loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
ALUGURYON (BXB 2020)

ALUGURYON (BXB 2020)

Ai Tenshi · 7 chapters · 11,095 words

NOTE:

Cover by: feusks


AUTHOR’S NOTE:

Taon taon tuwing sasapit ang pasko ay nag hahandog ako ng isang kwento bilang regalo sa mga kaibigan kong sumusuporta sa akin. Ngayon taon ay inihanda ko ang pinaka espesyal na kwento para sa inyo. Ang totoo nito ay wala naman talaga sa plano ko ang gumawa ng ganitong klaseng akda dahil mayroon talaga akong listahan ng naka line up na story sa mga susunod na buwan at walang Aluguryon doon.

Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero napanaginipan ko lang ito, mula sa titulong “aluguryon”, yung pangalan ng tauhan, yung konsepto ay nakita ko na rin sa panaginip ko. Medyo wirdo pero sinunod ko lang talaga yung mga nakita ko at heto na ang kinalabasan.

PS. Huwag nyo na hanapin sa google ang salitang “Aluguryon” dahil inimbento ko lang ito. At halos isang buwan ko lang itong ginawa mula noong November. Kung papansin niyo ang nakalagay na sa cover ay BXB 2020, isinama ko siya sa hanay ng mga ilalabas ko sa 2020 bilang magandang panimula.


Ang ALUGURYON ay base sa pelikula at akdang “Memoirs of Geisha”, kung napanood niyo na ito ay tiyak na mag eenjoy kayo at makakarelate, kung hindi pa naman ay tinitiyak kong tatatak sa inyo ang bawat eksena sa librong ito. Inuulit ko mayroon akong pinag basehan sa kwento ito pero hindi ibig sabihin ito ay ginaya ko na lahat. Ito lang aking sariling version ng BXB.

Ito ay kwento ni Gabriel at kung paano niya aabutin ang kanyang pangarap sa kabila ng maraming pag subok na dumarating sa buhay niya. Ang salitang “Aluguryon” ay nag mula sa katagang “Alu” na ang ibig sabihin ay “lalaki” at salitang “Guryon” na ang ibig sabihin ay “saranggola o kite” . Ang mga aluguryon raw ay mga lalaking maihahalintulad sa isang saranggolang lumilipad sa kalangitan, malaya, masarap pag masdan at sumasabay sa musika ng hangin. Ito ang konsepto ng isang Aluguryon.

Hindi ito fantasy, walang powers o labanan ng mga Diyos sa kwentong ito. Isa itong seryosong akda na ginawa ko para maiba naman. Dadalhin ko kayo sa pinaka malalim na emosyon, at sigurado ako na sa pag tatapos ng kwento kong ito ay may babago sa takbo ng buhay ninyo. Mag iiwan ito ng inspirasyon at katatagan sa inyong lahat..

Muli..

MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT..

Ai Tenshi

Aluguryon Part 1

Wang Yibo as Gabriel

  ![](https://img.wattpad.com/13f5bf005a0e2bdedd85ddc8817ca3c753a4af21/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f3876736749474331476d324737673d3d2d3831323430313737302e313564643739623939613131313361653630393336313534313335322e706e67)

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Aluguryon

AiTenshi

Nov 3, 2019

“Magandang umaga po. Isa akong manunulat sa isang writing flatform sa internet. Nag hahanap po ako ng isang unique na kwento. Kayo po talaga sadya ko dito lolo Gabriel.” ang naka ngiting wika ng isang binata noong bumisita ito sa aking bahay.

“At talagang nag byahe ka pa ng malayo para lang marinig ng ang aking kwento. Kayo talagang mga kabataan ng bagong milenya, mapupusok at mahihilig sa adventure.” ang naka ngiti kong sagot habang naka upo sa aking silya.

“2019 na po kasi, ang lahat ay nag eexplore para mapunan ang kanilang mga kaluluwa. May dala nga po pala akong mga prutas at kakanin para sa inyo lolo.” ang magalang na sagot ng binata dahilan para matawa ako. “Hijo, mukhang hindi na kaya ng pustiso ko ang mga kakaning dala mo. Ako ay 93 anyos na at mahina na rin ang aking panga. Bagamat talagang biniyayaan ako ng malusog na pangangatawan.” ang natatawa kong salita.

Tahimik..

Tawanan kami..

“Maiba ako, bakit ang kwento ng isa Aluguryon ang nais mong marinig? Ito ay isang istorya na hindi basta basta niyayakap ng mga kabataan ngayon. Ito ay isang lihim na itinago ko sa aking lumang baul. Kinandado ko at hinubog ng mahabang panahon.” ang tanong ko.

“Dahil ang kwento ng isang Aluguryon ay bihira, nais ko itong marinig at maisulat kung inyo mamarapatin.” ang sagot niya.

“Ngunit kailangan mong maunawaan na ang kwentong ito ay hindi basta basta nauunawaan ng nakararami. Gayon pa man ay masaya akong maibahagi ito sa isang katulad mo.” ang sagot ko at dito ay isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang siya naman ay nakatingin lamang sa akin at mayroong ningning sa kanyang mga mata. Kasabikan na hindi ko lubos maunawaan.

“Ang Aluguryon ay maihahalintulad sa isang magarbong saranggola. Kay sarap pag masdan habang ito ay sumasayaw sa alapaap. Iyan kung ilarawan ang mga katulad namin. Hanggang ngayon ay naalala ko pa ang bawat detalye, ang bawat pag ikot ng oras para sa akin. Ang lahat ito ay ang mga ala-alang itinala ko sa aking puso’t isipan.” ang tugon ko at dito ay napatingin ako sa isang puno ng Akasya at muling nag bago ang aking paligid, pakiwari ko ay bumalik ako sa umpisa kung saan nag simula ang lahat.

Ang kwento ng isang Aluguryon..

Part 1

YEAR 1933

Ang aking kwento ay hindi na dapat pang ibinabahagi sa iba, nais ko sana itong manataling sikreto hangga’t maaari. Ngunit kapag naiisip ko ang makukulay na palamuti, mga sumasayaw na liwanag sa entablado ay napapangiti ako at dito ay natatagpuan ko ang aking sarili na inaalala ang bawat detalye ng pagiging isang sentro ng atensiyon.

Hindi ako ipinanganak na itinakdang maging isang Aluguryon. Wala ito sa aking plano o ni minsan ay hindi ito sumagi sa aking isipan. Ngunit ang lahat ay nababago at ang daan na iyong tinatahak ay nag papalit rin kung minsan, sa hindi mo inaasahang panahon at pag kakataon.

Ipinanganak ako sa ilalim ng malamlam na buwan noong taong June 1926, pinalaki ako ng aking ama at ina na busog sa pag mamahal.

7 taong gulang naman ako noong mag karoon ng sakit ang aking ina. Dahil dito ay napilitan akong tumulong sa aking ama upang kumita ng kaunti. Mahirap ang kabuhayan dito sa aming lugar dahil malayo ito sa kabihasnan. Bundok, bukirin at malawak na lawa ang iyong makikita. Ang mga bahay ay maliliit na gawa sa pawid. Gayon pa man ay isang paraisong maituturing ang pag tira sa ganitong liblib na lugar dahil kung gaano ito kapayapa ay ganoon rin magiging panatag ang iyong puso.

Ako ay panganay sa tatlong mag kakapatid. Halos batang bata pa ang aming bunso dahil ngayon palang ito natututong tumayo at lumakad. Tuwing mag kakasama kami ay naging gawain na namin ang mag kwentuhan sa harap ng gasera habang bumubuo ng mga aninong hugis hayop sa pader na pawid. Ito ang nakapag papasaya sa aming murang isipan. Mabait ang aking ama at ina, ang kanilang pag mamahal ay hinding hindi mapapatayan kaya naman ang lahat ay ginagawa ko upang makatulong sa kanila.

“Gabriel, bumili ka ng gaas doon sa tindahan dahil wala tayong ilaw mamaya kayo pa naman ang matatakutin sa dilim.” ang utos ni itay habang nag paparingas ito ng kahoy sa likod bahay.

“Nakabili na ako ng gaas kanina. Mura nga lang sa akin ibinigay kasi natutuwa raw sila at masipag ako. Saka bakit ganun, saan daw ako nag mana ng mata? Bakit ang dalawang kapatid ko raw ay bilugan ang mata, bakit ako ay singkit?” ang tanong ko naman dahilan para matawa ang aking ina naka upo sa silyang kahoy.

“Marahil ay nakuha mo iyan sa iyong mga lolo at lola. Ito ay impluwensiya ng mga dayuhang intsik na nakikipag kalakalan noon dito sa ating bayan. Saka singkit rin naman ako oh.” ang biro ni inay habang hinihila ang kanyang mata.

Tawanan kaming mag kakapatid..

“Gabriel, ang mata ang bintana ng ating kaluluwa. Dito nakikita ang ugali at kabaitan ng isang tao. Gamitin mo ito upang mahalin ka at kalugdan ng mga tao sa paligid mo. At huwag mong kakalimutang ngumiti dahil ito ang pinaka mabisang panlaban sa anumang kalungkutan sa buhay.” ang wika ni Itay.

“Kapag ngumingiti kasi ako ay lalong nasisingkit ang mga mata ko. Pero sabi nila ay ngumingiti rin ito kasabay ng aking bibig. Mga bagay na gustong gusto ko kapag nakaharap ako sa salamin.” natutuwa kong sagot

“Pag laki mo ay tuparin mo ang bagay na nais mo.” ang wika ni inay.

Napakamot ako ng ulo. “Nais ko? Ano nga ba ang gusto ko pag laki ko?” ang tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa sumasayaw na apoy sa kalan na nilikha ni itay.

Ako yata ang batang walang pangarap, ang ibig kong sabihin ay hindi ko alam kung ano ang gusto ko pag laki ko. Ang aking mga kalaro at kaklase ay nangangarap na maging doktor, guro o taga usig. Samantalang ako ay hindi ko alam ang isasagot kapag sila ay nag tatanong. Sa aking murang isipan, ang tanging nais ko lang ay makalagpas sa araw araw, maitawid ang aming gutom sa mapapagitan ng pag lilinis ng sapatos ng mga opisyal, o kaya ay pag tulong kay itay sa pag hahakot ng gulay sa mga bukirin sa taas ng kabundukan. Wala akong ideya sa pangarap dahil ang nais ko lang ay makaraos sa bawat araw na dumarating sa aking buhay. Minsan ay natatawa ako, sa dinami-rami siguro ng aking nais gawin ay hindi ko na alam kung anong balak ko sa hinaharap. Pero minsan ay hinahayaan ko na lamang. 7 taong gulang pa lamang ako at umaasa ako na mag kakaroon ako ng ambisyon kapag ako ay nag simulang mag binata o magkaroon ng isang matandang pag iisip.

“Ang basa diyan ay “Anahaw” isang uri ito ng dahon na ginamit pang takip sa katawan kapag umuulan o mataas ang araw. Ang basa naman sa isang ito ay “bahay kubo” dito naman tayo nakatira ngayon.“ ang naka ngiti kong salita habang itinuturo kay Jose ang tamang pag babasa.

“Wow kuya, ang galing mo na mag basa. Pwede kana maging isang guro sa hinaharap.” ang natutuwa siyang puna.

“Ang guro ay para lamang sa mga matataas na uri ng tao. Ang mga katulad natin ay nangangarap lamang ng simple. Masyado itong mataas, kaya nga pinag tatawanan ko ang kaklase ko kapag sinasabi nila ang tungkol sa mga pangarap nilang imposibleng marating.” sagot ko.

“Gabriel, ano ba ang sinasabi mo sa kapatid mo? Libre ang mangarap, ito lang ang tanging bagay na walang bayad kaya’t bakit mo ito lilimitahan? Alam mo anak, huwag mong itanim sa iyong isipan na ang pangangarap maging isang propesyonal ay para lamang sa matataas na uri ng tao. Lahat tayo ay pantay pantay sa mata sa Diyos at ang pag tupad ng ating mga pangarap ay nakadepende sa ating mga kilos loob. Kung paano natin ito aabutin sa paraang alam nating ito ay tama. Mangarap ka lang anak, matutupad ito kung iyong nanaisin.” ang wika ni Inay habang binubuksan ang gasera sa kanyang tabi.

Noong mga sandaling iyon ay nakaramdaman ako ng kakaibang pag kahiya sa aking sarili. Pakiwari ko ay sumuko ang aking utak at isipan sa pangangarap lalo’t nakikita ko ang hirap ng aming buhay. Ang bawat araw na dumaraan ay parang isang malaking pag subok na kailangang itawid. Ngunit sana ay ganoon kadali ang lahat dahil sa ang daan na aming tinatawid ay pahirap ng pahirap. Tumatarik, nag lulubak at nagiging makitid habang tumatagal.

“Kaya mo ba lahat iyan?” ang tanong ni itay habang inilalagay sa aking likuran ang isang malaking plastic ng gulay. “Kaya po itay. Kaunting alalay lang dahil makitid ang pilapil.” ang sagot ko naman kinakaya ang pag bubuhat ng mga inaning gulay sa bukirin.

Tuwing anihan ay masaya ang mga tao sa aming baryo. Ang aking mga kaklase ay nag kakaroon ng bagong damit, bagong sapatos at kung ano ano pa. Samantalang ako naman ay makikita nilang bababa sa bundok na may pasang sako sakong gulay. Halos lumuwa na ang aking baga sa bigat nito ngunit hindi ko pinapahalata sa kanila na ako ay nahihirapan. Kung minsan nga lang ay nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na inggit sa tuwing napapatingin ako sa kanilang mga bagong gamit. Magarbo, makintab at kay gandang pag masdan ng kanilang mga bagong kasuotan, samantalang mapapatingin ako sa aking lumang tsinelas na mag kaiba pa ang dahon dahil inayos ko lamang ito noong nakaraang araw.

“Ang sipag si Gabriel o, lalaki ang katawan mo niyan kakabuhat mo ng mabibigat.” ang bati ng isang taga baryo noong makita ko.

“Ano lalaki ang katawan? Mapupunit ang katawan ng batang iyang kakabuhat ng mabibigat. Bakit hindi isakay sa kariton ang mag iyan?” ang puna naman ng isa pang taga baryo.

“Mahal po ang kariton, kaya ko naman ang aking ginagawa.” naka ngiti kong sagot.

“Nakakawalang pagod ang ngiti ng batang ito. Napaka tamis at nakakapawi ng lungkot.” ang wika ng isang matandang nakasalubong ko, pinahinto niya ako at inabutan ng isang inuming may kulay. Ininom ko ito, may pinag halong tamis at pakla. Hindi ko maunawaan ang lasa ngunit nag dudulot ng init sa aking tiyan.

Nasarapan ako sa pag inom ng bagay na iyon at bago pa ako makarating sa pamilihan ng gulay ay natumba ako sa daan dahil nakaramdam ako ng labis ng pag kahilo. Mga bagay na ikinatawa ng mga tao sa paligid. “Mukhang napainom si Gabriel, lasing eh.” ang wika nila habang inaalalayan akong tumayo. Sila na rin ang bumuhat ng aking mga dalang plastic.

“Ito kasi yung batang walang reklamo, basta kung ano ang ibinigay kay siyang kukunin. Ganito rin ako noong bata ako, lagi akong napapainom ng mga inuming nakaka lasing. Kaya kapag inaabutan ako ng mga ganyan ay tumanggi na ako.” ang natatawang wika ni Itay habang pinapasan ako pauwi. “Ayos ka lang ba anak?”

“Opo itay, nahihilo lang ako.” tugon ko naman.

“Ang tawag doon ay alak, isang inuming gawa sa prutas na binuro. Hindi naman iyon masama sa katawan, kung minsan ay masustansiya pa ito. Iyon nga lang ay tiyak na magagalit ang iyong inay kapag nalaman niya na natuto ka nang uminom.”

Natawa ako at isinandal ang aking ulo sa balikat ni Itay. Dito ay pinag masdan ko ang palubog na araw sa kalangitan habang umiihip ang malamig na hangin sa bukirin.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at kasabay nito ang isang matamis na ngiti na gumuhit sa aking labi. Oo nga’t mahirap ang buhay ngunit batid kong hinuhubog nito ang aking pag katao upang maging malakas at matatag sa lahat ng pag kakataon.

Itutuloy.

  ![](https://img.wattpad.com/177f4b604d6ac6c542ac9c2b23d8de1dab42e2d8/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f637671786a317a6f4e56496f33513d3d2d3831323430313737302e313564643730663164623464393536383430393432303632343534382e706e67)

Aluguryon Part 2

Cover by: FaberJohn01

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Aluguryon

AiTenshi

Nov 4, 2019

Part 2

“Aray!! Ayoko naaaaa!” ang sigaw ng isang kaklase ko na may halong pag iyak.

“Itay, ayoko na kaya. Umuwi na tayo.” ang natatakot kong salita noong marinig ko ito.

“Anak hindi iyon masakit. Maligo ka lang diyan sa ilog at linisin ang iyong katawan.” utos ni itay.

Sadyang dumarating sa punto ng buhay ng isang batang lalaki ang isang malaking hamon ng kapalaran at iyon ay ang pag tutuli. Ito ay isang tradisyon na ang edad 5 pataas na kalalakihan ay itunutuli bilang pag hahanda sa kanilang pag bibinata. Sa ganitong araw, lahat kami ay nalunoy sa tubig upang lumambot ang balat sa aming ari. Pag katapos nito ay pipila kami upang isagawa ang pag alis sa balat nito. Nakakatuwa lamang isipin na kailangan mong ngumuya ng dahon ng bayabas at pag katapos ay ibubuga mo ito sa iyong ari na noon ay nag durugo. Gayon pa man, pag katapos ng lahat ng ito ay masasabi mong ikaw ay ganap nang lalaki, handa na sa iyong nalalapit na pag bibinata.

“Gabriel ayos kana ba? Dahan dahan sa pag lalakad upang hindi ka masaktan.” ang wika ni Itay.

“Ayos lang ako itay. Binalutan ko na ng tela ang ari ko para hindi ito sumasabit sa salawal. Dapat kasi sa susunod na taon nalang ako mag patuli e.”

“Ano ka ba, nariyan na iyan. Nakaraos kana kaya tapos na ang pag hihirap mo. Kung sa susunod na taon pa ay 8 taon kana noon, tiyak na mapag iiwanan kana ng mga kaklase mo. Tiyak na pag tatawanan ka nila kapag nakita ka nilang supot ka.”

“Bawal raw itong ipakita sa babae dahil mangangamatis. Iyan ang sabi ng nag tutuli kanina.”

Natawa si itay “siguro ay may katotohanan iyon.”

Tawanan..

Habang nasa ganoong pag uusap kami ni itay ay siya namang pag tanaw namin sa aking kapatid na si Jose, nag kakandarapa ito sa pag takbo, tinatawag ang aming pangalan, natatakot at umiiyak. “Kuyaaaa, Itay!!” ang natatarantang boses niya.

“Bakit? Anong nangyari?” tanong ng aming ama.

“Si Inay! Bigla nalang itong hinimatay! Tumama ang kanyang ulo sa lamesa at nag durugo ito. Tulong itay!! Bilisan natin!!” ang sagot niya.

Noong marinig namin ito ay agad kaming nag tatakbo ni itay. Kahit masakit ang aking ari ay nagawa ko pa ring kumaripas ng pag takbo dahil sa kaba at pangamba na baka may nangyaring masama sa kanya. Ang kabog ng aking dibdib ay hindi matatawaran, pakiwari ko ba ay lalabas ang aking puso sa aking bibig. Samantalang si Itay naman ay pinipilit labanan ang kaba at takot, bagamat ramdam kong nanginginig ang kanyang katawan dahil sa labis na pag alala. Sobra ang pag mamahal niya kay inay kaya’t ginagawa ang lahat para dito. Si Itay ay simbolo ng isang mapag mahal na haligi at asawa.

Noong makauwi kami sa bahay ay agad akong niyakap ng aking dalawang kapatid kapwa sila umiiyak at takot na takot. Si Itay naman ay agad na binuhat si inay at mabilis na tumawag ng doktor para siya ay matingnan.

Alam kong may malubhang sakit ang aking ina, ayaw niya itong sabihin sa akin at sa aking mga kapatid dahil ayaw niyang mag alala kami. Ngunit sa tuwing makikita ko sila ni Itay na nag uusap at naririnig ko rin ang lahat tungkol sa kanyang lumalalang kalagayan. Ngingiti siya sa aking harapan at mag papanggap na maayos ang lahat ngunit katulad ng sabi ni itay na ang mata ay ang bintana ng kaluluwa, hindi ito nag sisinungaling, nakikita ko ang hindi maipaliwanag na lungkot dito, malalim na may halong kirot na paulit ulit kong nadarama kahit sa isang sulyap na aking ginagawa.

“Doktor, sandali po.” ang pag tawag ko sa matandang lalaki noong makita ko itong nag lalakad galing sa aming bahay.

Huminto ang matanda. “Bakit hijo? Kakatuli mo lang, hindi ka dapat nag papahamog dahil baka mamaga iyan.” ang tanong nito.

“Ayos lang po ako. Kamusta po ang aking ina?” ang tanong ko.

“Ang iyong ina ay may malubha karamdaman. Kinakailangan siyang maoperahan sa lalo’t madaling panahon.”

“Kayo po ba yung mag oopera?”

“Hindi, dadalhin siya sa isang pribadong ospital upang doon gamutin. Wala akong kagamitan upang isagawa ang ganoong operasyon.”

“Mahal po ba iyon?” tanong ko.

“Oo hijo, hindi pang bata ang usapang ito. Ang ibig kong sabihin ay hindi akma sa isang bata na problemahin ang tungkol dito. Bakit hindi ka mag laro muna o makipag kaibigan sa mga babae diyan sa inyong baryo.”

“Ang nais ko lang pong malaman kung mahal ba yung gagastusin para sa aking ina?”

“Mahal hijo. Huwag kang mag alala dahil tutulong ako sa inyo. Para saan pa at naging kaibigan ko ang inyong ama.” ang wika niya sabay gusot sa aking buhok, ngumiti siya at sumakay sa kanyang kariton. Samantalang ako naman ay napaupo nalang sa isang batuhan at hindi ko mapigil ang aking sarili na mapaluha habang nakatanaw sa aming munting kubo.

Walang kaming pag kukunan ng pera, barya barya lang ang kinikita ng aking ama. Hindi ko rin alam kung saan pupunta at kung kanino hihingi ng tulong para madugtungan ng buhay ng aking ina. Sa unang pag kakataon sa aking buhay ay natutunan kong tumingala sa langit at humingi ng tulong sa kung sino mang nakatunghay mula doon. Nag susumamo ako at nag darasal ng isang milagro. Ngunit walang kasagutan, ang tanging tugon lamang ay ang patak ng ulan na tumama sa aking mukha. Pakiwari ko ba ay lumuha rin ang kalangitan sa mga bagay na hindi ko kayang damhin katulad ng aking dibdib na kumikirot sa tuwing tumitibok ang aking puso.

Noong gabing iyon ay wala akong nagawa kundi ang maupo sa lumang silya habang pinag mamasdan ang aking ina natutulog sa aming lumang papag. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil malikot ang apoy sa gasera dulot ng malamig na hangin sa labas. Pinipilit kong ibukas ang aking mata at itatak sa aking isipan ang kanyang mukha na noon ay banayad na naka pikit. Ang aking dalawang kapatid naman ay nag sasalo sa isang manipis na kumot habang naka higa sa banig. Tulog ang lahat, samantalang ako ay gising at nag iisip ng paraan kung paano ako mag kakabilang sa pag tulong sa aking mga magulang. Pitong taong gulang palang ako ngunit ang aking isipan ay naka tuon na sa ganitong bagay, wala sa pag lalaro o pag bili ng mga magagarbong laruan.

KINABUKASAN..

Balik sa normal ang lahat bagamat ang aking ina ay hindi na makabangon, naka ngiti pa rin siya habang humihigop ng mainit na sabaw mula sa isang paketeng noodles na kung minsan ay walang lasa kapag nasobrahan ng tubig. Nag sasalo kami sa ganitong pag kain, walang reklamo at walang pag tatanong. Sapat na ang init na idinudulot nito sa aming mga sikmura para tumagal sa mag hapon.

“Pag katapos mong linisin yung mga sapatos diyan, pumasok ka naman doon sa loob at punasan mo yung mga kasangkapan. Bibigyan kita ng kaukulang halaga sa iyong dagdag na trabaho.” ang wika ni mang Doring, may ari ng isang tindahan at kainan sa baryo. Abala siya sa pag wawalis kanyang bakuran, nililinis rin niya ang mga lumang mantel ng lamesa na ginagamit sa kanyang negosyo.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay may isang lalaking dumating sa kainan. Kakaiba ang anyo ng lalaking iyon, mataba, maputi at magarabo ang kanyang kasuotan. Para bang isang maharlika o yung galing sa isang mataas na angkan. “Sino po ang lalaking iyon?” ang pang uusisa ko

“Isang mayamang tao mula sa malayong siyudad. Ibigay mo sa kanya itong listahan ng mga pag kain upang siya maka pamili.” utos ni mang Doring kaya agad ko naman itong sinunod.

Lumakad ako sa harap ng lalaking nakaupo at ibinigay ko sa kanya ang karton na nag lalaman ng listahan ng maaari niyang kainin. Kinuha niya ito ngunit naka tingin siya sa akin. “Ilang taon kana hijo?” ang tanong niya.

“Pito po.” ang sagot ko.

“Nag ttrabaho ka ba dito?” ang tanong niya ulit.

“Opo, taga linis ng mga sapatos at taga hugas ng mga pinggan sa kusina. Kung minsan ay nag bubukid rin kami ng aking ama upang kumita.” naka ngiti kong sagot.

“Maganda ang iyong mata, singkit at nangungusap. Maganda rin ang iyong ngiti, nakaka tuwa itong pag masdan. Bakit nag ttrabaho ka sa iyong murang edad?”

“Para sa aking ina, gusto kong makatulong sa kanyang pag papagamot.”

“Bakit? Napano ang iyong ina?”

“Mayroon siyang malubhang karamdaman. Ang sabi ng doktor ay kailangan siyang ipagamot ka agad.”

“Sa tingin mo ba ay makakatulong ang kurampot na baryang kinikita mo dito sa maliit na kainang ito?” tanong niya dahilan para matahimik ako.

Wala akong nagawa kundi ang umiling. “H-hindi po.”

Natawa siya. “Wala ring maayos na trabaho ang iyong ama?”

“Nag bubukid po. Kung minsan ay pumapasok siya sa pagawaan ng mga lata kapag isinasama siya ng kanyang mga kaibigan.”

“Mahirap ang inyong pamilya. Kinakailangan mo pang mag trabaho sa mura mong edad. Ano ang pangalan mo hijo?”

“Gabriel po.” ang magalang kong sagot.

“Alam mo Gabriel, mayroon akong alam na paraan para masolusyunan ang problema mo. Iyon ay kung handa kang mag sakripisyo para sa ikabubuti ng iyong ina.” ang wika niya habang naka ngisi.

“Mag sakripisyo? Ano po ang ibig mong sabihin?” pag tataka ko at habang nasa ganoong pag uusap kami ay agad na sumabad si Mang Doring, hinawakan niya ang aking balikat at inilayo sa lalaki. “Ginoo, ang batang ito ay katulong ko dito sa aking tindahan. Para ko na siyang anak kaya’t kung maaari ay humanap na lamang kayo ng ibang batang maaaring dalhin sa malayong siyudad.” ang wika nito.

“Ayos lang sana ngunit gusto ko ang isang iyan.” ang wika nito habang nakatingin sa akin.

“Hindi ang isang ito ginoo. Ang mabuti pa ay pumasok kana sa kusina Gabriel at ituloy ang iyong gawain.” ang naka ngiting wika ni Mang Doring sabay gusot sa aking buhok.

Noong mga oras na iyon ay batid kong nakasunod ang tingin sa akin lalaking iyon, para bang pinag mamasdan niya ang aking bawat pag kilos. Pinipilit kong iwaksi ang aking pag sulyap sa kanya ngunit hindi ko maiwasan kaya naman napapangisi siya habang umiinom ng tsaa.

“Sino po ba ang taong iyon Mang Doring?”

“Isang negosyante mula sa mayamang siyudad. Hangga’t maaari ay iwasan mo siya dahil maaari niyang bulagin ang iyong pag iisip.”

“Hindi ko po maunawaan.”

“Hindi lahat ng bagay ay inuunawa hijo, minsan ay kailangan mo lang sumunod sa utos ng nakatatanda.” ang tugon niya na hindi ko lubos maunawaan.

Dumating ang tag ulan, naging malamlam ang kalangitan para sa aming buhay lalo na noong dapuan ng sakit ang aming baryo. Dito ay nadamay pa ang aking dalawang kapatid kaya’t tatlo na ang mahinang katawan na nakaratay sa aming lumang banig. Ang sabi ng mga matatanda ay dumating na ang salot sa bayan katulad ng nakatala sa lumang kasulatan na darating ang kamatayan at kakatok ito sa bawat pintuan upang kumuha ng buhay. Noong una ay hindi ako naniwala hanggang sa dalawa sa aking kaklase ang pumanaw dahil sa epedemiyang iyon.

Ito ang unang beses na hindi ako dinalaw ng antok dahil sa takot at pangamba na baka sapitin rin ng aking mga kapatid ang trahedyang iyon sa aking mga kklase o kaya ay ganoon rin ang mangyari sa akin. Niyakap ko ng mahigpit ang aking kumot at isinuklob ito sa aking ulo, baka sakaling mawala ang aking takot. Kahit papaano ay maging maayosa ng takbo ng aking pag iisip.

Isang gabi habang nasa estado ng pag hihirap ang aking ina at ang aking dalawang kapatid ay literal na kumatok ang sinasabing “salot” na parating. Noong buksan ko ang pinto ay bumulaga sa aking harapan ang lalaking negosyante doon sa kainan. Kumikinang ang kanyang leeg, may nakasabit na magarbong gintong kwintas. Ang bawat daliri niya ay mag gintong singsing. Nakakasilaw ito at masakit sa mata. Humihitit siya ng tabako at walang paki alam sa aking dalawang kapatid na lalong inuubo kapag nalalanghap ang usok na nag mumula dito.

“Magandang gabi. Ano ang kailangan mo ginoo?” ang bungad ng aking ama.

“Batid kong kayo ang may kailangan sa akin. Ako si Dale na nag mula pa sa isang malayo at mayamang siyudad. Naparito ako upang tulungan ang inyong pamilya.” ang wika nito habang naka tingin sa akin. “Kamusta kana hijo? Namayat ka yata ng husto, ngunit ang iyong ngiti at tinging nangungusap ay halos ganoon pa rin noong unang beses kitang makita doon sa lumang kainan ni Mang Doring.” bati pa niya.

“Kilala mo ba siya Gabriel?” tanong ni itay.

“Siya po yung lalaki doon sa kainan ni Mang Doring. Hindi ko siya lubusang kilala.” sagot ko naman.

“Sa tingin ko ay hindi na mahalaga iyon. Naparito ako para ibigay sa inyo ang bagay na ito.” ang wika niya sabay lapag sa lamesa ng makapal na perang papel. Mayroon ring isang maliit na supot ng mga gintong barya na sa buhay ko ay noon ko lamang nasilayan.

“Malaking halaga iyan ginoo.” wika ng aking ama.

“Ang halagang ito ay sapat na upang isalba ang buhay ng iyong ina at mga kapatid. Maaari na silang dalhin sa isang maayos na bahay pagamutan at hindi lang iyon dahil makakabili pa kayo ng maliit na kabuhayan kung inyo itong tatanggapin.”

Napalunok ang aking ama. “Ngunit bakit mo kami tinutulungan ginoo? Kung gayong hindi mo kami lubusang kilala.”

“Hindi ito tulong. Ito ay kabayaran.” ang wika ng lalaki.

“Kabayaran? Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni itay.

“Kabayaran para sa iyong anak na si Gabriel. Nais ko siyang bilhin sa isang malaking halaga.” ang naka ngising sagot nito habang naka tingin sa akin.

Itutuloy..

Aluguryon Part 3

Cover by Rhenz Maraviles

Wang Yibo as Gabriel

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Aluguryon

AiTenshi

Nov 4, 2019

Napalunok ang aking ama. “Ngunit bakit mo kami tinutulungan ginoo? Kung gayong hindi mo kami lubusang kilala.”

“Hindi ito tulong. Ito ay kabayaran.” ang wika ng lalaki.

“Kabayaran? Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni itay.

“Kabayaran para sa iyong anak na si Gabriel. Nais ko siyang bilhin sa isang malaking halaga.” ang naka ngising sagot nito habang naka tingin sa akin.

Part 3

“Sa tingin ko ay malaking halaga na ito lalo’t ang halaga ng salapi ay bumababa dahil sa masidhing panlulumo, o Dakilang Depresyon na kilala sa Ingles bilang Great Depression o Depression of the 1930’s ito ay ang malawakang krisis na pang-ekonomiyang nagsimula dahil sa Pagbagsak ng Wall Street noong 1929 sa Estados Unidos, apektado ang ating ekonomiya, bumagsak ang halaga ng pera. Gayon pa man ay batid kong malaking tulong ito para madugtungan ang buhay ng iyong inay at ng dalawa mo pang kapatid.” ang wika ng negosyante si Dale

Nanginig sa galit at inis ang aking ama. “Hindi karneng baboy ang aking anak upang ibenta at tawaran mo! Pasensiya na ginoo ngunit nais kong lumabas kana sa aking pamamahay bago pa mag dilim ang aking paningin at baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo.”

“Mawalang galang na ngunit hindi ko intensiyon na manggulo. Nais ko lamang tumulong sa paraang alam ko lalo’t nababasa ko sa mga mata ni Gabriel na nais niyang isalba ang kanyang pamilya. Tama ba ako hijo?” tanong niya.

Hindi ako kumibo at iniiwas ko sa kanya ang aking tingin. “Umalis kana ginoo at layuan ang aking anak.”

Tumayo ang lalaki at inayos ang kanyang kurbata. “Hindi ko isinasara ang aking pintuan, maaari kayong lumapit sa akin anumang oras ninyo naisin. Batid kong kakailangan niyo ako.” ang wika niya at agad na umalis palabas sa aming bahay. Hindi pa rin nawala ang kanyang kagalang galang na pag kilos, punong puno ng kompiyansa sa kanyang sarili.

Niyakap ako ni itay at ginusot ang aking buhok. “Huwag kang lalapit sa lalaking iyon. Makakaraos rin tayo sa problemang ito.” ang wika niya samantalang ako naman ay nakatingin lang sa aking dalawang kapatid na payat na at putla. Kapwa sila nag ttiyaga sa halamang gamot na hindi ko naman alam kung may epekto sa kanilang katawan. Ang aking ina naman ay nag pupumilit na bumangon bagamat hapong hapo na ang kanyang katawan sa matagal na panahong pakikilaban sa sakit.

Ayokong nakikita ang kanilang mga mata. Pakiwari ko ba ay para akong isang bato na inihagis sa ilog ng kalungkutan na patuloy akong lumulubog dito at wala nang lakas pa para maka ahon pa. Gusto kong lumangoy at lumaban ngunit hindi ko magawa kaya naman dobleng sakit ang nadarama ko kapag napag tatanto ko na wala akong magagawa para sa kanila.

Alas 10 ng gabi, hindi pa rin ako natutulog. Tanglaw ko ang gaserang may nag sasayaw na apoy habang umiihip ang malamig na hangin sa labas. Lumapit ako sa aking dalawang kapatid na noon ay lamig na lamig. Mainit ang kanilang katawan, mataas ang kanilang mga lagnat at kumakalam pa ang kanilang mga tiyan. Ni ang pag bibigay ng tubig na mainit ay hindi ko magawa dahil mahirap ang mag paringas ng apoy sa kalan ng ganitong oras. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang hawakan ang kanilang mga kamay ay haplusin ito ng paulit ulit hanggang sa maramdam sila ng init. Tumutulo ang aking luha, nadudurog ang aking puso sa kanilang pag hihirap. Sila ang dahilan kaya’t nanatili akong matatag, sa kabilang banda ay sila rin ang dahilan kaya’t ako ay nang hihina.

Patuloy ako sa pag haplos sa kanilang kamay at paa. Batid kong ang init na nag mumula sa aking kamay ay sapat upang sila ay guminhawa. Nais kong ipaalam sa kanila na ako ay nandito lang sa kanilang tabi, nakatunghay sa kanilang pag tulog at hindi mag sasara ang talukap ng aking mga mata hangga’t hindi ko sila nakikitang maayos.

Matagal tagal rin akong nakaupo sa harap ng gasera, tumigil na ang pag sasayaw ng apoy nito dahil mahina na ang mitsa at paubos na rin ang gaas. Maya maya ay tuluyan ng babalutin ng dilim ang buong bahay at kasabay nito ang malalim na kalungkutan na aking mararamdaman.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay isang iyak ang aking narinig mula sa aking bunsong kapatid. “Masakit ang aking dibdib.” iyon ang sabi niya bagamat bulol ito at hindi pa matatas mag salita. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit. Kinuha ko ang tinunaw na halamang gamot at agad na ipinainom sa kanya pero ibinabalik ito ng kanyang bibig palabas. Ramdam ko ang sakit at kanyang dibdib dahil naka kapit siya ng mahigpit sa aking braso habang humihinga ng malalim. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit at sabihing “okay lang, nandito lang si kuya.” ang bulong ko habang tumutulo ang aking luha..

Bahagya siyang dumilat at saka ngumiti. Hinaplos niya ang aking mukha at saka yumakap sa akin ng mahigpit..

Noong mga sandaling iyon ay napatingin ako sa nauubos na apoy ng gasera. At kasabay nito ang pamumuo ng isang marahas na desisyon na hindi magagawa ng isang pitong taong bata. At bago pa tuluyang mamatay ang apoy nito ay nag desisyon ako na umalis at hanapin ang kahit na anong tulong para madugtungan ang buhay ng aking pamilya.

Nag aagaw na ang liwanag at dilim, nawawala na ang buwan at unti unting sumisikat ang bagong araw. Patuloy akong tumatakbo pababa sa aming lugar hanggang sa makaratinga ko sa isang kainan kung saan naroon ang taong aking hinahanap.

Napahinto siya sa pag inom ng alak noong makita akong palapit sa kanya. Naka yapak at namumugto ang mga mata. “Gabriel, ano ang ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.

“Kung sasama ako sa iyo ay nakasisigurado ba akong maliligtas ang aking ina at ang aking dalawang kapatid?” tanong ko.

“Hindi ako Diyos para sagutin ang tanong na iyan. Pera lamang ang kaya kong ibigay sa kanila. Depende iyan sa kanilang lakas at resistensiya. Pero malaking tulong ang perang iyon upang madala sila sa maayos na pagamutan at hindi lang basta basta nakaratay sa inyong tahanan at nag hihintay ng kamatayan.” sagot niya.

Natahimik ako at napaupo nalang sa isang lumang sila. Napako ang aking tingin sa lupa habang pinakikiramdaman ang aking sarili. Labag ito sa kagustuhan ni itay, tiyak na ikakagalit niya ang gagawin kong ito.

“Kung iniisip mo ang iyong ama ay walang mangyayari. Walang trabaho ang iyong ama, hindi siya makakahanap ng salapi upang matustusan ang pangangailan ng iyong ina at mga kapatid. Sadyang mataas lamang ang kanyang ihi upang tumanggi sa isang biyaya. Ang desisyon ay nasa iyo, maaari mong tulungan ang iyong pamilya at maka gawa ng milagro upang maging maayos ang kanilang kondisyon. Dalawang punto lamang ito Gabriel. UNA: Gumawa ka ng paraan upang maisalba sila. IKALAWA: Sundin mo ang kalooban ng iyong ama at panooring unti unting namamatay ang iyong dalawang kapatid at ina. Ayoko namang siraan ang iyong ama ngunit sa ginagawa niyang iyan ay dinadala lamang niya kayo sa kamatayan.”

“Kung sasama ako sa iyo, ano ang magiging buhay ko sa malayong siyudad na iyon?” tanong ko

“Ang iyong magiging buhay ay nakadepende sa iyong abilidad. Kung mahina ka ay kakainin ka lamang ng iyong takot at emosyon. Pero kung malakas ka at buo ang iyong loob ay maaari kang makasabay sa magulong takbo nito.”

Natahimik ako at muling napaisip..

“Bakit nag iisip ka pa Gabriel? Kung nag hahanap ka ng senyales ay masasabi kong ang pag punta mo dito sa akin ngayon ay sapat nang patunay na nais mong sumama sa akin. Tama ba ako?” tanong rin niya.

Tumingin ako ng tuwid sa kanya. “Ayokong sumama ngunit lahat ay gagawin ko para sa akin pamilya.”

“Kung ganoon ay pumapayag kana?” tanong niya sabay kuha ng isang papel na nasa loob ng kanyang mamahaling kasuotan. “Tama ang iyong pasya ay huwag kana mag isip pa. Walang mangyayari sa iyo dito sa inyong baryo. Pag laki mo ay magagaya ka lamang sa iyong ama o baka mas masaya ay baka hindi kana umabot sa ganoong edad dahil maaga kang mamatay. Ito ang aking seryosong tanong Gabriel. Pumapayag ka ba?”

Hindi ko alam ang aking isasagot. Tila ba ayaw lumabas ng salitang “oo” sa aking bibig kaya ang aking naitugon ay isang tango lamang.

Tumango ako habang nakapako ang tingin sa lupa.

Natawa siya at tinapik ang aking balikat. “Tama ang desisyon mo. Pirmahan mo na ito upang makuha ng iyong pamilya ang malaking halagang aking inihanda.” ang wika niya sabay abot sa akin ng isang lumang papel at panulat.

Tumingin lang ako dito ngunit kumikilos ang aking kamay. “Hindi ako marunong pumirma.” ang wika ko dahilan para matawa siya.

“Marunong ka naman siguro mag sulat ng iyong pangalan? Nag aaral diba? Isulat mo lamang ang pangalan mo sa guhit at ayos na ang lahat.” ang wika niya habang naka ngisi na hindi ko mawari kung natutuwa ba o naasar.

Inilagay niya sa aking pinag papawisang kamay ang panulat at saka itinapat ito sa papel. “Sulat na.” utos niya.

Labag sa aking kalooban na ibenta ko ang aking sarili, ngunit ito lamang ang nakikita kong paraan upang mabigyan ng maayos na buhay ang aking pamilya. Yung mailigtas ko sila sa karamdaman ay ang aking pangunahing layunin. Kaya nandito ako ngayon at pikit matang isinusulat ang aking pangalan sa papel. Kumikirot ang aking puso pero kailangan ko itong tiisin dahil pareho lamang ring sakit ang aking mararamdaman sa tuwing nakatunghay ako sa mga gabi ng pag hihirap ng aking mga mahal sa buhay.

Hindi ko na namalayan na naisulat ko na ng buo ang aking pangalan..

“Magaling.” ang naka ngising wika ng negosyanteng si Dale. Agad niyang kinuha ang papel at itinago sa loob ng kanyang damit. Hinablot niya aking braso at natawa ng malakas. “Simula ngayon, ikaw ay pag aari ko na. Binili kita Gabriel kaya’t susunod ka sa akin!”

Ibayong takot ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Ang mukha ng negosyanteng si Dale ay biglang nag bago at naging parang isang demonyo. Hindi ko maiwaksi ang takot sa aking isipan habang nakatingin sa kanyang mga mata na namumula at nanlilisik. Para akong nakatanaw sa mata ng isang mabangis na hayop na nakatagpo ng kanyang biktima sa gitna ng kagubatan.

Hindi ko alam kung tama ang aking nagawang desisyon, pero ito ang mga bagay na hindi ko na maaaring takasan. Kahit mag sisisi ako ay huli na ang lahat dahil ang aking nagawa ay hindi na maaaring bawiin pa.

“Mag handa kana. Bibigyan kita ng ilang minuto para mag paalam sa inyong pamilya. Mamayang hapon ay aalis na tayo at tutulak sa siyudad.” ang utos niya sabay abot sa akin makapal na salapi at isang maliit na sako ng gintong barya. “Ito ang iyong halaga. Dapat kang matuwa dahil ikaw ang pinaka mahal na batang nabili ko ngayong taon.” ang dagdag pa niya sabay hablot sa aking braso.

Ako naman ay takot na takot..

“Huwag kang mag tatangkang tumakas o dayain ako dahil papatayin ko kayong buong pamilya.” ang bulong niya sabay pakita ng isang baril na naka suksok sa kanyang bulsa. “Limang bala ang mayroon ito. Isa sa iyo, dalawa sa inyong uhuging kapatid, isa sa iyong duwag na ama at isa sa iyong kalansay na ina.”

Sa takot ay agad akong bumitiw sa kanya at nag tatakbo ako pauwi sa bahay dala ang malaking halaga na makatutulong sa aking pamilya. Ngunit ilang minuto na lamang ang nanalabi na sila ay aking makakasama. Iyon ang pinaka masakit na parte sa lahat.

Itutuloy..

Aluguryon Part 4

Cover by: Aiman Ali


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Aluguryon

AiTenshi

Nov 4, 2019

“Huwag kang mag tatangkang tumakas o dayain ako dahil papatayin ko kayong buong pamilya.” ang bulong niya sabay pakita ng isang baril na naka suksok sa kanyang bulsa. “Limang bala ang mayroon ito. Isa sa iyo, dalawa sa inyong uhuging kapatid, isa sa iyong duwag na ama at isa sa iyong kalansay na ina.”

Part 4

Kung minsan ay hindi ko gusto ang ulan dahil binubura nito ang lahat ng bakas sa paligid, maging ang kaligayahan ng tao nawawala rin. Ang pinaka magandang parte lamang kapag pumapatak ang mga butil nito ay ang lamig na naidudulot sa katawan ng tao, nag aalis ng init, pagod at pag kahapo.

Umaga noon, ngunit ganoon na lamang ang pag patak ng ulan sa paligid. Kasabay ng buhos nito ay ang sumidhing emosyon ng aking ama. Naramdaman ko nalang na tumama ang kanyang kamay sa aking murang pisngi dahilan para matumba ako sa lupa. Ngunit hawak ko pa rin ang malaking halaga na pinag bilhan ng aking sarili. Totoo naman talaga na ibinenta ko ito, literal iyon. Ginawa ko iyon para sa kanila, para sa aking dalawang kapatid at sa aking ina na halos buto’t balat na lamang.

“Bakit ginawa mo iyon? Iniisip mo ba na hindi ko kayang gumawa ng paraan para sa pamilya ko? Na wala akong silbing ama?!” ang galit na sigaw ni itay.

“Wala po akong iniisip na ganoon itay. Natatakot lamang ako na baka magaya sina Jose at Lito sa sinapit ng dalawang kaklaseng namatay dahil sa ganoong karamdaman. Tuwing gabing binabantayan ko sila ay ibayong sakit ang nararamdaman ko dahil nakikita ko silang nag hihirap pero pilit nila itong nilalaban kahit alam kong hinang hina na sila. Si Inay, ilang buwan na rin siyang pinahihirapan ng kanyang sakit pero hindi natin siya magawang dalhin sa maayos na pagamutan dahil walang wala tayo. Para bang hinihintay nalang natin na mamatay sila! Pero hindi itay, lumalaban sila kahit na walang gamot, walang pag kain! Bakit? Dahil gusto nilang mabuhay! Sino ako para ipag kait ang nais nila? Gusto kong makitang lumaki ang mga kapatid ko. Wala akong pangarap sa buhay, wala akong direksyon ang gusto ko lamang ay sumabay sa daloy ng oras. Pero sila? Yung mga kapatid ko ay gustong maging isang guro at doktor. Paano nila matutupad ang kanilang pangarap kung ngayon palang ay niyayakap na sila ni kamatayan?” ang umiiyak kong sagot habang dinadakot ang mga lupa at hindi ko mapigilang ibugso ang aking emosyon.

“Lalong lalala ang sakit nila kapag nalaman nilang ipinag bili mo ang iyong sarili! Ang akala mo ba ay magiging madali ang buhay ng mag isa?”

“Hindi madali ang buhay itay, kahit dito sa atin hindi rin naging madali sa akin. Paki usap, huwag kana magalit sa akin dahil gusto ko lamang makatulong.” ang pakiusap ko at habang nasa ganoong posisyon kami ay bumukas ang pinto at pumasok ang negosyante sa aming bahay. “Times up! Oras na para umalis!” ang wika nito.

Napatingin sa kanya ang aking ama at gumuhit ang galit sa mukha nito. “Sumpain ka! Isa kang demonyo!” ang wika ni Itay sabay kuha sa kanyang panabas.

Natawa ang negosyante. “Mayroon bang demonyo na ang nais lamang ay makatulong? Kukunin ko na si Gabriel ngayon dahil siya ay pag aari ko na.”

“Hindi mo kukunin si Gabriel! Kunin mo na ang pera mo at lumayas ka sa pamamahay ko!”

“Ang kasunduan ay kasunduan. Lumagda ang iyong anak dito at wala kang magagawa. Kung gusto mo ay daanin natin ito sa dahas.” ang wika niya sabay labas ng baril sa kanyang suot na damit. Itinutok niya ito sa mukha ng aking ama.

“Huwag po! Sasama na ako! Huwag mong patayin si Itay!” ang umiiyak ko sigaw habang naka luhod sa harap ng negosyante at nag mamakaawa.

“Hindi ito ang unang pamilyang pinatumba ko dahil lumabag sila sa kasunduan. Ngayon ay kung dadaanin mo sa galit at dahas ang mga bagay na ito ay mabuti pang patayin na kita, pag katapos ay isusunod ko ang iyong asawa at dalawang patpating anak. Tingnan mo ang halagang nasa harapan mo, kahit na dalawang taon kang mag karga ng gulay sa bundok ay hindi mo kikitain iyan!”

Nawalan na kibo si itay pero hawak pa rin niya ng mahigpit ang kanyang panabas na itak. Samantalang nangisi naman ang negosyanteng si Dale at agad na hinablot ang aking damit. “Halika na!” ang wika nito.

“Sandali, mag papa alam lamang ako sa mga kapatid ko. Pakiusap!” ang wika ko naman.

“Sige, bibigyan kita ng 1 minuto para makapag paalam sa kanila.” ang wika nito kaya naman agad akong pumasok sa aming silid at dito ay nakita ko ang aking dalawang kapatid na nakahiga pa rin, hindi makabangon dahil hinang hina ang kanilang mga katawan.

Hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon. Agad ko silang niyakap ng mahigpit. “Kuya aalis ka?” ang tanong nito.

“Oo, mag iingat kayo dito. Mag pagaling kayo at mag palakas. Mag aral kayong mabuti at tutulungan niyo lagi si inay.” ang naka ngiti kong sagot bagamat tumutulo ang aking luha sa bigat ng aking emosyon.

Nag simula na rin silang umiyak..

“Balang araw ay mag kikita tayo, dapat ay natupad niyo na ang inyong mga pangarap. Ikaw Jose, ikaw ang mas matanda kay Lito, parati mo siyang pag papasensiyahan, parati mo siyang tutulungan. At ikaw naman Lito bilang nakababatang kapatid ay igalang mo ang kuya Jose mo at huwag kayong mag aaway, parati kayong mag tutulungan at mag mamahalan. Heto, mayroon akong ibibigay sa inyo. Tig 5 kayo ng gintong barya, kapag gumaling na kayo ay bumili kayo sa bayan ng maraming laruan, damit at sapatos. Bumili rin kayo ng bagong libro at mag aral bumasa. Ayos ba iyon?” tanong ko sabay yakap sa kanilang dalawa at binitiwan ko ang isang katagang nag patulo ng aking luha. “Mahal na mahal ko kayo. Nakatayo lang tayo sa ilalim ng iisang langit, hindi ako malayo, nandito lang ako.” ang dagdag ko at dito ay niyakap ko rin siya inay na noon ay halos wala nang kibo nakapikit ito ngunit tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

Niyapos ko ang kanyang mukha at hinalikan ito. Niyakap ko siya ng mahigpit at dito ay nag paalam. “Inay, maraming salamat sa pag mamahal mo. Sana ay gumaling ka at mag simula muli ng bagong buhay. Huwag mo sana isipin na malayo ako dahil maliit lang naman ang mundo. Babalik po ako, at sa pag babalik ko ay hindi na tayo mag hihiwa-hiwalay pa. Sandali lang naman iyon, mabilis lang ang panahon. Mahal na mahal ko po kayo.” ang wika ko at dito ay nakita ko na sa pintuan ng silid ni Dale. Hinila niya ako palabas at habang hawak ang sako ng aking gamit. “Masyadong madrama! Ayoko ng mga ganyang eksena!” ang wika nito at kinaladkad ako palabas sa aming bahay para isakay sa kariton.

Nakita kong humabol si itay pero huli na rin ang lahat. Bata lang ako at hindi pa ganoon kabuo ang aking loob sa mga bagay bagay, pero heto pakiwari ko ay pasan ko na agad ang daigdig dahil sa bigat ng aking dibdib. Ang aking gamit na naka lagay sa isang lumang sako, mistulang mga basahang damit na nilukot ang nasa loob nito. Mula sa pintuan ng aming tahanan ay umiiyak na ako hanggang sa makarating kami sa sakayan ng tren ay ganoon pa rin, ang batis sa aking mata ay patuloy na umagos kasabay ng hindi mapapantayang kirot sa aking puso.

“Tumigil kana! Iyak ka ng iyak diyan! Gusto mo bang barilin nalang kita?!” ang sermon ni Dale.

“Bakit babarilin mo iyan e bata lang iyan. Natural ay iiyak iyan dahil namimiss ang magulang. Yung sa akin nga ayun o, inupakan ko nalang dahil ayaw rin tumigil kakaiyak.” ang wika ng isang matanda sabay turo sa isang batang babae na gusgusin, halos kasi edad ko lamang ito. Kung gayon ay marami silang mga negosyante na kumukuha ng bata sa iba’t ibang lugar para dalhin sa malayong siyudad. “Maganda ang nabili mo pareng dale. Gwapong bata, singkit ang mata. Malaki ang kikitain mo diyan kapag ginawa mo itong parausan ng mga hapon at amerikano.” wika pa ng isa.

“Gago! Isasama ko ito sa aking negosyo. Patuturuan ng tamang trabaho. Ayokong mag alaga ng isang lalaking bayaran, karamihan sa kanila ay sumasama na lamang sa mga dayuhan. Ibahin mo ako, ang sa akin ay sa akin lang.” sagot ni Dale.

“Kung sa bagay, ang mga mababang uri ng lalaking bayaran ay karaniwang pinapatay lamang. Hindi katulad ng mga Aluguryon na matataas na uri at protektado pa ng mga maharlika.” wika ng kaibigan niyang negosyante rin.

“Pare-pareho lang na bayaran iyon. Ang mga lalaking bayaran ay naka kalat lang sa kalsada, nag aabang ng gagamit sa mga ari nila. Ang mga Aluguryon ay naka suot lamang ng magagarbong damit ngunit bayaran lang rin sila para mag entertain ng matataas na uri ng tao.” sagot ni Dale

“Malaki ang kaibahan ng Aluguryon, ang kanilang katawan ay nanatiling sagrado at tinitingala sila sa lipunan bilang mga artista, musikero at magaling sa sining. Iyon ang sumisimbolo sa kanilang pag katao. Ang aking anak ay nag aral pa upang maging guryon kaya’t naiba ang pananaw ko pag dating sa kanila.” ang sagot ng kaibigan niya

Hindi tumugon si Dale, dumura lang ito at ibinaling sa iba ang tingin. Sa palagay ko ay hindi siya ang tipo ng tao na makikipag diskusyon sa mga bagay bagay. Siya ay mayroon maiksing pasensiya at baluktot na paniniwala.

Ang oras sa istasyon ng tren ay sadyang mabilis. Parang isang bala ng baril na basta nalang tumatama sa hindi inaasahang pag kakataon. Hindi ko na rin namamalayan na halos mga hapon na akong umiiyak dahil sa pinag halo halong emosyon ng takot, lungkot at sakit dahil alam kong galit sa akin ang aking ama. Para bang ang bigat ng pakiramdam ko lalo’t aalis ako ng hindi kami nag kakaayos.

Maingay sa istasyon, maraming tao. Ako ay naka upo lamang sa isang sulok habang yakap ko ang lumang sakong lalagyan ng aking mga damit. Nakatanaw ako sa mga tren, at maging sa mga pasaherong umaalis at bumabalik. Ito ang unang pag kakataon na sasakay ako sa mala halimaw na sasakyan ito, dati ay nakikita ko lamang ito kapag ako ay naka akyat sa pinaka tuktok ng bundok na pinapasan ang gulay sa aking likuran.

Patuloy ako sa pag obserba ng tao sa aking paligid ng tapikin ako ni Dale. “Nandito ang tren. Aalis na tayo” ang wika niya sabay hila sa akin patayo.

Lumakad kami at pumila..

Nasa ganoong posisyon kami noong makita ko ang aking ama na tumatakbo patungo sa akin. Kaya naman nagulat ako at kusang humakbang ang aking mga paa para salubungin siya. “Itay aalis na ako. Patawarin mo ako sa aking nagawa! Paki usap po! Pagaanin mo ang loob ko sa aking pag lisan.” ang wika ko sabay yakap sa kanya.

Tumingin sa akin si itay at sa unang pag kakataon ay nakita ko siya lumuha sa aking harapan. Gumalaw ang kanyang kamay at hinaplos ang aking mukha. “Hindi mo kailangan mag sakripisyo anak para sa amin. Patawarin mo ako dahil sinasapit mo ang pag hihirap na ito.”

“Wala iyon itay. Kanina ay sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil nag away tayo. Hindi ako mapalagay dahil aalis ako na masama nag loob mo. Hindi matatamik ang kalooban ko. Patawad po itay.”

“Ako ang dapat mang hingi ng tawad sa iyo anak. Hindi naging madali ang buhay natin. Mag iingat ka palagi at lagi mong iispin na mahal na mahal kita. Narito ang kaunting baon anak. Ingatan mo ito.” ang wika niya sabay abot sa akin ng kahon.

Kinuha ko ang kahon ay niyakap siya ng mahigpit..

“Tapos na ang oras ng pag papaalam! Aalis na tayo!” ang wika ni Dale sabay hablot sa aking katawan.

“Itay! Aalis na po ako. Ingatan mo ang mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila.” ang sigaw ko habang kinakaladkad palayo.

Lumuluha si itay at napaluhod nalang ito..

“Itay! Mahal na mahal kitaaaa! Babalik ako! Pangakooooo!” ang sigaw ko pa bago ako ipasok sa tren.

“Huwag kang maingay!” ang bulyaw ni Dale sabay hagis sa akin sa gilid ng tren..

Napaupo ako sa sulok at dito ay nag simula nanaman akong umiyak habang yakap ang kahon na ibinigay ni itay.

Pero gayon pa man ay agad ko ring pinunasan ang aking luha. At binuksan ang kahon..

Dito ay kakaibang pakiramdam ang lumukob sa aking pag katao. Lalo akong napa iyak noong makita ko ang pares ng sapatos na palagi kong itinuturo kay itay sa tuwing kami ay mamimili sa palangke. Ganito yung sapatos na palagi kong kinaiinggitan na suot ng aking mga kaklase.

Sa gilid ng kahon ay may tinapay at mga baryang ginto. Inilagay ito ng aking ama para makasiguradong may pera akong magagamit.

“Mahal kita anak, itago mo ito at gamitin sa oras ng pangangailangan. Malakas ka at hanga ako sa katapangan mo. Balang araw ay mag kakasama sama ulit tayo. Hihintayin namin ang iyong pag babalik. Narito ang pares ng sapatos na nais mo, patawad at ngayon lang ikaw nag karoon. Gamitin mo ito at lumakad ka, kasama mo kami sa iyong pag hakbang.”

Nag mamahal,

Tatay.

Halos sumabog ang aking dibdib noong mga sandaling iyon. Wala akong nagawa kundi yakapin ang kahon at ibuhos ang aking emosyon habang naka talungko sa isang sulok ng tren na patungo sa lugar na hindi ko pa nararating kahit sa panaginip.

Itutuloy..

Aluguryon Part 5

Cover by: Lorenz Romasanta


PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Aluguryon

AiTenshi

Nov 6, 2019

Part 5

Palayo ng palayo ang aking narating, ang bawat lugar na aming daanan ay hindi pamilyar sa akin. Malalaki ang mga bahay sa paligid, ang lahat ay yari sa semento na may magagarbong kulay, malayong malayo sa aming baryo na tanging kawayan at pawid lamang ang nag sisilbing silungan. Halos mag hapon ang byahe sa tren, noong makababa kami dito ay lumipat kami sa isang barko. Literal na malayo nga ang aming pupuntahan dahil kailangan pang tumawid ng karagatan para makarating dito. Habang palayo ng palayo ay mas lalo ko lamang naalala ang aking pamilya, kumain na kaya sila? O maayos kaya ang kanilang lagay? O kung ano ang ginagawa nila? Mga bagay na hindi ko mahanapan ng sagot kaya’t wala akong nagawa kundi ang tumingin sa paligid habang naka tayo sa labas ng barko.

Maingay ang uggong nito, para isang halimaw na nag wawala sa kalawakan. Ang alon sa karagatan ay sumasayaw na parang may malakas na musika sa pinaka ilalim nito. Sa kabilang ng lungkot ay natagpuan ko ang isang magandang paraiso sa gitna ng karagatan bagamat umiikot na ang aking paningin dahil sa hilo. Nito ko lang napag tanto na hindi pala ako sanay sumakay ng barko, o dahil baka naman unang beses ko palang makasakay dito? Lumakad ako sa pinaka sulok nito at isiniksik ang aking sarili doon upang mawala ang pag ikot ng aking paligid. Samantalang ang negosyante si Dale naman ay bumubuga nanaman ng tabako habang nag kkwenta ng kanyang salapi. Para bang hindi niya napapasin ang oras kapag hawak niya ang kanyang pang tuos at ang mga pera sa kanyang bag. Ni hindi siya nakakaramdam ng gutom. Siguro ay sapat na ang amoy ng salapi para siya ay mabusog. Ang ilang pirasong tinapay ang nag salba sa akin sa gutom, salamat kay Itay at sa kanyang pabaon.

9 oras ang itinagal namin sa loob ng barko. Muli akong hinawakan ni Dale sa braso at inilabas sa barko. “Nandito na tayo bata. Ito ang pinaka malaking siyudad sa bansa. Ito ang iyong magiging bagong impyerno.” ang wika nito sabay tawa ng malakas. Hindi naman ako kumibo, patuloy ko pa ring yakap ang aking mga gamit.

Makalipas ang ilang minuto ay pinaupo niya ako sa isang kainan at hinainan ako ng kanin ang isang ulam na karne. “Kumain kang mabuti. Kailangan mo ng lakas.” ang wika nito.

Una kong ininom ang tubig dahil hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako. Halos maubos ko ang nasa pitsel pero ganoon pa rin ang aking pakiramdam kaya naman pinilit ko lamanan ang kanin ang aking tiyan. Masarap ang ulam, ngayon lamang ako nakatikim ng ganito, karne ng baboy na may sarsa, matamis at medyo maasim. Ewan, ngunit kapag kumakain ako ng masarap na pag kain ay naalala ko ang aking mga kapatid, sana ay makatikman rin nila ang kinakain ko ngayon. “Mabilisan ang pag kain dito sa siyudad, hindi uso rin ang kumakain na parang nag darasal! Tayo na diyan bata!”

Tumayo ako at agad siyang sumakay sa sasakyan. Gayon rin ang aking ginawa bagamat naririndi na ang aking tainga sa ingay ng kapaligiran. Nalulula ako sa taas ng mga gusali at sa paligid ay maraming mga taong magagarbo ang kasuotan, iba’t ibang lahi. Doon sa aming baryo kapag mayroong dayuhan katulad ng amerikano, intsik o hapon ay pinag kakaguluhan, ang tingin kasi nila sa mga ito ay Diyos na bumaba sa kalangitan at may dalang biyaya para sa kanila. Kaibahan sa nakikita ko ngayon na ang mga ibang lahi ay lumalakad lamang sa gilid ng kalsada at walang pumapansin sa kanila. Parang ordinaryong tao lamang, walang sumasamba ni isa.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba kami sa isang gusali. Agad akong pinapasok sa loob nito at iniharap sa mga matatandang lalaki at babae. “Ano po ang mayroon dito?” ang tanong ko.

Hindi kumibo ang negosyante at hinawakan lang niya ang aking braso at ibinigay sa isang matandang lalaki. “Dale, masyadong bata ang isang ito. Ang usapan natin ay binatilyo ang ibibigay mo.” ang wika ng matanda.

“Mahirap kumuha ng binatilyo ngayon dahil lahat sila ay nag aambisyon maging propesyonal at mangibang bansa. Mag bibinata rin ang isang iyan. Tuli na iyan at mas mabilis ang kanyang pag laki. Akin na ang kabayaran sa kanya. Apat na sakong ginto at isang libong piso.” ang wika niya. Dito ko napag tanto na ibinebenta rin ako ni Dale sa ibang negosyante.

“Tuso ka talaga Dale. Kung hindi lamang kita kaibigan.” ang wika ng matanda sabay hawak sa akin. Pinaling niya ang aking pisngi sa kanyang harapan at tiningnan ang aking mukha. “Gwapo ang batang ito. Hindi purong pinoy, batid kong nahaluan na siya ng ibang lahi, intsik, koreano o isang hapon kaya. Maganda ang ngipin bagamat mukha siyang isang basahan sa kanyang kasuotan. Paano mo nakuha ang isang ito?”

“Galing iyan sa isang mahirap na pamilya sa malayong baryo. Nag kataon na dinapuan ng epidemya ang kanilang lupain at tinamaan ang kanyang mga kapatid. Kinakailangan ng malaking halaga upang isalba ang buhay nila kaya’t boluntaryo niyang ibinenta ang kanyang sarili.” sagot ni Dale.

“Kawawa ka naman pala. Hindi bale at mamatay rin naman ang mga kapatid mo. Tama lang na umalis kana doon para hindi kana maranas ng hinagpis sa kanilang pag kawala.” wika ng matanda.

“Paano ba? Kailangan ko nang kunin ang kabayaran sa batang iyan. Libre na ang pamasaheng pag dala sa kanya dito. Masipag ang isang iyan, maaari mong gawing katulong o taga silbi doon sa inyong negosyo.” wika ni Dale.

“May magagawa ba ako? Ayoko namang masira ang ating samahan dahil lang sa isang bata. Ang totoo noon ay binatilyo ang aking kailangan para sa aking planong pag tatayo ng bahay panuluyan.” ang wika nito

“Bahay panuluyan? Huwag mo nga akong patawanin, alam naman ng lahat na ang bahay na sinasabi mo ay parausan. Bakit hindi ka na lamang kumuha ng mga aluguryon para mag entertain sa iyong mga bisita? Mas pormal sila at mas malilinis.” natatawang tugon ni Dale.

“Nag papatawa ka ba? Ang mga guryon ay mahal, maluho at sila ay nag sisilbi lamang sa matataas na tao katulad ng hari, emperador, senador at mga matataas na heneral. Ang sa akin ay pang masa lamang, matipid at para lamang sa mga taong nag hahanap ng kaligayahan.” ang sagot nito habang binabayaran si Dale

“Itabi mo na lamang ang batang iyan at hintayin siyang mag binata upang siya ay mapakinabangan. Maliit pa ang ari niyan at tubig palang ang ilalabas niyang kung iyong pipilitin. Ang batang iyan ay malaking asset sa iyong negosyo kapag siya bumulas.”

“May magagawa ba ako? Parang nilugi mo ako Dale. Sa susunod ay hindi ko na tatanggapin ang mga dala mo.” ang wika ng matanda.

“O paano Gabriel, diyan kana kay Don Agustin. Siya na ang bahala sa iyo.” ang wika ni Dale habang naka ngisi. Lumabas siya sa silid hawak ang maraming salapi at iniwan ako sa isang taong hindi ko lubos na kilala.

Si Don Agustin ay isa sa pinaka mayamang negosyante dito sa siyudad. Marami siyang ari arian at negosyo na nag aangat ng malalaking halaga. Iyon nga lang karamihan dito ay ilegal at ipinag babawal katulad na lamang ng bahay panuluyan o otel kung saan niya ako dinala upang pag trabahuhin. At dito nag sisimula ang aking bagong buhay.

Isang utusan at nataga silbi ang trabahong ibinigay niya sa akin. Taga hakot ng mga gulay, karne sa kusina. Taga linis ng mga plato at pinggan. Taga linis ng sahig at mga lamesa. Bukod pa roon ay naka sama rin ako sa iba pang bata na nag lilinis ng mga silid ng otel na ginagamit ng mga bisita. Halos sa loob ng isang araw ay nasa 20 hanggang 30 silid ang aking nililinis. Pinapalitan ko ang mga kobre kama, nililinis ang sahig ata ng mga palikuran nito. Ang otel sa mga panahong iyon ay karaniwang gawa lamang sa mga konkretong pader, ang mga sahig ay kahoy at ang mga higaan ay katre lamang na nilagyan ng malambot na kutson. Walang pahinga ang aking katawan, halos nag ttrabaho ako ng 18 oras sa isang araw, mag sisimula ng alas 6 ng umaga at matatapos ng alas 12 ng umaga rin. Ang pag tulog ay ang pinaka mabisang paraan upang mawala ang sakit at pagod ng aking katawan. Ito rin ang pinaka magandang gawin upang makatakas sa reyalidad ng buhay na ako ay naka kulong na sa ganitong sitwasyon at hindi na makaka alis pa.

Wala akong sweldo, pinag babayaran ko ang halagang ginastos ng mga negosyante sa pag bili sa akin. Ang tanging benepisyo ko lang ay ang kaunting pag kain sa agahan, tanghalian at sa hapunan na tira tira na lamang ng mga bisita. Noong una ay hindi ako sanay kainin ang mga natirang pag kain sa kanilang silid, ngunit sa pagod at gutom na nasikmura ko na rin na lunukin ang mga ito katulad ng ibang bata na aking nakakasama.

Tungkol naman sa aking tulugan, kami ay natutulog sa isang lumang silid sa likod ng hotel. Sama sama kami ng trabahador doon na parang mga ibong naka kulong sa masikip na hawla. Madalas ay naka siksik lang ako sa sulok, o kaya ay natutulog akong nakasandal sa pader. Gayon pa man, ang tanging pinang hahawakan ko ay ang tibay ng aking loob na kahit kadalasan ay pinag bubuhatan ako ng kamay sa aking mga pag kakamali ay kinakaya ko pa rin. Walang ibang mag bibigay sa akin ng lakas kundi ang aking sarili lamang rin.

“Gabriel, heto ang tinapay. Kinuha ko lamang iyan kanina doon sa guest. Kainin mo na.” ang wika ni Kuya Nante habang naka ngiti.

Kinuha ko ito at agad na kinain dahilan para matawa siya. “Ganyan rin ako noong kasing edad mo ako. Laging kumakalam ang sikmura ko. Pero hayaan mo kapag lumaki kana ay mag kakaroon ka rin ng sarili mong diskarte.” ang wika niya sabay gusot sa aking buhok.

Si kuya Nante ang pinaka unang nakilala ko dito sa trabaho. Siya rin yung pinaka mabait sa lahat. Kapag gutom ang katulad kong bata ay agad niya kaming binibigyan ng pag kain. Siya na rin ang tumatayong kuya ng lahat dito sa aming hawla, ang ibig kong sabihin ay sa aming silid na tinutuluyan. Siya 17 anyos lamang, may katangkaran, maganda ang katawan at maputi ng balat. Ang sabi niya sa akin ay binili lamang rin siya ng isang negosyante noong siya ay 13 taong gulang at saka binenta kay Don Agustin ng malaking halaga.

Hindi ko alam kung ano ang trabaho ni kuya Nante sa otel. Basta ang alam ko lang ay naka suot ito ng maayos na damit at naka laging nakaporma. Dumarating siya kasama ng bisita at pumapasok sila sa silid. Pag kalipas ng ilang minuto ay lalabas silang dalawa ng kanyang kasama na masayang masaya. Parating ganoon ang eksenang nakikita ko sa kanyang gawain. Mga bagay na hindi ko lubos maunawaan sa aking murang edad at isipan.

Marami silang ganoon, may mga lalaki rin at ang sa gabi naman ay mga babae naman ang sumasama depende sa uri ng bisita. Kapag lumalakad ka sa bulwagan ng otel ay makikita mo silang mga nakapostura na para bang laging magaganda at gwapo ang kanilang mga anyo. Ang suot ng mga babae ay maiiksi, halos kita na ang kanilang mga dibdib at hita. Ang mga lalaki naman ay kadalasang naka sando lang at kitang kita ang kanilang mabibilog na katawan.

Lahat sila ay sumasalubong sa mga bisitang dumarating at pag katapos ng kaunting pag uusap ay aakyat sila sa hagdan patungo sa mga silid. Kabilang na si Kuya Nante na halos iba iba ang kasama sa bawat gabi.

Itutuloy..

ALUGURYON (THE BOOK VERSION)

FOR BOOK PUBLISHING!

The long wait is over! You can now enjoy the physical copy of Aluguryon!

Grab yours now!!

  ![](https://img.wattpad.com/b4b335ee1b9c96ac029faca0a2f073aac1c838b9/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f795a316e35544d6c7748424843413d3d2d313132393938323134342e313661346564326464653863663464343634313537393932333633372e706e67)

Note:

The book cover bears the image of my face. For those who want to see me, it’s your chance so grab a copy now.


BOOK DETAILS:

PRICE: P700 plus shipping fee P250

ALUGURYON

-5x8 (inches)

-Cream paper

-Matte Cover

-400 to 410 pages

-Bookmark

-Postcard

-Freebie from AiTenshi

THANK YOU FOR THE LOVE AND SUPPORT!


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.