loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Alyas Mamaw

Alyas Mamaw

Ai Tenshi · 7 chapters · 9,131 words

Prologue

“Oo nga pala, prinsipe ka kaya lahat ay nakukuha mo! Pero paano naman ako? Iyon lang yung tanging bagay na mayroon ako tapos itatapon mo pa? Kung para sa iyo ay wala itong halaga ay wala akong magagawa,” ang singhal sa akin ni Jordan, nangigilid ang luha sa kanyang mga mata pero pinipigilan niya ito.

Hindi ako nakakibo, parang binusalan ang aking bibig, parang hinampas ng matigas na bagay ang aking ulo. “Fuck, bakit ba kasi nagawa ko pa to? Archie, sira ulo ka talaga,” ang bulong ko sa aking sarili.

Tahimik.

“Siguro wag na tayo magkita, mas makakabuti ito sa ating dalawa. At kung anuman yung mayroon tayo ay kalimutan mo na iyon,” ang dagdag pa niya, pinulot niya ang regalong nakakalat sa lupa at saka umalis sa aking harapan.

Sinira ko yung magandang relasyon naming dalawa. Pero anong magagawa ko? Nagseselos ako at masama ang loob ko sa mga nangyayari. Bakit ba kasi pumayag pa akong sumama sa kanya dito sa probinsya? Mainam pang umuwi na lang ako sa amin at least doon ay hindi ako na masasaktan pa. Ngayon ay naniniwala na talaga ako na ang mga patakas na lakad ay laging minamalas!

Hindi ko na nilingon pa si Jordan, humarap ako sa ibang direksyon at saka lumakad na mag isa. Pagdating sa kanilang bahay ay agad kong isinilid ang mga gamit ko sa knapsack at saka ako mabilis na lumabas. “Hijo, aalis ka na ba? Alam ba ni Jordan na iyan?” ang tanong ng kanyang ina habang abala sa pagluluto ng sinaing sa kalan na de uling.

“O-opo inay, mayroon po akong mahalagang bagay na aayusin sa siyudad. Mag iingat po kayo dito at dadalaw na lamang ako sa ibang pagkakataon,” ang tugon ko habang nakangiti bagamat gumuguhit ang lungkot sa aking dibdib.

Noong hapon na iyon ay umalis ako at iniwan ko ang lahat ng magagandang pinagsamahan namin ng taong una kong minahal. Kung sabagay wala naman kasing ibang gamot sa katangahan kundi ang pagkukusa. Masakit pero makakasanayan ko rin siguro na wala siya sa aking tabi.

Si Jordan Ando, ang taong halimaw daw kung magmahal pero halimaw din kung manakit. Tama lang na tawagin siyang “Alyas Mamaw.”

Part 1

Part 1

ARCHIE POV

“CONGRATULATIONS

Mr. Archie Dominic Arceo for winning Eat Bulaga Mr. Pogi 1999 2nd Runner Up. We are so proud of you!“

Ito ang malaking banner na nakasabit sa gate ng campus namin isang araw matapos ang contest na sinalihan ko. Sandali ko lang itong pinagmasdan bago ako nagpasyang lumakad papasok. Dito ay agad akong sinalubong ng bestfriend kong si Kiel nakangiti ito at proud na proud, “Til now may hangover pa rin ako sa pageant na nilabanan mo kahapon. Minalat tuloy ako kaka-cheer at kakasigaw. So true, lawit tinggil, laslas pulso yung level ng energy ko diba? Hay ikaw na talaga ang pinaka perfect na taong nakilala ko. Gwapo, 5’9 ang taas, matalino, makinis, maganda ang katawan at super yaman pa. Ano pa ba ang kulang?” ang hirit nito.

“Tulog, kulang ako sa tulog,” ang tugon ko sa kanya.

“Hay, mag sisilent ka kasi ng cellphone. For sure marami na naman ang makikipag textmate sa iyo at sasabog na naman ang inbox ng cellphone mo sa mga secret admirers.”

“Plano ko na nga magpalit ng simcard kaso hindi naman ganoon kadali. Ayoko na ring replyan yung mga number na hindi ko naman kilala dahil sayang ang effort. Nagtataka nga si mama kung bakit ang laki ng bills ng number ko.”

“Iwasan mo na kasi yung makipag telebabad, mahal ang call kaya mag text ka na lang. Saka para saan pa tong magandang unit ng cp natin kung hindi natin ieexplore ang lahat ng features? Imagine next year pa ang labas nitong Nokia 8210 pero mayroon na tayo agad. Thanks talaga sa dad mo na may access sa cellphone company sa Finland. Kaya nga naloka loka yung mga classmates natin dahil Nokia 5110 at 3210 pa rin ang meron sila,” ang sagot ni Kiel sabay hila sa akin patungo sa department.

“Bakit ba nag aapura ka?” tanong ko sa kanya.

“Dahil late na tayo, hindi ko pa naman bet yung prof sa unang subject natin. Masyado siyang maganda at masakit talaga sa mata,” ang hirit nito.

Tawagin niyo na lang ako sa pangalang Archie, 20 years old at isang 4th year college student sa kursong Accountancy. May maayos na pangangatawan at galing sa isang maayos na pamilya, ang ibig kong sabihin ay nabibilang kami sa “elite” o “upper class” dahil na rin sa parehong galing sa mayamang angkan yung parents ko. Nag aaral ako sa isang private school dito sa siyudad at dito ko nakilala ang best friend ko na si Kiel Mendrez.

“Kiki po,” ang hirit nito.

“Okay fine, dito ko nakilala ang best friend kong Kiki, simula first year college ay kami na ang magkasama at parati niya akong sinusuportahan sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko kaya naman thankful na nandito siya lagi sa aking tabi.”

“Sa aking tabi na parang sina Sailormoon at Sailor Mercury. Sige na friend idagdag mo na dyan,” ang hirit nito habang abaala ko sa susulat biography para sa sasalihan kong club.

“Ayoko nga, baka isipin nung founder hindi tayo seryoso dito sa Judo Club,” ang tugon ko.

“What?! Hala e bakit Judo Club? Alam ba ng mama mo sasali ka dito? Eh bakit Judo Club? Akala ko ba nag usap na tayong dalawa na dito tayo sasali sa flower arrangement dahil gusto natin magtayo ng flower shop? Saka eto yung gusto ng mama mo, bakit susuwayin mo siya?!” ang nagpapanic na tanong nito.

“Wala naman lalaking sumasali doon, gusto mo ikaw na lang mag isa. Gusto ko dito para matuto ako ng self defense,” ang sagot ko naman.

“Naku isusumbong kita sa mama mo, tingnan ko lang kung anong sasabihin niya kapag nalaman niya na isang bayolenteng club ka sumali. Kung kailan tayo nag fourth year saka ka aawra dito sa hagisan at sapakan ng mukha? OMG ka Archie!!” ang gigil na wika nito sabay labas ng kanyang cellphone saka itinext si mama pero wala naman akong paki doon.

“Wag ka na nga magsumbong dyan,” ang pag agaw ko sa cellphone niya.

“Sa flower eme tayo sasali! Magtutusok tusok lang tayo ng bulaklak sa foam! Madali lang yon kesa sa bagay na gusto mong mangyari. Saka nandoon yung mga friends natin sa upper upper. Maganda ang facilities doon at di tayo papawisan dahil super aircon. Kesa naman dito amoy pawis ng barakong di naliligo. Ano ka ba naman Archie bakit ginagawa mo lahat ng ayaw ng mama mo? Nagrerebelde ka ba sa kanya?”

“Huwag ka ngang OA, nandito na pala yung mga member ng Judo Club,” ang wika ko naman at dito ay dumating lahat ng mga lalaking nakasuot ng sando. Lahat halos ng member ay gwapo at mga past winner ng Mr. Campus. Yung iba sa kanila ay talagang hobby ang boxing ang extreme sports. Iyon nga lang ay mga scholar sila hindi kabilang sa upper class.

Noong mapatingin si Kiel dito ay nabitawan niya ang cellphone at humirit ito. “Ano ka ba naman Archie, bakit wala pang pirma yung application form ko? Diba sabi ko agahan natin para makapasok na agad tayo dito sa Judo Club? Akin na nga at makagawa na rin ng personal info ko through essay 580 words! Iba talaga ang mga alindog ng lalaki dito sa extension area ng Westview University!”

“Sure ka na sasali kayo? Eh diba mga sossie high kayo? Dapat dun kayo sa mas matataas na clubs, sa mga upper class na di naaarawan,” ang wika ng isang member.

“Ano to discrimation? Porket mayaman kami at nasa upper upper ay hindi na kami pwedeng sumali sa inyo? Hello kaya kong bilin yang buong club niyo no. I can buy you, your friend and this..” ang hirit ni Kiel pero di na siya nakatapos sa pagsasalita dahil agad kaming itinulak sa loob ng leader ng club.

“Ay! Dahan dahan naman sa pagtulak dahil virgin ako!” ang hirit nito. “Kung makatulak naman tong si Kuya parang jowa niya ako na isesex sa loob ng mamahaling hotel.”

“Tama na iyang kaartehan, ako si Jordan Ando ang leader ng club na ito. Ako rin ang leader ng iba pang sports club dito sa campus. Simulan natin ang orientation para sa mga baguhan,” ang wika niya sabay hubad ng uniform na suot at dahilan para lumantad ang kanyang magandang katawan. Lean at makinis na parang korean type, may abs at bagay sa kanyang tangkad.

“OMG, yan pala si Jordan Ando, actually talk of the town siya ng malalanding upper upper. Iyan daw ang pinaka gwapo at pinaka maappeal na lalaki dito sa campus. Captain din siya ng basketball team sa department nila at regional champion sa tennis at laging nawawalan ng jersey dahil ninanakaw ng mga kaklase nating babae saka inaamoy amoy,” ang bulong ni Kiel na may halong kilig.

“At alam mo pa talaga yun?” ang tanong ko naman.

“Oo kasi nakiamoy din ako,” ang hirit niya.

“Hoy tisoy, saka iyang kaibigan mong may paru-paro sa ulo, sure ba kayo na dito kayo?” ang turo sa amin ng leader.

“Oo sure ako, gusto kong matuto ng self defense,” ang sagot ko naman.

Nag move forward naman si Kiel, “at bakit hindi ba pwedeng mag judo si Sailor Moon? Saka mahilig din naman ako sa sports kaya sporty person ako.”

“At anong sports naman iyan?” tanong ni Jordan.

“Hmm, Miss Universe, Miss International at Miss World! National sports ito sa Venezuela at soon dito sa Pinas!” ang hirit nito.

Tawanan ang lahat samantalang malapit na akong lumubog sa kahihiyan.

“Ikaw Archie, mahilig ka ba sa sports?” tanong sa akin ni Jordan.

“Kilala mo ako?”

“Natural, kasing laki ng gate yung banner mo sa harapan diba?”

“Mahilig naman ako sa sports, lalaro kami ng golf ni dad, kasali rin ako sa hockey noong nagbakasyon kami sa Canada at Skiing din ako sa Japan last vacation. Nakapag try din ako ng car racing sa Italy kaso di ako masyadong pro. Ayaw kasi ni mama na nag d-drive ako dahil delikado daw,” ang sagot ko naman.

“Ay ako din, nag figure ice skating ako sa Ice land kinalaban ko si Ice Princess. Gumawa ako ng halo halo sa Antartica. Diba best friend pinadalan pa kita ng picture namin habang kumakain ako ng halo halo doon,” ang masayang wika sabad ni Kiki. “Ay! Oo nag try din ako ng local games like Piko, you make tapon the pamato and then you jump blocks by blocks!”

Napakamot ng ulo si Jordan. “Pare mayayaman kasi yan kaya ganyan ang mga sagot. Hayaan mo na dahil sure na mag q-quit di naman ang mga iyan kapag nahirapan,” ang bulong ng assistant nito.

“Bumulong ka pero naririnig din naman namin, ano kaya yon, talaga bang pinaparinig mo sa amin? Pasalamat nga kayo nag effort pa kaming bumaba dito sa nguyib niyo mula doon sa aming paradise para lang suportahan ang club niyo,” ang hirit ni Kiel, samantalang napatingin naman ako kay Jordan na noon ay nakatingin din sa akin. Panandaliang nagtama ang aming mga mata pero agad niya itong binawi at lumingon sa ibang direksyon na parang nailang. Dito ay ipinagpatuloy niya ang orientation para sa aming mga bagong sali.

Part 2

Part 2

ARCHIE POV

“Ang sakit ng katawan ko, bakit ba kasi doon pa tayo sumali, nakakainis ka na talaga Archie,” ang reklamo ni Kiel habang lumalakad kami sa hallway ng campus.

“Bakit di ba pwedeng mapilay si Sailor moon? Enjoy ka naman diba? Saka basic self defense lang naman yung itinuro sa atin ni Jordan,” ang sagot ko naman.

“Ikaw nakakasabay ka kasi interested ka. Kundi lang mga gwapo yung member doon di talaga ako tatagal. Saka gwapo rin yung assistant ni Jordan diba? Si Anthony Magat, best friend sila non at laging magkasama sa sports. Ramdam yung care ni Anthony sa akin kanina habang binabalibag niya ako sa sahig,” ang sagot niya.

Natawa ako pero pinigilan ko ito. “Seryoso? Ang cute mo nga habang gumugulong ka sa sahig at sabi nila ngayon lang daw naging masaya ang training dahil nandoon ka,” ang biro ko naman pero talagang narinig ko ito. Nakakatawa naman kasi si Kiel kanina at nagiging favorite siya ng lahat doon sa silid.

“Hmm, sinabi mo lang iyan para gumaan ang loob ko. Pero pansin ko laging nakatingin sa iyo si Jordan, siguro threatend siya dahil dalawa kayong super gwapo sa room kanina. Parang nagkakaroon ng electric at magnetic force sa pagitan niyong dalawa. Pero mas makinis at mas maputi ka naman sa kanya kaya winner ka for me!” ang hirit niya at napatingin ito sa gate kung saan naroon ang kanyang sundo. “OMG, is that my yaya’s car?”

“O eh ano naman kung kotse ng yaya mo yung susundo sa iyo?” ang tanong ko sa kanya.

“Nakakahiya kasi pagtatawanan na naman ako ng mga classmate natin. Kilala nila yung yaya’s car dahil lagi itong naghahatid ng mga naiiwan kong gamit sa bahay. Parang di ko yata kayang sumakay sa yaya’s car ngayon. Pwede doon na lang ako makisabay sa iyo?”

“Hi Kiel, ingat sa pag uwi, nandyan na pala yung yaya’s car na sundo mo,” ang hirit ng mga babaeng kong classmate at nagtawanan sila.

“Nakita mo na? Pinagtatawanan nila yung yaya’s car! Baka isipin nila na we’re poor na,” ang reklamo nito.

“Wag mo na nga silang intindihin. Sa akin ka na lang sumabay,” ang tugon ko sabay harap sa kabilang building kung saan naroon ang mga student na scholars. Yung iba sa kanila ay naglalakad lang o kaya ay nag j-jeep pauwi.

Ang Westview University ay isa sa pinaka exclusive na paaralan dito sa siyudad. Ito ay tinayo noong 1990 at kinilala bilang pribadong paaralan ng mga mayayaman dahil mataas ang kalidad ng edukasyon dito at maganda rin ang facilities. Nag o-offer din sila ng advance learnings lalo’t karamihan ng teachers ay galing sa ibang bansa. Iyon nga lang ay talagang mahal din ang matrikula kaya’t ito na rin ang naging trademark ng naturang paaralan. Sa paglipas ng taon ay kinilala ito bilang paaaralan para sa mga upper class na students, hinangaan at pinantansya ng mga student na mag aaral pa lamang sa kolehiyo. Maraming nangangarap pero hindi lahat ay nakakapasok dahil talagang kakain ito ng malaking halaga at pabigat ng pabigat habang tumaas ang iyong year level.

Taong 1997 noong binuksan ang Westview University para sa mga piling mag aaral na bibigyan ng scholarship. Karamihan sa kanila ay talagang genius at mataas ang IQ. Karamihan din ay mahuhusay sa sports at sa ibang larangan. Basta ang pinagkalooban ng mga scholarship ay yung mga students na “extraordinary” at makakapag aral sila sa University ng may mababang matrikula. PERO inalmahan ito ng mga upper class, lalo yung mga maaarte kaya kaparehong taon ng 1997 ay nag rally ang mga upper class.

“Hala, ang bongga bongga ng anak ko tapos sasamahan niyo ng mga poor na galing kung saan saan? Unacceptable! Ayaw namin! No no no no way!! And I am telling you sooner or later masisira ang campus na ito dahil iinvade tayo ng mga aliens na iyan!” ang gigil na sigaw ng isang parents.

“Momm, tama na baka masira yung make up mo. Ang mahal mahal niyan e,” ang pagpigil naman ng anak nito.

“Saan ba galing yung mga scholars na iyan? Baka maya maya nakawin nila ang mga mamahalin kong gamit. Saka bakit dito sila isasama? Ayaw namin! Paalisin niyo na sila right here, right now!” ang sabad naman ng isang student.

“Yeah yeah, yeah yeah!” pagsuporta ng kaibigan niya.

“Kung ganoon ay ililipat ko na lang sa ibang bansa ang anak ko kesa samahan ng mga lower class na iyan,” ang hirit pa ng isang parent.

“Tama, ililipat ko na si Junjun ng campus dahil baka madumihan ang uniform niya kapag may tumabing mahihirap na daga, ayaw namin sa masikip, ayaw namin sa mababaho!” ang singhal pa ng isa na parang si ate Gay. Lumuhod ito sa harap ng anak, “Sabihin mo sa kanila Junjun, sabihin mo!! Hmmpp!!”

Grabe ang tinanggap na batikos ng management noong sandaling iyon kaya naman wala silang nagawa kundi ang mag tayo ng additional building sa mismong likod ng Westview University. Isa itong extension para mga scholars na tinanggap ng management.

At sa extension na iyon pumapasok ang mga piling mag aaral kabilang na sina Jordan Ando at ang ilang mga kasamahan namin sa Judo Club. At hindi rin maipagkakaila na sa extension na ito ay naroroon ang magaganda at delikabreng clubs. Dito rin nagmumula ang mga kinukuhang panlaban ng campus sa mga competition sa ibang schools. Inshort ay alaga ng Westview ang mga scholars in exchange ay nagbibigay sila ng karangalan sa paaralan. Bale iyon ang pinaka ambag nila since di nila kayang magbayad ng malaking matrikula.

Unlike sa mga upper class na ang mga students ay happy go lucky at puro kasusyalan ang alam. Pero hindi naman lahat dahil marami rin ang seryoso sa pag aaral katulad namin ni Kiel. Sa upper class nagmumula ang malalaking pondo ng campus sa pamamagitan ng mga donations at fund raising events. Kung baga ay parang may kanya kanyang contribution ang bawat isang bakuran.

Sa bakuran namin sa upper class ay malalaking pera at pondo ang pumapasok. Sa bakuran naman ng mga scholars ay karangalan ang pumapasok. Sa parehong sitwasyon ay win-win ito para sa Westview University. Pero it doesn’t mean na walang kwenta ang mga students ng upper class dahil ang ilan sa amin ay napapakinabangan rin sa mga sports at ilang regional contest. Iyon nga lang ay talagang nagkakaroon ng discrimation sa status ng bawat students. Parang concept sa mga anime kung saan nakabukod ang mayayaman sa mga mahihirap at nakabukod ang magaganda sa mga pangit.

“Seriously Archie? Sumali ka Judo club ng mga scholars? Bakit anak? Ayaw mo ba yung mga club sa building niyo? Ayaw mo sa “Explorer club” kung saan tour ng tour ang mga students para mga explore? O kaya sa “Super Elite Culinary Club” na gumagamit ng super expensive ingredients sa pagluluto ng mga international cuisine. O sa “Flower Pot Club” na nag aarrange ng mga bulaklak at gumawa ng everything nice? Wait, gusto mo ba tawagan ko yung anak ng Ninang Feliz mo para isali ka sa Motocross Club? Tutal naman mahilig ka pala sa mga extreme sports,“ ang wika ni mama noong isumbong ako ni Kiel.

Tumingin ako kay Kiel ng masama na noon ay kain ng kain, “sumbungero, mamaya ka sa akin,” ang bulong ko sa kanya.

“Sshhh, Arch, huwag mo nga bantaan si Kiel, concern lang siya sa iyo. Saka nag woworry ako na baka masaktan ka sa ginagawa mo,” ang sagot ni mama.

“Wala namang problema kung sumali ako sa club ng mga lalaki. Si Kiel lang naman yung paulit ulit na binabalibag at nina-knock out ng mga kalaban niya,” ang sagot ko naman.

“Hala, sabihin pa ba iyon?” ang reklamo nito.

“Pati ba naman ikaw Kiel sumali sa Judo Club? Bakit? Akala ko ba si Princess Jasmine ka?” tanong ni mama sa kanya.

“Bakit tita? Hindi na ba pwedeng ibalibag, i-knock out at sipa-sipain si Princess Jasmine? Saka feeling ko kaya lang naman gustong mag judo niyang si Archie ay para inisin ka,” ang hirit nito.

“Pwes, di niya ako maiinis dahil ayoko ma stress ngayon. Nga pala nakita ko kanina yung parents ni Sojun bakit parang iniiwasan mo daw yung anak nila?” tanong sa akin ni mama.

“Ngek, ako pa talaga yung umiiwas? Alam niyo naman kung gaano kauto yang si Sojun. Saka mama, huwag niyo na nga ini-entertain yang mga parents niya. Maayos naman ang business kahit wala sila.”

“Hijo hindi pa rin ba kayo okay ni Sojun? Kawawa naman yung tao parang nagsisisi na siya sa ginawa niya.”

“Mama may dalawang punto ako sa para sa inyong lahat, una hindi ako naniniwala sa arrange marriage ng same sex relationship dahil lang sa pagpapalago ng business empire at ikalawa ay hindi ako naniniwala kay Sojun na may sayad sa utak!”

“Hala, winner! Lavan na lavan na naman si Archie!” ang hirit ni Kiel sa aking tabi, napa-palakpak pa ito.

Si Sojun Lee Ferero ay isang half korean na anak ng business partner nila mama at papa, mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. Dahil pareho kaming solong anak ay parati kaming binibiro na ipapakasal upang mag merge ang kanilang mga business. Kahit na parehong lalaki ay ayos lang daw basta lumaki at maging maayos lang ang negosyo. Dahil cool at mapagpatol si Sojun ay sinubukan niyang ligawan ako kahit katuwaan lang. Hanggang yung simpleng biruan ay naging totohanan at dito nagsimula ang aming bro-mance. Later on, yung sweetness namin ay sinakyan ng mga parents namin hanggang sa mas lumalim ito at naging seryoso.

Part 3

Part 3

ARCHIE POV

“Ang O Soto Gari ay isa sa mga pinakapangunahing throw sa Judo. Kapag naisakatuparan ng maayos, ang kalaban ay itinapon pabalik sa sahig. Sinimulan mo ang paghagis na ito sa pamamagitan ng pagharap sa iyong kalaban; pagkatapos, kapag humakbang sila pasulong gamit ang kanilang kanang paa, hinihila mo sila ng marahan papunta dito. Habang ginagawa mo ito, ilagay ang iyong kaliwang paa sa labas ng kanilang kanang paa upang itulak sila sa balanse; pagkatapos, gamit ang iyong kaliwang kamay, hilahin sila patungo sa iyo at, gamit ang iyong kanang kamay, itulak sila pabalik. Itaas ang iyong kanang binti at layunin na tamaan ang hita ng iyong mga kalaban mula sa likod nang kasing lakas ng iyong makakaya gamit ang iyong sariling hita. Habang ginagawa mo ito, hilahin pababa ang iyong kalaban gamit ang iyong kaliwang kamay at itulak nang malakas ang iyong kanang kamay; ito ay dapat gumawa ng iyong kalaban mahulog direkta pabalik,” ang pagdedemo ni Jordan at si Anthony ang kanyang assistant. Sa pagkakataong ito ay kami na ni Kiel ang magkapartner para maiwasan ang sobrang sakitan.

“Gawin mo na sa akin,” ang utos ko kay Kiel.

“Parang di ko naman yata kaya na itapon ka sa sahig friend,” ang sagot nito.

“Eh paano tayo makakapasa kung di natin gagawin? Gusto mo ikaw na lang ang itapon ko?” tanong ko sa kanya.

“Ayy ganon? Eh ako na lang ang magtatapon sa iyo, sorry talaga pero eto! O Soto Gari Make up!” ang hirit nito sabay hila sa akin at ginawa ang tamang steps para maitapon ako pabalik sa sahig.

Palakpakan dahil nagawa namin ng tama..

“Next, Tisoy, anong susunod na throw? At paano ito gagawin?” ang tanong ni Jordan sa akin. “Gawin mo sa akin ang susunod na basic attack,” ang utos niya.

“Ang O Goshi throw, ito ay isang pangunahing hip throw na kinabibilangan ng paghila sa iyong kalaban papunta sa iyong balakang at paghagis sa kanila pababa sa harap mo. Upang magsimula, magsimula sa tradisyonal na Judo grip at ilipat ang iyong kanang paa upang lumiko ito sa harap at sa loob ng kanang paa ng iyong kalaban. Pagkatapos, kunin ang iyong kaliwang paa at ulitin ang proseso, kaya humakbang sa harap at sa gilid ng kaliwang paa ng iyong kalaban. Ang parehong mga paa mo ay dapat nasa loob na ng paa ng iyong kalaban. Kapag ang iyong mga paa ay nasa tamang posisyon, kunin ang iyong kanang kamay, balutin ito sa baywang ng iyong kalaban at igalaw ang iyong mga balakang upang ang mga ito ay nasa ibabang hita ng iyong kalaban. Kapag ang posisyon na ito, maaari mong gamitin ang iyong kalaban bilang isang fulcrum. Yumuko pasulong at ituwid ang iyong mga binti upang madala ang bigat ng iyong kalaban sa ibabaw mo. Panghuli, iikot ang iyong ulo at balikat upang sila ay nakaharap sa banig habang nakayuko sa baywang,” ang paliwag ko at marahan kong ginawa sa kanya ang throw, mabigat ang katawan ni Jordan halatang pinahirapan niya ako sa pagbuhat sa kanya. Pero ang akala niya ay hindi ko siya makakayang iangat.

Ngumiti si Jordan at bumangon, “Good, at ngayon ay gagawin ko naman sa iyo ang susunod na throw, ito ang tinatawag na Tai Otoshi, ito ay isang hand throw na bumubuo ng maraming lakas na may kaunting contact. Ito ay isa sa mga pinakamahirap na pamamaraan upang makabisado. Pangunahing umaasa ito sa timing kaysa sa pag-angat at ang kapangyarihan ay nagmumula sa isang mabilis na paggalaw ng pag-ikot, kung saan ang iyong kalaban ay itinapon sa sahig. Ang paghagis na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-alis ng balanse sa iyong kalaban sa pamamagitan ng paghila sa kanila sa direksyong pasulong at pag-ikot ng iyong katawan sa kaliwa sa pamamagitan ng pagpapahaba ng iyong kanang binti sa harap ng kanilang kanang paa. Mula doon, kailangan mong hilahin pababa ang katawan ng iyong kalaban at dalhin ito pasulong sa kanilang sariling mga paa upang tapusin ang paghagis,” ang paliwanag niya at ginawa niya sa akin ang throw, sa pagkakataong ito ay nabigla ako dahil masyado itong malakas, literal na tumama ng malakas ang likod sa sahig, mabuti na lang at may sapo ito na manipis na foam. Pati sila Kiel at iba pa ay nagulat dahil mukhang gumanti ang gago sa ginawa ko sa kanya.

Hindi naman ako umimik at nagpanggap lang ako na hindi masakit pero parang sinadya niya talaga. Basta di na ako nag comment tungkol dito dahil lalo lamang nilang iisipin na weak kaming galing sa upper class building.

“Break time! May mga tindang miryenda doon sa labas, pwede kayong bumili,” ang wika ni Jordan sabay turo sa mga pagkain na nasa tri-bike, mga puto at mga sapalamig. Mayroon ding mga pansit at sopas na nakalagay sa plastic. Lahat sila ay masayang nagbibilihan samantalang kami ni Kiel ay nasa isang sulok lang at may hawak na bottled water.

“Ayaw niyong mag miryenda guys?” tanong nila Anthony.

Natawa si Jordan, lalong sumingkit ang kanyang gwapong mata, “nakup, huwag niyo na ayain yang dalawa na iyan dahil baka sumakit pa ang tiyan nila sa pagkaing pangmahirap,” ang pang aasar nito. Hindi naman ako kumibo, kinuha ko na lang ang cellphone ko at kunwari ay busy ako sa pagpindot ng wala.

Alas 5 ng hapon noong matapos ang ensayo naunang bumalik si Kiel sa building namin dahil may naiwan itong mga gamit sa kanyang locker. Ako naman ay nahuli dahil naka schedule ako sa paglilinis ng training room. Nung naglalakad ako palabas ay sumakay sa akin si Jordan, mas matangkad siya sa akin ng kaunti at mas lean ang katawan. “Talagang seryoso ka sa pag aaral ng Judo?” tanong niya sa akin.

“Oo,” ang sagot ko naman.

“Bakit?”

“Para makaganti ako sa ginawa mong pagtapon sa akin kanina,” ang sagot ko sabay irap sa kanya.

Natawa ito, “natutuwa lang ako, sobrang bihira yung mga upper class na nagpupunta dito sa building namin. Saka sorry kung medyo mainit sa training room, kulang kasi talaga tayo ng facilities doon. Pero hayaan mo mag s-side line ako para makabili ng dagdag electricfan para di kayo masyadong mainitan,” ang wika niya.

“Anong side line naman?” tanong ko sa kanya.

Ngumisi ito at itinulak ako sa gilid ng pader yung walang makakakita sa amin, “shhhh, basta eto yung lugar kung saan ako nag siside line, pwede kayo magpunta mamayang gabi,” ang hirit nito sabay abot sa akin ng isang pirasong papel.

Kinuha ko naman ito at inilagay sa aking bulsa. Nakangisi pa rin siya at napatitig ako sa kanyang mukha. Gwapo talaga siya at nakaka tuwa siyang ngumiti. Erase! Erase! Ano ba itong iniisip ko?

“Sure, aalis na ako dahil naghihintay na si Kiel sa akin, good luck sa side line mo,” ang tugon ko naman sabay tawid sa kabilang patungo sa aming building.

KINAGABIHAN.

“Teka nga Archie, bakit ba all of a sudden ay naging interested ka dyan kay Jordan Ando? Oo nga gwapo siya, magandang ang katawan, makapal ang buhok sa kili kili at amoy anghit ng lalaki and it smells really good pero ang question ko ay HUWAAAYY??!” tanong ni Kiel noong ayain ko siyang magtungo sa lugar kung saan nag “s-side line” si Jordan.

“Gusto ko lang makita yung side line niya at curious ako kung anong mayroon dito sa “Red Light Paradise” na to,“ ang sagot ko naman.

“Ah basta kailangan 11pm nakauwi na tayo dahil katakot takot na pagsisinungaling ang ginawa ko para lang maitakas tong yaya’s car,” ang sagot niya habang nag d-drive.

“Wala naman sila mama kaya pwede akong gabihin,” ang sagot ko habang nakangiti.

Tuloy ang pag d-drive ni Kiel.

Makalipas ang ilang minuto ay narating namin ang lokasyon. Ang Red Light Paradise pala ay isang “Gay Bar” kaya naman pagbaba namin dito ay pinagtitinginan na agad kami ng mga tao sa paligid na karaniwan ay mga beki. “Hala, gay bar? Baka naman call boy si Jordan?” ang bulong ni Kiel.

“Ssshh, huwag ka ngang judgemental, baka naman waiter lang o kaya dishwasher,” ang bulong ko naman sabay tapat sa guard, “Excuse me, we are friends with Jordan Ando, he invited us here.”

“Ahh si pareng Jordan pala, mga k-klase ba niya kayo? Sige pasok na kayo, doon kayo sa table sa gawing likuran. Gora na mga accla! Enjoy the show!!” ang hirit nito sa amin kaya napangiwi na lang kami.

MUSIC PLAYING

Ghost In You

A man in my shoes runs a light

And all the papers lied tonight

But falling over you

Is the news of the day

Angels fall like rain

And love is all of heaven away

Inside you the time moves

And she don’t fade

The ghost in you

She don’t fade

Inside you the time moves

And she don’t fade

Maingay sa loob, kulay pula ang paligid, obvious naman kaya nga ito tinawag na Red Light Paradise. Umiikot ang liwanag at halos kumakalabog ang music. Agad kaming nilapitan ng waiter kaya naman umorder kami ng tig iisa beer at pulutan. “40% ng tao dito sa bar ay matrona, 60% ay mga bakla. Teka nasan ba iyang si Jordan? Bakit di ko siya makita sa area ng mga waiter?” tanong ni Kiel.

“Hindi naman niya sinabing waiter siya, baka diswasher siya o bouncer,” ang sagot ko naman habang lumilinga-linga sa paligid.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay namatay ang music at may nagsalita sa entablado, “please welcome, the main attraction for tonight. A college student from a popular campus. Mr. Jordan Ando..”

Dumilim ang paligid at sumindi ang liwanag sa stage. Dito ay laking gulat namin noong makita si Jordan na nakasuot ng leather jacket ngunit naka brief lang ito. Binandera niya ang magandang katawan na parang hinubog sa perpektong pagkakalilok. Putok ang dibdib, may abs at maganda ang mga legs.

Sa saliw ng isang musikang The Only One ni Lionel Richie ay nagsimula siyang gumiling at magsayaw ang sensual. Gulat na gulat naman kami ni Kiel, hindi ko inaasahan na ang side line pala ng gago ay isang macho dancer. Sa bawat pag alon ng kanyang katawan ay inihimas himas niya sa mga muscles dito, ipinapakita niya kung gaano nakabakat ang kanyang pagkalalaki. Kapansin pansin rin ang tattoo na letter “M” sa kanyang likuran sa gawing kanang balikat.

Let me tell you now all that’s on my mind

For a love like yours is oh so very hard to find

Looked inside myself now I’m very sure

There can only be you for me

I need you more and more…

You turned me inside out

And you showed me what life was about

Only you

The only one that stole my heart away

I wanna do all I can just to show you

Make you understand

Only you

The only one that stole my heart away

Literal na sexy dancing ang kanyang ginawa, lumuluhod pa ito at gumigiling sa harapan ng mga audience na noon ay literal na tulo laway sa kanya. Hinihimas nila ang katawan ni Jordan at iniipitan ng pera sa kanyang brief. “Wala naman akong idea na santo pala ng mga macho dancer si Jordan Ando. Grabe ang daming na-uulol sa kanya,” ang wika ni Kiel na hindi maiwasang humanga. “Ang kinis din niya hano, wala akong makitang dark spot sa singit niya.”

“Take it off! Alisin mo na please!” ang hirit ng matandang beki sabay hugot ng mga pera sa bag niya tapos ay inipit sa brief ni Jordan, hinimas pa niya ang pagkalalaki nito.

“Alisin mo na, ipakita mo sa akin! Burat mo, show mo! Take it off! Please!” ang dagdag ng matanda maya maya ay bigla itong napahawak sa kanyang dibdib at bigla na lang natumba sa sahig!

“Ayy! Si Mamash inatake sa puso sa sobrang excitement!” ang wika ng mga beki at medyo nagkagulo sila sa harapan saka nagpatawag ng medics.

Tuloy pa rin ang pagsasayaw ni Jordan hanggang sa kumuha ito ng alak at binasa ang kanyang katawan kaya lalong naging mainit sa entablado. Paminsan minsan ay binababa pa niya ang suot ng brief dahilan para lumantad ang kanyang bulbol. Talagang inaakit niya ng todo ang mga nanonood sa paligid para mas dumadami ang mag ipit ng pera dito.

Noong matapos ang performance niya ay tumayo ito at kinuha lahat ng mga perang nagkalat sa stage. Muling namatay ang ilaw at lumabas naman ang iba pang dancers na nagsayaw ng grupo.

Siya lang talaga ang main attraction dahil yung ibang dancer ay parang mga kiti kiti na lang sa tubig bukid na hindi pa natataniman ng palay.

Part 4

Part 4

ARCHIE POV

“Masyadong pinainit ni Ando ang gabi. Wala naman akong idea na burlesk king pala siya at pambasang hubadero ng taon,” ang wika ni Kiel habang lumalakad kami patungo sa parking area.

“Hindi ko rin naman ineexpect na ganoon ang makikita ko. Kung sabagay nasa itsura naman talaga niya na pumapatol sa mga matatandang bakla doon sa bar,” ang tugon ko naman.

“Hala, judgemental? Porket sumasayaw nang naka brief pumapatol na agad? Pwedeng “for display” lang muna. Saka teka nga Archie ha, pansin ko kanina ka pa dismayado? Na turn off ka ba kay Ando? Hindi na ba siya boyfriend material para sa iyo?“ pang aasar ni Kiel.

“Heh, wala naman akong iniisip na ganon. Saka hindi naman ako bakla para mag boyfriend,” ang tugon ko.

“Fine! Bromance!” ang sagot niya sabay bukas sa sasakyan.

Nasa ganoong posisyon kami noong makita namin ni Jordan na tumatakbo patungo sa amin. Nakasuot ito ng ripped jeans at sandong itim na medyo lawlaw sa katawan syempre para makita yung alindog niya na binabandera niya kanina pa. “Oy! Aalis na ba kayo? Di ba tayo kakain?” ang tanong nito sa amin.

“Gabi na kasi kaya gogora na kami, saka busog na kami sa panonood sa iyo,” ang hirit ni Kiel.

Lumapit sa amin si Jordan habang nakangiti, “salamat sa pagpunta, nagustuhan niyo ba yung performance ko? Saka salamat din at isinama mo si Kike,” ang dagdag niya.

“Kiki! Bakit yung bigkas mo para puke yung tunog, kike talaga?” ang reklamo ni Kiel dahilan para matawa si Jordan, “Salamat talaga, galing ko no?” pagyayabang pa nito.

“Yes naman, sorbang artistic, hindi mo naman sinabi sa amin na may talent ka sa pala sa paggiling,” ang hirit ni Kiel sabay labas ng kanyang nag-riring na cellphone. “Hello Yaya? Oo dala ko ang yaya’s car,” ang bungad nito maya maya ay biglang may lumapit sa kanyang lalaki at hinablot ang kanyang cellphone saka ito nagtatakbo palayo.

“Ayyy shit!! Yung 8210 ko! Wala pa dito sa Pilipinas niyan! Mahal pa yan! Wait!!! Eto yung charger!!” ang sigaw nito habang naglulundag sa pagkataranta.

Agad namang nagtatakbo si Jordan para habulin ang lalaki, wala rin akong nagawa kundi ang sumunod at makihabol. Sa likod ko ay tumakbo na rin si Kiel dala ang charger ng kanyang cellphone.

Mabilis tumakbo si Jordan halatang sporty talaga ito dahil agad niyang naabutan ang magnanakaw at nilundag ito dahilan para magpagulong gulong sila. Sa kabilang banda ay maliksi rin ang lalaki dahil nagawa niya sipain si Jordan at saka nagtatakbo ulit.

“Bumalik ka dito!” ang sigaw ni Jordan at muli silang naghabulan.

Malayo layo rin ang aming tinakbo hanggang sa mapahinto kami sa isang kanto kung saan pumasok ang lalaking nagnakaw ng cellphone ni Kiel. Medyo madilim sa paligid at tangin malamlam na ilaw lang ng poste ang aming tanglaw.

Napahinto na rin si Jordan sa paghabol sa snatcher dahil mula sa madilim na kanto ay lumabas ang tatlong lalaki kasama nito. At sa kabilang gilid ay lumabas ang dalawa na may hawak na mga tubo at kahoy. Lahat sila ay nakangising demonyo at halatang walang gagawing mabuti.

“Ayan, yan na nga ba sinasabi ko, it’s a trap! Drinag lang tayo ng snatcher sa mga kasamahan niya. Sana ibinigay na lang natin yung cellphone diba?” ang bulong ni Kiel.

“Dito lang kayo sa likod ko,” ang wika ni Jordan.

“Ako si Eliot, mukhang hinahabol niyo ang bata ko, anong problema pare?” ang tanong ng lalaking may hawak na kahoy.

“Yung bata mong mukha aso e ninakaw yung cellphone ng kasama ko. Gusto ko lang sanang bawiin. Ibigay niyo na lang sana sa amin para walang gusot,” ang sagot ni Jordan.

“Hala, talaga ikaw pa ang magsasabi niyan e mas marami sila?” ang bulong ko sa kanya. Maya maya ay umentrada naman si Kiel, “ayaw namin ng gulo, ninakaw niya kasi yung cellphone ko kaya inihabol namin itong charger para naman ay magamit siya diba?” ang natatakot na hirit nito.

Hinawakan ko naman si Jordan sa braso, “halika na, hayaan mo yung cellphone, please,” ang bulong ko.

Napatingin sa akin si Jordan at saka tumango, “paano yung cellphone? Mahal iyon at hindi basta bast pwedeng hayaan.”

“Kesa naman mapahamak tayo? Marami namang perang pamalit si Kiel, hayaan na natin iyan,” ang tugon ko naman pero lumapit sa akin ang isang lalaki at hinawakan nito ang aking braso.

“Wow, mukhang mayaman tong si Tisoy ah. Ganda ng relo at bracelet. Pwede bang sa amin na rin iyan? Saka ang kinis mo ah, baka pwedeng maiwan ka muna sa amin,” ang wika nito.

“Eh bakit siya lang ang napansin niyo? Makinis din naman ako at marami rin akong alahas diba? Mayaman din ako! Cellphone ko nga yung ninakaw diba?” ang reklamo ni Kiel noong mawala siya sa spot light at natuon sa akin.

“Ah e, nandyan ka pala. Teka sino ka ba?” ang tanong ng lalaki.

“Luh, ang bilis niyo namang nakalimot sa akin,” ang naiinis na sagot ni Kiel habang nakanguso.

Habang nasa ganoong posisyon sila ay bigla na lang lumanding ang kamao ni Jordan sa lalaking nakahawak sa akin dahilan para matumba ito at mapabulagta sa lupa. “Huwag mong bastusin yung mga bisita ko, ibalik niyo na sa amin yung ninakaw niyo para matapos na tong diskusyon natin.”

Natawa si Eliot at lumakad patungo sa amin, sumensyas siya at lahat sila ay pumalibot sa aming paligid. “Pare ayos na sana yung negosasyon natin kaso nga lang nanuntok ka pa, ano bang nais mong patunayan ha? Akala mo ba kaya mo kami? Kami lang naman ang kilabot ng Sitio Berde, kami ang mga “Spider” na kinatatakutan ng lahat,“ ang hirit nito.

“Spider? Kaya pala mukha kayong mga gagamba, mga gunggong!” ang sagot ni Jordan dahilan para lalong kumabog ang dibdib ko. “Sshhh, wag mo na kasi patulan, hayaan mo na,” ang bulong ko sa kanya.

“Gamitin niyo yung self defense sa Judo, lalaban tayo,” ang bulong nito sabay combat stand.

Sa paglipad ng gamu gamo sa aming paligid ay nagsimulang sumugot ang grupo ni Eliot at dito nagsimula ang rayot at gulo sa buong paligid. Taong Hunyo 1999 ay naitala ang UNANG pakikipag-away ko sa kalye na parang isang basag ulong adik.

Nagsimulang makipag rumble si Jordan, literal na para siyang action star na kahit tatlo ang kalaban ay hindi ito natitinag. Samantalang lahat ng alam kong self defense sa Judo ginawa ko. Sa kada lapit ng kalaban ay ini-aapply ko ang mga basic throw katulad ng O goshi at O Soto Gari. Lalo’t umaarangkada ang adrenaline rush sa oras ng panganib. “Nice! Kaya mo naman pala e,” ang wika ni Jordan sabay sipa ng malakas kay Eliot dahilan para matumba ito. Sinasangga rin niya ang braso ang hampas ng kahoy ng iba pang kalaban. Alam kong masakit ito pero hindi niya iniinda.

Si Kiel naman ay nagtatambling lang at gumugulong, isa lang ang kanyang kalaban at hindi pa siya nito mahuli. “Sailor kick!” ang sigaw nito pero hindi tumama kaya nagtambling siya ulit palayo.

“Tang ina kang bakla kapag nahuli kita mata mo lang ang walang latay!” ang sigaw ng kalaban niya habol dito.

Maya maya ay may lumanding na kamao sa mukha ko dahilan para matumba ako. Ang susunod na pag atake ng kalaban sa akin ay sinalo na ni Jordan. Niyakap niya ako ng mahigpit at iniharang ang kanyang katawan sa akin hanggang sa siya ang tamaan ng mga ito.

Kinuyog kami ng mga kalaban at sa dami nila ay hindi ko na alam ang mga nangyayari. Basta ang alam ko lang ay yakap ako ni Jordan at nakasubsob ako sa kanyang katawan. Para tuloy akong babaeng pino-protektahan ng isang kanyang kasintahang lalaki para hindi masaktan.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang sumugod si Kiel sa amin. “Hoy! Huwag niyong pagtulungan si Papa Jordan! How dare you!! Nandyan na akoo!! Darnaaaaa!” ang sigaw nito sabay lundag sa mga kalaban dahilan para matumba sila at mawala sa balanse. Natigil naman ang paghampas nila kay Jordan gayon pa man ay nawasak ang damit nito at pumutok ang kanyang noo dahilan para magdugo ito.

Samantalang binuhat naman nila si Kiel at saka itinapon sa aking kinalalagyan. “Ano na mga duwag?! Lakas ng loob niyong sumugod sa teritoryo namin? Magbabayad kayo sa kayabangan niyo lalo kana!,” ang singhal ni Eliot sabay turo kay Jordan, puro pasa na rin ang kanyang mukha pero hindi pa rin ito natitinag.

“Madaya naman kasi kayo! Anim kayo tapos tatlo lang kami diba? Kayo ang mga duwag! Ano to? Bayanihan ng mga swanget llaban sa amin sa aming tatlo?!”

Maya maya ay lumakad si Jordan sa aming harapan, seryoso na ang mukha nito at bakas na ang matinding galit sa kanyang mukha. Dinukot niya ang asero sa kanyang bulsa at inilagay sa kanyang kamao. “Alam niyo hindi na talaga ako nakikipag away dahil nangako ako sa sarili ko na iiwas sa gulo. Pero kayo na mismo ang humahamon sa akin. Ngayon sino sa inyo ang gustong mauna?” ang tanong nito sabay hubad sa kanyang napunit na sando.

Dito ay tumambad sa kanilang mata ang tattoo sa likuran ni Jordan dahilan para magulantang sila. “Pare, umalis na tayo dito. Yung tattoo na iyan.. iyan si.. ALYAS MAMAW!” ang wika nung snatcher ng cellphone ni Kiel.

“Wala akong pakialam! Ako ang leader ng spider at hindi ako aatras sa alyas mamaw na iyan!” ang gigil na wika ni Eliot sabay sugod kay Jordan na hawak ang tubo sa kanyang kamay.

Sinalo ni Jordan ang matigas na bagay na ito gamit ang kanyang kamay at isang malakas na suntok sa mukha ang iginawad niya sa kalaban!

Sa lakas ng suntok ay nabungal ang ngipin ni Eliot, nabali ang kanyang ilong at pumutok ang kanyang pisngi. Natumba ito sa kalsada at nawalan ng malay dahilan para matakot ang kanyang mga kasamahan. Nag panic ang mga ito, agad nilang alalayan nila ang kanilang pinuno at mabilis na nagtatakbo palayo.

Natakot naman kami ni Kiel kay Jordan, mala halimaw pala kung magalit itong gagong ito. Pero gayon pa man ay prinotektahan niya ako kanina at hindi niya ako hinayaang masaktan.

Tahimik..

“Ayos lang ba kayo?” ang tanong ni Jordan sabay abot ng cellphone ni Kiel, nabawi na niya ito mula sa snatcher.

“Salamat papa Jordan, isa kang bayani,” ang wika ni Kiel.

“Ayos lang kami, ikaw ayos ka lang ba?” ang tanong ko naman.

Tumango siya at ngumiti pero maya maya ay lumukot rin ang kanyang mukha at napahawak siya sa tagiliran. Dito ay may nakita kami malaking hiwa dito, malalim ito nagsisimulang magdugo. “May tama pala ako, hindi ko naiwasan yung maliit na patalim ni Eliot kanina,” ang usal nito.

“Ayy jusko!!” ang natatarantang wika ni Kiel. Agad naming inalalayan si Jordan pabalik sa sasakyan para dalhin ito sa pinakamalapit na pagamutan.

Part 5

Part 5

ARCHIE POV

Pagdating sa ospital ay agad naming tinawagan yung kaibigan ni Jordan Ando na si Anthony Magat at ipinaalam namin ang nangyari. Hindi naman kami nabigo dahil agad naman itong sumagot. Ginamit namin yung contact number ng judo club kung saan siya yung may hawak ng cellphone na Alcatel dahil pag aari niya ito. Para daw nacocontact siya ng parents niya sa probinsya.

Kahit medyo malalim na ang gabi ay dumating pa rin si Anthony sa ospital, dito ay agad naming isinalaysay ang pangyayaring naganap kanina.

“Obvious naman, may pasa ka pa nga sa mukha. Halatado ito dahil tisoy ka pa naman, “ ang wika nito sa akin.

“Nagwoworry lang ako kay Jordan, sana ay ayos lang siya,” ang tugon ko naman.

Natawa si Anthony, “syempre ayos lang si pareng Jordan. Kahit tadtarin ng saksak ang katawan niya ay siguradong buhay iyan. Matibay kaya ang mokong na iyan saka sana’y iyan sa hirap.”

“Pero the big question is.. bakit natakot sa kanya yung mga kaaway noong makita yung tattoo niya sa likuran? Saka bakit tinawag siyang “Alyas Mamaw?” pang uusisa ni Kiel, kahit ako ay interesadong malaman ang bagay na iyon.

“Hindi niyo alam ang legend ni Alyas Mamaw? Kinatatakutan si Alyas Mamaw dahil isa itong malupit na “HALIMAW” kapag nagagalit. Hindi niya na cocontrol ang kanyang sarili at may kakayahan siyang itumba ang isang batalyon ng kaaway kahit siya lang mag isa.“

“At si Jordan Ando yung Alyas Mamaw na iyon?” tanong ko naman.

“Oo, BIG YES! Alyas Mamaw na nagbabagong buhay. At makalipas ang ilang taon ay ngayon lang ulit siya na-drag sa pakikipag away. Sana lang hindi gumising yung pagiging halimaw niya,” ang sagot ni Anthony.

“May ganon? Masyado naman palang pang telenobela ang buhay ni Jordan Ando na iyan. Hayst! Pero parang ang sarap niyang magmahal diba? Protektado ka sa lahat ng oras! Tama ba Archie?” hirit ni Kiel na may kasamang pagbibiro, kinikilig kilig din ito.

“Aba e malay ko,” ang tugon ko naman. Pero sumagi sa isipan ko kung paano niya ako prinotektahan kanina. Halos saluhin niya lahat ng hampas, bangag at suntok na sana ay tatama sa akin. Siguro ay tama nga rin si Kiel na masarap siyang magmahal dahil makakasigurado kang walang mananakit sa iyo.

“Bakit natahimik ka? Siguro iniimagine mo yung kanina habang nakayakap sa iyo si Papa Jordan at sinasangga niya lahat ng mga atake ng kalaban na tatama sa iyo. Hay you’re such a lucky princess!” ang kinikilig at parang matataeng bulong nito sa akin kaya naman tinakpan ko agad ang kanyang bibig.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang paglabas ni Jordan galing sa loob ng ER, may bundahe na ang tagiliran nito at pati na rin ang kanyang ulo. Tumayo naman ako para isettle ang bills. Ngumiti pa ito noong makita kami na parang walang iniindang sakit. “Kumusta naman yung mga kaaway mo? Diba sila napahamak?” ang hirit ni Anthony.

“Mas nag alala ka pa sa mga kaaway kaysa sa akin?” tanong ni Jordan.

“Malamang, the last time na nakipag away ka ay muntik ka nang makapatay at makulong,” ang sagot ng kanyang kaibigan.

Matapos namin isettle lahat ng gastos sa clinic ay inihatid pa namin sina Jordan at Anthony sa compound nila. Halos alas 2 na rin ng umaga at hindi namin alam kung anong sasabihin kila mama at kung bakit inuumaga kami ng uwi. “At kung paano ko ipapaliwanag itong pasa ko sa mukha. Halata ba kasi?” tanong ko naman.

“Yes, para kang racoon, mag shades ka na lang bukas at siguraduhin mong hindi ka makikita ng mama mong OA dahil tiyak na magpapanic iyon at papagalitan ka mula hanggang paa. Basta ako? Ipa-park ko tong yaya’s car sa harap ng gate at magkukunwari akong nakatulog sa loob para di sila mag tanong pa,” ang hirit ni Kiki.

KINUBUKASAN.

“Ang aga aga nakashade ka? Kumain ka ng madami hijo ha,” ang wika ni mama sabay hila sa akin sa lamesa.

“Hindi ako nagugutom ma,” ang sagot ko naman.

“Anong hindi nagugutom? Once in a blue moon lang ako magluto dito sa bahay tapos di pa kayo kakain? Umupo ka nga dyan,” ang sagot niya at biglang naalis ang shades sa mata ko dahilan para makita niya ang pasa dito.

“Archie ano iyan? Bakit may pasa ka? Para kang kuting na may black eye. Sinong gumawa sa iyo nyan?!”

“Nakuha ko lang ito sa practical doon sa judo. Kasali ito sa pag aaral ng self defense,” ang sagot ko naman.

“Hindi tayo nagbabayad ng sobrang laking halaga sa Westview para lang magkaroon ka ng pasa sa mukha. Idedemanda ko yung school na iyan, makikita nila ang galit ni Gisela Andrada Arceo!” ang hirit ni mama.

“Ma, no pain, no gain diba? Ganyan yung lagi mong sinasabi sa akin sa tuwing magpapa alis ka ng wrinkles sa face mo. Tapos nagpa brace ka pa dati tapos di ka makakain diba? Nung nakaraang buwan nagpa rebond ka ng buhok tapos di ka makatulog ng maayos.”

“Pwes, ako nagpapaganda para maging presentable. Eh ikaw? Nagpapa pangit ka at nagpapa lagay ng pasa sa mukha. Ano na lang ang sasabihin ng mga ninong at ninang mo from the upper upper? Yung Mister Pogi ng Eat Bulaga ay mukha nang racoon ngayon? Isuot mo na iyan shades at magpupunta tayo sa clinic mamaya.”

“Hoy Gisela tigilan mo na nga yang anak mo. Ang aga aga mong nagdidiwara. Hayaan mo siya kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Lalaki iyan at bigyan mo siya ng kalayaan,” ang pagtanggol ni papa sa akin. As always lagi niyang nilalabanan si mama sa tuwing sinesermunan ako nito.

“Yan, kaya nagiging pasaway si Archie dahil lagi mong pinapalagpas yung mga kalokohan niya. Nga pala 2 days na diba? Nasaan yung gagawa ng escalator?” ang tanong ni mama.

“Escalator? Para company?” tanong ko naman.

“Nope, para dito sa bahay. Napapagod na kasi akong magpanhik panaog saka lumalaki ang muscles sa binti ko,” ang hirit ni mama.

“Seriously? Nag agree ka dito pa?” tanong ko kay papa.

“Yes, dahil maagang magkakarayuma ang papa mo, sumasakit daw ang tuhod niya kakababa at kakaayat sa hagdan kaya nagdecide kami na maglagay ng escalator dito sa bahay. At, isang malaking aquarium na ang nakalagay sa butanding para may bagong attraction tayong makikita,” ang sagot ni mama dahil para mapangiwi na lang ako.

“Baka naman tugusin tayo ng DENR at wildlife sa gagawin mo? Ma, iba na lang kaya? Yung escalator ay tanggap ko pa pero yung maglagay ka ng balyena dito sa bahay bilang attraction ay hindi talaga. Sobrang weird ng idea,” ang pagkontra ko sa idea niya.

“Maganda naman kasi talaga si Tita Gisela diba? Kahawig nga siya ni Zsa zsa Padilla kaya may K siyang maging super beauty concious. Pero yung paglalagay ng escalor sa bahay niyo? Seriously?” ang tanong ni Kiel habang pumapasok kami sa loob ng campus.

“At gusto rin niya maglagay ng butanding sa loob ng malaking aquarium. Buti na lang at napigilan namin siya at instead nagdagdag na lang siya ng swimming pool sa likod bahay,” ang sagot ko naman.

“Ako nga e, ibinibigay na lang sa akin yung yaya’s car tutal doon naman daw ako natutulog. Kaya si yaya na lang daw ang bibilan ng bagong kotse,” ang reklamo ni Kiel.

“So anong ginawa mo?”

“Syempre di ako pumayag. Aanhin ko naman yung yaya’s car walang aircon at hindi pa tinted ang bintana? Paano ko t-tsupain yung magiging bf ko kung live kaming nakikita doon,” ang hirit nito.

Tawanan kami..

Nagtuloy tuloy ang klase namin buong araw, walang training sa judo club dahil wala daw si Jordan Ando. May sakit daw ito at hindi pa maayos ang kalagayan according sa kaibigan niyang si Anthony. Nag aalala naman ako sa kalagayan niya, kundi dahil sa akin ay hindi naman siya masusugatan ng ganoon.

“Don’t tell me dadalaw tayo kay Jordan Ando? Tapos magdadala tayo ng foods, medicine, groceries at mga prutas sa kanya para gumaling siya agad?” ang tanong sa akin ni Kiel, pero wala talaga ito sa isip ko. Sa kanya nanggaling yung idea ng pagdalaw.

Tumingin ako sa kanya, “good idea, para mabawasan yung pagkaguilty ko. Saka diba cellphone mo naman yung binawi niya?” ang tugon ko.

“Nakuu, pagkaguilty? Ang sabihin mo ay hindi ka makaget over sa ginawa niyang pag yakap at pag protekta sa iyo kagabi. I’m sure mag damag mo itong iniisip at napanaginipan mo pa ito,” ang hirit nito habang nakangisi.

“Wala akong alam sa sinasabi mo,” ang sagot ko sa kanya. Pero kagabi ay para akong na “after shock” paulit ulit kong naiisip yung eksenang nakayakap siya sa akin. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin yung braso niya na nakalingkis sa aking katawan.

“Hoy Archie kailangan ba ngayon ka mag imagine? Ano na?!” pagkalabit ni Kiel sa akin.

BASAG!

“Nasaan na nga ba tayo?” tanong ko sa kanya.

“Nandoon sa part na sobrang guilty ka dahil nasaktan si Jordan Ando sa pagprotekta sa iyo. At ngayon ay gusto mong sumilay sa kanya sa pamamagitan ng pagdadala ng prutas, groceries, gamot at kung ano ano pa sa kanya,” ang sagot nito habang nakangisi.

“Teka idea mo to diba?”

“Wow, tha’s fantastic you’re so plastic! Syempre ito naman yung gusto mo diba? Lets go na! Mamili na tayo now na!” sagot ni Kiki sabay hila sa akin.

“Teka bakit tayo mag tataxi? Nasaan yung yaya’s car?” tanong ko naman.

“Naku ginamit ni yaya sa pamamalengke kanina. Mamili na tayo tapos ay magpasama tayo kay Anthony sa tirahan ni Jordan Ando, para naman makilala ka ng parents niya at pati na rin ng mga kapatid niya,” ang kinikilig na saad nito, bakas na bakas ang excitement sa kanyang mukha.

At iyon ang set up, namili kami ng kaunting groceries, mga tinapay, prutas at gamot para kay Jordan. Pa thank you na rin ito ni Kiel dahil sa ginawa niyang pagbawi sa cellphone niya. Sa tulong ni Anthony ay narating namin ang tinitirhan ni Jordan Ando at malayo ito sa aming inaasahan.

Part 6

PAY TO READ!

Taong 1999, tampok ang kwento ni Jordan Ando ang tinaguriang “Alyas Mamaw” siya ang pinaka unang “Alyas” sa compound ng Bagong Buhay, Bagong Pag-asa Street! Bago pa dumating sina Alyas Kanto Boy, Alyas Pogi at iba pa.

Si Jordan Ando ang pinaka sought after bachelor na captain ball ng Varsity Team at leader ng Judo Club. Makikilala niya si Archie Arceo ang 1999 Eat Bulaga Mr. Pogi Runner Up at isa sa pinaka mayamang mag aaral ng Westview UPPER CLASS!

Alyas Mamaw- Halimaw sa pagmamahal at halimaw kung mang-romansa!

How to avail.

Dating gawi, PM ME at iready nyo ang inyong email address. 

300Ph ang isang buong PDF files! Salamat ng marami.

  ![](https://img.wattpad.com/d4dcb2575936511bc0d8676d3e3624769fde4e93/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f7768355949566c766a51624847513d3d2d313430333330333436342e313739653235663735646363623039373531383737353930383335322e6a7067)

ALSO AVAILABLE TO READ

THE VAMPIRE’S FAMILIAR SAGA na mayroong 6 VOLUMES! Ang kinabaliwang BXB VAMPIRE STORY ng mga Little Angels!! 250ph per Volume!

  ![](https://img.wattpad.com/2131e65db24c6faf8e9b35f764d00efe9d40a1ce/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6c614d43486436666b71386546773d3d2d313430333330333436342e313739653236306334653038643338623138333838313436303635332e6a7067)

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.