loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Amidst the Rain (Strawberries and Cigarettes #5)

Amidst the Rain (Strawberries and Cigarettes #5)

Ineryss · 47 chapters · 219,304 words

Amidst the Rain

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author.

This story will progress once UTRT is finally completed. Thank you.

Prologue

Blunt

“Mag-ingat ka ro’n sa Manila. Balita ko marami raw mandurugas. Baka mabiktima ka…” naalala ko ang laging pangaral ni Mama pag bumabalik na ako ro’n para mag-aral.

Naglalaro na agad sa isip ko ang kalayaan na matatamasa ko sa Maynila. Malayo sa pamilya ko, malayo sa mata ng mga ate ko na akala mo, batang paslit ang pinaka-bunso na kahit girlfriend ay ayaw nila.

Mahigpit sila sa akin. Siguro nga dahil bunso rin, o siguro dahil nag-iisa lang na lalaki at ang tanging magtutuloy ng lahi namin. Bata pa nga, binigyan agad ng responsibilidad.

“Baka doon ka titikim ng alak, ah?” banta ni Ate Charm, nakahalukipkip sa kuwarto ko habang abala akong mag-impake.

Wala rin talaga akong privacy sa bahay na ’to. Kulang na lang pati mga boxers ko, sila na rin ang magtupi!

“Baka umuwi ka rito na may dalang anak na. Subukan mo,” si Mama na mas tumalim ang tingin kaya ngumiwi ako. Ni wala pa ngang first kiss…

Paano rin ba ako poporma rito sa amin? Kilalang-kilala ang pamilya namin dito sa Bukidnon dahil sa malawak na lupaing pagmamay-ari pa halos ng mga ninuno ko na ipinapasa lang sa bawat henerasyon sa side ng Papa ko. Ang mga ate ko, kaibigan pa halos lahat ng mga taga-rito kaya nakakahiyang magkagusto at baka kaibigan pala nila Ate.

Kahit nga sa Cagayan, parang balwarte rin nila Ate dahil pati ang mga kilalang pamilya roon ay kaibigan ng mga kapatid ko.

“Mamili ka ng kakaibiganin. Baka apihin ka ro’n sa Maynila dahil lang galing kang probinsya,” si Ate na talagang hindi pa tapos sa lintanya niya habang nirorolyo ko ng patago ang boxers ko.

“Baka sumali-sali ka sa mga sindikato ro’n, Slade! Huwag na huwag kang mag-aadik!” At kung saan-saan na nga lumilipad ang isip ni Mama, na iyon na ata ang pinaka-malalang mababalitaan niya kung sakali man.

“Kakaladkarin talaga kita pabalik dito sa Bukidnon. Subukan mo…” ang banta ni Ate sa matigas na tinig.

Subukan ko? Eh may magagawa pa ba siya kung sakali mang ginawa ko na talaga at nasa malayo sila?

Kaya sa tuwing nasa Manila na ako at naririnig ko ang boses ng mga habilin nila, natatawa na lamang ako. Para iyong boses ng mga anghel na nakaupo sa balikat ko at biglaang sinipa ng isang maliit na demonyo sabay ngisi sa akin.

“Shh, baka may makarinig…” nangingiti kong bulong habang hinahalik-halikan ko ang leeg ni Claudia.

Kahit anong sigaw ng mga boses ni Ate at Mama sa isip ko, tuloy-tuloy ang halik ko. Tingin kasi nila pag may babae ako, mabubuntis ko agad. Eh paano kung baog pala ako?

Inipit niya ang kamay ko na nasa pagitan na ng hita niya. Tumigil ako at dinungaw siyang uhaw ang titig sa akin.

“Baka hindi ka makapagpigil…” bulong niya, nakatitig sa labi ko.

Nagpapalipas oras lang naman talaga kaming dalawa. Parehas na bored dahil may program ang school at wala masyadong tao sa mga classroom kaya naglalampungan kami. Isa pa, ano bang magandang panoorin do’n?

Para akong hayop na nakawala sa hawla nang nandito na ako sa Maynila. Ang una kong ginawa, maggirlfriend agad. Hindi dahil sa sabik ako na tumikim, kundi dahil pakiramdam ko, pinagkait ang ganitong kalayaan sa akin sa Bukidnon.

Isa pa, gustong gusto ko kasi si Claudia. Niligawan ko pa nga ’to kahit na bali-balita na sakit sa ulo siya na girlfriend. Pero naniniwala akong matutuwid ko ’to.

“Veniel!” ang agresibong boses galing sa labas ng classroom na nagpa-alerto kay Claudia. Mabilis siyang umayos ng upo at tinanggal ang kamay kong nasa gitna ng hita niya.

Kalmado akong bumaling sa pinto at nakita ang talim ng tingin ng kilalang P.E. teacher na lagi akong nahuhuli sa mga kalokohan ko sa classroom. Ngumiti ako at kumaway.

“Hi, Ma’am!”

“Why are you here inside the room? Come outside and watch the program!” utos niya at matalim na bumaling kay Claudia.

Ngumuso ako at pinigilang matawa. Lumunok si Claudia at agarang tumayo sa taranta. Hinila niya pa ako patayo kaya halos tamad ang pagkakatayo ko habang nangingiti kay Ma’am na inaabangan kaming lumabas.

Isang matalim na tingin ang binigay sa amin ni Ma’am nang lagpasan namin siya, halos tingalain ang tangkad ko, habang kinakaladkad na ako ni Claudia papuntang gym. Pinasadahan ko ng dila ko ang pang-itaas na ngipin at naramdaman agad ang metal ng brace na suot. Nilingon ko pa si Ma’am na mas nanliit lang ang tingin sa akin.

“P.E. teacher ko pa naman siya…” kabadong sabi ni Claudia habang abala pa rin ang dila ko na pakiramdaman ang brace na suot.

Hinaplos ko paatras ang buhok at pansin ang mga grupo ng estudyanteng naghahagikhikan nang tingnan ako. Napansin iyon ni Claudia at sinamaan niya ng tingin sabay baling sa akin at lingkis ng kamay niya sa braso ko.

“Ano ba kasing maganda sa program? It’s boring. Ayos sana kung kasali ka sa performance, ’di ba?” Sabay tingala niya sa akin lalo na’t nasa 5’2 lang ang height niya.

Nagkibit ako. Uhaw ako sa grades pero hindi rin ako mahilig sumali-sali sa mga ganitong event sa school. Bukod do’n, laging may pambato ang classroom namin dahil mas makapal ang mukha no’n at mas talented. Si Arcena.

Ito na rin ang pambawi ko sa mga kasalanan ko rito. Pag nalaman ni Mama na nambababae ako, o may girlfriend na, magagalit ’yon. Pero pag nalaman niyang malalaki naman ang grades ko, huhupa ang galit niya.

Isa pa, hindi naman kami gano’n ka pusok ni Claudia. Sadyang may mga araw lang talaga na parang atat kaming sunggaban ang isa’t isa.

At hindi ko naman ’to bubuntisin nang maaga. Sa gabi siguro, oo? Natawa ako sa biro ko sa isip ko. Baka katayin ako ng buong angkan ko at tanggalan pa ng mana dahil sa kalokohan ko rito.

“Hindi ako kasali. ’Yong bading ang pambato ng classroom namin lagi,” sabi ko nang maalala na siya rin ang madalas kong kakompetensya sa classroom.

“It’s hard to compete with gays. Parang ang competitive nila lagi…” aniya na ikinaangat ng kilay ko.

“Edi bading din ako kasi competitive ako?” biro ko at swabeng nilagay ang kamay ko sa baywang niya.

“I mean… I just noticed that most of them are competitive. They’re talented and smart as hell, too…”

Oo nga naman. Kasi ’yong kaklase kong ’yon, pag debate talaga, palaban lagi na nakikipagsagutan. Madalas nga, pati teacher, binabara niya. Hindi ko rin talaga alam kung ba’t parang lagi silang may pinaglalaban…

Maraming tao sa gym at mukhang kakatapos lamang ng isang performance. Hawak ni Claudia ang kamay ko at hinila ako sa harap kung nasaan ang mga friends niya. May mga lumingon sa akin at ngumiti na nginitian ko rin.

“Dapat ikaw ang sumali, Ronan…” isa sa girls ang nagsabi no’n, si Cassie.

“Ah… nag give way ako. Baka kasi mahirapan ang judge at maging bias pag ako ang sumali…” natatawang biro ko na ikinatawa rin ng mga girls.

Kinurot ni Claudia ang tagiliran ko kaya nangingiti kong hinila palapit ng kaunti ang monoblock na upuan niya. Ipinarte ko ang mga paa at sinandal ang dibdib sa likod ng upuan niya habang nakapatong na sa kanyang balikat ang baba ko.

Kinuha nga lang sa harap ang atensyon ko nang marinig ang pamilyar na section ko, at ang pangalan na kilala ko. Mukhang siya na ang magpeperform.

Umusok ang paligid at medyo naging dim. Naging maingay ang mga students na nanonood. Ang pamilyar na intro ng kantang Buttons by Pussycat Dolls ay sumabog. I looked at the front interestingly. Naririnig ko naman ’to minsan sa classroom, lalo na pagkatapos ng class dahil do’n siya nagpapractice, pero may kilabot ang intro niya ngayon siguro na rin dahil actual performance na talaga.

The silhouette of his slender body flashed through the white curtains with his sensual pose. Sinabayan niya ng senswal na galaw ang intro ng kanta. Everyone screamed in anticipation because his movement looked so tempting as well.

My eyes squinted a bit. Ang lakas ng tili at nakakabingi. Mostly girls…

“Kaklase mo siya, ’di ba, Ron?” someone asked which made me nod.

“Crush ka niya, ’di ba?” May sumunod na tanong na hindi ko nagawang balingan at si Claudia mismo ang lumingon.

Nasa harap ang tingin ko at nag-aagaw ang atensyon sa tanong at performance kaya hindi ko masagot. Nang inilabas niya ang kamay sa kurtina at may hawak na pamaypay na pula, tumili lang sila lalo.

“Crush ka niya?” ulit na tanong ni Claudia at nilingon ako, may halong kuryoso ang tingin sa akin.

“Mm?” lito kong tanong lalo na’t nahawi na ang kurtina, pinakita siya ng buo, may suot na pulang mahabang skirt, itim na top, at sa bawat braso niya ay may gintong arm band na may nakasabit na pulang mahahabang sheer ribbon.

“May crush siya kay Ronan?” rinig ko ang tanong ni Claudia sa nagbanggit no’n.

Lumakas ang tilian nang humarap siya, ngumisi ng senswal, at parang sawa kung sumayaw sa sobrang lambot at gaan ng galaw niya habang sinasabayan ang kanta. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit ganyan ang suot niya. Lalo na’t sumasabay sa galaw niya ang mga tela at para na siyang lumulutang sa gaan niya tingnan.

Alam ko na malambot talaga ang katawan niya, lalo na kung kaklase ka niya. Why? Because he’s fond of dancing randomly. Kahit wala ngang tugtog ay sasayaw ’yan. 

“Naririnig lang namin. I mean, nasa iisang class sila eh. And obviously, Ronan is the most attractive student in their class…” isa sa kaibigan ni Claudia ang sumagot.

“Not just in their class… He’s a campus crush for a reason…” 

Niyakap ko ang leeg ni Claudia at namamangha sa swabe ng sayaw niya. Hugis babae din talaga ang katawan niya lalo na’t ang liit-liit din ng baywang. Sa classroom nga, pulutan siya ng mga lalaki naming kaklase dahil masarap siyang tuksuhin. Ayoko nga lang siyang kausap minsan.

Bumaling ulit si Claudia sa akin, ngayon ay galit na ang tingin. I blinked twice.

“Stop watching him,” giit niya.

“Huh?” natatawa kong tanong, nilingon saglit ang harap ngunit ibinalik din agad sa kanya. “Pinagseselosan mo ’yan?”

“There’s a rumor na he has a crush on you,” giit niya na para bang kasalanan ko pa ’yon dahil nagustuhan ako.

Umiling ako dahil hindi naman ’yan totoo. Hindi nga kami niyan nagpapansinan sa classroom. Iba ang circle niya at iba rin ang akin. Kung may interactions kami, siguro sa pagpapaligsahan lang sa grades at wala nang iba.

Hindi ko kasundo si Arcena. Ni hindi ko nga halos maalala ang first name niya at apelyido niya lang ang natatandaan ko dahil madalas siyang matawag ng teachers.

“And you think I will like him?” Natatawa kong tanong, muling tiningnan itong sumasayaw, sabay tingin sa mukha ni Claudia na namumula na sa inis.

“Balik na lang tayo sa classroom? Maghalikan tayo buong araw nang hindi ka nagseselos sa kung sino sino…” nangingiting bulong ko.

“Babaeng babae pa naman siya kumilos. Kung makinis lang siguro ang mukha niya, magagandahan ako sa kanya,” isa sa kaibigan ni Claudia na dumadagdag lang sa inis nitong isa.

Tadtad nga naman sa pimples ang mga pisngi no’n. Pero kahit siguro makinis ang mukha niyan, kikilabutan pa rin ako sa sinasabi nilang magugustuhan ko. I’m straight. At kung babaliko man, malabo na ganyang klaseng bading ang magugustuhan ko.

“Imposible naman na magustuhan siya ni Ronan…” one of Claudia’s friends commented.

“Talagang imposible, ’no! Walang wala kaya siya sa ganda mo, Claudia. At isa pa, babae ka. Eh siya…” si Elly, ang bestfriend ni Claudia na ikinakalma agad ng mukha ni Claudia.

Right? Kaya hindi ko gets bakit parang nagagalit si Claudia sa akin dahil lang pinapanood ko ang performance. Sure, he dances like a woman who’s very tempting to watch. Pero lalaki pa rin naman ’yan. Kalahi ko pa rin ’yan na parehas lang din sa akin na may bayag. Tingin ba ni Claudia sapat na ’yang sayaw niya para maakit ako at makalimutang para ako sa babae?

“Baka nga mas malaki pa ang bayag niyan sa’kin eh,” bulong ko kay Claudia para patawanin siya kahit nakahalukipkip na siya sa upuan at salubong na ang kilay.

Sa ganitong mga pagkakataon talaga sumasagi sa akin ang pangaral ni Ate na sakit sa ulo ang pagkakaroon ng girlfriend. Pero mahal na mahal ko si Claudia. Kaya kong isuko ang mana ko kung tutol sila na girlfriend ko siya. Edi sa kanila na ’yang lupain nila! Basta sa akin si Claudia.

Natapos tuloy ang performance na hindi ko napanood nang maayos dahil sinusuyo ko si Claudia. Alam ko na selosa siya, pero ito na yata ang pinaka wala sa lugar na selos niya. Ni hindi ko nga ’yon kaibigan man lang!

Bumalik tuloy ako sa classroom para kunin ang gamit ko dahil ihahatid ko siya pauwi pagkatapos ng program. Sakto, walang tao nang pumasok ako at patay pa ang mga ilaw. Binuksan ko iyon nang may tumili.

“May nagbibihis!” sigaw ng nagtatago sa likod ng kurtina. Boses pa lang, kilala ko na agad…

“Para namang hindi lalaki?” I chuckled playfully and walked toward my seat to get my things.

“Patayin mo nga ang ilaw!” sigaw niya, nagtatago pa rin sa kurtina at sumilip na ang ulo niya para samaan ako ng tingin.

Nagkibit ako at hindi siya pinakinggan lalo na’t ang layo na ng switch. Malapit sa kurtina na pinagtataguan niya ay ang upuan ko.

“Patayin mo sabi!” utos niya na binalewala ko.

“Chill. Ano bang meron ka na wala ako para mahiya ka? I also have that… and I don’t care,” natatawa kong sabi at nilapitan ang upuan ko.

“May imaginary pussy ako na baka pag nakita mo, tigasan ka,” he threatened.

Napangiwi ako sa pandidiri. Ano bang ini-expect ko kay Arcena? He’s well-known in the class for having that mouth… blunt and aggressive.

“And you think magkakaboner ako sa imaginary pussy mo?” I answered and stopped in front of my chair.

Mas ibinalot niya ang sarili sa kurtina pero kita  pa rin ang  malalim niyang collarbone. Umangat ang kilay ko dahil sa suot niyang makeup ngayon. Nagmukha siyang babae, o dahil na rin mukha na talaga siyang babae kaya ngayong nilagyan ng kung ano-anong kolorete, mas nadepina ang mala-babae niyang itsura.

Yumuko ako para abutin ang kamay ng bag ko. “Unless you are my type. You think you are my type?” Natatawa kong isinuot iyon sa balikat ko.

His eyes widened in disbelief. Kung kanina ay gulat, ngayon ay may halong galit at insulto na.

Ito talaga ang pinag-ugatan ng tampo ni Claudia? Pakiramdam ko ako ang maiinsulto dahil iniisip niyang magkakagusto ako rito. Tumalikod ako at natatawang nailing.

“Kung ikaw na lang din ang natitirang lalaki, baka maging tuwid pa siguro ako…” rinig kong sabi niya.

Namulsa ako at nilingon siya, mas natawa nang may maalala. “Ah… kaya pala kumakalat na may crush ka sa akin?”

“At naniwala ka naman? Ganyan ba kagwapo ang tingin mo sa sarili mo na tingin mo agad matitipuhan kita?” Siya naman ngayon ang natawa. “Bading ako pero hindi ako bobo!”

Ako naman ngayon ang nainsulto dahil alam naming dalawa na kung may mailalait man sa kanya, malabong ang pagiging bobo dahil siya halos ang nangunguna lagi sa classroom. At ang nakakainis, pumapangalawa lang ako sa kanya.

“Sabihin mo nga sa mga magulang mo na palagyan ka rin ng salamin! May sira ka rin yata sa mata eh. At sa susunod na adjustment ng brace mo, patanong din sa doctor mo kung may zipper sila sa bibig. Wala namang kwenta lagi ang opinyon mo.”

Umirap ako at tumalikod na. Tumawa siya lalo sa likuran ko.

“At bago ka maniwala na crush kita. Bakit? 10 inches ba ’yang tite mo?!”

I grunted out of irritation and slammed the switch off. Doon pa yata ako mas nainsulto sa huli niyang sinabi. Kahit nakalabas na ako sa classroom, rinig ko pa rin ang malademonyo niyang tawa. Bakit ko pa ba siya kinausap?

Chapter 1

Benefit

“Huwag kang makinig do’n…” Yuko ko sa shower nang hawakan ko iyon. Kino-comfort ko at baka manliit lalo.

Gagong Arcena na ’yon. Halos maging lantang gulay na ’yong akin kakahawak ko dahil lang gusto kong sukatin. Gusto ko ngang patigasin pero nauuna pang tumigas ’yong kamao ko sa galit pag naaalala ko ang insulto niya noong nakaraang buwan.

7.5 inches. Hindi na rin masama bilang pinoy. At anong 10 inches ang pinagsasabi niya? Kung matalino talaga siya, alam niya na ang average lang ng tite lalo na sa pinoy ay 4.5-5 inches. Lumamang lang ang akin dahil masipag akong magsalsal at gifted na rin siguro. Aabot pa siguro ’to ng 10 inches kung pinaglihi ako ni Mama sa kabayo.

Meron naman talagang may 10 inches. Pero rare lang. Bukod do’n, kadalasan sa may malalaking ari ay may mga lahi.

Kahit gawan ko pa ’yan ng survey, walang pinoy ang mayroong 10 inches! Sa libro siguro na binabasa niya, marami. Kaya pati ang reyalidad, nahaluan na ng kathang-isip.

It wasn’t a bigdeal to me, alright. Pero nakakainsulto lang talaga na ang nakita niyang apihin ay ang nananahimik kong ari! Paano ba naman ’to lalaban, ’di ba?

Pinaglaruan ko ang hawak na ballpen at nanghihinayang kung bakit sa reporting ngayong araw ay hindi pa siya ang na-assign. I know Arcena is capable of answering tricky questions, pero maganda sanang ganti man lang na pinupurwisyo ko siya sa reporting niya lalo na’t alam na alam ko na pinakaayaw niya iyong may kumukwestyon sa kanya.

“According to 1987 Philippine Constitution, we have divided our government into three branches which is the Executive branch government, legislative branch government, and jucidial branch government…” ang kaklase namin na si Aries sa harap na binabasa lamang ang reporting niya.

I boredly stared at the front while playing with my pilot g-tech pen. Kung si Arcena ang magrereport, this would not even turn out like this—simply reading the given topic. And I wouldn’t be bored as hell in my seat as well. Dahil talagang tatadtarin ko siya ng mga tanong para maramdaman niya ang galit ko.

“The primary role of the legislative branch is to create, enact, alter, and repel laws within a country…” Muling basa ni Aries sa powerpoint presentation ng grupo niya.

Tahimik na nanonood si Ma’am Amor. Hindi siya strikta kaya ang mga kaklase ko, nakakaya pang may gawin sa mga upuan nila. Ang iba ay nagcecellphone, ang iba, nagsusulat at kinokopya ang powerpoint, at may iba naman, parehas ko lang na halatang bored kaya walang magawa kundi makinig.

Arcena is sitting on the first row. Abala siya sa armchair niya at nagdodoodle ata sa binder niya. He seems bored, or he’s less interested. Pero madalas sa reporting, siya naman ang maingay. Kaya nga ang iba kong kaklase, hinihiling na kung magrereport sila, sana ay absent siya nang walang asungot na tanong nang tanong.

At mukhang good mood yata kaya nananahimik. Talagang good mood siya. Sinira niya ba naman ang akin buong buwan…

“In other words, sila ang gumagawa ng ating mga batas…” si Aries na may nasabi na ring hindi nakalagay sa powerpoint, tumingin sa amin para kunwari ay nagpapaliwanag, sabay balik ng tingin ulit sa harap para magpatuloy sa pagbabasa.

Hinihintay ko na lang siguro na may maling masabi si Aries dahil alam ko na si Arcena agad ang magtatama. Kung ako sa kanya, hindi siya boboses ngayong araw. Dahil kahit na tama naman ang ipaglalaban niya, talagang hindi ko siya tatantanan. Kahit ang mga ugat sa utak ko na nakatambay lang at hindi ko nagagamit, talagang pipigain ko masagot sagot ko lang siya.

“The executive branch is primarily responsible for carrying out and enforcing the laws. In other words, sila naman ang nag-e-execute o nag-i-implement ng batas ng Pilipinas…” si Aries na tumingin ulit sa amin, sa mismong kaliwang bahagi at iwas na iwas sa kanan. Magkakastiff-neck ’to.

Gusto ko nang humikab sa boredom. Madalas talaga pag boring ang subject, hindi dahil tamad kang makinig, kundi dahil na rin sa paraan ng pagtuturo. May iba naman kasing prof na alam nila kung paano kukunin ang kiliti ng estudyante para makinig. Pero kung ganito talaga, katulad ni Aries na nagbabasa lang, sinong hindi makakaidlip o lilipad ang isip sa kung saan-saan.

“Kaya ipatupad na dapat ang Sogie Bill,” biglang boses ni Arcena na kumuha ng atensyon ko.

Para iyong alarm na nagpagising ng diwa ko. Lumipad din agad sa kanya ang atensyon ko, hindi lamang akin kundi lahat. Si Aries, kabado pang nautal at hindi alam kung lilingunin ba si Arcena o magpapatuloy na lang.

“And why do you think that bill is relevant, Arcena?” kuwestyon ko sa pilyong tinig. Hah. I knew it. Boboses at boboses din talaga siya…

Ang atensyon niya ay nasa notebook niya pa rin at abalang magdoodle. Si Ma’am Amor ay tahimik ding bumaling kay Arcena. Ang mga kaklase ko naman ay nag-ingay ng kaunti lalo na’t alam nila na pag isa sa amin ang nagsalita, hindi matatapos ang debate kung walang nagiging tama.

“Ano raw sabi ni Arcena? Sogo bill? Pamilyar ah…”

“’Yang ganyan niyong away, pwede naman ’yang pag-usapan eh. Bakit niyo pa idadamay ang whole class?” reklamo ng mga kaklase ko pero ramdam na walang ni isa sa amin ni Arcena ang gustong manahimik.

“What is the main purpose of that bill again?” tanong ko.

“To end discrimination. What else?” pormal niyang sagot, hindi pa napipikon dahil nag-eenglish pa eh.

“Or your community’s discrimination? Edi kung ang community niyo ay may inapi sa community naming straight, edi kailangan ba ulit mag-implement ng bagong batas para protektahan kami laban sa inyo?” I chuckled playfully to trigger him.

My classmates cheered like idiots. Umangat ang ulo ni Arcena at bumaling sa akin. I flashed a playful smile to tease him. I know how this bill works, alright. Wala naman talaga akong pakialam kung ano ang sinusulong ng batas na ’yan. Pero dahil gusto kong pigain lahat ng nananahimik na demonyo sa loob niya, alam ko ang mga tanong na magpapakulo ng dugo niya.

“Umalis ka riyan sa harap, Aries! Madadamay ka sa gyera!” saway ng mga kaklase ko lalo na’t hindi na makasingit si Aries.

Arcena put down his pen and stood up. When he faced my direction, arms crossed, I knew he was now ready to cook me. Nanatili akong nakaupo, pinaglaruan ang hawak na ballpen at nangingiti pa rin sa mga kaklase kong pinagkakaguluhan kami.

“Suntukan… suntukan…” they cheered like rabid animals.

“Ma’am Amor… pwede bang magmura?” hingi niya ng pahintulot kay Ma’am na nakangiti lamang sa amin at sumenyas na magpatuloy.

“I don’t understand the need to implement such a bill. What makes this special from the other implemented laws? Ano pa bang pagpoprotekta ang hinahanap ng community niyo para lang maramdaman niyo na kabilang at tanggap kayo?” I fired the most critical question in a playful tone.

“Sogie bill is not just for the LGBTQ.” At ramdam ko ang panlalaban niyang hindi ako murahin, diretso ang tingin sa akin—seryoso at may pinaglalaban. “This bill protects every individual who faces discrimination, even those heterosexual people like you.”

Nakikinig na ngayon ang lahat. Kung kanina, nagkakaroon pa ng oras ang iba para may gawin sa desk nila, ngayon, pati ang mga tulala, sa amin na nakatingin.

“We have a lot of laws already that cover protection for each individual—not just based on genders. There’s already an existing Republic Act against discrimination. If you are being bullied, then we have the Anti-Bullying Law. If you are being bullied at work, we have the Labor Code… There’s always an existing law that will cater your complain no matter what sexuality you have, Arcena… This SOGIE bill is just a redundant,” I added thickly.

He inhaled sharply. Nang naramdaman kong boboses siya, dinagdagan ko agad.

“Sige, sabihin natin na para rin sa straight ang Sogie bill, but do we really need to implement another law when its function was already addressed by our existing laws? If you want that inclusivity so much—to be treated fairly—then why are you demanding special treatment like you are some sort of disabled individual that’s different from us?” I tilted my head, and the side of my lips curled up.

Tinitigan niya ang pagkurba ng labi ko. Ang mga kaklase namin, tumatango na at nagiging interesado. I licked my lips to prove another point.

“Your community demanded equality, but here you are, demanding laws that cater special treatment for people like you. Kung gusto niyong magdagdag ng batas na para sa inyo, hindi ba’t unahin niyo muna dapat ang mga paaralang ayaw magturo ng lgbt? Mga simbahan na hindi kayo kinikilala? Mga bahay na sarado ang isip sa katulad niyo?” I added.

He scoffed and rolled his eyes, then looked at the class like it wasn’t just me whom he was aiming to target. Na lahat ng nandito, may mga pulang marka sa noo na kaya niyang asintahin gamit ang salita lang.

“Taon-taon, araw-araw, hindi lang isa, o dalawa, o tatlo ang pinapatay at inaabuso dahil lang bading sila, o trans sila. May mga taong hindi hina-hire sa trabaho dahil lang mukhang malambot—o pinaghihinalaang bakla,” he informed, then dragged his eyes back to his main target: me. “Sa’yo na rin nanggaling ang salitang inclusivity. Can you really blame a community demanding for inclusivity when all our lives, we’ve been treated like we don’t belong in this society? When all our lives, we’ve been fighting to be seen equally? When all our lives, our voices never mattered?”

My brows raised, and I couldn’t help but smile without humor. Kung hindi mo lang inapi-api ang akin, edi sana kakampi mo ako.

“And mind you, Veniel. We are not the ones crying out for special treatment. Kayo ang nanghuhusga at nagpaparamdam sa amin na naiiba kami sa inyo…”

Some of our classmates were now nodding their heads. O sadyang wala lang gustong umiling dahil baka makatikim ng nakakadugong pangtutusta galing kay Arcena. Ako lang naman ang matapang na handa siyang kwestyunin kahit alam ko naman na may punto rin siya.

“Kung pantay-pantay naman pala sa batas at walang kasarian ang pinipiling poprotektahan, bakit hanggang ngayon, kahit ang bading na lalaki ay binubugbog at pinapangalanan lamang na parte sa pagdidisiplina para patinuin? Bakit ang bading na babae ay nililimitahan pa ring gumalaw kung ano talaga ang sekswalidad niya? Kung pantay-pantay naman pala, bakit hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi bukas ang isipan na ang mga bading ay lalaki pa rin naman o babae na nagkakaroon lamang ng kalayaang mamili kung ano talaga ang sekswalidad nila?” may tigas na sa tinig niya.

I stood up. My classmates hurled like animals being thrown to the fire. Natawa ako saglit pero matapang ko siyang tiningnan.

“Suotan niyo ’yan ng shield si Veniel! Ang tapang tapang!”

“Ninuno mo siguro si Andres Bonifacio?!”

“Hirap niyo namang kaklase. Nadadamay kaming mga bobo sa away niyo.”

His gaze locked with mine. I pinched my lower lip to stifle my smile.

“I do get your point, Arcena… But the reason why most of these straight people aren’t in favor of that bill is because your community isn’t always the victim. Your community were sometimes the perpetrators. Your community can be bullies too. May iba na hindi pabor o ayaw pumanig dahil baka abusuhin lang ng iba sa komunidad niyo ang bill na ’to.”

My classmates started nodding again. Mga balimbing din eh. Kahit si Ma’am, pinapaypayan na ang sarili at mukhang naiingganyong makinig. Si Aries, nakatayo sa harap, tahimik lang at napapakamot ng ulo.

“For example, I understand that we have laws for mentally disabled persons because again, they’re in special needs. Now, if your community wants a bill that centers on addressing LGBT, what’s the purpose of those implemented existing laws if they only cater to straight individuals? As far as I know, everyone has equal access to all laws because it is your human right—whether you are straight or not.”

He licked his lips, but then I can sense he’s now preparing how another mind-blowing attack.

“If you demand a bill that is inclusive for your community, then what makes it different from crying for equality when you already have your human rights like us? Kailangan pa bang makilala kang bading saka ka poprotektahan ng batas kung marami naman tayong batas na maliban sa Sogie ang poprotekta ng karapatang pantao mo? Unless your community felt like you weren’t humans, then I will understand where this desperation of passing the bill is coming from…” I chuckled.

He made a deep inhale. At para akong kinikiliti sa tiyan na nakikita siyang ganoon. Nagpipigil magalit o ano.

“Where is this desperation coming from? From closed-minded and dimwitted people like you, Veniel,” he confronted with diction.

My classmates roared crazily. I slowly scraped my tongue on my upper lip and made a lazy chuckle. Namemersonal na oh… Pikon na ba, Arcena?

“Dimwitted ka raw, bro! Kung ako ’yan aabangan ko ’yan sa labas ng gate!”

“Hamunin mo na lang ’yan ng suntukan si Arcena, dude! Baka doon mas manalo ka pa!”

“Ma’am, bawal talagang magmura? Eh manampal?” muli niyang tanong kay Ma’am na tinawanan ng mga kaklase namin.

“Bawal daw magmura. Magmahal lang pwede…” asar ng kaklase naming babae na sinundan agad ng nakakabinging tukso.

But the two of us remained unfazed by the teasing. We were looking at each other like soldiers who are ready to kill for a reason. Na pag kalaban, kalaban…

“Tingnan mo nga, isang bill lang na hindi naman centered sa LGBTQ talaga, pero tingin mo, layunin lang ng bill na ’to ay entitlement lamang ng mga bading na gustong gusto matanggap. At paano mo aabusuhin ang isang batas na ang layunin lang ay prumotekta ng biktima. Biktima,” giit niya. “Kung nagkamali ang isa sa komunidad namin, hindi ibig sabihin no’n na awtomatikong poprotektahan agad ng Sogie Bill. Dadaan pa rin ’yan sa tamang proseso.”

I wanted to nod, but I held back. Gusto ko pang hanapan ng butas ang bawat sinasabi niya nang hindi ito matapos.

“Sure, we have a lot of laws to cater to every individual like what you mentioned, but is there a woman being killed for existing as a woman? Is there a man being killed for being a man? None, right? What is the main function of the executive branch? To implement laws that protect its people. Who are its people?” he asked in a hard tone.

“Now that we demand something more that protects those who are also trans, gay, or being labeled as queer, then you call it entitlement? Do any of those existing laws you mentioned actually really empathize with our community? At ano bang masama kung implementahan ang isang batas na ang layunin lang naman ay pumrotekta at puksain ang diskriminasyong talamak sa komunidad namin?”

Mm…

“Sure. Let’s say this is just centered for LGBTQ, then what’s wrong if we implement a bill that protects those who need to be protected? May mga pinapatay dahil lang bading sila, o dahil lang trans sila. May mga straight na agarang binubully dahil pinaghihinalaang bading kahit hindi naman talaga. Na pag bading ka, awtomatikong pinandidirihan, o tinatawag na marumi, demonyo, o salot. Hindi ba’t sapat na ’yon para maliwanagan na hindi lahat sa atin, tanggap ang LGBTQ? Na sa pamamagitan ng bill na ’to, kahit may iba sa inyo na hindi naman makikinabang, pero may tulong pa rin sa mga lubos na kailangan ang ganitong batas?”

“Sagot, Veniel! Lumaban ka!” my classmates whispered desperately.

Kaso mukhang ayaw yata ni Arcena na bigyan ako ng oras na huminga man lang sa debate dahil inatake niya ako muli.

“And I do get your desperation to call this bill an entitlement, Veniel, because you can’t relate.” There was a finality in his words—a hard slap. “You are just like those homophobic people who don’t empathize because it doesn’t benefit them.”

My brow arched in satisfaction.

Tiningnan ko si Ma’am Amor na tumayo na. She fanned herself while gesturing to me to stop. Ang pag-amba kong magsalita, natigil tuloy.

“This is the sad reality of our society. We only empathize when it benefits us. Oo, hindi ka nga homophobic, pero kung closed-minded ka rin naman…ano pang kaibahan no’n?” At may pinahabol pa talaga siya habang umuupo, na parang hindi sapat na hindi niya mapatay ang kalaban niya.

I took my seat calmly when Ma’am Amor gestured to me as well. Mukhang alam niyang kaya ko pang sagutin pero kakainin naming dalawa ang buong oras ng klase niya kung hindi niya pinatahimik ang isa sa amin.

“Ganito pala mag-away ang matatalino? So pag bobo, diretso pisikalan gano’n?”

“Kaya pa siguro ’yan ng True or False.”

“Binato mo sana kay Arcena ’yang according to the bible! Mananahimik ’yan!”

At nilingon niya pa talaga ang kaklase naming nagsabi no’n at nag-angat ng kilay. Na kung hindi na kami pinapatahimik ni Ma’am, ’yon naman ang hindi niya titigilan.

“Kasalanan talaga ’to ni Aries, Ma’am Amor! Kung hindi niya lang binabasa ang reporting niya, hindi mabobored ’yong matatalino sa discussion!”

“I appreciate the heated debate, Mr. Veniel, Mr. Arcena…” si Ma’am na nginitian kami isa-isa.

“At si Aries din daw, Ma’am. Pakipuri rin po total siya naman ang puno’t dulo…” singit ng mga kaklase ko kaya nagtawanan ng kaunti.

“Ma’am, sino raw po ang tama kay Arcena at Veniel? Ikaw na lang po ang humatol para manahimik sila at baka magrematch pa sila sa susunod na reporting namin…” may bumulong pa talaga.

Muli kong kinuha ang ballpen para paglaruan. Ayaw kong marinig kung sino ang tama, o kung may nanalo ba. But of course, it’s satisfying to me when I’m being validated for proving a point.

“Alam niyo class, Sogie Bill is not perfect. May mga sides na kailangan pang i-polish para maiwasan ang misinterpretation. Knowing we live in a religious country…” si Ma’am na nailing na lang, tiningnan ang relo niya, at niligpit na isa-isa ang gamit.

“Continue your reporting tomorrow,” tingin niya kay Aries na tumango agad. “We’ll also have a long quiz tomorrow. May ten minutes pa, but I will dismiss you early today. May meeting pa ako…”

Kinuha ko palabas ang phone ko para tingnan ang messages ni Claudia. Some of my classmates were now murmuring.

“Kaya siguro maaga tayong ididismiss ni Ma’am kasi sumakit din ang ulo niya kanina…”

“Aries, bukas… Isa dapat sa inyo ang magpresent ng Subway Surfers sa iPad para makapagfocus lahat sa reporting niyo! Pang distract na rin kay Veniel at Arcena…”

“Pero ang pogi mo kanina, Ronan…” isa sa kaklase ko ang babae na ngumiti sa akin kaya napangiti ako pabalik.

“Talaga?” I chuckled innocently and stood up while unzipping my bag.

“Oo! May sense din ’yong sides mo kanina. ’Di ba?” Tingin niya sa iba pa naming kaklaseng babae.

Pinagkaguluhan nila ako saglit. Para namang aping-api ako kanina at ngayon, isa-isa nilang binibigyan ng simpatya para hindi ko maramdamang kinawawa ako ni Arcena.

“Pero tama ka naman talaga eh… Redundant naman kasi talaga. May mga batas naman na tayo na pwedeng pakinabangan ng mga bading.”

I only shrugged because I’m now less interested in proving a point. Si Arcena lang naman ang masarap sagut-sagutin dahil hindi pa nagkakamali. Tingin niya lagi siyang tama.

“Ronan,” biglang tawag ni Claudia, naabutan akong nakikipagngitian sa mga kaklase kong girls.

Her face darkened for a bit. Umangat lang ang kilay ko, mas binilisan ang kilos.

“Bye. My girlfriend is here…” paalam ko sa kanila na nagsitanguan at tahimik na tumango sa akin.

Chapter 2

Top

Wala sa mood si Claudia buong oras. Tinatanong ko nang paulit-ulit kung ayos lang ba siya, pero hindi umiimik.

And now… I received a long-ass text from her accusing me of cheating? Cheating?! Ni hindi ko nga kayang mag-cheat sa class, sa relasyon pa kaya?

Claudia:

You know you’re taken pero the way you conversed with your classmates feels off to me. Hindi mo pa ako nireplyan tapos mahuhuli kitang busy makipag-usap sa girls? And I feel like you found someone who’s interesting there. Siguro pamalit sa akin pag hiniwalayan kita? :)

Gago… Paano naging cheating ang pakikipagngitian sa mga kaklase kong girls?

Ronan:

You should have told me earlier, baby. Pinauwi mo pa ako tapos raratratan mo ako sa text hahaha

Ronan:

Pick up the call

Kaya sa halip na mag-study, kailangan ko pang bumyahe papunta sa Quezon City para lang mapuntahan siya.

That’s how we sort out our problems. She’d give me cold treatments and accuse me of cheating, and then I’d go to her to explain things. Unang girlfriend naman kaya mahaba ang pasensya ko dahil first time ko ring maging boyfriend.

Pero ganito ba talaga ang mga babae? Kaya ba ayaw ni Ate na makipagrelasyon ako kasi alam niyang hindi ko kaya? Knowing I’m too sheltered for these kinds of problems…

At nasaan ang yabang ko na makakaya ko ang babaeng katulad ni Claudia?

Mama:

Nak pinagdasal kita. Kung may kalokohan kang gagawin dyan sa Manila, sana makarma ka agad para matuto kang hindi umulit.

At bungad pa talaga sa umaga ang mga dasal ni Mama na hindi ko alam kung para sa ikakabuti ko, o ikakasama ko.

Gusto ko ngang tumikim na ng hard drinks, kaso pinagbabawalan din naman ako ni Claudia na uminom. Wala nga si Mama dito, mga Ate kong bungangera, pero may girlfriend ka naman na maraming rules.

But then I respect her rules in our relationship. Meron din naman akong rules, but I realized how chill I am as a boyfriend. Panatag din ako kay Claudia dahil studies lang ang inaatupag; hindi rin mahilig uminom.

Humikab ako at saktong nakita ni Aries ’yon habang hinihintay namin ang next subject.

“Inaantok ka, bro?” tanong niya, may hawak na libro at mukhang naghahanda na ulit sa reporting niya na hindi natuloy kahapon.

“Sort of. Pero ayos lang, makakaparticipate naman ako.” I smiled.

“Pwede ka namang mag-excuse muna. Papayag ’yon si Ma’am Amor. Pwede kang matulog sa clinic…” suhestyon niya. Mukhang gusto pa yata nitong dispatsyahin ako.

Baka pag nanlaban ako, sa desperasyon ni Aries na patahimikin ako, tuluyan na talaga akong ipapadispatsya nito sa labas ng gate. Malay natin… may gang pala ’to sa labas kahit mukhang nerd dahil sa salamin niya.

“Hindi ako manggugulo, Aries. Kung may dapat kang idispatsya…” And then I looked at Arcena, who’s standing in front of the mirror doing some random dance while singing using his imaginary microphone.

“’Yan…” I mouthed.

Tumingin na rin si Aries kay Arcena. Umiling siya ulit sa akin.

“Pinakyaw ko lahat ang paninda niya kahapon. Hindi yata siya boboses ngayon….”

My brow raised. May bayaran na palang nangyayari para mapatahimik ’yan? Sabagay… Mga kaklase ko, panay bili sa paninda niyan na kung ano-ano para lang mapatahimik nila kung sakali mang reporting na. Kaso si Arcena, minsan nadedemonyo talagang bumoses pag tingin niya may areas na nakakaligtaan sa reporting.

And speaking of Arcena, bumirit pa talaga. Ang uniporme niya, ginawa niya nang croptop dahil nakatali na hanggang baywang. Normal pa ’yan sa tingin namin. Lalo na’t minsan, may dinadala siyang heels at ginagawa niyang rampahan niya itong classroom.

“Huwag mo lang galitin, bro. Pwede naman kayong magdebate ulit. Pero sa susunod na reporting na lang. Sa reporting nila Merrie…”

Huwag kong galitin? Eh ako nga ang ginagawang pulutan niyan minsan. I yawned again and gestured lazily to dismiss the topic.

At tama nga si Aries, hindi nanggulo si Arcena sa reporting niya. Tahimik din ang lahat at mukhang kinakaawaan na si Aries na patapusin na lang sa reporting dahil nakakadalawang ulit na siya.

Nag-quiz si Ma’am tungkol sa mga naunang discussion, kabilang na rin ang reporting ni Aries. Twenty items lang naman. Nagkaroon ako ng dalawang mali dahil na rin hindi naudlot ang study ko kagabi dahil sa pagtatampo ni Claudia habang perfect naman si Arcena.

Perfect. Kaya tingin niya lagi rin siyang tama eh…

“Mani! Mani kayo diyan!” At ayan na naman siya sa pagbebenta niya ng kung ano-ano na nilalako niya sa mga kaklase namin.

“Pabili nga ng mani mo, Arcena!” ang mga kaklase kong boys na dinaan iyon sa tawa.

“Masarap ba ’yang mani mo?” At may nangahas pa talaga.

“Kayo talaga boys! Huwag naman ipahalatang hindi pa tuli ’yang mga mapapangheng burat niyo kaya hindi niyo alam ang basic manners!”

The boys roared cheerfully. Gagong mga ’to. Alam nilang hindi sila uubra riyan, inaasar pa talaga.

My brows furrowed when I remembered his little insult to my dick again. Dapat ininsulto niya rin ang mga ’yan higit pa sa pang-iinsulto niya sa akin.

“Biro lang! Pabili nga kami!”

Nilapitan sila ni Arcena at pansin kong bumili rin naman talaga. I flipped the next page of my book. Hayop. Ba’t ba ako nagbabasa? Tapos ang isa riyan, nagagawa pang magbenta pero laging matataas ang grado.

Pagkatapos niyang bentahan ang mga lalaki naming kaklase, lumipat siya sa isa pang grupo ng girls at inalok ng benta niya.

Halos nabentahan niya na ata ang mga kaklase ko. May graham balls din siya na mabenta sa mga girls. Ako na lang yata ang hindi niya binibentahan. May galit siguro…

Hindi naman sa gusto kong kumain ng mga paninda niya. Hassle rin ’yan kainin dahil sasabit ’yan sa brace ko. At baka alam niya ’yon kaya hindi niya ako binibentahan?

Lumapit siya sa area ko. I focused myself on reading.

“Lara! Bibili ka?” alok niya sa kaklase kong nasa likuran ko lang.

“Graham balls siguro. Pabili ako mga lima…”

He nodded cheerfully and put down the small tupperware to open it. Tumingin ako ro’n. Bibili ako kung aalukin niya ako. Kaso hindi ’yan. Alam niyang nakabrace ako eh…

I noticed the pimples on his cheeks. Namumula na at nadagdagan pa yata. Kakakain niya siguro ng mani?

After giving five pieces of graham balls to Lara, he closed the tupperware and turned his back. Umangat tuloy ang kilay ko. Hindi man lang ako inalok?

“Ako? Hindi mo ako bebentahan?” I asked and chuckled.

He raised his brow and glanced at me. Si Lara na papasubo na sana ng graham balls, napatingin pa sa amin.

“Bakit? Kumakain ka ba nito?” he asked coldly.

I closed my book and leaned forward. “Buksan mo nga. Patingin… mahilig ang girlfriend ko sa matatamis eh.”

He exhaled and opened it again. Para pang napilitan dahil salubong ang kilay.

Binilang ko at nasa lagpas bente pa. Five pesos isa. I calculated it in my mind when he immediately gave me an answer.

“120…” he uttered seriously.

Umangat ang kilay ko at dinukot ang wallet palabas. I took out a five hundred peso bill. Tumingin pa siya sa wallet ko at kita kong sinulyapan niya ang iba pang nakasiksik na papel na pera sa loob.

“Wala ka bang mas maliit niyan? Wala akong panukli…”

I shook my head. “Ibigay mo na lang sa akin ang sukli mamaya. Akin na. Ihahatid ko sa girlfriend ko.”

Binigay niya sa akin ang tupperware mismo.

“Balik mo ’yan ah! Pag di mo binalik, hindi ko rin ibibigay ang sukli mo,” banta niya.

“Uy bati na sila! Guys, bati na sila! Sa wakas at walang mangpupurwisyo sa reporting natin bukas!” anunsyo ni Lara na ikinatingin ng iba naming kaklase at nakiusyoso pa.

Someone even took a photo of us while Arcena was handing the tupperware to me. Napangisi ako nang maalalang halos magpatayan kaming dalawa sa debate kahapon tapos ngayon…

“Who gave this to you?” tanong ni Claudia nang ilabas ko ’yon. Pinuntahan ko siya sa classroom niya para ibigay na rin.

“Ah… binili ko. May kaklase akong nagbebenta—”

“You bought this, or…someone gave this to you?” putol niya.

“No. I bought it. Naalala ko mahilig ka sa matatamis…” I said playfully with a smile.

She sighed and looked at me in a serious manner. “You know how much I hate liars…”

“Binili ko nga. Binili ko ’yan…” I explained.

“Kanino? That…Arcena? That gay who has a crush on you?”

My eyes widened in disbelief. I grunted and licked my lips out of frustration.

“Nagpapaniwala ka talaga sa rumor na ’yan, Claudia?” Natatawa ako pero hindi na nakakatuwa.

“May rumor ba kung wala namang source?”

“So? Sure, let’s say he has a crush on me. I mean… so? Kailangan ba natin ’tong pag-awayan? Wala naman akong ginagawa para…”

“Wala? Then how about this?” Ipinakita niya ang tupperware. “You are giving him mixed signals! You are low-key flirting with him!”

My jaw dropped.

“Claudia, I’m straight… At binili ko ’yan dahil naalala kong mahilig ka sa matamis. ’Yon lang naman ’yon…”

Nailing siya at ibinigay sa akin ang tupperware. “Kainin mo ’yan. Bahala ka. Or better yet, give it to those classmates of yours. Total interesado naman sila sa’yo eh.”

Kakabati lang namin, tapos mag-aaway na naman sa ganito ka liit na bagay? Dahil lang sa binili kong graham balls?

Kaklase ko lang ’yon. At gago… hindi lang kaklase kundi bading pa. Gano’n na ba ako kalala sa isip niya na tingin niya…kahit bading hindi ko palalagpasin?

Ang sahol ko naman ata no’n? Ako papatol sa bading? At ’yong Arcena pa talaga? That’s beyond my morals!

Badtrip. Ano bang klaseng assurance ang ibibigay ko para matigil siya kakaselos? Kung gusto niya, dito na lang siya tumira sa apartment ko nang makasigurado siyang wala akong ginagawang masama at hindi siya nag-iisip ng kung ano-ano! Mag live-in na lang kami!

“Baka may ka-live-in ka na diyan, ah?” At talagang sakto pa na iyon ang pangaral ni Ate Charm nang tumawag siya kinagabihan.

“Wala ah! Tigilan niyo nga ’yang mga duda niyo ni Mama,” iritado kong sabi kahit natatawa ng kaunti.

“Siguraduhin mo. Alam mo na pag ako ang nakaalam, pangaral lang ang matitikman mo sa akin. Pero kung si Ate Yna ang nakaalam, tingin mo hindi ka makakatikim do’n?”

Nagsisisi na nga ba’t pa ako nag girlfriend. I know Claudia’s history. I courted her for a petty reason. Sure. It was love at first sight. Pero sana mas kinilala ko pa. Baka sakaling…nakaatras pa ako.

“Ate…” I called unconsciously.

“O ano? Umamin ka rin na may babae ka ngang tinatago riyan sa Manila! Umuwi ka nga rito sa Bukidnon nang makurot kita sa singit!”

“’Paano mo natitiis ’yang boyfriend mo ngayon eh hindi ba’t gago ’yan?” I shifted the topic.

Natahimik si Ate. Ayan, masyado silang pakialamera sa buhay ko tapos ngayong ako ang nangingialam sa buhay nila, tahimik bigla? Gusto ko pa namang suntukin ’yang boyfriend niyang ’yan. Daming atraso eh.

“Bakit? Anong kagaguhan ’yang pinaggagawa mo diyan at mukhang naaalala mo ang kagaguhan ni Eric.”

Kagaguhan? Wala pa! Nagpaplano pa lang. Hindi nga makainom dahil baka dumagdag pa sa away namin ni Claudia.

“I’m just curious, Ate. Hindi ko kasi maintindihan. Kung tingin mo naman na ginagago ka ng boyfriend mo, ba’t ayaw mong makipaghiwalay?”

Dahil iyon na ang naiisip ko ngayon. Kung tingin pala ni Claudia na ginagago ko siya, hindi ba’t mas maigi na hiwalayan niya na lang ako?

Natahimik saglit si Ate Charm. Binuksan ko ang tupperware at kumuha ng isang graham balls. Sayang din eh. Ako na lang siguro ang kakain nito.

Nagsisi pa tuloy ako ba’t ko ’to binili kay Arcena. Bumibili rin kasi lahat sa kanya ang mga kaklase ko. Baka pag hindi ako bumili, akusahan ako no’n na nagdadamdam sa debate namin.

“Dahil naniniwala akong magbabago din naman siya. Na maaayos namin…”

Magbabago? Tss.

“Hiwalayan mo na ’yan, Ate. Mas tanggap ko pa na tikim-tikim na lang ang gagawin mo kaysa ’yang may boyfriend ka nga, pero sakit naman sa ulo—”

“Nag-aadik ka na ba diyan sa Maynila?!” she screamed hysterically.

Napapikit ako sa tinis ng boses niya. Pinapayuhan ko lang siya tungkol sa pag-ibig tapos tingin niya… nag-aadik na ako?

Gusto ko na rin sanang aminin kay Ate na may girlfriend ako para naman may nakakapayo sa akin sa amin ni Claudia, kaso baka mas maniwala pa siyang adik na nga ako kaysa iyong maisip na may seryoso akong girlfriend.

Pero hindi naman malala itong amin. I know I’m treating her right. Kaso ewan ko ba… Nakakasakal din pala pag…puro duda.

Claudia:

Cannot be reach ang number mo.

I typed a reply after Ate’s call. Wala man lang sorry pagkatapos ng ginawa niya?

Ronan:

Yup. Ate called me.

Claudia:

At this hour?

Ronan:

Oo.

Claudia:

Let me see your call history then.

Napatitig ako do’n. Wala naman akong tinatago. Madali lang namang magbigay ng evidence lalo na kung wala kang ginagawang masama. Pero ewan ko, nakakapikon din.

Ronan:

Si Ate nga.

Claudia:

Kung Ate mo pala, then send me the history. Madali lang naman ’yon ah?

I shut my eyes frustratingly. Badtrip.

Ronan:

Haha. I’m not your ex. Stop projecting his mistakes on me, Claudia. He’s an ass. I’m not :)

Claudia:

Not yet. Kaya kung ayaw mong maging ex ko, get your shit straight :)

Kung ayaw kong maging ex niya? She thinks I’m scared of being single again?

Ronan:

Lol haha alright miss.

Claudia:

See? Ang dali-dali lang ng gusto ko, pero ayaw mong magsend. Why? Guilty? At tingin mo hindi ko mahahalata na may panay tawag sa’yo gabi gabi? Hindi ’yan Ate mo.

Ronan:

Bahala ka. Isipin mo ang gusto mong isipin. Goodnight :)

Claudia:

Matutulog ka lang without assuring me?!

Damn it! Bahala siya. Masakit pa ang loob ko na hindi niya tinanggap ang binili kong graham balls sa kanya, ngayon, pagdududahan niya na naman akong may ka-call akong iba? At ilang buwan na ba kami?

Bahala siya. Saka na siya magparamdam sa akin kung kaya niya na ulit akong pagkatiwalaan. I turned off my phone the next day. Nababanas din talaga ako.

Kinabukasan, tulala tuloy ako sa halos lahat ng subjects ko. Nakikinig naman pero pakiramdam ko bangag na bangag ako. Bukod do’n, kung ano-ano pang naririnig ko sa likuran!

“Oo naglaplapan kami…” mahinang bulong ni Arcena pero rinig na rinig naman.

“First kiss mo ’yon?” the girls asked giddily.

“Hindi ’no. Pero first time ko na gigil na gigil siya sa akin. Akala ko nga titirahin na agad ako sa likuran… Hindi pa naman ako nakapag fasting.”

Mainit na nga ang ulo ko dahil sa away namin ni Claudia, ganito pa ang naririnig ko na topic nila. Hinanap ko tuloy ang AirPods ko sa bag.

“Masakit ba ’yon? Nasubukan mo na ba?”

“Hindi pa! Wala pa ako diyan. Saka na pag dalaga na ako. Laplap at deep throats na muna ako sa ngayon.”

The girls squeaked while I cringed in my seat. Bakit ba naririnig ko ang mga ’to? What am I gonna do with that information?

“Sabi ko nga pag namukol na ang boobs ko, pwede siyang dumede…” hagikhik niya na ikinahagikhik din ng mga babae.

Ngumiwi ako at lumingon sa kanila. Arcena noticed it while he was busy putting a hairclip on the side of his hair. Nang nakita niyang nakatingin ako, umangat agad ang kilay niya.

“Nasa’n ang tupperware ko?” he demanded harshly.

“Naiwan ko sa apartment. Nasa ref. Dadalhin ko bukas…” I answered coldly and pulled my attention back to the front.

Hindi ko kasi naubos ’yong graham balls. Naka sampo rin ako kagabi pero parang sasakalin na ako sa tamis kaya tinigil ko.

“Nagpipills ka?” the girls asked, back to their topic.

“Hindi ’no. Imaginary boobs ko lang. Hindi naman ako nangangarap maging babae talaga. Gusto ko ang katawan ko. Gusto ko ang meron ako. Hindi naman lahat ng bading ay gusto maging babae. Parang ako. Mahal ko ang katawang lalaki ko, pero mas mahal ko ang pagiging bading ko.”

At ang sukli ko? Nasa’n na?

“Kilala ko ata ’yan kung basketball player. Si Kyle? ’Yong nakabraces din… Parang si Slade lang din…”

Umalma na talaga ako. Gusto ko pa sanang lumingon pero nagpigil din dahil girl’s topic, o sila silang mga babae ang nakikipagtsismisan kay Arcena sa likuran. Ba’t ako nadadamay? At si Kyle? Nakahalikan ni Arcena? Is he bluffing?

“Hindi naman sila magkatulad. Pogi at matalino ’yon eh…” Arcena answered.

Huh? Doon pa yata ako mas lalong umalma at hindi ko na naiwasang lumingon ulit lalo na’t tumawa ang girls at sinaway si Arcena. Akin na kamo ang sukli ko!

“Sukli ko, Arcena,” singil ko na may halong pagdadabog.

Kumurap siya at tila naalala iyon. Kinapa niya pa ang wallet niya, inilabas ang bilog na kulay pink, at binuksan ang zipper.

Nang may maalala, izinipper niya pabalik iyon at ako naman ang inangatan ng kilay.

“’Yong tupperware ko, isauli mo muna saka ko ibibigay ang sukli mo.”

Sinamaan ko siya ng tingin. Kumurap siya at umangat ang kilay.

“Mas malaki pa yata ang galit mo sa akin kaysa sa…” he purposely said in a trailing voice.

Sa ano? Ipagpatuloy mo ’yan!

“May reporting ba mamaya? Wala naman ’no?” the girls asked each other concernedly.

Nagsikuhan ang girls at nginuso ang harap hanggang sa pumasok si Ma’am Alonzo, ang prof namin sa Oral Communication.

Tumayo rin agad si Arcena, naglakad pabalik sa upuan niya. Mas malaki pa ang galit ko sa kanya kaysa sa ari ko, gano’n? Eh siya? Ilang inches ba ’yang kanya at niyayabangan niya ako?

Lumulutang na yata ang isip ko sa kung saan saan. Kahit sa kalagitnaan ng discussion, pasimple kong sinusulyapan si Arcena at sinasamaan ko ng tingin.

“When it comes to communication, especially in genders, women are more expressive than men… While most women are good at communicating, some men tend to dominate the conversation, and they rarely talk about their private lives…” our prof explained while pacing back and forth.

“They tend to dominate the conversation lalo na pag naaapakan ang ego, ma’am…” And here you go, Arcena making another assumption like he’s targeting someone to prove he’s right.

At sino na naman ’yang kalaban niya? Ako lang naman ang nakadebate niya noong nakaraang araw. Ako ba ’yan?

Everyone in the class looked at me like I am their weapon against Arcena. Na ako lang ang may kakayahang bumoses na kahit mabara, makikipagdigmaan pa rin kahit duguan.

Huwag niyo ako kamong hinahamon ngayon. Mainit ang ulo ko.

“Expressive nga ang girls, ma’am, pero hindi naman sila direct magsalita. Kailangan mo pang hulaan kung ano ang nasa isip nila. Kaya siguro hindi nagkakaintindihan lagi dahil mahilig minsan ang girls sa pasikot sikot…” someone in the class pointed out, who was one of the boys.

I cannot help but nod. Tang ina, ayan ang problema ko ngayon!

Umalma ang girls.

“Eh s’yempre wala kasi kayong emotional intelligence kaya hindi niyo alam paano makiramdam!” the girls barked, which made the boys growl as well.

Anong emotional intelligence pa ba ang hinahanap ni Claudia sa akin kung pwede namang pagkatiwalaan niya na lang ako? Mahirap ba ’yon?

“Eh paano kami makikiramdam pag tinatanong namin kayo anong problema, ang sagot niyo wala? Tapos biglang magsusungit!”

I smirked and laughed at my classmates. Ayan, bumoses din naman kayo. Hindi ’yong ako na lang lagi.

Ma’am Alonzo laughed at us, probably enjoying the spur-of-the-moment banter, lalo na’t nagsisitayuan na rin ang girls.

“Eh kasi iba iba naman ang communication style ng tao,” Arcena answered. “Women use their left and right brains to communicate, which involve emotions. Habang ang mga lalaki, mostly sa left side na utak ang active pag nakikipag-usap. Logical, pero minsan, walang emosyon…”

Heh. Nawala tuloy ang ngiti ko lalo na’t nagkatinginan pa kami. Ako na naman ba ’yan, Arcena?

“Oh ayan na, si Arcena na ang nagsabi na madalas sa inyo, kalahating utak lang ang pinapagana!” the girls mocked.

“But that doesn’t mean we’re not a reliable speaker,” singit ko dahil inaapi na naman kami. “Men communicate through logical thinking, yes, but at least we’re more direct for a clear purpose than women—”

“Stereotype,” Arcena inserted. Hindi pa nga ako tapos! Kaya siya ang laging nagiging tama dahil tinatapos niya agad ako kahit hindi pa ako tapos!

“Nag-aaway pa tayong lahat kung sino ang lamang sa pakikipag-usap eh mga babae pa rin naman ang laging tama!” si Laurence na matapang iyong sinabi kaya mas umingay ang klase.

“May isang hindi babae diyan, pero tingin niya lagi siyang tama…” singit ko at pasimpleng dinaplisan ng tingin si Arcena.

His brow raised like a volcano being activated for eruption. The class cheered again.

“Eh kasi, ginagamit ko ng buo ang utak ko, hindi lang kalahati. Eh ikaw… may utak ka ba?”

My tongue playfully scraped on my upper brace and made a lazy chuckle while looking at him. Maarte siyang umirap.

“Sakit naman no’n. Sa aming boys kalahati pinapagana, tapos sa’yo, wala…” sulsol ng mga lalaki sa likod sabay hagalpakan.

“Wala ka raw utak, Veniel. Kung ako ginanyan pakikitaan ko ’yan ng bangis buong sem!” Na akala mo talaga, ang dali no’n…

Ma’am Alonzo hushed us. “Mag oral recitation na ba tayo?”

Everyone immediately turned silent. I crossed my arms and sneered at Arcena. Sige lang, makakabawi rin ako… matataob ko rin ’to sa top list…

Chapter 3

Trigger Warning: Homophobic remarks.

Respect

“Umiiyak nga siya eh…” Elly informed me, Claudia’s best friend.

My phone is still off. Gusto ko munang palamigin ang ulo. Kaso kagabi, hindi naman nagparamdam. Kaya ngayong hindi na ako nakatiis, sinilip ko na sa classroom nila.

She’s a Grade 12 student. Mas ahead siya sa akin ng isang taon at ilang months din ang tanda niya sa akin. Pero sa relasyon namin, pakiramdam ko ako ang mas mature. O dahil siguro wala naman akong malalang past hindi kagaya niya.

“Sana hindi mo ulitin ang ginawa ng ex niya,” Elly warned me in a concerned tone.

Umiling agad ako. “Hindi, Elly. Misunderstanding lang ’tong sa amin ni Claudia. Pinagdududahan niya kasi ako. Wala naman.”

“Pero nagiging malapit ka raw kasi kay Arcena. Hindi ka rin daw nakakapagreply agad sa kanya pero maabutan ka niya sa classroom na may kinakausap na girls…”

Fuck. Gano’n ba ’yon ka big deal talaga?

“You can’t blame her… Tinatanggi rin ng ex niya noon na wala raw… pero hindi lang isang babae… kundi tatlo…”

I gritted my teeth and looked away. Alam ko naman ’yon. Pero ang unfair naman sa part ko na wala naman talagang ginagawang masama. Bawal na rin ba akong makipagkaibigan sa girls? Bawal na akong may kausapin para lang mapanatag siya?

I’ll admit my pride took over that night. Kaya tinulugan ko siya. Hinayaan kong isipin niya ang gusto niyang isipin. Pero masisisi niya ba ako? Si Ate naman ang kausap ko talaga. Ayaw niya lang maniwala.

Break time na break time, pinuntahan ko tuloy ulit siya sa kanila.

Should I…invite her to my apartment instead? Doon na lang siya tumira kasama ko nang mapanatag siya.

Kaso nakakakaba rin kasi. Paano kung pa-sorpresang bumisita sila Ate rito sa Maynila? Edi putol ang lahi namin dahil talagang babayagan ako ng mga ’yon.

Or should I just…break up with her?

Ang hirap na rin naman kasi ng ganito. Aaminin ko, nasasakal na ako. May parte sa akin ang napapagod na sa paulit-ulit na pagdududa niya.

Kung hindi pa rin siya kakalma sa huling paliwanag ko, kung magmamatigas pa rin siya, siguro nga…mas mabuting…hiwalayan ko na lang.

Nagdoorbell ako. At tang ina, kung minamalas nga naman, Papa niya pa talaga ang lumabas, salubong at strikto ang kilay nang makita ako. Sa isip siguro nito ‘ayan na ang gagong anak ni Satanas.’

“Sinong sadya mo?” malamig niyang tanong at tiningnan ang hawak kong bulaklak.

“Ah… Si Claudia po…”

Naubo ang Papa niya at inabot ang lock ng gate para buksan. Her father is diabetic. Iyon ang pagkakaalam ko. May iniindang sakit.

“Sinaktan mo ba ’yon? Bakit nagkukulong sa kuwarto?” he asked strictly.

Siguro nga kung malakas lang itong Papa niya, baka bumwelo na ng suntok.

“Sinabi ko na sa kanya…walang magandang dulot ’yang pagboboyfriend. Hindi talaga siya nadadala,” aniya at padabog akong pinagbuksan ng gate.

Kabado akong pumasok. Nagmano saglit sa Papa niya kahit pakiramdam ko mapuputol ang kamay ko sa ginagawa ko.

“Inuubo po kayo. Uminom na po ba kayo ng gamot?” tanong ko.

Umiling siya at sumenyas sa akin na pumasok na; mukhang naaalibadbaran pa yata sa mukha ko. Tumango tuloy ako, dire-diretso nang nagtungo sa pinto,  at baka ako ang paubuhin niya ng dugo pag hindi ako umalis sa harap niya.

“Uy Kuya!” Terrence nodded at me, her only sibling.

Tinanguan ko ito na sinenyasan pa akong lumapit sa lamesa dahil kumakain siya ng pizza. Umiling ako at itinuro na ang kuwarto ng Ate niya.

Kumatok muna ako bago iyon pinihit pabukas. Sumilip ako at nakita siyang nakahiga sa kama.

“Claudia…” I called.

Umahon ang ulo niya, nang makita ako, bumalik agad sa pagkakahiga at nagtalukbong. Pumasok ako at nilapitan siya.

Inilapag ko ang bulaklak sa bedside table. Pansin ko ang nagkalat na tissue sa sahig. I feel bad. Kaya pala parang ang gago ng tingin ng Papa niya sa’kin kanina.

“I’m sorry…” bulong ko.

Kaya ko namang magpakumbaba. Kaya kong aminin na mali ako. Kaso sa ngayon, hindi ko alam kung bakit ako humihingi ng tawad. Siguro rin dahil…

“Magpahinga na ba muna tayo?” Fuck! Pumunta ka lang ba para makipaghiwalay? Nasa labas pa naman ang Papa niya. Paano kung inatake ’yon sa puso dahil sa kagaguhan ko ngayon?

Nang marinig iyon ni Claudia, lumabas siya sa kumot at paupong niyakap ako. My shoulder relaxed. Humikbi siya hanggang nahulog sa hagulgol.

“Hindi dapat ikaw ang humihingi ng tawad. Ako dapat. You’re right. Sa’yo ko napo-project ang kasalanan ng ex ko. I’m sorry…”

Hinaplos ko ang likod niya. “Eh wala ka naman kasi dapat ikaselos… Wala akong interes sa mga kaklase ko, Claudia. At si Arcena… mukhang hindi naman ako ang tipo kundi si Kyle. Baka napagkamalan lang na ako dahil parehas kami na naka-brace at kabilang sa varsity…”

If this is not enough as an explanation, then I don’t know anymore. Mabuti na lang, mukhang kumalma siya. Kabisado ko iyon. Lalo na’t niyakap niya lang ako lalo.

“At kung ganito ka magduda…kahit tumira ka kasama ko sa apartment…” I whispered.

Natawa siya ng bahagya. Natawa rin ako. Seryoso ako, ah?

“Ayoko. Baka araw-arawin mo ako.”

Mariin akong pumikit at napangisi. Gago ka, Ronan. Subukan mong humirit at mabubugbog ka ng ama niyan na nasa labas lang.

There was a part of me that wanted to end our relationship. But maybe, just like what Ate said, you hold on to that little hope that they will change.

“Yes! Kagrupo namin si Arcena!” Sa Martes na iyon nang hatiin kami sa dalawang grupo para sa activity namin sa P.E.

Nasa open space kami ng school. Nasa kabilang grupo ako at kakampi sila Aries na inakbayan ako.

“Ikaw pambato namin sa basketball, ah?”

Marami kaming activities. Isa ro’n ang volleyball, table tennis, badminton… Abala akong irolyo ang dulo ng manggas ng P.E. t-shirt ko habang ngumingiti sa akin si Aries.

“Manlilibre ako nanalo tayo sa grupo ni Arcena.” At motivation ba ’yan, Aries?

Pero alam namin na palaban din talaga si Arcena sa sports. I think he’s good at playing volleyball. Malakas humampas. Kaya ang lalaki yata ng ngiti ng mga kagrupo niya dahil tingin nila, sigurado na agad na sila ang lalamang. Kawawain ko kayo sa basketball. Tingnan natin.

Nag-stretching ang lahat. Medyo hindi pa ramdam ang tensyon sa bawat grupo dahil nagbibiruan pa ang iba. Ang init-init pa naman kaya hindi ko maiwasang hipan ang loob ng P.E. uniform ko.

“Slade oh! Pamaypay,” alok ni Alice.

“Uy! Salamat…” Ngiti ko at kinuha iyon para paypayan ang sarili.

“Pasali! Ang init…” Lapit sa akin ng iba kong kaklaseng girls.

“Ito na lang oh! Mini fan ko. Hiramin mo muna,” si Lara na inilahad iyon sa akin.

Hindi naman ako mabilis pagpawisan. Kaso para yatang nakalabas si Satanas sa lungga niya kaya ang init-init ngayon. Pero ramdam ko na nakalabas talaga eh. Nandito lang sa tabi-tabi at nakikisali sa stretching…

“Kami rin, girls. Para lang ba sa mga guwapo ang kabutihan niyo?” asar ng mga boys.

“Kaya niyo na ang sarili niyo! Malalaki na kayo!”

Napapaisip tuloy ako. Pag ito nakaabot na naman kay Claudia. Pero kumalma na ’yon eh. Hindi niya na lalagyan ng kahulugan ang mga ganitong tulong ng kaklase ko.

Binuksan ko ang biniling blue na gatorade at ininom iyon. Nanghingi iilan kong kaklaseng girls kaya binigyan ko lalo na’t nakita ko rin si Kyle, saktong dumaan habang wala sa sariling kinukuha sa akin ang gatorade.

“Slade!” Nakangising tango ni Kyle sa akin.

I nodded and smiled back. Napansin ko ang hagikgikan ng mga kaklase kong girls dahil bukod sa kilala ring varsity player si Kyle, may maipagmamayabang din naman talaga ang kumag pagdating sa itsura.

“Bebe mo…” bulong ng girls na katsismisan ni Arcena at pasimple nilang binunggo.

Isang sulyap lang ang ginawa ni Arcena, pero kita mo ang pasimpleng lagkit ng tingin sabay bawi. Arcena looked unbothered by Kyle’s presence. Patuloy lang na nags-stretching pero mas umaarko na ang katawan niya kakaliyad.

Crush niya ’yan? Nakalaplapan niya pa raw eh. Pinaglihi ba ’yan sa kabayo kaya niya tipo?

Tinanggal ko ang suot na AirPods sa kanang tainga nang tuluyang lumapit si Kyle at tumigil pa sa harap ko; mukhang makikipag-usap.

“Naimbitahan ka ba ni Dave sa house party?” he asked.

Namaywang ako habang inaalala kung meron ba. Nasakop na yata ni Claudia ang buong oras ko. At sa mga ganitong bagay, kailangan ko pang magpaalam eh. Madalas, hindi pa ’yon papayag.

“Hindi pa, pre. Papaalam din muna ako kay Claudia…”

Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang panunukso ng girls kay Arcena. Kyle glanced at them, which made me glance fully at them as well.

“By the way…” Natatawang tapik ni Kyle sa tiyan ko.

“Mm?” I pulled my attention back to him.

“Bro, I’m not into gays. I’m straight.” Halakhak niya.

Kumunot ang noo ko—lito. Ang iilan naming kaklase, napapatingin na sa amin dahil tawang-tawa rin si Kyle. His braces were now fully flashing because of his playful laugh.

“I heard kasi you said I’m into your classmate, which is…Arcena?” he pointed out while laughing.

Kita ko ang pagkapawi ng ngiti ng mga girls na inaasar si Arcena na kanina ay mukhang walang pakialam, pero ngayon ay napalingon na rin. He even stopped midway from his stretching.

“Sinabi ko ’yon?” Lalo na’t nalilito rin ako kung bakit ako ang pinagsasabihan niya sa bagay na ’to. “Wala naman akong sinabing gano’n.”

Tinapik ni Kyle ang balikat ko, mas tumawa. “I’m just clarifying some things. Baka kasi may kumalat na rumor sa akin. And knowing you’re quite famous here… I don’t want your words to spread.”

Huh? Since when did I start spreading a nonsense rumor that doesn’t even concern me? Tapos si Arcena pa? Hindi nga kami close niyan!

I licked my lips in confusion. “Ano?”

Kyle licked his lips too and looked in Arcena’s direction, who’s now turning his back on our angle. Ang mga girls na nakapalibot sa kanya ay hindi na halos maasar siya dahil nalilito na rin.

“Ang sinasabi ko lang, baka nagkakamali ka, pre. I’m into women. I’m actually courting one… I just want to clarify na wala akong nagugustuhan sa kaklase mo, lalong lalo na kay Arcena.”

Nalintikan na. At bakit sa akin niya ’to sinasabi?

Kahit abala ang iba sa mga kaklase ko na mag-stretching, alam kong nakikinig halos ang lahat dahil agaw pansin ang tangkad ni Kyle na humahabol sa akin, at kilalang varsity player din.

“Pero sanay na talaga ako sa ganitong mga rumor eh. Lalo na sa mga bading na kinakaibigan ko lang naman sana. I respect gays, but I’m really not into them…” Kyle clarified more.

I’m not even in the right place to snoop around. Pero narinig ko na nakahalikan niya si Arcena, ah? Bakit parang tinatanggi niya ngayon? At bakit sa akin siya nagpapaliwanag eh wala naman akong nabanggit sa kanya?

“Hindi kayo naghalikan?” I whispered to clarify.

My classmates were now eavesdropping. Humagalpak si Kyle sa akin. Iba ang tawa niya. He looked disgusted.

“Si Arcena hahalikan ko?” he repeated in a clear voice.

Narinig ’yon ng mga kaklase namin dahil tumingin na rin silang lahat kay Arcena. Kahit si Arcena, tahimik na nakatingin sa amin.

“Naghalikan pala kayo ni Kyle, eh! Uy!” biglang asar ng mga boys.

Umiling si Kyle sa kanila, natatawa pa rin. He even looked at Arcena.

“Naghalikan daw tayo. You should confirm if this is true. Para sa’yo na rin manggaling. Naghalikan ba tayo?” natatawang tanong ni Kyle sa kanya.

This time, everyone’s attention was now dragged to Arcena. Kahit nasa kalagitnaan ng stretching, ang iba ay tumigil na para makiusyoso lang.

Arcena immediately shook his head, looked at our classmates’ reaction, and then looked at Kyle again.

“Hindi… Bakit tayo maghahalikan, ’di ba?” he responded clearly with a slight laugh—almost sarcastic.

My brow raised in suspicion. Kyle then flashed a smirk and looked at me like this whole confrontation was meant to clear my mind.

“See? We’re not close. And uh…” Kyle controlled his laughter. “I have a type, bro…”

Gago? Bakit parang isinasampal niya sa akin ’yan? Pakialam ko ba riyan?

“Oh… Basted si Arcena,” biglang asar ng iilan naming kaklase.

“Baka naman kasi nananaginip ka lang no’n kaya akala mo hinalikan ka niya?”

Tinapik ni Kyle ang balikat ko, nangingiti. “Let’s catch up next time? After practice?”

Tumango ako kahit lito. Sumulyap si Kyle kay Arcena, nailing ulit at natawa, sabay lakad na paalis.

There was a sudden commotion, and most of my classmates are now eager to confirm if Kyle and Arcena have a thing. Kilalang MVP ’yon eh.

“Totoo ba ’yon? Si Kyle? Nakahalikan mo?” natatawang kumpirma ng boys.

“Ayos lang ’yan, Arcena! Hindi naman mali ang mangarap ng mataas eh!”

“Si Kyle na kasi ’yon. Pag mga ganyang lalaki, mga straight talaga ’yan…”

“Imposible din na patulan siya ni Kyle, ah?” bulong-bulungan na ng mga kaklase ko.

Kahit ako nagulat noong narinig ko na nakahalikan niya si Kyle eh. Hindi ko alam na kaya pala ni Kyle na makipaghalikan sa bading. Pero mas nagugulat ako ngayon na talagang nilinaw sa akin ni Kyle at itinanggi iyon. At ano ba ang kinalaman ko riyan?

“Pero Arcena, naisip mo ba talaga na kaya kang patulan ni Kyle?” si Alice na patawang tinanong ’yon.

“Ay, ayokong magpaliwanag lalo na sa mga babaeng alipin ng mga lalaking may itsura. S’yempre kakampihan niyo ’yan kaysa sa’kin eh, bading ako eh.” Angat ng kilay ni Arcena.

Alice looked offended because her smile gradually vanished.

“Magpakabit ka raw muna ng dibdib, Arcena. Malay natin mapikot mo sa pamamagitan no’n!” At tingnan mo nga oh? Ganitong kupal dapat ang kinakalaban niya, hindi ako.

“Eh ikaw kaya ang magpakabit ng utak? Baka sakaling masalba pa ’yang kabobohan mo!” si Arcena na agarang nakaisip ng pambara kay Reyes.

“Tama na nga ’yan! Pag dumating si Ma’am Aguiles, lagot tayo!” saway ni Merrie.

Nag-stretching lang ulit siya, dinedma ang pang-aasar na parang wala lang. Si Aries, kabado akong tiningnan.

“Ano raw ’yon? Para namang tanga ’yong Kyle. Masyadong guwapong guwapo sa sarili,” si Aries na irita.

I only shrugged because I don’t really know why he suddenly said that to me. Wala naman kaming naging usapan na gano’n. Yes, I heard Arcena and the girls were talking about it, pero nakalimutan ko na nga ’yon.

At bakit ko naman tatandaan ang gano’ng impormasyon eh ang babastos nga ng pinagsasabi ni Arcena sa oras na ’yon. Ayokong magka-nightmare.

“Pero ’di ba kinwento mo na… naghalikan kayo?” Naririnig ko ang mga girls na katsismisan ni Arcena noong oras na ’yon.

Paanong hindi ko maririnig eh ang liliit ng mga girls at sa harap ko pa mismo nagt-tsismisan!

I did some basic stretching first to my arms. Nakatingin ako sa mga girls na kinakausap na ni Arcena. Hindi naman ako kasali sa usapan, pero dahil narinig ko noong nakaraang araw, parang hindi mapapanatag ang loob ko pag hindi narinig ang karugtong.

“Huh? Hindi… pantasya ko lang ’yon…” Arcena laughed, desperate to dismiss the topic.

“Huh?! Hindi ’yon totoo?!”

“Hindi!” Umiling-iling siya, humagikgik. “Hindi rin ako papatulan no’n ’no. ’Tsaka isa pa…hindi naman ako gano’n ka easy to get. Hindi rin ako magpapahalik kung sakali man…”

My brow only arched and stretched the left side of my arm. Hindi raw magpapahalik pero kung makapagsabi na papadedein niya pa pag namukol ang boobs niya? What a liar.

“Sigurado ka?” the girls looked worried.

“Oo nga…” Muli siyang tumawa.

I noticed his sudden tension. Siguro dahil sanay naman na ako na malinis siyang gumalaw, o alam niya ang ginagawa niya. But this time, his stretching is a bit different. It’s not even the right way. Hindi ko alam kung nadidistract ba siya sa topic, o…

“Mali ang posture mo,” I pointed out.

I saw his slow-motion glance at me, like those creepy suspense horror movies. Si Aries sa tabi ko, napaatras pa ng kaunti.

I was bracing for an insult, but then he didn’t utter one and pulled his attention back to what he’s been doing.

“Galit na naman yata. Kakawawain tayo niyan…” bulong ni Aries.

Kakawawain? Eh wala nga akong alam sa pinagsasabi ni Kyle! Malay ko ro’n! Hindi ko rin alam ba’t kailangan niyang sabihin sa’kin mismo!

“Isumbong mo sa amin, Arcena! Kami bahala sa kumag na ’yon!” The usual boys at the back, who are part of his group, seemed bothered by his mood.

“Bubugbugin ba namin hanggang mag-violet?”

“Mga gano’ng mukha naman kasi…hindi talaga pumapatol ng bading ’yon. Mga magagandang babae ang pantasya no’n! Maghanap ka ng bagong crush, Arcena!”

“Hindi ko nga ’yon, crush! Pinagsasabi niyo?” si Arcena na sinasaway sila, tumatawa.

Aries elbowed me. I glanced at him while stretching my left leg.

“Parang nasaktan…” bulong niya sabay ayos ng suot niyang salamin.

Sino bang hindi masasaktan sa gano’n? I’ve never been rejected in my entire life. Hindi ko rin danas na parang harap-harapan kang itinanggi. Pero ano bang alam ko sa label nila?

Pwede naman kasing nagsasabi ng totoo si Kyle. Pero pwede ring si Arcena. At ako? Dawit na naman na walang kaalam-alam kung bakit nakakaladkad ang pangalan ko sa dalawa. Ginawa pa akong palaman eh.

“Bili lang ako ng tubig! Saglit lang!” paalam niya sa kagrupo niya, nagmamadaling umalis.

Everyone watched him jog in desperation to get away from the teasing and continuous whispers.

“Ano bang kwento no’n, Dianne?” tanong ni Lara sa nakatsismisan ni Arcena.

“Kwento niya naghalikan—”

“Huwag niyo nang ikwento. Kung sinabi niyang hindi, hindi,” saway ko dahil baka lumala lang ang usaping ’yan.

Dianne shut her mouth right away.

“Pero totoo talaga, bro?” kumpirma ng mga boys sa akin.

Tang ina. Ba’t ba ako nadadamay? Ako ba ang kahalikan ni Arcena?

“Pakialam niyo ba ro’n? Kailangan niyo ba siyang usisain sa bagay na ’yon?” irita kong sabi dahil ibang usapan na rin talaga sa akin pag kinukuyog na ang isang tao sa napakaliit lang naman na dahilan.

“Pero bilib ako kay Arcena kung hinalikan talaga siya ni Kyle,” natatawang sabi ng isa sa mga kaklase naming lalaki, nasa grupo ko. “Bukod sa lalaki rin naman talaga siya, puno rin ng pimples ang mukha niya. Talagang mandidiri ’yong Kyle. Kahit ako eh, kung may pinakalat na ganyan…paprangkahin ko nang maputol ang ilusyon.”

Ngumiwi ako. Anong meron sa pimples? Hormonal changes are clearly normal. Hindi na dapat ginagawang big deal ang ganyang bagay.

I’ll admit I don’t have deep empathies for gays. But I don’t have a problem with them either. I respect them. At hindi naman kasi bastos si Arcena. Oo, bastos magsalita, pero nambabastos? Hindi siya gano’n katulad ng ibang bading.

But I also get the boys’ sentiments. Iba rin naman kasi talaga ang pakiramdam pag bigla kang natutulak sa bading tapos straight ka. Talagang lilinisin mo ang pangalan mo. Kahit ako eh. Ewan ko nga lang kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa…

“Susumbong kita kay Arcena!” Isa sa mga girls iyon, si Merrie, na nasa grupo ni Arcena.

“Edi isumbong niyo! Pagtatawanan ko lang siya dahil mas malakas pa rin ang tama niya.”

“Laging tama, o malakas ang tama…” Muling tawa ng mga boys.

“Bili tayo ng tubig?” siko sa’kin ni Aries para kunin ang atensyon ko.

Tiningnan ko ang hawak kong gatorade. Nangangalahati na rin. Tumango ako at sinamahan siya.

Chapter 4

Apologize

“Close mo ba ’yong Kyle?” tanong ni Aries habang naglalakad na kami papuntang canteen.

Umiling ako. “Not really. Nakakasama ko sa basketball game kaya medyo kilala namin ang isa’t isa.”

“Straight ’yon?”

I nodded. Oo naman. Lahat naman ng nasa team, puro straight. Iyon ang pagkakaalam ko.

“Tingin mo, sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo?”

Aries seems to be challenging my brain to think rationally. Lalo na’t siguro dahil kilala niya akong matalino sa class, tingin niya, sa mga ganitong rumors o issue, makakapag-isip din ako ng tama, o may maganda akong maiaambag.

“Hindi ko alam. Hindi ko naman sila kilalang dalawa. Basta narinig ko kay Arcena…” I trailed off and put my hands at the back of my head.

“Para ngang tinanggi niya na lang kanina para hindi mapahiya lalo,” ani Aries.

Halata naman. That laugh and sarcasm are just a facade of his pain.

I stayed silent for seconds. Natatanaw na namin ni Aries ang canteen habang naglalakad papalapit doon. He fixed his eyeglasses again and glanced at me.

“Naranasan mo na bang ma-bully? O parang imposible,” agaran siyang nakaisip ng sagot sa tanong niya. “Mukhang ang perpekto mo tingnan eh. Baka kahit awayin ka lang ng isa, ipagtatanggol ka agad ng isang daan.”

I laughed ridiculously and brushed my hair backwards. “Nabubully ako. Pero sa bahay. May mga kapatid akong panay bunganga sa akin.”

Natawa rin siya pero balik ulit sa topic. “Eh, sa school?”

I shrugged. “Hindi pa. Sa Cagayan ako nag junior high school. Mga kaibigan ko ro’n, kilalang mga pamilya rin kaya hindi ako gano’n ka tampulan ng tukso. At wala namang natutukso sa’kin…”

“Ah… so rich kid na kabilang sa kilalang circles ka pala?” he chuckled.

Natawa rin ako. Wala eh. Ganito na talaga ang environment ko. Pero si Mama, tingin niya maiisipan kong mag-adik kahit wala naman akong gano’ng kaibigan.

“Eh ba’t dito ka sa Maynila napadpad mag-senior high school?”

I looked at Aries with furrowed brows. Bumabawi ba ’to dahil ginulo ko noong reporting? Daming tanong eh.

“Wala. Gusto ko lang malayo sa pamilya ko. Ang hihigpit kasi.”

He nodded. “Kadalasan sa mga taga probinsya, nakakakuha ng discrimination lalo na sa mga taga syudad. Pero ikaw…”

Ayan nga rin ang habilin ni Mama. Baka raw ako ang apihin dito sa Maynila. Oo, merong nang-aapi, pero si Arcena lang naman dahil hindi ko maangasan sa klase. Mas matalino sa’kin eh.

“Gano’n talaga siguro pag guwapo. Privilege,” aniya.

I stuck my tongue out and licked the side of my lip in a slow manner. Tiningala ko ang mainit na panahon. Ang sakit din sa balat. Pakiramdam ko nga kaya mabigat na itong bayag ko dahil naging boiled eggs na sa sobrang init.

“Kaya siguro mas piniling itanggi ni Arcena ang sabi-sabi kanina kasi naging normal na sa atin na kung sino ang mas may itsura, lalaking-lalaki, sila ang laging nakakakuha ng simpatya.”

Nawala tuloy ako sa iniisip ko at wala sa sariling napatango.

Bullies exist everywhere. Sometimes they’re laced in comforting words, but deep down, they’re like knives pointing at your throat to tame you.

At aaminin ko, madalas sa nabubully na mga lalaki, kung hindi kagaya ni Arcena na bading, kagaya naman ni Aries na mukhang mahina tingnan.

Pagdating sa canteen, luminga-linga ako. At nasaan na ’yong nagpaalam na bibili raw ng tubig?

“Wala siya rito,” biglang sabi ni Aries, mukhang parehas kami ng iniisip.

He took out his wallet slowly while glancing at each corners. Kahit sa loob ng canteen, wala rin siya. Parehas kaming naghahanap.

“Puntahan mo kaya sa cr?”

Tang ina, ba’t ako? Mainit na nga ang ulo no’n sa akin, magpapakita pa ako sa kanya? Baka mas lalong magalit ’yon.

Pero naisip ko, may kailangan din naman akong ipaliwanag. Baka isipin no’n…pinagkalat ko talaga o sinabi ko mismo kay Kyle. Eh wala nga akong ideya sa pinagsasabi ng kupal na ’yon.

I nodded at Aries and headed to the nearest restroom while calculating my explanations in my head.

Una, wala akong pinagsasabi kay Kyle. Pangalawa. Hindi ko ugaling may ipakalat na gano’ng rumor. Pangatlo, sasapakin ko talaga si Kyle kung ako ang pinagbuntunan ni Arcena na may kasalanan.

Natanaw ko na ang restroom. Papasok na sana nang may marinig akong mahihinang hikbi. Ang amba kong pagpasok, naudlot pa sa ere at mas piniling umatras.

I pinched my lower lip and furrowed my brows to think. Sa ganitong sitwasyon, mapapaisip ka talaga kung demonyo ka ba o mabait para makisimpatya sa mga taong nilalayuan mo dapat dahil pinagseselosan na nga ng girlfriend mo, mainit pa ang dugo sa’yo sa klase.

Pero naiihi ako. Oo, naiihi ako. Kanina pa ’to eh. Ngayon ko lang naalala.

I shamelessly walked in. Nahanap ko siya sa harap ng salamin at mukhang naghihilamos na; siguro natunugan niyang may papasok kaya pasimpleng naghilamos.

I cleared my throat and stood beside him. Binuksan ko ang faucet para makapaghugas ng kamay. Mga utos ni Aries… Ba’t ba ako nakikinig do’n?

When Arcena pulled his head up to see his face in the reflection of the mirror, his eyes widened when he saw me looking at him in the mirror as well.

Red swollen eyes. Red nose. Red cheeks. Wala, umiyak ’to. Papaapi siya ro’n kay Kyle? Eh, buong section nga na mga lalaki sa class namin, nakaya niya. Kahit ako. Tapos isang lalaki…hinayaan niyang apihin siya ng gano’n?

He gritted his teeth, took his towel out of his uniform, and wiped off the water on his face.

“Hindi ko alam ang pinagsasabi ni Kyle,” I explained because I don’t really want to be dragged into this matter.

He let out a sarcastic chuckle. “Mga walang bayag na lalaki na pag naapi lang ng kaunti, gagawin ang lahat maisalba lang ang ego.”

Ayan na naman siya sa pang-aapi sa bayag ko. Kulang na lang, pati magiging lahi nitong bayag ko, putulin niya nang hindi ko maikalat ang lahi ko sa sobra niyang inis.

“I am not saving my ego here. I am literally explaining that I didn’t spread any rumors or—”

“Eh kanino pa ba manggagaling ’yon?” He glared at me and pulled down his handkerchief away from his face.

“Ikaw lang naman ang nakikinig noong oras na ’yon maliban sa mga babaeng kakwentuhan ko. Sino bang mas malapit kay Kyle? Ikaw,” giit niya sa matigas na tinig.

My eyes widened at his accusation. “Bakit ko ’yon ipapakalat? O sasabihin kay Kyle?”

“Bakit nga ba?” He stepped closer to me, head looking up at me like a tiger that’s ready to devour its prey.

“Isa-isahin ba natin kung bakit desperado kang siraan ako lalo na’t hindi mo naman ako matataob sa klase?”

My jaw dropped, and I laughed unexpectedly. He didn’t back down. He looked at me fiercely.

“Ah… pinagbibintangan mo akong pinagkalat ang narinig ko sa mga sinabi mo sa kaibigan mo dahil hindi kita natatalo sa klase?” natatawa kong tanong. “Bullshit, Arcena. I’m not that petty—”

“Petty? Naapakan lang ang ego mo last month, pikon na pikon ka na! Alam ko na dahil ito sa pang-iinsulto ko sa tite mo kaya naging triple ’yang pagiging palaban mo.”

“And you think I will stoop this low to drag you down? You think I will involve my shit with your name outside the classroom?” I asked thickly.

His jaw clenched, and the anger in his eyes danced anxiously.

“Lumaban ka sa akin ng patas,” he threatened thickly.

I arched my brow. “Believe what you want, Arcena. My conscience is clean. I didn’t spread any rumor about you, nor did I tell Kyle about your sexcapades with him—”

“Sexcapades?! Ni hindi pa ako tinira no’n!” He pushed me aggressively.

Natawa akong bumundol sa tiles. “Hindi? Eh ba’t gano’n ’yon ka defensive? At pakialam ko ba kung ano ang nangyari sa inyong dalawa? Kaya nga nililinis ko ang pangalan ko rito dahil wala akong pakialam sa mga pinaggagawa mo kasama ang lalaking—”

Natanaw ko si Aries na pumasok, ngunit nagulat at naabutan pa akong itinulak ni Arcena. Ang hawak niyang tatlong mineral water na niyayakap niya, nalaglag pa ang isa.

Arcena pulled down the neckline of my t-shirt. “Humanda ka sa reporting, sa debate, sa lahat! Sisiguraduhin kong hindi ka makakaahon!” banta niya nang maglebel ang mukha namin.

Aries looked horrified by his threat and hugged the mineral waters like his life depended on it.

He aggressively pushed me away again, which made me slam my back to the cold tiles as I laughed at this nonsense fight. Gagong ’yan, ako pa ang makakarma ngayon eh ako naman sana ang walang kasalanan?

“Kawawain mo na ako sa klase, sa lahat, pero malinis ang konsensya ko sa bintang mo. Wala akong sinabi kay Kyle,” pahabol ko.

Lumabas siya sa restroom na galit na galit. Si Aries, halos tumilapon pa nang umusog sa gilid para lang pagbigyan ito ng espasyo na makadaan.

“A-Arcena! Tubig, baka gusto mo?” alok ni Aries.

“Ibuhos mo sa kaibigan mo nang mahimasmasan siya sa kagaguhan niya!” rinig kong sagot nito kay Aries.

Inayos ko ang nagusot kong t-shirt at tiningnan ang sarili sa salamin habang ngumingiwi. Nilapitan ako ni Aries sa kabadong paraan.

“Huwag na kaya nating siputin ang activity ngayon sa P.E.?”

At para bang nagkakaroon na siya ng nagbabadyang panganib sa isip niya kaya ganito siya ka takot.

I scraped my tongue on my upper teeth, checking if my brackets are all intact.

“Magaling siya sa volleyball pero makakabawi tayo sa basketball,” sabi ko.

“Pero mauuna pa ang volleyball bago ang basketball. Makakabawi ka pa kaya kung… uunahan ka na niyang bawian ng buhay?” si Aries na tiningnan ko sa salamin.

Napaisip-isip tuloy ako. Oo nga naman. Pero hindi ’yan. Galit lang ’yon, pero hindi naman siguro gano’n ka galit para…

Naudlot lahat ng mga iniisip ko nang makita ko na siya mismo ang nasa gitna, nakayuko sa magkabilang hita at matalim ang tingin sa harap nang magsimula na ang unang activity namin na volleyball.

His eyes were sharp and alert. He’s in his perfect stance to observe every opponent from our group. But I could really sense he has his main target.

“Ayoko sa harap!” some of my group mates were now pushing each other for their assigned position.

“Matatangkad dapat ang ilagay sa harap!” Talaga ba, Lara? O gusto niyo lang akong ipain.

Kanina pa nag-aaway-away ang grupo ko. Ako naman na walang alam sa sports na ’to, hindi alam kung paano sila iaassign. Si Lara ang naatasan para rito, tapos ngayon, isa siya sa nagpapalit agad ng posisyon nang makitang si Arcena ang nasa gitna sa harap.

Kumpara sa grupo ni Arcena na mabilis agad silang nagkasundo sa posisyon, ang grupo namin, magtutulakan pa yata kung sino ang kayang harangan ang magiging atake ni Arcena. Para namang mga tanga.

Aries tapped my shoulder like I am the sacrificial lamb of the group when it comes to Arcena. Lintik na ’yan.

“Ganito na lang, ang mga boys sa likuran, tapos girls sa harap,” I butted in to end the discussion.

Everyone then agreed and went to their positions.

“Kailangan yata ng mouthpiece ang isa riyan, ma’am…” bulong ng mga lalaki kong kaklase na nakaupo sa bleachers.

Hindi ’yan. Nasa pinaka likuran naman ako. Hindi naman sa umiiwas ako, pero kung itatapat ako sa harap dahil lang nandoon si Arcena, tingin ko dehado ang grupo namin dahil hindi ako maalam sa sport na ’to. Dapat ang katapat niya, ’yong may alam talaga dumepensa.

Mahirap naman talaga ang bawat posisyon lalo na kung hindi mo kabisado ang sport na ’to. Trial pa lang naman sana at hindi pa actual activity, pero nagkukumahog na ang mga kagrupo ko na umatras.

When the trial started, Arcena’s group looked so organized, like they knew their positions and their capabilities individually. May isa sa kanila na mukhang hindi gano’n ka alisto pero nabibigyan siya ng gabay ni Arcena. He’s an all-rounder. Mukhang kabisado niya pa yata halos lahat ng posisyon.

Everyone was now alertly watching the ball from Arcena’s team. Pinagpapasa-pasahan iyon hanggang sa si Arcena ang tumalon nang mataas at hinampas nang malakas ang bola na agarang tumalsik papunta sa amin.

The ball was violently smashed to our ground, and no one even dared to block his attack. Nagtilian agad ang grupo nila habang ang grupo ko, pinaglilingon ako sa likuran na parang kasalanan ko pa at hindi ko nalipad ang pagbagsak ng bola para saluhin man lang.

“Okay, let’s start,” ani Ma’am Aguiles.

“Ay, Ma’am, akala namin ’yon na ’yon?” mga kagrupo ko na mukhang natatakot na.

“Kaya natin ’to,” I encouraged my team. “Para sa grado…”

“Para sa bayan!” palabang sigaw ng kagrupo ko.

“Hindi na yata grado ang pinanghuhugutan ni Arcena.” Iling ng iba.

“Kahit yata dasal hindi tayo masasalba rito eh. si Lara.

Malay natin ’di ba, magkaroon ng himala at kami ang manalo?

When the activity officially started, I could sense my teammates’ eagerness to defend Arcena’s group from scoring. Nga lang, nang napunta kay Aries ang bola, umatras pa. Gago!

Nagtawanan ang mga kaklase namin. “Volleyball ba ’to o dodgeball?”

“Ba’t mo iniwasan, gago…” natatawa kong bulong. Kahit si Ma’am Aguiles, natawa na lang din sa katangahan ng grupo namin.

Wala. Dehado talaga kami rito. Ang grupo agad ni Arcena ang nakapuntos. At sa bawat talon niya para ihampas ang bola papunta sa amin, kulang na lang lumangoy sa sahig ang mga kagrupo ko para habulin ang bola na hindi rin nila nasasalba.

“Ayos lang ’yan! Kaya pa natin ’to!” I said encouragingly. Konting tiis pa… malapit nang matapos…

Naging palaban na rin ang grupo namin. Kaming boys sa likuran, nakakaambag din naman. Ang mga girls ang taga hampas at talagang nakakakaba pag nakikita naming alerto ring gumagalaw ang grupo ni Arcena.

When he jumped a little bit higher than his usual jumps, two of my teammates tried to block his attack. Malakas na hampas ulit ang ginawa niya hanggang tumilapon pabalik sa amin ang bola. Pero sa sobrang bilis no’n, napaupo na lang ako nang sa akin pa tumama. Fuck! I got hit in the face!

Mariin akong pumikit sa sakit at hindi agad nakatayo. My teammates crowd me. Kahit ang boses ni Ma’am, naririnig ko nang papalapit.

“Veniel…” tawag niya.

Nahihilo pa yata ako. Pakiramdam ko umiikot ang paligid. Kinapa ko agad ang matangos kong ilong at baka nabali! Lord salamat! Totoo ang Diyos!

Ronan Slade Veniel. March 25. Taken. Bukidnon… At mukhang hindi gano’n ka lakas ang tama dahil nakakaalala pa ako.

“Slade?!” ang mga babae kong kaklase na kung makatili, akala mo naman nabunggo ako ng sasakyan at napilayan.

Nararamdaman ko ang mga hawak nila sa balikat ko, mukhang gustong siguraduhin na humihinga pa ako.

“Ayos lang ako,” I uttered while I could feel the pain in my mouth. Sobrang sakit ng bibig ko. Parang nayanig ang buong ngipin ko sa nangyari.

“Hala dumugo ang labi niya, ma’am?!” the girls freaked out. “Ang daming dugo sa bibig niya!”

Ma’am Aguiles walked toward the commotion worriedly. Kahit ang iilan kong kaklase na nasa bleachers lang kanina, nagsisitayuan at lumalapit na rin sa akin.

I licked my lips, and I confirmed it was really bleeding. I reclined my body and scraped my tongue on the upper and lower parts of my teeth. Walang natanggal na ngipin. Lord salamat at hindi mo pinapakinggan ang dasal ni Mama!

Gusto ko sanang tumayo pero para akong lasing na hindi agad mahila ang sarili patayo.

“Isugod na natin sa clinic! Boys! Kargahin niyo na!” the girls demanded desperately.

“Veniel, ilan ’to?!” ang mga lalaki kong kaklase.

“Wala na. Nagka-amnesia na yata ’yan…”

“Tanungin niyo ng solving. Pag hindi nakasagot, malala ang tama niyan sa ulo.”

“Class, calm down! Huwag niyong pagkaguluhan at hindi ’yan makakahinga! Give him space!” saway ni Ma’am.

Dumilat ako paunti-unti. Natanaw ko si Arcena na natitigilan pa. Mukhang gulat sa nangyari habang ang iilan niyang kagrupo ay naglalakad na papalapit sa akin.

Ah… Hindi ka naaawa? Mukhang nagmamatigas pa ang may kasalanan, oh.

“Ma’am… wala na akong makita…” pananakot ko baka sakaling matablan.

“Ma’am! Wala na raw siyang makita!” the girls repeated in a dramatic way, like I am about to go blind at this point.

Arcena remained on his ground, arms crossed, and watched me like I was his pitiful victim. Nanlalaban ka ah…

“Boys, ihatid niyo si Veniel sa clinic,” utos ni ma’am sa nag-aalalang tinig.

Si Aries agad ang naunang umalalay sa akin patayo. Before he could even pull me up, I dramatically winced.

“Aray. Ang ribs ko! Nabalian yata…” hawak ko sa gilid ng katawan ko kaya hindi natuloy ni Aries ang pag-aalalay sa akin.

“Ano pang masakit sa’yo, Veniel?” Ma’am asked for a proper checkup.

“Tuhod ko rin, ma’am… pakiramdam ko mapipilay na ako…” madrama kong daing.

She glared at me like a warning to stop messing around. Natatawa kong binasa ang pang-ibabang labi na dumudugo pa. Ang mga girls, halos tinitigan na lang ako sa awa at mangha.

I looked at Arcena, who’s now slowly walking toward me. Mukhang natablan…

“Ma’am, ang bungo ko, pakiramdam ko nag-crack. Ang sakit din ng ulo ko…” I added loudly.

“Daming sakit. Magiging bulag na nga, magiging pilay pa. Saan ka ba talaga natamaan? Sa mukha? O sa utak?” bulong ni Aries.

“Stop fooling around, Veniel!” saway ni Ma’am.

Umubo ako at niluwa ang bracket ng brace ko. Oh, ito na ang makatotohanan. Natanggalan ako ng bracket! Kung wala akong brace, baka tatlong ngipin ang niluwa ko ngayon at nabungal na.

“Hala natanggal!” the girls overreacted.

Arcena stopped on the side while the girls were all crouching down to check on me worriedly.

Sure, hindi naman kailangang isisi sa kanya dahil normal talaga sa volleyball ang ganitong aksidente, pero tang ina, ang layo ko sa kanya! Nasa pinaka likuran ako! Pero sa hampas niya, para niya akong inasinta sa kinatatayuan ko!

At sa banta niya sa restroom kanina, alam ko na sinadya niya talaga eh.

“Ma’am, mahal ’to… Kada bracket, isang libo…” I showed my brackets. “Tatlong libo na ’to.”

I saw how Arcena’s composure slowly crumbled. Kita ko sa mga mata niya ang biglang pag-aalala, at hindi yata sa akin, kundi sa nabanggit kong pera.

Tingnan mo ’to. Hindi pa yata magkakakonsensya kung hindi ko binanggit kung gaano kamahal ang bracket ng braces ko.

Ma’am Aguiles gestured to the boys to lift me up now. Mukhang narindi na siya sa mga reklamo ko at gusto niya na lang na ipasugod ako sa clinic.

“Hala ka, Arcena…” I heard some of my classmates.

“Edi babayaran mo ang brackets ni Veniel?”

“Hindi naman ’yon sinasadya! Normal kaya sa volleyball ang facial hits!” one of our classmates defended him.

“Gumanti ’yan si Arcena dahil si Slade ang nagsabi kay Kyle tungkol sa imaginary kiss nila…”

Ayaw ko ngang isiping gumanti, pero ano pa bang rason kaya ako ang naging target eh ang layo-layo ko nga? Sinadya niya talaga.

Nasa balikat ni Aries ang isa kong braso, at nasa balikat naman ni Theo ang isa pa. Nakakatayo pa naman talaga ako, pero gusto kong asarin ang isa riyan na nagmamatigas.

“Bibisitahin ka namin sa clinic, Slade! Dadalhan ka namin ng prutas!” ang mga girls na akala mo talaga magiging pasyente na ako.

“Ipapabayad mo ba kay Arcena ang brackets mo na natanggal?” tanong ni Aries habang naglalakad na kami papuntang clinic.

“Oo, sino pa ba? Ang lakas ng hampas niya,” sabi ko.

“Nagbebenta na lang ’yon, pre. Tingin mo kaya niyang bayaran agad ang tatlong libo?” tanong ni Theo.

May sukli pa nga ’yon na hindi niya pa naibabalik sa akin! And now, he purposely hit me in the face! He needs to apologize first!

Afford ko naman ang brackets na natanggal. Saktong schedule din ng adjust ko bukas. Wala lang naman sa akin ang ganito pero natatawa ako talaga pag naiisip ko na mas nakonsensya pa siya na natanggalan ako ng bracket kaysa ang isiping kamuntik niya na akong bulagin at bungalin!

Paghatid sa akin sa clinic, iniwan din ako ng dalawa. The school nurse immediately checked on me. Bukod sa labi kong dumudugo, wala naman daw problema.

Excuse tuloy ako sa sunod na subject dahil kailangan kong magpahinga. Hindi pa ako pwedeng bumalik agad sa classroom. Mag-aalala ’yon lalo si Arcena. Iisipin niya na baka nag-aagaw-buhay na ako rito sa clinic at baka sakaling tubuan na talaga siya ng konsensya.

Mag sorry kamo siya. Oo, hindi niya sinasadya, o kung sinasadya niya naman, edi mag-sorry siya. Pero sa pride no’n, alam ko na hinding hindi no’n masisikmurang humingi ng tawad sa akin. Kaya tama lang itong takutin ko siya nang maturuan kong ibaba ’yang pride niya.

“Nurse, masakit din po ang ulo ko…” rinig ko ang pamilyar na boses ni Aries makalipas ang ilang oras. Gagong ’to? “Pwede bang matulog muna?”

“You can occupy the vacant bed next to Veniel…”

Napadilat tuloy ako. Ilang segundo lang, nagpakita nga si Aries. Nanliit ang tingin ko sa kanya. Sa halip na solo ko ang buong clinic, dumagdag pa talaga siya!

“Ba’t ka nandito? Ako lang ang natamaan ng bola ah?”

“Reporting nila Merrie. Ako kasi ang tinatakot no’n na tatanungin…” aniya at binakante na ang isang kama.

Si Merrie? I’m not even sure if she’s part of the top list. Duwag talaga ang isang ’to. Gagawin ang lahat makatakas lang sa mga tanong.

“Eh si Arcena?” tanong ko. “Hindi ba nagtanong sa’kin? Walang balak pumunta rito at humingi ng tawad?”

“Kung pupunta ’yon dito, baka tutuluyan ka pa no’n. At nasa classroom. Abala sa kuko niya. Nagmamanicure silang mga girls,” aniya habang hinuhubad ang salamin niya.

Ngumiwi ako at ginawang unan ang mga kamay ko. Ah, wala kang konsensya? Sisingilin ko ’yon sa bracket ko. Kung hindi siya hihingi ng tawad sa akin, magbabayad siya ng tatlong libo.

Chapter 5

Number

“Sinong nakasapakan mo? Sa loob ba ng school? Nagsumbong ka na ba sa guidance office? Ipapa-DEPED ko ’yang mga ’yan kung hindi makikick-out ang sumapak sa’yo!” Ate overreacted as soon as I told her about my braces.

Ngayong naka-video call na, at pinakita ko ang nangyari sa braces ko, galit na galit. Tingin niya pinagtulungan ako ng buong school, inapi-api, at ako ang dehado kaya nauwi ako sa ganito.

Nagulat yata si Aries sa boses ni Ate at napabangon ang ulo sa pagkakahiga kaya nakita ng kaunti sa camera. Ate glared at him.

“Ayan ba ang sumapak sa’yo? Ipakausap mo nga sa akin! Lagot sa’kin ang batang ’yan!”

Namilog ang tingin ni Aries habang umiiling ako kay Ate. Idadamay niya pa ’yong tumakas na nga lang sa klase para hindi madamay sa reporting.

“Hindi. Iba ’yon. Nasa classroom.” At ayaw humingi ng tawad. Sisingilin ko pa ’yon.

“Magpa-check up ka. Tapos kung anong nangyari sa’yo, ibigay mo sa kanya ang result. Siya ang ipabili mo ng mga gamot mo. Pati ’yang sa bracket mo,” banta ni Ate sa galit na tinig.

“Kasalanan ’to ni Mama, ate…” sumbong ko nang maalala ang text ni Mama. “Pinagdadasal niya ako na pag may ginawa raw akong kalokohan dito, makarma raw sana agad ako.”

Hindi ko alam kung sa langit ba ako pinagdadasal ni Mama o sa kaibuturan ng lupa kaya kung ano-anong kamalasan ang nangyayari sa buhay ko.

“Ano bang kalokohan ang ginawa mo?” At talagang ako pa ang masisisi rito?

“Activity sa P.E. Natamaan ako ng ganti ng api…” bulong ko sa haka-haka ko kaya ang lakas ng tama ng bola sa mukha ko.

“Sino ’yang P.E. teacher mo? Ipapasugod ko ’yan kay Mama!”

Ngumiwi ako. Bulbulin na ako tapos ganyan pa ang gagawin nila? Para naman ako nitong kinder!

“Lagot din ako nito kay Claudia…” bulong ko sa sarili nang maalalang magagalit din ang isang ’yon.

“Sinong Claudia?!” my sister asked suspiciously.

“Dentist ko!” agap ko.

Tumingin si Aries sa akin at tahimik na nakinig. Ibinaba ko na tuloy ang tawag at baka kung ano pa ang masabi ko at sa halip na problema lang sa braces, madadagdagan pa.

“Hindi alam ng pamilya mo na may girlfriend ka rito?” Tsismoso rin ’to si Aries eh.

Umiling ako. “Mahigpit sila.”

Wala pa ngang isang minuto ang pagkakatapos ng tawag ko kay Ate, nakatanggap na agad ako ng text galing kay Mama.

Mama: Diyos ko!!!!! Nasira raw ang ngipin mo sabi ng Ate mo!

Mama: Diyos Ko!!!!! Aatakihin ako sa puso bata ka! Ano bang pinaggagawa mo riyan!

Mama: Diyos ko!!!!!!

Nagtype agad ako ng reply kay Mama dahil naiisip ko na siyang sapo-sapo ang dibdib at madramang humihinga nang malalim.

Ronan Slade: Brackets ng braces ko ang natanggal. Hindi ngipin hahahahahaha

Mama: Ipatanggal mo na yang braces mo. Diyan ka mamamatay sa kaartehan mo eh wala naman sanang sira ang ngipin mo!

Mama: Ipabayad mo ’yan sa demonyong may gawa niyan! Kung hindi magbabayad kailangan ’yan makick-out!

Mama: Nagpupumilit ka na dyan ka mag aaral tapos hindi mo kayang alagaan ang sarili mo! Umuwi ka rito sa Bukidnon. Alagaan mo ang farm natin!

Kaya minsan talaga, mas mabuting huwag na lang magsumbong dahil ganito ka-drama ang kahihinatnan.

Mama: Nasend na ng ate mo ang pera. Dumiretso ka na sa appointment mo at ipatingin mo yang ngipin mo sa dentista mo!

Mama: Tama rin ang ate mo at baka napano na ’yang ulo mo! Magpacheck up ka kung hindi ay pupuntahan kita riyan sa Maynila at ipapapulis ko ’yang may gawa niyan sa’yo!

I checked my bank account, and Ate really sent me money worth 10,000. Gusto pa yata nilang ipa-confine ko ang sarili ko sa ospital at magpa-xray sa ulo nang makasiguradong hindi malala ang tama ko.

Ang boring ma-stuck sa clinic nang walang ginagawa. Si Aries lang yata ang nag-eenjoy dahil nakatulog pa. Ginising ko para yayaing bumalik na sa classroom.

May mga ingay, bigla nang bumukas ang clinic, at puro girls na pamilyar sa akin ang boses.

“Hello nurse! Pinapabigay ni Ma’am Aguiles ’to kay Veniel…” boses ’yon ni Lara.

“Pasok. Huwag kayong magtagal,” the nurse said.

Sinilip ko kung sino-sino ang mga pumunta. Nasa tatlo. Sina Lara, Alice at Melissa, puro ko ka-grupo. Nasa’n na ’yong may kasalanan? Lagot siya kay Mama at Ate. Humingi na dapat siya ng tawad sa akin.

“Ba’t hindi sumama ’yong may kasalanan?” tanong ko.

Inilapag ni Melissa ang dalang basket na may lamang prutas. Saktong bumukas ulit ang pinto at mukhang may pumasok ulit.

Sumilip na talaga ang nurse para yata paalisin na ang mga kaklase ko. Naamoy ko agad ang pamilyar na pabango ni Claudia. Nandito siya?

“Lumabas na kayo. May bagong bisita ulit si Veniel,” the nurse informed. Si Claudia?

“Pagaling ka, ah? Ang boring ng classroom kasi wala ka. Walang nakakakontra kay Arcena,” ani Melissa.

“Alis na kami! Susubukan naming kumbinsihin si Arcena na mag-sorry para bati na kayo,” si Alice.

Hindi na tuloy ako makatango dahil alam kong nandiyan sa labas si Claudia. Pinag-iinitan niya na nga si Arcena, ngayong natamaan ako ng bola sa mukha, mas magagalit ’yan. Pero pipilitin ko ’yong magsorry.

“Hi Ate Claudia…” rinig kong bati ng mga kaklase kong girls.

Binato ko ng unan si Aries para magising na at nababagot na ako rito sa clinic. Gusto ko nang lumabas at bumalik sa classroom.

“Ronan,” nag-aalalang tawag ni Claudia at tiningnan agad ako.

I didn’t inform her that I am in the clinic. Gaano ba kabilis ang balita na nasapul ako sa mukha at nakaabot agad sa kanya?

“You didn’t tell me. Anong nangyari? Tinamaan ka raw ng bola ni Arcena sa mukha?” tanong niya at umupo sa gilid ng kama ko.

“Oo. Pero huwag kang mag-alala. Aksidente lang naman,” sabi ko lalo na’t ayoko na rin talagang palalain ito.

“Aksidente? Pero naisugod ka sa clinic? Halatang nagpapapansin ’yon sa’yo, hindi mo ba ramdam?” At ayan na naman siya sa duda niya.

“Aksidente nga lang…” kumbinsi ko.

“Anong sinabi niya? Galing siya rito ah?” pang-uusisa ni Claudia na ikinakunot ng noo ko. Hindi nga nagpakita kahit ang anino no’n dito.

“Hindi siya pumunta,” sabi ko.

“Naabutan ko siya sa pinto ng clinic. Pero nagmamadali ring umalis.”

Talaga? Hindi naman pumasok. Baka nakonsensya pero umurong lang at umatake na naman ang kademonyohan kaya hindi natuloy.

“Nagdududa na talaga ako sa kanya,” iritado niyang sabi sabay tingin ng masama sa basket na may mga prutas.

“Sinabi ko na sa’yo, si Kyle ang…” Natigilan ako at naalalang nabanggit ko nga pala kay Claudia ang tungkol kay Kyle at Arcena.

“Sinabi mo ba kay Kyle ang sinabi ko?” I asked seriously. Kaso hindi naman sila nag-uusap ni Kyle?

Her eyes widened. “Huh? No! Bakit ko ’yon sasabihin?”

Sumandal ako sa kama at humalukipkip. Nanliit ang tingin niya sa akin.

“Pinagbibintangan mo ba ako na may sinabi ako kay Kyle? And what’s the big deal?”

“Nagkaabutan kami ni Kyle kanina. Sinabi niyang galing daw sa akin ang balitang may gusto siya kay Arcena. Eh sa’yo ko lang naman ’yon sinabi. He clarified he doesn’t like Arcena. Kaya nagalit si Arcena sa akin at—”

“At ito ang ginawa niya?” she cut me off aggressively.

Palaban si Arcena pero para talunin kami. Para ipataob ang grupo ko. Kahit pinagdududahan ko siyang sinadya niya, wala naman akong ebidensya.

“Normal lang ’to sa volleyball sport—”

“Natanggalan ka ba ng bracket?” Mas lumapit ang mukha niya sa akin at hinawakan na ang pisngi ko.

Napaungol ako sa kirot dahil namamaga pa yata ang loob ng bibig ko. “Nagpadala na si Ate para rito.” Pakiramdam ko unang beses akong nakabitan ng braces kaya ganito siya ka sakit sa bibig.

I saw the rage in her eyes and her gritted teeth.

Tumayo siya. “I’ll ask for compensation. Kailangan mo na ngayong pumunta sa dentist mo. He needs to pay for your brackets. Siya naman ang may kasalanan kaya ’yan natanggal kaya siya dapat ang magbayad.”

“Claudia, huwag na,” agap ko dahil ayoko namang mag-eskandalo siya ro’n sa classroom ko! Nagpapasalamat nga ako na wala rito si Mama; siya naman ang gagawa!

Pero hindi nagpapigil si Claudia. Talagang umalis at desididong pumunta sa classroom. Mabilis akong umalis sa kama at kinuha ang unan ko para ihampas kay Aries na tulog pa rin. Nagulat siya at pikitmatang napalingon sa akin.

“Tumayo ka na riyan. Bumalik na tayo sa classroom. Susugurin yata ni Claudia si Arcena,” sabi ko na ikinataranta niya at umalis din agad sa kama.

“Bakit susugurin? Hindi naman sadya,” reklamo ni Aries na isinuot ulit ang salamin. “Ang bangis naman ng babae mo.”

Nagmamadali kaming dalawa ni Aries na lumabas. Iba talaga pag galit ang babae dahil ang tulin ng lakad at hindi ko na naabutan, mukhang nasa classroom na ’yon.

Nagjog na ako para lang maabutan agad at nakitang pumasok na nga si Claudia sa classroom namin. Mukhang tapos na rin yata ang discussion at wala na ang prof dahil nakapasok na siya.

I am already picturing the worst-case scenario. Sinasabunutan ni Claudia si Arcena. At si Arcena, palaban ding sinabunutan ang girlfriend ko pabalik gamit ang bagong manicure niyang kuko.

“Uy Veniel…” bulong ng mga kaklase ko at mukhang alam agad nila ba’t ako nagmamadaling pumasok.

Claudia is standing with her arms folded in front of Arcena’s chair. Arcena is calmly seated in his chair, blowing his freshly polished nails.

“Claudia,” tawag ko at nilapitan siya.

“Sige babayaran ko…” Arcena said calmly.

“Humingi ka na lang ng tawad, ayos na ’yon sa’kin,” singit ko dahil pang-asar ko lang naman talaga sa kanya na siya ang ipapabayad ko.

Hindi ko siya sisingilin s’yempre. Estudyante pa ’to. Saan naman siya kukuha ng gano’n kalaking pera? Unless he has rich parents, which I highly doubt.

He didn’t acknowledge my response. Tiningnan niya lang ang kuko niya at muling hinipan.

Nanliit ang tingin ni Claudia sa akin. “Pinadalhan ka nga lang ng Ate mo. Let him pay for it.”

“Hindi naman ’yon sinasadya,” some of my classmates defended.

“But he’s still liable for what happened to my boyfriend’s braces. Sinadya niya man o hindi,” Claudia answered back.

“Babayaran ko,” ulit ni Arcena, may pinal sa boses.

My classmates looked hurt from his decision. Naiiling din ang boys. Kung pwedeng sumabat silang lahat na huwag nang bayaran, boboses sila.

Humingi ng tawad ayaw mo?

Hinila ko ang braso ni Claudia nang mapuno na ako para maihatid ko na siya pabalik sa classroom niya. This is ridiculous. Umalis nga ako sa bahay dahil sobrang controlling ng pamilya ko tapos…

“You have the right to make him pay for it—”

“Kaya ko nga, Claudia. Hindi mo na kailangang sumugod sa classroom at ipamukha sa tao na siya ang kailangang magbayad. Kaya ko,” giit ko nang makalabas kami, medyo malayo na sa classroom kahit sumilip pa ang mga kaklase ko at sinundan kami ng tingin paalis.

“Kinakampihan mo pa?” Nanliit lalo ang tingin niya at marahas na kinuha ang braso paalis sa pagkakahawak ko. “Hinampas ka na ng bola sa mukha, kinakampihan mo pa?”

“Ang akin lang, bakit ka susugod? Hinayaan mo na dapat akong kausapin si Arcena tungkol dito dahil problema ko naman ’to—”

“And what? To give him an opportunity to flirt with you? Tinanggi siya ni Kyle ah? Dahil baka ikaw talaga ang gusto at hindi si Kyle—”

Fuck. Suko na ako. Kakabati lang namin sa bagay na ’to, pero tinatapon niya ulit para mapag-usapan!

“You know what? Let’s stop this,” iritado kong sabi at tumalikod.

“Stop what? Stop what?!” Hinila niya ang braso ko paharap sa kanya.

Tumingin ako sa paligid. May iilang estudyante na nakikiusyoso. Nagbubulungan pa. Ang sakit na nga ng mga ngipin ko, dadagdag pa ’to.

“Claudia, nakakapagod na,” I said lazily and caressed the back of my head.

“You are breaking up with me just because I confronted him? You…you are siding with him? Ang rason kaya ka nasugod sa clinic? Kaya namamaga ’yang labi mo, kaya—”

“Hindi ’yan ang rason. Ito. Ito, Claudia. Itong ugali mo. I travelled here to get away from my controlling family—to decide independently. Lalo na’t sa bahay, lagi akong pinapangunahan at hindi ako hinahayaang magdesisyon! Tapos isa ka rin. Mas malala ka pa kay Mama.”

Natahimik siya; mukhang unti-unti rin niyang napagtanto ang sinabi ko. Tiningnan niya ang paligid at nakitang may iilang estudyante na ring nanonood sa away namin.

“Pinagtulungan na siya ng mga kaklase ko kanina tapos sinugod mo pa. Lalala lang lalo—”

“What’s so special about him that you are choosing to protect him? I am your girlfriend, Slade. I am mad because he hurt you, and I am just standing up for you—”

“Stand up for me? O kinukuha mo lang ang tsansang ito para magamit mo sa kanya ang nakatago mong galit?”

Her eyes widened. Huminga ako at nailing. “I don’t want you to turn into a monster just because you are in love with me… Ayokong sirain mo ang sarili mo…dahil lang sa pagmamahal mo sa akin, Claudia…”

“Sinasabi mo bang nasisiraan na ako ng bait?” she asked with her quivering lips, her eyes now clouded by tears.

“Ang punto ko rito, hindi ako nakakabuti ngayon sa isip mo. At ayoko na sa paulit-ulit na away na ’to…”

A tear from her eyes fell. I looked away and turned my back. Ayoko siyang kaawaan dahil alam ko, pag naawa ako, magiging maayos na naman kami ulit. Maiintindihan ko na naman siya ulit.

Kaya ko pang intindihin ang pagiging selosa niya. Kaya kong unawain kung tinotoyo siya. Pero ang pangunahan ako, parang gusto ko agad tumakas. Kaya nga ako nandito sa Maynila dahil gusto kong gumawa ng sarili kong desisyon; gusto kong maranasang may kontrol ako sa sarili ko, hindi iyong bawat galaw ko, minamanduhan ako o pinapangunahan.

Kung mapapahamak ako sa sarili kong desisyon, then that’s on me. I have no regret about that. I’m learning, and it’s the consequence of my choices. Doon naman ako mas natututo. Doon ko mas nauunawaan ang gusto ko.

Ang ayaw ko lang talaga pag nawawalan na ako ng kontrol. Pag ginagawa na ng iba sa akin ang dapat na ako ang gumagawa. Ayoko ’yon. Kahit pamilya ko man o karelasyon ko, kung lumagpas, handa kong talikuran sa oras na masyado na akong pinapakialaman.

“Is it uncomfortable…” ang dentist ko.

After breaking up with Claudia, maaga na lang akong umalis sa classroom. Pinalabas naman ako ng guard dahil may excuse din ako sa clinic at sabi ko, kailangan kong pumunta sa dentist ko. Kinukulit na rin kasi ako ni Ate.

“Ayos na, doc… Salamat…”

“Umiwas ka muna sa malalamig na pagkain o inumin. If may problem ulit, balik ka sa clinic,” si Doc na ikinatango ko.

Buti na lang hindi ako pinagalitan ni Doc. Pero may kaunting sakit yata ’yong pag-adjust niya kanina. Pasimple sigurong kurot ’yon.

Ang bilis din talaga dinggin ang dasal ni Mama eh.

“Umiyak ’yon kahapon si Claudia eh. Hiniwalayan siya ni Veniel.”

“Hiwalay na pala si Claudia at Slade?”

“Baka nag-cheat din si Ronan katulad ng ex ni Claudia?”

“Matino naman si Veniel. Friendly lang siya sa girls. Masyado ring selosa ’yang si Claudia eh.”

Umagang-umaga, ako pa agad ang pulutan ng tsismis nang pumasok ako. Nasa hallway pa lang pero may naririnig talaga akong bulung-bulungan.

Iniisip ko nga kung nagsisisi ba ako na hiniwalayan siya. But I spent the whole night without worrying about anything. Buong gabi akong nagbasa ng libro at nagkaroon pa ng oras na maglaro sa laptop ko.

Sayang… ililive-in ko na sana. Kaya siguro minamalas ako ng ganito dahil naghahanap ng paraan ang langit dahil sa dasal ni Mama.

“Good morning, Slade!” bati ng mga kaklase ko nang pumasok ako.

I nodded at them and put down my bag. Wala pang masyadong tao sa classroom. Masyado rin yata akong napaaga.

“May bracket na ulit ang braces mo?” usisa ni Lara.

“Oo. Nagpa-adjust ako kahapon.”

“Nagbayad na si Arcena?” usisa ng ilan.

Umiling ako. “Hindi.”

“Pero…ipapabayad mo ba talaga? Galit na galit kasi si Claudia eh. Huwag mo nang pagbayarin! Hindi ’yon kaya ni Arcena.”

“Kumakalat kaya na hiwalay na sila. Hiwalay na ba kayo?”

“Oo. Kahapon. Ano palang lesson ang na-tackle kahapon? May notes ba kayo?”

“Ay ako meron! Hiramin mo na lang,” nagmamadaling binuksan ni Alice ang bag niya.

Umupo ako at saktong kakapasok lang din ni Aries, humihikab pa. I nodded at him and smiled.

“Kalat na kalat sa labas na hiniwalayan mo raw ang girlfriend mo,” aniya.

Huhupa rin ’yan. Sikat din kasi si Claudia rito at matunog ang pangalan sa bawat year kaya ganito ka lala ang pagkalat.

“In-add pala kita sa Facebook. Confirm mo ako,” ani Aries.

“Sige mamaya.” Saka ko tiningnan ang pinto nang may pumasok ulit.

Akala ko natatagalan lang pumasok ’yong isa dahil maaga pa naman, pero nagsimula na lang ang first subject, hindi siya nagpakita. Hindi ’yon nalilate.

Kakausapin ko sana na huwag niya nang isipin iyong sinabi ni Claudia pero mukhang absent talaga siya.

“Baka naghahanap ng paraan para mabayaran ka?” ani Aries nang sabay kaming pumunta sa canteen para kumain.

At anong klaseng paraan naman? Ilang taon ba ’yon? Menorde-edad lang din naman ’yon. Imposibleng may mapasukan siyang trabaho.

“Slade…” nangingiting tawag ni Kyle at nakipag-apir sa akin. Ngumiti ako at tinanguan siya. Isa pa ’tong kupal.

“Balita ko hiwalay na kayo ni Claudia ah? Ely mentioned…”

“Ah oo…” natatawa kong sagot.

Tumango siya at itinuro ang kabilang banda kaya tumango ako at napaisip. Si Elly? Baka naman si Elly ang nililigawan niya? Elly is Claudia’s girlfriend. Sinabi siguro ni Claudia kay Elly ang sinabi ko?

Binanggit ko lang naman ’yon kay Claudia para pakalmahin siya kakaselos kay Arcena. Hindi ko na naisip na baka sasabihin niya rin kay Elly.

“Paano kung pumasok na sa ilegal na business si Arcena para mabayaran ka? Hindi ka naman makakahanap ng trabaho at babayaran ka ng tatlong libo sa isang araw,” mungkahi ni Aries na kinuha ng atensyon ko.

Papasubo na sana, naudlot pa. Binigyan pa talaga ako ng alalahanin, oh.

“Matalino ’yon. Hindi ’yon gagawa ng ikakapahamak niya,” depensa ko at dinala ulit ang pagkain papunta sa bibig ko.

“Pero magulang niya yata, nagdodroga?”

Ang amba kong pagsubo, hindi na natuloy. Anong nagdodroga?

“Bata pa yata siya no’n. Meron ’yon siyang kwento eh. Kaya siya nawalay sa kakambal niya noon kasi adik daw ang mga magulang nila?”

Tang ina, adik?! Naibaba ko na ang kutsara ko at hindi ko naituloy ang balak na sumubo pa.

“Lalaki rin ’yong kakambal niya.”

“Kinwento niya sa’yo lahat? Close naman pala kayo.”

Umiling siya. “Activity ’yon sa Social Science noong sinabi niya sa class. Nasa practice ka kaya excuse ka dahil pinatawag ka no’n ng coach.”

Naalala ko ’yan dahil mag-isa na lang akong gumawa ng activity kinabukasan.

“Nasa’n na ang parents niya?” tanong ko, nakukuryoso na.

“’Yung totoo niyang magulang? Nakulong na yata. Merong bumubuhay sa kanya ngayon na tinuturing niyang tatay at bading daw. Nagda-drag race ba ’yon? ’Yun daw ang trabaho ng tatay niya.”

Anong drag race? Nakikipagkarerahan sa mga kotse? Mekaniko siguro ang tatay niya?

“Kaya nag-alala halos ’yong iba nating kaklase na baka ipabayad mo sa kanya ang tatlong libo. Alam kasi namin ang rason kaya panay siya benta. Gusto niyang patunayan na hindi siya kagaya ng mga magulang niya na kakapit sa patalim para lang mabuhay.”

At ako pa yata ang makokonsensya ngayon na biniro-biro ko siyang bayaran niya. Ano bang number no’n? Matawagan nga.

Chapter 6

Rival

“Number ni Arcena? Wala eh…” the girls said as soon as Aries asked for it.

Kahit ang boys sa likuran, wala rin. May phone ba ’yon? Hindi ko napapansin din.

“Si Merrie. May alam ’yon kay Arcena. Kaso nagcutting yata,” si Alice na mukhang naalala iyon.

I’m doing this for courtesy. Mali ang ginawa ni Claudia, at mukhang may nasabihan siya ng sinabi ko kaya nakarating kay Kyle. Mali ko rin na…binanggit ko pa kay Claudia.

But then that was the only reason I know to ease my girlfriend’s mind during that time.

“May mali rin naman si Arcena, bro…” si Aries nang tabihan ako lalo na’t kinakain ako ng konsensya ko. “’Actually kayong dalawa ang may mali.”

“Baka kasi closeted ’yong Kyle. Hindi pa handa maging out. Sa ginawa kasi ni Arcena, kinwento niya sa girls, siguro dala ng excitement, hindi niya naisip na baka kumalat ang meron sa kanila. Kaya siguro ikaw ang mas sinisisi ni Arcena dahil alam niyang may mali rin siyang nagawa kay Kyle.”

I looked at Aries. “Bakit? Mali ba ’yon? Ang i-out?” I uttered it in confusion, like a language I’m foreign to.

Tumango siya. “Oo. Pangit daw ’yon sa community nila. Walang may karapatan ang kahit sino na i-out ang isang closeted na tao.”

Closeted. Tang ina. Ngayon ko lang ’yan narinig.

“Their community is too sensitive…” Iling ko dahil hindi ko alam na ang dami pala nilang rules.

Tumawa siya. “Eh kasi nga, sabi ni Arcena, hindi ka nakakarelate dahil straight ka.”

Nakakarelate man o hindi, sapat naman na sa akin ’yong nirerespeto ko sila o tinuturing ko sila bilang sila. Is that even wrong? Kailangan bang intindihin mo mula ulo hanggang talampakan ang isang tao para respetuhin ng buo?

“Dinala mo pa talaga rito!” Nag-amba si Merrie na papaluin ng billiard stick si Aries at hindi niya lang tinuloy dahil nagtago sa likod ko.

Lumabas kami ng school dahil alam daw ni Aries ang madalas na tambayan ni Merrie. I’m shocked that a girl like her is behaving quite like a…man’s nature. Nakarolyo pa ang bawat manggas ng t-shirt niya, at sa amoy ko, mukhang nanigarilyo pa ’to. Nagmukhang tomboy dahil sa ayos.

“May number ka ni Arcena? Kailangan namin,” I demanded, straight to the point.

Umiling siya at yumuko sa billiard para tumira muna. We watched the balls run at speed, and she made a shot.

“Wala akong number ni Arcena.”

I sighed in disappointment. Hintayin na lang talaga na pumasok bukas ang isang ’yon—

“Pero alam ko kung saan siya nakatira,” pahabol niya.

Nagkatinginan kami ni Aries. He took out his key, and I know very damn well what kind of car he’s driving. Yabang ah? May ikakabuga naman pala ’to, sa klase lang talaga wala.

“Lechugas naman oh! Mga kalokohan mo, Aries! Pag ako nalagot kay Arcena, ikaw ulit ang raratratin ko sa reporting—”

“Idea ni Veniel,” putol ni Aries sa nagdadabog na si Merrie nang kaladkarin namin para samahan kami. “At doon ka sa backseat. Si Veniel sa front seat.”

Padabog na pumasok si Merrie sa backseat, ako naman ang pumasok sa front seat, at si Aries ang sa driver’s seat.

“Taga Cavite ’yon si Arcena. Maling galaw natin do’n, tatlo tayong pupulutin sa gilid ng ilog!” si Merrie nang abala na kaming magseatbelt.

Para nga kaming mangriraid sa biglaang pagsugod sa bahay nila Arcena. Hindi naman sa desperado akong pigilan siya kung ano man ang naiisip niya para bayaran ako, siguro gusto ko ring linawin ang naging mali ni Claudia—naging mali ko.

“Himala, Veniel. May pakialam ka na bigla kay Arcena…” marahan niyang sabi at nginitian ako.

“Paanong hindi magkakapake eh ako ang napagbibintangang nagpakalat ng sa kanila ni Kyle?” Iling ko.

“Mga straight talaga oh? Ayaw nai-issue sa mga bading…” natatawa niyang mungkahi na parang ang mali pakinggan.

Umandar na si Aries. Dumungaw lalo ang ulo ni Merrie para tingnan ako nang mas malapitan.

“Hiwalay na ’di ba kayo ni Claudia? Anong dahilan?”

I side-eyed her. Nahihiya siyang natawa sabay baling kay Aries.

“Yieee, may kaibigan na ang nerd.” Tusok niya sa tagiliran ni Aries.

“Wala ba siyang kaibigan?” taka kong tanong at tiningnan si Merrie.

“Meron. Huwag kang magpapaniwala—”

Umiling si Merrie. “Wala. Alam mo naman ang boys sa classroom, pag tingin nilang tahimik ang lalaki, nerd at weirdo agad. Nakasalamin pa siya. Tapos olats pa lagi sa klase. Kahit mga lalaki sa likod, ayaw siya kaibiganin dahil mas malalaki pa raw yata ang scores nila kumpara kay Aries.”

Umismid si Aries pero hindi nakapagsalita. Pansin ko naman na tahimik siya at kapansin-pansin lagi sa reporting dahil halatang hindi niya alam ang ginagawa niya. But I didn’t know he had no friends in the class. Kaya siguro ayaw na nitong lumayo sa akin.

“Parang ako rin, tomboy daw ako sabi ng mga lalaki sa classroom. Pagtitirahin ko sila ng billiard stick eh.”

I laughed and shook my head. Ngumiti si Merrie.

“Ang guwapo mo pala talaga tumawa, ’no? Kaya pala daming may crush sa’yo sa classroom eh. Sorry ah? Ngayon lang kasi kita natitigan nang ganito kalapit eh lagi ka ba namang pinalilibutan ng girls sa classroom.”

“Guwapo rin naman si Aries, ah?”

Ngumiwi agad si Merrie. “Ay ayoko riyan. Lampa ’yan. Sa aming dalawa baka ako pa ang mas kilos lalaki!”

“Pababain kaya kita?” banta ni Aries.

“Edi pababain mo! Isa-isahin niyo ang bahay sa Cavite kakahanap sa bahay ni Arcena, ah!”

Kaya naman pala iniiwasan din ni Aries ang babaeng ’to sa reporting dahil mukhang palaban. Ngayon ko lang din naisip na masyado palang umikot ang oras ko kay Claudia kaya halos wala na akong oras na kumaibigan man lang.

Ayos lang naman sa akin kung inuubos ko ang buong oras ko sa kanya. Again, it’s a choice. Pero nakakasakal din na ang rason ko kaya ayaw kong mapalapit minsan sa girls dahil baka kung ano ang isipin ni Claudia. Kaonting pansin ko nga lang sa mga kaklase kong babae, nagagalit na ’yon.

Now that I’m single and I have nothing to worry about rules, it’s refreshing to meet new people. Hindi ko nga alam na ganito pala ’to si Merrie, o wala palang kaibigan si Aries sa classroom.

“Ayan ang bahay nila,” ani Merrie nang tumigil kami sa isang simpleng bahay.

Their house was painted with pink walls surrounded by bushes of colorful flowers. Parang bahay ng mga manika nila Ate noon. Sa bawat gilid ng pinto ay ang jalousie na bintana nila, at pansin ang puting kurtina sa loob.

Wala silang gate. Pwede kang lumapit agad sa pinto at kumatok. Lumabas si Merrie at sinenyasan na rin kaming lumabas.

“Wala silang aso?” tanong ni Aries nang suriin ang paligid.

“Wala. Pati ba naman sa aso takot ka?” saway ni Merrie nang nauuna na akong lumabas.

Sumunod din si Aries. He looked alert, like he’s not used to the place. May naririnig naman ako tungkol sa Cavite pero wala naman kaming masamang hangarin.

“Tao po!” si Merrie ang sumigaw at nagawa pang sumilip sa bukas na jalousie para hawiin ang kurtina.

Ilang sandali lang, may bumukas ng pinto kaya umatras kami. Malaki ang katawan, naka sando na itim, barakong-barako tingnan, at parang kano dahil matangkad at maputi. We smiled at him to greet him. Sa aming tatlo, ako agad ang tiningnan niya—ang ngiti ko.

He puffed on his cigarette and blew it while looking at me sharply.

“Hello po! Mga kaklase po kami ni Arcena. Nandiyan po ba siya?” si Merrie ang tanging nakapagsalita sa aming tatlo.

“Ah… ang anak ko…” he nodded meaningfully. “Sige, tatawagin ko. Sandali lang.”

“Bading ’yon?” I whispered. Para kasing hindi? Iba ang ini-expect ko sa Papa ni Arcena.

Tumango si Merrie. “Oo. Ayan din ang reaksyon ko noong unang beses kong makita ang Papa ni Arcena. Pero mabait ’yon at overprotective kay Arcena.”

Overprotective nga. Dahil maya-maya, lumabas ulit ito ng bahay na may dalang itak at itinuro ako habang nilalapitan. Sa taranta ko, napaatras ako sa takot. Kahit ang salamin ni Aries, nahulog pa dahil parehas kaming nagulat.

“Halika ritong bata ka! Tutuliin ko ’yang burat mo nang magtino ka! Pagkatapos mong saktan ang anak ko, ang kapal ng mukha mong magpakita!”

“Kumalma po kayo!” saway ni Merrie sa takot, at si Aries, nauna pang tumakbo pabalik sa kotse niya.

Hinila ko na rin si Merrie pabalik sa kotse dahil mukhang hindi namin mapapakalma ang tatay ni Arcena.

“Hinding hindi kita tatanggapin para sa anak ko! Maghiwalay kayo ng anak ko hijo de puta!” Muling sigaw niya habang nagkukumahog akong pumasok sa front seat dahil ayaw ko namang matuli ulit!

“Punyeta! Anak ni Hudas! Lukaret!” sigaw niya sa galit habang nagmamadali si Aries na paandarin ang kotse niya.

Gago. Hinding hindi na ako babalik dito sa Cavite magkamatayan man!

“Uy si Arcena!” Turo ni Merrie sa kakahinto pa lang na tricycle, lumabas si Arcena, nakasuot ng gray long-sleeve croptop at grey sweatpants. Pero kapansin-pansin ang baywang niya dahil may suot siyang waist chain.

Kahit si Aries, na ambang pagmaneho paalis, ay hindi itinuloy at pinanood namin siyang lapitan ang ama niyang galit na galit na kaming binubugaw.

“Sexy ni Arcena,” sita ni Merrie at malaki ang ngisi sa backseat.

Nanatili akong tahimik at pasimpleng binaba ang tingin sa baywang niya. Kaya pala malakas ang loob niyang suotin ang gusto kahit bading dahil ang ama niya, bading din. Hindi siya sisitahin.

Naglakad papalapit si Arcena sa kotse kaya binaba ko agad ang bintana. Nang makita ako sa front seat, nagulat siya.

“Anong ginagawa mo rito?” Nanliit ang mga mata niya.

My lips open to explain, pero wala akong masabi. Ano nga naman ang ginagawa ko rito?

“Hindi na makakapagsalita ’yan. Binantaan ba naman ng tatay mo na tutuliin!” natatawang sabi ni Merrie.

Arcena grunted and looked at his father. “Hindi siya, Papa! Parehas lang silang naka-braces pero hindi ito ’yon! Hindi ko ’to tipo!”

Ako naman ngayon ang umismid. “Malamang, hindi naman ako gago para matipuhan mo.”

Tumingin siya sa akin, iritado. Ibinalik niya lang agad sa Papa niyang lumalapit na sa kotse. Kinabahan agad ako lalo na’t hawak niya pa rin ang itak niya. Tang ina. Mapapadasal ka talaga nang wala sa oras eh.

“Hindi ba ’yan ’yon? Eh sino ba ’yan at bakit nandito? Manliligaw?” Sinipat niya ulit ako ng tingin kaya kabado akong umupo nang maayos.

“Hindi, Papa! Siya ’yong kailangan kong bayaran ng tatlong libo kasi natanggalan ng bracket ang braces dahil sa P.E. activity namin!”

Kumalma agad ang seryoso at nakakatakot na mukha ng tatay niya. He looked at me with furrowed brows.

“Ikaw ’yon?” he asked suspiciously.

Tumango ako at nahihiyang ngumiti. “Opo. Magandang hapon po…”

“Patingin nga ng ngipin mo?”

Ipinakita ko agad ang ngipin ko. Tumingin din si Arcena at salubong pa rin ang kilay habang nakahalukipkip.

“Oh? Kompleto naman ang bracket ah? Saan ang natanggal diyan para malagyan sana natin ng mighty bond?”

Tumawa si Merrie; si Aries, ngumuso lang.

“Ah… pinaayos ko na po sa dentist ko. At kaya rin po ako nandito para sabihin na…hindi niya na kailangang bayaran dahil kasalanan ko rin naman—”

“Babayaran ko,” giit niya. “Baka sabunutan pa ako niyan ng girlfriend mo. Tama rin naman ang sinabi niya na ako ang nakatanggal kaya ako dapat ang—”

“Hiwalay na sila. Ex-girlfriend,” pagtatama ni Aries.

“Single na ’to,” si Merrie na malaki ang ngiti kay Arcena at niyugyog pa ako sa upuan ko.

“Hindi naman pala papabayaran sa’yo…” marahang kausap ng Papa niya sa kanya at muli akong tiningnan. “Halika. Pumasok ka sa bahay. Titimplahan ko kayo ng juice.”

“Ah, hindi na po. Bawal ako ngayon sa malalamig. Pinagbawal ng dentist ko.” Kahit ang totoo, natatakot akong pumasok sa bahay nila at baka totohanin niya ang bantang tuliin ako.

“Oh edi kape. Magkape ka rito sa bahay.” At kahit sila Aries at Merrie, sinenyasan niyang lumabas.

“Huwag mo nang tanggihan ang kape. Baka mauna pang uminit ang ulo niyan sa’yo,” bulong ni Merrie sa likod bago naunang lumabas.

Nagtinginan kami ni Aries at sinenyasan niya akong lumabas na. Si Merrie ay patalon pang niyakap si Arcena.

“Sexy mo ah! Gusto ko rin tuloy magpa-pixie cut para magkamukha tayo. Kaso baka mas magmukha lang akong tomboy na babaero pag ginanyan ko ang buhok ko.” Swabeng ipinulupot ni Merrie ang kamay niya sa baywang ni Arcena.

Hinaplos ni Arcena ang buhok paatras na nahulog agad sa dati nitong ayos habang natatawa siya kay Merrie. Nasa likod kami ni Aries ng dalawa at pinapauna naming maglakad para panangga sa Papa ni Arcena na nauunang pumasok sa bahay.

Pagpasok namin sa bahay nila, namangha ako dahil sobrang linis. Hindi iyong typical na malinis, kundi nangingintab sa linis at sobrang organized din ang mga gamit. Pagpasok, mahahanap mo agad ang kusina, kahit ang sala ay malapit lang din at may dalawang pinto lang—mukhang mga kuwarto.

Tumingin ako sa pader at nakita ang mga frames na nakadikit. Mukhang nasa eight years old ata siya rito at nakayakap sa leeg ng isang babaeng nakayuko para makalebel siya, blonde ang buhok at naka-full make-up, mukhang performer sa mga bar dahil na rin sa suot.

Ang ibang frames, puro na si Arcena noong kabataan niya. Nakasquat sa sahig at naglalaro ng Barbie dolls o makukulay na lutuan, nag-birthday at green ang theme niya habang may suot siyang pakpak na kulay berde rin. Para siyang elf sa theme na ’yon dahil na rin sa suot at make-up niya.

Kung may kapansin-pansing picture, iyon ay ang mga picture niya sa school dahil hindi lang isang trophy lagi ang hawak niya kundi tatlo pa minsan. Ang ribbon, hindi na mabilang sa sobrang dami, at kahit mga medalya ay makapal na nakapulupot sa leeg niya. Kaya pala palaban eh. Ang dami ba namang patunay na lagi siyang tama.

“Kaya pala sobrang confident niya lumaki,” boses ni Aries sa tabi ko na nakikitingin din pala.

May isa siyang picture kasama ang Papa niya at naka-zoom-in ang mga mukha nila. I noticed the color of his bambi eyes. Tsokolate. Ang kapal din ng pilik-mata niya.

Kung titingnan ang mga pictures ng kabataan niya, hindi mo maiisip na siya rin iyong batang may lulong sa drugs na magulang at nawalay sa kakambal niya. Parang wala siyang naranasang kalupitan o dilim dahil sa ang aliwalas ng ngiti niya.

“Umupo kayo rito, Aries,” anyaya ni Arcena at iminuwestra ang sofa nila.

Si Aries lang ang tinawag. Mukhang wala pa yatang balak na paupuin ako sa sofa. Sa sahig yata ako?

“Salamat po…” ani Merrie nang maglapag na sa mesa ang Papa ni Arcena ng makakain. May hiwang banana cake ro’n kasama ang isang juice.

Lumapit kami ro’n ni Aries at umupo na rin sa sofa na parang mga batang ipinatawag sa guidance.

“Naiihi ako, hayop…” bulong ko kay Aries.

“Buti ka nga naiihi lang. Ako natatae,” bulong niya pabalik na tinawanan ko dahil hindi ko alam kung sa nerbyos ba o talagang natatae siya.

“Kaibigan ba nila ’yong lalaking ’yon?” Halukipkip ng ama ni Arcena. Ang amba kong pumulot ng banana cake, hindi natuloy. Huwag na lang pala kumain. Baka ipaluwa pa ’to sa akin pag sinagot ko ang tanong niya.

“Huwag mo na kasing isipin ’yon, Pa,” si Arcena.

“Paanong hindi ko aalalahanin eh iniyakan mo ’yon magdamag!”

Iniyakan pa talaga magdamag? Gano’n siya ka-brokenhearted do’n sa kupal na ’yon?

“Guwapo po kasi ’yon Tito. Tapos kilalang varsity at MVP. Sikat ’yon sa school at medyo matalino rin,” boses ni Merrie.

“Guwapo,” I mumbled and snorted.

“Aanhin ang guwapo kung gago?” bulong din ni Aries sa tabi ko.

“Kahit pangit, basta aalagaan at hindi lang sasaktan si Donato—”

“Pa!” saway ni Arcena na namumula.

Donato? Napayuko tuloy ako, napindot ang matangos na ilong, at tumikhim para hindi kumawala ang tawa.

“Si Rafiel,” ulit ng Papa niya.

Si Rafiel Donato naman pala…

“Naiintindihan mo naman siguro ang galit ko bilang ama…”

Tiningnan ako bigla ng Papa niya kaya umayos ako ng upo at hindi alam kung isasalikop ko ba ang mga kamay ko sa nakaparte kong mga hita, o ngingitian siya at painitin ulit ang ulo dahil sa braces na suot ko.

I immediately nodded. “Opo…” I chuckled nervously and slightly caressed my nape.

Si Merrie lang ang may ganang kumakain sa amin. Nagsalin pa siya ng juice at siniko si Aries para alukin na inilingan lang ni Aries pero binigyan pa rin ng banana cake ni Merrie.

“Naka-braces daw ’yon eh…” ang Papa ni Arcena at tiningnan ang anak niya na tahimik na nakaupo sa single sofa.

I scraped my tongue on my upper braces. Tiningnan akong muli ng Papa niya.

“Kaklase mo ba si Donato?”

“Arcena, Pa,” muling singit ni Arcena.

Palingon-lingon ako sa mag-ama. Si Merrie lang yata ang naeengganyo dahil nakakadalawang banana cake na at muling nagsasalin ng panibagong juice. Si Aries, tahimik lang din sa tabi ko at ayaw bumoses.

“Opo…” I answered politely.

“Tagasaan ka naman?” Sa dami ng tanong, ipapablotter na yata ako.

“Bukidnon po, Valencia…”

Tamad na sumandal si Arcena sa upuan niya, ang kamay ay nasa pisngi na at ipinatong ang hita sa isa pa.

“Bukidnon? Mindanao ’yan ah? Ba’t nandito ka?” Kumuha pa siya ng upuan at inilagay sa harap, umupo roon, at seryoso ang tingin sa akin.

“Ah… sariling desisyon po.”

“At hinayaan ka ng mga magulang mo? Ano bang trabaho ng mga magulang mo? Business?”

“May… durian farm po kami sa Bukidnon sa father side at… isang hotel sa Cagayan sa mother side naman po.”

Nabilaukan si Merrie sa iniinom niya. Si Aries pa ang nagbigay ng juice. Arcena side-eyed me silently. Tiningnan ko rin siya dahil hindi ko mabasa sa itsura niya kung namamangha ba o nayayabangan.

“Farm?! Edi haciendero ka pala? Nasa tindig mo naman na halatang mayaman pero nakakagulat pala pag naririnig mo na,” ani Merrie.

Hindi naman sa lihim ’yon na impormasyon. Pag tatanungin ako, doon ko sasabihin s’yempre.

“Tito, boto po ba kayo sa ganitong lalaki para sa anak niyo?” biglang suhestyon ni Merrie na talagang gusto kong patahimikin. Kitang nanginginig na ang bayag ko sa takot sa Papa ni Arcena, dadagdagan pa talaga.

Mabilis umiling ang Papa ni Arcena. Hindi ko alam kung makakaginhawa ako nang matiwasay o makukwestyon ko kung bakit hindi ako pasado? Hindi naman sa nagbabalak ako eh straight naman ako at imposibleng patulan ’yang si Donato niya, pero bakit hindi ako pasado?

“Madalas sa mayayaman, mahigpit sila sa mga anak nilang lalaki sa relasyon. Gusto nila, papantayan ang yaman nila. Ayokong maapi-api itong si Donato at baka maging kriminal ako nang wala sa oras.”

“Mahigpit po talaga ang parents ko,” I confirmed and laughed a little. “Kaya nga po ako nandito para makaiwas sa mga utos…”

“Eh, ang katulad po ni Aries, Tito? Pasado ba?” si Merrie kaya napunta na kay Aries ang atensyon. Doon din ako nakahinga nang maluwag.

“Hmm…” Tiningnan si Aries mula ulo hanggang paa.

“Pa, tama na nga ’yan. Tatakutin mo lang sila eh!”

“Kinikilatis ko lang naman ang mga kaibigan mo,” ang Papa niya.

“Si Merrie at Aries lang ang kaibigan ko sa kanila, ah!”

Tang ina, ah? Ano ako rito, tao na humihinga ng kaunti? Hangin?

“Ay, kaibigan mo rin pala ’to?” Akbay ni Merrie kay Aries na nakangusong inayos ang eyeglass.

“Eh, itong nasa gitna? Ano mo ’to? Kaklase lang?” ang Papa ni Arcena, tinutukoy ako. Buti hindi sinabing nasa gitna na mukhang gago.

“Rival niya po sa school, Tito,” natatawang sagot ni Merrie. “Top 2 siya lagi kay Arcena. Si Veniel po ang madalas na nakakadebate ni Arcena sa klase. Kaya pag nagkakaaway po sila, nanginginig ang buong klase dahil nadadamay kaming mga bobo sa mga sakit nila.”

“Ah…edi matalino ka rin?” His father sounded curious.

Hindi ko alam kung iiling ba ako kaso nauna nang umiling si Arcena. Ayaw talagang patalo! Nagmamatigas!

“Eh sa chess. Magaling ka ba? Saka lang ako maniniwala kung natalo mo siguro ako sa chess.” At hinamon pa talaga ako eh magaling ako riyan!

“Nakakahiya po. Baka kung sakaling natalo kita, tuliin niyo na talaga ako,” natatawa kong biro kaso siniko lang ako ni Aries kaya nawala ang ngiti ko at napansing hindi pala nakakatawa ang sinabi ko.

“Gusto ko ’tong batang ’to. Makapal ang mukha,” turo niya sa akin at nilingon ang anak na pinangliitan siya ng mga mata.

“Pa, may utang pa ako riyan—”

“Huwag mo na ngang bayaran. Sinabi ko naman kahit humingi ka lang ng tawad ayos na ’yon…” putol ko sa kanya dahil baka ako pa ang mapasama rito sa Papa niya.

“Eh, ’yon naman pala, Donato!” His father smiled lightly.

“Babayaran ko siya, Papa. Nandito na ang pera. Mababayaran ko na siya,” giit ni Arcena at mukhang ayaw magpatalo kahit sa ama niya.

“Tigasin naman ni Donato…” nanunuya kong ngisi sa kanya.

Chapter 7

Lunch

Inabot niya sa’kin ang tatlong libo no’ng araw na ’yon, sa mismong harap pa talaga ng ama niya. Ayaw kong tanggapin, pero mapuputol yata ang kamay ko pag hindi. Kung tatanggapin ko naman, baka putulin pa rin ang kamay ko, at ang kapal naman ng mukha kong tanggapin talaga?

Sa huli, tinanggap ko rin at pinahawak ko kay Merrie. Sinabihan ko na ibalik kay Arcena.

“Ang hirap niyo namang pagbatiing dalawa,” si Merrie na binabalanse ang ballpen ko sa ilalim ng ilong at upper lip niya. She’s pouting like a goldfish.

Siya ’yong nai-stress dahil ayaw na rin daw tanggapin pabalik ni Arcena. Ayaw ko ring kunin. Bahala siya.

“Parehas pa naman kayong brokenhearted. Dapat nagdadamayan pa kayo,” aniya.

Nasa library kami kasama ang kagrupo ko sa subject na Disciplines and Ideas in the Social Sciences. May reporting. Sir Tapang is quite a strict professor. Ang hilig niya sa surprise oral recitations, debate, at quiz.

Nasa grupo ko si Aries. Binigyan kasi ang bawat group leader to choose their members. Isa siya sa pinili ko. Tagabasa sa reporting.

“Kung magkaibigan na kayo ni Arcena, edi ang angas sana ng grupo natin. Para tayong iba’t ibang uri ng tite. May malalambot at tigasin,” hagikhik ni Merrie at hinampas pa ang lamesa.

“Bakit ka ba nandito? Hindi ka naman namin kagrupo,” sita ni Aries at naingayan na yata kay Merrie.

Abala ako sa laptop. Ako ang nag-oorganize ng bawat parte namin. Ayaw pa naman ni Sir ng report na parang nagbabasa. Pero ang inaalala ko ay ’yong tigasing nagngangalang Donato. Boboses ’yon eh.

“Tapos na kami mag meeting, ah? Alam mo naman ang utak ni Arcena, parang computer sa sobrang bilis. Nagmamadali kasi ’yong umuwi eh,” si Merrie lalo na’t isa siya sa pinili ni Arcena.

“O baka spy ka? Baka spy ’yan si Merrie, Veniel,” turo ni Luis.

“Anong spy?! Di ako spy! Tropa ko si Veniel at nerd! Hinihintay ko umuwi dahil madadaanan lang naman ang bahay namin. Sasabay ulit ako,” ngisi ni Merrie.

“Panay sabay pero hindi naman nag-aambag pang gas,” pagpaparinig ni Aries.

“Ito Veniel, feeling ko may sense ’to,” pakita ni Luis sa ginawa niyang output na saglit kong pinasadahan ng tingin para basahin.

“Google ba ’yan?” tanong ko.

“Ah oo… Sinearch ko lang. Bakit?”

“Don’t rely too much on the internet, Luis. Sa textbook ka maghanap para may back-up kang reliable sources kung sakali mang punahin kung saan galing ’yang idea mo.”

“Ah… oo rin. Sige, salamat pre. Dugtungan mo na rin na wala akong silbi na kagrupo. Hindi ako masasaktan, promise,” biro niya sa seryosong boses kaya natawa ako saglit.

“Bagay sana kayo ni Arcena eh,” biglang sabi ni Merrie na hindi ko pinansin at patuloy na nagtype sa laptop. Limang slides pa lang ang nagagawa ko at ang ingay pa ni Merrie.

“Straight ’yan,” si Aries.

“Oo nga. Ang sinasabi ko, bagay sila kung sakali man kasi parehas silang academically achievers at palaban sa klase. Pero girlfriend ko ’yon si Arcena. Akin ’yon…”

I only snorted and adjusted Aries’ glasses I borrowed. Anti-radiation lang pala ’to, akala ko naman may grado. Ang sabi niya, nasanay siyang suotin dahil nakakatalino raw. Ayaw ko na lang kwestyunin dahil basag trip na rin lalo na’t ang rason ko kaya ako may braces ay para pandagdag sa kaguwapuhan ko lang rin naman.

“Pero Veniel, ang ganda rin no’ng chikababes mo ah? Nakita ko kanina sa canteen. Nginitian ko nga kaso sinamaan ako ng tingin. Kinabahan nga ako baka iniisip niyang tomboy ako na pinagkakainteresan siya…”

Kung hindi nababanggit si Claudia, hindi ko maaalalang ilang araw na rin pala kaming hiwalay. Distracted din kasi ako sa acads. Saka na siguro ako mambababae ulit pag naging top 1 na.

Magiging top 1 ka kaya kung kaklase mo si Arcena? Ipapailalim ka lang no’n sa kanya.

At ayaw ko na mag girlfriend. Tikim-tikim na lang. Mas mabuti pa ’yon. Pero ayoko na muna dahil parang ang lakas pa talaga ni Mama sa langit. Kamuntik na nga akong mataga noong nakaraang araw dahil lang sa paggi-girlfriend ko at linisin ang rumor.

I just want to focus on my studies right now and my newfound friends. But I’m not that desperate to start a friendship with Arcena. Kung ayaw ni Donato, edi bahala siya. I’ll stay as his rival.

Donato. Natawa ako sa sarili ko. Kikay na kikay ka, liit pa ng baywang mo, nagmimake-up at ang lambot ng katawan, tapos tatawagin ka lang ng Donato na para bang barako ka na nang-aabang sa kanto para mambugbog dahil sa tigas ng pangalan mo…

Saktong nahuli ni Arcena ang pagnguso ko sa Social Science na subject. Nagkasalubong agad ang kilay niya at suot niya pa ngayon ang eyeglasses ni Aries, hiniram niya at mukhang may pinagkakaabalahan din siya sa laptop.

“Okay, let’s start the reporting…” At kakapasok pa lang ni Sir Tapang sa oras niya, iyon na agad ang bungad.

Tumango ako at hinanda na ang laptop. Si Aries, tumatayo pa lang, kabado na agad. Hindi pa ’yan nagsisimula, ah?

Tahimik ang buong klase habang pinapanood nila kami sa harap na naghahanda na. When the PowerPoint of our topic flashed on the front, I looked at the whole class.

“Good morning, everyone. We are group 1, and we will discuss the topic of Puberty. Many of us, particularly at this stage of adolescence, can relate to this subject. Our discussion will explore the deep meaning of the bodily changes that occur during the phases of emotional, hormonal, and physical development throughout puberty…”

Sir nodded while sitting on the back. Tahimik din ang class. Nasa gilid ang grupo ko, hinihintay lang sa parte nila.

“Before we start the presentation, I want to ask the class, when you heard the word ‘puberty,’ what came into your mind? Anyone?” Tiningnan ko sila isa-isa para entertaining ng kaunti at masigurong nakikinig lahat.

“Katunog ng poverty…” Hindi gano’n ka klaro pero dahil tahimik, umalingawngaw ang walang kwentang sagot ni Merrie.

I chuckled together with the class. “Hmm, what else?”

“Pagdadalaga o pagbibinata,” si Alice.

“Nagkakabulbol na?” ang boys.

“Regla!” sigaw ni Melissa kaya tumawa ang class.

“Labasan na ng pimples na hindi mo alam kung kulang ka ba sa hilamos o minamalas ka lang talaga!”

Nag-aagaw na ang mga tinig nila sa pagsagot. Si Sir, naaaliw na ring makinig dahil palaban ang mga kaklase ko.

I looked at someone who’s silent in his seat. “How about you,” Donato… “Arcena?”

“Sorry kung walang kwenta ang mga sagot namin, ah?” mungkahi ni Merrie kaya natawa ulit, kahit ako, pero binalikan ko agad ng tingin si Arcena.

“Teens,” he answered concisely.

I nodded. “Teens. Teenagers. Our group will discuss the stage of being a teenager.” Then I clicked the laptop to present our topic and gestured to Aries to read it.

“Puberty,” basa niya. “It is the time in life when a boy or girl becomes sexually mature. It is a process that usually happens between ages 10 and 14 for girls and ages 12 and 16 for boys. It causes physical changes and affects boys and girls differently…”

“Tingnan niyo, ipapaliwanag niya rin ’yan sa Tagalog,” ang boses ni Merrie na talagang umaalingawngaw at nasusundan agad ng kaunting mahihinang tawanan.

“Merrie,” tawag ko dahil ang ingay din talaga ng isang ’to.

“Ayan kasi! Mag-ingay ka pa!”

“Uy, ang aga naman, Veniel. Pero all of the above!” Ngiti niya nang tumayo na.

“Wala pa nga! Ang talino mo naman at nauuna na agad ang sagot mo kaysa sa tanong!” the class teased.

“Kung may mas top pa sa valedictorian, ayan si Merrie!”

The class roared in laughter again. I hushed them while chuckling too.

“During your puberty, ano ’yong napansin mo na pagbabago sa katawan mo?” I asked.

“Luh kahiya! Hindi ba pwedeng ibulong ko lang sa’yo tapos secret lang natin?”

Everyone laughed again. Kahit si Sir, natawa na rin. Tumikhim si Merrie at pinilit magseryoso.

“Pero ano… thirteen ako noong nagkaregla ako. Bantot nga ni Mama, pinapahid sa mukha ko ’yong regla para hindi raw ako magkatigyawat. Tapos tumalon-talon daw ako sa hagdan. Buti na lang wala kaming hagdan!”

Tumawa ulit ang class at sunod-sunod ang bulungan.

“Baka kaya maraming pimples si Arcena kasi hindi niya pinahid sa mukha niya ang regla niya?” mahinang biro ng mga boys.

“Tapos ano…namumukol na ’yong…ihh nakakahiya! Takpan niyo nga ang mga tainga niyo!” She threatened the whole class.

Ang mga boys sa likod tawang-tawa nang hinahampas ang desk nila.

“Namumukol ang alin, Merrie? Ang likod mo ba?” biro ng boys sa likod.

“Namumukol ang kamao ko sa inyo!” Sabay balik ni Merrie sa atensyon niya sa’kin. “Dibdib talaga ’yon. Tapos tinutubuan na ako ng hiya. Naramdaman ko ’yon noong niyaya akong makikain. Nahiya ako tumanggi kaya pumayag agad ako.”

“Walanghiya yata tawag diyan, Merrie!”

The class ended up laughing again. Natatawa si Merrie na umupo at tumango sa akin sabay thumbs up. Tinarantado lang yata ako ng babae na ’to.

Naghanap ako ng isa pa, sa boys naman. I looked at Arcena.

“Arcena,” I called.

“Ay girls ulit? Akala ko sa lalaki na.”

“Ba’t si Arcena? Hindi ’yan makakarelate! May regla nga ’yan ngayon!”

Still, he stood up. “Deep voice…”

“Parang hindi naman! Parinig nga kami ng deep voice!”

“Height…” patuloy niya. “Hair in armpits… Paglaki rin ng ari…” At dinagdag niya talaga, oh? But then that’s important. Kung hindi niya lang inapi ang akin noon, hindi ko pag-iisipan ng iba ’yan ngayon.

The boys muffled their laughter. “Ay, ba’t akin hindi na? Shy type yata ’to eh.”

“Acne,” pahabol niya kaya napatingin ako sa pimples niya.

I nodded at him. Umupo siya ulit kaya pinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag. Mabuti naman at mahinahon ngayon. Siguro walang balak magmatigas si Donato?

“Aside from those mentioned, this is the period at which each of us becomes too curious about things—a thirst to explore. As an example, masturbation…attraction… maturity…”

Our group elaborated on each part. Buti na lang si Aries, kinabisado ang sinulat kong explanation kaya hindi na mukhang nagbabasa, pero nauutal nga lang at halatang memorize pa. Si Luis, maalam sa reporting pero halatang kabado rin kaya ako ang nag-eelaborate para mas maintindihan ng buong klase.

Sir looked satisfied. Wala siyang tanong. Madalas kasi, pag tingin niya may hindi nadidisscuss, sisingit siya. Pero sa reporting namin, wala. Kung meron mang bumoses…si Arcena.

“You forgot to tackle something…” boses niya na agarang ikinakaba ng grupo ko, diretso tingin sa akin.

Kahit gaano ka pulido ’yang reporting mo, kahit gaano kaganda ang delivery, kung kaklase mo si Arcena, may pupunahin ’yan.

“Anong kulang?” I asked curiously.

“What do you think is the most crucial part of puberty for both genders?” tanong niya na nagpasalubong ng kilay ko. “You missed that part.”

Kahit si Sir, sa ganda ng tanong ni Arcena, napatango-tango. Ayon ang tingin niyang kulang sa reporting ko?

Aries stepped backward a little and cleared his throat. “Ikaw na diyan… Kaya mo na ’yan,” bulong niya. Maya ’to sa’kin. Papagastusin ko ’to ng lunch.

We discussed it earlier. Emotional changes or maturity,“ I answered in a monotone. “This is the stage where kids begin to discover things about themselves—identity formation, in other words. The most important aspect of being a teenager is transitioning from childhood to adolescence. Girls are becoming more aware of physical changes, while the boys are eager to step outside of their comfort zone. This is also the stage at which they are easily influenced by their environment or friends.”

Tumango si Arcena, pero halatang nakukulangan siya. “Yup. Puberty is the stage of discovering about yourself—knowing about who you really are, self-exploration, your likes and dislikes, making friends, and adjusting to the changes of your physical appearance, but I am asking about the most crucial part of puberty, Veniel…”

I licked my lower lip and furrowed my brows. May nakaligtaan ba akong basahin? Kinalkal ko na lahat sa isip ko, pero blangko na iyon. Puberty… Puberty…

“Baka wala sa topic natin ang hinahanap niya? Baka sa next group pa ’yon?” bulong ni Luis sa akin.

I picked up the textbook and flipped the pages. Fuck. Nagmumukha tuloy kaming hindi handa! 

“Ako ’yan aatras na lang ako tapos iiyak sa sulok…” my classmates murmured.

“Awatin niyo na ’yan…”

“Dapat kasi, binilhan niyo ng Jollibee si Arcena para tahimik sa upuan niya.”

“Si Veniel nga na matalino nabobobo pagdating kay Arcena, ano pa kaya kami na bobo na talaga?”

“Then you answer it. If your answer makes sense, I will agree and elaborate on it,” sabi ko at sumandal sa gilid ng table.

“Reproduction…” he stated firmly. “In the stage of puberty, teens become capable of reproduction. Nagkaka-mens na ang mga girls, pwede nang mabuntis. At nagiging kuryoso na ang boys sa sexual urges…pwede nang makabuntis.”

My lips parted. Reproduction. Oo nga naman? Tang ina, oo nga naman! Bakit ko nakaligtaan ang importanteng bagay na ’yon?

The class looked amused, and even Sir stopped from pacing back and forth to listen carefully. Gano’n siya ka interesado sa naging sagot ni Arcena.

I nodded to acknowledge his point. “Yup. Reproduction… I admit I missed discussing that part.” Tango-tango na lang talaga pag hindi mo maangasan dahil tama rin naman.

Kaya ko siyang i-discuss on the spot kahit wala siya sa PowerPoint namin, pero mukhang may iba nang plano si Sir na nilabas index card at namili na. My classmates grunted out of frustration. May surprise oral recitation o debate laban sa grupo namin.

“Let’s have a debate…” Sir announced, which made them whine in their seats nervously.

“Ayan na nga ba…”

“Bakit kasi nakaligtaan ’yang reproduction na ’yan…”

“Lord, maawa ka… Wala pa kaming study…”

“Group 4…” tawag ni Sir at saktong sila Arcena pa talaga. The other groups cheered like they dodged a bullet.

“Wala na. Matinding pigaan na naman ’to ng utak…” bulong ni Merrie habang tumatayo na kasama ang grupo niya.

“Here’s the topic: During puberty, does young love cause distraction or motivation? Group 1, Motivation… Group 4, Distraction. Five minutes to discuss.”

Madali lang. Kaso ang crucial dito, natapat ka sa alam kung paano papasikut-sikutin ang topic. Mabilis kaming nag-usap-usap. Si Aries agad ang naglista ng mga sinasabi ko. Hindi naman importante na matalo mo ang kabilang panig. Ang mas importante ay madepensahan at maipaglaban mo ang topic niyo.

I glanced at Arcena’s group. They all looked prepared. Si Merrie, laki-laki ng ngiti oh. Kampante sila dahil kagrupo nila si Arcena.

“Let’s start…” at talagang makalipas ang limang minuto, sinenyasan na kami ni Sir.

“Young love is a motivation, especially when you know yourself what you’ve been looking for. For example, may mga students na naiinspire ng girlfriend o boyfriend pumasok, o naiinspire mag-aral dahil may bini-build silang image sa mata ng pamilya ng kasintahan nila. Sapat ’yong drive to excel in classes because they wanted the acknowledgement of being accepted by their partner’s family,” panimula ko.

“Young love is not destructive when you know how to manage your priorities…” dagdag ni Aries. “At…tama si Veniel…”

Pasimple kong nilingon si Aries. Gagong ’to. Ako ba ang magga-grado sa’yo, ha? Dagdagan mo ’yan!

“Young love is a distraction,” si Arcena na nagsimula na. “In Veniel’s reporting, they discussed that this is the stage where exploration starts and hormones are aggressive. In other words, teens are highly curious. When your parents only want you to study, teens tend to find a way to rebel; ito na ’yong mga batang tinatago ang relasyon nila sa parents nila at handang sumuway. That act of rebellion is already evidence that young love is destructive since it causes teens to prioritize other things over their studies…”

“What he said…” Si Merrie na sunod na, tumango-tango at mukhang nag-iipon ng lakas para dugtungan. “I agree…”

Pigil na tawa ang ginawa ng mga kaklase namin, ayaw lang makadisturbo sa debate.

“Kaya nga mas mabuting huwag maging mahigpit ang parents dahil nasa edad na rin na hindi napipigilang maattract ang isang teenager at nagkakagusto na. They needed guidance, support, and motivation from their guardians. Kung guided ng mga magulang ang isang teenager, hindi problema ang young love habang nag-aaral dahil may nagpapaalala sa kanya na huwag lumagpas,” depensa ko.

“Yes, we can assume that a teenager can be guided by their parents when getting into a relationship, but that’s not the case all the time. Lalo na’t we are talking about teens here. We are talking about kids who just turned teens—minors. At ang mga ganitong edad ay uhaw sa gusto nila. Let’s say the parents will guide them, but are the kids responsible enough to handle a relationship—to handle their sexual urges alone? Dahil kung oo, bakit ang taas ng teenage pregnancy sa bansang ito kung hindi naman pala distraction ang pagmamahal sa kabataan habang nag-aaral?” Arcena folded his arms and looked at me with dominance.

I knew it. It’s a good take. Parang ’yon na ’yon. Even our classmates cheered quietly. But then I know we can still pull it off.

“That’s why they need supervision. Hindi mo mapipigilan sa ganyang edad ang mga kabataan na magkagusto pero pwede mo silang gabayan,” I responded critically. “They need guidance. Additionally, a lack of knowledge about contraceptives contributes to teenage pregnancy. A responsible parent will educate their child about the importance of contraception and the repercussions of having sex. Mas lalo nilang babantayan ang anak nila at palaging pangangaralan. Maiiwasan ang teenage pregnancy dahil may mas nakakatandang nakatutok.”

“If a parent is responsible enough…” Arcena nodded sarcastically. “Are all parents responsible enough to teach their kids about contraceptives? We live in a religious country. Kaya kadalasan sa kabataan ay hindi nagsasabi sa mga magulang nila dahil konserbatibo ang pagpapalaki at hindi napag-uusapan ang mga ganitong bagay sa tahanan. Knowing in the stage of puberty, kids start to distance from their parents for their own privacy. Madalas sa kabataan, patagong nakikipagrelasyon habang nag-aaral. Oo takot kadalasan ang mga bata na hindi makapagtapos, pero hindi sila takot gumawa ng mga bagay na pagsisisihan din nila sa huli.”

“But this is also the age where teens are building trust, not just rebelling. Sa ganito ka-murang edad, kung nakukuha ang sapat na suporta sa magulang, they will easily open up about their love life. And having a partner while you’re studying motivates you to excel, especially when your partner is also an academic achiever,” boses ko dahil natatameme na ang mga kagrupo ko at walang maisip agad na pambala sa mabibilis na sagot ni Arcena.

“Love is like a temptation for everyone, even for academic achievers,” Arcena immediately created a way out to contradict my opinion. “Ang matatanda nga, pagdating sa pagmamahal, nabobobo, ano pa kaya ang mga batang hindi pa gaanong mulat sa reyalidad at nag-aaral pa lamang? Kung na-brokenhearted ang isang teenager, kahit pag-aaral, apektado. Nandito na ’yong kawalan ng interes pumasok. Manunuyo sa halip na magstudy. Pagpupuyat. O hindi na nakakapagconcentrate dahil masakit ang puso—”

“Parang hindi naman,” bulong ko sa sarili at pasimpleng natawa. He got distracted from it, kaya dinugtungan ko agad.

“Kahit ma-brokenhearted ang isang teenager, kung mas matimbang sa kanya ang pag-aaral, hindi ’yon magiging problema. They’re already at the age where they’re afraid of failures—mga batang takot sa magulang na pinapaaral sila. May mga batang patagong nakikipagrelasyon, pero ayan din ang mga batang uhaw sa academic validation dahil napepressure sa sasabihin ng nakapaligid sa kanila. At oo, mapupusok ang ganitong edad, pero ikaw na rin ang nagsabi na nasa konserbatibo tayong bansa. Mas doble ang pag-iingat ng mga batang nakikipagrelasyon nang maaga at patunayan sa parents nila na hindi masama ang makipagrelasyon habang nag-aaral para makuha ang suporta nila.”

Sir gestured to stop. He looked satisfied. Arcena was about to open his mouth again, but he immediately closed it and looked at our prof.

It was like a sudden call of truce for a bloody battle. Nanggigigil ka pang sumaksak, pero kailangan mo nang kumalma at ibaba ang sandata. And Arcena seems thirsty to continue because he looked at me intensely.

“Ang swerte naman ng grupo ni Veniel at Arcena. Buhat na buhat…” our classmates teased, which made Merrie lift her middle finger secretly.

“Ang hirap namang huminga pag ganito ang mga kaklase mo. Miyerkules pa lang, pero pang Biyernes na ang pagod ko…”

“Write down your conclusion and submit it to me. Also, we’ll have a quiz tomorrow, followed by group 2’s reporting. Prepare for a five-minute debate as well. Those who are absent will automatically be marked zero,” si Sir.

Kinakabahan ako bigla. May nakitang kaunting butas si Arcena sa reporting namin. Baka makabawas ’yon ng puntos. Kaya dapat sa reporting ni Arcena, siya naman ang gisahin ko para pantay ang score namin.

Ang tanong, kaya ko kayang gisahin, o ako na naman ang magigisa?

“Group 1, you did well. Also, Group 4, I will look forward to your reporting,” si Sir na ikinangiti namin kahit nagkatinginan pa kami ni Arcena at ramdam ang tahimik na puksaan ng titigan namin.

Our class was dismissed at an exact hour. Hindi nga lumalagpas si sir, pero sinisigurado niya na bawat oras niya, nagagamit. Nang lumabas siya, parang nakawala sa hawla ang lahat at nakahinga nang maluwag. Kahit si Aries ay napainat.

“Sagot mo ang lunch ko,” sabi ko nang sikuhin ko siya. “Mauubos ang laway ko kakasalita sa reporting. Sarap niyong pag-untugin ni Luis.”

“Sige… Sa labas tayo kumain. Kung pwede, sa resto.”

Lumapit si Merrie at nakangising nakipag-apir sa akin.

“Manlilibre si Aries. Sumama ka tapos kaladkarin mo si Bambi. Baka makipagbalikan ’yan sa sobrang lonely niya at magpauto do’n sa guwapo kuno,” nguso ko sa banda ni Arcena kaya nilingon din ni Merrie.

“Bambi?” ulit ni Merrie, nalilito.

“Si Donato na may bambi eyes.”

Nagkatinginan si Aries at Merrie, parehas lito.

“Ah, si Donato…” tango ni Merrie at mabilis na nilapitan si Arcena. “Bambi!”

“Asarin mo pa. Babayagan ka niyan,” iling ni Aries.

Nilapitan na ni Merrie si Arcena at mukhang kinausap niya. Hindi pa natatapos, nang lingunin ako ni Arcena, umiling agad. Kaya nga sinabi kong kaladkarin niya! Hindi ko sinabing yayain niya. Hindi naman talaga ’yan sasama.

“Hindi yata sasama,” si Aries na tiningnan na rin si Arcena.

“Donato,” tawag ko.

Parang may dumaang santo sa classroom dahil lumingon ang lahat sa akin at tila naantala sa ginagawa nila. Arcena glared at me murderously.

I put my arm around Aries’ shoulder. “Magla-lunch kami. Manlilibre raw si Aries. Sumama ka.”

Chapter 8

Standard

Tingin niya pa lang, alam kong mabubugbog ako nang wala sa oras at lalabas ang barakong pangalan niya sa kanya. Nang lumapit siya, mabibilis ang hakbang, at nag-aamba na akong saktan, tinakpan ko agad ang gitna ko dahil baka bayagan talaga ako.

He pulled the neckline of my uniform and dragged me out of the room. Naghiwayan ang mga kaklase ko na para bang isasalang kami sa boxing.

“Bili ka na lang ng bagong ngipin, Veniel!” sigaw ng mga kaklase namin.

Natatawa ako sa kabila ng lahat kahit na parang mabubungi niya ako, pipilayan, o diretso na yata akong ililibing ng buhay. Nagugulat nga ako at malakas pala ang isang ’to, o dahil nagpapatianod din ako sa paghila niya.

Mabilis niya akong itinulak at halos tumilapon ako paupo sa sahig. I immediately balance myself using my forearm. Tiningnan ko ang butones ng uniporme ko at sumabog pa ang isa kaya kita na ang dibdib ko. I laughed and looked at him smugly.

“Ang tigas mo pala talaga. Kaya pala bagay sa’yo ang pangalan mo—” Mabilis akong tumayo at tumakbo lalo na’t sinugod niya ulit ako.

“Papatayin talaga kita!” he shouted until something hit my back.

Napaungol ako sa gulat at nilingon kung ano ’yong lumagapak sa likod ko. Ang sapatos niya. Pinulot ko iyon at nakangising ipinakita.

“Ah… edi magpapaa ka pauwi ngayon?” I smirked and wiggled it.

He clenched his fist and ran to me. Iniwasan ko ang bawat pag-amba niyang abutin sa kamay ko habang inaangat ko iyon sa ere. Tanaw ko na rin sa likuran namin si Merrie at Aries na nakasunod. Merrie was wearing Arcena’s bag in her front, while Aries carried mine like a garbage bag.

“Saan tayo kakain, Aries?” rinig kong tanong ni Merrie nang tumakbo ako sa kanila at ginawa silang panangga kay Arcena na gusto akong hulihin.

Kalmadong naglalakad ang dalawa habang nakikipagpatentero na ako kay kamatayan dahil pag nahuli ako nito, sigurado akong sa langit talaga ako didiretso.

“Si Arcena at Veniel lang ang ililibre ko. Ikaw ang manlilibre sa’kin,” Aries responded in his usual nonchalant tone while Arcena was trying to grab me from their back.

“Ah, edi tubig ka lang pala ngayon! Ayos ’yan. Stay hydrated!” Akbay ni Merrie kay Aries habang tumakbo ulit ako paalis sa likod ng dalawa.

“Akin na nga ’yan! Susunugin ko ’tong bag mo!” banta niya at kinuha ang bag ko sa kamay ni Aries.

I faced them while walking backward with a smirk on my lips. “Ah… kaya kong bumili ulit niyan. Sige sunugin mo lang, Donato—”

Para akong nakakita ng bulkang sumabog dahil sa pula ng mukha niya. Tinakbo ko agad ang distansya namin nang hinagis niya talaga iyon sa ere. Nang nasalo ko, sumugod ulit siya. Nakaabot na lang kami sa parking lot, at kahit sa loob ng kotse ni Aries, sinasakal niya ako sa galit niya.

“Fine! Hindi na kita tatawagin niyan!” suko ko nang maramdamang may gigil na talaga ang pananakit niya. May nakikita na akong kaunting liwanag sa bawat pikit ko eh. Tutuluyan na yata talaga ako.

He dragged himself back to his seat here in the backseat and glared at me while I caressed my neck. Binuksan ko pa ang front cam ng phone ko para tingnan ang leeg at namumula na nga.

“Para naman ako nitong may hickey. Ganito ka ba maglagay?” natatawa kong tanong at inayos rin ang nagulo kong buhok sa camera.

“Ang kuko ko!” At doon pa yata siya mas nag-aalala kaysa ang maawa ng kaunti sa sinapit ng leeg ko.

“Tapos na kayong magpatayan diyan sa likod?” tingin ni Aries sa itaas ng salamin nang napansin niyang tinantanan na rin ako ni Arcena kakasakal.

“Anong nangyari sa kuko mo?” si Merrie na nag-aalalang lumingon dito lalo na’t nasa front seat siya. Ayos, ah?

I curiously looked at his nails, too. I noticed his slim, long fingers and smooth skin with no trace of veins, unlike my hands. Parang kamay ng babae na hindi nakakaranas maghugas sa bahay o kahit gawaing bahay man lang.

“Naghuhugas ka ba sa inyo?” tanong ko.

“Oo ’no! Pero dahil ’to sa’yo kaya nabura!” he accused, probably talking about his polished nails.

Tiningnan ko tuloy ang kuko niya. Halos hindi mo nga makikita na may kulay pala dahil binagay niya sa skintone niya. His almond-shaped nails were polished with pale beige, almost cream. Ang linis tingnan. Ang palad niya, namumula ng kaunti dahil yata kakahampas sa’kin kanina.

Nakukuryoso tuloy ako. Hindi naman sa pinag-iisipan ko siya ng masama pero…nagsasalsal ba siya? Kumpara kasi sa kamay ko, mahahalata mong masipag ako sa banyo dahil sa ugat, pero ang kanya, sa sobrang kinis, parang walang pinagkakaabalahang iba ang kamay niya bukod sa pananakit sa’kin.

At kung magsasalsal man siya. Sino naman ang iisipin niya, kung gano’n? ’Yong kupal na si Kyle?

“Bigyan mo ’yan ng pera pang manicure, Veniel,” utos ni Merrie na para bang mas aping-api rito ang kuko ni Arcena kaysa sa leeg kong namumula at uniporme kong sabog na ang isang butones.

“May malapit yata na salon dito. Pwede nating daanan pagkatapos kumain,” suhestyon ni Aries nang tumingin sa bintana at nagpapark na.

“’Huwag na. Wala akong budget para diyan—”

“Eh, magkano lang ba ’yan? Ipaayos mo na. Ako ang magbabayad. Baka idagdag mo pa ’yan sa listahan ng mga kasalanan ko sa’yo,” sabi ko.

We dined at the nearest restaurant near our school. Nakaupo na kami’t lahat-lahat, iritado pa rin si Arcena kakatingin sa nangyari sa kuko niya. Sinabi ko ngang sagot ko na, ayaw niya naman. Tumayo pa si Merrie at nagpasama kung nasaan ang banyo kay Aries kaya naiwan kaming dalawa sa table habang hinihintay ang order.

Humikab ako at kinuha ang bag niyang nakalapag sa mesa para gawing unan. Naiwan ko ang akin sa kotse ni Aries.

“Akin na nga ’yan! Baka dumikit pa ang baho mo riyan—”

“I smell good. Versace Eros ang pabango ko, ah?” sabi ko at pagod na ibinaon ang ulo sa bag niya.

He looked at my sleepy eyes, then he immediately pulled it back. “Na’san na ba sila?” Palinga-linga siya.

I yawned and rubbed my left eye. Naubos yata ang lakas ko sa debate at pang-aasar sa kanya kanina.

“Anong topic niyo?” tanong ko dahil gusto kong mag-advance study.

Tumingin siya sa akin pero binabawi rin agad para luminga-linga. “Ba’t ko sasabihin?”

I chuckled. “Threatened…”

His brow lifted. “Gender Roles. Magstudy ka, ah?”

Humagalpak ako. “Ah… minamaliit mo ako?”

“Bakit? Malaki ba?” he insulted meaningfully.

“Tigasin ’to, ah? Parang pangalan mo,” I taunted back.

His eyes narrowed at me. Hinila niya bigla ang bag niya kaya bumagsak ang ulo ko sa mesa. I grunted out of pain and laughed while touching my forehead. Ang paa niya, maliksing gumalaw sa ilalim ng mesa at sisipain pa yata ako kaya bumukaka ako lalo.

“Tama na! Kawawa ang lahi ko pag natamaan mo ’to! Unico hijo na nga lang…” Halakhak ko dahil namumula talaga siya sa sobrang pikon sa pangalan niya.

He cursed me for five seconds until our table turned silent again.

“’Yong Papa mo, halatang mahal na mahal ka,” I pointed out for a small talk while waiting for the two.

Kita ko ang gulat niya; siguro hindi niya inaasahang mahinahon ko siyang kakausapin pagkatapos ko siyang asarin.

“Bakit? Papa mo ba, hindi ka mahal?” he asked thickly.

Natawa ako. Kung alam niya lang gaano ako ka-sheltered. I am like the most favorite kid and, at the same time, the most guarded one.

“Sa sobrang mahal, nakakasakal…”

He looked at me curiously, but I can sense he was holding back from asking things, or he doesn’t want to snoop around.

“Unico hijo, eh… pero may mga ate ako,” dagdag ko baka may masabi siya sa pagkakataong ito.

He looked at his nails again, pero pansin ko na parang inaaliw niya na lang ang sarili niya sa ibang bagay para may rason siyang hindi ako kausapin.

“May twins ka raw?” I asked when I remembered it.

He looked at me with a hint of annoyance.

“Magkamukha kayo? O… fraternal? Ano ang pangalan? Tigasin din ba?” I laughed.

Umirap siya at humalukipkip na. “Adopted ako ng Papa ko, ’yong nag-aalaga sa akin ngayon. Lahat ng dala-dala ko ngayon, galing sa kanya. Kahit pangalan ko, siya ang may bigay.”

I nodded. Gusto ko na rin sanang isingit at tanungin ang totoong namamagitan sa kanila ni Kyle dahil hindi namin napag-usapan nang maayos ’yon kaso dumating na si Aries at Merrie. Saktong sumunod na rin ang order namin.

“Post ko ’to ah!” Pakita ni Merrie sa picture na kuha niya. Ako iyon, nakaupo at pasimpleng tumingin sa kaliwang bahagi habang tinatakpan ang mukha ko. Kitang kita ang pula kong leeg at ang bukas na butones na sumabog.

“Hindi mo pa ako ina-accept sa Facebook,” paalala ni Aries nang bumalik kami sa kotse niya.

“Mamaya. Lowbat ako.” I showed my dead phone.

“Ako rin! I-accept mo ako sa Facebook! Ang famous mo pala. Dami mo followers,” si Merrie.

“Eh ikaw? Hindi ka ba magpapa-accept?” asar ko kay Arcena nang pagbuksan ko na sa back seat.

“Ba’t kita ia-add? Sisirain mo lang ang magandang feed ko,” irap niya at pumasok na sa back seat habang nasa likuran niya ako, nakasunod.

“Ikaw naman sa front seat? Gusto ko nang katabi si Arcena,” si Merrie na nag-aambang pumasok pero inunahan ko na.

“Doon ka sa front seat. Ingay mo katabi,” natatawa kong sabi at pinagsarhan siya ng pinto.

“Eh maingay din naman ’yan si Arcena! Nananahimik lang ’yan kasi ikaw ang katabi! Ayaw ka niyang kausap!” si Merrie na rinig pa rin ang boses dahil bukas ang pinto sa front seat at sumilip pa ang ulo niya.

Kaya nga tatabihan ko para manahimik. At ganoon nga siya buong byahe, si Merrie lang ang maingay dahil nakukuryoso sa kotse ni Aries.

“Pag ako nagka-kotse, gusto ko talaga ’yong mas malaki pa sa akin! Anong magagandang sasakyan ang bagay sa’kin sa tingin niyo?”

“Bulldozer,” sagot ni Aries kaya humalakhak kami sa likod ni Arcena.

“Hindi ’yang ganyan! ’Yong malaki pero bagay sa’kin!”

“Truck ba, Merrie?” sabi ko na mas ikinaingay niya sa harap habang nagtatawanan kami ni Aries.

“Eh ikaw, Arcena? Ano ang pangarap mong sasakyan?” biglang tanong ni Merrie.

“’Yong mas matalino sa akin.” Arcena smirked.

Humagalpak si Merrie. I snorted at his answer. Ilang taon na nga ’to? Sixteen? Seventeen? I’m just sixteen. He’s probably sixteen, too?

“Tao ’yan eh! Kotse!”

“Raptor na puti,” agaran niyang banggit na ikinaangat ng kilay ko.

“Ah… pangarap mo palang sakyan ang akin.” I smirked and tilted my head to see his reaction.

“May Raptor ka?” nakangising tanong ni Merrie.

Tumango ako. “Meron. Puti rin ’yon at nasa Bukidnon. ’Yun ang personal service ko sa amin.”

“Itim na lang pala,” biglang bawi ni Arcena.

“Sabi mo puti. Wala… Pangarap mong sakyan ’yong akin…” asar ko.

“Kapal naman ng mukha mong magdesisyon sa pangarap ko. Kaya ka pumapangalawa kasi nauuna ang pagiging pakialamero mo eh,” ismid niya pero tinawanan ko.

“Nauna mong sinabi ang puti. Ngayong nalaman mong puti ang akin, bigla mong babawiin.”

“Eh ano naman? Mas gusto ko na ang itim kaysa sa puti eh!”

“Pero kung hindi mo nalaman na puti ’yong akin, hindi mo magugustuhan ang itim…”

“Pati ba sa kulay ng kotse pagdedebatehan niyo!” singit ni Merrie pero palaban kaming nakatingin ni Arcena sa isa’t isa. I am smirking at him while he’s trying to dominate me with his glares.

“Mas pangarap ko pa ring sasakyan ang mas matalino sa akin!” he announced like it was enough to shut me up.

Aries looked at me in the mirror. I folded my arms and snorted again. Si Merrie, nakangisi sa akin.

At bakit din naman ako makikipagtalo riyan? Ang akin lang dito, parang pinapatamaan niya ako na hindi ’yan ako dahil hindi ko naman siya nahihigitan pagdating sa acads.

Pero kung naging top 1 ako ngayong sem, edi ako ’yan? Hindi ba siya kinikilabutan no’n kung sakali mang ako ’yan?

“Late raw kayo. Bawal na raw pumasok…” At kung minamalas nga naman… Natapat pa talaga kami sa subject ni Ma’am Santos na sobrang terror.

Terror naman halos lahat ng guro namin. Pero ito kasi si Ma’am Santos. Sobrang strict.

Nagmukha tuloy kaming mga sisiw na nawalay sa inahing manok sa labas. Para kaming tangang apat na nakasilip sa bintana at pinapanood kami ng mga kaklase namin sa loob. Umiiling sila sa amin at mukhang hindi makumbinsi si Ma’am. May long quiz pa.

“Kayo kasi eh! Kung hindi niyo lang ako hinila!” paninisi ni Arcena, pero sa akin mas galit ang tingin.

“Kung kailan ganado akong pumasok, ako naman ang hindi papapasukin!” si Merrie na nagdadabog.

Hinintay tuloy namin na matapos ang class at kausapin si Ma’am kung ano ang pwede naming gawin dahil sayang din ang long quiz eh.

“Please, Ma’am Santos. Bawal po kasing maapektuhan ang grades ko. Baka po matanggalan ako ng scholarship…” Arcena pleaded.

Nang binanggit ni Arcena ang scholarship, lumambot agad ang titig ni Ma’am.

“I have another class in Section Newton. If you want to join, then you can sit in.”

Arcena immediately nodded. Inisip ko pa kung ano ang next subject namin ngayon, pero buti na lang at discussion lang. Sa huli, diretso rin kami sa third floor para unahin ang quiz kay Ma’am Santos.

“Section ’yon ni Kyle, ah? Hindi ba?” tanong ni Merrie habang paakyat na kami.

“Pwede naman sigurong sa ibang section na lang tayo sumingit. Baka hindi ka makakapagconcentrate niyan,” si Aries.

“Eh ano naman kung nandoon si Kyle? Hindi naman siya ang pupuntahan ko.”

“Pag nahuli kitang tinititigan mo mamaya…” banta ko at inangatan siya ng kilay. Ako pa naman ang kamuntik mataga ng Papa niya, tapos babalikan niya ’yon? Baka ako na talaga ang tataga kay Kyle.

Arcena didn’t respond. Si Aries ang ngumisi sa akin.

“Pag nahuli mo, tutusukin mo ang mga mata ni Arcena?” asar niya.

“Pupunta ulit ako sa bahay nila at isusumbong ko sa Papa niya. Tito… kilala ko kung sino ’yong iniiyak-iyakan ng anak mo.” I acted like conversing to Arcena’s father which made Aries laugh.

“Kahit ako na ang tumaga riyan kay Kyle kung binalikan mo ’yan!” banta naman ni Merrie at muling hinawakan sa baywang si Arcena.

Tss. Babalikan? Hindi ’yan. Busy ’yan makipagdebate sa’kin.

Tumigil lang kaming mag-usap nang makarating na sa third floor—sa mismong harap ng room. I slowly opened the door. Sumilip ako para tingnan kung nandiyan na ba si Ma’am Santos kaso umingay bigla ang class—halos girls ang naghiyawan.

“Si Veniel ’yon, ’di ba? Hiwalay na sila ni Claudia. May pinopormahan kaya siya rito?”

Sinenyasan ko ang tatlo na pumasok na kami dahil wala pa si Ma’am Santos. Mas mabuti ’yong siya ang hihintayin, kaysa kami na naman ang malilate.

“Puro taga section Aristotle. Ba’t sila nandito?” they whispered when we slowly entered like unwelcomed aliens.

Their reactions were mixed. Some looked horrified, some were amused, and some looked curious.

“Baka may surprise debate tayo ngayon kay Ma’am Santos sa halip na quiz at sila ang makakalaban natin?”

“Imposibleng may debate. Kasi kung makakalaban natin sila, ba’t kasama ’yang babae? Eh suki ’yan sa guidance eh. Hindi naman siguro ’yan isasali kung labanan pala ng matatalino.”

“’Yan ’yong babaeng na-guidance dahil nanapak sa kabilang section, ’di ba? Nabungal niya yata… Close siya kay Veniel?”

At si Merrie ba ’yang tinutukoy nila? Barumbado pala ’tong babaeng ’to. Akala ko mahilig lang sa cutting.

“O baka may nakaaway ang section natin sa kanila?”

Tahimik kaming umupo sa likuran. Mas lalo lang lumala ang bulungan nila.

“Bukod sa matunog din kasi ang section nila dahil suki sa guidance at napapaaway sa ibang section, nasa section din nila si Veniel, campus heartthrob, tapos si Arcena, pinakamatalino na kahit mga Grade 12 ay kilala siya. Tapos madalas, champion pa sila sa mga competition noong nakaraan. Kahit cooking, pinapatos ng mga ’yan at sobrang mga palaban.”

May titulo pala si Donato kahit sa Grade 12? At palaban naman talaga ang section namin. Hakot awards sa competition, kaya siguro pati sa guidance, hindi na pinalampas ng mga kaklase ko at hinakot na rin para top kami lagi.

“Noong mga nakaraang buwan, sumugod siya sa principal’s office at may inireklamong professor. Hindi raw masyadong nagdidiscuss sa class nila, pero ang baba raw mamigay ng grades. Kaya rinig ko, lahat ng mga prof na pumapasok sa kanila, binibigyan sila ng maraming activities dahil baka mapatawag sa principal’s office…”

Arcena looked unbothered. Busy siya magdrawing sa isang papel. Gumagawa siya ng damit. Si Aries, humihikab lang din at si Merrie, abalang tingnan ang ginagawa ni Arcena.

“Oo. Lahat halos ng mga prof na pumapasok sa section nila, puro terror ang pinapalit o mga may mahahabang pasensya. ’Yong mga highblood, pinapaiwas dahil baka atakihin sa puso o konsumisyon.”

Ah, si Sir Hernandez? Kaya pala pinalitan ’yon eh. Ang pinalit, si Sir Tapang. Si Sir Tapang na hindi kami kinakaawaan.

“Marami rin namang ibang professor na ayaw sa section nila dahil madalas sa sinusugod sa guidance, o inirereklamong mga estudyante na nahuhuling naninigarilyo o amoy alak pa sa likod ng school, nasa section din nila. Tapos babae pa…”

I looked at Merrie. Kaya pala iba ang tama ng isang ’to.

“Kaya nga ang saya ng section nila. Nandoon halos lahat ng mga pasimuno ng gulo, pero nandoon din ang pinaka-matalino at pinaka-heartthrob sa school—si Veniel.”

“Eh ’yang nerd, ’yan ’yong nabully noong kabilang section, ’di ba? Kaya nagkarambolan sa flag ceremony dahil tinawag siyang mukhang bading sa sobrang lambot?”

Nabully? Nabully ’to si Aries? Alam ko lang na nagkarambolan sa flag ceremony pero hindi ko alam na section pala namin ’yon? Nakikihalo kasi ako sa section nila Claudia at doon ako pumipila.

“Oo. Kaya sumali sa impromptu speech si Arcena tapos doon niya binully at kinawawa ang section na ’yon.”

Some girls glanced at me and smiled sheepishly. Ngumiti ako pabalik. Naghagikhikan agad sila at mas lumala lang ang bulungan. Pasimple pa akong siniko ni Aries at nailing sa akin na tinawanan ko lang.

“What?” I smirked and played with my pen.

“Kaya kahit sino na lang ang pinagseselosan ng girlfriend mo noon, eh…”

“Cheating na ba ’yon pag ngumiti ka lang sa mga ngumingiti sa’yo? Nginingitian ko rin ang mga boys, ah? Pag girls, biglang masama agad?”

“Malay ko. Wala naman akong naging selosang girlfriend,” kibit niya.

Pumasok bigla si Kyle, nakita kami rito sa likuran at nakangiting lumapit sa akin. Aries sneered and pretended to busy himself on his phone.

“Anong meron?” tanong ni Kyle nang makalapit at pasimpleng sulyap kay Arcena na inaayos na sa armchair niya ang ballpen at papel.

“Ah… makikisit-in kami. Na-late kami sa class ni Ma’am Santos kaya dito kami sasali,” paliwanag ko kahit pansin kong tinitingnan niya si Arcena ng ilang beses.

Hindi siya tiningnan man lang ni Arcena. Mas abala siyang ayusin sa lamesa niya ang dalawang ballpen at naroon lang ang buong atensyon niya. Baka umisa pa ’to eh. Huwag na kamo siyang magpapansin dahil nagmomove-on na ’tong isa.

Ma’am Santos entered. Nagsibalikan agad ang iba sa upuan nila, kahit si Kyle. Tiningnan kami ni Ma’am Santos sa likod habang inilalapag ang gamit niya.

“Mag-move on ka na,” I whispered while looking at the front and playing with my pen—ang tangi kong dala.

“Ikaw yata ang hindi pa nakakamove-on kaya paulit ulit ka,” he whispered back.

Umangat ang kilay ko. “Lumapit eh. Baka nasilaw ka sa kagwapuhan at magpapauto ka na naman…”

He snorted at his seat. “Hindi ako uhaw sa guwapo.”

I lazily drawled a laugh. “Oo naman. Kasi kung uhaw ka…hindi ka mapupunta sa kabilang section kakahanap ng guwapo.”

His head glanced at me. I glanced as well. Natawa siya, hindi tuwa kundi halos sarkastiko. We were trying to look discreet because of the room’s quiet ambiance. Iba kasi sa classroom namin, sobrang ingay. Kaya kahit mag-ingay ka, hindi ka mahuhuli.

“Maraming guwapo sa section natin. Si Aries. Ang mga lalaki sa likod, tapos si Jino. Marami,” agap ko dahil baka isipin nito sarili ko ang binibida sa kanya.

“At ikaw?” he added with a mocking quiet laugh.

Some students glanced at Arcena, especially those on the last row. I pinched my lower lip to control my smile.

“Ikaw ang may sabi…” I whispered back while side-eyeing him.

“Sa debate nga, hindi ka papasa sa akin. Sa standard ko pa kaya sa lalaki?” he mocked.

My left leg slightly touch the side of his right leg when I shifted on my seat. Bumaba saglit ang tingin niya ro’n pero inalis niya rin agad.

“Bakit? 10 inches ba si Kyle kaya patay na patay ka sa kanya?”

His hand immediately covered my mouth. Kinabahan pa ako dahil akala ko sasampalin ako, tatakpan lang pala. He glared at me and warned me to shut up.

“Pati ba naman dito magdedebate pa rin kayo?” saway ni Aries sa tabi ko.

Arcena pulled his hand off my lips. “Hintayin mong matapos ’to…” banta niya sa mahinang tinig.

I licked my lower lip and smirked at him. Lambot ng kamay, ah?

Chapter 9

Busy

We quietly waited for the announcement of our scores. Pakiramdam ko nga bangag ako ng kaunti kanina habang sumasagot. I did some advance study, which gave me enough confidence that I will get a passing grade. Wala ka ba namang ka late night call gabi-gabi kaya mag-aaral ka talaga.

“Arcena… 50 over 50,” anunsyo ni Ma’am sa Newton na ikinamangha ng buong klase. Siya ang pinakamataas.

“Na-link siya kay Kyle, ’di ba?”

“Kaya pala nanginginig lagi ang ibang section pag siya ang nakikitang representative ng section nila… Nanghahakot daw ’yan ng award.”

Arcena stood up to get his paper. Nagkatinginan kaming tatlo at napangisi dahil sa reaksyon ng buong class. Hindi naman bago ’to sa amin pero sa ibang section, s’yempre nakakagulat talaga ang katalinuhan ni Arcena.

“Girlfriend ko ’yan…” Merrie murmured proudly with a smirk on her lips.

“Sana Newton naman ang top 2 man lang na highest score,” they whispered.

“Si Kyle ’yan,” they whispered confidently. “Baka nga perfect din si Kyle eh.”

Even Kyle looked like he’s also expecting his name to be called. Balita ko matalino raw ’to eh. Gaano ba ka-talino? Kung naging tipo ito ni Arcena, baka mas matalino pa sa kanya?

“Si Kyle raw ang susunod kay Arcena. Hindi talaga nila kilala ang section natin. Na pag tinawag si Arcena… ang susunod na tatawagin ay…” Merrie looked at me and followed by Ma’am Santos’ announcement.

“Veniel… 49 over 50.”

Everyone gasped. I stood up after Arcena, who’s now walking back to his seat. I felt proud hearing my name next to him, his main rival. Oo, walang makakahigit o makakapantay diyan, pero wala ring kayang humabol kundi ako lang.

Kyle glanced at me. Kahit siya, nagulat. Nang dumaan ako sa row niya, nakangisi siyang nakipag-apir sa akin. I smirked back. Paano ba ’yan…

“Talino, bro…” he chuckled.

“Mas matalino ’yong isa. Perfect ba naman,” I chuckled back.

“Tama nga ’yong tsismis na matalino siya…” the girls murmured.

Pagkakuha ko ng papel ko, kuryoso ko agad na tiningnan. Number 1 ang mali ko. Hindi ko rin maalala kung ano ang tanong eh. Bangag nga yata ako. Buti naman at natauhan na sa 2-50 items.

“Mapapahiya ako rito, hayop…” bulong ni Merrie sa upuan nang makabalik na kami. “Pustahan, Aries, sino ang pinaka-lowest sa ating dalawa?”

“Ayos na ’yan. Balanse. Section natin ang pinaka-highest sa section nila, pero section din natin ang pinaka-lowest,” Aries mumbled nonchalantly.

“Mag-study kasi kayo,” payo ko. “Magbasa basa kayo ng lesson para pag na-discuss, may background na kayo. Hindi na mahirap tandaan.”

“Inuuna mo kasi ang cutting, Merrie…” pangaral ni Arcena.

“Memorization lang ang kaya ko. Hanggang isang oras lang din ’yan sa utak ko. Pagkatapos niyan, limot ko na lahat,” ani Merrie.

“Melendez…” tawag ni Ma’am Santos.

Tumingin agad ako sa harap. Si Kyle. Siya rin ang unang natawag sa section nila.

“31 over 50.”

Their reaction made it more dramatic. Mas pinaglilingon na kami. Kyle looked disappointed too. Parang pinagsakluban ng langit at lupa sa upuan niya.

“Perfect at isang mali… anong utak meron sila?”

“Nakakapressure naman maging kaklase ang mga ’yan…”

I shot my brow up. 31? 19 ang mali. At ito pa ang nakalandian ni Arcena? Pero oo nga naman, matalino raw eh. Highest sa class nila. Average nga lang sa class namin.

Kyle stood up quietly to get his paper. Nagkatinginan kami ni Aries, at ang loko, di mapigilang mapangisi kaya pasimple kong siniko. Dito pa talaga kami magkakalat eh hindi namin ’to section.

“Eh, mas matalino pa pala si Veniel diyan eh. Sana hindi mo ’yan sinakyan, ah?” bulong ni Merrie kay Arcena na narinig ko.

“Kung hindi ka pa matuturn-off diyan, ewan ko na lang,” I laughed quietly.

Umismid si Arcena sa akin, pero walang masabi. Malamang wala siyang masasabi, nataob ko ba naman ang crush niya sa quiz na mas guwapo kuno at matalino pa raw sa akin…

Score na lang ni Aries at Merrie ang hinihintay namin, pero halos hawak na ng iba ang papel nila, pero ang dalawang ’to, hindi pa rin tinatawag. Nasa below ten na rin ang score.

“Merrell, 5 over 50.” At sa wakas, tinawag na rin si Merrie.

She stood up and walked to the front with confidence. Ngumiti-ngiti pa.

“Arrese, 3 over 50.” Si Aries na tumayo rin na pinagtawanan pa talaga ni Merrie.

“Sabi ko sa’yo, si Arcena at Veniel ang highest, tapos tayo ang pinaka-lowest, eh,” medyo napalakas pa ang boses niya kaya nagtawanan ang ibang students.

Kyle glanced at me after looking at his paper. Siguro napagtanto niya na kung ikukumpara siya sa akin, lalabas siyang bobo? Hindi naman sa minamaliit ko ang score niya, pero kahiya-hiya ’yon lalo na kung ikaw pa ang nagustuhan kuno ni Arcena, ang kilalang pinakamatalinong estudyante hindi lang sa Grade 11 kundi matunog na rin sa Grade 12.

Pagkatapos ng quiz, hinayaan na kami ni Ma’am Santos na bumalik na sa classroom. I noticed how Kyle glanced at us again and looked at Arcena, who didn’t even give him the slightest glance. Wala eh. Ikaw ba naman itanggi…

“Sampal sampalin mo na ako,” anyaya ko paglabas namin sa classroom.

Merrie and Aries were calmly talking to each other about their scores. Kay Arcena ako lumebel, at nasa likuran kami ng dalawa.

“Huh?” At mas nagulat pa yata siya sa anyaya ko lalo na’t biglaan akong yumuko ng kaunti para ilebel ang mukha ko sa kanya.

Bilis makalimot, ah? Baka nahilo ’to dahil ang lalaking gusto niya, bobo pala? Siya yata ang mas nakaramdam ng hiya.

“Sabi mo lagot ako mamaya. Tapos na ang quiz. Pwede mo na akong sampalin.”

“Eh kung tadyakan na kita sa bayag mo?! Nalipat na ba diyan ang utak mo?!” Tulak niya sa akin palayo kaya lumingon ang dalawa sa amin.

Nanlambot na yata dahil sa score ni Kyle. I chuckled playfully and watched him distance himself from me like I am contagious. Siya na nga ang tutulungang makabawi sa akin, ayaw pa? Hirap din nito intindihin eh.

“Gano’n ka na ba ka bored na hindi na umuubra ang pang-aalipusta sa’yo ni Arcena sa klase at gusto mo ng pisikalan?” si Aries nang namulsang lumebel sa akin.

Nakangisi kong sinundan ng tingin si Arcena na nauuna nang maglakad palayo kasama si Merrie. He even glanced at me, looking at me with his furrowed brows, then immediately pulled his eyes back to the front while Merrie was yapping something to him.

“Masarap asarin eh,” nangingiti kong pinisil ang pang-ibabang labi at pinanood ang maarteng lakad ni Arcena.

“Single ka na nga…”

Single na nga. Itutuon ko na lang siguro ang buong oras ko sa pag-aaral. Baka sakaling maging top 1 ako ngayong sem? Matutuwa ang buo kong angkan at baka hayaan pa akong bumili ng sarili kong service dito sa Manila.

Ranger Raptor pa rin s’yempre at hmm…siguro itim naman? Ang dali rin kasi madumihan no’ng puti ko kaya hassle lagi icarwash. Bukod sa wala akong oras dahil estudyante, mas mabuting itim naman siguro.

Hindi naman ako sobrang uhaw sa acads, o pag-aaral. Pero ngayong single, wala akong ibang pagkakaabalahan kundi ang maging top 1 sa klase. Nakakatamad na rin na lagi kang top 2.

Malalamangan ko naman siguro ’to si Arcena dahil wala na akong ibang pinagkakaabalahan. Wala na akong lovelife. Maibubuhos ko na ang buo kong atensyon sa pag-aaral at kung paano ko papaibabaw kay Arcena, hindi iyong lagi na lang akong pumapailalim. Kaya ang hilig akong maliitin niyan eh.

Ang hindi namin pagpasok sa isang subject ay naging dahilan pa kaya kami ulit ang magkagrupong apat dahil may groupings pala. For the first time, I was in the same group with Arcena. Sa ibang subjects, lagi kaming rival.

Our classmates called it as the war is over. Mananahimik na raw ang klase dahil nasa iisang grupo kami. They’re all thanking Merrie for influencing us to cut classes that time, which made us all late.

We were suddenly sticking with each other. Iba-iba lang kami ng upuan sa class; si Arcena sa first row sa right side, ako sa left side, si Aries sa last row, gano’n din si Merrie. Pero pag lunch, sabay kami lagi ni Aries, at si Merrie naman ang kumakaladkad kay Arcena para sumabay sa amin.

Ang random nga eh. I never expected I’d get close with Merrie, the well-known troublemaker of our class, si Aries na kilalang tahimik at introvert, at si Arcena na rival ko. Ewan ko nga kung nakikita niya akong kaibigan, o tingin niya lang sa akin, papansin.

“Punta ka bukas sa house party ni Dave,” Kyle reminded me when I showed up for our practice on Friday.

“Baka hindi ako pwede bukas. May gagawin ako eh,” tanggi ko lalo na’t Sabado ang sinabi ni Arcena na gagawin namin ang presentation sa Filipino subject.

Malapit na rin kasi ang intrams. May makakalaban kaming taga ibang school. I heard most of their players are tall and skilled. Nando’n din ’yong star player na si Jarsdel. Bali-balita na magaling ’yon maglaro talaga kaya panay na tawag si Coach for practice.

Napansin ko si Claudia at ang mga kaibigan niya sa bleachers, mukhang manonood. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba kay Kyle, lalo na’t nababalitang pinopormahan si Elly, o dahil…

My brow shot up, and I stopped overanalyzing it. I jogged and started moving.

Nakikita ko ang pagsunod minsan ng tingin ni Claudia sa laro ko. Kahit ang pagtigil ko saglit para yumuko at ayusin ang sintas ng sapatos ko. Fuck. Ba’t ba ito ang suot ko ngayon na sapatos? Dapat ’yong Jordan na lang eh. Mas komportable pa ako ro’n.

I stood up and spotted Merrie, Aries, and Arcena, who passed by. Tumingin si Aries sa banda ko. Sinenyasan ko agad siya na bilhan ako ng inumin dahil parang sa canteen yata sila pupunta. Nakalimutan ko ang tumbler ko sa apartment, at ibang duffel bag pala ang nadala ko.

Sumunod ang tingin ni Kyle sa kanila pero binawi niya rin. Even Claudia looked at them and most of the girls who were quietly watching us play.

“Close ka na sa kanila?” he chuckled.

“Kaklase eh.”

“Kahit kay Arcena?” May kakaiba sa ngisi niya—may laman.

I shrugged and fanned the tip of my jersey to dry my wet stomach. Ang init!

“Ingat ka, bro… I’m not sure if you’re very close with him pero…” He laughed and shook his head. “Baka matulad ka sa akin. Baka ikaw na ang next target niyan dahil single ka at sikat pa sa school.”

“Hindi ako pasado sa tipo no’n. Mahilig yata siya sa mga gago?” I laughed.

Natawa siya kahit parang napapaisip siya ng kaunti. “Alam mo ang mga bading, pre… Ewan ko ba, parang ang uhaw nila sa lalaki. They’re even proud to kiss and tell. Maybe for a trophy? Na kaya silang patulan ng straight na lalaki at basketball player pa?”

“Hindi rin ako naniniwalang may kayo ni Arcena, eh.” I cracked a boyish laugh and fixed the black sweatband I’m wearing.

“Sino bang maniniwala kasi?” Namaywang siya at tumingin saglit sa bleachers. Tumingin din ako ro’n at may binubulong na si Elly kay Claudia. “With my reputation, walang maniniwala na kaya ko ’yang patulan.”

“Matalino rin ang tipo ni Arcena. Sa score mo no’n sa quiz, hindi ka talaga no’n papatulan…” saka ko nangingiting ibinalik ang atensyon sa kanya.

Tumawa siya pero nagsalubong na ng kaunti ang kilay. It was an innocent remark. I jogged to get the ball. Kaso naunahan ako ni Brian. Bumagal ang kilos ko at muling nakalebel si Kyle.

“Mahilig ’yan sa guwapo si Arcena,” aniya at ayaw yata pakawalan ang topic. “Hayok din ’yan humalik. Agresibo ’yan. Uhaw na yata matira…”

Para naman akong tanga kung hindi ko magegets na pasimple niyang sinasabing nakahalikan niya nga. At uhaw matira? Ayaw kong panghimasukan ang sex life ng isang tao dahil isa rin naman ako, may sexual urge din. Tigang na nga eh.

“Hindi ’yon mahilig sa guwapo, bro. Kasi kung mahilig ’yon, hindi na ’yon mangingibang section. Siguro gano’n talaga siya, napagod na sa dami ng guwapo at matalino sa classroom namin kaya naghahanap ng opposite?”

Natawa siya, pero mas ramdam ko ang hilaw. “Ah, so bobo at pangit ako?” he laughed.

I laughed too. “Bakit? Naghalikan ba kayo? Sabi mo hindi, ah?”

Hindi na siya nakalebel sa akin dahil bumagal ang kilos niya. I snorted at myself. Ako ang kamuntik mataga dahil itinanggi mo, tapos ngayon kakausapin mo ako na parang wala lang? Tang ina, ah?

“Veniel!” tawag ni Elly at tinuturo si Claudia.

I only nodded and smiled at them, but I pulled my attention back to the game. Nauuhaw na ako. Nasa’n na ba sila Aries?

Naggesture ako ng time-out kay coach para lapitan ang bag ko dahil naalibadbaran na ako sa kaunting pawis sa leeg ko. May mga grupo rin ng girls na naroon. They smiled at me, so I smiled back.

“Tawag ka yata ng friend ni Claudia…” sabi ng mga girls.

“Hiwalay na pala talaga kayo? Hindi mo na siya pinapansin eh.”

Kinuha ko palabas ang towel at pinunasan ang leeg ko.

“Wala ka bang balak makipagbalikan kay Claudia?”

Tiningnan ko ang babaeng nagtanong no’n at inilingan.

“Sino ang rason ng break-up? Nag-cheat ka?”

“Tingin niyo magchecheat ako?” natatawa kong tanong.

Nagsiiling sila, titig na titig sa ngiti ko. “Hindi ka naman gago eh. Mahal na mahal mo kaya si Claudia.”

Natanaw ko sila Aries na pabalik na. Kinuha ko ang duffel bag ko at hinawakan ang phone ko. Sinenyasan ko ang girls na aalis na lalo na’t uhaw na uhaw na talaga ako.

I jogged toward them. Pumito si Coach. Nilingon ko pa at sinenyasang saglit lang. Doon ko rin napansin na halos nagtinginan na pala ang mga nasa bleachers, lalo na’t palapit ako kina Aries.

Inilahad sa akin ni Aries ang tubig paglapit ko. Kinuha ko iyon at binuksan. Arcena quietly watched me chug down half of the water. Nang hinuli ko ang tingin niya habang umiinom ako, tumagilid agad ang ulo niya at sumilip sa likuran ko para doon tumingin.

I glanced at the back to check his target. Baka may bago na naman ’tong kursunada, ah? Magmomove-on ka nga sa isa, pero may ipapalit ka rin namang sakit sa ulo. Lagot talaga siya sa akin kung ako na naman ang mapagkakamalan ng Papa niya.

“Naks. Pogi mo, boy,” Merrie smirked at me and looked at my black sweatband.

It’s probably because of my disheveled hair and exposed forehead. Nangingiti ko siyang pinitik sa noo.

“Bawal magkagusto sa kaibigan, ah?”

Humalakhak siya at tinampal ang kamay ko palayo sa kanya. “Yabang nito! Si Arcena ang tipo ko, oy!”

Tumawa ako at hinubad ang sweatband sa ulo, sinuklay paatras ang buhok, saka iyon muling isinuot.

“Babalik na kayo sa classroom o manonood din ng practice?” tanong ko at muli silang tiningnan, pasimpleng hinarang ang paningin ni Arcena kaya ako ngayon ang aksidente niyang natingnan.

Arcena looked at his nails instead. May hawak pa siyang sandwich sa kabilang kamay pero mas piniling tingnan ang kuko sa kabila. Tumingin din ako do’n. Pati si Aries, nailing na natawa ng kaunti nang napansing tiningnan na lang niya ang kuko niya.

“Babalik na kami sa classroom. Nauumay na kami sa mukha mo. Nandiyan pa ang ex mo oh! Baka sabihin niyan patay na patay kami sa’yo,” si Merrie na sinipat saglit ang bleacher.

Lumingon din tuloy ako ro’n at pansing nakatingin pala sila sa amin. Not just Claudia. Most of those who were sitting in the bleachers to watch the practice were now looking in our direction. Umangat ang kilay ko at ibinalik sa tatlo.

“Hintayin niyo na ako. Mabilis na lang ’to eh,” sabi ko.

“Ano? Hintayin ba natin?” Merrie asked the two.

“May gagawin pa ako sa classroom.” At alibi lang yata ’yan, ah?

“Bakit hindi ka manonood? Dahil kay Kyle? Iniiwasan mo?” asar ko kay Arcena.

“Tingin mo talaga apektado ako sa imahe niya, ’no?” Nanliit ang titig niya. “May bago akong crush, ah.”

My brow shot up. “Ah… bagong iitakin ng Papa mo? Tapos ako na naman ang mapagkakamalan.”

“Paano ka mapagkakamalan eh ang layo mo sa kanya!”

“Bobo at pangit na naman ba ’yan?” sabi ko na ikinahalakhak agad namin ni Aries.

“Buti ako, bobo lang…” si Aries na ngiting ngiti.

Arcena pulled Merrie to the bleachers to probably watch his nonexistent crush and get away from my teasing. Sinundan namin ang dalawa habang natatawa pa rin kami ni Aries. Iniwan ko rin sa tabi nila ang duffel bag ko dahil pumito na talaga si coach at tinatawag na ako pabalik. Pati ang mga players, naantala na maglaro dahil napapatingin pa sa gawi ko.

I jogged back to the game and noticed my phone in my hand. Nag-jog tuloy ako pabalik ulit sa tatlo na umuupo na sa bleachers.

“Arcena,” bigay ko sa phone ko dahil siya ang mas malapit.

Kumunot ang noo niya, wala sa sariling tinanggap ang phone ko, saka ulit ako nag-jog pabalik.

“May rumor siya kay Kyle, ’di ba? Ngayon ko lang siya nakitang close kay Veniel. Close na sila?”

“May rumor nga sa section Newton na naglandian daw sila ro’n. Baka totoo?”

“Pero straight ’di ba si Veniel? Baka naman friends lang?”

Hindi ko napagtuunan ng pansin ang mga bulungan dahil naging intense din agad ang practice pagpasok ko. Sa tuwing ako ang makakapuntos, maraming nagsisigawan. Natatawa tuloy ako sa reaksyon nila.

Muli akong nag-jog papunta sa kinauupuan nila Arcena para uminom ulit ng tubig. Kahit bayag ko, namamawis na yata kaya ang init na sa pakiramdam.

“Wala pa akong kain…” reklamo ko nang tumigil ulit sa harap nila habang hinihingal.

Aries handed the water to me. I chugged down the entire water and looked at the sandwich in Arcena’s hand. Kinuha ko ulit ang towel na nakasilid sa duffel bag ko.

“Sinabi mo sana, edi binilhan ka rin namin ng makakain,” si Merrie.

“Pakagat nga, Arcena…” Hinawakan ko ang kamay niya at iginiya iyon papunta sa akin.

I could sense he doesn’t want to share his food because of his frantic reaction. Pero wala na siyang magawa dahil kinagatan ko na ang sandwich niya. I grunted in satisfaction.

“Huwag mong lakihan!” banta niya at inambahang hihilain iyon.

I bit half of it. Namilog ang mga mata niya nang tingnan ang natira sa kanya. Natatawa akong nag-jog agad pabalik sa game dahil mukhang napikon na naman.

Muli kong nadaplisan ng tingin si Claudia. Her dark expression was obvious. Nilingon ang kinauupuan nila Arcena at natawa lang dahil nagbabanta ang tingin niya na kung babalik ulit ako doon, pipilayan niya ako hanggang mapaluhod sa sakit.

Kyle looked pissed. Pansin ko na iyon sa game dahil ang bilis nang mairita. Naka-ilang foul na rin siya dahil sa halip na sa ring mashoot, lumalabas na sa court ang mga tira niya. Kahit si coach, pansin na ang gaslaw ng laro niya dahil nabangga niya na rin si Carl na tumalsik ng kaunti.

“Ano bang laro ’yan, Kyle? Nakapikit ka ba?!” the coach snarled angrily.

“Sorry, coach… Carl…” tapik niya sa balikat ni Carl na seryoso lang siyang tinanguan.

I bent down to my legs while panting a bit. Tiningala ko siya dahil nasa tabi ko at hinahabol din ang hininga.

“Nadidistract ka ba kay Arcena? Hindi ka komportable? Don’t worry, bro. May iba nang kinahuhumalingan ’yan,” I said to console his bruised ego.

Kahit hindi ko alam kung sino ’yang bagong nagugustuhan ni Arcena, ayos na rin na alam ni Kyle na hindi siya ang rason kaya nanonood ng game ngayon si Arcena. Nakaladkad lang ’yan ulit ni Merrie kaya hindi makabalik sa classroom.

Iritado siyang napatingin sa akin. Kung kanina, nasasabayan niya pa ng ngiti ang panunuya ko, ngayon, hinila niya na talaga ang jersey ko kaya napatayo tuloy ako ng tuwid.

I leveled him with an innocent smirk on my lips. Abala si coach sa ibang players kaya hindi kami napansin dito sa gilid, pero alam ko, may mga students na pinapanood kami ngayon dahil sa singhapan na narinig ko.

“Pinipikon mo ba ako? Kanina ka pa, ah?” matigas niyang tanong.

“Huh?” I chuckled innocently. “Anong mali sa sinabi ko? Ah… gusto mo bang asarin kita kay Arcena? Nandito siya kasi gusto kang panoorin? Hindi kaya mas lalo kang mapikon sa’kin niyan?”

He let go of the neckline of my jersey roughly. Bumaling si coach sa amin, gano’n din ang ibang players. Sinenyasan niya si coach na magpapahinga lang at padabog na binagsak ang sarili sa bleachers habang matalim ang tingin sa akin.

Hinaplos ko ang batok ko at pinigilang matawa. Naasar na siya ro’n? Mahina pala ’to. Hindi ko ’to makakasundo pag asaran. Sigurado rin ako na hindi ko ’to kakaibiganin. Pikon, eh.

Papatapos na ang practice nang lapitan ako ni Elly. Nakapamaywang ako, kunot noong tumingin sa kinauupuan ni Claudia habang abala akong hipan ang loob ng jersey ko.

“Gusto ka raw niyang kausapin saglit…”

“Para saan?” I asked and glanced at my friends’ direction to confirm if they’re still waiting for me.

Nang makitang hinihintay pa nila ako, kumalma ako. Tiningnan din iyon ni Elly nang ibalik ko ang tingin sa kanya, kahit si Claudia, lumipad ulit ang atensyon do’n.

“Lapitan mo na. Kayo na lang ang mag-usap,” she insisted.

Nilingon ko sila Aries at sinenyasang saglit lang. Natatakam ako ro’n sa sandwich ni Arcena na nagpadagdag lang sa gutom ko.

“Gusto mo raw akong kausapin?” kalmado kong tanong kay Claudia nang lapitan ko.

“I want a private talk if that’s okay,” she said.

Binasa ko ang labi, nilingon ulit ang kinatatayuan nila Aries at nag-uumpisa na silang tumayo dahil mukhang gusto na ring umalis ni Arcena. Mahihintay pa kaya ako ng mga ’to?

Claudia looked at them too. “Kung hindi ka available, then I just want to get my things in your place. Baka maihahatid mo? O ako na lang ang kukuha…”

Wala sa sarili kong ibinalik ang atensyon sa kanya. “Sige… Sa Sunday.” I nodded and looked at my friends’ direction again.

“How about Saturday?”

Umiling ako. “Busy ako sa Saturday. Pwede sa Sunday.” Pwede ko sigurong ihatid sa linggo ng umaga.

Her jaw clenched a bit, but she slowly nodded. Unang beses ’to na natanggihan ko siya. Gusto ko mang sa Sabado na lang, pero papatayin ako ni Arcena pag inuna ko ’to. Kagrupo ko pa naman ’yon.

“Mauna na ako, ah?” Tang ina gutom na ako. Parang gusto kong lumaklak ng tubig at kumain ng marami.

Claudia nodded her head slowly but her keen gaze carried a trace or mistrust. Sumenyas ako na aalis na dahil gutom na gutom na talaga ako. I also looked at Elly, who only nodded at me in her disappointed expression.

“Ang gago ah… Tama nga yata ang hinala mo sa kanya, Claudia. Tuluyan na siyang inakit ni Arcena kaya ayaw niya na… Atat na atat pa umalis,” ang bulong ni Elly na di ko na masyadong narinig dahil tinakbo ko na ang distansya nila Aries.

Chapter 10

Hoodie

Merrisa Merrell: Hello mga ka-tite!

Rafiel Arcena: Asan ang tite?

Aries Arrese: Anong oras ko kayo susunduin bukas?

Rafiel Arcena: 10AM ako.

Merrisa Merrell: Sa apartment tayo ni Veniel gagawa ng report diba?

I entered the chat right away. Kagabi pa ’to na convo. Anong oras na. At ang bantot pa ng pangalan ng GC. Apat Na Tite. Si Merrie pa ang gumawa.

Ronan Slade Veniel: Overnight ba kayo dito? Magdala kayo ng damit kung ayaw niyong mag oversize tshirt ko

Nagseen si Merrie. Nagsend siya ng picture at magkasama na nga silang tatlo sa kotse ni Aries. Pansin ko agad ang suot ni Donato. Oversized navy blue polo shirt iyon na bukas pa ang dalawang butones sa dibdib lalo na’t yumuko siya para sumiksik sa picture at kumindat habang nakangiti.

I noticed the v-line of his polo shirt revealed the valley of his chest. Wala naman siyang dibdib pero nagmukhang meron dahil sa bukas na dalawang butones. I immediately type a reply to point out his outfit.

Ronan Slade Veniel replied: Sexy ng isa dyan ah? Manlalamig yan mamaya. Malamig pa naman ang apartment ko

Merrisa Merrell: Salamat sa compliment, Veniel! Sabi na sexy ako eh!

I laughed and tossed my phone onto the sofa. I showered first while waiting for them. Nabigay ko na kay Aries ang room number, floor, at address ko sa kanya. Naalerto ko na rin ang guard sa ibaba na may mga bisita ako.

Bukod kay Claudia, sila pa lang ang nakakapunta rito. Buti na lang naglinis din ako kagabi kaya hindi gano’n ka kalat ngayon. Baka kasi may maarteng pumuna at ang linis pa naman ng bahay nila.

At saktong kakatapos lang maligo, nakasweatpants pa, nagdoorbell na sila. Kinuha ko ang puting towel at pinunasan ang tumutulong tubig sa buhok ko habang lumalabas sa kuwarto para pagbuksan sila ng pinto.

I opened the door for them. Malawak ang ngiti ni Merrie nang bumungad akong topless. Kita ko ang sandaling pagdaplis ng tingin ni Arcena sa katawan ko, pero binawi rin at kuryosong tumingin sa loob. Si Aries pa ang tumulak sa dalawa para lang tuluyang pumasok.

“Ikaw lang mag-isa dito?” tanong ni Merrie.

“Oo. Solo living. Pero madalas noon dito si Claudia. Kamuntik ko na ’yong i-live in eh…” sabi ko at isinara ang pinto.

“Live-in?! Sa bata niyong ’yan?! Tama talaga si Arcena sa debate niyo. Distraction ang lovelife.  Edi sana nabuntis mo ’yon nang maaga kung sakali man!”

Pinulot ko ang remote para buksan ang tv at may kaunting ingay man lang. Binigay ko ’yon kay Arcena.

“Baka gusto mong magpatugtog…” I encouraged.

He quietly took the remote from my hand. Sinenyasan ko sila na magbibihis muna ako. Isang oversized jersey t-shirt lang ang isinuot ko para presko sa pakiramdam.

Paglabas ko, umaalingawngaw na ang kantang Pony by Ginuwine. Naabutan ko pa sa harap ng salamin si Arcena, halos bumababa na ang giling, at sa kanyang likuran ay naroon si Merrie, ngiting ngiti na humahawak sa baywang ni Arcena.

Nilapitan ko si Aries na nakatingin din sa dalawa. Nagkatinginan pa kami at sabay na nailing.

“Hindi pa ’yan nakainom, ah?” aniya.

Pasulyap sulyap lang kami sa dalawa habang abala kami sa paghahanda ng mga materials. Kada-sulyap ko sa senswal na sayaw ni Arcena, naaalala ko iyong sinabi ni Kyle na agresibo raw humalik.

I shrugged it off right away. Nangingilabot ako at ayaw kong isipin kung ano man ’yang sinasabi ni Kyle tungkol sa kanya. Nakakairita rin pag naiisip ko na naghahalikan ang dalawa.

Nakalimang kanta pa yata sila saka rin nagpasyang tumulong na sa amin. Buti naman dahil nakakadistract din ang ingay nila.

“Lapit lang pala sa school ang apartment mo ’no? Mahal ba dito?” tanong ni Merrie nang nakasquat na kami sa carpet ng sala at nag-uumpisa na.

Ayaw ni Ma’am Abueno na PowerPoint ang reporting. She wants us to be artistic. Kaya ang naging strategy namin ay gumawa ng 3D presentation. Buti na lang artistic kahit papa’no itong si Merrie kaya may naiambag din. Siya rin ang tagasulat sa malalaking cartolina paper, si Arcena ang nagda-drawing ng design, at kami ni Aries ang tagagupit at tagadikit.

“Halos twenty rin…” sagot ko at tiningnan ang ginagawa ni Arcena sa isang construction paper. Nagd-drawing siya ng butterfly.

“Twenty thousand?!” si Merrie na naudlot pang buksan ang hawak na malaking chichirya at nilingon si Aries na nasa gilid niya. “Eh ikaw, nerd. Ba’t hindi ka nag-apartment eh ang layo ng bahay niyo?”

Tiningnan ko si Aries abalang ginugupit ang natapos na design ni Arcena sa isang coloring paper.

“Sa Grade 12, Aries. Maging roommate tayo. Hati tayo sa bayad para naman makatipid tipid ako. Pandagdag lang sa allowance…” I suggested.

“Pwede…” Tumango-tango siya.

“Ayos! May bago nang tambayan na malapit lang sa school! Init kasi do’n minsan sa tinatambayan ko!” si Merrie na ngiting ngiti.

“Pati ikaw…” I poked Arcena’s side waist.

Napaigtad siya sa gulat at iritadong lumingon sa akin. Tumawa ako at lumayo agad ng kaunti sa kanya, baka saksakin ako ng gunting. Malapit pa naman sa kanya.

My phone beeped for a video call around 2PM. I answered Ate’s call right away and showed myself in the camera.

“Bakit hindi ka nagpaparamdam? Hindi pa ubos ang allowance?” bungad ni Ate, at kulang na lang tawagin akong mukhang pera dahil sa pinapahiwatig niya.

“I’m busy, Ate. Marami akong school works,” saka ko ipinakita ang front camera at sinali na rin ang tatlo na abala sa mga ginagawa nila.

“Sino ’yang babae? Kaklase mo, o girlfriend?” si Ate na hindi talaga paawat sa hinala niya.

Nagulat si Merrie sa narinig at naturo ang sarili. Ibinalik ko agad sa front camera.

“Kaklase ko ’yan…”

“Siguraduhin mo, ah? Ang mahal-mahal ng tuition mo riyan, allowance mo na laging nasa five digits, tapos maggi-girlfriend ka lang pala?”

“Kahit tanungin mo pa ’tong mga kaklase ko, ate. Ako ang pinaka-goodboy sa class. Wala nga akong panahon sa lovelife na ’yan kasi gusto kong lamangan ’yong top 1.”

Ang obvious ng pagpipigil ng tawa ni Merrie. Si Aries, tahimik lang na umaangat ang kilay.

“Eh, sino ba ang top 1?” Thank God she’s now conversing calmly.

Ipinakita ko agad si Arcena at sinenyasan siyang kumaway man lang. Ngumiti si Arcena at palakaibigang kumaway.

“Hello po…”

My ate immediately smiled and waved back. “Uy hello! Ikaw raw ang top 1? Buti kasundo mo ang kapatid ko.”

Hilaw ang tawa ni Arcena kaya pigil ang tawa ko. Si Merrie at Aries, nailing na lang agad. Kung alam mo lang ate…

“Babae ba ’yon? Cute siya,” si Ate nang iniharap ko ulit sa akin ang camera.

“Hindi babae. Lalaki ’yan. Bading, ate,” sabi ko.

Ate looked shocked. “Ah… matatalino talaga ’yan sila eh. Kaibigan mo?” may pagdahan dahan sa tanong niya.

“Ewan ko rito. Hindi yata,” biro ko at tumawa kaya napatingin si Ate sa labi ko.

“Patingin nga ng ngipin mo? Nakabit na ba ang bracket? At anong balita ro’n sa estudyante? Na-kick out ba?”

Napatingin si Merrie at Aries kay Arcena na natigilan din ng kaunti.

“Hayaan mo na ’yon, ate. Kaya sumasakit din ang dibdib ni Mama dahil kung ano-ano ang sinusulsol mo.”

“Anong hayaan? Pinabayad mo ba ’yon? Mahal ’yang braces mo. Pagbayarin mo ’yon para pandagdag sa allowance mo…”

I nodded to end the topic. Kung marami akong sasabihin, dadagdagan niya lang ’yan. Mukha na ring hindi komportable si Arcena sa naririnig dahil nag-iba na ng posisyon kahit komportable naman ang upo niya.

“Mahiya ka naman sa mga kaklase ko. Naririnig nila na bungangera ka. Kaya kayo nilalayasan eh…” halakhak ko.

Kumalma siya agad. “May sapat ka pa bang kinakain diyan? Pinapatanong ni Lolo ang grades mo. Sana raw hindi ka nag-aadik o naiimpluwensyahan ng mga bad influence na bata riyan.”

Sa background pa lang, alam ko na nasa CDO siya ngayon. ’Yong isa naming property sa Xavier Estates.

“Layuan mo raw si Merrie,” bulong ni Aries kaya agad na binato ng soft pillow ni Merrie na nasa sofa lang.

“Kahiya naman sa pangalan ko tapos mag-aadik pa ako? Nagcucutting at palaban lang ako pero hindi ako adik,” depensa ni Merrie na pinagtawanan namin ni Aries.

“Anong cut classes? Natututo ka nang mag-cutting diyan, Slade!” At narinig pa talaga ni Ate.

“Pasabi kay Lolo, pag naging top 1 ako, Raptor na itim ang gusto ko, Ate…” I demanded to shift the topic.

Aries looked at Arcena. Si Arcena, patuloy na nagkukulay habang si Merrie, ngumisi bigla.

“Akala ko ba hihintayin mo ’yong Tesla sa Pinas bago ka magpapalit ng kotse?”

“Matagal pa ’yon, Ate. Wala akong service dito sa Manila. Nakikisakay na nga lang ako lagi rito kay Aries. Naka-Mercedes SUV siya, Ate.” Ipinakita ko si Aries sa camera na nahihiyang tumingin, hindi alam kung kakaway ba o ngingiti.

“Ah… siya pala si Aries. ’Yong napagkamalan ko… Hello… Pasensya ka na noong nakaraan, ah…”

Nahihiyang tumango si Aries. “Ayos lang po…‘’ Tinawanan ko nga ang gago dahil halatang hindi talaga marunong maki-socialize.

“Pag nag-girlfriend ’to si Slade, isumbong niyo sa akin, ah? Bibigyan ko kayo pabuya…” si Ate na talagang ikinangiti ng malawak ni Merrie. Mukhang kaya pa yata ako nitong ibenta, ah?

“Wala na akong plano…” parinig ko.

“Wala na kasi tapos na?”

“Wala na ate. Magbabading na lang ako rito—”

Sa reaksyon pa lang ni Ate, hindi pa nga ako tapos sa biro ko, nauna na agad ang galit niyang boses.

“Ay mas tanggap pa namin ’yang nakabuntis ka kaysa ’yang maging bading! Tigilan mo ako! Isusumbong kita kay Mama nang mabisita ka riyan sa Manila at baka kung ano anong kalokohan na ang pinapasok mo. Ikaw lang ang lalaki sa atin, Slade. Aatakihin talaga sa puso si Lolo sa’yo.”

Panay na ang tingin ni Merrie at Aries kay Arcena na nagco-concentrate sa pagkukulay ng mga drawing niya.

“Biro lang! Ate, ang daming magaganda rito. Kung magiging bading ako, isipin mo na wala na akong nakikitang babae niyan. Pero marami rito. May crush ako, pampasigla lang at inspirasyon, pero hindi ko pinopormahan.” Ni hindi ko rin alam kung sinong babae ang tinutukoy ko para lang kumalma ang nag-aalburutong kapatid.

“Mabuti pa ’yang ganyan nang mainspire ka mag-aral diyan. At ’yong may-ari ng malawak na plantation dito, may anak ’yon na babae, kursunada ka ng pamilya no’n. Pag college ka na, pwede mo ’yon pormahan. Mas ikakatuwa ni Lolo pag ’yon ang napangasawa mo,” hinahon niyang sabi at nawala ang salubong na kilay.

Ah, ’yong mayamang pamilya na taga Bukidnon din at kilalang kilala sa malawak nilang pineapple plantation. Nakita ko nga ang mga babaeng apo no’ng may-ari. Magaganda.

“Isipin mo rin ang Ate Yna mo bago ka magbiro ng mga ganyan… Alam mo kung gaano no’n ka ayaw sa mga bading.”

“Sige na, Ate. Hindi kami makafocus. Ang ingay mo,” ngiti ko ng hilaw dahil ayoko na ring maalala ’yang binubuksan niyang topic.

Hindi na rin nagtanong ang tatlo tungkol sa narinig nilang usapan. O siguro dahil hindi ako mukhang bukas na pag-usapan ang tungkol do’n. Merrie looked awkward whenever she would look at me, Aries stayed silent, while Arcena remained focused and serious.

Noong dumating ang order naming food, saka lang ulit bumalik ang ingay dahil natatawa na ulit kami ni Aries. Halos hindi na rin namin namamalayan ang oras hanggang napansin ko na lang na gabi na pala. Si Merrie, nanginginig na sa ginaw kaya pinahiram ko ng hoodie.

“Ito ang suotin mo,” bigay ko sa isa ko pang hoodie kay Arcena.

“Hindi na. Hindi ako nilalamig,” tanggi niya at nakatutok pa rin sa kinukulayang cartolina.

“Sa nipis ng katawan mo, alam kong nilalamig ka na. At mabango ’to, ah? Bagong laba,” depensa ko at baka nag-iinarte lang.

“Huwag na nga!” iritado niyang binalibag pabalik sa akin ang hoodie ko.

Tumingin na si Aries at Merrie sa pagtatalo namin, naantala sa ginagawa. Kung sino ang magsasalita, doon din sila titingin.

Tumawa ako. “Gusto niya talagang panindigan ang pagiging tigasin, oh? Bahala ka…”

Nilakasan ko lalo ang aircon. Ayaw talagang ibaba ang pride. Nasa apartment ko pa siya, ah?

Mga bandang alas onse, nakatulog na si Merrie sa sofa. Napagod din yata siya kakasulat dahil calligraphy halos ang ginamit niya. Si Aries, nakaisip pa ng kalokohan at gustong lagyan ng bigote si Merrie gamit ang pentelpen. Kinunan namin ng picture at ’yon ang ginawang head din ng GC. Si Arcena, hinayaan kami dahil mas abalang tapusin ang presentation.

“Kaya niyo na ba ’yan? Inaantok na ako,” at mga alas dose, humihikab na si Aries. “Libre ko na lang ang pagkain bukas…”

“Matulog ka na. Kami na rito. Doon ka sa kwarto ko,” sabi ko.

“Eh kayo ni Arcena, saan kayo matutulog?” tanong niya.

Tiningnan ko si Arcena na abala pa ring magdrawing ng panibagong design. Kinukulayan niya pa ng oil pastel kaya natatagalan din. Bukod sa magaganda, hindi mo rin makukwestyon dahil leader ba naman.

At matutulog pa ba kami?

I only shrugged and dismissed him. Pumasok na siya sa kuwarto pero hindi niya sinarado ang pinto. Nilapitan ko si Arcena para tumulong nang mabilis kaming matapos. Sobrang perfectionist din naman kasi. Nabubuo na namin iyong kabuuang presentation pero may mga dinadagdag pa siya at inaayos na ibang parte.

“Ano pa bang kulang?” tanong ko at nagsquat sa tabi niya.

“Ako na ang tatapos dito. Maglinis ka na. Naalibadbaran ako sa kalat,” aniya.

I stood up and cleaned up our mess immediately. Minimal na lang naman ang kalat dahil nililinis ko rin paunti-unti kanina, pero gusto niya yata ’yong wala siyang nakikitang makalat talaga.

Nang matapos ako, muli akong nagsquat sa tabi niya. Tinulungan ko siya sa pagfi-finalize. Puro na lang pagh-highlight sa calligraphy ni Merrie ang ginagawa niya kaya ginaya ko na lang din kahit napapatingin siya sa gawa ko.

“Sa sobrang ganda ng presentation natin, baka may plus points tayo kay Ma’am,” sabi ko at tiningnan ang mukha niya.

I noticed his reddish cheeks, maybe because of his pimples. The red dotted pimples scattered on his cheekbones till the bridge of his nose like a natural blush. Even his disheveled hair was now kissing his thick brows, creating messy curtain bangs on his forehead. May iilan na nakaatras, pero may dumudulas lang pabalik sa gilid ng noo niya sa bawat galaw niya.

Napansin niya na nakatingin ako sa pimples niya kaya nag-iba siya ng posisyon para maalis ang titig ko sa mukha niya. Natawa ako.

“You hate me, huh…”

Kumurap-kurap siya pero mas inabala ang sarili na magconcentrate. I rested my arms on the center table and watched him color the jellyfish design. Nilalagyan niya ng orange pastel ang gilid.

“Kaaway ba ang tingin mo sa akin dahil lagi akong pumapangalawa sa’yo? O dahil galit ka pa rin na nakaabot kay Kyle ’yong sa inyo? Hindi ko ’yon pinagkalat, ah? Pero nasabi ko kay Claudia at…nasabi niya rin ata sa bestfriend niyang si Elly na…nililigawan ni Kyle. She probably tried to confirm it from Kyle.”

“Kalimutan mo na ’yon,” iritado halos ang pagkakasabi niya, ayaw yatang marinig ang pangalan ng bobo niyang nakalandian.

“Paano kakalimutan eh kamuntik akong mabungal dahil sa galit mo?” I arched my brow and looked at his cheeks again.

“Napalakas ang hampas ko. Pero…” he mumbled hesitantly.

“Pero mas sinadya mo?” I added and chuckled.

Napabuga siya ng tawa kahit iritado pa rin ang tingin sa akin. I opened my mouth and scraped my tongue on my upper brace. Tiningnan niya iyon saglit pero binawi rin.

“Kunin mo na ’yong tatlong libo kay Merrie. Bahala ka, gagastusin niya ’yan. Baka ipang-inom niya sa labas,” suhestyon ko nang maalala iyon.

“Edi bahala siya. Basta binayaran na kita sa bracket mo. Abswelto na ako…”

“Anong tingin mo sa akin, ipapakulong kita sa gano’n ka liit na rason?” I chuckled playfully and took one of the oil pastels scattered on the table.

I saw his slight tense, but he immediately masked it and tried to concentrate on the design.

“Ah… dahil ba sa parents mo? Nakulong daw ’yon, ’di ba?” kuryoso kong tanong.

“Oo. Eh kasalanan naman nila ’yon. At buti nga…nakulong sila.” There was no remorse in the way he said it.

“Buti nga?” Natawa ako ng kaunti. “Pamilya mo ’yon ah?”

May hinanap siya na kulay sa oil pastel na nagkalat, at nakita iyon sa kamay ko.

“Biologically speaking, at sa mata ng batas, pero sa pagpapalaki sa akin, hindi,” aniya at kinuha ang oil pastel sa kamay ko.

“Hmm… sabagay. Pero let’s say… your father right now. Kung siya ba…nagdodroga, will you give the same energy?” I asked and took another oil pastel to play in my hand.

“Eh ba’t siya mag-aadik? Di naman gano’n si Papa!” napalakas ang boses niya na kahit si Merrie na tulog, parang na-cardiac arrest ang katawan dahil sa gulat.

Tumingin kami saglit sa kanya, pinagtawanan ko si Merrie at muling tiningnan si Arcena na unti unting kumalma.

“Sige, ibahin natin. Kunwari…si Kyle?” tahimik kong tanong.

“Pake ko do’n!” At muli niyang kinuha ang hawak ko na oil pastel; kahit ang gagawin ko dapat, inagaw niya na rin at siya na ang gumawa.

“Oh sige, ang magugustuhan mo! Ang future boyfriend mo! Let’s say nag ilegal o may nagawang hindi pasok sa moralidad mo, ano…itotolerate mo ba o…gagawin mo ang tama?”

Nag-amba akong may kunin ulit na oil pastel pero pinitik niya na ang kamay ko.

“Ba’t mo ba ’yan tinatanong?”

“Pampawala ng antok?” halakhak ko at muling sinubukang kumuha ng oil pastel pero bago ko pa mahawakan, kinuha niya na ulit sa kamay ko para gamitin.

“At nasabi mo na tama lang na nakulong ang mga magulang mo dahil nag-aadik at wala namang pakialam sa’yo. Pero paano kung…may pakialam? Paano kung ang nakagawa ng mali ay mahalaga sa’yo? Mahal ka at mahal mo? Are you…willing to tolerate them? Accept them? Or you will do the right thing?”

Napunto niya agad ang tanong ko. I rested my head on my arms. Pero naiintindihan ko rin kung bakit wala siyang maramdamang awa sa mga magulang niya. Nag-aadik sila at pinabayaan ang mga anak nila dahil sa bisyo. Mabuti na ring naampon si Arcena kaysa ang patuloy na lumaki sa ganoong lugar.

Hindi ko rin kayang isipin kung ano ang naging buhay niya kung hindi siya nakaalis sa puder ng totoo niyang mga magulang.

“Matulog ka na nga ro’n! Kaysa ginugulo mo ako. Hanggang dito ba naman, gusto mong makipagdebate,” aniya na ikinangiti ko.

Medyo dim na ang ilaw sa sala dahil natutulog na si Merrie kaya pinalitan ko kanina. Nasa carpet kami, parehas na nakasquat sa harap ng center table, at nasa likuran namin ang malapad na sofa kung nasaan ang iilang gamit. Magkatabi pero may kaunting distansya sa gitna. Ito rin ang pinakamalapit namin sa isa’t isa na napapansin ko ang bawat detalye ng kilos niya.

“Wala eh. Naging normal na sa akin na nakakadebate kita. Hindi yata normal ang araw sa akin pag wala tayong discussion sa kahit ano.”

He looked bothered by what I said, but he cleared his throat and put on his serious face—his usual expression when answering something critical. Kinuha ko ang binitiwan niyang oil pastel at iyon ulit ang pinaglaruan.

“Kung mahal ko…depende sa nagawang mali. Kung…nag-aadik, hindi ko siya matatanggap dahil bubog ko ’yon. Ayoko sa mga adik. Matu-turn off ako at iiwan ko siya,” he answered.

“Pero sinabi niya, magbabago siya. Magrerehab siya. Tapos nakita mo na handa siyang magbago? Iiwan mo pa rin ba siya?”  I countered.

“Patunayan niya. Pero labas na ako—”

“Paano kung mamomotivate mo siya kung nasa tabi ka niya? Na nakasuporta ka? Tapos mahal na mahal mo ah?”

He looked at me fiercely, like his usual gaze whenever he wanted to challenge me. “Eh ikaw ba? Kaya mo bang itolerate?”

Humalakhak ako. “Ako naunang magtanong tapos ibabalik mo sa akin.”

“Sagutin mo! Total ikaw nakaisip niyan,” he challenged.

I yawned a bit and rested my head on my left knuckles. He pulled his eyes back to the front.

“Hmm… kung adik ba siya? Siguro bibigyan ko siya ng panibagong pag-aadikan niya. Pwede namang ako? Adik siya sa’kin,” I lazily chuckled.

Tumingin siya sa akin pero mabilis ulit na binawi. “Yabang… Tingin mo talaga kaya mong baguhin ang isang tao? Magbabago lang naman sila kung tinulungan nila ang sarili nila.”

I know… Hindi mo kayang baguhin ang isang tao. Hindi ko nga nabago si Claudia. Hindi niya rin yata kayang magbago para sa akin. Lalo na’t ang tingin niya, uulitin ko lang ang pagkakamali ng ex niya.

“Pero kung nagbago, tatanggapin mo ba?” he asked, his action slowed down a bit, at halatang hinihintay ang sagot ko.

“Ikaw ang sumagot niyan. Baka magbago ’yong Kyle, pangakuan ka ng kung ano-ano at silawin ka lang sa mukha, maaakit ka na agad. Patay na patay ka yata do’n—”

“Hindi na!” he cut me off.

“Patay na patay ka. Iniyakan mo raw magdamag.”

“Hindi ’yon dahil kay Kyle. Nasaktan ako s’yempre. Para ’yon sa sarili ko…” humina ang boses niya at nakita ko ang paglambot ng titig niya sa ginagawa.

“Naiyak ka kasi bobo pala ’yong nagugustuhan mo?” Humagalpak ako.

Tumawa rin siya kahit umiirap. “Hindi ko na ’yon gusto. Baka ikaw ang may gusto ro’n kaya paulit ulit ka.”

Dinampot niya ang gunting; mukhang gustong guntingin ang panibago niyang ginuhit na disenyo kaya ako ang kumuha sa kamay niya para gawin iyon.

“Nah… Kalat sa buong campus ang type ko. I like smart girls… Claudia’s leading their class. Bukod sa maganda at sexy, attracted talaga ako sa matatalino rin.”

He snorted, but he didn’t say anything anymore.

“Girls ha. Baka iba ang isipin mo porket sinabi kong matatalino…” ngisi ko.

His eyes widened frantically until he let out a malicious laugh. Sa lakas ng tawa niya, hindi ko tuloy maipagpatuloy ang paggugunting ko.

“Kahit pa hindi ka straight, hinding hindi kita papatulan. Nakakaturn-off ka kaya!”

“Huh? Sige nga… isa-isahin mo nga…” hamon ko at ibinaba saglit ang gunting.

“May girlfriend ka, pero ang friendly mo sa mga girls. Eh, alam mo naman sanang selosa ang girlfriend mo. Kung ako rin si Claudia, mababaliw ako dahil ang easy access ng boyfriend ko. Ngiti dito, ngiti doon…”

Kinuha niya sa akin ang gunting, pero inagaw ko lang pabalik.

“Ah… edi mas turn-on sa’yo na walang manner ang boyfriend mo? At puro babae ang mga kapatid ko. Hindi mo ba naisip na kaya ako malapit sa girls kasi pwedeng nangungulila lang ako sa mga ate ko?” I smirked in a playful way.

Umismid siya agad nang makita ang pilyo kong ngiti. “Eh, edi, hindi ka na lang sana nag girlfriend ng selosa kung hindi mo rin kayang respetuhin ang mga makaka-trigger sa kanya!”

“Ni wala ngang malisya ang ngiti ko?” I fully faced his direction. Nakasquat na ako paharap sa kanya habang nakatagilid pa rin siya at nakaharap sa center table.

“Sige, isipin mo nga. Si Claudia, ngumingiti pabalik sa mga lalaking nginingitian siya habang nasa tabi ka niya?”

“That’s normal. She’s pretty. May mga boys talaga na ngingiti at titingin. Hindi naman ako seloso kasi alam ko na ako ang boyfriend.”

“Oh, sige. Si Claudia, pinalibutan ng maraming boys sa classroom at nakikipagngitian siya habang kausap niya. Tapos naabutan mong gano’n…”

I shrugged while putting the oil pastels on the floor one by one unconsciously. “Then she has a wide circle. I won’t get mad since I know it’s a nonmalicious thing—”

“Mahal mo ba si Claudia?” he cut me off.

“Oo naman… Handa ko ngang isuko ang mana ko pag nalaman ng parents ko na may relasyon kami. Ili-live in ko pa sana. Mahal ko siya, ah?”

“Ang bobo…” he said firmly.

“Bakit? Ano ba sa inyo ni Kyle?”

“Bakit mo ba tinatanong ang sa amin? Wala nga!”

“Anong wala? Meron.”

He glared at me, but the humor on his lips was just too obvious not to notice. I rested my knuckles against the side of my head and arched my brow. Umirap siya pero pigil na ang ngiti ngayon.

“Sabihin mo na…” I pinched the side of his waist.

Napasigaw siya sa gulat at kiliti kaya may kasamang halakhak. Tumawa ako at inilayo agad ang kamay ko nang pinilit niyang hulihin.

“Tama si Merrie eh. Dapat nagdadamayan tayo kasi parehas tayong brokenhearted—”

“Hindi ako broken! At ano bang gusto mong malaman eh tapos na rin naman ’yon?”

I shrugged and smiled. “Ewan. Pampagana?”

“Pampagana saan?” Nanliit ang tingin niya.

“Pampagana mabuhay habang pinapatay mo ako sa klase?”

He burst out laughing. Pinisil ko ang pang-ibabang labi at natatawa rin siyang tiningnan. Namumula lalo ang pisngi niya kakatawa, kahit ang buhok, naging magulo lalo. Gusto ko sanang hawiin ang nasa may noo pero baka maputol ang usapan namin at ma-distract sa’kin.

“Totoo. Kulang na lang maging baldado ako sa sobrang palaban mo sa klase. Noong nakaraang sem, kinawawa mo nga ako.”

Mas lalong tumamis ang ngiti niya. He looked so proud and satisfied. Hindi na siya nagsalita pa pero pansin ang yabang sa ngiti niya. Tuwang tuwa si Donato na lagi akong pumapailalim sa kanya.

Wala naman talaga sa akin kung nangunguna siya sa klase, eh. I’m already used to our dynamic in class. I have nothing to prove either; as long as my grades are good, I know my family will like it.

But that doesn’t mean I’ll settle for being in the top 2 all the time. Ngayon pa na may gusto akong patunayan?

“Ang kulit mo naman, eh! Matulog ka na nga! Natatagalan ako dahil sa’yo!” aniya nang mahanap ang mga oil pastel sa sahig at wala na sa mesa.

Pansin ko na hindi niya gano’n ka bilis natapos ang ginagawa kahit konti lang naman, malayong malayo sa bilis niya sa classroom. Nadidistract naman pala ’to…

“Nakaka-distract ba ang mukha ko?” asar ko na ikinaliit ng tingin niya, pero pag nakikita ang pilyo kong ngiti, natatawa rin siya.

“Matulog ka na,” utos niya sa mas matigas na tinig at kunwari na nagseryoso.

I nodded and rested my head on the center table, my face facing his side. Ngumuso ako at pinikit ang mga mata, ngunit dahan dahan ding dumilat para silipin siya. Nakita niya iyon kaya dinampot niya ang soft pillow at hinampas sa mukha ko.

Humalakhak ako at kinuha iyon. Nginingitian lang nagagalit agad?

Hindi ko na namalayan kung anong oras kami natapos. Kinulit ko pa nga na mag-hoodie na dahil sobrang lamig na talaga ng aircon. Baka sipunin pa ’to at pag umuwi sa kanila, ako na naman ang lagot sa Papa niya dahil galing sa puder ko.

Sa huli, nakumbinsi ko rin naman. At dahil maaga si Merrie at Aries na nakatulog, sila rin ang naunang nagising. Lumabas din ang dalawa para bumili sa malapit na convenience store ng kung ano kaya naligo na rin ako habang tulog pa rin si Arcena sa kuwarto.

Sa sofa ako natulog kagabi at ginising ko pa talaga si Merrie para silang dalawa ni Arcena sa loob. Kahit si Aries, lumipat sa sofa kaya kami lang ang nasa sala.

May narinig akong nagdoorbell. Nasa banyo pa lang ako, hindi pa tapos, kaya lumabas akong nakatuwalya. Hindi nga pala alam ng dalawa ang password.

Humikab si Arcena at nakita kong umupo na sa kama, nagising yata.

“Morning! Lumabas pa si Aries at Merrie. Pagbalik nila, kakain muna tayo tapos uuwi na kayo,” sabi ko.

Arcena yawned and nodded. Ngunisi ako at nilapitan na ang pinto, binuksan iyon, at bumungad sa labas ang hindi ko inaasahang naroon.

“Good morning…” bati ni Claudia na unti unting nagpapawi ng ngiti ko.

Ba’t siya nandito?

“Kukunin ko ang gamit ko. Sabi mo, Linggo ng umaga…” paalala niya at pumasok na.

Shit. Oo nga pala? Pero ako dapat ang maghahatid!

Bago ko pa pigilan ang pagpasok niya, ang tingin niya ay lumipad na sa kung saan kasabay ng pagkawala ng ngiti niya nang makita si Arcena na kakalabas lang ng kuwarto ko at inaayos pa ang magulong buhok. Her eyes dropped on Arcena’s body, and I realized what she was looking at. She recognized Arcena is wearing my hoodie.

Chapter 11

Slap

She looked betrayed and hurt. Nang humarap siya sa akin ng buo, bago pa man ako makapagpaliwanag, lumagapak na sa pisngi ko ang palad niya.

I took a deep breath. My brows knitted confusingly. Hindi ko alam kung may dapat ba akong ipaliwanag, o hayaan siyang isipin ang dapat niyang isipin—na nagloko ako kahit wala naman na kami.

“Claudia,” Arcena called, his voice sounding desperate to explain.

“You won, huh?” Galit niyang tiningnan si Arcena. “You are not just an insecure gay; you are a leech too! You like the attention so much. You like being the center of attention that you wanted the most worthwhile trophy—not just Kyle.”

I muttered a curse and pulled her forearm to stop. Masyado na siyang sumusobra!

“Huh? Insecure ako? Saan? Sa’yo?” May bahid na halakhak ang pagkakalito ni Arcena. “Wala akong kahit anong inggit sa katawan dahil mahal ko ang pagiging ako. Atensyon? Hindi ko kailangan ’yan dahil kusa niyo ’yang binibigay sa akin kahit wala naman akong ginagawa,” he explained calmly despite Claudia’s frantic outburst.

Gusto kong ihatid na sa labas si Claudia, pero mas umugat ang mga paa niya sa kinatatayuan.

“Hindi ako nakikipagkompetensya sa kahit nino, Claudia, kahit sa’yo. Paano ako makikipagkompetensya kung nangunguna ako? Baka…ikaw?” He looked at her innocently, but I know his tone meant to fight back—to protect himself.

“You!” Claudia tried to reach for him, but I immediately pulled her waist to stop her.

“To tell you frankly, you are the reason why we broke up! Hiniwalayan ako ni Slade dahil sinugod kita sa classroom! Dahil mas kinampihan ka niya! At bakit pa ba ako magugulat na nandito ka? You planned all of this from the start!”

“Shut up, Claudia. Tama na,” pigil ko na ikinalipad ng tingin niya sa akin gano’n din ang mga palad niya.

“You traitor! Huwag mo akong hawakan! Sa lahat ng papatulan mo… You and your fucking poor taste!” Nagwawala siya sa braso ko, desperadang makawala.

“Nandito siya dahil may group project—”

“Group project?! Bobo lang ang maniniwala sa’yo! Tingnan mo nga ’yang ayos mo! Tingnan mo ang ayos niya! Nakakadiri kayong dalawa! Hinintay niya lang na hiwalayan mo ako at ngayon, kumagat ka naman sa bitag niya!”

I grunted and tried to catch her flying hands from pushing me violently. Dumapo ulit ang isa niyang kamay sa pisngi ko. Mariin akong pumikit at dinama ang hapdi ng pisngi ko. Nang dumilat, nagmamartsa na siya palabas habang umiiyak.

Sinundan ko siya palabas, pero itinulak niya lang ulit ako. Tang ina naman, kamuntik pang malaglag ang tuwalyang nakayapos sa baywang ko!

Bumalik ako sa loob ng unit ko, si Arcena naman ang nadatnang naghahandang umalis na.

“Uuwi na ako,” malamig niyang paalam.

Hinubad niya na ang hoodie at nasa balikat niya na ulit ang tanging dala niyang shoulder bag. Lumapit ako dahil hindi naman pwedeng umalis siya na wala pang kain.

“Hintayin mo muna si Aries at Merrie. Baka malapit na sila…”

Kakabanggit ko lang, nagpakita na nga si Merrie at Aries sa bukas na pintuan at lito ang mga mukha.

“Nakasalubong namin si Claudia. Papasok siya sa elevator tapos papalabas kami. Galit na galit,” si Merrie sabay tingin kay Arcena na hawak na ang bag niya.

“Uuwi ka na? Anong nangyari? Sinaktan ka ba no’n?” Merrie asked worriedly.

“Mauuna na ako…” si Arcena na tuloy tuloy ang pag-alis.

“Arcena,” hawak ko sa braso niya.

Kinakabahan ako. I don’t even know how to start explaining. Alam niya na misunderstanding iyon, at wala kaming masamang ginagawa. Pero parang may kasalanan din ako sa kanya at kailangan kong humingi ng tawad.

“Makikipagcooperate ako sa reporting sa Lunes. Mauuna na ako,” he repeated coldly and took my hand off his arm.

I swallowed hard. Bigong tumingin si Merrie at siniko si Aries.

“Hatid mo…”

Natanga ako sa kinatatayuan ko. I watched him walk off from my apartment. Nilingon ako saglit ni Aries, pero sinundan din si Arcena. Si Merrie, naiwan na dahan dahang inilagay ang mga pinamili nila sa center table.

“Malalaglag na ’yang tuwalya mo. Nagbrip ka naman siguro ’no? Ayokong makita ang bayabas mo,” puna ni Merrie.

Pumasok tuloy ako sa kwarto para makapagbihis kahit sweatpants man lang. Lumabas ako at sa sofa lang umupo, yumuko roon, at hindi alam kung tatawagan ko ba si Claudia para magpaliwanag o hayaan na siyang isipin ang iisipin niya.

At kung magpapaliwanag man ako, maniniwala ba siya? Kaya nga ako nakipaghiwalay dahil hindi naman siya naniniwala. May sarili siyang pinapaniwalaan. Lagi niya akong nilalagay sa alanganing sitwasyon na nagmumukha akong masama. At ngayon, may dinadamay pa siya.

“Wala akong problema sa chikababes mo ah. Pero kung nalaman kong sinaktan niya si Arcena, sasabunutan ko siya sa Lunes,” banta ni Merrie.

“Galit ’yon sa’kin…” I mumbled weakly and gripped my hair.

“Oo! Galit talaga. Naabutan ka ba namang nakatapis lang ng tuwalya, tapos si Arcena, natutulog sa kuwarto mo habang suot ang hoodie! Baka kahit ako ’yong madatnan niya rito kanina, mas magagalit siya lalo kasi babae ako eh! Suot ko rin ang hoodie mo oh!”

“I mean…si Arcena,” singit ko sa agresibo niyang boses.

Her intense expression dropped and turned into confusion. Kumurap siya, may pagdududa ang tingin nang tamad ko siyang tingnan.

“Galit ’yon, tingin mo?”

Mas lalo siyang kumurap. “Si Arcena? Sa’yo?” ulit niya.

I nodded defeatedly.

“Si Claudia oo. Pero si Arcena… hindi siguro… pero iiwas na ’yan.”

Tang ina? Mas tanggap ko pang galit kaysa umiwas, eh!

Ilang minuto lang, bumalik na si Aries. Si Merrie ang nagbukas sa kanya. Taka ko siyang tiningnan.

“Ayaw magpahatid. Kaya niya na raw…”

Napatayo ako. “Pinilit mo dapat na ihatid!”

Umiling siya, medyo naalarma dahil tumayo ako. “Nagpupumilit eh.”

Nanghihinayang tuloy ako kung bakit hindi ko hinatid ang isang ’yon. Nandito naman ang lisensya ko. Hindi uubra ang tigas no’n pag kakargahin ko siya at ipapasok sa kotse ni Aries.

Napaupo ako ulit sa sofa, napasandal doon, at pagod na nahilamos ang mukha.

“Gwapo ka, ah? Ayan… mamroblema ka sa babae…” natatawang sabi ni Merrie.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung alin ang unang iisipin.

“Nag-usap kami kanina. Mas namroblema kung galit ba raw si Arcena sa kanya,” bulong ni Merrie kay Aries. “’Yong pustahan natin, ah?”

I lazily looked at them. “Anong pustahan?”

Nailing si Aries habang inilalabas ang mga pinamili nila. “Magpalit ka na ng napkin mo do’n,” tulak niya kay Merrie.

Merrie grinned at me awkwardly. “Ah… nagpupustahan kami na…”

My brows knitted. Itong dalawang ’to…

“Ano?”

“Huwag kang magalit, ah! Pero…pusta ko na…”

I stared at Merrie curiously. Si Aries, abala sa ginagawa pero napapatingin sa reaksyon ko.

“Gusto mo si Arcena…”

My lips parted. Natawa ako at itinuro ang sarili.

“Gusto ko si Arcena?”

“Kaya nga pustahan! Laro-laro lang namin ’yon ni nerd. Gusto ko lang talaga siyang perahan!” bawi ni Merrie.

I laughed because I think it’s absurd.

“Bakit ko magugustuhan si Arcena? I mean… gusto ko siyang maging kaibigan pero ayokong ipilit ’yon. Straight ako, Merrie. Bakit ko magugustuhan si Arcena?” lito pero natatawa talaga ako.

Anong basehan niya? Kasi sigurado naman ako na hindi ko kayang patulan ang kagaya ni Arcena. Nirerespeto ko ang mga bading oo, pero papatulan?

“Kaya nga,” si Aries ang tumingin sa akin sa seryosong paraan. “Straight ka. Kaya bakit mo naman magugustuhan si Arcena, ’di ba?” he echoed.

Hindi ko alam kung kinakampihan ba ako ni Aries, o tunog sarkastiko iyon. Natawa ako lalo at napisil ang pang-ibaba kong labi.

“Eh ikaw, Aries? Ano bang pusta mo? Na si Arcena naman ang may gusto sa’kin, gano’n?” tanong ko.

“Ay, ayaw niya ngang makipagpustahan tungkol do’n! Aksaya raw sa pera! Baka raw mamulubi ako pag nanalo siya! Loko ’to!”

“Bakit? Ang imposible ba na magustuhan ako no’n?” I arched my brow curiously.

Aries only shrugged and pushed Merrie again. “Magpalit ka na. Naaamoy ko na ang langsa. Baka dugo mo ’yan.”

Naalarma si Merrie at kinuha agad ang pads na binili nila. Wala naman akong naaamoy. Gusto ko pa sanang kulitin si Aries pero hinayaan ko na rin. Kahit ang galit ni Claudia, hinayaan ko na.

I’m used to Claudia’s misinterpretation of everything. Matagal na akong napiga, at ang huling patak ay ginamit ko na para hiwalayan siya dahil naubos din akong umintindi. Ngayon, kahit pa yata may ilang libong duda siya, hindi na matimbang sa akin.

Ang inaalala ko… ’yong isa.

Dinala ko tuloy ang gamit ni Claudia nang dumating ang Lunes. Nawawala kasi sa isip ko. Kung hindi ko lang ’to nakaligtaan, edi sana walang ganoong nangyari kahapon.

“Si Merrie sumugod do’n sa linya ng mga Grade 12,” sumbong ni Melissa at nginuso ang dulo ng flag ceremony sa umagang iyon.

Kakadating ko lang at kakatapos lang ng ceremony pero hindi pa kami nadi-dismiss dahil may hihintayin pa yatang announcement.

At nagbanta ’yon kahapon si Merrie, eh. Tinotoo niya talaga?

Si Aries na bagong dating din, humihikab pa at pumila sa dulo, nilapitan ko at inakbayan para igiya sa kabilang linya ng mga Grade 12.

“May sinugod. Baka mapano ’yon,” kuwento ko habang lumulusot na kami sa bawat linya at napapatingin pa ang mga students sa amin.

“Baka mapano sino? Ang sinugod ni Merrie?” he answered nonchalantly.

Nakita ko agad si Merrie sa harap ng mga pamilyar na kaklase ni Claudia. She was there in front of them all alone like a dwarf with a giant attitude confronting a battalion.

“Baka naman kasi totoo! Hindi naman magpopost si Claudia ng gano’n kung wala siyang nakita,” I heard the ongoing convo while we were almost near them.

“Pero nandoon si Arcena dahil kagrupo kami! Tatlo kaming naroon! Lumabas lang kami para may bilhin kaya naiwan silang dalawa! Huwag siyang gawa-gawa ng kwento!” Merrie argued fiercely.

“Merrie,” tawag ko at gusto na siyang hilain palayo sa kanila.

The girls then glanced at me. Nilapitan ko si Merrie at hinawakan.

“O baka naman…ikaw talaga ang babae ni Veniel?” someone said and laughed sarcastically.

Kumunot ang noo ko pero mas nainsulto si Merrie.

“Papatulan ba ’yan ni Veniel? Unless he’s into boyish girls or he sees her as a challenge, then maybe mapatulan ’yan?”

Gago, ah? Sino ’yon?

“Kayo yata ang uhaw sa atensyon ni Veniel eh! Tingnan niyo, binibigyan niya lang ng kaunting atensyon ang mga kaklase niya, pinaghihinalaan niyo agad na babae niya o nakikipaglandian sa kanya! Kaya hiniwalayan niya ’yang Claudia niyo dahil pare-parehas lang din mag-isip sa inyo!” si Merrie na mas naging agresibo.

“Shut up, tomboy! Akala mo naman papatulan ka ni Veniel! Look at yourself first!”

“Ah, tomboy! Heto ang tomboy!” Inabot bigla ni Merrie ang buhok ng isa hanggang tumili na iyon at nakisali agad ang ibang kaibigan nitong babae.

Pumagitna ako sa away nila at pinilit na ipaglayo si Merrie at iyong sinabunutan niya, kaso may isa pang babae ang humila ng buhok ni Merrie.

“Hoy mukhang bading, awatin mo nga ’yang warfreak mong tomboy na kaklase—” Ang nagsabi no’n na Grade 12 na lalaki kay Aries ay biglaang tumalsik. Nang nilingon ko, pati ang mga kaklase naming lalaki, nandito na.

“Anong bading! Ikaw ang bading!” our classmates growled back.

“Aangas niyong Grade 11, ah?!”

Ilang segundo lang, nagtutulakan at naghihilaan na ng kwelyo ang mga boys. I grunted while pulling Merrie from the girls. Nasa gitna na kami ni Aries ng kaguluhan at natatamaan na sa mga lipad na kamay ng girls dahil sinusubukan na rin ni Aries na makiawat.

Umingay ang mga students at pinagkaguluhan na kami. Some were cheering and some were obviously documenting the chaos. Lunes na lunes, gusot na naman ang uniporme ko!

“Mga section Aristotle ’yan, ’di ba?”

“Palaban talaga ang section nila. Literal…”

Natigil lang ang komusyon nang lumapit na ang mga teachers at pinagalitan kaming lahat. Worst, we were even called to the guidance. Hayop na Lunes!

“Aristotle, kayo na naman?” The discipline officer looked at us in her bored expression when she scanned one by one.

Tumigil ang tingin niya sa akin, nang mamukhaan ako, nagulat ng kaunti pero mas lalo pa yata siyang nakaramdam ng pagod.

“Veniel. This is the first time but definitely not shocking. Knowing what I heard from the teachers…sneaking into class during programs to make out with your Grade 12 girlfriend. I expected you to be here soon, and here you are. Finally…”

Napayuko ako ng kaunti, tinubuan ng hiya kahit gusto kong matawa sa kalokohan ko. Idinaan ko na lang sa tikhim at yuko para hindi halata ang ngisi sa labi.

“Naisa isa niyo na ba ang Grade 11 kaya sa Grade 12 na ulit kayo nanggugulo, Aristotle?”

Kami pa yata ang dehado rito dahil kami ang laging nasasangkot sa gulo. At oo nga naman, si Merrie ang sumugod…

“Ano bang balak ng section niyo? Maging perfect attendance kayong lahat dito sa Guidance office bago matapos ang sem?” ramdam ko ang pagod sa boses ni Ma’am, umagang umaga ba naman…

“Sila ang nauna, Ma’am! Nagpapakalat sila ng fake news!” Merrie argued.

“Fake news? Mang-aagaw si Arcena, aminin niyo na! Nilandi landi niya si Veniel kaya naghiwalay sila!” the grade 12 students in front of us.

At doon na yata ako mas lalong nahiya dahil ang puno’t dulo ng gulo ay walang iba kundi ang love life ko!

Aries looked at me with his stifled smile. Siniko ko agad. Gago!

The discipline’s officer sighed and rested her back against the swivel chair to watch us boredly.

“Your adviser is busy right now together with your classmate Arcena to represent the school for a big HUMSS competition. Gano’n ba kayo ka supportive na gusto niyo ring i-represent ang section niyo sa kalokohan?”

Napaahon ang ulo ko. Talaga? Edi may maiuuwi na namang trophy ’yon?

“Ma’am, sila ang nauna! Rumesbak lang kami kasi tinawag nilang mukhang bading at tomboy ang kaklase namin!” ang mga lalaki kong kaklase.

Nilingon ko si Aries na tahimik na nakaupo at hawak ang basag niyang salamin. Tumingin siya sa akin. I muffled my laughter and bowed down to act serious.

Kaya ayokong nasasangkot sa mga ganito, eh. Ang hirap magseryoso pag tingin ko, seryoso na ang lahat. Magmumukha pa akong gagong patawa tawa sa gilid.

“Ma’am, ang dami nang napapasukang gulo ng section nila. Sila ang sumugod sa linya namin at nanghamon ng away. Sila naman ang halatang nagsimula!” ang girls na kaklase ni Claudia.

Pagpasensyahan niyo na ang apo ni Gabriela Silang… Gusto ko sanang sabihin pero baka madagdagan lang ang parusa ko pag bumoses pa ako ng kalokohan.

“Oo nga. Grade 11 nga pero ang tatapang at hindi nirerespeto ang seniors nila,” they added.

“Bakit ko kayo rerespetuhin eh tinawag niyo nga akong tomboy! Tinawag niyong malandi ang kaibigan ko! Tinawag niyo ring bading ang kaklase ko!” depensa ni Merrie at palaban silang tiningnan.

The discipline’s office looked so done. Nakikinig siya, pero parang movie na lang iyon na paulit ulit niya nang napanood kaya wala nang maibigay na ibang reaksyon.

“Your usual punishment will last for a week…” tingin ng discipline’s office sa section namin.

Usual.

“Anong punishment ’to?” bulong ko kay Aries.

“Maglinis sa forest,” he whispered back.

Ang init do’n, ah? At wala man lang nagreklamo sa mga kaklase ko, na parang sanay na sanay na silang mamulot ng mga dahon do’n.

“Dapat sila din, Ma’am! Ipakuskos niyo sa kanila ang inidoro!” hirit ni Merrie at iritadong tiningnan ang mga Grade 12 students na sinamaan din siya ng tingin.

“Veniel,” biglang tawag sa akin ng Discipline’s officer.

“Ma’am…”

“I want to talk to your guardian about this.”

“Ma’am…” I called worriedly.

“This isn’t the first time you were caught… you know that. But this is the first time you were sent here. Your troubles finally backfired.”

I nodded while pinching my lower lip, trying to look serious and regretful.

“Pero Ma’am, nasa Bukidnon ang parents ko, busy po sila. Mag-isa lang ako dito,” I explained.

“Yes, I know. A Google meeting will do.”

My jaw dropped. Tahimik akong tiningnan ng mga kaklase ni Claudia. Gusto ko mang magmakaawa, alam ko na kasalanan ko rin ’to. I didn’t listen to my family when they told me not to have a girlfriend at this early age.

Handa ko namang harapin ang consequence lalo na’t nangyari rin ito sa sarili kong desisyon pero nakakatakot pa rin.

“Galit ka ba? Sorry… nadala kasi ako,” si Merrell nang lumabas na kami at diretso na sa forest ng school.

“Dinumog kasi nila ang post ko na wala namang malisya. Ang daming likes, shares, at comments oh…” Ipinakita niya ang post na picture ko, the one she took two weeks ago.

Kumunot ang noo ko at pinasadahan ko ng tingin ang ilang comments.

Lexy: Aminin. Nandito tayong lahat para makitsismis sa post ni Claudia.

Jenna Cruz: Haha so magkasama sila? At ano ’yang red marks sa leeg niya? Hmm

Shane: Which one is the third party? The one who posted, or Arcena? Thought this girl was rumored to be a tomboy? Ano yan? Natuwid ni Slade? Girlie is just trying to hide in those manly gestures and clothing pero lalaki pa rin pala ang gusto? Haha

Hanni: Yikes. Another bball player na cheater?

Reah: Slade is straight. Imposibleng si Arcena ang tinutukoy ni Claudia. At mas imposibleng itong Merrell. She’s a troublemaker. Not his type. He likes smart girls.

Kelly: Fishhhyyy, Claudia is the prettiest girl on the campus. Tapos ipagpapalit lang? At sino ang pinalit? Itong mukhang tomboy, o itong hindi naghihilamos na bading? Kung sino man sa dalawa, both a downgrade.

Bubble: Nakakahiya talaga maging babae minsan. Bakit parang kasalanan pa ng nagpost? They’re classmates. Probably friends? Kayo ang iissue niyo.

Aria: Nandito ulit ang mga girls na uhaw siraan at ishame ang kapwa babae. Women empowerment? Arcena is even well-known for being a feminist, tapos tingnan mo, puro girls din ang nanglalait sa kanya.

Perry: Nasa section Newton ako. Last row. Veniel and Arcena were flirting with each other during class. Sila ang topic namin after nila umalis dahil ang fishy nilang dalawa. Thought he was straight? O another Kyle and Arcena issue na naman ’to.

Ang daming likes at reply sa comment ni Perry. Lahat, puro na nakikitsismis. Nailing na lang ako. Anong big deal diyan?

“Sorry. Idelete ko na ba?” natatarantang tanong ni Merrie sa akin.

I searched Claudia’s Facebook. Bumungad agad ang cryptic post niya kahapon.

You told me they’re nothing while we were together. And now, you’re out there flirting after our breakup with the people you told me not to worry about. Shameless.

And she made another post, which made the speculation worse.

The hardest betrayal is when you knew it wasn’t the first time, and someone who assured you he wouldn’t repeat your trauma does it again.

I’m out of words. May two hundred shares, two thousand likes, at three hundred comments na. Pati yata janitor sa school, nakikitsismis na rin kaya ganito ka rami ang engagement. Para namang mga tanga.

“Cheater ka pala,” Aries chuckled to tease me.

“Naiinis ako, ah! Anong natuwid mo ako? Anong tomboy ako? Mga gago pala eh! Porket mas tigasin pa ako gumalaw kay Aries, tomboy na ako! At si Arcena ang type ko! Hindi ako tomboy!”

“Edi, ano ka?” Aries asked.

“Pan! Pandesal! Hindi ako tomboy!”

Ni hindi ko alam anong sinasabi ni Merrie. Ang iniisip ko, paano ko ngayon ’to mapapatigil.

“Anong gagawin natin?” Aries asked worriedly; mukhang parehas lang din kami ng iniisip. “Baka pag nalaman ng ate mo…”

“Baka ilipat ka nila ng school,” si Merrie na sumimangot agad.

“Hindi ’yon. Unless ako talaga ang lumipat. Pagagalitan siguro ako tapos hindi bibigyan ng allowance,” sabi ko, na iyon na ang pinaka-mabigat na parusang matitikman ko.

Nananakot lang din naman ’yan sila Mama na pupuntahan ako rito. Eh hindi nga nila maiwan iwan ang lupain do’n? Kaya nga dito ako nag-aral dahil alam kong hindi ’yan sila susunod.

“Kung allowance lang… ililibre na lang muna kita,” Aries offered.

“Eh itong rumor. Paano natin ’to patitigilin? Wala naman akong pake kung ako ang mapagkamalan mong babae eh. O kung ako ang api apihin ng mga alipores ng chikababes mo, pero si Arcena kasi, oo kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Pero may scholarship ’yon eh. Bawal siya sa bad record…”

Doon pa yata ako mas problemado kaysa sa init sa forest habang nagsisimula na kami sa punishment. The boys were enjoying it. Sanay na sanay na. Ako, parang naghahanap ng ginto at winawalis ang lupa, kahit mga maliliit na bato, tumatalsik na.

Lagpas isang oras na yata kaming nandoon, kahit ang mga kaklase namin, dumalaw na para tingnan kami. Most of them were only shocked to see me getting dragged by the new trouble of our section. Ang malala, ako pa ang puno’t dulo.

“Thanks,” ngiti ko kina Alice nang magdala ng malalamig na tubig at namigay sa amin.

Iniinom ko na nang may biglaang binulong sa akin ang maliit na anghel na nakaupo sa balikat kaya may naalala ako. Arcena’s judgment echoed in my mind, which made me knit my brows.

This is a nonmalicious gesture. At single ako, ah? Kahit taken ako, anong malisya, ’di ba? Kulang na lang, makipagtanguan ako sa maliit na demonyo sa gilid ng balikat ko para lang may kakampi ako.

“Oh! May dalaw na ang mga preso!” sigaw ni Merrie nang makita ang adviser namin na papalapit kasama si Arcena.

Mukhang ang unang balita agad na bumungad ay ang pagkaka-guidance namin. Nang nakita ni Ma’am na isa ako sa naglilinis, nagulat siya.

“Galing mo, Arcena!” My classmates cheered as soon as they saw Arcena hugging his awards. I stifled my smile. Sabi na…

“Ma’am babawi kami sa intrams! Manghahakot awards din kami!” the boys screamed.

Ma’am Dizon looked at me, probably disappointed. Oo nga naman, isipin mo ’yon. Top 2 ka sa klase, tapos biglang nandito ka sa kakahuyan, may hawak na walis tingting at naglilinis kasama si Merrie. Talagang sira ang good student image mo.

“Hindi na ako nagtaka kung si Merrell eh. But wow, Veniel…is this about your trouble with your grade 12 girlfriend? You got caught flirting in the classroom again?”

I only smiled. Nakikita ko tuloy ang ngisi ni Mama. Kung nakinig ka lang sa aking bata ka…wala ka ngayon diyan sa karma na ’yan. That’s probably her line right now.

Ma’am sighed and gestured for us to continue cleaning. May sinabi si Arcena na tinanguan niya, muli kaming nilingon ni Ma’am at buntonghininga ulit ang pinakawalan bago naglakad paalis.

“Ayos. Ang top 1, hakot award sa ibang school. Ang top 2, hakot award din naman, sa guidance nga lang kanina…” At talagang alam na alam ni Merrie paano mang-asar.

“Tapos gusto mo pang mag Top 1? Baka sa guidance, kaya pa?” si Aries na nang-asar na rin.

Arcena was now walking toward us, or toward Merrie, because he completely ignored my presence. Si Aries na tamad na tinitipon ang mga tuyong dahon, napatingin ulit sa akin.

“Ano bang nangyari?” Arcena asked Merrie, hugging his two certificates and two gold trophies.

I looked at one of his certificates. Certificate of Achievement. Champion. Best Speaker. Senior High School Debate Competition.

“Champion, ah. Congrats,” nangingiting bati ko.

He side-eyed me a bit, then looked at Merrie again. Si Aries, tumayo na at kuryoso ring tiningnan ang awards ni Arcena.

“Congrats, Arcena,” bati ni Aries.

Arcena looked at him and smiled, then looked at Merrie again. Nagkasalubong ang kilay ko at nilingon si Aries sa tabi ko. Aries looked at me innocently as well.

“Sinugod mo raw ang Grade 12 sa flag ceremony?” he asked Merrie seriously.

“Oo sinugod,” ako ang sumagot dahil abala si Merrie na tingnan ang trophies ni Arcena. “Pinigilan ko nga eh. Hinila ko. Kami ni Aries. Inawat namin ’yan kasi nanghila na ng buhok. Ang sakit nga ng braso ko. Nakalmot yata ako.” Tiningnan ko pa ang siko ko na namumula pero hindi niya pinansin.

“Basag na ulit ang salamin ko,” pakita ni Aries sa hindi ko mabilang kung pang-ilang salamin niya na ’yan.

Arcena looked at Aries worriedly. “Nakipagsuntukan ka rin?!”

Aries was about to answer, but my voice dominated his.

“Nakiawat lang kami ni Aries pero nakalmot ako ng konti,” singit ko at bahagyang pinakita ang siko ko.

Aries closed his mouth and looked at my forearm, then clutched his broken eyeglasses.

“Mas mukhang kinawawa ka yata sa maliit mong kalmot,” bulong ni Aries.

I was hoping for the same energy he’s giving Merrie and Aries—a little sympathy at least—kaso tumalon lang ulit ang tingin niya pabalik kay Merrie na nagsalita.

Buti pa yata ang hangin dito, ramdam niya. Ako, hindi… Si Aries, napapatingin na sa akin pag walang reaksyon si Arcena sa sinasabi ko.

“Eh mga punyeta kasi! Nagpapakalat ng fake news! Ang iingay sa Facebook! Pinagsusugod ko para sa harap kami magtuos. Hindi ko masampal sa internet eh.”

“Lumayo ka na lang sa mga ganyang tao, Merrie. Kahit sampal, aksaya ’yan sa oras. Huwag mong dumihan ang kamay mo o bigyan sila ng atensyon.” And why do I feel like this is meant for me?

Ah, kaya pala hindi ako pinapansin. Sa halip na sampalin ako, mas gusto niyang lumayo dahil aksaya sa oras at dumi lang sa kamay?

Tanggap ko na kakausapin ng discipline’s officer ang guardian ko. Tanggap ko rin kung mapapagalitan ako ni Mama. Tanggap ko kung siniraan ako ni Claudia sa internet at nagpakalat ng kung ano-ano, na ako ang nagloko o ano pa man.

Ang labag sa loob ko rito, ang pananahimik ni Arcena sa halip na kausapin ako at masampal niya kung galit man siya.

Kahit lakasan niya, ayos lang sa akin. Kahit mamula ang buong pisngi ko, magasgasan, o dumikit sa buong pisngi ko ang handprint niya. Kasalanan ko dahil nadamay siya sa amin ni Claudia kaya dapat lang sa akin siya pinaka-galit.

I know I deserve his slap more than the others, so even if he slapped me really hard, I would even smirk and thank him.

Chapter 12

Trust

“Baka pinag-uusapan nila ang issue? At nakita ko ’yong chikababes mo kanina sa guidance na lumabas. Noong tiningnan ko ulit ang post niya, nabura na lahat,” balita ni Merrie habang nasa labas kaming tatlo ng student council meeting room.

Nasa loob si Arcena. Vice President ba naman. Hinihintay naming matapos dahil ihahatid din ni Aries pauwi. Gusto ko rin talagang makausap, eh. Hindi ba naman ako pinapansin.

Nagiging kahel na ang araw. Nakatayo kaming tatlo sa labas, si Merrie na suot sa harap ang bag ni Arcena, ako na naka-jersey shorts na navy blue pa at puting tshirt at suot din ang bag ko, si Aries na humahalukipkip lang sa gilid at may sinisipang imaginary na mga bato.

We were all getting bored. I slightly jumped and made an imaginary shot, unfazed by what Merrie said. Ano ba dapat ang reaksyon ko riyan? At pinaabot ko na rin sa kaklase niya ang gamit niyang naiwan sa unit ko.

Si Merrie, biglang tumayo sa harap ko at nagdribble din kunwari kaya inilagan ko at muling patalong nagshoot. Kamuntik ko pang madaganan dahil sa sobrang liit at humarang.

Aries straightened up and walked toward the door, siguro na-bored na kakahintay at gustong sumilip. He slightly opened the door and peeked his head through it, which was immediately followed by Merrie, who tilted her head. Kuryoso akong lumapit at tumayo sa likuran ni Merrie para makisilip din.

I saw the students glancing our way while the student president kept on talking, his eyes side-eyeing us. Pinanliitan kami ng tingin ni Arcena at sinenyasang umalis.

Pero hindi agad natinag ang ulo naming tatlo sa hamba ng pinto. The students are now looking at Arcena, and even the president closed his laptop. Siguro nadisturbo?

“The principal already decided to reduce flag ceremonies. Every Monday na lang…” rinig ko.

“Every Monday, we will be divided into two. Half of us will guard the Grade 11’s line during the flag ceremony, and the other half will guard the Grade 12…”

“Sa linya ng Aristotle, tatlo dapat ang magbantay do’n para walang makalusot,” then the President looked at us peeping through the slightly open door.

“Uy tayo…” Ngisi ni Merrie at tumingala.

Masaya ka pa talaga sa lagay na ’yan, Merrie?

Tumayo na ang Grade 12 President nila kaya nagsitayuan na rin ang iilan at inayos na ang mga gamit. Umalis kami sa hamba ng pinto dahil mas tumalim na ang tingin ni Arcena at pinapalayas na kami ro’n sa pamamagitan ng senyas.

Lumalabas na isa-isa, at iba talaga ang tingin sa amin. Merrie was smiling shamelessly. Gusto ko ngang sawayin dahil nakadagdag pa siya sa aalahanin ng mga SSG.

Nang hindi pa lumabas si Arcena, sinilip ko ulit sa pinto. Nakita ko na nasa harap siya ng president na nagliligpit ng gamit niya sa mesa. Arcena was fully facing his side.

“Kaibigan kasi siya ng mga kaibigan ko. At saktong nasa iisang grupo kami kaya nagkakasama,” rinig ko ang paliwanag ni Arcena na ikinakunot ng noo ko.

The president nodded and looked at him. “Oo na…” he slightly laughed and squeezed Arcena’s elbow.

I pushed the door more to disturb them. Kapwa sila napatingin sa pinto. Arcena looked at me with his annoyed gaze. The president remained his hand on his elbow. Hindi natinag.

“Lumabas ka na. Naiinip na si Aries,” I said firmly to cause disruption.

He glared at me, then softened his gaze when he dragged it back to the president. Mas lalo akong nairita at humakbang na papasok.

“Thank you, Pres…” I heard his soft voice thanking him…for what?

The president looked at me. Nang napansin niyang pumasok na ako, mas naging doble ang bilis ng pagliligpit niya. Si Arcena, muling lumingon sa likod at nagulat nang makitang wala na ako sa mismong hamba ng pinto at papalapit na.

“See you tomorrow, Arcena,” he said formally and caressed Arcena’s elbow again.

Tumango si Arcena, nangingiting sinundan ang paglabas nito sa may pinto. Nang dumaan siya sa harap ko, tumingin sa akin, pormal na tumango, at dumiretso na sa pinto.

May bago siyang crush, ah? Baka naman…itong Student Council President?

Arcena made a long sigh and passed me.

“Ah… ’yong president ba ang bago mong crush?” usisa ko, sumunod agad sa kanya.

Hindi niya ako nilingon, dire-diretso na lumabas hanggang bumungad sa kanya si Merrie at Aries na nilapitan agad siya.

“Bakit niyo pa ako hinintay? Ayos lang naman kahit nauna na kayo umuwi,” ani Arcena at inabot ang bag niya kay Merrie.

“Ihahatid ka namin,” Aries blurted out.

“Ihatid natin ’yan. Nahuli ko sa loob, nakikipaglandian sa president. ’Yon ata ang crush niya,” I said to trigger him and demand an explanation about it.

I saw how his brows furrowed annoyingly. He even looked at me, like the insults were already piled up in his throat and he was ready to curse me. Pero ilang segundong tingin lang ang ginawa niya, nailing na lang at nagmartsa na paalis.

“Ginalit mo na naman, gago,” siko ni Aries sa akin habang nagmamadaling sinundan ni Merrie.

“Hindi ’yan makapagsalita kasi baka totoo?” malakas kong bigkas habang sumusunod na rin kami sa dalawa, at alam ko narinig niya ulit iyon dahil kahit si Merrie, nanliliit na nilingon ako.

“Mahilig kasi siya sa matatalino. Matalino ’yon,” si Aries na ikinangiwi ko.

Gaano ba ka-talino? Baka katulad lang din ’yan noong nauna niyang crush na si Kyle. Akala ko sobrang talino pero average lang naman pala. Baka ’yang pres, oo matalino, pero sa klase lang din nila.

Nakalabas na lang kami sa gate, dire-diretso pa rin ang lakad ni Arcena habang sinusubukan siyang kausapin ni Merrie.

“Sumabay ka na kasi sa amin. Ang sama ng panahon, oh!” si Merrie na tumingala pa at makulimkim nga ang langit.

Umiling si Arcena. “Magcocommute na ako. Nakakahiya na kay Aries at wala naman akong pang-ambag na gas—”

“Ako ang magga-gas sa kotse ni Aries para maihatid ka,” sabi ko lalo na’t nasa likod na kami ng dalawa.

“Naks…” Aries calmly smirked at me.

“Oh narinig mo ’yon! Ang sabi ni Veniel, siya ang magga-gas sa kotse ni Aries!” Merrie encouraged enthusiastically.

“Nauna nang umuwi si Pres. Baka doon ka magpapahatid—”

“Ano bang problema mo?!” he roared and turned to face me.

Sa bilis din ng pagkakaharap niya, sumunod agad ang lipad ng bag niya sa braso ko dahil hinampas niya iyon sa akin. Hindi ko rin nailagan habang si Aries naman ang mabilis na napaatras.

I stopped and got stunned. The sudden smack doesn’t hurt, but what entertained me was I finally got the attention.

“Uulan na! Mag-aaway pa talaga kayo?” natatarantang tingala ni Merrie dahil kumulog.

Natatawa kong tiningnan si Arcena, namulsa ako sa jersey shorts ko, at mas lalong naengganyo siyang asarin.

“Oh? Iyon ang nakita ko eh. Nadatnan ko kayong naglalandian. Kung hindi naman pala totoo, pwede mo namang itanggi pero hindi mo ginawa.”

Aries sighed and shook his head.

“Veniel,” si Merrie na gustong pumagitna sa amin ni Arcena pero hindi makasingit.

“Landian na ’yon para sa’yo? Nag-uusap lang kami, landian na agad?” Arcena argued.

“His hand held your forearm. I saw it. Not just for five seconds. Matagal niya ’yong hindi binitiwan at hindi mo man lang inalis,” I argued back.

Namilog ang mga mata niya. Si Merrie, palipat-lipat na ang tingin sa amin, naf-frustrate, pero hindi alam paano aawatin ang alitan namin.

“Nabilang mo pa ’yong seconds, bro…” bulong ni Aries pero hindi ko na nabigyan ng atensyon dahil sumabog na ulit si Arcena.

“At sa’yo talaga galing ang akusasyon na ’to eh isa ka rin naman!” He laughed sarcastically. “Kaya kayo naghiwalay ng ex mo dahil friendly ka sa iba, ah? Ngayon, kung pagbintangan mo ako, lumalandi na ako bigla? Eh gawain mo ito, ah? Pag ikaw, friendly lang, pero pag ako, malandi!”

Ako naman ngayon ang nagulat dahil…oo nga naman? Gano’n din ang ginagawa ko. Pero hindi. Iba ang kanya. Hindi ako nanghahaplos ng siko ng mga babae. Pero ’yong pres, hinaplos ang siko niya!

Merrie and Aries looked torn, but they both looked entertained as well.

“Hindi kita tinawag na malandi. Ang sabi ko, para kayong naglalandian—”

“Dahil pinapalabas mo na nilalandi ko kahit hindi naman!” he cut me off aggressively.

“Pero hinaplos niya pa rin ang siko mo. Nilalandi ka niya,” giit ko.

His jaw dropped; he looked beyond frustrated and annoyed. Merrie groaned and pushed my chest, which made me realize I had already closed the distance between me and Arcena. Ang lapit-lapit ko na pala para lang marinig niya ang hinaing ko.

“Kaya hindi mo tinanggal ang kamay niya dahil gusto mo rin na nilalandi ka…” natatawa kong atras dahil hinila na rin ni Aries ang braso ko.

His chest heaved, and even his cheeks were now burning red. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit, o dahil sa sinabi ko.

“Tama na. Ano ba kayong dalawa? Mga ganyang bagay ay pinag-aawayan lang ng magkasintahan. Magkaribal lang kayo sa grades… hindi kayo magjowa,” paalala ni Merrie.

Wala na akong pakialam kung ano kami. Ang gusto kong marinig dito ay linawin niya ’yong nakita ko. Na bigyan niya ako ng matinong sagot. Dahil hindi ako tatahimik hangga’t hindi niya nililinaw sa’kin kung bakit gano’n sila ka-close.

He was about to utter something when droplets of rain poured gradually until seconds later, it turned heavy.

“Ayan! Away pa!” Merrie scolded while we are now trying to find a place to get away from the rain.

Napatakbo kaming apat sa malapit na waiting shed para doon sumilong, pero dahil sobrang lakas ng buhos ng ulan, nabasa pa rin kaming apat.

“Inuuna pa kasi ang away, eh!” reklamo ni Merrie habang hinahaplos ang basang braso.

I brushed my wet, clean-cut hair backwards and looked at Arcena, who’s soaked, too. Iritado niyang pinunasan ang sarili kahit alam kong walang matutulong iyon.

Binuksan ko ang bag nang maalalang may panyo ako ro’n. I took it out and handed it to him.

“Oh…”

Kita ko ang pagkatigil niya; kahit si Merrie na abalang punasan ang sarili, natigil; si Aries na nasa langit ang tingin, napalingon din.

“Paghahatian ba namin ’yang panyo mo o para lang kay Arcena?” Merrie joked.

I handed it to Merrie instead. Tumawa si Merrie at kinuha iyon sabay kuha ng kamay ni Arcena para punasan ito.

Arcena quietly watched Merrie. Tinabihan ko si Aries at tiningala rin ang langit. Masyadong makulimlim. Mukhang matagal pa ’tong tumila at baka gabihin kami kung hihintayin pa rito.

“Dito na lang kayo. Kukunin ko sa parking lot ang kotse ko,” sabi ni Aries habang tinitingnan ang ulan, nag-aambang lumusong ulit.

“Sasamahan kita,” alok ko total basa na rin naman.

“Bumalik na lang tayong apat! Ikaw rin, Arcena. Hindi ka na makaka-commute. Basang basa ka na eh. Ihahatid ka na lang ni Aries,” ani Merrie.

“Wala bang may payong sa inyo? Hindi ba may payong ka, Arcena?” tanong ni Merrie.

Umiling siya. “Wala… Nakalimutan nang ibalik no’ng nanghiram.”

Umangat ang kilay ko at nilingon siya. Baka si Kyle ’yan, ah? Kung ibinalik ’yon ni Kyle, iba ang gusto no’n.

“Tara na,” si Aries na ginawang payong ang bag niya at bigla nang lumusong sa ulan.

Ginaya siya ni Merrie, ginawa ring payong ang bag at nagtatakbong sumunod. I looked at ArArcena,ho’s still hesitating.

“Tara na. Baka gusto mo pang buhatin kita?”

He gritted his teeth and covered his head using his bag and chased after Merrie, too. Sumunod din agad ako, nilagay sa ulo ang bag at tumakbo na kaming apat pabalik sa school.

Nasa gilid kami ng kalsada, nakalinyang tumatakbo, kaya nang may dumaang kotse, natalsikan din kami ng tubig na ikinabasa namin lalo, doon kami napatigil saglit. We all grunted and glanced at the car while Merrie threw a middle finger.

“Kadiri!” Arcena shut his eyes.

The water that was splashed on us contained dirt debris. I concernedly looked at Arcena to check his body. Ang hawak niyang panyo ko, ipinunas niya ulit sa katawan niya. Hindi ko na sinita at baka hindi niya pa gamitin.

“Hayop ka kung sino ka man!” sigaw ni Merrie na pinagtawanan namin at hinila ulit ito para tumakbo.

“Hintayin niyo akong magkakotse! Ipapasa ko ang trauma na ’to sa mga anak niyo!” patuloy niyang banta kahit noong nakapasok na kami isa-isa sa kotse ni Aries.

We are all soaking wet. Buti na lang at may towels si Aries sa likod ng kotse niya. I pulled my shirt off me and used the towel to dry myself. Nanglalagkit talaga ako.

“Walang titingin dito sa harap, ah!” si Merrie na mukhang may balak ding hubarin ang uniporme niya.

Arcena glanced at me to check if I was looking at him. Saktong naabutan niya akong kakahubad lang ng t-shirt ko. His parted lips to say something turned shut, and he immediately pulled his attention off me. I smirked.

We are all busy drying ourselves and taking off our t-shirts at least. Si Arcena, tinalikuran ako at nakita ko na hinawakan niya ang dulo ng puting t-shirt niya at hinubad iyon.

I took my eyes off him, but in my peripheral vision, I could vividly see his sexy back facing my side. Mas nadepina kung gaano ka-liit ang baywang niya. Tahimik kong binuksan ang bag ko na basang basa rin, pero ang loob, hindi. Kinuha ko palabas ang isa pang t-shirt at iyon ang isinuot.

“Hindi ganitong basa ang gusto ko,” reklamo ni Arcena na ipinagsalubong ng kilay ko.

At anong gusto mo, huh? Kaya siguro atat ’tong magka-boyfriend para…

Gusto ko sanang sakyan ang bastos na biro niya pero kilala ko ang bibig niya. At ayokong nakikipagbiruan ng ganoon sa kanya. Hindi ako…komportable. Kasi nga, hindi niya naman ako tinatratong kaibigan. Baka kung sinakyan ko, parang lalabas na…binabastos ko siya?

Tumawa si Merrie sa front seat nang marinig iyon at nilingon kami rito. Nakapagbihis na rin siya ng t-shirt na masyadong malaki sa kanya. I concentrated on wiping my hair with the towel.

“Sana sa susunod na mababasa tayo ulit, sa dagat naman,” hirit ni Merrie at tila may agarang naisip kaya tiningnan niya si Aries na pinapaandar na ang kotse.

“Magdagat kaya tayo?” she suggested.

I nodded. “Pwede…”

“May resort ang Tita ko sa La Union, pwede tayo ro’n ngayong summer,” suhestyon ni Aries.

“Talaga, Aries? Tuwing summer, nasa Elyu ako minsan dahil naiimbitahan si Papa para magperform sa isang bar diyan…” Arcena smiled.

“Magbati na kayong dalawa, ah! Magdadagat pa tayo!” si Merrie na tiningnan kami dito sa likod.

“Makipagbati ka na, bro,” si Aries sa mapang-asar na boses.

Merrie grinned at us. Umismid si Arcena sa akin at humalukipkip sa gilid ng kotse kaya ang laki ng space sa pagitan namin na halos inukupa rin ng nakaparte kong hita.

I looked so big compared to the way he sat because of his crossed legs. Bukod siguro sa athlete ako, kumpara sa mga hita niya, pansin ko na manipis iyon at parang chopstick kahit naka-slacks siya ngayon. I’m also four or five inches taller than him, kaya nagmumukha siyang maliit pag ako ang katabi.

“Veniel,” Merrie snapped her fingers.

Kumurap ako at napagtanto na nawala ako sa sarili dahil sa iniisip. Arcena looked at his nails and furrowed his brows.

“Makipagbati ka na…” Merrie urged.

Nilingon ko si Arcena. Arcena quietly returned my gaze. Ngumuso ako at pinigilang mapangiti. Sinamaan niya ako ng tingin pero halatang nahahawa sa ngiti kong pinipigilan ko.

“Ano?!” he barked.

Ngumuso ako lalo. He grunted and rolled his eyes, but a smile was now etched on his lips.

“Grabeng pa-cute ’yan…” sita ni Aries, tumingin sa itaas ng salamin, na kahit si Merrie, natawa.

“Tingin ulit dito…” asar ko kay Arcena, nangingiti.

He didn’t budge. Si Merrie, ngumunguso na sa akin na suyuin ko pa lalo.

“Ah… ayoko nang makipagbati. Ayaw tumingin sa akin.” I crossed my arms, too.

“Tang ina niyo namang dalawa! Ang aarte niyo, ah!” Merrie yelled.

I laughed boyishly and scraped my tongue on my upper teeth. Nilingon ako ulit ni Arcena, nakita akong ganoon, kaya muling binawi ang tingin.

“Hirap suyuin…” I murmured while chuckling.

“Gago ka kasi,” he snapped.

I tilted my head to see his reaction. Kulang na lang idikit niya ang mukha niya sa bintana para lang hindi ako matingnan. I put my elbow on my right leg and rested my knuckles on the side of my head.

“Guwapo lang, pero hindi gago…” pagtatama ko.

Wala sa sarili siyang napalingon at nagulat na nakatingin na ako sa kanya. Ngumuso ako, nagpigil ng ngiti kahit ngiting ngiti na sa pang-aasar sa kanya. Arcena rolled his eyes, but then he couldn’t help but smile, too.

“Hindi raw…” bulong niya sa sarili na hindi ko mapatulan dahil hindi ko gaanong marinig.

“Bati na sila, Aries…” Merrie giggled at the front.

Nauna naming ihatid si Arcena dahil sinabi ko na ayos lang kahit sila muna. Sumunod si Merrie, hanggang panghuli ako. Iniingganyo ko lang si Aries na pag Grade 12 na, parehas na kami ng building para sabay na rin uuwi at hindi na maging hassle sa kanya na ikinapayag niya rin.

When Ate called earlier than his usual time, around 6PM, I already knew my trouble reached her. Ini-expect ko nga si Mama ang tatawag, pero nauna pa si Ate.

Kakatapos ko lang magshower, nagtitimpla ng kape dahil naulanan at nasa unit na. I sighed and answered Ate’s call. When her disappointed face showed, I knew she already found out my trouble here.

“Ronan Slade,” she called strictly.

I nodded and smiled weakly. “I know, Ate. I fucked up. I’m sorry…”

Mas naging mabigat ang paghinga ni Ate. “May girlfriend ka nga?”

“We already broke up, Ate. Sinubukan ko lang ’yon. I was curious and I got attracted. Pero hiwalay na kami—”

“Kasi may ganito nang iskandalo sa school mo?” Nanliit ang tingin niya sa akin.

Natahimik ako at hinaplos ang mug para pakiramdaman ang init ng aking kape.

“Nakakahiya sa guidance councilor! Mas tanggap ko pa na may nakaaway ka riyan kaya nagkagulo, may sinuntok ka at nabungal, pero iyong dahil sa babae? Sa babae?!”

Yumuko ako ng kaunti at hinaplos ang basa kong buhok paatras. Hiyang hiya nga ako kanina sa loob ng guidance, siya pa kaya?

“Baka tinayuan ka na rin ng rebulto ng mga babae riyan, ah! Pinaggagayuma mo siguro ang mga ’yan!”

Para namang hindi kapatid? Dinadayo nga ako noon ng mga babae sa bahay, ito pa kaya na mismong eskwelahan talaga?

“Hindi ko alam paano ko ’to sasabihin kay Mama, Slade!”

Napaahon ang ulo ko. Hindi pa alam ni Mama? Ni Lolo?

“Ate…”

“Huwag kang nagpapaawa sa’kin!” Itinuro niya ang mukha ko. “Hindi ko ’to mapagtatakpan! Makakarating at makakarating ’to kay Mama.”

I looked at her pitifully, like a puppy fetching for empathy.

“Who is that girl? Taga diyan ba sa school mo? Kaklase mo? That classmate of yours? ’Yong mukhang tomboy!”

“Ate hindi!”

“I have to donate to your school just to wash out your bad record, alam mo ba ’yon! Kilala kang matalino sa class niyo, pero kilala ka rin palang…nakikipaghalikan sa loob ng klase?! And you were caught not just once but a lot of times by your P.E. teacher?!”

Para akong kiniliti kaya hindi ko mapigilan ang halakhak kaya idinaan ko agad sa yuko at mariing pikit. Kailangan ko pang pisilin ang pang-ibaba kong labi para lang hindi niya makitang ngumingisi na ako.

Natatawa ako sa kahihiyang ’to sa totoo lang. It’s not a big deal to me, but of course, for my conservative family, it’s like hearing your innocent brother trying to sniff drugs. Gano’n ’yon ka lala sa kanila.

“Hindi ka pinalaking ganyan dito! Kanino mo ’yan natutunan? Hindi ba’t sabi ko mamili ka ng good influence na—”

“Ate, I’m turning seventeen! Hindi ako batang paslit! Nasa edad na ako na magkakagusto na,” I countered to divert her attention away from my friends.

“Pero sino ngayon ang naglilinis ng kalat mo diyan? Sino ngayon ang kinakausap ng guidance dahil sa mga kalokohan mo? Sino?”

I bowed down and touched my hair again guiltily.

“At ano pa ’yong sinasabi ng guidance councilor na…” She stopped midway and inhaled exasperatingly.

Umahon ulit ang ulo ko, nalilito pero kabado ng kaunti.

“Umamin ka… anong rason bakit kayo naghiwalay ng girlfriend mo? Kaya nagkagulo sa flag ceremony.”

Talagang kinwento ng guidance councilor lahat? Kahit ’yong mga bintang ng Grade 12 kay Arcena?

“Kung may girlfriend ka, mas matatanggap namin ’yon kaysa ang malaman na… pumapatol ka riyan sa mga bading, Slade! Nababaliw ka na ba? Sinong Arcena? Bakit ka nai-issue diyan sa bading?! Huwag mong bigyan ng kahihiyan ang buong pamilya natin!”

I grunted out of frustration this time. “Naniniwala ka diyan, ate? Kaya nga nagkagulo sa flag ceremony dahil sa fake news na ’yan. Kagrupo ko si Arcena sa isang subject kaya nasa apartment at nadatnan—”

“’Yong pinakita mong bading sa akin kagabi? ’Yon si Arcena? O baka ’yong nakasalamin!” she pointed out, her expression is obviously insinuating something.

Tang ina naman, oh?

“’Yong sinabihan mo ng cute, ate. Kita mo naman kagabi ’di ba, hindi siya nag-iisa sa apartment ko! Pero ’yong ex ko, nagselos at akala niya may ginagawa kami ni Arcena!”

“Kung hindi ka naggirlfriend, wala ka sanang pinoproblema ngayong ganyan!”

“Kaya nga huwag mo nang ipaabot kay Mama o kay Lolo, Ate! Away bata lang naman ’to na hindi na dapat pinapalaki at pakialaman ng mga matatanda gaya niyo! At binigyan na ako ng punishment ng guidance. Ginagawa ko naman nang maayos—”

“Anong punishment ’yan?” This time, she looked concerned.

“Naglilinis kami sa mini forest ng school. Hindi naman gano’n ka bigat.” Kahit ito ang unang beses na nakahawak ako ng walis tingting.

She sighed and tried to relax. Iritado pa ring tingnan si Ate, pero pakiramdam ko, unti-unti nang humuhupa ang galit.

“Kung hindi mo ’yan maaayos, kukunin ko ang documents mo sa school na ’yan at ililipat kita—”

“Kaya nga hayaan niyo akong umayos kaysa ’yong pinapakialaman niyo agad ako!” Bahagyang tumaas na ang boses ko sa iritasyon.

“Maganda ang record ko sa school na ’to, ate. Nandito ang mga kaibigan ko. Nag-aaral rin ako nang maayos dito. Hindi ako bulakbol, hindi ko rin pinapabayaan ang grades ko. Oo, may nasasangkutan akong mga gulo, pero pinapalaki lang naman ’yon at hindi naman sana gano’n kalala na dapat tutukan!”

Her brows knit, but she remained silent.

“Saka mo ako ilipat ng eskwelahan kung napapabarkada na ako sa mga hindi nag-aaral nang maayos at naapektuhan din ang sarili kong grades, ate. Oo nga, nilalayo niyo ako sa bad influence, ililipat sa bagong school, pero tingin niyo ba, hindi ako mawawalan ng gana pumasok sa lagay na ’yan?”

Nanatili siyang tahimik, pero halatang nakikinig sa sinasabi ko.

“Kung maaapektuhan na ang pag-aaral ko, kusa naman siguro akong lilipat, Ate… Kilala mo ako. Kaya nga ako nandito sa Maynila dahil sa sariling kagustuhan ko.”

She sighed again, but this time, she’s completely convinced.

“Kinausap ko na rin ang guidance kung sino man ’yang ex mo na ’yan na nagpapakalat ng fake news. Kung hindi niya ’yan titigilan, ako ang makakalaban niya. Pero kung nalaman kong totoo ’yang bintang sa’yo, Slade, alam mong hindi lang ako ang makakalaban mo,” banta ni Ate.

I nodded to get her trust. Malaki naman ang kumpyansa ko na hindi totoo ang bintang ni Claudia. Arcena and I are just…rivals. Kahit patunayan ko pa ’yon sa kanilang lahat.

Chapter 13

Hold

Pumipintig ang ulo ko. Parang nayayanig ang utak ko sa mga impormasyong pinipilit kong ipasok sa binabasa ko at humahalo na sa mga pinagsasabi ni Ate.

All I need is to top the class. That’s all. Kailangan ko lang ng ebidensya na hindi nababali ang atensyon ko, o walang mas importante pa sa pag-aaral ang pinagkakaabalahan ko rito sa Manila ngayong alam na ni Ate ang kalokohan ko.

I know she has a slight empathy for me. I know she will keep my troubles from our family because my mother overreacts sometimes. At alam niyang masyadong sensitibo kay Ate Yna na ipaalam ang kalokohan ko.

Kinalabit ako ni Alice sa likod kaya kuryoso akong lumingon. She looked worried.

“Nag-away kayo ni Arcena?”

“Nag-away?” I repeated in a chuckle.

“Oo… Nagtalo raw kayo…”

“We’re not friends. I think it’s normal?”

Kumurap siya at hindi inaasahan ang sagot ko.

“Akala ko…friends kayo…”

“Akala niyo lang ’yon. Kahit tanungin niyo siya.”

She blinked twice again. For some reason, I sounded like an asshole denying someone who’s been seen multiple times hanging out with me.

Pero hindi niya naman talaga ako tinatratong kaibigan. Alam ko na ako ang tinutukoy niya sa loob ng student council. He denied me so he could defend himself in front of that president.

At bakit ko ’to naisip? Napagtagpi-tagpi ko lahat kagabi habang natutulala sa kisame at tinititigan ang butiki. It’s like we had a silent conversation, and suddenly, everything makes sense.

“Nag-away nga… Mukhang malala,” I heard Alice pass that information to my other classmates, and everyone was now alerted.

“Kainis. Bakit sa reporting pa natin natyempo ang alitan nila?”

“Malay natin sa sobrang lala ng away nila, wala na silang ganang bumoses?”

“Kakainin ng grupo nila Arcena ang buong oras, sigurado ako. Group 5 tayo. May malaking oras pa para maghanda at magbasa.”

Humingos ako. I didn’t drink medicine despite my slight fever early in the morning. Hindi ko nga alam kung lagnat ba ’yon o mainit lang ang ulo ko sa mga inaalala.

Nagpapalipas na lang ako ng oras sa mga sumunod na subject. Wala masyadong reporting ang iba at puro quiz lang kaya maagang natatapos iyon.

“Nilagnat ka?” usisa ni Aries nang sabay kaming lumabas papuntang cafeteria.

“Masama ang pakiramdam ko,” I said wryly.

“Nilagnat dahil sa ulan o…” his voice trailed off.

I yawned and pushed my hair backwards. Ang huling nagkasakit ako, noong bata pa yata ako at masyadong masama ang loob ko kina Ate dahil hindi ako sinama sa lakad nila. Nainggit ako at buong gabi akong nagdamdam kaya hindi ako kumain sa matinding inis.

It was an inside joke to our family when I was getting a fever and they felt like I was sulking about something.

Ngayon na nagkalagnat na sa ganitong edad, alam ko na dala lang naman ng ulan, at siguro sa dami rin ng iniisip. Pero hindi naman dahil diyan sa paratang ni Aries.

“Sasabihin ko kay Arcena baka may pakialam…” he teased.

I snorted. “Huwag na. Hindi ’yan. Kahit mag-apoy pa ako sa init, wala ’yang pakialam.”

“Eh paano kung meron?”

I rolled my eyes. “Wala ’yan.”

“Paano nga kung meron…” he insisted.

The train of thoughts suddenly stopped functioning like an error I couldn’t process because it’s too impossible. Si Arcena magkakapake? Eh kaibigan nga lang ako ng mga kaibigan niya. Kung sa Facebook, para lang akong napadaan sa wall niya, suggested lang, at people you may know dahil may mutuals kami. Hindi kami magkaibigan.

Mas lalo lang akong nairita sa iniisip ko. May sakit na nga, pakiramdam ko mas lalala lang ang lagnat ko dahil sa galit.

“Mamaya, mauuna na akong umuwi. Hindi na ako sasabay,” paalala ko kay Aries.

“Sige, sasabihin ko kay Arcena.” He nodded.

“Sa’yo ko sinasabi. Hayaan mo ’yan. Tutustahin ko ’yan sa reporting niya. Magsusunog ako ng kilay kahit may sakit ako para makaganti.”

Aries shook his head and tapped my shoulder to walk to his chair.

Ayos lang din sa akin kung makarating kay Arcena. Pero talagang umuwi agad ako nang maaga sa araw na ’yon.

Nag-aral lang din ako buong gabi. Si Ate, tumatawag pa at nangungumusta. Hindi ko masabi-sabing nilagnat ako. Ayoko rin. Parang…kahit iyon, pagdududahan niya. Ayoko naman sabihing dahil nabasa ako ng ulan.

I bit my Apple Pencil and typed on my iPad. Kakatapos ko lang magbasa ng notes at napagpasyahang buksan ang account ko.

I haven’t visited my account for days now. Okyupado ba naman ang isip, aral agad pagdating, at sa school, nasa bag lang lagi ang phone ko. I’m not a heavy user. Hindi rin kasi ako masyadong mahilig sa apps. Ayokong lumabo ang mata ko kaka-cellphone.

I search his name. Rafiel Arcena. Sumandal ako sa swivel chair at tiningnan ang profile niya.

Ang profile niya, nakahiga siya sa puting unan, magulo ang buhok sa kanyang noo, at kagat ang labi habang nakangiti.

I scrolled down fast. Binalikan ko lang ang itaas para basahin ang bio niya na ’crush mo ko ‘no?’. I snorted and scrolled down again.

He likes posting himself. Not just a simple picture, but most of them looked sensual and…seductive. My brows were furiously knitted for some reason.

Madalas, hindi kita ang mukha niya. Minsan collarbone niya lang, at inaangat niya ng kaunti ang suot para makita rin ang kurba ng baywang niya.

Meron siyang picture na nakadapa siya sa kama, nilingon lang ang camera habang nakangiting kinakagat ang hintuturong daliri niya. At sino ang inaakit niya na friends niya sa Facebook? Maybe these were during Kyle? Because I checked, one of our mutuals is none other than Kyle.

Tss. He’s doing all these things to seduce these boys who will only deny him. ’Yong Pres, sa umpisa lang ’yan malambing. Tingnan mo…pag kumalat na crush niya ’yan, itatanggi rin siya.

Noong kumalat na crush niya ako, s’yempre tinanggi ko dahil may girlfriend ako, at hindi naman kami gano’n ka-close ni Arcena para akuin ko na totoo ’yon.

At saka na siguro ako maniniwala kung nanggaling mismo sa bibig niya.

Kinuha ko ang phone at dinala iyon sa kama. I opened the front cam and took a photo of myself. Binuksan ko ang messenger at s-in-end iyon sa GC namin.

Ronan Slade: Fever :(

Si Merrie ang agad na nagseen. She’s now typing, too.

Merrie Merrel: Tol, magkaibigan tayo tol. Pumupogi ka na masyado sa paningin ko tol. Hindi tayo talo tol…

Merrie Merrel: Mga mestizo talaga oh. May sariling natural blush.

Aries Arresse: @Rafiel naulanan kaya nagkalagnat. Maawa ka raw.

I rolled my eyes and logged out. ’Yan maaawa?

Hindi naman sa gusto kong kaawaan niya ako dahil lang may sakit ako. Pero naulanan ako dahil…hinintay ko siya. He needs to at least…reflect and realize I am in this situation because of him.

Hindi niya rin naman ako pinilit. Oo rin. Tama naman. Pero kahit kaunting malasakit, hindi naman ’yon ikakabawas siguro ng dignidad niya? Ako nga…kung magkakasakit siya, hindi rin naman ikakabawas ng dignidad ko kung mag-aalala ako sa kanya.

“Nag-aalala ’yan, hindi lang pinapakita,” si Aries sa mga sumunod na araw, at may lagnat pa rin ako.

Friday na. Tatlong araw na akong nilalagnat. Hindi naman ako gano’n ka init, pero masama ang pakiramdam ko talaga. Parang ’yong lagnat ko, nasa loob ng katawan ko. At ang init ng ulo ko, lumalala araw-araw.

Merrie couldn’t join us during lunch because she sticks with Arcena, who doesn’t want to join, either. Huwag na ring pilitin. Baka magsumbong na naman ’yan doon sa Pres.

“Reporting niya mamaya eh…” ani Aries habang sinasalin ang Evian sa hydro flask ko.

“Lagot siya sa’kin,” banta ko at sumubo ng pagkain.

“May lagnat ka na nga, tapos manlalaban ka pa.” Iling niya.

I am his rival. Gano’n naman talaga ang label namin. And I will stick to it. I will function as his rival. And I will crawl my way to the side of his name to remind him that…I will always be a threat to his position.

“Nag-away raw ang dalawa…” bulong ng mga kaklase ko sa mga sumunod na subject habang hinihintay namin si Sir Tapang.

My head hurts for some reason. I wanted to digest everything all at once, but their whispers are intruding on my chain of thoughts to understand the topic.

“Oo nag-away. May nakakita na nagbangayan sila…”

“Nag-away si Arcena at Veniel. Hindi yata nagpapansinan.”

“Confirmed. Sabi ni Merrie may pinagtalunan daw.”

Ramdam ko bigla ang kaba ng mga kaklase. It’s like we’re suddenly back in our usual setup, na nanginginig ang mga kaklase namin sa tuwing may reporting at dinagdagan pa ng impormasyong magkaaway kami.

That’s why when Arcena’s report started, the class was too quiet.

“Hello, we are group four, and we will discuss gender roles,” si Merrie na mukhang kabisado ang introduction niya.

Their PowerPoint looked minimal but precise. Bawat topic, hindi inoover-explain, at halos isang sentence lang. Kung may mahaba man, nakabullet form na at iniisa-isa.

If you are part of the Aristotle, you would immediately distinguish if it’s Arcena’s output. Pero pag ginagaya ng iba, pinapatunayan naman ni Arcena na siya lang ang bihasa roon dahil nahihirapan lagi ang mga kaklase kong depensahan ang mga pinupuna niya.

“Gender roles are the socially constructed behaviors, attitudes, and expectations deemed appropriate for men and women within a specific culture. These roles dictate norms for clothing, professions, and behavior, often dividing duties into private for women and public for men,” basa ni Merrie sa report.

No one dared to interrupt her or joke around because it was Arcena’s main report. Lahat ay iwas na maging target. Kaya kahit ang punahin si Merrie, takot ang iba.

“Four types of gender roles… Traditional Gender Roles. Ito ’yong typical na paniniwala natin na dapat pag lalaki ka, protector ka, matigas, namumuno, at nagtatrabaho bilang haligi ng tahanan. Sa mga babae naman, mga maalam sa gawaing bahay, caregivers…nurturers…”

“May iba ngayon na bumabasag na sa ganitong nakasanayan natin. May mga babae nang marunong mamuno, babaeng nagiging presidente, babaeng kaya rin ang trabaho ng mga kalalakihan. Sa mga lalaki naman, may iba na rin na naiiwan sa bahay, nagluluto at nag-aalaga ng mga anak. Dito papasok ang Egalitarian Gender Roles, which promote equality between men and women; both genders share responsibility equally,” Arcena explained.

“Androgynous Gender Roles… combine characteristics traditionally associated with both males and females,” basa ng isa pang kasama nila, si Dominic.

The example shown made the class laugh and clap. Ngumuso ako at pinigilang makitawa. Not because the presentation is funny, but because it was Arcena himself in the PowerPoint with a description of boys who look like girls.

“Parang alam ko na sino ang susunod na example, ah?” tawa ng klase nang tiningnan si Merrie.

“Kung mahuhulog ako sa gender roles, I will fit in as androgynous as an example. Kami ang mga lalaki biologically, pero mukhang babae, o may traits ng isang babae kagaya ng pagiging mahinhin… binabae kung tawagin, at laging napagkakamalang babae.”

“Okay po, baby…” biro ng mga boys sa likod kaya humalakhak ang klase.

Ako nga lang ang hindi natawa dahil hinihintay ko kung kailan matatapos ang paliwanag.

“Gender Nonconforming… these are individuals who do not adhere to society’s traditional expectations of gender. These people may identify as non-binary, genderqueer, or transgender, and their behaviors, dress, and interests may not fit typical male or female does. Ang magandang halimbawa naman sa mga ganitong tao ay ako ulit at si Merrie pagdating sa paraan ng pagdala namin sa sarili namin…”

Lumabas din sa powerpoint si Merrie, ang pananamit niya, at kung bakit siya natatawag na tomboy sa klase. Sa ibaba ni Merrie, naroon ang picture ni Arcena kung paano siya manamit. He’s wearing a long black wig and a skirt which made us hard to distinguish if it was him or another girl.

“Merrie is not the typical girl, hindi babae manamit. Her style is labeled as tomboy, parang lalaki manamit.”

“Ah…tomboy pala talaga ako? Sige, tanggap ko ’yan pag ikaw ang may sabi,” tango ni Merrie na pinagtawanan ulit.

“Sino ’yang sa ibaba? Ganda, ah?” someone from the boys at the back commented.

“Ako ’yan!” Arcena laughed.

“Ikaw ’yan?! Mukhang babae! Ang ganda mo pala pag ganyang ayos eh…”

Ba’t ang daming sumisingit na hindi naman kasali sa reporting?

Si Aries, nilingon pa ako at naabutang nilingon ko ang nasa likuran. I crossed my arms and pulled my attention back to the front.

Their topic also delved deeper into sexual orientations and the fluidity of genders. Pansexuals, asexuals… at lahat ng ’yon, maayos niyang naipapaliwanag. I had some realizations about it, but I only brushed them off.

“Expectations, cultural and social constructs, and historical origins all contribute to the existence of gender roles. For example, patriarchy contributed a lot to the society to view men as leaders, dominant, and always in charge. That’s why toxic masculinity exists because it refers to our norms that men should always act tough, manly, and aggressive. Kaya ang mga lalaking malambot, napagkakamalang bading, dahil ang kinikilalang lalaki ng lipunan, matapang…matigas…at hindi nakikitaan ng emosyon.”

Everyone looked satisfied. Even Sir Tapang nodded.

“Questions?” si Arcena na nilibot ang tingin sa klase.

Pero alam ko, hindi lang iyon simpleng tanong dahil nanghahamon siya lagi. So I raised my hand to accept his invitation.

“Wala na… hindi na tahimik ang buong hapon ko,” some of my classmates hurled.

“May sakit ’di ba ’yan si Veniel? Dapat pinagtulungan natin ’yang hinatid sa clinic.”

“Away rivals. Huwag na tayong makialam…”

There’s nothing to question. Their topic is delivered accurately. Pero kaya nga ako nag-aral dahil alam ko, hindi na dapat topic ang kwestyunin ko kung may nakaligtaan ba siya. I came up with another tactic.

“Yes, Veniel…” he acknowledged.

Hindi na ako tumayo pa, nanatili lang sa upuan. The class turned silent, and everyone is looking at me quietly.

“Do you think gender roles hinder the progress of achieving gender equality?” I asked.

“Naisip niya pa ’yon kahit may sakit siya?” the boys at the back murmured.

Si Merrie, nagkamot at umatras ng kaunti, sabay tingin kay Arcena, kahit ang isa pa nilang kagrupo na kanina pa tahimik ay nagpaubaya na rin.

“The answer to your question is actually simple. Yes, it will always hinder, knowing we live in a society that stereotypes men and women; malabong maging pantay ang babae at lalaki sa mata ng isang konserbatibong lipunan.”

“So you are saying, if we need to achieve gender equality, we need to change the whole system? We need to rewrite the history? We need to change cultural beliefs…”

“It is now too impossible to change the history, Veniel. We don’t need to change the past if we want to rewrite the future. Men and women are physiologically different from each other. Men will always be physically stronger than women because that’s how their bodies are built. But that doesn’t mean a woman can’t be physically strong like men, too. The main issue is that we limit what women can offer rather than recognizing what they are capable of.”

Everyone quietly listened. Hindi rin lumilihis ang tingin niya, nanatili lang sa akin, parang may pinapaintindi sa parteng hindi ko naiintindihan, o kinukwestyon ko.

“Kung gusto niyo ng example sa mga babaeng matatapang katulad ng isang lalaki, hamunin niyo lang ako ng suntukan,” biro pa ni Merrie at pinagyabang ang biceps niyang payatot na pinagtawanan ulit.

“The only thing we can do now is to…make our own history,” Arcena stated, stealing back the spotlight.

The class’ laugh turned into a cheer. They’re all amused. Kahit si Sir Tapang, napatango ro’n.

“Ibotong presidente si Arcena!” the class joked, which caused a hurl of laughter for a while.

“We can always start today. That’s why representation is always important. Each of us represents our gender roles. Kaya nga mas nagiging marami ang lumalabas sa komunidad namin dahil may mga naglakas-loob na…may mga tumindig na…may mga nagbuwis na ng buhay nila para baliin ang paniniwala sa mga bakla. Ganoon din ngayon sa mga babae na lumalaban, na hindi lang sila hanggang bahay, kaya ring mamuno. Mga lalaking hindi natatawag na bakla pag naging mahina. Ang kailangan lang naman ay suporta at unawa para umusad tayo at magkaroon ng equality. That simple act of standing up empowers people who need a voice and representation to speak up, too.”

“Cultural beliefs are hard to change, Arcena. They come from generation to generation. If a home is homophobic, do you call it ignorance or cultural influence?” I struck another angle.

“I’ll call it both,” he instantly answered.

Umangat ang kilay ko. Kalmado niya iyong sinagot. His eyes looked welcoming and full of assurance. This is the first debate that he wasn’t looking at me like I am a threat. O siguro dahil ’to sa lagnat ko kaya parang nagdedeliryo ako?

“Ignorance and cultural influence. Hindi lang naman kasi isa, dalawa, o tatlong pamilya ang may ganitong paniniwala. This came from religion, environment, culture, and history. Buong lipunan ang pinag-uusapan dito.”

“Then…are homophobic people bad…or a victim of our culture and societal construct…” I asked more curiously.

“I’ll still call it both. Ignorant and a victim. You can be a victim of the society’s twisted norms, but your ignorance is not an excuse to hurt gays. Oo, lumaki tayong lahat na may dalawang uri lamang ng kasarian ang tanggap at kinikilala sa lipunan. Pero sa bibliya, hindi itinuro ang pananakit, o pang-aabuso. Maiintindihan ko kung ayaw mo sa mga bakla, pero hindi kasama roon ang kawalan ng respeto at pananakit. “

My lips parted, wanting to say more, but my words gave up for me. He looked at me critically, bracing for more questions. Kahit ang mga kaklase namin, parang hindi na humihinga huwag lang madisturbo ang diskusyon sa pagitan namin.

Nanatili ang titig niya sa akin, nag-aabang. He looked persistent, but the fire in it was calmly dancing, like it wouldn’t burn because he wouldn’t fuel it.

“May tanong ka pa?” he asked calmly when I didn’t fire questions.

I licked my lips. He blinked twice and turned his eyes a bit to look at my other classmates.

“Kayo…may tanong kayo?”

“Counted ba ang tanong kahit walang kwenta?” my classmates joked, which made him laugh.

I looked at my classmates too and furrowed my brows. When he noticed it, he pulled his attention back to me.

“Wala ka nang tanong?” he clarified.

Umiling ako nang dahan-dahan. “Wala na…”

The class suddenly clapped and quietly cheered.

“Did I satisfy you?” he confirmed.

I nodded. “I’m…satisfied.”

He nodded, too, and faked a cough.

“Buti naman…” may ginhawa at pasasalamat sa sagot niya.

Buti naman at nanahimik ako? Buti naman at…napakalma niya ako? O buti naman…at napasuko niya ako?

Sir Tapang applauded their fantastic delivery of the topic. Hindi na rin siya nagpa-debate at pinapahanda na lang kami sa long quiz.

The class loudly cheered when they noticed the air between us isn’t as heavy compared to our usual debates.

“Uy bati na!”

“First time yata ’to na magaan ang batuhan nila, ah? Walang lumilipad na mga granada at pana…”

“Walang duguan!”

Aries even looked at me meaningfully. Si Merrie, nangingiti sa akin. Arcena was now back to his own world, like he didn’t give his full attention to me earlier.

I took a nap after the subject. Humiga lang ako sa likuran, pinagdugtong-dugtong ang mga upuan para hindi na dumayo sa clinic. Ginawa kong panakip ang libro na binabasa ko para ipagpatuloy ang advance study, pero itinigil ko lang para umidlip.

Someone suddenly took the book off my face. My eyes squinted, and I touched my head. Nang unti-unting luminaw ang paningin, nakita ko si Arcena.

Wala na palang tao sa classroom. The lights were turned off, and the only light that was open was the front.

“Gamot mo.” He handed over a tablet.

Kumurap ako at medyo nagulat. “Over-reliance on medicine is not healthy.”

Nanliit ang tingin niya at binuksan ang tableta. “Galing ’to sa clinic, at nurse mismo ang nagbigay. Isa lang naman ’to.”

“Why do you even care…” Saka ko muling inambahang itakip ang libro pero kinuha niya lang iyon.

“Ilang araw na raw ’yan sabi ni Aries. Sinisisi mo pa ako na dahil naulanan ka…”

“Maagapan ’yon kung hindi ka natagalang lumabas sa student council,” I murmured and put my forearm to cover my eyes instead.

“Bakit ba pinapalaki mo ang usaping ’yan… lahat na lang…pinipilit mong palakihin,” agap niya.

Sasagutin ko na sana nang maramdaman ko biglang may nahulog papasok sa bibig ko. Napabangon ako para hindi mabilaukan. Arcena’s laugh mingled in his voice while handing the mineral water he opened for me.

I snatched it from his hand because I have no choice but to drink water. He immediately turned his back, but I got a slight glimpse of the smile on his lips.

“Hinihintay na tayo nila Merrie at Aries sa labas. Nauna na sila sa parking space kasi umulan na at isang payong lang din ang gamit nila. Kung hindi ka sasabay umuwi sa amin, sige…”

Tumayo ako at napagtantong…sinundo niya ako. Oo, sinundo niya ako rito.

Tiningnan ko ang bintana at malakas nga ang buhos ng ulan. Kinuha ni Arcena ang gamit niya kaya kinuha ko rin ang akin at isinuot sa balikat ko.

“Ba’t mo ako sinundo?” usisa ko nang makalabas kami sa classroom.

“Hindi kita sinundo. Nag-roving lang ako kung may naiiwan pa bang students. Tapos nandito ka pa pala.” Excuses.

“Na may dalang gamot?” I teased.

“Eh pinapaabot ’yan ni Aries. Nagkusa na lang din ako total ako naman ang may kasalanan kaya may lagnat ka.”

“Then you care?” I smirked.

Ngumiwi siya. “Alam mo para kang tite. Matigas ang ulo.”

Humagalpak ako. “Kaya nga sabi ni Merrie, apat na tite tayo. Tigasin ka rin eh…”

Umirap siya pero nangingiti. I opened the mineral water again and chugged down the entire water while side-eyeing him attentively.

“Masyado ka pa namang sheltered. Baka sugurin ako ng angkan mo.”

Hindi ako sumagot dahil ayoko ring pahabain ang topic. Hinulog ko ang mineral water sa nadaanang basurahan at namulsa sa slacks. Papunta na kami sa parking space. Malakas ang buhos ng ulan. Kung lumusong kami, talagang mababasa na naman dahil open area iyon.

He stopped, opened his bag, and pulled out an umbrella.

“Binawi mo na?” tanong ko lalo na’t ang alam ko, may humiram.

“Hindi. Bagong bili ’to. At hindi na ’yon isasauli. Makakalimutin ’yon.”

My brow arched. But what caught my attention is…the newly bought umbrella.

“You bought it because I got a fever?” I chuckled at the insinuation.

Pinindot niya iyon hanggang sa bumukas ang dark green niyang payong.

“Sumilong ka na,” he insisted.

Ngumuso ako at unti-unting sumilong.

“Ako na ang hahawak. Mas matangkad ako,” saka ko kinuha iyon sa kamay niya.

Hindi naman nanlaban at nagpaubaya. Binaliktad niya ang pagkakasuot sa bag niya at niyakap iyon sa harap.

We started walking to the open space of the parking space. The sky looked gloomy, and the entire place was almost dominated by the dimness of the grey clouds.

Malakas ang buhos ng ulan kaya sumisiksik ang katawan niya sa akin. Natatamaan kami ng mga talsik ng tubig, pero hindi ganoon ka-grabe.

“Lapit pa. Mababasa ka pag hindi ka sumilong,” utos ko kahit kasya naman na kami.

He grunted and squeezed himself to my side, clutching his bag to protect himself. Humawak siya sa dulo ng payong kung nasaan ang kamay ko.

“Hawakan mo kasi nang maayos!”

“Hinahawakan ko nang maayos. Mahangin. At may sakit ako,” I added the last part so he would at least give me sympathy.

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang isa ko pang kamay. It looked so lost and detached from the momentum.

“Hahawak ako, ah…” hingi ko ng pahintulot.

Before he could even confirm what I was talking about, my hand smoothly glided to the side of his waist.

He shrieked and alertly pulled away. Pero mas nagulat lang siya na nabasa siya kaya hinabol ko ulit para isilong dahil nabasa siya ng kaunti.

I grunted and pulled him more to my side to protect him again from the rain. Magkakasakit pa yata ang isang ’to dahil naman sa akin!

“Stay still!” I commanded.

“Kung saan-saan ka kasi humahawak!” Tingala niya sa akin kaya nakita ko ang butil ng ulan na dumulas sa buhok niya at napupunta sa mukha niya.

“I asked for your consent?” Nanliit ang tingin ko at inilabas sa bulsa ang panyo ko. “Hindi ko naman alam na makikiliti ka pala.”

“Bakit ka pa ba kasi hahawak? Hindi ka ba makakapaglakad nang maayos nang hindi ka humahawak sa baywang ko?”

“Eh siksikan. Gusto kong magkasya tayo.” I uttered and put my handkerchief on his head. “Punasan mo ang sarili mo.”

He pulled it off him and wiped it off on his arm, including his neck and face.

“Baka marumi ’to, ah?! Baka dito mo pinapahid ang kamay mo pagkatapos mong umihi,” he accused.

“Ipapagamit ko ba ’yan sa’yo kung marumi ’yan?” tanong ko habang nangangalahati na kami sa parking space.

He looked annoyed, but he also looked flushed. Binalik niya ulit ang dalawang kamay niya sa payong at sa dulo ulit humawak.

My fingers looked firm compared to his slim and soft fingers. His body felt warm close to me, like I was in front of a fireplace.

Hindi ko alam kung…sapat din ba ngayon ang init ko para mainitan siya sa lamig ng ulan. O… nagpapasalamat ako na may lagnat ako dahil sapat iyong panglaban niya sa lamig ng panahon.

“Bilisan na natin,” he demanded impatiently.

Well, I’m not sure if I’m slow because I’m sick, or…I’m taking advantage of the rain.

“Nanghihina na nga ’yong tao…” I faked a cough to highlight I’m sick.

“Bilisan na natin kasi may tumutusok!”

I grunted and looked down. I’m not even turned on. Dumidikit na kasi siya sa akin at malamig pa ang panahon!

“Hindi ’yan nakatayo!” I explained to erase what’s on his mind.

He looked more flushed.

“Eh tumutusok! Nararamdaman ko sa likod ko!” he panicked.

I shut my eyes and barked a laugh. Gago…

“Ano ba! Huwag kang matawa! Umaalog ’yong—”

“’Yong bayag ko?” I muttered in laughter.

“’Yong payong!” giit niya niya pero natawa na rin.

I couldn’t control my laughter. Something is too funny about the situation and the way he reacted. He grunted and controlled the umbrella, protecting me from the rain. Nanghihina na rin kasi ako kakatawa kaya may mga talsik ng ulan na nakakaabot sa amin.

“Ano ba! Mababasa na tayo!” saway niya pero mas natawa na siya sa sitwasyon.

I unconsciously put my hand on the side of his waist again to hold him close to me.

“Alright, I’m sorry. Here…” I howled with laughter.

Chapter 14

Proud

The next days feel lighter. Nawala na rin ang lagnat ko dahil nakainom na ng gamot. Inaasar nga ako ni Aries kaya sinabi kong pinainom na ako ng gamot ni Arcena.

“’Yong gamot ba ang nakapagpagaling, o ’yong nagpainom?” At nang-asar pa talaga.

Pag nalaman ko talaga sino itong tipo ni Aries, siya naman ang tatadtarin ko ng asar. Hindi ko maramdaman eh. Iisipin ko si Merrie, pero parang ang labo.

I realized we don’t talk much about our personal lives, too. Kakagaling ko lang din naman kasi sa breakup kaya wala pa talaga akong planong pumorma ulit. Siguro kung magkakagusto man ulit, hindi na muna ako aamin. Saka na pag…hindi na ganito kakomplikado?

But I like whatever I have right now. I’m contented.

Focus na ang lahat mag-study for the upcoming exam. Pagkatapos no’n, preparation na sa intrams. Hati na ang atensyon ng mga kaklase ko at mas aligaga na sa mga sasalihang events.

The rumor Claudia started was suddenly wiped out. Deleted na rin daw eh, sabi ni Merrie. Ayaw kong isipin na may kinalaman iyon sa pagpapatawag sa kanya sa guidance, pero alam ko, after Ate’s meeting with the guidance, the issue about my trouble escalating slowly died down.

But I know, if you listen to the whispers, you will hear the students talking about my friendship with Arcena. Some are saying it was because Arcena circle is also my circle, and some are saying I’m just too friendly. But it wasn’t as scandalous now compared to last week. Mas marami pa rin ang naniniwalang straight ako at ang mga paratang ay malabong mangyari kahit pa may iilang sinasabing may nakakakita sa amin ni Arcena na masyadong close.

Magaan din naming natapos ang punishment. Medyo natututo na akong magwalis kahit papaano. School is really about learning stuff, huh.

“Uy, posted na ang top list!” Merrie announced, and she excitedly ran to the front. “Feel ko pumasok ako eh…”

Kakatapos lamang ng exam noong nakaraang araw. Naging study buddy ko nga ang tatlo at sabay-sabay kaming nagbabasa sa library. Gumagaan ang pakikitungo ni Arcena sa akin, pansin ko. I’m not sure if it was because of my fever, but I know it started during that rain.

Hinintay pa talagang magkasakit ako para lang lumambot sa akin.

Nagsisitayuan na ang lahat para tingnan iyon. I stood up to take a look, too. Noong first quarter, lamang ’yong isa eh at kinawawa ako sa top list. I’m not sure if nakalamang ako ngayon.

Tumayo rin si Arcena at kuryosong naglakad papunta sa pinagkakaguluhan nilang papel. He stopped at their back, so I stopped beside him.

His lips parted when he saw his name on the top list. At sa ilalim ng pangalan niya ay walang iba kundi akin.

Rafiel Donato Arcena, 98.78% Ronan Slade Veniel, 97.62%

My nervousness seeing my name below him eased my worries. Mas kaya ko pang lunukin na top 2 pa rin ako kaysa iyong mahulog sa top 2 at hindi na ako ang malapit sa pangalan niya.

I mean, it’s probably because of my ego? Ayokong may pumalit sa pwesto ko. Akin ang pagiging Top 2. I am the closest rival of the top 1, and that’s already something to be proud of. Lalo na kung si Arcena ang Top 1.

“Si Arcena pa rin ang top 1! At si Veniel ang top 2?!” the class cheered and looked at us.

I smiled with contentment. Consistent si Arcena sa 98. Noong nakaraan, 96 lang ako. Ito na rin ata ang bunga ng pag-aaral ko dahil mas focus na sa class. Noong kami kasi ni Claudia, inuubos ko ang gabi ko para makapag-usap kami dahil kung ano-ano ang iniisip no’n pag hindi ko tinatawagan. Ngayon, wala na ngang ka-late night call, mapepressure ka pa dahil masyadong matalino ang top 1.

I smiled at the thought and looked at his name. Masyadong matalino…

“Nandito dapat ako sa Top pero 11 kasi ako. Eh ayaw na ’yong ilagay ni Ma’am baka ang yabang ko raw…” biro ni Merrie.

“Pag nilabas ang lowest rank, for sure nangunguna kayo ni Aries do’n, Merrie!”

Merrie threw herself on the boys to fight them playfully. Kinuha ko ang phone at kinunan ng picture ang result. I zoom in to capture his name and mine.

Tiningnan iyon ni Arcena.

“Huwag kang makampante. Baka gumising ka bukas, ikaw na ang nasa ilalim ko…” I threatened playfully and side-eyed him.

“Huh?” He cluelessly looked up at me.

“Ang sabi ko, baka magising ka na lang na ako na ang top 1 at pangalan mo naman ang papailalim sa pangalan ko,” mas klaro kong sabi at ibinulsa ulit ang phone ko.

He slowly calmed down. Ako naman ngayon ang nalito. Ano ba ang iniisip niya?

“Ano ang iniisip mo?” natatawa kong tanong.

Tumalikod siya at naglakad na pabalik sa upuan niya. I tailed behind him while chuckling. Ngayon ko lang napagtanto na…may iba pa palang meaning ang sinabi ko.

“Wala!” Pero namumula?

Tumigil ako sa table ng teacher dahil malapit lang doon ang upuan niya. I watched him rummage in his bag as I pulled myself up to sit on the table and crouched on my parted legs.

“Ang bastos, ah?” I taunted.

His eyes widened in disbelief. “May sinabi ba ako?”

“May iba kang naisip sa sinabi ko…” I smirked playfully.

“Edi ikaw ang bastos at hindi ako kasi ikaw na ang nakaisip!” he defended, his Bambi eyes narrowing.

“Iba ang reaksyon mo eh. Parang may laman. Parang…nakakaduda…”

“At bakit mo naman ’yan naiisip? Ganyan ba ang nagagawa ng breakup? Tigang ka na?”

My jaw dropped, but my laugh immediately took over.

“Edi ikaw rin…”

“Huh?!” Now, his eyes were widening intensely, and his lips were trying so hard not to get contaminated by my smile.

“Single ka rin, ah? Edi…tigang ka rin?” I fired back.

Halakhak niya naman ngayon ang sumabog. I don’t want to talk about these things to him, alright. Pero siya ang nauna! Akala niya siguro hindi ako papatol? Ngayon pa na ang sarap niya asarin?

“Bakit ko sasabihin sa’yo? Oo, namimiss ko na ang may kahalikan pero—”

“At sino ang namimiss mong kahalikan?” I interrupted with furrowed brows.

“Namimiss ko na may kahalikan pero wala akong namimiss na nakahalikan ko noon,” giit niya.

Lulusot pa talaga eh…

“Edi…may pinapangarap kang kahalikan?” At sino naman?

Nanliit ang tingin niya. “May naipon bang dumi diyan sa tainga mo at kung ano-ano ang pinipili mong marinig!”

“Sino?” I asked curiously, ignoring his nonsense opinion. “’Yong Pres? Magaling ba ’yon humalik?”

His jaw dropped this time. He put his attention on his bag, so I pushed myself off the table and walked to his side.

Nilingon niya akong dumaan sa likuran niya. Binawi niya ulit ang tingin nang tumigil ako sa gilid ng upuan niya.

“Sinabi mo last time sa debate natin, distraction ang pagkakaroon ng relasyon. Pero ngayon, namimiss mong makipaghalikan. Hindi ka naman pala consistent sa sagot mo,” I said and occupied the chair next to him.

“Pwede naman kaming magkiss nang walang label ang relasyon namin, ah?” he answered cockily.

I blinked twice. He meant someone.

“So…gusto mong maging boyfriend ’yong Pres?” I concluded.

“Bakit ba sinisingit mo siya lagi?”

So…hindi ang student council president? Kung hindi…

“Cuz I think you like him? You like smart men…” humina ng kaunti ang boses ko, mas lalong nagtagal ang titig sa kanya.

Edi…sino?

“Busy ’yon. Hindi ako no’n papatulan—”

“So if he’s not busy, papatulan ka niya?” I cut him off; this time, I almost roared it.

At tingnan mo na, hindi man lang tinanggi na hindi niya gusto. Talagang gusto niya, eh.

“Alam mo, nakakarindi ka pakinggan. Ang tanong ko lang kanina, baka tigang ka na kaya kung ano-ano ang naiisip mo…” He looked at me again, but he just pulled his eyes off me.

He likes me. I’m so sure. Kasi kung hindi, hindi ito mahihiyang titigan ako sa mga mata. Knowing I have all of the qualities he likes in men. Matalino ako, matangkad, basketball player…hindi nga lang MVP pero malapit na. ’Yan na lang ang kulang at wala sa akin sa ngayon.

Kaya baka…ako?

“Kaya nga binalik ko sa’yo kasi parehas naman tayong single,” I defended, proving a point.

“At ano?” He looked stunned and confused.

Tumigil siya sa kakakalkal sa bag niya, nasa akin na ang buong atensyon. Maingay ang mga kaklase namin; may iilan na pinag-uusapan na ang intrams at may iilan na kumakanta kanta lang, pero hindi kami nadidisturbo.

“Parehas tayong single?” maingat kong sagot.

“Oo nga, at ano nga kung parehas tayong single!” His eyes narrowed more.

“Edi…parehas tayong…tigang?” I whispered.

He grunted and pushed the chair away from him, but my chair didn’t budge. Masyado akong mabigat para maitulak niya paalis. Humalakhak ako at humawak sa armchair niya para hindi mausog.

“Ikaw lang! Dinadamay mo pa ako.” His eyes narrowed more when I stared at them with a smile.

I lazily laughed and rested my head on my knuckles. Galing talaga nito magpalusot eh.

“Bambi…” I uttered to point out his eyes.

“Gaya-gaya kay Merrie,” he murmured to himself, which I cannot properly hear.

Ngumuso ako. Nahuli niya iyon kaya mas nairita siya at gusto akong itulak lalo, pigil ang ngiti kahit tumatakas na naman sa labi niya.

I do touch myself sometimes to release and well…to pleasure myself. Nawawala na nga sa isip ko at huli ko yata ay noong mga nakaraang buwan pa. I haven’t done it lately.

Wala rin naman kasi sa isip ko. I am too focused to study and top his name on the rank list. Arcena’s keeping my thoughts busy.

“Namiss ko na rin may kahalikan…” I murmured and crossed my arms.

I saw him swallow slightly and tried to concentrate on rummaging through his bag. I even took the pen off his desk to play with it.

“Edi makipaghalikan ka…” he suggested nonchalantly, almost in a daze, and pulled his pen from my hand.

Pinisil ko ang pang-ibabang labi. I’m speechless. Pinanood ko na lang ang ginagawa niya, at hindi ko na rin maintindihan kung ano ba ang hinahanap niya at kanina pa ’yan.

Nahuli niyang nakatitig ako. Binawi niya rin agad ang tingin.

“Ayoko. Baka magalit at sampalin ako pag niyaya ko.” I chuckled.

His breath hitched. He swallowed more and took the tupperware out of his bag. Iyon lang yata ang hinahanap niya at natagalan lang. Nilingon niya agad ang mga kaklase at naglakad na papunta sa kanila, halos nagmamadali pa.

“Graham balls! Bili kayo!” he offered enthusiastically.

Ngumuso ako lalo at mas pinisil ang pang-ibabang labi habang tinatanaw siya roon na pinagkaguluhan na ng mga kaklase namin. Wala naman akong iniisip talaga na…hahalikan. I only made it up. But it’s up to him if it sounded…relevant.

Pero…naisip niya kaya na…pwedeng…siya ’yon? Kasi kung oo…ibig bang sabihin no’n…naiimagine niya na…may pag-asang…maghahalikan kami?

Gusto kong matawa sa iniisip ko. Alam ko naman na malabo kasi…straight ako. At…alam niya rin ’yon.

Pero kung straight ba…pwede naman sigurong…

My thoughts were suddenly blocked when I saw our adviser entering the room. Kahit ang iilan kong mga kaklase, naging alerto kay Ma’am.

Tinanaw ko ulit si Arcena para tingnan kung saan siya umupo. Nagmamadali na siyang bumalik sa upuan niya kaya kumalma ako.

“Class, may representative na ba kayo para sa Mr. and Ms. Intramurals?” Tiningnan niya kaming lahat.

Arcena quietly sat beside me. Nang napansin ako ni Ma’am na nakaupo sa tabi ng upuan ni Arcena, kumurap siya saglit, halatang nakuha ko ang atensyon niya, at nalipat lang sa likod dahil nagsigawan na ang boys.

“’Yong muse na lang, Ma’am!” ang mga boys.

“Sino ang muse?” she asked.

Everyone looked at Merrie, who’s laughing at something. Nang mapansin niyang nasa kanya ang atensyon, napawi ang ngiti niya. Nagkatinginan kami ni Aries at nagpigil na matawa.

“Hintayin niyong lumabas si Ma’am. Mumurahin ko kayo isa-isa,” banta niya.

Ma’am only sighed while watching my classmates convincing Merrie.

“Ikaw na, Merrie! Ilaban mo ang section natin!”

“Na para bang hindi ko kayo mga kalaban dito, ah?” she answered sarcastically.

“Sayang… kung babae lang talaga si Arcena, full package na sana,” may ibang kaklase ko ang naglabas ng saloobin.

Nilingon ko si Dominic dahil siya ang nagsabi no’n at nasa likuran lang namin.

“Kaya pa rin namang manalo sa ibang paraan. May mga competition lang talaga na hindi para kay Arcena kasi may mas nababagay sa kanyang iba,” sagot ko.

Dominic looked stunned. Kahit si Arcena, nagulat din at napalingon.

“Ikaw pala ’yan, Veniel. Kaya pala amoy na amoy ang pabango mo rito. Ba’t ka nandiyan?” natatawa niyang tanong.

I only shrugged and smirked.

“Pero wala pang nagagawang gown na design, ma’am…” boses ni Melissa kaya doon lumipad ang atensyon ni Arcena.

“Meron na akong nagawa. Sa materyales, may pondo na rin para do’n dahil nakolekta na ’yon ng secretary noong nakaraan,” Arcena said.

Napatingin kaming lahat sa kanya. He’s always advanced. Iyon rin lagi ang advantage ng section namin dahil may solusyon siya sa lahat.

“’Yong sketch mo noong nasa section Newton tayo? Nakita ko ’yon…” I whispered.

Medyo nagulat siya, tumango ng kaunti. “Oo…” aniya habang nakatitig lang kay Ma’am.

“Maganda ’yon. Bagay sa magsusuot,” mahinang sabi ko.

“Si Merrie ang magsusuot.”

“Kaya nga bagay…kasi gawa mo eh. Maganda ang pagkakagawa mo. Artistic ka.”

He didn’t react, but I noticed how he pinched his fingers. Nanatili lang din kay Ma’am ang tingin niya.

“How about for Mr. Intramurals? Sino ang Prince Charming ng class?” tanong ni Ma’am.

Parang magnet na napunta ang tingin kay Aries. Now that I remembered, when Merrie got elected as Muse, the class chose Aries as her partner. I thought it was because he’s also good-looking, but I realized now why. Pinagtripan yata ang dalawa dahil tinutuksong tomboy si Merrie, at napagkakamalan namang bading si Aries.

“Ma’am, sasali ako kung sasali si Aries! Hindi pwedeng mag-isa kong ipapahiya ang sarili ko!” hagalpak ni Merrie.

Nagtatawanan na ang klase. Kilala kasi si Aries na mahiyain kaya ang hirap niyang isipin na rarampa sa maraming tao.

“Si Veniel ang ilaban natin! Tingnan mo, sabog ’yang program na ’yan pag rumampa ’yan!” the girls suggested.

“Hindi niyo ’yan mapipilit sumasali sali sa mga event. Baka kung sakaling si Arcena ang kasama niyan, sumali ’yan…” they concluded.

I chuckled. Kunot-noong napalingon si Arcena.

“Natawa lang kasi kung kukumbinsihin mo akong sumali kasama ka, sasali ako…” I explained.

His lips parted. Akala ko may sasabihin, pero binawi niya lang ulit ang tingin sa akin.

“The two of you have the lowest ranking. This is an excellent chance to add more points to your low grades,” ani Ma’am, tiningnan isa-isa si Merrie at Aries.

“Kahit hindi man manalo, Ma’am?” si Aries.

Gusto ko siyang pagtawanan. Ang tapang nito mang-asar eh.

“Yes, Arrese. We just need representatives… But of course, I want you both to enjoy and do your best for the sake of our class.”

Nagkatinginan si Merrie at Aries na tinukso pa ng klase.

“List down all the representatives of our section and placed it on my table in the faculty room, including those who will participate in basketball and volleyball…” si Ma’am kay Arcena.

Pagkalabas ni Ma’am, ngumawa na agad si Merrie. Aries seems calm about it. Mukhang tinanggap niya na lang din ang kapalaran niya dahil buong class naman kasi ang magpaparticipate. Silang dalawa lang ni Merrie ang wala pang masalihan.

Kung ganda at talino lang din sana ang labanan, hindi na kasali ang kasarian, pasok na pasok si Arcena bilang Mr. o Ms. Intramurals. Pero ayos na ’yan na hindi siya kasali dahil wala rin akong interes sumali sa ganyan.

Sa sumunod na araw, mas lalo kaming naging abala lahat. Nagpapractice na ang girls na kasali sa cheerdance, ang boys na kasali naman sa dance competition at balak mag-hiphop, kaya ako at si Arcena ang gumagabay kay Aries at Merrie para sa Mr. and Ms. Intramurals.

“Heels?! Tanggalan niyo na lang ako ng paa!” Merrie whined as soon as Arcena showed the heels he brought.

“Three inches lang ’to. Kaya mo ’to,” sabi ni Arcena.

Abala ako sa laptop at sinasagutan ko ang mga posibleng maitatanong sa kanila. S’yempre irereview pa rin ’to ni Arcena. Nasa tabi ko si Aries, at kapwa kami napapatingin sa dalawa.

“Virgin ako, Arcena! Kahit daliri hindi ko pa naipapasok!”

“Gaga!” Arcena giggled. “Itong heels kasi!”

“Ay sorry. Akala ko kung ano…”

Sabay kaming napangiwi ni Aries at ibinalik ang atensyon sa laptop. Sa tagal ko yatang makakasama ang mga ’to, maraming kabastusan akong matututunan.

“Pero masakit ba ’yon? Na-try mo na?” bulong ni Merrie na talagang gusto kong sawayin. Huling ganyang usapin, napahamak ’yang isa.

“Hindi ah. Nagfi-finger ako. Self love…”

Natulala ako sa laptop. Si Aries, patay-malisya na lang din pero alam kong narinig niya rin dahil nasa harap lang namin ang dalawa.

“Turuan mo kaya ako?” At walanghiya talaga itong si Merrisa.

Sabay kami ni Aries na napatingin sa dalawa. Ayos sana kung nagbibiruan, pero sobrang seryoso silang nag-uusap habang abalang hawakan ni Arcena ang kamay ni Merrie para alalayang maglakad sa heels.

“Girlfriend naman kita, eh! Ayos lang,” Merrie smirked, and Arcena only laughed at it.

“Akin na nga ’yang libro. Babatuhin ko si Merrie,” nguso ko sa librong nasa gilid ni Aries.

“Upuan ang ibato mo. Masyadong magaan ang libro.”

The other girls are busy designing the gown Arcena sketched. Suot iyon ng mannequin at unti-unti nang nagkakaroon ng details. Ang ibang boys naman, abala sa pagpapractice kaya umaalingawngaw ang kantang gagamitin nila.

Our classroom has been a mess for so many days, especially during break time and after the class. Napapatawag na rin ako minsan para sa basketball practice, at ramdam ko na alerto na lagi si Kyle sa kilos ko.

Nanonood pa rin si Claudia, pero hindi katulad noon na sinusubukan niya akong kausapin, ngayon, tahimik na lang na titingnan ako.

“Kasali siya sa volleyball, ’di ba?” si Aries nang mapag-usapan din namin iyon sa hapon ng Martes.

Suot ko ang bago niyang bili na salamin at abala ulit ako sa laptop.

“Oo…” wala sa sarili kong sagot at nakita ang pagkatumba ni Merrie dahil natapilok.

Tumigil saglit si Aries para tingnan din iyon. Nasalo siya ni Arcena at tinulungang patayuin.

“Pagtsinelasin mo na lang ’yan, Arcena. Baka maapakan pa ako niyan,” puna ni Aries.

Napaisip tuloy ako sa tanong ni Aries. Kasali nga rin pala si Arcena sa volleyball. Claudia has a beef with him. Arcena is competitive. Baka magkainitan na naman ang dalawa at kasama pa yata sila sa isang team.

“Isipin mo, paano kung i-facial hit ni Arcena si Claudia?” balik ni Aries sa topic namin.

“Claudia isn’t that petty. Hindi niya ’yan gagawin dahil maraming makakakita. Maingat ’yon sa image niya.”

“So pag wala…kaya niyang gawin?” he chuckled.

Hindi naman bayolente si Claudia.

“Competitive lang ’yon,” sabi ko.

“Ah… kaya pala pinag-iinitan niya si Arcena. Eh sobrang competitive din eh. Sa volleyball, MVP rin si Arcena eh. Siya lagi ang dahilan kaya nananalo ang team dahil nilalamon ng score niya ang kalaban.”

“Alam ko ’yan, Aries. Isa ako sa biktima ni Donato,” I said sarcastically.

“So sino ang iche-cheer mo niyan?” Aries smirked.

Nagkasalubong ang kilay ko. “Malamang ang representative ng classroom natin.”

“Sabagay. Sa basketball, teammate mo rin si Kyle. Kung iche-cheer ni Arcena ang buong team…kasali ka na ro’n…at si Kyle.”

Gago ’to, ah?

“Oo, Aries.” Pinisil ko ang balikat niya kaya tiningnan niya ang kamay ko. “Gamitin mo ’yang kadaldalan mo sa event, ah? Pag ikaw hindi nakapagsalita, mabubungal kita pagkatapos ng program. Ako pa ang gumawa ng mga sagot mo.”

Nawala ang ngiti niya at nagseryoso agad, tiningnan ang laptop.

“Kakabisaduhin ko lang naman ’to. Hayaan mo, ic-credit ko rin sa’yo ang sagot ko para may transparency.”

Humalakhak ako at nailing. “Gago ka.”

Sa talent portion kami nahirapang alalayan ang dalawa. Si Merrie, may kaunting pitik pero nasa utak pa yata at wala sa katawan. Si Aries naman, hindi na nga marunong sumayaw, kahit man lang kumanta, pinagdamutan pa. May mga tao talagang nabubuhay na may itsura at humihinga lang.

“Magic marunong ako!” suhestyon ni Merrie na ayaw ko nang seryosohin.

“Actually pwede ’yong gano’n,” Arcena nodded. “Magic na hindi naman talaga magic at comedy lang. Parang ’yon ang center ng performance. Tapos may umaalalay sa’yo na nonchalant lang din, kaya parang mas entertaining kasi ipapakita niyo na hindi kayo nagkakasundo at palpak kayo.”

Woah…

“Galing talaga ng girlfriend ko! Sige, kunwari hihiwain ko ang katawan ni Aries tapos natuluyan ko. Magandang plot twist ’yon. Wala pang nakakagawa no’n!” Merrie uttered happily.

“Sa preso na yata ang bagsak mo, hindi na sa lowest ranking,” ismid ni Aries.

Arcena laughed and caught my reaction. Hindi ko na naitago ang ngisi at pagkamangha. Nagugulat pa rin talaga ako sa takbo ng isip niya.

“Talino talaga…” I said like a proud…rival.

Chapter 15

Interesting

“Isipin mo lang na naglalakad ka sa linya, tapos huwag mong lakihan ang mga hakbang mo. Parang ganito lang…”

I watched how Arcena walked smoothly like he was barefoot. His expression carries an air of confidence, a sudden shift of innocence to danger. His hair was bouncing up with each step in his poker face, like he’s a high-paid professional model.

Kung titingnan mo siya sa isang sulyap lang, parang ang taas ng tingin niya sa sarili niya. O…gano’n ka-lakas ang kumpyansa niya na wala siyang nakikitang makakalamang sa kanya. O makakahila sa kanya pababa.

Or perhaps it was a trick. Like what everyone perceives him. Maybe deep down, he knew he would fall—there’s a chance, but he wanted to make sure only he knew when. And he will remain…on top and unreachable in our eyes.

“Ang galing mo, hala… Nagmomodelo ka rin ba?!” And even Merrie couldn’t keep the amusement to herself as well.

Umiling si Arcena. “May tatanggap kaya sa mukhang ’to?” na idinaan niya agad sa tawa.

Because of his pimples? It can be treated over time. I guess he got so used to the face shaming that he sometimes thinks his pimples make him look ugly. But I think it suits him.

“Meron,” I blurted out, which made them look at me.

Lumingon si Aries sa akin, nahuli akong nakatunganga sa dalawa sa upuan ko, nanonood ng tahimik kanina pa.

“Oh? Nakabisado mo na?” puna ko kay Aries, nilingon agad ito at baka malilingat na naman ang atensyon nito kakaasar sa akin.

He shook his head and looked at the iPad again. Si Arcena, muli nang tinuruan si Merrie, pero pansin ko ang panay ngisi ni Merrie sa akin.

“Lalim ng titig…” bulong ni Aries na patay-malisya ko nang hindi pinansin.

A ring coming from my bag caught my attention. Tiningnan ko iyon at nakitang si Ate. Kahit si Aries, nasilip pa at ibinaba ko lang ang mute sa gilid bago ulit isinara ang bag ko.

Ilang araw ko nang hindi sinasagot ang tawag ni Ate. I told her I am busy with the preparation of our intrams. Tatlong araw din ang itatagal no’n. Pero sa totoo lang, ayaw ko talaga siyang kausap.

I know my family’s way of doing things. Kahit hindi ko naman masyadong iniisip na ma-impluwensya at may kaya talaga kami sa buhay, I am aware of their power because of our wide connection. Kung gusto nilang mapaboran, kayang kaya nila ’yon.

It was maybe the reason why I don’t want their power to fully control me. Ang iba kong mga pinsan, kontrolado ng bawat pamilya namin. Kahit kurso na gusto nila, mas matimbang ang kurso na gusto ng pamilya. At uso rin ang fixed marriage para sa ikakalawak ng connection.

Naniniwala rin kasi si Lolo na swerte ang isang lalaki sa bawat henerasyon, katulad niya at ni Papa, na mga nag-iisang lalaki lagi sa pamilya. My father contributed a lot to the farm, and now, they’re expecting me to continue the family business—to produce another Veniel, another boy, like what my Lolo and my father did.

Naiintindihan ko naman kaya gusto nilang kontrolin ang buhay ko because of our family’s business—the source of income that fed every generation of Veniels. Kahit sila Ate, tingin nila, sa akin nakasalalay ang susunod na henerasyon ng Veniel.

Kaya kapag naiisip ko ang pamilya ko, dalawang bagay lang ang pumapasok sa isip ko. Ibigay ang gusto nila kapalit ng kalayaan ko. O ikulong ang sarili sa gusto nila kapalit ng…ikakatahimik ng lahat.

Kaya kahit may nagugustuhan ka, kung hindi pasado sa standard nila, kung ayaw mong matanggalan ng mana at matakwil sa pamilya, mas mabuting huwag mo na lang panindigan.

Bumalik ang atensyon ko sa rampa ni Merrie. Umingay ang buong gym nang siya agad ang lumabas nang tinawag ang section namin sa mismong unang araw ng Intrams.

“Aristotle! Aristotle!” my classmates, who are also watching, cheered in chorus.

Compared to the other sections, we are fully packed in supporting our classmates. Hindi lang kasi banner ang meron kami, may mga balloons din at picture ng mukha ng mga representatives na iwinawagayway namin.

“That’s my tomboy!” sigaw ng mga lalaki, inangat ang gawa nilang mga banner para kay Merrie.

Biglaang napalitan ng liksi ang mahinhin na rampa ni Merrie kanina dahil sa imaginary dribbles na ginawa. Hindi pa siya nakontento roon at nagawa niya pa talagang ishoot sa imaginary ring at muling rumampa, na parang natandaan niya lang sabay ngiti ulit.

The whole crowd shouted in pure entertainment and laughter. Mariin naman akong napapikit sa hiya habang natatawa. Tang ina. Halos gabihin si Arcena kakaturo riyan pero hindi mo talaga matutuwid ang saltik kay Merrie eh.

The judges in the middle seems entertained as well when they smiled and write something on their notes. Sana naman matino ’yan…

“Next candidate, Claudette Diana Jimenez. Grade 12. Section Herzberg.”

Umingay ulit ang buong gym; halos lalaki ang sumisigaw. Nakihiyaw rin ang mga boys sa class namin pero nang mapagtanto kung sino iyon, agad na nagsitahimik at nilingon ako.

“Uy…si ex…” they teased.

I only crossed my arms. Maganda naman kasi talaga si Claudia; she’s the campus crush as well. Maraming lalaking hibang sa kanya. I just hope…after what happened between us, she finds the right man for her. Because I know she still deserves it.

“Nakamove-on na pala si Veniel…” parinig ng mga kaklase ko.

“Paano ka makakamove-on sa ganyan ka ganda, bro?”

I don’t know, either. Maybe because of the exhaustion from the continuous doubts and cheating allegations, I got drained. Kaya kahit maganda, matalino, kung puro naman duda at nakakasakal na, talagang kakawala ka.

“Na’san na ba sila Arcena?” tanong ko sa boys nang maalalang wala pa rin siya rito.

“Pinagkukuha pa ang ibang banners sa classroom. Susunod din ang mga ’yon,” my classmates assured me.

When it was Aries’ turn to walk, our class roared aggressively. Seryoso ang hakbang ni Aries, halos hindi mo aakalaing siya iyong nerd sa klase dahil hindi siya nakasalamin ngayon, inayos ang buhok paatras, at maayos ang tindig.

“Ang pogi mo naman pala, Arrese! Papirma sa noo!”

I cracked with laughter together with my classmates. We were so hyped up compared to the other section. Kami ang pinakamaingay at magulo. I even took a video of Aries. Gagawin kong pang-asar.

Nang mapansin kong nandito na rin ang girls na mga kaklase namin kasama si Arcena, lumapit agad ako sa pwesto nila, at kahit ang boys, nagsiusog papalapit din sa girls kaya pinaglilingon kami.

“Ano ’yan?” Tiningnan ko ang hawak ni Arcena na banner.

My eyes then dragged back to his face. He looked too prepared because of his makeup. His dotted red pimples are still visible, but they looked like freckles covered in blush nestled on the bridge of his nose and the upper corner of his cheeks. Even his eyes were extra pretty, and his long lashes curved upward, complementing the pink glitters on his eyebrows.

I’d say he looked cute because of the makeup, but he’s definitely not. He’s far from labeled as cute. He has an air of heaven and…hell.

There’s always a duality in his eyes. One that looks innocent and gentle because of his Bambi eyes, and one that looks dangerous and…well, hot because of his piercing gaze.

Mabuti na lang at hindi kayang makipagtitigan sa akin dahil hindi ko rin alam kung…kaya ko bang tagalan iyon. Parang nakakaubos ng lakas.

“Sa dance competition mamaya ng boys. Gusto nila eh,” sabay pakita niya sa kartolina na may littering ng pangalan ng grupo, Bulldogs of Aristotle.

Tiningnan ko rin iyon, hinawakan ang gilid at tumango. Cute naman… Halatang siya ang may gawa dahil sa art style.

“Ikaw ang gumawa?” I asked the obvious.

Kaya pala natagalan pumunta rito.

“Oo. Kasama ang girls…” Saka niya nangingiting tiningnan sa harap si Merrie at Aries.

“And your makeup too?” I pointed out.

He attempted to touch his face, but he held back and dropped his hand.

“Ano namang meron sa makeup ko?” iritado agad siya, parang mali na pansinin ko pa ’yon.

Nabitiwan ko ang cartolina dahil hinila niya na paalis sa kamay ko.

“I mean… you look too prepared. Did you also put on makeup to…” Hindi ko matuloy tuloy ang sinasabi ko dahil kahit alam ko naman na mahilig na siya sa makeup, gusto ko pa ring marinig sa kanya na mali ang iba kong iniisip kahit magagalit siya.

“To attract boys?” He narrowed his eyes on me.

“Kaya nga tinatanong ko para saan din ang makeup mo?” I interrupted calmly.

“Para saan ba ang makeup? Para magmukha akong maganda, presentable, para sa sarili ko,” he explained firmly, his frame fully facing me.

“Ayan naman pala. Ba’t ka biglang nagagalit sa tanong ko?” Idinaan ko sa tawa iyon kahit parang iritado na siya.

“Eh tanong ka nang tanong! Parang pinapalabas mo na nagmimakeup ako para mang-akit ng boys.”

My lips parted. He grunted and mumbled something inaudible.

“And you think it’s your fault if boys get tempted because of your pretty makeup?” Because if that’s how he thinks, then that’s bullshit.

He paused when he suddenly realized it. Or he paused because of the compliment I added.

“You think even if you tempt us with your makeup, we’d be easily tempted? Maaakit lang naman kami kung…kami mismo ang naaakit. Sometimes it’s not even because of the makeup, the clothes you are wearing, or your look. Sometimes there’s no reason at all. We’re easily tempted if…we are attracted to…them.”

“Eh ba’t ka pa nagtatanong?” he asked and looked at the front with furrowed brows.

“Wala lang… I just want to hear your reasons. I told you, nasanay na ako na may…pinagtatalunan tayo lagi.”

He inhaled sharply. He looked so done and triggered. Kailangan yata may sakit ako pag nakikipag-usap ako sa kanya, eh.

“You have no banner for me?” tanong ko ulit nang iyon naman ngayon ang mapansin ko.

Tiningnan niya ulit ang hawak niyang banner. “Meron. May ginawa rin ang girls. Pero sa huling araw pa naman ang basketball kaya hindi na muna dinala—”

“At gawa mo?” I interrogated.

“Hindi. Gawa ng girls…”

I nodded and looked at the ongoing event. Nilingon niya ang mga kaklase naming girls sa tabi niya at nakisali na sa usapan. Tahimik kong pinanood ang nagsisimulang talent portion.

“Marami naman ang gagawa ng banner sa’yo. Kahit meron sa section natin, for sure, bawat section, gagawan ka rin ng mga fangirls mo. Baka nakakalimutan mo, campus crush ka,” Arcena explained a minute later when he noticed my sudden silence.

I snorted. What an excuse. I nodded again. Huwag na makipagtalo at baka ako naman ngayon ang mapikon at magalit. Walang lugar ngayon ang sama ng loob dahil kailangang nakakondisyon ang katawan ko sa basketball sa susunod na mga araw. Ayokong mawala sa kondisyon.

We concentrated on watching the ongoing performance of the other sections to distract myself from negativity. Arcena’s idea will only work if Merrie and Aries will confidently do it. Bukod sa sila ang panghuling magpeperform, nakaka-pressure pa dahil talagang magagaling ang naunang magkapares.

May nag-fire dancing, may nag-acrobatics, meron ding kumanta na nakakapanindig balahibo ang mga boses sa taas, at may sumayaw ng ballroom na parang binabalian na ng buto ang babae. Tapos ’yong pambato namin, humor lang ang baon. Not to mention Claudia and her partner did a ballet performance.

“Nagpustahan pa naman ang dalawa na pag mananalo sila, manlilibre raw si Aries sa isang steak house tapos magpapainom…” sabi ko kay Arcena para kunin ang atensyon niyang natatawang sinasaway ang mga boys na pinanghihinaan na ng loob.

“Talaga? Umiinom pala si Aries? Umiinom ka?” he asked curiously.

I shook my head. “Hindi… Bakit? Umiinom ka ba?”

Umiling siya. “Hindi rin…”

“Edi…kung nanalo ang dalawa, iinom tayo?” At papayag siyang…uminom kami?

Kumurap siya at napaisip. “Pwede naman…”

Pwede naman? Edi…ayos lang? At ano bang iinumin namin? Baka naman juice lang pala at kung ano-ano bigla ang iniisip ko.

“For the next performance, here’s Merrisa Merell and Aries Arrese to represent the section Aristotle…” the MC called, which drove our class to roar like wild animals again.

Merrie walked with a grin on her face. Si Aries, halos poker face at halatang sunud-sunuran lang. The Can Can instrumental boomed, and obviously, it was used for funny magic tricks. When Merrie clumsily pulled out her first trick, parang gusto ko na agad umupo at manliit sa hiya.

The crowd burst out laughing. Even the judges seemed entertained. Sa laki ba naman ng ngiti ni Merrie, nagpeperform na akala mo professional na magician, pero halata na puro palpak naman at ang seryoso pa ni Aries na nagiging biktima na yata, naging entertaining iyon.

“Hala tumawa ’yong seryosong judge! Binayaran ’yan ni Merrie, pustahan!” biro pa ng mga boys sa amin kaya iyon naman ang pinagtawanan ng buong klase namin.

And the more their performance was almost nearing, the wilder the audiences’ laughter turned. Kahit noong papatapos na, tumayo na ang mga judges para pumalakpak, at ang mga nanonood, kinain na ng sigawan at tawanan.

“Hindi ko agad nakilala dahil sa ayos niya. Pero siya ’di ba ’yong troublemaker na laging nahuhuli sa likod ng school? Hindi ko alam na nakakatuwa pala siya,” and even the others were now complimenting Merrie.

“Kaibigan ’yan ni Veniel eh. Pati ’yang lalaki…”

Hindi na ako makaalis alis sa pwesto. Kung hindi ko lang naalala kung anong oras na, saka lang ako umalis para bumili ng makakain.

“Hi, Slade. Bakit hindi ikaw ang sumali sa Mr. Intramurals?” pansin ng mga girls nang mamataan ako sa canteen.

“Hindi ko hilig eh…” Ngiti ko sa kanila.

“Sabagay, wala ka pang sinasalihang kahit ano…”

Hindi naman sa nahihiya ako, pero hindi ko lang talaga naiisip at wala naman kasi akong problema sa grades ko. Hindi ko kailangan ng extra-curricular activities pangdagdag points dahil madalas naman sa class, nakakapagparticipate ako at matataas ang grades sa quizzes kaya mas gusto ko sa basketball lang ang iba kong atensyon.

But if…I were to join a competition, I’d accept it if it’s with…Arcena? Total, lagi namang magkadikit ang pangalan namin sa klase. I’ll join if…he invites me to join. Magandang experience ’yon na lumalaban ako sa lahat kasama siya.

Kasi kung hindi lang din siya ang kapartner ko, huwag na lang. It will be boring. I won’t like it as well.

“Oh… anong oras na.” Ibinigay ko kay Arcena ang binili kong isang C2 na yellow at isang tuna sandwich na pansin kong madalas niyang kainin pagbalik ko sa gym.

Iyon na rin ang binili ko para sa sarili ko dahil masarap din naman.

Nakikipagtawanan pa siya sa mga kaklase namin nang ibigay ko iyon. He took it from my hand slowly.

“Hala nanlilibre ka na pala ngayon! Si Arcena lang?” asar nila Alice.

“Oh, sa inyo na.” Bigay ni Arcena na ikinaangat ng kilay ko.

Bigay ko tapos ibibigay niya sa iba? Inilingan ko ang mga girls para sulsulan na huwag tanggapin kaya umiling din sila. Nilingon ako ni Arcena kaya patay-malisya kong kinagatan ang sandwich ko.

Wala rin naman siyang naging choice at kinain niya rin maya-maya. Nakalimutan na yata dahil masyado siyang tutok sa program.

I don’t really enjoy watching performances. Pero umuugat na ang paa ko rito at ayaw kong umalis. Nadadala na rin ako sa gulo ng mga kaklase ko at gusto ring suportahan ang mga representatives.

Arcena raised the banner as soon as it was my classmates’ turn—the boys at the back. He shouted like how those boys hype him up in every class.

“Ang sasarap niyo!” he shouted crazily.

My brows knit. I was uncomfortable from it.

“Sumayaw lang masarap na?” I chuckled to ruin his overdramatic reaction.

He joined the girls’ wild reactions. Mas lalo niya pang itinaas ang banner. He was so into it that it was an eyesore to watch him behave nimbly for a man.

“Crush ko talaga ang masasarap gumiling!” he yapped to the girls, and they were in a cheerful talk about the performance.

I only snorted. Pitikin ko kaya ’yang pimples niya para mamula lalo ’yang pisngi niya?

Sa ikalawang araw, puro na cheerdance competition. Kasama na namin si Merrie at Aries na nanonood dahil hindi naman kami sumali. Sa theme pa lang ng section namin, kumuha na agad iyon ng pansin dahil sa theme nito. It was Arcena who came up with it, which is inspired by the Silent Hill movie. Patay sindi ang ilaw at nakikita silang nagmamartsa; swabe ang mga galaw kahit paika ika dahil magkakasabay pa rin.

When the music boomed, they all dropped to the ground like corpses. Ang gagaling! The music changed creepily until they all rose up like puppets being pulled up by strings because of their marionette pose. Gano’n ka swabe ang tayong iyon na napatili ang lahat.

“Ang galing mo magchoreograph!” si Merrisa na niyakap na agad si Arcena, tsansing lang yata ang babaeng ’to.

Pero sang-ayon ako na magaling talaga si Arcena dahil buong performance, parang nakanganga na lang ang lahat kung hindi man titili. Bawat segundo, may pasabog kaya mahirap kumurap. Even the judges were not just smiling; their jaws were dropping!

“Grabe ang Aristotle. Pag mga ganitong event talaga nila naangat ulit ang section nila sa mga kalokohan nila dahil nanglalamon din sila sa performance.”

Aside from the cheerdance competition, naging highlight din ang anonymous confession na binabasa sa gym at rinig na rinig sa buong campus dahil sa speaker.

I was used to it. I’ve been used to it since my junior high school. Maraming umaamin sa akin na babae na hanggang doon lang lagi. Kaya nang sunod-sunod na ang pangalan ko, hindi na siya bago sa akin pero…

“Naks! Campus crush talaga siya oh! Nagsend din ako eh! Pero para kay Arcena!” pagmamalaki ni Merrie.

I wonder if…he also sent a confession?

Nasa harap siya ngayon ng cheerdancers. He was talking to them, and he looked so enthralled yapping about something.

“To Veniel again… Pang-fiften na ’to! From Chi. I like you. Secretly.”

I wonder if…those confessions, one of them is from…Arcena? Pero nasa ugali niya ba ’yon? He seems too bold when he likes someone else. I noticed it. Sa paraan ng pagkukuwento niya sa girls, he doesn’t hold back.

Kasi kung hindi siya ganoon sa akin, baka na-iintimidate? Nahihiya? Si Arcena maiintimidate sa akin? It does not even sound right. It sounds unbelievable that Arcena is shy and timid; he’s not.

At bakit ko ba ’yan inaalala lalo na’t bukas na ang basketball game? I’ll take that whole day to prove a point.

“Saan ka galing?” sita ni Merrie kay Aries na kakabalik lang.

“Nagbanyo. Bakit? Gusto mo ba sanang sumama?” Aries asked.

“Oo sana! Tagahawak! Hindi naman mabigat ang bayag mo ’no?”

Natawa ako sa dalawa. Aries jokingly patted my shoulder and wiped it on my t-shirt kaya itinulako palayo. Gago rin, oh!

The third day of the intrams is the most crowded. May mga tagalabas na at balak yatang manood ng basketball lalo na’t malakas at kilalang team din ang makakalaban, which is Jarsdel’s team.

Nauna ang basketball kaysa sa volleyball. Nakikita ko ang mga volleyball players ng school namin na nanonood at naka-varsity uniform na sila.

I bent my left knee, pulled up my left foot, and moved it in a circular motion to start a warm-up. Bagong bili ko pa ang sapatos dahil parang wala akong tiwala ro’n sa isa ko na gamit na gamit na. I don’t want any inconvenience during the game.

“Ipanalo mo, Veniel!” the students cheered.

I laughed at them. At nagsisi pa ako kung ba’t ako natawa dahil mas lumakas lang ang tilian. Wala sa sariling nahanap ko si Arcena. He was in an animated talk with Merrie, and they’re both sitting on the bleachers together with Aries, who’s quietly watching our team—me.

Napansin ko agad ang ayos ni Arcena. He’s wearing black tight shorts and a sleeveless volleyball jersey while crossing his legs. Abala si Merrie na lagyan ng clip ang gilid ng buhok ni Arcena habang patuloy si Arcena sa kanyang maarteng sinasabi.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang naka-shorts lang at bumabalandra ang payat at mahaba niyang mga hita.

Nagsalubong ang kilay ko habang inaalis ang tingin ko roon at inilipat sa leg ko ang warmup. I licked my lips unconsciously. MVP, Ron… MVP.

Naghahalo na ang tunog ng lyres na sumasabay sa malalakas na hampas ng tambol at mga sigawan ng estudyante. Inayos ko ang itim na sweatbands sa ulo para hindi rin sagabal ang buhok ko.

When the visitor’s team was called and they entered to the gym, the whole student shouted ballistically. Sobrang ingay no’n, hindi lang dahil kilala ang team nilang magagaling, pero dahil na rin siguro maraming may itsura sa team nila kaya ang ingay ng tili ng girls.

I looked at my classmates’ side. They’re all screaming as well. Kahit si Merrie, nakikisigaw pero boo iyon at nakataob pa ang hinlalaking daliri, si Aries na tahimik lang, at si Arcena na…nakahalukipkip na ngayon.

My brow arched and pulled my attention back to the team. Napansin ko agad ang pamilyar na si Vallejo. He used to enroll in this school, and he was part of our section, but then days later, he just transferred for no reason.

Seatmate ko kasi siya at nanghiram sa akin ng ballpen. First day na first day walang ballpen. That’s the reason why we talked on the first day of school, so I got to know him a bit.

Nagkatinginan kami. I nodded and smiled at him. His expression remained hard and sharp. I looked at the other players, especially the well-known duo of the team, the star player Jarsdel and…that curly-haired Evander.

“Tangkad ni Jarsdel at Vallejo…mas matangkad pa kay Kyle,” my teammates uttered quietly.

Hindi naman nalalayo ang height namin ni Kyle, pero dahil siya ang MVP ng team, kung may mas matangkad pa sa kanya na player sa kabilang team, parang threat na ’yon.

Obviously, they all looked intimidated by their heights and, well, by those rumors that they’re cruel in courts. Sila ngayon ang nangunguna sa senior high school na mahirap pataubin at zero loss.

When the referee gathered us, holding the ball in the middle while he was narrating the rules and a fair game, my mind was now blank, and I was too focused on my goal—mine alone.

Kaya nang pumito ang referee, maliksi agad ang galaw ng talon ko na kunin ang bola. Jarsdel’s hand joined mine, including Evander’s; their eyes alertly looked at me, so I only smirk when I pushed the ball more to our side.

“Home court, bro…” I said meaningfully before I jogged to our side.

Nagsimula agad ang game habang sumasabog ang hiwayan. My team was carefully guarding Kyle to probably score. When Ryan attempted to pass the ball to him, I snatched it and shot it from where I was standing, but Jarsdel jumped high and smashed it away from the ring.

“Ang bilis niya…” my teammates gasped.

I swallowed hard unbelievably. His massive body dropped back to the ground, and he side-eyed me warningly as he jogged to follow the ball that was now taken by their team.

Kita ko ang lamig at talas sa titig niya na nakaramdam ako ng takot. I’ve never been intimidated by any basketball players, but seeing him play in person gives me chills. His aura has menace.

“You know Jarsdel is not messing around when he doesn’t even want to let the team scores… The first minute of the game is now burning in tension…” ang commentator.

It made the tension thick. Ang ingay na ng mga nanonood at parang hindi ito normal na laro dahil parang pinaparating nila na…matira matibay. Hindi para sa kanila, kundi para sa amin na kakawawain nila.

Mabibilis sila, alisto, at hindi basta bastang nalulusutan. Kyle glared at me. Hayop rin ’to, eh.

“Let me handle the ball,” iritado niyang sabi nang madaanan niya ako. “You know who’s the MVP between us, Veniel.”

Oo nga naman…

Nasa kamay na ngayon ni Jarsdel ang bola. I saw how he swiftly passed the ball when my teammates attempted to defend his offense. I jogged to target the ball he just passed.

Sa sobrang bilis ng pasa ni Jarsdel, halos hangin na lang ang naramdaman ko nang may dumaan sa gilid ko—naunahan ako. Nasulyapan ko pa ang ngisi niya sa akin, kinuha ang bola, at patalon iyong ishinoot sa ring.

“Evander proving that he owns the ball every time Jarsdel passes it! Mukhang pinaglihi yata sa cheetah ang batang ’to at masyadong mabilis gumalaw!”

Ngayon lang ako napikon sa may dimple, ah?

The crowd shouted crazily. My teammates looked at each other and shook their heads. Pinamukha ba namang wala kaming silbi sa mismong home court, talagang nakakapikon.

The rumors aren’t made up. There are rumors about their play because they’re really…unstoppable. Kahit ako, hindi ko nasundan ng tingin ang liksi ng pasa ni Jarsdel at galaw ni Evander.

“Home court, huh…” Jarsdel smirked at me.

Natawa si Evander at nakipag-apir sa kanya. “It’s a home run, bro. I made a shot…” then he winked at me.

I licked my lips. Tang inang mga gago…

Balita ko, nangtatambak daw sila. Kung hinahayaan man nilang maka-score ang kabilang team, madalas daw, dahil nilalaro na lang nila ang huling quarter.

Ngayon, nakikita ko kung bakit kinakatakutan ang team nila. At sa limang minuto, naka-sampong puntos na agad ang team nila.

Nakakainsulto. Parang nagwawarm-up lang ang team namin dahil hindi mahawakan ang bola. Ang hirap kunin sa kanila, lalo na kung si Jarsdel na ang may hawak.

“This is just the first quarter, but the duo is now threatening the entire team! Walang patawad talaga. What a cold introduction…” the commentator said, praising them.

“Even Melendez, an MVP, couldn’t keep up with the duo. Mahirap tapatan ang isa, kaya mas lalong imposibleng madepensahan pag nagsanib-pwersa na ang dalawa. Evander and Jarsdel are both merciless! They don’t give chances!”

Kyle looked frustrated, but I know my expression is the worst.

“Galaw! Galaw!” agresibong palakpak ni coach para kunin ang atensyon namin.

“Boo! Mababaho pa rin pwet niyo! Kay Veniel pa rin ang hihimurin namin!” ang agaw-eksenang sigaw ni Merrie sa bleachers.

I don’t want to look at where Merrie is. Pero dahil sa sigaw niya, nalingat ang tingin ko. I caught Arcena’s crossed arms, critically watching the game; his expression was judging and disappointed.

I tore my eyes off him, and my stomach felt hollow as I jogged like the world is crumbling down and I’m gasping for survival. Pakiramdam ko, nasa gitna ako ng klase at hindi masagot ang tanong niya. It felt embarrassing and…degrading. I feel like a loser. Oo, hindi pa naman tapos ang laro, pero ang pangit sa pakiramdam na…ang baba ko.

Jarsdel’s team passed the ball to him again. Fuck. A nightmare. They’re about to score again. Naging alisto ulit ang team ko dahil hawak na naman ni Jarsdel ang bola at pinalibutan na siya.

I remained close to Evander to guard him. Jarsdel attempted to pass the ball which made my team moved away from him to follow the ball. But Jarsdel didn’t even pass it; he shot it where he was standing!

“A three-point shot coming from Jarsdel smoothly! Oh, he’s a star player for nothing!”

I grunted out of frustration. Akala ko wala nang mas lalala pa ro’n, pero nang mahuli kong tumawa si Arcena nang makapuntos ito, parang may diniing nakasinding sigarilyo sa balat ko.

“Halimaw…” my teammates grunted breathily.

“Tinambakan agad tayo first quarter pa lang…”

“Ang liksi rin ni Evander. Mahirap siya gwardyahan.”

“Dalawa lang yata silang tatapos sa atin. Tapos balita ko, mas halimaw pa raw ’yang Vallejo gumalaw na binangko pa nila sa first quarter.”

Gusto kong matawa. Anong nakakatawa, huh? Now your attention got snatched because…you find my presentation boring? You find me less interesting to watch? Nakakainsulto.

“Ayos ka lang, Veniel? Ba’t ka natatawa? Ang gagaling ba?” sita ni Ryan.

And even my teammates think we’re losers compared to them.

Parang may napalit na panibagong baterya sa akin. Kung kanina ay nanghihina, ngayon, parang nahugot ko ang nakatagong lakas na hindi ko alam kung saan galing.

I got reminded that this isn’t just my team vs. their team. This is my play vs. everyone.

In the final minute of the first quarter, when it was Jarsdel’s turn again to hold the ball, his eyes never wandered to find where Evander was. Evander matches his speed.

Two of my team guarded him and Evander as usual; apat na ang alerto sa kanila para depensahang maka-score ang dalawa. Kaya nang tinapon ulit ni Jarsdel ang bola, sa tagal kong pinanood ang paraan ng pagpasa niya, gumalaw na agad ako.

Evander was ready to catch the ball, but my body completely blocked him, so I caught it instead. Tang ina, ngayon niyo ako hamunin at subukang agawin sa akin!

Evander’s lips parted when he noticed the ball was now on my hand. Before he could even move, I shot the ball where I was standing.

Nang pumasok ang bola, parang may kumawalang alambre sa lalamunan ko. My lips parted in satisfaction.

“Veniel, the first one to score on their team, and it’s a three-point shot! Woah! That was so unexpected! Out of all who attempted, Veniel was the first player to break the duo’s tactic!” the commentator.

My surname… it was mentioned. Ako lang ang nakapuntos sa team namin sa first quarter!

Tumingin agad ako sa bleachers. Nagsisitayuan na ang mga kaklase ko. Merrie was hysterically hugging Arcena and they’re both jumping happily. I jogged while chuckling.

“This is the first time someone has broken the duo’s strategy. Mukhang matinik ’to si Veniel… nanggugulat!” ang commentator.

“He didn’t simply match Evander’s speed, he overtook him!”

Umingay ang buong school at mabibingi pa yata ako sa sigawan ng apelyido ko. I smirked at Jarsdel and Evander, who still looked stunned from my sudden move.

“Unbreakable duo, huh. ’Yun na ’yon?” I taunted back and chuckled teasingly.

Jarsdel’s brow shot up as he panted, his hands resting on the sides of his waist. His team also looked at me, and even Vallejo, who was sitting on the bench, was now staring at me.

Ah…buti naman at nakuha ko rin ang atensyon niyo. Ngayon tayo magyabangan.

“First quarter pa lang. Don’t be too cocky just because you scored once,” one of their team said, may apelyido na Tan.

Humalakhak ako, mas lalong ginanahan mang-asar. “Kaya nga… first quarter pa lang pero nalusutan ko na agad kayo? Galingan niyo lalo sa next quarter, ah? Don’t ruin my high expectation from your undefeated team.”

Now, they all looked provoked.

“He’s interesting…” I heard Evander’s chuckle as I jogged to go to my team.

“Hayop! Saan galing ’yon?!” ang teammates ko na ginulo ang buhok ko at pinagkaguluhan ako.

“May tinatago ka palang galing, eh! Natapatan mo ang bilis ni Evander! Duo ’yon ni Jarsdel!” patuloy nila, ngiting ngiti.

Iritado akong tiningnan ni Kyle, nailing at hindi nakisali sa pagdumog sa akin.

Natawa ako. “Ang yayabang eh. Edi niyabangan ko rin. Para namang hindi rin ako mayabang…”

Chapter 16

Win

“Ronan Slade Veniel! Ronan Slade Veniel!” the school cheered, but my section’s voice overpowered it.

I looked at the bleachers again for motivation. Maingay na sumisigaw si Merrie at hawak ang banner na may mukha ko. I looked at Arcena, and he’s not even holding any banner…

Nairita ako ng kaunti. You cheered for the boys at the back, and you can’t cheer for me?

Second quarter. Mas naging mainit ang laro dahil parang nag-change din ng game plan ang kabilang team. Kung kanina, pansin ko na si Kyle ang target nila na depensahan ang opensa, ngayon, mukhang ako na ang binabantayan.

They probably realized that they’re targeting the wrong enemy.

“And Veniel did it again! Stealing the ball like he owns it. This kid is starting to get greedy! He doesn’t want to share!”

Ang inambahang i-dunk ni Tan na bola, hinampas ko para hindi ma-shoot sa ring. The ball was snatched by Kyle, and he dribbled it to our court, but Evander swiftly took the ball and ran back to their courtside.

“Kumukulit ka, ah? Tryin’ to impress a girlie?” he laughed when I tried blocking his offense.

“Gumagana na ba sayo? Tinatablan ka sa’kin?” I smirked back and got an opportunity to steal the ball.

I heard him chuckle and whistle. Sumugod ang apat sa kanila. I ran and threw the ball to the ring as I stumbled to the floor. Sumabay ang bagsak ko at ang pagkaka-shoot.

“Wow. He trained for this day. Mukhang hinihintay lang ng batang ’to ang araw na ’to.”

“This kid is unstoppable. Nakakahabol na ngayon ang team nila dahil sunod-sunod ang score niya.”

Naituko ko ang mga siko at nakangising tiningnan ang bola na nalaglag na sa sahig. Two of my team offered their hand to help me get up. Sumigaw ulit ang buong school kaya natatawa akong tumingin sa bleachers at nakita kong si Arcena na ang may hawak ng banner ko.

My smirk grew wide. Natatawa akong nag-jog, pinunasan ang pawis sa dulo ng jersey na ikinahiyaw ng lahat, pero hindi matanggal ang atensyon ko sa nakita kanina.

Third quarter. Gusto na akong pagpahingahin ni coach pero pursigido ako. Mukhang ramdam niya rin na ang pinapalaro ng kabilang team ay masasahol na sa court.

“Pinasok nila si Vallejo…” my teammates said concernedly as soon as the game started again.

Nakapamaywang kong nilingon ang pagtayo ni Vallejo, kinausap saglit ng coach, at tinapik ang balikat para papasukin.

His intensity could be felt as soon as he entered like a storm—adding to the darkness of the atmosphere.

Vallejo found my gaze, and he returned it sharply. It wasn’t even friendly; it was a death threat not to get in his way.

The ball was now on my team. Sinubukang ipasa ni Erik ang bola sa akin pero nakuha lang din agad ni Evander. I tried to match his speed to get the ball, but he just threw it over me, and I saw someone’s massive silhouette jump high and dunk the ball to the ring.

Akala ko si Jarsdel, pero nakita ko ang pagbagsak ni Vallejo na parang mabigat na bato—walang pakialam kung sino ang madadaganan.

The crowd cheered loudly. Vallejo side-eyed me coldly when he passed at me like he was threatening me in silence.

Ito na yata ang pinaka-mahirap na laban na napasukan ng team namin. Kyle looked frustrated and mad. Siguro dahil hindi niya halos mahawakan ang bola at hindi ko rin hinahayaan. Bukod sa nakakapuntos na ang iilan kong kasamahan, pero ako na halos ang nakaka-score.

On the fourth quarter, ramdam ko na mas nagkakainitan na. Ang mas malala, kompleto na sa kabilang team. Vallejo, Evander, and Jarsdel were the hardest opponents. Kaya kami halos ang nagkakabanggaan.

When Vallejo attempted to dunk the ball, I tried to defense it, but he slammed half of his body onto me to push me away. Kamuntik pa akong tumalsik palayo sa kanya saka niya i-shinoot ang bola.

The ball missed because of my body’s impact on his. My team immediately got the ball. I heard how Vallejo grunted like a beast roaring for his stolen food and glared at me while sprinting to chase the ball.

Nang muling mapasa sa akin ni Michael ang bola, si Jarsdel, Vallejo, at Evander na ang sumugod para pumigil. Vallejo’s intense gaze looked aggressive, Evander was playfully smirking at me like a threat, and Jarsdel was warningly watching my movement.

I dunked it, and three of them jumped to join me. Tatlong mga malalaking kamay ang sinubukang pigilang ma-shoot ang bola hanggang sa tumalsik iyon palabas nang marahas na nahampas ni Vallejo at tumama pa sa mukha ko.

I grunted and shut my eyes. Doon pa yata ako na-distract. Hindi man lang pumito ang referee at hindi yata nakitang foul iyon sa sobrang intense ng depensa nila.

Vallejo only arched his brow when he noticed I clenched my jaw and jogged to follow the ball again.

“Huwag mo kasing hinaharang ang mukha mo. Talagang tatamaan ’yan sa’kin,” he said coldly.

My jaw clenched, but I smiled back. “Ayos lang, bro.” Tang inang kalbo ’to. Siko ka sa’kin mamaya.

In the last five minutes, I gave my all. Kahit ramdam ko ang pagod, mas pursigido na ako.

“Veniel, another three-point shot! Three consecutive three-point shot in just a minute!”

I dunked, slammed, and even shoved the ball to the ring like my life depended on it, and I am already in survival mode.

“Veniel, tigasin!” I even heard Merrie’s loud cheer, and beside him is Arcena grinning from ear to ear.

Shout for me, please…

I cursed to myself. Gago. Ano ba namang buhay ’to, oh. Nasa gitna ng gyera tapos bigla kang hihiling na sana mapunasan man lang ang dugo mo kahit hindi pa tapos ang laban…

“What a tight score. Dalawang puntos na lang at makakahabol na sila. Veniel’s too driven to score. Even the remaining thirty seconds is on his side…”

There was a break, and our coach gathered us to discuss. Seryoso akong nakinig, nakapamaywang at hinahabol ang hininga ko. Kyle crossed his arms while listening.

“Pass the ball to Veniel,” si coach na minamanduhan na sila. “Kung hindi kayang i-shoot, ipaubaya kay Veniel.”

Kyle’s jaw tightened. Coach tapped my shoulder.

“Two more scores… Lalamang tayo… Concentrate…”

Pagod na ako sa totoo lang. Parang napiga ko na ang natitirang lakas ko. Tuyot na ako kung itutulak ko pa ang sarili ko para lumaban.

I know Jarsdel’s team will only block us from scoring. Kahit hindi sila maka-score, panalo na sila basta galingan lang nila sa depensa. Iyon ang mas mahirap dahil magaling din sila ro’n.

I looked at the bleachers again. Merrie and Aries caught my attention. Merrie’s shamelessly flexing the jersey t-shirt she is wearing until my chest pounded—thrilled to check if…he also wears one.

My lips parted when I saw him wearing the same jersey Merrie and Aries are wearing. Veniel… May Veniel sa…jersey.

“Yes, coach,” I nodded at the coach and licked my lower lip.

They made a customized jersey to support me. And Arcena is wearing it.

Coach clapped at us aggressively and gestured for us to do our best. When the game started, I was immediately targeted. Ang likod ni Vallejo, halos bumangga na sa akin. Sa gilid ko, si Evander na ayaw din akong pakawalan. Pero may ngiti pa sa labi ko kahit na duguan na ang laban.

Kita ko pang iritado si Vallejo dahil nagagawa kong ngumiti, na parang hindi ko sila siniseryoso kahit kabaliktaran ngayon ang nararamdaman ko. I am ten times serious than the usual.

Jarsdel is now holding the ball. Kyle managed to take the ball from him. Kyle glanced at me and noticed I was now open. Kung ipapasa niya sa akin, kaya ko iyong i-shoot. Pero ang gagong ’to, s’yempre gusto ring magpasikat.

When he attempted to score, Vallejo just slammed the ball away from the ring. Ako agad ang tumalon para saluin iyon, gustong i-dunk pabalik pero tumalon lang si Jarsdel at muling dinipensahan ang pagpasok ng bola.

The clock is now ticking down to twenty. Their team got the ball, and they ran it to their court-side. Nakatayo na halos ang lahat.

“I-shoot mo ’yan!” I heard Arcena’s scream.

Gusto mo ba…

Kasi kung oo…

Everything was too fast. I got the ball and ran back to our courtside. Ishoot ko raw. Of course, I will… I will…

5… 4…

Vallejo tried to block it again, his massive body covering me from trying to get to the ring.

3…

Jarsdel and Evander even joined for defense. Tang ina niyong lahat!

2… 1…

It was probably luck I am trying to hold on to when I threw it and wished for the best. The time hit 0… The ball was still on its way to the ring, and I watched it with a muttered prayer.

“And another three-point shot from Veniel!” sigaw ng commentator kasabay ng nakakabinging at ang pagkuyog sa akin ng mga teammates ko.

I was too startled. I couldn’t even move. Nakita ko na pumasok ang bola pero hindi ko iyon halos ma-proseso.

It wasn’t just my teammates who ran to me. Buong section na mga boys, tumakbo papalapit sa akin at nakisali.

Nanalo kami!

Humalakhak ako habang natatanaw si Merrie at Arcena na patalong nagyakapan. Gusto ko sanang tumakbo do’n, sumali, pero masyadong maraming nakapalibot sa akin at pinagkakaguluhan ako.

Masayang masaya si Coach na hindi na yata nawala ang ngiti niya. Panay ang tapik niya sa balikat ko.

May kung sinong bumangga sa balikat ko. Malakas iyon kaya kahit nakangiti pa, sinundan ko ng tingin at nakita ang pag-alis ni Kyle.

“Grabe. Naungusan mo si Kyle. Mukhang ikaw na ngayon ang bagong MVP ah…” ang teammates ko.

“Kaya siguro mainit ang dugo no’n…” si Erik na naiiling.

I only shrugged. Hindi niya siguro inaasahang kaya ko siyang lamangan dahil lang hindi ako masyadong nagpapakitang gilas sa basketball.

Lumapit na agad ako sa mga kaibigan ko pagkatapos. Wala na nga lang do’n si Arcena dahil volleyball naman ang susunod.

“Grabe! Ang halimaw mo tingnan kanina habang naglalaro! Nagbibiro nga kami ni Arcena na tinatayuan kami ng tite sa sobrang angas mo!” Merrie yapped but one thing caught my attention.

“Tinayuan siya?” I chuckled to confirm.

“Biruan lang namin…” pagtatama niya.

Kaya nga. Pero…tinatayuan siya? Sa akin?

Ngayon ko lang din napagtanto na ang makakalaban pala nila ay ang volleyball players pa rin ng school nila Jarsdel.

“Si Athena. Ang galing daw niyan na all-rounder. Campus crush din daw ’yan tapos ex-girlfriend no’ng Evander…” nguso ni Merrie habang umuupo na kami.

Hindi ko nga lang alam ang tinutukoy niyang babae dahil inaadjust ni Arcena ang suot niyang itim na knee pads sa tuhod niya at naroon ang tingin ko.

“Oh…” si Aries na naglahad ng bukas na tubig sa akin.

I took it from his hand without taking my eyes off Arcena. Nakaupo kami sa sahig habang nagpapahinga ako dahil sa ngalay na rin ng mga paa, at tinabihan lang ako nila Merrie.

“Uhaw na uhaw ba, Veniel?” biro ni Merrie.

Napagtanto kong inubos ko pala ang buong tubig. I only smirked at them and looked at Arcena, who straightened up and stretched his arm using his other arm.

I loosely hugged my bent knees, and two of my fingers clasped each other like a lock. Arcena side-eyed me while stretching and he found my eyes looking at his legs, his body arching from preparation.

Hindi ko pa siya napapanood maglaro dahil pag may ganitong volleyball play, madalas, si Claudia ang tinitingnan ko. Ni hindi ko naaalalang…nandoon din pala siya…o kung naaalala man…dahil madalas nasa kanya ang bola.

Nang magsimula sila, siya madalas ang nakakahampas sa bola. He dives, he jumps so high, and he definitely knows when to serve.

“Laki ng ngiti ah?” bangga ni Merrie sa akin.

Wala sa sarili ko siyang nilingon at napagtantong napangiti ako nang dumapa si Arcena para saluin ang bola.

“Ganda ba ni ex?” Aries taunted.

Itong dalawang ’to, ayaw na lang manood ng tahimik at gusto pa akong pakialaman.

Kinawawa ng team ni Arcena ang kabilang team. The other team only scored twice, and the rest was all Arcena’s landslide score. Pakiramdam ko nga, binigyan niya lang ng tsansa na maka-score bago niya kinawawa.

“Naiirita na rin yata si Claudia. Pansin ko panay tingin niya kay Arcena,” Merrie whispered.

Tiningnan ko si Claudia na mukha ngang iritado. Magaling siyang volleyball player pero ngayon ko lang napansin na wala siya sa composure niya. She looks so distracted and lost.

Arcena jogged near us—near Merrie—I immediately took the mineral water she was holding for him.

Bumagal ang pag-jog ni Arcena nang napansing nasa kamay ko na ang tubig. I opened it in one stroke. Hingal pa siya ng kaunti nang tumigil at inilahad ko iyon.

He took it from my hand quietly and chugged it down in front of us. Tumingin ako sa leeg niyang basa, tahimik siyang tinitingala.

Hingal niyang pinunasan ang labing basa gamit ang likod ng kanyang kamay. Kinapkapan ko pa ang sarili pero wala pala akong panyo rito.

“Kita mo ’yong matangkad na babae. ’Yong Athena… ang galing niya humampas,” he yapped to Merrie and pushed his hair back while looking at the other team.

Tiningnan ko ’yong Athena—ang tinutukoy ni Merrie kanina.

“Ganda niya rin. Liit ng mukha. Kinabahan nga ako kanina baka ma-facial hit ko! Ako pa siguro ang luluhod para patawarin ako!” he ranted in a giggle.

Nagkasalubong ang kilay ko.

“Ako na natamaan mo…hindi mo naman ako niluhuran, ah?” I overreacted.

Merrie and Aries’ heads turned to me like a magnet. They both looked stunned. Kahit si Arcena na napapangiti sa pagkukwento, napawi na rin ang ngiti.

“Balik na ako…” muli niyang tingin kay Merrie at Aries, sa kanila rin inilahad ang mineral water pabalik.

Natawa si Merrie, nailing na lang, si Aries naman, mas piniling manahimik.

I took the mineral water from Merrie and chugged down the entire water. Posible ba ’yon? Bigla akong nakuryoso sa naglalaro sa isip ko.

“May mga bading ba na nagiging lalaki ulit dahil nagkakagusto sa babae?” tanong ko kay Merrie.

Napaisip si Merrie. Si Aries, napatingin na rin kay Athena. The girl is indeed pretty and charming. She looked like a high-maintenance model with that porcelain skin and small face. Maliit ang baywang at mahaba ang mga hita kaya agaw-pansin siya sa team.

Not to mention she was also rumored to be Evander’s ex, according to Merrie. Which means she’s straight. Thank God.

“Meron naman. Marami… Pero hindi ko alam kung nagiging straight ba sila ulit? Baka nagiging bisexual siguro?”

“Si Arcena, bading siya, ’di ba?” I confirmed.

Merrie nodded.

“Ibig sabihin, hindi siya nagkakagusto sa babae?”

“Uh…siguro nagkaka-girl crush lang. Parang katulad niyan ni Athena.” Nilingon niya ulit ang babae para tingnan.

My brow shot up. Girl crush. Is that even a normal thing for a gay?

“Normal ba ’yan o…”

“Bakit? Bawal ba dapat siyang magkagusto sa babae kahit bading siya?” si Aries na inaangatan na ako ng kilay.

The game started again. I was watching it, but I am also distracted from our topic.

“Maraming gano’n na bading! May iba nga, nagagandahan talaga at may nangyayari pa sa kanila! Kaya may mga bading na nakakabuntis ng babae kasi naa-attract sila.”

Ngumiwi ako. Hindi ko ma-imagine na makakabuntis si Arcena. O kahit…isiping may babaeng nasa ilalim niya.

At pansin ko, pag tumitingin siya sa kabilang team, malawak agad ang ngiti niya ro’n kay Athena.

“Bagay sila Aries ’no kung sakali mang naging straight si Arcena,” si Merrisa na ipinagsalubong ng kilay ko.

Tanggap ko pa minsan ’yong mga biro niyang girlfriend niya si Arcena eh.

Aries nodded quietly. “Oo rin…”

Then Merrie glanced at me with a playful grin. “Bagay sila ’no kung sakali…”

My brows remained knitted. It was the hardest question I’ve heard in my entire life. Ni hindi ko masagot at parang isa lang ang tama.

“Lalaki ang gusto ni Arcena,” I said, dismissing her sick fantasies.

“Kung sakali nga na straight…” she laughed.

“Eh, hindi naman siya straight?” I answered thickly.

“Hypothetical question, bro. Nasa’n na ba ang talino mo?” si Aries na sumali na rin sa usapan.

I snorted. “In Arcena’s case, there’s only a factual question. He’s gay. Hindi na kailangan ng hypothetical questions dahil hindi naman mangyayari—”

“Hala sige huwag na mag what if! Hirap mo namang kausap!” si Merrie na sumuko agad.

“Hindi gano’n kakitid si Arcena para maging straight agad dahil lang nagagandahan siya sa babae. Siya na rin ang may sabi, hindi mali ang pagiging bading na kailangan mong ituwid,” I elaborated to win the argument and dismiss their nonsense opinion.

Merrie’s lips parted. “Oo na… sige na… hindi na ako magw-what if. Panalo ka na…”

Aries laughed a little. “Oo nga naman…hindi na natutuwid ang mga taong baliko…”

I hated the idea of it. And I knew for sure Arcena was with me on this. Walang baliko ang nagiging straight ulit. Baka mas maniwala pa ako na may mga straight na…nagpapanggap na straight…kaysa sa mga baliko na bumabalik sa pagiging tuwid.

Their game ended, and Arcena’s team won. I saw how he was congratulated by the team, and even the other team approached him.

“Kinausap siya…” si Merrie nang kita naming nilapitan ni Athena.

Arcena looked starstruck, and he seems to be enjoying the topic. Kumunot ang noo ko nang maglabas na ng phone iyong Athena at ibinigay kay Arcena.

“Huwag mong sugurin! Hintayin lang natin!” si Merrie na pinigilan na ako at napagtanto kong gusto ko na palang lumapit.

“Magagalit ’yan sa’yo. Nakikipagkaibigan lang…tapos pupuntahan mo na naman,” si Aries, tila pinapaalala sa akin ang naging alitan namin ni Arcena noong nakaraan.

My brows knitted in frustration. I am not guarding him! I just want to congratulate him! Kung nakikipagkaibigan siya, hindi ko rin naman iyon pagbabawalan! Gusto ko lang talagang lumapit na!

“Hintayin nating matapos,” giit ni Merrie, hinawakan na ako sa braso at gusto akong ipirmi.

I crossed my arms and watched him converse with the girl cutely. He looked too flushed.

“Veniel?” The coach suddenly approached me.

Doon ko napagtanto kung sinong coach iyon. It’s from Jarsdel’s team.

Merrie and Aries quietly looked at him. He smiled at me and handed me a card.

“Our team is open to recruiting another player. We also offer a full scholarship once you join the team. I am also scouting players that have the potential to join PBA. Baka interesado ka…”

I blinked twice and looked at the card with his calling number and name on it. He’s an accredited coach.

“Ah… wala po akong balak magtransfer ng school,” ngiti ko at ibinalik ang calling card sa kanya.

“Oh… Just think about it. No rush. You can still decide until the semester is over…” he said.

Tumango ako sa kanya at ibinulsa na lang ang calling card na hindi niya tinanggap.

“You have potential. You’re good. You should polish it because it will lead you to a better team.”

Better team? Tapos ang mga team ko sila Jarsdel. Patawa rin ’to eh.

“Wow… nabigyan ka ng offer. Lilipat ka?” usisa ni Merrie nang umalis na ang coach.

Umiling agad ako. “Hindi ah. Hindi ako interesado.”

Hindi ko iyon masyadong inisip. Wala rin akong balak na pag-isipan ang offer. Nang mawala si coach sa harap namin at lumapit sa team niya, napansin ko na lumingon si Jarsdel at Evander sa akin. Coach said something to the both of them. Jarsdel then glanced at me and then gestured to Evander until they were now walking toward me.

Mga gago rin. Gusto ko sanang huwag pansinin pero nasa harapan ko na. Ang tagal din naman kasi matapos ni Arcena at kung sino-sino na lang ang kinakausap.

“Veniel…” Jarsdel called.

Merrie and Aries looked intimidated by them. Hinila ni Merrie si Aries at pabulong silang nagpaalam sa akin. I nodded at them.

“Coach told you about…his offer?” he opened up.

Tumango ako. “Yup. Sorry, bro. Not interested.”

“It’s a full scholarship if money is the problem…”

Itinuko ni Evander ang siko niya sa balikat ni Jarsdel at nginitian ako. Compared to Jarsdel, he looked chill and playful. Mukhang ang gago ng dating.

“Don’t you wanna join our team? Seems like you’re beefing with your team…” he chuckled meaningfully.

Kumunot ang noo ko. Napansin niya yata ang angasan namin ni Kyle.

Gusto nila akong isali sa team nila? Kung para kawawain si Kyle papayag ako. Eh paano ko rin sila kakakawawain kung nasa iisang team kami? Huwag na.

Umiling ulit ako, tiningnan si Arcena na nakikipag-usap pa rin kay Athena. Tumingin din si Jarsdel at Evander sa parteng iyon.

“That’s Athena. She’s in our school…”

Tumawa ako. Gago ’tong mga ’to, ah? Anong akala nila sa akin, babaero? Uhaw sa babae?

“Hindi talaga, bro. Nandito kasi ang friends ko. Mahirap mag-adjust sa new environment. Malapit din dito ang unit ko. Ayokong lumipat. Masyado nang hassle,” I explained calmly.

Evander rubbed the side of his pointing finger against his lips while smiling at me. Jarsdel crossed his arms; his expression remained sharp and serious.

“Sayang… We could be an unstoppable trio if you join us. I mean, I don’t wanna play against you anymore. You’re quite a pain in the ass…” he smiled.

Binasa ko ang labi at natawa. “Sakit din kayo sa ulo kalaban pero…kaya naman. Mas…” I looked at Arcena, who waved his hand cutely at Athena. “Mas gusto ko kasi dito…”

Evander glanced at their side again. I gestured to go now. Jarsdel only nodded at me while Evander whispered something to him and laughed.

I jogged toward Arcena. Nilalapitan na rin siya ni Merrie at Aries.

“Ay, hiningi niya lang ang social media account ko para makapaglaro kami next time. Friendly game… Ugh. Ang ganda niya talaga. Ang bango bango niya…” he chanted dreamily while fanning himself using his hands.

“Si Veniel, inaway ako kanina! Sabi ko lang naman what if crush mo si Athena at naging straight ka. Edi bagay sana kayo. Nagalit!” kuwento ni Merrie nang tumigil ako sa harap nila.

Arcena’s brows furrowed, but then he just ignored it and clung to Merrie’s arm. “Gutom na gutom ako…”

“May steakhouse, ’di ba, Aries?” I confirmed.

Aries nodded. “Oo…”

“Huh? Eh mamaya pa ang announcement kung nanalo tayo, ah! Paano kung hindi!” si Merrie.

“Deserve natin mag-celebrate. May dalawa tayong MVP,” ani Aries at ngumisi sa akin.

I put my arm around Aries’ shoulder and smirked back. “At magagaling rumampa. Icelebrate pa rin natin ang performance niyo kahit hindi man kayo manalo.”

Aries nodded slowly. “Sige… Libre mo ba?”

Humalakhak ako. “Sige.”

Nauna ang announcements. Maggagabi na pero sunod-sunod ang sigaw nang matawag ang section namin.

“Best in Dance Competition. Champion. Aristotle!”

“Best in Cheerdance Competition. Champion. Aristotle!”

“Mr. Intramurals. Aries Arrese!”

“Ms. Intramurals. Merrisa Merrel!”

“Best in Talent, Aristotle!”

Everyone clapped and congratulated us. Kahit ang adviser namin, ang lawak ng ngiti dahil tinupad namin ang pangako na manghahakot ng award. Ang cash prize na napanalunan, pinagkasunduang hatiin para kumain sa labas, ang iba, binigay nila sa adviser namin para may pondo pa ang section namin sa susunod na mga sasalihang competition.

It was the best night. Hindi na kami sumama sa iba naming kaklase at nagcelebrate na kaming apat lang.

“Umiinom ka?” Arcena asked Merrie.

Katabi ko siya at nasa harap namin si Aries at Merrie. Si Merrie nga lang ang madalas niyang kinakausap. Pinapansin naman ako pero paminsan minsan nga lang.

Nasa steakhouse na kami. Abalang kumuha ng chopstick si Aries at ginamit iyon.

“Oo ’no! Ako pa. Tagasindi ako ng gin…” pagmamayabang ni Merrie, lasinggerang ’to.

“Bad influence ’yan,” si Aries na kumuha ng isang hiwa ng steak sa wooden board at inilagay sa plato niya.

“Uy… marunong ka mag-chopstick?” puna ni Merrie.

Aries nodded. “Oo. Chinese ang mama ko eh.”

“Ah… Chi…nese…” Merrie uttered slowly, then looked at me as well. “Eh ikaw, Veniel? Marunong ka rin?”

I nodded. “Oo. Pag may bisita sa bahay na mga Chinese ang pamilya ko, nagc-chopstick kaming lahat. Pero wala kaming dugong Chinese.”

“Tara, Merrie. Doon tayo sa street food. Parang di tayo makakarelate,” si Arcena na nagbirong tumayo pa.

“Tara, libre kita ng kwek kwek! Sakto, may singkwenta ako rito…”

“Madali lang naman. Tuturuan kita,” I offered.

“Huwag na ’no. Ba’t ko pa papahirapan ang sarili ko.”

Gusto niya lang yata ’yong sinusubuan siya, eh. Pag sinubuan ko ’yan, sasaksakin ako niyan ng chopstick.

“Ako Aries, turuan mo ako…” si Merrie na ngumiti kay Aries.

“Magkamay ka na lang. Papahirapan mo pa ako,” Aries uttered nonchalantly.

“Pero may lahi kang Chinese kung gano’n? Sabagay mukha ka ngang Chinese. Maputi ka rin…” si Merrie na tinitingnan na si Aries.

“Bakit ikaw, Merrie, wala ka bang lahi?” I asked.

“Meron ’yan. Aswang…” asar ni Aries kaya dalawa kaming nagtawanan.

“Ikaw Arcena. May lahi ka ba? Parang meron ka eh…” tanong ni Merrie at nilagyan ng sauce ang steak ni Arcena.

“Mama ko… Slavic-Latina…”

I licked my lips. “Ah… Latina…”

“Maganda ’yon si Mama. Bobo lang talaga sa pag-ibig,” kibit niya, hindi pinansin ang sinabi ko.

“Mukhang may pinagmanahan ka,” asar ko.

Umirap agad siya sa akin pero hindi sumagot at inabala ang sarili sa pagkain. Ngumuso ako.

Bukod sa steakhouse, ang planong uminom ay itinuloy namin sa unit ko. Hindi nga lang kami makabili ng hard drinks dahil puro kami mga minor at hinahanapan kami ng ID kaya pumili na lang kami ng light drinks. Kahit iyon ay pahirapan pa nga, buti at nakabili kami ng San Mig na flavored drinks.

“Baka sumugod na naman dito si Claudia ah…” si Merrie nang buksan ko ang pinto.

“Hindi ’yon. Umiiwas na rin yata…”

“Nagmomove-on na siguro. Alam mo naman ang girls, pag nakikita nilang hindi na interesado sa kanila, s’yempre kahit masakit, ayaw din nilang ipilit.”

“Based on experience ba ’yan, Merrie?” si Aries habang pumapasok sila sa loob ng unit ko.

Inilapag ko sa mesa ang pinamili namin at doon kami nagpasyang manatili ulit sa sala. Binuksan ko lang ang isang ilaw para medyo dim pa rin.

Kumuha ako ng can opener at pumasok sa kuwarto para kumuha ng hoodie, baka sakaling manlamig na naman si Donato at Merrie.

“Ay pag ako may boyfriend, hindi niya ako ipagpapalit kasi gagalingan ko sa performance… para kahit hindi niya na ako mahal, hindi pa rin siya aalis kasi magaling ako,” rinig ko ang sabi ni Merrie na ikinangiwi ko.

Umupo kami sa carpet ng sala, pinapalibutan ang bilugang mesa. Katabi ko pa rin si Arcena at nasa harap ulit namin ang dalawa.

“’Di ba, Arcena?” At nandamay pa si Merrisa, oh.

“Oo rin…” Arcena smirked at her.

Bumalik sa isip ko ang kuwento niya noon sa girls. Nakakairita at bakit ko pa ’yon narinig.

“Mga virgin pa talaga ang sobrang bastos, ah?” I joined their topic while opening each of our drinks using a can opener.

Binuksan ni Aries ang pulutan naming bucket chicken ng Jollibee. Nag-order din siya ng tatlong large fries na nauna nang kinakain ni Merrie at Arcena.

“Edi ikaw na ang hindi virgin!” Merrie growled at me.

Natawa ako at uminom sa drink ko. Arcena took his own drink and slowly sipped on it too.

“Speaking of…” Merrie then leaned closely to Arcena. She looked curious. “Umamin ka nga… may nangyari ba talaga sa inyo ni Kyle? Sige na… mapagkakatiwalaan mo naman kami.”

“Huwag mo nang kumpirmahin.” Iritado kong saway kay Merrie, at ayokong masira ang gabi namin.

“Sige ganito na lang. I-rate mo ang tite niya,” Merrie demanded eagerly.

I choked from my own drink and cough. Tumingin si Arcena sa akin pero ibinalik din kay Merrie na kuryoso. Aries shook his head and took a bite of the chicken he was holding.

“Uh… Five out of ten?”

I grunted and chugged down my drink again. Tang inang topic ’to. Tite ng hayop na si Kyle.

“Bakit five?! Akala ko three! Kung five…edi five inches siya?!”

Buti naman at lamang pa rin ako. I wanted to smirk but it only escaped on my lips while chugging down my drink again.

“Mahilig ’yan sa 10 inches na akala mo naman may mahahanap siya…” I commented bitterly after putting down my drink.

“Meron naman. Sa kabayo,” Aries answered, and we both laughed.

“Huwag na nating pag-usapan si Kyle. Nakamove-on na ako ro’n. Matagal na,” aniya.

“Hindi na rin MVP. Talagang hindi mo na ’yon matitipuhan,” sabi ko.

“Oo nga. Si Veniel na ang MVP. Edi… pwede nang…si Veniel ang matitipuhan mo?” Merrie grinned.

I quietly chugged down my own drink again. Ngumiwi si Arcena pero pansin ang pigil na ngiti.

“Mukhang ma-rerecruit pa naman ’to. Baka lumipat ’to ng ibang school sa sobrang tampo. Huwag mong awayin,” pabirong banta ni Aries.

“Na-recruit saan?” kuryosong tingin ni Arcena sa’kin.

“Basketball. Tinanggihan ko ang offer. Mas gusto ko sa school natin, eh. Ayos lang kahit magbangasan kami ng mukha ni Kyle.”

Merrie laughed in pure entertainment. Natawa rin si Arcena.

“At nandito rin ang friends ko. Pag lumipat ako ro’n sa kanila, wala naman akong kasundo. Ayaw ko rin do’n kina Jarsdel at Evander. Parang mga babaero. Baka mahawa pa ako,” I said cockily.

“Akala mo naman talaga hindi rin siya babaero,” irap ni Arcena pero may ngiti sa labi.

I tilted my head while smiling. “Hindi ako babaero, ah? Mukha lang dahil friendly. Pero hindi ako mahilig sa ganyan. May mga ate ako,” depensa ko.

At kung mambababae ako, baka naman may rason. Siguro pag nasaktan sa pag-ibig? Pero…gusto ko pa rin namang magseryoso sa ngayon.

“Pero alam niyo…” Merrie started getting serious, her lips stretched into a genuine smile. “Nagpapasalamat ako na naging close tayo. Kayo lang ang rason kaya hindi na ako nakakapag-cutting eh. Ang sarap pala pumasok sa school…”

“Ginawa mo pa talaga kaming rason sa pagiging bulakbol mo,” si Aries.

“Eh tingnan mo nga! Ikaw laging pumasok pero ’yong grado mo, parehas lang sa grado ko! Hindi pa ako halos pumapasok sa lagay na ’to ah!”

Natawa ako pero nagkaroon din ng realizations. May naging ambag din pala kahit paano ang pagpasok ko sa kanila. I…forgot I was brokenhearted. I got a nice distraction to focus on myself.

Kasi kung…wala sila…I don’t even know how I would cope with the heartbreak. Hindi naman sa sobrang sakit ng nangyari sa amin ni Claudia, pero first girlfriend ko rin ’yon.

“Eh ikaw Arcena… masaya ka ba na naging friends mo kami? Sige wag na natin isali si Veniel para hindi masira ang mood mo,” iling ni Merrie na ikinangiwi ko.

Tumawa si Arcena, pero kalaunan, tumango rin. I controlled my smile while watching him talk.

“Oo naman. Kasagsagan ’yon ng issue na…kumalat ang sa amin ni Kyle. Marami ring humusga sa’kin no’n sa classroom natin. Ang hirap na nga minsan makipag-usap kasi parang iba na ang tingin sa’yo. Parang ang dumi mo bigla.”

“Tsss. Everyone has dirt. Some are just too good at hiding it,” sabi ko.

Tumingin si Arcena sa akin, pero ibinalik din ang atensyon kay Merrie.

“Kaya huwag ka na ro’n kay Kyle. Marami pa riyan sa tabi-tabi ang nababaliw sa’yo. Ayaw lang umamin,” ani Aries.

My brow arched. Merrie looked at Aries and laughed meaningfully.

“Eh ikaw nerd, noong naging close ka kay Veniel—sa amin, anong nagbago?”

We looked at Aries this time. He looked at me.

“Wala nang nanunukso dahil close raw ako kay Veniel…”

I snorted. “Ang babaw naman nila.”

“Kaya Veniel, wag mo iwan si Aries, ah? Kawawa ’yan kung sakali,” halakhak ni Merrie.

“Ba’t ko ’yan iiwan? Magiging roommates pa tayo, ’di ba?” I smirked at him.

He nodded and munched his chicken joy.

“Walang titibag sa apat na tigasing tite kasi sasalsalin natin ang isa’t isa—este sandalan natin ang isa’t isa!” si Merrie na gusto ko nang sakalin din talaga.

May 10 percent alcohol ang iniinom namin. Kaya nang nakakadalawang bote na kaming lahat, parang natatamaan na yata. I’m a bit tipsy, but not drunk enough not to know what I am doing.

Namumula na si Aries, si Merrie, mas lumalakas na ang halakhak, at nagiging ligalig na rin si Arcena. Ang dalawa, hindi na matigil kakatopic ng bastos habang kami ni Aries, nakikinig minsan, pero nandidiri talaga kami.

“Excited nga ako sa future boyfriend ko. Sana kawawain niya ako sa kama…” Arcena said dreamily.

“Wala pa nga akong first kiss. Pwede kaya ’yon sa friends muna? Ikaw na lang,” si Merrie na nilapit pa ang mukha niya.

I pushed her face away from Arcena alertly. Nagulat si Arcena, at kahit si Merrie ay napaupo ulit dahil ang lakas pala ng pagkakatulak ko.

“Ano ba kayo? Tigilan niyo nga ’yan,” saway ko dahil hindi naman lasing ang mga ’to para magkalat.

“Wala akong first kiss! Si Arcena na lang kasi girlfriend ko naman siya! Ayos lang sa kanya,” Merrie argued and attempted to lean closer again.

“Kaibigan tapos hahalikan mo?” I snorted and glared at Merrie.

“Eh bakit? Bawal ba ’yon? Gano’n ’yon eh! Friends tayo kaya ayos lang maghalikan kasi mahal natin ang isa’t isa! Walang malisya do’n! ’Di ba, Aries?”

I looked at Aries, who slowly nodded. Merrie looked at Arcena too.

“’Di ba? Walang malisya kahit hinalikan mo kami ni Aries? O halikan ka namin ni Aries!”

Arcena nodded. “Oo. Kung kiss sa pisngi.”

My face heated. I don’t like it. It doesn’t sound morally right to me.

“Sige nga, kiss nga…” Merrie leaned closer again to prove a point.

Arcena leaned closer and planted a soft kiss on Merrie’s cheek. I grunted on my seat. Nababaliw na sila. At mas lalong nababaliw na ako dahil talagang naiirita ako sa biruin nila.

“Si Aries! I-kiss mo rin!” Merrie pointed at Aries and pulled his arm to coax him forward.

Aries leaned closer like a robot. Palaban ding nilapit ni Arcena ang sarili niya kay Aries at dinampian ng halik si Aries sa pisngi. I gritted my teeth and chugged down my drink.

“Ayan, di ba! Walang malisya! Sige… si Veniel naman!” Merrie announced excitedly.

My irritation suddenly vanished. Kumalma ako at marahang ibinaba ang bote ng iniinom kong flavored San Mig. Kung…halikan lang naman sa pisngi, oo rin…wala namang kaso. Ayos lang din sa akin.

“Ba’t pa siya kasali?” Arcena shook his head.

“Then I am not a friend?” I arched my brow.

“Akala ko ba hindi ka suportado sa mga kaibigang naghahalikan?” he argued back.

I looked at his pinkish lips, then I dragged my attention back to his eyes. He noticed it and he bit his lower lip consciously.

“You kissed them, which means… you should kiss me, too…” I said hoarsely.

Bakit ko nga naman palalampasin, ’di ba? Parte ako ng grupo kaya dapat lang…halikan niya rin ako… sa pisngi.

“MVP pa naman ’yan… Deserve niyan ng halik sa kaibigan niya,” Aries playfully added.

I snorted and rolled my eyes, but the cocky smile lingered on my lips. I already have the title he wants in men. Kaya tama si…Aries. I deserve it too.

“Sige na. Halikan mo na rin si Veniel…” udyok ni Merrie.

In my peripheral vision, I saw him lean closer to target my cheek, just like how he kissed them. My body froze, but my mind was screaming internally.

Merrie covered her mouth to stop herself from screaming. Aries watched while chugging down his drink. I was anticipating his lips on my cheeks, but…

I slightly glanced at him for a better angle. Instead of kissing me on the cheek, I felt his soft lips slightly brush the side of my lips because of my sudden move.

Nagulat siya. Kahit ako, nagulat din. His eyes widened while my lips parted in shock. Ang dalawa sa harap namin, para ring nakakita ng multo.

“Hala… teka nag kiss sila sa lips? Tumama sa lips?!” Merrie asked and jolted on her seat.

“Friends daw ’yan…” Aries murmured.

“Bakit ka lumingon?!” Arcena shouted; his face was now pure red.

“Akala ko hindi mo itutuloy,” I said hoarsely and licked my lips, caressing my nape.

He grunted. “Sa pisngi dapat eh!”

I tapped my cheek using my pointing finger. “Then… do it again? I promise I won’t move this time.”

He punched my bicep and cracked a laugh. I licked my lips and chuckled too. Wala ’to…

“Naiihi ako teka… Aries, nasaan nga ’yong banyo? Ihatid mo ako…” si Merrie na tumayo at hinila na rin patayo si Aries.

Aries stood up boredly. “Para banyo lang, magpapasama ka pa.”

We watched the two disappear from our sight, and then I gave my full attention back to him. Akala niya siguro makakatakas siya, huh? Hindi pa kami tapos.

“Sige na. Isa pa…” I challenged.

“Baliw ka ba?!” Arcena pushed me while laughing.

“Ayaw mo lang eh. Hindi siguro kaibigan ang tingin mo sa akin…” natatawa kong sabi at sinalo ang kamay niyang itinutulak ako.

“Edi gusto mong maging kaibigan ko? Akala ko ba rivals tayo?” He smirked at me.

“Tell me who’s your new crush and I will shut up,” hamon ko.

He inhaled and shut his eyes.

“O… makipagtitigan ka na lang sa akin…” I challenged.

He looked at me fiercely. “Sige…”

Tingnan mo na. Mas gusto pang makipagtitigan kaysa umamin kung sino ang crush niya. Baka naman kasi ako?

I leaned closer to prove a point. He swallowed a little, but then he crossed his arms and looked at me competitively.

“Pag inalis mo ang tingin mo…may gusto ka sa akin,” banta ko habang nangingiti.

He licked his lips, chuckled a bit and nodded. “Sige…”

I rested my forearm on the side of the table. I looked at him willingly, like an abstract art I am trying to memorize.

“Palaban ah…” I chuckled hoarsely, wanting to caress my nose on his but I couldn’t.

He swallowed hard again, his eyes wanting to get away from my own gaze, but he held it back.

“Ang daya. Huwag kang tumawa…” namamaos niyang sabi.

“Bakit?” I chuckled playfully and held his elbow.

He grunted, lips forming into a smile while he looked frustrated.

“Wala lang… Dinadaya mo eh…” nangingiti niyang sabi at inalis ang kamay ko sa siko niya.

“Dinadaya ba kita? Titigan pa rin naman ’to ah?” I said in a rasp and pinched my lower lip instead.

“Titigan ba ’yan? Nang aakit ka eh.” Iritado niyang kinuha paalis ang kamay ko sa labi ko.

I barked a laugh. “Naaakit ka siguro.”

Siya naman ngayon ang humalakhak. His face was so close to me that his hot breath brushed against my face. He smells like citrus and a powdery scent.

“Hindi ako naaakit,” he defended.

I arched my brow and stifled a smile. His brows furrowed, and he looked so lost from maintaining eye contact.

“Wala na. Talo na. Natatablan sa’kin…” I tilted my head and whispered it in a chuckle.

Umiling siya, palaban akong tinitingnan. Pero sa tuwing sinusubukan niyang tagalan, pansin ko na hirap na hirap siya. Tila napapaso, pero dahil kailangan niya ng init dahil sa lamig ng panahon, handang labanan ang init.

“Baka ikaw…” namamaos niyang bulong.

I could vividly see a different position of us in my mind, but I set it aside. I want to focus on our reality.

“Baka ako nga?” I whispered back.

His eyes twitched. His breath was heavy. He looked torn. My eyes looked at his lips. He sighed and leaned backward, but I was eager to play the game. I moved forward to chase him until his hand alertly rested on my chest.

I swallowed hard and stopped. My breath mirrored his, and I realized we were both…panting for air. He looked too dizzy to even maintain his eye contact, and I realized…he had already lost.

But I don’t care who wins here. If he loses, then I’ll dig down underneath him—to lose too. Para… siya pa rin sa itaas at…ako ang nasa ibaba niya.

“Anong gagawin mo?” he asked, his face looking flushed. “Titigan lang ah… Ang daya…” halos pigil hininga niya iyong isininghap.

Anong…gagawin ko? Ano ba dapat? Hindi ko rin alam.

I wanted to blame it on the drink, but it wasn’t even a hard drink. Gusto kong sabihing lasing lang…pero saan? Sa kanya? Sa labi niya? Kasi kung oo, talagang sampal ang abot ko.

I am not drunk enough to realize I almost attempted to…kiss him. But the eagerness in his eyes suggests that if I lean closer again, he will allow me to score—and win.

“Ayos lang naman siguro…masampal?” I said meaningfully and captured his hand resting on my chest.

His eyes widened in disbelief. He looked more flushed this time. Kumurap ako at napagtantong…hindi iyon pwede. O kahit gusto niya…hindi pa rin pwede.

Kaso naisip ko…gusto ko rin namang masampal. I like the thought of it. I like the thought of his handprint all over my cheek. It’s like a tattoo I am proud to wear because he’s the artist behind it.

“Kung…hindi mo ako kayang halikan sa pisngi, ako na lang ang hahalik sa’yo…” I bargained dizzily.

At kahit dito man lang sana, pagbigyan niya akong manalo…

Chapter 17

Together

“Ayos lang…” he whispered eagerly.

My eyes widened this time. Ayos lang? Ayos lang na…halikan ko siya? Ayos lang na lumagpas ako?

My heart was hammering frantically. I was too excited, and I felt like my chest had a ticking time bomb buried deep—ready to explode.

“Ayos lang?” I echoed hoarsely and leaned closer again.

He swallowed hard. His gaze was unsteady. He was…anticipating it, too.

My eyes wandered on his face. I was looking for a better angle. Something safe… something unsuspected… something…friendly. But my mind was screaming to target something greedy…

“Sa pisngi ba ’yan?” And it seems like he was curious, too.

“Diyan mo ba gusto?” I croaked.

He swallowed hard again; his eyes softened.

“Ikaw…kung saan…” he said in a gasp.

Kinilabutan ako sa boses niya. Kung saan… Then…

I tilted my head, and my eyes fluttered to close, but I don’t want to miss his reaction. I want to witness it.

His lips parted when he saw my lips nearing his. He knew… and he…is willing to welcome me.

But before I could even kiss him, a sudden crash of glass made our bodies jolt in shock. Para siyang natauhan at naitulak ako palayo habang wala sa sarili akong nakatingin sa gulat niyang ekspresyon.

“Ano ’yon?” he panicked and stood up.

My brows furrowed as I pulled myself up and followed him too. I pinched my lower lip unconsciously.

“Anong nangyari?” tanong ni Arcena sa dalawa.

Pumasok si Arcena sa loob ng banyo lalo na’t may pinupulot nang basag si Merrie at Aries. Nabasag nila ang vase ko na nasa sink lang…nasa gilid ng lababo.

I leaned against the side of the doorway and pinched my lower lip more. Kung…mamaya ba…papayag pa rin siya? O…hindi na?

“Nahulog ko. Sorry, Veniel… Nananalamin kasi ako tapos nasagi ko,” depensa ni Merrie kahit tuliro pa ako.

I shook my head unconsciously. “Ayos lang.”

Aries looked at me, then he pulled his attention back to the broken vase scattered on the floor.

“Meron ka bang dustpan? Pakuha nga ako,” si Arcena na tiningala ako, naabutan akong pinipisil ang pang-ibabang labi.

“Okay…” I nodded.

Wala sa sarili akong naglakad patungo sa maliit na storage room kung saan ko nilalagay ang mga panglinis. Kinuha ko ang vacuum at bumalik na sa banyo.

“Dustpan! Hindi vacuum!” Arcena snapped when I handed it.

“Ah… dustpan… Oo meron. Teka…” Saka ako bumalik ulit sa storage room.

Dustpan… Dustpan… I was searching for it until I realized it was just in front of me. Kinuha ko iyon ulit at bumalik na.

Apat na kaming pinupulot ang mga babasaging nagkapira piraso sa sahig. Hindi naman nasugatan si Merrie, pero alalang alala siya at baka mamahalin daw.

“Nananalamin kasi talaga ako tapos nasagi ng kamay ko habang inaayos ko ang buhok ko,” paliwanag ulit ni Merrie, hindi na halos makatingin sa amin.

“Ayos lang. Hindi naman ’to mamahalin. Pagmamay-ari nga lang ’to ng namatay ko na Lola. Siguro pag nagparamdam, humingi ka na lang ng tawad,” seryosong biro ko na ikinalaki ng tingin ni Merrie.

She glared at Aries for some reason, then blinked twice and cursed breathily. Tumawa ako sa kanya.

Ni wala nga akong pakialam doon, o kahit napasabog niya pa ang buong banyo ko. My only concern was…the almost…kiss.

Sa huli, doon namin napagtantong gabing gabi na. Gusto ko pa sanang sumama na ihatid sila pero ayaw na rin ng tatlo dahil babalik pa ulit si Aries dito para ihatid ako. Ayos lang naman kay Aries pero napagtanto kong hassle na rin.

Kung hindi lang din tumawag si Ate sa gabing iyon, hindi ako makakatulog siguro.

Naging normal naman ang sumunod na mga araw. Iyon nga lang, bumabagabag lagi sa isip ko iyong naudlot na…halikan. I mean, he probably thinks I don’t want it anymore? He didn’t know I wanted a rematch.

Arcena looked unbothered, or he doesn’t want to remember it anymore. Napapatingin ako sa kanya paminsan minsan tuwing class hour, at balik na ulit siya sa usual niyang student mode na may sariling mundo.

I wanted to ask him about that night, if he thinks of it too, but I guess it’s too much.

Mabilis ang pasok ng December. Umuwi ako sa amin sa Bukidnon para magcelebrate ng Christmas.

Ronan Slade: Anong pasalubong gusto niyo? Except for durian hahaha mangangamoy sa bagahe ko.

Merrisa Merrel: ’Yong kasingsarap mo?

I smirked. Ganito magbiro si Arcena eh. Kaso pansin ko, hindi na siya masyadong nagbibiro ng mga bastos…o…ayaw niyang isipin ko na…binabastos niya ako?

Ayos lang naman sa akin…kung gano’n talaga ang humor niya. Basta…sa akin lang. Kasi malay natin, pag ginawa niya sa iba, mabastusan. Eh ako…ayos lang sa akin. Komportable ako.

Aries Arrese: Masarap ba ang durian? May durian flavored candies ba kayo?

Ronan Slade: Gusto mo, Aries? Dadalhan kita

Aries Arrese: Kahit ano lang, bro. Kakainin ko naman lahat hahahaha

Merrisa Merrell: @Arcena pasalubong daw sabi ni Veniel.

Arcena immediately entered the chat room. Ngumuso ako nang makitang typing na siya.

Rafiel Arcena: Kahit ano rin :)

Ngumuso ako lalo. Kahit ano? Ako ang bahala? I chuckled and licked my lips, but before I could even type a reply, someone just snatched my phone from me.

“Ate!” Napatayo ako nang kinuha iyon ni Ate sa akin, kahit ngisi ko napawi.

She glared at me and pushed me back to the sofa. Ibinagsak ko ulit ang sarili sa sofa at napaungol sa inis.

“Akin na, Ate…” I said, grunting.

“Kung makangiti ka… sino na naman ’to?”

She read the conversation seriously, like she was trying to find any illegal activities there.

“Mga kaibigan ko lang ’yan,” giit ko, gustong tumayo at gamitin ang katangkaran ko para takutin siya, but I know it’s not enough to stop her.

Nang wala siyang makita roon, inilahad niya sa akin ang phone ko at nagbabanta ang tingin.

“May kasalanan ka pa sa akin. Akala mo nakakalimutan ko na ang kalokohan mong pinagtakpan ko?” She looked at me intently as I snatched my phone from her hand.

She poked her pointing finger at my forehead and pushed me back to the sofa. Bumalik ako sa pagkakasandal doon, seryosong ngumuso.

In-off ko agad ang phone ko at humalukipkip sa sofa. Nasa harap ko siya, nakapamaywang sa 5’4 niyang height. Matatawa sana ako dahil naalala ko si Merrie pero parang masasampal na ako ni Ate pag ngumisi pa ako.

“Hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko. Isang kalokohan pa, Slade…” banta niya.

I lazily rested my head against the headboard of the sofa and crossed my arms. Tinampal niya ang hita kong nakaparte.

“Alam mong pag nalaman ito ni Mama…” she hissed to scare me more.

I snorted and rolled my eyes. “Kaya huwag na kayong magtaka kung balang araw…nilayasan ko kayo…” I murmured bitterly.

“Ano?” She leaned down, scaring me more.

I shook my head boredly. Umiling na lang dahil kahit anong panlalaban ko, palalakihin lang ’yan lalo ni Ate.

My mother entered the sala wearing a big cap and her glamorous outfit. Nakasunod sa kanya ang driver at dalawang kasambahay na dala ang mga groceries. They’re now preparing for Noche Buena.

“Oh… anong nangyayari?” tanong ni Mama nang makitang bagot akong nakahiga sa sofa.

“Ah wala, Mama…” Ate forced a smile.

Tumayo ako at dinukot sa bulsa ang susi ng kotse ko. “Stroll lang ako…”

“Aalis ka pa, Slade? Huwag ka nang umalis. Pupunta rito mamaya ang mga Acosta…” si Mama na sinundan ako ng tingin, hinaplos ang pisngi ko nang dumaan ako sa tabi niya.

I only passed at her and waved the hand where I was clutching the key of my car.

“Inaway mo ba?” rinig ko ang tanong ni Mama kay Ate.

“Hindi, Mama… Kinausap ko lang,” si Ate na humihina na ang boses sa pandinig ko nang pumasok ako nang tuluyan sa malaki naming garahe.

Nilapitan ko ang puti kong Raptor at medyo napangiti na rin. I tapped its head.

“Kung kaya lang kitang dalhin sa Manila…” kausap ko. “Kaso…itim ka dapat.”

Lumabas si Ate at kita kong sumunod, papalapit na rito. I entered the driver’s seat and closed the door. Tumigil si Ate at namaywang na tiningnan ang pagpapaandar ko.

She crossed her arms and watched me intently. I beeped to summon out the other maids. Ang family driver ang bumukas ng gate. Inilabas ko ang kotse ko sa bahay namin at nagpasyang pumunta na muna sa Cagayan.

Sanay naman na ako sa higpit nila, pero may mga araw na talagang nasasakal ako. I know they’re overprotective, but I hate it when I’m being too caged. Para namang hindi ako bulbulin sa lagay na ’to kung pakialaman nila.

I blasted some songs in my playlist. Do You Mind by DJ Khalid started playing. My head smoothly vibed with it, and I maneuvered the car to the left side of the road.

“I’m just tryna get to know ya… Get a little closer, maybe post up… Do you mind? Do you mind? Do you mind?” kanta ko, medyo napangiti.

Ayos lang daw… I chuckled and pinched my lower lip, my other hand smoothly holding the steering wheel.

Nakakagigil din eh. Sayang at…hindi natuloy ang friendly kiss.

Mga gabi na ako nakabalik at puno na rin ng bisita ang bahay namin. Sa nakahilerang mamahaling kotse sa garahe, alam ko agad na hindi lang mga pinsan ko ang nandito, may mga kilala ring pamilya na taga-Bukidnon.

I’m used to it. Ang madalas kong kausap ay si Kenj, pinsan kong half Japanese na ka-edad ko lang din. May mga girls din akong pinsan at kami lang dalawa ang lalaki kaya mas nagkakaintindihan kami.

“She found out?” halakhak niya nang sinabi kong nalaman ni Ate na may girlfriend ako sa City.

Natatawa akong tumango habang nasa labas kami, nakatambay sa pool area, at okyupado niya ang kabilang lounger. Naririnig dito ang ingay nila Ate sa loob, at naliligo rin ang iilan naming babaeng mga pinsan sa malaking pool.

I sipped on my Red Bull and smirked. “Hiwalay na kami…”

“Oh… may bago ba siya o…ikaw?”

I snorted and sipped on my drink again. Pero nagtagal sa isip ko ang huli niyang sinabi. Inunan ni Kenj ang ulo sa mga kamay at tinanaw ang mga pinsan naming girls.

“Naranasan mo na ba ’yong…” I looked at him, but my words trailed off.

“Mm?” Si Kenj na dinala ang tingin sa akin, kuryoso.

Binasa ko ang labi, tiningnan ulit ang mga pinsang babae, saka nailing at sumimsim sa inumin.

“You got a new chic?”

Natulala ako saglit, nakaparte ang labi para mangapa ng salita saka muling tumingin sa kanya. “Alam mo ’yong…gusto mo…pero ayaw mo…kasi…nakakasama?”

Ngumiwi siya. “Bro, you know how much our family hates drugs… You tried it? Ayos lang naman kung sinubukan mo dahil curious ka. Pero huwag kang malulong—”

“Gago!” Sinipa ko ang lounger niya kaya umalog siya ng kaunti at natatawa akong uminom ulit. “Hindi ako nagdodroga.”

“Edi ano ba ’yan?” Mas kumunot ang noo niya, nasa akin na ang buong atensyon. “Babae ba? Nasa iba? Ginawa kang kabit?”

Umiling ako, gustong magsalita, pero hindi ko alam paano sasabihin. Kaya huwag na.

“Manila is really something else. Ang liberated din ng mga tao riyan eh. Kung babae ’yan at ginawa kang kabit, know your worth, bro,” patuloy niya, na parang ’yon na ’yong pinoproblema ko.

Natahimik ako, natutulala. Ngumuso pa nang may maalala habang si Kenj sa tabi ko, para nang baliw kakabigay ng advice.

“May picture ka? Patingin nga…” Umahon pa siya sa lounger at humarap sa akin para ipakitang kuryoso siya.

I pulled my phone out of my pocket. Binuksan ko ang gallery ko nang may maalalang picture na s-in-ave ko. I showed it to him.

He leaned forward and looked at the screen of my phone. His brows shot up interestingly.

“Black haired. May lahi ba ’to? Ang ganda, ah?” Gusto niyang kunin ang phone sa kamay ko pero hinigpitan ko ang hawak.

“Meron. Latina yata,” I said, gripping my phone selfishly.

He nodded and smirked at me. “Baka nabuntis mo ’to, ah? Kaya problemado ka diyan…”

Humalakhak ako. Kung nabuntis ko, edi hindi ba’t pabor ’yon sa’kin kasi matatali ko na sa akin? Kaso kawawa kaming dalawa dahil sa putikan kami pupulutin. Kung…papayag siyang manirahan ng simple at magtatrabaho ako…ayos na siguro ’yon pero alam kong hindi ako makokontento sa ganoong buhay para sa aming dalawa.

Kaya mabuti na lang at imposible ang lahat ng ’yan. Kawawa kami.

Kenj nodded while staring at the photo. Iritado kong inilayo sa kanya dahil tumatagal na ang tingin niya. He smirked at me.

“You bagged a baddie… Dalhin mo rito.”

“Magkakagulo,” I chuckled.

“Sabagay, ayaw pa nila Tita Flora na may girlfriend ka, eh. May iba rin yata silang gusto sa’yo.” Saka niya muling inunan ang mga kamay.

“Bahala sila. Lalayasan ko na lang ang mga ’yan para tumigil diyan sa kalokohan nila,” I said and put my hand at the back of my head.

He laughed at me, but he only shook his head. Alam ni Kenj na sa aming lahat, ako ang matigas ang ulo. Or maybe my family just couldn’t say no to me sometimes. I am spoiled.

I don’t usually follow traditions, and I have my own decisions. Kaya nga gulat sila na nakaya kong sa Maynila mag-aral kaysa ang sumama kina Ate Yna at Papa sa L.A.

Kumpara sa aming lahat, ako ang hindi takot o nasisindak sa tradisyon o rules ng pamilya ko. Minsan kasi, iniisip ko na paluluguran din naman ako nila Mama, kahit sila Ate. Na ibibigay pa rin nila ang gusto ko pag pinilit ko sila, o ipinakita ko na iyon ang mas gusto ko.

“Eh si Ate Yna. Kumusta raw ang therapies niya?” bigla niyang tanong.

The guilt immediately crept in. “Ayos naman…” mahina kong sabi, natulala ulit.

He nodded worriedly. “Gago rin talaga ’yon eh. Buti nakakulong na. Maswerte nga siya at mapoprotektahan siya ng rehas dahil kung nasa labas ’yan…kawawa ’yan…”

Tahimik akong nakinig, mas nag-alala.

Binuksan ko tuloy ang GC para bumati ng Merry Christmas. Nagsesend na si Merrie ng video niya na nagbubukas ng regalo at ang laman ay takip ng kaldero; mukhang pinagtripan yata siya. Si Aries, fireworks ang s-in-end, at mukhang sa ibang bansa sila nagcelebrate. si Arcena naman, kasama ang Papa niya at nakangiti siya habang hawak ang cake na may Merry Christmas.

I clicked my gallery and sent a photo. Picture namin ’yon kanina, kasama ang mga naka-bikini kong pinsan, nakasiksik sa lounger namin ni Kenj at nakalabas ang mga dila namin.

Ronan Slade: Merry Christmas!

Nagseen agad silang tatlo.

Merrisa Merrel: Hayop na mga mukha ’yan. Wala bang least favorite si Lord sa inyo at ang perpekto niyo lahat?

Rafiel Arcena: Chinese ba ’yang nakaitim?

Napawi ang ngiti ko. Si Kenj. Dapat pala solo picture na lang o cropped photo ang s-in-end ko, ’yong wala ang Hapon.

Ronan Slade: May anak na ’yan. Lima. Puro mga panganay dahil iba iba ang mga nanay.

Si Kenj na natawa sa gilid ko, mukhang may tinitingnan sa phone niya, tinapik ko ang pisngi. Nagulat siya at napawi ang ngiti at kumunot ang noo sa akin.

“May lamok…” sabi ko kahit wala naman talaga.

Ibinalik niya ang atensyon sa phone niya at tumawa ulit. Gusto ko pa sanang sampalin sa kaliwa naman para pantay ang namumula niyang pisngi pero tinawag na rin kami papasok sa loob dahil nandiyan na raw sila Lolo.

New Year kami nangibang bansa para makasama sila Ate at Papa. Napag-usapan pa ang college ko at gusto nila na business course ang kunin ko at dito na lang din daw.

“Matataas ang grades ko sa Manila, Pa. Mas gusto ko ro’n…” sabi ko habang kumakain kami, sa high windows ay kita ang pagsabog ng mga fireworks at rinig ang ingay ng labas.

Ate Charm sipped on her wine while looking at me critically. Si Ate Yna, seryoso ang tingin.

“You don’t want to study here? Live with me?” she asked softly.

I scraped my tongue on my upper teeth to pause from talking.

“Iniwan nga ako niyan sa Bukidnon…” Ate Charm stated bitterly and placed down her wine glass.

“Wala ka naman sigurong girlfriend doon sa Manila kaya ayaw mo nang umalis doon,” si Mama, may tigas ang tinig.

Umiling ako ng marahan, si Ate Charm pairap na hiniwa ang back ribs niya.

“Always remember, Slade, family first before others…” Papa said critically.

Tahimik kong tiningnan ang pagkain. Kahit si Mama, naninimbang na ang tingin sa akin.

“Kumukulit na nga, Papa. Nagpumilit na sa Maynila mag-aral. Pwede naman sanang sa Cagayan, pero talagang lumayo…” si Ate Charm na kung abot lang ako, kukurutin yata ang tainga ko.

“Kaninong kasalanan din ba?” si Papa na pasimpleng tiningnan si Mama.

“Pumayag ako dahil gusto niya. Kaysa layasan tayo niyan at malalaman na lang natin na nasa Maynila na, kaya mas mabuting pagbigyan ang gusto niya,” giit ni Mama.

“Ate…” Kinalabit ko si Ate Yna at nginuso ang malapit na lasagna.

“Eh ikaw nga hindi mo rin naman napigilan,” si Mama na ibinalik ang panunumbat kay Papa.

Ate Yna carefully placed a slice of lasagna on my plate while our parents are now debating.

“Eh gusto niya ro’n… At parang pumayag na kayo, kaya pumayag na rin ako,” ani Papa, tumikhim.

“Eh kung ikaw ang nanghigpit no’n, baka sakaling hindi nagkalakas ng loob si Slade. Pero pumayag ka rin,” giit ni Mama, mas sinamaan ng tingin si Papa.

Papa sighed heavily and poured himself a drink.

“Kung ano ang nangyari sa anak mo sa Maynila, may kasalanan ka rin,” ani Mama, matalim na tiningnan si Papa.

Nagkasalubong na ang kilay ni Papa, parang pinamukhang pabaya siyang ama. He looked at Ate with furrowed brows.

“Charm, baka gusto mong sa Maynila na lang din muna tumira—”

“Pa, ayos lang ako ro’n,” giit ko para tutulan ’yang plano nila.

Ate Charm glared at me. Ate Yna was busy putting more food on my plate, but she’s listening too.

“Eh, nag-aalala ang Mama mo. Baka kung napano ka ro’n, kahit hindi ka mamatay, ako ang ililibing niya ng buhay.” At pasimple niyang tiningnan si Mama na iritado nang kumakain.

“Hayaan niyo na kasi ako. Ba’t niyo ba ako laging pinoproblema? Wala ba kayong mga sarili niyong problema?” reklamo ko nang marindi na sa usapan.

Hindi lang do’n natapos ang usaping iyon. Ramdam ko rin ang pagpipigil ni Ate Charm na isumbong ako sa kanila dahil baka kahit walang sakit sa puso si Mama, atakihin. Ate Yna is calm too, but she’s the last thing in this household that we wanted to trigger.

Sa huli, nakapag-impake rin ako ng matiwasay at payapang bumalik sa Maynila para sa classes ko. Si Mama pa ang nagbigay ng mga pasalubong dahil sabi ko, may mga friends ako na gustong tumikim ng kung ano-ano na galing sa farm namin.

“Salamat, Veniel! Ang dami ah!” ngiti ni Merrie nang binigay ko sa kanila ang isang paper bag na puro pasalubong.

Binili ko rin kasi lahat ng pwede nilang matikman. Gusto ko nga sanang damihan pa pero hindi na kasya sa bagahe ko.

Arcena is busy choosing a snack too. Hawak niya ang dried mangoes at milk chocolate; mukhang kuryoso siya ro’n sa dalawa. I handed over another small paper bag.

Arcena looked at the paper bag curiously. “Ano ’yan?”

“Sa… Papa mo? Naalala ko kasi siya.”

Aries and Merrie looked at the paper bag, too.

“Memorable raw sa kanya ’yong hinabol siya ng itak ng Papa mo,” Aries commented and smirked.

Natatawa kong itinuko sa balikat ni Aries ang siko ko lalo na’t nakaupo siya. Pinanood ko ang kuryosong pagsilip ni Arcena sa laman ng paper bag.

“Salamat…” he whispered with a small smile.

“You’re welcome,” I whispered back, stifling a smile.

Sumulyap saglit si Arcena sa akin. Ngumuso ako at pinisil ang pang-ibabang labi. Tiningala pa ako ni Aries kaya tumikhim ako at seryosong ngumuso.

Dapat pala…dinamihan ko pa. Tatanggapin niya naman pala.

Pumasok ang adviser namin kaya nagsibalik agad sa upuan. Gusto ko sanang umupo ulit sa tabi ni Arcena pero nauna na ang seatmate niya kaya bumalik na lang din ako sa upuan ko.

“Class listen…” si Ma’am na seryoso kaming tiningnan.

“There’s a big HUMMS competition approaching, and each class needs a representative…”

“Arcena na ’yan, Ma’am,” the class said in chorus.

“And we need two representatives,” dagdag ni Ma’am na ikinakurap ko.

“Hala… Si Veniel!” ang girls na ako agad ang tiningnan.

Tiningnan din ako ng adviser. “Well, I know Veniel is not really fond of joining competitions, so I am expecting for Lloyd to be with Arcena—”

“I’ll join, Ma’am,” agap ko nang tiningnan agad ni Ma’am ang top 3 ng class.

Ilang beses na rin kasi akong tumanggi sa mga ganitong competition kaya akala siguro ni Ma’am, hindi ako interesado. Pero pangarap ko ’to. Kung makakasama ko si Arcena, papayag ako.

My classmates cheered for me. “First time niya na sasali! Inspired yata ’yan eh!”

“Inspired ’yan kasi si Arcena ang makakasama niya. Ang paborito niyang rival!”

Pinigilan kong ngumiti pero tama rin naman sila. I like the idea of placing myself beside Arcena’s name.

“You’ll join?” kumpirma ni Ma’am.

Even Arcena glanced at me. Kahit siya, nagulat. I nodded firmly.

“Yes, Ma’am…”

“Wow. I mean, sure… For experience, Veniel. This is a big competition for Grade 11 and Grade 12 students. The school will only choose two students to represent the school. Kung sakali mang nanalo kayong dalawa ni Arcena laban sa ibang school, you will represent the Philippines to compete internationally.”

My lips parted. Which means…may trip kami sa ibang bansa na kami lang dalawa?

“Edi hindi automatic na partner si Arcena at Veniel, Ma’am? Kailangan munang matalo nila ang ibang students?” tanong ni Merrie.

“Yup. Dalawa sa Grade 12, dalawa rin sa Grade 11 ang matitira,” ani Ma’am.

“Kung mananalo si Arcena, for sure… papangalawa si Veniel. Sila ang magiging partner…” our classmates murmured.

“Edi kung nanalo rin sila sa overall competition dito sa Pinas, dalawa silang sasabak internationally, Ma’am?”

“Yes…” tango ni Ma’am.

I swallowed hard in desperation. Nilingon ko si Arcena na seryoso lang na nakikinig.

Tiningnan siya ni Ma’am. “Arcena?”

He nodded without hesitation. “Yes, Ma’am. Sasali ako.”

She smiled at him and then dragged her attention to me.

“Veniel…”

I nodded too; my eyes lingered on Arcena. “Yes, Ma’am… I’ll join.”

Arcena glanced at me competitively. I locked gazes with him for a second. This is a dream come true. I will join because I want us to win together.

“Good luck, Arcena, Veniel… I will hand the reviewer later.” Ngumiti si Ma’am sa amin.

Chapter 18

Duo

I’ve never been this fired up to study in my entire life. Kahit madalas naman akong mag-study, pero hindi ganito ka-grabe na kahit mga break time na dapat ay may iba akong ginagawa, mas pinipili kong basahin ang reviewer.

Arcena agreed to review with me. Ang dami kong gustong gawin sa totoo lang kasama siya. Gusto ko siyang yayain dito sa unit ko para solo namin ang isa’t isa at walang disturbo pero hindi yata siya papayag.

Kung sa mga coffee shop naman, ayos lang din sa akin. I can buy him coffee every day and a slice of cake if he likes.

Pero kung hindi rin siya makakapagconcentrate sa gano’n…ayos lang din sa akin kung…iimbitahan niya ako sa bahay nila. Komportable naman yata sa akin ang Papa niya?

Alin kaya sa tatlo ang komportable siya?

“Pwede naman mag kanya kanya tayo ng review, baka hindi rin tayo maka-concentrate,” he suggested when I ask him about our study session together.

Wala man lang sa naiisip ko ang naiisip niya, oh.

Pero baka nga…sa halip na review, distraction lang ang ganoon. Kaya mas mabuti na rin na nasusunod ’yong komportable siya dahil ayoko namang mahila ko siya pababa ngayong importante ang ganitong competition sa kanya.

“Kailangan mong magconcentrate para…parehas tayong manalo,” he whispered.

Ah…kasi pag distracted ako sa kanya, damay din siya? Kahit hindi niya naman sinabing duo na kami sa dulo, parang lumalaban na agad ako kasama siya kahit individual pa lang naman sana.

At Hindi pa nga sumasabak sa competition, pakiramdam ko nanalo na agad ako. Ako lang yata ang mas lamang ang excitement kaysa ang kabahan.

Ilang pages din ang binigay ni Ma’am na reviewer—halos nasa twenty pages. It contains all of the topics circulating about HUMSS. May ibang topic na na-tackle na, pero may iba na hindi pa.

“Anong mga highlighter ’yan?” tanong ko habang naglalagay si Arcena ng sticker sa isang linya, nasa library kami para dito magreview.

Compared to my reviewer, his reviewer is aesthetically highlighted. Hindi lang basta bastang neon green kumpara sa akin; some were lined, some were highlighted in light orange, and some were even stickered.

“Ito lang. Paubos na nga…” reklamo niya at pansin kong huling rolyo na ng sticker roll ang kinuha niya.

“Punta tayo sa NBS? Let’s buy…” alok ko.

Kumurap siya at napatingin sa akin. Tumayo agad ako at inaya si Aries at Merrie para hindi na siya makapalag pa. Kaya sa huli, pagkatapos ng uwian, nasa National Bookstore na kaming apat.

“Wow. Ganito pala maging dedicated student? First time kong pumasok sa ganito,” manghang sabi ni Merrie nang pumasok na kami.

“Mas marami ka pa yatang attendance sa bilyaran kaysa sa National Bookstore,” asar ni Aries.

Sakto, nawala ang gtech ko kaya nagbabalak na lang din ako bumili. Pinagpapasa-pasahan ba naman at hindi na nakauwi sa akin pabalik.

“Bili ka ng maraming highlighters tapos doblehin mo,” sabi ko kay Arcena nang kumuha ako ng basket para doon niya ilagay ang mga pipiliin niya.

“Mahal ang mga ’yon pag…marami,” sabi niya, medyo naging alanganin pa.

“Mahal? Wala yata ’yan sa bokabularyo ni Veniel!” si Merrie na gusto sana akong akbayan pero di abot ang balikat ko kaya humawak na lang doon.

Nasa bokabularyo pa rin naman ang mahal… I chuckled to myself.

“Bilhin mo lahat. Afford ’yan ni Veniel,” sulsol ni Aries.

Sinundan ko agad si Arcena habang si Merrie, kuryosong hinila si Aries sa mga libro. Nasa fiction aisle sila habang nasa harap na kami ng mga highlighters ni Arcena.

He was curiously trying it on the paper provided. Kuryoso ko siyang tinitingnan kung pumapasa ba sa taste niya. When he thinks it’s nice, I would just hand over the basket so he could drop it.

“Kumpletuhin mo. Pati ’yong stickers,” sabi ko nang maalalang wala pa siyang pinipiling gano’n.

“Gagamit ka?” he slightly laughed.

I nodded. “Oo naman.”

“Naiinggit ka lang eh kasi nakita mong ginamit ko,” asar niya, pigil ang ngiti habang lumilipat na kami ng pasilyo.

I followed him and chuckled. “Oo rin. Maganda kasi ang reviewer mo. Baka kung sakaling gano’n din ang reviewer ko, mas gaganahan akong magreview?”

He glared at me playfully. I stifled my smile and caressed my nape. Natanaw ko pa si Merrie na may erotic book na iwinagayway sa ere at pinagyayabang kay Arcena. Sinamaan ko ng tingin dahil nang-iisturbo.

“Bold yata ’to,” ngisi ni Merrie nang lumapit kami sa dalawa.

“Maganda ’yan, Merrie. Malulong ka sa libro para mahasa ’yang utak mo,” si Arcena na kuryoso ring tiningnan ang book cover.

“You like books?” tanong ko.

Arcena nodded. “Oo. Nagbabasa ako ng mga international books.”

“Recommend all the books you like…” I suggested.

“Uh… Marami.” Hindi siya halos makatingin sa akin.

“Kaya nga isa-isahin mo. Babasahin ko lahat,” I suggested.

Pinaghahanap namin isa-isa ang mga nabasa niyang libro—mga gusto niya, para mabasa ko rin. He’s into mystery thriller books and LGBT themes. Where the Crawdads Sing, The Silent Patient, Seven Husbands of Evelyn Hugo…

“Paborito ko ’to na libro eh. Ang ganda ng plot twist nito!” pagmamayabang niya habang hawak ang Seven Husbands of Evelyn Hugo at kuryoso namin iyong tinitingnan.

“Leche full english. Magiging top 1 din ba ako pag natapos ko ’to?” Merrie whined.

I put one copy in the basket. I’ll read it.

“Baka isabay mo pa ’yan sa pagrereview mo, ah?” si Aries na tiningnan ang basket na hawak ko at naroon na ang iilang libro na recommended ni Arcena.

I only smirked at him. Iniisip ko nga na pwede namang ipakwento ko na lang kay Arcena ang buong kwento, kaso mas maganda rin ’yong may alam na ako para kung nagkwento siya…may maisasagot ako. Para naman hindi ako nakatunganga lang.

Binilhan din ni Aries si Merrie ng libro para naman hindi puro bastos ang nasa isip ng babaeng ’to. May pinili ring isang libro si Arcena na dinalawa ko para mabasa ko rin at ako na rin ang nagprisentang magbayad.

“Grabe… Paano niyo kinakayang gumastos ng libo-libo sa isang araw lang?” reklamo ni Merrie nang lumabas na kaming apat.

Sa loob na dapat kami kakain kaso ang dalawa, ayaw. They want street food.

“Haciendero at Chinese ba naman…” Arcena glanced at us since Aries and I are tailing them behind their backs while holding the paper bags.

“Pag hindi tayo naging successful sa buhay, patulan na lang natin ’yang dalawa, Arcena,” anyaya ni Merrie at swabeng inilagay ang kamay sa baywang ni Arcena.

My eyes dropped on her hand. I was aching to pull it away, but they were in their chummy conversation.

“Ayoko sa straight,” Arcena said.

Kumurap ako. Nagkatinginan pa kami ni Aries.

“Baliko ka ba, bro?” biglang tanong ni Aries sa akin sa pabirong paraan.

“Nababali naman itong akin pag malambot…” makahulugan kong sabi na ikinahalakhak namin sa likuran ng dalawa.

“Akin din eh. Baliko ’to madalas pag hindi hinahawakan,” Aries conversed playfully.

“Tite ba ’yan?” Arcena glanced at us.

“Tite?” Merrie repeated shamelessly and glanced at us too.

Pinagtitinginan tuloy kami na para bang estudyanteng kalibugan lang ang alam.

Tumigil kami sa isang street food stall. Aries and I curiously looked at the food like they were too suspicious to be eaten.

“Pitaka niyo mga burgis,” Merrie shamelessly showed her palm to us.

Inilabas ni Aries ang pitaka, ganoon din ako. But instead of handing my wallet to Merrie, I handed it to Arcena so he could buy us food using my money.

Binigay din ni Aries ang pitaka niya, at ang walanghiyang si Merrie nagbiro pang naglabas ng card para ipambayad.

“Nakakain ka na niyan?” bulong ko kay Aries.

Aries shook his head. “Hindi pa.”

“Ako rin.”

Natawa si Aries sa akin. “Ah edi first timer tayo pareho…”

Gabi na kaya siksikan ang mga tao. May iilan ding estudyanteng bumibili. It wasn’t what I used to, but I’m curious.

Bumili sila ng isaw raw.

“Isaw?” I asked while biting it curiously.

“Oo. Intestines…” Arcena smirked at me while biting the one he’s holding too.

My expression soured while biting it. Tang ina. Bituka! Pinakain niya ako ng bituka! Gusto ko sanang iluwa pero baka sabihin ang arte ko.

Naubo si Aries nang marinig iyon. Ganado siyang binigyan ni Merrie ng iilang stick. Kinagatan ko pa rin dahil parang sarap na sarap si Arcena na kinakain iyon.

“Tapos mamaya mag-angkas tayo para tatak pinoy na kayong dalawa! O sumabit tayo sa jeep!” ngisi ni Merrie, na para bang dayo lang kami sa Pinas ni Aries.

Bukod doon, nasubukan din namin ang fishball. Iyon ang masarap. Tumatango kami sa isa’t isa ni Aries habang kinakain ’yon. Pag lumilipat ng stall ang dalawa, kuryoso rin kaming susunod ni Aries at kakainin ang mga kinakain nila.

Masarap naman… parang exotic food. Ngayon lang ako nakakain ng mga lamangloob ng hayop. Noong nasa Japan nga kami nila Ate, barbeque, dango, at taiyaki lang ang kinain kong street food, tapos itong si Arcena lang pala ang makakapakain sa akin ng kung ano-ano.

“Buti hindi sumakit ang tiyan mo sa mga kinain kahapon,” si Arcena nang sabay ulit kaming mag-review kinabukasan.

Nasa library kami. Aries and Merrie are just around, trying to find a book to read. May mga estudyante na tumitingin, pero madalas, mas abala mag-aral.

“Hindi naman. Masarap din siya,” sabi ko at pinanood ang ginagawa niya sa next page.

“Papel ko rin…” I said like a puppy begging for attention.

He sighed and took my paper off my desk. Ipinatong niya iyon sa kanya at nilagyan din ng highlight ang mga importanteng parte.

I watched him seriously and rested the side of my head against my knuckles.

“Anong…kurso mo sa college?” I asked.

“Tourism? Pangarap kong maging flight attendant at makasakay ng eroplano.”

“Kung mananalo tayo sa competition, pwede tayong isabak internationally tapos makakasakay ka na ng eroplano,” I said eagerly.

His brow raised, but the playful smile was etched on his lips. “Tayo? Eh sa halip na mag-study ka ngayon…”

“Mags-study pa rin naman ako pag uwi. Gagalingan ko para s’yempre…babagay…” I slowly said, my lips stifling an obvious smile.

He tried to pout seriously to hide his smile.

“Pero kung hindi ka nanalo, may mga murang flights naman ngayon. Pwede ngayong summer…pumunta tayo sa malalayo para makasakay ka ng eroplano?”

I saw him swallow. Kita ko rin na huminto siya saglit kaka-highlight, pero ipinagpatuloy agad.

“Hindi ko naman ’yan afford. Kahit siguro isang buwan akong magbenta ng graham balls, hindi ko pa rin afford,” paliwanag niya.

“Sinabi ko bang gastos mo?” I arched my brow.

“Ayoko magpalibre sa’yo. Sino ka ba sa buhay ko?” may panlalaban sa tinig niya.

“Kaibigan? May mga ganitong kaibigan, ah… Kung si Aries ang nanlibre sa’yo, walang malisya. Kung ako…biglang meron?” I frowned, but the playfulness lingered.

Umismid siya, pero mas pinatili ang atensyon sa ginagawa.

“At tayong apat naman,” agap ko para naman parang…hindi mukhang gusto ko siyang masolo?

“Nakasakay ka na, ’di ba? Anong pakiramdam?” he asked.

“Saan?” My brows knitted in confusion.

“Sa eroplano,” giit niya at nilingon ako.

Natauhan ako, medyo natawa. “Ah… oo…” I pinched my lower lip.

Umirap siya pero nangingiti. “Kung ano-ano ang iniisip kasi…”

“Malay ko ba? Saan ko ba ’to natutunan? Sa’yo lang din naman…”

“Ako pa talaga ang sinisi mo?!” he shrieked.

Napatingin saglit ang mga students, kahit ang librarian ay umahon ang tingin at nilingon kami. I cleared my throat while Arcena calmed himself right away.

“Akala ko kasi…tao? Eroplano pala.” I chuckled.

Nanliit ang tingin niya pero hindi na nagsalita. Mas inabala pa ang sarili sa pagha-highlight ng reviewer ko.

I took his reviewer and decided to design it too. Tiningnan niya iyon, pero hindi rin ako pinigilan nang dumampot ako ng highlighter na nakakalat lang sa desk namin.

“Ayusin mo…” banta niya.

“Okay, Bambi…” I chuckled.

Ngumuso siya at tumikhim. He likes it? Bagay din sa kanya eh.

“Pag nakasakay ka ng eroplano, kung mahihiluhin ka, siguro sa umpisa para kang nasa duyan lalo na kung take off. Pwede kang uminom ng bonamin bago ang flight mo,” paliwanag ko sa tanong niya kanina.

“Lagi mo ’yong ginagawa? Ang…lumabas ng bansa?” tanong niya.

“Oo. Pero hindi naman madalas, pag wala lang class, o may occasion ang pamilya. Kunwari, mga Ate ko, gusto lang magtravel. Lalo na ngayon na nasa L.A. si Ate at si Papa kaya doon kami nag-New Year.”

Hindi siya nakatingin sa akin, sa reviewer ko lang. Pero ramdam ko ang mangha niya.

He licked his lips like he was hesitating to talk until he slowly spoke up.

“Ayon kasi ang pangarap ko kay Papa. Gusto ko na…mapasakay ko siya ng eroplano at maka-travel kami sa ibang bansa…” naging mahina ang boses niya.

“Kaya mo na ’yan sa susunod. Alam ko magiging successful ka eh. Matalino ka, masipag. Maraming opportunities ang lalapit sa’yo dahil talented ka.”

His lips curled for a stifled smile. Wala sa sarili akong gumuhit ng kung ano-ano sa reviewer niya para mukha ring cute ang papel niya.

“Basta huwag ka lang ma-distract sa lalaki. Baka kung sinong bobo na naman ang patulan mo diyan sa tabi-tabi,” parinig ko.

Natawa siya. “Hindi ah. Matalino naman ’yong crush ko ngayon. Gusto ngang pumaibabaw. Ayaw ko lang pagbigyan kasi baka…mabuntis niya ako?”

I shut my eyes and controlled my laughter. Tang ina. Paano ako magrereview ngayon?

“Baka nga… Mukhang gigil na gigil pa naman ’yang pumaibabaw sa’yo? Kaklase mo ba ’yan?” I laughed and rode along with his joke.

He shrugged. “Ang pogi niya. Ang bango bango rin. Lagi pang nang-aakit. Pakiramdam ko sisirain niya ang buhay ko.”

Pamilyar ’yan ah?

“Huwag kang magpadala sa tukso. Layuan mo,” payo ko pero nang mapagtantong baka… “Pero pwede namang lapitan mo, magpadala kaunti sa tukso at…”

We both looked at each other. My lips parted to say more, but his gaze distracted me.

“At ano?” he continued.

“Akala ko ba review? Bakit parang hindi naman review ang ginagawa niyong dalawa?” biglang sulpot ni Merrie at ibinagsak ang libro sa mesa namin.

Gano’n ang ginagawa namin araw-araw. Sabay kaming nagrereview, nagbabasa, pero may mga oras na nag-uusap-usap lang din kami ng kung ano-ano.

Sa gabi naman, mas maingay ang GC naming apat dahil nadadamay na ang dalawa sa pagpupuyat namin ni Arcena kakaaral.

Tiningnan ko ang oras at 11:45PM na pala. Apat na oras na akong nagbabasa. Kinuha ko ang nakataob na phone at binuksan ang camera. Inayos ko ang magulong buhok, itinuko sa kamao ang ulo, at ngumiti habang kita ang reviewer sa mesa.

I sent it to the GC and typed a reply while smiling.

Ronan Slade: Studying. Maganda sana kung hindi solo? Hahaha

Nagseen si Merrie. She mentioned Arcena.

Merrisa Merrel: @Arcena send pic ka rin

When Arcena viewed the GC, minutes later, nagsend siya ng picture. Lumunok ako at napangiti.

It was a selfie of him. Nakaputing sando lang siya, litaw ang malalalim na collarbone habang pinapakita ang hawak na reviewer, at sa mukha niya ay may face mask pa. I chuckled while staring at his crunch nose. Cute.

Rafiel Arcena: Sana sobrang yaman ng future boyfriend ko. Pagod na ako mag aral at gusto na lang makandong magdamag :(

Tinitigan ko ng matagal ang message niya.

Merrisa Merrel: Magsisikap ako para sa atin :(

I snorted and typed a reply to roast Merrie.

Ronan Slade: Hindi mo yan kayang buhayin, Merrisa. High maintenance yan. Hindi ka rin nag-aaral nang maayos.

Merrisa Merrel: Luh edi sorry kung sa ating dalawa, ikaw ang mas matalino, mas pogi, mas magaling, mayaman at may bayag!!!!

I smirked. Obviously…

Nagseen na rin si Aries. He reacted with a heart on Arcena’s picture.

Aries Arrese: Cute

Merrie sent a photo of herself lying on the purple pillow while half of her face is covered with a book.

Merrisa Merrel: Ito na ba ’yong babagayan kita para bagay tayong dalawa?

Aries replied to Merrie’s photo.

Aries Arrese: Baliktad pa ang libro. Halatang hindi sanay magbasa.

Arcena sent another photo. The angle made me swallow a bit. Hanggang leeg niya lang ang anggulo at hanggang hita kaya kita ko na nakashorts lang siya, lalo na’t nakaupo rin siya. His pose looked so sensual and sexy that I think he’s seducing someone here in our GC.

Imposible namang si Merrie. Imposible ring si Aries. Kaya baka…ako?

Merrisa Merrel: Hala ang sexy tinitigasan ako.

Tang inang bunganga talaga.

Rafiel Arcena: Patingin nga kung tinitigasan ba talaga?

My brow shot up. Alam ko na para iyon kay Merrie pero…ang sarap patulan ng hamon niya.

I put down my phone because I feel like he was actually asking me. I wanted to join, but I think I will only ruin their nasty banter because my joke might sound…

Merrisa Merrel: Luh ang tahimik ng dalawang straight diyan. Kakabahan na ba kami?

Mapupuyat pa yata ako lalo.

Madalas naming kasama si Merrie at Aries na naeengganyo na ring mag-study. Pero madalas ang dalawa, naglalaro lang sa laptop at naka-earphone para hindi kami madisturbo.

Kahit sa library, naroon din ang dalawa. Emotional support daw.

“Tourism? Sige, ’yan na lang din akin para sa eroplano ang bonding natin. Malapit lapit na rin sa astronaut na gusto ko. Cool siguro no’n, ’no? Oy Arcena, asan ka? Nandito pa ako sa langit… Maya na lang ah pag nakababa ako sa lupa?” Merrie yapped, which made us laugh quietly.

Nakuryoso na rin kasi ako sa kurso nitong dalawa. Para naman hanggang college, magkakasama pa rin at baka parehas lang pala kami ng mga program.

“Tapos sasagot ako, ‘Ay, nasa langit din ako! Saang ulap ka banda?’” Arcena yapped childishly, which made Merrie giggle.

“Tapos piloto kaming dalawa ni Aries. Pag nagkita tayo sa himpapawid, bro, mag-fist bump na lang tayo gamit eroplano, ah?” I added playfully.

“Pwede rin karera. Paunahan mag landing,” Aries smirked back.

“Hala, excited na tuloy ako mag-aral sa college! Wala na…hindi na ’to ako. Masyado na akong ginaganahan mag aral…” si Merrie na napalakas ang boses.

“Aristotle,” biglang sita ng librarian at pinagsasamaan kami ng tingin.

We immediately shut up and pretended we were busy in our seats. Pero pag nagtitinginan kaming apat, natatawa kami.

Kahit pag-uwi sa unit ko, reviewer ko na agad ang inaatupag ko, nag-oorder na lang ng pagkain at inaabot pa ng disoras ng gabi kakaaral. Minsan nga, alas dos na ako natatapos at limang oras lang ang tulog ko.

Siguro kaya rin ako ganado tingnan ang reviewer ko dahil sa ginawa ni Arcena na pagha-highlight. My reviewer looked so aesthetically pleasing that I took a photo of it and posted it on my Instagram account.

Siguro kung gumagawa siya ng love letter, mas maganda pa rito. Pupunuin niya ng sticker at guguhitan niya ng kung ano-ano. Baka nga halikan niya rin ang papel? Pero may ginawan na kaya siya ng ganoon?

Tumawag nga lang si Ate kaya naputol ang pinag-iisip ko.

“Competition? Himala at nahilig ka…” ngiti ni Ate Charm nang sagutin ko ang tawag niya para pagsabihan siya.

“Oo, Ate. Gusto kong makapasok sa final round at magcompete locally. Pag natalo mo rin kasi ang ibang school, sasabak kayo ng partner mo internationally. Alala mo si Arcena, ’yong top 1 sa klase, ang talino no’n. Pakiramdam ko makakapasok siya eh…”

Ate nodded, but I noticed she was carefully analyzing what I was saying. Napagtanto ko tuloy na nabanggit ko si Arcena. Baka isipin niya…

“Ate, pag nanalo ako, gusto kong ilibre ang friends ko. Dalhin ko kaya diyan sa Bukidnon tapos mag paragliding kami sa farm? Ipapasyal ko sila…”

Kahit sa camera, kita ko ang braces ko dahil sa ngiti ko.

“Mga kaibigan mo? Sino? Sila Arcena?” Mas tumitig siya sa akin, halatang may naiisip na iba.

“Oo. Friends ko sila. Malayo pa naman kaya baka makamura ng ticket? Kahit ikaltas na lang sa allowance ko. Pag nanalo ako sa competition, ayon na lang ang reward ko.”

She looked torn. Napagtanto ko tuloy na masyado akong na-excite. Oo nga pala…

“Hindi ko naman…iuuwi sa bahay, Ate. Sa farm lang kami. O…sa ibang lugar. Malayo sa inyo,” I said carefully.

She sighed and shut her eyes, massaging her forehead. “Hindi ka naman pinagbabawalang makipagkaibigan sa mga bading, Slade. Kung mabait naman, ayos lang. Pero ibang bagay na ’yong…”

She hesitated and paused. I slowly nodded to at least make her feel that I understand. Dumilat siya pero makahulugan pa rin ang titig sa akin.

“Pwede mo silang dalhin sa bahay, matutuwa si Mama sa gano’n dahil may dinadala kang mga kaibigan mo. Pero…huwag ka masyadong umasa na…” She paused again and licked her lip problematically.

“Kaya nga hindi ko dadalhin sa bahay, Ate. Kami kami lang… hindi ko na ipapakilala sa inyo kung…babastusin niyo,” I whispered weakly.

She gasped, and she looked offended now. Nangapa siya ng masasabi, tumitingin pa sa paligid.

“Kaya sinabi ko sa’yo, ’di ba? Mamili ka ng kakaibiganin,” giit niya.

“Matitino sila, Ate,” kahit alam ko na…isa lang ang pinapahiwatig niya. “Oo, ’yong isa sa amin bulakbol minsan, pero nagsisikap naman at mas naeengganyo na ngayong mag-aral. ’Yong isa, mababa rin ang grado pero matino at hindi gago. Si Arcena, oo…bading…pero…hindi siya gano’n…iba siya sa…”

“Slade,” she shut her eyes and pinched the bridge of her nose stressfully. “Si Yna ang dapat mong kausapin sa bagay na ’yan, hindi ako. Kung kaibigan mo lang naman, ayos lang sa akin. At bata ka pa… sixteen. Hindi natin alam ang mangyayari. Kaya huwag kang padalos-dalos. Alam ko ’yang ugali mo…”

Mataman na akong tinititigan ni Ate. Nakikinig ako, pero may iba siyang sinasabi na hindi ko maintindihan o hindi nagrerehistro sa isip ko.

“Sige na, mag-aral ka na. Kung naipanalo mo ’yang competition, padadalhan kita ng pera para sa travel na balak mo ng…mga kaibigan mo.”

I slowly nodded. Bumuntonghininga siya bago pinatay ang tawag. Mas lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko kahit hindi naman ako pinagbawalan sa tono ni Ate.

Pero ayokong isipin ang masasakit na bagay. Kailangan kong magfocus dahil mas importante ngayon na manalo ako at magiging partner kami ni Arcena. First travel niya kung sakali. Gusto kong…sumama. Gusto kong makita ang reaksyon niya pag nakasakay na siya ng eroplano.

Isang buwan ang naging preparation namin para mag-aral. Minsan, si Aries na lang ang kasama ko at si Merrie naman ang kasama ni Arcena dahil hindi raw siya nakakaconcentrate sa kaingayan ko. Nadidistract sa akin.

“Aambag din ako, bro. May extra naman ako. Kahit ako na rin ang sumagot kay Merrie para hati tayo sa gastos,” si Aries nang sinabi ko sa kanya ang plano ko kung sakaling nanalo nga kami ni Arcena.

“Kung naging top 1 lang sana ako noong nakaraan, makukuha ko ang gusto ko eh,” sabi ko kay Aries, nanghihinayang.

Pero iniisip ko rin kasi, kung Top 2 si Arcena, edi si Lloyd ang nasa ilalim niya. Huwag na.

“Sa competition ka na lang bumawi. Mahirap maging top 1 lalo na’t palaban si Arcena,” Aries chuckled.

“Ginagawa ko na nga ang lahat. Ewan ko nga paano ko ’yan lalamangan. Sa competition na lang talaga ako babawi,” sabi ko.

Sa huling week, hindi na talaga sumasabay si Arcena sa akin na mag-review. Nagsasariling sikap na rin ako at mas dinoble ang pag-aaral. Pakiramdam ko nga, inaral ko na lahat ng nakasulat sa reviewer dahil inaabot na ako ng madaling araw at parang sasabog na ang ulo ko minsan.

“Veniel, Arcena,” si Ma’am sa mismong araw ng competition para i-excuse kami.

I stood up with a pen in my hand. Kahit si Arcena, kita kong palaban na tumayo at halatang seryoso siya.

Humiyaw ang mga kaklase namin. Merrie and Aries looked at us proudly.

“Ipanalo niyo ha!”

“Magchecheer kami! Kaya niyo ’yan! Alam namin na walang makakatalo sa inyong dalawa!”

I smiled at our classmates while Arcena looked driven and competitive. Sumenyas na si Ma’am na lumabas na kami kaya huminto ako saglit para mauna si Arcena sa akin na maglakad.

“Good luck,” I whispered when he passed me.

He side-eyed me, then he smirked back playfully. “Galingan mo…”

Nasa isip ko ’yon buong oras. Kahit noong pinahalo na kami sa ibang student representative, pinapasok sa isang classroom na may teachers bilang bantay, ang tanging laman lang ng isip ko ay ang mga pinag-aralan ko.

We were only given 1 hour and a half to answer fifty items. Buong exam ay multiple choice nang pasadahan ko isa-isa ang dalawang pages. As soon as I sat, my mind immediately recalled all of the important keys Arcena highlighted on my reviewer.

Makalipas ang kalahating oras, tumayo si Arcena. The students gasped and looked at him as he walked to the front to submit his test paper. I jotted down my last answer and stood up seconds later after him.

I wanted to approach him, but the teachers guided us to the next room to wait for the announcement. Mamayang hapon malalaman kung sino ang maglalaban bukas.

I sat next to him while he was still busy reviewing. Gusto ko sana siyang disturbuhin, pero may suot siyang earphone habang binabasa ang reviewer niya kaya nagbasa na lang din ako.

Pumasok na rin ang iilang students. Napansin ko agad si Claudia. Her lips parted, but then she tore her eyes off me and walked quietly to the empty chair beside me.

Tahimik kong tiningnan ang reviewer ko kahit nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko, nililingon ako.

“Sumali ka… Akala ko hindi ka mahilig sa competition,” she conversed quietly.

I licked my lips, glanced at her, and smiled a little. “For experience…”

She nodded and smiled. “I know. Napag-usapan na natin ’to dati, eh… Tinotoo mo pala talaga.”

Inalala ko pa kung ano ang pinag-usapan namin pero hindi ko makalkal sa memorya ko. Gusto ko sanang itanong nang may mapansin akong sunod na pumasok.

The president of the SSG council entered. Iginala niya ang tingin at nang makita si Arcena, naglakad na rin papalapit sa kanya. Nilingon ko rin at napagtantong bakante ang kabilang upuan ni Arcena.

“Papasok siya sa Grade 12 for sure. Top of the class ba naman… Baka sila ni Arcena ang maglalaban…” the other students murmured quietly.

Bigla tuloy akong napaisip. Kung kami ang partner ni Arcena at siya ang makakalaban namin, gaano ba siya ka-talino? And for sure, Arcena won’t back down just because…

Kumunot lalo ang noo ko. Kung distracted siya, at kami ang duo, I’ll make sure I’ll pull him to the top to achieve our victory together. Kung sakali lang na…crush niya pala ’yan?

Pero hindi naman gano’n ka babaw si Arcena na hayaan ’yang manalo dahil lang crush niya? Imposible. At…iba yata ang tipo ni Arcena. Hindi ’yan. Mabango ba ’yan? Nang-aakit? Para namang hindi.

Kyle also entered the room. Ngayon ko lang napagtanto na sumali rin pala ’to. Pero oo nga naman, matalino sa klase nila eh.

Parang puputok pa yata ang ugat sa ulo ko sa mga iniisip ko. Ayoko lang isipin lalo at baka mawala ’yong mga pinag-aralan ko.

May pumasok ulit na teacher. Our reviewers, including our phones, were collected. Tanging ballpen na lang ang naiwan sa desk. Ang laki rin ng space sa bawat gilid, at may tatlo pang SSG students ang nagbabantay during examination.

When the test paper was distributed, kinabahan ako nang makitang identification na iyon. Fifty items ulit.

Noong binasa ko na ang mga tanong, medyo natanggalan ako ng tinik at dire-diretsong sinulat ang sagot. Nasa seventh page hanggang fifteenth page ang mga lumabas.

Naunang tumayo ulit si Arcena makalipas ang kalahating oras. I bit my lower lip out of frustration. Nasa number forty-five pa lang ako.

The president stood up. Napaahon ang ulo ko at wala sa sariling sinundan siya ng tingin na ipinasa ang test paper sa harap. He smiled at Arcena, and Arcena smiled back as they quietly walked out of the room.

The students watched them together quietly. Ramdam ko ang mangha ng iilan pero alam ko…ako lang ang nakakaramdam ng…inggit.

My jaw clenched. Kailangan ko pang basahin ulit ang question para lang kalkalin sa isip ko ang sagot kanina na isusulat ko na sana.

Isang minuto pa tuloy ang nasayang ko bago ako tumayo at natapos iyon. Nang pinasa ko iyon, lumabas agad ako.

“Mahirap naman…pero madugong study rin kasi ang ginawa ko,” rinig ko ang paliwanag ni Arcena habang nakahalukipkip sa pader.

I walked toward them. Ang pagsasalita ni Arcena ay bumagal at tahimik akong tiningnan. Kahit ang Pres na seryosong nakatingin sa kawalan, wala sa sariling tumingin sa akin.

Arcena quietly looked at his nails. Tumabi ako sa kanya at namulsa. I cleared my throat and looked at Arcena.

“Ang bilis mong natapos…” I said to start a conversation.

Hindi pa nakakasagot si Arcena, nauna nang magsalita ang SSG President. Gusto kong mairita pero nagpigil ako.

“How was it?” tanong niya sa akin.

I shrugged nonchalantly. “Ayos lang.”

Nanatiling tahimik si Arcena sa gitna namin. He still looked competitive, like he’s in his survival mode. Kabado siguro sa result mamaya.

“Didn’t know you’re into this sort of competition,” the SSG president conversed seriously.

“May gusto lang patunayan,” I said, trying to end our conversation.

I meant what I said. Kaya nang matapos lahat sa exam, muli kaming pinapasok sa classroom. Isang oras ang hihintayin bago ang announcement kung sino ang maglalaban bukas para isabak sa ibang school.

Kabado ako sa totoo lang. Marami kami. Sukatan na ’to ng talino. Kampante naman ako na nasagutan ko ang mga tanong pero hindi pa rin sigurado kung…papasok ba ako.

Nang pumasok na ulit ang guro, hawak ang bilang sa daliri na test paper, mas lalong kumalabog ang dibdib ko. I glanced at Arcena, who looked composed and unbothered. Kinakabahan ka rin ba? Alam ko papasok ka…at sana…pumasok din ako.

“Grade 12, stand up and come to the front if your name is called,” the teacher said strictly.

Mas kumapal ang kaba sa classroom. Everyone looked tense and worried, and we silently anticipated her announcement.

“Clyde Angeles…” she called.

Tumingin ako sa kung sino ang tumayo. The SSG president stood up seriously and walked to the front.

Fuck. Matalino nga.

“Claudette Diana Jimenez…”

I blinked twice and looked at Claudia, who stood up with a smile on her lips. I know Claudia’s smart, but wow…she made it.

“Again, for those in Grade 12 who joined, thank you for participating in this competition… Now, for the remaining Grade 11 students…” Muling tiningnan ni Ma’am ang hawak na test papers.

I swallowed hard. I prayed in my mind like my life depended on it.

“Rafiel Donato Arcena…” the teacher called.

I know… I expected it. Papasok siya.

Pigil ang ngiti ko nang tingnan ko siyang tumayo, kahit si Kyle nasulyapan ko pang tumingin din kaya napalitan tuloy ng iritasyon ang nararamdaman ko.

Isa na lang…

Sana, ako ’yan…

Arcena joined Claudia and the president on the front. Seryoso siyang tumayo roon. I wanna join… I belong there…next to him.

I played with my pen, and my left leg shook a bit while I was sitting in a manspread position. Mas lalong natahimik, pero wala nang mas iingay sa kaba na nararamdaman ko.

“And… Ronan Slade Veniel.”

My lips parted. Everyone gasped, mixed with groans, that they weren’t called. I stood up like a soldier who survived and walked to the front too.

Fuck. I made it. Fuck!

Tumayo ako sa mismong gitna ng SSG President at ni Arcena. Arcena moved to the side even more to give me enough space. Kahit ang SSG president, seryosong napatingin sa akin.

“Congratulations, students!” ang guro na kinamayan kami isa-isa.

May mga sinasabi siya, pero ang isip ko, nasa eroplano na, sa tabi ni Arcena, nakatingin sa reaksyon niya. Kahit hindi pa nga kami nananalo dalawa, nauna na agad ang panalo sa isip ko.

I glanced at Arcena and smiled at him proudly. Gusto ko sanang batiin kaso ayaw lumingon, siguro na rin dahil maraming tao at gusto niyang mukha kaming rivals sa harap ng lahat?

Kinontrol ko ang saya ko pero tang ina…parang kami na agad ang panalo sa nararamdaman ko kahit hindi pa naman ito ang final round.

“Now, for tomorrow’s final test to be held in the gym, you will choose your own duo. If your chosen duo agrees to be your partner, then that will be your final duo for tomorrow…”

At sana… manalo nga kami. Para pumayag si Ate, para…madala ko sila sa Bukidnon at…kung sakali mang hindi kami manalo sa overall competition laban sa ibang school, makakasakay pa rin siya ng eroplano kasi ipapanalo ko ang amin bukas kasama siya.

“Arcena, since you are the highest, choose your partner,” ang guro.

I looked at him hopefully. I did it. I hope this is enough…

But I was holding on to those moments we shared during our review together. He wanted me to win and make it to the top with him. He wanted me to…join him here. Which I did.

Arcena licked his lips before he uttered his chosen duo. I saw the sudden shift of his eyes—the unfriendly gaze, the unpredictable side of him.

“Angeles, Ma’am…” he uttered seriously.

My lips parted. Angeles? Hindi…hindi Angeles ang apelyido ko.

“Angeles?” the teacher confirmed and looked at the SSG president beside me.

Para akong nabingi sa narinig. Kahit ang mga iniisip ko, parang bulang naglaho.

“I accept him as my duo, Ma’am…” He nodded.

Parang multong dumaan si Arcena sa harap ko, naglakad papunta sa pinili niya nang hindi lumilingon. My eyes watched his body pass me like I am a stranger he’s not familiar with…

Nagkasalubong ang kilay ko. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. I felt my shoulders drop, but I remained on my ground.

“Veniel and Jimenez… you will be the duo tomorrow…” the teacher said but I am too lost to comprehend it.

Claudia walked toward me and tilted her head to get my attention. Ramdam ko ang init mula sa batok hanggang tainga ko.

He…dropped me. He did not…choose me. And I feel so damned deceived.

Chapter 19

Friendship

Gusto kong isipin na mali lang ang pagkakaintindi ko. Na baka…sa huli, hindi pa rin naman kami magiging kalaban.

“Kung sino ang mananalong duo, sila ang representative ng school laban sa ibang school,” Claudia explained when she noticed my confusion.

“Hindi na…pagpipilian?” I confirmed.

She shook her head. “Kung…natalo ka, damay rin ako. Alam ko, ang score ng isa, score ng duo.”

Parang mas hinila lang ako pababa sa narinig ko. Ibig sabihin, sinadya niya talaga na hindi ako ang makapares.

Gusto kong matawa sa mga naisip ko. Oo nga naman, rival ang tingin niya sa akin, kaya bakit naman…ako ang pipiliin niya, ’di ba?

’Yong review namin, baka nga naaawa lang siya sa akin? Sinusubukan lang akong pakisamahan kasi kaibigan din ako ng mga kaibigan niya?

Tama, baka nga pinakisamahan lang ako?

“Congrats, Veniel! Kita namin na isa ka sa apat na nakapasok! Sabi na, eh! Makakapasok kayo ni Arcena!” hiyaw ng mga kaklase ko nang pumasok ako.

I smiled, but I know it was sarcastic. Hindi ko na sinalubong ang kahit kaninong tingin at dumiretso sa upuan ko.

Si Merrie at Aries, ganadong tumayo at nilapitan ako.

“Kumusta naman ang matalinong duo namin? Ano? Kain tayo ulit ng street food? Hintayin muna natin si Arcena,” nangingiting sabi ni Merrie at itinagilid ang ulo para silipin ang ekspresyon ko.

“Ba’t hindi mo kasama si Arcena?” tanong ni Aries.

“Nandoon sa SSG President, sa ka-duo niya,” sabi ko habang abalang ilabas sa bag ko ang puting tuwalya.

Merrie’s smile slowly faded.

“Hala… Hindi kayo duo?” si Alice na narinig iyon lalo na’t nasa second row.

“Huh? Hindi si Arcena ang ka-duo niya?” usisa ng iba kong mga kaklase.

“Hala… eh hindi ba, isang duo lang ang mananalo? Ang mapipili? Edi paano ’yan? Magkalaban sila bukas? Isa lang sa kanila ang lalaban sa ibang school kasama ang ka-duo nila?”

“Ano ba naman ’yan! Pati ba sa competition rivals pa rin kayo?!”

“Baka naman tactic nila? Kasi kung sa bawat duo, Aristotle ang pambato, edi kahit sino ang mapili sa duo nila, sigurado nang panalo ang section natin?”

“Eh hindi lang naman kasi section ang irerepresent eh! Buong school! Kaya nga dapat duo sila kasi si Veniel lang naman ang nakakatapat kay Arcena!”

“Tang ina ’yan, ah? Sino ang duo ni Arcena? Bugbugin natin ’yan para hindi makasipot bukas!” Ang mga lalaki sa likuran.

“Bobo niyo talaga! Edi na-disqualified din si Arcena!”

“Baka naman nag-away na naman ’yang dalawa, ah?”

I took a seat and ignored my classmates’ rant. Mahinahong naupo si Merrie sa tabi ko, nag-aalalang tumitig. Si Aries, namulsa sa harap ko.

“Anong nangyari?” she asked.

I shrugged sarcastically. “Ewan. Alam mo naman ’yong kaibigan mo, mabilis maakit sa lalaki?” I chuckled.

Merrie’s lips parted and her eyes widened. Aries stared at me seriously.

“Hindi naman gano’n ka babaw si Arcena, Veniel. Kilala natin siya…” mahinang paliwanag ni Merrie.

Hindi nga ba? Gusto ko ’yang panghawakan at baka kung sakaling sa kanya ko mismo narinig, maniwala ako. Kahit pa kasinungalingan, kung sinabi niyang napilitan siyang piliin iyon, sige…magpapauto ako.

“Oo rin. Competitive ’yon eh. Sige bukas, lalabanan ko siya. Matira matibay.”

I wanted to think positive. I wanted to give him a fair game. Sige, kung ganoon nga ang tingin niya sa akin, kung sinusubok man ako, lalaban naman ako ng patas.

Umuwi ako ng maaga, ni hindi na sumabay sa kanila at nagbasa na lang ulit kahit parang wala nang pumapasok sa isip ko. Gusto kong patunayan kay Arcena na mali ang desisyon niya, na pagsisisihan niyang hindi ako ang pinili niya, o na baka minaliit niya ako dahil lang palagi akong pumapangalawa sa kanya.

I wanted to serve it as revenge. I wanted to crush his ego, to pull him to the top, to win against him. Pero sa tuwing naiisip ko ang munti niyang pangarap, naiirita ako dahil natutunaw ang galit ko.

Kung kami ni Claudia ang mananalo, aanhin ko iyon? I only joined because of him. Wala naman talaga akong pakialam sa competition na ito sa umpisa kung hindi…dahil sa kanya.

Gusto kong patunayan na kaya kong maging top 1 sa klase, pero para saan pa ba ang bagay na ’yan?

Sinabi ko naman kay Ate na ipapamukha ko sa kanila na rivals lang kami ni Arcena. Ngayong…ipinamukha ni Arcena sa akin at naunahan ako, bakit ako nagagalit?

“Ayos ka lang? Natulog ka ba?” tanong ni Claudia nang nasa tabi niya na ako at nasa gym na kami.

There were judges to critique our answers in the middle. Nandito na rin ang kabilang duo at nasa kaliwang banda sila namin.

“Ayos lang,” ngiti ko ng kaunti kay Claudia kahit hindi ko na mahagilap sa isip ko ang mga pinag-aralan.

Sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko silang nag-uusap. They both looked serious and well prepared. Gusto kong isipin na hindi naman ’to personalan pero talagang pakiramdam ko, inapakan ang buong pagkatao ko.

The final exam started. May dalawang puting board sa harap namin at may tig-iisa kaming marker. Three of the judges were carefully looking at us. May dalawang guro sa bawat gilid para bantayan ang galaw namin.

Identification. The flatscreen TV flashed the questions. Mauuna ang Grade 11, kaya kami ni Arcena ang maglalaban sa kalahating items. Sabay kaming nakakasagot agad, dire-diretso ang sinusulat sa whiteboard na answer.

The questions are mixed. I familiarized most of them. But in my mind, there was a series of scenes flashing through like a cinematic movie of our…review sessions together.

Beige lighting in the library. Stifled smiles. Quiet glances. Soft giggles. And the random sticky notes I’ll stick on his desk so I won’t disturb him while reading.

Those playful bickerings, his little snide when I doodled on his reviewer, his revenge of doodling bears and minions on the other pages of my reviewer, and the silence while we are reading together.

It was like a movie trailer in my head in the library: two students studying together with different goals.

“Slade,” Claudia hissed.

Kumurap ako at napagtantong natulala ako sa kalagitnaan ng pagsagot. Nang tiningala ko ang monitor, naubos na ang oras sa isang question at may panibago na.

“Concentrate,” Claudia quietly whispered.

I clenched my jaw. I read the next question. A system of government in which the political power is exercised by a few rich and power class or elite. Nakita ko ang keyword na elite. Sinulat ko agad ang Aristo…

Aristotle.

My mind immediately remembered how I formed a friendship with Arcena. Merrie’s loud laughs and Aries’ nonchalant stare are now playing in my mind. Naalala ko iyong…nagtakbuhan kami papuntang parking lot dahil inaasar ko si Arcena, pati ang pagsulong namin sa ulan at nabasa lang din, ang group project na pinagtripan namin ang natutulog na si Merrie, at ang mga plano na…

“Slade,” Claudia’s voice pulled me back to my senses.

I continued writing Aristocracy and glanced at Arcena’s side. The buzzer beeps for a warning. Binawi ko ang tingin. Tang ina, bawal nga palang lumingon sa kalaban.

When the time was up, I noticed I got two blank answers. Na buzzer pa. Hindi naman sana ito ang unang beses na kalaban ko si Arcena pero sa sobrang distracted ko, parang kahit ang mga baboy ay pagkakamalan kong mga ibon.

“Hands up,” the teacher signaled.

Itinaas ko ang mga kamay habang hawak ang marker, ganoon din si Arcena sa kabila. I side-eyed his side. He side-eyed me back. We locked gazes critically.

What a familiar feeling. He’s always sitting on the right side of the class. I am always on his left. The only time I joined him on the right was when…I sat next to him.

You like this so much, huh? You love the idea of having me as your rival. Why, Arcena? Does it fuel your ego that I will always remain on the bottom end?

I wanted to dominate him for once. I wanted to crush that ego he is wearing that he’s always on top of me. Na…kaya lang naman siya nasa ibabaw ko dahil hinahayaan ko siya.

It was Claudia and Angeles’ turn to answer half of the remaining questions. Nasa gilid kami ni Arcena, nakatayo at tahimik na pinapanood ang dalawa na sumagot.

“You like it?” I whispered coldly.

He remained unbothered.

“Kink mo ba ’to? Does it turn you on when I’m always placed under your name?” I whispered more; my eyes staying on Claudia, who was answering the questions.

“Paano kung oo?” he whispered back.

“Masarap naman ba sa feeling na…may iniiwan ka sa ere?” I asked quietly.

“Masarap naman…” he answered nonchalantly.

So that’s how you like it, huh.

Our eyes were glued to the ongoing competition while watching our duos scribble their answer, but the tension between us thickened.

“I know your other kinks, Arcena. Gusto mo ’yong kinakawawa ka. Fine. After this, I’ll make sure I’ll do hard in class until your legs shake in fear once I top your name…”

He swallowed hard, but he let out a playful smile.

“Huwag puro yabang. Gawin mo.”

I crouched a bit to whisper. “I will. I promise. I’ll make you scream…”

He side-eyed me, his breath hitched, but he immediately composed himself as I straightened again.

Binasa ko ang labi, seryosong namulsa at iniisip na seryosohin ang pagiging rivals namin.

“The result will be posted tomorrow on the bulletin board. Thank you for participating, and good luck,” the teacher said after the exam.

Tumayo ang mga judges para kamayan kami. They murmured words, but I’m too occupied to comprehend it. Pagkatapos ng lahat ng iyon, dumiretso na ako sa comfort room lalo na’t ang hirap huminga roon.

I washed my face and gritted my teeth. Basa na ang dulo ng aking buhok habang nakayuko ako sa harap ng sink ng comfort room. Isa lang ang mananalo na duo. Kung duo niya, silang dalawa ng Pres na ’yon ang sasabak para ilaban sa ibang school.

Sila…ang magsasama sa eroplano. Sila lahat.

I scraped my tongue against my upper teeth and laughed to myself. Tang ina. Talo na pala agad kahit wala pa ang result. Kaya lang naman ako sumali dahil gusto kong…maranasang magkakampi kami. Gusto kong lumaban na kasama siya. Ipinaramdam niya pa iyon sa akin, tapos sa huli, biglang iba pala ang pipiliin?

At anong naging basehan niya kung ganoon? Bakit mas pinili niya ’yon? Gusto niya? Mas matalino ba? Mas lamang sa akin? At hindi niya ako kayang piliin dahil…

Mariin akong pumikit at mas lalong yumuko para maghilamos. I wanted to drown myself in the water to at least erase this frustration and my negative thoughts. But everything is eating me up.

Inuna niya ang sarili niya, kaya ayos lang ’yon. Makontento ka. Kompetisyon ’to. At alam mo kung gaano siya ka-competitive.

May pumasok sa CR. Namukhaan ko agad lalo na’t naglakad patungo sa sink. Binuksan ko ulit ang faucet para hugasan ang kamay kahit basa pa iyon.

He stopped beside me and opened the other faucet. “You did great. I know Arcena is your friend, but don’t take this competition personally.”

Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at sumulyap sa anggulo niya. He reminds me of Aries. Cold and serious. He’s lean and tall. Kumpara sa katawan ko, mas athletic akong tingnan.

Gusto kong isipin na baka sa tipo ni Arcena, siya ang mas sakto. Pero tang ina, hindi siya mababaw. Bakit niya pagbabasehan sa itsura eh may ikakabuga ako kung iyon lang naman pala ang labanan.

Kung sa talino naman, nag-aral ako nang mabuti. Saksi siya sa paghihirap ko. Napupuyat pa nga kami, at alam niya na nagsusunog ako ng kilay para lang paghandaan ang kompetisyon na ito.

“I am also doing him a favor. Seems like he doesn’t want you as a duo,” saka niya pinatay ang faucet.

“Inalok mo ba?” I asked to give Arcena the benefit of the doubt.

Because maybe, he lured Arcena to choose him. Maybe he was given no choice. Baka naman inipit nitong tarantadong ’to.

I turned to his side, my frame facing his as I crossed my arms and leaned against the side of the sink. He side-eyed me and watched my serious expression demanding a clear answer.

“Importante rin kasi sa kanya ang kompetisyon na ’to. Kung gigipitin mo, talagang…pipiliin ka,” I said nonchalantly, annoyed at some point.

“Before the announcement of the scores yesterday, he already told me he wants me as his duo. So let’s say I’m his first choice all throughout this competition. At bakit ko siya gigipitin? He chose me freely. He offered it to me and I agreed to it because I wanted a duo who can match my intelligence, too. Baka gano’n din ang naging desisyon ni Arcena total…parehas kaming nangunguna sa klase.”

Parang suntok na iyon sa akin. Gusto ko pang kwestyunin, na baka minanipula niya, pero parang ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin niya.

Tumango ako at ngumiti kahit alam kong sarkastiko na iyon.

Ipinagtulakan mo pala ang sarili mo, ah? Nakakatawa ka rin. I brushed my wet hair backwards and went back to the class, gritting my teeth.

You made me believe we were a team—a duo. And you fucking drop me in the middle like I am a burden to your success.

Wala na ako sa sarili ko. My classmates quietly asked how the competition turned out, but I couldn’t give them a proper answer. I was silent about it the whole time. Mas lalo lang kumapal ang galit ko nang marinig mismo sa ka-duo niya na…si Arcena mismo ang nag-offer sa kanya na makapares ito.

I thought I could brush it off and think that he’s only driven academically. Pero gusto kong personalin dahil pakiramdam ko…pinersonal din ako ni Arcena.

“Kakausapin mo? Sigurado ka?” Aries asked when I stayed in the room to wait for him.

5PM na. Kanina pa ako nandito at hinihintay siya. Mukhang may meeting siya kasama ang student council kaya hindi pa nakakabalik.

Alam ko hindi pa siya nakakauwi. Nandito pa sa room ang gamit niya. Nandito ang bag niya. Nagsiuwian na ang mga kaklase namin at tanaw sa bintana ang makulimlim na langit.

Wala si Merrie; mukhang sinundo si Arcena. Si Aries ang nanatili sa room kasama ko. Patay na ang iilang ilaw pero bukas ang pinto para may kaunting liwanag na sumilip.

“Baka may rason eh,” sabi ko kahit nag-aalangan na ako.

“Na alin…kaya hindi ka pinili?” he confirmed.

I gritted my teeth. Gusto kong idaan sa tawa pero talagang apak na apak ang pagkatao ko sa nangyari. Hindi lang ako nabaon sa lupa, para niya rin akong pinutulan ng paa para hindi na makatayo at makapanlaban.

I sighed and crouched a bit to touch my pulsating head.

“Nag-aral ako nang mabuti, eh. Alam niya ’yon. Nakita niya kasi kasama ko siya sa bawat araw na nagrereview ako. Madaling araw, gising pa ako. Kaya hindi ko maintindihan, Aries…” I chuckled weakly. “Bakit…hindi ’yon naging sapat?”

“Baka walang mali sa’yo. Baka…hindi ka lang talaga tama para sa kanya.”

My hoarse chuckle echoed. Kaya nga nagsikap ako para maging tama…

Kung ’yan man ang rason niya…sige, iintindihin ko. Na baka nga…sagabal lang ako sa mga plano niya. Pero sana…sana sinabi niya sa una pa lang. Pinlano niya pa pala. Habang nag-eexam ako, iniisip na umabot sa dulo, may desisyon na siya. May napili na siya.

Hindi pala importante na nakapasok ako. Hindi importante na napabilang ako. Baka nga noong nakita niyang nananalo ang president na ’yon, napagtanto niya…siya ang mas matimbang na piliin kumpara sa…laging pangalawa lang sa kanya.

Bagay nga naman. Parehas na top 1, SSG President, kilalang respetado, walang gulong kinakasangkutan, walang pangit na rumors, perpekto sa paningin niya, kaya…kaya siguro naakit.

“Gusto ka raw niyang kausapin,” I heard Merrie’s frustrated voice.

Umahon agad ang ulo ko at kita kong pumasok si Arcena, nakasunod naman si Merrie. The dim room flashed a lightning through the windows when the sudden thunder roared furiously across the sky.

I stood up and walked toward him. Kabado akong tiningnan ni Merrie, at si Aries, alerto ring nakatingin sa amin.

“Mag-usap tayo,” I confronted Arcena.

He didn’t look at me. He looked hostile and detached. Kinuha niya ang gamit niya at dire-diretsong lumabas. Gumalaw ang panga ko at sinundan siya.

Ramdam ko agad ang lamig dahil sa malamig na ihip ng hangin. Wala nang tao sa pasilyo, pero dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, naging makulimlim na rin ang paligid.

“Ano? Hindi ka na naman magsasalita?” I chuckled in an annoyed tone and followed him.

Mabibigat ang paghakbang niya, may pagmamadali, at ramdam ko ang iritasyon.

Muling kumulog at tumingkad saglit ang makulimlim na paligid. Dire-diretso ang lakad niya, walang pakialam kahit bumubuhos ang malakas na ulan at sumulong roon.

My jaw clenched as I desperately followed him. If he thinks he can get away from this, then he’s wrong. I walked fast and pulled him to stop from walking.

Tumigas ang katawan niya at binawi agad ang sarili palayo sa akin. He looked so mad, and his fierce eyes glared at me as if touching him is not allowed right now.

“Umuulan! Bumalik kayo rito! Sumilong!” Merrie shouted behind us, but we both didn’t listen.

“Mag-usap tayo,” I demanded thickly when our gazes locked.

He pulled his arm from my grip. My eyes dropped on his arm for a while as I gritted my teeth from his sudden pull.

“Ano bang gusto mong pag-usapan?” he answered back, his voice sounding hostile.

My chest tightened. Basang basa na kaming dalawa sa ulan at nasa gitna pa kami ng open space ng school. There were some students around, but the gloomy weather overshadowed us. Halos yumayakap na ang dilim at ang malakas na buhos ng ulan sa kabuuan.

“Bakit…” I whispered it; my mind was spinning from watching his gaze stabbing me intently.

“Bakit mo ’yon ginawa?” I asked in controlled anger.

Just lie. I don’t care. Lie. Tell me you didn’t mean it. Tell me you mistook the criteria and ended up choosing the wrong partner. Manipulate me. Tell me fucking lies to assure me. Use that smart brain of yours, Arcena.

Kasi hindi ko kayang lunukin ang ginawa mo sa akin.

“Ano ba dapat? Kailangan bang ikaw ang piliin ko? Kompetisyon iyon. Sumabak tayong dalawa para manalo.”

“I joined because of you. I was clear about it,” giit ko kahit ang bigat marinig ng paliwanag niya.

“Sumali ako para manalo,” giit niya, mas tinigasan ang tinig. “At hindi kasama na matali ako sa’yo.”

My lips parted. My chest tightened, and I felt like the world just collapsed—the earth was shaking, and I couldn’t even move an inch.

“Kung nagagalit ka dahil pinili ko ang iba kaysa sa’yo, tanungin mo muna ang sarili mo kung ano ang meron sa’yo para ikaw ang piliin ko.”

My eyes widened in disbelief. I could feel the disappointment turning into resentment. I was purely livid. Naghahalo ang galit, pagkatalo, at pangtatraydor niya.

I was probably alone in dreaming that we would end up as allies. In his eyes, I am his rival despite the friendship built. Parang winasak niya lahat ng iyon sa isip ko, na wala akong karapatang isiksik ang sarili ko dahil…hindi naman kami kaibigan talaga.

“Ano pa? May gusto ka pang marinig sa akin para tigilan mo ako?” he demanded desperately, his eyes now bloodshot.

I stared at him with a broken hope. I expected too much. I…I fantasized a lot of things that were impossible from the first place. Tama si Ate… Hindi ako namili nang maayos.

“I thought you were different from them. I raised my hope too much,” I uttered in pure betrayal.

Nakita ko ang saglit na pagkalaglag ng galit niya, pero agaran iyong napalitan ng mas matapang na emosyon.

“Bakit? May pinagkaiba ka rin ba sa mga straight na lalaki na nakilala ko? Huwag kang magsalita na parang ang linis ng intensyon mo.” He looked at me intently.

I snorted and laughed. “Then what makes me different from that SSG President? Kumpara ba sa intensyon ko, mas banal ba ang kanya?”

“Ano ba kayong dalawa! Umuulan nga! Inuuna niyo pa mag-away!” si Merrie na tinakbo na ang distansya namin, sa likod ay si Aries na sumunod din.

I gritted my teeth. I was beyond livid, but the desperation to know the truth is unbearable.

“He studied hard? I studied hard too! He is smart? I am too! Unless he offered something indecent, something you were craving for…”

Gusto kong patunayan niyang…wala. Gusto kong marinig.

“Eh ano ngayon kung ganoon nga ang nangyari? Kasalanan ko ba ’yon kung pinili ko ang alam kong dadalhin ako sa itaas?”

I fucking spoiled this brat too much, and he’s craving more. I cannot believe I didn’t satisfy him enough.

“And choosing me will only drag you to the bottom, is that it?”

Mariin niya akong tiningnan. “Kompetisyon ang sinalihan mo, hindi panglilimos ng awa.”

My eyes widened.

Sige, kung panlilimos ng awa sa’yo… Ayos lang. Sapat na ba ’yon? kung iyon na lang ang natitira na kaawaan mo ako, pero bakit…kahit iyon, hindi naging sapat para piliin man lang ako?

“Para saan ’yong mga sinabi mo, kung ganoon? Na ipapanalo nating dalawa?” Halos pagmamakaawa na ang tanong ko na sana…matauhan siya, maalalang…ako ang nauna niyang piniling makasama sa kasagsagan ng kompetisyong ito.

Nailing siya, gusto akong talikuran ngunit pinigilan ko. I gripped his arm to stop him from escaping. Muli niya akong hinarap sa iritado at disgustong paraan.

“Sabihin mo sa akin para saan ang mga iyon!” I demanded desperately.

Aries and Merrie wanted to butt in, but they couldn’t. Kanina pa nila kami sinusubukang matinag, pero ni isa sa amin ni Arcena, walang gustong sumuko.

I know I shouldn’t be asking these things, but I wanted to satisfy myself. An assurance will do; even if it’s a lie, I’ll fucking take it.

“I tried to give you everything… I tried my best to satisfy you. And you still want more?”

Nakakapaso ang titig niya. There is no hint of innocence. He looked ready to devour what’s in front of him.

“Rivals tayo ah? Bakit ako mamimili ng pabigat lamang sa pangalan ko?” he mocked.

My lips parted. Kahit ang pagkakahawak ko sa kanya, lumuwag. Nang-init ang batok ko. Parang umakyat na ang galit ko at nandidilim ang paningin ko.

Pabigat.

You can lie, Arcena… You can make excuses. You can tell me he bribed you, and I will choose to believe it.

Just…not this. Because I know how much I earned my place to deserve that spot next to your name. You witnessed all of it.

Kaya bakit? Hindi ko maintindihan. Gusto ko lang na…lumaban kasama ka, hindi ang labanan ka.

But maybe this is really our real dynamic. If he will raise hell to prove a point, then I’ll burn myself to equal his intensity.

“Ah… kaya siya ang pinili mo dahil mas magaan siyang dalhin? Gusto kong isipin na baka sinilaw ka ng pera at binili ka sa malaking halaga, pero mukhang…nakuha ka pala ng libre?” I snorted and smirked at him angrily.

The sky roared with another deafening thunder. Nagulat si Merrie at tumingala. Ngunit hindi naputol ang titigan namin ni Arcena, ang galit na titig.

“Veniel,” Aries rested his hand on my shoulder, a warning that my words were now below the belt. But I don’t fucking care.

Total, ibinaon na sa lupa, sige…

“I’d understand if you got paid to choose him. Pero may mas malala pa pala? He got you…for free? Gano’n ka kababa na wala ka nang halaga?” I mocked and looked at him from head to foot.

Aries’ expression darkened. He looked mad. Merrie shook her head in frustration, trying to deny my words.

“Veniel… tama na… alam kong pagsisisihan mo ’yan. Tumahimik ka na,” Merrie encouraged wearily.

“Don’t be too cocky, Veniel. Imagine it, kaya niya akong makuha ng libre lang, pero ikaw…hindi mo pa rin ako makuha. Kung gano’n na pala ako kababa, bakit hindi mo pa rin ako mapantayan? Kaya sino ngayon ang mas mababa sa ating dalawa?” He cocked his head to the side, and I saw a different version of that innocence.

This brat is wicked.

“Ano ba… Tama na. Ang sasakit na ng sinasabi niyo… Hindi ganito ang magkaibigan,” pagmamakaawa ni Merrie, palingon lingon sa aming dalawa.

“So you think this is just part of my tactic to top you in the class?” Natawa ako ng sarkastiko.

We are all drenched in the rain. I could barely see him. Hindi ko alam kung dahil ba sa ulan kaya lumalabo siya o dahil…

“Bakit? May iba pa ba? Kung hindi ’yan ang rason, masisikmura kaya ng pagiging straight mo ang ibang dahilan kaya ka lumalapit sa mga taong…hindi mo naman tinitingnang parte ng komunidad mo?”

He remembered my words during our first heated debate about that Sogie bill. I clenched my jaw.

“Hindi ikaw ang unang lalaki na gumawa nito. Pero hindi rin ikaw ang unang lalaki na mauuto ako,” giit niya.

I was beyond frustrated. Gusto kong aminin na…mali ang iniisip niya, pero mukhang imposible na iyon.

I raised my hands playfully. “Ah…sige. Aamin na ako. Yes, Arcena. I am actually trying to take your place on the ranking list that’s why I used your sexuality to distract you. Kasi baka nga, matablan ka; mahulog ka. Total…kilala  ka namang uhaw sa lalaki, hindi  ba?”

His lips quivered, and even his hand turned into a fist.

“Bakit mo nga naman iisiping nagkakagusto ako sa’yo? Of course… that’s unbelievable. Unless you are too desperate to taste me…”

Arcena’s jaw clenched until I felt the harsh impact of his palm on my cheek. Tumagilid ang ulo ko sa lakas ng sampal, pero ang sarkastikong ngisi sa labi ay nanatili.

Suminghap si Merrie at kita kong hinawakan si Arcena sa braso. I licked my lower lip and looked at him again. The rage in his eyes intensified but it looked broken and hurt.

“Tama na ’yan.” Itinulak ako palayo ni Aries.

Hinihigop na ng katawan ko ang lamig ng ulan, pero ang init galing sa matinding galit ay hindi namamatay. I wanted to win so bad. I wanted to put him in his place, to shut him up, and prove a point.

“You might be on top of the class, of everything. But right now, in my eyes, you are so low…and cheaper than your credentials,” I responded in a tone that matched his fury.

His gaze shook a bit. Kita ko ang nginig sa kamay niyang nakakuyom, nilalabanan lang marahil na manampal ulit.

“Veniel…” Nanginig ang tawag ni Merrie sa akin.

“Sabihin mo ang gusto mong sabihin. Pero hindi mo pwedeng isumbat sa akin kung hanggang saan ka lang. Nandiyan ka dahil ’yan lang ang ikakabuga mo. Nasa itaas mo ako dahil kaya kong higitan ang kakulangan mo,” he uttered thickly.

Talaga ba, Arcena? I fucking chose to place myself below your name because I like being there. Don’t be too full of yourself.

I nodded at him, smiling sarcastically. “Thank fucking God I am straight. Imagine I’d fall for people like you? It’s disgusting—”

My words were cut off when Aries’ punch landed on my cheek. Napaatras ako ng kaunti, gustong matawa sa ginawa niya, ngunit napawi iyon nang makitang…nanginginig ang balikat ni Arcena sa kabila ng tapang at mariing tingin sa akin. Merrie covered her face and sobbed weakly.

“Tama na sabi!” matigas na pigil ni Aries, hinarang ang katawan sa harap ko at itinulak ako. “Ano bang pinapatunayan niyong dalawa?!”

I stepped backwards, tilted my head with a sarcastic smile on my lips, and caught Arcena wiping off something on his cheek.

Gusto kong paniwalaang ulan iyon, pero alam ko, hindi lang siya ang may pupunasan. I just controlled myself not to, because I don’t want him to see that this is fucking killing me.

Na baka…kung nakita niya iyon, kakawawain niya lang ako lalo.

“Magkakaibigan tayo eh… Bakit.. bakit tayo nagsasakitan?” Merrie sobbed weakly.

Arcena nodded at me; a faint smile was etched on his lips. “Mas masisikmura ko pang mandiri ka sa akin, kaysa ang magustuhan mo ako. Hinding hindi ko papangarapin ang taong sisirain lang ang buhay ko.”

His hoarse voice stabbed deep. Gusto ko pang sumagot, lumaban, at ipagtanggol ang sarili, pero nakuha na ng huli niyang sinabi ang atensyon ko.

Tumalikod ako at wala sa sariling naglakad paalis. Mabibigat ang hakbang ko, halos wala sa sarili, pero desididong hindi na lumingon pabalik.

“Veniel… Arcena…” Merrie called in a cry. “Aries… pigilan mo… pagbatiin natin sila…”

I regretted the friendship, Arcena. And I will no longer wish for one.

Chapter 20

Brokenhearted

I couldn’t even get up on my bed on the next day. My body felt sore, and my head hurt like hell. Ramdam ko ang ginaw kahit sanay naman sana ako sa lamig ng kuwarto ko.

Naalala ko agad ang lahat ng nangyari kahapon. Kahit ang mga salitang binitawan ko, umaalingawngaw sa isip ko.

Masakit ang ginawa niya. Alam ko wala akong karapatan na isumbat sa kanya ang mga araw na kasama ko siyang naghahanda para sa competition, pero talagang napaasa ako.

He made me believe he was thankful that I joined. What was all of it? Part of his plan to crush me like his rival?

Sige, hindi ko naman dapat isumbat iyon sa kanya. Pero kahit sana respeto na lang bilang kaibigan—o pinagsamahan namin habang sabay na nag-aaral.

Hindi man lang ako binigyan ng paliwanag. Hindi man lang ako inihanda katulad ng paglapit niya kay Angeles para sabihing siya ang gusto niyang duo.

If he could do that to him, then why couldn’t he do that to me? Unless he really meant to hurt me, to betray me.

Kung sinabi niyang hindi kami mag-duo, maiintindihan ko. Hindi iyong ipinamukha niya sa akin sa dulo na pabigat lang pala ako sa pangalan niya.

My phone kept on ringing. Ayokong sagutin. Wala rin akong ganang tumayo para kumain man lang. Everything felt underwhelming, and I feel like the world is now burning down.

Natulog lang ako magdamag, kahit ang kumain, nawala na sa isip ko. I was too drained and weak to do any of it.

Hatinggabi na noong nagising ulit ako. I curled in my bed like a wounded worm. Parang hihigupin ako ng kama ko ano mang oras.

I heard the door of my unit opened. I was too weak to even check if a trespasser got broken into my unit to rob me until I heard someone’s familiar voice.

“Slade…” The door of my room opened.

Si Ate… Nandito si Ate Charm.

“Ate,” I called weakly.

Nag-aalalang lumapit si Ate sa akin, hindi man lang naibaba ang dalang bag na nakasabit sa balikat at diretso nang hinaplos ang leeg ko.

She gasped and panicked. “Ang init mo!”

I sniffled weakly. Tanging lamp shade lang ang nakabukas pero kita ko agad sa mukha ni Ate ang pag-aalala.

“Kumain ka na ba? Uminom ng gamot? Slade, umaapoy ka ng lagnat!” Haplos niya sa pisngi ko.

I sniffled again. Tiningnan niya ang katawan ko, siguro naghahanap kung may sugat ba ako at ganito ako ka-hina tingnan. When he confirmed that there’s nothing, she dragged her eyes back to my face.

“Dahil ba ’to sa competition? Tumawag ang adviser mo sa akin; hindi ka raw pumasok. She said you got a low score and she’s worried!”

Low score…

I’m not even surprised. I couldn’t concentrate. Gustuhin ko mang manalo pero nanaig pa rin ang ibang bagay sa akin. Pero kung…nalaman ko nang mas maaga kay Angeles ang pasya ni Arcena, baka sakaling nagkaroon ako ng rason para ipanalo iyon. I know myself too well.

Naging abala agad si Ate na asikasuhin ako. She went out to buy medicine for me and ordered food, too.

“Wala akong gana, Ate…” Iling ko nang gusto niya akong subuan ng in-order niyang sinabawang baka.

“Kailangan mong kumain! Kailangan mong uminom ng gamot!”

I only shook my head and rolled to the other side of my bed. Gusto ko lang matulog. Gusto kong manatili sa kama.

Hindi ako nakulit ni Ate na kumain at hinayaang matulog na lang ulit kahit maya-maya niyang hinahaplos ang leeg ko para pakiramdaman ang lagnat ko.

“Nandiyan ka na?” I heard my mother’s worried voice as soon as Ate answered a call.

“Oo, Mama. Inaapoy ng lagnat si Slade…” Ate said quietly.

“Jusko… Anong problema ng batang ’yan? Ba’t hindi nagsasabi!” pagalit ngunit mas nangibabaw ang pag-aalala sa boses ni Mama.

“Nakausap ko ang adviser niya eh. Ang baba ng score niya sa sinalihang competition. Hindi siya nakapasok. Mukhang…dinamdam niya,” mas hininaan ni Ate ang kanyang boses.

“Anong competition? Hindi mahilig si Slade sa competition…” si Mama na halos gulat.

“Sumali siya, Mama. Kinausap niya ako noong nakaraang buwan at nanghihingi ng reward…” Ate paused a bit and sighed. “Baka…nagdamdam din ’to sa akin kasi may mga sinabi ako.”

“Charm, alam mo ang ugali ng batang ’yan. Pag hindi nasusunod ang gusto, nagkakasakit! Ganyan siya ka spoiled brat!”

Natahimik si Ate.

“Ikakamatay niya talaga yang labis na pagdadamdam niya pag may hindi nakukuha. Simula pa bata, ganyan na yan. Kahit lumaki, nadala pa rin dahil sanay siyang binibigay ang lahat sa kanya,” patuloy ni Mama.

“First competition niya rin kasi, Ma. Kaya siguro labis na nagdamdam no’ng natalo. Alam mo naman si Slade… Sanay na pinagbibigyan lagi. Nasusunod dapat ang gusto.”

My mother sighed worriedly. “Ano ba kasi ang hinihingi niya sana sa’yo? Baka ’yan na naman ’yong Tesla.” At muling naging agresibo ang boses ni Mama. “Hindi talaga makahintay ang batang ’yan. Gusto nakukuha agad. Nasusunod agad ang gusto! Tingnan mo saan inabot ang tigas ng ulo niyan, nandiyan sa Maynila nagsosolo!”

“Trip lang sana ng kaibigan niya. Gusto niyang dalhin diyan sa Bukidnon…”

“Eh ’yon lang naman pala! Edi dalhin niya rito!”

“Eh, natalo siya sa competition, Ma. Baka doon siya mas nagdamdam.” Rinig ko ang pag-aalangan sa boses ni Ate.

“Bakit ba kasi sumali siya riyan! Oo, sinabi ng Lolo niya na dapat mataas ang grado niya, pero kung nagkakasakit siya ng ganyan, aatakihin sa puso ’yong matanda sa pag-aalala sa kanya!”

I grunted to at least let them know I’m half awake. May sakit na nga, nagbubunganga pa…

“Teka ma, nagising yata…” si Ate na dinungaw ako lalo na’t nakatalikod ako sa kanya.

“Isugod mo na ’yan sa ospital, Charm. Lagi talaga akong binibigyan ng sakit sa puso ng batang ’yan…”

“Sige, Ma. Ang taas din ng lagnat niya eh. Nag-aalala na rin ako.”

“Ate…” I called weakly.

“Bumangon ka, Slade. Dadalhin kita sa ospital…” Hinaplos niya ang braso ko, gusto akong hilain paupo.

Umiling ako at humingos.

“Mama, ayaw niya…” sumbong ni Ate.

“Slade… Sige na, bumangon ka na. Baka mauna pa akong ma-ospital sa’yo ngayon sa pag-aalala. Sige na…” Mama pleaded softly.

Inilapag ni Ate ang cellphone niya nang dumilat ako ng kaunti. Nagmamadali siyang lumapit sa malalaking aparador at binuksan iyon. Kumuha siya ng hoodie at iilang gamit ko.

“Sinong mga kaibigan mo ba ’yon, Slade? Dalhin mo rito ngayong summer…” si Mama.

“Huwag na,” matabang kong sagot na ikinalingon ni Ate sa akin, kumunot ang noo, pero ibinalik din agad ang atensyon sa ginagawa.

“Huwag mo nang damdamin ang walang kwentang competition na ’yon! Magkano ba ang reward doon? Bibigyan na lang kita.”

Lumapit si Ate sa akin at hinila ako ulit paupo sa kama. I squinted my eyes weakly while trying to sit properly.

Pinasuot niya sa akin ang hoodie, at kahit ang ulo ko, nilagyan niya rin ng beanie. Inalis niya ang nakadagang comforter sa akin at isinuot sa mga paa ko ang medyas bago niya ako suotan ng indoor slipper.

Inilagay ni Ate sa balikat niya ang kamay ko at inalalayan na ako paalis sa kama. I sniffled and weakly got up.

“Ma! Ibababa ko na ang tawag. Mamaya na lang ulit pag nasa ospital na kami,” si Ate nang damputin niya ang phone niya.

“Sige sige! Balitaan mo ako. Slade… magpagaling ka. Huwag matigas ang ulo!”

I could barely feel myself. Parang ang bigat ng buong katawan ko kahit para naman akong lumulutang sa ere.

Namalayan ko na nasa elevator na kami. Ate was worriedly clinging onto me like a tarsier hugging a big tree. Pulang pula ako tingnan nang matanaw ko ang sarili sa salamin ng elevator, parang lasing na hindi makatayo nang maayos kaya kailangang alalayan.

Kumuha ng grab si Ate at nagpahatid sa malapit na private hospital. Dapat pala uminom na lang ako ng gamot. I hate injections.

“Ate, huwag injection,” I pleaded.

“Eh anong magagawa natin? Ayaw mo uminom ng gamot. Talagang tuturukan ka. I-eexamine ka ro’n. Kukunan ka ng blood test result.”

I licked my lower lip problematically. She pushed my head to her shoulder. Pumikit ako at inisip na baka mamamatay na nga yata ako.

Pagdating sa ospital, kumuha agad si Ate ng private room para sa akin. I was checked by a family friend doctor and thank God my tests are all normal. Dehydration at stress daw ang ugat. Inamin ko rin kay Ate na…naulanan ako.

“Umamin ka na. Kabisado ka namin pag nagkakasakit. Hindi lang ’to dahil sa ulan. Nagdamdam ka ba?” tanong ni Ate paglabas ng doktor at naiwan kami sa room ko.

I don’t like talking about it. I just want to get over it. Hindi niya rin naman maiintindihan.

“Dahil ba ’to kay…” she paused and looked at me carefully.

Nakatulog na ako at medyo guminhawa na ang pakiramdam ko. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan pero bumababa na rin ang lagnat ko.

Abala siyang balatan ako ng orange at nakaupo sa gilid ng kama ko. Tahimik ko siyang pinanood. Nang hindi ko siya sinagot, muli siyang nagsalita.

“Pupunta ako mamaya sa school mo. Magsusubmit ako ng excuse letter para isang linggo ka munang absent nang makapagpahinga ka. Kailangan mo raw ’yon lalo na’t overfatigue din ang dahilan kaya nagkalagnat ka.”

I nodded without uttering a word. Hinati niya ang orange at binigyan ako ng isang piraso habang naninimbang pa rin ang tingin sa akin.

“Akala ko ba matalino ’yon si Arcena? Bakit parehas kayong may mababang score?”

My lips parted, and I dragged my eyes to look at her. Kinuha ko sa kamay niya ang isang kapirasong orange pero hindi ko iyon maisubo dahil sa narinig.

“Mababa ang score niya?” I repeated.

Tumango si Ate, nagdududa ang tingin sa akin. “Oo. Sinabi ng adviser mo na mababa ang scores niyong dalawa. Mukhang napilitan magdesisyon ang school na ’yong dalawang ka-duo niyo ang ipagpares na lang lalo na’t may sakit ka. Kayo raw dapat ni Jimenez ang sasabak kaso dahil sa lagnat mo, napilitang ipalit ’yong Angeles…”

Arcena… He didn’t get a higher score?

“Ilan ang score niya, Ate?” I asked curiously.

Kinuha niya ang phone niya at inabala ang sarili doon. Iniharap niya sa akin ang isang picture. Result iyon ng final test namin.

Final Exam Result: Clyde Angeles, 25/25 Claudette Diana Jimenez, 24/25 Ronan Slade Veniel, 3/25 Rafiel Donato Arcena, 2/25

Nalaglag ang panga ko.

“Nagulat rin ang adviser niyo na hindi raw kayo naging duo ni Arcena. Iniisip niya na baka napagtripan niyo lang daw ang competition. Pero ’yong Arcena, sabi niya, scholar daw ’yon. Kaya nagtataka siya kung bakit ganyan ka-baba. Dalawang beses pang pina-validate ang mga sagot niyo dahil baka nagkamali lang ang judges pero…ang dami niyo raw talagang mali.”

I swallowed hard and I couldn’t take my eyes off the result. Score ni Merrie at Aries ’to, ah?

“Nagdamdam ka ba dahil…” Ate paused her words again.

I suddenly remembered something: an escape from this chaos.

“Merong offer sa akin ang kabilang school, Ate. Gusto kong lumipat.”

Her eyes widened. Mas lalong bumigat ang titig niya sa akin. Ibinalik ko sa kanya ang phone niya at kinuha niya iyon sa aking kamay, pero ang titig niya, naninimbang pa rin sa akin.

“Sigurado ka? Parang noong nakaraan lang, gustong gusto mo sa school na ’yan.”

“Malapit naman na ang final exam din. Tatapusin ko na lang siguro ang huling sem tapos sa ibang school na ako magg-grade twelve.”

Ate stared at me carefully.

“Gusto kong lumipat, Ate,” I said with finality to convinced her.

Halos may pag-aalangan sa pagtango niya. “Ikaw…kung gusto mo. Papayag naman sila Mama. Wala na rin ’yong magagawa. Kukunin ko na lang ang papers mo pagkatapos ng exam para ma-enroll kita sa gusto mong school.”

Ramdam ko na gustong magtanong ni Ate sa dahilan ng paglipat ko, pero hindi niya ako kinulit doon. Ayoko ring…sabihin ang rason ko.

Pumunta siya sa school at bumalik na may dalang isang basket ng prutas na may mensahe galing sa section Aristotle. Simpleng ‘Rest well, Veniel’ iyon na nagpangiti sa akin.

Nang ma-discharge sa ospital, hindi na muna umuwi si Ate para samahan ako ng dalawa pang araw. Sa Linggo na raw siya babalik sa Bukidnon. Nanghihina pa ako kaya siya na muna ang nagpresentang magluto.

“Kung lilipat ka, baka gusto mo ng farewell party para sa mga friends mo. Sabihin mo sa akin para mapaghandaan din natin,” ani Ate habang abalang magluto at hawak ko ang controller, naglalaro.

“Huwag na, Ate. Aksaya lang ’yon ng oras,” I said nonchalantly, focused on my game.

Ramdam ko na natigilan siya, halos wala sa sariling ibinalik ang tingin sa niluluto niya. Nang nilingon niya ako ulit, mukhang may naisip ulit na pag-usapan.

“Naalala mo ba noong nagkasakit ka noong bata ka pa? Ang taas din ng lagnat mo at kailangan ka pang ipa-check up non,” aniya.

I was too focused on my computer game, but I could see her smile in my peripheral vision.

“Gustong gusto mong sumama sa amin ni Yna no’n eh. Gabi pa lang, hinanda mo na ang mga susuotin mo. Pati sapatos mo, nasa ibaba na ng kama kasi masyado kang mabagal bihisan. You were too prepared…” Natawa si Ate.

I snorted and rolled my eyes.

“Sabi ni Mama, nag-alarm ka pa raw no’n. Imagine, limang taong gulang ka lang no’n…”

I listened quietly while my eyes are still glued to the game but my hands are barely moving.

“Eh kasi, ’yong lakad namin ni Yna. Hindi rin pwede sa’yo. Hindi namin maipaliwanag nang maayos kasi bata ka pa eh. Kaya mas inagahan naming umalis para hindi ka magising.”

Natulala na lang ako sa game. I realized what she’s trying to point out.

“Pero ikaw, wala ka namang maiintindihan do’n. Mas tumatak sa’yo na iniwan ka namin. Buong araw ka pang hindi kumain at nagkulong sa kuwarto. Naglock ka pa ng pinto kaya nagkagulo sa bahay at inakyat pa ng gardener ang balkonahe mo para lang mapasok ka sa kuwarto mo.”

Nilingon ako ni Ate, ngumiti. “Ganyan din ka-taas ang lagnat mo no’n. Dahil sobra kang nagdamdam. Sobra kang nagtampo. Pakiramdam mo binalewala ka namin. Kahit anong paliwanag namin na hindi pwede sa’yo ang lakad, hindi mo maintindihan kasi mas nangibabaw ’yong tampo mo na iniwan ka namin.”

Natulala ako lalo. Hindi na halos gumagalaw ang team ng nilalaro kong basketball game.

“Kung ano man ’yang dinadamdam mo ngayon, Slade, alam ko nasasaktan ka. Kaya kung gusto mong lumipat dahil tingin mo ’yon ang makakabuti sa nararamdaman mo ngayon, sige…lumipat ka,” payo ni Ate, halatang suportado sa binabalak ko.

I sniffled and continued my game. Nililingon ako ni Ate, pero sa tuwing nakikita niyang seryoso ako, binabawi lang din ang tingin at ibinabalik sa ginagawa niya.

Maybe I was at fault, maybe my ambition didn’t match Arcena’s ambition. But I am not stupid enough to realize how the competition revealed what I am into his life.

Nainsulto ako lalo. I blamed myself to it. Kaya kung pwedeng lumipat, lumayo, pandirihan siya lalo, gagawin ko. I will hold on to that resentment to move forward—to never look back. Ito lang ang nakikita kong paraan para…makalimot.

Nang pumasok ulit ako, para akong artistang pinagkaguluhan ng mga kaklase ko. Everyone is worried and concerned.

“Ayos lang ’yon! Ano naman ngayon kung 3 lang ang score mo! Si Arcena nga na top 1, 2 lang! Hindi naman kailangang panalo kayo lagi eh!”

“At least, ’di ba, napatunayan naming mga tao rin kayo. Madalas matalino, minsan bobo,” halakhak ng mga lalaki.

“Natanggap mo ba ang prutas namin, bro? Gusto sana naming dumalaw sa ospital kung nasaan ka kaso ayaw ni Ma’am! Huwag na raw at baka makalala lang kami sa lagnat mo.”

“Heh! Nirarason niyo kasi ang sakit ng tao para magcutting!” the girls quarreled.

Ang gulo nila ng ilang minuto sa harap ko. Gusto kong matawa roon pero sa tuwing naiisip na lilipat ako, nawawala lagi ang ngiti ko.

“Lilipat ka?” My adviser asked, she looked shock and unprepared.

“Yes, Ma’am…” I nodded seriously.

Nasa faculty room ako, pinatawag dahil isang linggo akong absent at gusto akong kausapin ni Ma’am.

She nodded, but she looked worried.

“You’ve been one of the aces in this school. You have little trouble, but the school values you now that you’ve unleashed your potential in basketball. You’ve become an MVP.”

“Kaya gusto kong tanggapin ang offer sa kabilang school, Ma’am. I think I’ll polish my skill more if I am part of the right team,” I said eagerly.

Her lips parted but then she licked it and nodded to at least understand me.

“Gusto mo bang…ipatawag ko rin si Arcena at kausapin siya nang masinsinan?”

Kumunot ang noo ko at bahagyang natawa. “Para saan, Ma’am?”

“I mean, the competition probably affected you. You are Arcena’s greatest rival. The result probably traumatized you because you are also competitive like Arcena. Pwede pa namang bumawi, Veniel.” She cheered me up.

Now everyone thinks I cannot survive without that self-centered brat?

“Both of you are still young. Huwag kang panghinaan ng loob na sumubok ulit. Success isn’t measured by how many times you fail, Veniel. And that’s the purpose of school—to learn…not just from a lesson, but also from a failure.”

Nanatili akong tahimik kahit alam kong walang kahit sino mang makakapagpabago ng desisyon kong lumipat.

“Kung…ano man ang hindi pagkakaunawaan niyo ng kaibigan mong si Arcena, talk about it. Communicate. You two are known for being rivals, but don’t ruin a good friendship over a ranking.”

“This is just about my ambitions, Ma’am. I want to transfer because I don’t see my future in this school. I belong somewhere else,” I explained firmly.

Kahit ang ibang guro ay napalingon na sa akin. Ma’am looked stunned, but later on, she nodded defeatedly.

“Okay. I understand. You are right. As your adviser and your second parent, all I can do is to support what you think will motivate you to move forward.” She smiled a little.

I concentrated on the last quarter. Merrie’s not around anymore, and I heard she’s back in her usual habit. Nararamdaman ko minsan ang titig ni Aries, pero madalas, nakikita ko na ring mag-isa siya, lalo na’t siguro, busy rin si Arcena.

I know he regretted that punch. But I’m quite thankful for it. Pero kahit bugbugin niya ako, sa sobrang sakit ng naramdaman ko noong oras na ’yon, sasabihin ko pa rin lahat ng iyon kahit sa huling hininga ko man lang.

“Naririnig ko sa faculty, tinanggap niya raw ang offer sa school nila Jarsdel. Lilipat daw siya.”

“Totoo ba?”

“Hala… Slade?! Lilipat ka?” my classmates asked loudly.

Everyone in the class looked at me. Break time at abala akong magbasa ng libro nang mabulabog ang lahat dahil doon.

“Yup.” I only smiled without a humor.

They all gasped, their faces were immediately crumpled in sadness. Everyone then looked at Arcena like he had something to do with it.

I saw Aries’ cold stare. Arcena was busy in front of the laptop, and I noticed he paused from typing and stared at the screen blankly. Ibinalik ko ang atensyon sa binabasa.

“Ay gago ka, tol! Iiwan mo kami?” ang mga lalaki sa likod.

“Alam na ba ’to ng tomboy? Kaya siguro nagcucutting na ulit?”

“Hala…edi ikaw rin Aries? Lilipat ka rin? Close pa naman kayo.”

“Slade! Ipagpapalit mo kami sa kabilang school!”

“Leche na green school ’yan! Porket nakitaan ng potensyal si Slade, aagawin!”

“Bakit naman gano’n… Akala ko hanggang Grade 12 na ang kalokohan natin. Hindi buo ang Aristotle kung wala ka!”

“Sabi ko na talaga eh! ’Yang mga ganyang mukha paasa at nang-iiwan!” ang mga girls.

“Ang sakit mo, pre. Magkarelasyon ba tayo at sinasaktan mo ako ng ganito?” biro ng mga boys pero kahit sa tawanan, may halong bigat.

They were too alarmed while talking about it. Nanatili akong tahimik, hindi na pinatulan ang mga reklamo nila.

“Uy, Arcena? Saan ka pupunta?”

I looked up to check on him. Dala niya ang laptop at naglalakad na papunta sa pinto. His expression remained unreadable, but it’s my least concern.

“Aalis. Ang iingay niyo eh,” he said.

“Iiyak ’yan, kunwari lang ’yan. Iiwan ba naman ng rivals niya.”

I dragged my attention back to my book like nothing mattered to me anymore. Pero ang binabasa ko, hindi ko man lang maipasok nang maayos sa isip ko.

Nagfocus ako sa huling exam. Wala na akong ibang ginawa kundi umuwi nang maaga, magbasa ng libro, at pumasok ulit para lang mag-aral na naman.

This time, I know the only rival I have is to satisfy my ego. To validate my efforts, to take what I think what’s mine.

“Uy… nandito na ang ranking…” The class panicked and crowded the result attached to the bulletin board.

I took my bag and put it on my shoulder. Dumaan ako sa nagkukumpulan kong mga kaklase at sinilayan ang result.

Top 1: Ronan Slade Veniel, 97.50 Top 2: Rafiel Arcena Donato, 97.45

My lips parted. Not because I was now on top of his name, but because of the difference. Para bang…pinagbigyan niya lang ako sa .5 kaya lumamang ako. Ang yabang talaga.

I heard the screams of my classmates. For some reason, it didn’t satisfy me enough. Or maybe, it was never the goal…

I wasn’t even contented now that I surpassed him. I was prouder when I was placed below his name. Now that I pulled him and I got what I wanted, it felt underwhelming.

’Yun na ’yon?

“Nakuha ko na ang papers mo,” si Ate nang abala akong mag-impake sa mga gamit ko sa unit ko sa sumunod na mga araw.

Pagkatapos ng final exam, hindi na ako pumasok pa. Si Ate na ang umasikaso sa mga naiwan kong documents.

Sabay kaming uuwi sa Bukidnon dahil summer na rin. My family made plans for me. Wala rin…wala rin naman kasi akong plano ngayong summer.

I was storing most of my things in the box. Naghihintay na rin ang van sa ibaba dahil huling araw ko na ’to sa unit ko.

Kumunot ang noo ko nang may mahanap akong payong na hindi naman sa akin.

“Sa’yo ’to, Ate?” tanong ko at ipinakita iyon habang abala siyang ipasok ang malaking box.

Tumagilid ang ulo niya. “Huh? Hindi.”

I stared at the umbrella curiously. Baka kay Claudia? Naiwan niya rito? Pero hindi green ang hilig no’n na kulay eh.

I placed it in the box together with my other things. Tiningnan ko ang pamilyar na tupperware na hindi ko pala naisauli. Wala rin akong balak pa.

“At ito rin pala.” Ate placed down the big box. “Pinapabigay ng mga kaklase mo.”

Kumurap ako at nakita ang naka-italic na font na Love, Aristotle sa box. I slowly opened it.

Umalis siya sa harap ko, may kinuha ulit na maliit na box at kita ko na cake naman iyon.

“Meron din silang binigay na cake. Heto oh…” She showed the cake with a dedication on it.

Live, Love, Laugh, Veniel!

Forever Aristotle.

“Ang sweet pala ng mga kaklase mo, ’no?” nangingiting sabi ni Ate.

My chest clutched like it was stabbed continuously. Hindi ako nagpaalam dahil ayoko na…malungkot ako. Ayokong makarinig ng kahit anong babali sa desisyon ko.

I almost forgot that I am not leaving four people only, I am leaving a whole section. Nasanay naman ako sa atensyon nila, pero ngayon ko mas nakita ang nabuo kong koneksyon kasama sila.

“Medyo naintindihan ko noon bakit galit na galit ka noong sinabi kong ililipat kita. Nakita ko kung bakit, Slade.” She laughed a little, but her eyes looked at me with pure sadness.

I pulled my attention back to the box I opened. Nakita ko agad ang laman at puro mga gifts iyon kasama ang maraming letters. Tahimik kong tiningnan ang mga iyon. Plushies, crochet flowers, my jersey with their handwritten messages all over it, chocolates, handmade bracelets with their names, my signature perfume, and pictures.

There’s also a CD and they wrote down ‘Memories to look back’ on it as a title. Lumunok ako, nanlalabo lalo ang tingin. Bakit pa sila nag-abala ng ganito?

“Hindi mo raw sila binigyan ng tsansa na magpaalam. Umalis ka agad kaya ’yong huling pondo ng pinaghirapan niyo noong intrams, binili raw ng mga gifts para sa’yo. Farewell at birthday gift daw…”

Nanginig ang kamay ko, gustong hawakan isa-isa, pero hindi alam ang dadamputin sa sobrang dami ng naroon. I could vividly imagine them in my mind, squatting on the floor while combining all the gifts for me.

Ang ingay nila sa isip ko. They probably looked broken, confused and sad because I’m leaving them behind. The boys at the back were probably murmuring curses while preparing their gifts for me.

Gusto kong huwag isipin na ganoon nga ang nangyari, na hindi naman sila malungkot, pero sa halos isang taon na nakasama ko sila, mas nakilala ko ang iba sa kanila dahil sa mga kompetisyong sama-sama naming sinalihan at ipinanalo.

Humingos ako at dinampot ang pictures noong intrams na abala kaming lahat sa preparations. Puro stolen pictures ang iba, ang iilan, mga magugulo naming pictures tuwing may competition at mga katuwaan sa klase.

We didn’t treat each other like classmates; we were allies. Kalokohan ng isa, kalokohan ng lahat. Away ng isa, away ng lahat. Magkakalaban man kami sa loob ng classroom, pero sa labas, magkakampi kami na handang ipagtanggol ang isa’t isa.

Oo nga pala. Hindi lang apat ang naging kaibigan ko.

Ate crouched down and looked at me gently. She caressed my arm until I noticed the tears I couldn’t hold back.

“Bakit pa sila nag-abala?” tanong ko at namalayang may patak na ng luha ang tiningnan kong picture.

When Ate pulled me for a hug, my shoulder trembled weakly. Lumabas ang hikbi sa akin. I clutched the picture and cried brokenly.

Kahit pa itanggi ko, magpakatatag, alam ko, sarili ko lang ang niloloko ko. Gusto ko lang umalis dahil ayokong masakal sa sariling nararamdaman ko. Gusto ko lang patunayan na kaya ko ring tumalikod at mang-iwan.

“Maraming nagmamahal sa’yo. Hindi mo nakita noong nagdesisyon ka dahil abala kang…mahalin ang isa,” Ate said meaningfully.

Ayokong mawala ang galit ko. Ito na lang ang meron ako. Ito na lang ang kaya kong panghawakan. Ito na lang ang natitira sa akin.

“Naiinis ako, Ate. Ginawa ko ang lahat. Sinubukan kong…bagayan… Sinubukan kong intindihin kahit hindi ko naiintindihan. Pero kulang pa rin,” namamaos kong hagulhol.

Ramdam ko ang basa sa balikat ni Ate. Rinig ko ang sariling hikbi na ilang araw kong pinipigilan.

“Baka kaya ka nasasaktan kasi ito ang unang beses na may hindi ka nakuha kung kailan pinaghirapan mong kunin, Slade. You are not only hurt, but also brokenhearted,” she whispered softly.

Alam nga ni Ate. Nabasa niya ang hindi ko maamin-amin sa kanya—kahit sa sarili ko.

Tahimik akong umiyak sa balikat ni Ate. I wanted to tell her the truth, but I don’t want to acknowledge it anymore. I wanted to resent the feeling, to abandon it, and to never entertain it again. I wanted it gone.

“Mahal mo?” she whispered meaningfully.

She sighed worriedly when I didn’t respond. Mas humigpit ang yakap niya.

“Mahal mo,” she uttered like a realization.

I shut my eyes. I wanted to just forget everything. If leaving is the only way to express my hatred, I will run as fast as I can.

“Malaking gulo ’yan, Slade. Hindi normal ang ganyang pagmamahal sa pamilya natin. Iisipin nila na sisirain mo lang ang buhay mo pag pinili mo ’yang ipaglaban…” may bahid ng takot sa boses niya.

Kaya nga sobrang sakit, Ate. Kasi handa akong sirain ang buhay ko para lang buuin ang kanya.

Chapter 21

Space

“Aren’t you all ashamed of yourselves?” The principal looked at us critically.

Natulala ako. I’m not sure why I was sent here together with my Grade 12 classmates, mostly boys, but my thoughts wandered somewhere familiar.

“Ano raw ’to?” Maverick whispered, dinungaw ako na nakatuko sa nakaparte kong mga hita.

Nagkibit ako. Ako pa ang tatanungin eh wala rin akong alam. Pinatawag ba naman bigla.

“Hindi ba kayo nahihiya na pagpyestahan ang kumakalat na video ng schoolmate niyo?” The principal eyed us more.

Scandal?

“Some of those in the GC aren’t aware about the leaked scandal, Ma’am,” boses ni Jarsdel kaya kunot-noo ko siyang nilingon.

He looked too serious and ready to defend those who are innocent. Naalala ko bigla ang hindi ko nagawa noon. He knew how to stand up not just for himself, but also for everyone who couldn’t use their voice.

“The GC contains a lot of explicit content, Jarsdel. And some of you are even minors who are in that GC,” giit ng principal at ako ang tiningnan nang mabanggit ang minor.

Lumingon pa ako sa likod at baka may tao rin doon pero pader na pala.

“Anong GC?” I cocked my head to Evander’s side to whisper it lalo na’t magkatabi lang din kami.

Siya naman ngayon ang nagkibit at yumuko rin para makalebel ako.

“Dunno…”

Nang mapagtantong parehas kaming walang alam, nag-iwas kami ng tingin sa isa’t isa para pigilang matawa. Hayop.

“The ones who must be punished are those who leaked and participated in spreading the scandal, Ma’am,” si Jarsdel na talagang nakikipagsagutan pa.

The principal seemed too mad to listen to Jarsdel’s suggestion. Naalala ko bigla ang guidance counselor sa school namin, but we’re only tangled in petty fights, not this type of scandalous issue.

“I will talk to your guardians tomorrow. This must be discussed seriously. Your behaviors are alarming. Mga lalaki kayo, mga minors, at hindi dapat pinapalampas ang ganitong kabastusan. Your schoolmate is traumatized because of that leaked scandal, and all of you are participating to watch her private videos!”

“Eh bakit din naman kasi nagsend, Ma’am? Hindi naman na yata namin ’yon kasalanan kaya na-leak. Nasend lang talaga sa GC kasi curious kami kung ano ’yon,” one of our classmates blurted out.

Nagkasalubong ang kilay ko at sabay pa naming tiningnan ni Maverick ang nagsalita naming kaklase.

“If you are curious to watch someone’s private video being leaked without their consent, then you’re sick in the head,” Jarsdel confronted.

“Gago na nga, bobo pa…” I mumbled and laughed while looking at my classmate.

Nagulat ang kaklase naming lalaki. Evander elbowed me and laughed quietly. Yumuko tuloy ako at sinikap na magseryoso lalo na’t tumingin ang principal sa amin, iritado pa rin.

I’ll admit I’m watching porn videos, but a private leak video is disgusting. It’s someone’s intimate moment, unlike in porn, that they publicly shared with consent to be watched by others for pleasure.

Galit na galit ang principal. Noong pinalabas kami, saka ko tiningnan ang sinasabing GC kung nandoon ba ako at naalalang ito pala ’yong GC na akala ko, para sa buong section. Puro boys lang pala.

Mukhang may nagsesend ng porn videos sa GC na ’yon at saktong may kumakalat pala na scandal sa school, s-in-end din do’n. Isang babae yata na kaklase lang din namin ang nagsumbong.

Ate: Kakalipat mo lang, Slade. Ano na naman ’tong guidance na ’to? At mismong principal pa?! The school emailed me!

Slade: Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras, ate. Dahil lang ’yan sa mga bobo kong kaklase at nadamay pa ako.

Ate indeed didn’t show up. I think she’s too embarrassed, knowing I just transferred. Maraming parent ang dumalo, lalo na sa mga lalaking kaklase ko na nagsend mismo sa GC at nagcomment ng kung ano-ano.

“The principal said you guys need to serve the library for a month as a punishment,” ang Dad ni Jarsdel pagkatapos ng meeting.

Natulala ako saglit nang may maalala. Wala bang ibang lugar at doon talaga?

“Hindi mo pinaglaban na wala naman kaming kinalaman, dad?” Jarsdel argued.

Nagkibit ang Papa niya, nanatiling mahinahon. “Nandoon ka sa GC; I can’t defend you on that.”

“But I didn’t watch any of it,” iritadong sabi ni Brent, nilingon din kami ni Maverick na tahimik na nanonood sa kanya. “We didn’t participate.”

His father sighed and pulled out his wallet. “Kaya ako na ang magbibigay ng reward dahil hindi kayo sumali. Treat your friends and go have a drink.”

Nagkatinginan kami ni Evander at natawa. Jarsdel’s father is cool.

“I understand you kids are curious, but there are things you need to limit yourselves from, not because you are too young for it, but because not everything should be watched. It’s private for a reason.”

“Sabihin mo po ’yan sa mga bobo naming kaklase, Tito,” I answered.

Jarsdel took the money his father handed over. Ngumiti siya sa amin.

“Pag mapapatawag ulit kayo sa guidance, I’ll happily attend it if you kids punch those classmates of yours.”

Humalakhak kami ni Mavric. He tapped his son’s shoulder to bid goodbye and told us not to drink too much.

“Eighteen na kayo?” gulat kong tanong nang nasa 7/eleven kami at nakabili ng inumin si Jarsdel.

“Yup. Why? You’re still a minor?” tanong niya, nilingon lang ako habang pumipila na siya hawak ang bote ng Black Label.

“Just turned seventeen this year. Kaya pinagbabawalan akong uminom ng hard drinks. Medyo nasanay na rin ako sa light drinks kaya hindi ko pa masyadong sinusubukan ang hard.”

“Strict parents, huh…” Jarsdel commented.

“Wow. I missed being that virgin. My kidneys have been heavily fucked by alcohol since I was fourteen,” natatawang sabi ni Mav at inakbayan ako.

When Jarsdel realized I am just a minor, he walked back to the liquors and got something light to drink. Buti hindi niya naisip na mag tubig na lang ako?

“Ayos lang kung hard din ang akin,” sabi ko nang bumalik na siya ulit sa counter.

“Once you turned eighteen, I don’t wanna get scolded by your strict family.”

This is what my family likes when it comes to choosing friends. Hindi ko nga lang alam kung magkakasundo kami ni Jarsdel. Medyo…napipikon ako sa kanya eh. Masyado pang presko sa isip ko iyong basketball game at hindi ko pa nakakalimutang…pinag-initan ko rin ’to.

Nagbayad na si Jarsdel, si Evander naman ay tumabi sa kanya para ilapag ang isang box ng condom. Nakatitig ako roon at nahuli pa ako ni Evander na naroon ang tingin kaya natawa siya.

“Safe sex…” he elaborated, like I’m too sheltered for staring at it curiously.

I am indeed…sheltered. Kahit na may naging experience ako, my body count remained one. They’re not minors anymore, and I feel like they have a lot of experiences with different girls.

Girls…

“What’s with braces? Hindi pantay ang ngipin mo?” tanong ni Mavric at kanina pa napapatingin doon nang makapasok na kami sa unit ni Brent, dito mag-iinuman.

“Pampapogi lang,” I answered and grazed my tongue on my upper teeth.

Mavric chuckled. “Ayoko ng ganyan. Mukhang sagabal…”

I realized what he was trying to say. Natatawa akong nailing. Brent is too busy choosing a movie. Manonood daw kami ng Fast and Furious.

“Wala pa namang nagrereklamo,” I smirked.

Brent poured a hard drink into Evander’s shot glass. Kuryoso ko iyong tinitingnan habang sumisimsim sa flavored beer ko.

I watched Maverick drink it like a pro who’s unfazed by its taste. He didn’t even flinch an inch. Mga hayop pa yata sa inuman ang dalawang ’to.

“Nagbabar kayo?” I asked out of curiosity.

“I’m throwing big parties—more on house parties since my friends are into that stuff,” he shrugged.

Tiningnan ko si Brent nang may naisip.

“Marami bang…girls sa parties mo?” I asked.

Maverick laughed and smirked at me. “Wait until you’re eighteen. You’ll see.”

Nailing si Brent, abalang salinan ulit ng shot ang shot-glass. “If you’re looking for Athena, then she’s not part of my circle. She’s Mavric’s ex.”

Umangat ang kilay ko. That girl. Akala niya talaga tipo ko ’yon? Nangingiting sumimsim si Mavric sa drink niya.

“Oh… Siya ba ang tipo mo? I thought…” He looked at me meaningfully and sipped his shot.

Mas kumunot ang noo ko. Sino ang iniisip niyang tipo ko kung ganoon?

“Can’t blame you. That girl is my type, too. Nakaangasan ko pa si Vallejo na sumali lang din dahil galit yata sa akin because of that girl. That motherfucker is pettily beefing with me. He likes Athena, too,” kuwento ni Jarsdel.

“Tapos ikaw ang naging boyfriend?” natatawa kong tingin kay Evander.

“I didn’t know they’re into my ex. Got her because I’m faster than them?” Evander shrugged cockily.

“Yabang.” Brent snorted before chugging down his drink.

“Eh si Vallejo? Kasali ba siya sa circle niyo?”

Umiling si Mavric, naantalang inumin ang shot. “Nope. Mailap ’yon. Mainitin ang ulo. We’re not close with him.”

Tumango ako at medyo nanghinayang sa bagay na ’yon.

Marami rin akong nalaman kay Brent Jarsdel. May green card pala ang isang ’to. Si Maverick Evander na mahilig sa parties kaya gustong dumikit lagi kay Brent.

Akala ko noong nasa Manila na ako, medyo nakawala na ako sa hawla. Pero napagtanto ko na kumpara sa iba—dito kay Brent at Mavric, matino pa rin pala talaga ako. During my 11th grade, I don’t usually attend house parties because I don’t like drinking at all, and Claudia wants me to keep myself away from it because I am just a minor.

Now that I am single, I realized I wasn’t easily influenced unless it was my choice to join them.

I don’t like parties at all. I don’t enjoy them for some reason. Pero ayaw ko ring bugbugin ang sarili sa kakaaral. Wala naman akong papatunayan pa. Bukod do’n, parang pagpaparty ang nakikita kong magandang distraction sa lahat.

Ang roommate ko, mukhang batak rin sa nightlife pero dahil minor ako, hindi ko siya maipapasok sa mga bars dito sa Manila. Kaya parehas talaga kaming nabubulok sa kuwarto at nag-uusap ng kung ano-ano.

Tyler isn’t the typical city boy; he’s in a different league because he’s a foreigner. May mga pinsan naman akong englishero at naka-adapt na sa foreign culture dahil sa environment namin, pero iba ang isang ’to. Literal na foreigner talaga at ang daming slang terms na hindi ko minsan naiintindihan. Kahit Tagalog, hirap.

“Why do most of the Pinoys act so fast? What’s with the rush? They seem like they’re always in time-lapse, and it’s gonna be the end of the world.”

Gago. Napansin niya pa ’yon? Ako na Pinoy, ngayon ko lang din napagtanto.

At talagang tanong niya ’yon sa disoras ng gabi dahil hindi pa siya masyadong nakakaadjust sa body clock niya. Sinusubukan ko nang matulog sa kama ko, dumayo pa talaga siya sa kama ko para lang makipagkwentuhan.

“Environment, bro. Some of them struggle in poverty. Time is too valued.” I yawned sleepily.

“Really? What’s with the poverty here?”

Takpan ko na lang kaya ng unan ’to pag nakatulog? Wala rin yatang ibang kaibigan ang isang ’to. Ang nakikita ko lang madalas ay ’yong matanda na tinatawag niyang Tito Rommel.

“Government’s source of income. We’re their machine. Imagine we’re doing too much and they’re barely doing their work.” I chuckled.

“Oh… So the government here is corrupt?”

Gusto ko pa sanang makipagdebate, pero naiirita ako bigla. Ayokong may patunayan. Ayokong…makipagdebate.

“Dude, shut up. Sleep.” Tinalikuran ko na talaga para lang tumahimik na siya.

“My fuckass country is too advanced; I sometimes wonder if I looked like an alien here in my dad’s city,” he yapped in a thick accent.

At ito pa ang makakasama ko buong taon, ah? Kung hindi lang ako nililibre nito, lalayasan ko na. Ang daldal ba naman.

Natulala ako saglit nang maalala ko bigla si Aries sa kanya. Mahilig manlibre at mapang-asar din minsan. Sumobra nga lang ang isang ’to sa kadaldalan, lalo na noong natututong magtagalog. Lahat ng turo ko sa kanya, sa akin ba naman binabalik.

Kung may maganda man sa roommate ko…Mommy niya. Latina! Binibiro ko pa siya na handa akong maging stepdad niya kahit ang totoo…may naalala ako.

Dapat talaga lulong ako sa kahit anong bagay para hindi kung saan-saan napupunta ang isip ko. Gusto ko sanang um-attend sa house parties ni Brent pero isa rin ’yon, ayaw niya dahil minor pa raw ako.

Pero ayoko ring masyadong madikit kay Brent. Naiirita ako dahil may naaalala rin ako. Kaya si Vallejo ang sinusubukan kong kaibiganin lalo na during practice.

Hinampas ko ang pwet niya para kunin ang atensyon niya. Vallejo glared at me murderously while panting.

“Naaalala mo pa ba ako?” tanong ko kahit parang galit na galit siya.

He distanced himself while wiping the sweat on his forehead. Humabol ako at muling hinampas ang pwet niya, nangingiti.

“Gago ka ah? Itigil mo ’yan,” bigla niya akong itinulak palayo.

Nagulat ako at kamuntik pang mapaupo sa sahig sa sobrang rahas no’n. Kung hindi humarang si Mavric sa likod ko, baka natumba ako nang tuluyan sa lakas ng pagkakatulak niya.

“Chill, Vallejo,” si Jarsdel na inawat siya, pumagitna agad.

Vallejo tilted his head to glare at me.

“Isa pa ah,” banta niya.

Some of the varsity players were watching silently. They all seemed used to his temper.

“Anong ginawa ko?” tanong ko kay Mavric.

“Mukhang ayaw niyang hinahampas mo siya sa pwet,” aniya.

Huh? Bakit?

“Biro lang naman ’yon. I didn’t know he hates it…” sabi ko at tiningnan si Vallejo na naglakad na paalis.

Si Brent na hindi na malapitan si Vallejo dahil lumalayo na, ako ang nilapitan.

“Don’t approach him like that next time. Avoid smacking his butt,” Brent lectured.

Baka may injury? Kasi sanay naman ang mga boys na hinahampas sa pwet. Pero sa galit ni Vallejo kanina, parang ihahampas niya talaga ako sa sahig kung hindi ko titigilan.

“Sabi ko sa’yo eh. Mailap ’yan,” ani Maverick, tinapik ang balikat ko.

Wala pala siyang kasundo sa basketball players kaya medyo nagulat ako nang makita ko siya sa labas ng school at may kasamang grupo na…naninigarilyo.

Mukhang mga estudyante rin at taga-ibang school. They looked delinquent because of their stance and cigarettes, but what caught my attention was Vallejo blending in well like he’s part of them. ’Yan ang mga kaibigan niya?

I walked toward him. He was stooping down on the floor, his forehead furrowed, as he lit his cigarette.

Nagdadalawang-isip akong lumapit pero nakita niya na ako. Magmumukha akong tanga kung aatras pa.

“Vallejo,” tawag ko.

He only nodded seriously and puffed his cigarette like it was the most important thing to him. Tumigil ako sa harap niya. Even his friends looked at me as well.

“Ah… ’yong nangyari pala noong nakaraan. ’Yong hinampas ko ang pwet mo? Baka na-offend ka. It was a playful move, bro. I’m sorry,” I said carefully.

His friends’ eyes widened, and they laughed like I was being stupid. Naubo pa ang ilan sa kanila kakatawa, na para bang may mali sa sinabi ko.

Mas lalong nairita si Vallejo, hindi ko alam kung sa mga kaibigan niya o sa akin dahil baka hindi pala ’yon big deal at inungkat ko pa?

“Sinusuyo ka pala, eh! Tigasin!” his friends laughed.

“Talikod, Rick! Pahampas nga! Ipakita natin kung gaano ka kaangas!”

“Tang ina niyo. Tumahimik kayo,” he threatened but his friends kept laughing.

“Baka tipo mo ang kaibigan namin, ah?” natatawang tanong nila na ikinairita ko.

“Kaibigan mo, pre?” some of the boys asked, still laughing like I am too out of their league and it was funny to them.

“Hindi. Kasamahan lang sa basketball,” aniya.

“Yayain mo, Rick. Isama natin sa inuman natin.” Ngisi ng isa sa kanila.

Vallejo furrowed his brows and looked at me intently as he puffed smoke to the side.Mukhang nagsisi pa, ba’t ako lumapit.

“Anak mayaman ’to. Ang linis tingnan eh,” natatawang sabi ng isa na ikinaismid ko.

Sa hygiene na pala malalaman ngayon kung anak mayaman ka o hindi? Hindi ba pwedeng malinis lang talaga ako sa katawan?

“Gusto mo, tol?” Isa sa kanila ang naglahad ng karton ng sigarilyo.

Umiling ako at muling tiningnan si Vallejo.

“Umalis ka na.” He glared at me.

Tumango ako at tumalikod na agad. Gago. Ba’t ganyan ang mga kaibigan niya? Ang aasim pa. Siya lang halos ang naiiba roon.

For some reason, I suddenly remembered Merrie on him. Lost and detached. Baka kaya rin pursigido ako na kaibiganin dahil…naaalala ko ang past circle ko.

“I dunno, bruh. Most of those delinquent students like hanging out with delinquents too. Well, in the States, I got delinquent friends because they find me funny and friendly,” si Tyler nang magtanong ako kung paano nakukuha ang loob ng mga ganoong tao.

“How?” Halos hindi ko pa masubo ang scampi pasta na libre niya.

“Uh… they offered party drugs, and I took them to try? They like it when you’re embracing their world instead of judging them. It makes them comfortable trusting you.”

Gago… Nagchochongke pa yata ang isang ’to?

“Cuz you know, those delinquent students are just misunderstood teenagers. That’s why when it comes to friends, I don’t really mind being friends with anyone, even those with questionable hobbies. As long as we respect each other’s boundary, then I won’t fuck with your shit,” dagdag niya na nagpakalma ng salubong kong kilay.

Ang haba na agad ng nasabi niya. Pero may sense din naman kahit minsan, wala siyang sense kausap.

Misunderstood teenagers…

Noong practice ulit, pansin ko, nauunang umalis lagi si Vallejo. Nakayuko pa ako sa mga hita ko, medyo hingal habang pinapanood ko siyang kunin ang duffel bag niya.

“Veniel,” Evander called me, mukhang ramdam niyang balak ko na namang lapitan si Vallejo.

I stood up and signaled to let me off the hook for a minute. Nagjog na ako para sundan si Vallejo.

“Maninigarilyo ka?” I asked as soon as I leveled him.

Iritado akong nilingon ni Vallejo. Hindi siya nagsalita kaya sumunod ako hanggang lumabas na ng school at naghahanap ng smoking area.

I asked for a stick to join him. He looked curious while watching me. Hiningi  ko pa ang lighter niya para patunayang naninigarilyo ako.

He gave it critically, like an attorney trying to catch his client lying in front of his face. So I lit the tip of the cigarette and inhaled it. Pero noong sinubukan ko, parang bumara lahat ang usol sa lalamunan ko at lumabas ang iilan sa ilong ko kaya halos naubo ako.

“Yabang mo rin eh…” Natawa si Vallejo at pinitik paalis sa kamay ko ang stick.

Ang pangit sa pakiramdam! Hayop na sigarilyo ’yan!

“Anong kailangan mo?” tanong niya at kalmadong inilagay ang stick sa labi.

“Wala kasi akong kakilala masyado, bro. Eh naalala ko magkaklase sana tayo kung hindi ka lumipat…” Namulsa ako at pinakiramdaman siya.

Nagkasalubong lang ang kilay niya at sinindihan ang sigarilyo sabay layo sa akin ng kaunti.

“Akala ko ba close ka na sa dalawang ’yon? Kay Jarsdel at Evander. Mga cool kid ’yon,” malamig niyang sabi, tumingala para ibuga ang usok, pero nanatili ang tingin sa akin.

“Ah… mga kaklase ko kasi sila kaya walang choice.” I caressed my nape and smiled awkwardly.

“Cool kid ka rin ah?” He looked at me from head to foot before he puffed his cigarette again.

“Ikaw ang mas cool kid. Naninigarilyo ba naman…” I laughed.

“Tang inang ka-kornihan ’yan.” He snorted, yet a faint smile spread across his lips.

Namulsa ako at natawa. So he’s not smoking for fun or to look cool? Hmm…

“Bakit hindi mo close sila Jarsdel?” tanong ko, lalo na’t siya lang yata ang nakilala ko na ayaw mapabilang sa circle niya.

Jarsdel is a popular student for many reasons. Not just because of his wide circle, but maybe because he’s a star player and he got the looks, too. Parang gusto ng lahat ng student na close sa kanya dahil madalas din sa mga close niya, mga katulad ni Maverick Evander.

“Pang cool kid lang. Iba ang tama ko,” aniya.

“Anong tama mo? Sa ulo ba ’yan?”

Instead of puffing his cigarette, he let out a laugh again. Iritado niya akong tiningnan kahit nakangiti na.

“Gago ka rin, eh. Ikaw ang tatamaan sa akin kung hindi ka tumigil.”

Natawa ako. Tumahimik kaming dalawa. Pinanood ko ang nagbibilliard na mga estudyante, may iilan na umiinom pa yata, at nandito kami sa sulok.

“’Yong paghampas ko pala sa pwet mo, sorry pala. Biro ko lang ’yon, bro,” I said to at least address it.

He nodded nonchalantly. “Ayos lang…”

“Sigurado ka? Baka sa susunod na practice bubungalin mo na talaga ako?” I tilted my head and smiled.

He looked at my lips and glared at me. “Kahit bungalin kita, mukhang malakas ang kapit ng mga ngipin mo. Nakaalambre. Naks…”

I barked a laugh when I realized he meant my braces. Nailing siya, iritado pa rin, pero kalmado na tingnan.

I felt satisfied from it. May tulong din pala ’yong roommate ko. Mukhang nakuha ko nga ang loob ni Vallejo dahil simula sa araw na ’yon, naging magaan ang pakikitungo niya. Minsan, kami na ang nag-uusap.

I also introduced Tyler to Brent and Mavric when he was looking for his friends’ clients. Noong una, kaklase lang talaga ang tingin ko kay Brent at Mavric, kaso itong si Tyler, nawiwili na sa house parties ni Brent.

Ang clingy din naman kasi nito ni Tyler sa akin. He likes having me around. Kaya mas lalo akong napalapit sa dalawa dahil gustong gusto ni Tyler ang vibe nila.

“Ang sakit ng ulo ko,” reklamo ko kinaumagahan, nakikita ang sarili sa malaking salamin, naka-hoodie, namumula pa rin ang pisngi, at magulo ang buhok.

Nasa kandungan ko ang ulo ni Tyler, nakahiga roon. Sa paanan niya ay naroon naman si Mavric, tahimik na nagcecellphone. We were all quiet because of hangovers.

“Drink meds, bro…” si Tyler na tiningala pa ako.

I spent my eighteenth birthday at Xylo last night. I tried all the shots. Medyo naging mayabang din. Tapos ngayon, heto, sabog na sabog tingnan.

We were waiting for our ordered food. Jarsdel was in the shower room while Tyler, Maverick, and I were here on the sofa looking like dried vegetables in the summer season.

“Tingnan mo,” natatawang ipinakita ni Mavric sa akin ang isang video.

I lazily took his phone from his hand. Humalakhak si Tyler at Mavric habang kuryoso kong pini-play ang video. Bumangon pa ang ulo ni Tyler para makisilip.

The video immediately started while I was sitting in the wheelchair unconsciously, and they were making fun of me.

Kinuha ko ang unan, pero bago ko pa maihampas sa kanila, nagsitalon agad palayo sa akin habang tumatawa.

“Happy birthday, bruh.” Tyler tapped my shoulder and laid his head on my lap again.

Maverick threw himself on top of Tyler and took his phone from my hand.

“You got a chic last night,” Mavric said nonchalantly while he was too focused on the screen of his phone.

“I caught his hand in the girlie’s skirt. He did it on the dance floor! This crazy-ass motherfucker is shameless!” halakhak ni Tyler.

Ngumisi ako kahit natutulala. There was a looming guilt every time it was mentioned that I’m…playing around.

But I like the feeling. I like being labeled as a dirty fucker who looked so shameless in front of the girls. I like the satisfaction from it.

“Hindi mo ba nakilala ’yong babaeng kalandian mo kagabi? Top student ’yon sa UP. Sikat na tourism student. Gulat nga ako kasi kilala ’yong study first tapos nasa Bar at ikaw pa ang nakabiktima,” iling ni Mavric.

Kaya nga gustong gusto kong landiin kagabi kasi top student. But of course, she’s also my type.

“Madalas sa mga studious mga wild eh,” I blurted out.

“Your type?” Mavric chuckled slyly.

Nagsalubong lang ang kilay ko.

“Mahilig ka pala talaga sa top students…” natatawang sabi ni Mavric.

Lumabas si Brent na nakatapis lang ng tuwalya ang ibaba. I stood up fast. Gusto ko na talagang maligo. Tyler groaned when his head slammed onto the sofa while Mavric looked up to check on him since he was lying on Tyler’s stomach.

“Hangover?” Brent asked when I passed him.

Pinasadahan niya ng haplos ang basang buhok at tumigil para tingnan ako. Nilingon ko rin siya at tumigil.

“Sort of. Parang mabibiak ang ulo ko,” sabi ko.

“I told you last night to drink water, but you didn’t…” iritado pero ramdam kong nag-aalala siya.

“Pinainom mo kasi sana sa akin, bro. Iinom naman ako kung ikaw ang may hawak.” I chuckled.

He glared at me and pushed me away from him like he was disgusted by my clingy banter. Natatawa akong pumasok sa banyo.

Akala ko huli na ’yon at madadala na sa lakas ng sipa ng alak sa akin, pero hindi pa rin talaga nadadala ang gago dahil mas lalong ginanahan tumikim ng alak noong first year college na.

Brent couldn’t meddle with it anymore since I am finally eighteen. Noong seventeen ako, pili lang ang mga pinapainom sa akin at madalas din light drink. Ngayon na eighteen na, kahit mamatay yata ako sa alak na gusto kong inumin, wala na siyang magagawa.

“Puro inom ka na lang ba diyan, Slade,” and even that news reached my Ate.

Naghahagikhikan si Tyler at Mavric sa sulok, panay lingon sa akin habang mag-isa ako ngayon sa sofa, kakatapos ng ligo, heto at pinapagalitan.

I glared at them playfully and tried to act serious in front of my ate. Nasa sala sila, hindi pa kumakain at hinihintay ako kaya tuwang tuwa na naririnig na sinasabon ako ni Ate sa mga kalokohan ko.

“Hindi, Ate. Common kasi ’yon sa school namin. Mostly sa students dito, sanay na sa inom lalo na during Happy T—”

“Happy T?! Huwag mo akong pinagloloko! Pwede kang umiwas at hindi uminom!”

“Nah… I don’t wanna miss the fun, Ate…” I chuckled playfully.

Ate glared at me. “Slade, pag nalaman ni Mama—”

“Tell her, then,” hamon ko.

Brent’s brow arched when he heard it. Abala siyang ilagay ang mga plato sa mesa at bumagal pa iyon para lang lingunin ako.

Tyler and Mavric giggled more; both are shaking their heads with a playful smile on their lips.

Nanliit ang titig ni Ate sa akin, hindi makapaniwala.

She inhaled sharply, then tried to relax herself. “Nag-aaral ka naman bang mabuti?”

I shrugged and caressed my wet hair backwards. Napapatingin ako sa friends ko, gusto nang lumapit doon, pero hindi makatayo dahil nasa video call pa si Ate.

“Sakto lang…” I answered lazily, bored from the talk.

“Sakto lang? You mean… pasok ka sa dean’s list?” she sounded hopeful.

“Pasok daw sa dean’s office, Ate,” Mavric playfully whispered, which made me stifle my smile.

Brent took the towel on his shoulder and whipped it at Mavric to silence him. Ang halakhak ni Tyler ang sumabog kaya napayuko na ako, pigil na pigil na matawa sa harap ni Ate.

Ate looked at me disappointedly. Ngumuso lamang ako at lalo na’t nandidilim na ang mukha ni Ate.

“Are you rebelling, Slade?” mahina ngunit may tigas sa pagkakatanong ni Ate.

I snorted. “Noong matino ako, dami niyong reklamo. Saan ba talaga ako lulugar, Ate?” I asked with a playful chuckle, but the question sounded sarcastic.

“Are you still brokenhearted—”

I snorted more. Umangat ang kilay ni Mavric, mukhang narinig iyon. Abala nang buksan ni Tyler ang box ng pizza at mukhang gusto nang kumain. Si Brent, nakatunganga na sa phone niya.

“Sige na, Ate. Huwag ka nang mag-alala sa akin dito. Bye…” Ngiti ko at nakita pa siyang nag-aambang magsalita bago ko pinatay ang tawag.

I stood up and shook my head. Naglakad ako patungo sa kanila.

“She’s the eldest daughter?” tanong ni Brent nang umupo na rin ako.

Tumango ako at umupo na. Kumuha agad ng isang slice ng pizza si Tyler, si Mavric na sumasandok ng scampi pasta dahil iyon ang request ko, at si Tyler ang nag-order. Brent was the only one who’s looking at me seriously.

“Kumusta ba ang grades mo? You should have told her you’re doin’ great in school and partying is just an outlet to release stress from studying.”

Isa rin ’to. Tingin niya gusto kong makarinig ng pangaral sa pinaggagawa ko?

“Hayaan mo na, Brent. Bahala sila kung ano ang iisipin nila,” sabi ko at inabalang kumuha ng scampi pasta.

“Bro, I think you need to at least give them assurance. Your eldest sister is worried. You’re lucky someone’s checking on you like that,” si Tyler.

Nanatili ang atensyon ko sa plato ko. I felt Mavric’s gaze watching me silently while he was also busy with his food.

“Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi na ako bata,” giit ko.

“Well, you can’t stop them from worrying about you. They’re your family.” Brent pointed out.

I snorted again. “Hindi mo maiintindihan kasi wala ka sa sitwasyon ko, Brent.”

His brow shot up.

“I am not tryin’ to invalidate your feeling, and I don’t know what kind of family you have. What I’m sayin’ is, your Ate is worried at the moment. The least thing you can do is to assure her that you are doin’ great in school instead of fueling her to be more worried.”

Tumango-tango si Tyler. I licked my lower lip and looked at my scampi pasta boredly. Nakakawalang gana, tang ina.

“Whatever happens to you, I am the one to blame too. You are the youngest in the group, and you are part of my circle. You just turned eighteen,” he mumbled seriously, his attention now glued to me.

Suddenly, his words opened doors I thought I had already locked and forgotten.

“Huwag na kumain…” I chuckled sarcastically.

Tinapik ni Mavric ang balikat ni Brent, inilingan ito nang nag-amba pang magsalita si Brent. Tyler munched his pizza with furrowed brows.

“Fucking childish,” he snorted and rolled his eyes.

Nagkasalubong ang kilay ko. I hated the feeling. Hindi ko siya kailanman nakaalitan dahil nakikita kong mas matanda siya sa akin ng isang taon at siguro na rin, mas mature mag-isip.

Pero naiirita ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Na para bang…nasa ilalim niya lang ako at siya ang mas nakakaintindi, mas nakakaunawa, mas nakakaalam ng tama sa akin.

Tapos ano, isasampal niya na pabigat ako bigla dahil pasan-pasan niya ako? Dahil nasa circle niya ako? Hiningi ko ba iyon?

Doon ako mas nairita. Parang nandidilim ang tingin ko at wala nang pakialam kung magkagulo-gulo man.

“Pakialaman mo ang buhay ng kapatid mo, hindi ang buhay ko.” I smirked coldly and stood up.

“What the fuck did you say?” he hissed.

Kumalampag ang lamesa at mukhang tumayo siya ng marahas. Mavric sighed while Tyler cursed breathily.

Kung hinarap ko siya ngayon at pinatulan, alam kong lalaki lalo ang gulo. Dire-diretso ang lakad ko palayo dahil alam ko na hindi matatapos ito. Pikon siya at hindi magpapatalo. At mas lalo ko lang siyang pipikunin kung hindi pa siya tatahimik.

“Calm down, Brent. Give him space,” si Mavric at mukhang pinigilan si Brent na sumugod sa akin.

I don’t need anyone’s lectures. Lahat na lang, mali! Hindi naman para sa kanila itong ginagawa ko, para sa sarili ko kaya walang mali rito!

Sumunod si Tyler sa akin, inakbayan ako. Gusto ko na lang umuwi sa unit ko at naghihintay na lang ng taxi.

“Man… why are you actin’ like you got dumped?”

Gusto kong sikunin ang pagmumukha ni Tyler, pero nang makitang ang pilyo ng ngisi, wala sa sarili na rin akong napangisi kahit iritado pa.

“Brent’s missin’ the real fun. If I were in your shoes, I don’t wanna hear another lecture after my sister burned my ass,” he said in a thick accent concernedly.

Gagong balimbing din ’to. Parang hindi naman ganyan ang sinabi niya kanina at sumali pa sa panglelecture ni Brent sa akin.

Pero kahit paano, nakabawas iyon sa pakiramdam ko dahil may kakampi ako, si Tyler.

Nakakapikon na…konting pagkakamali ko lang, pakiramdam ko, nagiging pabigat agad ako.

Chapter 22

Trigger Warning: Homophobic remarks

Trouble

Imbes na dumiretso sa unit, Tyler and I decided to blow off some steam at the gym. May gym naman kasi sa building ng unit namin kaya doon kami napadpad.

Sunod-sunod na suntok ang iginawad ko sa punching bag. Iritado ako sa totoo lang pero halo-halo na rin lahat sa isip ko.

“You should have triggered Brent more to box with him. One on one,” natatawang sabi ni Tyler, nasa treadmill at nakikita ko siya sa malaking salamin na hinihila ang t-shirt niya pahubad.

Hindi niya kasi alam kung gaano rin ka-pikon si Brent. Kung hindi ako umalis kanina at pinainit lalo ang ulo ni Brent, for sure we would have settled it physically.

Brent is one inch taller than me. Siguro kaya ko siyang bugbugin kung inunahan ko siya? Pero alam ko na bugbog din ako sa kanya kung talagang sineryoso niya.

“Wala naman akong problema sa kanya. Ang akin lang, ilugar niya ang lecture niya,” iritado kong sabi at mas nilakasan ang suntok sa punching bag.

“You know what, Ron? I hate that feeling, too. I hate unsolicited advice.” Hindi ko alam kung pinapagaan lang ba ang loob ko o ano.

Hinihingal akong naupo at tinanggal ang punching gloves. Humiga ako nang tuluyan habang nakatitig sa ceiling.

Oo at…hindi naman mali ang sinabi niya. May tama naman siya. Pero ang mali rito, hiningi ko ba? Hindi.

Lagi ko namang naririnig ang mga ’yan kay Ate. I don’t need someone in my circle to discipline me. I am in his circle to distract myself, to have fun. I don’t need more of Ate’s version as a friend.

I rested my arm on my eyes and tried to calm myself from breathing heavily. Mas lalo lang yata akong nairita nang may maalala.

Tumayo agad ako at muling pinanggigilan ng suntok ang punching bag. Dapat pala sinagot sagot ko na lang si Brent at baka matatauhan lang ako kung talagang winasak niya ang bungo ko?

If only I could party every night, but Brent wasn’t so into it on the next few days. Pansin ko, parang unti-unti niya na ring nililimitahan ang circle na magparty kung talagang hindi na busy sa school. At kailan ba ’yon? Anong gusto niya, mabulok ako sa unit ko gabi-gabi kakaaral?

Mas lalo lang akong naiirita na parang pinapakita niya kung sino ang nasusunod. Kahit hindi niya sabihin sa akin ng direkta, alam ko para sa akin ito. He wants to fucking discipline me for partying too much.

“Naging eighteen ka lang,” Mavric chuckled when we went out again together with Tyler to party.

Brent is not around. Busy sa acads. Ganoon nga talaga siguro kung may gusto kang patunayan kaysa sa aming tatlo na ayos lang kahit pasang-awa, basta ba kumakapit pa rin ang grado sa laylayan para pumasa. Ayos na ’yon.

My first year of college was centered on partying mostly in Taft. Madalas din sa mga nakikilala kong girls, kung hindi schoolmate, mga nakikita ko sa parties.

In the past, I didn’t see girls as a pastime. Oo, kuryoso ako na magka-girlfriend pero sineryoso ko iyong amin ni Claudia.

Now that I had an experience of having a girlfriend, I realized it’s a waste of time, especially when you’re not too interested in falling in love again.

Gail:

You flirted with Samantha Ramos raw. That hot tourism student in UP. Your type of girls? You like hot girls or smart girls? Or maybe both? Aw I’m not pasado pala. I’m only hot hahaha

Arissa:

Maverick Evander has a girlfriend. For sure you have too? You’re so charming eh it’s impossible you don’t have a gf :/

Cath:

I saw you sa The Beach during Happy T. You were with your squad. Do you wanna hang out sa yardstick w me this tuesday???

Faith:

Madalas ka sa Taft? Ayaw mo sa Katipunan naman? I feel like an outcast kasi sa Barn and the Beach eh. Mostly from your school lang ang nandon :(

Kaia:

Is it true? You like top girls? I mean sa acads ha. Pero if on top of you pwede rin :))

Florence:

You smell good talaga. Nasa kabilang table ako w my friends tapos dumaan ka sa table namin. Sorry if I sound like a creep pero you smell so good kahit a bit crowded sa the Beach kagabi.

Halo-halo naman kasi sa The Beach. But yeah, most of the students there are either from my school or Saint Benilde. You would immediately know your schoolmates because most of us share the same interest.

It’s Friday, and there’s no school. We usually do our pregame at the beach before we head to bars—either Clubhouse or Xylo.

Nasa unit na rin namin si Mavric, dito na nakitulog kagabi dahil madalas din, kaming tatlo na ang nagkakasundo.

I stared at the messages boredly early in the morning. Hindi ko rin alam sino ang rereplyan ng una. Nothing really keeps my interest at its peak. Or maybe they all sounded similar? I’m fine with conyo girls, but…I kinda like those girls who seem innocent but wild?

O baka rin masyado ko nang sineryoso ang paglalaro kaya ang bilis kong ma-bored?

I lazily accepted some of the girls’ friend requests, and of course, pili lang. ’Yong tingin ko magaganda at well…

I stopped as soon as a mutual friend shared Claudia’s post about her father. My lips parted when I read her father…died.

I checked her account to confirm, and her father really died a week ago. Mukhang kakatapos lang din ng libing dahil sa mga posted pictures niya, nasa isang private cemetery na. Alam ko may sakit ang Dad niya eh. He had maintenance.

“Who’s that?” biglang sulpot ng mukha ni Tyler sa balikat ko.

I ignored him and read Claudia’s heartfelt post in my mind. Tyler jumped onto the sofa until he landed beside me, his eyes curiously looking at my phone.

“Oh… her father died…” biglang rumahan at nawala ang excitement sa boses niya, may hawak pang pizza.

“Ex ko,” I mumbled.

“Tell her condolence,” he urged.

Binasa ko ang labi. Iyon din sana ang plano ko. Maya-maya, umalog ang kabila at si Mavric naman ang tumabi, nakisilip sa phone ko. May hawak din siyang slice ng pizza.

“His ex’s father died,” Tyler explained.

“Oh… I smell closure…” Mavric smirked.

Inilapit ni Tyler sa mukha ko ang pizza niyang may kagat na. I took a bite of it while my eyes glued on the screen of my phone.

I clicked my messenger and scrolled down to find our old convo. Gusto kong maki-condolence.

“Sabihin mo, hey… sorry it happened. I hope you’re okay. I’m always here if you want someone to talk to,” si Mavric na mukhang may script agad na naisip.

Kahit tunog seryoso naman, parang may halong ibang pakay pa rin dahil galing sa kanya.

“Bro, deliver flowers too!” suhestyon ni Tyler.

“Nalibing na,” sabi ko, hindi halos makatype dahil ang gugulo ng dalawa.

“Ilang taon kayo niyan?” tanong ni Mavric.

“Just months,” I explained.

“How did you two break up? Baka hindi ka pa nakakamove-on diyan ah.” Mavric curiously bit his pizza.

Hinawakan ko ang kamay niya at nakikagat.

“Medyo bata pa kami no’n eh. Sixteen pa ako and she was only seventeen. She was my first girlfriend…”

“And she cheated?” si Tyler.

Umiling ako. “Hindi naman… Nasakal lang talaga ako kasi masyadong selosa.”

Mavric chuckled. “Pag selos talaga, hindi ako nakakarelate sa ganyan.”

“I don’t get easily jealous either. I mean, what for?” Tyler snorted.

I found our old convo, but what caught my attention was her litany about her jealousy and our sinking relationship.

Tumikhim ako at bumalik agad sa Facebook. Tyler was too busy with his pizza, and he didn’t notice it. Si Mavric, tahimik lang din na nanonood sa screen ng phone ko, mukhang wala namang nabasa kaya walang pinuna.

“Party tayo mamayang gabi?” Tiningnan ko ang dalawa.

“I think Brent is too busy,” si Tyler na inirapan ko agad.

“Tayo-tayo lang!”

Hindi naman kami pinagbabawalan ni Brent na pumarty, eh siya rin naman ang ayaw sumama. Kaya kahit kaka-party lang noong Thursday ng gabi, talagang sa Friday, walang nakapigil sa amin na lumabas ulit.

“Slade!” Namilog ang mga mata ni Claudia nang magkita kami sa Clubhouse.

“You’re…partying,” gulat ako at hindi rin inaasahang makikita ko siya rito.

“Yup. Just some distraction. I mean, after my father died, it became my coping mechanism to get drunk and party a lot,” natawa siya pero kita ko ang lungkot sa mga mata.

Nilingon ko si Mavric at Tyler na abala na sa table namin. Sumenyas ako na babalik din ako na ikinatango lang nila.

“Condolence, Claudia. Gusto sana kitang i-message pero baka matabunan lang din. Your post reached my wall…” I said softly when I looked at her again.

Umiling siya, may kaunting ngiti sa labi.

“Ayos lang. And, uh, wow… the news reached me you were into parties. I didn’t know you really are! You are part of Jarsdel’s circle, right? Your name is still famous… you are still popular…” Saka niya sinipat ng tingin sila Mavric.

“Ah…” I caressed my nape and laughed. “Distraction lang din para hindi aral nang aral.”

She nodded until her group of friends approached her, and they were smiling at me from ear to ear.

“Ipakilala mo kami…”

“Oh, this is Slade! We dated uh… back in high school.” Medyo awkward ang ngiti ni Claudia sa mga kaibigan niya.

Nginitian ko ang mga friends niya at nakipagkamay. They looked stunned.

“Veniel… Green Archers…” they gasped unbelievably.

Umangat ang kilay ko at natawa. “Yup.”

“Alam mo, iuwi mo na si Claudia. The last time she got drunk, someone took her home. Nagpanic nga kami pero buti okay lang siya at inuwi raw nang maayos. She’s not on her senses lately because of the death of her father,” pabulong na sabi ng kaibigan niya.

She’s probably too sad, and this is her only diversion. Lalo na’t alam ko rin kaya siya top student para sa Dad niya. She doesn’t want to disappoint him.

Nilapitan ko si Tyler at Mavric para magpaalam sa kanila. Nang makita nila si Claudia, ang laki agad ng mga ngiti ng dalawa kahit gusto ko lang talagang kausapin.

Tyler: Condoms, bro. And don’t do it in my bed.

Gago. Namatayan ’yong tao tapos tingin niya…

I decided to take her to my unit so we could drink there instead, and I could take her home after.

“May roommate ka? Sino nga ’yong kaibigan mo noong high school? Nasa Saint Benilde na ’yon ngayon nag-aaral eh…” si Claudia nang mapansing may dalawang kuwarto.

Iginiya ko siya sa sala. She slowly sat on the sofa and roamed her eyes around.

“Si Aries? Ah… wala na kaming connection.” I smiled while placing the liquor I bought on the round table, trying to act unbothered.

“Oh… So… the news that you transferred was really true pala. I mean, there were a lot of rumors din after you left.”

Umalis ako saglit para hiwain ang lemon na binili at kumuha na rin ng asin. Kalmado akong naupo habang binubuksan ang tequila na iinumin namin.

“Ang dami kong narinig na nasira raw ang friendship niyo dahil…sa competition?” patuloy niya.

I poured a drink into the shot glass. Ayokong pag-usapan pero mukhang hindi na rin maiiwasan.

“Kahit ako nagulat na lowest score kayo ni Arcena. I mean, the reason why Angeles and I were paired during that time was because Arcena…backed out.”

Hindi ko alam ano ang mararamdaman ko. Oo nga naman. Sa naalala ko, kung ano ang score ng duo, iyon din ang score ng isa. Overall, Angeles got the perfect score. Sila dapat ang magcocompete.

“Kami ni…Angeles ang sumabak…” she uttered carefully. “Ang alam ko, Arcena doesn’t want to participate because he didn’t study? He got busy and nawala raw sa isip niya ang competition.”

That brat is really a liar.

I nodded nonchalantly. “Kumusta naman ’yon?”

“Si Arcena? Hindi ba nasa UP na siya at Tourism—”

Umiling ako at natawa. “Hindi. Si Angeles.”

The sudden mention of the name I am trying to bury in the deepest part of my mind gives me chills. I cursed breathily when the shot I poured spilled. Punong puno na pala.

Gustong tumulong ni Claudia pero inilingan ko agad at tumayo na ako para kumuha ng pamunas. I licked my fingers and furrowed my brows. I’m a bit bothered.

Noong umupo ako ulit at pinunasan ang natapong inumin, nagsalita siya ulit.

“Ah… si Angeles. Nayayabangan din kasi ako ro’n. Ewan ko?” She smiled awkwardly.

I nodded, took a lemon and squeezed it into my mouth, and gulped down the shot. What am I gonna do with that information?

“Umiinom ka na talaga,” she laughed and took a slice of lemon too.

“Nakahiligan na… Walang magbabawal eh.” I chuckled.

She gulped down the shot and winced a bit. Nang mapagtanto niya ang sinabi ko, natawa siya.

“Nakokontrol ka pa rin pala?” Medyo napapikit siya sa lasa pero napangiti sa akin.

Bigla ko tuloy naalala na ang higpit niyang girlfriend noon. Nagmukha nga naman akong bata sa dami ng bawal. But I understand because I was a minor, a little curious and playful.

“Ah… so inaamin mo na controlling ka nga?” I arched my brow playfully.

Tumawa si Claudia. “Gano’n siguro pag minor? I was only seventeen. But you know, I…think I was also the reason why you got curious about him.”

Napawi ang ngiti ko. What the fuck?

“Huh?” Tang ina naman.

“I mean, I was too insecure during that time kasi nga, volleyball player din siya. Marami namang bading din na kasali sa volleyball player pero he’s the star player of the group. Well sure, he had pimples, and he’s not that popular compared to me, but he’s smart. And you like smart people… It’s your standard.”

“Claudia,” pinigilan ko siya kakasalita dahil hindi ko naiintindihan o…ayaw kong isipin ang iniisip niya.

Ayoko na ring marinig ’yan. Ang layo na ng nilipad ko. Ayaw kong mahulog lang ulit sa lugar na matagal ko nang tinakasan.

“Kaya I got threatened when there was a rumor that he had a crush on you. I know you’re straight, but…that’s how jealousy really affects me.”

No, Claudia. I think…I am worse than you. Kung nasakal man ako sa relasyon natin noon, pakiramdam ko…mas nakakasakal ako magmahal.

Maybe Claudia made it easy for me. Kaya noong nanligaw ako, sinagot niya agad ako. She made everything too easy, and I didn’t get a chance to crawl my way to her because she wasn’t holding back either.

Kaya noong naging kami, parang ang kalmado ko lang na hindi siya maaagaw sa akin dahil alam kong ako ang gusto niya. Alam ko na sa huli, ako at ako ang pipiliin niya.

“Kaya sobrang gulat ko talaga na gano’n ka ka-distracted during the competition. But what shocked me the most was…Arcena’s result. He was the lowest, like he wasn’t on his usual…self.” May panghihinayang sa boses niya.

I drank another shot. My face feels numb because of the drink, and I feel like I’d say words I shouldn’t.

“It’s like…he found his downfall…” She looked at me firmly.

Kumurap ako at bumaba ang tingin sa iniinom. I took a slice of lemon, sucked it, and gulped down another shot. Kailangan ko yata ng isang case ngayon. O ibagok na lang ang ulo para makalimot.

“Matagal na ’yon.” I chuckled to dismiss the topic.

Natawa rin siya, pero halatang ayaw pakawalan ang topic. “Oo nga. Pero nakakagulat kasi iyon ang unang beses na bumagsak siya.”

I gulped down another shot without the lemon and salt. I wanna get numb. Kahit yata magpakalunod sa isang drum ng alak, parang kulang pa eh.

“Nasaktan ako na…ang bilis mong naka-move on sa atin no’n. But I also blamed myself because I didn’t realize I was controlling your life. You were right.” She smiled weakly.

I looked at Claudia. She used to be my type of girl. I mean, she’s still my type in girls. Top students. Sexy. Hot. But there’s always missing. Just like those girls I tried to flirt with, there’s always something missing.

And I fucking hate it. Dahil alam ko, kahit hanapin ko iyon sa lahat ng babae, alam kong panandalian lang na saya ang makukuha ko pero sa gabi, para akong natatauhan.

“Bata pa kasi tayo no’n. Kahit ako, noong naghiwalay tayo, marami akong…nadiskubre sa sarili ko.” I chuckled softly.

Tumango siya. “Bata pa rin naman tayo ngayon pero hindi na ganoon ka bata…” she pointed out and chuckled.

“I’m sorry about your father, by the way…” I croaked when I remembered it.

Our topic circulated around her father. Thank God. Hindi ko na nga lang maalala ang iba pa dahil sa kalasingan hanggang nagising kinabukasan na mag-isa na lang.

“Ex mo ’yon ah? She left early. I offered her a ride, but she declined it,” ani Tyler nang magising akong topless at nadatnan ko siya sa sala.

“Hindi ka umuwi kagabi?” tanong ko.

“Nope. I slept at Mavric’s place. We know the drill, bro…”

Tyler smirked at me maliciously. Nailing agad ako dahil parang…wala naman. Pero wala akong maalala. Gago. Kaya ayokong nasosobrahan ako sa inom eh. I just passed out, and I couldn’t remember anything.

Saturday ’yon ng gabi nang makita ko ang story ni Connor, isa sa basketball player at parte ng Green Archers. Nasa Katipunan at doon yata pumarty. I replied to his story right away.

Ronan Slade: Alone?

Iyon ang reply ko dahil mukhang mag-isa lang siya.

Connor: Yup. Hahahaha

Ronan Slade: Pwedeng sumunod, bro?

Connor: Sure! Invite ka para marami tayo :)

I immediately told Tyler and Mavric about it. Kahit si Rick, niyaya ko na. Pinilit ko pa nga para lang sumama nang hindi naman siya nagmumukmok sa unit niya.

“Wow. Napilit ka ni Ron na pumarty,” natatawang akbay ni Connor kay Rick nang magpakita kami roon.

Umangat lang ang kilay ni Rick at hindi na sinagot ang sinabi ni Con, tahimik lang na tumingin sa harap na may nagsasayawan.

Lumipat kami sa sofa para mas magkasya kami at malapit lang din sa dance floor.

“You’ve been partying lately with Jarsdel. Bakit wala siya?” tanong ni Con.

I shrugged. “Busy kakaaral…”

For some reason, I felt uncomfortable. Or the sudden mention of Brent’s name gives a warning signal that I’d be in trouble because he’s not around.

Pero hindi naman na ako minor, at ang mga kasama ko, sila Tyler na hindi na rin mga bata. Bukod do’n, kasama rin namin si Rick.

The DJ played a familiar song requested by Connor and he said it’s his national anthem. When OK by Iyaz boomed, we immediately vibed with it.

“No woman, no cry! Cause tonight I’m gonna make it right!” kanta naming apat, si Rick lang ang nanatiling nakaupo sa sofa, naiiling na sinimsim ang shot niya.

I put my arms around Tyler and Mavric’s shoulder, and we heartily sang it. I cursed when my shot spilled, but instead of getting mad, I ended up laughing. Pakiramdam ko lasing na ako dahil nakakatawa na ang lahat.

“No woman, no cry, bro,” Connor said, showing his shot glass for a toast.

We bumped our shot glass and gulped it down in one shot. Si Rick, seryoso lang na nagmamasid masid.

“Babae iiyakan?” I chuckled to hype up his words.

“How about you, Rick?” si Mavric na nangingiti siyang kinausap, tinabihan dahil ayaw tumayo at sumali sa amin.

Nawala bigla si Tyler kaya hinanap ko pa kung saan napunta. Nang makita siyang nasa kabilang table na, tinapik ko ang balikat ni Mavric at natatawang itinuro si Tyler.

Tumayo kaming dalawa ni Mavric para sumali sa kalokohan ni Tyler. He was getting someone’s number. When the girls at the table noticed us walking toward their table, they gasped and elbowed each other with stifled smiles.

“Jarsdel’s circle. The rumor is true. They’re really playboys.”

“Madalas daw sila sa Taft eh. Bakit nandito sila sa Katipunan pumaparty?”

I eyed each of the girls, trying to spot my own target, too.

“I think your friends are in trouble…” biglang nguso ng isang babae sa kung saan.

Lito kong nilingon ang sinasabi niya hanggang nakita ko si Rick na iritadong iritado; sa tabi ay si Connor at seryoso na ring nakikipag-usap sa isang lalaking nakatayo sa harap nila.

“Mukhang napaaway si Rick.” I tapped Mavric’s shoulder to get his attention.

Sinenyasan ko siyang lapitan namin. Si Tyler na ngumingiti pa sa isang babae, hinawakan ni Mavric ang kwelyo ng damit at hinila niya na para sumama sa amin.

“Let me go, Mavric!” Tyler protested.

“Rick’s in trouble,” ani Mavric lalo na’t nagpupumilit pang kumawala si Tyler; halos sumabog na ang isang butones ng suot kaya hinila ko na rin.

“Bro… Hindi ka binastos kaya lumugar ka,” rinig ko ang sabi ng lalaki sa table na mukhang nakaaway ni Rick.

“Pagsabihan mo ’yang kasama mo na huwag siyang nang-aalok ng inumin sa hindi niya naman kilala. Tang inang bading ’yan,” agresibong sabi ni Rick.

Kinabahan ako. Mukhang mapapaaway pa yata kami. At ang malala, wala si Brent.

“Pwede kang mahinahong tumanggi. Bakit ka nang-iinsulto na parang natapakan ng kaibigan ko ’yang bayag mo?” A familiar voice made my walk slow down.

I’d say he sounded like a woman, but I swear to God, I recognized that voice too well. He’s…here.

Kung kanina ay kabado dahil wala si Brent at napapaaway kami, ngayon ay para akong bumagsak agad sa lupa kahit na…ang layo na ng nalipad ko.

Kunot-noo akong nilingon ni Mavric lalo na’t nauuna na pala sila ni Tyler—nakalapit na kay Rick at Con, habang ako, mabilis na hinanap sa sofa kung saan galing ang boses na ’yon.

Marami sila roon sa sofa na mukhang nakaalitan ni Rick. May dalawang lalaki, iilang girls, at isang bading. I looked at the gay, and I confirmed he wasn’t familiar to me. It’s not him. Pero nandoon ang boses niya. Naroon siya sa kanila. Sigurado ako.

“Ron,” Mavric called to get my attention.

Muli akong lumapit at sa likod ni Rick tumayo para mas makita nang maayos ang mga nakaupo sa sofa. Inakbayan ko rin si Rick at isiningit ang ulo ko sa gitna kaya lumingon si Connor sa akin saglit.

Ang napansin ko agad sa table nila ay ang cake. Ano ngang araw ngayon? September 25. Fuck…

“Ang sabihin mo, uhaw sa lalaki ’yang kaibigan mo. Mukha ba akong papatol sa salot?” Rick argued.

One of the boys attempted to push Rick, but it was Tyler who blocked his attempt by pushing his chest first.

Gusto kong tingnan nang matagal ang iilan sa mga kasamahan nila pero pakiramdam ko, pag inuna ko pa ’yon, kaunting lingat ng tingin ko ay may sasapakin na si Rick.

“Let’s not solve this with violence involve…” Tyler chuckled.

Their table looked offended and disgusted by us. The area is dim, and the red lights made them even more unrecognizable. But I know he’s…he’s there.

“That’s already ad hominem,” isa sa girls ang pumuna kay Rick, sopistikada tingnan. “If you can’t say something nice after our apology, then leave. Wala kaming oras para sa mga lalaking walang utak.”

Connor looked at the girl who boldly stood up in front of Rick to defend her gay friend.

“Ad hominem na rin ’yan…” I butted in to point out the girl’s last words.

Of course, we will side with Rick because he is our friend. Hindi naman ’to basta-basta magagalit kung wala lang.

Someone from them laughed mockingly. Kinilabutan ako.

“Ah… kaya naman pala bastos at homophobic ’yang kaibigan niyo kasi tinotolerate niyo? O baka naman…same feathers flock together?”

My chest hammered frantically, and I tilted my head again to find where the voice was coming from. Natatakpan kasi ang iilang nakaupo dahil nakatayo ang dalawang lalaking kaibigan nila, pati na rin ang babae.

Tyler and Mavric pulled Rick away from their table, but Rick looked too disgusted and willing to throw more words.

“Huwag mo nang patulan, Serene. Bobo ’yang mga ’yan,” his familiar voice and I saw one of the woman wearing a black backless haltered top stood up.

Her back looked so familair even her long black hair. My eyes looked at her small waist. Siniko ako ni Tyler nang namalayan niyang doon ako nakatitig sa baywang ng babae habang natutulala ako.

“Bro, focus,” Tyler whispered and giggled.

I licked my lips and rolled my eyes at him while smiling. Hindi naman bastos ang iniisip ko!

Nalingat tuloy ako at muling sinundan ng tingin ang matangkad na babae na nagmamadaling umalis sa sofa dala iyong bading na mukhang pinag-initan ni Rick.

“Ano bang nangyari?” bulong ko kay Con.

Hindi agad nakasagot si Con kaya lito ko siyang nilingon at naabutang natutulala sa babaeng nakahalukipkip at diretso pa rin ang tingin kay Rick.

The girl looked at Con too and arched her brow at him.

“Con,” I snapped my finger.

Kumurap siya, wala sa sariling napatingin sa akin, nakanguso pa.

“Huh?”

Napangiwi ako. Tang ina. May pakanta kanta pa ’to kanina ng no woman, no cry dahil national anthem niya raw, ah? Tapos ngayon natutulala sa babae!

“Akala niya siguro natutuwa ako,” si Rick na nanlalaban pa rin kahit hinihila na ng dalawa paalis.

Nilapitan ko para tumulong na rin na pakalmahin siya. Pag hindi yata namin ’to inawat, makikipagsuntukan ’to sa mga ’yon.

“Nakakahiya na. Tama na…” Mavric whispered until I slowly realized we were getting everyone’s attention, even those at other tables.

Lumabas lang yata kami hindi dahil kinausap kami ng bouncer, kundi na rin dahil sa kahihiyan. Iritado pa rin si Rick at gumagalaw ang panga sa galit habang nakayuko.

“Tang inang bakla ’yon. Nanghingi ba ako ng inumin para mamigay siya? Ihampas ko sa ulo niya ’yang bote eh,” Rick said aggressively.

I tapped his shoulder to calm him down. He clicked his head, and his jaw clenched more.

“Oh hell no. Who called Brent?” Tyler cursed and straightened up.

Napatingin ako sa parking space at nakita ang pamilyar na Trailblazer ni Brent na kakapark lang. Shit.

“Malalaman niya talaga. Marami siyang kakilala sa loob,” Mavric said.

Katipunan ’to, ah? Akala ko sa Taft lang. I shut my eyes and hold my head out of frustration. Naririnig ko na agad sa isip niya ang panibagong pangaral.

Pero bakit ba ako mag-aalala eh wala naman akong ginagawang masama? Hindi niya naman ako pwedeng itali sa loob ng unit ko? Kung gusto kong…pumarty, paparty ako.

When he got out of the driver’s seat, some of those who were in the parking space even approached and greeted him, offering him drinks. Umiling siya, ngumiti ng kaunti, hanggang seryosong naglakad papunta sa amin.

I licked my lips guiltily. Mavric and Tyler looked at me until they ended up laughing because of my soured expression.

Si Con ang unang nilapitan ni Brent at kinausap ito. Nilingon ako ni Brent na para bang…ako ang nagpasimuno ng gulo kahit hindi naman.

“You guys got into trouble,” ani Brent at tiningnan kami isa-isa.

Walang nagsalita. I guess everyone’s too guilty. Brent tilted his head and gestured to follow him.

“Get in the car. Ihahatid ko na kayo pauwi.”

Si Tyler at Mavric, sumunod agad. Hinila ko tuloy ang braso ni Rick para isama na rin siya pauwi total ako ang nag-imbita sa kanya. Fuck this! Gusto ko pa sanang uminom at pumarty!

Chapter 23

Trigger Warning: Homophobic remarks

Curious

“You argued with UP students?” si Brent na parang hindi makapaniwala sa napasukan naming gulo sa Katipunan.

Nasa front seat si Rick, nakahalukipkip. Pinagtutulak lang namin siya kaninang tatlo na doon siya maupo. Kaming tatlo sa back seat. Connor has his own ride, a big bike, and Brent decided to tail him.

Nagyaya na rin kasi si Connor na sa bahay na lang daw nila ituloy ang inuman. I wanted to drink too, but it would be nice if…

I mean, I couldn’t insist on drinking more in that bar because Brent might beat my ass if I didn’t go home with him.

“You should have controlled your temper,” Brent lectured Rick.

Humahagikhik kaming tatlo sa likuran dahil natatawa rin kami na si Rick ngayon ang sumasalo sa pangaral ni Brent at sila ngayon ang magkakasubukan ng init ng ulo.

“Eh malay ko ba na marami palang bading do’n, inimbitahan lang ako ni Ron!” umaalingawngaw ang iritadong boses ni Rick.

Napawi agad ang ngiti ko nang marinig ang pangalan at makitang lumipad din ang tingin ni Brent sa salamin para tumingin dito sa likod.

I cleared my throat and looked outside the window. Nagtagal pa lalo ang tingin ko roon dahil mukhang panay ang tingin ni Brent sa itaas ng salamin, gustong hulihin ang mga mata ko.

“That’s why I wanted all of you to control your night out,” si Brent na parang ako ang pinapatamaan.

Ito lang naman ang unang beses na napaaway kami, ah? Sumakto lang talaga na wala rin siya.

“We just went out because Ron invited us for a night out.” Ah talaga ba, Tyler?

Humalakhak si Mavric at inakbayan si Tyler sa gilid niya, tinakpan ang bibig. Tyler looked at me, and he noticed my glares. Kahit nakaupo, itinapon ko tuloy ang sarili ko sa kanya para lang maabot siya.

Ang ingay namin sa likuran dahil sinusubukan kong i-headlock si Tyler, si Mavric naman, natatawang pumapagitna.

“Iba-ban kayo ro’n for causing trouble,” ani Brent na medyo ikinabahala ko.

Umayos ulit ako ng upo. Tyler cursed and looked at his shirt, which had lost another button.

“Bakit naman? Ipinagtanggol lang namin si Rick. Binastos siya no’ng kabilang table kaya nakainitan niya,” giit ko.

Edi…hindi na kami makakabalik doon? O si Rick lang?

“Someone told me the other table offered a drink in a friendly way, and Rick got mad. For what, Rick?” tanong ni Brent, nilingon ito saglit.

“Eh hindi ko hinihingi eh! Mukha ba akong uhaw sa atensyon ng mga putang inang ’yan para lapitan na lang ako bigla at alukin ng inumin?”

“You resort to violent reactions because of that? Because a gay offered a drink?” Brent clarified.

“Oo! Nakakagigil kasi! Ayoko sa mga ’yan! Kung tinanggap ko ’yung inumin, baka nakahandusay na ako ngayon sa kung saan! Mga hayop pa naman ang galawan ng mga demonyong ’yan!”

Nagkatinginan kaming tatlo, nanahimik. High school pa lang, alam ko naman na mainitin talaga ang ulo ni Rick pero hindi ko alam na ganito ka-lala.

Even Brent looked too offended by Rick’s words, even if he wasn’t part of the community.

“You’re at the club, Rick. That kind of thing, offering drinks to strangers, is normal—”

“Ang sabihin mo, uhaw sa lalaki. Pogi pa ang tawag sa akin! Mukha bang natutuwa ako?” Rick argued furiously and cut off Brent.

Parang…may mali.

Siguro oo, may mali talaga sa paraan ng galit ni Rick. Iniisip ko na paano kung…palakaibigan lang talagang nag-offer ng drink?

Then think of it, Ron. What if a gay offered a drink to people like…your sister? Napaisip tuloy ako lalo at hindi maiwasang makisimpatya sa nararamdaman ni Rick.

If you study the behavior of a person very well, it is rooted in many aspects like biological predispositions such as genetics, psychological factors and environmental influences—mga nakalakihan na.

Kaya nga may tinatawag na your emotion is valid but behavior is not because we are always accountable for our actions.

May gusto akong patunayan sa usaping ito, pero naisip ko, kung sisingit ako sa debate ni Rick at Brent, pag bigla ko silang pinagsasampal ng tagong talino ko, edi ang yabang ko na no’n?

“Then get your ass off those places that will only make you look bad because of your uncontrollable reaction, Rick. Not everyone will adjust for you,” si Brent na napipikon na yata at binilisan pa ang pagmamaneho.

“Sige Brent, ibangga mo na…” bulong ko ng pabiro at natatawa lang akong siniko ni Mavric.

“Eh pogi ka naman kasi talaga, Rick. Your hair suits you…” si Mavric, mukhang gustong iliko ang usapin dahil nagkakainitan na ang dalawa.

Nakita ko ang bayolenteng ekspresyon ni Rick, pero noong narinig ang sinabi ni Mavric, medyo napangiti pero iritado pa rin.

“Yup. I agree with Mavric. You got a nice look. If I had a haircut like that, I don’t think I’d look handsome like you…” si Tyler na dinungaw pa si Rick sa front seat.

“Tigilan niyo ako,” saway ni Rick, pero kita ang kontroladong ngiti.

“Pogi! Pa-autograph!” I said in a dramatic way to fully pull his attention to us.

Ginaya na rin nila Mavric at Tyler at nagkukunwari na kaming inaabot si Rick sa front seat na pinagtutulak ang mga kamay namin, iritado man, pero natatawa na.

Brent looked at us four and sighed like he was so done with our chaotic banter. Pero siguro, hindi na rin siya nagsalita dahil alam niyang si Rick ang klase ng tao na hindi mo basta bastang mapagsasabihan.

Ah…nahanap niya ngayon ang katapat niya? Dapat pala nandiyan lagi si Rick para si Rick ang pinoproblema niya at hindi ako?

Noong kumalma na si Rick, si Brent na tahimik na ring nagmamaneho, si Tyler at Mavric na abala sa phone nila, wala sa sarili akong napatingin sa labas ng bintana at naalala ang lahat kanina.

That girl wearing a backless haltered top, long black hair and…honey skin. Of course, it’s familiar. Kung nakita ko lang ang mga mata niya, sigurado akong makikilala ko siya.

Of course, I know she has honey skin. It was smooth, and she seemed glowing, like her skin was sun-kissed. Kahit pa yata magpalit siya ng mukha, makikilala at makikilala ko ang hubog ng katawan niya.

Pero kung…siya nga iyon, anong gagawin ko? Okay, let’s say siya nga, ’di ba? Pero ano naman ngayon?

“Natutulala ka na naman,” Mavric pointed out when I was zoning out after we went out of the car.

Nasa bahay na kami nila Connor. He parked his big bike and took off his helmet. Nagpapark na rin si Brent sa garahe ng bahay nila. Wala rin daw kasi tao kaya pwedeng pwede kami mag-inuman.

I only smirked at Mavric and pushed him to stop observing me. Sumunod kami kay Connor na sinenyasan na kaming pumasok na sa bahay nila.

“Mga kaibigan mo, Con?” natutuwang tanong ng matandang kasambahay nila, babae, nang igiya kami sa sala.

“Opo, Manang…” Con politely smiled.

Sinenyasan kami ni Con na umupo lang muna sa sofa at mukhang kukuha siya ng inumin. Rick sat in a manspread and crossed his arms snobbishly.

Pinagitnaan namin siya ni Tyler para pakalmahin ang salubong niya pa ring kilay. Inakbayan siya ni Tyler, ako naman ay natatawang naalala kung paano natulala si Con kanina sa harap ng babae.

“Don’t worry, we always got your back,” si Tyler na pinapagaan ang loob ni Rick.

“Mukhang sa kalagitnaan ng away kanina, si Con lang ’yong wala sa sarili,” sabi ko at natawa.

“Si Con o kayong dalawa? Isa ka rin. Natutulala ro’n sa isang babae,” Mavric pointed out.

“’Yong naka-backless? Bro, I caught the fucker staring at the woman’s small waist! He’s whipped!” boses ni Tyler.

“Inaawat namin ni Tyler si Rick para lumayo sa table, ’yong dalawa naiwan sa harap ng table, nakatunganga sa magagandang girls,” natatawang kwento ni Mavric kay Brent.

Brent arched his brow at me. Umiling agad ako.

“Hindi ah! Si Con kasi ang tinatanong ko kung anong nangyari! ’Yun lang naman ’yon!” depensa ko kahit natatawa rin ako.

“Mukhang gusto niya rin ’yong isang babaeng taga-UP,” Mavric continued, unfazed by my denials.

Lumapit na si Connor pabalik sa sala at may dalang dalawang bote ng Bacardi Superior. Ang kasambahay naman ang naglapag ng malaking coke na ikinatayo pa namin para tulungan dahil nakakahiya rin na mukhang nakakaabala pa kami.

“Ayos lang! Minsan lang magdala ng kaibigan si Con dito sa bahay… Sana mapadalas kayo rito!” ngiti ng matanda sa amin.

“Sige, Nay. Baka pwede na ring makitira para naman makatipid ako? Mahal sa unit ko eh,” ani Rick na ikinatawa ng matanda.

Magdamag kaming nag-inuman hanggang natawa nang malasing si Rick at puro na tungkol sa batas ang sinasabi niya. Gawa ng galit niya sa nangyari, ang dami niyang sinabing article na magpoprotekta raw sa kanya.

Doon ko napagtantong matalino pala ang isang ’to. Mukha kasi siyang suki ng basag-ulo sa high school, pinasa lang dahil ayaw nang makita ng mga guro at trip lang mag-college dahil bored.

Pero hindi. Maalam siya. Hindi lang basta bastang memorization dahil pinapaliwanag niya rin nang mabuti.

Kaya noong nalamang napaaway sa isang app kinabukasan, hindi na ako nagtaka.

Someone posted a shady post on the UP Diliman Freedom Wall to call out Rick. And for sure, the one who posted it was part of their circle.

“Ang entitled din talaga nitong ibang burgis sa green school. Akala mo kanila ang lugar eh. Malamang nasa bar ka. Ano bang gusto mo, alukin ka namin ng suntukan?”

Iyon ang post sa Freedom Wall. Nagbigay din ng clue na homophobic na kabilang pa sa Green Archers at circle ni Brent.

Pamilyar ang sagutan, ah?

At si Rick na kilalang pumapatol, talagang nagpost mismo sa isang social media account niya.

Daming sinasabi. Putang inang burgis ’yan. Kahit namamalimos ako sa kanto, kung kayo ba naman mag-aabot ng inumin, bahala nang mauhaw buong buhay.

UP Diliman Freedom Wall: Polsci student pero homophobic? Matalino ka naman pala eh sana ginamit mo rin ’yan sa sarili mo.

Now a lot of students are curious. And worst, the ‘Jarsdel’s circle’ was centered on it.

I posted to at least…join.

Veniel:

It’s not about entitlement. It’s about boundaries. Not everyone is open for drinks just because they’re at the bar. Isn’t it more creepy that you’re offering drinks to strangers?

Ngumuso ako at napisil ang pang-ibabang labi. There was an adrenaline rush. It’s like I am suddenly back to proving a point.

Hindi naman sa iniisip kong baka siya ’yan, pero kabisado ko ang tabas ng dila no’n kahit pa magtago siya sa Freedom Wall.

Inabangan ko ang iilang post ulit sa Freedom Wall pero…wala.

Nasunog pa ang niluluto kong itlog sa tagal kong nakatutok sa phone ko. Tyler’s in the bathroom, naliligo muna bago kumain.

“Really? What post? Let’s post a photo of us drinking to piss them off even more!” At talagang walang kwenta minsan itong mga pumapasok sa isip ni Tyler.

Tiningnan ko ang ilang post pero puro sagot at patama sa mga post ni Rick. Baka kumakain pa at hindi niya nakita? O baka naman hindi na inaccept ng admin dahil marami nang students na nakikisali?

My post was posted publicly. May mga nagcomment na sumang-ayon sa akin, meron naman, pinuna. They were now debating, but it’s not my main concern.

Wala nang sumunod na post talaga. Inabala ko pa ang sarili ko sa ibang bagay, nag-gym muna para magpalipas oras, hanggang binuksan ko ulit ang phone ko nang matapos tumakbo sa treadmill.

Pinupunasan ko ang pawis ko nang napansing may bagong post sa Freedom Wall. My jaw dropped when it was a photo, no faces exposed, just their bodies, but I know it was him!

He posted himself in someone’s lap while his waist was wrapped by someone’s muscular arm.

Mukhang babae ang katawan dahil sa shorts, nipis na legs, at suot na baggy t-shirt, pero kilalang kilala ko kung sino ito. Alam ko na siya ’to.

“Sabi ng boyfriend ko, huwag na raw patulan ang mapapanghe na homophobic na ’yan. Okay, baby,” the caption of the picture posted.

I gritted my teeth and decided to box. Halos bugbugin ko ang punching bag sa galit. Kahit sipa, hindi ko na pinalampas.

Blocked nga sa Facebook para wala akong mabalitaang kahit ano, tapos sa Wall magpopost? Kahit kailan talaga, alam na alam no’n kung paano ako gagalitin.

Tumigil na rin kaka-post si Rick, mukhang dahil lang din inawat na ni Brent. Gumawa pa ng GC para doon na kaming anim lang. I opened it and saw their messages.

Brent Jarsdel: Stop it already, Rick.

Maverick Evander: Burgis raw na taga green school. My wallet said it’s fake news.

Tyler Coast: Girlie suddenly posted her fuckass love life like we give a fuck abt it

Maverick Evander: Girlie ba ’yon? Mukhang lalaki yata. Bading?

Reagan Vallejo: Ipinagmamayabang pa ang bicep ng boyfriend niya tapos sa personal pala, ang lamya sumuntok.

I joined and typed a reply furiously.

Ronan Slade: Bugbugin mo, Rick.

Conrad Norris: Tama na guys. Makipagbati na lang tayo hahaha ako na magsosorry

Maverick Evander: Ganito ba ’yan Con? ‘Sorry kung na-offend kayo ng kaibigan namin. Pero pwede bang makuha ang number mo?’

Tyler Coast: ‘I apologize for Rick’s behavior. In exchange, can I take you out for a dinner?’

Conrad Norris: Tara Ron, makipagbati tayo hahaha

Makipagbati? Mas lalong ayoko! Kung ano man ang personal na problema ni Rick sa kanila, may personal na rin akong problema na hindi na madadaan sa mahinahong usapan!

Ronan Slade: Kung pupunta ka sa Katipunan, pwede kitang samahan bilang moral support. Baka kasi bubugbugin ka ng mga lalaki nilang friends, at least nandoon ako.

Wala naman akong pakialam sa mga lalaki niya, o boyfriend niya. Ang akin lang, bakit niya binabalandra na parang gustong gusto niya talagang makita ko iyon?

“Here. Drink meds,” bigay ni Tyler dahil may sinat ako sa sumunod na araw.

S’yempre, sigurado akong may ideya siya na parte ako ng circle ni Jarsdel. Kalat na iyon. At kung naroon nga siya kagabi, alam ko na alam niyang nandoon ako. Kaya siguro pinagmamayabang niya ngayon na may boyfriend siya dahil may gusto siyang patunayan sa akin!

Kaya mas mabuti talagang wala akong service dito sa Manila, kasi baka kung nakita ko ’yang boyfriend niya sa daan, sagasaan ko pa.

“It’s probably because of drinking too much,” si Brent na hinaplos din ang leeg ko, pumunta rito sa unit namin ni Tyler.

Ayaw ko kasing inumin dahil sinat lang naman ’to! Nagsumbong ba naman kay Brent kaya itong isa, nandito!

“You might like rum more as your water…” biro pa ni Tyler nang abutan ako ng basong tubig para panulak sa tableta.

Brent took it from Tyler’s hand and threw him a pillow. Natawa ako habang iniinom ang tubig na hawak ni Brent.

“Avoid getting drunk for the mean time, Ron,” ani Brent.

I partied more after that. Sabi lang naman, iwasan daw na malasing, hindi naman sinabing iwasang uminom?

And of course, I wanted to flirt around.

Siguro nga dala lang ’to ng galit ko, o nakikipagkompetensya ako para ipakitang masaya ako, pero talagang may gusto akong patunayan na makarating man lang sa kanya.

Balita ko, taga-Ateneo raw at basketball player ’yong boyfriend niya. Mukhang makakalaban pa namin sa papalapit na game, ah?

“Wow! Another three-point shot coming from Veniel! This kid is the villain in Villanueva’s offenses! Veniel doesn’t want to let him hold the ball!”

I don’t want to look at the bleachers every time I’ll score, but I know he was there. Alam ko nanonood siya.

“Boo! Mas pogi pa rin ang boyfriend ko!” His familiar voice shouted like he was trying to insult us for beating his boyfriend’s ass in the game.

Kasalanan ko ba ’yan kung pumapatol ka sa talunan? And if I were his boyfriend, I’d be disappointed for inviting him to watch the game, pero matatalo lang din pala. Tinambakan ba naman namin noong game mismo.

At pogi? Ewan ko na lang pero magmumukha akong mayabang kung tatabihan ko ’yang boyfriend niya.

“Grabeng pasikat ’yon ah.” Nakangising tapik ni Mavric sa balikat ko.

I smirked cockily. Someone can’t get that MVP as their boyfriend, huh? Unless you will get yourself a boyfriend from our team, which is impossible, right?

I felt like there was a heated rivalry between us; something we both know how to get on each other’s nerves.

Leila:

I lost. You know, Arcena? That well-known UP student? He bagged all the trophies :(

Ang ka-fling ko noong January, natalo sa isang competition.

Ganti niya ata ’to kasi kinawawa ko ’yong boyfriend niyang talunan? At akala niya siguro humupa na ang galit ko. Sa totoo lang, nandito pa rin.

I busied myself more to distract myself. Alam kong umuusad ako, pero minsan pakiramdam ko, humihinto ako para lang lumingon. Pero ayoko nang bumalik pa.

“Para naman akong alipin nito,” reklamo ko sa girls na wala nga ang mga Ate ko; sila naman ang pumalit!

Naging close na rin kami sa girls na kaibigan ni Brent. Kaya nang pumasok ang summer, nagkakayayaan na para sa isang trip.

Buti na lang, napilit din namin ni Tyler si Rick na sumama. Kailangan niya rin talaga ng diversion; hindi iyong nadidikit siya roon sa mga kaibigan niyang halata na pinapalala lang ang init ng ulo ni Rick.

“Ayusin mo kasi! Sa pambababae ang galing mo, tapos itong picture lang, hindi mo magawa nang maayos!” Angela roasted.

I frowned at her and held the phone defeatedly. Kaka-eighteen lang sana nito, pero kung makasagot sagot sa akin, akala mo hindi ako mas matangkad at mas matanda ng isang taon sa kanya.

Sinenyasan ko sila Raya na pumwesto na ulit habang abala pa siyang makipagdaldalan kay Gabriella.

“Meron akong crush na TikTok star eh. Medyo nagiging kilala na siya lately. UP student ’yon at magpeperform daw sa isang bar dito sa Elyu. Nagda-drag din yata siya…” rinig ko na sabi niya.

Drag. This is the first time I’ve heard it again. Huli kong narinig ay noong high school ako.

“You like gay people?” tanong ko kay Raya nang lumapit siya para tingnan ang kuha kong pics.

Tumango siya at ibinalik ang phone sa akin. “Ulit. ’Yong video naman. Habang naglalakad kami papunta sa dagat.”

“Pan?” I recalled Merrie’s sexuality.

Kumurap si Raya, bahagyang natawa. “Oo rin… Kunan mo na kami ng picture.”

Gusto ko pa sanang magtanong pero nagmamadali na siyang bumalik sa girls. Angela even pointed at me for a warning to take the perfect angle. I rolled my eyes and concentrated again. Vlog niya tapos nadadamay ako.

Hindi ko na kinulit si Raya tungkol doon kahit medyo nanatili sa isip ko lalo na’t sumulong na rin sila sa dagat. Nilapitan ko sina Tyler at Mavric na nasa harap na ng grupo ng mga girls at mukhang nakikipag-usap sila.

“Eh siya, may girlfriend siya?” nangingiting tanong ng girls nang lumapit ako.

“Oh. He’s single.” Akbay ni Tyler sa akin.

“Saang room ba kayo? Pwede naman sigurong bumisita na lang kami sa room niyo tonight?” the girls are obviously flirting with these two idiots.

Tyler and Mavric are now conversing through their eyes. Of course we can’t invite them to come over. As much as Brent is cool with girls, Rick is not really comfortable with strangers.

“Mestizo…” hagikgik ng babae na nakatingin sa pisngi ko.

I touched my cheeks and chuckled. “Namumula ba, miss?”

“Oo… Para kang may blush.”

I licked my lips and flashed an innocent smile. Tyler elbowed me. Natawa ako dahil hindi naman ako pumuporma?

Hindi ko alam kung paano kami nakawala sa girls, o siguro ang swabe lang din minsan humirit ni Mavric na namalayan ko na lang, nasa harap na kami ng ice cream Coco Mama.

“Baka mapaaway kayo, ah! Mga bading ang magpeperform doon! Bawal homophobic!” ani Raya.

Nagkakawatak-watak na kami dahil hindi pwedeng isama si Rick sa mga bars na may drag performance kinagabihan. The girls are curious, and they wanted to watch. Gusto kong sumama sa kanila dahil bored na rin akong maglibot libot at sumunod naman si Tyler at Mavric sa akin.

Si Brent, Rick, at Con ang magkakasama. Brent is keeping an eye on Rick to keep him away from trouble. Kasama nila ang iba ring girls, lalo na’t sina Raya, Angela, at Gabriella lang naman ang nagkasundong samahan si Raya na manood daw sa crush niya?

Mavric, Tyler, and I tailed along with the girls like kids curious for their rendezvous at Hara bar.

“My call,” si Mavric na nagpresintang ilibre ang girls ng inumin pagkapasok namin.

Nakangiti pa ako nang may mahagip ng tingin ang mga mata ko. My smile slowly vanished when I saw his…father.

Kung tama ang pagkakaalala ko, may bar daw dito sa La Union na pinagtatrabahuan ng Papa niya. Ibig sabihin, ito?

Kung ganoon…nandito rin siya? Fuck.

Mavric ordered drinks so we could at least drink while the girls were talking about drag races. They looked too excited while the three of us looked out of place—just curious kids.

“Include chicken wings, bro,” Tyler requested.

“Ayan na!” Raya looked up to the second floor.

My chest started pounding hard for some reason. Lumunok ako at hindi alam kung saan ibabaling ang atensyon.

“Excited na ba kayo para sa susunod na performance?!” a gay MC asked with a wide smile.

His makeup including his outfit looked too glamorous. At mukhang kadalasan yata sa pumasok, mga parte ng LGBT na interesado sa performance.

Humiyaw ang mga tao na nasa loob ng Bar. Luminga linga ako, baka sakaling…may pamilyar sa tabi-tabi. Fuck. Bakit ba ako nandito? Pero hindi rin ako makaalis dahil parang umuugat ang paa ko sa sahig.

“We are proud to present our Bambi!”

My lips parted in surprised and I got goosebumps. The red lights turned dim, and the spotlight was suddenly dragged to the stairs. Everyone was looking up until a familiar song boomed.

“La la la la… La la la la…” A sensual voice started singing.

Tumili sila Raya habang kunot-noo akong tumingin sa daghan kahit ang lakas na ng kalabog ng dibdib ko. Her back was facing us and half of her face was facing to the side while gripping a microphone.

Tyler whistled. “Woah, Rihanna…”

My lips parted. It’s just half of her face with heavy makeup, but boy, I knew those Bambi eyes so well!

Nahulog ang tingin ko sa suot niya. The black corset perfectly shaped her small waist. She paired it with black high heels, black stockings on both legs, and a two-layered miniskirt with leopard prints and chains.

And what the fuck. He used the nickname I made for him as his drag name?!

“I want you to love me, like I’m a hot ride…” She faced us in a swift motion; her long hair flowed with her movement.

“Sobrang sarap mo!” may mga girls na sumigaw.

Mariin akong napapikit, nahilot ang sentido. Ang sakit ng ulo ko. Magkaka-migraine pa yata ako nang wala sa oras.

“Ayos ka lang?” Mavric chuckled when he noticed my reaction.

Tumango ako, binasa ang labi, at sinikap ulit na manood.

The light was now completely focused on her. Ngayon na nakaharap na, mas nakita ko nang maayos ang mga mata niya. She’s unrecognizable because of the heavy makeup and the long black hair, but those Bambi eyes will not fully hide him from me!

Everyone shouted. She gripped onto the stair’s handrails and took step one down, singing in her slurry and sensual voice.

“Be thinking of me…” She suddenly leaned against the railings, bent, and held the mic over her lips. “Doin what you like…”

I swallowed hard. Anong klaseng performance ba ’to?! She even made a fake sexy chuckle, which made everyone hype her up even more. Pero ako, kinikilabutan lang lalo. Kahit ngiti, hindi ko magawa.

“Woah, she’s hot. I hope she’s single,” Mavric commented.

Gusto kong mairita kung bakit ganoon ang sinabi niya, pero hindi ko rin maalis ang tingin lalo na’t bawat segundo, may ginagawa siya.

She strided down the stairs until she ended up on the group of men ogling her performance.

“So boy forget about the world cause it’s gon’ be me and you tonight…” She only smirked, past them, and flipped her long hair like she knew…she’s that hot.

Nagkatinginan si Mavric at Tyler, sabay na humalakhak. Mukhang natutuwa sa performance. I scowled and sipped on my drink bitterly.

Noon pa talaga…alam niya kung paano mang-akit.

She stopped in front of a tall man. She pushed her to the ground. The boy tried to rise up, but she only put her left foot with a heel on his chest, crouched down a little, and cupped his jaw.

“I wanna make you beg for it, then I’ma make you swallow your pride,” she sang to him, but I feel like…it was a message to every man in the bar.

I took another shot. Hindi ko na alam kung kaninong baso iyon.

“Lucky bastard!” Tyler shouted while grinning.

Sinampal ko nga sa pisngi. Nagulat siya, nakangiti pa rin at litong natawa sa akin.

“Mosquito,” sabi ko at pinahid sa t-shirt niya ang kamay kong may bahid ng kakapalan ng mukha niya.

Mavric chuckled and shook his head. Tumingin ulit ako sa performance. She’s now in the center of the bar, with a chair as her prop. Pabaliktad siyang umupo roon, muling lumiyad. Mababali na yata ang likod nito.

“Want you to make me feel like I’m the only girl in the world… Like I’m the only one that you’ll ever love! Like I’m the only one who knows your heart… Only girl in the world…” Hinaplos niya ang leeg niya pababa sa dibdib.

Get the fuck up, Ronan Slade! Umalis ka na!

“Grabe, ang galing niya magperform,” Gabriella complimented.

“She’s so pretty and hot!” tili ni Angela, pinapaypayan pa ang sarili.

“Sobra! Tapos hindi pa siya halatang lalaki. Kahit ang boses niya. Ang sexy niya magsalita!” si Raya.

Umangat ang kilay ko kay Raya habang sinisimsim ko ang inumin. High school pa lang, kumakanta na talaga ’yan. Everyone in section Aristotle knows about it. We witnessed it first before everyone else.

“She’s not a woman?” Tyler asked with wide eyes.

“Nope. He’s a boy, but he’s also not straight. He’s performing,” paliwanag ni Raya.

“Nasa’n ang inumin ko?” Mavric suddenly looked for his drink until he looked at the drink I’m chugging down.

“Akin ba ’yan?” natatawang tanong ni Mavric nang ibaba ko ang baso at naubos iyon.

The place is too crowded, and it’s suffocating me. Ayoko na ring tumingin sa performance dahil madadagdagan lang ang ikinakagalit ko!

Si Tyler lang yata ang nag-eenjoy dahil ang laki ng ngisi. Alam ko na fan siya ni Rihanna kaya baka nadadala rin siya sa performance dahil nakikihiyaw din, pero hindi na ako natutuwa.

Gusto kong yayain na ang dalawa palabas, pero pangit din kung iiwan namin ang girls dito sa loob. Baka kung mapano rin sila.

“Hindi ka ba nag-eenjoy?” sita ni Raya nang mapansing nakasimangot ako.

Kahit si Angela, napatingin sa akin na nakahalukipkip lang, ayaw nang manood.

“Bakit pa ba kasi kayo sumama? Alam naman naming hindi kayo mag-eenjoy sa ganito!”

Well, I just got curious. Ngayon…hindi na.

Chapter 24

Unlove

I could barely process the whole performance. The drink I drank in one shot didn’t help at all to blur out my vision.

“Sa lipunang puno ng matutuwid na relihiyoso, kung baluktot ka naman mag-isip, sa impyerno pa rin ang bagsak mo!” she said and raised a pride flag.

Umingay lalo ang mga nasa loob ng bar. May nagpapalakpakan, nagsisigawan at tumatango sa kanya. Everyone is too enthralled by her performance.

“Bro, what’s relihiyoso?” bulong ni Tyler.

Itinulak ko bahagya ang mukha ni Tyler kaya inilipat niya kay Mavric at si Mavric ang bumulong sa kanya kung ano ’yon sa ingles.

Ang girls, naghihilaan na papunta sa harap dahil gusto siyang makita sa mas malapitan ni Raya. She’s fangirling.

Nanatili kaming tatlo sa likuran, nanonood lang habang nakatayo.

“Eh sinasabi niyo na sa impyerno rin ang mga salot na kagaya namin, edi magkikita pa rin tayo kasi mapanglait kayo? Hindi ba’t mas nakakahiya ’yon na kahit doon, pagtatawanan kita kasi hindi ka pala nasalba ng relihiyon mo?”

Natawa siya at tiningnan ang lahat. I seriously pouted, crossed my arms, and watched her from the distance.

Edi…magkikita pa rin pala kami sa impyerno? Cuz I seriously hate him and that makes me a homophobic? Pero siguro kahit hindi ako magpaka-homophobic, susunugin pa rin ako sa impyerno dahil pasaway ako.

At bakit ko ba ’to naiisip? Lasing na yata ako.

“She’s bold,” ani Tyler, ngumisi.

Nagsalubong ang kilay ko kaso kinuha lang ang atensyon nang may sumigaw na lalaki.

“Kung mahuhulog ka sa impyerno, magnanakaw ako ng mais bukas para magalit sa akin si Lord!”

I looked at the man who shamelessly shouted it. Natawa ang iba pero mas nagkasalubong lang lalo ang kilay ko. Kaya niyang maging magnanakaw para sa kanya? Kaya salot talaga ang pagmamahal, eh.

“Galit ako sa magnanakaw!” she shouted, which made the crowd roar hysterically.

“Huwag nating tularan ang basura nating gobyerno, ah? Galit dapat tayo sa mga magnanakaw!”

Mavric nodded in amusement. Tyler is still grinning, entertained by her uproar.

And thank God I am single. I don’t need to deal with these kinds of drama.

Iniisip ko pa lang na…kunwari boyfriend niya ako? Kunwari lang naman… tapos may ganito siyang performance at may mga lalaking nagsisigawan na hayok na hayok sa kanya, idagdag pa ang ibang girls, baka masakal lang siya sa akin o mag-alala dahil…kinukumbulsyon na ako sa labis na…

Pero hindi naman ’yan mangyayari kaya mabuti nga na…sukdulan ang galit ako sa kanya.

“Paano kung pogi ’yong magnanakaw?” someone shouted in the crowd.

“Paano kung kasingpogi no’ng mga nasa likod?!” another girl added.

“Asan ang pogi?!” she immediately roamed her eyes from the back which made the crowd laugh and clapped.

Maraming girls ang nagsilingon sa likuran at kaming tatlo ang pinagtitinginan. I was crossing my arms seriously; Mavric, who’s chilling with his hands in his pockets, and Tyler was crossing his arms too while grinning curiously.

Sila Angela, Raya at Gabriella na napalingon na rin sa amin, natawa.

“May mga pogi kang fanboys!” the girls shouted.

I snorted. Fanboy, huh.

“Kayo talaga! Pag pogi ang bibilis niyo! Huwag na nating guluhin baka may mga girlfriend. Kayo ba ang mga girlfriend?” Tiningnan niya ang mga kasama naming girls lalo na’t tinuturo rin sila ng iba.

Angela, Raya and Gabriella shook their heads in chorus. I saw Raya mouthing that all of us three are single and just…

“Ah… mga babaero?” She sounded disappointed.

You don’t like it? Well…I like myself this way. Humagikhik pa si Tyler at Mavric, kaya napangisi rin ako at saktong tumama sa amin ang ilaw.

My eyes squinted a bit. Nagsitili ang mga girls.

“Ayos lang ’yan! May mga cheater nga na pangit! Doon na tayo sa babaero basta guwapo!” the girls hyped us up again.

Tyler looked curious, but he’s enjoying the attention. S’yempre, makapal ang mukha nito eh.

Mavric glanced at me and chuckled.

“Lapitan mo!” the girls cheered.

“Hoy kayo talaga? Magagalit ang boyfriend ko!”

Ah… so sila pa rin noong taga-Ateneo?

I licked my lips seriously. Gusto ko nang lumabas, pero gusto ko ring ipakita na…wala na siyang halaga sa akin. I wanted him to feel that his presence has no impact on me, or I don’t remember anything about him.

Lalo na ngayon na…ibang iba siya. He probably thinks I don’t recognize him dressed like a woman. But he’s wrong.

“Oh… she has a boyfriend,” ani Tyler na akala mo naman…kung wala, papatulan siya?

“Lalaki ’yan,” giit ko at siniko ko para matauhan ang isang ’to.

Tumingin si Mavric sa ginawa ko at natatawa akong inakbayan.

“Bro, I only like what she’s doin’. She’s dominant. I like that shit so much!”

Kamao ko na yata ang kailangan kong isampal sa mukha ni Tyler. Kung hindi ko lang alam ang tipo nito…

Pero hindi naman siya morena. His honey skin is creamy. Nangingintab lang lagi. Hindi rin siya nursing. At higit sa lahat, hindi siya babae. Kaya walang dapat ipag-alala. At ’yang isa, may galit sa circle namin. Kaya wala ’yang magiging tipo sa amin kasi ayaw niya rin sa babaero.

“Kasing gwapo ba ng mga ’yan ang boyfriend mo?” muling tanong sa kanya kaya naputol ang usapan namin.

“Oo naman! At hindi babaero…” she emphasized.

See? Medyo lumuwag ang nararamdaman ko. Babaero kaming lahat. Si Rick, hindi pero mas lalong hindi ’yon pwede. Si Con…wala straight ’yon. Ang natitira, mga babaero na.

“Maghihiwalay din ’yan,” sabi ni Mavric kaya natawa ako.

She was entertaining the crowd for how many minutes until some were now requesting pictures. Pinagbibigyan niya ang mga iyon at kahit ang tatlo, sila Raya ay nakikilapit na rin.

“Picture, Ron!” si Angela na sumisenyas na naman sa akin.

Pati si Raya at Gabriella, nakatingin na sa akin, hinihintay akong lumapit. Mavric tapped my shoulder.

“Picture-an mo raw sila kay Bambi,” ani Mavric.

“Let’s go to the girls,” si Tyler na magpapasikat lang din naman.

Hinarang ko ang kamay sa dibdib niya at inilingan siya na ako na ang lalapit total ako lang naman ang tinawag. Makikisali pa talaga.

Inakbayan siya ni Mavric para pigilan. Mavric doesn’t want to come with me and controlled Tyler to just stay with him. Bigla niya na lang inaya sa kabilang table kaya si Tyler, hindi na nagpumilit na sumunod sa akin.

Lumapit ako sa girls. Binigay agad ni Angela sa akin ang phone niya. Ramdam ko agad ang pag-angat ng dugo ko. Hindi ko alam kung kabado ba ako, na-eexcite, o nagiging alerto ang buong sistema ko dahil malapit lang ang…kalaban.

“Ayusin mo, ah…” utos ni Angela.

Tumango ako habang hindi napupunta ang tingin sa kanya. I smelled his scent mixed with the girls’ scent, and it was something unfamiliar and unrecognizable. Where’s the powdery and citrus scent you used to love during high school?

I gritted my teeth. All that hatred, and I’m suddenly whining why he changed his scent? Gago ba ako?

“Sa Manila, saan na mga bar ka nagpeperform ng drag?” Raya asked with a smile on her lips.

Inihanda ko ang camera, hinihintay na magpopose na sila at tinitingnan ang phone na hawak kahit hindi ko maiwasang makinig at mapansin ang mga kuko niya.

She has long nails with pointy edges painted in nude colors with small crystals. Noon pa man…maalaga na talaga siya sa mga kuko niya.

“Ah… tuwing summer lang ako nagda-drag kasi mas focus din ako sa school. Pinagkakaabalahan ko rin ang contents ko sa tiktok kasi doon ako mas kumikita.”

At pagboboyfriend?

“Bilis na,” singit ko dahil ayoko namang nakatunganga dito sa harap nila.

Napatingin siya sa akin. Bumangga din ang tingin ko sa kanya ngunit sabay din naming inilayo agad sa isa’t isa.

Dark brown eyeshadow with a sharp eyeliner and long lashes. Alam ko na natural ang mga pilikmatang iyon; pinakurba niya lang at nilagyan ng mascara, katulad noong high school pa lang kami.

“Atat na atat, ah!” Angela hissed at me.

“S’yempre may kinukursunadahan kasi ’yan silang girls. Bibisita pa raw sa room nila kaya siguro nagmamadali,” biglang angat ng kilay ni Raya.

“Ang babaero niyo talaga nila Brent,” si Gabriella na nailing.

Gusto kong itama na hindi naman naimbitahan dahil na rin baka hindi komportable si Rick, pero bakit ko itatama?

“Single eh,” I answered proudly.

I mean, wala naman ’yong meaning at totoo naman na…single ako.

I noticed his slight discomfort from the topic, but he still managed to prepare himself to pose for the picture. Hindi ko siya matingnan nang maayos sa camera, pero kahit tadtad man ng makeup, nasisilip ko pa rin ang…dating siya.

I cleared my throat and tried to concentrate since they’re now posing for the picture. I seriously pouted when I needed to focus the cam lens to capture them vividly.

Alam kong…nakilala niya ako. Dahil ako, kilalang kilala ko pa rin siya.

“Ano ba ’yan, Ron! Ang blurred! Sa pambababae ka lang ba magaling ha?” si Angela nang makita ang kinalabasan.

Natawa ako. It was satisfying. Para akong may ipinakitang ebidensya na iba na ako, wala nang bahid ng kahapon, at nagbago na.

“Ah… Alis na ako. Nandiyan na ang boyfriend ko,” he emphasized.

Tiningnan agad siya ng tatlo at nginitian. Raya glared at me and slapped my arm. Natatawa kong hinaplos ang braso ko.

“Ang pangit mo kumuha ng picture!” she yelled. “Paano namin ’yan ipopost ngayon!”

Nilingon ko kung saan siya pumunta at nakitang nilapitan siya ng isang lalaki. Lumingon dito ang lalaki at swabeng hinawakan siya sa baywang kaya tinanggal ko na ang tingin ko.

“Bago na naman ang boyfriend niya. Hindi na ’yong taga-Ateneo,” ani Raya nang manatili ang tingin niya sa kanila.

I acted like I didn’t notice it, pero alam ko, nakilala niya ako. O…kilala niya pa rin ako sa kabila ng mga pagbabago.

Of course he noticed my changes. I already stopped wearing braces. Pinatanggal ko na noong nagsimula akong magkolehiyo. My haircut changed too. I have maintained a side-swept and tapered fade combined ever since I started my college life. Ang height, nasa 6’2 na rin.

And he likes smart men, someone who does well in school. I’m not academically driven. He also likes serious men. I’m…not. I have flirted with a lot of women now, and I am that asshole he would rather hate than love.

Maybe it wasn’t because I wanted to prove a point to him; it was also to remind myself that I am over that high school moment. I am now far from my old self.

My anger keeps me away from him. It’s what draws our distance. Kasi kung wala ang galit ko, ano pang…papagitna sa amin?

“Ron?” Raya snapped her fingers.

Naligo kami sa isang falls at natulala pala ako saglit. May pinuntahan kaming falls na isang oras mahigit ang layo sa San Juan kinabukasan. Ang mas maganda ay solo namin ang lugar dahil walang tao. Siguro nasaktohan din na naroon sa San Juan madalas ang iilan.

“Ano?” tanong ko habang nakaupo sa malaking bato.

“Bumaba na ba ang lagnat mo?”

Hinaplos niya ang leeg ko. Nagkasinat na naman kasi ako kagabi. The girls are too worried, but the boys are used to it. Kaya nagdadala na rin ng medicine kit para sa akin sa dalas ng…sinat ko.

“Medyo bumababa na,” sabi ko.

“Ayan! Kinakarma ka na talaga. Ang sama kasi ng ugali mo! Ang pangit mo mag-picture. First picture pa sana namin ’yon.”

“Hindi naman kasi ako magaling magpicture. Tapos ako pa ang inuutusan niyo,” reklamo ko.

“At bakit ka muna natutulala riyan kanina pa?” sita niya habang tumatalikod sa akin. “Paayos ng necklace ko, please. Ilipat mo ang lock sa first chain…”

Pumasok tuloy sa isip ko ang sinabi niya kahapon kaya higpitan ko iyon sa leeg niya. Hinawakan niya ang pendant at bahagyang hinila kaya niluwagan ko rin.

I was seriously doing it with furrowed brows. Natatawa niyang pinanood ang girls na sumasampa sa likuran ng mga boys at tatalon sa cliff.

“Mahilig ka sa drag?” tanong ko nang maalala.

Lumingon siya, tiningala ako ng kaunti at tumango. “Oo. Ikaw rin ba?” she chuckled.

I laughed and shook my head. “Bakit ako mahihilig sa ganyan? I’m straight.”

“Eh, ano naman ngayon kung straight? Drag is a performance—an entertainment with a heavy purpose. And you know, that’s the best part about drag. It’s like an art. Not everyone will like it, but the advocacy behind it is rooted in societal issues that need a call out. ’Yon ang importante sa drag.”

“Sorry, not really a fan…” Kibit ko.

“Well, ayos lang ’yan. Hindi naman kasi naghahangad ang mga drag performer na maging fan ka nila. Ang gusto lang nilang iparating ay maintindihan mo kung para saan ang drag at respetuhin ang intensyon nila.”

Pinanood ko saglit ang mga friends namin sa tubig na nasa mababaw na parte na. Ang mga girls ay nakasampa na sa balikat ng boys at mukhang naisip na maglaro dahil nagtutulakan sila.

“Wala sa environment ko ang ganyan eh. I’m sheltered. My family will not understand the concept of drag, Raya. Titingnan lang nila iyong kasuklam suklam dahil bakit ang lalaki, nagbibinae. O ang mga babae, nagpapaka-lalaki kumilos,” paliwanag ko.

“Iyon nga ang nakakatawa eh. Drag is not even an attack on straight people. Nagfofocus siya sa politics, gender expression, at societal issues. But straight people hate it because it’s too much. Or it looks too gay. Akala nila iniimpluwensyahan nila ang mga nanonood ng kabadingan. Eh hindi naman sana natuturo ang kabaklaan,” she snorted.

Nanatili akong tahimik.

“Kaya gustong gusto ko si Bambi eh. Kasi wala siyang pakialam sa sinasabi ng lipunan sa kanya. Marunong siyang lumaban.”

“Talaga?”

“Oo. Kadalasan lang din sa haters no’n, puro girls. Tapos isa sa advocacy niya, women empowerment. Ang lala ng lipunan natin, ’di ba?”

Hindi rin pala siya nagbago. O baka…natuto lang lumaban dahil walang ibang magtatanggol sa sarili niya.

I wanted to think it’s a defense mechanism. But…am I part of those villains in his life that he treated me like an enemy?

You know the answer, Ronan.

Kay Raya ko na rin minsan nababalitaan kung may bago ba siya dahil naririnig kong kinukwento ni Raya sa girls.

At ang nakakagulat, nasa Taft siya noong gabing hindi ako sumama sa girls para pumarty sana.

“Kailan ’to?” tanong ko kay Angela nang may panooring interview, at…isa siya roon.

Nakalapag lang sa mesa ang phone niya kaya nakita ko ang naka-pause na video at kuryosong pinanood. Iniedit niya yata ang video para ipost sa account niya. Saktong…may pamilyar na nasali.

“Kagabi! Cute nga eh. Naalala mo si Bambi? ’Yong nagda-drag sa La-Union! UP student ’yon. Nandoon din siya sa Barn kagabi. May boyfriend pala siya na taga-Saint Benilde kaya pumarty siya sa Taft,” paliwanag niya habang abala sa harap ng salamin at tinatalian ang kanyang buhok.

Kung kailan hindi ako pumarty, saka naman siya biglang dumayo sa Taft?

I paused the video when it was his turn. Walang gana kong ibinalik kay Angela ang phone niya. Hindi ako interesadong panoorin.

“At sino na namang boyfriend niya na taga Saint Benilde?” tanong ko, medyo hindi nagpakita ng interes sa tanong kahit…kuryoso ako ng kaunti.

Iba na ulit?

I wanted to act like the conversation is just a spur-of-the-moment to kill some boredom, but deep down, I know there’s a little intention in my question.

“Hindi ko alam. Pero may kaibigan din daw kasi siya sa school na ’yon. Panoorin mo kasi ang video!” Muli niyang inilahad sa akin ang phone, p-in-lay pa para lang mapanood ko.

Muli kong itinulak ang phone niya at umiling na. Hindi naman ako gano’n ka interesadong malaman.

“Basta kaibigan niya na taga-R Square Residence? Ka-building niyo ni Tyler,” patuloy ni Angela, kahit halatang hindi na ako interesado sa topic.

Gago?

Seryoso ba ’yan? “Anong…floor?”

Nanliit ang tingin ni Angela sa akin. “I don’t know? And why would I ask him about it! Mukha pa namang feminine boy ’yong friend niya. Type na type ko. Kaso nakakainis kasi kayo nila Brent! Ayaw tuloy ni Bambi sa circle natin!”

I nodded, trying to shut my mouth and end the topic.

I don’t wanna be bothered about it. If he has a boyfriend, then I am happy with flirting around, too.

Ayaw ko nga lang talaga mag-girlfriend dahil na rin siguro takot ako na maulit iyong nangyari sa relasyon namin ni Claudia. I hate dramas and headaches at the moment.

O siguro rin hindi ko alam paano kokontrolin ang sariling emosyon. I realized I easily get jealous. Hindi ko nga lang alam kung sa lahat ba ’to o…sa isa lang. Hindi naman sana ako seloso pero ewan ko ba.

Pero masaya naman akong umuusad.

“Ba’t nakasimangot ka yata?” natatawang puna ni Mavric nang matulala ako saglit at hindi na namalayan ang ekspresyon.

We’re back in La Union for a short trip to release stress from midterms. Second year na ako pero pagod na pagod na akong mag-aral. Mga gala lang yata ng circle namin ang bumubuhay sa interes ko.

Tirik na tirik ang araw. Gusto ko na sanang magtampisaw sa dagat, pero kahit saan na naman ako dinadala ng isip ko. Kung tubig lang ’to, nalunod na siguro ako dahil taon-taon, parang minumulto na lang ako lagi lalo na pag nandito kami sa La Union.

The girls are trying to learn how to surf. Tyler and Con were with them, ginaguide ang girls. Nasa buhangin ako, nakaupo, niyayakap ang surfboard ko at namalayan pa talaga ni Mavric na lumilipad na naman ang isip ko.

Itinuko ni Mavric ang mga kamay sa likuran habang nakatingin sa akin, ngumingisi. I looked at the henna tattoo on his chest. Meron din ako sa braso, tribal din katulad ng kanya. Actually kaming lahat na boys ang nagpalagay at nakigaya lang sa mga girls na puro butterfly naman ang kanila.

Iritado kong tiningnan si Mavric, nangingiti ng kaunti, at itinulak siya. I know that smile so well.

“A bad fuck?” he insinuated.

Humalakhak ako. Sabi na. Tiningnan niya ang marka sa leeg ko. Hinaplos ko iyon at napairap habang nakangisi.

“Pero may gano’n ka na bang experience, Mav?” medyo nagseryoso ako kahit…parang hindi kapani-paniwala kung sa akin manggagaling.

His brow shot up. Umahon siya sa pagkakatuko sa likuran para mas matingnan ako nang maigi. I boredly rested my right cheek on the surfboard standing in between my parted legs.

Tanaw ko si Brent sa hindi kalayuan, nakikipag-usap sa isang naka-bikini na foreigner sa cottage ng girls. The fucker looked so into it because of his wide smile. Sa gilid niya, si Rick na may hawak na ice cream na nakalagay sa coconut, abalang kumain at hindi na-eentertain ang isa pang babaeng sinusubukan siyang kausapin.

Kaya rin hindi ako mapagsasabihan ni Brent sa pambababae kasi gawain niya rin naman.

Lumingon din si Mavric doon, pero ibinalik lang ulit sa harap ang tingin dahil sa tawanan ng girls kay Tyler.

“You mean a bad fuck?” he elaborated.

“Hindi, gago…” natawa ako. “’Yong… hindi mo maalis sa isip mo kahit ayaw mo na?”

Umangat lalo ang mga kilay niya.

“Ah…” he chuckled meaningfully.

Tumingin din ako sa harap. Parang bangkay na inanod ng mga alon ang katawan ni Tyler na nakayakap sa surfboard niya, mukhang nahulog. Pinagtawanan ko saglit ang gago saka nilingon si Mavric dahil nagsalita.

“A good fuck.”

“Gago.” I snorted with a playful smile.

Humalakhak siya, napapaisip. “If it wasn’t, then…you’re the one who’s fucked.”

Unti-unting napawi ang ngiti ko. Binasa ko ang labi, hindi agad nakapagsalita at tinitigan lamang siya.

“Cuz if it wasn’t about sex, then you know what it is. It’s…” He flicked his finger on my chest.

Tiningnan ko ang dibdib ko. He curled his pointing finger and knocked on it meaningfully.

“Gano’n lang naman ’yon kadali. If you can’t get them out of your damn mind, then they already fucked you up down here…” He tapped my chest.

Itinulak ko ang kamay niya. Ngumisi siya sa akin lalo.

Saglit kaming natahimik nang kinuha ng mga napadaang girls sa harapan namin ang atensyon dahil sa hagikhikan at pagsulyap nila sa amin ni Mavric. We both smiled at them, and my eyes even dropped on someone’s legs.

Nang makontento sa paninitig, muli kong binalikan ang sinabi ni Mavric na nakatitig pa rin sa girls na nililingon lang din kami.

“You think I’m in love? Mambababae ba ako kung in love ako?” I snorted bitterly.

Mas natawa siya, dahan dahang dinala ang tingin sa akin. “Wala akong sinasabi… Ikaw ang may sabi niyan. I’m just saying you’re fucked.”

Talaga ba, Mavric? Bakit ba ito pa ang kinausap ko eh isa rin ’tong gago?

“High school days pa ba ’yan? Iba ka noong high school days mo eh.”

Hinaplos ko ang buhok ko at naalala ang braces ko noon na wala na ngayon. I scraped my tongue on my upper teeth.

“Ano ba ako noon?”

“Down bad? I mean, look at yourself now, Ron. Kung babae ako, I’ll immediately know you’ve bedded a lot of girls…” he drawled.

“Kung makapagsalita… Magaling ka lang magtago, Mav,” balik ko at tinalsikan siya ng buhangin.

Inilagan niya iyon pero dumikit pa rin sa mga hita niya. Pinagpagan niya lang ang board short na suot habang nakangisi pa rin.

“I’m keeping it cuz I don’t have to prove something. Well, what are you tryin’ to prove then?” He smirked at me.

Natawa ako sa bintang ng hinayupak. I’ll admit I’m close to Mav and Tyler compared to the other boys. Mailap kami kay Brent for the same reason. He’s too serious.

Si Rick at Con, close ko rin naman pero parehas din ang dalawang ’to na malayo ang gawain sa gawain ko. Kaya siguro kay Tyler at Mavric ako mas nakagaanan ng loob dahil bukod sa parehas ang tama namin, parehas ding…babaero.

Pero ngayong kinakausap ko si Mav, I realized he’s vague to read. O…marami siyang alam na hindi ko inaasahang alam niya at nananahimik lang.

Tyler jogged toward us and threw himself between Mavric’s legs. Natulala ulit ako saglit habang iniisip ang sinabi ni Mavric.

I’m the one who’s fucked? Bullshit.

“What’s with the serious conversation?”

Isa rin ’to, walang kwenta kausap.

“He wants an advice,” si Mavric na itinuko ang mga siko sa balikat ni Tyler.

“What advice?”

Umirap ako dahil alam kong kung bobo ako rito, mas bobo sila.

“Dunno.” Mavric shrugged slyly.

“Oh… You got rejected?” Tyler tilted his head nosily.

Umismid ako. Tumawa si Mavric. Umiling ako para itigil na ang usapang ’to dahil kami-kami lang din ang naglolokohan dito. Parehas kaming mga bugok.

“Just look at the sea, Ron…” seryosong sabi ni Tyler, na para bang may naisip siyang magandang pilosopiya roon.

Inabot niya pa ang mukha ko, hinawakan ang baba ko para lang humarap ako dahil ayoko sana siyang seryosohin.

I looked at the front boredly. “Then?”

“What do you see?” he conversed logically.

“Girls?” Well, may tubig…at sa tubig, maraming girls na nakabikini?

“Exactly, Ron.”

“Then?” Inangatan ko siya ng kilay.

“Then that’s it? That’s the punch line, bro. You’re not blind. Now choose one and get over it!” Tinapik niya ang balikat ko na ikinangiwi ko.

Humagalpak agad silang dalawa, nag-apir, kaya tumayo ako at sinabuyan sila ng buhangin gamit ang paa ko. They both shut their eyes and cover themselves while laughing hysterically.

Tang ina. Akala ko talaga seryoso na, eh!

Dinala ko tuloy ang surfboard at tinakbo ang dagat para sumali sa mga girls.

Humabol din agad ang dalawa sa akin sa likuran at patalon akong inatake ni Tyler kaya nadapa kami sa tubig habang si Mavric, agarang dumapa sa surfboard na kakalapag ko lang.

Pagkatapos ng trip namin sa La Union, noong birthday ko na, dinala ko rin sila sa Bukidnon dahil doon ang celebration at iniimbitahan sila ni Mama. Nawili pa si Mama na i-entertain silang lahat at hinayaan akong i-tour sila sa farm namin.

“Haciendero ka pala, Ron? May durian farm kayo. Wow…” Ang reaksyon nila.

“Mangabayo kayo, Slade…” udyok ni Ate Charm, handang ipagamit ang mga kabayo sa rancho.

“Your sister is pretty,” bulong ni Tyler.

Siniko ko tuloy. Hindi porket nagbibiro ako sa Mommy niya na Latina, gagayahin niya rin sa kapatid ko. Gago pa naman ang mga tipo ni Ate Charm. Pasado ang isang ’to.

We also did paragliding. Hilig na rin kasi namin ang mga extreme sports kaya kahit ang mga girls, nahahawa.

Ipinasyal ko na rin sila sa Bukidnoon at huling dinala sa Impasug-ong para mangabayo.

“Ganda rito ikasal, ah?” komento ni Rick nang lumebel ang kabayo niya sa akin.

Napaisip tuloy ako. Kung nadala ko sila Merrie rito, ano kaya ang…magiging topic namin? Baka ganito rin?

Siguro…matutuwa ’yong isa pag pinasakay ko siya ng kabayo at tinuruan? S’yempre sa kabayo ko muna siya sasakay para magpraktis. Siya ang nakaupo sa harap at ako ang nasa likuran.

Kaso pagbibintangan ako noong tsansing kasi…hahawak ako sa baywang niya.

Unti unting napawi ang ngiti kong nang madala na sa iniisip at maalala ang mga planong hindi natupad. Natupad naman…nadala ko na ang mga kaibigan ko sa hometown ko, pero…hindi nga lang sila.

“Kasal pa talaga ang iniisip mo eh ang sungit mo nga sa girls! Wala ka ngang girlfriend!” si Angela nang lumebel din ang puting kabayo niya sa amin.

Kalmado ang pagpapatakbo ng girls sa mga kabayo, halos naglalakad lang. Ang boys, medyo mayayabang at pinapatakbo pa nila. They’re all enjoying it.

“Kay Avril Lavigne ako ikakasal. Siya lang ang pasok sa standard ko,” giit ni Rick kaya natawa ako.

“Kapal din ng mukha niya. Eh sa standard ni Avril Lavigne, pasok ka kaya?” Raya roasted.

Humalakhak ako dahil hindi talaga natatakot ang girls na barahin si Rick.

“Pangarap ko na nga papakialaman niyo pa! Mangarap rin kayo ng inyo!” pakikipagtalo ni Rick.

Pinatakbo ko nang mabilis ang kabayo ko para makawala sa topic nila. Ayan na naman. Noong nasa La Union kami pa ang kasal na topic na ’yan. Kung hindi kasal, sino raw mauunang makabuntis.

“Alin doon ang girlfriend mo? Puro magaganda…” tanong ni Ate nang abala akong mag-impake sa sumunod na araw.

Nasa guest room ang friends ko. Nandito ang boys kanina pero nagsilabasan din dahil inaya ni Mama sa sala para magsnack muna bago kami umalis.

Medyo nagulat ako sa tanong ni Ate. I expected her strict opinion about having a girlfriend. O siguro rin naging maluwag na siya noong nalaman niyang…nambababae ako sa Manila?

“Wala, Ate. Puro ko lang friends ang mga ’yon.”

Tumango siya, pero kuryoso pa rin.

“Talaga? Eh… ’yong mga boys? Puro ba ’yon…straight?”

Nagsalubong ang kilay ko. “Oo naman. Walang bading sa circle namin.”

She nodded again and laughed a bit. I groaned and pushed her softly to stop teasing me. Hindi nga lang natinag.

“Oh? Wala akong sinasabi!” giit niya, seryoso ang pagkakasabi pero natatawa!

I frowned while folding my clothes. Tingin niya ba magkakagusto ako ulit sa lalaki dahil lang…nagkagusto na ako sa isa noon?

“’Yong may dimple… Guwapo siya na…maganda. Pero masyadong lalaki ang galawan kaya mas lalong gumaguwapo. Straight din ’yon?”

Si Mavric?

Does she think I secretly like Mavric because he’s a pretty boy? Does she think I’m…still into men?

Fuck. Pinagdududahan niya na yata ang mga kaibigan ko dahil lang tingin niya, nagkaroon ako ng nakaraan noon.

“Straight siya, Ate,” giit ko para tigilan niya ako sa mga hinala niya.

“’Yong roommate mo, guwapo rin—”

“Straight ’yon at sa girls sila mahilig, Ate. Pati si Mavric! Kahit si Brent! Mga babaero nga ang mga ’yan. Lahat sila straight!” paliwanag ko dahil napipikon na ako sa mga duda niya.

At sa nalaman namin kay Rick, nakikisimpatya na kami sa kanya kaya walang bading sa circle namin.

She nodded calmly. “Ah… Ikaw lang ang hindi?”

I grunted more. Napipikon na ako. At ang mas nakakapikon, hindi ko nararamdamang nasisindak siya.

“Tanong ’yon! Sinabi ko bang ikaw lang ang hindi, hindi! Tanong ’yon!” she explained halfheartedly; the stifled smile is too obvious on her lips.

Ang hawak kong boxers, padabog ko tuloy na binitiwan para makita niyang napipikon na ako.

“Lumabas ka na nga, Ate!” I tried to act superior, but she looked unbothered by my forced rage.

Natanaw ko pa ang namumula kong mukha sa malaking salamin. She pressed her lips together. Marahan niya pang inabot ang damit ko para siguro tumulong.

Nang hindi naman siya napipikon, ako na lang ang lalabas, sige! Siya na ang mag-impake para sa akin! Tupiin niya ’yang mga boxers ko!

“You will never know how to unlove a person, Slade. You just learn how to live without them…”

Medyo napatid ako ng pahabol ni Ate pero tuloy-tuloy ang paglabas ko ng kuwarto kahit napalunok ako sa sinabi niya.

Naalala ko bigla iyong gusto kong itanong kay Mavric na hindi rin masagot nang maayos ni Mavric. Ngayong kay Ate ko narinig iyon, hindi ko tanggap na maaari ngang…nandoon pa rin.

Gusto kong patunayan kay Ate na limot ko na ang nakaraan. Pero kahit hindi niya rin banggitin, parang pati siya, nakakulong pa rin sa nangyari noong araw na umiyak ako sa harapan niya.

Hindi man kami nagkikita, pero nasa circle naman ako na ang girls, lalo na si Raya, gustong gusto siya dahil nakafollow silang lahat sa tiktok account niya. Kaya kahit ayaw kong may mabalitaang kahit ano, nalalaman ko dahil naririnig ko.

And what’s worse, someone joined our circle, which is Brent’s roommate named Shiloh, who reminds me of…Aries.

Parehas na Chinese. Parehas na tahimik. Parehas na masungit. Parehas ding mahinhin. Hindi nga lang nakaglasses si Shiloh.

And every time I’d remember Aries, my thought would immediately return to the memories I had abandoned. To the brat I once…had feelings for.

Chapter 25

Add

Kung ako lang ang masusunod, hindi ako papayag na nasa circle namin si Shiloh. Hindi kasi kumportable si Rick sa kanya, at kung kasama namin siya lagi, edi lagi rin akong may maaalala?

“I need to take care of him. He’s a family friend. His mom is close with my mom,” paliwanag ni Brent nang magtanong ako kung…mapapadalas na ba si Shiloh sa amin.

Medyo gusto ko ’yong rason na aalagaan niya si Shiloh, malilingat na ang atensyon niya sa akin. Mabuti ’yang ibang problema naman ang pinagkakaabalahan niya, hindi iyong puro pangaral sa akin.

“Masasakal ’yan sa’yo. Lalayo ’yan,” sabi ko, hinawakan ang controller lalo na’t naglalaro kami ng NBA 2K sa PlayStation at nandito sa bahay nila Angela.

He arched his brow at me. “You sounded like it’s based on your experience…”

Noong first year ako, doon yata ako madalas mapikon kay Brent. Kung makaakto ba naman, akala mo kuya ko siya.

Ngayon lang din siya unti unting lumuluwag eh. Pero ngayong may pinapapasok siya sa grupo namin, si Shiloh, talagang siya pa rin ang masusunod kahit pa ayawan namin.

Ang girls agad ang mabilis na naging kasundo ni Shiloh. Kaming boys, medyo pinapakiramdaman pa namin. Si Rick, medyo umiiwas nga. Pinagdududahan kasi namin na baka…bading?

At nakakairita na sa tuwing may pagdududahan ako, nakikita ko si Ate sa isip ko, nanunuya ang ngiti sa akin.

“Nagcheat daw…” Raya murmured while they were in the sala.

We are trying to study for the upcoming midterm exam. Tumayo na si Brent at si Tyler ang pumalit sa controller niya. He’s now in the kitchen with Shiloh. Tinutulungan niya yata si Shiloh na gumawa ng cookies? Si Rick, nandoon din at nakikiabang para makikain. Pati yata si Con at Mavric.

Nasa harap kami ng flatscreen TV ni Tyler at saktong naririnig ko sila dahil nasa carpet sila at nasa sofa kami ni Tyler.

“Talaga? First boyfriend niya ’yon na nagcheat? Parang hindi na-issue ang iba niyang ex?” Angela conversed seriously.

“Sila ang makakalaban nila Brent this upcoming UAAP, right?” si Mica.

“Tapos ang ipinalit pa, volleyball player din pero babae raw,” patuloy ni Raya, may pait sa boses.

“Kung ako si Bambi, ang sunod kong lalandiin ’yong makakalaban ng ex ko. Tapos susuotin ko ’yong jersey ng kalaban niya sa mismong game para dama niya ’yong galit ko. Iche-cheer ko ang kabila na lalampaso sa kanya,” si Sadie na talagang ikinalingon ko na sa kanila sa likod.

Kung kailan nandito na si Shiloh sa grupo, madalas na ring humalo si Sadie sa amin.

They were so into it. Nagkalat ang chips sa harap nila, nakabukas ang mga libro, may laptop pa sa kandungan ni Raya, pero iba ang inaatupag at puro tsismis.

“Gusto ko ngang i-reto si Bambi sa circle natin. Kaso ayaw no’n sa mga babaero. Maganda sanang revenge ’yon…” si Raya at wala sa sariling nahuli ang tingin ko sa kanila.

“Bro, fucking move!” siko sa akin ni Tyler, kaya dinala ko ulit ang tingin sa flatscreen TV.

“Kakawawain ko sa volleyball ’yong babae. Alam niyang taken tapos may ganang pumatol,” maangas na sabi ni Raya.

Right. She’s part of the volleyball team. Raya is the boyish girl out of all our girl friends. Gusto ko sanang ikumpara kay Merrie, pero iba ang saltik ng isang ’yon. Pero kung may pagkakapareha man, parehas silang…may gusto do’n sa isa.

Nang lumapit si Mavric, may dalang plato na may lamang pastries, tumayo ako at ibinigay sa kanya ang controller.

“Yo, what the fuck, Ron!” si Tyler nang umalis na ako dahil gusto kong makisali sa girls.

“Si Mavric na…” nguso ko sa controller ko na hawak na ni Mavric at dahan dahang inukupa ang iniwan kong upuan.

Tumikhim ako at humalo sa girls. Patuloy silang nagsasalita pero napapatingin sa akin nang makiupo ako, kumuha ng chips, at inihiga ang ulo sa kandungan ni Raya.

“Ireto mo na lang kay Liam,” Angela suggested.

“Sinong irereto niyo?” tanong ko at nakikain sa hawak na V-cut ni Raya.

“Si Bambi. ’Yong taga-UP na TikTok star. Nagcheat ’yong boyfriend niya. Hiwalay na sila at single na siya,” ani Raya at kinuha ang chips sa kamay ko na isusubo ko sana.

“Bakit kay Liam niyo irereto? Liam is straight,” sabi ko.

“Eh alangalan naman sa’yo?” si Sadie na humalakhak at hinampas pa ang tiyan ko. “Nilalandi mo pa si Blanche, ah!”

Blance Feleciano. Dean lister. Hiningi ko ang number niya noong nakaraang linggo, pero hindi pa nga kami nagte-text.

Ngumiwi ang mga girls sa akin. Nagsisi pa ako kung ba’t ako bumoses at ako tuloy itong nakita ni Sadie na pag-usapan sa halip na ipagpatuloy ang topic nila.

“Si Rade ’di ba ang tipo niya?” tanong ni Gabriella.

“Oo yata. I mean, sino ba kasing hindi matitipuhan si Rade. He’s everyone’s girls’ fantasy. Bukod sa hindi babaero, suplado at focus lang sa study,” si Sheena.

“Girl bestfriend niya si Verena, ’di ba?” tanong ni Angela.

“Tapos tingin mo papasa ka sa standard ni Blanche?” tingin ni Raya sa akin.

I shrugged. “Kaya nga susubukan…”

“Matatalino ang hilig no’n!” giit ni Sadie, na para bang ang bobo ko sa paningin niya?

May ikakabuga rin naman ako. Gusto ko sanang magtanong pa kay Raya, pero wala sa sarili kong nahanap ang sarili sa phone ko, dinadownload ang isang app para…makisilip.

I searched his name on TikTok. Nakauwi na ako sa unit at nasa kama na, imbes na magbasa pa, mas pinili kong magcellphone na lang dahil medyo nakuryoso rin.

Bumungad sa akin ang mga Tiktok post niya. Malaki nga ang followers niya. Umaabot din ng hundred thousands ang mga videos niya dahil sa ibang trends na sinalihan niya.

I scrolled down fast, trying to get answers without watching his videos. Wala namang bahid doon na lalaki. Puro TikTok videos niya yata ay nagmimakeup siya, sumasayaw, o naglilipsync ng kanta.

I viewed his shared videos as well. Baka sakaling…dito niya pala tinatago ang mga lalaki niya.

Ngumuso ako nang makitang ang shinishare niya, tungkol lang din sa kanya. Edits sa kanya, o societal issues at kung ano-ano pa. Where are your men, then? Kasi kahit isang lalaki, wala siyang shinishare. Even his exes? Wala?

Something in me was furious about the cheating rumor of his recent ex-boyfriend. Ang kapal din talaga ng mukha magcheat. Kung makakalaban namin ’yon sa UAAP season, higit pa sa lampaso ang matitikman no’n sa’kin.

Kaya dapat sa isang ’yon, hindi na dapat magboyfriend eh. He should take that as a lesson to stop getting a boyfriend. Hindi niya naman siguro ikakamatay ang walang boyfriend.

Kung hindi niya talaga matiis, then he should find someone who’s beyond faithful—someone who’s obsessed only with him. Mas makakasigurado pa siya na siya lang at hindi titingin sa iba.

All those rants were in my mind while I was busy unblocking him on my social media. I realized this is also futile.

Hindi ko naman i-aadd sa Facebook, pero ang halata ko naman na naka-blocked siya? Mas lalo akong nagmumukhang hindi pa nakakamove-on dahil nakablock talaga.

At paano niya rin makikitang masaya akong umuusad at nagmomove-on kung nakablock siya?

After unblocking him, bumungad agad ang Facebook account niya. Kinabahan ako nang makita na ang profile niya. Likod niya lang ’yon, naka-pulang loose jersey siya at pasimpleng inangat hanggang baywang para makita kung gaano ka liit iyon.

Nakatingin din siya sa gilid, kaya kita ang tangos ng kanyang ilong, ang kalahating makinis na mukha at ang senswal niyang ngiti.

Wala na siyang pimples…

Mabuti naman at nawala ’yon. Kahit gusto ko ang mga ’yon sa mukha niya, iyon din kasi ang rason kaya natutukso siya noon at nabubully. Mas maganda na makinis ang mukha niya para hindi bumababa ang confidence niya.

I scrolled down to at least see his wall. Bungad agad ang post niya three days ago.

“Kaya siguro hindi ako binigyan ni Lord ng pekpek kasi alam niya basa ako lagi?” That’s his fucking dirty post.

I shut my eyes and decided to stop stalking him. Dapat talaga sa isang ’to tinatanggalan ng karapatan mag-internet.

“Saan mo ipopost?” tanong ni Angela nang hingiin ko ang iilang clips ng La Union at Bukidnon trip namin.

“Sa Tiktok. Ipopost ko. May account na ako,” sabi ko.

“May account ka? At anong gagawin mo diyan sa app na ’yan? Magpapasarap?”

Hindi ba pwedeng gusto ko lang din makisali sa trends? Sinend niya rin naman sa Airdrop ang mga clips na hiningi ko at ako na ang nagcombine no’n.

I also use the intro of The Less I Know The Better by Tame Tampala as a music background suggested by Tyler. Ang thumbnail, group photo namin na nakabikini ang girls at topless kaming boys na nasa likuran ng maliliit na height nila.

Si Tyler at Mavric ang madalas kong yayain para sumayaw sa app. We tried some of the trends at namimili lang ng gusto naming music. Gulat nga ako na malaki agad ang engagement ko, dahil na rin siguro kilala si Angela sa app, at kilala rin akong kabilang sa circle ni Brent.

Swabe naming sinayaw ’yong trend na 20 Min by Lil Uzi Vert. I also captioned crazy ass trio and a gang sign emoji. Ang nilagay kong hashtag ay trend lang. Gulat ako—ilang oras lang, hundred thousand na agad ang views.

Mostly girls ang nagcocomment pero nangunguna roon si Angela dahil maraming likes ang comment niya.

angelamercedes commented: bros got rizz

At sa isang linggo lang, thousand na agad ang followers ko. Nawili tuloy ako lalo na maging active sa TikTok.

“Hindi ako sumasayaw,” tanggi ni Shiloh nang yayain ko siya.

Break time namin, wala pa ang iba, at sakto na break time niya rin kaya nilibre ko sa malapit na cafe sa labas ng school.

Sa totoo lang, madali lang maka-close si Shiloh. Medyo introvert siya dahil tahimik at parang masungit, pero kapag kinausap mo na, magaan siya kausap.

Noon, si Aries ang naiisip ko. Pero mas mahinhin magsalita si Shiloh, feminine. Parang… ’yong isa. Parehas sila na may matinis na boses.

Pinagdududahan namin siyang bakla sa totoo lang. But I also remember Aries. Straight nga ang isang ’yon kahit medyo lampa ang galawan dahil nga nag-aala nerd. Maybe it was also one of the reasons why I’m suddenly comfortable with Shiloh.

“Madali lang naman ang steps. Parang ganito lang,” saka ko pinakita ang isang dance trend na Eenie Meenie.

He looked at the dance curiously while sipping his matcha I ordered for him. Tiningnan ko ang kuko niya. I noticed it was properly trimmed. Eh ’yong isa…talagang masasabihan mong bading dahil sumasali pa ’yon sa girls mag-manicure.

“Ginawa rin namin ’tong tatlo nila Mavric. Here…” saka ko pinakita ang video na swabe lang naming sinayaw sa parking space ng school.

Kita sa likod ang BMW ni Tyler kung saan kita pa si Rick at Brent na seryosong nag-uusap habang nakaupo sa hood.

“Ang cool niyo,” natatawa niyang sabi.

“Let’s try?” anyaya ko.

He looked hesitant.

“Ililibre kita ng matcha lagi,” alok ko.

Dahan-dahan siyang tumango at inilapag sa table ang inumin. Yes!

Inilapag ko ang phone sa table at tumayo kami ni Shiloh paharap sa screen. Nang tumabi siya sa akin, lumiit agad siya tingnan.

Mestizo ako pero iba kasi ang pagiging maputi ni Shiloh. He’s paper white, halatang may dugong Chinese.

“Ano ba ’yan! Para akong tanga!” natatawa niyang sabi nang nakailang mali siya at halos mawala ang mga mata kakatawa.

“No, you’re cute, Shiloh! Ipagpatuloy natin!” naiingganyo kong sabi.

We tried it for almost half an hour. Mahinhin pa rin siya gumalaw habang swabe lang ang akin, natatawa sa kanya.

I uploaded it and sent it to the GC. Ilang segundo lang, si Brent agad ang naunang nagreply.

Brent: He made a TikTok account?

Ronan Slade: Hindi hahahaha sa account ko ’yan. Cute ni Shiloh :)

Mavric: Sinuhulan mo siguro ’yan ng pagkain kaya pumayag

Tyler: Man, I’m jealous. I wanna join too :/

Maya-maya, sunod-sunod na ang pagtunog ng phone ni Shiloh. Umupo siya at kuryoso iyong tiningnan, mukhang may text galing kay Brent. Nangingiti kong inabala ang sarili na tingnan ang comments sa video namin.

Shaia: Gumaganda talaga si Shiloh pag may poging katabi.

Rissana: My BL heart. Mukha kayong couple <3

Ilovecinnamon: Popogi niyo naman. Pwede ako sa gitna?

Dumating na nga lang si Blanche, ang hinihintay ko na ka-meetup ko rito. Sinalubong ko siya at pinaupo lalo na’t kasama niya rin ang isa niya pang friend.

“Hi Shiloh…” Blanche smiled at him.

Shiloh nodded shyly and waved back. Tumayo ako at hinaplos ang siko ni Blanche na wala sa sarili ring tumingin sa counter dahil ginigiya ko siya roon.

“Maybe I’ll have a sandwich and matcha na lang. For my friend, Irine, uh…is it your call, too?”

“Yup. My call.” I smiled.

I paid for her orders. Ako rin ang nagdala no’n sa table namin. Shiloh was conversing with Blanche’s friend, and he seems comfortable now.

Noong maupo na ako sa tabi ni Shiloh, nagmukha tuloy na double date. Habang hinihintay ang order, nagpophone kaming tatlo, si Shiloh ay sa iPad niya abala. I wanted to open some topic pero naunahan din ni Blanche.

“Ngayon lang ’to?” Biglang pakita ni Blanche sa TikTok video na p-in-ost ko kanina.

“Yup. Kinumbinsi ko nga lang si Shiloh…”

“Oh! Tayo rin!”

Tiningnan ko si Shiloh na nag-aalangan. Tumayo si Blanche at mukhang ganadong gumawa kaya nadamay na rin kami.

We did the Eenie Meenie TikTok dance again. Nauna sila ni Irine sa video para sumayaw, noong kami na ni Shiloh, lumipat lang ang camera sa amin at sa huli, apat na kaming nagpakita sa camera.

She posted it on the spot. Gusto niya sanang i-tag din si Shiloh pero wala kasi itong account.

“Kilala niyo si Bambi? He commented! Sino raw ang naka baby blue shirt. Pogi raw…” Pakita ni Blanche habang umuupo na kami.

Nasa labi ko pa ang ngiti kanina, natutuwa sa sinayaw namin, hanggang napawi ng kaunti.

“Bambi? Sino ’yan?” I asked innocently.

“Tiktok star na taga-UP! He’s famous! Matalino ’yon. We’re friends.”

Friends? Gago…

“Friends?” I echoed nervously.

“Yup! Nasa R-Square siya noong nag Pilates ako ro’n. Remember when you texted me… I was with him. Siya pa ang nakakita ng text mo kasi hawak niya ang phone ko that time.”

Saktong isinerve na ang food namin, kasama ang basong tubig, kaya iyon ang nauna kong damputin at inumin.

“That text you sent to me…” Blanche arched her brow meaningfully. “Bambi mocked it.”

Nauubo kong naibaba ang tubig. Tang ina. Lalabas pa yata sa ilong ko. Anong text ba ’yon? At sa gago kong ’to, parang kulang ang dasal para manalanging sana ay matino iyon kahit alam ko na minsan, sinasaniban din talaga ako ng sampong demonyo.

Hindi ko alam kung alin ang mas poproblemahin ko. Ang malamang kaibigan siya ni Blanche, ang text ko kay Blanche na nabasa niya at ininsulto niya, o ang comment niya kung sino si Shiloh.

Gusto ko namang makarating sa kanya na marami akong girls, pero iba pa rin talaga pag…nahuhuli niya ang pinaggagawa ko. I feel like a loser trying to act like an expert in front of a hustler like him.

Kaya bakit ba ako kakabahan kung sakali mang nabasa niya kung gaano ako kasahol? Eh siya nga…bulgaran din.

Right…

“You dropped Blanche?” tanong ni Mavric nang sumunod na mga araw, ibang girls na ulit ang kalandian ko.

“Si Tejano ang tipo no’n… ’Yong engineering student,” sabi ko kahit ang totoo, hindi na ako komportable magsend ng flirty texts kay Blanche.

Napaparanoid na yata ako. Weekly na lang din halos ang tinatagal ng mga nakakalandian ko sa text dahil pag nalalaman kong may kaibigan sa UP, pakiramdam ko may nanonood na agad sa text ko at pinagtatawanan ako. Papalit palit tuloy ako.

Kahit ang mga dating apps, pinapatulan ko na minsan para lang lumayo layo sa ibang students. Kaso napaparanoid lang ako lalo minsan.

Knowing that brat, I know he criticized that text I sent to Blanche. Or worse, he got…disgusted. Hindi ko alam kung lalagnatin ba ako o pagsisisihan ang mga kalokohan ko.

So what? Siya, pinakialaman ko ba? Balita ko nga single pa rin ’yon. Hindi pa nakakahanap ng boyfriend o baka naman si Shiloh na ang target niya? Kaso hindi naman basketball player si Shiloh.

“Aanhin mo ang bagong phone?” tanong ni Ate Charm nang maisip kong magpalit ng version.

“Camera, Ate. Nahihilig ako sa Tiktok kasi.”

“Eh ang baba nga ng grades mo lately, Slade! Hindi ba dapat unahin mo munang hilain pataas ang grades mo?”

“Oo, Ate. Sa next sem, babawi ako. Promise…”

Nagdududa siya sa akin, pero siguro nang makitang ganado ako, pinagbigyan din ako. Ngayon na lang din kasi ako ulit humingi ng kung ano-ano sa kanila.

I just want a nice quality camera for my TikTok content. Mas maganda iyong malinaw para kitang kita ako pag magt-thirst trap.

I stalked his account to see what trends he usually participates in. Ang latest post niya, hundred thousands din ang view at lip sync iyon.

The song he used is House of Balloons. Umangat ang kilay ko dahil sa dark makeup niya sa mga mata niya.

“But you belong to me…” His eyes dropped to the low angle of the camera, as if he were staring at someone’s lips, and he slowly smirked. “You belong to me…”

Nagkasalubong lang ang kilay ko. Kaya pala hindi ’to nawawalan ng boyfriend dahil marami yatang naaakit.

Pinanood ko ang iba pang trends na sinasalihan niya. Namimili rin siya. Most of them are either too sensual or playful. At lahat ng iyon, laging maraming views.

I decided to lip-sync a song as well. Nakaupo ako no’n sa harap ng study table ko, naka-itim na tshirt at kita sa likod ang gray na kurtina ng kuwarto ko.

Napili ko ang Girl You Loud para iyon ang ilip-sync. Nang magsimula ang video, pinasadahan ko ng haplos paatras ang buhok at ngumisi sa camera habang kinakanta ang lyrics.

“I’m ’bout to get up on that ass right now, just love me, love me down now… And you a smoker, I’ma roll up you blow it down, one more oh oh girl you loud…” I rolled my eyes at the end of the lyrics and flashed a playful smile.

Natawa ako sa kinalabasan. Satisfied from the first take, I posted it right away with the caption “hi.” Ilang sandali lang, dinagsa agad ng girls at halos bastos pa ang comments ng iba.

micmikaella: who are you tryin to flirt in this app again?

Nireplyan ko si Mica.

sladeveniel: i’m single

Weekly ko na rin yata ini-stalk ang TikTok account niya. Kaya noong may pinost siya na video, nasaktohan ko pa talaga na 18 seconds ago.

Nasa kama siya noon, sabog ang buhok sa silk na unan. Ang suot niya, masyadong nipis na pantulog kaya kita ang malalalim niyang collarbone na sumisilip.

“Baby, can you call me back? I miss you, it’s so lonely in my mansion…” the lyrics of the song while he’s biting his pointing finger, eyes flirting with the camera with a playful smile on his lips.

My lips parted for some reason. He’s…eye fucking his camera.

Gusto ko pa sanang gumanti pero…ako ba ’yan? I didn’t call him. Baka may kalandian na naman ’to?

“Wala akong nababalitaan, eh. Parang tahimik siya ngayon kung sino. Pero alam ko, may pinaparinggan siya lagi sa Tiktok,” ani Raya nang magtanong ako.

Hindi ko naman siya tinanong nang diretsahan s’yempre. Swabe ko lang siningit kung kumusta na ’yong pinagt-tsismisan nila noong nakaraan at baka sakaling nakipagbalikan kahit niloko na.

Ibig sabihin single pa rin? Edi sino ang nilalandi niya sa TikTok account?

Hanggang December, wala akong nabalitaan na may bago siyang lalaki. Naging huli na iyong nagcheat sa kanya. Pero pansin ko, hindi naman siya mukhang brokenhearted. Hindi rin nagpaparinig na may gusto siyang bumalik. Madalas nga sa post niyang videos, parang may kalandian siya. O baka may…inaakit?

“Ang crowded,” reklamo ni Mavric sa unang linggo ng Disyembre at may Christmas lighting na magaganap sa school.

I always enjoy these kinds of events in school. Marami kasing food bazaar at may mga dumadayo ring ilang students. Some girls would even approach us for a photo since we’re known as varsities.

Si Mavric ang kasama ko na gumagala. Si Rick at Tyler yata ang magkasama, si Brent at Shiloh naman ang laging magkadikit habang ang girls, nasa tabi-tabi lang at gustong i-enjoy ang mga stall nang walang nangungulit sa kanila.

“Nasaan ang iba?” I asked and roamed my eyes around while biting the burger I bought.

Aksidenteng may nahagip ng tingin ang mga mata ko. Is that…Aries?

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako, pero kahit walang glasses, matangkad at suplado tingnan, alam ko si Aries iyon.

“Ewan ko. Baka nandoon sa ibang stall. Bibili raw ng jacket si Tyler, eh,” ani Mavric kaya bumalik sa kanya ang tingin ko.

Noong binalikan ko kung saan ko nakita si Aries, wala na siya roon. Kumurap ako at napagtantong baka…namamalikmata nga lang ako.

Nasa Saint Benilde siya, ’di ba? Kasi imposible naman na nandito siya? Pero pwede ring nakikidayo?

Hindi ko iyon maalis sa isip ko hanggang sa nagkita kita na rin kaming boys, pati ang mga girls.

“Inaalok ko nga na magcollab kami! Sana nga pumayag siya!” rinig ko ang saya sa boses ni Angela habang may pinag-uusapan silang girls.

Nakikitikim pa ako sa hawak na pagkain ni Shiloh na Manhattan burger. Itinulak nga lang ako ni Brent palayo.

“Eh hindi ba nakumbinsi naman ni Rick si Denver noong Halloween na makiparty sa atin? Baka pwede ring makumbinsi si Denver na dumalo siya sa party? Let’s say next year!” si Raya.

“He’s also friends with Blanche’s circle eh. I doubt if he will accept the offer,” si Angela.

Lumapit ako sa girls para makikagat sa pagkain ni Raya at para na rin…mas marinig ko ang pinag-uusapan nila.

“Anong pinag-uusapan niyo?” tanong ko at nakikagat sa hawak na sandwich ni Raya.

Iritado iyong tiningnan ni Raya, siguro kabado na baka uubusin ko ang buong sandwich.

“Si Bambi! Na-interview ko siya kanina! Look!” Ibinalandra ni Angela sa akin ang phone niya.

Halos maubo ako kahit hindi ko pa naman nalulunok ang kinakain. Nandito rin siya? Anong ginagawa niya rito? Baka naman tagarito ang kalandian niya? Pero sabi ni Raya wala ah?

Ibig sabihin…hindi ako namamalikmata noong nakita ko si Aries? Sila ba ang magkasama?

Halos wala sa sarili kong kunin ang phone ni Angela, kunot noo iyong pinanood. I played the video curiously.

Nagsimula ang video sa paglapit ni Angela sa kanya habang kasama nito si Denver na umalis lang para hindi makuha sa camera.

“Bambi! You are here!” Itinapat agad ni Angela ang maliit na mic sa kanya.

Humawak siya sa suot niyang maliit na bag na nakasabit sa balikat niya. Ang suot niya, simpleng baggy na denim pants at fit na olive green long sleeve. Sa kanyang buhok, may nakaipit na dalawang kumikinang na hairpin.

I noticed his face. He’s wearing a subtle makeup. Mukhang naka-mascara ang mahahabang pilikmata kaya pansin na pansin ang kurba nito. May kaunting blush siyang nilagay pero nagmumukhang natural. Kahit ang labi, hindi mo alam kung naka-lipstick ba o talagang…natural iyon na kulay.

Halos ang layo na ng mukha niya noong high school. Hindi mo siya mamumukhaan agad kung itatapat mo siya noon sa dating siya. I slowly realized why…he’s now popular. He’s not just good-looking, but he’s alluringly pretty.

Kaya siguro dami niyang nagiging boyfriend dahil kung ganitong mukha ba naman… mukhang habulin talaga ng lalaki, eh.

“Hello! Uh, oo. Nakiki-Christmas lighting ako. Kaibigan ko si Denver,” ngiti niya at tiningnan si Denver sa gilid na hindi na kita sa camera.

“Yup, I know him!” Namula pa si Angela nang tumingin kay Denver, pero sinikap na ibinalik ang atensyon sa kinakausap. “So far, nag-eenjoy ka naman ba?”

“Oo! Ang daming pogi, eh!” halakhak niya.

I snorted. Madami ba? Ayan lang ba ang ipinunta niya rito?

“Ang funny ng interview na ’yan kasi pinapili ko siya kung sino sa boys na nasa circle ni Brent ang magkaka-crush siya. Ayaw niya pa sana mamili pero sabi ko, hypothetical question lang naman. Tapos ang pinili niya si Tyler!” natatawang kuwento ni Angela na ipinagsalubong ng kilay ko.

“Ba’t mo tatanungin ng ganyan eh puro straight ang nasa circle namin?” saka ko ibinalik sa kanya ang phone niya.

Hindi ko na tinapos dahil hindi naman ako interesado sa interview. At huwag na kamo silang magcollab. Hindi komportable si Rick sa mga bading.

Natatawa pa rin si Angela nang tinanggap ang phone niya.

“Kaya nga hypothetical question! At crush lang naman! Kasi nga raw, Tyler is a business marketing student. Gusto niya raw ’yong mga lalaking wais sa pera, kagaya niya.”

Wais sa pera? Oo nga, wais naman si Tyler sa pera, pero…kaya ko rin ’yon ah? Madali lang namang magtipid at unahin ang mga importanteng bagay.

I mean…nagpabili ako ng phone kay Ate dahil gusto ko ng malinaw na content sa TikTok, pero dahil na rin ’yong phone ko, naghahang na talaga ’yon. Tagal na ’yon eh. Hindi naman dahil lang sa mababaw na rason…

I have a bad feeling about him being here. Palinga linga ako buong oras, nagbaba-sakali na may makitang pamilyar.

As much as I wanted to go outside, the boys insisted on staying because it was Shiloh’s first Christmas lighting. Kahit ang girls, naugat na rin sa school dahil gusto nilang hintayin ang banda na bibisita para magperform. Silent Sanctuary raw eh.

“You like it?” nangingiting tanong ni Brent kay Shiloh na namamanghang tiningala ang countdown ng Christmas lighting.

It’s always underwhelming to be honest. Mas natuwa lang yata ako na naaappreciate ni Shiloh ang mga ganito at nangingiti siyang tumatango kay Brent.

Brent then wrapped his arm around Shiloh’s neck and hugged him while he was standing on his back. Umangat ang kilay ko roon. Brent isn’t the clingy type of boy in our circle. Madalas sa clingy, ako si Mavric at Tyler, pero sa isa’t isa lang. Kaming tatlo lang o hindi kaya ay sa girls.

Mukhang may kakaiba, ah? Hindi naman sa…naaalala ko ang kabaliwan ko noong high school pero…ganitong ganito ’yon, eh.

Pero alam ko…may karelasyon si Shiloh. Imposible kasing galing sa lamok iyong mga pulang pantal sa dibdib niya. Those are fucking hickeys. I know he’s secretly hiding his lover. I’m just not sure if it’s a girlfriend or a…

Naghihiyawan na ang mga students nang lumabas ang banda ng Silent Sanctuary kaya itinuon ko ang atensyon sa harap. They started conversing with their crowd, but my mind was somewhere else.

I wasn’t in my senses the whole performance. The students are now jumping and hyped up when the intro of Rebound played loudly.

“Sana’y hindi na lang pinilit pa, wala ring patutunguhan kahit sabihin ko pang mahal kita!” sigaw ng lahat, nakikikanta sa banda.

Tiningnan ng circle ko si Rick at natatawang niyugyog nang maalalang brokenhearted pa ang isang ’to.

“Paano nga naman pipilitin ni Rick eh hibang pa rin sa ex?” kantyaw ni Tyler kay Rick kaya natatawa kaming nag-apir ni Mavric nang iritadong inambahan ni Rick na sisipain si Tyler.

When the band chose another song, my eyes accidentally found a familiar face in the crowd. Unti unting napawi ang ngiti ko nang mamukhaaan kung sino iyon.

Sa harap ni Aries, may pamilyar na babaeng nakatayo at nakayakap sa baywang ni…

Fuck. He’s really here. Hindi lang siya kundi pati na rin si Aries at Merrie.

The intro of the song 14 was now playing. Kinikilabutan ako na…nandito silang tatlo. Magkakasama sila.

I saw Aries whisper something to Merrie until she slowly glanced at me. Merrie’s eyes slowly widened when she found my eyes.

Inakbayan ako ni Tyler at may ibinulong. Natawa ako dahil natawa rin si Tyler kahit hindi ko maintindihan ang ibinulong niya, nagkukunwari na lang akong distracted sa banda kahit nalilingat na ang atensyon ko.

I tried to maintain my attention on the front, but in my peripheral vision, I could see them vividly. Aries was coldly looking at the band, and Merrie was hugging…Arcena’s waist.

Aries is not wearing his glasses anymore. Merrie’s right arm has tattoos snaked around Arcena’s small waist. They all changed physically.

“Ibibigay ko ang lahat, pati na rin ang ’yong pangarap!” kanta ng lahat.

I gulped down and glanced at them again. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang…ang mga mata niya ang bumangga sa akin.

“Sasamahan kita kahit saan! Kahit saan!” they continued singing heartily.

My breath hitched. He pulled his eyes off me and looked at the band again. Wala sa sarili ko ring itinuon ang atensyon sa harap habang nabibingi na sa kanta kahit lumilipad na naman ang isip ko sa…nakaraan.

“Salot talaga ’yang pag-ibig na ’yan,” iling ko dahil sa sunod-sunod na inom, parang susuko na yata ang atay ko sa pagiging brokenhearted ni Rick.

Nagkayayaan kaming mag-inuman pagkatapos ng Christmas lighting dahil nagpupumilit na rin si Rick na umalis. The girls don’t want to join us because they wanted to attend other parties.

Ayaw ko ring magtagal doon. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. I saw them. They’re still friends. Thank God. I’m happy they’re still friends.

But at the same time, I got a little jealous. Kasali ako dapat sa kanila, pero mahal ko rin ang circle ko ngayon. I love being part of Brent’s circle. I love the bond. The noise.

Para ko na silang mga kapatid at mas naging malapit kami sa isa’t isa noong dumating si Shiloh.

“Noong first year, ang yabang yabang mo pang uminom linggo-linggo, ah? Tapos ngayon nagrereklamo ka na?” natatawang sabi ni Mavric at sinalinan ng shot ang shot glass ko.

Napangisi ako nang maalala ang lahat ng iyon. Halos makipag-away pa ako kay Brent pag pinagbabawalan niya ako. Ngayon, parang ipagpapasalamat ko pa yata kay Brent kung kokontra siya sa inuman eh.

Pero paano ba naman kokontra ang loko kung masyadong distracted kay Shiloh. Tingnan mo ngayon, nandoon sa kusina, abalang gawan ng shake si Shiloh.

“Nagdududa talaga ako kay Brent, Mav. Strikto siya sa akin noon, pero iba itong kay Shiloh ngayon…” bulong ko, hindi mainom inom ang shot dahil sa iniisip.

Mavric laughed. “Well, you can’t blame the fucker. Shiloh is the son of his mom’s best friend. He’s important…”

“Pero iba pa rin, Mav… Parang…” my words trailed off, and I looked at Shiloh, who’s taking a photo of himself on his iPad.

“Parang bading?” he added and chuckled.

Kumunot ang noo ko pero…napapaisip ako kung sakali nga…kung si Brent ba…ano ang magiging hakbang niya? Ipaglalaban niya ba?

“Tingin mo, ipaglalaban kaya ni Brent… I mean…”

“You know Brent, Ron. That motherfucker shamelessly flirted with a lot of women. You think he will hide his lover once he falls in love?”

Edi…

“Susuportahan mo?” tanong ko.

Natawa siya sa akin. “Of course. Eh ikaw?”

Bumalik na si Brent dala ang shake at inilapag sa harap ni Shiloh na tinabihan niya rin. Nagsalin ulit si Mavric ng panibagong shot, pero ang ngisi niya, nanunuya pa rin sa akin.

I looked at Shiloh and Brent. Oo naman… Oo… susuportahan ko. Pero…paano si Rick? Sensitibo sa ganito si Rick.

Bumagabag iyon lalo sa isip ko. Chill lang naman ang inuman namin ngayon kumpara noong nakaraan na parang nagsusunog na kami ng baga at hinahalikan na ni Rick ang inidoro nila Con. Pero parang nauuna pa akong malasing dahil sa mga iniisip. Nakita ko lang ulit…

“Rick, may tanong ako…” sabi ko nang magkatabi kami.

Tumayo kasi si Mavric at nasa tabi na ni Tyler, mukhang may pinakita sa kanya si Tyler sa phone kaya nilapitan niya.

“Ano?” He sipped on his shot seriously.

“Let’s say…may bading sa grupo…anong…anong mararamdaman mo? Sisirain mo ba ang mukha? O aalis ka sa grupo?”

Nagkasalubong ang kilay niya sa tanong ko. “Bakit? May nagugustuhan kang lalaki? Nababading ka na?”

Namilog ang mga mata ko at natatawang umiling. Tiningnan ko si Shiloh na may ipinapakita sa iPad niya kay Brent; si Brent masunuring tumango.

“Let’s say, what if si Shiloh? Close mo si Shiloh. Pero paano kung…”

“Ipapasa mo pa kay Shiloh. Baka ikaw ’yan ah…”

Humalakhak ako, mas umiling.

“Bro, ang daming girls na magaganda! Paano ako mahihila ng lalaki? Siguro kung may lahing Latina ’yan. Tapos sobrang ganda at matalino, baka magpauto ako?”

Umangat ang kilay niya at nilagok ang iniinom.

“Brokenhearted na nga ’yong tao, tatanungin mo pa ng kung ano-ano. Tingin mo pakikialaman ko pa ang sekswalidad ng iba kung may ganito akong problema?” iritado niyang sabi at halos kumalabog ang shot glass sa glass table nila Con.

Con looked at the glass table worriedly. Nang wala namang crack, wala sa sarili niyang ibinalik ang atensyon sa phone.

“Well, I’m just curious about your opinion. Knowing it’s a trigger…” I mumbled carefully.

“Kung nasa circle natin, ano pang magagawa ko? Susuportahan, s’yempre…” Iinumin niya na sana ulit ang shot na sinalin, kaso naantala lang para magsalita pa. “Eh kayo, noong nagalit ako sa mga bading, nagalit din kayo. Kaya kung saan kayo masaya, masaya rin ako… Susuportahan ko rin kayo.”

“Talaga?” Ngisi ko.

“Tang ina. Umamin ka na,” iritado niyang tingin sa akin kaya mas humalakhak ako.

I was elated the whole hour. I’m beyond proud of Rick. I worry for him a lot, and I worry for the chaos once…one of us outs himself. Kaya ang marinig ito kay Rick, malaking bagay sa akin.

“Oh? Saan ka pupunta?” puna ni Rick nang tumayo ako.

“Banyo…”

“May tatawagan ’yan. Kunwari lang ’yan,” kantyaw ni Mav.

Hindi ko na nilingon pa dahil naiihi na rin talaga ako. Pagkapasok sa banyo, wala sa sarili ko ring dinulot palabas ang phone ko at pinindot ang isang app.

I typed Aries’ social media and checked Aries’ Facebook. Naalala ko, hindi ko ’to naconfirm noon. Pero ngayon, wala na siyang friend request.

I also tried to find Merrie’s account. Nagulat ako na may friend request pa rin siya sa akin. Ang cover photo niya, four years ago pa rin at iyong high school picture namin. Hindi niya na napalitan.

I typed another name. Pinigilan ko nga lang ang sarili ko na i-add at naisip na…saka na siguro pag inaccept na ako ni Aries?

Chapter 26

Meet Up

Ilang araw na, hindi pa rin ako inaccept ni Aries. Baka hindi nakita? Maybe he’s busy?

Naging distracted din naman ako sa game namin lalo na’t taga-Cebu rin ang makakalaban. Idagdag pa ang panggigigil ko sa video na nakita namin tungkol kay Shiloh.

Lahat kami ay tutok na sa game. Doon ko rin binuhos ang lahat. Balita ko rin kasi nanonood daw ng game ’yong isa eh. Kahit hindi ko pa tingnan ang bleachers, laging nakatatak sa isip ko na nasa dagat siya ng mga tao, at ang mga mata niya, laging umuukit sa isipan ko.

“Veniel and Jarsdel are competing against each other! Mukhang nakakalimutan na yata ng team na ’to na ang Cebu ang kalaban nila!” the commentator said.

Sunod-sunod ang puntos ko. Minsan nga, gusto ko na ring sikuhin si Brent dahil nakikisabay ba naman sa akin. Noong high school, gigil na gigil ako rito, ngayon…nakakagigil pa rin talaga dahil ayaw magpatalo.

At ang nakakatawa, mas kinakalaban ko pa si Brent kaysa roon sa mga taga-Cebu na ang lalamya tumira. Saan lang ba magaling ang mga ’to? Kahit yata pisikalin ko ’to, hindi ’to makakapanglaban eh.

I get Brent’s desperation when he wants to put them in their places. Kasi lahat kami, galit na galit naman para kay Shiloh. We all care about and empathize with him. Kahit nga si Rick, sukdulan ang galit.

But after that game, on that night, I witnessed what’s the bravest thing Brent has ever done for Shiloh.

On his knees, he begged him to stay.

We were all shocked except for Rick and Mavric, who looked calm. May ideya naman kami na may nakakalandian si Shiloh, o may tinatagong lalaki, pero hindi namin inaasahang…si Brent.

O siguro, naramdaman ko, napagdudahan ko na rin. Kaso iba pa rin talaga pag makikita mo si Brent na nakaluhod sa harap ni Shiloh, nagmamakaawa at umiiyak.

I always look at Brent as mighty and hard like a rock—intimidatingly serious. Noong dumating si Shiloh, doon lang namin siya madalas nang napagtitripan dahil may pinapakita siyang bago sa amin, o kakaiba sa nakasanayan naming seryoso niyang ugali.

Ngayon, ito ang pinakababa na nakita ko sa kanya. He was crying. He was kneeling. And he was begging him not to break up with him. Na huwag siyang iwan.

Paano niya ’to nakayang gawin? Para saan? Bakit?

But after those questions, when Shiloh stayed and cried with him, I slowly found an answer. Of course. People are willing to strip everything when they’re in love.

“Matagal mo nang alam, Rick?” tanong ko nang manatili kami sa kuwarto at sa labas, humupa na ang iyakan ng dalawa.

“Nakaraang buwan pa. Umamin ang gago sa akin. Bubugbugin ko nga sana sa galit kung bakit si Shiloh pero para saan pa ba?”

Mavric chuckled when Tyler put him in a headlock again.

“Fuck you, Mav. You didn’t tell us!”

“Lalabas din naman ang mga ’yan. It’s not my closet to open, you know…” Mavric smiled.

Iyon na yata ang pinaka malalim na gabi. Tingin ko, panaginip lang lahat ng nangyari. Pero iyon din yata ang masasabi kong pinaka-magandang panaginip.

I had a lot of realizations on that night. Sacrifice…it’s the greatest form of love.

“Pamasko na lang sana, oh?” bulong ko sa sarili nang sa sumunod na mga araw, kita kong hindi pa rin ako ina-accept ni Aries.

Binisita ko ulit siya sa TikTok. Araw-araw ko na yata ’tong ginagawa. Paggising, diretso agad click sa app na para bang mukha niya na ang umagahan ko at pampasigla ng araw.

He posted another video, and he lip-synced another song. Kakagising ko lang, ito na naman ang almusal ko.

“And I was like… why are you so obsessed with me?” he uttered, rolled his eyes, then chuckled playfully.

Obsessed. Parang ako na yata ’to, ah? Kasi ’yan na talaga ang tingin ko ngayon sa sarili ko. Mas nauuna ko pang hawakan ang phone ko kaysa magtanggal ng dumi sa mga mata.

I checked his comment section to see if an asshole commented. Baka kasi nandito lang pala sa comment section ang nakakalandian niya.

Puro girls ang nandoon. They’re all hyping him up. Most of the comments looked so thirsty. Ang dami ring gandang ganda sa kanya. A comment caught my attention because he replied to him.

Josh: Sumbong kita kay Asher hahahaha

Bambi replied: hoy! pag nakarating sa kanya pipitikin ko itlog mo ng sampong beses!!!

His reply bothered me, but his friend’s comment bothered me the most. Who’s Asher? His new boy? Curious, I stalked his friend, too.

Engineering student. Ateneo. Hinanap ko pa sino ’yong Asher at baka nasasama sa videos. Pinanood ko pa talaga isa-isa.

May nahanap ako, nasa isang classroom. May kinukunan ’yong kaibigan niya ng video na lalaking nagbabasa at naka-AirPods.

“Asher!” tawag niya, pero hindi ’to nakinig.

He took his AirPods from his left ear until he curiously glanced at him. When he noticed the cam, he shook his head and smiled a bit, his dimple flashing.

Ah…Ito ang bago niya?

Hinanap ko kung may TikTok account ba, kaso ang mga videos na meron siya, kung hindi siya kinukunan ng video, nahahagip lang din sa camera. Kahit sa comments, hinanap ko at pansing marami ring girls ang naghahanap ng account niya.

Josh: wala ’yang tiktok account. private person yan. walang pakialam sa social media.

Iyon ang reply sa mga naghahanap. I suddenly feel like a loser. So this is his new type? Nakakawalang gana tuloy mag-TikTok. Manahimik na lang kamo.

Nag Cebu kami noong December kasama ang buong squad. Biglaan lang din eh. Nagyaya ba naman si Tyler.

“Gawin natin ’yong Li Xicheng march trend!” anyaya ni Angela sa girls habang nasa field kami ng strawberry farm nila Shiloh.

We watched the girls do the trend, like they’re flirting with the camera. Doon ba naman sila nagvideo.

“You wanna join them?” bulong ko kay Riri lalo na’t karga karga ko siya.

Umiling siya at nahihiyang niyakap ang leeg ko. Tumawa ako at hinayaan siyang manood sa girls habang nakahiga na ang ulo niya sa balikat ko, ang mga kamay, nakayakap sa leeg ko.

“Naiinggit si Aling maliit kasi hindi marunong sumayaw. Kawawa hindi kasali…” kantyaw bigla ni Rick na papalapit sa amin.

May dala siyang baso at may laman iyong ice cream na strawberry flavor.

Umahon ang ulo ni Riri. “What’s Aling maliit?”

Humalakhak ako. “Hindi nakakaintindi, Rick.”

Rick scooped a spoonful of ice cream and fed it to Riri. Umabante ang ulo ni Riri at kinain ang isinubo ni Rick.

“Hindi ka Pinoy, Riri?” Kinurot ni Rick ang ilong ni Riri.

Riri crunched her nose. “What’s Pinoy?”

I laughed more while Rick looked so done with Riri. Pinahiran ko ang gilid ng labi niya, lalo na’t dumikit pa roon ang ice cream.

“Tang inang Mavric ’to ah.” Saka niya inilabas ang phone at may sinisearch sa phone niya.

Siniko ko pa dahil panay siya mura at baka marinig nitong bata. Parang sheltered pa naman ’to ni Mavric.

Rick searched Ako’y Isang Pinoy and played it. Mukhang gusto niyang turuan magtagalog ng tuwid si Riri.

“Kabisaduhin mo ’to, ah? Hindi ka makakabalik sa Manila pag hindi mo ’to namemorize. Pinoy ka, Riri,” Balandra ni Rick sa phone niya na kuryoso ring pinanood ni Riri.

“I’m Pinoy,” tumatangong turo ni Riri sa sarili.

“May accent pa talaga.” Halakhak ko.

“Pinoy ako, hindi I’m Pinoy,” giit ni Rick. “Ulitin mo.”

“Pinoy ako!” Riri uttered firmly while pointing at herself.

Kahit bata talaga, papatulan nito! Hindi lang ’yon ang pinapakabisado niya kay Riri, pati Bahay Kubo na pambatang kanta. Natawa pa kami dahil lumabas sa search niya ang Hale at ’yon sana ang ipapakabisado namin para diretso na banda ang isang ’to.

“Ah… Alam ko na anong kanta ang hinahanap ni Tyler,” ani Rick.

“Ah ’yan pala ’yon? Akala ko kung anong Bahay Kubo…” Iling ko lalo na’t sa airport pa lang, panay na ang tanong ni Tyler tungkol doon.

“In love ang gago eh. Kunwari pang nahihilig sa OPM,” ani Rick.

“What’s gago?” muling tanong ni Riri kaya agaran kong itinulak palayo si Rick.

At ang malala, si Riri, nagtanong pa sa kuya niya. Gabi na no’n, nasa Resthouse kami nang narinig namin ni Rick si Riri na tinatanong si Mavric.

“Where did you get that?” tanong ni Mavric at pasimpleng tiningnan si Rick.

“Gago hindi ’yan ako,” iling ni Rick na pinagtawanan namin.

“Bro, shut the fuck up,” si Tyler na nangaral pa talaga.

“Tang ina, isa ka rin!” Hampas ko sa kanya ng unan sa mukha.

“Ano ba kayo!” si Angela na tinakpan na talaga ang dalawang tainga ni Riri.

Sa akin naman ngayon nagliparan ang mga unan. Gumanti rin si Tyler at hinampas ako ng unan sa mukha kaya dalawa na kaming naghahampasan dahil talagang ginantihan ko.

Humagikhik si Shiloh, kahit si Brent natatawang ipinatong ang ulo sa balikat ni Shiloh. Ganyan na pala ngayon tumawa? Kailangan may kayakapan?

“Hindi kasi nagmumura sa bahay. Hindi rin ako palamura sa harap nila,” ani Mav.

“Naks. Bait ng gago…” Ngisi ni Rick kaya pinaulanan namin ng unan dahil narinig na naman ni Riri.

“Riri, don’t utter that word, okay? That’s a bad word. They’re all gago, but don’t use it!” pangaral ni Angela habang hinihila na ito palabas.

“Hampasin niyo rin ng unan si Angela! Sabi niya gago raw oh!” turo ni Rick, pero nilabas lang ni Angela ang dila niya at inirapan kami.

“Don’t use it, Jester,” pangaral ni Mavric sa nananahimik niyang kapatid at abala sa board game na nilalaro nilang dalawa ni Tyler kanina pa.

Jester nodded obediently. Namangha tuloy ako. Bunso ba naman at walang mas nakakabatang kapatid. Masarap pala sa pakiramdam na may bata kang kasama.

Marami kaming ginawa sa Cebu. Pag nandito kami, hindi rin talaga namin pinapalampas ang yate ni Tyler. Sa Nustar din kami madalas gumala at napagpasyahang mamili rin ng perfumes doon.

Gusto ko sanang bumili, pero naalala ko, may tatlong perfumes pa ako na binili ko lang din sa L.A.. Medyo nagtitipid din. Baka masabihan tayong gastador mahirap na.

“Sayang. Walang Yara Lattafa. Perfume ’yon ni Bambi eh. ’Yong itim ang ginagamit ko kasi mabango tapos ’yong pink ang hilig ni Bambi,” ani Raya na nakikitingin din sa Arab perfumes.

“Masyado kang fan do’n eh hindi naman ’yon pumapatol sa girls,” sabi ko, nakikitingin din sa mga perfumes.

“Basta hindi siya mapupunta sa gago at babaero, masaya na ako,” aniya at inangatan ako ng kilay.

I seriously furrowed my brows. Ako ba ’yan?

“Si Brent nga, babaero at gago ’yan noon. Tingnan mo ngayon,” saka ko sinipat ng tingin si Brent na inaamoy sa leeg ni Shiloh ang pabango na binibili nila.

“Eh s’yempre, palihim niyang nilalandi si Shiloh! At wala na rin kaming magagawa eh mahal siya ni Shiloh.”

Kaya…kung mahal din no’ng isa, wala na rin siyang magagawa? Edi parang si Rick lang, susuportahan niya na lang din.

Sabagay, irereto niya nga dapat kay Liam eh. Buti na lang mailap ’yong isa at hindi basta bastang nauuto.

Tiningnan ko ulit ang phone ko para i-check kung inaccept na ba ako ni Aries, pero wala pa rin talaga. Kahit noong New Year at nangibang bansa kami nila Ate at Mama para samahan si Ate Yna at Papa sa Los Angeles, nagagawa ko pa rin talagang tingnan ang TikTok account niya.

“Sino ’yan?” biglang tingin ni Ate Yna sa phone ko kaya mabilis kong ikinulob sa kamay ko.

“Wala, Ate…” Iling ko.

Nasa New York Times Square kami, dito gumala dahil lagi na lang kaming nasa L.A. noong nakaraang taon. Isang araw lang din kami rito dahil bukas, sa San Francisco naman.

Hindi ko namalayan na nakalabas na pala si Ate Yna at Ate Charm sa Sephora habang si Mama at Papa, hindi pa mahagilap, mukhang nasa loob pa yata ng Levi’s store na medyo katabi lang din ng Sephora, bibili raw ’yon ng pants si Papa eh.

“May tinitingnan siyang magandang babae sa TikTok,” sumbong ni Ate Yna kay Ate Charm na kuryoso ring lumapit sa amin, may dala na siyang paper bags ng Sephora.

“Kaya ka siguro nahilig sa TikTok dahil may nilalandi ka sa app na ’yan,” bintang ni Ate habang binibigay sa akin ang paper bags at ako pa ang papahawakin.

Humawak si Ate Yna sa braso ko, nangingiti sa akin. “Kung maggi-girlfriend ka na talaga, ipakilala mo sa amin, ah? Huwag mo nang itago.”

There was a stabbing, melancholic feeling in her words. Hindi ako makangiti. Si Ate Charm, naninimbang lang ang tingin sa akin at nagkukunwaring naglalakad na sa store ng Levi’s. Kahit ramdam kong gusto lang akong iwanan dito.

“Kumusta naman ang therapies mo, Ate?” marahang tanong ko.

She sighed and rested her head on my bicep. “Napapagod lang ako ro’n. Mas lalo ko lang naaalala. Pero ayos lang ako.”

“May kaibigan ako, Ate. Parehas kayo. Pero ngayon, may kaibigan na siyang bading. Eh ikaw ba, kaya mo na ’yong gano’n?” maingat kong tanong.

She crunched her nose and hugged my arm tightly.

“I don’t know, Slade. I don’t like them. That’s all…” halos pagod ang tono ng boses niya.

“Edi paano kung kunwari, uh…naging bading ako? Edi pandidirihan mo ako?” I laughed it off, trying to make a joke out of it.

“If that’s a joke, then you know that’s not funny.” She frowned and lifted her head to look at me.

“Hindi naman sa gano’n Ate. Magandang therapy rin kasi sa’yo kung exposed ka sa mga bading na hindi kagaya noong binastos ka. It will stop you from villainizing every gay people,” maingat na sabi ko.

“I know, Slade. Kaya ko naman. Look at this street. We don’t really know who’s gay walking around here at the moment…” She roamed her eyes around and looked at me afterwards.

Tumikhim ako. Kahit alam ko na ang nakapaligid ang tinutukoy niya, parang nakakaguilty dahil tiningnan niya rin ako.

“As long as they’re not my friends, my family, or close to me, then I’m fine if there are gays out there.”

Natanaw ko na lumabas na si Mama at Papa sa Levi’s na may dala nang paper bag si Papa, si Ate na sumabay sa kanila. Ate looked at me while Ate Yna was busy hugging my arm.

“Paano kung may gay uh…friend ako? Tapos dadalhin ko sa Bukidnon?” I bargained.

“If you have gay friends, then they’re your friends. Not mine. Just keep them away from me.”

I sighed and nodded. Ayaw ko na ring ipilit ang topic dahil baka mairita na si Ate Yna. Mas kalmado siya kumpara kay Ate Charm na parang bulkan na madalas sumabog at mainitin ang ulo, pero pag si Ate Yna na kasi ang galit, pakiramdam ko, nasagad na siya at nasasaktan na.

Mahirap ngang baliin ang paniniwala na nag-ugat mismo sa lipunan, ang pandidiri pa kaya na galing mismo sa malalim na sugat?

When Aries didn’t confirm my friend request, I stopped hoping that he would. Bakit nga ba ako nangangarap bigla na kaya kong ibalik ulit ang dati dahil lang nagiging bukas na ang circle ko sa usaping nauna kong pagsarhan ng pinto?

I was the one who left. Ako ang nang-iwan at hindi na nagparamdam pa. I even left the GC, which gives them an idea that I want to push them out of my life. I cut them off first.

Tapos ngayon, bigla bigla akong babalik na parang wala lang? Ang kapal din ng mukha ko?

“Sinong ka-date mo sa Valentine’s?” tanong ni Raya habang papasok na kami sa R Square building, papunta na sa elevator.

Kanina sa school, para akong bitter sa gilid gilid na hindi makarelate sa mga nagbibigayan ng flowers at chocolates. May mga natanggap din naman akong chocolates pero binigay ko lang din sa girls kasi hindi ko naman talaga mauubos lahat. Mabubulok lang din ’yan sa fridge ko.

“Importante pa ba ’yan?” natatawa kong sabi nang pumasok kami sa loob ng elevator.

Break time niya kasi at gusto niyang makitulog sa unit ko; total mamayang hapon pa ang sunod niyang class, kaya hinayaan kong sumama sa akin pauwi.

Ang babaeng mag-isa roon, umusog sa gilid at yumukong hinawakan ang suot niyang cap. I immediately noticed her right arm covered with tattoos.

Bumagal pa ang kilos ko, at medyo nakuha no’n ang atensyon ko. Tumayo ako sa gilid niya, si Raya, sa kabilang gilid ko naman.

Natahimik na kami sa loob, pero hindi ko maiwasang tingnan ang katabi kong babae. Nasa 5’5 ang height. Ang buhok, mahaba na layered cut.

Tiningnan ko ang tattoos niya sa kamay dahil na rin nakaputing tank top lang siya kaya kita lahat ang tattoos niya. Meron iyon sa braso pababa sa pulso. They’re like stickers on her skin—a patchwork sleeve tattoo, to be specific. Some of them are flowers with veins, butterflies, armband, and symbols I’m not familiar with. They all looked minimalist.

I looked at the floor where she’s gonna drop off herself. 37th floor. Nasa 45th floor ang akin.

“Sa Bukidnon ba tayo ulit for your birthday? Pinapabalik pa naman kami ng Mama mo ro’n,” ani Raya kaya nawala ang atensyon ko roon.

March na pala next month. Nakagawian na rin na pag birthday ko, doon sila sa Bukidnon.

“Hahanapin kayo no’n sa akin pag mag-isa akong uuwi.” I chuckled.

“Bait niya rin, ’no? Pati ’yong Ate Charm mo. Parang may fiesta sa inyo noong nandoon kami. Ang bongga niya sumalubong ng bisita. Ang lawak din ng farm niyo kaya nakakaengganyo mangabayo.”

I only smiled and noticed the girl beside me stepped forward. Natahimik si Raya at tiningnan ang likod nito. Nakatingala na siya at mukhang inaabangan ang floor niya na bumukas.

When she stepped out and walked to the left side, I immediately got a side of half of her face. Tangos lang ng ilong at hulma ng labi, alam kong si Merrie iyon.

“Kaibigan yata ’yon ni Bambi…” kahit si Raya, napatingin na habang sumasara ang elevator.

“Sino?”

“Uh… Merrisa ata?”

So it’s really her? Noong makapasok na sa unit, inabala ko tuloy ang sarili sa phone ko. I opened my messenger app to…message Merrie.

Umupo ako sa sofa, si Raya, pumasok muna sa banyo dahil magpapalit yata pagkatapos mangalkal ng masusuot sa mga damit ko.

Hey! Nasa akin ang tupperware ng friend mo. Isasauli ko sana. Pasabi sa kanya :)

I sent it right away. I grunted and shut my eyes out of frustration. Sa lahat ng palusot ginamit ko pa talaga ’yong ilang taon na sanang nabaon sa limot. Ang galing galing ko mambabae tapos dito, hirap ako? Gago rin.

Tiningnan ko ang message ko pero hindi pa rin siniseen. Lumabas na si Raya sa banyo suot ang jersey ko, nasa harap pa ng salamin at abalang magpicture.

Napagtanto ko tuloy na mukha akong tanga sa message ko. Kung idedelete ko rin, mas magmumukha akong tanga lalo kaya hayaan na. Kunwari na lang na apat na taon kong nakalimutang isauli at ngayon lang naalala.

“Iinitin ko ’tong mga food,” si Raya na nagbubukas na ng fridge.

Hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin habang abala akong buksan ang TikTok app para tingnan ang account niya.

Umangat agad ang kilay ko dahil bumungad ang kaka-upload lang ng video 1 minute ago at nakahiga siya sa kung sinong dibdib na nakaputing tank top. Sa leeg niya, may nakayapos na braso na puno ng tattoo.

Alam kong si Merrisa ’to, pero nakakagigil pa rin, ah?

“If you think I’m pretty, lay your hands on me… know you can’t stop thinking ’bout… I know that you’re shitty and you’re bad for me, but I can’t stop thinking ’bout…” He lip-synced the song sensually, eye fucking his camera again.

I noticed his bare face. He’s not wearing any makeup, and still he looks so fucking good. Ang liit liit ng mukha at pabiro pang dinakma ng kamay ni Merrie iyon kaya humalakhak siya.

Napansin ko agad ang suot ni Merrie. Kanina ’to. Which means…nandito rin siya sa R Square? Nabanggit ni Angela na may kaibigan siya rito, ah? Baka naman si Aries? Sino naman ang dadayuhin niya sa Taft, ’di ba?

Pero sabi rin ni Angela, may kalandian daw siya noon na taga Saint Benilde? Hanggang ngayon ba?

“May nabanggit si Angela na may kalandian ’yong taga UP na Tiktok star sa Saint Benilde. Baka ’yon ang pinaparinggan niya sa Tiktok?” tanong ko kay Raya.

Raya glanced at me curiously. “Si Bambi? Ah ’yong ka-blockmates yata ’yan noong kaibigan niya. Kaso hindi yata natuloy eh. Ewan ko. Hindi na siya gano’n ka ingay ngayon sa mga nagiging lalaki niya kumpara noon.”

Nadala na siguro. O baka…hindi pa kasi napapasakanya? Baka inaakit niya pa lang?

“Ba’t mo natanong?”

Umiling ako. “Dumaan lang ang Tiktok niya. Kaya naalala ko ulit ang topic niyong girls.”

She nodded and pulled her attention back to the microwave. Iniinit niya ang naiwan kong 24 chicken at lasagna.

Naghanap din ako ng recent TikTok videos ko para maipost. Naalala ko iyong videos ko sa TimeSquare kaya nagpasya akong ipost.

Nakatayo lang ako roon, pinapakita ang suot ko habang kita ang buong Times Square sa likod ko. I was chewing gum, my hands in my pocket, and I lazily turn around to show my full outfit. A black hoodie and a denim jacket combined paired with denim pants and white shoes.

Itinulak nga lang ako ni Ate Yna at siya naman ang nakangiting umikot para imuwestra ang dress niyang suot. I joined her again, hugging her neck loosely while cupping her cheeks at the end of the video.

I used the intro of the music Drunk and Nasty as my music background and posted it on TikTok. Dinagsa agad iyon, at pansin ko, ang mga comments, mga naka-follow yata kay Angela.

Ashley: Akala ko single dad? Is she the mom? She’s pretty.

Feliiii: Siya ’yong may anak, right? Aww he’s so out of my league :(

Gianna: So everyone saw Angela’s video that’s why we’re all here?

Liraaa: Girlfriend? Thought you were single? Based on your replies.

Nagtaka ako kung bakit ang daming likes ng comment ni Gianna. At anong single dad? I curiously stalked Angela while Raya is now busy eating at the table.

“Ron…” imbita niya.

Umiling ako at kuryosong tiningnan ang may malaking views na video ni Angela. She posted that video when they were doing the Li Xicheng dance trend. Binuksan ko pa ang comment para maintindihan kung anong meron.

HeyAllyssa: Oo na kayo na ang magaganda pero sino muna ’yong nasa likod?

Janaaaa: Ang gaganda niyo naman pero patanong lang kung single dad ’yong nasa likod?

Casss: Ang mag-ama ko sa likuran!

Haileee: So the rumor is true? May nakabuntis sa circle ni Brent, and it’s Ronan?

My jaw dropped. Hindi ko alam kung matatawa ako o mababahala. Unti-unti kong napagtanto na nakita pala ako sa likod habang ginagawa nila ang trend. Karga ko si Riri na nakahiga ang ulo sa balikat ko habang parehas kaming nakatingin sa girls.

What caught my eyes was the head profile popping on the side. Ni-like no’ng isa. I swallowed a bit and watched the video again to focus on myself. Ano kaya ang naiisip no’n? At kahit nilinaw na ni Angela na hindi ko naman anak ang karga ko, ayaw pa rin magpaawat ng iba sa comment section.

Hindi rin nagreply si Merrie sa araw na ’yon. Gusto ko na ring bawiin ang friend request kay Aries. I think it’s a sign that all of us fully moved on.

“Ganyan din ’yong mga kaibigan ko noong high school, hindi na kami nagpapansinan,” kuwento ni Rick nang banggitin ko sa kanya na hindi ako kino-confirm ng friend ko noong high school.

“Iba rin naman kasi ’yong mga kaibigan mo noon, Rick. Parang mapapariwara ang buhay mo sa mga ’yon,” sabi ko.

Nasa billiard area kami ng school, nagpapalipas ng oras. It’s already March. Hindi lang talaga mawala sa isip ko kaya nakwento ko kay Rick total kaklase sana namin siya kung hindi lang siya lumipat noong Grade 11.

Medyo mailap din ako ngayon sa girls. Meron pa rin namang nirereplyan sa text pero madalang na lang, hindi katulad last year na linggo linggo, paiba iba. S’yempre ang pangit lumandi kung may pinapatamaan ka sa TikTok, tapos bigla niya akong mahuhuling nakikipaglandian sa ibang girls?

Yumuko si Rick para tumira, nakapokus doon. Tumayo siya, pinanood muna ang mga bolang nagkukumpulan saka muling bumaling sa akin.

“Eh ’yang mga kaibigan mo, bakit hindi ka ina-accept sa Facebook? Baka naman ikaw ang bad influence noon, ah?”

Umiling agad ako. “Hindi ah! Sa’yo nga lang ako natutong manigarilyo. Noong sumali ako sa circle ni Brent, doon din ako natutong malulong sa parties.”

He scowled at me.

“Para mo na ring sinabi na kami pa ngayon ang bad influence, ah?” At sa angas ng pagkakatango ni Rick, itutuhog niya yata sa akin ang billiard stick na hawak kung tumango ako.

Muli siyang yumuko para tumira. Kanina pa siya nakakapuntos at hindi man lang ako pinagbibigyan. Pero nawiwili rin ako sa pinag-uusapan namin.

“Ireport mo ang account. Ano bang pangalan niyan sa Facebook? Tingnan natin kung hanggang saan ang angas niyan pag biglang nawala account niya.” At talagang seryoso siya roon dahil nilabas niya pa ang phone niya, handa nang mangreport.

“Para namang bata, Rick! Isa pa, gets ko naman kung galit din. Maybe he doesn’t want to accept me because we’re no longer friends?”

O baka gumaganti rin? Hindi ko ’yon kinonfirm noon eh.

Nanatiling tahimik si Rick, nasa phone ang atensyon at ngumingiti na roon. Nailing ako at yumuko, napagpasyahang ipagpatuloy na lang ang iniwan niyang laro.

“Si Rin huhu ba ’yan?” asar ko.

Lumawak lalo ang ngisi niya. “Tumahimik ka diyan. Naiinggit ka lang.”

I can’t believe it. Ako na lang yata ang natitirang miserable sa grupo. Si Tyler, isa rin ’yon, nababaliw na sa personal nurse niya. Naabutan ko pa ’yon na nagluluto sa condo niya. Ang laki ngang pusa.

Tapos ngayon, itong si Rick naman na may Rin na rin. Sa kanya nga ako pinaka-gulat dahil nakakaaway niya pa ang mga bading tapos ngayon, kung makangiti sa text, akala mo hindi niya ininsulto noon.

Pero aaminin ko na mas lalo akong napanatag. Kaya tumatapang ako, eh.

Imagine it? Brent, Tyler and Rick are all into men? Si Mavric, malabo eh. Si Con naman, hibang kay Serene na kahit naghihiwalay sila, gagapang lagi si Con pabalik sa kanya kaya imposible na ’yong bumaliko.

Gusto ko mang ipagmayabang na may karanasan din ako sa lalaki noong high school, nakakahiya naman kung sasabihin ko na hanggang kaibigan lang naman. Hindi nga hanggang kaibigan eh. Hanggang rivals lang.

My messenger suddenly notified me about a message. Kuryoso ko iyong tiningnan at namilog ang mga mata dahil nagreply si Merrie!

Merrisa:

Hello. Meet up na lang kayo. Katipunan area. Around 9PM.

Oh shit!

Chapter 27

Forget

Napauwi tuloy ako nang maaga sa araw na ’yon. Nilagay ko pa sa magandang paper bag ang tupperware niya at kahit ang loob, tinadtad ko rin ng pabango para naman hindi mapahiya.

Nasa Bukidnon ang box kung saan nakalagay lahat ng gifts sa akin. It was kept in my room. Ito lang ang iniwan ko dahil naisip ko, baka nga maisauli ko pa kung sakali man.

7PM, naligo ulit ako. Kahit nakaligo na noong umaga, naligo na lang ulit dahil na rin ang lagkit sa pakiramdam lalo na’t galing din sa school. I just booked a Grab around 8 so I could wait for him till 9PM in Katipunan.

Ngayon ko tuloy pinagsisisihan na tinanggihan ko iyong service na bibilhin sana ni Lolo para sa akin dito sa Manila. Sa sobrang lala ba naman na ayaw kong may maalala kahit anong koneksyon tungkol sa kanya, pati itim na Raptor, inayawan ko na rin.

I wore a white t-shirt underneath and a moss green linen long-sleeved shirt over it, with black pants. Nagsuot lang ako ng hikaw sa kaliwang tainga para makadagdag sa porma ko. I sprayed my perfume, brought my phone with me and a wallet. ’Yong paperbag lang ang dala ko.

Naconscious pa ako sa sarili ko. Ibabalik ko lang naman ang tupperware, pero parang date ang ipinunta ko. Hindi ko alam kung napasobra ba ang ayos ko ako ako itong kabado lang talaga.

I didn’t know how Merrie convinced him, knowing he seemed distancing from me. Paanong hindi ko malalamang umiilag ’yan eh noong pumaparty ako noon dito sa Katipunan, saka naman siya lumipat bigla sa Taft. Noong nasa Taft na ulit ako pumaparty, biglang balik ulit siya sa Katipunan.

Nauna ako sa Aurum bar. Tiningnan ko ang relo ko at napagtantong 8:30PM pa lang. Medyo naiinip na ako kahit na ilang minuto pa lang din naman ang dumaan.

I ordered water first so I could get rid of the minty taste in my mouth. Saktong 9PM, natanaw ko na siyang pumapasok at abala sa phone niya.

Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok. Even my breath was stuck in my throat, and I felt like the world was about to end. Hindi ko na halos maramdaman ang oras, o kahit ang sarili man lang. At sinasabi ko pang nakausad na ako sa lagay na ’to, ah?

He’s dressed in an oversized baby pink long-sleeved striped button-down shirt that reaches his thighs. Two buttons were opened, and the sleeves were rolled up to his elbow. It was paired with fitting black shorts underneath.

Sa balikat niya, may nakasabit na maliit na bag at sa pulso ay may paper bag din na maliit. He’s even wearing heels…

I stood up without hesitation. Kabado ako oo, pero mas nanaig na lapitan siya dahil naghahanap na ang tingin niya. Baka pag may ibang lumapit diyan, mabalibag ko pa.

I stepped toward him. His eyes slowly found me until they slowly widened, and even his steps stopped. Kita ko na nagmura siya, tumalikod at gusto yatang umalis.

“Arcena,” I called and walked fast. Tatakas pa talaga…

He stopped, his shoulders looking tense, until I stopped behind him. Halos hanggang tainga ko na siya dahil naka-heels. Tumikhim siya, inayos ang mukha, at noong humarap, nawala ang gulat sa mukha niya na nakita ko kanina.

“Ikaw ang tinutukoy ni Merrie?” he confirmed, trying to act composed.

Kumunot ang noo ko. Tinutukoy na?

“Pinapunta ako rito ni Merrie. Dito na raw tayo magmeet up,” I elaborated.

His jaw clenched a bit, but then he slowly nodded and gave me a small smile. Mukhang napilitan lang yata ang isang ’to at hindi pa alam na ako ang makikita niya rito, ah?

Ibig sabihin, may iba dapat? Ako naman yata ang maiirita ngayon sa mga iniisip ko.

Whatever Merrie did, I wanted to take advantage of the moment. Ang mahalaga, nandito na siya at ako ang nasa harapan niya.

“Komportable ka ba rito o…gusto mong lumipat ng lugar?” tanong ko lalo na’t baka iyon din ang iniisip niya.

Unti-unti ko ring napagtanto na bakit nga ba bar ang naisip ni Merrie eh isasauli ko lang naman sana ang tupperware. Tapos itong isa, mukhang may kilitain yata dahil talagang nagpaganda. Pero kahit hindi masyadong mag-ayos, alam ko na wala pa ring kaibahan ’yon sa’kin.

“Sa’yo ko dapat ’yan tanungin, ’di ba? Kilala kang varsity. Wala sa akin kahit kumalat man ang kung ano-ano.”

Umangat ang kilay ko. Hindi niya alam mas pabor ’yon sa akin…

“If you like it here, then… I’ll prefer it here too,” I nodded.

He nodded too and walked past me. Tahimik ko siyang sinundan, hindi mapigilang mapangiti sa inaasta niya.

He smelled nice. He changed his scent again. He’s wearing a different scent compared to that scent he wore when he was performing in La Union. Gusto ko sanang punahin pero parang ang creepy ko naman na.

My chest was still banging loudly, but it was now controllable compared to earlier. Parang sasabog ang dibdib ko kanina sa kaba, ngayon, halos lumulutang na lang ako sa ere at sunud-sunuran sa kanya.

He occupied the stool on the bar counter, and I occupied the seat next to him where I was sitting earlier. Tiningnan niya ang menu at inabala ang sarili roon habang nilalabas ko naman ang pitaka ko.

“Cocktail lang akin…”

“Ayaw mong kumain muna?” I offered.

He shook his head. “Tapos na akong kumain.”

Talaga ba? Kumain na rin naman ako ng dinner kaninang 6PM, but I expected I could treat him to dinner here, too. Tiningnan ko kasi ang menu at may mga sini-serve silang food. Gusto ko sanang tikman namin.

I wanted to insist on it, but I don’t want to be too pushy. Ngayon lang ulit nagkita tapos manlalaban na agad ako?

Tumango ako at tiningnan din ang menu para sa oorder-in ko. The light is dim with red all over the place. Hindi gano’n ka matao, dahil na rin siguro weekdays at 9PM pa lang. Or maybe because I heard this is just a newly opened bar here.

Hindi ko maiwasang tingnan ang kabuuan niya, kahit ang mga kuko niya, hindi na nakaligtas sa mga mata ko. His nude almond nails were plain now. Mukhang bagong manicure yata ulit.

Humilig siya sa counter at tumingin sa dance floor dahil malapit lang din. I slightly angled my seat to fully face his side while my hand was resting on the counter and my other hand was aching to rest it on the top of his chair. Nagpigil lang dahil para naman akong tanga no’n.

I was trying to form topics in my mind. Nangangalkal pa ako ng magandang pag-uusapan namin. Sa dami ng kalokohan ko, iniingatan ko na lumayo man lang kami roon.

“Buti pumayag ka,” I said, iyon na lang ang naisip.

He turned to me, and he was startled a bit when he noticed I was fully facing his side. Hinaplos niya ang batok niya at hindi halos makatingin sa akin.

“Sabi ni Merrie, kitain ko raw. Hindi niya naman sinabing…” he stopped his words.

“Hindi niya sinabing gago pala?” I joked to lighten his mood.

He scoffed, gave a soft chuckle, and rolled his eyes. “Mukha nga…”

Dapat mainsulto ako, pero mas lumawak pa yata ang ngisi ko. Iba na yata ang pagkakaintindi ko ngayon sa gago.

“Naghahanap ka ng ka-fubu? At lalaki?” he confirmed when he suddenly remembered it.

“Huh? Hindi!” agap ko.

Ano bang pinagsasabi ni Merrie? Baka isipin nito na kahit lalaki, marami rin ako. Pero hindi! Wala! At mas lalong ayoko!

Pero nang unti-unti ko ring naisip na sinipot niya, ako naman ngayon itong parang sasabog.

“Naghahanap ka?” I scowled uncontrollably.

“Eh ano naman ’yon sa’yo?” He mirrored my scowl.

“Oo nga. Ano naman sa akin? Hindi naman kita pipigilan.” Pinilit ko pang kumalma kahit pilit na pilit.

“Kahit pigilan mo ako, hindi mo pa rin ako mapipigilan kung gusto ko.”

Wala na, mauuwi na naman sa away ’to. Kabisado ko na ang daloy ng usapan na ’to. Dapat talaga iniiwan ng isang ’to ang sungay niya sa bahay nila bago lumalabas. Kasi ngayong ganyan siya, ako naman itong napipikon.

But come to think of it, Slade. Sabi niya, kung gusto niya.

“Gusto mo ba?” I clarified calmly.

Tiningnan niya ang drinks namin na sinerve na. Doon nabaling ang atensyon niya habang ako, nakatunganga pa rin sa sagot niya at hindi magalaw galaw ang drinks ko.

The music was loud. The lights made the whole place appear painted red. Wala pang sumasayaw sa dance floor at nasa mga mesa pa ang iilan, chill na nag-iinuman. Konti pa lang din ang tao.

“How are you, by the way…” liko ko sa topic nang maisip na baka may isasagot siya sa akin na ikakawala lang ng mood ko.

He shrugged and looked at the dance floor again. “Ayos lang…”

I nodded and looked at the dance floor too. Sitting this close to him gives me different emotions. There was a series of flashbacks running through my mind, and it always ended up on that one particular scene with a heavy rain and our painful confrontation.

Did my absence make you successful? Did you get the dream you wanted? Did you finally put yourself on top because I fell too hard?

Wala na ang pabigat sa pangalan mo ng ilang taon. Kaya ba…ang layo na ng nalipad mo?

My stomach felt hollow. The bitter taste lingered. Ayos na rin na umalis ako dahil may mas nakilala ako na mga kaibigang…nagpabago ng dating ako.

Tang ina, ba’t ba iyon ang mga pinag-iisip ko. Sa halip na ma-enjoy ito, parang nawawalan na ako bigla ng lakas. Parang ang miserable ko bigla.

“Ang layo na ng narating mo,” I pointed out seriously.

Kita ko na medyo nakuha no’n ang atensyon niya. Nilingon niya rin ako. I licked my lips with a small smile on them.

“I mean, famous ka sa TikTok… Tapos maraming nakakakilala sa’yo. Malayong malayo ka na sa…dating ikaw.”

“Dumadaan ba sa account mo ang videos ko?” May laman ang pagkakatanong niya.

Ngumuso ako, naalala na halos araw-arawin ko na ang pagbisita sa profile niya. Ayaw ko naman iyong aminin dahil nakakahiya rin.

“Dumadaan naman…” I nodded innocently. “Kaso hindi na ako masyadong babad ngayon sa TikTok eh.”

Nanahimik din talaga ako kaka-post ng dalawang buwan. Nagpost lang ulit noong February. Nagpapakamysterious kumbaga.

He sipped on his drink again while I was still contemplating what to say next. Ang kamay ko, hindi ko na namamalayan minsan na nailalagay ko na sa likod ng upuan niya. Kahit ang isa kong paa, nakaapak na rin sa ilalim ng upuan niya.

“I heard your ex cheated…” At alam ko, boboses siya rito.

Naubo siya sa iniinom kaya alerto kong inilabas ang panyo ko at inilahad iyon sa kanya. Tiningnan niya ang panyo ko, pero sa halip na kunin, binuksan niya ang bag niya at kinuha palabas ang panyo.

I slowly pulled my handkerchief and put it back into my pocket. He also pulled out a compact mirror and opened it to check his face.

“Nakikibalita ka ba kung kailan ako single?” he asked while he was busy looking at his face.

“Hindi ako nakikibalita. Your name is just quite famous in the street, and I heard marami kang naging boyfriend…” Magsinungaling ka pa…

Natigilan siya ng kaunti, pero itinabi na rin ang bag niya. Ang compact mirror, inilagay niya sa gilid ng baso niya.

“Wala eh. Gano’n naman ako, ’di ba? Uhaw sa lalaki.” He smiled grimly.

“And you like being labeled like that?”

He sipped on his drink again, unbothered by the topic.

“Na alin? Uhaw ako sa lalaki? Ba’t ako magagalit eh totoo naman?” At parang sanay na sanay siyang sabihin iyon sa sarili niya.

Hindi ko alam kung bakit naiirita ako na pinapamukha niya iyon sa akin. O siguro dahil naalala ko na iyon ang mga huli kong sinabing masasakit sa kanya.

“Ah…kaya kung sino-sino na lang ba ang pinapatulan mo? That ex boyfriend of yours who cheated is an ass—”

“Kung sino-sino? Edi sana pinatulan din kita kung gano’n na pala ako ka…landi?” Ni hindi niya pinapatapos ang insulto ko roon sa ex niya!

Nairita ako sa bagay na iyon. I don’t want to talk about my girls. I want to insult his ex and to tell him to get over him because he deserves someone better.

Pero parang ayaw niyang pag-usapan iyon at gusto niyang may balikan kami, may ungkatin, at may pag-usapan ulit.

“Those words I said from the past, they were only rooted from my insecurities. Tinapakan mo ba naman… pinamukha mo na hindi mo ako pipiliin, s’yempre nasaktan,” pag-amin ko total nandito na.

Iniisip ko rin na baka nga ito na rin ang maging huli at hindi ko na ulit siya makakausap. Lalo na’t halatang napilit lang pala siya ni Merrie at hindi niya rin alam na ako ang bubungad ngayon sa harap niya.

He’s expecting to meet up with someone. And for sure, after this, he will avoid me again.

“Mali ko rin ’yon. Ang bata ko pa. Hindi ko makontrol ang emosyon ko. Ang lala ng…ilusyon ko.” I chuckled bitterly and sipped on my shot.

“Ano bang ilusyon mo?” he asked, his voice almost fading.

I leaned a bit curiously. “Ano?”

He leaned back, trying to distance himself. Umiwas din ang tingin niya. Nanatili na ulit sa itaas ng upuan niya ang kamay ko, doon nakahawak.

“Mga ilusyon mo noon…” namamaos niyang tanong.

“Ah…” I chuckled and pulled myself back to my place.

“Na tayo ang magcocompete…. Na…hindi magkalaban… Mga gano’n,” namamaos kong pag-amin. “Alam mo lahat ’yon. Topic natin ’yan tuwing study session kaya pakiramdam ko noong namili ka ng iba, iniwan mo ako sa ere…”

He continued sipping on his drink, trying to be unbothered, but I know he’s controlling himself.

Naalala ko tuloy kung gaano kasakit iyon sa akin. Hindi ko na maramdaman ngayon dahil siguro nga, napag-iwanan na rin ng panahon, pero alam ko na hinubog ako ng sakit na ’yon kaya malayo ako ngayon sa kanya.

“I was only sixteen. What do you expect from a teenager who’s…ignorant in love,” namamaos kong tawa at ininom ang natitirang inumin sa baso ko.

Fuck. Bahala na talaga. Kung huli na ’to, ayos lang. Basta nasabi ko lahat ng hinanakit ko, lahat ng mga kinimkim ko noon. Kung kakamuhian niya rin naman ako, hindi na papansinin, mas mabuting wala akong panghihinayang at pagsisisi.

Nanatili siyang umiinom, kaya hindi ko alam kung narinig niya ba o wala siyang pakialam sa sinabi ko.

I ordered another one for myself again. The bartender nodded at me. Tiningnan ko ang drink niya na nangangalahati na rin. Ayaw ko naman siyang lasingin dahil gusto ko ring matino kaming mag-usap.

“Pero nakamove on na,” agap ko, para naman masalba ko ang sarili sa kahihiyan kung sakali.

He side-eyed me judgingly. Isang tingin lang, parang gusto ko ulit bawiin ang sinabi at amining…hindi naman talaga umusad. Heto at nababaliw pa rin.

He nodded again. “Halata nga. Marami kang babae ngayon.”

I grunted, and I felt like there was a red dot aiming at my forehead for a bull’s eye. Kung magsisinungaling ako, puputok pa rin ang bungo ko. Kung aaminin ko na oo, marami akong naging girls, mas lalong lagot pa rin ako.

Kahit alin yata, ikakamatay ko pa rin.

“Edi kung wala, sasabihin mong hindi ako nakamove-on?” I answered carefully.

Unti-unti rin akong may napagtanto.

“Alam mo na…” I licked my lips when my voice trailed off.

“Paanong hindi eh ang halata mo?!” Halos manliit ang tingin niya sa akin.

Ngumuso ako, kalaunan, mariing napapikit at natawa. Oo nga naman. Halatang halata yata ako noong high school. Kahit sila Merrie at Aries, alam ko na alam rin nila kahit pa hindi ko aminin.

“Hindi ko rin naman ’yon sinisekreto. Wala eh, tinamaan…” Halos may lumbay pa ang pagkakasabi ko, tunog miserable.

He nodded, but his cheeks were red. Hindi ko nga alam dahil ba sa ilaw, o dahil may suot siyang kaunting blush, o…dahil sa akin.

Kasi kung kikiligin siya sa akin ngayon, talagang aasarin ko siya. Si Donato…dalaga na.

“Bata pa tayo no’n. Kaya tama lang na…nangyari ang dapat na mangyari. Maganda naman ang buhay mo ngayon,” aniya.

Unti unting napawi ang ngiti ko. My drink got served again. I chugged it down slowly while trying to control being too confrontational. Gusto kong dahan dahanin kahit gusto kong kwestyunin ang nangyari noon.

But I know, deep down, I know all of the answers. I just don’t want to accept it.

“Gusto mo ’yon eh…” I smiled bitterly.

“Bakit? Hindi ka ba naging masaya sa panahong lumipas? Mukhang ang saya-saya mo naman, ah? Marami ka ngang naging babae, ’di ba?” he highlighted.

“Marami,” tango ko para lang hindi ’to mauwi sa away kahit parang mawawalan ako ng pasensya ano mang oras.

“At isa si Blanche?” he confirmed, and there’s a playful smile on his lips.

Umiling agad ako. “Hindi naman gano’n ka lalim. We’re just killing some boredom. She likes someone else, and I’m too bored to have a serious relationship at that moment. Busy sa…study.”

Tang ina naman! Bahala na!

“Study?” he chuckled absurdly. “Sabi ni Blanche wala ka raw pake sa grades mo eh. Hindi ka rin pasok sa dean lister. Pero mga tipo mo, matatalino raw.”

Napagkukwentuhan nila ako ni Blanche? I suddenly felt horrible. Kontento naman ako sa nagdaang grades ko, kahit pasang-awa na ’yong iba at kumakapit na sa laylayan. Ngayong pinuna niya, parang nakaramdam ako ng hiya at panliliit.

I wanted to defend myself, but I ended up chugging down my shot. Nakalahati ko rin ang baso bago ko tinigilan, gano’n ako ka-uhaw.

Pinanood niya ako buong segundo habang sinisipsip ang straw ng cocktail drink niya. Pansin kong natatangay ang mga mata niya sa hikaw sa tainga ko, saka ulit napapadpad sa mukha ko. He’s watching me intently, and I hate that his eyes felt too provocative.

Idagdag na rin siguro na dim ang ilaw, pula ang paligid, at hindi siya palakaibigan tumitig. Parang may laman. Parang…nangdedemonyo.

“How ’bout you? Most of your exes are varsity players. Your ex cheated, which means you are now single. Kaya ka ba nagpakita rito para sana…” Shut up, asshole! You’re advancing again!

“Para sana ano?” nanghahamon ang tinig niya, at kahit ang labi, nanunuya ang ngisi na hindi ko malaman kung galit ba o ano.

I shrugged. “You didn’t know I was the one who would show up here. Kung nalaman mo bang ako, sisipot ka pa rin?”

I feel hopeless. Mukha akong batang nanglilimos ng awa sa tono ng pagkakasabi ko. Gusto ko na ring sakalin ang sarili na tumigil na, pero talagang nangunguna ang pagiging makasarili ko.

“Akala ko ba nandidiri ka sa kagaya ko?” Natawa siya, pero alam ko, may bigat sa tanong niya.

My lips parted. Kumunot ang noo ko at napagtantong…hindi lang ako ang nag-iisip ng kung ano ano.

Umiling agad ako. Fuck.

“Hindi. Gago lang talaga ako noon. Nasabi ko lang ’yon dahil galit ako. Lahat ng sinabi ko noong oras na ’yon, dahil lang nasaktan ako sa masasakit na sinabi mo.”

Halos nagmamakaawa ang boses ko. He nodded, trying to convince himself, but I am not even contented with it.

“Gumanti ka. Satisfy yourself. Kahit makipaghalikan ka ngayon sa iba, titiisin ko. Papanoorin ko bilang…parusa.”

What the fuck, Slade.

At kahit siya, nalaglag ang panga at nauwi sa halakhak.

“Anong sinasabi mo?”

“’Yon na ang pinakamasakit na gagawin mo. Kaya…hahayaan kita. Kahit lumandi ka sa dance floor, hahayaan kita. Hindi ako makikialam.”

At may tao ba sa dance floor? Wala. Kaya sinong lalandiin niya riyan? Hangin?

Nilingon niya pa ang dance floor, buti na lang walang tao. Kasi kung meron siyang tiningnan, pag-iinitan ko siguro buong gabi.

“Hindi ba’t maiisip ko lang na…kaya mo akong panooring lumalandi sa iba at hindi mo ako kayang landiin kasi nandidiri ka?” Saka niya binalik ang tingin sa akin.

Oo nga ’no?

“Then kiss one and I’ll do the punching.”

His eyes widened and he ended up bursting for another laugh. I slowly scraped my tongue on my upper teeth, natatawa sa kalokohan ko, pero kung gagawin niya, alam kong magkakagulo rin talaga eh.

“Mannerism mo pa rin pala talaga…” iling niya nang napatingin sa akin habang nakangiti.

I blinked twice, distracted.

“’Yong dila mo. Noong may braces ka, lagi mong pinapasadahan ang pang-itaas mong ngipin. Ngayong wala na…gawain mo pa rin. Hobby mo siya pag…natatawa ka at ayaw mong tumawa.”

What the…

“Kabisadong kabisado ah?” I tilted my head playfully. “Crush mo talaga ako noon. Hindi mo lang inamin.”

“Eh bakit ko aaminin? Sinabi ko na, ayoko sa mga kagaya mo na sisirain lang ang buhay ko.”

It was supposed to be playful banter. Now that he admitted it, my smile slowly vanished. He has a crush on me? I mean, he used to have a crush on me?

He sipped on his drink again while I still looked shocked from his sudden confession.

Kung narinig ’to ng dating ako, baka ang laki-laki ng ngiti ko. Pero sa mga taong lumipas at ngayon ko lang narinig, hindi ko alam kung ikakagalit ko rin ba na pati ito, ipinagdamot niya sa akin.

“Kung nalaman ko…mas magiging makapal siguro ang mukha ko noon. Buti na lang hindi ka umamin…” I nodded, trying to ride his calmness when this is too much for me.

“Oo nga. Baka wala ka kung nasaan ka ngayon. At wala ako kung nasaan ako ngayon.” He nodded, too.

Natawa ako pero may kaunting kirot. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas lalong magiging miserable. Mas dumagsa sa isipan ko ang mga tanong noon na hindi ko tanggap ang sagot.

Kung bakit…si Angeles. Kung bakit hindi ako. Kung parehas naman pala kami ng nararamdaman sa isa’t isa, bakit hindi iyon naging sapat para piliin niya ako?

I am happy that I found a new environment, a new circle to lean on—to laugh with.

When I left them, I had a lot of regrets and “what ifs.” What if I communicated? What if I tried to…beg for more? What if I didn’t transfer? What if I didn’t jump to conclusions and figured it out with him—with them?

Pero noong naging roommate ko si Tyler, naka-close sila Brent, a part of me was thankful that I left.

I like my new circle. I like my bond with Tyler and Mavric. I like the new me.

“You know what, bruh… Having you made me feel like I am not an only child. I survived my stay here in the Philippines because of you. Because you introduced me to your friends…” alala ko ang sabi ni Tyler.

Noong naging roommate ko siya, gabi-gabi kaming lumalabas at kumakain. Isinalba niya rin ako sa kalungkutan at pangungulila. Naging sandalan namin ang isa’t isa.

So if…he would ask me if I made the right choice for leaving them, I’d say…yes.

Oo dahil…matayog ang pangarap niya. Oo dahil…kailangan niyang lumipad nang walang pabigat sa kanya. Oo dahil…ganoon ang pagmamahal.

It was the only way I know. Sampal sa akin iyong mababa niyang ranking sa competition. Sinadya niya iyon, alam ko. I didn’t mean my low score because I was highly distracted; I was miserably thinking he would end up fulfilling his dreams with Angeles. Selos na selos ako.

But when I saw how he ranked the lowest, I felt shit. I saw where I was in his life. Ako ang totoong pabigat, at tama siya, ako ang sisira sa mga pangarap niya.

He noticed I got silent. Ayoko ring magsalita. Ayokong bawiin na nagawa ko lang ang lahat ng iyon dahil naramdaman kong pabigat nga ako sa pangalan niya. Pero alam ko, ginawa ko rin ’yon para umangat siya.

Ayokong isumbat iyon sa kanya. Masaya ako ngayon sa kung nasaan ako. Wala akong panghihinayang. Ginawa ko ang nararapat sa aming lahat. Hindi ko naman sinasabing utang niya sa akin ngayon kung nasaan siya, pero alam ko, nandiyan siya ngayon dahil…wala ako sa buhay niya.

“Ano ba ’yang order mo?” he pointed out my drink.

“May kaunting rum pero flavored pa rin. Ayoko ng hard. Ayokong malasing.”

Kahit na high tolerance na rin naman talaga, kakainom ba naman halos araw-araw sa circle ni Brent, pero ayokong wasted ako sa harap niya.

He moved forward curiously. I slowly adjusted my drink close to him.

“Patikim…” He looked at me.

Tumango ako at pinanood siyang ilipat ang straw niya sa baso ko. He sipped on it curiously.

“Masarap?”

He looked at me, and I regretted it right away. I hate the sight. I hate my thoughts. I fucking hate the place and the dim red lights because this is making him sensually hot.

He nodded with satisfaction. Tiningnan ko ang drink niya at kinuha ang baso. I sipped on it as well to taste his drink. Compared to mine, his drink seemed light and more citrusy.

“Tikman mo pa,” I coaxed and chuckled.

Natawa siya, napapairap sa akin.

“Cr muna ako,” aniya at tinangkang umalis sa upuan niya.

The paperbag he brought clumsily fell to the ground. Awtomatikong lumipad ang kamay ko at sinalo ang siko niya para alalayan agad siya.

Nagulat siya at natatarantang yumuko para kunin iyon. Umalis din ako sa upuan ko para tulungan siya lalo na’t lumabas ang mga nandoon.

He frantically shoved something in the paperbag. Ako naman ang nakapulot ng maliit na piraso na kulay pink na agaran niyang kinuha sa kamay ko.

My brows furrowed. Namumula siya, hindi ko alam dahil ba sa lights, o dahil na natapon na laman ng paper bag.

I curiously pulled the paper bag to confirm.

“Ano ba!” Tumili siya at iritadong hinila iyon pabalik sa kanya.

Umangat ang kilay ko, mas nanlaban na tiningnan ang paper bag. Nang masilip ko ang isang mahabang vibrator, nanliit ang tingin ko sa kanya.

“What the fuck, Arcena?”

“B-Binenta ’yan sa’kin! Binili ko at nagmagandang loob lang ako! At bakit ka ba nagagalit eh ikaw ba ang gagamit?!”

What the fuck?

Tumayo na siya at sinikap na ilagay ang paper bag palayo sa akin. I stood up slowly, still horrified and scandalized by his toys.

’Yong paperbag na dala ko, tupperware niya. Tapos ang kanya, vibrator!

Umupo siya ulit at uminom ng drink. Halos akin na nga iyong iniinuman niya. He’s panicking.

Nanatili akong nakatayo, gulat pa rin at hindi makapaniwala. Sige, sabihin nating hindi kaya dahil binentahan lang siya, naawa siya roon kaya binili niya. Pero dinala niya sa meet-up niya. Paano na lang kung mas gago pa pala sa akin ang si-net up sa kanya ni Merrie? Paano na lang kung nakita ang mga ’yan at…isiping gano’n siya ka-lala at yayayain siya? Ano? Papayag siya?

I was purely livid because I know he’s wild and game. I wanted to throw it away so he wouldn’t use it, but I controlled myself.

Ayokong ipakitang controlling ako. Ayokong maramdaman niyang pinapangunahan ko siya. Dahil pakiramdam ko, doon siya nasakal. Doon niya ako inayawan.

“Iihi nga muna ako.” Muli siyang umalis sa upuan niya at sinenyasan akong manatili lang doon.

I slowly occupied my seat and glanced at the paper bag. Kinuha ko iyon at muling sinilip. Ang dami. They’re all…toys. Gagamitin niya ’to lahat? I should be happy, right? I just confirmed that he’s single and he has no one to pleasure him.

Pero ewan ko ba, parang pati ang mga ’to, kinaiinggitan ko. Ganito na ba ako kalala? Why am I so angry at this? And worse, my thoughts are now clouded.

Muli ko iyong ibinalik sa gilid at nahilamos ang mukha. I chugged down my entire shot and controlled myself to stay in my seat. Siya ang gagamit. Oo nga naman… He has needs. He used to have boyfriends; of course, he tried all of it.

But what if…now that he’s single, he would crave it? What if he finds another man after this talk? Kasi handa siyang makipagmeet up. Handa siyang kumilala ulit ng bago.

Kung hindi ako ang sumipot, baka ilang araw lang, mabalitaan ko na namang may boyfriend siya. Baka kada stalk ko sa TikTok niya, bubungad ang gagong boyfriend niya. At ako, maiiwan na namang miserable sa gilid, puno ng pagsisisi.

I stood up from my seat and walked to the comfort room while all of those were screaming in my mind.

Baka nga pagkatapos nitong pag-uusap namin, mang-eentertain siya ng iba. My chest was loudly banging, and there was a tingling pain from those thoughts.

At ano pa bang kinakatakutan ko? I am far from that sixteen-year-old boy who’s too sheltered and scared. Everything is clear to me now, and I know I will gain support from this.

Dahil kung kaya ng mga kaibigan ko na sumubok at ipaglaban, kaya ko rin. Mas kaya ko.

Binuksan ko ang comfort room na para sa mga lalaki. I noticed he wasn’t there. Tiningnan ko ang isa pang comfort room at binuksan ang pinto no’n.

I saw him in front of the mirror, looking at himself like he’s battling something. Kaya nang bumukas, nagulat siya at napalingon.

Tuloy-tuloy ang pasok ko. His eyes widened.

“Bakit ka sumunod—”

I pulled his small waist, my hand cupping his jaw as I crouched for a kiss. His words turned into muffles when he felt my lips on his.

I don’t care anymore. I already sacrificed a lot of things for him in the past. Ngayon, sarili ko naman sana.

Cuz fuck it, I abandoned my first circle for him. I ruined my perfect life in that room just to build his!

Itinulak niya ako palayo. Namumula siya, habang ako, uhaw pa. There was a hollow in my stomach, like a rejection I felt from the past. Naglakad siya patungo sa pinto. This is it. I got rejected again. Bakit ko pa ipipilit, ’di ba?

Parang nadurog sa pangalawang beses ang puso ko. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako na…sumunggab ako, o talagang ako ang may problema at iniisip ko na akala ko…pwede na.

I heard a click from the door. Ang miserable kong mukha, umahon para tingnan ang kung anong ginawa niya. But before I could do it, he pulled my neck, and he crashed his lips onto mine.

“Kung hahalik ka, siguraduhin mong walang disturbo dahil ayokong nabibitin,” he whispered and kissed me deeply.

He locked the door? Fuck. He locked the door.

Gumanti agad ako ng halik sa kanya. Unang hagod pa lang, para nang may kumikiliti sa kalamnan ko. Tuloy tuloy ko siyang hinalikan kahit parang malalasing ako kung hindi ko ito titigilan.

He kissed me deeply, his fingers crawled to my hair, and he was teasingly gripping it. He breathed, but I only shoved my tongue and tilted my head to deepen the kiss.

Isinandal ko siya sa pader at mas nilaliman ang halik. Humigpit ang pagkakahawak niya sa batok ko habang ang isa niyang kamay, mariin nang nakakapit sa damit ko.

I snaked my arm around his small waist while my other hand rested on the side of his neck. He bit my lower lip. I moaned and sucked his lower lip to match the intensity of his kisses.

His kisses were too thirsty and greedy. Ramdam ko ang pangungulila at ang nabaling pagtitimpi. Kahit ang katawan niya, dumiin na sa akin.

I could hear the loud banging in my chest and the chorus music of Tidal Wave by Chase Atlantic coming from outside, but the sound from our colliding lips ruled over it.

I feel like my lips would bleed from the intensity of our kiss. Sa bawat lalim ng halik niya, tinutumbasan ko iyon nang mas malalim pa. I was kissing him like that was the only way I would live.

“Slade,” he gasped.

Nanindig ang balahibo ko. I moaned against his mouth, and my kisses turned wild and hot.

At tama nga siya, na hindi natuloy kung ano man ang sa amin noon. My teenage self can’t handle this. This is too much for him. It will only make him toxic and obsessed because he’s too young.

Ang marahas na halikan ng ilang minuto, unti unting bumagal. Tumigil siya sa paghalik, unti-unting dumilat para tingnan ako sa namumungay na mga mata.

Hinagod ko ulit ng halik ang labi niya. “Gusto mo pa?”

His lips parted and he kissed me back. Malalim iyon ngunit hindi na nagmamadali pero ramdam ko pa rin ang gigil niya sa labi ko.

“Ganito ka pala kauhaw sa akin pero naghahanap ka pa rin ng iba?” I whispered in his lips cockily.

He shut his eyes and cursed breathily. Namamaos akong humalakhak sa labi niya. Huli ka…

“Ikaw nga…nambababae rin naman,” he murmured bitterly.

“I played fucking hard to forget you. Gusto kitang kalimutan dahil ayaw mo sa akin.”

Kahit ang totoo, hirap akong kalimutan siya. Hirap akong umusad. Hirap akong magmahal ulit.

Umiling siya, umiwas ang tingin. “Hindi sa ayaw ko sa’yo. Masyado kang sobra para sa akin…”

“Tapos ’yung mga naging boyfriend mo ay sapat lamang sayo?” namamaos kong tanong.

“Iba sila. Hindi sila katulad mo na…binabaliw ako…”

Chapter 28

Toy

As much as I wanted to kiss him more, it’s not the right place. Ayoko namang gawin lahat dito habang may kumakatok na sa labas.

Inayos niya ang sarili niya sa harap ng salamin. He also combed his pixie-cut hair using his fingers. Tahimik ko siyang pinapanood habang pinipisil ko ang pang-ibabang labi ko.

I am still hot from the intense kissing we did. I can still feel my veins pulsating. Kung pwede lang atakihin ulit ng halik habang abala siyang ayusin ang sarili, gagawin ko na.

But then I hold back. This is not the right place for all of it. Baka pag inumpisahan ko, kumagat agad siya, at hindi na kami magpapaawat pa.

Lumingon siya sa akin, nahuli akong ganoon—nakatunganga at uhaw pa ang titig. I controlled my smile, and he rolled his eyes at me, but the smile on his lips was evidently peeking.

“Lumabas na nga tayo,” aniya, namamaos ang tinig.

I nodded while smiling widely. Nailing siya, naglakad na sa pinto. Nanglalock pala ’to, eh. Ikinulong ba naman ako rito…

Pagbukas niya ng pinto, may mga bumungad agad na girls na naghihintay—nasa mga tatlo. Nauna nilang tingnan si Arcena, nagulat at agarang napangiti.

“Bambi, nandito ka pala—Hala?!”

The excitement of their voices suddenly turned scandalous, and they all looked freaked out as soon as they saw me towering him. Mas nagulat sila at nalaglag ang panga.

Ngumiti lang siya sa kanila, sumenyas na aalis na. The girls nodded, but they still looked shocked while looking at me—like I was too foreign to be here.

I slowly reached for his hand to at least make sure that I wouldn’t get away from him. Mas lumakas ang reaksyon ng mga girls sa likuran namin.

“What the fuck? Is that Veniel from Green Archers?!”

“Si Veniel ’yon, right?!”

“Bakit sila magkasama?!”

“I thought he was a Taft boy! Why is he here?!”

“Nagkulong silang dalawa sa cr!”

“They’re holding hands?! Are they friends or lovers?!”

Nilingon ako ni Arcena, bumaba ang tingin sa kamay ko. Kinabahan ako dahil baka hindi pwede at ayaw niya, pero nang inaambahan kong bitiwan ang kamay niya, humigpit ang hawak niya at siya na ngayon ang humihila sa akin paalis.

“Alis na tayo,” aniya nang bumalik kami sa counter para balikan ang mga gamit na naiwan namin.

I nodded and paid for our drinks. Binitiwan niya ako. My hand felt lonely for a while, but I understand why he did it because two girls approached him for a photo. He smiled and nodded at them.

Ang bag niyang nasa counter, isinuot ko sa balikat ko. Ang compact mirror, ipinasok ko sa bulsa ko. Pinulot ko ang dalawang paperbag sa isang kamay at pinanood siya na nakipag-usap saglit sa kanila.

The girls then glanced at me. When they slowly realized who I am, their eyes widened in starstruck awe.

“Veniel…” they gasped unbelievably.

Tiningnan ako ni Arcena para umalis na, nauunang maglakad. Humabol agad ako at tumayo sa likuran niya. I could sense eyes looking at us. Dim naman ang paligid, pero s’yempre, may iilan yatang namukhaan ako.

Dumiretso kami sa parking space. Iniisip ko pa na kukuha na ba ako ng Grab para maihatid muna siya, o yayain siyang uh…magdinner sa unit ko?

Pero naisip ko rin, baka isipin niya may iba akong pakay. Bitin ako sa halikan pero hindi naman iyon ang sadya ko rito.

He stopped in front of the black Ford Ranger Raptor and clicked the key he’s holding. Kumurap ako. Binuksan niya ang front seat at tiningnan ako.

His car? Wow. He got his…

“Your dream car,” I pointed out proudly.

Tumingin din siya sa kotse siya, saka muling tumingin sa akin.

“Binili ko para hindi ako maakit sa mga lalaking may ganito,” aniya.

Napangiti ako ng malawak. Wow. He got the dream car he wanted.

“Akala ko pangarap mong masakyan ang mas matalino sa’yo?” paalala ko.

He laughed ridiculously. “Naalala mo pa rin pala? Kaya siguro gustong gusto mong mag-top 1 noon sa class.”

May mga tao nang pumunta sa parking space, napapatingin sa amin. Sininyasan niya na akong pumasok pa.

I slowly get in. Isinara niya ang pinto. Pumasok agad sa ilong ko ang pabango niya na nagkalat sa loob ng kotse.

I watched him get in the driver’s seat. I wanted to resume kissing him, but the momentum is already ruined. Nasa kotse niya na rin ang atensyon ko.

Instead of feeling envious, I felt proud. Ito na ba ’yong estudyante noon na nagbebenta ng graham balls sa school at scholar pa?

“Ngayong taon ko lang din ’to nabili. Inuna ko kasi ang renovation ng bahay, para kay Papa. Ito ’yung bunga ng pagiging affiliate ko sa TikTok ng apat na taon,” kuwento niya, siguro napansing manghang mangha ako.

“Wow…” I laughed in amusement. “Ang taas mo na. Parang nakakahiya, ah? Wala na yata akong binatbat sa’yo.”

Abala siya sa dashboard, inaadjust niya rin ang aircon at inaanggulo sa akin, pero may ngiting tagumpay sa labi.

“Bakit? Makikipagkompetensya ka pa rin sa’kin?”

“Makakapanlaban pa kaya ako?” I laughed.

“Kung gusto mo. Hindi naman kita uurungan.” At talagang ang yabang niya sa parteng ito.

“You will drive?” I confirmed.

He looked triggered by my question. Natawa pa siya.

“Oo naman. Marunong ako.”

“Talaga? You have a license? Baka sa ospital ang bagsak nating dalawa, ah?”

Iritado siya, pero hindi nawawala ang ngiti. Inabot niya sa balikat ko ang bag niya. Hinubad ko iyon at hinayaan siyang may kalkalin doon.

He took his wallet out of his bag and opened it to search for an ID. Inilabas niya iyon at ibinalandra sa akin.

Kinuha ko iyon sa kamay niya. Mukhang ngayong taon niya lang din ’to kinuha. His face looked cute in the photo.

“Rafiel Donato—”

“Akin na nga ’yan!” iritado niyang kinuha iyon sa kamay ko.

I covered my upper teeth with my tongue, trying not to laugh.

“Kung wala kang tiwala sa driving skills ko, edi maglakad ka pauwi! Ikaw na nga ang ihahatid…”

Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o matatawa para sa sarili. This is not even part of my fantasies. Dahil sa totoo lang, hindi ko rin inakala na kaya niyang gawin sa akin ang mga kaya kong gawin sa kanya.

Well, sure, I am fine if he will drive me home. But I don’t trust his driving skill, and he sipped some shots. Baka mapano pa kaming dalawa.

“Can I drive your…car?” I offered.

Napatingin niya sa akin. Natahimik din ako at limang segundo pa kaming nagtitigan. When the intense eye contact was unbearable, he pulled his eyes off me and opened the door of his car.

Lumabas siya nang walang pag-aalinlangan. Lumabas din tuloy ako dahil mukhang pumayag siya.

“Galingan mo,” he challenged.

Humalakhak ako. Oh please. I’ve been driving my own since I was fourteen. Pinagpapraktisan ko pa ang Land Rover ni Lolo, kaya noong fifteen, nagpasya na silang regaluhan ako ng sarili kong service dahil nawiwili na akong magdrive. I also had my student license before I upgraded it to a professional one now.

“Expert ako. Kahit bilisan ko pa, eh,” I mumbled, smirked at him, and walked past him.

Nagkatinginan pa kaming dalawa bago tuluyang pumasok nang sabay sa kotse niya.

I adjusted the seat as soon as I sat in the driver seat. Ramdam kong titig na titig siya sa akin, tahimik ang mga matang pinapanood ako. When I gripped the clutch, his gaze hawked to my hand.

Tumingin ako sa kanya. Nang nahuli ang mga mata niya, tumikhim siya at inadjust ang aircon para tumama sa kanya.

“Sa Cavite ba kita iuuwi o…” I arched my brow.

“Nandito lang ang condo ko sa Katipunan, malapit sa school. Ikaw ang ihahatid ko pauwi.”

“At sino ang maghahatid sa’yo pabalik sa Katipunan?” My brows furrowed.

Hindi ko kayang isipin na mag-isa siyang nagmamaneho, nakainom pa ng kaunti at pabalik na sa Katipunan. Mababaliw lang ako kakaisip.

“Sarili ko.”

Nailing ako. “What’s the address of your condo unit? Doon na kita ididiretso.”

“At ikaw?”

“I’ll book a Grab?”

Nanliit ang tingin niya sa akin. “Ihahatid nga kita.”

“You drank some shots. I won’t allow it!” giit ko.

“Eh ikaw rin naman, nakainom!”

“Well, I’m high tolerance. Hindi ’yon makakaapekto sa akin.”

He opened his mouth, but I already started driving. Sa huli, wala siyang nagawa kundi ang ibigay ang address ng condo niya sa Katipunan dahil doon ko siya ihahatid. Kaya ko namang umuwi dahil may Grab naman. Mas hindi ako mapapanatag kung ihahatid niya ako, tapos magdadrive siya pauwi sa Katipunan.

“Ayokong maging pabigat sa’yo,” biro ko, ngumisi ng kaunti para makita niyang pabiro ko iyong sinasabi.

Hindi naman sa nanliliit ako para sa sarili na siya ang maghahatid sa akin. Gusto ko lang sana na maramdaman niya kung ano ang mga kaya kong gawin sa kanya.

“Huwag mo na nga ’yang isipin! Sinabi ko lang naman ’yon para saktan ka. Para…lumayo ka at maturn-off sa akin.”

Siguro nga, napagtanto niyang umukit din sa isip ko ang huli niyang sinabi.

“Pwede mo naman akong ireject noon…” mahinahong sabi ko, nakatingin sa daan at nasa 30 lang ang speed ng pagmamaneho.

“Sa tigas ng ulo mo noon? Eh gusto mo nga i-live in ’yong ex-girlfriend mo!”

Natawa ako dahil ibang bagay nga ang naiisip ko sa amin. Baka nga matagal na akong itinapon sa putikan ng angkan ko dahil masyado nga akong mapusok noong high school ako.

“Natatakot ka bang ili-live in din kita noon?” I glanced at him, trying to be bold now that we…kissed.

Kasi talagang gagawin ko ’yon kung hindi niya ba naman ako pinagsalitaan ng masasakit. Hindi ko rin alam ang mga magagawa ko kung nalaman ko na gusto niya rin ako.

Pero aaminin ko, malaki ang takot ko noon. Wala akong suporta na makukuha sa pamilya ko. Sa mga pinsan, si Kenj na nga lang ang pakiramdam kong kakampi ko, pinagselosan ko pa.

Takot na takot ako noon kasi pakiramdam ko wala akong kakampi, walang nakakaintindi sa nararamdaman ko, o mali na bakit nagkagusto ako sa kanya.

I felt like I am disgusting for falling for him. Lalo na’t iyon ang talagang magiging reaksyon ng pamilya ko. Para akong may nakakahawang sakit.

Kaya nga ayokong umamin noon. Hindi ko siya kayang papasukin sa buhay ko na itutulak lang siya paalis ng pamilya ko.

“Sige nga kung naging tayo noon, ano ang plano mo kung sakaling nalaman ng mga magulang mo,” matapang niyang tanong, humalukipkip na sa upuan niya.

I checked if he’s wearing his seatbelt. Nang makitang suot naman, kumalma ako at napaisip.

“Itatanan kita…”

Nalaglag ang panga niya.

“Tingnan mo! Nababaliw ka na nga!” Naiiling siyang tumingin sa labas ng bintana, pero ang pisngi, kita kong namula.

“Bakit? Hindi ka sasama sa akin?” nalilito kong tanong, nililingon siya paminsan minsan.

“’Yun nga ang problema, kasi sasama rin ako!” Umirap siya, iritado pa rin.

My lips twisted. Mas lalo akong ngumuso habang nakatingin sa daan. Sasama rin naman pala…

“Kaya hindi tayo pwede noon dahil parehas tayong sobrang bata at mga baliw!” he insisted when I noticed I was too happy about it.

Tumikhim tuloy ako at sinikap na magseryoso dahil oo naman…hindi magandang ehemplo ang gano’ng gawain. Masyado pa kaming bata tapos magtatanan agad?

“Sa yaman ng pamilya mo, tingin mo hindi sila gagawa ng paraan mapauwi ka lang!”

My smile gradually vanished. I couldn’t smile anymore. His reasons were rooted in my family—my closed-minded and homophobic family.

“Ayoko rin. Ayokong…maging pabigat sa’yo.” I smiled weakly.

Unti-unti siyang kumalma sa upuan niya. Tumikhim siya at tumingin na rin sa daan.

“Kaya nga…kaya nga ginawa ko ang lahat para kamuhian mo ako. Ayaw ko ring sirain mo ang magandang buhay mo dahil lang sa akin,” he croaked.

“Maganda ang kinabukasan mo. Maraming oportunidad ang naghihintay sa’yo kahit hindi ka na mag-aral dahil mayaman ang pamilya mo. Kaya nilang bilhin ang mundo para sa’yo.”

Hindi ako makapagsalita dahil may punto siya. Kahit pa itanggi ko ’yan, totoo ang sinasabi niya tungkol sa pamilya ko.

“Eh ako? Bukod sa makakapag-aral lang naman ako sa malalaking university kung may scholarship ako, kailangan ko pa iyong pagtrabahuan at i-maintain ang grades ko. Kailangan ko pang magpakitang gilas para maging qualified ako. Hindi iyon basta bastang ibibigay sa akin ng libre. Hindi ako makakapag-aral basta basta.”

“And still…you dropped that big opportunity. You said you didn’t want me to ruin my dreams. But you…ruined yours,” I confronted bitterly.

He swallowed hard. He looked guilty. Napangiti ako, pero wala na iyong lakas.

“Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nagpadala ako sa emosyon ko noon. You should have…competed. You should have bagged all of that opportunity, not just for you, but also for your father.”

Hindi na dapat ako nakaapekto sa kanya. Ayokong mahalin niya ako sa ganoong paraan.

“Wala pa namang kasiguraduhin din na mananalo ako sa overall competition. Iba pa rin pag makakalaban mo na ang pinaka-matatalino sa iba’t ibang school sa buong Asia.” Humina ang boses niya, halatang gusto lang depensahan ang maling desisyon.

“Kaya mo ’yon,” giit ko. “I know your capabilities. Kaya mo silang talunin at magcompete internationally. Binitiwan mo ang malalaking oportunidad para sa…”

“Sa selos mo?” he chuckled playfully.

Nairita ako. Tumikhim siya ulit.

“Successful pa rin naman ako ngayon. Unti-unti ko pa ring nakuha ang mga gusto ko. Hindi talaga siguro para ’yon sa akin?”

“Para ’yon sa’yo. Ikaw lang ang umayaw,” I said in my controlled anger.

“Ikaw na rin ang may sabi, masyado pa akong bata noon at…alipin lang din ng pagmamahal.”

I gritted my teeth. I should be happy, but it sting. I hate the feeling.

“Natatawa nga ako sa’yo,” he chuckled a little, probably trying to lighten the mood and shift the topic.

“Pinaka downgrade ko kaya ’yong high school pa ako. Ang pangit pangit ko sa totoo lang dahil tadtad ng pimples ang mukha. Wala ngang nagtatangkang magkagusto sa akin.”

Before I could even react, his voice dominated mine.

“Ikaw lang…” he smiled.

I sighed calmly.

“Bukod kay Kyle, kinahiya lang naman ako noon ng mga lalaking nagugustuhan ko. Kaya siguro noong sa’yo na at pakiramdam ko nagkakagusto ka sa’kin, takot na takot ako. Parang ang imposible.”

Kalmado na sana ang salubong kong kilay pero muling nagsalubong. Buhay pa ba ang gagong ’yan?

“Porket may pimples, pangit na agad? Natapat ka lang talaga sa mga gago kaya pati pimples, big deal.”

At mas uminit ang ulo ko nang maalalang tampulan siya ng tukso noong high school dahil sa napakababaw na rason.

“Those students who love to face shame you during high school are nothing but insecure haters. Hindi ka nila malamangan dahil nasa itaas ka nila kaya tinitira ka nila sa alam nilang kahinaan mo,” sabi ko.

He pouted seriously. Kalaunan, natawa siya.

“Hindi naman ako naaapektuhan noon dahil mas natatawa pa rin ako na mamimili na nga lang sila ng ugali, ’yong pangit pa talaga. Mga bobo.”

Nilingon ko siya. Nasa labi niya ang ngiti at kumikinang ang mga mata niya. Matagal na rin siguro at nakalaya na siya sa panghuhusga kahit alam ko, sinisikap niya lang na maging matapang para sa sarili niya.

Ang dami ko rin talagang pagkukulang noon. Wala man lang akong nagawa noon nang sumabog sa school ang hiwalayan namin ni Claudia, at siya ang itinuturong rason kahit ang totoo, nasakal ako noon kay Claudia.

Ayaw ko rin namang siraan si Claudia sa school at sabihin sa lahat na hiniwalayan ko dahil nakakasakal siya. Hindi ko kayang ipagtanggol si Arcena na…si Claudia naman ang madidiin.

It’s not like I was still in love with Claudia during that time. Hindi ko lang din siguro ugaling manira ng tao sa publiko. Mas ayos na ’yong ako ang sinisiraan kaysa ako iyong naninira.

I had no balls to defend him in high school. And maybe that’s also the reason why I don’t deserve him yet during that time.

“Malaki naman na ako. Hindi na ako minor. Hindi na ako magiging pabigat,” pahiwatig ko.

Nilingon niya ako pero binawi rin. He played with his fingers, and the small smile lingered on his lips.

“Kahit maging pabigat ka, kaya na kitang buhatin ngayon kumpara noon…” bulong niya.

My face heated. I covered my tongue with my upper teeth, trying to control my giddy laugh.

Ang gago naman yata kung siya pa itong parang bubuhay sa akin? Hindi naman sa hahayaan ko siya pero…

“Kaya mo kaya? Mabigat ako…” dahan dahan kong dinala ang tingin sa kanya.

“Kahit pumatong ka pa eh. Kakayanin ko,” he smirked cockily.

Yabang ni Donato…

Sige lang. May araw din siya sa’kin. Babawian at pakikitaan ko ang isang ’to.

I looked at the front again with my stifled smile. Ako nga ang nagdrive para makasiguradong makakauwi siya ng safe, ako naman ngayon ang distracted!

“Pero hindi ka naman top kaya…paano ka papaibabaw sa akin?” He smirked more.

I licked my lips and stayed silent to at least focus on driving. Kulang na lang pasayawin ko sa isip ko ang mga baboy at baka para matawa ako at maaliw—malayo sa tukso na nakangisi lang sa gilid ko.

What a fucking brat.

Ibinaba niya ang salamin at may inilabas na lipstick sa bag niya. He opened his Dior pink lipstick and put a little on his lips.

I pursed my lips while getting a sight of his soft lips. Pakiramdam ko nga, namumula pa rin ang akin dahil kinagat niya. At naglalagay siya ngayon ng gloss dahil nabura ko yata dahil pinanggigilan ko ang labi niya kanina.

“Hatid na kita paakyat,” I offered nang makarating kami sa parking space ng building ng condo unit niya.

He slowly nodded, and he looked at the paper bag I was holding. Tumikhim siya at nauna na habang sumusunod ako.

Pagpasok sa loob, dumiretso pa kami sa harapan ng guard. Mukhang kailangan kong iwan ang ID ko para makaakyat sa itaas.

“Bago mo?” ang babaeng guard na nakangisi sa kanya, nang-uusisa ang tingin.

Umiling siya habang abala akong isulat ang pangalan ko, ang oras ng check-in.

“In fairness, sa lahat ng naging lalaki mo. Ito na ang pinaka-mabango at pinakaguwapo. Anong lahi niyan ba’t ang tangkad? Mukhang half.”

I acted like I didn’t hear them. Hindi ko rin hahayaang may susunod pa. Putol na ang pila. Umuwi na dapat ’yong mga umuwi at hindi pinili.

“Hindi…” Iling niya, na akala mo talaga hindi ako kinulong sa banyo kanina para lang halikan ako.

I put down the pen, and she smiled at me. “Pag babalik ka ulit dito, sir, ako ang hanapin mo para diretso na kitang paaakyatin…”

I smiled and nodded. “Thank you po.”

Papunta na sana kami sa elevator nang muli siyang tinawag ng guard. Lumingon pa siya kaya tumigil din ako.

“Nasa itaas din ’yong dalawa mong kaibigan. Hinihintay ka,” ang guard.

Mariin siyang napapikit at nagmura. Umangat ang kilay ko.

“Sinong nasa itaas?” I asked.

“Si Merrie at…Aries.”

They’re here? I wanted to see them too but…

Naglakad na siya ulit papunta sa elevator kaya sumunod ako. When the elevator opened, we both entered. Walang tao at kaming dalawa lang, siguro dahil na rin gabing gabi na.

“Hindi ba galit sa akin si Aries?” I asked when I remembered he didn’t confirm my friend request.

Kumalma siya at tiningnan ako pagkatapos pindutin ang floor ng unit niya. 25th floor.

Umiling siya at humalukipkip sa gilid. “Hindi naman…”

I stood beside him closely.

“Hindi niya inaccept ang friend request ko.” I chuckled.

“Eh ba’t ako, hindi mo inadd?” He raised his brow.

“Nahihiya rin, s’yempre. Baka hindi mo ako iconfirm. O baka iblock mo pa ako pag nakita mo na may gagong nag-add sa’yo.”

Natawa siya. “Tapos kay Aries hindi ka nahihiya? Sabagay…balita ko nga…kahit doon sa resort nila sa La Union, bumibisita ka raw sa room ng ibang guest…”

My smile slowly vanished. Kahit umaangat na ang elevator, parang nahulog ang katawan ko pabalik.

“H-Huh?” Gago. Anong resort ’yon?

He smirked at me like he caught me redhanded. “Sa dami mong babae, ganon ka rin ba humalik sa kanila?”

Hindi ko alam kung iniinsulto niya ba ako o masyado kong ginalingan at tingin niya, magaling ako dahil marami akong experience.

Pero kahit alin sa dalawa, parang ikakapahamak ko pa rin.

“Hindi mo nagustuhan? Imposible. Umungol ka pa nga…” I arched my brow to compete with his nasty banter.

Umirap siya, nangingiti.

“Slade…” I mimicked his moan earlier.

Napalitan nga lang agad ng daing dahil kinurot niya ang braso ko. I groaned and shut my eyes, but my playful laugh echoed in the elevator.

“Hindi ka na makakaulit!” banta niya.

“Ayos lang. Hahanap hanapin mo rin ’yan… Hindi naman ako ang matitigang kundi ikaw…” I smiled confidently.

Sumabog ang tawa niya sa loob ng elevator. “Ako pa talaga?! Eh may toys ako! Eh ikaw!”

Unti unting napawi ang ngiti ko. He snatched the paper bag from my hand. I immediately pulled it away from him.

“Iuuwi ko ’to,” I insisted.

“Huh? Akin ’yan!” He tried to snatch it from my hand.

I raised my hand to the other side to keep it from his reach. Tumingkayad siya, ang kamay, nakahawak na sa balikat ko at tumayo na siya paharap sa akin.

I watched him struggle as I slowly snaked my arm around his small waist; my gaze lingered on his pretty face.

“Tumigil ka na o hahalikan kita,” banta ko.

“Kahit siguro dito mo ako titirahin, tingin mo matatakot ako sa banta mo?”

My eyes slowly widened. He smirked at me when my body weakened a bit and he finally reached the paper bag.

I crouched and kissed him tenderly. Ang kamay niyang hawak na sana ang paper bag, bumaba at yumapos agad sa leeg ko para kumapit. Ito lang pala ang kahinaan niya!

“Sabik na sabik, ah?” bulong ko sa labi niya.

“Ang sarap sarap mo kasi humalik,” bulong niya at kinagat ang pang-ibaba kong labi.

I grunted, but my lips formed a satisfying smile. Mas nilaliman ko ang halik habang kumakapit na siya sa batok ko, sinisiguradong may makakapitan.

We stopped kissing when the elevator ting and the door slowly opened.

Paglabas namin, natatangay pa rin ang isip ko sa halik. He easily recovered from it, while I still looked drunk from the kiss.

Iniisip ko pa kung pwede naming ipagpatuloy sa condo niya pero oo nga pala, may mga bisita niya.

We stopped in front of the door of his unit. Maingay niyang kinakalampag ang susi, noong binuksan, dahan dahan pa at sumilip muna sa loob.

I looked at him curiously, trying to check what’s inside. Nagdududa ako pero ayoko na ring pangunahan.

“Buti at nakauwi ka! Akala namin sa Taft ka na uumagahin!” natatawang bintang ni Merrie.

“Sumama sa akin…” he said meaningfully and opened the door wider.

Ang ngiti ni Merrie, natanaw ko. Nang makita niya ako, namilog ang mga mata niya at napatayo sa pagkakaupo sa sofa.

I also found Aries’ cold and calm gaze looking at me while he’s sitting on the sofa.

Nilingon ako ni Arcena at sinenyasang tumuloy. I slowly get in while Merrie is grinning and Aries’ gaze remained cold and unreadable.

“Veniel,” Merrie called happily.

Ngumiti ako. “Hi…”

Aries silently looked at me. Si Merrie, hindi mapakali, hindi alam kung lalapit ba o mananatili sa kinatatayuan niya. Aries pulled her down, which made her sit on the sofa.

Iginiya ako ni Arcena sa sofa kung saan ang dalawa. Pagkalapit, tinapik ko ang balikat ni Aries para bumati. Aries nodded at me silently.

I slowly took a seat beside Aries while Merrie was grinning from ear to ear and tilting her head to watch me closely.

I noticed Aries’ body. Mabuti naman at medyo nagkakalaman na siya. He’s still lean, but he looks healthy now compared to his body in high school. He used to look so thin and soft.

He still looked soft compared to Merrie’s boyish look.

“Tinanggal mo na ang braces mo?!” Merrie conversed giddily.

I nodded and smiled. “Ah, oo. Noong college days…”

“Gumwapo ka lalo! University heartthrob ka pa rib pala sa school niyo, parang noong high school lang.”

I chuckled while Aries looked at Merrie with furrowed brows. Tumikhim si Aries at itinulak ang ulo ni Merrie kaya napasandal siya ulit sa sofa—hindi ko na halos makita sa gilid ni Aries.

Si Aries naman ang tiningnan ko. “Kumusta…”

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Mukhang hindi na rin siya basta bastang naa-approach dahil hindi palakaibigan tumingin.

“Ayos lang,” he shrugged coldly.

Merrie hugged Aries sideways and rested her head on his shoulder comfortably.

“Ako hindi mo ako kukumustahin?!”

Si Merrie tuloy ang tiningnan ko. I looked at her right arm full of tattoos.

“Iba ka na, ah? Mas lalo kang umangas…” natatawa kong puri.

Aries couldn’t look at me straight in the eyes. I got distracted and glanced at Arcena, who entered his room. Galing siya sa banyo kanina, ngayon, sa kuwarto naman pumasok. Gusto ko sanang tumayo at sumunod, pero baka tadtarin ako ng asar ng dalawa.

“Uminom kayo?” Merrie interrogated while grinning.

Tumango ako, pinilit na hilain pabalik sa kanya ang atensyon. “Konti.”

Tiningnan ni Merrie ang hikaw ko hanggang sa hinihila niya ulit papunta sa mukha ko. She looked so starstruck and happy.

“Party boy ka na, ’no? Madalas ka pumarty sa Taft, ’di ba? Sabi ni Aries, lagi ka raw niyang nakikita ro’n.”

Si Aries ulit ang tiningnan ko. He was now trying to distract himself on his phone while Merrie’s tattooed arm was snaked around his neck. His back was almost leaning on her because he was between us—his frame facing me.

“Inapproach mo sana ako, bro…” I opened up.

He looked at me, but then his gaze tore off me. “Mamamansin ka kaya?”

“Mahiyain kasi ’to mag first move!” si Merrie.

“Nakita ko kayo noong Christmas lighting. Last year. Nahiya din ako mang-approach,” sabi ko.

“Gusto ko ngang lumapit pero nahiya rin ako. Nasa sikat ka na circle noong ano eh… ni Jarsdel…” Merrie smiled wearily.

“’Yong mga napapabalitang babaero,” Aries added seriously.

Natawa lang ako, s’yempre paano ko ’yan dedepensahan kung totoo naman.

Merrie covered Aries’ mouth while Aries’ eyes sharply bored at me. Ngumuso ako at hinaplos ang hawak kong hikaw, pasimpleng tingnan ang sapatos na suot.

“Naisauli mo ba ang tupperware? Buti at hindi pa kinakalawang sa sobrang tagal na niyan,” aniya.

Natawa ako sa kalokohan ko. Saktong lumabas si Arcena, may dalang basket na puno ng toiletries.

“Anong tupperware?” Tumigil lang siya sa harap para magtanong.

“’Yon ang dahilan kaya nakikipagkita si Veniel sa’yo! Ibabalik daw ang tupperware!” si Merrie.

Nagkatinginan kami ni Arcena. I licked my lips guiltily when our intense kissing flashed in my mind.

Paano ko pa maiisip ’yong tupperware eh ginawa ko nga lang alibi ’yon.

“Dito ka ba matutulog?” Merrie asked again, grinning at me.

“Uuwi siya,” si Arcena ang sumagot.

I nodded slowly. Uuwi pala ako. Pwede naman akong dito matulog, pero kung…gusto niyang umuwi ako, uuwi ako.

“Dala mo ’di ba ang kotse mo? Isabay mo na lang si Veniel pabalik sa Taft,” ani Merrie at muli akong tiningnan. “O may kotse kang dala?”

“Hindi. Nasa Bukidnon pa rin ang service ko.”

Muling tiningnan ni Merrie si Aries kaya tiningnan ko rin siya.

“Ayos lang ba, bro? Pwede naman akong mag-Grab.”

“Ayos lang. Same building lang naman tayo,” he pointed out huskily.

Nagkatinginan si Arcena at Merrie. I nodded at Aries and smiled. He slowly tore his eyes off me.

Tiningnan ko ulit si Arcena. “Ayos lang na umuwi ako?”

Merrie’s eyes widened. She looked scandalous. Tumikhim si Arcena at tumango, kalmadong naglakad papuntang banyo.

“Ayos lang naman. Dapat lang na umuwi ka.”

Ayaw mo akong i-lock naman dito sa condo mo? You can even keep me as your captive for how many years, and I won’t even complain. I’ll happily live here as your…toy.

“O gusto niyo ba kami na lang ni Aries ang umuwi? Parang nakakadisturbo kami!” Merrie attempted to stand up and pull Aries up.

Hindi nga lang tumayo si Aries kaya nanatiling nakaupo si Merrie, malawak ang ngisi habang pinapanood kami.

“Uuwi ka,” giit ni Arcena.

“Yes, Ma’am…” I answered playfully.

Kita ko ang gulat niya, tumalikod lang agad at dumiretso na sa banyo. Si Merrie naman, halos suminghap sa gulat at bumulong agad kay Aries na nanatiling tahimik.

Naninigurado lang naman. Pero kung gusto niya, edi uuwi ako. Kasi ako, ayos lang din sana kung…hindi.

Chapter 29

Stupid

Tahimik kaming bumababa ni Aries, kahit sa elevator. Medyo bumubwelo na rin akong kausapin siya ng kaswal para hindi awkward.

“Anong program mo sa Saint Benilde?” tanong ko habang tahimik siyang nakatingin sa floor.

“Aviation…” he answered.

Tumango ako nang maalalang…iyon ang plano naming apat. My program is somewhat related to aviation, too.

“Eh si Merrie?”

Hindi pa rin siya makatingin sa akin.

“Tourism…”

Napangiti ako.

“Wow. Parehas pala sila ng program ni Arcena.”

Papabukas na ang elevator. Nauna siyang lumabas, sumunod ako. I slowly realized the friendship we built in high school. It was too dreamy. Marami kaming mga planong hindi natupad, mga pangakong nabasura dahil sa away namin ni Arcena.

Kaya siguro nagtampo rin siya sa akin. Si Merrie, hindi ko maramdamang may tampo dahil wala siyang pinagbago. She might have changed physically, but she’s still that Merrie in high school who’s too bubbly and talkative.

I never thought I would be given another chance to talk to them. Noong galit ako kay Arcena, sinisikap na magmove-on at kinakamuhian siya, natangay sila sa galit ko. Isa sila sa kinalimutan ko.

But there were no days I wouldn’t think of them. Ang hirap ng adjustment ko sa circle ni Brent noong una dahil natutulala pa ako minsan pag naalala kong may binuo rin kaming mga plano.

I took my ID first, and I signed again for the time of my checkout. Ngumiti sa akin ang guard ng palakaibigan at nagpaalam sa amin ni Aries.

Dumiretso kami sa parking space. He clicked the car key of his Red Ford Raptor and opened the door. Binuksan ko rin ang front seat habang naaalala na Mercedes ang kotse niya noong high school kami.

I wanted to ask him directly if he’s mad at me. Pero masyado namang confrontational, baka mas mailang siya. Mahiyain naman kasi talaga si Aries—napagkakamalan lang na masungit dahil nga hindi palakaibigan ang mga mata.

I opened my phone to compose a text for Arcena. Hindi man lang ako nakahalik ulit para magpaalam.

But then I slowly realized I don’t have his number. Damn it! Hindi ko nahingi!

Binuksan ko tuloy ulit ang messenger app ko para si Merrie ang ichat.

Slade: Merrie, pahingi ng number ni Arcena. Nakalimutan kong kunin hahahaha

She read my message right away, and she’s now typing.

Merrisa: Punyeta naman, oh! Ang hina hina mo naman!

Merrisa: May inuna ka pa siguro kaysa sa number niya!

Nadistract lang sa halik. Gusto ko sanang ireply, pero baka magalit ’yong isa pag pinagyayabang ko na agad.

Merrisa: 094356xxxxx sa imessage ka raw muna boy.

I saved it right away and composed a text.

Sorry hindi naka goodbye kiss hahaha

I slipped my phone back to my pocket when he didn’t respond.

“Umiinom ka na rin ba? Nagpaparty ka sa Taft?” I asked and crossed my arms.

Nanatili ang tingin niya sa daan, malamig pa rin ang titig. “Minsan lang. Pag niyayaya ng block mates.”

“Mabilis kang malasing? Kasi ako, noong first party ko, nawheelchair ako sa Xylo. Ang yabang ba naman…” natawa ako at nailing nang maalala ko agad ang video nila Tyler sa akin.

“Taob din ako noong unang beses na naglasing ako,” he said, slightly smiling, and his eyes remained on the front.

“Tinira ko kasi ’yong Bacardi, bro. Tapos sinunod ko ’yong Cuervo. Sinong hindi mababaliw no’n. Ginawa kong tubig ang dalawa.”

“Anghang niyan…” he chuckled a little.

Lumaki ang ngiti ko nang makitang natawa siya ng kaunti.

“Pero tuloy-tuloy din ang inom ko ngayong college talaga. ’Yong bago ko kasing mga friends, partygoers. House party dito, tapos pregame namin, madalas pa sa the Beach. Hindi pa makokontento at dadayo sa ibang bars…”

“Kilala kayong halimaw sa parties eh,” he quietly responded.

“Distraction ko rin…” marahan kong tawa.

Natahimik siya saglit. Tumingin din ako sa daan at nanahimik muna kahit may ngiti sa labi.

“Napag-usapan niyo na?” seryoso niyang tanong.

I nodded slowly. “Oo. Baka kasi hindi na ulit ako papansinin kaya sinagad ko na.”

“First meet up, sinagad mo agad?” He side-eyed me maliciously.

“I mean, ’yong usapan!” Fuck.

He smirked coldly. “Baka hanggang ngayon, hindi ka pa rin makaamin, ah?”

I licked my lips and chuckled a little. “Kaya naman na. Siguro ayaw ko na ring magsayang ng oras. Total nasa harap ko na…ba’t pa papakawalan.”

He nodded but he remained guarded. Gusto ko pa sanang tanungin kung alam niya, pero high school pa lang, siya ang naramdaman kong una akong sinuportahan kay Arcena. Kahit hindi namin pinag-uusapan ng direkta, basang basa ako ni Aries.

“Akala ko nakamove on ka na,” may lamig sa pagkakatanong niya.

“Sinubukan ko,” at halos humina pa ang boses ko.

“Mukha nga. Daming babae eh.” He side-eyed me again, almost threatening.

I swallowed a bit. I am guilty, alright? I played so fucking hard to forget him. Ilang beses ko ring inaliw ang sarili at nagpakagago para lang kumbinsihin ang sarili na nawala na ang nararamdaman ko sa kanya.

“Ayaw niya sa gago eh. Kaya inisip ko, kung magiging gago ako, baka mas lalo akong makausad. Iba rin kasi ang kabaliwan ko noong high school…” I echoed my thoughts.

“Iba nga. Huling usap natin, gusto mong dalhin sa Bukidnon. Kami. Iniisip ko pa no’n kung ibabahay mo na ba.”

“Dadalhin ko sa hometown ko. Gusto kong ipasyal. Kayo…”

“Tapos nang iwan,” agap niya.

I could hear the bitter tone mingling with his cold voice. Unti-unti ring huminahon ang malaki kong ngiti sa usapan.

“Dami mong pangako sa amin. Pero sa iba mo tinupad,” he whispered bitterly.

I nodded slowly, acknowledging the betrayal he felt.

“Nasaktan eh… First heartbreak ko yata ’yon. Na-overwhelm ako. Noong naghiwalay kami ni Claudia, hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin dahil naging kaibigan ko agad kayo. Nagkaroon ako ng distraction.”

Natahimik siya, nakikinig. I stared at the front with my weary smile. Mabagal lamang ang pagmamaneho niya at hindi ganoon ka-traffic.

“Seloso mo eh. Parang hindi ka makakahinga kung hindi ikaw ang pinili ni Arcena.”

I slowly grazed my tongue on my upper teeth, stifling a laugh.

“Saksi ka naman kung gaano ako kabaliw noon,” I chuckled a little.

He nodded. “Masakit din ang ginawa niya. Kahit ako, noong study session niyo, paniwalang paniwala rin ako na ikaw ang pipiliin niya na duo. Lagi ’yong kinikilig eh. Ano pa kaya ikaw na may nararamdaman sa kanya.”

Laging kinikilig…

“Mali ko rin. Nag-overreact ako. Dapat hindi ko na lang kinausap o…” My brows knitted.

“Tama lang. Dapat lang na iniwan mo siya,” he cut me off.

Tumahimik ako, nagtagal ang tingin sa kanya.

“Kahit noong nakita ko ’yong rank, kung pwedeng ipaghiwalay na lang kayo, gagawin ko na rin siguro. Unang beses ’yon na bumagsak siya. At ang malala, sinadya niya.”

I know.

“Kaya…umalis ako. Nanindigan,” halos may pait na sa ngiti ko.

“Wala naman kasing mawawala sa’yo kahit hindi ka nakapasok sa competition na ’yon. You only joined because of him. Pero siya, matagal niya na ’yong pinangarap. Isa ’yon sa pinanghahawakan niya para mas makakuha ng malaking scholarship,” aniya.

I nodded because…that’s what I thought as well.

Wala ngang mawawala sa akin kahit matalo ako ro’n. Pero pagkatapos no’n, marami. At isa sila ro’n.

“Kung kaya niyang bitiwan ang ganoong pangarap, ano pang kaya niyang isuko para sa inyo? We were only kids…” mataman niyang sinabi.

Kids.

Sixteen, seventeen… sobrang bata pa nga.

Akala ko nga noong oras na ’yon, alam ko na ang tama at mali. Na kontrolado ko na ang buhay ko dahil nagsosolo ako sa Maynila at wala ang mga magulang ko.

But when heartbreak hit me, all I thought about was leaning on my family—on my sister. I ran back to them for comfort—to shelter myself from the pain.

Ang Ate ko rin ang isa sa tahimik na sumoporta sa mga desisyon ko; si Mama naman, noong nagkasakit lang ako at akala niya nagtampo ako ng malala, hindi na kinontra noong nagdesisyon akong lumipat ulit ng school. Kahit yata itapon ko ang sarili ko sa ibang bansa, sila pa ang gagawa ng paraan para bumagsak ako sa kung saan ko man gusto.

“Kaya…maiintindihan ko kung nagalit din kayo ni Merrie sa akin. Kasi…sinisisi ko rin ang sarili ko,” humina ang boses ko, gustong idaan sa tawa, pero hindi na nagawa.

Natahimik saglit si Aries, mukhang sinisikap na huwag pumaibabaw sa emosyon ko.

“Kung may kinakagalit kami, iyon ay hindi niyo pinag-usapan nang maayos. Kayong dalawa ang nagdesisyon. Hindi niyo kami isinama na baka nasolusyunan natin kung apat tayong nag-usap usap,” aniya.

I don’t think Arcena wants that. He was desperate to push me away. He wanted me gone in his life during that time.

“Kaya ba hindi mo ako pinansin noong nagkita tayo sa Christmas Lighting?” I pointed out.

“Distracted ka lagi sa friends mo. Paano ka iaapproach…” humina ang boses niya.

Hindi ko rin alam ang mararamdaman eh. Iwas na iwas nga akong makita si Arcena sa social media, ano pa kaya ’yong may makitang magpapaalala sa akin sa kanya.

“Mukhang…maganda naman ang kinalabasan. Marami mang hindi natuloy na mga plano, mga pangakong hindi natupad, pero may mga pumasok na pagbabago noong nawala ako sa buhay niya.” I smiled.

He looked at the road again quietly. Natahimik din ako dahil sa dagsang emosyon na nararamdaman.

“Eh ba’t tumapang ka ngayon? Homophobic ’di ba ang pamilya mo?” he asked.

“Ah… May susuporta na. Marami.” I smiled proudly.

Nagtagal ang titig niya sa akin dahil nahinto kami saglit dahil sa panandaliang traffic. When the cars started moving again, he looked at the front, but he seemed distracted from what I said.

“Homophobic din ’yong mga kaibigan mo. Naririnig ko, napapaaway kayo lagi sa ibang bading. Kahit ang isang circle ni Arcena, nakaaway niyo rin daw.”

“Noon ’yon… Nagbago na sila. Medyo overprotective din kasi kami ro’n.”

Hindi na siya nakapagsalita ulit, pero mas kalmado na tingnan ngayon ang ekspresyon niya kumpara kanina. Mukhang gumagaan na ang loob ni Aries. Pwede na sigurong…

Tumikhim ako. “Boto ka ba sa akin? Para sa…kaibigan mo?”

He scoffed and let out an unexpected laugh. “Kapal pa rin talaga ng mukha.”

Humalakhak din ako. “Mukhang ayaw mo eh. Sama mo makatingin.”

He smirked at me. “Magpapapigil ka kaya? Noong high school nga, kahit anong awat ko sa’yo, hindi ka nagpapapigil. Ngayon pa na yumayabang ka lalo?”

“Edi…iaaccept mo na ako sa Facebook?” I smirked.

He looked at my smile, then he scoffed again. “Ayan lang ang basehan mo na galit ako? Noon nga, ang close na natin sa classroom, lagi pa kitang nililibre, hatid sundo halos, pero hirap kang iconfirm ako sa Facebook.”

“Ah… gumaganti ka nga. Akin na nga ’yang phone mo! Ako ang mag-aaccept sa sarili ko.” Inilahad ko pa ang kamay ko sa kanya para makita niyang seryoso ako.

He scoffed again, but there was already a lingering smile on his lips.

“Sige, mamaya…”

“Ilang buwan na ’yang nakababad sa friend request mo!”

His cold smirk turned cocky.

“Green Archers. May elite circle. Heartthrob sa university. Tapos nabulok lang sa friend request ko? Magdusa ka.”

Sabi ko na, eh! Gumaganti ang gago!

Ibinaba ko ang salamin sa itaas para tingnan ang sarili ko. Namumula ang pisngi ko, ganoon na rin ang labi. Sa pisngi, dahil nakainom. Sa labi…dahil nakatikim.

I couldn’t wipe off the smile on my lips. Lagi kong naaalala ang halikan namin at ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko. I can still taste the sweetness in my mouth, and I can still smell his scent mingling with mine.

Kailan kaya ulit kami magkikita?

“Close mo rin pala ’yong Cervando,” ani Aries kaya nakuha ulit ang atensyon ko.

“Yup. You know him?” tanong ko at itinulak na ulit pasara ang salamin.

He slowly nodded. “May project sila ng…stepdad ko.”

“Stepdad mo?”

“Lim…” he whispered.

Umiling ako dahil hindi ko kilala. Iba kasi si Tyler. He doesn’t talk about his life. I met his parents once during his 18th birthday. His father looked like a CEO, and his mom is too intimidating. Latina ba naman. Kaya lagi kong binibiro si Tyler na ako na lang ang stepdad niya dahil hindi rin siya sobrang close sa dad niya.

Pero alam ko, businessman ang Dad niya. May construction firm si Tito Frederich.

“Stepdad mo? Hindi niya yata ’to nakwento sa akin noon,” ulit ko.

“Paano ikukwento? Puro ka Arcena,” he said seriously.

I let out a laugh. He looked at me with his annoyed face, but later on, he just smiled a little and shook his head.

I could feel Aries is slowly putting his guard down. Pagdating namin sa Taft, sabay pa kaming umakyat at nag-usap ulit sa elevator. I also invited him for a chill drink in my unit, which he also agreed to.

Marami kaming napag-usapan at nabalikan. Nagtanong tanong na rin ako tungkol sa buhay niya at may mga sinabi siya na unti-unti ko ring naalala kung bakit ganoon siya noong high school.

Umagang umaga, sabog tuloy akong gumising at bungad agad ang banta ni Merrie dahil narinig ko ang tunog notification sa Messenger.

Merrisa: Gago nilasing mo ’yong alaga ko!

Merrisa: Pero bati na kayo? Yieee

Merrisa: Bonding din tayo pre. Yayain mo naman akong kainuman mo! Miss din kita ah!

Ang ingay ingay talaga nitong si Merrie. I scrolled down more to check my other notification. When I saw his texts, I slowly smiled.

Donato: Atin atin lang ’yon.

Donato: Huwag ka munang maingay.

Donato: Pag nakarating talaga sa friends mo, lalo na kay Shiloh, lagot ka sa akin!

Kahit nakangiti, nagkasalubong ang kilay ko. I pressed the FaceTime button to confirm it. Lasing pa yata ako. Anong sinasabi niyang amin amin lang?

I pulled myself out of the bed and walked to the fridge to drink water. Nasulyapan ko pa ang namumula kong pisngi nang madaanan ko ang full-length mirror.

Inilapag ko ang phone ko na nagriring pa rin sa sink at binuksan ang ref para ilabas ang tumbler. I chugged down half of it and wiped off my lower lip with my finger.

Naghilamos na rin ako sa sink. Nabasa pa ang dulo ng buhok ko at itinulak ko lang paatras. When he answered the call, I took a tissue to wipe off my face.

Tiningnan ko siya sa camera. Nakikita rin ang kalahati kong topless na katawan, at ang grey na sweatpants na suot. Pansin ko agad na medyo pawisan siya, nakatali ang buhok at parang may nahating halaman sa ulo niya.

“Morning…” I greeted hoarsely.

Pinunasan niya ang pawis niya. Kahit pawisan, I can still smell his sweet scent. His small bare face has droplets of sweat, and he just fanned himself using a small fan.

Kung nandiyan ako, ako na siguro ang magpupunas.

“Pilates?” I pointed out.

He nodded seriously. “Workout…”

Kaya pala ang ganda ng hubog ng katawan niya. He has a nice posture, too.

Umangat ang kilay niya. “Naparami kayo ni Aries kagabi?”

“Hindi naman. Pero naubos namin ’yong isang bote ng Black Label dito sa unit ko. Hinatid ko naman siya sa unit niya. Gusto niya kasing umuwi. Uh… hindi ko na maalala pero may sinabi siyang rason.”

“Papatayin siya ni Merrie kung hindi,” he added.

That’s not my main concern here. I put my hands on the side of the sink and crouched a little to level him. His eyes slightly tensed, and his gaze lowered a bit before he dragged it away.

“Anong atin atin muna?” I confronted.

“’Yong nangyari,” tikhim niya.

“Nangyari? Meron na ba? Wala pa naman, ah?”

Nanliit ang tingin niya sa akin pero inalis agad ang titig. Gusto niyang tingnan ang screen pero mas pinili niyang uminom ng tubig. I rubbed my lower lip while watching him chug it down. Nang nahuli niyang nakatingin ako, naubo siya.

“Wala kang plans ngayon? It’s Friday. I can…take you there or…”

Hindi ko na dinugtungan at naglagay ng casserole pan sa electric stove. Kumuha rin ako ng tatlong itlog sa itaas ng fridge kung saan nakalagay ang stock at inilagay ko sa loob. I’ll boil them.

“Wala. Gagawa lang ako ng content para doon sa brand for collaboration, tapos mag-aaral na,” aniya. “May class ako mamayang hapon.”

I nodded while washing the spinach and tomatoes I’ll include in my salad for breakfast.

Usually, sa lunch talaga ang heavy meal ko. Noong roommate ko si Tyler, sobrang hassle niya sa pagkain at ang hirap mag-adjust, kaya na-adapt ko rin ang iba dahil siya lang din ang madalas manlibre eh. Nagkakasundo lang kami sa pasta dahil paborito ko rin ang scampi.

Tiningnan ko ulit ang camera. He’s now sipping on the straw of his pink tumbler.

“Brand collaboration?” I smiled proudly.

Tumango siya. “Skincare.”

“Anong oras mo ipopost sa TikTok? Aabangan ko.”

“Huwag kang magla-like at magcocomment!” banta niya.

Now that I remember the reason why I called, I dried my hand using the towel and stood in front of my camera again.

Nagpapahinga na yata siya, muling pinapahanginan ang mukha ng fan, pero pansin kong sumusulyap siya sa cam, sa bandang ibaba, sa tiyan ko mismo lalo na’t topless ako.

I rested my forearms on the marble tiles of my sink to crouch.

“You want to hide me? We’re…lowkey?”

His lips parted. “Anong low-key? We’re friends!”

Friends? Pagkatapos ng halikan, friends?

“Friends?” I echoed and frowned.

“Ayaw mo?” he smirked.

“Pagkatapos mo akong ikulong sa cr at tikman ang labi ko, friends?” giit ko, nanliliit ang tingin sa kanya.

He stifled his smile. Mas nilakasan niya ang volume ng fan niya habang pigil pa rin ang ngiti.

“Maraming nakakita sa atin. For sure, there will be rumors that…we are dating.”

Umangat ang kilay niya at muli akong tiningnan sa camera.

“Magfocus ka nga muna sa study mo. Hilain mo paakyat ’yang grado mo. Hayaan mo silang magkagulo.”

“Edi…ayos lang sa’yo na may rumors tayo? That we are dating? Ayos lang na isipin nilang boyfriend mo ako?”

Kasi ako…ayos lang. I won’t clear any rumors. I will let them think that I am his boyfriend. Besides, I like it.

“Sanay na ako sa ganyan. Lahat naman ng nakakasama kong lalaki, ginagawan nila ng rumors na boyfriend ko. Kahit nga si Aries noon, napagkakamalan.”

“And you didn’t address that he’s just a friend?”

Nagkibit siya, muling sinipsip ang straw ng tumbler niya. He licked his wet lips before talking again. Nagtagal ang titig ko roon.

“Sinabi ko na ’yon sa live ko noon na friend lang.”

I nodded calmly and dragged my gaze to his eyes. Medyo labag pa nga sa loob ko na baka ganyanin niya rin ako.

“Kung may rumors man sa atin, I am fine if you won’t address it. I am fine if they will think that I am your boyfriend,” agap ko.

His condescending smile is now kissing his lips.

“Gustong gusto mo naman,” he teased.

“I will focus on my study,” I assured him.

“Dapat lang…”

“And…” Tumikhim ako. “You.”

Nailing siya na natawa. Seryoso ako, ah? Kaya ko namang ipagsabay. But sure, for his peace of mind, I will focus more on my studies.

At nakakahiya naman ’di ba ngayong naiissue ako na boyfriend niya, saka naman nalulunod ang grado ko habang ang kanya, naka-yate. I should step up too.

He nodded. “Sige na, ibaba mo na…”

“Okay…” Ngumuso ako kahit…labag sa loob ng kaunti.

“Marami pa akong gagawin!” Nanliit lalo ang tingin niya, siguro napansin na tumamlay ang ngiti ko.

Natawa ako at unti-unting tumango para ipakitang ibababa ko na, at ayos lang na hindi na kami mag-FaceTime habang may ginagawa kaming pareho.

He doesn’t want me to take his full attention. And I don’t want to disturb him as well. Nagpaalam lang ako kahit parang labag talaga sa loob ko na patayin ang call.

Amin amin na raw muna ’yong nangyari sa amin? He wants to keep me low-key, but for what?

Iniisip ko, sobrang ingay ng mga nakarelasyon niya noon sa iba niyang nagdaang boyfriend. Kaso naalala ko iyong Asher. Baka ayaw niyang makarating sa kanya?

At lalo na kay Shiloh? What’s with Shiloh?

Paano kung nadala lang talaga siya sa sarap kong humalik at ngayon na natauhan na, nagpipigil na matukso?

I found myself eating my salad and bacon as my breakfast while opening my TikTok app. Gulat ako sa history ng mga na-search ko kagabi habang nag-iinuman kami ni Aries. Dala yata ng kalasingan ko.

Bambi and Veniel dating Bambi and Veniel Katipunan holding hands Bambi and Veniel cr

Gago! Ano ba itong mga pinagsesearch ko kagabi? Muli kong pinindot ang nauna kong sinearch at may lumabas na video na eight thousand likes na.

Are Bambi and Veniel dating? I saw them in Katipunan partying together. Or am I just drunk? Please, ’yong mga nasa Aurum bar kagabi, kindly confirm this! May pictures ba kayo?

Hindi ko mapigilang mapangiti habang binubuksan ang comment section. Napawi nga lang kalaunan nang makita ang blue comment sa itaas.

Bambi and Tyler Green Archers crush interview

Paano naging si Tyler?! I scowled while reading some comments.

heyariiii: Yup! I saw them too! Nagpapicture pa kami kay Bambi! Nasa Aurum bar sila kagabi and he’s with Veniel!

Heyariiii even included a picture with her and Arcena. Ito ’yong kinukuha ko na sa counter ang mga gamit namin at nilapitan siya ng girls for a picture.

Nagbasa basa ako ng reply sa comment niya dahil dinagsa iyon.

felisseeee: Wala bang picture na nandoon si Veniel?

jessaramirez: Veniel is Tyler’s close friend, right? Naalala ko ’yong interview ni Angela kay Bambi. He said he likes Tyler. Which means Bambi is probably friends with Veniel because of Tyler?

Floryouu: Walang picture na magkasama silang dalawa because we are too starstruck! Hindi ko na rin naisipang kunan ng picture si veniel! The moment I saw him with Bambi, natulala na ako!

heyitsjessss: Totoo ’yong starstruck! Noong nakita ko siya sa aurum bar, hindi ko na rin naisipang magpapicture. Nakakatulala talaga siya sa personal, guys! Plus ang bango bango niya rin!

faith: Bambi and Tyler Green Archers crush interview. Btw, why are we shipping bambi with a straight men? Didn’t we learn from his past issues? Veniel might be single but he’s wellknown for being a playboy. Mostly the taft girlie’s can definitely agree on how playboy that boy is. And bambi is not into playboys.

Ah gano’n ba, Faith? Sarap nito replyan, ah? Pero pinagbabawalan ako no’ng isa na bumoses.

At kaya yata naging blue comment ang Bambi and Tyler dahil sa comment ni Faith. I curiously clicked it to see if there were some videos escalating from them.

Kahit alam ko namang wala, parang nadadala ako sa sinasabi sa internet at pakiramdam ko meron.

Nangunguna agad ang video ni Angela noong Christmas lighting. Binasa ko ang comments at puro recent na ang mga nandoon.

Gianaaa: Oh so si tyler pala ang crush niya at hindi si veniel?

hawaicutie: He’s not his type. Veniel is not an academic achiever. Playboy din ’yan. I’m friends with one of his ex fling. Balita ko he likes top girls talaga. I mean sa academic.

heyrheunnn: Oh so si Tyler pala ang crush niya! Saan galing ’yong Veniel? Wala namang evidence na nasa aurum bar din si Veniel. Puro lang assumptions.

I found another video, and this time, it was me and Aries entering the elevator together. Tindig at kalahati lang ng mukha ang kita, medyo zoom in pa ang picture pero halata na anggulo ko iyon at ni Aries.

Kumalma ang kaunting iritasyong naramdaman ko sa haka-haka ng iba sa kanya at kay Tyler.

“The same night na may picture si Bambi sa Aurum bar! Veniel is with Aries, which is Bambi’s friend! Kakauwi lang yata nila and mind you, that’s past midnight!” the caption of the photo.

May mga comments agad doon.

Sariii: naka-green daw siya and white t-shirt, sabi ng mga nakakita sa kanya sa Aurum bar. Naka green din siya diyan sa picture. Which means Bambi and Veniel are dating?

Feyy: May video si Bambi kay Angela. He said he likes Tyler. Baka naman the real deal is Bambi and Tyler, and Veniel is just a cover-up?

Naging cover-up pa ako. As much as I wanted to scroll more, I stopped it. May mga edits naman akong nakikita rito sa TikTok dahil kilala rin kaming varsity players, pero ngayon ko mas nakita kung gaano kalala ma-invest ang mga tao.

Kaya rin siguro gusto ni Arcena na low-key na lang. Well, I like this rumor, so I don’t really mind.

Habang hinihintay sa TikTok ang ipopost niyang video, naalala ko ang mga video na natambak ko sa draft kagabi.

I checked each one of them to post them today. Binuksan ko iyong nagva-vibe ako sa dialect ko. It’s a Bisaya song, and I remember the lyrics of Tilaw ra by Soulthrll slightly fit his request and my situation now.

Nakatitig lang ako sa screen ko, halatang medyo nakainom dahil magulo ang buhok at namumula pa ang pisngi. I was pinching my lower lip, stifling a playful smile.

After posting it, I read some early comments. Na-entertain agad ako dahil nag-aala detective na sila.

janeee: so this is it? nakagreen din siya at white t-shirt sa picture ah?

gwyn: oh my god the fit! did he just confirm that the rumor is true?

faith: pag dinelete niya ’to which means he is aware about the rumor

pipirarana: i searched the music and it says it’s about a no label or friends-with-benefits relationship. either they’re lowkey or they’re fuck buddies?

Gusto ko pa sanang tumango dahil parang tinikman lang ako noong isa, pero mas masaya pa yata ako na kuryoso siyang tikman ako.

When my phone notified me that he dropped a video, I immediately watched it. Iritado pa ako dahil may 12 agad na nakaheart kahit seconds lang, hanggang sa unti unting dumami. I liked it and got irritated a bit that there are a lot of viewers who like it first.

Kumalma lang ako nang magsimula na ang video at nakaupo siya. His sultry voice-over is relaxing. He’s wearing makeup, dark eyeshadow, and light pink lip gloss, which reminded me of the Marmalade trend he participated in and went viral for because he looked so Slavic. Naka-pin kasi sa TikTok account niya.

Marami nang nagcocomment at nakakainggit na hindi man lang ako makacomment din. I wanted to comment he’s so fucking gorgeous but I only hold back.

Nagbasa basa ako ng comments para aliwin din ang sarili—nagmamatyag na rin.

sofiareyes: Ronan liked wtf????

Kinabahan ako at agarang binawi ang like. Pero kalaunan, hindi ko mapigilang mapangisi. I finished his video on that day, and I feel contented.

Hindi ko man alam kung ano ang rason niya kung bakit gusto niyang itago muna namin ang meron sa amin, o low-key na muna, pero nirerespeto ko iyon.

I am far from that teenager who always wanted validation from him for assurance. Sapat na iyong napag-uusapan namin nang mahinahon ang mga bagay bagay. Sapat na ’yong kami-kami lang ang nakakaalam ng totoo.

Pero hindi ko talaga tanggap na si Tyler ang nadidiin sa kanya. Sa halip na ako ang mapagkamalan, ngayon iniisip nila na si Tyler ang totoong gusto ni Arcena.

“What?” kunot-noong tanong ni Tyler nang mahuli akong sinasamaan na pala siya ng tingin.

He yawned and rested his head on my shoulder sleepily. Itutulak ko sana hanggang mabalian ng leeg, pero hinayaan ko na lang.

Nasa airport kaming lahat, hinihintay ang maaga naming flight papuntang Bukidnon dahil na rin doon ang celebration ng birthday ko ulit. My parents would always shoulder their flight expenses. Pwede naman kasing dito na lang sa Manila ang celebration, pero si Mama, nakasanayan nang maghanda ng magarbo sa bahay.

Nag-eenjoy din naman sila dahil marami kaming nagagawa sa Bukidnon at madalas ding mangabayo. Nagiging unwind na rin namin sa stress sa school.

“May ipapaliwanag ka pa sa akin,” biglang kuha ni Raya sa airpods ko sa kaliwang tainga para sabihin iyon.

Ano ba kasing ipapaliwanag ko? Two weeks na nga kaming hindi nagkikita ni Arcena at minsan lang din mag-usap sa text kahit pigil na pigil akong minu-minuto siyang itext.

Now that I remember he didn’t reply to my messages earlier, I looked at my phone again. Binuksan ko ang messages namin.

Me: Nasa airport na kami. Bukas ang uwi ko. 26. Pwede bang pumunta sa’yo para salubong ng birthday?

Me: Kung pwede?

Me: Sabihin mo rin kay Aries at Merrie. Dadalhan ko sila ng pasalubong :)

Iniisip ko tuloy na baka sa susunod na birthday ko, pwede ko na silang madala sa Bukidnon para matuloy na rin namin ang mga planong naudlot.

Nasa eroplano na kami kaya hindi ko na nakita kung nagreply ba siya. Saktong wala pang dalawang oras, nakalapag na ang eroplano sa Laguindingan Airport. Sinusundo lang din kami ng Toyota van na isa sa service car ng pamilya namin.

Tiningnan ko ulit ang phone ko pagkaupo sa harap. My friends are too noisy while talking about breakfast. Excited sila sa food na bubungad sa bahay.

Donato: Ayos lang. Enjoy kayo :)

Ngumuso ako at nagtype ng reply.

Me: May gift ka ba sakin? Hahahahahahaha

“Umuwi rin ba ang isa mong Ate, Ron?” tanong ni Angela.

“Ah, si Ate Yna? Hindi ko pa alam. Pero madalas, hindi ’yon umuuwi.”

Natangay nga lang agad ang atensyon ko sa phone ko nang may reply agad siya kaya napangisi ko iyong tiningnan.

Donato: Gagamitin ko ’yong toys sa harap mo :)

“Pati ang Papa…” Rick’s voice trailed off beside me.

Ang bilis kong na-off ang screen ng phone ko at napansin ang iritadong tingin ni Rick sa tabi ko, doon ko napagtantong nakatingin na pala siya sa phone ko. Fuck. Nabasa niya ba? At bakit ba nakikibasa siya ng text?!

“Ang Papa ko? Uh…hindi. Pero tumatawag,” paliwanag ko kahit parang wala na roon ang buo niyang atensyon.

Kami kasi ang magkatabi, sa gilid ko, si Tyler na abala sa phone niya, at sa tabi niya ay si Mavric na tulog o nagtutulug-tulugan lang yata.

“Anong toys?” tanong ni Rick.

Mavric and Tyler’s heads both glanced in sync. Ayaw ko lingunin ang dalawa dahil matatawa lang ako at mas magmumukhang guilty sa tanong ni Rick.

“Toys, Rick. Alam mo ’yon, mga laruang pambata…” sinikap ko pang isalba ang sarili kahit sobrang salubong na ng kilay ni Rick.

“Toys… I had them too. When I was young…” Tyler joined.

“Can’t relate. Ako kasi ’yong pinaglalaruan,” Mavric smirked.

Doon napunta ang atensyon at mas tumawa kami nila Tyler. Nailing si Rick at iritado na sa aming tatlo.

“Toys?” Shiloh echoed Rick’s curiosity.

Nasa likod sila ni Brent, magkatabi. Si Brent na nakahiga sa balikat ni Shiloh, unti unting dumilat at tumingin din sa harap.

“Bastos ba ’yan?!” Sadie’s high-pitched voice from the back echoed.

“Pag si Tyler, Mavric at Ron, bastos ’yan!” si Raya.

“Sira na naman ang good boy kong image,” iling ni Mavric na akala mo talaga…

“’Yong nagvavibrate siguro ’yan!” si Gabriella.

Brent grunted and pushed his head back to Shiloh’s shoulder. Natawa si Con at nailing na lang.

“Mahiya naman kayo sa family driver nila Ron! Baka sabihin ang liberated natin! Kayo talaga!” saway ni Angela.

I grunted because the girls joined, and they will only talk about it even more. Si Rick, halos ang talim na ng tingin sa akin. His judging eyes are already telling me he’s insulting me in his mind.

Bakit ba kasi naninilip siya ng text?! He’s not open to this topic! Toys are normal, but for Rick who’s not into topics like this, it’s weird for him.

Medyo kinabahan tuloy ako at hindi mapakali, kahit noong nakarating na kami sa bahay. Inaakbayan ko pa siya, pilit inaaliw kahit nanghuhusga pa rin ang tingin niya.

“Lala niyong tatlo. Pagbubuhulin ko na talaga kayo,” aniya, tiningnan din si Tyler at Mavric na natatawa akong pinapanood kakadikit kay Rick.

May ganito rin kasing karanasan si Tyler. Ang gago, nanonood ng kung ano sa safari niya at si Rick ang nakakita.

“Gayahin niyo ako. Magaling magtago,” ngisi ni Mavric nang lumebel na ako sa dalawa.

Ni wala nga kaming ideya roon sa iniyakan ni Chloe hanggang ngayon. He doesn’t want to share anything. Hula namin ni Tyler, may pinatulan siya na kaibigan ni Chloe eh.

Papasok na kami ng bahay. The curtains of our huge windows were pushed to the side. Kita ang loob at kahit ang dalawang enggrandeng hagdan sa bawat gilid.

“Welcome!” salubong ni Mama, nilapitan ang girls at masigla siyang nakikipagbeso beso.

“Tita wala pa po kaming breakfast,” sumbong ni Raya kaya natawa agad kami.

“Alam ko! Kaya tatlong baka ang ipinatumba ko para paghandaan ang pagpunta niyo rito!” si Mama na hawak na sa siko si Raya, gusto na agad igiya sa harap ng mga pagkain.

“Magaling ka rin ba magpatumba ng tao, Tita? May ipapatumba rin sana ako. Asungot eh,” sabi ni Rick kaya mas lumakas ang tawanan namin kahit pagod pa sa flight.

“Takot ka bang baka agawin sa’yo, Rick?” Mavric chuckled and looked at our family pictures.

“Maaagaw niya kaya kung pinutol ko ang mga kamay niya?” maangas na sabi ni Rick.

“Yabang. Eh nauna ’yon, ’di ba?” Tyler teased.

“Dalawang tao na pala, Tita. Nandito ang isa,” biro ni Rick at sinamaan ng tingin si Tyler.

Isa isang hinahakot ng mga kasambahay ang bagahe ng mga kaibigan ko at pinag-aakyat habang ginigiya na agad ni Mama ang mga friends ko sa likod ng bahay lalo na’t malawak ang open space roon at minsan, doon din hini-held ang dinner pag may bisita.

“’Yong mga request niyong food, sinama ko!” ani Mama.

Bumungad agad ang malaking lamesa na puno ng nakahilerang buffet food. Maganda rin kumain dito dahil alagang alaga ang hardin ni Mama kaya presko ang hangin.

“Busog po siguro kami lagi kung malapit lang ang Bukidnon sa Manila,” ani Mica.

Nagsisilapit na sila sa pagkain habang tinitingnan ko ulit ang phone ko para replyan siya. Bumagal pa ang paglalakad ko habang nauuna na sila. Masyado akong distracted para pagtuunan ng pansin ang gutom kong tiyan.

I typed a reply fast while grinning.

Me: Ayaw mo bang gamitin ang akin? Mas malaki pa ’to sa toys mo hahahaha

“Slade!” tawag ni Mama, hawak ang platong para sa akin. “Halika na rito! Kumain ka na.”

I slipped my phone into my pocket while grinning playfully. Stupid toys. Ako na lang ang gamitin niya. Ayos lang naman sa akin kahit paulit ulit niya akong tikman.

Chapter 30

Warning: R-18

——

Satiate

Nilibang ko lang ang sarili ko buong araw kahit may parte sa akin ang pumasok na sa kuwarto at makipag-FaceTime sa kanya.

But then I also wanted to enjoy my celebration—to bond with my friends. Alam ko na mas gugustuhin din ni Arcena na mag-focus ako rito kaysa ang tumunganga sa phone ko at kulitin siya buong araw.

“Bakit kayo may rumor?” si Raya nang tabihan na ako, pasimple nang nagtatanong.

Kunwari pa ay nasa pagkain ang kanyang atensyon, lalo na’t si Mama ay nasa tabi-tabi lang at nakikipag-usap sa mga friends ko.

Raya was trying to be discreet about it. She knows how strict my family is when it comes to relationships. Baka nga mas tanggap pa nila ang pambababae ko noon, hindi gaanong nagseseryoso, kaysa iyong may seseryosohin na talaga.

Alam ko naman na humahanap lang si Mama ng tyempo na ireto ako sa family friends niya. Siguro nagpipigil lang dahil ramdam niyang distracted ako sa Maynila at nag-aaral pa lang.

“May pictures na kasama mo ’yong kaibigan niya. Si Aries,” she murmured again, stuffed food into her mouth, and pretended her attention was there.

Si Mama, papalapit na sa amin pero tumigil saglit kay Brent at Shiloh. Nadatnan niya pang sinusubukan ni Brent na isubo ’yong binalatan niyang shrimp.

“Ay ang sweet niyo talagang magkakaibigan!” natutuwang sabi ni Mama sa akala niya…magkaibigan lang.

“Ay Tita mukha lang, pero hindi!” si Sadie.

Bigla akong kinabahan sa topic. Naroon na ang tingin ko.

“Tapos may nakahuli na nagla-like ka sa rumors, pero binabawi mo agad,” giit ni Raya, patuloy pa rin sa pagbulong.

I couldn’t look at Raya anymore. Kita ko si Mama na kuryosong tiningnan si Sadie.

“Bagay ba sila, Tita?” si Gabriella ang nagtanong.

Mama looked more confused. “Silang dalawa? Eh lalaki si Shiloh at Brent. Bakit naman bagay? Mas bagay si Shiloh sa isang maganda rin, at si Brent, sa isa pang maganda.”

Nang marinig iyon ni Raya, kahit siya, napatingin na rin kay Mama. My mother looks so innocent, and she knows well how to blend in, but behind closed doors, she has a sharp tongue.

Baka nga itsismis pa ’yan ni Mama sa mga kumare niya na taga-rito.

“I like Shiloh for me, Tita. He’s a pretty boy,” si Brent na ngumiti.

Gusto ko nang awatin ang topic, gusto ko nang pigilan at iliko, pero may parte sa akin ang gustong makita ang reaksyon ni Mama.

Nakangiti pa rin si Mama, pero bakas sa mukha na hindi siya makapaniwala.

“Ay…bading ba kayong dalawa?” tanong ni Mama.

Si Tyler at Mavric, nagkatinginan, pigil ang tawa. Si Rick, salubong na agad ang kilay. Si Con na susubo pa sana, naantala habang ang mga girls, pigil ang ngiti at asaran sa boys.

Nalilito akong tiningnan ni Mama, nakangiti pa rin pero hilaw na, saka niya muling tiningnan si Brent at Shiloh.

Shiloh looked stiffened by my mother’s question. Brent, on the other hand, looked ready to face everything.

“Tita may sinasabi si Rick sa carbonara,” sumbong bigla ni Mavric kaya napunta roon ang atensyon ni Mama.

Brent licked his lower lip instead of talking. Halos napagtanto kong nakalimutan ko na rin palang huminga.

“Tita kulang daw ng sauce!” dagdag ni Tyler.

Si Rick na sumusubo na ng carbonara, nilingon pa ang dalawa.

“Rick iluwa mo ’yan!” gatong ko, natatawa kahit kabado kanina.

“Ang kapal ng mukhang makareklamo. Pang ilang plato mo na nga ’yan?!” si Angela.

He immediately chewed his food and looked at my mother seriously.

“Tita, hindi! Huwag kang maniwala sa mga ’yan. Oo nga kulang ng sauce pero niluwa ko ba? Hindi!” paliwanag ni Rick kaya si Mama, natawa na.

Sobrang ingay namin sa oras na ’yon, pero noong nasa kuwarto na para ayusin ang mga gamit namin, hindi na naiwasang pag-usapan. Alam kong idinaan na lang sa kalokohan kanina para pagtakpan agad ang dalawa kay Mama.

“Homophobic ang Mama mo, Ron?” tanong ni Rick, hawak ang pillow neck niya na pinipisil niya.

Di ko pa nasasagot, bumukas na ang pinto at pumasok din ang mga girls. They were grinning when they saw us in the middle of talking.

Nakatayo kaming boys, maliban kay Shiloh at Brent na nakaupo sa kama. Abala ng kaunti si Con sa gamit na dala sa duffel bag niya, pero nalilingat sa amin ang atensyon.

“Buong pamilya, actually…” Idinaan ko sa tawa ang sagot nang isara na ng girls ang pinto.

“Yabang mo pang gago ka magsabi noong nakaraan na kaya mong baguhin ang Mama ni Shiloh, pero buong angkan mo rin pala!” si Rick na itinapon sa akin ang pillowneck niya.

Natatawa ko iyong sinalo at isinuot sa leeg ko. I crossed my arms again.

“Buti na lang Ron, straight ka. Kundi ang laki sigurong gulo no’n…” si Gabriella.

Mavric’s smirk turned playful. Si Rick, mas napangiwi.

“Pero iba rin kasi ang paniniwala ng mga taga-province. Kung conservative ang iba sa syudad, mas lalo na sila. I mean, hindi naman sa ini-stereotype ko ang mga taong nakatira sa probinsya, pero mas conservative sila mag-isip,” sabi ni Angela.

“Homophobic talaga ang angkan ko. Dahil kay Ate Yna,” kuwento ko na ikinatahimik nila. “May nangyari kasi. May…bading tapos…” I looked at Rick carefully.

Humalukipkip si Rick at napasandal sa pader. Si Mavric na nasa tabi niya, inakbayan siya. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot dahil hindi ko rin kayang dugtungan.

“Na-trauma si Ate Yna dahil do’n. Kaya dinala siya sa Los Angeles para ma-distract siya. Kasama niya si Papa ro’n. Para rin mapa-therapy. Lagi rin kasing sinasabi ni Ate Yna na ayos lang siya, na hindi na mabigat, pero para sa buong pamilya namin, matindi ang nangyari. Hindi iyon pwedeng kalimutan na lang basta-basta.”

Tumango si Rick. Ang girls, biglang nalungkot ang mga mukha.

“Masakit ’yan, Ron. Pero maiintindihan ko ang galit ng Ate Yna mo. Kung dumating man siya ngayon at itataboy kami, magsosorry ako tapos aalis din. Pero pwede bang may kasamang take-out ng handa?” si Rick.

Ang seryoso at nag-aalala naming mukha, nauwi na agad sa tawanan. Si Rick, binato pa ng unan ng girls.

“Puro ka na lang pagkain! Para kang may binubuhay na isang pamilya ng bulate diyan sa tiyan mo!” si Angela.

“Kulang kasi sa purga,” Sadie teased, and Rick glared at her.

We were laughing for seconds, pero kalaunan, nagseryoso ulit.

“We can keep our relationship for a while, Ron. I’ll distance,” si Brent na nilingon pa si Shiloh na tahimik lang at unti-unti ring tumango sa akin.

“Distance. Eh parang hindi mo nga kayang malayo kay Shiloh!” si Sadie na tumabi na kay Brent sa kama.

“Kaya ko namang respetuhin ang rules ng isang lugar. If they’re not comfortable, in respect to Ron’s birthday and his homophobic family, I will distance myself from Shiloh for a while…”

“Respetuhin kahit nakakasakit sa inyo?” I chuckled bitterly.

He shrugged. “What matters here is respect. Respect that we are just visitors, and respect that we can’t really shove our beliefs on other people so easily.”

“Edi laging gano’n, Brent? Na pag may katulad nila, hindi lang dito sa bahay namin—kahit sa labas, didistansya ka kay Shiloh dahil nirerespeto mo na homophobic ’yong iba at hindi kayo tanggap?” tanong ko.

May kaonting iritasyon sa boses ko. Hindi ko tanggap ang sagot niya. It sounded like bullshit on his partner’s end.

Tyler nodded while listening.

“It’s not for me, it’s for Shiloh. He’s closeted. He’s not out. And I would rather distance myself than put him into a situation where his sexuality would be questioned and he would be forced to out himself.”

Hindi ba dapat…hindi niya kinakahiya? Hindi ba dapat…siya ang mas tumindig para sa kanila ni Shiloh?

“Pero kung loud and proud ba si Shiloh, Brent, didistansya ka?” tanong ni Mavric na kumuha ng atensyon ko.

I slowly realized that Brent isn’t talking about gay people like…Arcena. Oo nga pala. Closeted si Shiloh.

Umiling si Brent. “Of course not. I do respect the people around us, but then if Shiloh is comfortable being with me in front of these homophobic people, then why draw a line? I respect them, but I value Shiloh’s comfort more than anything else.”

Tyler nodded again. Parang may kumalma sa akin. Mavric looked at me silently. Lumapit pa si Tyler at niyugyog ako.

“Ayos lang ’yan kahit hindi tanggap ng angkan mo sila Brent. The important thing here is we accept Brent and Shiloh’s relationship. We are also family, Ron. It doesn’t matter who stands against us. What matters here is we will stand for each other. We support each other,” Tyler squeezed my shoulder.

Natahimik ako. It was clarity—a clear path. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko, mas lalo akong naliliwanagan.

I was frustrated, alright. I wanted my family to accept him so I could freely bring him here too. Kahit ayos lang naman kay Arcena na hindi siya kasama sa lakad na ’to, ako ’yong nanghihinayang. Ako ’yong nasasakal sa pamilya ko.

“Gago… ba’t ka naiiyak. Luha ba ’yan?” Rick pointed out.

Kumurap pa ako at hinawakan pa ang mga mata ko dahil mukhang inaasar lang ako nito ni Rick. Nagtitinginan na silang lahat sa akin, kahit ang girls gulat at lito.

“Ba’t ako iiyak?” halakhak ko pero halos mapiyok pa. Hayop.

Mavric walked toward me with a smirk on his lips and put his arm around me. Itinulak ko pa at umiling pero si Tyler, hinaplos na ang likod ko. Even Rick walked toward me, too.

“Iyakin pala ’tong birthday boy natin…” Nangingiting ginulo ni Mavric ang buhok ko.

Inaawat ko sila pero mas lalo silang dumami, kahit si Shiloh, Brent at Con, nasa harapan ko na. The girls joined too to comfort me.

“Tama si Tyler. Pamilya mo rin kami, Ron. Kung hindi nila kami tanggap, ayos lang. Kasi sa pamilya natin, tanggap kami ni Brent… at ’yon ang mas mahalaga,” si Shiloh na nginitian ako.

I nodded at Shiloh while smiling. Mas lalong tumawa si Tyler at Mavric habang nanlalabo sila sa akin. Rick even pulled my nape and shoved my face to his shoulder; his hand rested at the back of my head.

“Hindi nga siya umiiyak kayo naman! Asan ang luha?! Walang luha!” Rick protested while hiding my face from them.

“Ano ba! Ang mascara ko!” si Sadie.

“Pag lumabas ’yan si Ron na pula ang mga mata—sa mismong birthday niya pa, lagot tayo kay Tita!” si Raya.

“Naiiyak na ako guys, tama na ’yan!” saway ni Mica.

“Bunsong bunso talaga…” halakhak ni Con.

“Wala na, Ron. Tingnan mo sa susunod na buwan, may pang-asar na ’yan sila sa’yo. Don’t show our weakness, bro!”

“Tumahimik ka, Tyler. Hintayin mo lang pag nalaman din namin ang sa’yo, tadtad ka talaga ng asar!” ang girls.

Ang gugulo namin sa guest room. Ayoko naman talagang umiyak sa harap nila, siguro hindi ko na rin napigilan dahil natakot ako kanina.

Iniisip ko na paano kung iyong kinwestyon ni Mama, o ako iyong pinagdudahan. Kahit alam ko namang kaya kong tumalikod, kaya kong umalis kung hindi nila tanggap na naiiba sa paniniwala nila ang pinasukan kong pagmamahal, masakit pa rin talaga.

Ang totoo, frustrated na ako simula noong trip. Gustong gusto ko siyang dalhin… gusto ko siyang ipakilala…pero hindi ko man lang magawa. Ayaw kong ipahiya ang pamilya ko sa harap niya. At ayaw kong umasa na baka…matatanggap siya.

“Ano ’yong tsismis ni Mama sa akin. Na biniro-biro niyo raw siya na magkarelasyon ’yong dalawa mong kaibigan. Si Brent at Shiloh?” usisa ni Ate Charm.

Hapon na siya nakarating at nasa farm kami. Nangangabayo ang friends ko sa kabuuan ng farm, habang si Ate Charm, sinamantala akong kausapin.

“Pinagdududahan tuloy ni Mama na bading si Shiloh. Kung hindi lang lalaki manamit, makukumbinsi na siguro—”

“Bading si Shiloh, Ate,” sabi ko.

I wanted her to understand, maybe because out of my family, Ate Charm had a deep understanding. She’s the eldest and strict, yes, but she has more deep compassion compared to my other family.

Ni hindi nakarating kay Mama ang tungkol kay Arcena hanggang ngayon. She kept it as our secret.

Her eyes widened. “Bading si Shiloh?” ulit niya.

I nodded.

“Natuto na akong huwag basta bastang pagdudahan ang mga ganyang lalaki, Slade. Alala mo iyong kaklase mo noong high school, si Aries… hindi ba’t straight ’yon? Tapos sasabihin mo sa akin ngayon, si Shiloh…bading?”

I sighed. “Hindi naman kasi nababase sa kilos ng isang tao ang pagiging bading, Ate. May mga lalaki na…katulad ni Brent…pero bading din. Hindi naman lahat kailangang malambot talaga at parang binabae umasta.”

Huminahon siya at parang napaisip.

“Pero maganda ’yang ganyan, kung sakali man. Madaling itago at…medyo katanggap tanggap.”

Kumunot ang noo ko. Abala siyang tingnan ang mga kaibigan kong lumalayo na sa pangangabayo pero tanaw pa rin namin sila.

“Kaya pag sobrang malambot, nagsusuot ng pambabae, nagmimakeup, o nagbibihis babae, hindi na katanggap-tanggap, Ate?” I asked thickly.

I am seriously offended. I know she’s only trying to sympathize, but deep down, she’s selective. Parang gusto niyang iparating na katanggap tanggap lang ang mga bading na mukha pa ring straight tingnan.

She sighed and tucked her hair to the side when the air blew against us. “Ang sinasabi ko, kung ganoon…madaling itago sa homophobic na pamilya, Slade. Lalo na sa kagaya ng pamilya natin. Walang gulong mangyayari. Tingnan mo si Mama, hindi na ganoong pinagdududahan si Shiloh dahil kita niya namang lalaki manamit at hindi tadtad ng makeup ang mukha. Mukha pa ring straight. Oo mahinhin, maputi, malambot, pero sa mga mata ng pamilya natin, kaaya-aya siyang tingnan. Presentable pa rin na lalaki kahit hindi straight.”

Natahimik ako. Nang napansin ni Ate, mas naging desidido na magsalita.

“Ang sinasabi ko sa’yo, kung…dadating ang araw na…may dadalhin ka rito…at hindi katulad ni Shiloh, mahahalata agad iyon, Slade.”

She is trying to warn me because she knows the one I like is a loud and proud gay. Kung itatago ko ang relasyon namin at gusto siyang ipakilala sa pamilya ko, kailangan ko siyang baguhin, pagbawalan sa makeup, at damitan ng panlalaki.

When Arcena told me how much he’s willing to surrender even his dreams, I knew he was also willing to lose himself just to…fucking fit into my standard. And I hate it so much.

My Ate sighed when I didn’t respond again. Nailing siya.

“Birthday mo ngayon. Mamayang gabi, dadating sila Lolo. Pati ang iba pa.”

Lagi namang ganoon ang birthday ko. It’s all about formal celebration—a way to interact with the other big families here in Bukidnon.

“How’s Manila? Your grades?” At ang laging tanong ni Lolo sa akin.

Kung may pinaka-respetado man sa angkan namin, iyon ay si Lolo. Walang ni isang hindi nakakakilala kay Lolo sa Bukidnon at Cagayan, and even those senators in Manila know my grandfather, too.

Kahit sa Davao, kilala ang pamilya namin bilang malaking supplier ng durian bukod sa hotel ng pamilya ni Mama roon.

And for sure, the only unico hijo falling in love with his same sex is scandalous.

Naiisip ko, kaya siguro gano’n ka komportable sila Tyler, Brent, at Rick na lumabas kung sakali man dahil wala naman sa pamilya nila ang homophobic. Their families are supportive and understanding.

Unlike mine.

Kung itatago ko naman, hindi ba’t nakakasakal iyon para kay Arcena na proud sa sekswalidad niya? Baka…mas maisip niyang hindi talaga kami pwede.

“Lalim ng iniisip ah?” puna ni Rick habang nakaupo na ako sa gilid ng bintana ng eroplano.

Isang araw lang kasi kami sa Bukidnon, mga alas dose ng hatinggabi, umalis din ulit pabalik sa Manila.

“Si Donato ba ’yan?” Rick smirked at me.

My lips parted. Natawa ako. Sa tabi niya, isang babaeng natutulog. Kami kasi ang magkatabi ng seat. Kaya siguro hindi niya pinapalampas na maasar ako at mang-usisa.

Tinanggal niya pa ang suot niyang AirPods para mas makapag-usap kami.

“Kitang kita ko eh. Donato. Barakomg barako ang pangalan, ah? Baka mas siga pa sa’kin ’yan, ah?”

I wanted to deny it, but he already caught me. At kung itatanggi ko pa, mas lalo lang ’tong maghihinala.

“Kilala mo ’yon, Rick…” sabi ko, nangingiti.

“Si Donato? Baka isa pa ’yan sa nabugbog ko noon sa likod ng eskwelahan, ah? Wag naman,” agap niya.

Umiling ako, natatawa. “Noong high school! ’Yong Arcena… Yong bading sa classroom natin. ’Yong matalino. ’Yong tadtad ng pimples…”

When I mentioned the pimples, his expression calmed down.

“Ah… ’yong bading na first day of school na tumambling agad papasok sa classroom.”

Natawa ako. “Oo ’yon…”

“Irita pa ako diyan sa kanya noon. Panira ba naman ng umaga. Sa badtrip ko…” Umangat ang kilay niya ng makahulugan.

“Mabuti pala na lumipat ka,” I added and chuckled.

Kasi kung kaklase namin siya, at sa init ng ulo niya noon sa mga bading, baka isa siya sa pag-iinitan si Arcena, at sigurado akong isa rin ako sa makakasuntukan niya noong high school. Halata kasing lapitin sa basag-ulo ang isang ’to noon. Baka hindi kami magkakasundo ng ganito—katulad ni Kyle.

Baka sunod-sunod din kaming ipatawag sa Guidance dahil talagang makikipagsuntukan ako kung sakali man.

“Siya ba? Naks… high school sweetheart,” he smirked at me.

“Hindi mo ba siya natatandaan? Siya ’yong kaibigan ni Denver noong Christmas lighting.”

He tried to recall it, but he slowly shook his head. “Paano matatandaan kung nabubulag sa sakit? Brokenhearted ako no’n…”

“Eh ’yong nakakaaway mo lagi sa isang app? Tanda mo? ’Yong taga UP.”

“Alin ba ro’n? Marami akong nakakaaway,” at halatang nag-iisip pa siya.

Natawa ako. Nag-isip isip pa siya hanggang sa kumalma.

“Siya ’yong kaibigan ni Rin? Noong sa Christmas lighting?”

“Oo nga…”

“Ang layo ng glow up niya, ah? Hindi naman sa sinasabi kong ang pangit niya noong Grade 11, pero kung iisa lang sila noong bading na tadtad ng pimples, ang laki ng pinagbago niya.”

“Gumanda lalo…” I smirked.

Ngumiwi si Rick, nailing na natatawa. “Kaya pala naiyak ka kahapon, ah? Itatakwil ka talaga ng angkan mo. Lolo mo pa lang, mukhang naghihintay pa ’yon ng apo sa’yo bago humiga sa lupa.”

Hinampas ko dahil sobra naman ang isang ’to! Oo at sobrang tanda na si Lolo, pero huwag muna. Mahal ko ’yon. Paborito ako no’n.

“Gusto ko nga sanang dalhin sa Bukidnon, eh. Pero paano madadala. Parang magkakagulo talaga.” I chuckled wearily.

He nodded slowly. “’Yong Ate Yna mo, huwag mo pauwiin. Doon na siya sa Los Angeles. Tapos ’yong Mama mo, ikulong mo sa banyo para walang masabi. O kahit buong angkan mo, palayasin mo muna sa Bukidnon para masolo niyo ni Donato ang buong farm.”

At talagang seryoso siya sa lagay na ’yan, ah? Nailing ako, pumikit na at matutulog na lang.

“Ewan ko sa’yo, Rick…”

Nanahimik na siya, pero maya-maya, muling nagsalita.

“Ayos lang ’yan. May uuwian ka naman kung itatakwil ka nila. May tatanggap sa’yo kung hindi ka nila tanggap. Para namang wala kang isa pang pamilya…”

Hindi na ako dumilat pa pero napangiti rin sa sinabi ni Rick.

Tiningnan ko ulit ang phone ko kung nagreply ba si Arcena, o baka tulog na rin. Sinabi ko kasi kanina sa text na didiretso ako sa unit niya. Pero kung tulog na siya, uuwi na lang din siguro muna ako at ipapaumaga na lang ang pagpunta?

Kanya-kanya nang kuha ng grab ang mga friends ko, may iilan na nagpapasundo lang din. Tinapik pa ni Tyler ang balikat ko para kunin ang atensyon ko lalo na’t abala ako sa phone.

“Bro, sasabay ka ba sa akin? I can drop you first, then I’ll head to mine…” ani Tyler.

Nakita ko ang reply ni Arcena kaya nauna ko munang tingnan habang namaywang si Tyler at tinanguan ang iba naming kaibigan na kumaway na.

Donato: Terminal 3?

Gising pa siya? I typed a reply right away.

Me: Yup.

Mabilis din ang reply niya.

Donato: Susunduin na kita. Malapit na ako.

Susunduin niya ako? Hindi ko naitago ang ngiti nang mag-angat ako ng tingin kay Tyler na kunot noong nakatingin sa akin.

“What? Are you gonna…” He arched his brow and attempted to look at my screen.

Ibinaba ko agad ang phone ko at inilingan niya.

“Ah hindi na. Mauna ka na. Kumuha na ako ng uh…”

“Sundo? Or Grab?”

Tinapik ko ang balikat niya. “Mauna ka na…”

Buti na lang hindi masyadong nag-usisa si Tyler. Isa-isa na silang nawawala sa paningin ko, pinagsusundo na, saka ko natanaw ang pamilyar na kotse niya.

I clutched my duffel bag like an excited kid who just got home from a month of a field trip—excited to see his family.

Huminto ang kotse niya sa harap ko. I checked the plate number first to make sure it’s his car. Binuksan ko ang front seat at kita ko siya agad sa driver’s seat, naka-fit na itim na long sleeves na hanggang hita niya, at makikita ang maiksing shorts na suot.

“Sinundo mo ako…” natatawa kong sabi habang pumapasok.

Inilagay ko sa likod ang duffel bag na tanging dala ko, mga pasalubong lang din para sa kanila, at kaunting gamit ko.

Ngumuso siya at umiwas ng tingin. “Hindi pa kasi ako inaantok…”

“Ano? Miss mo ako?” I tilted my head with a wide smile after closing the door.

Natawa siya nang tingnan ako. Nang makita ang ngiti ko, umirap lang at binasa ang pang-ibabang labi.

“Konti…” bulong niya.

Sinungaling talaga ang isang ’to, laging pinapanindigan na tigasin siya.

“Baka ginamit mo agad ’yong mga laruan mo sa sobrang pangungulila habang iniisip ako, ah?”

He grunted and slapped my left leg.

“Bakit ba ang laki ng inggit mo sa mga laruan ko? Gusto mo ba ipahiram ko sa’yo para magamit mo?”

Napawi tuloy ang ngiti ko. I frowned at him. Nang nakita niyang taob ako sa asar, natawa siya.

I sighed and tucked his short hair behind his ear. His shoulder slightly moved and his eyes squinted.

“Ano ba… huwag kang makulit. Nagmamaneho ako,” saway niya.

Binawi ko tuloy agad ang kamay ko at ngumuso. Hinila ko na rin ang seatbelt ko para makasigurado.

Gusto ko pa sanang humalik kaso baka sa gulat niya, maibangga niya bigla ang kotse niya.

Hindi na matanggal ang ngiti ko pagkapasok sa front seat. Kanina, pagkababa sa airport, nag-aagaw pa ang antok at pagod sa akin at gusto ko na lang matulog.

Ngayong sinundo niya pala ako, nawala ang pagod at antok ko, na kahit yata umagahin kami kakausap ay ayos lang.

I couldn’t even remember how I flirted around with girls—or my past flings. I easily get bored, or I feel like being with them for 24 hours is too draining.

Pero ngayon, kahit hindi niya ako kibuan, kahit hindi niya ako kausapin, basta magkasama lang kami, naaamoy ko siya, nakikita ko, sapat na. Kahit ’yong mga nagdaang araw na hindi ko siya nakita, parang isang taon na rin ang dumaan sa sobrang tagal.

“Sigurado ka ayaw mong matulog?” tanong niya sa kalagitnaan ng byahe.

The song Boyfriend by Ariana Grande coming from his playlist is blasting. Sinasabayan niya rin kanina ng kanta. Ewan ko nga kung nagpaparinig ba pero hindi naman ako natatamaan. I know I am his boyfriend. Ayaw niya lang aminin.

“Hindi naman…” Pero kung hihiga siguro sa mga hita niya, makakatulog agad ako.

Umiling ako at natawa sa iniisip ko.

Umangat ang kilay niya sa akin, tiningnan lang ako saglit bago muling tumingin sa harap habang nanatili ang tingin ko sa kanya.

I noticed he didn’t wear any makeup again, just a simple gloss on his lips; his thick lashes curved upward, and his familiar scent. Suot niya iyong perfume na nagperform siya sa La Union.

“Nasa condo na si Aries at Merrie, naghihintay,” aniya.

Tumango ako, iniisip na baka sa umaga pa sila dadating.

“Pero hindi sila matutulog sa condo ko,” paliwanag niya.

My nod slowed down. My lips curled a bit, but I stifled my smile. Tumikhim ako at naalala ang text niya.

“Ako ba…saan ako matutulog?” I chuckled hoarsely.

“Saan mo ba gusto?” he asked, trying to be nonchalant.

“Kahit saan. Ayos lang naman sa akin. Basta kasya ako…” I croaked and looked at the road.

“Kahit masikip?” he smirked at me.

Fuck it. I’m used to dirty talk and even dirty jokes. Pero pagdating sa kanya, parang ang hirap sabayan.

“Saan mo ba ako patutulugin kaya mo nasasabing masikip? Sa ibabaw mo ba?” I arched my brow and laughed.

“Makakatulog ka pa kaya kung sa ibabaw ko?” he answered playfully and laughed as well.

I shut my eyes and grunted. Kanina pagod ako, antok din, ngayon…nanghihina na tuloy. Pinabalik ko pa sa isip ko ’yong mga baka at baboy para pasayawin nang maaliw ang isip ko at wala akong maisip na kung ano ano.

“Matulog ka na kasi! Huwag mo na akong kausapin!” giit niya, natatawa pa rin.

Unti unti akong dumilat. “Bakit mo ako pinapatulog? Papagurin mo siguro ako mamaya…”

His jaw dropped. Humalakhak ako. Namula siya, pero may ngiti sa labi.

“Kung ano ano ang pinagsasabi mo, Slade. Matulog ka. Magpahinga ka kasi pagod ka,” giit niya habang nangingiti sa akin.

Slade…

“I really like my name when you uttered it…”

“Pero mas gusto mo pag inuungol ko?” angat niya ng kilay na talagang hindi ko alam kung nangungulila ba siya ng malala, o…

Maybe he’s too lonely, and he was too horny while I wasn’t around, and he’s craving both?

Ganoon lang kami buong byahe. Kahit noong nasa building na kami ng condo unit niya, nagkukulitan pa rin kami. Nang makita ako ng guard, ngumiti agad sa akin.

Pwede ngang dito na ako tumira. O pwede ring doon siya sa Taft tumira, kaso malayo nga lang sa school niya. Fuck. Mababaliw na talaga ako.

“Hindi ka na niyan makakatulog agad kasi nandito sila Merrie at Aries,” aniya nang unti-unting buksan ang pinto nang makarating kami sa unit niya.

Napagtanto ko agad ang tinutukoy niya nang makita ko ang loob. May hawak na mga balloons si Merrie, at sa tabi niya, si Aries naman ang may hawak ng cake.

“Happy birthday, Veniel!” masiglang bati ni Merrie nang pumasok ako.

Aries looked at me gently. Lumaki ang ngiti ko. Sa mesa, may nakahandang kaunting salo salo, at may mga inumin din pati mga baso.

Inilapit ni Aries sa akin ang cake. Si Merrie ang tumusok ng kandila at sinindihan iyon gamit ang lighter na hawak. Arcena watched me with a stifled smile.

“Wish ka muna, ah…” aniya.

Inilagay ko sa sofa ang duffel bag ko. I closed my eyes, recited my wish for us, and blew out the fire as soon as I opened my eyes.

Hindi ko na natanggal ang ngiti ko buong oras. Their surprise made my birthday even more memorable. Ayos lang naman kahit walang ganito, pero naisipan pa rin nila.

“Antok na antok na kami kakahintay sa’yo. Alam mo ba ’yon? Pero hindi pwedeng hindi magcelebrate lalo na’t tumitigas na ulit ang apat na tite! Ilang taon pa namang nanlambot.” Merrie grinned at me while pouring me a drink.

“Pakainin muna natin bago mag-inuman, Merrie,” sita ni Arcena at sa halip na ako ang tatanggap ng baso, siya pa ang kumuha.

“Magagalit si misis…” kantyaw ni Aries.

“Kumain ka na muna, Veniel! Baka itapon kami ni Arcena palabas pag pinainom ka namin!” asar ni Merrie.

Nakanguso kong tiningnan si Arcena. Kahit ako, tubig lang ang iinumin ko kung ipagbabawal niya eh.

“Busog naman ako pero kumain na muna tayo,” anyaya ko.

Medyo nalalasahan ko pa rin ang mint flavor ng mouthwash sa bibig ko kaya wala pa sanang gana kumain ulit. Hindi na rin kasi ako kumain sa plane dahil busog na sa bahay. Ngayon, gusto ko na lang ding tikman ang hinanda nilang pagkain bilang respeto.

We squatted around the table and decided to eat. Nasa gilid ako ni Arcena, sa harap namin ang dalawa. Nagkukwentuhan kami ng kung ano-ano, hanggang nagkayayaan ding mag-inuman. Pinatay pa ni Arcena ang isang ilaw para medyo dim ang parte ng sala.

“Regalo,” Aries handed me a paper bag.

“Salamat, bro…” sabi ko at tinanggap ang bigay niya.

“Sa amin ’yang dalawa ni nerd, ah?” tango sa akin ni Merrie.

I chuckled and nodded. Si Arcena naman ang tiningnan ni Merrie.

“Eh ikaw? Anong gift mo?”

Si Arcena na papainom na sana ng tubig, nabilaukan. I concernedly caressed his back. Mas lalong lumawak ang ngisi ni Merrie sa akin.

“Sabi ko sa’yo yayaman ako sa pustahan natin eh…” she whispered to Aries.

Naalala ko tuloy ang sinabi niyang gift niya sa akin kahapon. I’m not sure if he’s serious. Pero hindi ko rin pwedeng sabihin na hindi dahil iba pa naman ’to.

Uminom na rin ako pero kaunti lang. Ayoko malasing. Hindi naman ako mabilis tamaan sa pero iba pa rin pag sumobra.

“Ang layo na natin, ’no? Noong unang inuman natin sa condo ni Veniel, San Mig lang ’yon eh! Puro kasi tayo minor. Ngayon nakakainom na tayong apat ng mga hard drinks…” nangingiting puna ni Merrie.

“Dinamay mo pa kaming tatlo. Palainom ka na noon pa man. Gin pa ang tinitira mo sa likod ng school,” ani Aries kaya natawa kami.

Pero tama si Merrie. Next year, ga-graduate na kami. Nag-iisip na nga ako ng sarili kong business. Ayoko ring umasa sa mga magulang ko lalo na’t kung sakali mang tinanggalan nila ako ng pamana, kaya kong buhayin ang sarili ko at…

I looked at Arcena who’s slowly sipping his shot.

“Anong plano mo pag naka-graduate ka na?” tanong ko.

Kalmado niyang ibinaba ang baso. “S’yempre gagamitin ang program ko. Maging flight attendant. Para mai-tour ko si Papa sa iba’t ibang bansa…”

I nodded slowly while smiling. Pwede naman na hintayin ko siya at abala rin ako sa sarili kong pinagkakakitaan ng pera. Isa pa, hindi ako mag-aalala dahil nandiyan naman siguro si Merrie…

Ngayon na naalala ko ang kurso ni Merrie, hindi ko maiwasang tingnan ang mga tattoo niya.

“Tourism ka rin ’di ba, Merrie?” I asked.

“Oo. Si nerd din. Related sa aviation ang kurso nito.” Inakbayan niya si Aries. “Ewan ko lang kung pagka-graduate niya, mag-eenroll ulit siya sa isang flying school para maging piloto. Puro na lang aral…”

Tumango ako dahil pwede naman. Ayan din…ayan din sana ang plano ko eh kaya ’yong kurso ko, medyo related din sa aviation. Para kung sakaling gusto talagang mag-aral bilang piloto, medyo madali na lang mag-enroll ulit dahil may bachelor’s degree na.

Malay natin, may piloto palang lumalandi sa kanya habang nagtatrabaho siya. Kung sakaling ganoon, hindi ako mayayabangan dahil kukuha rin ako ng lisensya.

Pero kung hindi ko man ma-pursue ang pagiging piloto, at least magamit ko ang kurso ko at…mapanatili pa rin siyang ligtas sa mga sinasakyan niyang eroplano. I’ll make sure he’s riding the safest plane because his Engineer boyfriend is in charge of ensuring the aircraft’s safety.

“Hindi ba strict ang school mo sa tattoo?” tanong ko nang tingnan ko ulit ang kamay ni Merrie.

Arcena sipped on his drink again. Tiningnan ko iyon saglit. He wiped off his lips using the back of his hand and looked at me innocently.

“Kahit strict, makakalusot pa rin ’yan sa Airlines,” makahulugang sabi ni Aries kaya tiningnan ko ulit si Merrie.

“Gano’n talaga pag outsiders, hindi ka hihigpitan.” Merrie smirked at me.

Kumunot pa ang noo ko hanggang sa may naalala sa kwento ni Aries. Nakuha nga lang ni Arcena ang atensyon ko nang sumimsim ulit siya ng alak.

Nakakatatlong shot na siya. Hindi pa naman mukhang lasing pero ayoko siyang mag lasing dahil…magkukwentuhan pa kami ulit mamaya. Nang kami-kami lang.

“Pero…wag mo na kaming iwan ha?” ngiti ni Merrie, rumahan ng kaunti.

“Hindi na ’yan. Baka kahit itaboy pa ’yan ni Arcena, hindi ’yan aalis. Masyado nang tumatapang…” ani Aries, seryoso ang titig sa akin.

“Arcena, papayag ka no’n?! Iiwanan niya tayo ulit?!” si Merrie.

“Bahala siya. Kung aalis siya, wala na siyang babalikan,” aniya at umirap pa sa akin.

I chuckled and pinched the side of his waist. Napaigtad siya at natatawang hinuli ang kamay ko. Sassy brat.

Mga bandang alas tres, nagpasya ring umuwi ang dalawa. Naantala pa saglit nang maalala ko na may pasalubong ako sa kanila. Tinulungan ako ni Arcena na ilagay iyon sa paperbag para madala nila.

Tumayo na kami para ihatid ang dalawa sa pinto. I tapped Aries’ shoulder.

“Bagalan mo lang ang pagmamaneho, bro,” I reminded him.

He nodded at me. Si Merrie, ngumisi pa sa amin habang lumalabas na sila sa unit ni Arcena.

“Matulog kayo nang maaga, ah!” banta niya habang sinisilip sila ni Arcena, unti unti nang sinasaraduhan ng pinto.

“Mag-ingat kayo pauwi,” Arcena said cheerfully.

When he completely closed the door and turned to me, I crouched a bit to brush my lips on his. Kanina ko pa siya gustong halikan at ubos na ang pasensya ko.

“Hindi ka pa ba magpapahinga?” namamaos niyang tanong.

I tilted my head and drunkenly looked at him as I stroked my lips on his again.

“Pauuwiin mo ulit ako mamaya. Susulitin ko na…” I chuckled and lifted his chin to kiss him properly.

Gumanti siya ng halik sa akin. I was kissing him indulgently, like I wanted to taste every corner of his mouth. Marahan ang halikan namin, tahimik, at hindi nagmamadali katulad noong una.

“Kung gusto mong sulitin…isagad mo.” I felt his hand against my nape to deepen the kiss.

Humawak ako sa gilid ng baywang niya, may ngiti sa labi habang tuloy tuloy ko siyang hinahalikan. Palaban din talaga.

He welcomed my tongue when I delved mine in, and he tilted his head to the other side to deepen the kiss even more. Ang kamay niyang nasa batok ko, unti-unting umakyat sa buhok ko.

Nang tumagal ang halikan, tumigil siya para habulin ang hininga at namumungay akong tiningnan. He wiped my lower lip using his thumb and slowly sucked it. He even smiled lewdly at me while licking his thumb.

Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya at humalakhak.

“Sarap na sarap ka ba sa boyfriend mo?” tanong ko at pinanggigilang pisilin ang gilid ng baywang niya. 

Humalakhak siya. I kissed him again before he could answer it and deepened this time. Ramdam ko ang gigil ng hawak niya sa buhok ko, habang dalawang kamay ko na ang nakahawak sa baywang niya.

My hand glided down to his butt and I squeezed them to add more pleasure. Itinulak ko lalo ang katawan niya sa akin para dumiin siya, at ang katawan niya, kusang umaalon para mas maramdaman ako.

I carried both of his legs until he wrapped them around my hips to feel him even more. Hindi ko na mahila ang sariling wala na yata sa wisyo. Sigurado akong hindi ako lasing, pero parang may nasusunog sa loob ng katawan ko kaya nagliliyab ako sa init.

I pinned him to the wall and kissed him hard. Dalawang kamay na ang nakayapos sa leeg ko habang dumidiin lalo ang katawan ko sa kanya. I could even hear our heavy breaths mingling with the sound of our kisses.

Marahan siyang napaungol nang dumiin ang gitna ko sa kanya. Kinilabutan ako, mas lalong nang-init ang katawan, at bumaba ang halik sa leeg niya nang mariin siyang pumikit at tumingala.

“Tinitigasan ka…” he pointed out dizzily.

“Shhh…” I whispered to his neck before I lapped its skin and sucked it.

“Idiin mo lalo para mas maramdaman ko kung gaano ’yan kalaki,” he begged.

Fuck! Damn it!

I suddenly felt pressured. Wala akong dapat patunayan sa kanya, pero pakiramdam ko, kung hindi siya nasarapan ngayong gabi, iinsultuhin niya ako sa pagiging babaero ko.

“Sa kama, Slade…. Ang hirap gumalaw,” he moaned.

Sumunod agad ako at nilakad ang distansya ng kama kahit ayokong malayo sa kanya. Nang ibinaba ko siya, tuloy-tuloy pa rin ang halikan namin dahil hindi niya pinakawalan ang batok ko.

He unzipped my pants and pushed them down. Isang tulak niya lang sa dibdib ko, nanghihina na akong umupo sa gilid ng kama. I was like a submissive boyfriend waiting to be dominate while watching his movements.

Kaya nang siya sa bawat kabila ko at umupo sa kandungan ko, nagpaubaya agad ang katawan ko sa gusto niyang gawin. I kissed him torridly while he started grinding on my bulge. I held both of his hips to still him and started rocking my hips so I could dry-fuck him.

His eyes were laced with lust. Even his gaze was so sensual that staring at him would already make me cum in my pants.

Hindi naging sagabal ang suot niyang nipis na shorts at ang boxers ko dahil ramdam na ramdam namin ang isa’t isa. Wala na rin ako sa tamang pag-iisip, at kahit ang mga baka o baboy na pinapasayaw ko, hindi na naagapan ang init.

Iginiya niya ang isa kong kamay para sa leeg niya humawak. His hands wrapped around my wrist, and he reclined his body as well while grinding fast for a better angle.

He looked down and looked at my bulge, meeting his movement while my other hand was wrapped around his waist for support.

“Ibabaon at isasagad mo ba ’yan sa’kin?” he asked and sucked my thumb near his chin.

My lips parted.

“Gusto mo ba?” tanong ko sa namamaos na boses.

“Oo naman. Ang sarap siguro niyan sa loob ko. Titirik ang mga mata ko, mababali ang likod ko, at mapapasigaw ako sa sarap…”

Kinilabutan ako lalo. He was deliriously saying it while grinding on it intensely, and I was too triggered to hear it that I wanted to just slam it in.

Fuck!

I flipped our position. I was still drunk from his grinding when I stood up straight. Umayos siya ng upo sa kama, nakasandal sa headboard at tinitigan ako.

He looked so thirsty—so greedy—that his eyes kept on fucking me.

I looked at him and pulled my t-shirt from the back. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko.

“Ito rin ba?” I pulled down my boxers.

His eyes watched it carefully and I saw him swallowed hard.

“Ang…laki,” he croaked.

Gumapang ako papunta sa kanya. Before I could even crouch to kiss him again, his foot landed on my chest to stop me.

“Sinabi ko sa’yo, panonoorin mo ako,” he commanded.

I licked my lower lip. “Hindi ko kayang manood lang…”

Umangat ang kilay niya at bumaba ang paa niya sa dibdib ko. Tiningnan ko ang malinis na paa niya. His nails were properly trimmed and his foot was lightly red. I can’t believe even his foot looked so pretty.

“Ganyan ba ako ka-sarap kaya atat kang tirahin ako?” Angat ng kilay niya.

What the fuck? Yes I want to fuck him but it sounded so wrong! Then I’ll watch if he wants me to watch! I won’t rush!

“Fine, I’ll watch,” I surrendered weakly.

He playfully smiled when he noticed he tamed me. I straightened while kneeling on the bed waiting for his orders. He pressed his big toe on my nipple tauntingly. My eyes squinted a bit while smiling at him. Fuck.

His big toe played with my nipple. Bumaba ang tingin ko roon, gusto siyang pigilan dahil pakiramdam ko, hindi ko matatagalan ang ginagawa niya sa katawan ko.

I am twitching and my body is reacting from his touch.

“Parusa yata ’to,” I uttered weakly.

But when I saw him bite the tip of his pointing finger thirstily, I stopped myself. I like the sight. Gustong gusto ko na sarap na sarap siyang tingnan ako.

His foot slowly glided down, tracing the crack of my stomach down to my abdomen. I grunted when his toe caressed the tip of my shaft.

“Inapi api mo pa ’yan noon…” I mumbled breathlessly.

“Kaya ba lumaki siya kasi ayaw niya nang maliitin ulit?” he asked playfully.

I watched his big toe caress the tip glistening with precum.

“Pink…”

I shut my eyes. Damn it. Why does he need to point it out?

Dumilat nga lang ako nang maramdaman ang haplos ng paa niya. I licked my lips and watched him trace my length using the tip of his big toe teasingly.

Hinila niya ang dulo ng damit niya hanggang mahubad ’yon sa kanya. When he also removed his shorts, including his underwear, my throat ran dry.

Mas namangha ako sa hubog ng katawan niya. He has pink nipples, a small waist, and…he has a cute dick. Gusto kong matawa sa bagay na iyon but I like the sight of it.

“Cute,” I chuckled.

“Sshh! Manonood ka lang,” giit niya at muling bumalik sa pwesto.

“I wanna suck your boobs too…” I pleaded.

“Ito?” He touched his nipples and pinched them.

“Baby…” I called weakly.

His foot caressed my length again. I put my hands at the back of my head to restrain myself, and shut my eyes.

“Slade,” he called softly.

Nanghihina akong dumilat. He shoved two of his fingers to his mouth, licked it, and opened his legs wide. My lips parted when he inserted it.

“What the fuck…” I grunted breathlessly.

Hindi ko kayang manood lang. My dick twitched as he watched me intently, his legs wide open while playing with himself and his other hand was pinching his nipple.

Sarap na sarap siya sa ginagawa niya dahil halos nawawalan siya ng ulirat pero sinisigurado niyang nakatitig pa rin ang namumungay niyang mga mata sa akin.

I wanted to touch myself, but I know one stroke and I’ll fucking cum. Namimilipit na ako sa sarap at kaunting hagod ko lang, alam kong lalabasan na agad ako.

“Baby…” I called again, almost a cry.

He opened his drawer and pulled out something. I grunted more out of jealousy. It’s a fucking toy and a gel!

“Arcena!”

Pakiramdam ko, hinanda niya na talaga iyon. It was a small piece, a pink egg-shaped—an anal stimulator for sure!

“Ipapasok mo ’yan sa loob mo? Baka hindi mo na ’yan matanggal,” I protested, but deep down, it’s my jealousy talking.

“Mahihila ’to palabas,” he said and squeezed a gel on it.

Sure, there’s a string, pero ang inaalala ko, paano kung maputol ’yan sa loob niya? Sa inaasta niya, halatang hindi ito ang unang beses na gumagamit siya dahil alam niya ang gagawin.

“Use my fingers!” I volunteered and even showed my useless fingers in his eyes.

I am so fucking jealous! Birthday ko pero parang parusa ang nararamdaman ko, sa halip na sumaya.

I attempted to crouch again, but he only stopped me using his foot. Titig na titig siya sa akin nang unti-unti niya iyong ipinasok habang nalalaglag ang panga ko at kinikilabutan ako.

His back arched and his toes curled while the toy was buzzing inside him, and I felt like I was going to lose my shit.

Tang ina, para akong walang kwenta sa harapan niya.

Nanghihina siyang tumingin sa akin. He pinched both of his nipples while his sleepy eyes were looking at me thirstily.

“Slade…” he moaned.

“Yes, baby? You need me?” halos mangatal pa ang boses ko sa pananabik at pinaghalong inip.

Idiniin niya ang paa niya sa gitna ko. I rubbed my length against his foot while looking at him helplessly.

Nang pansin kong nagmamakaawa na ang tingin niya, itinulak ko ang isa niyang hita at lumapit nang tuluyan. I cupped his jaw and kissed him hungrily. He whimpered against my mouth like tasting me added to the pleasure he was feeling.

Ang mga kamay niyang nasa dibdib niya, parang magnet na yumapos sa leeg ko.

“Mga daliri ko naman…” bulong ko sa labi niya.

I kissed him deeply first before I shoved two of my fingers into his mouth.

He swirled his tongue on it and I pulled it out. Kinikilabutan ako sa kanya. I know he’s wild, but to experience it felt like he was a starved animal waiting for me to satisfy him.

“Kaya kong higitan ang kayang gawin ng mga laruan mo,” I shoved two of my fingers inside him.

His back arched and his eyes rolled back. Mahigpit siyang humawak sa balikat ko at kahit ang kuko niya, bumabaon na sa balat ko.

He started grinding on it, biting his lips while looking down.

“Kaya mo rin bang bilisan?” he asked dizzily, a wicked smile was evident on his lips.

Binilisan ko ang galaw ng daliri ko at itinulak sa dulo ang laruan niya para dumiin lalo. Nanghihina siyang tumingin sa akin.

“Slade…” he cried.

I crouched and covered his nipple with my hot mouth. His hands gripped my hair, and he looked down to watch me. I looked up and stuck my tongue out. When my tongue flicked fast over his aroused nipple, he gasped loudly.

Fuck. Ang ingay ingay niya.

I sucked his other nipple, swirled my tongue, and scraped my teeth on it. He started grinding my fingers intensely—he was riding it like his life depended on it.

Tingin niya magpapatalo ako sa mga laruan niya? I’ll make sure they’re all useless when he’s with me!

I molded his flat boob, pressed my thumb on his nipple, and squeezed it while my mouth was sucking and swirling my tongue on it.

He was moaning loudly from the intense nipple play and my fingers adding pleasure to the vibrator inside him. Kinagat ko ang dibdib niya bago ko iniwan at nakita agad ang marka ng mga ngipin ko roon.

“Slade…” Dinungaw niya ako, nagsusumamo ang tingin—nagmamakaawa.

“Sige pa?” Hinila ko ang mga hita niya papalapit sa akin.

Umangat ang kalahati ng katawan niya. He looked so entertained the way I handled him. Nagniningning ang mga mata niya sa tuwa.

“I wanna lick you here too…” I looked at his pretty pinkish hole and placed his legs on my shoulders.

His pinkish hole looked so pretty. I can also smell his sweet shower gel. Mukhang handang handa siya, ah?

“Kaya mo?” natatawa niyang tanong.

Sa halip na sagutin siya, ibinaon ko ang mukha ko sa gitna niya. He thinks I didn’t watch tutorials on how to rim properly? I studied it hard to pleasure him like I am the only man who could satiate his thirst.

Chapter 31

Warning: R-18

Skincare

It was already wet when I lapped it, and the sweet smell was adding to the pleasure. Sure, it was my first time, pero hindi ako makapaniwalang titigasan ako lalo nang matikman iyon.

I licked it and inserted two of my fingers to prepare his hole for the entrance of my hard tongue.

His back arched, and he whimpered when I inserted my tongue. Kahit ang kamay niya, humawak na sa ulo ko para doon kumapit.

What the fuck? Why is this so stimulating and addicting? Parang nagwawala ang kalamnan ko sa sarap ng nararamdaman. The taste felt like a marshmallow slowly melting in my mouth until fireworks started exploding in my mind.

When I watched it on porn, I only thought maybe the one who was eating was only acting out to convince the viewer that he was into it. But to taste it myself, I think I won’t even be contented if I only do it shortly.

When my tongue flicked inside, his whimper turned into a scandalous cry. Even his body started rocking, meeting my movements.

“Ang sarap mo kumain!” he cried lewdly.

Dinungaw ko siya sa ibaba. His glassy eyes looked so helpless and almost pleading.

“Slade!”

Kasabay ng tawag na ’yon ay ang pag-arko lalo ng likod niya at ang mga hita niyang nanginginig sa balikat ko. Kailangan ko pang higpitan ang pagkakahawak para hindi siya makatakas.

His hand on my hair left, and he pinched his nipples crazily. His lips were parted wide, and his eyes were shut like he was already in his own world trying to battle a life-and-death situation.

“Bakit mo ako binabaliw nang ganito?!” he asked himself with a cry.

His hips were grinding against my face like he couldn’t control himself anymore. Umangat na ang kalahati ng katawan niya nang panggigilan ko siya.

I was so turned-on, so hard, so horny. His insides felt so soft that I wanted to last an hour so I could enjoy it more.

“Humiga ka! Ang hirap mong sakyan,” he pleaded.

I didn’t hesitate and laid down my head on the bed; my knees are bent so he could rest his back against my legs. Siya naman ngayon ang nakaupo sa mukha ko—sa labi ko mismo. His folded legs were spread wide apart when he reclined his body, and he rides my tongue.

Pinanood ko siyang pinaglaruan ang mga dibdib niya. Mariin siyang nakatingala at sunod sunod ang daing niya. His loud whimpers turned wilder when I held both of his waists and I flicked my tongue fast.

Napapikit ako nang may sumabog sa kanya. He squirted! The liquid got into my face, but I didn’t stop eating him.

“Ah!” he cried helplessly.

Halos itulak niya na ang mukha ko pero mas diniin ko ang katawan niya sa akin. I firmly held his waist until he screamed violently.

Fuck. Ako ang kinakabahan sa ingay niya. He sounded like he’s in a murder crime!

My eyes squinted again when another white liquid spurted out. Nanginginig na ang buong katawan niya at sunod sunod ang talsik. He rolled to the bed and lay there weakly on his stomach, battling to breathe.

His butt was red. I wanted to bury my face there again and fuck his hole with my tongue, but I wanted another thing to thrust. I want something long and hard. I want to shove it deeply, to wreck his insides and fill it with…

Fuck, ang lala ng libog na nararamdaman ko.

“Kaya mo pa ba?” tanong ko.

He nodded. Humalakhak ako at hinagod ng haplos ang likod niya.

“Where’s the condom?” namamaos kong tanong.

Nang marinig niya ’yon, mariin siyang napapikit at nabasa ang labi niya.

“Ang laki ng tite mo. ’Yong condoms na binili ko, hindi kasya sa’yo.”

I chuckled.

“Kanino mo ba binase? Sa mga ex mo?” panunuya ko.

He frowned at me. Tumayo ako at naalalang nilagay ko sa sofa ang duffel bag ko. I only took it in my room in case… I needed it. Hindi naman sa iniisip ko na baka pagpunta ko rito may mangyari nga, pero siguro umaayon lang talaga dahil birthday ko?

I stood up to get my box of condoms. Binalikan ko siya sa kama na hinahabol pa rin ang hininga. Nahuli ko pang titig na titig sa akin lalo na’t nakatayo pa rin iyon—tigas na tigas.

When he saw the box of condoms in my hand, he pulled himself up and he crawled to the edge of the bed—toward me. He’s suddenly energetic. Nagniningning na naman ang mga mata niya.

“May nagsabi sa akin na nakakakinis daw ng mukha ang tamod. Isampal mo kaya muna sa mukha ko ang tite mo?”

I shut my eyes and barked with laughter. Saan niya ba pinagpupulot ang mga ’yan?

“Is that dermatology proven?” I asked.

Kasi kung oo, ilalabas ko lahat sa mukha niya.

“Baka pag nagka-pimples ka, tite ko na naman ang sisihin mo,” I mumbled while smiling.

“Mamaya, pag lalabasan ka na, pasabugin mo sa mukha ko,” aniya.

At tinuruan pa ako?!

“Wear it on now…” I stroked his hair.

Titig na titig ako sa ginagawa niya. His eyes were glistening while looking at my shaft and he’s opening the condom for me. He looked so entertained and happy. Kulang na lang, kausapin niya dahil nangingiti siyang nakikipagtitigan.

“Nagkita na rin tayo…” he said while putting it on. “Ang laki-laki mo na. Sorry kung inapi-api kita noon. Kaya ba tinitigasan ka kasi galit ka pa rin sa akin?”

Gusto kong matawa roon pero nag-aagaw rin ang sabik sa akin.

“Higa na… Saka lang daw patatawarin kung bumaon na siya sa’yo.” I said while smiling.

But instead of lying down like a princess, he bent both legs, placed his feet on the bed, and slowly opened his legs. With his elbow resting on the bed for balance of his reclined body, his other hand stretched his hole open using his fingers.

“Ipasok mo na,” he ordered.

My lips parted and I immediately directed the tip to position my entrance.

“Ang yabang, ah? Kaya mo ba ’to?”

“Kahit isagad mo ’yan, kaya ko—Ah!”

I rammed it in, and we both whimpered. My body immediately reacted to the heightened pleasure. Parang may kuryenteng dumaan sa buong katawan ko.

I filled him to the brim in just one thrust, and he already squirted! Fuck.

“Punong puno ako,” he mumbled with satisfaction.

“Masakit? Should I pull out?” tanong ko nang makitang halos nag-aagaw ang sakit sa mukha niya.

Umiling siya at humawak sa batok ko.

“Gusto ko. Masarap. Ipagpatuloy mo.”

Dinaganan ko siya. I wrapped my arm around his waist for support and made another slam. My eyes squinted and I growled in satisfaction. Fuck. Ang basa at ang init ng loob niya—halos sakalin na ang akin.

I thrust harder; he squirted on it again. I picked up my pace and moved continuously, and his squirt was like a mini fountain, splashing in each thrust.

I bit his shoulder. He grunted and moaned.

“Sarap na sarap ka sa’kin,” I whispered as I watched the tip of his dick reacting to my thrusts.

“Para akong mamamatay sa sobrang sarap,” he said deliriously.

He tilted his head and captured my lips. He kissed me hungrily, his hand gripping my hair like his life depended on it.

I pounded him fast. He stopped kissing me and moaned against my mouth. I licked his lower lip.

“Wala kang mahahanap na ibang makakatapat sa akin. Sisiguraduhin ko,” bulong ko.

He laughed in the middle of it and rolled his eyes with a smirk on his lips, and cum squirted together with a watery liquid.

“Pantasya ko ’yan. Gusto kong…binabaliw mo ako sa’yo.”

I shifted his position this time. Ang lawak ng ngisi niya nang matanaw ko siya sa harap ng salamin. I clung both of his legs to my forearm, and I sat on the edge of the bed as I entered him again.

“Ah… sumagad lalo…” he cried in satisfaction.

His hand clung to my nape, and his head rested on my shoulder as I opened his legs wider for a better view in front of the mirror.

He looked at himself in his hazy eyes, then his gaze traveled down to see what was buried deep within him.

“Ang landi ko,” he commented.

“Sa akin. Sa akin lang…”

“Sa akin lang din ba tumitigas ang tite mo?” he whispered flirtatiously.

I pushed his small back until he bent forward. I held the sides of his waist, reclined my body a bit, and started pounding.

Humawak siya sa dulo ng kama, nakatuko ang mga siko roon habang diin na diin ang pwetan niya sa akin. Tumingin siya sa akin, naiiyak, pero naghahalo ang sarap sa mukha.

He bit the tip of his pointing finger and looked at me lustfully. Fuck. He’s such a tease!

His ass was responding to my movement. He’s grinding on it as well. His back was so arched, and his other hand was pinching his nipple, his head still glancing at me, and he was still biting the tip of his finger.

“Ang sarap mo, Slade.”

My brows furrowed and my lips parted. I moaned weakly.

“Sobrang sarap mo. Gusto kitang dilaan, kainin, tikman. Ang sarap sarap mo…” he moaned crazily.

I grunted and pounded hard.

“Sobrang sarap! Naiiyak ako!” He cried.

He was still looking at me, eye-fucking me, and this time, he was now sucking his thumb, and his other hand was now gripping his shaft.

“Huwag kang tumigil. Diyan ka lang sa loob ko. Gumalaw ka lang lagi. Ibaon mo lang… Isagad mo…”

I bit my lower lip. Fuck. He’s crazy.

“Yes, Ma’am…” I said hoarsely with a smirk.

His eyes rolled back in pure pleasure. He bust another load, but it’s my least concern.

Humarap siya sa akin, ngayon, nakaluhod na sa gitna ko at inatake agad ang labi ko. His fingers run through my hair as he bites my lips like he wants to crush them.

I moaned out of pain and pleasure. I rocked him while he was kissing me wildly. Hindi na mapirmi ang mga kamay niya. Kanina, ang isa, nasa buhok ko at sinasabunutan ako. Ngayon, bumaba na sa dibdib ko. Both of his thumbs played with my aroused nipple, gigil naman ang labi niyang sipsipin ang akin.

He was now rocking himself as well. He’s riding me fast. He’s the one who’s now fucking my dick mercilessly.

“Bambi, slow down…” I pleaded weakly, and my hand cupped his butt.

It’s too much. Parang papatayin niya na rin yata ako sa sarap. Kinikilabutan na ako, pakiramdam ko, buong katawan ko na ang sasabog.

He licked my jaw and scraped his teeth, and then he sucked my neck while I could feel his fingers digging into my back.

Tang ina, malala na ang isang ’to. Nababaliw na nga talaga sa akin kaya gusto rin akong baliwin!

I moved fast to dominate him. My eyes squinted when he spluttered out another liquid. Tumalsik iyon sa tiyan ko, kahit sa kanya, pero hindi ako tumigil gumalaw.

He played with his nipples while I shoved two of my fingers into his mouth. He stared at me hazily—eye-fucking me.

Binilisan ko lalo. I added more pleasure to prolong and extend his climax. Another watery liquid joined; he’s squirting in the middle of his climax.

“Slade!” he cried and shut his eyes, pinching his nipples while his body was convulsing because of his earth-shattering spasm.

“Fuck. Fuck. Fuck!” I cursed breathily when I couldn’t handle the sexy, wild, and hot sight of him.

My eyes rolled back in pleasure, and my lips parted deliciously.

His eyes widened. He grunted and cried harder. He probably felt I got bigger. Fuck.

“No more boys,” I declared possessively.

Umiling siya. “Wala… Tite mo lang ang masarap. Sa’yo lang. Ikaw lang. Wala nang iba, Slade.”

There were small tears in his eyes. He was fucking crying out of too much pleasure!

“Pinakamasarap…pinakaguwapo… pinakamabango…” he chanted delirously.

I pulled out when I felt I was about to bust a full load, pulled off the condom, and he immediately dragged his face toward it.

Nanginginig ang kalamnan ko at napapaungol ako sa bawat talsik na lumalabas. It was so long and satisfying that I feel like I could survive without fucking for a year after this.

Sa huli, iyon na bigla ang pinagkaabalahan niya, ang mukha niya. He was spreading it all over his face like skincare!

Inabot kami ng 5AM sa pinaggagawa namin. Nakatatlong rounds din kami. As much as we want more, we both decided to sleep.

Mahimbing ang naging tulog ko. Pinalitan din namin kagabi ang bedsheet niya dahil basang basa.

Nagising lang ako sa biglaang pagyugyog niya sa akin. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, nagtataka.

“Tumayo ka na. Bilis!” he panicked and pulled me up.

Nahirapan pa siyang hilain ako paupo dahil sa bigat ko. Wala sa sarili lang akong bumangon dahil hindi ko rin alam kung anong meron.

I yawned sleepily and looked at the clock. 9:35AM.

“Magtago ka muna sa banyo ko, Slade! Nandito si Asher! Nandito ang kapatid ko!”

I was half awake when I only heard the name Asher. Iyon lang ang rumehistro sa isip ko. Nandito si Asher?

Parang may nangyaring bayanihan sa isip ko at tulong-tulong ang mga ugat para ipagdugtong dugtong ang memorya ko sa pangalan niya.

Hindi kaya…may relasyon sila? O pwede ring naglalandian?

Nakatayo na, hinila niya ako patungong banyo. He even struggled to walk. Nag-alala pa ako pero nawala siya ulit sa harapan ko, at noong bumalik, may hawak nang hoodie at susi.

“Gamitin mo ang kotse ko. Paglabas namin, bumaba ka agad. Tapos i-text mo ako pag nakauwi ka na,” mahinang utos niya, tinitingnan ako sa mga mata pero agad na lumilingon palabas.

My brows were knitted confusingly when he tiptoed for a kiss, and I unconsciously crouched a bit to kiss him back.

Uuwi ako dahil nandiyan si Asher?

“Boyfrien—”

“Shh!” He put his pointing finger on my lips to shut me up.

I shut my lips with a furrowed brow. Sumenyas siyang lalabas na at nagmamadali dahil sa sunod-sunod na doorbell.

He closed the door, and I was left in the bathroom with my furrowed brows. Nanahimik ako kahit lito pa rin. Naririnig ko sila sa labas nang pagbuksan niya ng pinto.

“Ba’t ang tagal mong buksan?” I heard a cold baritone voice coming from a man.

Napansin ko ang sarili sa salamin. Magulo pa ang buhok at may mga kalmot sa dibdib. My lips looked so red, too. Halatang pinanggigilan niya kagabi.

When the door fully closed, I slowly opened the door to check. Wala nang tao. Isinuot ko ang binigay niyang hoodie at naghilamos sa sink.

Wala ako sa sarili noong bumababa ako. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman. Gusto ko lang gawin ang sinabi niya at ayokong magkamali.

“Uy, sir pogi na boyfriend ni ganda! Inumaga ka na, ah?” nangingiting puna ng babaeng guard nang lumapit ako para sa check-out.

I chuckled a little. “Napasarap ang tulog…”

Medyo kumalma ako na ako ang pinagkakamalang boyfriend. Ibig sabihin wala silang relasyon ni Asher dahil imposible namang aasarin ako ng ganito ng guard kung boyfriend niya pala si Asher?

Tiningnan ko ang log in book para tingnan kung nandoon ba ang pangalan niya.

Asher Rollins.

Napatitig ako roon ng kaunti at isinulat ang Slade Veniel sa ilalim ng pangalan niya. For some reason, it felt heavy.

“Si Asher…” I tried to stay composed and acted like I knew him. “Madalas ba rito?”

Ang atensyon niyang hinahanap ang ID ko sa drawer, nalilingat pa sa akin at napapangiti.

“Ah… oo. Madalas ’yong puntahan si ganda. Minsan gabi. Tapos inuumaga rin.”

Parang piniga ang kalamnan ko. Ang pagsusulat ng oras ng check out, hindi ko pa matandaan kahit nakatitig na sa suot kong relo.

I shouldn’t act like an obsessed boyfriend. Hindi pa nga boyfriend dahil ako lang naman ang nagpupumilit no’n. Kaya siguro gusto niya na low-key kasi…baka makaabot do’n kay Asher na…lalaki niya rin?

Edi para saan lahat ng mga ungol niya sa akin kagabi? Inuto lang ako dahil sarap na sarap siya sa akin?

I cursed while driving. Hindi na mawala-wala sa isip ko. Ayaw ko siyang usisain sa text, paulanan ng sandamakmak na tanong kahit malinaw naman ang sagot na wala kaming label.

I don’t want him to recall the old me during high school. Immature, possessive, and insecure.

At kahit nakauwi na, natulala pa ako saglit. Minabuti lang na magshower nang maalalang may classes ako.

Donato: Hello. Nakauwi ka na?

Reading his text felt heavy. Baka naman close friend lang? Pero kung close friend, pwede niya naman akong ipakilala, ah? Kaso ramdam ko na takot siya sa kanya—katulad noong mga nakaraang comment na ayaw niyang makarating kay Asher ang mga pinaggagawa niya.

O siguro nga, dala ng nangyari sa huli niyang relasyon, nadala na at mas gusto na lang iyong ganito, ’yong hindi siya nakatali.

Hindi ba’t magpasalamat pa ako na hindi niya ako ginawang kabit?

Mga bandang alas tres na ng hapon noong nagpasya akong mag-reply nang kumalma na. Nasa school na rin at iyon pa rin ang laman ng isip ko.

Me: Hello. Oo, nakauwi naman. Sorry. Kakatapos lang ng class.

I stalked his TikTok during my break time, and his newly uploaded picture welcomed me. Ang gamit na kanta, Boyfriend by Ariana Grande. He used the rap part of the song, and it made me overthink if it was meant for me or if it was meant for someone else.

At parang may itinarak na punyal sa dibdib ko nang may nabasang comment ng ini-stalk ko na kaibigan ni Asher.

“Ron,” tapik ni Con sa balikat ko, niyayaya na akong pumunta sa gym.

I nodded at him and gestured to go first. Kumunot saglit ang noo niya pero nanatili na ang atensyon ko sa phone ko.

“Sumunod ka agad,” si Con.

Hindi na ako nakasagot nang may mabasa ulit sa comment section.

Josh: Lagot ’yan kay Asher hahahahaha

Ano bang gagawin ni Asher kung nalaman niyang ako ang lalaki niya? Bubugbugin niya ako? At bakit? I cursed at him in my mind. Kahit sa sarili kong dialect na kinalakihan, namura ko na rin siya.

I scrolled down to distract myself more.

Kumurap ako nang makita ang high school pictures ko. Someone compiled my achievements in high school. I curiously read the caption.

“High school pa lang, matalino na ’yan si Veniel! Consistent top 2, at bago siya lumipat, naging top 1 siya. Varsity player pa nga siya pero mataas pa rin ang grades niya. Kung hindi man siya academic achiever ngayong college, hindi ibig sabihin no’n na bobo siya at hindi siya bagay kay Arcena!” Ang caption ng posted pictures ko.

I checked some comments, and most of them are either praising me or defending me.

Medyo gumaan ang loob ko na may nagtatanggol sa akin, pero nang nagpatuloy akong magscroll at napadpad sa isang video na mukhang inungkat na ang buhay ko, doon ulit nadagdagan ang mga alalahanin sa isip ko.

“Okay guys, after stumbling into this rumored issue of Bambi and Ronan, I started getting curious about Veniel. Maraming nakakakilala sa kanya bilang varsity, but most of you only know him for being part of Brent’s circle, a green archer varsity, a playboy, and a heartthrob. But let’s dig deeper.

Ronan Slade Veniel is the youngest sibling of Ymmanuel Natasha Veniel and Charmella Josefa Veniel. Ymmanuel Natasha started modeling and runways but went on break and is currently in Los Angeles. His other sister Charmella managed their rancho and she’s also rumored to be dating one of the sons of a wealthiest family who owns a wellknown farm in Bukidnon—their family friend. If you want to dig more, you can search them up since their background is a bit public.

Other than that, he’s the grandchild of Don Felipe Veniel, one of SMC’s stockholders and a well-respected Don in Mindanao. Ronan’s mother, Florana Alcantara, owns a branch of hotel in Davao City and is also married to the Veniel’s only son, Ronan’s father. His mother is somehow related to the rich family in Davao—a distant relative. Their entire family were all involved in fixed marriages, mind you. FIXED MARRIAGE.

Now, here’s the real deal. Bambi has been loud about his struggles and how he pulled himself from humble beginnings to great success. We witnessed him fight for his slot in UP with nothing to offer but his big dreams and smart mind. Naalala ko, tuwang tuwa siya noong makapasa dahil hindi na mabibigatan ang papa niya. Kahit madaling araw, naglalive pa siya noon para magbenta ng kung ano-ano, na madalang niya na ring ginagawa ngayon dahil may brand collaborations na siya.

Bambi may have put himself on top now; frankly, Veniel’s family is out of his league, and they exude old-fashioned family values—even among their relatives. I hope Bambi chooses someone who accepts him for who he is. I know I shouldn’t meddle with his life as a fan, but people like Veniel were only controlled by his family, who are fixated on expanding their wealth and clan. What’s worse, we are not shipping straight people. Bambi is part of the LGBT community, and Veniel is straight. Prove me wrong, but one thing is for sure: Ronan will only kill his light.“

May two hundred likes iyon at sixty comments. Nagbasa ako ng kaunti.

Althea: Sa totoo lang, si Bambi ang kawawa kahit bali-baliktarin. Nakilala ko siya noon sa signature makeup niya na toasty makeup which where he also went viral while endorsing a makeup brand hanggang sa naging fan niya na ako. He’s always been loud. Hindi ko kayang isipin na ang nali-link sa kanya ngayon ay hindi naman parte ng community.

faith: Kaya ayoko talaga silang i-ship. Sana hindi mabulag si Bambi sa mukha niya, o dahil lang sobrang guwapo. Believe me, most of these straight peeps are just curious, and they later on go back to dating women—their true nature. And they will claim they’re bisexual? Nope. Hindi ’yon gano’n ka-bilis. They just want to label their curiosity to save them from attacks or issues of queerbaiting, but once they satisfy themselves, they will leave and use the term “phase” or “reset” which is sick.

Nakita ko na nasa 400 likes ang comment ni Faith. At siya na naman? Worse, her comment is gathering more attention.

Blanco: As part of the community, I agree with Faith. Ang off-putting lang na itong mga kilalang straight na babaero, bigla biglang magco-come out na bisexual? Sa gano’n ka bilis na panahon? Our community is not a trend you can simply join just to satisfy your curiosity. And no, you are not part of our community. You are just a surface-level person who enjoys using us for attention.

Dumagdag ka pa talaga kay Faith, Blanco? Naiirita ako, nasasaktan, naguguluhan, pero ayokong magpaapekto kahit parang bumabaon ang mga sinasabi nila sa isip ko.

Hindi pa nga ako nakakalabas, pinapalayas na agad ako sa komunidad nila dahil lang sa mga nababasa nila sa internet? Ano bang alam nila sa akin bukod diyan sa mga haka-haka nilang pinagpupulot lang din sa kung saan-saan.

Tiningnan ko ang reply doon, at halos debate na.

shutyourmouth: hello, blanco. as someone who’s also part of the community, how dare you? sa’yo pa talaga manggagaling ’yan na parte sana ng community? this is the reason why our community has been labeled as entitled because of people like you with superiority complexes. hindi exclusive ang community natin sa piling mga tao. if coming out wasn’t easy for you, if labeling yourself took you months or even years before you finally distinguished your sexuality, then THAT’S ON YOU AND I ACKNOWLEDGE YOUR STRUGGLE. BUT YOU DON’T HAVE THE RIGHT TO USE YOUR STRUGGLE AS A COMPARISON FOR THOSE WHO EASILY IDENTIFIED THEMSELVES. hindi kailangang maging malalim ang pag-unawa at pagtanggap para kilalaning parte ng community ang isang tao. minsan, kailangan lang ng suporta at respeto galing mismo sa komunidad.

shutyourmouth: and isn’t it ironic that we are calling this other straight who suddenly came out as bisexual a surface-level person when all our lives, our community has to fight for representation of being free to express ourselves? now that we have more allies, we’re suddenly selective?

shutyourmouth: coming out is not easy because we live in a homophobic country, but let’s also acknowledge that we have different environments and processes of gender identity exploration. at walang makakapagsabi kung ano talaga ang sekswalidad ng isang tao, kundi sarili lang nila. hindi ikaw, hindi tayo, kundi sila lang mismo :)

I checked her account, and what shocked me was that she’s the one who posted my achievements during high school.

There was something in her comment that struck me. Naupo din ’yon sa isip ko ng ilang araw kasama ng iba pang mga pinag-iisip ko. May ibang comment, nakakagaan, pero may iba na mapapatulala ka.

At ang malala, isang linggo ko iyong iniisip. They were now making noise in my mind. Nagtetext kami ni Arcena, pero hindi nawawala ang ingay sa isip ko na dinidiinan lalo ng kuryosidad ko kay Asher.

“Ang init mo nga…” hawak ni Shiloh sa leeg ko.

Iritadong inalis ni Brent ang kamay ni Shiloh sa leeg ko at pinitik iyon. Namamaos akong humalakhak nang hampasin din siya ni Shiloh sa braso.

Bumisita agad silang dalawa nang mabalitaang may sinat ako. I’ve been used to Brent making sure I’ll drink meds every time I’m sick. Ngayon, kahit si Shiloh ay kasama niya na.

“I’ll cook broth so your fever will go down. Rest in the meantime. I also called Tyler and told him you’re sick. He will come over to join you here, including the other girls.”

Gagawin pa nilang camping site ang unit ko dahil lang may sakit ako! Hindi ako makakapagpahinga niyan nang maayos dahil maingay ang girls. Si Tyler, dadaganan pa ako niyan dito sa kama ko.

“Ayoko, Brent. Huwag na!” sabi ko pero tuloy-tuloy na ang lakad ni Brent sa sink para yata magluto.

Shiloh pulled my thick comforter to cover my body.

“Sabi ng Mama mo sa amin, nagkakasakit ka raw pag labis kang nagdadamdam. Marami ka bang iniisip?” tanong niya.

Ang tabil talaga ng dila ni Mama.

Lumingon si Brent dito sa amin, nakaangat ang kilay. Umupo pa si Shiloh sa gilid ng kama ko habang binabalatan ang orange na hawak na dala nila para sa akin.

“Mahiya ka naman kay Shiloh. ’Yong mas bata pa sa’yo ang hindi masakitin,” ani Brent.

“Malamang, may tatagos kaya na sakit kay Shiloh kung 24 hours ka ba namang nakabantay? Kahit nga lamok hindi mo pinapalampas,” sabi ko.

Kumalma si Brent at itinuon ang atensyon sa lulutuin niya.

At sinat lang naman kasi ’to. Lumala lang dahil mas dumami ang iniisip ko hanggang sa bumigat na ang katawan ko.

Siguro dahil na rin…sa selos at inggit.

Maybe Asher came from a healthy family? O paano kung walang pamilya kaya mas lalong walang sagabal? Bukod doon, paano kung bisexual din ’yon at walang bahid ng pagiging babaero? Idagdag pa na nabasa kong matalino din daw ’yon. Kilala sa department niya.

“Ah…” Shiloh opened his mouth, coaxing me to open mine too.

Si Brent na may hinihiwa, iritadong tumingin sa amin. I opened my mouth innocently.

“I’ll really choke you to death, Ronan,” banta ni Brent.

Humalakhak ako ulit at kinuha kay Shiloh ang orange para ako na ang bahalang kumain. Baka pag hindi ’yan makahinga, mauna pa ’yang isugod sa ospital kaysa sa akin.

My phone chimed. I curiously looked at it.

Bambi: Hi! Wala akong class mamaya. Pwede mong ihatid ang kotse ko :)

I’ve been using his car for how many days now. Sabi niya, hindi niya raw masyado ginagamit dahil mas mahal pa ang gas at sanay siyang magcommute. Naka-full tank na ngayon ang kotse niya dahil nagpa-gas ako. Hassle din kasi na panay sundo si Tyler sa akin ngayon pang nalilingat na ang atensyon ng isang ’yon.

I typed a reply while Shiloh walked toward Brent to join him in front of the sink. Baka sa unit ko pa maglalandian ang dalawang ’to, ah? Sa harap pa talaga ng may sakit.

Me: Hi! May lagnat ako eh. Baka bukas maidadaan ko :)

He immediately read my message. Mukhang nakaabang pa yata.

Donato: Huh? Uminom ka na ba ng gamot?

Me: Yup hahahaha pinainom ako kanina ni Shiloh.

Kita ko na hindi agad siya nakatype. Ibababa ko na sana nang magreply siya ulit.

Donato: Nandiyan siya? Inaalagaan ka? Hahahaha

I was about to type a reply when Tyler called for a FaceTime. Naalala ko tuloy na April 1 na pala ngayon. Birth month niya na.

“Yo, poor lamb!” Bungad ng pagmumukha niya, naka-shades, at mukhang nasa BMW niya. “What do you like to eat, Ron? I’ll head there later. Dadaanan ko muna si Dad.”

“Si Tyler ba ’yan?” si Brent na lumapit.

Ibinigay ko tuloy ang phone ko para sila na ang mag-usap kung anong dadalhin niyang pagkain. I curled up in my bed and tried to sleep. Pumipintig na naman ang ulo ko.

Ayos sana kung…siya ang nandito at inaalagaan ako. I pressed my lips to the pillow. Nagsisi lang ako dahil nangulila ako bigla sa labi niya.

Hindi ko rin masabi sabi sa kanya na kuryoso ako kay Asher. Baka isipin niya pinag-iinitan ko na naman ang mga sibilyan diyan sa tabi-tabi.

Mga bandang alas onse na si Tyler dumating. Sakto lang din na natapos ni Brent ang niluluto, pinakain lang ako ng dalawa saka na ulit ako pinaubaya ni Brent kay Tyler dahil may class pa sila.

“Bro, seriously. What’s with you? Lagi kang nagkakasakit. Simula noong hindi na tayo roommate, ang dalas mong magkasakit. Maybe you unconsciously missed me?” At ang kapal talaga ng mukha.

Nasa tabi ko na siya, nakahubad ang sapatos at hawak ang controller habang nasa TV ang atensyon. Naglaro pa talaga siya.

Umubo ako ulit at niyakap ang unan. Nahulog ang tingin niya sa akin. He worriedly put his palm on my forehead.

“I-text ko kaya siya? I’ll ask for some remedies for fever.” Wala sa sarili niyang sabi at binitiwan ang controller.

“Hayop ka. Gagawin mo pa talaga akong rason!” Hampas ko sa kanya ng unang niyayakap ko.

Natawa siya at binitiwan ang phone. “Huwag na. Makakadisturbo ako. Umiilap pa naman…”

“Hindi ka na kinakausap?” I chuckled.

He shook his head and picked up the controller again.

“Nagpapakaangas eh. Ayaw pa talagang umamin na nahuhulog…” he chuckled.

Tigasin din talaga itong mga taga-Cavite.

“Hindi pa rin siya umaamin sa lagay na ’yon? Anong tawag niya do’n?”

“A nursing thing?” At kahit ang ngisi ni Tyler, halatang may laman.

“Pero alam na ba ng Dad mo?”

He shrugged. “Not yet. But who cares? My dad’s cool with my shit in life. My mom is open, too.”

“Eh…pamilya ni Kael?”

“They’re also cool.”

Natahimik tuloy ako. Sinong hindi mananahimik kung nilamon ka bigla ng inggit. Kaya rin siguro hindi mabilis maapektuhan si Tyler sa sinasabi ng nakapaligid sa kanya dahil pati pamilya niya, suportado siya. Kung makapal ang mukha ko, nakasemento na ang kanya. Kahit ano yatang sasabihin mo, hindi tatagos sa sobrang kapal.

Nalibang na rin siya sa laro niya. Sinilip niya lang ang mukha ko para siguraduhin kung tulog ba ako o hindi. Nahuli niya lang din akong nakatunganga sa nilalaro niya.

“Bro, sleep. The girls are coming over later. We’ll stay here for the rest of the night.”

Saka namin narinig na may nag-doorbell.

“Speaking of, they’re here…” Saka siya tumayo para pagbuksan ang girls.

Gusto nila akong magpahinga pero sa gulo nila, makakapagpahinga pa kaya ako? But I like the noise of my friends. Para rin distracted ang isip ko.

“Oh shit…” Halos rinig ko ang gulat sa boses ni Tyler.

“Uh… si Slade?” Ang pamilyar na boses ni Arcena.

Halos mapabangon ako sa gulat at talagang gumapang ako sa dulo ng kama para sumilip sa pinto.

Tyler opened the door widely for him.

“He’s inside.”

Arcena stepped in wearing a fitted tank top paired with an off-white oversized cable-knit cardigan and pants. Suot niya pa ang ID niya at hawak ang kanyang beige na bag na nakasabit sa balikat.

Kita ko ang gulat ni Tyler sa mukha. Nilingon niya pa ako at nagtatanong na agad ang mga mata niya.

“Aalis ka na, ’di ba?” I asked Tyler meaningfully.

“Yup! Palabas na rin ako eh. Bro, take care.” Tyler nodded at me pretentiously.

Arcena stepped to the side to give him space. Ngumiti si Tyler sa kanya.

“Umuwi ka na,” giit ko. Makikipagngitian pa talaga.

Nilingon muna ako ni Tyler, lumawak ang ngisi sa akin, bago tuluyang lumabas at isinara ang pinto.

Bumalik agad ako sa pagkakahiga, kumulob sa kama at ikinalma ang sarili. Nandito siya. Fuck!!!

Pinilit kong umubo kahit matigas iyon at sunod-sunod kong ginawa—nakatatlo para talagang dama niyang may sakit ako. Makokonsensya ’yan…

Unti-unti siyang lumapit sa kama ko. Hinubad niya rin ang bag niya at nilagay sa bedside table. He touched my forehead worriedly. Idiniin ko ang mukha sa unan at kunwari ay nanghihina sa sinat ko.

“Akala ko ba si Shiloh ang nag-aalaga sa’yo?” puna niya.

“Umalis na. May class pa. Si Tyler ang pumalit…” At muli akong umubo ng tatlong beses sa dulo.

Hinaplos niya agad ang likod ko. Pumikit ako, gustong pasalamatan na naririnig pa rin pala ang mga munting hiling ko. Nagsumbong siguro ’yong anghel ko sa itaas dahil ang miserable ko na naman.

“Kumain ka na ba? May pagkain ka ba? O pinakain ka na ni Shiloh?” tanong niya.

Pinakain ako ni Brent. Kung si Shiloh ang nagpakain sa akin, baka nauna pang isubo ni Brent sa bibig ko ang kamao niya.

I shook my head. “Wala akong gana…”

Tumingin siya sa kitchen area. “May pagkain ka ba?”

“Meron naman…”

Umikot siya at pumunta na sa harap ng sink. Tanaw ko lang siya dahil malapit lang naman sa kama ko ang kitchen area. Noong lumipat ako sa isa sa room ni Tyler, single room na rin ang kinuha ko dahil wala nang roommate.

I have a small space enough for me. Sa harap ng kama ay ang TV ko. Sa gilid ay may isa pang pwedeng higaan sa tapat ng bintana. May kaonti ring space para sa sala kung nasaan din ang round table ko na may dalawang upuan.

Tapos si Tyler, sinisingil ako ng 15k buwan-buwan.

Binuksan niya ang drawer at kumuha ng bowl. Kita ko na nilagyan niya iyon ng ilang pirasong baka, petchay, at sabaw.

Lumapit ulit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hawak niya ang bowl at hinipan muna ang baka na may kaonting sabaw bago isinubo sa akin.

I ate quietly, hugged my pillow while lying on my stomach. Ganito rin ba siya kay Asher noong umuwi ako? I chewed my food bitterly and faced the other side.

Tumawa siya sa ginawa ko. “Baka nagkalagnat ka na naman dahil sa selos, ah?”

“Kanino ako magseselos?” tanong ko, kahit nakaukit na agad ang mukha ni Asher sa isip ko.

“Ewan ko. Kanino ka ba nagseselos? Baka sa mga nakikita mong kung ano anong video sa TikTok?” tanong niya.

Naiirita ako sa bagay na ’yon. Ayokong magselos. Malinaw naman na wala kaming label. Wala akong karapatan na magselos.

Whatever they were doing, I should not meddle with it anymore.

“Saan ba ang masakit, Slade? Akin na hahalikan ko…” malambing niyang sinabi at ramdam ko ang nanunuyang ngiti sa labi niya.

Seryoso akong ngumuso para pigilan ang sariling nangingiti na.

“Tingin na sa akin para mahalikan kita…” mas lalong lumambing ang boses niya.

Umirap ako, pero mas nahihirapan na akong magpigil ng ngiti. Humahagod na rin ang mga daliri niya sa likod ko lalo na’t kalahati lang din ang natakpan ng kumot.

“May iba ka sigurong mahal…” sabi ko.

His fingers then slowly crawled to my hair, and he combed it softly.

“Sino ba ’yang ibang mahal at mumurahin ko,” he taunted.

“Ayos lang kung dalawa kaming pinagsasabay mo. Gagalingan ko lalo para walang silbi ’yong isa,” I said bitterly, ignoring what he said.

“Wala akong ibang mahal. Ano ka ba!” he slightly chuckled while his fingers kept on combing my hair.

Wala? Edi ano ako? My stomach clenched, and I am on the verge of feeling worthless.

“Ikaw lang…” dugtong niya.

I slowly knitted my brows, but I couldn’t help but smile. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at doon mas ngumiti.

Ako lang daw? Narinig ko ba ’yon nang maayos? Baka gawa ng sinat ko, nagdedeliryo na ako ng kung ano-ano rito.

“Kaya sabihin mo sa akin sino ’yang pinagseselosan mo,” dagdag niya.

“Asher…” I mouthed weakly.

“Sino?”

“Asher Rollins. Nakita ko sa log book. Sabi rin ng guard madalas daw ’yon bumisita at inuumaga—”

“Nagseselos ka ba sa kapatid ko?!” his voice thickened.

Napabangon tuloy ang ulo ko, kumunot ang noo. Nagkatinginan kaming dalawa. Ako, nalilito. Siya, nawiwindang.

“Kapatid?”

“Kakambal, Slade!” he corrected with a laugh.

My eyes widened. “Hindi kayo magkamukha!”

“Kasi fraternal twins kami! Mas matangkad nga rin siya sa akin!”

Fuck. Oo nga pala. Bakit hindi ko man lang ’yon naisip? Akala ko kasi identical sila ng kakambal niya. At bakit ko pa ba ’yon masisingit sa isip ko eh dumagsa na agad ang mga alalahanin ko.

“Pinauwi kita kasi close sila ni Papa. Pag nakarating kay Papa na…” his voice trailed off.

“Na ano?” Medyo kinabahan ako.

Bumuntonghininga siya. “Kaya nga low-key tayo, ’di ba? Ayaw ni Papa na…may koneksyon ako ulit sa’yo.”

My eyes slowly widened. “Ayaw ni Papa sa akin?”

Nanliit ang tingin niya sa akin, gustong matawa, pero sinikap lang na sumeryoso.

“Tingin niya pag kausap ulit kita, mababaliw na naman ako. Baka nga raw hindi na makapagtapos,” aniya sabay ngisi sa akin.

Unti-unti akong huminahon. Hindi ko na rin masisisi ang Papa niya kung hindi siya boto sa akin. Alam kong saksi siya kung paano nasaktan ang anak niya, lalo na’t noong iniyakan niya si Kyle, ako pa ang kamuntik na itakin ng Papa niya.

Baka kung ako ang pumunta ro’n, baka hindi lang itak ang ihahabol niya sa akin pagkatapos ng nangyari noon. Baka hagisan niya na talaga ako ng bomba sa kinatatayuan ko.

“Kaibigan din ni Asher sila Kael, pati si Rade. Kaya ayokong makarating kay Shiloh dahil baka makarating din kay Asher at isumbong ako kay Papa.”

“Pero kalat sa TikTok…” mataman kong sinabi.

“Eh wala naman akong pakialam kung malaman ng buong mundo. Ang akin lang, huwag muna makarating kay Papa na nababaliw na naman ako sa’yo.”

My lips parted. Si Papa lang pala ang pinoproblema niya. Sige lang, madali lang ’yon suyuin. Basta ba itago niya lahat ng itak sa bahay nila.

“Nababaliw naman pala si Donato—Aray!” Halakhak ko nang kinurot niya ang braso ko.

“May sakit ka ba talaga?!”

Umubo ulit ako ng tatlong beses. Dinagdagan ko pa ng isa kaya kumalma siya at hinagod agad ang likod ko.

“Dito ka na matulog. Bantayan mo ako magdamag…”

Nanliliit ang tingin niya sa akin, nagdududa. I made another three consecutive coughs.

“Gusto ko lang kunin ang kotse ko. Pero sige… dito na muna ako. Kaso…hindi ko dala ang skincare ko.”

Nagkatinginan pa kami. His skin looks so good today, and he’s even glowing without any makeup on his face, just a gloss on his lips. Gumana ba ’yong huli niyang ginawa? Kasi kung oo…

“Meron pa ako rito. Marami,” makahulugang sabi ko.

Chapter 32

Warning: R18

Choice

Maligalig ko nang tinatanggap ang bawat subo niya sa akin ng pagkain, nakaupo na rin ako sa kama at nakasandal sa headboard.

Kung kanina, parang lantang gulay na nakahandusay sa kama, ngayon, parang nadiligang halaman na nahagip ng ulan kaya masigla na ulit.

“Saka na kita ipapakilala…” kumbinsi niya, tinutukoy ang kakambal.

At mapapatawad pa kaya ako ng bayaw ko kung ilang beses ko na siyang namura sa isip ko sa nagdaang araw? Hindi ko naman ’yon sinasadya.

I nodded and opened my mouth again when he fed me a slice of beef with a little soup on it.

“Mabait naman ako. Oo naging babaero, pero mabait…” I said after gulping down the food I chewed slowly.

Now that I found out Asher is his twin, I slowly saw the resemblance. But there’s something about Asher that’s dangerously different. His eyes were more cunning and sharp.

Asher is the chill version of my Bambi. He reminds me of Maverick’s charm, but he has dark features compared to Mavric. Hindi mo alam kung palakaibigan ba, o may masamang binabalak.

“Mabait ka ba eh kinawawa mo nga ako noong nakaraan…” nanunuya ang boses niya.

“Gustong gusto mo naman. You said you wanted your boyfriend to torture you in bed.” I arched my brow when I remembered his fantasies during high school.

Ngumuso siya lalo at kinuha ang tubig na hinanda niya na nasa bedside table. He brought it to my lips, and I sipped on it while he was holding it for me.

Ang bowl na hawak niya sa kabilang kamay, tinulungan ko pang hawakan dahil dalawa na ang hawak niya.

“Tanda mo pa talaga ang mga kabaliwan ko noon?”

I nodded slowly and licked the wetness on my lower lip. Ibinaba niya ang basong tubig at muling ginalaw ang kutsara sa bowl, naroon ang tingin pero nangingiti.

“Bakit ko makakalimutan eh…doon ako nag-umpisang mahulog,” sabi ko.

His head lifted. He chuckled and his cheeks turned red. Kahit ang mga mata niya, kumikislap sa saya.

“Mahal na mahal mo ang dating ako kahit…sinaktan ka niya? Pinagsalitaan ng masasama?” may bahid ng lungkot sa boses niya kahit nakangiti naman.

“Eh bakit? Ako rin naman, ah? Marami akong nasabing masasakit…”

I leaned closer. Kumurap siya at tinangay ang tingin sa kandungan kung nasaan ang bowl na hawak niya.

I tucked his short hair on the side of his ear. He reacted a bit and his head tilted.

“Mamahalin ko pa rin siya kahit saktan niya ako nang paulit-ulit…” marahan kong sinabi.

His eyes slowly widened, and even the flickering in his eyes danced wildly.

“Kahit ibang iba ako? Kahit ganito ako?” he chuckled a little playfully.

“Bakit? Ano ka na ba? Baka may tinatago ka na sa akin, ah? May hindi ba ako alam? Patingin nga ng likod mo. Baka may pakpak ka na.”

Humalakhak siya. “Ano ako, si Tinkerbell?!”

“Pero gusto mo siya, ’di ba? Birthday theme mo noong bata ka. Nakita ko rin na iyon ang Halloween costume mo noong nakaraan…” I smiled.

Ngumuso siya lalo, nangingiti.

“Paborito mo ang kulay green… Hindi ’yong green na green, kundi ’yong green na madalas makita sa kakahuyan. Olive. Moss. Khaki. Thyme. Army.”

Kaya nga noong meet up namin, sinadya kong suotin ang paborito niyang kulay.

His eyes gleamed in happiness. Yumuko pa siya, nangingiti lalo, tiningnan ang bowl, pero hindi na mapakali ang kinang sa mga mata.

“Napansin mo…” mas rumahan ang tawa niya.

“Oo. Simula noong high school pa ’yan, eh. Tapos ’yong mga fans mo sinasabi nila na mahilig ka sa pink? Hindi ka mahilig sa pink.”

I could even create a fan page account for him and share anything they don’t know about him. Pero ayoko rin. Gusto kong sarilihin ang mga alam ko sa kanya. I wanted to own it like it was mine alone.

Talaga ba, Slade? Pati sa mga fans niya, gusto mong kalabanin?

“Pero may paborito akong pink,” he corrected.

At talagang nahulaan ko agad ang tinutukoy niya nang maalala ang gabing iyon.

“Paborito mong sakyan,” I added.

Humalakhak siya at ginalaw ang kutsara para muli akong subuan. I chuckled with him while opening my mouth to welcome the food.

Nanahimik siya, pero ngumingiti pa rin. He was watching me chew the food and swallow it.

Hinaplos niya ang leeg ko, pinakiramdaman ang init ko. Bago niya pa iyon alisin, sinalo ko na inilipat sa pisngi ko. I tilted my head and looked at him softly.

He giggled when I did it. His thumb caressed my lower lip gently. Nakatitig siya sa labi ko bago niya unti unting inakyat sa mga mata ko.

“May sakit na nga ang tao…” namamaos kong tawa.

“Huh?”

“Your eyes…they’re fucking me.”

Namilog ang mga mata niya at sumabog ang halakhak.

“Ikaw yata ang adik eh! Tinititigan ka lang!”

“Tinititigan nga pero para akong matutunaw sa titig mo. Kaya pala ayaw mo makipagtitigan sa akin noong high school, ah?”

I took the bowl from his hand and placed it on the bedside table. Sinundan niya iyon ang tingin pero lumipat agad sa mga hita niya nang hinila ko sila paakyat sa kama ko.

I held his waist and placed him between my parted thighs. His legs rested on my right leg and his back rested on my other leg, which I bent so he could lean against it.

“Tapos ngayon kaya mo nang makipagtitigan. Tumapang na si Donato—Aw…” I laughed and caressed my nose against his cheek when he pinched me.

“Sabing huwag akong tatagawin niyan!” iritado ang boses pero nangingiti pa rin siya.

“Fine. What do you want, then?” I asked and captured his hand resting on his lap.

Pinaglaruan niya ang mga daliri ko, nag-iisip.

“Bambi?”

Speaking of names…

“Rollins. Iyon ba ang apelyido ng foster parents niya?”

Umiling siya. “Apelyido ng totoo naming mga magulang…”

“So… Rollins ka rin dapat?”

“Oo.”

“Anong totoo mong pangalan kung ganoon…”

He licked his lips a bit. Nagsalubong din ang kilay niya. He looked hesitant to mention it.

“Ayos lang kung hindi mo sasabihin…” I urged. “Nahihiya ka ba na baka mas tigasin pa sa Donato?”

Sumabog ulit ang halakhak niya. Natawa rin ako. Kinabahan pa ako ng kaunti dahil baka ang mga daliri kong pinaglalaruan niya, bigla niyang baliin pag napikon.

“Baka Paquito Ignacio ’yan, ah? Mga tropahan pa ni lolo…” hula ko, nangingiti.

“Maganda kaya ang pangalan ko!”

“Talaga?”

He nodded. “Katunog ng pangalan ni Asher. Asher Emrys Rollins… Tapos ’yong akin… Ashi Emmanuel Rollins…”

My lips parted. Totoong maganda nga. Hindi tunog boksingero katulad ng Donato niya.

“Ashi…” I gasped.

He flushed a bit.

“Mas gusto ko pa rin ang Bambi…” aniya.

I nodded to respect it. He’s fond of the name I created for him.

“Ayoko sa Ashi. Para sa akin…patay na siya. Pero tinatawag pa rin ako ng kakambal ko ng Ashi.”

“At komportable ka?”

Marahan siyang tumango. “Oo… May karapatan siyang tawagin ako no’n dahil siya lang naman ang hindi naging malupit sa batang ako noong…ako pa lang si Ashi.”

Natahimik ako, hindi makapagsalita dahil ramdam ko ang bigat ng sinabi niya.

Now I’m curious why his twin decided to keep his name instead of changing it. Was it a choice?

As much as I am curious about his childhood, I don’t want to ask him and recall it. Ayoko ring malaman. Ayokong marinig kung paano naghirap ang batang siya sa ganoong mga magulang.

With the influence of drugs, I know he had it rough. At walang bata ang nararapat na makaranas nang ganoong dahas at kalupitan.

“Then use Bambi instead. Live with it. I invented it because it suits your pretty eyes. It was inspired by one of the good things you have.”

There was an amusement in his smile, and even the way he chuckled told me he likes it so much.

“Hindi naman ikaw ang nakaisip. Si Merrie,” irap niya, mas malawak ang ngiti.

“I invented it. Merrie just joined.” I frowned.

Ngumisi siya sa akin. “Si Merrie.”

“Mine,” I frowned more.

He crunched his nose and shook his head.

“Merrie,” his tone turned childish.

“Nakakatampo. Dami nang tumatawag sa’yo. I was the one who created that nickname, and everyone is using it to call you.”

“Eh…paborito ko. Naaalala kita pag…tinatawag nila ako sa pangalang ginawa mo sa akin.”

So he knew? Is that the reason why he uses it as his drag name, too? Even on his TikTok account, it was his screen name. Bambi.

My heart pounded. Kahit ang biro kong lungkot, hindi na natago at lumandas na sa labi ko ang ngiti.

“Talaga?”

“Oo. Naalala ko ’yong high school Slade na hindi mapakali kakasulyap sa akin. Si Slade na paborito akong sagut-sagutin sa class lalo na pag reporting ko. Si Slade na dumadayo pa sa upuan ko at inaagawan ng pwesto ang seat mate ko.”

Wala rin ’yong nagawa noong doon na ako umuupo sa tabi niya.

“Pagpasensyahan mo na. Seloso eh…”

“Nakabraces… Sobrang bango… Mahilig ngumuso at nagniningning ang mga mata. Tapos gusto mo pang makipagtitigan sa akin? Edi nasunggaban kita ng halik?”

I grunted and buried my face in the side of his neck. Bakit niya ’yan sasabihin sa akin ngayon? Ang dami niyang pinagdamot sa akin.

“Sinunggaban mo sana. Palaban pa naman ako…”

I could imagine our high school moments, greedy for each other. Because once he kisses me, I’ll make sure we’ll make out every day.

Baka naadik ako ng maaga.

“Ayoko nga! Baka lahat ng pinag-aaralan ko, sipain mo na palabas sa isip ko. Kaya hindi kita nililingon minsan pag titig na titig ka sa akin.”

I slowly bite his earlobe. Nakiliti siya at tumawa. I smiled and controlled his cheek to face me. When his lips neared mine, I tilted my head and brushed my lips on his.

I kissed him indulgently, like his lips were my favorite dessert. He kissed back. Marahan ngunit nanunuya ang halikang iyon. His hand rested on the side of my neck while I slowly crawled mine on the side of his waist.

I stopped when I felt the greed crawling into my system. I don’t want lust to consume me.

Uhaw pa siya nang tumigil ako. He licked his red lips while his eyes were staring at my lips, waiting for another turn.

“Thank God the vase crashed. Cuz if we kissed on that night, I’d be obsessed even more—so obsessed that I would let you break me apart, and I’d still think you would fix me back…” I whispered hoarsely.

His lips parted in shock. Nanghihina akong napasandal sa headboard, napangisi sa kabaliwan ko. Ang kamay kong nasa baywang niya, pumapasok na sa suot niya para mas maramdaman ang balat niya—para mas mahawakan siya.

“Edi hindi lang sana tayo rival sa classroom. Baka kahit sa kabaliwan, nagpapalalaan tayo,” aniya.

I only smiled while drawing lazy circles on his waist.

“Ayaw mo no’n… Guguluhin kita sa reporting mo, pero pagkatapos ng klase, nagmamakaawa na ako ng halik…” sabi ko.

He giggled from imagining it. “Kapal ng mukha nitong gago ’tong sagut-sagutin ako. Tapos pagkatapos ng klase… ang sarap humalik…ang galing niya…ang bango bango…” he chanted it childishly like a reenactment.

Humalakhak ako at pinisil ang baywang niya. He giggled more and flinched a bit from my tickle.

Baka…ako rin ang naging una niya? Baka ang dami niya agad naging experience high school pa lang. Well, I don’t want to make a fuss about who got him first. Someone got my first, too. Kasi tama nga naman…na kung may experience ako, hindi dapat big deal sa akin kung meron din siya.

We stayed all day talking about our past; imagine what our high school moments could have been if we had crossed the boundary.

Noong gumabi na, pinahiram ko siya ng pwede niyang pantulog. He wants to shower before heading to my bed. Nauna akong mag-hot shower kanina pero half bath lang din ang ginawa ko.

I let him use my toiletries for the meantime. Ibang iba ang amoy ng shower gel ko sa madalas niyang gamitin, which is the L’Occitane Shower Oil, but I think he likes it.

“Sigurado ka na…gusto mong ilagay sa mukha mo ulit?” tanong ko.

Kaya pala ang sabi niya, mamaya na magdidinner pagkatapos niyang maligo. May binabalak na pala ang isang ’to.

“Alam mo ba na may naboboost na hormones sa katawan mo pag nakikipag-sex ka tapos may sakit ka? May natural pain killers sa katawan natin na nakakatulong pag may sakit ka tapos nilalabasan ka.”

Galing, ah?

“Edi hindi lang skincare mo ang meron ako? Para rin gumaling ako?” At ang laki pa ng ngisi ko kahit may sakit ako, ah?

He crawled to the bed like a curious cat with those wicked eyes ready for hunting. Ang suot niyang gray t-shirt ko, kita na ang kaliwa niyang balikat sa sobrang laki no’n sa kanya kaya pansin ang malalim niyang collarbone.

He stopped in front of me and knelt between my legs. Nang yumuko siya sa gitna, mariin akong napapikit, nangingiting napapatingala dahil alam ko sa sarili na gustong gusto ko ang ginagawa niya.

“Ito lang ang gagawin natin, ah? Kailangan ko lang ng skincare,” aniya nang iginapang papasok ang kamay sa sweatpants ko.

“I’m not greedy…” I said hoarsely, my voice laced with anticipation.

When I felt his hand wrapped around my hard shaft, I gasped. Sandamakmak na kuryente ang dumaan sa buong katawan ko—halos mangatal na sa sarap.

“Alam mo, bagay sa’yo ang buhok mo. Gustong gusto ko ang gupit mo…”

Nanghihina akong dumilat. Talagang kinakausap niya pa ako habang hawak niya ang akin, ah?

“You mean the side-swept and low-fade combo?” sagot ko kahit nag-aagaw na ang atensyon sa kamay niyang gumagalaw na.

“Oo. May nahahawakan ako pag kinakain mo ako. Tapos ang guwapo mo pa kaya ang sarap mong sakyan.”

This is making my fever worst. When kissed the tip, I whimpered weakly.

Tang ina, Slade! Halik pa lang ang ginawa. Parang umakyat na agad ako sa langit.

“Ang bango mo sobra…” he whispered and scraped his lips on its length. “Ang bango bango mo, Slade…”

Salubong na ang kilay ko, tinitingnan siya roon, nanghihina at mukhang sarap na sarap sa ginagawa niya.

When his lips slightly covered the head, and he swirled his tongue on its tip, I felt like my body ascended in ecstasy.

My body is convulsing. I feel so high and out of touch with reality. Pakiramdam ko, nasa kalawakan na ako sa sobrang taas ng pakiramdam ko noong pumikit ako.

“Sayang hindi ko dala ang vibrator. Masarap sana na may nakasagad sa loob ko habang binoblowjob—”

I pushed his head deeper. His eyes twinkled and he looked so amused when I did it. When I saw his reaction, I thrust it deeper. His eyes rolled back in pleasure, and he’s suddenly giving me a deep throat.

Ginalingan niya bigla. Fuck!

“Kantutin mo ako sa bibig. Ayos lang…” he said while looking at me thirstily and grazing his lips on its length.

And even his dirty talks feel like an orgasm to me. Nanginginig ang kalamnan ko sa hagod ng boses niya—para akong hinihele sa sarap.

“Baka manggigil ako at maibaon ko sa lalamunan mo,” I said weakly, almost drunken from our dirty talk.

“Gustong gusto ko, Slade…” he begged and shoved it into his mouth again.

In my peripheral vision, I saw how my face heated in the reflection of the mirror while his head was shoved between my spread legs.

I licked my parted lips. “My slutty brat. You are?”

His twinkling eyes turned glassy, and they rolled back. He even whimpered, and his other hand was about to reach for his hole.

Hindi ka pa kontento, ah?

I started moving—fucking his mouth like the world is already shattering and my main priority is his request to send him to heaven.

“Sarap na sarap ka ba kaya hindi ka makapagsalita?”

Namumungay ang mga mata niya, nag-aambang iluwa iyon kaya muli kong idiniin at isinagad. His moans turned into muffles mingling with my whimpers.

I combed his hair backwards and slightly gripped it. I want him to slow down! Ayoko pang labasan pero sagad na sagad na iyon at parang nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa mga mata ko—halos mawalan na ako ng ulirat.

“Oh fuck!” I growled and gripped his hair to pull him away because it’s too much. I’m overstimulated.

“Bambi!” I begged, almost trying to stop him, but I’m too weak and ruled by lust.

Fuck. He really likes it rough? He likes it when he seems to be tortured in pleasure, and he’s almost dying from its intensity.

He was gagging, but he firmly welcomed each of my thrusts. Sumasagad iyon, bumibilis, at gigil na gigil na bumabaon sa lalamunan niya habang humahalo ang ungol ko.

I slowed down when I felt I’m almost reaching my climax. When he looked up with his teary eyes, I caressed his cheek. You want it so bad, huh? Then feel every inch in your throat.

“Alam mo, kung babae ako at naging girlfriend mo noong high school, pakiramdam ko nabuntis mo na ako.”

He was saying it while sitting in front of my full mirror, and I was hugging him from the back, watching him do his skincare while my head rested on his shoulder sleepily.

Nakaupo siya sa nakaparte kong mga hita. His legs were closed, and he fits perfectly between my legs. Pagkatapos kong ilabas ulit sa mukha niya, heto na siya, iyon na agad ang pinagkaabalahan.

He said it wasn’t scientifically proven that semen can actually lighten the skin. Pero hiyang daw siya, at pansin niya ang glow ng mukha niya ilang araw niya. Which means I’m that clean and very healthy.

Gusto ko ngang isingit na baka madudumi iyong ex niya pero sasarilihin ko na lang ang mga ganoon at baka lumala bigla ang sinat ko.

“Buti hindi mo nabuntis si Claudia. Masipag ba kayo noon?” Tiningnan niya pa ako sa salamin at bumagal din ang galaw ng kamay niya.

Mga ganyang tanong talaga ang pahamak eh. I yawned and shook my head. He crunched his nose.

“Sinungaling.”

Marahan akong natawa at itinago ang mukha ko sa leeg niya.

“Kung hindi lang siguro gago si Kyle, ang dami ko rin sigurong naging experience noong high school. Baka siya rin ang first ko.”

Mabilis na napawi ang ngiti ko. Wala na… sira na ang gabi ko.

“Naghalikan nga kayo?” I asked and tried to control the bitterness in my voice.

He nodded. “Oo… Tapos nalaman ko na gusto niya lang pala akong idistract para kung sakaling sumali siya sa competition, kami raw ang duo.”

Gagong ’yon. Nasa’n na ba ’yon ngayon? Kung nakita ko ’yon sa daan, kahit hindi siya tatawid, sasagasaan ko ang paa.

“Gusto niya akong mabaliw sa kanya.” Halos nanunuya ang tawa niya at napairap.

“Eh sa akin nabaliw…” I smiled cockily.

Lakas din talaga ng tama ng isang ’yon. Kaya hindi ko kasundo eh. Kahit mga invites no’n na house party, ayokong daluhan.

He yapped everything to me. Kahit noong tumabi na siya sa akin sa kama, marami pa rin siyang kinukwento. At mas nauna pang maidlip sa tabi ko kaysa patulugin ang may lagnat.

Nakapaghilamos na siya, kumain lang din bago tuluyang nahiga. Dim ang kuwarto, tanging lampshade lamang ang nakabukas pero kitang kita ko ang amo ng mukha niya habang natutulog ng mahimbing.

Hindi nga lang ako makatulog agad, dala na rin siguro na puro ako tulog buong araw dahil sa sinat. O siguro rin dahil hindi ako makapaniwalang nandito siya.

I stared at his small face while he was peacefully sleeping beside me.

Pakiramdam ko, hindi ko siya napaghirapan nang mas malala para nandito siya ngayon at natutulog siya sa tabi ko. I deserve to crawl, to beg, and to kneel to finally have him. Because that’s how it should be.

Pero paano ko pahihirapan ang sarili kung sa mga taong umalis ako at tumalikod para panindigan ang galit, halos parusa na.

How about him? How did guilt punish him? Did it torture him that when I started walking back to his life, he immediately clung to it?

I pulled him close to me until his face buried against my neck. Ang mainit na hininga niya, humahalik na sa balat ko.

I kissed his forehead quietly, my lips rested there. Hindi ko na ulit kayang malayo sa kanya. Hindi ko na kayang tumalikod. If I had him so easily now, I would work every second to prove that I deserved him.

Dahil kung…ganitong pagmamahal ang kapalit ng pagtalikod sa mga taong hindi siya tanggap…ilalaban ko.

Tyler: GOT YOU, BRO!!!!!

Tyler: YOU DUMB FUCK!!! I DIDN’T KNOW YOU’RE FLIRTING AN INFLUENCER!

Tyler: YOU MADE ME PROUD, MAN! CHEERS FOR BEING NOT STRAIGHT!!!

Tyler: Ron, I realized somethin. Was about to sleep when I remembered you cried during your bday. Must be hard, eh? But don’t worry, bro. Whatever your family’s decision once you’re out, you have us. Run to us. Come home.

Tyler: Stepdad, my ass. I’ll fund you if your fam abandon you. I love you, ’kay :*

Tyler: Don’t worry, Ron. I’ll tell the girls you need to rest. They’re not coming over ;)

Lahat ng text na iyon, nabasa ko kinabukasan. Grabe, Tyler. Kahit text lang, rinig na rinig ko ang boses niya sa isip ko. Pero napangiti rin ako sa text niya.

Me: Kung mahal mo ako, kakaltasan mo ng 5k ang monthly ko sa unit mo :/

Tyler: Pwede naman. Basta ’yong banyo, ikakandado ko. Sa sala ka na muna maligo?

Gago rin talaga eh. Ang wais. Pero masaya naman akong nagbabayad sa unit niya. Tama na ’yong 10k noon. Ang laki rin ng tinipid ko. Wala rin akong problema no’n sa service dahil sabay kami lagi.

I was wearing my smile while cooking. Nawala na rin ang sinat ko at nakapagluto pa nga. Mahimbing pa ang tulog ni Bambi. Gusto ko ngang gisingin pero kawawa naman, napagod pa yata sa skincare niyang pinaghirapan niyang kunin kagabi.

Nagising lang siya noong nilalapag ko na ang mga plato sa mesa. He panicked when he saw me moving.

“Bakit ikaw ang nagluto? May sakit ka!” aniya at nagmamadaling tumayo.

Umalis siya sa kama ko, mabilis ang lakad palapit sa akin, pero sinalo ko lang agad ang baywang niya at muli siyang ibinagsak sa kama. I hovered over him and kissed him deeply.

“Teka! Wala pa akong toothbrush—”

His words turned into muffles when I kissed him again. Natatawa niya akong hinalikan pabalik.

“Slade!” halakhak niya nang paulit ulit ko siyang hinalik-halikan.

Kung wala akong narinig na doorbell, hindi ako matitigil. Tumayo ako ng tuwid at kuryosong tumingin sa pinto. Kahit siya, tumayo rin at nag-aamba pang maglakad papunta sa banyo ko.

“Saan ka pupunta? Bakit ka magtatago?” tanong ko, sinalo lang ulit ang baywang niya para pigilan siyang pumasok sa banyo.

“Kasi makikita ako?”

My brows knitted. “And?”

“Anong and? Malamang makikita ako! Paano kung pamilya mo ’yan? Paano kung ’yong Ate mo? Paano kung Papa mo? Mama mo?”

“It’s just one of my friends.”

“Pero kahit na. Paano kung…makarating…”

Kita ko ang kaba sa mga mata niya. It was the first time I saw how alarmed he was. The confidence was suddenly overruled by fear.

“Eh ano ngayon?” matapang kong sabi.

Nagpumiglas siya sa braso ko, gustong kumawala at magtago dahil nagdoorbell ulit.

“Buksan mo na! Baka Ate mo ’yan!” he panicked.

“Edi mas mabuti. Ipapakilala kita,” I said and captured his hand.

“Slade!” he panicked more, pulling his hand from my grip.

Mas hinigpitan ko ang hawak ng kamay niya habang naglalakad na ako palapit sa pinto. Ramdam ko bigla ang kaba ko, pero nandoon ang tapang.

Nang hindi niya mabawi ang kamay, nagtago siya sa likod ko. Nilingon ko pa siya at mariin siyang pumipikit.

“Mabait ’yon si Ate Charm… kung siya ’to,” sabi ko, unti unting inabot ang door knob.

He squeezed himself against my back. Even his other hand reached for my shirt on the front and gripped it nervously.

“Kinakabahan ako. Pag ikaw napagalitan…” he whispered.

I slowly opened the door. Kabado rin ako sa totoo lang. I was already expecting the worst case. Si Mama, si Papa, si Lolo, o kahit si Ate Yna. Pero handa akong harapin kahit sino sa kanila.

Kaya nang si Raya ang bumungad, parang lumipad palabas sa katawan ko lahat ng takot at pag-aalala. I even cursed breathily.

Raya’s eyes looked at the hand clutching my shirt. Doon ko napagtantong nakatago pala siya sa likod ko, dikit na dikit at hindi na yata humihinga.

“Kaibigan ko lang,” sabi ko nang nilingon siya.

He opened his eyes and tilted his head to see who it was. Nang nilingon ko si Raya, namilog ang mga mata niya at nalaglag ang labi.

“What the fuck?” Halos napaatras siya sa gulat.

She looked at me with eyes wide. “Sabi na!”

Nilingon ko si Bambi na ngumingiti na kay Raya na gulat na gulat.

“Si Raya, kaibigan ko,” pakilala ko.

“Kilala ko siya…” he smiled.

Si Raya, lumapit agad sa kanya at niyakap ito. She looked so shocked and excited. Tumawa siya at niyakap pabalik si Raya.

“Kayo ni Ron?! Totoo ’yong issue sa TikTok?! At bakit si Ron?!”

Napawi agad ang ngiti ko. Raya even glared at me while looking at them. Itinulak niya pa ako palayo ng kaunti at mas niyakap nang mahigpit si Bambi.

“Nakakagulat! May relasyon kayo ng kaibigan ko! Edi kasali ka na sa circle namin?!”

Niyakap siya pabalik ni Bambi, natatawa. I think he’s used to attention because most of his fans are comfortable with him.

Kahit noong pumasok na, kita pa rin ang gulat sa mukha ni Raya. Gusto ko na sanang pakainin, kaso hindi talaga mapirmi si Raya.

Nakaupo sila sa kama, ako naman, nasa mesa at nilalagyan ng kanin at ulam ang plato niya. Sinalinan ko na rin ng cucumber juice ang baso niya habang palinga linga ako sa dalawa.

“Lalamig na itong itlog ko pag hindi mo pa kakainin…” I mumbled to myself worriedly while placing the sunny side up on top of the rice mixed with veggies.

May kasamang bacon at boiled broccoli ang mga iyon. I am even tempted to carry the plate and feed him in the middle of their topic so he can eat his breakfast now while they’re talking.

“Hindi ’yan nanligaw sa’yo?!” Raya asked hysterically like she was about to erupt and pointed at me.

“Hindi na kaya. Masyado rin akong sabik… Uh… sinunggaban ko na,” si Bambi.

Raya then glared at me. “Ang guwapo mo naman sa lagay na ’yan, Ron!”

Ikinulong ako niyan sa banyo, Raya, kung alam mo lang.

“Nanliligaw ako, ah? Meron namang gano’n. Boyfriend pero nanliligaw pa rin…”

“Boyfriend!” she repeated like she looked so offended for him.

“Hayaan mo siya. Ayan ang gusto niya eh,” natatawang sabi ni Bambi.

“Hayaan?!” Raya looked at him again. “Kinukunsinti mo ’yan eh makapal ang mukha niyan!”

Ang amba kong salinan ng juice ang isa pang baso para magmagandang loob kay Raya, hindi ko na tinuloy. May kamay siya. Magkusa siya.

Dinala ko ang cucumber juice at inilahad kay Bambi para naman iyon na lang muna ang inumin niya. Nang nakita iyon ni Raya, parang gulat na gulat siya pinangigigilang tingnan ang kamay ko.

“Totoo ba ’tong nakikita ko? Ron naninibago ako sa’yo!”

Bambi slowly took the glass from my hand while stifling his smile. Si Raya, hinarap na ako ng buo. Kung kanina, galit galitan, ngayon, unti-unti iyong napalitan ng kaba.

“Ron, hindi ba…” her voice trailed off alertly.

Nabasa ko agad kung ano ang biglaang pinag-alala niya. Lumambot lalo ang tingin niya, biglaang tumingkayad at niyakap ako. Si Bambi na sinisimsim ang juice na bigay ko, napatingin.

“Kaya pala, ah…” bulong niya ng makahulugan.

Idinaan ko sa tawa ang suspetsya niya. Humiwalay lang agad siya at nilingon si Bambi.

“Huwag kang magselos. Gusto ko lang talagang yakapin sa leeg. Nakakagigil eh,” at halos may pagbabanta pa.

“Ayos lang. Hindi ako…seloso.”

Hindi raw seloso…

Raya then sat beside him again. She looked so proud and amused.

“Secret ba ’to muna? Hindi naman ako maingay. Mapagkakatiwalaan ako.”

“Graduating din kami pareho. Ayoko munang makarating kay Papa at…” He looked at me meaningfully.

Sa pamilya ko? Dahil graduating ako? He probably thinks my family will completely abandon me if they find out. Hindi niya alam, ako pa nga ang nauunang nagbabalak tumalikod dahil alam ko sa sarili ko, hindi ako matatanggap.

Tumango si Raya. “Sabagay. Ang gulo-gulo nga sa TikTok. Nakikita ko ’yong opinyon ng iba dahil nashiship ka kay Ron. Paano ba nagsimula ang rumor na ’yan?”

Doon na umikot ang topic nila. Pinagdududahan na pala ako ni Raya umpisa pa lang. Panay rin kasi ako tanong ng kung ano-ano sa kanya. Minsan, sa kanya na ako nakikibalita kung anong ganap niya.

Naisip ko tuloy kung si Ate Yna talaga ang nasa harap ng pinto kanina, o isa sa pamilya ko. I was so brave to face them—to introduce him. Kaya ko pala. Kahit kabado, kahit kaonti lang ang pinanghahawakan kong tatanggapin kami, sapat na iyon para humakbang—para lumabas.

I respect those people like Bambi even more who have been part of the community for years—who have been loud and proud about their sexuality. Kasi konti lang ang kayang may gawin iyon. Konti lang ang kayang manindigan at handang matalikuran ng buong mundo.

When I dig deeper about the concept of human identity, the fluidity of the sexual orientation and desire can shift throughout the person’s life, and that sexuality is naturally diverse.

Its biology and origin came from many aspects, definitely not a choice, genetic influence, prenatal factors, and even existed in an evolutionary perspective.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang paaralan ay hindi sinasali ang ganito ka importanteng usapin lalo na’t nagiging misconception sa mga tao na ang pagiging bading ay ginusto o kusang pinipili.

If it’s a choice, then why would a woman, or a man, risk themselves to go out in a society full of conservative and religious people?

“Tapos noong high school, nakipagdebate ka pa sa akin tungkol sa Sogie bill?” si Bambi nang pagkatapos ng klase ko, diretso na agad ako sa unit niya at iyon ang topic namin.

Sunod-sunod na ang study session namin. Wala na rin akong panahon sa ibang bagay at tutok na lang sa pag-aaral ko.

“Well, not everyone has high intellect to digest such topics that demand deep comprehension,” I answered.

He leaned closer, his bare face with his glowing cheeks and natural pink lips stretched tauntingly.

“Edi inaamin mo na mahina ang intellect mo?” At ba’t parang ibang paraan ’yan para sabihing bobo ako?

“Minaliit mo kasi ’yong akin…” makahulugan kong sabi.

“Bati na kami, ah? Best friend na kami,” he smirked at me.

Tapos dito ako mag-aaral? I brought my laptop into his unit so I could study while he’s busy on studying, too. Nasa carpet kami, naka-squat at suot ko ang salamin ni Aries na hiniram ko lang para hindi sumakit ang mga mata ko. Si Merrie at Aries, abala sa kusina at sila ang nagpasyang maghanda ng snacks namin.

Bumabawi na rin talaga ako sa grades ko. Huling inom, noong birthday ni Tyler. Wine nga lang ’yon. Gumagapang na rin naman ng kaunti ang grado ko, pero kailangan pa ring hilain paakyat para bumango naman tingnan pag itatabi ulit sa pangalan niya ang pangalan ko.

“Noong high school ako, Sogo lang nga ang alam ko. Pero kung sinabi ni Arcena na dapat ’yang implimentahan, papayag din ako,” si Merrie na lumingon dito.

“Suki ka siguro sa Sogo kaya alam mo…” Angat ng kilay ni Aries na abalang hiwain ang ham.

“Kung suki ako, malalaman mo ’yan. Kasi ikaw ang madalas na dadalhin ko ro’n,” maangas na sabi ni Merrie.

Ganoon lagi ang setup namin. Sabay kaming nags-study at minsan, sa unit niya na rin ako natutulog. At pakiramdam ko, bumalik ako sa dating ako.

“Malalaki na ang grades mo, Slade?” tanong ni Ate nang magcall kami, tila ba ramdam niya agad.

It’s already summer. My friends are now preparing for the summer party before classes start again. Kailangang sulitin ang short break dahil enrollment na naman.

I showed my iPad so she could see my general weighted average. Kumurap siya, medyo napasinghap.

“Tumaas nga. Tama ako…” singhap niya.

“Hindi pa naman ganoon kataas ate. Pero pasok na ako sa dean’s list.” I smiled.

Balak ko nga sa fourth year ko, kahit Cum Laude lang, ayos na. Basta ba may Laude. Sa hirap ba naman ng program ko, himala na lang kung maging Magna ako. Pero tingnan natin…

Ngumingiti si Ate pero pansin kong lumilipad ang atensyon niya, tila may inaambahang sabihing iba.

“Ipapakita ko kay Lolo. Anong service ba ang gusto mo? Pwede kang bilhan agad no’n pag nalaman niya. Para may magamit ka na diyan, Slade…”

Umiling ako at inihagis sa kama ang iPad. “Hindi na, Ate. Sanay na ako na walang service. Hassle din ang parking space sa school. Gagastos pa ako ng five hundred para sa sarili kong parking. Tapos nagmamahal pa ang gas. Nagtitipid ako.”

Tumango siya, pero nagdududa ang tingin.

“Marunong ka na rin pala magtipid. Maganda ’yan… lalo na’t graduating ka na.”

“Hindi naman habang buhay nakasuporta kayo sa akin, Ate. Pag graduate ko, magsasarili na ako. Hindi ko na gagamitin ang pera niyo kasi pinagtapos niyo na ako. Sapat na ’yon sa akin.”

“Pero hindi naman maiiwasan, Slade. Alam mo naman si Lolo. Susuportahan ka pa rin no’n. Baka kahit mag-asawa at mag-anak ka na…”

“Hindi, Ate. Pag nakapagtapos ako, bubukod na ako…” mataman kong sabi.

“Magtatrabaho ka? Ikaw ang mamamahala sa lupa, alam mo ’yan. Nilaan ’yon ni Lolo para sa’yo. Hindi mo ’yon pwedeng talikuran. Malaki ang mana sa’yo…”

“Si Papa, may malaki siyang mana dahil pinakasalan niya si Mama. Fixed marriage sila, Ate. Eh…wala akong balak na ituloy ang tradisyon ng pamilya natin.”

Mukhang tanggap niya, tumatango siya, pero kita ko pa rin ang hindi niya pagsang-ayon sa sinasabi ko.

“Veniel ka. Nag-iisang lalaki. You have no choice,” her accent turned thick.

“And our family won’t have a choice if I didn’t participate, Ate. Ano? Igagapos niyo ako sa Bukidnon at papahirapan hanggang pumayag ako? O hahampasin ako ng durian ni Mama?” halakhak ko at ginulo ang buhok.

She sighed heavily. She even caressed her neck, like I broke her composure, and she looked stressed now.

“Nag-uusap na ulit kayo?” may laman ang tanong niya.

Napawi ang ngiti ko. Alam niya?

“Nagdownload ako ng TikTok noong nakaraan. Nakita ko siya. Bumungad siya sa fyp ko. Active pala siya sa TikTok. Sikat siya…” Mas tinitigan ako ni Ate.

I looked away and looked at the window instead. It was early in the morning. Unti-unti na ring pumapasok ang liwanag sa nakahawing kurtina ng unit ko kaya tanaw ko na ang mga buildings sa labas. Nasa kama pa rin ako, maaga nagising, at saktong tumawag si Ate. Ang TV, bukas pa at tumutugtog ng mahina ang playlist ko.

“Kaya ba matataas na ulit ang grades mo? Nag…nag-uusap na kayo? Matalino ’yon, ’di ba? Binabagayan mo, Slade?” She smiled, but I could sense how she only forced herself to fetch info.

“Ayaw ko lang mapahiya. Matalino ang gusto niya, eh…” I croaked.

Natawa siya. “Ah… kaya sinubukan mong magpakabobo ng ilang taon kasi nasaktan ka noon? Para kunwari nagmomove-on pero ang totoo hindi naman umuusad.” She narrowed her eyes playfully.

I scoffed, but my smile stretched.

“Nililigawan mo na? Kayo na?” magaan niyang tanong, ngumingiti.

I only shrugged and scratched my chest since I’m topless. Mukha at kalahati lang ng malapad na balikat ko ang kita ni Ate.

“Huling kita ko sa kanya… noong high school. Ang laki ng pinagbago niya. Ang ganda niya bilang lalaki. Mukha siyang babae. Nagdadamit babae rin siya.”

“Crossdress, Ate. Pero mahal niya ang sarili niya bilang lalaki. ’Yong gender expression niya, feminine… kaya nahihilig siya sa pambabae.”

She nodded, trying to understand it. “Ewan ko, hindi ko naiintindihan ’yang ganyan. Pero nakikita ko nga sa TikTok niya. Mahilig siya sa makeups. ’Yong mga damit niya, mas lalo siyang nagiging babae tingnan. Maganda siya…”

Her voice seemed to be trying to convince me that she sympathized, but there was something about it I couldn’t just shrug off.

“Alam ko, Ate. Halatang halata kung sakali man. Malalaman agad nila Mama,” I chuckled bitterly.

She sighed and she massaged her temple this time. Kung kanina ay napipilit niya pang ngumiti, ngayon, hindi na.

“Alam mo, Slade. Hindi na ’to tungkol sa trauma ni Yna kung sakali man na dumating ang araw na malaman nila Mama…” panimula niya, bumigat at sumeryoso na ang boses.

“Ikaw lang ang lalaki sa pamilya natin—ang tagapagmana. Malaki ang naghihintay na responsibilidad sa’yo sa pamilya. Ang lupain, malaking ektarya ’yon. Lahat ng henerasyon ng Veniel ang binuhay no’n, at ikaw ang magtutuloy—kayo ng magiging pamilya at lalaking anak mo. Our family is investing on connections to expand our clan—for the future generation of our family.”

“Alam ko, Ate…”

“Kung magagalit si Mama, si Papa, sila Lolo, maiintindihan mo naman siguro ’di ba kung bakit? We did…we did everything for you,” marahan niyang paliwanag.

Hindi na ako makatingin sa camera. Pang ilang beses na rin ’to na pangaral ni Ate, pero ngayon niya lang sinasampal sa akin ang mga tatalikuran ko.

“I don’t believe in fixed marriage, Slade. But…I also don’t believe in love anymore. Gago ’yong huli ko. Now, if I needed to choose whom to marry, then I would choose what’s convenient, what’s peaceful… not just for me, but also for our family.”

“That’s your own definition of love, Ate. That’s your beliefs.”

“Oo nga. Akin nga. But what I am trying to say is, kapag nasaktan ka, saka mo panghihinayangan lahat ng mga desisyon mo sa taong ’yon. Sigurado ka na ba na habangbuhay na ’yan? Let’s say our family found out, we cut you off, then years later, your love life failed—naghiwalay kayo. Ano ang gagawin mo?”

“Makikipagbalikan ulit?”

Her eyes narrowed more at me. Natatawa kong hinaplos ang buhok ko. Tang inang umagahan ’to…

“You are spoiled. Kaya mo bang magtrabaho? Kaya mo bang harapin ang sasabihin ng mga tao sa’yo? Kaya mo bang mamuhay nang walang ni piso na galing sa amin? Kaya mo bang…harapin ang galit ng pamilya natin—ni Yna?”

“Kaya ko…”

Hindi nagulat si Ate sa sagot ko, tila ba alam niya na ang tumatakbo sa isip ko. She looked hurt and disappointed.

“At hindi naman ako baldado, Ate. Magtatrabaho ako. Magbi-business ako, Ate.”

“Business. Then how about your funds? Saan mo kukunin ang pondo na ipapambukas mo? Si Bambi…mukhang kumikita siya. For sure, ayaw mong maging pabigat. Kilala kita.”

“Nakiki-Bambi ka pa,” I pointed out and frowned.

“Eh ano bang pangalan niya? Bambi ang nasa TikTok niya.”

“I invented that name for him, Ate. Ginagamit niya…”

Namilog ang mga mata niya. Kinamot ko ang leeg ko kahit hindi naman makati habang ngumunguso.

“Baliw rin siya sa akin…” halos natawa ako.

“At tuwang tuwa ka pang bata ka?!” Mas lalong nanliit ang tingin niya sa akin.

I covered my tongue on my upper lip while chuckling. Umirap si Ate at naiiling na bumuntonghininga.

“Ewan ko sa’yo, Slade. Pagod na akong mangaral. Malaki ka na. Sige…gawin mo ang gusto mo. Basta hindi ako nagkulang…”

Sixteen lang pala ako noong huli niyang pangaral sa akin. Ngayon, twenty-one na ako.

Ramdam ko ang takot ni Ate. Sino bang hindi? Walang ni isa sa pamilya o kahit relatives ang nangahas na hindi sumunod sa tradisyon ng pamilya. They were all ruled and controlled by the rules of our family. Even Kenj refused to meddle with his parents’ choice because he would rather have a peaceful life rather than stand against your family.

At sino bang gustong kalabanin ang sariling pamilya. Ako lang yata.

“Punta ka dito, Ate. Ipapakilala kita,” I urged.

“Sige… sasabihan kita. Magfocus ka sa pag-aaral, ah? Graduating ka na. Itago niyo muna ’yan. Magtapos ka na muna bago mo ipaalam sa pamilya natin.”

Chapter 33

Worth

When we held another party at Angela’s house, doon pa ako nausisa ng mga girls tungkol sa rumors sa TikTok habang abala kami sa preparation.

“Ang daming nagsisimula ng hate train kay Ron sa LGBT community. Straight man siya o hindi, ba’t ang triggered nila masyado?” si Gabriella na abalang magpalobo ng balloon.

Summer ang theme ng party. Nasa beer pong ako para ayusin iyon dahil sa tabi ng swimming pool ipupwesto. Katext ko si Bambi at tinatanong ko kung pupunta siya. Angela is hopeful he will accept the invitation.

“Naiinis nga ako. Bakit ba kasi bigla biglang nashi-ship ang circle natin kay Bambi? His fans are wild. I understand naman the intention to protect the community. Pero at what cost? They’re even doxxing Ron’s life!” si Mica na nakaupo sa lounger at nagpapump din ng balloons.

Nasa loob ang boys. Nandoon ako kanina, pero tinawag ako ng girls dahil sa topic nila. Ngayon na wala na akong interes makinig minsan sa tsismis nila, saka nila ako kusang tatawagin.

Donato: Sabi ni Asher pupunta raw si Rade. Sasama siya. Titingnan ka raw niya huhu

Umangat ang kilay ko. Talaga?

“May sense naman ang iba ro’n. Totoo naman kasi na may iba na straight, ginagamit ang LGBT for queerbaiting. Ginagawang palamuti sa social media para makiuso kahit hindi naman trend ang pagiging LGBT na pwede mong sabayan kung kailan gusto mong umaktong bading…” si Raya ang nagsalita.

I looked at her first before I slowly dragged my eyes back to my phone. Ang girls, nanahimik saglit at nakinig sa kanya.

“Pero ang mali rin kasi, masyado nang idialistic. They’re imposing their beliefs or the community’s standard on something na hindi naman nila alam ang situation. Oo nga, mali ang i-ship si Bambi sa straight, pero ang tanong…kilala ba nila si Ron? Kaya humahaba ang discussion kasi nagdadagdag sila ng mga ideals nila kahit in reality, only Ron can identify himself—only Ron knows what’s the real situation he’s in,” Raya elaborated.

Maganda rin ang punto ni Raya. Kumbaga, idealism versus realism. Gusto ko mang makisali sa usapan, pero umiikot na rin ang atensyon ko sa sinabi ni Bambi.

Me: Papuntahin mo. Ako ang bahala kay bayaw :)

“Nagsimula talaga ’yon noong interview ko yata kay Bambi. Naship nga si Tyler sa kanya eh. Kaya hindi na ako nagtaka noong nashi-ship na rin siya kay Ron dahil magkasama raw sila sa Aurum bar. Pero wala namang pictures,” si Angela.

“Akala ko ’yong type niya si Denver…” ani Sadie.

Tiningnan ko si Sadie na nilalagay ang balloons sa pool. Pag siya nahulog diyan ngayon, tatawanan ko.

Raya found my eyes, and she even shook her head. Tumabi siya sa akin at inayos ang beer pong na hindi ko matapos tapos dahil abala ako sa phone ko.

“Ako na nga. Kanina ka pa rito!” saway niya.

Si Angela, lumapit na rin. She looked so curious when she rested her hands on the beer pong table.

“Ron, bakit mo nila-like ang rumors niyo ni Bambi sa TikTok?” tanong niya.

Kumurap ako. Si Raya na nasa tabi ko, napatingin din sa akin.

“Baka nilalandi mo ’yon ah!” si Sadie na hinampas pa ako ng hawak niyang balloon, lumapit na rin pala rito.

“Sa straight niyang ’yan?” Raya said pretentiously, arching her brow.

“Pero si Tyler ang type ni Bambi eh. Right?” si Mica na lumapit na rin at sumandal sa table.

“Hindi rin,” sagot ko.

“Kung makapagsalita ka, parang kilalang kilala mo, ah?” Angela laughed.

“Ano pustahan?” hamon ni Sadie sa mga girls na ikinangiwi na talaga ni Raya.

“Sige nga! Ano, five hundred!” si Gabriella na talagang pinatulan pa ang kalokohan ni Sadie.

“Huwag niyo na ’yang pagtuunan ng pansin. Hindi naman totoo ’yang mga nasa TikTok. Gawa-gawa lang minsan ng mga fans, lalo na ’yong mga baliw na baliw kay Bambi,” ani Raya.

“Takot ka lang na manalo ako eh! Ano, pustahan nga! Bading si Tyler, si Ron, at si Mav!” si Sadie na talagang desidido.

Sinali pa talaga si Mavric. Ako at si Tyler pwede pa, pero si Mavric?

Naglabas ako ng pitaka para patulan itong kalokohan ni Sadie. Isa ako sa pinaka-close ni Mavric at imposible ’yang sinasabi niya.

“Pag may mali sa hula mo kahit isa, ibabalik mo ’to sa akin ng isang libo,” sabi ko habang naglalabas ng pera sa pitaka ko.

Sumilip si Sadie at siya pa mismo ang namili. “’Yang kulay blue na lang! Huwag na yellow!”

“Two thousand ang ibabalik mo, ah?” Medyo nag-aalangan pa tuloy ako.

Sadie immediately snatched the one thousand pesos from my hand with a grin. “Deal!”

Bigla kong naalala na…natalo raw nito si Tyler sa pustahan. Pero si Mavric ang pinag-uusapan dito. Sa sobrang straight no’n, huling babaeng nilandi ay ’yong kaibigan yata ni Chloe na naging rason kaya nagkagulo sa Halloween party last year.

“Pero nakakabother din, ah? I’ve been seeing a lot of hate thrown at Ron’s name. Some are even below the belt. Hindi mo ba nakikita ’yon sa TikTok, Ron?” tanong ni Angela, nakatitig na sa akin, medyo nag-aalala.

Para namang si Ate Charm. Umiling ako sa girls dahil talagang seryoso nila akong tinitingnan. Baka pag sinabi kong nakikita ko, pagsusugurin nila isa-isa. Iniisip ko pa lang ang pangta-trashtalk ni Sadie, sumasakit na agad ang ulo ko.

I shrugged. “Hindi naman totoo. Huwag niyo nang patulan. Lalala ’yan lalo.”

“Ang ganda rin kasi ni Bambi. I can’t blame him for being linked to multiple boys. I think kahit ako, kung lalaki ako, magkakacrush din ako sa kanya,” si Sheena na hindi ko maiwasang tingnan.

“May kamukha siya, actually. That Russian model named Ruslana Korshunova? Remember his viral Russian makeup on TikTok and he wore a black wig? Sobrang magkamukha sila. Wait, ipapakita ko,” si Mica na naging abala bigla sa phone niya.

And suddenly, they’re all paying attention to Mica’s phone. Lahat ng mukha nila, nakasiksik sa gilid ni Mica, nakikitingin sa screen.

I typed a reply to Bambi. All these talks, and I’m here flirting with their topic in my DMs. Hirap din talaga pag low-key eh. Matatawa ka na lang ng palihim at mapagkakamalan ka pang nababaliw na mag-isa.

“Hala oo nga ’no… Pag blonde hair din siguro ang ginagamit ni Bambi sa drag performance niya, sobrang kamukha na sila,” si Angela.

“Swerte talaga ng magiging boyfriend niya.” Iling ni Raya, pasimpleng sinasamaan ako ng tingin.

Anong magiging? Boyfriend na nga. Ang yabang ko sa lagay na ’to, pero nang gumabi natanaw ko na kasama ni Rade si Asher, bigla akong nakaramdam ng pressure.

Kahit sinasabi kong boyfriend na ako, biglang nahampas ako ng katotohanan na ako lang ang nakakaalam na boyfriend niya ako. Ang kapatid, wala man lang ideya tungkol sa akin.

At sa lahat pa ng magiging kaibigan niya, si Rade pa talaga eh may atraso ang circle namin sa isang ’yan dahil kay Mavric.

Ang ipinagdadasal ko lang ngayon, sana wala sa mga friends ni Asher ang nakalandian ko. I don’t want another bad reputation while I’m trying to work on my progress to get his trust.

Donato: Kasama ko si Denver. Sinundo niya ako para sabay kaming pumunta diyan.

Edi sana, ako na lang ang sumundo sa kanya. Nandito ako sa loob kung nasaan si Asher. Nasa pool area naman ang mga friends ko. Kinukondisyon ko na rin talaga ang sarili para lapitan at kausapin.

Malapit lang siya sa punch, kasama ang iilan na medyo pamilyar sa akin. May girls. Napanatag ang loob ko nang makitang hindi ko nakalandian ang mga ’yon.

Kahit hindi naman nauuhaw, nagkunwari na lang akong lumapit doon. Ayaw ko talagang maglasing dahil baka may kaguluhan at bagsak ako. Ayokong mahuli sa balita.

Papalapit na ako sa punch nang may isa sa medyo kakilala ang tumawag sa akin sa kinabibilangang grupo ni Asher.

“Ron!” tawag ng babae.

Isa-isa nila akong nilingon, at kahit ang lalaking nasa tabi ni Asher na namukhaan kong si Joss, natatawa siyang siniko. I innocently walked toward them to at least show respect.

“Uy…” Hayop, sino nga ’to?

Gusto kong manghula ng pangalan pero pakiramdam ko pag mali ang nabanggit, ako pa ang magiging dehado. Baka sabihin ni Asher kay Bambi, ‘Yong lalaki mo, medyo gago.’ O baka nga hindi medyo… baka nga sobrang gago pa ang pagkakalarawan sa akin.

“I saw your rumors on the internet—on Tiktok!” natatawang sabi ng babae kaya parang nagsisi pa ako kung bakit ako lumapit.

“Huh? Tiktok… Medyo busy ako ngayon sa pag-aaral, eh. Nawalan ng oras sa internet,” sabi ko, kunwari na lang mysterious sa internet.

“Pero active ka sa Tiktok, ’di ba?” another girl pointed out.

Asher sipped on his drink while looking at me intently. Kita ko ang paglandas ng titig niya mula ulo hanggang paa sa akin. Kahit wala naman akong tinatagong armas, pakiramdam ko, kakabahan ako pag kinapkapan ako ngayon.

“Medyo active ’yan…” Joss laughed meaningfully. “I-off mo ang profile views mo, bro. Nakikita kita sa profile views ko…”

Everyone started laughing. Kumunot ang noo ko, natawa rin kahit hindi ko gaanong naintindihan.

“Stalker naman pala!”

“Bakit mo naman ini-stalk ang profile ni Joss, Ron?”

“Kitang kita ko siya eh. Kaya nanginginig sa kaba ’yong isa dahil sinumbong ko…” si Joss na humalakhak, malaki ang ngiti sa akin.

Idinaan ko rin sa tawa ang kaba ko. Gago. Paano niya nalaman? Maya sa akin ’yang app na ’yan. Idedelete ko ’yan!

Wala akong makuhang tyempo na kausapin agad si Asher. Pinaikot-ikot ko pa ang topic, saka ko tiningnan si Asher na paubos na ang iniinom.

“Gusto mo pa? Irerefill kita,” I offered.

Joss grinned at me when he noticed I approached Asher for a talk.

“No thanks. Nasa circle ka ni Jarsdel?”

At ano? Basta kampon ni Brent, babaero?

“Yup. Nag-eenjoy ka naman ba? First time mo umattend, ’di ba?” liko ko agad sa topic.

“Pumunta lang ’to dito kasi may titingnan daw na gago eh. Nahanap mo na ba, Asher?” natatawang tanong ni Joss, inakbayan na si Asher.

Sinabayan ko rin ang tawa kahit parang suspetsya ko, ako ’yan.

His eyes looked calm yet sharp. Ngayon na mas natititigan ko siya sa malapitan, mas madilim ang ekspresyon niyang kalmado tingnan.

His slavic features are more prominent and sharp compared to Bambi’s soft features. Ngumingiti siya paminsan-minsan, pero sa tuwing titingin siya sa akin, mas lumalalim ang tingin niya—may banta minsan.

“Sino?” the girls interrogated.

“Sayang nga, wala akong dalang baril,” Asher laughed and sipped on his drink while his eyes stayed on me.

Tumawa ang lahat, kahit ako, nakisali rin sa tawanan pero…parang delikado ako rito ah? Mukhang hindi na yata nagbibiro ang isang ’to.

“Bakit? Ano bang ginawa no’n? May atraso sa’yo?” tanong ng isa pang babae sa kanya.

“Wala naman…” kalmado niyang sabi at inangat ang hawak na red cup. “I’ll just refill my cup.”

Tumango ang iilan sa mga kasama niya. Naglakad na siya papalapit sa punch. Nang hindi ako mapakali sa kinatatayuan, nagpaalam din ako sa kanila na kunwari ay kukuha na rin ako ng sarili kong inumin.

Habang papalapit sa punch kung nasaan na si Asher, abalang sinasalinan ang cup niya, nag-iisip na ako ng puwedeng sabihin. ‘Boyfriend pala ako ng kakambal mo.’ Tang ina parang tunog mayabang. Tapos bigla akong itinanggi, edi lalabas na ang kapal ng mukha ko?

Tuluyan ko na siyang tinabihan doon. He didn’t glance at me. Inabot ko ang isang red cup at hinintay na matapos siya.

Even his movement was chill and calculated. Parang alam niya ang nangyayari sa paligid niya kahit hindi niya tingnan.

“May sport ka ba, bro?” I asked casually.

“Airsoft…” sabi niya, nasa cup pa rin ang tingin.

At bakit parang may pinapahiwatig siya riyan?

“You like guns? Edi naglalaro ka ng Call of Duty? We can play together…” alok ko.

“Why not Airsoft?” Umangat ang kilay niya sa akin.

“Ah…” I caressed my nape. “Hindi ako masyadong maalam sa sport na ’yan, eh.”

He nodded but he seemed less interested now in talking to me.

“Eh basketball?” tanong ko ulit. Itawid mo, Slade.

Umiling siya, binitiwan ang punch ladle at tiningnan ang screen ng phone niya.

“Not my kind of sport…” aniya habang tutok sa phone at unti-unting inilapag sa table ang inumin.

Tiningnan ko ang screen ng phone niya at nakita ang text galing kay Ashi. Nang nilingon niya ako at nahuling nakikisilip, pasimple ko agad na binawi ang tingin at kinuha ang punch ladle para doon ibaling ang atensyon.

Umalis siya sa tabi ko, mukhang lalabas na. Ang amba kong salinan pa ang cup ko, ibinaba ko na rin at kinuha palabas ang phone ko dahil may text akong natanggap.

Donato: Kinakausap mo si Asher? Mas lalo tuloy nagduda!

I typed a reply while walking to the gazebo where my friends are. Natanaw ko pa si Asher at nasa harap na ng hardin, mukhang may katawagan at kita kong may hawak na sigarilyo na walang sindi.

Me: Yayayain ko sanang magbonding. Akala ko mahilig siya sa basketball pero sa Airsoft daw. Gusto niya yata akong barilin hahahahaha

Bumalik agad ako sa gazebo at hiniram ang lighter ni Rick. Naninigarilyo naman ako pero sobrang dalang.

Dumaan ako sa pool at niyaya pa ng girls pero inilingan ko agad. Dumiretso ako papalapit sa kanya at kita ko na tumingin siya sa akin.

He dropped the call and arched his brow with amusement. Kabado ako sa totoo lang. Nagawa ko naman na ’to noon kay Rick pero ibang klaseng kaba talaga na nagpapabango ka sa kabila ng patong-patong na pangit mong imahe.

“Lighter, bro? Baka kailangan mo…” I showed the lighter.

He nodded so I tossed it to him. Nasalo niya iyon pero hindi niya sinindihan.

“Si Rade… nasa gazebo. Pwede kang humalo roon…” imbita ko.

“Baka patayin ako ng kaibigan mo. Territorial yata kay Rade,” he chuckled.

“Si Mavric? Hindi. Hindi ’yon seloso. Pinaka-chill ’yon sa amin. Para siyang ako… mabait din,” sabi ko.

“Magaling din ba magtago sa banyo?”

Unti unting napawi ang ngiti ko sa parinig niya. Hinaplos ko ang batok ko at mariing napapikit. Tinago tago pa ako no’ng isa tapos alam niya pala?

“Asher!” biglang tawag ni Joss, hinahanap yata siya.

Sumenyas siyang papasok na kaya tumango ako, nagpaubaya nang pakawalan siya. Masyado na rin akong halata. Bumubwelo nga ng usap; baka mamaya, siya rin pala, bumubwelo na rin ng suntok dahil pinopormahan ko ang kapatid niya nang palihim.

Pero wala naman akong dumi na kailangan kong mahiya. Oo naging babaero, pero lahat ng iyon, may consent at single ako. Wala rin akong history ng cheating. Siguro noong high school na puro bintang ni Claudia, pero kung totoong gago lang ang usapan, wala pa akong napapaiyak na babae.

Siguro sa ibang bagay oo, pero ’yong…iyak na dahil gago ako…dahil niloloko ko, wala!

Malinis ang record ko. Wala akong sabit. ’Yong rumors na may nakabuntis sa circle ni Brent, wala lang din naman ’yon. Haka-haka lang ng mga girls at ewan ko kung saan ’yon nagmula. Siguro dahil babaero kami? Pero ’yon lang naman ’yon… at hanggang ngayon, wala namang nakabuntis talaga.

Duda ko nga si Tyler, pero baog daw siya eh. Ilang beses na siyang nakuryente.

“Hindi ko talaga nahalata si Mavric, Ron,” bulong ni Tyler sa akin lalo na’t katabi ko lang siya.

Nakihalo na ako sa kanila sa gazebo. Tinitingnan ko si Rade na nasa tabi ni Mavric. He’s close with Asher. Naisip ko, hindi rin ’to active sa social media si Rade. May Facebook siya, pero makikita mo lang siya sa mga tag ng friends niya. He doesn’t post much.

Mukhang ang gustong mga kaibigan ni Asher, low-key sa social media. Dapat talaga i-delete na itong apps sa phone ko eh.

“Hindi ko nga rin nahalata. Ikaw pa siguro, oo… pero si Mavric?” iling ko at muling sumulyap kay Mavric na nakangising bumulong ulit kay Rade.

Naperahan pa tuloy ako ni Sadie. Sana hindi ko na lang pala talaga pinatulan sa pustahan ang isang ’yon.

“Well, I thought Rade got a crush on me,” si Tyler, patuloy ang pagbulong at hindi mainom-inom ang hawak na shot dahil nauuna ang pagiging assuming.

“Papuntahin mo rin ’yong sa’yo para masuntok ka sa pinagsasabi mo,” udyok ko para na rin makuha ang loob ni Kael.

Medyo kinabahan nga ako ro’n noong nakaraan. Hinahanap niya kasi sa akin si Tyler. Akala ko, nasa Siargao pa ’to, pero nakaalis na agad pala. Hindi ko pa nga nakukuha ang loob, badshot na agad.

Tiningnan ni Tyler ang phone niya habang nakangisi. I sipped on my own drink and decided to look at my phone, too.

Donato: Pag yayayain ka niyang mag Airsoft, huwag kang pumayag.

Bakit naman hindi ako papayag? Pabor nga ’yon sa akin dahil makakalaro ko siya. Bonding na rin kasama si bayaw.

Maya-maya, tumayo na si Tyler, may sinundo. At buti pa itong demonyong ’to, walang kinakatakutan dahil talagang dinala rito si Kael—sa mismong teritoryo ng kalaban lang din ni Kael noon.

Aminado naman ako na pag-initan talaga sa basketball court, minsan below the belt na. Lalo na pag ’yong kalaban mo, nakakainit din ng ulo. Pero ano bang pangta-trashtalk ko noon kay Kael? Siguro naman limot niya na? Dala lang ’yon ng laro. Baka nga, minura-mura niya rin ako sa isip niya. Maiintindihan ko.

Kumpara kay Asher, mas kalmado kausapin si Kael. Medyo gulat nga rin ako sa isang ’to. Kilala kasi ’tong mainit ang ulo—parang si Rick. Pero ang kalmado niya pala kausap. Ang chill niya. Seryoso lang talaga tingnan.

Tumayo si Rick at ibinaba ang cup niya. “Nandiyan na si Rin. Susunduin ko muna,” paalam niya.

Tumayo tuloy ako. “Samahan na kita, Rick.”

Sumunod agad ako sa kanya. Natanaw namin ang puting Raptor na kakapasok lang sa gate at nagpapark na sa tabi ng iba pang kotse. Mabuti na lang, malaki ang parking space sa bahay nila Angela pero mabilis din ’to mapuno.

Lumabas si Bambi sa driver’s seat, at si Denver naman na galing sa front seat.

My eyes were literally glued to him, and I couldn’t even blink because he was wearing a plain white button-down shirt paired with black fitted shorts. It looks like a dress on him because…it’s my shirt.

“’Yan na ba si Donato mo?” bulong ni Rick na hindi ko pinagtuunan ng pansin.

Ngumuso ako at hindi maitago ang pagkamangha at pananabik. Nilapitan na ni Rick si Denver, si Asher na nakaabang sa kapatid, at ako…nakasunod ang tingin kay Bambi, pinipisil ang pang-ibabang labi para pigilan ang ngiti.

“Pwede kayong humalo sa amin sa gazebo, pre,” si Rick na kinausap si Asher.

Nalingat ang tingin ni Bambi, sumulyap sa akin.

“Ganda mo,” I mouthed discreetly.

Pairap siyang ngumiti at saktong tumingin pa si Denver sa kanya sabay sulyap din sa akin. Nagkunwari tuloy akong nasa iba ang atensyon.

“Sa loob lang kami. May common friends din kami ro’n,” si Asher.

“Ihahatid ko na sila papasok, Rick,” sabi ko.

Tinanguan ako ni Rick. Kinausap niya na si Denver habang naglalakad na kami papunta sa mismong bukana ng bahay, habang hindi naman mapirmi ang tingin ko dahil nasa gilid siya ni Asher, medyo malayo sa akin at nasa tabi ako ni Rick.

“Nagngitian sila. Nakita ko,” rinig ko ang sumbong ni Denver.

“Donato niya ’yan eh,” si Rick.

Sa halip na sa gazebo dumiretso si Rick, sinamahan pa si Denver sa loob. Nasa gazebo rin si Kael at Rade, pero mas pinili yata ni Denver na samahan si Bambi sa loob ng bahay dahil naroon ang iilan pa nilang kakilala na masayang nakikiparty sa iba.

Si Rick, ganado akong niyaya na sa loob muna kami. S’yempre, mas lalong ayokong lumabas ngayon ngayong nandito na siya. Bantay sarado sa’kin ’yan.

Nang mapansin agad ni Raya si Bambi, pasimple pa akong nilapitan at siniko. Hanggang tingin nga lang ako habang nilalapitan na ni Bambi ang mga kakilala sa loob, binabati siya at nakipagtawanan rin sa iilan.

“Baka mamatay ka sa selos, ah?” natatawang bulong ni Raya.

“Ano ako… seloso? Hindi,” sabi ko.

“Talaga? Kahit nandito ang ex niya?”

Kumurap ako. “Nandito ang ex niya?”

May nginuso si Raya. “’Yong circle ni Austin. Kaibigan niya si Echo… ’Yang nakasalamin. Isa sa ex ni Bambi. First year college, ex niya ’yan. Isang taon din yata sila? Siya ang pinaka-matagal na naging ex niya.”

Mabilis kong nahanap ang tinutukoy ni Raya. Mestizo at nakasalamin. Nahuli ko pang sumulyap sa kinaroroonan ni Bambi at noong nakita siya ng mga friends niya, natatawa nilang niyugyog ang balikat.

Oo nga ’no? Hindi ko agad namukhaan pero ito ’yong basketball player na may apelyidong Travez. Nakasalamin kaya hindi ko agad nakilala.

Nasaan ba si Angela? Tapusin na kamo ang party na ’to. Malapit na ring mag-alas dose. Huwag nang paabutin ng alas tres. Pauwiin na ang lahat at huwag nang imbitahan sa susunod ’yang mga nakasalamin.

I held my phone to type about it, but I stopped. Lalo na’t nakita kong nakikipagtawanan na siya at may niyakap pang babae. He’s having fun. Ayaw kong maging kontrabida dahil lang nandito ang ex niyang sumusulyap sa kanya.

He was busy engaging in small talk, taking pictures with the others, and socializing while I was busy watching him from the distance.

Natatawa na rin ako sa kanya minsan. Pansin ko talaga na siya ang hindi napipirmi minsan. Kahit ang kakilala niya na nasa sulok, siya na minsan ang lalapit at kakausapin. He always talk with a smile on his face, and he would sometimes gesture femininely, like he wanted to add dramatic actions to every word he says.

Pansin ko na sobrang komportable niya bilang siya. Parang hindi siya kilalang tahimik, mahinhin, at makabasag-pinggan ang galaw. Kasi minsan, napapansin ko, kusa rin siyang sumasayaw habang umiinom kahit wala siya sa dance floor.

Kung katabi ko siya, baka hindi ko rin makontrol ang sarili na ilagay sa baywang niya ang kamay ko. Baka kahit may kaibigan siyang pupuntahan, bubuntot ako, hahayaan siyang hilahin ako sa kahit saang sulok niya gustong pumunta.

Baka nga talagang makilala akong boyfriend niyang patay na patay sa kanya, buntot niya at nakangisi lagi sa mga gagawin niya.

At tingnan mo nga, kahit pinapanood lang siya, may naiimbento na agad akong ganito sa isip ko. I typed a text to at least disturb him a bit.

Me: Puro pantasya na lang ako. Sa’yo ako uuwi mamaya please :(

Nasa kalagitnaan pa siya ng pakikipag-usap nang tingnan niya ang phone niya. Kita kong tumigil siyang magsalita, ngumuso, at nagtype ng reply.

Donato: Gusto mo lang umisa eh! Hmp

Donato: Uwi na tayo?

Ang uhaw ko naman kung maya’t maya akong makikisuyo ng halikan? Ayoko ngang ipahalatang sabik at uhaw ako, baka kung kumagat din siya at pumayag, agaw-eksena kami rito sa bahay ni Angela.

Hindi ko napigilang kagatin ang labi kong nakangiti na. Kakarating niya lang tapos uuwi na? At anong gusto kong umisa? Hindi ah. Tumatlo siguro pwede pa.

I chuckled to myself like an idiot while typing a reply.

Me: Mamaya na. Baka sabihin ng kakambal mo, masyado akong clingy.

Well, speaking of…

Lumapit ulit ako kina Asher dahil nandoon din naman si Rick sa circle nila. Kausap ni Rick si Asher kaya tumabi ako kay Rick habang sumusulyap kay Bambi na si Denver na ngayon ang kausap.

“Polsci…” si Rick kay Asher at mukhang program yata ang pinag-uusapan nila. “Pag papalarin, didiretso sa law school pag nakagraduate…”

“Future attorney…” Asher smiled.

Nilingon ko si Bambi. Nasa harap niya na ngayon si Angela at kinakausap siya. Hindi ko maiwasang tingnan kung paano siya niyakap ni Angela nang mahigpit.

“Eh, ikaw? Engineering din? Tulad ni Rade?” si Rick na natangay lang saglit ang tingin kay Denver.

“Oo…” Asher chuckled.

Inakbayan ako ni Rick kaya napunta ulit sa usapan ang atensyon ko. “Ito. Engineering din ang program nito eh. Pero may kinalaman sa aviation.”

“Mahirap na program ’yan…” ani Asher.

“Mahirap nga…” I chuckled a little.

“Yabang. Mahirap daw pero pasok sa dean’s list. Matalino ’to eh. Mukha lang gago pero matalino…” ani Rick na hindi ko alam kung binibida ba ako o sinisiraan.

“Mukha nga…” Asher pointed out.

“Mukhang matalino? O mukhang gago?” Rick clarified.

Natatawa kong siniko si Rick. Nawala nga lang ang atensyon ko ro’n nang tumili ang girls sa parte ng kinatatayuan namin at nang tumingin sa sofa, nakita kong lumalapit na ang circle ni Austin, lalo na iyong nakasalamin na nagbigay ng drink kay Bambi.

I wanted to butt in, but Bambi shook his head and smiled a little. Niyugyog siya ng ibang girls na kakilala niya.

Kahit si Rick, napunta na rin ang tingin doon, siguro napansin niya dahil tiningnan niya rin si Denver.

“Sino ’yan? Kaibigan niya rin?” Rick whispered.

“Ex daw…” bulong ko pabalik, ngumisi kahit parang may panga akong mapupuruhan ngayon.

“Ex naman pala. Wala na ’yang karapatan. Ikaw meron…”

Dehado pa rin. Hindi pa nga boto sa akin ang ama at kapatid.

Si Asher, si Joss na ngayon ang kausap. Nakita kong tiningnan niya saglit ang kapatid, pero hindi man lang sinaway ang lalaking umaaligid. O baka naman…boto siya riyan?

Si Rick, lumapit na sa mga nakahilerang pagkain, mukhang balak niyang kunan si Denver.

Sumunod ako kay Rick, gusto nang magsalin ulit ng inumin para sa sarili kahit napapalingon pa rin ako kay Echo na ngayon ay inaasar na kay Bambi. Kahit lumaklak ako ng alak, parang kusang lilipad ang kamao ko ano mang oras sa inis eh.

“Closure daw!” hirit nila, akala mo naman nakakatawa.

“Closure o balikan? Pag nawala kayong dalawa…”

“Bagay pa rin!”

“Hindi ’yan makakascore si Echo! Nandito si Asher!” puna ng isang lalaki—ang kaibigan ni Asher na si Joss.

Echo chuckled from the teasing. Gusto kong lumapit at isingit sa gitna nila ang sarili ko para magtanong kung anong nakakatawa. Kita ko pa si Bambi na pasimpleng tumingin sa akin at tumikhim, bahagyang lumalayo.

Siniko ako ulit ni Rick kahit abala pa siyang mamili ng finger food. “Pati pala ’yong Asher…”

Kapatid niya ’yan, Rick. Gusto ko sanang sabihin pero parang wala na akong lakas na magsalita pa dahil sa nakikita ko.

Humahalo na bigla ang circle ni Austin sa sofa, nakikipag-usap sa iilan. ’Yong Echo, sumandal na sa sofa at yumuko para makausap si Bambi na nakaupo lang din sa sofa.

Gusto kong lumapit, hilain paalis ’yong Echo sa harap niya at sipain palayo, pero hindi ako makagalaw. I don’t want to make a scene. Iniisip ko na importante sa kanya na hindi makarating sa Papa niya na may…koneksyon siya ulit sa akin.

Hindi ako gusto ng Papa niya. Naiintindihan ko naman. Pero masakit pa rin talaga na pwede ang ibang lalaki, huwag lang ako.

“Sa gazebo lang ako, Rick,” sabi ko dahil ayoko namang manood na pinagtutulakan siya sa ex niya.

I was too possessive during high school. I am still possessive and clingy, but I want to trust him. I want to make a good impression on his twin that I am not like the other boys.

Nangangalahati na ang iniinom nila pero mukhang wala pa ring natatamaan dahil mabagal din ang pag-inom. Nakiinom na rin ako kahit lumilipad ang isip ko sa loob.

Tumunog ang phone ko. Inilapag ko ang inumin at kuryosong binuksan ang text galing sa kanya.

Donato: Nawala ka

I gulped down the saliva stuck in my throat. Muli kong ininom ang natitirang alak sa baso bago ako nag-type ng reply.

Nagseselos ako. Sorry…

But then I ended up deleting it. It sounds so clingy and immature.

I typed a decent reply this time.

Me: Nasa gazebo. Nandito ang friends ko. Para makapag enjoy ka rin diyan sa loob. Baka madistract kita hahahaha

Kinagat ko ang labi, nag-isip isip. Gawa na rin siguro ng takot sa nakaraan na baka pag masyado na naman akong seloso…masyadong possessive, maging…pabigat ulit.

Kahit sinabi niyang ayos lang, sa akin, hindi. Ayokong hayaan siyang buhatin ako. Ayokong siya ang nahihirapan kung pwede namang ako ang may baguhin sa sarili ko.

Lalo na ngayon, nandiyan ang kakambal niya. I don’t want to appear like a loser or a possessive asshole. Sino ba naman ako, ’di ba? Hindi pa nga pinapakilalang boyfriend, tapos kung umasta, akala mo totoong boyfriend na talaga.

Inakbayan ako bigla ni Tyler kaya nalingat ang atensyon ko.

“You okay? You’re pretty quiet. Inapi ka ba ro’n sa loob?”

Ngumisi ako. “Si Rick, nasa loob kasama si Denver. Asarin natin mamaya…”

Kaya noong lumabas na rin si Denver at Rick, humalo na sa amin, tinadtad namin ng asar. Natakpan din ang atensyon ko, kahit gusto kong pumasok sa loob at tumabi sa kanya, mas mabuting ganito na kaya ko siyang hayaan—kaya ko siyang panoorin nang hindi pinapakialaman.

Pumasok ako kanina para lang magpalit ng damit dahil nabasa ako sa pool. Saktong may babaeng lasing na yata—paakyat na sa hagdan at naghahanap ng pwedeng higaan. Hinatid ko na lang din sa guest room at baka gumulong pababa sa kalasingan. Mukhang isa sa friends ni Angela.

Natagalan pa ako sa itaas dahil nag-quick shower na lang din ako. Buti na lang may mga damit kami rito na inilalagay sa closet para hindi kami nahihirapang magpalit ng damit lalo na pag maliligo sa pool.

Pagbaba ko, wala na sila sa sala. May iilan pang nandoon, pero wala na ang grupo nila Asher; kahit iyong grupo ni Austin, wala na rin. Mabilis akong lumabas at nadatnan sila sa pool area, mukhang paalis na at naantala lang dahil si Asher ay kinakausap muna ni Rade at Kael. Si Bambi, naglalakad na papunta sa parking space at sinusundan noong Echo.

I looked at my phone to check. May mensahe siya. Binasa ko iyon habang naglalakad papalapit sa pool.

Donato: Sasama yata si Asher kina Austin. Dadayo sila sa kabilang bahay. Doon daw uumagahin uminom.

Parang may pula na sa screen ng phone ko nang basahin ko iyon. Kasama ’yong Echo for sure.

Nagtype agad ako ng reply.

Me: Sasama ka?

Lumapit si Angela kay Bambi kaya naantala lalo itong lumapit sa kotse. Maligalig siyang kinausap ni Angela, si Raya naman, humahaba ang labi kakanguso sa akin lalo na’t nasa pool siya, mukhang ayaw umahon dahil basa siya. Kahit si Rick na natatawa, may binulong bulong na kay Denver na napatingin na rin sa akin.

Si Raya, lumangoy papalapit at humilig sa gilid ng pool lalo na’t nakatayo lang ako malapit doon. Bahagya niya akong tinalsikan ng tubig para kunin lalo ang atensyon.

“Galing. Hindi nga seloso. Humihinga pa rin,” kantyaw niya sabay halakhak.

I smirked back and rolled my eyes. Hindi nga ako nireplayan. Baka pag lapitan ko ’yan, mainis pa sa akin dahil…masyado na naman akong nakikialam.

Nawala nga lang agad ang ngiti ko nang matanaw na sumisingit na naman ’yong Echo kahit kausap pa ni Bambi si Angela. Iminumuwestra niya pa ata patungo sa kotse niya.

“Boyfriend niya?” kuryosong tanong ni Mica na lumangoy na rin papalapit dito.

“Ex niya. Mukhang dinidiskartehan ulit siya,” si Raya.

Si Sadie, halatang nanunuya pa ang ngiti sa akin. She even showed her palm, like she’s challenging me for another bet. Mamamatay na nga sa selos ’yong tao, peperahan pa!

Nang makita kong naroon na rin si Tyler sa tabi ni Kael, mukhang nakikiusyoso pa siya sa usapan nila, lumapit na rin ako. Nang makalapit nang tuluyan, tumabi ako kay Tyler. Tyler glanced at me, and then he slowly smirked.

“Nandoon din daw si Arron, nag-iinuman sila,” si Kael kay Asher na pasimple na ring napalingon sa akin sa tabi ni Tyler.

Asher looked at me with curiosity. Kinuha ko agad ang tyempong iyon para magsalita.

“Aalis na ba kayo?” I asked Asher shamelessly.

Rade looked at me like I was so shameless for approaching Asher so casually.

“Lilipat lang sa kabila pero idadaan ko muna si Ashi sa Katipunan. Medyo wala na sa mood at gusto nang umuwi…” si Asher na nilingon si Bambi sa parking space.

Paanong hindi mawawala sa mood kung nilalapitan ng asungot?

“Si Ron, pauwi na rin ’yan eh. Pwede niya kayong ihatid na rin pauwi,” biglang boses ni Mavric na nasa tabi na rin pala ni Rade.

Tyler immediately nodded. “Ron… you can use my BMW. I’m riding Jasver’s car…”

Tumango ako kay Asher, kahit parang kaunti na lang, liliparin ko sa parking space ang kapatid niyang pinopormahan na ng asungot niyang ex.

Asher shook his head. “Ako na… May dala namang kotse si Ashi,” he wiggled the key he’s holding.

Nagkatinginan si Mavric at Tyler. Nagpaalam na si Asher kay Rade at Kael na aalis na. Si Tyler, inakbayan ako at niyugyog.

“Bro, don’t act like a loser. You are known as shameless in girls. Now that you’re madly in love, you’re suddenly acting like a pussy?” mahina niyang sabi sa akin.

Mavric chuckled at me. “Kaya ayoko maging torpe. Mahirap na…baka ako pa ang maagawan nang harap-harapan…”

Idinaan ko sa mahinang tawa kahit parang kaonting kalabit na lang, hindi na mapapakinabangan ni Echo ang salamin niya sa gagawin ko. Mahirap na…baka sa sobrang selos…may mabubulag nang tuluyan.

“Ihatid mo, Ron!” sigaw ni Rick na kahit nasa gazebo, talagang itinuro ang grupo nila na naroon na sa parking space.

Tinapik ni Tyler ang balikat ko. Inuudyok akong sundan si Asher.

Kinakabahan ako, tang ina. Gusto ko namang kunin ang loob ni Asher, kanina ko pa sinusubukan oo—pero nauna na agad ang bumabahang insekyuridad sa isip ko. Idagdag pang isang taon na ex-boyfriend, at hindi man lang inawat ni Asher kanina. Kaya baka boto talaga siya riyan.

Pero ngayong tinutulak ako ng mga kaibigan ko, parang nakahanap ako ng suporta na kapalan na ang mukha. Bahala na sigurong mapahiya kay Asher, basta malagyan ko lang ng bakod na hindi pwedeng pormahan ang kapatid niya. ’Yun na lang sana.

Nasa parking space na sila at mukhang naaantala lang pumasok sa kotse dahil nilapitan ni Echo si Asher, mukhang kinukumbinsi niya. Ang circle ni Austin, nakahanda na rin ang dalawang kotse, si Echo na mukhang may-ari ng Fortuner at hinihintay lang na si Asher mismo ang igiya si Bambi roon dahil hinihintay din ni Bambi si Asher.

“Sa kotse ka na lang sumabay sa akin,” mas narinig ko nang malinaw ang sinasabi ni Echo sa kanya. “Si Asher na ang gagamit sa kotse mo tapos ako na ang hahatid sa’yo…”

Napunta ang atensyon ni Bambi sa akin. Medyo nagulat siya na nasa harap na agad ako sa kanila kahit kanina, nasa gilid lang ng pool. Si Angela, kumunot ang noo sa akin, kung bakit lumalapit ako.

Kaunti lang ang nandito sa parking space bukod sa grupo nila at circle ni Austin dahil malapit na ring mag alas dos.

“Aalis na sila, Ron. Uuwi ka na rin?” tanong ni Angela kahit nagdududa ang tingin niya.

Instead of answering her question, I walked toward Asher. Rinig ko ang mahinang mura ni Angela sa ginawa ko. Hindi ko nga lang malapitan lalo dahil nasa harap ba naman si Echo, kinakausap niya pa rin. Si Bambi na nasa tabi niya, namilog na rin ang mga mata.

“Pwede namang sa kotse ko na lang siya sumabay para diretso ka na sa bahay nila Rhys…” bumagal pa ang boses ni Echo nang kita niyang sumingit na ako.

“Asher,” halos tapangan ko ang boses na tawagin siya sa pangalan niya.

Echo’s calm expression immediately turned cold and bitter. Si Asher, umangat ang kilay at pasimpleng nilingon ang kapatid na tahimik akong tiningnan.

“Ako na ang maghahatid. Hindi ako nakainom,” I volunteered.

“Are you Bambi’s friend?” Echo snapped.

Nakiki-Bambi pa ang kumag.

Sinenyasan ni Asher si Bambi na pumasok na sa front seat ng kotse niya. He turned to Angela and hugged her again. Si Angela, ngumiti, pero lito akong tinitingnan.

“Thank you sa invite…” rinig kong sabi niya kay Angela.

“Ako dapat ang mag-thank you kasi dumaan ka! Makiparty ka ulit sa amin sa susunod, ah? ’Yong mas matagal!” si Angela kay Bambi.

Tinapik ng grupo ni Austin ang braso ni Asher. Asher nodded at them. Tiningnan niya pa ang pool area ulit lalo na’t tanaw rito ng kaunti ang mga naroon. Sumenyas siya kay Rade at Kael na tumango lang. Nang tumingin ako roon, si Tyler at Mavric agad ang nakita ko na sinenyasan agad ako, kapwa pa nakangisi ang dalawa.

Binuksan na ni Asher ang pinto ng driver’s seat. Yumuko siya roon at mukhang kinausap si Bambi.

“Iba na ang maghahatid sa’yo. Text me once you’re home…”

“Doon ka ba matutulog o…uuwi ka sa unit ko?”

“I-tetext kita kung uuwi ako…”

Iba ang maghahatid. Kumalabog ng kaunti ang dibdib ko lalo na’t mas lumapit na si Echo kay Asher nang tumayo ulit ito ng tuwid.

There was a hollow feeling in my stomach. Lalo na’t tumayo pa talaga sa harap ko si Echo, at nasa likuran ako, naghihintay na baka mabigyan na ng atensyon ni Asher ang hiling.

Kulang na lang, hawiin ko paalis sa harap ko si Echo. Nagpigil lang ako dahil ayoko namang ipakita kay Asher na ako ang mas uhaw ngayon na mapagbigyan.

Kung…iba ang gusto niyang maghatid sa kapatid, kung mas pinagkakatiwalaan niya kaysa sa akin, rerespetuhin ko. Basta nahatid lang nang maayos.

“I’ll inform you once he’s home—”

Tiningnan ako ni Asher. Wala pa ako halos sa sarili nang hinagis niya sa akin ang susi na nasalo ko agad. Kahit si Echo, napalingon sa likod niya—sa akin, kaya ang sinasabi niya, naputol.

“Ihatid mo sa condo niya. Umuwi ka agad pagkatapos,” si Asher sa akin.

Yes! I nodded attentively, like I was his new apprentice—his right hand, the only one he trusted.

Si Echo, wala sa sariling tumabi sa gilid dahil talagang umabante ako at kung hindi siya tatabi, sa tangkad ko, kasalanan ko pa kung tatalsik siya.

Kita ko pa si Angela na kahit nalilito, napangiti sa akin nang tuluyan akong maupo sa driver’s seat. Kahit ang hiyaw ni Tyler, Mavric at Rick sa may pool, narinig ko.

Inayos ni Echo ang salamin. I slipped myself into the driver’s seat of Bambi’s car. Nang ako ang pumasok, tumikhim si Bambi, nagpigil ng ngiti at tumikhim.

“Mapagkakatiwalaan ba ’yan, Asher?” I heard Echo’s bitter question.

Si Asher pa ang nagsara ng pinto bago yumuko roon para silipin ang kapatid. Sa likod niya, iritadong nakatingin sa akin si Echo.

“Ashi,” tawag ni Asher na ikinatango ni Bambi. “No troubles…”

“Hindi ba’t ako dapat ang magsabi niyan sa’yo?” Nanliit ang tingin ni Bambi sa kanya.

“I mean, don’t trap the driver in your condo. Uuwi siya,” he said firmly.

Umirap si Bambi, nangingiti. Asher then looked at me.

“Slade, right?”

Tumango ako. He extended his hand for a handshake. Kinuha ko iyon, at pakiramdam ko, parang sasabitan niya ako ng medalya dahil may napatunayan ako sa kanya. Favorite brother-in-law siguro?

“Ang tagong lalaki ni Ashi,” dugtong ni Asher.

Natawa ako. Totoo naman. Tago nga. Pero ayos na ’to. Hindi na ako manlalaban.

“Eh kasi susuntukin mo! Kaya itinago ko,” giit ni Bambi.

Echo’s eyes widened. Napaatras siya nang marinig ang usapan. Pasalamat ka…hindi ako iyong high school na masyadong seloso.

“So overprotective… You’re not like that with your previous boys…”

Bambi reached for the switch on the armrest of the door to pull the window up. Kumatok lang si Asher noong maisara iyon kaya pinindot ko ulit para ibaba. He waved his hand goodbye at his twin and smiled.

“Drive him home safely, Slade,” ang huling sinabi ni Asher sa akin na tinanguan ko.

Iyon lang naman ang sinabi niya, pero pakiramdam ko, ako na agad ang paborito niya. Na ako ang mas lamang sa lahat ng mga lalaking pumoporma sa kakambal niya.

Baka naman kasi nadala sa awa? O baka tingin niya ang mga kagaya ko, handang saluin ang bala at ialay ang buhay para sa kapatid niya. Kasi kung babarilin niya ako sa Airsoft, hindi ako manlalaban. Kahit isang baril, wala akong dadalhin. Pwede niya akong kawawain hangga’t gusto niya.

“Mahirap kunin ang loob no’n kaya nakakapagtaka na hinayaan ka niyang ihatid ako,” sabi ni Bambi nang umalis na rin kami.

Hindi mawala wala ang ngiti sa akin. Iniisip ko nga, baka sa susunod na mga araw, Papa niya naman? Kahit habulin ako no’n ng itak, hindi na ako tatakbo. Ipagdadasal ko na lang siguro na hindi siya madedemonyo na itakin ako.

“Lahat kasi ng naging boyfriend ko, walang ni isang pumasa sa kanya. ’Yong iba…napuruhan niya pa. Tapos ikaw…” Unti-unti niya akong tiningnan.

“Baka kita niyang kumpara naman doon sa isang kumag kanina, mas mapagkakatiwalaan ako?”

“Kumag? Sino?”

“Ex mo…” I mumbled.

“Si Echo?”

Natahimik ako. Kahit anong pigil ko na huwag punahin, ang hirap talaga. Gusto kong isipin na matagal naman na ’yon, pero hindi ko maiwasang…magselos.

Natawa siya, mukhang may napagtanto.

“Eh ikaw nga, may inakyat na babae sa second floor… Ang tagal mo pang nakababa…”

Ako naman ngayon ang nagulat. “Huh?”

Tumingin siya sa labas ng bintana, nakahalukipkip na sa upuan niya. “Nakita ko na umakyat kayong dalawa…”

Ah… kaya naman pala nawala sa mood at nagyaya agad na uuwi na. Akala ko ba hindi ’to seloso?

“Inalalayan ko lang ng kaunti dahil baka gumulong ’yon pababa ng hagdan sa sobrang lasing. At pakialam ko ro’n sa babae kung nagngingitngit na ang tingin ko sa ex mo?”

Natahimik siya, pero may pigil na ngiti na sa labi. Inabot ko ang baywang niya at pinisil. Napaigtad siya at natatawang hinuli ang kamay ko. Natawa ako at tumingin ulit sa daan.

“Handa na akong magpasuntok sa kapatid mo para lang ako ang maghatid sa’yo. Baka pag ’yong ex mo ang pinagbigyan, haharang ako sa daan at magpapasagasa na lang kaysa ang hayaan siyang ihatid ka pauwi.”

Tumawa siya habang sumisimangot ako.

“Ay nagseselos ba ang baby?” he childishly asked and caressed my cheek.

Ayokong ngumiti pero lumandas na ang ngisi sa labi kahit napairap ako.

“Hindi ko rin inaasahan na…lalapitan mo mismo si Asher.”

“Makapal nga ang mukha ng ex mo eh wala na ’yong karapatan. Ako pa kaya na alam ko sa sarili kong ako ang boyfriend?”

Humalakhak siya sa sinabi ko. Bumaba ang kamay niya at bumalik sa kandungan niya. I placed my lonely hand on his left leg and rested it there. Bumaba saglit ang tingin niya, napangiti roon, saka niya ako muling tiningnan.

“Sanay lang ako na hindi ako pinaglalaban kaya hindi ko na naisip na magpupumilit ka…” ngiti niya, nagniningning ang mga mata sa akin.

Ako na hindi lang napiling ka-duo niya noong high school, selos na selos na. Ano pa kaya ngayon na alam kong may karapatan akong manlaban?

Gusto kong sabihin na ang gago ng mga ex niya, pero wala akong karapatan dahil…naging gago rin naman ako noon. I failed to fight for him during high school.

“May nakapagsabi pa sa akin na…isang taon din pala kayo. Bakit kayo naghiwalay?” tanong ko.

“Naghiwalay kami kasi hindi boto sa akin ang Mama niya,” he chuckled.

Parang may napatid sa akin. Medyo tinamaan ako.

“Kung boto, edi hindi mo hihiwalayan?” tanong ko kahit tunog dehado sa parte ko.

“Hihiwalayan pa rin. Gusto niya kasi huwag akong maging drag queen. Medyo malaswa raw at baka mas pagalitan siya ng parents niya pag nakita ng Mama niya na…ganoon akong bakla.”

“Gago,” pagalit kong sabi.

“Iyon ang reyalidad naming mga bading. Matatanggap lang kami kung…desente…mukha pa ring straight manamit, hindi nagmimakeup o sumasali sa mga drag. Tatanggapin ka nga pero nililimitahan ka pa ring maging ikaw…”

I sighed disappointedly.

Natawa siya. “Para hindi na siya mahirapan, ako na ang nakipaghiwalay. Wala namang masasabi ang Mama niya total wala na kami ng anak niya?”

Nilingon ko siya saglit pero ibinalik ko rin sa daan. I’m beyond proud that he knows his worth.

“Kung umabot ako sa ganyan, pagbabawalan ka sa nakasanayan mong pananamit, kontrolin ka sa mga hilig mo, hiwalayan mo rin ako. Always choose yourself first.”

“Eh may tayo ba?! Ikaw nga lang ang nagdesisyon na boyfriend kita!” Halakhak niya.

“Eh ba’t ka pumayag? Manliligaw ako para maging boyfriend mo,” giit ko kahit nangingiti na.

Umirap siya, tumingin sa labas ng bintana, pero sumisilay pa rin ang ngiti sa labi.

“Eh alam ko naman kasi na…hindi mo ako pagbabawalang suotin ang gusto ko. Noong high school nga, kahit makeup ko, pinupuri mo. Iniisip ko na papansin ka lang, pero pag tinititigan mo ako, lagi kang namamangha. Kahit pag…sumasayaw ako sa harap ng salamin, tumititig ka lang. Nahuhuli rin kitang…ngumingiti minsan…”

Natahimik ako. Kaya pala ang halata ko? Nahuhuli niya pala ang lahat ng ’yon? Ewan ko kung mahihiya ba ako o tatawanan ko ang sarili ko.

“Galit na galit ka pag lumalapit ako sa ibang lalaki… Parang tingin mo, maaagawan ka agad. Nakakainis pero… gustong gusto ko ’yon. Kaya…kaya ang hirap mong mahalin kasi…parang mababaliw ako lagi dahil…ganyan ka rin kabaliw sa akin.”

I captured his hand resting on his lap and held it toward my lips. I kissed it tenderly while looking at the front.

“Marami akong minahal…pero…ikaw ang huli kong minahal nang labis… higit pa sa sarili ko, Slade…”

Chapter 34

Rumor

Warning: R18

Kahit labag sa loob na umuwi ako, bilang respeto sa habilin ni Asher, talagang umuwi ako.

Hindi ko rin maiwasang mamangha sa sarili. I wanted to commend myself for having self-control. Alam kong malaking bagay na iyon. Kaya kong manindigan sa desisyon ko. Kaya kong pangatawanan at ilaban.

Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Pagkahatid ko rin kasi sa kanya, nagpaalam akong umuwi at siniguradong ipaalam niya sa kapatid niya na tinupad ko ang habilin.

Pag nalaman ni Asher na ginawa ko ’yong sinabi niya, mapapanatag siya na nasa tamang kamay ang kapatid niya.

Siguro rin, dala ng kwento ni Bambi na si Asher lamang ang hindi nanakit sa batang siya, naging malaki agad ang respeto ko sa kanya. He is his first protector, and as a respect, I wanted to show I am capable of taking care of his twin, too.

Mas lalo akong napangiti nang maalala ang sinabi niya. Ako ang minahal niya nang labis….pero marami raw siyang minahal. Napawi ng kaunti ang ngiti ko. Marami. Gaano karami? Pero ako ang minahal niya nang labis. Ngumiti ulit ako. Pero napawi lang ulit. Gaano ba kasi karami?

Donato: Aww. Miss ka pa naman nila.

Kumunot ang noo ko habang nagmamaneho pauwi gamit ang kotse niya. Ihahatid ko ’to bukas kaya may rason akong bumalik ulit para dalawin siya.

Before I could even ask him about his text, he already sent a photo.

Halos mapamura ako at kailangan ko pang itabi sa gilid ng daan ang kotse dahil pakiramdam ko, mababangga ako pag hindi ko ginawa dahil sa picture na s-in-end niya.

He sent a photo of his chest while pinching his pinkish nipple. Fuck!

Mariin akong napapikit. I even pulled my seatbelt off because it felt too suffocating.

Nang tiningnan ko ulit ang picture na s-in-end niya, nang init agad ako. Hindi yata si Asher ang totoong kalaban, kundi siya. Nagpapabango ako ng pangalan tapos ngayon ay bibigyan niya ako ng rason para dungisan?

I typed a reply with my shaky hand.

Me: Nasa gitna pa ako ng daan! Baka namatay akong nakangiti pag nabangga ako!

At ang laki pa ng ngiti mo, gago ka? Halos mailing ako sa sarili nang matanaw ang ngisi sa salamin.

Donato: Sorry hahahaha sige na drive ka na.

Me: Wala na galit na…

I pressed my tongue against the side of my cheek. Ako pa talaga ang hinahamon niya sa ganito eh alam niyang nanlalaban ako lagi!

Natatawa ako sa sarili ko. I even unzipped my pants without hesitation, pulled my t-shirt up and bite its edge so I could capture a better angle.

I admit I’ve never done this, even with my past flings and relationship. Ang mga ganitong gawain, tingin ko, masyado nang gahaman sa makamundong bagay.

Nangaral pa ako kay Tyler tungkol sa nudes, tapos heto ako, isa rin palang hindi takot magsend!

But when I captured a perfect angle so he could lust on me in the dirtiest way, I felt hot. Gusto kong kahit ang isip niya, sa akin lang umiikot. Na kahit sa susunod na mga araw, pag matutulala siya, ako agad ang babakante—ako agad ang makakapasok.

The satisfaction of taking a picture suddenly turns me on. The subtle hair I didn’t shave was also captured as my long fingers wrapped around my shaft. The cracks on my stomach were slightly visible, and the warm lighting in the car added to the sensuality of the image.

Tiningnan ko ang kuhang picture. My stomach and my left nipple were captured together with my…angry pink dick—his favorite.

Hindi pa ako kontento dahil gusto kong isama ang mukha ko, kita dapat sa camera, para alam niyang ako mismo ang may-ari.

I took another photo, a better angle with my face on it, so he won’t overthink that I stole it from somewhere.

I sent two of them with a smile on my lips and turned my phone off so I could drive properly. Nakazipper na rin ulit ang pants ko kahit kapansin pansin ang umbok sa gitna.

Gago rin talaga ako. Ganap na ganap pa akong pabanguhin ang imahe ko sa kapatid niya, pero heto ako, tinapon agad ang dignidad para lang mapagsilbihan ang pantasya niya!

Hindi naman sa wala akong dignidad na inaalagaan. Galing ako sa respetadong pamilya, kilala na bunso at susunod sa yapak ng mga Veniel. But maybe I am really either the best or the worst version of myself when it comes to him.

Nagsend lang ako ng tite ko, pakiramdam ko ganoon na agad ka lalim ang pagmamahal ko sa kanya? Tang inang basehan ’yan, Slade.

Iyon lang ang laman ng isip ko habang nagmamaneho. Kulang na lang, mangimbita na rin ako ng iba pang mga hayop para lang dumami ang sumasayaw sa isip ko at madistract ang isipan ko sa malayo.

Kahit noong traffic ng kaunti, tiningnan ko pa saglit ang buwan at napansing bilog na bilog iyon. Bilog nga naman ang buwan…

Parang ’yong utong niya, bilog na bilog din—hayop na buwan ’yan pinaalala pa! Isipin mo ang isang utos ni Asher, Slade. Pag iniliko mo ang kotse pabalik, pumaibabaw sa kakambal niya, kaya kaya ng konsensya mo ang makita siya sa isip mo? Hindi!

Pero si Bambi, nangungulila ’yon sa’yo. Nasa kama niya, pinipisil ang dibdib at nagmamakaawa na ikaw sana ang sumisipsip no’n, kaso umuwi ka.

Hindi. Malapit na ako sa unit ko. Uuwi ako. Baka umuwi roon si Asher mamaya. Mas mabuting makita niya na mabait ako, huwaran, at may respeto sa kapatid niya.

At huwaran ka pa sa lagay na ’yan, ah?

Kahit nasa elevator na ako, parang natatangay pa rin ang kalahati kong katawan na bumalik. Ang kalahati, naninigas sa kinatatayuan at pilit na pilit ang paglabas sa elevator, diretso sa unit.

Pagpasok ko sa unit ko, binuksan ko na ang phone. Bumungad agad ang replies niya. Binuksan ko iyon, pigil ang ngiti.

Donato: Hala galit na galit nga!!!

Donato: Slade!!!

Donato: Bakit ang pogi niya rin sa paningin ko? Sobrang pink niya. Pwede nang lockscreen tapos guguhitan ko ng smiley para masayahin siyang tite :)

Donato: Kaya ba dalawa ang sinend mo kasi lockscreen at wallpaper ko?

Donato: Pakisabi sa best friend ko, ito na muna ang gagamitin ko.

He even sent a photo of his long pink vibrator! Mariin akong napapikit, hindi alam kung libog ba itong nararamdaman kong init o gawa na rin ng galit at inggit.

I called for a FaceTime. Audiocall iyon. Baka pag videocall at nakita ko siyang may ginagawa, haharurot lang ako ulit pabalik sa unit niya.

“Akala ko nabangga ka na! Hindi ka na nagreply…” Halos lumbay ang boses niya, halatang patibong!

“Nakauwi naman ng ligtas… sa awa ng Diyos. Tapos ikaw wala…” namamaos na tawa ko, nanghihinang napaupo sa sofa.

Sumandal ako sa sofa habang tanaw ko sa salamin ang matamis kong ngiti. Isang ilaw lang din ang nakaya kong buksan kanina, ang ilaw lang sa kama kaya halos dim ang kuwarto.

“Wala ka nga ring awa! Iniwan mo ako pagkatapos mo magsend ng tite mong tumitigas!”

“Ikaw ang nauna. Gumanti lang ako…” ngiti ko kahit umiikot na sa isip ko ang sinend niya.

“Buti na lang may vibrator ako,” may panunuya sa boses niya.

I licked my lips. I am still feverish from everything. Hindi ko alam na kahit hindi pisikal, matatablan ako ng ganito kalala.

“Anong naramdaman mo noong…nakita mo?” tanong ko.

Malakas ang kalabog ng dibdib ko. I wasn’t just curious. It was a provocative question from my thirst.

“Namilipit sa sarap,” at ang senswal pa ng pagkakasagot niya.

Nangingiti akong pumikit, mas lalong nanghina at para akong natutunaw sa init na nararamdaman.

“’Yon lang? Wala kang ginawa? Hindi ba kaya ng mga laruan mong higitan ang ginagawa ko?” I teased raspily.

“Ito na nga lang ang meron ako, pagseselosan mo pa! Edi bumalik ka rito kung ayaw mong gamitin ko ’to,” banta niya.

Ako pa talaga ang hinamon?

“Then use it,” hamon ko, kahit alam kong hindi iyon banta sa kanya.

I heard the buzzing sound from the background. Napabuntonghininga ako dahil alam kong hindi talaga nasisindak sa banta ang isang ’to.

“Sayang… Hindi mo kita. Unti-unti ko na siyang pinapasok…”

I unzipped my pants and pulled mine out. Hindi na talaga kumalma simula noong nakita ko ang picture niyang ’yon. I held it again while I could feel the heat rushing through my veins. It was pulsating with anticipation.

“Hindi mo rin naman ako kita. Sayang, tinitigasan ako pero wala ka sa kandungan ko…” namamaos kong sabi.

His breath hitched.

“Hindi mo rin ako kita. Nakabukaka ako at binabaon ko na sa akin…”

My territorial dick is offended.

“Kaya ba niyang dilaan ang dibdib mo at sipsipin ang utong mo habang tinitira ka?” I mocked sensually.

He grunted out of frustration. I smirked while my eyes are still closed. Sa tindi ng libog ko, tuluyan na akong nawala sa huwisyo.

“Kaya ba niyang bilisan pag hinang hina ka na? Isagad pag malapit ka na? Ibaon lalo kahit nilalabasan ka na?” patuloy na sabi ko.

A soft whimper escaped from his voice. With the buzzing of his vibrator, I know it wasn’t enough for him.

I know he’s pleasuring himself, but I am such an asshole for competing with his toys.

“Kung ako ’yan…kahit nanginginig na ang hita mo, hindi kita titigilan. Kahit maihi ka…”

“Slade…” he called weakly.

I cursed breathily. Wala na akong ibang maisip kundi ang imahe niya na nagmamakaawa ang tingin sa akin dahil sa malamyos na pagtawag niya.

“Ang ingay mo. Kung nandiyan ako, kahit bunganga mo, mapupuno ’yan… Gusto mo pa naman ’yong naiiyak ka sa sobrang sarap…”

He let out a long whimper. I felt hot and turned on, but the satisfaction that he sounded so helpless and horny for me is a different kind of pleasure.

“Gusto kitang sakyan… Kaso ang layo mo…” halos manginig ang boses niya.

“Sshh. Bukas…”

“Gusto ko ngayon…” he whimpered.

“What a brat,” I let out a soft chuckle.

Muli siyang humalinghing, tila ba nakikiliti sa tawa ko.

“My spoiled brat.”

He grunted, and his whimper turned more scandalous. Fuck. He likes degrading names so much.

“Slutty, horny brat…”

“Slade! Nanginginig ang hita ko…”

“Bumukaka ka lalo. Paano kita niyan titirahin kung isasara mo?” I ordered, like he’s really in front of me.

He cursed thickly. He was now screaming like I was the one fucking him.

“Ang sarap ba?” I chuckled.

“Sobra!” halos mangatal ang daing niya.

“Kontento ka na diyan?”

“Hindi… Mas higit ka! Walang makakapantay sa’yo!”

Lumalakas lalo ang ungol niya. I can sense he’s almost reaching his climax.

“Mahal mo ako?”

“Ah! Sobra!”

I moved my hand to pleasure myself. Kahit yata hindi ko hawakan ang sarili, sapat na ang ungol at mga sagot niya para labasan ako.

“Baka libog lang ’yan ah?”

“Eh bakit kasi tinatanong mo ako sa kalagitnaan ng phone sex? Kahit tanungin mo ako pagkatapos kong labasan, oo mahal na mahal kita. Kahit nawala ang libog ko, mahal pa rin kita!”

I made a fast stroke. Damn it! Ganito ba ako ka-lala na kahit assurance niya parang ungol sa pandinig ko?

“Lalabasan ka na, Slade? Kung nandiyan lang ako, isinubo ko na ’yan…”

I parted my lips and shut my eyes, imagining his mouth was wrapped around my shaft. Fuck!

“Isasagad ko sa lalamunan ko hanggang labasan ka sa bibig ko…”

I grunted weakly.

“Ang pogi mo pa naman pag lumalabas ang ugat sa leeg mo at namumula ang mukha mo. Ang sarap mo lalo panoorin…”

I made a fast stroke while cursing. Napapadaing ako sa bawat talsik at mariing napapapikit. My lips parted wide as I growled from my release while his moan joined mine.

Nanghihina akong dumilat. “Baby, please open your cam. I wanna see your face…”

Binuksan niya agad ang camera niya hanggang bumungad ang mukha niya. Kahit dim, kita ko sa mukha niya ang sarap na umukit. He looked so pleasured and aroused.

I opened my camera and showed the mess he did to me. Namumungay ang mga mata niya at nang makita ang tuloy-tuloy na talsik sa tiyan ko, pumikit na siya at nanginginig na dumaing.

My dick was fully erect and trembling from the intense orgasm. I zoomed it in for a better angle. His lips parted like he wanted all of it—he wants it in his throat to fill him until he’s gagging. Fuck! He looked so thirsty, so horny, so pretty…

Kaya kinabukasan, nang gigil na gigil kami sa isa’t isa, pakiramdam ko bibigay na ang kama niya dahil sa marahas na tunog habang paulit ulit namin iyong ginawa. Ni hindi kami nakontento sa isang round lang. We did it for 3 hours straight.

Even his nipples were so red. I sucked and licked it hard while my fingers were doing wonders inside him.

Doon din ako nanatili buong araw. Wala kaming ibang ginawa kundi ang maglampungan. I even tried doing his makeup for his content video on TikTok.

Kinunan niya iyon ng video, pero hindi niya naman in-upload. Doon niya raw iuupload sa isa niyang account. Iyon na rin ang finollow ko para kahit man madulas kaka-like sa mga videos niya roon, hindi pagdududahan dahil walang may alam na siya iyon.

We also did the Bust Down Thotiana trend. Nakailang take pa kami dahil hindi ko natatagalan ang titig niya at napapahalik agad ako.

“Ano ba, Slade! Nakakailan ka na!” natatawa niyang reklamo nang nakangiti ko siyang halikan ulit.

Nakasandal ako sa pader, nakahalukipkip doon. Siya naman ang nasa harap ko, nakatuko ang isang kamay sa gilid ko. The camera started to show him first, lip-syncing the girl’s part while he’s looking at me sassily, and then I lip-synced the boy’s part while looking at him with a smile on my lips.

Bukod sa trend na ’yon, ginawa rin namin ’yong Korean dance trend na H.S.K.T. Nangati pa nga akong istory sana sa instagram ko, pero hindi ko na lang itinuloy sinend na lang sa GC namin.

Merrisa Merrel: What if ileak ko ’to?

Aries Arrese: Hinakot mo na rin sana ang mga gamit mo, bro. Mukhang gustong gusto mo nang ibahay ka ah?

Merrisa Merrel: Kung titira si Veniel sa unit ni Arcena, makikitira rin ako! Live in tayong tatlo tapos ako ang anak niyo hihi

Aries Arrese: Mabuti pa. Mga gamit mo dito sa unit ko, kunin mo na rin.

Merrisa Merrel: Mga panty ko lang naman ang nandiyan. Pwede naman di na ako magpanty! Sa’yo na ’yan! Suotin mo.

Aries Arrese left the group.

Merrisa Merrel: Oh wag niyo ibalik ’yan ah!

Rafiel Arcena: Magagalit talaga ’yan. Siya tagalaba ng panty mo tapos gaganyanin mo?

Gabi na noong nakita ko ’yon, pauwi na rin, kaya dumaan tuloy ako sa unit ni Aries. Iba rin talaga ang tama ng dalawang ’to. Hindi ko alam kung ’yong mga pabirong away nila, normal pa ba o totoong away na talaga.

“Bahala siya…” si Aries sa harap ko, nagsasalin ng inumin para sa akin at niyaya ba naman akong uminom pagdating ko.

At ano ang pinagmulan ng away? Panty ni Merrie!

Pero bawal ’tong maglasing, ah? Nagwawala kasi si Merrie. Ngayon, gusto pa yatang maglasing. Nanghahamon pa yata.

Eh si Merrie, palaban din ’yon. Mas tigasin pa nga ’yon sa kanya. Tingin niya ba, mapapaamo niya ’yon agad?

Me: Merrie naglalasing ang alaga mo.

Merrisa Merrel: Malaki na yan, boy. Bulbulin na nga ’yan. Hayaan mo siya.

Gusto ko pa sanang asarin kung bakit alam niyang bulbulin na. Hindi ko na lang ginawa dahil nagiging seryoso din ang usapan namin ni Aries.

Kung kailan may bakasyon, saka naman nagkakainitan itong dalawa.

Sa mga sumunod na araw, bigla nang naging usap-usapan ang party ni Angela. Mas maraming rumors ang lumabas pero nawalan na ako nga pakialam sa sasabihin nila sa internet. Kahit ang GC namin, sobrang ingay na. I think the girls are now insinuating that the rumor about us is making sense and why I am shamelessly liking those rumors about us.

I know my circle is supportive, not just the boys but even the girls. They immediately understood why I’m silent about my relationship with Bambi.

Lalo na’t noong enrollment at nagkita kita ulit, kakaiba na ang ngiti ng mga girls sa akin.

“Sana sa susunod na birthday mo, Ron, magawan natin ng paraan na madala siya roon para ma-enjoy mo rin ang birthday mo na nandiyan siya…” iyon ang sabi ni Angela sa akin.

“What if mag wig na lang siya ’no? Hindi naman ’yon halata eh. Mukha kasi talaga siyang babae pag naka-wig,” si Mica.

Pinag-uusapan nila iyon noong matapos na ang enrollment. The boys are quietly listening to the girls’ plan too.

“Pero hindi ba ’yon nakaka-offend kay Bambi na parang pinagmumukha natin siyang babae para hindi siya mahalatang lalaki siya?” si Angela na tumingin sa akin.

“We can throw our own birthday party here for Ron so everyone’s invited and our partners can also express themselves freely. Huwag na nating imbitahan ’yang mga homophobic na ’yan,” ani Tyler.

“Yabang mong makasabi ng homophobic! As if you didn’t act like one!” saway ni Mica.

“Nag-iisang lalaking anak din kasi si Ron. Unico-hijo. Mahirap kalabanin ang mga ganyan kahigpit na pamilya,” si Con.

“How about your Ate Yna, Ron. Is she coming home on your 22nd birthday?” tanong ni Brent.

Umiling ako. Hindi ’yon umuuwi. Naggi-greet lang lagi sa Facetime at pinapadalhan ako ng gifts—sila Papa. Kaya nga naisip ko na wala namang problema kung sakaling dalhin ko si Bambi dahil…wala si Ate Yna.

“Huwag na magbirthday! Ayan lang ang solusyon diyan. Akala mo talaga sila ang may birthday at sila pa ang nasusunod. Hindi uuwi si Ron sa Bukidnon. Magcelebrate sila do’n mag-isa,” si Rick.

Nakikinig ako sa kanila, natatawa paminsan minsan, pero talagang sang-ayon ako sa sabi ni Tyler at Rick.

Nabanggit naman na ni Mama na sa 22nd birthday ko, pwede kong isama lahat ng friends ko doon sa Bukidnon. Mas malaki ng kaunti ang celebration kumpara sa naunang celebrations.

Balak ko na ring dalhin sila Aries at Merrie. Gusto ko rin talagang ipasyal.

Pero pwede namang dito na lang ako magcelebrate. Hindi na ako uuwi sa amin kung hindi ko pwedeng dalhin si Bambi sa paraang hindi siya pini-pressure sa damit o gusto niyang ayos sa sarili niya.

Tama naman kasi si Ate Charm. Mahirap itago ang katulad ni Bambi. He’s loud and proud about being gay. Ngayon pa na nasa akin na, saka ko pa ba siya bibigyan ng rason para lumayo sa akin?

Ate Charm: Hindi ka dadalo sa birthday mo?

Iyon na ang desisyon ko. Pwede namang sila na lang ang magcelebrate doon at dito lang ako sa Manila magcecelebrate. Mas mabuti na ang ganito kaysa magkagulo gulo.

Nasa unit ko siya sa hapong iyon. Hindi siya madalas dito, lalo na noong bakasyon dahil umuwi siya paminsan minsan sa kanila. Mauuna pa kasi ang pasukan namin kaysa sa kanila. Mas mahaba ang bakasyon nila.

Nasa banyo siya, naliligo, habang nasa harap ako ng laptop ko, may mga librong nakabukas dahil gumagawa ako ng report sa isang minor subject ko.

Naantala lang talaga sa ginagawa dahil nagreply si Ate sa text ko kaninang umaga. Sa sobrang busy niya yata, ngayon niya lang natingnan.

Ate Charm: Magtataka si Mama, Slade. Baka magalit ’yon at mapaluwas pa riyan pag hindi ka umuwi sa birthday mo.

I composed a text. Umangat lang saglit ang tingin ko nang lumabas siya sa banyo, suot ang t-shirt kong malaki sa kanya, at hawak niya na ang blower niya para sa basang buhok.

Ibinaba ko ang phone at sinenyasan siyang umupo sa tabi ko. Nang lumapit, kinuha ko sa kamay niya ang blower.

Umupo siya patalikod sa akin. Naamoy ko agad ang amoy pomegranate na body scrub niya. Isinaksak ko ang blower sa outlet at itinapat iyon sa buhok niya.

My phone rang for a video call. Tumingin siya roon at nag-aamba pang tumayo nang mamukhaang si Ate ang tumatawag.

My other hand captured his waist, and I pulled him close to me. Napaatras siya, halos nasandal na sa dibdib ko.

“Tumatawag ang Ate mo!”

“Alam ko… Ba’t ka aalis? Kilala ka niya…”

His eyes widened. “Alam niya?”

“Yup.” I rested my chin on his shoulder.

Natahimik siya habang sinasagot ko ang tawag. Si Ate, bumungad agad na magkasalubong ang kilay at mukhang nasa malawak siya ng aming rancho dahil na rin sa view sa kanyang likuran.

“Anong hindi ka uuwi sa birthday mo?” bumagal agad ang iritadong tanong niya nang makita ang posisyon ko.

Kita sa camera ang kalahati ng balikat ni Bambi at ang malalim niyang collarbone. Sa reaksyon ni Ate, alam niya agad kung sino ang kasama ko.

“May binabahay ka na ba diyan, Slade?”

“Oo Ate. Live in na kami,” biro ko.

Hinampas ni Bambi ang hita ko at pinanliitan niya agad ako ng tingin. Humalakhak ako at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya.

“Ate ayaw niyang pumayag makipag-live in. Nahihiya yata sa’yo…”

Ate Charm sighed defeatedly. I can see the stress in her face and the sudden shift of her expression. Kung kanina ay iritado dahil sa text ko, ngayon, mukha na siyang problemado.

“Ano bang pinakain mo riyan sa kapatid ko at nababaliw na yata sa’yo?” tanong niya, kahit hindi kita si Bambi sa camera, alam kong para iyon sa kanya.

I angled the camera to show him. Naglalaban ang hiya at kaba sa mukha niya nang ngumiti siya sa camera at kumaway.

“Hello po…”

Ate Charm smiled in a forced way. “Uy hello… Bambi, ’di ba?”

“Donato ang itawag mo, Ate—”

Pumikit ako, nangingiti nang kinurot niya ang hita ko lalo na’t ikinulong ko na siya sa gitna ko.

“Pinakilala niya na ako sa kapatid niya, Ate. Niyaya rin akong mag-Airsoft…” kuwento ko.

“Airsoft? ’Yung barilan?”

“Oo, Ate. Nagsisi nga ako bakit hindi ako nahilig sa ganyan. Hindi ba’t mahilig kayo ni Ate Yna pumunta sa shooting range noong bata pa para panoorin si Lolo, Ate?”

“Oo. ’Yon ang mga lakad namin na hindi ka pwede dahil bawal ang bata sa loob…”

Pwede na siguro na si Lolo na lang ang makipagbakbakan kay Asher sa airsoft at sila na lang ang magbarilan? Mahilig kasi sa rifles ang matandang ’yon. May iba’t ibang klase siya ng lisensyadong baril. Pero collection lang.

“Naglalaro ka rin ba ng Airsoft?” tanong ni Ate Charm, tiningnan si Bambi.

“Hindi po. Pero…archery. Tinuruan ako ng kapatid ko…”

“Ay talaga?! Magkakasundo kayo ni Yna kung sakali!” Napalaki ang ngiti ni Ate Charm.

Gusto kong ngumiti kahit alam kong hindi ganoon kadali na makasundo si Ate Yna, lalo na’t medyo sensitibo sa kanya ang mga bading.

Pero baka isa iyon sa pwedeng outlet ni Ate Yna para maging komportable kay Bambi. They share the same hobby.

“Meron pa kasing isang kapatid si Slade, ’yong Ate Yna niya na nasa L.A.. Medyo ano lang ’yon…” Ate paused a little. “Medyo ayaw niya nga lang sa mga ano…”

“May trauma siya sa bading,” ako na mismo ang nagtuloy.

Marahang tumango si Bambi.

“Marami kasing dahilan bakit homophobic ang isang tao. May iba, dahil sa paligid nila. Parang nahawa sa nakasanayan ng pamilya. Pero meron ding iba na dahil sa pinagdaanan nila…” aniya.

Ate Charm quietly looked at him. Tumango-tango ako sa kanya habang nakatingin.

“Sina-suggest ko nga kay Ate Yna na makipaghalubilo, pero hindi raw siya komportable talaga…” sabi ko.

Hinampas niya ako. “Hindi naman kasi ganoon kadali ’yon, Slade! Hindi mo sila pwedeng pilitin na makihalubilo agad sa mga nakakatrigger sa kanila!”

“Hindi ko siya pinilit, ah? Suggestion lang ’yon…” Sinalo ko pa ang kamay niyang hinampas ako at ipinagsalikop iyon sa kamay ko.

“Huwag mo rin basta bastang buksan ang ganyang topic sa kanila! Hindi mo dapat sila pinapangunahan. Mati-trigger lang sila pag bigla-bigla kang nagbibigay ng opinyon na sarado pa sa isip nila.”

Tumango ako, medyo tanggap ko rin talaga na may kaunting mali sa approach ko kay Ate Yna. Kaya siguro naging agresibo ng kaunti ang opinyon niya.

“Sige… Hindi ko na kakausapin. Hindi na rin ako magpapakita kay Ate Yna. Lalo na ngayon…” Mas lumawak ang ngiti ko.

Kinurot niya ako sa kabilang kamay niya kaya tumawa ako sa biro ko. Si Ate Charm, tahimik na nanonood, hindi ko alam kung natutuwa ba siya o pagod na akong pakialaman.

“Mahiya ka naman sa Ate ko. Nakikita niyang kinukurot at hinahampas mo ’yong bunso sa pamilya namin…” Ngisi ko.

Tila natauhan si Bambi at nahiya agad.

“Parang gustong gusto mo rin naman, Slade?” si Ate Charm na tiningnan ang ngisi ko.

“Ate pag ikinasal kami, dahil supportive ka naman, invited ka,” sabi ko.

“Gago ka talaga!” Hampas ni Bambi sa braso ko. “Sorry po… Hindi pa kami magpapakasal. Magtatapos muna kami ng pag-aaral…”

My sister nodded, trying to smile.

“’Yang kapatid ko, bunso ’yan. May mamanahing lupa sa amin. Alam mo ba na ang huli niyang sinabi sa akin, hindi niya tatanggapin ang mana dahil sa’yo?”

Para naman ’tong ewan si Ate! Ayaw ko nga ’yang pag-usapan, binuksan ba naman! Hindi ko ’to bibigyan ng upuan sa kasal namin ni Bambi. Medyo tunog kaaway ba naman.

“Sa birthday ni Slade. Sumama ka. Para mapasyal ka niya rito. Para makita mo…” udyok ni Ate.

“Hindi na nga, Ate. Masyado ’tong maarte manamit. Mahilig din ’to magmakeup. Baka atakihin si Lolo pag hinalikan ko ’to sa harap niya. Kayo kayo na lang ang magcelebrate diyan. Magcecelebrate naman kami dito,” sabi ko.

“Hindi ka uuwi sa inyo sa birthday mo?” tiningnan niya ako.

Umiling ako.

“Dalhin mo nga, Slade. Ayos lang. Wala naman si Yna. Ako na ang bahala… Sinisigurado kasi ni Mama na nandoon ka sa birthday mong ’yon…” kumbinsi ni Ate.

Matagal pa naman sana, next year pa. Gaano ba kalaking celebration ’yan at ngayon pa lang, sinisigurado na ni Ate na dadalo ako?

“Hindi kaya magkakagulo, Ate?”

Umiling siya. “Hindi. Uunti-untiin natin. Para hindi sila mabigla kung dadating man ang araw na gusto mo na siyang ipakilala kina Mama. Huwag na munang padalos-dalos, Slade…”

Hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako kay Ate. Pero kung tutulungan niya ako, napanatag ako. Si Ate lang din ang kaya kong pagkatiwalaan ngayon sa pamilya ko na hindi ako pangungunahan. Huwag ko lang daw muna siyang bigyan ulit ng sakit sa ulo.

Pagkatapos ng tawag na iyon, hindi na rin maiwasang pag-usapan naming dalawa.

“Oo, homophobic sila, pero hindi ko naman inaalala dahil hindi mo naman sila kailangang pakisamahan. Pagka-graduate ko, plano kong bumukod na.”

Tuyo na ang buhok niya. Pinapanood niya akong maghanda ng snacks namin. Nagpasya akong magluto ng scampi pasta habang nasa tabi ko siya, pinapanood ang ginagawa ko.

“Magtatrabaho ka?” he smirked, like hearing it sounded so absurd.

“Oo naman… Hindi ko kailangan ang mana o pera ng angkan ko. Kaya kong tumayo sa sarili ko.”

“Eh kaya naman kitang buhayin ah?” may pagmamalaki sa boses niya, nakangisi pa rin sa akin.

Nanliit ang tingin ko. Sa laki kong ’to, ako pa ang bubuhayin niya?

“Pera mo ’yan. Kung may makikinabang man ’yan, Papa mo lang.”

His finger slightly caressed my arm. “Eh paano ’yan, Slade? Dukha ka… Kailangan mong kumapit sa akin.”

“I should be the one who’s spoiling you…” I frowned.

“Kaya mo bang mamuhay ng simple lang? Pero  afford ko naman ang lifestyle mo. Kahit ibahay pa kita eh.”

Nalaglag ang panga ko.

Kaya naman pala takot na takot ang Papa niya na may koneksyon ulit sa akin dahil parang nawawala rin talaga sa sarili ang magandang anak niya pag ako na ang pinag-uusapan.

Ako na handang itapon lahat ng meron ako para sa kanya, siya naman na handang ibigay ang lahat ng meron siya para sa akin! Bagay na bagay, ah?

“Pero pag-isipan mo rin nang mabuti, Slade. ’Yong Ate mo, ramdam ko na naiipit siya. Ayos lang naman sa akin na hindi ako kasama. Birthday mo ’yon. Pwede namang pag-uwi mo, saka rin tayo magcecelebrate?”

Nanatili akong tahimik, salubong ng kaunti ang kilay. Iyon nga ang problema, hindi ayos sa akin na hindi siya kasama. Natiis ko pa noong nakaraan, pero ngayon, hindi ko na kayang magpanggap pa na ayos lang sa akin. Hindi.

“Ayaw ko rin na…ako ang rason kaya magkakasiraan kayo ng pamilya mo,” he chuckled, but there’s a distance in his laugh.

Pinatay ko ang electric stove at isinara ang casserole dahil luto na. Tumingin siya roon, pero nang ituko ko ang bawat kamay ko sa gilid niya, bumalik ang tingin niya at humarap sa akin ng buo.

He crossed his arms while I crouched a bit to level with his face. Sinisikap niyang ngumiti, ipakitang komportable siyang isantabi siya lagi dahil…sanay na siguro siya. Pero para sa akin, kabastusan na hindi ko siya pwedeng dalhin dahil lang…naiiba siya sa nakasanayan nila.

“I don’t care. You can wear a sexy fit. You will fit in since it’s a party…”

“Pero ayokong sirain ang birthday party mo! Paano kung formal party pala? Isipin mo nga ’yon, nakatuxedo nga ako, pero backless at nakamakeup?! Baka ako ang magiging agaw-pansin sa halip na ikaw na birthday mo!” Humalakhak siya, naiiling, pero hindi ko masabayan ang tawa niya.

“Edi magdi-dress ako! Tingnan natin kung agaw-eksena pa rin ’yang backless mo kung naka-dress ang unico-hijo?” seryoso kong sabi pero dahil sa pagsabog ng tawa niya, nahaluan din tuloy ng tawa ang boses ko.

Sinalo ko ang siko niya, hinawakan siya roon para igiya ulit ang atensyon pabalik sa akin.

“Ito rin ang…plano ko noon na hindi natuloy…” wika ko, naging pait ang ngiti.

“Ang alin, ang magdress?” he laughed.

“Ang dalhin ka sa Bukidnoon!” giit ko, natatawa pero mas pinanindigan ang seryosong boses. “Pati sila Merrie at Aries…”

Unti-unti siyang huminahon, nag-iwas ng tingin. Dumulas ang kamay ko pababa sa baywang niya. I slowly caressed the side of his small waist. Naagaw noon ang atensyon niya at muli akong tiningnan sa mga mata.

“I will shoulder your expenses. You will ride the plane…your fantasy…then I will tour you around our farm…”

Tumikhim siya, gustong pigilan ang ngiti, pero lumalandas sa labi niya.

“Alam mo, Slade. Ayos lang naman sa akin kung homophobic sila. Sanay ako sa ganoon. Pero ikaw, sanay ka ba? Ayoko lang na makita mo kung gaano kagulo ang mundo namin…”

“Mundo niyo? I am part of the world you are talking about. I am part of the community,” giit ko.

Namungay ang tingin niya.

“Alam ko. At iyon ang iniiwasan kong maranasan mo. Ayokong lumabas ka na may takot, may tatalikuran, at may kailangang isakripisyo. Ayokong may mawalang importante sa’yo dahil lang may gusto kang ipaglaban…”

“Tanggalan na ako ng mana. Itakwil na ako bilang anak. Kunin nila lahat ng pagmamay-ari nila…kung kapalit naman ang kalayaang mahalin ka, isusuko ko lahat ng mga ’yon.”

Mawala na ang lahat, tumalikod na ang gustong tumalikod, pero huwag lang siya.

“Wala silang halaga sa akin. Ikaw lang ang mahal ko,” bulong ko.

His eyes widened, and he made a gasp. Naiiling siya, gustong magsalita, pero natutop iyon at nahaplos ang pisngi ko.

“Baliw ka talaga…” aniya at mariing pumikit, sunod sunod ang halik sa akin.

I know my priorities. Mas naging seryoso rin ako sa pag-aaral. Lalo na ngayon na may malaki akong hihilingin sa pamilya ko.

Hindi na ako hihiling ng materyal na bagay. Kaya kong ipakita sa kanila na malalaki ang grado ko. Kaya sana, kaya rin nila akong pagbigyan kung ano talaga ang gusto ko.

“Hindi naman sukatan ang grades kung bobo ka o hindi eh,” si Bambi nang ipinakita ko sa kanya ang nakaraan kong grado simula noong first year ako.

“Kapag ako grumaduate na may Latin honors…” I raised my brow playfully.

Humalakhak siya. Wala ’to. Minamaliit ako. Hindi niya na kasi kayang maliitin ang tite ko.

“Wala kang tiwala. Kaya ko ngang pasayawin ang baka at baboy sa isip ko, Latin honors pa kaya?”

“Hindi na nga mahalaga ang grades!” giit niya, natatawa.

Biglang hindi mahalaga pagkatapos makita na grado ko noon? Akala ko ba hindi papatol sa bobo?

He’s running for summa cum laude. Ang hirap din talaga bagayan eh. Manliliit ka talaga pag nakita mo na consistent ang grades niya simula first year.

“Gagraduate pa rin naman akong may Latin…” bulong ko sa leeg niya. “May Latino…”

Gusto ko ngang sumali-sali ulit sa mga competition na sinasalihan niya. Wala lang. Para lang magpacute sa kanya. Mahilig pa rin kasi siyang sumali sa mga competitions. Total minamaliit ako ng mga fans niya, yayabangan ko ng kaunti na may ikakabuga rin naman ako.

Iyon na ang mga plano ko noong September. Mga friends ko, hindi mo na rin basta-basta madidisturbo dahil marami sa amin ang graduating. Ang ibang girls, si Shiloh ang kasabayan.

Minsan, nasa unit niya ako, minsan naman, siya ang nasa unit ko. Madalang din kaming magkita lalo na kung busy sa school. Inaaliw ko na lang ang sarili sa mga librong binabasa at pag-aaral. Ginagawa ko siyang reward kaya kahit nag-aaral, nakangiti pa rin ang loko.

Kakagising ko lang nang bumungad ang maraming text sa akin. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin pero mas kinuha ni Angela ang atensyon ko.

Angela: Ron. May nakita akong rumor sa comment section tungkol sa circle natin. Wtf. May nabuntis ka bang ex mo?!

Chapter 35

Responsibility

Nag-aagaw pa rin ang antok ko noong nabasa ko iyon. Sa dami rin kasi ng rumors tungkol sa circle ko, tungkol sa aming boys, matatawa ka na lang minsan kung paano nila iyon inimbento.

I clicked the first screenshot Angela sent. Marami iyon. Nasa mga lima yata. Mukhang sa comment section nga. I think it was also posted on her TikTok videos, the one where I carried Riri, based on what she said.

faith: ano yong nabasa ko na may anak siya sa ex niya?

At itong Faith na naman? Sa comment niya yata nagmula ang rumor.

juanaaaa replied: ex niya? i didn’t know he had an ex. akala ko fling lang? most of his flings are wellknown top students

rowella replied: may rumor naman kasi talaga na nakabuntis ang isa sa circle nila. i just didn’t know how it started pero matagal na ’yan na rumor. years ago pa at nasa circle daw ni brent.

sammy replied: hahaha i know how it started! someone said they saw his ex which is claudette jimenez na may big tummy years ago. private account na kasi siya after her father died and she doesn’t post much or active na sa socmed pero some block mates of her said na she has a daughter daw talaga.

faith replied: and who is the father daw?

sammy replied: idk kaya some are speculating it was veniel kasi he’s the known ex of hers. they used to be so famous as couples on their campus during high school. nagbreak lang daw because slade cheated? and what i heard, it was because of arcena?

faith replied: arcena? you mean bambi arcena? or ibang arcena?

gwennn replied: bambi is rafiel arcena. hello, i’m their school mate, and yes kalat na kalat sa school namin na arcena is the rumored reason for their break up. naguidance pa sila because of it dahil nagkarambulan sa flag ceremony. veniel is so famous in our school and every student knows about this issue because claudia is also a campus crush. veniel has a thing for arcena kaya naging bigdeal pag usapan kasi everyone’s curious if he’s straight or not. matagal na ’yan. he likes him.

kelly replied: as someone who’s also their school mate, this is true!!! super lala ng rumor nila sa school. pinag-uusapan sila lagi lalo na ang section nila. kaya gulat ako na until now, nalilink si veniel kay arcena. guys, that’s just the tip of the iceberg! mas malala sila noong high school!

gwennn replied: omg ikr?!?! plus that rumor na lumipat si veniel sa ibang school kasi nagseselos siya kay angeles na duo ni arcena that time. and the fact arcena also stepped down from that big competition after that rumor na may nakakita sa kanilang basang basa sa ulan, nagtatalo raw. high school pa lang, fishy na talaga ’yan sila. para silang obsessed sa isat isa na ewan

kelly replied: may rumors pa nga non na kaya nanahimik si claudia because veniel’s fam is too influential. may friend kasi ako sa ssg that time. sabi niya, veniel’s fam donated millions daw and suddenly, claudia was called for guidance tapos after that day, deleted na lahat ng post niya tungkol sa cheating allegations ni slade. *i call him slade because it’s his famous name during high school

gwennn replied: i heard abt that rumor din! he came from the upperclass naman kasi talaga. sobrang bango niya pag dadaan sa harap mo, tapos lagi pang nakangiti kaya kita ang braces. he always looks clean and fresh, halatang his fam can buy the whole world to clean his mess. unico hijo din yan. his parents are RICH RICH

faith replied: kung since high school pa pala sila, bakit maraming naging boyfriends si bambi? never din lumabas na veniel is not straight. with his circle’s reputation, and him being seen in bars partying and flirting with girls, everyone will assume he’s straight.

gwennn replied: i think he got back with claudia during his first year? meron ako kasing kablock mates na nagsabi na sinundo niya raw si claudia sa club. and then ayon na, there’s suddenly this rumor about claudia getting pregnant and the father is veniel. idk lang why veniel still flirts around if he’s the father of claudia’s daughter.

faith replied: kaya ba lowkey sila ni bambi kasi may anak na si veniel sa ibang babae? o lowkey kasi masisira ang reputation ni bambi since he’s the reason for their break up and suddenly, pinatulan niya talaga?

gwennn replied: right??? arcena is smart as hell. high school pa lang, nanglalamon na yan eh. so it’s surprising lang na may rumor sila na nahuli raw sila ni claudia sa unit ni veniel. he’s wearing his clothes at halatang may nangyari sa dalawa. may rumor din kasi sa school na crush niya si veniel. i mean based on veniel’s looks, kung sobrang guwapo niya ngayon, mas malakas ang dating niya noong high school tapos naka braces pa yan at walang rumors na fuckboy and hayok sa girls. i mean gwapo pa rin naman ngayon pero disappointing kasi siya compared sa reputation niya noon

kelly replied: alala ko na dinadayo ng ibang school ang school because of him lalo na tuwing intrams! kahit mga junior high, crush na crush siya. tapos biglang naissue kay arcena. not to be homophobic pero claudia was top-notch during high school din kasi. it’s her prime era. si arcena, wellknown siya pero because he’s smart. kinakakatakutan ng senior high kasi nanglalamon. he’s not that pretty during high school kasi compared to claudia. tapos ngayon ang lala ng glow up niya. i didn’t know nga siya si arcena noong high school! i mean he changed so hard!

gwennn replied: super pretty din ni claudia talaga ’no? sad lang na she lost her sparks after the death of her father. tapos nanahimik na siya. i mean good for her na hindi na siya invested sa socmed knowing she likes posting so much and nagcacause ng attack kay arcena noon. teenage days din kasi kaya understandable ang ugali niya that time.

faith replied: sana maaddress ’to ni bambi. hindi pwedeng tahimik siya. ang loud niya sa ibang lalaki niya tapos ngayon itatago niya? baka dahil nga totoong sinulot niya? at totoong takot lang siyang madumihan ang reputation niya kung totoo mang may anak na sa ex yong lalaki niya ngayon.

rowella replied: omg kaya pala may rumor talaga ang circle ni brent na nakabuntis! kung ako si bambi mandidiri ako. pero kung totoo ring may nangyari sa kanila noon kaya naghiwalay si veniel at ang ex niya dahil nanggulo siya, hindi ba siya nandidiri sa sarili niya? ano ’yong women empowerment niya, para lang pagtakpan ang baho niya? kunwari pang walang lalaking pinopost sa tiktok pero hayok na hayok naman pala sa t—te. ang pick me niya sobra

faith replied: don’t judge muna. bambi is smart. si veniel lang naman ang sumisira sa reputation niya. kaya sana tigilan niya na ’yang lalaking yan. umattend pa siya sa party ng circle ni brent. nakakadisappoint talaga sobra. konti na lang hindi na ako magiging fan

gwennn replied: oppseee yall are so quick to cancel people. pero i dont think if veniel will speak up abt this. he doesn’t rlly care about rumors and stuff. maybe because he’s too privileged to participate in socmed dramas

kelly replied: i remember he didn’t say a word nga during high school when arcena was dragged by claudia’s cryptic post. as much as i am on claudia’s side because i support women, pero ang lala kasi ng hate kay arcena na puro girls pa ang umaaway sa kanya. they’re calling him names pa nga. and veniel never speak up to clean the mess. he’s too sheltered he lets his fam clean it for him.

faith replied: like nang like pa yan sa rumors nila ni bambi. he got the balls to stir rumors, and now he doesn’t know how to man up? ayan pa ang type ni bambi? kasi kung oo, the bar is clearly in hell. may taste siya sa mukha oo, pero sa substance, very downgrade.

calsyperez replied: masyado niyo kasing sinasamba ang twink na yan! oo na maganda, matalino, pero maninira pala ng relasyon? kung totoong may anak na ’yang si veniel, aagawan niya pa ang isang bata ng ama. ayan ang napapala niya. hayok sa lalaki. akala mo naman pipiliin siya kung talagang may anak yang lalaki niya ngayon sa ex niya. iiwan yan.

Doon na ako napabalikwas sa kama. Kahit si Raya may text na at mukhang parehas lang sila ng tanong ni Angela.

I opened my messenger app right away. Sa tagal kong babad sa TikTok, nawalan na ako ng oras na sumilip man lang dito. Lalo na noong sa imessage lang din kami nag-uusap ni Bambi.

I searched Claudia’s name to look for our messages, and surprisingly, she messaged me a month ago.

Kinabahan agad ako. I opened her message curiously.

Claudette: Hey! Can we talk?

Fuck. Anong buntis siya? At anong may anak na babae? At paanong…

I clicked the call button before I could even jump to conclusions that something really happened between us during that night.

Three rings, and she answered it.

“Hey… Claudia…” I called and pinched my lower lip.

“Hello… sir?” a little voice answered my call.

Unti-unti akong napaupo sa kaba. Alam ko, may kapatid siya, pero lalaki. Paanong may…bata? O baka naman pamangkin?

“Hello little girl… where is Claudia?”

“My….my mommy? That’s mommy’s name… Mommy…”

Gago, mommy. At sino ang daddy?! Gago anak ko ba ’to?!

“Yes, your mommy. Where is your mommy?” sinikap kong maging marahan ang boses kahit parang sasabog ako sa inip.

“Oh no… Jelly is bout to getchu. Cummon! Cummon! Huwy!” Her voice turned softer, like she’s in the middle of playing and I’m disturbing her.

“Hello…” muli kong kuha ng atensyon niya. “Your Mommy?”

“Bathroom… Name, sir?” naging seryoso ulit ang boses niya.

“Can you tell your mommy I wanna talk to her? Please…”

“Mommy said no. She’s shoshewi.” Her gibberish words are hardly understandable.

Shoshewi?

“Where’s your Mom—”

Napakurap ako nang makitang namatay ang tawag. Napatayo ako ulit at tinawagan ito. Iyon nga lang, pinatay na naman.

I cursed breathily. Napatayo pa ako, hinawi ang kurtina ng kuwarto para mas lumiwanag ang loob. Ito na ba ang sintensya ko? Nagkatotoo na ba ang mga dasal ni Mama?

I checked the time. Nang makitang malapit na ang class ko, I typed a message so she could read it later.

Me: Hello Claudia. Sorry I viewed your message very late. By the way, sure, let’s talk. I think I also need to confirm something.

Nagshower na lang din ako agad kahit hindi matanggal sa isip ko ang lahat lahat.

May rumor na buntis siya at may anak na babae. Ngayong tinawagan ko, may sumagot na batang babae at tawag sa kanya ay Mommy. Nasaan ang Daddy? Baka naman may kinakasama na si Claudia at naging private lang kaya hindi exposed?

At kung may nangyari sa amin noong first year ako, ilang taon na ba dapat ngayon ang bata? Three?

Bigla akong kinutuban. Sa pakikipag-usap noong bata sa akin kanina, mukhang hindi pa tuwid magsalita. Masyado pang bata. I know Caudia’s family history. Kaya imposibleng pamangkin o anak ng kamag-anak niya ’yon. I wanted to think she decided to adopt a child, but she’s currently studying. A child is just a burden to her time and her studies for sure.

Nasa school na ako noong chineck ko ulit ang phone ko. Hindi ako mapakali. Bambi is quite busy because it’s almost their exam. Nagkasundo kaming huwag masyadong disturbohin ang isa’t isa para hindi kami nagiging distraction.

Nang makita kong may message na sa akin si Claudia, kahit nasa gitna ng discussion, hindi ko maiwasang tingnan ang phone ko.

Claudette Jimenez: Hello, Slade. I saw you called. I’m sorry someone answered the call. I was showering when you called.

Claudette Jimenez: If it’s okay with you, can we talk at my place na lang? Do you still remember my address? If not, I will send it here. Let me know if you’re comfortable talking with me at my place so we can schedule it somewhere more private. Thank you.

Kaya pagkatapos ng isa kong subject, sinulit ko ang isang oras na break time para dumiretso na sa kanila. Gustuhin ko mang pumunta ro’n nang mag-isa, mas mabuti iyong may mga kasama akong pwedeng tumayo bilang witness kung may mga rumors na naman na walang kabuluhan.

“What rumor? Ito ba ’yong sinasabi ng girls na sinisiraan ka sa internet?” tanong ni Tyler, nagdadrive sa BMW niya, ako ang nasa front seat at si Mav ang nasa likuran.

Sakto kasi na break time ng dalawa kaya nagpasama ako. Bigla ko ring naalala na sila ang kasama ko noong pinagbabawalan ako ni Brent na pumarty at hindi ako nagpaawat sa araw na ’yon kaya nagkayayaan din kami ni Claudia na…mag-usap.

“May screenshots kasi si Angela,” sabi ko, tuliro pa dahil sa mga iniisip.

The intro of Daddy Issues blasted all over his car. Nagkasalubong pa ang kilay ko sa kanta, hindi alam kung masamang pangitain ba ang title, o talagang nalamon na ako ng kaba ko.

“What screenshot?” si Mavric na tiningnan ko sa itaas ng salamin, busy ng kaunti sa hawak na phone.

“Na may nakabuntis raw sa circle natin?”

“What?” Natawa si Tyler. “That rumor again?”

“Noon pa ’yan, ah? Hanggang ngayon pala, buhay pa rin ang rumor na ’yan. Sino na lang bang straight na natitira sa circle natin? Si Con?” Mavric chuckled.

Hindi na ako nakapagsalita. Nag-aalangan pa akong ikwento ng buo dahil baka pag binanggit ko na ako ang pinaparatangan, magkatotoo. Parang lahat ng pamahiin, biglang paniniwalaan ko huwag lang ako maging ama.

“Then why are you meeting up with your ex? Did you get her pregnant?” Humalakhak si Tyler na talagang ikinangiwi ko.

Itong demonyo pa talaga ang nagsalita.

“Huling kita niyo, first year pa ’yon, ’di ba?” si Mavric.

“Kaya nga… Kaya…imposible…” sabi ko, nagsalubong pa ulit ang kilay nang matandaang…nakakapagsalita na ’yong bata.

“Unless your dick has superpowers. Malay natin sa sobrang delayed, ngayon lang nagbunga?” halakhak lalo ni Tyler.

Natawa rin kami ni Mavric, pero kalaunan, naging hilaw agad ang ngisi ko. Duda talaga ako. Mas lalong kumakalabog ang dibdib ko.

“Kung nakabuntis ka, ayaw mo niyan Ron, nalaman mong hindi ka pala baog,” si Mavric na nang-asar pa talaga.

“Bro, I remember it all too well. His ex’s dress was slightly messed up that day. Halatang pinanggigilan ni Ron para magkagano’n eh…” kuwento ni Tyler na mas dumadagdag lang sa alalahanin ko.

“At bakit alam mo, Tyler? Tinitigan mo siguro ang katawan?” Sipa ni Mavric sa likod ng upuan niya.

“Gago, hindi! She adjusted her dress and I accidentally saw it! Fuck you, Evander!” si Tyler na tiningnan pa siya sa salamin para mag dirty finger.

“Wala akong maalala talaga…” iling ko.

“Let’s ask your ex then. Baka siya, naaalala niya…” si Mavric.

Tumikhim si Tyler, may pinindot sa phone niya. Nang tumugtog ang Hey Daddy by Usher sa kotse niya, talagang sinipa ko na siya. Tyler and Mavric ended up laughing while I was shaking my head with a smile on my lips. Gago talaga.

“Let’s see if you’re going home as a daddy later…” Tyler smirked at me.

“Literal na Daddy,” dugtong ni Mavric sa likuran sabay halakhak ng dalawa.

Fuck. Natatawa pa ako ngayon, pero kung totoo ’yan, makakatawa pa kaya ako mamaya?

Oo, sinabi kong bubukod ako, pero tang ina, hindi ganito! Binigyan ba naman agad ng responsibilidad!

Iniisip ko pa lang ang reaksyon ni Ate, mukhang sasabog na ’yon sa galit dahil pinasukan ko na lahat ng problema. At heto nga, isa sa pinasukang problema, literal na maaaring nagbunga!

Mas lalong umusbong ang kaba ko sa magiging reaksyon ni Bambi. Hindi naman sa inaako ko na agad na baka nga nabuntis ko, nagbunga, may nangyari, pero kinakabahan ako kung dadagdag pa sa amin ang ganitong problema.

Noong tumigil si Tyler sa pamilyar na bahay nila Claudia, parang hindi ko na alam paano huminga nang maayos.

Lumabas kaming tatlo. Tyler tapped my shoulder. Namumungay ang tingin sa akin, si Mavric, sinenyasan na akong magdoorbell.

Ang pangit talaga ng pakiramdam ko. I pressed the doorbell quietly. Si Mavric at Tyler, tahimik lang na naghintay at sumandal sa kotse.

Kaya nang bumukas ang pinto, lumabas si Claudia, si Tyler at Mavric, nagkatinginan pa agad.

Claudia gave me a small smile while walking toward the gate. Huling kita ko sa kanya, noong first year pa. To see her doing fine, looking blooming and healthy, I got a little happy for her.

“Slade…” She smiled and opened the gate completely.

Tiningnan niya ang dalawa ko pang kaibigan at nakangiting inimbita papasok. The two idiots quietly followed me.

Iginiya niya kami sa hardin lalo na’t may mga upuan doon. Noon, alala ko, wala pang ganito. Mukhang renovated ang front porch ng bahay nila kaya may gazebo na rito.

Nakita ko sa bermuda grass ang maliliit na laruan na ilang segundo kong tinitigan. May mga stickers pa na nakadikit sa isang bucket kung saan may laman ding mga shells.

“May gusto ba kayong snacks? Galing ka sa school?” tanong ni Claudia kaya tiningnan ko siya.

“Ah, yup. I’m fine. Hindi ako nauuhaw. Baka sila…” Tiningnan ko ang dalawa na pigil ang tawa.

“You should give Ron something to drink. Baka pag may sinabi ka, matumba ’yan…” si Tyler na natatawa kong sinipa. Gago!

Si Claudia, natatawa na ring napatingin sa akin.

“Kaya ka ba tumawag? May rumor na bang nakarating sa’yo?” she chuckled.

I nodded. “Oo eh. Nabuntis daw kita?” Halakhak ko.

When Claudia didn’t laugh, the humor of my laugh slowly subsided. Hayop, tang ina, gago!

Bumukas ang pinto at may sumilip na batang babae roon, mahaba ang suot na bistida, medyo kulot ang dulo ng mahabang buhok at sinilip kami rito.

Parang sasabog sa kaba ang dibdib ko. May bata nga. Gusto ko pa sanang isipin na baka minumulto lang ako kanina kaya bata ang sumagot pero talagang meron. Halatang mestiza pa ang bata.

“Hala, Ron… Kamukha mo…” bulong ni Mavric sa likod ko. “Parehas kayong may mukha.”

Claudia laughed a little at Mavric’s joke. Si Tyler, ang lawak na ng ngisi sa bata at kumaway pa ang kumag.

“Hello…”

Nanghihina akong napaupo sa silya. Kung kanina, sinasabi kong hindi ako nauuhaw, ngayon parang kailangan ko na ng tubig.

Sumenyas si Claudia sa bata na lumapit. She walked slowly with her alert expression while holding the hand of a stuffed animal—a frog.

Nahihiya siyang yumuko nang nakita niyang nakatingin kami sa kanyang tatlo, at nagtago sa likod ni Claudia. When she tilted her head and found our eyes again, she immediately pulled it back.

“Your daughter?” Tyler shamelessly asked.

Hindi na ako makapagsalita. I was too shocked to even speak.

“Ah oo…” Claudia smiled and looked at me meaningfully.

“Ilang taon na siya?” si Mavric.

“Three…”

Three. Tama ang…calculate ko.

“Kukuha ako ng snacks…” si Claudia.

Tumango ang dalawa habang ako, nagkakasalubong na ang kilay. Naglakad na si Claudia papasok, ang batang babae, lumingon saglit sa amin, pero nang nangingiting kinawayan ni Tyler, nahihiyang sumunod sa ina.

I stood up and looked at them. “Kakausapin ko muna.”

Tumango ang dalawa sa akin. Naglakad na ako papunta sa pinto, binuksan ang screen door at sumilip sa loob.

“Claudia…”

Nakita ko siyang papasok na sa kusina. Ang batang babae, nasa sala, nakasquat doon at naging abala na sa stickers. She looked at me alertly, like I was an intruder.

“Slade… Pasok ka lang…”

Unti-unti akong pumasok. Ngumiti ako sa bata.

“Dadaan ako ha…” mahinahong sabi ko.

She pulled her attention back to her stickers silently. Dumiretso na agad ako sa kusina. When she saw me, she sighed defeatedly.

Abala siya sa paghahanda ng snacks. May binubuksan siyang box at mukhang pastries iyon. Kumuha siya ng puting plato, pero hati na ang atensyon dahil sa ekspresyon niya.

I quietly took the tongs on the table and took the plate in her hand. Gusto kong tanungin agad, pero parang hindi na ako handa kahit ito ang sadya ko kahit pumasok ako.

“I’m sorry, Slade. Kaya…ayoko na sanang ipaalam dahil nakita ko na may rumor kayo ni Arcena. I don’t want to cause more dramas…” Nailing siya, nasapo ang ulo, at mas bumigat ang buntonghininga.

“Ako ba?” I asked.

Nagkatinginan kaming dalawa. She gasped and licked her lower lip. Nagkasalubong ang kilay ko at tahimik na nilagyan ng pastries ang plato kahit lumilipad na ang isip ko.

Umiling si Claudia. “Hindi ko…hindi ko rin matandaan kung…kung may nangyari ba sa atin. Sobrang lasing ako… Kaya…gusto ko sanang…tanungin ka mismo. But then…I saw the rumors. And I wasn’t sure if you’re the father. Kaya…”

She gulped a little and avoided my gaze.

“Bakit hindi mo agad sinabi?”

“Bakit ko sasabihin?” She chuckled bitterly and looked at me again. “I don’t know who’s the father, Slade. Why would I inform you? For what? So you could raise a kid that might not be yours?”

“Paanong hindi mo alam? Unless you slept with other men that night aside from me…” O kung may nangyari man talaga sa amin…

Mariin siyang napapikit, umiiling. “Hindi ko naman kailangan ng tulong para buhayin siya. I carried her for nine months without her father’s help. Nakaya ko siyang buhayin sa tatlong taon kaya… ayoko nang isipin pa kung sino talaga ang ama niya,” giit niya.

Natulala ako sa kanya. I placed the plate slowly and looked at her shaking her head.

“I… I’m leaving for my OJT abroad. Mawawala ako ng ilang buwan. I already contacted a nanny for her.”

“What the fuck, Claudia. Ipagkakatiwala mo ang anak mo—o baka anak ko rin, sa kung sino sino lang?”

“Then what?! Ipapaalaga ko sa’yo? You’re graduating! And you have… you have him back! Ayokong…” She sighed and shut her eyes. “Ayokong maulit ang pagkakamali ko noong high school, Slade. Lalo na ngayon na may anak akong kailangang unahin at kailangang protektahan. The least I want right now is to stir another drama.”

I gulped a little. Dumilat siya ng paunti unti. When she looked at me, her eyes softened.

“Hindi pa ako nakakahingi ng tawad na…ipinagkalat kong may nangyari sa inyo noon. Na…siya ang dahilan ng hiwalayan natin. Nadala ako sa emosyon ko. I posted it out of pain. And it stirred rumor. It tainted your name—even his. Until now, pinag-uusapan…” nailing siya, dismayado.

Namaywang ako, mas natahimik.

“Noong namatay si Dad, Slade… Pakiramdam ko namatay din ako,” she chuckled, but then her eyes turned glassy. “Wala akong makapitan. Pakiramdam ko, mawawala na rin ako ano mang oras…”

“Claudia,” I called.

“Pero noong dumating siya… nabuhayan ako. I have all the reasons to abort her, to go on with my life as a student because my main priority is to graduate—to succeed. But I…I decided to keep her. I wasn’t even prepared to become a mother to begin with—but I just did! Because I needed to. I needed to become a parent after losing a parent, Slade…”

I’m proud, Claudia. I’m proud…

Natawa siya, humingos at sinikap na hindi tumulo ang mga luha kahit nagbabagsakan na.

“I needed to be alive for her. I chose to live again…because of her…”

I nodded.

“Kaya hindi ko alam kung…kung anong mangyayari sa akin kung nadamay siya. Kung pinasok ko ulit ang mundo mo, at isa siya sa…mapaparusahan dahil sa mga kasalanan ko noon. Hindi ko…hindi ko kaya…” She laughed, but the tears were now dripping down her cheeks.

Kumuha siya ng tissue bago ko pa man kapkapan ang sarili at iabot sa kanya ang panyo. Humingos siya, sinisikap na maging maayos.

“I’m sorry. I got carried away,” naiiling siyang natawa habang pinupunasan ang mukha.

Tanging mangha ang nanaig sa akin. Imagine it: she raised the kid alone. She’s just a student for God’s sake. Wala pang umaalalay sa kanya at tanging kapatid na lang ang natitirang pamilya. Hindi ko alam kung paano niya iginapang iyon sa tatlong taon, pero kung ako man ang ama, may malaki rin akong responsibilidad sa bata.

“If I am the father, I will…raise her too, Claudia… If I am her father…she’s my responsibility, too…”

Chapter 36

Shelter

Noong high school ako, lagi kong naririnig kina Mama na mag-ingat ako rito sa Maynila. Na baka nga, uuwi ako sa Bukidnon na may dalang bata dahil nakabuntis na.

Iniisip ko pa noon, kung nabuntis ko si Claudia, ayos lang dahil paninindigan ko siya. Ayos lang dahil mayaman naman ang pamilya namin at kaya kong buhayin ang bata.

And now that it’s already happening, I wanted to travel from that time and give him a knock in the head for being too lightheaded.

Hindi nga naman biro ang ganitong responsibilidad. Noong makita ko ang bata, parang tumigil ang mundo ko. Hindi takot sa sarili, kundi takot sa magiging reaksyon ni Bambi.

Nasanay akong bunso, walang inaalalang iba at walang alam sa buhay, but when I saw that Claudia really has a daughter and there’s a small chance I am the father of the kid, it immediately humbled me.

“May lukso ka ba ng dugong nararamdaman?” bulong ni Mavric, lalo na’t nasa tabi niya ako at tahimik na pinapanood si Tyler na nakikipaglaro sa bata.

Nailapag na namin ni Claudia ang snacks sa mesa. Bumalik lang siya sa loob para kunin ang juice.

“Titigan mo nang mabuti. Kung lumambot ang puso mo, baka ’yan na ’yon…” bulong lalo ni Mavric, na talagang inilingan ko.

“Wala rin siyang maalala,” sabi ko.

Nailing si Mavric. “DNA test na ang kailangan niyo kung gano’n.”

Tumango ako kay Mavric dahil iyon din talaga ang plano ko. Kung kailan nag-iipon ako, saka naman may ganitong problema. Bawas tuloy ang savings.

At ito pa ang iniisip ko, huh? Come to think of it, if she’s indeed my daughter, then how am I gonna raise her with the savings I have in my bank account?

Kaya ko ’tong gastusan sa ilang buwan, pero taon? Mukhang dalawa na kami sa putikan pupulutin sa susunod.

“Natatakot ako, Mav… Paano kung akin talaga?” I looked at him seriously.

Si Mavric na nangingiting pinapanood ang batang nilalagyan ng sticker si Tyler sa mukha, wala sa sariling napabaling sa akin.

I couldn’t even smile and appreciate what’s in front of me despite the cuteness of the kid and Tyler acting as her playmate.

“Kung sa’yo talaga…wala kang magagawa. The only thing we can confirm is if you really got the balls to man up. Hindi mo na ’to pwedeng takasan katulad noon, Ron. This is not just a simple problem you can shrug about and party while there’s a woman—the mother of the child—taking care of your child.”

Gago. Ang lala ko naman siguro kung makukuha ko pang magsaya habang si Claudia, inaako ang responsibilidad na dapat sa aming dalawa?

Hindi naman ’yan ang inaalala ko eh. Kung akin ’yan, sige paninindigan ko. Tatayo akong ama. Pero ang mas nagpapakaba sa akin ay ang reaksyon ni Bambi rito.

Tumayo ang bata at binigyan kami ni Mavric ng stickers. Ngumiti ako, tinanggap iyon. She gave me a green butterfly.

“Wafafu…” she said and pointed at the sticker.

“Butterfly?” Mavric echoed and smiled at her.

The little girl nodded and walked back to her toys and crouched down again to join Tyler, who’s too giddy to play with her.

Tinitigan ko ang bigay niyang butterfly dahil green iyon, naalala pa si Bambi. This truth will break him. Kahit sabihin kong maiintindihan niya naman dahil matagal na ’yon at hindi ko naman sinasadyang magbunga kung sakali man, sigurado akong masasaktan siya.

“DNA test, Ron. That’s the solution to this problem,” si Tyler na iyon din ang sinabi nang malamang kahit si Claudia, hindi sigurado. “If you need emergency funds, I’ll lend you money…”

Tingin niya iaasa ko pa ’yan? Kasi kung totoo talagang may mas mabigat akong responsibilidad, bukod sa pagtalikod sa mana ko, dapat matuto na rin akong huwag umasa sa kahit sino.

Umalis na kami at nasa kotse na habang pinag-uusapan pa rin iyon. Now that they saw there’s really a daughter and Claudia couldn’t testify that I wasn’t the father of the kid, the rumor about our circle we sometimes laugh at suddenly felt serious.

Wala eh… Talagang may bata.

I told Claudia about the DNA test. She said it’s too pricey. Hindi ko naman pinapaako sa kanya iyon. Kusa ko ’yon s’yempre.

“Hindi naman na kasi dapat kailangang…kumpirmahin kung sino ang ama ng bata, Slade. Hindi ko siya ipapaako sa ama niya. Kaya ko siya,” I remembered the hesitance in her voice.

“I know, Claudia. But I am the rumored father. I have a partner with a big image on the internet. Ayokong makabasa na inaakusahan siyang naninira ng pamilya, may batang inagawan ng ama, o matawag na sinusulot niya ako.”

She sighed and nodded in a forceful way. “Kung…hindi lang siya nadadamay rito, wala akong pakialam sa sinasabi nila sa internet. Pero masyado na siyang naiipit…”

Kaya nga mas importanteng may ebidensya kaming makakapagpatunay na mali ang rumors kaysa hayaan iyong makasira ng buhay ng ibang tao.

I can live with the ugly rumors circulating around me because I don’t have the need to explain my life to people who’s not even part of it.

But Bambi built a name I needed to protect. It’s not just about his reputation; this is about his pride and what kind of a person he is in my life. Ayokong natatawag siya ng kung ano dahil lang sa mga kumakalat na wala naman talagang totoong basehan.

“You didn’t ask her if she slept with other men? I mean…baka may naka one-night stand siya?” tanong ni Mavric, medyo naging seryoso na ang boses.

Marahan akong umiling. “Hindi na raw importante sa kanya kung sino ang ama.”

“Bakit hindi importante?” kunot noong si Tyler. “Well, I commend her for being a strong mother to her child, but the child needs a father. Hindi pwedeng takbuhan ’yan ng lalaki. Responsibilidad nila dapat ’yan pareho.”

“Wala nga raw siyang maalala…” sabi ko.

“O baka ayaw niya lang sa ama ng bata kaya pinapanindigan niyang wala siyang maalala,” ani Mavric.

Hindi ako makapagsalita dahil wala rin naman akong ideya sa buhay ni Claudia. Masyadong malayo ang isip ko, nandoon sa UP.

“I don’t really get the burden of having a child lies with the mother heavily while the father can easily get away with it…” iling ni Tyler.

“Anong plano mo, Ron? Ipinaalam mo na ba kay Bambi?” si Mavric.

Tyler glanced at me worriedly. “Talk to him about it maturely, Ron. This rumor has been a laughingstock in our group because it doesn’t make sense at all. We can laugh at you and joke around that your past asshole side backfired. But now that it might really be true, this can ruin your relationship with him.”

“Sakit niyan… lalo na sa mga kagaya natin. Big deal pag usapang buntis dahil…hindi naman tayo mabubuntis ng partners natin.”

“Kagaya nating ano, Mav?” Tyler laughed. “Say it, bro…”

Nakangising sinipa ni Mavric ang likod niya. Nilingon ko iyon pero unti-unti ring tumingin sa harap.

Ayan nga ang kinakabahala ko kanina pa. Gusto ko mang sabihin ’to sa kanya agad, kaso may exam pa siya. Patatapusin ko siguro muna, saka ko siya kakausapin tungkol dito.

Isa pa, wala pa namang kasiguraduhan kung akin nga. Ang mas mabuti sa ngayon, ipa DNA test ko, saka ko siya kakausapin.

Natulala lang ako, malalim ang iniisip at hindi makasali sa topic. Ngayon pa nahuli ang pagsisisi ko kung bakit hindi ko na lang pinakinggan si Brent noon na huwag party nang party.

That was also the day I went out without him. Kung kasama ko siguro si Brent no’n, papakialaman niya ako sa mga pinaggagawa ko.

Bambi: Bakit ang kati ng utong ko? May ginawa ka bang kalokohan?

Iyon ang text na natanggap ko sa kanya sa sumunod na araw. Tingnan mo na ang isang ’to. Ang ayos ng kasunduan namin na hindi masyadong magparamdam sa isa’t isa lalo na’t ngayong parehas kaming busy sa pag-aaral, tapos ganito ang isesend niya?

I was aching to tell him about my meetup with Claudia. But I know him too well. I’d rather give him a definite answer, with the DNA test as my evidence, then talk to him about this after his exam.

Me: Nangungulila siguro ’yan sa akin?

Kahit iyon, parang hindi ko na magawang ngitian. Kahit wala naman akong ginagawang masama sa likod niya, pakiramdam ko, talagang may masama akong ginagawa.

I pretended everything was under control while trying to stay composed. Aalis si Claudia next month. This rumor is affecting Bambi’s reputation, and this also needs a clarification from my side.

“Does your sister know about this?” tanong ng doctor, ang kakilala namin.

Sa kanya ako nagpatulong. I submitted what’s needed for the DNA test.

“Ayaw ko sanang makarating sa kanya,” sabi ko.

Hindi na kailangang malaman ni Ate habang wala pa ang resulta. Kung ano man ang kakahinatnan nito, kung talagang akin man, hindi ko na rin alam kung ipapaalam ko pa ba sa kanila iyon.

“Sinabi mo na ba sa kanya?” tanong ni Claudia, naglalapag ng juice sa harap ko nang muli akong bumisita.

Mailap pa rin ng kaunti ang bata. Hindi pa rin siya ngumingiti at may sariling mundo sa sala. Sa kakatitig ko sa mga mata, ewan ko ba kung ba’t pamilyar.

“Hindi pa. Exam niya this week. Kailangan focus ’yon. Ayoko munang bigyan ng impormasyon na wala pang kasiguraduhan…”

She blinked twice and smiled at me. Kuryoso ako kung bakit siya napangiti, pero nawala lang ang atensyon ko roon nang lumapit ang anak niya sa kanya.

“Mommy, jelly wanna shoshewi…”

“Jelly wants to shower?” ulit ni Claudia at kinuha ang laruang ibinibigay sa kanya ng anak.

The little girl nodded and looked at Claudia, who took the toy from her hand.

“Shoshewi, Mommy…”

“Okay, let’s shower, jelly…” saka niya hinawakan ang kamay ng kanyang anak at sinenyasan akong dito na muna.

I nodded and let her be. Tahimik akong nilingon ng bata, at nang magbanggaan ang tingin namin, parang may naalala akong mga hinanakit.

Oo nga, ’no? Loko ’yon ah? Bakit kuhang kuha ang titig ’nong isa?

Naging palaisipan pa tuloy sa akin habang pabalik na ako sa school at dumaan lang talaga. Pinasukan ko ang major subject ko at doon pa talaga bumabagabag sa akin.

Kamukhang kamukha ni Claudia ang bata. Wala nga akong mahanap na features na hindi kanya. Parang maliit na siya ’yong bata. Bukod nga lang sa buhok. Bagsak at tuwid na tuwid ang buhok niya, pero ang buhok ng bata, may alon sa dulo.

O baka kinukulot lang ni Claudia? Kaso ang natural din ng kulay. Hindi sobrang itim, parang nasisinagan ng liwanag lagi kaya umiilaw.

“Baka naman si Angeles?” biglang sabi ni Aries nang dumiretso ako sa unit niya at sinabi ang tungkol doon.

Bigla akong nagtaka sa sinabi ni Aries lalo na’t si Angeles din ang pumasok sa isip ko noong tinitigan ako ng bata. Bigla akong nakaramdam ng lukso ng dugo eh. Pero kumukulo na dugo.

“Bakit si Angeles?” tanong ko at parang may kaunting kirot agad dala ng nakaraan.

“Itanong mo kay Arcena. Mas marami siyang alam. Close sila,” aniya.

“Close sila?”

Aries smirked at me. “Si Arcena na ang magsasabi. Baka pag ako, humandusay ka bigla sa kinauupuan mo.”

“Na ano?”

At wala pa lang, kumukulo na agad ang dugo ko.

Aries shook his head while smiling at me. Tiningnan niya ang phone niya, nang makitang screen lang, nawala ang ngiti.

“Na ano nga?” tanong ko.

“Sa seloso mong ’yan? Si Arcena ang tanungin mo.”

“Last day niya ngayon sa exam. Ikaw na, Aries. Kaya kayo nag-aaway ni Merrie dahil ang bitin mo kausap eh.”

“Bitin…” umirap siya. “Kailan ko ’yon binitin…”

Natanga pa ako sa sinabi niya. Ayoko na ngang punahin baka lumiko pa itong usapan na ’to. Si Angeles ba naman…

“Sabihin mo na. Close sila? O ’yong noong high school ’yan. Nanghahaplos pa ng siko ’yon eh.” May kaunting galit pa ang pagkakasabi ko dahil naaalala ko pa rin ang eksenang ’yon.

Itinaob ni Aries ang phone niya nang makitang walang kahit isang bagong mensahe sa imessage niya.

“Wala naman kasi rito si Angeles pero umuwi ’yan noong mga nakaraang taon dahil tanda ko na nagkita rin sila ni Arcena. Nabigyan kasi ’yon ng malaking oportunidad sa ibang bansa para doon mag kolehiyo gawa noong competition. Sila ni Claudia ang nanalo eh. Tinanggap niya yata ’yong offer sa kanya pero si Claudia, mukhang hindi tinanggap? ’Yon ang alam ko.”

Nagkita sila? Gago ’yon ah. Duda talaga ako ro’n. Kumalma nga lang ako at baka sa tindi ng selos na nararamdaman, padalos dalos na naman ako.

Pero bakit hindi tinanggap ni Claudia? Bigla kong napagtanto kung bakit. Dahil ba sa ama niya?

“Nalagay ’yan sila sa bulletin board sa school. May article din yata dahil naging topic sila ng journalist ng school. Kaya maraming nanghihinayang noon na umatras si Arcena dahil…” he shrugged and looked at me meaningfully.

Natahimik ako. That opportunity was supposed to be meant for…my Bambi. And I robbed it from him because I was too immature.

Baka…nasa ibang bansa siya ngayon, siya ang nag-aaral sa prestihiyosong paaralan hindi ang Angeles na ’yon.

I typed a message to at least send him good luck.

Me: Goodluck, my future summa cum laude!

Maggagabi na noong nagpasya akong bumalik sa unit ko. Gusto ko na rin magshower dahil naaamoy ko ang alak ko sa akin. Hindi naman ako tinamaan pero mainit ng kaunti ang katawan ko, siguro ulo ko lang din ’yon dahil naalala ko na naman si Angeles.

Pagbukas ko ng ilaw, tumalon sa harap ko si Bambi, yakap ang pamilyar na malaking bouquet na pinadala ko sa kanya. The white roses and white tulips were wrapped in a green plastic cover.

“Nandito ka…” medyo nagulat pa ako pero napangiti.

“Nalaman ko kay Merrie nandoon ka raw sa unit ni Aries kaya hinintay na lang kita. Dumating sa akin kanina pag-uwi ko sa unit. Tapos namiss kita kaya dumiretso na agad ako rito kasi bakit walang kasamang kiss ang pinadala mo?” He arched his brow at me with a playful smile.

Napangiti ako, kaso nang maalalang may problema pa akong hindi sinasabi sa kanya, unti unting napawi.

I sighed and walked to the bed. I patted the space beside him. Kumunot ang noo niya at tahimik na naglakad papalapit sa akin.

“Bakit? May problema ba?” he asked worriedly.

I sighed and crouched on my parted legs.

“Uminom ba kayo ni Aries?” Sinilip niya ang mukha ko.

“Konti lang naman. Hindi ako natamaan,” sabi ko nang mag-angat ng tingin.

He stared at me curiously. Wala pa naman ang DNA test pero ngayong nandito siya, bigla akong nakonsensya. At ayos na rin siguro na…alam niya. Kaysa marinig niya pa sa iba, at madagdagan na naman ang alalahanin ko.

“Si Angela… last week, may pinakita sa aking screenshots…”

“Tapos…” Nahimigan ko agad ang pagiging seryoso sa boses niya.

I licked my lips, and I couldn’t even utter it. Kailangan ko pang tumayo at pumunta sa fridge para kumuha ng malamig na tubig.

Nanatili siya sa kama, nakatingin sa akin. I poured a glass of water for myself and gulped it down in one shot. Muli akong nagsalin pero hindi na para sa akin kundi para na sa kanya.

I walked toward him and handed it. Natawa siya ng kaunti, akay pa rin ang malaking bouquet ng bulaklak, inabot lang ang basong tubig.

“Para saan ’to? Masyado bang mabigat ang sasabihin mo kaya kailangan kong uminom?” ngiti niya, pero unti-unti ring sumimsim.

Ngayon na nasa harap ko siya, ganoon pala talaga kabigat. Noong una, kaya ko pang dalhin at iniisip ko na kung sakali mang anak ko nga, paninindigan ko. Pero ngayong nandito sa harap ang rason kung bakit handa akong talikuran ang lahat, nanlumo ako.

I already tainted his name once. I robbed his dream from him. And now, he’s facing this rumor that might taint the reputation he built from his sweat because of me.

Again.

Nang matapos siyang uminom, kinuha ko iyon sa kamay niya para maibalik ko sa sink. Inilapag ko iyon doon.

“May nangyari ba?” he asked softly.

Nang makalapit, gawa na rin siguro ng mga naiisip, nanlambot na ang mga tuhod ko. I knelt in front of him and rested my head on his lap.

“Slade,” rinig ko ang gulat sa tinig niya nang haplusin niya ang buhok ko. “Tumayo ka nga!”

I buried my face against his soft legs and hugged the back of his knees.

“May kasalanan yata ako…” I whispered guiltily.

“Ano? Sabi na eh! Nangangati ang utong ko dahil may kalokohan ka…” tunog biro pa iyon pero hindi nakaligtas sa akin ang kaba sa boses niya.

I slowly lifted my face to look at him. Kita ko agad ang sumasayaw na kaba sa mga mata niya nang makita niyang seryoso ako.

I saw the horror in his eyes, bracing for something big.

“Anong…ginawa mo?”

My chest was banging loudly. Even the saliva was stuck in my throat, and I could barely speak what I wanted to confess.

“Last week…” Halos magdalawang isip pa ako.

Nanatili siyang tahimik, ang isang kamay, nakayapos sa bulaklak na bigay ko, ang isa naman, nasa kandungan niya.

“I met up with my ex, Claudia…”

His eyes slowly widened.

“Hindi mo…sinabi…”

I nodded. “Hindi ko sinabi dahil nagrereview ka.”

He sighed and nodded like he was validating my reason, but his expression remained worried.

“Bakit ka nakipagkita?”

“I needed to clarify something. Angela sent me screenshots. Binasa ko. There’s this ongoing rumor about our circle na…may nakabuntis daw.”

He nodded. “Naririnig ko rin ’yan na rumor sa inyo.”

I rested my head back on his knees. I sighed heavily.

“I confirmed the rumor started because Claudia…got pregnant… my ex…”

Mariin akong pumikit. Na kung paparusahan niya agad ngayon, taos-puso kong tatanggapin. I deserve it. No. I don’t even think there’s enough torture I deserve right now. Kahit yata ang barilin ako ni Asher, o itakin ako ng ama niya, hindi pa rin sapat sa akin.

“Kaya…pinuntahan ko si Claudia… kinumpirma ko ang rumor dahil gusto ko rin sanang…tuldukan. But then, I confirmed she really has a daughter. She’s…around three. And four years ago… I met up with her. We talked about our past. I took her to my unit and…we got drunk…”

Fuck! Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Mas humigpit din ang pagkakayakap ko sa mga binti niya, natatakot na baka bigla siyang tumayo, bigla akong iwan.

“I already did a DNA test. Hinihintay ko na lang ang result…” nanghihina kong sabi.

Hindi siya nagsalita. Ilang minuto ko pang ibinaon sa binti niya ang mukha ko, ngunit nang makuryoso sa katahimikan niya, unti-unting umahon ang tingin ko.

He quietly stared at me. There’s no hint of humor in his lips, and the glint in his eyes told me that he looked shocked and surprised.

“Hindi ko rin maalala kung may nangyari ba sa amin. I passed out. She…passed out too. I swear to God, I have no plans on…having sex with her on that night. Claudia, too. Nag-uusap lang kami sa nakaraan namin… we…we were reminiscing…”

His jaw clenched and he looked away. Kahit ang pagkakayakap niya sa bulaklak, unti unti niyang pinakawalan, unti unti niyang inilapag sa kama.

I froze like I had just received a death sentence for my crime. Kahit wala naman siyang sinabi, pakiramdam ko, nasa bingit na agad ako ng kamatayan.

“Ano pa ang iba niyang sinabi?” kahit ang tanong niya, pakiramdam ko, pag may kulang sa sagot, diretso na akong bibitayin.

“I asked her if she slept with…other men…aside from that night we couldn’t remember. But she said she doesn’t care who the father of her daughter is. Kaya niya raw buhayin.”

He gasped and shook his head. Mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko kulang ang paliwanag ko, o may hindi ako sinasabi, kahit iyon lang naman ang laman ng usap namin ni Claudia, hindi siya kontento sa narinig.

“I told her…if I am the father of the child, she’s my responsibility, too—”

“Malamang,” he laughed sarcastically. “Kasi anak mo eh. Malamang, Slade. Kailangan mong panindigan, tumayo bilang ama niya, kasi dugo’t laman mo ’yan. Kailangan mong magpakaama sa anak mo.”

Fuck.

“I know, baby… I know…” namamaos kong sinabi, nanlulumo at natatakot sa diin ng boses niya.

“After the result of the DNA test, I will face the consequences. I will let you…decide,” halos nanlamig ang tono sa dulo ng boses ko.

“Ano bang gusto mong desisyon ko riyan?” the coldness in his voice felt too distant.

“If…I’m the father, I will co-parent with Claudia. I will also take full responsibility as her father. But it will be up to you if you want to…continue this relationship…with me…”

Mas hinigpitan ko ang yakap sa binti niya, nagsusumamo, halos ipagdasal na pumanig sa akin ang resulta.

“I don’t want you to…break up with me. Alam ko na sinasabi kong boyfriend mo ako, pero ayokong…iwan mo ako. Pero kung nararamdaman mong binababa na kita, kahit ayaw ko, gusto kong manindigan ka at…iwan ako.”

He gasped deeply. Humingos ako, tinablan na ng takot na doon ito patungo.

“Hindi ba’t ikaw ang dapat mas manindigan para sa anak mo? Hindi ba’t siya ang kailangan mong unahin? Bigyan siya ng pamilya…gawin ang…tama para sa ikakabuti niya?”

I shook my head.

“There are kids who grew up very understanding despite being raised differently. Hindi ko siya mabibigyan ng buong pamilya dahil…hindi ko mahal ang Mommy niya. But I will do my best to be the good father… to love her wholly so she won’t feel that she has a broken family…”

Natahimik siya. Mariin akong pumikit, hindi na iniinda kahit nababasa na ang dulo ng hita niya kung saan nakabaon ang mukha ko.

“Paano kung…si Claudia…magmakaawa na…”

I shook my head. “She won’t. She knew that…I have you. Kaya hindi niya sinabi sa akin ’to noon pa lang dahil ayaw niya ring…akuin ko ang bata na hindi naman daw sa akin.”

Natahimik siya saglit. I sighed defeatedly and kissed his knee. Kung ano man ang pinagdadasal ni Mama. Lord…huwag niyo pong pakinggan. Sa akin Ka po muna makinig…

Well, I need miracles now. Because once it’s my daughter, I can’t bear the pain it will inflict on Bambi.

“Kung ikaw ang ama…pwede naman sigurong…” namaos ang boses niya at hindi naituloy ang sasabihin.

Wala sa sarili akong napaahon sa pagkakatingin sa kanya. Naabutan ko siyang tumingala, pinahiran ang luha.

“No…” Umiling ako, hindi sang-ayon sa gusto niyang sabihin.

“Ikaw kasi eh! Naalala ko tuloy si Papa!” Tuloy tuloy ang buhos ng luha niya.

Umahon ako lalo at nataranta sa iyak niya.

“I’m sorry, but please, don’t feel pity for me. Iwan mo ako kung…kailangan mong magtiis…lunukin…at tanggapin ang hindi naman dapat. Fuck. I don’t want you to be the understanding partner when it’s needed a valid crashout from you, Arcena.”

Humingos siya, gustong pigilan ang mga luha, pero tuloy tuloy iyon.

“Ayokong hindi ka galit kahit masakit para sa’yo. Ayokong tanggap mo kahit na hindi naman dapat. Ayokong makaramdam ka ng panliliit para sa sarili mo. Hindi mo ito kailangang tanggapin dahil lang…mahal mo ako.”

Mas lalong bumuhos ang mga luha niya. Natatawa siya na naiiling para sa sarili. I wiped them off, a bit worried why he was laughing like this was making him crazy.

“Treat me like how you treated those other boys who failed to reach your standard. Step on me. Throw me away if needed. But please, never…lower yourself for me. Again…”

Nailing siya sa akin, mas natatawa at bumubuhos pa rin ang luha, pero seryoso akong pinapalis iyon, seryoso ako sa gusto ko.

“Even if I beg for chances, please…reject me. Stay…unreachable.”

He licked his trembling lips and smiled at me. Wala na… malalim na nga yata ang tama ng isang ’to.

“Tama nga si Papa sa akin…” pikit niya, natatawa pa rin, pero mas bumubuhos ang luha. “Pero mali siya tungkol sa’yo…”

I used the edge of my T-shirt to wipe off his tears.

“Ano ba, Slade!” Itinulak niya iyon pero tumawa pa rin.

“I’m sorry…” Natataranta tuloy na bumalik ulit ang mga tuhod ko sa sahig.

I hugged his legs again and rested my chin against his legs. Siya naman ngayon ang nagpunas ng pisngi ko. I realized I wasn’t even paying attention to my own tears.

“Sabi ni Papa…katulad ka lang daw ng ibang lalaki. Gagawin mo rin daw ang…ginawa ng mga straight na lalaki sa mga kagaya ko katulad ng naranasan niya…” natatawa siya kahit may sakit sa titig niya.

“Iiwan mo rin daw ako pag…nakabuntis ka. O baka nga raw, habang nasa relasyon tayo, baka makabuntis ka rin dahil ganoon naman daw lagi ang mga lalaki…maghahanap ng pamilya…ng babaeng mabibigyan sila ng anak.”

Edi putulin niya ang tite ko nang makasigurado siyang wala akong mabubuntis dahil papayag ako!

“Mag-isa ang Papa ko, wala siyang karelasyon dahil ’yong huli…nakabuntis ng babae. At…at iniwan siya…”

Fuck.

Nanlamig ako sa narinig ko.

“Pero tama siya sa akin…” nanginig siya, natatawa na naman.

Ano bang nakakatawa rito?

“Tama siya dahil handa akong magpakababa para sa’yo…” Humikbi siya lalo. “Kung may anak ka, nakakatawa dahil sa ibang lalaki, handa akong…mang-iwan, unahin lagi ang sarili ko. Pero pagdating sa’yo, iniisip ko na baka…kaya ko naman sigurong…tiisin…kahit masakit…”

“No… I won’t fucking let you. Kung magtitiis ka para sa akin, aalis ako. Lalayo ako!”

“Eh akala ko ba ako ang magdedesisyon?!” Hinampas niya ang balikat ko.

Sinalo ko ang kamay niya. “Ipakilala mo na lang ako sa Papa mo. Sige na, ipapaputol ko na ang tite ko. Itakin niya na ’to. Hindi ko ’to kailangan. Pabigat lang ’to.”

“Idadamay mo pa ang best friend ko?!”

At bakit ba naging ganito ang daloy ng usapan namin? This is a serious matter! Kung lumabas ang DNA test at ako talaga ang ama, hindi ko masisikmurang uwian siya, kung mararamdaman niyang kailangan niyang tanggapin dahil nandito na.

“Wala pa namang DNA test, Slade. Saka na…saka na tayo magdesisyon kung nandiyan na…” may kaonting pag-asa sa boses niya, tila ba nananalig.

“Baby, why are you so calm about this? Sampalin mo ako. Murahin…O ipabaril mo ako sa kapatid mo…ayos lang.”

“Babarilin ka pa kaya no’n kung hindi niya pa lang nakakasa ang baril niya, mukha ka nang nag-aagaw buhay?!” He wiped off the tears on my cheek.

Kinakabahan kasi ako. Naidaan ko pa sa tawa sa harap nila Mavric at Tyler eh. Pero sa harap niya, nanlambot na ako bigla.

At mas lalo akong nanlulumo na…maaaring…hindi na ako kailanman matatanggap ng ama niya.

“After the DNA test result, I will face your father.”

“Ipapalagari no’n sa akin ang itak niya pag nalaman niyang dadalaw ka…”

Wala akong magagawa. Sige. Kaya naman siguro dalawa ang kamay ko kasi pwedeng putulin ang isa? Hindi ko naman siguro kailangan ng dalawa?

“Kung may puputulin siya sa akin, pwede bang hawakan mo ako bilang moral support?”

Humalakhak siya at iritado na akong itinulak. Natatawa ako at muling ibinaon ang mukha sa mga hita niya.

“Kung…magkikita kayo ulit ni Claudia paglabas ng DNA test result, gusto kong sumama…”

I nodded to his request.

“But please, don’t throw me to her. Just throw me away. Stop thinking I’d still like her just to build a family for the sake of the child. Kung gusto kong manindigan kang…iwan ako…maninindigan din ako na ayokong matali sa iba dahil lang may bata—dahil lang may responsibilidad ako sa kanya.”

Kaya kong magpakaama sa bata. Paninindigan ko. Pero hanggang doon lang. We can co-parent without pretending we love each other!

Tahimik kami sa gabing iyon. Doon din siya natulog. Pero kapwa kami dilat, hindi dinadalaw ng antok dahil na rin siguro sa napag-usapan.

“Sabi ni Papa sa akin…ayaw niya raw sa bata,” kuwento niya kaya wala sa sarili akong napabaling sa kanya.

Nakangiti siya, nakatitig sa kisame. Dim ang ilaw at tanging lampshade lang ang bukas. Ala una na rin ng hatinggabi. Ipinagluto ko siya kanina, pansin ko pang kaunti lang ang kinain niya. Ako naman, pinilit lang din na kumain dahil ayoko namang mag-alala din siya.

I pulled the comforter to cover his body and faced his side completely to listen to him.

“Naaalala niya raw kasi na ipinagpalit siya sa bata… sa responsibilidad na kailangan niyang panindigan.”

“But he still adopted you…”

Tumango siya. “Oo. Ang sabi niya, nagmakaawa raw si…Asher… na kahit ako na lang… kasi kaya niya raw ang sarili niya…” he chuckled a little, but there was a glint of pain in his eyes.

“Hindi nakikita ni Papa na magiging ama siya sa akin. Ang sabi niya, hindi niya rin daw ako mabibigyan ng Mama kasi nga…bading siya.”

I listened quietly, imagining the little him begging for shelter.

“Pero alam mo…mahal na mahal ko siya dahil mas naging ina pa siya…kaysa sa totoo kong ina. At mas nagpakaama pa siya, kaysa sa tunay kong Papa.”

I mirror his smile.

“Kaya siguro lumaki akong hindi naiisip na magiging pariwara ang isang bata kung hindi mo siya nabigyan ng buong pamilya dahil naranasan kong magkaroon ng buong pamilya pero…halos hindi ko maramdamang buo kami. At naranasan ko ring itaguyod ng walang ina pero mas umapaw ang pagmamahal na hindi ko hinanap ang kalinga ng isang ina. Si Papa ang naging ina at ama ko.”

Humarap siya sa akin. I pulled the comforter more to shelter him from the coldness of my room. I tucked the other strands of his hair behind his ear.

“Kung gusto ni Claudia na…bigyan ng buong pamilya ang anak niya, rerespetuhin ko. Kung ikaw talaga ang ama…magpapaubaya ako.”

Comprehend every word, idiot. Kung gusto ni Claudia. At kung ako ang ama.

I tried to calm myself, nodding at his request.

“Kung gusto ni Claudia, kung gusto ko rin, at kung ako ang totoong ama…” I nodded.

“Eh bakit ayaw mo? Unico-hijo ka… Ang pamilya mo, sigurado ako…hahanapan ka ng apo. ’Yong tunay na laman mo. ’Yong makaluma at sagrado na paraan ng pagkakaroon ng anak…na hindi lang gawa ng teknolohiya o ano pa man. ’Yong naaayon sa Kanya…”

I rolled my eyes.

“Baka nga pag nalaman ng mga magulang mo, ipakasal ka pa para lang sa bata. Ganoon ang mga…relihiyoso… mas tanggap nila ’to kaysa sa akin, Slade.”

“My family are all old-fashioned and conservative—yes. They believe that marriage saves misfortunes and it can also bless your life with abundance. But I won’t marry a woman, face the altar, and promise to the Lord the vows I cannot stand by…”

Napatitig siya sa akin. “Blessing daw kung may…basbas Niya.”

“If marrying you will cost me sins because we are both men, then what kind of blessing will I ever receive by marrying a woman I do not even love?”

Namilog ang mga mata niya sa akin.

“My parents are a fixed marriage. They didn’t marry each other because they love each other, because it was His will, or because my mother got pregnant, but because our family believes that fixed marriages will benefit our clan’s future generations…”

Nanatili siyang tahimik, nakatitig.

“And suddenly, they will use their religious beliefs because I chose not to follow the family’s tradition? I am not bound to follow rules that are only convenient when it benefits them… I have my own faith. I have my own definition of love.”

Pumikit siya, unti-unting lumapit sa akin. He sighed.

“Ang sabi ni Papa sa akin, kung babalikan daw kita at ipapakilala na sa kanya… handa na rin daw dapat akong kalabanin siya. Iyon ang totoong rason kaya…ayokong makarating sa kanya na nag-uusap na naman tayo dahil pakiramdam ko…wala pa tayong napapatunayan sa kanya.”

Napalunok ako, nanatiling tahimik.

“Natakot ako dahil baka nga, tama siya ng hinala sa’yo, kinalaban ko siya, at mawala siya sa akin. Hindi siya boto sa’yo. Ayaw niya sa’yo.”

I slowly closed my eyes and pulled him close to me.

“Kaya hintayin natin ang DNA test. Kung ano man ang resulta, haharapin natin ’yong dalawa. Saka kita…hahayaang harapin na si Papa.”

My eyes widened. He will…introduce me. I should be more worried because whatever the result will turn out, his father will surely stand firm on protecting his…son. Pero hindi ko alam kung bakit ikinatutuwa ko pa na sa wakas, ipapakilala niya na ako.

“Kung handa mong talikuran ang pamilya mo, kahit ang mana mo, ilaban ang meron sa atin…ilalaban din kita sa Papa ko. Patunayan mong…mali siya… ipakita mong karapat dapat ka… sa gitna ng gulong ’to…”

I sighed heavily, pulling him close to me even more.

“Patunayan natin na…hindi tayo mawawasak ng kahit ano…sa gitna ng ingay, sa gitna ng panghuhusga. At kahit sa gitna ng umuulang pagsubok…” dagdag niya sa namamaos na tinig.

I trembled a bit. I sighed heavily and nodded again, my lips pressed on his forehead.

“Handa rin akong harapin ang pamilya mo…handa akong tumayo sa harap nila katulad ng pagharap mo kay Papa…” he whispered.

This will be the hardest battle…but I will fight, make sacrifices, and even shut doors to shelter him from all this chaos.

“Ayoko nang sumilong sa iba, Slade. Kung manlalamig man ulit ako, gusto kong…hawak ko nang mahigpit ang kamay mo. Kahit sa mga taong…ayaw sa atin.”

Chapter 37

Proud

Nauna siyang makatulog sa gabing iyon, ako naman, nanatiling dilat at pinapanood ang mahimbing niyang tulog.

I’m happy that he calmed down after that talk. Hindi nga lang nawala agad sa isip ko ang sinabi niya tungkol sa Papa niya. Nakakagalit lang din na…nadadamay kaming mga busilak ang puso dahil sa mali ng ibang lalaki.

Hindi naman sa naghuhugas kamay ako dahil may mga araw na gago rin naman talaga ako. Ang hindi ko tanggap, bakit laging nilalahat ng tao ang kakayahan ng isa na baliin ang nakasanayan?

At sana…hayaan muna nila akong patunayan iyon, bago ako hatulan.

Brent: What did I hear from the two curly that you have a big problem? You good?

Bumungad pa sa akin ang text ni Brent habang nagtatype ako ng message kay Claudia para sa DNA test result na dadalhin namin ni Bambi sa kanila.

Brent: Too busy for my latin honor. Hit me up once you’re ready to talk about it so we can have a drink.

Inom na naman? Huwag na. Naghahanap lang ng paraan na makainom, eh.

Sinundo ko sa unit niya si Bambi sa araw na ’yon. Tumingala pa ako sa langit. Mapapadasal ka na lang talaga bigla pag nasa alanganin ka eh.

“Ayaw mo bang silipin?” tanong ko habang nasa front seat na siya ng kotse, nakaupo at hawak ang result.

Gustong gusto kong buklatin niya na iyon sa harap ko, pero gusto niya…si Claudia mismo ang magbukas at unang makakita. O edi sige…isasantabi ko na lang ang kaba ko. Sige…

“Gusto mo na ba?” His fingers with almond nails painted in nude color attempted to open it.

I shook my head and looked at the road. I licked my lips.

“Mamaya na… Baka pag positive ’yan, mawalan pa ako ng preno,” sabi ko.

I am trying to stay calm and composed. Pero kahit anong kalma ko, kinakabahan talaga ako.

Si Angela, hindi ko pa narereplyan. Si Raya, nagsesend na rin ng messages sa akin. The girls said it didn’t escalate that much. Pero may kaunti na raw sa comment section ni Bambi, tinatanong siya at gustong kumpirmahin iyon.

“Naririnig ko na rin ’yong rumor noon pa man. Tungkol sa inyo…”

I nodded since he mentioned it. “Kalat naman kasi. It also became an inside joke to our circle. Kilala ba namang babaero…”

Kaya noong una, natatawa pa kami nila Mavric eh. Sa tagal ba namang ibinabato ’to sa amin, minsan, ginagawan na lang namin ng biro na nakuryente si Tyler kaya baka baog, o baka si Brent sa dami ba namang babae rin no’n.

Pero noong makita ko ang bata, kahit sila Tyler at Mavric, natuwid bigla ang upo eh.

“Pero hindi mo naisip na baka ikaw?”

Umiling ako. “Hindi. Akala ko nga si Brent pa. O si Tyler…”

He smirked at me.

“I’m serious. I didn’t think Claudia would be the reason… cuz I thought she became too private after the death of her father…”

“Narinig ko nga na nabuntis siya. Pero akala ko kasi…” his brow furrowed.

“Akala mo ano?” I looked at him again.

“Akala ko…ibang lalaki.”

“Sino?”

Gusto ko siyang titigan pa, pero ibinalik ko ulit sa harap ng daan.

“Baka pag binanggit ko ang pangalan, mas mauna ka pang mahimatay kaysa sa resulta ng DNA test mo?” he chuckled.

Naalala ko bigla ang binanggit ni Aries sa akin.

“You met up with… I mean, you’re close with…” tumikhim ako, kunwari ay bumara ang pangalan niya sa lalamunan ko.

Hayop na pangalan ’yan. Ang hirap banggitin. Parang virus sa isip ko ba naman. Siguro mabigat din sa akin ang pangalan niya dahil naaalala ko ang mali ko noon.

I cleared my throat and looked at the road again. Huwag na banggitin. Wala pa nga, nandidilim na agad ang paningin ko.

“Nasa ibang bansa ’yon. Nabigyan siya ng malaking offer.”

And why does he utter it like they’re catching up to update each other?

Tumango ako ulit. Kunwari hindi ko naalala ang hinanakit ko sa tinutukoy niya. Parang mas bubulagta pa yata ako kung nalaman kong nag-uusap pa rin sila kaysa sa totoo kong problema ngayon.

Or maybe I’m chill because he’s also composed. Lalo na noong ipinark ko ang kotse sa gilid ng gate nila Claudia.

Nauna akong lumabas, pinagbuksan siya sa front seat, at sinalo ang siko niya nang lumabas din siya.

I took his bag from his hand so I could carry it for him and put it on my shoulder. Hinila ko rin ng kaunti ang dulo ng fitted dress niya. Nakaheels pa ’to.

I held his hand carefully. “Sigurado ka na…gusto mong makita si Claudia?”

She belongs in my past. She’s one of the reminders of his ugly past—how he got hate in school because of Claudia’s post. Worse, she’s my…ex.

“Oo. Bakit? Gusto mo rin bang kaibiganin ko?” He arched his brow.

Umiling agad ako. That’s bullshit. What for? He doesn’t need to force a friendship with my ex so I could assure him that she’s already in my past. Kahit manatili ang galit niya kay Claudia, maiintindihan ko.

I’m really worried for him. Hindi naman na kasi dapat eh. I should be the one who’s facing this. He can sulk and even get mad at me for the rest of his life, and I’ll do everything to submit to every whim he will throw—instead of putting him into situations that will force him to accept something that doesn’t concern him from the start.

Pero siguro, closure na rin ’to. I got my closure with Claudia years ago. Kung alam ko lang na madadamay pa ako sa rumor dahil sa closure na ’yon, dapat pala ay hindi ko na tinuloy.

Lumabas si Claudia kalaunan. When Claudia saw I was with my Bambi, her eyes widened. Nasabihan ko naman na siya na sasama siya, pero kita pa rin ang gulat sa mga mata niya.

Naglakad siya papalapit sa gate at nangingiti iyong binuksan.

“Arcena…” she called softly.

Bambi smiled back and glanced at me. I squeezed his hand. This is the woman…who tainted his name in the past. And he’s willing to face her.

I saw the amusement in Claudia’s eyes when she looked at him. Hindi mapakali ang mga mata niya. Pabalik balik sa mukha ni Bambi, at mas lumalawak ang ngiti niya.

“Upo kayo…” si Claudia nang igiya kami sa hardin.

May nakahanda na roong pagkain, mukhang kaka-set up niya lang dahil na rin sa juice na malamig pa.

I pulled the chair for him. Umupo si Bambi at inilapag ang result sa lamesa. Tumingin si Claudia roon, unti unti na ring naupo sa harap namin.

I occupied the seat next to him. Bambi roamed his eyes.

“Ah… ’yong anak ko ba? Natutulog. Nap time niya kasi pag ganitong oras,” she chuckled.

I looked at the time and it’s already 3:30PM. Buti naman at tulog ’yon. Hindi ko gusto makatitig eh. Parang kinakalaban ako.

I poured him a glass of juice. Tumingin si Claudia sa akin, hindi naitago ang pagnguso—nagpipigil ng ngiti.

“Tourism ka raw, ’di ba?” she asked softly.

Tumango si Bambi. “Oo. Graduating na rin next year. Ngayong taon ka, ’di ba…”

Claudia nodded proudly. “Oo. Sa awa ng Diyos, naigapang ko rin at magtatapos na. May OJT pa ako na tatlong buwan sa ibang bansa, saka na ako makakahinga nang maluwag…”

“Huh? Edi sino ang…maiiwan sa bata?” Bambi asked.

“Medyo nagka-problema nga sa kinuha kong nanny. Hindi niya kayang mag full time. Uuwi uwi raw siya. Pero hinahanapan ko pa ng paraan.”

Bambi glanced at me. Tiningnan ko ang papel. Tumingin na rin si Claudia roon, siguro ay napansin niyang naaatat ako.

“Famous ka sa TikTok ’no?” she pointed out and slowly took the paper off the table.

“Hindi naman masyado. Nawili lang talaga ako noon kakasali sa mga trends hanggang sa hindi ko namamalayang nagviviral na ’yong iba kong videos. Hanggang unti unti na ring nakilala.”

“Famous ka. Kahit anak ko kasi, kilala ka!” She laughed.

Nagsalubong ang kilay ko at bahagyang natawa rin.

“Really?” I chuckled, joining their topic.

“Oo! She’s fond of green butterflies because of that Tinkerbell look of Arcena. Nakita niya noong nagTikTok ako. I mean, hindi na rin ako active talaga. Pero pina save niya ’yon sa akin kasi gusto niya raw gano’n siya sa next birthday niya.”

“Ang cute naman…” Bambi chuckled.

Cute ng anak ni Angeles. Sige na, at sana magdilang anghel ako rito para naman mayabangan ko ang isang ’yon.

“Mamaya, pag nagising ’yon, sasabihin ko na ikaw ’yong naka-Tinkerbell…”

Kaya buksan mo na, Claudia. I poured myself a juice. Tumingin sa akin si Bambi nang uminom ako. Wala eh. Kahit hindi ka nauuhaw, mapapainom ka na lang talaga sa kaba.

Claudia slowly opened the paper. Claudia didn’t react too much and folded it again as he handed it to me.

I slowly took it from her hand. Bambi quietly looked at me when I slowly held it.

“Ayaw ko talagang…magsalita rito. Pero ayokong nagagamit din ang mali ko noon para hilain ang taong walang kinalaman dito… Lalo na ikaw,” ani Claudia na may pait na sa ngiti nang tingnan si Bambi.

I slowly opened the paper to confirm it myself. Dalawa lang ’to eh. Kung positive. Nanalo ang kasamaan—mga dasal ni Mama. Kung negative, nanalo ang kabutihan—dasal ko.

When I opened the result, my eyes immediately fell to the percentage stated. Probability of paternity, 0.00%.

“Fuck…” I breathed deeply.

Si Bambi, nakisilip pero agarang tiningnan si Claudia, tila ba kinuha lang na hudyat iyon para magsalita.

“Gusto ko lang sanang magtanong lalo na’t iba ang pagkakaintindi ko sa balita. Iba ang alam kong…totoo,” si Bambi.

Pinasadahan ko ng tingin ang DNA marker. Alleged father. No match. Not detected. Ngayon lang ako natuwa na bagsak ako sa lahat ng test, ah!

“I am not the father,” I said and showed the result to Arcena.

Tiningnan iyon ni Bambi, pero muling itinuon ang tingin kay Claudia. Parang ang hirap pa tuloy matuwa dahil parang seryoso ang usapan nila.

“Sa totoo lang…binalak kong kausapin noong nakaraang buwan p-para sana…huwag magsalita tungkol sa rumor dahil ayokong may makaalam kung sino talaga ang ama,” si Claudia.

My lips parted. So does it mean…all this time, she knows who’s the father of her daughter?

“Hindi ko na tinuloy na kausapin si Veniel dahil alam kong baka pagmulan na naman kami ng rumors at…maulit ko ang mali ko noon. Lalo na’t may partner na pala siya—ikaw. Alam ko na agad sa rumors pa lang na nakalap ko.”

Bambi nodded, trying to listen to her explanation. I put the sandwich on the small plate for him. Muli kong sinalinan ang isa pang baso at itinabi iyon sa plato niya dahil hindi man lang nagagalaw ang snacks.

“Edi sino ang ama ng bata? ’Yong tinginan ng anak mo, kuhang kuha ang tinginan ni Angeles. Si Angeles ba ang ama niyan?” I confronted.

Claudia’s eyes widened. Tingnan mo ’to. Nayayabangan pa raw siya, ah?

“A-Anong si Angeles? Hindi si Angeles!” giit ni Claudia, pero pulang-pula na ang mukha.

Ah. Hindi naman pala si Angeles. Kung ako ’yon, hindi ako makakatulog. Kahit magpa-dna test yata siya at positive ang kanya, itatakwil pa rin siya ni Claudia at hindi kikilalaning ama.

Pero mabuti ’yang siya ang ama. Bati na kami.

“Gusto mo bang…hindi makarating sa kanya?” Bambi interjected.

Hindi pa pala. Close sila nito eh. Huwag nang makipagbati.

I silently listened while Claudia’s eyes widened more. Pumulot ako ng sandwich para sa sarili, kumain na rin dahil parang ginutom ko ng ilang araw ang sarili ko kakalunok ng laway ko sa kaba dahil sa resultang ’yan.

“Arcena…” Claudia hesitated.

“Iyon din kasi ang alam kong totoo. Naririnig ko na ang rumor noon na buntis ka kaya akala ko…si Angeles. Lalo na’t noong panahong ’yon, nagkausap din kami. Kaya nagulat ako na…bakit biglang napunta ang rumor kay Slade. Iyon pala, ang sabi niya sa akin, nagkita rin daw kayo…nag-inuman…at wala nang maalala.”

Napatingin ako kay Bambi. May alam siya?! Gago. Bakit hindi niya sinabi agad sa akin?! Umabot pa sa langit ang kaba ko, kulang na lang paniwalaan ko lahat ng makalumang paniniwala para madinig ako ng langit. Kahit kumatay ng manok bilang alay sa hiling ko, gagawin ko na rin yata eh.

Nasa search history ko pa nga sa Facebook ’yong manok for sale near me. Kamuntik pa akong mapabili.

“Gusto ko sanang…hindi makarating sa kanya,” she sighed heavily. “Ayokong may rason siyang umuwi. Nagsisimula na rin ako sa pangarap ko. Pagkatapos ng OJT, ng graduation… aalis na kami next year. ’Yong Tita kong nasa Italy, bibigyan niya ako ng visa—kami ng kapatid ko. Kailangan ko lang talagang tapusin ’to rito sa Pinas.”

I slowly realized why she never spoke up to clear the rumor. Una, mas gusto niya yatang ako ang nadidikit doon dahil pag bumoses ako, malalaman agad siguro ni Angeles na siya ang ama. Pwede naman akong manahimik. Kaso…

“Silence amidst controversy is enabling the enabler, Claudia,” sabi ko.

Kung hate lang sana sa akin, mamumuti na lang ang uwak at hindi ako boboses diyan total wala naman akong nadadamay o nasasaktan at kaya ko namang baliwalain kahit naaapektuhan din. Katangahan na ngang magpost ng paninira sa iba, tapos papatulan mo pa eh halatang hindi nga nag-iisip.

I don’t participate in nonsense arguments with people who refuse to comprehend my truth.

Pero hindi ako pwedeng manahimik ngayon—kahit siya. May nasisira kaming pangalan, may nadadamay.

Si Bambi, tahimik akong tiningnan, kumalma ang ekspresyon. I know he always understands where women are coming from because that’s part of his advocacy. But then…

“Resiliency should never be romanticized in times when accountability is needed. Hindi pwedeng manahimik, hayaang palipasin ang gulo kahit may nasasaktan na, at bumangon na lang ulit kung tapos na,” I elaborated.

Because that’s what I learned from my Bambi. To fight what’s in front of you—amidst the rain.

Claudia sighed and nodded at me apologetically. Nang tingnan niya si Bambi, kita ko ang pagsisisi sa tingin niya.

“Gusto ko rin sanang…humingi ng tawad at magpasalamat sa’yo, Arcena. Alam kong may kasalanan ako noong high school, malaki ang naging ambag ko kaya lumala ang sinasabi sa’yo noon ng iba… Kinuyog ka dahil sa post kong hindi ko man lang pinag-isipan.”

Nanatiling tahimik si Bambi. I rested my hand on his hand resting on his lap. Tumingin siya sa akin pero ibinalik din agad kay Claudia.

Claudia looked at our hands and smiled at him softly.

“The rumor that he has a daughter with me might have…made you doubt him, loathe him for getting someone pregnant…and made you question your worth…”

Nanatiling tahimik si Bambi.

“But Veniel is right. Silence amidst controversy is enabling the enabler. My silence should never be used against you as my truth to hurt you.”

Bambi nodded at her with a small smile. Para akong nabunutan ng tinik na…sa wakas…nakuha niya ang unawa na matagal nang ipinagkait sa kanya.

“Hindi ko itatanggi na gusto kong magalit sa’yo. Dahil ang pananahimik mo para sa anak mo, ay kasiraan ng pangalan ko dahil sa kumakalat na balitang si…Slade ang ama. Napagdudahan ko bigla ang intensyon niya sa akin, nakwestyon kung tama bang lumaban kahit alam kong laging natatalo sa usaping bata ang komunidad namin.”

Claudia looked at him wearily.

“Although I don’t have deep knowledge about your community, I have witnessed the difficulties that the majority of you face when it comes to being compared to women. Worse, I contributed to that hate train against you years ago,” may pait sa tinig ni Claudia.

“You have all the right to get mad at me, to ruin my name on the internet like how I ruined yours because of my baseless accusation, but you chose not to,” she added sadly.

I smiled at him, proud and happy.

“You’ve always been an ally to women. You’ve always been so loud about it. And I understand it now… how equal we are and shouldn’t be compared to each other.”

Bambi sighed; his eyes dropped on his lap when I squeezed his hand for comfort.

“Kahit naman gusto kong sabihin na sa ating dalawa, mas lamang ka at nasa sa’yo ang hindi kaya ng katawan namin… pero sa lipunang mapanghusga, parehas tayong matagal nang inaapak-apakan, Claudia.”

Napatingin ako sa pinto dahil may sumilip na ulo. I jokingly glared at the kid who immediately pulled her head back to hide.

Gusto ko sanang sabihin na gising na ang kampon ni Angeles, pero masyadong seryoso ang usap nila.

“I always consider women as my ally… I always think that we share the same struggle because society always finds ways to blame women—and so does femininity being looked down on in our community. This struggle…is what I always shed light on in my advocacies as a drag performer. That women and gays are equal in some ways, not in human anatomy, but in the truth that we are both deprived of our human rights,” Bambi stated firmly.

“Hindi ako takot na wala akong matres kagaya mo. Hindi ko naiisip na kakulangan ko iyon bilang bading kung nasa tamang tao ako. Dahil ang mas tingin ko, parusa ang pagiging babae sa lipunang pinapamunuan ng mga taong sinasamba ang mga kalalakihan—at kasalanan ang kabadingan sa lugar ng mga relihiyosong mas makasalanan.”

I licked my lips, and I couldn’t stop staring at him now. Sumilip lang ulit ang ulo ng bata, kuryoso ang tingin dito, at unti unting nawala para magtago.

“Kaya kung gagamitin sa akin ng lipunan ang pagkakaroon ng anak mo bilang insulto sa katawan kong walang kakayahan, mas pinatunayan nila sa akin na ang pagkakaroon ng anak ng isang babae ay pinupuri lamang kung may inaapakan silang komunidad.”

“Na dapat…hindi naman,” Claudia nodded with realizations.

“Kasi totoo naman na hindi ko kaya ang kaya mo… pero titimbangin ko pa ba kung alin ang mas may malalim na pinagdadaanan sa ating dalawa kung parehas tayong nasa ilalim at palaging minamaliit ng lipunan?”

Claudia’s eyes glint in sadness.

“Nanahimik ako hindi dahil ayokong ipagtanggol ang sarili ko, kundi dahil alam kong ikaw ang may mas kakayahang bumoses para sa sarili mo—nasa iyo lang ang katotohanan.”

“I will put an end to this rumor. I’m really sorry for being dragged on this…” malumanay na sabi ni Claudia kay Bambi.

Lumabas nang tuluyan ang bata, kaya ang tingin ni Claudia nahati rin. Bambi also glanced at the kid and immediately looked at me.

“Kamukha ni Angeles ang mga mata,” he whispered.

Ah, gano’n? Nakikipagtitigan ka ro’n kaya alam mo ganyan ang mata no’n?

“Hi! How’s your nap…” biglang rumahan ang boses ni Claudia, inaabangan ang paglapit ng bata.

The kid walked while rubbing her left eye, throwing glances at us while her hair looked messy, and she’s wearing a long white dress.

Nang tumatama sa akin ang tingin niya, sumasalubong ang kanyang kilay.

“Kita mo ’yon? Nagsalubong ang kilay niya. Noong unang kita ko rin sa kanya, mas lumalapit pa siya kay Tyler,” sumbong ko kay Bambi.

Kaya siguro mailap ang bata sa akin kasi nananalaytay ang dugo ni Angeles. Baka pag ipinakilala akong Papa niya, hindi rin lukso ng dugo ang mararamdaman niya kundi kulo.

Ito na ba ang dasal ko na makakaganti rin ako sa gumawa ng kasalanan sa akin? Ano kayang iniisip ni Angeles na ang rumored na ama ng anak niya ay ako?

“You have visitors, oh…” nangingiting kausap ni Claudia nang yumakap sa gilid niya ang bata.

She looked at me boredly then she slowly looked at Bambi. She blinked twice, and she looked so curious.

“Hello…” nakangiting kaway ni Bambi.

She waved her hand shyly. Anak nga ’to ni Angeles. Namimili lang ng papansinin.

“Do you remember Tinker Bell?” suklay ni Claudia sa buhok niya.

“Tinku Belly?” sabi ng bulol na anak ni Angeles.

“Yup! He’s tinkerbell…” tingin ni Claudia kay Bambi.

Medyo nagtagal din kami sa bahay nila Claudia dahil ang bata, kuryoso na kay Bambi. Niyaya niya pang makipaglaro sa kanya.

“Cummon! Let’s play! Cummon! Huwy!” si Bambi na gusto niyang papasukin sa loob.

“No…” alala kong inasar ko pang hindi siya pwedeng sumama.

Naging magaan din ang pag-uusap na ’yon. May mga nabuksan kaming usapin na ngayon ko lang din nalaman.

While they were busy talking, I also composed a post to finally speak up about the rumor.

Hi, I’ve been informed about the rumor circulating about my name that I am the father of my ex-girlfriend’s daughter. First, this discussion should never be brought up in respect for Claudia’s privacy, but using this rumor to drag Bambi Arcena, ‘a pretty tiktok star,’ and sparks baseless discussion in the comment section of my friend’s TikTok video made me break my silence.

The kid is not my daughter. It was proven with evidence and a proper talk on both parties involved with this. To clarify, my relationship with Bambi Arcena is none of your business and never yours to open.

Any malicious content that will be used against him without proper evidence will face legal charges for unjust vexation.

I hope this truth will end the lies you are all disputing on the internet to defame others.

Thank you.

“Wow… Unjust vexation… Na para bang abogado siya,” nangingiting basa ni Bambi sa post ko habang papauwi na kami.

Kulang nga ’yang post ko eh, may special mention sana sa dulo kay Faith, hindi ko lang sinali.

I posted it on my Instagram account as a story connected to my other accounts. Ilang minuto ang nakalipas ng post ko, sabog bigla ang phone ko kaya naka-airplane mode na ngayon. Bahala silang magkagulo.

Ang sarap sa pakiramdam na kaya ko siyang ipaglaban sa paraang alam ko. This isn’t just about his fame, it’s also about my willingness to learn from my past mistakes and improve to treat him better.

Gusto ko sanang humirit na pwede na sigurong i-hardlaunch niya ako, pero may usapan kami. Kakausapin ko muna ang Papa niya.

“Natutunan ko ’yan sa kaibigan kong si Rick. Polsci student ’yon. Pag nalalasing ’yon, walang ibang topic kundi batas kaya may mapupulot ka talagang aral…” sabi ko.

“May natututunan ka rin naman pala sa pag-inom mo bukod sa kamuntik kang makabuntis,” he smirked.

I sighed and held his hand. Ang ngiti niya habang binabasa ang post ko, ilang ulit niya na yatang tinitingnan, napunta sa akin.

“Sige na… Sabihin mo na kay Papa na bibisita ako…” udyok ko.

“Tumapang ka yata lalo?” Halakhak niya, nagniningning ang mga magagandang mga mata sa akin.

Maduduwag pa ba ako sa lagay na ’to kung lahat ng pwedeng sumira sa amin, napapasukan ko na?

Itinabi ko saglit ang kotse. Kumunot ang noo niya pero bago pa makapagtanong, lumapit na ang mukha ko sa kanya para sa halik.

I kissed him soft, deep, and thoroughly. Hindi ko halos magawa sa mga nagdaang araw dahil na rin parang kahit halik, hindi pwedeng manghingi.

I stopped while we’re panting a bit. “Sorry. Nagpigil ako ng ilang araw dahil akala ko…nandidiri ka sa akin.”

“Mandidiri…” he rolled his eyes. “Kinapitan ko ang alam kong katotohanan pero totoong…natakot din ako ng kaunti. Pero doon ko rin nakita na wala akong kailangang ipangamba ngayon sa relasyon natin, Slade.” Hawak niya sa kamay kong nasa pisngi niya.

Relasyon natin. Mukhang napapaniwala ko na rin siyang boyfriend niya ako, ah?

“Pero kung positive ’yon, habangbuhay ka sigurong tigang ng halik…” biro niya.

Habangbuhay dahil iiwan niya ako, o habangbuhay dahil mapapatay na ako ng ama niya? Ibang langit pa pala sana ang matitikman ko. Literal nga lang.

I sighed and rested my forehead against his.

“I’m proud of you. Thank you for…facing it with me. I know it opened insecurities, but I wanna let you know that I won’t ask for something that will hurt you. Huwag mong isipin na iiwan kita para lang sa bata, o maghahanap ako ng iba dahil hindi mo kayang magbuntis.”

His eyes twinkled, and even his lips stretched. “Katulad ng sinabi ko kay Claudia, hindi ko naiisip na kakulangan ko iyon kung nasa tamang tao ako…”

“Nasa tamang tao ka na…” I said with conviction.

“Sabi ni Papa, tingnan daw natin…” halakhak niya.

Napawi tuloy ang ngiti ko. Nagmaneho ulit ako at naiisip ang takot ko noong pumunta ako sa bahay nila, halos maihi pa, nang maglabas ba naman ng itak.

Ngayon, babalik ako roon na may dalang maraming atraso. Mas kabado pa yata ako sa Papa niya kaysa sa pamilya ko pag nalaman nila ’to. Pamilya ko, hindi naman kasi ako iitakin. Pero ang ama niya, oo.

Chapter 38

Healed

Hinatid ko muna siya sa unit niya. Saktong naroon pa pala si Asher, hinihintay siya at nasa loob na.

Ipinagpapasalamat ko na hindi siya active sa social media, pero sa tabil ng dila noong kaibigan niya, baka nakarating na rin sa kanya iyong mga balita.

“So it was already confirmed,” si Asher na umangat ang kilay, tiningnan ako habang naghihiwa, mukhang nagluluto.

Kung gago siguro ako at may nangyari talaga, sobrang delikado yata ng buhay ko. Kaya siguro nandito at hinihintay kami.

“Oo. Hindi match ang DNA,” si Bambi na lumapit sa kanya, nakisilip sa ginagawa.

I slowly drink my water alertly. Ni ayaw kong kumurap dahil baka kaunting lingat ko lang…

Asher nodded and smiled at him. “I trust you, Ashi.”

Ako rin, bro…

Gusto ko sanang isingit pero huwag na, baka aksidenteng madulas ang hawak niyang kutsilyo sa kamay at kung saan pa yan bumaon.

Magaan ang pag-uwi ko noong araw na iyon, saktong paalis din si Asher at niyaya akong sumabay na lang sa kanya kaya naging mabigat ng kaunti.

Bigla na lang akong nakakaramdam ng panlalamig at parang mamamasa sa pawis ang bayag ko dahil kamuntik pa akong malagay sa alanganin.

He said he will drop me off in my building since madadaanan lang daw.

Gusto ko pa sanang tumanggi dahil parang magmumukha akong bangkay na ihuhulog niya sa kung saang lugar, pero hindi naman pwedeng pinagdududahan ko ang bayaw ko.

“Pag ’yan hindi nakauwi!” ang banta ni Bambi sa kanya.

Hihiling pa sana ako ng halik pero tumingin kasi si Asher noong papalapit ako sa kambal niya, napagtanto kong hindi na pala importante iyon. Mabubuhay naman akong hindi nakakahalik sa kapatid niya.

Nasa front seat ako, nakatingin sa labas ng bintana, minsan nililingon siya, gustong magbukas ng topic. Tumutugtog sa stereo ng kotse ni Bambi ang kanta na mukhang hilig niya, makaluma pa dahil Wonderful Tonight iyon.

“My twin is forgiving. I’m not,” ang una niyang sinabi.

Tumikhim ako, unti unting tumango. Sintensya ko yata ang tinutukoy niya kung sakali man.

“May iilan nga siyang nakukwento sa akin tungkol sa’yo…” I said.

He smiled, but the humor didn’t touch his lips. “Like what?”

“Mga kabataan niyo…kung paano ka nagpaubaya sa kapatid na siya na lang ang kupkupin… na ikaw lang ang may karapatang tawagin siyang Ashi.”

He chuckled; his low voice vibrated in the car.

“Cute,” he said softly.

“Ayaw ko lang magtanong kung ano ang sinapit niya noong bata pa siya. Hindi ko rin kayang marinig,” naging pait ang ngiti ko, tumingin sa harap.

Sa harap talaga ang tingin. Baka hindi na pala ako iuuwi nito at parang kawawang pusa na ililigaw sa daan pauwi.

“We are fraternal twins. Marami kaming pagkakaiba,” he paused a bit to glance at me. “Kahit sa mga paniniwala at prinsipyo. I don’t believe in things that some of you consider morally right while Ashi still upholds those principles.”

I crossed my arms quietly.

“Si Ashi, may kaonting paniniwala. Ako wala. If your God will forgive you for hurting my twin, then I’m not Him.”

I gulped and nodded at him, gustong ipakita na nakikinig at naiintindihan ko. Kung hindi ’to takot at nananalig sa itaas, parang matutulog ako na dilat ang mata pag talagang nagkamali ako sa kapatid niya, ah?

Ang lupaing mamanahin, baka maging libingan ko pa pala. Gago.

“Hindi ko rin kaya… kahit ako na ang pumatay sa sarili ko, bago kayo. Hindi ko siya kayang saktan,” medyo naging seryoso ang boses ko.

He chuckled in a low voice. “I mean, you should, you know. Because if you survive death, I’ll make sure on the second round I’ll do it myself so you won’t.”

Tumawa rin ako kahit may kaba na iyong humahalo dahil parang hindi na talaga biro ang mga pasaring niya sa akin.

“Kaya niya naman ang sarili niya. Most of his past relationships ended because he didn’t forgive them. Sadyang pagdating sa’yo…” he side-eyed me.

I smiled a little. Nang tiningnan niya ang ngiti ko, tumikhim ako at nagseryoso. Tuwang tuwa pa ako, ah?

“He said you’re his high school…” hindi niya lang naituloy ang sasabihin dahil mas nagfocus na mag-overtake sa isang kotse.

I checked my seatbelt. Suot ko naman. Saktong ang kanta, iba na ulit. Bring Me To Life by Evanescence. Naniniwala pa naman ako sa pangitain.

“Why didn’t you confess during high school?” tanong niya.

“Ah… takot din ako noon. ’Yong pamilya ko kasi makaluma. Hindi ko kayang umamin sa kanya dahil baka pag nalaman niyang gusto ko siya, umiwas siya.”

“Oo nga. Iniwasan ka raw niya ah? Papansin ka lang daw talaga.”

I chuckled and put my tongue on my upper teeth.

“Gusto ko kasing makipagkaibigan din… Nasa iisang circle kasi kami. Close ako sa dalawa pa naming kaibigan kaya gusto ko sana…kami rin.”

“Kaibigan ba talaga?” nahimigan ko ang pagdududa niya.

Tumawa ako. “Higit pa siguro…pero kaya ko namang kaibigan muna sana kami.”

“Ngayon, pwede kayong magkaibigan na lang,” he insisted.

Tumawa ako ng kaunti. Kaunting tawa lang kasi baka pag masyado akong tumawa, mahimigan niyang kinakalaban ko ang gusto niya.

“Kakausapin ko nga muna ang Papa niya.”

He looked at me with amusement. “When?”

At bakit parang dadagdag pa siya sa pagpapahirap ko? Baka habang kinakawawa ako ng Papa ni Bambi, naroon siya, nakangiti at dumagdag pa.

Marami kaming pinag-usapan sa byaheng iyon. Gusto ko sanang sabihin na close na kami, pero parang pasimpleng pagbabanta lang ang naramdaman ko sa kanya. Pero maganda ’tong kinikilala ko rin ang kapatid niya.

Niyaya niya rin akong mag-Airsoft. Pinagmayabang ko pang ang Lolo ko, mahilig din sa ganyang sport dahil nangongolekta ng mga baril. Kamuntik ko pang sabihin na ’yong matanda na lang ang yayain niya. Hindi ko lang nasabi.

Pag-uwi ko sa unit, nagulat ako at puno sila roon—ang mga girls. Angela screamed and ran fast to me. Isang segundo lang, nakayakap na siya sa akin, kahit ang iilang girls na dinumog ako.

“Nakakaproud ka!”

“Puno ang Facebook ko ng tsismis tungkol sa’yo! Kahit sa TikTok, pinag-uusapan na rin ang sinabi mo!” si Raya na ngiting ngiti.

Pinitik ni Mica ang tainga ko. Dumaing ako, pero nakangiti lang.

“High school sweethearts kayo?!” she said.

Umiling ako. “Hindi naging kami noong high school. Kalaban niya lang sa class ranking…”

“Marami kasing lumabas na old picture niyo noong high school. Grabe Ron. Magbraces ka nga ulit. Chi-check ko lang… Bakit ang bango bango mo tingnan doon? Akala mo kung sinong good boy na inosente,” si Gabriella na kulang na lang sabihin, pangit ako ngayon.

Naglakad ako papuntang fridge dahil nauuhaw rin ako. Nagkalat na naman ang gamit nila sa kama ko. May mga pagkain din.

“Bumaho na kasi ngayon sa dami ba namang issue na ang babaero mo! Nasa circle ka pa ni Brent,” tawang tawa naman si Sadie na akala mo hindi siya girl version no’n.

“Nakakaproud si Bambi. Nakaya niya lahat ng ’yon noong high school?” si Raya na kumupit pa ng chocolate sa fridge ko.

“Kung ako ang ginanon, labas pasok siguro ako sa guidance. Dami kong sasabunutan,” si Sadie na umupo pabalik sa carpet.

“Palaban din kasi si Bambi. Kaya kilalang kilala siya sa komunidad nila kasi kailanman, wala siyang inuurungan,” ngiti ni Raya.

“Pero nakaka-proud din ’yong ex mo, Ron. Ang tapang niya. Nabasa rin namin ang post niya…” si Angela na iminuwestra sa akin ang phone niya.

Sa halip na magsalin ng tubig sa basong kinuha ko, inilapag ko muna para tingnan ang phone niya.

I curiously took it from her hand to read it. She indeed posted on her Facebook account. Binasa ko iyon dahil medyo mahaba rin.

Hello, this is Claudette Jimenez. After the death of my father, I keep my life unobtrusive for the sake of my peace of mind—to focus solely on myself and on the responsibility I chose to stand with.

My relationship with my ex, Ronan Slade Veniel, ended years ago with proper closure, and we never contacted each other since then, because I do believe the boundary of being in a relationship should respect the future of creating another new chapter—not being friends with your past.

In addition to this public statement, I’d like to refute the lies being spread on the internet, which cause assumptions rooted in my past mistakes. My posts were only based on my emotion—not the truth.

To Bambi Arcena, your words impacted me. Thank you for honoring my struggle—for acknowledging my pain as a woman. I may have benefited from your silence for a selfish reason to protect my truth, but I don’t want to rob your truth and taint your name again.

There is no competition in birth pain. A woman owns it—yes, but a woman’s ability to give birth should never be celebrated to raise insecurities in a community that has been an ally of women for years.

I hope my truth will silence those malicious comments against Bambi Arcena. Thank you.

Napangiti ako. May thousand likes na iyon. Mukhang dinagsa ng mga followers ni Bambi. I read some comments and I saw that most of them are positive.

“Hirap din kasi sa internet, lalo na pag sikat ka, kaunting issue lang, ginagawan nila ng maraming version. They’re even twisting the truth,” iling ni Angela.

Mabagal akong umupo sa upuan, nakigamit muna ng phone niya para tingnan ang TikTok. Kumakain na ulit sila, nakasquat na rin sa carpet. Bukas din ang TV ko na nakapause lang, mukhang nanonood sila ng movie bago ako dumating.

“Nakakagigil din ibang fans ni Bambi. Masyado nang obsessed sa kanya. ’Yong iba, kunwari fans kuno, pero gusto lang talagang makisakay sa rumors at kunin ang oportunidad na siraan siya,” si Mica na kinuha ang remote para i-play ulit ang palabas.

At saktong bungad talaga ang post ni Faith sa TikTok. Dumadaan sa fyp ni Angela dahil maraming likes at comments.

Bambi is still silent about the rumor. I will only believe that Veniel is his boyfriend if Bambi says it himself. As a fan, he needs to speak up and tell us the truth. Baka palabas lang ’yan at si Veniel talaga ang totoong ama. Halatang ginagamit lang si Bambi to gain clout lol. Tayo pa talaga ang lolokohin. Akala mo naman pinanganak tayo kahapon :))

Itong si Faith, masyadong demanding. Gusto yata inaalu siya ni Bambi bawat minuto. Anong klaseng ebidensya ba ang gusto niya? Hindi na ’to fan eh. Mas obsessed pa sa akin.

I opened my TikTok account. Nasasagad na ako. Dinayo ko agad ang post niya para makapagcomment. Ako pa ang hinamon sa ganito eh para namang hindi ako marunong pumatol minsan.

sladeveniel replied: pangatawanan mo naman ang pangalan mo, faith. hirap pagkatiwalaan ng pinagsasabi mo hahahahaha

Pagkatapos kong malapag ’yon, nagtext ako kay Bambi na nandito ang girls sa unit ko.

Mas lalong umingay ang usapin tungkol sa amin sa internet. Hindi rin nagsalita si Bambi sa rumor. At dapat lang. Hindi niya kailangang bumoses kung katotohanan mismo ang umingay para sa kanya.

Kahit napanatag na ako noong araw na ’yon, nasundan naman ng pangit na balita kay Tyler tungkol kay Rick. Kaya pala wala ang boys dahil sa balitang iyon. Ang malala, ayaw niya kaming kausapin lahat.

“Magsasampa na kami ng kaso,” si Tita Rianne nang pumunta kami sa bahay nila at ayaw lang kaming babain ni Rick.

Nakakulong daw sa kuwarto niya, nagvivideo games. Mukhang ayaw niya ng kung ano anong ingay. Nasa sala kami, nakaupo sa sofa nila.

Naalala ko agad ang high school na tindig ni Rick. Medyo gumagaan na ang aura niya ngayon, pero noong high school, sa kanya pa ako mas natatakot eh.

“Buti na lang, pumayag ang mga prof niya na bigyan muna siya ng online class. Ngayon ko nga lang din nalaman na… nagpapatherapy pala siya…” si Tita Rianne na ngumiti sa amin pero nangingilid sa mga mata ang luha.

She also looked so stressed and tired. Mukha ngang wala ring sapat na tulog. Kaming kaibigan niya nga lang, alalang alala na. Ano pa kaya siya na ama mismo.

“Yes, Tita. We knew about it. He also borrowed money from me because he said you’re loaded,” si Tyler. “I am also the one who was with him when he saw that creep at the parking lot.”

Namilog ang mga mata ni Tita Rianne.

“Binugbog niya ’yon, ’di ba?” si Con sa seryosong boses, nakayuko sa nakaparteng mga hita.

“Oo bro. Galit na galit siya. Kung alam ko lang noong araw na ’yon, nakisuntok na rin sana ako…” si Tyler na napangisi ng hilaw.

“We knew his trigger. It was also the reason why our circle has never been open to being friends with gay,” si Brent.

Pasimpleng tumingin ang girls sa aming boys. Si Sadie, tumikhim lang at kunwaring yumuko, pero halatang nagpipigil lang na huwag bumoses.

“Alala ko…” Si Mavric na natutulala, tila may iniisip, biglang nagsalita. “Lagi siyang may sinasabi sa mga bading eh. Hindi ko lang siya sinasabayan noon kasi sobrang tindi na rin, ayaw ko rin talaga sa usaping ganoon dahil may kilala rin akong bading at malapit sa puso ko. Pero malala ang galit niyan ni Rick. Para siyang handang pumatay.”

Nagkatinginan kami ni Tyler. Malapit daw sa puso. Sino naman?

Gusto ko pa sanang mang-usisa kung sinong bading ba ’yang malapit sa puso niya pero masyadong seryoso ang usapan. Nandito pa si Brent. Baka kung kaming tatlo lang, makakapagbiruan pa eh.

Brent looked at me and Tyler with his arched brow. Kita ko agad na si Tyler na nag-aambang magsalita, natutop ang bibig at nasalikop ang mga kamay, patango-tangong sumeryoso lalo.

“Hindi mo rin ’yan pwedeng iwan na siya lang sa bar. Makakahanap kasi talaga ng away,” iling ko nang maalala iyon.

Lumambot ang tingin ni Tita Rianne sa amin.

“Kaya pala noong high school, ang lala niya. Akala ko nga nagdadrugs na siya kasi pati pakete ng sigarilyo, nahuhuli ko sa bag niya,” aniya.

“Tita mukha pong mga tarantado ang boys pero wala pong nakashabu,” si Sadie sa seryosong boses pero ewan ko ba at bakit kami natawa, kahit si Tita Rianne.

I slowly glanced at Tyler. Si Tyler na tumatango, pasimple akong siniko kahit hindi ako nililingon. Nakita pa ni Tita Rianne iyon.

“Ay nagsha-shabu ka ba?” tanong niya kaya nauwi kami sa hagalpak dahil sa gulat niya.

“My mom and my lover will deadass kill me, Tita…” si Tyler na umiling iling.

Ang yabang ng lover. Akala mo talaga hindi siya sinasapak niyan noon.

Ngumiti na si Tita Rianne sa amin, naluluhang pinunasan ng tissue ang luhang papatak na.

“Kayo lang ang kaibigan niyang nagtagal sa kanya… Kayo lang din ang kaibigan niyang lagi niyang natatakbuhan agad…”

“Sige lang, Tita. Hindi namin iiwan si Rick…” ani Angela.

Gustuhin man naming dalasan ang pagbalik sa bahay nila, pero hindi namin magawa dahil mukhang gusto ring mapag-isa ni Rick. Plano nga namin, sa birthday niya na mismo bumalik.

Naging problemado rin tuloy si coach sa biglaang desisyon ni Rick na mag-online classes muna at hindi nakakadalo sa practice. Malala rin kasi ang nangyari na halos ayaw niya nang pasukan ang mga subjects niya. Masyadong sensitibo pag-usapan, at mukhang natrigger si Rick.

Kahit ako eh. Noong narinig ko, kung magagalit si Ate Yna sa akin, taos-puso kong tatanggapin at iintindihin. Hindi madali. Kahit pala ang tagal na, kahit sinabi mong umuusad ka, hindi ibig sabihin noon hindi ka ulit guguho.

“Kahit sa mismong game na lang,” ani coach, nagbabakasakali.

Malaki ring kawalan si Rick sa team namin kung sakali mang hindi siya magpaparticipate ngayong UAAP season. May tuturuan pa naman ako ng leksyon na cheater.

“Huling sinabi niya sa akin, ilalampaso ka raw niya sa UAAP Season…” si Bambi nang nasa labas kaming dalawa at napag-usapan namin.

Nasa Katipunan kami sa gabing iyon, kumain sa Pop Up.

He’s wearing a cap and a printed leopard backless sweetheart top paired with jeans and heels, while I’m wearing a long-sleeve green shirt paired with black pants and white shoes. Ang bag niya, nasa balikat ko.

Napapadalas ang paglabas namin. Depende na rin talaga kung hindi kami ginigipit ng mga school activities. Takot ko lang na mawala sa dean’s list. Iyon na nga lang…

“At ako pa talaga ang ilalampaso? Baka mukha niya ang gawin kong pamunas sa sahig. Tingnan natin kung uubra ba ang kapal ng mukha no’n,” ismid ko at inabot ang labi niya dahil sa sauce na dumikit.

He crunched his nose while munching the buffalo wings; he said they were his favorite menu item in Four Leg. Dinala ko ang daliri sa labi at tinikman iyon.

“Mavideohan kang ganyan,” natatawa niyang sabi.

“Edi magvaviral ang pagiging baliw ko sa’yo?” I smirked.

He rolled his eyes and sipped on his drink. Dinampot ko ang burger na order at kinagatan iyon, napapatango sa lasa dahil pasado rin talaga sa akin.

“B-Bambi…” lapit bigla ng mga grupo ng babae, may hawak na phone at mukhang magpapapicture.

“Uy, hello! Kain kayo!” anyaya niya na akala mo talaga mga tropa eh.

“Hindi na. Nakakahiya. Mukhang nagdidate pa yata kayo ng…” tumikhim ang isa sa kanila.

“Ng boyfriend niya…” dugtong ng isang babae na ikinaangat ng kilay ko.

“Picture? Akin na. Ako ang magpipicture sa inyo,” I volunteered and stood up.

Kita ko ang kaunti nilang hiya lalo na’t ang tangkad ko. Nahihiya silang tumango at nang tumayo si Bambi para magpapicture sa kanila, naghagikhikan pa sila.

I took a photo of them. Galing, ah? Parang kailan lang, noong huli ko ring picture sa kanya ay sila Angela pa ’yon at iba pa ang boyfriend niya. Tapos ngayon…

“Pwede ring papicture sa’yo?” ngiti ng girls sa akin.

Tiningnan ko si Bambi at hinaplos ang siko niya. Nang nakita nila ’yon, nagsinghapan pa at nagtilian ng bahagya, kaya natawa si Bambi at tumango na ayos lang.

“Huwag kayong magbreak, ah! Sobrang bagay niyo!” sabi nila.

Napadalas na ako sa Pop Up dahil pagkatapos ng classes ko, diretso na ako sa kanya para naman masundo ko siya sa school nila at kumakain kami sa labas.

Minsan, may napapansin pa akong pinipicture-an kami o vinivideohan. Hindi ko rin sinisita dahil dagdag na rin sa content sa TikTok na nagdidate kami. Sino bang hindi gusto ng ganoong tsismis? Musika ’yon sa pandinig ko.

Bukod doon, panay rin tawag si Ate sa akin, nakikibalita yata.

Ate Charm: Slade alam mo, kung pati pag-aadik papasukin mo, susuportahan na lang siguro kita. Pagod na ako sa mga kalokohan mo.

Mabuti nga ’yong pamilya ko, hindi masyadong lulong sa internet. Kahit yata TikTok, hindi nila alam. Si Ate Charm lang ang nag-download dahil masyadong kuryoso.

I typed a reply for my Ate in the middle of my practice. Kagat ko ang pendant ng kwintas ko, namahinga lang saglit para makalapit sa bench at mareplyan si Ate.

Me: Ate Charm, hindi ako uuwi sa pasko. Pero diyan naman ako mag-New Year.

Pumito si coach, gusto na akong tawagin. Ibinalik ko sa loob ng duffel bag ko ang phone at nagjog na ulit papalapit sa team.

I was more focused on the practice. Pero pagkatapos noon, dumidiretso rin kami sa Malabon para kay Rick, lalo na’t nag-aalala din talaga kami.

Si Con, laging nagpapadala rito ng pagkain—ang paborito ni Rick na mga ulam lalo na ang adobo. Paborito kasi naman ’yong lahat sa luto niya. Kahit bicol express, paborito din ni Rick.

“Kumakain naman ba nang maayos, Tita?” tanong ko.

“Oo naman. Natatawa nga ako kasi kahit hindi ko sabihin na luto ni Conrad, kilala niya agad…” si Tita na napangiti.

Medyo nakahinga kami kahit paano. Buti naman.

“Wala siyang plano?” ang girls nang makibalita na rin.

“Wala. Si Tita, pumayag na pumunta raw tayo. Kahit salo-salo na lang sa bahay nila.”

We cannot concentrate properly. Hindi na kailanman may sumali sa circle namin, si Shiloh ang huli. Sa sobrang tagal na rin ng pinagsamahan, napalapit na lahat sa isa’t isa. Kaya ang problema ni Rick, pakiramdam namin, problema na rin ng lahat.

“Sa Halloween, dalhin mo si Riri, Mav! Baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya pag may mga bata!” Tyler suggested.

Close din kasi si Rick kay Riri. Inaasar asar niya nga lang lagi. Well, speaking of…

“Sabi ni Claudia, sa November, isang linggo raw na uuwi ’yong nanny,” ani Bambi nang nasa unit ko siya.

“Nag-usap kayo?” tanong ko, abala sa mukha niya lalo na’t ako ang nagpresintang gumawa ng skincare niya.

“May nakikibalita kasi. Humingi ako ng permiso at si Claudia mismo ang kinausap. S’yempre, kahit kaibigan ko ’yong isa, mahirap pa ring pangunahan lalo na’t ayaw ni Claudia na makarating.”

Nanatili siyang nakapikit kaya hindi niya nakitang umangat ang kilay ko. Nakikibalita naman pala.

“Dapat kay Claudia huwag siyang umamin. Para mapauwi niya,” sabi ko.

Dumilat siya ng kaunti, nadatnan nga lang ang ekspresyon ko kaya natatawang pumikit ulit. I rub the cream gently on his face with a slight frown.

“Nagpaplano na ngang mapa book ng ticket. Pero sa December pa ang uwi ni Claudia.”

In love ang gago. Baka pag nalaman niyang nabuntis niya, bata pa ang gamitin para itali niya sa kanya si Claudia. Gusto pa naman no’n ng isa, ’yong sobrang higpit na tingin niya, sa kanya lang nababaliw.

“Cute nila sa totoo lang…” he smiled.

“Sinong cute?” I almost growled the last word.

Dumilat siya, natatawa. “’Yong bata!”

“Cute ba ’yon?”

“Pati ba naman bata?!”

Wala eh. Basta alagad ni Angeles, kumukulo ang dugo ko.

Kinuha ko ulit ang cream para naman sa leeg niya. I leaned closer and opened my mouth to graze my lips on its skin first. Napangiti siya sa ginawa ko. Lumayo rin naman ako para lagyan na ng cream.

“Inimbitahan ako ni Angela kasi. Sabi niya, kayo kayo na lang daw sa Halloween, wala nang ibang imbitado, mga partners lang…”

I nodded since we also talk about it for Rick’s sake. Hindi pa namin alam kung sasali si Rick, pero kung sakali man, gusto rin naming makasali sa ganoon ang mga bata—sila Riri at kahit ’yong kapatid ni Kael. It’s an opportunity to bond with the rest of our partner’s family.

“Kaya naisip ko…what if tayo na lang muna ang mag-alaga sa anak niya? Isang linggo lang naman at sakto, wala tayong classes dahil undas. Kasi gusto rin no’n maging tinkerbell. Sakto na Halloween ang theme at pwede magdress up. Ako ang bahala sa makeup at dress niya. Kasi nabanggit ni Claudia na pangarap daw no’ng bata eh…” he grinned.

Talagang matutupad pa ang pangarap ng bulinggit na ’yon, ah?

“Ako magmimakeup. Gagawin ko siyang ingkanto sa halip na diwata—aw!” I laughed when he pinched my leg.

“Magseryoso ka nga kasi!”

Tumikhim ako at itinulak ang baba niya paangat para mas malagyan ko nang maayos ang leeg niya. He lifted his head up, but his eyes were looking at me.

“Kung hindi ka papayag, ayos lang. Anak kasi ’yon ni…”

“Ng first love mo noong high school?” I smirked.

“Iniisip mo talaga na may gusto ako sa kanya?!”

“Hinawakan niya ang siko mo habang nakatingin ako,” giit ko, naalala ang malala kong hinanakit habang nasa loob sila ng classroom.

“Kaya nahuhuli ka no’n eh! Si Claudia lang ang nagustuhan no’n! Talagang gagalitin ka kasi ex mo ’yong gusto niya.”

“Edi hinamon niya na lang sana ako ng suntukan. Ba’t pa manghahaplos ng siko?”

He shut his eyes and licked his lips while smiling. “Nababaliw na siya, Lord…”

At nagsumbong pa talaga? Tingin niya ba wala rin akong sumbong tungkol sa kanya? Mas marami akong hinanakit na alam ng Diyos tungkol sa kanya!

Dumilat siya, nangingiting hinarap ako. He cupped my face gently.

“Huwag na magselos, Slade. May anak na sila. Dapat panatag ka na. Panatag nga ako sa inyo ni Claudia na ex mo rin ’yan. Pagkatiwalaan mo rin ako…” he frowned and looked at me softly.

“Hindi naman sa wala akong tiwala…” I sighed. “Naalala ko kasi ’yong mga mali ko noon…na hindi ko na maitatama. Oo nga, sinasabi mo na hindi ako pabigat. Pero sa tuwing naaalala ko siya, nanghihinayang ako sa buhay mo na pakiramdam ko, sinira ko…”

His eyes widened. I smiled weakly.

“’Yong opportunity ni Angeles, sa’yo dapat ’yon. Ikaw dapat ang nasa ibang bansa ngayon, nag-aaral sa prestihiyosong paaralan na magbibigay sa’yo ng mas marami pang oportunidad.”

“Bakit? Ang baba ba ng narating ko ngayon sa tingin mo?” he chuckled, his hands still holding my cheeks.

“Hindi naman sa mababa…pero may ikakaangat ka pa sana…”

His hands, from my cheek, glided down to the side of my neck. Ang mga kamay ko, unti-unti ko ring hinawak sa magkabilang baywang niya, namumungay ang tingin sa kanya.

“Kailangan bang nag-aaral ako sa ibang bansa para masabi mong malayo na ang narating ko?”

I shook my head. “Hindi naman… Pero…”

“Hindi ’yon para sa akin. May nasalba akong buhay dahil umatras ako. Si Claudia. Kung hindi ako umatras, kami ni Angeles ang sasabak at wala siguro silang nabuong pagtitinginan ni Claudia—o ang kinakapitan niya ngayong anak niya.”

Nagkasalubong ang kilay ko pero unti unti kong iniintindi ang sinasabi niya.

“Ikaw…kung hindi ka lumipat, hindi mo mahahanap ngayon ang mga kaibigang sinuportahan ka.”

I remained silent, but his words are slowly affecting me.

“Ibig sabihin…may mga pangit na nangyayaring nagdudulot ng maganda sa buhay natin. Dahil bata pa lang ako, kung hindi ako pinapabayaan ng mga magulang ko…hindi ko makikilala si Papa ngayon.”

My eyes softened.

“Kaya huwag kang manatili sa nakaraan, Slade. Ang raming magagandang nangyari sa buhay ko. Marami akong naging kaibigan dito. Noong naging TikTok star ako, mas nagawa ko ang mga gusto ko. Nakakadonate ako… Nakakadayo sa sinasalantaan ng bagyo para mamigay ng relief goods. Nagagamit ko rin ang platform ko para ma-inspire ko ang mga kagaya ko na hindi kami salot sa lipunan. Marami kaming pwedeng gawin at kayang patunayan.”

My worries slowly subsided. They were washed away by his words. Indeed, he knows how to see through you—to validate you and free you from your insecurities.

Lalo na’t iyon ang nararamdaman ko. I feel seen and acknowledged.

“Kung hinubog ako ng panahon, alam ko…mas hinubog ka ng paglayo mo sa akin. Hindi ka na padalos dalos at marunong ka nang manindigan. Huwag mong tingnan ang narating ko. Tingnan mo rin ang layo ng narating mo…” marahang sabi niya.

I shut my eyes and laugh a bit. Kung baha siya, lubog na lubog ako sa kanya—hirap nang makaahon.

Oo nga naman…malayong malayo na ako sa dating ako. Minaliit ko iyon dahil tingin ko, noon ko pa dapat ’to ginawa sa kanya. Pero tama siya. May mga bagay na kailangang mangyari.

And to see us talking calmly, this is the fruit of our mistakes in the past. We learned from it. We never communicated calmly. Even the rain on that night didn’t stop our fight. Our anger dominated the cold.

Ngayon na muli kaming sinusubok ng panahon, kahit bumabaha na ng problema, ang lamig ng ulan…sapat nang dahilan para aluin siya sa mga bisig ko—isilong sa akin at unahin siya kaysa sa galit ko.

Hindi siya kailanman manlalamig…hangga’t ako ang kasama niya sa gitna ng ulan.

“Sige. Bati na kami…” I whispered bitterly.

Nanliit ang tingin niya pero nangingiti.

“Ng bulinggit niya. Hindi siya,” klaro ko dahil baka akala niya…

Humalakhak siya pero alam ko, unti unti na ring napanatag. Pero ang kaunti kong hinanakit kay Angeles, naroon pa rin. Kung ibabaon ako ni Asher sa lupain namin at mamamatay ako, sigurado ako na ang katabi ko, si Angeles. Hindi pwedeng mag-isa akong inuuod sa ilalim ng lupa dahil hindi ako mapapanatag lalo kahit sa kabilang buhay.

Noong birthday na ni Rick, nasa bahay na nila kami pagkatapos ng classes namin. Nakalinya ang mga kotse sa garahe nila, mukhang naroon din ang pamilya ni Rick. Gabi na rin kami nakapunta.

“Nasa dagat pa yata…” si Tita Rianne.

“Ayan ba ’yong nakakasagutan natin na attorney sa Facebook?” bulong ko kay Tyler, tinutukoy ang seryosong naka-black shirt at nagsasalin ng wine.

“’Yan na yata si Tito Alfred…” bulong ni Tyler pabalik.

“Parang kaunting biro, mukhang matitikman natin ’yong mga batas na laging bukambibig ni Rick tuwing lasing siya,” iling ni Mav.

It wasn’t even more of a celebration. It was like a serious gathering, and none were laughing that much.

Gabi na noong nadatnan kami ni Rick sa bahay nila lalo na’t nasa labas lang din kami—sa tapat ng garahe at nakikipag-inuman kay Tito Alfred na niyaya kami.

Nang matanaw namin na papasok na ang kotse niya sa malaki nilang gate at binubuksan ng katulong, nagsitayuan kaming boys para abangan siya.

Rick went out with his dark expression. Unti-unti kaming lumapit sa kanya, at kahit ako, nanlumo na makita siyang namumula ang mga mata.

“Umamin na kayo. Pumunta lang kayo rito para makikain eh,” aniya sa medyo namamaos na tinig.

Alam namin na ilang oras siyang umiyak. Namumungay ang kanyang mga mata at halatang namumugto. Humingos siya, tumingala pa at binasa ang labi, mukhang nagpipigil lang na maiyak ulit sa harap namin.

“S’yempre, Rick. Hindi mo kami inimbitahan noong nakaraan…” si Tyler na ngumisi at tinapik ang balikat niya.

“Nakipaghiwalay ako…” garalgal niyang pag-amin, ngumisi nang bumaba ang tingin sa amin. “Putang ina, ’di ba?”

I tapped his shoulder and pinched it. Nanginig ang labi niya, lumobo ang pisngi at nanlabo ang mga mata. Lumapit ako at hinila ang ulo niya papunta sa balikat ko.

“Oh hindi umiiyak. Maangas ’to… Wala kayong luha na nakita!” sabi ko sa boys, ginaya ang ginawa niya sa akin noong birthday ko.

Si Tita Rianne na nakatanaw sa amin, nakangiting umiiyak dahil nagpupunas ng luha. Kahit si Tito Alfred, tahimik na umiinom ng rum pero nasa amin din ang tingin.

“Gago ka, Ron…” Nanginig ang balikat ni Rick, natawa sa ginawa ko lalo na’t natawa rin ng bahagya ang boys.

Ngunit kalaunan, naramdaman ko ang agarang pagkabasa ng balikat ko hanggang pumaibabaw ang hagulhol niya—ang balikat na nanginginig…dahil sa iyak niya na.

“Nandidiri ako sa relasyon namin, tang ina…hindi naman siya kasama sa galit ko. Pero diring diri ako…”

The other boys crowded him. Humingos ako, nakaramdam ng matinding awa, naalala kung paano umiyak si Ate Yna sa harap naming lahat noong araw na ’yon.

“You are not wrong for feeling that way, Rick. Even a healed person still bleeds, and so do you, who are still in the process of healing,” si Brent.

“Kaya natin, Rick… Ilalaban natin…” si Tyler na hinaplos ang likod niya.

Chapter 39

Heaven

Naging abala na kami sa preparations para sa Halloween. Sakto, bibilhan din ni Mavric at Tyler ang mga kapatid ni Kael, ganoon din ang kapatid ni Mavric na si Jester at Riri kaya nagpasya na lang na magkita kita sa Mall mismo.

“Tinku belly…” ang bulinggit nang ilalabas ko na sana sa kotse at yumakap kay Bambi.

Sinundo namin siya sa kanila para na rin mabilhan ng damit.

“Ako na,” agap ni Bambi na inakay ito palabas.

Sinalo ko mismo ang siko niya dahil parang koala na kumakapit sa kanya ang bulinggit. She looked at me alertly, and she even stared at my hand when it flew to Bambi’s elbow.

Nagkatinginan kami ng bata. Pinalaki ko ang mga mata ko para manakot. Bambi noticed it and glared at me.

“Slade,” tawag niya. “Pag ito iiyak…”

“Pag siya umiyak maglalakad siya pauwi. Bigyan na lang natin ’to ng pamasahe para magcommute,” biro ko habang unti-unti niyang binababa.

He crouched a bit to fix her dress while the kid captured his hand to hold it. I locked the car while looking at his other empty hand.

“Doon ka sa kabila. Hawakan mo ang kamay,” Bambi ordered and stood up.

Labag pa sa loob ko noong kinuha ko ang kamay ng bata pero mas labag yata sa loob niya lalo na’t umiling siya at mabilis na hinila ang kamay sa akin.

“Oh ayaw niya. Dito na ako…” I said and stood beside him, my hand slowly gliding on the side of his waist.

Bambi sighed. “Dalawang bata ba ngayon ang aalagaan ko?” tingin niya rin sa akin.

“Why? She’s your baby too?” I pinched the side of his waist.

Tumawa si Bambi at napaigtad. The kid even looked at my hand, and she curiously looked at me. I also looked at her with the same intensity of her stare.

Mana nga sa ama. Mahilig makipagkompetensya.

“Ikaw pa yata ang kinikilalang ama niya,” sabi ko habang pumapasok na kami sa Mall at nakakapit pa rin sa kamay niya ang bulinggit habang gumagala ang tingin.

“Sa shorts kong ’to?” tingin niya sa suot niya.

He’s wearing a navy blue baggy v-neck shirt and short shorts. Ang bata, may suot ding backpack at naka-striped blue dress. I am wearing a moss green hoodie jacket with a printed L.A. on its front.

Pagdating sa boutique store kung saan kami nagdesisyong magkita-kita, naroon na rin sila Mavric at Rade kasama ang dalawang kapatid ni Mavric at si Tyler at Kael, kasama rin ang isa niyang kapatid na mukhang high school pa yata.

I saw the smirk on Kael’s lips when he looked at my hand on the side of Bambi’s waist. Si Bambi, nangingiting kinawayan pabalik si Riri na tiningala siya at kinawayan.

“Ay… triple date?” tingin ni Bambi kay Kael at Rade.

“Bago mo?” Kael asked seriously, like it was supposed to be meant as a tease.

“His long-time friend, I guess,” si Rade na bumoses at halatang sinasakyan ang biro.

“Huwag niyo nga asarin! Pag ’yan lumuhod at umiyak sa mga hita ko…” ani Bambi.

Tyler and Mavric looked at each other, and they ended up laughing.

“Lumuluhod naman pala, Ron…” tukso ni Mavric.

“Hirap mang asar kung danas ko rin,” Tyler chuckled and smirked meaningfully at Kael.

“Hindi mo ’yan pinapaluhod, Rade?!” Bambi teased.

“I do the kneeling…” Rade shrugged.

Tyler and I looked at Mavric, who shrugged cockily. Ang yabang ng gago!

Nailing na lamang ako habang abala ang mga bata, lalo na si Riri, na makipagngitian sa bulinggit ni Angeles. Si Jester, bored na bored yata dahil gumagala ang tingin sa kung saan saan. Ang kapatid ni Kael, tahimik na tinitingnan ang dalawang bata. Tyler chuckled at her.

“Bunso ka sa bahay, pero Ate ka ngayon…” si Tyler na inasar pa ang kapatid ni Kael na hindi man lang ngumiti.

Pumasok kami sa botique para makapili na ang mga bata ng susuotin para sa Halloween. Nandito rin halos lahat, eh. Pwede ka ring magpacustomize.

Si Kittie, ang kapatid ni Kael, ang unang hinanapan namin ng damit. Si Bambi pa ang nagpresentang siya na ang umalalay dahil halata sa mga mukha namin na wala kaming maiaambag sa fashion.

“You’re a baby too?” Turo ni Riri sa bulinggit ni Angeles nang kinausap niya ito.

The kid nodded while pointing at herself. “I…I baby too…”

“Her…baby too,” sali ni Tyler at itinuro ang kapatid ni Kael na tinutulungan ni Bambi na mamili ng gusto niyang halloween costume.

“And Kuya is a baby too…” Rade whispered to Jester, who’s silently watching the kids.

Nahihiyang ngumiti si Jester at sumiksik lalo sa gilid ni Rade.

“You are that TikTok star. I followed you,” rinig ko ang usapan nila ni Kittie.

Napangiti si Bambi sa kanya. “Talaga? Sa mga makeup transitions mo ba ako nadiscover?”

“Nope. When you played Roblox with your boyfriend and you two are live… You were screaming and shouting while your boyfriend is laughing hard…”

Tumingin tingin ako sa paligid, nagkunwaring walang narinig kahit pansin ko ang pasimpleng paglipad ng tingin ni Bambi sa akin. Si Tyler at Mavric, napatingin sa akin at nagtawanan bigla ang dalawa.

“Live ka rin, Ron. Ikandong mo habang naglalaro kayo. Huwag kang patalo,” si Tyler na narinig din pala.

“Boyfriend daw. Friend ka lang pala, Ron…” si Mavric na nakibiro na rin.

Pinagtatawanan pa rin ng dalawa ang topic na ’yon kahit noong nag grocery na rin kami para dalhin sa bahay nila Angela lalo na’t doon kami didiretso.

Habang nagtutulak tuloy ako ng cart, karga ko ang bulinggit na nakatulog dahil nakabasag pa sa grocery store. Hindi naman sinasadya pero natakot na yatang gumalaw at tinablan ng takot.

Ang hirap pala mag-alaga ng bata. Parang kailangan may apat kang mata, hindi lang sa harap kundi pati dapat sa likod. Bawal din kumurap dahil kaunting lingat lang; kung hindi siya ang makakagawa ng aksidente, siya naman ang maaaksidente.

“Napagod yata ang baby…” puna ni Bambi nang tingnan niyang tulog ang bata sa balikat ko.

“Oo napagod,” I said weakly.

Sa akin agad napunta ang atensyon niya. He caressed my jaw.

“Ikikiss ko na ba para mawala ang pagod ng baby?” he talked childishly.

Tumikhim ang likuran namin.

“Huwag naman sa harap ng pechay ko,” ani Tyler at nang lingunin ko ang gago, tumingin agad siya sa cart niyang may pechay.

Umismid ako kahit natatawa. Even Mavric was behind him with their cart too.

Pagdating sa bahay nila Angela, naroon na ang iilan. The girls who are in the swimming pool area rise up with a wide smile when they see me with Bambi.

Ang bata, inilabas ko. She looked too hostile to her surroundings. Umatras pa siya at nagtago sa likod ni Bambi.

“Nahihiya siya…” Bambi chuckled.

I crouched to carry her. Ang isa kong kamay, inilandas ko sa baywang ni Bambi.

Tumili ang girls na para bang may nangyayaring kung ano. Nang tingnan ko sila, ang lawak na ng ngiti sa amin.

“Parang noong nakaraan, hindi mo ’yan malapitan ah?” biro agad ni Sadie.

“’Yan na ba ’yong bata na napagkamalang anak ni Ron? Ang cute naman!”

“Bambi! Fan mo kami!” Raya shouted jokingly.

Papalapit pa lang kami sa girls, hindi na sila mapirmi. Bambi walked fast toward them and shouted as well to mimic the girls’ excitement. Mas lumakas lalo ang tilian ng girls dahil nakitili na rin si Bambi sa kanila na parang long-time friends niya ang lahat.

The kid curiously looked at Bambi, who giddily hyped up the girls’ fun.

“Ganyan ka rin dapat makipagfriends. Huwag kang gumaya sa Papa mong snob,” sabi ko sa bulinggit.

“Friends?” she echoed my words. “Tinku belly… friends?”

“Oo friends. You too. Friends. Ate Riri, Kuya Jester, Ate Kittie… Uncle Tyler… Uncle Mavric… Uncle Brent… You have lots of friends too. Everyone here is your friend.”

She pointed at herself. “I…friends?”

Unti unti kong naalala ang sabi ni Claudia. Mahiyain ang bata. Hindi rin sanay makihalubilo. Sabagay…itinago niya ba naman para walang lumabas na balita at makarating sa ama.

“Bakit dalawang aling maliit na ang nandito? Apir nga,” si Rick na ipinakita ang kamay sa bata nang pumasok ako sa loob.

The kid shyly tapped her hand on Rick’s wide palm.

Rinig pa rin ang ingay ng girls sa labas. Kahit si Shiloh, nakuryoso na at tumingin hanggang nakita niya si Bambi. Ngumiti siya at sumenyas kay Brent na lalabas muna.

Lumapit pa si Riri sa akin at tiningala ang bata, mukhang gusto niyang ibaba ko. I crouched a bit so I could put her down.

Riri held her hand and pulled her. Nilingon ako ng bulinggit. Sinenyasan ko siyang sumunod. Tyler urged Kael’s sister to follow the kids.

“Play with them, Ate,” si Tyler.

“I’m too old to play with babies,” ang snob na boses ni Kittie.

“You’re still our baby, what do you mean?” halakhak ni Tyler.

Nandito halos ang boys sa loob, inaasikaso ang mga pagkain at decorations. Sa pool area, ang mga girls ang mukhang nag-aarrange doon.

Rick slapped my stomach and showed his palm.

“Bayad ko.”

Kumurap ako habang tumutulong na rin sa decorations.

“Kliyente kita. Ginamit mo sa post mo ’yong unjust vexation. Akin na ang bayad ko. Ako ang abogado mo.”

Natawa ako. Nagkunwari pa akong inilagay ang kamay ko sa palad niya at pinakita agad ang gitnang daliri ko.

“Hayop ka. May utang ka sa akin,” banta niya.

“Salamat sa mga turo mo Rick. Madami akong napulot,” ngisi ko.

“Ganyan nga. Gamitin mo ang batas na ginawa para protektahan ka. Pakinabangan mo ang human rights mo,” tapik ni Rick sa balikat ko.

Gusto ko sanang sabihin na siya rin dapat, pero ayokong buksan ang topic na iyon nang basta-basta lalo na’t nakikipaghalubilo siya sa amin. Siguro rin, gusto niyang unti unting umusad.

Lumapit ako sa pool area, nagkunwaring tutulong sa beer pongs. Pinaningkitan ba naman agad ako ng mga mata ni Raya at itinulak palayo.

“Ron, sa loob kayo! Kami rito! Hayaan mo muna siya sa amin!” aniya at rinig ko ang mga usapan nila.

Pinagdadamot ba naman…

“Ang liit nga ng tite no’n tapos cheater pa…” si Bambi na mukhang inuulan ng tanong ng mga girls.

Nailing ako at nagsisi kung bakit pa ako lumapit. Usapang tite. Hindi nga naman ako makakarelate. Punong puno raw siya sa akin, eh.

Sa huli, bumuntonghininga ako at hinayaan siya sa girls.

Nahuli ko si Brent na inaayos ang mga pagkain, napatingin na rin sa akin. Hinanap ko pa si Shiloh hanggang mapagtanto kong naroon din si Shiloh sa girls.

I laughed and tapped his shoulder. “Tulungan na kita…”

“Tinaboy ka rin ng girls?” he arched his brow, like he’s sulking here and he wants to occupy himself to let Shiloh bond with them.

“Oo eh. Ganito pala ang pakiramdam mo lagi?” I smirked at him and joined his hand.

Ang inaayos niyang cordon bleu gamit ang tong, inayos ko rin at nakisali. Sabay pa kaming lumingon sa girls at nakita na si Bambi at Shiloh na ang nag-uusap dahil sa high windows na bukas ang curtains at kita namin silang lahat sa pool area.

“Bigyan ko kaya ng cordon bleu. Hindi pa talaga ’yan kumakain…” sabi ko at kumuha na ng platito.

“The girls will only push you away again. Just let them be…”

Nakita ko si Rick na pinapaligiran ni Riri at bulinggit ni Angeles. Ang dalang stickers ng bata, dinidikit na ngayon sa mukha ni Rick na nakahiga sa sofa, hinayaan siyang pagkaisahan ng dalawa.

I smiled while looking at Rick. Si Brent, nilingon ang tinitingnan ko saka ako tiningnan.

“You are gonna bring Bambi on your 22nd birthday?” he asked.

Tumango ako. “Oo.”

“Are you sure?”

“Oo, Brent. Handa na ako na ipakilala siya.”

“And…you are ready to face the consequences? You are ready to be condemned by your family?”

Sa totoo lang, hindi naman talaga biro ang gagawin ko. Mahirap talikuran ang pamilya na bumuhay at nandiyan lagi para sa’yo.

Marami akong panunumbat na maririnig. Mas triple pa ang sakit kaysa sa mga nababasa ko sa internet dahil galing na mismo sa pamilya ko. Makikilala akong…kahihiyan sa angkan namin—sa ibang tao na hindi ako mauunawaan.

“Noong nalaman ko na baka nakabuntis ako, hinarap ko nang mag-isa. I took the responsibility because…that’s what’s needed. I needed to be accountable for my mistake. Pero iyon din ang naging hakbang ko na ipakita kay Bambi na kaya kong pangatawanan ang pagkakamali ko sa nakaraan, pero kaya ko ring panindigan na hindi lang siya kung sino sa buhay ko. His welfare is my main priority.”

Napangiti ako, ipinatong ang cordon bleu sa iba pa.

“Alam kong kaya ko na siyang ipaglaban, Brent…”

He nodded and smiled at me. He even ruffled my hair.

“You grew up in my eyes. I’ve watched you grow and make mistakes, and you learn from them. Seems like you don’t need my guidance anymore…” he smirked.

I snorted and rolled my eyes. Pero may kaunting humaplos sa akin.

“The community we are part of is like a gun that aims in every movement we do. Well, being gay felt like you always needed to be outstanding, to do more, to prove your worth. We are condemned by the society’s judgement that we are sinners. Parang kailangang meron kang napapatunayan para matanggap at mapabilang.”

Tinitigan ko siya, nakikinig at hindi na magalaw ang pagkaing pinagkakaabalahan namin.

“Knowing that you have a loud and proud partner, you will be judged more. You will be questioned on what you can offer in the community he’s part of. Worse, some might push you out.”

Tumango ako, may pait na nalasahan sa bibig ko.

“But that shouldn’t label you. Just hold his hand…stand with him in front of those people…then that’s already enough that you have a place in the community. Because not everyone will risk being condemned and crucified for the love they wanted to own. It takes strength and a lot of courage…”

I smiled at him and tapped his shoulder. “Thanks, Brent. Malaki rin ang ambag sa buhay ko. Kumapal lalo ang mukha ko dahil sa’yo.”

“Is that a compliment?”

Humalakhak ako. “Oo, bro. Marami kang ginawa na gusto kong gawin. When you knelt on that night for Shiloh, you taught me what love meant. You became a good role model to me—a brother…”

Hindi lang naman si Brent—silang lahat. They’re like brothers I looked up to. Hinubog nila akong lahat kaya malayo na ako sa dating ako.

I always doubted myself. I don’t think I would ever be deserving of my Bambi. Sige na, aaminin ko na. Wala pa akong napapatunayan talaga sa komunidad nila, at kahit ngayon ay nangangapa pa rin ako.

But I slowly acknowledge my place in the community—like what Brent said. I know I fit in. I just know.

“Sigurado ka?” si Con nang sabihin kong kahit si Serene, pwede niyang isama sa birthday ko.

“Oo nga, bro! Dalhin mo. Dadalhin din ng iba ang partners nila eh,” udyok ko.

“Hayop ’yan, ah? By partners. Hindi ba ako imbitado riyan?” si Rick na narinig iyon nang makatabi ko si Con at sinabi ko iyon.

“Attorney kita, Rick,” biro ko.

“Bakit? Kakalabanin ba natin ’yong matanda? Sabihin mo sa akin para makasa ko agad ang tinatago kong baril,” aniya.

Kaya nga dapat kasama siya. Para kung manlaban ’yong matanda, siya na ang bahala.

Hindi naman sa iniisip kong magkakagulo o ano. Pero gusto kong nandoon silang lahat sa importanteng yugto ng buhay ko. Gusto kong ipakita sa kanila na…kaya ko rin.

Sinilip kami bigla ng girls dito sa lounger lalo na’t kami ang nandito at nasa loob silang lahat, abala na magbihis.

“Magbihis na kayo! Papatapos na kaming girls! Baka kayo na naman ang matagal kumilos tapos hihintayin pa namin!” si Angela na hindi pa nga nagbibihis dahil sa suot na bath robe.

Napangiwi kami sa kanila. Bigla talaga kami nilang minamadali pag nasa kalagitnaan na sila ng makeup. Pero pag kikilos na kami, sila, hindi pa rin tapos!

But then I stood up to at least take that opportunity to join Bambi. Nadatnan kong sinusuotan niya na ng pakpak ang bulinggit at may makeup na rin. Aba…

“Ako na sa makeup mo…” I volunteered and held his elbow to get his attention.

“Sigurado ka? Baka hindi mo aayusin!” aniya.

I nodded and sat on the sofa facing his side. Ang mga makeup na naroon sa loob ng pouch, isa-isa kong tiningnan.

Pumikit siya, ngumingiti na naman. Minamaliit pa yata ako ng isang ’to.

“Wow. Marunong kang mag makeup, Ron?!” the girls pointed out when they noticed I held the first layer for his makeup, which is the primer.

Ang mga girls na abalang magmakeup, kahit ang boys na inuuna ang pag-aayos ng costume, napatingin sa akin.

Natawa ako sa kanila. “Inaral ko.”

The girls’ eyes widened.

“Kaya niyo ’yon?!” Raya screamed at the other boys.

“Kaya wala talagang magsesettle sa taong hindi marunong mag-effort!” si Angela na akala mo talaga aping api sa relasyon.

“Nang-iinggit pa talaga! May mga kamay naman ako! Kaya kong magmakeup nang mag-isa! Maghihiwalay din kayo!” si Gabriella pero pabirong naiiyak ang boses.

“Paano maghihiwalay eh hindi pa nga sila? Si Ron lang ang nangangarap at pinapaniwala si Bambi na boyfriend siya,” boses ni Raya na akala mo talaga hindi ko pinapakain sa unit ko.

“Parang noon lang, tinutulak ka pa namin ni Mav sa wheelchair, ah,” asar ni Tyler sa kung saan.

Hindi niya kasi maalalayan ’yong kapatid ni Kael. Ang mga girls ang tumutulong. May galit sa kanya eh. Pero ’yong isang kapatid, siya ang mas close kay Tyler pansin ko.

“Niyayabangan pa tayo. Akala mo hindi tayo naghirap na iuwi siyang lasing na lasing noong 18th birthday niya,” boses ni Mav na ikinatawa ko.

Tumawa rin si Bambi, gustong dumilat para tingnan sila pero hindi na magawa dahil nilalagyan ko na siya ng primer.

“Makeup is too easy to learn. I’ll do Shiloh’s makeup,” rinig ko ang palabang boses ni Brent.

“Isa ka rin, Jarsdel! Napilit lang ’yan si Shiloh na maging boyfriend mo kasi no choice siya!” ang mga girls.

Ang gulo ng mga girls dahil inaasar ang boys. Ang bulinggit, naroon na kay Riri, nakikipaglaro at tapos nang ayusan ni Bambi. Si Riri, angel ang naging outfit kaya dalawa silang nagkakasundo dahil sa mga ayos nila, parehas may suot na pakpak.

“Primer ba ’yan?” paninigurado ni Bambi.

“Oo naman. Primer ’to. Para kumapit ang makeup…” I answered proudly.

Bambi laughed. “Talagang alam mo, ah?”

“Tapos sunod, foundation, ’di ba? Iba rin ’yong concealer at highlighter…” sabi ko at muling pumulot ng foundation.

Medyo nakakalito rin talaga ’to kabisaduhin. Inaaral ko lang paunti-unti. Pare-parehas lang naman kasi! Gulat nga ako na may setting spray pa. Pero kilala ko ’yon kasi ayan ang palatandaan naming boys sa girls na papatapos na sila pag narinig namin.

“Bakit mo naisip pag-aralan?” ngiti niya, nakapikit pa rin habang maingat kong kinakalat ang foundation gamit ang brush.

“Naisip ko kasi, kung dadalhin mo ako roon sa Elyu at magiging abala ka, s’yempre mas maganda namang may alam din ako sa pinaggagawa mo para makaalalay ako…”

Sa December na rin kasi ’yon. Kaya nagpaalam ako kay Ate Charm na hindi rin ako uuwi dahil sasama ako sa kanya roon. Kung sakali mang pumayag ang papa niya, makikipasko na rin…

Naks. Tapos hindi pala ako makakauwi kasi ibabaon na ako sa buhangin ng Papa niya.

“Kahit anggulo ng pictures, unti unti ko na ring inaaral. Para wala kang ibang poproblemahin kung sakali man. Pagpeperform lang…” sabi ko habang abala pa rin sa mukha niya.

Wala sa sarili siyang napadilat. Titig na titig siya, kahit ang ngiti niya, unti unting napawi.

“Ganyan ka ba katakot kay Papa? Hindi ka naman papatayin no’n kung nanood ka lang eh…” aniya.

Hindi tayo sigurado kung hindi ako no’n pag-iinitan. Baka kahit paghinga ko, hindi niya dapat naririnig.

“Noong napanood kitang nagperform sa Elyu, manghang mangha ako no’n. Pero noong nakita ko na naroon ang boyfriend mo, s’yempre napapaisip din ako kung tinatrato ka ba niya nang maayos. Ang lala ng selos ko no’n na nagkasinat ako,” I confessed and chuckled.

I sulked too much on that night. I even thought a lot of scenarios. Pinagdasal ko pa nga na sana, gago ’yong boyfriend para hiwalayan niya. Pero binawi ko rin dahil ayaw ko namang gaguhin din siya.

Kaso si Lord, lagi yatang nakikinig sa mga dasal ko. Bigla ba namang nabalitaan ko, hiwalay na. At ang malala, nagcheat pa. Literal na gago pala talaga.

Nanahimik siya, nakangiti pa rin. Pinulot ko ang concealer para lagyan ang ilalim ng mga mata niya.

“Matagal akong naghanda. Matagal akong nangarap na…sana maranasan ko rin. O sana pagbigyan ako ng langit. Kung hindi ka nila kayang tratuhin nang maayos, ipinagdasal ko na ihatid ka Niya pabalik sa akin, kasi kaya ko ang hindi nila kaya…”

There were droplets of tears formed slowly on his long lashes. Kinabahan pa ako.

“Ang makeup. Mahal…” biro ko.

Tumawa siya at humingos.

“Kung ano-ano kasing sinasabi!” iritado ngunit nangingiti niyang pinalis iyon habang napakuha ako ng tissue. “Ilang beses mo na akong pinapaiyak ah!”

I smiled when I remembered the day he cried the hardest happily. Akala niya kasi, hindi ko alam. Wala naman akong hindi nakakalimutan pagdating sa kanya. Kahit noong nakita ko siya sa bar, alam ko kung kaninong selebrasyon iyon.

After his makeup, I even volunteered to curl the ash blond wig that matches the color of his wings that he wants to wear as well. Napaso pa ako. Ganoon kahirap!

Pero noong suot niya na, napangisi ako.

“Pwede na…” tango niya sa makeup niya nang titigan iyon sa salamin.

“Pero last na ’to ah?” biro niya at pumulot pa ng brush para ayusin ang parteng hindi ko nagawa nang maayos.

I took out my phone and captured a nice angle while she’s busy touching her lips to retouch her lipstick a bit.

Nang pansin niyang kinukunan ko siya ng picture, binaba niya sa baba ang hintuturo niyang kamay at lumiyad ng kaunti para mas madepina ang hubog ng katawan niya.

Wala eh. Lahat ng angle, maganda siya. Kahit yata sa ilalim ko siya kunan, ang ganda niya pa rin. Para akong nauulol na ewan na hindi na minsan sapat ang pictures para bigyang hustisya ang mukha niya.

I stood up behind him and snaked my arms around her small waist. I offered my phone.

“Take a photo of us, please…”

“Memory sa gawa mong makeup ko?” he chuckled and took it from my hand.

I rested my face on her shoulder. “Kailangan may picture ako. Baka sakaling mabagok ako bukas at hindi na makaalala. Kailangan may ebidensya na patay na patay ako sa’yo.”

O ibagok ako ng Papa niya.

Humalakhak siya pero inanggulo rin ang phone para may picture kami. I couldn’t take my eyes off her that I needed to look at her—not just her reflection on the mirror.

“’Yong burat mo, tumutusok pa sa likod ko,” bulong niya na ikinahalakhak ko.

Sa lahat ng Halloween party namin. Iyon ata ang pinakamasaya. Nawili rin ang girls na alagaan ang mga bata. Ang bulinggit, halatang nag-eenjoy at nakakailang yakap sa leeg ni Bambi.

I dressed as Peterpan on that night. Kulang na lang nga, maging lumot dahil nakaberde lahat. But everytime I’ll stood beside him, I looked like a villain because she looked so pretty and hot.

Ang girls, nawili na magTikTok kasama si Bambi. Forest entities din kasi ang theme kaya halos sa girls, may pakpak. Ang boys, kanya kanyang engkanto. Si Tyler, effortless.

The girls did the Go Crazy trend with Bambi. Kahit si Serene at Shiloh, niyaya niya rin sa trend na I love Rock n Roll. Nauna si Serene na umirap. Si Shiloh na nahihiyang umiling, si Bambi naman ang sa dulo na namakyu pa talaga.

Tatlong araw din kami sa bahay nila Angela. Ginawa na naming resthouse ang bahay nila. Ang girls, umagang umaga, nasa pool area, nakabikinis, kasama si Bambi na tinuturuan silang mag-belly dance dahil pumapaibabaw rin ang kantang Hips Don’t Lie by Rihanna.

Nasa loungers kaming boys, nanonood. Naliligo na ang iilan din. Si Shiloh, naka puting t-shirt at nasa likod ni Brent na naka shades pa. Medyo masakit na rin ng kaunti ang sinag ng araw. Si Rade at Mavric, nasa kabilang lounger at may pinag-uusapan, si Tyler at Kael, pinapanood din ang mga kapatid nila sa pool na kasali sa girls. Si Con, nasa lounger kung saan abala ring lagyan ng suncreen ang katawan ni Serene na nakakulob sa lounger.

“Haku…isa punoy…” rinig ko ang kanta ng bulinggit ni Angeles kasama si Riri at nasa harap sila ni Rick, sa tabi mismo ng lounger ko.

Jester laughed out loud. “Bulol…”

“Ako isang pinoy… Ulit!” si Rick.

Riri and Angeles’ sperm made a loud duet. Humalakhak ulit si Jester, tinuturo ang dalawa habang kausap si Rade na abalang lagyan ng sunscreen ang topless na si Mavric.

Buti na lang, napagod din si Bambi at sa wakas, pumunta rin sa lounger ko. Iyon pala, magpapalagay na ng sunscreen.

“Maliligo ka na pagkatapos nito?” tanong ko habang nilalagyan ang sunscreen ng likod niya.

Sa halip na pansinin ang sinabi ko, bumulong si Bambi sa akin pagkatapos tingnan si Rick.

“Akala ko lahat ng kalbo, masamang tao. Siya lang ’yong hindi.”

Hayop. Oo nga pala, magkaaway pa ang dalawang ’to sa internet lagi.

“Narinig ko ’yon ah,” biglang sita ni Rick at nag-angat ng kilay kay Bambi.

“Pagsabihan mo ’yang Donato mo, Ron,” si Rick na ikinalaglag ng panga ni Bambi.

“Anong Donato? Bambi!” giit ni Bambi.

“Sige, Donato…” tango ni Rick.

“Eh kung sabunutan kita?!”

“Sige. Hindi na kita tatawing Donato. Pero tumbling muna…” asar pabalik ni Rick, ngumisi.

I laughed with Rick. When Bambi glared at me, I hugged him.

“Huwag mong awayin si Donato, Rick…” I said.

Bambi grunted and pinched my leg. Humalakhak si Rick.

“Gandang mukha tapos Donato. Sino ang Papa mo? Si Donaire?”

“Pag ikaw inasar tungkol sa Papa…” sabi ko kay Rick.

“Ay bakit? Wala na siyang Papa?” kalmadong tanong ni Bambi.

“Meron ah. Cold nga lang…” si Rick. “Literal na nanlamig.”

Pumikit ako at itinago ang mukha sa balikat ni Bambi. Hirap din talaga pag hindi mo ka-humor eh.

“Tapos pag tumawa ako, ako pa masama?!” si Bambi na pigil din ang tawa.

Kung hindi lang hinila ng mga bata si Rick na maligo na sa pool, hindi yata matatapos ang bangayan ng dalawa.

Ang lakas din nito makatili eh. Lalo na noong nakasakay siya sa balikat ko at naglalaro kami ng chicken fight. Si Rick, ang bulinggit ni Angeles ang nasa balikat niya at nakikitawa laban kay Riri na nasa balikat ni Mavric, si Jester naman ang nasa balikat ni Rade.

We did a lot of fun games in the pool. Mas nag-enjoy pa yata kami kumpara sa mga bata.

“Otchopush! Otchopush!” ang bulinggit na hawak ang buhok ni Rick at itinuro ang salbabida ni Shiloh na may octopus na designs.

“Otchopush daw…” halakhak ulit ni Jester, inasar na naman ang bulinggit.

Ang gaan din sa pakiramdam noong araw na ’yon. Noon lang, mailap pa ang circle ni Verena sa amin, pero unti-unti na namin silang nakakasundo. Hindi lang kasundo, naging boyfriend at girlfriend ba naman ng circle namin ang iilan sa kanila.

Huling araw ng bata sa unit namin, tinitimplahan pa namin ng gatas ni Bambi. Hindi pala ’to nakakatulog pag walang milk.

Naalala ko tuloy noong kami ni Tyler ang nagtimpla ng mga gatas para sa mga bata sa bahay nila Angela.

“Paano ba magtimpla ng gatas?” tanong ko at lito pa kung ilang kutsara dapat.

“Anong gatas! Beer agad nang makasabay sa atin!” si Tyler na ikinahagikgik namin sa loob ng kusina.

“Ang tagal ng gatas! Kayo pa talaga ang inutusang dalawa!” si Angela nang silipin kami.

Tapos ngayon, aral na aral ko na ang pagtitimpla. Tulog na ang bulinggit ni Angeles, pero nagigising pala ’to para manghingi ng gatas. Ito ’yung bata na puyat ka talaga eh.

Claudia: Ron tinuruan niyong magmura ang anak ko?!

Claudia: Sumbong ng nanny niyan, ang kulit na raw! Para raw sinaniban ng kitikiti!

Claudia: But thank you. Ang saya niya. Ngayon lang siya nakapaglaro na marami siyang playmate. Marami raw siya Ate at Kuya. Si Ate Riri. Ate Kittie. Kuya Jester.

Dami palang sumbong ng bulol na bulinggit ni Angeles. Kahit isang linggo lang naman namin iyong inalagaan, mapapamahal ka rin talaga eh. Sayang hindi ko nakurot. Pero may nagawang tama ’yon… Nauutusan naman pala. Mas may ambag pa ’yong bata kaysa sa ama eh.

Noong December, naging doble na ang pagpapractice para sa game dahil may tsansa na wala si Rick. Kaya noong nakita namin siyang dumalo sa huling practice, parang may tinik na nabunot.

“Same tactics pa rin,” si coach sa mismong game habang pinapakita sa amin sa puting board ang magiging plano.

I nodded seriously. Umingay bigla ang arena. Kunot noo akong tumingala sa camera at nakita ang pagdating ni Bambi kasama si Aries at Merrie. Hindi lang iyon. The crowd went wild because…he’s wearing my jersey. 25. Veniel.

Nasaktuhan pang tumapat sa akin ang camera at nahuli akong nakatingin sa kinaroroonan niya, malawak ang ngiti. Mas lalo tuloy umingay ang lahat.

Tyler laughed and elbowed me to concentrate. I licked my lips and listened to Coach when my mind was now glued to the jersey he was wearing.

“Oh… look who’s here to support his boyfriend,” parinig ng commentator. “The MVP’s muse is here to watch.

Tumawa ang isang commentator. “Nakikitsismis ka rin pala sa TikTok?”

“Balita ko nga, mas magiging mainit ang season na ’to because one of the teams is an ex…”

“Veniel is an outstanding MVP. This is gonna be an interesting play…”

Nagkakasalubong tuloy ang kilay ko dahil mga commentator pa talaga ang nang-aasar. But then, I saw the intense eye contact his ex throw at me.

I tilted my head and smirked. Yes, bro? Siguraduhin mong may kalalagyan ’yang ganyang titig mo sa game, ah?

The arena suddenly roared crazily. And when I looked up, I was still the highlight of the camera. Humalakhak tuloy ako.

“That was fire! This team is never beating the ragebaiter allegation. They know how to fuel the fire!” kahit ang commentator, nagsalita na.

Nang mabuwag na ang grupo para sa laro, wala nang ibang laman ang isip ko kundi pumunto. I was one of the five first players. Jarsdel is with me, including Liam and Nick.

Nasa first five players din ang ex niyang si Trinidad. I caught him watching me like a hawk. He even attempted to block my offense. Man. Ang aga naman yata para magyabang?

Before he could even get the ball, I shot the ball while running.

“What a nice entrance! Veniel scored a three-point shot! Heartless!”

The crowd roared, and I ran past him with a smirk. Naging iritado lalo ang tingin niya, kahit ang ngisi ko, kita ko ang gigil sa mga mata niya.

“Balita ko, ilalampaso mo raw ako. Come on, bro. Sa pagiging manloloko ka lang ba magaling?” I chuckled.

I felt his triple defiance of my mockery when he became aggressive in the next few minutes. Pero sa tuwing hawak niya ang bola, sa tuwing inaambahan niyang shoot, sinisigurado kong nililipad ko iyon para kunin, at itatakbo sa sarili kong ring. Walang makakaagaw sa puntos na hindi ko ipapatikim sa kanya.

“Veniel is personally beefing with Romero! Lahat ng opensa, naharangan niya!” the commentator said as I made another jump to steal the ball.

I ran and shook the upper of my jersey as I laughed cockily to tease the other team. The crowd violently screamed again.

It was a tough play. Hindi na ako kinabahan noong naungusan agad namin sila sa first quarter pa lang, tinambakan sa second, hindi na pinahabol sa third, at tinaob sa fourth. It was a landslide score.

Noong matanaw kong bumababa ng bleachers si Bambi, ngumiti sa iilan na tinawag siya, tumakbo na agad papunta sa direksyon niya.

I’ve never done this when I was in high school. Ang pantasya ko noon, nang makita niyang tumakbo ako sa kanya, namilog ang mga mata niya, noong una, aatras pa sana pero hinuli ko na agad at pakargang niyakap.

“Slade!” tili niya, humalakhak.

“Oh wow! Veniel is really proving the internet rumors true! Mukhang totoo ang balita, ah?”

“Niyakap niya lang at binuhat. Baka nilalagyan mo lang ng meaning?” the other commentator joined and laughed, halata ang sarkastiko sa tinig.

“Ibaba mo ako! Nasa camera na tayo! Ang daming tao!” tili niya, napayakap sa leeg ko, natatawa lalo na’t hindi ko pa rin siya ibinaba.

Kunwari nahihiya pero tumingin pa talaga siya sa camera, kinagat ang hintuturong daliri at matamis ang ngiti roon kaya mas lalong umingay. Natatawa siyang yumakap sa akin.

“Ibaba mo na ako! Nahihiya na ako!”

“Fuck everyone. I’ll let all hell break loose just to hold you like this because this is my heaven, baby…”

Chapter 40

Band-Aid

“Hala nagviral tayo sa TikTok!” pakita niya sa phone niya.

Maaga kaming bumyahe papuntang Elyu gamit ang kotse niya at ako ang nagmamaneho. Pagkatapos ng game ko, wala na akong ibang inisip pa kundi ang samahan siya roon.

I also packed his things for his full show performance in La Union. Nasa likod lahat nakatambak. Hindi pwedeng magkaaberya mamaya.

Tiningnan ko ang phone niya lalo na’t ipinaharap niya sa akin habang nakaplay. The video started when I ran toward him and carried him. Siguro mas pinagkaguluhan iyon dahil na rin sa reaksyon niyang tumingin sa camera kagat ang hintuturong daliri at bumalandra sa screen, halatang nang-iinggit.

“Ang daming edits!” Namilog ang mga mata niya.

The original video was taken by a stranger. Highlight of the UAAP Season Basketball Game. Nasa 1.1M likes na iyon. Ganoon siya ka-viral.

“What a hard launch…” I smirked at him.

Hindi na pala kailangang ipost niya ako sa TikTok account niya eh. Tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para malaman ng mundo kung sino ako sa buhay niya.

He showed another edit with background music of Ariana Grande’s song The Boy is Mine. The edit started with me running towards him with slow-motion effects until he was shown biting his finger with edits of his solo pictures later on highlighting his pretty and hot pictures.

“Ang dami mo rin edits noong nakapamaywang ka, seryosong nakikinig sa coach mo, tapos tiningnan mo ’yong kabilang team at nginisihan mo. Viral din!”

He showed another video. May edit pa sa kanta na Humble by Kendrick Lamar. When I smirked at his ex, the edits immediately showed all of my shots where I dunked, made three-point shots, and stole the ball from his ex multiple times. Even those moments I shook my jersey while running with a smirk on my lips were also included.

Buong byahe yata, naaliw siya sa mga edits. Ako naman, naaaliw sa reaksyon niya. I like that it became a boost for his career, and he’s being the center of attention because of his screen appearance. Last year din kasi namin na game, nagviral kami. Ngayon naman, viral ulit pero dahil may maganda ba namang muse ang MVP.

Kaya pala may text si Ate Charm sa akin kahapon. Pagod na raw siyang pagtakpan ako sa pamilya namin. Mas mabuti ngang makaabot sa kanila ang ganyang balita para naman hindi na sila mabibigla sa birthday ko.

Noong hindi niya na maisa-isa at malapit na kami, nagkwento na siya tungkol sa mga kinalakihan niyang kaibigan ng Papa niya—ang mga mahahalagang tao sa buhay niya.

“Para lang din silang si Papa. Mama-mamahan ko sila roon sa Elyu,” kuwento niya. “Ako ang anak-anakan nila. Pero ’yong isa na close ko rin, may pamilya siya. Pero parte siya ng komunidad dahil bisexual siya, si Papa Alec.”

“Wow. I thought most of those drag queens were purely gay…” sabi ko, nililingon siya paminsan minsan.

Umiling siya. “Hindi. Meron ngang straight na lalaki pero drag queen! ’Yong kilala ko ring nagpeperform, si Hugo, straight siya.”

I slowly nodded, fascinated by his world that’s too different from my environment.

“Si Papa, may tatlong close. Absidi ang pangalan nilang apat. Alec, Brandon, Chico, at Divon. Parehas din sila ni Papa ko. Si Mama Chico at Mama Divon, mga pure gay sila na masculine. Si Papa Alec ’yong bisexual na may pamilya.”

At may tatlo pang katulad ng Papa niya? Bakit bigla akong kinabahan? Mas kabado pa yata ako noon kumpara doon sa DNA test result. Hindi pa nabubura ang memorya ko sa Papa niya. 6 footer. Brusko. At istrikto. The only soft about him is his son.

Ni hindi mo mapagkakamalang parte ng komunidad dahil nga nasanay ka sa stereotype na pag bading, malambot agad. ’Yong papa niya, hindi. Parang nanghahambalos pa ng dos por dos sa noo eh.

“Ipapakilala kita sa kanila pagdating natin doon…” ngiti niya.

I nodded again, trying to picture out the drag queens he is talking about. Sabi niya, huwag raw akong kabahan kasi mababait naman daw ang mga ’yon. Sa kanya, oo! Eh sa akin?

Pagpark ko pa lang ng kotse sa labas ng bahay na pagmamay-ari raw ng Mama Divon nila rito sa Elyu, parang may masamang pangitain agad akong natanggap sa langit. Kumulog ba naman.

Tumingala ako. Lord, huling dasal na ’to. Pag ako nakaligtas, mananahimik na talaga ako.

“Halika… nasa loob na sila lahat,” si Bambi na iginigiya ako papasok sa nakabukas na gate.

Nakita ko agad ang mga sumilip sa pinto, lumalabas na sa bahay para abangan kami mismo sa veranda. Isang brusko ang nauna, tadtad ng tattoo ang kanang braso ganoon din ang dibdib—mukhang ito na ’yong Mama Divon niya. Sumunod na sumilip ang mestizo na matangkad at malaki rin ang katawan—ang Mama Chico niya, hanggang isa pang payat kumpara sa dalawa pero may kaunti pa ring muscles—ang Papa Alec niya, base na rin sa kwento niyang mas kalmado tingnan.

Ang kaba ko kanina sa kotse, trumiple. I couldn’t even feel myself while walking because I felt like I was heavily judged with their sharp stares. Kahit ang dinadaanan ko, parang may nakabaong dinamita kaya kahit sa paglalakad, naging alerto ako.

They’re like titans in my eyes, and Bambi is their princess to be protected. Habang ako, walang kalaban-laban na sundalong wala man lang suot na armor.

They all crossed their arms and waited for us. Mukhang ganito ’yong intro ng mga palabas na namamatay lagi ’yong bida, ah?

“Mga Mama ko!” Bambi waved at them happily.

Three of those men waved back with a sudden shift of emotion—all smiles and gentle gazes.

“Ang pinakamaganda naming dilag!” kaway ng isa sa marahang boses, ’yong may tattoo.

“Ang anak naming dyosa! Sana alam ng iba diyan na handa kaming pumatay para sa’yo!” At may pagbabanta agad na nangyayari.

Naging mabagal ang pagsunod ko, napahigpit sa pagkakahawak sa duffel bag na nasa balikat ko kung nasaan ang ibang mga gamit ni Bambi.

May nabibili kayang anting-anting dito? Sa amin kasi, medyo pinapaniwalaan iyong proteksyon. Parang kailangan kong magsuot ng isa.

Humalik si Bambi sa tatlo. Unti-unti akong huminto sa likod niya kahit parang hihiwalay agad ang kaluluwa ko sa takot.

“May kasama ako! Si Slade…” muwestra ni Bambi sa akin sa harap nilang tatlo.

They all looked at me from head to foot. The gentle smile turned forced and evil. Kakabagin pa ako sa pasimpleng sama ng tingin nila sa akin.

“M-Magandang umaga po…” bati ko at kulang na lang, pumiyok pa.

“Slade, si Mama Divon, Mama Chico at Papa Alec.” Isa-isa niyang pakilala.

I smiled at them and nodded. They nodded back judgingly.

“Ito na ba ’yong sinasabi ni Papa Brandon mo…” one of them asked with an arched brow.

I chuckled nervously. Wala na. Nauna na agad ako siraan ni Papa.

“Ito na ang lalaki mo, Rafiel? Kumpleto na ba ang buto nito?” At parang may mababali pang isa sa akin, ah?

“Magaling ka talaga pumili, ah. May itsura. Hindi na mahihirapan ang Saint Peter maglagay ng makeup kung sakali man,” ang biro na tinawanan ko rin ng kaunti dahil baka pag sineryoso ko, may kalalagyan ako.

“Nagvivitamins ka ba? Baka kaunting suntok, matumba ka agad, ah?” tango ng isa sa kanila, ’yong mestizo.

Nagjojoke, Slade. Ganito ba ’yong humor ng mga drag queens? Nakakatawa naman…

“Mabait ’to si Slade!” giit ni Bambi. “Hindi ’to katulad ni Rome!”

Wow, Rome. May nickname. Romero ’yon, ah?

“’Yong huli, ayan din ang sinabi mo sa amin.” Sabay giya sa kanya noong Papa Alec niya papasok ng bahay.

Bambi glanced at me. I quietly followed them while the two other men were behind me, eyes still sharp and judging.

“Iba ’yan, Papa Alec. Kilatisin niyo. Malalaman niyo kung bakit,” Bambi said in a proud tone, his voice almost fading because of our distance.

“Upo ka muna, hijo,” muwestra sa akin ng upuan ng Mama Divon ni Bambi.

Tumango ako at naupo roon. Si Bambi, pumasok sa kusina. Nang lumabas, may dala na siyang tubig. Sakto, kailangan ko. Parang kahit laway, hirap na akong lumunok eh.

“Ilang taon ka na?” tanong ng isa na may tattoo.

“Twenty-one po…”

Tinabihan na rin ako ng isa pa sa kabila, ’yong mestizo.

“Tuli ka na ba?” and even his words were like growls in my ear.

Kulang na lang, manginig ang kamay kong hawak ang tumbler na inabot sa akin ni Bambi. He’s still smiling, like this kind of scene is his reality and it’s normal. Pero sa akin, parang nahuli akong nagnanakaw at ayaw lang umamin kaya ginigipit na.

“Tuli na po,” marahan kong sabi.

“May ipapakita ako sa’yo sa kuwarto.” At bigla ba namang iginiya palayo sa akin si Bambi ng Papa Alec niya. Bawal sigurong may witness sa crime scene para malinis ang trabaho…

Lahat yata ng pinag-aralan ko sa elementary tungkol sa GMRC, ngayon ko lahat magagamit. Gumalang lagi sa mas nakakatanda. Huwag sumagot sagot. Dapat may po at opo.

Tiningnan ng dalawa ang pagkawala ni Bambi. Noong nasiguradong sarado na ang pinto, saka muling bumaling sa akin.

“Magkaliwanagan tayo rito. May mga kaso ka ba? Malinis ang NBI record? May medical certificate? May sinusustentuhang bata? Tagong babae? Ilan ang naging girlfriend? Kaibigan mo pa rin ba ang ex mo? Bukod sa’yo, may iba ka pa bang kaibigang bading? Anong blood type mo? Zodiac sign? Eh homophobic na pamilya?”

Sa sunod-sunod na tanong ng mestizo, parang mahihilo pa ako kung alin ang uunahin.

“Sa ngayon, wala pa naman po akong record sa NBI. Huling medical ko ngayong taon lang, malinis din po. Bata…kamuntik. Pero negative. Ex, isa lang… n-naging fling po marami. Tagong babae…wala rin po. Kaibigang bading, marami. Type O po ang blood type. At zodiac sign, Aries po…”

“Type O! Putang ina sabi na eh!” Inakbayan niya ako at niyugyog.

My shoulder almost jumped in his sudden overdramatic reaction. Pakiramdam ko nga, medyo may pwersa pa dahil ang diin ng pagkakaakbay sa akin.

“Magkadugo tayo! Pag naaksidente ako, handa ka bang maging blood donor ko?” He nodded at me.

At may makikihati pa pala sa dugo ko nito. I only chuckled forcefully as an answer.

“Baka puro ka lang mukha. May trabaho na?” The one with tattoos crossed his arms.

Sa kabila ako ulit bumaling.

“Ah… wala pa po. Pero may kaunti akong pinag-iinvest-an na business para tulong na rin sa allowance at…savings…”

“Estudyante,” may pait sa boses niya at nilingon ang pintong pinasukan ni Bambi. “Itong si Rafiel hindi na natuto sa mga kaedaran niya. Dapat sa kanya sugarbaby siya,” aniya, na akala ko ba, kadugo tayo?

Gusto ko pa sanang ipagmayabang na kaya ko namang buhayin at ibigay ang luho ni Bambi, pero baka pag nanghingi ng bank statement at nakita ang pera ko, ikamatay ko pa ang pagiging mahangin ko. Kaya huwag na.

Nanatili ang ngiti sa labi ko habang hindi man lang makagalaw sa kinauupuan ko. Pinagitnaan ba naman ako.

“Suportado mo ba ang pagdadrag nitong unica hija namin? Baka katulad ka rin no’ng isa niyang lalaki noon, ah?” may galit ng kaunti sa boses ng mestizo.

I immediately nodded. “Opo. Top fan po ako ng drag… Nirerespeto at naiintindihan ko po ang layunin ng performance, lalo na ang mensahe nito…” Tumahimik saglit pero nang hindi makontento sa sagot, agad kong dinagdagan. “Mahilig din po kasi ako sa iba’t ibang uri ng arts, lalo na iyong binibigyang boses ang mga isyung panlipunan…” Sige Slade, ngayon natin pakinabangan ’yang talino mo!

At mapapa-top fan ka na lang bigla eh. Pero fan naman ako ng mga performance ni Bambi.

“May kodigo yata ’to. Maalam sumagot eh.”

Gabi pa lang, nagstudy na…

“Matalino ka?” the one with tattoos asked.

“Rivals po kami ni Bambi sa school noong high school. Dean lister din po ngayong fourth year college.”

“At running for?”

“Ah… running away lang po,” biro ko, natawa.

Pero nang tinitigan lang ako ng dalawa, tumikhim ako at nagseryoso.

“Tayo pa yata ang tinatarantado ng batang ’to.”

Ang tunog ng tricycle na kakahinto lang sa labas ang kumuha ng atensyon nila—Lord salamat! Kahit si Bambi na galing sa kuwarto at mukhang may sinusukat na dress dahil iba na ang ayos, lumabas doon.

I was a bit enthralled by the dress. It looks too sensual and fits perfectly on him. Siguro ayan ang magiging outfit niya mamaya.

“Nandiyan na si Papa?” tanong niya, yakap ang parteng dibdib dahil na rin sa neckline ng dress.

Lord naman! Dinagdagan Mo pa talaga ang kalbaryo ko! Akala ko makakahinga na ng maluwag, huling hininga pa yata ang ibibigay sa akin!

Lumingon din ako sa may gate, lalo na’t bukas ang pinto at tanaw mo ang paparating. Ang kamay ko na hindi naman marumi, ipinagpag ko pa sa pants na suot ko. Tiningnan iyon ng mestizo at bahagyang napangisi sa akin.

Lumabas agad si Bambi para salubungin ito. Nanatili pa akong nakaupo, hindi alam kung tatayo na agad at sasalubong din ba. Bigla na lang akong namamanhid na nandito na ang wawakas sa mga pantasya ko.

“Papa!” si Bambi na nakita kong sinalubong ang ama.

“Oh? Nandito ka na pala!” ngiti nito at hinayaan ang anak na yumakap.

Sabay silang naglakad patungong terrace. Si Bambi, nakayapos pa rin ang mga kamay sa leeg niya; ang ama niya naman, nakangiting nakatingin sa kanya.

“May kasama ako,” may kahulugan agad ang boses ni Bambi nang nasa terrace na. “Si Slade…”

Kabado akong tumayo, para bang bagong tuli na hindi halos maituwid ang mga paa sa nerbyos, nag-aalangang humakbang papalapit. One of the three men chuckled at me—the one with tattoos.

Unti-unti akong lumapit. When our gaze met, the sudden throwback of my traumatizing past being chased by his father with a sharp long knife made me freeze a bit. Ang kamuntik nang tumuli sa akin, nandito na.

His gaze held mine heavily. When Bambi caressed his elbow, his attention was snatched by his son, and even the sudden shift of his expression turned soft and gentle.

“Natatandaan mo naman siya, ’di ba, Papa?” Bambi smirked at him.

The smile on his lips stayed, but when his gaze slowly turned to me, the humor left right then. Wala ngang itak na hawak, pero sa titig na sobrang talim, parang nauna niya na akong itakin sa isip niya.

“Paano makakalimutan kung iniyak-iyakan mo ’to noong high school ka,” mataman niyang sabi, puno ng hinanakit ang boses.

“Magandang umaga po, sir…” I said and held his hand for courtesy.

Ang bigat pa ng kamay niya nang igiya ko ’yon sa noo ko. He remained hostile, and even his eyes were cold and sharp.

“Napadpad ka yata rito,” malamig niyang sinabi.

“Ah…” medyo natawa ako at tiningnan ang anak niyang nakangisi sa akin, ang ulo, namamahinga sa balikat ng kanyang ama habang niyayakap niya sa kanang braso.

“Gusto ko pong manood ng performance at…” Idinaan ko sa tikhim ang huling sinabi. “Magpakita sa inyo.”

“Wala pa rin palang pinagbago ang batang ’to. Makapal pa rin ang mukha,” aniya.

“Ay matapang ba ’yan, Brandon?” ang mestizo.

“Kakaiba ’to. Ito ’yong batang ’yon,” he smirked at the three men behind me like I was the target he wanted them to dispose of.

Nahimigan ko ang mas mabibigat na titig ng tatlo sa akin sa likod ko.

Ako pa yata ang pulutan nila tuwing inuman, ‘iyong gagong nananakit sa anak ko na makapal ang mukha.’ Tapos ang tatlo biglang, ’Pag ’yan nagpakita, mata lang ang walang latay ng batang ‘yan.’

Mas lalo tuloy umusbong ang kaba ko. Bigla na lang akong napapaisip kung totoo ba talagang may guardian angel ako. Ngayon natin malalaman. At sana naman nasa sampu. Kukulangin pa yata ang lakas ng isa.

“Totoy pa lang ’to noon, kamuntik kong itakin. Napagkamalan kong ex ni Rafiel. Ang kapal ba naman ng mukha na bumisita sa bahay…” kuwento niya sa tatlo.

Ngumuso lang ako, nagpaubaya sa kuwento niyang ako pa yata ang kawawa.

“Nakabraces din kasi ’to noon. Akala ko siya na talaga…” may panghihinayang pa sa tingin niya sa akin, parang nagsisi na hindi niya nagawa ang binabalak niya ngayon sa akin.

“Oh nasaan na ang braces mo?” Tingin ng may tattoo sa akin, tumagilid pa ang ulo at kulang na lang, ibuka ang mga labi ko para talagang makita niya.

“Tinanggal ko na po. Sagabal kumain…” At huli na para pigilan ang bibig kong walang preno.

“Ano bang kinakain mo at masyadong sagabal?” Bambi’s father asked in a hard tone.

Ngumuso si Bambi, pigil ang ngiti. Ni hindi ko siya kayang tingnan dahil baka pag nagtama ang mga mata namin at matawa ako, sa dagat makikita ang katawan ko bukas.

“K-Kanin, sir…”

“Brandon, oh. ’Yong kanin, nakangiti,” nguso ng mestizo kay Bambi.

“Ay nagkakainan na pala ang mga ’to! Bumukaka ka naman agad, Rafilita!” ang tinis ng boses ng may tattoo, tinampal pa sa balikat si Bambi.

Kahit ang Papa niya, mariin siyang tinitigan. Bambi shook his head while laughing.

“Hindi! Wala!” He looked at them while denying it guiltily because of his laughs.

“Anong wala?! Lagi naming sinasabi sa’yo, alagaan mo ’yang pekpek mo! Alam mo ang mga lalaki! Pag pinatikim mo, iiwan ka agad!”

“Eh ba’t nandito pa rin?” makahulugang sabi ni Bambi.

The slow turn of their heads on me was like a thriller scene when the main character was about to be beaten up to pulp. I wiped my invisible sweat on my forehead nervously.

“Nakatikim na pala ’to…” ang may tattoo na pinatunog pa ang mga daliri niya.

Ganito pala ’yon pag nasa bingit ka ng kamatayan. Maaalala mo agad ang mga magagandang ginawa mo sa buhay.

“Alec! Pakikuha nga ’yong bagong ahit kong itak diyan sa kusina,” ang biro ng Papa ni Bambi, madilim na ang titig sa akin.

Tumawa ang Papa Alec ni Bambi sa akin at sumenyas na biro lang daw. “Huwag kang maniwala riyan, hijo. Walang itak sa kusina. Baril lang.”

I laughed awkwardly. Salamat naman at wala palang itak at baril lang!

Bambi shut his eyes and stifled his laugh. Hinaplos ko ang batok ko. Dapat pala uminom ako ng Alaxan kanina. Mukhang kailangan ’yon ngayon ng katawan ko. Pampatibay.

“Bf ko raw kasi siya, Papa,” sumbong ni Bambi. Biro lang naman sana!

Hindi ko alam kung iiling ako o sasang-ayon eh. His father’s critical eyes hawked at me.

“Anong bf?” he almost roared while looking at me with pure threat.

“Bodyguard na Friend po,” I elaborated.

The three laughed at my silly jokes while Bambi giggled. Kahit wala na ang ama niya sa harap ko at pumasok sa kusina kasama ang anak niya, hindi pa rin ako mapakali. Ang tatlo, ngumingisi na sa akin, nag-uusap pa sila na para bang hangin ako rito sa kinauupuan ko.

Naging abala rin naman sila sa kalaunan at mukhang may pinapraktis na dahil na rin sa tugtog na pumaibabaw sa buong bahay. Nagulat pa ako noong biglang nagtumbling sabay split noong may tattoo at patuloy na kumanta sa invisible mic na hawak habang nakatingin sa malaking salamin.

Their steps are too uncomfortable to watch. Napapangiwi ako at napapaisip kung may itlog bang nabasag, pero hindi ko naman ’yon pwedeng isaboses dahil baka bungo ko pa ang basagin.

Si Bambi, lumabas sa kusina at tinawag ako. I stood up alertly. Dumaan ako sa gilid para hindi makasagabal sa nangyayaring practice. Pagpasok ko, nadatnan ko ang Papa niyang may hawak na malaking kutsilyo at may tinatadtad na baboy.

“Marunong ka bang mag-ihaw?” tanong niya.

“Papa, bisita siya,” si Bambi na halos manlaban ang tinig.

“Bisita mo. Hindi akin. Ikaw ang nag-imbita,” giit ng Papa niya, mas nanlaban ang tinig.

I nodded enthusiastically. “Yes po, sir… Marunong po ako.”

Bambi crossed his arms and sighed like he already expected this kind of treatment. Ayos lang naman sa akin. Mas okay na ’to kaysa ako ang ihawin, ’di ba?

He took a big portion of the meat and put it on a plate. “Ihawin mo ’to sa labas. Marunong ka bang magpabaga ng uling?”

“Opo, sir…”

“Mabuti naman.”

“Ah… pwede rin po bang makahingi ng seasonings para maibabad ko muna ro’n bago tuluyang ihawin…” sabi ko.

Bambi’s father arched his brow. Bambi looked at me and stifled his smile. May seasoning kasing itinuro si Con sa akin para sumarap ang mga barbecue namin. Gagamitin ko para makapagpasikat man lang kahit sa pagkain.

Tumingin siya sa may lamesa. “Tingnan mo ’yang mga nandiyan.”

I was the one who prepared their food while they were busy practicing their final position for tonight’s show. Nasa labas ako kasama ang mga uling na pinapabaga ko. Minsan, lumalabas pa ang Papa ni Bambi, na istrikto ang tingin, kaya ang pagpaypay ko nagiging triple din ang bilis.

Noong pumasok ako, dala na ang naluto, kita ko si Bambi na tinuturuan ang tatlo ng mga tamang steps. I smiled when I remembered he used to lead the entire section when it came to cheer dance. He looked so serious, like a coach watching their movements critically and suggesting a better pose.

Nahuli ako ng Papa niyang nakatingin kaya tumikhim agad ako, nagseryoso.

“Luto na po…”

“Ipasok mo sa kusina.”

I immediately nodded and did his request. Pagkapasok ko, iyon na agad ang inatupag ko. I even prepared the table. I also chopped cucumbers, tomatoes, onions, and soaked them with soy sauce and lemon.

Inaya ko silang kumain muna. Alas dyis y media pa naman daw mamayang gabi ang performance pero dahil full show, marami silang pakulo. May tig-iisa silang performance, meron namang silang lahat. Namangha ako na pati pala Papa ni Bambi, magpeperform. Nakuryoso rin dahil iyon ang bumuhay sa batang Bambi.

“Masarap ang sauce, ah,” komento ni Papa Alec, tumatango.

“Anong masarap? Hindi naman. Maalat nga,” ang Papa ni Bambi, pero ang lalaki naman ng subo habang nakakamay.

Pagkatapos kumain, ako na ang nagpresintang maghugas. Nanlaban nga lang si Bambi at siya na raw. Kaya sa huli, kaming dalawa ang nasa kusina, naghuhugas dahil ayoko namang umupo na lang at walang ginagawa. Nakakahiya rin.

“Sabi ko sa’yo, kakawawain ka niyan eh,” he sighed while washing the plate I lathered.

“Ayos lang. Ito rin naman ang ipinunta ko. Ang tumulong.”

Ngumisi siya sa akin at pasimpleng bumulong. “Blowjob kita bilang reward mo…”

Napalawak bigla ang ngiti ko, pero nang pumasok ang Papa niya, wala sa sarili akong napailing kahit naman alam kong ako lang ang nakarinig no’n. Hindi kailangan ng kapalit itong mga ginagawa ko! Mapagaan ko lang ang araw niya—o nilang lahat—ayos na.

Around 6PM, they’re now preparing. Doon ko napagtanto kung bakit maaga silang nagmi-makeup dahil si Bambi pala ang gagawa ng mga makeup nila. Umalalay ako sa iba nilang gamit. Ang mga wig na nakahanda, pinagsusuklay ko. There are five wigs overall. Blonde, dusty white, pink, red, and ash blond.

Total basic lang ang alam ko, ako na rin ang nagpresinta sa first layer. Para kung sakali mang matapos niya ang isa, kalahati na lang ang gagawin niyang makeup at hindi na natatagalan.

“Papa. Si Slade na sa first layer ng makeup mo. Ako na ang bahala sa iba pa,” sabi niya.

Nagkatinginan kami ng Papa niya. Kita ko agad ang panlalaban ng tingin niya, mukhang hindi sang-ayon.

“Marunong siya magmakeup?” Alec smiled and looked at me.

“Marunong siya. Inaral niya para sa akin,” pagmamayabang niya.

His father’s critical eyes remained cold. Lumapit ako sa kanya, lalo na’t nakaupo siya sa monoblock. I took the alcohol first to sanitize my hand. Sinundan niya ang tingin ko nang hanapin ng kamay ko ang primer sa makeup pouch.

Nang hawak ko na iyon, nag-alangan pa ako dahil ang talim talaga ng titig niya.

“Kasabayan mo ang anak ko, ’di ba? Graduating ka rin?” His tone was hard.

I slowly squeezed a small portion of primer on his forehead. May kaunting nginig nang lagyan ko rin sa pisngi niya.

“Opo…”

“Bakit ka bumalik sa buhay ng anak ko? Para sirain ulit siya?” naging agresibo ang tinig niya.

Kabadong lumingon si Bambi dito, lalo na’t naroon siya sa harap ng salamin at abala sa makeup ng Papa Alec niya. At kung minamalas nga naman, lumapit sa akin ang dalawa para makinood, o siguro na rin makisaling alipustahin ako ng Papa ni Bambi.

“N-Nanliligaw po…” I answered bravely and used a brush to scatter the primer on his entire face.

“Nanliligaw…” panunuya niya sa matigas at nagdududang boses.

“Umaakyat naman pala ng ligaw, Brandon,” the one with tattoos smirked at me, but in an evil way.

“Ano? Lumpuhin ba muna natin saka natin hayaang umakyat ng ligaw?” ang mestizo.

Bambi glanced at my side again. He is conversing with his Papa Alec, who’s throwing glances on my side. Kinuha ko ang foundation at tiningnan ang likod para masiguradong swak sa skintone niya.

“Eh ano ’yong nabalitaan kong kamuntik ka raw makabuntis?” Bambi’s father’s voice thundered.

Kahit ang dalawa, nagsalubong ang kilay at parang nandidilim agad ang tingin dahil sa reaksyon.

“May DNA test result na po. Hindi kasi…masabi sabi ng ex ko kung sino ang ama. Takot din po siya na may makaalam. Kaya ako po ang napagkamalan kasi ako po ang kilalang ex…” kuwento ko habang naglalagay ng foundation sa mukha niya.

He glared at me. Aksidente ko pa sanang itatama ang brush sa mata niya para lang mapapikit ko at matigil kakasama ng tingin sa akin, pero di ko na magawa.

“Edi sana sa halip na baboy ang iniihaw mo kanina, ikaw pala,” ang mestizo.

I chuckled. “Oo nga po. Sinabihan ko rin si Bambi na…handa akong ipaputol ang tite ko sa Papa niya.”

The two laughed while Bambi’s father remained hostile.

“Magaling sumagot, Brandon! Nanlalaban!” natatawang puna ng may tattoo.

Tila ba may iniisip siya, siguro nangangalkal pa ng pwedeng ibala ulit sa akin.

“Mayaman ang pamilya mo, hindi ba?” aniya. “Ikaw ’yong may sinabing lupain sa Bukidnon, ’di ba? At may hotel ang ina? Noong high school… Hindi ako pwedeng magkamali,” mataman niya akong tiningnan.

“Opo…” I chuckled.

The two arched their brows.

“May lupain. Ano bang apelyido mo?” tanong ng mestizo.

“Veniel po…”

I took the setting spray to hydrate his skin. I sprayed it on the sides, which made his father lean backward.

“Magsabi ka kung pipikit ako!” he snapped.

“S-Sorry po. Hindi niyo na po kasi ako masasamaan ng tingin kung pinapikit ko kayo,” idinaan ko sa tawa iyon kahit nanginginig na ang kalamnan ko.

Natawa rin ang mestizo sa akin, ang Papa ni Bambi, iritado.

“Veniel…” si Chico na mukhang pamilyar pa sa apelyido ko. “Kaano-ano mo si Don Felipe?”

“Lolo ko po…”

His jaw dropped.

“Lolo mo?” He blinked twice, surprised.

I nodded.

Tiningnan ng Papa ni Bambi ganoon din ng mestizo ang may tattoo.

“Sino ba ’yan, Chico?”

“Kilalang isa sa pinaka-mayaman na matanda sa Mindanao. Nagtrabaho ako noon sa isang factory na gumagawa ng mga durian flavors. Sila ang supplier ng durian sa malaking factory na ’yon…”

“Oo, taga-Mindanao ’tong batang ’to. Tanda ko ang kwento niya noon…” sabay baling ulit ng Papa ni Bambi sa akin, mas naging seryoso.

“Edi ang yaman pala nito…” ang mestizo.

“Kaya ayaw ko rito eh. Kawawa ang anak ko sa’yo,” Bambi’s father said firmly.

“Kahit palaban ’yan si Rafiel, hindi pa rin ’yan pwedeng apihin.” Inangatan ako ng kilay ng mestizo.

“Wala po akong balak na ilagay sa ganoong posisyon si Bambi…”

“Sa ibang posisyon lang daw, Brandon,” ang mestizo na ngumisi sa akin.

I didn’t give a slight reaction. Baka kung ngumisi ako at tumango, ako pa ang mapasama.

Si Bambi na narinig ang usapan dito, napalingon.

“Tingnan mo ang ngiti ng malanding ’to, oh. Abot hanggang tainga,” puna ng may tattoo nang lingunin din si Bambi.

Bambi laughed heartily and pulled his attention back to his Papa Alec, who’s also curiously looking at us.

“Mag-uusap tayo nang masinsinan pagkatapos nito,” ang Papa ni Bambi sa akin.

I nodded and smiled. Kahit anong hatol ’yan, tatanggapin ko. Pero manlalaban pa rin kung sinabi niyang layuan ko ang anak niya.

After the makeup, they started dressing up and wearing their wigs. The high heels made me curl my toes because I think it’s too uncomfortable. Lalo na’t sa napanood kong galaw nila kanina, parang kukulangin ang isang buwang pahinga sa sakit ng katawan na makukuha nila.

“Hulaan mo sinong kamukha ko?” ang mestizo na namaywang at bahagyang inangat ang ulo para sa madramang pose.

She’s wearing an ash blond wig, half ponytails, and bangs on each side. Even the overly pink eyeshadow with diamond glitters matches her pink tulle dress.

“Ariana Grande?” hula ko.

Her eyes widened and smirked at me. “Gusto ko ’yang pang-uuto mo, ah? Buti hindi mo sinabing Ariana Granada. Baka bibig mo ang sasabog.”

I covered my tongue with my upper teeth. Gusto kong matawa pero baka pumutok bigla ang labi ko.

“Eh ako?” ang mestizo na ngayon ay…halos mestiza na sa paningin ko.

She’s the one who’s wearing the pink wig with full curls on it. Her dress is the most dramatic one, too. Ang top ay kulay pink, nangingintab, at may shiny leggings siyang pink din na puno ng iba’t ibang hugis ng makikinang na diamond. Sa baywang niya, may nakakabit na mahabang layered tulle na naging saya na bagsak hanggang paanan.

“Lady Gaga?”

“Hindi Lady Gago?” she snapped and arched her brow.

“Hindi po.” I chuckled.

Pansin ko, iyong Alec ang matino ng kaunti. Hindi ako masyadong tinatarantado. He’s the one who’s wearing the red hair. His eyeshadows are combined with black and white; even his brows were red and a black lipstick. He’s wearing big hoops of earrings too.

His long dress has a wide slit on the side, revealing her legs. Ang heels niya, red platform. Nasa four inches pa yata eh.

“Eh si Brandon, sino ang kamukha?” Divon smirked at me.

Bambi’s father made me recall the pictures at their house when I was in high school. Siya nga iyong kasama ni Bambi na blonde hair. Aaminin ko, ang ganda niya bilang babae. Her sharp and intimidating aura was perfectly enhanced because of the sharp edges of her eyeliner and smoky blue eyeshadow. The purple dress has a deep v-neck, and she’s also wearing black stockings.

“Kamukha niya ang anak niya,” I said the safest answer.

“Magaling sumagot,” halakhak ni Alec.

Bambi’s father glared at me. Ngumuso lamang ako. Hindi ko na magawang matakot dahil parang wala akong karapatan ngayon na manlaban lalo na’t nakikita ko ang mga ganito.

Nasa loob pa ng kuwarto si Bambi, kakatapos lang maligo. Mga alas otso na rin natapos sa pagmimakeup at pag-aalalay sa tatlo.

I let him do his makeup. Ako na lang ang sumuklay ng wig niya. Inayos ko rin ang susuotin niya para diretso na. Pansin kong tinitingnan ako ng Papa ni Bambi, pero hindi na ako nagpadala sa talim no’n.

Noong sinusuot niya na ang puting wig, umalalay agad ako. My heart thumped a bit. Her makeup perfectly suits her wig. The white eyeshadow has a black curve on her lower brows, which made her eyes look like a black swan. Her pink lips were only soft-looking on her face.

Her white dress has a curved neckline, almost showing the valley of her chest. Sa dulo ng hem ay tila ulap dahil sa hugis na may nalalagas na tela sa bawat gilid ng baywang. She also paired it with a big feathered shawl that covered her entire shoulders to her feet when she hugged it. Her thin black stockings covered her slim legs, and she paired them with white platform heels she didn’t wear yet.

She styled the front of her ponytailed hair and made a full side bangs. Sa likod, nagmistulang fountain ang maliliit na buhok na kapansin pansin. Ang dulo ay ako na mismo ang nagkulot habang abala siyang tingnan ang sarili sa salamin.

“Mala-diwata,” I mumbled breathlessly.

Tumingin siya sa akin, ngumisi, saka sinipat ng tingin ang ama. “Papa may sinasabi si Slade sa akin…”

I cleared my throat right away. Ang Papa niya, umangat agad ang kilay sa akin.

“Mukhang diwata po ang anak niyo,” I said honestly.

“Saan pa ba magmamana?” ang Papa ni Bambi na ikinatango ko at napisil ang pang-ibaba kong labi.

“Hindi na yata kailangang patayin ang batang ’yan, Brandon. Patay na patay ba naman sa alaga natin…” halakhak ni Chico.

At talagang may balak sila, ah?

Noong magheheels na si Bambi, yumuko agad ako para ako na ang magsuot no’n sa kanya. Nakaupo siya sa monoblock, pinapanood ko. Inilabas ko pa ang band aid sa bulsa na dinala ko rin.

“Handang handa ka, ah?” she chuckled.

“Ilang minuto ang performance mo. Baka magasgasan ang likod ng paa mo kakagalaw…” sabi ko, lalo na’t nakikita ko ’to sa mga girls para hindi masugat pag nakaheels.

“Papa, oh! May band-aid siyang dala para sa paa ko!” Bambi announced while grinning.

Four of them looked at me while kneeling in front of Bambi. Her father remained serious and unimpressed.

“Meron din po akong salonpas na dala. Marami akong binili para sa inyong lahat kung sakali mang sumakit ang katawan niyo…” agap ko nang tingnan ko sila.

“Hindi namin ’yan kailangan. Ikaw ang makikinabang niyan,” makahulugang sabi ng Papa ni Bambi.

Ah…sabi ko nga.

Chapter 41

Past

They will be performing on the usual bar. Ako ang nagdala ng feather shawl niya noong naroon na kami. Around 10PM, puno na agad.

It was too crowded. Doon ko napagtanto na mostly um-attend ay fan niya yata—fan ng drag performance.

The music is already blasting. I noticed that the front tables were occupied by queer people. Ang led screen, may nakalagay na picture ng Absidi, at sa gitna nila ay si Bambi. Absidi featuring Bambi. They’re in their full drag costumes, and Bambi is standing in the center with her black wig.

I smiled. Ito ang mundo niya. That proud Bambi Arcena I looked up to ever since I was in high school, is now dominating my world.

“Boyfriend ni Bambi… Ayan ’yong viral sa TikTok, ’di ba?”

I could hear whispers when I stayed on the front row of the bar to fully watch the performance. Nasa gilid nga lang ako, hindi na nakisiksik sa iba niyang fans.

There was a total blackout in the entire place while the red lights illuminated the stage. Nang magsimula, nangibabaw ang isang sikat na homophobic lines sa internet.

“Mga bakla! Nakainom ng pills! Hindi na bagay inumin ng bakla ke-lalaki silang lalaki! Ginawa silang lalaki! Pero uminom talaga sila ng pills para maglaki ang dede! Bawal ’yan!” It was stated mixed with beats, which made it fun to hear.

“Bawal ’yan! Bawal ’yan! Bawal ’yan!” the last line echoed in a fade until the stage lit up.

Mas humiyaw ang manonood nang makita si Bambi na nakatalikod sa crowd kasama ang iilang lalaking backup dancer, habang may hawak siyang baseball bat na namamahinga sa balikat niya.

The beat of the fading lines of the homophobic remark was suddenly transitioned into the intro of Bad Girls by M.I.A. causing the crowd to go hysterical. My lips curled as I clapped loudly.

Fuck, the transition of the line is so good that I got goosebumps and my lips stretched into a proud smile.

When Bambi raised her other hand, where she was holding the microphone, she glanced her head to the side and started singing with her head lifted.

“Live fast, die young, bad girls do it well…” kanta niya.

Kinilabutan ako. She’s such a badass.

“My pretty queen!” I shouted shamelessly.

May mga tumingin sa akin pero wala akong pakialam. Bambi’s lips curved for a smirk when she side-eyed me and started performing on the front.

“My chain hits my chest when I’m banging on the dashboard!” she sang the part while pacing to the stage, swinging around the baseball bat.

May angas sa bawat kanta niya sa mga linya. At ang mga humaharang na backup dancer ay hinahataw niya rin ng malakas, tila ba pinapakita niyang walang lalaking makakapigil sa pag-abante niya.

They dramatically stumbled to the ground on top of each of them, slanting like a stack of LEGOs. The baseball bat is obviously made in cotton. Sana pala binilhan ko ng totoo para hindi na makatayo ang mga ’yan.

She sat on the top of the piled up backup dancers and crossed her legs like a baddie in control while she rested the baseball bat on her shoulder again.

“When I get to where I’m going, you gonna have trembling…” she sang and cocked her head to the side fiercely.

Nagsihiyawan ang mga manonod. Lumawak ang ngisi ko sa angas niyang tingnan kahit pa naiinggit na may inuupuan siyang iba. But the performance is just too good that I couldn’t let my jealous ass take over.

Ang camera na suot, ginamit ko para kunan siya ng magandang shot. Ito rin ang sinigurado ko para makunan siya ng magandang angles.

“Live fast, die young, bad girls do it well…” She put a cigarette on her lips, then the backup dancer she was sitting with lifted his hand to light it while the other put her feather shawl on her shoulders.

Ang isang backup dancer na nag-aambang tumayo, inapakan niya kaya hindi natuloy. Swerteng kumag.

The led screen immediately showed her clips of rallies where she raised a signboard with a caption, “Hindi bakla ang tunay na salot kundi ang gobyernong magnanakaw at kurakot!”

I took a shot of her to capture it as her background. Bawat galaw niya, sinigurado kong makukunan ko nang maayos.

Dumilim ulit ang kabuuan. The smoke intensified on the front. Kita ko ang paggalaw niya at mukhang aalis na sa stage na iyon. Kinuha ko agad ang inihanda kong fan at ang tubig niya para salubungin siya.

“You did great. Ang ganda ng performance mo,” sabi ko nang lapitan ko siya at inilahad ang tubig.

“Nagustuhan mo?” her eyes twinkled and her lips curled proudly.

“Paanong hindi? The only thing I hate about it is I’m not the one you’re sitting on…” I said while fanning her.

She sipped on her cold drink and rolled her eyes. May ngiti sa labi niya.

“Iba kasi sa’yo. May kasamang giling…” she smirked.

Hindi nga lang ako makangiti dahil dumaan ba naman ang ama niya kasama ang tatlo at mukhang sila ang susunod na magpeperform sa harap.

I cleared my throat when the dim light didn’t hide her father’s glares at me when she passed me. Kung hindi siguro sila magpeperform, nilapitan at binalian na ako ng leeg ng ama niya.

“Sila Papa na ang magpeperform! Panoorin mo… Magaling ’yan sila,” aniya.

I looked at the stage when a Filipino song about politics boomed. Intro pa lang, naghiyawan na naman ang mga tao. Nasa harap na rin sila at unti-unti nang lumiliwanag ulit doon.

The audios of people crying for justice mixed with the intro of the song, and even the LED screen showed the failures of flood control projects; a well-known woman senator who screamed in the Senate that the Philippines is one of the most corrupt countries in the whole world; and rallies with callout signboards.

Napagtanto ko kung bakit ganoong concept ang ginamit nila. The last election was such a disappointment. Bukod sa kabilang sa political dynasties ang nanalong presidente at bise presidente, wala man lang maayos na plataporma, matinong credentials, at kahit mga debate ay hindi man lang dinadaluhan. And now, those who elected them expect good governance, and remained a diehard fan.

Ang baba rin naman kasi ng pamantayan ng mga botante. Kahit nga artista, kung tatakbo, mas may tsansa pang manalo dahil bumuboto lang naman talaga ang iba sa konseptong familiarity. Binoto dahil sikat, binoto dahil galing sa kilalang pamilya, binoto dahil…wala lang.

“Ang tapang nila, Slade. Hindi sila natatakot na gamitin ang boses nila. Noon pa yan sila Papa. Sila ang nagturo sa akin kung gaano ka-importante ang bumoses…” kuwento niya sa akin habang abala akong paypayan siya.

“Kaya pala lumaki ka ring matapang…”

Nang lumiwanag ulit ang stage, kita roon si Divon, nililip-sync ang intro sa nakakatawa at madramang paraan, nakatayo siya sa gilid, habang nakaupo sa upuan ang Papa ni Bambi.

“Kayo po na nakaupo, subukan niyo namang tumayo, at baka matanaw, at baka matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko!” patuloy na lip-synced ni Divon, bigla na lang tumambling sa harap ng upuan at nagsplit pa.

Everyone laughed and clapped. Mukhang sinusubukang kunin ni Divon ang atensyon ni Brandon, pero tumayo ito at pabaliktad na naupo sa upuan kaya lumala ang tawanan.

It was presented in a funny way, but the message is too obvious. They’re trying to portray the reality of the Philippines situation.

Lumabas si Chico, naglip-synced ng parteng may rap habang sa likod niya, kita na biglang lumitaw si Alec at nakipag-agawan ng upuan kay Brandon habang si Divon, patuloy na tumatambling, halos mabali na ang katawan kakaperform.

“Mukhang alam ko na kung kanino ka nagmana ah,” sabi ko.

Natawa lamang siya habang ang ama niya, nakikipag-agawan na ng upuan kay Alec.

Pabiro halos ang pananakit nila sa isa’t isa para lang mag-agawan ng upuan. Kulang na lang, magsuntukan sila para lang may makaupo roon. Naghihilaan na sila ng wig, at halos wrestling na ang nangyayari habang patuloy pa rin sa pagrarap si Chico.

I took a shot to capture a good angle. In the end, Bambi’s father and Alec were shot by someone, and Chico occupied the chair. Nakakatawa nga ang parteng iyon dahil mic niya pa ang ginamit na pambaril sa dalawa at nakailang baril pa bago bumagsak.

Chico even raised a signboard with a deep meaning. “Hate the abusers, corrupt people, rapists, and pedophiles, not the LGBT!”

I clapped together with the audience. Humiyaw si Bambi kaya nakihiyaw din ako kasama niya. I cannot believe I’ll enjoy this kind of performance even more.

“Teka lang, pre… awat muna… hiningal ako…” ang malalim at panlalaking boses ni Divon na nangibabaw sa mic na tinawanan ng lahat.

The crowd shouted to uplift them.

“Ang lakas ng tawa nila oh. Lapitan mo nga isa-isa. Hingan mo tig isang daan!” si Chico kaya naghalakhakan agad.

“Huling nagbigay sa amin ng bente, isang buwang hindi nakatayo at nakaratay pa rin sa ospital…” banta ni Brandon sa manonood na mas ikinatawa.

Tumawa rin ako, nasaktuhan sa akin ba naman huminto ang tingin kaya mabilis akong nagseryoso. Anong bente? Isang libo ang ibibigay kong tip.

“Huwag niyo kamong hintaying yakapin pa kayo sa likuran sabay bulong ng ’Holdap ’to, ibigay mo lahat ng pera, alahas, pati ‘yang guwapong nobyo mo,’” si Divon na naging brusko pa ang tinig sa binulong niya.

The crowd responded with another hysterical laugh.

“Eh paano kung hindi guwapo ang nobyo, Mama Divon?” si Bambi na nakisali sa usapan, naroon na rin kasama nila at may hawak na sariling mic.

“Ah sige, buong pamilya mo na lang!” Divon said in a manly tone, which triggered the crowd to chuckle again.

“Sus kunwari! Palibhasa hindi makarelate kasi may poging bf!” Chico teased and tickled the side of her waist.

Some of the crowd looked at where I was standing. Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ako, kakaway at tatango.

“Poging bodyguard na friend niya daw,” giit ni Divon.

“Hindi ako boto riyan,” ang matigas na boses ni Brandon. “Hindi pasok sa standard ko.”

“Ay hindi pasok… Ano ba ang standard na hinahanap mo?” si Alec.

“Gusto ko MakaDiyos…”

“Papa masipag siya lumuhod!” Bambi defended in a flirty way.

“Ay masipag lumuhod?!” Divon overreacted.

Even the crowd laughed maliciously. Baka kung nakisali ako ng tawa, biglang hindi na nakakatawa para sa Papa niya.

“Sa simbahan, Divon. Kaya tayo nasasabihang mga demonyo at kampon ni Satanas dahil ang babastos natin eh,” si Chico.

I chuckled a little, entertained by the way they’re talking.

“May tinatagong kabastusan ang lahat. Sadyang pagdating sa atin, masama agad tayo. Putang ina niyo! Kami na lang lagi ang masama!” Divon glared at the crowd at pabiro pa siyang inawat ni Alec.

“Hindi eh… Hinahamon ako. Nakakalalaki!” si Divon na pabirong nag-aamok.

I giggled. Bigla ba namang napunta sa akin ang tingin.

“At tumawa ka pa talaga? Lumapit ka nga rito! Halika at kikilatisin ka namin!” hamon niya.

It was immediately my cue to walk toward them. Si Bambi, ang lawak ng ngiti. Her father glared at her.

“Ay palaban talaga siya oh… “ si Chico na napahawak sa dibdib niya.

I chuckled while nearing them. Lumakas bigla ang tili ng mga nanonood, mostly girls pa. Bambi glared at the crowd jokingly.

“Sino ’yong may pinakamalakas na tili diyan? Guard, pakikaladkad nga palabas!” utos niya na tinawanan din.

Lumapit ako ng tuluyan at tumayo sa harap nila. When I faced the crowd and stifled a smile, their screams got louder and wider.

Sinaktuhan pang nagpatugtog ang DJ ng music background, Pony by Ginuwine, kaya mas nagwala ang mga tao. Hayop naman, oh?

“Tingnan mo ang lukaret, Brandon!” si Divon kay Bambi na nakangising kinagat ang hintuturong daliri habang nakatingin sa akin.

“Wala na tayong magagawa, pwet niya ’yan…” Chico said, which triggered a loud laugh from the crowd.

Hinaplos ko ang batok ko, pigil ang ngiti kahit naeengganyo ako.

“MakaDiyos ka ba?” Brandon asked me in her manly voice.

Si Bambi ang tumapat ng mic sa akin, nakangisi pa rin.

“Sapat na po bang sinasamba ko ang anak niyo?”

The crowd cheered loudly, like they were too jealous because of their reaction. Bambi smirked at her father while her father glared at me murderously.

“Masyado mo namang ginagandahan, nak!” si Chico.

“Matapang ang manok na ’to. Pwede na rin yata ’tong pangsabong, Brandon!” si Alec.

“Anong masasabi mo sa performance nila Papa, Slade?” Itinapat ni Bambi sa akin ang mic niya.

“Pinapabango niya talaga sa atin oh…” Alec chuckled.

“Drag is political…” sabi ko.

The crowd clapped while nodding at me.

“Namamangha rin ako kung para saan ang isinusulong ng mga LGBT na kalayaan. Kalayaang magmahal…kalayaang bumoses, at kalayaang lumaban sa hindi patas na lipunan…”

Divon’s eyes widened at me. Even Chico’s jaw dropped in a dramatic way; Alec amusedly smiled, and Bambi’s father only furrowed her brows.

The crowd jokingly stood up to clap at me. Bambi smirked at them like she was proving something that she saw in me.

“Matalino…” Tumango-tango si Alec.

“O sige nga kung matalino ka, 10 times 8 divided by two, plus negative 50!” biglang hamon ni Divon.

The numbers immediately gathered in my mind.

“Grabe ka naman, Mama Divon—”

“Negative 10.”

The crowd cheered for me again. Ramdam ko na namangha ang iilan dahil sa bilis ng pagkakasagot ko. Si Bambi na may sasabihin pa sana sa Mama Divon niya, naparte na rin ang labi. Sa sobrang lala ba naman ng math sa kurso ko, basic na lang ’yong tanong eh.

“Mukhang positive ’to, Brandon…” si Chico na inakbayan ang Papa ni Bambi.

“Ang galing mo, baby!” Bambi jokingly caressed my chin.

Muling umingay ang crowd. Even her guardians overreacted.

“Ano, pasado na ba ’to sa’yo? Matalino… mukhang check. MakaDiyos, mukhang check din. Makapal ang mukha, lalong check na check, kita mo naman…” si Divon na ikinatawa ko rin.

My phone rang. Tumingin sila roon. I excused myself for a while lalo na’t may kukunin lang din ako.

“Pustahan, babae ’yon,” rinig ko pa ang kantyaw ni Chico.

Lumabas agad ako at sinalubong ang driver. Kinuha ko sa kanya ang order ko. Pagpasok ko ulit sa bar, mas umingay ang mga tili.

I walked back to the stage while they all looked at me in their shock and curious faces. Ang maliliit na bouquet na kakulay ng mga wig nila, isa isa kong ibinigay.

I ordered these earlier. Naisip ko kasing bilhan si Bambi kaya namili na rin ako ng apat pa para sa kanila.

“Hala…” Divon said femininely.

“I ordered flowers cuz I think this kind of work deserves more appreciation…” sabi ko habang binibigay ang bulaklak sa Papa ni Bambi.

“Brandon, tanggapin mo na! Nasa kanya na ang boto ko!” Divon said.

“Ang bilis mo namang makuha! Binigyan ka lang ng bulaklak—” Chico’s manly words were cut off when I also handed her a flower. “Ay for me?!” her voice immediately shiftef in a girlie way.

I also handed Alec a flower. Ang huling hawak na malaking bouquet, inilahad ko kay Bambi na ikinalala ng kantyaw ng crowd. Those are fifty white roses wrapped in pink and white papers.

“Nanonood lang naiinggit pa!” ang iilang manonood na sumigaw din.

“Papa oh…” Bambi showed the big bouquet she hugged.

“Pasado na ba, Brandon?” Alec asked and smirked.

“Brandon… hayaan na nating magmahalan ang mga bata. Masyado na tayong matatanda para pumapel,” Chico said in her girlie voice.

It was a funny night. Ang kapal din talaga ng mukha ko at nakisali pa sa masaya nilang usapan. Pagkatapos ng isa-isa pang performance nilang apat, namigay agad ng tip ang mga nanood. May nakikita pa akong naghuhulog ng limang daan sa basket.

As soon as we headed home around 4AM, everyone was already too tired. Sumalampak pa si Divon sa single sofa, humihikab at kahit ang heels, hindi man lang maalis.

“Dito ka matutulog,” ang Papa ni Bambi, mukhang tinutukoy ang malawak na sala.

“Papa, bakante pa naman sa—”

“Sa bubong? Oo bakante roon. Doon mo ba mas gustong patulugin ’yan?” putol niya sa boses ng anak.

Bambi frowned. Tumikhim agad ako.

“Ayos na po rito sa sala.”

Si Alec, paglabas, may dala nang unan at kumot para sa akin. Malaki naman ang isang sofa, kasya ako. Hindi nga lang makakagalaw galaw dahil mahuhulog, pero mas kumportable na ’to kaysa sa bubong, ’di ba?

Pinagpahinga ko na sila at inako na ang gawain sa sala na naiwan kanina. Ako na ang maglilinis dahil alam ko ring hindi napapakali si Bambi.

I also volunteered to erase his makeup so all he can do is take a half bath and rest afterwards. Kaya ang apat, pumapasok na sa kuwarto at naiwan na lang kami ditong dalawa sa sala.

“Sigurado ka na kumportable kang matulog dito sa sofa?” tanong niya, nakapikit, at abala akong tanggalin ang makeup niya gamit ang isang makeup cleanser.

“Yup. Malambot naman ang sofa.”

“Hindi naman siya ganyan sa iba noon. Sa’yo lang,” aniya.

“Talaga?”

“Oo. Kasi hindi naman nila kayang harapin si Papa. Takot sila,” he chuckled.

At ako lang ’yong may makapal ang mukha? Sino ba naman kasing hindi matatakot sa Papa niya. Kahit bayag ko, nanginginig sa takot eh.

After removing his makeup, I knelt down to remove his heels too. Unti-unti siyang dumilat, pero nang hinagod ko iyon para hilutin man lang, nanghihina siyang napapikit at may ngiti agad na lumandas sa labi.

“Ang sarap naman niyan…” he said in satisfaction.

I chuckled a little. Iba ang naiisip ko. Nang napagtanto niya rin ang sinabi, humalakhak siya.

“Ilang oras ka ring nakatayo at sumasayaw sa heels…” marahang sabi ko at inikot ang paa niya.

His back arched and he smiled more. There was a slight moan that came out. Kung kami kami lang siguro, may iba na kaming ginawa bukod sa hilot. Pero hindi pwede, baka ibang sakit sa katawan naman ang makuha ko.

“Ang sarap mo naman…” His voice was too slurry, and he smirked meaningfully before he added another word. “humilot…”

Nangingiti kong kinagat ang labi at mariing pinisil ang paa niya. His brow furrowed while looking at me, his parted lips emitting gasps and soft whimpers.

Before I could even say anything, the door roughly opened. Halatang padabog ang pagkakabukas. Sabay kaming napalingon ni Bambi sa Papa niyang lumabas, iritado ang titig sa amin.

“Papa?” Bambi called innocently.

Tiningnan ng ama niya ang kamay kong nasa paa ng anak niya, abala itong hilutin. Even the three tilted their heads to see what was going on.

“Ah…hinihilot niya…” si Chico na tumango tango.

“Ang malisyoso niyo kasi,” Alec chuckled.

“Halika na, Brandon… Tayo na lang ang humilot sa isa’t isa. Huwag na tayong mainggit…” si Divon na hinila ang braso nito.

“Pagkatapos diyan, pumasok ka agad sa kuwarto,” Bambi’s father looked at his son.

Bambi nodded and stood up. Kahit pagod pa, lumapit siya sa kanila para humalik at yumakap. His father’s expression softened and hugged him back, but his eyes jumped sharply on me again.

“Goodnight mga Mama! Goodnight Papa!” Bambi said sweetly.

“Goodnight mahal naming Rafilita…” si Divon na nangingiting hinaplos ang pisngi ni Bambi.

“Goodnight po…” At nakisali na rin ako.

Tiningnan nila akong lahat. Bambi’s father looked at me with an annoyed face. Tumawa ang tatlo nang mapansin iyon. Mga banta pa lang ng tingin niya, alam ko na agad eh. Oo na, makakaasa siyang hindi ako iisa, at kahit halik ay hindi ko hihingiin.

Noong kami na lang ulit, sa kabilang paa naman ang hinilot ko.

“Magkano ang kinikita niyo sa pagda-drag?” tanong ko, unti-unting nakuryoso.

Bambi laughed a bit. “Sigurado ka talaga na gusto mong alamin?”

Kumportable na ulit siyang nakaupo sa single sofa. Patay na ang ilaw sa kusina at ang tanging ilaw na lang na nakabukas ay dito sa sala kaya medyo dim na rin.

“I’m just curious…” sabi ko.

His body relaxed when I put pressure on my thumbs and pressed the upper sole of his foot. Nakapikit siya, ninanamnam, pero nagsimulang magkwento.

“Noong bata ako, si Papa, sa isang performance niya…five hundred na ang pinakamalaki niyang natatanggap at singkwenta ’yong tip na pinaka-malaki rin. Hindi ko ’yon makakalimutan dahil tuwang tuwa siya na may tip siyang singkwenta at binilhan niya agad ako ng paborito kong pagkain.”

My jaw dropped. Five hundred?! At singkwentang tip?!

“Gano’n ka liit? Makeups pa lang, susuotin mo, tapos ’yong performance na ilang oras…tapos five hundred?”

Dumilat siya para tingnan ako. “Oo. Tapos hindi pa siya madalas maimbitahan. Si Papa ko kasi, passion niya talaga eh. Kaya minsan, kahit hindi na makatao ’yong kinikita niya, hangga’t may lakas siya para magperform, isusugal niya.”

Natahimik ako saglit. Hindi ko alam pero ang bigat. Mas naging malalim ang unawa at respeto ko.

“Kaya hangang hanga ako sa kanilang lahat eh. Si Mama Divon, naalala ko noong umpisa niya, three hundred lang din daw ’yong binayad sa kanya sa three hours na performance. Kahit daw tip, wala. Pero tiniis niya dahil mahal niya rin ang pagiging drag performer.”

Nakita ko ang paghahanda nila. It wasn’t that easy. Ang alam ko pa, si Bambi ang nagdesinyo ng mga sinuot nila. Sa makeup pa lang, ang five hundred mo, isang makeup lang yata ’yan eh. I just know because I bought him a full box of Sephora makeups.

Sa ginawang heavy makeup, hindi lang dapat isang makeup ang meron ka. Bukod doon, kailangan mo rin ng mga makeup na kumakapit talaga.

Tapos…five hundred? Three hundred? Paano ka mabubuhay no’n?

“Eh ngayon? Magkano na?”

“Malaki na. Ten thousand per performance sa kanilang apat. Iba pa ’yong tip. Minsan mas malaki pa ’yong nakukuha ngang tip. Napupuno na kasi nila ang bar pag sila ang nagpeperform. ’Yong akin, mga nasa fifteen thousand, depende rin sa tagal ng performance…”

Parang may nabunot na tinik sa akin. Parang bangunot marinig na ang kinikita nila sa ganitong performance ay five hundred pesos lang. Tapos ang pinakamalaking tip pa, singkwenta?

“Mababa lang naman kasi talaga ang sahod sa ganito dahil hindi masyadong kinikilala noon. Hindi masyadong naiintindihan…at walang tumatangkilik. Pero marami na rin kasing nagpapakilala sa mga tao tungkol sa drag kaya nababayaran na nang maayos ang mga drag queens at kings.”

“As you said during high school, representation is very important. And I fully understand it now. It opens doors, educates…and introduces new perspectives to stop discrimination…”

Dahil hindi biro ang ginagawa nila. It wasn’t just a performance; it had advocacies and real struggles of their community being looked down on at all levels—not just for entertainment.

At tama siya, kung may salot man…iyon ay ang mga taong nagpapabigat sa komunidad na matagal na sanang namayagpag kung hindi lamang hinihila ng pandidiri at panghuhusga.

Hindi agad ako nakatulog sa gabing iyon. Pagkatapos kong maligo, natulala pa ako sa sofa ng ilang minuto dahil sa mga naiisip ko.

Mabuti nga, si Bambi, pinahiram sa akin ang electric fan para raw hindi ako lamukin. Hindi siya mapirmi, pero pinilit kong magpahinga na roon sa kuwarto dahil kaya ko naman ang sarili ko rito sa sala.

Maaga nga lang akong nagising dahil naririnig ko na rin ang ingay ng kaluskos sa kusina, lalo na’t gising na yata ang Papa ni Bambi. I got up and washed my face, then I showed myself to him.

Nagkaabutan pa kami sa kusina dahil sa sink ako naghilamos, habang siya ay kakalabas lang ng banyo. His brows immediately furrowed.

“Good morning, sir…” I greeted with a smile.

Hindi siya nagsalita at lumapit sa sink. Tumabi tuloy ako. He bent down and opened the door of the drawer. May inilabas siyang kaldero.

“Magsasaing po? Ako na…” sabi ko.

He looked cranky early in the morning. Pangit siguro ang panaginip. Baka naman nakita niyang pati doon, pinopormahan ko ang maganda niyang anak?

“Sa likod ng bahay, may mga manok do’n. Hulihin mo. Ilagay mo sa kahon dahil isasama natin ’yon pauwi,” sunod-sunod niyang sabi, hindi nakatingin sa akin at abalang buksan kung saan nakalagay ang bigas.

Hindi pa agad nagsink-in sa akin. Nang tingnan niya ako, doon pa ako natauhan at tumango agad.

Aga-aga, si Brandon, gusto agad na manghuli ako ng mga manok sa likod ng bahay.

Pinuntahan ko ang likod ng bahay at kita agad ang parteng may lupa kung saan nagkalat ang mga puting manok na malalaki, mga nasa tatlo.

Inambahan kong lapitan ang isa, bigla ba namang tumilaok at nagtatakbo palayo. Kung nahuli ko ’to, diretso ko ’tong iihawin!

I tried catching the other when it neared me. Kaso muli na namang tumakbo palayo, hanggang sa para na akong tangang inaambahang hulihin, pero nakakatakas lang agad.

“Slade?!” Bambi’s eyes widened when he saw me trying to catch the three chickens.

Halos kalahating oras na yata ako dito. Medyo pinagpapawisan na nga.

“Bakit mo hinuhuli ang mga ’yan?” His voice was pretty dramatic, like I looked so pitiful chasing a chicken.

“Utos ng Papa mo—”

Before I could even finish my words, narinig ko na ang boses niya sa loob ng bahay nang bumalik siya roon, mukhang tinatawag niya.

“Umagang-umaga, pinapahabol mo ng mga manok sa likod ng bahay!” He sounded annoyed and frustrated.

“Eh busy ako sa kusina. Nagluluto ako. Gusto mo bang siya na ang magluto rito?”

“Buti hindi mo pinahanap ng puting uwak, Brandon!” halakhak ni Divon, mukhang gising na yata ang lahat.

“Papa, pinag-almusal mo na muna sana!”

Wala lang naman sa akin ito. Isipin mo nga ’yon. Buong buhay ko, kahit paghawak ng walis, noong high school ko lang naranasan.

Kaya nakakapanibago na heto ako ngayon sa Lunes ng umaga, nanghuhuli ng manok na utos ng Papa ni Bambi.

“Baka sa kanya mo rin ’yan ipapakatay ah?” ang boses ni Chico.

“Pinakawalan niya talaga ’yang mga manok para ipahuli,” natatawang boses ni Alec sa loob, pero hindi ko halos marinig.

Lumabas ulit si Bambi, may dala nang pamunas at kape. He also brought me a sandwich. Inilapag niya iyon sa gilid ng terasa at sinenyasan akong lumapit. He looked bothered and stressed.

Ganda ganda ng umaga ko, nakabusangot nga lang…

“Nagpapaniwala ka naman kay Papa,” he hissed.

“Ayos lang. Isang manok na lang naman,” sabi ko.

At nakakahiya rin, ah? Hindi naman kasi ako bisita. Nagkusa akong sumama kay Bambi dahil ipapakilala niya ako. His father is right. I am not invited. At itong mga utos niya, bukal naman sa loob kong gawin.

Kahit sabihin niyang sungkitin ko ang buwan ngayong umaga, maghahanap agad ako ng buwan kahit imposible.

Maaga rin kaming nag-impake para makauwi na sa Cavite, doon na didiretso dahil s’yempre…magpapasko na sa susunod na mga araw.

Pinaglalagay ko sa likod ng kotse ang lahat ng mga gamit. Marami silang iuuwi na gamit sa Cavite dahil nasa Maynila raw ang sunod na performance.

Ang Papa rin ni Bambi ang nagpresintang magmaneho na. Inisip ko na lang na medyo mahaba-haba naman ang byahe, saka ako makakapagpahinga sa backseat. Medyo kulang din kasi ako sa tulog.

I opened the front seat for Bambi. Ang Papa niya na papalabas pa lang ng bahay, napatingin sa ginawa ko.

Lumalabas na rin ang tatlo, nakasunod sa Papa ni Bambi—ni Brandon, hawak ang kahon. It was weird to call him by his name, though. Pero kung sakali man na bati na kami, at boto na siya sa akin, tatawagin ko na siyang Papa diretso.

I was about to enter the backseat when I heard his thick voice from the back nearing the car.

“Paunahin mo muna ’yong tatlo. Sasabay sila sa atin. Idadrop lang din sa destinasyon nila,” Brandon said.

S’yempre, ang amba kong pumasok, hindi natuloy. Kahit si Bambi, napalingon sa likod.

“Sasabay sila Mama pauwi?” he confirmed to his father.

“May event sa Maynila. Idadaan natin sila,” paliwanag ng Papa niya at pumunta roon sa likod para ilagay ang dala niyang nakakahong mga manok.

Bambi concernedly looked at me. Hinawakan ko ang pinto at binuksan ng mas malaki para sa pagpasok ng tatlo. Ngumiti si Alec sa akin nang huli siyang pumasok.

I was about to enter when I noticed that there’s no space for me anymore. Merong kaunti, pero kahit kalahati ng pwet ko, hindi pa yata kakasya. Sinubukan pa nilang umusog dahil nililingon din ni Bambi, pero talagang wala na.

“Dito ka na lang sa likod,” Brandon said when he also noticed I couldn’t get in anymore.

“Huh? Eh mukha ngang uulan, Papa!” si Bambi sa nag-aalalang tinig.

The weather is too gloomy. Pero hindi pa naman umuulan.

“O sige, magparaya ka. Dito ka sa likod, siya riyan sa harap. Total mas gusto mo naman iyong ikaw lagi ang nagtitiis pagdating sa lalaking ito.” May panunuya sa boses na iyon.

Kita ko ang dumaang gulat sa mukha ni Bambi. He looked offended and hurt. Kahit ang tatlo sa loob, nagkatinginan.

“Pero Papa—”

“Ayos lang. Para na rin mabantayan ko ang mga manok sa likod. Baka makatakas pa…” boses ko nang mahimigang baka mauwi pa ’yon sa pagtatalo ng mag-ama.

“Oh? Ayos nga lang sa kanya. Pagdating talaga sa lalaking ito, para kang nababaliw. Baka nakakalimutan mo, sinira niyan ang pangarap mo noon.” He threw me a threatening look.

Namilog ang mga mata ni Bambi, kahit ako, natigilan.

“Papa!” iritadong saway ni Bambi.

Ang Papa niyang abala sa pag-aayos ng gamit sa likod, namaywang na hinarap ang anak.

“Oh? Hindi ba, iyon naman ang nangyari? Dapat lang na alam niya ang mga naging sakripisyo mo. Dapat alam niya kung saan nagmula ang galit ko sa kanya. Pinakawalan mo ang pangarap mo noon dahil sa kanya.”

Ni hindi ko siya matingnan habang tinatapunan niya ako ng tingin habang nakatayo ako sa harap ng backseat na nakabukas pa rin.

The three looked at each other before they looked at me silently. I smiled a bit, trying to mask the sudden mention of my regrets in the past.

“Pinag-usapan na natin ito, ’di ba? Na kung dadalhin mo siya sa harap ko, huwag kang umasang tatanggapin ko siya agad,” giit ni Brandon.

“Brandon…” mahinang tawag ni Divon, umiling na at sinisenyasan itong tama na.

My lips stretched a bit as I bowed and looked at my shoes. Tama lang. Naiintindihan ko. Alam ko. At inaasahan ko na ’to. But I wouldn’t lie that it doesn’t hurt. Medyo mabigat sa pakiramdam.

Alec cleared his throat and attempted to go out. “Ikaw na rito sa loob, hijo. Ako na roon sa likod.”

Umiling agad ako dahil ayoko namang ganoon ang mangyari. “Huwag na po. Ako na. Mas kumportabe na dito kayo sa loob para mas makapagpahinga na rin nang maayos. Kulang kayo ng pahinga,” sabi ko.

Bambi quietly looked at me; his eyes were filled with controlled emotion. I smiled at him to assure him that he doesn’t need to worry about me. I can handle myself.

Ayoko ring ipakitang inaapi ako. Baka pag-awayan pa nila, at sa halip na makuha ang boto ng ama niya, makadagdag pa ako ng problema.

I glanced at Bambi’s father. Inayos niya ng kaunti ang mga gamit sa likod, doon na itinuon ang atensyon, pero ang tingin niya, nagbabaga na. I quietly walked toward the back and pulled myself up so I could get into the truck bed.

Nakayuko akong tumulong sa pag-aayos ng mga gamit na naroon, tahimik lang, habang siya, iritado ang galaw at nananalaytay sa mga mata ang nakakulong na galit sa akin.

I am already expecting a harsh treatment. Medyo naging mabait pa nga siya ng kaunti dahil pinapakain pa ako, hinayaang makitulog sa halip na paalisin, at nakakadikit pa rin sa anak niya.

When the silence was already too loud, I took that opportunity to talk.

“Inaamin ko po…malaki ang kasalanan ko sa anak niyo noon dahil…” tumikhim ako pero nagsalita din ulit. “Dahil nagpadala ako sa bugso ng damdamin. Masyado pa akong bata no’n. Ilang taon ko ring dinala ang katotohanang…baka nga ay naging pabigat lang ako sa kanya.”

He looked at me sharply. Ngunit binawi niya rin at inusog ang isang gamit. I smiled and arranged the other things, but my attention was glued to our topic.

“Kahit ngayon, tingin ko, magiging pabigat pa rin ako. May napapatunayan na siya…ako wala pa.” Naging hilaw ang ngiti ko.

“Pero mahal ko po ang anak niyo. Kaya kahit alam kong baka habulin niyo ako ng itak kung sakali mang nagpakita ako ulit, sumugal pa rin po ako dahil alam ko…ito ang tama. Gusto ko pong maging karapat-dapat ako sa anak niyo…sir…” Idinaan ko sa tawa ang kaba ko.

His harsh movements slowed a bit, and I noticed he paid attention. Ngunit agaran ding nagpatuloy sa ginagawa. I smiled a little.

“Ang maipapangako ko lang po, hindi na mauulit na ilalagay ko siya sa posisyong sisirain niya ulit ang sarili niya dahil sa pagmamahal. Mananatili siya sa itaas, sir… at kahit lumpuhin niyo pa po ako, igagapang ko ang sarili ko paakyat para…mabagayan ang anak niyo.”

He glared at me. I swallowed hard, nervous that he might really do it now because I asked for it. Pero nandito na, kinapalan ko na ang mukha kong magpakita, kaya isasagad ko na.

“Seryoso po ako sa anak niyo, sir.”

Chapter 42

Bonding

The weather is already gloomy when the car started moving. Mukhang nagbabadyang bumuhos ang ulan. Bambi is bombarding me with messages. I tried to calm him down and texted him that it’s okay.

Bambi: Hindi ko kaya, Slade.

I smiled while reading his text. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa loob. Gusto ko siyang pagsabihan na huwag niya sanang awayin ang Papa niya dahil lang sa akin. Bukal sa loob ko ito. At hindi pa naman bumubuhos ang ulan.

Me: Mahangin naman dito. May mga manok din akong kasama kaya hindi ako lonely hahahaha

Bambi: Pumayag si Papa na sa bahay ka magpasko

Lumawak ang ngiti ko. Medyo nakatulong din pala na dito ako pinaupo sa likuran? Baka lumambot ang puso ni Brandon? Pero malay natin, may iba pa siyang pakay. Kulang pa raw ’to, Slade.

Me: Huwag naman sana ako ang gawing hamon, ’no?

Bambi: Sorry. Alam ko na kaya mong patunayan ang sarili mo kay Papa. Pero hindi ko pala kayang manood na pinapahirapan ka niya. Na malupit siya sayo :(

This is the badass drag queen who performed a heavy message about feminism, and now he’s pitying a man for doing a bare minimum thing?

Me: Halik lang ng magandang anak ni Brandon ang kapalit nito :(

Ngumuso ako sa sinabi ko. Hindi ko na nahahalikan eh. 24 hours na akong nagtitiis. Huling tikim ko ng labi niya, noong nasa Manila pa.

His mood lightened more because of my joke about the kiss. Pero seryoso ako roon talaga. Baka kahit ngayong pasko, hindi ako makakahalik eh. Bantay-sarado ba naman ng ama.

Kumulog kaya napatingala ako sa langit. Nasa gilid ako nakaupo, katabi ng kahon ng mga manok na kinakausap ko minsan para aliwin ang sarili ko.

“Malupit si Brandon sa akin, pero mas malupit siya sa inyo. Kakatayin kayo,” sabi ko, pinapagaan ang pakiramdam na sila pa rin ang mas kawawa sa akin.

They were making noises in the box, probably too suffocated to breathe. Nagawa ko tuloy butasan ang itaas ng kahon para mailabas man lang nila ang mga ulo nila.

Gusto ko pa sanang butasan din sa ilalim para ’yong mga paa naman ang makalusot pero baka kung magsitakbuhan ’to kasama ang kahon, ako na naman ang malalagot kay Brandon.

At siguro, sa sobrang boredom ko sa likuran, nakaisip na ako ng topic namin. Na inaalu nila ako sa kalupitan ni Brandon.

“Oo, pre… Sigurado ako. Baka kung wala kayo, ako ang maiisipang katayin niyan. Kaya salamat at nandito kayo,” I said to the chickens.

Sumingit pa sa usapan iyong isang manok na rinig kong minura ako.

“Gago ka rin! Kami pa ang isasakripisyo mo, hayop ka! Pahirapan ka sana lalo!” Ang boses ng mga manok sa isip ko lalo na’t nag-ingay sila lalo.

“Ayos lang ’yan, pre… Ang inaahit niyang itak, sa leeg namin dudulas. Hindi sa leeg mo. May araw ka rin sa amin, Brandon!” ang isang manok na may matinding galit na yatang nabuo.

Kahit ’yong mga baka at baboy na madalas sumayaw sa isip ko, hindi na nagpapakita kakaisip ko kay Brandon. Natakot din sila eh.

My mood lightened right then. I don’t want to overthink about it too much. I also acknowledged that my progress is improving. I am in front of his father because I took a step. I am here because I chose to fight for what I want.

If I were to put myself in his father’s shoes, I’d do the same thing. Baka nga, mas malupit pa ako.

Nasanay lang yata ako sa pamilya ko na lahat ng kapritso ko, binibigay. My family has never been harsh to me. Growing up, they couldn’t meddle with my own decisions in life. Oo, mabunganga si Mama at Ate Charm, pero madalas, malambot ang puso sa akin—malambing.

Even my Ates spoiles me—especially my Lolo. I’ve never been treated harshly in my entire life. Kahit mamura ng pamilya, hindi. Pero nasakal pa rin ako sa kanila dahil madalas, gusto nila iyong gusto nila ang masunod. I’ve been babied even though I am already a teen, and it’s not helping my growth; that’s the reason why I chose a place away from them.

This is overwhelming to me. But this is also what I expect from an overprotective parent. When my family found out about my braces, they almost sued the entire school and even wanted Bambi kicked out.

Ano pa kaya si Brandon na talagang malala rin ang mga naging sakripisyo ng anak dahil sa akin? And I understand all of it.

Bambi: Makulimlim na ang langit. Pag umulan, hihinto si Papa.

Me: Pahinga rin siya magmaneho. Pwede namang ako na ang magmaneho tapos siya naman dito sa likod kasama ng mga manok

Kung nababasa niya lang siguro ’to, baka ibaba niya na ako sa gitna ng daan.

Me: Pero maaawa ka rin sa Papa mo. Baka ako naman ang awayin mo kaya dito na lang talaga ako

Bambi: Mahal ko kayo pareho eh

Me: Kaya intindihin mo rin siya, ah? Hindi tayo pwedeng magmataas ngayon at baka ibababa tayong dalawa ni Brandon. Nakasalalay sa Papa mo ang masayang pasko ko.

Bambi: Slade, huwag din puro ako, ah? Sarili mo rin sana.

Walang mas lalamang sa’yo. Ikaw lagi…

Me: Huwag mo kasing ipakita na patay na patay ka sa akin. Kaya nagagalit ’yang Papa mo eh. Ayos lang kahit kayong dalawa ang umalipusta sa akin. Kahit sampalin mo ako, ayos lang :D

Bambi: Baliw! High school na pantasya pa yan, ah! Hmp

Me: Tapos ngayon, ikaw na ang gustong sinasampal :(

Bambi: When ulit masasampal sa pwet :(

I laughed and shut my eyes. Nag-ingay pa ang mga manok. Mukhang nabasa rin yata ang text niya kaya nakikitawa.

Me: Wala na. Pinagtatawanan na ako ng mga tropa ko dito

I took a picture of the chicken’s head popping out of the box and sent it to him. He reacted haha to it.

Bambi: Ano bang pinaggagawa mo riyan sa likod?!

Me: Mga tropa ko pala. Si Pring, Aspi, at Kulit. Mga may galit kay Brandon. Mga kakampi ko

Bambi: Pinangalanan mo pa talaga!

Me: Medyo napapamahal na nga ako sa tatlo. Ako pa ang nanghuli sa mga ’to. Naghabulan kami umagang umaga. Tapos kakatayin lang ni Brandon. Ang lupit ng ama mo, Rafilita!

Bambi: Nag-aalala ako sa’yo diyan sa likod tapos nakikipagkaibigan ka lang pala sa mga manok?!

Bumukas bigla ang isang bintana at lumabas ng kaunti ang ulo ni Chico, may inaabot sa akin. Mabilis ko iyong kinuha at ngumiti.

“Salamat po,” sabi ko nang tanggapin ang isang burger na bigay niya.

“Ayos ka lang ba diyan?” he asked worriedly.

I nodded again. “Opo. Ayos lang.”

He nodded at me and slowly pulled his head back into the car. Napangiti ako habang binubuksan ang burger. I made a big bite while the chickens were clucking—siguro ay nainggit sa kinakain ko.

I was about to type a reply for Bambi when the rain suddenly poured down. Sa sobrang lakas, nataranta agad akong protektahan ang ibang gamit at nagmamadaling isinilid sa bulsa ko ang phone.

Nasa highway pa kami, halos walang mahanap na pwedeng masisilungan ang kotse. I was already soaking wet when the car slowed down and stopped at the side of the road.

Ilang sandali lang, nagmamadaling lumabas si Bambi, nakasilong sa pamilyar na payong na ikinangiti ko. I remembered that memorable moment we had during high school.

“Bumaba ka!” he worriedly shouted and extended his hand.

I jumped out of the truck bed. But instead of joining him in the umbrella, I pulled down the edge and reached for the cover’s handle.

“’Yung mga gamit, mababasa…” sabi ko.

Lumapit siya sa akin at isinilong agad ako sa payong. Bumukas pa ang isang pinto at sumilip ang ulo ni Alec.

“Pumasok ka na rito! Hayaan mo na ’yang mga gamit!” sigaw niya.

Kahit ang kabilang pinto, bumukas din. I saw Divon’s concerned head.

“Hayaan mo na ’yan! Mga gamit lang ’yan!”

I pulled the cover’s handle to the edge until the entire truck bed was now protected. Pinasadahan ko ng haplos paatras ang basang buhok at kinuha ang payong sa kamay ni Bambi.

“Pumasok ka sa loob. Doon ka lang. Baka mabasa ka rin,” sabi ko, hinahatid na siya pabalik sa front seat at sa kaliwang bahagi ng daan dumaan para hindi mahagip ng mga sasakyan.

“Mama Chico, meron po ba kayong extra na damit?” si Bambi na hindi pinakinggan ang sinabi ko.

“Ako meron. Teka…” si Alec na nagmamadaling binuksan ang bag niya.

“Pumasok ka na sa front seat. Mababasa ka rin,” udyok ko at gusto na siyang ihatid doon.

Bambi waited for the extra t-shirt. Nang ilahad sa kanya ang hoodie, kinuha niya agad iyon at hinarap ako.

“Magpalit ka na. Magkakasakit ka niyan. Ang bilis mo pa naman lagnatin!”

“Pumasok ka na sa loob…” salo ko sa siko niya at gusto na siyang igiya papasok doon.

Nasa kalagitnaan pa kami ng highway. Puro kakahuyan ang nandito at walang masisilungan.

“Magpalit ka na!” giit niya at kinuha sa akin ang payong.

The rain was still pouring heavily while the four were looking at us outside. Tumango ako sa gusto niya dahil alalang-alala siya.

“Magpapalit ako, tapos pumasok ka na ulit sa loob, ha?” sabi ko habang hinihila ang dulo ng suot na t-shirt para hubarin iyon.

“Meron po kayong towel?” Bambi asked them again while I’m removing my t-shirt.

“Heto…” si Divon ang naglahad.

Inilagay ko sa likod ang basa kong damit at isinuot ang pinahiram na hoodie ni Alec. Humarap ulit si Bambi sa akin at hinagod sa leeg ko ang tuwalya, kahit sa panga ko. At ang mga mata niya, nagniningning sa pag-aalala

“Uminom ka rin ng tubig. Heto…” si Chico ang naglahad ng isang buong mineral water na wala pang bawas.

“Thank you po.” I smiled and took it from his hand.

Ininom ko ang bigay na tubig, halos inubos ko rin. Bambi put the towel on top of my head to dry my wet hair. Kinukuskos niya iyon kaya napapapikit ako. For some reason, it made me smile.

Nang dumilat ako, nagkakasalubong ang kilay niya dahil sa ngiti ko. Ngumuso ako para pigilan iyon dahil nanonood pa ang tatlo sa amin, ganoon din ang ama niyang tahimik lang sa driver’s seat.

“Hintayin na lang muna nating tumila ang ulan, Brandon,” si Chico.

“Mahirap talaga pag laking mayaman ang isang bata. Ang dali nilang magkasakit. Hindi sanay,” si Divon na sumulyap na rin sa akin.

“Ganyan ang anak kong lalaki. Masakitin… Hindi rin pwedeng maulanan dahil aapuyin agad ng lagnat,” si Alec na tumingin sa akin.

“Pumasok ka na sa loob,” haplos ko sa siko ni Bambi.

Hindi niya pinakinggan ang sinasabi ko. Abala lamang siyang patuyuin ang buhok ko. Masyadong malamig dito at humahangin pa. Oo at nangako siya sa akin na mananatili sa tabi ko, pero huwag namang literal!

“Pasok na…” muli kong sabi.

But then I noticed the mist in his eyes he’s trying to hold. I chuckled. Pag pinuna ko ’yan, baka bumuhos ’yan.

“Donato…” tawag ko.

He grunted and slapped my lips lightly. I laughed and noticed that the three are watching us with their curious eyes. I positioned myself in front of him to shield him from their visions, lalo na’t si Divon at Chico, nagbubulungan pa.

“Huwag kang umiyak. Mas lalo akong kakawawain ng Papa mo niyan,” mahinang sabi ko.

Humingos siya at sinikap na kontrolin ang emosyon. He tried to laugh it off while I sheltered him in the rain.

“Naaawa lang ako…” mahina niyang sabi.

“Sa akin? Mas maawa ka sa mga tropa ko. Kakatayin sila ng ama mo,” halakhak ko.

He slapped my shoulder. “Siraulo ka talaga!” pagalit ngunit nauwi na rin sa tawa ang pag-irap niya.

I held his forearm and pulled him close to me so I could shelter him even more from the rain. Malaki naman ang payong pero may tumatalsik na kaunting tubig sa amin.

Nanatiling tahimik ang ama ni Bambi. Hindi ko na rin makita kung nakatingin ba. Ang anak niya, nanatili sa labas kasama ko. Sinilip pa ni Bambi sa loob ng kotse.

“Papa… dito muna ako sa labas, ha…” his gentle voice was almost pleading.

“Hay Rafilita…” Tumawa si Divon, naiiling.

Hindi naman tumagal ng ilang oras ang ulang iyon, tumila rin naman. Bumalik ulit ako sa trunk at sa gilid lamang umupo. Sa gitna ng byahe, si Alec, bumaba na at nagpasyang sa terminal na raw siya sasakay.

“Uminom ka agad ng gamot pag uwi mo,” ang habilin niya nang guluhin niya ang buhok ko.

I smiled and nodded at him. “Ingat po kayo…”

Tumango siya sa akin, tiningnan ang iba para magpaalam. Lumipat pa siya sa front seat at kita kong lumabas ang ulo ni Bambi ng kaunti sa bintana para mayakap lang ito.

“Ingat. Papa Alec…”

Gabi na noong makarating kami ng Maynila. Huminto kami sa España dahil doon lamang ang destinasyon nila Chico at Divon. Lumabas agad ako para tulungan silang kunin ang gamit sa likod.

Si Bambi, lumabas din para magpaalam sa dalawa. Medyo nag-alala pa ako na nabasa ng kaunti ang isang malaking bag lalo na’t nandoon ang mga gagamitin nila para sa isang event, pero ang sabi ni Divon, hindi naman daw tumagos sa loob.

“Ingat po kayo…” sabi ko habang niyayakap sila ni Bambi, at si Divon, marahan pang inalog ang anak-anakan niya at hinalikan ito sa ulo.

Chico smiled at me and patted my shoulder. “Tatagan mo. Para makabisita ka pa ulit sa La Union…”

I chuckled a little and nodded. “Thank you, sir…”

“Sir?! Mama Chico!” giit niya, nanliliit ang tingin sa akin at nanunuya ang ngiti sa labi.

“Mama Chico…” I mentioned happily.

Ngumiti siya at naibaling ang atensyon kay Bambi nang pinakawalan na rin ni Divon. Nilapitan niya si Bambi. He hugged him and kissed his cheek continuously. Bambi giggled in his arms.

Si Divon, tiningnan ako. He smiled at me as well and hugged me. Hinaplos niya ang likod ko.

“See you soon, nak…” marahan niyang sabi na ikinatigil ko.

There was something about the word that tugged my heart, and even the simple gesture felt comforting. Nang humiwalay siya, lumandas na ang ngiti sa labi ko.

“Advance Merry Christmas po…” bati ko.

Nilingon niya saglit si Brandon sa loob ng kotse, nananahimik pa rin, saka niya ako tiningnan at bahagyang natawa.

“Madali lang palambutin ang puso niyan. Mahalin mo lang ang anak niya, mamahalin ka rin niya… Kaya huwag kang panghinaan ng loob sa galit niya.” Iling niya sa akin.

I nodded again. “Hindi ko po susukuan si Papa, Mama Divon…”

His jaw dropped, and he laughed heartily. Kinalabit niya pa si Chico na lumapit sa amin para siguro umalis na lalo na’t nakay Bambi ang atensyon.

“Makapal talaga ang mukha ng batang ’to. Tinawag na Papa si Brandon…” halakhak niya.

Si Chico, natawa na rin. “Makakahanap ngayon ng katapat si Brandon. Siya, matigas ang puso… Ito… makapal ang mukha.”

Bambi couldn’t stop but smile at me. Sinenyasan nila kaming magpapaalam na rin muna kay Brandon na naroon lang sa driver’s seat. Ayaw lumabas, eh.

Naririnig ko pa ang tawanan ng dalawa sa harap ng driver’s seat, mukhang may mga sinumbong. Si Bambi, hindi matanggal ang ngiti sa akin.

“Tanggap ka na nila Mama…” aniya, ang mga mata, halos kuminang sa tuwa.

Iyon ang nagpasaya sa akin sa buong gabi, kahit noong dumating na kami sa Cavite at tumigil sa pamilyar na bahay na hinding hindi ko makakalimutan, mas lalong guminhawa ang pakiramdam ko.

Indeed, it was now renovated. May gate na, at malawak ang bermuda habang puno ng halaman ang bawat gilid ng pader.

The walls are still painted in light pink and their gate is green. The small house already had a terrace, and it was now taller than their old house. Mukhang may ikalawa nang palapag dahil na rin sa balkonahe sa itaas.

Ipinasok sa loob ang kotse, sa mismong gilid lamang ng terrace. Tumulong ako sa mga gamit para ilagay sa terasa. His father was still silent. Inisip ko nga na lumambot ang puso, pero noong sa sofa raw ulit ako matutulog, medyo nagduda ako kung talagang nakonsensya ba.

“Papa, sa kuwarto ko na siya. Sa kuwarto mo naman ako matutulog eh,” si Bambi.

Aapila pa sana ang ama niya, pero nang marinig na sa kuwarto niya matutulog ang anak, kumalma at hinayaan akong matulog doon.

Kumain lang din kami noong gabing iyon, saka napag-usapan ang pasko.

“Pumayag ang mga magulang mo?” malamig na tanong ni Brandon sa akin.

“Nagpaalam ako kay Ate… At sanay kasi ang parents ko na nagtatravel kami ng friends ko.”

Nagtagal ang titig niya sa akin, mabigat pa rin at puno ng panghuhusga.

“Kung dito ka magpapasko, maaga kang gigising bukas. Marami tayong gagawin,” aniya.

I nodded enthusiastically. Nag-alarm pa ako ng alas singko para magising agad ako. Hinatid din ako ni Bambi sa kuwarto niya, itinuro ang mga pwede kong gamiting towel, ang pwede kong hiraming damit niya, at pina-full blast ang aircon ng kuwarto niya.

His room is actually cute. May queen-size bed siya. Sa harap ay malaking puting aparador, sa gilid ay vanity mirror niya, at may collection siya ng heels.

Pagkatapos kong maligo, sakto, tumawag si Mama sa gabing iyon. Medyo nagulat nga ako.

“Ang pangit ng panaginip ko sa’yo! Ang lakas daw ng ulan at sinisilong kita sa payong pero kusa kang tumalikod! Nag-aaalala ako sa’yo. Baka nagkakasakit ka na diyan, pero hindi mo lang sinasabi,” si Mama nang tawagan ako.

It was a dramatic conversation. Ilang oras ko ngang inalu si Mama dahil aatakihin na raw siya sa puso sa kaba. I told her that it’s just a dream, pero praning kasi minsan si Mama. Idagdag pang si Ate Charm, ginagatungan din.

“Dito ka mag-New Year! Mag-uusap pa tayo!” giit niya, may pagbabanta.

Pakiramdam ko talaga, nakaabot na sa kanila iyong balita eh. Baka sinubukan lang ilusot ni Ate Charm. At sa pananahimik ni Ate Charm, pakiramdam ko, sumuko na talaga siya sa akin.

I was smiling from ear to ear the whole night. Nakahiga lang sa kuwarto niya, pakiramdam ko ibinabahay niya na talaga ako, at bumubuo na kami ng pamilya.

Me: I love the smell of your room. It’s addicting. Pakiramdam ko katabi lang kita hahaha

Bambi: Baka mag salsal ka diyan ah?! Huwag mo talsikan ang kama ko!

Hindi ko nga ’yan naiisip! Ngayong binanggit niya, gusto ko tuloy gawin.

Me: Sa mukha mo lang? :D

Ang tapang mo rin talagang magsend ng ganyan habang naroon siya sa kuwarto ng Papa niya, ah? Kahit si Hudas, manliliit sa kademonyohan ng isip ko minsan eh.

Bambi: Patulugin ko kaya muna si Papa, tapos pasok ako diyan mamaya?

Me: Huwag na. Kaya kong magsalsal nang mag isa hahaha

Bambi: Iniinggit mo ba ako?!

I hugged the stuffed toy resting on his bed. To tease him, I sent a photo of it. The face of the stuff toy was squeezed against my topless chest while I hugged it.

I sent it to him with a smirk.

Bambi: Bakit nakahalik pa siya sa utong mo?!

Me: My little brat is tamed because he’s in his father’s room haha

Bambi: Ano ka ba, Slade! Pag ako bumukaka rito!

Those were our funny chats on that night and I slept with a smile on my lips. Nagising din agad ako sa alarm ko, at sakto, paglabas ko ng kuwarto, kakalabas lang din ng Papa niya, medyo nagulat pa sa akin.

“Good morning po…” bati ko, tumikhim.

He nodded coldly and went downstairs. Tahimik akong sumunod. Binuksan niya ang ilaw sa sala at sinundan ko siyang pumasok sa kusina.

“Pagkatapos ng agahan, tulungan mo akong katayin ang mga manok,” ang unang utos niya.

Wala na… Kakatayin na si Pring, Aspi at Kulit. Ang mga tropa ko.

At tulog pa yata ang prinsesa. Mamaya pa ’yon gigising, mga alas syete. Nananaginip pa siguro sa akin.

Naghilamos ako, nagtoothbrush, saka kumain ng kaunti para sa mga gagawin namin ngayong umaga. Marami rin kasing lulutuin at maaga niya raw kukuluan ang mga karne para mas lumambot iyon.

“Ang anak ko, mahilig ’yan sa mga malalambot na karne. Hindi ko ’yan pinapakain ng matitigas,” giit niya, sabay sama ng tingin sa akin.

Na para bang alam niyang pinapakain ko ng matitigas ang anak niya. I nodded to at least show that I am his favorite son-in-law who’s willing to learn from his father-in-law. Kumbaga, bonding namin ’to…

“Nakwento nga po ng anak niyo na paborito niya raw po ang Tapa na specialty niyo. Gusto ko rin po sanang magpaturo kung paano lulutuin…” tikhim ko.

His furrowed brow worsened, even with his glares at me. Kahit ang pag-aamba niyang ilabas ang karne sa freezer, naantala pa.

“P-Pero hindi pa po sa ngayon. Kung…may free time na po. Dadalaw po ako ng madalas dito,” agap ko, pasimpleng paalam na rin na hindi ito ang huli.

Binawi niya ang tingin sa akin, mukhang may naalala yata dahil natulala roon. Kinabahan tuloy ako. Baka may nasabi akong masama.

“’Yong ex niya, huling request no’n, lutuan ko sana siya ng Tapa dahil kuryoso siya at binibida raw ng anak ko na masarap.”

“Ah…mas makapal pala ang mukha no’n sa akin, sir,” I chuckled lightly.

Hindi na nahiya ang gago. Takot ngang magpakita rito, sumisipsip pa pero sa maling paraan.

“Mas makapal pa rin sa’yo. Dito ka pa talaga magpapasko,” he looked at me sharply.

I chuckled again and caressed my nape. Ibinigay niya sa akin ang karne at sinenyasan akong ibabad doon sa palanggana na nasa sink.

To be honest, I haven’t done lending a hand when it comes to preparing Noche Buena. My parents usually hire chefs for special occasions since our family invites well-known families in Bukidnon to join us. Ngayon ko lang mararanasan iyong tradisyunal talaga na paghahanda, na lutongbahay mismo.

At heto ako ngayon, nasa labas kami ng kusina, sa tabi ng malaking tangke, habang hawak ko ang katawan ng manok na nagpupumiglas—si Pring.

“Hawakan mong maigi. Takot ka ba sa dugo?” he asked while he was preparing the knife.

Umiling ako. “Hindi po.”

“Mabuti.”

Napapapikit ako sa ginagawa niyang pagkatay. I felt like I was too sheltered to even witness this kind of thing.

“Mga sisiw lang ’to noon. Pinapakain ko ito, ako rin ang bumuhay doon sa La Union para sa pasko, maiuuwi kong malalaki na. Ang mahal ba naman ng isang kilo nito…” kuwento niya, may nakaipit pang sigarilyo sa labi, pero wala pa namang sindi.

“Para mo na rin palang mga anak, sir…”

Tiningnan niya ako sa salubong na kilay, siguro ay naweirduhan sa sinabi ko. Tumikhim ako.

“Eh, Papa mo? Ano bang pinagkakaabalahan?”

At talagang iyon ang tanong niya habang nilalagari naman ang leeg ng pangalawang manok—si Kulit. Humihiyaw sa sakit ang manok, habang ako, napapatingin sa gilid para hindi masaksihan ang pagtalsik ng dugo.

“Nasa industrial farm na po talaga ang Papa ko bata pa lang. Wala iyong ibang pinagkaabalahan kundi ang lupa. Ang Lolo ko po kasi, mahigpit din ’yon. Naalala ko ang kwento na pinagtatrabaho niya sa sariling farm si Papa para maalam sa agrikultura. Sumabak din daw po siya sa pag-aaral ng fertilizers…”

He tossed the dead body of the chicken to the basin. Muli niyang kinuha ang isang buhay na manok at iyon naman ang ipinahawak sa akin.

“Oh ba’t ikaw? Parang hindi ka hinihigpitan ah? Nandito ka pa nag-aaral, malayo sa lupain niyo,” aniya.

“Ah…medyo spoiled po ako sa Lolo ko. Paboritong apo. Ang gusto lang po no’n, magtapos ako. Saka ko na raw pakikialaman ang lupa kung…” tumikhim ako.

He arched his brow at me. “Ano?”

“K-Kasal at may anak na lalaki na raw po…” I chuckled nervously.

Titig na titig siya sa akin nang hiwain niya ang leeg ng manok na nawalan agad ng malay. I swallowed hard. He tossed the chicken’s body to the basin, stood up, and lit his cigarette.

“Kaya po wala akong balak na tanggapin ang mana. Wala namang magagawa si Lolo eh matanda na rin ’yon,” agap ko.

Mas bumigat ang tingin niya sa akin habang hinihithit ang sigarilyo niya. Lumunok ako. Natahimik siya at salubong pa rin ang kilay.

He seemed like thinking deeply. Binuga niya ang usok sa ere, saka muli akong tiningnan. Akala ko’y magagalit pero…

“Mag-init ka ng tubig. Marami,” ang ikalawang utos niya.

“A-Ano pong gagawin?” At mukhang ako pa yata ang papakuluan ngayon ah?

“Ibuhos mo rito sa mga manok para matanggal nang mabilis ang balahibo,” aniya.

Ah…

Ang mga tropa ko, wala na…pinaggigilitan na ng walang-awang si Brandon.

Hindi lang iyon ang inutos niya dahil pati pagsisibak ng kahoy, inutusan niya na rin ako, ang ikatlong utos ni Brandon. He gave me an axe to split the woods. Nasaktuhan nagsisibak ako nang lumabas si Bambi, naabutan akong ganoon.

I got a bit distracted because of his look early in the morning. Messy hair. Blooming bare-faced. Pink lips. And his white satin above-the-knee dress shirt.

“Morning!” bati ko, ngumiti.

“Bakit ka nagsisibak ng kahoy?!” halos may pag-angal pa sa boses niya.

Pero nang makitang hinuhubad ko ang suot na pang-itaas, biglang kumalma at nabuhay ang titig niya.

“Pero ipagpatuloy mo lang…” marahan niyang sabi habang nakatingin sa katawan ko, pigil ang ngiti.

I laughed and shook my head. Tumikhim siya at tumingin sa loob ng bahay.

“Papa! Magdidilig ako ng halaman! Ako na po!” he volunteered enthusiastically.

Umangat ang kilay ko at muling hinawakan ang palakol. Bambi walked toward their garden on the side of the house, almost near where I was standing.

Ngumunguso siya at napapasulyap sa akin, dahan-dahang pinulot sa sahig ang hose. I lifted the axe and split the wood. Tumingin siya sa biceps ko at pigil ang ngisi.

“Ang saya palang magdilig ng halaman sa umaga…” he chanted while his eyes were glued to my topless body.

Sarap na sarap na naman siya sa boyfriend niya, oh!

He opened the faucet, but he would still glances at me. Ngumisi lamang ako, mas ginanahang magsibak dahil panay ba naman ang tingin sa akin.

“Buti pa ang mga kahoy…nasibak…” at parang kinukwento niya pa ’yon sa mga bulaklak na dinidiligan niya.

“Buti pa kayo, may dilig…” ang pagpaparinig niya na ikinahalakhak ko.

Tapos pag bumoses ako at narinig ni Brandon, ako naman ang hahatiin? Sumusulpot pa naman ’yon kung kailan may kabulastugan akong sinasabi.

Bambi was busy watering the flower, but he was stealing glances at my biceps, my back, and even my face. He would even purposely show he’s biting his pointing finger and would give me that playful smile.

Kung pwede ko lang halikan, ginawa ko na eh. Bumababa pa ang suot niyang pantulog at nakikita ang balikat niya.

“Ay!” he squeaked when he accidentally splashed water on me.

Tumama iyon sa leeg ko kaya kahit panga ay nabasa, habang ang iilang tubig ay umagos pababa sa dibdib ko.

“Hala, sorry…nabasa…” mas rumahan ang boses niya habang ngiting-ngiti sa akin.

His eyes are definitely rejoicing from the intricate movement of the water to my chest. Umuugat ang tingin niya roon, manghang mangha.

“Ayos lang. Sanay nang matalsikan sa mukha lalo na pag naiihi sa sarap…” ngisi ko.

His eyes widened and he splashed water on my face. Humalakhak ako at lumayo.

“Anong sabi mo?!” he laughed too.

“Ikaw kaya talsikan?” Saka ko siya nilapitan para agawin ang hose.

Tumili siya at tumakbo palayo. I pulled his waist until his back crashed against my body. Ang tili niya, naging hagikhik.

“Ako na ang magdidilig,” natatawa kong sabi, kinukuha sa kanya ang hose para gantihan siya.

“Huwag dito, Slade,” hagikhik niya, kaya mas lalo akong natawa.

Lumabas nga lang ang Papa niya, iritado kaming tiningnan.

“Papa si Slade! Nagdidilig ako, tapos gusto niya, siya na raw!” sumbong niya at lumayo pa sa akin.

Tumikhim ako at seryosong bumalik sa sinisibak ko. His father glared at me for a warning. May hawak pa namang sandok.

“Tapusin mo na ’yan. May palalambutin pa tayong karne,” he ordered strictly.

Tumango ako at muling pinulot ang palakol. Si Bambi, nakatayo na ulit sa mga halamanan, nagdidilig, pero pigil ang ngiting sumusulyap sa akin.

When his father disappeared, he splashed water on my back again and giggled. Itong makulit na unica hija ni Brandon talaga…

Nawala rin naman siya rito at mukhang ang ama niya naman ang kinukulit niya. Naririnig ko pa siyang kumakanta minsan sa loob ng bahay nila o kaya ay dinadaldal ang papa niya. Lalo na’t pagkatapos kong magsibak, nang pumunta ako sa kusina, naririnig ko ang mga hirit niya sa ama niya.

“Masyado mong binibaby eh ang laki na niyan,” ang matigas na tinig ni Brandon.

“Eh, ikaw nga binibaby mo rin ako kahit ang laki ko na!” ang marahan niyang boses.

Tumikhim ako at unti-unting pumasok sa kusina. Nadatnan ko si Bambi na nakayakap patagilid sa amang naghihiwa ng cheese at sinubuan niya pa ng maliit na hiwa ang anak.

“Tapos na akong magsibak, sir. Ano pong susunod kong gagawin?”

Lumawak ang ngisi ni Bambi. He even mouthed something while resting his head on his father’s shoulder comfortably.

“Ako naman…” he mouthed, which I completely ignored.

May dalawang uri talaga ng demonyo eh. Iyong demonyo talaga, at nangdedemonyo lang. Pero wala akong sinasabi kung sino ang mag-amang ’yan, ah?

“Paapuyin mo. Doon natin palalambutin ang baka para mas mabilis,” ang ikaapat na utos ni Brandon.

Lumabas ulit ako at kinuha ang bakal na sinasabi niyang patungan ng gagamiting kaldero. Ang mga kahoy na pinalakol ko, inilagay ko sa ilalim no’n.

Si Bambi, kuryosong nanood. He’s watching me like I am a kid trying to figure out how to do basic math. Napapangiti siya sa tuwing makikita niyang nahihirapan ako minsan bago ko iyon napaapoy. Noong kami ng mga kaibigan ko lalo na pag nagcacamping kami, madali lang naman. Ngayon na ako-ako na lang, ang hirap pala.

“Tapos ang lakas mo pang magyabang na gusto mo akong itanan noon, ah?” he mocked and chuckled.

He was crouching a bit beside me while I was crouching down. Kaya isang tingala ko lang ay napatakan ko na siya ng halik sa labi. Sakto nga lang na lumabas ang ama niya, may dalang malaking kaldero. Kitang kita ba namang ninakawan ko ng halik.

“May apoy na, sir,” I pointed at the fire for a distraction of being caught.

Tumayo ng tuwid si Bambi at pigil ang ngiti, nasa likod ang mga kamay at nagtitiptoe. Sinamaan ba naman ng tingin ng ama niya nang lapitan nito ang kahoy na napaapoy ko.

“Bantayan mo ’tong maigi. At walang tubig ’yong dispencer. Mag-igib ka roon sa kapitbahay. Hindi naiinom ang tubig sa tangke,” ang ikalimang na utos ni Brandon na may kasama na yatang galit.

Chapter 43

Gift

Dalawang malalaking gallon ang dala ko. May apat pa nito pero iniwan ko na. Ang sabi ni Brandon, lagyan ko raw lahat ng tubig. Minsan gusto kong magtanong kung may pinaghahandaan ba kami, pero mahirap bumoses sa bahay na hindi ikaw ang nasusunod.

Bambi decided to come with me. Nasa kabilang kanto lang naman iyong tinutukoy ni Brandon na tindahan daw ni Grace.

“Panglimang utos na ’to,” sabi ko kay Bambi habang naglalakad kami.

“Binibilang mo pa talaga,” he chuckled while he’s by my side.

Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero mas ayos na ’to kaysa noong huling mga karanasan ko na hinabol ako ng aso rito at itak ng Papa niya.

“Kailangang mapanatag si Brandon. Baka isipin niya wala akong alam sa gawaing bahay…” angat ng kilay ko.

He crossed his arms and he smirked at me. “Mag-aasawa ka na ba?”

I smirked back. “Ikaw…kung gusto mo…”

His eyes widened then he let out a bark of laughter. Ngumuso ako, parang tangang may dalang dalawang malalaking gallon, at sinasabi sa kanya na pwede niya na akong asawahin sa lagay na ’to.

Pinapaigib lang ako ng tubig ni Brandon, bigla na akong yumabang lalo at iniisip kong kaya ko nang buhayin ang anak niya! Gago rin.

“Eh paano kung gusto ko? Edi aasawahin mo agad ako?” he leered at me, but the smile on his lips remained playful.

Tumango ako. “Oo. Sigurado na ako sa’yo. Ikaw…sigurado ka na ba sa akin?”

Humagikhik siya, tila ba kiniliti sa sinabi ko. Naiiling niyang nabasa ang labi at tumingin sa mga kapitbahay nilang pinagtinginan kami.

May isa pa akong nakitang kapitbahay, sumilip sa pinto, may hawak pang sandok. Baka masunog pa ang pang noche buena nito.

Ibinalik ni Bambi ang tingin niya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“Pwede na…” ngisi niya.

Pwede na? Parang napilitan pa siya sa lagay na ’yan?

I realized his neighbors looked too curious and some were even whispering. But then he didn’t mind them. Lumapit pa siya sa akin at humawak sa braso ko.

“Nauna talaga akong sumikat dito sa amin bago ako makilala sa TikTok. Paborito ako ng mga kapitbahay pag-usapan,” aniya.

He’s really too confident about himself. Parang kailanman, hindi siya nakaramdam ng hiya para sa sarili. He’s always proud to represent his sexuality.

“Edi kalat na rin dito na boyfriend mo ako?” I said.

Natawa siya. “Gusto mo talagang paniwalain ang buong mundo na boyfriend kita, ’no? Tapos gusto mo pa akong asawahin.”

“Marunong magsibak…nag-iigib ng tubig…marunong mag-ihaw ng mga manok, marunong din magmakeup. Natututunan din naman ang pag-aapoy ng kahoy, pero hindi ka na lugi sa akin. Masipag ang mapapangasawa mo,” I smirked at him.

He crossed his arms but his smile is just too playful.

“Duda talaga ako sa Papa mo. Baka ipakasal ka niya sa iba. Mas mabuti ’yong uunahan ko na siya,” agap ko.

“Eh hindi ko naman din pakakasalan kung ayaw ko sa kanila, Slade!”

“Then…you are willing to…marry me?” Parang nabuhay ang kalamnan ko. Dahil kung oo…

“Kasal na agad ang iniisip mo eh poproblemahin pa nga natin ang pamilya mo. For sure—”

“Bakit mo sila poproblemahin eh hindi naman imbitado ang mga ’yon sa kasal natin?” putol ko.

His jaw dropped. Humalakhak siya.

“Mag-isa akong ikakasal sa’yo. ’Yong best man ko, si Tyler. ’Yong dadalong pamilya ko, mga kaibigan ko. Pwede na ’yon.”

“Ayaw mo bang si Angeles?” he smirked at me.

“Ang alin? Ang isasabit sa altar? Pwede rin…”

He leered at me. Ngunit kalaunan, natawa ulit siya. Payag pa akong ring bearer ’yong bulinggit eh.

“Walang same sex marriage dito kaya hindi tayo pwedeng magpakasal agad. Kailangan nating mag-ipon para doon!” Pero sa ekspresyon niya, halatang napapaisip siya.

At akala niya ba hindi ko paghahandaan ’yan? I’ll prioritize that, of course.

“Then outside the country?” I suggested.

Mas tumamis ang ngiti niya nang manatili sa harap ang atensyon. “Oo…pwede. Gusto ko sa Thailand. Open sila ro’n sa same sex marriage…”

At may naisip agad siyang bansa, ah?

“So you’re willing to marry me?” balik ko sa tanong na ’yon.

Napanguso siya, pigil ang ngiti sa labi at kaunting kumbinsi pa yata sa isang ’to, bibigay na.

“Masarap din ako kumain. Kakainin kita gabi-gabi, o kahit sa umaga. Kung gusto mong araw-araw, gagawin ko…” biro ko lalo na’t alam kong kakagat siya sa ganitong hirit.

“Okay, I do,” mabilis niyang sagot kaya humalakhak ako.

Wala ’to. Papakasalan lang ako dahil sarap na sarap sa akin. But then my smile grew wider. Lumiko na kami at tanaw ko na ang sinasabi ni Brandon na tindahan ni Grace.

Paano ba ’yan, Brandon…

May mga aso akong napansin sa daan kaya napadikit ako sa kanya at napahawak sa braso niya. Hindi naman ako sa aso natatakot talaga kundi sa injection mismo!

Tumawa si Bambi nang napansin iyon. Inaasar niya tuloy ako hanggang makalapit na kami sa tindahan at maraming nandoon na tumatambay.

“Uy ang magandang anak ni Brandon!” ngiti ng mga kapitbahay nila habang nalilingat ang tingin sa akin.

“Sino ’yang kasama mo? Pogi ah!”

“Lalaki niya ’yan. Dumaan sa akin. ’Yong sa TikTok. Viral,” siko ng isa pa.

“Parang si Denver lang din pala. Pati ’yong anak ni Rommel, nagdadala ng lalaki sa bahay nila. Kano pa. Bumabading na yata silang lahat. Puro na mga lalaki ang jowa…”

“Ay sinabi mo pa! Ewan ko ba sa mga batang ’to. Ang sasayang. Ayos lang itong si Donato kasi matagal na ’tong bading eh. Pero ’yong anak ni Rommel at si Denver, mga lalaking lalaki ’yon. Sayang…” iling ng babae at kahit ako, tiningnan.

Sayang? Napaangat ang kilay ko roon. Pero nauna na agad ang boses ni Bambi.

“Ikaw talaga Aling Karen! Kaya hindi mo nababantayan ang anak mong maagang nabuntis kasi abala kang bantayan ang anak ng iba eh,” natatawang saway ni Bambi.

Hilaw na natawa ang babaeng sinabihan niya, ang iilan ay nakitawa rin kahit halatang pilit. I stifled my smile and cleared my throat.

May sumilip na ulo sa tindahan at ngumiti sa akin, sinenyasan akong lumapit para ibigay ang mga hawak kong gallon. Bambi faced his neighbors like he was still willing to entertain their insults.

“Bibig mo talaga!” Sabay sipat ng tingin sa akin ng babaeng pabirong kinurot si Bambi sa tagiliran. “Lalaki mo? Guwapo ah. Huwag ka munang papabuntis ah!”

“Kung babae ka siguro, tagal mo nang nabuntis, gaga ka! Ang landi mo!”

Kumunot ang noo ko sa isa pang babae na nagsabi no’n. Hindi naman mukhang na-offend si Bambi, pero ako, oo.

“Ay Aling Judith mas malandi ka pa rin kaysa sa akin! Tigdadalawa ang lalaki mo! Nakita ko pa kayo sa Mall noong kabit mo, ah! Sumbong kita sa asawa mo…”

My lips parted. Hindi ko alam kung aawatin ko ba o ano… Parang lalabanan niya kasi lahat.

“Masanay ka na sa bunganga niyan.”

Pinagkaguluhan tuloy ako roon. They seem nice, or they’re friendly. Kaya habang papauwi na kami, dala ko ang malalaking gallon at sinasabayan niya ako, pinag-uusapan na namin iyong mga kapitbahay nilang sinisiraan daw siya rito.

“Sa bawat pangit na sasabihin nila sa’yo, bumalik sana sa kanila ’yon,” sabi ko.

Kung galit siya sa mga iyon, galit na rin ako.

“Pero ’yang si Aling Grace…”

“Malugi at mabaon sana sa utang ’yang tindahan niya,” paninira ko agad.

“Hindi, Slade! Mabait siya!” agap niya, natawa.

“Ah, kakampi pala natin ’yan si Aling Grace. ’Yong apat lang ba ang kaaway natin, maliban kay Aling Grace, o buong baranggay?”

“’Yong kabilang kanto, mababait ’yon. Doon nakatira ang mga kaibigan ko. Sila Denver…”

Sa nabanggit niyang pangalan tuloy umikot ang topic namin. Marami siyang kuwento sa akin, kahit noong kabataan niya. Hindi ko na rin masisisi si Rick bakit patay na patay siya roon dahil mabait pala talaga. ’Yon nga lang, hindi man lang nagtagal ang dalawa.

Pagbalik sa bahay nila, bumungad sa akin si Asher, bagong dating pa yata dahil may nilalahad na box ng hamon kay Brandon.

Napunta agad ang tingin niya sa akin nang ibinaba ko sa gilid ng terasa ang dalawang binubuhat na gallon. His eyes flickered in amusement, and even his lips curved.

At mukhang dito pa yata siya magpapasko. Mukhang may dadagdag sa pagpapahirap ko ngayon, ah?

“Sipag, ah? Nagpapakitang gilas ba sa’yo? Aakyat siguro ng ligaw…” Asher chuckled and looked at Brandon.

Brandon grimaced and threw me a threatening look. “Boyfriend na nga yata ang tingin niya sa sarili niya.”

Siya ang nagsabi niyan, hindi ako. Ang sabi ko, bodyguard na friend. Pero kung tingin niya boyfriend na ako ng anak niya, mabilis din naman akong kausap.

Lumapit si Bambi kay Asher lalo na’t may inilahad na paperbag sa kanya, regalo yata.

“Merry Christmas, Ashi…”

Ngumiti si Bambi at tumingin pa sa akin si Asher nang halikan niya ito sa gilid ng ulo.

“Thank you! Merry Christmas! Meron din akong gift sa’yo, pero mamaya ko na ibibigay,” ani Bambi.

Asher nodded, smiled at him, then looked at me again. Kinuha ko na agad ang dalawa pang gallon na lalagyan ko ng tubig habang si Bambi, sumenyas ulit sa kanya na sasamahan ako.

Despite the pressure of Asher’s presence, I am happy that Bambi is celebrating his Christmas with his family. Iba ang saya na nararamdaman ko sa tuwing nakikita na puno siya ng pagmamahal. Na sa mundo niya, walang kumukwestyon ng pagkatao niya.

Mas nanaig sa akin ang kagustuhang magustuhan ni Brandon. I wanted to be part of his son’s world, too. At kung kailangang lampasan ang isang libo niyang utos bago makapasa, gagawin ko.

Hindi ko na rin alam kung sino sa dalawa ang mas kinakatakutan ko eh. Si Brandon na talagang galit tingnan sa akin at halatang nagpipigil lang akong saktan, o si Asher na kalmado tingnan at hindi ko alam ang tumatakbo sa isip.

Pero parehas pa rin naman, mga kalaban.

At hindi pa nga ako nakakapagpahinga nang maayos pagkatapos ng ikadalawang balik, sumunod naman agad ang ikaanim at ikapitong utos ni Brandon.

Wala rin talagang awa. Sa akin pa pinapa-marinate ang mga manok. Habang naroon ako sa kusina, naiisip ko tuloy ang masasaya kong alaala sa likod ng kotse kasama sila Pring, Aspi at Kulit.

“Baka may isa sa kanila, gusto pang magpulis. Si Pring…” kuwento ko kay Bambi na pinapanood ang ginagawa ko, tumutulong na rin.

“Para mo namang iniisip na may tinanggalan ng pangarap si Papa!” aniya.

“Meron naman talaga. Tatlo pa. At kung hindi siya boto sa akin, ako ang ikaapat. Ang dami kong pangarap sa atin…”

His lips curved for a playful smile. Itinabi ko ang isang tupperware na para lang sa buttered chicken, at muling pinagtuunan ng pansin ang mga patatas at carrots na pinapabalatan ni Brandon sa akin.

“Ano ang mga pangarap mo? Sabihin mo sa akin, ako na ang tutupad.”

My lips parted. “Talaga? Kahit anong hiling ko, tutuparin mo?”

“Eh ano ba ’yon? Luluhod ba ako diyan?”

Humalakhak ako. Sa harap pa talaga ng mga patay naming katawan, ah? Rinig ko sa isip ko ang reklamo nila Pring. Minumulto pa yata ako.

“Lumuluhod din ako ah?” I arched my brow playfully.

“Anong luhod?!” At ang boses ni Brandon sa likuran na talagang ikinapawi ng ngiti ko.

“Pag nagmamakaawa, sir…” agap ko, nilingon siyang dala pa ang kaldero at mukhang luto na.

He placed it on top of the stove. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang patatas na hawak para balatan ito ng maayos.

Bambi giggled and went to his father’s side to comfort his angry father. Niyakap niya ulit sa braso at iginiya palabas ng kusina.

“Sa pamamahay ko pa talaga, ah?” rinig ko ang boses ni Brandon sa malayo at ang tawa ni Asher.

Kaya siguro ang utos niya, naging triple. Lumagpas na sa sampu. Buti pa ang Diyos sampu lang eh. Si Brandon…sumobra.

Kahit nga pagkukudkod ng niyog para gumawa ng gata ng chicken curry, inutos niya na rin. Gusto ko sanang isuggest na may nabibili naman sigurong gata, pero hindi na ako nanlaban. Lalo na’t si Asher, nakatingin din, lalo na’t nasa terasa siya, niyaya ni Brandon na mag-inuman ng kaunti.

“Here…” si Asher na hinatiran ako ng shot.

Ngumiti ako at kinuha iyon. Namaywang siya, tiningnan ang nakudkod kong niyog. Ibinalik ko sa kanya ang baso pagkatapos inumin ang shot saka siya bumalik sa terasa, si Brandon ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Kung hindi lang lumabas si Bambi na dala na ang pulutan nila, hindi mapuputol ang tingin ni Brandon sa akin.

Baka pagkatapos nito, kung ipapatapon man ako sa kagubatan, mabubuhay ako nang mag-isa eh. O kahit itanan ko man ang anak niya, makakasigurado siyang maalam na ako sa mga gawaing bahay.

Pinagdadasal ko nga na walang blackout na mangyari dahil baka kahit kable ng kuryente, ipaakyat at ipapaayos niya sa akin sa halip na tumawag ng electrician.

Around 6PM, the table is finally filled with food I took part in preparing. May limang klase ng ulam at may apat na klase ng dessert. Sinagot ko na ang drinks para naman may ambag ako sa handa. Kahit humiling ng isang case ng red horse si Brandon, bibilhan ko siya ng sampu para naman masarap ang tulog niya at tahimik ang gabi ko.

Pinabili ko rin ng isa pang hamon si Aries eh lalo na’t pupunta raw ang mga ’yon dito. Madalas pala silang magpasko sa bahay nila Bambi.

“Akin na ang kamay mo,” si Bambi na may hawak na band-aid.

When he held my hand, I slowly realized that it’s swollen red and my pointing finger has a small cut. Sa dami kong ginawa, ni hindi ko naramdamang may sugat na pala ako roon.

He pulled my finger toward his lips and planted a kiss on it. Namilog ang mga mata ko.

My heart fluttered. Parang may nagsusuntukang paru-paro sa tiyan ko. It was the most intimate thing he has ever done to me—kissing my wound.

“Masakit?” tanong niya habang unti-unti nang ibinabalot ng band-aid ang hintuturong daliri ko.

“Magkukudkod pa ako ng marami para mahiwa ang bawat daliri ko,” wala sa sarili kong sabi.

Natawa siya, pero kalaunan, napunta na sa daliri ko ang atensyon. Halata sa mga mata niya ang pag-aalala.

“Nakuha mo yata ’to sa pagkukudkod ng niyog. Hindi mo namalayan…”

“Napansin mo pa talaga?” I chuckled, in awe as I watched him carefully doing it.

“Oo naman. Kanina, noong gumagawa tayo ng cordon bleu, napansin ko.”

Ngumuso ako. He’s worried for his boyfriend.

Asher noticed it. Papasok yata siya sa kusina at napansin lang kami rito sa harap ng mesa kaya nakiusyoso.

“What happened?” Tiningnan niya ang kamay kong hawak ni Bambi.

“Nahiwa ng kaunti habang nagkukudkod siya ng niyog…” sabi ni Bambi.

Asher arched his brow at me. Wala na. Badshot na agad. Paano ako makikipaglaro sa kanya ng Airsoft kung ganito pala ako kabilis masaktan?

“Hindi naman masakit. Hindi ko rin napansin,” sabi ko.

Kahit si Brandon na kakalabas lang ng kusina, napansin kami at napatingin sa kamay ko na nilalagyan ni Bambi ng band-aid.

“Papa, nasugat siya kakakudkod ng niyog,” sumbong ni Bambi at sinimangutan ang ama.

“Oh? Naputol ba ang kamay?” At tingin mo makakaakyat ka niyan sa langit, Brandon?

“Don’t die yet. We’re still gonna play Airsoft,” Asher reminded at me.

At doon mo ako tutuluyan? Isa ka rin. At least sa kabilang buhay, alam kong sa itaas ako. Masosolo ko roon si Bambi dahil sigurado akong ang dalawa, nasusunog sa ibaba. Pero may awa naman ang Diyos. Si Brandon lang talaga ang wala.

Mga bandang 7PM, nakuha ng atensyon namin ang kakadating lang na kotse. I was curious at first because it was a modified car, a black Ford truck Raptor, to be exact.

Akala ko nga kung sino, pero si Merrie lang pala na lumabas sa driver’s seat, at si Aries naman sa front seat na lumalabas na rin.

Naalala ko na. Oo nga pala. Mahilig siya sa malalaking kotse. And her car is obviously like a beast parked on the side of Brandon’s pink house.

“Angas ng kotse, ah?” puna ko kay Merrie nang salubungin namin sila.

“’Yong nagsabing bulldozer, passenger princess ko lang pala,” parinig niya kay Aries na mukhang may kinukuha pang gamit sa backseat.

“Papa Brandon!” maligalig na boses ni Merrie at lumapit agad sa kakalabas lang na si Brandon, sumasalubong na rin.

Narinig ko ang halakhak ni Brandon sa likuran habang nilalapitan ko si Aries.

Nilingon ko lang saglit at kita ko na nagmano si Merrie kay Brandon, si Brandon naman, ngiting ngiti. Lumapit din si Merrie kay Bambi at may inilahad na dala niyang paper bag.

“’Yong pinapasabi mo,” si Aries na inilahad ang apat na paper bags.

“Salamat, bro…” tapik ko sa balikat niya.

Madalas na palang magpasko ang dalawa sa bahay nila Bambi. Pansin ko rin na close sila kay Brandon na napapangiti sa kanila, pero pagdating sa akin, parang nakatikim ng sinigang kaya laging umaasim ang mukha.

Nakaligo rin ako bago pa magsimula ang noche buena. Kanina pa ako nanlalagkit pero hindi ko maisingit sa dami ba namang utos ni Brandon.

But still, while showering, I was smiling from ear to ear. Matagal kong inisip kung ano ang ganap nila—lalo na si Bambi tuwing ganitong okasyon. I longed for this kind of moments. And I am finally here now.

“Ito kasi Papa Brandon, nakakainis minsan!” ang agresibong boses ni Merrie sa hapag ng noche buena at nasundan agad ng halakhak ni Brandon.

We were talking about Merrie and Aries’ petty fights because Brandon is quite invested. Nagkabiruan na rin kasi sa dalawa kaya naging topic na.

“Buti ako minsan lang. Ikaw madalas.” Aries arched his brow, which made Brandon laugh even more.

Napangiti na rin ako habang kumukuha ako ng cordon bleu. Nakasabayan ko pa ang tinidor ni Brandon na tumusok din ng isa. Natatawa pa rin siya, pero nang sabay namin iyong inilagay sa plato ng anak niya, napunta agad sa akin ang atensyon niya.

Asher’s brow arched, and he playfully joined us. Kumuha rin siya ng cordon bleu at naglagay no’n sa plato ni Bambi.

“I feel left out as someone who also loves Ashi,” aniya.

Si Merrie at Aries, nasa plato na rin ang atensyon ni Bambi. Saka lang din tumigil ang dalawa nang sinaway ni Bambi at nagbukas ng topic.

“Papa… kanina…habang inuutusan mo siyang mag-igib, pinag-uusapan namin ang kasal,” kuwento bigla ni Bambi.

Ang amba kong sumubo, hindi ko tuloy naituloy dahil parang masasamid ako sa agarang paglipad ng tingin ni Brandon at Asher sa akin.

“Kasal?!” Merrie’s voice raised.

“Noong nakaraan lang, kamuntik ka pang maging ama, ah. Tapos ngayon, nasa kasal ka na. Baka bukas, ibabahay mo na ’yan, ah?” si Aries sa tabi ko, binulong iyon.

Mahirap pang ibahay dahil nag-iipon pa lang naman ako. Pero kung boto na sa akin si Brandon, dadalasan ko ang pag-uwi rito para makasama ang anak niya lagi.

“At anong sabi mo?” Brandon asked his son.

“Sabi ko, mga bata pa kami. Magtatapos muna kami, magtatrabaho…pero sabi niya…magaling ako. Edi sabi ko agad, I do!” And his childish voice on the last words made everything cute and funny.

Ang patango-tangong si Brandon, biglang nabitiwan ang kubyertos at napabuntonghininga. Asher laughed at his twin and stuffed food in his mouth.

“Magaling ka ba saan, Veniel?” si Merrie na talagang gusto pa akong ilagay sa alanganin.

“Masipag naman pala…” parinig ni Aries kaya siniko ko nga lalo na’t katabi ko lang.

“Masipag sa gawaing bahay,” agap ko dahil ang dilim na ng tingin ni Brandon sa akin.

“Boto ka na ba kay Veniel para kay Donats, Papa Brandon?” ngisi ni Merrie habang nagkakasalubong naman ang kilay ko sa palayaw niya kay Bambi.

Brandon scowled at me.

“Mukhang ayaw pa nga sa’yo,” si Aries ang nagsabi lalo na’t katabi ko siya.

“Gusto ako niyan. Nagmamatigas lang,” bulong ko pabalik.

“Gusto mo raw siya, Tito. Nagmamatigas ka lang,” at ang gagong si Aries, sinumbong ba naman.

Asher laughed at my sudden worried expression. Umiling pa kasi ako at gusto iyong itanggi. Brandon glared at me even more while Merrie smirked. Si Bambi, mas focus sa pagkain at tinitikman niya na isa-isa. Even his shoulders were moving from enjoying the taste of the food.

“Simula high school, Papa Brandon, manok ko na ’yan si Veniel!” si Merrie na sumali na sa usapan.

“Manok mo? Edi sana pala inihaw ko na rin ’to kanina kasama no’ng iba pa,” parinig ni Brandon.

I looked at the bowl of buttered chicken. Hindi ko nga magawang kumuha ng kahit isa man lang. Ang nasa plato ko, walang manok. Nagdadalamhati pa rin ako sa tatlo.

“Ayaw makipagpustahan sa akin ni Aries noong high school dahil alam niya na talo siya sa akin. Halata kasi ’yan si Veniel noong high school talaga, Tito,” sumbong ni Merrie, patuloy na nagsalita.

I glanced at Bambi when his eyes wandered on the table. Mukhang may gusto siyang pagkain.

“Ano ’yon?” tanong ko.

He pointed at the buttered chicken. Labag pa sa loob ko noong kunan ko siya ng isa at ilagay sa plato niya.

“Hita ’yan ni Aspi, ’yong nangangarap maging doktor,” bulong ko sa kanya na ikinahalakhak ni Bambi.

Brandon looked at his son laughing. I cleared my throat and stifled my laugh. Kahit si Asher, kuryoso ang tingin. Kailangan ko pa ngang salinan ng tubig dahil baka mabilaukan na siya kakatawa.

“Kaya pala iba talaga ang kutob ko noong lumitaw ’yan sa bahay noon… Ibang kulo ng dugo ang naramdaman ko,” si Brandon na mas dumiin ang tingin sa akin.

I chuckled a little when I remembered it. Hindi nga lang ako makaboses dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang paggiya ng baso sa labi ni Bambi para mainom niya nang maayos.

“Unforgettable moments po ’yon namin, Tito. Doon ko rin nadiscover na mabilis akong tumakbo,” si Aries.

“Nagsisi ka ba na hindi mo tinuluyan noon, Brandon?” Asher asked and chuckled.

“Gusto mo ba ’yan para sa kapatid mo, Asher?” Brandon asked thickly.

Lumunok ako at tahimik na tumingin kay Asher. Pagkatapos uminom ni Bambi, nginuso niya si Merrie at itinuro ang buttered chicken.

“Luto ni Slade. Masarap…” ang mahina niyang sabi kay Merrie.

“Niyayaya ko nga mag Airsoft. Malalaman natin pagkatapos…” Asher then smirked at me.

“Boto si Asher kay Slade, Papa,” si Bambi na sumali na rin sa usapan.

Ngumuso ako. Gusto naman pala ako ni bayaw.

“Mabait naman ’yan, Papa Brandon! Sa sobrang bait niyan noong high school, lahat ng girls sa school, gusto siya. Gano’n siya ka-friendly,” si Merrie na hindi ko alam kung kakampi ko ba o nilalaglag ako.

“Friendly o babaero?!” Brandon’s voice thickened.

“Hindi ako babaero noong high school, sir…” mabilis kong tanggol ko sarili ko.

Kanina ko pa inaambahang sumubo pero ang hirap kumain kung pakiramdam mo, ang daming banta sa paligid.

“Eh ngayong college?” tanong ni Aries na pasimple kong siniko. Boboses pa talaga.

“Mga kaibigan ko lang, pero nagbago na rin ang mga ’yon…” sabi ko.

“Nagbago na rin ’to. Hindi ko na rin namamataang nagdala ng babae sa hotel ng Tita ko sa La Union,” Aries smirked at me.

“Kita ka namin ni Aries sa La Union, ah!” si Merrie na tinuro pa ako.

“Kayo ni Aries? Suki ka rin ba sa hotel nila roon, Merrie?” balik ko sa tanong niya kaya siya tuloy ngayon ang inasar.

“Suki rin kaya kami ng ex ko noon doon. Bakit hindi tayo nagkita?” si Bambi na ikinapawi ng ngiti ko.

Asher made a quiet cheer while chuckling. Kahit si Brandon, napangiti na rin sa asaran. Si Merrie, tuwang tuwa na bumalik sa akin ang pang-aasar. Lugi ako, ah? Medyo nakakapikon ang balik sa akin.

Nagkayayaan din naman magbigayan ng regalo pagkatapos ng noche buena. Medyo nag-iinuman na rin kami. Bukod kasi sa wine, may binili akong iba pang hard drinks. Nagbigayan din ng regalo at s’yempre, kahit si Asher, hindi ko pinalampas na hindi rin bigyan.

“Para po sa inyo, sir…” I handed the paper bag to Brandon.

“Ano ’to?” matigas ang pagkakatanong niya, pero sa paraan ng pagsilip niya sa loob, halatang kuryoso.

“Buksan mo, Papa!” udyok ni Bambi, nangingiti.

Wala naman talaga akong alam sa Papa niya. I don’t know his favorites. Kaya naisip ko na lang na regaluhan siya ng perfume.

“Mabaho ba ang tingin mo sa akin kaya perfume?” he asked and glared at me when he realized what it was.

“Mabaho raw ang ugali niyo, Tito,” si Aries na talagang dinagdagan pa.

“Hindi, sir! Pandagdag porma lang. Lalo na pag may events para mas lakihan ’yong tip sa inyo,” agap ko.

Nanatiling matigas ang tingin niya ngunit kita ko na halos pilitin niya na lang na magmukhang galit.

Itinabi niya rin naman iyon at hindi na binuksan para amuyin man lang. I wanted to coax him to open it and spray it pero ayoko na ring pangunahan.

“May kapalit daw ’yang regalo ni Veniel, Papa Brandon! Boto niyo raw po!” gatong ni Merrie na tinawanan ko kahit ang totoo, iyon din talaga ang sadya ko.

Si Asher, napaangat din ang kilay nang buksan niya ang kanya at nakitang perfume din ang binigay ko.

“Thanks,” he smiled.

Kanya-kanya nang bukas ng regalo. Hindi rin naman ako nagpahuli at may ibinigay na regalo kay Bambi na nasulyapan pa ni Brandon, pero tahimik lang na itinuon ang atensyon sa iba pang regalo na binubuksan niya.

Sinilip ni Bambi ang laman ng regalo hanggang kuryoso niya iyong inilabas. His eyes widened when he realized it was a white backless halter top with a pleated hem. It was elegantly sexy and I remember he likes backless top so much.

“Ang ganda niya!” he screamed and even immediately pushed it to his chest. “Gusto ko ang mga ganitong style!”

Asher curiously looked at the reaction of his twin. Kahit si Merrie, napatingin na sa damit na hawak ni Bambi, pero ibinalik din sa binubuksan niyang regalo lalo na’t nakibukas si na si Aries para kunin ang atensyon niya.

“Of course… I know…” I smirked cockily.

Si Merrie na binubuksan ang regalo, biglang hinampas si Aries.

“Gago ka talaga ’no! Ikaw kaya magsuot nito!” reklamo niya habang si Aries, umangat lang ang kilay.

“Patingin, nak…” si Brandon sa paper bag ni Merrie.

Merrie put Aries into a headlock. Sumandal nang tuluyan si Aries sa dibdib ni Merrie kahit sinasakal na, habang si Brandon ay inilabas ang pulang tela na regalo ni Aries. Gago. Lingerie.

“Bagay ’tong suotin sa magagandang occasion!” Bambi said out of excitement.

“Wear it on my birthday, then…” sabi ko.

Nawala si Bambi saglit, mukhang umakyat sa itaas. Siguro isusukat ang top na bigay ko. Gusto ko sanang sumunod kaso baka pag masyado akong naakit, matagalan pa kami sa kuwarto niya. Kami ni Asher ang nag-usap habang hinihintay naming bumaba ang kakambal niya. Si Merrie, tumigil na kakasakal kay Aries pero nakasandal pa rin sa dibdib niya at abala si Merrie na makipag-usap kay Brandon.

Pagbalik ni Bambi, may dala na siyang paper bag at inilahad sa akin. Kumurap ako at tinanggap iyon. Lumawak agad ang ngiti ni Merrie, siniko pa si Brandon at nginuso kami.

I took out the black box and immediately realized what it was.

“Pinag-ipunan ko ’yan! Gusto ko suotin mo pag may espesyal na okasyon…” ngiti niya nang unti-unti kong buksan at tumambad ang silver na relo.

Tinitigan ko iyon at hindi mawala ang ngiti sa labi ko. His first gift to me.

“Thanks, pretty…” I chuckled happily and pulled his waist toward me.

“Hala Papa Brandon, oh! Ikakandong ang anak niyo sa harap mo!” at ang ingay talaga ni Merrisa.

“Welcome, baby!” si Bambi na kusang umupo sa kandungan ko para asarin ang ama niya, sabay yakap sa akin.

Tumili si Merrie, si Aries, nakangising nailing, si Asher na napapaangat na lang ng kilay, habang si Brandon, sobrang talim ng tingin sa akin ngunit walang magawa kundi ang manood.

Humalakhak ako at pabirong itinago ang mukha sa leeg ni Bambi at pinatakan iyon ng halik na ikinaingay lalo ni Merrie. Bahala na kung nanonood ang ama at kapatid niya. Mamamatay akong masaya ngayong gabi.

Chapter 44

Clarify

Maaga pa lang, gising na ako. Lumabas ako ng bahay para mag-stretching at nadatnan ko roon si Brandon, maagang nagkakape at bagong-ligo.

Nalasing kasi ’to kagabi; medyo naparami ang inom. Si Asher naman, hindi man lang yata natamaan dahil nakaalis pa noong madaling araw. May pupuntahan daw.

“Good morning, sir…” tikhim ko.

Napatingin siya sa akin. Tiningnan niya ang tasa at ang thermos na nasa mesa, saka iyon itinuro.

“Magkape ka rito,” aniya.

I nodded and slowly walked toward him. Papalapit pa lang ako, naamoy ko na agad ang pamilyar na pabangong regalo ko sa kanya. Mukhang ginamit niya agad.

Pinigilan kong mapangiti dahil baka kapag pinuna ko, magalit siya. Umupo ako sa upuan na katabi niya. He sipped his coffee while I poured hot water into the empty cup.

“Kailan ka uuwi sa inyo?” tanong niya.

Gusto kong isipin na baka atat na niya akong pauwiin, pero baka kuryoso lang din.

“Baka sa susunod na araw, sir. May plano pa po kasi kami ng anak niyo… sasamahan ko pa po siya sa orphanage.”

He glared at me, but then he sipped on his coffee again. Kalmado ang kanyang reaksyon, tila ba ninanamnam ang malamig na umaga, at ang unti-unting pagsikat ng araw. I put a slice of bread on the plate and sipped my coffee. Nilingon niya ako, tila may naalala, kaya inilapag niya ang tasa.

“Noong dumalaw ka rito noon, gusto mo na ba ang anak ko noon?” tanong niya.

“Ah… medyo nakukuryoso lang po. Brokenhearted pa po kasi ako noon. Pero genuine po sana ’yong gusto ko na…maging kaibigan siya.”

“Noong araw na ’yon…sinabi ko pa sa anak ko, “Bakit hindi na lang ’yong kaklase mo na nakabraces?”

My eyes widened, and I immediately chuckled. “Talaga, sir?”

“Oo. Pero noon ’yon. Hindi na ngayon,” agarang bawi niya.

I laughed awkwardly. He sipped his coffee again, so I sipped mine too. Noong ibinaba niya, binaba ko rin ang akin lalo na’t naalala ko na naman ang paghabol niya sa akin ng itak.

“Naalala ko, sir… hindi kayo humingi sa akin ng tawad noong hinabol niyo po ako ng itak…”

His brows furrowed like I am demanding too much.

“Pero ayos lang. Matagal ko na po kayong pinatawad.” Idinaan ko sa tawa ang sinabi ko kahit mas nagsalubong lalo ang kilay niya.

Kumuha siya ng kapirasong tinapay at isinawsaw iyon sa mainit niyang kape. Nagpatuloy naman ako sa pagsasalita dahil napansin kong kalmado na siya.

“Maganda rin po kasi ’yong pangkuwento sa mga magiging apo niyo balang araw,” ngiti ko.

He glared at me. “Mabubuntis mo ba ang anak ko?”

“Hindi po sa ganoon. Baka sakaling maisipan ni Bambi na mag-adopt po kami? S’yempre po…apo niyo na rin ’yon.”

Kumalma siya muli at kinain ang tinapay na isinawsaw niya sa kape. I sipped my coffee again while smiling. Hindi siya nanlaban sa sinabi kong apo. Baka tanggap na niya?

May kaunting katahimikan ang pumagitna sa amin. I watched the garden at ease. Nang tumikhim si Brandon at muling bumaling sa akin, saka ko siya tiningnan.

“Wala akong ilang milyon para itaboy ka. At mukhang sa tigas ng mukha mo, hindi mo na iiwan ’yang anak ko.”

Hindi ko alam kung dapat bang ipagpasalamat ko na wala siyang pera o ano.

“Kung may ilang milyon ako, sir, tapos ibibigay ko sa inyo, kaya niyo ba kaming layuan ng anak niyo?” biro ko.

He looked at me like he was about to whip the shit out of me.

“Biro ba ’yan? Kasi kung meron… akin na ang ilang milyon. Para maibigay ko sa’yo pabalik ng malayuan mo ang anak ko.”

Wais!

I immediately shook my head. “Kaya buti na lang po ay wala rin akong ganoong pera. At hindi po ako gano’n kasamang tao…” tulad niyo. “Na kayang itaboy ang mahal ni Bambi sa buhay, sir.”

Bumuntonghininga siya at natulala saglit sa kawalan. He looked serious and…dramatic for a second. Tumingin din tuloy ako sa kawalan.

“Hindi naman sa gusto kong humadlang sa inyo—sa kasiyahan ng anak ko. Ang akin lang naman…” Mataman niya akong tiningnan. “Bilang ama niya, gusto ko siyang gabayan at protektahan. Alam ko kung gaano kasahol ang ibang lalaki sa mga katulad namin dahil naranasan ko rin ’yon.”

I nodded to empathize. “Naiintindihan ko, sir…”

“’Di ba? Tama ako, hindi ba?” Medyo tumigas ang boses niya.

I nodded again. “Yes, sir…”

“’Yang anak ko, nag-iisa lang ’yan. Mahal na mahal ko ’yan. Lagi kong sinasabi sa kanya na handa akong manatili sa lupa, kontento na ako sa meron ako ngayon, kahit huwag na niya kaming igapang paangat, basta masaya siya… at mapunta lang siya sa tamang tao—sa tamang burat.”

I tried to stay serious and nodded again but my chuckle vibrated a little. Nagpatuloy naman si Brandon, seryoso pa rin.

“Mauuna akong mamamatay sa aming dalawa. Kukunin Niya ako balang araw. Pero gusto kong mapanatag na maiiwan ko siya sa lalaking mamahalin siya nang higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya.”

“Huwag naman, sir…” marahan kong sabi.

“Gusto mo bang ikaw na lang ang kunin Niya?”

Mas lalo akong umiling. Sige na, Brandon… Mauna ka na lang pala. Hirap mo rin talagang pakisamahan, eh.

“Pero… maswerte po ang anak niyo na ikaw ang kumupkop at naging ama niya, sir…” sabi ko.

Ibinaling niya ang atensyon sa kape niya. Akala ko ay iinom dahil tinitigan niya, pero muli niya lang din akong tiningnan.

“Maswerte din po kayo sa anak niyo. Kasi si Bambi, marami pong pangarap para sa inyong dalawa. Gusto niyang umasenso dahil sa inyo. Laging ikaw ang sentro ng mga pangarap niya, sir…” patuloy ko.

He sighed and sipped his coffee this time. Nang inilapag niya iyon pabalik, saka siya muling nagsalita.

“’Yong sinabi ko sa’yo sa La Union, hinanakit ko ’yon sa’yo. Kung nasaktan man kita…” he paused for a second.

“Nasaktan nga po… pero ayos lang, naiintindihan ko talaga, sir…” I chuckled.

He smirked like he was satisfied that I got a taste of his anger.

“Naiintindihan mo ako?” ulit niyang tanong, nakangisi pa rin.

I nodded enthusiastically. “Opo, sir…”

“Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo.”

Muli kong inangat ang tasa ko at inilapit iyon sa tasa niya.

“Cheers, sir.”

Iritado pa noong una at inaambahan niya sanang sumimsim sa kape niya, pero inilapit din sa akin ang tasa at ibinunggo iyon ng kaunti.

Natawa ako dahil pinatulan niya ang kalokohan ko. May soft side din naman pala itong si Brandon…

“Balak ko rin po sanang dalhin ang anak niyo sa Bukidnon, sir…” muli kong hirit at sinamantala na ang pagkakataon.

“Ipapakilala ko po siya. Birthday ko rin po kasi. May party sa bahay namin…” patuloy ko.

Nagkasalubong ang kilay niya, tila ba may naiisip. “Sigurado ka?”

I slowly nodded—kung alam niya lang. Pinaghahandaan ko na rin talaga.

Brandon’s brow arched at me. “’Yang anak ko, hindi ’yan maaapi. Boboses at boboses ’yan. Kawawa ang pamilya mo kung sakali.”

I chuckled lightly. “Kabado rin po ako kasi homophobic ang mga ’yon. Pero susubukan kong ipaintindi.”

“Kung hindi nila maiintindihan, layasan mo. Bakit ka nananatili sa pamilyang hindi ka naman susuportahan?” pagalit niyang sinabi.

“Pakiramdam ko nga palalayasin ako, eh. Pakiramdam ko… hindi ako tanggap.” Ngiti ko.

Kung talagang hindi madadaan sa usapan, wala na akong magagawa. Kailangan kong tanggapin na hindi ko puwedeng ipilit sa kanila ang gusto ko, pero kailangan din nilang tanggapin na hindi rin nila puwedeng pilitin ako sa gusto nila.

Tumitig siya sa ngiti ko, at kita ko ang kaunting awa na nagniningning sa mga mata niya.

“Kaya uunahan ko, sir. Maglalayas na ako pagkatapos ng birthday ko,” agap ko, na ikinabuga ng halakhak niya.

“At saan ka uuwi?! Sa anak ko?! Dito?!” natatawa, ngunit halos pagalit niya iyong itinanong.

Umiling agad ako. “Hindi po!”

“Edi may iba ka pang uuwian bukod sa anak ko!” Mas tumigas ang tinig niya, ngunit pamilyar ang diin dahil ganoon niya kausapin sina Merrie at Aries kapag binibiro niya sila.

“Sige, dito na lang po. Kung… papayag kayo?”

“Eh, hindi naman ako pumapayag na dito ka mag-Pasko, pero nandito ka.”

Oo, at hindi lang naman sana, pero hirap na hirap yatang sabihin ni Brandon ang oo.

“Sabi ni Bambi, sir, pumapayag daw kayo.”

“Hindi ako pumayag. Pinilit niya ako.” Tikhim niya.

Ayaw lang talagang aminin na nakonsensya siya sa pagpapaupo sa akin sa likuran.

Nang mapansin na kalmado pa rin si Brandon, mas kinapalan ko na ang mukha ko.

“Boto na po ba kayo sa akin, Papa?” tanong ko.

He chocked on his coffee which made me laugh a little. Lalo na’t sinamaan niya talaga ako ng tingin.

“Kunin mo nga ’yong chess! Talunin mo muna ako. Ang yabang yabang mong bata ka… Kunin mo at maglalaro tayo.” Senyas niya.

I inthusiastically stood up on that day and played with him. Kahit walang sabihin si Brandon, alam ko na bati na kami.

Pero ang usapan namin habang naglalaro ng chess, medyo napanatag ako. I earned his trust. I knew I already have a place in his home.

I am finally accepted as part of his family.

“Ito na ba ang boyfriend mo?” nangingiting tanong ng madre nang sa araw na rin na ’yon, sinamahan ko si Bambi sa isang orphanage.

Kasama rin namin si Merrie at Aries. Ito raw ang orphanage na nagbibigay si Bambi ng donation at malapit sa puso niya. At tuwing pasko, nakagawian niya nang magpakain sa mga bata ng Jollibee bilang Christmas party nila.

I know why he’s close to kids—especially those abandoned ones. He empathize with them. He understands them.

Pagdating namin kanina, dinumog agad siya ng mga bata. They were happy and delighted to see him. Patakbo niya rin silang sinalubong at yumuko para mayakap niya ang mga ito.

Ngumiti ako sa madre bilang pagbati. She smiled more and held my hand tenderly.

“Kaawaan ka ng Diyos, hijo… Salamat sa suporta… Malaking tulong sa mga bata ang donation mo…”

Ngumiti ako. Hindi naman ganoon kalaki ang na-donate ko. Gusto ko lang talagang suportahan si Bambi at mahalin ang mga mahal niya rin.

“’Yong kakambal mo—si Asher, kumusta? Pagkatapos noong rehab niya…naging maayos naman ba ang buhay niya? Ipinagdadasal ko siya lagi…” ang isang madre kay Bambi.

“Nag-aaral po siya, Sister Kara.”

She sighed like she is worried even more. “Nag-aalala ako lagi para sa kanya. Sana ay ibigay niya sa sarili niya ang mamuhay ng normal.”

Hinaplos ko ang siko ni Bambi at nagpaalam na lalapitan si Aries at Merrie na nakikipag-usap na sa mga bata.

Lumingon siya sa akin at tumango, kahit ang kausap niya na madre, saglit pang huminto sa pagsasalita para balingan ako at ngitian. Nagpaalam akong umalis dahil…ayokong marinig ang usapan.

“Kita mo ’yang matangkad na pogi? Ayan si Veniel. Boyfriend ’yan ni Bambi,” rinig ko ang pang-aasar ni Merrie sa isang batang lalaki.

Namangha ang mga bata nang lumapit ako.

“Para siyang artista…” singhap ng mga batang babae.

“Anong artista?! Hindi naman pangit ang mga artista!” ’yong batang lalaking inasar ni Merrie.

“Isusumbong kita kay Sister Jenna! Sinabi mo pangit! Masama ’yon!” ang iilang mga bata nang tuluyan akong makalapit.

“Eh buti pa siya kompleto ang ngipin. Ikaw nga bungal. Wala kang ngipin sa harap,” asar ni Merrie sa bata sabay halakhak.

Sinamaan ako ng tingin ng batang lalaki na pabiro ko ring sinamaan ng tingin.

“Ang tangkad niya. Abot niya na si Lord…” ang iilang bata habang tinitingala ako.

Pinagkaguluhan tuloy ako ng mga bata. Tinatanong nila ako kung saan daw ako galing. Ano raw ang pangalan ko, at mga kwento nilang ang rarandom.

Naaliw din naman ako sa mga bata. Lalo na noong pinanood namin silang buksan ang mga regalo nila at ang isang bata, tuwang tuwa sa natanggap niyang coloring book.

“Ito ang buhay ko noong wala ka, Slade,” nangingiting sabi niya habang pinapanood na namin ang mga batang kumain na ngayon.

Umaalalay ang mga madre. Sila Merrie at Aries, may batang kinukulit. Nasa harap kami ng mga pagkaing nakahilera at inilalagay sa tray ang mga ibibigay na juice sa mga bata.

“Wala akong ganitong nabalitaan. Wala rin sa social media mo…” sabi ko.

“Stalker.” Nanliit ang tingin niya pero agaran ding kumalma.

“Kumakalma ang batang ako tuwing nandito ako. ’Yong pinagdadamutan noon… nakakapagbigay na…”

Bumaba ang balikat ko at tinitigan ang payapa niyang ngiti. Nilingon niya ang mga bata saglit bago ibinalik sa akin ang tingin.

“Sigurado akong magugulat ang batang Ashi sa narating mo ngayon…” marahang sabi ko.

“Natupad ko na lahat ng hiling ng batang si Ashi. Pero may isa siyang gusto noon na hindi ko na maibibigay sa kanya.”

“Ano ’yon? Ako na ang tutupad,” agap ko.

Humalakhak siya. “Sigurado ka? Single pa naman ’yon ulit…”

Kumunot ang noo ko. Naalala ko bigla ’yong itak ni Brandon. Hindi nagamit ng Papa niya sa akin. Baka sakaling pwede kong gamitin sa iba?

“Kaso hindi niya kasi ako type! Malayo ako sa type niya. Kaya friends na lang kami. Parang gay awakening ko noong bata ako.”

“Friends?” At parang may ideya na agad ako, ah?

Isa lang naman ang batang tumatak sa isip niya na hinding-hindi niya makakalimutan base na rin sa kwento niya. Ang batang nagmalasakit sa kanya, pinakain siya, at inaya siya sa isang birthday.

“Kung sino man ’yan. Wala na kayong pag-asa. Pumapayag na ako bilang boyfriend mo. Wala nang magagawa ang batang Ashi,” sabi ko, nakaangat na ngayon ang kilay.

“At ikaw pa talaga ang pumapayag, ah?!” Natatawa niyang hinampas sa akin ang regalong hawak niya.

I pinched the side of his waist. Umigtad siya at natatawang hinawakan ang kamay ko.

Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng mga inumin sa tray.

“Si Papa, kanina, tinanong niya ako kung saan mo sasalubungin ang bagong taon. Sinabi ko uuwi ka eh. Gusto niya rin yata na sa bahay ka na mag-New Year…”

Kunwari pa talaga ’to si Brandon eh. Baka ako na pala ang paborito niyang anak at ayaw niya lang aminin.

“Gusto niya ba? Kasi mabilis naman akong kausap. Pwede namang salubungin natin sa bahay niyo?” I smirked.

Nilingon niya saglit ang mga mata na malayo naman sa amin, pati ang mga madre, saka siya bumaling sa akin.

“Ayoko nga! Baka bagong taon…maputukan agad ako,” pabulong niyang sabi.

Humalakhak ako at pinisil ang gilid ng baywang niya. He shrieked and made a soft laugh as well. At nakakahiya naman kay Brandon kung gagawin ko ’yon sa pamamahay niya. Pero siguro kung tulog na siya?

“At isa pa, masyado mo na akong inuuna. May sariling buhay ka rin.”

“Meron nga. Kaya nga nandito ako…kasama mo. Ito ang buhay ko…” sabi ko.

Namilog ang mga mata niya. I smirked at him. Ilang taon kong piniling lumayo sa mundo niya dahil tingin ko, ayaw niya sa akin. Ngayon na nandito na siya, at mahal niya rin ako, tingin niya, mag-aaksaya ako ng araw na hindi siya makasama?

“Ang tinutukoy ko, ang pamilya mo. Kailangan mong umuwi. Dapat kasama mo ang mga magulang mo sa pagsalubong ng bagong taon. Baka magtampo sila kung pati sa New Year, wala ka…”

I shrugged and looked at the tray. “Hayaan mo silang magtampo. Wala naman silang magagawa kung gusto ko.”

He sighed. “Hindi ka pa nila tinataboy, Slade. Wala pa tayo roon. Sulitin mo ang mga araw na…pwede pa.”

Natahimik ako. Nang mapuno na ang tray, hindi ko na muna kinarga para pakinggan ang mga sasabihin niya.

“Piliin mo muna sila. Saka na ako. Hindi naman puwedeng sukuan mo na agad dahil lang sa tingin mo, hindi nila tanggap. Sinabi ko na sa’yo, kung kaya mong harapin si Papa, haharapin ko rin sila.”

I nodded slowly. Kahit pinagdududahan ko ang pamilya ko, kahit may desisyon na sa isip ko, hindi naman ako nawawalan ng pag-asang manalangin na magbago ang ihip ng hangin.

Pero naging laman na iyon ng isip ko habang papunta kami sa airport kinabukasan. Ihahatid nila akong tatlo. Si Merrie pa talaga ang nagmamaneho dahil nasa kotse niya kami, si Aries sa front seat, kami ni Bambi sa likod.

Kanina ko pa hawak ang kamay niya. Pinag-uusapan din naming tatlo ang pagpunta nila sa Bukidnon. Excited sila.

Pagkababa namin, nanatili muna sa labas dahil gusto ko pang sulitin ang natitirang oras. Bumuntonghininga agad ako at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

“Wala na. Ang boring na ng gising ko bukas. Sa Los Angeles pa naman kami magN-New Year. LDR na naman kayo ng boyfriend mo,” daing ko.

Tumawa si Bambi at niyakap ako pabalik. “Ayos na ’yang malayo ka sa akin para naman mamiss mo ako lalo tapos panggigilan mo ako sa susunod nating pagkikita.”

At nagawa niya pa talagang maging pilyo, huh? I sighed and breathed at ease. Pumikit ako at dinama ang yakap niya. He kissed the side of my head and caressed my back like he’s trying to comfort me from a tiring day.

“Thank you, Slade…” bulong niya.

Unti-unti akong dumilat at nagtaka kung para saan iyon.

“Ang dami mong ginawa para sa akin. Sobra-sobra na ang binigay mo. Kinilala mo sila Mama Divon, Mama Chico, at Papa Alec. Sinuportahan mo ako sa hilig ko. Pinakitunguhan mo si Papa kahit malupit siya sa’yo. At ngayon, kusa kang nagdonate sa orphanage na malapit sa puso ko.”

“Sobrang husband material na ba?” I chuckled.

“’Yan ba ang nasa likod ng pagpapakahirap mo?! Kasi kung oo, oo na, aasawahin na kita!”

I laughed at his sudden, high-pitched voice. Kahit ang yakap sa may leeg ko, humigpit pa nang kaunti eh.

But then I hugged him back and planted a kiss on his shoulder. Wala na rin talaga akong pakialam kung nasa gilid kami, pinagtitinginan ng iilan, but they’re just too busy catching their flights and bidding goodbyes to their loved ones.

“Wala akong hinihinging kapalit sa lahat ng ginagawa ko. I wanted to meet them to introduce myself properly. I wanted to know your world—to be part of it,” I hummed against his ear.

Ito ang buhay na gusto ko. Ganito ko siya gustong mahalin.

“Eh paano naman ang mundo mo?” he asked.

“Your world is enough for me. My world can burn and collapse, as long as yours remains. Because it’s my world, too…”

Humagikhik siya sa dibdib ko. “Malalim ang hugot mo, ah?”

“Malalim din akong bumaon…” ngisi ko nang ibulong ko iyon sa tainga niya.

Humalakhak siya lalo. “Pasabi sa pamilya mo, Merry Christmas…”

“Kay Ate Charm lang muna. Saka na natin bati ang pamilya ko kung tinanggap na tayo.”

Hinampas niya ang braso ko. I hugged him and buried my face against his neck again. I inhaled his scent like a drug to keep me alive from days I wouldn’t be by his side.

“Hindi man lang kita nahalikan ng isang oras?” reklamo ko at hinalik-halikan ang leeg niya.

Kasalanan talaga ito ni Brandon. Pero nang maalalang tanggap niya na ako, ayos lang pala. Ang mahalaga, bati na kami ng tigasing ama ni Donato.

“Sa birthday mo. Ulitin natin ’yong ginawa natin noong birthday ko,” ang makahulugan niyang bulong na talagang nagpalandas ng ngiti sa labi ko.

Pero nang mapagtantong malayo pa ang birthday ko, napaungol na ako sa leeg niya. Tumawa siya.

“Veniel! Maiiwan ka na sa flight mo! Tama na ’yan,” si Merrie na hindi na yata nakapagtimpi.

“Akala mo talaga hindi na magkikita,” kahit si Aries, nagreklamo na.

Bakit ba kasi may pamilya pang uuwian? Iyon na ang reklamo ko habang nakaupo na sa eroplano, tanaw ang langit, at naiwan ang isip ko sa Maynila.

Hindi ko rin halos maramdaman ang sarili. Bakante ang isip ko ng mukha niya. Nakikita ko ang ngiti niya, ang kinang ng mga mata niya, at kahit ang halakhak niya ay naririnig ko pa rin.

“Slade,” Ate Charm snapped at me.

Kumurap ako at napagtanto kong puno na ang wine glass na sinasalinan ko.

“Oh, sorry,” sabi ko at papatayo na sana para kumuha ng pamunas, pero naunahan ako ng kasambahay.

“Ako na po…” Agap ko at kinuha sa kanya ang pamunas.

“Hindi! Ako na…” nahihiyang sabi ng kasambahay.

Umiling ako at kinuha iyon sa kamay niya. Kumunot ang noo ni Mama habang nakatingin, si Papa na bumabagal ang paghihiwa ng steak, at si Ate Charm naman ay mas lalong lumalim ang tingin sa akin.

“Dalhin mo sa birthday mo, Slade,” si Mama na ikinakunot pa ng noo ko.

Napansin yata ni Ate Charm ang lito kong ekspresyon kaya nagsalita siya.

“’Yong viral daw na…kaibigan mo,” tikhim ni Ate.

I slowly realized that it was their topic while I’m zoning out. Hindi na pumapasok ang iba nilang usapan sa isip ko.

“Imbitado naman talaga siya, Mama, pero bakit gusto niyong dalhin ko?” tanong ko, malakas ang hataw ng dibdib dahil baka sakaling…tanggap niya?

At anong kaibigan? From the viral video, it is obvious that I am Bambi’s boyfriend! I held him in my arms. He hid his face against my neck. Walang magkaibigan ang ganoon!

Hindi naman na ako magtataka kung nakaabot nga sa kanila, baka may nagbalita, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit parang hindi nila inintindi nang maayos?

Or maybe, they were in denial about it. They don’t want to accept the truth.

“Para mapatunayan ko sa mga kumare ko na mali sila ng sinasabi. Na mali ’yong kumakalat sa internet. Alam mo naman, marami talagang fake news ngayon,” si Mama na inangatan ako ng kilay.

“Eh ’yong Shiloh nga ’di ba sa circle mo, napagkakamalan din ’yong bading, pero straight naman! Hindi ba, Charm?” Tiningnan ni Mama si Ate Charm na nasa pagkain ang tingin pero pasimpleng tumango.

Ibinalik agad ni Mama ang atensyon sa akin habang nanatili akong nakatayo, kunot-noong nakatingin sa ina ko.

“Hindi alam ng mga tao, na ganoon talaga kayo ka-close ng mga kaibigan mo. Clingy ka sa mga kaibigan mo. Kaya dalhin mo siya nang makita ng mga pinag-uusapan tayo sa internet na mali sila ng hinala sa’yo,” patuloy ni Mama.

“Mama—”

“Your Ate Yna is sensitive on this topic. Our family must clarify this,” si Papa sa seryosong boses.

I was about to say something when Ate Yna entered the dining room—ni hindi ko namalayan ang pag-alis niya dahil masyado akong okyupado.

“Clarify what?” tanong ni Ate Yna, at mukhang wala pa siyang ideya tungkol sa kumakalat na video.

I know that the news won’t reach her. Bukod sa wala siyang tiktok, nagpapahinga din siya sa internet. The only news she will reach is when Dad tells her things.

“Business, Yna. Ga-graduate na ng kolehiyo ang kapatid mo. He needs to focus on our family business this year,” si Papa na agarang nakahanap ng rason.

“Umupo ka na, Slade,” utos ni Ate Charm.

Tumingin si Ate Yna sa hawak kong basahan. Mas kumunot ang noo niya at tiningnan ang kasambahay. Bago pa siya magsalita, inunahan ko na.

“Ate Yna, may viral—”

“Slade,” giit ni Ate Charm at tumayo.

Kahit si Mama, kaunti ring naalarma. Si Papa, nagsalubong ang kilay habang tinitigan niya ako. Naghihintay ang tingin ni Ate Yna sa akin, pero kinuha ni Ate Charm ang basahan sa kamay ko at hinawakan ako sa braso.

“Halika. Magpalit ka. Nadumihan ang damit mo.” Saka ako kinaladkad ni Ate paalis doon.

Nilingon ko si Ate Yna na kuryosong nakasunod ang tingin sa akin. Mama even shook her head like I disappointed her for a second.

“Ate, hindi ko bibiglain. Gusto ko lang ipaintindi,” giit ko habang nasa hagdan kami at paakyat na sa ikalawang palapag ng bahay namin dito sa Los Angeles.

Pumasok kami sa kuwarto niya. Binitiwan niya agad ako kaya naglakad ako patungo sa kama at naupo roon.

“Hindi ka na ba talaga makapaghintay sa birthday mo? Kailangan natin itong itago kay Yna, Slade! Hindi ito nakakabuti sa kanya ngayon!” si Ate na nasa harapan ko na, problemado at halatang iritado.

Nang may sasabihin ako, mas tuloy-tuloy siyang nagsalita.

“Pinaplano ko nang maayos ang lahat para sa’yo! Sa birthday mo, doon natin ipapakilala si Bambi kay Mama. Kaya ko siyang kausapin. Ipapaintindi ko. Tutulungan kita. Pero kung mamadaliin mo at magpapadalos-dalos ka na naman, papalpak itong binabalak mo, Slade. Mas lalo lang lalala ang kahihiyan—”

“Kahihiyan?” Doon ako napaboses.

Mariin siyang napapikit. “Nakarating na sa iba… kalat sa Bukidnon na…may pinatulan kang bakla! Na ang único hijo ng mga Veniel—ang straight na apo ni Don Felipe—nasikmurang pumatol sa bakla! Alam mo ba ang iniisip ng mga kapitbahay natin, na pinapabayaan ka raw ba sa Maynila kaya kumakapit ka na sa patalim!”

Nasapo ko ang noo ko at lumabas ang halakhak sa akin. Natatawa kong naibagsak pahiga ang katawan sa kama habang ramdam ko ang insultong yumakap sa buong katawan ko.

“Hindi kumalat na bading ako kundi…paano ko nasikmurang pumatol sa bading?” I chuckled like it was tickling my insides.

“This is not funny, Slade—”

“Oh, this is hilarious, Ate! How do you even define gays? Ah… stereotyping. Kasi kilala akong straight, lalaki manamit, hindi malambot kumilos, kaya mas kalat na kapit sa patalim ang ginagawa ko. Anong klaseng ebidensya ba ang kailangang makita ng lahat na lalaki ang mahal ko, Ate?”

Nakangisi pa akong bumangon at naabutan siyang minamasahe ang sentido niya.

“Kaya nga, hayaan mo akong tulungan ka nang wala kang ginagawang padalos-dalos na desisyon, Slade. Makinig ka ngayon sa akin. Kahit ngayon lang,” giit ni Ate Charm at mariin akong tiningnan.

Bumukas ang pinto. Pumasok si Mama at ako agad ang tiningnan niya. She looked at me like I should thank them because they’re now in control of the mess I did.

Agad na naalerto si Ate at nilingon kung sino ang pumasok. Nang makitang si Mama, kumalma siya.

“Mama, kinakausap ko si Slade tungkol doon sa viral. Na hindi puwedeng malaman ni Yna.”

I scoffed. I wanted Ate Yna to understand, to hear my side from my mouth. Pero sige, total wala akong boses sa pamilyang ito, kayo na ang magsalita para sa akin. Hahayaan ko na kayo.

“Slade…” si Mama na dumiretso sa akin.

Pumangalumbaba ako sa parte ng hita ko at napapikit habang hawak ang panga ko, lalo na’t natawa ulit ako.

“Bakit mo sasabihin sa Ate Yna mo ’yon? Masasaktan siya. At hayaan mo na…kami na ng Ate Charm mo ang bahala. Alam ko na hindi mo ugaling harapin ang mga problema mo, at ito, mabigat ’to. Kaya kami na ang gagawa ng paraan. Naiintindihan mo ba?” Hawak ni Mama sa balikat ko.

Mariin akong napapikit at mas lalo pang natawa. Suminghap si Ate Charm, nailing.

“Nababaliw na siya, Mama…”

Tumayo ako dahil hindi ko na maseryoso ang usaping ito.

“Oo Mama, naiintindihan ko. Ipapakilala ko sa’yo ang kaibigan ko na ’yon. Ipapakilala ko siya sa inyong lahat.” Tango ko, nakangisi.

Mama looked at me critically. Naglakad na ako papunta sa pinto at nilagpasan ko sila. Ate Charm glared at me, but she controlled herself from saying anything.

“Para ito sa pamilya natin… Lahat ng gagawin namin, para sa’yo. Huwag matigas ang ulo, Slade,” Mama reminded.

Muli lang akong humalakhak at nilingon sila bago ko binuksan ang pinto. I gave a thumbs-up in response to my mother.

“Slade!” saway ni Ate.

“Ah… akala ko ba bawal ako bumoses? Pwede pala?” I smiled sarcastically.

Ate Charm glared at me. Even Mama walked toward me, but then I fully opened the door and stepped outside.

“Slade! Bumalik ka nga muna rito,” tawag ni Mama.

Namulsa ako at tuloy-tuloy na umalis. Huwag na mag-usap. Kung hindi naman pala matimbang ang boses ko, bakit pa idadaan sa usapan?

Chapter 45

Hometown

My New Year is fucked up. Iyon na agad ang masasabi ko. Ang magandang nangyari lang ay nag-FaceTime kami ni Bambi para bumati sa isa’t isa.

I’m pissed that I never had a voice in our family. And even to my own shits, I shouldn’t have a say on it because my family is privileged enough to fix it for me.

Oo na, naiintindihan ko naman na ganoon talaga ang pamilya. I am the youngest, the most spoiled, and the most favored one, but I am also the one who’s pressured, caged, and controlled.

Laging ipinapaalala sa akin ang responsibilidad kong magpatuloy sa lahi namin. Lagi akong pinapaalalahanan na nag-iisa lang akong lalaki at lalaking anak ko naman ang magtutuloy ng responsibilidad na ’to.

Nakakabingi na rin. I would rather have a daughter, or not have children at all, than put them in a situation I hate most. Mag-aanak lang ako kung makawala ako sa pamilya ko, o kung makawala ako sa putang-inang tradisyunal na konsepto na ’yan.

Sure, I should be grateful, alright? I owe this lavish life to my parents. Wala naman ako rito sa posisyong ito kung hindi dahil sa pera nila. Pero lagi na lang bang mahuhulog sa ganitong panunumbat sa akin kapag hindi nila napagbibigyan ang kapritso nila?

Umuwi tuloy ako agad sa Pinas. Nauna na ako. Nag-book ako ng sarili kong flight. I cannot stand being near them, and I keep hearing nonsense words.

Kasi isipin mo ’yon? The viral video says it all. But instead of talking to me about it, they see it as a fucking family problem that should be clarified and fixed immediately.

Kahit sa eroplano, natatawa na lang ako. I raised my hope too much. Fifty percent na nga lang ’yon, ngayon bumaba na. I won’t expect a miracle to strike them with lightning and suddenly, they finally care about me as their son—their family, rather than the youngest Veniel to continue the tradition.

Tawag nang tawag si Ate Charm sa akin; ganoon na rin si Mama sa araw na ’yon, pero hindi ko na siya sinagot. Bahala sila. Mas nakaramdam pa ako ng totoong pamilya noong Pasko kaysa sa New Year, na ang binungad lang sa akin ay kung paano lilinisin ang reputasyon ng pamilya.

I grunted and ducked to the ground when I felt a bullet ball against my back. I aimed my gun at my back, but Asher just disappeared like he was never there.

Niyaya ko siyang mag-Airsoft. Tumapang agad ako dahil gusto ko rin talagang i-release ang frustration ko sa pamilya ko—at kausap na rin dahil ayokong makarating ito kay Bambi. I even told Asher not to go easy on me, and now, pinagsisisihan ko na dahil pang-ilang beses na niya akong tinatamaan.

Hindi naman ito ang unang beses na nalaro ko ito. My friends played Airsoft in Cebu. Pero itong kay Asher, pakiramdam ko, talagang totoo akong nasa gitna ng giyera dahil ang alisto niyang kumilos at kahit isang beses man lang, hindi ko pa siya natatamaan. Siya, nakakailan na.

Nag-iba ako ng direksyon at nagtago sa likod ng isang malaking puno. Tiningnan ko ang paligid at wala siya roon.

“If this is a real-life battle, your head would have exploded by now,” Asher’s voice echoed against my back.

Talagang nagulat ako at naramdaman ko sa likod ng ulo ko ang dulo ng baril na nakatapat roon. Ni hindi ko naramdaman ang paglapit niya!

Nang nilingon ko siya, ibinaba na niya ang mask at ngumisi sa akin.

At dahil nakaharap na ako at hindi niya pa rin binababa ang baril, nakatutok na iyon sa noo ko.

“Bang,” he mimicked the sound of a gun without pulling the trigger.

I chuckled and raised my hands in defeat. Wala eh. Mahirap siyang isahan.

Halos dalawang oras din pala kaming naglaro. Ang dami kong tama sa gear, samantalang ang gear niya, kahit isa, ay talagang wala. Mas lalo ko tuloy naiisip na baka matuwa kay Asher ’yong matanda.

Nagpahinga rin naman kami. Nakababa na rin ang mask ko, ganoon din ang proteksyon sa mga mata, at tanging gear na lamang ang naiwan sa katawan namin. We are both sitting while drinking Gatorade.

“What a complicated family,” ani Asher nang ikinuwento ko sa kanya ang frustration ko.

“Nakakasakal, bro. Kung hindi dahil sa tradisyon, dahil naman sa trauma. Kung hindi dahil sa trauma, dahil naman sa relihiyon. Kung hindi dahil sa relihiyon, dahil sa reputasyon. Saan ba ako lulugar?” I chuckled bitterly and chugged down half of my drink.

“People always find reasons to justify their twisted beliefs. Let’s admit it, they hate the concept of men loving men. Pero mas marumi pa ang mga gawain ng mga ’yan, nakatago lang…” he mumbled.

“’Yong Ate ko, suportado ako noong una. Pero ramdam ko kasi na tinotolerate lang naman ako. Hindi talaga tinatanggap nang buo,” iling ko.

“What’s your plan, then?” He curiously looked at me.

Tiningala ko ang itaas dahil sumisilong kami sa mga dahon ng mga puno. Ngayon, may linya na ng liwanag na sumisilip. I looked at the string of lights while thinking thoroughly.

“Meron naman. Pero may kaunting panalangin kasi sa akin na sana… may iba pang paraan. Mahal ko naman sila—ang parents ko, mga ate ko, si Lolo… pero ang sakit, kailangan ko pa bang mawala sa buhay nila para lang maintindihan nila na may mali sa pamilya namin?”

Nanahimik si Asher, kaya binalingan ko siya.

“Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, anong gagawin mo?” I asked curiously.

He shrugged. “I’m not deeply attached to people who don’t see my value. Whether it’s a family or a friend…”

Umangat ang kilay ko. Hindi people pleaser.

“But…”

His lips slightly curled, and I saw the lingering smirk he gave me.

“I’ll make an exception to a certain one… Just one. The rest can go to hell and burn to ashes.”

“Your twin?”

He lazily chuckled. “Maliban kay Ashi.”

Ah…

“Lover?”

Tiningnan niya ang baril niya. “Marami pang bala. Kaya ko pa ’tong ubusin sa’yo. Ayaw mo na?”

I grunted and pushed myself to the ground. Natulala ako sa itaas at tiningnan ang kislap ng sinag ng araw na humahalik sa mga dahon. It felt like a hope you could only whisper through the wind and pray for a miracle.

Pero sa tuwing naiisip ko na tinitingala ko lang, hindi kayang abutin, siguro nga… may mga bagay na nasa itaas, hindi dahil kailangan mong magsikap para makuha, kundi dahil… hindi iyon ibabagsak para sa ’yo.

“Asher!” Bambi snapped at his twin as soon as he saw my entire gear covered with bullet balls.

Kasama niya raw si Merrie kanina. Nagbonding sila. Tapos na rin yata sila, kaya dinaanan na niya kami rito.

Asher laughed softly. “He said I should not go easy on him…”

Bukod sa mga kaibigan ko rito sa Maynila, itong taong nasa harap ko ang tunay na may pakialam sa akin. Kaya bakit naman mas magiging matimbang sa akin ang pamilyang nandiyan lang dahil pamilya sila, kaysa sa taong nandito sa tabi ko dahil… mahal ako.

“Ang sakit ng dibdib ko…,” daing ko, at kunwari’y hinaplos ko ang dibdib ko.

Bambi glared at his twin while Bambi pulled me like I needed to be protected from a threat. Tumawa lang si Asher habang kinukulong ako ni Bambi sa kanya, at halos itago pa niya ang mukha ko sa balikat niya.

“Bakit pala ang aga mong bumalik sa Maynila?” tanong ni Bambi nang nasa front seat na ako at siya na raw ang magda-drive.

Sinundo kami rito ni Asher. Didiretso kami sa bahay nila sa Cavite para doon na kumain dahil nagluto raw si Brandon. Naks. Bumabait talaga.

“Nangungulila,” I smirked at him despite the judgment in his eyes.

“Nag-send naman ako ng boobs, ah?” pabulong, ngunit pakiramdam ko, narinig iyon ni Asher sa likod.

Kaya nga mas nangungulila kasi hindi ko mahalikan…

Gusto ko sanang irason, pero ayoko nang bumoses. Parang may kakalampag sa likod eh.

Pagdating sa bahay nila, kita ko agad si Brandon sa kusina, inihahanda ang mga bagong luto niyang pagkain habang may nakaipit pang sigarilyo sa labi na wala pang sindi.

“Papa! Nandito na si Slade! Panay ka pa naman tanong kailan siya bibisita ulit! Tuturuan mo siya ng specialty mo, ’di ba?” nakangising asar ni Bambi sa ama, na ipinagsalubong ang kilay, kunwari ay nagtitigas-tigasan.

“Talaga, sir? Tuturuan niyo na ako?” tanong ko,  napangiti na rin.

“Wala naman akong ginagawa ngayon. Kaya pwede…” tango niya.

Bambi smirked at me proudly. Natatawa ko pang binulungan na mas paborito na ako ng papa niya kaysa sa kanya.

Medyo nawala ang pangit kong pakiramdam noong New Year. Nakakahiya nga na wala akong naibaong pasalubong dahil nagmamadali na lang din akong umuwi.

Ate Charm: Nagtatampo ka, Slade?

Ate Charm: Napepressure na rin ako kay Mama. I don’t want to fail as a sister. Suportado naman kita, pero sa akin ka nila ipinagkakatiwala habang nandiyan ka sa Maynila. Kaya ngayong tingin nila Mama may mali ka, nasa akin ang bigat.

Ate Charm: Gagawan natin ng paraan, Slade. Maipapakilala mo si Bambi nang hindi nagkakagulo sa pamilya natin.

Ate Charm: Huwag mo rin masyadong damdamin. Baka magkasakit ka na naman.

Iyon ang text ni Ate nang hindi ko talaga sinagot ang mga tawag niya sa sumunod na araw. Natulala tuloy ako at medyo kumalma.

I composed a reply.

Ronan Slade: Malaki na ako, Ate. Baka kasi nakakalimutan niyo ’yon. Lalo na ikaw. Sa akin umiikot ang mundo mo. Pagkatapos ng birthday ko, Ate, aalis na ako sa bahay. Pagkatapos ng graduation ko, doon na rin matatapos ang responsibilidad ni Mama sa akin. Sigurado na ako, Ate.

Ronan Slade: Hayaan mo na sila Mama, Ate. May sariling buhay ka rin. Kaya ayokong sumunod sa tradisyon dahil lumaki akong nakikita na tinatanggalan kayo ng kalayaan. At ayokong matulad sa inyo. Ayokong makulong sa pamilya natin.

Ronan Slade: Gusto kong mamuhay nang malaya, Ate. Sana ikaw rin.

After sending those messages, Ate Charm didn’t respond to me anymore. Iniisip ko nga kung may nakaka-offend ba sa sinabi ko, lalo na’t kahit noong February, wala talaga. Ngayong March na, napapaisip na tuloy ako kung baka natablan siya ng sinabi ko?

Hindi naman ako nagdadamdam. Ayoko na rin talagang palakihin sa isip ko dahil alam ko na mas masusunod ang gusto ko. Wala silang magagawa tungkol sa bagay na iyon.

Sakto rin na ang scheduled flight namin sa birthday ko ay sa Friday, Saturday, at Sunday. Madaling-araw ng Lunes, babalik na ulit sa Maynila.

“Baka nga na-offend?” ani Bambi habang abala kami sa maleta niya para sa flight namin bukas ng gabi.

Gusto ko ngang mag-extend pa kami roon, lalo na’t ang dami kong gustong puntahan naming dalawa—kami lang. Gusto niyang makita ang mundo ko sa Bukidnon. Gusto ko rin siyang dalhin sa madalas kong tambayan doon, at subukan namin ang mga pantasya ko lang noon na kasama siya.

“Eh, totoo naman ang sinabi ko. Her life almost revolves around me. Problema ko rito sa Maynila, pinoproblema niya rin.”

Kinuha ko ang isang pantulog na itinabi niya at tinupi iyon. Nang makita niyang hindi ko naman natutupi nang maayos, kinuha rin niya sa akin.

“Ang ganda niya pa naman. Wala ba siyang asawa? O boyfriend?”

“Pinagkasundo na ’yon si Ate. Eh masyado siyang alipin ng pamilya namin. Papayag siyang magpakasal para makatulong sa family business.”

Tumango siya, pero mas inabala na ang sarili niya sa pag-oorganize ng mga gamit niya. Kahit ang toiletries niya, nakalagay pa sa makukulay na plastic bottles. Kahit heels, inilagay niya rin sa plastic.

“Baka nagdala ka pa ng vibrator, ah? Kapag ’yan nakita sa scanner… biro ko, kaya nanliit agad ang tingin niya sa akin.

“Bakit ako mag-aabalang magdala ng vibrator, eh nandiyan naman ang best friend ko?” Sabay tingin sa pants ko.

I picked up another thin fabric to fold. Nasaktohang underwear niya pa pala ang nakuha ko sa kama, lalo na’t naka-squat kami sa sahig.

“Cute ng boxers mo, ah? Lacy.” I chuckled when I got distracted by his purple lacy panty.

I stretched it in front of him. Mabilis niya iyong hinablot nang ilalapit ko sana sa mukha ko para amuyin.

“Anong boxers?! Panty short ’to!” giit niya.

“Akin na. Tutupiin ko,” nangingiting kuha ko sa kamay niya.

“Tutupiin. Eh inaambahan mo ngang amuyin!”

“Sinisigurado ko lang na sa’yo. Kabisado ko ang amoy mo.”

His eyes widened, and he let out a laugh. “Eh kanino ba ’to? Sino ba ang magsusuot nito bukod sa akin?”

“Kaya nga aamuyin ko para makasigurado…” Inaambahan kong kunin sa kanya pero inilalayo niya na.

“Ayoko nga. Kapag ikaw ang tinigasan, uumagahin tayo sa kakaimpake. Baka maiwan pa tayo sa flight bukas.”

“Tingin mo titigasan ako kapag inamoy ko ang panty-short mo? I’m not a pervert.”

Umangat ang kilay niya. “Eh paano kung tinigasan ka?”

“Kahit sumayaw ka suot lang ’to, hindi ako titigasan,” pagmamayabang ko.

“Kahit gumiling ako sa ibabaw mo suot lang ’yan? Kahit i-lap dance kita suot lang ’yan?” He smirked wickedly.

Brandon oh, ’yong anak mo…

But then, as someone who has an ego, I nodded with a smirk on my lips. Ako pa ang hinamon. Oo manghihina…pero palaban ako.

“Pakitaan mo nga ako.” I challenged while smiling widely now.

“Pag tinigasan ka, anong gagawin ko sa’yo?”

“Mali yata ang tanong. Pag tinigasan ako, anong gagawin ko sa’yo?” I echoed meaningfully.

Umirap siya, pero mas tumamis ang ngiti niya. Tumayo siya at kinuha ang isang upuan. He tapped it and gestured to me.

“Upo ka rito.”

Mabilis ang tayo ko. Natawa pa siya nang atat akong umupo, sumandal sa upuan at ipinarte ang mga hita ko.

“Kahit itali mo pa ako,” sabi ko.

At talagang tinali niya nga ako sa likod gamit ang necktie na hinanap pa niya sa aparador niya. Ang hirap ngang gumalaw, pero malawak ang ngiti ko habang iniisip ang mga gagawin niya sa akin.

Nagbihis siya sa banyo. Gusto ko pang matawa, eh. Pwede naman sana sa harap ko, pero hinayaan ko.

A song coming from the comfort room echoed. Nang bumukas ang pinto ng banyo sa harap ng kama niya, humilig pa siya sa gilid ng nakabukas na pinto at ngumisi sa akin.

The intro of I Was Never There by The Weeknd boomed. Nabasa ko ang pang-ibabang labi at pumakawala ng halakhak nang mapagtantong may sarili akong performance sa kanya.

And fuck, he’s just wearing the purple lacy panty shorts and a white sleeveless camisole top hugging his frame, defining his small waist. His long legs were fully shown, and the lacy panty-short is just too sexy for me.

“Fuck…” I cursed breathily with an amused smile on my lips.

Happy birthday, Slade. Best gift ever.

Malawak ang ngiti ko habang pinapanood ko siya. Lalo na noong naglakad siya papunta sa akin, hinawakan niya ako sa balikat at marahang umikot.

His fingers caressed my jaw. Kinilabutan ako. I submissively angled my face to follow his movement while my eyes trailed with him. Kaya nang umikot siya at nagtagal sa likod ko, parang mababali ang ulo ko sa kakalingon sa kanya.

His hands rested on my shoulder until he glided them down teasingly. Tumingala ako at nakita ko ang mukha niya. He crouched a bit, so I expected he would kiss me, but he didn’t!

Mariin akong pumikit nang muli niya akong iniwan. Nabasa ko ang nakangiting labi at sinubukan ko pang galawin ang kamay, ngunit mahigpit ang pagkakatali niya. Tang ina. Pag usapang tigas, parang matatalo ako agad rito, ah?

But then my anticipation thickened when he positioned himself in front of me, parted his legs, and he lowered his body to sit on my lap.

“Hindi ko pa ’yan nauupuan, ah?” puna niya nang tingnan iyon.

I realized the bulge is now obvious. Alam ko naman na healthy ako. Pero hindi ko rin talaga maaasahan ang isang ’to pagdating kay Bambi.

“Standing ovation ’yan. Pumapalakpak ang best friend mo sa performance mo…” paliwanag ko sa sabik na boses, hindi mawala ang ngisi sa labi.

Tuluyan siyang umupo. I felt the softness of his butt in the thin fabric of his lacy panty shorts because it was perfectly positioned between him.

I grunted and shut my eyes, my smile growing wider. At alam ko, nararamdaman niya ang akin na tumutusok na agad sa puwetan niya.

Kahit nahihilo ako, dumilat ako para tumingin doon dahil parang hindi sapat ang nararamdaman ko lang. Gusto kong makita na nakadiin sa akin ang gitna niya.

When he started grinding, my head spun. The softness of his skin was doing wonders to my bulge. He grinded like he’s matching the pace of the beat of the song while eye-fucking me.

Magaling siyang gumiling. Sa bawat pag-alon ng katawan niya, sinisigurado niyang dumidiin din iyon sa akin.

“Fuck…” I whimpered and rested my head against his shoulder; my lips grazed the skin of his neck as I breathed helplessly.

“Sabi ko sa’yo. Titigasan ka eh. Wala akong fasting, Slade. Hindi pwede,” he reminded like he knew what would happen.

Hindi raw puwede, pero patuloy pa rin ang paggalaw niya. Hindi mabilis, ngunit nakakalunod ang bawat alon ng katawan niya. His lap dance is too hot and sensual that I feel like he’s dry-humping me.

“Hindi puwede, pero sarap na sarap kang gumiling?” I chuckled hoarsely against his neck.

And he’s really enjoying it because his body is now reclining while grinding on my lap like I am his favorite dildo.

Hinihingal ako. Titig na titig ang namumungay niyang mga mata at para na siyang lasing tingnan.

“Kalasin mo ang tali ko. Mas maganda mag-lap dance kung nakabaon ang dalawang daliri ko sa gitna mo?” hamon ko at ngumisi.

Mariin siyang napapikit at natawa. Akala ko nga hindi niya gagawin, ngunit nang niyakap niya ako para kalasin ang tali, alam kong pareho kaming sabik.

Hindi naman namin ginawa noong gabing iyon. Ang sabi niya nga, bawal kaming mapuyat. Nakontento naman siya sa dalawang daliri na nakabaon sa kanya habang gumigiling siya.

“Laki ng ngiti, Ron, ah?” irap ni Gabriella sa akin nang magpakita kami ni Bambi sa airport kinabukasan ng gabi.

Magkahawak-kamay kaming dumating sa airport. Parehas din kaming naka-shades at naka-cap, kaya nang dumating kami, naagaw agad ang atensyon ng mga kaibigan ko habang ako ang may dala ng hand carry na maleta ni Bambi.

Pinagkaguluhan agad siya ng mga girls na akala mo talaga isang taong hindi nagkita. Pero huling kita rin nila sa kanya ay noong Halloween party pa.

“Naiinggit talaga ako kay Ron. Nasosolo ka niya,” si Gabriella, na pasimple pa akong sinasamaan ng tingin.

“Tama na ’yan.” Hila ko kay Bambi dahil ilang segundo nang niyayakap ni Gabriella. Baka dumikit pa ang amoy niya sa kanya.

“Dapat ganyan ka rin katapang sa harap ni Tita, ah,” makahulugang sabi ni Gabriella.

Umangat ang kilay ko. Si Mama lang naman ’yon. Mabilis naman iyon mauto.

Pinaupo ko na rin si Bambi kahit na gusto na agad siyang makausap ng mga girls. Hindi talaga sila nauubusan ng mga topic. Ang dami nilang baong kwento. Si Bambi, na isa ring madaldal, palaban din at nasasabayan ang mga girls. Si Shiloh, tahimik lang na nakikinig; ganoon din si Serene at iilan pang girls na nasa circle nila Rade.

“Si Rick?” tanong ko sa boys sa likod na row nang igala ko ang tingin ko at wala pa siya.

Siya na lang ang wala pa.

“Kanina pa ’yon wala. Tinatawagan ko na nga pero cannot be reached,” si Tyler, medyo nag-aalala ang boses. Sa tabi niya ay si Kael na bumabaling sa katabi niyang si Rade.

Bambi looked at my phone when I held it, and I clicked my contact number. Imposible ’yong ma-late. Sa mga ganitong travel, kaming tatlo nina Tyler ang madalas na mauna, kaya medyo nakakapanibago na late si Rick.

“Cannot be reached nga,” sabi ko nang marinig ang agarang pagputol ng tawag.

“Hintayin lang natin. Baka na-traffic,” ani Bambi, na nakatingin na rin sa phone ko.

Nang dumating sina Merrie at Aries, pinakilala ko agad sila sa circle ko. The girls then laughed at Angela. Doon ko napagtantong ex crush pala nito si Aries. Nabiro pa nga ni Tyler…

“Sabunutan mo, Miss. We don’t tolerate snakes in our circle…” Ngisi ni Tyler, kaya talagang naging lalong maingay ang girls.

“Kapal ng mukha talaga. Wala ka bang ginagawa para matuwid mo ’yan, Kael?” si Sadie na nasa first row pa sana, lumingon pa talaga sa likod para lang makisali sa biruan.

Humalakhak lang si Merrie sa biruan, siguro pinapakiramdaman pa ang mga girls. Bumulong pa nga siya kanina kay Bambi, narinig ko.

“Hirap namang biruin ng mga ’to. Baka pag sinabi kong sabunutan na lang kami sa bulbol, madugyutan sa akin…”

“Kay Sadie mo sabihin, Merrie. Papatulan ka niyan,” sabi ko.

Hinihintay na lang namin si Rick. Boarding na ang flight namin, pero nagpahuli pa kami para hintayin si Rick. Hindi puwedeng wala ang isa sa amin.

Noong inanunsyo na ang huling boarding group, tumayo na kaming lahat, ngunit nakatingin pa rin sa mga paparating.

Some of my friends looked at me, probably letting me decide for this. Kahit si Bambi, tumango na sa akin, na ayos lang sa kanya kung ano man.

“Rick! Ano ka ba?! Kamuntik na tayong maiwan!” Sadie’s high-pitched voice gave us hope.

Lalo na’t nakita nga namin si Rick, naka-cap, may duffel bag sa balikat, at naglalakad papunta sa amin.

“Sumakit ang tiyan ko. Umuwi pa ako para magbanyo. Nakakahiya kasi rito…” rason niya nang makalapit nang tuluyan sa amin.

“Kinakabahan na si Ron. Akala niya cancelled ang birthday niya,” halakhak ni Tyler.

Umismid si Rick sa akin. “Baka pagselosan ako ng Donato mo. Isipin niya, masyado akong pa-importante sa buhay mo.”

“Bakit kita pagseselosan, eh gandang-ganda ako sa sarili ko?” angat ng kilay ni Bambi kay Rick.

“Naks, Donato…”

Hinawakan ko na ang baywang ni Bambi at iginiya ko na siya papasok. Lumebel si Rick sa akin at hinanda ang printed na boarding pass niya na inilahad ko sa kanya.

Nakaupo na halos ang lahat nang pumasok kami sa eroplano para hanapin ang seats namin. Nagtitinginan pa ang iilan dahil ang tatangkad din naming mga boys, at ang dami pa namin, habang inaalalayan din ng iba pang boys ang mga girls para ilagay sa compartment sa itaas ang mga gamit nila.

“Sa window seat ka. Ako sa tabi mo.” Haplos ko sa siko ni Bambi.

I lifted his small luggage in one hand, and put it into the compartment over the seats. Isa-isa na ring nagsisiupuan ang mga friends ko; sa harap ng upuan namin ay sina Sadie at ang partner niya, at sa gilid naman ay si Angela.

Si Rick ang katabi ko, at sa likuran namin sina Aries at Merrie, at sa gilid ni Aries si Gabriella. ’Yong iba pa, medyo nasa unahan; ang ilan ay mas malayo na rin.

“Ako na dapat riyan sa window seat, total maglalampungan lang naman kayo,” ani Rick, at mukhang gusto pa yatang makipagpalit ng upuan kay Bambi.

“Edi pumikit ka na lang para hindi mo kami mapanood,” si Bambi.

“First time niya rin, Rick. Kailangang memorable…” I chuckled.

His lips parted. He was about to say something, but he paused for a bit. Mukhang may naalala pa yata ’to ah.

“Ah… first time ni Donato…” At nasingit niya pa talagang asarin.

Bambi, who was busy watching the window, glanced at him murderously. “Oo, Raul. First time ko.”

At napapagitnaan pa talaga ako ng dalawang panay na asaran. Kaso, sa halip na kabahan, mas napapanatag ako na nakikikulit si Rick sa amin ni Bambi. Ang ingay nga lang nilang pareho; idagdag pa ang boses nina Sadie at Merrie sa likuran, nakikisali at nakikisilip sa siwang ng upuan.

Noong take off na, tumahimik na ang lahat. Abala si Bambi sa pagkuha ng video ng mga ulap, lalo na’t gabi na ang flight namin, kaya nakikita ang kumikislap na kabuuan ng city.

Kinakabahan nga ako at baka nahihilo siya, pero kanina, pinainom ko ng bonamin para hindi siya mahilo. Kaso ngayon, masyado yata siyang nag-eenjoy sa bintana at panay ang tingin niya roon.

Hindi ko na maalala ang first time kong sumakay sa eroplano. Pero sobrang bata ko pa no’n eh. I was only three when I had my first international flight. I was probably too excited too, like him.

Ngayong nakikita ko na bawat maliliit na bagay ay napapansin niya, pati ang mga papel na nasa likod ng upuan ay tinitingnan niya para buklatin, naaaliw ako sa kanya. I can feel how he couldn’t contain his emotions.

“Ise-send ko ’to kay Papa mamaya, pag may internet na.” Tingin niya sa video na kinuha niya.

“Picture din tayo. Baka manghingi si Brandon. Send mo rin sa kanya.” I rested my head on his shoulder to get a better angle.

He clicked the camera app until we both saw our faces in the camera. Parehas kaming nakangiti. Si Bambi, kumindat pa. Nang tiningnan namin ang iilang kuha, nakita pala roon si Rick, idinilat ang isang mata, tumingin dito sa camera, at pasimpleng nag-pakyu.

“Ano ba ’yan. May kapreng namamakyu sa gilid. Ulit…” rekamo ni Bambi at pinindot ulit ang camera, si Rick, kunwaring nagtulog-tulugan agad.

I kissed his cheek when he clicked the camera.

“Isali niyo rin kami ni Aries dito sa likod…” anyaya ni Merrie.

Ako tuloy ang humawak ng phone para makapag-picture kaming apat. Kahit si Rick, itinagilid na ang ulo para makita sa camera.

Nang makaland na ang eroplano, as usual, van pa rin ng pamilya namin ang sumundo. Nasa mga tatlong van na sa sobrang dami namin.

“Welcome to my hometown, pretty…” bulong ko kay Bambi na tahimik na sumusulyap sa bintana.

Napalingon siya at wala sa sariling napangiti. Itinulak ko sa balikat ko ang ulo niya para makapagpahinga muna siya.

“Malapit na tayo sa inyo. Ano ang plano, Ron? Sino ang una nating itutumba?” biglang tanong ni Rick sa gitna ng katahimikan, kaya nauwi agad sa tawanan ang loob ng van.

“Homophobic ang buong fam ni Ron,” sabi ni Tyler kay Kael, na umangat agad ang kilay at tiningnan si Bambi.

Wala naman silang dapat ipag-alala. Kailangan ko lang ng suporta nila. Iyon lang. Gusto kong mag-enjoy sila sa birthday ko, hindi iyong inaalala ang pagiging homophobic ng pamilya ko.

Hindi naman ganoon kapangit ang ugali ni Mama. Hindi ’yon eskandalosa. S’yempre inaalagaan niya pa rin ’yang reputasyon niya dahil bigatin ang mga kumare niya. Gusto ko lang talagang matapos sa kaarawan ko ang lahat. Gusto ko nang ipakilala sa kanila si Bambi.

Bandang alas dose na kami nakarating sa bahay. Kakapasok pa lang ng mga van sa gate, si Bambi sa tabi ko, nagsalita agad.

Antok na halos ang lahat nang makarating kami sa bahay. Si Bambi, na namumungay ang mga mata kanina sa van, nabuhay ang diwa nang dumating din kami sa bahay at manghang-mangha siyang tumingin sa kabuuan.

“Mama ko ’yan,” bulong ko kay Bambi nang may bumaba sa hagdan, naka-satin na pantulog at mukhang naalerto lang ng kasambahay kaya nagising.

“Kamukha niya si Ate Charm mo,” bulong pabalik ni Bambi.

“Welcome back! Mukhang mas marami kayo ngayon!” si Mama nang sumalubong.

Isa-isa nang hinahakot ng mga kasambahay ang mga gamit namin at iniaakyat sa guest room. Pinakilala ko naman agad kay Mama ang mga bago na hindi niya madalas makita, lalo na sina Merrie at Aries. I told her that they’re also my classmates way back in high school—my closest friend.

“May tattoos ka pa, ah? Totoo ba ’yan, o sticker?” puna ni Mama, lalo na’t naka-fit na puting T-shirt lang ngayon si Merrie at nakatali sa leeg niya ang jacket na suot niya kanina sa flight.

“Ma, si Bambi,” ang huling pakilala ko, kaya ang atensyon ni Mama ay napunta rin agad kay Bambi.

Ngumuso agad ang mga friends ko. Kahit si Tyler, nakangising may ibinulong kay Kael; si Mavric naman ay may sinabi rin kay Rade, kaya umangat ang kilay ni Rade.

Everyone seems to be anticipating my mother’s reaction; even the girls are quietly watching her. Kahit ako na handa na, medyo kinabahan na rin ako, lalo na nang ituon na ni Mama ang buong atensyon niya kay Bambi.

“Hello po…” bati ni Bambi.

He doesn’t look nervous. Sa aming dalawa, parang ako pa ’yong kinakabahan eh.

“Bambi! Ito ba ’yong kasama mo sa viral video? ’’Yong kaibigan mo?” si Mama, na ngumingiti.

Lalong nagtinginan ang mga kaibigan ko sa binanggit ni Mama na kaibigan. Bago pa man ako magsalita, nasa kay Bambi na ulit ang atensyon ni Mama. She’s now looking at him from head to foot.

“Katulad ka rin ba ni Shiloh? Straight na laging napagkakamalang bading? Eh ang ganda kasi ng mukha mo! Kaya siguro nilagyan ng malisya ng internet ’yong closeness niyo ni Slade!” si Mama, na idinaan pa iyon sa tawa.

“Ay bading po talaga ako, Tita…” Bambi chuckled lightly.

Kumurap si Mama, napatingin pa sa akin, at kahit ang ngiti niya ay medyo naging hilaw.

“Tita, ako rin po,” biglang singit ni Rick, kaya ang katahimikan ni Mama sa tensyon ay napalitan ng tawanan.

“Kayo talaga, napakamapagbiro niyo! O sige na. Bukas na lang tayo magkuwentuhan! Magpahinga na kayo. Pagod kayo sa biyahe…”


Strawberries and CigarettesPart 1 of 1