loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ang Alamat ni Prinsipe Malik

Ang Alamat ni Prinsipe Malik

Ai Tenshi · 7 chapters · 12,178 words

TOP COMMENTS AND REVIEWS:

ANG ALAMAT NI PRINSIPE MALIK (BXB FANTASY 2015)

WRITTEN BY AI_TENSHI

GENRE: FANTASY

TOTAL CHAPTERS: 41 PARTS COMPLETED!

  ![](https://img.wattpad.com/dc2e70ae6b2d4d858219892f31c5267c4b2ac642/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f363545592d373838385362466f413d3d2d3934393333373630372e313633323564303039373539666362343239353436373532353139362e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/b0edf64ec6f6f7be284f03ea54058fa87366d288/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f366c65444b4844374f6e514261413d3d2d3934393333373630372e313633323563666634623163666434613534383232383831323032312e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/d118b6423ebbd0614f7dad5ec9d8b5ecb7263ef9/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f623644376b71506e7637517a38413d3d2d3934393333373630372e313633323563666463623963373463353935383230393336313039372e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/066757c37c49ff7412e356d691e229a9aa153b91/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6d5a32744d4356687933733771513d3d2d3934393333373630372e313633323563666263333432303139623935393831353937323139382e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/51dac2e0e38752e79c5461b51eea0fece639b966/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f71587a724444332d7461706157773d3d2d3934393333373630372e313633323564303235343131353131633835333430323937363339392e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/09d70f50461885a11dbd670e0fd54ba79acbda66/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f46306978534e73527751704670513d3d2d3934393333373630372e313633323564303434323830303737353232303832383033353538332e6a7067)

Part 1: Si Malik

Kulay ng Tag-Sibol

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

Ang Alamat ni Prinsipe Malik

AiTenshi

 

January 19, 2015

 

Prologue:

“Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa alamat ng isang mabangis na nilalang sa ilalim ng dagat? Ang halimaw na ito ay sinasabing pinaka makapangyarihang likha na nabubuhay sa anyong tubig at dahil dito siya ang itinuturing na prinsipe ng lahat ng mga naninirahan doon. Mapa isda, balyena, pating at iba pang yamang tubig ay kanyang pag aari. Siya rin ang itinuturong dahilan ng mga aksidente at trahedya sa gitna ng karagatan. Ang mga lumubog na barko at mga nawawalang sasakyang pang hipapawid ay isinisisi din sa kanyang taglay na kapangyarihan. Pinaniniwalaang siya ay naka tira sa pinaka ilalim ng karagatan kung saan ang pinaka palatandaan nito ay ang hugis tatsulok na ibabaw ng tubig at ito ang tinawag na “Bermuda Triangle.”

Isang ito natatanging nilalang na kalahating tao at kalahating dragon ang katawan. Para itong isang sirena ngunit ang kanyang buntot ay binatay sa isang dragon na may matutulis na pangil at mahahabang kuko. Pangit ito at talagang kinatatakutan ng lahat. Sinasabing kumain ito ng karne ng mga hayop sa ilalim ng dagat ngunit mas paborito nya ang karne ng tao dahil kakaiba daw ang lasa at amoy nito kaya naman ang lahat ng mortal na naliligaw ng gitna ng karagatan ay kanyang binibiktima at ginagawang pang himagas.

Ayon sa mga libro at iba pang dokumento, marami na daw ang na ka kita sa nilalang na ito dahil may may mangilan-ngilang imahe ng hindi maipaliwanag na nilalang ang nahahagip ng kanilang mga kamera kaya naman mas lalo pang nabubuhay ang haka- haka tungkol sa alamat ni Malik.“

Part 1

“VERY GOOD Mr. Yuzon!! Halatang inaral mo ang bawat detalye ng iyong research tungkol sa mga Mythical Creatures. Mabuti na lamang at na iiba ang prinesinta mo ngayong hapon, hindi katulad ng mga kaklase mo na puro Bampira, Aswang, Kapre at pati ni Undin ay isinama na rin nila. My God! Kailan pa naging Mythical Creature ang Undin ng shake rattle ang roll?! At kanina sa kabilang section ay may nabasa ako na labis kong ikinagalit. Sino ang nag lagay ng pangalan ko sa listahan ng mga halimaw na nabuhay noong sinaunang panahon?! Kapag nalaman kong isa sa inyo ang ang lagay doon ay paniguradong ibabagsak ko kayong lahat!! Sige Mr. Yuzon continue!!” ang sigaw ni Misis Gaviola habang isa isang binabasa ang aming research paper

Muli kong ipinag patuloy ang aking pag rereport “Ayun nga, mas kinatatakutan si Malik dahil sa kanyang anyo at taglay na kapangyarihan. Ang mga buhawi, tsunami, pag apaw o pag babaw ng karagatan ay sinasabing siya ang may kagagawan at hindi lang iyon dahil pati ang trahedyang pag wash out sa ibat ibang lugar sa mundo ay isinisisi rin sa kanya. Kung ako ang inyong tatanungin, mabangis na halimaw itong si Malik dahil sakop nya ang tubig sa buong mundo. Sa aking palagay ay mas kinatatakutan ito kaysa sa mga bambira o higante.”

“Pero ang tanong ko lang sa iyo Mr. Miguel Yuzon, naniniwala ka ba kay Malik? Alam mo marami na rin ang akong nasabang artikulo sa mga pahayagan, magasin or even sa mga internet blogsites, lahat sila ay talagang naniniwala sa existence ng nilalang na si Malik.” paliwanag ng aming guro.

“Siguro po ay maaari ko na ring paniwalaan, wala namang mawawala sa akin kung sakali mang isipin ko na totoo ang bagay na ito. At isa pa ay napakalawak na ng ating mundo, walang nakaka alam kung ano ang nakahimlay sa dako pa roon. May nga scientific theory na nag papatunay ng existence ng isang bagay, katulad ng mga aliens sa kalawakan na ayon sa Ancient Austronaut theory ay binisita tayo ng mga ito noong mga sinaunang panahon pa at tumulong sila sa pag hubog ng ating kasaysayan. Ang mga hightechnology machines ay ipinag kaloob daw ng mga aliens sa sinaunang tao upang hubugin ang kanilang kaalaman tungkol sa high standard of living. Kung ang iba’t ibang teorya ang pag babasehan paniguradong may isang aklat ng kasulatan ang nag sasaad ng existence ng isang bagay at kasama na rito si Malik. Kaya ngayon ay sasabihin ko na naniniwala ako sa kanya NGUNIT ayoko siyang makita, dahil takot ako.”

Tawanan ang buong klase..

“Tahimik!! Very Good Mr. Yuzon. Please take your seat.” wika ng aming guro habang binabawal ang mga natatawanan kong kaklase.

Ako si Miguel Yuzon, 20 taong gulang at kasalukuyang kumukuha ng Kursong Biology. 5’8 ang aking taas at maayos naman ang aking pangangatawan, hindi payat at hindi rin naman ganoon kataba. Sinasabi ng aking mga kaklase na gwapo daw ako at hindi na pag mamayabang pero sinasabi nilang kahawig ko raw ang artistang si Mark Nueman ng TV5. Kaya naman marami babae ang humahanga sa akin sa loob at labas ng aming paaralan.

Marahil ay nag tataka kayo kung bakit tungkol sa mga “mythical creatures” ang aming pinag aaralan bagamat “biology” nga aking kurso. Ang totoo nun ay parte ito ng aming activity na alamin kung nabubuhay ang mga ganitong uri ng nilalang sa dako pa roon. Biology is the study of life kaya naman kahit na anong topic na may kinalaman sa buhay ay aming sinasaliksik at pinag aaralan. Bukod pa rito ay member din ako ng swimming team ng aming campus kaya naman masasabi kong nagiging abala ako kapag tumatapak ako sa gate ng aming paaralan.

Galing ako sa isang mayamang pamilya. Nag iisang anak lamang ako dahil nag karoon ng diperensya sa obaryo ang aking ina matapos akong ipanganak. Bakit kami naging mayaman?  Ang aking ama ay isang marine engineer at ngayon ay kasalukuyan siyang naka destino sa barko bilang isang kapitan at ang aking ina naman ay isang marine biologist na kasalukuyang nag tatrabaho sa isang sikat na research laboratory bilang tagpag saliksik (syempre naman lol). Kung di nyo naitatanong, masyadong naakit ang aking mga magulang kulay at anyo ng tubig kaya naman hindi na nakapag tataka na tatlo ang swimming pool sa aming bahay. Isa sa harapan, isa likod bahay at isa loob kung nasaan naroroon ang banyo. At ito marahil ang dahilan kung bakit ako natutong lumangoy.

Alas 8 ng gabi noong makauwi ako ng bahay. Agad akong sinalubong ni mama upang sabihin na pauwi na raw ang aking ama galing sa pag lalayag ng barko. Anim na buwan din itong pumapalaot sa dagat kaya’t madalang itong maka uwi dito sa kanyang pamilya. Ngunit sa kabila nito ay naiintindihan ko naman iyon dahil alam kong para sa akin rin lahat ng kanilang mga sakripisyo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit naging kapitan ng barko ang aking ama kung gayong malayo ito sa kursong pinag tapusan nya ang marine engineer. Kung sabagay parehong may kinalaman iyon sa tubig ngunit kahit anong isip ang aking gawin ay malayo pa rin talaga ito.

“Iyan ang itanong mo sa iyong abnormal na ama. Ewan ko ba naman sa kanya kung paano siya naging kapitan ng isang barko, basta ang alam ko lang ay isinalba nya ang buhay ng dating may ari ng cruise line na iyon at ngayon ay naging kapitan na siya nito.” paliwanag ni mama at pati siya ay halatang gulong gulo rin.

Kung sabagay, minsan nga na itinanong ko kay papa kung bakit iyon ang naging trabaho nya ang tangi lamang niyang isinagot sa akin ay “Kasi genius ako!” kaya’t mag buhat noon ay hindi na ako nag tanong pa. Mabait naman talaga si papa may mga oras lang talaga na weirdo ito at wala kang makukuhang matinong kasagutan mula sa kanya. Pero ang sabi ni mama sa akin ay doon daw ako kumuha ng anyo sa aking ama dahil noong kabataan daw nito ay halos magkaroon ng giyera ang mag kababaihan upang makamit lamang matamis na “OO” nito. At talagang babae pa ang nanligaw dito.

“Hindi ko naman tipo ang iyong ama, nag kataon lang na mag kaklase kami noong kolehiyo at pareho kaming genius kaya naman nag karoon kami ng masalimuot na hidwaan at tagisan ng talino. Lagi kaming mag kalaban sa lahat ng subjects at pati sa sports ay karibal din nya ako. Hanggang sa naakit siya sa akin at iyon na nga! niligawan nya ako.” ang kwento ni mama at halos matawa ito sa kanyang mga sinasabi.

“Edi Wow!” ang sagot ko naman at ipinag patuloy ko ang pag hahanda ng hapunan. Nakakatuwa lamang isipin na nag click ang sa relasyon ni mama at papa dahil kung iyong iisipin ay halos mag karibal sila sa lahat ng bagay. Mula noong kolehiyo at pati ang kurso at eskwelahang papasukan ko ay pinag awayan din nila. Ganoon sila katindi pag dating sa decision making.

Ipinag patuloy ko ang aking ginagawang pag aayos ng lamesa hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay bumulaga na nga si papa sa pinto ng aming bahay. “Surprise!” ang sabi nito habang dala ang kanyang mga maleta. “Papa! Welcome back, kumusta naman ang karagatan?” tanong ko naman. “Ayos naman anak, ganoon pa rin, nakaka hilo at nakaka inip.” sagot naman ni papa habang niyayakap ang aking ina. “Mamaya na ang kumustahan, kumain na muna tayo at baka uminit ang sabaw.” wika naman ni mama.

Marami kaming pinag usapan sa hapag kainan at halos hindi na matapos tapos ang kwento ni papa tungkol sa kanilang pag lalayag. Paulit ulit ang kanyang pag bibida hanggang sa halos makabisa na namin ito ni mama. Kinamusta rin nya ang aking pag aaral, kung ano daw ba ang balak ko pag katapos ko sa kolehiyo kaya naman sumagot ako at sinabing “masyado pang matagal iyon kaya’t pag iisipan ko muna.”

Matapos ang hapunan ay binuksan ni papa ang isang kahon na kayang dala mula sa barko, nag lalaman daw ito ng mga inipon niyang pasalubong para sa amin. Isang malaking kahon ito na ang nasa loob ay mga chocolate, damit, sapatos, gadget at ibang kagamitan para sa akin. Mayroon din siyang regalo para kay mama at iyon ay mga alahas, gawa ito sa ibat ibang kulay na perlas mula sa ilalim ng dagat. Ngunit sa lahat ng magarbong pasalubong na ito ay mayroong isang bagay na nakapukaw sa aking atensyon, isang maliit na kahon ito na halos may katagalan na rin ang anyo dahil sa mga kalawang nito. Dahil sa pag tataka, agad kong kinuha ang lumang kahon at patagong dinala ito sa aking silid kasama ng mga bagong damit at gadget na ibinigay sa akin ni papa.

Pansalamanta kong itinago ang lumang kahon sa aking cabinet at nag pasya na akong umupo sa harap ng aking study table para ituloy ang research ko tungkol sa halimaw na si Malik. Kumuha rin ang akong 1/4 na illustration board at doon ay iginuhit ko ang itsura nito. Sinumalan kong iguhit ang kanyang mukha na nababalutan ng maraming kaliskis, ang maskulado nyang katawan na puro hasang at syempre high light ng kanyang anyo wala iba kundi ang kanyang mahabang buntot na gawa sa dragon. Nakaka kilabot ang kinalabas ng aking guhit, para itong isang halimaw ka laban ng isang super hero at napansin ko rin na kamukha pala ito ni Purungga ang dragon sa planet Nemic doon sa anime na Dragon Ball Z. “Perfect Migz! Perfect!” ang sigaw ko sa aking sarili habang kinukulayan ko ang tubig sa paligid ng halimaw  hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay natapos ko na ito.

Iniwan ko ang aking iginuhit sa ibabaw ng aking study table at nag pasya na akong mahiga sa aking kama upang mag pahinga.

tahimik..

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at laking gulat ko nang biglang na lamang mahulog ang aking iginuhit na larawan sa sahig. Kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon upang pulutin ito nang biglang may lumabas na isang kamay mula sa larawan at mabilis na hinablot nito ang aking leeg dahilan para mag dugo ito. Halos huminto ang aking mundo sa bilis ng mga pangyayari, hanggang sa namalayan ko na lamang na may humawak sa aking braso. Malaki ang kamay nito, nababalutan ng kaliskis at matutulis ang kanyang mga kuko. Dahil sa matinding pag kabigla ay hindi ko na nagawa pang sumigaw ng malakas habang naramdaman kong humihigpit ang pag kaka kapit nito sa akin braso.

Pahigpit ito ng pahigpit..

Tila mapuputol ang aking buto..

Kitang kita ng aking dalawang mata ang mga dugong dumadaloy sa aking katawan at ang iba naman ay pumapatak sa sahig ng aking silid. Nag lalawa na buong paligid dahil sa pinag halong dugo at tubig na tumatagas mula sa larawan. Ilang minuto pang tumagal ang pag piga nito sa aking braso hanggang sa wala na akong maramdaman pa. Tila namanhid ang parteng iyon at noong tingnan ko ito napasigaw ako dahil ang aking braso ay nahulog na sa sahig! “Naputol ang braso ko!!! Saklolo!!!” ang sigaw ko sa aking isip ngunit ayaw pa ring bumakas ng aking bibig. “Tamaaa naaa!!! Tulungan nyo kooo!!! Papa!!! Mama!!” ang muling kong sigaw ngunit wala yatang nakakarinig sa akin.

Habang nasa ganoong pag sigaw ako, muling gumalaw ang kamay na nasa loob ng larawan at sinakal nito ang aking leeg hanggang sa unti unting tumagas ang dugo mula dito. Para akong ginigilitang manok noong sandaling iyon. Isang malakas na kalmot pa ang muli nitong iginawad sa akin kaya naman unti unting napatid ang aking pag hinga.

Itutuloy…

Part 2: Ang Lumang Kahon

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

  Ang Alamat Ni Prinsipe Malik

AiTenshi

 

Part 2

Isang malakas na kalmot ang iginawad ng kung anong bagay sa aking leeg dahilan upang matuklap ang balat dito. Ramdam ko ang pagka lagot ng aking hininga dahil sa matinding pag sakal ng halimaw na kamay sa aking leeg, hanggang sa nagawa na niya akong hilahin papasok sa larawan na noon ay nag sisimulang mabuhay. Malakas ito at tila wala akong kalaban laban, kitangkita ko rin ang naputol kong braso na inaanod palubog sa kailaliman ng tubig hanggang sa natagpuan ko na lamang ang aking sarili na inilulubog ng kagaratan sa kanyang pinaka ilalim.

Ramdam na ramdam ko ang lamig dulot ng pag hampas ng tubig sa aking katawan. Napapatid na rin aking pag hinga at batid kong ano mang oras ay ikamamatay ko na ito. Nasa ganoong pag lubog ako ng bigla na lamang may kung anong bagay ang lumingkis sa aking katawan. Isang malaking buntot ito na parang ganoon sa dragon. Pahigpit ng pahigpit ang kanyang ginagawang pag sakal sa akin katawan hanggang sa maramdaman kong nahahati ang aking kalamnan. Nag halo ang aking malapot na dugo at ang malamig na tubig ng karagatan kaya naman mas lalo pa itong nag bigay ng ibayong takot at kaba sa aking isipan. “Wagggg!!! Tamaaa naaaa! Saklolo!!!” ang malakas kong sigaw sabay balikwas ng bangon sa aking higaan.

Isang panaginip lang pala ang lahat..

Agad kong hinipo ang aking leeg at tiningnan kung may sugat nga ito. Bumalikwas din ako ng bangon upang icheck ang larawan na aking ginawa at doon nga nakita kong normal naman ang lahat. Isang nakaka kilabot na bangungot ang nangyari sa akin at ang akala ko ay totoo na ang lahat. Ramdam na ramdam ko ang lamig at pag hampas ng tubig dagat sa aking buong katawan, pati na rin ang hapdi ng aking leeg noong malagyan ito ng tubig alat.

tahimik sa loob ng aking silid..

Tanging kamay lamang ng orasan ang iyong maririnig..

Alas 3 na pala ng umaga at hindi na ako nagawa pang dalawin ng matinding antok kaya naman noong mga sandaling iyon ay nakahiga lamang ako ngunit dilat naman na parang isang kwago ang aking mga mata. Ang pakiwari ko ay nalulunod pa rin ako sa gitna ng karagatan at dama ko pa ring ang matinding pag habol sa aking hininga. Marahil ay nasosobrahan na ako tungkol sa pag sasaliksik ko sa alamat ni Malik kaya’t pati sa aking panaginip ay sumasama ito.  Halos ilang oras din akong dilat hanggang sa muling sumikat ang bagong araw at kasabay noon ang pag gayak ko patungo sa paaralan. Mukha akong sabog at naka high dahil sa laki ng aking eyebag, ramdam ko rin ang kaunting pag kahilo habang tinatahak ko ang daan papasok ng gate ng aming campus.

“Yuzon! Ano ba ang nangyayari sayo? Bumabagal ka yata sa pag langoy?!” ang sigaw ng aming coach habang hawak ng mahigpit ang kanyang stop watch. “Im sorry coach, nahihilo lamang ako.” wika ko naman habang umaahon sa tubig. “Ayos naman ang mga combination ng strokes mo, nag kataon lamang na bumagal ka ng ilang segundo ngayon. Sige mag pahinga ka muna.” sabi nito sabay hagis ng twalya sa akin kaya naman agad akong nag punas ng aking sarili at doon ay naupo habang pinag mamasdan ang iba pang member ng swimming team na nag eensayo.

“Pesteng Malik yan! Naapektuhan tuloy ang performance ko.” pag mamaktol ko sa aking sarili habang pinupunasan ang aking katawan sa loob ng shower area. “Nakakahiya namang isipin na masyado kong dinadamdam ang tungkol sa kanya at parang hindi ito bagay sa laki ng aking katawan.” bulong ko pa sa aking sarili habang pinag mamasdan ang aking hubot hubad na katawan sa whole body mirror. Kung tutuusin ay maganda na ang katawang ito, malaman at hindi puro taba. Ang aking braso ay bilugan at ang aking balat naman ay maputi at makinis. Binibiro nga ako ng aking mga kaklase na “mas makinis pa raw ako kaysa sa babae.”

“Pare laki nyang kabute mo ah.” ang biro ng aking kateam sabay hampas ng tuwalya sa aking matambok na pwet. Ang tinutukoy niyang kabute ay ang aking ari na namumula at nag sisimula nang magalit kaya naman agad ko itong tinakpan ng damit. “Tado!! Nabakla ka na naman!” tugon ko sabay balibag sa basang damit sa kanyang mukha.

“Tangna pare, kinis mo. Para kang babae. Kung wala iyang lawit na may buhok sa harapan mo, malamang napagkamalan na kita babaeng maskulado.” ang biro pa ng mga ito. “Mga uto! Hindi ako kumakain ng ka uri!” sagot ko naman at ihinagis ko muli sa kanya ang aking basang swimming trunks at saka nag madali akong mag bihis.

Tawanan..

At dahil nga masama ang aking pakiramdam ay hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking pinaka huling subject kaya naman nag pasya akong umuwi na lang muna. Sakay ng taxi ay tinahak ko ang daan pabalik ng aming subdivision, tila nag hahalo na ang sakit ng aking ulo at ang pag kainis dahil sa hindi magandang performance ko kanina sa ensayo ng swimming team. At makalipas nga ang ilang minuto ay nakarating na ako sa aming bahay. Agad kong hinanap si mama at papa ngunit wala daw ito dahil may inasikaso sa bayan kaya naman umakyat na lamang ako sa kwarto upang mag pahinga.

Pag pasok sa loob, agad kong nakita ang larawan ni Malik na aking igihunin sa isang illustration board. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip para kunin ito at itapon sa basurahan sa tabi ng aking cabinet. May sa maligno yata ang guhit na ito dahil hanggang panaginip ay sinusundan ako. Habang nasa ganoong pag tatapon ako napatingin sa loob ng aking cabinet at doon ay nakita ko ang lumang kahon na nakuha ko bagaheng dala ni papa.  Noong mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan upang kuhanin ito at suriin kung ano ang nasa loob. Ang kahon ay parang paliit na treasure chest na gawa sa baka at may desenyo ito na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saan lupalop ba ito napulot ni papa ngunit batid kong isa ito sa mga lumang kagamitan sa barko na aksidenteng naisama nya sa mga pasulubong na dala.

Habang pinag mamasdan ko ang itsura ng kahon, bahagya ko itong inalog-alog ngunit wala naman akong marinig na kahit ano kaya naman inilapag ko ito sa aking study table upang suriing mabuti. Dito na pumasok ang ideya na buksan ito upang malaman ko kung ano ang nasa loob kaya naman agad akong kumuha ng screw driver upang sundutin ang susian sa lock nito. Buting-ting dito at kalikot doon ang aking ginawa ngunit bigo akong mabuksan ito. Sinubukan ko ring sirain ang kahon ngunit wala talaga dahil gawa ito sa isang makapal na bagay.

Walang nangyari sa effort kong buksan ito, nag karoon lamang ng tadtad na kalawang ang aking kamay kaya naman wala na akong nagawa kundi ibalik ito sa loob ng aking cabinet at sukuan ang tangkang pag bubukas ng naturang kahon. Muli na lamang akong nahiga sa aking kama at doon ay nag pahinga.

Tahimik nanaman ang paligid..

Lumalim ang pag tulog at pakiramdam ko ay hinihila ako ng kung bagay sa aking panaginip hanggang sa matagpuan ko na lamang ang aking sarili na lumulubog sa gitna kagaratan habang pilit na itinataas ang aking kamay sa para sa ano mang tulong na maaaring dumating para sa akin..

Ramdam ko pa rin ang malamig na tubig na damadampi sa aking katawan. Wala akong ingay na marinig kundi ang lagaslas ng tubig sa aking paligid.  Tila naulit nanaman ang aking panaginip kagabi at sa pag kakataong ito ay tila wala akong kalaban laban, wala rin akong lakas. Basta lumulubog na lamang aking katawan pababa sa ilalim ng karagatan hanggang sa wala na akong makitang liwanag. Alam ko sa aking sarili na marunong akong lumangoy ngunit tila tinatamad ang aking katawan na kumilos kaya naman halos mapatid na aking hininga habang nasa ganoong pag kakalubog..

Ilang minuto na rin akong nasa ganoong kalagayan at alam kong nasa pinaka ilalim na ako ng karagatan. Iba na ang lamig na nag mumula dito dahil parang may yelo na ito. Patuloy pa rin ako sa pag lubog sa kailaliman hanggang sa may makita akong isang nag liliwanag na bagay. Isang higanteng bula ito o parang bola na mayroong kung ano sa loob kaya naman maigi ko itong pinag masdan.

Palipit ako ng palapit hanggang malinaw ko nang nakikita kong ano ito. “Isang sibilisasyon sa loob ng isang higanteng bula.” sigaw ko sa aking sarili. Maliwanag ito at kakaiba ang itsura. “Pupunta ako doon upang mang hingi ng tulong! Tulungan nyo ako!!” ang sigaw ko sa aking sarili habang inaabot ng aking kamay ang liwanag na nag mumula sa higanteng bula. Nasa ganoong pag abot ako ng muli nanaman inagos ang aking katawan at sa pag kakataong ito ay paatras naman pabalik sa pinaka ibabaw ng karagatan. Mabilis ang pag hila sa akin palayo hanggang sa hindi ko na nakita pa ang sibilisasyon sa loob ng nag liliwanag na bagay na iyon.

tahimik ulit..

Muli akong bumalikwas ng bangon sa aking higaan at katulad ng dati ay ramdam ko na naman ang pagod at hingal. Hinahabol ko ang aking pag hinga at mabilis din ang tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay basa pa rin ng tubig ang aking buong katawan bagamat tuyo naman ang aking mga damit na suot. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa aking sarili kung ano ba ang nangyayari at napapadalas ang pananaginip ko ng mga bagay na may kinalaman sa karagatan. Ngunit sa lahat ng ito, hindi ko pa rin maiwaglit sa aking isipan ang magandang sibilisasyon na aking nakita sa pinaka ilalim na parte ng kagatan bagamat alam kong likha lamang ito ng aking malikot na pag iisip ay hindi ko pa rin makalimutan ang kakaibang itsura nito.

Halos ilang oras din akong nag mumuni muni sa aking silid hanggang sa maisipan kong kuhanin ang lumang kahon sa aking cabinet at ibalik ito kay papa. Wala rin namang kwenta dahil hindi ko mabuksan ito. “Papa, nga pala mayroon akong nakitang kahon doon sa bagahe ng mag pasalubong mo noong nakaraang gabi. Aksidente ko itong naisama sa aking mga gamit, hindi ko naman ito mabuksan kaya’t isang malaking palaisipan sa akin kung ano ang laman nito.” wika ko kay papa habang inaabot ang kahon. Sinabi ko na lamang na nasama ito ito sa aking mga gamit bagamat ang totoo nun ay kinuha ko talaga ito. “Ganoon ba? Ang totoo nun ay hindi ko rin alam kung ano ba ito. Matagal tagal na panahon na rin kasi ang nakalilipas mag buhat noong ibigay sa akin ito ng isang kaibigan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito mabuksan. Ang alam ko ay iniwan ko ito sa akin cabin doon sa barko ngunit hindi ko napansin na naisama ko pala ito rito.” tugon naman ni papa habang binabalik ang naturang kahon sa loob ng kanyang bagahe. “Ang totoo nun ay sinubukan ko po itong buksan ngunit kahit anong pilit ang aking gawin ay wala talaga.” sabi ko naman habang tinutulungan siya sa pag sasalansan ng kanyang mga gamit.

Hanggang ngayon ay isang malaking pala isipan pa rin sa akin ang lamang ng kakaibang kahon na iyon. Inalog ko ito ngunit wala namang tunog, naka lock ngunit sadyang matibay ang pag kakagawa kaya bigo rin ako na mabuksan ito. Edi ayun nga, nag pasya nalang ako na kalimutan nalang ang lahat. Wala akong nakitang kahon at hindi ko ito pinag tangkaang bukas.

Makalipas ang ilang araw, muling bumalik sa normal ang takbo ng aking buhay. Hindi na rin ako nanaginip ng mga kung ano anong bagay na may kinalaman sa karagatan o sa tubig. Maayos na ulit ang aking performance sa swimming team at higit sa lahat ay halos nabubura ko na ang pangalan ni Malik sa aking sisipan. “Very Good Mr. Yuzon!Alam mo kung palaging ganyan ang performance mo. Malamang hindi na sa atin makakawala ang gintong medalya sa college olympics!” wika ng aking coach habang inaabot nya ang aking kamay paakyat mula sa pool.

“Salamat coach. Alam ko naman sa aking sarili na kayang kong higitan ang aking record noon, nag kataon lamang na wala ako sa kondisyon noong mga nakakalipas na araw.” tugon ko naman habang nag pupunas ng aking katawan.

“Well, anyway sana ay mag tuloy tuloy na ang good condition mo. Iwasan mo ang mga bagay na makapag papa stress sa iyo upang mas maging magaan ang pakiramdam mo. Iyon lang muna sa ngayon, maaari na kana umuwi at mag pahinga.”

Matapos ang halos isang oras na ensayo ko sa swimming team, agad akong sumakay ng taxi pauwi sa aming bahay. Tahimik sa loob ng sasakyan at mellow music lamang ang iyong maririnig kaya naman napaka sarap nitong pakinggan at talaga namang nakakarelax ng pakiramdam. Habang nasa ganoong pakikinig ako, bigla na lamang akong may nakapa sa loob ng aking bag na isang matigas na bagay at noong tiningnan ko ito, laki gulat ko ng makita doon ang lumang kahon na isinauli ko kay papa. Nakalagay ito sa loob ng aking knapsack kasama ng aking mga gamit.  “Aba’t paanong napunta ito rito?!” tanong ko sa aking sarili habang pinag mamasdan ang makalawang na kahon.

“Boss, nandito na tayo. Ayos ka lang ba?” tanong ng taxi driver noong makita akong nakatulala. “Ah oo, salamat.” gulat kong sagot sabay abot ng bayad at bumaba ako palabas ng kanyang sasakyan. Pag pasok ko pa lamang sa gate ay agad kong hinahanap si mama at papa upang itanong kung inilagay ba nila ang kahon sa aking knapsack ngunit hindi naman daw nila ito ginawa. Ang inisip tuloy ni papa ay pinag titripan ko lamang siya.

Noong hapon din iyon, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka upo sa tulay kung saan naroroon ang pinaka maluwang na ilog dito aming lugar. Naka upo ako sa gilid nito habang katabi ang lumang kahon at tinitignan ko ito habang itinatanong sa aking sarili kung paano napunta ito sa loob ng aking knapsack. “Eh kung itapon kaya kita dito sa ilalim ng tubig. Siguro naman hindi naka makaka ahon pa. Sa bigat mong iyan sigurong hindi kana makaka sunod pa sa akin.” ang bulong ko at hinawakan ko ang kalawanging kahon sabay tapon sa pinaka mamalim na parte ng tubig. Wala akong paki alam kung magalit sa akin si papa. Ang sasabihin ko na lamang ay naiwaglit ko ito at hindi ko na makita pa. Isa pa ay ayoko sa mga bagay na nag bibigay ng ibayong stress sa aking pag iisip.

Kitang kita ng aking dalawang mata kung paano ito inilubog ng tubig ilog sa pinaka malalim nitong parte. Noong makasiguradong wala na ito, agad akong tumayo upang umuwi sa aming bahay. Siguro naman ngayon ay hindi na ito mag lalakad, lilipad o mag teteleport sa loob ng aking bag.

Alas 7 ng gabi noong makauwi ako sa bahay. Siyempre hindi ko sinabi kila mama kung saan ako nag punta at hndi ko rin binanggit ang tungkol sa kahon. Hahayaan ko na lang na kusa nila itong hanapin saka ko ipapaliwanag na naiwaglit ko ito kung saan. “Miguel, saan ka ba nag punta? Kumain kana ng hapunan. Ginagabi ka yata ng uwi?” tanong ni mama habang paakyat ako ng hagdan.

“Ma, nag lakad lakad lang ako sa labas ng subdivision. Mamaya na ako kakain.” sagot ko naman sabay bukas ng pinto ng aking silid. Pag pasok ko sa loob nito ay kinapa ko agad ang switch ng ilaw at noong mag liwanag na ang buong silid, bumulaga sa aking paningin ang lumang kahon na naka patong sa aking study table. “Puta! Ano nanaman to?! Hindi na magandang biro! May sa demonyo yata ang kahong ito!!” sigaw ko sa aking sarili at doon ay kusang umangat ang takip ng naturang kahon, tila inaanyayahan akong silipin kung ano ang nasa kanyang loob.

Itutuloy…

Part 3: Ang Paglalakbay ni Miguel

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

 Ang Alamat ni Prinsipe Malik

AiTenshi

 

Part 3

Ilang oras matapos kong itapon sa ilog ang lumang kahon, laking gulat ko ng bigla nanaman itong mapunta sa ibabaw ng aking study table at ngayon ay unti unti itong nag bukas. Tila inaanyayahan niya akong silipin kung ano ang kanyang laman. Nakaka kilabot ang mga pangyayari ngunit “bakit ko naman katatakutan ang isang maliit na kahon?” tanong ko sa aking sarili kaya naman buong loob akong lumapit upang masilayan ang nilalaman ng engkantong bagay na ito. Parang noong isang araw lang ay halos ibalibag ko ito upang mag bukas, samantalang ngayon naman ay walang kahirap hirap nitong binuksan ang kanyang sarili. Parang nanadyang ewan lang!

Pag lapit ko sa aking lamesa, marahan kong sinilip ang laman ng kahon at doon nga ay tumambad sa aking panigin ang nasa loob nito. “Isang kwintas na ang pendat ay kabibe at isang malaking shell na animo bahay ng suso.”

“Eto lang pala ang laman bakit kailangan pang itodo ang pag kandado dito? Isang lumang kwintas at bahay ng suso? anong gagawin ko dito? Alangan naman isuot ko ang kwintas at kiskisin ng pakanan o pakaliwa ang kabibe at doon ay magiging isang sirena ako. Hindi bagay sa akin maging si Dyesibel dahil malaki ang katawan ko at wala sa aking ambisyon ang palitan si Claudine Bareto upang maging si Marina,” pagmamaktol ko sa aking sarili at muli kong isinara ang kahon.

Matapos kong gawin ang aking term paper, nanatili pa akong nakatutok sa harap ng internet dahil naisapan kong mag research ko mayroon ngang naka talang related studies tungkol sa mga sibilisasyon sa ilalim ng dagat. At heto ang aking nakita.

Ayon sa isang akda na isinulat ni Benjamin Radford na isang Science Contributor, may isang sibilisasyon na itinayo maraming panahon na ang nakakalilipas at tinawag itong “Lost City of Atlantis”. Sinasabing ang sibilisasyong ito ay gumagamit ng mga advance technologies upang maging masagana at mas mayaman. Ang alamat ng Atlantis ay naging sentro ng atensyon ng mga scientist at mga mananaliksik sa buong mundo. Lahat sila ay pinag aaralan kung saan lugar ito itinayo o kung bakit ito nilikha. Maraming mga dokumento na nag papatunay na minsang simibol ang sibilisasyong ito, may mga libro, lumang pahayagan, kasulatan at kung ano ano pa. Sa modernong panahon naman ay ginawan narin ito ng mga pelikula, bagong version ng alamat o kahit sa mga documentation station sa telebisyon kagaya ng history at geographic channel ay pinalalabas ang tungkol dito.

“Lost’ City of Atlantis: Fact & Fable”

 by Benjamin Radford, Live Science Contributor

Atlantis is a legendary “lost” island subcontinent often idealized as an advanced, utopian society holding wisdom that could bring world peace. The idea of Atlantis has captivated dreamers, occultists and New Agers for generations.

Unlike many legends whose origins have been lost in the mists of time, we know exactly when and where the story of Atlantis first appeared. The story was first told in two of Plato’s dialogues, the “Timaeus” and the “Critias,” written about 330 B.C.

Though today Atlantis is often thought of as a peaceful utopia, the Atlantis that Plato described in his fable was very different. In his book “Frauds, Myths and Mysteries: Science and Pseudoscience in Archaeology” (McGraw-Hill, 2013) professor of archaeology Ken Feder summarizes the story: “A technologically sophisticated but morally bankrupt evil empire — Atlantis — attempts world domination by force. The only thing standing in its way is a relatively small group of spiritually pure, morally principled and incorruptible people — the ancient Athenians. Overcoming overwhelming odds … the Athenians are able to defeat their far more powerful adversary simply through the force of their spirit. Sound familiar? Plato’s Atlantean dialogues are essentially an ancient Greek version of ‘Star Wars.’”

As propaganda, the Atlantis legend is more about the heroic Athens than a sunken civilization; if Atlantis really existed today and was found, its residents would probably try to kill and enslave us all. It’s clear that Plato made up Atlantis as a plot device for his stories because there are no other records of it anywhere else in the world. There are many extant Greek texts; surely someone else would have also mentioned, at least in passing, such a remarkable place. There is simply no evidence from any source that the legends about Atlantis existed before Plato wrote about it.

At bukod sa Atlantis, marami pa daw mga misteryosong sibilisasyon sa ilalim ng tubig ang natagpuan daang taon na ang nakalilipas at ayon naman ito sa manunulat na si Andrew Handley at ang kanyang akdang “Mysterious Underwater Cities You Haven’t Heard Of”. Kabilang na dito ang tinatawag na “Dian Kingdom” na noond 2001 ay natagpuan ng mga archeologist sa lawa ng China at ang mga labi nito madalas nakikita kapag payapa ng tubig ng naturang lawa. Ang “Pheia” na sinasabing nasa Aegean Sea at Mediterranean, ito raw ay ginamit na head quarter noong panahon ng sinaunang digmaan. At ang pinaka huli ay ang “Phanagoria”, ang labi nito ay natagpuan naman sa Bulgaria, Romania at Ukraine. Katulad ng mga naunang sibilisasyon ay nawala rin ito dahil sa mga digmaan.

“Mysterious Underwater Cities You Haven’t Heard Of” by Andrew Handley

Dian Kingdom - In 2001, a team of archaeologists working at Fuxian Lake in China discovered a vast collection of underwater buildings at the bottom of the lake. Locals had often claimed to be able to see a ghostlike city beneath the waters on a calm day, and over the years, the stories became something of a local legend. On subsequent diving trips, the archaeologists found standing walls, streets paved with flagstones, and the ruins of an entire city spread across 6.5 square kilometers (2.5 sq. mi).

After carbon dating several earthenware pots, it was determined that the ruin was close to 1,750 years old. It’s believed that an entire section of the city simply broke off and slid into the lake, where it’s been preserved for all these years.

Pheia- Immortalized in dozens of works of fiction, the Peloponnesian War took place in the fifth century B.C. between the city-state of Athens and various armies of the Peloponnese, who called themselves the Peloponnesian League. The war lasted nearly 30 years, raging across the Aegean Sea and the northern Mediterranean. One of the cities involved in the war was Pheia, which was conquered by the Athenians and turned into a shipping headquarters for its military supply line.

Near the close of the fifth century, the area along the western coast of Greece was shaken by an earthquake that plunged the city of Pheia five meters (16 ft) below the surface of the Mediterranean. The city was lost until 1911, when an excavation team found the ancient civilization. Since then, numerous archaeologists have studied the city. Despite the global interest in the Pheia ruins, we still don’t know much about this important fragment of history.

Phanagoria- At the height of their civilization, the Greeks were spread out across most of the Mediterranean Sea. But what many people don’t know is that they extended into modern-day Russia. The Greek empire spread its fingers along the northern rim of the Black Sea and founded over a dozen port cities on the borders of Romania, Bulgaria, and the Ukraine. One of these was Phanagoria, located on the Taman Peninsula.

The history (and legend) of Phanagoria is actually what allowed archaeologists to figure out which Greek city they were dealing with after its discovery. According to history, Panagoria was invaded by Mithridates VI, king of the rival Pontus Empire, in the first century B.C. The Panagorians, unhappy about this turn of events, sided with the Roman Empire to kick out the invading king and sparked the 25-year-long Mithridatic Wars.

 (AUTHOR’S NOTE: FULL CREDITS TO THE ff:  “Lost’ City of Atlantis: Fact & Fable” by Benjamin Radford, Live Science Contributor and “Mysterious Underwater Cities You Haven’t Heard Of” by Andrew Handley)

 

Ilan lamang ito sa mga artikulong nabasa ko ngunit sa aking palagay ay wala ni isa ang eksaktong pag kaka kilanlan ng mahiwagang bagay na nakita ko sa aking panaginip. Hanggnga ngayon ay buhay na buhay pa rin ang anyo nito sa aking isipan. Kakaiba ang mga desenyo ng gusali at pakiramdaman ko ay para itong lugar sa ibang bansa na kung tawagin ay “Parthenon” sa Greece. Isang lugar na ginawa para sa Diyosa na si Athena na kanilang itinuturing na patron.

Halos makatulugan ko na ang aking ginagawang pag sasaliksik ukol sa isang bagay na alam kong “hindi” naman talaga nag eexist. Marahil ay dala lamang ito ng aking malikot na pag iisip kaya naman madalas akong nakaka kita ng kung ano ano kapag ako ay tulog. Lucid dreamer kasi ako yung tinatawag na manlalakbay sa oras ng panaginip. At katulad ng dati, natagpuan ko na naman ang aking sarili na lumulubog sa gitna ng karagatan habang pilit na inaabot ang kakaibang lang nakikita ko ilalim nito. Ang kaibahan nga lang ngayon ay suot ko na ang kwintas na may pendant ng kabibe at nag liliwanag ito ng kulay asul habang inaanod akong aking katawan sa ilalim ng tubig.

Sa pag lipas ng mga araw ay halos paulit ulit lang din ang aking napapanaginipan. Parang isang dejavu lamang ito na paulit ulit nagaganap. Tila walang katapusan at katulad nga ng eksena sa aking panaginip, sinubukan kong isuot ang kwintas na galing sa lumang kahon at syempre dinala ko rin ang kabibe ni Dyesebel sa swimming pool sa likod ng aming abay.

Nag langoy ako habang naka sabit ang kwintas sa aking leeg ngunit sa pag aakalang iilaw ito na katulad ng sa aking panaginip ay nag kakamali pala ako dahil wala namang pag babago. Gayun din ang kabibe ni Dyesabel, wala rin itong silbi maliban sa naaliw ako kapag itinatapat ko ang butas nito sa aking tenga. Tila ba naririnig ko ang alon sa kagaratan na sumasalpok sa dalampasigan. Parang umaawit ito sa aking pandinig. Hindi pa ako nakontento, muli akong lumusong sa pool at doon ay dinala ko ang kabibe at saka ginawa ko itong mikropono. Naingay ako ng todo sa pamamagitan ng pag kanta.

Oh, don’t you say (don’t you say) goodbye (goodbye), Don’t you say (don’t you say) goodbye (goodbye) I’ll pick up these broken pieces ’til I’m bleeding If that’ll make it right

’Cause there’ll be no sunlight If I lose you, baby There’ll be no clear skies If I lose you, baby And just like the clouds My eyes will do the same, if you walk away Everyday it’ll rain, rain, ra-a-a-ain

Matapos kong pag laruan ang dalawang bagay na nasa loob ng kahon, napatuyan kong “wa epek” naman pala ito. Kung sabagay sino ba naman ang maniniwala sa isang sibilisasyon sa ilalim ng karagatan at bukod pa roon ay walang de bateryang kwintas ang iilaw sa ilalim ng tubig pwera nalang kung water resistant ito. “Mukhang sa tingin ko ay hindi naman battery operated ang kwintas dahil wala naman itong lalagyan ng baterya o pindutan man lang. At isa pa ay sobrang maliit ito para doon.” ang wika ko sa aking isip sabay sara ng lumang kahon.

Noong gabi ring iyon, mahimbing akong nakatulog at hindi ko na napanaginipan ang tungkol sa ilalim ng karagatan. Blanko lamang ang aking isipan at tila nakaramdam ako ng ibayong kapayapaan ng aking pag iisip. Tahimik ang lahat at napaka banayad ng paligid, walang kaluskos o kahit na anong tunog ang sa akin ay gumagambala maliban sa pag patak ng tubig sa aking noo dahilan para magising ako. Pag mulat ng aking nakita kong tumutulo ang kisame ng aking silid at ang nakapag tataka ay isang maliit na pag tagas lamang ito. Mabilis akong bumangon upang tingnan ang butas ngunit wala naman. At isa pa ay napaka imposibleng mag karoon ng tagas ang bahay dahil fully furnised ito at matibay ang pag kakagawa.

Bumaba ako ng kama at nag tungo sa bintana, nag babaka sakali ako na umuulan ng malakas kaya’t bumabaha sa itaas ng kisame ngunit hindi rin naman dahil maaliwalas ang tanawin sa labas. Habang nasa ganoong pag tingin ako, napansin kong dumarami ang tagas ng tubig sa kisame ng aking silid, kaya naman nag tatakbo ako patungo sa pinto at noong akmang pipihitin ko na ang door knob ay nagulat ako dahil may tubig din na tumutulo ito. Muli kong inikot ang aking mga mata at doon ay nakita ko na lahat ng kagamitan sa aking silid ay mayroong tumatagas na tubig na animo na mahinang gripo.

Nag tatakbo ako palabas ng aking silid at mabilis na kinatok sila mama ngunit walang sumasagot kaya naman pinilit kong buksan ang kanilang silid ngunit kagaya ng sa aking kwarto ay tumatagas din ang tubig mula dito “ma…! paaa!!!” ang sigaw ko ngunit walang tao sa paligid. Tanging ako nalang ang naiwan sa loob ng bahay. “Nanaginip nanaman ako!!” ang sigaw ko sa aking sarili kaya naman naisipan kong sampalin ng paulit ulit ang aking pisngi pero nakaramdam ako ng sakit. Ang ibig sabihin ay totoo ang mga nangyayaring ito.

Habang nag lalakad ako sa sala ng bahay, naramdaman kong bawat tapakan ko ay kumakatas tubig kahit tiles pa ang sahig. Ibayong takot ang aking naramdaman at halos mapaluha ako sa sobrang kaba. Muli akong pumanhik sa aking silid upang kunin ang kwintas at kabibeng na engkanto at doon ay bumulaga sa aking harapan ang iginuhit kong larawan ni Malik na itinapon ko sa basurahan. Gumagalaw ang tubig sa larawan at wala na rito si Malik na aking iginuhit. Tila nabura ito at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Litong lito na ako at parang umiikot na ang aking paningin.

Nasa ganoong posisyon ako ng biglang bumuhos ang tubig na nag mumula sa larawan. Para itong isang drum ng tubig na tumapon sa aking harapan hanggang lumalim ito ng lumalim at ilubog ang buong kabahayan. Mabilis ko isunuot ang kwintas at ibinulsa ang kabibe “bahala na!!” ang sigaw ko at doon ay tinangay ako ng malakas na agos kasabay nito ang pag kasira ng aming tahanan.

Ganitong ganito ang eksena sa aking panaginip. Lumulubog ako sa tubig at umiilaw ang kwintas..

Kulay asul ang liwanag nito..

Tahimik.

Ang huli kong naalala ay nasa ilalim na ako ng karagatan at hinihila ng kung anong pwersa patungo sa pinaka ilalim na parte nito at habang nasa ganoong posisyon ako ay may isang maliwanag na pulang ilaw ang sumalubong sa aking pag lubog at lumagpas ito sa aking katawan. Nakita kong patungo ang liwanag na ito sa pinaka ibabaw na parte ng karagatan.

Mag kasulangat na direksyon..

Habang palubog ako, ang misteryosong ilaw naman ay palutang sa ibabaw..

Wala na akong natandaan pa..

Itutuloy…

Part 4: Ang Mahiwagang mundo ng Apresia

Ang Alamat ni Prinsipe Malik

AiTenshi

Part 4

 

Noong bumalik ang aking malay, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa isang papag at doon ay napansin kong wala ako sa aking silid. Nasa ibang bahay na ako at kakaiba ang disenyo nito. “Nasaan ako?” ang mahina kong usal habang pinag mamasdan ang isang matandang babae na may hawak na plato at mangkok ng sabaw. “Mabuti naman at gising kana iho. May masakit ba sa iyo?” ang tanong nito.

“Nasaan po ako? Uuwi na ako!” ang tugon ko naman sabay baliwas ng bangon. “Nandito ka sa aming lugar, natapuan ka ng aking asawa na palutang lutang doon sa pampang ng dagat kaya’t inuwi ka nya rito. Taga san ka ba iho at ano ang pangalan mo?” tanong nito.

“Ako po si Miguel at taga Luzon po ako, saan ba ito? Mindanao ba ito o Visayas?” ang tanong ko habang iniaangat ang aking sarili mula sa higaan. “Luzon? Ngayon lamang ako nakarinig ng ganyang lugar iho. Maaaring hindi ka nga taga rito dahil kakaiba ang kausotan mo noong matagpuan ka ng aking asawa na walang malay sa dalampasigan. At alam mo ba na tatlong araw ka nang natutulog at ngayon ka lamang nagising.” pag sasalaysay nito.

“Anong lugar po ba ito? Maaari po ba na samahan ninyo ako sa istasyon ng polisya upang makapag report ako. Baka hinahanap na ako ng aking mga magulang doon sa aming lugar.”

“Ang lugar na ito ay tinatawag na Apresia o mas kilala sa tawag na “Hidden Coral.” Ang hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng polisya at istasyon iho. Bago lamang ito sa aking pandinig.“

“Apresia o Hidden Coral? Ngayon ko lang po ito narinig at mukhang wala naman ito sa mapa ng Pilipinas.” bulong ko sa aking sarili. “Ah eh, mawalang galang na po lola, saang lugar po ba ito sa Pilipinas? Batid ko pong nandito lang tayo sa bansa dahil pareho tayong nag sasalita ng tagalog.”

“Pilipinas? Ngayon ko lamang narinig iyan. Nag iintidihan tayo dahil mahiwaga ang lugar na ito, ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay kusang isinasalin ng hangin upang maintindihan mo at ganoon din naman ikaw sa akin. Ang bawat salitang iyong binabanggit ay kusang nag iiba sa aking pandinig kaya’t naiintindihan kita. Sa makatuwid ang ating salita ay mag kaiba, nagiging wika nyo lamang ito kapag aming pinaka walan at isinalin na ng hangin. Ganoon din pag dating sa amin, gamit ang aming sariling salita, dinadala ito ng hangin at isinasalin sa iyong wika. Ito ang dahilan kaya’t nag kakaintindihan tayo. Ito rin ang dahilan kaya mas maraming dumarayong mangangalakal sa lugar na ito dahil mahiwaga ang hangin, walang problema pag dating sa komunikasyon.” paliwanag ng matanda. “Ako nga pala si Alona. Pero mas kilala ako sa tawag na “tandang ona”. Iyon na lamang din ang itawag mo sa akin.“

“Kung ganoon, nasa isang planeta ako?” ang tanong ko. “Maaari iho. Ngayon ko lamang narinig ang mga lugar na sinasabi mo. Sa isang daang taon kong mapapalagi sa mundong ito ay ngayon lamang ako nakarinig ng ganoong lugar.”

“Isang daan? Hindi po ba kayo nag bibiro? Mukha lamang po kayong 60 at mas bata pa. Malakas pa kayo at hindi ganoon katanda.”

“Hindi ako nag bibiro iho. Ganoon na ako katanda. Sadyang makapangyarihan lamang ang lugar na ito kaya’t hindi namamatay ang aming katawang lupa.”

“Edi confirmed! Wala nga ako sa planet Earth. Nasaan ba akong lupalop?” ang tanong ko sa aking sarili. “Mainam pa iho ay mag kumain ka muna at mag pahinga, bukas na bukas din ay sasamahan ka namin sa palasyo ng taga pag bantay upang matulungan ka nya.” wika ni tandang ona.

“Taga pag bantay? Ano po iyon?” tanong ko naman.

“Ang lugar na ito ay mayroong taga pag alaga, siya ang itinuturing na taga pamuno ng lahat dito sa Apresia. Sa kanya nag mumula ang lahat ng enerhiya dito sa aming lugar, mula sa hangin, tubig at lupa. Siya ang nag tataboy ng mga mananakop na nag tatangkang sumalakay dito sa amin. At dahil dito ay iginagalang siya ng lahat. Sa makatuwid ay makapangyarihan siya kaya’t alam kong siya lang makatutulong sa iyo upang maka uwi ka sa iyong pinag mulan. Sa ngayon ay dumito ka muna at mag pakondisyon. “ muling paliwanag ni Tandang Ona.

At iyon nga ang set up, pinilit ko munang ipahinga ang aking pag iisip dahil pakiramdam ko ay masisiraan na akong bait kapag ipinag patuloy ko pa ang pag alam sa mga bagay na hindi ko naman maintindihan. Muli akong humiga at doon bigla kong naalala ang tungkol sa kwintas at kabibe na sa aking palagay ay dahilan ng aking kaka lipat sa mundong ito. Kinapa ko ang kwintas at naka suot pa rin ito sa aking leeg samantalang ang kabibe naman ay wala na sa aking bulsa. Marahil ay inaanod ito ng matinding pwersa na humila sa akin patungo dito.

“Kumusta ang dayo?” boses ng isang lalaking matanda habang pumapasok sa loob ng bahay. Marahil siya ang asawa ni Tandang Ona. “Nagkaroon na siya ng malay. Pinakain ko siya kanina at ngayon ay nag papahinga na siya sa papag.” boses naman ng matandang babae.

“Mabuti naman, marahil ay hindi tiga rito ang batang iyan. Ang kutob ay nag mula iyan sa ibang mundo. Naalala ko tuloy ang tungkol sa lumang kasulatan ng Hidden Coral. Sinasabing may isang nilalang na darating dito upang magdulot ng kasiyahan at kalungkutan sa ating mundo. Ang nilalang  na ito ay nag mula sa isang kasalanang inukit sa kasaysayan at siya rin ang sinasabing mag dadala ng swerte at kamalasan sa ating lugar. Kung ano man ang ibig sabihin ng kasulatang ito ay walang nakaka alam. Kung ito nga ang nilalang na iyon, dapat lamang na ibigay natin siya sa haligi ng mundong ito.” wika ng matandang lalaki.

“Ikaw naman Armando, naniniwala ka agad mga lumang kasulatan, malakas ang kutob ko na ang batang iyan ang mag dadala ng swerte dito sa Apresia. Maniwala ka sa akin.” ang wika naman ng kanyang asawa habang inaayos ang lamesang hapag kainan. Marami pa silang bagay na pinag usapan ngunit tila wala na akong lakas pa upang makinig pa. Bukod pa roon ay hinihila na ng matinding antok ang talukap ng aking mga mata kaya naman nag pasya akong mag pahinga na muna.

Halos madilim na noong ako ay nagising, kaya naman pinilit kong bumangon at mag tungo na muna sa labas upang makita ko kung anong klaseng lugar ba itong napuntahan ko. At dito ay nakita ko ang itsura ng paligid. Para lamang itong ordinaryong beach na may kumikislap na buhangin, payapa ang kagaratan at maraming mga batang nag lalaro dito na hindi alintana ang lamig ng kapaligiran. Kung hindi ako naengkanto ay iisipin kong nasa Pilipinas lamang ako dahil kapareho din ito ng aming lugar. “Iho maayos na ba ang kalagayan mo? Halika at ipapasyal kita sa dalampasigan. “ ang wika ng matandang lalaki na asawa ni tandang Ona.

“Maayos na po ako Lolo, maraming salamat po sa pag tulong mo sa akin.”

“Wala iyon iho. Ano ba ang nangyari sa iyo? At bakit ka napadpad dito?”

“Ang totoo po nun ay hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Basta ang alam ko lang ay tinangay ako ng rumagasang tubig at pag gising ko ay nandito na ako.”

“Misteryoso ang iyong pag kaka punta rito ganoon ba? Hayaan mo dahil bukas ay dadalhin kita sa taga pag alaga ng lugar na ito. Siguro ay matutulungan ka nyang makabalik sa iyong mundo. Sa ngayon dito kana muna at samahan akong pumalaot sa kagaratan.” ang yaya nito habang itinutulang ang kanyang bangka. “Tawagin mo na lamang akong Tandang Armando.”

Sumakay kami ng bangka ni Lolo Armando at tinatahak mga alon na nag mumula sa karagatan. Maganda ang natawin lalo’t maliwanag ang buwan at pati na rin ang mga bituin sa kalangitan na nag sisilbing taklaw namin sa pag lalayag. Habang palayo ng palayo ang aming sinasakyan ay mas lalo ko pang nakikita ang ganda ng lugar na tinatawag nilang Apresia o Hidden Coral. Punong puno ito ng makukulay na ilaw at naiibang desenyo ng kapaligiran. “Iyan ang ganda ng Apresia, buhay na buhay ito kapag gabi. Kung iyong titignan ito mula sa itaas ay makikita mo na parang isang higanteng korales ang buong lugar na nababalutan ng kakaibang kinang at iyon ang dahilan kung bakit tinawag itong hidden coral.” paliwanag ni Lolo Armando.

Manghang mangha ako sa ganda ng kanilang lugar, natatangi ito sa lahat. At marahil kung may ganitong lugar sa aming mundo, malamang ay masasama ito sa 7 wonders of the world. Halos matulala ako sa kakaibang ganda ng paligid at isama mo pa rito ang mala kristal na tubig ng karagatan. Banayad ito ay mapayapa, nakapag tataka nga lang dahil nakikita ko ang mga isdang lumalangoy sa ilalim ng tubig na parang nakapalaot kami sa isang malaking aquarium. Malinaw kong nakikita ang mga isda, pagong, korales, halamang daga’t at iba pa bagamat batid kong nandito kami pinaka gitna ng karagatan. Hindi ko alam kung paano nangyari ito ngunit labis talaga akong namangha sa ganda ng tanawin sa pinaka ilalim. “Dito kami sa dagat kumukuha ng pangunahing ikabubuhay. Ang biyayang bigay ng karagatan ang nag sisilbing dugtungan ng aming mga buhay kung wala ito ay hindi maraming nilalang sa Apresia ang mamatay dahil sa gutom. Kaya naman nag papasalamat kami ng lubos sa taga pangalaga ng lugar na ito kung wala siya, malamang ay matagal nang inabuso ng mga manlalakbay at mananakop ang aming teritoryo. Ang Hidden Coral ay ang pinaka mayamang lugar dito sa aming mundo kaya naman maraming mananakop ang nag tatangkang agawin nito dahil sa kanyang likas na ganda. At iyon marahil ang dahilan kaya’t mabigat ang tungkulin ng aming taga pag bantay.” wika ni Lolo Armando habang nag sasagwan pabalik ng pampang.

“Lolo, mabait po ba ang taga pag bantay?” tanong ko naman.

“Minsan ko lang nakita ang taga bantay ng Apresia at kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang kanyang mukha. Ang kanyang tingin ay banayad at napaka payapa katulad ng kagaratan. Ang kanyang mata ay kulay itim ngunit nagiging asul kapag nakakaramdam ng ibayong emosyon. Ang kanyang galit ay katumbas ng isang tsunami at ang kanyang kalungkutan naman ay katumbas ng ulan. Imortal at hindi tumatanda, siya ang pinaniniwalang tagapag mana ni Neptune ang Diyos ng kagaratan at lahat ng kapangyarihan nito ay ipinag kaloob nya sa taga pangalagang ito.” ang kwento ni Lolo.

“Kung gayon, may kakayahan siguro siya na ibalik ako sa aking mundo. Sana ay matulungan nya ako.” tugon ko naman. “Malakas ang paniniwala kong matutulungan ka nya ito. Bumaba kana ng bangka upang tao ay makapag hapunan na tayo.” pag yaya naman ni Lolo sabay tapik sa aking balikat.

Kinabukasan..

Maaga akong ginising ni Lola Ona upang mag handa na sa aming pag tungo sa lugar ng taga pag bantay ng Apresia. Ang tawag daw sa palasyo kung saan ito naka tira “Dragon Palace” at siya ang “prinsipe” ng buong kaharian. So ang ibig sabihin ay lalaki siya at sa palagay ko ay hindi tatalab ang kagwapuhan ko sa kanya. heheh.

Sakay ng bangka ay tinahak namin ang dagat patungo sa dragon palace. Mga dalawang oras na pag lalayag daw ito patung roon kaya’t nag baon kami ng pag kain dahil tiyak na matatagalan ito. Habang nasa bangka, marami pang naikwento sina lolo at lola ukol sa kasaysayan ng kanilang lugar at siyempre ay nag kwento rin ako tungkol sa aking mundong pinag mulan. Sinabi ko rin na marunong mag langoy at sa aming lugar ay isa itong sport.

Makalipas ang halos dalawang oras na pag lalayag sa karagatan, muli naming narating ang daungan ng bangka. At doon ay tumambad sa aking paningin ang mga nag lalakihang gusali. Ito palang gitnang bahagi ng Apresia o parang “City” sa kanilang lugar. Sa pinaka sentro nito matatagpuan ang Dragon Palace na naka tayo sa gitna ng tubig. Ilang minutong lakaran lamang ito mula sa daungan ngunit habang nag lalakad kami ay naka tingin sa akin ang mga tao na para bang naiiba ako sa kanila. “Huwag mo silang pansinin iho, natutuwa lamang sila sa iyong damit kaya’t maigi ka nilang pinag mamasdan.” bulong ni Lolo sabay tapik sa aking balikat. Kaya naman ipinag patuloy ko ang aking pag lalakad ng tuwid at hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay mayroon akong nakakahawang sakit o ano pa man kaya’t nagagawa nila akong pag masdan ng paulit ulit.

Narating namin ang palasyo na kung tawagin ay “Dragon Palace.” Hindi nga nakapag tataka dahil mayroon estatwa ng dragon sa mga haligi nito. Ewan, ngunit sa aking palagay ay ibinatay yata ang disenyo nito sa mga ancient chinese palace sa China at kung hindi ako nag kakamali ang asul na dragon sa poste ng bulwagan ay tinatawag na si Seryu. Ang tinagurian simbolo ng elemento ng tubig ayon sa Japanese folklore.

Pag pasok palang sa bulwagan ay mapapansin na ang mga taong nag lalakad dito. “Mukhang mahihirapan tayong makapasok at makita ang taga pangalaga ngayong araw dahil mayroon pala siyang ritwal sa kagaratan ngayon.” ang wika ni Lola Ona habang pinag mamasdan ang mga taong nag lalakaran sa bulwagan na animo mga toristang bumibisita.

“Kung gayon ay maswerte tayo dahil natapatan natin ang pag riritwal ng haligi. Sinasabing swerte daw ito at nag bibigay ng basbas. Kaya halika na kayo upang maabutan natin ito.” ang pag aapura ni Lolo Armando na hindi maitago ang pananabik kaya naman mabilis kaming nag lakad patungo sa pag gaganapan ng nasabing pag riritwal.

Noong marating namin ito, maraming tao ang nanonood at talaga naman lahat sila ay pinag mamasdan ang isang lalaking naka tayo sa gitna ng karagatan. Naka hubad ito at suot lamang ang isang manipis na puting pantalon habang ang kakaibang tungkod sa kanyang kanang kamay. “Trident” ang tawag sa kanyang hawak, isang mahabang sandata na mayroong tatlong tulis at karaniwan itong makikitang hawak ng mga shokoy sa mga pelikula sa aming mundo.

Nag lalaking ito ay sumasayaw sa gitna ng kagaratan habang inikot ang trident scepter na kanyang hawak kaya naman nag sasayaw din ang mga alon. Nag liliwanag ang karagatan na animo nababalutan ng daan daang bumbilya sa ilalim at ang kulay asul na anyo nito ay napalitan ng kulay dilaw at kasabay nito ang pag kulimlim ng kalangitan. Unti unting tumaas ang alon at binuhat siya nito habang patuloy na sumasayaw. Tila kaisa ng kanyang katawan ng karagatan kaya naman ang lahat ay humahanga ang namangha sa kanilang nasasaksihan.

Maging ako ay hindi makapaniwala sa nakikita ng aking dalawang mata. Para akong nanonood ng isang pelikulang sobrang sa visual effects at high definition pa ito. “Iyan po pala ang ritwal na ginagawa ng haligi. Napaka gandang pag masdan.” ang bulong ko kay lola Ona.

“Oo iho, ang kanyang pag sayaw ay nag bibigay ng biyaya sa buong karagatan at ang pag wasiwas nya ang kanyang tungkod ay nangangahulugang pag bibigay proteksyon sa buong Apresia. Ang ilaw na nag mumula sa kagaratan ay sensayales ng “pag sang ayon” ng tubig sa kanyang mga kahilingan. Iyan ang kapangyarahing taglay ni Prinsipe Malik.“

Itutuloy…

Part 5: Ang Haligi

PAUNAWA:

Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

 Ang Alamat ni Prinsipe Malik

AiTenshi

 

Part 5

 

“Malik? Malik po ba ang sinabi nyo?” ang tanong ko kay Lola Ona at hindi ko halos maitago ang pag kagulat. “Oo iho. Ang haligi ng Apresia ay si Prinsipe Malik. Bakit para yatang nabigla ka?” ang ni Lola sa akin.

“Ah eh, maganda po ang pangalan niya at bagay na bagay sa isang prinsipe.” ang palusot ko bagamat sumagi sa aking isipan na si Malik ay isang halimaw na may katawan ng tao, may kaliskis at ang kanyang paa ay buntot ng dragon. Paanong nag karoon ng paa itong si Malik kung gayong ibang iba ang itsura nya sa naka tala sa internet. Kung sabagay, baka nag kataon lamang na iyon ang pangalan nya o maaari din na nag tatago lamang ito sa katawan ng isang tao. “Pero imposibleng nag kataon lamang iyon dahil ang Malik sa aking research paper ay pinuno kagaratan at ang Malik naman dito sa lugar ng Apresia ay haligi rin ng kagaratan. Parehong pareho ang nakatala ngunit malaki ang pinag kaiba ng kanilang mga anyo.” bulong ko sa aking sarili habang pinag mamasdan ang pag sasayaw ng lalaki sa ibabaw ng alon.

Makalipas ang ilang minuto, natapos din ang pag riritwal ng binata at muli itong lumakad papunta sa daungan ng mga bangka sa palasyo. Sinalubong siya ng mga kawal habang ang mga alalay nya ay pinupunasan ang matipunong katawan nito. Matangkad sa akin si Malik, sa aking palagay ay nasa 6ft ang taas nito. Matipuno ang katawan, putok ang dib dib, walang taba ang tiyan, bilugan ang braso at maganda ang hubog ng mga hita nito. Kung aking susuriin ay halos parang mag kasing edad lamang kami dahil mahahalata mong bata pa ito sa tamis ng kanyang ngiti habang kumakaway sa mga taong bayan.

Ipinag patuloy ko ang tanaw kay Malik sa di kalayuan, pinag masdan kong mabuti ang kanyang mukha. Ang buhok ay basa maigsi ito at mayroon bangs ngunit may ilang parte sa likuran na mahaba at hindi pantay pantay ang pag kakagupit. Ang kanyang mukha ay maganda dahil taglay nito ang matangos na ilong, mapulang labi at ang kanyang mata ay itim na itim, mapayapa at banayad kagaya nga ng inilawaran ni Lolo Armando. Tila namangha ako sa kanyang anyo, sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako naka kita ng ganito ka gwapong nilalang. Hindi mo ito makikita sa telebisyon sa aking mundong pinanggalingan. Ibang klase ang kanyang perpektong anyo na paniguradong pag kakaguluhan kababaihan sa aking pinag mulan. “Tayo na, pumasok ang prinsipe sa Palasyo, maaari na tayong makipag usap sa kanya.” ang yaya ni Lolo Armando kaya naman agad kaming sumunod sa mga kawal upang makapasok din sa loob.

Nasa ganoong pag lalakad ako ng bigla akong makaramdam ng kakaibang pagod, habang palapit ako sa pintuan ng palasyo at tila nag sisikip ang aking pag hinga na parang nawawalan ako ng hangin sa katawan. Para akong nalulunod bagamat wala naman ako sa ilalim ng tubig. “Iho anong nangyayari sa iyo?” ang sabi ni Lola Ona habang inaalalayan akong makatayo. “H-hindi a-ako makahinga..”  ang bulong habang unti unting napapaluhod sa hirap hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sarili nakabaluktot at halos mamatay na sa hirap. Kasabay nito ang pag lantad ng kulay asul na ilaw sa aking dib dib, batid ko ang liliwanag ang kwintas at mas malakas pa ito kaysa sa dati.

Tumahimik ng husto ang paligid..

Maya maya ay unti unting gumalaw ang lupa at umangat ang tubig sa karagatan dahilan para mag kagulo ang lahat. “Miguel! Anong nangyayari sa iyo?!” narinig kong sigaw ni Lolo ngunit wala na akong lakas pang mag salita.

“Anong nang yayari dito?” ang tanong naman ng lalaking nag mamadaling lumabas sa pintuan ng palasyo. Habang pilit na pinakakalma ang tubig sa karagatan. “Si Malik!!” ang sigaw ko sa aking sarili habang namamalipit pa rin sa hirap.

“Mahal na haligi, bigla na lamang siyang nakaramdaman ng hirap sa pag hinga habang tinatahak ang bulwagan. Tulungan niyo po siya paki usap.” ang paki usap ni Lola Ona habang hinihimas ang aking likod. “Dayo lamang po ang binatang ito, at hindi siya nag mula sa mundong ito. Nakita lamang siya ng aking asawa sa pampang ng karagatan. Tulungan niyo po siya paki usap.”

Hindi naman sumagot si Malik at agad nitong hinawakan ang aking katawan. Doon ay nakikita kong nag liliwanag rin ang kanyang dib dib at kapareho ito ng sa akin. Alam kong napapansin rin niya ito ngunit hindi lang nya pinapahalata.  Inaangat nya ang aking ulo at marahang hinimas ang aking dib dib. Nakaramdam ako ng kung anong mainit na bagay na namumuo sa aking kaibuturan, masarap sa pakiramdam at tila lumulutang ako sa mapayapang tubig ng karagatan.

Nasa ganoong pakiramdam ako ng bigla na lamang niyang inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha at walang ano ano ay sinunggaban nya ako ng halik. Ramdam na ramdam ko ang kanyang labi na naka sugpong sa aking bibig. Binibigyan na ako ng hangin dahip nalalasahan ko ang kanyang mabangong hininga na dumadaloy sa aking ugat. Ibang klaseng mouth to mouth resuscitation ito dahil parang oxygen ang kanyang hininga na nag bibigay ng hangin sa aking baga. Ito ang unang pag kakataon na nahalikan ako ng isang lalaki, ngunit hindi ko naman iniisip na halik ito bagamat ganoon na rin siguro iyon.

Makalipas ang ilang sandali, muling bumalik sa normal ang aking pag hinga at kasabay nito ang pag bitiw nya sa aking bibig. “Maayos na siya. Hindi angkop ang iyong katawan sa mundong ito. Nakapag tataka lamang dahil nakayanan mong huminga ng mas matagal pa.” ang wika ni Malik at muli itong tumayo.

“Salamat.” ang tanging nasabi ko habang naka luhod pa rin sa sahig. “Nga pala dayo, maaari ko bang makita kung anong bagay ang umiilaw sa iyong dib dib?” ang tanong nito kaya naman marahan akong tumayo at inilabas ang kwintas na kabibe na nakasabit sa aking leeg. “Ito ba? Nakuha ko lamang ito sa lumang kahon na pag aari ng aking ama.” ang paliwanag ko at doon ay kitang kita ko sa kanyang mata ang labis na pag kabigla. “May problema ba?” muli kong tanong ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa aking mukha na para bang may mali sa aking anyo.

Tahimik..

Nanatili itong nakatayo sa aking harapan..

Maya maya, kumilos ito at inilabas din ang kwintas sa kanyang leeg. “Ang kabibeng iyan ay aking pag aari.” ang tugon nito at pinag dikit nya ang dalawang kwintas kaya naman nag kabit ito at naging buo. Para itong isang kabibeng magka suklob na may perlas sa loob. “Mag karugtong ang kabibeng ito at malakas ang kutob ko na ito ang dala sa iyo dito.” ang muling paliwanag ni Malik at doon ay mas lalo pang nag liwanag ang aming mga kwintas.

“Anong ibig sabihin ng liwanag na iyan?” tanong ko lang. “Manatili ka muna kayo sa palasyo ng mga ilang araw pa. Iyon lang muna ang tanging masasabi ko sa ngayon.” sagot ni Malik at muli itong lumakad pabalik sa loob ng kanyang palasyo hawak ang magka sugpong na kwintas.

At iyon nga ang bagong set up. Dahil nga hiniling ng prinsipe na manatili muna kami sa loob ng kanyang palasyo ay wala na rin kaming nagawa kundi sundin ang kayang salita. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ilalarawan ang aking naramdaman noong kausap ko si Malik. Napaka mahinahon ng kanyang dating at ang kanyang mga mata ay nag bibigay ng ibayong kapayapaan sa aking isipan. Tama nga si Lolo Armando, kakaiba ang awra nito at talaga namang hahanga ka kahit isa ka pang tunay na lalaki.. Iyon nga lang ay boring siya at parang hindi marunong ngumiti hehe.

Ituro ng mga katiwala ang aming silid, katulad nga ng inaasahan ko ay magarbo ito  at talaga namang mamahalin ang disenyo. Ang pinaka gusto kong parte ng silid ay ang tanawin na malapit sa karagatan dahil nag dadala ito ng malamig sa sariwang hangin. Habang nasa ganoong pag tanaw ako sa kalayuan, muli kong naalala ang pag susugpong ng mga labi namin ni Malik. Kakaiba ang kanyang ginawang pag bibigay ng hangin sa aking baga at bukod pa roon ay kakaiba rin ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon, hindi ko ito maipaliwanag ng maayos ngunit tila may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang lambot ng kanyang labi at maging ang mabango niyang hininga. Nakakalito ngunit nakakaramdam ako ng kakaibang tuwa sa tuwing maiisip ko ito.

Makalipas ang isang araw ng papanatili namin ni Lolo at Lola sa loob ng palasyo ay muli silang pinatawag upang isalaysalay kung paano ako natagpuan. Kagaya nga ng kanila sinabi sa akin ay ganoon din ang kanilang naging pahayag sa harap ni Malik at ng mga matatandang taga payo nito.

Ilang oras ang nakalipas ay pinatawag naman ako upang isalaysay ang aking karanasan kung paano ako napadpad sa kanilang mundo. At syempre ikinuwento kong lahat ang aking naaalala mula sa pag bubukas ng kahon, pag kuha ko sa kwintas, pananaginip ko ng tungkol sa lumulutang na sibilisasyon at ang pag daloy ng tubig sa aming buong kabahayan. Lahat ng ito ay walang pag aalinlangan kong ibinida sa kanila.

“Marahil ay nag sasabi ng totoo ang batang iyan, dahil ayon sa propesiya ay mayroon isang nilalang nadarating sa ating mundo at siya ang mag bibigay ng swerte sa buong Apresia. Ang nakapag tataka lamang ay kung paano napunta sa kanya ang kalahati ng sagradong kwintas ni Prinsipe Malik.” wika ng isang matandang taga payo ng prinsipe.

“Wala akong maalala kung paano ko naiwaglit ang kalahati ng aking kwintas. Mayroon bang problema tungkol sa pag kaka kuha niya nito? Kung mayroon man, maaari ko bang malamang Esmael?” tanong ni Malik habang pinag mamasdan ang mag kapatong na kabibe sa kanyang harapan.

Muli sumagot ang matandang taga payo na si Esmael. “Narito po sa aklat na iniwan ni Neptune ang kasagutan sa inyong katanungan mahal na prinsipe.” at wika nito at binasa ang nilalaman ng pahina sa lumang aklat. “Ang dalawang kabibeng ito ay sumisimbolo sa walang hanggang kapangyarihan na ipag kakaloob sa iyo ng karagatan. Sagrado ito at hindi maaaring pantanyan ng kahit na anong yaman sa buong kalawakan. Ang mga kabibeng ito ay mag kapareha at sumisimbolo din sa walang katapusang pamamahal kaya naman inaasahan na ibibigay ng sinong mang nag mamay ari ng kabibe ang kabiyak nito sa kanyang mapapangasawa.” ito po ang sinasabi ng aklat.

“Anong ibig mong sabihin doon?” muling tanong ni Malik.

“Ang ibig pong sabihin ay kahit pag hiwalayin ang dalawang kabibeng ito ay hahanapin at hahanapin nila ang isa’t isa dahil sila ay mag kapareha. At ayon kay Neptune, ang nag mamay ari ng kabibeng ito ay ibibigay ang kalahati nito sa kanyang mapapangasawa. Sa makatuwid ang kalahating ito ay napunta at naging pag aari na rin ng dayuhang ito. Kaya siya ang inyong mapapangasawa mahal na prinsipe. Ang dayong ito ay taong itinakda para sa iyo.” ang mga katangang lumabas sa taga payo dahilan para mapatayo kami ni Malik sa aming kinauupuan.

Kasabay nito ang muling pag liliwang dalawang kwintas sa aming harapan..

Itutuloy…

ANNOUNCEMENT!

WHAT HAPPENED HERE?

Ang kwentong “ANG ALAMAT NI PRINSIPE MALIK” ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “FOLLOW” button. Maraming salamat po.

  ![](https://img.wattpad.com/700f91306c63ac16add272b8594fb1f3bd2f5d4e/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6a5f59626339464d4e4a627347413d3d2d3934393333393039362e313633323564323666626563363537323531323039373034353334332e706e67)

Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.


PLEASE READ THE DETAILS BELOW:

PAANO ANG GAGAWIN?

Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com

Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.

Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.

O maaari niyo ring click ang link na ito at diretso na kayo sa aking account. Maaari niyo akong ifollow upang maging update kayo sa iba pang surprise story na ilalabas ko doon ng LIBRE. Huwag kayong matakot dahil hindi naman lahat ng story doon ay may bayad. Si Ai_Tenshi ang author kaya’t mag tiwala kayo.

Eto ang tip, kailangan basahin niyo na agad bago mag lock (though months pa naman ang hihintayin bago mag lock). Kaya huwag na mag hintay pa ng matagal..

P.S Mag lalabas rin ako roon ng mga new story kaya dapat naka follow kayo sa akin…

-Ai_Tenshi


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.