ANAK ( One-Shot )
MajorSin · 1 chapter · 2,233 words
ANAK ( One-Shot )
( A/N : Paki play ng background music sa right side :) )
Sinisigawan..
Sinasagot..
Minumura..
Kinakahiya..
Yan ang mga bagay na lagi kong ginagawa sa ina ko.
“ Anung klaseng anak ka? “
Yan. Yan lang rin ang maririnig kong ganti mula sa paligid ko. Oo, sa paligid ko. Kasi hindi ang mama ko nagsasabi niyan kundi yung mga taong nakikita ako na sinisigawan ko ang sarili kong Ina. Baket? Ano bang pake nila? nanay ba nila ang sinisigawan ko? hindi naman diba? Tsaka anung rin bang pakealam nila kung mumurahin ko siya? Wala naman akong nakikitang mali ah. Siya lang naman din ang may kasalanan kung baket ko siya nasisigawan.
Ilang beses ko ng sinasabi sakanya na huwag na huwag siyang lalapit sa’kin pag nasa school ako dahil napapahiya ako. Oo, kinakahiya ko siya. Magkaroon kaba naman ng Inang sunog ang kaliwang pisngi! Di kaba mahihiya?
“ Anak..“
Naku ayan na naman siya!
“ Tol, mama mo “ Sabi ng mga kabarkada ko habang nakatingin sa matandang babae sa harap namin.
“ Ah anak..heto, dinalhan kita ng makakain mo. “ Agad kong tinabig ang hawak niyang supot na iniabot niya sa’kin kaya tumilapon ito at nagkalat ang kanin at ulam na daing at itlog sa lupa. Nakakahiya!
“ ANO BA?! DIBA ANG SABI KO WAG KANG PUPUNTA DITO SA SKWELAHAN?! LAGI MO NALANG AKONG PINAPAHIYA!! BWESIT KA!! “ Sigaw ko bago umalis. Kita ko naman siyang kinuha yung lalagayan ng pagkain na tumilapon rin dahil sa pagkakatabig ko.
Ngayon pinagtitingan na naman ako ng mga ibang studyante! Bwesit! Nakakasira talaga ng umaga ang matandang ’yun!
Nauwi ako galing skwelahan na pagod na pagod. Ang layo naman kasi ng bahay namin mula sa skwelahan. Ewan ko ba kung baket nagagawa ng magaling kong ina na lakarin ang ganun kalayo para lang ipahiya ako sa mga kabarkada ko!
Agad kong sinipa ang isang bangko nung wala akong makitang pagkain sa mesa.
“ P*TA!! BA’T WALANG PAGKAIN DITO?!! “ Sigaw ko pero walang sumagot kaya pumasok ako sa kwarto niya. At dun nakita ko siya natutulog.
“ MA!! “ Sigaw ko kaya bigla itong nagising at napahawak pa siya sa ulo niya dahil sa biglaang pagbangon niya.
“ BA’T WALANG PAGKAIN?! GUTOM NA GUTOM NA AKO!! BWISIT!! “
Agad naman siyang bumangon sa hinihigaan niya.
“ Pasensya na anak..mag sasaing lang ako saglit. “
“ BILISAN MO!! “
At agad na akong umupo sa bangko. Kita ko naman siyang nagmamadaling kumilos pero laging parang matutumba. Palibhasa kasi Matanda na! Tss! Walang kwenta!
Ilang minuto pa ang nakalipas..
biglang nagtxt si Baldo, kabarkada ko.
“ tol, inuman daw sabi ni Berto, sagot niya. halika na! “
Agad akong nagbihis matapos kung mabasa ’yun.
“ Ah, anak, luto na ang—
“ Hindi na, ang tagal tagal mo! “ Sabi ko sabay labas sa bahay. Buti nalang at may kabarkada akong nakakasama pag badtrip ako.
**
Nauwi ako sa bahay ng sobrang hilo. Umiikot ikot pa ang paningin ko.
Pagkapasok ko, isang matandang babae ang nakita kong natutulog sa kusina. Nakapatong ang ulo niya sa lamesa.
“ MA!! “
Agad naman siya nagising nung sinigawan ko siya.
“ Anak..ba’t ngayon ka lang? madaling araw na. “
“ ANO BANG PAKE MO HA?! BIGYAN MO NANGA LANG AKO NG PERA! DALI! “
“ Anak..lasing kana..magpahi–“
“ PERA! BIGYAN MO SABI AKO NG PERA! “ Agad akong lumapit sakanya.
“ Wala na tayong pera anak..“
“ ISA! MAKAKATIKIM KA SA’KIN! “
“ Wala na talag–“
Di ko na siya pinatapos at sinampal ko na siya dahilan para matumba siya sa kinatatayuan niya.
“ WALANG KWENTA INA!! “
Rinig ko pa ang mga hikbi niya bago ako umalis sa bahay. Medyo natigilan ako ron saglit pero umalis parin ako. Sakit talaga sa ulo ang mga inang walang kwenta!
Araw na ng graduation na’min.
Andito ako sa kwarto ko nag aayos ng buhok ko.
Paglabas ko, nagtaka ako kung baket nakabihis siya.
“ Ba’t nakabihis ka? “
“ Diba graduation niyo ngayon nak? Sasama sana ak–“
“ Hindi na, niyaya ko na si tita. Siya na pupunta dun para may kasama ako.“ At sinuot ko na ang polo na uniform ko tsaka kinuha yung toga na pinalantsa niya.
“ Sige na anak..kahit sa labas lang ako. Gusto lang kitang makitang umakyat sa stage. “
“ Tss! wag na sabi! baka makita na naman kayo ng kabarkada ko at pagtawanan pa ako! Maghanda ka nalang ng tanghali–aw, di nanga pala ako dito uuwi mamaya, dun na ako kila tita pupunta. May kain kasi dun! Hindi tulad dito, puro daing! nakakasawa na! “ Kita ko namang tumamlay ang mukha niya. Ibang iba kanina na para bang excited na excited siya. Anung akala niya? hahayaan ko siyang sumama at sirain ang graduation ko?!
“ M-mag iingat ka nalang sa daan anak..Congratulations ha..“
Di ko na siya sinagot at umalis na agad ako ng bahay.
**
“ Tol! “ Bati ko sa mga kabarkada ko kasama ang mga magulang nila.
“ Congratz sa’tin! nakagraduate narin tayo! “ Sabi ni Jun kaya nagtawanan kami.
Bigla naman akong tinanong ng papa ni Edwin.
“ Oh. saan na ang mga magulang mo hijo? “
“ Ahh..ano po, wala na sila..“ Agad naman akong siniko ni Edwin ng mahina.
“ Wag ka ngang ganyan tol, Asan ba yung mama mo? “
“ Wala siya dito. “
“ Eh sino yung kasama mo dito sa school? Ikaw lang ba mag isa? “ Tanong ng papa ni Edwin.
“ Si tita po sana yun kaso.. hindi dumating eh “ Ngumiti ako ng pilit sa kanila.
na iinggit ako sakanila.
“ Eh baket ba hindi nakapunta ang mama mo? Busy ba siya? “
“ Gusto niyang pumunta pero ako yung may ayaw “
Gusto ko yang sabihin pero hindi ako nakaimik.
“ Sus, wag mong sabihing ayaw mong papuntahin ang mama mo dito? tama ako noh? “ Sabi ni Jun.
“ Grabe ka tol, hanggang kailan mo ba ikakahiya yang mama mo? Alam mo dapat maging proud ka panga eh dahil na kahit mag isa ka niyang tinataguyod, napagtapos ka parin niya. Kahit hirap na hirap na kayo hindi ka niya sinukuan. Di ka niya pinamigay katulad ng ibang mga magulang jan. Tapos lagi ka pang dinadalhan ng pagkain ng mama mo pag nakalimutan mong dalhin yung baon mo. Maging proud ka naman sa mama mo tol, kasi alam kong proud na proud sayo yung mama mo ngayon “
“ Tsaka alam mo tol, sa tuwing sinisigawan mo siya at nagwalk out ka pag dinadalhan ka niya ng pagkain, siya pa yung humihingi ng tawad samin. Siya pa yung hihingi ng paumanhin sa mga studyante na nadisturbo pag sinigawan mo siya. Minsan mapapansin naming parang maiiyak na yung mama mo pero ngumingiti lang ito samin bago siya aalis. Maswerte ka sa Ina mo tol alam mo ba ’yun? Maswerte ka dahil ganun ka niya kamahal. “
Di ko namalayang walang tigil na umaagos na pala ang mga luha sa mga mata ko.
“ Mama..“
“ Anak..“ Natigilan ako nung may marinig akong boses sa likod ko.
Paglingon ko..
Nakita ko ang mag inang nagyayakapan.
“ Congrats Anak..“
“ Salamat, Ma..“
Napatakip nalang ako sa mga mata ko dahil ayaw tumigil ng mga luha ko.
Naramdaman ko naman ang tapik ng mga kaibigan ko..
“ Di pa huli ang lahat para bumawi tol. Umuwi ka sa bahay at papuntahin mo ang mama mo dito. Mag cecelebrate tayo “ Nakangiting sabi ni Edwin sa’kin. Napatingin naman ako sakanilang lahat, nakangiti lang sila habang tumatango.
Nginitian ko sila..
“ Babalik ako. “
At dali dali na akong umuwi ng bahay..
“ Patawarin niyo ako, Ma..“
Pagkarating ko sa bahay, pumasok agad ako sa kwarto ni mama, nakita ko siyang natagilid habang nakahiga.
Paglapit ko, pansin ko agad ang basang parte ng unan ni mama kung nasan banda ang kanang mata niya.
Umiiyak siya..
Nasaktan ko si Mama..
Di mapigilan at napaluha na naman ako. Di ko mapigilan ang mga hikbing kumakawala sa bibig ko.
Narinig siguro ’yun ni mama kaya nagising siya..
“ Anak? ba’t andito ka? may nakalimutan kaba? “ Tanong niya tapos bumangon siya pagkakahiga niya.
“ M-ma. “ Ang dami kong gustong sabihin pero yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
“ Halika..“ Sabi niya kaya umupo ako sa kama niya. At walang pagdadalawang isip niya akong niyakap.
“ M-ma..Patawad..P-patawarin niyo ako..“ Naiiyak kong sambit habang nakayakap parin ako sakanya.
“ Shhh, wag kang humingi ng tawad. Wala ka namang kasalanan, Anak. “ Mas lalo pa akong napahagulhol matapos niyang sabihin ’yun. Sa dami ng ginawa ko sa kanya, sasabihin niya lang na wala akong kasalanan? Ibang klaseng pagmamahal.
Bigla naman siyang umubo, at dun ko lang napansin na sobrang init pala niya.
“ Ma..ang init mo. “ Agad kong kinapa ang noo niya. “ May lagnat ka. “ Sabi ko at inihiga ko na siya ulit.
“ Pasensya na anak..naligo kasi ako kanina. Kahit ramdam ko na mainit na ako kahapon pa. “
“ Baket naman, ma? “
“ Gusto ko kasi sanang sumama sayo eh, kaso..hindi pala pwede. “ Ngumiti siya sa’kin kaya napaluha na naman ako.
“Oh ba’t umiiyak ka anak? “
“ M-ma..sorry..“
“ Ano kaba, Hindi naman ako galit sayo anak eh..“ At bigla na naman siyang umubo.
Agad kong pinahiran ang mga luha ko. “ Wag kang mag alala ma..babawi ako. Ako ang mag aalaga sa inyo ngayon “ Nginitian ko si mama kahit may mga konting luha pa ang umaagos sa mga mata ko.
“ Salamat anak..“
Tinext ko sila Jun na wag na nila akong hintayin dahil may lagnat si Mama. Nag ok naman sila kaya sinimulan ko ng asikasuhin si Mama. Inalagaan ko siya buong araw, hindi ako umalis sa tabi niya. Hinihimas ko lang ang buhok malapit sa noo niya para mapaganda ang pagtulog niya. Pagkagising niya pinapainom ko agad siya ng gamot. Tapos mag kwekwentuhan kami. Ang sarap sa pakiramdam pag nakikita ko ang ngiti ng mama ko, ng nag iisa kong mama. Ako ang nagluto ng lugaw para magkalaman ang tiyan niya. Minsan nahihilo siya kaya hinihilot ko ang ulo niya.
Natapos ang buong araw na hindi ako umalis sa tabi ng mama ko. Ewan, pero hindi ako nakaramdam ng kahit konting pagod habang pinagsisilbihan ko siya. Hindi rin ako nakaramdam ng pagkainip pag pinagmamasdan ko siyang natutulog. Di ako nag sasawang mag kwento pag kausap ang mama ko.
Ba’t ngayon pa to nangyari sa buhay ko?
“ Totoo nga talagang tinutupad ng panginoon ng mga dasal na’tin, anak. “ Napatingin ako kay mama nung bigla itong nagsalita.
“ Baket, Ma? natupad ba yung hiling mo? “
“ Oo, anak. “
“ Ano ba yung hiniling mo, Ma? “
“ Hiniling ko sa diyos na sana..sana maging ganito tayo balang araw..kahit isang araw lang. At heto nanga, tinupad nanga niya ang hiling ko. Ang saya ko ngayon anak.“ Di niya napigilan at siya naman tong napaiyak. Nahawa tuloy ako.
“ Wag kang mag alala Ma, yung isang araw na hiniling mo, magiging habang buhay na’yun. Pangako yan, Ma “ Sabi ko. Nakangiti kami kahit pareho kaming umiiyak.
“ Matulog kana Ma.. “ Sabi ko, pansin ko kasing hinang hina na niyang binubukas ang mga mata niya ng para bang pagod na pagod na siya.
At bago siya makatulog, sinabi ko sakanya ang salitang bihira lang sabihin ng mga anak sa kanilang mga magulang.
“ Mahal na mahal kita, Ma. “
Nakita ko naman siyang ngumiti kahit nakapikit ang mga mata.
“ Mahal na mahal rin kita, Anak. “ May isang butil ng luha ang namumuo sa kanang mata niya kaya agad ko iyong pinahiran.
“ Matulog ka ng mahimbing, Ma. “ At agad kong tinakpan ng kumot ang katawan niya.
Gusto ko pang manitili sa kwarto niya para kausapin siya. Gusto ko pang manitili sa kwarto niya para tignan ang mga ngiti ng mama ko. Gusto ko munang manitili sa kwarto kasi..ewan, hindi ko alam, parang ayaw kong umalis.
Pero dapat na siyang magpahinga, may bukas pa naman diba? Tama, may bukas pa para gawin ko ang mga bagay na’yun.
Nagising ako ng alas singko ng umaga, agad kong ginawa ang laging ginagawa ni mama araw-araw
Nag saing ako, nag hugas ako ng mga hugasin, bumili ako ng dalawang itlog at sardinas sa tindahan. Tuwang tuwa akong nagluluto ng ulam. Gusto kong bumawi kay Mama, dapat pagsilbihan ko siya araw-araw–Mali, habang buhay kong pagsisilbihan ang mama ko.
Natapos na ang niluto kong ulam at sakto rin naluto ang kanin na sinaing ko.
Kumuha agad ako ng plato. Dun ko nalang pakakainin si mama sa kwarto niya dahil baka pagod pa siya.
Nung matapos ako, pumasok na agad ako sa kwarto ni Mama.
“ Ma? Handa na ang agahan mo “ Ngiti ngiti pa akong pumasok at umupo sa kama ni mama.
“ Ma? “ Nanatili lang siyang tulog.
Hahawakan ko sana ang balikat niya para yugyugin ng mahina pero natigilan ako, hindi ko alam kung baket. Bigla nalang akong kinabahan ng sobra.
“ M-ma? “ Hinawakan ko ang kamay niya..
Ang lamig..
“ M-ma..yung agahan mo..re-ready..na “ Di ko namalayang nanginginig na pala ako at walang pasabing tumulo ang mga luha ko..
“ M-ma..G-gising..Gumi-ugh! “ Di ko natapos ang sasabihan ko dahil sa mga luha kumakawala sa mata ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit..
“ Ma naman..“
Gusto ko pang bumawi sayo, Ma..
-KasalanaN

