?” Umiling siya. “Pinsan?” Umiling ulit siya. “Mga kaibigan na may anak?” Umiling siya. “Wow…”

Kinuha niya iyong phone niya at may tinype doon.

“This?” he asked tapos pinakita niya sa akin iyong screen ng phone niya. Sinearch niya pa talaga si Peppa Pig sa google. Kakaiba din ’to.

Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa phone niya. Nag-deepdive ba ’to kay Peppa sa kalagitnaan ng daan? Ang weird naman kung iiwan ko siya bigla dito kaso ang weird din na nakatayo lang ako doon.

“Umalis na ba ’yung kasama mo?” tanong ko na lang para lang may masabi ako.

Tumango siya. “Kanina pa.”

“Ah.”

“Also, she’s not my girlfriend,” sabi niya.

“Okay,” sabi ko. “Sasagutin ka din nun.”

Kumunot ang noo niya. “Bakit naman ako sasagutin?”

“Ewan ko. Baka nililigawan mo.”

“Dahil lang nakita mo kaming magkasama?”

“Malay ko.”

“Jumping to conclusion.”

Pota.

Hirap naman ka-small talk nito!

“E ’di friends,” sabi ko. “Di ko alam kung anong terms ang ginagamit niyong matatanda.”

“Matatanda?”

I nodded. “Sabi mo bata pa ako dahil 23 ako. E ’di matanda ka na dahil 30 ka na.”

“Fair enough,” he replied. “How are your subjects?”

Sabay kaming naglalakad na. Maingay naman palagi sa Maynila pero dahil 11PM na rin, medyo tahimik na. February na rin kasi kaya medyo malamig ang hangin.

“Okay naman,” I replied. “Nakakasagot na rin.”

“Nice.”

“Pero ’di pa rin ako nagmememorize.”

He shrugged. “Up to you.”

“Di ko talaga kayang imemorize,” sabi ko. “Ubos sa oras. Working student kaya ako.”

“Ako rin naman.”

Napaawang ang labi ko. “Seryoso?!” Tumango siya. “Paano ka nakahanap ng time? E head ka rin ng BAROPS—”

Taena.

Ako talaga nagpapahamak sa sarili ko!

“I like it better when I’m busy,” sabi niya. “I don’t like idle time.”

Hindi ko alam kung hindi niya na lang pinansin na napa-hinto ako o sa dami ng trabaho niya sa PAO, hindi niya na naisip pa na hindi naman kami close enough para maikwento niya sa akin iyong extra-curriculars niya nung law school.

Mas mabuti pa atang manahimik na lang ako.

“Di ka ba member ng BAROPS?” he asked.

Umiling ako. “Pang third year lang ’yon ata.”

“Pwede second year,” he said. “Try mong sumali.”

“Di ko na kayang isingit.”

“Di naman masyadong maraming ginagawa kapag sa MemAid ka lang sumali,” he replied na parang walking advertisement siya. “Bibigyan ka pa ng libreng MemAid.”

“Isang set?”

He nodded. “Isang set. Sayang din ’yon.”

“Pag-iisipan ko…” sabi ko. Parang 5k din ata isang set nung MemAid. Sayang nga rin kung sakali. “Totoo ba na libre lang tuition kapag BAROPS Head?”

He nodded. “One sem lang.”

Grabe… Pwede kaya maging mentor ’to? Ang galing. ’Di lang matalino pero parang ang well-rounded din niya.

“Ang galing mo naman, Attorney. Head ng BAROPS tapos vale—”

Fuck.

Minsan talaga dapat i-zipper ang bibig.

“Valedictorian?” he said, continuing my word. “Don’t worry—I know you stalked my LinkedIn,” he added at parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. 

**

This story is already at Chapter 06 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 04

Chapter 04

Alam mo ’yung pakiramdam na kapag may ginagawa kang nakakahiya, paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak mo? Na tipong napapa-face palm ka na lang sa katangahan mo? Sabi sa akin ni Mauve, meron daw akong ‘main character syndrome.’ Hindi naman daw sa akin umiikot ang buhay ng ibang tao. Iyong nakakahiyang ginawa ko, ako lang naman daw ang nakakaalala. Masyado raw maraming iniisip iyong ibang tao para paglaanan pa ako ng braincells.

Epal din iyong si Mauve, pero sana tama siya.

Taena, nakakahiya talaga!

Sinabi niya pa talaga sa harap ko na alam niyang inistalk ko iyong LinkedIn profile niya. Kung mabait na tao ’yang si Atty. Marroquin, bakit hindi na lang siya nagpanggap na hindi niya alam? Badtrip ampota. Para pa namang kabute iyon na biglang lumilitaw dito sa office.

Speaking of kabute…

“Taena naman,” bulong ko sa sarili ko nung makita ko iyong sasakyan ni Atty. Marroquin sa may parking lot. Ang aga naman nitong mambwisit!

Nanatili akong nakatayo roon.

Maaga pa naman. ’Di ko kasi talaga tantyado iyong traffic dito sa Manila. Parang may tipos. Kapag sobrang maaga ka umalis, sobrang aga mo rin dadating. Kapag maaga lang, male-late ka naman. Kapag hindi maaga, aabutin ka ng siyam-siyam. Parang choose your evil lang, e.

Mas pinili ko na pumasok maaga. Inisip ko na lang na sa office na ako magbabasa kaysa naman ma-stress pa ako kapag late ako. Ayaw pa naman ni Judge ng late.

‘Bahala na nga,’ sabi ko sa sarili ko dahil wala namang ibang daan papasok sa office. Nakaharang pa naman iyong sasakyan niya malapit don sa entrance. Ma-clamp sana ’yan. Reserved kaya ’yung spot na pinarkingan niya.

Dire-diretso akong naglakad. Naka-pasak na rin iyong airpods sa tenga ko. Magpapanggap na lang ako na busy. Sabi naman ni Mauve ay may main character syndrome ako. Baka ’di naman out of character na ’di ko pansin iyong ganap sa paligid ko.

“dela Rama.”

Fuck.

Siguro time na para mag-upgrade ako ay bilhin ko iyong airpods na may noise cancellation option. Rinig na rinig ko iyong pagtawag sa pangalan ko ni Atty. Marroquin. Ang baba ng boses niya. Nakaka-takot siguro ’to kapag lawyer mo tapos tinanong sa ’yo kung guilty ka ba o hindi—baka mapaamin ako bigla, e.

Gusto ko sanang magpatuloy pa sa paglalakad, pero mukha na akong tanga kapag ginawa ko iyon dahil napahinto na ako nang saglit kanina nung sabihin niya iyong pangalan ko.

Bahala na nga.

“Attorney,” sabi ko nang tanggalin ko iyong isang airpods sa tenga ko at harapin siya. “Aga pa, ah.”

He nodded at me, too. “May time ba si Judge?” he asked.

“Di ko pwede—”

“Five minutes,” he said. “Just five minutes.”

“Baka pagalitan ako—”

“Won’t say that it’s you,” sabi niya sa akin.

“Hindi talaga—”

“Please.”

Natigilan ako.

Anong kaso ba ’tong hawak niya? Kasi sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi siya iyong tao na nagsasabi ng please. Para kasing ang taas niyang tao. Hindi rin naman nakakapagtaka kasi ang accomplished niya kahit 30 years old pa lang siya. Si Mauve kasi 28 na pero tuwing nakikita ko, laging nagsasabi sa akin na may existential crisis siya. Tipong every year ay ibang career ang gustong gawin.

Saka… ngayon lang ako nakatagpo ng public attorney na parang ang invested sa kaso. Usually kasi sa dami ng hawak niyang kaso, wala na silang masyadong pakielam. Para na silang robot. Iyon bang tipo na alam na nila iyong gagawin? Wala ng personal relation sa hawak nilang kaso—kumbaga, it’s just any other case na hawak nila.

Pero si Atty. Marroquin? Mukhang may pakielam talaga siya sa kung anumang kaso iyon…

“Fine,” sabi ko sa kanya. “Pero ’wag mong sasabihin na sinabi ko.”

“I promise,” sagot niya at tinaas pa talaga iyong kamay. Mukhang timang.

“Kapag ako napahamak—”

“Your participation will be confidential.”

Kumunot ang noo ko. “Di mo naman ita-try i-bribe si Judge, noh?”

Kumunot din ang noo niya. “What? Mukha ba akong nagba-bribe?”

I shrugged. “Wala ka pang talong kaso, e.”

He cocked his head to the side. “Are you stalking me?”

Napaawang ang labi ko.

Taena kasi si Tin, e! Parang fangirl ni Atty. Marroquin! Kung anu-ano sinasabi sa akin kapag nag-aaral ako. Tuloy kasabay naaabsorb ng utak ko iyong codal provisions pati iyong random trivia niya tungkol sa academic at professional life ni Atty. Marroquin!

“Ang feeling mo naman, Attorney,” I said as calmly as I could… pero mukhang sa sobrang kalma, medyo sketchy na.

“Well, you did stalk my LinkedIn—”

“Dumaan lang sa suggested.”

“Really,” he said in a sarcastic tone.

“Pareho naman tayong nasa law field. ’Di naman nakakapagtaka.”

“Hmm.”

“Bakit naman kita iistalk?”

He shrugged. “You tell me.”

I scoffed. “Masyado akong maraming ginagawa sa school saka may trabaho pa ako. San ko naman isisingit kung gusto man kitang istalk?”

“Kapag may gusto, may paraan,” nang-aasar na sabi niya. Kapikon din pala ’tong isang ’to.

“Ikaw ata ang may main character syndrome,” biglang sabi ko.

Kumunot ang noo niya. “What?”

“May 30 minutes si Judge bago iyong unang cross ngayon,” sabi ko sa kanya para lang matapos na ’tong usapan na ’to. Para kasing habang tumatagal, mas binabaon ko lang sa kahihiyan iyong sarili ko. ’Di kaya naisip nito na maging prosecutor na lang? Kasi parang mas bagay siya doon kaysa sa public lawyer.

“Thank you,” he said in a tone that sounded like he’s pleased with himself.

Kumunot iyong noo ko habang unti-unting napaawang iyong labi ko. “Did you—”

“Badgering the witness,” he said. “Can’t do it in court, but fun to do in real life,” he continued and then tapped my shoulder. “Thanks, dela Rama.”

The fuck?

Ang gago… no wonder wala pang talong kaso!


Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Atty. Marroquin pero sabay silang pumasok ni Judge sa chamber niya at hindi pa siya lumalabas. Wala naman akong sigawan na naririnig sa loob. Hindi pa naman siguro siya nasisiraan ng ulo dahil baka ipatapon siya ni Judge sa kulungan for contempt. Pero nakaka-curious din talaga… Ano kayang kaso iyong hawak niya at talagang nagpunta pa siya rito? Ang dami ng case load niya tapos nandito agad siya first thing in the morning?

Five minutes bago iyong unang cross-examination na naka-sched ngayong araw, lumabas na si Atty. Marroquin. Wala namang kung anong ekspresyon sa mukha niya. Pero baka lawyer lang kasi siya kaya ’di mo talaga mababasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Ang hirap din kasi kung masyadong transparent iyong mukha niya—e ’di madaling mabasa ng opposing counsel kung nagpapanic na ba siya.

Nagtama iyong mga mata namin.

He gave me a small nod before he headed out.

“Close na kayo?” tanong ni Tin nang makalabas si Atty. Marroquin.

“Ha?”

“Nakita ko ’yon. Nagtinginan kayo.”

“Tinginan?”

I shrugged. “Malamang. Ako nasa tapat nung pinto, e.”

Inilagay ko na lang ulit iyong airpods ko para makapagfocus ako sa research na ginagawa ko para kay Judge. Kailangan ko ’tong bilisan para makapagfocus na ako sa codal. Hindi naman ako on deck pero kahit na. Na-traumatize ako kay Niko dahil narinig ko siyang nagyayabang dahil off deck siya. Tapos biglang natawag. Kita mo talaga iyong pamumutla sa mukha niya nang marinig iyong Ferreira niya na tinawag, e.

Napatingin ako sa cellphone ko nang maramdaman kong nagvibrate iyon. Nakita ko iyong AVM sa notif. Ayoko kasi na ilagay Atty. Marroquin. Chismosa pa naman si Tin. Ayoko lang maging topic tuwing lunchtime kung bakit may notif galing kay Atty. Marroquin. Mamaya isumbong ako nun kay Judge at mawalan pa ako ng trabaho. Ayoko nga manghingi ng pangtuition kay Papa.

‘Thanks. Owe you one.’

‘Seryoso?’

‘Yeah. I know how to say thanks.’

‘Di yan. Alam ko namang may manners ka kahit papaano.’

‘May manners talaga ako.’

‘Ah. Minsan kasi di halata.’

‘I’ve always been nice to you.’

‘Di mo sure.’

‘When was I not nice?’

‘Basta.’

‘You’re basically stalking me yet I still manage to be civil around you. Dapat nga magfile na ako ng restraining order.’

‘Kapal ng mukha mo.’

‘I see no denial. Talagang stalker kita.’

‘Kulang pa ba caseload sa PAO at may oras ka pang magtext?’

‘Traffic e.’

‘Magbasa ka ng briefings o kung anuman.’

‘Nabasa ko na kagabi.’

‘Basahin mo ulit.’

‘Don’t worry about me. I know what I’m doing.’

‘Di ako worried. Kapal talaga ng mukha nito.’

Mukhang kanina pa naka-kunot iyong noo ko kaya tinawag ako ni Tin para tanungin kung sobrang seryoso ba nung case na pinapa-research sa akin ni Judge. Buti na lang ’di magkatabi iyong lamesa namin ni Tin. May tendency kasi ’tong makibasa ng text at screen.

‘Parang dati ang galang mo pa sa akin,’ he messaged.

‘Di ka kasi kagalang-galang minsan, Atty.’

’How so?

‘Basta.’

Nagnotify iyong messenger.

Taena. ’Di na naubus-ubos ’tong ida-digest ko! Sabi ng mga professor, for better retention daw kaya kailangan naming isulat. Pero para sa kagaya kong working student, sobrang parusa nitong case digest! Imbes na magfocus ako sa ibang bagay e ito ata ang ginagawa ko kapag may free time ako. Sabi pa nung prof e ’wag daw kami mangunguha online. Alam daw niya kapag galing online iyong digest namin. Pakiramdam ko naman e bluff lang ’yon kasi san pa magkaka-time iyong prof na magcheck non? E mga prof namin e mga full-time lawyer at judge pa iyong iba. May time pa ba sila basahin isa-isa iyong mga digest? Pero dahil takot ako…

‘Sabi mo you owe me,’ text ko kay Atty. Marroquin. Na-seen niya iyong message pero hindi nagreply. Baka after 20 hours na naman ’to magreply.

‘You need my digest?’ reply niya after 30 minutes.

‘Hehe.’

‘Sang subject?’

‘Persons.’

‘Okay.’

‘Salamat! Pa-email na lang, Atty.’

’Naka-bind ‘yon. Handwritten.’

‘Ah okay… Pwede pakuha ko na lang sa grab o kaya lalamove?’

‘Nasa condo ko. Papababain mo pa ako.’

‘Alangan namang umakyat yung driver sa unit mo?’

Bakit ba ang pilosopo ng taong ’to?

Tignan mo ’to! ’Di na naman nagreply. Ibibigay pa ba niya sa akin iyong digest? Kailangan kong malaman kasi kung hindi, I need to panic accordingly. Malapit na kaya iyong midterms. Ayoko na kung kailan busy na ako sa pagrereview e iisipin ko pa ’tong lecheng digest na ’to.

Mabuti na lang talaga at hindi ako natawag sa recit kanina kasi parang badtrip si Atty dahil ang daming bokya. Kailangan kong mas galingan. Ayokong ma-kickout sa school. Alam ko na kahit hindi sabihin ni Papa sa akin e madidisappoint siya. ’Di naman ako naghananap ng validation pero—ay, ewan.

Basta walang kickout na magaganap.

Pagdating ko sa bahay, as usual ay gabi na at tulog na ang lahat. Nagluto ako ng dinner ko. ’Di pa ako inaantok. Grabe ata iyong adrenaline ko nung makita ko na kahit si Sancho na usually ay okay naman sa recit ay nagisa kanina. Grabe din naman kasi si Sir! First year lang kami pero nagtatanong tungkol sa procedure! Anong malay namin don e pang third year pa na subject ’yon?

‘Medyo pilosopo ka rin kausap.’

Napakunot ang noo ko nang makita ko iyong AVM sa notification ko. Medyo weird kausap ’to na either sa umaga o kaya gabing-gabi. Either that lang talaga.

‘Same energy lang sayo, Atty. Kakapikon ka rin minsan.’

‘Para sa taong nanghihingi ng digest, medyo makapal din ang mukha mo.’

‘Nagsabi ka na na ibibigay mo sa kin e. Mukha namang may isang salita ka, Atty.’

‘Fine. Kailan mo kailangan?’

‘As soon as possible.’

‘Kaya mong kunin ngayon?’

‘Ngayon as in ngayon?’

‘May iba na bang definition ang ngayon?’

‘Alam mo nakakapikon ka kausap minsan.’

‘I’ve been told that before,’ sagot niya.

‘Fine. Magbbook ako ng grab express ngayon. San ba address mo?’

Na-seen lang iyong message ko. Taena. Kabadtrip talaga ’to kausap minsan! After 20 hours na naman bago magreply sigurado!

**

This story is already at Chapter 07 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 05

Chapter 05

Dahil hindi ko naman alam kung may balak pang replyan ako ni Atty. Marroquin, nagsimula na akong gumawa ng digest. May outstanding offer sa akin si Niko sa digest. Kapag hindi nagreply si Atty. Marroquin sa akin within the day, papasok na ako sa kasunduan kasama si Niko. Sabi naman ni Assia e maayos naman daw kausap si Niko. Magtitiwala na lang ako doon. Wala naman siguro sa aming dalawa ang may gusto bumagsak.

Normal lang naman iyong araw ko.

Maaga akong pumasok para hindi ako maipit sa traffic pati para ’di ko na rin maabutan sila Papa sa breakfast. Sana rin maayos na iyong sasakyan ko. Kaka-umay magcommute. Pagdating ko sa office, nagbasa agad ako ng codal. Tapos trabaho na pagdating ng 8AM. Nagbabasa ako ng codal kapag may free time. Nung lunch break naman, nagsulat ako ng 3 digest habang kumakain. Ayoko kasi talaga matambakan. Tapos ay pumunta na rin ako sa Brent after class. Tumambay muna ako sa library at doon nag-aral habang naghihintay na magsimula iyong klase. Tapos umuwi na ako sa bahay.

Kumunot ang noo ko nang magvibrate iyong cellphone ko sa bulsa ko nung nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin. Hulaan ko kung sino ’to. Isa lang naman ang may sa maligno na sa gabi lang nagpaparamdam.

‘Oaks place sa mandaluyong.’

Sineenzone ko rin siya. Kapal ng mukha ko, akala mo hindi ako nangangailangan ng digest niya e. Tsk. Kahit five minutes lang. Hirap talaga kapag medyo desperado. Pride? Ano ’yon? Mas kailangan ko iyong digest niya.

Dumiretso ako sa bahay. Tinignan ko iyong ref. Wala akong trip kainin. Iniwan ko muna iyong bag ko tapos lumabas ako. May malapit naman na convenience store sa labas nung village. Parang masarap kumain ng siopao at siomai ngayong gabi.

Pagdating ko sa convenience store, nakatingin lang ako at tahimik na nag-iisip kung bola-bola ba o asado iyong bibilhin ko. Pwede naman bilhin ko pareho pero kilala ko ang sarili ko… Kapag binili ko silang dalawa, ’di na sila aabutin ng kinabukasan.

‘Tell me if you’re getting it now. Matutulog na ako kapag hindi.’

Napakunot ang noo ko. Arte naman nito.

‘Tonight,’ mabilis na reply ko dahil baka magbago isip nito. ‘Wait lang atty. May pinagiisipan lang ako.’

‘What.’

‘Kung bola-bola o asado iyong bibilhin kong siopao.’

‘Why not just buy both?’

‘Kasi kakainin ko rin siya both.’

‘So?’

‘Isa lang nga gusto kong bilhin.’

‘Kailangan mo ba ng pera?’

‘Afford ko naman bumili ng siopao!’

Kapal talaga ng mukha nito, e. Palibasa malaki sahod niya. I mean, deserve din naman sa dami ng kaso na hinahawakan niya. Curious tuloy ako kung ilan ang active cases nito ngayon.

‘Then buy both.’

‘It’s not the price, okay? Ayoko kumain ng dalawang siopao ngayon.’

‘Ang laki ng problema mo.’

‘E gusto ko tikman pareho e.’

‘Kailangan mo ba ng gcash?’

Hayop na ’to.

Ang kupal talaga.

‘Sige nga. Send ka.’

Tutal nase-stress din naman akong kausap ’to, at least magka-moral compensation man lang ako. Saka para libre na rin ’tong bibilhin kong siopao.

Biglang nagnotify iyong Gcash.

‘You have received PHP 39.00 of GCash from AC*****S M. 09161234567 w/ MSG: for siopao. Your new balance is 1039. Ref No. 301121203829.’

Napakunot iyong noo ko. Napatingin ako sa presyo nung siopao.

‘Suki ka ba ng siopao?’

‘Why?’

‘Bat alam mo saktong presyo?’

‘Tingin mo sakin? Di pa nakakapasok sa 711?’

‘Bakit alam mo na nasa 711 ako? Stalker ka?’

‘Intelligent guess. Either that or mini-stop.’

‘May lawson din. All day.’

‘Mas marami iyong 711. Better guess. Nabili mo na ba yung siopao mo.’

‘Yes.’

‘Di ka marunong magthank you?’

‘Salamat sa 39 pesos.’

‘You’re welcome. Galing yan sa tax ng pilipino.’

‘Tapos binigay mo sa akin pambili ng siopao.’

‘Ayaw mo nun? Filipino tax funded yung siopao mo?’

Nagka-girlfriend na kaya ’tong taong ’to? Siguro mala-santo iyong babae sa haba ng pasensya. Kasi nakaka-pikon din kausap ’tong si Atty. Marroquin minsan, e. Pasalamat siya isa lang akong hamak na law student na nangangailangan ng digest niya.

‘Ayaw mo ba akong bigyan din ng Filipino tax funded na gulp?’

‘Pagiisipan ko.’

‘Kuripot. Laki ng sweldo mo.’

‘Stalker. Pati sweldo ko alam mo?’

‘Public official ka. Public knowledge yon.’

‘If I ask a normal Filipino, hindi naman nila alam kung magkano sweldo ko.’

’Hindi naman ako ‘normal Filipino,’ sagot ko sa kanya kasi malamang law student ako. I mean, ’di naman sa mayabang pero I know more than the average Filipino. Sa kapal ba naman ng mga librong binabasa ko araw-araw.

‘Right. Kasi abnormal ka.’

Hayop na ’to.

Pinigilan ko iyong sarili ko na tawagin din siyang abnormal dahil public attorney pa rin siya saka mas matanda siya sa akin saka professionally, senior ko siya. Kaka-banas lang talaga kausap minsan si Atty. Marroquin. Parang ang epal niya kausap kapag gabi. Kapag umaga naman, medyo okay pa siya. Siguro kasi kakagising niya pa lang. Kapag gabi siguro, badtrip na ’to sa mga nangyari sa araw niya kaya sa akin nabubunton iyong bwisit niya.

Bakit sa akin?!

Bumibili lang ako ng siopao.

Hindi ko muna siya nireplyan. Bahala siya d’yan. Umupo muna ako saka inenjoy ko iyong siopao at gulp. Ako lang naman tao rito saka iyong cashier. Pagkatapos nun, naglakad-lakad muna ako sa may village. Safe naman don. Kabado kasi tatay ko dahil sa trabaho niya kaya dito kami nakatira. Naalala ko dati nung high school ako, talagang ginapang nila ni Mama na sa safe na lugar kami tumira.

‘Kukunin mo pa ba yung digest?’

Shet.

Nalimutan ko.

‘Late na, Atty. Bukas na lang. Baka tinatamad ka na bumaba.’

‘Okay lang.’

‘Sure ka?’

‘Oo nga.’

‘Okay. Di kita pinilit ha. Baka isumbat mo to sakin.’

‘Di ako nanunumbat.’

‘Kapag ako nagtop sa batch namin wag mong sabihin na dahil sa digest mo.’

‘Malabo. Di ka nagmememorize.’

‘Grabe walang bilib sa akin!’

‘Tignan muna natin sa midterms mo kung mataas grades mo.’

‘Pano kapag mataas? Bibigyan mo na naman ako ng public fund pambili ng siopao?’

‘Samahan mo na ng gulp.’

‘Napaka kuripot naman nito.’

‘Ano ba gusto mo?’

‘Complete set ng reviewers mo.’

Ewan ko kung bakit kinakabahan ako sa reply niya. Mukhang friends naman na kami ni Atty… Medyo. Ewan ko ba! Sigurado naman ako na hindi niya ganito kausapin si Judge. Si Tin din naman ’di niya kinakausap maliban kapag may kailangan siyang itanong. Safe to assume naman ata na… friendly kami.

Saka tapos naman na siyang mag-aral! Ibigay niya na sa may tunay na pangangailangan!

‘Fine.’

Nanlaki iyong mga mata ko.

Ilang beses kong pinikit at binuksan iyong mga mata ko para masigurado na tama iyong nabasa ko at hindi dahil halos madaling araw na at nasa labas pa rin ako.

‘Seryoso????’

‘Oo nga.’

‘Lahat ha. Kasama bar materials.’

‘Iba na bar reviewer mo dapat. Maraming inuupdate na batas.’

‘Salamat pa rin, Atty!’

‘Kunin mo na lang dito sa condo.’

‘Okay. Pwede ba weekend? Dami ginagawa ng weekdays e.’

‘Okay.’

‘Okay. Message mo na lang ako kapag biglang may lakad o date ka ng weekend. Ako naman may kailangan so ako na mag-aadjust.’

‘Sino naman ide-date ko.’

‘Sabagay. Sino naman magttyaga sa ugali mo?’

“Ay, tangina!” sigaw ko sa gulat dahil tumama iyong mukha ko sa poste. Sino ba may sabi na magtext habang naglalakad?

Sana ’di magpasa. Mapagbintangan pa ako na nakikipagbasag ulo kapag nagka-blackeye ako. Sa dami ng ginagawa ko sa trabaho at binabasa sa school, san ako hahanap ng oras makipagbugbugan? Kapag lunch ko? O kapag pauwi na ako galing school?

‘Madami,’ sagot niya.

‘Wow e di ikaw na maraming babae.’

‘Lol’

‘Ge na good night na madaling araw na.’

‘Magmemorize ka.’

‘Di nga kaya. Kulit nito. Good night na.’

‘Good night, Mauro.’

Weird nito.

Bakit kasama pangalan ko?


“Are you sure?”

“Yes.”

“Is that the final answer?” makulit na tanong sa akin ni Niko nung tinanong niya ulit ako kung ayoko ba daw talaga na magdigest pool kaming dalawa.

“Yes,” ulit ko sa kanya. “Magfull text ka na lang din.”

“But it’s too long!”

I shrugged. E mahaba talaga. Ano’ng magagawa? Kung wala nga si Atty. Marroquin, babasahin ko rin naman din ng full text e… O baka mapa-oo na rin ako ni Niko. Ang galing pa naman mangumbinsi non—minsan may kasama pang pera iyong alok. Ano kaya pakiramdam nung every minor inconvenience sa buhay mo, ang sasabihin mo ay ‘how much?’

‘Good afternoon, Atty! Free ka ngayon?’

Bandang alas tres na ng hapon ako nagmessage kay Atty. Marroquin. Inisip ko kasi na pagod din naman siya sa mga ginagawa niya sa trabaho. Baka gusto niya lang magsleep in ngayong weekend o kung anuman ang ginagawa niya sa umaga. Ayoko naman siya istorbohin sa umaga.

Hindi ako nag-expect na sasagot agad siya. Gets ko naman na busy talaga siyang tao kahit minsan nalilimutan ko dahil nakaka-irita siya.

‘Hi. Yes.’

‘Okay. Punta na ako.’

Medyo nakakapanibago iyong reply niya pero baka ito siya kapag weekend—mas relaxed at hindi pilosopo.

Naligo muna ako bago pumunta kina Atty. Marroquin. Nagsuot lang ako ng brown cargo shorts, puting t-shirt, saka sliders tutal kukuha lang naman ako ng reviewer. Sana ’di siya topakin mamaya para tulungan niya akong magbuhat. Ang bigat kaya magbuhat ng mga papel.

Pagdating ko sa condo niya, ang una kong naisip e malaki nga talaga ang sweldo niya. Ganda kahit lobby pa lang. Nagtext ako sa kanya na nandito na ako tapos naupo muna ako sa sofa.

Ayoko naman maging makulit kaya tahimik lang ako na naghintay… tapos after 20 minutes, medyo nainip na ako kaya nagpatawag na ako sa receptionist. Medyo awkward na nakatayo lang ako roon habang sinusubukan niya na tawagan iyong unit ni Atty. Marroquin.

“Okay, Sir,” sabi niya.

Ayos, ah. Buhay naman pala siya pero ’di makasagot sa text ko.

“Proceed to the elevator, Sir,” sabi niya sa akin.

“Uh… what unit?” tanong ko dahil akala ko ay bababa si Atty. Marroquin dito sa lobby at iaabot sa akin iyong reviewer. Gaano ba karami iyon at ’di niya kayang ibaba? O baka seryoso siya na tamad siyang bumaba sa lobby?

“42K, Sir,” sabi niya sa akin. Mukhang kinonfirm naman ni Atty. Marroquin na kilala niya ako at hindi ako mag-aakyat bahay dito.

Nagpasalamat ako at saka dumiretso ako sa may elevator. Amoy hotel talaga ’tong condo niya. Magkano kaya rent per month dito? Pero mukhang dito mapupunta buong sweldo ko tapos water diet na lang ako buong buwan.

Paglabas ko sa 42nd floor, agad kong nakita iyong unit niya. Kumatok agad ako. Sana naman pagbuksan niya ako kasi kung hindi, ang lakas naman ng trip—

“Holy shit,” sabi ko nang buksan ni Atty. Marroquin iyong pinto. “Sorry. I mean, okay ka lang, Atty?” tanong ko sa kanya kasi ang putla ng itsura niya. Parang anumang oras ay bigla siyang magcocollapse.

Bahagya siyang tumango. Kahit iyon ay mukhang binuhos niya iyong huling lakas niya.

“Sorry ’di ako makababa.”

Tipid akong tumango.

Kanina ko pa siya pinapatay sa isip ko dahil pinaghintay niya ako sa lobby—totoo naman palang halos mamatay na siya dito sa condo niya. Minsan, nakaka-gulat how fast prayer works.

“Kailangan mo bang pumunta sa emergency room?” I asked him.

Umiling siya habang nakaupo sa couch niya. Nakasandal iyong ulo niya sa may headrest. “Nandyan sa mga box sa gilid iyong reviewer,” sabi niya… sa tingin ko. ’Di ko rin siya masyadong maintindihan dahil ang hina ng boses niya.

Tumingin ako sa mga box. Ang daming reviewer. Pwedeng-pwede na akong magreview. Kaso… hindi naman ako gago. Parang ang sama ko namang tao kung iiwanan ko siya dito pagkatapos kong makuha iyong gusto ko mula sa kanya.

“Uminom ka na ba ng gamot?” tanong ko.

Tipid siyang tumango.

“Kumain ka na ba?” tanong ko ulit.

Tipid siyang umiling. Tumingin ako sa kanya. Pwede naman ako bumaba para humanap ng bibilhan ng pagkain o kaya umorder pero parang medyo nakakatakot siya iwan dito. Ang putla niya talaga tapos may butil-butil na pawis sa noo niya. Ano ba ginawa nito para magka-sakit nang ganito kalala?

“Papakailamanan ko kusina mo, ha? Magluluto lang ako ng soup,” sabi ko sa kanya. “Tumango ka kung narinig at naintindihan mo,” dugtong ko kasi baka mamaya sabihin nito nangielam ako.

“Yes,” sabi niya sa paos na boses niya. Kawawang attorney. May sakit.

Pumunta ako sa kusina niya. Binuksan ko iyong ref niya at in fairness sa kanya, akala ko tubig lang ang makikita ko pero mukhang may meal plan pa siya. Marami ding prutas saka yoghurt. Sabagay… nasa personality niya rin naman ’to. Mukhang siya iyong tipo na dapat planado lahat ng pagkain niya. Bakit ba ako nagulat? E kahit pagrereply niya sa messages ay parang may window lang sa gabi na from 10PM to 12MN.

Gusto ko sana na iyong soup lang na Knorr pero wala siya non kaya naman gumawa na lang ako ng lugaw. May bigas naman siya saka suki ata ng chicken breast ’to. Daming manok sa freezer niya.

Nang matapos akong magluto, nilagyan ko ng placemat bago ko ibinaba iyong plato sa may lamesa niya. Mukha kasing siya iyong klase ng tao na gumagamit ng placemat.

“Kailan ka huling uminom ng gamot?” tanong ko sa kanya.

“When I messaged you,” mahinang sagot niya.

“Okay. Maya-maya ka pa dapat uminom ng gamot ulit,” sabi ko. “Kain ka na.” Hindi siya gumalaw. “Kumain ka na. Baka gusto mong subuan pa kita.”

Kumunot ang noo ko nang makita kong tumango siya. Kinu-kombulsyon na ata ’to.

“Please. I’m sick. I’ll owe you one again,” sabi niya.

“Nakuha ko na ’yung reviewer mo. Wala na akong gusto mula sa ’yo.”

“Maybe in the future,” he replied.

Tumingin ako sa kanya. Mukhang hinang-hina siya. Sige na nga. Saka baka pwede ko rin siya maging mentor pero pag-iisipan ko muna. Kasi baka imbes na wisdom e stress pa ang makuha ko sa kanya.

“Fine,” sabi ko saka kinuha iyong bowl. “Wag mong isusuka ’to.”

“I will try my best,” sabi niya.

“Upo kang maayos.”

Nang maupo siya nang maayos ay nagulat ako dahil halos magka-dikit na iyong mga mukha namin. Agad akong napaatras dahil sa gulat. Hayop na ’yan! Pasalamat siya may sakit siya.

“Nga-nga na,” sabi ko. “Baka gusto mong umarte pa ako na may eroplano.”

“That’ll be fun to watch,” sagot niya.

“Asa ka pa.”

Pina-kain ko lang si Atty. Marroquin at pinilit ko siya na ubusin iyong lugaw. Sayang effort ko, e. Saka pinainom ko rin siya ng tubig. Iyong tipo na winaterboard ko ata siya.

Pagkatapos non, natulog ulit siya. Hinugasan ko iyong pinaggamitan ko. Tahimik lang ako kasi mukhang mahimbing iyong tulog niya.

Gusto ko na sanang umalis kaso… ’di kaya ng konsensya ko na iwan siya dito nang ganito. Tumingin-tingin ako sa paligid—tingin lang naman. Wala akong hinawakan. Walang picture frame man lang. Wala kahit isang picture na naka-display. Puro law books lang saka mga case files niya na ’di ko pinakailamanan.

“You’re still here.”

Napatingin ako nang marinig ko iyong boses niya. Nandoon ako sa may dining table niya at doon ako nag-aral.

Tumango ako. “Okay ka na ba? Kapag okay ka na, alis na rin ako.”

Umiling siya. “Masakit pa rin ulo ko,” sabi niya sabay higa ulit sa couch tapos hindi na ako pinansin. Weird naman nito magkasakit.  

**

This story is already at Chapter 08 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 06

Chapter 06

Pasado alas-diyes na pero hindi pa rin gising si Atty. Marroquin. Gusto ko na sana siyang sundutin ng stick para masigurado na buhay pa siya. Ganito pala matulog ’yon? ’Di naman lang nagalaw. Pwede mong pagkamalan na patay, e.

“What are you doing?”

Halos mapatalon ako nang magsalita siya. Naka-squat kasi ako sa may bandang mukha niya. Sinisilip ko lang kung humihinga ba siya. Hindi kasi talaga siya gumagalaw! Malay ko ba kung namatay ’to habang tulog? ’Di naman imposible ’yon. Saka kakaaral ko lang ng criminal law. Puro murder at homicide ang nasa utak ko. Ayoko lang maging real life iyong mga inaaral ko.

Nakatingin siya sa akin at bahagyang naka-kunot iyong noo niya. Natumba ako sa wooden vinyl floor niya sa sobrang gulat. Parang tanga naman ’to!

“Bakit ka ba nanggugulat?!” sabi ko kasi ang bilis ng takbo ng puso ko nang bigla niyang ibukas iyong mga mata niya e halos ang lapit ng mukha ko sa may ilong niya kasi nga sinisilip ko kung humihinga siya.

“Ako pa nanggulat?” he asked.

Hinahabol ko pa rin iyong paghinga ko. “E sino gusto mo? Ako?”

Agad na nanlaki iyong mga mata niya. Tumayo ako saka pinagpag iyong imaginary dumi sa may likod ng shorts ko kahit mukha namang walang dumi sa sahig ni Atty. Marroquin dahil ang linis dito sa condo niya.

“Okay ka na, noh? Uwi na ko,” sabi ko kahit ramdam ko pa rin iyong bilis ng tibok ng puso ko.

“Sandali lang,” sabi niya.

“Bakit?” tanong ko. “Nagluto lang ako ng lugaw kanina. Hinugasan ko rin ’yung mga ginamit ko. Wala akong ibang ginalaw. Nag-aral lang ako sa dining table mo.”

Tumingin siya sa dining table. Kinuha ko iyong isa sa mga reviewer na ipapahiram niya sa akin. Kanina ko pa iyon binabasa and ang ganda nga talaga ng notes niya. Marami namang nagkalat na notes sa law school na libre, pero iba pa rin kapag personalized notes… lalo pa galing sa kanya na grumaduate ng valedictorian. Gulatin ko kaya lahat ng walang bilib sa akin at maging valedictorian din ako?

He gave a small nod. “Salamat.”

“You’re welcome,” sabi ko. “Alis na rin ako. Gabi na,” dugtong ko tapos naglakad ako papunta sa may dining table para kunin iyong cellphone ko. Tsk. Weekend nga pala ngayon. Sigurado ang mahal ng Grab ngayon. ’Di naman ako pwedeng mag-Angkas at baka sabay kaming matumba ni kuya sa gitna ng kalsada sa bigat ng dala ko.

“Kumain ka na?” biglang tanong niya.

Umiling ako. “Mamaya na sa bahay.”

Lumapit ako roon sa boxes na dadalhin ko. Pano kaya ’to? Tatlong malaking box din ’yon. Sinubukan kong buhatin ’yung isang box. Taena ang bigat naman nito.

“May ano ba dito? ’Yung parang push cart?”

Kumunot ang noo niya. “Pushcart? Parang sa grocery?”

Kumunot din ang noo ko. “Yung parang sa hotel na tinutulak nung bellboy. Ang weird naman ng condo mo kung may pushcart ng grocery dito.”

Kumunot din ang noo niya. Contest ba kami dito ng patagalan ng naka-kunot na noo?

“Ikaw nagsabi ng pushcart,” sabi niya.

“Kasi hindi ko alam ’yung eksaktong term pero alam mo naman ibig sabihin ko.”

“Di ko naman nababasa nasa isip mo.”

“Context—” I said and then clicked my tongue. Halos 11PM na. Wala na akong energy makipagtalo sa pilosopo na ’to. Naubos na nung nagluto ako ng lugaw. “Pano ko ’to dadalhin sa baba?” I asked him.

“Luggage cart.”

“Ayun!” sabi ko. “Alam mo naman pala iyong term!”

He looked at me like he’s half-annoyed and half in disbelief sa mga sinasabi ko. Ganyan din mukha ko kapag nagtetext siya sa akin. Sa aming dalawa, mas nakaka-pikon siyang kausap.

Check ko nga kung may record na ’tong ma-cite in contempt.

“Pano kumuha non?” I asked.

“Tawag lang sa lobby,” he replied.

“Tawag ka.”

“Pala-utos ka,” sabi niya.

“Bakit naman ako ang tatawag? ’Di ko naman condo ’to.”

He looked at me and slightly shook his head in disapproval. Ganyan itsura pero inabot niya naman iyong landline tapos tumawag sa baba. Nagrequest lang siya na dalhin sa unit niya iyong luggage cart.

“Pwedeng itanong kung magkano rent mo dito?” I asked.

Ang ganda ng condo niya. Corner-unit ata iyong tawag dito tapos may panoramic view siya sa city and iyong wall ay floor to ceiling na glass. For sure mahal iyong rent niya dito.

“Di ko alam,” he replied.

“Sa ’yo ’to?”

Tumango siya tapos naglakad siya papunta sa ref niya. Naka-sunod lang iyong mga mata ko sa kanya. Naka-pajama siya na navy blue at saka puting shirt. Ang simple niya lang tignan kumpara sa kapag nakikita ko siya. Lagi siyang naka-formal attire kasi naka-lawyer mode siya palagi kapag nagtatagpo ang landas namin.

“Grabe… Attorney big time talaga.”

“Not really,” sabi niya. “Ayoko lang magbayad ng rent.”

“Magkano bili mo rito?”

“Matagal na ’to. Mura pa dati.”

“Magkano nga?”

“Ten.”

“Million?” tanong ko na nanlaki ang mga mata.

“Thousand,” he replied, his tone dripping in sarcasm.

“Mamamatay ka ba kapag ’di ka nakapamilosopo ng isang araw?” I asked and he just shrugged as he poured himself a glass of water.

“San ka ba nakatira?” he asked.

“QC.”

“Hatid na kita.”

“Hindi na. Book na lang ako ng Grab,” sabi ko tapos tumingin ako sa presyo. Tanginang ’yan! Five hundred?! Tumingin ako sa kanya. “Sige, pahatid na lang, Attorney.”

He looked at me and slowly shook his head in disappointment. Bakit? Bawal na ba magbago ng isip? Ang mahal nung presyo, e. Grabe naman ’yung 500 para lang makauwi ako?

“Kain muna ako,” he said.

“Okay,” I replied.

Dumating na iyong luggage cart. Iniwan niya muna sa labas ng unit niya. Baka ayaw magasgasan iyong wooden floor niya. Grabe, ang mahal nitong condo niya! Pero ang ganda din kasi. Pero ’di ko rin afford. Sana sa next life ko ay generational wealth baby ako.

Nasa couch lang ako habang hinihintay ko siyang matapos kumain. Ayoko na siya guluhin dahil mamaya mabinat pa ’to at hindi makapasok sa Monday. Nakaka-stress magpa-resched ng hearing.

Habang busy siya sa kung anuman ang ginagawa niya e nasa phone lang ako at nasa Tiktok. Saya kaya magTiktok kaya lang ubos oras minsan kaya ’di ko madalas buksan ’tong app na ’to.

“May tanong ako,” sabi ko. Napatingin ako sa may bandang kusina. May niluluto siya. Kakaiba rin ’to, e. Nakita ng may naghihintay e may balak pa atang magluto ng five course meal. ’Di ba uso cup noodles dito?

“What?” he asked while he was still busy stirring whatever it was that he’s cooking. Pota ang bango. Ayoko namang manghingi. Sabihan naman ako nito ng patay-gutom.

“Ano opinion mo kay Tulfo?” tanong ko sa kanya kasi napadaan sa FYP ko.

“I don’t know him personally, so I can’t say,” sabi niya.

“I mean sa palabas niya.”

“Oh. Okay naman.”

“Hindi ka against?”

“Hindi.”

“Oh… Okay,” sabi ko. “Usually kasi naririnig ko mga lawyer against sila kay Tulfo.”

“I mean, if he stops trying to give ‘referral’ like it means something, then I really don’t care,” sabi niya. “At the end of the day, sa judicial system pa rin naman bagsak ng mga kaso sa palabas niya. ’Di naman mauuna mga binigyan niya ng referral kuno.”

“Di kayo naiinis?”

“Hindi,” sabi niya. “Those people just want to be heard. He listens to them—granted that for him, it’s business since it generates him money. Bottomline is, the people are heard; he gets his money. Everybody is happy.”

Iba rin pala mag-isip si Atty. Marroquin. Mukhang hindi lang siya simpleng pilosopong abogado.

“Besides, mahirap magfile ng kaso saka matagal. Can’t blame the people who are just looking for justice.”

Kaya siguro siya Valedictorian tapos ako normal na estudyante lang. Ito pala ang difference.

“Kain na,” sabi niya.

Kumunot ang noo ko. “Kasama ako?”

Tumingin siya sa akin at tumango. “Malamang,” he replied. “Alangan namang kumakain ako tapos pinapanood mo lang ako?”

Mamamatay siguro talaga siya kapag ’di siya nakapamilosopo ng kahit isang araw.

Gusto kong ibato iyong tsinelas ko sa kanya pero ang bango kasi talaga nung niluto niya kaya nilulon ko na lang iyong pride ko saka lumapit ako sa dining table.

Grabe, ito dinner niya? Samantalang kapag ako nagutom, cup noodles ang una kong target.

“Di mo ako sisingilin, ha,” sabi ko bago ko pa man hawakan. Mahal kaya ng salmon!

Kumunot na naman iyong noo niya. Para sa taong laging naka-kunot ang noo, buti wala pa siyang wrinkles.

“Wala ka ngang pambili ng siopao kaya bakit ko iisipin na may pambayad ka ng salmon?”

Tanginang ’to.

“Poor-shaming,” sabi ko sa kanya habang naupo ako. Para siguro akong clown sa paningin niya kasi nagsasabi ako ng poor shaming habang naka-ready na akong isubo iyong salmon.

“Sarap?” he asked like he’s taunting me.

“Pinrito mo lang naman ’to. ’Wag kang feeling,” I said as I lathered more of the cream sa may salmon. Ang sarap naman nito magluto! Matalino na, nakatira sa magandang condo, tapos magaling pa magluto? Attitude lang problema niya, pero kung ako tatanungin? Mas gusto ko na magkaroon ng attitude problem basta ganito rin buhay ko. Can’t hear the haters from my condo on the 42nd floor.

Tahimik kong inubos iyong niluto niya na salmon saka asparagus. Kung close lang kami at mas makapal iyong mukha ko, hihingi ako ng dessert sa kanya kasi nakita ko na may isang box ng cake don sa ref niya.

“Di ka naman siguro gumagawa ng illegal, noh?”

Kumunot ang noo niya. “What?”

“Kasi alam ko na mataas naman talaga sweldo mo as PAO lawyer pero grabe… ’di pa rin ako maka-move on as condo mo,” sabi ko.

“I wasn’t able to buy this because of work,” sabi niya sa akin. Nakatingin ako sa kanya at ready na makakuha ng wisdom at advice sa kung ano ang gagawin ko sa buhay ko kasi medyo wala akong clue talaga.

“Both my parents got into an accident and died. I got money from the settlement,” dugtong niya. Napaawang iyong labi ko. “I’d rather have them still alive than to have this condo.”

Fuck.

Tanginang bibig ’to talaga.

“Sorry.”

Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong sabihin.

Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng magulang… pero sa tono ng boses niya, alam ko na sobrang hirap.

Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng maliit na ngiti. He looked different from the Atty. Marroquin that I knew. For some reason, he looked a bit vulnerable.

“Thank you,” he just replied.

Hindi ko na alam bigla kung paano gumalaw. Hindi na rin ako masyadong nakapagsalita hanggang sa makababa kami sa parking kung nasaan iyong kotse niya. Hindi ko kayang magcomment na sobrang ganda ng kotse niya.

“Mauro,” bigla niyang sabi habang naka-start na iyong sasakyan pero nasa parking pa rin kami ng condo niya.

“Hmm?” sabi ko kasi iyan na ata pinaka-safe na lalabas sa bibig ko.

“Don’t be weird.”

Kumunot ang noo ko. Nakatingin siya sa akin habang nakahawak iyong kaliwang kamay niya sa manibela at iyong kanang kamay niya sa may kambyo.

“Just be your usual annoying self.”

**

This story is already at Chapter 09 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 07

Chapter 07

Iba rin siguro talaga epekto ng sakit kay Atty. Marroquin kasi medyo naging weird siya. Sigurado naman ako na babalik din siya sa pagiging pilosopo bukas kapag nakatulog siya nang maayos. Hindi na lang din ako nagsalita pa kasi medyo nakaka-stress ’tong bibig ko. Kung anu-ano ang lumalabas.

“Maganda naman pala bahay niyo. Bakit wala kang pambili ng siopao?”

Tinignan ko siya nang masama. Gusto ko siyang barahin pero nakonsensya pa rin ako kanina sa mga sinabi ko. Kasi may sakit na nga siya tapos pinagthrowback ko pa sa mga nangyari sa magulang niya.

“May pambili ako ng siopao,” sabi ko na lang sa kanya. “Gabi na kasi non. Ayokong kumain ng dalawang siopao.”

Bakit ba ako nag-eexplain sa kanya sa thought process ko ng pagbili ng siopao?

“Hindi mo naman kailangang kainin ng magkasabay.”

“Kapag binili ko parehas, ang ending e kakainin ko din parehas.”

“Ano ka? Bata na walang self-control?”

“Bakit ba masyado kang concerned sa siopao ko? Saka nandyan lang naman sa labas ’yung 711. Pwede akong bumili anytime. Hindi pa naman extinct ’yung asado na flavor.”

Almost 1AM, sa labas ng bahay namin, and of all the topics we could argue about, talagang sa siopao pa.

Bago pa kung saan mauwi iyong usapang siopao, binuksan ko na iyong gate ng bahay. Binuksan niya iyong compartment nung sasakyan. Kinuha ko iyong isang box.

“Ako na,” sabi ko nung nagtry siya na buhatin iyong isa. Kumunot ang noo niya. “Baka mabinat ka,” dugtong ko. Mukhang mag-isa lang siya sa condo niya. Mamaya magkasakit pa ulit ’to. Kawaawa naman. Kung hindi kaya ako nangailangan ng reviewer sa kanya, walang pupunta sa kanya para siguraduhin man lang na humihinga pa siya?

Bahagyang umawang iyong labi niya. He cleared his breath and then proceeded to pick up a box. ’Di ata talaga uso dito makinig. Bahala siya d’yan. Concerned citizen lang naman ako.

“Dito na lang,” sabi ko nung ibaba ko sa may hagdanan sa harap nung main door iyong box. Weird naman kasi kung papapasukin ko siya sa bahay. ’Di ko naman bahay ’to. ’Di naman siya kilala nila Papa.

“Thanks,” sabi ko nung matapos na kami sa paglalagay ng box.

He gave me a small nod. “Thanks din sa lugaw.”

“Maliit na bagay,” sagot ko. “Nga pala…” dugtong ko. “Ewan ko kung sakitin ka or what, pero kung walang titingin kung buhay ka pa o humihinga, pwede naman ako. I mean, kapag wala ka ng choice. Tawagan mo muna friends mo. Busy din akong tao,” sunud-sunod na sabi ko. Bakit parang ang defensive kong pakinggan?! Nagmamagandang-loob na nga ako.

I saw him fighting a smile on his face. Tignan mo ’to. Hirap talagang magpaka-good samaritan. Tatawanan ka pa.

“Okay,” he said.

“I mean, since binigyan mo rin naman ako ng reviewer.”

“Okay.”

“Sige na. Alis ka na.”

“Parang aso kung itaboy.”

“Napaka-senstive mo namang tao. Paano kapag nag-object iyong prosecutor sa ’yo? Masasaktan ba iyong feelings mo?”

Alam mo iyong gusto mo namang maging matinong kausap, pero iyong kausap mo e hindi ka binibigyan ng choice kung hindi ang maging pilosopo?

“No, not really,” sabi niya. “Work is work. When I’m in court, I just work.”

Parang ang hirap maniwala sa sinabi niya kasi kung work is work, bakit kaya niya hinahanap si Judge? Kasi kung work is work, iyong mga motion niya e pwede niya namang gawin sa mismong hearing. Tsk. Kaka-curious talaga kung ano iyong pinag-usapan nila sa chamber pero alam ko naman na hindi ko pwedeng itanong iyon.

Dami ko sanang gusto pang itanong sa kanya kasi curious ako sa trabaho niya. Gets ko kasi iyong prosecutor kasi ang trabaho mo ay ipa-kulong iyong mga may kasalanan. Iyong trabaho kasi ni Atty. Marroquin ay ipagtanggol iyong kriminal. Paano kaya niya nagagawa ’yon? Medyo may pagka-judgmental kasi ako kaya baka i-judge ko lang iyong kriminal.

“Inaantok ka na,” he said, pointing out kasi napa-yawn ako. Ala una na kaya.

I nodded. “Past 1AM na.”

“Di pa ako inaantok.”

“Malamang. Natulog ka lang kanina,” sabi ko sa kanya. Kapal ng mukha i-compare kami e gising lang ako at nagbabantay sa kanya habang siya, ang saya-saya matulog? Malamang antok na ako.

Nilagay niya sa mga bulsa niya iyong dalawang kamay niya.

“Alis na ako.”

“Sa wakas.”

Natawa siya. “Salamat ulit sa kanina,” he said and I just nodded at him. Antok na antok na talaga ako. Kanina ko pa nararamdaman iyong pagtawag sa akin ng kama ko.

Tumayo ako roon at hinintay na makaalis iyong sasakyan niya. Mga two minutes na akong nakatayo roon at hindi pa rin siya umaalis.

‘May ginagawa ka bang kababalaghan sa sasakyan mo?’ I asked kasi bakit ayaw niya pang umalis? Malapit na akong gumapang papunta sa kama ko.

‘Ayaw mo pang pumasok sa bahay niyo.’

‘Ayaw mo pa kasing lumabas sa subdivision ko.’

‘Di mo afford bumili ng subdivision.’

‘Hayop ka,’ text ko sa kanya tapos tinaas ko iyong middle finger ko. Sigurado naman ako na kita niya ako mula sa sasakyan niya. Dahil sa siopao na ’yan, napagkamalan akong pulubi. Bahala nga siya d’yan. Binuksan ko na iyong pinto at saka pumasok na ako sa bahay. Mas importante iyong antok ko.

“Sino ’yon?”

“Ano ba ’yan, Mauve!” sabi ko kasi para siyang kontrabida na nakaupo roon sa may couch. Nakapatay na halos lahat ng ilaw sa bahay maliban doon sa may lampshade sa gilid niya. Mukha siyang kontrabida.

“Sino ’yung kasama mo?”

“Bakit gising ka pa?” tanong ko muna.

She shrugged. “Di ako makatulog,” she replied. “Sino nga iyong kasama mo?”

“Atty. Marroquin,” sagot ko habang naglalakad papunta sa hagdan. Ready na ako humimlay sa kama ko. Antok na talaga ako. Hirap pala mag-alaga ng may sakit. Buti wala ako sa health care industry.

“Ano mo ’yon?”

“Di ko alam,” sagot ko kasi ’di naman kami friends. Hindi ko rin siya workmate. Hindi ko rin siya boss. Supplier ko siya ng review materials. Pero mas appropriate ata na sabihin na siya iyong nanglalait sa akin palagi.

Pagpasok ko sa kwarto, mabilis lang akong nagshower. Dala-dala ko pa iyong virus ni Atty. Marroquin. Ayoko nga na ako naman magka-sakit. Dami-daming ginagawa sa trabaho at sa school. Literal na hindi ako pwedeng magka-sakit.

‘Nakauwi na ako,’ biglang text ni Atty. Marroquin sa akin.

‘K.’

‘Thanks sa concern.’

‘Matulog ka na,’ sabi ko sa kanya.

‘Tulog nga ako maghapon.’

‘Magbilang ka ng tupa.’

‘Di effective. Tumatakbo iyong iba kaya mahirap bilangin.’

Nung una kong makita si Atty. Marroquin, akala ko sobrang suplado niya at seryoso sa buhay. Pero parang kabaliktaran naman. Ang korni niya tapos minsan epal. Alam ko naman na nagtry siya magjoke, pero hindi talaga benta.

‘Mag netflix ka.’

‘Ano magandang panoorin?’

‘Ano ba gusto mong panoorin?’

‘Documentary.’

‘Don’t fuck with cats. Napanood mo na yon?’

Sinubukan kong maghintay sa reply niya pero inaantok na ako. Buti na lang Sunday ngayon kaya okay lang na 10AM na ako nagising. Ang sakit ng ulo ko pagka-gising ko. Nakaramdam agad ako ng gutom kaya bumaba na ako.

“Wala sila?”

Umiling si Mauve. “Simbahan.”

“Pinagppray over ka na naman,” sabi ko tapos binigyan ako ng fuck you sign.

“Next ka na.”

“Asa ka pa,” sabi ko sa kanya. Kaya nila pinagdadasal si Mauve ay dahil ‘naligaw’ daw ng landas. Dahil lang tibo, naligaw na agad ng landas? Lagi kaya ’yang topic dati sa dinner kaya ayokong kumakain ng dinner, e. Lalo na nung unang nalaman nila Mama na may girlfriend si Mauve. Gago din kasi si Mauve. Dinadala sa bahay tapos sinabi na best friend tapos nung pumunta si Mama sa kwarto, naka-hubad iyong dalawang mag-best friend. Na-traumatize ata si Mama sa kung anuman ang nakita niya.

“Boyfriend mo ’yung kagabi?”

Kumunot iyong noo ko. “Boyfriend mo mukha mo,” sabi ko. Kilabutan nga siya d’yan. Pumunta ako sa ref at binuksan iyon. Nakaka-disappoint naman iyong laman. Mas masaya doon sa ref ni Atty. Marroquin na maraming laman.

“Bakit? Cute naman siya. Bagay kayo. Ikaw ’yung pangit sa relasyon niyo tapos siya iyong may looks.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Kailan kaya eepekto iyong pray over nila sa ’yo?” Pinakyuhan na naman ako. “Saka may girlfriend ata ’yon.”

Aaminin ko, dati e may pagka-homophobic din naman talaga ako… Ewan ko. Ganon ako pinalaki. Ganon iyong nakikita ko kaya naniwala ako na ganon dapat. Ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae. Kaso nung nalaman namin na lesbian si Mauve tapos nakita ko kung paano siya umiyak sa harap nila Papa, nagbago talaga iyong pananaw ko. Natatandaan ko pa nung sinabi niya kila Papa na hindi naman daw niya pinili ’yon. Na ganon talaga siya. Na kahit sa babae din siya nagkakagusto, siya pa rin naman ’yon.

She fell in love with a woman.

So, what?

Tapos laging gagamitan ng bible verse. Nagsisimba din naman ako. If anything, God wants us all to be happy.

Ewan ko ba. Hindi ko na lang din pinapansin sila Mama. Iniisip ko na lang na kanya-kanyang paniniwala. Sinubukan ko na kasi dati pero wala, e. Stress lang inabot ko. Kaya respeto na lang ganon.

“Hmm…” sabi niya tapos napatigil siya nang narinig namin iyong pagdating ng sasakyan. Mabilis niyang hinugasan iyong plato niya at saka umakyat sa kwarto. ’Di pa rin kasi siya makaalis sa bahay kasi nag-aaral pa ’yon ng medicine.

Mabilis na rin akong umeskapo papunta sa kwarto ko. Kumuha lang ako ng tinapay saka palaman. Doon na ako kakain. Ayoko rin kasi makita sila Papa ngayon at lalo na kakagaling lang nila sa simbahan.

‘Thanks. Mukhang maganda nga. Panoorin ko.’

Nakita ko na nagreply pala si Atty. Marroquin sa message ko kagabi. Nagthumbs-up lang ako sa reply niya. Based on experience, ’di naman magpaparamdam iyon ngayon kasi naka-night shift ’yon kapag nagtetext.

‘Tapos ko na. Ano pa magandang panoorin?’

‘Tapos mo na agad? Di ka natulog?’

‘Di ako inaantok.’

‘Mula kagabi nanood ka lang?’

‘Yes. Napanood mo na ba yung sa Ice Cold?’

‘Hindi pa. Di ka ba magttrabaho? Netflix ka lang buong Sunday?’

‘No. Weekends are for relaxing.’

‘Weird… Akala ko workaholic ka.’

‘I like my work. But to be able to function properly, I need to relax my brain.’

‘Tapos nanonood ka rin ng criminal docu? E di close to work din?’

‘I find it relaxing,’ reply niya. ‘Ngayon ka lang nagising?’

‘Yup. Anong oras na kaya ako nakauwi.’

‘1AM. Ako naghatid sa yo.’

‘Hirap mo kausap.’

‘Lol,’ he replied. ‘Ano subject mo bukas?’

‘Ethics lang. Pwede ako matulog ngayon.’

‘Di ka magaaral ngayon?’

‘Sabi mo nga to be able to function properly, I need to relax.’

‘Di ka pa naman abogado. Di ka pa pwedeng magrelax.’

‘Discrimination!!!’

‘Lol. Tulog ka na buong umaga. Magaral ka na mamaya.’

‘Ayoko. Sarap mahiga dito sa kama,’ sabi ko habang nagbbrowse sa Netflix sa kung ano ang magandang panoorin. Nakita ko iyong sinasabi niya na Ice Cold. Mukhang maganda nga. Maigsi lang naman. Panoorin ko nga tapos kung ’di pa niya napapanood, spoil ko siya.

‘Sa labas ka mag-aral para di ka antukin.’

‘Mahal ng kape. Sabi mo nga, wala akong pera.’

‘Paraan mo ba to para manghingi ng gcash?’

‘Hindi pero kung may mabuti kang puso, who am I to say no?’

Nagsimula na iyong docu kaya napunta na roon iyong atensyon ko. Grabe… Sino nga kaya ang may kasalanan? Kaya hindi ko talaga kaya iyong trabaho ni Atty. Marroquin dahil judgmental ako. Iisipin ko na guilty talaga iyong kliyente ko. Tanungin ko nga siya next time kung paano niya nagagawa. I mean, alam ko na work is work pero paano kung obvious na guilty? Lalo na kapag iyong kaso ay sensitive?

“Ano na naman?” tanong ko nung may kumatok sa pinto ko at nakita ko na si Mauve iyon. “Sa ’kin ’yan?” na-excite na tanong ko dahil may hawak siyang paperbag galing sa Starbucks. Baka para sa akin kasi ang gago lang kung pumunta siya sa kwarto ko para ipakita na may pagkain siya.

Tumango siya. “Galing sa hindi mo friend.”

Kumunot ang noo ko. Kinuha ko iyong paper bag. Tinignan ko iyong laman at meron iyong isang venti na iced coffee at isang slice ng blueberry cheesecake.

‘Aral na,’ nakasulat doon sa may cup.

Napatingin ako kay Mauve na naka-ngisi sa akin. “Mukhang dalawa na tayong ipagppray over.”

**

This story is already at Chapter 10 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 08

Chapter 08

Buti na lang at magkaiba kami ng schedule ni Mauve kaya kahit sa iisang bahay lang kami nakatira ay hindi kami nagkikita madalas—unless maabutan niya ako sa kusina kapag madaling araw na parang racoon na naghahanap ng pagkain sa ref.

Hindi maalis sa isip ko iyong sinabi niya kahit gustung-gusto kong kalimutam. Lecheng Mauve kasi ’yan! Napaka-malisyosa. Kung anu-ano pinapasok sa isip ko. Mukha namang generous lang talaga si Atty. Marroquin. Mukha rin wala siyang masyadong kaibigan. Baka gusto niya lang ng kaibigan kaya mabait siya sa akin (minsan).

Tsk.

Nananahimik ako, e!

Ayoko ngang maging malisyoso kasi ang pangit tignan. Nangyari na rin sa ’kin ’to dati. Mabait lang naman kasi ako usually. Mas ma-effort maging masama ugali. Tapos iyong seatmate ko biglang nagconfess sa akin. Gulat na gulat siya nung sinabi ko na ’di ko siya gusto. Sinabihan pa ako na paasa. Porke mabait lang at namimigay ng intermediate pad, paasa na agad?

Ang labo nung babaeng ’yon. Simula non, nagdamot na ako sa mga papel ko.

Sigurado ako na ganon lang din si Atty. Marroquin. Mabait lang siya saka maraming pera. Saka kailangan nun nung schedule ni Judge. Pareho lang siguro kaming user.

“Assia,” pagtawag ko sa kanya. Tahimik lang siya sa tabi ko na nagbabasa ng codal. Obli day na naman. Hindi ko talaga maintindihan iyong subject na ’to. Minsan, hinahabol na ako kahit sa panaginip ko. Litung-lito ako sa mga resolutory condition, suspensive condition, at kung anu-ano pa. Natatakot tuloy ako para sa future ko. Kung dito pa lang sa Obli na first year subject ay nabobobo na ako, paano pa sa higher subjects?

“Bakit?” tanong niya nang bumalik siya sa akin.

“Alam ba ni Vito na friends lang tayo?”

Kumunot ang noo niya. Kahit kasi nasa harapan kami e ramdam na ramdam ko iyong titig ni Vito sa likuran ko. Para bang iyon iyong sinasabi nila na kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako patay.

“Kailangan ko bang sabihin sa kanya?” naka-kunot ang noo na tanong ni Assia.

Tumango ako. “Para hindi niya na ako tignan nang masama.” Akmang titingin si Assia kay Vito. “Wag mong tignan,” mabilis na sabi ko sa kanya. Pangit naman kausap nito si Assia. Mahahalata na si Vito pinaguusapan namin. Mamaya bigla na lang nila akong abangan sa labas ng campus. May connection pa naman sa frat ’yung tatlo na ’yon.

“May ginawa ka ba sa kanya para magalit siya?” she asked.

Napaawang ang labi ko. Seryoso ba si Assia o jino-joke time niya lang ako? Kasi sigurado ako na alam ng lahat sa classroom namin na may gusto si Vito sa kanya. Halatang-halata—iyon bang tipo na parang wala man lang effort mula sa parte ni Vito na itago iyon.

“Seryoso ka?” I asked. Confusion was evident on her face. Mukhang tahimik lang na tao si Vito pero kapag si Assia ang kasama niya, ang dami niyang sinasabi. Minsan din nakikita ko sila na sabay umuuwi so mukhang hinahati niya sa bahay si Assia. Ang manhid naman—

Fuck.

Agad akong natigilan kasi parang pamilyar ’tong iniisip ko ngayon sa nasa isip ko kanina.

Mabilis akong umiling.

No, magka-iba ’yon.

Tangina talaga nitong si Mauve! Napaka-sulsol!

“Hala, bakit?” nag-aalala na tanong ni Assia.

“Wala, wala,” sabi ko habang umiiling. Tahimik na nag-aaral iyong tao tapos iniistorbo ko.

Kasalanan ko rin dahil kung saan-saan lumilipad iyong isip ko kaya nung natawag ako sa Obli, hindi ako naka-sagot. In my defense, litung-lito talaga ako sa subject na ’to. Medyo okay naman ako sa Crim, sa Consti, sa Persons, pero dito sa Obli na ’to e parang hieroglyphics iyong mga provisions na ’di ko talaga maintindihan.

Pag-uwi ko sa amin, doon muna ako dumiretso sa convenience store para maghanap ng makakain. Tinatamad na akong magluto sa bahay.

Parang may sa maligno si Atty. Marroquin at naramdaman niya ata na nakatayo ako sa harap nung lalagyan ng mga siopao dahil nagmessage siya sa ’kin.

‘May naiwan pa palang reviewer,’ message niya. ‘Kung kailangan mo pa.’

Ewan ko kung na-traumatize na ba ako nung nahuli niya akong nagstalk sa LinkedIn profile niya kaya naman nag-airplane mode muna ako bago ko buksan iyong message thread namin. Tinignan ko iyon mula pinaka-simula.

Parang… normal lang naman.

Masungit siya na pilosopo.

Tangina kasi nito talaga si Mauve, e! Dahil lang sa kape! Kung iyong katabi ko ay nadaan sa papel, ano ako? Nadaan sa kape?

Tsk.

Bumili na lang ako ng isang siopao, isang cup noodles, saka sprite zero. Buti na lang may kapatid akong magdodoctor. Pakiramdam ko kidney failure ang aabutin ko sa future.

Dumiretso ako sa kwarto ko pagdating ko sa bahay. Nag-half bath muna ako saka nanood ng sitcom habang kumakain. Hindi ako makatulog kaya nagbasa muna ako ng cases pampa-antok.

Nang magising ako kinabukasan, naghanda na agad ako para pumasok sa trabaho. Sana talaga maayos na iyong sasakyan ko kasi pagod na pagod na akong magcommute! Kung hindi kidney failure, pagod sa public commute ang magiging cause of death ko.

The next few days ay naka-focus lang ako sa Obli. Hirap na hirap talaga ako sa hayop na subject na ’yan. May isang subject talaga na magpaparamdam sa ’yo na bobo ka.

“Attorney,” nabiglang sabi ko nang makasalubong ko sa hallway si Atty. Marroquin. Lunch break ngayon kaya naglalakad-lakad ako habang nagbabasa ng codal.

Nakatingin siya sa akin na bahagyang naka-kunot ang noo. Problema nito? Buti nga nawala na rin sa isip ko iyong sinabi ni Mauve. Nung nalimutan ko kasi siya replyan nung nagtext siya, talagang nawala na sa isip ko. Naalala ko after three days. Ang labo naman kung bigla akong magrereply out of nowhere.

“Wala si Judge. Naka-lunch break,” sabi ko kasi malamang hinahanap niya si Judge para kulitin sa tungkol sa kung anuman.

He gave me a small nod tapos biglang tumalikod at naglakad paalis. Kumunot ang noo ko. Problema non? Sungit naman!

‘Slr dami binabasa sa school,’ bigla kong reply sa kanya habang nasa hallway pa rin ako.

Nakita ko na nag- read iyong message ko. Hindi ko alam kung bakit tinitigan ko iyon at naghintay na magkaroon ng text bubble, pero lumipas na ang limang minuto at wala pa ring text bubble na nagpaparamdam.

Luh…

Galit si Atty sa akin?

May nagawa ba ako?

Kakahiya naman! Nasa akin pa iyong mga reviewer niya. ’Di naman ganoon kakapal ang mukha ko. Makokonsensya akong gamitin ’yon kapag pakiramdam ko e galit siya sa ’kin.

Ayoko sanang mag-overthink pero hanggang sa matapos ang lunch break ay iyon pa rin ang iniisip ko. Ayoko naman na hanggang sa school ay iyon pa rin. Baka hindi na talaga ako maka-recover sa Obli! Taas pa naman ng units non.

Agad akong pumunta sa Grab app saka umorder ng kape para sa kanya. Mukhang siya iyong tipo na black coffee lang ang iniinom kaya iyon ang binili ko. Umorder din ako ng carrot cake kasama iyon. Ewan ko lang kung gusto niya ’yon. Kung hindi e ’di ipamigay niya na lang. It’s the thought that counts.

Imbes na asikasuhin iyong pinapagawa na research sa akin ni Judge e nakaabang ako sa Grab app at tinitignan iyong pagdating niya sa Office ni Atty. Marroquin. Masabihan na naman ako na stalker non e public knowledge naman kung saan iyong address ng PAO.

“Finally,” sabi ko nung nakarating na iyong Grab driver sa may opisina niya. Nakita ko rin na na-receive na ni Atty. Marroquin iyong pagkain.

’Ano ‘to?’ message niya.

Naglagay kasi ako ng ‘Thanks sa reviewer’ doon sa may notes portion. ’Di ko na nilagay iyong pangalan ko—unless may iba pa siyang binigyan ng reviewer. Syempre kailangan kong ilagay doon na sa akin galing iyong pagkain. Mamaya akalain niya na may lason ’yon tapos itapon. Ang mahal kaya ng Starbucks para sa kagaya kong normal na empleyado.

‘Starbucks.’

‘Obviously.’

May nabasa akong research noon na meron din daw ‘time of the month’ iyong mga lalaki. Mukhang totoo naman kasi may mga araw din na bwisit ako for no reason. Mukhang ngayon ang time of the month ni Atty. Marroquin. Normally masungit naman siya, pero nasa ibang lebel ata ngayon.

‘Thanks para don sa reviewer mo,’ reply ko sa kanya. Gusto ko sanang itanong kung galit ba siya sa akin kaso parang tanga lang.

‘Nagpasalamat ka na dati. Ilang beses ka ba dapat magpasalamat?’

‘Sungit mo naman. Natalo ka ba sa kaso?’

Hindi siya nag- read at hindi rin siya nagreply. Tignan mo ’tong taong ’to. Kinakausap nang maayos, e.

Bahala nga siya d’yan.

Nagfocus na lang ulit ako sa trabaho ko tapos pumasok sa school. Hindi naman sa mayabang pero nakakasagot na talaga ako sa Crim. Bilib na bilib sa akin mga kaklase ko kasi kita ko sa mga mata nila iyong inggit at admiration. Si Niko naman ay kulang na lang ata itaktak ako para ilabas ko iyong reviewer.

“Please, Mauro! I’m literally drowning!” sabi niya nung corner-in niya ako pagkatapos ng klase namin.

“Hindi nga—”

“Have you asked?”

Napa-buntung-hininga ako. “Fine,” sabi ko sa kanya. “Pero I can’t promise. Kapag ’di pumayag, ’di ko mabibigay sa ’yo,” dugtong ko kasi syempre, intellectual property pa rin naman ’yon ni Atty. Marroquin. ’Di ko naman pwedeng ipamigay lang basta.

Habang nakahiga ako sa kama, iniisip ko kung magdodouble text ba ako sa kanya. Kasi hindi pa nga niya ako nirereplyan, e. Tapos galit ata siya for some reason tapos itatanong ko iyong kay Niko?

Parang ang kapal na nga ng mukha ko masyado.

Naramdaman ko iyong pagvibrate ng phone ko. Agad akong napaupo sa kama.

‘Nanalo.’

Balik na naman siya sa timezone ng pagtetext niya.

‘Congrats! Anong kaso?’

‘Drugs.’

‘Naks. Pero curious ako kung feeling mo ba inosente mga clients mo? O ikaw yung tipo na trabaho lang, walang personalan?’

Nakita ko na may text bubble na agad. Wala na ata siyang sumpong. Ano kaya problema nito kaninang umaga? Ang sungit, e.

‘The latter but with exception.’

‘Ano iyong exception?’

‘Homicide, murder, and rape cases. I advise them to plead guilty and to settle if the evidence of guilt is strong.’

‘Di mo ilalaban?’

‘No. Work is work pero may konsensya ako.’

Si Atty. Marroquin iyong akala mo kilala mo na, pero parang ang dami niyang layers. Usually, nakakapikon iyong layers pero meron namang nakakabilib na layers.

‘So kapag pakiramdam mo guilty, iaadvise mo na magplead?’

‘Yes.’

‘Paano mo nalalaman na guilty?’

‘You just know.’

‘Paano nga?’

‘Hirap ipaliwanag,’ sabi niya. ‘Most criminals are not that smart. Halata kapag nagsisinungaling sila.’

‘What if inosente talaga pero kabado lang?’

‘I’ll know.’

‘Paano?’

‘I’ve been doing this for a while now. You just know when your client is guilty.’

‘What if super galing magsinungaling?’

‘Malalaman ko pa rin.’

‘Paano nga?’

‘Kasi magaling ako.’

Napairap ako. Yabang talaga nito! Pero at least mukhang nasa mood na siya ulit.

‘Yabang.’

‘Just confident of my skills.’

‘Uso humility.’

‘Doesn’t really suit me.’

Grabe… Ito siguro ang totoong siya.

‘Nga pala. May nanghihingi ng reviewer mo sa crim 2. Kinukulit kasi ako. Mamamatay na raw siya.’

‘Yeah it’s fine.’

‘Oks! Finorward ko na. Thanks daw sabi ni Niko.’

‘Niko?’

‘Yeah blockmate ko na kinukulit ako.’

‘Bakit ikaw? Wala ba siyang libro?’

‘Ewan ko nga rin e. Pumapasok yon na walang bag,’ reply ko sa kanya. Ngayon ko nga lang din na-realize na most of the time walang bag si Niko. Kaya siguro siya ganon sa recit? Kasi halos lahat kami maraming bitbit habang siya cellphone lang.

‘Okay,’ sagot niya. Baka antok na. Anong oras na rin naman.

‘Thanks, Atty! Sobrang nakakasagot kasi ako sa crim kaya inalam niya ang sikreto ko. At least obli na lang problema ko,’ dugtong ko pa. Kasi pakiramdam ko magaling siya sa Obli. Baka makaramdam siya ay turuan na rin ako kasi hindi uubra reviewer sa akin. Ang bobo ko roon. Kailangan one on one tutorial ata ako.

‘Paturo ka dun sa Niko. Baka magaling siya sa obli,’ reply niya. Ang sungit naman ng epal na ’to!

**

This story is already at Chapter 11 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 09

Chapter 09

Siraulo ba siya? Kung kay Niko ako magpapaturo, e ’di sabay kaming naghilahan nun pababa. Tsk. Minsan talaga ’di ko gets si Atty. Marroquin. Para siyang weather na pabago-bago ang mood. Hirap tantyahin, e.

Pagkatapos kong isend kay Niko iyong reviewer, gulat na gulat ako nung hingin niya iyong bank account details ko. Mahirap ang panahon kaya hindi na ako nagpakipot pa. Pero mas nagulat ako nang magsend siya ng pera ’don.

Drug lord ata ’yon! Ang laki naman magbigay ng pera e nagsend lang naman ako ng reviewer na hindi naman ako ang gumawa.

‘Pst.’

Alam ko naman na ’di magrereply si Atty. Marroquin sa akin kaya naman ’di ko na tinignan iyong phone ko. Medyo maraming pinagawa sa akin sa trabaho kaya nandoon iyong atensyon ko. Okay din naman magtrabaho dito kasi nagagamit ko rin siya sa school. Minsan kapag may tinatanong sa akin sa recit na ’di pa namin topic, nasasagot ko. Bilib na bilib sa akin ibang classmates namin. Nagshrug na lang ako para kunwari matalino ako at maliit na bagay lang ’yon. Kahit sa totoo lang, nabasa ko lang kasi habang nagreresearch ako. ’Di na nila kailangang malaman pa ’yon.

Nung bandang lunch time, nagdesisyon ako na lumabas na dahil nahihilo na ako sa dami ng binabasa ko. Kinuha ko rin iyong cellphone ko para makapamili ako ng papakinggan na kanta.

‘Ano na naman?’

Napaka-sungit naman nito! Malapit ko na talaga ’tong tanungin kung may problema ba siya sa akin o ano.

‘Libre kita. Binigyan ako ni Niko ng pera nung sinend ko yung reviewer mo.’

Nag-read na naman siya.

‘And?’

‘Since sayo naman talaga yung reviewer, libre kita ng pagkain. Nakakaguilty parang pinagkakitaan kita.’

‘Parang ganon na nga.’

‘Business minded.’

‘Binebenta mo reviewers ko?’

‘Grabe hindi naman!!!!!’

‘Pwede naman para may pambili ka ng siopao.’

‘Di ka talaga maka move on sa siopao,’ text ko sa kanya. ‘Kung ayaw mo ng libre e di wag. At least malinis ang konsensya ko.’

‘Naglunch na ako.’

‘Share mo lang?’

‘Mamaya na lang dinner.’

‘Tss aayaw ayaw pa. Gusto rin naman,’ sabi ko. ‘Papa-deliver ko na lang ba sa condo mo?’

‘Wala ako sa condo.’

‘Malamang mamaya pa. Di ka ba uuwi?’

Hindi na ulit ako nireplyan. Hirap naman nito kausap. Hindi naman sa demanding ako na replyan ako agad pero alam mo ’yon? Pet peeve ko siguro kapag may kausap akong tao tapos dire-diretso iyong usap tapos biglang mawawala.

Bahala nga siya d’yan.

“Nalilito na talaga ako,” sabi ko kay Assia.

Tumango siya. “Nakakalito nga, e…”

“Naiintindihan ba nila Sancho?” tanong ko.

“Siguro,” sagot ni Assia. “Bakit?”

“Alam mo ba kung ano ginagamit nila na libro?”

Hindi ko talaga maintindihan iyong Obli. Sinusubukan ko namang magbasa. Kulang na nga lang ay gawin kong bedtime story iyong codal pero kapag tinatawag ako para sa recit, parang naghahalu-galo na iyong provisions sa utak ko.

“Codal lang daw sabi ni Sancho.”

“Codal din naman binabasa ko,” sagot ko. Unfair naman. Pareho lang pala kami ng binabasa ni Sancho pero bakit kapag siya, naiintindihan niya? Kasi kapag tinatawag siya sa Obli, nakaka-sagot siya lagi. Kaya nga favorite na ata ’to ng mga prof, e.

Nagreklamo pa ako nang kaunti kay Assia bago ako umalis dahil parang malapit na akong patayin ni Vito gamit ang mga mata niya. Paglabas ko sa classroom, kinuha ko iyong phone ko para tignan kung anong oras na.

‘Magkano ba binayad sa yo?’

Napakunot ako nung makita ko iyong reply ni Atty. Marroquin. Weird. Masyado pang maaga para magtext siya sa akin.

‘Confidential.’

‘Ano yan? Confidential fund?’

‘Parang ganon na nga.’

‘Pano ko malalaman kung magkano budget para sa dinner?’

‘Grabe naman to! Good will lang na ililibre kita! Abusado.’

‘Kawawa ka naman. Dagdagan ko na lang.’

‘Magkano ba iniiisip mo na dinner? Akala ko okay ka na sa siomai rice.’

‘Gusto mo ng siomai?’

‘Saks lang.’

‘DTF?’

Nanlaki ang mga mata ko.

What… the fuck?

Nag-aaya lang ako kumain!

Hindi ko alam kung ano ang irereply ko sa kanya. Pumunta ako sa Google dahil baka iba ang ibig sabihin ng DTF sa kanya. After all, nasa magkaibang generation ata kami dahil gurang na siya.

Nagsearch ako ng DTF slang meaning at iyon nga ang lumabas.

Shit.

‘Ayaw mo ba sa din tai fung?’

Napaawang ang labi ko.

Tang…ina.

Din tai fung pala! Bakit ’di na lang ’yon ang tinype niya?! May pa DTF pa siyang nalalaman!

‘Saks lang,’ reply ko sa kanya agad bago pa kung ano ang maisip niya. Tinampal ko pa iyong pisngi ko. Masyado na ata akong naaapektuhan ng Obli. Hindi na gumagana nang maayos iyong utak ko.

‘School ka pa?’

‘Pauwi pa lang.’

‘Daanan na kita.’

‘Ha? Bakit?’

‘Akala ko dinner?’

‘As in ngayon?’

‘Iba ba talaga definition ng ngayon sa yo?’

Ang pilosopo talaga ng hayop na ’to.

‘Fine whatever. Isang siomai lang budget ko sa yo.’

Hindi na siya nagreply. Naupo muna ako sa mga bench sa school habang naghihintay sa kanya. Nanood muna ako ng Tiktok hanggang sa lumitaw sa screen ko iyong ‘AVM calling…’

“Dito na ko sa labas,” sabi niya agad nang sagutin ko iyong tawag.

“Okay,” sagot ko habang naglalakad. Akala ko ibababa niya iyong tawag pero naka-on call pa rin kami habang naglalakad ako papunta sa may gate. “San ka? Wala naman dito sasakyan mo,” dugtong ko habang patingin-tingin ako sa paligid.

“Dito sa harap ng gate.”

“Anong gate?”

“Ilan ba gate dito?”

“Tatlo,” I replied. “Dito ako sa may harap ng Tim Hortons.”

“Ah,” sagot niya. “Nasa kabila ako. Ikot lang ako.”

“Hindi. Lakad na lang ako papunta d’yan,” sabi ko sa kanya kasi mas hassle naman kung iikot pa siya e kaya ko namang lakarin. Exercise na rin kasi parang simula nung naglaw school ako e lagi lang akong naka-upo. Pinaka-exercise ko na ata iyong pagbili ko ng siopao minsan kasi lalabas pa ako ng subdivision.

“No, it’s fine. Already on my way,” sagot niya tapos hindi pa rin niya ibinaba iyong tawag. Nakatayo lang ako sa harap nung gate. After a few seconds, nakita ko na iyong sasakyan niya na papalapit. Huminto siya sa harap ko mismo. “I’m here,” sabi niya nang ibaba niya iyong bintana at diretsong nakatingin sa akin.

Tang…ina.

Normal ba ’to? Ganito ba siya sa mga kaibigan niya? O nasisiraan na ako ng bait?

Mariin kong iniling iyong ulo ko. Hindi ito ang tamang oras at panahon para isipin iyon. Kakain lang kami ng dinner. Iyon lang ’yon. Mamaya na ako magooverthink sa kwarto. Tapos kung maabutan ko rin si Mauve, sasakin ko na rin.

“Siomai saka fried rice lang ang pwede mong orderin,” sabi ko sa kanya pagpasok ko sa sasakyan niya.

“Seatbelt, please.”

Tsk. Iyon naman talaga ang una kong ginagawa kapag sumasakay sa sasakyan. Pruweba na talaga ’to na distracted ako. Kailangan kong mas magfocus.

“Oh, okay. Sorry,” sabi ko habang sinusuot iyong seatbelt.

“Thank you,” he replied tapos ay nagsimula na siyang magdrive. Gabi na rin naman kaya wala na masyadong sasakyan dahil tapos na iyong rush hour. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta basta sa tanginang DTF na ’yan kami kakain.

“Bawal ba akong umorder ng inumin?” he asked after a few minutes of pure silence. Badtrip wala man lang tugtog sa sasakyan niya. Nase-stress ako sa katahimikan pero ayoko naman magsalita dahil baka kung ano masabi ko.

“Magtubig ka na lang,” sabi ko sa kanya. “Iyong free water, hindi iyong bottled.”

Nakita ko mula sa rearview mirror na natawa siya sa akin. Baka funny lang akong tao talaga. Baka ginagawa niya lang akong entertainer.

“Kuripot,” sabi niya.

“Magpasalamat ka na lang at naalala pa kitang ilibre,” sagot ko sa kanya. “Pwede namang hindi na kita bahagian sa kinita ko kay Niko.”

“Whatever.”

“Bawal ba magpatugtog?” tanong ko na lang sa kanya dahil nabibingi ako sa katahimikan. Pinakailamanan ko iyong screen sa sasakyan niya. Naka-connect na pala iyong phone niya. “Grabe… Hanggang sa pagda-drive, nakikinig ka pa rin sa law related lecture?” tanong ko kasi naka-connect ’yon sa Youtube video ng lecture sa updates on Criminal Law.

He shrugged. “Why not?”

“Sabi mo kailangang magrelax ng utak.”

“Sabi ko kapag weekends,” sagot niya. “Weekend ba ngayon?”

“Napaka-pilosopo mo.”

“Paano akong naging pilosopo? Tama naman sagot ko sa tanong mo.”

“Kahit na.”

“Baka ikaw ang hindi responsive sumagot,” he replied. “Siguro kaya mababa ang grades mo sa school.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Judgmental.”

Natawa siya. “Ano grade mo sa Crim?”

“I refuse to be defined by my grades.”

He gave a slight nod. “So, mababa nga?”

“Epal ka talaga.”

Natawa siya. “Just kidding,” sagot niya. “Hindi naman pwede na lahat valedictorian sa school.”

Napaka-yabang ng tao na ’to. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng kayabangan.

“San ka ba nahihirapan?” tanong niya.

“Obli.”

“Obli lang?”

“Oo, obli lang,” sagot ko sa kanya. “Di naman ako bobo.”

Nakita ko na lumingon siya sa akin nung sakto na huminto kami sa traffic light. Tumingin din ako sa kanya.

“Wala akong sinabi na bobo ka.”

I shrugged. “Parang ganon na din.”

Bahagyang umawang iyong labi niya. “I was just kidding.”

“Jokes are half-meant,” dugtong ko.

Hindi naman ako galit. Hindi rin naman ako offended. Tanggap ko naman na medyo struggling talaga iyong grades ko sa law school. Nahihirapan din kasi talaga ako dahil working ako pero mas gusto ko na mahirapan kaysa manghingi ng tuition sa tatay ko. Saka hindi naman porke struggling iyong grades ko e bobo na ako. Minsan lang talaga, out of this world mga tanong ng prof ko.

Nakita ko na nagpanic na iyong mukha ni Atty. Marroquin. Niloloko ko lang naman siya pero ayoko pa sabihin. Bayaan ko muna siya d’yan ma-guilty.

“Green light na, huy,” sabi ko sa kanya dahil binusinahan na kami nung nasa likod namin at hindi pa umaandar ulit iyong sasakyan.

“Shit. Right. Sorry,” magkakasunod na sabi niya at saka nagsimula ulit na magdrive. Nakita ko na patingin-tingin siya sa akin mula sa rearview mirror pero ’di ko siya pinapansin. Lakas din pala ng konsensya ng isang ’to. Noted.

“Hindi ko iniisip na bobo ka,” sabi niya pa rin.

Nanahimik lang ako.

Hintayin ko nga ’to mag-overthink nang malala.

“Mahirap naman talaga kapag first year kasi adjustment period pa,” dugtong niya pa. “Saka mahirap din talaga iyong Obli kumpara sa ibang subjects. Kailangan basahin mo siya as a whole kasi kung hindi, malilito ka sa concepts kasi connected sila.”

Bahagya lang akong tumango bilang response ko.

“May reviewer sa Obli don sa mga binigay ko sa ’yo.”

“Binabasa ko na.”

“Nahihirapan ka pa rin?”

Tumango lang ako.

Tumitingin ako sa mga sasakyan sa labas kasi natatawa na talaga ako. Ganito pala itsura nito kapag nakokonsensya. Malakas pala talaga konsensya niya gaya nung sinabi niya sa akin na ’di niya kayang magtanggol ng rapists at murderers.

“Gusto mong turuan kita?” sabi niya bigla.

“Wag na,” sagot ko.

“Madali lang naman ’yon,” sabi niya.

“Dami mong workload.”

“No, it’s fine,” he replied. “Give me few days to refresh my memory. Tutulungan kitang magreview para sa midterms mo,” dugtong niya. Grabe naman ’to makonsensya! Gawin ko nga ulit. 

**

This story is already at Chapter 12 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 10

Chapter 10

Ngayon ko lang na-realize na wala pala akong pwedeng kausapin sa mga kakilala ko in real life. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o kung ano. Tss. Mas okay na rin ’to. Hirap din ng maraming kaibigan pero parang nasobrahan ata ako sa pagka-konti.

‘Is it normal for your friend to tutor you in all your subjects?’ pagta-type ko sa Google.

Mukha akong tanga! ’Di ko naman pwedeng tanungin si Mauve kasi alam ko na mas lalo lang akong hindi titigilan non. Naghahanap kasi talaga ng kakampi ’yon sa bahay. Kampi naman kami pero—ah, basta! Ayoko muna sabihin hanggang ’di ko rin alam kung gutom lang ba ako o kung ano na ba talaga nangyayari.

Hindi ko rin pwedeng tanungin si Tin dahil chismosa ’yon. Si Assia naman, parang tinurukan ng anestisya sa sobrang manhid. Mas lalo namang hindi ko pwedeng tanungin si Judge dahil baka tanggalan ako ng trabaho non.

Hmm… si Niko kaya?

Dito ko talaga nakita na desperado na ako dahil kahit si Niko ay parang willing na ako tanungin.

Napunta ako bigla sa Reddit at Quora pero parang imbes na maliwanagan ako ay mas nalito lang ako dahil iba-iba iyong sagot nila. Pinaka-maraming sagot ay tanungin ko raw mismo iyong tao. Malamang! E ’di kung kaya kong gawin e hindi na ako nag-google.

Nakaka-miss naman iyong mga panahon na flavor ng siopao lang ang problema ko.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyong boses ni Tin sa may malapit sa tenga ko.

“Ano ’yan…” sabi niya na naka-ngisi. Mabilis kong sinubukan na isara iyong monitor, pero mas mabilis iyong mga mata ni Tin. May mga tao talaga na hindi alam ang salitang privacy.

“Wala.”

“May jowa ka na?”

“Wala.”

“May crush?”

“Wala.”

“May—”

“Judge!” sabi ko sabay tingin sa may pintuan ni Judge. Napa-tingin din doon si Tin. Mabilis akong umalis sa may pwesto ko para layasan si Tin. Alam ko kasi na hindi niya ako tatantanan. Maka-punta nga muna sa CR. Kapag tinanong ako kung bakit nawawala ako, sabihin ko na lang na may LBM ako. Hindi naman siguro ako ku-kwestyunin ni Judge don kung sakali.

Naglalakad ako papunta sa may Dunkin para bumili ng kape doon. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko iyong pag-vibrate ng cellphone ko.

Parang alam ko na agad kung sino iyon dahil kung hindi siya, iyong mga scammer lang naman na nagsasabi na bibigyan nila ako ng trabaho ang nagtetext sa akin. Pero ayokong ilabas dahil mamaya ma-snatch pa. Isisisi ko sa kanya kapag nawalan ako ng cellphone.

Pagdating ko sa Dunkin, umorder agad ako ng kape. Believable naman siguro iyong 30 minutes ako na nawala. Ngayon ko lang naman ginawa ’to. Kabanas kasi si Tin. ’Di naturuan ng boundaries ata nung nasa kinder pa.

‘Kailangan nga exam niyo?’

‘Seryoso ba na itututor mo ako?’

‘Tutulungan magreview. Tutor? Ano ka? Kinder?’

Bahagya akong pumikit at saka huminga nang malalim. Nasaan na ba iyong kape ko? Umagang-umaga e sinisimulan ako ng taong ’to.

‘Obli, Crim 2, Consti, Persons subjects mo, right? O baka kailangan mo rin ng tulong sa Ethics?’

‘Para sa taong nag-offer tumulong, napaka-attitude mo.’

‘Attitude?’

‘Oo.’

‘Ah,’ reply niya. Impossible na ganito na ’to kabilis kausap. Naka-titig lang ako sa screen. After a few seconds, lumabas na iyong typing bubbles. Sinasabi ko na nga ba na hindi pwede na ganon lang ang sagot niya. ‘Dapat ba parang baby ka kapag kakausapin?’

Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ko iyong salitang baby.

Sa dinami-dami ng salita sa English dictionary, bakit baby pa ang napili niyang salita?!

Tsk! Madadagdagan na naman iyong Google search ko.

‘Ewan ko sayo,’ sagot ko sa kanya bago pa kung san mapunta iyong sasabihin niya. Mas okay kausap ’to si Atty. Marroquin kapag alanganing oras. Parang buang siya kapag normal na oras. Dami sigurong trabaho sa office.

‘San ka ba pinakahirap? Obli?’

‘Yes,’ sagot ko habang iniinom iyong iced coffee ko. At least mas relaxed na ako ngayon kahit subukan niya akong bwisitin.

‘Kailan ulit midterms?’

‘In two weeks.’

‘Exact dates?’

‘Ayan. Okay na?’ message ko sa kanya pagkatapos kong i-send iyong mismong calendar ng midterms na post ng school namin.

‘Thanks,’ he replied. ‘Needless to say, you should still study on your own. I can see you Friday night to Sunday night for the review since malapit na iyong exams mo.’

‘Di ba abala sa work mo?’

Grabe naman kasi. Bilang public lawyer, ang dami niya kayang ginagawa. Monday to Friday diretso ’yon. Tapos gusto niya, Friday night hanggang Sunday night ay tutulungan niya ako? Wala na siyang time magpahinga non.

Pahaba na nang pahaba iyong Google search ko.

‘Di naman. Mas kailangan mo ng tulong.’

Hayop na ’to.

‘Magtthank you na sana ako kaso buti di ko sinabi.’

‘Sa personal mo na lang sabihin.’

‘Di ako nagtthank you sa personal. Shy type ako.’

‘Di halata. Kahit sa personal, makapal mukha mo.’

‘Sa yo lang kasi epal ka.’

‘I see.’

Nanlaki iyong mga mata ko nang mapansin ko na 30 minutes na pala ang lumipas! Puro kapahamakan lang talaga ang dala sa akin ni Atty. Marroquin! Pagdating ko tuloy sa office, tinanong ako ni Judge kung san ako nanggaling. Kinailangan ko pang galingan iyong pag-arte ko na may LBM ako at masakit ang tiyan ko. Naawa ata sa akin kaya pina-uwi na ako agad.

Sobrang nakaka-tempt kung didiretso na ba ako sa bahay o pupunta sa school. Ethics lang naman subject ko ngayon. Kapag umuwi ako, pwede rin naman akong mag-aral don… Saka hindi naman sigurado kung papasok si Sir. Medyo pala-absent kasi ’yon.

Hmm… Sa bahay na nga lang ako mag-aaral tutal deserve ko rin naman magpahinga.

Pagdating ko sa bahay, nagluto agad ako ng pagkain para hindi na ako bababa mamayang gabi. Malapit na talaga akong bumili ng sarili kong microwave at ref.

‘Coverage niyo ng midterms ay Obli lang?’

‘Yes. Mamaya mo na isipin. Willing to wait. Unahin mo clients mo. Sayang tax ng mga Pilipino.’

‘Nagrequest ng resched yung prosecution. Bakit naman kita uunahin kaysa sa mga mamamayang pilipino?’

Kapal talaga ng mukha nito! Imbes na makapagrelax ako ay binu-bwisit na naman ako.

‘Filipino citizen din ako.’

‘Nagbabayad ka ba ng tax?’

‘Naka-withhold na.’

’Naks. Alam niya ‘yon.’

‘Hater.’

Hindi na ulit siya nagreply, mabuti na lang. Nagdesisyon muna ako na kumain tapos matulog. Nagising ako ng bandang 6PM. Gusto ko sanang bumaba para uminom ng kape kaya lang ay naririnig ko iyong boses nila Papa sa baba.

‘Compiled Obli Reviewer.pdf.’

Binuksan ko iyong file na sinend sa akin ni Atty. Marroquin. 20 pages. Ang igsi naman nito. Medyo kaduda-duda.

‘20 pages lang talaga to?’

‘Yes. Hanggang dyan lang ang attention span mo.’

‘Gusto ko magthank you kaya lang parang di mo deserve.’

‘Basahin mo muna yan. Yan yung pinaka-gist. Ididiscuss ko sa yo yung iba.’

‘Okay. Di mo naman ako papagalitan kapag di ko nagets?’

‘Hindi. Kapag hindi mo na-gets, ibig sabihin hindi ako magaling mag-explain.’

Madalas nakaka-bwisit si Atty. Marroquin, pero minsan may mga sinasabi siya na ganito. Hindi talaga pure evil ang mga tao.

’Ilang araw kailangan mo para matapos ‘yan?’

Tss. Kakasabi lang na mabait siya!

‘Ilang oras lang!’

‘Lol okay. Sabihan mo ko kapag tapos ka na.’

Pakiramdam ko ay may hate-induced fuel ako kaya in less than two hours ay natapos kong basahin iyong sinend niya sa akin na reviewer. Hindi lang iyon simpleng pagscan dahil may pakiramdam ako na tatanungin niya ako tungkol doon. Kapag hindi ako nakasagot ay kukutyain niya na naman ako—kilala ko na ang mga galawan niya.

Para lang sigurado ay dinaanan ko ulit iyong mga naka-highlight.

‘Tapos na ako.’

‘Sigurado ka?’

‘Oo. Mas marunong ka pa sa mga mata ko.’

‘Di kasama utak nung nagbasa ka?’

‘Kung nasa harap lang kita, sasakalin kita.’

‘Lol.’

Huminga ako nang malalim. Ako iyong may pangangailangan sa Obli… Kailangan ko ng mahabang pasensya.

‘Kaya mo pa bang magreview o at capacity na yung utak mo?’

‘Kaya ko pa. Ang tanong, kaya mo pa bang magturo o at capacity na iyong pasensya mo?’

‘Kaya ko pa.’

‘Sabi mo e.’

‘Paano kita tuturuan?’

‘Idk.’

‘May zoom ka?’

‘Yup.’

‘Okay,’ he replied tapos ay nagsend siya ng link sa akin. ‘Doon na lang para magshare screen ako para mas madali.’

Napaawang iyong labi ko. Grabe… may share screen? Gumawa pa siya ng visual aids?!

‘Okay pero sure ba kasi pwede naman na sa weekend pa.’

‘Work break. Kakatapos ko lang basahin yung discoveries.’

‘Sure yan ha.’

‘Oo nga bilisan mo kanina pa ako mag-isa sa zoom.’

Buti talaga hindi naging prof ’to dahil napaka-sungit at pilosopo. Pakiramdam ko siya iyong tipo na pina-plastic ng mga estudyante at tumatawa kahit corny naman iyong jokes tapos biglang kapag evaluation e bagsak siya.

Medyo nanibago ako sa itsura ni Atty. Marroquin. Naka-puting t-shirt siya at saka mukhang naka-suot siya ng reading glass. Nakaupo ata siya sa may sahig dahil iyong background ay iyong couch niya.

“Ready na?” tanong niya.

Tumango ako. “Nabasa ko naman na saka naaral ko na ’to dati. Nalilito lang talaga ako kapag nagtatanong na.”

He gave a small nod. “We’ll start with the basics,” he said. “An obligation is a juridical necessity to give, to do, or not to do,” he began.

Seryoso akong nakikinig sa kanya habang nagtuturo siya. Ang… galing niya magturo. Tagalog lang siya all throughout sa explanation niya ng mga provisions. Nagbibigay din siya ng examples sa law saka example na mas madaling maintindihan. Ibinibigay niya rin iyong rationale ng mga provision para gets iyong logic.

Mali pala ako—siya iyong tipo ng prof na mabu-bwisit ka sa attitude pero gusto mo pa rin i-take kasi magaling magturo.

“Gets mo ba?” he asked.

Tumango ako. “Gets ko na.”

He nodded at saka may sinulat siya doon sa notebook niya. Nandoon siguro iyong notes niya. “Iyon lang naman iyong difference ng resolutory saka suspensive condition. Basta iisipin mo na kapag suspensive, suspended muna—ibig sabihin, wala pang obligation hanggang hindi pa nangyayari iyong condition. Iyon iyong keyword mo—suspensive, suspended.”

Iyon lang naman pala meaning nun! Hindi naman kasi tinuturo sa amin sa klase. Kapag kasi law school na, since matatanda na kayo, expected na papasok kayo na nabasa niyo na lahat at alam niyo na. I mean, nabasa ko naman… ang mahalagang tanong ay naintindihan ko ba?

Atty. Marroquin continued with his lecture. Nung bandang 11PM na, nakita ko na naghikab na siya.

“Tigil na muna tayo,” sabi ko kasi kahit ganito ako, may konsensya naman ako.

He nodded. Hindi na nag-inarte. Mukhang inaantok na rin.

“Kung may nalilito ka pa, bukas ko na lang ulit ipapaliwanag.”

“Okay,” sagot ko. “Pero sa weekend na talaga. Nako-konsensya ako.”

“Meron ka non?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Alam mo, hirap mo ka-bonding.”

Tumawa siya kahit halata talaga sa buong pagmumukha niya na antok na antok na siya. “No, really, it’s fine.”

“E nakakahiya nga—”

“Wag ka na mahiya. Gusto ko naman iyong ginagawa ko.”

Tangina talaga nito! ’Di na naubos ise-search ko sa Google!

**

This story is already at Chapter 13 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 11

Chapter 11

“Mauro—”

Halos mapa-talon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyong boses ni Papa. Hinihintay ko na matapos sa pagkulo iyong tubig dahil magluluto ako ng pancit canton. Midnight snack ko. Kailangan kong mag-aral pa dahil sayang naman effort ni Atty. Marroquin kung hindi mataas grades ko ngayong finals. Mahilig pa naman manumbat iyong isang ’yon.

“Bakit po?” sagot ko nang maka-recover na ako sa gulat. Kasi naman! May sine-search ako sa Google. Kanina pa ako nagbabasa ng results sa Quora. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko pa iyon kahit parang alam ko naman kung ano ang sagot sa tanong ko.

O baka hindi?

Ewan ko ba!

Sa dinami-dami ng oras kung kailan ako mag-o-overthink, ngayong exam period pa! Pakiramdam ko talaga e sinasabotahe ako niyang si Atty. Marroquin.

“May pagkain sa ref. Puro ka noodles,” sabi ni Papa sa akin.

“Di ko po nakita,” sabi ko na lang kahit nakita ko naman. Mas gusto kong kumain ng noodles, e.

Tumango lang siya. “Malapit na exam mo,” he stated.

Accountant talaga kasi si Papa na nagtrabaho sa NBI tapos eventually, nag-aral na rin siya ng law. Ang talino ni Papa. Sinisisi ko si Mauve dahil napunta ata sa kanya iyong talino na dapat ay share kami.

“Oo nga po.”

“Nakakapag-aral ka naman?”

Tumango ako. “Okay naman po.”

Tipid lang siyang tumango sa akin. Naramdaman niya ata na maoovercook na iyong canton ko kaya iniwan niya na ako. Pagkalagay na pagkalaya ko sa mangkok e umakyat na ako sa kwarto ko agad.

Ewan ko ba… ’di talaga kami close ni Papa. Saka ang weird na bigla siyang nagtanong tungkol sa school ko e ’di naman kami talaga nag-uusap. Kasi siguro alam niya na kampi ako kay Mauve at ayoko sa ginawa nila ni Mama.

Pagdating ko sa kwarto, nanood lang ako ng lecture doon sa sinend ni Atty. Marroquin habang kumakain ako. Ewan ko ba kung may sa maligno talaga iyong taong iyon dahil bigla siyang nagtext habang nasa kalagitnaan ako ng panonood.

‘San nga tayo natapos?’ bigla niyang tanong. Kitang-kita ko sa gilid ng screen iyong pangalan niya. 1AM na. Maligno siguro talaga ’to. Dis oras ng gabi e nanggugulo.

‘Sabi ko weekend, di ba?’

‘Friday ngayon.’

‘Saturday at Sunday ang weekend.’

‘Ah akala ko kasama Friday.’

‘Now you know,’ sagot ko sa kanya.

‘Bakit gising ka pa?’

Tss. Istorbo talaga ’to. ’Di ako makapagconcentrate sa pinapanood ko kasi ang bilis niya magreply sa akin.

‘Lecture.’

‘Obli?’

‘Yup.’

‘May naguguluhan ka pa ba?’

‘Wala naman. Bawal ba manood sa ibang lecture?’

‘Mas magaling ba yan magpaliwanag sakin?’

‘At least ito walang kasamang attitude.’

Imbes na makinig ako sa lecture e nakipag-usap ako sa kanya. Akala ko e mga five minutes lang ang lumipas pero nagulat ako na isang oras na pala kami magka-text. Tss. Panira talaga sa magandang kinabukasan ang taong ’to.


Mabuti na lang at walang masyadong ginawa sa trabaho ngayon kaya naman naka-puslit ako ng review. Nagbasa lang ako ng codal hanggang sa pumunta na ako sa school para pumasok. Pagdating ko roon ay bigla akong hinarang ni Niko.

“May kailangan ka ba?” naguguluhan na tanong ko kasi kinakausap lang naman ako nito kapag manghihingi siya ng reviewer. I mean, ’di naman ako pwede magalit sa kanya kasi basically e ganito rin naman ako kay Atty. Marroquin.

“You wanna review together?”

“Ako?”

He nodded. “Yeah?”

“Uh… bakit?”

He shrugged. “Well, I could provide you with reasons, but are they really important?” sabi niya sa akin. Iyong itsura ni Niko ay parang anytime e maglalabas na siya ng checkbook niya at iissue-han ako ng check.

“Bakit ako?”

“Again, unimportant reasons,” sabi niya sa akin. “All I know is that the reviewer you provided worked for me.”

Totoo naman… nakaka-sagot na siya sa Crim 2. Kahit nga sila Assia e nagulat. Ang lala niya kasi talaga nung Crim 1. Kahit ako e na-stress para sa kanya lalo na nung para siyang sibuyas na ginisa ni Prosec.

“Uh… okay pero itatanong ko muna. ’Di kasi ako may-ari nung reviewer.”

Tumango lang siya na para bang masaya na siya sa sagot ko. Weird talaga nito minsan. Dumiretso na lang ako sa school. Mabuti talaga at tinuruan ako ni Atty. Marroquin kasi nung natawag ako sa recit, naka-sagot ako. Nang magawa iyong tingin ko kay Niko, nakita ko na parang nag-ningning ang mga mata niya… Sigurado ako na haharangin na naman ako nito mamayang uwian… na totoong nangyari nga.

Na-konsensya naman ako kay Niko kasi ramdam ko na gusto talaga niyang pumasa. Ang talino rin kasi ng mga kaibigan niya. Siguro nape-pressure siya na sumabay sa kanila.

On the other hand, nahihiya na ako kay Atty. Marroquin! Pakiramdam ko ay may hangganan naman ang kapal ng mukha ko.

“Okay, fine,” sabi ko kay Niko.

“Wait, really?!” Tumango ako. “Oh, good, thank you! Was just trying my luck. Would’ve been totally fine had you said no.”

I shrugged. “Okay lang ba weekend ng umaga pero 3 hours lang,” sabi ko sa kanya. “Kasi magrereview din naman ako.”

Tuturuan kasi ako ni Atty. Marroquin ng gabi tapos naisip ko na ituro ko na lang kay Niko ng umaga para fresh pa sa utak ko. Kahiya naman kung nagmamagaling ako na turuan siya tapos mali pala masabi ko sa kanya. E ’di nagka-totoo iyong sinabi ko na maghahatakan kami pababa.

“Yes, yes, just tell me where and when and I’ll be there,” sabi ni Niko na mukhang desidido talaga na maka-pasa.

Pag-uwi ko e dumaan muna ako sa 711 para bumili ng pagkain. Dumiretso na ako sa kwarto ko.

‘Sa obligations with condition tayo natapos noh?’

‘Hinack mo ba CCTV sa bahay namin? Bat alam mo kung anong oras ako nakauwi?’

‘Di pwede nagkataon lang?’

‘Hindi.’

‘Delusion mo lang yan.’

Gusto ko pa sana siyang inisin pero may maliit na parte sa akin na baka may bigla siyang sabihin tapos pota mag-overthink na naman ako. ’Di pwede ngayon at literal na ramdam ko na iyong midterms exam. Ni hindi nga ako maka-singit sa library kasi 8AM pa lang e puno na iyong nga tao. Ang lala! ’Di ko naman kaya na 7AM e nandon na agad ako.

Recurring iyong meeting na ginawa ni Atty. Marroquin. Nag-start na siyang maglecture habang kumakain ako ng siopao. Sabi niya e nakaka-distract daw ako kaya sabi ko mag-o-offcam muna ako. Sabi niya naman e mukhang tanga daw kapag siya lang mag-isa naka-on cam. Tignan mo ’tong taong ’to, hirap pasayahin.

Around 11PM e naghikab na ako. Hindi rin kasi ako naka-tulog nang maayos kagabi kasi ang tagal namin magka-text. Tapos ’di rin ako naka-tulog sa trabaho kasi nagbasa lang ako ng codal—na mabuti na lang ginawa ko kasi natawag ako sa recit.

“Bukas na lang,” sabi niya nang three times na akong naghihikab saka nagluluha na talaga iyong mga mata ko sa antok.

Tumango ako. “Sensya na. Antok na talaga ako.”

“It’s fine,” he replied. “Bukas na lang?”

“Hapon na lang,” sabi ko kasi magkikita pa kami ni Niko. Nag-take down notes talaga ako habang naglelecture si Atty. Marroquin kahit na may sinend siya sa akin na notes nung mga sinasabi niya. In fairness talaga sa tao na ’to… Magaling magturo. Wala kaya siya balak maging prof? Kasi sa kanya ko naintindihan at naappreciate ang Obli talaga.

“Okay,” sagot niya. “Pwede kita na lang tayo sa coffee shop? Sakit na ng mata ko humarap sa laptop.”

“Uh… okay,” sabi ko. “Wala akong pera.”

Kitang-kita ko iyong pag-irap ng mga mata niya. “Hihingi ka na naman ng Gcash?”

“Hindi ako nanghingi! Ikaw nagbigay!”

“Banggit ka kasi nang banggit na wala kang pambili ng siopao.”

“May pambili ako ng siopao! Fake news ka!”

Nawala tuloy iyong antok ko. Hanggang kailan ba niya isusumbat sa akin iyong siopao?

“Saka 39 lang sinend mo! ’Di ka pa nahiya at ginawang 52 para iyong premium siopao nabili ko. Tss.”

Natawa siya. “Beggars can be choosers pala.”

“Epal ka talaga.”

He shrugged. “Ako na mamimili ng coffee shop bukas tutal ako naman ata magbabayad.”

Masama talaga makipag-usap sa isang ’to kapag gabi dahil nawawala iyong antok ko sa irita sa kanya.

Mabuti na lang at nakapag-alarm ako dahil 8AM kami magkikita ni Niko. Sabi ko sa kanya na kung pwede ba na sa malapit na lang sa bahay namin kasi wala akong sasakyan at ayoko ngang gumastos sa byahe. Sabi niya na dadaanan na lang niya ako.

“Sino ’yon?” tanong ni Mauve nang sumilip siya sa bintana at nakita niya iyong sasakyan ni Niko.

“Classmate ko.”

“Babae—” sabi niya saka natigilan siya kasi binaba ni Niko iyong bintana. Napatingin sa akin si Mauve. “Gago, ang gwapo?!”

Kumunot noo ko. “Straight ka na?”

“Gago, ’di naman ako bulag,” sabi niya sa akin. “Grabe… san ka nakakahanap ng mga ganyang lalaki?” dugtong niya. Kulang ako sa tulog kaya wala ako sa mood kausapin si Mauve kasi alam ko na bu-bwisitin niya lang ako.

Dumiretso ako papunta sa sasakyan ni Niko. Nakita ko na paparating na iyong sasakyan ni Papa kaya halos takbuhin ko iyong sasakyan ni Niko. Ewan ko ba. NBI si Papa tapos feeling ko may koneksyon sa mga krimen si Niko. Ayoko lang mag-explain sa kanilang dalawa. Madami na akong iniisip as it is.

“Got you coffee,” sabi ni Niko. Napatingin ako sa cup holder. In fairness naman may pa-kape. Pero parang ganito talaga ’to, e. Kasi kahit si Assia nakikita ko inaabutan niya ng cake. Kapag medyo close na kami ni Niko e itatanong ko kung poly ba silang apat. Nakakapagtaka kasi talaga… Alam ko na lahat kami sa block ay iniisip ’yan.

Nagpasalamat ako kay Niko tapos pumunta kami sa isang coffee shop. Medyo namahalan ako sa kape kasi 300php isang baso, pero si Niko naman nagbabayad kaya okay lang ’yan.

“Yeah, okay I think I get it…” sabi ni Niko habang naka-tingin siya sa may chart na ginawa ko. Nasa Obli kami. Ginamit ko lang naman iyong chart saka mga drawin ni Atty. Marroquin. Mas madali kasing intindihin!

Naka-upo sa tabi ko si Niko para mas madali. Habang inaabsorb niya iyong information, kumakain lang ako nung order ko na clubhouse sandwich saka oat milk latte.

Habang busy ako sa pagkain e nagvibrate iyong phone ko.

‘Lunch na lang?’

Nakatingin ako sa phone ko sa notif tapos pinatay ko iyon. Maya ko na sasagutin. Iniisip ko kasi na uuwi muna ako tapos matutulog muna kasi inaantok pa ako.

Saktong pagbaba ko ng phone ko sa lamesa, tumingin ako sa paligid tapos nakita ko si Atty. Marroquin na nasa may bandang pinto. Mukhang kakadating niya lang. Naka-tingin din siya sa akin. Kakaway pa lang sana ako dahil ’di naman ako bastos pero biglang tumalikod at lumabas ng pinto.

Tignan mo ’yong taong ’yon…. lakas ng trip talaga!

**

This story is already at Chapter 14 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 12

Chapter 12

Pagkatapos namin magreview ni Niko ay todo pasalamat siya sa akin. Gusto ko siyang biruin na kung talagang thankful siya ay ibigay niya sa akin iyong Jeep niya… kaso ’di naman kami ganoon ka-close. Next time siguro.

Pagdating ko sa bahay, nag-isip ako kung itetext ko ba si Atty. Marroquin. Ano kaya problema nun sa ’kin? Kasi sigurado naman ako na nakita ko siya. Sigurado din ako na hindi naman siya banlag. Hindi rin naman ako invisible.

Kung hindi lang talaga malapit na ang midterms ay ’di ko siya itetext. Kairita kaya mag-isip kung may ginawa ba akong kasalanan? Ibabacktrack ko pa lahat ng ginawa at sinabi ko. Bakit hindi na lang ako diretsuhin kung may problema o anuman? Ganyan din kasi ako nung high school tapos sinabihan ako na nakaka-ubos ako ng energy.

Totoo nga palang nakaka-ubos ng energy iyong mga ganitong tao…

‘Knock knock,’ ang una kong text sa kanya para ’di naman masyadong seryoso. Habang naghihintay ako ng reply sa kanya ay pinaalalahanan ko ang sarili ko na pilosopo ang taong ito kaya habaan ko ang pasensya.

‘What?’

’Wrong. Ang tamang reply ay ‘who’s there?’ ’

‘Okay.’

’May problema ka ba sa ‘kin?’ tanong ko sa kanya. Dapat nga ang itetext ko ay kung may problema ba kami kaso… parang mali.

Once again, taena talaga si Mauve! Kita ng magmimidterms na ako tapos papasukan ng ganito utak ko!

‘Wala naman.’

‘Ah okay. Akala ko lang kasi nakita mo ko kanina sa coffee shop tapos di mo ako pinansin.’

Aba sinabi ko na sa kanya. Dami-dami ko ng iniisip, idadagdag ko pa ba ’to? At least alam niya na napansin ko ’yon.

‘Yeah I know.’

‘Di ka man lang nag-hi.’

‘You were with someone.’

‘Classmate ko.’

‘Niko,’ text niya na parang sure siya na si Niko ang kasama ko. Kilala niya ba si Niko? Gusto ko sana siyang tuksuhin na iniistalk niya rin ako kaya lang parang hindi ito ang tamang time and mood. Saka na kapag hindi nakasalalay sa kanya ang aking midterm grades.

‘Yup. Tinuro ko lang sa kanya yung tinuro mo. Feel ko naman tama????’

Once again, napunta na naman ako sa read zone. Ayoko talaga napupunta sa read zone. Mas gusto ko pa na ’di mo binuksan iyong message ko at sinilip mo na lang sa notif. Ang aggressive nung dating na binuksan mo pero ’di mo nireplyan. Para bang power move?

Kung anu-ano na naiisip ko.

Dahil malapit na talaga ang midterms at hindi pwedeng ganito ang iniisip ko (plus dapat malaman ko na kung hinto na ba ang tutoring session namin dahil kung oo ay kailangan ko ng magpanic), tinawagan ko na siya sa FaceTime.

Agad na sumalubong sa akin iyong naka-kunot niyang noo.

“Ano?” parang tanga na sagot niya sa akin. Mukhang umuwi na siya sa condo dahil iyon ang nakikita ko sa background niya. Naka-suot siya ng white shirt tapos ay naka-salamin din. Baka nagbabasa. Usually kasi ’di naman naka-salamin ’to.

“Sungit naman nito,” sabi ko.

Mas lumalim lang ang pagkunot ng noo niya. ’Di na talaga ako magtataka kung mukha na ’tong lolo pagtuntong niya ng 40 years old. Puro kunot-noo, e.

“Bakit ka tumawag?”

“Tuturuan mo pa rin ba ako?” diretsong tanong ko na wala ng paliguy-ligoy pa.

“Yan lang kaya ka tumawag?”

Tumango ako. “Ano ba pa itatawag ko sa ’yo?”

Naka-tingin siya sa akin na bahagyang naka-kunot ang noo kaya kinunutan ko rin siya ng noo. Ano ba trip nito? Parang okay naman kagabi tapos biglang may topak na naman? Masyado namang maaga para maging menopausal siya?

“Fine,” sabi niya na parang pinag-isipan pa niya nang mabuti kung itutuloy niya ang outreach program niya.

Ngumisi ako. “Salamat!” sagot ko.

Medyo naiinis din ako sa pabago-bago na mood swings niya pero ayoko siyang sabayan. Kapagod. Bahala siya d’yan. Basta ang bago kong motto sa tao na ’to ay unless sabihin niya directly sa akin na may problema siya o kung anuman, chill lang ako. Masyado na akong maraming iniisip para isama ko pa ang pabago-bago niyang mood doon.

“Zoom na lang ba?” tanong ko kasi originally lunch kami pero umuwi na siya.

“Sumasakit nga mata ko,” sagot niya.

“Fine… Saan ba? ’Wag malayo. Kakatamad magcommute.”

Umirap siya. “Nanghihingi ka na naman ng Gcash?”

Inirapan ko rin siya. “Bibigyan mo ba ako?”

Sumandal siya sa may paanan ng couch niya. Nakaupo kasi siya sa sahig. Mukhang doon siya nagta-trabaho o kung anuman ang ginagawa niya. Sinuklay niya rin iyong buhok niya gamit ang mga kamay.

“Tinatamad akong magdrive,” sabi niya.

“Di naman kita pinagddrive,” sagot ko.

“Sendan kita ng Grab,” sagot niya. “Nakakahiya naman sa ’yo. Baka mainitan ka sa commute,” sabi niya na ramdam na ramdam ko iyong sarcasm.

Nagka-jowa na kaya iyong taong ’to? Kung meron man, sigurado ako na nakapa-haba ng pasensya ng taong ’yon… Kasi paano niya natatagalan ’tong si Atty. Marroquin? Madalas parang ang sarap niya itapon sa ilog!

“Siguraduhin mo lang na naka-charge ’yan sa credit card mo at baka bigla akong pagbayarin ng cash. Layo-layo ng condo mo.”

Binwisit pa ako ni Atty. Marroquin. Kinailangan ko na na tapusin iyong FaceTime dahil malapit ko ng i-google kung paano ko siya masasakal through the phone.

Agad akong nag-ayos nung nagsend siya sa kin ng tracking link nung grab.

‘Ito na, mahal na prinsipe.’

‘Di yan cash ha!’

‘Hindi pero dala kang cash just in case.’

Lecheng ’to! Ang layo nung condo niya tapos naka-grab ako?! Tapos baka ako pa pagbayarin? Hamak na working student lang ako! Sana pinag-Angkas niya na lang ako!

Dahil wala akong tiwala kay Atty. Marroquin, pagdating na pagdating pa lang nung sasakyan ay tinanong ko agad kung bayad na ba ’yon. Bayad naman daw. Salamat naman kasi nung tinanong ko kung magkano, almost 700 pesos kasi rush hour!

Grabe… maging Valedictorian na rin kaya ako gaya niya para sa future ay afford ko na iyong condo niya sa 42nd floor at 700 pesos na Grab ride?

Pagdating ko sa condo niya ay nag-log-in ako sa guest book. Dumiretso na ako sa elevator dahil naitawag na pala ni Atty. Marroquin na dadating ako. Malamang kasi tamad ’yon. Asa pa ako na babain niya ako sa lobby para sunduin.

Pagpasok ko sa condo niya, agad akong nakaramdam ng gutom kahit busog pa naman ako roon sa sandwich na nilibre ni Niko.

“Magoovernight ka ba dito?” tanong niya na may weird expression sa mukha. Baka natatae siya.

“Laptop saka notebook at reviewer,” sabi ko kasi nakatingin siya sa backpack ko. Bahagya siyang tumango. “Kasama ba ako sa lunch mo o papanoorin lang kita?”

He gave me a deadpan look. Kasalanan niya ’yan—sa sobrang pilosopo niya sa akin ay parang naka-program na ako na naka-defense mode kapag kaharap ko siya. Dapat lagi akong may baon kapag binara niya ako. ’Di ako papatalo.

“Ano’ng lunch natin?” tanong ko habang pumasok na ako sa condo niya. Inilagay ko iyong bag ko doon sa may sahig na may carpet.

“Roasted chicken with roasted potatoes,” sagot niya habang kinukuha iyong manok sa may oven. Nang makuha niya iyon ay pinatong niya sa may stove. Tumingin siya sa akin. “Baka gusto mong maglagay ng mga plato.”

“Bisita ako. ’Di ba dapat pagsilbihan mo ako?”

“Parang utang na loob ko pa na papakainin kita ng lunch.”

“Parang ganon na nga.”

Umiling lang siya ng konti sa akin. “Nandon sa cabinet ’yung mga plato tapos nandito sa drawer ’yung utensils,” sabi niya. “Don sa cabinet na katabi ’yung placemat.”

Dahil mukhang masarap iyong luto niya at baka magbago pa ang isip niya at ipagkait sa akin, nagsimula na akong mag-ayos ng lamesa. Inilagay ko doon iyong placemat, plato, saka utensils. Naglagay na rin ako ng baso dahil baka isumbat niya pa sa akin ’yon.

“What do you want?” tanong niya habang hinihiwa iyong manok.

“Thighs saka wings,” sabi ko. “Saka balat na rin kung ayaw mo ng balat.”

For a change, wala na siyang panunumbat na sinabi sa akin. Napa-tingin kasi ako kasi baka biglang nawalan na siya ng bibig dahil parang lagi siyang may sinasabi. Naka-focus siya sa pagcacarve nung manok. Bahagyang naka-kunot iyong noo niya. Ang seryoso naman nito masyado… At dahil nagcacarve siya, napansin ko na maganda pala biceps nito. Naggygym siguro. San kaya nakaka-hanap ng oras? Kulang pa ba ang mga kaso sa docket ng courts?

“Thank you,” sagot ko nang ilagay niya iyong manok sa plato ko. “Bawal ’yung balat?”

Tumingin siya sa akin. “Okay na ’yan. ’Di healthy.”

“May kapatid naman akong doctor.”

Napailing lang ulit siya sa akin at hindi pa rin ako binigyan ng balat. Grabe, damot!

Tahimik lang akong kumain at ’di ko na siya pinansin kahit nararamdaman ko na patingin-tingin siya sa akin. Nasa isip niya siguro na patay-gutom ako. Grabe, hindi naman! May pagkain naman sa bahay namin. Kumakain naman ako nang maayos most of the time. Kapag gabi lang after class, kung ano lang maisipan kong bilhin sa 711 ang kinakain ko.

“Thanks sa pagkain,” sabi ko nung finally ay matapos na ako. Sarap talaga nito magluto! Masarap din kaya siya magbake? Paringgan ko kaya?

He just gave me a small nod tapos ay nagsimula siyang magligpit ng pinagkainan. Nahiya naman ako kaya kinuha ko iyong plato niya.

“Ako na,” sabi ko sa kanya.

“Okay,” sabi niya na hindi man lang sinabi sa akin na ‘Maupo ka na doon. Bisita ka. Ako na dito.’

Iniwanan niya ako roon para linisin iyong lamesa. Ni hindi man lang siya nag-abala na ituro sa akin kung nasaan iyong dishrack. Talagang hinayaan niya lang ako na alamin kung nasaan ang mga bagay-bagay habang nandon na siya sa couch at may ginagawa sa laptop niya.

Dahil baka isumbat niya pa sa akin, nilinis ko na rin iyong ginamit niya sa pagluluto. Akala ko naka-libre ako ng lunch pero may free labor pala na kapalit.

“Tapos ka na?” tanong niya sa akin nang naglakad ako papalapit sa kanya.

Tumango ako. “Tapos na po. Gusto mo magvacuum din ako?”

“Next time na. Marami ka pang aaralin,” sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang mas natuwa lang siya.

For some reason ay parang kumportable siya roon sa may sahig kaya doon na rin ako naupo. Naka-patong sa coffeetable niya iyong laptop. In fairness ay may ginawa pa siyang presentation. Mukhang kulang pa ang pinapadala ni Tulfo na kaso sa opisina nila dahil may time pa siyang gumawa ng PPT.

“Isesend ko sa ’yo ’yung notes,” sabi niya nang maglabas ako ng notebook.

“Alam ko pero mas matatandaan ko kapag nagtakedown ako ng sarili kong notes,” sagot ko sa kanya.

“Fine,” sabi niya. “Kapag may hindi ka maintindihan, paulit mo sa ’kin.”

Tumango ako. “Kung pwede, ’yung example na hindi complicated.”

“I know.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Kasi mas madaling intindihin!”

He shrugged. “May sinabi ba akong iba.”

“Kilala na kita—sasabihin mo na mas kayang i-process ng utak ko ’yung mas simpleng example.”

“Wala akong sinabi na ganon,” he said in a familiar yet annoying way.

Nagsimula na siyang magturo. English iyong mga provision, of course, pero kapag ineexplain niya sa akin ay naka-Tagalog siya. Ang galing niya din talagang magbigay ng example. Kung pwede lang i-record ko tapos i-transcribe tapos ibenta as Oblicon For Dummies. Pakiramdam ko ay makaka-tulong iyon sa pangarap ko na maka-bili ng condo dito.

Habang nasa kalagitnaan siya ng pagdidiscuss ay nag-vibrate iyong phone ko. Tumingin ako roon kasi minsan ay importante iyong text.

‘Hey thanks a lot for earlier! Was wondering if you have another free time? No pressure!’

Kaka-tapos ko lang mabasa iyong message ni Niko doon sa notif bar nang mapa-tingin ako kay Atty. Marroquin na naka-tingin din pala sa akin.

“Sorry, may nag-text lang,” sabi ko.

“Can you please focus on me?” bigla niyang tanong.

Nanlaki iyong mga mata ko. “Ha?”

“Can you please focus on me while I’m teaching?” sagot niya habang kita ko iyong dulo ng tenga niya na namumula. What the fuck? Focus on ano daw?!

**

This story is already at Chapter 15 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 13

Chapter 13

I cleared my throat at saka umayos sa pagkakaupo. Gusto kong isipin na nagkaroon na ng information overload kaya kung anu-ano na ang naririnig ko… pero sigurado ako na sinabi niya na ‘can you please focus on me?’ Saka namula iyong mga tenga niya.

May… gusto ba siya sa akin?

Kasi—

Literal na next week na iyong midterms ko! Bakit ba ngayon pa nanggugulo ’tong hayop na ’to? Gusto siguro niya na siya lang ang valedictorian kaya. Sinasabutahe ang edukasyon ko.

“Grabe, tumingin lang naman sandali sa text,” sabi ko na lang.

Mamaya ko na nga hahanapin sa Google ang sagot sa mga tanong ko. Eyes on the goal, Mauro! Mas importante ang edukasyon—and most importantly, mahal ang tuition kaya ’wag na ’wag kang papayag na uulit ka sa mga subjects mo.

“Ang hirap magturo dito,” sabi niya.

“Paraan mo ba ’to para manghingi ng Gcash sa akin?” balik na sabi ko sa kanya.

“May laman ba Gcash mo?”

“Meron. Kakabayad lang sa akin ni Niko, ’di ba?”

“Kasi bine-benta mo reviewers ko.”

“Grabe, sa Crim lang naman!”

Umiling siya na parang disappointed siya pero halata naman na nambu-bwisit lang. “Tapos isang siomai lang ililibre mo sa akin? At tap water lang ang pwede kong inumin?”

“At least naisip kita,” sabi ko sa kanya. “Hindi mo ba na-realize na pwede ko naman ibenta nang patago iyong mga reviewer mo? Mabuti nga mabait ako at naalala kitang bahagian ng blessings.”

Nakaupo pa rin kami sa sahig. Nakatapong sa may coffee table iyong laptop niya kung nasaan iyong PPT presentation na ginawa niya saka iyong scratch papers na ginamit niya kapag may gusto siyang gawing visual explanation nung mga concept. Hindi ko gets kasi medyo magulo na iyong set-up pero ang… aesthetic pa rin tignan. Iyon talaga iyong tamang term.

Ang linis kasi talaga sa condo na ’to—parang ako lang iyong madumi dito.

“That’s my intellectual property—you can be sued for illegal distribution,” he said with his head slightly cocked on the side. Grabe… abogadong-abogado iyong dating niya ngayon. Ganito ba itsura niya kapag nasa court siya? Nakikita ko naman siya na naka-lawyer attire pero usually e hinahanap niya lang lagi si Judge. ’Di ko pa siya nakikita in action talaga.

“Idedemanda mo ako?” sagot ko sa kanya.

Tangina.

Ano’ng ginagawa ko?

Nagrereview dapat ako ngayon?

“I can,” he replied.

“But will you?”

Naka-tingin lang siya sa akin. Iyong logical na parte ng utak ko, sinasabi na tumigil na ako at magfocus sa pagrereview dahil mas importante iyon. Malapit na ang midterms. Doon dapat lahat ng atensyon ko… pero iyong papansin na parte ng utak ko ay sinasabi na guluhin ko pa si Atty. Marroquin kagaya ng paggulo niya sa akin.

Kaya naka-tingin lang ako sa kanya.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Nagbibilang ako sa utak ko ng bawat segundo na lumilipas na naka-tingin lang kami sa isa’t-isa. Grabe naman ’to! Ayaw bumitaw! Malapit ko nang makabisado iyong patterns doon sa mata niya. Saka ngayon lang ako naka-kita ng mata na itim na itim talaga—usually kasi may pagka-brown.

“Maybe,” he said after a few seconds that felt like eternity. “I’m looking to branch out.”

Napa-kunot ang noo ko. “Branch out? Ayaw mo na sa trabaho mo?”

Tumayo si Atty. Marroquin. Napa-tingala ako sa kanya. Tangos pala ng ilong nito mula sa ganitong view.

“Ayos lang,” sagot niya tapos pinagpag iyong shorts niya. Tumingin siya sa akin. Para akong bata kasi naka-tayo siya tapos naka-upo ako—idagdag mo pa na matangkad siya. I mean, pakiramdam ko naman magkasingtangkad kami.

“Ano’ng height mo?” I asked.

“6’1 and half,” he replied.

“Weh?” I asked tapos tumayo ako. Sinubukan kong sukatin iyong height namin gamit iyong mga kamay ko. “Magka-height lang tayo pero 6’2 ako.”

“Ikaw siguro ’yung tao na nagrround-up ng height.”

Napaawang iyong labi ko. “Hindi ako ganon!” sabi ko tapos sinubukan na ipakita sa kanya na magka-height kami. “See? Same height tayo.”

“Di naman stable kamay mo as tool for measurement,” he replied.

Naka-tayo kami at naka-harap sa isa’t-isa.

Nanlaki iyong mga mata ko nang abutin niya iyong kamay ko at hawakan iyon habang sinusukat iyong height namin. Diretso din siyang naka-tingin sa mga mata ko habang ginagawa iyon.

“See? Baka 6’1 ka lang talaga,” he said while his eyes never left mine.

Pota…

Gaano ba ako ka-bobo sa Obli? Kailangan ba talaga na nandito ako?!

Humakbang ako paatras saka tumango. “6’2 ako. ’Wag kang maingay,” sabi ko sa kanya saka tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad papunta sa kusina niya. “Pahinging tubig,” sabi ko habang naglalakad.

Nanuyo lalamunan ko sa taong ’yon!


Hindi pa ako na-kuntento sa pag-inom ng tubig at naghilamos din ako para mahimasmasan naman ako. Nagpatuloy kami sa pagrereview nang makita ko na may message na sa akin si Mauve na nasa labas na siya.

“Uwi na ako,” sabi ko kay Atty. Marroquin.

Pakiramdam ko ay nababaliw na talaga ako dahil parang nalungkot siya nang sabihin ko na uuwi ako. May exam talaga ako next week! Wala ng space sa utak ko para sa mga ganito!

“Ah… Grab ka?” tanong niya.

Umiling ako habang inaayos ko iyong gamit ko. “Nandyan kapatid ko sa baba,” sabi ko sa kanya kasi ewan ko ba. Baka maisip nito na si Niko susundo sa akin—not that pinagseselosan niya sa Niko. “Nandito lang around sa area kaya sasabay na ako,” dugtong ko pa na parang defensive ako na nagpa-sundo ako kay Mauve.

Ay, ewan!

Nang maayos ko na iyong mga gamit ko ay tumayo na ako. Kinuha ko na rin iyong bag ko saka sinukbit sa balikat ko. Tumayo rin siya. Mabuti na lang at may isang metro sa pagitan namin. Mukhang magka-height lang naman kami. Fake news talaga ’to. Height na nga lang maganda sa buhay ko, babawiin pa niya.

“Salamat sa time, Attorney,” sabi ko sa kanya.

Bahagya siyang tumango. “Ingat kayo ng kapatid mo.”

Mabilis akong naglakad palabas ng condo niya. Diretso lang ako hanggang sa makalabas ako at makarating sa sasakyan ni Mauve. Pagpasok ko pa lang doon ay naka-arko na agad ang kilay niya.

“Tahimik muna,” sabi ko dahil alam ko na bu-bwisitin na naman ako nito. ’Di kasi talaga ako nagpapa-sundo dito dahil may sarili naman akong sasakyan na pakshet ’di na nakaalis sa casa. Pangalawa, busy din naman ’to kaya ayoko ng nang-aabala talaga. Pero kasi uwing-uwi na ako pagkatapos nung pagsusukatan namin ng height! ’Di na rin ako naka-concentrate masyado sa tinuturo niya non. Mabuti na lang at may notes. Iyon na lang ang aaralin ko.

“Pwede na magsalita?” sabi niya habang stranded kami sa traffic ng EDSA.

“Okay,” sagot ko tapos tinodo ko iyong volume ng sasakyan.

“Condo ’yon nung hindi mo friend?” tanong niya nang patayin niya iyong radyo.

“Oo,” sagot ko dahil ’di naman ako titigilan nito.

“Ano’ng ginagawa mo don?”

“Nag-aaral.”

“Yan na ba bagong codeword?”

Tinignan ko siya. “Di ako kagaya mo na nag-uuwi ng babae na best friend daw kuno.”

Tumawa siya. At least natatawanan niya na ’yon. “E ’di iuwi mo rin. Sabihin mo kila Mama na tutor mo.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ewan ko sa ’yo.”

Lumakas iyong tawa niya. “Tsk. Walang denial akong naririnig… Mukhang delikado ka na, kapatid.”

“Hindi nga. May midterms ako.” Napatingin ako kay Mauve. Naluluha na siya sa katatawa. “Wala ka talagang ambag sa buhay ko.”

“Nanahimik ako sa bahay tapos sinundo kita from QC to Mandaluyong pero wala pa akong ambag?” sabi niya sa akin. “Bat ’di ka na lang nagpahatid don sa hindi mo friend?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Atty. Marroquin pangalan niya,” sabi ko kasi sumasakit ulo ko tuwing tinatawag niya ng ‘hindi mo friend’ si Atty. Marroquin.

“Ano ba name non?”

“Achilles.”

“Naks. Pogi pakinggan. Mabango ba?”

“Aso ba ako? Bat ko aamuyin?”

“Kaysa naman itanong ko kung masarap ba? Kasi natikman mo na ba?”

Nanlaki iyong mga mata ko sa sinabi ni Mauve. Hayop na ’to! Dapat siguro talaga gumastos na lang ako sa Grab o kaya nagpakahirap na lang ako sa jeep dahil mas malala lang nakukuha kong stress dito sa kapatid ko. Imbes na makatulong sa pagbakante ng utak ko to prepare for the midterms, mukhang mas dumadagdag lang siya sa mga iisipin ko.

“Chill lang, Mau!” sabi niya. “Alam mo naman na love kita kahit straight, horizontal, vertical, o curve line ka pa.”

Napa-sandal na lang ako saka napa-pikit. “Tangina mo talaga. Bakit ba tayo naging magkapatid?”

Mabuti na lang at tinigilan ako ni Mauve kaya nakatulog ako. Nagising ako na akala ko e nasa bahay namin dahil naka-tigil iyong sasakyan. Paggising ko, nakita ko na nasa gas station kami at naka-park. Wala si Mauve sa sasakyan. Mabuti na lang at nakita ko siya na naglalakad pabalik kasi muntik na akong kabahan na baka na-kidnap siya (na pakiramdam ko naman e medyo malabo mangyari kasi mataas din posisyon ng tatay namin sa NBI.) I mean, more enemies, for sure, pero alam din nila na ’di sila titigilan ng tatay ko kapag may nangyari sa aming dalawa.

“Gago ka iniwan mo ako sa sasakyan!” sabi ko nang makabalik siya. Lumabas na rin ako sa sasakyan.

“Bumili lang ako,” sabi niya sabay pakita sa akin ng paper bag.

“Alam mo ba na maraming namamatay kapag iniwan sa sasakyan?”

“Alam ko sa baby lang ’yon saka aso. Alin ka sa dalawa?” sagot niya sa akin.

Hindi dapat sila magtagpo ng tadhana ni Atty. Marroquin. Mamamatay siguro ako sa sama ng loob kapag pinagtulungan ako ng dalawang ’to.

Binuksan niya iyong paper bag saka may kinuha roon. Hinagis niya sa akin iyong can ng San Mig Light. Akala ko e iinom din siya pero naglabas lang siya ng Coke Zero na inumin.

“Dito talaga tayo tatambay?” I asked kasi literal na nasa gas station kami. Nagkibit-balikat lang si Mauve. Malapit naman na ’to sa bahay namin. Ayaw pa siguro umuwi ni Mauve. Baka nag-away na naman sila ni Papa.

Binuksan namin iyong likod ng sasakyan niya na Fortuner tapos doon kaming dalawa naupo. Tahimik lang siya. Buti naman. Akala ko e magkakaroon na ako ng peace of mind, pero nakaka-mali lang pala ako.

“Alam mo naman na ano man mangyari, back up mo ako, ’di ba?” bigla niyang sabi. Gusto ko sana siyang barahin kaya lang ang seryoso ng mukha niya.

Tumango ako. “Alam ko,” sagot ko sa kanya. “Sorry ulit sa dati.”

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti. Bata pa kasi ako nung nangyari ’yong sa kanya. Wala akong nagawa non kundi ang panoorin siya nung kinulong siya nila Mama sa kwarto. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya iniipon ko na lang iyong baon ko tapos bumibili ako nung paborito niyang chocolate tapos sinusuksok ko sa ilalim ng pinto niya kasi kapag nilagay ko sa bag niya makikita nila Mama tapos kukunin. Bawal kasi siya sa kahit na ano dati—aral at bahay lang talaga.

“Worth it ba?” I asked. “Sorry. Offensive ba ’yung tanong?”

“Di naman,” sagot niya. “But if worth it? Oo naman,” dugtong niya. “Worth it naman lagi magmahal—although mas masaya sana kung tanggap ng pamilya mo.”

“Tanggap naman kita,” sabi ko sa kanya. “Ako na lang pamilya mo. Supporting characters na lang sila Mama.”

Natawa siya sa akin. “So… ano nga ganap sa inyo ni Achilles?”

“Maka-Achilles ka naman. Close kayo?”

“Wow… seloso? Dapat ikaw lang tatawag sa kanya ng Achilles?”

“Atty. Marroquin tawag ko sa kanya.”

“Bat parang labag sa loob mo? Mas gusto mo ba na baby ang itawag mo?”

Bakit ko nga ulit siya naging kapatid?

“But in all seriousness…” sabi niya after ilang minutes na inasar niya ako. Tumigil din kasi siya dahil baka naramdaman niya na malapit ko na siyang iwanan dito. “Whatever may or may not happen, I’m in your corner—’di ko hahayaan na gawin nila Mama sa ’yo ’yung ginawa nila sa akin.”

I wrinkled my nose. “Gusto mo ng award na best sister?” sagot ko kasi na-awkward-an ako bigla.

“Tangina mo talaga. Hirap mo kausap,” sabi niya habang binabatukan ako.

Umuwi din kami ni Mauve nang maubos namin iyong iniinom namin. Buti na lang at wala na sila Papa. Ewan ko… minsan iniisip ko na siguro pag nakita nila na nakauwi na kami, papasok na sila sa kwarto nila. Minsan kasi e naaabutan ko na nasa labas pa sila—kita kasi sa bintana. Pero pagpasok ko, tahimik na sa bahay.

Ayaw din naman siguro nila na nagtatalo kami sa bahay… pero kasi sila, e.

Naligo muna ako tapos nahiga sa kama. Nanood ako ng Netflix. Pero ewan kasi patingin-tingin ako sa phone ko.

‘Nakauwi na ko,’ sabi ko sa kanya nang abutin ko iyong phone ko at nagtext na ako.

‘Okay.’

‘Thanks for today.’

‘No problem.’

Bat bigla naman ’tong naging man of few words?

Imbes na matulog na dahil nag-info overload na ako ngayong araw, bakit ko inooverthink iyong simpleng text niya? Sabi niya lang naman na no problem. Okay naman iyong reply niya.

Tsk.

Wrong timing! May midterms ako!

‘Oks. Bukas ulit?’

Para akong tanga na naka-titig sa screen ng phone ko. Kapag umoo siya, ibig sabihin okay kami. Kapag hindi… e ’di hindi. Ano’ng gagawin ko?

‘Okay.’

Cool. Mukhang nasa utak ko lang ang lahat. Try ko nga rin magbilang ng tupa—’wag sana silang tumakbo. Tsk. Nahahawa na ako sa ka-kornihan ni Atty. Marroquin.

‘Oks. Good night, Atty. Marroquin.’

Akala ko ay irereadzone niya na naman ako pero nanlaki ang mga mata ko nang biglang magnotify na hineart react niya iyong message ko. Tapos biglang nabago at naging thumbs up.

‘Sorry napindot,’ sabi niya agad agad. Kapag talaga ako bumagsak sa midterms, alam na kung sino may kasalanan! 

**

This story is already at Chapter 16 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 14

Chapter 14

Pagka-gising ko, imbes na tignan iyong cellphone ko kagaya ng usual morning routine ko, pumasok muna ako sa CR para maligo. Para man lang mahimasmasan ako sa kung ano ang tunay na importante—ang midterms exam ko.

Habang nasa shower ako ay paulit-ulit kong kino-compute sa utak ko lahat ng nagastos ko sa law school. Ang mahal kaya ng tuition sa Brent! Sobrang sasama ang loob ko kapag may binagsak ako na kahit isang subject doon dahil ginto ang bayaran per unit. Ang mahal din ng mga libro.

Basta, ang mahal mag-aral sa law school, period!

Hindi ko afford ang distraction ngayon.

“Sila Mama?” tanong ko kay Mauve nang bumaba ako kasi nagugutom na ako. ’Di naman kasi ako nakapagdinner kagabi. Pinaka-dinner ko na ’yung beer na pinainom niya sa akin. ’Di man lang ako binilhan ng chichirya.

“Pinagdadasal tayo.”

“Baka ikaw lang,” sabi ko sa kanya tapos tinawanan ako.

“Okay lang ’yan, kapatid,” sabi niya sa nang-aasaar na boses.

Binuksan ko iyong ref at saka naghanap ng pagkain na ready to eat na dahil wala ako sa mood makipag-asaran kay Mauve ngayon. Based sa timeline ko, dapat tapos na ako sa Obli ngayon kasi may ibang subject pa rin naman ako na aaralin.

“Di ako in denial, okay. Ayoko lang mag-isip ngayon. At capacity na ang utak ko,” sabi ko bago pa kung saan-saan makarating ang usapan. Ang aga-aga pa, ito agad bubungad sa akin? Tss. Kung may pera lang siguro ako, matagal na akong lumayas sa bahay na ’to—tapos isasama ko na rin si Mauve dahil may konsensya naman ako kahit papaano. Don siya sa CR matulog.

“Okay,” she replied. “Midterms mo na, noh?”

Tumango ako. “Sasabog na utak ko sa dami ng inaaral,” sabi ko sa kanya. “Bakit ba ako nasa law school ulit?”

“Inggitero ka kasi. Nasa med school ako kaya gusto mo nasa law school ka.”

“Syempre. ’Di pwede na ikaw lang papansin sa pamilya na ’to.”

Inirapan ako ni Mauve pero ’di naman ako natiis kaya pinagluto niya pa rin ako. Tamad kasi akong magluto—halata naman dahil hanggang cup noodles lang ang kaya ng pasensya ko.

Sabay kaming kumain dahil based on routine, mamaya pa makakauwi sila Mama. Pinagluto ako ni Mauve ng fried rice, sunny side up eggs, saka spam. Akala mo Michelin chef siya dahil pinilit niya akong magpasalamat sa kanya sa pagluluto niya para sa akin.

“Si Atty. Marroquin nga mas masarap pa niluluto, ’di naman ako pinipilit magthank you.”

Unti-unting ngumisi si Mauve. “Ikaw nagpasok d’yan kay Achilles sa usapan, hindi ako.”

“Maka-Achilles ’to. ’Di naman kayo close.”

“So, ano nga ang niluto niya para sa ’yo? Hotdog? Eggs?”

“Alam mo… Tangina mo talaga,” sabi ko habang kinukuha ko iyong plato ko tapos naglakad na ako paalis dahil sa kwarto na lang siguro ako kakain ng umagahan.

‘Good morning. Magrereview ba ngayon?’

Hindi ko alam kung bakit napa-hugot ako ng malalim na hininga nang mabasa ko iyong text ni Atty. Marroquin.

‘Good morning, Attorney. Masakit ulo ko ngayon. Dito na lang ako sa bahay magrereview.’

Hindi naman masakit ulo ko… pero alam ko talaga na hindi ako makakapagfocus sa review kapag doon kami sa condo niya. Hindi na rin talaga kasi ako nakapagfocus kahapon pagkatapos niyang hawakan iyong kamay ko. Sinukat niya lang naman iyong height namin pero—ay, ewan! Basta mahal ang tuition sa Brent.

‘May sakit ka? May kasama ka ba ngayon?’

Maya-maya na nga ako magrereply kasi baka isipin niya na para sa taong may sakit, lagi kong hawak cellphone ko.

Inayos ko muna iyong mga gamit ko sa may study table para hindi magulo. Sinend naman na sa akin ni Atty. Marroquin iyong study materials para sa Obli kaya iyon ang aaralin ko ngayong umaga. Mamayang hapon, start na ako sa Crim kasi marami-rami din iyong elements na kailangan kong i-memorize. Mabuti na lang at matagal na akong nagstart doon dahil sa binigay niyang reviewer na may table. Kailangan ko na lang ulitin, pero medyo confident na ako doon.

“Ano?” tanong ko nung may kumatok. Tinatamad kasi akong tumayo mula sa study chair.

“May bulate ka ba sa tyan?” tanong niya sa akin habang inaabot iyong paper bag.

“Gutom pa ko, e,” sabi ko na lang tapos kinuha ko ’yon. Alam ko naman kung sino nagpadala nito kasi siya lang naman nagpapadala ng pagkain sa ’kin. Ayoko na sabihin pa kay Mauve ’yon dahil ’di na naman ako titigilan.

Pagpasok ko sa loob, agad kong tinignan iyong laman nung paper bag. May lugaw doon, nilagang itlog, bottled calamansi juice, saka mga gamot.

Hindi na ’to normal na ginagawa ng kaibigan kasi kung magkakasakit ang kaibigan ko, thoughts and prayers lang ang maooffer ko.

Agad akong nagpunta sa Google para lang sure.

‘If you tell someone you’re sick and he sends you food, what does that mean?’

Para akong tanga na naghintay ng sagot doon. Imbes na gawin ko iyong mas importanteng bagay para sa edukasyon ko, ito ang inuuna ko. Tama ba ’yon?

‘Can be that he’s just a nice person.’

‘He is not really a nice person,’ sagot ko sa comments.

‘Then the only remaining answer is that he likes you.’

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko iyong comment.

Fuck.

‘Like as a friend?’ comment ko.

Grabe naman! Dinownvote ako?!


Sinubukan ko talaga na magreview. Kailangan na matapos na ako sa Obli review ko ngayong umaga dahil marami pang nag-aabang sa akin na aaralin.

“Ano’ng gagawin ko?” sabi ko kay Mauve nang buksan niya iyong pinto. Mukhang nag-aaral din siya ngayon dahil naka-tali iyong bangs niya at mukha siyang poodle.

“Ha?” gulung-gulo na tanong niya.

“Yung pagkain—si Atty. Marroquin nagpadala don,” sabi ko. Nagsimula siyang ngumisi. “Wag ngayon, please lang,” agad na sabi ko dahil wala ako sa mood na tuksuhin niya. Huling-huli na ako sa schedule ng mga kailangan kong aralin.

“Okay, fine,” sabi niya sa akin. “Ano’ng gagawin ko? Bakit nandito ka at ginugulo ako?”

“Hindi ako makapag-aral.”

“Dahil sa pagkain?”

“Hindi,” sabi ko. “Kasi sabi sa Internet—”

Umirap siya. “Sabi ng ’wag kang magtatanong sa Internet—kitang mga tao ’don e very extreme magdesisyon,” sabi niya agad sa akin. Sumandal siya sa may frame ng pinto niya at saka pinagkrus ang mga kamay. “So… hindi ka makapag-aral dahil pinadalhan ka ng food ni Achilles kaya ngayon, bothered ka na kung may gusto ba talaga siya sa ’yo?”

Tumango ako.

Bakit pa ako magsisinungaling?

“And hindi ka makapag-aral dahil distracted ka?”

Tumango ako.

“If you ask him and he said na may gusto nga siya sa ’yo, mababawasan ba iyong pagka-distracted mo?” she asked.

Umiling ako.

“There you go—don’t ask him yet,” sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. “Yan na sagot mo?”

Tumango siya. “Alam mo naman kasi gusto mong mangyari—you just want to hear it from someone else para may sisisihin ka kapag may masamang nangyari,” sabi niya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin. Hirap talaga kapag masyado ka ng kilala. Alam niya na ang kasamaan ng ugali ko.

Mauve put both her hands on my shoulders.

“Acads muna bago landi,” she said as she tried to shoo me away from her room.

“Paano kapag nagtext sa akin?”

“Sabihin mo busy ka sa review.”

“Di ba ’yon magagalit?”

“Kapag nagalit, problema niya na ’yon,” sabi sa akin ni Mauve. “Don ka sa lalaki na maiintindihan kapag busy ka sa personal goals mo.”

“Tss… parang ang dami mong experience kung makapagsalita ka.”

Tumawa siya. “Marami talaga. Maaga kaya akong lumandi. Ikaw lang naman late bloomer.”

Nagbuntung-hininga ako. “So… hindi ko muna siya papansinin?”

“Di ko sinabi na ’wag mong pansinin as in i-ignore mo—sabi ko, sabihin mo na busy ka sa review which is true naman.”

“Pero siya kasama kong nagrereview.”

Umirap siya. “Naka-graduate ka naman ng college na wala ’yang si Achilles—kakayanin mo ring magreview ng wala siya, trust me,” Mauve said. Grabe naman tiwala nito sa ’kin. ’Di ba niya alam na bobo ako sa mga klase ko?

Bumalik na ako sa kwarto ko. Nakita ko na naman iyong paper bag na may padala niya.

‘Hi. Salamat sa pagkain,’ message ko sa kanya dahil ’di ko naman kaya na ’wag magpasalamat. Saka sabi na rin ni Mauve na ’di naman kailangan na ’di ko siya kausapin. Kailangan ko lang talaga magfocus sa exam ko.

‘You’re welcome. Kamusta pakiramdam?’

‘Sakit pa rin ulo pero kailangan magreview.’

‘Pahinga ka muna.’

‘Weird. Akala ko sasabihin mo na unahin ko review kasi di ako matalino.’

‘No. Health comes first always,’ sagot niya. ‘Eat your food and meds. Get some rest. Magreview ka pagkatapos.’

‘Next week na exam ko.’

‘You have plenty of time to study.’

‘Weird mo.’

‘Health is wealth. Di mo ba alam yon?’

‘Di ako pwedeng bumagsak. Wala ako pambayad ng tuition.’

‘Paraan mo ba to para manghingi ng pera?’

Tignan mo… Kapag ganyan siya, pakiramdam ko na tuloy e nilalandi niya ako!

‘Di ah. Ge tulog na ako.’

Tinago ko na iyong cellphone ko sa pinaka-ilalim ng drawer ko. Ayoko na siyang kausapin dahil pakiramdam ko e magkaka-sakit na ako nang tuluyan.


Ginamit ko na iyong leave ko sa trabaho para makapag-aral ako nang mabuti. Umabsent na rin ako sa school dahil ayon sa chismis sa akin ni Niko, wala na raw pasok sa mga subjects para makapagreview ang mga estudyante. Ang alam ko sa mga friends niya sa frat nakuha iyon. Buti na lang sinabi niya sa akin.

Buong mula Lunes hanggang Huwebes ay hindi ko tinignan iyong cellphone ko. Sa awa ng Diyos ay natapos kong aralin na sa wakas iyong Obli tapos inuna ko na iyong Consti. Nung Crim 2 na iyong aaralin ko ay bumaba muna ako para maghanap ng makakain. Nasa kwarto lang kasi ako mostly. Nagkasakit kasi talaga ako nung Tuesday kaya iyong nanay ko e dinadalhan ako ng pagkain lagi sa kwarto. Okay na rin dahil nakapagconcentrate ako sa pagiging mabuting estudyante.

Pagbukas ko ng ref, kumunot iyong noo ko dahil ang daming pagkain na takeout.

‘Sa yo yung food sa ref?’ tanong ko kay Mauve dahil ’di naman mahilig magtakeout sila Papa.

‘Nope.’

‘Kanino?’

‘Sayo.’

‘Sakin?’

‘Yup. Padala ni Achilles mo. Di ko na sinabi sayo kasi maaabala ka sa review mo. Dw tinanggal ko yung receipt para di makita nila mama kung sino nagpadala.’

Nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko kung gaano karami iyong pagkain sa ref. Punung-puno iyong ref ng pagkain.

‘Sinabi ko rin pala kila Mama na sakin yang food para di sila magtaka. Anyways nilagyan ko ng date yung padala so consume first yon.’

What… the… fuck?

Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko. Kinuha ko iyong cellphone ko. Deadbatt na ’yon dahil ilang araw ko na hindi ginamit. Chinarge ko agad iyon at naka-tingin lang ako habang naghihintay na pumasok iyong mga message.

‘Hi. Okay na pakiramdam mo?’

‘Di ko alam kung may kasama ka sa bahay. Nagpadala ako ng pagkain saka gamot.’

‘May electrolyte drinks din pala.’

Then there were texts on Tuesday.

‘Are you feeling better?’

‘Sorry kung nagpadala ulit ako ng pagkain. Based on what I know, puro junk food lang alam mong kainin. Lapit na ng exam mo. Pagaling ka.’

Then on Wednesday.

‘Hope you’re feeling better now, Mauro.’

‘May pagkain pala ulit akong padala. I know you prefer GCash pero di ka makakapuntang 711 ngayon dahil may sakit ka. Next time na lang.’

And then my phone vibrated again.

‘At least tell me you’re okay.’

Fuck.

’Di ko alam kung talagang may sakit na ba ako o nawawala na ako sa tamang huwisyo pero ginamit ko iyong sasakyan ni Papa at saka pumunta ako sa opisina ni Atty. Marroquin.

Pagdating ko roon, agad ko siyang hinanap pero sinabi na nasa labas pa siya dahil may inattendan na hearing—nasa hearing pero nagtetext sa akin?!

“Okay lang. Hintayin ko na lang,” sabi ko roon sa secretary.

Nandoon lang ako at tahimik na nakaupo. Tapos tumayo ako. Tapos naupo ulit. Hindi ako mapakali. Sana dinala ko iyong codal ko pero alam ko na ’di rin naman ako makakapagconcentrate dahil iisa lang ang bagay na nasa utak ko.

“Mauro?”

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nasa labas ako at naglalakad doon dahil hindi ako mapakali. Kakalabas niya lang sa sasakyan niya. Naka-suot pa siya nung puting short-sleeved polo, black slacks, saka may dala-dala siyang box na maraming papel. Galing pa ata siya sa cross-examination.

“Shit. Sorry. Nasa trabaho ka nga pala,” sabi ko dahil ngayon ko lang na-realize na nandito ako sa work place niya. Public officer nga pala siya. Sumbatan na naman ako nito na sinasayang ko tax ng Pilipino.

“No, it’s fine,” sagot niya. “Okay ka na ba?”

Tumango ako. “May itatanong lang ako tapos aalis na rin ako para ’di makaabala sa trabaho mo.”

Kumunot iyong noo niya na para bang naguguluhan siya sa akin. “Okay…”

Tumingin ako sa kanya. Humugot nang malalim na hininga. Nagpanic sa utak ko kung ano ba ’tong ginagawa ko.

“Atty. Achilles V. Marroquin…” sabi ko habang pinipilit ang sarili ko na gawin ’to dahil pakiramdam ko mas babagsak ako kung hindi. “May gusto ka ba sa ’kin?”

**

This story is already at Chapter 17 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 15

Chapter 15

Pakiramdam ko ay nasobrahan na ako sa kape dahil kitang-kita ko kahit iyong maliit na pagbabago sa expression niya. Nung una ay naka-kunot ang noo niya na para bang hindi niya pa napprocess iyong mga salitang lumabas sa bibig ko… hanggang sa bahagyang mapaawang ang labi niya at manlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya na oo, nandito talaga ako sa harap ng opisina niya sa kalagitnaan ng tanghali at tinatanong siya tungkol sa bagay na ’to.

Shit.

Ang unprofessional!

Bakit ba ’di ko na lang ’to tinext sa kanya?!

“Sorry,” I said, realizing that I must’ve been putting him in a very difficult position dahil dito pa talaga ako nanggugulo sa office niya. “Kahit ’wag—” I continued and then paused. Ano? Uuwi na naman ako? Tapos mag-o-overthink ako mag-isa sa kwarto ko? Malapit na midterms!

Tumingin ako sa kanya.

Ganon pa rin iyong itsura niya—bahagyang nakaawang iyong labi. Tanginang ’yan! Bakit ngayon ko pa napansin na mamula-mula iyong labi niya?! Sa dami ng inaaral ko, may space pa sa ganyan iyong utak ko?!

Tumingin ako sa paligid—may mga tao na dumadaan. Syempre. Public Attorney’s Office ’to. Maraming nangangailangan ng serbisyo ng taong ’to.

Huminga ako nang malalim.

“No,” I said. “Kailangan ko na ng sagot. Kahit ibulong mo na lang,” dugtong ko para walang ibang maka-rinig kasi nakaka-hiya naman. Work hours niya tapos nandito siya at… nakikipaglandian? Litung-lito na ako!

He looked at me for a few seconds. Naka-tingin ako sa bawat paggalaw niya. Bigla siyang umatras. Panic ran through my system.

“Ibababa ko lang ’to,” sabi niya nang makita niya iyong itsura ko. Nagpanic ako kasi umatras siya. Akala ko tatakbuhan niya ako… na maiintindihan ko naman kasi bakit nga ba ako nandito? Kung pwede lang na umalis na lang ako kasi parang ngayon ko nararamdaman iyong hiya na sana ay kanina ko pa naramdaman.

Pinanood ko habang ibinababa ni Atty. Marroquin iyong box na hawak niya doon sa plantbox ata ’yon. Tapos ay naglakad ulit siya papunta sa akin.

Fuck.

Bakit ba kasi ngayon?

Ang taas-taas ng araw!

“Can you repeat your question?”

Umiling ako. “Narinig mo naman.”

“Yes, but I’d like a confirmation kung tama ba ang narinig ko.”

“Tama ’yon,” sabi ko sa kanya.

He tilted his head to the side. Kumunot iyong noo ko. Bakit hindi na lang siya sumagot agad para maka-uwi na ako? May trabaho pa siya. May inaaral pa ako. Para maka-balik na kami sa kanya-kanya naming buhay.

“Okay,” he said after staring at my face na nagsimula na akong ma-conscious kung may dumi ba sa mukha ko. “I heard you asking me kung may gusto ba ako sa ’yo.”

Nanlaki ang mga mata ko dahil may napadaan na mga tao sa gilid namin.

“Hinaan mo naman boses mo!”

Kumunot ang noo niya. “Why?”

“Basta,” sabi ko. “Wala bang private na lugar dito?”

“Ikaw humarang sa akin dito sa labas,” sagot niya. Napaka-pilosopo talaga ng taong ’to.

Naka-tayo lang siya sa harap ko. Ang init-init. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako kahit naka-light brown cargo shorts at white shirt naman ako samantalang siya ay parang normal lang kahit naka black slacks at short sleeved polo siya.

“Do you want to talk in my office?” Agad-agad akong umiling. “Okay…” sagot niya na naka-kunot ang noo. “Sa sasakyan ko?” Umiling agad ako. “E ’di dito na lang.”

Napa-tingin ulit ako roon sa mga tao na naglalakad sa paligid namin. Bakit ba ako nagtataka? Malamang nasa public space ako at sa harap pa mismo ng PAO.

“Attorney!” biglang may tumawag kay Atty. Marroquin na matandang babae. “Attorney, tulungan niyo po kami! Iyong anak po namin, biglang kinuha!” dugtong niya at saka nagsimulang umiyak.

Shit.

Hindi ko talaga kaya ’tong trabaho ni Atty. Marroquin. Halos mahihirap pa naman lahat ng kliyente niya. Alam ko na hindi naman ako sobrang bait, pero dito talaga ako naaawa sa mga mahihirap na tao… Lalo na kapag mayaman iyong kalaban nila sa kaso… Sobrang unfair…

I took a step back. Mababaliw na ako sa kakaisip kung may gusto sa akin si Atty. Marroquin… pero mas importante naman ’to.

Naka-tayo lang ako roon habang pinapanood ko si Atty. Marroquin na kausapin iyong matandang babae. Ganito pala siya kapag nasa trabaho. Kasi kapag ako kausap niya, puro kapilosopohan lang ang sinasabi niya. Para tuloy ibang tao ’tong nasa harapan ko.

Alam mo ’yon? Capable pala siya maging gentle.

Bigla akong kinilabutan—’di ko ma-imagine na gentle niya akong kausapin. Sanay na ako na lagi akong napipikon kapag kausap siya.

“Sa opisina na po tayo mag-usap,” sabi niya roon sa matandang babae na nauna nang maglakad.

Napa-tingin sa akin si Atty. Marroquin. Sumenyas ako sa kanya na okay lang sa akin na pumasok siya sa loob. Mas importante naman talaga ’to. ’Di naman ako baliw.

Pero imbes na sumunod na sa matandang babae papasok sa opisina niya, lumapit siya sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil halos isang hakbang lang ang layo niya.

“M-mamaya na tayo mag-usap.”

Pota.

Bakit ako biglang nauutal?

“It seemed urgent kasi bigla kang napa-punta rito,” sabi niya. Ang baba ng boses niya. Dahil ba ’to sinabi ko sa kanya kanina na ang lakas ng boses niya? Nagbago na isip ko. Lakasan niya na lang.

Ang… ang weird kapag mababa iyong boses niya—parang ’di gumagana iyong utak ko bigla.

“Sayang ’yung tax ng Pilipino. Bumalik ka na sa loob,” sagot ko sa kanya na para bang bigla na lang nanuyo iyong lalamunan ko.

“Okay,” he said as he took a step back.

Fuck.

Finally!

Ang init-init na sa Pilipinas e dikit pa siya nang dikit sa akin! Halos hindi ako maka-hinga kanina nang nasa harap ko siya mismo.

“We’ll talk later,” he said.

“Okay,” sabi ko para lang lumayas na siya.

Kinuha niya iyong box niya. Parang ang bigat non dahil sa dami ng laman na papel pero binuhat niya ng walang kahirap-hirap. Gusto ko na lang sapakin iyong sarili ko nang mapa-tingin ako sa braso niya at mapansin ko iyong mga ugat doon.

Talagang dito pa sa gitna ng initan, Mauro?!

“Yes,” bigla niyang sabi habang naka-harap sa akin at walang effort na hawak iyong box.

“Ha?” naka-kunot noo na tanong ko.

“Iyon ang sagot ko sa tanong mo kanina,” sagot niya sa akin at unti-unting nanlaki ang mga mata ko. “Will expound on that later—balik muna ako sa trabaho ko. Sayang bayad sa tax.”

Po…ta.


Pasalamat na lang talaga ako at nagawa kong maka-uwi sa bahay ng hindi naaaksidente. Mabuti na lang din at wala pang tao sa bahay nung dumating ako dahil wala ako sa tamang huwisyo para makipag-usap sa kahit kanino.

Yes.

Yes iyong sagot niya.

Ano nga ba iyong tanong ko sa kanya? Bakit kasi ang purol ng memory ko? Hindi ko maalala kung ano ba iyong exact na tinanong ko sa kanya. Bakit kasi hindi na lang niya sinabi na yes, gusto kita o kaya naman yes, mali ang pagkakaintindi mo at delusion mo lang ’yan.

Bakit kailangan na yes lang sinabi niya sa akin?

Pero kailangan kong mag-aral. Kailangan kong aralin iyong Crim 2 dahil malapit na malapit na talaga iyong exam.

Kinuha ko sa ibaba iyong pagkain na unang pinadala sa akin ni Atty. Marroquin at saka kinain ko iyon habang nag-aaral—na mukhang bad idea dahil imbes na makapagconcentrate ako sa pag-aaral ay mas lalo ko lang siyang naiisip.

It’s like he’s fucking everywhere—sa kanya ’tong reviewer na ginagamit ko pati itong pagkain na kinakain ko. Kulang na lang bilhin niya rin ’tong bahay namin para sa bahay niya na rin ako naka-tira.

Kapag talaga ako bumagsak… tsk.

I took a quick shower para naman mahimasmasan ako. Pagkatapos non, nagpatugtog ako ng storm sounds habang naka-suot nung noise cancelling airpods. After a while ay nakapag-aral na rin ako nang maayos.

Nasa kalagitnaan ako nang pagmememorize ng mga elements nang biglang magvibrate iyong phone sa lamesa ko. Iyon lang ang nangyari pero biglang sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang isusuka ko lahat ng kinain ko kanina.

Huminga ako nang malalim.

Sus. Si Atty. Marroquin lang naman ’yan. Big deal.

‘Tapos na ko sa work.’

‘Alam ko. 5PM na.’

‘Wow nakaabang.’

Taena. Sobrang dalas na ba namin magkausap na pakiramdam ko e pareho na kami ng way ng pagsasalita? Kasi ganyan ako magsalita. Na-adopt niya na?!

‘May orasan kasi sa cellphone ko.’

‘Ah. Nag-aaral ka?’

‘Oo istorbo ka.’

‘Okay. Next time na lang yung sa sinabi ko kanina. Good luck sa midterms mo.’

Napa-kunot iyong noo ko. Iyon na ’yon? ’Di niya man lang ako pipilitin at sasabihin na pupunta siya rito o kaya man lang magzoom kami?

Also… what the fuck? Ano ba ’tong mga naiisip ko.

‘No may study break ako.’

‘Ngayon na?’

‘Iba ba ibig sabihin sa yo ng salitang ngayon?’

Nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko sa screen ko iyong AVM calling…

Huminga ako nang malalim at sinabihan ang sarili ko na kumalma dahil si Atty. Marroquin lang naman ’to.

“Ano?” sabi ko nang sagutin ko iyong tawag niya.

“Nag-aaral ka?” he asked. Mali na sinagot ko iyong tawag niya na naka airpods ako. Rinig na rinig ko iyong boses niya na para bang iyon lang ang tunog sa buong mundo.

“Oo nga.”

“Ah… busy ka?”

“Study break nga,” sabi ko.

“Wala ka ng sakit?”

“Wala na. Naka-punta nga ako kanina sa opisina mo, ’di ba?”

“Right… Nagdinner ka na?”

“Hindi pa.”

“Dinner tayo?” bigla niyang sabi.

Tangina talaga nito.

Bakit biglang iba na iyong tono?!

“Di pwede. Nag-aaral nga ako,” sabi ko sa kanya.

“Pwede ka naman mag-aral habang naghihintay ng pagkain,” sagot niya sa akin.

“Bakit kailangan kasama ako sa dinner mo? Nasa akin ba ’yung mga plato at kutsara mo?”

“I was thinking about dinner in some restaurant—pero kung gusto mo sa condo ko, pwede rin naman,” sabi niya sa akin na napaawang ang labi ko. Abogadong abogado nga! Galing magpa-ikot ng salita.

Hindi muna ako nagsalita kasi baka kung ano ang masabi ko at mapa-hamak pa ako. Naka-tingin lang ako sa screen ng cellphone ko habang gumagalaw iyong segundo sa pag-uusap namin.

“Mauro,” bigla niyang sabi.

Pangalan ko lang naman ’yan—ilang beses ko ng narinig ’yan kapag tinatawag ako… pero kapag si Atty. Marroquin ang nagsasabi ng pangalan ko, para bang first time ko lang ulit marinig ang pangalan ko.

Taena si Mauve—sabay na nga ata kaming ipagppray over.

“Achilles,” sabi ko dahil ginagaya ko lang siya. Kumunot ang noo ko nang makita ko na nagrerequest siya ng FaceTime kasi naka-audio call lang naman kami.

“Ayoko,” sabi ko.

“Bilis na.”

“Bakit ba? Okay na ’tong audio.”

“Gusto kong makita ’yung mukha mo kapag sinasabi mo ’yung pangalan ko.”

Ramdam na ramdam ko iyong pag-iinit ng buong pagmumukha ko sa sinabi niya. Gago—bakit ang landi ng taong ’to?! San ba ’to pinaglihi ng nanay niya?! Bakit ang dami niyang alam?!

“Dami mong alam.”

Rinig ko iyong halakhak niya. Biglang gusto ko na ring i-accept ’yung FaceTime request para makita ko iyong mukha niya na tumatawa. Parang ’di ko pa nakikita ’tong tumatawa. Parang lagi niya lang pasan ang bigat ng daigdig.

“Alright,” sabi niya. “We’ll talk after your exams.”

“Next week pa ’yon.”

“Alam ko.”

“Kaya mong maghintay?” I asked.

“Yeah,” he replied. “Marami din akong ginagawa. ’Di naman sa ’yo umiikot ang mundo ko.”

Tangina talaga ng taong ’to—kaya akong landiin at pilosopohin in the same breath.

“Nakaka-pikon ka talaga kausap,” sabi ko sa kanya.

Humalakhak na naman siya. “Alam ko,” sagot niya. “Nakaka-pikon pero nagawa mong puntahan sa trabaho kahit busy ka sa review.”

“Kaysa naman sa ’yo na pinapadalhan ako ng pera. Sugar daddy ka?”

“Hindi. Ayoko lang ng nagugutom ka.”

Tangina talaga nito.

Inaccept ko na ’yung FaceTime request niya. Kita ko na naka-ngisi siya habang nagda-drive. Sabi na nga ba—pinipikon lang ako nito sa mga pinagsasabi niya.

“Gago ka,” sabi ko.

Nagkibit-balikat siya. “Ano’ng nirereview mo?”

“Crim.”

“Kaya mo ’yan,” he said. “Basta basahin mo nang mabuti ’yung tanong kasi madaming trick questions kapag Crim.”

Tumango ako. “Thanks,” sagot ko sa kanya.

Patingin-tingin niya sa akin saka sa daan dahil nagda-drive siya. Ang seryoso ng mukha niya pero at the same time, ang sarap niyang suntukin dahil lagi niya akong pinagti-tripan.

“Mauro,” sabi niya.

“Ano?”

“No,” he replied. “Ang tamang sagot ay Achilles. “

Nakita ko iyong pagtawa niya nang mamula iyong mukha ko. Ang gago talaga nito!

“Pakyu,” sabi ko.

Humalakhak lang siya. “No, but seriously, go study,” he said. “We’ll talk more after your midterms.”

“Okay pero…” sabi ko tapos natigilan ako kasi bakit bigla pa ako ngayong nahiya? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko at sinabi ko at more importantly, sinabi niya?

“Pero?” he asked after seconds lapsed at hindi ko pa rin sinusundan iyong salita ko.

“Pero pwede bang i-clarify mo muna iyong sinabi mo kanina? Yes ano? Kasi ’di ko na tanda iyong exact na tanong ko.”

Naka-tingin lang ako sa mukha niya habang nagda-drive siya. Parang may countdown pero naghihintay lang ako na magsalita siya. Tapos bigla siyang nagpull-over sa kung saan man siya nagda-drive.

“Yes, I do like you. I thought I was obvious—never really tried to hide it,” sabi niya habang diretsong naka-tingin sa akin na para bang nasa harapan ko siya kahit na sa FaceTime lang naman kami nag-uusap. “I like you, Mauro Eugenio dela Rama.”

**

This story is already at Chapter 18 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 16

Chapter 16

More or less 300 thousand ang magagastos ko ngayong first year ng law school kaya hindi ako pwedeng maging distracted—and more than the expenses, hindi na kaya ng utak ko na ulitin ulit iyong mga subjects ko.

Kahit na parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko iyong sinabi ni Atty. Marroquin na gusto niya ako, pinilit ko talaga na ituon iyong atensyon ko sa mga inaaral ko. Buong Friday at Saturday ay nag-aral lang ako. Nasa pinaka-ibaba pa rin ng drawer ko iyong cellphone ko para hindi ko mabuksan iyon. Naka- DND din ako sa laptop ko kung san ako nagbabasa ng cases at reviewers.

By Saturday night, hindi na nagffuntion iyong utak ko sa sobrang pagod. Ngayon lang ata ako nag-aral nang ganito ka-grabe! I mean, nag-effort din naman ako nung first sem, pero iba ’tong second sem. Siguro kasi nung first sem, naiintindihan ko naman iyong mga subjects. Itong second sem? Nahirapan talaga ako dahil sa Oblicon.

Speaking of Oblicon…

Kinuha ko iyong cellphone ko at saka chinarge ’yon. Naka-tingin lang ako roon hanggang sa magbukas iyong cellphone ko saka hinintay na pumasok iyong mga text ni Atty. Marroquin.

Tapos kumunot ang noo ko nung walang texts na dumating.

“Weird,” sabi ko sa sarili ko. Nilagay ko iyong phone ko sa airplane mode at saka inoff iyon. Wala pa ring pumapasok na message. Sinubukan ko rin i-iMessage iyong sarili ko mula sa laptop ko. Na-receive ko naman sa cellphone ko.

Okay, mukha lang akong tanga.

Wala pala siyang text sa akin.

Tss.

Magsasabi-sabi na gusto ako tapos dalawang araw na walang text?

Bumaba ako sa kusina para maghanap ng makakain. Maka-nood na lang ng movie. ’Di na talaga kaya ng utak ko mag-aral ngayong gabi. Tapos naman na ako sa lahat ng coverage nung exam. Uulitin ko na lang ulit bukas para sigurado na kabisado ko.

Tss. Kabisado? Nasapian na ata ako ni Atty. Marroquin. Nung first sem naman e okay na ako basta alam ko na naiintindihan ko iyong concept.

“Lumabas ka rin ng lungga mo,” sabi ni Mauve sa akin nang maabutan ko siya na naka-tayo sa harap nung kalan at nagluluto.

“Same to you,” sagot ko sa kanya kasi dahil exam week niya rin. “Ano niluluto mo?”

“Pork chop. Akin lang ’to.”

“Damot,” sagot ko sa kanya.

“Dami mong pagkain sa ref.”

“Naubos ko na,” sagot ko.

Napa-tingin siya sa akin na naka-kunot ang noo. “Problema mo?” I shrugged as I grabbed the apple from the bowl at iyon na lang ang kinain. “Kung nagugutom ka, magluto ka ng sarili mong pagkain. ’Di ako si Achilles na ipagluluto ka.”

Kumunot ang noo ko sa kanya. “Bat napasok na naman ’yon sa usapan?”

She shrugged. “Mukha kasing ’yon ang dahilan kung bakit naka-busangot ka.”

“Di pwede na pagod lang sa review?”

“Lagi ka namang pagod sa review.”

“Excuse me, ngayon lang ako nag-effort nang ganito sa pag-aaral.”

Natawa siya. “So, ano ginagawa mo last sem? Papansin ka lang sa school?”

Kung hindi lang siya mabubukulan e ibabato ko talaga kay Mauve ’tong apple.

“So… ano? Kamusta na ’yung si Achilles?”

“Feeling close ka talaga kung maka-tawag ng Achilles.”

“Bakit? Gusto mo na ba mag-introduce to the family para hindi na ako feeling close lang?”

Sinamaan ko siya ng tingin. Asa pa. Kung siya, pwede ko pa ipakilala. Pero sila Mama? Saka na siguro kapag naka-pasa na ako sa BAR exam at may pera na ako para maka-move out. Ayoko nga maging palaboy sa kalsada.

“Ano’ng pakilala? Ni hindi nga ako tinext ng dalawang araw,” sabi ko tapos ay kumagat ulit sa apple para maubos na siya bago ko pa maibato kay Mauve.

Biglang tumawa si Mauve tapos tumigil din siya at hininaan niya kasi baka magising sila Mama.

“Ah… kaya ganyan itsura mo? Kasi ’di ka tinext ng dalawang araw?”

I made face. “San mo nakuha ’yan?”

“Sa mukha mo,” sabi niya sa akin habang naka-turo iyong sandok. “Sinabi mo ’di ba na busy ka sa review?” I shrugged. “Malamang kaya ’di ka tinext kasi sabi mo busy ka.”

I remained silent at nagfocus na lang ako sa pagkain ko nung mansanas. Tapos iniisip ko kung gutom pa ba ako pagkatapos nito… kasi tinatamad akong magluto. Lalabas na lang ako at bibili sa 711 para makapaglakad-lakad din ako. Ilang araw na akong naka-kulong lang sa kwarto.

“Alam mo, kung namimiss mo, i-text mo.”

Kinunutan ko siya ng noo. “Matalsikan ka sana ng mantika,” sabi ko sa kanya bago ako umakyat sa kwarto para kunin iyong wallet ko.

Nasa lamesa ko iyong wallet ko kaya kinuha ko iyon. Sakto na nasa tabi nun iyong cellphone ko. Tumingin ako roon nang ilang segundo bago kinuha iyon. Naupo ako sa kama habang hawak pa rin iyong cellphone ko.

‘Hello.’

Ibabaon ko sana ulit iyong phone ko sa drawer nang bigla kong makita na nag read agad iyong message ko tapos may typing bubble agad. Grabe… hawak naman pala niya iyong cellphone niya tapos ’di man lang nagtetext.

‘May sakit ka ulit?’

‘Bakit ako magkakasakit?’

’Usually nagtetext ka lang kapag may kailangan ka sa ‘kin. That hello was weird.’

‘Grabe ang user naman ng dating ko sayo.’

‘It’s fine. You wouldn’t have talked to me kung wala kang kailangan sa kin. Win-win situation.’

Tangina, ang landi talaga ng taong ’to.

‘Why did you text? May di ka naiintindihan sa nirereview mo?’

‘Naka-study break lang.’

‘Oh okay. Ready ka na sa exams?’

‘Saks lang.’

‘Message mo ko kapag may nalilito ka.’

‘Weh? Akala ko busy ka.’

‘Busy san?’

‘Di ka nagtetext e.’

Nanlaki iyong mga mata ko nang bigla siyang tumawag sa FaceTime. Agad kong ni-reject kasi ’di ko nga alam kung ano itsura ko. Literal na ilang araw ako naka-kulong lang sa kwarto at nag-aaral.

‘Accept mo.’

‘Bakit ba tumatawag ka?’

Instead na magreply like a normal human being, tumawag na naman siya sa FaceTime. Agad akong tumayo saka tinignan iyong itsura ko sa may salamin. Medyo magulo lang iyong buhok ko kaya sinuklay ko iyon. Buti na lang talaga maganda si Mama kasi kung kay Papa na genes lang? Basta matalino kami.

“Ano?” sabi ko agad nang sagutin ko iyong tawag ni Atty. Marroquin. Naka-suot siya ng black na baseball cap tapos parang naglalakad siya.

“Naka-study break ka pa?” he asked. Naka-suot ata siya ng airpods.

Tumango ako. “San ka pupunta?”

“Sa ’yo.”

Nanlaki iyong mga mata ko.

“Ha?”

“Namimiss mo na ko kaya pupunta ko d’yan.”

’Di ko alam na possible pala na mas lalong manlaki iyong mga mata ko. “San mo nakuha na miss na kita?”

“Sa ’yo,” he replied. “Sabi mo ’di ako nagtetext.”

“San don ’yung miss kita?”

Bigla siyang huminto sa paglalakad. “About to go to the parking lot. Mawawala na ’yung signal,” sabi niya sa akin. “So, do you want to see me or not?”

Pakyu talaga ’tong tao na ’to.

“Don sa 711 kita pupuntahan,” sabi ko at nakita ko na napa-ngisi siya sa ’kin.


Naligo ako nang mabilis saka nagtoothbrush. Nagsuot lang ako ng puting shirt saka light gray cargo shorts. Kinuha ko na rin iyong baseball cap ko kasi baka biglang umulan—na narealize ko nung naglalakad na ako papunta sa 711 na wala rin palang kwenta dahil mababasa din ako.

’Di ko alam kung traffic ba sa papunta rito kaya naman bumili muna ako ng chukie habang naghihintay kay Atty. Marroquin. Naupo muna ako roon sa bench sa loob. Nagtiktok muna ako pampalipas oras. Ayoko kasi magbasa ng kahit ano dahil nahihilo na ako sa dami ng nabasa ko.

‘Here.’

Napa-tingin ako sa labas at nandon nga iyong sasakyan niya. Taena… bakit biglang lumakas iyong tibok ng puso ko e hindi ko naman first time na sumakay sa sasakyan niya?

Tumayo ako at saka lumabas. Pumasok ako sa sasakyan niya. Nung bubuksan ko na iyong pinto ay bigla iyong umandar. Nanlaki iyong mga mata ko sa gulat tapos biglang umatras ulit iyong sasakyan niya. He rolled the windows down.

“Sorry,” bigla niyang sabi na may tawa iyong mukha habang naka-simangot ako. “Ang seryoso kasi ng mukha mo.”

Gusto kong sipain iyong gulong niya pero baka may maka-kita pa sa amin dito kaya pumasok na ako sa sasakyan niya.

“Seatbelt,” he said.

“Bakit? Di naman tayo aalis dito.”

Tumawa siya. “Galit ka?”

“Hindi.”

“I’m sorry,” he said. “Ang seryoso mo kasi kanina.”

“Bakit? Kailangan ba naka-tawa ako kahit walang dahilan?”

Nakita ko na nagpipigil siya ng tawa. Ang sarap sapakin ng taong ’to. Kumunot iyong noo ko lalo. He took a deep breath.

“Again, I apologize. I’ll never do that again,” sabi niya sa akin. “What can I do para ’di ka na magalit?”

Sinuot ko na iyong seatbelt. “Nagugutom ako. Gusto ko ng pizza.”

“Alright,” he replied as he began driving.

Hindi ko alam kung saan kami naka-rating ni Atty. Marroquin. Bilib lang ako sa kanya dahil hindi siya gumamit ng waze. Mukhang naikot na ata nito ang buong Maynila.

“Kabisado mo daan?” I asked dahil hindi ako sanay na tahimik lang. Mas sanay ako na nag-aaway kami.

“Kinda,” he replied. “Kung saan-saang court ako nakakarating kaya nakabisado ko na rin iyong daan,” dugtong niya tapos tumingin siya bahagya sa gawi ko. “Brick oven pizza, okay lang sa ’yo?”

I shrugged. “Ikaw bahala. May tiwala ako sa taste mo,” sabi ko sa kanya kasi masaya na ako sa siopao samantalang siya ay mukhang mas maarte sa pagkain—as shown sa salmon at roast chicken niya. Kami ni Mauve ay masaya na sa porkchop.

“I know. I have a great taste,” sabi niya saka bahagya siyang tumingin sa akin.

Tangina talaga nito.

“May tanong ako.”

“Ano?”

“Ganyan ka ba talaga?”

“What do you mean?”

“Malandi.”

“Malandi ako?”

“Oo.”

Natawa siya. “Really?”

“Di ba obvious sa lahat ng lumalabas sa bibig mo.”

“Ano’ng lumalabas sa bibig ko?”

“Epal ka talaga. ’Wag mong palabasin na nasa utak ko lang ang lahat.”

Natawa ulit siya. “I don’t think na malandi ako,” he said. “I’m just more comfortable with you now that I know that we like each other, so I am able to act more… freely.”

Nanlaki ang mga mata ko. “San mo nakuha ’yan?”

Tumingin siya ulit. Kapag minamalas ka nga naman, natapat kami sa stoplight kaya tumingin siya sa akin. Suddenly, parang ang liit-liit ng sasakyan niya at masyado siyang malapit sa akin.

“Bakit? Mali ba ako?”

Tumingin ako sa kanya.

Naka-tingin siya sa akin.

Lord… wala nga atang straight sa pamilya namin.  

**

This story is already at Chapter 19 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 17

Chapter 17

‘Hindi ako makapagaral.’

‘Wag mo kasi ako masyadong isipin.’

Napa-iling na lang ako sa reply niya. Simula nung gabi na pinuntahan niya ako sa 711, pakapal lang nang pakapal iyong mukha niya. Totoo nga talaga iyong sinabi niya na mas ‘free’ na siya magsalita—kasi talagang nawala na ata iyong filter niya.

‘Kapal ng mukha.’

‘I see no denial,’ sagot niya sa akin. ‘Pero bakit hindi ka makapagaral? May hindi ka naiintindihan?’

Sumandal ako sa study chair. Monday na ngayon. Bukas na iyong unang araw ng midterms—Tuesday magsstart kasi konti lang ang subjects namin kumpara last sem. Weirdly enough, hindi ako masyadong kinakabahan—at dahil doon, bigla akong kinabahan nang todo. Last sem kasi, halos isuka ko na lahat ng kinain ko bago magsimula iyong exam week. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko naman na first time mag-exam o baka nasiraan na talaga ako ng bait sa dami nung minemorize ko sa Crim 2.

‘Nagsagot ako ng samplex. Nasagutan ko lahat.’

‘Wow.’

‘Di ko alam kung sarcastic na wow ba yan o ano.’

‘Di kita pwedeng tawagan. Office hours.’

‘E bakit ka nagtetext?’

Napaawang iyong labi ko nung limang minuto na ang lumipas at wala pa rin siyang reply. Hirap talaga ka-bonding nung tao na ’yon.

Akala ko e meron lang siyang kausap na client o kung anuman tapos magtetext siya sa akin. Pero dumating na iyong alas cinco ng hapon at wala pa rin akong text na nakukuha mula sa kanya—hindi sa naghihintay ako kasi nagreview naman ako in between.

‘Sure ka bang tama sagot mo sa samplex?’ message niya sa akin nung saktong 5PM na.

‘Talagang di ka nagtext buong office hours?’

‘Maraming may kailangan ng serbisyo ko.’

‘Five seconds lang naman magreply.’

‘I want to give them my undivided attention.’

Kung hindi pa ako napa-tingin sa reflection ko sa may laptop screen ay hindi ko pa makikita kung gaano ka-lalim iyong kunot ng noo ko. Agad kong tinapik iyon para umayos ulit iyong itsura ko. Mukhang tanga.

‘Ah okay.’

‘Haha.’

‘May nakakatawa ba?’

Kumunot na naman ang noo ko nang makita ko siyang tumatawag. FaceTime iyon pero nung sinagot ko ay hinarang ko iyong daliri ko roon sa may front cam ng cellphone ko.

Nasa sasakyan si Atty. Marroquin. Mukhang papauwi pa lang siya dahil suot pa niya iyong work attire niya. Ewan ko ba naiinis ako makita na naka-tawa iyong mukha niya.

“Pakita ng mukha,” sabi niya.

“Ayaw mo bang bigyan ng undivided attention iyong pagda-drive mo?” sabi ko sa kanya at lumakas lang iyong pagtawa niya na naging dahilan ng mas lalong paglalim ng kunot sa noo ko. Seriously! May nakaka-tawa ba sa sinabi ko?

“Sorry,” sabi niya nang punasan iyong luha sa gilid ng mga mata niya. Nagsimula na ulit siyang magdrive pero patingin-tingin siya sa screen ng cellphone niya kahit naka-takip pa rin naman iyong daliri ko roon sa front camera ko. “Come on. Show your face.”

I remained silent.

“Galit ka ba?” he asked. I still remained silent. “Do you want to talk about it or do you want me to end the call so you can think about it?”

“Talagang bababaan mo ako ng tawag?”

“Well, hindi ka naman nagsasalita.”

Tinanggal ko na iyong daliri ko sa harap ng camera. Agad siyang napa-tingin sa phone niya. “There you are,” he said tapos may ngiti na naman sa mukha niya. “How was your day? Ready for the exams?”

Hindi ako nagsalita. Bakit ba ako napipikon sa kanya ngayon e wala naman siyang ginagawa sa akin? Sanay naman ako na ganito kami mag-usap—mas malala pa nga ata dati.

“Pagod ka na ba mag-aral? I can hangup the call para makapagpahinga ka na.”

“Excited ka na ba na tapusin ’tong tawag?”

Agad siyang napa-tingin sa cellphone niya ulit. “What?” sabi niya na naka-kunot iyong noo. “Okay ka lang ba o na-sobrahan ka sa aral? May sakit ka ba ulit?”

“Wala. Sige na, bye na.”

“Come on… It’s been a long day at work,” sabi niya sa akin na patingin-tingin pa rin habang nagda-drive. Nang huminto ulit siya dahil siguro red light, humarap siya sa akin. “What’s the problem?” tanong niya na mas seryoso iyong tono. Pakiramdam ko tuloy bigla e client niya ako tapos abogado ko siya.

Hindi ako makapagsalita kasi ’di ko rin alam kung ano ang isasagot ko. ’Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya ’yon kasi mas lalo lang akong magmumukhang tanga.

“Gusto mo bang puntahan kita?”

Agad akong umiling. “Pagod lang ako,” sabi ko kasi alam ko na pupuntahan talaga ako nito kahit gaano pa ka-traffic dito sa Maynila.

He gave a slight nod. “Sleep early.”

Kumunot na naman ang noo ko. “Ayaw mo ba akong kausap?” diretsong tanong ko na kasi kanina, niloloko ko lang naman siya na nagtetext siya ng office hours tapos ’di na nga ako nireplyan. Tapos kanina sabi ibababa iyong tawag at mag-isip-isip muna ako. Tapos ngayon e pinapa-tulog agad ako.

“You know that I want to talk to you,” sabi niya sa akin. Natapos na ata iyong red light. Naka-tingin na ulit siya sa kalsada tapos maya-maya ay nakita ko na pumunta siya sa gas station ata iyon tapos nagpark muna siya sa gilid. “Is it because of earlier?” tanong niya sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya pero hindi ako nagdeny.

“Sunud-sunod iyong dating ng tao tapos ang dami kong inattend-an na cross kanina. Nagka-migraine na ako sa dami ng kinabisado kong facts saka provisions,” sabi niya sa akin. “Besides, may exams ka,” dugtong niya. Kinuha niya iyong cellphone mula roon sa holder tapos hinawakan niya iyon gamit iyong dalawang kamay niya. “Look,” he said, “As much as I want to spend time with you and bask myself in your sarcasm, may trabaho ako at may school ka. We just both have to understand that we have separate priorities in life, but at the same time, of course I’d be delighted to spend all my free time with you.”

Ayan na naman siya sa kaka-ibang tono niya. Malayong-malayo doon sa tono niya kapag clients iyong kausap niya.

“I don’t think you’d like me very much kung wala akong kwenta sa trabaho ko at pariwara lang ako,” he said confidently.

“Kapal talaga ng mukha mo sa ‘you like me very much.’ “

Humalakhak siya. Finally! Kasi kakaiba talaga kapag seryoso siya. Parang hindi ko kayang mag-joke kasi parang talagang pupuntahan niya ako rito sa bahay namin sa QC kahit gaano pa ka-traffic—basta after office hours kasi tagapag-mana pala nga Department of Justidce ’tong taong ’to.

“Well, I mean, I’m right,” sabi niya.

“Kapal ng mukha.”

“Then deny it.”

“Tsk.”

Humalakhak siya ulit. “So… ready for the exams?”

“Oo na hindi,” sabi ko.

“You’ll be fine. You did the work.”

“Naks… nakaka-panibago kaysa sa sinasabi mo dati sa akin na ’di ako nag-aaral.”

“Yeah… you were very questionable back then kasi parang kahit ikaw, nagugulat na hindi ka pa-kicked out sa school,” sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin. Tumawa lang siya. “Just answer responsively—sagutin mo lang kung ano iyong tanong kung alam mo ’yung sagot. Kapag hindi ka sigurado sa sagot, that’s when you argue for your answer.”

“Ganyan ka ba magsagot?”

He nodded. “When I know the answer, very straightforward mga sagot ko,” sabi niya sa akin. “When I’m not completely certain, mahahaba iyong sagot ko. That’s the beauty of law—even when you don’t know the answer, you can argue your way out of it.”

“Kaya pala ang hirap mo kausap kasi kahit alam mo na hindi na tama, ipipilit mo pa rin ang sarili mo.”

“I disagree. I actually know when to accept defeat.”

“See? Nag-disagree ka pa rin.”

“Bakit? Mas gusto mo ba ’yung lagi kang pinagbibigyan?”

I shrugged. “Once in a while.”

“Okay,” he said, slowly nodding his head. “You can have Mondays and Fridays.”

Napaawang ang labi ko. “So, kapag Mondays at Fridays lang ako pwede maging tama?”

He shrugged. “You can always be right on the other days—you just have to argue better than me.”

“Unfair! Abogado ka na.”

“I don’t make the rules,” he said so smugly.

Hirap talaga kausap nitong taong ’to.

“Tss. Fine. Whatever. Sige na, magdrive ka na.”

“Saan ako pupunta?” he asked at kumunot ang noo ko sa tanong niya. “Do I go home or do I swing by to your subdivision?”

“Di ka ba nagpapagod magdrive papunta dito? Ang traffic kaya.”

“It is tiresome,” he replied. “But as I have said, I’d love to spend all my free time with you.”

Tangina talaga ng taong ’to. Nung nagpasabog ng kalandian, may dala-dalang batya ang taong ’to.

“Ewan ko sa ’yo.”

Humalakhak siyang muli. “But seriously… go study. You’ll see me after your midterms.”

“Feeling mo talaga gustung-gusto kita makita.”

Tumango siya. “I mean, hindi nga lang kita ma-replyan agad, nagagalit ka na. Safe to assume na gusto mo akong makita.”

“Ang kapal ng mukha mo.”

“See? No denial once again.”

Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil ang hirap talaga manalo sa usapan sa isang ’to.

“I’m gonna be real serious kaya ’wag mo akong pagtrip-an, okay?” sabi niya sa akin. Hindi ako nagsalita pero naka-tingin lang din ako sa kanya. “I like you. I like you a lot. But I also like my job. There are times na hindi kita marereplyan agad and that’s not because I don’t want to talk to you. Assume always that I’m dying to talk to you, but I have other responsibilities that demand my attention first. If you have a problem with me, I prefer that you tell it to me straight so that we can avoid miscommunication.”

Halos mapaawang iyong labi ko sa lahat ng pinagsasabi niya. Ang… straightforward naman nito!

“Do we have a deal?” sabi niya nang ilang segundo na pero hindi pa rin ako nakakapagsalita.

“Parang dati ’di naman ganyan ginagawa mo… Siguro nung nakita mo kami ni Niko, nagselos ka, noh? Tapos ’di mo naman ako pinansin.”

“Yes,” diretsong sabi niya, “But in my defense, I still didn’t know kung gusto mo rin ba ako o hindi. All I can do was sulk and drown myself in work para matigil ako sa kaka-isip sa ’yo.”

Tangina nito talaga.

“Siguradong-sigurado ka na na may gusto ako sa ’yo?”

“Yes,” sabi niya, “But I prefer to ask you that question in person,” he continued. “So that I can finally kiss you after you say yes. “

Agad na nanlaki iyong mga mata ko. Grabe naman ’to kausap! Alam ko sinabi niya na straightfoward at free na siya ngayon magsalita sa harap ko, pero grabe naman ’to!

“So, go study. You’ll see me as soon as you finish your exam.”

“Weh? Pupuntahan mo ako sa school?”

“Napupuntahan nga kita sa QC, sa Brent pa kaya?”

“Yabang.”

“May pambayad lang ng gas.”

“Ewan ko sa ’yo.”

Humalakhak siya ulit. “Saturday, 7:30PM ’yung tapos ng exam mo, ’di ba?”

“Bakit mo alam?”

“Sinend mo kaya sa akin ’yung exam schedule mo dati.”

“Ah… Akala ko grabe na pagkaka-gusto mo sa akin na chineck mo na ’yung website ng school ko.”

“You wish.”

“Sus… ’Di malabong mangyari.”

Napailing na lang siya sa akin tapos nakita ko na nagsimula na siyang magdrive. “Wag mo ako masyadong isipin kapag nag-e-exam ka. Baka magtaka prof mo na puro Achilles ang naka-lagay sa exam mo.”

“Kapal talaga ng pagmumukha mo.”

“Again, I hear no denial.”

“Tss. Sige na. Matutulog na ako.”

“Okay,” sabi niya sa akin. “I’ll text you when I get home.”

“Okay.”

“Good night, Mau,” sabi niya sa akin. “Wag kang kabahan sa exam—tanggap kita kahit ganyan ka,” dugtong niya at saka pinatay iyong tawag bago ko pa siya maaway sa mga katangahan na pinagsasabi niya. Pambihira talaga ’yong taong ’yon! 

**

This story is already at Chapter 20 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 18

Chapter 18

Unang exam namin iyong Oblicon at nanlalamig iyong buong pagkatao ko dahil naka-sagot ako… Usually kapag ganyan na naka-sagot ako, nagkaka-gulatan na lang talaga kapag nakita ko na iyong score ko.

“What the fuck was that!” sabi ni Niko nang maka-labas siya sa classroom. Tumingin siya kila Sancho na nagkibit-balikat lang. “Fuck you,” sabi ni Niko tapos tumingin sa akin. “It was hard, right?”

Naka-tingin sa akin si Niko na para bang naghahanap siya ng kakampi kaya naman tumango ako at sinabi na mahirap iyong exam. Aba, mamaya sabihin ko na naka-sagot ako tapos lowest pala ako sa klase namin! Si Sancho naman kasi ay magaling talaga sa klase kaya hindi nakaka-bigla na nadalian siya. Ako ay isang hamak na normal na estudyante lamang.

Nang magsimula ng maglabasan iyong ibang mga estudyante, nagmadali na akong lumabas ng school. Alam ko kasi na may iba d’yan ang magdidiscuss ng sagot nila sa exam. Mamaya e ma-stress pa ako kapag sobrang layo ng sagot ko sa sagot nila—ma-badtrip pa ako kay Atty. Marroquin dahil baka mali-mali ang tinuro niya sa ’kin.

Hindi ako nakinig ng music o kung anuman habang pauwi ako. Gusto ko lang manahimik sandali dahil napagod talaga ako sa exam. Kaya dumiretso na rin ako sa 711 para maghanap ng kakainin para pag-uwi ko ay diretso na ako sa kwarto.

“Kamusta ang exam?” tanong ni Papa nang maabutan ko siya sa sala. Weird dahil usually ay tulog na siya ng ganitong oras.

“Okay naman po,” sagot ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng maliit na tango. “Nagcommute ka pauwi?” tanong niya kaya tumango ako. Nasa casa pa rin iyong sasakyan ko. At this point, kailangan na nila akong bigyan siguro ng temporary na sasakyan dahil pagod na pagod na akong magcommute. “Ano’ng oras tapos ng exam mo?”

“7:30,” sagot ko.

“Sunduin na kita.”

Kumunot iyong noo ko. “Di ba hanggang 5 lang work mo?”

Tumango ulit si Papa. “Hintayin na kita para ’di ka na mapagod sa commute pauwi.”

“Okay po…” sabi ko kahit medyo nagtataka ako. O baka naramdaman niya na iyong pagod ko kasi pagkatapos ng mahabang exam, ang last na gusto kong gawin ay mahirapan pa sa commute. Pwede na rin. Tulugan ko na lang si Papa sa byahe.

Buti na lang at hindi niya na pinansin iyong hawak kong paperbag kaya naka-akyat na ako sa wakas. Naligo muna ako tapos ay naupo ako sa may study chair ko. Binuksan ko iyong laptop saka automatic na naghanap ng sitcom na papanoorin habang kumakain.

’Di ko alam kung bakit biglang bumilis tibok ng puso ko nung magnotify na may pumasok na message tapos nakita ko iyong AVM doon sa notif.

‘Day 1 done. Pahinga ka na.’

Binitawan ko muna iyong noodles kahit kanina pa ako takam na takam habang hinihintay ko na maluto.

‘Di mo tatanungin kung nakasagot ako?’

‘No. I don’t want to dwell on negativity.’

‘Wala ka talagang bilib sa akin tsk.’

‘Of course meron. Ang talino nung nagturo sa yo.’

‘Hanggang dito sa QC ramdam yung hangin mo.’

‘Just being honest.’

Ang yabang talaga ng tao na ’to—pasalamat siya at matalino talaga siya at magaling magturo kaya hindi nakaka-hiya kapag ganitong nagyayabang siya.

‘Nagrereview ka ba? Pahinga ka muna.’

‘Yup. Netflix plus creamy seafood cup noodles saka siopao.’

‘Ano bang meron sa siopao at gustung-gusto mo?’

‘Masarap kaya saka idk comfort food ko na ata kasi ito lagi ko kinakain kapag bokya sa recit’

‘Di ka ba natatakot magkasakit sa dami ng siopao na kinakain mo?’

‘Ha-ha’ sagot ko sa kanya kasi iniimply niya na lagi akong bokya kaya lagi akong kumakain ng siopai. Tsk. Fluent na ata ako sa Achilles V. Marroquin language.

‘May lakad ka ba pagkatapos ng exam mo?’

‘Lakad? San naman ako pupunta?’ sagot ko sa kanya. Kasi ang plano ko talaga once na matapos ’tong exam week ay matulog. Last sem din ay iyon ang ginawa ko. Alam ko na nag-iinuman iyong mga ka-block ko after ng exam kaso mas interesado akong matulog. Besides, okay naman mga classmate ko kasi ’di lang kami pareho ng trip. Si Assia na pinaka-kasundo ko kaso weird naman mag-inuman kaming dalawa. Parang may mali.

‘Walang after exam inuman?’

‘Meron.’

‘Di ka invited?’

Siguro masyado na kaming madalas magka-usap kaya kahit sa text, alam ko na kung ano ang itsura niya kapag sinasabi niya ’yon. At dahil kilala ko na rin siya, alam ko na binu-bwisit niya lang ako talaga. Kung ’di ko ka-close ang nagsabi nito, mas nakaka-irita kasi pakielam mo ba kung ano ang gusto kong gawin after ng exam week.

‘Alam mo, kung gusto mo akong ayain after exam week, sabihin mo na lang agad.’

Napa-iling na lang ako habang kinakagat ko iyong siopao ko.

‘Haha just checking.’

‘Why’

‘Baka may lakad ka kasama block mo.’

‘E kung meron, ano gagawin mo?’

‘E di pagkatapos nila, ako naman.’

Daming alam.

‘Di ka magdedemand na ikaw muna?’

‘Why? Do you want me to be demanding?’

Kairita ampota. Alam na alam ko kung ano itsura niya kapag sinabi niya ’yan. Naka-tingin siya nang dirteso sa akin tapos bahagyang naka-arko iyong kilay niya na para bang hinahamon niya ako. Alam ko na galawan ng taong ’to.

‘Ewan ko sa yo,’ sagot ko sa kanya kasi masamang hamunin ’tong si Atty. Marroquin. Ginawang kapitbahay niya lang iyong QC. Palibasa maraming pampa-gas.

‘Haha no, seriously, I’m asking kung may lakad ka ba kasama block mo after ng exam.’

‘Wala. Matutulog lang ako after.’

‘Oh okay.’

‘Bakit mo natanong?’

‘Kasi kung may lakad ka kasama sila, I’ll ask for another date when you’re free.’

‘Weh?’

‘Yes. I want to see you asap of course, but friends in law school is as important.’

‘Okay naman sila.’

‘Wala kang core group?’

‘As in close friends? Wala. Busy ako sa trabaho.’

Nakita ko na nagtype siya tapos bigla niyang hininto. Naghintay ako na magtype ulit siya pero dalawang minuto na iyong lumipas tapos wala pa rin siyang nata-type.

‘I mean gusto ko naman magka-close friends syempre pero di ko ka-vibes mga tao sa brent.’

Ewan ko ba. Siguro dapat siniksik ko na lang iyong sarili ko sa SCA dahil pakiramdam ko mas makaka-sundo ko iyong mga tao don. Sabi kasi ni Papa, either SCA o Brent lang ako mag-aral kasi ’yan ’yung top 2 performing law school sa Pilipinas. Bago ako nagdecide, nagtanong-tanong muna ako kung ano ba pinagka-iba nung dalawang school. Sabi sa akin e sobrang seryoso daw sa acads nung mga tiga-SCA (no no surprise kasi almost 100% passing rate sila lagi). Sa Brent naman, okay din passing rate nila pero known kasi ’to as party school at petiks mga tao. Feeling ko mas bagay ako dito dahil petiks ako. Mali pala ako dahil ’di ako maka-relate sa kanya. Kaya si Assia lang din nakaka-usap ko dahil siya lang ata normal na tao sa school na ’to.

‘Have you tried na sumama sa kanila kapag may dinner or inuman?’

‘Busy nga sa work.’

‘Usually after class naman.’

‘Pagod na ako kaya gusto ko na umuwi agad.’

‘I understand.’

‘Important ba na may friends ako na close?’ tanong ko sa kanya tapos binasa ko ulit iyong text ko. ‘Di ako galit. Nagtatanong lang talaga,’ dugtong ko kasi feeling ko galit iyong tono nung text ko kahit nagtatanong lang talaga ako. ’Di ko kasi sigurado kung katulad ko si Atty. Marroquin. Kasi ako parang kabisado ko na iyong tono niya kahit sa text. Hindi ko alam kung ganon din siya sa akin.

‘Yeah I know.’

‘Alam mo na nagtatanong lang ako?’

‘Yes,’ he replied. ‘I always will assume that we’re good until you tell me na may problema.’

‘Weh?’

‘Yes.’

‘Di ka talaga overthinker?’

‘Overthinking only exists when there’s uncertainty. I’m certain about us, so no room for overthinking.’

Pota talaga ’to.

‘But to answer your problem, I think it’s important to have a good support system in law school. It will help a lot.’

‘Ay akala ko ikaw support system ko.’

Nanlaki iyong mga mata ko nang ma-realize ko kung ano iyong sinend ko sa kanya.

At mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong makita na tinatawagan niya na naman ako sa FaceTime.

“Ano?” sabi ko nang sagutin ko iyong tawag niya pero tinakpan ko iyon.

“Let me see you.”

Ang daming alam! Ilan kaya naging girlfriend… o boyfriend ng taong ’to? Gay ba siya o bi? Ang dami ko biglang tanong! Pero hindi ngayon ang tamang panahon dahil may exams ako na dapat pagtuunan ng pansin. Mahal ang tuition—repeat one hundred times.

“Wag na,” sabi ko.“Bakit ka tumawag?”

“Five minutes lang and then I’ll end this call,” sabi niya sa akin. “You need to focus on your review.”

“I know. Kaya nga bakit ka tumatawag.”

“Let’s stop pretending that you’re some innocent child na hindi alam na tatawag ako kapag ganon ang sinabi mo.”

“Excuse me?”

“ Akala ko ikaw ang support system ko, “ sabi niya na ginagaya pa iyong tono ko. Tinanggal ko na iyong daliri ko doon sa may camera para makita niya kung gaano naka-kunot iyong noo ko. Bigla siyang tumawa. “Hello,” he said, looking delighted with himself because he managed to get me to show my face on camera.

Tsk.

“So, do you have plans with your blockmates o matutulog ka o gusto mo akong makita after exams?”

I shrugged. “Pag-iisipan ko pa,” I replied. “Pero baka sumama ako kung may gala with classmates.”

Tumango siya. “Okay.”

“Di mo nga idedemand na ikaw kasama ko?”

Umiling siya. “Meron pa namang bukas,” he replied. “Besides, I already told you that you need to have friends in law school.”

“Meron naman kaya lang nakaka-tamad sumama sa mga gala nila kasi mas gusto ko magpahinga saka magastos.”

“Nanghihingi ka na naman ng Gcash?”

“Tsk. Hirap naman ka-bonding nito,” sabi ko.

Tumawa siya sandali. “Just tell me what you want to do and I’ll adjust plans accordingly.”

Kumunot ang noo ko. “May plan?”

Tumango siya. “Yes, of course.”

“Pwede kong malaman?”

“Baka ma-excite ka at hindi makapagfocus sa exam.”

“Tss… baka wala talagang plano.”

“You can’t taunt me—doesn’t work on me.”

“Talaga? What if kasama ko si Niko bukas?”

He shrugged. “I already know that you like me very much—I won’t be that worried with him.”

“Kapal talaga ng mukha mo, noh?”

Tumango siya. “Kasalanan mo rin—you never corrected me kapag sinasabi ko na patay na patay ka sa ’kin.”

“Kanina may gusto lang ako sa ’yo. Ngayon, patay na patay na ako? Abogado ka talaga.”

Nag-usap pa kami pero na-weirduhan lang ako kasi ang bait niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy e mamamatay na siya kasi ang bait niya bigla. Ganito kasi ako kapag may usually masama ugali tapos bumabait—feeling ko pangitain.

“What?” sabi niya nang titigan ko siya.

“Wala… weird lang. Ang bait mo ngayon.”

“Masama ba ugali ko?”

“Minsan.”

Natawa siya. “Fair enough,” he replied. “It has been a long day,” he continued. “No energy to be mean.”

“Ano nangyari?” I asked him and for the first time, nagkwento siya sa akin tungkol sa nangyari sa araw niya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Kahit na nakikinig lang ako, ramdam na ramdam ko iyong pagod niya. Ang dami nga pala talagang nangyari sa araw niya. Kung ako ’yon, baka kanina pa ako tulog sa sobrang pagod.

“Kumain ka na?” tanong ko sa kanya kasi ’di ko alam kung ano ang sasabihin. ’Di talaga ako magaling magcomfort. Naiilang ako. Kahit kay Mauve kapag may sasabihin na comforting ’yon, binabara ko na lang para ’di nakaka-ilang.

Umiling siya. “No energy to cook.”

“Wala ka bang instant noodles d’yan?”

Umiling siya. “Hindi ako kumakain ng ganon,” sabi niya. “Sorry. It’s been ten minutes. I’ll end the call para makapagreview ka na.”

“Okay…” sabi ko.

He looked at me na para bang nasa harapan ko siya at wala sa FaceTime. “You did good today. Pahinga ka na. Bukas ka na ulit magreview.”

Bahagya akong tumango bago pinatay iyong tawag. Mabilis akong pumunta sa GrabFood at nagtype doon ng healthy meals. Ang unang pumasok sa isip ko ay bakit ang mahal maging healthy?! Mas mura bumili ng fastfood talaga. Pero pikit mata na akong umorder ng salmon at saka salad. Isang araw ko na na sweldo ’to.

‘Wag ka muna matulog.’

‘Antok na ko.’

‘Thirty minutes lang,’ sabi ko pagkatingin ko sa may restaurant. Preparing naman na ‘yung pagkain.’

‘Bakit? Pupunta ka ba dito? Wag na. Busy ka sa review.’

‘Feelingero ka talaga.’

‘Haha e bakit bawal ako matulog pa?’

‘Basta.’

‘Fine. Ikaw. Matulog ka na.’

‘Kumakain pa ako.’

‘You and siopao.’

‘Yes. It’s me and my siopao against the world.’

Nagsabi si Atty. Marroquin na may babasahin lang daw. Nanood naman ako ng Netflix habang nag-e-enjoy sa pagkain ko. Ito ata ang kakainin ko sa mga susunod na araw dahil ang mahal nung inorder ko na pagkain para sa kanya.

After a while, napa-tingin ako sa phone ko dahil nagvibrate iyon. Akala ko ay may text si Atty. Marroquin pero bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ko na voice note iyon.

“Thank you for the food. You didn’t have to. Okay na sa ’kin na willing kang makinig sa nangyari sa araw ko. I really appreciate it, Mauro. Good luck on your exams. I can’t wait to see you.”

Fuck.

Gusto ko na ring matapos iyong exam. 

**

This story is already at Chapter 21 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 19

Chapter 19

“Kamusta ang exam?” sabi ni Papa sa akin nang sunduin niya ako pagkatapos nung Consti exam.

I shrugged. “Mahirap po,” sagot ko.

Pakiramdam ko naman ay naka-sagot ako, pero ayoko lang sabihin sa kanya ’yon. Expectation causes disappointment talaga madalas. I mean, kahit naman ako ang nagbabayad ng tuition ko, alam ko naman na may expectation pa rin iyong parents ko sa akin.

Basta gagawin ko na lang iyong best ko para kung anuman ang mangyari, wala akong pagsisisihan.

Tss. Ramdam na ramdam ko talaga iyong influence ni Atty. Marroquin sa buhay ko. Dati naman e yolo lang ang motto ko. Kailan pa ako natuto na ‘gawin ang best ko?’ Parang dati e masaya na ako kapag naka-sagot ako sa recit kahit alam ko na hindi ganoong ka-sakto iyong mga sagot ko.

“Sa Sabado na ang huling exam mo?” Tumango ako. “Gusto mong magdinner tayo nila Mama mo?”

Napa-tingin ako sa kanya na naka-kunot ang noo. Ang weird dahil hindi naman kami iyong tipo ng pamilya na nagpa-plano ng dinner sa labas. Usually sa bahay lang talaga kami… Tapos iyong pamilya namin na hindi naman talaga close in the first place, mas lalo pang naging malayo dahil sa ginawa nila kay Mauve.

“May sakit ka ba, Pa?” I asked kasi naninibago ako sa kanya.

Kumunot ang noo niya. “Ano? San mo nakuha ’yan?”

I shrugged. “Nag-aaya ka kasi ng dinner…”

“Masama ba?”

“Hindi naman.”

Bahagya siyang tumango. Tahimik lang kasi si Papa. Ewan ko kung paano siya sa trabaho kasi kahit minsan hindi pa ako nakaka-punta sa trabaho niya. Delikado daw kasi kaya ayaw niya talaga na pumupunta kami roon. Kaya nga nung sinabi ko na mag-aabogado ako, kinausap agad ako ni Papa na basta ’wag daw sa criminal law o kaya ’wag ako sa gobyerno kagaya nung sa PAO o kaya sa Prosecutor kasi delikado talaga. Gusto ata ni Papa e magnotaryo na lang ako.

“Bakit? May gagawin ka na ba pagkatapos nung exam?”

Natigilan ako. Tumingin ako kay Papa. Bigla niya na akong sinusundo sa school tapos ngayon ay nag-aaya siya ng dinner…

“Wala naman po,” sagot ko.

Tahimik lang ako buong byahe pauwi. Hindi ko alam kung mapaghinala lang ba ako o ano… pero may iba sa pakiramdam ko. Nakita ba nila ako kasama si Atty. Marroquin? May nakapagsabi ba sa kanya na nakita kaming dalawa? Pero wala naman kaming ginagawang masama. Kapag nasa labas kaming dalawa, nag-uusap lang naman kami parehas o kumakain.

Alam kaya nila Papa?

Kaya ba biglang parang bantay-sarado siya sa akin?

Pagdating ko sa bahay e nagsabi ako na sa kwarto na agad ako dahil pagod na ako. Naramdaman ko iyong pagva-vibrate ng cellphone ko at napa-tingin ako doon.

‘Last two exams.’

Agad kong pinalitan iyong pangalan niya sa phone ko mula AVM at ginawa kong GLOBE. Binago ko rin iyong notification ko at saka tinanggal ko iyong message preview na option.

Ewan ko.

Alam ko naman na walang masama na magka-gusto ako sa kapwa ko lalaki pero ayoko lang ng problema kila Mama ngayon. Saka masyado pang maaga. Ayoko pang isipin.

‘Wala na akong braincells,’ sagot ko sa kanya.

I knew it’s unfair na binago ko iyong pangalan niya saka wala naman siyang kasalanan. It’s my own problem and I’ll deal with it on my own. Besides, sabi naman ni Mauve na nandyan siya para sa akin. Somehow, that lightened the load. Basta alam ko na at the end of the day, nandyan iyong kapatid ko para sa akin.

’Matagal naman ng paubos ‘yon.’

Natawa ako.

Bakit ba kasi big deal kung kanino ako magkaka-gusto? Marami na akong nakilalang babae. Hindi ko naman sila nagustuhan. Marami din akong kilalang lalaki. Hindi ko sila nagustuhan.

Gusto ko si Achilles V. Marroquin.

Period.

‘Napaka-supportive mo talagang tao. Nakaka-touch.’

‘Haha you’re welcome. Pero tapos ka na sa Obli, right? The worse is over.’

‘Sana nakasagot ako.’

‘Just argue to the best of your ability. That prof will know kapag nag-aral ka naman.’

‘Pano mo nalaman? Naging prof ka na ba?’

‘Hindi. Walang oras.’

‘Sayang. Masama ugali mo pero in fairness magaling kang magturo.’

‘Thank you?’

‘You’re welcome.’

Hanggang antukin ako ay magka-usap lang kami ni Atty. Marroquin sa text. May binabasa daw kasi siya na document kaya ’di niya ako pwedeng tawagan—as if naman nagdedemand ako na tawagan niya ako. Medyo makapal din talaga ang mukha nung isang ’yon.

“May dinner daw tayo after exam mo?” Mauve asked nang magkita kami sa kusina nung naghahanap ako ng kakainin.

I shrugged. “Nag-aya si Papa bigla.”

Kumunot iyong noo niya. Kabisado ko na ata si Mauve kaya alam ko na naisip niya rin iyong naisip ko. Hindi naman kasi talaga si Papa iyong tipo na nag-aaya ng dinner kaya nakakapagtaka talaga.

“Tingin mo ba…” she asked, not finishing her question.

“Baka.”

Bahagya siyang tumango. “Ano’ng gusto mong mangyari?”

“Hindi ko alam,” sagot ko sa kanya. “Ayoko munang isipin.”

Mahigit isang buwan ko pa lang kilala si Atty. Marroquin. Ang bilis pero parang hindi din. Ang hirap ipaliwanag. Basta ayoko munang isipin siya. Alam ko kasi na kapag nalaman na nila Papa, magkaka-gulo lang lahat. Kasi kahit pagkatapos nung nangyari kay Mauve, parang wala namang nagbago sa kanila. Hindi nila tinanggap si Mauve—more of they just tolerate dahil anak pa rin nila si Mauve.

Magiging sobrang magulo lang.

I just wanted to maintain the peace for as long as I could.

“Okay,” she replied. “So… tuloy ’yung dinner?”

Tumango ako. “Para lang matapos na.”

“Bakit? May iba ka bang lakad?” I just shrugged pero basa agad ako nitong si Mauve. “Sabihin ko kila Papa na may exam ako kaya i-move na lang sa Sunday.”

Kumunot ako. “Bakit?”

“Para makapagdate kayo,” she said.

“Date mo mukha mo.”

Umirap siya. “You’re welcome,” she sarcastically said tapos ay nagluto na lang kaming dalawa ng pancit canton at fried egg para sa midnight study snack namin.


Sinundo lang ako ni Papa sa school pagkatapos nung exam. Sinabi na rin ni Mauve na sa Sunday na lang dahil may exam siya ng Saturday. Pumayag na sila Papa. Pakiramdam ko ay may guilt din kasi sila na nararamdaman sa mga ginawa nila kay Mauve ngayon. Para bang nagtatalo iyong religion saka the fact na anak nila si Mauve kaya ganon. May inner crisis iyong mga magulang namin.

Napa-kunot iyong noo ko nang magnotify na may text ako mula sa GLOBE. Hindi pa rin ako sanay na GLOBE iyong pangalan niya. Minsan nga ’di ko siya narereplyan dahil akala ko e random message lang mula sa Globe.

‘May lakad ka ba kasama block mo mamaya?’

‘May dinner lang then inom tapos iyong iba balak magpunta ng La Union. Daming plano pero iba-ibang group e.’

‘San ka sasama?’

‘Sa yo.’

‘Nasa trabaho ako.’

‘So?’

‘Can’t call.’

‘Wala naman akong sinasabi na tumawag ka.’

‘Yeah right.’

‘Nag-aaral kaya ako.’

‘Fine fine,’ sabi niya sa ’kin. ‘Di ka nga sasama sa block mo?’

‘Dinner lang.’

‘Di ka sasama sa inom?’

‘Di ko sure pero baka sumama ako pero sandali lang.’

’Okay,“ sagot niya. ‘Text me kapag tapos ka na sa kanila. Sunduin kita.’

‘San mo ko dadalin?’

‘May curfew ka ba?’

‘Wala naman,’ sabi ko sa kanya. Sasabihin ko na lang kila Papa na sumama ako sa block ko—na totoo naman dahil sasama naman talaga ako sa dinner. Maggrab na lang ako pauwi. Ewan ko ba. Bigla akong na-paranoid.

‘Pwede ba sa condo mo na lang?’

Baka kasi may makakita sa amin kapag nasa labas kami.

‘I mean gusto ko lang magchill ganon,’ dugtong ko. Ayoko siya ma-offend o kung anuman. Ayoko lang kasi muna intindihin ’yon.

‘Okay,’ sagot niya. ‘We can just chill in the balcony.’

‘Hindi mo naman ako ihuhulog don noh?’

‘If I want to kill you, there are other ways that I can do it para hindi ako makulong.’

‘So pinag-isipan mo na nga na patayin ako???’

‘Not you in particular, pero kapag may client ako sa homicide, minsan naiisip ko kung paano. Brain exercise lang.’

‘NBI iyong tatay ko. Di ka makakatakas.’

Tapos nag-usap lang kami tungkol sa kung paano niya ako pwedeng patayin na makaka-takas siya. Hayop talaga mga topic nito, e. Saka kinabahan ako sa kanya kasi ang dami nga palang way na pwede niya akong dispatsahin!

“San nga kayo ng mga kaklase mo?” Papa asked nang ihatid niya ako papunta sa Brent.

“Di ko pa po alam,” sagot ko kasi hindi ko pa naman talaga alam kung saan.

Bahagya siyang tumango. “Text mo ko kung nasaan ka. Sunduin kita.”

“Wag na po. Grab na lang ako. Baka kung anong oras na, e,” sabi ko tapos buti na lang nasa Brent na kami kaya tinanggal ko na iyong seatbelt saka lumabas na agad ako ng sasakyan.

Alam na nga ata ni Papa.

Pinilit ko iyong sarili ko na hindi na isipin iyon at magfocus sa huling exam ko. Hindi ako makapagfocus sa binabasa ko. Mabuti na lang katabi ko sila Assia tapos nirereview niya si Niko. Nakikinig na lang ako sa kanila para iyon na iyong review ko.

Maaga akong natapos sa exam. Kinakabahan na naman ako kasi nakakakaba talaga kapag isa ka sa mga naunang matapos—either sobrang galing mo na alam mo talaga lahat o bobo ka na hindi naintindihan iyong mga tanong o kaya naman give up ka na lang kasi wala talagang mailalabas iyong utak mo.

Tss. Bahala na nga. Makapagtext na nga lang sa GLOBE.

‘Tapos na ko sa wakas!’

‘Congrats. Aga mong natapos.’

‘Oo nga e. Kabado.’

‘Nagdouble check ka?’

‘Yup.’

‘Okay. Congrats ulit. Finals na next.’

‘Epal. Wag mo ipaalala. Gusto ko muna magrelax.’

‘Haha you deserve it. Sama ka muna sa classmates mo. Text me kung ano gusto mong gawin.’

‘Oks. Paano kapag nagenjoy ako kasama sila?’

‘Then stay with them. We can meet tomorrow or some other day.’

‘Di ka excited makita ako?’

‘Haha why are you fishing for compliment?’ he messaged. ‘Also, of course I want to see you. Hindi lang ako nagmamadali because I’m here and I’m not going anywhere.’

Tangina talaga nito. Hindi lang valedictorian but best in kalandian din, e!

Sumama ako sa dinner ng block ko. Nagtext din ako kay Papa kung saan kami nagdinner pero hindi ko na sinabi sa kanya kung saan kami uminom kasi baka sundan ako. Napa-praning na ata ako.

Tinignan ko muna kung mag-e-enjoy ako sa inuman. Okay naman siya kaso may iba ako na gustong puntahan.

“Here.”

Napa-kunot ang noo ko nang may iabot si Atty. Marroquin na paperbag sa akin nang maka-pasok ako sa sasakyan niya. Binuksan ko iyon at mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ko na may siopao doon.

“Your comfort food,” he said nang tumingin ako sa kanya na nagtataka dahil bakit niya ako bibigyan ng siopao e kaka-galing ko lang sa dinner?

Natawa ako. “Thank you,” sabi ko na natatawa.

He shrugged and then started driving. Gabi na rin kaya wala ng heavy traffic. Naka-rating kami sa condo niya tapos dumiretso na kami sa unit niya. Ang bango talaga ng condo niya na kahit sa hallway ata e may diffuser.

Pagpasok namin sa loob, inabutan ako ni Atty. Marroquin ng house slippers.

“Bago ba ’to?” I asked kasi sobrang linis pa nung binigay niya sa ’kin. Tumango siya. “Naks… Ano next? Bibigyan mo ako ng sarili kong toothbrush?”

He slightly arched his brow. “Bakit? Mag-o-overnight ka ba?”

I scoffed. “Asa ka pa,” sabi ko saka naglakad palayo kasi baka mamaya e biglang dito na nga ako matulog. May sa maligno kasi ata ’tong si Atty. Marroquin kaya kung anu-ano nagagawa ko na hindi ko naman normally ginagawa.

Binaba ko iyong bag ko sa may upuan sa dining niya. Tapos dumiretso kami doon sa balcony niya. Napaawang iyong labi ko nang makita ko na inayos niya pala iyon. Akala ko tipong tatambay lang kami doon at saka naka-tingin sa mga sasakyan na dumadaan… but wow… Nag-effort pa talaga siya. May dalawang wine glass doon saka charcuterie board.

Napa-tingin ako sa loob ng condo niya nang bigla akong may marinig na tugtog. Nakita ko si Atty. Marroquin na naka-tayo roon malapit sa may vinyl player. He was playing some jazz music. Grabe… nakaka-relax. Ito lang naman ang gusto kong gawin after a long week of taking exams after exams.

“Okay lang ba iyong jazz?” he asked. “May iba pa namang choice.”

“May collection ka ng vinyl?”

Tumango siya. “Di naman ganon karami,” he replied. “Gusto mong makita?”

He had a whole shelf na puro vinyl lang. Pakiramdam ko maganda iyong taste niya kasi hindi pamilyar sa akin karamihan sa mga records niya. Ako kasi unground rap music ata ang gusto ko. I mean, nakikinig naman ako sa kahit ano basta trip ko. Hindi lang ako jazzy na tao. Minsan lang siguro pero depende sa mood.

“What?” he asked dahil natawa ako dahil nakita ko na nagcocollect din pala siya ng Lego.

Umiling ako. “Wala,” sabi ko. “Di lang halata na nagcocollect ka ng Lego.”

“I have different interests,” sabi niya sa akin. “Ikaw? Ano ba’ng hobby mo bukod sa pumunta sa 711 at bumili ng siopao?”

Sinamaan ko siya ng tingin. Hater talaga ’to ng siopao.

“Manood ng series.”

“Anything else?”

I shrugged. “Wala masyado. Busy din kasi talaga ako. No time to explore hobbies.”

He gave a slow nod. Tinignan ko iyong mga Lego niya. Hindi naman siya ganoon kadami pero feeling ko mahal kasi limited edition karamihan sa kanila.

Then we proceeded to the balcony.

Ang saya.

Ang tahimik.

Ganito lang iyong gusto ko.

“Cheers to finishing your exam,” sabi niya habang hawak iyong wine glass.

“Cheers to your successful career,” I said and I saw him give me a small smile.

I really thought we’d talk about… feelings. Pero ewan ko. Naka-upo lang kami doon. We were mostly silent. Ang saya. Wala rin ako sa mood na magsalita. Napagod ako sa exam saka sa pag-iisip kay Papa. This was a very much welcomed silence.

Then just like that, it was already 2AM and I needed to go home.

“Salamat sa pa-wine,” sabi ko habang naka-tayo na sa may pintuan niya. Sinabi ko na kasi sa kanya na sa Grab na lang ako kasi mabilis lang naman saka pagod na siya. I was so thankful na ’di na siya namilit pa. Hindi ako kasing galing niya magbluff. Masasabi ko agad iyong kay Papa.

Bahagya siyang tumango. “Message me when you get home.”

Tumango din ako. “Good night.”

Aalis na sana ako nang magulat ako dahil bigla niya akong niyakap. Nanlaki iyong mga mata ko lalo na nang maramdaman ko iyong pagbuntong-hininga niya habang yakap-yakap niya ako.

“One minute,” he said while we’re still hugging.

“Okay?”

Naka-tayo lang kami habang yakap-yakap niya ako… tapos ay niyakap ko na rin siya. It’s weird how a single hug can be a source of comfort.

“Thank you,” he said when the hug was done after what was definitely longer than one minute.

“You’re welcome,” sabi ko na bahagyang naka-kunot iyong noo.

“Tayo na, ’di ba?”

“What?” sabi ko na nanlaki iyong mga mata.

“Ah… gusto mo ligawan kita?”

Mas lalong nanlaki iyong mga mata ko. “Ha?”

He shrugged. “I mean, I really like you and you really, really like me. Why make it complicated? Life is complicated as it is.”

Napaawang iyong labi ko sa kapal ng pagmumukha niya. “Di ko alam kung paano gumagana iyong utak mo.”

Natawa siya. “Life is short. I just always want to go after what I want,” sabi niya tapos ay diretso siyang naka-tingin sa mga mata ko. “I want you and if you’ll allow me, I want to have you in my life.”

Napa-kurap na lang ako na pakiramdam ko ay mukha akong nagsseizure sa itsura ko.

“Think about it,” sabi niya saka pinat iyong ulo ko na para akong aso. “Good night, Mau. Looking forward to being your boyfriend.”

**

This story is already at Chapter 22 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 20

Chapter 20

Pakiramdam ko ay hindi ako matutunawan sa kinain namin ngayong lunch. Hindi naman nagsalita sina Mama at Papa pero iba iyong tingin nila sa amin ni Mauve. Pero si Mauve ay mukhang immuned na dahil ang saya-saya niyang kumakain habang ako e hindi mapakali.

Alam na ba nila?

Pero kung alam na nila, bakit hindi nila sinasabi?

Ano ba’ng balak nila?

Hindi na talaga natapos ang problema ko. Pagkatapos ng midterms, ito naman ngayon. Simula talaga nung pumasok ako sa law school ay tuluy-tuloy lang ang problema ko.

“San kayo pupunta?” tanong ni Papa nang sinabi ni Mauve na may pupuntahan siya at isasama daw niya ako.

“May bibilhin lang ako,” sagot ni Mauve.

Bahagyang tumango si Papa. “Bakit kasama si Mauro?”

Mauve shrugged. “Wala lang,” she replied. “Una na kayo. Uwi agad kami after.”

Hindi na nakapagsalita pa sila Papa dahil umalis na agad si Mauve at hatak-hatak ako. Alam ko na may sasabihin pa si Papa, pero hindi niya na nasabi pa dahil kay Mauve. Iba talaga ang nagagawa ng guilty conscience na kahit taon na ang lumipas, ramdam na ramdam ko pa rin iyong awkwardness ni Papa kay Mauve. Kaya alam ko na kapag nalaman niya na at pinag-usapan namin, magbabago talaga lahat.

Bakit ba kasi issue pa ’yon?

Bakit hindi na lang gawing love is love ang motto?

“San tayo pupunta?” tanong ko kay Mauve dahil pagod pa talaga ako sa midterms at excited na ako na matulog buong araw tapos ang gagawin ko lang pagka-gising ko ay maghanap ng makakain at papanoorin sa Netflix.

Kaya ayoko rin maging total hypocrite. Ayoko sa stance nila Mama kay Mauve… pero at the same time, alam ko na kung ano man ang meron ako, dahil sa kanila ’yon.

Hirap maipit sa gitna.

Parang kahit ano ang gawin ko, may matatamaan ako.

“Manonood ako ng movie,” sabi niya.

“Ikaw lang? Bakit kasama ako? Paghihintayin mo ako sa labas? Kapal ng mukha mo,” sabi ko sa kanya. E ’di sana sumabay na ako kila Mama pauwi. Matutulog na lang ako sa sasakyan tapos diretso sa kwarto ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. “Si Tanga naman,” sabi niya dahil iyan ang nickname niya sa akin talaga. “Malamang para makita mo si Achilles. Tapos meet na lang tayo bago umuwi para sabay tayo.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit ikaw nagdedecide na magkikita kami?”

“Di ’wag. Pwede rin naman pumunta na lang tayo sa bookstore.”

“Tss. ’Di ko alam kung free iyong tao,” sabi ko sa kanya. Mamaya masabihan na naman ako ni Atty. Marroquin na busy din naman siyang tao at hindi sa akin umiikot ang mundo niya. May pagka-makapal ang mukha din kasi ang isang ’yon.

“Itanong mo kasi,” sabi ni Mauve. “Alam mo, matanda ka na.”

“23 lang ako.”

“E ’di hindi ka na teenager,” sagot niya at inirapan ko siya. “Itanong mo kung free. If hindi, e ’di magbookstore na lang tayo tapos coffee shop. Ayoko pa rin kasi umuwi.”

“Ayaw mo lang pala umuwi. Ginawa mo pa akong dahilan,” sabi ko. “Wala ka bang girlfriend ngayon?”

“Wala,” sabi niya. “Halos mamatay na ako sa mga subjects ko. Wala na akong energy lumandi.”

“Malamang. High school pa lang kasi, itinodo mo na kalandian mo.”

“Hater,” she replied. “Text mo na. Para kapag hindi, diretso na tayo sa Fully Booked.”

Sinamaan ako ng tingin ni Mauve dahil tinakpan ko iyong screen ng cellphone ko habang nagta-type ako. Hindi naman siya nakiki-basa pero ewan ko ba. Dahil kay Tin na laging sumisilip sa screen ko, naging conscious na ako sa screen.

“Nakikipagsext ka ba? Bakit kailangang takpan?”

“Gago,” sabi ko sa kanya tapos tinawanan lang ako.

Inirapan ako ni Mauve nung patuloy ko pa ring tinakpan iyong phone ko nung nagtetext ako. Habit na, e. Kasalanan ni Tin ’to at nagkaroon ako ng privacy issue.

‘Busy ka?’

As usual, nagtiktok muna ako habang naghihintay sa sagot niya. Base sa pagkakakilala ko kay Atty. Marroquin, sasagot naman siya agad kapag wala siyang ginagawa. Kaso Sunday ngayon. Ano kaya ginagawa niya? Impossible naman na nagsimba siya. Ewan ko kung judgmental lang ba ako pero para kasing si Atty. Marroquin iyong tipo ng tao na hindi nagsisimba… o kaya kung magsisimba man siya, iirap lang siya o kaya naman iiling sa homily nung pari na tipong after ng mass, saka niya sasabihin na hindi siya agree doon sa homily.

“Nagtext si Papa,” sabi ko kay Mauve.

Kumunot noo niya. “Ano sabi?”

“Kung nasan daw tayo.”

Hindi nagsalita si Mauve, pero pareho naman naming kilala si Papa… Hindi naman siya ganito—naging ganito lang siya nung kaka-huli pa lang nila kay Mauve. Bantay-sarado at gusto na alam lagi kung nasaan.

Hindi ko ata kaya iyong ganon.

Kasi kahit si Mauve naman talaga ang naka-ranas, kita ko kung gaano kahirap na sa bawat galaw mo e may naka-tingin sa ’yo.

“You’ll be fine,” sabi niya bigla sa akin at saka tinapik iyong balikat ko. “Just give me a heads up kapag magkasama kayo. Ako na bahala pagtakpan ka.”

Napa-titig na lang ako kay Mauve dahil sa mga sinabi niya.

“Wag ka nga,” sabi niya tapos ay tinakip sa mukha ko iyong kamay niya kasi naka-tingin lang ako sa kanya tapos ay na-awkward-an siya.

“Curious lang,” I said. “Bakit mo ginagawa ’to?”

She shrugged and acted like it was nothing. Inilagay niya rin iyong mga kamay niya sa bulsa niya. “Basta,” she said but I just kept on looking at her. “I just want your experience to be better than mine, okay?” sabi niya na para bang masama pa ang loob na sinabi niya ’yon. Tapos ay tumingin na siya sa akin. “One way or another, malalaman din ’to nila Papa… but until then, I’ll do my best para pagtakpan ka, okay? So… just enjoy.”

Alam ko ay itutulak lang ako ni Mauve kapag niyakap ko siya kaya naman tumango lang ako sa kanya. Inirapan naman niya ako. Pakiramdam ko talaga ay nasa maling profession siya. Wala siyang ka-care-care sa katawan.


Sinabi ni Atty. Marroquin na nasa UP Diliman siya at nagjjogging. Na-weirduhan ako dahil bakit doon pa siya napadpad e tiga-Mandaluyong siya? Pwede naman siyang sa BGC na lang magjogging.

Dahil wala na akong pera ay nag-Angkas na lang ako papunta roon. Malayo naman iyong bahay namin sa UPD… Besides, public place naman ’yon.

Tsk.

Ano ’to? Iooverthink ko na lang lahat? Wala ng space sa utak ko.

Pagdating ko sa UP, doon na lang ako nagpa-baba sa harap ng College of Education. Huling text kasi ni GLOBE sa akin na nandito siya banda. Patingin-tingin lang ako sa paligid hanggang sa mapadpad iyong tingin ko roon sa may Sunken Garden. Ang ganda naman dito. Ang tahimik lang tapos puro lang mga naka-tambay na tao o kaya naman ay nagjjogging sa may oval.

“Wala akong pera!” agad na sabi ko nang may maramdaman ako sa tagiliran ko. Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko.

“What the hell—” rinig kong nagsalita sa likuran ko. Hindi pa rin ako maka-galaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Atty. Marroquin sa harapan ko. He was wearing a white shirt, brown cargo pants, and black Adidas sliders. Ganito ba suot niya kapag nagjogging? Ganito ba magjogging ang mga millenials?

“Gago ka,” sabi ko habang naka-hawak sa may puso ko. “Akala ko na-holdap na ako!”

Kumunot ang noo niya. “In the middle of broad daylight?”

“Wala ng pinipiling lugar ang mga masasamang loob ngayon!”

Bahagya siyang tumango. “True,” sagot niya. “Pero sa tingin mo ikaw ang hoholdapin nila?”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam ko na sinasabi niya na wala akong pera. “Naka-iPhone ako, okay? Magkano rin ’to kapag binenta nila.”

Napa-iling na lang siya sa akin na para bang pagod na siya sa paraan kung paano gumagana ang utak ko. E bakit ba? Ang dami ko na kayang nabasang criminal case kaya na-traumatize na ata ako. Kaya nga kapag nasa jeep ako o kahit anong public transpo ay nagdadasal na lang ako. Kasi kapag naholdap ako, willing naman ako ibigay lahat ng gamit ko pero ang problema ko ay magffreeze ako sa sobrang kaba kaya hindi ko mabibigay ang gamit ko upon demand.

Ang laki talaga ng problema ko sa buhay.

“Anyways, akala ko nagjjogging ka?” Tumango siya. “Ganyan itsura mo?”

“Obviously, nagpalit na ako,” he said. Masyado ko na ata siya kilala kaya alam ko na sarcastic siya kahit walang bahid ng sarcasm iyong tono ng boses niya.

“Nagtatanong lang.”

“Sumasagot lang.”

“Ang epal mo talaga,” sabi ko tapos natawa lang siya sa akin. “Di halata na nagjogging ka,” dugtong ko habang sabay na kaming naglakad. Wala kasing kabahid-bahid ng pawis iyong mukha niya.

“Dapat ba pawisan ako?”

“Oo.”

“Next time,” he replied.

“Good.”

“Pasensya na. Nagpalit lang ako ng damit nung sinabi mo na papunta ka na,” he said, this time, his voice was covered with sarcasm. “I thought I’d make myself look presentable, but noted na mas gusto mo na puno ako ng pawis.”

Tumingin ako sa kanya ng naka-kunot ang noo. “Abogadong-abogado ka talaga, noh?”

Natawa siya. Ganda talaga ng ngipin ng isang ’to, e! Kasama kaya iyong dental care sa trabaho niya? Kasi iyong sa akin walang ganon, e.

“I thought you’re busy today?” he asked.

“Tapos na ako sa ginagawa ko,” I replied. “Dito ka talaga sa UPD nagjjog?”

Bahagya siyang umiling. “Sometimes,” he said. “Most of the times, in BGC.”

“Thought so,” I replied. “So, bakit ka nandito?”

He just casually shrugged and didn’t say anything for a few seconds. “Mas malapit sa ’yo ’to.”

Napa-tingin ako sa kanya. “Sinasabi ko na nga ba… stalker kita.”

Napa-tawa siya. “Ako ’yung stalker pero ikaw ’yung nagpunta dito?”

I shrugged. “Kawawa ka naman, e. Mag-isa ka lang.”

“Paano mo nalaman na mag-isa lang ako?”

I shrugged again. “Bakit? May kasama ka ba?”

“Wala, pero may hinihintay ako,” he said and then looked at me once again. “Ikaw.”

I wrinkled my nose as I looked away. Ang dami talagang alam ng taong ’to. Gusto ko na talagang itanong kung saan ba siya nagpractice dahil parang ang dami niyang baon… pero ewan ko. ’Di ako masyadong interesado sa mga ex niya kung meron man. Alam ko kasi na isusumbat ko ’yon ng mga ilang buwan.

Ika nga ni Mauve, petty akong tao.

“Pero bakit nga nandito ka?”

“Kasi nga malapit sa ’yo.”

“Weh?”

He nodded. “I left you alone for more than a week.”

“So, nanunumbat ka ngayon?”

He rolled his eyes, AVM style. “I never said that,” he said. “Just saying that I haven’t seen you that much in the past few days… so I’m just here on the off-chance na maaga kang matapos sa kung anuman iyong ginawa mo kanina.”

Napaawang nang bahagya iyong labi ko pero mabilis kong inayos iyong sarili ko. Hindi pa rin ako sanay sa kung gaano siya ka-forward sa mga sinasabi niya.

Saka hindi ko sinabi sa kanya na family lunch ’yon. Ayoko lang mag-explain. Saka na. Sabi nga ni Mauve, enjoyin ko muna ’to… kung anuman ’to.

“Paano kung hindi ako natapos agad?” I asked habang naka-tingin lang sa mga nakaka-salubong namin mag-jog dahil for some reason, nahihiya ako tumingin sa kanya. Leche talaga ’to.

He shrugged. “It’s fine. Nakapagjogging pa rin naman ako.”

“Hindi mo isusumbat?”

“Hindi naman ako mahilig manumbat,” he replied. “That’s more of your thing.”

Napa-tingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. “Seryoso ka ba d’yan?”

He nodded at habang naglalakad kami sa oval ay nagtatalo lang kami sa kung sino sa amin ang mahilig manumbat. Sobrang kawawa ako dahil ang galing niya palang magmemorize—as in sinasabi niya sa akin kung approximately what date, ano ang ginagawa namin, at kung ano iyong sinabi ko sa kanya na panunumbat. Para bang nasa hearing ako at naglalabas siya ng discoveries.

“Objection!” sabi ko sa kanya.

“On what grounds?” he asked like he was taunting me dahil alam niya na ’di hamak na first year student lang ako at wala pa akong Evidence na subject.

“Pakyu.”

Humalakhak siya. “Overruled.”

I showed him my middle finger. “Hintayin mo na maka-rating ako sa Evid.”

“Third year subject pa ’yon.”

“Mabilis lang ang panahon.”

“That’s true,” he said. “Dati hindi mo lang ako pinapansin. Ngayon, stalker na kita,” dugtong niya.

Muli akong napa-tingin sa kanya at napaawang iyong labi sa kapal ng mukha niya at lakas ng loob na sabihin sa akin lahat ng ’yon.

“Kapal-kapal ng mukha,” sabi ko sa kanya tapos tinawanan niya lang ako and as usual, sinabi niya na naman na wala siyang denial na naririnig.

Palakad-lakad lang kami at paikut-ikot sa oval hanggang sa maabutan na namin iyong sunset. Sabay kaming huminto sa paglalakad at naka-tingin lang kami doon.

“Ano’ng mas gusto mo? Sunset o sunrise?” tanong ko sa kanya.

“Sunrise.”

“Knew it.”

“Really?” he asked at ramdam ko na naka-tingin siya sa akin habang ako naman ay naka-tingin pa rin sa sunset.

Tumango ako. “Yeah,” I replied. “Hulaan ko iyong sagot mo kung bakit sunrise.”

“Sure.”

“Because you live a very busy life saka marami kang tao na kinausap araw-araw… alam mo ’yon? Maingay saka magulo… kaya gusto mo iyong sunrise kasi tulog pa lahat ng tao. You’re on your own. You’re probably enjoying your cup of coffee and enjoying the silence and the view in front of you. You get to enjoy the world while everyone else around you is asleep,” I said and then I looked at him. “Tama ba ako?”

But instead of answering, I just saw how intently he was looking at me and how loud my heart was beating that I could almost hear it.

“Yes,” he said. “Now, answer my question,” he continued habang diretso pa rin siyang naka-tingin sa akin. “Can I kiss you now?”

**

This story is already at Chapter 23 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 21

Chapter 21

Nanlaki iyong mga mata ko.

Fuck.

Gusto kong… umoo? Pero…

“I’m kidding,” sabi niya bigla tapos ay ginulo iyong buhok ko. Naka-tawa iyong mukha niya, pero hindi ko alam kung seryoso ba siya na niloloko lang ako o baka nakita niya iyong panic sa pagmumukha ko. Kasi gusto ko naman… yata? Pero nasa labas kasi kami.

Bigla ko lang naisip iyong sinabi ni Mauve na one way or another, malalaman naman talaga nila Papa…

Pero ewan…

Masama ba kung gusto ko na patagalin hanggang hindi pa nila alam?

Kasi kilala ko sila. Nakita ko na kung ano iyong mangyayari. Gusto ko lang i-pause hanggang maaari. Hindi naman siguro masama ’yon.

“Gago ka talaga,” sabi ko na lang dahil ayoko na ring pag-usapan pa namin iyon. Ayoko lang dumating sa punto na kailangan kong ipaliwanag sa kanya iyong sa pamilya ko at kung gaano kasama iyong magiging reaksyon nila kapag nalaman nila kung sino iyong taong gusto ok.

Kaya kung pwede lang, sana masaya muna kami.

“I was just teasing,” sabi niya.

“Sige, sabi mo, e.”

“Alam ko naman na ’di ka papayag,” sabi niya sa akin. “Dalagang Pilipina ka kaya.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “So, sa ating dalawa, ako iyong babae?”

“No, we can be both guys,” he replied. Naka-kunot pa rin iyong noo ko sa kanya. Ito na ata ang default na itsura ko kapag kausap ko iyong taong ’to. “But sure, for argument’s sake, ikaw iyong laging may topak saka nagtatampo… so, maybe, if there are roles to be played, ikaw iyong babae.”

“Sexist.”

“Saka ikaw iyong pa-baby.”

“Kapal ng mukha mo. Kailan ako nagpa-baby sa ’yo?”

“Kapag lagi ka nagpapa-rinig na gusto mo ng pagkain o kaya gusto mo na puntahan kita o kaya—”

“Excuse me! We’ve established na kusa mong ginagawa iyon. Hindi kita pinilit.”

He nodded. “I didn’t say that I was forced,” he said. “In fact, I liked doing those things for you,” diretso niyang sabi at saka sobrang casual na para bang wala lang ang mga bagay na ’yon.

Hayop talaga ’to—may master’s degree na talaga sa kalandian.

“Anyway, my point was, most times, you act like a baby,” sabi niya tapos sinamaan ko siya ng tingin. “But it’s fine since I want you to be my baby.”

Against my will, ramdam ko iyong pamumula ng dulo ng tenga ko dahil sa mga kalandian na sinasabi nitong kasama ko. Mabuti na lang at gabi na kaya hindi niya na nakikita iyong epekto ng mga sinasabi niya sa akin. Pakiramdam ko kasi kapag nakita niya kung gaano ako namumula ay mas hindi niya ako titigilan. May pagka-epal kasi ’tong isang ’to.

“Dami mong alam.”

Humalakhak siya. “Of course,” he replied.

“Ilibre mo na lang ako ng pagkain tutal gusto mo namang maging tiga-pag-alaga ko.”

“Baka gusto mo ng kunin iyong credit card ko,” he said sarcastically.

“Bakit? Ibibigay mo ba kapag hiningi ko?”

“Hindi,” he replied. Tumingin ako sa kanya at saka kinunutan siya ng noo. “That’s boyfriend privilege.”

“Really.”

He gave a small nod. “Really.”

“So, ano pala tayo ngayon? Textmates?”

He shrugged. “I already told you what I want,” he said. “But I’m considering what you want as well. So, we’re taking whatever pace you’re comfortable with.”

Bigla akong natahimik. Ang hirap naman nito. Kasi… syempre gusto ko rin naman pero alam mo ’yon? Parang ang unfair kasi na parang siya e all in tapos ako e parang laging naka-tingin sa paligid dahil pakiramdam ko ay may makaka-kita sa amin na kakilala ni Papa tapos isusumbong ako.

Ganito ba ang pakiramdam ng nasa loob ng bahay ni kuya?

“So, if you want to be ‘friends’ for a while, I’m good with it,” sabi niya saka gumamit nung air quotes sa salitang friend.

“Parang ’di naman seryoso ’yang ‘friend’ mo,” sagot ko tapos gumamit din ng air quote.

Natawa siya. “No, it’s fine,” he replied. “I told you already—I am not going anywhere.”

Napa-tingin ako sa kanya. “Okay.”

“Okay.”

We walked in silence for a few minutes hanggang sa maka-rating kami sa Area 2. Naghanap kami ng makakain. Sabi ni Atty. Marroquin sa akin, okay lang naman na kahit ano pero alam ko na sinasabi niya lang ’yon. Choosy kaya ’to sa pagkain.

“Gusto mo sa condo mo na lang?” I asked habang naka-tingin siya sa menu na puro tapsilog. Feeling ko kakain naman siya kung pipilitin ko, pero for a change, gusto kong maging considerate sa kanya.

“Paglulutuin mo na naman ako?” he asked.

I shrugged. “Pwede rin naman na ako ang magluto.”

Tumingin siya sa akin tapos bahagyang kumunot iyong noo niya. “I don’t think so.”

Napaawang ang labi ko. “Judger,” I replied. “Marunong kaya akong magluto.”

“Really? Do tell.”

Sinamaan ko siya ng tingin at saka isa-isang sinabi iyong mga kaya kong lutuin. Ang sama talaga ng ugali nito dahil sinabi niya na puro prito lang naman daw iyon saka sigurado siya na sa air fryer ko ginagawa iyon. Hindi daw iyon counted.

Kung may isa akong hater, si Atty. Marroquin iyon.

Kung wala na akong hater, patay na siya.

Hindi ko namalayan na naka-balik na pala kami sa sasakyan niya. Mabuti na lang din at Sunday kaya wala masyadong traffic. I mean, not the usual traffic kapag weekdays at mas lalo na kapag Saturday.

Pagdating namin sa condo niya, naggagaguhan pa rin kami. Hindi talaga kami nauubusan ng pagtatalunan ng taong ’to. Kaya niya kasi akong pikunin palagi.

“Any requests, Your Highness?” sabi niya habang naka-tayo sa harap ng ref at saka tinitignan iyong laman non. Lumapit ako sa kanya at saka sumilip. Nalito ako kung ref niya ba iyon o ref ng Healthy Options.

“Pasta, pwede?”

“Any pasta?”

“Yes.”

“You got it,” he replied tapos ay may kinuha siya na mga ingredients doon na para bang alam niya na kung ano ang gagawin niya.

Naupo lang ako roon sa may stool sa may kitchen island niya habang una niyang binoil iyong pasta.

“Nag-aral ka ba ng culinary o mahilig ka lang magluto?” tanong ko sa kanya.

“Took a culinary course,” sabi niya.

“Nerd.”

“Correction—a nerd who can cook.”

Napa-irap na lang ako sa yabang ng taong ’to. “Kailan ka nagtake ng culinary?”

“After I took the BAR,” sagot niya sa akin. “I was drowning in work, but I was also tired of eating take outs.”

“Kaya naisipan mo na dagdagan pa iyong ginagawa mo?”

He shrugged. “It’s therapeutic.”

“Feeling ko ikaw iyong tao na hobby rin maglinis.”

“It’s not really a hobby,” sagot niya. “Ayoko lang sa makalat. Hindi ako makapagtrabaho kapag makalat sa paligid ko.”

“Bakit naman?”

He shrugged. “Distracting.”

“Kailangan sobrang linis ba?”

“Not really,” he replied. “Besides, I live alone. I clean after myself. It’s not that hard.”

I gave a slow nod. “Paano kapag may kasama ka na sa condo?”

Napa-tingin siya sa akin. “Nagpapa-rinig ka ba na gusto mong tumira dito?”

Nanlaki iyong mga mata ko at saka nagpanic dahil baka akala niya ay nagpapa-rinig ako na gusto kong mag-move-in. Ni hindi pa nga kami! Nakaka-hiya!

“Hindi, ah!” sabi ko na parang mali dahil ang tunog defensive masyado. “Was genuinely wondering,” agad na dugtong ko.

He nodded and then went back to dicing habang kita ko na may maliit na ngisi sa labi niya. “I mean, I hope you’re not a slob.”

“Bakit ako?”

“Why not?”

Hindi ako tumingin sa kanya dahil alam ko na mamumula na naman hindi lang iyong tenga ko kundi ang buong pagmumukha ko dahil sa kalandian ng taong ’to. Wala talaga siyang preno.

“Kung meron man akong papayagan na tumira dito, ikaw lang ’yon.”

Kumuha ako ng wine glass at saka inabot iyong wine. “Dami mong alam,” sabi ko tapos ay sa hindi malaman na dahilan, hindi na-shoot nang maayos iyong wine sa may glass kaya bahagya iyong natambak sa lamesa at saka may kaunti sa damit ko.

“Shit, shit,” nagpapanic na sabi ko dahil puti pa naman iyong suot ko kaya kitang-kita iyon. Sinubukan kong punasan iyon ng tissue pero hindi natatanggal.

Napa-tingin ako kay Atty. Marroquin nang bigla niya akong abutan ng t-shirt. Ang bilis naman nito kumuha ng damit!

“Magpalit ka muna,” sabi niya sa akin. “Aayusin ko ’yung damit mo.”

“Matatanggal pa ba ’to?” I asked, a bit worried kasi mahal pa naman iyong damit ko. Buti sana kung normal na t-shirt lang. Bigay ni Mama iyon sa ’kin. Tumango siya. I sighed in relief. “Okay.”

Mabilis kong tinanggal iyong suot ko na polo. Nang natanggal ko na iyon ay inabot ko kay Atty. Marroquin. Naka-tingin lang siya sa akin habang bahagyang naka-kunot iyong noo niya.

“Ano—”

“Fuck being friends,” sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

Iyong paraan ng pagtitig niya sa akin ay naging dahilan kung bakit biglang naririnig ko na naman iyong tibok ng dibdib ko.

Tangina… tapos naka-hubad pa ako ngayon?!

Tapos kaming dalawa lang dito at walang ibang makaka-kita?!

Naka-tingin lang din ako sa kanya.

Naghihintay sa susunod na gagawin niya.

Wala pa akong nahahalikang tao kasi hindi ko naman kino-consider iyong classmate ko nung Grade 6 na hinalikan ako nung natapat kami sa spin the bottle. Labag sa loob ko iyon saka smack lang naman ’yon. Hindi iyon considered.

Pero iyong ngayon?

Tangina.

Bakit hindi pa siya gumagalaw?!

Para akong gago na nagbibilang ng bawat segundo sa utak ko at saka pinapa-nood iyong bawat paggalaw niya, paggalaw ng mga mata niya, ultimo paghinga niya.

“Tangina, ang bagal,” I uttered under my breath bago ko siya hinatak papa-lapit sa akin at saka hinalikan.

Ito… ito iyong counted na halik.

Hindi ko alam kung ano iyong gagawin. I mean, alam ko naman kung paano dahil naka-nood naman ako nito sa mga palabas. Pero iba pa rin kapag ikaw na iyong gagawa.

Shit.

Paano ba ’to?!

Siya naman iyong mas malandi sa aming dalawa kaya hindi ba pwede na siya na iyong maging leader?! Ako na nga nagsimula!

Nang halos sampung segundo na iyong lumipas na hindi pa rin siya gumagalaw at para lang kaming tuod na magka-dikit ang labi, umatras ako pero ni hindi pa ako nakaka-layo ay mabilis niya akong hinatak pabalik at saka muling hinalikan… but this time, hawak-hawak na ng dalawang kamay niya iyong magkabila kong pisngi.

And… holy fuck.

Matagal na akong nagtataka kung bakit sinasabi nila na masarap daw kapag hinahalikan ka. Kasi paano ’yon? May lasa ba? Depende ba kung may suot na chapstick iyong hinahalikan mo tapos may flavor? Ganon ba?

Ang dami kong tanong…

Pero fuck.

Ang sarap nga.

Hindi ko alam kung dahil masarap lang talaga na hinahalikan ka o baka kasi dahil dito sa lalaking humahalik sa akin? Hindi lang ata sa kalandian may Master’s degree ang isang ’to kung hindi sa paghalik din.

Tangina, ilan na ba nahalikan nito?!

Tignan mo, umiinit na naman ang ulo ko!

“What?” tanong niya nang ilagay ko iyong dalawang kamay ko sa may dibdib niya at saka itulak siya palayo. Naka-tingin sa akin si Atty. Marroquin at kahit wala pa naman kaming iniinom na wine ay parang lasing iyong mga mata niya.

“Bakit ang galing mo?”

Kumunot iyong noo niya. “What?”

“Ilan?”

“Ha?”

“More than 10?”

“I have no idea what you’re talking about,” sabi niya at saka nilagay iyong mga kamay niya sa magkabilang gilid ko kaya para akong trapped sa pagitan niya. Lumapit siya sa akin lalo kaya naka-tayo na siya sa pagitan ng mga binti ko.

“Ilan na naging boyfriend mo? Girlfriend?”

Naka-kunot pa rin iyong noo niya. Bigla niyang ipinatong iyong kanang kamay sa binti ko kaya biglang nawala iyong train of thoughts ko at doon lang napunta iyong atensyon ko. Naka-patong lang naman iyong kamay niya pero tangina bakit ang init sa condo niya kahit bukas naman iyong aircon?!

“I’ll answer that, but can we talk about that later?” sabi niya at para akong na-hypnotize dahil sa pagtingin niya at saka sa boses niya dahil alam ko na kahit gusto kong malaman iyong sagot sa tanong ko ay napa-tango na lang ako.

What the fuck?

Halik pa lang ’to, pero nauuto na ako nang ganito?!

“Good,” he said and then he was cupping my face yet again. “Let’s go back to business,” he continued before closing the distance and once again, I felt his lips electrifying mine.

**

This story is already at Chapter 24 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 22

Chapter 22

Tama talaga iyong naging desisyon ko na hintayin na matapos iyong midterms exam ko. Simula nung hinalikan ako ni Atty. Marroquin, iyon na lang ang laman ng utak ko. Wala na atang space para sa ibang bagay! Mabuti na lang at may ilang araw pa ako bago bumalik sa school kasi kung nasa school na ako ngayon? Sobrang delikado. Imbes na provisions ang nasa utak ko e rehash ng mga kaganapan sa condo niya ang naiisip ko.

Tsk.

Ang lala ko pala magka-gusto. Buti ’di ako maaga lumandi kagaya ni Mauve dahil kung hindi ay baka hindi ako naka-tapos ng high school.

Nasa kusina ako at naghihintay na kumulo iyong nilalaga ko na baboy. Sabi kasi ni Atty. Marroquin ay subukan ko naman daw kumain ng hindi cup noodles. Tinukso ko siya na worried siya sa akin. And in true AVM fashion, sinabihan niya ako na hindi lang daw talaga healthy iyong eating habits ko.

Masunurin pala ako.

Ang dami kong self-discoveries.

Kausap ko si Atty. Marroquin ngayon sa text. Nasa court siya ngayon at may hinihintay na document kaya kausap niya ako. Alam ko na anytime ay hindi na naman siya magtetext. Kapag ganon, iniisip ko na lang na busy siya. Magtetext naman kasi talaga ’yon kapag wala siyang ginagawa. Kaya kahit kating-kati iyong daliri ko na mag-double text ay nagtitiktok na lang ako.

“Mauro.”

Halos mapa-talon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyong boses ni Papa. Napa-tingin ako sa kanya at napa-kunot ang noo.

“Wala kayong pasok?” tanong ko sa kanya dahil kalagitnaan ng Tuesday ngayon. Wala bang krimen na kailangang ma-solve ngayon? Sobrang na-e-enjoy ko pa naman iyong peace and silence dito sa bahay dahil ako lang mag-isa.

“Naka-leave ako,” sabi niya.

Tumango na lang ako kahit na na-weirduhan ako. Hindi kasi pala-leave si Papa. Tipong kahit may sakit kami nila Mauve ay papasok pa rin siya sa trabaho dahil ang reason niya ay hindi naman siya doctor at wala naman sa kanya ang gamot. I mean… may point naman siya.

“May kailangan ka po ba?” tanong ko sa kanya dahil nandon lang siya sa kusina imbes na pumunta sa kwarto o sa kung saan man basta ’wag dito sa kusina.

Napa-tingin si Papa sa phone ko. Agad akong nakaramdam ng panic dahil ka-text ko si Atty. Marroquin doon. Mabilis kong inabot iyong cellphone ko at saka tinaob iyon para hindi niya kita iyong screen. Then I looked at him and tried to act as normal as I could possibly be.

“May lakad ka ba ngayong weekend?”

“Bakit po?”

“May pupuntahan tayo.”

“Kasama ako?” Tumango siya. “Okay… Saturday o Sunday?”

“Aalis tayo ng Friday night tapos ay uuwi ng Sunday afternoon. Dalhin mo na lang iyong libro mo para doon ka na mag-aral,” diretsong sabi niya sa akin na naging dahilan ng paglalim ng kunot ng noo ko.

“San tayo pupunta, Pa?” I asked kasi plano ko talaga na makipagkita kay Atty. Marroquin ngayong weekend. Gustuhin ko mang magdemand ng atensyon niya ngayong weekdays, gusto kong maging understanding dahil may trabaho naman iyong tao. ’Di ko talaga akalain na taxpayers ang magiging kalaban ko sa atensyon.

“Subic.”

“Okay… bakit?”

Sobrang out of the blue lang kasi. Bakit kami magpupunta sa Subic? Also, kasama naman siguro si Mauve?

“Work-related.”

“Kasama kami ni Mauve?” I asked kasi usually si Mama lang naman ang kasama niya sa mga ganyan. Buti nga ’di na nila kami sinasama sa mga gathering kasama church friends nila. Naaawa na lang ako kay Mauve kasi harap-harapan talaga sila na tinitignan siya nang masama.

“May pasok siya,” sabi ni Papa.

Napaawang iyong labi ko. “Ako lang kasama?”

Tumango siya tapos ay bigla akong iniwan sa kusina. Ni hindi man lang ako binigyan ng oras para makapagprotesta! Ayoko nga pumunta sa Subic ng weekend tapos ako lang. Buti sana kung nandyan si Mauve para at least may entertainer ako. Tsk! Panira ng plano si Papa.


Nawalan na ako ng gana na kainin iyong niluto ko kaya balik na naman ako sa cup noodles. Hindi pa rin sumasagot si Atty. Marroquin tapos bad trip pa rin ako sa biglaang lakad ko sa weekend kaya naman naghanap ako ng comfort food ko aka siopao.

“I thought I was losing my mind.”

Agad akong napa-tingin sa taong naupo sa tabi ko. Napaawang ang labi ko nang makita ko si Atty. Marroquin na naka-upo sa tabi ko. Nasa 711 kasi ako malapit sa condo niya. Ewan ko ba. Kasi kung wala ako ng Friday to Sunday, gusto ko na siya makita ngayon.

Isang halik lang ’yon! Isang halik lang pero mabaliw-baliw ako. Paano na ako sa weekend na nasa kabilang parte ako ng Luzon?!

“Shit, sorry. Itetext sana kita,” sabi ko. Masyado ata akong naaliw sa tiktok kaya nalimutan kong i-text siya. Kasi ayoko na siya papuntahin malapit sa amin. Ramdam na ramdam ko na talaga na alam na ni Papa… o kung hindi man alam, nagdududa na siya. Sana lang ’wag niyang abusuhin iyong posisyon niya at gamitin iyon para pa-imbestigahan ako.

Hindi naman siguro siya ganon.

Sana.

“It’s fine,” sabi niya. “Bakit dito ka napadpad para kumain ng siopao?” he asked, confused dahil naka-tingin siya sa half-eaten siopao ko. Masama siguro talaga iyong loob ko doon sa Subic trip kaya ni hindi ko ma-enjoy ang comfort food ko. “Iba ba lasa ng siopao per branch?”

Nagkibit-balikat ako.

Kumunot ang noo niya.

“You wanna talk?” he asked like he could just read my mind and know that something’s bothering me.

Bahagya lang akong ngumiti at saka umiling. “May pagkain ka ba sa condo mo?” sabi ko na lang.

Ayoko talaga munang pag-usapan iyong kay Papa. Gusto ko munang mag-enjoy. Parang ang sandali pa lang kasi na masaya ako kaya masama ba kung gusto kong pahabain muna? Especially since alam ko kung ano ang mangyayari kapag alam na talaga nila.

Naglakad lang kami pabalik sa condo dahil nakapagpark na pala siya. Naglakad lang siya papunta sa 711 para i-check kung ako nga talaga iyong nakita niya kanina. Habang naglalakad kami, medyo may space sa pagitan namin. Tuwing magtatama iyong balikat namin ay medyo lumalayo ako.

“Ang init,” sabi ko nang mapa-tingin siya sa akin na bahagyang naka-kunot ang noo na para bang napansin niya. Tumango lang siya sa sagot ko. Hindi ko alam kung naniwala ba siya sa sinabi ko o gaya ko, ayaw niya lang palakihin pa kapag pinag-usapan.

Sana pareho na lang kami.

Masama bang magpanggap muna?

Saka na iyong reality—mas masaya magpanggap na walang problema.

“You good?” tanong ni Atty. Marroquin kasi naka-sandal ako sa opposite side niya sa elevator. Ewan ko ba. Naka-tayo siya sa kabilang dulo tapos naka-tingin lang sa akin na parang sinusubukan niyang basahin iyong isip ko.

Tumango ako. “Gutom lang ako.”

“Okay,” he said. “Any dinner request?”

“Hmm… steak?”

“How do you like your steak?”

“Medium rare.”

“Okay. Wine?”

“Red wine.”

“You got it,” sabi niya na bahagyang naka-ngiti sa akin. Na-guilty tuloy ako kasi pakiramdam ko ay nadamay ko iyong mood niya sa overthinking ko. Si Papa naman kasi! Bakit hindi na lang siya nagtrabaho at naisipan pang magleave? Tsk. I can’t catch a break!

Pagpasok namin sa condo niya, naupo lang ako sa couch habang pumasok siya sa kwarto niya para magpalit ng damit. Mukhang nag-aaral siya kagabi kasi may naka-labas na mga libro saka mga papel. Busy siguro talaga siya kasi ’di niya naayos ’to bago pumasok sa work kanina.

Sinubukan ko lang na ayusin iyong sa libro niya tapos iyong mga papel nang matigilan ako kasi tinawag ni Atty. Marroquin iyong pangalan ko.

“Ako na mag-aayos niyan,” bigla niyang sabi nang hahawakan ko na sana iyong papel na naka-patong sa may couch.

“Okay…” sagot ko na bahagyang naka-kunot iyong noo. Sabi ni Mauve na may pagka-main character syndrome ako na ako lang ang napapansin ko pero parang mali naman. Bakit napapansin ko lahat kay Atty. Marroquin? Bakit alam ko na may something sa papel na iyon na ayaw niyang mabasa ko?

Binitawan ko iyong papel. It’s his story to tell, anyway. Kung ayaw niyang sabihin sa akin, fine by me. May mga bagay din naman na ayaw ko munang sabihin sa kanya.

Instead, naupo ako roon sa stool sa kitchen island.

“May maitutulong ba ako ngayon o moral support lang?” I asked.

Naka-tingin si Atty. Marroquin sa akin habang naka-tayo siya sa other side nung kitchen island. He was looking at me intently na kita ko iyong konting wrinkles sa noo niya. Dahil kaya sa age iyon o dahil sa stress sa trabaho niya? Either way, bagay naman sa kanya.

“That document was from my brother,” sabi niya.

Naka-tingin lang ako sa kanya kasi hindi ko alam ang sasabihin. This felt like a serious topic. Mas mabuti na manahimik na lang ako.

“Sorry. I did tell you before na wala akong kapatid,” dugtong niya. Hindi ako nagsalita. “O baka nalimutan mo na na sinabi ko ’yon?”

Inirapan ko siya. “Naaalala ko,” sagot ko.

He slightly arched his brow. “Really.”

“Yes,” sabi ko na tumatango. “Sinabi mo na wala kang kapatid, wala kang pinsan kaya hindi mo kilala si Peppa Pig.”

Natawa siya. “You remember the weirdest things. Kaya siguro wala ng space sa utak mo para sa legal provisions.”

“Alam mo, okay lang naman na kiligin. Hindi mo naman ako kailangang laitin para itago na kinilig ka dahil naaalala ko iyong mga sinabi mo sa akin ngayon.”

Bahagyang nanlaki iyong mga mata niya. See? Kilala ko na talaga siya ngayon. Ang love language siguro talaga niya ay mamilosopo. Kaya siguro mamamatay talaga siya kapag isang araw ay puro kabaitan lang ang sinabi at ginawa niya sa akin. Kahit naman siguro ako ay magwoworry kung mabait lang siya the whole day. Iisipin ko na may sakit siya.

Tumalikod na si Atty. Marroquin tapos ay kumuha ng steak sa ref niya. Tuwing kailan kaya naggrocery ’to? Saka magkano budget niya? Ang daming laman lagi ng ref niya, e.

“Ribeye?” he asked me tapos pinakita niya iyong steak cut.

“Okay,” I replied.

Naka-upo lang ako roon habang pinapanood siya na magstart magluto. Ewan ko ba. Sabi sa akin sa reddit, ’wag ako masyadong mag-overthink ngayon. Enjoy the ride lang daw. Pero ako ’tong si tanga, hindi mapigilan maging futuristic. Bakit bigla kong naiisip iyong future namin?! Na ako iyong tiga-tikim ng lulutuin niya tapos siya palaging in-charge sa dinner and lunch.

Tsk.

Kahit sa imagination ko, wala akong ambag sa condo na ’to.

Para matigil na ako sa kaka-imagine, gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa kapatid niya, pero ayoko rin. Basta makikinig lang ako kapag nagkwento siya. If hindi, well, at least alam ko na na may kapatid siya somewhere in this world.

“She’s in the US,” biglang sabi ni Atty. Marroquin. “I haven’t talked to her in a while kaya minsan nalilimutan ko na may kapatid ako.”

I remained silent.

Bigla kong naisip na hindi kami nag-uusap ni Mauve… ang hirap naman non.

“When our parents died, I was the one who wanted to sue. Maybe it was idealistic of me, but I wanted justice for my parents. Iyong kapatid ko, gusto niya na lang matapos iyong lahat… So, she agreed with the settlement,” he said while cooking the steak. Ang hirap siguro para sa kanya na sabihin ‘to kaya ayaw niyang makita ko iyong mukha niya. “I was so mad at her when she settled with the people who were responsible for our parents’ death. I told her that we didn’t really need the money, but all she wanted was to be able to get away from everything. So, she gave me my share of the money. She went to the US. Haven’t heard from her since.”

Ramdam na ramdam ko iyong bigat.

“She sent a document,” biglang sabi niya. “She’s asking about the house in the province. Kung kailan ako papayag na ibenta na.”

Lumingon sa akin si Atty. Marroquin. Kumuha siya ng wine glass at saka inilagay sa harapan ko. Nilagyan niya ng wine iyon.

“After years of silence from her, ngayon lang siya nagparamdam. Para pa sa pera.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi hindi ko naman alam kung ano talaga iyong nangyari. Saka ang hirap din sa akin kasi may kapatid ako. Hindi ko talaga ma-imagine na hindi kami nag-uusap ni Mauve. Iyong sa Subic pa nga lang na wala siya, nase-stress na ako. Iyon pa kayang taon na hindi kami mag-uusap talaga? Tapos parang through lawyers na iyong usap namin?

“Do you just want to inform me… or do you want my honest opinion? Or opinion you want to hear?”

First time ko marinig iyong ganito kay Mauve. Madalas kasi ako magreklamo pero most of the time, gusto ko lang na may makikinig sa akin. Kasi alam ko naman ang gagawin ko. Masaya lang masabi siya out in the open.

“Honest opinion always,” sabi niya sa akin.

“Okay,” sabi ko tapos huminga nang malalim. Hawak ko rin iyong wine glass for emotional support. Ayoko kasi na mali iyong masabi ko sa kanya. “Gaano na ba katagal iyong sa kaso ng magulang mo bago nakipagsettle iyong kapatid mo?”

“A year.”

I gave a small nod. “I know and I understand that you want justice for your parents… but ewan ko… try to see it from your sister’s side. May mga tao lang talaga na ayaw ng ganyang problema. Saka baka way of coping niya na rin iyon. Baka ayaw niya lang na araw-araw ay naiisip niya iyong nangyari sa parents mo. I mean, just because she chose to settle doesn’t mean na wala na siyang pakielam. People cope differently.”

Rinig na rinig ko iyong kabog ng dibdib ko habang nagsasalita. First time lang kasi mag-open ni Atty. Marroquin sa akin ng seryosong bagay… tapos sobrang seryoso pa.

I didn’t want to say the wrong words.

I wanted to be here for him.

But also, I wanted to always be honest with him… kahit na hindi ko pa rin sinasabi sa kanya lahat ngayon.

“Okay,” he said after a few seconds that honestly felt like a lifetime.

“Galit ka ba?”

Umiling siya. “No,” he replied as he went back to slicing the steak after it rested. “I already know that. It’s just nice to have someone to listen to me.”

Naka-tingin lang ako sa kanya kasi kinakabahan pa rin ako dahil sa okay na sagot niya. Napa-tingin siya sa akin at napa-tigil sa ginagawa niya.

“Okay ka lang?” he asked habang hawak-hawak pa rin iyong kutsilyo.

Tumango ako. “Di ka talaga galit sa sagot ko?”

Kumunot ang noo niya. “Hindi. Bakit ako magagalit?”

I shrugged. “Kasi dapat kinampihan kita?”

Natawa siya. “We don’t always have to agree on everything, you know that, right?” sabi niya habang bumalik siya sa paghihiwa nung steak. “When you feel that I’m in the wrong, please call me out. I’d do the same.”

I scoffed. “Never kaya ako naging mali.”

“Kahit sa exams and recit mo?”

“Alam mo, hindi talaga pwede matapos ang araw na mabait ka lang, noh?” sabi ko sa kanya tapos ay tinawanan niya lang ako at saka sinubuan ng steak. “Pasalamat ka masarap ka talaga magluto.”

Natawa lang ulit siya. “What time do you have to be home?”

I shrugged. “Mga 11 or 12 siguro,” sabi ko.

Bahala na si Papa. Sabihin ko na lang nasa coffee shop ako o kung saan man. Tutal bibitbitin niya naman ako sa Subic, might as well enjoy my remaining days in Manila.

“May gusto akong panoorin sa Netflix,” he said while we were eating our dinner tapos kinuwento niya na sa akin iyong synopsis nung documentary.

We ate dinner and then I begged him to let me wash the dishes dahil may hiya naman pala ako kahit papaano. Habang naghuhugas ako ng plato ay naligo muna siya. After that, pinahiram niya ako ng damit para daw comfortable ako. Amoy na amoy ko siya dahil gamit ko iyong mga products niya. Ang mamahal nung mga gamit niya! Mapapansin niya kaya kapag kumuha ako ng isang Paco Rabanne aftershave niya?

Paglabas ko sa CR niya, nakita ko na nasa couch na siya. Napaawang iyong labi ko nang makita ko na may charcuterie board doon sa may coffee table niya plus bowl na may popcorn. May bagong bukas na wine din doon.

Napa-tingin siya sa akin nang marinig niya siguro ako.

“Come here,” he said as he tapped the space beside him like he created that space especially for me. Naglakad ako roon saka naupo sa gilid niya.

Akala ko talaga manonood kami ng netflix… pero iba talaga ata ang priority ko sa buhay. 

**

This story is already at Chapter 25 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 23

Chapter 23

Sinubukan ako ni Mauve na iligtas mula sa Subic trip, pero wala siyang nagawa. Syempre, tatay pa rin namin si Papa. Kapag sinabi niya na sasama ako, sasama ako. Ewan ko ba. Kahit siguro maging abogado na ako at tumanda ako, tiklop pa rin ako kay Papa.

Saka ayoko ng gulo.

Isang weekend lang naman.

Akala ko ay kasama namin si Mama papunta ng Subic kasi nga usually ay siya naman ang kasama kapag may mga ganitong event ni Papa. Ako lang iyong kasama tapos ay naiwan si Mama sa bahay kasama si Mauve. Nung tinanong ko kung bakit, sabi lang nila na para daw may kasama si Mauve. ’Di na lang nila sabihin na kailangan nila bantayan si Mauve kasi hanggang ngayon e kung pwede lang nila ikulong sa bahay si Mauve ay gagawin nila.

“Bakit po?” tanong ko nang kalabitin ako ni Papa. Natutulog lang kasi ako sa passenger seat habang nagda-drive siya. ’Di naman kasi ako pwedeng magtext kasi katabi ko siya. Saka mamaya magtaka pa ’yon kung bakit message nang message sa akin iyong GLOBE.

“Gusto mong huminto sa gas station?”

I shrugged. “Ikaw po. ’Di naman ako nagugutom.”

Gusto ko na lang makarating sa hotel. Thankfully, magkaiba kami ng kwarto ni Papa. Nakaka-suffocate kung same room kami. Kung ganon lang din, talagang matutulog lang ako buong weekend o kaya magtitiktok.

Mukhang si Papa iyong naiihi kaya huminto kami sa gas station. Pagka-labas na pagka-labas niya sa sasakyan, agad akong tumawag kay Atty. Marroquin.

“Good morning,” agad na sagot niya. After three rings ay sumagot na siya.

“Good morning. Aga mo nagising, ah,” sabi ko kasi 7AM pa lang kaya. Sana naka-early check-in si Papa kasi ayokong tumambay sa lobby o kung saan man.

“I told you I’m a morning person,” sagot niya sa akin.

“Ano’ng ginagawa mo?”

“Getting ready for my morning run.”

“Sa BGC?”

“Yes. Ikaw? Ang aga mo nagising.”

“Morning person din ako.”

“Really,” sagot niya sa akin. I could already imagine him staring at me like he knew that I was lying. Bahagyang naka-tilt sa side iyong ulo niya at parang hinihintay niya lang ako umamin na nagsisinungaling ako.

Ang weird talaga kapag lagi kayo magkasama na tipong alam mo na ang mannerisms ng isang tao.

“Oo kaya,” sagot ko.

“What’s your morning routine, then? Gising tapos tiktok?”

“Alam mo, ang hater mo ng tiktok. Ang dami kayang educational na tiktok.”

“Seriously?”

“Yes.”

“What’s next? Source mo ang Wikipedia?”

“Hater ka talaga.”

Tumawa siya. “A bit,” sabi niya.

“Finally, some honesty,” sagot ko sa kanya tapos narinig ko na naman iyong mahinang halakhak niya. Tsk! Kasalanan talaga ’to ni Papa. Imbes na nasa Subic ako, sana e nasa Manila na lang ako. Weekend pa naman ngayon. Walang work si GLOBE. Pwedeng-pwede ako tumambay sa condo niya.

Hirap din pala na may trabaho iyong… lovelife mo. Ano ko ba kasi siya? Ang hirap naman kasi paano kapag may nagtanong kung ano kami? Ano’ng isasagot ko? Basta masaya kami.

Ayoko rin naman ’to itanong over the phone. Saka na nga pagbalik ko sa Manila. Hindi ko rin naman alam kung paano ’to i-bring up. Kailangan ko ng payo ni Mauve dahil pakiramdam ko e naka-ban na ako doon sa subreddit. Mga haters nandon, e. Lagi na lang ako dina-downvote.

“What are you up to?” tanong niya.

“Papuntang Subic.”

“Oh. What for?”

“Di ko rin sure.”

“What? Na-kidnap ka ba?”

“Parang ganon na nga,” sagot ko tapos sinandal iyong ulo ko sa bintana. “Di mo ba kayang dito na lang sa Subic magjogging?” pabiro kong sabi kasi ’di ko talaga alam kung paano ko isusurvive ’tong weekend na kasama si Papa. Wala si Mauve as shield. Saka mas masaya kasi kapag kasama siya dahil audience lang ako habang iniinis niya iyong magulang namin.

Naka-rinig ako ng beep mula sa phone ko. Pagtingin ko ay nakita ko na naman na nagrerequest ng FaceTime si AVM. Tsk. Sana mahaba pila sa CR para mamaya pa maka-balik si Papa.

“Nasa Subic ka talaga?” sabi niya nang sagutin ko iyong tawag niya. Bago ko sagutin iyon, minake sure ko na naka-lock iyong pinto dahil baka biglang sumulpot si Papa.

Tumango ako. “I mean, wala pa. Nasa expressway pa ako.”

“Oh, okay,” sabi niya.

Damn.

Ang gwapo niya talaga.

I mean, gwapo naman siya talaga. Gwapo siya kapag naka-usual look siya aka lawyer mode. Madalas kapag nakikita ko siya ay naka-suot siya nung short-sleeved polo, black slacks, saka black leather shoes. Pero mas gusto ko kapag naka-casual na attire lang siya. Tulad ngayon. Naka-white na dri-fit shirt lang siya tapos black na running shorts. Naka-suot din iyong airpods niya saka iyong black cap niya.

Ang gwapo-gwapo pero ayokong sabihin kasi lalaki na ulo nito masyado.

“Kailan balik mo sa Manila?”

“Sunday pa ata.”

“Oh…”

“Bakit? Mamimiss mo ako?”

Tumawa siya. “Yeah, of course, pero mukhang mas mami-miss mo ako.”

Umirap ako. “San ka after mo magjogging?”

“Brunch.”

“May kasama ka?”

Tumango siya. “Office friends.”

“Wow, may kaibigan ka pala.”

“Friendly ako.”

“Saang part?” sabi ko sa kanya. Gusto ko pa sanang itanong kung sinong kaibigan pero nakita ko na naglalakad na pabalik si Papa. Tsk. “Aalis na pala kami. Bye!” mabilis na sabi ko bago pa mapansin ni Papa na may kausap ako sa sasakyan.

Pagbalik ni Papa, agad niya akong inabutan ng pagkain. Bumili pala siya kaya medyo natagalan. I thanked him. I felt a bit guilty kasi nagsisinungaling ako sa kanya… pero anong magagawa ko? Alam ko kasi na hindi siya magiging masaya na masaya ako.


Para hindi ma-bore, nagconnect na lang ako sa sasakyan ni Papa tapos nakinig ng podcast. ’Di ko na kasi kayang matulog. Nasobrahan na ata ako.

Pagdating sa hotel, thankfully ay hinayaan kami na mag-early check-in. Minsan thankful din ako sa privilege na meron si Papa dahil sa mataas na position niya sa NBI. I mean, ma-reklamo ako pero gets ko pa rin naman na privileged ako. Mataas lang talaga pride ko kahit papaano pero alam ko na kung ayoko talaga magtrabaho, babayaran naman nila Papa iyong tuition ko.

“Yes?” sabi ko nang kumatok si Papa sa kwarto ko.

“Lunch mamaya.”

“Kailangan kasama ako?” I asked. Tumango siya. “Okay.”

Weekend lang naman ’to.

The whole day, kasama lang ako ni Papa. Kasama niya ako sa lunch tapos lumabas kami kasama iyong mga ka-trabaho niya. Naka-tunganga lang ako habang naglalaro sila ng golf. ’Di kasi nagrereply si Atty. Marroquin. Gusto ko siya i-double text pero sabi nga niya na kung hindi siya nagrereply, assume na busy siya dahil kung free siya ay magrereply naman siya.

Ang hirap pala maging understanding.

After ng golf nila, dinner naman. Hindi ko alam kung bakit nandito kami. Also, gobyerno ba nagbabayad nito? Ng golf trip nila? Kung oo, grabe… Samantalang si Atty. Marroquin e mas inuuna ang taxpayers kaysa sa akin.

Ang balak ko talaga ay umalis agad after ko kumain. Kung magdedessert pa sila ay ’wag na. Oorder na lang ako sa room service. Gusto ko na talaga matulog dahil pakiramdam ko ay naubos ang braincells ko sa panonood sa kanila mag-golf. Nakaka-pikon iyong laro na ’to. Gusto ko na lang pulutin iyong bola at i-shoot doon sa butas.

Pagdating namin sa resto, gusto ko na lang agad tignan iyong menu para at least ay matuwa naman ako.

“Mauro, si Angeline, anak ng Tito Francis mo,” sabi ni Papa nang may sumalubong sa amin na babae na mukhang kaka-tungtong pa lang ng college.

“Hi,” sabi ko saka bahagyang tumango sa kanya.

“Hello po,” sagot niya sa akin na naka-ngiti. Halatang nahihiya siya sa akin.

Mukhang balak akong gawing baby sitter dahil doon kami pinaupo sa separate na lamesa. Sabi ni Papa ay may work-related sila na pag-uusapan kaya pina-hiwalay kaming dalawa.

Inabutan ko siya ng menu dahil naweweirduhan ako at kanina pa siya naka-tingin sa akin. Binasa ko na lang din iyong menu saka inilagay iyon sa harap ng mukha ko para takpan. Gusto ko sanang umorder ng pinaka-mahal pero kung government fund ang gagamitin, nakak-guilty naman umorder ng mahal.

Kasalanan ’to ni Atty. Marroquin! Bigla akong nagka-pakielam sa kaban ng bayan.

“Law student ka po?” biglang tanong ni Angeline.

Tumango ako after ko ibaba iyong menu. “Ikaw?”

“College student pa po. PolSci, pero gusto ko rin pumasok sa law school after college.”

“Ah… Ano’ng year ka na ba?”

“Second year.”

“Ah, okay. Good luck.”

Wala talaga akong socialization skills. Baka tama nga si Atty. Marroquin na sa aming dalawa, siya ang friendly. Nakaka-gimbal na katotohanan, if ever.

“Mahirap po ba iyong law school?” tanong niya.

I shrugged. “Mahirap, pero nadadaan naman sa sipag.”

Ang daming tanong ng batang ’to na hindi na ako naka-pili ng kakainin ko. Nung dumating tuloy iyong waitress ay nagpanic ako at pinili na lang iyong unang nakita ng mga mata ko.

Buong gabi ay sumasagot lang ako sa tanong ni Angeline. I mean, okay lang naman. Mas okay na siguro iyon kaysa kanina na halos gusto ko ng i-drive pabalik sa hotel iyong golf cart at abandunahin sila Papa sa golf course.

“Kuya,” pagtawag sa akin ni Angeline nung sa wakas ay paalis na kami. Huminto ako at saka tumingin sa kanya. “Pwede pong hingin Instagram account niyo?”

I shrugged. “Okay,” sagot ko sa kanya.

“Thank you, Kuya!” sabi niya tapos ay ngumiti at saka naglakad paalis.

Pagpasok ko sa sasakyan kasama si Papa ay excited na akong bumalik sa hotel at matulog. Siguro naman ay free na si Atty. Marroquin. Pero Saturday night kasi ngayon… baka may dinner siya o kung anuman with friends. Ayoko naman mag-inarte kasi kapag ako may lakad kasama mga blockmates ko ay sinusuportahan niya ako.

Once again, being understanding doesn’t come naturally for me pala.

“Mabait na bata iyong si Angeline,” sabi ni Papa bigla. Tumango na lang ako. “Saka matalino raw.”

“Good for her,” sagot ko kasi ano ba dapat sabihin sa ganon? Saka pakielam ko naman?

“May crush daw sa ’yo sabi ng Tito Francis mo.”

Agad akong napa-tingin kay Papa at napa-kunot ang noo. “Ha?”

Paano akong naging crush non e first time ko lang makita ’yon?

“Nakaka-sama mo na ’yon dati kapag may party sa trabaho,” sabi ni Papa.

Hindi na lang ako nagsalita kasi bigla akong na-awkward. Kaya ba ako sinama ni Papa dito para makilala iyong Angeline? Nirereto niya ba ako sa anak ng kaibigan niya?

Pambihira.

Kung alam niya na talaga iyong kay Atty. Marroquin, imbes na pabayaan na lang ako, ang una niyang ginawa ay ihanap ako ng babae? Na para bang magbabago ang isip ko?

Hindi pa rin pala nagbabago si Papa.


Tahimik lang ako hanggang maka-balik kami sa hotel. Ramdam ko na ramdam ni Papa iyong inis ko, pero wala akong pakielam. Nakaka-badtrip lang kasi talaga siya.

Pagbalik ko sa hotel room, naglagay agad ako ng Do Not Disturb sign. Alam ko na para sa staff ng hotel iyon, pero sana ma-gets ni Papa na para din sa kanya ’yon.

Pinilit ko iyong sarili ko na magtiktok na lang kasi hindi pa rin nagrereply si Atty. Marroquin. Busy siguro siya.

Walang kwenta iyong tiktok.

Nanood ako ng Netflix, pero wala akong mahanap na maganda.

Si Mauve din hindi nagrereply.

Nag-google na lang ako ng kung may malapit ba na bus station dito kasi gusto ko na bumalik sa Manila. Nakaka-badtrip talaga si Papa. Akala ko kahit papaano ay may improvement siya dahil sa after-effect kay Mauve nung mga ginawa nila. Pero mali pala ako. Ganon pa rin siya—baka nga mas lumala pa.

Habang naghahanap ako ng bus na bukas pa ngayong 9PM ay bumilis ang tibok ng puso ko nang may lumabas na notif from GLOBE sa screen ko.

‘How was Subic?’

Imbes na sumagot sa message niya ay agad akong nagrequest ng FaceTime.

“Hey,” sabi niya nang sagutin niya iyong tawag. Nasa sasakyan niya siya at mukhang nagda-drive. “Everything all right?” tanong niya sa akin na para bang ramdam niya iyong pagka-badtrip ko.

Umiling ako. “Hindi.”

“Wanna talk about it?”

“Hindi muna.”

“Okay,” sabi niya. “You wanna hear about my day?”

“Yes, please.”

Naka-tingin lang ako sa mukha niya habang nagsasalita siya. Sinabi niya na nagjogging nga siya tapos brunch kasama iyong mga kaibigan niya from work. Tapos umuwi na siya at naglinis ng condo (very him). Nagpahinga siya for a while then dumiretso sa gym. Sa condo niya lang pala siya nagggym. Baka maganda iyong amenities ng condo niya. Aba, dapat lang! Tapos may inattend-an daw siya na IBP dinner.

“Daming nangyari sa araw mo, ah.”

“I know. Looking forward to going home.”

“Malapit ka na ba sa condo mo?” Umiling siya. “Ah… traffic siguro. Saturday, e.”

Tumango siya. “Traffic dito sa NLEX.”

Kumunot ang noo ko. “NLEX?”

“Yeah.”

Nanlaki iyong mga mata ko. “Pupuntahan mo ako?!”

Natawa siya. “I mean… yeah. Since you asked so nicely earlier.”

“Weh? Seryoso nga?”

Tumango siya. “Would’ve gone earlier, but I already had prior commitments,” sabi niya sa akin tapos nakita ko sa background na mukhang nasa NLEX nga siya kasi nakita ko mula sa background iyong tollgate.

“Niloloko lang naman kita…”

“Yeah, I know, but Subic sounds nice.”

“Sus… Umamin ka na na malakas ako sa ’yo.”

“Obviously,” he replied. “Ang traffic-traffic pero napupuntahan kita sa QC.” Ramdam ko iyong pag-iinit ng mukha ko. Hayop talaga ’to.

“Sang hotel ka? Magoovernight ka ba dito or dadaan ka lang?”

“May hotel ako. ’Di ko kayang magdrive balikan.”

“Saan hotel mo?”

“Central Park Reef.”

Agad akong nagsearch. “Malapit lang sa ’kin,” sabi ko. “Inistalk mo ba ako?”

Tumawa siya. “Asa ka pa.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “E ano ’yon? Meant to be lang?”

He shrugged. “Parang ganon na nga.”

Nag-usap kami ni Atty. Marroquin. Ayoko siyang iwanan kasi ang dami niya ginawa buong araw tapos magda-drive pa siya papunta sa Subic? Baka maka-tulog siya sa daan. Delikado.

“I’m here,” sabi niya past 12MN.

“Good. Magcheck-in ka na.”

“Later,” he replied. “Baba ka na.”

Nanlaki iyong mga mata ko. “Nandito ka sa labas ng hotel ko?”

He nodded. “Let me say hi to you in person first.”

Agad akong lumabas ng hotel room. Pasado alas dose naman na. Siguro tulog na iyong mga matatandang kasama ko. Diretso ako lumabas at agad kong nakita iyong sasakyan ni Atty. Marroquin. Parang trained na iyong mga mata ko na hanapin iyon.

Pagbukas ko ng pinto ng sasakyan niya, ang naramdaman ko agad ay iyong parang ‘fuck… I’m finally home.’

Agad ko siyang niyakap kahit nahihiya ako.

“Thank you,” sabi ko habang naka-yakap sa kanya. Alam ko na iyong ibang tao nga ni hindi maka-kuha ng reply sa crush nila tapos ako biniro ko lang tapos pinuntahan ako sa Subic?!

Naramdaman ko iyong pagka-gulat niya kasi hindi naman talaga ako touchy sa kanya. Nahihiya kasi talaga ako. Pero gusto ko talaga siyang yakapin.

“You’re always welcome,” he replied as he hugged me tighter and made me feel like indeed, I am finally home. 

**

This story is already at Chapter 26 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 24

Chapter 24

Doon ako nagpa-lipas ng gabi sa hotel room ni Atty. Marroquin. Sabi ko sa sarili ko na aalis na lang ako nang maaga para maka-balik sa kwarto ko bago magising si Papa… kaso parang ayokong umalis doon. Mas gusto ko siya kasama, e. Wala naman kaming ginawa. Nag-uusap lang kami tapos bigla siyang naka-tulog siguro sa sobrang pagod kasi nagdrive pa siya dito galing Manila. Nakaka-tawa iyong itsura niya na kahit naka-pikit na siya ay sinusubukan niya pa rin akong kausapin hanggang sa maging gibberish na iyong mga salita niya.

Hanggang sa naka-tulog na rin ako.

“Shit!” malakas na sabi ko tapos napa-tikom ako ng bibig nang makita ko si Atty. Marroquin na mahimbing pa rin na natutulog kahit 9AM na. Pagod siguro talaga siya kasi usually ay morning person naman siya.

Gusto kong umalis na agad. Magpapanggap na lang ako na naglakad-lakad sa paligid. Hindi naman siguro magdududa si Papa… Kung alam man niya iyong sa amin ni Atty. Marroquin, ’di naman siguro niya iisipin na pinuntahan din ako dito.

“Atty. Marroquin,” sabi ko habang mahinang tinatapik iyong mukha niya. Ayoko naman siyang bigla na lang iwan dito.

“Hmm…” sagot niya habang naka-pikit pa rin iyong mga mata. Ang peaceful niya tignan kapag natutulog siya. Parang ang bait-bait na walang ka-pilosopohan sa katawan. Tsk. Looks can be deceiving talaga!

“Alis na ko.”

Dinilat niya iyong mga mata niya. Ang pungay tignan. Ang gwapo talaga ng pesteng ’to.

“Ano’ng oras na ba?”

“Past 9AM.”

Napa-upo siya. Gulu-gulo pa iyong buhok niya. Kinusot niya iyong mga mata niya. Naka-suot siya ng white shirt saka boxers. Apparently, may overnight bag siya kaya kahit biglaan iyong punta niya rito ay prepared siya. Sana kagaya niya rin ako. Kasi kung ako siya, maliligo na lang siguro ako sa pabango.

“Oh, okay,” sabi niya tapos ay naghikab pa. “Kailangan mo na ba umalis? O pwede magkape muna ako?”

“May free breakfast naman ata ’tong hotel mo.”

“Yeah, but I mean, I wanna have coffee first before I drive you back.”

Umiling ako. “Hindi na.”

Tumingin siya sa akin. Tahimik lang siya tapos ay tumango siya. Siguro alam niya. To some extent, alam niya siguro. Hindi pa namin napapag-usapan iyong mga seryosong bagay. Alam ko sa sarili ko na ayokong pag-usapan. Hindi ko alam sa kanya kung ayaw niya rin bang pag-usapan o baka ramdam niya na ayaw kong pag-usapan.

Either way, we’d still have to discuss it.

He’s my home.

He’s my escape.

I didn’t want any lies between us—sapat na iyong marami akong tinatago sa bahay. Ayoko na pati sa kanya ay kailangan kong magsinungaling.

“Okay,” he said instead.

Hindi ko alam gagawin. Nawe-weirduhan ako kung hahalikan ko ba siya o yayakapin. So I settled with patting his head. Nabigla siya sandali tapos natawa.

“Magche-checkout ka na ba mamaya?” I asked kasi baka gusto niya na bukas na lang ng maaga umalis since nag-effort pa siya magdrive papunta dito.

He nodded. “May trabaho bukas,” he replied.

“Workaholic.”

“Sue me, I actually enjoy my job.”

Umirap ako. “Wala naman akong sinabing hindi,” sabi ko sa kanya. “Ano’ng gagawin mo ngayon?”

He shrugged. “Swimming kung may pool.”

Tsk. Parang gusto ko rin magswimming kasama siya. Ano kaya pakiramdam non?

“Kung wala?”

He shrugged again. “Order room service. Watch a movie.”

“Tss.”

Natawa siya. “Alis ka na para makapagsimula na ako ng bakasyon ko,” sabi niya habang pabiro na tinutulak ako paalis sa kama. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako umalis talaga sa room niya. ’Di na siya nagsabi na ihahatid niya ako sa labas. Ewan ko. Baka alam niya na nga rin. Baka alam na ng lahat sa paligid ko pero wala lang may gusto magsabi.


Medyo nagsisi ako habang naglalakad ako pabalik sa hotel. Dahil sa sobrang paranoid ko ay ang layo tuloy ng nilakad ko. Mabilis lang naman siya kapag sasakyan pero ang layo din pala kapag nilakad! Sakto na pa-tanghali na kaya pawis na pawis na ako nang makarating ako pabalik.

“San ka galing?” tanong ni Papa nang makita niya ako sa lobby. Halos mapa-talon ako sa gulat.

“Naglakad-lakad lang,” sagot ko dahil kanina ko pa pina-practice ’yan in case na makita ko siya.

“Saan?”

“Sa labas,” I replied. “Balik muna ako sa room. Ang init,” mabilis na sabi ko tapos ay naglakad din ako paalis dahil gusto ko na talagang maligo dahil ang init-init.

Umorder muna ako ng room service habang naliligo since hindi ko na inabutan iyong breakfast buffet. Ginaya ko lang si Atty. Marroquin na manonood ng movie habang may room service. Gusto ko rin sana maligo sa pool kaso baka may maka-salubong pa ako. Bigla ko naalala si Angeline. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa akin pa nagka-crush?

In the middle of enjoying my food and watching Godzilla, naka-rinig ako ng katok. Alam ko na agad na si Papa iyon dahil naglagay ako ng Do Not Disturb sign sa harap ng pinto.

“May kailangan ka?” tanong ko nang makita ko si Angeline na naka-tayo sa labas ng pinto ko.

She was smiling at me. “Sabi ni Tito, nagpa-iwan ka raw.”

I nodded. “Yeah. Bakit?”

She shrugged while she’s still smiling. “Sabi ni Tito, baka gusto mo raw sumama sa akin. Magka-café hopping ako habang naghihintay matapos iyong seminar nila.”

Mukha namang mabait si Angeline. Unfair din naman na sa kanya ko ibunton iyong inis ko sa tatay ko. Hindi niya naman siguro alam iyong dahilan kaya ako binubugaw ng tatay ko.

“No, thanks,” I replied politely but sternly. “May ginagawa din ako.”

I quickly shut the door at her face. I mean, no offense, but I had no time nor energy to deal with her. Besides, kung totoo man na may crush talaga siya sa akin, mas mabuti pa na ngayon pa lang e ma-realize niya na wala siyang mapapala sa akin. At least ’di masasayang oras niya.

Saka taken na ako—kahit so far ay masaya pa lang ang status naming dalawa.

Sinubukan ko na manood lang ulit pero may parte talaga sa akin na naiinis kay Papa. Kasi talagang dinala niya pa ako dito sa Subic para lang ipakilala si Angeline. ’Di ba niya naisip na ito lang pahinga ko bago magsimula iyong finals? O kaya na mas kailangan ko ng oras para mag-advance study? Mas mahalaga pa sa kanya ’to.

Nakaka-disappoint na nakaka-galit.

Agad akong umalis sa hotel. Naglakad ulit ako papunt sa hotel ni Atty. Marroquin. Nagtext ako sa kanya pero hindi siya sumasagot. Pakiramdam ko ay nasa pool area siya. Nakita ata ako nung receptionist na galing din ako dito kanina kaya pinayagan niya akong dumiretso sa pool area kahit ’di naman ako guest ng hotel.

And… holy shit.

Nawala agad iyong inis ko nang makita ko si Atty. Marroquin. Naka-talikod siya mula sa akin. Naka-patong iyong dalawang magkabilang braso niya sa may dulo ng pool. Naka-tayo lang siya doon na para bang may malalim na iniisip.

Fuck.

Ang ganda kahit iyong likod pa lang niya.

Mabuti na lang at walang tao dito sa pool area dahil alam ko na ang creepy ko tignan dahil ilang segundo na ako na naka-tingin lang sa kanya.

“Kanina ka pa d’yan?” sabi niya sa akin nang lumingon siya. He looked like he was about to take a swim, pero natigilan siya nang mapansin niya ako na naka-tayo malapit sa lounger niya.

I shrugged, casually putting my hands inside the pockets of my shorts na para bang hindi ako naka-tingin lang sa kanya kanina.

“Kaka-dating ko lang.”

“Libre ka ngayon?”

Tumango ako. Bahala si Papa d’yan. Kahit iwan niya na ako dito. O kaya maghintay siya bumalik ako sa hotel.

“Buti may pool,” I said instead.

He nodded. “Gusto mong magswimming?”

“Wala akong dalang damit.”

“You can just wear your boxers. Tayong dalawa lang naman dito.”

It was off-season. Sobrang konti nga lang ng guest sa hotel na ’to. Malamang kami lang din dito sa pool.

“Fine,” I said as I removed my shirt. Sisimulan ko na sana i-unbutton iyong sa shorts ko nang makita ko na naka-tingin sa akin si Atty. Marroquin at naka-ngiti. “Wag ka nga.”

Tumawa siya. “Fine, fine,” he replied tapos ay tumalikod siya at nagsimulang lumangoy.

Tinupi ko nang maayos iyong damit ko at ipinatong iyon sa lounger niya. Bumaba na ako sa pool. Fuck, ang sarap nga magswimming ngayon! Masaya din sana magbeach kaya lang next time na lang.

“Marunong ka lumangoy?” tanong niya sa akin nang maka-balik siya. He combed his wet hair using his fingers. Tumutulo pa iyong butil ng tubig mula sa buhok niya pababa sa mukha niya.

Taena talaga ng taong ’to.

Bakit ang gwapo nito?

“Depende.”

“Depende saan?”

“Kung may humahabol sa akin,” sagot ko.

“Sino naman hahabol sa ’yo?”

I shrugged. “Sharks.”

Napaawang iyong labi niya. “Sharks?”

I nodded. “Kung hinahabol ako ng pating, magically magkaka-swimming skills ako.”

Iyong mukha niya ay hindi alam kung matatawa siya o ano. “Do you seriously think you can outswim a shark?”

I shrugged. “No… but I can try.”

“Really?” sabi niya sa akin. Sumandal siya at saka pinagkrus iyong mga braso niya. Taenang biceps ’yan. Pwede bang bumalik na kami sa hotel room niya? “Pakiramdam ko ikaw iyong tao na kapag naka-encounter ng pating, tatanggapin mo na lang na hanggang doon na lang ang buhay mo.”

“Excuse me?”

“I’m saying na mukha kang walang survival instincts.”

“Kung magkaka-apocalypse, pakiramdam ko ako ang last man standing.”

“Sige nga—zombie apocalypse. Paano ka magsusurvive?”

“Depends. Ano’ng klaseng zombie ba? Iyong mabibilis o iyong mababagal?”

“Importante ba ’yon?”

“Syempre. Iyong isa, kayang kaya ko takbuhan palayo.”

“E ’di mabilis na zombie.”

“Okay… Next question, nakaka-kita ba sila? O nakaka-rinig ba sila? Mabilis lang ba sila tumakbo o kaya rin ba nila umakyat?”

We spent the next hour just arguing kung sino sa aming dalawa ang makaka-survive sa apocalypse. Ang yabang-yabang nito e hindi rin naman pala siya marunong gumawa ng apoy! In his defense daw, may mga posporo at lighter naman. Worse comes to worst, fast learner naman daw siya. Pagkikiskisin lang naman daw iyong mga kahoy.

After magbabad sa pool ay bumalik na kami sa kwarto niya.

“Mau,” sabi niya habang naka-tayo lang ako roon sa may gilid kasi ayoko mabasa iyong mini-couch. Mamaya ko na huhubarin iyong basa kong boxers pagpasok niya sa CR.

“Ano?” sabi ko kasi nilalamig ako.

“Gusto mo sabay na tayo maligo?”

Napa-tingin ako sa kanya at saka nanlaki ang mga mata. Nakita ko na natawa siya. Pakshet na ’to—pinagti-tripan na naman ako!

“Okay,” sabi ko bigla kasi lagi niya na lang akong pinagti-tripan. Nakita ko na nanlaki iyong mga mata niya sa gulat. Naglakad ako papasok sa CR. Nilalamig na rin kasi talaga ako!

Pagpasok ko ay agad akong tumayo sa ilalim ng shower. Binuksan ko iyong tubig. Ang sarap talaga ng hot shower!

Pakiramdam ko ay hindi naman susunod si Atty. Marroquin kasi malakas lang mambwisit ’yon. Saka malakas lang mang-asar. Kahit naman nung first kiss namin, ang bagal-bagal! Ako pa tuloy nanghalik! Kahit kapag nanonood kami ng Netflix basta naka-hawak lang siya sa akin. Para tuloy ako iyong excited.

Nanlaki iyong mga mata ko nang bigla ko siyang maramdaman na naka-tayo sa likuran ko.

“Mamaya ka na. ’Di tayo kasya dito,” sabi ko kasi pota, dalawang 6 footer ba naman kami e hindi naman malaki iyong CR dito kagaya sa condo niya.

“Hotel room ko kaya ’to,” sabi niya tapos inaabot iyong sabon o shampoo ata.

“E nauna na ako.”

“Sabi ko sabay, ’di ba?”

“Di nga tayo kasya.”

“Kapag may gusto, may paraan,” sabi niya tapos nagsimula siyang magshampoo. Hayop na ’to. Kahit may bula sa tuktok ng ulo, ang gwapo pa rin!

“E ano ba’ng gusto mo?” sabi ko habang diretsong naka-tingin sa kanya.

Rinig na rinig ko iyong tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hot water or talagang naiinitan ako. Tangina kasi ng lalaking ’to—bakit ang gwapo niya talaga? I mean, it’s one thing na matalino siya pero ang gwapo niya rin?! Saka iyong ugali niya at saka kung paano niya dalhin iyong sarili niya. Mas lalo na kapag seryoso siya sa trabaho niya.

Ang hot pota.

Imbes na magsalita, humakbang siya palapit sa akin.

“Madami, pero ito muna,” sabi niya bago ko mabilis na naramdaman iyong labi niya sa akin.

Fuck, yes.

Naka-sandal ako sa glass wall nung CR habang naka-tukod sa magkabilang gilid ng ulo ko iyong mga kamay niya. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin iyong mga kamay ko. Alam ko kung saan ko sila gustong dalhin pero hindi ko alam kung paano ko dadalhin doon. Hindi rin ako maka-concentrate kasi tangina, ang galing talaga humalik ng taong ’to! Hanggang ngayon ’di ko pa rin natatanong kung ilan na naging boyfriend/girlfriend niya.

Pero hindi importante ’yon ngayon.

Fuck.

Finally ay nailagay ko iyong kamay ko sa may may tiyan niya. Tangina nito. Sa dami ng trabaho niya ay nagagawa pang mag-exercise. Wala siya nung defined na abs, pero ang tigas nung sa may tiyan niya. Nakaka-hiya kasi feeling ko malambot iyong tiyan ko. Makapag-exercise na nga rin. Ayoko na sa amin siya iyong hot tapos ako iyong mabait.

“Shit, sorry!” sabi ko nung makagat ko iyong ibabang labi niya. Kanina pa kasi ako nagcoconcentrate kasi iyong kamay ko may ibang gustong puntahan.

Napa-hawak siya doon. May kaunting dugo pero mabilis din iyong nawala dahil sa agos ng tubig. Pero hindi ko rin pansin dahil sobrang foggy na ng buong CR mula sa steam nung mainit na tubig.

“No, it’s fine. Let’s carry on,” he said and then just like that, he was back to kissing me again.

He was kissing my lips.

And then my neck.

And then he was back to kissing my lips and tasting every inch of my mouth with his tongue.

‘Bahala na nga,’ sabi ko nang tuluyan kong ibaba pa iyong kamay ko. Naramdaman ko na natigilan siya sa paghalik niya sa akin.

“Sorry—” sabi ko dahil baka hindi pa pwedeng gawin. Ewan ko. First time ko lang!

“No, it’s fine,” he said as he placed a hand on top of mine and steadied it in place. “What do you want to do?” he asked, his voice very low… and fuck, sexy.

“Hindi… ko alam.”

“Okay.”

“Pero… pwede ba?” I asked, hoping that he knew what I meant.

“Yes,” he replied. “Can I?” he asked.

I looked at him and saw that his eyes were mirroring the exact same expression as mine. “Yes,” I replied breathlessly.

He guided my hand inside his shorts. I felt him gasping as I held him. Napa-sandal iyong ulo niya sa balikat ko. I didn’t know how to do it to someone else… so I just held him like how I liked to do it to myself.

I thought I could just watch him, listen to him, pero agad na napa-tigil ako sa paghinga nang maramdaman kong abutin niya rin ako.

“Atty. Marroquin—” sabi ko na nanlaki ang mga mata.

“Achilles,” he replied, correcting me. “Please don’t call me Atty. Marroquin while I am holding you in my hand.”

“Sanay kasi ako—” sabi ko at saka hinigpitan niya ang hawak doon na dahilan kung bakit napaawang iyong labi ko sa gulat. Tangina talaga nito!

“Then sanayin mo iyong sarili mo na tawagin akong Achilles, “ he said while he was slowly stroking me at parang nag-evaporate na lahat ng thoughts sa utak ko kasabay ng steam sa CR na ’to. 

**

This story is already at Chapter 27 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 25

Chapter 25

“Ano?” sabi ko sa kanya nang nahuli ko na naka-tingin siya sa akin pagkatapos kong umorder ng pagkain para sa room service. Nagutom ako, e!

Bahagya siyang umiling. “Mauubos mo ba lahat ng order mo?”

I shrugged tapos ay nahiga ako sa kama. Naka-suot kami pareho ng bathrobe. Ako kasi pinapa-tuyo ko pa iyong boxers ko na ginawa kong pang-swimming. Siya, ewan ko. Ginagaya lang siguro ako.

“I will try my best,” I replied.

“Yes, do try,” he said. “I don’t like wasting food.”

I wrinkled my nose. “Oo na, oo na.”

Habang naghihintay ng pagkain ay nanood muna kami ng movie. Magkatabi lang kami sa kama habang naka-sandal sa headboard iyong mga likod namin.

“May tanong ako,” sabi ko dahil ’di ko rin masundan iyong pinapa-nood namin na movie dahil nasa kalagitnaan na.

“What?”

“Yung sa kapatid mo…” I said carefully.

Hindi ma-kwento si Atty—I mean si Achilles. Kaya lang naman niya sinabi sa akin iyong dati ay dahil aksidente kong nakita iyong documents na pinadala sa kanya ng kapatid niya. Pero sabi niya rin sa akin, he was glad na may napapagsabihan na siya ng ganito. Kaya wala lang. Gusto ko lang magtanong. Baka kasi gusto niyang magkwento.

“What about that?”

“Nag-usap na kayo?”

“Not yet.”

“Oh. Okay.”

At the same time, ayoko mamilit. Basta nagtanong ako. Kung hanggang dito lang ang gusto niyang sabihin, fine by me.

“I’m still considering it,” sabi niya bigla habang nagsscan ako ng channel para maghanap ng magandang papanoorin.

“Considering what?”

“If it’s worth it,” sabi niya. “I really don’t need the money from that sale. And that’s the only memory I have left of my parents. Ayoko pang pakawalan.”

Tahimik lang ako. Buhay pa naman parents ko… Wala naman akong wish na mamatay sila. In fact, kasama nga sa mga dasal ko iyong good health and long life nila. Pero ewan. Kung tatanungin ako, in the future, kung gusto ko ba ibenta iyong bahay namin? I’d casually say yes. Wala naman kasi akong magandang memory sa bahay na ’yon. Ang pinaka-naaalala ko lang siguro ay iyong kinulong nila si Mauve sa kwarto. Hindi magandang alaala.

Pero baka iba kasi sa kanya. Baka maganda iyong childhood niya. Baka mahal siya ng magulang niya. Baka kaya mahirap sa kanyang pakawalan.

“Wala kang comment?” he asked when he probably noticed my silence.

“Baka may dahilan iyong kapatid mo,” sabi ko. “You said it yourself—tahimik lang siya before tapos biglang nagreach out para dito. Baka kailangan niya ng pera o kung anuman.”

Hindi ko kilala iyong kapatid niya. Hindi ko alam kung mabait ba siya o kung ano. Ayokong pilitin siya na makipag-ayos kasi at the end of the day, desisyon niya naman ’yan.

Pero ang saya kaya magkaroon ng kapatid!

Aty—I mean Achilles just nodded to himself. Bahala siya d’yan. Tatanungin ko na lang siya ulit after a couple of weeks tutal hindi ata automatic updates sa taong ’to. Kumbaga sa software update, naka-manual update siya.

After a while, dumating na iyong pagkain finally.

“Shet,” sabi ko na nanlaki iyong mga mata nang ma-realize ko na ang dami ko nga palang inorder!

“Ubusin mo ’yan,” sabi ni Achilles habang isa-isa niyang binubuksan iyong cover.

“Fine…” sabi ko habang nginu-nguya iyong fries. “Tulungan mo ako.”

Nilagay ni Achilles sa kama iyong mga lalagyan ng pagkain. Nagulat nga ako kasi as far as I know, cleanliness ang motto ng isang ’to. Nakita niya ata iyong pagka-shock ko kaya sinabi niya sa akin na pa-checkout naman na raw siya so okay lang.

Naka-upo kami sa kama habang nagpipicnic at pilit na iniintindi iyong movie na pinapanood namin. After a while, sinukuan na namin at nilipat na lang namin iyong channel sa Myx at nanood na lang kami ng mga music video.

“May pasok ka na ulit bukas?” he asked.

Tumango ako. “Pinaalala mo pa sa ’kin.”

Natawa siya. “Nalimutan mo ba?”

“Medyo,” I replied. “May trabaho na pala ulit ako.”

Napa-tingin siya sa akin. “Bakit? Ayaw mo na magtrabaho?”

Muntik ko na sabihin sa kanya na ang dahilan lang naman kung bakit ako nagta-trabaho ay dahil ayokong isumbat nila sa akin iyong pagbabayad nila sa tuition ko… lalo na ngayon na alam na ata ni Papa iyong kay Achilles.

“Saks lang,” I said instead.

Tumango siya. “It’ll be good for your resume.”

“Sabi nga nila,” sabi ko na lang.

Napa-tingin na naman ako sa side view niya. Ang gwapo kahit ano’ng view talaga, e. Seryoso siyang kumakain nung inorder ko na quesadilla. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba kami kaso parang dapat unahin ko munang ayusin iyong sa side ko.

Paano ko kakausapin si Papa? Ready na ba ako mapa-layas sa bahay, if ever? Hindi naman niya siguro ako ikukulong sa kwarto ko. Ang tanda ko na para gawin niya ’yon.

“Ano?” sabi niya nang maramdaman niya na naka-tingin ako sa kanya.

“Wala. Pangit mo sa angle na ’to. Not your best angle,” sabi ko at binigyan niya ako ng disapproving look. Tss. Confident masyado sa itsura niya!


Halos 11AM na nang natapos kami sa pagkain. Ito pala iyong sinasabi nila na food coma!

“Alis na ko,” sabi ko.

He nodded. “See you sa Manila.”

“Kailan?”

Natawa siya. “When we’re both free.”

“Okay.”

“It’s gonna a busy week.”

“Pero magtetext ka pa rin?”

“When I have time, yes.”

“Kahit ba after work hours, busy ka pa rin?”

Natawa siya ulit tapos ginulo iyong buhok ko. Tsk. Para tuloy friends lang kami sa ginawa niya. After ng lahat ng ginawa niya sa akin nung naliligo kami? How dare he!

“I was talking about during work hours,” sabi niya. “Won’t be able to text habang nasa trabaho ako. Of course I will text and call kapag nasa condo na ako.”

“Ah… okay,” sabi ko na lang kasi bakit ba ang arte ko? “Sige. Ingat sa pagda-drive.”

Awkward na kumaway na lang ako sa kanya kahit na gusto ko talaga siya yakapin tapos halikan kaso lang baka ’di na naman ako makaalis dito. Nakaka-adik naman kasi ’tong taong ’to.

Pero bago pa man ako makaalis sa kwarto, nagulat ako nang corner-in niya na naman ako sa may pintuan. Nasa magkabila ko na naman iyong mga kamay niya na para bang pinipigilan niya akong tumakas kahit alam naman naming pareho na wala akong balak.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na iyong kaluluwa ko nang hawakan niya iyong baba ko tapos ay halikan ako. It was a slow… kiss. Hindi ko maintindihan. Smack lang ’yon pero dahan-dahan.

Iyon lang ginawa sa akin pero parang mababaliw na ako?! Saan ang justice and equality don?!

“I’ll try to see you tomorrow after your class, but I can’t promise,” sabi niya.

Tumango ako tapos ay inabot lang ulit iyong mukha niya at muli siyang hinalikan. Mamaya na kami mag-usap sa logistics ng susunod naming meet-up dahil mas mahalaga sa akin na halikan siya. Ang lamig sa pakiramdam dahil sa toothpaste na ginamit namin.

We were just kissing.

And kissing.

And kissing.

Hanggang sa maramdaman ko iyong pag-vibrate ng phone ko. Naramdaman din niya iyon kaya sabay kaming tumigil. Sinuklay niya iyong buhok ko.

“I’ll definitely see you on Tuesday.”

“Okay,” sabi ko na parang nahipnotismo dahil naka-tingin lang ako sa labi niya na namumula at may parang dugo dahil nakagat ko ata siya. “Sorry,” I continued. “Nakagat ata kita.”

Napa-hawak siya sa labi niya. “Oh, right,” sabi niya habang naka-tingin sa daliri niya na may maliit na bahid ng dugo. “It’s fine.”

“Okay. Sorry ulit.”

Natawa siya. “It’s fine,” sabi niya. “Baka hinahanap ka na,” he continued. He didn’t really ask about my dad nung tinanong niya kung sino ang kasama ko dito. To an extent, alam niya na talaga.

Kailangan ko na ring kausapin si Papa… Para wala ng reto sa babae na maganap. Para rin malaman niya na kasi ayoko na ng nagsisinungaling.


Pagbalik ko sa hotel, nakita ko agad si Papa na galit sa akin. Syempre kilala ko siya. Isang tingin pa lang, alam ko na agad iyong mood niya.

Paglapit ko sa kanya, hindi siya nagsalita. Tumayo lang siya mula sa couch at saka kinuha iyong gamit niya.

“Nasa kwarto pa iyong gamit mo,” he simply said tapos ay naglakad siya paalis.

I shrugged. Bahala siya magalit. Siya rin may kasalanan. Nananahimik ako sa kwarto tapos pina-punta niya si Angeline. Wala naman talaga akong balak lumabas ngayon tapos… kung anu-ano tuloy nangyari.

Mabilis ko lang na kinuha iyong gamit ko dahil kaunti lang naman ’yon. Nagcheckout na rin ako tapos ay naglakad papunta sa sasakyan ni Papa. Pagpasok ko, nagseatbelt lang ako. Ilalagay ko na sana iyong airpods sa tenga ko nang magsalita siya.

“San ka galing?”

“Coffee shop.”

“Wala bang kape sa hotel?”

I shrugged. “Di masarap.”

“Di mo sinamahan si Angeline.”

“Di naman niya ako babysitter.”

Nakita ko na pumikit siya saglit saka huminga nang malalim. Bago pa kami mag-away dito sa sasakyan, sinuot ko na iyong earphones ko. Medyo matagal-tagal pa iyong byahe. ’Di naman ako pwedeng magwalkout sa NLEX o kaya biglang tumalon sa labas ng sasakyan habang umaandar.

Dahil napagod din naman ako sa dami ng ginawa ko, naka-tulog ako sa byahe. Nang magising ako, nakita ko na naka-hinto na naman kami sa gas station. Hinahanap ko si Papa, pero wala siya. Ihing-ihi na ako! Nakita ko na nandon iyong susi kaya kinuha ko muna bago ako lumabas.

Binilisan ko lang dahil baka mabadtrip na talaga siya sa akin. After kong umihi saka maghugas ng kamay, naglalakad na ako pabalik ng sasakyan nang matigilan ako dahil naka-salubong ko si Achilles bigla.

Natawa siya bigla kaya napa-hawak ako sa mukha ko.

“Galing ka sa tulog, noh?” sabi niya.

“Pano mo nalaman?”

“May nap marks ka,” he said.

Bago ko pa matanong kung ano iyong nap marks na sinasabi niya ay para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang bigla kong marinig iyong boses ni Papa sa likuran ko.

“Mauro.”

Iyon lang ang sinabi niya pero para bang nanlamig iyong buong pagkatao ko.

Fuck.

Bakit ba ako nagcr pa? Bakit ’di ko na lang pinigilan iyong ihi ko at ni-risk ko na lang magka-UTI?

Napa-tingin ako kay Achilles na naka-tingin na sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Alam ko naman na dadating din iyong araw na magkikita sila ni Papa… pero hindi sa ganitong paraan.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Achilles… pero nanlaki iyong mga mata ko nang bigla niyang i-offer iyong kamay niya kay Papa.

“Achilles Marroquin, Sir,” sabi niya habang naka-binbin pa rin sa ere iyong kamay niya at hindi tinatanggap ni Papa. Muli siyang napa-tingin sa akin. Rinig na rinig ko iyong kabog ng didbib ko.

Hindi tinanggap ni Papa iyong kamay ni Achilles. Pa-simpleng binawi niya iyong kamay niya at saka ngumiti kay Papa despite his handshake being rejected.

“Nice meeting you, Sir,” sabi niya kay Papa. Tumingin siya sa akin. “Nice bumping into you,” sabi niya sa akin bago ako binigyan ng maliit na tango at saka naglakad palayo.

Fuck.

Tapos na ata ang maliligayang araw ko kahit kaka-simula pa lang. 

**

This story is already at Chapter 28 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 26

Chapter 26

Tahimik lang si Papa sa sasakyan hanggang sa maka-uwi kami. Mas lalo akong kinabahan kasi hindi ko alam kung ano iyong tumatakbo sa isip niya.

Pero sigurado na ako na alam niya.

Kasi hindi naman ganon si Papa.

Siya mismo iyong nagsasabi sa amin na ’wag kaming mangolekta ng kaaway. Na hindi namin alam na baka isang araw, kailanganin namin ng tulong nila. Kaya nga nasasabihan siya ni Mauve na plastic daw. Kaya nga nagulat ako nung sabi ni Mama na nung kabataan ni Papa ay sumasali siya sa rally. Kasi ngayon, walang kala-kalaban sa kanya. Basta trabaho lang. Kapag wala siya sa trabaho, wala siyang problema sa kahit sino.

Tapos biglang ganon.

Fuck.

Pagdating na pagdating ko sa kwarto ay agad kong nilabas sa bulsa ko iyong cellphone ko. Hindi ko kasi matignan iyon kanina. Ewan ko. Para lang akong estatwang naka-upo sa sasakyan na natatakot na gumalaw.

Wala akong nakitang text mula kay Achilles.

Galit ba siya sa ’kin?

Ano’ng gagawin ko?

Ang dami kong kailangang gawin dahil balik trabaho at aral na ako bukas, pero alam ko rin sa sarili ko na hindi ako makakapagconcentrate sa kahit ano hanggang wala akong naririnig mula kay Achilles.

Naka-tingin lang ako sa phone ko.

Magtetext ba ako sa kanya?

Tatawag?

Sasagot ba siya?

Sumasakit iyong ulo ko kaka-isip kung ano ang susunod kong gagawin. Huminga ako nang malalim. Sinabi ni Achilles sa akin noon na hanggang hindi ako nagsasabi sa kanya na may problema ako, i-aassume niya na ayos lang kami. Baka ganon lang iyon. Nag-ooverthink lang ako kasi guilty ako.

Bahala na nga.

Tinawagan ko iyong number niya. Gusto ko sanang i-loudspeaker iyon dahil magbibihis muna ako kaya lang ay para akong paranoid na baka nakikinig si Papa sa labas ng pinto ko. Ano ba ’yan. Ayoko namang mabuhay nang ganito na bawat galaw ko e inooverthink ko.

“Naka-uwi ka na?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyong boses niya.

Okay.

Sinagot niya iyong tawag ko—good sign ’yon.

“Kakadating ko lang,” sabi ko sa kanya. “Nasa daan ka pa?”

“Yes. Traffic.”

Naghintay ako ng susunod na sasabihin niya pero parang iyon na ata iyong sagot niya. Huminga ako nang malalim.

“Sorry kay Papa kanina,” sabi ko kasi totoo naman na ang bastos niya kay Achilles e nagpapakilala lang naman iyong tao. Kung nagagawa nga niyang maging civil sa iba na literal na mga kurakot ng gobyerno at mga drug lord, pero dito kay Achilles, hindi niya magawa?

“It’s fine,” sabi niya.

“Hindi kaya. Ang bastos.”

“I mean… a bit. Pero ayos lang. ’Wag mong masyadong isipin.”

Nagrequest ako ng FaceTime sa kanya dahil gusto kong makita iyong itsura niya. Ngayon, gets ko na kapag ginagawa niya iyon. Siguro dati nag-ooverthink din siya sa mga sinasabi ko kaya gusto niyang makita iyong mukha ko para magkaroon siya ng clue sa iniisip ko.

Kasi iniisip ko talaga na galit siya sa akin—o kung hindi man galit, nagtatampo kahit kaunti.

“Mamaya na. Nagda-drive ako,” sabi niya sa akin.

Ewan ko kung maarte lang ba ako o sensitive na ako dahil sa dami ng nangyari ngayong weekend pero nasaktan talaga ako nung tumanggi siya magFaceTime kami. Kasi hindi naman problema dati kahit nagda-drive siya. Basta naka-on lang iyong camera kahit hindi naman siya naka-tingin lagi doon kasi nagda-drive siya.

“Galit ka nga,” sabi ko.

“Hindi nga.”

“E bakit ayaw mo magFaceTime?”

“Driving.”

“Dati naman okay lang kahit nagda-drive ka.”

Hindi ko alam kung parang bata ba iyong dating ko na hindi maka-intindi na wala ngang FaceTime muna ngayon… kaso ayoko nung pakiramdam na galit siya sa akin. Kasi kung galit siya o kung anuman, mas okay na sabihin niya na ngayon para maayos agad.

Hindi pala cute iyong mga nagtatampo tapos ayaw sabihin kung bakit.

Imbes na sumagot siya ay nakita ko agad na tumatawag siya sa FaceTime. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinagot iyon. Agad na nakita ko na nasa daan pa nga siya. Traffic na nga kasi talaga ngayon.

“Hindi ako galit,” bungad niya nang sagutin ko iyong tawag.

“Okay.”

“I understand.”

“Alin?”

“Na hindi mo pa nasasabi sa pamilya mo.”

Bahagyang napaawang iyong labi ko. Alam ko na dadating din sa punto na pag-uusapan namin ’to, pero mas maganda sana kung sa personal… pero nandito na, e. Hindi pala talaga pwedeng kontrolin lahat ng nangyayari sa buhay ko. May mga bagay na bigla na lang nangyayari.

“It’s fine. I completely understand. Just take however much time you need.”

Naka-titig lang ako sa mukha niya habang sinasabi niya ’yon. Ganito ba talaga kapag guilty? Kahit simple saka straight-forward lang naman iyong sinasabi sa ’yo ng kausap mo, sinusubukan mong bigyan ng ibang kahulugan.

“What?” sabi niya nang mapa-tingin siya sa cellphone niya. Ilang segundo na rin kasi iyong lumipas at wala siyang narinig na kung anuman mula sa akin.

“Okay.”

Iyon na lang nasabi ko.

Wala akong ibang masabi.

“Take your time.”

“Kakausapin ko na si Papa. Basta ngayong week.”

“If that’s what you want, sure. Pero kung dahil sa akin, ’wag kang magmadali.”

Hindi na naman ako nakapagsalita.

“I already told you, I’m not going anywhere.”

Hindi ko alam kung bakit imbes na gumaan iyong pakiramdam ko ay mas kinabahan lang ako. Kasi nabanggit na naman niya ’yang going anywhere. Paano kung umalis nga siya? Kasi hindi naman lahat ng pangako natutupad. Alam ko naman ’yon. Saka alam ko rin na hindi porke sinabi niya na gusto niya ako ngayon e gusto niya pa rin ako kinabukasan.

I guess… I just didn’t want to give him reasons to leave.

“Basta, kakausapin ko si Papa.”

“Okay,” sagot niya.

“Malapit ka na ba?”

Tumango siya. “Pero traffic.”

Tumango rin ako. “Ibababa ko na ba ’yung tawag o hintayin kong maka-uwi ka?”

Nakita ko na tumingin siya sa screen. “You look tired. Get some rest. I’ll text you kapag naka-uwi na ako.”

Tumango na lang ako kahit sobrang uneasy ko sa kung paano niya ako kausapin. Gusto ko pa sanang tanungin ulit sa kanya kung hindi ba talaga siya galit sa akin kaya lang ay baka makulitan na siya.

Sinabi niya naman na okay kami—kailangan ko lang idikdik sa sarili ko na okay talaga kami. Siya rin naman ang nagsabi sa akin na nagkakaroon lang ng overthinking kapag may doubt. Wala naman akong doubt sa aming dalawa. Kailangan ko lang talagang ayusin iyong sa mga magulang ko.


Gusto ko na agad kausapin si Papa nung gabing ’yon kaso sabi ni Mama ay tulog na raw siya. Alam ko naman na maaga siyang natutulog pero parang ang aga ng 7PM. Nag-aral na lang ako. Ang pinaka-huli kong gustong mangyari ay sabihin ni Papa na nagpabaya ako sa pag-aaral dahil kay Achilles. ’Di niya ba alam mas naging conscious ako sa pag-aaral dahil sa taong ’yon? Dati naman e okay na ako sa yolo pero ngayon e kahit papaano, nagta-try na akong magmemorize ng provisions.

Buong gabi lang ako nag-aral hanggang sa maramdaman ko na sumusuko na iyong mga mata ko. Kinabukasan, naabutan ko si Papa sa dining area.

“Mauro,” biglang pagtawag sa akin ni Mama. Agad akong natigilan. Humarap ako sa kanila tapos ay sinenyasan ako ni Mama na lumapit sa kanila.

Naglakad ako palapit sa kanila. Hawak-hawak ko iyong strap nung backpack ko habang hinihintay sila na magsalita.

“Nag-usap kami ng Papa mo,” sabi ni Mama na biglang siya na ang speaker sa kanilang dalawa. Usually ay si Papa ang nagsasalita kasi siya naman talaga ang nasusunod.

Tumingin lang ako sa kanila at bahagyang naka-kunot ang noo. Bakit kasi wala si Mauve ngayon? Naka-duty siya palagi. Ewan ko ba kung ano ginagawa nun sa ospital.

“Next year daw ay marami ka ng subjects. Magresign ka na sa trabaho mo. Kami na lang ang magbabayad ng tuition mo.”

Lumalim iyong kunot ng noo ko.

“Para makapagfocus ka sa pag-aaral.”

“Okay lang naman akong magbayad ng tuition,” sabi ko sa kanila.

“Kami na ang magbabayad. Parang kay Mauve.”

Parang kay Mauve? Si Mauve na hindi makapalag sa kanila kasi at the end of the day, alam ni Mauve na hindi niya kayang bayaran iyong tuition niya at kailangan pa rin niya ng tulong nila Mama?

Ayoko ng ganon.

“Mas relaxed kapag dito ka na lang sa bahay magrereview. Makakapagfocus ka sa pag-aaral. Magsabi ka na agad doon sa trabaho mo para maka-hanap na sila ng kapalit.”

Napaawang iyong labi ko sa gulat at inis dahil para bang wala akong choice at sinasabi na nila kung ano iyong dapat kong gawin.

Tumingin ako kay Papa. Ni hindi siya maka-tingin sa akin at nagbabasa lang siya ng dyaryo. Pilit akong huminga nang malalim at saka humigpit iyong pagkaka-hawak sa strap ng bag ko.

“Pag-iisipan ko po,” sabi ko na lang sa kanila bago mabilis na tumalikod at naglakad paalis sa bahay namin bago pa kung ano ang mangyari.

Dire-diretso akong naglakad hanggang sa maka-labas ako ng subdivision namin. Muntik na akong madanggil ng motor dahil ’di ako naka-tingin sa dinadaanan ko. Huminto muna ako saglit tapos ay huminga nang malalim. Gusto kong tawagan si Mauve kaya lang ay hindi ako pwedeng ma-late. Pinagbigyan na nga nila ako sa study leave ko tapos male-late pa ako ngayon? May hiya naman ako kahit papaano.

Pagdating ko sa office ay naka-bungad agad sa akin si Tin. Binigyan niya ako ng cupcake pa-welcome back daw. Nagpasalamat ako. Naramdaman niya ata na wala ako sa mood kaya hindi niya na ako ginulo pa.

Dahil medyo matagal din akong nawala ay marami akong naiwan na trabaho. Pasalamat na rin ako dahil naging busy ako. Ayoko na kasi isipin iyong nangyari sa bahay tapos iyong kay Achilles pa. Nagtext naman siya talaga kagabi na naka-uwi na siya tapos… ayon na. Hindi siya nagtext kaninang umaga.

Nakaka-baliw naman ’to.

Bakit ba kasi nauso pa ’yang overthinking? ’Di ba talaga pwede na kung ano iyong sinabi, iyon na lang paniwalaan?

Nang matapos ako sa trabaho ay dumiretso na lang ako sa school. Pasalamat ako at late ata iyong prof namin kaya nagkaroon ako ng time para magbasa pa. Ang dami ko kasi talaga ginawa sa trabaho na ’di ako naka-singit ng review kanina. Nakapagbasa naman na ako kagabi… kaso alam mo ’yon? Parang doble iyong bigat ngayon. Kasi parang magkaroon lang ako ng isang mababang grade, bibigyan ko na agad si Papa ng dahilan para isisi kay Achilles lahat ng mali sa buhay ko.

Kahit siguro isang recit lang ay masusuka ako kapag hindi ako naka-sagot nang maayos.

“Hey!” sabi ni Niko nang maupo siya sa tabi ko.

“Wala akong reviewer,” agad na sabi ko sa kanya kasi nilalapitan lang naman talaga ako nito para doon. Gets ko naman na hindi talaga kami friends. Sa kanilang group, si Assia lang iyong masasabi ko na kahit papaano e kaibigan ko rin talaga.

Natawa siya. “Okay… good to know,” sabi niya sa akin.

Napa-buntung-hininga ako. Na-guilty tuloy ako. Mabait naman iyong tao sa akin. Ang dami ko lang talaga kasing iniisip.

“Sorry,” sabi ko. “Masakit lang ulo ko.”

Tumango siya sa akin. “You need meds?”

Umiling ako. “Kapag may reviewer ako, don’t worry, isesend ko agad sa ’yo.”

“Cool. I’ll transfer the money.”

Umiling ulit ako. “Hindi. ’Wag na,” sabi ko sa kanya. “Friends naman tayo… or classmates. Ah, basta.”

Nakita ko na bahagyang napaawang iyong labi niya na para bang nagulat siya sa sinabi ko. Bigla tuloy akong parang napa-hiya. I mean, hindi naman ako naghihirap, pero gets ko naman na nasa ibang level iyong pagiging mayaman ng isang ’to… pero parang hindi rin naman siya matapobre kasi kaibigan niya naman si Assia.

“Okay. Thanks,” sabi niya na naka-ngiti.

“Welcome,” sagot ko na lang.

“Appreciate it,” sabi niya. “If you ever need anything, you know my number.”

Tumango lang ako sa kanya tapos ay bumalik na ako sa pag-aaral. Maya-maya pa ay dumating na iyong prof namin sa Consti 2. Huminga ako nang malalim nang makita ko iyong class card na nilabas niya.

Shet.

Balik buhay law school na nga talaga ulit ako.

“dela Rama.”

Talaga bang sabay-sabay lahat ng swerte ko sa buhay?

Ramdam ko iyong panlalamig ng buong katawan ko nang marinig ko iyong pangalan ko. Huminga ako nang malalim habang naka-tayo. Parang sobrang bagal ng bawat segundo habang hinihintay ko na sabihin sa akin iyong tanong.

Finals na ’to.

Literal na 1/3 ’to ng grades ko.

Mabagal pa naman si Sir magtawag sa klase… Malaki iyong chance na ito lang ang nag-iisang recitation ko sa buong finals period.

‘Sana alam ko iyong sagot,’ paulit-ulit na bulong ko sa isip ko. ’Lord, nagreview naman talaga ako… Sana po iyong alam ko na tanong iyong ibigay sa ‘kin.’

“Case of Lansang v Garcia.”

Kulang na lang siguro ay buhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko iyong salitang case.

Fuck.

Napaka-swerte ko naman talaga!

Nanatili akong naka-tayo roon at nagpapanggap na inaalala ko kung anong kaso iyong pinapa-recite niya sa akin… kaso hindi ko nabasa iyon. Sa dami ng binasa kong concept, hindi na ako nakapagkaso. Hindi naman kasi nagtatanong si Sir ng kaso madalas!

Bakit ba sobrang swerte ko bigla?!

Habang naka-tayo ako roon ay ramdam ko na nagmamadaling magbasa iyong mga kaklase ko. Kasi alam ko na wala naman sa amin iyong nakapagbasa ng kaso… maliban na lang siguro sa iba na malakas lang ang trip sa buhay at nagbabasa ng kaso just for fun.

“Have you read the case?” tanong niya sa akin.

“Yes, Attorney,” sagot ko nang maalala ko iyong sinabi sa akin ni Achilles na ’wag na ’wag akong aamin na hindi ako nagbasa. Kasi parang sinabi ko na rin na wala akong pakielam sa assignment na binigay nila.

“Then, discuss the case.”

Katahimikan.

“It’s about the writ of habeas corpus.”

Wala pa rin akong masabi kahit nagbigay na siya ng clue.

“Sit down,” sabi niya habang para akong pinagbagsakan ng langit nang makita ko iyong grade na nilagay niya sa class card ko. 

**

This story is already at Chapter 29 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 27

Chapter 27

Ngayon lang ako sobrang na-stress sa recit. Dati naman ay kapag may bokya ako na recit, ang lagi ko lang naiisip ay sayang naman iyong binayad ko sa tuition kung sakali… pero hanggang doon lang iyon. Oo, sayang, pero hindi ganito iyong pakiramdam na para ba akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Fuck.

Simula ngayon, babasahin ko na lahat ng kaso. Hindi na pwede iyong ginagawa ko dati na ‘bahala na si Lord.’ Kasi ngayon, iba na. Hindi lang sayang iyong bayad ko sa tuition. Alam ko na gagawin ’tong dahilan nila Papa para sisihin si Achilles kahit wala naman siyang kasalanan sa pangit na recitation ko.

“Sipag, ah,” kumento ni Tin sa akin dahil tuwing wala akong ginagawa sa office, hawak ko iyong codal o kaya nagbabasa ako ng case.

“Sorry. Busy ako. Naghahabol ng grades,” sabi ko sa kanya nang makita ko sa peripheral vision ko na kakausapin niya na naman ako.

Sana hindi siya na-offend. May pagka-chismosa si Tin, pero ayos lang naman sa akin. Kung hindi din dahil sa kanya ay baka hindi ako tumagal dito sa trabaho kasi sobrang boring minsan. Pero wala akong oras ngayon para makipag-usap. Kailangan kong mag-aral.

Hindi na ako kinausap pa ni Tin. Sana talaga hindi siya na-offend kasi nang 4:30 pa lang ay nag-aayos na ako ng gamit. Saktong 5:00 ay umalis na agad ako para maka-punta agad ako sa school. Gamit ko na ulit iyong sasakyan. Para nga akong tanga nung una ko ’tong ginamit. Tinignan ko bawat sulok kasi baka may tracking device.

Paranoid na nga ata ako talaga.

Pagdating ko sa school, dumiretso ako roon sa may cafeteria. Wala ng masyadong tao roon dahil uwian na iyong mga college students. Tahimik lang akong nagbabasa ng codal dahil Obli naman iyong subject namin ngayon.

“Hey,” sabi ni Niko nang maupo siya sa harap ko. “You want?” tanong niya sa akin nang makita ko na may hawak siyang slice ng strawberry shortcake.

Umiling ako. “Pero salamat.”

“Okay,” sabi niya.

Akala ko ay iiwan na ako ni Niko pero humingi lang siya ng disposable spoon tapos ay nagsimulang kumain nung cake. Napa-tingin ako sa kanya.

“Got this for Assia, but I don’t wanna piss off Vito today so… I guess it’s mine,” sabi niya sa akin. Tumango lang ulit ako. “Oh, I’m sorry,” dugtong niya tapos ay sinara iyong lalagyan dahil baka inisip niya na iniisip ko na istorbo siya. I mean… medyo. Pero hindi ko naman pwedeng palayasin lahat ng lalapit sa akin. Baka maging social paraiah naman ako bigla.

“No, okay lang,” sabi ko sa kanya. “Alam mo ba kung pwedeng magvolunteer sa Consti?” tanong ko sa kanya. Kasi alam ko maraming connection ’tong si Niko. Baka lang alam niya. Kasi talagang nababagabag ako doon sa Consti 2 recitation ko. Kung iyon lang ang recit ko buong finals period, nakikita ko na agad na babagsak ako roon. 1/3 ng grade ko ’yon.

“Not sure… but I can ask around,” sabi niya sa akin.

“Okay. Salamat.”

Tumango lang siya ulit. “I have a lot of bad recits, too. I guess let’s just do our best on our finals,” sabi niya sa akin.

Okay din pala ’tong si Niko…

Lalo na nang sabihin niya sa akin na wala raw iyong prof namin ngayon pero may quiz daw. Naka-receive kasi siya ng text mula sa kung sino man. Sobrang thankful ko dahil sinabi niya ’yon. Kasi kung hindi niya sinabi, magfofocus lang ako sa bandang simula nung coverage tapos babasahin ko na lang habang ongoing iyong class iyong ibang topics. Pero ngayon na sinabi niya na may recit, babasahin ko na lahat.

Tahimik lang kami ni Niko na nag-aaral hanggang sa pumunta na kami sa classroom. Wala siyang dalang papel kaya binigyan ko siya. Para sa taong mayaman, wala siyang school supplies.

Huminga ako nang malalim nang makita ko na proctor iyong pumasok sa room namin. Tama nga si Niko. Masaya pala talaga magkaroon ng kaibigan sa law school… Tama pala iyong sinasabi ni Achilles na mas magsusurvive ako sa law school kapag may mga kaibigan ako. Kaya pala lagi niya akong inuurge na sumama kapag may lakad iyong block ko.

Sana kapag sinabi ko na talaga kila Mama ay matanggap nila si Achilles… kasi hindi niya naman ako hinihila pababa… if any, magandang influence pa nga siya sa akin.

I genuinely think that he wants the best for me.

And my parents should be glad that I’m with someone like him.


Pakiramdam ko talaga ay naka-sagot lang ako sa quiz dahil kay Achilles. Karamihan kasi sa mga tanong doon ay nasabi niya na sa akin dati. At least hindi na ako kabado masyado… kasi baka mabaliw na ako kung parehong Consti 2 saka Obli e delikado iyong grades ko.

“Okay ka lang?” tanong ko kay Assia dahil nakita ko na problemado siya. Ang transparent kasi ng babaeng ’to. Halata sa mukha niya kung kinakabahan siya, kung masaya siya, o kung anuman ang nararamdaman niya.

“Hindi ako naka-sagot nang maayos…”

“Oo nga, e…” sagot ko na lang kasi parang gago naman kung sabihin ko na naka-sagot ako e sinabi na nga sa akin nung tao na nahirapan siya.

Nag-usap lang kami ni Assia hanggang sa nagsabi ako na uuwi na ako kasi balak kong magpahinga muna sandali tapos magrereview na ulit ako. Kilala ko iyong sarili ko. Kahit sabihin ko pa na gigising ako ng madaling araw para magreview, alam ko na hindi ako ganoong klaseng tao.

Nakita ko na parang problemado si Assia nung tinanong siya ni Vito kung sasabay ba siya pauwi. Ewan ko. Pakiramdam ko sasagasaan na ako ni Vito pero nag-offer ako kay Assia kung gusto niya na sabay na kami kasi uuwi na rin naman na talaga ako.

Saka kung tina-track man ako ni Papa, bahala siya d’yan mabaliw kung bakit napadpad na naman ako kung saan.

Habang nasa sasakyan kami, tahimik lang si Assia. Tapos maya-maya dahil na-stuck kami sa traffic, nag-usap na rin kami tungkol sa buhay namin. Sinabi niya na nag-aaral daw siya sa Manila kasi gusto niyang maging abogado. Marami daw kasi sa kanila na land-grabber. Iyon daw ang dahilan niya kung bakit nagsisikap siyang mag-aral.

Sana mahanap ko rin iyong purpose ko.


Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto. Dumaan muna rin kasi ako sa drive thru bago umuwi. Ayoko talaga makita sila Papa dahil bad trip talaga sila.

Nagpalit lang ako ng damit tapos ay naupo agad ako sa study chair. Nagtext ako kay Achilles na naka-uwi na ako. Nilagay ko sa DND iyong phone ko kasi alam ko na kapag nagreply siya ay magrereply din ako. Tapos ’di na naman ako makakapagconcentrate sa pag-aaral. Basta mamaya na lang ako magche-check ng notif bago matulog. Mas importante na mag-aral ako.

Dalawa iyong subject ko bukas—Crim 2 saka Consti 2. Kailangan kong magfocus.

I badly wanted to read Consti 2 dahil ramdam ko pa rin ngayon iyong bokya ko kaso alam ko na dapat akong dumiskarte. Close to impossible na matawag ako sa Consti 2 ulit kasi naka-rounds kami. Ang plano ko ay magvolunteer na lang kapag natapos kami sa rounds. Mas okay na magfocus ako sa Crim 2.

Naka-pomodoro ako.

I read the annotated book and highlighted all the important parts. Medyo ma-trabaho pero at least bukas makaka-concentrate ako sa mga naka-highlight na parts. Ang bilis kasi sa Crim 2 dahil sobrang daming crimes ang kailangang ma-tackle. Wala pa kami sa Special Penal Laws.

Grabe… ano ba ’tong pinasok ko?

Naka-anim na puno na ako (worth 25 minutes each) nang makaramdam ako na information overload na ako. Nahiga na ako sa kama tapos tinignan ko iyong notif ko.

Nagtext si GLOBE—ito na ata ang favorite notif ko.

‘How was your day?’

Kanina pa iyong reply niya. Sumagot pala siya agad nung nagtext ako. Nakakaramdam kaya siya nung urge na magdouble text kapag hindi ako nagrereply agad? Pareho kaya kami sa aspeto na ’yon?

‘Kapagod,’ sagot ko. ‘Nagreview ako sa crim kaso may consti din ako bukas.’

Hindi ko na sinabi sa kanya iyong problema ko sa Consti. Hindi niya naman problema ’yon. Saka ayoko naman na puro problema sa acads ang sinasabi ko sa kanya.

‘Magkasunod ba?’

‘Yup.’

‘On deck ka ba sa parehas?’

‘Hindi. Natawag na ako sa Consti.’

‘Okay. Galingan mo. Finals na.’

Ewan ko ba pero nasanay na ata ako kay Achilles na ganito siya. Kung sa ibang tao ko ’to narinig, mabu-bwisit ako. Pero sa kanya? Alam ko na gusto niya lang na maging maayos ako.

‘Thank you!’ sabi ko tapos binasa ko iyong reply ko. Parang ang galit nung dating. Hineart react ko rin iyong message niya para hindi ako mukhang galit.

‘Nagquiz pala kami kanina sa Obli. Nakasagot ako.’

‘Congrats,’ sabi niya. ‘Mas mahirap iyong Contracts. Kapag nalilito ka, message mo lang ako.’

‘Bawal tawag?’

Parang nagwish lang akos a wishing well tapos ang bilis na-grant dahil nakita ko na na tumatawag si GLOBE.

“Kamusta work?” bungad ko nang sagutin ko iyong tawag niya.

“Okay naman,” he replied. “Ang dami lang cross. Nakakapagod.”

“Mahilig ka ba mag-object?”

“Kapag may kailangan lang i-object.”

“Bawal ba mag-object for fun?”

“Pwede naman… kung gusto ko pagalitan ako ng judge.”

Natawa ako. “Di mo pa na-try?”

“Hindi. Hindi naman ako baliw,” sabi niya sa akin.

Naka-higa lang ako sa kama habang nag-uusap kami sa mga experience niya sa mga hearing. Iyon lang pinag-uusapan namin pero parang nawala iyong pagod ko sa buong araw. Para bang ito na iyong pahinga ko? Na kung ito rin pala iyong kapalit nung buong araw na stressed ako sa acads, okay din pala.

“Ikaw? Kamusta school?” he asked.

“Okay naman,” sagot ko. “Kabado lang kasi nga finals na. Bigat ng finals recit, e.”

“Just do your readings religiously,” sabi niya. “Totoo iyong sinabi nila na bar review started on your first day in law school.”

“Ay, paano ka pala nung bar review mo?” tanong ko sa kanya.

Ang saya sana kung sabay kaming nasa law school. Study date, ganon. Pero ang saya rin kasi na ahead siya sa akin. Ang saya kaya kapag tinuturuan niya ako.

“Wala naman. Nag-aaral lang.”

“Kinabahan ka?”

“Syempre.”

“After mo magtake, sure ka na papasa ka?”

“Sakto lang.”

“So, sure ka nga?”

“Sakto lang.”

“Tss… yabang,” sabi ko. “Ano BAR rating mo?”

“Hindi mo pa ba nasama ’yan nung iniistalk mo ako?”

“Feel na feel mo talaga na iniistalk kita.”

“Bakit? Hindi ba?”

“Hindi, ah.”

“Swear on your BAR?”

I wrinkled my nose. Bakit ba nauso ’yan sa law school? Hirap tuloy magsinungaling kapag sinabihan ka ng ganyan! Para kasing sinusumpa ka na hindi ka papasa sa BAR kapag nagsinungaling ka, e.

“Fine…” sabi ko. “Curious lang naman kasi ako.”

Natawa siya. “Finally, some honesty.”

“So, ano nga rating mo? Ang alam ko lang e hindi ka kasama sa top.”

“Sorry. Nakakahiya naman sa ’yo.”

Natawa ako. “Sa totoo lang. Sa sobrang yabang mo, dapat topnotcher ka.”

I heard him laughing. Fuck. Gusto ko tuloy magFaceTime para makita ko iyong mukha niya. Buti na lang okay na ulit kami. Ayoko nung iniisip ko na galit siya sa akin. Hindi ba pwede na ganito lang kami?

“87.89 iyong grade nung top 10,” sabi niya. “87.87 iyong grade ko,” he replied.

“Grabe… Sayang. Ang lapit na pala.”

“It’s fine,” he replied. “I was sick the last Sunday. Buti nga pumasa pa ako.”

Nanlaki iyong mga mata ko. “May sakit ka habang nagte-take ng BAR?”

“Lagnat lang.”

Shit.

Naalala ko nung nakita ko siya sa condo na may sakit siya… What if ganon din nung nag-e-exam siya? Wala ba talagang nag-aalaga sa kanya?

“Achilles,” pagtawag ko sa kanya.

“Hmm?”

“Don’t worry—next time na may sakit ka, may mag-aalaga na sa ’yo.”

And then I saw him requesting FaceTime.

“Ano?” sabi ko. Ramdam ko iyong pamumula ng mukha ko dahil naka-tingin siya sa akin. Pareho pala kami na nasa kama na at naka-higa. Kung sabagay, anong oras na rin.

“I miss you,” biglang sabi niya. Namumula na iyong mukha ko kanina pero ngayon ay lalabas na siguro iyong usok sa tenga ko sa sobrang init ng mukha ko.

Tangina naman nito! Alam ko malandi siya, pero mas nakaka-bigla kapag ganito na dire-diretso siya magsabi ng I miss you.

Gusto kong sabihin na miss ko rin siya. Syempre miss ko na siya! Pero ewan ko ba bakit nahihiya ako sa ganon. Siguro baliktad talaga kami. Siya e malakas ang loob magsabi ng mga ganyan pero kapag physical touch e nahihiya siya. Ako naman iyong nahihiya sa mga salita na ganyan.

“Talaga,” I said, scoffing.

Natawa siya. “When can I see you?”

“Weekend?” sabi ko. “Busy ako sa acads. Finals season.”

Tumango siya. “Saturday or Sunday?”

“Di ko sure pero sabihan kita agad,” sabi ko sa kanya.

“Alright,” sabi niya sa akin. “Just text me when you get to work and when you get home,” dugtong niya. “Just want to know that you’re safe.”

Tangina talaga nito.

Tumango na lang ako kasi tangina… ganito pala kiligin?!

“Good night, future pañero,” sabi niya at tumango na lang ako bago ko pa masabi sa kanya na puntahan niya ako kasi sigurado ako na isang sabi ko lang ay talagang pupunta siya rito. 

**

This story is already at Chapter 30 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 28

Chapter 28

Gusto kong makasama si Achilles ngayong weekend kaya lang ay para akong under surveillance. Alam ni Papa kung anong oras ang tapos ng klase ko. Pati ata traffic ay tinake into consideration niya para ma-compute kung anong oras ako nasa bahay na dapat. Tapos minsan kapag sinasabi ko na tinatamad ako magdrive, susunduin niya rin ako sa school.

Para akong bumalik sa elementary.

“Assia,” pagtawag ko sa kanya.

Nagsimula na rin pala kasing magtrabaho si Assia. Minsan ay sinasabay ko siya papunta sa school. Ayos lang naman din. Tahimik lang naman madalas si Assia. Magsasalita lang siya minsan kapag may mine-memorize siya… na nagbebenefit din naman ako dahil nagkakaroon ako ng recall sa paulit-ulit na pagsasalita niya.

Napa-tingin siya sa akin habang hawak pa rin niya iyong codal niya sa Civil Code. First year pa lang kami pero para ng coloring book iyong codal niya. Iyong sa ’kin ay parang fresh from bookstore pa rin! Buti ’di pa nakikita ni Achilles iyon dahil panigurado ay bu-bwisitin niya ako tungkol doon.

“Bakit?”

“Nahihirapan ka pa rin sa Obli?”

“Nalilito talaga ako…”

“Gusto mo mag-aral? Ngayong weekend?”

Natanong ko na kay Achilles ’to. Sinabi ko sa kanya na weekend lang talaga ako pwede. ’Di na ako pwedeng petiks kapag weekdays dahil ang dami talagang inaaral. ’Di ko na kaya na magkaroon ulit ng bokya na recit.

Pero iyong overthinking ko, biglang napunta sa what if may makakita sa amin? Kahit nag-aaral lang naman kami sa labas, alam ko na iba ang iisipin nila tungkol doon. Hindi ko rin kasi alam kung saan may kakilala si Papa. Kung may nagrereport sa kanya ng bawat galaw ko.

Ewan.

Nakaka-suffocate.

“Tayong dalawa?” she asked.

Natawa ako. Ganyang-ganyan din kasi iyong reaction ko nung inaya ako ni Niko na mag-aral. Hindi naman ako na-offend kay Assia. Gets ko naman iyong pangamba niya. Been there, done that.

Umiling ako. “May isa pa.”

“Ah… classmate natin?”

Umiling ulit ako. “Ah… abogado na.”

Tinanong ko rin ’to kay Achilles. Na kung pwede ko bang sabihin kay Assia. Kasi ewan ko… ayoko lang na magdagdag pa ng isang tao na kailangan kong magpanggap sa harap niya.

Saka pakiramdam ko ay okay naman si Assia.

Kung hindi, e ’di at least ngayon pa lang ay alam ko na. Homophobic na nga magulang ko, magdadagdag pa ba ako ng kaibigan na ganon din?

“Magaling siya sa Obli?” tanong ni Assia. Ang seryoso ng tono niya. Parang life and death iyong magiging sagot ko.

“Magaling.”

“Okay lang sa kanya na turuan din ako?”

I shrugged. “Okay lang naman,” sagot ko.

Mabilis na tumango si Assia. Natawa ako. Ang cute talaga ng isang ’to. No wonder baliw na baliw iyong classmate kong blonde.

“Ano’ng oras sa weekend? Saka saan?”

“Di ko pa sure, pero kung gusto mo, daanan ka na lang namin.”

Alam ko naman kung saan naka-tira si Assia. Saka alam ko iyong pakiramdam na nagcocommute. Ang hirap kaya. Isa talaga sa mga wish ko para sa Pinas e magkaroon ng maayos na transport system. Ang dami kayang nasasayang na oras na nasa daan ka lang imbes na may nagagawa kang makabuluhan sa buhay mo.

“Talaga?” nabigla na tanong niya. Tumango ako. “Okay. Salamat,” sabi niya na naka-ngiti.

“Ah…” sabi ko at saka natigilan. Huminga ako nang malalim. Napa-tingin siya sa akin. “Iyong magtuturo pala sa atin…” dugtong ko. Naghihintay lang siya sa susunod na sasabihin ko.

Bahala na nga.

Isipin ko na lang na practice ’to kapag sasabihin ko na sa mga magulang ko kahit alam na rin naman nila.

“Boyfriend ko,” sabi ko. Tapos biglang nanlaki iyong mga mata ko. “Ay, hindi pa ata? Situationship?” sabi ko na napa-tanong din ako sa sarili ko.

Pota.

At this big age of mine, may situationship ako? Lakas maka-teenager, ah! Mas lalo naman sa parte ni Achilles!

Dapat talagang magkaalaman na siguro kung ano ang label.

Nakita ko na bahagyang nabigla si Assia. Tapos ay tumango siya. “Okay,” sabi niya sa akin.

“Ah… okay,” sabi ko kasi… ayon na ’yon?

“Paki-sabi sa kanya, salamat in advance,” sabi ni Assia sa akin na naka-ngiti.

Ayon na talaga ’yon?

Pero bigla akong nalungkot. Sinabi ko lang naman na may lalaki na nagpapasaya sa akin, bakit negative reaction agad ang inaabangan ko? Ang hirap pala. Na masaya lang naman ako, pero iniisip ko agad na may magagalit o maiilang dahil lang doon.

Ang labo ng mundo minsan.


“San ka pupunta?”

Parang may gwardiya sibil sa bahay namin. Sabado ngayon. Dati ay madalas na nasa may garden sila Mama. Doon sila umiinom ng tsaa o kaya ay nagku-kwentuhan lang. Kung manonood naman sila ng pelikula, sa kwarto nila kasi may TV din naman doon.

Pero ngayon? Nasa sala sila o kaya sa may kusina. Basta kung saan man na kita nila iyong main door.

“Labas,” sagot ko. “Mag-aaral ako.”

“Bakit sa labas?”

Nagkibit-balikat ako. “Inaantok ako sa kwarto.”

“May kape dito,” sabi ni Mama.

“May kasama ako mag-aral,” sagot ko. “Si Assia. Classmate ko.”

Bahagya akong na-guilty dahil bigla kong ginamit na dahilan si Assia… Wala naman talaga akong balak sabihin. In case lang. Pero tinanong ako.

Tumingin sa akin si Mama na parang nag-iisip pa siya ng susunod na idadahilan sa akin para hindi ako lumabas. Pakiramdam ko ay malapit niya ng imbitahin iyong professor ko para dito na ako sa bahay turuan mismo, e. Siguro kung may homeschooling sa law school, doon nila ako papapasukin.

Nang sampung segundo iyong lumipas na wala pa silang sinasabi ay basta na lang ako naglakad palabas. Kung may sinabi pa man sila pagkatapos noon ay hindi ko na narinig… o pinili ko na hindi marinig. Ah, basta. Bahala sila.

Habang nasa sasakyan ako ay nagpatugtog muna ako ng kanta para mabawasan iyong irita ko. Umagang-umaga e bina-badtrip agad ako ng magulang ko.

Ang hirap maging paranoid. May parking naman sa condo ni Achilles pero mas pinili ko na magpark doon sa mall na malapit sa kanya. Naglakad na lang ako papunta sa unit niya.

“Hi,” sabi ko nang buksan niya iyong pinto.

Naka-pajama pa rin siya. Gray iyong kulay non tapos naka-puting t-shirt siya. Medyo gulo pa iyong buhok niya. Mukhang kaka-gising niya pa lang. Kung sabagay, 8AM pa lang.

“Hi,” he replied, pulling me close and enveloping me inside his arms.

Grabe… ilang araw lang kaming hindi nagkita pero miss ko na agad siya? Akala ko sapat na iyong magka-text naman kami araw-araw… pero iba pa rin pala kapag sa personal.

Hindi siguro ako pang LDR.

Hindi ko kaya iyong ganon.

Pero kung si Achilles? Siguro kakayanin ko… pero hahanap at hahanap din ako ng paraan para maka-migrate sa kung nasaan man siya.

“Hindi ka nagjogging?” I asked kasi alam ko usually kapag weekends nagjjogging siya sa BGC, e.

“May ginawa ako kagabi.”

“Ano?”

“Outline.”

“Para saan?”

“Sa ituturo ngayon.” Napa-tingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko. “Ayokong ipahiya ka sa classmate mo.”

Napaawang iyong labi ko at saka bahagyang natawa. “Seryoso?”

Tumango siya. “Oo. Nakakahiya baka mali maituro ko.”

“Bakit nung ako lang tinuturuan mo, walang ganyan?”

“E ikaw lang naman ’yon.”

“Wow… hindi importante iyong grades ko sa ’yo?”

He shrugged. Sinamaan ko siya ng tingin. Bahagyang nanlaki iyong mga mata ko nang halikan niya ako nang mabilis.

“Magluluto pa lang ako,” sabi niya habang sinasara iyong pintuan sa likuran ko. Ibinaba ko iyong bag ko roon sa may upuan sa dining area niya. Naupo ako roon sa may stool sa island niya. Pinanood ko lang siya habang nagsisimula siyang magluto.

“Ano’ng breakfast?”

“Garlic fried rice, spam, and eggs.”

“Hindi healthy?”

Napa-tingin siya sa akin. “Pwede naman,” sagot niya. “Gusto mo lutuan kita ng chopseuy ngayon?” sabi niya sa akin.

Kumunot iyong noo ko. “Seryoso ka ba o sarcastic?”

He shrugged again. “Sarcastic.”

“Huh… puyat ka siguro talaga. ’Di ko narinig iyong sarcasm sa boses mo,” sabi ko sa kanya. “Gaano ba kahaba iyong outline na ginawa mo?”

Naka-talikod na ulit siya sa akin. Nagsaing muna siya ng bigas tapos ay kinuha niya iyong nag-iisang spam sa cupboard niya. Sabi na nga na healthy living talaga ang isang ’to. ’Di uso sa kanya ang canned goods.

“Kalahati nung Contracts,” he replied. “Connected kasi lahat. I just made notes para wala akong malimutan.”

He was still saying something. I pretended to listen… but all I could think about was wow… ang swerte ko naman sa kanya. Swerte din kaya siya sa akin? Naiisip niya kaya ’yon?

Kailangan kong mas mag-aral.

Ayoko talaga na siya iyong full-package tapos ako iyong sinasabihan na ‘ano kaya nakita non kay Mauro?’

“Achilles,” I called while he was busy frying eggs.

“Hmm?”

“Wag mo akong tatawanan.”

“Can’t promise.”

“Sige na.”

“Counter-offer—kung tatawa man ako, naka-talikod sa ’yo.”

“Counter-offer? Ano feeling mo? Nasa negotiation ka?”

He shrugged. “That’s the offer—take it or leave it.”

Minsan… minsan masakit din sa ulo na abogado iyong ka-something mo, e. Hindi lang simpleng abogado—abogado na wala sa vocabulary ang magpatalo.

“Fine,” sabi ko. “Wag kang haharap.”

“You got it.”

Hindi agad ako nakapagsalita, and then I decided na sabihin na lang. Bakit ba nahihiya pa rin ako kay Achilles? Pagkatapos ng lahat ng pinaggagagawa namin sa Subic?

“Curious lang…” Huminga ako nang malalim. “Ano’ng nagustuhan mo sa akin?” I asked. Nakita ko na lilingon siya. “Sabi mo ’di ka haharap.”

“Fine,” he replied.

I stared at his back. I was counting the seconds in my head. Habang humahaba iyong paghihintay ko sa isasagot niya ay nanlalamig ako. Ganoon ba kahirap isipin kung ano ang nagustuhan niya sa akin?

“Grabe… as in wala kang maisip?” I asked, trying to lighten the mood kahit medyo… wow, nakaka-offend pala kapag nagtanong ka kung ano nagustuhan sa ’yo tapos walang masagot? Kasi ano? Wala bang ka-gusto-gusto sa akin? Kasi kung ako tatanungin niya, ang dami kong masasabi.

Inabot niya iyong sandok tapos ay binaliktad iyong itlog.

“Marami,” sabi niya. “Gusto mo ba isa-isahin mo?”

“Yes,” sagot ko agad.

Nakita ko na natawa siya dahil sa paggalaw ng mga balikat niya. Bigla tuloy akong nanghinayang na naka-talikod siya. Ang gwapo niya kasi lalo kapag naka-tawa siya.

“Okay,” he replied. “Let’s start with the physical.”

Napa-irap ako. “Alam ko na gwapo ako,” sagot ko sa kanya.

“Wow…”

“So, bakit ka nagka-gusto sa akin? Kasi sa totoo lang, ikaw naman talaga nagsimula ng lahat ng ’to.”

“Gusto mo ba magthank you ako dahil pinansin mo ako?” sabi niya. Nabawasan na ata iyong pagod niya kasi this time, rinig na rinig ko na iyong sarcasm sa boses niya.

“Hindi na. Alam ko na ’yon.”

Natawa na naman siya. “That’s one of the things I like—you’re very sarcastic,” sabi niya tapos ay spam naman iyong nilagay niya sa may pan. “Do you this crispy?” he asked.

“Yes, please,” sabi ko. “Kailan mo na lang naisip na ‘ay grabe, ang cute naman non.’”

“Sa tingin mo ganyan akong mag-isip?”

I shrugged. “Malay ko ba.”

“No,” sabi niya. “Ang naisip ko ay ’sino ba ‘tong naka-harang sa pinto?’” dugtong niya. “Nagmamadali ako non kasi may pupuntahan pa ako at may kailangan akong itanong kay Judge. Naka-harang ka sa pinto tapos ay hawak mo iyong codal. Doon kita unang nakita.”

“So, hindi love at first sight?!”

Natawa siya. “No. Sorry to disappoint you.”

“How dare you?”

“Naka-harang ka naman talaga,” sabi niya. “Tapos napansin na kita kasi tuwing nandon ako, naka-harang ka sa daan. I started to wonder kung sinasadya mo ba ’yon… because what are the chances na naka-harang ka lang talaga lagi doon?”

“So… sinasabi mo ba na nagustuhan mo ako dahil naka-harang ako sa daan?”

He shrugged. “Not really… but one day, hindi ka na naka-harang sa daan. I unconsciously wondered where you are. Hanggang sa tuwing nandoon ako ay hinahanap na kita,” he said and then broke the rule and looked at me. “I feel like I was a victim of classical conditioning.”

Napaawang iyong labi ko at natawa. “Seriously?”

He nodded. “Sinanay mo ako na naka-harang ka lagi kaya nung nawala ka, hinanap ka ng sistema ko.”

“Grabe… Dapat na ba akong kabahan kapag umabsent iyong guard sa trabaho mo?”

Natawa siya. “No,” he said. “Don’t worry—you have Pavlov-ed me through and through.”

I wrinkled my nose. “Dapat lang.”

Achilles continued cooking and as usual, ako na naman ang pinaghugas niya ng plato. Kailan kaya dadating iyong araw na siya na ang magvovolunteer na gawin iyon?

“Ano’ng oras nga iyong sa kaibigan mo?” he asked habang siya naman ang nanonood sa akin na maghugas ng plato. Tsk. Ni sa bahay nga namin hindi ko ’to ginagawa para sa ibang tao.

“1PM.”

“Okay, good,” sabi niya. “Bilisan mo d’yan.”

“Teka lang naman.”

“Apat na plato lang naman ’yan.”

“May mga kutsara at tinidor.”

“Ako na nga,” sabi niya tapos lumingon ako sa kanya bago pa siya maka-lapit.

“Bakit ka ba nagmamadali?”

Nakita ko na namula iyong mukha niya. Kumunot ang noo ko. Ewan ko ba pero parang minsan e magka-konekta na iyong utak namin kaya na-gets ko agad kung bakit atat na atat siyang matapos na ako dito.

“Matatapos na ako,” sabi ko sa kanya. “Pili ka na ng papanoorin natin,” dugtong ko bago nagspeed washing ata dahil oo nga, halos isang linggo na rin bago kami nagkita in person—dapat ko nga talagang bilisan maghugas ng plato.  

**

This story is already at Chapter 31 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 29

Chapter 29

“Morning…” sagot ko nang tumawag si Achilles sa akin.

Halos wala akong tulog. Huling araw na ng finals ngayon. Swerte na ata ako kung maka-kuha ako ng apat na oras na tulog. Kaya hindi na rin ako nakipagtalo pa kay Papa nang sabihin niya sa akin na ihahatid at susunduin niya ako sa school after ng exam ko, e. Pakiramdam ko rin kasi na kung ako ang magda-drive ay mababangga ako. Makaka-tulog talaga ako habang hawak iyong manibela.

Ganon ako ka-pagod.

Pero ayos lang. Mas gusto kong makulangan ng tulog kaysa magkaroon ng bagsak na grade. Alam ko kasi agad kung ano ang sasabihin ni Papa.

Na kasalanan ni Achilles.

Lahat siguro ng maling mangyayari sa buhay ko ay isisisi niya kay Achilles.

Kaya naman napagdesisyunan ko na mag-aaral ako nang mabuti. Buong college life ko, yolo lang ako. Sakto lang na aral, ganon. Kasi hindi ko naman talaga goal na maging summa cum laude. Siguro iyong ibang estudyante, ganon iyong gusto. Ako? Trip ko lang maka-graduate. Magkaroon ng magandang trabaho para maka-alis na ako sa bahay.

Pero ngayon? Kailangan ko ng magandang grades. Kailangan ko na wala akong bagsak. Kumbaga, anything less than perfect was not allowed. Medyo nakaka-sakal din… na ang daming requirement bigla sa buhay ko.

’Di siguro talaga pwede iyong masaya lang.

“Hanggang 9:30 exam mo mamaya, right?”

“Yup,” sagot ko habang naka-pikit pa rin ang mga mata.

“May lakad ka kasama block mo?”

“Hindi ko sure,” sabi ko sa kanya. “Pero baka ’di rin ako sumama kasi gusto kong matulog na.”

Gusto kong makita si Achilles… pero gusto ko ring matulog. ’Di kaya pwede na sa condo niya na lang ako pero matutulog lang talaga ako? Grabe na ’tong pagod ko! Kung tatanungin ako kung pagkain o tulog, mas pipiliin ko na matulog. Bahala na iyong gutom. Siya na mag-adjust sa antok ko.

“Ah…”

Natawa ako kahit ang sakit ng ulo ko sa antok. “Sorry. Alam kong miss na miss mo na ako.”

Natawa rin siya. “Naghahallucinate ka na.”

“I hear no denial.”

Ngayon ko lang talaga napatunayan na kapag lagi kayong magkasama o kaya magka-usap ng isang tao, talagang nakukuha mo na iyong way of speaking o kaya naman ay mannerisms niya… Minsan kasi talaga ay nahuhuli ko iyong sarili ko na gumagamit nung mga phrases ni Achilles.

“Ayaw mo sa condo ko? Kahit matulog ka lang.”

Natawa ako tapos ay napa-hawak sa sentido ko dahil sumakit na naman iyong ulo ko. “Ganyan mo na ako ka-miss?” tukso ko sa kanya. Halos two weeks na rin kaming hindi nagkikita. Naka-kulong lang ako lagi sa kwarto ko at nag-aaral. Tinukso nga ako ni Mauve na nagbago na raw ako. Hindi na raw ako patapon na tao. Gago talaga ’yon.

“Di naman.”

“E ’di ’wag.”

“Magpapa-pilit ka ba?” tanong niya sa akin. Siguro talagang kilala ko na siya dahil na-imagine ko na kung ano iyong itsura niya habang sinasabi niya ’yan. Diretsong naka-tingin siya sa akin habang naka-tilt sa gilid nang kaunti iyong ulo niya. Naka-pasok din sa mga bulsa ng pantalon niya iyong dalawang kamay niya.

Ano ba ’yan…

Miss ko na nga ata.

“Hindi,” sabi ko na natawa. “Sige, pero uuwi ako ng mga 4AM.”

“Deal,” sagot niya. “Sunduin kita?”

“Wag na,” sabi ko.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Naramdaman ko na naman iyong guilt. Alam ko na hindi naman ako pinipilit ni Achilles na sabihin na sa mga magulang ko… pero alam ko rin naman na hindi maganda sa pakiramdam na tinatago ka.

Na wala naman siyang ginagawang masama, pero galit iyong mga magulang ko sa kanya.

Kaya nga nag-aaral ako nang mabuti… kasi kailangan ko ng mataas na grades. Mas mataas kaysa nung first sem. Kasi gusto ko na kapag sinabi ko sa kanila iyong tungkol sa amin ni Achilles, kapag sinabi nila na guguluhin niya lang ako sa pag-aaral, gusto ko na masasabi ko sa kanila na mas tumaas iyong grades ko nang makilala ko siya.

Kasi gusto ko lang naman maging masaya.

Pero bakit lagi akong naka-defense mode sa mismong pamilya ko?

“Okay,” sabi niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. “Do you want any food? O talagang matutulog ka lang dito?”

“Hmm… Alam mo iyong smash burgers? Kaya mong gumawa non?”

“I have no idea what you’re talking about, but sure.”

Natawa ako. “Okay. Thank you.”

“You got it,” sabi niya.

Then my alarm reminded me that it’s time to really wake up and begin reviewing yet again.

“Have to go,” I said, groaning as I was forcing myself to stand up dahil alam ko na kung hindi ko pipilitin ang sarili ko na tumayo, hindi ako makakapag-aral.

Last push na. Matatapos ’din ’tong lecheng sem na ’to.


“Susunduin ulit kita mamaya,” sabi ni Papa nang ihatid niya ako sa school. Tumango na lang ako kahit ang balak ko talaga ay sabihin mamaya na sasama ako sa block ko. Magseselfie na lang kami ni Assia. ’Di naman magagalit ’yon. Alam niya naman. Saka siya lang ang kilala ni Papa na kaibigan ko sa school. Kilala niya rin si Niko pero ewan ko ba… sinabihan ako na lumayo raw ako doon. Hindi na ako nagtanong dahil marami na akong iniisip at ayoko ng dagdagan pa.

Saka judgmental naman ’yang si Papa. Malay ko ba na may problema lang talaga siya sa pamilya ni Niko tapos ay nadamay lang si Niko talaga.

Dumiretso na ako sa classroom. Ramdam ko iyong kaba naming lahat. Consti 2 iyong huling exam namin. Ewan ko ba sa subject na ’to. Okay naman siya kapag inaaral ko… pero kapag exam? Parang tinatakasan ako ng lahat ng inaral ko.

“Assia,” sabi ko nang hindi na siya nagbabasa. Ayoko kasing mang-istorbo kung busy siya.

“Bakit?” tanong niya habang naka-tingin sa ’kin.

“Ano… kung may matanda mang maghanap sa akin mamaya,” sabi ko sa kanya tapos ay tumango agad siya. “Thank you.”

Ngumiti lang siya sa akin. “Enjoy kayo mamaya ni Atty. Marroquin.”

“Achilles nga. ’Di mo naman siya teacher,” sabi ko kasi minsan ay tinuturuan kami ni Achilles sa Obli. In fairness naman talaga sa kanya ay magaling siyang magturo. Kapag kasama pa namin si Assia ay may pa flashcards pa si gago. Pa-bibo talaga sa kaibigan ko, e.

Umiling si Assia. “Nakaka-hiya.”

Tapos ay nakita ko na naman na masama ang tingin sa akin ni Vito. Mukhang tanga talaga ’yon. Pakiramdam ko talaga ay nagseselos siya sa akin kay Assia. ’Di ko lang masabi sa kanya na ’di ko naman type si Assia. Masyadong mabait. Gusto ko ay iyong may pagka-pilosopo na masarap tampalin iyong bibig minsan saka iyong nakaka-ubos ng pasensya.

Ewan ko ba—gusto ko iyong pinipikon talaga ako.

“Lord, kayo na po ang bahala. Nag-aral naman po ako,” mahinang bulong ko nang makuha ko na iyong exam booklet at saka iyong questionnaire.

Naka-ilang hinga ako nang malalim habang nag-eexam. Nagsagot ako to the best of my abilities. May mga tanong na hindi ko talaga alam iyong sagot, pero nagsagot ako at inilaban ko pa rin iyon. Basta naman daw may logical reason, sabi ni Achilles. Basta ilaban ko lang daw.

Nang maipasa ko iyong questionnaire ko, dumiretso muna ako sa chapel. Nagdadasal naman ako… Naniniwala naman ako sa Diyos. ’Di lang talaga ako pala-simba.

Pakiramdam ko ay okay lang naman ’yon—regularly namang updated si God sa mga ganap sa buhay ko.

Nang maka-labas ako sa chapel ay kinuha ko iyong cellphone ko. Nakita ko na nagtext si Papa sa akin na nasa labas na raw siya ng school. Grabe. Naka-bantay talaga. Buti na lang at naka-off iyong read receipt ko sa kanya. Sasabihin ko na lang na ’di ko nabasa iyong text niya at na nasa kung saan mang inuman na ako.

Bahala siya d’yan.

Imbes na sa main gate ay doon ako sa may likurang gate dumaan. Para akong pugante kahit pupunta lang naman ako sa condo ng ka-something ko.

Shet talaga—pagod na akong sabihin na ka-something ko si Achilles! Once talaga na masabi ko na kay Papa, kailangan na naming mag-usap ni Achilles kung ano ba talaga ang balak niya sa buhay. Pero ayoko rin kasi na ako ang magbring-up.

Gawa na lang kaya ako ng Google Form tapos answer siya doon ng yes or no?

Tsk.

Bakit ako pa magtatanong kung ano ba kami? Para namang hindi siya iyong unang nagka-gusto sa akin.

Sumakay na ako sa Grab nung dumating iyon. Gustuhin ko mang mag-Angkas para maka-tipid, wala naman akong balak mahulog dahil antok na talaga ako.

Pagdating ko sa condo niya ay para akong gago na naglalakad ng mabilis papasok. Ewan ko ba!

“San burger ko?” sabi ko nang pagbuksan ako ng pinto ni Achilles. Tangina… ilang linggo ko lang hindi siya nakita pero para bang na-shock na naman ako sa kung gaano siya ka-gwapo sa personal. Kasi alam mo ’yon? Alam ko naman na gwapo siya. Alam ko itsura niya. Pero iba pa rin sa personal na nakikita ko siya, nahahawakan, naamoy.

’Di niya talaga dapat malaman na patay na patay ako sa kanya—alam kong ’di niya ako titigilan kaka-tukso.

Imbes na sagutin ako sa napaka-importanteng tanong ko ay bigla niya akong niyakap. Yakap lang naman iyon pero napaawang iyong labi ko sa gulat. Kasi… kasi para bang sa yakap lang na iyon, ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako na-miss.

Grabe…

Dalawang linggo lang iyon pero parang habang-buhay iyong tagal.

“Gumawa rin ako ng fries,” sabi niya habang yakap ako.

Natawa ako at saka niyakap siya pabalik. “From scratch?” He nodded. “Grabe… Ikaw talaga ang personal chef ko.”

He took a stepback habang yakap pa rin ako. Isinara niya iyong pinto. He broke the hug and cupped my face. Naka-tingin lang siya sa mga mata ko at hindi nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit ramdam ko iyong pamumula ng buong mukha ko.

“Ano?” sabi ko na bahagyang naiilang dahil sa paraan ng pagtingin niya.

“Bakasyon mo na, noh?”

Tumango ako. “Yup. Two months.” Tumango din siya. “Bakit?” tanong ko nung hindi siya nagsalita.

Umiling lang siya. “Nothing,” he replied, instead.

Siguro nga kilala ko na siya.

Gusto niyang itanong kung may free time ba ako. Na kung pwede ba kaming mag-out of town o kung anuman na normal na ginagawa ng dalawang taong may gusto sa isa’t-isa at gustong maging magkasama.

Gusto kong sabihin sa kanya na kailangan ko lang hintayin na lumabas iyong grades… Tapos ay sasabihin ko na kay Papa. Na kung magalit man siya sa akin ay bahala na. Basta ayoko ng magtago.

Ayoko na nung nagtatago ako na masaya ako.

Na iyong bahay namin ay imbes na maging pahingahan ay para akong preso.

“Gutom na ako,” sabi ko na lang sa kanya dahil ayoko na siyang ma-stress pa sa grades ko kasi alam ko na iniisip niya na malaki ang chance na mababa iyong grades ko. I mean… ’di ko naman siya masisisi. Medyo patapon naman talaga ako nung una niya akong makilala. Lately lang naman nagkaroon ng direksyon iyong buhay ko.


Ewan ko kung biased lang ba ako, pero ito na ata iyong pinaka-masarap na burger na nakain ko sa buong buhay ko. Sabi ni Achilles ay sinunod lang daw naman niya iyong recipe na nakita niya sa Youtube. May mga tao talaga siguro na talented… Kasi sigurado ako na kung ako iyong nagluto non, kahit sususod naman ako to the best of my ability sa recipe, for some reason ay maglalasang sinigang ’tong burger.

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nasa couch lang kami. May kung anumang palabas sa Netflix pero nag-uusap lang kami ni Achilles.

“May plano ka sa bakasyon?” tanong ko sa kanya.

“Wala akong sembreak.”

Natawa ako. “Ay, oo nga pala. Gurang ka na nga pala.”

Nakita ko na napa-irap siya tapos ay uminom nung wine. Ang weird minsan kapag naiisip ko kung gaano kami magkaibang dalawa. Siya ay model student habang ako ay bahala na si batman. Tapos PAO lawyer siya habang sigurado ako na ’di ko kaya iyong litigation kagaya niya. Financially stable siya habang ako ay minsan hindi sigurado kung afford ko ba ang siopao. Tapos health conscious siya samantalang ako ay nabubuhay sa cup-noodles.

Poles apart nga pala kami… but weirdly, we work.

“Tingin mo ba sa 30 years old ay magdidisintegrate na kami?”

Natawa ako. “Grabe, hindi naman. Pero pakiramdam ko ay sumasakit na ang mga buto-buto niyo.”

Umirap na naman siya. “I’ll remind you kapag 30 years old ka na rin—how you used to think that 30 means your one foot is in the grave.”

“Tingin mo nag-uusap pa rin tayo kapag 30 na ako?”

He shrugged. “Why not?”

“Malay ko.”

“Why? Do you think na ’di na tayo nag-uusap kapag 30 ka na?”

“Ewan.”

“Why?” he asked, his tone more serious now.

“Wala lang.”

“Why?”

Inabot ko rin iyong wine glass. Ramdam na ramdam ko iyong tingin niya sa akin at sa bawat galaw ko.

“Kasi…” I said and it was like I saw him holding his breath with my every word. Gusto ko pa sanang bagalan para ma-stress siya kaso changed person na ata talaga ako… Ayoko na nase-stress si Achilles sa akin.

“Kasi ilang buwan na rin tayong ganito,” sabi ko tapos napa-hinto kasi para akong tinamaan ng hiya bigla. Inistraight ko tuloy iyong wine. “Alam mo ’yon? Landian lang pero walang label?”

Pota.

Pwede bang tumakbo na lang ako palabas ng condo niya kasi parang gusto ko na lang maglaho. Bakit ba nagsabi lang naman ako na kailangan ko ng label pero ang pakiramdam ko ay nagmamakaawa ako sa kanya?

It literally felt like I was on my hands and knees begging.

“What?” he asked.

Naka-tingin lang ako sa TV. Ah, Forensic Files pala iyong pinapanood namin.

“Thoughts lang naman,” sagot ko habang naka-tingin sa TV.

“What label?” he asked.

“Wala lang ’yon. Random thoughts lang.”

“No,” he said. “You said na hindi na tayo mag-uusap kapag 30 ka na dahil landian lang na walang label,” he continued. “Can you elaborate?”

“No.”

“Mauro.”

“Ayoko nga,” sabi ko tapos napa-tingin ako sa kanya nang patayan niya ako ng TV. “Ang bastos.”

Umirap na naman siya. Sarap tusukin ng mga mata.

“Come on,” he said. “What label?” he asked.

Hindi pa rin ako nagsalita. Pota naman ’to. Ang hirap na nga sa akin na sabihin iyong kanina tapos gusto niya pa akong mag-elaborate ngayon? What if saksakin niya na lang ako?

“I’m not really updated with the modern slangs,” sabi niya at napa-kunot iyong noo ko dahil ang seryoso ng boses niya. “I’m always swamped with work. I only read updates on jurisprudence. I don’t really use social media. I don’t really know what this label you’re talking about is… but whatever it is, I’ll give it to you.”

Pota.

’Di ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa sa kanya kasi parang stressed na stressed na siya at hindi niya alam kung ano ba iyong label na sinasabi ko. Ito ba iyong sinasabi nila na mahirap makipagdate kapag nasa magkaibang stage kayo ng buhay niyo? Dahil ako ay estudyanteng maraming time sa social media habang siya ay working professional na hindi nagsosocial media?

Minsan ang hirap intindihin ni Achilles, pero sa kanya lang ako willing ma-stress nang ganito.

“Fine,” sabi ko. Naka-tingin siya sa akin na parang nag-aabang talaga sa mga susunod na salitang sasabihin ko. “Penge muna ulit ng wine,” I continued and he was about to refill my glass when he realized na ubos na iyong laman non.

“Pwede bang mamaya na?” he asked.

Umiling ako. “Wine muna.”

Natawa ako dahil labag na labag sa loob niya na tumayo mula sa couch at pumunta sa kusina niya para kumuha ng wine doon sa wine rack niya. I watched as he grabbed the corkscrew. He looked so serious with his forehead a bit creased.

“Label as in boyfriend ba kita? Boyfriend mo ba ako?”

Napa-tingin siya sa akin habang hawak niya pa rin iyong wine. Kumunot ang noo niya.

“Oh, that.”

“Yes, that.”

“Iyon ’yung label?” Tumango ako. “Okay. Boyfriend mo ako at boyfriend kita.”

Napaawang iyong labi ko. “Yon na ’yon?”

He nodded. “Yeah… But I’m sensing that you’re disappointed.”

Ano nga ba ang ineexpect ko?

Na may flowers and balloons?

Parang hindi naman.

Tapos ay napa-tingin ako kay Achilles—this guy literally went to Subic just because I jokingly asked him to. The guy who made powerpoint presentations para lang turuan ako kahit ang dami-dami niya ng ginagawa sa trabaho niya. The guy who sent me food nung akala niya ay wala akong kasama sa bahay at walang magluluto para sa akin. The guy who fucking braved the Metro Manila traffic just to see me for a few minutes.

Yeah… I wasn’t disappointed.

I’d rather have all these on normal days than to have one big gesture once a year. Kasi madali lang naman ’yon. Madali lang namang magplano ng enggrande once a year.

But to be consistent on normal days?

That’s different.

That’s the fucking goal.

To have someone who’d treat you like you’re the prize when there’s no special occasion calling for it.

Kaya naman tumingin ako sa kanya at umiling.

“No, I’m not,” I said as I stood up and walked towards him. “Boyfriend na kita,” dugtong ko bago siya hinalikan at sinulit iyong mga oras bago kailanganin ko ng umuwi. 

**

This story is already at Chapter 32 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 30

Chapter 30

Humingi ako ng pabor kay Assia na kung pwede ay sabihin niya na lang sa akin kapag kumpleto na iyong grades namin. Para akong masusuka tuwing nakaka-receive ako ng notification mula sa GC namin na lumabas na raw iyong ganitong grade. Kaya sinabi ko kay Assia na i-text niya na lang ako kapag kumpleto na. Para isang kaba na lang!

Bakit ba kasi hindi na lang isang bagsakan iyong grades? Ginawa pang installment—installment din tuloy iyong stress ko.

Gusto kong bumaba para maghanap ng makakain pero nandon kasi sila Mama. Ayoko muna silang makita. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob. Kasi kapag nakita ko na na maganda iyong mga grades ko, sasabihin ko na sa kanila iyong tungkol sa amin ni Achilles.

Na may boyfriend ako.

At na sana, kahit hindi na sila maging masaya para sa akin, kahit tanggapin na lang nila.

Pero para talagang mababaliw na ako rito sa kwarto mag-isa at naghihintay lang ng text ni Assia kung okay na ba iyong mga grades. Magse-search sana ako sa Google kung required ba iyong running shoes kung tatakbo ako. Bawal ba kapag AirForce?

GLOBE is calling…

Agad na gumaan iyong mood ko nang makita ko na tumawag sa akin si Achilles. Lumingon ako para ma-check kung naka-lock ba iyong pinto ko.

“May tanong ako,” sabi ko nang sagutin ko iyong tawag niya.

“What is it?”

“Required ba na naka-running shoes kung tatakbo ako?”

“What?” tanong niya. “You do know that you ask the most random questions, right?”

Nagkibit-balikat ako. “Isesearch ko kasi dapat sa Google, pero ginulo mo ako,” sabi ko sa kanya. Kahit wala siya sa harapan ko ay na-imagine ko na iyong itsura niya na umirap habang umiiling. Ganyan naman itsura niyan palagi kapag ’di siya sigurado kung ma-aamaze o maiinis siya sa akin, e.

“Kasalanan ko na naman,” sabi niya.

“Lagi naman. Duh.”

“Why? Tatakbo ka?” he asked.

“Oo sana.”

“Are you sure?”

“Oo nga. Grabe naman ’to. Sanay naman akong tumakbo.”

“Sure… but you get winded out kapag aakyat lang tayo sa hagdan.”

Napaawang iyong labi ko. “The disrespect!”

“Totoo naman, ’di ba?”

“Tss. In my defense, working student ako. Saan ako hahanap ng panahon para mag-exercise?” sagot ko sa kanya tapos narinig ko iyong halakhak niya.

“Yeah, yeah, sure, whatever.”

“Tss. Hater. Tapos ngayon na tinatanong kita kung pwede ba na walang running shoes, ayaw mo naman akong sagutin nang maayos.”

“Hindi pa naman ako nakaka-sagot,” he replied. “I merely asked for a clarificatory question first.”

“Kasi parang hindi ka maka-paniwala na tatakbo ako.”

“Well… can you blame me?” he asked. Na-imagine ko na agad iyong itsura niya. Bahagyang naka-tilt sa gilid iyong ulo niya at naka-tingin sa akin as if he was taunting me kasi alam niya na tama siya at once again, mali na naman ako.

Hirap talaga kapag boyfriend mo ayaw magpatalo, e. Ano kaya pakiramdam ng panalo ka minsan?

“Whatever. Makapaglakad na nga lang,” sabi ko.

Natawa na naman siya. “Bakit gusto mong tumakbo?”

Napa-higa na naman ako sa kama. “Wala lang…” I replied. “Nabasa ko kasi na kapag tumatakbo ka, malilimutan mo iyong mga nasa isip mo.”

“What do you want to forget?”

“Release ng grades.”

“You’ll be fine,” he said.

“Thanks,” sagot ko na lang. ’Di ko kasi sinabi sa kanya na sobrang importante nito sa akin hindi lang para sa transcript ko kung hindi para na rin kahit papaano e mabawasan iyong stress ko kapag sinabi ko kila Mama. Para hindi na rin nila maibato sa akin na nakaka-sira si Achilles ng buhay kasi hindi naman talaga. Oo, minsan nakaka-pikon siya pero iyon lang ’yon.

“Just go for a walk,” sabi niya. “Then do some sprints in between. Nakaka-pagod tumakbo kapag hindi ka sanay.”

“Hindi ba tatakbo lang naman ako? Sanay naman akong tumakbo.”

“You can sprint,” sagot niya sa akin. “Sprint is different from running an actual marathon.”

“Di naman ako tatakbo sa marathon.”

“Ano’ng takbo ba pinag-uusapan natin? Takbo mula sa bahay niyo papunta sa 711?”

“Napaka-hater mo talaga,” sabi ko sa kanya kasi alam ko binu-bwisit niya na naman ako sa 711. Minsan kasi kinukulit niya ako na bawasan ko na raw pagkain ko ng siopao at cup noodles kasi hindi daw healthy. Alam ko naman… pero masarap kasi talaga.

Natawa na naman siya. “Just run if you want to run,” sabi niya sa ’kin. “I’d say do a bit of stretching first, but we both know you won’t listen to me.”

“Kasi tatakbo lang naman ako.”

“See?” sabi niya sa akin at alam ko na napa-iling na naman siya. “Call me when you pull a muscle.”

Ang effective din pala na distraction nitong si AVM. Nawala sa isip ko iyong grades namin. Nawala na rin iyong actual na pagkakbo na nasa plano ko dahil magkausap lang kami habang sinasabihan niya ako kung ano iyong mga preparations na kailangan kong gawin kung gusto kong tumakbo. Grabe talaga ’tong taong ’to! Hindi ba pwede na tatakbo lang ako? May mga ganito pa siyang nalalaman.

“Shit,” napa-sabi ako nang tumunog iyong phone ko. Naka-silent kasi iyon bukod sa notif sa text ni Assia.

“Your grades?” tanong ni Achilles na parang alam niya talaga kung ano ang tumatakbo sa utak ko.

“Oo,” sagot ko. “Tignan ko muna. Tawagan kita mamaya.”

“Okay,” sabi niya sa akin. “Di nakaka-bawas ng pagkatao kung may bagsak.”

“Gago ka talaga,” sabi ko sa kanya tapos ay narinig ko na naman iyong tawa niya.

“Just kidding,” he replied. “I’m sure you passed your subjects.”

“Sana nga,” sabi ko bago ko putulin iyong tawag. Huminga muna ako nang malalim. Naka-pikit iyong mga mata ko at nagsabi ako kay God na Siya na ang bahala sa mga grades ko. Basta ginawa ko naman iyong best ko… pero kasi medyo wala talagang kwenta iyong recit ko nung simula nung sem. Totoo naman kasi na nag-effort lang ako sa grades ko nung nakilala ko si Achilles. Ewan ko ba.

“Okay. Bahala na,” sabi ko sa sarili ko.

Pumunta na ako sa portal nung school namin. Buti na lang at naka-remember na iyong e-mail at password ko dahil bahagyang nanginginig iyong mga daliri ko. Para din akong masusuka habang pinapanood ko na magload iyong page.

‘Please, walang bagsak! Kahit iyon na lang!’ bulong ko sa utak ko habang pinapa-nood iyong loading nung page kasabay ng pagmura sa utak ko dahil bakit ang bagal ng Internet sa Pinas.

Nagsign of the cross pa ako ulit bago nagscroll down. Una kong nakita iyong grades ko nung first sem… Okay naman sila. Walang bagsak pero hindi rin mataas. Hindi na ako nagulat dahil pre-Achilles, masaya naman na talaga ako sa ganoong grades. Basta pasado, ayos na ’yon.

Tapos ay nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko iyong grades ko nung second sem.

Holy shit!

Ganito ba kapag nag-effort?!

Hindi ko alam kung mababa lang ba talaga iyong standards ko para sa sarili ko, pero line of 8 ako sa Crim, Consti, at Obli! Nasa low line of 8 lang pero kahit na! Sanay ako sa line of 7 basta pasado.

Fuck.

Nagscreenshot agad ako sa grades ko kasi baka biglang namali lang sila ng type. Tapos ay sumilip na ako finally sa class GC namin… At nabigla ako dahil ang daming nagrereklamo sa grades namin sa Obli at Crim.

Luh…

Ganito ba ang feeling ng honor student?

Ang saya pala?


Nagmessage ako kay Achilles na pasado lahat ng grades ko. Tapos ay nag-ipon ng lakas ng loob dahil sasabihin ko na talaga kila Mama. Mabuti na lang din at wala si Mauve ngayon. Alam ko na gusto niyang maging supportive sa akin pero ayoko na siyang idamay dito… Wala man siyang sinasabi sa akin, pero alam ko na may kaunting trauma pa rin siya sa nangyari dati. Ayoko lang dalhin ulit siya sa sitwasyon na ’yon.

Bumaba ako at nakita ko sila Mama sa may dining room. Naka-upo na si Papa at nagbabasa ng dyaryo. Si Mama ay nag-aayos ng lamesa.

“Tamang-tama. Kakain na ng lunch,” sabi ni Mama nang makita ako.

Napa-tingin si Papa sa akin habang hawak pa rin iyong dyaryo. Napansin niya siguro na may iba sa mukha ko. Kaba. Iyon iyong nasa mukha ko.

“Lumabas na po iyong grades ko,” panimula ko. Naka-tingin lang sila sa akin at naghihintay. Muli akong huminga nang malalim. “Pasado po lahat.”

Papa gave me a small nod of approval. Mama smiled and clapped her hands together.

“Praise be to God!” sabi niya.

“Mas mataas po iyong grades ko nung second sem,” dugtong ko.

Nakita ko iyong pagtigil ni Papa sa pagbabasa. Ewan ko kung nasa utak ko lang ba iyon… o naramdaman ko na alam niya kung ano ang mga susunod na lalabas sa bibig ko.

Because he ought to know.

Dahil kahit ’di ko man sinasabi, hindi ko naman din tinatago.

He ought to know that it was just a matter of time before I finally say the words out loud.

“Ma, Pa,” I began. Biglang tumayo si Papa sa kinauupuan niya. “Pa—”

“May kukunin lang ako sa kwarto,” sagot niya sa akin bago nagsimulang humakbang.

“May sasabihin muna ako,” sabi ko sa kanya.

Muli siyang humakbang.

“May boy—”

At agad akong natigilan nang makita ko kung paano kusang ibinagsak ni Mama iyong plato sa sahig. Na para bang gagawin niya lahat ng paraan para gumawa ng ingay para lang hindi ko sabihin iyong sasabihin ko.

Napa-luhod si Mama sa sahig para pulutin iyong mga basag na parte nung plato. Isa-isa niyang pinulot iyon.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para sa sarili ko… Kung matatawa ba ako o maaawa… Kung magagalit ba ako o mapapagod…

Kasi alam nila.

Alam nilang dalawa.

Pero mas gusto ata nila na magpanggap na lang kaming tatlo na walang ibang nangyayari.

“Mama—”

Umiling siya habang mabilis na pinupulot iyong basag na plato. Kita ko na nasugatan siya roon, pero patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. “Kung hindi ka gutom, umakyat ka na sa kwarto mo.”

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak.

Naaawa na ata ako sa sarili ko.

Kasi mali pala na ako iyong naghanap ng lakas ng loob para magsalita—dapat pala ay sila iyong naghanap ng lakas ng loob para makinig.

“Ma—”

Pero agad akong natigilan at nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko nang kuhanin niya iyong baso at ihagis iyon papunta sa pader para lang matigilan ako sa pagsasalita. May tumalsik na isang piraso ng bubog. Nakaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko.

“Dadalhan na lang kita ng pagkain mamaya, Mauro,” sabi ni Mama. Rinig ko iyong pagmamakaawa sa boses niya na tumigil na ako.

Tumingin ako sa kanya, sa kanila ni Papa.

Umiling ako.

Tama na.

Ayoko na nung ganito.

Na nandito kami sa bahay… walang away na nagaganap… tahimik lang… pero ano iyong kapalit?

Na araw-araw akong nasasakal?

Na araw-araw silang nagpapanggap?

“Mama, may boyfriend ako. Achilles iyong pangalan niya. Mabait siya. May magandang trabaho. Masaya ako.”

Ang gandang balita sana.

Na may nagpapasaya sa akin.

Pero bakit ganon? Maganda naman iyong sinasabi ko pero patuloy lang iyong luha sa mga mata ko na para bang kasalanan iyong sinasabi ko sa kanila?

Para na rin akong pinatay ni Mama nang maglakad siya paalis na para bang kung pwede lang ay tatakbuhan niya kung sino ako at sino iyong gusto ko.

“Mama,” pagtawag ko habang naglalakad siya palayo. Tumingin ako kay Papa. “Pa—”

Umiling siya sa akin. “Naguguluhan ka lang, Mauro. Bata ka pa.”

“Hindi na ako bata—”

“You don’t know what you are talking about.”

“Bakit? Ilang taon ba dapat bago malaman kung ano ’yung pagmamahal—”

Mabilis siyang umiling. “Tigilan mo na ’yan.”

“Bakit, Pa? Ano ba’ng masama dito?”

“Hindi ’yan tama.”

“Alin? Na may mahal ako?”

“Ang lalaki ay para lang sa babae. Tandaan mo ’yan.”

Natawa ako habang patuloy lang iyong pagtulo ng luha ko. Para akong nakikipag-usap sa pader. Bakit ko ba sinusubukan kahit alam ko na ganito ang magiging reaksyon nila? Kasi ganito rin kay Mauve… Pero siguro kasi dati, hindi nila alam. Nabigla sila. Kaya wala silang choice kung hindi ang makinig.

Pero iyong sa akin?

Alam nila.

Kaya alam din nila kung paano iwasan.

“Kahit sa batas, alam mo na hindi pwede ang babae sa lalaki.”

“Unfair naman ang batas, Pa. Alam mo ’yan—out of all people, alam mo na may kinikilingan ang batas.”

Kita ko iyong pagpipigil ni Papa sa akin. “Tantanan mo na ’yang taong ’yan, Mauro.”

Umiling ako. “No.”

“No?”

“No, Papa,” sabi ko sa kanya. “Hindi na ako bata. Hindi ako humihingi ng pahintulot niyo. Sinasabi ko sa inyo kasi napapagod na akong magtago—”

“Hanggang nasa pamamahay kita, susunod ka sa sinasabi ko!”

Natawa ako habang pinupunasan iyong luha ko. “Are you being serious?” tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita.

Pero bakas ko sa mukha niya na hindi kami magkaka-intindihan.

“Fine,” sabi ko sa kanya. “Sana hindi na lang kayo nag-anak kung hindi niyo rin naman pala kayang tanggapin kung magiging ano kami paglaki namin.”

**

This story is already at Chapter 33 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 31

Chapter 31

Hindi ko alam kung saan ako pupunta na ang tanging dala ko lang ay iyong cellphone ko at iyong naka-ipit na isang libo sa likod nun in case na mayroong emergency.

Considered ba ’to na emergency?

Na hindi ako tanggap ng magulang ko?

Na mas gusto nilang magpanggap na lang kaming tatlo na walang nangyayari para lang walang gulo?

Diretso lang akong naglakad hanggang sa maka-labas ako ng subdivision namin. Tapos ay nanatili akong naka-tayo doon, nag-iisip kung saan ako pupunta.

Ayokong pumunta kay Achilles ngayon… Kasi alam ko na hindi ko kayang magsinungaling o magpanggap na ayos lang iyong lahat. Kapag nakita ko siya, sasabihin ko lahat ng nangyari sa bahay. Lahat siguro nung mga masasakit na salita na sinabi ni Papa… Iyong bawat galaw ni Mama na parang kutsilyo na sinasaksak sa dibdib ko.

Bakit ganon?

Mas masakit iyong kay Mama… Kasi tanggap ko iyong kay Papa. Kasi alam ko na na may masasakit na salita akong matatanggap kahit ano iyong gawin ko. Pero iyong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan siya? Ang sakit pala non. Mas masakit pala ’yon.

Kaya ayokong pumunta kay Achilles.

Kasi makikita niya na nasaktan ako.

Kasi baka sisihin niya iyong sarili niya sa bagay na wala naman siyang kasalanan.

Kailangan ko munang mapag-isa.

Gusto ko sanang lumayo, pero ang hirap pala kapag wala kang pera. Wala rin akong dalang sasakyan dahil galing kila Mama iyon. Wala akong kahit ano. Wala pa nga talaga akong napapatunayan… Totoo naman iyong sinabi ni Papa na naka-tira ako sa puder nila… Pero sapat ba ’yon para gawin nila akong robot na dapat na lang sundin lahat ng gusto nilang mangyari?

Bawal ba talaga maging masaya?

Naka-sakay ako sa jeep na ’di ko rin alam kung saan ako bababa nang makita ko na tumatawag si Mauve. Ayoko sanang sagutin dahil ayokong magsalita. Alam ko kasi na kapag pinag-usapan namin iyong nangyari ay baka maiyak ako sa galit at frustration kila Mama. Pero ayoko rin na mag-alala si Mauve sa akin.

Huminga ako nang malalim bago ko sagutin iyong tawag niya saka nagdasal na sana ay hindi ako mahablutan ng cellphone ngayon.

“Bakit?” tanong ko sa kanya kahit alam ko na alam niya na may nangyari sa bahay. Baka sakaling hindi niya alam. Ayoko kasi talaga siyang idamay dito. Pinagdaanan niya na ’to dati. Ayoko lang siya bigyan ng take two.

“San ka?”

“Jeep.”

“San papunta?” tanong niya. Alam na nga niya. Kasi kung usual lang ’to na usapan, alam ko na pipilosopohin niya ako.

“Di ko rin alam,” sagot ko sa kanya.

“Ah…” sabi niya.

Tahimik lang akong naghintay sa susunod na sasabihin niya. Pero gusto ko na rin matapos iyong tawag. Ayoko kasi talagang makipag-usap ngayon. Gusto ko lang mapag-isa… pero parang hindi rin. Kasi kapag mag-isa ako, maiisip ko na naman iyong nangyari kanina.

Tapos malulungkot na naman ako.

“Message mo ko kung san ka matutuloy pumunta mamaya,” sabi niya sa akin.

“Okay.”

“Okay. Ingat,” sagot niya bago ibaba iyong tawag. Kilala nga siguro talaga ako ni Mauve dahil alam niyang ayoko nung madramang usapan.

Itatago ko na sana iyong cellphone ko nang magvibrate ulit iyon.

‘Nagsend ako pera sa gcash pambili ng kape.’

Natawa ako. Love language siguro ng mga tao sa paligid ko na bigyan ako ng pera kasi ganto rin si Achilles, e.


Hindi ko alam talaga kung saan ako pupunta. For some reason ay hindi ako nakakaramdam ng gutom. Pero ayoko rin na naka-upo lang ako. Nakarating ako sa UP Diliman. Palakad-lakad lang ako sa oval. Gusto ko rin sanang tumakbo kasabay nung mga nagja-jogging dito kaya lang ay wala akong running shoes. Kasalanan talaga ’to ni Achilles. Kung sinabi niya agad sa akin na kailangan ko ng running shoes, e ’di naka-bili sana ako agad.

“Mauro—”

Halos tumalon na ako sa pagka-gulat nung may tumawag sa pangalan ko at humawak sa balikat ko. Gabi na rin kasi. Kanina pa talaga ako naglalakad sa oval. Ang daming nangyari sa araw na ’to pero at least na-achieve ko iyong ten thousand steps.

“Bakit ka ba nanggugulat?” naka-angil na tanong ko sa kanya habang nasa may dibdib ko iyong kamay ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Kumunot iyong noo ni Achilles. “Tinawag ko lang pangalan mo.”

“Kita na ngang seryoso akong naglalakad.”

Mas lalong kumunot ang noo niya. “Kailan pa naging seryoso ang paglalakad?”

“Basta,” sabi ko na lang sa kanya. Tapos turn ko naman para kumunot ang noo. “Paano mo nalaman na nandito ako?”

“Sinabi ng kapatid mo.”

Mas lalong kumunot ang noo ko. “Si Mauve?”

Tumango siya. “May iba ka pa bang kapatid?”

Normally ay mapipikon ako sa mga ganitong sagutan ni Achilles (well, nakakapikon pa rin naman siya), pero at the same time, naaappreciate ko na ganito pa rin siya. Na nandyan lang siya. Na may nagbago pero at the same time, wala rin.

Ang gulo ko na.

“Wala siguro,” sagot ko sa kanya. Kasi ang kapal naman ng mukha ng mga magulang ko na magalit sa amin ni Mauve tapos may anak sila sa labas?

Weirdo talaga ng mga religious na tao pero makasalanan din—feeling ba nila exempted sila?

Tumango lang si Achilles. “Gutom ka na?” he asked.

Umiling ako tapos parang ewan iyong tiyan ko kasi bigla siyang tumunog. Epal. ’Di naman talaga ako nagugutom. Mapagdesisyon iyong tiyan ko.

“San tayo pupunta?” tanong ko kay Achilles nung nasa sasakyan niya kami. Sabi ko sa kanya na wala ako sa mood magdinner. Sabi niya kung hindi daw ako nagugutom e panoorin ko na lang siyang kumain.

“Mall.”

“Di ba pwede na sa condo mo na lang?”

“Tinatamad akong magluto,” sagot niya sa akin.

Nakakapagod talaga ’tong araw na ’to dahil wala akong masagot na pamimilosopo sa kanya. Tawag muna ako ng ceasefire. Wala akong bala ngayon.

Doon kami sa Shangri La Plaza pumunta dahil siguro malapit na rin iyon sa condo niya. Naka-sunod lang ako habang naglalakad siya.

“San ka ba kakain?” tanong ko sa kanya kasi ilang resto na iyong nadadaanan namin pero wala pa siyang napipili. Alam ko naman choosy siya sa pagkain pero taena naman baka maka-one hundred thousand steps na ako ngayong araw dahil ilang beses ko ring naikot iyong oval.

“Sandali lang,” sagot niya sa akin.

Bigla kaming huminto sa may Adidas. Tignan mo ’tong taong ’to. Ngayon pa ata magsshopping kung kailan mamamatay na ako sa dami ng nilakad ko.

Diretsong pumasok doon si Achilles. Sumunod lang ako sa kanya. Wala naman sigurong sinabi sa kanya si Mauve kasi kung may sinabi si Mauve, siguro naman ako na ’di pipiliin ni Achilles na mamili ng sapatos habang may existential crisis ako.

May kinuha na sapatos si Achilles sa may display tapos ay tumingin siya sa akin.

“Size mo?” he asked.

Kumunot ang noo ko. “Ha?”

“Shoe size,” he replied. Naka-kunot pa rin ang noo ko. “Size 12 ka rin ba?”

Naka-tingin lang ako sa kanya habang naguguluhan. “Para sa ’kin ba ’yang hawak mo?”

Tumango siya tapos ay pinakita sa akin iyong sapatos. “Running shoes mo,” he said. “Pwede na ’to pang-beginner. Baka kasi kagaya lang ’to nung sinabi mo na gusto mo mag-gym tapos after one session, pinagtaguan mo iyong trainer mo.”

Naka-tingin lang ako sa kanya habang bahagyang naka-awang iyong mga labi ko.

“Sinabi sa ’yo ni Mauve?”

Bahagyang tumango si Achilles. “I’m sorry.”

Umiling ako. “Wala ka namang kasalanan.”

Naka-titig lang siya sa mga mata ko. “You know I’m just here, right?”

“Alam ko.”

Pero ayoko ring iasa sa kanya lahat. Kasi ’di naman niya kasalanan na ganon sila Mama. ’Di naman niya ako pinilit na gustuhin siya. At the end of the day, choice ko naman ’tong lahat.

“Tell me whatever you need.”

Ngumiti lang ako sa kanya. ’Di naman ganoon kakapal iyong mukha ko para isiksik iyong sarili ko sa condo niya. Saka hindi pa naman kami ganoon katagal. Ni wala pa nga kaming isang taon tapos doon na ako titira sa kanya?

Ayoko talagang maging pabigat kay Achilles.

Ayoko na isipin niya na imbes na pagaanin ko iyong buhay niya ay puro problema at stress lang ang dala ko sa kanya.

“Bibilhan mo nga ako ng running shoes?” tanong ko na lang para mabaling sa iba iyong usapan.

Tumango siya. “Since pasado lahat ng grades mo.”

I scoffed. “Di lang pasado—matataas kaya grades ko.”

Ngumiti lang siya sa akin pero alam ko na nag-aalala siya dahil kung nasa normal na pag-uusap kami, alam ko na tutuksuhin niya ako na ipakita sa kanya iyong grades ko sa mismong portal dahil hindi siya maniniwala na mataas iyong grades ko. Kasi hindi sapat iyong screenshot sa kanya at sasabihin niya na inedit ko ’yon sa photoshop.

“What if dalawang sapatos kasi mataas grade ko?” pagbibiro ko sa kanya.

Tumango siya. “Okay.”

“Tatlong pairs? Mataas grades ko sa Obli.”

“Okay.”

Huminga ako nang malalim at saka humarap sa kanya. Mabuti na lang at nasa bandang dulo kami nung store kaya walang makaka-rinig sa amin.

“Wag nga kasi,” sabi ko sa kanya.

“What?” he asked.

“Wag… ganito,” sagot ko. “Wag mo akong tratuhin na parang kawawa.”

Kasi ang sama sa pakiramdam.

Na alam ko naman na unfair iyong mundo, pero ’di ko naman akalain na sa magulang ko mismo manggagaling kasi ’di ba dapat kapag anak mo, mahal mo?

Kasi sabi nila may romantic love, may puppy love, at kung anu-anong love… pero sa anak mo raw mararamdaman iyong tinatawag na unconditional love.

Parang scam naman.

Naka-tingin si Achilles at ilang segundo siyang tahimik at parang iniisip nang mabuti kung ano ang sasabihin niya sa akin.

“Okay,” sabi niya.

“Okay?”

Tumango siya. “Back to normal.”

“Okay. Salamat.”

“Wala na ring libre.”

Napaawang iyong labi ko. “Grabe! E sa grades ko naman ’yon!”

He shrugged. “Expired na iyong offer.”

“Ano ’yan? Obligation with a period?”

Natawa siya. “Naks. May natutunan sa Obli.”

“Talaga,” I said. “Kaya deserve ko ng running shoes.”

Naka-tawa siya na naiiling sa akin. “Fine…”

Ngayon ko napa-tunayan na hindi talaga ganoon kakapal iyong mukha ko dahil iyong pinaka-murang running shoes iyong pina-bili ko sa kanya kahit na iyong gusto talaga niyang bilhin para sa akin e mahal.

Wala pala talaga akong future maging sugar baby.

Pagkatapos namin bumili ng sapatos ko ay naghanap kami ng restaurant na pwedeng kainan. Wala siyang mapili. Maarte kasi talaga siya. Sabi niya rin, mas masarap pa kasi siya magluto kaysa sa resto… Na totoo naman pero hindi ako nag-agree sa kanya kasi inflated na iyong ego niya as it is.

In the end, napadpad kaming dalawa sa marketplace.

“Cart talaga? Ayaw mo ng basket lang?”

“Cart,” sagot niya.

“Madami ka bang bibilhin?”

Tumango siya. Ako iyong nagtutulak nung cart dahil mas marami naman siyang alam sa pamimili ng pagkain. Ako kasi ay taga-taste test lang talaga. Naka-sunod lang ako sa kanya habang naka-tingin siya sa mga shelves doon.

Ewan ko ba kung bakit naaamaze ako e namimili lang naman siya ng pagkain saka stocks sa kusina. Siguro kasi ang adult niyang tignan? Naggo-grocery siya ng pagkain niya… Samantalang ang pinaka-grocery ko na ay ang mamili doon sa ref ng 711 between sa microwaveable na giniling o lasagna.

Hindi lang siguro ako sa school dapat mag-excel… kailangan ko na ring magmature sa ibang aspeto ng buhay ko.

Nakaka-pressure namang mahalin ’tong taong ’to.

“Okay ka ba sa oat milk o ano’ng milk substitute ang gusto mo?” tanong niya habang may hawak siya na karton ng gatas.

Kumunot ang noo ko. “Bakit ako?”

Instead of answering, he just shrugged.

Tumingin lang din ako sa kanya.

Bakit kailangan ng opinyon ko sa gatas sa condo niya? Hindi naman ako doon naka-tira. Gusto kong itanong kung bakit pero… fuck, nakaka-hiya!

Kaya para lang kaming tangang dalawa doon na naka-tayo sa harap ng shelf ng mga gatas at naka-titig sa isa’t-isa.

“Di mo naman ako kailangang kupkupin. ’Di naman ako papalayasin sa bahay namin,” sabi ko sa kanya kahit sigurado ako na papalayasin ako ni Papa. Ayoko lang talagang maging abala kay Achilles. Ayokong maging source of stress niya. ’Di niya deserve.

“Kupkupin? Ano ka? Ligaw na pusa?”

Umirap ako. “Basta.”

Tapos ay biglang binaling ni Achilles sa mga gatas sa harap namin iyong mga mata niya. Inabot niya isa-isa iyong iba-ibang gatas kaya may almond, soya, at pistachio milk sa cart. May ganon pala? Masaya na ako sa fresh cow’s milk!

“You can always stay with me.”

Kaswal niya lang na sinabi iyon habang balak niya talagang kunin ata lahat ng klase ng gatas dahil lang ’di ko sinabi sa kanya kung ano ang preferred kong gatas. Ano’ng klaseng tao ba ’to?

“Hindi mo naman ako problema,” sabi ko sa kanya.

“I don’t see you as a problem,” sagot niya sa akin.

“Okay na ako sa fresh milk,” sabi ko dahil maglalagay na rin siya ng rice milk sa cart at parang sobra na ata iyon.

“Oh, okay,” sabi niya tapos ay isa-isang binalik iyong ibang gatas. Naka-tayo lang ako sa gilid habang pinapanood siya. Parang ang weird ko dahil ang seryoso ng usapan namin pero iyong utak ko ay naka-stuck sa thought na ang ganda ng braso niya habang binabalik niya iyong mga gatas.

Iba rin talaga mga priority ko sa buhay—magandang braso ni Achilles over kung may bahay pa ba akong uuwian.

Nang matapos na siya sa pagbabalik nung mga gatas ay tumingin siya sa akin.

“Can you promise me one thing?”

“Depende.”

“Depende saan?”

I shrugged. “Basta.”

“Saan nga?”

Nag-iwas ulit ako ng tingin. Ayoko talaga ng sobrang seryosong usapan. Tapos pota nasa supermarket pa kami. Kanina, sa Adidas, ngayon sa supermarket. Next na seryosong usapan namin ni Achilles e baka nasa Timezone na kami.

“Ayokong mag-impose.”

“Do you seriously think that?” I shrugged instead of nodding. “Or have I made you feel like you’re imposing?” he asked. “Because if I ever did, I was just teasing. You’ve never imposed on me. Everything I did, I did voluntarily.”

Napaawang iyong labi ko dahil sa seryoso ng tono ng boses niya.

“Just promise me that whatever you decide to do, you’ll remind yourself that I’m here and I’m never leaving,” diretsong sabi niya habang naka-tingin sa mga mata ko. “You’re not alone.”

**

This story is already at Chapter 34 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 32

Chapter 32

Hindi ko alam kung bakit ganito ako…

Sinabi naman sa akin ni Achilles na ayos lang na doon ako sa kanya muna habang may problema ako sa bahay…

Alam ko naman na seryoso siya nung sinabi niya sa akin na hindi problema ang tingin niya sa akin.

Pero ewan ko ba.

Ayoko talagang humingi ng tulong sa kanya hanggang pakiramdam ko ay kaya ko pa namang hanapan ng solusyon. Bakit ba ako ganito? Bakit ba hirap na hirap akong tumanggap ng tulong sa ibang tao?

“Sigurado ka?” tanong niya sa akin nung bandang 2AM na.

Tumango ako sa kanya. “Okay lang ako,” sagot ko sa kanya. “At most, silent war lang sa bahay,” dugtong ko para gumaan naman iyong loob niya kasi alam ko na kahit wala naman siyang kasalanan e sinisisi niya iyong sarili niya. Pero ayoko talaga ng silent war. Mas trip ko ata na magsigawan kami sa bahay. Kapag tahimik kasi parang mas nakaka-bingi.

“Dito na ’yung sasakyan,” sabi ko sa kanya at ngumiti ulit bago ako lumabas sa unit niya.

Wala akong binook na sasakyan. Wala pa rin kasi talaga akong balak umuwi. Totoo naman iyong sinabi ko sa kanya… ’Di naman siguro ako pagbubuhatan nila Papa ng kamay. Nung bata ako, alam ko may ganong nangyari kay Mauve… Pero hindi na ulit naulit.

O baka hindi ko lang alam?

Ewan.

Para bang ang dami kong repressed memory nung bata ako kasi ayoko talagang alalahanin.

Mabuti na lang at nasa business district naka-tira si Achilles kaya naman kahit madaling araw na ay safe pa rin maglakad-lakad. Naghanap na lang ako ng fastfood para doon muna ako tatambay. Doon muna ako mag-iisip kung ano ba ang susunod kong gagawin.

Umorder ako ng burger, fries, at saka iced coffee float. Doon ako naupo sa pinaka-sulok. Ang daming nangyari sa araw ko pero hindi pa rin ako inaantok. Ito ba iyong tinatawag nila na adrenaline rush? Pero adrenaline saan? Sa chance na mapalayas ako sa bahay? Deep down, ultimate goal ko ba ’yon?

Taena, nababaliw na ata talaga ako.

Nakita ko na nagtext si Mauve at tinatanong kung nasan ako. Minessage ko lang sa kanya na nasa Mcdo ako. Naka-tunganga lang ako roon at naka-tingin sa kawalan.

Magmove out kaya ako? Pero hindi kasi financially possible… Ang mahal-mahal ng tuition sa Brent. Unless lumipat ako ng ibang school… Pero parang ayoko rin non.

Maghanap ako ng scholarship? Kasi kaya ko naman magbayad ng maliit na apartment basta wala akong binabayaran na tuition. Pero kaya kaya ng utak ko? Ano kaya iyong required na grades? Pero nasa law school na ako. Sana alam nila na malaking himala na kapag walang failed grades. ’Di naman siguro sila mag-e-expect ng line of 9 na grades?

Paano ba maging scholar?

Kinuha ko iyong cellphone ko para maggoogle ng available na scholarship sa Brent nang mapa-tingin ako sa harapan ko.

“Nilagyan mo ba ako ng tracking device?” tanong ko nang muling makita ko na naman si Achilles sa harapan ko. Mukhang naglakad lang siya palabas sa condo niya dahil naka-suot lang siya ng pambahay. Gray na jogger, white na t-shirt, at black na sliders.

“Mauve,” sagot niya sa akin.

Kaya pala tinanong nun kung nasaan ako.

“Ah,” sabi ko na lang. “Uuwi rin ako mamaya. Nagutom lang ako.”

Ewan ko ba kung bakit ’di ko kayang sabihin sa kanya iyong options ko. Nahihiya talaga ako kay Achilles. Alam mo ’yon? He’s got his whole life together habang ako e ang daming problemang ambag sa kanya. Nakaka-hiya.

Imbes na tumango at umagree na lang sa sinabi ko ay tumingin siya nang diretso sa akin. Ganito siguro itsura niya kapag nasa trabaho siya. Pero parang mas bagay talaga sa kanya maging prosecutor kaysa public attorney… Bagay din sa kanya maging professor. Bagay din siyang maging chef.

Kaya ’di ko masabi problema ko, e…

Ang hirap pala na iyong boyfriend mo e parang ang accomplished tapos ikaw… naliligaw ng landas ata.

“Be honest with me,” sabi ni Achilles.

Sa sobrang kaba ko dahil sa tono ng pagsasalita niya ay umabot na lang ako ng tatlong piraso nung fries at saka sinawsaw iyon sa may ice cream sa kape ko na natutunaw na.

“What’s the plan?”

Sasabihin ko sana sa kanya na walang ganon… Na uuwi naman talaga ako… Pero na-guilty ako bigla. Alas-tres ng madaling araw. Dapat ay natutulog na siya ngayon. Ginising ba siya ni Mauve dahil hindi ako umuwi? O siya ba ang nagtext kay Mauve na nagtatanong kung umuwi na ba ako?

Either way, nag-aalala lang naman siya sa akin…

Kaya naman kahit nahihirapan ako na mag-open sa kanya nung iniisip ko, huminga na lang ako nang malalim.

“Hindi ko pa rin alam,” sabi ko. I just compromised with focusing on the fries kaysa tumingin ako sa kanya. Alam ko na importante sa relasyon na nag-uusap kayo. Pero ’di kasi ako sanay. Dahil ba ’to sa childhood ko na ’di kami nag-uusap nila Mama sa mga importanteng bagay? Basta walang nagsisigawan sa bahay, okay na ’yon.

Tss.

’Di oras ngayon para i-psychoanalyze ko ang sarili ko.

“Gusto mo bang umuwi sa inyo?” tanong niya sa akin.

“Gusto?” Umiling ako. “May choice ba ako kundi umuwi?” Umiling ulit ako.

“What do you mean you have no choice?” sabi niya sa akin. “I told you. I am here.”

Napa-tingin na ako sa kanya. Seryoso iyong boses niya kaya naman akala ko ang bubungad sa akin ay seryosong mukha niya. Pero kabaliktaran ang nakita ko. He looked worried.

I was taken aback.

Hindi ako sanay.

“You can stay with me.”

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung bakit sumisikip iyong dibdib ko dahil sa mga sinasabi niya sa akin. Naiinis ako na ganito iyong reaksyon ko sa kanya kahit magandang balita naman iyong sinasabi niya.

“Dahil ba nagguilty ka?” tanong ko sa kanya.

Naka-tingin lang siya sa akin ng ilang segundo na para bang tinitimbang niya kung ano ang sasabihin niya.

“No,” sabi niya. “I don’t actually feel guilty. Why should I feel guilty for?”

“Tama,” sagot ko tapos ay natawa siya. Medyo nabigla ako nang kumuha siya ng fries at saka kinain iyon. Masyado na ata akong sanay na healthy lang ang kinakain niya kaya nawe-weirduhan ako kapag kumakain siya ng unhealthy.

“But seriously, Mauro, I’d rather that you stay with me kaysa pakalat-kalat ka na naman.”

Napaawang iyong labi ko. “Ginawa mo naman akong parang basura.”

Natawa ulit siya sa akin. “I mean, earlier, pakalat-kalat ka sa oval. Ngayon, nasa Mcdo ka. Baka sa susunod e papuntahin na ako ni Mauve sa Manila Bay dahil doon ka naman pa-gala-gala.”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil tama siya. Pero ang judger niya sa part na ’yon.

“Bakit ka kasi sunud nang sunod sa ’kin?”

“Of course,” he replied. “I’m worried about you.”

“Okay lang naman ako.”

“I know. But still. You’d be insane to even think na hindi ako mag-aalala sa ’yo,” sabi niya sa akin. Binaling ko na naman iyong tingin ko sa fries na paubos na pala. Lecheng ’to. Wala na nga akong pera, inuubos pa iyong pagkain ko.

“Thanks pero—”

“Bakit ba ayaw mo na sa condo ko na lang?”

“Weird.”

“Why?”

“Basta.”

“Come on. Give me a reason.”

“Kasi… weird.”

“Weird in what way?”

I shrugged. “I just don’t want to impose.”

“You can never.”

Kumunot ang noo ko at napa-tingin na naman sa kanya “Never what?”

“Impose on me,” sabi niya. “Because I’ll give you anything willingly.”

Bahagyang napaawang iyong labi ko.

“In case you haven’t noticed yet,” diretsong sabi niya habang naka-titig sa mga mata ko. Gusto kong ibaling ang tingin ko kahit na saan pero para bang magnet iyong mga mata niya na pinipilit na sa kanya lang ako tumingin. “I am in love with you.”

Alam mo iyong sa sobrang bilis ng tibok ng puso mo, naririnig mo na ’yon sa tenga mo? Ganon iyong nararamdaman ko ngayon. Rinig na rinig ko iyong bawat pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Kasi alam ko naman sa sarili ko na mahal ko siya.

Pero hindi ko sinasabi sa kanya kasi sapat na sa akin na mahal ko siya—’di ko naman kailangang marinig sa kanya kasi… ewan. Ramdam ko na mahal din naman niya ako dahil sa lahat ng ginagawa niya para sa akin.

Pero iyong marinig mula mismo sa kanya?

Na mahal niya ako?

Wow.

Ganito pala iyong pakiramdam.

Na nawala iyong sama ng loob ko kahit inubos niya iyong fries ko.

“So, no, you’re never imposing,” dugtong niya na para atang gusto niya akong bigyan ng atake sa puso dahil ayaw niyang tumigil sa mga pinagsasasabi niya. “Stay with me or you can also go back home. I just want you to be safe.”

Hindi ako makapagsalita pero pinipilit ko iyong sarili ko dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig niya.

“Okay.”

Iyon lang ang kinaya ng bibig ko.

“Uuwi ka?”

Tumango ako. “Tulog pa naman sila Mama,” sabi ko sa kanya. “Di na lang ako lalabas sa kwarto muna ngayong araw. May tubig saka skyflakes naman ako sa kwarto.”

“Okay,” sabi niya sa akin. “But if you feel like the silence is too much, you can always stay with me. I promise. You’re not imposing.”

“Grabe… Wala pang one year, gusto mo mag-live in na agad tayo,” tukso ko sa kanya para lang mabawasan iyong pagka-seryoso nung usapan namin.

Umirap siya. “Ewan ko sa ’yo.”

Natawa ako. “Di ako magaling magluto.”

“I won’t be asking you to cook for me. All I ask is that if you ever try, don’t burn the unit down.”

“Grabe ka naman! ’Di naman ako aabot sa ganong punto.”

“Sigurado ka?”

“Oo.”

“Just in case—meron akong fire extinguisher sa unit. Marunong ka bang gumamit non?”

“Oo. ’Di ba pipindutin lang naman ’yon?”

“May safety pin ’yon na tatanggalin mo muna,” sabi niya sa akin na para akong bata na tinuturuan.

“See? Hindi pa ako ready for mature roles. Willing ka ba talaga na tumira ako sa condo mo?”

“I trust that if you can’t use the fire extinguisher, at the very least, bubuksan mo iyong bintana para lumabas iyong usok. Then kung hindi mo talaga mapatay iyong apoy, tumawag ka sa front desk. Dial 0 doon sa telepono.”

Naka-tingin lang ako sa kanya na gulung-gulo.

“Kung nagka-sunog ba sa bahay niyo, what’s your game plan?” tanong niya.

“Wala akong game plan… dahil hindi ko naman iniisip na masusunog iyong bahay namin.”

“Really? Hindi ka nag-iisip kung ano ang gagawin mo in case of emergency?”

“Uh… not really,” sagot ko.

“Pero alam mo ang gagawin mo in case na may zombie apocalypse?” sarcastic na tanong niya.

“E hindi naman kasi mangyayari ’yon.”

“Exactly. Pero sa mga possibleng mangyari, wala kang clue sa gagawin mo.”

“Pinapagalitan mo ba ako?”

“Oo.”

Napaawang iyong labi ko. “Grabe… Sensitive ako ngayon. Handle me with care.”

Bahagya pa ring kunot iyong noo niya. “I’m serious. ’Di uubra pagpapa-cute mo sa akin ngayon,” diretsong sabi niya. “Kapag may sunog, I need you to quickly get out of the building.”

“Bawal ko kunin iyong mga gamit ko?”

“Things can be replaced.”

“Pero ako irreplaceable?” He shook his head in disappointment sa sagot ko tapos ay tinawanan ko lang siya. “Fine, whatever. Alam ko rin naman na kapag may lindol, pupunta ako sa ilalim ng lamesa at magtatago doon.”

“Yes. And when the earthquake stops, immediately vacate the building because of the aftershocks.”

Sumikat na iyong araw at pinapangaralan lang ako ni Achilles ng kung ano ang mga dapat kong gawin in case of emergency. Thankful din ako dahil kahit papaano e nawala sa isip ko iyong problema ko sa bahay. Hindi ko alam kung sinadya niya ba iyon. Pero thankful pa rin ako. Nakakapagod din kasing isipin iyon. At least nakapagpahinga iyong utak ko.

“Sorry,” sabi ko sa kanya.

“What for?”

“May pasok ka ngayon pero wala kang tulog.”

“I’ll take a sick leave today,” sabi niya.

“Masakit ulo mo?” nag-aalalang tanong ko.

Umiling siya. “Just want to be here for you today in case na kailangan mo ako.”

Napaawang iyong labi ko.

Hindi ko alam kung ano bang kabutihan ang nagawa ko nung past life ko para bigyan ako nung ganitong klaseng tao.

“Salamat.”

He gave me a quick smile. “Breakfast?” he said instead.

Tumango ako. “Dalawang pancake, hashbrown, at saka sausage.”

Kumunot iyong noo niya. “Waiter ba ako? Pipila tayo don sa counter.”

“Tss. ’Di ba pwede na ibili mo na lang ako?”

Umiling siya. Epal talaga. Pumila kami sa counter. Nung tinanong kung dine in ba o take out, napa-tingin si Achilles sa akin dahil hindi agad ako sumagot doon sa cashier.

“Take out,” sabi ko doon sa may cashier tapos ay ibinalik ko iyong tingin ko kay Achilles. “Promise hindi ko susunugin iyong condo mo,” dugtong ko tapos ay nakita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya bago siya natawa.

Grabe… mahal ko pala talaga ’tong taong ’to kahit gaano siya ka-epal minsan. 

**

This story is already at Chapter 35 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 33

Chapter 33

’Di ko sigurado kung changed person na ba ako o nahihiya lang ako kay Achilles dahil pina-tira niya ako rito sa condo niya kahit hindi niya naman talaga responsibilidad kahit pa maging palaboy ako sa kalye if ever.

Normally, kapag bakasyon ay naka-vacation mode talaga ako. Dati nung wala pa akong trabaho, kapag bakasyon ay ibig sabihin nun ay sa kwarto lang ako lagi. Nanoood lang ako ng kung anu-ano tapos ay lalabas lang ako sa lungga ko kapag nagugutom ako. Sabi sa akin ni Mauve ay border lang daw ako sa bahay namin. Akala mo naman siya ay hindi ganoon din. Minsan nga e hindi kami nagkikita talaga. Nagkaka-gulatan na lang kami sa kusina kapag hatinggabi na.

Pero dito sa unit ni Achilles? Ang linis! Lahat nung pwede kong linisin ay nilinis ko. Hindi lang ako nagbukas nung mga drawer dahil pakiramdam ko ay invasion of privacy. Basta iyong mga surface lang ay pinunasan ko. Saka ewan ko ba… nahihiya ako kumain. Iba iyong siya iyong nagluluto para sa akin. Iba kapag nandito ako sa condo niya na ako lang mag-isa.

“Why?” sagot ko nung tumawag si Mauve.

“Sorry,” agad na sabi niya sa akin.

“Bakit?” tanong ko tapos ay tumayo ako at saka lumabas sa office. “Ano’ng meron?”

Tatlong araw na simula nung doon ako naka-stay kay Achilles. So far, okay pa naman. Pero sana mag-adjust na iyong katawan ko dahil pakiramdam ko ay magkaka-constipation na ako dahil namamahay pa rin ako.

“Nakita ni Papa na kinukuha ko sa kwarto mo iyong gamit.” Natigilan ako. “Kinuha sa akin. Kung gusto mo raw kunin iyong gamit mo e kunin mo sa kanya.”

Napaawang iyong labi ko. Pero hindi na rin ako nabigla… ’Di naman ako tanga. Alam ko na hindi papayag si Papa na basta-basta na lang akong aalis sa bahay. Alam ko na one way or another, magkaka-problema ako dito.

“Okay,” sabi ko. “Sorry din pala.”

“Para san?”

“Basta.”

“Okay…” sabi niya na para bang alam niya na agad kung ano ang tinutukoy ko. “Text mo lang ako kung anuman.”

“Sige,” sagot ko sa kanya. “Text-text na lang.”

Pagbalik ko sa trabaho, pilit kong inalis muna sa isip ko iyong sinabi ni Mauve. Medyo malayo pa naman iyong start nung pasukan. Kailangan ko lang kasi makuha sa bahay iyong ibang mga gamit ko. Nandon iyong laptop, chargers, saka ibang mga gamit ko. Nakaka-survive pa ako ngayon kasi hindi ko pa sila kailangan, pero paano kapag nagstart na ulit iyong school?

Pero ayokong maapektuhan iyong trabaho ko ng kung anumang personal na problema ko. Mas lalo na ngayon. Kailangan ko ’to dahil wala na akong aasahan sa magulang ko. Ayoko ng umasa sa kanila.

Kaya ko ’to—hindi naman ako ang unang taong naglayas sa bahay.

After nung trabaho, bago umuwi sa unit ay dumaan muna ako sa supermarket. Nahihiya kasi talaga ako kay Achilles. Doon din ako bumili sa The Marketplace dahil iyon ang binibilhan niya.

Bumibili ako nung alam ko na kinakain niya—iyong salmon, steak, saka chicken breast. Pati na rin iyong ibang gulay niya. Pumikit na lang ako nung nagbabayad na sa cashier. Iniisip ko na lang na naka-tipid naman ako dahil ’di naman ako siguro sisingilin ni Achilles ng renta.

Pagdating ko sa condo, napaawang iyong labi ko nang makita ko na kakadating lang din ni Achilles. Nasa may kitchen island pa iyong paperbags nung mga pinamili niya.

“Naggrocery ka?” tanong niya sa akin.

I nodded. “Ikaw rin?”

Tumango rin siya. “Ano’ng binili mo? May kulang ba dito?” he asked.

Umiling ako. “Wala naman… Nakaka-hiya lang,” sagot ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. “Nakaka-hiya ang alin?”

I just shrugged. Ayokong sabihin dahil alam ko naman na icocomfort na naman ako ni Achilles. As much as it felt nice to be comforted, hindi niya naman trabaho na laging pagaanin ang loob ko.

“I do grocery every Wednesdays,” sabi niya sa akin nang ilagay ko rin sa kitchen island iyong mga pinamili ko. “Just text me kung may gusto kang ipa-bili.”

Tumango ako. “Magkano budget mo sa grocery? Hati tayo.”

“No, it’s fine,” I replied.

“Magkano nga?”

He looked at me. He probably saw na seryoso ako. Wala akong balak maging leech sa kanya. Alam ko malaki iyong sweldo niya kumpara sa akin, pero kahit na.

“Do you want to go 50-50?” Tumango ako kahit kinakabahan ako para sa wallet ko. “Okay.”

Magbabaon na lang siguro ako ng lunch para maka-tipid. Panahon na siguro para matuto akong magluto ng hindi lang nilagang itlog at pancit canton.

“Let’s do it in proportion instead,” sabi niya bigla. Napa-tingin ako sa kanya. “Proportion to our respective salaries,” dugtong niya. Nilabas niya iyong mga pinamili niya. Of course, may salad kit doon. “Saka na tayo mag 50-50 kapag pareho na tayo ng sweldo.”

“E matagal pa ’yon.”

He shrugged. “Fine by me.” Hindi ako nagsalita. Tumingin siya sa akin. “Look, you feel guilty by not contributing. I feel guilty if I take your money. So, let’s just do it in proportion.”

I wrinkled my nose. “Fine,” sabi ko sa kanya. “Pero malalaman mo kung magkano sweldo ko.”

“Alam ko,” sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. “Akala mo naman hindi ka government official. Malamang naka-publish ’yon.”

“Tss. May pagka-stalker ka rin talaga.”

“In your dreams,” sagot niya tapos ay tinulungan ko na siyang maglagay nung mga pagkain sa cupboard.

Na-guilty pa rin ako kasi si Achilles pa rin iyong nagluto. I know hindi naman competition kung sino ang mas pagod sa aming dalawa, pero alam ko naman na mas pagod siya. Naka-upo lang naman ako maghapon sa office. Siya, kung saan-saan pumupunta tapos may kausap lagi na client. Hindi naman ako sanay magluto nung mga gusto niyang kainin. Bakit ba kasi ’di siya mahilig sa pancit canton? Specialty ko kaya ’yon.

“Kailangan mo ba ng sibuyas saka bawang?” I asked habang tumitingin siya sa ref kung ano ang pwede naming kainin doon.

Tumingin siya sa akin na naka-kunot ang noo. “What?”

“Kailangan mo ba sa iluluto mo? Ako na maghihiwa.”

“May sakit ka ba?”

“Wala.”

“Bakit biglang gusto mo maghiwa?” he asked. I merely shrugged. He closed the ref saka tumingin sa akin. “Look, you’re not required to do anything. Hindi mo kailangang maglinis dito sa condo o kaya ay maghiwa ng sibuyas.”

Naka-tingin lang ako sa kanya at nanatiling tahimik.

Achilles sighed. “Fine,” he said. “Chop these,” he continued tapos ay muling binuksan iyong ref tapos ay kumuha roon ng sibuyas at bawang at saka inabot sa akin.

I began chopping the garlic. Nakita ko na naka-tingin sa akin si Achilles. Mukhang na-stress siya sa paraan ng paghihiwa ko pero ngumiti lang siya sa akin tapos ay naglakad palayo. Akala ko ay pupunta siya sa kwarto para hindi makita iyong pagmurder ko roon sa bawang, pero bigla akong naka-rinig ng tugtog. Napa-tingin ako sa gawi niya. Naka-tayo siya sa may tabi nung vinyl player. He played some jazz song. Ang relaxing bigla.

I chopped and Achilles cooked. And then we ate. Ako na agad iyong nagvolunteer na linisin iyong lamesa saka hugasan iyong plato. Hindi na umangal si Achilles.

“Ano’ng papanoorin natin?” I asked nang matapos na ako sa paghuhugas ng mga plato. Naligo rin muna kasi siya habang nag-aayos ako.

“Can’t tonight,” he replied. “Have to prepare for a hearing tomorrow.”

“Oh, okay,” sagot ko.

“Next time.”

“Okay lang,” agad na sabi ko. “Dito ka ba magwowork?” tanong ko kasi hindi ko rin kabisado pa kung ano talaga iyong routine niya. Nung dito kasi ako tumatambay dati, lagi ko lang din kasama o kaya kausap si Achilles. Of course may personal routine talaga siya. Ayokong makaabala talaga.

He nodded. “Yes,” he replied.

“Oh, okay. Sa kwarto na ako.”

Tumango siya. “Sunod na lang ako mamaya.”

“Okay,” sagot ko. “Magtiktok muna ako.”

Natawa siya. “Puro ka tiktok.”

“Try mo kasi! Entertaining naman siya,” sabi ko tapos umiling lang siya. Naglakad na ako papasok sa kwarto para bigyan siya ng silence at privacy dahil ayokong maabala iyong trabaho niya.


Days passed by quickly… and before I knew it, kailangan ko na talaga iyong laptop ko at ibang mga gamit ko dahil magsisimula na iyong first semester.

“You okay?” Achilles asked habang kumakain kami ng breakfast.

Totoo pala talaga na mas makikilala mo iyong tao kapag kasama mo na sa iisang bubong. Alam ko na malinis talaga si Achilles sa bahay. Ayaw niya ng kalat. Siya iyong tipo ng tao na clean as you go. Hindi rin siya kumakain pala ng breakfast. Nung una, sinubukan ko na sabayan siya sa coffee only breakfast niya, pero nanghina ako. Ngayon, basta kumakain ako ng rice sa umaga tapos siya ay kape lang.

Kapag din dinner, si Achilles iyong in charge sa pagluluto. Relaxing din daw kasi sa kanya ’yon at okay lang talaga sa kanya na siya ang nagluluto. In exchange, ako iyong in charge sa paghuhugas ng plato. Mga two weeks ang lumipas bago nagkalakas ng loob si Achilles na sabihin sa akin na hindi siya masaya sa paraan ng paghuhugas ko ng plato. Sabi niya sa akin, may mga naiiwan na kanin na naka-dikit. Aakalain mo na sasabihin niya sa akin na break

na kami nung sinabi niya iyon. Sobrang seryoso ng mukha niya. Tapos nung nasabi niya na sa akin, para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

Overall, it was a lot of adjustment on both our sides—but more on my side kasi ayoko talaga na i-adjust ni Achilles iyong schedule niya para sa akin.

“Naka-enroll ka na?” sobrang casual na tanong sa akin ni Achilles. Pero kilala ko na talaga siya kaya alam ko na iyong pagka-casual nung tanong niya sa akin ay praktisado. Natatawa ako kapag naiisip ko na pina-practice niya kaya kung paano ako tatanungin?

“Kahapon,” sagot ko sa kanya. “Nag-full payment ako. Sayang discount, e.”

Bahagyang nanlaki iyong mga mata niya na para bang nabigla siya but at the same time, proud sa akin.

“Grabe,” sabi ko. “May ipon naman ako.”

“What? Wala naman akong sinabi.”

“Itsura mo kasi—gulat na gulat ka.”

Natawa siya. “Medyo,” he replied.

“May ipon ako,” I replied then he tried to pat my head. I squatted his hand away at muli siyang natawa. “Hirap nito ka-bonding. Walang bilib sa akin.”

“Akala ko sa siopao napupunta lahat ng pera mo, e.”

“For your information, isang buwan na akong hindi kumakain ng siopao.”

“Really?” Tumango ako. “Good for you.”

Sinamaan ko siya ng tingin at saka tinawanan niya lang ako… pero come to think of it, hindi na nga ako kumakain ng siopao saka cup noodles. Na-realize ko na kumakain lang talaga ako non lagi kasi ayokong lumabas ng kwarto at makita sila Mama. Pero ngayon? Hindi na ako nagtatago sa kwarto ko. Kumakain na ako ng normal na pagkain. On time na rin akong kumain. No more midnight snacks for me.

Grabe… changed person na ata ako.

“Do you have plans tomorrow?” tanong niya.

“Bakit?” I asked.

He shrugged. “Let’s go somewhere. Bago magsimula iyong sem mo.”

Napaawang iyong labi ko. Na-excite ako bigla kaya lang ay naalala ko na bukas ko nga pala kukunin iyong gamit ko… I tried to delay it as much as possible, pero kailangan ko na kasi talaga.

Sayang. Gusto ko pa namang umalis kasama si Achilles. Ngayon na kasama ko na siya sa bahay, na-realize ko kung gaano talaga siya ka-busy sa trabaho niya. Minsan hanggang madaling araw e may binabasa pa rin siya. Napa-hanga niya ako roon. Alam ko malaki sweldo niya, pero grabe din kasi iyong workload.

Kaya hindi ako nag-aaya sa kanya na gumala o kung anuman. Na-guilty din ako na pinapa-punta ko pa siya dati sa QC. E ang dami pala talaga niyang ginagawa.

“Okay,” I replied. “Pero pwede mga hapon na?”

“May pupuntahan ka sa umaga?” he asked. I merely nodded. Of course napansin niya na may hindi ako sinasabi. He’s a public defendant for a reason. He chose not to ask follow-up questions, though.

The next day, maaga akong umalis. Achilles told me good luck as if alam niya kung saan ako pupunta. I told him thanks because I’d really need it.

Mabuti na rin siguro na sa public place kami nagkita ni Papa. Naaalala ko pa rin iyong huling pag-uusap namin. Naririnig ko pa rin iyong sinabi niya sa akin.

“Kailan ka babalik?” agad na tanong niya pagka-upo na pagka-upo ko pa lang.

“Nasan na po ’yung laptop?” I asked. Kasi kung hindi niya ibibigay, kahit iyong files ko na lang doon. Bibili na lang ako ng bagong laptop gamit iyong savings ko.

“Kailan ka babalik?” he just asked again.

Huminga ako nang malalim. “Hindi niyo na po ba ibibigay iyong laptop?” tanong ko dahil iyon lang naman iyong habol ko. Ngayon lang ako nagsisi na wala akong iCloud.

Naghintay ako.

Hindi siya nagsalita.

“Okay po,” sabi ko tapos ay nagpakawala ng malalim na paghinga. “Bibili na lang ako ng bago—”

“Talaga bang doon ka na titira?”

Tumingin ako sa kanya. Huminga nang malalim.

“Yes po,” sagot ko. “Pero kung anuman problema mo sa ’kin, Pa, ’wag mo sanang idamay si Mauve.”

Mabilis na umalis na ako dahil ayoko lang na magkaroon pa ng pagtataas ng boses. Maybe in time, matatanggap din ni Papa… O baka hindi. Ewan ko. Bahala na siya sa kung ano ang gusto niyang mangyari.

Umuwi na lang ako at saka umalis kami ni Achilles para magrelax bago magsimula iyong semester ko. Akala ko ayos na iyong lahat… hanggang maka-rinig ako ng balita tungkol sa disbarment case na na-file daw laban kay Achilles. 

**

This story is already at Chapter 36 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 34

Chapter 34

Walang dahilan si Tin para magsinungaling sa akin. Wala naman sa trabaho ko ang nakakaalam tungkol sa aming dalawa ni Achilles. Hindi ko sinasabi dahil para sa akin, hindi naman nila dapat malaman. Iba iyong trabaho ko sa personal na buhay ko. Saka kung sasabihin ko man, magsasabi muna ako kay Achilles.

“San mo narinig ’yan?” tanong ko kay Tin nang maka-bawi ako sa pagka-gulat nang banggitin niya sa akin iyong sa disbarment.

“May tumawag alng dito,” sagot niya sa ’kin.

“Pano mo nasabi na sa disbarment?”

Nagkibit-balikat siya. “Nangyari na rin kasi dati ’yan dito,” sabi niya. “Kabit naman ’yung lawyer. Siraulo ba naman e nagpadala ng love letter nung kasal nung babae. Ayon, nagalit iyong papakasalan. Hindi natuloy iyong kasal tapos e pina-disbar iyong abogado.”

Napaawang iyong labi ko. “Na-disbar?”

Tumango si Tin. “Oo. ’Di na abogado ’yon ngayon. Pero mukhang masaya naman siya. Nagka-tuluyan sila nung babae, e. First love niya ata.”

Fuck.

Seryoso?

Alam ko may disbarment talaga na nangyayari sa mga abogado… pero akala ko kapag sobrang seryoso lang ’yon. Kung naka-patay ka o kung anuman na talagang ka-disbar-disbar.

Pero dahil lang nagsend ng love letter?

Buong araw akong hindi mapakali dahil sa sinabi ni Tin. Gusto ko pa siyang tanungin sa kung paano niya nasabi na may disbarment case laban kay Achilles, pero ayoko lang na magduda siya. Gusto ko ring itext si Achilles, pero alam ko na kung meron man ay hindi niya sasabihin sa akin dahil mag-aalala ako.

Alam ko na honesty iyong gusto niya sa pagitan naming dalawa… pero alam ko na rin na mas pipiliin niya na siya na lang muna ang mamroblema kaysa madamay ako.

Kaya gusto ko na itanong sa kanya sa personal. Gusto ko na naka-tingin ako mismo sa mga mata niya kasi alam ko kung kailan siya nagsasabi ng totoo at kung kailan may hindi siya sinasabi sa akin.

Gusto ko rin sanang tanungin si Mauve kung may naririnig siya sa bahay… kaya lang ay ayoko siyang idamay sa amin ni Papa. Kung may pera lang talaga ako, ako na magpapaaral kay Mauve para makaalis na siya sa bahay.

Nang matapos na iyong trabaho ko, nag-isip ako kung papasok ba ako sa school. Unang linggo pa lang naman. Alam ko na walang papasok na prof ngayon… pero pangako ko sa sarili ko na susubukan ko talagang magkaroon ng perfect attendance ngayong sem. Dati kasi, antukin lang ako e hindi na ako papasok. Tamarin lang ako ng konti, hahanap na agad ako ng dahilan para hindi pumasok.

Gusto ko sana na magbago na ngayong sem… kaso, pota, sinusubok ata talaga ako ng tadhana.

‘Salamat,’ text ko kay Assia nang pumayag siya nung sabihin ko na kung pwede e i-send sa akin kung magkaka-assignment man kami.

Bahala na nga.

Agad akong umuwi sa condo. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko agad si Achilles na nasa kusina. Naka-tayo siya sa harap ng ref at parang namimili roon kung ano ang iluluto niya.

“Wala kang pasok?” tanong niya nang mapa-tingin siya sa gawi ko.

Umiling ako. Nanatili lang akong naka-titig sa kanya. Normal na normal lang iyong mga kilos niya… Ginagago lang ba ako ni Tin? O talagang gumaling ng magtago si Achilles?

“Ano’ng gusto mong dinner?” tanong niya sa akin.

Hindi ako maka-sagot. ’Di ko ata kaya iyong ginagawa niya na umakto na normal lang iyong lahat kung totoo nga na may disbarment case laban sa kanya.

Kasi alam ko kung gaano kahirap bago niya nakuha iyong titulo niya… saka ilang beses kong narinig sa kanya na gusto niya iyong trabaho niya.

’Di kakayanin ng konsensya ko kung si Papa iyong nagpasimula nung disbarment case… kasi wala naman nito dati. Tahimik na nagta-trabaho lang si Achilles. Tapos biglang ganito?

Gusto siyang patanggalan ng lisensya?

“Be honest with me,” sabi ko sa kanya gaya nung sinabi niya sa akin dati.

Natigilan siya sa ginagawa niya. Tumingin siya sa akin. Nakita niya kung gaano ako ka-seryoso. Nag-iba iyong ekspresyon sa mukha niya. Na para bang alam niya na na alam ko rin. Pero walang nagsasabi sa amin.

“It’s fine,” he said, looking at me and giving me a small smile as if that was enough to calm me down.

“Fine?”

Tumango siya sa akin. “Yes. Ano’ng dinner—”

“How can you say that it’s fine?” agad na putol ko sa sasabihin niya. I couldn’t do small talk right now. Seryoso ’to sa akin. Kasi hiyang-hiya na nga ako na nakikitira ako rito sa condo niya, tapos biglang ganito pa iyong gagawin ni Papa sa kanya?

Hindi ko maintindihan na kung hindi niya man matanggap na ganito ako… kahit pabayaan na lang sana niya ako.

Mahirap din bang gawin ’to?

Kailangan ba saktan niya rin ako?

“Because it’s fine,” he replied in a much stricter tone. “There’s no disbarment case filed.”

“Yet,” sabi ko sa kanya.

I saw how his jaw slightly clenched. Because I was right. Totoo naman na wala pang disbarment case. Sa ngayon. Pero sa mga susunod na araw? Ano iyong mangyayari? Ano iyong balak niya? Na magpanggap na okay lang iyong lahat hanggang sa magising na lang ako na magulo na pala lahat?

Bakit ba kagaya siya nila Papa na mas gustong maayos lang lahat kahit hindi naman talaga? Bakit ba ang hirap para sa mga tao sa paligid ko na pag-usapan iyong problema? Kasi nahihirapan din naman ako pero sinusubukan ko pa rin. Kasi alam ko na wala namang patutunguhan kapag nagpanggap lang lagi na okay lang lahat.

Parang tanga lang.

“Alam mo ba na tumawag sila sa office ko?” sabi ko sa kanya.

Kita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya. “I’m sorry.”

Hindi ko alam kung bakit ako nainis.

Kasi bakit siya iyong nagsosorry sa akin?

“Kailan pa ’to nagsimula?”

“Last week,” sabi niya.

“Last week pa?”

Tumingin siya sa akin. “It’s gonna be fine—”

“Can you please not?” I cut him off. “Can you please stop downplaying this? Kasi seryoso ’to, Achilles.”

Nanatili lang akong naka-tayo roon at naghihintay ng susunod na sasabihin niya. Gusto ko lang naman na malaman kung ano ba iyong kailangan kong gawin. Kung may dapat ba akong gawin.

“There’s nothing to say,” sabi niya sa akin. “There’s no case against me,” dugtong niya. “Yet. There’s no case yet.”

“Kaya hindi mo sinasabi sa akin?”

“Yes,” sabi niya. “Because there’s nothing to worry about,” he added. I just kept on staring at him, hoping that he’d come to his own accord to be honest with me kahit mahirap.

Because he said that he’s not leaving.

Because he said that he’s staying with me.

And I cannot have him stay with me if it will only bring him problems after problems. Hindi kakayanin ng konsensya ko.

“I’m sorry kung tinawagan nila iyong opisina mo,” sabi niya sa akin. “They’re just investigating.”

“What’s the ground?” I asked.

Achilles looked at me. He probably realized that we’re having this conversation and there’s no way he’s escaping this. He may be good at deflecting, but I was determined.

“Immoral conduct.”

“Si Papa iyong nagfile ng complaint?”

“Yes.”

Napa-upo ako sa may ipuan at saka tinakpan ng mga kamay ko iyong mukha ko—na para bang wala akong mukhang maihaharap kay Achilles dahil puro na lang kahihiyan ang binibigay sa akin ng magulang ko.

Na hindi lang sapat na umalis ako sa bahay—kailangan din nilang guluhin iyong buhay ni Achilles.

Ilang minuto akong nanahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Achilles. Hindi sapat na humingi ako ng tawad dahil sa mga ginagawa ng magulang ko. Nakaka-hiya. Nakaka-galit. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyong galit nila sa aming dalawa para gawin ’to.

Wala naman kaming ginawang masama…

Nananahimik lang kami…

Masaya lang…

Pero hindi pwede para sa kanila.

“Sa tingin mo… sa tingin mo may basis iyong complaint?” tanong ko kay Achilles. Naka-yuko pa rin ako. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya.

“I honestly don’t know,” he replied. “Every disbarment case is sui generis.” Napa-tingin ako sa kanya. “Sui generis—of its own kind.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Alam ko iyong ibig sabihin non.”

“Oh.”

Natawa ako tapos ay nainis dahil bakit ba hindi makita nila Papa ’to? Na masaya ako kasama si Achilles? Na napapa-tawa niya ako? Na mas maayos na tao ako dahil sa kanya?

Lumapit sa akin si Achilles. I immediately felt comforted when he wrapped me inside his arms. His hand was gently tapping on the top of my head like he was telling me that everything’s going to be fine… even when we both knew that the storm was already brewing.

“If you can, stop worrying about this.”

“Di ko kaya.”

“Still try.”

“Paano mo nagagawa na ganyan ka lang? Hindi ka ba kinakabahan?”

Naramdaman ko iyong paghigpit ng pagyakap niya sa akin. “Kinakabahan… but at the same time, it’s out of my hands,” he said.

“Ganon na lang ’yon?”

Tumango siya. “Practicing law is a privilege, not a right, Mauro. If… if the Supreme Court ultimately decides that I don’t deserve the privilege, ano’ng magagawa ko?”

Napaawang iyong labi ko.

Why did that sound like acceptance of defeat?

“Ganon na lang ’yon?” I repeated dahil hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa kanya. “Hindi ka lalaban?”

He looked at me, tousled my hair, and smiled.

“Of course I’ll argue to the best of my abilities,” sabi niya sa akin. “But until then, try not to worry. Wala namang magagawa. Just focus on your subjects. Mas mahirap iyong second year.”


Kapag kausap ko si Achilles, natural na hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. We could start talking about feminism and for some reason, after a few hours, ang topic na namin ay kung makaka-survive ba kami sa bear attack.

We could talk for hours.

Pero ngayon? Ramdam na ramdam ko na sinusubukan niyang ibaling iyong atensyon ko sa pamamagitan ng pagtatanong sa akin tungkol sa mga subject ko sa school. He kept on asking kung sino ang professor ko kahit alam niya naman na hindi ko pa alam.

Nang nasa kama na kami ay naubusan na ata siya ng itatanong.

“I’m so—”

“Stop,” he said, cutting me off. “Whatever your dad may or may not do, hindi mo kasalanan.”

I had to bite my tongue because in no way did I agree to that.

“I know you feel guilty,” he said. “But I made the conscious decision to fall in love with you… and to ask you to stay with me,” he continued. “I’m accountable for all the decisions that I made and I’ll make.”

“Akala ko kusa na lang nararamdaman ’yung love? Napapagdesisyunan pala ’yon?”

Naramdaman ko iyong pagtawa niya sa sinabi ko. Tumagilid siya. Ginaya ko siya. Naka-harap kami sa isa’t-isa. Sarado na iyong ilaw sa kwarto. Tanging dilaw na ilaw galing sa lampshade na lang ang meron.

“I don’t know for other people, but for me, it was a conscious decision.”

“Decision? May factors ba ’yan?”

“Nothing too serious,” he said.

“E paano nga iyong decision making?”

Hirap pala makipag-usap sa kanya kapag ganito dahil diretso lang na mga mata niya iyong nakikita ko. Saka bakit parang mas gwapo siya kapag ganito iyong ilaw? Iba iyong dating?

“I told you how I started to like you, right?”

Tumango ako. “Nung sabi mo naka-harang ako sa daan.”

“Right,” he replied. “Then I tried to spend time with you. And upon spending time with you, sometime in the middle of that, I thought to myself ’I actually like spending time with this person, ’” mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko pa rin dahil sa katahimikan na bumabalot sa amin. “You know, I’ve met a lot of people. I don’t really like spending time with them.”

“E mga kriminal naman kasi nakaka-usap mo madalas.”

Napaawang iyong labi niya sa pagka-bigla ata sa sinabi ko tapos ang lakas ng tawa niya. Kung kanina e naka-side by side kaming dalawa, naka-higa na ulit siya nang maayos at naka-takip iyong mga kamay niya sa mukha niya.

“Ang hirap mong kausap minsan,” bigla niyang sabi.

“Tama naman iyong sinabi ko kasi PAO lawyer ka.”

Humarap ulit siya sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya naman nabigla ako nang hatakin niya ako palapit sa kanya at saka na lang ako biglang hinalikan. Napaawang iyong labi ko sa gulat hanggang sa malasahan ko iyong menthol sa toothpaste namin.

“Your father can’t do anything to make me leave you,” he said in between kissing me and honestly, hindi na ako nakikinig sa kanya kasi nasa ibang bagay na iyong atensyon ko. 

**

This story is already at Chapter 38 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 35

Chapter 35

First year subject talaga iyong Legal Ethics, pero simula nung narinig ko iyong tungkol sa disbarment ay binalikan ko ulit iyon. Imbes na mag-aral ako para sa mga talagang subjects ko ngayon ay mas inaasikaso ko iyon. Natakot ko pa tuloy si Niko dahil nakita niya na iyon ang binabasa ko. Nagpanic siya at akala niya ay may Ethics class kami pero hindi lang siya enrolled.

Kung sino-sino na ang nadadamay dito… sana tumigil na si Papa at maisip niya na wala namang kasalanan si Achilles sa kanya. Hindi naman ako umalis sa bahay dahil kay Achilles. Umalis ako sa bahay kasi hindi niya ako tanggap. Magkaiba ’yon.

Pagkatapos ng klase ko ay nagkita kami ni Mauve. Nag-uusap naman kami, pero ang hirap palang magkita kapag wala kami sa iisang bahay. Halos sa ospital na siya naka-tira tapos ako naman, busy din sa trabaho saka sa school.

Grabe… signs of adulting na talaga.

“Parang may iba sa mukha mo,” sabi niya pagka-dating ko sa may resto. Siya daw manlilibre sa akin. Sabi ko, ’wag na kasi wala naman siyang trabaho. ’Di kasi kaya bilang med student. Wala talaga siyang oras. Sabi niya naman, may allowance naman siya saka hindi naman siya nagbabayad nung tuition. Ilang minuto din kaming nagtalo kung sino magbabayad nung bill.

“Mas gwapo na ako?”

Umakto siya na nasusuka siya. “Panget ka ever since. Akala ko common knowledge na ’yan.”

I scoffed. “Tingin mo sa ’kin? Bulag? Nakikita ko sarili ko sa salamin, noh.”

“Ew. Vain.”

“Honest lang.”

Inirapan niya lang ako tapos tinawanan ko siya. Ganito siguro talaga kapag magkapatid… Literal na ibibigay ko sa ’yo ang kidney ko kung kailangan mo pero hindi mo pwedeng gamitin ang cellphone charger ko.

Nang matapos kaming mag-order, naka-tingin lang kami sa isa’t-isa. ’Di ko rin alam kung san magsisimulang itanong. May parte sa akin na masaya na naka-alis na ako sa bahay, pero may parte na na-guilty kasi naiwan ko si Mauve mag-isa… Usapan kasi namin ay sabay kaming aalis.

Kaso, ako lang ang umalis.

Siya, naiwan.

“Okay lang kayo?”

“Okay naman,” sagot ko gaya ng sagot sa akin ni Achilles. Wala pa rin naman talagang formal disbarment. Puro investigation pa lang. Dina-dasal ko na lang talaga na nagmodernize na kahit papaano iyong Supreme Court. Kasi 21st century na. Hindi na ’to panahon ng kopong-kopong na napaka-close minded ng mga tao.

Saka ano iyong grounds? Immorality? Dahil naka-tira kami sa iisang condo? Kung ganon, i-disbar nila lahat ng mga abogado na magka-live in.

O dahil pareho kaming lalaki ni Achilles?

Sana hindi kasi… kasi parang gago naman.

“Sure ka?”

Tumango ako. “Ikaw? Okay ka lang sa bahay?”

Tumango rin siya. “Bihira naman ako umuuwi. Sa hospital ako lagi.”

“Di ba ayaw mo naman matulog ’don?” tanong ko sa kanya kasi ang alam ko dati, ayaw niya don kasi may mga bastos daw siyang classmate na ginagawang motel iyong tulugan nila. Iritang-irita si Mauve dahil ’di siya maka-tulog kasi ang ingay at likot daw. Napaawang iyong labi ko nung unang i-kwento niya ’yon kasi parang ’di siya concerned na may nagsesex sa paligid niya. Mas concerned siya na ’di siya maka-tulog dahil sa kanila.

Nagkibit-balikat siya. “Si Achilles, okay lang ba?”

“Okay—” sabi ko tapos natigilan ako dahil para bang iba iyong kaba sa mukha ni Mauve. “Bakit? May narinig ka ba?” tanong ko sa kanya. Ayoko talaga sanang magtanong tungkol kay Papa dahil ayoko na maipit si Mauve. Hanggang ’di niya naman kami tinutulungan ni Achilles ay alam ko na walang gagawin si Papa sa kanya. Kaya hanggang maaari, ayoko siya idamay.

Pero ibang itsura niya.

Para bang may ginawa na si Papa.

“Hindi ko alam kung ano iyong eksaktong pinag-uusapan nila Papa kasi nung nakita nila na umuwi pala ako, inaya ni Papa na sa study room niya na lang sila mag-usap.”

Napa-kunot ang noo ko. Bihira si Papa na magpapunta ng ka-trabaho niya sa bahay. Siguro kasi nakita niya dati na nakikinig ako sa usapan nila. Bata pa ako non. Hindi ko rin naman maintindihan kung ano iyong narinig ko… pero alam ko na hindi malinis si Papa. Kasi iyong narinig kong pangalan sa usapan nila, napanood ko sa TV. Iyong ni-raid nila na drug den, namatay sa shootout iyong anak ng Mayor na drug lord daw.

Simula non, nagbago na iyong tingin ko kay Papa.

Kasi nung kay Mauve, pinilit ko pang intindihin.

Against daw kasi sa religion… okay, iintindihin ko. Pero iyong sangkot siya sa pagkamatay ng ibang tao? Hindi ba against din sa religion iyon? Thou shall not kill?

Kaya hindi na ako naniwala sa mga sinasabi ni Papa.

“Ano iyong narinig mo?” kinakabahan na tanong ko kay Mauve.

“Pinag-uusapan lang nila iyong mga kaso na hawak ni Achilles…”

“Iyon lang?”

“Nagtanong lang si Papa ng mga kasong hawak. Tapos pinag-usapan nila iyong sa Carson. Ewan ko. ’Di ko rin masyadong naintindihan,” sabi ni Mauve. “Di ko rin masabi sa ’yo agad kasi parang nagtatanong lang naman si Papa… Ayoko lang kasi dagdagan pa iyong iniisip mo. Kaso… na-realize ko na si Papa nga pala ’yon.”

Naiintindihan ko si Mauve kasi pareho naman kami. Ayaw lang naming madamay iyong isa’t-isa.

“Salamat pa rin,” sabi ko. “Basta kapag may narinig ka, pasabi na lang sa akin. Pero ’wag mo na idamay iyong sarili mo.”

“Nakakainis kasi sila Papa.”

“Alam ko,” sagot ko sa kanya. “Pero tiisin mo na lang hanggang maka-graduate ka… o kaya maka-graduate ako. Promise tutulungan kita sa tuition mo kapag kaya ko na.”

Ngumiti lang siya sa akin tapos ako naman iyong nailang kaya binato ko siya nung malinis na tissue.


Hanggang maka-uwi ako sa condo ay iniisip ko lang iyong sinabi ni Mauve. Nahihilo na nga ako sa binabasa kong cases sa Legal Ethics tapos dadagdagan ko na naman. Kapag hindi ako naka-graduate, si Papa ang may kasalanan nito.

Pagpasok ko sa condo, napa-tingin agad ako kay Achilles na nandon sa may dining area. Nagkalat iyong mga gamit niya roon.

“Hi,” sabi ko sa kanya. Mahina lang iyong boses ko dahil ayoko siyang maabala.

“Hi,” sagot niya nang mapa-tingin sa gawi ko. Inalis niya iyong salamin na suot niya. “Kamusta si Mauve?”

I shrugged. “Okay naman,” sabi ko. “Nagdinner ka na?”

“Mamaya na,” he replied.

Napa-kunot ang noo ko. “11PM na. ’Di ka pa nagdidinner?”

“Ang dami ko pang babasahin,” sagot niya sa akin. “Tulog ka na. Dito muna ako.”

Gusto kong tanungin kung anong kaso ba iyong hawak niya na uwi-uwi niya pa rin dito. Efficient kasi si Achilles sa trabaho. Magdadala man siya ng trabaho dito sa condo, hanggang 8PM lang at tapos na siya. Sabi niya kasi ay hindi siya makakapagtrabaho nang maayos kapag puyat siya kaya tinatapos niya lahat sa umaga.

Tuwing may magbabago sa routine ni Achilles, kinakabahan ako dahil pakiramdam ko laging konektado kay Papa.

Ibinaba ko muna iyong gamit ko tapos ay dumiretso ako sa CR para maligo nang mabilis lang. Nang matapos ako ay lumabas na rin ako. Napa-tingin sa akin si Achilles.

“Di ka pa matutulog?” tanong niya sa akin.

“Ano’ng sandwich gusto mo?”

“Bakit?”

“Bilis na,” sabi ko. “Gusto mo ng kape? Decaf? O mamaya ka pa ba d’yan?”

“Marunong ka bang gumawa ng sandwich?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Sandwich lang naman.”

“Baka tinapay na may spread lang ibigay mo sa ’kin.”

“Ano ba’ng sandwich nasa isip mo? Ang arte mo naman.” Tumawa siya tapos ay tumayo. “Wag na. Ako na. Trabaho ka lang d’yan.”

Tumayo pa rin siya at saka nagstretch. Napa-tingin tuloy ako sa tiyan niya. Bakit ang gwapo kahit wala naman siyang abs as in defined na abs? Pero hindi rin fluffy iyong tiyan niya.

“Ano’ng kinain niyo?” he asked habang siya na iyong naglalabas ng mga gagamitin niya sa sandwich niya. Times like this, naaalala ko na magkaibang tao nga talaga kami. Okay na ako sa dalawang tinapay at cheez whiz. Itong si gago, may nilabas na sourdough bread, kamatis, prosciutto, mozzarella, at saka kung anumang dahon iyon.

Nandon ako sa kabilang side nung kitchen island at saka pinapanood siya. Every time I’d look at him, I’d still be in awe… Grabe. Grabe talaga.

“Anong mga kaso hawak mo ngayon?”

Gusto ko lang malaman. Kaya tinanong ko na. Kasi ayokong bigla na lang akong magulat dahil lang ayaw kong itanong.

Instead of answering, he just gave me a shrug.

A shrug.

“Akala ko ba honest?” muling tanong ko sa kanya.

“I am.”

“Hindi selective honesty,” sabi ko. “Ano’ng bago sa cases na hawak mo?”

Kasi hindi lang coincidence na nagpapunta si Papa ng ka-trabaho niya sa bahay. Kapag ganon, may pabor na gagawin para sa kanya. Kasi dati, nung nangyari iyong sa may drug den, iyon iyong panahon na lumipat kami sa mas magandang bahay sa exclusive subdivision.

Gusto kong malaman.

Kailangan kong malaman.

“You know I can’t talk about my cases,” sabi niya.

“Tungkol na lang saan?” tanong ko sa kanya habang naalala ko iyong mga sinabi niya noon na ayaw niyang hinahawakan na kaso. “May kaso ka na ba sa murder ngayon? Rape? Drugs? Ano’ng bago sa mga hawak mong kaso, Achilles?”

Napa-tigil siya sa paghiwa sa sandwich.

“Ano ba’ng gusto mong gawin ko? Sabihin ko sa kanila na hindi ko tatanggapin iyong kaso?”

Napaawang iyong labi ko sa tono ng boses niya. Ngayon ko lang siya narinig na ganito. Natanggal na iyong ngiti sa labi niya, iyong maskara. Imbes na kabahan ay iba ang naramdaman ko. For the longest time, he always pretended na okay lang ang lahat. I was glad that for once, he could be honest with me about how he really felt.

“It’s murder with rape and I think that the prosecution will include drug charges—the fucking trifecta.”

Naka-tingin lang ako sa kanya.

I wanted him to unload whatever thoughts and feelings he had. Kasi hindi lang naman ako ang apektado dito. Ako, sanay na ako kay Papa. Siya, hindi. Ako, kaya kong tiisin. Kapag sa kanya? Mababaliw ako kapag may ginawa si Papa sa kanya dahil sa akin.

“I work for the government, Mauro. I have people I need to follow. That’s just how the world works.”

“Alam ko—”

“So, please , please stop asking me about my work… Kasi pareho naman tayong walang magagawa.” He looked at me and gave me a small smile. “Please?”

Slowly, I nodded. “Okay.”

“Thank you.”

“Just please be safe.”

“I will,” he said. “Can we now talk about something else?”

So, we did. We talked about trivial things. I did the dishes. Bumalik siya sa ginagawa niya. Pumasok ako sa kwarto. Hindi ako maka-tulog. Binasa ko lang iyong sa disbarment proceeding. Nagbasa rin ako ng related cases kahit walang eksaktong kaso na kagaya nung sa amin.

Naka-tingin lang ako sa orasan at hinihintay na pumasok na rin siya sa kwarto.

“Di ka pa tulog?” sabi niya nang mahiga siya sa tabi ko.

“Umuwi na lang kaya ako?”

“Makikipagbreak ka rin ba?”

“What? No.”

“So, what’s the plan? Uuwi ka tapos tayo pa rin? O magpapanggap tayo na wala na tayo?”

“Sarcasm ba ’yan?”

“Yes,” he replied and then pulled me close that my face was resting against his chest. I could feel the steady rising and falling of his chest. “Don’t worry about me,” sabi niya na para bang ako iyong binigyan ng drug related na kaso at saka disbarment case. “I sincerely think that the disbarment case won’t proceed. Times have changed.”

“Saka iyong sa kaso, marami lang talagang cases ngayon. Hindi naman dahil sa Papa mo ’yon. Maraming nagresign sa PAO dahil sa tambak na trabaho namin. Baka may kakilala ka na gustong mag-apply,” pabirong sabi niya.

“Gago.”

He laughed. I felt his laughter reverberating on his chest. “Seriously. May mga bakante. Daming nagresign.”

“Malaki naman sweldo niyo, ’di ba?”

“Yes, pero malaki din ang trabaho.”

“You can’t have it both ways.”

“You can, actually. In-house counsel in some corporation.”

“Ayaw mo i-try ’yon?” tanong ko sa kanya. ’Di ba mas safe ’yon? ’Di ka naman siguro ipapapatay dahil lang bumaba iyong value ng stocks or something. Ewan ko ba. Bakit parang ang life and death situation kapag abogado ka? Bakit ba ito ang trabaho ko?

“No,” he replied. “Maybe when I’m like 50 years old. Boring kasi ’yon.”

“Ah, so malapit na rin pala.”

Sumilip ako. Nakita ko na inirapan ako ni Achilles. Tumawa ako tapos ay inabot ko iyong labi niya at saka hinalikan siya.

“Basta mag-iingat ka palagi, ha? Alam ko everyone deserves a day in court pero I deserve to have a boyfriend who’s alive din naman.”

Natawa lang siya sa akin pero seryoso ako. Nananahimik ako tapos bigla siyang papasok sa buhay ko. ’Di niya ako pwede iwan nang basta-basta lang. Magtiis siya sa akin.

**

This story is already at Chapter 39 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 36

Chapter 36

Akala siguro ng mga kaklase ko ay sobrang religious ko na tao—o sobrang kabado ako sa mga klase namin dahil tuwing dadating ako sa Brent ay dumi-diretso ako sa may chapel para magdasal. Araw-araw kong pinagdadasal iyong kaligtasan ni Achilles.

Hindi ko alam kung mas maayos ba na hindi high profile iyong kaso na binigay sa kanya dahil wala akong masyadong naririnig na balita tungkol doon… o mas dapat ba akong kabahan.

Kasi sa mga ganyang kaso na maliliit, walang ingay na nangyayari.

Wala kang maririnig na kahit ano…

Kasi wala namang masyadong may pakielam.

Unless something goes terribly wrong.

And every day I pray to God na walang mangyaring masama kay Achilles dahil nagta-trabaho lang naman iyong tao.

Kaya kapag natatapos rin iyong araw na wala akong narinig na kung anumang balita, nagpapasalamat din talaga ako.

Sana ganito lang lagi… pero parang ’di ko rin gusto na mabuhay araw-araw na kinakabahan kung ito na ba iyong araw na mangyayari na iyong mga bagay na kinatatakutan ko.

Habang nasa trabaho ako ay parang huminto iyong pagtibok ng puso ko nang maka-receive ako ng email. Halos nanginginig iyong daliri ko nang buksan ko iyon.

Fuck.

I was being invited by the IBP. Hindi direktang naka-lagay doon tungkol saan, but there was a mention of an investigation for a possible disbarment proceeding.

Fuck.

Ito iyong kay Achilles.

“Hi,” sabi ko nang sumagot siya sa tawag. “Sorry. Nasa work ka.”

“It’s fine. Why?” he replied. Hindi kasi talaga ako tumatawag sa kanya o nagtetext kapag nasa trabaho. Dati, oo. Pero ngayon, hindi na. Hindi dahil sa ayaw ko lang kung hindi dahil alam ko kung gaano kadami iyong kasong hawak niya. Alam ko na normal lang na marami iyong kaso, pero parang sobrang dami na nung sa kanya. Hindi na lang ako nagsalita pa dahil trabaho niya naman iyon.

“Nag-email iyong IBP.”

Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

“Tungkol sa disbarment,” I said.

“Just go,” he replied.

“Ano’ng sasabihin ko?”

“The truth,” sagot niya. “Just tell them the truth, Mau. I did nothing wrong. ’Wag kang kabahan.”

“Paanong hindi e lisensya mo ang naka-salalay dito?”

“I know,” he replied. “But just be honest, okay? Don’t lie for me. Just tell them the truth and everything will be fine.”

Ayaw ko pang ibaba iyong tawag. Bakit ba ako umaasa na kakausapin niya ako kagaya nung sa mga kliyente niya na tinuturuan niya kung paano sumagot kapag may tanong iyong prosecutor? Alam ko naman na ’di gagawin ni Achilles iyon. Mas pipiliin niya pa ata na ma-disbar kaysa magsinungaling ako under oath para sa kanya.

Bakit ba ganito siya?

“Just trust in the system, okay?”

“The system is corrupt.”

“It is, but there are good people in the system, Mau. Just trust in them.”

Gusto ko ring sabihin na may mababait nga pero may mga gago rin kagaya ng tatay ko na babaliin iyong batas para lang mas maka-lamang sila.

Sabi nila, good people win at the end of the day…

But I digress.

Bad people win all the time.

Because they will stop at nothing to get what they want—and that’s the reality.

“Kailan ka pinapapunta?”

“Bukas,” sagot ko. “Magsisickleave ako. Sa tingin mo sasabihin ko kay Judge kung san ako pupunta?”

“Sabihin mo.”

“Okay lang sa ’yo? Kasi masasabi ko rin ’yon.”

“Yes, it’s fine. Just focus on your work and just answer them honestly. I promise, everything will be fine.”

I had to bite my tongue dahil gusto kong sabihin sa kanya na tumigil na siya sa kaka-pangako na magiging ayos lang ang lahat. Kasi hindi niya naman alam ’yon. Hindi niya naman kontrolado kung anuman ang mangyayari. Pero alam ko na ayaw niya lang na mas mag-alala ako. Kaya para sa kanya, susubukan ko na lang.

Pagkatapos kong tawagan si Achilles ay bumalik na ako sa opisina. Tingin nang tingin sa akin si Tin na para bang alam niya kung ano ang nangyayari sa akin.

“Nandyan ba si Judge?” tanong ko.

“Nasa loob,” sagot niya. “Dito lang ako, ha?” dugtong niya. “Alam ko sa tingin mo madaldal ako, pero alam ko naman kung kailan ako tatahimik.”

Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. Minsan kahit ang sarap takpan ng tape ng bibig ni Tin, alam ko naman na nandyan lang din siya kapag kailangan ko.

Huminga ako nang malalim pagpasok ko sa chamber ni Judge. Nakita ko na nagbabasa siya ng mga kaso na gagawan niya ng decision.

“Judge,” pagtawag ko.

Napa-tingin siya sa akin. Hindi naman kasi ako pumapasok dito unless may pinagawa siya sa akin at kailangan kong ipasa. Mabait naman si Judge kaya lang medyo masungit saka strict sa deadline. Halos mamatay na nga ako sa kaba dati nung nagpaalam ako na magsstudy leave ako. Akala ko e hindi ako papayagan. Pero okay naman. Sabi ni Tin e mabait daw si Judge pagdating sa mga working student kasi working student din siya dati kaya alam niya iyong struggle.

“Absent po ako bukas.”

“Okay,” sagot niya habang bahagyang naka-kunot ang noo. “Karapatan mong umabsent. Bakit nagpapaalam ka pa sa akin?”

“Pinapatawag po ako sa IBP.”

Nakita ko kung paano ko nakuha iyong atensyon niya. Ibinaba niya iyong hawak niyang ballpen at saka tinanggal iyong suot niyang salamin.

“Mauro, are you in trouble?” tanong niya na parang magulang ko na nag-aalala sa akin. Grabe… mas may pakielam pa sa akin iyong boss ko sa trabaho kaysa sa mismong mga magulang ko. Minsan talaga, wala sa dugo ang pamilya, e.

“Hindi po ako,” sagot ko. “Pinapa-tawag lang po ako tungkol kay Atty. Marroquin.”

Bahagya lang na nabigla si Judge tapos ay tumango lang siya.

“I see,” sagot niya. “Is he in trouble?”

“Hindi ko pa po sigurado, pero sana wala.”

“Kung wala naman siyang ginawang masama, everything will be fine,” sabi niya sa akin.

“May tanong po ako,” sabi ko. Binigyan niya ako ng maliit na tango. “Bakit po sa tingin niyo magiging maayos din ang lahat? Kasi ganyan din ang sinabi ni Atty. Marroquin sa akin. Hindi po ba nakakakaba ang disbarment?”

Sa buong panahon na dito ako nagta-trabaho ay ngayon lang ako nagtanong ng personal na tanong kay Judge. Baka kasi alam niya dahil Judge na siya. Mas marami na siyang napagdaanan kaysa sa akin. Baka kapag sa kanya ko narinig na magiging okay din ang lahat, maniniwala na iyong utak ko.

“Of course it is. Passing the BAR exam is no easy feat. Being disbarred is one of the worst things that can happen to a lawyer,” sabi niya sa akin. “Pero kung wala namang ginawa si Atty. Marroquin para ma-disbar siya, then everything should be fine.”

Nanatili lang akong tahimik.

“Mauro, had you studied your legal ethics seriously, you’d know that disbarment is only given in the worst case scenarios. If Atty. Marroquin had done something so grossly immoral that requires disbarment, then only then should the disbarment proceed.”

Napaawang iyong labi ko. Napagalitan pa ako at nasabihan na hindi nag-aaral. Si Judge talaga.

“You should learn how to trust the system that you’re studying to be a part of. Because if not, then what are you even doing?”

Bahagya akong tumango.

Baka nga tama siya kasi ganyan din ang sabi ni Achilles.

Magtitiwala na lang ako—kasi kung masama man si Papa, sigurado naman na may mabubuting tao rin sa IBP. ’Di naman drug lord iyong tatay ko na may kapit kahit sa IBP. Iba naman iyong NBI doon.


Kinabukasan, tahimik lang kami ni Achilles na kumain ng almusal. Sinubukan niya naman akong kausapin, pero wala kasi ako sa mood makipag-usap. Ewan ko ba. Mali ata iyong gising ko ngayong araw. Kanina pa ako kinakabahan kahit magsasabi lang naman ako ng totoo sa kung anuman ang itanong nila sa akin.

Ano ba kasi itatanong nila? Na boyfriend ko si Achilles? Oo. Na live in kami? Oo.

So, ano? Disbarred na siya dahil lang don? Sana ma-realize nila na mukha silang tanga kung gagawin nila ’yon. 21st century na! Saka ano nangyari sa motto na ‘those who have less in life should have more in law?’ Quote of the day lang ba ’yon?

“Ano’ng oras ka nga pupunta?”

“2PM,” sagot ko.

“Papasok “Dinner tayo after?”

“May class ako.”

“Ah, oo nga pala. Sa weekend na lang.”

Naka-tingin lang sa akin si Achilles habang hawak niya na iyong mga gamit niya. Naka-upo lang ako sa may couch habang nagbbrowse ng mga palabas sa Netflix. Alam ko na dapat mag-aral na lang ako kaya lang ay alam ko na wala lang ding papasok sa utak ko kaya ’wag na lang siguro.

“Text me when you’re done, okay?” Tumango ako. Lumapit sa akin si Achilles at saka hinalikan iyong tuktok ng ulo ko. “Kinakabahan ka ba dahil hindi mo na ako mahal kapag hindi na ako abogado?” sabi niya. “Title ko lang ba ang mahal mo?”

Binaling ko iyong ulo ko at sinamaan siya ng tingin. “Ewan ko sa ’yo.”

Binaba niya iyong bag niya saka lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. “Come on, Mau. Stop worrying about it. Hindi ako madidisbar. Besides, think about the possible public outrage kapag na-disbar ako dahil dito? Hindi naman ako ang nag-iisang lalaking abogado na may boyfriend.”

I wrinkled my nose. “Alam ko. Pero kinakabahan pa rin ako. Bayaan mo akong kabahan.”

“Okay,” he said softly. “I’m just worried. Nakikita ko na binabasa mo lagi iyong ethics kahit tapos ka na don. Focus on your class, Mau.”

“Nakaka-sagot naman ako.”

“Okay, that’s good.”

“Gusto ko na lang na matapos na ’to,” sabi ko.

“I know. Me, too,” he said.

Gusto kong magsorry ulit sa kanya pero alam ko naman na ang sasabihin niya. Na hindi ko kasalanan. Na ’wag akong ma-guilty kasi hindi ko naman hawak iyong utak ng tatay ko.

Pagka-alis ni Achilles ay nanood lang ako ng sitcom kahit hindi naman din ako natawa sa mga sinasabi nila. Sinubukan kong matulog, pero hindi ako dinadalaw ng antok. Kung anu-ano lang ang ginawa ko hanggang sa kinailangan ko ng pumunta sa IBP.

“Good afternoon,” bati sa akin. “Thank you for accepting our invitation.”

Tipid na ngumiti lang ako sa kanila. Paanong hindi i-aaccept iyong invitation? Ikaw ba naman na aspiring lawyer tapos ay ipatawag ka ng IBP, may ibang choice ka ba?

“We just have a couple of questions,” panimula niya.

“Okay po.”

“Do you know Atty. Achilles V. Marroquin?”

“Yes po.”

“And you work as a court assistant in the sala of Judge Selma Alcaraz of MTC 43?”

“Yes po.”

Nanlamig iyong buong katawan ko habang may sinusulat siya sa notebook niya. Ano kaya iyong nilalagay niya? Tungkol ba kay Achilles iyon? Mapapahamak ba siya sa mga sagot ko? Sinabi ko lang naman na magkakilala kami at kung saan ako nagta-trabaho.

“Were you already working in MTC 43 when you got acquainted with Atty. Marroquin?”

“Yes po.”

“Did Atty. Marroquin ask you for any favor?” Kumunot ang noo ko. Hindi agad ako naka-sagot kaya napa-tingin siya sa akin. “Any favor related to your work with Judge Alcaraz?”

Napaawang iyong labi ko.

Shit.

Oo, tinatanong ako ni Achilles dati tungkol sa schedule ni Judge, pero iyon lang ’yon. Wala akong ibang sinabi sa kanya. Isang beses lang at saka wala namang sinabi si Judge sa akin tungkol doon.

Pero alam ko na kung sasabihin ko na oo, pangit pakinggan. Na humihingi si Achilles sa akin ng pabor tungkol sa trabaho ko.

Umiling ako. “No favor related to my work,” diretsong sagot ko.

Hindi naman ako nagsisinungaling… ayoko lang mapahamak si Achilles dahil sa akin. 

**

This story is already at Chapter 40 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 37

Chapter 37

Okay naman lahat.

Yata.

Sana.

Sinagot ko lahat ng tanong nila sa akin. Akala ko ay tatanungin nila ako tungkol sa personal na relasyon namin ni Achilles, pero mas interesado sila sa trabaho ko at kung paano ko nakilala si Achilles. I was as vague as I could possibly be. Hindi ko rin naman kasi tanda iyong lahat ng detalye.

“Mauro!”

Napa-kunot iyong noo ko nang bigla akong harangin ni Tin. Ilang metro pa iyong layo ko mula sa may opisina nang tawagin niya ako. Napa-tanggal tuloy ako ng airpods dahil sa ekspresyon sa mukha niya.

“Ano’ng meron?” tanong ko sa kanya.

Ilang araw na akong medyo okay. Nang matapos iyong sa interview sa akin ay nabawasan ng kahit papaano iyong mga iniisip ko. Kasi tama naman sila Achilles at si Judge. Wala akong dapat ika-kaba kung wala naman akong ginagawang masama.

Wala namang ginawang masama si Achilles kaya dapat chill lang ako at magfocus ako sa pag-aaral gaya ng sinasabi niya palagi sa akin.

“Umabsent ka muna ngayon,” agad na sabi niya.

“Ha? Bakit? Konti na lang leave ko,” sagot ko sa kanya. Iniipon ko kasi talaga ’yon kapag exam week. Gusto ko na naka-focus ako sa pag-aaral. Mataas iyong grades ko last sem kaya kung kaya ko, gusto ko sanang i-maintain ’yon. Nagwork sa akin na wala akong trabaho nung buong exam week kaya siguro naka-sagot talaga ako—bukod pa sa mga materials ni Achilles na meron naman na ako ngayon.

“Pina-tawag si Judge. May balita na nagbibigay daw siya ng favor sa abogado tungkol don sa high profile na kaso. Alam mo naman na pangarap nun maging Supreme Court Justice kaya ilag na ilag ’yon sa mga ganyang issue.”

Parang tumigil iyong pagtibok ng puso ko.

Bakit siya biglang pinatawag? Dahil ba ’yon sa sagot ko? Wala naman talagang hiningi na pabor si Achilles. At kung meron man, schedule lang ni Judge ’yon! Talaga namang may nagpupuntang abogado sa chamber minsan.

Bakit biglang ganito?

Bakit ang dami ng nadadamay?

“Pero… bakit hindi ako papasok?”

Tumingin sa akin si Tin. “Mauro, maliit lang ang mundo natin. Mabilis kumalat ’yong balita,” sabi niya sa akin. “Mabait si Judge sa kung sa mabait… pero kapag ganito na maku-kwestyon siya… ibang usapan na ’yon sa kanya. Kilala mo naman ’yon.”

Agad na gumapang iyong kaba sa dibdib ko.

Ano’ng ibig sabihin nito? Tanggal na ako sa trabaho? O magreresign na ako? Kasi paano pa ako papasok kung ganito na pala?

Kasalanan ko ba na hindi ko sinabi iyong sa pabor na hiningi ni Achilles sa akin? Kasi hindi naman siya iyong unang abogado na nagtanong sa akin tungkol sa schedule ni Judge. Marami sila pero hindi ko sinasagot kasi alam ko na bawal.

Isang beses lang.

Isang beses ko lang sinabi…

Ganito na agad?


Hindi ako pumasok sa trabaho gaya ng sinabi ni Tin. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko bukas. Papasok ba ako o hindi ulit? Paano ko haharapin si Judge? Ayoko naman na umakto na parang walang nangyari.

Shit.

Akala ko okay na pero biglang sobrang magulo na ulit.

Ayokong umuwi sa condo dahil pakiramdam ko ay mas lalala lang iyong pag-iisip ko sa pwedeng mangyari. Dumiretso ako sa opisina ni Achilles. Gusto ko siyang makita kahit ilang segundo lang. Ngayon ko kailangang marinig siya na sabihin na magiging okay lang ang lahat.

Kailangan ko ’yon.

Kasi paano na ako ngayon kung wala na akong trabaho? Saan ako kukuha ng pambayad ko ng tuition? Hindi ko kaya na si Achilles lang ang sasagot ng lahat.

Nang makarating ako sa opisina ni Achilles ay agad akong dumiretso sa loob. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa sinabi ni Tin sa akin na maliit lang ang komunidad ng law, pero pakiramdam ko ay may mga matang naka-sunod sa bawat paggalaw ko.

Hindi naman siguro nila alam.

Sa isip ko lang ’to.

Pagdating ko sa opisina ni Achilles ay kumatok ako. Agad kong narinig iyong boses niya na pinapa-pasok ako. Binuksan ko ang pinto. Nakita ko na mayroon siyang binabasang mga papeles. Naka-tayo lang ako sa harapan niya—ayaw gumawa ng kahit konting ingay.

“Hi,” sabi ko nang tumingin siya sa akin.

Bigla akong nanlamig nang hindi nagbago iyong reaksyon sa mukha niya. Bahagyang naka-kunot iyong noo niya at salubong iyong kilay. Ibang-iba sa itsura niya kapag makikita niya ako rito sa opisina niya.

“Fifteen minutes?” I asked.

“I’m busy.” Napaawang iyong labi ko. “Wala ka bang trabaho?” tanong niya.

“Umabsent ako.”

Naka-tingin siya sa akin. Ilang segundo iyong lumipas. Ito rin siguro iyong pangit kapag masyadon mo ng kilala iyong tao… Kasi wala man siyang salitang sabihin, ramdam ko na agad iyong disappointment mula sa kanya.

“Go home, then.”

“Saan?”

I saw gathering a deep breath. “Mauro, not now. Marami akong gagawin.”

“Okay,” I said, giving him a small smile. “Sorry sa abala.”

Mabilis akong lumabas sa opisina niya. Lagi niyang sinasabi sa akin na hindi ako mag-isa, na nandyan lang siya lagi para sa akin, na ’wag akong matakot humingi ng tulong sa kanya.

Lagi niyang pinapaalala sa akin ’yon.

Kahit mahirap, pumunta ako rito kasi gusto ko lang marinig sa kanya na magiging okay ang lahat.

Gusto ko lang ng konting comfort galing sa comfort person ko.

Mali pala.

Mas okay pala talaga kapag sinasarili ko lang. At least kapag ganon, walang rejection.

Nang maka-labas na ako sa opisina ay narinig ko iyong pagtawag sa akin ni Achilles. Agad akong napa-lingon. Alam ko na siya iyon. Kabisado ko iyong boses niya. Kahit yata pagbulong niya ay makikilala ko na siya iyon.

“I’m sorry,” he said when he caught up with me. “Hindi ka abala. Marami lang talaga akong ginagawa.”

Tipid akong tumango. “Alam ko. Sorry, nawala sa isip ko na tambak nga pala iyong kaso mo. Uuwi na rin ako.”

“Sa condo ka uuwi, ’di ba?”

Tumingin ako sa kanya.

Naramdaman ko iyong pagsikip ng dibdib ko. Huminga ako nang malalim. “San ba pwede ditong mag-usap?” tanong ko sa kanya dahil ang huli kong gustong mangyari ay pag-usapan siya rito sa trabaho niya dahil na naman sa akin.

Naka-sunod lang ako kay Achilles habang naglalakad siya. Panay ang paghinga ko nang malalim na para bang kayang pigilan nun iyong mga luha na nagbabadya na sa pagtulo.

“Sa condo ka uuwi, ’di ba, Mau?” tanong niya sa akin nang huminto kami sa isang gilid na walang dumadaan na mga tao.

Tumingin ako kay Achilles. Humugot ako ng malalim na hininga. Ramdam na ramdam ko iyong pagod hindi lang sa ngayon kung hindi sa mga nagdaang araw, linggo na parang ganito na lang lagi ang nangyayari.

“Parang…” sabi ko at saka muling humugot ng malalim na hininga. “Parang mas okay kung sa amin na ako uuwi…”

Kita ko iyong takot sa mga mata niya.

“Nakikipaghiwalay ka ba sa ’kin?”

Mabilis akong umiling. “Hindi,” mabilis na sagot ko. “Uuwi na lang ako sa ’min, Achilles. Para matapos na ’tong lahat. Kasi nadadamay ka na… pati si Judge, nadamay na rin. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga kakilala ko.”

Hindi ko alam kung paano ako papasok sa trabaho. Kasi alam ko na alam ni Judge na dahil sa akin kaya siya napa-tawag. Dadalhin ko hanggang pagtanda ko kapag hindi siya naging SC Justice dahil sa kabobohan ko.

“Okay lang naman ako—”

“Halos hindi ka na nga natutulog sa dami ng trabaho mo. Saka ikaw mismo iyong nagsabi sa akin dati na ayaw mo sa mga ganyang kaso pero ngayon, puro ganyan iyong hawak mo,” diretso kong sabi sa kanya. “Hiyang-hiya na ako sa ’yo. Lagi na lang ikaw iyong nag-a-adjust.”

“Why do you always think that everything’s your fault?” agad na sagot niya sa akin. Biglang nagbago iyong ekspresyon sa mukha niya. Para bang napatid na lahat ng pagtitimpi niya sa akin. “Matanda na ako, Mauro. May sarili akong isip. Kung ayoko na talaga sa ginagawa ko, magreresign ako.”

“Alam ko pero kung hindi naman dahil sa akin, hindi mangyayari lahat ng ’to.”

“What? Na tambak iyong trabaho ko? Normal lang ’yon.”

“Alam mo kung ano iyong sinasabi ko.”

“No,” sagot niya na umiiling. “I don’t understand, Mau. Hindi kita maintindihan minsan. I love you, I really do, but God, you’re exhausting sometimes.”

Naramdaman ko iyong pagtulo ng luha galing sa mata ko.

Wow.

Ang sakit pala.

Na marinig mula sa tao na kinukuhanan mo ng lakas na nakaka-pagod ka.

“For once, can you please stop trying to be some martyr? Wala ka namang kasalanan. Why does it always have to be your fault? Why does it feel like you want to victimize yourself always?”

Dito na ba naipon lahat ng gusto niyang sabihin sa akin? Naubos na ba iyong words of assurance niya kaya puro katotohanan na lang ang lumalabas?

“Kung madidisbar man ako o kung tambak man iyong trabaho ko, hindi ba pwede na desisyon ko ’yon? Hindi ba ako pwede magkaroon ng sarili kong desisyon? O lagi bang dapat kasalanan mo?”

Hindi ako nagsalita.

Ayokong magsalita ng masakit.

Kasi alam ko kung ano iyong pakiramdam—gaya nitong sakit na pinaparamdam niya sa akin. Mas gugustuhin kong manahimik at ’wag na lang sabihin kasi kapag sinabi ko na, hindi ko na mababawi.

Gaya nitong mga salita niya…

Alam ko na paulit-ulit ko ’tong maririnig sa isip ko.

Na nakaka-pagod ako.

Na dapat lagi kong kasalanan.

“Okay,” sabi ko na lang. Pagod na ako. Ayokong makipag-away sa kanya.

Seryosong naka-tingin sa akin si Achilles. Huminga siya nang malalim at saka sinuklay iyong buhok niya gamit iyong mga daliri niya.

“Okay,” he repeated what I said. “Just… go home. Sleep. I’ll see you later, okay?”

Tumango lang ako. Lumapit sa akin si Achilles at saka niyakap ako nang mahigpit. Hinid ko siya niyakap pabalik. Naka-tayo lang ako habang yakap-yakap niya ako.

“I love you, okay?” bulong niya sa akin.

Dumiretso agad ako pauwi. Agad kong tinawagan si Papa habang kinukuha ko iyong bag ko para ilagay iyong mga gamit ko. Ayoko ng ganito. Mas gugustuhin ko na nasa bahay na lang ako at parang preso kaysa ganito na nadadamay iyong mga wala namang kasalanan.

“Uuwi na ako,” sabi ko nang sumagot siya sa tawag. Wala siyang sinabi pero alam ko na nakikinig siya sa akin. “Uuwi na po ako. Itigil niyo na ’yang ginagawa niyo.”

Naghintay ako sa sagot niya.

“Okay,” sagot niya. “Susunduin na kita.”

Para akong gago na nagsusulat ng letter para kay Achilles kahit pwede ko namang itext ’to sa kanya. Halos hindi na mabasa iyong babang parte nung letter dahil puro siya patak ng luha ko. Nilagay ko roon na uuwi na ako pero walang magbabago sa amin. Iyon lang naman ang gusto ni Papa. Ibibigay ko na sa kanya para lang matapos na. Kung gusto niya na magpanggap ako na walang Achilles sa buhay ko kapag kaharap ko sila ni Mama, iyon ang gagawin ko. Kasi napapagod na ako sa ganito.

Inilagay ko iyong letter sa may lamesa kung saan kami kumakain ni Achilles ng dinner. Sana maintindihan niya. Hindi naman ’to dahil gusto ko na kasalanan ko lahat… Hindi lang talaga kaya ng pasensya ko na makita pa iyong mga nangyayari…

Pagbaba ko ay agad kong nakita iyong sasakyan ni Papa. Inilagay ko iyong gamit sa likuran tapos ay naupo na rin ako sa tabi niya. Tahimik na sinuot ko iyong seatbelt. Naramdaman ko na naka-tingin siya sa akin pero hindi ko siya nilingon.

Naka-tingin lang ako sa mga kasabay namin na sasakyan. Traffic ngayon. Gusto ko na makarating sa bahay para makapagtago na ulit ako sa kwarto ko.

Balik kwarto.

Balik cup noodles.

Balik siopao.

Okay naman ako dati sa ganito… pero parang ang lungkot lang ngayon kasi alam ko na iyong pakiramdam na hindi nagtatago saka kumakain ng normal na pagkain.

Siguro kapag graduate na ako, pwede na.

Napa-tingin si Papa sa cellphone ko nang biglang magvibrate iyon. May lumabas na GLOBE is calling… Hindi naman siya tanga para hindi malaman na hindi GLOBE iyon dahil bakit naman ako tatawagan non? Para bentahan ng promo?

Hinayaan ko lang na mamatay iyong tawag.

Mamaya ko na siya kakausapin.

Kagaya nung dati—sa kwarto habang naka-lock iyong pinto at may malakas na tugtog para walang maka-rinig.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto. Agad na ni-lock ko iyong pinto. Tinawagan ko si Achilles, pero hindi siya sumasagot. Naghintay ako hanggang sa maka-tulog na ako.

Pero agad din akong napa-balikwas sa pagkaka-tulog ko nang magvibrate iyong cellphone ko. Akala ko si Achilles na iyon pero nakita ko na si Tin ang tumatawag sa akin.

“Bakit?” tanong ko na nagtataka dahil hindi naman kami ni Tin iyong tipo ng nag-uusap sa telepono.

“Sorry sa abala… Kailangan mo ba ng kasama d’yan?

“Kasama saan?” naguguluhan na tanong ko.

“D’yan sa ospital… Sabi sa balita, nasa operating room pa raw si Atty. Marroquin,” sagot ni Tin at agad na tumigil iyong mundo ko sa pag-ikot.   

**

This story is already at Chapter 41 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 38

Chapter 38

My mind kept on going to the worst case scenario.

I hated that my mind kept on picturing Achilles’ lifeless body.

Alam ko na hindi ko dapat hanapin iyong pangalan ni Achilles sa Internet, pero wala akong mapagtanungan tungkol sa nangyari sa kanya. Wala akong kakilala sa mga ka-trabaho niya. Wala akong kilala sa mga kaibigan niya.

Ang dali lang palang sabihin na mahal mo iyong tao kahit wala ka talagang alam sa kung sino iyong nasa buhay niya.

I felt sick to my fucking stomach.

Gusto ko na lang banggain lahat nung sasakyan para lang makarating agad ako sa ospital kung nasaan si Achilles. Sabi ni Tin, napanood niya lang daw sa balita. Mas nauna pa sila na makaalam sa nangyari sa kanya.

Ayokong tignan… pero sa bawat segundo na lumilipas na nandito pa rin ako sa loob ng sasakyan, para akong tatakasan ng bait.

‘Public attorney natambangan sa gitna ng traffic.’

Nanginginig iyong mga kamay ko habang hawak-hawak ko iyong cellphone. Parang lalabas na iyong puso ko palabas ng dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pagbabasa. Sabi naman ni Tin, nasa operasyon pa si Achilles… Ibig sabihin nun ay buhay pa siya… ’di ba?

’Di ba?

Hindi ko alam kung kaya ko bang basahin… pero mas mababaliw ata ako kung hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya.

“Dito na po tayo.”

Ni hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa ospital. Agad akong bumaba at tumakbo papasok. Hindi ko alam kung kanino ako magtatanong. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

“San po si Achilles Marroquin?” agad na tanong ko nang may makita akong nurse.

“Sa may nurse station po kayo magtanong,” sagot niya sa akin.

Agad akong tumakbo papunta sa may nurse station.

“Achilles Marroquin,” sabi ko nang makarating ako roon. May kausap iyong nurse sa telepono. Alam ko na marami silang ginagawa at kailangan kong maghintay sa kanila, pero bawat segundo na lumilipas ay para akong mamatay sa kaka-isip kung nasan na ba siya at kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.

“Miss,” malakas na pagtawag ko kaya napa-tingin siya sa akin. Agad niya akong binigyan ng masamang tingin pero wala na akong pakielam. Kailangan ko lang malaman kung nasaan siya ngayon. Kasi pakiramdam ko ay mababaliw na ako kapag hindi ko pa rin nalaman kung nasaan siya ngayon. “Achilles Marroquin po. Please .”

Pinilit ko iyong sarili ko na kumalma habang hinahanap niya iyong pangalan ni Achilles.

“OR No. 6. Sa West Wing,” sabi niya sa akin.

“Salamat po,” sagot ko at mabilis na tumakbo papunta roon. Nasa operating room pa si Achilles. Ibig sabihin nun ay buhay pa siya, ’di ba? Lumalaban pa siya. May pag-asa pa.

Pagdating ko sa labas ng operating room ay agad akong nanlumo nang makita ko na tanging dalawang police lang ang nandon at naka-duty.

Walang kaibigan.

Walang pamilya.

Ako iyong nalungkot at nasaktan para sa kanya.

“Sir,” sabi ko nang maka-lapit ako sa may pulis. Wala akong makitang doctor na pwede kong pagtanungan. Sana nandito si Mauve para may aalalay sa akin. “Pwede po bang magtanong kung kamusta na iyong—” Huminga ako nang malalim. “Iyong nabaril.”

“Di ko rin alam, Sir,” sagot sa akin nung pulis. “Bantay lang kami rito.”

Ni hindi ko na tinanong kung sino iyong may gawa nung nangyari kay Achilles. Ang priority ko ay malaman na ayos lang siya. Saka ko na iisipin kung sino ang may kasalanan.

I just really needed him to survive.

I just got him.

He couldn’t leave me yet.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Palakad-lakad lang ako sa waiting area—naghihintay ng balita. Hindi ako makaalis hanggang hindi ko nalalaman na maayos si Achilles.

Tinawagan ako ni Mauve at sinabi na papunta na rin siya. I was thankful. I just needed someone with me. I couldn’t break right now—not when Achilles needed me.

Gusto kong takbuhin si Mauve nang makita ko siyang papalapit na sa akin, pero parang nawalan na ako ng kontrol sa mga paa ko. Gustuhin ko mang maglakad ay para akong natulos sa kinatatayuan ko.

“Ayos ka lang?” tanong niya sa akin nang makalapit siya.

“May kakilala ka ba dito? Pwede ka bang magtanong? Gusto ko lang malaman kung kamusta si Achilles,” diretsong sabi ko sa kanya.

“Okay. Magtatanong-tanong ako,” sagot niya sa akin. “Nasa loob pa ba siya?”

Tumango ako. “Nasa operation pa rin. Ang tagal.”

“That’s fine,” sabi niya sa akin. “It means that he’s still fighting.”

Hindi ko alam kung totoo ba iyong sinasabi ni Mauve o gusto niya lang pagaanin iyong loob ko. Pero sa ngayon, mas pipiliin ko na maniwala dahil hindi ko kayang isipin na wala na si Achilles.

Ngayon pa lang kami masaya.

Ang dami pa naming plano.

Hindi niya ako pwedeng iwan.


Sinabihan ako ni Mauve na umidlip o magpahinga pero hindi ko magawa. Naka-tingin lang ako sa pintuan at naghihintay na may lumabas doon na magsasabi sa amin kung ano na ang nangyayari kay Achilles.

“Doc, kamusta na po iyong pasyente?” agad na tanong ko nang may lumabas na doctor.

“Are you the immediate family?” tanong niya sa akin.

Bahagya akong natigilan. “Hindi po,” sagot ko.

“We have to get the immediate family’s approval,” sabi niya sabay sabi ng mga salita na hindi ko maintindihan. Naka-tingin lang ako kay Mauve at umaasa na ipaliwanag niya sa akin kung ano ang nangyayari.

“Okay lang daw ba si Achilles?” tanong ko kay Mauve nang makaalis iyong doctor.

Hindi agad naka-sagot si Mauve. Sa bawat segundo na hindi siya nagsasalita ay para akong tinatakasan ng bait.

“He’s still fighting.”

“I don’t need lies right now, Mauve. Sabihin mo sa ’kin kung kamusta siya,” diretso kong sabi sa kanya. Ilang oras na akong naghihintay dito. Gutso ko lang naman malaman kung kamusta na ba talaga siya. Walang nagsasabi sa akin ng totoo. Gusto ko lang naman malaman kung okay ba siya.

“He’s in critical condition now, Mauve. His doctors need his family’s approval para sa gagawin sa surgery niya.”

Kumunot ang noo ko. “Kung kailangan para sa surgery niya, bakit hindi na lang nila gawin?” nagagalit na tanong ko dahil kanina pa sila nandon! Bakit hindi na lang nila gawin lahat ng kailangan nilang gawin para masigurado na maliligtas siya? Kaya ba ang tagal naming naghihintay dahil don? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang nila gawin ’yon!

“Those are the rules—”

“Fuck the rules!” sigaw ko. Wala akong pakielam kung may tumingin man sa amin. “Kung kailangan nila ng approval, ako na lang ang magbibigay!”

“May special power of attorney ka ba na pwede kang gumawa ng medical decisions para sa kanya?”

Hindi ako naka-sagot.

Wala akong kilala sa mga kaibigan niya.

Sa pamilya niya.

Pati dito.

Dati iniisip ko na sobrang seryoso namin ni Achilles… na kami na talaga… na sana kami na talaga… pero parang ni hindi namin napag-usapan iyong mga importanteng bagay. Kaya ngayon, litung-lito ako sa mga kailangan at pwede kong gawin para sa kanya.

Pero sino ba ang mag-aakala na dadating kami sa ganito?

“Ano? Wala na lang akong gagawin?” diretsong tanong ko dahil nawawalan na ako ng pag-asa sa pwede kong gawin para kay Achilles. Napapagod na akong maghintay. Gusto ko na may gawin ako para sa kanya.

“Hindi ganon ’yon, Mau…” naaawang tingin sa akin ni Mauve. “Alam ko mahal mo siya, pero hindi ka immediate family. Walang legal na kasal sa same sex marriage dito sa Pinas, Mau. Alam mo naman ’yan.”

I felt my jaw clenching in unmistakable mixture of anger and frustration.

“So, ano? Ganon na lang ’yon?”

“Hindi ako iyong kaaway mo, Mau. I’m as frustrated as you are. Pero ano’ng magagawa? Ganon talaga. Kapag same-sex kayo, wala kayong karapatan legally,” sabi niya tapos ay umiling. “But that’s for another discussion. Nasaan ba iyong pamilya ni Achilles? Pwede mo ba silang contact-in? Iyong parents niya?”

“Patay na.”

Napaawang iyong labi ni Mauve. “I’m so sorry,” sabi niya. “How about iyong grandparents?” Umiling ako. “May kapatid ba siya?”

“Meron pero hindi naman sila nag-uusap.”

“Pero alam mo kung paano siya contact-in?”

“Hindi—” sabi ko at saka natigilan. Naalala ko noon na may binabasa si Achilles na document na padala nung kapatid niya. Possible na may return address doon o number kung saan siya pwedeng tawagan.

“Hindi ko sigurado… pero susubukan kong tawagan siya. Nasa mga gamit ni Achilles iyong contact info niya,” sabi ko kay Mauve.

Tumango siya. “Okay. Dito lang ako. I promise tatawagan kita kung may kung anumang update dito.”

Agad akong bumalik sa condo. Dumiretso ako sa mga gamit ni Achilles. Alam ko na ayaw niyang ginagalaw iyong mga gamit niya. Wala akong pakielam kung magalit siya sa akin. Mas importante sa akin na mahanap ko iyong number ng kapatid niya kung iyon ang kailangan.

Pinilit ko iyong sarili ko na ’wag basahin iyong mga dokumento na may koneksyon sa trabaho ni Achilles. Ayokong maglaro iyong isipan ko. Lahat ng kasong hawak niya ngayon, lahat ng sinabi niya noon sa akin na ayaw niyang hawakan.

Kasi masyadong marahas.

Masyadong delikado.

Pero kahit ganoon, alam ko na dahil kay Papa, napunta iyong kaso na iyon kay Achilles. Alam ko na relihiyosong tao si Papa, pero lakasan niya na ang dasal niya na maka-ligtas si Achilles dahil kung hindi, gagawin ko sa kanya lahat ng ginawa niya sa amin. Alam ko na mahalaga sa kanya iyong trabaho at reputasyon niya. Alam ko lahat ng baho niya. Nananahimik lang ako dahil iniisip ko na tatay ko pa rin siya.

Halos mabaliktad ko na iyong buong condo nang mahanap ko iyong contact number ng kapatid niya. Naka-hinga ako nang maluwag nang makita ko na may personal number na naka-lagay doon.

Pa-ikut-ikot ako sa condo habang pinapakinggan iyong pagriring. Hindi ko sigurado kung anong oras na sa kung nasaan mang bansa iyong kapatid ni Achilles. Dinadasal ko na lang na sana ay hindi naka DND iyong cellphone niya dahil kailangan ko siyang maka-usap ngayon.

Naka-limang tawag ako nang sa wakas ay sumagot na siya.

“Have you finally decided?”

Napa-kunot iyong noo ko sa sinabi niya. “Ikaw po ba iyong kapatid ni Achilles Marroquin?” agad na tanong ko.

“Who is this?”

“Mauro Eugenio po,” sagot ko. “May nangyari po kasi sa kapatid niyo. Kayo po iyong next of kin.”

“Is he dead?”

Napaawang iyong labi ko sa paraan ng pagtatanong niya. Walang kung anumang emosyon. Para bang nagtatanong lang siya kung uulan o aaraw ba ngayong umaga.

Gusto ko siyang sigawan, sumbatan, pero para bang naririnig ko iyong boses ni Mauve na sinasabi sa akin na hindi ito ang panahon para makipag-away ako. Kailangan ko iyong kooperasyon ng kapatid ni Achilles.

“Nasa operating room pa po siya,” sabi ko sabay paghinga nang malalim. “Buhay pa po iyong kapatid mo. Lumalaban pa siya.”

Wala akong narinig mula sa kabilang linya. Tinignan ko kung binabaan ba niya ako ng tawag. Kausap ko pa rin siya. Ano ba iyong nangyari sa kanilang dalawa para maging ganito? Hindi ko maisip na magiging ganito kaming dalawa ni Mauve. Ni hindi man lang niya tinanong kung ano iyong nangyari kay Achilles.

“Look, I just need you to give consent. To help save his life,” sabi ko sa kanya. “Please.”

Bakit kailangan ko pang humingi ng tulong sa kanya? Hindi ba dapat pamilya? Gaano ba siya kagalit sa kapatid niya na parang mas gusto niya na mawala na si Achilles? Dahil pa rin ba ’to sa may bahay nila na gusto niyang ibenta?

“Pangako tutulungan kita na pumayag siyang ibenta na iyong bahay ng parents niyo…”

“Sino ka ba?” she finally responded.

“Boyfriend niya,” sagot ko. “Hindi kita aabalahin kung pwede lang na ako iyong magbigay ng consent. Please,” mahinang pakiusap ko. “Kapatid mo pa rin siya.”

“Okay,” she responded. “But I want the entire house.”

Hindi na ako nagsalita pa. Para lang sa bahay? Para sa pera? May mga ganitong tao pala talaga… Parang si Papa… At sana sinisimulan niya ng magdasal dahil maging stable lang ang condition ni Achilles, ipaparamdam ko sa kanya iyong ginagawa niyang pang-iipit sa aming dalawa. 

**

This story is already at Chapter 42 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 39

Chapter 39

I had always been indifferent with bureaucracy. Siguro kasi nakikinabang din naman ako sa posisyon ni Papa. Sa pagkuha ng driver’s license o kapag may minor altercation sa traffic o kung anuman na kailangang ayusin, we always had it easy. Inaayos agad ni Papa, e. Kaya hindi rin ako kinakabahan dati. Hindi ko lang napapansin siguro dahil ayokong pansinin.

Pero totoo nga iyong sinabi nila na magagalit ka lang kapag ikaw na mismo iyong nabiktima nung sistema.

Ang hypocritical ko lang din talaga.

Gusto kong sunugin ’tong hospital dahil sa sistema nila. Alam ko na tama si Mauve na sumusunod lang din naman sila sa tamang proseso… Pero ang hirap maging level-headed tuwing naiisip ko na nakasalalay iyong buhay ni Achilles dito. Na imbes na gawin agad nila kung anuman ang makaka-tulong sa kanya, sinusunod na naman nila iyong lecheng sistema na ’yan.

Dati ayos lang ako sa sistema… ngayon, alam ko na iyong pakiramdam na nasa kabilang panig.

“Pumasok ka sa class mo,” sabi ni Mauve nang maabutan niya ako na nandon pa rin sa waiting area malapit sa kwarto kung nasaan si Achilles. Tapos na kasi iyong visiting hour pero ayokong umalis dito. Gusto ko nandito lang ako. Baka kasi magising siya. Baka hanapin niya ako.

“Dito lang ako.”

Naupo si Mauve sa tabi ko. Kakagaling niya lang sa duty niya. Dumiretso siya dito. Alam niya kasi na wala akong kasama. Bumisita dito iyong mga kaibigan ni Achilles pero sandali lang. Nalungkot ako para sa kanya. Sobra akong nalulungkot. Kasi naiisip ko… paano kung wala ako? Walang magbabantay sa kanya sa ospital? Kasi iyong mga kaibigan at ka-trabaho niya, dumaan lang dito. Walang nagtagal.

Ako lang iyong meron siya.

Nalulungkot ako para sa kanya.

At nagagalit sa sistema… kasi parang ang unfair… na paano kung may ganito rin na mangyari sa kanila? Paano kung hindi agad nila mahanap kung saan cocontact-in iyong immediate family? Wala na lang bang gagawin? Hihintayin na lang na mawala? Kahit kaya pa namang ilaban?

Nakaka-galit.

Bakit ganito sa Pilipinas? Parang napag-iwanan na tayo ng mundo. Tayo lang ata iyong ganito.

“Pumasok ka sa klase mo, Mauro. Sa tingin mo ba matutuwa si Achilles na umaabsent ka dahil sa kanya?”

Hindi ako nagsalita. Alam ko na gugustuhin ni Achilles na pumasok ako sa mga klase ko. Alam ko na sasabihin niya sa akin na ’wag akong mag-alala kasi magiging maayos din ang lahat—na kailangan ko lang magtiwala.

Pero ang hirap magtiwala kapag puno lang ng galit at paninisi iyong puso mo.

“Just please go to school. Ako muna magbabantay dito,” sabi niya sa akin.

“Kakatapos mo lang sa duty.”

“It’s fine,” sabi niya sa akin. “I can go for another 48 hours. Batak ako.”

Hindi ako nagsalita. Ayoko talagang umalis. Kasi paano kung magising siya?

“I’ll call you kung may mangyari man dito,” she said like she read my mind. “Sinabi naman nung doctor na succesful iyong operation, ’di ba? Magigising din siya any time soon.”

“It’s been days.”

She looked at me with pity. “I know… but it’s just a waiting game now, Mau. Magigising din si Achilles. Kaya pumasok ka na sa school dahil ayaw mo naman siguro na pagka-gising niya, ang ibubungad mo sa kanya ay na-drop ka sa law school dahil puro ka absent.”

Hindi na ako nakipagtalo pa kay Mauve. Una, dahil alam ko naman na tama siya. Pangalawa, dahil wala na rin akong lakas. Kahit pala naka-upo lang at naghihintay ng balita, para bang ubos na ubos na iyong lakas ko.

Umuwi ako sandali para maligo. Dumiretso ako sa school. Nakasalubong ko si Niko. Tumango lang ako sa kanya dahil balak ko na pumunta agad sa library para makapag-aral. Ilang araw na akong absent. Sigurado ako na sobrang layo na ng coverage nila. Sigurado din ako na matatawag ako mamaya.

“Wait up,” sabi ni Niko.

“Bakit?” agad na tanong ko.

“Don’t know what happened, but you’d been MIA for a few days…” sabi ni Niko. “I hope I didn’t overstep boundaries, but I kinda told the professors that you were sick and hospitalized.”

Kumunot ang noo ko. “Ha?”

“I got an excuse letter from the doctor for you,” sabi niya na dahilan para mapaawang iyong labi ko. “So, if anyone asks, you had dengue fever.”

Hindi ako makapagsalita. Naka-handa na talaga akong masigawan o mapagalitan dahil bigla-bigla na lang akong nawawala. Hindi na ako nakapagsabi sa kahit kanino dahil mas focused ako sa kalagayan ni Achilles. Kung hindi dahil sa pamimilit ni Mauve, malamang ay nasa hospital pa rin ako ngayon.

“Salamat,” sabi ko dahil hindi ko talaga akalain na gagawin iyon ni Niko para sa akin. Hindi naman kami ganoon ka-close… kaya ko ring bilangin sa daliri ko iyong pagkakataon na nagkasama talaga kami.

Nagkibit-balikat siya. “No biggie,” sagot niya. “Also, Assia sent you notes—just in case you haven’t checked your messenger or something.”

Ngumiti si Niko tapos ay umalis din. Napaawang iyong labi ko. Hindi ko akalain na gagawin nila ’yon para sa akin… Ni hindi ko sila naisip nitong mga nakaraang araw pero sila, nag-aalala sa akin.

May mga kaibigan din pala talaga ako dito na maaasahan.

Sana may ganito rin si Achilles.

Sana magising na siya.


Mabilis na binasa ko iyong notes na sinend ni Assia. Nagdadasal na lang talaga ako na sana ay ma-retain ko lahat ng binasa ko. Pagkatapos nun ay binasa ko na iyong coverage para sa klase ngayon. Panay ang pagtapik ng mga daliri ko sa lamesa habang nagbabasa. Patingin-tingin din ako sa cellphone ko dahil baka biglang magtext si Mauve tungkol kay Achilles.

Pagdating namin sa klase ay mabilis na nagpasalamat lang ako kay Assia. Sinabi niya sa akin na pinagdadasal niya si Achilles. Nagpasalamat ako.

Ako iyong unang tinawag sa recitation.

“Contract of sale compared to contract to sell.”

Huminga ako nang malalim. Shit. Topic pa ’yan last week. Mabilisan ko lang na binasa.

“Contract of sale…” sabi ko at saka isinara iyong kamao ko. Come on, Mauro. Nabasa mo ’yan kanina. Nasa notes ni Assia ’yan. Tinanong din ’to ni Atty. last week sa recitation kaya sigurado ako na nag-e-expect siya na dapat alam ko na iyong sagot. “Contract of sale is legal obligation between the seller and the buyer… to deliver an object… in exchange for payment,” pahinto-hinto na sagot ko dahil hindi ko alam kung ano ang eksaktong sagot.

Naka-tingin si Atty sa akin at naghihintay ng kasunod na sagot. “Is that it?” tanong niya nang lumipas ang ilang segundo na wala pa rin akong sinasabi kasunod.

“Yes, Attorney.”

“Villarasis,” sunod na pagtawag niya. “Contract of sale and contract to sell.”

Fuck.

Hanggang sa matapos iyong klase ay gusto ko na lang ihampas sa ulo ko iyong codal. Of course hindi ako makaka-sagot. Hindi naman ako katulad ni Achilles na matalino lang talaga. Iyong grades ko last sem, dahil iyon pinaghirapan ko lahat. Naggugol ako ng oras para aralin iyong mga concepts at kabisaduhin iyong mga kaso at provisions.

Sino ba ako para makasagot dahil lang binasa ko ng isang beses iyong notes ni Assia?

Parang wala ng tamang nangyayari sa buhay ko.

Binigyan lang ako ni Assia ng maliit na ngiti nung magkatinginan kami. Hindi niya ako sinabihan na may next time pa naman. Siguro kasi pareho kaming hindi naman kasing yaman ng mga kaklase namin. Bawat recit, mahalaga. Kasi wala naman kaming perang pwedeng ipambayad ulit sa tuition.

Sa kagaya namin, hindi pwede iyong ‘may next time pa naman.’

Lalo na ngayon—wala na akong trabaho.

Tangina talaga.

Gusto kong puntahan si Achilles sa ospital pero mainit iyong ulo ko. Ayokong pumunta doon na ganito ako. Nagsabi ako kay Mauve na uuwi muna ako para umidlip. Nagsabi siya sa akin na kahit bukas na ako pumunta roon para makapagpahinga ako.

Paano kami naging anak nila Mama at Papa na kahit sobrang religious e parang sugo ng impyerno?

Pag-uwi ko sa condo, bumungad na naman sa akin iyong mga nagkalat na gamit ni Achilles na nagulo ko nung hinahanap ko iyong contact number ng kapatid niya. Binaba ko lang iyong bag ko at nagsimula akong linisin iyon. Alam ko ayaw ni Achilles na madumi dito. Kailangan pagbalik niya, malinis iyong lahat.

Niligpit ko iyong mga papel. Nilinis ko iyong buong condo. Pagod na pagod na ako, pero hindi ako maka-tulog. Gusto ko ng matulog. Kailangan ng maayos na pahinga ng utak ko. May pasok pa ulit ako bukas. Kailangan ko ng maka-sagot. Ayoko na sasabihin ko kay Achilles na bagsak ako sa mga subject ko.

Pero hindi ako maka-tulog.

Kumuha ako ng isang bote ng wine ni Achilles. Gusto ko na lang sanang tunggain iyon pero parang nakita ko si Achilles sa utak ko na umiiling sa akin. Kumuha ako ng wine glass at pinuno iyon. Naka-upo lang ako sa sofa. Patay iyong TV. Wala akong gana manood. Nanonood lang naman ako dito kapag kasama ko si Achilles.

Puro Achilles.

Hindi ko alam kung paano ako kapag wala na siya.

Kasalanan ’to ni Papa.

Bakit kasi hindi na lang siya maging masaya para sa akin?

Pumunta ako sa may dining area. Pinatong ko roon iyong baso ko at saka kinuha iyong laptop. Nagsearch ako kung ano ulit iyong grounds ng disbarment. Nagsearch ako ng proseso para sa administrative complaint.

Pero kilala ko si Papa.

Alam ko hindi ’to aangat.

Mabilis lang mababasura kung anuman ang ifa-file ko.

Kasi ganon siya magtrabaho.

Pa-ilalim.

Kagaya nung ginawa niya kay Achilles… at kahit kay Judge Alcaraz na wala namang ginagawa sa kanya… Dahil lang doon ako nagta-trabaho…

Muli kong inabot iyong baso ng wine. Inubos ko iyong laman non bago ako nagpunta sa Facebook.

‘An Open Letter to NBI Director Mario dela Rama,’ panimula ko bago nilagay doon lahat ng gusto kong sabihin sa tatay ko. At least sa Internet, may putanginang freedom of speech pa rin. 

**

This story is already at Chapter 43 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 40

Chapter 40

Agad akong napa-balikwas sa kama ko nang mag-alarm iyong cellphone ko. Kailangan kong gumising nang maaga para maka-punta agad ako sa ospital. Kagabi pa nandoon si Mauve. Kailangan din naman niyang magpahinga at saka may sarili din siyang duty na kailangang asikasuhin.

Inabot ko iyong cellphone ko sa may nightstand. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko na puno ng notification iyong screen ng cellphone ko at halos ma-lowbatt na iyon kahit sigurado ako na full-charge iyon nung iniwan ko kagabi dahil kailangan bukas lagi iyong cellphone ko dahil baka biglang magtext si Mauve tungkol kay Achilles.

Babasahin ko na sana iyong notif nang biglang magring na naman iyong phone ko at nakita ko na tumatawag si Mauve.

“Bakit—”

“Nasan ka? Nasa condo ka pa rin ba?”

“Yeah… Kaka-gising ko lang.”

“Okay. Shit. Safe naman d’yan, ’di ba? I mean, wala naman sigurong gagawin sa ’yo si Papa. ’Di naman siya siguro aabot sa ganon,” diretsong sabi ni Mauve na mas lalong naging dahilan ng pagsakit ng ulo ko dahil wala pa akong tulog.

Kumunot iyong noo ko dahil sa mga sinabi niya. “What? Ano ba’ng sinasabi mo?”

Napa-tingin ako sa screen nang makita ko na nagrerequest ng FaceTime si Mauve. Agad kong tinanggap iyon at saka sinaksak iyong cellphone ko dahil malapit na iyong mamatay.

“Uminom ka ba kagabi?” agad na sabi niya nang sagutin ko iyong tawag.

Tumango ako. “Wine lang,” sabi ko. “Sandali. Kuha lang akong tubig,” mabilis na dugtong ko tapos ay tumayo na. Naglakad ako papunta sa ref para kumuha ng tubig. Napa-tingin ako sa may lamesa at nakita na nandon iyong laptop ko at isang bote ng wine. Napa-kunot ang noo ko… at saka biglang nanlaki iyong mga mata ko.

Fuck!

Mabilis akong lumapit sa may laptop ko at binuksan iyon. Bumungad sa akin iyong notification sa Facebook account ko. May mga messages din doon mula sa reporters na gusto akong interview-hin.

127 thousand likes… and 113 thousand shares… and still counting.

Fuck.

Naka-tingin lang ako sa screen habang padami nang padami iyong notification. Rinig na rinig ko iyong bilis ng tibok ng puso ko habang pinipindot ko iyong pinaka-bagong notification. Mabilis na dinaanan ng mga mata ko iyong mga sinulat ko kagabi.

Tangina.

Nilagay ko pala talaga lahat.

Fuck.

No wonder ang daming gustong mag-interview sa akin dahil sa dami ng pangalan na nilagay ko roon sa post ko.

Isinarado ko iyong laptop ko. Huminga ako nang malalim. Naglakad ako papunta sa ref at binigyan iyong sarili ko ng tubig. Kailangan kong kumalma. Kasi tangina, wala naman akong choice! Nagawa ko na. Na-post ko na. Nabasa na ng lahat.

“Si Papa?” tanong ko kay Mauve nang maka-balik ako.

“Di ko alam… pero baka wala siya sa bahay.”

“Tinawagan ka rin ba?” Tumango siya. “Shit. Sorry.”

Umiling siya. “Wag mo akong isipin,” sabi niya sa akin. “Ikaw? Pano ka? Post mo ’yung kumalat.”

Pilit lang akong tumango sa kanya. “It’s the truth, anyway.”

“Alam ko, pero alam din naman natin na delikado iyong trabaho ni Papa… ’Di ka ba mapapahamak niyan?”

“I’ll be fine,” sabi ko sa kanya. “Pupunta na ako kay Achilles.”

“Seryoso ka ba? Lalabas ka?”

Tumango ako at muling huminga nang malalim. “Okay lang ako, Mauve,” sabi ko sa kanya na parang mas kinu-kumbinsi iyong sarili ko. “Ikaw na rin iyong nagsabi na kumalat iyong post ko. Ibig sabihin, maraming naka-tingin sa akin. ’Di naman siguro sila tanga na ngayon may gagawing masama sa akin kung kailan maraming naka-masid.”

Nagpaalam na ako kay Mauve bago pa mas sumakit iyong ulo ko dahil sa mga pinagsasabi ko. Nag-ayos na ako at saka dumiretso sa ospital. Mabuti na lang at busy iyong mga tao roon. Wala siguro silang panahon na magsocial media o ’di kaya ay manood ng balita kaya hindi nila alam iyong pagkakalat na ginawa ko roon. Mas okay na ’to. Hindi naman titigil ang buhay ko dahil lang sa viral na post ko. Kailangan ko pa ring bantayan si Achilles at mag-aral. Tuloy pa rin iyong buhay.

“Hi,” sabi ko nang maka-pasok ako sa sa kwarto ni Achilles. “Weird mo palang tignan pag may bigote,” dugtong ko habang naka-tingin sa mukha niya. First time ko lang siyang makitang ganito… Ang weird pala. Mas bagay pa rin sa kanya iyong ‘clean look’ niya.

“Saka ang haba na rin ng buhok mo,” dugtong ko habang naupo sa tabi niya. Gusto ko muna siyang kausapin kahit ilang minuto lang. Sabi kasi sa nabasa ko, nakaka-tulong daw kapag kinakausap mo… Kasi naririnig pa rin naman daw nila ako.

“Grabe, ang lakas nung wine mo,” sabi ko sa kanya. “Gusto ko lang naman mag-unwind kahit konti kagabi… pero parang nagkaroon ako ng confession sa virtual world bigla.”

Sinandal ko iyong ulo ko sa may bandang kamay ni Achilles.

Sana gising siya ngayon… kasi sa aming dalawa, mas alam niya iyong dapat kong gawin. Kailangan ko rin siya ngayon para paulit-ulit na sabihin sa akin na magiging ayos din iyong lahat…

Na nagsabi lang naman ako ng totoo.

Na magtiwala ako sa sistema na gusto kong salihan.

Kahit hindi ako lubos na naniniwala don, masaya pa rin na marinig mula sa kanya.

“Di ka pa pwede mawala… Kahit kailangan ko ng guardian angel ngayon, ’di pwede na ikaw ’yon, okay?” sabi ko sa kanya.

“Okay…” sabi ng paos na boses na narinig ko.

Agad na napa-kunot ang noo ko. Minu-multo na ba ako ng dating naka-stay sa kwarto na ’to? Hindi pa ba sapat lahat ng problema ko, kailangan pang dagdagan ng mga multo?!

But then I felt Achilles’ hand move.

Nanlaki ang mga mata ko at napa-bangon iyong ulo ko at napa-tingin ako sa kanya.

“Gising ka na ba talaga?!” malakas na tanong ko sa kanya. Napa-tingin ako sa paligid ko na para bang naghahanap ako ng magcoconfirm sa nakikita ko na gising na ba talaga siya.

Tumango siya sa akin. Sinubukan niyang magsalita, pero sobrang hina ng boses niya.

Tumingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko. Gusto ko siyang hawakan, pero natatakot ako na baka masaktan ko siya.

“Wag kang pipikit o matutulog ulit, okay? Tatawagin ko lang ’yung nurse,” sabi ko habang hindi inaalis sa mukha niya iyong mga mata ko dahil sa takot na baka hallucination ko lang lahat dahil sa sobrang sama ng loob ko at stress sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Halos paatras akong naglakad dahil ayoko talagang alisin iyong tingin ko sa kanya. Tinawag ko iyong nurse para sabihin na gising na iyong pasyente nila. Dumating siya pati iyong doctor. Nandon lang ako sa isang gilid at hindi umalis kahit sinabi nila na lumabas muna ako. Ayoko. Dito lang ako.

Hindi ko namakayan kung ilang oras iyong lumipas dahil may mga tests pa sila na gustong gawin kay Achilles. Naka-sunod lang ako sa kanila at naka-tingin habang pinipilit pa rin na basahin iyong codal ko. Kailangan ko pa ring pumasok mamaya. Gustuhin ko man na dito lang ako, alam ko na sasabihin sa akin mamaya ni Achilles na pumasok ako sa klase ko.

“Gusto mong makita iyong itsura mo?” tanong ko sa kanya nung finally, kaming dalawa na lang sa kwarto niya.

Bahagya siyang tumango. Kinuha ko iyong cellphone ko at saka kinuhanan siya ng picture. Pinakita ko sa kanya ’yon.

“Ang bad boy ng dating mo ngayon,” sabi ko sa kanya. Naka-tingin lang siya sa akin na parang sa dami ng pwede kong sabihin ay iyon ang nauna kong sinabi.

Ewan ko.

Ayoko muna pag-usapan iyong nangyari sa kanya.

Ang bigat kasi tuwing naiisip ko na… paano kung nawala nga talaga siya? Ano kaya ang ginagawa ko ngayon? Siguro ako din iyong nagplano nung lamay niya… Tapos malulungkot ako kasi walang masyadong pupunta… Tapos siguro tuwing birthday niya o undas, ako lang din ang bibisita sa kanay.

Ang lungkot-lungkot.

Kaya hindi rin ako pwedeng mawala kasi hindi ko siya pwedeng iwan.

“Wala ka bang pasok?” tanong niya sa mahinang boses.

Natawa ako na naiiyak na ’di ko maintindihan. Kung babae lang ako, iisipin ko na baka malapit na akong magkaron dahil pota bakit ang emotional ko bigla?!

“Meron,” sabi ko sa kanya. “Pero mamaya pa naman ’yon. May bintana naman dito. ’Di mo ba nakita na maliwanag pa?”

Tangina talaga kahit life and death situation na, ’di ko pa rin kayang magseryoso. Kahit si Mauve talaga kikilabutan sa akin kapag naging seryoso ako, e.

Tinignan ako ni Achilles nang masama. Kahit ’di siya masyadong nakaka-galaw, kitang-kita sa mga mata niya na napapa-kwestyon siya kung bakit sa lahat ng tao, sa akin pa siya nagka-gusto.

“Were you worried?” he asked.

Umiling ako. “Hindi, ah.”

“Really?” he asked like he didn’t buy for a second what I just said.

I shrugged. “Saktong alala lang.” Mahinang humalakhak siya pero sandali lang. Bigla akong naalarma. “May masakit ba? Saan? Gusto mong tawagin ko—” sabi ko pero umiling siya. “Sigurado ka? Kasi baka mapaano ka. Baka kung ano iyong mangyari—”

Hanggang sa napa-hinto ako dahil umiiyak na pala ako. At nalaman ko lang na umiiiyak ako nang maramdaman ko iyong luha ko na bumagsak sa kamay ko.

“Shit. Sorry,” sabi ko tapos ay mabilis na pinunasan iyong luha ko. “Pero, okay ka nga lang? Kasi tatawagin ko talaga iyong doctor—”

Inabot ni Achilles iyong kamay ko.

“I’m sorry,” mahina niyang sabi. “For making you worry.”

Mabilis akong umiling. “Basta buhay ka, okay na ko ’don. ’Wag mo ng uulitin ’yon. Hindi bagay sa akin iyong laging emo. Nakikita mo ba iyong eyebags ko? Mukha na akong eyebags na tinubuan ng tao.”

Panay lang ang reklamo ko kay Achilles at mahina lang siyang tumatawa sa akin. I just kept on ranting to him about the most random of things… kasi hindi ko kaya iyong seryoso.

“I’m sorry,” bigla kong sabi nang naubusan na ako ng sasabihin. Tumingin lang siya sa akin. “Ako iyong tinatawagan mo nung—”

Tanginang luha ’to.

’Di naman ako dramatic actor kaya bakit on cue iyong luha ko?

Achilles reached for my hand and squeezed it weakly as if telling me that it’s fine… but it wasn’t. Mamamatay talaga ako sa lungkot kapag nawala siya. Para siguro akong love bird na hindi magsusurvive kapag wala siya.

“You wanna hear something funny?” he asked with his weak voice.

“Galing sa ’yo?” I asked, feigning shock kasi sa aming dalawa, ako kaya iyong funny.

He rolled his eyes. Well, at the very least, he didn’t lose that skill.

“Fine… Joke ba ’yan o knock-knock?” sabi ko sa kanya.

“With all the siopao and cup noodles that you eat, I really thought na sa ating dalawa, ikaw ang ma-o-ospital,” seryosong sabi niya na dahilan kung bakit napaawang ang labi ko.

I looked at him and shook my head with disappointment. “You were praying for my downfall? Mabilis talaga ang karma,” I jokingly said.

He laughed and then paused again dahil may sumakit na naman ata sa kanya. This time, hindi na ako nagpa-pigil at tinawag ko na talaga iyong nurse. Ang hirap naman pala na nandito ako dahil tatawa lang siya nang tatawa. Ako pa ata papatay sa lalaking ’to.

Iniwan ko muna si Achilles dahil may mga pumunta rin para kausapin siya. He assured me naman na ayos lang siya. Kailangan ko rin namang umalis dahil may pasok din ako.

Diretso akong pumasok sa school. Kinakabahan din ako kahit ayoko… kasi hindi talaga ako pwedeng mamatay dahil kay Achilles. Mapapariwara iyong taong ’yon. Saka kawawa naman si Mauve.

Patingin-tingin lang ako sa paligid ko. Kulang na lang talaga e i-livestream ko iyong buong journey ko mula hospital papuntang school para lang may proof kung anuman mangyari sa akin.

Pagdating ko sa school, ramdam ko na sikat na talaga ako dahil naka-tingin sa akin kahit mga ’di ko naman kilala. ’Di ko na lang sila pinansin. Bahala sila d’yan.

As expected, natawag na naman ako sa recit. Swerte ata si Achilles dahil iyong natanong sa akin na concept ay iyong binabasa ko nung chine-check-up siya na ilang beses ko inulit dahil ’di ko maintindihan.

My friends asked me kung okay lang ako. Nagpasalamat ako kina Niko at Assia. Kahit simpleng tanong lang na ganon, sobrang saya ko na…

Tapos bumalik na ako sa ospital. Anong oras na din kasi kaya akala ko ay tulog na siya. Pero pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko na may hawak siyang iPad. Tapos ay tumingin siya sa akin na naka-kunot ang noo.

“Mauro, have you lost your fucking mind?” he asked while looking at me like indeed, I had lost my fucking mind. 

**

This story is already at Chapter 44 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 41

Chapter 41

Kahit na nabigla ako sa sinabi niya sa akin, mabilis akong lumapit sa kanya at saka kinuha iyong iPad na hawak niya. Sinubukan niyang ’wag ibigay sa akin, pero mahina pa rin siya kaya mabilis kong naagaw sa kanya ’yon. Inilagay ko iyon sa likuran ko na para bang bata si Achilles na malilimutan niya rin iyong binasa niya dahil tinago ko mula sa paningin niya iyong iPad.

“Wag mong isipin—”

“How can I? You namedropped a lot of people, Mauro!” he said in restrained anger.

“It’s done, okay? Nagawa ko na.”

I tried to act as casually as I could. Natatakot ako, syempre. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bigla na lang may masamang mangyayari sa akin. Nasa Pilipinas ako. Nabibili iyong batas dito. Alam ko ’yon dahil doon ako lumaki. Iyon iyong nakikita ko kay Papa. Kaya kahit ilang beses sa aking sabihin ni Achilles na magtiwala ako, hindi ko magawa. Kasi iba iyong kinalakihan ko sa gusto kong paniwalaan.

Kaya pa ba ng therapy ’to?

It’s a whole fucking childhood to unlearn.

“Why would you do that?” he asked while looking at me like he was waiting for me to provide him with a logical answer.

Naka-tingin ako sa kanya.

Hindi makasagot.

He looked at me. Naghihintay pa rin na may sabihin ako sa kanya na dahilan kung bakit nabaliw ako at inilagay sa Internet lahat ng bagay na ’yon. Kasi alam naman naming pareho na kapag sa Internet, kapag nilagay mo na, nand’yan na ’yan.

Pero sa akin? Internet is an even playing field.

Hindi nila ako pwedeng takutin.

Hindi nila pwedeng basta-basta ibasura iyong reklamo ko.

I could start a fire and it would actually burn—hindi iyong tipo na kaya nilang basta na lang tapunan ng tubig para mamatay.

“Can we not?” sabi ko sa kanya. “Kaka-dating ko lang. Natawag ako sa recit—”

Mabilis siyang umiling. “No,” he replied. “We will talk about this. Kasi bakit mo ba ’yon ginawa—”

“Akala ko mamamatay ka, okay?! Hindi ba ako pwedeng magalit o matakot?!”

Nakita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya. Simula nung magising siya, pinilit ko na maging kalmado sa harap niya. Kasi ang importante lang naman sa akin ay buhay siya. Ang gusto ko lang naman ay magising siya. Ayoko lang na mag-isip pa siya ng kung anuman pa.

Pero pagod na rin ako.

Nakakapagod mag-alala.

Parang simula nung nakilala ko siya, wala na akong ginawa kung hindi ang mag-alala. It’s like I couldn’t even fucking breathe for a second. I always looked over my shoulder kung nandyan ba si Papa, kung nakikita niya ba kami?

It was like I was always on the edge of the ledge…

And I finally fell over.

“I’m sorry—”

Mabilis akong umiling. “Hindi mo kasalanan,” mabilis na sabi ko sa kanya. Sinubukan kong huminga nang maayos. Ayokong umiyak sa harapan niya. Nitong mga nakaraang araw, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Pagod na akong umiyak kahit wala naman akong kasalanan.

Kasi kahit pagbaliktarin ko man lahat, wala akong maisip na kasalanan ko… kasi kasalanan ba na mahal ko si Achilles? Sapat ba ’yon para gawin ’to lahat ni Papa sa amin?

“Kasalanan ni Papa,” sabi ko sa kanya. “Alam ko na siya iyong dahilan kaya nabigay sa ’yo lahat nung kaso na ’yon. Kasi kahit ilang beses mong sabihin sa akin na trabaho lang ’yon, alam ko na hindi mo ’yon kinukuha. Napunta lang sa ’yo ’yon dahil kay Papa. Kaya siya iyong may kasalanan kaya nangyari sa ’yo ’yan. Kaya ’wag mong sabihin sa akin na kung hindi ikaw, may iba. Kasi…” Huminga ako nang malalim. “Tangina, wala akong pakielam kung masama man akong pakinggang dahil dito pero mas gugustuhin ko na may ibang mabaril kaysa sa ’yo. Sila na lang; ’wag ikaw.”

Agad na nagbaling ako ng tingin.

Pinunasan ko iyong luha na babagsak na.

“Kaya sorry, pero nandito na. Nagawa ko na. Natatakot ako, oo, pero okay lang. Para lang matapos na din. Kasi ang tagal ko na rin ’tong dinadala. Na tuwing may hawak na kaso si Papa, hindi mawala sa isip ko kung tuwing may napapanood ba ako sa TV na namatay… o kung anumang masamang nangyari, kung may kasalanan ba siya don? Na hindi naman ako iyong may gawa, pero bakit ako iyong may dala?”

Napa-tingin ako sa kanya nang hawakan niya iyong kamay ko. Hindi agad siya nagsalita, pero hinawakan niya nang mahigpit iyon.

“I’m sorry you had to live that way.”

Tipid akong ngumiti sa kanya. “Sorry din sa ’yo,” sabi ko sa kanya. “Naka-usap ko iyong kapatid mo,” dugtong ko. Nakita ko iyong panic sa mukha niya. Kung siguro dati iyon, magtataka ako… Na bakit ganon iyong reaksyon niya e kausap ko lang naman iyong kapatid niya? Pero ngayon? Naiintindihan ko na.

Mas naiintindihan ko na si Achilles ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano na kinailangan pa naming dumating dito para lang mapag-usapan namin iyong mga importanteng bagay.

“May nagawa ulit ako,” sabi ko sa kanya. “Baka magalit ka.”

Kumunot iyong noo niya. “Mas malala kaysa sa post mo sa Facebook?”

Nagkibit-balikat ako tapos ay naupo sa may space sa may gilid ng kama niya. Sinubukan ni Achilles na umusod para makaupo ako sa tabi niya, pero umiling ako. Baka masaktan ko pa siya kapag nasagi ko siya.

“Alam mo ba kung gaano ka-unfair iyong batas?”

“I’m familiar,” sagot niya.

Mabuti na lang at hindi ako naka-harap sa kanya nang tuluyan kasi baka maiyak na naman ako sa inis sa kung gaano ka-unfair iyong sistema.

“Iyong akala ko mawawala ka na… Tapos… hindi daw ako pwedeng magbigay ng consent… Kinailangan ko pang hanapin iyong sa kapatid mo…”

Tahimik lang si Achilles. Ayaw niya siguro talagang pag-usapan iyong sa kapatid niya.

“Talaga bang galit siya sa ’yo dahil don sa nangyari dati? Na gusto niyang magsettle habang gusto mong ituloy iyong kaso?” tanong ko sa kanya.

Tumango si Achilles. “I understand her,” sagot niya. “We were just kids then… Na biglang nawalan ng magulang. She wanted to escape our reality—I wanted to stay. Because our parents couldn’t have just died for nothing… I had to believe in justice. Kasi kung hindi… ano? Iyon na lang ’yon? Kakalimutan na lang namin kapalit iyong pera?

“But she made the decision for us. Tinanggap niya iyong settlement. And that haunted me. Na nabayaran kami. Na may katumbas na halaga iyong buhay ng magulang namin,” tahimik na sabi niya. “That’s why I want to believe in justice, Achilles. I need to believe that the process works. Ayokong mabuhay na naniniwala na nabibili lang lahat. It’s a naive thought, but that’s what keeps me going. Na hindi lahat, may presyo.”

Tumingin ako sa kanya. “I’m sorry,” sagot ko. “Alam ko may tamang proseso… pero tama rin naman ako sa ginawa ko. Kasi kilala ko si Papa. Mas kilala ko siya sa ’yo, Achilles. Kahit anong reklamo pa ang gawin natin, walang makikinig. May kaibigan siya sa lahat ng posisyon sa gobyerno. Internet lang ang kakampi ko.”

Hinigpitan niya iyong hawak sa kamay ko.

“Natatakot din ako. Hindi ko alam kung bigla na lang ba akong mawawala o biglang bubulagta sa kalsada. Pero siguro gaya mo, kailangan kong maniwala na tama iyong ginawa ko. Kasi kung hindi, ano? Talagang nananalo na lang iyong mga corrupt? Hindi ko kayang mabuhay sa ganong realidad.”

Nakita ko na tumango siya.

“Okay,” sagot niya.

“Okay?”

“This is going to be a long battle,” he told me.

“Makaka-apekto ba ’yan sched ng class ko?” tanong ko sa kanya. Natawa ako sa joke ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

“Pinatawag ka na ba? Magkaka-admin investigation iyong sa Papa mo.”

“Hindi pa,” sabi ko. “Pero maraming nagrerequest ng interview sa akin.”

Bahagya siyang tumango. “You’ll be summoned,” sabi niya. “Possibly for a blue ribbon hearing din. This is a big issue, Mauro. Marami kang pangalan na nilagay. Possible na mabuksan lahat nung kaso na hawak ng Papa mo.”

Napaawang iyong labi ko.

“You accused your father of impropriety and corruption,” sabi ni Achilles. “Gagamitin ’yon bilang ground para ma-reopen iyong mga kaso na involved siya dati.”

Bumilis iyong tibok ng puso ko.

“Lahat?”

“Possibly,” sabi ni Achilles. “People will grab every chance to get out of jail,” dugtong niya. Tumingin sa akin si Achilles. Ang seryoso ng mukha niya. “I know I shouldn’t say this pero… kausapin mo iyong Papa mo, Mauro.”

Napakunot iyong noo ko. “Bakit?”

“I’ve been here for a long time, Mauro. I know how this works. Maraming tao ang gugustuhin na patahimikin iyong Papa mo,” sabi niya na naging dahilan ng paglabo ng mga mata ko at pagsikip ng dibdib ko. “Talk to him. I’m sure he’s just as scared.”

Tumingin ako sa mga mata ni Achilles.

“After everything he did… paano mo nagagawang mag-alala sa kanya?”

“Dahil sa trabaho ko. Ewan ko. I defend possible criminals for a living. And the only way I could defend them is if I can see where they’re coming from,” he said.

“May mga tao na wala lang talagang kaluluwa.”

“Haven’t met any.”

“Talaga?”

Tumango si Achilles. “Even the worst criminals I defended, there’s always a reason why they did what they did. It might not make sense to me, pero may dahilan pa rin sa ginawa nila.”

“Iba si Papa.”

“He’s just doing what he thinks is best for you.”

“Ikaw iyong best para sa akin.”

Nakita ko na namula iyong dulo ng tenga niya. Natawa ako. Ginulo niya iyong buhok ko na pilit ko namang inayos.

“Just talk to him,” sabi niya na para bang alam niya na kung ano ang mangyayari. “And then talk to me. Nandito lang ako.”

Dahan-dahan ko siyang niyakap. Kailangan ko lang talaga. Nagsisimula ko ng maramdaman iyong epekto ng pagsasabi ko ng katotohanan.

Sabi nga nila, truth is powerful.

Pero bakit parang truth is frightening?

“I’m sorry kasi kaka-gising mo lang, problema na naman dala ko sa ’yo.”

“Sanay na ako.”

I tried to break the hug para samaan siya ng tingin, pero hinatak niya lang ako ulit para manatili sa yakap.

“You’ll be fine,” bulong niya na para bang alam niya lahat ng pangamba ko. “Everything will be fine. It will all be over before you even know it.”

Hinagod niya iyong likod ko na parang hine-hele ako.

Hanggang sa naka-tulog na ako… at nang magising ako, parang isang malaking bangungot na lang ang nangyari sa buhay ko. 

**

This story is already at Chapter 45 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 42

Chapter 42

Pakiramdam ko ay gumagaling na akong magdissociate. Sinabihan ako nung mga nag-iimbestiga sa kaso ni Papa na ’wag na muna akong pumasok sa school dahil delikado daw. Hindi pumayag si Achilles. Hindi ko alam kung maaamaze ba ako na sa dami ng nangyayari sa buhay ko, concerned pa rin siya sa edukasyon ko. Nagdemand siya na bigyan ako ng security papunta at pabalik sa school. Kaya naman kahit weird, may mga kasama ako sa school. Sa labas lang naman sila kasi bawal sila sa loob ng school. Sanay naman na iyong mga kaklase ko rito sa Brent. I mean, of course hindi kagaya nung akin na bigay ng gobyerno. Marami akong mayaman na classmate dito. May mga security details iyong mga ’yon.

“Thank you for making time,” sabi sa akin ni Tito Francis nang maka-rating ako para sa admin investigation ni Papa. Sabi sa akin ni Achilles, good as dismissed na si Papa dahil sa laki ng eskando na ginawa niya—o ginawa ko. More for formality na lang daw ’to… saka sa mga kaso na isasampa sa kanya.

Gusto kong ma-guilty.

Gusto ko talaga.

Kaso… inisip ba talaga ni Papa na walang karma na dadating sa kanya?

Pero hindi niya rin siguro naisip na mismong anak niya iyong magiging karma niya.

Nagsimula na sila ng tanong sa akin. Nasagot ko naman lahat. Binigyan ako ni Achilles ng ‘talking points,’ pero hindi ko ginamit iyong mga ’yon. Hindi naman niya malalaman dahil ako lang mag-isa dito. Bawal si Achilles sumama sa akin sa loob kaya nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin.

Siya na rin naman iyong nagsabi na magtiwala ako sa proseso…

Kaya heto—magtitiwala ako.

Sasabihin ko lahat ng alam ko.

“Iyon na po ba lahat?” tanong ko nang isang minuto na ang lumipas at wala na siyang follow-up question.

Marami akong alam sa mga kaso ni Papa… pero ang tinanong niya lang ay siguro iyong mga highlights—iyong mga malalaking kaso na talagang naging headline noon. Iyong mga kaso na malalaking tao ang involved.

Tumingin siya sa akin. Kumunot ang noo ko nung bigla siyang tumayo. Pinatay niya iyong camera na nagrerecord nung buong usapan namin. Suddenly, I was well-aware that we’re in an enclosed space. Na naka-sarado iyong pinto at mga bintana.

Nag-iba bigla iyong pakiramdam ko.

“I will be very honest with you, Mauro,” sabi sa akin ni Tito Francis.

Nanatili lang akong naka-tingin sa kanya. Biglang bumigat iyong paghinga ko kahit wala pa siyang sinasabi sa akin. Kilala ko si Tito Francis. Napa-nood niya akong lumaki. Minsan ay nakaka-sama ko pa siyang kumain sa bahay namin. Naka-punta na ako sa bahay niya. Ni-reto pa nga sa akin iyong anak niya na si Angeline.

Pero… parang iba na bigla ngayon.

“You can’t say those things in the committee hearing.”

Kumunot ang noo ko. “Po?”

“Iyong mga narinig mo sa usapan ng Papa mo? Hindi mo pwedeng sabihin sa hearing.”

“Nasabi ko na po sa post ko ’yon.”

Pinagsalop niya iyong mga kamay niya. “I know,” sagot niya. “And you already got what you wanted. Natanggal na sa trabaho iyong Papa mo.”

Napaawang iyong labi ko. “Sa tingin niyo po ba, iyon ang gusto ko kaya ginawa ko ’yon?”

Diretsong naka-tingin lang sa akin si Tito Francis. “Dahil ’to sa boyfriend mo, hindi ba?”

My jaw clenched. Sure, siguro nga ay nagsimula ’to dahil kay Achilles, pero dahil din ’to kay Papa. Buong buhay ko dala-dala lahat ng ginawa niya kahit wala naman akong kasalanan don. Kahit pa sabihin ni Achilles na ginawa lang ni Papa iyon dahil ano? Gusto niya ng mas malaking bahay para sa pamilya namin? Mas magandang buhay?

But to what extent?

“Maniwala ka sa akin, Mauro—”

“Bakit po ako maniniwala sa ’yo? Pareho lang kayo ni Papa. Kaya ba ayaw niyo akong magsalita dahil natatakot kayo na madamay kayo? Kasi kung wala ng trabaho si Papa, sino na ang susunod? Ikaw na po ba? Kasi dikit kayo ni Papa, e. Malamang naambunan din kayo sa kung anuman ang binigay sa kanya.”

Alam ko na hindi ito iyong gusto ni Achilles na mangyari. Kaya nga niya ako binigyan ng ‘talking points’ niya ay para maging maayos iyong lahat… pero paano? Kung kahit dito sa akala ko may tamang proseso na ay kino-kontrol pa rin ako ni Papa?

“Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo kung sasabihin mo lahat ’to sa committee, Mauro.”

“Alam ko po,” sagot ko. “Alam ko bata lang ako sa paningin niyo, pero nag-aaral din po ako ng batas, Tito. Saka ’di ko naman kailangang mag-aral ng batas para malaman na mali ’yang ginagawa niyo.”

Nakita ko iyong paglalim ng hininga niya.

Gusto niya na siguro akong suntukin sa mga pinagsasasabi ko.

“Hindi ako nagguilty na nawalan ng trabaho si Papa,” sabi ko sa kanya. “Kasalanan niya ’yon dahil ginamit niya iyong posisyon niya para sa sarili niyang agenda.”

Tumayo na ako.

“Don’t do anything you’ll regret, Mauro.”

Tumango ako. “Salamat sa advice, Tito,” sabi ko sa kanya bago ako nagmadaling lumabas sa kwarto. Agad na nakita ko si Achilles na naka-tingin sa akin. Kanina pa siya nag-aabang. Agad na tinago ko iyong mga kamay ko sa likuran ko para hindi niya makita kung paano nanginginig iyong mga ’yon.

“How was it?” tanong ni Achilles.

Tipid na ngumiti ako. “Okay naman,” sagot ko sa kanya. “Kain muna tayo?” pag-iiba ko ng topic.


Alam ko na gustong magtanong sa akin in Achilles, pero natutunan ko na ata iyong diversion technique niya. Hindi ko masabi sa kanya iyong ginawa ko roon dahil alam ko na mag-aalala lang siya sa akin. Saka… hindi ko pa rin alam kung ano ang end goal ko.

Gusto ko bang makulong si Papa?

Gusto ko bang maiganti si Achilles?

Ano ba talaga ang gusto ko?

“Are you ready for tomorrow?” tanong ni Achilles sa akin.

Tipid na tumango lang ako. Naka-upo kami sa may couch at nanonood ng Netflix… o at least nagpapanggap man lang na nanonood dahil ramdam ko na naka-tingin lang siya sa akin habang ako naman ay palutang-lutang lang ang iniisip.

Sabi sa akin, may media daw bukas. Syempre. Malaking gulo ’tong ginagawa ko, e. Alam ko rin na iba iyong sa post ko online. Nagawa kong isulat lahat ng nasa isip ko. Bukas, may mga magtatanong ng follow-up question sa akin.

“Kung ayaw mong sagutin iyong tanong nila, sabihin mo na lang na hindi mo naaalala,” sabi niya.

“Paano kung naaalala ko?” tanong ko sa kanya.

Hindi agad siya naka-sagot. “Just… tread carefully.”

“Alam ko.”

“You already said a lot in your post online, Mau. You don’t have to add details tomorrow. Hayaan mo iyong gobyerno na gawin iyong trabaho nila.”

“Parang recitation lang ba iyong bukas?” pag-iiba ng tanong ko sa kanya.

“No,” simpleng sagot niya. “Walang tama o maling sagot bukas… pero kung anuman ang sabihin mo, makakaapekto ’yan sa buhay mo.”

Huminga ako nang malalim. “I know,” I replied. “Nandon ka ba bukas?”

Tumango siya. “Of course.”

Tumango ako. “Okay,” sabi ko. “Basta kung anuman mangyari bukas, ’wag kang sasali, okay? Ayokong madamay iyong trabaho mo.”

Kasi… kasi kahit hindi ko pa alam kung ano talaga ang lalabas sa bibig ko bukas, ayoko lang na madamay iyong trabaho ni Achilles. Kasi kahit pagbaliktarin ko iyong mundo, government official pa rin naman siya. Hindi siya pwedeng sumali sa mga gagawin ko. Labas siya dapat don. Ayoko na madamay siya.

“Bakit? Ano ba ang gagawin mo?”

“Wala naman,” sabi ko sa kanya. “Pero alam mo naman minsan, nakaka-tanga iyong tanong ng mga senador. Baka biglang mamilosopo ako.”

I saw him give me a disapproving look. “Best behavior, Mau. Formal proceeding iyong bukas. They can hold you in contempt.”

“Weh?”

Seryoso pa rin iyong tanong niya sa akin. “Sumagot ka lang nang maayos bukas. Kung ayaw mong sagutin, sabihin mo na hindi mo naaalala. Fake an amnesia. Bahala ka. Basta, ’wag kang sumagot.”

Natawa ako. Kumunot ang noo niya.

“Seryoso ako,” sabi niya.

“Oo na.”

“Avoid mentioning more names.”

“Okay.”

“Avoid adding more details maliban don sa mga na-post mo na online.”

“Mabo-bore mga manonood nito sa livestream.”

“Wala akong pakielam kung ma-bore sila.” Ang seryoso ng tono niya. “Answer when asked; shut up when not.”

Panay lang ang sabi ni Achilles sa akin ng mga paalala niya hanggang sa naka-tulog na ako. Nagising na lang ako nung madaling-araw at nasa couch pa rin kaming dalawa at buhay pa rin iyong TV. Dahan-dahan akong tumayo. Pinatay ko iyong TV tapos ay kinuha ko iyong sarili ko ng tubig.

Kumunot ang noo ko nang may makita ako na text sa phone ko.

’Sino ‘to?’

‘Tito Francis mo,’ sabi sa text. ‘Gusto kang kausapin ng Papa mo.’

Hindi agad ako naka-sagot. For some reason, wala akong tiwala kay Tito Francis. Pakiramdam ko e kung sasama man ako sa kanya, bigla niya na lang akong papatayin at itatapon sa ilog.

Ewan ko kung paranoid na ako o nasobrahan na ako sa True Crime na pinapanood ko.

‘Gusto ka niyang makausap bago ka pumunta sa committee.’

‘Para ano? Pigilan ako?’

‘Papunta na ako dyan.’

Kumunot ang noo ko. What? Ni hindi pa ako nakaka-isip ng sasabihin ko sa kanya nang bigla siyang magtext na nasa labas na raw siya. Naka-tingin ako kay Achilles na tahimik pa rin na natutulog. Alam ko na kapag sumama ako ay papagalitan niya ako… Kaya lang ay siya na rin ang nagsabi na kausapin ko si Papa.

Agad na nakita ko iyong sasakyan ni Tito Francis. Toyota iyon kumpara sa Mercedes na dina-drive niya dati. Para ano? ’Di magtanong ang mga tao kung paano na-afford ng simpleng kawani ng gobyerno iyong ganong sasakyan?

“Maraming CCTV dito. Kapag nawalaa ko, ikaw ang unang hahanapan sa akin,” sabi ko sa kanya nung maka-sakay ako sa sasakyan.

Naka-hawak sa manibela si Tito. “Sa tingin mo, papatayin kita?”

Nagkibit-balikat ako. Kung nagawa nga ni Papa na ipalagay si Achilles sa mga delikadong kaso at halos mamatay na siya dahil doon, pakiramdam ko ay anuman ay possible para sa kanila.

Anak ako ni Papa? Sus, mas importante pa rin sa kanya ang pangalan at career niya.

Tahimik lang ako habang nagda-drive si Tito. Nakarating kami sa ewan ko… safe house ata ’to. Baka. Kasi si Papa ata star witness sa kung anuman ang gustong gawin sa kanya.

May kinausap si Tito na parang bantay dito. Naka-sunod lang ako hanggang sa huminto kami sa harap ng isang pinto.

“Nasa loob ang Papa mo,” sabi niya sa akin.

Naka-tingin lang ako sa pinto. Ang tagal na rin nung nakita ko si Papa—ngayon ko lang napagtanto. Sa dami ng nangyari sa kanya, ngayon lang siya nagsabi sa akin na kakausapin niya ako.

Huminga ako nang malalim bago ako pumasok sa loob.

Hindi ko alam kung ano ang tamang reaksyon. Pinilit ko na wala akong maging reaksyon nung nakita ko kung gaano kapayat si Papa… na para bang ginutom siya rito.

Gusto kong isipin na karma niya ’to kasi sigurado ako na ganito rin iyong naranasan nung ibang mga tao na pinahamak niya… pero shit.

Tatay ko pa rin pala siya.

Kahit anong mangyari, tama si Achilles, tatay ko pa rin siya.

Tanginang feelings ’to.

Bakit ba ang active ng konsensya ko?

“Hindi ba masarap ang pagkain dito?” sabi ko para lang mabasag iyong katahimikan dahil pakiramdam ko ay malulunod ako sa guilt kahit… kasalanan naman talaga niya kung bakit nandito siya. Naiinis ako na ako iyong nagguilty.

“Gusto ko lang malaman kung ano ang sasabihin mo bukas,” sabi niya sa akin.

“Para saan?”

“Para alam ko kung ano ang susunod kong gagawin.”

Hindi ko alam kung bakit parang nahulog iyong puso ko mula sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.

“Hindi ako nandito para baguhin kung anuman ang gagawin mo,” muling sabi niya. “Kilala kita. Ako ang nagpa-laki sa ’yo. Anak kita. Alam ko na kung may gusto kang gawin, hindi kita mapipigilan,” dugtong niya. “Kaya gusto kong malaman kung ano ang sasabihin mo bukas.”

Hindi agad ako naka-sagot. Panay ang paghugot ko ng malalim na hininga.

“Bakit kailangang umabot tayo sa ganito, Pa?” tanong ko sa kanya habang ramdam na ramdam ko iyong pagsikip ng dibdib ko. “Okay naman tayo dati.”

“Hindi ako hihingi ng tawad dahil ginusto kong bigyan kayo ng magandang buhay ng kapatid mo,” sabi niya.

Kahit pumayat si Papa, kahit ata maging buto at balat na siya sa harapan ko, hinding-hindi mababawasan iyong pride niya. Iba man iyong pisikal na itsura niya, ganon pa rin iyong pakiramdam niya sa akin.

“Iyong ginawa mo kay Achilles… para sa akin din ba iyon?”

“Hindi kita pinapunta dito para pag-usapan siya,” sabi niya. Gusto kong matawa dahil ni hindi niya man lang masabi iyong pangalan ni Achilles.

“Achilles,” sabi ko sa kanya. “Iyon ang pangalan niya.”

Naka-tingin lang sa akin si Papa. Napa-tingin ako sa may lamesa sa kwarto niya. May mga papel doon na naka-ipit sa bibliya. Naniniwala kaya talaga siya na ang gusto ni Lord ay iyong pahirapan niya ako na sarili niyang anak dahil lang nagka-gusto ako sa kapwa ko lalaki?

“Sa mga ginawa mo, Papa, ang dami kong na-realize… Nung nasa hospital si Achilles, akala ko mawawala na siya. Tapos wala akong magawa kasi hindi niya naman ako pamilya. Gaya mo, na-frustrate din ako sa sistema… pero ang pinagkaiba lang siguro natin, ni minsan, hindi ko inisip na manghila ng ibang tao para kumampi sa akin iyong sistema.”

Nanatiling tahimik si Papa.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.

“Kasi laging sinasabi ni Mama sa amin dati na parehas daw tayo na ma-reklamo… Kasi nga ’di ba sumasama ka pa sa rally dati? Kaya hanggang ngayon, hindi ko talaga maintindihan kung paano ka umabot sa ganito. Para bigyan kami ni Mauve ng magandang buhay? I doubt it. Kasi kahit hindi tayo mayaman dati, hindi naman tayo iyong tipong lugmok. Sana hindi ako kainin ng sistema gaya mo.”

Ayokong kumampi sa akin iyong sistema.

Mas gusto ko siyang baguhin.

Kasi nakaka-gago na talaga.

“Sana nga,” sabi ni Papa na dahilan kaya napaawang iyong labi ko. Parang reflex ko na gusto ko agad siyang tulungan nung tumayo siya at muntik ng mabuwal. Pero agad niya akong sinenyasan na ’wag ko siyang lapitan. Kaya naman pina-nood ko siya habang naglalakad siya papunta sa pinto. Kumatok siya roon. Bumukas iyong pinto at nakita kong muli si Tito Francis. Hindi sila nagsalitang dalawa. Nagtinginan lang sila, pero parang buong pag-uusap iyong naganap sa pagitan nila.

Muling tumingin sa akin si Papa.

“Mag-iingat kayo ni Mauve,” sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ang sikip-sikip ng dibdib ko. “See you mamaya,” imbes ay sabi ko at tipid na tumango lang sa akin si Papa. 

**

This story is already at Chapter 46 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 43

Chapter 43

Hanggang sa maka-balik ako sa condo ay hindi ako mapakali. Pilit kong sinasabi sa sarili na wala lang naman iyong sinabi ni Papa. Na makikita ko pa rin siya mamaya at maririnig iyong mga kasinungalingan niya habang pilit niyang sinasalba iyong sarili niya.

Kasi iyon siya, ’di ba?

Makasarili.

Laging sarili ang iniisip.

Kaya… kaya impossible talaga iyong iniisip ko.

Impossible na gawin niya ’yon.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Achilles na naka-upo roon at naghihintay sa akin.

“Ang aga mo namang nagising,” sabi ko sa kanya.

“San ka galing?” tanong niya sa akin. Nag-iwan ako ng message sa kanya na may pupuntahan ako, pero hindi ko na sinabi kung kanino. Hindi ko naman inisip na magagalit siya sa akin dahil siya na mismo ang nagsabi na kausapin ko si Papa. Saka… ewan ko. Kahit kinakabahan ako kanina habang kasama ko si Tito Francis, deep down, hindi ko naman iniisip na capable siya na gawan ako ng masama.

Pero… ano ba ang alam ko?

Parang capable naman lahat ng tao sa paligid ko—kailangan mo lang hanapin kung ano iyong bagay na tuluyang makakapagpa-talon sa kanila mula sa dulo ng bangin na kinatatayuan nila.

Parang ako.

Inisiip ko lang na ganito ako… pero kapag may ginawa sila kay Achilles? Hindi ko rin talaga alam kung hanggang saan ko sila kayang hatakin kasama ko.

“Kay Papa,” sagot ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. “May tanong ako,” sabi ko sa kanya.

Naka-tingin lang siya sa akin at naghihintay ng susunod na lalabas sa bibig ko. Ilang beses akong sumubok na magsalita, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin iyong nasa isip ko. Hindi ko alam kung ano iyong tamang mga salita na gagamitin ko.

Pero parang mas lamang iyong takot.

Kasi… paano kung kaya niya nga?

Mabilis akong umiling. Kinuha ko iyong cellphone ko at saka mabilis na tinawagan si Mauve. Napa-kunot iyong noo ko nang isang ring pa lang ay agad na sumagot na siya.

“Bakit—”

“May alam ka ba na mangyayari?” agad na tanog niya sa akin.

Mas lalong lumalim iyong pagkunot ng noo ko. “Tungkol saan?” naguguluhan na tanong ko.

“Kay Papa. Ewan. Hindi ko alam. Kakauwi ko lang pero naabutan ko si Mama dito na nagdadasal. Kanina ko pa siya sinusubukan na kausapin, pero naka-luhod lang siya sa harap nung altar at may hawak na rosary,” sunud-sunod na sabi niya. “Kinakabahan ako kasi hindi siya nagsasalita… kaya may alam ka ba kung bakit nagkaka-ganito si Mama?”

Bumilis iyong tibok ng dibdib ko.

Tumingin ako kay Achilles. “Pwede mo ba akong samahan pumunta sa bahay namin?” tanong ko sa kanya at agad siyang pumayag.

Hindi sumasagot si Tito Francis kahit paulit-ulit ko pa siyang tawagan. Gusto kong isipin na natutulog lang siya o kaya ay may iba siyang ginagawa, pero iba talaga iyong kutob ko.

“Achilles,” pagtawag ko habang nasa daan pa rin iyong tingin niya.

Saglit niyang binaling iyong mga mata sa gawi ko. “Hmm?”

“May… may mga kakilala ka ba?”

“Saan?”

“Na pwedeng tulungan ako na i-check si Papa?”

Bahagyang kumunot ang noo niya. “I’m not sure… bakit?” tanong niya. “May nangyari ba kanina nung nag-usap kayo? Mamaya na iyong sa senate hearing. I’m sure security is heightened there.”

Humigpit iyong hawak ko sa seatbelt.

“Pero paano kung siya mismo iyong—” agad akong natigilan. Ni hindi ko masabi. Ayokong isipin na kaya ni Papa. Hindi ba against sa bible ’yon? Saka mahal niya iyong sarili niya. Impossible talaga.

Baka ginagawa niya lang ’to para ma-konsensya ako.

Mas kaya ko pang paniwalaan iyon base sa pagkakakilala ko kay Papa.

“Wala ka ba talagang kakilala?”

Muli siyang napa-tingin sa akin. Nakita niya kung gaano ako ka-seryoso. Tipid siyang tumango. “I’ll ask around,” sabi niya.

“Salamat,” sagot ko.

Paghinto na paghinto niya sa bahay namin ay agad akong pumasok doon. Sanay naman ako na patay iyong mga ilaw sa bahay namin, pero ewan ko, iba iyong pakiramdam ko ngayon. Siguro dahil lang naghalo-halo na lahat ng problema ko.

Agad na binuksan ni Mauve iyong pintuan.

“Si Mama?” agad na tanong ko.

Hindi nagsalita si Mauve. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami roon sa prayer room dito sa bahay. Nakita ko si Mama na naka-luhod nga roon sa harap ng mga poon. May hawak nga siyang rosaryo. Ganitong-ganito iyong pagkaka-describe sa kanya ni Mauve kanina. Baka nga hindi siya gumagalaw gaya ng sabi ni Mauve.

“Hindi talaga siya nagsasalita,” sabi ni Mauve sa akin.

Naka-tingin ako kay Mama habang mahigpit iyong pagkaka-hawak niya sa rosaryo. Nakita ko iyong paggalaw ng mga labi niya na para bang may dina-dasal siya.

Ilang segundo na naka-tingin lang ako sa kanya hanggang sa napa-luhod na rin ako sa tabi niya. Naririnig ko iyong dasal niya. Nagdadasal siya ng rosaryo. Palakas nang palakas iyong kabog ng dibdib ko na para bang nakokonpirma na iyong kanina ay nasa isip ko lang.

“Mama…” pagtawag ko sa kanya pero gaya ng tawag sa kanya ni Mauve, hindi siya nakikinig sa akin.

Tumayo ako at agad akong tinulungan ni Achilles. Tumingin ako kay Mauve. For the first time in my life, nakita ko iyong takot sa mukha ni Mauve. Sa dami ng nangyari sa kanya, sa amin, ngayon ko lang siya nakita na ganito.

“Naka-usap ko si Papa kanina,” sabi ko sa kanya.

Nanlaki iyong mga mata niya. “Saan? Paano? Ano’ng sabi ni Papa?”

Muli akong tumingin kay Mama. Hindi naka-ligtas sa paningin ko iyong paghigpit sa hawak niya ng rosaryo. Kaya ba nagkaka-ganito siya? Kasi alam niya rin? Kasama ba siya sa gumawa ng desisyon? O ayaw niya? Kaya siya nagkaka-ganito na parang dinadaan na lang sa dasal ang lahat?

“Sabi ni Papa…” Huminga ako nang malalim. Ramdam ko iyong pagsikip ng dibdib ko. “Sabi niya, mag-iingat daw tayong dalawa palagi.”

Nakita ko iyong pagkunot ng noo ni Mauve sa pagka-gulo sa sinabi ko hanggang sa makita ko iyong pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kagaya nung itsura ko siguro nung mapagtanto ko kung ano iyong ibig sabihin nung sinabi ni Papa.

Pati ’yung pag-iling ni Mauve dahil gaya ko, hindi niya rin maisip na kayang gawin ni Papa iyong iniisip namin.

“Sa tingin mo—” Tumango ako. Umiling si Mauve. “No.”

Hindi ako nagsalita at binigyan siya ng kaunting oras para iproseso iyong mga naglalaro sa isip niya.

“Baka kagaya lang ’to ng ginagawa ni Papa—na kapag hindi niya nakuha iyong gusto niya, kokonsensyahin niya tayong dalawa hanggang sa makuha nila iyong gusto nila,” mabilis na sabi ni Mauve. Hindi ako nagsalita.

Kasi parang alam ko na.

Kahit ayaw tanggapin ng utak ko.

Ibinaling ni Mauve iyong atensyon niya kay Mama. Lumuhod siya para magka-harap silang dalawa. “Mama, may alam ka ba sa balak gawin ni Papa?” paulit-ulit niyang tanong kay Mama habang pahigpit nang pahigpit iyong hawak niya sa rosaryo. Nakita ko iyong pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Mauve. “Bakit kayo ganyan ni Papa? Kayo iyong magulang namin, pero bakit lagi kami ni Mauro iyong pinapahirapan niyo?”

Pilit akong huminga nang malalim at tumingin kay Achilles.

“Pwede mo ba—”

Agad siyang tumango.

Na para bang sinasabi niya sa akin na hindi ko pa natatanong ay handa na niyang gawin iyon para sa akin.

Rinig na rinig ko iyong kabog ng dibdib ko habang papunta kami ni Achilles sa pinagdalhan sa akin ni Tito Francis. Pagdating namin doon, may mga sundalo na sumalubong sa amin. Pero hindi gaya nung kanina, hindi kami pinapasok.

“Sige na po,” pakiusap ko. “Galing din ako dito kanina. Kailangan ko lang makausap iyong tatay ko.”

Panay ang pakiusap ko, pero parang wala silang naririnig mula sa akin. Napa-tingin ako kay Achilles na may kausap din sa telepono para tulungan akong maka-pasok.

“Kahit puntahan niyo na lang po,” muling pakiusap ko. “Paki-check lang po sa kwarto niya. Kahit iyon lang po.”

Nakita kong nagtinginan iyong dalawang bantay. Kung ibang pagkakataon lang, kung hindi ko alam kung gaano kadumi iyong kalakaran sa mundong ’to, iisipin ko na wala lang na nagkatinginan sila.

Pero parang unti-unti akong tinatakasan ng hangin dahil sa simpleng tinginan na ’yon.

Ibig sabihin ba non, alam nila?

Kusa bang gagawin ni Papa?

O may gagawa para sa kanya?

Alam ba niya?

Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko.

“Please… Sige na po…” huling subok ko sa pakikiusap.

“Umuwi na kayo,” sabi niya sa akin na para bang sinasabi niya na umuwi na ako dahil wala na akong magagawa dito.

Nang matapos iyong tawag ni Achilles, tumingin ako sa kanya na may tanong sa mga mata.

“I’m sorry.”

Umiling ako. Kasi wala naman siyang kasalanan. Wala rin naman talaga siyang magagawa. Abogado lang siya. Ano ba’ng laban niya? Laban namin? Sa mga tao na talagang may hawak ng kapangyarihan.

Mali ata si Achilles.

Walang tamang proseso.

Kalokohan.

Kasi sa huli, wala pa rin namang magbabago. Kahit subukan naming baguhin ’tong laro nila, sila pa rin ang mananalo. Niloloko lang namin ang sarili namin kung iisipin namin na hindi.

Hindi ko alam kung kanino ako lalapit.

Parang wala akong matatakbuhan.

Ganito ba iyong pakiramdam ni Papa dati? Na wala siyang matakbuhan? Kasi sabi ni Mama na hindi naman siya ganito dati… Nawalan lang din ba siya ng pag-asa gaya ko? Naramdaman niya rin ba iyong ganito? Kaya napili niya na maging kagaya nila? Kasi at least kapag nasa panig ka nila, kapag ganitong panahon, may matatawagan ka.

Maya-maya pa, may dumating na mga tao. Tahimik lang akong naka-tayo doon habang naririnig ko si Achilles na nakikipagtalo sa kanila para makita namin si Papa. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita tungkol sa writ of habeas corpus at kung anu-ano pang legalidad.

“This is murder and you know it,” narinig kong sabi niya sa kausap niya.

“He’s being legally detained, Marroquin,” mariin na sagot niya. “You and I both know—”

“You’re right. Alam nating dalawa kung ano ang nangyayari dito,” pagputol ni Achilles sa sasabihin niya.

Walang pagbabago sa mukha nung kausap ni Achilles—para bang business as usual lang.

“File a writ of habeas corpus, kung ’yan ang gusto mo,” sabi niya. “But this is not the place for it, Marroquin. Bumalik ka na sa trabaho mo—kung may babalikan ka pa,” sabi niya bago iwan kami at pumasok sa loob.

“I’m sorry,” muling sabi ni Achilles habang naka-tingin sa akin. Alam ko nilaban ni Achilles, pero sino ba naman kami?

“What do you want to do?” mahinang tanong ni Achilles habang naka-tayo siya sa tabi ko.

Hindi ako nakapagsalita.

Hindi ako maka-galaw.

Hindi ko alam kung ano ang hinihintay ko.

Naghihintay ba ako na maka-rinig ng putok ng baril? O tunog ng ambulansya? Hinihintay ko na lang ba na sabihin nila sa akin na totoo na iyong kinatatakutan ko? Iyong pinagdadasal ni Mama?

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na naka-tayo dito nang bigla kaming papasukin sa loob. Ni hindi ko magawang tumakbo. Siguro kasi natatakot ako sa kung ano ang makikita ko. Kasi… bakit naman nila kami papapasukin? Bakit ngayon pa?

Naglakad lang kami hanggang sa mapa-hinto kami sa kwarto ni Papa. Hinawakan nang mahigpit ni Achilles iyong kamay ko. Napa-tingin ako sa kanya.

“Do you want me to go in?”

Umiling ako.

Gusto kong makita ko—gusto kong makita ng dalawang mga mata ko iyong resulta ng mga ginawa ko.

Mabagal iyong tibok ng puso ko.

Nanlalamig iyong mga kamay.

Binuksan ko pinto… at nandon si Papa… ni hindi man lang nila tinanggal sa pagkaka-tali… na para bang gusto nilang makita ko kung ano ang mangyayari kapag kinalaban ko iyong sistema nila.

Sinubukang takpan ni Achilles iyong mga mata ko, pero mabilis kong pinigilan iyong kamay niya.

Kasi gusto kong makita.

Kailangan kong makita.

Gusto kong malaman kung takot o galit ba iyong mas mararamdaman ko.  

**

This story is already at Chapter 47 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 44

Chapter 44

Hindi mawala sa isip ko iyong itsura ni Papa nang makita ko siya. Hindi ko rin naman alam kung ano ba ang inaasahan ko na makikita ko. Siguro, alam ko rin naman na wala na siya… kasi bakit naman ako biglang papapasukin don kung hindi?

Pero ganon pala iyon… kapag nagpakamatay ka?

Naaalala ko pa rin iyong tali na naka-pulupot sa leeg niya.

Iyong mga mata niya na halos lumuwa na.

Iyong—“

“Do you know that it takes approximately four minutes for someone to die from hanging?” sabi ni Mauve sa akin habang magkatabi kaming naka-upo. Nasa funeral home kami ngayon. Si Mama iyong nag-ayos ng lahat. Nung sinabi na sa kanya iyong balita ng pagkawala ni Papa, at saka niya lang binitawan iyong rosaryo. Tumayo siya sa pagkaka-luhod niya. Tumingin lang siya sa akin. Akala ko ay sisisihin niya ako sa nangyari, pero wala siyang sinabi sa akin. Kinuha niya iyong cellphone niya at saka nagsimulang tumawag.

“Four minutes to lose consciousness… Then maybe additional 10 to 15 minutes para sigurado na wala na…”

“Pwede bang ’wag—”

“Ano’ng itsura ni Papa nung nakita mo siya?”

Hindi ako nagsalita.

“Sabi kasi sa mga libro na nabasa ko, nawawala na iyong muscle control—” Agad akong tumayo. “Hindi kita sinisisi,” sabi niya sa akin. Napa-tingin ako sa kanya. “Pakiramdam ko lang, ang unfair, kasi hanggang kamatayan, gusto pa rin niya tayong konsensyahin.”

Hindi pa rin ako nagsalita.

Don’t speak ill of the dead.

Iyon na lang ang gusto kong isipin.

“Then stop asking to me describe kung ano iyong nakita ko,” diretso kong sagot sa kanya.

Bahagyang tumango si Mauve. “I just want to know what you saw, so that I can share the guilt you’re feeling.”

“The guilt that I’m feeling?”

Tumango si Mauve. “Alam ko na nagguilty ka.”

Umiling ako. “Hindi ako nagguilty, Mauve. Nagagalit ako.”

Nagagalit ako kasi alam ko na masama si Papa, pero hindi naman siya iyong may kasalanan sa lahat. Pinagtakpan niya iyong mga ginawang masama, pero hindi siya iyong pinaka-gumawa non.

Nagagalit ako kasi para lang siyang kalat na niligpit.

Na… ganon lang.

Nagka-problema? Ligpitin iyong problema.

Parang hindi tao iyong niligpit nila.

Nakaka-galit iyong putanginang sistema na ’yan.

“Ako rin,” narinig kong sabi niya. “Nagagalit ako. Nagagalit ako na ganon na lang? Papatayin nila si Papa? Para ano? Tumahimik na?”

Napaawang iyong labi ko.

“Ang hirap kasi… tangina… parang nawalan ako bigla ng karapatan na magalit kay Papa sa lahat ng ginawa niya sa atin dahil ano? Dahil namatay siya para protektahan tayo?” Natawa siya tapos ay umiling. “Hindi pwede. Ayoko. Galit pa rin ako sa kanya. Galit pa rin ako sa mga gumawa nito sa kanya.”

“Ako rin.”

Napa-tingin sa akin si Mauve. “Talaga?”

Tumango ako. “Kung akala nila matatapos ’to dahil kay Papa,” sabi ko at saka umiling. “Mali sila.”

Hindi kami nag-usap ni Mauve ulit tungkol dito. Maraming ka-trabaho si Papa. Maraming nagsasabi ng condolence. Wala akong ma-seryoso sa kanila dahil nasaan sila nung humihingi ako ng tulong para maka-usap namin si Papa? Walang kwentang mga kaibigan.

Nang maka-uwi ako sa condo, naabutan ko si Achilles na nandon. Nasa may dining table siya at may inaayos na mga pagkain doon.

“Dadalhin ko sana ’to sa ’yo kasi ayaw mong kainin iyong mga pagkain don,” sabi niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at saka niyakap siya. Naramdaman ko iyong pagka-bigla niya. “Tinatakot mo ako.”

Hinigpitan ko pa lalo iyong yakap ko sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti.

“Magbreak na tayo.”

Nakita ko iyong pagkabigla sa mukha niya. At saka iyong takot. Tapos iyong panic.

“Dahil ba ’to wala akong nagawa para sa Papa mo?” mabilis na sagot niya. “I’m sorry—”

Mabilis akong umiling.

Ano nga ba ang ginawa ko dati para maibigay sa akin iyong ganitong klaseng lalaki?

“Hindi iyon.”

“Then, what?” mabilis niyang tanong. “I know a lot is happening right now, but I’m not asking for anything. I’m here. I’m waiting. I just want to be here for you.”

“Alam ko,” sagot ko sa kanya.

“Then what do you want from me?”

“I want you to be safe,” diretsong sagot ko. “I want you to be safe and have a full life ahead of you, Achilles.”

Napaawang iyong labi niya. Mabilis na nakita ko iyong panic na bumalik sa mukha niya. “What… the fuck are you saying?” sabi niya habang namumuo iyong luha sa paligid ng mga mata niya. “Your dad just died, Mauro. ’Wag mo akong sinasabihan ng mga ganyan. This is not the time and place kung nagbibiro ka lang.”

Malungkot akong ngumiti. “I know. I’m sorry… pero hindi ako nagbibiro, Achilles.”

Naka-tingin lang siya sa akin.

Huminga ako nang malalim.

“Then give me a reason,” sabi niya. “And you wanting me to be safe is not a good enough reason.”

“Kakamatay lang ng tatay ko—”

“You’re grieving, I know, but that’s not a reason—”

“I’m not grieving,” mabilis kong sabi sa kanya. “I am mad. I am angry. I am furious. Ang dami kong nararamdaman, Achilles. Gusto kong gumanti sa lahat ng gumawa nito kay Papa. Ayoko na madamay ka. Hindi ako ganon ka-selfish para idamay ka.”

Lumapit ako sa kanya at saka hinawakan iyong mukha niya.

“Mahal na mahal kita, okay? Saka… naging masaya naman tayo dati, ’di ba? Baka okay na ’yon… Baka hanggang don lang talaga tayo.”

Mabilis niyang inalis iyong kamay ko sa mukha niya. “Stop making decisions for me. I was there, wasn’t I? Why do you think that I won’t want to be there for you?”

“Kasi wala ka namang choice dati. Ginawa ko iyong post ng hindi mo alam. Nadamay ka lang naman talaga. Ayoko na madamay ka na naman sa mga gagawin ko.”

“Do you seriously think of me as a child, Mauro? Kung gusto kong umalis dati, aalis ako. Kung ayaw ko talagang madamay—”

“Alam kong hindi mo gagawin kasi mahal mo ako. Kaya nandito ka pa rin kahit wala akong ibang dinala sa buhay mo kung hindi problema.”

Nakita ko iyong lalim ng paghinga niya habang naka-tingin siya sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya.

“Please?” pakiusap ko sa kanya. “Kasi hindi ko alam kung paano ko gagawin iyong mga kailangan kong gawin kung nagaalala ako sa ’yo…”

Naka-tingin lang ako sa kanya, nasasaktan, naghihintay.

“No,” he said. “No.”

“Achilles—”

Umiling siya. “No,” paguulit niya.

“Hindi mo ako—”

“Stop belittling my love for you, Mauro. I almost died before because of you. I’m still here, am I not?”

“Mamamatay ako kapag nawala ka.”

“Then let’s just die together,” sabi niya. “That was a risk I decided to take when I became a public defender. I just wanted to live longer when I met you… pero kung gusto mong mamatay? E ’di mamatay na tayong dalawa.”

Napaawang iyong labi ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Parang hindi na siya iyong Achilles na kakilala ko.

“I love you, Mauro. I will do anything for you. Why can’t you see that?” tanong niya. “And why do you think that I can just stand back and watch as you get yourself killed? Ganon ba ang pagkakakilala mo sa akin?”

Hindi ako nakapagsalita.

Palalalim lang nang palalim iyong paghinga ko.

“The world is already burning anyway… so, why not let it burn some more?” sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko.


Sabi ni Achilles, sa mga ganitong bagay daw, kailangan namin ng mahabang pasensya… Long-game daw ang tawag sa ganito. Lagi niya akong sinasabihan na kailangan ko ng mahabang pasensya dahil malalaking tao ang kalaban namin.

He officially resigned from his job—it was more of a formality dahil talagang tinanggal na siya doon nung kasama ko siyang naghihintay kay Papa dati.

Nagtatrabaho siya ngayon bilang law professor sa ilang school sa Manila. It was only parttime dahil ang pinaka-trabaho niya ay bilang counsel ng mga manggagawa.

At first, I didn’t understand the trajectory of his career… or how this was helping us burn the world some more.

“Counsel? Labor?” naguguluhan na tanong ko sa kanya.

Tumango siya. “Mahirap pumasok bilang legal counsel sa mga kumpanya. It will take time,” sagot niya sa akin. “As labor counsel, I can request for the legal documents na walang nagdududa sa akin. I can request through the labor organizations. No one will question me dahil counsel nila ako.” Napaawang iyong labi ko. “I’m working with labor organizations in different sectors. I’ll gather all important documents. This is a long game, Mauro.”

Tumango ako. “I know. Patience,” sagot ko sa kanya. “Pero iyong sa pagtuturo mo?”

Pinaliwanag niya sa akin na karamihan sa mga professor ay nagta-trabaho din bilang legal counsel ng mga businessman, politicians, at kung sinu-sino pang matataas na tao. By working with them, he can get close.

“Hindi ba delikado ’yan?” tanong ko sa kanya.

Hindi niya sinagot iyong tanong ko. “Just continue studying,” sabi niya sa akin. “Kayong dalawa ni Mauve.”

Tumango ako. “Okay,” sagot ko.

For years, I did what Achilles ask of me. Tuwing napapagod na ako sa paghihintay, lagi ko lang pinapaalala na hindi kami pwedeng magmadali… kasi kapag nagmadali, magkaka-mali.

Gaya nung nangyari dati kay Papa.

Mabilis akong gumawa ng problema.

Mabilis din silang gumawa ng solusyon.

“Nasaan ka?” tanong ni Achilles.

“Pauwi na,” sagot ko. “Bakit?”

“May dinner tayo.”

“Tayo?” I asked. “May plano ba tayo?” tanong ko sa kanya.

Laging busy si Achilles sa dami ng ginagawa niya. Ayos lang naman sa akin. Alam ko naman na lahat ng ginagawa niya, para sa akin din kaya sino ba naman ako para magreklamo? Saka kahit gaano naman siya ka-busy, ramdam ko na gumagawa pa rin siya ng paraan para makapagbonding kami.

Ganito siguro talaga kapag tumatanda na—pinaka-bonding na namin ni Achilles e maggrocery at tumingin ng bagong bed sheets.

“I’ll introduce you to someone,” sabi niya. “O baka kilala mo na siya. Pareho kayong galing Brent.”

Kumunot ang noo ko. “Sino?” tanong ko dahil bukod kila Assia, wala naman akong masyadong kakilala sa school… Lahat sila halos ilag sa akin dahil sa involvement ko sa mga malalaking issue. Hindi ko rin naman sila masisi.

“Italia,” he said. “But I think she goes by the name Tali.”

**

This story is already at Chapter 48 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 45

Chapter 45

Nauna akong nakarating sa restaurant na sinabi ni Achilles. Wala pa sila pagdating doon sa private room. Nagpa-reserve pala si Achilles. Bigla akong na-curious kung sino ba si Tali at bakit kailangang may ganito pa…

Habang naghihintay ay nagsearch ako tungkol sa kanya. Nalaman ko na galing nga siya sa Brent kaya lang ay ahead siya sa akin. Siya rin pala iyong top 1 na nabalitaan ko noon. Siya lang ang nag-iisa na naka-kuha ng top spot sa BAR exam… Magaling nga siguro siya… Pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang koneksyon niya sa mga plano namin ni Achilles.

I read on her some more. Dati siyang nagtrabaho sa prosecutor’s office. Dahil ba doon? Pero sandali lang naman siya doon… May nalaman ba siya nung nagta-trabaho siya doon? O baka gusto ni Achilles na tulungan niya kami kapag nagfile na kami ng pormal na kaso? Kasi maraming papel at documents din ang kailangan naming ayusin.

Ang dami kong gustong itanong. Ang tagal dumating ni Achilles. Sanay naman na ako na late siya dahil na rin sa dami ng ginagawa niya. Hindi ako nagrereklamo kahit nale-late siya. Hindi ko magawang magreklamo dahil alam ko na dahil naman din sa akin kung bakit halos patayin niya iyong sarili niya sa dami ng ginagawa niya.

He could’ve had a quiet life living as a government employee… but he chose to follow me to the depths of hell.

Minsan, weird talaga ang pag-ibig.

Akala mo matalino ka, pero nakaka-bobo din talaga minsan.

You can reason against yourself all you want, but sometimes, at the end of the day, logic can’t win against a fool in love.

Agad na napa-tingin ako nang marinig ko iyong pagbukas nung sliding door papasok dito sa private area. Akala ko ay si Achilles ang makikita ko, pero babae iyong pumasok.

Napa-kunot ang noo ko nang makita ko siya… She looked a bit different from her photos than in person. O baka matagal na iyong mga picture na nakita ko sa Internet? Ganon pa rin naman iyong itsura niya, pero mas seryoso siyang tignan ngayon. Kahit ngumiti siya nang magtama iyong mga mata namin, ramdam na ramdam ko pa rin kung gaano siya ka-seryoso.

Huh.

Nakaka-tanda talaga maging abogado. Kasi hindi lang problema mo ang pino-problema mo kundi problema din ng ibang tao.

“Hi,” sabi niya sa akin.

“Hi,” sagot ko. “Wala pa si Achilles,” sabi ko sa kanya nang makita ko na parang gumala iyong mga mata niya para tignan kung may kasama ba ako dito.

She gave a small nod. Inilagay niya iyong bag niya sa may bakanteng upuan tapos ay naupo siya doon sa kabila. Tumingin siya sa akin. Bakit kinakabahan ako kahit naka-tingin lang naman siya sa akin?

“Achilles told me that you’re from Brent, as well?”

Tumango ako. “Ahead ka sa ’kin?”

Tumango rin siya. “Law school… Feels like a lifetime ago,” sabi niya sa akin. “Nag-enjoy ka ba don?”

Umiling ako. Natawa siya. “Sira ulo lang mag-eenjoy sa law school.”

Natawa ulit siya. She looked… normal kapag naka-tawa siya, pero kapag sumeryoso iyong mukha niya, para bang kahit walang salita siyang gamitin ay kayang-kaya niyang sabihin na ‘now, it’s time for business.’

“What’s at stake for you here?” tanong ko nang diretso. I would love to engage in small talks with her, but at this point, I couldn’t. Alam ko naman na hindi kami nagkita dito para maging magkaibigan.

I needed something done.

Ilang taon na rin akong tahimik na nag-aaral lang, nagta-trabaho. Kasi naniniwala ako sa sinabi ni Achilles na maghintay lang ako. Nagawa ko na kasi dati iyong padalos-dalos… Marunong naman siguro akong matuto sa mga pagkakamali ko.

She probably wanted that, too, kasi kung hindi, bakit siya nandito? She’s a BAR topnotcher. Even I knew that that meant a lot of doors can be opened by her. And the fact that she’s here?

“Can ask you the same thing,” sagot niya sa akin.

“I want to burn the world.”

She looked at me as a smile formed on her face. “Not the whole world, per se… but I have some names on my list,” she said… almost menacingly that sent chills up my spine.

“Names?”

Tumango siya. Magsasalita na sana siya nang sabay kaming mapa-tingin sa pintuan nang bumukas iyon. Dumating si Achilles. Napa-tingin siya sa aming dalawa ni Tali at tinanong kung umorder na kami. Gusto kong matawa. Ang seryoso nung usapan namin ni Tali tapos ay dadating si Achilles at magtatanong kung may pagkain na ba.

He never fails to remind me that at the end of the day, we should always remember to enjoy ourselves… after all, we only have one life to live and to lose.


We did the small talk, still.

Nag-usap kami tungkol sa school, tungkol sa nangyari after BAR exam. Iyong mga usual na pinaguusapan ng mga kagaya namin na galing law school. Minsan, siguro ang yabang sa pandinig ng ibang tao… But spending years in law school? One way or another, it would consume you. May punto pa rin kasi na doon lang iikot ang buhay mo—school, bahay, tapos ay school ulit. Pagka-graduate namain, trabaho at bahay. Ang hirap magka-social life kasama ang ibang tao na hindi galing sa parehong linya ng trabaho. Kaya siguro kami-kami lang din ang nagkakaintindihan minsan.

“Pwede na ba tayong mag-usap?” tanong ko sa kanila nung maubos na namin iyong pagkain.

“Dessert muna,” sabi ni Tali. Napaawang iyong labi ko. Natawa siya tapos tinignan si Achilles. “He’s exactly how you described him.”

Kumunot ang noo ko. “Ano’ng sinabi mo?” tanong ko kay Achilles.

He shrugged. “Na hindi ka mahilig sa dessert.”

My brows furrowed. “Mahilig ako sa dessert.”

“We’re all here because we have common enemies,” sabi ni Tali. Napa-baling iyong tingin ko sa kanya.

“Sinu-sino?”

“Iyong mga pinagtakpan ng tatay mo.”

Napaawang iyong labi ko.

“May… atraso din sila sa ’yo?”

“Sa akin, sa atin, sa buong Pilipinas,” sagot niya sa akin. “I can’t do this alone, Mauro. I need you and Achilles to work with me.”

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Napa-tingin din ako kay Achilles, but he looked at me like he was urging me to just wait patiently and to listen to what Tali had to say.

And I did.

I sat there and listened to her as she told me how everything was connected… Na iyong mga pinagtatakpan ng tatay ko sa trabaho niya, iyong mga pangalan na sinulat ko dati sa account ko, ay iyong mga tao rin na gusto niyang ipa-kulong.

Totoo pala.

Magkakaibigan din ang mga demonyo and sadly, this goddamned country is their playground.

“What do you need from me?” tanong ko sa kanya.

“Help,” she replied. “They retained BGY,” dugtong niya. “Have you heard about them?”

Tumango ako. Of course, I had heard about them. How often can you hear about a lawfirm na puro topnotcher lang mula sa top law schools ang kasama?

“Good. So, you know what we’re up against.”

Huminga ako nang malalim. “Kaya ba natin sila?” tanong ko. Kasi kahit hindi ko talaga sila kakilala personally, marami akong naririnig na kwento mula sa kanila… Magagaling sila. Alam ko matalino rin si Tali, pero alam ko rin na iba pa rin kapag nasa mismong korte na kami.

It’s a whole different arena altogether.

Tumingin si Tali kay Achilles tapos ay sa akin.

“We got this,” she replied with a small smile that didn’t really reassure me.


The days passed by… Ganon pa rin. Pareho lang ang nangyayari. Nakaka-galit lang manood ng balita dahil sila-sila pa rin iyong nakikita ko.

And sometimes, I’d read about some ridiculous news and knew that it’s just some fucking diversion technique dahil mukhang may kababalaghan na namang nangyayari. They do it for a reason. It’s effective. The more ridiculous, the more attention it’ll get. Lagi na lang ganito. ’Di na nasanay iyong mga tao.

I decided to go see Papa’s grave. Wala kahit isang bulaklak doon. Hindi pa nga ata nakakapunta si Mama dito simula nung nilibing si Papa. Kahit si Mauve ay ayaw na pumunta rito.

Ako? Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong napadpad dito. Sa ilang taon na naka-libing siya rito, ngayon pa lang ako naka-punta dito.

I stood in front of his tomb. Halos hindi na mabasa iyong naka-sulat doon dahil natatakpan ng mga dumi.

“Seriously, I don’t know why I’m here,” I began. “I’m a lawyer now. But it’s been a while, so baka alam mo na rin. I still haven’t forgiven you for all the shit you put us through… but life has given me perspective. Kung bakit ka naging ganyan.”

Politics… a fucking work of art.

Nakaka-suka.

Kung hindi ko lang talaga kailangan, hinding-hindi ako magta-trabaho bilang parte ng legal team ni Congressman Ramirez. Nakaka-suka.

I stayed there for a while. I just stood there in silence. Sometimes, I still remember what he looked like nung nakita ko siya. It would probably haunt me for the rest of my life.

Siguro kaya rin hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nagagawa iyong dapat kong gawin.

Kahit gaano katagal.


Bago ako umuwi sa condo ay dumaan muna ako sa supermarket. I was in the middle of the aisle nang mapa-tigil ako. May nakita ako na pamilya. Dalawang lalaki din sila na may kasamang batang lalaki. Namimili sila ng cereal na bibilhin. Napa-ngiti ako.

That could’ve been us.

Possible kaya iyong ganon?

Kahit hindi muna ngayon.

“Hey.”

Napa-tingin ako nang marinig ko iyong boses ni Achilles. Napansin niya siguro ako na naka-tingin doon sa pamilya kaya naman ay napa-tingin din siya doon.

“Akala ko sa condo ka didiretso?” I asked him instead. I didn’t want to talk about the future… kasi sa mga ginagawa namin, hindi ko rin masabi kung may future pa ba na pwedeng pag-usapan.

Sometimes, I’d hear people at work talking about ‘problems’ and how they’d make them disappear. Hindi naman ako bobo. Alam ko kung ano iyong pinaguusapan nila. Nakaka-suka lang din pala talaga na nangyayari iyong ganon.

Minsan kapag nanonood ako ng balita at may nakita ako na namatay, I’d wonder kung totoong aksidente ba talaga…

Working with demons makes you question things.

“Nag-ask ng ceasefire iyong class ko.”

“What?” tanong ko na natawa. “Grabe ka ba talaga magpa-recit at nag-aask pa sila ng ceasefire?”

He shrugged. “I ask reasonable questions.”

“Reasonable my ass…”

“Kung nagreview sila, makaka-sagot sila.”

“I remember nung ako pa iyong tinuturuan mo dati, may tinanong ka na case tapos nasa footnote pala ’yon. Saan ang reasonable doon?”

Natawa siya. “I did that only once.”

“Kahit na.”

“Puro nasa syllabus lang iyong tinatanong ko sa kanila,” sabi niya sa akin.

“E bakit sila nagpa-ceasefire?”

He shrugged. “Exam na next week e.”

Napaawang iyong labi ko. “Grabe ka. Unwritten rule kaya na a week before exams, dapat wala ng class!”

He shrugged again. “Sinusulit ko lang iyong tuition na binabayad nila.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ikaw iyong tipo ng prof na iniiwasan ko dati,” sabi ko sa kanya tapos ay tinawanan niya lang ako.

Marunong naman na akong maggrocery pero kapag kasama ko si Achilles, mas gusto ko na ako na lang iyong nagtutulak nung cart at siya iyong namimili ng bibilhin namin. Siya kasi talaga iyong mas magaling sa ganitong bagay. Mas magaling siyang maggrocery, magluto, maglinis… Hindi ko nga talaga alam kung ano ang ambag ko sa household na ’to.

Achilles and I went home. As usual, siya na naman ang nagluto ng dinner namin tapos ako lang iyong naghugas ng mga plato. Konti lang naman ’yon kasi si Achilles iyong tipo ng wash as you use kaya lahat ng ginamit niya sa pagluluto ay malinis na.

“Sa tingin mo, matagal pa?” I asked him while we’re laying on bed.

“Malapit na,” he replied.

“Lagi mong sinasabi ’yan.”

“I know.”

“Tali’s doing her best, right?”

“Yes.”

I nodded to myself. Achilles pulled me close and I felt him planting a kiss on the top of my head.

“Enjoy this peace and silence,” I heard him saying, “Because once it begins, peace is something you’ll miss.”

**

This story is already at Chapter 49 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 46

Chapter 46

“Are you sure about this?” tanong na naman sa akin ni Achilles. Siguro kung may piso ako kada tinatanong niya ako niyan, may mabibili na akong burger meal.

“Oo nga,” sagot ko sa kanya.

I drew a deep breath. Alam ko naman na nag-aalala lang siya sa akin—ako rin naman nag-aalala sa sarili ko. Nag-aalala rin ako sa kanya. Minsan nga, gusto ko na lang din siyang sabihan na tumigil na siya. Na pabayaan niya na lang ako. Kasi sa totoo lang, problema ko naman ’to…

But again and again, he’d remind me that he’d go to the ends of the world for me.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit, kung ano ba ang meron sa akin, pero pinili ko na lang na manahimik. Kasi willing din akong gawin para sa kanya ’yon, e. Tapos kapag tinanong niya ako kung bakit, pakiramdam ko ay wala rin akong masasagot.

Wala, e.

Mahal ko.

Ganon talaga.

“Nag-aalala lang ako,” sagot niya. Baka naramdaman niya iyong konting asar sa boses ko.

“Alam ko,” sagot ko na mas mahinahon na. “Sorry. Pagod lang ako. Ang daming ginagawa sa trabaho.”

“But you’re being careful, right?”

Tumango ako sa kanya. “Yes.”

“Are you sure—”

“Yes,” sagot ko. Lumabas na naman iyong inis sa boses ko. Bakit ba kasi paulit-ulit naming pinag-uusapan ’to? “Naka-usap ko si Tali,” sabi ko sa kanya.

May bahagyang pagba-bago sa mukha niya. I’ve been living with him long enough to know kapag may tinatago siya sa akin. Sure, minsan hindi ko ma-figure out kung ano iyong tinatago niya… pero alam ko na meron.

“Malapit na raw,” sabi ko kay Achilles.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam kung malapit na talaga. Ilang beses kong kinukulit si Tali, pero wala siyang sinasabi sa akin. After a while, na-bwisit na ata sa akin si Tali kaya sinabi niya na sinabihan siya ni Achilles na kung may importanteng kailangang malaman, kay Achilles niya sasabihin tapos si Achilles naman ang magsa-sabi sa akin.

Minsan, gusto ko na lang manakal ng matanda.

Achilles gave a small nod.

Nanlaki iyong mga mata ko.

He quickly caught on it.

“Seryoso?” sabi ko habang unti-unting bumi-bilis iyong tibok ng puso ko. “Kailan? Naka-ayos na lahat para sa may tax case, ’di ba? Saka may napansin din ako na irregularities doon sa may campaign donation last time—”

Napa-tigil ako nang makita ko iyong itsura ni Achilles. This time, I didn’t fight the urge to roll my eyes. I showed him my disapproval. Alam ko mahal niya ako, but come on! Hindi naman ako bata!

“You can’t seriously hide everything from me,” I told him. “This is my fight—”

“This is bigger than your fight.”

“No,” sagot ko sa kanya. “This is all connected. Papa’s death was just the tip of the iceberg—and I intend to crush that iceberg.”

Hindi nakapagsalita si Achilles.

“Alam ko naman na delikado. Alam ko na possibleng may mangyari sa ’yo, sa ’kin, kay Tali, kay Lui,” pagpapatuloy ko. “But this is a risk that I’m willing to take.”

Tumingin sa akin si Achilles. I could see the fear in his eyes. I wanted to tell him to just stop. Ibigay niya na lang sa akin lahat ng files. I could do it myself. I didn’t care anyway if I live or die… but I also knew that I couldn’t die. My fear was that my death would also kill him.

So, I can’t die.

“It’s not a risk I am willing to take,” sagot niya sa ’kin.

“I’ll do it myself,” sabi ko sa kanya. “I mean, I hate Tax, but I’ve been studying.”

Sinubukan kong magbiro, pero alam ko na hindi ito iyong tamang panahon para dito… but we’ve been in this same scenario before. Napag-usapan na namin ’to. I knew he’s scared, but who isn’t? Kahit si Lui, naki-kita ko na natatakot din siya. But at least for him, hindi niya pinipigilan si Tali kasi alam niya na hindi niya kaya. Sana ganon din si Achilles.

“Fine,” he replied. Ramdam na ramdam ko iyong saya sa boses niya.

I grinned at him. “Good,” sabi ko. “So, tax evasion? Magfile din kaya tayo sa SEC? Maraming violations ’yung mga corporation. I think pasok din iyong money laundering pero mahirap sundan iyong money trail.”

Nakinig lang si Achilles sa akin habang sinasabi ko sa kanya iyong mga pwede naming gawin. He nodded, but I knew that his mind was elsewhere. At least this time, hinayaan niya akong magcontribute kaysa sa lagi niyang sinasabi na magtrabaho lang ako. Kung siya lang ang masusunod, ikukulong niya ako sa condo panigurado.

“May sinabi ba si Tali kung sino ang opposing counsel?”

“Lance,” he simply replied.

“Serrano?” I asked.

He nodded.

Wow… parang dati lang nakikita ko siya sa school tapos magiging opposing counsel siya kapag nagfile na kami ng kaso?

Achilles proceeded to cook our dinner habang nandon lang ako sa may dining table. I opened my laptop. I began reading the documents again. May ginawa akong mga drafts kahit na alam ko na ang ending ay si Achilles din naman ang gagawa. I mean, he’s the better lawyer between the two of us. Tanggap ko naman ’yon.

I was focused on reading related tax cases. Gusto ko lang na maging maayos iyong arguments. I knew that Tali and Lui were doing their best with the criminal case. Mas mahirap i-prove iyon dahil beyond reasonable doubt iyong kailangan na legal burden of proof.

But… I knew that these kind of people love their money. Kasi bakit naman sila gagawa ng mga ganito kung hindi dahil sa pera? Sabi nga ni Tali, hit them where it hurts. And they’ll hurt a lot kapag nagalaw namin iyong source of income nila.

Napa-tingin ako kay Achilles nung maka-kita ako ng baked salmon sa harapan ko. He was standing before me. He was wearing a white shirt, his navy blue pajama, tapos ay may suot siyang apron na niregalo ko sa kanya nung birthday niya.

“Gamit mo,” he said.

“Oo na,” sagot ko. “Sungit nito.”

Mabilis na tinanggal ko iyong mga gamit ko at nilagay sa couch sila. Tapos ay tinulungan ko si Achilles na maglagay ng mga plato at kubyertos sa lamesa.

“Achilles,” I called in the middle of our dinner. He’s so quiet. It made me feel bad. Pakiramdam ko may sinipa akong tuta kapag ganito siya.

Naka-tingin lang siya sa akin. “What?”

“Thank you,” I told him. “Saka pangako mag-iingat ako,” dugtong ko. “Mag-iingat ka rin, okay?”

Hindi ko alam kung ano ang mali sa sinabi ko. Naka-tingin lang ako sa kanya at pinapanood siya na kumuha ng isang bote ng wine. He angrily opened it tapos ay halos mapuno na iyong wine glass. Parang galit pa rin siyang habang iniinom niya ’yon. Akala ko talaga ay uubusin niya iyong isang buong baso.

Kinagat ko iyong dila ko.

Kating-kati na akong sabihin sa kanya na kung ayaw niya naman pala, ’wag niya na lang gawin. Wala namang pumipilit sa kanya. Gets ko naman na ayaw niya kasi sino ba naman may gusto nito? Saka tahimik naman iyong buhay niya dati. Prosecutor siya. Maganda iyong career niya.

Tangina.

Ito na naman ’yung guilt.

Pakiramdam ko sinira ko ’yung buhay niya.

Na minahal niya lang naman ako pero parang dahil mahal niya ako, nawala lahat ng importante sa kanya.

Naka-tingin kami sa isa’t-isa. Hinihintay ko siya na magsalita dahil kapag nagsalita ako, hindi namin magugustuhan iyong sasabihin ko.

“Hindi ako galit,” sabi niya pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan.

Hindi pa rin ako nagsalita.

Kung hindi siya galit, pwes ako galit.

“I’m frustrated,” he continued. “These people love their money—”

“Exactly,” I said, cutting him off.

“We’ll be poking the devil’s nest.”

“That’s the plan.”

“Is it?” sabi niya. “Because the plan is just to get the people responsible for killing your father. Now, I feel like we’re fighting Tali’s fight.”

I briefly closed my eyes and drew a deep breath. “I’ll give you a pass dahil alam ko na natatakot ka lang,” sabi ko sa kanya. “But seriously, Achilles? Tali’s fight? Do you honestly think she’s having the time of her life right now? Her whole family’s in another country for fear of retaliation. Ni hindi siya maka-labas ng walang kasamang security. If any, siya ang pinaka-delikado sa ating apat. All because of what? Dahil lang na-dismiss iyong case na gusto niya lang namang ilaban dati?”

I couldn’t believe I was hearing this from him of all people! Dati ko rin siyang naririnig na galit dahil may mga kaso siya na na-di-dismiss kahit alam niya na may laban naman. Pareho sila ni Tali na galing sa prosecution. I thought that more than me, mas maiintindihan niya si Tali.

I saw the regret cross his eyes.

“I know,” I told him because I heard the apology before he even said it. “We’re taking all necessary precaution, right? Once we officially file the case, magre-resign na ako sa trabaho. I’ll focus on the case. Hindi ako lalabas kapag hindi ka kasama. I will be careful.”

He stared at me. “This could last years,” he said.

“Then I’ll be careful for years,” I replied. I reached for his hands and held them. “Look, I love you… but the past few years, this is the only reason that I am able to continue. I need to get justice for Papa’s death. Hindi ako matatahimik kapag hindi ko ’to nakuha, Achilles. Sana maintindihan mo ’ko.”

Naghintay ako hanggang magsalita siya.

“Okay,” sagot niya.

“Okay?”

Bahagya siyang tumango. “I’m sorry,” he said. “Of course I care about Tali’s fight—”

“Pero mas mahal mo lang talaga ako?” tukso ko.

He rolled his eyes. “You talk as if Lui won’t use us as shield for Tali.”

Natawa ako sa sinabi niya kasi totoo naman… pero as if hindi rin niya gagamitin si Lui bilang distraction kung sakaling may humahabol sa amin. Pakiramdam ko itatali niya pa si Lui sa flagpole tapos sabay kaming tatakbo palayo.

We stayed and finished the bottle of wine. After that, we cleaned up. Tahimik kaming naka-higa sa kama. I was thinking about the cases nang bigla niya akong yakapin. I could feel his breath on my nape.

“Mauro,” he said.

“Hmm?” sagot ko habang hinawakan iyong mga kamay niya na naka-yakap sa akin.

“When this is all done and over with, let’s go on a vacation.”

“Saan?”

“Kahit saan na pwede tayong magpa-kasal.”

Agad na binaling ko iyong ulo ko para mapa-tingin sa kanya. “Proposal ba ’to?!”

“No—” sabi niya tapos ay natigil. “I mean, kind of? But I will propose formally,” he continued. “I just… need something to look forward to.”

Muntik na akong magalit kasi ito na ’yon? But… I did understand where he’s coming from. I understood his fear and uncertainties. I understood him.

Instead, I held his hands.

“Okay,” I replied. “When this is all done and over with, we’ll get married.”

**

This story is already at Chapter 50 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 47

Chapter 47

Kita ko na kung pwede lang akong i-padlock ni Achilles sa may condo para hindi na ako sumama sa pagfa-file niya nung complaint, gagawin niya talaga. But I stood on business. Alam ko na tinutulungan niya ako, but this was my fight, too. Hindi ako papayag na nasa condo lang ako habang nasa labas siya.

“Buti napa-payag mo si Lui,” I told him discreetly. May mga naka-sunod na security sa amin.

“He had no choice,” sagot ni Achilles.

Natawa ako saglit, pero tinapunan niya ako ng tingin na agad na nakapagpa-tigil sa akin. Umayos ako sa pagkaka-tayo.

“Bakit? Did you threaten him?”

“No,” sabi niya. “I just told him that you’re the only reason why I’m doing this and if he wants me to continue giving them this free labor, he better make sure that you’re always alive and kicking.”

Seryosong-seryoso iyong pagkaka-sabi niya noon. Bigla akong nailang kahit alam ko naman na patay na patay sa ’kin ’tong tao na ’to. Ang seryoso pa naman ni Achilles 90% of the time… Siguro kapag narinig ng mga estudyante niya ’tong mga pinagsasabi niya sa akin, mabibilaukan ’yong mga ’yon.

“Pero grabe… ang daming pera ni Lui,” I commented instead para maiba iyong topic kasi ramdam na ramdam ko iyong pamumula ng batok ko.

I mean, alam ko naman na mayaman si Lui. Usually naman mayayaman talaga iyong nag-a-aral sa SCA at Brent unless scholar ka kagaya ko o ni Assia. Pero nung binasa ko iyong files na binigay ni Lui? Nalula pa rin ako sa dami ng pera ng pamilya niya.

Gusto ko siyang tanungin kung alam ba ng pamilya niya iyong ginagawa niya? Kung ano ang magiging reaksyon nila? Kung iisipin ba nila na nababaliw na si Lui? Kasi halata naman na ginagawa niya lang ’to lahat dahil kay Tali.

Akala ko dati joke lang o kaya exaggeration iyong mga linya na kagaya ng the face that launched a thousand ships. Pero totoo pala talaga, noh? May tao na dadating sa buhay mo na tipong kaya mong talikuran ang lahat para sa kanya.

Parang si Lui kay Tali.

Parang si Vito kay Assia.

Parang si Achilles sa akin.

Ang weird.

Ang bigat.

Parang… responsibilidad din.

Ewan.

“What?” tanong ko nang iabot sa akin ni Achilles iyong envelope kung nasaan iyong complaint na ipapasa namin.

“Ikaw magsubmit.”

“Seriously?” I asked kasi kulang na nga lang ay i-exclude ako ni Achilles dito. Kung siya lang din talaga ang masusunod, wala akong magiging participation sa kaso na ’to. Alam na alam ko naman na kayang-kaya niyang gawing mag-isa ’to. Ako lang naman nagpupumilit na may contribution ako dito.

“Iaabot mo lang naman.”

I looked at him and made a face. Bahagya siyang natawa. Kapag ganyan na naka-tawa siya, gumagaan kahit papaano iyong pakiramdam ko.

Pumasok na kami sa loob. I submitted all the pertinent documents—iyong complaint at saka certificate of non-forum shopping. Tawang-tawa ako kay Achilles nung i-send niya kay Lui kung magkano iyong babayaran sa payment ng docket fee. Kumpleto iyon hanggang sa pinaka-sentimo. Kung pwede niya lang siguro i-charge iyong professional fee niya, gagawin niya rin, e.

“So… that’s it?” sabi ko nung matapos na kami sa pagfa-file.

Tumango si Achilles. “Anticlimactic?”

Tumango ako. “Medyo.”

“Hindi naman kasi ’to criminal case,” he said.

“I know.”

Bahagyang kumunot ang noo ko nung makita ko na sumeryoso iyong mukha niya. “But this is more dangerous,” he said.

“I know—”

Muli siyang umiling. “We read the files, Mauro,” sabi niya. “Kung kaya nilang gawin ’yung mga bagay na ’yon sa mga tao na wala naman talagang atraso sa kanila, papaano pa sa atin?”

“May security naman,” sabi ko sa kanya para kahit papaano ay kumalma siya. Alam ko na kinakabahan si Achilles. Akala niya siguro hindi ko alam na tuwing gabi, kapag akala niya ay natutulog na ako, na naka-tingin lang siya sa akin… na para bang anumang segundo ay mawawala ako sa paningin niya.

I know how he looks at me because that’s how I look at him.

“So, what’s next?” sabi ko habang naglalakad kami palabas.

“We wait.”

“Nakaka-inip.”

“It won’t be long,” sabi niya. “We’ll submit the bill of particulars, they’ll submit answer to our complaint, the usual drill.”

I pouted a bit. “Hindi naman ako litigation lawyer.”

“I know. Panoorin mo na lang ako.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Bwisit ka talaga minsan,” sabi ko kasi niyayabangan niya na naman ako. Kasalanan ko ba na ayoko pala talaga sa litigation? Napaka-stressful kaya ng field na ’yon! Ewan ko sa kanilang tatlo nila Lui at Tali. Sila ata iyong literal na they thrive in chaos. Feeling ko talaga kapag by choice na naging litigation lawyer ka, medyo may sayad ka sa utak.

“So, mapapa-nood ba kitang mag-objection ulit?”

“Not really,” sabi niya. “Iba sa CTA. Second level court na ’yon. Parang review na sa Court of Appeals,” pagpapatuloy niya. Bahagyang naka-kunot lang ang noo ko. Kumunot din ang noo niya. “Nakinig ka ba sa remedial law class mo?”

“Obviously, hindi masyado.”

Hanggang maka-balik kami sa condo ay parang naka-professor mode si Achilles. Nagkaroon ng mini lecture tungkol sa court processes. Sa totoo lang, naaalala ko naman lahat. Nagpapanggap lang ako na nalilito ako kasi gusto kong ma-divert iyong attention niya kahit papaano. Ramdam ko kasi iyong stress niya sa lahat ng nangyayari sa paligid namin. Inisiip na siguro na ’to na sayang lang tuition ko sa school, but I’d take that loss to give him a few moments of reprieve.

Kahit na para akong nagkaka-warflashback sa law school dahil ilang araw na akong binibigyan ng lecture ni Achilles, nanahimik lang ako. Alam ko kasi na anumang araw, dadating na iyong sagot doon sa complaint namin. Kinakabahan na nga ako ngayon dahil sigurado na nakarating na sa mga Villamontes, Ferreira, at Cantavieja iyong complaint na finile namin.

Any day now…

“Nakikinig ka ba?” tanong niya.

“Oo kaya,” sagot ko kahit lumilipad lang palabas sa kabilang tenga ko iyong mga sinasabi niya. Abogado naman na ako! Bakit kailangan kong magsuffer ulit sa ganito?!

“Really…” he said with a slightly arched brow. “Kahit bigyan kita ng exam?”

“Exam mo mukha mo,” sagot ko sa kanya. Naka-pasa na ako ng BAR. Tama na ’yon.“

“Right… That was the most stressful month of my life.”

“Ang kapal. Mas stressed ka pa sa akin?!”

Tumango siya. “You were constantly crying. You crave different food every other day na kung hindi ka lalaki, iisipin ko na buntis ka,” sabi niya sa akin.

Akala ko tapos na siya pero isa-isa niyang sinabi iyong mga ‘sacrifice’ niya raw nung BAR month ko. Gusto ko sanang gumanti kaya lang wala talaga akong maisip na sakit ng ulo na binibigay niya sa akin?! Pinaka-stress lang kapag ’di siya maka-relate sa humor ko dahil matanda na siya.

“Bakit? Kung buntis nga ako, papanagutan mo ako?”

“Are we defying biology now?”

“Ang hirap mo ka-bonding.”

Bahagya siyang natawa sa akin. “Fine,” he said. “Say we defied biology—”

“Bakit ’di ka na lang umoo?” naka-angil na tanong ko sa kanya. “Iyon ang tamang sagot— oo, Mauro, papanagutan kita kasi mahal kita. Ganon.”

Natawa na nailing na naman siya sa akin. “I mean, sure, but I’d have to explain first na kung buntis ka, I’d propose that we get married first kasi kapag nanganak ka na hindi tayo kasal, hindi magiging legitimate but legitimated—”

I groaned. Bakit naging academic lecture na naman?! Bawal ba na makipaglandian lang sa kanya?! Allergic ba siya?!

Mula sa remedial law lecture niya ay nagmove on na kami sa Family Law. Napa-inom na rin ako ng wine dahil nagkaka-war flashbacks talaga ako sa mga sinasabi niya sa akin. Naiintindihan ko na iyong mga estudyante niya na magpapa-party para lang hindi siya magpa-recit.

I love Achilles, but damn, I’d hate to have him as my prof! Walang konsiderasyon. Ito iyong tipo na gagawan ko ng thread sa reddit tapos iba-bash ko para iwasan ng future students.

Nasa kalagitnaan siya ng pagle-lecture nung matigilan siya sa kung anuman iyong nabasa niya sa cellphone niya. Agad kong sinilip ’yon dahil wala naman kami na atang privacy sa isa’t-isa lalo na ngayon. Kulang na lang ata e lagyan ako ng tracking device ni Achilles.

“Sino ’yan?” sabi ko dahil nasa harap ko si Achilles kaya hindi ko masyadong nabasa iyong text sa kanya.

“No—” natigilan siya. “Lance.”

Napa-kunot ang noo ko. “Serrano?” Tumango siya. “Bakit daw?”

“Probably about the case,” sinabi niya.

“Magka-kilala kayo?”

Tumango siya. “We used to work together.”

Napaawang ang labi ko. “Seriously?!” Tumango lang siya tapos ay tumayo. Agad na napa-tayo din ako. “Saan ka pupunta?” I asked him as I watched him walk towards the door.

“Lobby,” he said.

“Nandito daw siya?”

“Sandali lang ako,” he said, instead.

Tumayo din ako. Tumingin siya sa akin. “Sasama ako,” I told him bago pa man niya ako sabihan na dito lang ako. I quickly walked hanggang sa magkatabi na kami ni Achilles. He was looking at me with disapproving looks, but I couldn’t care less. Kung anuman ang sasabihin sa kanya nung Lance na ’yon, gusto ko na nasa tabi niya ako.

Kung willing si Achilles na akuin iyong mga laban na ako naman talaga ang nagsimula, best believe na ako rin ang unang back-up niya sa kung sinuman ang kaaway niya.

I needed him to know that I am on his side. Always.

Pagbaba namin sa lobby, agad na nakita ko si Lance. I mean, gwapo naman siya. Hindi naman ako bulag. Pero… dinate ’to ni Tali? Really? He just looked… boring. Kagaya nung mga typical na lawyer na boring na ka-trabaho ko.

Lance stood up when he saw us. Tumingin siya agad sa akin. He gave me a small nod tapos ay tumingin siya kay Achilles.

“What?” sabi ni Achilles agad na parang wala siya sa mood.

“I’m just here as a courtesy,” sabi ni Lance. “For old time’s sake and all that.”

Hindi nagsalita si Achilles. Sabi sa akin ni Tali, mag-iingat daw kami kay Lance kasi tuso daw ’to saka gagawin lahat to advance his career.

“I’m gonna do my job, but know that I have no control over what my clients do on their free time,” he said… and I didn’t even have to overthink because he didn’t even try to put a veil over his warnings.

“You’re representing animals. We’re aware,” simpleng sabi ni Achilles.

Lance pressed his lips together. “Great. At least nasabi ko.”

“Bakit? Galit daw ba sila?” Achilles asked.

“You think?” sabi ni Lance. “You basically made a flowchart and treasure map of all the business involved—you know damn well that they’re gonna ask for audit of those businesses.”

Tipid na tumango si Achilles.

“Nag-evacuate na ba sila?” Achilles asked.

“Attorney-client privilege,” Lance replied. “But… they’re panicked.” Tinapik ni Lance iyong balikat niya. “Seriously… Take care, okay?” sabi niya. “These people are insane, Marroquin. You have no idea.”

“I think I have.”

Tumingin si Lance sa kanya at umiling. “No… Really… It’s one thing to send one of them to prison, but to mess with their money?” Tumingin sa akin si Lance. “Watch your backs. Kayo nila Tali.” 

**

This story is already finished at patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 48

Chapter 48

Simula nung pinasok namin—or more like pinasok ko ang gulo na ’to, halos wala na ata akong gabi na nakita na natulog nang maaga si Achilles… Lagi niya na atang naaabutan iyong pagsikat ng araw. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na magpahinga naman siya, but the thing is, kahit ilang beses niya pa sabihin sa akin na ginagawa niya lang lahat ’yon dahil sa akin, kilala ko pa rin si Achilles. May dahilan kung bakit once in his life, naging public defender siya. May puso siya para sa mga tao.

At itong kaso na ’to? Maraming tao ang naapakan at naagrabyado.

Kahit hindi niya aminin sa akin, alam ko na may parte sa kanya na pine-personal na rin iyong kaso na ’to.

“Achilles,” pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at saka tinanggal iyong reading glasses niya at saka pinisil iyong bridge ng ilong niya. Kitang-kita ko sa mukha niya iyong pagod. “Bukas na ’yan. 1AM na,” paalala ko sa kanya dahil baka nalimutan niya na tao rin siya at kailangan ng pahinga.

“Kailangan kong tapusin ’to,” he said.

“Bukas na—”

“No,” he said, cutting me off. “I received a summons from CTA.”

Napa-kunot ang noo ko. “Kailan?”

“Last week.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Last week?” I asked. Tumango lang siya. “Last week pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” medyo naiinis na sabi ko. Last week pa ’to tapos hindi niya sinabi sa akin? Akala ko ba partner kami? Porke hindi ako kasing galing nila sa litigation, hindi nila sasabihin sa akin iyong mga nangyayari talaga? After kaming puntahan dito ni Lance at basically bantaan ang mga buhay namin?

“It’s nothing,” sagot niya. Kilala ko na siya at alam ko na paraan niya ’to para ’wag akong masyadong mag-alala. Too late. Matagal na akong nag-aalala para sa kanya.

Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim. Naglakad ako papunta sa dining table kung saan naka-kalat iyong maraming mga papel. Tumingin ako kay Achilles. Gusto kong manermon sa kanya, pero nung makita ko iyong pagod sa mga mata niya, mabilis kong pinigilan ang sarili ko.

I can be worried and still be supportive.

I didn’t want to further stress him out.

“Summon para saan?” I asked him instead.

“To appear in court,” he replied. I knew he was choosing his words carefully to not frighten me. Too late.

“Akala ko puro papers lang sa CTA?”

“Usually,” he replied. “In some cases, kapag masyadong kumplikado, kailangan ng appearance sa court.”

“Makikita natin… sila doon?” I asked him.

I read the names on paper… Curiosity got the best of me and so I did search for them online. These people… you wouldn’t see them on the mainstream media, but if you search for them online, if you type in the right words, you’d see that they’re there.

Sila ata talaga iyong tinutukoy kapag nababasa ko iyong kataga na the power that looms in the dark.

Iyon bang hindi mo nakikita, pero ramdam na ramdam mo iyong mga desisyon na ginagawa nila. That they’re really the ones who decide who’d get screwed in this fucking economy.

Sila iyong mga pinagtatakpan ng Papa ko.

Kaya siya pinatahimik.

“Usually, just the lawyers,” sagot ni Achilles.

“Pero possible na nandon sila?” I asked because he’s still being very vague.

“Yes,” he replied. “Lui gave us a list of all their money source. There’s a high chance that they’d really make an appearance.”

Hindi agad ako naka-sagot.

Hindi ko rin alam kung bakit.

“You don’t have to come—”

“Sasama ako,” mabilis na sagot ko sa kanya. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. “I promise… I’ll be okay.” Kita ko sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa akin. I couldn’t blame him. He saw me spiral when my father died. He’s just probably worried… kung ano ang mangyayari sa akin kapag nakita ko iyong dahilan kung bakit nawala si Papa.

Silence engulfed us.

I stayed up with him.

Nahilo ako sa mga documents na binabasa ni Achilles, but I did try my best. He made me group the documents depending on the source of money. Sinabi niya rin na kasama namin iyong anti-money laundering committee and we’d support them with the documents since they’re the one with the power to request na ipa-freeze at ipa-forfeit iyong assets.

For the next days, iyon lang ang ginawa namin.

Nabigla ako nang mapa-tingin ako sa glass door sa may veranda at makita ko na papa-sikat na iyong araw. I looked at Achilles and he was still reading. I didn’t know how he could do this… every damn day.

I stood up and quickly made us a decaf coffee. Lumapit ako sa kanya at saka marahan siyang tinapik sa balikat. He almost got startled. Ganoon siya ka-seryoso sa binabasa niya.

“What?” he asked.

Instead of answering, I merely motioned for him to follow me. Bahagyang naka-kunot iyong noo niya. He was confused, but nonetheless followed me.

“Look,” I said. “Sunrise.”

Napa-tingin si Achilles. “Ano’ng oras na?” he asked na parang wala talaga siyang idea kung anong oras na.

I shrugged. “Basta mag-uumaga na.” I saw the mental computation going on in his head. “Five hours,” I told him. “Five hours bago tayo kailangang umalis papunta sa CTA. Naka-alarm na sa phone ko with 15 minutes interval for each alarm.”

Napa-tingin siya sa akin. Hindi ko alam kung matatawa o maooffend ba ako na parang gulat na gulat siya na alam ko kung ano ang nangyayari at hindi lang ako display.

“What?” he said. “Hindi ’yon ang nasa isip ko.”

“Ano?”

“Matulog ka muna,” sabi niya sa ’kin.

“What?”

“I’m used to running with no sleep,” sagot niya. “We’re almost done, anyway. I’ll finish it. Matulog ka na muna,” he continued. I looked at him. “I’ll wake you up. Matulog ka na. We both know how you are kapag kulang ka sa tulog.”

Nalito ako sandali kung seryoso ba siya na pinapa-tulog ako o gusto niya lang akong paalisin… On one hand, inaantok na talaga ako at tama siya na hindi ako masaya kasama kapag kulang ako sa tulog… on the other hand, this was the day. Ngayon pa ba ako matutulog?


But I was tired.

So fucking tired that despite me fighting the urge to sleep, naka-tulog pa rin ako. Nang magising ako, agad na nagtaka ako kung bakit nasa kama na ako. I was so certain na pagbabasa ang ginawa ko bago ako naka-tulog kaya dapat ay naka-patong sa lamesa iyong ulo ko ngayon.

I was mid-stretch nang mapa-tingin ako sa may digital clock sa bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na ilang minuto na lang ay magsisimula na iyong clarificatory hearing.

Fuck!

Iniwan ako ni Achilles?! Because that was the only sane explanation. Impossible na nalimutan ni Achilles na ngayon ’yong hearing.

Mabilis na nagpalit ako ng damit. Kinuha ko iyong wallet ko pero bago pa man ako maka-labas sa unit, natigilan ako dahil may dinikit na papel si Achilles doon sa may pintuan.

’I didn’t wake you up. Pinatay ko lahat ng alarm mo. Just please stay inside the unit. I’ll be fine. Kasama ko ‘yung security. Please don’t leave the unit. I’ll be back as soon as the hearing ends. You can nag at me later.’

The fuck, Achilles!

Gustuhin ko mang umalis, hindi ko magawa dahil nangako ako kay Achilles na hindi ako lalabas unless kailangan talaga at dapat lagi akong may kasama na security. Sinama niya talaga lahat para wala akong choice kung hindi dito lang ako.

I couldn’t even call him dahil alam ko na hindi rin siya sasagot dahil nasa hearing siya. I had no choice but to call Tali.

“Tali,” I said when she answered the call.

“Hmm?”

“Iniwan ako ni Achilles.”

“What? Bakit kayo nagbreak?” nagulat na tanong ni Tali.

Napa-kunot ang noo ko. “What? No, no,” mabilis na sabi ko dahil subject to misinterpretation pala iyong pagkakasabi ko. “I mean, nasa hearing siya ngayon ay hindi niya ako sinama,” I quickly explained. “Kasama ka ba niya? O si Lui?” I asked. Alam ko magaling na lawyer si Achilles, pero hindi naman siya si Superman na kaya gawin ang lahat.

“Hindi… wala rin siyang sinabi sa amin na kailangan niya ng kasama ngayon,” sagot ni Tali. Hindi ako nakapagsalita. “Kasama niya ba iyong security?”

“Kasama.”

“Then he’ll be fine… I know you’re stressed and anxious right now and I would be, too, if I were in your position… but Achilles probably did what he think was best.”

“And that is?”

“Keep you safe inside the comfort of your unit,” Tali replied. “Look, iyong sa kaso na hawak namin, sensationalized by the media. Somehow, we’re more safe because all eyes are on us… Iyong sa kaso na hawak niyo, mas delikado pero walang masyadong mata na naka-tingin. Because tax and civil cases are boring. But those boring cases are the key to everything, Mauro. Achilles just wants you safe. And although I don’t really know you both that well, but if there’s one thing I know, it’s that that guy can’t and won’t function properly kapag hindi niya alam na safe ka.”

Hindi ako naka-sagot kasi ano pa ang sasabihin ko doon?

“Okay—”

Hindi ko alam kung bakit biglang nanlamig iyong buong pagkatao ko nang maka-rinig ako ng katok mula sa pintuan.

Impossible na si Achilles ’yon dahil sigurado ako na nasa hearing siya ngayon mismo.

“Tali,” sabi ko sa kabila ng mabilis at malakas na kabog ng dibdib ko.

“What—”

“May kumakatok sa pinto.”

“What? Oh, my god. ’Wag mong buksan. I’ll call Lui and have someone be there immediately,” she said but I couldn’t hear her anymore and could only hear the loud beating of my heart.

“Mauro.”

Tangina.

Ramdam na ramdam ko iyong paglalamig ng buong katawan ko nang marinig ko na tawagin ng kung sinuman ang nasa labas ang pangalan ko.

“I’m Catalina,” sabi nung boses sa labas. “Catalina Cantavieja. Can we talk? I just want to discuss some things with you. I’m not with anyone.”

Narinig ko iyong boses ni Tali. Hindi ko naririnig kung ano iyong sinasabi niya. My mind was in a haywire. Hindi ko alam kung ano ba ang susundin ko. My mind was telling me to not answer the door. My sense of self-preservation was telling me to go contact the lobby and the security.

But there was this… tiny voice inside my head telling me to go answer the door.

So, despite all logic, I ended the call with Tali and went and opened the door.

“Hi,” she said. She lied… she wasn’t alone. But she was with a kid. “I hope you didn’t mind that I brought him with me,” sabi niya at saka tumingin sa bata na kasama niya. “Say hi, Mateo.”

Tumingin lang iyong bata sa akin tapos ay nagtago sa likod ng nanay niya.

“I brought him so that you’d know that I’m here and I meant no harm. I just really want to talk,” she continued.

Binuksan ko iyong pinto. Pumasok sila. Napa-tingin ako sa cellphone ko at puro text at tawag iyon mula kay Tali. Tumingin ako sa dalawang tao sa loob ng condo ko. Wala naman siguro silang ibang gagawin… kaya nagtext ako kay Tali na paranoid lang ako at maintenance lang iyong nasa labas.

“Thank you,” sabi ni Mateo nang abutan ko sila ng baso ng tubig. Tipid na ngumiti ako sa kanya. Sinabihan ni Catalina si Mateo na maglaro sa isang gilid. Sumunod iyong bata. He was a cute kid—with his tanned skin and hair that curls on the end.

“I suppose you know who I am?” sabi niya.

Hindi ako sumagot. Of course, I knew her. Kilala ko silang lahat. Hindi ko lang akalain na makikita ko sila—most importantly, na makikita ko sila dito sa loob ng unit namin ni Achilles.

“I’m here regarding the case you filed involving my family,” dugtong niya.

“I’m not backing out,” sagot ko sa kanya. “If you’re here to threaten me—”

“Believe me, I am on your side,” kalmado na sagot niya. “I… am not my mother’s biggest fan. I tried countless of times to persuade her to stop what she was doing, but money’s just too strong a factor,” dugtong niya at saka malungkot na ngumiti. “I know money blinds most people… but I really need this to stop. Ayoko na lumaki sa ganito iyong anak ko. God knows what will happen kung ganito pa rin kapag malaki na siya. I don’t want to give him the option to be involved in that business,” sabi niya at saka tumingin sa akin nang diretso. “This has to stop.”

Hindi ako nakapagsalita.

I was in no position to make her an offer or to make promises.

“I know I can convince my mother to cooperate… if you will help us convince the authorities to drop any charges.”

Bahagyang napaawang iyong labi ko.

“I know that this is a big ask… but please also consider that my mother will go against big names—”

“I’m not interested,” mabilis na sabi ko sa kanya. Isa iyong mga nanay niya sa mga may kinalaman sa nangyari sa tatay ko. After everything she did, magtataka pa ba siya na makukulong siya? Ito siguro iyong sinasabi nila na fuck around and find out.

Gagawa ka ng ilegal tapos magugulat ka na makukulong ka? Gago ka ba?

“I know you think my mother had something to do with what happened to your father,” sabi niya. Mabilis na natigilan ako. “But you’re wrong, Mauro. If that’s your reason, I hate to tell you that you’re going after the wrong person—the de Marcos… They’re the ones behind what happened to your father.”

**

This story is already finished patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 49

Chapter 49

I knew that Tali didn’t believe my lies nang makita ko iyong itsura ni Achilles nung buksan ko iyong pinto. Heck, I didn’t even need to see his face to know the panicked state of his mind. Sa tunog pa lang ng bawat pagkatok niya sa pinto ay alam ko na. The urgency of each knock told me that if I were even just a second late from opening it, he was close to knocking the door down.

“Hi, traitor,” sabi ko nang buksan ko iyong pinto. Ewan ko. It was a desperate attempt on my part para pagaanin kahit konti iyong sitwasyon.

Imbes na sagutin ako sa sinabi ko, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Tinignan niya iyong mukha ko pati iyong mga braso ko. Gusto ko sanang magjoke na huhubaran niya na rin ba ako i-check, but I decided against it. Not the place and time. Definitely not. Seryosong-seryoso iyong mukha ni Achilles—evidenced by the deep crease on his forehead.

“You should’ve called me!”

“Nasa hearing ka.”

“Regardless.”

“I could’ve… pero naka-silent iyong phone mo kapag nasa Court ka, ’di ba?”

“It’s on vibrate. If I saw you calling, I would’ve answered,” seryosong sagot niya sa akin. Kita ko iyong malalim na paghinga niya. I reminded myself that this was not the place and time para inisin si Achilles.

“Di ka takot ma-contempt?” I asked in my lame attempt na pagaanin iyong atmosphere dahil sobrang seryoso ni Achilles.

“Why do you think I’m doing all these?” mas seryosong sagot niya ngayon.

“Oh… Akala ko—”

Napa-tigil ako sa pagsasalita dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya. Ito iyong panahon na walang tamang sagot kung hindi sorry.

Bigla kong naisip iyong sinabi ni Tali na anuman ang gawin ni Achilles, dahil ’yon nag-aalala siya sa akin. Na itong taong ’to ay mahal na mahal ako kaya natural lang na mag-alala siya dahil sa nangyari. Ganon din naman ang mararamdaman ko kung ako iyong nasa kinatatayuan niya.

“Sorry.”

Tahimik lang siya.

“Pero paano mo nalaman?” tanong ko sa kanya. Wala siyang sinabi na alam niya, pero sa tagal na naming magkasama ni Achilles, madalas, kahit walang salita ay nagkaka-intindihan na kami.

Instead of answering, may tinuro siya. Tumingin ako roon at napa-kunot ang noo… hanggang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin niya.

“I’m not gonna apologize,” sabi niya.

“What the fuck!”

Nagpatuloy na sa paglalakad si Achilles. Inilagay niya iyong briefcase niya sa lamesa.

“Hindi ba ’to violation of privacy?!”

“We’re way past that,” kalmado pero galit na sagot niya. “I don’t watch that like a perverted creep. But it’s needed—kagaya ngayon.” He looked at me. His eyes showed the disappointment again as he poured himself a glass of water. “What did she want?”

“Ano? Wala bang audio ’yang hidden camera mo?”

Achilles threw me a look that told me that he was not amused and that I needed to answer his question. I pursed my lips. Bakit ba lagi akong tumitiklop sa isang ’to?

Naupo ako sa may stool doon sa kitchen island. Naka-tayo si Achilles sa kabilang side non. Naka-tingin siya sa akin habang hinihintay kung ano ang susunod na sasabihin ko.

“Pumunta dito iyong kapatid ni Sancho.”

“Alam ko. Ano’ng sinabi niya?”

I bit my tongue bago pa kung ano na naman ang masabi ko at ma-bwisit na talaga siya sa akin. Sinabi ko sa kanya kung ano talaga iyong nangyari kanina. Tahimik lang na nakikinig si Achilles.

“Sa tingin mo nagsasabi siya ng totoo?”

“Tungkol saan?”

“Sa lahat. Na wala siyang kinalaman.”

“I believe so,” sabi ni Achilles. “Sa dami ng nabasa natin, wala akong nabasa na pangalan niya.”

Tama naman siya… Kahit mga panglan nila Sancho at Nikolai, wala akong nabasa. Pero ang hirap pa rin kasi alam mo ’yon, pamilya nila ’yon, e. Imposible na wala silang alam na kahit na ano…

O baka kagaya ko lang din sila.

Na deep down, alam ko na may nangyayaring mali… pero dahil pamilya ko, pinilit ko iyong sarili ko na maniwala na walang ganon na nangyayari… na nasa isip ko lang ang lahat…

Bakit? Kasi pamilya ko.

“E iyong sa mga de Marco?” tanong ko sa kanya.

“They probably are,” sagot ni Achilles. “No, they are guilty. But we have no proof.”

“Wala? Kahit ano?”

Umiling siya. “It’s all hunch. Nothing we can prove in court,” sagot niya.

Hindi ako nagsalita. Iyon na ’yon? Sila iyong nagpapatay kay Papa tapos… iyon na ’yon?

“But we can’t be sure if they’re really the ones behind what happened with your father,” sabi ni Achilles na para bang gusto niyang pagaanin ang loob ko. “For all we know, this is just her trying to save her family.”

Hindi pa rin ako nagsalita.

Inabot ni Achilles iyong kamay ko at hinawakan iyon.

“I promise we’ll also go after them if we get any solid proof they they’re the ones behind that.”

Kailan pa kami matatapos?

May katapusan pa ba ’to?

“Sa tingin mo ba… dapat makipagtulungan na tayo sa kanila?” tanong ko kay Achilles.

Kasi parang wala na ’tong katapusan.

May oras pa ba kami para maging masaya ni Achilles?

O dito na lang iikot ang buong buhay namin?

That I’d be forever chasing after this so called justice that I’d forgo the life that I could’ve had with Achilles?

Could I really live with that?

“It’s up to you,” sabi ni Achilles.

Ilang segundo ang lumipas na naka-tingin lang ako sa kanya. “Hindi ko alam,” sagot ko. “Kung ikaw ako… ano ang gagawin mo?”

“It’s your—”

“Ikaw ang tinatanong ko.”

Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nakapagsalita. “If I were you… of course I’d want justice. Of course gusto ko na kung sino talaga ang may kasalanan, sila ang makulong,” panimula niya. “But if we’re to do that, it’s gonna be a lifetime of legal battle.”

“Hindi mo ako sasamahan?”

Hindi ko rin alam kung bakit tinanong ko sa kanya ’yon.

Imbes na sumagot, inabot ni Achilles iyong kamay ko at hinawakan.

“What do you think?” sagot niya habang mahigpit na hinawakan iyong kamay ko.

I looked at Achilles…

Nalungkot ako.

Deserve niya ba ’to? Na ito ang gawin habang buhay dahil lang sa lahat ng tao sa mundo, sa akin siya nagka-gusto?

Saka isa pa, tama naman siya… Baka hindi rin naman mga de Marco ang may kasalanan. O kung meron man silang kasalanan, hindi namin kayang patunayan sa korte. Saka wala rin namang pruweba na may kinalaman iyong kapatid ni Sancho sa mga nangyayari na ’to.

Parang lahat madumi, lahat may pino-protektahan.

Gaya ko.

Gaya namin.

Kaya kailangan na lang naming galingang pumili kung kanino kami maniniwala.


Ilang araw ko ring pinag-isipan kung ano ang gagawin ko. Sa huli, mas nanaig iyong pagka-gusto ko na magkaroon din ng katapusan ang lahat ng ’to.

I just needed to have something to look forward to.

That this couldn’t be it.

There’s more to our lives than this case.

Hindi ko rin muna sinabi kina Tali iyong tungkol dito. Gusto ko munang maka-usap si Catalina. Gusto ko munang marinig lahat ng sasabihin niya bago ko sabihin kina Tali.

“Kailan mo kinabit ’yan?” tanong ko kay Achilles habang naghihintay kami sa pagdating ni Catalina.

Tumingin sa akin si Achilles na naka-kunot ang noo. Na para bang sinasabi niya sa akin na ‘talaga? Iyan ang tanong mo ngayon?’ Pero oo, iyon ang tanong ko. Ayoko nung masyadong seryoso. Alam ko naman na kinakabahan ako. Gusto ko lang mabawasan kahit konti.

“Dati pa ba ’yan?” ulit na tanong ko. “So… kapag may ginagawa tayo dati—” Natigilan ako dahil sa talim ng tingin sa akin ni Achilles. Natawa ako. “But seriously?”

“Nung nagsimula lang iyong kaso,” seryoso na sabi niya.

Kumunot iyong noo ko at saka nanlaki ang mga mata. “Kaya pala lagi mo akong hinahatak sa kwarto—” Agad na natigilan ako kasi literal na tinakpan ni Achilles ng kamay niya iyong bibig ko. Natawa ako dahil sa ginawa niya.

For a few moments, nawala sa isip ko lahat ng problema. Tinukso ko lang si Achilles. Naging entertainment ko iyong pamumula ng dulo ng tenga niya.

Pero mabilis din na naputol ang lahat nang maka-rinig kami ng katok. Agad na nagka-tinginan kami ni Achilles. Walang nagsalita. Walang kailangang magsalita.

Tumayo siya at saka sumilip sa may peephole bago binuksan iyong pinto. Kasama niya ulit iyong bata. Ito ba iyong way niya para i-pacify kami na walang masamang mangyayari? Kasi parang gago naman talaga kung may gagawin siya na masama sa harap ng bata…

But then again, when it comes to these people… meron pa bang imposible?

“Hi,” sabi niya nang maka-upo siya sa may couch.

Tipid ako na tumango sa kanya. Si Achilles, ni hindi man lang tumango. Seryoso lang iyong mukha niya. Mukhang hindi naman na-offend si Catalina doon.

Lahat ata kami ay napa-tingin kay Mateo nung lumapit siya kay Achilles at saka tinapik iyong binti niya. Napa-tingin si Achilles doon sa bata. Tinuro nung bata iyon ref. Naka-tingin lang si Achilles at naka-kunot ang noo.

“Do you want food?” tanong ko doon sa bata.

Umiling siya.

“Water?”

Tumango siya.

“Bigyan mo daw ng tubig,” sabi ko kay Achilles. Mukhang aangal pa si Achilles dahil ayaw niya atang umalis sa gilid ko, pero hinila nung bata iyong pantalon niya sa may bandang tuhod.

Weird… gusto ba ng mga bata si Achilles?

Tumayo si Achilles at saka sumunod sa kanya si Mateo. Papanoorin ko sana sila nang mabaling iyong atensyon ko kay Catalina nang tawagin niya iyong pangalan ko.

“Have you made a decision?” tanong niya.

“May mga tanong lang ako.”

“Of course,” sagot niya.

“Say we agree with what you’re proposing… Gaano kami ka-sigurado na makukulong lahat ng dapat makulong?”

Nakita ko na tiningnan ni Catalina si Mateo. Baka nagsasabi naman siya ng totoo… Baka ayaw niya lang talaga na lumaki din sa ganitong mundo iyong anak niya.

Hindi naman porke napapaligiran kami ng mga questionable na tao ay ganon na silang lahat.

“I wish I can give you what you want—na makulong lahat ng dapat na makulong,” sagot niya. “However, I can assure you that everyone who’s had a dealing with my mother, you can go after them. My mother keeps a meticulous record of everything.”

Bahagyang napa-kunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya.

“I think she calls it her ‘insurance’,” dugtong niya. “But if my mom has that, I think it’s fair to assume na mayroon ding ganon iyong ibang mga tao na ilalaglag niya.”

Alam ko na iyong susunod na sasabihin niya.

“Kailangan ko munang kausapin sila Tali,” sabi ko sa kanya. Sigurado ako na kilala niya rin si Tali.

“Of course,” sagot niya. “I have to discuss this again with my mom.”

“Hindi pa pala siya pumapayag.”

“I’m sure she’ll agree,” sagot niya.

“Okay.”

“So, do we have a deal?”

Bago pa man ako maka-sagot ay naka-balik na si Achilles. Kaya pala natagalan siya ay dahil naka-sabit sa binti niya si Mateo. Gusto kong mapa-ngiti, pero parang hindi na naman ito iyong tamang panahon.

Tama iyong desisyon ko na tanggapin iyong tulong niya.

Gusto kong magkaroon ng araw na pwede akong ngumiti na walang ibang iniisip.

“Give us everything you have and then we’ll talk,” sigurista na sabi ni Achilles.

“We need assurance.”

“If what you have will help us, then there’s no reason to be worried,” sagot ni Achilles. “As you know, we already have a case. Baka meron na rin kami ng sinasabi mo na ebidensya.”

“Very well,” sabi ni Catalina. May kinuha siya mula sa bulsa niya at saka inabot iyong kay Achilles. “Consider this as a gift.” Napaawang iyong labi ko. Napa-tingin sa akin si Catalina. “You didn’t ask.”

What the hell?

Tumayo siya at saka hinawakan iyong kamay ni Mateo. “Say goodbye,” sabi niya roon sa bata at saka kumaway iyong bata sa aming dalawa ni Achilles.

Nang makaalis sila ay mabilis na tinignan ni Achilles kung ano iyong inabot sa kanya ni Catalina. May cellphone sa loob nun. Nagka-tinginan kami ni Achilles. Agad na tinignan namin kung kaya naming mabuksan iyong cellphone na iyon. Wala iyong passcode. Pagpunta namin sa inbox ay maraming mga message thread doon… some goes as far back as from four years ago.

Binuksan namin iyong isang thread. It was obvious na gumagamit sila ng code word para sa ilang mga transactions.

“Magagamit ba ’to?” tanong ko habang naka-tingin kay Achilles na seryosong naka-tingin sa may cellphone.

“If this is just a welcome gift,” sabi niya at saka tumingin sa akin. “I need to see what else she has to offer.”

**

This story is already finished at patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Chapter 50

Chapter 50

We decided to get all the help we could get—God knows we need them. But really, it was more like I decided to get all the help we could get. Lagi naman akong tinatanong ni Achilles kung ano ang gusto kong mangyari.

Ang gusto kong mangyari? Matapos na ’to.

I knew that legal battles like this could last us years.

And what I knew for sure was that I did not want this to last for years.

Marami pa akong gustong gawin kasama si Achilles—iyong mga bagay na gagawin lang namin dahil gusto namin at hindi dahil kailangan namin. Nitong mga nakaraang taon, parang laging may dahilan lahat ng bagay na ginagawa namin.

What I’d give to just live and breathe.

I told Achilles that whatever we decide to do, we need to inform Tali and Lui. Syempre, lahat kami ay damay dito. Kailangan din nilang malaman na may balak kaming makipagtulungan sa mga Cantavieja.

“Mom, please.”

Para akong nanood ng telenobela habang naka-upo ako sa harapan nila. Ganito rin ba kami nung nag-a-away kaming pamilya?

Fuck.

Ang tagal na rin nung nakausap ko sila Mama.

Siguro kaya rin kailangan kong matapos ’yung kaso na ’to… Kasi dala-dala ko iyong guilt sa nangyari kay Papa… Na kung hindi ko ginawa lahat ng ginawa ko dati, buhay pa kaya siya?

Hanggang hindi ako nakaka-kuha ng hustisya sa nangyari sa kanya, pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap kina Mama at Mauve.

Kaya hindi ko lang ’to gusto—kailangan kong matapos ’to.

“Do you honestly think these people can protect me?”

“Do we have a choice?”

“Yes—”

“Mom, please. Hindi pa ba sapat iyong nangyayari kay Sancho? Don’t you believe in karma?”

“Kasalanan ’yon nung babae—”

“Or maybe it was your karma,” mabilis na pagputol niya sa sasabihin ng nanay niya. “For all the lives you ruined. Did you even try to consider that? What it if happens to Mateo, too? Hindi ka ba naaawa sa apo mo na madadamay sa mga kasalanan na hindi niya naman ginawa?”

Tatayo na sana ako dahil gusto ko silang iwan para makapag-usap sila. I didn’t think I should be here.

“No need to leave,” mabilis na sabi sa akin ni Catalina. Nakita ko na humugot siya ng malalim na hininga. “We’ll cooperate… right?” sabi niya at seryosong tumingin sa nanay niya.

Ni hindi kailangang magsalita ni Isobel Cantavieja para malaman ko na hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ng anak niya… pero mukhang tinamaan siya sa sinabi ni Catalina—sino ba naman ang hindi? Kahit ako matatakot sa karma sa dami ng nangyari sa mga anak niya. Baka natatakot lang siya na madamay din iyong apo niya.

“Fine. What do you need?” sabi niya sa amin ni Achilles.


Halos pagtulog lang ang naging pahinga namin nang mga sumunod na araw. Paano kami makakapagpahinga laging biglang may bagong mangyayari?

Halos tapos na iyong sa may criminal case na hawak nila Lui at Tali at naghihintay na lang sila ng resolution mula sa Court. They did their best—kaya kailangan din namin ni Achilles na gawin lahat ng makakaya namin.

“Ito na lahat?” tanong sa amin ng mga ka-meet namin galing sa Anti-Money Laundering Council. Maraming tinurn over na files si Isobel Cantavieja. We had to hire a forensic accountant para lang matignan nang mabuti lahat ng files.

It took us weeks.

Ilang linggo na araw-araw namin tinitignan dahil baka may na-miss kami sa mga files.

We just needed something—or at least I needed something. Kasi sa dami ng hawak namin, sigurado na ako na mapapa-bagsak na namin ng tuluyan ang mga Villamontes at ang mga Ferreira.

I knew I should be happy.

Naka-tulong ako na mabawasan ang mga masasamang tao dito…

Pero laging may bumubulong sa akin na paano kung mga De Marco talaga ang may kasalanan? Ano? Iyon na ’yon? Talagang kahit ano ang gawin nila, hindi sila mapaparusahan?

Are they really above the law?

“Ito na lahat,” sabi ko sa kanya sabay abot ng flash drive. Tahimik lang si Achilles sa tabi ko. Alam ko na kung siya ang masusunod, mas pipiliin niya na siya ang makipag-usap. Ganon naman lagi. Hinahayaan ko siya dahil mas marami naman talaga siyang alam sa akin.

Pero ngayon?

Ngayon na may nahanap na kaming paraan para maikonekta ang mga de Marco sa mga illegal na gawain?

I just had to be the one who’d give the loaded gun.

Napa-kunot ang noo ng kausap namin nang hindi ko bitawan iyong flashdrive habang hawak niya na iyon.

“Ipapa-freeze mo iyong assets nila, tama?” tanong ko sa kanya kahit pinaliwanag na sa akin ni Achilles kung ano ang mangyayari. May dahilan kung bakit sa AMLC kami makikipagtulungan para sa kaso ng mga de Marco. Sila iyong may kakayahan na magpa-freeze ng mga assets.

“Depende.”

“Saan?”

“Sa nakalagay dito,” sagot niya.

“Nandyan na lahat.”

“Don’t get me wrong—gusto kong maniwala, pero kailangan ko munang makita gamit ang sarili kong mga mata. Matagal na naming sinusubukang hulihin ang mga de Marco. Walang kumakanta.”

“Well, meron na ngayon.”

“Again, I’ll have to see it myself first.”

Naramdaman ko iyong paghawak ni Achilles sa braso ko na para bang sinasabihan niya ako na hayaan ko rin ang AMLC na gawin ang trabaho nila. Alam ko naman ’yon… I just really need this.

“Salamat dito,” sabi niya.

Tumango ako.

“Kung may kailangan—”

“We’ll manage,” sagot niya sa akin.

“I’ve seen you in Court,” biglang sabi ni Achilles. “No offense, but you can ask for our help.”

Nakita ko iyong pamumula ng dulo ng tenga ng kausap namin. Seriously… sa akin lang ba mabait si Achilles? Kasi parang rude siya sa mga nakakausap namin. Ano ’to? Boyfriend privilege?

“Those greedy motherfuckers get the best lawyers from the best firms,” mabilis na sagot niya habang namumula pa rin ang dulo ng tenga.

“Precisely. Kaya tutulungan namin kayo. We already gave you the puzzle pieces—you just have to complete them.”

Ilang segundo rin na naka-tingin lang siya sa amin na para bang tinitimbang niya pa kung hihingi ba siya ng tulong… at kung mapapagkatiwalaan ba kami.

Apparently, Achilles has a way with people—kahit hindi ko maintindihan because most of the time, straightforward at rude lang siya. Dapat ba ganon na rin ako?

We stayed for a few more hours—discussing legal tactics at kung anu-ano pa. Apparently, meron na talaga silang files tungkol sa mga de Marco. Nagsimula pa iyon nung unang pumasok sa politics si President de Marco. Nakakapagtaka naman daw kasi talaga… from basically nothing tapos magiging isa sa pinaka-makapangyarihan na pamilya sila sa Pilipinas? Of course people would wonder.

But everything has been unfounded gossip.

Walang mapatunayan.

Walang may gustong magpatunay.

Until this.

Totoo din pala iyong sinasabi nila sa statistics na most likely than not, kung ipapa-patay ka, kilala mo rin ang papatay sa ’yo.

Alam kaya ng mga de Marco na si Isobel Cantavieja ang nagtraydor sa kanila?

Or maybe not… kasi hindi naman talaga sila nilaglag ni Cantavieja—sadyang hinanap lang talaga namin ni Achilles.


Matapos naming ibigay sa AMLC iyong sa mga de Marco ay nagfocus kami sa mga hawak namin na kaso sa CTA. Halos puro paperworks lang naman ’yon. Medyo mahirap lang dahil magaling talaga si Atty. Serrano, pero malaki ang tiwala ko kay Achilles.

“So… ano na?” sabi ko kay Achilles.

“Ano’ng ano?” tanong niya pero hindi naman siya naka-tingin sa akin dahil binabasa niya iyong isang petition for review. Ang gwapo talaga niya kapag nagta-trabaho dahil seryoso iyong mukha niya tapos bahagyang naka-kunot iyong noo niya at bahagyang nakaawang iyong labi.

“Iyong mga ipapasa mo na pleadings, medyo matagal pa naman, ’di ba?” tanong ko sa kanya.

“Yes, pero ayoko ng nagmamadali. Nakaka-lito ’yung details, so I have to simplify them para hindi malito iyong magbabasa,” sagot niya.

“Ah, okay.”

Napa-tingin siya sa akin.

Tapos sinara niya iyong laptop niya—like he was telling me that he’s giving me his full attention.

“What do you want?” he asked.

“Wala.”

“Mauro,” he called na para bang bata ako na pinapagalitan niya.

“Wala nga,” sabi ko.

Hindi siya nagsalita. He slightly arched his brow, but that was enough para mapaamin ako. Tsk. Iba rin talaga katarayan ng taong ’to. Kung hindi siguro na-inlove ’to sa akin, grabe iyong pang-aapi na mararanasan ko sa kanya. Kasi grabe rin talaga iyong sungit niya sa akin dati.

“Naalala ko lang…”

“Out with it,” sabi niya nung hindi ko agad nasundan iyong sinasabi ko.

“Sabi mo dati… kapag tapos na… pupunta tayong ibang bansa tapos magpapakasal.”

Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya? After everything? After ng lahat ng ginawa namin sa isa’t-isa at mga ginawa namin para sa isa’t-isa?!

“Naalala ko lang naman. Alam ko naman na hindi pa tapos iyong mga kaso,” mabilis na dugtong ko tapos tumingin ako sa iba kasi pakiramdam ko lulubog na ako sa kahihiyan kapag tumingin pa ako sa mga mata ni Achilles.

“Ah… Naalala mo lang?” sabi niya. Ni hindi ko kailangang tumingin sa kanya para malaman na nang-aasar na siya ngayon. “Naalala mo lang naman pala. Okay.”

Gusto ko siyang sakalin, pero hindi ko magawa dahil alam ko na kahit ata mamatay ako e hindi ko mababayaran lahat ng sakripisyo niya para sa akin. Kaya nakuntento na lang ako na itulak siya. Napa-higa siya sa may sofa tapos tawa siya nang tawa.

“Bwisit ka talaga, Achilles V. Marroquin!” sabi ko habang patuloy siya na hinahampas kasi binu-bwisit niya na talaga ako ngayon.

“Wow, full name,” tatawa-tawang sabi niya.

Kinurot ko siya. “Leche ka!”

“If you want to get married, all you have to do is ask—may pa-naalala ko lang ka pa d’yan.”

Sinamaan ko siya ng tingin.

Naupo si Achilles.

“Mauro—” sabi niya tapos ay bigla siyang tumayo. Naka-sunod lang ang mga mata ko sa kanya. Saan pupunta ’yon?! Pero hindi ko na kailangan pang tanungin dahil bumalik agad siya. Nanlaki iyong mga mata ko nang makita ko iyong hawak niya na box na sigurado ako singsing ang laman.

“Do you want me to get down on my knee o pareho na lang tayong naka-upo?” tanong niya. This time, seryoso siya. Medyo rinig ko iyong kaba sa boses niya… na medyo nakakatawa rin kasi literal na kinalaban niya ata iyong mga pinaka-demonyo dito sa Pilipinas tapos dito lang siya kakabahan?

Kapag nag-iimagine ako dati ng proposal ni Achilles, palaging formal iyong naiisip ko… Iyon bang nasa isang private room kami sa restaurant tapos may tumutugtog ng violin tapos luluhod si Achilles sa harapan ko at itatanong niya na iyong mahiwagang tanong.

Pero ngayon?

Parang mas gusto ko na naka-upo na lang kami sa sahig ng condo niya. Kasi ganito naman kami madalas. Dito namin pinag-usapan iyong mga problema namin, iyong mga tactics namin sa kaso, iyong mga pangarap namin.

Ilang gabi na naka-upo lang kami sa sahig ng condo niya habang napapa-libutan ng maraming papel at hinahanap iyong karayom sa bundok ng dayami.

Nakita ng condo na ’to lahat ng saya at hirap namin.

So… this felt appropriate.

This felt like us.

Tinapik ko iyong espasyo sa harapan ko.

Naupo roon si Achilles.

Huminga siya nang malalim.

“Mauro,” pagtawag niya.

“Yes?”

He looked at me na para bang sinasabi niya na tumahimik muna ako. So, ganon? Kapag siya, pwede niya akong bwisitin… kapag ako, bawal?

“Mauro Eugenio dela Rama.”

“Wow, full name,” tukso ko.

“Please,” sabi niya.

I acted like I was zipping my mouth. “Okay, okay,” sabi ko at saka tinapik iyong magkabilang tuhod ko. Kinakabahan ako but at the same time, gusto kong hatakin na iyong mga salita mula sa dila niya.

Gusto ko na tanugin niya na ako.

Gusto ko na sabihin na rin sa kanya na oo.

Syempre, oo.

May iba pa bang sagot?

“Will you marry me? And annoy me for the rest of our lives?”

Napaawang iyong labi ko. “Seriously?!”

Natawa siya. Inabot niya iyong mga kamay ko. He caressed the top of my hands with his thumbs. He always did that. And every time he did that, I felt safe.

“Let’s go abroad. And get married. And do a yearlong honeymoon,” sabi niya. “Pupunta lang ako sa Pilipinas para magfile ng pleadings tapos uuwi ako kung nasan ka man.”

God… this man really has a way with words.

“Fine, I’ll marry you. Baka umiyak ka pa kapag hindi,” sabi ko tapos napa-iling na lang siya habang kinukuha iyong singsing at sinuot sa daliri ko. 

**

This story is already finished on patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you!

Epilogue

Achilles V. Marroquin

“Achilles.”

Huminga ako nang malalim.

Sabi nila kapag nagtrabaho ka sa OCP o sa PAO, sobrang dami mong gagawin na tipong doon na lang iikot ang buhay mo. That was one of my considerations when I chose to apply here and leave my rather comfortable corporate law life.

“What?”

“Single ka naman, noh?”

Hindi ako sumagot.

Hindi ko alam kung kailan naging matter of office-wide interest iyong ‘love life’ ko. Akala ko rin maraming ginagawa dito sa PAO, but apparently not. Sa isang linggo, at least once ako matatanong tungkol dito. Gusto ko na silang sagutin na paano naman ako gaganahan magkaroon ng ‘love life’ kung ang lagi kong naririnig galing sa kanila e reklamo nila na hindi sila masyadong pinapansin ng boyfriend nila, iyong hinala nila na may ibang babae, o kung anuman.

I have a newfound appreciation for my life.

Papasok sa trabaho.

Go to the gym.

Dadaan sa supermarket.

Magluluto ng dinner.

Sleep.

And then repeat.

I love my routine.

“May ipapakilala ako sa ’yo.”

Hindi ulit ako nagsalita.

Gusto kong sabihin na hindi ako interesado at wala akong panahon, pero alam ko na mas hahaba lang iyong diskusyon. Saka ayoko ng kaaway sa trabaho. I figured it just made things difficult. Ako kasi, kaya ko makipagtrabaho kahit ayoko sa tao. It’s just work. I can dislike you and still work with you. I discovered that most people aren’t like me. Kapag ayaw nila sa ’yo, idadamay nila ang trabaho mo.

So, I’d rather keep things professional at work.

“Ano ba’ng standards mo?” she inquired.

“Mataas.”

“Ah… so, gusto mo ’yung matangkad? Like beauty queen height?”

“Mataas as in I expect perfection,” sabi ko para matapos na ang usapan. Tumayo na ako at saka lumabas. Dinala ko na rin iyong laptop ko tapos ay nagtext ako sa secretary na kung may maghahanap sa akin e nasa coffee shop lang ako sa labas.

The next few days, sinabi sa akin ng secretary na pinagchi-chismisan daw ako na masyadong perfectionist. I told her not to inform me kung may marinig pa siya tungkol sa akin. It’s a free country—they’re free to say whatever they want to say. That’s democracy.

Besides, wala rin naman akong pakielam sa opinyon nila sa akin. Nandito ako para magtrabaho.

“Magfa-file ako ulit ng motion,” paliwanag ko sa isang client.

Totoo na tambak iyong kaso sa PAO. Totoo rin na maraming public attorney ang bare minimum na lang ang ginagawa sa mga kaso para lang matapos nila lahat. I told myself never to do that. Mas pipiliin ko i-sakripisyo iyong tulog ko kaysa gawin ’yon. It’s just few hours of sleep for me kumpara sa kanila na nabubulok sa bilangguan dahil lang hindi inaayos ng abogado nila iyong kaso nila.

I also visit them at least once a month to update them sa galaw ng kaso nila. It’s not much, but at least alam nila na hindi ko sila inabanduna.

“Kahit ’wag na, Attorney…”

Napa-kunot ang noo ko. “Ano’ng ’wag na?”

“Dito na siguro ako mamamatay.”

“Hindi—”

“May bagong asawa na raw iyong asawa ko… Tapos sinama niya na iyong mga anak namin. Siguro mas gaganda iyong buhay nila doon. Dito na lang siguro ako.”

I could explain to him the technicalities of the case. I could do that. But I also knew that it wasn’t the thing that mattered at the moment. Kung sasabihin ko ang bagay na ’yon, it would sound just like an empty promise.

Gusto ko ring sisihin iyong abogado na humawak ng kaso niya dati. This could’ve been avoidable. Kayang-kaya tirahin doon pa lang sa chain of custody. Wala ring present na media o officials noong nagraid. Ang daming lapses. Pero ano? Walang nilagay sa answer.

I already included all those sa motion. Gusto kong sabihin sa kanya ’yon, pero mas pinili ko na manahimik na lang ayusin iyon. Saka ko na lang sasabihin sa kanya kapag maayos na.

Alam ko rin kasi iyong pakiramdam na sinabihan ka makukuha mo tapos biglang babawiin.

“Pa-follow-up nung sa Genero,” sabi ko sa secretary.

“Yes, sir. Na-follow up ko na kahapon. Magraraffle pa lang daw po.”

“Okay. Pa-inform na lang ako kapag may bagong judge na.”

Hindi ko rin alam kung malas lang ba o ano. Biglang nagretire iyong judge na may hawak nung kaso niya. Tapos ang tagal bago na-schedule for raffle. Kapag may bago ng judge, at saka ko na lang ulit iuupdate para at least, may sasabihin na talaga ako. Ayoko nung kung anu-anong pangako na walang basis.

After a while, finally, na-raffle na rin iyong kaso. I scheduled my monthly visit. Kinausap ko iyong mga client ko na nandon. Kumuha na rin ako ng JA. The usual routine. And then when I asked about him, I was told that he’s locked up and in a 24-hour watch because he tried to hang himself in his cell.

I visited him. Sinabi niya sa akin na salamat pero hindi niya na kailangan ng abogado. He didn’t even say the word, but I felt chills up my spine.

Imbes na dumiretso ako pabalik sa opisina, doon ako pumunta sa judge na bagong naka-assign sa kaso.

“Attorney, your care for your client is admirable. But as you know, sumusunod lang tayo sa procedure,” sabi niya sa akin.

“Judge, respectfully, last year pa dapat ’to—”

“I’m very aware. Pero may mga naunang kaso sa docket. May pamilya rin ang mga iyon. I cannot give you preferential treatment.”

I bit my tongue. Muntik ko ng sabihin sa kanya na bakit kapag ka-affiliate niya, nakaka-request? But I knew that I’d just be digging a deeper hole for myself.

Lumabas na ako. Tumingin ako sa may assistant niya.

“Assistant ka ni Judge, ’di ba?” I asked, just to be clear. Baka lawyer ’to dito. Although for sure, hindi siya lawyer dahil ilang beses ko na siyang nakita na nagbabasa ng codal habang pakalat-kalat siya sa daan.

Napa-tango siya. “Bakit?”

“Ano’ng schedule niya bukas?”

“Ha?”

“Dito lang ba siya ulit bukas?”

“Bakit?” tanong niya na parang nalilito siya. Hindi niya ba alam o ayaw niyang sabihin? Kung hindi niya alam, baka nasa maling line of work siya dahil hindi niya alam ang schedule ng boss niya?

“Dito ba siya o hindi?” I asked once again.

“Bakit ba kasi–”

“Kung nandito siya bukas, pa-sched ako kahit ano’ng oras, kahit sampung minuto lang,” sabi ko sabay lapag ng calling card sa lamesa niya. “Salamat,” dugtong ko bago umalis.


Days passed.

“Wala pa rin?”

Umiling iyong secretary ko.

“Call again.”

“Baka ma-badtrip na sila sa atin, sir.”

“I don’t care.”

“E baka madamay mga kaso mo don.”

“I don’t—” Natigilan ako. “Sa tingin mo?”

She shrugged. “Ewan ko, sir… pero wala naman masama maging sipsip minsan. Networking, alam mo ’yon? Saka, sa itsura mong ’yan, sir? Nako, for sure pwedeng-pwede magamit as an advantage. Isang ngiti lang ’yan—” Sinamaan ko siya ng tingin. Natawa siya. “Sungit talaga nito si sir.”

I thought about what she said. Kung sabagay… Napansin ko na rin ’yon doon sa dati kong trabaho. Mas maraming mas magaling, pero ang napo-promote ay iyong mga sipsip sa mga partners. I just didn’t care enough para sumipsip. I’d rather focus on my pleadings kaysa maki-network sa partners.

But maybe I should consider that.

Pumunta ulit ako sa branch na ’yon.

Sakto, nakita ko iyong secretary na naka-tayo sa may shed. Mukhang naghihintay siya ng sasakyan. Nakita ko na nakita niya ako. Nakita ko rin kung paano niya sinubukan na magpanggap na hindi niya ako nakita.

Well, at least the feeling’s mutual—we’ll both be uncomfortable.

“San ka?” I asked.

“Brent po,” he replied. Kitang-kita ko na gusto niya ng tumakbo paalis, but I wouldn’t let him.

Why was I strangely enjoying this?

“Gusto mong sumabay?” I asked kahit ang unang plano ko lang naman ay mag-good afternoon. Sinabi lang naman sa akin na makipagkapwa tao ako—wala naman sinabi iyong secretary ko na maging Grab driver ako bigla.

“Ah, hindi na po, Attorney,” sabi niya.

Very well.

Wala naman sa vocabulary ko ang mamilit—at least outside work context. Kapag sa trabaho, file lang nang file ng motion hanggang ma-bwisit sila sa akin. At least gagawin din nila ang trabaho nila.

“What?” I asked nung bigla siyang kumatok sa bintana ko.

“On the way po ba?” tanong niya.

Tignan mo ’to.

“Seatbelt,” I said when a minute passed at hindi pa rin niya sinusuot iyong seatbelt.

He was quiet.

I knew I should just open the radio to fill the silence.

“What year?” I found myself asking him.

“First po.”

“Oblicon?” I asked dahil nakita ko na civil code iyong binabasa niya.

He nodded. “San po kayo nag-aral nung law school?”

“SCA.”

“Pano niyo po inaral ’yung Obli?”

“Codal,” I replied.

“As in codal lang?”

“Basically memorized the entire civil code when I was still studying,” I said. It wasn’t as if I had a choice. Verbatim magtanong iyong professor ko. I had to memorize everything word for word. Napanaginipan ko na nga dati iyong codal sa dami ng beses na binasa ko. Hanggang ngayon, nasa akin pa rin iyong codal ko nung law school. Puno iyon ng annotations.

“What? Hindi na ba ganon ang ginagawa ng mga estudyante?” I asked when I saw the reaction on his face.

Mabilis siyang umiling. “Hindi ako.”

“Paano ka nag-aaral?” I asked, intrigued. May bagong study method ba? But it’s law school. There’s no easy way around. You have to do the hard work kung gusto mong maka-pasa sa mga subjects mo—even then, it’s not a guarantee.

I guess you just have to do your best every time and pray for the rest.

“Nagbabasa?” he asked like he wasn’t sure himself.

“Yeah… but you don’t memorize?”

“Hindi kasya sa utak ko,” he said with a little pout.

This grown man was… pouting?

“Pagkasyahin mo.”

“Walang space.”

“Pagkasyahin mo pa rin.”

“Di naman siguro kailangan na memorize,” he said again, with a bigger pout this time.

There was a bit of traffic, pero halos hindi ko napansin dahil sa mga sinasabi niya. It was like he was exerting more effort to defend his lack of effort to memorize than the actual memorization.

“Salamat, Attorney Marroquin,” he said as he got out of the car.

I didn’t immediately drive away.

I logged in to my email and checked his name.

Mauro dela Rama.

Hmm.


The next few days were normal—did my usual routine. Dumami ulit iyong kaso dahil… ewan. May season talaga na madaming kaso. Hindi ko alam kung may seasonal change ba na nag-uudyok sa mga tao na gumawa ng krimen.

Naging mas busy ako sa trabaho.

Until one random night, I received a text.

‘Kakapalan ko na iyong mukha ko, Atty. May digest ka sa crim 2?’

Agad na napa-kunot ang noo ko.

Sino ’to?

At ang kapal naman ng mukha niya manghingi ng digest?

At saka bakit sa akin? Mukha ba akong law student pa? Mukha bang sentimental akong tao at naka-tabi at ready ipamigay iyong case digest ko?

‘Who is this?’

‘Mauro.’

Oh.

Now, this makes sense.

Of course si Mauro ang hihingi ng case digest ko—si Mauro na mas pipiliin siguro mag-ambag para sa class party para lang umiwas sa recitation.

‘Wala akong kilalang Mauro,’ I replied just to tease him.

While waiting for his reply, pumunta na ako sa may ‘storage’ area ko. Nandon lahat ng gamit ko from law school. Hindi ko tinatapon kasi… wala. Baka sentimental nga ako. Naka-label naman kung saang box nandon iyong case digest kaya mabilis na nakuha ko ’yon.

‘Sa MTC 43. Iyong sinabay mo nung isang araw papunta sa Brent.’

Wow, detailed.

I was about to tease him again and ask him to describe himself pero nawala sa isip ko dahil nag-scan na ako nung digest. May scanner ako dito sa condo kasi minsan, hindi ko rin maiwasan iuwi iyong trabaho.

‘Okay lang kung wala. Nagbabaka sakali lang.’

Natawa ako nang mabasa ko iyong message niya. It was like I could already imagine him pouting habang sinasabi niya ’yon.

‘Here,’ I replied to his message as I attached the pdf. ‘Sorry for the late response. Hinanap ko pa sa files ko.’

Once I saw that the message was sent, that was when I realized that it was already 3AM.

Well, fuck.


Mauro texted me to thank me sa digest. I didn’t even think it would be helpful since matagal na rin nung huli akong nasa law school. I guess landmark cases pa rin naman ang gamit nila kaya wala masyadong nagbago sa case list.

We began texting.

Tumaas iyong screentime ko.

Nang makita ko iyong screentime ko na tumaas mula sa three hours average per day to seven hours average per day, that was when I realized that I was screwed.

I wasn’t dense.

I knew I like him.

I knew I like him because he didn’t annoy me like most people. I enjoy exchanging useless message with him to the point na tumaas na iyong screentime ko. Dati, hahawakan ko lang iyong phone ko kapag magrereply sa work-related message. O kaya magche-check ng email. O quick google search.

Ngayon?

I get excited with a mere sound of notification.

Shit.

I told myself to reign it in.

First, I didn’t even know kung straight si Mauro o kung anuman. Malay ko ba kung desperado lang talaga siya makakuha ng digest mula sa akin?

I didn’t know how to ask him if he’s straight—and I didn’t even know if I should. May mga tanong na hindi dapat tinatanong.

But then again… ano? Huhulaan ko na lang ba?

I couldn’t concentrate on working.

Instead of doing some sloppy job, I decided to take a break. I went to my LinkedIn to update my profile. Lagi akong napapagalitan dati dahil akala nila aalis ako sa trabaho. Kasalanan ko ba na chine-check nila iyong Internet activities ko at nakikita nila na nasa LinkedIn ako? Hindi naman ako nag-a-apply. Gusto ko lang updated iyong profile ko.

I included the seminars I attended tapos ay napunta ako sa notification.

Agad na natawa ako.

Stalking me, huh?

Why stalk me when he could just ask me?

I wanted to message him and tell him that I saw him stalking me… but I decided against it. I’d rather do it in person. I knew his face would turn red kapag sinabi ko na nakita ko iyong stalking activities niya.

But work comes first. Nawala sa isip ko ng ilang araw iyon.

After work, napagdesisyunan ng mga ka-trabaho ko na kumain sa labas. I joined them. Team player naman ako kahit papaano. I ate with them. Sumagot ako kapag may tinanong sila.

“So, nakita mo na ba si Ms. Perfection?” biglang tanong nila sa akin.

“Yeah,” I replied.

Nanlaki iyong mga mata nila.

I probably should’ve said otherwise—dumami tuloy lalo iyong tanong nila.

Akala ko sa trabaho ako pinaka-mapapagod, pero mas napagod ako sa dami ng tanong nila. They kept on asking about her— hindi ko masabi sa kanila na hindi naman her. Bakit ba sila nag-assume na babae ang gusto ko?

I kept using gender neutral terms while describing Mauro. Naguluhan sila sa akin nung tinanong nila kung matalino ba—sinabi ko na hindi ako sigurado. Pero baka naman… I mean, sa Brent pa rin naman siya nag-a-aral. Pero first year pa lang siya. Paano kung ma-kickout siya? Pero hindi naman basehan ’yon. Pero tamad din ata kasi siya.

Ang dami kong iniisip hanggang sa mapa-kunot ang noo ko nang makita ko si Mauro sa harapan ko. I didn’t know for sure… masyado ko na ba siyang iniisip na nagmanifest na siya sa harapan ko?

“Attorney,” bigla niyang sabi. Hindi ako agad naka-sagot. Hindi pa rin ako sigurado kung nasa harapan ko ba talaga siya o masyado ng convincing iyong hallucination ko. “Umuwi na po girlfriend niyo?”

Kumunot ang noo ko. “Girlfriend?”

“Iyong kasama niyo kanina—” sabi niya at natigilan.

“Kanina?” I asked. Hindi siya sumagot, pero kitang-kita ko ang pamumula ng dulo ng tenga niya.

Right.

Pamumula.

I should tell him about LinkedIn.

“Nakita mo ako kanina?” I asked again. Was he stalking me? Nakita niya na ako kanina? Hindi na ba siya contented sa Internet stalking at naging stalker na siya in real life? If so, I knew I should be concerned… but why did I feel excited?

He’s making me irrational.

“Nadaanan lang,” he said, but it was so obvious that he’s lying. So, no litigation for him.

“You should’ve said hi.”

“Di naman tayo friends,” he said.

Right.

We should be friends first.

We should get to know each other first—para sigurado na gusto ko talaga siya at hindi lang ako nabigla dahil sa kapal ng mukha niya na manghingi ng digest mula sa akin.

We talked. It was the usual small talk that I didn’t really enjoy, but for some reason, probably because it was with him, I enjoyed the talk. Probably because of the banter. Ang dami niya rin kasing sinasabi. It’s like there’s never a dull moment with him.

“Umalis na ba ’yung kasama mo?” he asked again. This was the second time he asked. Bakit? Interesado ba siya sa isa sa mga kasama ko? Sino ba don? May asawa na karamihan don—kaya nga target nila ako na i-reto sa mga kaibigan nila.

“Kanina pa.”

“Ah.”

“Also, she’s not my girlfriend,” sabi ko. Sinabi ko na rin. Just to clarify. Baka iyon ang iniisip niya, e. Mabuti na iyong malinaw.

“Okay,” sabi niya. “Sasagutin ka din nun.”

“Bakit naman ako sasagutin?”

“Ewan ko. Baka nililigawan mo,” he said. He even shrugged his shoulders to act casual. He was so… obvious. Was he trying to ask me kung single ako? Should I just state it outright? But he’d probably tell me na hindi naman niya tinatanong?

Next time na lang siguro.

Sigurado ako na magkikita pa ulit kami—because I’d make sure of that. So, for tonight, my only goal was to mention the fact that I knew that he stalked my LinkedIn.

And it was worth waiting to see him in person all flushed.


Thankfully, I really had to go to the Court dahil may itatanong ulit ako tungkol sa kaso. I saw him. I enjoyed my brief conversation with him—so much so na kahit pinagalitan lang ako ni Judge dahil ayaw ko raw tumigil e wala lang sa akin. In my defense, I was just doing my job. Isn’t my job to advocate for my clients? Kung hindi ko ginagawa iyon, ano pa ang silbi ko sa trabaho ko? Design lang?

‘Thanks. Owe you one.’

I knew I should stop texting.

I shouldn’t… text with him during office hours—tax ng mga mamamayan ang nagpapa-sweldo sa akin.

‘Seryoso?’ mabilis na reply niya.

‘Yeah. I know how to say thanks,’ I replied. I just had to.

‘Di yan. Alam ko namang may manners ka kahit papaano.’

‘May manners talaga ako.’

‘Ah. Minsan kasi di halata.’

‘I’ve always been nice to you.’

‘Di mo sure.’

‘When was I not nice?’

‘Basta.’

‘You’re basically stalking me yet I still manage to be civil around you. Dapat nga magfile na ako ng restraining order.’

‘Kapal ng mukha mo.’

‘I see no denial. Talagang stalker kita.’

‘Kulang pa ba caseload sa PAO at may oras ka pang magtext?’

‘Traffic e.’

‘Magbasa ka ng briefings o kung anuman.’

‘Nabasa ko na kagabi.’

‘Basahin mo ulit.’

‘Don’t worry about me. I know what I’m doing.’

‘Di ako worried. Kapal talaga ng mukha nito.’

I couldn’t not reply to him. In exchange, I made pleadings habang kausap ko siya. Mabuti na lang at kaya ko ’tong gawin kahit kausap ko siya. It was the only way I could justify talking to him during office hours.

‘Sabi mo you owe me,’ biglang sagot niya sa akin.

I was about to reply, but then again, I had to entertain a client. Of course, work comes first. Always. Mauro can wait—mabilis lang naman ’to.

‘You need my digest?’
I replied after 30 minutes. It was as quick as I could. Usually kasi matagal ang consultation. I take my time to explain sa mga clients. Of course takot sila sa mangyayari kaya kailangan kong ipaliwanag nang mabuti at sa paraan na maiintindihan nila. I didn’t mind if marami silang tanong. Answering them is a part of my job description.

‘Hehe.’

‘Sang subject?’

‘Persons.’

‘Okay.’

‘Salamat! Pa-email na lang, Atty.’

I was about to type ‘sure’ but then I realized na ilang oras ako inabot para lang i-scan iyon. I simply didn’t have the time. Ayoko rin ipagawa sa secretary ko. Baka ma-chismis pa ako dito na nagpapa-scan ng documents na hindi naman connected sa trabaho.

’Naka-bind ‘yon. Handwritten.’

‘Ah okay… Pwede pakuha ko na lang sa grab o kaya lalamove?’

‘Nasa condo ko. Papababain mo pa ako.’

‘Alangan namang umakyat yung driver sa unit mo?’

Ang pilosopo.

Seems like I really have finally met my match.


Has it been long nung huli kong makita si Mauro?

I didn’t think so…

So, why was I seriously debating kung papa-puntahin ko siya sa condo ko?

Also, and more importantly, ibibigay ko talaga sa kanya iyong address ko?

Kahit mga ka-trabaho ko, hindi alam kung saan ako naka-tira. I always told them Mandaluyong. HR lang ata ang nakaka-alam kung saan ako naka-tira. Kasi bakit ba kailangan nilang malaman kung saan ako naka-tira? As long as pinapasa ko ang mga dapat ipasa, pakielam ba nila kung sa riles ng tren ako naka-tira?

’ Oaks place sa Mandaluyong.’

Napaawang iyong labi ko at natawa nang makita ko na i-seen niya… at hindi siya nagreply.

Wow.

After giving him my address na hindi ko basta-basta ipinapamigay, iseseenzone niya lang ako? The audacity of this person.

I tried to distract myself by working. Nasa gilid ko lang iyong cellphone ko kasi baka may magtext tungkol sa trabaho. After a while, I sent another message.

‘Tell me if you’re getting it now. Matutulog na ako kapag hindi.’

Na-seen niya agad.

This time, nagta-type na siya.

‘Tonight,’ sagot niya. ‘Wait lang atty. May pinagiisipan lang ako.’

‘What.’

Ano’ng pag-iisipan? Wala naman akong gagawing masama sa kanya. I am an upstanding citizen. Ni hindi ako tumatawid sa hindi pedestrian lane. Nagsimula ata ’to nung nakita ko iyong loob ng kulungan. I told myself na susundin ko ang batas palagi dahil ayokong tumira doon.

That’s also probably why I try my hardest to defend my clients… because honestly? No innocent soul should stay even a day longer in those prison cells. The living condition is inhumane.

‘Kung bola-bola o asado iyong bibilhin kong siopao.’

Seriously?

Why was he so unserious?

Kung anu-ano ang naisip ko tapos siopao lang pala ang iniisip niya?

‘Why not just buy both?’

‘Kasi kakainin ko rin siya both.’

‘So?’

‘Isa lang nga gusto kong bilhin.’

‘Kailangan mo ba ng pera?’

‘Afford ko naman bumili ng siopao!’

‘Then buy both.’

‘It’s not the price, okay? Ayoko kumain ng dalawang siopao ngayon.’

‘Ang laki ng problema mo.’

‘E gusto ko tikman pareho e.’

Why was I having an argument tungkol sa siopao? Of all the things I argued about, this was the weirdest.

‘Kailangan mo ba ng gcash?’

‘Sige nga. Send ka.’

He probably thought I was joking but I seriously sent him money. Nagsearch pa ako online kung magkano ang presyo ng siopao. After I sent him, akala ko pupunta na siya dito.

In the end, I didn’t get what I initially planned for…

But I did enjoy my conversation with him.

Really, there’s no dull moment when I’m talking with that one. He’s so fucking random.


‘Good afternoon, Atty! Free ka ngayon?’

I thought I finally lost it and I was hallucinating. May sakit ako. I’d say I didn’t know why, but I’d been pulling all nighters the past couple of weeks. I saw this coming already because not even the supplements I took could save me from exhaustion.

I drank my medicine. I ordered food. I planned to just sleep it out. Balak ko lang ay matulog buong weekend para maayos na ulit ako sa Monday.

So, when I saw Mauro’s text, I thought I was hallucinating. I was probably dreaming. I didn’t know for sure. I was so out of it that I didn’t know what was real and what was not anymore. But even in my dream, I managed to inform the front desk na may dadating na bisita.

I heard knock on the door. Pakiramdam ko ay umiikot ang mundo. It was just a couple of steps para marating ko iyong maindoor, pero para akong matutumba sa sobrang pagka-hilo ko.

I opened the door and saw Mauro.

He looked even better than from what I remember.

Has he always been this cute?

O talagang mataas lang ang lagnat ko?

“Holy shit,” agad na narinig ko mula sa kanya. Right. It’s him.

It was probably a bad idea. I was sick and defenseless tapos pinapasok ko siya sa unit ko. He was saying things and I just nodded along without fully comprehending kung ano iyong sinasabi niya.

He has a way of making me do things that I normally would not do.

“Papakailamanan ko kusina mo, ha? Magluluto lang ako ng soup,” he said. “Tumango ka kung narinig at naintindihan mo,” he ordered.

“Yes,” sabi ko kahit nahihirapan akong magsalita dahil hindi pa ata sapat na may lagnat ako, kailangan ko rin ng sore throat.

I could hear him try to cook. I honestly did not have faith in him cooking dahil lagi ko lang naririnig sa kanya ay cup noodles at siopao. But it would be fine since I had no appetite. Gusto ko rin siyang panoorin na magluto, pero ang bigat ng talukap ng mga mata ko.

“Nga-nga na,” sabi niya. He really had no gentle bone in his body. “Baka gusto mong umarte pa ako na may eroplano.”

“That’ll be fun to watch,” I replied with my hoarse voice.

“Asa ka pa.”

He tried to feed me—tried being the objective word dahil ilang beses akong natapunan ng soup. Seriously… what could he do right? Pasalamat siya cute siya.

After eating, I wanted to stay awake but the medicine was kicking my ass. Agad akong naka-tulog. It was a peaceful and good sleep. I fell asleep talking to Mauro na siya rin ang napanaginipan ko. When I woke up, I remembered dreaming about him pero hindi ko maalala.

I was pissed dahil hindi ko maalala iyong panaginip ko nang bigla kong makita siya. I had to stare at him to convince myself that this was reality and not a continuation of whatever my dream was.

“You’re still here.”

Napa-tingin siya sa akin. He was studying dahil may mga libro sa harapan niya—which was surprising. “Okay ka na ba? Kapag okay ka na, alis na rin ako,” he asked.

I was already feeling better.

But for reason known to me, I lied.

“Masakit pa rin ulo ko,” I said as I pretended to sleep again, but reality was, I was just enjoying the silence and his company.


I did cook for him.

And annoyed him.

I wanted to do those again.

But first… I needed to know his sexual orientation.

If he’s straight, then there’s nothing I could do about it. It’s not like I could threaten him to like me back.

Maybe I could sedu—

The fuck.

Kung anu-ano na ang naiisip ko.

Bakit ba kasi ang pilosopo ng taong ’yon? Hindi nakaka-bore kausap kahit minsan ang sarap itapon palabas ng umaandar na sasakyan.

It wasn’t as if may kaibigan ako na pwedeng kausapin tungkol dito. I probably should’ve made at least one gay friend para may pwede akong kausapin. Ang hirap magconduct ng hearing sa isip ko—both sides are winning dahil ako rin naman ’yon… and I do make great points.

Gusto ko ulit makita si Mauro kaya lang ay ang weird naman kung bakit ko siya aayain na lumabas. I could go to the Court to see him, but then again, I knew work is work. Ayoko siyang istorbohin doon kahit pakiramdam ko e hindi naman siya nagta-trabaho talaga. He did mention na nagtitiktok lang siya doon.

Naibigay ko na sa kanya lahat ng reviewer ko para sa mga subjects niya. Ang weird naman kung bibigyan ko siya ng reviewer for advanced subject. Hindi mukhang nag-a-advance review si Mauro.

“I have lost my fucking mind,” I murmured as I found myself writing down notes for Oblicon. ’Di naman siguro mapapansin ni Mauro na hindi luma na notes ’to. I didn’t think he’d ask—masaya na siguro ’yon na may bago siyang makukuha mula sa akin.

I sacrificed sleeping hours para matapos ’to. But it did give me reason to text him.

‘May naiwan pa palang reviewer,’ I messaged him. ‘Kung kailangan mo pa.’

It wasn’t weird… right?

For all he knows, concerned lang din ako sa grades niya.

I waited for his reply.

I got nothing.

Wow.


I tried to busy myself with other things. I also told myself na baka exam season niya lang o baka busy lang din talaga siya. Saka wala naman siyang responsibilidad na magreply sa akin kaya ba bakit bwisit na bwisit ako sa kanya?

‘Malamang. May gusto ka, e.’

Great.

Now, I’m arguing with my mind.

Buti sana kasi kung ni-read niya iyong message ko. It was left unread. Somehow, that felt worse. That my message wasn’t even worth reading.

Whatever.

This was why they say never fall for straight guys—it’s tragedy waiting to happen.

I busied myself by writing initiatory pleadings para doon maubos ang oras ko. I was trying so hard to keep Mauro—fuck. I thought about him again. Great. Back to zero.

“Okay ka lang, Attorney?” my secretary asked.

“Hindi,” mabilis na sagot ko.

Nakita ko na sa may schedule ako sa court kung nasaan si Mauro. It’s not like I could skip going to my hearing. And it’s not like I could avoid that court altogether.

Pumunta ako doon.

Tignan mo nga naman.

May hawak na codal.

Nagbagong buhay na ata.

“Wala si Judge. Naka-lunch break,” sabi niya kahit ’di ko naman tinatanong.

Tumalikod ako. Hawak niya rin iyong cellphone niya. Hindi naman pala siya nanakawan. Capable naman pala siyang mag-open ng message.

Ah.

Pumunta na lang ako sa sasakyan at doon ako naghintay kaysa makasalubong ko na naman siya. Nagbasa lang ako ng JA habang naghihintay.

Naka-receive ako ng message mula sa kanya. I read it and then did not reply. I was being a child. But whatever.

Pagbalik ko sa office, biglang naglagay ng paperbag ng coffeeshop sa harapan ko iyong secretary ko.

“Ano ’yan?” tanong ko dahil wala naman akong order.

“Delivery daw sa ’yo,” sabi niya. “Di ka raw sumasagot, e.”

Ah.

Akala ko kasi si Mauro kaya ’di ko tinignan. Malay ko ba na may delivery e wala naman akong order. Saka hindi ako umoorder online hanggang maaari. I’d rather see in person kung anuman ang bibilhin ko.

“Wala akong order,” sabi ko sa kanya. “Tapon mo,” I continued. Malay ko ba kung padala ’yan ng isa sa mga pinapa-kulong ko? E ’di nalason pa ako.

“Sayang naman, Atty… pero sige,” sabi niya. “Sorry, Mauro—”

Bigla akong natigilan. Mabilis na kinuha ko pabalik iyong paper bag at saka pinaalis iyong secretary ko. I checked the receipt. True enough, siya nga iyong umorder sa Grab. Akala ko kung kanino galing na lalasunin ako—I mean galing pa rin naman ’to kay Mauro. Within the realm of possibility pa rin na may lason ’to.

I debated kung magmemessage ba ako sa kanya.

I quickly lost that argument.

Sino ba ang niloloko ko? I do want to talk to him. I hated that my days have been dull simply because I didn’t get to talk to him. I hated that it didn’t take so long for him to completely invade my life.

And he did so without even really trying.

He got me without even lifting a finger.


But of course Mauro being Mauro, he couldn’t help himself but piss me off. Kami iyong magkausap pero nababanggit ’yung Niko—kung sinuman ’yon.

‘Ano na naman?’ sabi ko nung magtext siya sa akin tapos pst lang ang naka-lagay. Ginawa pa akong aso nito.

‘Libre kita. Binigyan ako ni Niko ng pera nung sinend ko yung reviewer mo.’

‘And?’ sabi ko kasi ano? Bakit may Niko na naman?

‘Since sayo naman talaga yung reviewer, libre kita ng pagkain. Nakakaguilty parang pinagkakitaan kita.’

‘Parang ganon na nga.’

‘Business minded.’

‘Binebenta mo reviewers ko?’

‘Grabe hindi naman!!!!!’

‘Pwede naman para may pambili ka ng siopao.’

‘Di ka talaga maka move on sa siopao. Kung ayaw mo ng libre e di wag. At least malinis ang konsensya ko.’

‘Naglunch na ako.’

‘Share mo lang?’

‘Mamaya na lang dinner.’

‘Tss aayaw ayaw pa. Gusto rin naman. Papa-deliver ko na lang ba sa condo mo?’

‘Wala ako sa condo.’

‘Malamang mamaya pa. Di ka ba uuwi?’

Fuck.

Ang pilosopo niya talaga.

Tataas na naman ’yung screentime ko.

‘Magkano ba binayad sa yo?’

‘Confidential.’

‘Ano yan? Confidential fund?’

‘Parang ganon na nga.’

‘Pano ko malalaman kung magkano budget para sa dinner?’

‘Grabe naman to! Good will lang na ililibre kita! Abusado.’

‘Kawawa ka naman. Dagdagan ko na lang.’

‘Magkano ba iniiisip mo na dinner? Akala ko okay ka na sa siomai rice.’

‘Gusto mo ng siomai?’

‘Saks lang.’

I went to Google tapos nagsearch ako ng restaurant na sa lugar na parehong malayo sa amin para ma-stranded kami sa traffic. I did a quick search tapos nakita ko iyong Din Tai Fung. Bigla kong naalala iyong joke na sinabi nung intern namin dati—na ginagamit iyong DTF bilang joke na Down To Fuck kahit Din Tai Fung naman iyong meaning niya.

Once again, because of Mauro, I did a quick debate. Gagamitin ko ba iyong DTF? Sigurado ako alam ni Mauro iyong slang na ’yon kasi tambay sa Tiktok ’yon.

I shouldn’t…

It’s too crass.

But then again, kung hindi ko maitanong iyong gusto ko talaga itanong, paano ko malalaman?

So, against all logic, I typed the letters DTF.

Nakita ko na na-read niya.

Hindi agad siya nakapagreply.

He knows.

And now, I wait.


Hindi ganoon kahaba ang pasensya ko. Mabilis din akong mainis. Pero based on experience, mas nakaka-pagod mag-explain sa mga tao kung bakit ako naiinis. Instead, I count to three inside my head tapos ay kalmado kong ipapaliwanag sa kanila kung ano ang mali nila na nagawa. It works better that way. Less time wasted.

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Mauro, pero nung nagvolunteer ako na tuturuan ko siya sa exams niya, hinanda ko na talaga iyong sarili ko. I’ve never really tried na magturo sa ibang tao. At most, nung nag-aaral pa ako, magpapahiram ako ng notes. That’s the extent of my generosity—o kaya nung pinilit ako na maghead sa BAROPS kahit ayoko sana dahil marami na akong ginagawa.

Pero pagdating kay Mauro…

Minsan, nacu-curious na rin ako kung hanggang saan ang pwede niyang ipagawa sa akin.

Does the limit even exist?

I hope so—kasi parang nakakatakot naman na may tao na handa kang gawin kahit ano. Hindi ba ibig sabihin non na wala ka ng free will? O meron pa rin? Pero mas pinili mo lang talaga siya?

Huh.

Bakit ba ito ang iniisip ko imbes na magtrabaho?


“Carl,” pagtawag ko. “May hearing ka after?”

Umiling siya. “Wala naman. Bakit?”

“May itatanong lang ako.”

He shrugged. “Okay. Ano?”

Tumingin ako sa paligid. Medyo maraming tao dahil maraming naka-sched na hearing ngayong araw. Napansin ata ni Carl na ayoko dito pag-usapan kaya inaya niya ako na lumabas.

“Okay lang?” he asked habang nagsisindi siya ng sigarilyo.

Tumango lang ako kahit ayoko talaga sa amoy ng sigarilyo. E ako naman nagtanong kaya parang tanga lang kung sasabihin ko na ’wag siya manigarilyo sa harap ko.

“So, what’s up?”

Huminga ako nang malalim. Batchmates kami ni Carl sa law school. Hindi lang kami close kasi… ewan. Wala naman talaga ako masyadong ka-close sa school. Pero maliit lang kasi talaga ang mundo ng law school. Parang kakilala mo lahat.

“You’re gay, right?”

He began choking on the smoke. Naka-tayo lang ako doon habang hinihintay na matapos siyang umubo.

“What?”

“I mean, hindi ako sigurado. Narinig ko ata dati, pero hindi ko masyadong tanda,” paliwanag ko. Hindi naman kasi ako interesado sa buhay nila. Saka ano naman kung bakla si Carl? National issue ba ’yon?

“Uh… yes. Bakit mo natanong?”

“There’s this guy—”

“I knew it!”

Napa-kunot ang noo ko. “Ha?”

“I knew you’re gay. I mean, naiisip ko na dati nung sa law school pa lang.”

“Ah.” Iyon lang ang nasabi ko. Okay lang naman. ’Di ko naman tinatago. Wala rin namang direct na nagtanong sa akin dati kaya paano nila malalaman?

“Kaya pala ni-reject mo dati si Jelly nung inask out ka niya,” sabi niya na parang nagrereminisce siya nung law school days namin. “Actually, lahat ata nung babaeng nagkaka-crush sa ’yo e hindi mo pinapansin.”

I shrugged. “Anyway,” I said dahil hindi ako interesado magthrowback. “There’s this guy—”

“Straight guy?”

“I’m not sure,” sagot ko. “It’s not like I can ask him.”

He chuckled. Kumunot ang noo ko. “Sorry,” sabi niya. “It’s like a ritual, really—all gay people must, at least once in their lives, fall for the straight ones.”

May ganon ba?

Bakit ba kasi wala akong kaibigan na pwede kong makausap tungkol dito? Parang ang dami ko tuloy na hindi alam.

Sinabi sa akin ni Carl na kung ayokong magtanong, magparamdam daw muna ako.

“Hindi ba unfair ’yon? Kung straight talaga siya?”

He shrugged. “I mean, if he’s straight, he won’t be confused… right?”

Sabagay.

Saka ayoko na rin ’to palaging isipin. Nakaka-abala na sa trabaho ko. Imbes na gumagawa ako ng pleadings e mas nauuna ko pa isipin si Mauro.

Akala ko madali lang, pero medyo mahirap din pala na ayain siya na sa personal na kami magreview. Ang hirap kasi kausap non. Tatanungin mo ng tanong na oo o hindi lang ang sagot, pero hahanap pa ng paraan para mamilosopo.

But finally, we made progress. We agreed to meet in a coffee shop. I prepared notes dahil tuturuan ko naman talaga siya. But I probably prepared for it like I’ll be going on a date—

Tsk.

Kailangan ko na siyang matanong agad kasi nakakapagod na makipagtalo sa isip ko. Counterproductive.

Pagdating ko doon, agad na nakita ko si Mauro… kasama iyong Niko.

Seriously?

Napa-tingin siya sa gawi ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan ko.

“Ilang taon na ba ako?” I murmured to myself because why was I acting like a fucking teenager?


Mauro tried to reach out. Ilang beses na sinubukan kong magreply, but I always stopped midway. Lagi kong naiisip na ano naman ang sasabihin ko sa kanya? I mean, alam ko kung ano ang gusto kong sabihin. I just didn’t think that I’d get the answer that I wanted.

So, I kept my mouth shut—at least for the time being.

And it was nice to focus on working again… kahit sandali lang. Because Mauro sure did know how to crawl his way back into my life.

“Magoovernight ka ba dito?” I asked, confused… and a bit excited. Kasi mag-aaral lang naman kami? Bakit ang dami niyang dala? Hindi naman siya mukhang estudyante na kumpleto iyong gamit kapag nag-aaral. Mukhang si Mauro iyong tipo ng iPad lang, okay na.

“Laptop saka notebook at reviewer,” he replied. Ah. Okay. “Kasama ba ako sa lunch mo o papanoorin lang kita?” he asked.

Hindi agad ako naka-sagot. I was fascinated at how demanding he could be. Ganito ba siya dahil close na kami? Teka, close na ba kami sa perspective niya? I mean, nandito siya sa condo ko… Hindi naman siguro niya iniisip na kung sino-sino lang ang pinapapunta ko rito?

“Ano’ng lunch natin?” he asked as he walked inside the condo. I watched as he walked around like he lives here, too. He casually just placed his bag on the floor.

“Roasted chicken with roasted potatoes,” sagot ko. Kahit hindi ako naka-tingin sa kanya, ramdam ko na pinapanood niya ako. I was certain. Maybe because I was just conscious about everything that concerns him. “Baka gusto mong maglagay ng mga plato.”

“Bisita ako. ’Di ba dapat pagsilbihan mo ako?” he replied. I pursed my lips together. I wanted to smile at his response. I love… his audacity.

“Parang utang na loob ko pa na papakainin kita ng lunch.”

“Parang ganon na nga.”

Hindi nauubusan ng sasabihin ang isang ’to.

“What do you want?” tanong ko sa kanya habang nagca-carve ako.

I was enjoying this. I’ve always loved my quiet life. Maybe because I’ve grown to appreciate it dahil alam ko kung gaano kaingay kapag nagpapasok ka ng maling tao sa buhay mo. O baka din dahil sa trabaho ko, laging may nagsasalita.

But the thing is, Mauro talks. A lot. But I also like listening to him. A lot.

I really do like him.

My normal eating time got extended because we did talk while eating. It was fun. Tapos non, naghugas siya ng plato—na of course may kasamang reklamo.

“Isesend ko sa ’yo ’yung notes,” I told him when I saw him getting a notebook from his huge bag. Naghanda ako ng notes kasi akala ko tamad siya. Sayang naman iyong ituturo ko kung hindi niya matatandaan.

“Alam ko pero mas matatandaan ko kapag nagtakedown ako ng sarili kong notes,” he reasoned.

“Fine,” I replied as I fought the urge to smile dahil baka mapansin niya na masyado akong fascinated sa fact na nagtatakedown pala siya ng notes. “Kapag may hindi ka maintindihan, paulit mo sa ’kin.”

“Kung pwede, ’yung example na hindi complicated.”

“I know.”

Sinamaan niya ako ng tingin. “Kasi mas madaling intindihin!”

I fought the urge to laugh again. “May sinabi ba akong iba?”

“Kilala na kita—sasabihin mo na mas kayang i-process ng utak ko ’yung mas simpleng example.”

“Wala akong sinabi na ganon.”

We began the session. I made sure to explain them in a way na mas maiintindihan niya iyong ObliCon. I knew that this subject could be daunting to some, but it was not really that complicated. You just have to read and understand the provisions. It will all make sense—one way or another.

As I was discussing, nakita ko na tumingin si Mauro sa phone niya. I’d ignore it… but couldn’t when I saw that familiar name on his phone.

It’s starting to feel like Niko’s haunting me.

“Sorry, may nag-text lang,” he said.

“Can you please focus on me?” I replied bago pa man ako makapag-isip. Was I that annoyed na hindi ko man lang inisip iyong sasabihin ko bago siya lumabas sa bibig ko?

Nanlaki iyong mga mata niya. I saw the panic in his eyes. Why? I wanted to ask why. Why was there panic in his eyes? Was it a good thing or a bad things? I wanted to know.

“Can you please focus on me while I’m teaching?” I told him. I tried to save face… but what the fuck was I saying?


I didn’t know if I finally start hallucinating or if Mauro was flirting with me. It was hard to tell since he has a playful personality by default.

Dadagdag na naman ’to sa iisipin ko.

Magkikita sana kami ulit kaya lang ay sinabi niya na may sakit siya. My immediate thought was to go and be with him… but I was reminded na sa bahay nga pala ng mga magulang niya siya naka-tira.

‘May sakit ka? May kasama ka ba ngayon?’ I asked. Baka kasi wala siyang kasama. Mahirap magkasakit kapag mag-isa. I was still thankful na sinamahan niya ako nung may sakit ako.

Hindi siya agad nagreply. Wala ba siyang kasama? Fuck. Nasobrahan ba siya sa review kaya nagkasakit siya? Pero mas possible na dahil puro junk food lang ang alam niyang kainin. Lagi niyang sinasabi na may kapatid siyang doctor—

Right! Pero hindi ko alam iyong pangalan o contact number ng kapatid niya.

This was stressing me out—more than the usually stressful cases I handle.

I wanted to order food for him. Kaya lang naisip ko na may sakit si Mauro. Mahirap magtiwala sa mga tao. Mamaya may gawin pa na masama sa kanya. Tapos may sakit siya—

All the reasons I kept on telling myself kahit alam ko naman na gusto ko lang puntahan siya ng personal.

Bumili ako ng mga dadalhin ko para sa kanya. Dadalhin ko lang naman. I just wanted to know that he’s still breathing.

“Oh. Hi.”

Naka-tingin sa akin iyong kapatid ni Mauro.

“I’m—”

“Achilles,” sabi niya.

Natigilan ako. Kilala niya ako? Paano? Sinabi ni Mauro? Ano na naman ang sinabi non?

“Akala ko mag-isa lang si Mauro,” sabi ko tapos ay iniabot sa kanya iyong paper bag. Sinilip niya iyong laman non. “Sabi niya may sakit siya.”

Tumingin siya ulit sa akin. “May gusto ka sa kapatid ko?” diretso niyang tanong.

I was taken aback.

I looked at her.

There’s no point in denying.

Sino ba ang matinong tao ang pupunta dito sa QC mula Mandaluyong para lang magdala ng pagkain at gamot?

“I like your brother,” diretso ko ring sagot. “But please don’t tell him.”

I will tell him myself.

I was just looking for the perfect time.

I knew that this wasn’t conventional. I didn’t want to scare him and make him run away from me. I wanted to give it my best shot because I knew that if I let him go, I’d never find someone like him again.

“Don’t worry, I won’t,” sabi niya. “But good luck.”

Natawa ako. “Thanks?” sabi ko. “Also, can I get your contact details?”

She shrugged. “Sure.”

“Thank you,” sabi ko. “Hindi sumagot si Mauro kaya akala ko kung ano na ang nangyari. Hindi ako pupunta kung alam ko na may kasama siya.”

“Papansin lang ’yon. Baka gusto mag-alala ka.”

Natawa ulit ako. I wouldn’t be surprised kung ganon nga ang ginawa ni Mauro.

I thanked Mauve once again. Nung mga sumunod na araw ay nagpadala pa rin ako ng pagkain. Baka kasi pumunta na naman ng 711 ’yon. You’d think na shareholder siya ng 711 dahil sa investment niya doon.

I also sent him texts.

Impossible na hindi niya nababasa dahil alam ko na laging kadikit ni Mauro ang cellphone niya.

Napansin niya na siguro.

He’s probably mulling it over.

Buti na lang at sunud-sunod iyong hearings ko kaya kahit papaano ay nababaling sa iba ang atensyon ko.

“Mauro?” I asked, confused kung siya ba talaga iyong nakikita ko na naka-tayo malapit sa entrance ng office ko.

“Shit. Sorry. Nasa trabaho ka nga pala,” sabi niya na para bang ngayon niya lang na-realize na nasa harap siya ng trabaho ko. Paano siya naka-punta dito? Nagdrive siya na hindi niya alam kung saan siya papunta?

“No, it’s fine,” I replied. “Okay ka na ba?”

Tumango siya. “May itatanong lang ako tapos aalis na rin ako para ’di makaabala sa trabaho mo.”

Natigilan ako dahil sa pagka-seryoso ng boses niya. Mukha din siyang kinakabahan.

“Okay…” I replied. I already had an idea kung ano ang gusto niyang itanong sa akin. I could already give him my answer, but I wanted to hear the words come out of his mouth.

So, I stood there as I waited for him to gather the courage to ask me the question that’s probably been bugging him.

“Atty. Achilles V. Marroquin…” he said as he stared at me. “May gusto ka ba sa ’kin?”


I knew that one way or another, he’d figure it out. It wasn’t exactly as if I tried to be subtle about it. Bakit ko naman uubusin iyong kakaunting oras na meron ako para sa kanya? That instead of just… relaxing my mind, I’d flood my minds with thoughts of him that just made me even more restless?

So, of course he’d know that I have feelings for him.

Hindi ko lang akalain na sa mismong harapan ng opisina—tanghaling tapat—niya ako tatanungin.

He’s just so unpredictable.

But I still told him that yes, I like him.

It felt good—like I was finally able to shout the words that I’d been holding in for so long.

It felt like relief.

But not for so long dahil busy siya sa exam niya. And although I would love to bother him all day, may trabaho din naman ako. Hindi ako papatulugin ng konsensya ko kapag pinabayaan ko iyong trabaho ko.

‘Hindi ako makapagaral.’

‘Wag mo kasi ako masyadong isipin,’ I replied. Nang mamatay iyong cellphone ko, nakita ko iyong reflection ko sa may screen. I was grinning like an idiot.

See? I wasn’t so insufferable kagaya ng sinasabi ng mga ka-trabaho ko—hindi lang kasi sila masaya kasama kaya hindi nila ako napapa-tawa kagaya ni Mauro.

‘Kapal ng mukha.’

‘I see no denial,’ sagot sa kanya. ‘Pero bakit hindi ka makapagaral? May hindi ka naiintindihan?’ I asked him.

Although I didn’t really experience being young and in love, I figured that it could be distracting. Kasi ako nga na nagta-trabaho na ay nadidistract pa. Ayoko lang ma-distract si Mauro dahil baka ako pa ika-bagsak niya.

‘Nagsagot ako ng samplex. Nasagutan ko lahat.’

‘Wow.’

‘Di ko alam kung sarcastic na wow ba yan o ano.’

‘Di kita pwedeng tawagan. Office hours.’

‘E bakit ka nagtetext?’

My fingers were itching to type a reply.

I shouldn’t.

He should be reviewing. Makakapaghintay naman ako, pero iyong grades niya, kapag bumagsak siya, bagsak na talaga siya sa transcript niya. Mabuti na lang din talaga ang natural na busy ako sa trabaho. Ni hindi ko napansin iyong oras.

‘Sure ka bang tama sagot mo sa samplex?’ I finally replied nung 5PM na. I gave him plenty of time. Siguro naman nakapag-aral na siya.

‘Talagang di ka nagtext buong office hours?’

‘Maraming may kailangan ng serbisyo ko.’

‘Five seconds lang naman magreply.’

‘I want to give them my undivided attention.’

‘Ah okay.’

Nakita ko na naman iyong mukha ko na naka-ngiti. This was… weird. I knew I like Mauro, but it was starting to feel like I like him more than I’d like to admit.

“Achilles.”

Napa-tingin ako sa tumawag sa ’kin. “Yes?” sagot ko. Ibinalik ko iyong tingin ko sa binabasa ko na JA nung ma-realize ko na ka-trabaho ko lang pala ang tumatawag sa akin. Ano na naman kailangan nito?

“Nagpalit ka ba ng number?”

“No.”

“Ah… May nagtext sa ’yo. ’Di ka raw nagrereply.”

“Sino?” I asked.

“Ah… May nanghingi kasi ng number mo.”

“Ah.”

Nagre-reply naman ako. In fact, lagi nga ako naka-tingin sa cellphone ko dahil naka-abang ako na magreply si Mauro. Busy na talaga siya sa exam niya. Ayokong guluhin. Hindi lang ako nagrereply kapag hindi ko kakilala.

“Replyan mo, ha?” sabi niya.

“Bakit daw?” I asked. Baka may kailangan na importante. But even then, babasahin ko naman iyong message. Kung importante iyon, bakit hindi niya pa sinama sa message? Magrereply naman ako.

“Type ka, e.”

“Next time, ’wag mong ibigay iyong number ko kung kani-kanino,” I told him firmly. I was still working with him. Ayoko ng issue. “Also, I’m seeing someone.”

Fuck. Nakita ko na naman iyong mukha ko na naka-ngiti nang sabihin ko ’yon. I really got it bad.


‘Day 1 done. Pahinga ka na.’

You’d think na sa Brent din ako nag-aaral dahil updated ako sa academic calendar nila. Alam ko kung anong araw ang mga exam ni Mauro—kung kailan magsisimula at matatapos. Kilala ko na nga rin ang mga professor niya dahil minsan magrereklamo si Mauro tungkol sa kanila. I’d tell him na iyong mga professor na nirereklamo niya ang mga papasalamatan niya kapag BAR exam na.

‘Di mo tatanungin kung nakasagot ako?’

‘No. I don’t want to dwell on negativity.’

‘Wala ka talagang bilib sa akin tsk,’ he replied. Nakikita ko na na inirapan niya ako at masama ang tingin niya sa ’kin.

‘Of course meron. Ang talino nung nagturo sa yo.’

‘Hanggang dito sa QC ramdam yung hangin mo.’

‘Just being honest.’

I gave myself thirty minutes to talk to him. Just thirty minutes and I’d leave him alone again. I promise. Gusto ko lang talaga siyang makausap. Kailangan din naman siguro niya ng pahinga mula sa pag-aaral.

‘May lakad ka ba pagkatapos ng exam mo?’ I asked.

‘Lakad? San naman ako pupunta?’

‘Walang after exam inuman?’

‘Meron.’

‘Di ka invited?’ I genuinely wanted to know. I wanted to make plans, but I also wanted to take his schedule into consideration. Based on memory, usually may kanya-kanyang lakad ang block after ng mga exams to destress. Although I wanted to see him, I could wait for another day.

‘Alam mo, kung gusto mo akong ayain after exam week, sabihin mo na lang agad.’

‘Haha just checking.’

‘Why’

‘Baka may lakad ka kasama block mo.’

‘E kung meron, ano gagawin mo?’

‘E di pagkatapos nila, ako naman.’

‘Di ka magdedemand na ikaw muna?’

‘Why? Do you want me to be demanding?’

‘Ewan ko sa yo.’

The magic sentence. Alam ko na kapag ganito na ang sinabi niya, kinikilig na siya. Fuck. I only have ten more minutes. Bakit ang bilis tumakbo ng oras kapag kausap ko siya?

‘Haha no, seriously, I’m asking kung may lakad ka ba kasama block mo after ng exam.’

‘Wala. Matutulog lang ako after.’

‘Oh okay.’

‘Bakit mo natanong?’

‘Kasi kung may lakad ka kasama sila, I’ll ask for another date when you’re free.’

‘Weh?’

‘Yes. I want to see you asap of course, but friends in law school is as important.’

‘Okay naman sila.’

‘Wala kang core group?’

‘As in close friends? Wala. Busy ako sa trabaho.’

‘I mean gusto ko naman magka-close friends syempre pero di ko ka-vibes mga tao sa brent.’

‘Have you tried na sumama sa kanila kapag may dinner or inuman?’

‘Busy nga sa work.’

‘Usually after class naman.’

‘Pagod na ako kaya gusto ko na umuwi agad.’

‘I understand.’

‘Important ba na may friends ako na close?’ he asked. ‘Di ako galit. Nagtatanong lang talaga.’

‘Yeah I know.’

‘Alam mo na nagtatanong lang ako?’

‘Yes,’ I replied. ‘I always will assume that we’re good until you tell me na may problema.’

‘Weh?’

‘Yes.’

‘Di ka talaga overthinker?’

‘Overthinking only exists when there’s uncertainty. I’m certain about us, so no room for overthinking,’ I told him. ‘But to answer your problem, I think it’s important to have a good support system in law school. It will help a lot.’

‘Ay akala ko ikaw support system ko.’

I almost dropped my phone nang mabasa ko iyong reply niya.

Kailan ba matatapos ’tong exam niya?


“Finally,” I said to myself nang gumising ako at makita ko na ngayon na iyong huling araw ng exam ni Mauro. You’d think na ako iyong nag-e-exam dahil nagbibilang din ako ng araw hanggang matapos ’yon.

I texted Mauro a simple message.

Just one.

And I told myself not to reply to him in case na magreply siya. Minsan kasi ay walang self-control ’yon. Makikipagtext sa akin kahit dapat na nagrereview siya. It’s up to me to not reply para makapag-aral siya.

I focused on working. I decided to stay late at work hanggang sa matapos si Mauro sa dinner plans niya. I wanted to spend the weekend with him na walang iniisip na trabaho.

Bago ko siya puntahan, dumaan muna ako sa 711. Ewan. Kapag nakakakita ako ng 711, siya agad ang naiisip ko… which made me think that if things don’t work out between us, magiging suki ako ng Family Mart . Because there’s no way I’d ever step inside 711 again.

I just knew that if this doesn’t work out? It would devastate me.

But I didn’t want to dwell on the what ifs. He’s here. I am here. I will do my best to make this work because I don’t want to wake up years from now, regretting the things I could’ve done.

I pulled over malapit doon sa sinabi niya na restaurant. I could see him already. He looked a bit worn out from the exam. Ang bagal niyang maglakad. Couldn’t he walk faster? I needed him close.

‘Finally,’ I thought to myself nang makarating na siya sa sasakyan ko. I watched his every move hanggang makapasok siya sa loob. I knew what I wanted to do. I wanted to pull him close. I wanted to kiss him. Was I allowed to do that?

Teka, ano ba iyong mga pwede ko ng gawin? I should ask him. I actually have a list of things I wanted to do. I needed his confirmation first.

“Here,” I said as I handed him the paper bag kahit alam ko na kakagaling niya lang sa dinner. “Your comfort food.”

Natawa siya. “Thank you.”

Mauro kept on yawning. I knew he was tired. I knew that I should probably just tell him to go home para makapagpahinga. But… I didn’t. Just a few hours. Hindi naman niya ikakamatay ’yon.

“Bago ba ’to?” he asked nang abutan ko siya ng tsinelas. Dati kasi, naka-medyas lang siya. Ako iyong na-stress nung makita ko iyong ilalim ng puting medyas niya. Lagi naman akong naglilinis, pero bakit ang dumi ng sahig ko? He made me doubt my vacuum cleaner. Bumili pa ako ng bago. “Naks… Ano next? Bibigyan mo ako ng sarili kong toothbrush?”

I slightly arched my brow. “Bakit? Mag-o-overnight ka ba?”

He scoffed. “Asa ka pa.”

Noted.

Bawal pa iyong sleep over.

At least the list is getting clearer.


Napapa-tingin ako kay Mauro na nandoon sa balcony at kinukuhanan ng picture iyong charcuterie board. I couldn’t get my eyes off of him na muntik ko na masira iyong vinyl player ko dahil hindi ako naka-tingin habang inaayos iyon.

Mauro could really be distracting.

“Cheers to finishing your exam,” sabi ko sa kanya.

“Cheers to your successful career,” he replied with a smile.

I had the list to talk about.

But for some reason, I held myself back. Ramdam ko iyong pagod ni Mauro. I knew that he’s so tired. But the fact that he’s here with me? Sitting here with me and enjoying the comfortable silence?

I want more nights like this.

Iyong tipo na kahit pagod kami, mahahanap namin iyong pahinga sa isa’t-isa. Akala ko hindi totoo iyong ganito. I did hear about this from people. I just thought it didn’t really exist—or if it did, hindi siya mangyayari sa akin.

Pero tama rin pala iyong sinabi nila na kapag hindi mo hinahanap, bigla mong makikita. Because I was not really looking for him—bigla lang siyang humarang sa harapan ko. And before I knew it, he already got me wrapped around his fingers—both me and the Gcash account na ginawa ko para lang sa kanya.

“Ihahatid kita,” sabi ko sa kanya nang makita ko na nasa Grab app siya.

“Ha? Hindi na,” sabi niya.

“Okay lang,” sabi ko. Hindi siya sumagot. Tipid lang siyang ngumiti at saka umiling. I felt like there was something there, but I didn’t ask. Sasabihin niya naman sa akin kung gusto niyang sabihin.

“Salamat sa pa-wine,” sabi niya nung malapit na iyong Grab.

Bahagya akong tumango. “Message me when you get home.”

Tumango siya. “Good night.”

He was probably just tired—after all, exams could be draining. But… I really felt like there was something there. And since I couldn’t ask him, I did the next best thing—I pulled him close and hugged him. This was included in my list. Pwede naman ’to… ’di ba?

“One minute,” I said. I felt him stiffen. He was probably surprised. I was, too. Pero mas lamang na mas gusto ko siyang yakapin. I wanted to stay like this. Pwede ba ’yon? Pero hahanapin siya sa kanila.

“Okay?” he reluctantly answered. Soon after, I felt him hugging me back.

Pagod din ako sa trabaho.

Totoo din pala na kayang pawiin ng isang yakap lahat ng pagod mo.

“Thank you,” I whispered.

“You’re welcome,” sabi niya. Rinig ko iyong pabagyang pagtawa niya. He was probably confused as to why I was thanking him. He had no idea what relief this hug gave me.

Mauro was looking at me with questioning look on his eyes. Tapos tumingin siya sa phone niya. Malapit na iyong Grab. Uuwi na siya. There’d be distance again.

“Tayo na, ’di ba?” I asked. I had to. I needed to make sure kung ano iyong nasa listahan ko dapat.

“What?” he asked, his eyes widening.

“Ah… gusto mo ligawan kita?” I asked. I could do that. I just didn’t think that Mauro was traditional. Another thing I learned about him.

Mas lalong nanlaki iyong mga mata niya. “Ha?”

“I mean, I really like you and you really, really like me. Why make it complicated? Life is complicated as it is,” I explained. Kasi kung ako siguro ang masusunod, hindi na siya uuwi sa bahay nila tapos dito na lang siya. But I knew that that’s not how things should work. I wanted this— him —for life. I needed to take everything slowly and surely.

Napaawang iyong labi niya. “Di ko alam kung paano gumagana iyong utak mo.”

Natawa ako. “Life is short. I just always want to go after what I want,” I told him. That’s always been my motto in life—kapag gusto ko, kailangan kong paghirapan. It has never failed me so far.

“I want you and if you’ll allow me, I want to have you in my life,” I told him. I would never force him… but if he’d let me? I’d give everything just to keep him.


“I already told you what I want… but I’m considering what you want as well. So, we’re taking whatever pace you’re comfortable with.”

Bunch of lies.

Kung ako lang ang masusunod, gusto ko, kaming dalawa na.

But I like him so much that I’d rather wait than to scare him away. Besides, what difference does it make kung kami na o hindi pa? Either way, I still like him. It wasn’t as if some label would change anything.

Although… I’d admit calling him my boyfriend did sound nice.

Pero halos hindi ko rin naman namalayan ang panahon. I’d spend my days working and trying to spend time with him. Medyo hinahanap na ako ng mga kasama kong magjog sa BGC. They started to suspect na may pinupuntahan ako sa QC. I mean, why else would I go there? Puro traffic lang naman ang lugar na ’yon.

Tsk.

Iba talaga tama sa akin nung taong ’yon—isipin mo napapagdrive niya ako mula Mandaluyong to QC? E halos ilang beses na akong nagcocontemplate kung kukuha na ba ako ng driver kasi nauubos na talaga ang pasensya ko sa traffic at paghahanap ng parking. Imbes na nagbabasa ako ng cases, naghahanap ako ng parking.

Pero pagdating kay Mauro? Ready ata ako agad sumabak sa traffic.

Wow.

Ito na ata iyong pagka-baliw ko—traffic edition.

But then, sabi nga nila, lahat ng pagpapasensya ay may hangganan…

“Fuck being friends.”

Seriously.

Fuck it.

Hindi naman ako santo—may hangganan din ang pasensya ko.

My brain knew what it wanted to do—heck, my heart has been shouting it for the last couple of months. But my body was not cooperating. Pakiramdam ko dahil sa dami ’to ng nabasa ko na rape at sexual assault cases. That although I wanted to take my first step, grab him, and just kiss him senseless, I wouldn’t make the first move—my body literally refuses to.

Kaya naka-tingin lang ako sa kanya—at siya sa akin.

I definitely knew him better now… it was like there was a countdown going inside my head. I knew that any second now—

“Tangina, ang bagal,” he uttered.

Fuck.

I was right.

‘Finally,’ I thought to myself as I let him pull me close.

Okay.

This… was fucking worth all the waiting in the traffic.


Naalala ko pa nung may mga ka-block ako nung college at law school. Madalas, aalis sila agad nang maaga kasi pupuntahan daw nila iyong girlfriend nila. I said nothing, but in my head, I kept thinking kung incapable ba sila magfunction kapag wala ang isa’t-isa. Na kailangan ba na magkasama sila palagi?

It just didn’t make sense and didn’t appeal to me. I mean, sure, gugustuhin mo naman talaga makasama iyong girlfriend mo… but then again, kailangan palagi ba?

As it turned out, kakainin ko rin pala lahat ng sinabi ko dati.

Gusto kong magreklamo nung sinabi sa akin ni Mauro na pupunta siya sa Subic. We just had our first kiss—admittedly so, gusto ko na agad sundan ng second, third, fourth, at kung hanggang saan man. Perhaps we’d test the limits.

But it seemed like ang matetest ay ang pasensya ko.

“Kailan balik mo sa Manila?” I asked. He called me. Naramdaman niya ba na masama ang loob ko na pupunta siya sa Manila? Pa-kunswelo ba ’tong phone call?

“Sunday pa ata.”

Dalawang araw pa?

Ang tagal naman.

“Bakit? Mamimiss mo ako?” panunukso niya.

“Yeah, of course, pero mukhang mas mami-miss mo ako.”

Tumawa lang siya. No denial. I see. “San ka after mo magjogging?”

“Brunch.”

“May kasama ka?” he asked.

“Office friends.”

“Wow, may kaibigan ka pala.”

“Friendly ako.”

“Saang part?” he asked. I was about to reply nang sabihin niya ulit na, “Aalis na pala kami. Bye!”

Naiwan akong naka-tingin sa cellphone ko.

Iyon na ’yon?

Walang Mauro sa mga susunod na araw?


It didn’t even take that long for me to make the executive decision na pumunta sa Subic. In my head, it did make sense… I mean, when was the last time I took a vacation? Ni hindi ko na nga maalala. Pinaka-bakasyon ko na ata kapag nasa grocery ako o kaya kapag nagja-jogging ako sa Diliman para mapuntahan si Mauro.

Yes. This wasn’t too weird… nor any semblance of being a stalker. Besides, bawal ba akong pumunta sa Subic? May ganon bang batas?

“Hey,” I said when I saw him calling. “Everything all right?” I asked because he did tell me na magiging busy siya ngayong araw. I didn’t ask why. I figured that with Mauro, kung gusto niyang sabihin sa akin, sasabihin niya naman. Maybe it’s personal. I respect that. Kahit naman ako may mga bagay na hindi ko pa sinasabi sa kanya.

“Hindi,” he replied. See? Very honest. Kahit minsan nakaka-pikon. But I’d take this rather than wondering kung ano ang mood niya.

“Wanna talk about it?” I did ask.

“Hindi muna.”

“Okay,” sabi ko. “You wanna hear about my day?”

“Yes, please.”

I told him about my rather boring day. Boring naman talaga. I wanted to tell him that talking to him is the highlight of my day. Kaya lang baka lumaki ang ulo. ’Wag na lang.

“Daming nangyari sa araw mo, ah,” he commented.

“I know. Looking forward to going home.”

“Malapit ka na ba sa condo mo?” Umiling ako. “Ah… traffic siguro. Saturday, e.”

I stared at his face.

He looked so… somber for some reason.

“Traffic dito sa NLEX,” I said. I figured I’d tell him that I was coming to him. Maybe it was presumptuous of me to assume na gaganda iyong araw niya kapag nalaman niya na pupunta ako sa kanya? I mean, I was just hoping… kasi kung ako ang nasa Subic tapos bad trip ako sa araw ko? Knowing that he’ll come see me would definitely lighten up my mood.

Kumunot ang noo niya. “NLEX?”

“Yeah.”

Nanlaki iyong mga mata niya. “Pupuntahan mo ako?!”

Natawa ako. “I mean… yeah. Since you asked so nicely earlier.”

“Weh? Seryoso nga?” he asked. His tone’s noticeably lighter now. That’s good.

Tumango ako. “Would’ve gone earlier, but I already had prior commitments,” sabi ko sa kanya. Ayoko naman umamin na at one point, tempted ako na i-move iyong mga gagawin ko. Pwede ko namang gawin ’yon. Hindi naman sila urgent. Pwede naman na sa Subic ko na gawin iyong iba. But… I did tell myself na hindi healthy na i-adjust ko iyong trabaho ko para sa kanya. I mean, I’d hate it, too, kung uunahin niya ako kaysa sa school niya. I knew we’re new and probably exciting (at least for me), but we need to find the balance. Because I really see us lasting and I’d like to take care of that.

“Niloloko lang naman kita…” sabi niya kahit halata naman sa mukha niya na tuwang-tuwa siya.

We talked.

I was impressed and amazed na hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. Kung sabagay… sa mga reklamo pa lang ni Mauro ay mahaba-habang usapan na agad iyon.

Akala ko mahaba ang magiging byahe, pero hindi ko rin napansin dahil sa pag-uusap namin.

“I’m here,” I said as I pulled over.

“Good. Magcheck-in ka na.”

“Later,” I replied. “Baba ka na.”

Nanlaki iyong mga mata niya. “Nandito ka sa labas ng hotel ko?”

I nodded. “Let me say hi to you in person first.”

Ni hindi niya man lang pinatay iyong tawag kaya nahilo ako sa galaw nung screen niya. I knew I could’ve ended the call… but I wanted to watch him as he runs towards me.

And then there he was.

“Thank you,” he said as he got inside the car and gave me a quick hug. I felt him melting inside my arms. Ano kaya ang nangyari? Ramdam ko iyong pagod niya.

“You’re always welcome,” I said instead as I hugged him tighter, hoping that it was enough to at least make his day a bit better.

Ilang minuto rin kaming nagtagal doon.

“Tulog ka ba?” I asked kasi ’di na ata siya gumagalaw.

“Oo,” sagot niya.

Natawa ako. “Okay, sleep-talker.”

He broke the hug, looked at me, and frowned. I pinched his nose. He frowned even harder.

“Pinupuntahan mo talaga ako dito?” he asked.

I shrugged. “Naisip ko lang magbakasyon.”

“Tss. Bakit ’di mo na lang aminin? Na sobrang na-miss mo ako na pinuntahan mo ako dito?”

Sinandal ko iyong ulo ko sa manibela at saka tumingin sa kanya. “Hmm…”

He reached for my head and caressed my cheek. That felt nice. Inabot ko iyong kamay niya na nasa may pisngi ko at hinawakan ko iyon. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa posisyon na ’yon. All I knew was that I wished I could freeze this moment.

“Hindi ka ba hahanapin?” I asked. Although I wanted him to stay here, I knew that his parents didn’t know about us. I did not want to get him in trouble.

“Tulog na ’yon,” sabi niya.

“Okay.”

“Punta muna ako sa hotel mo.”

“Hmm.”

“Babalik din ako!”

Natawa ako. “If you say so.”

“Kaya ’wag kang matulog dahil ipagda-drive mo ako pabalik. Unless gusto mo i-carnap ko ’yang sasakyan mo.”

“Seriously, study Crim more. Hindi mo ba alam ang elements ng carnapping?”

Bigla niyang hinatak iyong buhok ko. “Nakaka-pikon ka talaga!” sabi niya at saka natawa ako.

We got to the hotel. I checked in habang nasa may couch sa lobby si Mauro. He probably didn’t think I’d notice, but I noticed him trying to cover his face with his cap at by almost covering his face with his phone.

Nang maka-check in na ako, naglakad na ako papunta sa may elevator. I knew he was watching me kaya hindi ko na siya tinawag. Ramdam ko naman na naka-sunod siya sa akin.

“What?” he asked when he saw me looking at his reflection on the door of the elevator.

I shook my head as I tousled his hair. “Nothing,” I replied.

Pagdating namin sa may kwarto, mabilis lang akong naligo. I told Mauro to order room service kung nagugutom siya. Paglabas ko, naabutan ko siya na kumakain ng fries. Seriously… he’s very unhealthy.

I didn’t even remember what I was talking about. Naka-tulog na ako sa sobrang pagod. Nang magising ako, kailangan na ulit ni Mauro na umalis. Nagtrabaho muna ako habang wala siya. It was actually a nice change of scenery. After doing some work, nagswimming ako.

Sa sobrang pagka-excited ko ata e ni hindi ko naisip na may pool nga pala dito at pwede akong magswimming. Bumili pa ako ng susuotin sa souvenir shop ng hotel. It was worth it. The swim was relaxing… to the point na ’di ko napansin na nandito pala si Mauro.

“Kanina ka pa d’yan?” I asked. I wanted to tease him na pinapanood niya ako kaya lang baka ibato niya sa akin iyong cellphone ko. Water proof naman ata ’yon, but still. Paano kung hindi? Hassle palitan. Ita-transfer pa files ko.

“Kaka-dating ko lang.”

“Libre ka ngayon?” I asked.

Tumango siya. “Buti may pool,” he said. Wala ata siya sa mood. Kasi alam niyang pwede ko siyang sabihan ng ‘naka-kita ka na ng 5-star hotel na walang pool?’ Also, again, to err in the side of caution, hindi ko na sinabi dahil baka mabato iyong cellphone ko.

“Gusto mong magswimming?” I asked instead.

“Wala akong dalang damit.”

“You can just wear your boxers. Tayong dalawa lang naman dito,” I told him.

“Fine,” he said. He didn’t even need convincing. Hinubad niya agad iyong t-shirtniya. I leaned back and enjoyed the view. He quickly caught me. “Wag ka nga.”

Tumawa ako. “Fine, fine,” I replied, trying to give him some ‘privacy’ kahit nakita ko naman na iyong katawan niya.

“Marunong ka lumangoy?” I asked nung nasa pool na rin siya.

“Depende.”

“Depende saan?”

“Kung may humahabol sa akin,” sagot niya.

“Sino naman hahabol sa ’yo?” I asked, confused.

He shrugged. “Sharks.”

“Sharks?”

He nodded. “Kung hinahabol ako ng pating, magically magkaka-swimming skills ako.”

“Do you seriously think you can outswim a shark?”

He shrugged. “No… but I can try.”

“Really?” Sumandal ako at saka pinagkrus iyong mga braso ko. “Pakiramdam ko ikaw iyong tao na kapag naka-encounter ng pating, tatanggapin mo na lang na hanggang doon na lang ang buhay mo.”

“Excuse me?”

“I’m saying na mukha kang walang survival instincts.”

“Kung magkaka-apocalypse, pakiramdam ko ako ang last man standing.”

“Sige nga—zombie apocalypse. Paano ka magsusurvive?”

“Depends. Ano’ng klaseng zombie ba? Iyong mabibilis o iyong mababagal?”

“Importante ba ’yon?”

“Syempre. Iyong isa, kayang kaya ko takbuhan palayo.”

“E ’di mabilis na zombie.”

“Okay… Next question, nakaka-kita ba sila? O nakaka-rinig ba sila? Mabilis lang ba sila tumakbo o kaya rin ba nila umakyat?”

We spent the next hour just arguing kung sino sa aming dalawa ang makaka-survive sa apocalypse. Clearly, ako ang makaka-survive sa aming dalawa. Pero dahil gusto ko siya, makaka-survive din siya dahil bibitbitin ko siya kung saan man ako pumunta.

See? Ako talaga ang swerte sa buhay niya.

After a while, bumalik na rin kami sa kwarto. Mauro was in a much lighter mood dahil naka-tabi siya sa akin habang naglalakad kami pabalik sa kwarto. Akala ko e sa likuran ko siya maglalakad.

“Mau,” I called. Naka-tayo lang siya sa gilid ng couch. He probably did not want to see down dahil mababasa iyong couch.

“Ano?” he asked as he visibly shivered.

“Gusto mo sabay na tayo maligo?” I offered. I mean, baka ako naman kasi ang lamigin! Bawal akong magka-sakit. Marami akong ginagawa. Saka maliligo lang naman. Kahit ’wag niya ng tanggalin iyong boxers niya.

Seriously… why was I arguing with myself again?

Nanlaki iyong mga mata niya. Panic crossed his face… and then he looked at me in disbelief… and then with suspicion.

“Okay,” he said.

My eyes widened.

Say what now?

We were probably playing chickens… Pareho naming hindi ineexpect na kakagat kami sa mga pinagsasabi ng isa’t-isa… But here we were.

We were standing under the shower. I could see the droplets of water traveling from the ends of his hair down to his face. And as I was watching them, all I could think was that ‘wow… He’s gorgeous.’

He really was.

Iyon ba ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan? Arguably. But the winning argument would be his personality. And his smile. And his laughter. Ewan ko. Everything about him just makes me feel warm.

Like… he’s home personified.

Like I was lost but finally, I’m home.

Bigla siyang tumalikod sa akin.

I took a step and stood directly behind him. My hands were itching to touch him—to just touch him everywhere.

“Mamaya ka na. ’Di tayo kasya dito,” sabi niya habang naka-talikod pa rin siya sa akin. I could hear his voice. It was a bit shaky. Kinakabahan ba siya? Kasi ako rin. But more than that, I wanted to reach for him.

“Hotel room ko kaya ’to,” sabi ko tapos inaabot ko iyong shampoo.

“E nauna na ako.”

“Sabi ko sabay, ’di ba?”

“Di nga tayo kasya.”

“Kapag may gusto, may paraan,” I said as I began to shampoo my hair. Naka-tingin na siya sa akin at naka-simangot.

“E ano ba’ng gusto mo?” tanong niya habang diretsong naka-tingin sa akin.

Imbes na magsalita, humakbang ako palapit sa kanya.

I mean… I could say what I wanted… but I felt like he’d be scandalized by the things I wanted to do to him.

“Madami, pero ito muna,” I said before I reached for his face and then quickly after, his lips.

Instinctively, Mauro took a step backward. I stayed close to him dahil baka madulas siya. And then his back was against the shower wall. Inilagay ko iyong mga kamay ko sa dalawang magkabilang gilid niya. His arms were around my neck… and I didn’t know if he meant to do that, but he pulled my hair. A moan escaped my mouth.

Oh.

Apparently, I liked that.

His hands began to wander.

I let them.

‘Roam free,’ I thought to myself.

“Shit, sorry!” sabi niya nang makagat niya iyong labi ko. He looked genuinely apologetic that I felt bad kung sasabihin ko sa kanya na nagustuhan ko iyong ginawa niya—and that he could bite me again, if he wanted to.

I touched my lips and I was, indeed, bleeding.

Wow.

It’s troubling how much I liked this.

“No, it’s fine. Let’s carry on,” I said and then we were kissing again.

I was kissing him like I would die if I stopped. I kissed him deeply like I was trying to find sense in living and the answer could only be found in his lips.

I was kissing him.

I was kissing his lips.

Down to his neck.

My tongue tried to paint a picture on every surface of his body.

But then I felt him reaching for me.

Nagka-tinginan kami.

“Sorry—” he said. I could hear the panic in his voice.

“No, it’s fine,” I said as I placed my hand on top of his and steadied it in place. “What do you want to do?” I asked as I stared into his eyes.

“Hindi… ko alam,” he breathed.

“Okay.”

“Pero… pwede ba?” he asked as he panted.

“Yes,” I breathed. “Can I?” I asked.

“Yes,” he replied breathlessly.

I reached for his hand and wrapped his hand around my length. I could feel his heavy breathing. Pero ako ata ang mapuputulan ng paghinga. If him touching me already felt this good? I was afraid I’d die if he did more.

But at this moment, all senses abandoned me.

I reached for him, too.

“Atty. Marroquin—”

“Achilles,” I replied, correcting him. “Please don’t call me Atty. Marroquin while I am holding you in my hand.”

“Sanay kasi ako—” he said as I squeezed him.

“Then sanayin mo iyong sarili mo na tawagin akong Achilles, “ I said as I began to stroke him. I watched how his lips parted and how his breathing deepened even more.

I quickened my pace.

He bit his lips as he leaned his head against the glass.

“Fuck…” he moaned. I saw blood on his lips. With my free hand, I reached for him and guided his head towards my shoulder.

“You can bite here,” I told him.

But instead of doing as told, Mauro quickly reached for my lips once again.

He was kissing me once again… only this time, he was kissing me with such urgency like he, too, would die, if he didn’t kiss me hard and deep enough.

I felt him close.

But I was close, too, with just him kissing me.

I grabbed his hands and led them where I needed them, both of us shuddering as we came together


It was a known risk na baka makita ko iyong tatay ni Mauro kapag pinuntahan ko siya sa Subic. The world is already small—smaller even for lawyers. I knew about him. Only it took me quite a while to realize na siya iyong tatay ni Mauro.

When I first realized that I liked Mauro, inisip ko kung babasahin ko ba iyong files na may kinalaman sa tatay niya… but then, I decided against it. Hindi ko naman hawak iyong kaso na ’yon. Saka… at the end of the day, tatay pa rin ’yon ni Mauro.

If he’s indeed guilty, then that’s someone else’s job to prosecute. I just didn’t want to be involved.

But then I saw him.

And more importantly, he saw me.

Just by the look on his face, I knew that it was only a matter of time bago niya ako kausapin tungkol kay Mauro.

“Good evening—”

Natigilan ako sa pagsasalita nang paupuin niya ako. Hindi na ako nasurpresa pa nang maka-receive ako ng text mula sa kanya. After all, NBI director siya. Of course madali lang sa kanya na makuha ang contact details ko.

Naka-tingin lang ako sa kanya.

Was he trying to study my face? Why did it matter? Sigurado ako na nabasa niya na iyong files ko—baka nga mas kilala niya pa ang sarili ko kaysa sa akin.

Umayos ako ng pagkaka-upo. Why was I feeling ashamed? It wasn’t as if may masama akong balak sa anak niya. Graduate ako sa magandang school. Maganda ang trabaho ko. I was financially stable. I genuinely care about his son.

I’d say that my only fault was that I’m a guy—but then again, kasalanan ko ba talaga ’yon? Bakit ba ’di na lang ‘love is love’ ang motto ng mga tao? Life’s complicated enough—must we really make it even more complicated?

“Hindi bakla ang anak ko.”

Hindi ko mapigilan na mapaawang ang labi ko.

I actually did wonder kung ano ang unang salita na lalabas sa bibig niya. Ang daming posibilidad na pumasok sa isip ko… Akala ko handa na ako sa kung anuman ang sasabihin niya… Apparently not.

Hindi ako maka-sagot.

Ano ba ang sasabihin ko?

Sorry… pero mali ka? Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin sa Subic, sigurado ako na mali ka? Gusto niya bang isa-isahin ko lahat ng ginawa namin sa bawat sulok ng hotel na ’yon? Na tipong nag-iwan ako ng malaking tip dahil mukhang kailangan ng deep cleaning pagkatapos ng lahat ng nangyari?

Should I tell him that and give him the shock of his life?

“I suggest you leave him alone,” sabi niya at saka biglang tumayo.

The hell? Iyon lang ang sasabihin niya? Dalawang sentence? Pinapunta niya ako para sa dalawang sentence? Ito iyong sinasabi nila na this shit could’ve been an email.

“Sorry,” I said.

Tumingin siya sa akin. “Excuse me?”

Tumayo din ako. Mas matangkad ako sa kanya. I was actually looking down on him. It was a happy coincidence.

“My personal life is none of your business, sir,” sabi ko dahil tatay pa rin naman siya ni Mauro. I could afford him the basic respect.

I gave him a polite nod bago ako nagsimulang maglakad.

“You know I can ruin your career—”

Tumigil ako at humarap sa kanya.

“I can say the same,” sagot ko sa kanya. Tumingin ako sa mga mata niya. “The real question should be—sino ba sa ating dalawa ang maraming tinatago?”

Kasi ako, wala akong tinatago. Nagta-trabaho ako nang maayos. My life could be described as plain and boring before Mauro graced me with his presence. He could check every aspect of my life and come up with nothing.

Unless pipiliin niyang mag-imbento.

I should let him know that I won’t take any of that shit lying down.

Ilang segundo rin na naka-tingin lang kami sa isa’t-isa. And then I softened my stance. What was I doing? Trying to aggravate my future father-in-law?

“Mauna na po ako,” I said as I made my way out of the coffee shop.

Kahit pagod na ako sa trabaho at sa naging pag-uusap namin, dumiretso ako sa BGC. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa hindi ko na maramdaman ang mga binti ko.

The next few months, wala akong narinig mula kay Mauro tungkol sa tatay niya. Did he decide to back down? Good, if that’s the case. Honestly, if he’d try to get to know me, I really was not that bad—Mauro could do a lot worse.

Saka gusto ko naman talaga ang anak niya.

Wala akong masamang balak.

I wanted the best for him—kahit minsan gusto kong sunugin iyong mga libro niya kapag sobrang busy niya sa pag-aaral. But only for a moment dahil maaalala ko na mahal—

Fuck.

Mahal?

Oh.

Wow.

I… actually do love him.

I do.

I cannot imagine my life without him.

If he ever leaves, he’d take away all the colors and leave me with nothing but gray.

Napa-kunot ang noo ko nang makita ko na tumatawag sa akin si Mauve. We’re okay, but we’re not really on the talk on the phone terms. Agad akong nakaramdam ng kaba nang makita kong tumatawag siya. It was like I was waiting for the other shoe to drop… and it finally did.

Ni hindi na ako nagulat nang sabihin niya sa akin iyong nangyari. I debated kung tatawagan ko ba si Mauro. At kung tatawagan ko siya, ano ang sasabihin ko? This was a tough time for him. In a sick and fucking twisted way, I was lucky that I did not have to come out to my parents. I mean, I kind of did. Pero patay na sila. Wala na silang magagawa. Hindi na sila makakapanumbat kung naka-libing na sila.

But I did imagine kung ano ang mangyayari kung buhay pa sila.

My parents did love me… but I knew that this was something to be processed.

And I knew that Mauro’s parents did love him… pero alam ko rin, base sa mga kwento ni Mauro, na masakit magsalita ang mga magulang niya.

I could call him.

He’d probably lie to me.

I should see him.

That way, he would not be able to lie to me—not when I was looking him directly in his eyes.

Sinabi sa akin ni Mauve na sinabi ni Mauro na mag-iisip lang daw siya. Something inside me told me na alam ko kung saan siya pupuntahan. I was never one to flash my IBP ID, but that day, I beat a lot of red lights.

With Mauro, I find myself doing things I normally would not do.

It was frightening—but losing him frightens me more.

“Mauro,” I called when I finally saw him.

He was there.

I was able to breathe again.

“Bakit ka ba nanggugulat?” he asked. He looked a bit pissed. Good. I’d take pissed over sad.

“Tinawag ko lang pangalan mo,” I told him.

“Kita na ngang seryoso akong naglalakad.”

“Kailan pa naging seryoso ang paglalakad?” I replied, trying to keep the conversation light. If he wanted to talk about random things, we would talk about random things.

“Basta,” sabi niya. “Paano mo nalaman na nandito ako?”

“Sinabi ng kapatid mo.”

“Si Mauve?”

“May iba ka pa bang kapatid?”

“Wala siguro,” sagot niya.

This… was breaking my heart.

Mas gusto ko na pilosopo siya sa akin. Ganito ba talaga kapag mahal mo? Kapag masaya siya, mas masaya ka para sa kanya. Pero kapag malungkot siya? Parang gusto kong akuin lahat ng problema niya.

“Gutom ka na?” I asked instead. I wanted to lighten the atmosphere. Kahit konti lang.

We went to the mall.

We tried to act like everything’s fine.

We knew it was not fine.

We knew that something’s bound to change.

“Sinabi sa ’yo ni Mauve?” tanong niya.

Bahagya akong tumango. “I’m sorry.”

Umiling siya. “Wala ka namang kasalanan.”

“You know I’m just here, right?” I asked. He knew that… right? Alam niya na kung anuman ang mangyari, nandito lang ako? Na possible na talikuran siya ng lahat, pero nandito lang ako palagi? Hindi ko siya iiwan. I didn’t think I even could. I didn’t think it was even a possibility.

“Alam ko,” sabi niya na may malungkot na ngiti.

“Tell me whatever you need.”

“Bibilhan mo nga ako ng running shoes?” tanong niya at naka-ngiti sa akin na para bang sinasabi niya na ’wag muna naming pag-usapan.

Tumango ako. “Since pasado lahat ng grades mo.”

He scoffed. “Di lang pasado—matataas kaya grades ko.”

Ngumiti ako sa kanya.

“What if dalawang sapatos kasi mataas grade ko?” pagbibiro niya.

Tumango ako. “Okay.”

“Tatlong pairs? Mataas grades ko sa Obli.”

“Okay.”

Did he even know that I’ll give him anything he asks for?

“Wag nga kasi,” sabi niya habang naka-tingin sa akin. Kita ko iyong pagtutubig sa paligid ng mga mata niya. I wanted to reach for him. I wanted to wipe the tears away. I hated seeing him cry. I hated it even more because I knew that somehow, I contributed to his pain.

“What?” I asked… begged, almost. Could he tell me what I could do to lessen the pain? I would do anything.

“Wag… ganito,” mahinang sabi niya. “Wag mo akong tratuhin na parang kawawa.”

How could I tell him na mali ang iniisip niya? Na hindi ko siya tina-trato na kawawa? Na ganito ako… mahal ko siya?

But not the place and time.

I did not want to overwhelm him with my feelings—not when he’s going through something with his family. I was not that selfish.

So, we both pretended that everything’s fine.

Against my will, I let him go back to their house kahit ayoko.

But soon after, I found him in a fastfood chain.

Ngayon, naiintindihan ko na. Kung bakit laging may 711, kung bakit laging may siopao. Ayaw niya sigurong kasama kumain iyong pamilya niya. He’d rather eat junk than to eat with him.

I felt bad.

Fuck.

Matagal ng ganito tapos hindi ko napapansin? And I claim to love him? When I’d been blind all this time?

“Be honest with me,” sabi ko sa kanya habang naka-tingin ako sa kanya at sa tunaw na ice cream sa may kape niya. “What’s the plan?”

Was there a plan?

Kung wala, pwede ba na ako na ang gumawa ng plano?

If he’s too tired for everything… can I take the lead? I promise I’ll be careful. All I wanted was for him to be safe and happy.

“Hindi ko pa rin alam,” sabi niya habang naka-tingin sa halos walang buhay na french fries niya.

“Gusto mo bang umuwi sa inyo?” tanong ko.

“Gusto?” Umiling siya. “May choice ba ako kundi umuwi?” Umiling ulit siya.

“What do you mean you have no choice?” tanong ko. “I told you. I am here.”

Napa-tingin siya sa akin.

Nagulat.

I was offended.

Akala niya ba hindi ako seryoso?

“You can stay with me,” I repeated. He could. He could stay with me, take over my life. Whatever he wanted. I love him. I am in love with him. I would give him anything.

“Dahil ba nagguilty ka?” tanong niya.

Huminga ako nang malalim. He had no idea about how strongly I feel about him.

“No,” tahimik na sabi ko. “I don’t actually feel guilty. Why should I feel guilty for?”

“Tama,” sabi niya at saka pekeng tumawa. Naka-tingin lang ako sa kanya. I wanted him to know that with me, he never has to pretend. We could be happy together, sad together. Basta magkasama kami.

“But seriously, Mauro, I’d rather that you stay with me kaysa pakalat-kalat ka na naman.”

Napaawang iyong labi niya. “Ginawa mo naman akong parang basura.”

Natawa ako. That was a much needed laughter. “I mean, earlier, pakalat-kalat ka sa oval. Ngayon, nasa Mcdo ka. Baka sa susunod e papuntahin na ako ni Mauve sa Manila Bay dahil doon ka naman pa-gala-gala.”

Sinamaan niya ako ng tingin. “Bakit ka kasi sunud nang sunod sa ’kin?”

“Of course,” I replied. “I’m worried about you.”

“Okay lang naman ako.”

“I know. But still. You’d be insane to even think na hindi ako mag-aalala sa ’yo,” sabi ko sa kanya.

“Thanks pero—”

“Bakit ba ayaw mo na sa condo ko na lang?”

“Weird.”

“Why?”

“Basta.”

“Come on. Give me a reason.”

“Kasi… weird.”

“Weird in what way?”

“I just don’t want to impose.”

“You can never.”

“Never what?”

“Impose on me,” sabi ko. “Because I’ll give you anything willingly.”

Bahagyang napaawang iyong labi niya.

Hindi niya talaga alam.

“In case you haven’t noticed yet,” diretsong sabi ko habang naka-titig sa mga mata niya. “I am in love with you.”

I am.

I love him.

I am quite sure that he is the love of my life—forever he will be.

“So, no, you’re never imposing,” dugtong ko para marinig niya at maintindihan. “Stay with me or you can also go back home. I just want you to be safe.”

Naka-tingin siya sa akin.

Tumitig ako pabalik.

I was willing to wait hanggang makinig siya sa mga salitang sinasabi ko.


It’s been a few days simula nung pumayag si Mauro na sa condo ko tumira. I told him a couple of times already na okay lang sa akin na dito siya—as a matter of fact, I preferred it. Mas gusto ko na alam ko kung nasaan siya. I knew he didn’t want me to worry, but how could I not? Kahit hindi niya sabihin, alam ko na may parte ako sa nangyayari sa bahay nila.

So, I wanted him here.

But at the same time, I knew that he was not completely comfortable. Alam ko rin kasi iyong pakiramdam. Nung nawala iyong mga magulang namin, we had to stay with some relatives. Iyon bang alam mo na hindi rin nila gusto iyong nangyayari, pero dahil ‘pamilya’, wala silang magawa? But that didn’t mean that they made life comfortable for us. There were a lot of unsaid words—unsaid hurtful words. Kaya rin siguro ginusto ng kapatid ko na ibenta na lang iyong bahay. Gusto niyang makaalis na kami doon. Because it was suffocating to stay with people who obviously didn’t want you there and was just tolerating your existence.

Napa-sandal ako.

Siguro dapat kausapin ko na ulit iyong kapatid ko. This whole situation was making me think—lalo na kina Mauro at Mauve. Hindi ba dapat ganon ang magkapatid? Lalo na at kaming dalawa na lang?

I told Mauro na ’wag niya ng isipin iyong grocery. After all, kahit wala naman siya dito ay bibili din talaga ako. Of course he didn’t agree. I just made a mental note to make sure that everything’s always complete. I really would rather he spend his money on himself.

He also told me na nabayaran niya na iyong tuition niya. I knew he would never allow me to pay for that but… I wanted to. I wanted to pay for his tuition, for his books. I just wanted to make everything easier for him.

Nagkaka-totoo na ata iyong sinabi niya na sugar daddy ako.

Bakit? Masama ba na gustuhin mong ibigay lahat sa taong mahal mo? Hindi ba natural lang dapat ’yon? Hindi ba mas weird kung gusto mong mahirapan iyong taong mahal mo?

I was in my office, debating of a way para bigyan si Mauro ng laptop. Malapit na kasing magsimula iyong klase niya. Nasa bahay nila iyong laptop niya. Ayaw niya rin atang kunin dahil magulang niya ang bumili non. Maniniwala kaya siya kapag binigyan ko siya ng laptop at sinabi na galing ’yon sa allowance ko sa gobyerno?

Ito mahirap kapag pareho kaming government employee, e. Alam niya iyong mga nakukuha ko… But at the same time, bakit tumatanggi pa siya? Alam niya naman siguro na compared sa kanya, mas malaki sweldo ko?

“Attorney.” Napa-tingin ako sa tumawag sa akin. Lumapit siya at saka may inabot na envelope. Napa-kunot ang noo ko nang makita ko kung saan galing ’yon.

“Wow…” I uttered to myself when I read the content of the letter.

Was he being serious? An investigation for a disbarment case? On what fucking grounds?

I couldn’t let this ruin my day… but how could it not? Mabilis na kumalat na may disbarment case ako. Seriously… pwede bang magtanggal ako ng employee dito? Hindi na ba uso ang discretion?

“Don’t worry,” sabi sa akin ng isang ka-trabaho ko matapos akong tapikin sa balikat. “Sabi nga nila, hindi ka pa ganap na abogado hanggang ’di ka nakaka-tanggap ng disbarment complaint.”

I didn’t give him a reply.

It wasn’t about that. I didn’t give a damn kung may magpa-disbar man sa akin dahil alam ko na hindi naman maga-grant ’yon. I do my job—and I do my job well. Wala silang mairereklamo sa akin—in fact, ako pa nga dapat magreklamo sa unpaid OT na ginagawa ko.

But I knew that one way or another, malalaman ’to ni Mauro. Alam ko na tatay niya ang may pakana nito. Alam niya na makokonsensya ang anak niya.

God.

How could you claim to love your son and then go out of your way to hurt him?

A lot of people only claim to know of love but do not really understand love.

“Be honest with me,” biglang sabi niya.

Wow.

It didn’t even take that long. Did his dad personally inform him?

“It’s fine,” I said, looking at him and giving him a small smile. Gusto kong matawa. It was me facing a possible disbarment case tapos siya iyong pinapagaan ko ang loob?

“Fine?”

“Yes. Ano’ng dinner—”

“How can you say that it’s fine?”

Huminga ako nang malalim. Someone had to be calm. “Because it’s fine,” I replied. “There’s no disbarment case filed.”

“Yet,” mabilis na dugtong niya. “Alam mo ba na tumawag sila sa office ko?” sabi niya nang hindi ako magsalita.

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

What the fuck? Bakit siya tinawagan? Ano ang kinalaman niya kung i-disbar man ako? Ano ba’ng ginagawa naming mali? Kasalanan ko ba na napaka-backward ng bansang ’to? Na tipong nagsisimula na ang legalization ng same sex marriage sa mga kapitbahay nating bansa, samantalang ni hindi pa rin ma-approve ang divorce dito?

Huminga ako nang malalim. I reminded myself that someone had to be calm—and I knew that it was not gonna be him. So, it had to be me.

“I’m sorry.”

“Kailan pa ’to nagsimula?”

“Last week.”

“Last week pa?”

“It’s gonna be fine—”

“Can you please not?” he cut me off. “Can you please stop downplaying this? Kasi seryoso ’to, Achilles.”

“There’s nothing to say,” sabi ko sa kanya. “There’s no case against me. Yet. There’s no case yet.”

“Kaya hindi mo sinasabi sa akin?”

“Yes,” sabi ko. “Because there’s nothing to worry about,” I added. “I’m sorry kung tinawagan nila iyong opisina mo. They’re just investigating.”

“What’s the ground?” he asked.

I paused for a second. I gathered myself. Alam ko ang isasagot sa kanya. I practiced na parang aattend ako ng hearing. I knew I had to choose the right words. The situation’s still manageable. I didn’t want to make it unmanageable.

“Immoral conduct.”

“Si Papa iyong nagfile ng complaint?”

“Yes,” I replied because who else would? Ilang taon na akong nagta-trabaho pero ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Of course this was personal.

Mauro didn’t say anything—he didn’t even have to say anything. I watched as he sat down. I watched as his heart got broken. He didn’t even have to verbalize the word because I was thinking the same thing…

That why would his own father go out of his way to hurt his own son?

For what?

Did he seriously think that if he hurts me, magiging maayos ang relasyon nila ni Mauro? I didn’t understand how his mind works.

I told Mauro over and over again that I’d be fine… because I knew that I’d be fine. I kept a good record of all cases I handled. If he planned to fabricate anything, I’ll make sure to file a disbarment case against him as well—criminal case even for falsification. Paramihan na lang kami ng kasong ikakaso sa isa’t-isa.

“Marroquin.”

I didn’t even have time to look sa tumawag ng pangalan ko. I needed to finish this draft dahil as much as possible, ayoko talaga na nagfa-file ng Motion For Extension. Bawat araw sa kulungan ay mahalaga. Kawawa naman kung inosente pala.

“What?”

“Sino kaaway mo?”

“Wala,” sagot ko. Wala naman akong kaaway. I was just doing my job. I try not to take anything personally. If I feel like I was starting to get personally involved, I take a step back and remind myself na trabaho lang. That’s the only way I’ll survive dahil kung hindi, baka mag-arson na ako sa Congress dahil sa mga outdated na batas na ayaw pa nilang i-update.

“Ah… nagbago lang isip mo?” he asked. Napa-tingin na ako sa kanya. What the fuck was his point? Bakit ’di na lang dumiretso. Ang daming paligoy-ligoy. “Bat sa ’yo nadiretso mga criminal case? Akala ko ayaw mo sa ganon?”

Of course.

Sino ba ang kinausap ng tatay ni Mauro na pati personal preference sa mga hawak na kaso ay alam niya?

Hindi na ako sumagot pa. I debated on asking my superior tungkol dito, but I decided against it. Baka sabihan pa ako na hindi naman kasama sa job contract ko ang mamili ng mga kasong hahawakan ko.

I was starting to feel the weight of everything.

I needed to run.

Kahit gaano ako kapagod sa trabaho, pumupunta pa rin ako sa BGC para tumakbo. I just needed an hour to myself—to think of what will happen, what I will do.

I needed to defend other people.

I needed to defend Mauro.

And now, I also have to defend myself.

Napa-hawak ako sa mga tuhod ko habang hinahabol ko ang paghinga ko nung huminto ako sa pagtakbo. Biglang may bumangga sa akin. Biglang bumilis iyong tibok ng puso ko. Humingi ng tawad iyong babae. Naka-alis na siya at lahat, pero habol-habol ko pa rin iyong tibok ng puso ko.

Mabilis akong bumalik sa sasakyan ko.

Going in this line of work, I knew that there’s always a risk. It was always there, but I didn’t really heed it any attention. It just comes with the job—and I always have a choice to go to a safer job, but I never did. I like what I was doing.

Kaya bakit ngayon, kinakabahan na ako?

Dahil kay Mauro?

Kasi dati kung mawala man ako, sino ba ang malulungkot? Kapatid ko na hindi ko kinakausap? Mga kaklase ko na isang beses isang taon ko makita? Mga ka-trabaho ko na nakakasama ko kapag required dinner?

No one would really miss me if I were gone.

It wasn’t like I wanted to die… but that if I did, it wouldn’t be too bad.

Pero iba na ngayon.

May Mauro na na malulungkot kapag nawala ako.

“Anong mga kaso hawak mo ngayon?” Mauro asked. Tinawagan ba ulit siya ng Papa niya? It seemed like he knew before I was even given the chance to tell him.

Hindi agad ako naka-sagot. How do I even tell him? I wanted to find a better way to tell him.

“Akala ko ba honest?” he said before I could even come up with an answer.

“I am.”

“Hindi selective honesty,” sabi niya. “Ano’ng bago sa cases na hawak mo?”

“You know I can’t talk about my cases.”

“Tungkol na lang saan?” he asked. He’s being relentless. “May kaso ka na ba sa murder ngayon? Rape? Drugs? Ano’ng bago sa mga hawak mong kaso, Achilles?”

Napa-tingin ako sa kanya. “Ano ba’ng gusto mong gawin ko? Sabihin ko sa kanila na hindi ko tatanggapin iyong kaso?”

Even I was surprised with the tone of my voice. I didn’t mean to snap at him… but it was not like I was just trying to not tell him anything. I wish he’d also consider that this was hard for me, too.

That I was scared, too.

It was not always all about him—a little consideration’s all I ask for.

“It’s murder with rape and I think that the prosecution will include drug charges—the fucking trifecta,” sabi ko sa kanya, pero hindi siya nagsalita. “I work for the government, Mauro. I have people I need to follow. That’s just how the world works.”

“Alam ko—”

“So, please , please stop asking me about my work… Kasi pareho naman tayong walang magagawa.” Sinubukan kong ngumiti sa kanya. Ayokong makipag-away. The last thing I wanted and needed was to argue with him. “Please?”

Slowly, he nodded. “Okay.”

“Thank you.”

“Just please be safe,” he said… and I didn’t know, but for some reason, it felt like a premonition of the storm that’s about to come.


I never thought there’d come a day wherein I’d seriously consider meditation… I mean, that or smoking a cigarette. Sobrang daming nangyayari sa buhay ko. It was like I was being attacked on all sides. Akala ko sanay na ako sa multitasking—I mean, I’d like to think lawyers are used to multitasking. I work with multiple deadlines every day. Madalas, hindi pa nabibigay sa akin, may deadline na.

But this felt like a coordinated attack.

Sunud-sunod iyong dating ng mga criminal cases sa akin—I’d like to think na talagang mas utak criminal lang ang mga tao ngayon. Hindi naman siguro kontrolado ng tatay ni Mauro iyong mga kriminal at kung kailan sila gagawa ng krimen.

Sumabay pa iyong sa disbarment investigation.

Pati iyong kapatid ko.

Sabi na nga na ’wag susundin ang naiisip kapag madaling araw. Nagmessage ako sa kanya dati na nangangamusta. Naisip ko kasi si Mauve at Mauro. Na sana ganon din kami ng kapatid ko. So, I decided to reach out. Kasi pakiramdam ko kung hindi ko gagawin, hindi na kami mag-uusap kahit kailan. Ito mahirap kapag mataas ang pride parehas.

But I was starting to regret that.

Instead of building broken bridges, iyong lintik na bahay na naman ang pag-uusapan namin. I had half a mind na sabihan siya na naghihirap na ba siya sa Amerika at atat na atat siyang ibenta iyong natitirang naiwan sa amin ng magulang namin? Luckily, I managed to stop myself.

I didn’t need to start another fight.

“Thanks,” sabi ko nang bagsakan na naman ako ng bagong case files. Hindi ko alam kung ilang segundo akong naka-tingin doon. Ni hindi ko pa nabubuksan pero sumasakit na agad ang ulo ko. I kept on reminding myself that I love my job and surely, this wouldn’t be permanent. Kasi hindi ko maisip na laging heinous crimes lang ang hahawakan ko. I honestly would need debriefing kung iyon ang mababasa ko araw-araw.

Sandali akong pumikit. I breathed in deeply. I kept on repeating that. Was it working? Parang hindi naman. Kailangan ko na ba talagang manigarilyo? No… Magchewing gum muna ako.

“What?” sabi ko nung may kumatok sa pinto ng opisina ko. I mentally prepared myself to listen sa kung anumang problema ang sasabihin sa akin. I mean, this was my job—bakit ba nasu-surpresa pa ako?

“Hi,” sabi ni Mauro.

Oh.

Akala ko bagong case file.

“Fifteen minutes?” sabi niya.

Agad na napa-tingin ako sa ka-bundok na papel na kailangan kong basahin. I had a feeling na madadagdagan na naman iyon. And I promised myself not to half-ass anything. I needed to keep on reminding myself that these names aren’t just names—they are people with family.

They deserved a lawyer who actually tries—not someone who just appears in court just for the heck of it.

“I’m busy,” I told him. Nakikita naman siguro niya iyong dami ng kailangan kong basahin. Besides, it’s the middle of the day. Magkikita naman kami mamaya sa bahay. I was actually looking forward to it. I wanted to go home and just be with him. But that had to wait—kailangan kong magtrabaho ngayon. “Wala ka bang trabaho?” I asked him.

“Umabsent ako.”

Hindi agad ako naka-sagot.

I didn’t know why, but I was certain that I felt disappointed by his answer. But I shouldn’t be disappointed, right? We all handle things differently. I would rather continue working and try to handle everything. Hindi ko kaya na basta na lang iwan iyong trabaho ko. A lot of people count on me.

Baka iba lang si Mauro.

And I shouldn’t be disappointed just because we’re different.

“Go home, then,” I told him. Maybe he just needed to rest or to sleep. He should do that.

“Saan?” he asked.

Napa-tingin ako sa kanya. He was looking at me. I knew him enough to know what was going on inside his mind. Maybe during some other time.

“Mauro, not now. Marami akong gagawin.”

Marami talaga akong gagawin.

It wasn’t that I didn’t want to reassure him—I just did not have the emotional nor the mental bandwidth to deal with this.

At least not right now.

Hindi ba pwede na mamaya lang?

Couldn’t he give me just a few hours to focus on my work? Kasi may trabaho din naman ako bukod sa pagiging boyfriend niya.

“Okay,” he said, giving me a small smile. “Sorry sa abala.”

Why… was he so unfair?

My mind told me not to go after him—it would set a precedent that he could do this and I would immediately fold.

That was the right thing to do…

But when did the right thing ever won over what your heart tells you to do?

Kahit alam ko na wala akong oras na pwedeng sayangin sa dami ng kailangan kong gawin, tumayo pa rin ako at hinabol si Mauro. I couldn’t let him go away. I knew that there was a chance that he wouldn’t go home.

I needed to see him and to apologize kahit alam ko sa sarili ko na hindi dapat ako nagsosorry dahil dito.

Fuck.

I was so fucking in love with him that I was willingly defying my mind.

“I’m sorry,” I said when I caught up with him. “Hindi ka abala. Marami lang talaga akong ginagawa.”

Hindi naman talaga.

But God… time and place.

He could say anything sa condo. I would listen. I would always listen to him. Pero may trabaho din ako.

Tipid siyang tumango. “Alam ko. Sorry, nawala sa isip ko na tambak nga pala iyong kaso mo. Uuwi na rin ako.”

I drew a deep breath.

I told myself to calm down—I didn’t go here to argue with him.

“Sa condo ka uuwi, ’di ba?” I asked. I just needed to be sure na pag-umuwi ako, makikita ko siya.

But he didn’t answer.

Was it alright to feel disappointed?

Kahit konti lang?

Kasi ’di ba alam niya naman na marami ding nangyayari sa buhay ko? Wala bang konti—kahit sobrang konti lang—na konsiderasyon? That on top of everything, he’d still consciously hide from me? Kahit na alam niya na mag-aalala ako?

I didn’t like this.

This was not good.

But could I even tell him that?

O baka mas lalo niya lang akong taguan?

“San ba pwede ditong mag-usap?” he asked.

Tahimik akong naglakad. Hindi pa rin siya nakinig sa akin kanina nang sinabi ko sa kanya na marami akong kailangang gawin.

“Sa condo ka uuwi, ’di ba, Mau?” muling tanong ko nang huminto kami sa isang gilid na walang dumadaan na mga tao.

Hindi agad siya sumagot.

Naka-tingin lang siya sa akin.

Mahirap bang sabihin na sa condo siya uuwi? Did he enjoy watching me lose my mind over him?

“Parang…” sabi niya. “Parang mas okay kung sa amin na ako uuwi…”

I didn’t know what to feel first.

Takot?

O disappointment?

Na… talaga ba? Talaga bang ngayon niya gagawin sa ’kin ’to?

I love him but god… has he always been this selfish?

I had a lot of questions flooding my mind at this very second.

I was getting more and more overwhelmed with each passing second… but I knew for sure that I really am in love with him because despite every little doubt, fear was what I felt the most.

The panic ringing in my mind.

The fear swallowing me whole.

“Nakikipaghiwalay ka ba sa ’kin?” I asked.

I had to.

I had to hear him say no.

Because I knew that otherwise, I would not be able to function.

That no fucking gum nor mediation would save me if he decided to leave me now—that he would literally destroy my world and leave me gasping for air.

Mabilis siyang umiling.

Oh.

Okay.

Fuck.

“Uuwi na lang ako sa ’min, Achilles. Para matapos na ’tong lahat. Kasi nadadamay ka na… pati si Judge, nadamay na rin. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga kakilala ko.”

“Okay lang naman ako—”

“Halos hindi ka na nga natutulog sa dami ng trabaho mo. Saka ikaw mismo iyong nagsabi sa akin dati na ayaw mo sa mga ganyang kaso pero ngayon, puro ganyan iyong hawak mo. Hiyang-hiya na ako sa ’yo. Lagi na lang ikaw iyong nag-a-adjust.”

I looked at him.

Why… were we talking about this?

Again?

“Why do you always think that everything’s your fault?” I asked him. I needed him to answer me—to really answer me. “Matanda na ako, Mauro. May sarili akong isip. Kung ayoko na talaga sa ginagawa ko, magreresign ako,” I told him.

When did I ever blame him for the shitty things that was happening to me?

All I really asked for him was to give me time to work.

That was all.

Was it too much?

“Alam ko pero kung hindi naman dahil sa akin, hindi mangyayari lahat ng ’to.”

“What? Na tambak iyong trabaho ko? Normal lang ’yon.”

“Alam mo kung ano iyong sinasabi ko.”

“No,” sagot ko na umiiling. “I don’t understand, Mau. Hindi kita maintindihan minsan. I love you, I really do, but God, you’re exhausting sometimes.”

I saw tears falling from his eyes.

I almost reached for him and wipe the tears that I caused.

But we should talk about this because God knows that we couldn’t keep running on circles. I told him again and again na hindi niya kasalanan. I would love to reassure him… pero tao rin naman ako. Napapagod ako. Hindi ko kayang gawin araw-araw iyong hinihingi niya.

Maybe in the perfect world.

But we lived in this fucked up world full of timelines and responponsibilities—and should I apologize because I could not do both? Hindi ba ako pwedeng mapagod?

“For once, can you please stop trying to be some martyr? Wala ka namang kasalanan. Why does it always have to be your fault? Why does it feel like you want to victimize yourself always?”

I was losing grip.

I knew I shouldn’t be saying this.

But he should be hearing this.

“Kung madidisbar man ako o kung tambak man iyong trabaho ko, hindi ba pwede na desisyon ko ’yon? Hindi ba ako pwede magkaroon ng sarili kong desisyon? O lagi bang dapat kasalanan mo?”

I wanted to reach for him.

And comfort him.

But this was for him, as well.

I love him but this was not healthy at all—I would not stand here and watch him blame himself for every little thing that goes on. That would run him ragged. And I would not just stand here and let it happen without doing anything.

So, yes, I didn’t want to say any of this, but this needed to be said. Kasi kung hindi ako, sino ang magsasabi sa kanya?

“Okay,” he said in a resigned tone.

Huminga ako nang malalim at saka sinuklay iyong buhok ko gamit iyong mga daliri ko.

“I—” I said and then stopped when I saw that defeated look on his face. “Okay,” I continued, conceding. I just… could not do it any more when he looked so defeated. I could not. I did not have the heart to argue with him when he looked like that.

Maybe I was in the wrong.

Masyado akong maraming trabaho na nabaling sa kanya iyong init ng ulo ko.

Maybe I needed a cigarette.

“Just… go home. Sleep. I’ll see you later, okay?” I told him. He just nodded and said nothing. I took a step forward and reached for him. He didn’t pull away. I hugged him. I hugged him tighter. He just stood there. I was thankful that he let me put my arms around him.

“I love you, okay?” I reminded him. I hope he knows that. I hope that he will always know that.

I went back to work. I had to tell myself over and over again to focus on working, but my mind kept on going back to Mauro and that look on his face.

Fuck.

I fucking fucked up.

After hours of trying to work and failing miserably, I decided to call it a day. Wala rin akong magawang tama sa trabaho. It was better to accept defeat today kaysa kung anong katangahan ang magawa ko sa pleadings.

My mind was solely focused on how I would apologize to Mauro for how I acted. I knew I was right… but time and place. Ang gago ko rin. Alam ko naman na nahihirapan din iyong tao. Kung ako ang nasa posisyon niya, mahihirapan din ako. Syempre ayoko rin na nahihirapan siya dahil sa akin.

Fuck.

Bakit ba kasi sinabi ko ’yung mga ’yon? Did I think that I was in a cross examination at kailangan kong idiin iyong punto ko—never mind the repercussion?

I kept on thinking on what I could do to apologize to him.

But then I saw a gun right at my face.

I thought I was going to die—and all I could think about was that this couldn’t be the end… na hindi pag-aaway namin ang huling alaala ko na maiiwan kay Mauro.

If I did die, I wanted him to know that I didn’t want to leave him like this—I wanted to leave him on a good note.

And I wish I lived long enough and made him feel loved.


I thought I was going to die.

I probably did die.

Nasa impyerno ata ako ngayon.

I had to pretend that things were fine… that everything were under control… sort of.

Pero nagsisinungaling na lang ba ako sa sarili ko?

And I couldn’t even get mad at Mauro. Naiintindihan ko siya. Natakot lang din siya. He had to blame someone for what happened to me…

He just loved me—how could I ever blame him for that?

“What?” biglang tanong sa akin ni Carl. I had to call him. Out of the blue. Kailangan ko lang ng kausap. Para na akong mababaliw. Ni hindi ko makausap si Mauro. I couldn’t show him any fear that I was feeling.

I knew he’s already crumbling down—I needed to hold the fort.

“I should’ve listened before.”

“Sa alin? Marami akong sinabi,” pabiro niyang sagot.

“Joined a frat… or something,” I said and then took a sip of the whiskey.

If I joined, they’d help me, right? I mean, compared to this, they’d fix worse things—

“What?” I asked nang makita ko na naka-kunot ang noo ni Carl habang naka-tingin sa akin.

Umiling siya. “Nothing,” he said. “But apparently, they’re right…” My forehead creased. “That change is the only permanent thing in the world,” he continued. “Because I never thought I’d ever hear you say something like that.”

Fuck.

He’s right.

Seriously.

I have lost it.


I hated that I knew Mauro enough to know that if only those Senators used the right word, they’d get whatever they wanted from Mauro.

I love him… but he’s so easily triggered.

Kung pwede ko lang siyang itago sa condo at ’wag ng papuntahin sa Senate Hearing. But even I knew that that would not really solve anything—lalo na at naka-detain pa iyong Papa niya.

And I hated it even more na wala akong magawa nang humingi ng tulong sa akin si Mauro. I… didn’t really know a lot of people. I just do my job. I try to avoid asking people for favor dahil alam ko na lahat ng ’yon, may kapalit.

And for the longest time, I thought I could survive on my own island.

I had no family.

I was alone.

Why would I ever need to ask favors from anyone?

Pero kakainin ko rin pala lahat ng sinabi ko.

It was killing me to know na wala akong magawa para tulungan si Mauro. I couldn’t even help him visit his father. I felt so utterly useless.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Mauro habang nasa labas kami. Naka-tingin lang ako sa kanya. I wanted to tell him that his father’s fine… but we both know that I’d just be lying. A lot of people died for a lot less.

We both know what would happen.

We just did not want to acknowledge it.

I wanted to reach for him, but I was afraid to touch him… He looked like he would break at the slightest touch. So, I kept my distance and just watched over him.

I couldn’t leave him.

I didn’t want to leave him.

I was afraid of what could happen if I just leave him alone for a second.

Hindi ko alam kung gaano katagal na nandon lang kami. Tapos ay may mga dumating na sasakyan. Naka-tingin lang ako kay Mauro. I didn’t even need to say anything… We both knew that this couldn’t mean anything good.

And the longer I stood here, the more I started to resent myself.

Why wasn’t I more well-connected?

Why couldn’t I do anything for him?

Why was I… so useless?

Agad na napa-tayo ako nang may makita akong pamilyar na mukha. Fuck.

“Chavez,” pagtawag ko sa kanya bago pa siya makaalis. What the hell was he doing here? Parte ba siya ng kaso na ’to?

“Marroquin,” sabi niya. He looked at me… and then looked at Mauro who was staring at nothingness. Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. There was… something on his face. I hated it. I hated that this was confirming my fear.

“Hindi ba kami pwedeng pumasok?” I asked. I was not even friends with this person. I was not used to asking favors.

Napa-kamot siya sa batok niya. “Not my call to make.”

“Please—”

“Look,” he said as he placed his hand on my shoulder. “I shouldn’t even be saying this but…” he continued and threw Mauro another look. “He shouldn’t be here tonight. Get him away from this place.”

I felt my heart drop from my chest.

Naramdaman ko iyong panlalamig ng buong katawan ko.

“They wouldn’t—”

“You and I both know they would.”

“He’s not some random person they can just dispose! This is a high profile investigation!”

“People would care for a minute, Marroquin. May amnesia ang mga Pilipino. They’d give a shit for a day and then back to regular business.”

Fuck.

Fuck!

Why the fuck was I so useless?!


“Ano’ng sabi niya?”

“I’m sorry,” tanging sagot ko.

Kasi ano pa ba ang pwede kong sabihin? Sorry kasi wala akong magawa para sa ’yo? Sorry dahil wala akong magawa kahit alam ko na kung ano iyong mangyayari?

Because what the fuck do I even do?

Call the police?

When they’re also a part of the problem?

Call the media?

When they’re also already bought?

Post a fucking open letter online?

What the fuck do I do?!

“What do you want to do?” mahinang tanong ko sa kanya… dahil hindi ko na alam ang gagawin.

Tumingin lang sa akin si Mauro. Inabot niya iyong kamay ko at hinawakan nang mahigpit. He didn’t ask anything of me… dahil din siguro alam niya na wala akong magagawa.

All I knew was to fucking study.

Wala akong nagawa nung isuko ng kapatid ko iyong kaso ng mga magulang namin.

Wala rin akong magawa ngayon para kay Mauro.

I felt like I did everything right… I did everything that I was supposed to do.

And for what?

Dapat ba naging kagaya na lang din nila ako noon?

Kung ganon ba, may magagawa ako para kay Mauro ngayon?

“I’m sorry,” pag-ulit ko.

I kept on saying it.

It was probably already losing its meaning.

Hindi sumasagot si Mauro.

Hinahawakan niya lang nang mahigpit ang kamay ko.

Was he regretting it?

Was he regretting us?

Kasi kung hindi dahil sa akin… wala naman kami dito.

Everything that happened was because I decided that I like him and I wanted to be with him.

If only I wasn’t selfish…

Napa-tingin ako nang maka-rinig ako ng pagkatok sa gate. Agad akong lumapit kahit na tinawag kami na parang aso.

“Pumasok na kayo.”

Agad akong natigilan.

Napa-tingin ako kay Mauro.

“Okay po. Salamat. Salamat po,” sunud-suno niyang sabi.

Gusto ko siyang hawakan at sabihin na ’wag na kaming pumasok… na dito na lang kami… pero alam ko na hindi ko siya pwedeng pigilan. Kaya naman naglakad na lang ako sa likuran niya. Parang umiikot iyong buong sikmura ko habang papalapit kami kahit ni hindi ko alam kung saan talaga kami papunta.

But we couldn’t just walk around forever.

At one point, we’d have to stop.

Napa-tingin ako kay Mauro nang hawakan niya iyong kamay ko.

“Do you want me to go in?”

Umiling siya.

Ang lamig ng kamay niya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon. Naghihintay ako sa susunod niyang gagawin. Iniwan na kaming dalawa dito dahil… siguro alam nila na wala namang pwedeng itakas.

That we’re here because it was already a done deal.

Alam ko na alam din ni Mauro—gusto niya lang makita gamit ang dalawang mga mata niya.

And then he finally held the knob…

Hindi ko alam kung ano ang unang papasok sa isip ko. Gusto kong hatakin si Mauro at yakapin siya para hindi niya na makita pa iyong nasa harapan namin. This… shouldn’t be his last memory of his father. Not like this—not with him still hanging from the ceiling. Not with the pee pooling underneath him.

This shouldn’t be his last image of him.

“Mauro—”

Mabilis siyang umiling.

He just stood there.

For minutes.

Saying nothing.

“Achilles,” pagtawag niya.

“Bakit? May kailangan ka?” mabilis na sagot ko sa kanya.

“Pwede ka ba humingi ng kutsilyo?” tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko. “O kahit ano para maibaba si Papa—” sabi niya tapos ay natigilan. Tapos ay natawa. “May mag-iimbestiga ba dito? Crime scene ba ’to? Hindi na siguro, noh? Sasabihin nila na kusa naman ’tong ginawa ni Papa.”

Lumingon siya at saka tumingin sa akin.

“Pwede mo ba ako tulungang ibaba si Papa?” tanong niya sa akin. “Tatawagan ko si Mama saka si Mauve… Ayoko na ganito nila makita.”

Lumabas ako.

Ni hindi pa ako nakaka-layo nang marinig ko iyong malakas na pag-iyak niya.

That was the moment everything changed. I felt like I died right there and then, replaced by a single burning purpose—making them answer for what they’d done.


Mauro kept on asking me about my new work. I told him about my work, but I kept the details to a minimum. I just… didn’t want to see that look on his face again. I knew he didn’t blame me but that did not mean that I did not feel utterly useless.

Ayoko rin siyang paasahin sa wala.

I was trying my best but still… with these people, you’d never know.

I would tell him everything once I know that there’s something that I can do for him. The only thing I hope for ay hindi siya mapagod maghintay sa akin.

I just needed him to trust me—one way or another, gagawan ko ng paraan.

After a long day at work, I was looking forward to seeing Mauro again. At this point, he already got the hint na hanggang maaari, ayokong pag-usapan iyong sa trabaho. The less he knows, the better—at least for now. Alam naman niya na sasabihin ko kapag meron na.

I hope he did know that.

Paakyat na sana ako sa unit nang tumawag sa akin si Jersey. Lumabas muna ako para kausapin siya. I knew we’d talk about work. And I prefer not to discuss work around Mauro.

Nang matapos iyong tawag namin, pumasok na ako sa loob ng building. Papunta na sana ako sa elevator nang marinig ko iyong pangalan ni Mauro. It was like my ears were attuned to the sound of his name—kahit mahinang pagbigkas lang sa pangalan niya, agad na nakuha iyong atensyon ko.

I turned around and looked for the source of that sound. Nakita ko na may babaeng naka-tayo sa harap ng receptionist sa lobby ng condo. From where I was standing, she did not look dangerous… but then again, how could I know? In this world, a lot of wolves in sheep’s clothing. A lot of people would surprise you when you least expect them to.

“What do you need?” agad na tanong ko. I had no time to waste nor energy to expend. Ubos na ubos na ako sa mga nakakausap ko sa trabaho. It was one thing to work with accused… it was a whole other thing to work with corporations. I was drained. It was like working with the devil—na ang dami na nilang pera pero ayaw nilang ibigay iyong para sa mga empleyado. That they’d rather waste money on filing cases just to prove their point.

I hated working for them but I had to.

“What?” tanong niya na nagmamaang-maangan.

“Why are you looking for Mauro?” I asked once again.

“Sino ka ba?” she asked.

“Sino ka muna?” tanong ko.

I took a deep breath. She did look familiar, pero sa dami ng taong nakakausap ko sa araw-araw, I couldn’t quite put a name to her face. She was looking at me, too, like she was trying to remember kung saan kami nagkita. Abogado din ba siya? Kung oo, ano ang ginagawa niya dito? If it’s about work, it’s weird na pupuntahan pa niya si Mauro sa condo—

Who the fuck was this woman?

Instead of answering me, naglakad siya palayo. I was tired. It had been a long day—or probably a long month. Hindi ko na alam. I knew I should go home—I wanted to go home knowing that Mauro’s waiting for me… but also, she wouldn’t go here for nothing.

Kaya sinundan ko siya.

“Who are you? Why were you following us?” I asked.

“I’m Tali,” she said. “I graduated from Brent—”

“Hernaez,” I said like a reflex.

That’s how I knew her.

She’s the one Lance wouldn’t stop talking about. At one point, I remember wondering kung boyfriend ba talaga siya ni Tali o mentor—all because he’s more interested in her achievements than in her as a person.

“Kilala mo ako?”

“Just familiar with your name,” I said. Time and time again, I learned not to trust just anyone. “Ano’ng kailangan mo kay Mauro?” I asked once again.

“I need to talk to him.”

“About what?”

“I can’t tell you.”

“Then you can’t talk to him.”

“Excuse me?” sabi niya na parang nabigla.

“If you want to talk to him, you have to talk to me first,” I said, making my stance clear. I knew she was thinking I was insane for saying this, but if she knew everything we’ve been through, she’d understand. Sometimes, I get so paranoid na gusto ko na lang lagyan ng tracking device si Mauro. I wanted to know kung nasaan siya palagi—I just wanted to be certain that he’s safe. Ang dami niyang pangalan na binangga. I just couldn’t breathe whenever I think about it.

“No.”

“Fine by me,” mabilis na sabi ko. It had been a long month. Kung may kailangan talaga siya, sasabihin niya.

“I’m sorry. Don’t take this the wrong way but… who are you?”

I told her who I am.

She told me what she wanted.

It was tempting… but it was a lot to consider.

I have a list of names I needed to go after.

She has a list, too—only hers was a lot longer.


At one point, I was tempted to just rent another unit. Ang daming kailangang basahin. It felt like I needed a whole wall para lang mapagkonekta lahat. Kapag ginawa ko ’yon sa condo, makikita ni Mauro. I really did not want him to see everything hanggang hindi pa finalize lahat. But I also knew that it wasn’t a risk that I should take—leaving all evidence in an empty condo unit.

Instead, I tried to write everything down on my notebook. This notebook that I guard with my life. Parang lagi ko ’tong kasama kapag lalabas ako.

“What?” sabi ni Lui nang magkasalubong kami. Pumunta ako sa kanila para kausapin si Tali. Alam ko naman na kapag gusto kong kausapin si Tali, ako ang pupunta dito. Fair. Kapag gusto din nilang kausapin si Mauro, sila ang pumunta sa amin.

“Can I ask you for one thing?”

Naka-tingin lang siya sa akin. “Depends,” he said after a few seconds that felt unnecessarily long.

“Make sure he’s safe.”

“Mauro?”

“Who else would I be talking about?”

Sinabi sa akin ni Mauro na masama daw ang ugali ko kay Lui. He’s probably right, but it was not as if I go out of my way to be rude to him. Ewan ko. Kapag titingin ako sa kanya, naaalala ko iyong mga gagong fratman nung law school ako. The ones who tried to mess with me simply dahil ayaw kong sumali sa kanila.

Also… of course I know about Lui’s family.

But perhaps it’s unfair of me—wala naman talaga siyang ginawang masama sa akin.

Mauro’s right—I was unnecessarily mean.

“I’m sorry,” I said. He looked at me like I grew another head. I drew a deep breath. “I won’t do this if something happens to him.”

He placed his hands in his pocket. Iyon lang naman ang ginawa niya, pero bakit parang ang yabang niya na agad?

“What about justice?” he asked.

“The fuck will I do about justice if he’s dead?”

An amused smile appeared on his face. He placed his hand on my shoulder and gave it a small tap. “Finally—something we have in common,” he said. He looked at me and gave me a small nod. “Don’t worry about it.”

That’s the only thing he said, but strangely, nabawasan kahit papaano iyong iniisip ko.

Bumalik na ako sa condo. I finalized some things. Nung matapos na ako, pinakita ko kay Mauro.

“Gaano mo katagal ginawa ’to?” he asked when I laid out on the table iyong ginawa kong chart. It was a whole chart. This should’ve been done by a group of people. At one point, I knew I should ask for help. I didn’t. For some reason—no, not for some reason. I knew the reason kung bakit hindi ako humingi ng tulong. Naaalala ko pa rin iyong gabi na wala akong nagawa para kay Mauro nung gusto niya lang namang puntahan iyong tatay niya. That look on his face would always haunt me.

That’s why I wanted— needed— to do this alone.

I needed this like I needed air to breathe.

“Sino ’yan?” Mauro asked nang makita niya na may mga parte nung chart na XX at YY lang ang naka-lagay.

Of course I knew kung sino iyong mga ’yon. I just did not put more details dahil wala rin naman akong mahanap na ebidensya. It’s either magaling silang magtago… o magaling silang magligpit.

“Unknown,” I simply said. Tumingin lang si Mauro sa akin. He knew. He knew na ayaw kong sabihin. I had my doubts… na sila talaga ang may pakana nung nangyari sa tatay ni Mauro. But again, why tell him that kung wala naman akong ebidensya?

This would do.

For now.

“These are the lists of the businesses they use as front,” sabi ko sa kanya. Pinakita ko rin iyong mga naka-arrange na files. This was the reason why I worked with those soul-draining corporations. I was able to look into their financial documents. It took me a long, long time. Mabuti at nandito pa rin si Mauro.

I explained to Mauro what we’ll do—how the best way to go about this would be to assist the AMLC to file money-laundering cases against these people. Kapag naka-freeze na iyong assets nila dito sa Pilipinas, mapipilitan sila na galawin iyong mga assets nila sa ibang bansa. It was hard to track those down—hindi naman ako FBI. But I needed them to at least give me a hint kung saan ko hahanapin iyong mga naka-tago nilang pera.

Ang tagal kong pinaliwanag kay Mauro iyong mga gagawin. It was almost therapeutic. Ang tagal kong gustong sabihin sa kanya ’to. I just needed him to know that all those times before, I wasn’t doing nothing. I actually was doing something.

“May hindi ka ba naintindihan?” I asked him dahil hindi siya nagsalita.

Tumingin siya sa akin. “Hindi ba delikado ’to?” he asked.

Napa-kunot ang noo ko. “What?”

“Ang… daming pera,” he said as he glanced at the chart once again. Nilagay ko doon iyong estimate na halaga ng bawat business. Was he shocked? Sabagay… ako rin naman. I knew there’s big money involved, pero iba pala talaga kapag nakikita mo na bilyon ang umiikot na pera.

May sariling mundo talaga ang mayayaman.

They live in a whole different world.

“It’s dirty money,” I said.

“Their money, still,” sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. I studied the look on his face. What… did he want to happen? Ito iyong gusto niyang mangyari, ’di ba? This was what he asked of me? He wanted to make them suffer… And people like this, they’ll only suffer when you take what matters to them.

Money.

It’s money that make their world go round and round.

Hindi na ako nagsalita. We had this conversation before. He wanted me to be careful but also wanted me to take on this job. He was asking me two different things na hindi ko alam kung paano ko gagawin na magkasabay.


Totoo pala talaga iyong sinabi nila na hindi mo rin alam kung saan ka dadalhin ng buhay. Looking back, I never would have thought na dito ako mapupunta. I was perfectly content with my government job. It could be a bit monotonous, but I was fine with it.

Same with this person—who would have thought na sa AMLC siya mapupunta? I vaguely remember na nagrereklamo siya noon sa simpleng computation lang ng congress seat para sa partylist.

“Still?” he asked when he offered me cigarette and I declined. A lot of times, I was tempted. But I kiss Mauro a lot. He’d know.

“Bakit ka pala napadpad dito? Hindi naman ako part nung sa kaso,” he continued as he enjoyed his cigarette.

“Okay naman sila, noh?” I asked. I asked this before, but I just had to ask again. It was not as if I could order for the Court to freeze the assets myself. It was too late to change career again. Ano? After ng private practice, balik gobyerno na naman ako? And it was not as if may babalikan pa ako. I was pretty sure I was blacklisted already after all the stunt I pulled this year alone.

“As far as I’m concerned, yeah okay naman.”

“Hmm.”

“Still, you know? Politics.”

“de Marco?” I asked.

“Amongst the others,” sagot niya. “Kinda freaked us out. Nabalitaan mo ’yung biglang nawalang prof?”

I nodded. Of course I know. Minsan akala mo simpleng missing person lang. Mababasa mo na pauwi na raw pero hindi na nakauwi. But we both knew what happened. He asked what shouldn’t be asked.

“Pero don’t worry—matapang iyong bagong head. No stones unturned daw,” sabi niya sa ’kin.

“Really?”

Tumango siya. “Yeah. I have a good feeling about this one.”

“Pati sa de Marco?”

He shrugged. “Pag may kumanta.”

“Ni walang mic.”

Tumawa siya. “Meron ’yan. Alam mo naman sa politika… Walang permanenteng kaibigan.”

Ito ba iyong sinasabi ni Mauro na manifestation?

Because a few weeks later, meron nga ata talagang kakanta.


I knew that I’d receive an earful from Mauro kapag nagising siya at nakita niya na iniwanan ko siya. In my defense, sinabi ko ba sa kanya na isasama ko siya sa hearing? Hindi naman… tama ba? Hindi ko rin maalala. Parang ang daming nangyayari. At one point, medyo nalilito na rin ako sa kung ano iyong nangyayari talaga at kung ano iyong alam ko lang dahil nabasa ko mula sa kung anumang file.

God, how badly I needed a vacation.

Pero may panahon pa ba ako para magbakasyon? Matutuloy pa ba iyong pinag-usapan namin ni Mauro?

“These pieces of evidence aren’t even admissible,” sabi ni Lance. “Fruit of the poisonous tree.”

Naka-tayo lang ako doon. I knew Lance would use this as a point of argument kaya sinama ko na ’yan bilang isa sa mga arguments ko. Naka-lista isa-isa doon lahat ng source ko at kung bakit admissible lahat ng ebidensya na naka-attach.

But I thought it would be one of the arguments. But so far, wala pa akong naririnig tungkol sa ibang defense. Was he surprised? Hindi nila akalain na ganito ka-detalyado iyong isusubmit ko? I mean, they should see the wall on my condo… Iisipin nila na nasiraan na ako ng bait. At one point, I actually think I did. Hanggang sa panaginip ko, may mga numbers.

“Your objection is duly noted, counsel,” sabi ni Judge. Tumingin siya sa akin.

“No comments from my end, Judge,” sagot ko. “All of my arguments were properly laid down on the complaint.”

Tipid siyang tumango sa akin. I knew he was impressed—hell, I was impressed with myself. Dati, akala ko mahahaba na iyong pinapasa ko na kaso… Iba pa rin ’to. Punung-puno iyong sasakyan ko ng box nung pinasa ko iyong petition—sa dami ba naman ng annex.

Akala ko ay marami pang sasabihin si Lance, pero wala naman pala. Ito iyong mga pagkakataon na gusto kong sabihin na this could’ve been an email. Ayoko pa namang umaalis sa condo hanggang maaari.

“Marroquin.”

Napa-tigil ako sa paglalakad nang marinig ko na tawagin ni Lance iyong pangalan ko. I didn’t know why he insisted on calling me by my last name. It sounded so… formal. I mean, we weren’t friends, but still.

“What?” sagot ko na lang dahil gusto ko nang umuwi. Simula nung makilala ko si Mauro, uwing-uwi na ako palagi.

“Seryoso ka ba?”

“Seriously?” I asked back. Pinatigil niya ako sa paglalakad para lang tanungin ’to? He could be a bit annoying… I was starting to wonder kung ano ang standards ni Tali sa mga lalaki.

“I read your petition.”

“Congrats,” I said. I meant that, but it probably sounded sarcastic. Pero mahaba kasi iyong petition. Kaka-pasa ko pa lang non. Ang bilis niya namang magbasa. Hindi ba sa firm pa rin siya? Ibig sabihin marami pa rin siyang hawak na kaso. Naka-priority ba ’to? Dahil sa dami ng pangalan na kasama? Kung sabagay… nilagay ko rin sa listahan ng gusto kong ipatawag as witness iyong mga ’yon.

It must be very busy there.

Marami sigurong associate ang doon na naka-tira sa dami ng pinapagawa sa kanila.

Ilang segundo din na naka-tingin lang sa akin si Lance. Tumingin lang din ako sa kanya.

“Whatever,” sabi niya. “Thanks,” he continued. “You’re keeping me employed for years to come,” he added as he gave a small tap on my shoulder.

I knew that this was most likely what would happen. I’ve seen it before—iyong mga kaso na possibleng tumagal ng ilang taon dahil kapag alam ng kalaban na dehado sila, ida-drag lang nila nang ida-drag iyong kaso. I knew I’d have to file motions after motions para lang mapabilis ang kaso na ’to. But I also knew that they’ll file motions after motions, too, para patagalin ang kaso.

Hindi na nga ata talaga matutuloy iyong pangarap kong bakasyon.

Bahala na.

Habang hinihintay ko na mabago iyong kulay ng traffic light, kinuha ko iyong cellphone ko. I wanted to ask Mauro kung may gusto ba siyang kainin. I was in no mood to cook. Sumakit iyong ulo ko sa sinabi ni Lance kahit alam ko naman na ’yon.

Agad na napa-kunot iyong noo ko nang makita ko iyong notification mula sa may CCTV sa condo. There was a notif na mayroong ibang tao doon. I felt my whole body getting cold as I waited for the videos to load.

I hated how my mind went into panic.

Pwede naman na sila Tali lang ’yon. Tama. Baka si Tali at si Lui. They probably swung by—

I felt like my heart was in my throat when I saw an unfamiliar face on the camera. Babae. Mas okay ’yon—but how would I know? Hindi ko na alam kung sino ang delikado sa hindi—fuck sino ba ’to?!

I tried to zoom in habang sinusubukan kong tawagan si Lui. He promised me na walang makakalapit kay Mauro kaya sino ’to?!

But then I saw a child.

What kind of a sick bastard brings a child kung may gagawin silang masama?!

I wanted to just hit the gas and violate all kinds of traffic rules nang bigla kong maalala kung saan ko nakita iyong babae. Shit. Cantavieja. That’s why she’s familiar! Hindi ko lang masyadong tanda iyong mukha niya dahil hindi naman talaga siya involved sa pamilya nila. She basically cut her family off before kaya hindi ko masyadong tanda iyong mukha niya.

But what was she doing there?

At kung kanina pa ’to nangyari, bakit walang sinabi si Mauro? He promised me na sasabihin niya agad sa akin kapag may ganitong nangyari!

Pagdating ko sa parking, agad akong pumunta sa condo. Bubuksan ko na sana iyong pinto nang buksan din iyon ni Mauro.

“Hi, traitor,” agad na bungad niya.

I was in no mood to joke around with him. And I was not sorry na iniwan ko siya kanina. Lance didn’t need to see him. He didn’t need further confirmation that all it takes was harming Mauro to see me rattled.

Mauro told me about what happened. He did ask me kung makikipagtulungan ba kami sa mga Cantavieja. I didn’t know what to say. Sasabihin ko ba sa kanya iyong sinabi ni Lance na aabot ng taon iyong kaso na ’to?

But could we really trust that family?

“Seriously…” sabi ni Lui nang magkita kami. “The next time you decide to call me ten times, at least send a text kung bakit. Tali was convinced that you two were murdered.”

I’d apologize, but I was not really sorry. Dahil paanong naka-punta sa unit iyong Cantavieja na ’yon? Ano’ng silbi nung security niya kung makakapunta lang din pala ang kung sinu-sino sa condo?

“Papayag ba kami?” I asked.

Sinindihan ni Lui iyong sigarilyo. Napa-tingin siya sa akin nang magtanong ako. He offered me one—probably just to be polite. I did take one. He looked surprised. I was, too.

But damn, I really needed to smoke.

Sumasakit iyong ulo ko sa mga nangyari ngayon.

Naka-sandal kami sa railings ni Lui. We were quiet for a few seconds. I was thankful. I needed this silence. Gusto ko na lang patayin muna iyong utak ko.

“de Marco iyong hinahabol talaga ni Mauro, tama?” sabi ni Lui.

“Pipedream.”

“Not anymore,” sagot ni Lui. “Seriously, if you want to go after them, go after them.”

“You talk as if it’s easy.”

“I mean, they’re basically giving you the loaded gun. All you have to do is accept.”

“Then they’ll probably murder us, too.”

Natawa si Lui. “Right…” he said. He didn’t even disagree. “That’s why you should leave this country.”

Napa-tingin ako sa kanya. “What?”

“Seriously,” he said as he blew out a smoke again. “We will never have a peaceful life here—not after all the shits we pulled.”

“Aalis din kayo ni Tali?”

Tumango si Lui. “I want our child to have a normal life—we won’t have that here,” sabi ni Lui tapos ay tumingin sa akin. “So, we’ll leave. And you should, too.”

Pinatay ni Lui iyong dulo ng sigarilyo.

“But sue the de Marcos first,” he said. “Seriously—that family fucking annoys me… Maven especially,” he murmured bago niya sinabi na aalis na siya dahil na-confirm na raw niya na hindi pa kami patay ni Mauro dahil convinced daw talaga si Tali na napatay na kami kanina dahil hindi pala siya sinagot ni Mauro nung tumatawag siya kanina.

Naiwan ni Lui iyong sigarilyo niya. I didn’t know if he accidentally left it o iniwan niya talaga dahil mukhang kailangan ko talaga siya. I smoked a few. Naka-tayo lang ako doon. I didn’t even know if I was thinking… I just needed this… whatever this was.

Pagbalik ko sa condo, napa-tingin sa akin si Mauro at napa-kunot ang noo niya.

“Nanigarilyo ka?” agad na tanong niya.

Tumango ako.

Akala ko ay papagalitan ako ni Mauro. I was actually looking forward to him nagging—at least I’ll get to see a semblance of what normal is.

Fuck.

Normal.

Susundin ko ba iyong sinabi ni Lui?

Should we just… run away? Pero paano iyong pamilya ni Mauro? That would be unfair—

Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman ko na niyakap niya ako. But only for a few seconds because I quickly hugged him back—like my hands were trained to do just that.

“I’m sorry,” I heard him whisper.

That night, he just hugged me tightly.

Finally, some normal.


We had to talk about this.

I was honest with him that this would be a lifetime of legal battle.

He asked me kung sasamahan ko siya… like that was even a question that’s worth asking.

“Achilles,” he called. Inabot niya iyong mga kamay ko at hinawakan. “Ano’ng gusto mo?” tanong niya. “Iyong gusto mo.”

“Ikaw,” sagot ko.

“No,” sabi niya. “I mean ano’ng gusto mo?”

“Ikaw,” I repeated.

“No—” he said and then paused upon realization. I saw his face reddening. Gusto kong matawa. Seriously, this one… After everything I did for him, nagulat pa siya na siya lang ang gusto ko?

Should I write his name on my forehead para lang maalala niya kung gaano ako kapatay na patay sa kanya?

“Whatever,” he said while his face was all red. “Bukod sa akin, ano pa ang gusto mo?”

“Bakasyon.”

“Bakasyon?”

I nodded. “You. Me. Beach. Kahit isang weekend lang.”

I wanted to tell him about Lui’s plans… pero baka lang hindi din alam ni Tali iyong plano ni Lui. Baka biglang sabihin ni Mauro kay Tali. They’re weirdly friendly.

“Iyong sa kaso?” sabi niya. “Gusto mo pa bang ituloy ’yon?”

“Of course.”

“Sigurado ka?”

“Yes,” I nodded. “I’m doing that for you… but for me, as well.”

He gave out a heavy sigh.

“What? Why?” I asked.

Mabilis siyang umiling. “Nothing,” sabi niya. “Medyo… relieved lang.”

“Bakit?”

“Kasi… pakiramdam ko nagbago ka na. Nung una kitang nakilala, lagi mong sinasabi sa akin na mag-aral lang ako, magtiwala ako sa proseso. You’ve always been… principled.” Inialis niya iyong tingin niya sa akin at saka tumungo. “But lately, lagi mong sinasabi na wala ka ng pakielam sa iba… na gusto mo lang gawin iyong gusto kong mangyari.”

Ibinalik niya iyong tingin niya sa akin. I was taken aback when I saw the tears pooling around his eyes.

“Na-guilty ako. Parang imbes na mas maging mabuti ka, parang tinanggalan pa kita ng prinsipyo.”

I hated how my mind went black.

But the tears in his eyes made me stand up and I quickly pulled him into a hug. I caressed the back of his head. He kept on apologizing. I kept on telling him that it’s okay.

“My principle’s still here,” I gently told him. He was crying so hard. I was baffled that this bothered him. He did tell me that he wanted to burn the whole world… so why was he surprised when I poured the gasoline and lit the fire?

“But seriously… I thought you said villains are hot?” I asked him just to lighten the situation. I hated seeing him cry. It sends panic through my system.

“Sa fiction lang,” sabi niya. “Pangit sila sa totoong buhay.”

Natawa ako. “Pangit ang mga de Marco?”

“Ugh. The rule doesn’t apply to them dahil hindi lang ata sila villain—leader ata sila sa impyerno.”

I hugged him tighter. “Right…”

“Sa tingin mo ba may laban kapag tinanggap natin iyong sa mga Cantavieja?”

“Yes.”

“But?”

“But… we’ll always have to look over our shoulders.”

Niyakap niya ako nang mas mahigpit.

“Achilles,” bulong niya.

“Hmm?”

I made myself comfortable in the hug.

“I know we said that we’ll stay here para sa case…” he hugged me even tighter—like that was even possible. “But can we alter the plan?”


“Ano?” Mauro asked nang makita niya na kanina pa ako naka-tingin sa kanya.

“Gusto mo ba talagang umalis?” tanong ko sa kanya. I had to ask. Nasa airport kami, pero binabasa niya pa rin iyong petitions kahit na naipasa na namin ’yon. When I’d ask him, sinasabi niya na naghahanda lang siya sa Reply once na magsubmit na ng Answer. I did tell him na idedelay nang idedelay nila Lance iyong submission. Mauro would just shrug and tell me na mas mabuti na iyong handa na lahat ng counter-arguments namin sa lahat ng pwede nilang sabihin.

“Oo naman,” sagot niya. “Also, ngayon mo pa ako tatanungin? Ngayon na nasa airport na tayo?”

“We can always go back.”

“Baliw ka ba? Ang mahal kaya ng ticket!”

“It’s fine—”

“Tss. Porke marami kang pera—”

“It’s not that—”

Sinara niya iyong laptop niya. “Fine. Hindi na ako magbabasa ng pleadings,” sabi niya sa akin. Naka-tingin lang ako sa kanya at hindi nagsalita. “Seriously… Ikaw kaya may gusto magbakasyon.”

“I know but—”

“No buts,” he said, cutting me off. “Ikaw na iyong nagsabi na kailangan lang naman nandito tayo for hearings na medyo matagal-tagal pa bago mangyari.”

“Yes but—”

Bahagyang nanlaki iyong mga mata ko nang takpan niya ng dalawang kamay niya iyong bibig ko. I tried to get his hands off my mouth, pero pinanlakihan niya lang ako ng mga mata.

“Narinig mo ’yon?” sabi niya. Napa-kunot ang noo ko. “Boarding na raw ’yung flight natin,” he continued as he stood up. Tumingin siya sa akin. Nilahad niya iyong kamay niya. “Tara na.”

Hindi agad ako tumayo.

Inabot ni Mauro iyong kamay ko at hinila ako patayo.

“Seriously… Naka-file na iyong mga kaso. It’s out of our hands… but you know what’s in our hands?” sabi niya habang naka-tayo kami sa harap ng isa’t-isa. I looked at him, eagerly waiting sa susunod na sasabihin niya. He cupped my face with both his hands and held it firmly. “Iyong bakasyon natin,” seryosong sabi niya.

I almost rolled my eyes at him dahil sa seryoso ng pagkaka-sabi niya. Tinawanan niya ako. He kept on saying na ang seryoso ko raw masyado habang naglalakad kami papasok sa eroplano.

I knew that Mauro’s just trying to make the mood lighter. Dahil kung pareho kaming seryoso, parang hindi talaga bakasyon iyong pupuntahan naming dalawa. He was trying really hard that I decided to try hard, as well.

“Nice,” sabi niya nang umorder ako ng champagne.

“No work emails?” sabi ko sa kanya.

Hindi agad siya naka-sagot. I pursed my lips para hindi ako matawa. Tss. Bakasyon pa, ha… Mukhang siya naman hindi makatiis na sisilip-silip pa rin para makita kung may sinend ba na order o motion doon sa may kaso.

“Fine…” sabi niya at saka nagcheers kami. “I will check thrice a week—”

“Once is enough.”

“Twice.”

“Once,” sabi ko. “Tig-isa tayo. I’ll check on Mondays and you’ll check on Fridays.”

He looked at me like he was trying to weigh kung ayos lang ba iyong sinabi ko. Natawa na nailing na lang ako dahil sa seryoso ng itsura niya na para bang sinabi ko sa kanya na hindi kami makakapagpass ng pleading at made-default kami.

“Fine but what if—”

“No what ifs,” I said, cutting him off. “Ikaw na nagsabi—this is out of our hands.”

Tama naman siya.

Nai-file na namin iyong tax case. Nasa AMLC na rin iyong details para doon sa money-laundering cases. We’ve done our part—at least for the most part. Hindi lang siguro naming dalawa ma-proseso pa dahil parang ang tagal-tagal naming hinintay ’to.

Pero ganito naman sa kaso talaga.

Ang bagal ng hustisya.

Sana magbago.

Pero hanggang hindi pa nababago, I could proudly say that we did things to alter whatever the fuck this was—that we fought to the hardest of our abilities.


“When did you plan this?” I asked nang finally ay makarating na kami sa all-inclusive resort na binook ni Mauro sa Cancun. I honestly thought that we’d just stay in Florida—which I found weird… Sa lahat ng states sa America, hindi ko alam kung bakit kami sa Florida pupunta. I didn’t say a word although his choice definitely did baffle me.

Until he gave me the ticket to our connecting flight.

He shrugged. “Busy mo, e. Ni hindi mo napansin na ginamit ko kaya ’yung credit card mo para i-book ’to.”

Nanlaki iyong mga mata ko. “Seriously?” I asked.

I honestly didn’t mind na ginamit niya iyong card ko… pero ganon ako ka-busy? Na tipong hindi ko na chine-check iyong statement ko at bayad na lang ako nang bayad?

Wow.

Nag-iba na nga talaga ako.

“Duh. Tingin mo afford ng sweldo ko na magbook nito?” he asked.

“Meron—” I said and then stopped myself. Mauro looked at me with his forehead creased. I just smiled at him and held his hand. Mabuti na lang at mabilis kong napigilan iyong sarili ko. I was about to tell him na may pera siya. He actually did get a lot from the several life insurance policies of his dad. Nasa bank lang ’yon. Hindi niya ginagalaw. I don’t even think na alam niya kung magkano talaga iyong laman non.

One day… I promise… We’d get the justice his father deserves.

For now, iyon munang pangako namin na mag-e-enjoy kami.


Sinabitan kami ng mga bulaklak sa leeg namin at saka binigyan kami ng tig-isang coconut. Lahat ng staff ay naka-ngiti. It did feel weird for a bit… until the ‘joyous’ atmosphere finally did get to me.

“What?” I asked nang makita ko na naka-tingin sa akin si Mauro at naka-ngiti. We were having dinner. After that, biglang nagkaroon ng ‘talent portion.’ Of course I didn’t participate, but I was clapping and enjoying the performances. May mga tao pala talaga na game magperform sa harap ng mga tao na hindi nila kilala.

“Wala,” sabi niya na naka-ngiti.

I arched my brow. Ngumiti lang ulit siya tapos ay inabot iyong bote ng cocktail niya at saka ininom ’yon… which reminded me to order for another one. ’Di ko akalain na iinom ako ng cocktail. This vacation was making me do things.

I was in the middle of enjoying my drink nang biglang may spotlight na tumapat sa akin. Nung una ay hindi ko pa napansin na sa akin naka-tapat. I looked to my left and my right. I was in denial for a second until Mauro—this traitor—betrayed me when he began chanting for my name… na kalaunan ay ginaya na rin ng ibang mga guest ng resort.

“Mamaya ka sa ’kin,” I mouthed at him habang labag sa loob na naglalakad ako papunta sa stage. Tumatawa lang si Mauro at hina-handa pa iyong cellphone niya. Irerecord pa ata ako! Mamaya talaga siya sa ’kin!

“Introduce yourself!” naka-ngiting sabi nung host sa akin.

“Achilles,” simpleng sagot ko.

“Who are you with, Achilles?” Tinuro ko si Mauro na hawak-hawak iyong cellphone at kanina pa ata ako vini-video. Kumaway siya nang ituro ko siya. “Oh… boyfriend? Husband?”

I looked at him.

Fiancé?

Tama ba?

Nagpropose na siya sa akin… right?

The hell. Sa dami ng nangyari sa buhay ko, hindi ko matandaan ’yon!

Mukhang napansin nung host iyong kaguluhan na nangyayari sa utak ko kaya mabilis siyang nag-segue. He asked me kung sasayaw ba ako o kakanta. He’d have to shoot me right here kung gusto niya akong sumayaw.

“I’ll sing,” labag sa loob na sabi ko.

I was given a song book. Suddenly, I felt all eyes were on me. May stage fright ba ako? But then again, bakit ba kasi ako nandito? Akala ko ba magrerelax kami? Bakit biglang kakanta na ako?

Ramdam ko iyong panginginig ng mga kamay ko habang hawak ko iyong microphone. Naka-tingin ako doon sa may maliit na screen habang hinihintay na lumabas iyong lyrics.

“Wise men say ‘only fools rush in’… but I can’t help falling in love with you.”

I told myself to just look at the screen—to pretend na ako lang mag-isa dito because that’s the only way that I’d get through this whole song. Pero bigla akong napa-tingin kay Mauro. Naka-baba na iyong cellphone niya kumpara kanina na naka-takip iyong mukha niya dahil focused siya sa pagkuha ng video. He was still taking a video… yata… pero naka-tingin na siya nang direkta sa mga mata ko.

I stared back as I continued the song.

I looked at him and only him and for a moment, I actually did forget na marami nga palang tao ang naka-paligid sa amin at hindi lang kaming dalawa ang nandito.

I almost ran from the stage nang matapos ko iyong kanta. Mauro was smiling and still clapping nang maka-balik ako sa table namin.

“Just you wait—i-vo-volunteer din kita,” I told him.

He just laughed at me. “Pwede ko ba ’tong i-upload—” I glared at him. “Fine… For my eyes only na lang.”

We stayed hanggang matapos iyong talent portion. Marami pang naiwan dahil nagpatugtog iyong DJ. I asked Mauro if he wanted to stay. He said gusto niyang tumambay sa may beach dahil full moon daw.

Kumuha kami ulit ng tig-isang cocktail bago kami naglakad papunta sa may beach. Malapit lang naman ’to sa kwarto namin. Mauro really didn’t hold back when he used my card because he got the most expensive room with the best view.

“Mauro,” I called his name.

“Hmm?” sagot niya habang naka-upo kami sa may buhanginan. Naka-tingin lang siya sa may buwan. He mentioned to me before na nung bata pa siya, inaabangan nila ng tatay niya iyong full moon. It stopped when he became a teenager at naging busy iyong tatay niya sa trabaho. I guess he’s doing it now to remind himself of his dad.

“Nung tinanong ako kanina,” I began.

“I mean, lumabas iyong edad mo sa pinili mong kanta.” Tumingin siya sa akin at tumawa. “Joke lang!” sabi niya. “Ang serious mo naman.”

I ignored him and focused on my drink. For the next minutes, kinulit lang ako ni Mauro kung ano talaga iyong sasabihin ko.

“Wala,” I said kasi nawala ako sa mood dahil sa kanya.

Hanggang maka-balik kami sa kwarto, kinukulit pa rin ako ni Mauro. Hanggang sa CR at naliligo ako ay kinukulit niya ako.

“Ano nga kasi ’yon?” he asked. “Sabihin mo na. Hindi ka ba naaawa? Nag-o-overthink ako. Nasa bakasyon tayo. Hindi ba dapat relaxed ang utak ko? Wala ka bang konsensya?”

Tumingin ako sa kanya. Hindi niya ako papatulugin hanggang hindi ko sinasabi.

“Fine,” I said. He looked excited with his ears perked up. Tss. Pasalamat siya cute siya. “Nung tinanong ako kung ano ba kita.”

Slowly, he nodded although his face did tell me that he wondered why I did bring it up.

Huh… so hindi rin siya sigurado kung ano kami?

Naglakad ako papunta doon sa may luggage ko. Nilagay ko iyon sa pinaka-sulok. I’d put this in the vault, pero alam ko na macu-curious si Mauro at hindi siya titigil hanggang hindi niya nabubuksan ’yon.

“It seems like we’re both unsure,” I said as I showed him the box and opened it. Nakita ko iyong paglaki ng mga mata niya. “To make it official—so that I can officially call you fiancé, “ I continued as I opened the box. “Mauro Eugenio dela Rama,” I called his name. I reached for his hand and held it. I could feel him slightly trembling. I caressed his knuckles with my thumb to soothe whatever worry he has. “Will you marry me?”


“You’re overthinking this,” sabi ko kay Mauro nang kanina pa niya tinu-tulak-tulak iyong tinapak sa plato niya. We were down to our last three days in this resort. Time flies… nung dulong parte na. Nung mga unang araw namin, hindi ako mapakali. Nasanay na ako na palaging may ginagawa kaya parang may mali sa mga araw ko kapag gigising ako na walang naghihintay na tasks para sa akin.

Tumingin siya sa akin.

“What… are you planning?” I asked when I noticed that look on his face— that look na meron lang siya kapag may masama siyang balak.

Umiling siya pero naka-ngisi siya. I asked him once again, but I shouldn’t have. I knew that it would just make him not want to tell me more. Tsk. It’s like I never learn.

Nang mga sumunod na araw, Mauro made me promise na hindi ako titingin sa credit card statements ko. Kung anu-ano na naman ang binook niya. I wanted to tease him na bakit hindi niya gamitin iyong credit card niya, but then again, baka mapunta kami sa usapan tungkol sa pera niya galing sa insurance ng tatay niya. It’s a slippery, slippery slope kaya iniwasan ko na lang.

“Let’s go back here next year,” sabi ko nung papunta na kami sa airport.

Tumawa si Mauro. “Tsk. Nung una, aayaw-ayaw ka pa.”

“E ’di ’wag na.”

Tumawa lang ulit siya. “Fine, fine. Next year ulit. Pero as in dito ulit? Ayaw mo magtry ng ibang resort?” he asked.

We just talked about our future vacations, our future plans. It was so nice. It was so nice to know that we have a life outside of the cases that were pending back in the Philippines.

Nung una kaming dumating dito, I thought that at best, we’d be pretending that everything’s fine but that at the back of our head, it would weigh heavy. Na patuloy naming iisipin iyong mga naiwan namin sa Pilipinas.

I thought so wrong.

I did enjoy.

A lot.

Na minsan, nalilimutan ko ng i-check kung may bagong orders ba na sinend sa amin iyong court.

Sana matapos na iyong kaso sa Pilipinas… para magawa na namin ’to ulit na talagang wala ng iniisip.

Pagdating namin sa airport at saka lang binigay sa akin ni Mauro iyong ticket.

“Cali?” I asked. He nodded. “You didn’t—”

Mabilis siyang umiling. “Of course not,” mabilis niyang sagot. “Gusto ko lang talagang pumunta sa California.”

Naka-tingin lang ako sa kanya at saka tipid na tumango. I tried to sleep nung nasa eroplano na kami. We did enjoy our last night in Cabo kaya anong oras na rin kami naka-tulog.

“I promise, hindi talaga,” bigla niyang sabi sa tabi ko. “Ni hindi sumagi sa isip ko,” he continued. “I mean, naisip ko na nandon din nga pala iyong kapatid mo, pero hindi ko naisip na pupuntahan natin siya o kung anuman…”

“Okay,” sagot ko.

I didn’t know why Mauro was explaining. It was enough for me na sinabi niya na hindi namin pupuntahan iyong kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko siya makita pero… ewan. Baka ganon nga.

Naramdaman ko na inabot niya at hinawakan iyong kamay ko.

“Alam ko dati sinabi ko na family is family pero…” Hinigpitan niya iyong hawak sa kamay ko. “Ako na lang iyong family mo.” Naramdaman ko na isinandal niya iyong ulo niya sa balikat ko. “Sumama talaga iyong loob ko nung tipong nag-aagaw buhay ka na sa ospital pero mas concerned pa siya sa share niya sa bahay niyo… Totoo talaga iyong sinabi nila na hindi porke magka-dugo, pamilya na agad.”

I heard the sadness in his voice. It must’ve been so hard for him that time… Kaya siguro nagawa niya rin na magpost online tungkol sa tatay niya. Minsan, iniisip ko na kung sana hindi niya ginawa ’yon, hindi mangyayari lahat ng ’to. Sure, his father would’ve probably tried to meddle with my job, but honestly, I could handle that. Nahihirapan lang naman ako kapag nadadamay si Mauro.

But then again, it’s Mauro.

I love him—complexities and all.

Besides, it wasn’t all that unbearable since I was doing everything with him. He’s truly the one who makes everything better.


We arrived in California.

“Kaya pala…” I said nung sumalubong sa amin iyong convertible na ni-rentahan niya. Nung nagbbook siya, he was doing this… evil laughter. Akala ko kung ano ang gagawin niya…

“What? Mas mura ’to kaysa mag-uber tayo!” he said as he tossed me the keys.

“Ako rin ang driver?”

He nodded. “Yes, so, drive.”

Natawa na nailing na lang ako dahil ni hindi niya ako tinulungan na ilagay iyong gamit namin sa likod. Nandon agad siya sa passenger seat at nilalagay iyong address ng pupuntahan namin doon sa may navigation.

We stayed in a beach house. Mauro surprisingly took surfing lessons while I stayed and read some books. I got some books about investment nung pumunta kami sa hollywood para magtour. Nung tinanong ako ni Mauro kung bakit ako bumili non, I told him with the rate that he’s spending money, I needed to make more. He playfully glared at me at tinawanan ko siya.

But honestly, I like this kind of vacation. I want to do this every year with him. So, I really need to make more money to be able to enjoy this kind of life with him.

“Ano’ng gagawin natin mamaya?” I asked him nang maka-balik na siya mula sa surfing lesson niya.

So far, nakapagtour na kami sa Hollywood. We watched some shows, tried some food, we even did the tour bus—although I highly doubt na bahay talaga nung mga celebrities iyong tinuro sa amin. Mauro seemed to believe the tour guide kaya nanahimik na lang ako.

“Hike,” he said.

“Hike?”

Tumango siya. “Sa may Hollywood sign.”

“Okay. After that?”

“Wala. Uwi na tayo.”

Napa-kunot iyong noo ko. Naglakad siya papunta sa may CR. For some reason, I followed him kahit alam ko na maliligo siya dahil kakagaling niya lang sa beach.

“Is everything okay?” I asked.

“Yup. Bakit?”

“Sigurado ka?”

“Oo.”

Naka-tingin ako sa reflection ko sa salamin habang naririnig ko iyong pagbuhos ng tubig mula sa shower. My reflection slowly disappeared as the fog took over. I replayed what happened earlier today to figure out what was wrong.

“Mauro,” I called when I finally realized.

“Hmm?”

“I was just kidding,” I said. “I honestly really do not mind kapag ginagamit mo iyong credit card,” I continued. “Remember, I even offered before to give you an extension card?”

Hindi siya nagsalita.

So, I was right.

“I got the book because I’ve been meaning to get into investing,” I explained. “I know I told you I love my job and I really do… but the past few weeks have been great. It got me thinking that I want to do this again with you. And for us to do this, I needed to work less but earn more.”

I honestly wish he was listening habang nagsha-shampoo siya. Gusto kong buksan na iyong glass door para i-check kung nakikinig siya, but I have manners.

But a minute passed at wala pa rin akong narinig.

I was forced to open the door only to see him crying under the shower. My eyes widened and I quickly got in and turned the water off.

“Hey,” I said as I grabbed his face. “Why are you crying?”

“Sorry,” he kept on repeating.

“I told you, it’s fine—”

Mabilis din siyang umiling. “May pera naman ako pero—”

I quickly enveloped him in a hug. I felt him trembling. Fuck. I was an idiot. I knew that this would happen kapag pinag-usapan namin iyong pera. Why did I have to say that when I even like it when he spends my money? Because I knew that I am not the most vocal person in the world… so at the very least, I want him to feel my love in other ways that I can.

“I know,” I told him. “It’s okay.”

“Sorry,” he said again. “I realize ang gago ko dati nung sinabi ko na ang ganda ng condo mo tapos sinabi mo na nabili mo ’yon galing sa settlement sa nangyari sa parents mo…”

I held him tighter.

“Sorry.”

I held him even tighter.

“You’ll be fine,” I whispered in his ears. “I’m always here with you.”

That night, we didn’t go out to hike nor did any tours. We just stayed in, watched a random Christmas movie kahit hindi naman Christmas season, and drank hot chocolate while cuddled up on the couch.

And I enjoyed it very much.


The next morning, I was woken up rather early.

“What?” I asked as I tried to reach for Mauro on the other side of the bed. I couldn’t reach him. I opened my eyes and saw that he was all dressed up already.

“Gising na,” he said.

“Huh?”

“Mahaba-habang drive pa ang gagawin ko.”

“Ikaw ang magda-drive?”

He nodded. “Yup. Marami tayong gagawin mamayang gabi, so bilang senior citizen, baka mapagod ka kaya ako na ang magda-drive.”

Hindi ko alam ko matatawa ba ako o sasakalin ko siya.

“Fine,” I said. Naupo ako sa kama. “Saan na naman tayo pupunta?”

“For the next leg of our vacation—Las Vegas!”


I’ve heard the word ‘overstimulated’ before, but I never really understood its meaning. I was fine with being around lots of people—I was fine with talk to a lot of people… but damn, ito ba iyong overstimulated na sinasabi nila?

“Okay ka pa?” Mauro asked. There was a hint of laughter on his face. Sinamaan ko siya ng tingin. We were in the middle of the Vegas strip. And it was in the middle of the night kaya naman naka-bukas ata lahat ng ilaw. Ang ingay. Ang daming tao. Kahit saan ako tumingin, may iba-ibang nangyayari.

“Hanggang anong oras tayo dito?” I asked him. I had to ask. I needed to know that there’s an end to this nightmare.

“Kakadating lang natin!”

“That’s beside the point.”

Naiiling na natatawa si Mauro. He reached for my hand and held it tightly na para bang mawawala ako kapag binitawan niya. Pero baka nga. Ang daming tao dito!

“Hanap muna tayo ng maiinom,” he said as he dragged me with him.

We went to a bar.

“My treat,” he said as he handed his card to the waitress bago ko pa makuha iyong wallet ko.

“Mauro—”

Mabilis siyang umiling at saka ngumiti. “I’m fine,” he said. “Really,” he continued when he saw that I didn’t buy what he just said. “May trabaho din naman ako,” he added using a lighter tone. “Besides, mas malaki iyong credit limit mo. Baka kung ano pa mangyari sa card mo dito kaya ako gagastos ngayong gabi, okay?”

I looked into his eyes. I honestly couldn’t tell if he’s telling the truth or he’s just using it as an excuse. But what’s the use of overthinking this? I’d just believe whatever he tells me. We’ve gone this far. I should be able to trust what he says and if he’s hiding anything from me, he’s hiding it for a reason. Sasabihin niya sa akin kapag gusto niya at kapag handa na siya.

Until then, I will enjoy every moment I have with him.


“Mauro,” I said in a warning tone nang makita ko na pupunta kami sa isang club na may naka-lagay na ‘performance’ night.

Tumingin siya sa akin. His neck’s a bit red from the drinks that we consumed so far. Nakaka-tatlo pa lang ako. It’s either tumaas iyong alcohol tolerance ko sa lahat ng ininom ko sa may resort o talagang mataas lang ang sense of responsibility ko. Hindi pwede na pareho kaming lasing dito. Baka kung saan kami magising bukas.

“Grabe,” sabi niya na tatawa-tawa. “Hindi naman kita vinolunteer non!”

“But you started the chanting.”

“I mean, baka sabihan ka ng KJ kapag hindi ka pumayag! I saved you, if you think about it.”

I arched a brow. “Really? You ‘saved’ me?”

He nodded. Damn it. Why does he look like an adorable puppy whenever he’d do that?

“Fine,” I said, giving in so easily. Like that was surprising. “But—”

He quickly nodded and grabbed my hand and dragged me inside. It was a crowded—surprising for a weekday night… O baka iba lang talaga sa Las Vegas? I wonder kung ano ang itsura nito sa umaga. I wanted to see, but I feel like after tonight, baka tulog lang ako maghapon sa sobrang pagod.

Tatawanan na naman ako ni Mauro at sasabihan na matanda. I couldn’t wait for the day na maka-kita ako ng puting buhok sa ulo niya. He must think na gusto ko lang laging minamasahe iyong ulo niya. Sa oras na may makita akong kahit isang puting buhok, I’d call him an old man.

“Enjoy ka?” naka-ngisi na sabi ni Mauro nang makita niya akong tumatawa.

I eyed him. “Don’t ruin it,” I said.

He just laughed and then bumped his shoulders against mine. I stood behind him and wrapped my arms around him. I felt him stiffening. I was about to break the hug when I felt him holding my hand as it to stop me.

“Okay,” I softly said as I rested my head on his shoulder. He kept on caressing my hands as we continued to watch the show and the performances.

I didn’t even know what came into me. I love Mauro—he knows that. I just wasn’t a big fan of public display of affection. It wasn’t as if I was embarrassed of him or of myself but… I just knew that Philippines isn’t as progressive as I wanted it to be. So, I just kept my head down and quietly lived my life.

But being here?

Being surrounded by people who lived and loved openly?

“I love you,” I said as I nuzzled my nose against the skin on his neck.

I felt him chuckling. “Lasing ka na?”

“No,” I said. “Ikaw ba?”

“Hindi,” he replied. “Gusto mo pang uminom? Order ka pa—ako ang sugar daddy ngayong gabi.”

Instead of laughing, I held him tighter. “No,” I said. “But there’s something I want to do.”

“What?” he asked.

We probably looked like fools—or not. We were minding our own business just like everyone around us. We were slowly swaying side to side while I was hugging him from behind. Mauro’s head was slightly tilted to the side to listen to whatever word I had to say.

“Let’s get married,” I said.

“Oo nga, ’di ba?” he asked as he showed me the ring I gave him.

“No,” I said. “I mean tonight. Let’s get married tonight.”

He turned his head to face me. “What?” I nodded. “As in… ngayon?”

I nodded again. “Yes,” I said. But then I remembered that he’d probably want Mauve here. And his friends. What was I thinking? Lasing na nga ata talaga ako.

I was about to tell him nevermind nang hawakan niya iyong kamay ko at bigla ay papalabas na kami ng club. He was holding my hand with his one hand and the other’s holding his phone.

“Mauro—” I said as I saw the screen of his phone. “That was just a thought,” I continued nang makita ko na naghahanap na siya ng malapit na chapel.

“Meron around ten minutes walk from here,” sabi niya at saka tumingin sa akin. “Kaya mo pa ba or lasing ka ba?” he asked. “Lasing ka?” he asked again. “Tsk. Abogado ka pa naman. ’Di mo ba alam na voidable consent ’yan kapag lasing? Anong klaseng kasal ang magkakaron tayo?”

“If it’s voidable, mavo-void lang kung—” I said and then stopped bago pa maging civil code lesson ang usapan namin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa.

“What?” he asked, pouting.

“Nothing,” sabi ko. “Naalala ko lang nung nag-aaral ka pa. Parang tinuturuan lang ulit kita.”

“Tinuturuan! Alam ko naman meaning ng voidable consent!”

I laughed. “I know,” I said.

“So… lasing ka ba? Magiging voidable consent ba ’to?”

“No, hindi ako lasing,” I told him. “But… that was just a thought. We don’t have to get married here now.”

“Bakit? Nagbago isip mo? Ayaw mo na akong pakasalan?” he asked continuously. He does this when he wants to annoy me. Little did he know, over the years, humaba na nang humaba iyong pasensya ko sa kanya. He’d probably literally have to burn our condo down bago niya ako mainis nang totoo talaga—but even then, ni hindi ko mapapansin iyong inis dahil mas mangingibabaw iyong pag-aaalala at takot ko na paano kung nandon din siya? Paano kung may nangyari sa kanya?

I rolled my eyes at him. He eyed me.

“Wala si Mauve,” I told him. “Also, you don’t want this impromptu marriage.”

Kumunot iyong noo ni Mauro. “First of all, busy si Mauve.”

“She’d make time for you.”

“I know.”

“So, we’re not getting married tonight.”

“Second of all,” he said, ignoring what I just said. “Nothing about us is impromptu,” he continued, reaching for my hands and holding them again. “Ang tagal mo akong nilandi bago kita pinansin.”

“History’s being revised again,” I said and he laughed. “It was like a month.”

“A month mo mukha mo,” he replied as he intertwined our fingers. “Pakita ko sa ’yo iyong message thread natin mula sa simula, e.”

I rolled my eyes again. It’s not like I can refute glaring evidence.

“Ang tagal na natin, Achilles. Akalain mo ’yon?”

“Why? Did you doubt us?”

“Dati. Minsan.”

“Hmm.”

“Ikaw ba? Hindi?”

“Hindi.”

“Talaga?”

I nodded. “Never.”

He smiled at me. “Thank you.”

“For what?”

He shrugged. “Everything,” he said. “I know it wasn’t easy.”

“It was hard,” I said. “But staying with you was the easiest choice I made.”

I saw him biting his lower lip as he stopped himself from smiling. He let go of my hand and quickly enveloped me in his arms. He hugged me so tightly that for a second, it became hard to breathe.

“Pakasal na tayo,” he said.

“Are you sure?”

I felt him nodding. “Mauve would understand,” he said. “Besides, we know how unpredictable life can be so… what better time is it to get married than right now?”

I wrapped my arms around him, as well. “Okay,” I said.

“Talaga?”

“Yes,” I said. “Let’s get married.”

He looked at me and beamed. “Okay. Ten minutes walk, but we can be there in five kung tatakbo tayo. Kaya mo bang tumakbo, lolo?” sabi niya.

I rolled my eyes at him again. “Seriously, between the two of us, who runs regularly?” I asked before I held his hand and we started to run towards the chapel to get married.

I really do love him and the life I have with him. 

Thank you for reading ATG! Hope you enjoyed reading Achilles and Mauro’s story :) One more and we’re finally done with GS <3


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.