Alyas Kanto Boy 3: Raul Rules
Ai Tenshi · 9 chapters · 12,652 words
Note:
Coming this January 2024!
Prologue
“Bumabagsak ang malakas na ulan noon, pero hindi pa rin natitinag si Alyas Mamaw! Buong lakas niyang ibinagsak ang kamao niya sa dalawang kalaban na sina Glen Randal at Eliot! KABLLAAGGG!! Sa isang iglap ay nabumulagta ang dalawa! Sa wakas ay nanaig ang kabayanihan ni Alyas Mamaw upang ipagtanggol ang compound ng Dominico Hipolito o mas kilala ngayon na Bagong Pag-asa Street!
PERO sumumpa sina Glen at Eliot na magbabalik at muling kukunin ang compound upang kanilang pagharian! PERO nangako rin ang ating BAYANING si Alyas Mamaw na babalik sa oras ng pangangailangan! Dahil “once an Alyas always an Alyas!” ang pag k-kwento ni Bogs sa aming harapan, may drawing pa ito at ang pinakahuling pahina nito ay ang isang lumang papel na may autograph ni Alyas Mamaw.
“At itong autograph na ito ay ang aking inspirasyon upang maging isang mabuti alyas katulad ni Alyas Mamaw! Kaya’t kahit ikakasal na ako ay nananatili pa rin sa puso at isipan ko ang aking nag iisang idolo!” ang dagdag pa ni Bogs.
Pumalakpak naman si Raul, “ang ganda, sobrang touching at inspiring ng kwento ni Alyas Mamaw!” ang naiiyak na wika nito sabay pahid ng kanyang luha.
“Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin yung araw na iyon, kung paano nila iginawad sa akin ang code name na Alyas Pogi! At sinabi rin nila sa akin na dapat ay walang panget na alyas kaya naman kumuha ako ng kasing gwapo, kasing hot at kasing kisig ko,” ang pagmamalaki pa ni Bogs.
“Oo nga, lahat tayo ay ipinattern sa kagwapuhan ni Alyas Mamaw kaya hindi dapat tayo nagpapa under sa mga asawa natin!”
“Tama iyan! Dapat tayo ang nasusunod sa lahat ng oras!” ang sang-ayon ni Bogs, tumatango tango pa ito.
“Sayang di ko naabutan si Alyas Mamaw pero sabi nila ay talagang halinaw daw ito dahil kahit isang dosena pa ang kalaban ay hinding hindi siya tutumba. Sana makilala ko siya bago man lang ako umalis dito sa compound,” ang wika naman ni Gomer.
“Tangina, aalis ka rin ba? Wala na nga sina Shan Dave at Johan, pati ba naman ikaw?” ang tanong ni Raul.
“Syempre naman, may kanya kanyang obligasyon tayo sa pamilya natin. At isa pa ay susubukan kong magkaroon ng career sa international scene kahit pa extra extra lang muna. Saka may offer na training kay Ernest doon kaya’t kasama ko naman siya. Doon ko na lang siya gagawing P.A sa America,” ang sagot ni Gomer habang nakangiti.
“Ano ba naman iyan Gomer, hindi ka na naawa kay Ernest hanggang America gagawin mo siyang PA?” ang naiinis kong tanong.
“Hoy Greggy, bakit ba nandito ka pa? Umuwi ka na nga at alagaan ang anak natin. Pakainin mo na rin tuloy si Badtrip at ihanda mo yung pampaligo ko! Tatamad tama ka na naman e! Mas inuuna mo pa ang lakwatya kaysa sa mga obligasyon mo!” ang utos ni Raul sa akin.
Palakpakan sila Bogart. “Iyan ang tunay na ALYAS pare, may authority, may angas at tapang at hindi nagpapa under sa asawa!”
“Yeah right! Dahil simula ngayon ako si Raul Robles, ang masusunod sa pamamahay na to! Ako na ang gagawa ng bagong rules at ikaw na alyas misis lang ay walang magagawa sa akin!” ang mariin na wika niya sabay turo sa akin dahilan para mapangiwi ako.
Palakpakan sila Bogs at Gomer! “Nice very nice!! Ayos!!”
“Sira, wala tayo sa bahay!” ang singhal ko sabay hampas sa kanya.
Part 1
CHAPTER 1: THE HOUSE HUSBAND
Part 1
Isang impit na ungol ang pinakawalan ni Raul habang nakapasok sa aking lagusan ang kanyang matigas at naglalaway na pagkalalaki. Ramdam na ramdam ko ang mabilis at madiin na pagbayo niya habang kaming dalawa ay naka standing posisyon sa gilid ng kama.
Sa tuwing tumatama ang kanyang pagkalalaki sa aking gspot ay napapahalinghing ako at napapakagat ng labi. Paminsan minsan ay nag iiba ang ritmo ng kanyang pagbayo kaya mas lalo pa akong nasasarapan.
Kapwa kami hinihingal at umuungol sa sarap. “Harder hon, sagad mo pa,” ang bulong ko sabay halik sa kanya kaya naman hinugot niya ng paurong ang matigas na alaga at muli itong ipinasok ng mas malalim, napasigaw ako pero agad ko itong ipinigil.
Maya maya ay biglang umiyak ng malakas si Dalton na aming baby kaya naman nagsalita ako, “hon, umiiyak yung anak mo, sandali lang.”
“Oooh, lalabasan na ako, mamaya na,” ang sagot nito sabay hawak sa aking bewang at nirapido ako ng kantot.
“Hon, umiiyak..” tinakpan niya ang aking bibig at mas lumakas pa ang kanyang pagbayo.
“Eto na koo,” ang bulong niya sabay yakap sa akin ng mahigpit, pinasabog niya sa kaloob looban ko ang kanyang malapot at naglalawang katas. Ramdam ko ang pintig ng kanyang alaga sa aking kaloob looban. Noong wala na siyang mailabas ay hinugot niya ito.
Dahil sa lakas ng iyak ni Dalton ay hindi na ako nakapalinis, nagtapis na lang akong tuwalya at agad na pinuntahan ang baby sa kanyang kuna. Naglalawa pa ang tamod ni Raul sa aking lagusan at ramdam ko ang pagtagas nito sa kada hakbang na aking ginagawa.
Pagdating ko sa kuna ay agad kong kinuha ang baby at kinarga ito. Nagtimpla rin ako ng gatas para padedehin. Halos 9 months pa lang si Dalton kaya medyo hirap pa kami ni Raul na alagaan siya. Noong unang apat na buwan ay labas masok kami sa ospital dahil madalas itong nagkakasakit. Kaya’t grabe ang stress namin noon, mabuti na lamang at hindi na siya masyadong nagkakasakit ngayon.
Binago ng pagkakaroon ng anak ang aming buhay ni Raul. Dito namin naramdaman yung pressure ng pagiging magulang. Kinakailagan kong mag resign sa work ko sa opisina para humanap ng online job kung saan makakapag work from home ako para maalagaan ko si Dalton. Sa Raul naman ay itinigil na ang madalas na pagtambay niya at humanap ito ng work. Buti na lang at nag open sila papa ng bagong business na kung tawagin ay Top Speed, nagbebenta sila ng mga motor at sasakyan. Si Raul ang ginawa nilang Marketing Assistant dahil mabulaklak ang dila nito, gwapo pa at bolero kaya maraming siyang naibebenta. 6 months na siya sa trabaho at nag eenjoy naman siya lalo’t si papa naman at ang kaibigan nito ang kasama niya.
Naging hardworking kami ni Raul para kay Dalton gusto naming ibigay ang “the best” para sa kanya bagamat ang mga parents naman namin ang kadalasang nasusunod basta para sa kanilang apo. I mean nakikialam talaga sila sa desisyon namin ni Raul. Lalo na si mama, siya talaga ang numero unong pala desisyon sa mga bagay na dapat gawin.
Masaya naman ang pagsasama namin si Raul bagamat may pagkakataon na nakakapikon ang ugali nito dahil palautos siya at mahilig makisabay kapag busy ako at maraming ginagawa. Ramdam na ramdam ko yung pagiging “misis” o asawang babae dahil ako lahat ang gumagawa para sa kanya. Kapag dumarating ito galing sa trabaho ay nagkalat ang mga damit, medyas at sapatos sa kwarto na parang naghuhunos na ahas. Sa banyo naman ay nagkalat ang brief niya, buhok pinag ahitan ng bigote at balbas. Pati pinag triman ng bulbol niya kalat din sa sahig. Tapos si Badtrip na aso niya ay literal na badtrip dahil takbo ito ng takbo sa harapan at s loob ng bahay. Sobrang laki na niya at hindi na siya cute pagmasdan. Minsan nga ay nahuli ako ni Raul na hinampas ko ito ng tsinelas kaya hinampas rin ako ng tsinelas bilang ganti.
Sa gawing sala namin ay nakadisplay ang dalawang picture ni Badtrip na before and after. Pinagawa pa ito ni Raul at lagi siya napapangiti kapag nakikita niya ito. To think na inalis niya yung graduation picture ko at inilipat sa isang sulok para mag give way sa picture ng aso niya.
“Mas bagay dito ang graduation picture mo hon, para gaganahan at ma iinspired lahat ng mga kumakain dito sa dine in area,” ang hirit ni Raul habang naka ngisi.
Nauunawaan ko naman kung gaano niya kamahal si Badtrip dahil tuta pa lang ito ay magkalaban na kaming dalawa sa atensyon at pagmamahal ni Raul. Ngayong grown up chow chow na ito ay mas bwiset siya kaysa dati.

At kapag lumakad ka bago umakyat ng hagdanan ay makikita mo naman ang napaka gwapong picture ng aking asawa na nakaupo sa sofa at mala candid ang shot. Ito yung larawan niya na kahit kailan ko titigan ay na iinlove pa rin ako. At naiisip ko na mahaba haba na rin pala ang aming nilakbay simula pa noon. Suot niya dito ang simple puting t-shirt at brown pants pero naghuhumiyaw pa rin ang nakakademonyong kagwapuhan.

“Hon, pwede kapag nakahiga na tayo at patay na yung ilaw ay huwag ka na nag c-cellphone? Ang sakit kasi sa mata,” ang wika ko kay Raul noong tumabi ako sa kanya.
“Ang dami mo namang reklamo, lahat na lang bawal,” ang naiinis na wika nito sabay kulubong ng kumot at doon siya nag cellphone na parang bata.
“Kailan ba ako nag reklamo? Sinasabi ko lang naman yung mga bagay na dapat mong gawin at hindi mo dapat na ginagawa. Saka itong gabi na ito ay para naman sana sa ating dalawa, sa halip na nag uusap tayo at nag k-kwentuhan tungkol sa naging araw natin ay mas gusto pang pumindot ng cellphone at ichat kung sinuman yang ka chat mo,” ang tugon ko sa kanya sabay tagilid patalikod sa kanya.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay naramdaman kong yumakap siya sa akin, “wag ka na nga magtampo dyan, di mo naman ikinaganda yan e. Nag chat lang si Shan Dave, uuwi na daw sila ni Julian next week kaya nagset ako ng inuman dito sa bahay.”
“Eh bakit dito?” tanong ko naman.
“Natural, bahay natin ito diba? Pinagmamalaki ko lang sa kanila na may sarili tayong bahay, di naman ganoon kalaki pero galing naman ito sa hirap natin. Sige na, pumayag ka na please,” ang paglalambing nito sabay halik at yakap sa akin.
“Sige na, basta sabihin mo dyan kita Bogs ay huwag iihi sa halaman at huwag susuka sa bakuran natin. Kakaiba pa naman yung motto ng mga kaibigan mo pagdating sa inuman, “susuka pero hindi susuko!”
Natawa si Raul. “Eh ikaw anong motto mo kapag magkasama tayo? “Hihipo at susubo?” ang pang aasar nito.
“Sira, ikaw nga tong nangalabit kanina,“sagot ko sabay suntok sa kanyang braso.
Pinayagan kami ni mama na bumukod at lumipat ng bahay pero sinigurado niya na dito lang din kami sa subdivision lilipat para daw madali niyang mapupuntahan si Dalton. Isang mahabang paliwanagan at diskusyon ang nangyari pero talagang pinanindigan namin ni Raul ang desisyon namin. Well, one month ding nagtampo si mama pero inunawa na lang niya yung sitwasyon. Yung bahay ay fully purnished pero hindi naman ito ganoon kalaki katulad ng mala-mansyon na bahay nila mama kung saan kami nakatira dati. Pero sobrang komportable at dito namin naramdaman yung pagiging totoong mag asawa na kailangan kumayod at mag budget sa araw araw. Niregaluhan naman kami ni papa ng isang bagong sasakyan na ginagamit naming service sa tuwing aalis kami.
Dito na rin sa bahay na ito kami bumuo ng mga pangarap namin para sa future, para sa aming anak.
Minsan naman kapag humaharap ako sa salamin ay para bang may something “different” sa mukha ko. Hindi ko lang ma figure out kung stress ba ito o literal na losyang na lang talaga ako. Medyo tumaba ako at nagkalaman dahil kadalasan ay pagkain na lang talaga ang karamay ko kapag naiinis ako sa asawa ko.
Pero ang good thing sa aming dalawa ay madalang kaming magtalo at hindi pa kami nagkakaroon ng malalang pag aaway. Karaniwan ay inisan lang talaga at nauuwi sa pikunan pero maya maya lang din ay yayakap na ito sa akin at aamuin ako na parang isang babaeng nilalambing lambing.
“I look different, para akong babaeng na lolosyang,” ang wika ko kay Raul habang nakaharap sa salamin.
“Hon, sign of aging lang iyan, tumatanda na kasi tayo at sooner mamamatay din tayo at kakainin ng lupa,” ang abalang sagot ni Raul habang pumipindot ng cellphone.
“Napaka morbid naman nito. Losyang lang yung sinabi ko nauwi naman agad sa kamatayan. Kumusta na kaya si Aldrin sa US?” tanong ko lang.
“Naku, mas losyang yun. Kakantutin lang maghapon magdamag ni pareng Johan dun yun. Lalo ngayon mag asawa na silang dalawa? Butas lang ng tainga nun ang mananatiling virgin!”
“Luh, bakit pati yun sinasabi ni Johan sa iyo? Wala ba talaga kayong sikreto sa isa’t isa?”
“Syempre meron, di nga nila alam na sobrang wild mo sa sex at nagiging exorcist ka kapag na g-gspot kita,” ang hirit nito habang nakangiting aso.
“Alam mo kahawig mo na si Badtrip, at hindi ako wild sa sex!” ang sigaw ko sa kanya sabay lundag sa kama at dito ay kaladyaan kaming kadalawa.
Pumatong siya sa akin at kinagat kagat ang aking tainga, tawa naman ako ng tawa dahil nakikiliti ako ng husto sa kanyang ginagawa. Maya maya ay huminto siya at napatingin sa aking mukha. Hinalikan niya ako sa labi at saka ngumiti. “Salamat sa pag aalaga ng anak natin. At salamat rin sa pag aalaga sa akin,” ang bulong niya.
Yumakap din ako sa kanya, “tungkulin ko iyon bilang asawa mo. Kaya huwag kang loloko-loko dahil malilintikan ka talaga sa akin Robles. I love you, too.”
“Ayos, nag I love you-han na tayo, kantutan na ang kasunod nito,” ang wika nito sabay hubad sa kanyang damit saka muling pumatong akin. Ito ang samahan namin ni Raul bilang mag asawa, bilang may anak at bilang nakatira sa iisang bubong.
Part 2
Part 2
“Bakit nandito kayo sa labas? Baka mahamugan si baby,” ang wika ni Raul noong bumaba ito sa saksakyan galing sa trabaho.
“Kakagising lang kasi ni Dalton kaya inilabas ko muna. Tiyak na mamaya ay puyat na naman tayong dalawa dahil hindi agad matutulog ito,” ang tugon ko naman.
“Masanay na tayo, ang bata naman kapag lumalaki ay sumasarap na rin alagaan. Mabuti na lang at hindi na siya nagkakasakit ngayon. Isang blessing na rin ito para sa atin. Tama diba?” ang tugon ni Raul sabay buhat sa anak niya.
“Tama naman din. Nga pala hon, tumawag si mama. Palilipatin daw niya dito si Ate Elena at yung asawa niyang si Kuya Romer, para mayroon tayong katulong dito sa bahay. Okay lang ba sa iyo? Si mama naman daw ang bahalang magpasahod sa mga ito. Gusto lang niya yung mayroon tayo taga luto at tagalinis dito sa loob,” ang wika ko naman.
“Bakit? Hindi mo na ba kayang gampanan yung trabaho dito sa bahay? Napapagod ka na bang magluto? Maglaba at mamalantsa ng damit?” tanong niya sa akin, sa todo ng pagsasalita niya ay parang ayaw niya sa idea ng pagkakaroon ng katulong. Mukhang balak talaga niyang gawin akong all around kasambahay na pwede niya utusan anytime and anywhere.
Nakasunod lang ako sa kanya bitbit ang kanyang mga gamit. “Hindi kayang gampanan ang trabaho dito sa bahay? Bakit ganyan ka magsalita Raul? Gusto mo palit tayong dalawa? Ako ang mag t-trabaho sa labas tapos ikaw dito sa bahay?!”
“May online work ka naman dito diba? May online business ka pa. Bakit kailangan mong magwork sa labas? Ah siguro nabuburyo ka na sa bahay dahil wala kang nakikitang ibang lalaki,” ang hirit nito dahilan para lalo akong mainis.
“Eh bakit naman napunta doon? Ang topic natin ay ang magkaroon ng kasambahay. Syempre kaya kong gampanan yung trabaho ko dito sa bahay. Ano bang duty ko dito? Diba all around ako? Taga linis, taga sunod sa mga kalat mo, taga pulot ng brief mo, taga luto ang kakainin mo at taga alaga ng anak mo. Hindi mo ba naiisip na napapagod naman din ako? Hindi ako nag-asawa para maging housemaid at lalong di kita pinakasalan para maging alipin mo na susunod sa lahat ng kalat mo.”
Ibinaba ni Raul sa kuna si Dalton at saka nagtungo kami sa silid. “Heto na naman po tayong dalawa. Hon, listen do naman ako nakikipag away sa iyo. Appreciated ko naman lahat ng effort mo pero sana hangga’t maaari ayokong magpatulog ng ibang tao dito sa loob ng bahay natin,” ang sagot nito habang nagbibihis sa harapan ko.
“Kakausapin ko si mama tungkol dito. Pero sana maisip mo man lang na papagod din ako. Kung yung langgam nga napapagod sa gabi, paano naman ako? Tao ako diba?” ang dagdag ko pa.
“Kaya ayokong magsimula ng issue dito sa bahay kasi wala naman akong laban sa bibig mo na parang armalite na walang tigil na pagsasalita. Kaya minsan mas gusto ko pang hinahalikan ka o kaya pinapasakan ko ng burat yung bibig mo para tumatahimik ka,” ang tugon ni Raul sabay upo sa tabi ko.
Hindi ako siya kinibo.
“Fine, tutal ikaw naman lagi ang nasusunod sa bahay na to, gawin mo na yung gusto mo.”
“Wag na, okay na akong maging FULL TIME katulong mo Mr. ROBLES!” ang sagot ko sabay tayo at pinuntahan ko si Dalton sa kanyang kuna.
Alas 7 ng gabi, habang naghahanda ako ng dinner ay dumating ang kotse ni mama kaya naman agad namin siyang pinagbuksan ng gate. May dala itong pagkain at maraming shopping bags para sa kanyang apo. “Good evening ma,” ang bati ko sabay halik dito.
“Good evening mama,” ang bati rin ni Raul habang nakangiti.
“Napadaan lang ako dahil namimiss ko ang apo ko. Sabi niyo kasi pupunta kayo sa weekend pero di niyo ginawa. Greg, tatlong kanto lang ang pagitan ng bahay natin, di naman ako ganoon kalayo diba?” ang wika ni mama na may halong pagtatampo.
“Ano ba to, enough na yata ako sa drama ngayong araw. Issue kay Raul tapos ngayon issue naman ni mama,” ang bulong ko sa aking sarili.
“Ma, tinapos ko kasi yung gawain dito sa bahay, naglaba pa kami ng mga damit at gamit ng bata,” ang tugon ko naman.
Umupo si mama sa harapan ng lamesa, ako naman ay naghanda ng mga plato. Samantalang si Raul ay nakaupo lang sa sofa yakap ang baby. “Bakit ganyan ang itsura niyong dalawa? Nag away ba kayo? Saka ang weekend ay family day, bakit inuubos niyo sa trabaho dito sa bahay ang importanteng araw na magkakasama tayo? Kaya nga gusto kong dito ilipat si ate Elena at yung asawa niya para may katulong kayong dalawa.”
“Ma, iyan na nga yung pinagtalunan namin ni Raul kanina, ayaw namin na dito patirahin at pag stayin sina ate Elena. Dalawang yung kwarto dito sa bahay baka naman sumikip pa kami dito,” ang tugon ko naman.
“Hindi naman sila dito mag s-stay sa loob ng bahay niyo. Diba mayroong malaking bodega doon sa likod niyo? Yung dating dress shop ng may ari ng lupa? Ipapagawa namin iyon ng papa mo para maging silid, magkaroon ng maliit na sala, kusina at banyo. Doon na lang natin patitirahin sina ate Elena tutal naman ay permanante na silang lumipat dito. Siguro naman hindi na maaapektuhan yung privacy niyo. Saka malaki ang utang na loob natin sa mag asawa na iyon dahil 12 years na sila sa atin diba? Hayaan mo nang ipagawa namin yung nandoon sa likod ng bahay niyo. Raul, pumapayag ka naman diba?” ang tanong ni mama sa kanya.
“Yes ma, ayoko lang talaga ng mga may ibang tao dito sa bahay para na rin sa privacy namin ni Greg,” tugon ni Raul.
“Don’t worry papasok sa sila sa umaga at uuwi rin sa hapon. Clear na ba iyon sa inyo? Siguro naman hindi niyo ako tatanggihan ngayon. Don’t worry ako naman ang magpapasahod sa kanila monthly,” ang wika ni mama at sa tono ng salita niya ay parang sinasabi na hindi kami pwedeng tumanggi sa ideya niya.
Walang nagawa si Raul kundi ang sumang-ayon na lang. Habang kumakain kami ng hapunan ay sinesermunan kami ni mama dahil hindi kami nagpapansinan.
“Huwag kayong nag aaway sa harapan ng bata dahil baka magkaroon ng trauma iyan. Wag niyo siyang hinahayaang malagyan ng negative energy na mula sa inyong dalawa. Dalhin niyo na lang sa akin ang apo ko at ako ang mag aalaga sa kanya kung ganyan lang kayo lagi,” ang sermon nito.
Alas 10 ng gabi, tumambi sa akin si Raul na noon ay kakaligo lang suot ang kanyang lumang sando at boxer. “Edi nagtagumpay ka naman,” ang hirit nito.
“Hon, si mama ang nagdesisyon noon at para sa atin din naman iyon. Wag na natin pagtalunan dahil maghapon na akong pagod at stress,” ang sagot ko naman sabay taligid patalikod sa kanya, pinatay ko ang lampshade.
Tahimik.
Ingay lang ng aircon ang maririnig sa buong silid.
Maya maya ay kinalabit ako ni Raul at niyakap, “don’t tell me matutulog ka? Hindi tayo matutulog hanggang di tayo okay diba? Iyan ang usapan natin kapag nagkakaroon tayo ng di pag kakaunawaan,” ang wika nito na may lambing kanyang boses.
Kaya naman humarap ako sa kanya, “sorry pagod lang talaga ako.”
Hinaplos niya ang aking pisngi, “alam ko naman iyon at naappreciate ko lahat ng bagay na ginagawa mo para sa amin ni Dalton. At napaka swerte ko dahil nandito ka lagi sa tabi ko. Nag worry lang talaga ako sa privacy natin dahil baka hindi na natin magawa yung pagyayakapan natin sa lahat, yung paglalambingan natin doon, yung mga sex natin sa bawat sulok nitong bahay kapag may kasama na tayong ibang tao. Pero sorry kung naging selfish ako at kung hindi ko naisip na nahihirapan ka. Kaya pumapayag na ako sa gusto ni mama at para na rin makapag focus tayo sa pag aalaga sa baby natin. Lika na dito, huwag ka na magalit sa akin,” ang malambing wika ni Raul. Niyakap niya ako ng mahigpit at ikinulong sa kanyang bilugang braso katulad ng madalas niyang ginagawa.
“Wala naman akong ibang ginusto kundi ang mapabuti kayo ni Dalton kaya’t ginagawa ko yung best ko para magampanan yung pagiging magulang at pagiging kabiyak mo. Sorry rin kung minsan ay moody ako at madaling mapikon. Siguro sign of aging na lang ito o baka nabuburyo na lang ako dahil parang paulit ulit na senaryo na lang ang nagaganap sa buhay ko,” ang sagot ko at yumakap din ako sa kanya.
Nakaunan ako sa kanyang braso at nakayakap sa kanyang matipunong katawan. Minsan ay napapatingin ako sa gwapong mukha ni Raul. Dito ay sumasagi sa isipan ko na malayo layo na rin pala ang aming nilakbay ng magkasama. Mula sa pagiging kanto boy niya na madalas nakatambay doon sa compound at puro kalokohan ang ginagawa hanggang sa pagkakaroon asawa at pagiging isang ama. Saksi ako sa pagbabago niya at masaya ako dahil ngayon ay tinitingnan niya ng seryoso ang buhay. Kung dati ay magulo ang pagdedesisyon nito at walang ginawa kundi puro kalokohan, ngayon naman ay natuto na siyang mag plano para future namin. Sadyang dumarating sa buhay ng isang tao ang maturity at natutuwa dahil kasama ako ni Raul sa pagbabagong iyon. Pareho kaming umunlad at nagkaroon ng masayang buhay ng magkasama.
At dahil nagkaroon na kami ng kasambahay ay nakapag focus na ako sa aking trabaho sa online. Mas naaalagaan ko na rin si Dalton ng mas mabuti. Kapag naman may libre oras ay parating dumadaan si mama para tulungan akong mag alaga lalo’t lagi siyang nasasabik dito. Kulang na nga lang ay itakas niya ang bata at iuwi ito sa pabalik s dati naming tirahan.
“Malapit na mag birthday ito apo ko, anong plan niyo?” tanong ni mama sa akin.
“Kahit simpleng handaan lang sana dito mama. Yung kaysa lang sa budget namin ni Raul. Nag iipon naman kaming dalawa,” ang tugon ko bagamat nagsisimula na naman akong kabahan dahil literal na pakialamera ang mga lola.
“Dito? Seryoso? Baka hindi kumasya dito ang mga bisita niyo? Saka hindi maganda ang mayadong simple para sa birthday ng bata, mukha naman yatang kawawa ang apo ko,” ang sagot ni mama, as I expected.
“Ma, ayaw namin sanayin si Dalton sa luho,” ang tugon ko.
“Luho? Anong alam nung bata sa luho? Pag nagkaisip siya makikita niya yung picture niya noong baby na kakaunti ang handa at maliit ang cake. Hindi na kayo naawa sa bata,” ang naiiyak na wika ni mama. “Anyway, tumawag ang mama ni Raul from US at uuwi siya dito para sa party. By this time alam na rin iyon ni Raul,” dagdag pa nito.
“Ma wag ka na nga umiyak, hindi naman porket sinabing simple e kaunti na yung handa at maliit yung cake. Saka ilang buwan pa naman ang birthday ni Dalton, pwede wag tayong masyadong OA,” ang mahinahon kong sagot.
“Tama naging OA ako ng pagpapalaki sa iyo kaya ganyan ka na ngayon, pasaway at hindi nakikinig sa akin. Saka iyang asawa mong si Raul na may sarili mundo at hindi rin marunong makinig,” ang sermon ni mama dahilan para mapangiwi na lang ako at mapakamot ng ulo.
Nag walk out si mama at iniwan ang mga groceries na pinamili para sa amin.
“Ma, wag naman ganyan,” ang paghabol ko.
“Greg, kundi niyo kayang palakihin ng maayos yung bata, mabuti pang ibigay mo na lang sa amin ng papa mo at kami ang magbibigay ng lahat ng pangangailangan niya,” galit na sagot ni mama sabay pasok sa kanyang sasakyan at umalis ito.
Ako naman ay napatakip na lang ng mukha at napaupo sa balkunahe. Agad kong tinawagan si Raul para sabihin ang mga nangyari.
Part 3
Part 3
GREG POV
“OMG! Greg!! Medyo tumaba ka at nag mature ng kaunti, anyway gwapo ka pa rin naman at mukhang hiyang ka sa buhay na mayroong asawa at anak,” ang wika ni Dante noong puntahan ko ito sa coffee shop na pag aari ni Julian. Kakabalik lang niya galing Thailand at halos 8 months siya doon.
“Dante? Grabe, pumayat ka ah at kuminis ha. Saka you look different. Ikaw yata ang hiyang sa Thailand e,” ang tugon ko sa kanya.
“Nagpa retoke kasi ako ng ilong at nagpabawas ako ng taba sa baba at sa panga para makita ang jawline ko. Saka kaunting diet at exercise para medyo mabawasan ng kaunti ng timbang. Alam mo na sasabak ako sa Miss Cosmo Queen kaya naghahanda ako,” ang sagot niya sabay lapag ng kape sa aking harapan. “Pero ewan ko ba todo diet naman ako pero ang chubby ko pa ring tingnan!”
“Bagay naman sa iyo, at susuportahan ka namin dyan. Teka si Yani ba ay sasali rin?”
“Waley, she’s dead! Char! Si Yani ngayon ay nasa Africa at nag aalaga ng mga hayop doon,” sagot ni Dante.
“Seryoso?”
“Yeap, nandoon siya. Look mo tong mga pictures niya sa IG, diba hayop na hayop ng datingan,” ang tugon nito sabay pakita sa akin ng mga larawan nito kasama ang mga tigre, leon at kung ano ano pa.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pagdating ni Julian, kakadating lang nila ni Shan Dave kahapon galing s US at mukhang pagod pa ito sa byahe. Gayon pa man ay nakangiti pa rin siya at mas lalo siyang pumuti dahil sa blonde na buhok. Pag upo niya sa aming table ay agad niya iniabot sa akin ang dalawang paper bag na may lamang pasalubong. “Pakibigay na lang kay Raul yung isa. At ito naman ang sa iyo Dante,” ang wika nito sabay abot kay Dante ng isang malaking kahon.
“Wow, sineryoso mo talaga? Salamat best friend,” ang masayang wika nito.
“Buti na lang yung kaibigan ni mama ay naghawak ng mga candidate sa Miss USA kaya nahingi namin yung sandals na ginamit ni Miss Arizona at ni Miss Texas. Iyan lang kasi ang ka size ng paa mo,” ang wika ni Julian.
“Wow, ang gandaaa! I’m sure winner na naman ako nito!” ang masayang wika ni Dante sabay labas sa magagandang sandals na may mataas na takong.
“Iyan kasi ang bilin sa akin ni Dante, yung magkaroon ng sandals na ginamit ng mga Miss USA candidate. So buti na lang mayroon kaming kakilala,” tugon ni Julian habang nakangiti sabay tingin sa akin. “Hiyang ka sa buhay na may asawa at anak ah, medyo tumaba ka yata,” ang hirit nito.
“Medyo mahirap at challenging, pakiramdam ko nagkaroon ako ng bagong buhay. Kinakailangan kong mag resign sa work para maalagaan ko yung baby namin. Mabuti na lang at may nahanap akong online job na pwede akong mag work from home. Hindi na rin regular ang tulog ko dahil madalas akong puyat at maaga nagigising. Plus, nakasunod pa ako lagi sa kalat ni Raul at nung aso niyang si Badtrip na walang ginawa kundi mag kalkal ng balahibo sa sala. In short isa akong house boy slash plain house keeper na laging pagod, hindi nakakapag ayos ng sarili at laging stress sa buhay,” ang paliwanag ko habang natatawa.
“Well, iyan ang buhay na pinapangarap ng lahat ng mga BL fans, makatagpo ng lalaking magmamahal sa kanila, magpapakasal, titira sa isang bahay kasama ang kanilang baby. At mamumuhay sila ng masaya na parang isang fairy tale eme ang datingan,” ang hirit ni Dante.
“Sa mga BL movies masaya yung ganitong senaryo, pero sa reality? Parang hindi naman ganoon ka exciting pero syempre gagawin ko ang lahat dahil responsibilidad ko si Raul bilang asawa at bilang magulang ng aming anak,” ang sagot ko naman.
“At least, naka settle down ka na at secure na yung samahan niyo ni Raul. Mayroon pa kayong sariling bahay at mayroon kayong anak. Hindi ko alam kung anong balak ni Shan Dave sa buhay niya. Parang hindi itong nagseseryoso at parang ginagawa niyang biro ang lahat. Saka, nandito pa rin sa dibdib ko yung trauma sa ginawa niyang kalokohan noong nagkaroon siya ng amnesia. Pakiwari ko tuloy kapag wala ako sa tabi niya ay parang may ginagawa siyang kalokohan,” ang paliwanag ni Julian.
“Iyan, tama yan, mainam yang magkaroon tayo ng open forum tungkol sa mga problema niyo para mabawasan ang stress na dinadala niyo. Ang hirap maging alyas misis no? Ang hirap magdala ng relasyon lalo na kapag ang asawa o jowa ay mga abnormal,” ang hirit ni Dante habang natatawa.
Napabuntong hininga ako, “kung sa akin gawin ni Raul ang bagay na iyan, walang sabi sabi ay iiwanan ko siya. Subukan niya akong lokohin, makikita niya ang galit ko!”
“Pero ang good thing kay Shan Dave ay mayroon siyang goal at hindi nagpapabaya sa career niya. Soon, pag uusapan na rin namin ang bumuo ng sariling pamilya. Sana lang ay maging maayos ang takbo ng lahat para sa aming dalawa. Mature na si Shan Dave ngayon ay totally mukha na siyang amerikano na malaki ang katawan. Kaya nga iniiwasan ko makipag away ng todo sa kanya dahil baka buntalin ako at ma-auto K.O na lang,” tugon ni Julian sabay pakita sa picture ni Shan na naka-save sa kanyang phone.
“Ngiii, eh mukhang kapag dinagukan ka niyan ay bubulagta ka agad ah, parang sobrang daks naman iyang si papa Shan Dave! Buti kinakaya mo pa? Mukhang kapag nakipagbakabakan sayo to sa kama e di kana makakalakad kinabukasan!” ang hirit ni Dante.
Tawanan kami..
“Mabilis naman kasing mag matured ang mga amerikano kaysa sa mga asian. Saka matanda na rin ang mga alyas, lahat sila ay matured na at iba na rin ang goal nila sa buhay. Parang kailan lang noong magkakasama pa silang nakatambay doon sa compound para gumawa ng kalokohan. Kaso mukhang malabo na silang makompleto at makabalik doon ng sama-sama, dahil next month ay aalis na rin sina Gomer at Enerst,” ang tugon ko naman.
“Iba iba na rin kasi ang focus nila ngayon. Pero yung friendship ay hinding hindi mawawala. Para tayo diba? Kahit magkakalayo ay nag uusap-usap pa rin naman. Teka, mabuti at hindi kinukuha ni Raul ang authority dyan sa bahay niyo? Mabuti at hindi niya sinasabing “anak ko si Dalton, AKO ang dapat masunod sa bahay na to!! Ako lang!” Hindi pa naman siya umaabot sa ganitong level diba?“ ang hirit ni Dante.
“Hindi pa naman, kahit papaano ay sumusunod pa naman siya sa akin,” ang sagot ko habang nakangiti.
“Si Aldrin ang medyo hirap dahil si Johan Escaler ang authority sa bahay nila at kahit ngayong nasa ibang bansa sila pareho ay ito pa rin daw ang laging nasusunod. Mukhang dinadala ni Johan ang leadership ng pagiging politician niya hanggang sa relasyon nila,” dagdag ni Julian.
“Hindi ko papayagan si Raul na gawin sa akin iyan! Iyan ang mga bagay na hindi mangyayari,” ang mariin kong salita.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pagdating ni Jomar. “Sorry late ako, may inayos pa kasi ako doon sa kabilang bayan. Kanina pa ba kayo?” tanong nito sabay lapag ng mga dalang puto at kakanin sa lamesa.
“Oo, lagi ka na lang late. Ikaw talaga ang literal na under kay Bogs e. Kaya nga pinapayuhan namin itong si Greg na huwag siyang mapapa under sa asawa niyang si Raul. At least diba siya man lang ay maitaas ang bandera niyong mga Alyas Misis na unti unting sinasakop ng mga asawa niyo dahil magaling silang mang romansa at makipagsex kaya huling huli nila ang mga kiliti niyo. Kaya ang ending kaunting kadyot lang bigay na bigay na kayo hanggang sila na ang maging batas,” ang wika ni Dante.
“At pinapayuhan ko rin kayo ngayon na huwag muna basta basta magpapatali at magp-planong magkaroon ng anak. Dahil sa huli ay kayo rin ang gagawin nilang ultimate housemaid,” ang hirit ko naman.
Tawanan kami.
THIRD PERSON POV
“At bakit naman magpapa under ka kay Greg? Pangit iyan pare! Tayo ang authority sa bahay, tayo ang dapat nasusunod!” ang wika ni Bogs sabay lagok ng alak. Kung may open forum sina Greg sa coffee shop ay mayroon rin sina Raul, Bogs at Shan Dave sa bar.
“Tama pare, alalahanin mong kapag kinakantot natin sila ay lagi sila sa ilalim, mapa dog style man yan o missionary position. Ganyan din sa relasyon, tayo dapat ang nasa itaas at tayo ang Top Management! Tayo ang boss na dapat masunod!” ang pagsulsol naman ni Shan.
“Nice, very nice! Mukhang marami kang natutunang kalokohan sa America ah,” hirit ni Raul sa kaibigan. “Sa bahay, si Greg talaga ang pala-desisyon. Taga sang-ayon lang ako pero kadalasan ang mga magulang namin ang parating nasusunod. Sila talaga yung ultimate paki-alamero.”
“Eh pare kaya nga kayo bumukod diba? Rules mo dapat ang susundin nila dahil bahay mo iyon. Edi sana di na lang kayo umalis at bumukod ng tirihan kung sila lang din pala ang dapat masunod. Iyang si Greg, kayang kaya mong pasunurin yan takutin mo lang na hindi mo siya roromansahin titiklop iyan e,” ang tatawang hirit ni Bogs. Todo gatong at sulsol sila kay Raul noong mga sandaling iyon.
Hawak nila ng mga bote ng alak.
“Cheers!”
“Ingatan niyo yang mga t-shirt na pasalubong ko sa inyo, mahal iyan,” ang hirit ni Shan Dave.
“Oo naman pare, salamat ng marami sa pasalubong. Akala nga namin next year pa kayo babalik. Kailan niyo ba balak magkaroon ng anak ni Julian?” tanong ni Raul.
“Malabo pa. Sobrang praning ito at parati akong pinagdududahan. Ang totoo wala naman akong maalala na nagtaksil ako sa kanya noong may amnesia ako. Kayo naalala niyo ba iyon?” tanong ni Shan Dave.
Tumango ang dalawa, “Oo, pero hindi naman ikaw iyon at wala ka naman sa wastong pag iisip non,” ang hirit ni Bogs.
“Naku, pareho lang kayo may record ng pagtataksil. Eh ako? Wala diba, napakalinis, napaka loyal at walang bahid ng mantsa ang pagkatao. Kaya iyang si Greg, napaka swerte sa akin niyan dahil one of a kind ako,” ang pagyayabang ni Raul.
“Oh edi ikaw na si Mister Clean! Hindi ka natukso kay Sabmarin?” ang tanong ni Bogs.
“Natukso naman, sa laki sa suso at tambok ng pekpek niya, sinong lalaki ang di lilingon diba? Kaso loka-loka yung babaeng iyon. Si Greg pala ang type niya at hindi ako,” ang sagot ni Raul.
“Paano kung somewhere down the road ay mag cross ang landas niyo ni Sab? Siya ang legit na nanay ni Dalton at parang kayong dalawang legit na parents. Parang lugi naman yata si Greg nun,” ang wika ni Bogs.
“Ayokong isipin ang bagay na iyan. Basta may deal kami ni Sab at hindi siya pwedeng magpakilala o lumapit sa bata. Malaking halaga ang binayad namin sa kanya kaya huwag siyang gagawa ng bagay na makakasira sa bagay na sinumpaan niya,” ang seryosong sagot ni Raul sabay tungga sa alak.
“Fine, ayoko na magbigay ng worst senaryo,” ang hirit Bogs.
“Cheers!”
Part 4
Part 4
GREG POV
TV: Nagbabalik tayo ngayon sa confession of a hot male season 2! Kasama pa rin natin si Henry Diaz na isang sales agent ng mamahaling gluta at mga beauty products.
“Buti na lang mayroong kayong HKD channel, favorite ko talaga tong the confession of a hot male! Saka Greg thank you sa pag invite sa amin ni Julian dito sa bonggang house niyo ha,” ang wika ni Dante habang kumakain ng pop corn.
“Kadalasan kasi kami lang ni Dalton dito kaya medyo nakakainip talaga. Saka 6pm pa umuuwi si Raul galing sa work,” ang tugon ko naman at nakipanood na rin ako sa TV.
TV: Nakakabenta ako ng halos nasa 72 thousand worth of products every month. Pero syempre minsan kinakailangan ng magic. What I mean to say is.. yung ano.. yung kaunting himas at kung minsan ang o-offer din ako ng sex sa mga clients ko. Doon ako kumikita at bumebenta ng malaki para maka survive sa araw araw. Iyang ang confession ko at iyan ang totoo sa aming mga sales agents. Gagawin namin ang lahat para kumita ng malaki.
“Naku, ganyan talaga yan! Lahat ng mga lalaking gwapo ay nagbebenta ng laman para makabenta ng mga products! Legit iyan na ginagamit nila yung utak, katawan at talino nila! Nakuu!! Talaga!! Pero I love it!!” ang hirit ni Dante sabay sumpak ng pop corn sa bibig.
“G na g si Dante diba? Ganyan talaga yung mga favorite TV series niya. Mga reality shows, confessions at kung ano ano pa,” ang wika naman ni Julian habang nilalaro si Dalton sa kuna niya. “Ang gwapo gwapo ng baby niyo, kamukhang kamukha ni Raul.”
“Eh syempre anak lang naman ni Raul iyan. Umaasa pa ba ako na magiging kamukha ko yung baby namin? Pwera na lang kung totoo yung old theory na kapag laging magkasama ay nagiging magkamukha,” ang tugon ko naman.
“Parang di naman totoo iyan, kami nga ni Julian laging magkasama pero di naman kami nagiging magkamukha,” ang hirit ni Dante. “Ayy, ang laki namang aso ni Raul, yan na ba si Badtrip?”
“Oo, iyan si Badtrip, ang literal na badtrip ng buhay ko,” ang sagot ko naman dahilan para tahulan ako nito at lundagin sa sofa.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag busina ng sasakyan sa gate. Kaya naman napatingin ako sa orasan. “Alas 4 pa lang ah, ang aga naman yata ni Raul?” tanong ko sa aking sarili at mabilis kong binuksan ang gate. Dito ay hindi lang kotse ni Raul ang pumasok dahil may kasunod pa ito. Pati kotse ni papa ay dumating din at pati si Shan Dave na naka motor at angkas si Bogs. Ang ingay nilang dalawa na parang mga gangster na pumasok sa bakuran namin.
“Eh bakit? Ano bang mayroon? May raid ba dito sa bahay niyo?” ang tanong ni Dante noong lumabas ito ng balkunahe.
Maya maya ay lumapit naman sa akin si Raul at humalik sa aking pisngi. “Ano to? Bakit nandito sila papa saka mga kawork niyo? Saka yung kaibigan mong si Patrick at Squidward? (Shan at Bogs), Ano bang mayroon Mr. Robles?” ang tanong ko naman.
Lumapit naman sa akin si papa, “Anak, pasensiya na sa istorbo pero dito namin naisipang mag celebrate. Sobrang successful kasi ng Top Speed ngayon at binigyan ko na rin ng malaking bonus at komisyon si Raul dahil excellent performance niya,” ang masayang wika ni papa sabay kambat sa kanyang mga tauhan at dito ipinasok nila ang lechon, mga bilaong pulutan at mga case ng alak.
“At tamang tama nandito kayong dalawa, maging muchacha muna kayo ngayon. Kilos na bilis! Babagal bagal!” ang wika ni Raul noong makita sina Julian at Dante.
“Wow ha,” ang reaksyon ni Dante.
“Eh bakit pa nandito ka? Akala ko nandoon ka sa opisina?” tanong ni Julian kay Shan Dave.
“Baby, kailangan mag relax once in a while saka success ni pareng Raul ito. Ngayon na nga lang kami nagkabonding diba? Hindi ka ba naaawa sa amin? Kulang na nga kami tapos hindi mo pa ako papayagan makasama yung mga kaibigan ko. Bakit ganyan ka? Ganyan ka ba kasama? Parang hindi sila naging parte ng buhay mo,” ang sagot ni Shan sa kanya.
“Hala, wala naman akong sinabi diba? Pwede wag kang masyadong OA? Pumapayag naman akong uminom ka at maki celebrate basta wag kang magpapakalasing at huwag susuka sa bahay mamaya,” ang sagot ni Julian.
“Salamat baby ko, sige na pagsilbihan mo na kami,” ang hirit nito habang nakangiti kaya naman kinatukan siya ng kapareha.
“Yan, so naging taga silbi tayo ngayon? Yung tahimik na buhay natin habang nanonood ng hot male confession ay biglang nabago sa pagdating ng mga may sayad niyong asawa, hay nakuu!” ang reklamo ni Dante sabay kuha ng tube ice at inilagay ito sa bucket. Inayos naman namin ni Julian ang mga pulutan at inilagay ito sa plato. Kami pa ang naghiwa at nagtadtad ng lechon sa kusina, syempre tuloy kain na rin kami dito.
At iyon ang set up, nag inuman sina papa sa bakuran. Harap harap sila sa isang long table habang tumutugtog ang speaker na may masiglang music. Ako naman ay nag seserve ng mga pulutan at taga kuha ng kung ano anong irequest nila. “Cheers para sa success ng Top Speed ngayong buwan! Tayo ang may pinaka mataas na sale!” ang wika ni papa sabay taas ng kanyang bote.
“Congratulations pa,” ang wika ko sabay lagay ng pitsel na may lamang iced tea sa table nila.
“Salamat hijo, pero dapat ang kino-congratulate mo ay si Raul, dahil siya ang nakapagbenta ng 16 na four wheel cars, 38 motorcycles at 12 na second hand cars. Iba talaga ang husay sa sales talk at marketing nito. Kaya deserve na deserve niya ang malaking komisyon at bonus! Sabihin na nating milyonaryo ang asawa mo ngayon,” ang wika ni papa.
Palakpakan sila..
Nakangisi lang si Raul at proud na proud sa kanyang sarili. Uminom pa ito ng alak at saka sumubo ng pulutan.
“Paano ba iyan, mas malaking kumita si pareng Raul kaysa kay Greg, ang ibig sabihin ba nito ay siya na ang dapat masunod sa bahay na ito?” ang hirit ng mga kaibigan niya.
“Huwag nga kayong ganyan, ako naman talaga ang nasusunod sa bahay na ito. Parang si papa, siya ang authority sa bahay nila at walang magagawa ang lahat sa desisyon niya,” ang sagot ni Raul. Hindi naman ako kumibo at ipinagpatuloy ko lang ang pagseserve sa kanila.
THIRD PERSON POV
“Naku, 16 four wheels? 38 na motor ang naibenta ni Raul sa isang buwan? Baka naman gumagamit ng forbidden technique iyang asawa mo ha,” ang dudang wika ni Dante.
“Kapapanood mo iyan ng male confession kaya ganyan na rin ang iniisip mo,” ang sagot ni Julian sa kanya.
“Baka naman talagang maakarisma lang si Raul at mabulaklak ang dila nito kung minsan, bolero at medyo palabiro,” ang sagot naman ni Greg.
“Medyo palabiro at ang pakilala ay single siya na ready to mingle with free drive test na siya ang angkas?” ang hirit ni Dante.
“Hindi naman gagawin ni Raul iyon, saka lagi nga niyang suot ang wedding ring namin,” ang pagtatanggol ni Greg habang natatawa. Kinuha niya ang jacket ng asawa at nalaglag sa sahig ang wedding ring nito.
Lahat sila ay natingin sa sahig kung saan nahulog at gumulong ang singsing..
“Naku! Yan ang gawain ni Ram! Naghuhubad siya ng singsing para maakit niya si Anne Curtis at yung mga clients niya sa pelikulang No Other Woman! Greg ha, minsan legit din yung male confession na mayroong mga sale agent na gumagamit ng karisma at katawan para makabenta. Kotse at motor? Ang hirap makabenta nito ha,” ang babala ni Dante.
“Heh, wag mo ngang sulsulan ng kung ano ano si Greg dyan, basta ang akin lang ay medyo na offend ako sa sinasabi nung isang kaibigan nila na mas malaki ang kita ni Raul kaysa kay Greg. At kung sino ang mas malaki ang inaakyat na pera sa bahay ay siya dapat ang maging authority. Parang di naman yata tama iyon, diba?” ang wika ni Julian na may halong pagkainis.
Natahimik si Greg habang hawak ang singsing ni Raul, inamoy amoy din niya ang jacket ng asawa at mayroon itong kakaibang amoy na hindi galing sa pabango ng kapareha. Gayon pa man ay ikinalma niya ang sarili, “35k lang ang sahod ko sa online job monthly, mas malaki ang sahod ni Raul lalo’t may mga komisyon pa siya. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay siya na ang magiging hari dito sa bahay at hindi na siya makikinig sa akin.”
“Wag kang papayag na ganoon ang mangyayari. Itayo mo ang bandera ng mga alyas misis!” ang hirit ni Dante.
“Yelo please! Hon saka pakuha ng pulutan,” ang utos ni Raul sa labas.
“Penge naman kaming kape!” ang hirit naman ni Shan Dave sa bintana.
“Ako rin, dagdagan niyo ng coffee mate,” ang dagdag pa ni Bogart.
“Hon, paki check na rin yung banyo natin, baka madumi nakakahiya sa mga makikigamit,” ang dagdag din ni Raul.
Napalingon si Greg sa mga kaibigan, “mabuti na lang dahil nandito kayo ngayon. Imagine kung ako lang mag isa dito ay baka naisiraan na ako ng bait sa kakautos ng mga iyan.”
“Mahirap din pala ang malagay sa tahimik. Hindi naman literal na tahimik ang buhay diba?” wika ni Dante habang nagtitimpla ng kape.
“Sinabi mo pa, ang buhay ko ay paulit ulit lang. Para akong kumikilos sa isang looping na program. Naisip ko nga yung mga panahon na magkasintahan pa lang kami ni Raul dahil malaya kong nagagawa ang lahat ng gusto ko. Ngayon kahit pagpunta sa mall ay kailangan ko pang magpaalam sa kanya. At hindi lang iyon dahil literal na uusisain niya kung saan ang lakad ko kapag nakita niya akong nakagayak. Hindi rin ako pwedeng matulog at mahimbing ng todo dahil kailangan alerto ako sa pag iyak ni Dalton sa madaling araw. Marami na akong sakripisyo at kahit papaano ay namimiss ko rin yung dati kong buhay,” ang tugon ni Greg sabay bitiw ng malalim na buntong hinga.
“Ikaw best friend, gusto mo pa bang magkaanak kayo ni Shan Dave?” ang tanong ni Dante sa kaibigang si Julian.
“Mag kaanak? Nakup malabo iyan. Wala sa isip ni Shan ang ganyang bagay. Saka base sa nakikita ko kay Greg ay parang ayoko na rin yata,” ang natatawang sagot nito.
“Kaya ako? Hindi ko pinangarap lumagay sa tahimik. Matapos ang break up namin ni Polly? Hindi na bale na lang, mas focus ko ngayon ang manalo sa Miss Cosmo at maging star ng pasko!” hirit ni Dante sabay halo ng kape gamit ang kanyang daliri saka isinerve sa mga kasamahan ni Raul. “Forbidden technique! Mekus mekus!! Akala nila hindi ko nahahalata na sinasadya nila akong utos-utusan, pwes eto ang ganti ko sa kanila!! Because I believe ladies and gentle na “kaunting dugyot, sustansiya ang dulot!” And I.. Thank you!!“
Part 5
Part 5
GREG POV
Alas 9 ng gabi noong matapos ang inuman nila Raul at ng iba pa. Iniuwi ni Julian sina Shan Dave at Bogart dahil parehong may tama ang mga ito. Iniwanan na lang nila yung sakay na motor para makaiwas sa aksidente. Dahil sa sobrang dami ng kalat ay tinulungan lang ako ni ate Elena sa pagliligpit, kahit namamahinga na sila ng asawa doon sa bahay nila ay bumangon pa rin ito para maghugas ng mga pinggan sa kusina. Samantalang ako naman ay abala sa pagsisilid ang kalat sa garbage bag at sa pamumulot ng mga bote sa paligid.
“Fuck! Sinong gago ang umihi dito sa gilid ng gate?! Papanghi dito e! Yang mga kaibigan ni Raul parang mga aso!” ang sigaw ko sa aking sarili sabay kuha ng hose at pinaulanan ko ng tubig ang parteng mapanghe.
“Sir Greg,” pagtawag ng asawa ni ate Lena.
“Ako na po dyan, umiiyak po si Dalton sa loob. Saka ang umihi po dito ay si sir Raul din. Nakita ko po siya sa CCTV kanina,” ang wika nito kaya naman lalo akong nainis. Itinabi ko ang garbage bag at pumasok sa loob. Pagod na pagod ako at pakiramdam ko ay daig ko pa ang naging all around na serbidor at janitor sa isang kainan.
“Raul! Umiiyak yung bata, di mo ba naririnig?” ang pagtawag ko.
“Naliligo po si Sir Raul sa itaas,” ang wika naman ni ate Elena kaya ako na lang ang kumuha kay Dalton para palitan ito ng diaper at itimpla na rin ng gatas. “Shhh, huwag ka na umiyak, nandito na si papa,” ang bulong ko dito sabay buhat habang abala sa pagdede.
“Nakakapagod sir no? Ganyan talaga ang buhay may asawa. Kaya ang maipapayo ko lang ay habaan mo pa ang pasensiya mo. Ikaw ang magdadala ng relasyon kaya’t huwag kang susuko,” ang wika ni ate Elena habang nakangiti.
“Ginagawa ko ang best ko ate, at sana nakikita ni Raul lahat ng effort ko,” ang tugon ko naman sabay bitiw ng isang hilaw na ngiti.
Halos 10:30 na noong makapasok ako sa aming silid, nag shower pa kasi ako dahil kumapit na sa katawan ko ang sari saring amoy doon sa kusina. Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko si Raul na nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang abala sa pagpindot ng cellphone. Lumapit ako sa kanya at iniabot ang kanyang singsing. “Pakisuot,” ang utos ko.
Agad niya itong kinuha at inilagay sa kanyang daliri, “sorry hon, nagkutkot kasi ako ng makina kanina kaya hinubad ko muna itong singsing,” ang tugon ko niya.
“Pwede ka naman magbutingting ng makina ng sasakyan habang suot iyan. Pwera na lang kung ayaw mong malaman ng mga clients mo na married ka na dahil makakabawas ito sa appeal mo,” ang sagot ko naman.
“Minsan hinuhubad ko kapag kailangan. Pero nakita mo naman ang resulta, ang dami kong naibenta diba? Siguro dapat mag celebrate tayong dalawa,” ang masayang wika niya sabay abot sa akin ng sobre na naglalaman ng maraming pera. “Ibili mo ito ng gamit dito sa bahay, dagdagan mo yung mga groceries at supply natin. Yung kalahati ay idineposito ko sa bank para may magamit tayo incase of emergency.”
“Salamat,” ang simple kong sagot. Kinuha ko ang sobre at inilagay ito sa drawer.
Humiga si Raul sa kama, nag inat pa ito saka naghikab. “Nalasing si pareng Shan Dave at Bogs ah, mabuti at hindi ako masyadong uminom,” ang wika nito.
Humiga ako sa kanyang tabi, “sa susunod na may ganyang celebration at dito niyo naisipang ganapin, magtext ka sa akin ng mas maaga para makapaghanda tayo. Mabuti na lang at nandito sila Julian at Dante, may naging katulong ako kanina.”
“Kaya nga salamat sa inyo, lalo na sayo hon. Di mo ako pinahiya sa mga bisita ko. You’re the best!” ang malambing na wika nito sabay yakap sa akin.
“Wala iyon,” ang bulong ko habang nakayakap rin sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata bagamat parang may kung anong gumugulo sa aking isipan. Kung bakit naman kasi lahat ng sinabi ni Dante kanina tungkol sa pagloloko ng isang asawa ay parang accurate lahat sa ginagawa ni Raul. At inamin na rin niya sa akin na hinuhubad nga niya ang wedding namin “KUNG KINAKAILANGAN!” Lalo lang tuloy akong napraning sa kakaisip ng kung ano ano.
Alas dos ng madaling araw, naalimpungatan ako dahil sa lamig ang aming silid kaya hininaan ko ang aircon. Marahan ko ring binisita si Dalton na noon ay natutulog pa rin ng mahimbing.
Bago ako bumalik sa higaan ay nakita ko ang cellphone ni Raul sa kanyang tabi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para kunin ito at subukang buksan. Bigla lang akong nacurious kung sino ba ang kausap niya madalas, kung sino ang ka chat niya at kung ano ano pa.
Noong ienter ko ang password ng lock screen ng kanyang iphone 8plus ay mali ito, invalid ang code. Pinalitan ni Raul ang dating password na sinet namin na anniversary date ng wedding namin. Sinubukan ko ang birthday niya pero mali pa rin hanggang sa nagka-warning na ito. Dismayado, wala akong nagawa kundi ang ibalik ang cellphone sa kanyang tabi.
“Gago ka Raul, huwag ko lang malalaman na nagloloko sa akin dahil mapapatay kita. Kung sina Julian at Jomar ay pinatawad ang kalokohan nina Shan Dave at Bogs, pwes ako hindi! Makikita mo ang galit ko na hahalo sa balat ng tinalupan! Gago ka!” ang bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa mukha nito na mahimbing ang pagkakatulog.
Maya maya ay gumalaw ang kamay niya at kinapa kapa ako. Noong maramdamang wala ako sa kanyang tabi ay dumilat ito at saka bahagyang bumangon. Agad naman akong bumalik sa aking pwesto. “Sorry, nag CR lang ako,” ang bulong ko sa kanya.
Hindi naman siya kumibo, hinila ako palapit sa kanya at saka niyakap ng mahigpit. Muli siyang bumalik sa pagtulog habang nakakulong ako sa kanyang bilugang braso. “I love you,” ang bulong niya sa aking tainga.
“I love you,” ang mahina kong bulong sabay hinga ng malalim..
THIRD PERSON POV
Ang buhay ni Greg sa loob ng tahanan ay isang malaking looping o cycle na paulit ulit. Gigising siya ng alas 6 ng umaga at ipaghahanda ng pagkain ang asawa, ihahanda rin nya ang mga damit nito.
Pagkaalis ni Raul ay aasikasuhin naman niya si Dalton na noon ay kagigising pa lang. Bubuhatin niya ito, ililibot sa labas ng bahay at saka ilalagay sa kuna sa kanyang tabi dahil pagtapat ng 8:30am ay naka online duty siya sa work at pinipilit niyang pagsabayin ang trabaho at ang pag aalaga sa bata. Buti na lang at mayroon silang kasambahay na nagluluto at tumutulong sa kanila sa araw araw. After all, tama pa rin ang desisyon ni Greg na tanggapin ang alok ng kanyang ina dahil kung siya lang mag isa ang gagawa sa bahay ay baka bumigay na ang kanyang katawan sa pagod.
Isang malakas na iyak ang narinig ni Greg mula kay Dalton kaya naman agad niyang hinubad ang headphone at tumayo. Panandalian niyang iniwan ang trabaho sa online. “Nandyan na, huwag ka na umiyak baby,” ang wika nito sabay buhat sa bata.
Dahil naka duty na pa rin ay umupo siya sa harap ng computer kandong ito saka siya bumalik sa pagtatrabaho. “Okay ka lang ba sir Greg?” tanong ni Elena sabay lagay ng juice sa tabi ng binata.
Tumango si Greg at ngumiti, “kapag hindi ako nakikita ng bata na to laging umiiyak. 2 minutes ko pa lang siyang ibinababa sa kuna ay ngumangal-ngal na naman,” ang tugon ng binata.
Natawa ang kasambahay, “ganyan talaga ang mga bata, feeling safe sila kapag nandyan ang mga parents nila.”
Alas 2 ng hapon noong matapos ang trabaho ni Greg, nahiga muna siya sa kama at ipinikit ang kanyang mga mata. Nasa ganoong posisyon siya noong mag ring ang kanyang cellphone. Dito ay naka flash sa screen ang number ni Julian kaya naman agad niya itong sinagot.
“Bakit? Napatawag ka yata?” tanong ng binata.
“Eh, Gregy di ka ba nagbubukas ng messenger? Hindi mo nababasa yung chat ko?” tanong ng kaibigan.
“Hindi pa ako nag log in, may problema ba?” tanong ni Greg.
“Ah e, basta i-check mo na lang kaya yung message ko? Kaso huwag kang mag papanic ha, lalong huwag kang mag b-beast mode. Chill lang ha,” ang nag aalangang sagot ng kaibigan.
“Naku, Jul ha, kapag ito hindi maganda magpapanic talaga ako!” ang sagot ni Greg at niya binuksan ang messaging apps sa kanyang laptop.
Nakita niya ang mensahe ni Julian, noong buksan niya ito ay tumambad sa kanya ang mga larawan ni Raul kasama ang isang matabang lalaki na magkasama sa sentro ng siyudad.
May video pa ito na kuha sa malayo, binuksan ni Raul ang pintuan ng sasakyan at dito ay yumakap pa sa kanyang ang matabang lalaki saka humalik sa kanyang pisngi. Pumasok silang dalawa sa kotse saka ito umalis.
“Nakita mo na? Kanina kasi bumili ako ng ground beef sa suki naming meat shop dyan sa sentro. Di ko naman sinasadyang makita si Raul na kasama yung lalaking iyan. Noong una ang akala ko ay kawork lang pero nagtaka ako dahil laging nakalingkis ang kamay nung lalaki sa braso ng husband mo. Tapos galing pa sila sa kainan, then after that sumakay sila ulit ng kotse at umalis. Wala naman akong ideya mas mataba pa kay Dante yung tipo ng asawa mo,” ang wika ng kaibigan.
(Naubo si Dante habang umiinom ng kape, “putang ina sino kaya nakaalala sa akin?” ang reklamo nito.)
“Sorry friend ha, actually ayoko talaga ipadala sa iyo to kasi talagang magagalit si Shan Dave at sasabihin non na sinisiraan ko yung kaibigan niyang si Raul. Sana huwag mo na lang sabihin na sa akin galing yung video, sobrang concern lang talaga ako sa status niyo,” ang dagdag pa ni Julian.
Agad na tinawag ni Greg ang kasambahay at pinabantayan niya si Dalton. Mainit na mainit ang ulo nito na umalis sa bahay para puntahan si Raul sa Top Speed kung saan ito nag t-trabaho. Halos sumabog ang pinaghalong galit at pagkainis sa kanyang dibdib habang binabagtas ang daan patungo sa lugar na iyon sakay ang taxi.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating siya sa shop nila Raul, nakita niya ang asawa na may kausap na mga tao habang nag didiscuss ng sasakyan na ibinebenta nito. Naka ngiti ito habang may nakakapit na matabang lalaki na parang tuko sa kanyang braso. Yung lalaking ito ay yung lalaki rin sa video kanina. “Aba e parang linta, kanina pa sila magkasama ni Raul ah, bakit hanggang ngayon nandito pa rin iyan?! Greg, habaan mo ang pasensiya mo! Pigilan mo ang sarili mo na huwag makasakit ng isang butanding na pagala gala dito sa bilihan ng sasakyan!” ang galit na wika ng binata sa kanyang sarili.
Maya maya ay kumamay si Raul sa mga kausap at kitang kita ang saya nito. Mukhang close ang deal at naka benta na naman ang gago. Yumakap din sa kanya ang lalaki at humalik sa kanyang pisngi. Nasa ganoong posisyon sila noong makita nila si Greg na nakatayo sa isang sulok at nakatingin sa kanila.
Nagtaka naman si Raul at medyo nahiya sa nakita ng asawa, kung paano siya halikan ng ibang tao. Gayon pa man ay nagpaka cool ito at lumapit kay Greg pero ang matabang lalaki ay naka kapit pa rin sa kanyang braso. Pilit niya itong ini-aalis pero ayaw talagang bumitiw sa pagkakalingkis.
“Hon, anong ginawa mo dito?” ang tanong ni Raul sa asawa.
Maya maya ay lumakad sa harap niya ang lalaking mataba at nagwika nito. “Your wife, nice to finally meet you! Kukunin mo ba ito? Kasi kung hindi, ako na lang ang bibili,” ang hirit nito sabay hawak sa isang motor na pang karera.
“Ikaw na ang bumili tutal naman kamukha mo si Barney na nakasakay sa toy car,” ang sagot ni Greg. “Teka e sino ba ito?”
Napakamot ng ulo si Raul, “siya pala si Rolando De Jesus, isang major client. Yung mga kausap kong tao ay mga kasamahan niya sa company.”
“Rolando talaga? Ako si Rosie Rose, at ako lang naman ang nagdala ng maraming closed deal kay Raul ngayong araw na ito. At dahil dyan ay nakabenta siya agad ng anim na BMW 4 series sports car! Winner!! OMG sobrang winner talaga!” ang hirit nito sabay kuha ng chicharon sa bulsa ay kinagat ito.
Napangiwi si Greg, “wala ba kayong binebentang karo ng patay dito? Kasi may gusto lang akong patayin na isang butanding,” ang sagot nito pero agad siyang hinila ni Raul at dinala sa lobby.
Part 6
Part 6
GREG POV
“Hon, bakit naman nagpunta ka dito? Huwag mo naman takutin si Rosie,” ang wika ni Raul sa akin.
“Rosie? Eh mas mukha siyang Rafflesia sa laki niya. Ano tong video na to? Nasa work ka ba talaga o nakikipaglandian ka?” ang tanong ko sa kanya sabay pakita ng video, napansin ko rin ang kanyang daliri na walang suot na singsing.
“Para ito lang? Nagpunta ka na agad dito? Sino kasama ng anak natin dun? Don’t tell me iniwanan mo sa katulong yung bata?!” ang galit na paninita nito.
“Aba’t ikaw pa ang may ganang magalit? Ikaw na nga tong may kalokohang ginagawa! Saka yung singsing mo ay ibenta mo na lang kung hindi mo isusuot! At hindi lang basta katulong si Ate Elena dahil isa siya sa nag asikaso sa iyo noong mga panahon nakatira sa bahay ni mama! Wala kang utang na loob sa kanya!” ang singhal ko rin sabay labas sa lobby at mabilis akong pumara ng taxi pauwi.
Ilang beses akong tinatawagan ni Raul pero hindi ko na ito sinagot. 8 months pa lang kaming nakabukod ni Raul pero ganito na agad ang mga nangyayari. Parang gusto ko na tuloy bumalik kay mama dahil dati akong buhay prinsipe doon! Kaibihan ngayon na housemaid na nga ako ay nagagawa pa akong lokohin ng ganito! Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang kay Raul, ginawa ko naman ang best ko para suportahan at alagaan sila ng anak niya.
Wala akong idea na noong gabing iyon ay may continuation pa pala ang pagtatalo namin dahil pagdating nito sa bahay ay mainit agad ang ulo nito at hindi na rin siya kumain ng hapunan para maipakita sa akin kung gaano siya naaasar.
“Galit agad dahil guilty ka, may video na nga mag dedeny ka pa. Kung alam ko lang sana na isa kang chubby chaser edi sana nagpataba na lang din ako ng todo para hindi ka naghahanap ng ibang fetish!” ang wika ko sa kanya.
“Ano ba yang mga sinasabi mo? Kaibigan ko lang si Rosie at tinutulungan niya akong makabenta ng madaming sasakyan. Para sa atin din naman ito diba? Ang punto lang ng galit ko ay hindi ka dapat sumusugod sa opisina para doon mamahiya ng tao at huwag mong basta basta iiniiwanan yung bata dito sa bahay!”
“At isa lang din ang punto ko, ang opisina ay ginawa sa pag t-trabaho at hindi sa landian! At para sabihin ko sa iyo hindi ko pinapakialaman ang pera mo! Kahit yung binigay mo kagabi ay hindi ko naman ginalaw kaya kunin mo na iyon at isaksak mo sa baga mo. Saka ilang beses ko bang sinabi sa iyo na iniwanan ko si Dalton kay ate Elena at hindi siya ibang tao! Kung gusto mo edi kay Barney ka na tumira at doon ka na din umuwi!” ang singhal ko rin sa kanya sabay pasok sa aming silid.
Sumunod siya sa akin, “Yan, dyan ka magaling sa pagtalikod habang nag uusap tayong dalawa. Simula ngayon ay ako na ang masusunod dito sa bahay na ito! Sa ayaw at gusto mo ay RULES at PATAKARAN ko ang masusunod!” ang wika nito sabay lakad sa isang malaking pader na bakante at walang nakadislay. “Dito ko ididikit lahat ng RULES ko para hindi mo makalimutan. Kaya ngayong gabi na ito ay tinatapos ko na yung pag sunod sa iyo at sa mga patakaran mo. Bawal ang ganito, bawal ang ganoon, kapag naligo bawal ang nakakalat ang damit, bawal ipasok ang tsinelas sa banyo, bawal ang magdala ng pagkain sa kwarto dahil aamoy ito. Bawal ang body spray, bawal ang mag ahit ng bulbol at bigote sa sink! Ayoko na! Patakaran ko naman ang masusunod ngayon!”
“Bahala ka sa buhay mo. At sa susunod na gumawa ka ng kalokohan galingan mo naman para di ka nabubuko!”
“Wala akong ginagawang masama, professional ako at hindi kita niloloko. Bakit ba ganyan ang pagsasalita mo? Siguro sinusulsulan ka at ginagatungan ng mga kaibigan mong baliw kaya nakatatak na dyan sa isipan mo na parati kitang ginagago. Pwes, mali sila at mali iyang isiniisip mo!” ang mariin niyang salita sa harapan ko. Kumuha ito ng tuwalya at pumasok sa banyo para maligo.
Naiwan naman akong nakaupo sa kama habang napapabuntong hininga.
KINABUKASAN.
Pag gising ko ay bumalaga na agad sa akin ang isang band paper na nakadikit sa bakanteng pader. Dito nakalagay ang unang Rules ni Raul..
RULE #1: SUNDIN SI RAUL NG HIGIT SA LAHAT NG BAGAY.
“Aba’t sira ulo talaga!” ang bulong ko sa aking sarili.
“Nabigla ka ba? Yan ang unang rule! Sundin mo ang asawa mo ng lalo at higit sa lahat ng bagay,” ang hirit nito sa aking likuran.
“Ano to? Ten commandments? Tigilan mo nga ako!” ang sagot ko sa kanya. Lalapitan ko ang papel para punitin pero hinila niya ako sa buhok at hinila pabalik sa kanyang tabi.
“At anong gagawin mo?”
“Obvious ba? Edi sisirain ko na tong kabaliwan mo bago pa lumala!” ang sagot ko sa kanya.
“Kung sisirain mo iyan ay para mo na ring binaboy at niyurakan ang pagkakalaki ko. Para mo na rin akong nilapastangan at hindi ginalang bilang asawa mo! At isa pa ay nangako ka sa harapan ng Diyos at sa simbahan na susundin mo ako at ang lahat ng kagustuhan ko bilang kabiyak mo. Tapos ngayon ka pa mag rereklamo? Kung pupunitin mo iyan ay para mo na ring inalis ang pag galang mo sa akin bilang haligi ng bahay na to!” ang sagot niya habang nakatingin ng tuwid sa aking mga mata.
“Luh, umabot ka talaga sa ganyang lebel? Umabot ka sa salitang binababoy at niyuyurakan ko ang pagkalalaki mo? Fine! Bahala ka kung anong gusto mong gawin!”
“Fine ka rin! Susunod ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo. Bakit? Dahil sinabi ko at kapag sinabi ko ay iyon ang masusunod. This rules will last till the end of time! No power on Earth can change it!” ang hirit pa nito.
“Sino ka si Maleficent?! Tigilan mo nga ako Robles!”
“Ikaw ang tumigil, asawa lang kita!”
“Yeah right, You are absolutely right. ’Yon lang ang tingin mo sa akin, tagahanda ng isusuot mo, ng kakainin mo, taga-ayos sa bahay mo, tagasalo sa mga problema mo. I never been your partner. I am just your wife. Kaya hindi mo ako nirerespeto,” ang sagot ko sa kanya sabay alis sa kanyang harpan.
“Madrasta ka ba? Si Sharon ka? Kaya di umayos tong usapan natin e. Bumalik ka nga dito! Bahala ka hindi kita kakantutin mamayang gabi!” pananakot nito.
“Wala akong paki sa mga sinasabi mo!” ang sagot ko sa kanya.
“O siya, magluto ka na, tapos pakihanda na yung mga gamit ko at late na ako sa trabaho,” ang utos nito habang nakangisi.
Papalag sana ako pero itinuro niya ang bond paper ng rule number 1. “Remember ang unang rule, sundin si Raul ng higit sa lahat ng bagay.”
“At sinunod mo naman yung rule ni Raul?” tanong ni Dante sa akin noong dumaan ako sa coffee shop.
“Oo, ayoko na lang ng gusot at ayoko na lang yung magkagulo kami sa bahay. Baka naabsorb na ni Dalton yung negatibong energy ng pagtatalo naming dalawa. Okay lang sa akin yang mga rules niya basta huwag ko lang mapatunayan na nagloloko siya,” ang tugon ko naman.
“Ang complicated ng sitwasyon mo no? Pero ang maipapayo ko lang, ayusin mo kasi ang sarili mo at huwag mo itong pabayaan. Iyan ang hirap sa inyong mga legal partner nagpapaka komportable kayo na porket nasa inyo ang trono ay hindi na kayo maaaring mapalitan. Kailangan niyong tanggapin ang katotohanan na dumarating sa puntong nababawasan ang pagiging attractive ninyo sa mata ng mga partners niyo kapag nagpapabaya kayo ng husto,” ang wika ni Dante, isang real talk pero may punto naman talaga siya.
“Ganon ba talaga yun?”
“Yeah! Kaya nga yung ibang mga babae ay nalolosyang diba? Well on the other hand hindi naman iyon fault ni gurl dahil sa dami ba naman ng obligasyon niya, anak, gawaing bahay, trabaho. So in the end sa kabila ng sakripisyo niya ay papalitan pa rin siya.”
“Sa palagay mo ba mangyayari sa akin iyan?” tanong ko naman.
“Yung mga sinabi ko ay base lang naman sa common reality na kadalasang nangyayari sa buhay ng mag asawa. Hoping na lang tayo na walang mangyaring ganoon. Yung mga kwento ko naman ay babala lang sa mga bagay na posibleng maganap. Pero nasa sa iyo pa rin iyan, after all baka iba naman ang boys love sa relasyon ng mag asawang babae at lalaki diba?”
Ang relasyon namin nu Raul sa mga nagdaang taon ay nagdulot rin sa akin ng matinding kapraningan mula noong magdesisyon itong magkaroon ng anak. Yung baby maker namin na si Sabmarin ang labis kong pinagdududahan dahil sa takot ko na rin na sumama si Raul sa kanya. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mga kalokohan ng babaeng iyon na kahit sa pagtulog naming dalawa ay sumusulpot na parang kabute.
FLASH BACK
“Kumusta ang lakad niyo?” tanong ni Raul habang nagpupunas ng basang katawan.
“Okay naman, winasak lang ni Sabmarin ang confidence ni Dante dahil napaka intrimida niya kung mag-salita, walang pasintabi, walang filter at walang pinipiling kausap, basag kung basag sa kanya!” ang wika ko naman.
“Baka nagsasabi lang ng totoo yung tao,” tugon ni Raul.
“Yeah maaaring nagsasabi nga siya ng totoo pero sana ay alam niyang may mga katotohanan na hindi na dapat pang sinasabi ng harapan dahil maaaring makasakit ito. O kaya ay matuto man lang sana siyang mag sabi in a nice way. Gigil na gigil sa kanya si Dante, muntik na nga siyang sampalin ng cheese cake. At sinabi niya na si Sabmarin ang pinaka meanest creature na nakilala niya,” sagot ko naman.
“Baka naman sinabi niya yung katotohanan na si Dante ay isang matabang balyena.”
“Tingnan mo pati ikaw ay sobrang mean din, paano yung magiging baby? Combination ng ugali niyong dalawa?” tanong ko naman.
“Syempre nasa pagpapalaki naman natin iyon,” ang tugon niya sabay higa sa aking tabi. “Nasaan si Sab?”
“Nandoon sa guest room, matutulog na daw siya,” ang sagot ko naman. “Bakit mo tinatanong?”
“Wala, tulog na tayo,” ang wika niya sabay yakap sa akin.
Nasa ganoong posisyon kami noong biglang may gumagalaw sa ilalim ng aming kumot na para si The Grudge!
Maya maya ay “waaaaaa!!” ang sigaw nito!
Bumula sa aming gitna si Sabmarin dahilan para matakot kami ni Raul ay mapabalikwas ng tayo sa kama!
Gulat na gulat na kaming dalawa!
“Tangina!! Ano bang ginagawa mo! Bakit nandito ka?” sigaw ko.
“Eh natatakot ako sa kwarto ko kasi baka may multo kaya nagdecide ako na dito na lang matulog ngayong gabi,” ang wika nito.
“Papatayin mo kami sa takot, bakit kailangan mo pang gawin iyon? May sakit ako sa puso ay baka inatake na ako dito!” ang singhal ko.
“Sorry naman, akala ko kasi mas exciting iyon.”
“Mas nakakainis iyon!” sagot ko naman.
“Hon, hayaan mo na. Dito ka nalang sa kama matulog, mag lalatag nalang ako dito sa sahig,” ang wika ni Raul.
“Naku wag na, doon na lang ako sa sofa, malaki naman iyon at mukhang komportable ako. Dito na kayo sa kama, baka sabihin ni Greg ay masyado akong intruder!” ang wika ni Sab sabay kuha sa kumot niya at saka humiga sa sofa.
Gigil na gigil ako, tinabihan ni Raul, “sabihan mo nga iyang babae na iyan, privacy natin ito,” ang bulong ko.
“Hon, pag pasensiyahan mo na, buntis yung tao, baka pinaglilihan ka kaya ikaw lagi yung gusto makita, hayaan mo na siya okay?” ang seryosong bulong ni Raul sabay aya sa akin mahiga.
“Hindi ko magawang kumalma dahil naiinis ako sa kanya! Bukas na bukas rin ay hahanap ako ng bagong nurse na magbabantay sa kanya,” ang bulong ko.
“O sige, basta hayaan mo na lang siya ngayong gabi,” sagot ni Raul sabay halik at yakap sa akin.
END OF FLASH BACK (Mababasa sa Alyas Kanto Boy 2: The Reunion)
Pag uwi sa bahay ay napulot ko ang nakakalat na singsing ni Raul sa banyo kaya naman itinago ko na lang ito. Imagine, yung simbolo ng kasal at pag iisang dibdib naming dalawa ay inaalis niya at hindi man lang iniingatan. Ano bang iniisip niya? Nagsasawa ba siya sa akin dahil matagal na rin kaming magkasama? Totoo ba yung kasabihan na “too much togetherness” ay nag l-lead sa paghihiwalay at sa pagkasawa? Kaya ngayon ay nag eenjoy siya sa iba?
KINAGABIHAN.
“Hon, nakita mo ba yung singsing ko?” tanong ni Raul sa akin.
“Hindi e, bakit? Nawawala ba?” tanong ko sa kanya, bagamat nasa akin ito at itinago ko lang.
“Hindi naman, baka maiwan ko lang sa opisina o nasa bag lang.”
Hindi na lang ako kumibo, ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis sa kusina bagamat noong mga sandaling iyon ay parang gusto ko na naman siyang awayin o pagsabihan. Kaso nga lang ay nagsasawa na rin ako. Para na lamang kaming sirang plaka, paulit ulit na lang at halos wala rin namang nagiging direksyon ang aming pag uusap. Ayoko namang sanayin ang sarili ko na gabi gabing nakikipagtalo sa kanya dahil baka lalo lamang itong magloko.
Pero ganoon siguro talaga..
Lahat ay nagbabago..
At yung matagal na pinagsamahan namin ay nag f-fade na rin..
“Lahat ng naiutos mo sa akin ay nagawa ko na. Mayroon ka bang ipapagawa?” tanong ko sa kanya.
“Wala naman, salamat,” ang sagot niya habang pumipindot ng cellphone.
Tumango ako at umakyat sa aming silid para makaiwas na rin..
Kumuha ako ng gamit at pumasok sa banyo. Pinuno ko ang bath tub at naglagay ng scented body soap sa tubig. Umakyat ako dito at nahiga. Ipinahinga ko ang aking isipan habang nakapikit ang aking mga mata. Sa ganitong pagkakataon ay dito lang talaga ako nakakahanap ng kapayapaan.
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay siya namang pagpasok ni Raul sa pintuan ng banyo nakahubo’t hubad ito at medyo matigas pa ang pagkalalaki. Nakapikit ako pero dumidilat ako ng paunti unti para makita siya. Pumipito pa ito, itinapat ang titi sa bowl at saka umihi parang gripo.
Pagkatapos umihi ay lumakad siya at humarap sa akin saka dinikit dikit ang alaga sa pisngi ko, ramdam ko ang init nito na parang nakaka kiliti sa balat. “Gising baby, hihi,” ang pang aasar ni Raul habang nakangising aso. Sinasadya niya talaga na guluhin ako.
Dumilat ako, “Ano na nanaman? Hindi ba ako pwedeng magrelax? Kailangan ba talaga lagi kang papasok sa eksena?” tanong ko sa kanya.
“Init ng ulo nito, paki hiluran nga ang likod ko,” ang wika niya.
“Eh bakit?” tanong ko
“Anong bakit? Asawa kita at tungkulin mong hiluran ang likod ko. Ang rule number one, remember!!” ang nakangising asong sagot nito.
“Bakit di ka magpahilod dun sa kabit mong butanding na si Rosie Rose!”
“Luh, nag seselos ka dun? Ka cheap mo naman! Pinagseselosan mo yung wala pa sa kalingkingan ng gandang lalaki mo. Saka ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? Sa aming magkakaibigan ako ang pinaka malinis, ako ang pinaka matapat at ako ang pinaka loyal.”
“Wow, at kailan ka pa naging santo?” ang sagot ko naman habang hinihiluran ang kanyang likuran.
“Simula noong makilala kita,” ang sagot niya habang nakangiti.
Part 7
PAY TO READ
Ang Alyas Kanto Boy ay may total na 37 Episodes at nahati ito sa tatlong chapters.
Chapter 1: The House Husband
- Tungkol sa buhay mag-asawa nila Greg at Raul, dito iikot ang mga challenges katulad ng pagkakaroon ng 3rd party, selosan at problema sa career . Nalolosyang na nga ba si Greg?
Chapter 2: The Perfect Family
- dito ay magbabalik ang isang tao sa kanilang nakaraan ngunit sa pagkakataong ito ay mayroon itong bitbit na problema.
Chapter 3: The New Alyas
- kung saan makikilala ang bagong Alyas ng compound. Ngunit mayroon daw itong “kakaibang sikreto” dahil nagiging “DIVA” ito kapag nalalasing ng husto.
FULL VERSION PRICE: 300PH
MODE OF PAYMENT: Via G-cash
PM IS THE KEY!
ALSO AVAILABLE!
Ang kinabaliwang vampire bxb series ng mga Little Angels!!
6 COMPLETED VOLUMES!

