Ang Bagito Sa Hagdan!
YorTzekai · 9 chapters · 8,075 words
Intro :3
Isang sixth year student na beki na nag mamaganda na hindi naman kagandahan anh makakakita ng milagro sa isang hagdan. Ngunit imbis na siya amg manakot sa Bagito ay siya pa ang inalipusta ng nakita niya hanggang sa nagkaroon na sila ng gyera to think na magkaklase pala sila. Sinubukan niya itong iblackmail hanggang sa siya na ang natalo. Saan patungo ang gyera nila ng Bagito sa hagdan? Ating tunghayan.Date Started: February 8,2015
Prologo ni Bagito :3
“Fluiie,bumangon ka na dyan at mag e-enroll ka pa!”
Kainis naman si Mama oh? Ang sarap pa ng higa ko eh. Oh well,bangon na lang at ng makapag enroll na,tutal last year ko na naman ito sa RHS at gagraduate na ako sa March.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at dinala ang mga kailangan sa pag enroll.
Pagdating pa lang sa RHS ay dami ng estudyante. San ba ako dito mag enroll? Sa Main Building ata eh.
At sobrang haba ng pila,kung wala pa yung mga dati kong classmates namatay na ako sa pagka boring.
Matapos ang mahabang pila ay nakapag enroll na ako,sa wakas! I Fluiie Diosdado is now 6th year high school! In short grade 12 na ako. Takte no? Bakit kaya nauso yang k-12 na yan eh!
Nakaramdam na ako ng gutom kaya nagdesisiyon na akong pumunta sa canteen ng IR. Kaso lang napatigil ako at napa atras sa aking nakita.
Yung mga pangit na nambubully sa akin last year ay nakatambay malapit sa Flag Pole. Iniiwasan ko talaga ang mga iyan eh. Wala na silang ibang nakita kundi ako.
Maganda naman ako sa aking palagay,bunot style ang buhok ko,may eyeglasses ako at retainer. So bakit ako ang pinag iinteresan nila? Ganon ba nila ka gusto ang byuti ko? Mga manyak!
So ang ginawa ko ay dahan dahan akong naglakad,kaso napalingan sa akin yung isa.
“Pota naman oh!” Hindi ko mapigilang sabi.
“Mag tol! Si Panget oh!” Sigaw nung nakakita sa akin at itinuro pa talaga ako.
At yun na nga! Dinaig ko pa si Road runner! Nanakbo ako papunta sa dulo ng IR building. Paglingon ko wala namang humahabol sa akin.
“Tae! Nanakbo pa ako! Hindi naman pala nila ako hinabol!” Inis kong sabi at umakyat na lang sa hagdan.
Usually walang dumadaan dito dahil dulo na nga at tambayan ito ng mga estudyanteng pasaway. Pero umakyat pa din ako ning,mas mainam na to para hindi na ako babalik.
Pa-akyat na ako sa third floor ng may marinig akong ungol ng lalaki.
Huh? Tanghaling tapat may nagmumulto dito? O baka naman may kababalghan sa may CR? Matingnan nga.
Dahan dahan ang bawat hakbang ko,napatigil ako sa aking nasaksihan.
Isang gwapong lalaki ang nakaupo sa hagdan,may pinapanood sa phone niya at mabilis na nagtataas baba ang isang kamay sa dako paroon.
Ang bilis ng tibok ng puso ko,kinuha ko ang phone ko at palihim ko siyang kinuhaan ng video.
Teka? Parang pamilyar sya sa akin? Pilot section tong gwapo na ito ah?
Ohhhh my geee! Siya nga! Si Isle Victorino na honor student ay ang Ang Bagito Sa Hagdan!
“Shit! Uy! Itigil mo yan!” Bigla niyang sigaw na ikina mulagat ko. Tumayo siya kaya mas nakita ko ang pagkalalaki niya. Inayos niya ito at bumaba na siya. “Video yan diba? Burahin mo!”
“Patay!” Ang bulong ko sa sarili ko.
“Akin na yan! Burahin mo!” Pinilit niyang kumalma,kaya may naisip akong idea.
“Ang Bagito Sa Hagdan,paniguradong magtetrending din ito.” Naka ngisi kong sabi. Ibablackmail ko siya!
“What? Hey! You delete that or Ill wreck your neck!” Namumula na ang gwapo niyang mukha.
“Bakit kasi dito mo pa ginawa?! Kasalanan mo din!”
“You… delete that!”
“Habulin mo muna ako!” At bigla na akong nanakbo pababa,siyempre sisiguraduhin kong hindi niya ako maaabutan.
“Humanda ka sa aking pangit ka! Burahin mo yan at mag e-enroll pa ako!” Dinig kong sigaw niya habang hinahabol ako.
- Ayan na ang prologue :) comment and vote kung nagustuhan :3
Bagito wan :3
At dumating ang araw ng pasukan. Wala akong ibang ginawa sa mga araw na naghihintay akong magpasukan na kundi panoorin ng pabalik balik ang video ni Isle Victorino. Nagmumukha na akong manyakis na bading.
Ang gwapo talaga ng isang yon,hindi mo aakalain na mahuhuli ko siya sa ganong akto lalo pa at isa siya sa mga honor students sa section nila nung fifth year pa.
Ngayon,ng dahil sa video ay mahahawakan ko na siya sa leeg. Paniguradong magtataka ang mga tao kung bakit napapasunod ko ang isang Isle Victorino.
Hahahaha nakikita ko na ang future! At paniguradong wala ng mang bu-bully sa akin hahaha!
Hindi nila alam,na ang crush at hinahangaan nila,ang isa sa pinaka matalino sa RHS ay ang bagito sa hagdan hahaha!
Ar super excited ako na pumasok sa RHS,hindi ako nahirapan hanapin ang room dahil obviously sa 3rd floor ako at dulong room. If my memory serves me right,dito din ang room nina Chance at Kiji dati.
Pagpasok ko sa room ang dami ng tao,karamihan mga dati kong classmates kaya more chika more fun ang peg namin.
Kinamusta nila ang bangs ko na parang bunot at pati ang eyeglasses kong mas malaki pa sa mata ng kwago. Sumagot naman ang bangs ko na okay lang siya sa pamamagitan ng pag flip,oha!? Nagpiflip ang bangs ko!
“Ahaha ang sagwa talaga ng retainer mo!” Tumatawang sabi ni Dani,babae po siya at mataba.
“Nakikialam? Gusto mong kagatin kita?” Sagot kong ganyan na ikinatawa nila.
“Wala kang plano magbago ng itsura Fluiie?” Sabi naman ni Faye. Maganda po siya,pang beauty queen ang pesss.
“Hindi na magbabago yan. Sumpa na yan” sabi naman ni Ben na parang ako pero straight siya at may itsura,payat nga lang.
“Ang sama niyo! Inaapi niyo si Fluiie” ang pag segunda ni Troy. Siya ang isa sa pinaka gwapo sa section namin dati.
“Buti pa si Troy! Pinagtatanggol ako!” Sabi ko at yumakap kay Troy. “ Salamat Troy!“
“May bayad yan! Libre mo ako ng lunch!” Biglang sabi ni Troy kaya bumitaw ako at nagtawanan ang tropa.
Ang saya lang na magkaka-klase pa din pala kami. I so love them!
“Class! Quiet!” Sabi ng isang boses at natahimik kaming lahat. Kanya kanya kami ng hanap kung saan kami mauupo since wala pang sitting arrangement.
“Ano ba yan? Bakit wala akong katabi?” Ang reklamo ko ng mapansing hiwahiwalay kami ng tropa.
“Im Mrs. Ivy Santiago,ako ang magiging adviser niyo at teacher sa Filipino.” Anito at inilibot ang paningin sa classroom. “Usuall tama na sana ang bilang niyo pero may na late ng enroll at dito siya sa section na ito inilagay,he came from the Pilot section at isa siyang honor student. Pakisamahan niyo ng maayos at huwag pakitaan ng ugaling squatter!”
Squattet agad? Grabe naman si Maam. Sino kaya yung nailipat dito sa section namin? Kawawa naman siya.
“Oh,nandito na pala siya.” Ani Maam Ivy ng lumingon sa pinto,lahat kami ay humaba ang leeg na parang giraffe dahil sa kagustuhan naming makita kung sino ito. “Pasok na ijo.”
Napanganga ako ng pumasok ito. Nilibot niya ang paningin niya sa classroom hanggang sa magtama ang paningin namin.
Automatic na nagsalubong ang mga kilay nito at nagbulungan na ang mga kaklase kong babae.
Nang sinabi ni Maam Ivy na maupo na ito ay napalunok ako ng maglakad siya papunta sa akin.
“This is all yout fault you ugly pokemon” gigil at madiin niyang sabi ng maupo sa tabi ko.
“Hoy! Hindi ako pokemon!” Bulong kong sagot. “Ang kapal ng mukha mo”
Ngumisi ito na ikinainis ko lalo. Wait lang siyang ma blackmail ko siya,hindi na siya makaka ngisi.
“Ha! Ako pa makapal ang mukha? Tingnan mo nga pagmumukha mo! Mukhang nauna ka pa sa mga Homo sapiens at mga taong Java. Siguro halimaw ka o isa kang dinosaur?”
“Anong sabi mo?” Inis na talaga ako teh. “Hindi ako halimaw o dinosaur! Humanda ka sa akin mamaya!”
“Mas humanda ka!” Matapang niyang sagot. Aba? Talagang hindi papatalo ang isang ito ah?
“Sige lang. Mamaya hindi ka na makakapag salita at makaka ngiti oag nakita na ng lahat ang video mo.” Ang pananakot kong sabi.
Nag iba ang expression ng mukha niya at mukhang mas galit siya ngayon.
“Subukan mo lang. Ill wreck your neck.” Banta niya.
Napalunok ako at napahawak sa leeg ko.
Shet,mukhang mahihirapan akong e-under ang Isle Victorino na ito ah?
Hindi na kami nagpansinan kahit tapos na ang pagpapakilala ng bawat isa.
“I hope maging maganda ang samahan natin students. Pwede akong kaibigan outside the classroom,huwag niyo lang kakalimutang rumespeto okay? Is that clear!?” Ang sabi ni Maam ng matapos na lahat magpakilala.
“Yes Maam!” Sabay sabay din naming sagot.
“And lastly,sino pwedeng magdala ng nga bunot bukas?” Tanong ni Maam,nagtaas ng kamay si Isle kaya nabaling sa kanya ang pansin ni Maam Ivy. “Yes?”
“Ako po may dala ng bunot!” Ani Isle,tiningnan ko ang ilalim ng upuan niya,wala naman siyang dalang bunot. Sinungaling ang walangya.
“Thats good! Nasaan na?” Masaya pang tanonh ni Maam Ivy.
“Ito po Maam,katabi ko! Bunot na,steelwall pa ang ngipin!’ Sagot ni Isle at hinawakan pa talaga ang ibabaw ng ulo ko at nagtawanan ang lahat.
Ugh! Hintayin mo ganti ko gago ka!
- yan muna :) BEAUTIFUL DAYS NAMAN TAYO,thank you :3
Bagito tuu :3
It was a clear sunny day,at nandito ako sa may terrace namin nag sa-sun bathing. Actually,apartment ang inuupahan namin dito sa Pasig,nasa pinakataas ang amin at halos dito na ako nagdalaga.
Nag iisip ako kung ano ba ang magandang ganti kay Isle for making fun of me. Walangyang yon! Dahil sa kanya,bunot na din ang tawag sa akin ng iba naming kaklaseng lalaki. Bwisit lang talaga.
Sa totoo lang,natatakot din naman akong ikalat ang video niya,tae! Imbis na ako ang mang black mail sa kanya,ako ang nagmumukhang lugi!
At ang isa pang nakakainis,nasaksihan naming lahat kung gaano talaga siya katalino,kaya parang para sa akin hindi ko siya kayang sirain,pero kaya ko siguro siyang takutin at asarin.
May ganon talaga siguro no? May mga taong gwapo pero hindi malibog,may mga pangit pero malibog. Si Isle,gwapo na matalino pa,pero may tinatago pa lang libog.
Ang dami na nga may crush sa kanya ate charo,paano ba naman,para talaga siyang koreanong drama actor,package deal na kumbaga. At ahem,idagdag pa natin na may maipagmamalaki siyang kinabukasan na paniguradong paglalawayan ng mga babae,beki at kapwa lalaki.
Teka?! Bakit ko ba pinupuri ang bagitong ’yon? Kaaway ko siya,kaya I have to think of a plan na maiisahan ko siya at hindi siya makakabawi.
Medyo nakaka konsensya lang pag pinaparinig niya na dahil sa akin kaya siya na-late sa enrollment at napunta sa section namin.
Kasalanan ko bang makita siyang nagmamariang palad sa hagdan? At hagdan pa talaga? Bumabagito lang? Ayan tuloy,siya na ang Bagito sa hagdan.
“Fluiie,tapos ka na ba magsampay?” ang tawag ni Mama sa akin.
“Yes mother dear!” sagot ko naman. Kainis,nalaman niyo tuloy na hindi talaga ako nag sa-sun bathing! Basag trip si ina eh!
“Pagkatapos mo dyan,pumunta ka ng Kapasigan,bilhan mo ako ng mga bagong cutics sa Hortaleza.” sabi ni Mama ng pumasok na ako sa bahay.
Kapasigan? Oh my gust! Dun nakatira si fafa Chance! Kailangan ko siyang hunting-in!
“Sure! Wait lang. Magbihis lang ako!” agad na akong pumasok sa kwarto at nagbihis.
Dapat presentable ako kung maghaharap kami ni Chance,balita ko naka uwi na siya galing sa ibang bansa. Hindi ko makalimutan yung araw na pinagtripan ko sila,ang gwapo gwapo niya talaga! Ang swerte ni ateng Kiji sa kanya!
And by the power of Silver Imperium Crystal,nakarating na ako sa Kapasigan. Diretso agad sa Hortaleza at binili ang mga pinapabili ni Mama na mga cutics. At pagkatapos ay nagpunta na ako sa Fashion Circle,malapit lang daw dito ang bahay ni fafa Chance.
May napansin lang ako,kung makatingin ang mga tao para silang nagugulat. Hello? Sa ganda kong ’to magugulat sila? Ang ganda ng eyeglasses ko at ng buhok kong walang sinabi ang buhok ni Bambam ng GOT7,tas titingin sila ng ganyan?
Hindi ba nila alam? Beauty is in the inside.
“So bakit ka pa lumalabas? Dapat nasa loob ka lang palagi ng bahay niyo.”
HUH? San galing iyon?
Teka,parang familiar ang boses ah? Parang boses ni–
“Dito,sa likod mo.” at tiningnan ko nga ang aking likuran.
“Isle?! Anong ginagawa mo dito?!” sabi kong ganyan at sinipat sya mula ulo hanggang sa ulo banda dun.
Infairness,bukol na bukol. Bakit kasi fitted short ang suot niya? Naka sapatos,naka cap,at ang damit yung usong polo shirt ngayon na pang kpop.
Bakit ba ang gwapo niya? Bwisit lang.
“Wow! What a question?! Sayo ba ang Kapasigan? I should be the one asking you that?! Anong ginagawa ng isang halamang dagat dito?!” ani Isle na tinaasan pa ako ng kilay kaya napanganga ako.
Ano daw?!
“Ano? Anong sabi mo?!” sabi ko at hinampas siya pero agad namang naka atras.
“Ayoko ng ulitin. Im not a recorder.”
“Bwisit ka! Ano nga kasing sinabi mo?!” gigil kong sabi. Ngumisi ang gago,feeling niya panalo na siya.
“Bakit ba kasi?”
“Ulitin mo ang sinabi mo! May english eh! Hindi ko naintindihan yung english!” sigaw ko. Napatingin yung ibang dumadaan at biglang humalakhak si Isle.
“Epekto ba yan ng pagiging bunot ang buhok?” naluluha pa niyang sabi habang nakahawak sa tiyan niya.
“O sige,huwag na lang yon! Yung pinaka una mo na lang na sinabi. Bakit sinabi mo iyon? Sinagot mo yung nasa isip ko. Mind reader ka ba?” pinamewangan ko siya,tumigil na siya sa pagtawa at tinitigan ako.
“Hindi ako mind reader. Malakas lang talaga ang pagkakasabi mo,huwag kang pa-inosente.”
“Hindi ako painosente! Baka nakakalimutan mo,nasa akin ang alas,once na ikalat ko ang video mo,patay ka na!” sagot ko naman,tingnan natin kung hindi pa siya ma rattle.
“Subukan mo lang. Patay ka sa akin. Pwede ba? Burahin mo na yan,wala ka namang mapapala,every guy do that,its normal. Hindi ako makatulog sa gabi pag naiisip kong ikaw ang nanonood sa video,nakaka diri. Hindi dapat ikaw ang unang makakita ng pagkalalaki ko. I feel like Im molested.” mahaba niyang sabi na dahilan kung bakit nalunok ko ang bagang ko.
Molested? Ganon na ba agad kalala iyon?
“Grabe ka.” ang nasabi ko na lang dahil wala na talaga akong masabi.
“Mas grabe ka. Kung hindi mo iyan buburahin,wala ka na ding pinagkaiba sa ibang bakla na hayok sa lalaki.” seryoso namang sagot ni Isle.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at agad nagpunta sa gallery.
“Oh eto na nga eh,buburahin ko na.” pinakita ko sa kanya na binura ko ang video.
“Good. Pero hindi pa kita napapatawad. Pagbabayaran mo pa ang kasalanan mo.” sabi niya ng mabura ko ang video.
“Wala akong kasalanan!” singhal ko kay Isle. “Nabura ko na naman ang video ah?.”
“Dahil sayo,na late ako sa enrollment dahil hinabol at hinanap pa kita that day. Ang kinalabasan napunta ako sa second bracket na naging dahilan kung bakit binawasan ang allowance ko at nagka curfew ako.”
“Pati yon ako pa talaga? Are you kidding me?.”
“Seryoso ako. Kaya dapat kang magbayad.”
“Wala akong pera! Bahala ka! Dyan ka na nga!” inis kong sabi at nilampasan siya. Naglakad na ako papunta sa kanto para makasakay ng trycicle.
Magbabayad daw? Bahala siya! Pe-perahan pa niya ako?! Tama nga sila,pera lang ang habol ng mga lalaki sa mga bakla. Pero duh? Wala siyang makukuha sa akin kahit twenty-five centavos. Hindi ko pinangarap na gumastos para sa lalaki,ang kapal ng mukha ng Isle na yan.
Pagkauwi ko eh walang tao sa bahay. Nag manicure na siguro si Mama,hindi man lang hinintay tong mga pinabili niyang cutics.
At dahil linggo naman ay naisipan kong mag gala,naligo na ako at nagbihis. Makapunta na nga lang sa Megamall at makapag palamig,titingin na din ako ng mga damit at sapatos.
Titingin lang ako,hindi bibili. Hindi ko afford ang mga bilihin sa Mall,hanggang Pasig Market lang ako.
Pagdating ko sa Megamall ay dumiretso ako sa Timezone,nakakalibang kasi manood sa mga taong naglalaro doon,hindi mo mamamalayan ang oras.
Pagkatapos sa Timezone ay nag ikot-ikot pa ako. Kahit saan lang basta magustuhan ng mga magaganda kong mga mata at basta maaliw lang ako.
Nakaramdam na ako ng gutom dahil tumatambling na ang aking mga bituka. Tiningnan ko ang oras,mag alas sais na pala ng gabi,kailangan ko ng makauwi agad.
Lumabas na ako ng Megamall,tumawid na ako sa overpass,pagkababa ko ay tiningnan ko ang wallet ko.
May fifty pesos pa ako!
Kukuhanin ko na ang fifty pesos ng may humablot sa wallet ko,ang bilis nito tumakbo at hindi agad ako nakakilos. First time to ning! My gust! What shoud I do?
“SNATCHEEEERRR! WAAAAHH! HEEELLLPPP! TULOONGGG! NA-SNATCHAN AKOOOO!!” sigaw kong ganyan ng maka recover na ako. Ang dami agad lumapit,at ng tinanong ako kung nasaan na ang snatcher at sinagot kong mabilis itong nakatakbo ay nagsi alisan ang mga ito. Ang babait lang!
“Magkano ba ang pera mo?” tanong ng isang binata na parang concern. Mukhang siya ang makakatulong sa akin.
“Fifty pesos!” sagot ko na maluha luha pa.
“Fifty pesos? Gagong iyon ah!” sabi nung binata.
“Gago talaga! Hindi na naawa!” ang pag sang ayon ko naman. Paano na ako makakauwi nito?
“Gagong iyon! Mang i-snatch lang,yung fifty pesos pa?! Kung ako dun sa snatcher,binalik ko na sayo iyon. Kulang pa yon pang kain eh. Dyan ka na nga!” sabi nung binata at naglakad na palayo,naiwan akong nakanganga at luhaan.
Walangyang iyon? Akala ko tutulungan ako? Wala na talagang good samaritan ngayon.
No choice ako,maglalakad ako pauwi. Okay na yun kesa hindi ako makauwi. Blessing in disguise siguro ito,makakapag exercise ako,lalo akong se-sexy nito.
At yun na nga mga friends,sinimulan ko na ang adventure ko. Nagsimula na akong makibaka,sinimulan ko ng magpa sexy. Panigurado pagdating sa bahay ay may mangga na ako sa paa! My guts! This is not happening! This is not happening!
Nasa may bandang Kapitolyo na ako ng magreklamo na ang mga paa ko. Kaya naghanap ako ng pwede kong pagpahingahan muna. Pero wala,kaya sa gutter na lang ako naupo.
Lord! Bakit niyo ako pinapahirapan ng ganito? Anong naging kasalanan ko? Kasalanan po bang maging maganda? Hindi ko naman ginusto na mag umapaw ang kagandahan ko,pero hindi ko din ito gustong mawala!
“Tsk! Tsk! Dito ka pa talaga tumatambay? Walang hilig sa bading ang mga tao dito.”
Agad akong napa angat ng ulo ng marinig ko ang boses na iyon.
Hindi nga ako nagkamali! Si Isle at nakasakay sa motor!
“Isle! My saviour! Please help me!” galak kong sabi at agad tumayo’t lumapit sa kanya.
“Huh? Sabi ko na nga ba at ikaw yan eh. Kahit naka yuko ka nakilala agad kita dahil sa hulma ng buhok mo. Agaw pansin eh.”
Okay,palalampasin ko muna ang pang iinis niya. Kailangan ko ng makauwi dahil gutom na gutom na ako.
“Na snatch ang wallet ko! Kaya naglalakad na lang ako pauwi. Hatid mo naman ako sa amin please? Ang sakit na ng mga paa ko! Baka hindi na ’to tubuan ng mga kaliskis.”
Tinaasan niya ako ng kilay at parang nag isip ng malalim.
“Nakaka awa ka naman pala.” aniya at tumingin sa paligid.
“Sobrang nakaka awa.” ang pagpapa awa ko pa. Kakalimutan ko munang may civil war kami ni Isle.
“Sige,ihahatid na kita. Pero sa isang kundisyon. Sisimulan mo na bukas ang pagbabayad sa kasalanan mo at kung hindi ka papayag,hindi kita ihahatid,iiwanan na kita dito.”
Sa narinig ko ay sadyang nagalak ako,sa wakas! Makakauwi na ako at mapapahinga na ang magaganda kong mga paa.
“Sige! Sige! Kahit anong bayad pa yan! Hatid mo na ako.” ang agad kong pag payag at napa palakpak pa ako.
Ngumisi si Isle at napalunok ako.
- MUSTA? Comment and Vote kung nagustuhan niyo.
Bagito tri :3
Bagito por :3
Parang ewan lang tong si Isle eh! Nandito kami ngayon sa auditorium at nanonood ng play ng mga sophomores,ewan ko din kung bakit isa ang mga section namin sa napiling manood.
“Ang boring nung una.” ani Isle na tinutukoy ay ang unang play,makabagong pinoy daw,and I must agree,ang ingay at hindi maayos ang script,parang walang practice na ginawa.
Nilingon ko ang tropa na nasa likuran ko. Kahapon lang nila napansin na panay daw ang dikit ko kay Isle. Syempre nag alibi ako! Sinabi ko na kailangan maging kaibigan ko si Isle dahil matalino siya at kailangan ko ng kokopyahan at magtuturo sa akin,mukhang nagduda sila pero hindi na sila nangulit,baka kalmutin ko sila ng retainer ko.
“Magwewelga ako pag nanalo sila.” sabi ko naman. Nilingon ako ni Isle at tinaasan ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay. “Tinitingin tingin mo dyan?”
“Wala lang,ngayon ko lang talaga napagtanto na sobrang panget mo.” aniya,ngumisi at binalik ang tingin sa stage.
Nalaglag panga ko teh! Harap harapan niyang inalipusta ang pagmumukha ko! Im gonna break his–nevermind.
Hindi na ako kumibo,may deal kami eh,pero once na matapos ang deal humanda sa akin ang Isle na ’to. Ipapatikim ko sa kanya ang talim ng bangs at retainer ko.
Natapos na ang play at lumabas na kami ng auditorium,bigla akong nanibago sa init ng araw,ang lamig kasi sa loob eh.
“Fluiie,tara na sa canteen.” aya ni Ben.
“Hah? Ahm..” napatingin ako kay Isle na busy sa phone niya.
“Subukan mong tumanggi? Bibigwasan ko bahay tae mo ning!” pagbabanta ni Dani,napalunok tuloy ako ng wala sa oras.
“Baka may gagawin pa siya,huwag kayong ganyan guys.” pag singit ni Troy. Medyo nakahinga ako ng maluwag. “Baka a-aura pa yan.”
Napanganga ako. Kaibigan ko ba talaga sila?
“Are you prejudicing me?!” nanliit ang mga mata ko.
“Spell prejudicing?!” sabay sabay nilang sabi na ikinatigil ko.
“Naku! Busy nga pala talaga ako! Text text na lang guys!” sabi kong ganyan,nginisihan ko sila saka ako bumaling kay Isle. “Tara na Isle!”
Lakad takbo ang ginawa ko para lang matakasan ang tropa. Hingal na hingal ako pagdating sa harapan ng gymnasium.
“At talagang ikaw pa ang humila sa akin?” biglang sabi ni Isle. Dun ko lang narealized na kasama ko siya,higit sa lahat hawak ko ang braso niya.
“Pasensya naman!” patay malisya kong sabi sabay bitaw sa braso niya. Nagpaypay ako ng sarili. “Ano ba yan,gutom na ako.”
“Oh!” sabay hagis ni Isle ng bag niya sa akin. Buti na lang at listo ako kaya nasalo ko. “Hihintayin kita sa may batibot,dun ako kakain,bilisan mo ayoko ng naghihintay.”
Yun lang at naglakad na palayo ang gago! Ang bigat pa naman ng bag niya!
Kaya ang ginawa ko na lang ay sa may canteen sa tabi ng Main building na lang ako kumain. Walang natira sa pera ko! Nakalimutan kasi ng gagong Isle na yun na magbigay ng pera kanina,kung hindi ba naman siya abnormal!
Pagdating sa batibot ay ang dami ng nakaupo. Agad kong nakita si Isle dahil pinapalibutan siya ng mga kerengkeng na beki at babae na mukhang mga freshmen,kaya agad akong lumapit.
“Hoy!” nagtinginan sila at umatras,natakot siguro sa mukha ko. “Hoy Bagito sa hagdan! Ayan na bag mo at ang pagkain mo! Bayaran mo ako! Langya ka,naubos pera ko! Ayoko maglakad pauwi,so give me back my money.”
Nagsalubong ang kilay ni Isle,nagbulungan yung mga nakapalibot sa kanya kanina pero I don’t care.
“Ganyan ka ba talaga? Hindi ka marunong gumalang sa amo mo?” ani Isle na ikinalaglag ng panga ko sa lapag. “Oh,sakto na siguro yan.”
Inabutan niya ako ng one hundred,pero dahil nakatingin ang mga impaktang nakapalibot sa kanya kanina ay hindi ko ito tinanggap.
“Joke lang. Sayo na yan. Bilisan mong kumain,hihintayin kita.” ani ko,naupo ako sa tabi niya. Bumuntong hininga siya at nagsimula ng kumain,ako naman kahit gutom ay nakontento na lang na bilangin ang bawat estudyante na dumadaan.
“Sabi mo kanina gutom ka na? Tanggapin mo na tong pera,kumain ka na at huwag mo na akong hintayin.” ani Isle at tumigil sa pagkain.
“Okay lang. Sanay naman akong malipasan ng gutom. At isa pa,hindi iniiwan ng alalay ang amo niya.” sagot ko ng hindi siya tinitingnan.
Wala na akong nadinig na sagot mula sa kanya,kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalaro ng Dumb ways to die sa phone ko.
“Here,you should eat. Ang payat payat mo na nga magpapalipas ka pa ng gutom. Nakakabobo ang walang kinakain.” pagkalipas ng ilang minuto ay sabi ni Isle,may dala na siyang pagkain at buko juice.
Umalis pala siya? Bakit hindi ko namalayan?
“Thanks na lang,nawala na gutom ko.” sabi ko dahil nakaramdam ako ng hiya.
“Slaves shouldn’t reject their masters.” ani Isle,nilapag sa tabi ko ang mga pagkain. Tumunog ang tyan kong traydor. “See? Even your stomach agrees.”
Oh eh,dahil ganon naman ay lumafang na ako. Medyo nakaka concious lang dahil baka sumasabit sa retainer ko ang mga kanin,ang awkward nun.
Nang matapos kumain ay busog na busog na ako.
“Salamat Isle.” lingon ko kay Isle.
“Bitbitin mo bag ko,mauna ka na sa room at mag cr lang ako.”
“Sama ako!” puputok na din kasi ang pantog ko eh!
“What?!” gulat niyang react na ikina inis ko.
“Huwag kang green minded! Ikaw lang ba may karapatang umihi?” sabi ko at naglakad na papunta sa cr ng neptali building dahil walang masyadong gumagamit ng cr dun.
Pagpasok ay napanganga ako. May dalawang lalaki na nasa bukas na cubicle,nakaluhod ang isa at subo ang ari nung nakatayo.
Masasabi ko na hindi bakla yung sumusubo dahil sa paraan ng pag suck niya,ang maton eh! Pareho pa namang pogi,at mga freshmen pa!
“Fluiee–” natigil si Isle sa pagsasalita dahil tinakpan ko ang bibig niya. Halatang nagulat din siya sa nakita niya. Agad ko siyang hinila sa isa pang cubicle at nagtago.
“Aaahhhhhh…” boses nung isa sa mga lalaki.
“Ano ba yan? Aalis na ako.” bulong ni Isle kaya hinila ko siya kaya napadikit siya sa akin at napaharap ako sa pader.
May naramdaman ako kaya napalunok ako. May kung anong unti unting nabubuhay na nakalapat sa puwit ko,para na akong ewan na hindi mapakali.
“Uhm,yung ano,uhm Isle..” mahina ko ding bulong,ang lakas ng kalabog ng dibdib ko,parang nag init ang mukha at tenga ko.
“Dyan ka na!” aniya,biglang umalis kaya na estatwa ako.
“Sino yan?!” sabi nung lalaki,naramdaman kong kumilos sila kaya nagkunwari akong umiihi na patapos na saka ako humarap. “Kanina ka pa?”
“Ha? Ngayon lang. Sige,mauna na ako.” agad akong nanakbo palabas ng cr.
Nagdirederetso na ako sa main building dahil paniguradong nandun na si Isle.
Hindi ko talaga makalimutan yung kanina,parang nararamdaman ko pa din ito sa likod ko. Am I being too pervert? Waaahh! Hindi naman ako ganito mag isip dati.
Pagdating sa room ay naglelecture na ang teacher,tinaasan ako nito ng kilay,kaya kahit hingal na hingal pa ako at lawit ang dila ko sa pag akyat dito sa sixth floor,idagdag pang nagmoist na ang eyeglasses ko ay humingi pa din ako ng paumanhin.
“Sorry maam! Umatake kasi ang mga goblins kaya kailangan ko dumipensa.” sabi kong ganyan at naupo sa upuan ko,nandun na si Isle,hindi ako nililingon,hawak nya ang ballpen niya na nilagay nya sa ilalim ng ilong niya.
“Anong sabi mo? Sinabi ko bang ma upo ka na Fluiie?” ani Maam,napalunok ako at muling napatayo.
“Wala po Maam,sorry po. Ang ibig ko pong sabihin–”
“Ako ang kasama niya kanina Maam,naiwan ko lang siya. Huwag niyo ng pagalitan. So please continue with the lecture.” biglang sabi ni Isle kaya napalingon ako sa kanya.
“Ganon ba?” ani Maam at bumaling sa akin. “Next time ayoko ng may late sa klase ko. Maupo ka na.”
Huminga ako ng malalim at naupo na. Gusto ko sanang magpasalamat kay Isle pero ni sulyap sa akin ay hindi niya ginawa.
Kaya naghintay na lang ako na mag dissmissal saka ako lumapit sa kanya.
“Ako na magbibitbit ng bag mo,Isle.” ani ko,Slave mode activated.
“Ako na,umuwi ka na.” sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad,sumunod ako,naririnig ko ang tropa sa aming likuran.
“Salamat sa pag salba kanina.” wala na kasi akong masabi. Ngayon ay halos kasabay ko na siyang maglakad.
“Hindi mo kailangan magpasalamat. Im just saying the truth,mauudlot din kasi ang lecture kung sayo lang nakatutok si Maam.” sabi niya at bumaling sa akin. “Umuwi ka na.”
“Huh? Diba bibitbitin ko pa ang–”
“Ang sabi ko,umuwi ka na!! Huwag ng makulit! Nakakainis ka na ng sobra!!” singhal niya na ikinatigil ko. Lumingon siya sa paligid at nagmadali na lalong maglakad.
Anong nangyari dun? Anong nangyari kay Isle?
- MUSTA? PASENSYA NATAGALAN,SALAMAT SA MGA SUMUPORTA SA ABSK1&2,DONT WORRY MAGPAPAKITA PA DITO SINA KIJI AT CHANCE. PERO,GUSTO KO DING MALAMAN NIYO NA FACEBOOK LOVE AFFAIR AT LOVE ABOVE THE LAW ANG MAGIGING PRIORITY KO,SALAMAT SA PAG UNAWA :)
Bagito payb :3
ALAM KONG ALAM NIYO KUNG ANONG OKASYON ITO SA “ANG BASTOS SA KANTO.”
Enjoy reading ;)
Nasa may 7/11 simbahan ako at humihigop ng napakalamig na slurpee ng mamataan ko sa labas si Isle na palingon lingon sa paligid.
Sino kayang hinahanap ng bagitong ’ to?
Inalis ko ang tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pag higop sa slurpee ng may tumapik sa balikat ko.
“Ark!!” swear,montik ko malunok ang straw!
“Finally found you!” sabi ng pamilyar na boses kaya biglaan ang paglingon ko.
“Isle!” naluluha pa ako niyan. “Walangya ka! Montik ko na malunok ang straw! Are you tryin’ to kill me?”
Ngumisi ang gago bago namulsa,ngumuso saka sumagot. “Not now,Fluiie,dadating din tayo dyan.”
“Walangya ka! Kriminal!” singhal ko kaya nag tinginan sa amin ang mga tao. Napalunok ako at nakaramdam ng matinding hiya.
“Your mouth Fluiie,baka nakakalimutan mong slave kita? Nag effort pa ako para hanapin ka.” seryosong sabi ni Isle at naguilty ako bigla.
“Ano ba kasing kailangan mo?” ang tanging nasabi ko na lamang dahil wala naman ako magagawa na.
“May pupuntahan tayong kids party. Birthday ng kinakapatid ko. Samahan mo ako bumili ng pagkain,kailangan ko ng taga bitbit.”
“O sige sige,pwede umuwi muna para makaligo at bihis?”
“Napipilitan?”
“Hindi no?! Sige na tara na!”
Hinintay niya akong matapos maligo at magbihis,buti na lang at wala ang magiting kong ina.
Gumayak na kami,nag taxi papuntang Megamall,true to his word,ako nga ang naging tagabitbit,sandamakmak ang laruang binili ni Isle! Balak ba niyang pag resign-in si Santa Claus?
At yun na nga,panibagong byahe na naman. Hindi na lang ako nagtatanong kasi useless din naman.
Dumating kami sa venue ng kid’s party. Napanganga ako pagpasok namin,ang daming bata! Ang function hall para kaming nasa wonderland.
“Isle! Salamat sa pagdating!” napanganga ako sa sumalubong sa amin. “Akala ko nakalimutan mo na?”
“Kasama ba regalo mo para sa anak ko?” oh my gawd! Is this a dream?
“Hoy Chance! Huwag kapal muks?! Kami ni Ioji ang kinakapatid ni Isle,pero siyempre kasama si Chad dun!”
“Joke lang naman Jiko.” umakbay ito sa huli. “Kain muna kayo ng kasama mo.”
“Tapos na? Akala ko magbabangayan pa kayo. Oo bro Chance,may regalo din ako para kay Chad.” ani Isle.
Potangena?! Kaharap ko sila! Nakakahiya! Naalala ko yung ginawa ko sa kanila dati.
Kiji and Chance! Nasa harapan ko! Wow!
“He looks very familiar.” ani Kiji at nanliit ang mga mata.
Patay!
“Boyfriend mo tol?” tanong ni Chance at napatawa si Isle.
“Haha! Nagpapatawa ka ba? Magkaiba tayo bro. He is Fluiie,my classmate and slave.” sagot ni Isle,napayuko ako at nanliit.
Kailangan ba talagang sabihin iyon? Parang gusto ko ng umuwi.
“Bad. I hate you for that. Puntahan mo na sina Mama at Papa,at maghanap ka ng kausap mo.” nakangiwing sabi ni Kiji.
“Huh? Bakit? May nasabi ba ako?” takang tanong ni Isle,napatingin ako kay Kiji,umiling sya at bumuntong hininga.
“Minsan tol,nagtataka ako kung bakit sinasabi ni Kiji na matalino ka daw. Pero hindi pala. Sige na,asikasuhin ko pa mga bisita.” dagdag pa ni Chance,this time gusto ko na talagang umiyak. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito,yung maipamukha sayo ang agwat ng itsura mo at estado mo sa ibang tao.
“Teka–”
“Tara Fluiie,kwentuhan tayo.” pamumutol ni Kiji kay Isle at hinila ako. Hindi ko na nilingon si Isle.
Pero mukhang hindi naman naapektuhan si Isle,nakikipag tawanan pa sila sa mga kamag anak nina Kiji at Chance. Napaka insensitive din talaga niya.
Matapos ko makipag kulitan kina Ioji at Chad ay niyaya ulit ako ng mag dyowa sa table nila kasama ang mga tropa nila,no choice,pati si Isle ay kasama.
“So,paano kayo nagkakilala?” ani nung Aiko.
“Magiging Kiji at Chance din ba ang kapalaran nila?” segunda nung Karissa.
Napatingin ako kay Isle,tinaasan niya ako ng kilay. Ano? Ako ang gusto niyang sumagot sa tanong? Gusto pa ba niya akong ilubog?
“Actually,he is my classmate slash slave. Huwag niyong isipin na lovers kami,please lang.” ani Isle,napalunok ako.
“Paano naging slave?” tanong nung Ritz.
“Uso naman yun,sa wattpad. Wala nga lang tayo sa wattpad.” sabi naman nung Summer.
Parang gusto ko isiwalat ang lahat,pero naisip ko na hindi iyon maganda.
“Actually…”
“May nagawa akong kasalanan sa kanya. In return para makabawi,naging slave niya ako.” pamumutol ko kay Isle,nagmomoist na eyeglasses ko,umuurong ang bangs ko at parang sumisikip lalo retainer ko.
“Bakit hindi pwedeng maging lovers?” sabi pa nung Teban na may inaakbayang gwapong emo.
“Obviously,sa gender. Pero hindi naman importante iyon.” ani Khaim,at ngumiti sa akin at sa girlfriend niya.
“Oh dahil sa hitsura?” singit nung Adz. Napangiti pa si Isle,bwisit talaga.
“Pareho.” sagot ko. “Uhm,pwedeng mag cr?”
Tumango sila kaya tumayo na ako.
“Nakikita ko sarili ko sa kanya.” dinig kong sabi ni Kiji ng hindi pa ako nakakalayo.
“At nakikita sa akin ni Chance ang sarili niya sa akin?” sabat ni Isle at minura siya ni Chance saka sila nagtawanan.
Pagpasok sa cr ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Hindi naman ako naghahangad na magka lovelife,at isa pa tanggap kong hindi kaaya aya ang itsura ko. Kailangan pa bang idiin?
Nakaka bwisit na Isle yan,sarap hampasin ng bangs ko at kalmutin ng retainer ko ang balat niya hanggang matuklap!
Huminga ako ng malalim. Eh ano kung ganito ako? Atleast parang dinosaur ako,extinct and indanger! Whip my bangs!
Paglabas ko ng cr ay busy na silang lahat sa parlor games. Lahat nag e-enjoy,kaya nagdesisyon akong umalis na.
Bahala si Isle dyan! At kung sakaling magkita ulit kami nina Chance at Kiji ay magso-sorry ako na umalis ako ng hindi nagpapa alam.
Lumabas na ako sa venue,at halos kagatin ko ang mukha ko ng marealize na hindi ako nakapag dala ng pera!
Kung minamalas ka nga naman oh? Lagi na lang akong nauuwi sa pagiging walkaton gay! Gusto ba nila na lumaki ang mga mangga ko? Jusme!
Again,no choice,naglakad ako. Sinundan ko na lang yung daan na natatandaan ko kanina nung papunta pa lang kami.
Anong lugar ba kasi ito? Kung bakit kasi hindi ako nagtanong sa gagong si Isle eh! Makaka uwi pa ba ako nito?
Kung may magic lang ang bangs ko ay hinawakan ko na ito at instant nasa bahay na ako,pero hindi! Magagalit ang bangs ko pag pinakealaman siya,idol niya si Dora kaya gusto niya stayput lang siya.
Malayo na ang nalalakad ko ng biglang humangin,kumidlat at kumulog ng napaka lakas!
“Mama!!” hindi ko mapigilang sigaw dahil sa takot. Napa upo ako sa gilid ng kalsada at tinakpan ang mga tenga.
Takot ako sa kulog at kidlat,yan ang rason kung bakit nawala si Lolo.
Hindi ko na mapigilan ang panginginig lalo na ng bumuhos ang ulan. Parang napako na ako sa pwesto ko,bumabalik sa akin ang mapapait na alaala kung bakit ako takot sa kulog at kidlat.
Tandang tanda ko pa iyon,sa probinsya. Nasa ibabaw ako ng puno ng bayabas ng biglang umulan. Hindi ako makababa dahil madulas ang katawan ng bayabas,ang lakas ng hangin,ulan kulog at kidlat,iyak na ako ng iyak noon.
Mabuti na lamang at dumating si Lolo na talagang hinahanap pala ako.
Inakyat nya ako sa puno ng bayabas,ibinaba niya ako kahit hirap na hirap siya.
Hanggang sa…
“Fluiie? Thanks God! Akala ko napa ano ka na!”
Sa narinig ko ay napatayo ako at agad siyang niyakap.
“Isle! Gusto ko ng umuwi!” niyakap ko siya ng mahigpit at sumubsob sa dibdib niya.
“Im sorry,sige uuwi na tayo.”
Then,hugged me back.
Bagito siks :3
AN/Pasensya kung ngayon lang ito nagdugtungan. I promise pag okay na lahat,balik ako sa dati na i-a-update lahat. Pero sa ngayon tumatanggap na ako ng maagang christmas gift hehe!
============================
Ilang araw na nakaka lipas at hindi ko pa din makalimutan ang nangyari. Inihatid ako ni Isle dito sa bahay at parang ang bait na niya that time. Pero at the same time nahihiya ako kina Kiji at Chance at sa mga kaibigan nila kasi umalis ako ng hindi nagpapa alam,ang sama ng ugali ko.
Pero ngayon ay linggo,maaga kaming nagsimba ni Mama at umalis din kaagad siya kaya.mag isa ako dito sa bahay.
Busy ako sa pagwawalis ng may kumatok sa pinto. Agad akong nagtungo dito at binuksan ito.
“SURPRISE!” sabay sabay na sigaw ng tropa.
“Anong ginagawa niyo dito?” nakapamewang kong sagot.
“Dumadalaw.” ani Troyy.
“At magluluto.” dagdag ni Dani at iniangat nina Ben at Troy ang mga dala nila.
“Anong lulutuin?” tanong ko.
“Papasukin mo muna kami kaya?” ani Faye.
“Ay! oo nga! pasok kayo mga bisita! nahiya naman ang bangs at retainer ko sa inyo! hala sige pasok!”
Nang makapasok na sila ay dumiretso sa kusina.
“Ang mga rekado ay kompleto na,andito din sa libro ang paraan ng pagluluto.” ani Ben.
“Excited na ako.” dagdag ni Faye.
“Magluluto ba kayo o mag e-experiment?” tanong ko at nagtawanan ang mga baliw.
“Huwag ka ng mareklamo Fluiie.” Ani Dani. “tara e-chop muna natin ang mga rekado.”
“Ako na.” ani Troy. Busy na din sina Faye at Ben.
“Ganito ang tamang pag chop sa carrots.” ani Troy at talagang bumilib kami ni Dani.
“Ang galing mo Troy.” ani ko.
“Ingat ka baka mahiwa daliri mo.” dagdag ni Dani.
“Dapat talaga maingat kung ayaw niyong mahalo daliri niyo sa mga carrots.” sabi ni Troy.
“Ako! gusto kong e-try! ako! ako!” biglang sabi ni Dani. Ewan ko ba sa babaeng ito.
“O sige,basta mag ingat ha?” ani Troy at binigay kay Dani ang kutsilyo.
“Alright! simulan na!” energetic oa tong si Dani.
“Dani,huwag masyadong mabilia baka mahiwa ka.” nag aalala ko pang sabi,ang bilis pa mag chop.
“Dont you worry,magaling ako dit—”
“waaahhh! Dani!!” sigaw ko sa takot.
“Dani?” ani Troy.
“N-naputol daliri k-ko..”
“DANI!!! kalma lang! kumalma ka lang! bakit naputol?! Kumalma ka lang,huwag ka mataranta! bawal mataranta! kalma ka lang!” taranta at takot kong sigaw.
“M-masakit….waaaaahhhhh!! ambulansiya! tumawag kayo ng ambulansiya!” umiiyak ng sabi ni Dani.
“Ambulansiya! ambulansiya! Faye! Ben! tumawag kayo ng ambulansiya! kailangan natin ng ambulansiya!!!” sigaw ko dahil natakot na talaga ako.
“Saglit! kumalma kayo! kailangan lang natin ito pagdugtungin ulit at ibabad sa tubig—huh?” si Troy na iniisa isa ang mga na chop ng carrots. “Hindi naman naputol daliri mo Dani.”
“Huh? talaga? oo nga no? maliit na sugat lang pala.” sagot ni Dani kaya hinampas ko siya.
“Walangya kang babaita ka! natakot ako dun ah? ang over acting mo!” inis kong sabi at nagtawanan sila.
“Ikaw kaya ang over acting! sobra ka kung mataranta!” sabi ni Faye kaya kinurot ko siya.
“Ewan ko sa inyo! bilisan natin at nagugutom na ako.” sabi ko na lang. Langya,montik na ako ma heart attack kanina ah?
At ng matapos na ay sabay sabay na kaming kumain. Huwag kayong mag alala,hindi naman sumasabit sa retainer ko ang pagkain.
At sa gitna ng pag kain ay may kumatok na naman.
“Ako na.” Tumayo na ako at tinungo na ang pinto.
Pagbukas ko ay agad akong natigilan.
“Hi slave!” nakangising bati ni Isle. Tinaasan ko siya ng kilay at pinamewangan.
“Anong ginagawa mo dito at anong kailangan mo?”
“Thats bad,hindi dapat ganyan sumagot sa master mo.” pumalatak pa ang walangya!
“O ano nga?”
“Samahan mo ako. May pupuntahan tayo.”
“Hala? hindi ba pwedeng rest day ang sunday? grabe ka Isle!”
“Okay kung ayaw mo,alam mo na ang mangyayari.” tumalikod na.ang gago at naglakad.
“Hoy! teka lang! maliligo lang ako,pumasok ka sa loob at maghintay sa sala!”
Kaya pagpasok ni Isle ay halatang nagtaka ang tropa,I cant blame them. Alam kong matagal na nilang napapansin na lagi kaming magkasama ni Isle,huwag lang nila isipin na mag jowa kami.
At yun na nga,sinabi ko sa tropa na aalis kami ni Isle,hinatid ko sila sa sakayan at hindi na hinayaang makapagtanong pa. Tinakot ko sila na ang magtanong kakalmutin ko ng retainer ko. At isa pa,ayaw kong malaman nila na slave ako ni Isle.
Nang matapos na kaming maligo ay gumayak na kami ng bagito sa hagdan. Hindi pa din ako makapaniwala na nabaliktad ang sitwasyon,dapat pala mas naging wise ako,kaso anong laban ko sa matalinong tulad niya? Hintayin ko na lang matapos ang pagiging slave ko sa kanya,konting tiis na lang din naman,at saka pagtanaw din ito ng utang na loob nung sinundan niya ako.
“San tayo pupunta Isle?” tanong ko ng mapansing papunta kami Sa Sta.Clara Montefalco church,ang pinaka malaking simbahan sa Pasig.
“Magsisimba muna,para mabawasan ang kasalanan mo.”
“Wow ha? at ako pa talaga ang makasalanan? for your infameyshon,nagsimba na kami ni Mama kaninang umaga!” singhal ko para matauhn siya.
“Ganon ba? edi mas magbawas ka pa”!
Ugh! lakas mang bwisit ng abnormal na ’to! Kung pwede lang hampasin ko siya ng bangs ko eh.
At nang nasa loob na kami ng simbahan ay nanahimik lamang ako. Atleast,dalawang beses ako nakapag simba in one day.
Pagdating ng ‘Ama namin’ ay nailang na ako,magkahawak kamay kami ni Isle,at bakit kaya ang lambot ng kamay niya? Hindi siguro siya naglalaba sa kanila.
At nung Peace be with you na ay nahiya pa ako sa hindi ko alam na dahilan? siguro nahiya ako para kay Isle? kasi may kasama siyang bakla na ubod ng chakka? yon nga siguro ang dahilan.
Pagkatapos mag simba ay tumungo na kami sa talagang destinasyon,sa SM Aura.
Halos lumuwa ang mga mata ko,parang gusto ko hubarin mga sapatos ko para lang hindi madumihan ang sahig ng mall.
“Hala!? ang gondo dito!” amazed kong sabi habang tumitingin sa paligid.
“Huwag mong ipahalata na dukha ka.” ani Isle,panira ng moment. “Tara sa mga damit.”
Sumunod na lang ako habang tumutulo ang mga laway ko kakatingin sa paligid. Nakaka alien naman dito,parang hindi pwede pumasok ang mga dukhang gaya ko.
Pumasok kami sa isang kilalang bottique,patingin tingin ako sa mga magagandang damit. Nakakahilo nga lang ang presyo.
“Miss,nasan ang mga unisex?” tanong ni Isle sa saleslady.
“This way po Sir.” sunod agad kami dito.
“Fluiie,alin sa tingin mo ang maganda?” baling sa akin ni Isle.
“Huh? lahat naman maganda,pero itong isa ang cute.” turo ko sa isang shirt na sa totoo lang ay talagang nagustuhan ko.
“Okay I’ll take that.” sabi ni Isle at bumaling sa saleslady. Ako naman ay medyo lumayo at tumingin pa sa ibang mga damit.
Pagkatapos dun ay kung anu-ano pa ang mga pinamili namin. At bilang isang slave ay ako.ang nagbitbit sa lahat. Napaka walang konsensya talaga ng Isle na ’to!
Tinanong niya kung gusto kong kumain pero tumanggi na ako,gusto ko kasing umuwi na lang. Nakakapagod mag ikot sa Mall!
Nag taxi kami at hinatid niya ako sa amin.
“Salamat at napaka useful mong slave!” nakangising sabi ni Isle.
“Umuwi ka na,naghihintay ang taxi!” inis kong sabi. Ako pagod na,siya may energy pa.
“Okay slave!” pang iinis pa din.niya sabay abot nung isang paper bag. “By the way,para sayo yan. Unang sweldo as my slave. Isuot mo yan sa sunod na sabado. May lakad uli tayo.”
Walang keme na tinaggap ko ito,aba! nag paid off ang paghihirap ko!
“Salamat ah? napaka buti mong Monster! este Master!” sarcaatic kong sabi na ikinatawa ng timawa.
“That was nothing Fluiie. Sige na,bye.” tumalikod na siya at aad sumakay sa taxi. Nang malayo na sila ay saka ako pumasok sa bahay.
Dali dali kong tiningngan ang bigay ni Isle,at ng makita ito ay natigilan ako.
Ito yung cute na damit na tinuro ko kanina. Anong meron Isle?
Bagito seben :3
“Isle,salamat nga pala sa shirt.” ani ko ng nagrereview kami para sa nalalapit ng exam.
“Don’t mention it,gusto ko pag kasama kita ay presentable ang suot mo. Hindi na nga maayos mukha mo,hindi pa maayos pananamit mo.” suplado niyang sabi habang nagbabasa pa din ng libro.
“Grabe siya o?”
“Bakit? may problema?”
“Wala po,master!”
Haay! kailan kaya matatapos itong pagiging slave ko sa kanya? Don’t get me wrong,okay lang naman din pero kasi minsan ang sakit na ng mga sinasabi niya.
Isa pang iniisip ko ay ang mga activities,saan kaya ako sasali? sa cheerdance? hindi pwede magugulo bangs ko,sa choir? hindi din pwede sasabit ang dila ko sa braces ko,sa sports? anong sports naman?
Ang laki na ng pinagbago ng eskwelahang ito mula nung first year ako,imagine anim na taon na ako dito? Isn’t it amazing?
“Fluiie?” pagpukaw sa akin ni Isle.
“Bakit?”
“May salamin ba kayo sa bahay?”
“Oo naman,marami!”
“Akala ko wala,kasi mga nababasag pag nananalamin ka!” at tumawa siya. Sige,tawa lang last mo na yan.
Naging seryoso na naman siya sa pagbabasa,matalino talaga siya at nakaka inggit,kaya sinisisi ko din ang sarili ko bakit napunta siya sa section namin.
“Isle,kailan matatapos ang pagiging alila ko? may sarili din kasi akong buhay,alam mo ba iyon?” lakas loob kong sabi,dahan dahan siyang nag angat ng tingin sa akin.
“Hangga’t gusto ko pa,at hanggang kailangan pa kita.”
“Pero,baka pwedeng pag nag top ka sa buong klase ay matigil na to’? yun naman kinakagalit mo sa akin diba? dahil sa akin na late ka mag enroll at nawala sa pilot section,baka–”
“Malabo yan. Pwedeng tumahimik ka na?” ggrrr! sarap niya ihagis sa oval!
Nung uwian na ay diretso na ako sa bahay,wala si Mama baka may pinuntahan. Pagpasok sa kwarto ay humarap ako sa salamin.
“Ganon ba talaga kasama itsura ko?”
“Oo.”
“Huh? who’s there?”
Charot lang,walang sumagot. Napabuntong hininga ako. Kung mababago ba itsura ko mag iiba na ang lahat? pero tanggap naman ako ni Mama at ng tropa,at ramdam ko din pati si Isle kasi napagtitiyagaan niya ako.
Ilang beses na ba niya akong niligtas?
Waaahh?! bakit parang kinikilig ako?
Nagbihis na lang ako ng pambahay bago pa ako mabaliw. Pumunta na ako sa sala at nanood na lang ng tv.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa malakas na yugyog,si Mama pala dumating na.
“Nag a-aksaya ka ng kuryente Fluiie! Bumangon ka na diyan,bumili ako ng pagkain,kain na tayo.” ani Mama at pupungas pungas akong sumunod sa kanya sa hapag.
Ilang araw pa ang lumipas,nagi-guilty na ako dahil hindi na ako nakakasama sa tropa.
“Ano bang meron sa inyo ni Isle? are you a couple? siya na lang lagi mong kasama!” sabi ng tropa.
“Basta! maiintindihan niyo din! magpapaliwanag ako sa tamang panahon.” ani ko at tumakbo na papunta kay Isle na naghihintay sa akin.
“Sabihin mo na kasi sa mga kaibigan mo ang totoo.” ani Isle ng makalapit ako.
“Saka na,pag sinabi ko sa kanila nawawalan ka na ng slave,at aaka nasanay na akong kasama ka.” oh god! huli na para bawiin ko.
“Anong sabi mo? nagkakagusto ka na ba sa akin? pleasw huwag,wala kang aasahan!”
Aray naman! nadulas lang ako eh! napaka straight forward talaga niya,shemay!
“Nagkamali ka ng dinig. Saan naman ba tayo pupunta ngayon?” ang pag iiba ko ng usapan,sakit ah? ang agang heartbreak!
Heartbreak? hala?! gusto ko na siya?
“Maganda na ang malinaw ang lahat.” aniya,lumabas na kami ng gate,naka park sa labas ang motor niya,sumakay na siya at nag helmet saka pinasa sa akin ang isa pang helmet at sumakay na ako sa likod niya. “Kumapit kang mabuti.”
Edi niyakap ko siya! walang malisya ito promise,ang bango niya at ang sarap sumandal sa likod niya. Sana ganito kami palagi.
Ugh! kung anu-ano na ang iniisip ko! hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya,ako din ang iiyak sa dulo.
Saan kaya kami pupunta? papunta na itong Ugong ah? anong gagawin namin dun. Hindi kasi siya mahilig sumagot sa mga tanong ko.
Nahilo na lang ako,nag road trip lang pala ang walangya at dinamay pa ako. Ngayon balik na kami sa kapasigan,nanlibre ang gago ng street foods dito sa gilid ng Mcdonalds.
“Anong meron?” Sabi ko habang nginunguya ang tokneneng. Paano kaya ito mamaya? sasabit sa brace ko to panigurado.
“Wala naman? Medyo masaya lang na unti-unti ko ng nakukuha ang gusto ko.” sagot ni Isle.
“Ano ba ang gusto mo?”
“Secret.”
“Alam mo ikaw minsan ang hirap mo timbangin. Pero ayos lang sanay na naman ako.” sabi ko sa kanya at ngumisi.
“Kadiri ka! magmumog ka sa Mcdo pagkatapos. Pwede bang tanggalin mo na yang mga bakal sa ngipin mo? nakakairita eh.” aniya at ngumiwi.
“Hoy grabe ka! malapit na din ito ipatanggal.” ang sabi ko at inirapan siya.
“Kamusta naman buhay mo na slave kita?” seryoso niyang tanong.
Nagsalubong ang mga kilay ko,bakit ngayon lang siya nagtanong ng ganito?
“Buhay ko bilang slave mo? ayos naman,masaya nag e-enjoy ako.” nakangiti kong sabi and that’s the truth.
“T-talaga?” Ang parang hindi niya makapaniwalang sabi.
“Oo,huwag ka lang manglalait,kumpleto na araw ko.” sagot ko ulit
Huminga siya ng malalim at bumaling sa iba saka bumulong.
“Shit! nakakayanig.”

