ANAK (BXB) ONGOING
CHAKASALSAL · 6 chapters · 1,223 words
BABALA
Movie Style Writing
Per chapter consist of 200 words only.
CHAPTER 1
Marlon POV
“Thank you. Tatawagan ka na lang namin kapag natanggap ka na sa trabaho,” nakangiti nilang sabi sa akin. Kaya naman lumabas na ako ng opisina at naglakad palabas ng bahay kung saan ako nag-apply.
Katatapos lang pala ng interview ko, at ito na ang pang-anim na beses kong pag-a-apply bilang kasambahay.
Ayy… hello nga pala sa mga nagbabasa. Pasensya na at hindi ko pa naipakilala ang aking sarili.
Ako nga pala si Marlon Cablay. At oo, kasambahay lang ang trabahong pinapasukan ko kasi hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Dalawampu’t tatlong taong gulang na ako. Kahit gusto kong bumalik sa pag-aaral, hindi ko na magawa dahil nahihiya na ako.
Pero kahit ganoon, ginagawa ko ang lahat para makahanap ng trabaho, kahit mahirap, dahil ako na lang ang bumubuhay sa aking sarili.
Wala na kasi akong mga magulang. Namatay sila dahil sa isang aksidente kung saan nabangga sila ng isang mamahaling kotse. Tanda ko pa ang mukha ng taong bumangga sa kanila. Nang mangyari ang aksidente, lumabas ang binata at, pagkatapos, dinuraan pa ang walang-buhay na mga katawan ng aking mga magulang.
Kahit bata pa ako noong panahong iyon, hinding-hindi ko makakalimutan ang kanyang mukha.
CHAPTER 2
Marlon POV
Nakauwi na ako sa maliit kong bahay na inuupahan lamang dito sa Barangay Cabaroan.
Ako nga pala ay lumipat dito at lumayo na sa mga kapatid ng aking mga magulang na nasa Visayas. Nakipagsapalaran ako rito sa Maynila dahil ayoko na ring manatili roon. Ayaw naman nila akong nandoon. Ginagawa lang nila akong katulong, kaya nahirapan akong mag-aral. Inipon ko na lamang ang mga baong ibinibigay sa akin, hanggang sa naisipan kong pumunta rito sa Maynila at dito na lamang magsimula ng bagong buhay kasi sapat narin yung inipon kong pera na nanggaling sa binibigay nilang baon.
At ito na nga. Pang-anim na beses ko nang mag-apply, pero wala pa rin akong mahanap na trabaho. Sabado na bukas, at kailangan kong magtrabaho sa palengke ni Nanay Erika, na aking kapitbahay, dahil sila ang may-ari ng maliit na bahay na ito.
Ang bahay na ito, kung saan ako nakatira, ay pinaglumaan na nila dahil nakapagpagawa na sila ng mas magandang bahay mismo sa tabi nito. Sakto naman na ipinapaupa nila ang lumang bahay at hindi naman kamahalan ang hinihingi nilang upa. Napakabuti rin ni Nanay Erika dahil sinabi niyang magtrabaho na lamang ako tuwing weekend kapalit ng bayad sa upa. Okay na okay naman iyon sa akin.
Kaya nahiga na ako sa aking higaan at pinakiramdaman ang lahat. Habang nakatingin sa kisame ng bahay, hindi ko napigilang mapaluha.
“Mama, Papa, kamusta kayo diyan sa langit? Huwag kayong mag-alala. Kinakaya ko pa rito sa lupa,” mahina kong bigkas.
Pinunasan ko ang aking mga luha at tuluyan nang pumikit ang aking mga mata.
CHAPTER 3
Marlon POV
“Bili na kayo mga ate ng fresh na tilapya! Fresh na fresh!” malakas kong sigaw habang may ngiti sa labi. Maya-maya, may isang babaeng lumapit.
“Sure ka bang fresh ’yan? Baka sinasabi-sabi mo lang ’yan para may bumili,” kilatis ng babae sa akin, dahilan para parang tumaas ang isang sungay ko.
“Edi huwag kang bumili, ate ko! Hindi siya fresh! Hindi po fresh ang aking paninda, kaya bumili na po kayo!” sarcastic kong sabi sa harapan niya. Na-imbyerna tuloy ako, umagang-umaga.
Tapos, biglang may nagsalita sa aking likuran, dahilan para lumiwanag ang mukha ng babae.
“Fresh po ’yan, ate, kaya bumili na po kayo. Masarap po ’to kapag naluto na ninyo,” nakangiting sabi ni kuya Josh sa aking tabi. Napatango na lang si ate habang nakatunganga.
Kaya ibinigay na ni kuya Josh ang tilapyang binili ni ate at tumingin ito sa akin nang nakangiti.
“Bakit nagsusungit ang ganda ko ngayon?” sabi nito sa akin habang kinukurot ang aking pisngi.
“Ano ba, Kuya Josh. Nakakairita kasi si ate, di naman kagandahan!” sita ko sa kanya.
Bigla niya akong inakbayan, kaya naamoy ko ang natural niyang amoy na nakaka-addict sa ilong.
Si Kuya Josh pala ay anak ni Nanay Erika. Dalawampu’t anim na taong gulang na siya at isa nang guro sa X University. Every weekend, lagi siyang nandito sa puwesto ng nanay niya para tulungan ako. Gwapo sya! As in super gwapo! Maganda katawan! Maputi sya! At higit sa lahat MALAKI! basta malaki!
“Ganda” ang tawag niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Pero hindi naman maikakaila na maganda talaga ako. Hahaha! Pero kapatid ang turing nya sa akin at ganun din naman ako. Emeeeee
CHAPTER 4
MARLON POV
“Kamusta yung inapplyan mong trabaho?” tanong sa akin ni Kuya Josh.
“Ayun, sabi nilang tatawagan daw ako, pero alam ko namang hindi rin ako tatawagan ng mga ’yon,” sabi ko.
“Di ba sinabi ko naman sa’yo na sa bahay ka na lang mamasukan? Okay naman kay Nanay, eh. Mas gusto pa nga niya kasi mas mapagkakatiwalaan ka niya. Hindi ka na naiiba sa amin. Para ka na ring parte ng pamilya,” mahabang paliwanag sa akin ni Kuya Josh.
“Nakakahiya na kasi, Kuya. Nagtatrabaho na nga ako dito sa puwesto ninyo sa palengke, tapos mamamasukan pa akong katulong sa inyo,” sabi ko.
“Hindi na kita mapipilit kung ’yan talaga ang gusto mo. Basta tandaan mo, laging bukas ang bahay namin para sa’yo, anak,” sabi bigla ni Nanay, na nasa likod ko na pala. Hindi ko man lang napansin ang pagdating niya sa puwesto nila.
“Salamat, Nay,” sabi ko kay Nanay Erika.
“At ikaw naman, Josh. Sabi mo may lakad ka. Nandito ka lang din pala sa puwesto… Asus! Gusto mo lang makasama si Marlon, eh,” tukso ni Nanay sa kanya, na siya namang ikinatawa ko.
“Nanay naman… Shhh, shhh,” sabi ni Kuya Josh, na ikinatawa naman ni Nanay Erika.
Ang nakakatawa kay Nanay, mahilig siya sa mga BL series, kaya lagi niya kaming pinapares kay kuya josh.
Diyos ko! Yes na yes ako diyan, Nay!
CHAPTER 5
MARLON POV
6 p.m. na at nagliligpit na kami ni Kuya Josh dito sa pwesto.
“Sabayan na kitang umuwi, Ganda,” sabi niya sa akin.
“Kuya! Tama na kasi sa ‘Ganda’ ah!” daing ko sa kanya.
“Bakit ba? Eh, ’yun yung gusto kong itawag sa’yo,” nakangisi niyang sabi, kaya napabuntong-hininga na lang ako.
“Hintayin mo na lang ako dito at kukunin ko lang yung motor,” sabi niya.
Maya-maya lang ay nandito na siya sa harapan ko, dala ang big bike niyang motor. Grabe! Mas lalong gumwapo siya sa paningin ko ngayon na nakasakay siya sa motor niya.
Lumapit na ako sa kanya at pinasuot niya sa akin yung isa pang helmet na dala niya.
Wow! Pinaghandaan talaga yung helmet. Plus pogi points ka na naman, Kuya Josh, sabi ko sa aking isipan.
Nandito na kami sa harapan ng bahay. Bumaba na ako at saka ko ibinigay ang helmet kay Kuya Josh.
“Salamat sa pagsabay sa akin pauwi, Kuya,” sabi ko sabay abot ng helmet sa kanya.
“Welcome, Ganda. Bukas ulit,” sabi niya.
“Huh? Pupunta ka ulit sa pwesto? Huwag na. Maghanda ka na lang ng lesson mo para sa Lunes,” sabi ko sa kanya.
“Wala nang bawian. Sasamahan kita bukas,” sabi niya, saka pinaandar ang motor at pumasok na sa gate nila.
Kaya pumasok nadin ako sa bahay at tinignan yung oras at nakitang 7 pm na kaya lumabas na ako ng kwarto at dumiretyo sa kusina para magluto ng kakainin ko ngayong gabi.
Pero biglang may kumatok ng malakas na aking ikinagulat.

