Ang Bakulaw Sa Manhole! (boyxboy)
YorTzekai · 9 chapters · 12,291 words
Ang Bakulaw Sa Manhole! (boyxboy)
COMING SOON kaya dapat abangan ;)))
Intro =“]
NOTE: Ang buong Story na ito ay Tribute kay Elusive_Chanteuse o mas kilala natin bilang Onomatopoeia. This is my way of thanking him for being one of my influence in writing,syempre iba po ang takbo ng story na ito,maaaring tugma sa Title at description pero iba po ito.
To Onoma,this is for you! Ang lakas kasi ng impact sa amin nina Buknoy at Eiji ng Ang Multo Sa Manhole eh,thank you for everything :)
===========================
Paano kung isang gabi ay pauwi ka na,at sa sobrang pagkawili mo sa pagkanta kanta habang naglalakad ay nalaglag ang phone mo sa isang bukas na manhole? Ganyan ang nangyari kay Euri , labag man sa kalooban ay bumaba sya,ngunit laking gulat nya ng hindi pala sya nag iisa! Napagkamalan nya itong Bakulaw sa manhole! Ngunit paano kung ang bakulaw na iyon ay mahulog naman sa kanya? Ano ang gagawin nya? Subaybayan ang masaya at makulit na kwento nina Cent at Euri .
Date started: Sept.07,2014
Bakulaw one!
Haay! Sa wakas! Natapos na ang plano para sa booth ng section namin sa darating na foundation day at Instrams. Ako na lang ang naiwan at ang kaklase kong si Meg,so its time for me to fly!
“Wala ka ng masasakyang trycicle Euri,gabi na kasi,lakarin mo na lang hanggang sa gate!” ang pahabol ni Meg ng makalabas ako sa gate nila.
“Okay! TY! Babuu!!” tumalikod na ako at naglakad. Kung bakit kasi sa subdivision nakatira ang bruhildang ito eh! Nakakatakot tuloy,ang tahimik ng buong paligid. Buti na lang maliwanag ang mga ilaw ng mga poste.
At dahil malinis at malawak ang kalsada ay nag catwalk ako,feeling ko ramp stage ang kalsada at isa akong modelo.
Pero nakaka bored ang paglalakad,shet! Ang layo pa ng gate. Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang Myphone sa bulsa ko at pinatugtog ang paborito kong kanta.
Pasensya at myphone lang,poorita ako eh! Atleast may Tv ang cellphone ko! Ha!
Direderetso ako ng paglakad,ng dumating sa chorus ay sumabay ako at dinama ang lyrics.
~ Kahit sabihin na mali ako,
alipin mo o bihag mo,
ako’y iyong iyo.
Kung pag ibig ang pag uusapan,
di ko na ililihim pa,
ang damdamin ko sayo,
sa akin ay gusto kitaaaa ~
Winawagayway ko pa ang aking mga kamay na parang may ritmong sinusundan.
Ay pota! Nabitawan ko phone ko! Na shoot sa bukas na manhole!
“Pota naman oh? Pinag ipunan ko pa yon eh!” ang maiyak iyak kong sabi at sinilip ang manhole. Tae? Ang dilim sa ilalim!
Napatingin ako sa paligid,mukhang walang tutulong sa akin ah? Hindi naman siguro nakakahiya kung bababa ako? Wala namang makakakita eh?
At yun na nga teh,buti may hagdan! Bumaba na ako pero nagtayuan ang balahibo ko dahil sa sobrang dilim!
“Nyeta?! Nasan na myphone ko?” sabi ko habang idinidilat ang mga mata sa dilim.
“Sayo pala to? Eto na oh.” sabi ng isang boses na nag echo pa. Agad akong natakot at napakapit sa hagdanan.
“WAAAAHHH! BAKULAW! MAY BAKULAW SA MANHOLE! TULONG!” sigaw kong ganyan at muntik pa akong maihi sa shorts.
“Hoy! Hindi ako bakulaw! Tao ako!” at itinapat nya sa mukha nya ang isang ilaw. Teka? Myphone ko yun ah?
“Shet! Waaahh! Hawak ng bakulaw ang phone ko!” hysterical kong sabi. Bakit nandito ang bakulaw?
“Sabing hindi ako bakulaw eh!” lumapit ito at iniabot ang phone ko kaya agad kong kinuha.
“Huh? Bakit nandito ka? May hagdan naman,pwede kang umakyat!” sabi ko naman.
“May injury ako dahil sa laro kanina,hindi ko maidiin ang kaliwang paa ko kaya hindi ako maka akyat.”
“Bakit hindi ka humingi ng tulong? Paano ka napunta dito?” at iniliwan ko ang mukha nya. Napahinga ako ng maluwag,tao nga sya.
“Nagising ako ng may mahulog sa paa kong may injury. Nagkaroon ng dare game ang mga kaibigan ko kanina,natalo ako at pinainom ng kung ano,eto nga nagising ako sa pagbagsak ng phone mo.” ang mahaba nyang explanation.
“Ah ganon ba? Sige tara na! Una kang umakyat,alalayan ko paa mo,kawawa ka naman.” sabi ko na lang. Nagpasalamat sya at umakyat na ng dahan dahan,inaalalayan ko ang mga paa nya hanggang sa tuluyan na syang makalabas at ako ay umakyat na din.
“Aaahh! Ang sarap sa pakiramdam!” aniya at naupo sa kalsada at tuluyan na akong nakalabas din. “Thank you!”
Tiningnan ko sya dahil maliwanag na dahil sa ilaw ng mga poste.
Shet! Ukininam! Ang gwapo niya! Waaahh! Maiihi ata talaga ako!
“Ang babata pa pero mga imoral na! Gusto ko lang ipaalala na manhole yan,hindi motel!” biglang sabi ng isang boses. Pagtingin namin ay lalaking nasa edad 40 na ata. Umiling pa ito at pumalatak. “Kahit saan na lang abutan ng kamunduhan? Mga binata at mga bading nga naman ngayon!”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
“P-po?! Naku! Hindi po–” hindi ko na naituloy kasi naglalakad na palayo yung matanda. Spell bwisit? Gggrr!
“Hayaan mo na! Tara muna sa amin,tingnan mo ang baho na natin oh?” nakangiting sabi nito. Kokontra sana ako pero tama sya,ayaw kong umuwi na mabaho,baka sabihan pa ako ng mga kapitbahay na “Ang bakla sa septic tunk.” ayaw ko noh?!
“Sige! Saan ba ang bahay mo?”
“Sa malapit lang. Alalayan mo ako.” at umakbay sya sa akin. Shit! Mabango pa din sya ng konti,samantalang ako,amoy luma na,amoy daga na.
“Tsansing ka ah?!”
“Ambisyoso,akala mo babae ka?” aniya na nakangisi.
Okay. Tahimik na ako,ititigil ko na ang pagiging feelingera ko. Depungal lang kasi,ang bigat nya habang naglalakad kami!
“Wow!!” bulalas ko ng tumigil kami sa tapat ng napaka laking bahay. Ang yaman pala ng bakulaw na ito?
“I know!” nakangisi nyang sabi,inirapan ko nga. “Tara sa loob.”
Pagpasok sa loob ay wala namang tao. Mukhang wala pa mga parents nya,sa mga ganitong mayaman late ng umuwi ang mga magulang dahil sa trabaho. Nilibot ko ang paningin ko,makalaglag panga ang mga gamit,ang mga muebles,mga vase na parang pag nabasag mo ay kulang pa ang buhay mo bilang kabayaran.
Nagpa alalay na naman sya paakyat sa hagdan,medyo naiinis na ako ah? Does this mean na pagdating ko ng college ay magiging nursing ako? At pag graduate ay mag aalaga ng mga may sakit? Is this a premonition? Can somebody tell me?!
Pumasok kami sa isang napakalaking kwarto. Agad napako ang mga mata ko sa cabinet nya na puro action figures ng Marvel.
“Wow! May ganyan din akong collection!” ang sabi ko habang tinitingnan ito. Sya naman ay may binuksang napakalaking closet at kumuha ng mga damit.
“Talaga?! Pareho pala tayo.” at may hinagis sya sa akin. Damit,short,at brief na nakaplastic pa.Tiningnan ko ulit sya,ang gwapo talaga ng bakulaw! Bagay sa kanya ang eyeglasses nya at ang buhok nya,very korean na may pagka japanese.
“Oo! Mga paperdoll na sailormoon!” ang sagot ko naman. Napailing sya at naupo sa napakalaki nyang kama na kasya ata ang limang tao.
“Maligo ka na.” aniya at itinuro ang isang pinto. Agad na akong pumasok dito para mamangha na naman.
Ang laki ng salamin! Ang lawak ng sink! Ang laki ng buong banyo. May dalawang cubicle,sinilip ko yung una,yun pala ang dumihan,pero my gawd! Ang linis! Ang pangalawang cubicle ay sliding at glass ang mga pader,kaya kita ang silhouette ng naliligo sa loob if ever. At sa kabilang dulo ay may bathtub,nilapitan ko ito.
“Wow! Pwede ding pang jacuzzi! Ang yaman pala talaga ni Bakulaw.” ang sabi ko pa. Tumungo na ako sa liguan,pero nagdalawang isip ako kung maliligo ba ako o hindi? Nakakahiyang basain ang sahig!
Bakit pag mayaman dry at malinis ang banyo? Pag mahirap basa palagi? Sa banyo namin ganon eh!
Kesa magpuputak pa ako sa aking isipan ay naligo na ako. Naghanap pa ako ng balde at tabo,wala! Walang himala! Kaya ang ending,ginamit ko na ang shower.
After that ay kinuha ko yung naka fold na towel sa gilid ng sink at ibinalabal sa katawan ko,hanggang sa malulusog kong dibdib! Chaar! Ambisyosa lang?
Paglabas ko ng banyo ay nakatayo na dun si Bakulaw,naka towel lang,sa lower part syempre. Hindi malaki ang katawan nya pero maganda,at ang kinis nya! Napalunok tuloy ako ng wala sa sarili.
“Tapos ka na?” aniya kaya bumalik ako sa aking ulirat. Nabothered ako sa pagkakalagay nya ng towel ate charo,masyadong mababa at nakita ko ang ilang parte ng kagubatan.
“Ha? Ah,oo!” ani ko at lumunok ulit. “May plastic bag ka? Lalagyan ko lang ng mga madumi kong damit.”
“Oo,ayon nasa kama na.” aniya at pumasok na sa banyo. Agad akong nagbihis,hindi na ako nagpatumpik tumpik pa! Kahit yung brief ay sinuot ko na. Bumagay sa akin yung damit na kulay green na may print na spongebob,at yung short na ang sarap isuot.
Nilagay ko na sa plastic bag yung mga marumi at binuhol ito,then nilibot ko ang buong kwarto nya. Halos kasing laki lang ng bahay namin ang kwarto nya. Sa kaliwa,sa bandang dulo ay may computer,sa kabilang dulo ay yung aircon. Ang dami nyang gamit pero lahat ay naka ayos.
Sumilip ako sa labas.
Tengene! Bugbog de gulat ako nito pag uwi! Dapat kanina pa ako nakauwi eh? Gutom na ako,ang bruhildang Meg,hindi man lang ako pinakain bago umuwi?
After one hour ay lumabas na si bakulaw sa cr,and oh my gawd! Para akong hihimatayin! Ang hawt nya! Nanuyo ang lalamunan ko,may tumutulo pang butil ng tubig sa katawan nya.
“Talikod,magbibihis ako! Huwag kang sisilip ah?” utos ng hunghang. Dapat mabait sya sa akin kasi niligtas ko sya eh,pero kanina pa sya ah? Isa na lang,one bar na lang sya sa akin.
“Luh? As if! Mas madaming magandang katawan sa school ko noh?” inirapan ko sya at tumalikod na ako paharap sa bintana. Parang naririnig ko na ang pagra-rap ni Mama,minsan nagiging si Missy Elliot yun eh!
“Talaga lang ah? San ka ba nag aaral at anong year mo na?” aniya. Siguro nagbibihis na ang bakulaw. Natetempt tuloy akong tumingin,kaso ayokong mabahiran ng polusyon ang malinis kong kaisipan.
“Sa St.Mary Academy,at 6th year na ako.” ani ko naman. Hindi ko sasabihin ang section ko,baka laitin ako ng bakulaw na yan.
“Harap na. Tara na,kain muna tayo bago ka umuwi.” aniya. Yun na yon? Sayang! Dapat pabigla akong humarap kanina eh! Kainis.
Pagbaba namin ay may kakapasok lang sa main door. Isang lalaki at babaeng kaedad ng mga magulang ko,mga naka office attire,so I assume na sila ang parents ni bakulaw.
“Wala pa ba kapatid mo?” sabi nung lalaki at tiningnan nila ako,well may pinagmanahan ang bakulaw,gwapo ang tatay nya at ang ganda ng nanay nya.
“Wala pa,baka nasa mga classmates pa nya. Uhm,Ma,Pa. Siya nga pala si ano,uhm..” ani bakulaw at napatingin sa akin.
Kitams! Kanina pa kami nag uusap hindi namin alam pangalan ng isa’t isa. How ironic? Isn’t it amazing?!
“Good evening po! Maam,sir! Euri.” ani ko at ngumiti.
“Niligtas nya ako kanina!” sabi ni bakulaw.
“Really? Niligtas ka pero hindi mo alam ang pangalan nya.” ani ng Papa nya. “Pasensya ka na dito sa anak namin,Euri. Im your Tito Axel,and this is your Tita Marj.”
“Okay lang po!” ang nakangiti ko pang sabi.
“Euri,salamat sa pagligtas sa anak namin ah? Kung ano mang nangyari sa kanya,and dahil dyan,join us on our dinner.” nakangiting sabi ni Tita Marj.
Syempre! Hindi na ako tumanggi,kanina pa may Edsa quatro sa tyan ko,malapit ng magkagulo ang mga nagpipi-people power sa tyan ko.
“Sa St.Mary din sya nag aaral Ma,Pa. Ka batch ko.” ani bakulaw sa gitna ng pagkain namin.
“Dun ka din? Bakit hindi mo sinabi kanina? Saka hindi kita nakikita.” ani ko at saka nilunok ang manok,para akong amazona,nakalimutan kong magpaka Maria Clara pag gutom.
“Ikaw din hindi kita nakikita. Star section ako.” aniya. Kaya pala,kadalasan kasi ang mga star section mga VIP,minsan lang makita ng madla. And so,matalino pala talaga kaya naka eyeglasses. Tumango na lang ako,hindi ko sasabihin ang section ko no? “Ikaw,anong section ka?”
Hindi ako sumagot,nakakahiya kaya! Baka isipin nila boobita rose ako.
“Euri,tutal schoolmate kayo nitong si Cent,baka pwedeng tingnan mo sya minsan huh?” ani Tita Marj.
So,Cent pala pangalan ni bakulaw? Ayon,wala na akong nagawa kundi tumango. After the dinner ay umuwi na ako,ipinahatid nila ako sa driver nila.
Nagulat pa ang mga magulang ko na naka kotse ako,kaya imbis na mapagalitan ay nagkwento na lang ako.
- Salamat sa ipad ng pamangkin ko! Haay! Gusto ko na ng tuloy tuloy na update :( so how was the first chapter? Medyo similar sa AMSM no? Sinadya ko yon. Comment naman dyan! =“>
Bakulaw two!
Araw ng intrams at foundation day. Inis na inis ako sa mga walangya kong classmate! Bakit? Sabi ko dun ako sa marriage booth para naka upo lang ako. Ang ginawa ba naman nila ay isa ako sa mga manghuhuli,malupet ano? Hindi ko pinangarap na mag patrol ala tanod.
Pasimple akong nag ikot ikot sa campus. Madami akong prospect pero nahihiya naman akong bigla na lamang mamosas,baka makatikim ako ng bugbog de gulat ng wala sa oras.
“Wala akong mahuli!” ang sagot ko ng bumalik sa booth.
“Ano ba yan? Mabuti pa si Noreen oh?” reklamo ni Meg sabay turo sa paparating.
“Uy! Teka miss,ayoko ng ganito!” reklamo ng hila hila ni Noreen. Napanganga ako,ang bakulaw sa manhole ang hila hila niya!
Nang makalapit sila ay napatingin sa akin si Cent.
“Uy Euri! Sabihin mo sa kanila,ayoko ng ganito!” pagmamaka awa ni Cent. Napatingin sa akin ang mga kaklase ko at tinaasan ako ng mga kilay nila.
“Wala ng bawian to oy!” bruskong sabi ni Noreen.
“Katuwaan lang naman ito.” dagdag pa ni Meg. Tiningnan na naman ako ni Cent.
Huwag kang titingin tingin dyan,hindi porket pogi ka ay makaka ligtas ka sa marriage booth namin!
“Nasan na ba ang mapapangasawa nya?” ang tanong ko na lang.
“Ay kuya naman! Pakawalan mo ako. Hindi ko pa gustong makasal! Gusto ko pang mag enjoy sa buhay dalaga!” sabi ng boses ng isang bakla na ikinatingin namin. Hila hila ito ni Limer.
“Huwag ka ngang maarte!” bulyaw dito ni Limer at lumapit na sila. “Oh eto na! Ikasal nyo na!”
Napatingin sa bakla si Cent,parang bigla syang namutla,akala mo constipated na bata,parang may LBM ang praning.
Well,hindi ko sya masisisi. Ayoko kasing mang lait,okay naman yung bakla,lapad ang ilong,makapal ang labi,naka blush on pero hindi maitago ang mga tigyawat,naka eye shadow at lipstick din. Kaya maganda naman sya.
Napatingin din ang bakla kay Cent at kuminang ang mga mata nito na akala mo ay nakakita ng gold.
“Mga ate,mga kuya. Simulan na natin ang kasal! Handa na ako. Naka make up na nga ako eh. Push na to!”
“T-teka! Diba bawal ang pilitan dito? Pwede din magpiyansa diba? Magpapapiyansa ako!!” tarantang sabi ni Cent.
“Kung may magpipiyansa sayo. Wala pa nga kaming kita oh?” ani Noreen.
“Ang tagal ng kasal!” sabi ulit nung bakla.
“Magbabayad ako! Kami na lang ni Euri ang ikasal nyo!” sabay hila sa akin ni Cent na talaga namang kinawindang ko.
“Ay ano ba yan?! Maka alis na nga! May tukling din pala ditey. Kaimbey!” at nag walk out yung bakla.
“Wow ha?” sabi ko sa bakla at bumaling kay Cent. “Hoy bakulaw! Sinisira mo diskarte ng booth namin!”
“Hindi ka ba naaawa sa akin? Ipapakasal mo ako dun? Nakakatakot sya!”
“Nakaka awa ka nga. Kaya nga niligtas kita sa manhole eh!” sagot ko naman.
“Tama na yan. Nasan na ang bayad.” sabay lahad ni Meg ng palad nya. Agad namang kumapkap sa bulsa. Dinukot ang wallet at nagbigay ng 300 pesos. “Bongga to! Ikasal na yang dalawa.”
“Ang daya! Tss.” biglang reklamo ni Limer.
“Bilang patunay na mag asawa na kayo sa araw na ito. Ay buong araw kayong magsasama!” pagtatapos ni Meg at pati ako ay pinosas kay Cent.
“Sipa you want? Edi wala akong grade?! Tanggalin nyo itong posas!” ang wild reaction ko agad.
“Ano ka ba? Witit ng umarte! Hindi ka maganda. Dahil sayo nagka 300 agad tayo,at pangalan mo ang una sa listahan natin ng may naiambag agad.” nakangising sabi ni Meg. Parang gusto ko syang kurutin sa siko!
“Oo nga. Tama sila,i-enjoy na lang natin ang foundation day.” sabi ng bakulaw at naglakad kaya agad akong nahila. “Manood muna tayo ng laro,anong gusto mo? Basketball,volleyball o chess?”
“Wala sa nabanggit. Gusto kong kumain! Nagutom ako sa inis!” sagot ko at tumingin sa paligid.
“Sige! Gutom na din ako. Pupunta sana ako sa canteen ng posasan ako ng classmate mo eh. Ang rude ng section nyo ah?”
“Ganun talaga kami.” sagot ko lang. Ayokong sa canteen kumain dahil mahihirapan kami obviously. “Labas tayo? Icecream ang kainin natin?”
“Mabubusog ka ba dun? Alam mo,masama ang sobrang matatamis sa katawan–”
“Alam kong matalino ka. Pero wala kang magagawa dahil icecream ang gusto ko!” at naglakad ako,this time ay sya naman ang nahila.
“Teka! Dahan dahan!” ang daing nya pero hindi ko pinansin.
Ang daming tao sa campus,ang pinaka mabentang booth ay yung kissing booth at yung photoboot and tattoo booth.
May horror house din. At sa ground naman,nandun ang mga rides na mamayang gabi pa bubuksan. Ang laban ng basketball ay nasa gymnasium,at yung volleyball sa likod naman,at ang chess ay sa harap ng Economic building.
Sakto paglabas namin ng gate ay may dumaang icecream. Agad akong dumukot ng pera sa bulsa ko,good thing yung kaliwang kamay ko ang naka posas,at kay Cent naman ay kanan,paniguradong mahihirapan sya.
“Manong mas damihan mo yung mango ah?” ang sabi ko kay Manong sorbetero.
“Ako po puro ube lang.” sabi naman ni Cent. Pagkatapos makabili ay bumalik kami sa loob ng campus.
“San tayo?” ang agad kong tanong. Gusto ko kasing umupo na lang at hintayin ang oras na tatanggalin na ang mga posas namin.
“Maupo muna tayo sa bench.” tahimik kaming magkatabi na kumakain ng icecream. Pakiramdam ko ay na satisfied talaga ako ng makakain ng icecream.
“May nagbayad para maghiwalay kayo. Ang laki ng binayad,500.” biglang sulpot ni Neph at kinalag ang mga posas namin.
“Huh? Sino?” taka ko namang tanong. Si Cent ay abala pa din sa pagkain ng icecream.
“Secret! Gandang beki mo kasi eh! Haha!”
“Eh kung paitimin ko yang buhok mong lalaki ka! Bwiset!” at tumakbo palayo si Neph.
Classmate ko din si Neph,natural na puti ang buhok nya dahil sa lahi nya. Wala namang magawa ang mga teachers dahil pag nag iitim ng buhok si Neph ay bumabalik agad sa dati. Gwapo si Neph,pareho sila ni Limer na gwapo,silang dalawa ang heartrob ng section namin.
“Ang sarap!” sabi ni Cent kaya nilingon ko sya. Parang balewala sa kanya na may mas malaking nagbayad matanggal lang ang mga posas namin.
Sino kaya yung nagpiyansa?
“Tapos ka na? Babalik na ako sa booth namin.” sabi ko at tumayo. Tiningnan nya ako,inayos nya ng kamay nya ang bangs nya tapos ay inayos din nya ang eyeglasses nya.
“Mamaya ka na bumalik dun. Samahan mo muna ako manood sa laban ng chess.” tumayo sya at agad akong hinila.
“Ang boring kaya nun! Nakaka antok!” ani ko at binitawan nya ang braso ko.
“Hindi boring yon. Madami kang matutunan dun.” sagot nya at nagpatuloy sa paglalakad kaya agad din akong sumunod.
At yun na nga. Inantok lang ako kaya ang ginawa ko ay palihim na pumunta sa econo bldg at pumasok sa room habang busy si Cent sa panonood ng laban ng chess.
Yumuko na ako sa armchair at pumikit. Mas masarap matulog kesa ang manood ng chess,matatalinong gaya lang ni Cent ang mag e-enjoy sa mga ganon. And Im not a fan of that game,sumasakit ang ulo ko sa ganon.
Nang magising ako ay agad kong tiningnan ang oras sa phone ko,4PM pasado na! Gosh! Hindi man lang ako ginising ni Cent!
Pano ka gigisingin nun eh tinakasan mo nga?
Sa bagay. May point ka.
Tumayo na ako,nag inat at nag hikab saka lumabas ng room. Another good thing,uuwi akong hindi kuba,hello? Foundation day kaya,sinong baliw ang magdadala ng bag?
May mga nag aayos na ng mga rides sa ground. Kaya naisipan kong pumunta sa booth namin para yayain silang bumalik dito mamayang gabi. Kaso pagdating ko sa booth namin,sarado na at wala ng tao.
Naku! Subukan lang nilang hindi ako isama sa listahan ng malaki na participate sa booth,hindi ko sila tatantanan.
Lumabas na ako ng school at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Syempre iniisip ko pa din kung sino yung nagpiyansa para mapaghiwalay kami ni Cent,malaking halaga ang 500 pesos ah? Hindi birong maglabas ng ganong pera,ako nga once a year lang makahawak ng ganong pera eh.
Pag uwi ko ay nagluluto na si Mama,si Papa naman ay nasa trabaho pa daw.
“Pupunta ka ba mamayang gabi sa school nyo Euri?” ang tanong ni Mama,lumapit ako para tingnan ang niluluto niya,fried chicken pala! Ang sosyal namin today ah? “Inagahan ko ang pagluto dahil aalis din kami ng Papa mo mamaya.”
“Titingnan ko pa,Ma. Wala pa kasi akong kasama eh.” ang sagot ko naman at naupo sa may hapag.
“Oh? Bakit wala? Yung tinulungan mo sa manhole? Hindi ba sya ang kasama mo?” at naluto na ang manok,nilalagay na ito ni Mama sa mangkok.
“Hindi kami magkaibigan at hindi kami close nun Ma. Ang yaman kaya nun diba? Magmumukha akong chimpanzee pag kasama sya.” ang sagot ko kay Mama at tiningnan ang oras sa phone ko. “Anong oras alis nyo ni Papa?”
“Alas sais. Sa may palengke kami magkikita. O sya,maghahanda na ako. Kumain ka na lang pag gutom ka na. At kung aalis ka din,huwag kalimutang ilock ang pinto at ilagay ang susi sa sikreto nating lalagyan.” tinakpan na ni Mama ang ulam at naglakad na papunta sa kwarto nila ni Papa.
Makatulog na nga lang muna! Bahala na kung pupunta ako mamaya o hindi.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko muna ang charger at chinarge ang myPhone ko bago ako humilata sa higaan. Panigurado full battery na yan mamaya pagka gising ko.
Nang magising ako ay tumayo agad ako para tingnan ang phone ko,7PM na pala,naka alis na siguro si Mama at tadtad na ako ng text ng mga classmates ko,nasa school na daw sila.
Dali dali na akong naligo at nagbihis,kumuha na lang ako ng dalawang pirasong fried chicken at nginasab habang nasa jeep papuntang school.
Sa labas pa lang ng school ay ang dami ng tao,para na talagang amusement park ang loob. Pumasok na ako at nagpalinga linga sa paligid.
“Hoy Euri! Ang tagal mo? Tara na!” ani Meg ng makita ko sila.
“Nag beauty rest pa ako eh. Anong uunahin natin?” ang sabi ko ng makalapit.
“Sabi nito nina Neph at Limer ay sa horror house daw muna.” sabi naman ni Noreen kaya tiningnan ko ang dalawang lalaki.
“Mas mainam na yan bago tayo sumakay ng rides,saka sagot na ni Limer ang entrance natin.” pagsingit naman ni Neph sa usapan.
“Ganon? Oh edi tara na!” masaya kong sabi at hinila si Limer para makapila na kami.
Pagpasok sa loob ay sobrang dilim. Takot talaga ako sa mga multo,engkanto at aswang kahit sabihin pang peke ang mga yan.
“Sige,kapit ka lang. Basta huwag kang sisigaw sa tapat ng tenga ko.” ang sabi ni Limer habang nakakapit ako ng mahigpit sa braso nya.
Biglang may tikbalang na sumulpot sa harapan namin at nagtatakbo sina Neph,Noreen at Meg.
“Gago ka!” takot kong sigaw sa tikbalang ng lampasan namin ito. Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa sobrang takot.
Habang naglalakad ay panay ang tingin ko sa paligid kahit madilim,tahimik lang naman si Limer.
Biglang may humawak sa paa ko na malamig. Pagtingin ko ay babaeng nakadapa kaya hindi ko na napigilan ang takot.
“WAAAHHHH!!” kumaripas ako ng takbo. Hanggang sa bumunggo ako sa isang tao at pareho kaming bumagsak sa lapag.
“Ugh! Ang sakit! Hoy! Sino ka?” sabi ng boses na agad kong nakilala.
“C-cent? Uhm..Sorry!”
“Euri?! Ikaw pala yan. Teka,b-bakit basa ang pants mo?” takang sabi nito habang nasa ibabaw pa din nya ako.
Shit! Naihi na nga ako sa salawal! Nakakahiya!!
- ANO NANG BALAK? Oge,vote and comment kung nagustuhan :3
Bakulaw three!
“Ang panghe!” ani bakulaw kaya agad akong bumangon at naglakad agad palabas.
Tongono! Nakakahiya! Naihi ako! Isinusumpa ko na itong horror house na ito!
Paglabas ko,madami pa ding tao,hindi ko matanaw ang tropa. Mabuti na ito,tatakbo na lang ako palabas ng campus. Lesheng pantog kasi to eh! Hindi nagpigil,naihi tuloy ako,pakengsheyt!
Magsisimula na sana akong tumakbo ng may humablot sa braso ko kaya inis kong nilingon.
“Ano ba??! Nagmamadali yung tao–Cent?”
“Do you think makaka uwi ka ng ganyan? You smell so awful. C’mon may mga extra akong damit sa locker ko.” aniya at hinila na ako. Hindi na ako umimik,ako na nga itong tinutulungan eh.
Makilala ko lang talaga kung sino yung babaeng kunwaring multo na yon,uubusin ko buhok nya sa katawan at sisimulan ko sa tutsang! Gggrr! Badtrip.
Tumungo kami sa Econo building. Pumasok kami sa isang room na ngayon ko lang napasok. May mga locker,lamesa upuan,sa mga tukador nakapatong ang mga trophies.
“Dito ang Chess Club?” ang agad kong tanong.
“Oo. Eto ang short at brief na binili ko kahapon,hindi pa yan nagagamit. May cr sa dulo ng hallway,dun ka mag banlaw.” aniya at iniabot sa akin ang mga ito.
“Ayoko! Baka may multo dun! Samahan mo ako!” sabi ko pa. Ayokong maihi ulit sa takot.
“Walang multo! Pwede ba Euri? Dalian mo na.” aniya at inayos ang eyeglass nya.
“Anong wala?! May bakulaw nga sa manhole,sa cr pa kaya?!” exaggerated kong sabi. Hindi ako pupunta sa Cr na yon na mag isa no? Over my dead gorgeous volupcious luscious body. NEVER.
“Sige na,sige na!” aniya at napailing pa.
“Napipilitan?!”
“Hindi! Sobrang umaalingasaw na ang pagka panghe mo. Ang sakit sa ilong. Next time huwag magpipigil ng ihi,nakakasama yun sa kidney–”
“Tara na! San ba ang cr na yan?!” at nauna pa akong lumabas. Baka kasi mag explain pa sya ng kung anu-ano. Mga matatalino nga naman.
Pagdating sa Cr ay namangha ako. May mga shower na magkakasunod. Meron palang ganito dito sa school?
“Hintayin kita dito sa labas.” aniya,isinara na nya ang pinto. Para makasiguro ako ay nilock ko pa. Mahirap na,baka masilipan pa nya ako.
Nagbanlaw ako at konting sabon. Then nagbihis na. Infairness to Cent ah? Pangalawang beses na nya ako binigyan ng brief. Nakakatipid ako,hindi ko na kailangan magpabili pa kina Mama at Papa.
“Tapos na ako.” sabi ko nung lumabas. Nakabalot sa plastic ang marurumi kong damit. Nako ah? Pangalawang beses na ito. “Uuwi na din ako.”
“Okay. Lets go.” ang sabi lang nya at nauna ng maglakad.
Tingnan mo ugali ng bakulaw na ito? Sala sa init,sala sa lamig.
“Euri?! San ka nagpunta?” ang biglang sulpot ni Limer. Saka napatingin kay Cent.
“Dyan lang. Sa tabi tabi. Pauwi na nga ako eh.” ani ko at ngumisi.
“Ganon ba? Nag iba ata ang damit mo at basa din ang buhok mo?” ani Limer ng mas makalapit.
“Naligo sya,naihi–” agad kong tinakpan ang bibig ng bakulaw. Hindi ba nya alam ang white lies?
“Nainitan ako eh. Uhm ano,uuwi na ako ha?” palusot ko at tumakbo na agad ako ng mabilis.
Juicecolored! Ayoko ng madagdagan ang pagkapahiya! Kinginam! Buti na lang wala ng pasok mula bukas dahil sembreak na. Maghahybernate muna ako.
Pag uwi ko wala pa sina Mama at Papa. Kaya naisipan kong magkulong na sa kwarto.
Teka? Ano ba yung naaamoy ko kanina pa na mabango? Inamoy ko ang sarili ko,and I found out na itong damit ni bakulaw ang mabango.
Ang sarap amuyin! Nakaka adik! Ang bango bango.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nag milo lang ako at nagpaalam kina Mama at Papa na mag jogging lang ako,na agad naman nilang inaprubahan.
Ini on ko na ang radyo ng Myphone ko at nakinig sa mga kanta habang naka earphone. Sosyal lang ang datingan ko habang naglalakad.
“San ba magandang mag jogging?” tanong ko pa sa sarili ko. “Ay! Dun na lang sa subdivision nina Meg,hindi na lang ako magpapakita sa kanya.”
Tagaktak na ang pawis ko ng makarating ako sa subdivision,ilang chalories din siguro ang nabawas sa akin.
Lakad lakad lang ako habang nakikinig sa tugtog. Upbeat pa naman ang tugtog kaya hindi ko maiwasang mapasabay ng pagsayaw habang naglalakad.
“AAAAHHH TABEEE!!”
“Huh?” at iyon,nabundol ako ng mountain bike at tumilapon ako. “Tengene! Ang sakit!”
“Sorry!” pagtingin ko ay yung bakulaw pala. Nananadya ba ang tadhana?
“Gangster!” ani ko at tumayo,babatuhin ko sana ng libro,pero wala pala akong dala. Wow?! Athena ang peg ko?
“Huh? Gangster ka dyan? Sorry na nga eh.” at itinayo nya ang mountain bike nya. Naka cycling ang gago at bakat ang katotohanan,naka helmet din,in short naka bikers attire sya. “What are you looking at?”
“Are you stalking me?” ani ko na naningkit pa mga mata.
“As if I would do that. Baka ikaw? Sinadya mong magpabunggo sa akin.”
“Ano? Gago ba you? Kung magpapabunggo lang din ako,sa Fortuner na! Hindi sa bisikleta para mabayaran pa ako.” singhal ko sa kanya.
“Whatever you say panghe,bye!” sumakay na sya sa bisikleta nya at umalis na.
“Maipit sana itlog mong bakulaw kaaaa!” pahabol kong sigaw kahit malayo na si Cent.
Nang mawala na sya sa paningin ko ay pinagpatuloy ko na ang pagjajogging,tutal maaga pa naman.
Iniwasan ko talagang madaanan ang street nina Meg,baka makita ako ng gagang iyon at pagtatanungin kung bakit nawala ako kagabi. And I don’t want that to happen,baka pagtawanan lang nya ako at bansagan ding panghe,that’s not good for my beautiful image.
Tumigil lang ako sa paglalakad ng mauhaw ako at manakit na ang tagiliran ko. Hay! Bakit nakalimutan kong magdala ng tubig?
Tiningnan ko ang oras sa phone,9AM pasado na agad. Ang bilis naman ng oras?
Naupo ako sa gutter para makapag pahinga ng maayos. May tumigil na kotse sa harap ko kaya napalingon ako. Pagbaba ng salamin ay napanganga ako.
“Euri? What are you doing here?” ang tanong ni Tita Marj kaya agad akong napatayo.
“Nagjogging lang po.” ani ko at ngumiti.
“Ganon ba? Tara sa bahay at kumain. Im sure nagutom ka. Magugulat nito si Cent.”
“P-po? Huwag na po! Uuwi din naman ako Tita.”
“I insist. Sakay ka na sa backseat.” hindi na ako pumalag. Gutom na din naman talaga ako eh. Pagsakay ko eh nakita ko agad ang nagdadrive.
Kingina! Ang gwapo gwapo gwapo!! My gawdness? Parang maiihi na naman ako.
“Siya ba yon Ma?” sabi nung lalaki at nagdrive na.
Oo ako yon! Ang future wife mo! Marry me beybe!!
“Oo,sya si Euri,ang kaibigan ni Cent.” at bumaling ito sa akin. “Cent ito ang panganay ko si Eixher.”
“H-hello po kuya.” at nagpacute ako. Kita ko sa rearview mirror na ngumiti ito sa akin at kumindat.
Im gonna die! Like seriously? Bakit ngayon ko lang sya nakilala? Bakit ngayon lang?!
“Hi din,Euri!”
Pagdating kina Cent ay dumiretso kami sa may likod ng bahay,kung nasaan ang pool at naliligo si Cent! Naka trunks sya! Naka trunks!
Napalingon ito sa amin ng maupo kami. Tinawag ni Tita Marj ang katulong at sinabihang hatiran kami ng pagkain.
“Ma,sa kwarto lang ako.” sabi ni kuya Eixher saka kumindat sa akin. Parang gusto ko tuloy syang samahan sa kwarto nya at magnilay nilay.
“What are you doing here?” biglang lapit ni Cent. Yung totoo? Hindi ba nya tatakpan ang bukol nya? Dadakmain ko na yon!
“Is that the proper way to greet your savior,Cent? Now go! Magbihis ka na at sabayan mo kaming kumain.”
“Hihi!” ani ko kaya tiningnan ako ni Cent bago pumasok sa bahay.
All in all,masaya naman ang agahan ko sa Gangcayco residence. Nabusog ako ng sobra at natuwa sa mga kwento ni Tita Marj.
“Maraming salamat po talaga! Pero kailangan ko ng umuwi,baka pina blatter na ako nina Mama at Papa.”
“Ganon ba? Salamat din ah. Sobrang natutuwa ako sayo,hindi ka gaya ng ibang bading,maganda ka pero hindi ka mayabang.” ani Tita Marj na ikina hydrocephalus ng ulo ko.
“Hindi po ako maganda,naambunan lang.” ang sagot ko naman.
“Pero mapanghe–”
“Cent! Hatid mo ako sa labas.” ang pagputol ko sa sasabihin nya. Hanggang dito ba naman ipapaalam nyang naihi ako? Konyatan ko tumbong nya eh!
“Mabuti pa nga,Cent–”
“Ako na maghahatid kay Euri. May pupuntahan din naman kasi ako.” pag interrupt ni kuya Eixher,hindi ko maiwasang mapangisi at maging puso ang mga mata. I want to be his wife na talaga!
Can this be love? Im feeling right now?
Huh? Bakit parang nadidinig ko si Sarah Geronimo?
“Salamat in advance,kuya Eixher.” sabi ko ng maka upo na sa front seat.
“Wala yon. Kaibigan ka ni Centoy eh. At saka magaan loob ko sayo. Naaalala ko sayo yung kaibigan kong ganyan din na sobrang lapit sa akin.” sagot nito,kumindat at ini start na ang makina.
“May ka MU kang beki kuya?” ang gulat kong tanong. Shet! Baka magkamabutihan din kami,baka maging MU din kami. Grab the opportunity Euri! Go! Push!
“Almost. Sobrang close namin kahit may girlfriend ako. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko,pero hindi ko alam kung bakit hinahanap ko lagi Clem. Hanggang sa umamin sya na may nararamdaman sya sa akin. I don’t know what to say that time. Hanggang sa umalis na sya at hindi nagpakita,but Im hoping na magkikita ulit kami,nagsisisi ako na hindi ko agad na decipher ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon,ipinagpalit ako ng girlfriend ko pero may nililigawan ako ngayon.” mahaba nyang kwento.
Posible ba talaga na ang isang straight as a pole na lalaki ay magkagusto sa beki o kapwa lalaki? Na nagiging bakla din sila dahil sa pagmamahal?
Nakaka awa naman si kuya Eixher,kaso eser eh! May nililigawan pala. Paano na kung biglang bumalik yung Clem?
“Just think positive,kuya! Hindi mawawalan ng lovelife ang mga gaya mo.” ang sabi ko at ngumiti na lamang.
“I hope so. Ikaw? May lovelife ka ba? Mukhang may spark kayo ni Centoy eh.”
“Nako nako! He’s just a friend! Wala pa akong plano mag lovelife.”
“Ganon ba?” seryoso nyang sabi habang nagmamaneho. Saka bumaling sa akin. “Pero Euri,kung gusto mong matuto ng halikan at sex,willing akong turuan ka. Basta ba secret lang.”
Dahil sa narinig ko ay dahan dahan ko syang nilingon mala Anabelle doll,nanlalaki ang aking mga mata at nakanganga.
Tama ba yung narinig ko? Gawd! Gusto ko ng maniwalang maganda talaga ako!
“T-talaga? V-virgin p-pa a-ako,kuya.” ang pa Maria Clara kong sabi. Nilingon nya ako.
Sa gulat ko ay humagalpak sya ng tawa. Kita utak eh! Tas yung mga mata hindi na makita! Mabuti na lamang at red ang traffic light!
“That was just a joke,Euri! You should’ve see your face. Napaka epic!” anito at napahawak pa sa tyan.
Ganon? Lakas trip nito ah? Kabagan sana sya kakatawa! Hayup,sinabi ko pa na virgin pa ako,tas joke lang? Mas malala pa pala to sa kapatid nya eh.
“Why you gotta be so rude? Last mo na yan kuya!”
- MUSTASA KALABASA? PAHIRAMIN NYO NA KASE AKO NG PHONE :D
Bakulaw four!
This is dedicated to @thisShin dahil nag cameo dito ang mga Characters nya ;)
Dahil sembreak na,inaraw araw ko ang maagang pag jogging. Pa iba iba ako ng ruta,ayaw ko na dun sa subdivision nina Meg,dahil baka mapadpad na naman ako kina Cent. Gusto kong pumunta dun pag nandun si kuya Eixher,para may sense ang kausap ko.
Oy! May sense din naman si Cent,kaso hindi nya maiwasang mang inis at isingit ang katalinuhan nya kaya nayayanig ang cerebrum ko.
Pagkatapos mag jogging ay nagpunta ako sa park. Bitbit ang nabili kong mineral water ay naupo ako sa isang sementadong bench. Pawis na pawis ako!
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay tumingin ako sa paligid. Nakuha ang atensyon ko ng isang beki na maganda at mukhang ka edad ko lang. Isang bench lang ang pagitan namin kaya malinaw ko syang nakikita. Parang may hinihintay sya at naiinip na ata sya. Kinuha ko ang myphone ko at tiningnan ang oras,8:55AM na pala.
Muli kong ibinalik ang tingin ko dun sa bakla. May papalapit sa kanyang napaka gwapong lalaki,naka statement shirt at bagay na bagay dito ang porma nya.
“Close your mouth.” sabi nung lalaki ng makalapit dito,umupo ito at tinitigan yung beki. Gosh! Nagiging kamag anak na ako ni Lolit Solis,Im evesdropping!
“Did you drink Lemon Juice?” tanong nung lalaki sa bakla at parang inamoy ang bibig nito,na agad tinakpan nung bakla.
“No.” sagot nung bakla. Ano kaya pangalan nila?
“Tsk. Dont you know that It’ll only worsen your cough?” ani nung lalaki. Wow,may natutunan ako bigla.
Tumayo na ako at nadinig ko pa ang sinabi nung bakla.
“Rude,why are you so sweet? Why did you call me here?”
So,Rude pala ang pangalan nung lalaki? Bagay sila nung Beki hihi.
(AN: Rude ang name ng guy,Chess ang name ng beki. Ang eksena na ito ay galing sa Story ni @thisShin na “RUDE.” From Chapter six. Please do read it,maganda sya promise!)
Hanggang maka alis ako ng park ay iniisip ko yung kanina. Parang sila na hindi,pero nag uumapaw ang chemistry. Akala ko pang wattpad lang ang beki and straight love story,pwede pala sa totoong buhay.
Ako kaya? Magkakaroon din kaya ako ng lovelife? Pakiramdam ko hindi,kasi mayayaman at maperang beki lang ang nagkaka lovelife,hindi naman ako mayaman at wala din akong madaming pera.
Pagkauwi ko sa bahay ay nagluluto ng binignit si Mama,si Papa naman daw ay nasa trabaho na.
“Para saan yan Ma? Anong meron? Hindi ko pa naman birthday? Napaka excited nyo! Sayang lang ang pinangbili nyo nyan!” ang sabi ko kay Mama pagkatapos uminom ng tubig.
“Napaka assumera mo. Pinaluto lang ito ni Loura,nagmamadali nga ako dahil may lakad ako. Para daw ito sa feeding ng mga bata sa may kapilya.” ang sagot ni Mama. Walang pakundangan?
“Ah! Tutulong na lang ako mamaya para may magawa ako.” sabi ko na lang. “Tawagin mo ako Ma,pag dadalhin ko na yan kay Ate Loura.”
“Hindi na,iiwan ko na lang ito dito,alas dies ang feeding. Pagkatapos ko tong lutuin ay aalis na ako.” sabi ni Mama,tumango na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko.
Idlip muna ako kahit one half hour lang,napagod ako sa pag jogging,tutal 9AM pasado pa lang,keri ko nang dalhin ang isang malaking kaldero ng binignit.
Nang magising ako ay malapit ng mag alas diyes ng umaga,dali dali na akong naligo at nagbihis saka pumunta sa kusina at kinuha ang isang malaking kaldero ng binignit.
Takte! Ang bigat!
Kaya ang ginawa ko ay lumabas muna ako at naghanap ng pwedeng tumulong sa akin,nakita ko na paalis na yung anak ni Ate Loura na si Leowie kaya tinawag ko.
“Hoy! Leowie! San ka pupunta? Tulungan mo muna ako.” ani ko dito,agad naman itong lumingon at lumapit.
“Sa kapilya,feeding na ng mga bata eh.”
“Nasa akin ang pinalutong binignit ng Mama mo,hindi ko mabuhat kaya tulungan mo akong dalhin sa kapilya.” ani ko at lumingon sa bahay.
“Ay oo nga pala! Binilin din iyon sa akin ni Mama na kunin ko daw senyo. Buti pinaalala mo,tara na.”
“I know right?!”
Hingal na hingal ako ng makarating kami sa kapilya,malayo kaya ito at ang bigat ng kaldero,ilang beses kaming nag stop over ni Leowie para magpahinga.
“Bakit ngayon lang kayo? Nalipasan na ng gutom ang mga bata. Mabuti na lamang at may gwapong binata na gumastos para sa mga bata.” ani Aling Loura sa amin.
“Mabigat kaya yan,Ma.” ang pangangatwiran ni Leowie. Tiningnan ko ang mga bata na mga nakaupo,parang childrens party,at kumakain ng fries,burger,chicken,spageti at coke?
Teka?! Hindi pwedeng mawalan ng silbi ang luto ni Mama! Sino yang gwapong binata daw na yan na nagmagaling? Tatanggalan ko sya ng buhok sa ilong!
“Nangangatwiran pa. Sige,pagsandukan nyo na ang mga bata.” ani Aling Loura at bumaling sa akin. “Euri,be on time next time ha? Kaya may feeding para makakain ang mga bata,hindi para malipasan ng gutom.”
“Pasensya na po–”
“Miss Loura,mukhang nag e-enjoy na po ang mga bata kaya uuwi na ako.”
Wait a minute,kilala ko ang boses na yon ah? Hindi ako pwedeng magkamali!
“Naku! Ijo,maraming salamat talaga. Hahanap hanapin ka ng mga bata niyan.” ani Aling Loura na nakangiti. Nilingon ko ang nagsalita sa likod ko at hindi nga ako nagkamali.
“Bakulaw? What are you doin here?”
“Oy! Panghe! Ikaw pala yan–” tinakpan ko kaagad ang bibig nya.
“Sige,idaldal mo pa dre! Bunganga neto.” inis kong sabi at inirapan si Cent. Hindi na ba matatanggal sa kanya ang pagtawag nya sa akin ng panghe? My ghaashhsx.
“Oh? Magkakilala pala kayo. Sige dyan na muna kayo at aasikasuhin ko pa ang mga bata.” ani Aling Loura at umalis na.
“Ikaw lagi mo na lang tinatakpan ang bibig ko. Wala ba akong karapatang magpahayag ng sarili?” ani Cent,inayos ang bangs at ang eyeglasses nya.
“OA mo ah? Tigilan mo kasi ang kakatawag sa akin ng–”
“PANGHE?!”
“Eh kung ipakain ko kaya sayo ang kaldero?”
“No thanks. Busog ako.”
“Ewan ko sayo.” inis kong sabi. Bakit kaya nagkaganon? Biglang ang lakas na mang inis ng bakulaw na to?
“Oy panghe,may ginagawa ka ba?” anito at kinalabit ako.
“Oo,tinitingnan ang mga batang kumakain.” pambabara ko dito.
“That’s not what I meant. I mean may gagawin ka ba ngayong araw?” anito at muli ko syang hinarap.
“Bakit?”
“Magpapasama sana ako sayo sa Mall. Bibili ng regalo. You know hirap akong pumili when it comes to girl thing,at ikaw lang ang naisip ko.” aniya at namulsa. Bakit ba ganyan ang pants nya? Nanunukso yung bukol sa gitna.
“Sasamahan at tutulungan kitang pumili. If the prize,is right.” taas kilay kong sagot sa kanya. But it was just a joke,sasamahan ko pa din sya kahit walang kapalit,gusto kong mag gala at ayoko maburo sa bahay na parang sukang paumbong.
“Alright then. Lets go.” at agad nya akong hinila.
“Hoy,teka! Magbibihis lang ako! Papupuntahin mo ako sa Mall na nakapambahay lang?” ang agad kong pigil sa kanya kaya nilingon nya ako.
“So what? Nakapambahay lang din ako.” at agad syang pumara ng taxi.
Pagdating sa mall ay panay ang bulong ko. Nahihiya kasi ako,feeling ko pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa suot ko. Mukha akong alalay ni Cent at sobrang nakakailang.
Pumasok kami sa bawat botique,una sa mga damit,dahil maganda ang taste ko ay yung mga napili ko ang binibili nya. Sunod mga sapatos,ha! Stelleto ang pinili ko,sige pa din si Cent.
Hanggang sa pumasok kami sa Jewelry shop.
Nako,ang swerte naman ng babaeng pagreregaluhan ni Cent,ang swerte din nya kasi ako may bitbit ng mga pinamili nya! Ang sarap lang ichunlee ng bakulaw na ito eh.
Sino kaya pinopormahan nya? Mukhang napaka importante sa kanya ah? Ang mamahal ng mga binili eh.
“Pangh-” agad ko syang pinandilatan. “I mean,Euri. What do you think ang mas maganda? Singsing o kwintas o bracelet?”
Pinakita nya sa akin ang mga ito,tiningnan ko. Depungal lang,kumikinang eh! Gold na gold,ewan ko lang kung hindi mapagkamalang may hepa ang magsuot nyan. Tas yung singsing may diamond pa. Watdapak ning? Naduduling ako.
“Ano,uhm lahat naman yan okay. And Im sure hindi yan tatanggihan ng pagbibigyan mo. Maiiyak pa ng bigas yon sa sobrang kaligayahan.” totoo sa loob na sabi ko.
“Really? Thanks.” nakangiting sabi ni Cent at bumaling sa saleslady. “Miss,I’ll take this three.”
Napanganga ako. Hala sya? Ang mamahal ng mga yon ah? Naku pag hindi yun tinanggap ng pagbibigyan nya,ewan ko na lang.
Iniwan ko si Cent at tiningnan ang iba pang alahas. Napukaw ng isang magandang bagay ang atensyon ko. Isang silver na anklet na may naka ukit na letter E.
“Ang ganda ganda naman.” ang natutuwang sabi ko.
“Euri! Lets go,nagugutom na ako,lunch time na.” ang pagtawag sa akin ni Cent,nilingon ko sya,nagsalubong ang mga kilay nya,binaling ko ulit sa anklet ang atensyon ko.
“Pag iipunan kita. Bibilhin kita sa birthday ko.” bulong ko at naglakad na ako palapit kay Cent.
“Ano bang tinitingnan mo dun?” aniya ng makalapit ako.
“Wala. Na amazed lang ako sa mga alahas. Tara na,gutom na din ako.” ani ko at nauna ng lumabas.
Gusto ni Cent na sa restaurant kumain,pero hindi ako nagpatalo,pinagpilitan ko na dapat ay sa Jollibee na lang at wala naman syang nagawa.
“Salamat ah? Now Im confident na ibigay sa kanya tong mga regalo ko.” ani Cent sa gitna ng pagkain namin.
“Wala yon. Ano bang meron?” ani ko at hinigop ang spageti. Ang totoo nyan,nainggit ako sa mga bata kanina kaya pinilit ko si Cent na mag Jollibee na lang haha.
“Birthday nya kasi,ngayon lang ako magreregalo.”
“Ang sweet naman. Kailan ba?”
“Sa November 5 pa naman.” sagot ni Cent na ikinatulala ko.
Isang linggo at kalahati pa,november five na.
“Hey? May problema ba?” ang pukaw sa akin ni Cent.
“Wala,bigla lang akong may naalala.” ang agad kong sagot at ang burger naman ang kinain.
November five is my birthday. Mabibili ko kaya yung anklet?
- MUSTASA? GANON PA DIN ANG SITWASYON KO,PARA PARAANG PAG UPDATE. Uhm leave a comment po ah? Thank you! ;)
Bakulaw five!
Ewan ko ba! Parang hindi ako matae na ewan?! Napepressure ako sa pag iipon na ginagawa ko. Pero hindi ako pwedeng tumigil, three days na lang ay November 5 na,that means birthday ko na.
“Ano ba yan,Euri? Natatae ka ba?” ani Limer pero hindi ko pinansin. Binibilang ko kasi sa isipan ko kung magkano na ang naipon ko.
“Baka naman naka tae na talaga?” dagdag ni Neph na ikinalingon ko na.
“Gusto mong paputiin ko din pati pubic hair mo?!” nanliliit ang mga matang sabi ko.
“Relax! Ito naman hindi na mabiro.” nakangisi nitong sabi. “At saka,puti talaga pubes ko,Euri. Genetic yan,tulad ng mga red hair,blonde,brunette at mga itim na buhok.”
Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang nalaman yon ah?
“You mean puti din talaga? Imba?! Ako nga kaunti pa lang buhok ko dun eh!” sabi naman ni Limer kaya sa kanya ako napalingon naman.
“Kadiri mga pinag uusapan niyo!” asik ko sa dalawa na ikinatawa lang nila. Nasan kaya sina Meg at Noreen?
“Ano ba kasi iniisip mo?” ani Limer.
“Wala,may pinag iipunan ako para sa birthday ko. Worried lang ako kung kakasya at aabot ba.” ang seryoso kong sagot at napabuntong hininga.
Gustong gusto ko talaga ang anklet na yon. Gusto ko iyong regalo sa sarili ko,kahit iyon lang ay masaya na ako.
“Ano bang pinag iipunan mo?” ani Neph.
“Basta.” sagot ko at tumingin sa building namin. Nandito kasi kaming tatlo sa bench. Nakita ko agad na kumakaway si Noreen. “Uy! Mga perv! Tara na at mukhang nandyan na teacher natin!”
Nang uwian na ay agad akong nagpaalam sa tropa. Pupunta ako sa mall para makita ulit ang anklet.
“Maganda po ang anklet na iyan. Bibilhin nyo ba?” ani ng saleslady. Tiningnan ko ito,nginitian nya ako.
“Pinag iipunan ko pa po para sa birthday ko. Huwag nyo po sanang ibenta sa iba.” ang sabi ko naman.
“Nako,last na yan eh. Uhm,diba ikaw din yung kasama nung gwapong binata nung nakaraan?”
Wow! Natatandaan nya pa kami ni Bakulaw? Magaling ang memory ni ate.
“Opo!” sagot ko. “Ganon ba te? Basta,kung kaya nyo pong huwag munang ibenta huwag muna. Ireregalo ko po kasi ’yan sa sarili ko.”
Ngumiti yung babae na para bang amazed na amazed sya sa sinabi ko.
“O sige,I’ll try my best. Basta bumalik ka kagad para hindi ka maunahan ng iba.”
Kaya pag dating ko sa bahay ay diretso ako sa kwarto. Biniling ko ang ipon ko,300 na lang ang kulang ko. May 3 days pa ako para maka ipon ng 300.
Hay! Kung naging kasing yaman lang siguro ako ni Cent,nung araw siguro na nag mall kami eh binili ko na ang anklet na iyon. Ang hirap ng mahirap.
Speaking of Cent,buong linggo ko ata syang hindi nakikita sa school? Ganun ba nya pinaghahandaan talaga yung birthday nung babae? Napaka swerte naman nung babae na yon,kung ako yun hindi ko na papakawalan si Cent.
Kaso,iba ang sitwasyon,bakulaw si Cent sa paningin ko,kahit mukha syang anghel at mabait paminsan minsan,take note ah? Paminsan minsan,eh sya parin ang bakulaw sa manhole para sa akin. Kainis lang at pinangalanan nya akong panghe!
Kinabukasan ay mas lalong hindi ako mapakali. Saan ako kukuha ng 300? Mangutang ba ako? Thats not good. Ano ba ang pwedeng gawin para maka 300 pesos ako?
“Bakla,may problema ba?” ani Meg,silang dalawa naman ni Noreen ang kasama ko ngayon dito sa bench,nautusan kasi sina Neph at Limer ng adviser namin.
“Oo nga,may problema ba? Kahapon ka pang lutang ah?” dagdag ni Noreen.
“Eh kasi. Kailangan magka 300 pesos ako bago mag birthday ko.” ang nahihiya kong sagot. Ngayon lang ako nahiya sa mga impaktang ito eh.
“Problema ba yon? Edi pautangin ka namin?” ani Noreen.
“O kaya bigyan na lang kitang 300 pa birthday ko sayo.” sabi naman ni Meg.
“Huwag! Gusto ko pinag hirapan ko ang pera,kasi worth it naman ang pag gagastusan ko.”
“Ganon? Infairness,ngayon ka lang nagkaganyan.” sabi ni Meg na ikina hiya ko lalo.
“Ngayon lang ito. After ng birthday ko ay balik ako sa dati.” sagot ko naman at napatingin sa dumaan.
Si bakulaw! Sa wakas nagpakita na! Akala ko bumalik na sya sa manhole na pinanggalingan nya eh.
“Si Cent!” ani Meg.
“Huy! Cent!” tawag naman ni Noreen. Lumingon si Cent at nagsalubong ang mga kilay. Nang makita siguro ako ay agad na ngumisi at naglakad palapit.
“Uy panghe! Tagal nating hindi nagkita ah?” anito at inayos ang eyeglass nya. Napatingin sa akin ang mga impakta.
Pinanlakihan ko ng mga mata ang bakulaw! Sinabi ng huwag akong tawaging panghe pag may ibang tao eh! Ukininam talaga.
“Oo nga eh! Akala ko itinapon ka ulit pabalik sa manhole.” nakangisi kong sabi,kay Cent naman napatingin ang mga impakta.
“Nope! Im just busy. Alam mo na.” nakangiting sabi ni Cent. Parang hindi nya nakikita sina Meg at Noreen,bulag ata to eh,walang silbi ang eyeglasses nya! Bakulaw talaga.
“Oo nga pala.” sabi ko. “Im sure magugustuhan yun ng may birthday.” ani ko.
“Teka lang ah? Kami tumawag,kami naitsapwera? Ano to? Gaguhan?” ani Noreen na ikinatawa ko.
“Parang multo ang peg namin,ganon?” dagdag pa ni Meg,napakamot sa ulo ang bakulaw.
“Pasensya na girls,na excite kasi ako ng makita si Euri.”
“Kung na excite ka,help him! Kailangan nya daw ng pera para sa birthday nya.” napanganga ako sa sinabi ni Meg.
“Birthday ni Euri?” gulat na sabi ni Cent at napalingon sa akin. “Kailan? Magkano ba kailangan?”
“Sa november five na birthday nya. Ayaw nya ng utang o bigay na pera. Ang gusto nya eh pinaghirapan daw nya.” dagdag ni Noreen,sa akin lang nakatingin ang bakulaw.
“At dahil mayaman ka naman. Help him, imassage ka nya with extra service,then pay him!” nakangisi pang dagdag ni Noreen kaya hinila ko ang buhok nya. “Aray teh?!”
“Sampalin kita ng takong mo eh! Hindi ako ganon,tae ka!” sabi kong ganyan at nag peace sign ang bruha.
“Ano na?! Matutulungan mo ba sya o hindi?” pag entrada ni Meg at namewang pa.
“Ano kasi,uhm..” nahihirapang sabi ni Cent kaya ako na ang nagsalita.
“November five ang birthday ng kaibigan nyang babae,kaya huwag nyo na syang kulitin. Maghahanap na lang ako ng paraan.”
“Ganon?!” sabay pang sabi nina Meg at Noreen.
“Pasensya na girls,pasensya na Euri.” sabi ni Cent na parang pakiramdam ko ay biglang na bothered. At bakit naman kaya?
Nang uwian na ay patingin tingin ako sa paligid. Baka may makita akong mapagkaka kitaan in just three days. Ang tanong lang,may makita naman kaya ako? Kung wala ngayon,may bukas pa at isa pang araw.
At para makasiguro ang lola nyo ay naglakad lakad lang talaga ako. Kaso,biglang umulan,dali dali akong nanakbo sa pinaka malapit na pwede kong masisilungan.
“Timing ka naman masyado ulan! Ni hindi mo man lang ako pina kalahati sa paglalakad.” bulong ko habang sinusuklay ko ng daliri ko ang aking buhok.
Bumuga ako ng hangin at nag isip kung saan makaka kita ng pera. Hanggang sa may nagtatakbong lalaki papunta sa akin,high school din pero taga kabilang school.
“Dyahe naman oh. Male-late na ako sa part time job ko.” anito na nakatungo at pinapagpag ang bag. Napalingon ito sa akin,at gusto kong himatayin.
Ang gwapo nya! Dapat pala dun na lang ako sa school nya nag aral! Kainis naman oh?!
“Bakit?” biglang sabi nito kaya natauhan ako.
“H-ha? Ano,uhm. Nadinig kasi kita. Saan ka nagpa-part time job?” ang sabi ko at tumingin sa paligid. Humihina na ang ulan.
“Dyan lang. Sa bagong bukas na store.” supladong sagot nito at tumingin din sa paligid. “Mahina na ang ulan,sige maiwan na kita.”
Nanakbo na sya at sinundan ko sya ng tingin. Sayang! Hindi ko natanong pangalan nya.
Alam ko na! Susundan ko na lang sya! Baka pwede akong mag apply din as part time sa store na yon.
Kaya ang ginawa ko ay sumunod ako. Lakad takbo,nakakahingal lang.
“Oy! Teka! Hintayin mo ako!” sigaw ko,habang naglalakad ay nilingon nya ako. Nanlaki ang mga mata ko. “Hoy! Tumigil ka! May bukas na manho–”
Ayon! Nahulog sya sa bukas na manhole. Bakit ba uso ang manhole na walang takip?
Dali dali akong lumapit at sinilip sya.
“Bakulaw? Okay ka lang?” ani ko,nakita ko naman agad sya sa ilalim na bumabangon na.
“Kasalanan mo ’to eh! Tas ako pa bakulaw ngayon? Tss! Kaasar!” anito at tumingin sa paligid. “Ugh! Asar! Walang hagdan!”
Napangisi ako,bigla akong may naisip na idea. Alam kong kawawa sya,basa na nga,nahulog pa sa manhole. Pero I have no choice,hindi naman masama ang gagawin ko eh.
“Hoy! Bakulaw sa manhole,tutulungan kitang maka akyat dito kung ipapasok mo din ako as part time sa store na yon!” sabi kong ganyan. Tumingin ako sa paligid,pinagtitinginan na ako ng ibang dumadaan.
“Namba-blackmail ka ba?” aniya na nakatingala sa akin.
“Hindi no! Pero ayos lang kung ayaw mong magpatulong. Hintayin at sisihin mo na lang ang MMDA pagdating nila,o manatili ka dyan hanggang maging ninja turtle. Your choice,sige ka,dumadami na ang tao oh?” dagdag ko pa. Napabuntong hininga sya na ikina ngisi ko.
“Sige! Sige na! Payag na ako!” aniya. Ibinaba ko na ang mga kamay ko para maabot nya.
“Abutin mo na mga kamay ko. Huwag kang magpapabigat.”
Iniabot na din nya mga kamay nya. Sinimulan ko na syang hilahin pataas. At sa awa ng diwata ng manhole ay matagumpay ko syang nailabas.
“Wew! Salamat!” aniya ng maka akyat.
“Dalawa na kayong kilala kong mga bakulaw sa manhole. Ang laking tao,nahuhulog sa manhole.” sabi ko at tiningnan nya ako ng masama.
“Anong sabi mo?” aniya,nanliit ang mga mata,lalong naging gwapo,ang ganda pa ng gupit nya,yung disconnected undercut at nakahikaw na itim.
“Wala,sabi ko ang gwapo mo,kaso amoy kanal ka na.”
- HELLO! Pasensya na at natagalan ang update dito. Alam nyo naman,inuuna ko yung mga patapos na. BTW,nasan na mga gifts nyo sa akin? =)
Bakulaw six!
“Oh Rook,may kasama ka?” sabi ng isang babae ng pumasok kami sa loob ng isang maliit na coffeeshop,mukhang bagong bukas lang,at yung babae mukha nasa early 20’s lang ang edad.
“Mag a-apply din daw as part time.” wow,Rook pala ang pangalan nya. Tiningnan ako nung babae kaya ngumiti ako ng pagkatamis tamis.
“Ganon ba?” sabi nung babae,tiningnan ako saka uli bumaling kay Rook. “Ang dungis at ang baho mo,anong nangyari?”
“Nahulog po sya sa manhole!” sagot ko. Agad akong tiningnan ng masama ni Rook. Hala? Totoo naman ang sinabi ko ah?
“Pwedeng manahimik ka?” iritadong sabi ni Rook kaya napalunok ako. Parang pwede nya akong e-salvage anytime. Bumaling ulit sya dun sa babae. “Magbabanlaw lang ako saglit,mag duty na po ako.”
Umalis si Rook at kami na lang nung babae ang naiwan.
“Anong pangalan mo?”
“Euri Gandara po! Pero Euri na lang!” nakangiti kong sabi.
“Pasensya na Euri,pero hindi na kami tumatanggap ng part time–”
“Sige na teh! Tanggapin mo na ako! 3 days lang naman. Kailangan ko lang ng pera para sa birthday ko! Kahit one hundred pesos a day lang po! Kailangan ko lang ng 300! Maawa ka sa akin! Ate! Ate!” ang hysterical kong sabi,napanganga yung babae sa gulat. Aba! Pang FAMAS at Golden Globe ang acting ko,dapat lang na matanggap ako.
“Ha? Kung ganon,pahiramin na lang kita ng 300 o ibigay ko na lang sayo kung kailangan mo talaga.” ang parang naaawang sabi nito,kaya mas ginalingan ko ang acting ko.
“Ayaw ko ng ganon,Ate! Gusto ko paghirapan ko ang 300 sa loob ng tatlong araw. Tatlong araw lang naman ate! Sige na!!” sabi ko pa. Yung ibang costumers tuloy at ibang mga crew ay napapatingin na.
“Uhm,okay. Hay nako,kung hindi ka lang maganda eh. By the way Euri,Im Luna. Ngayon ka na mag start,puntahan mo si Rook,sya magtuturo ng mga dapat mong malaman.” nakangiting sabi nito.
“Maraming salamat po Ate Luna! Hulog ka ng Diyos!” pagpapasalamat ko at agad pinuntahan ang bakulaw na si Rook. Naabutan ko syang nagsusuot ng uniform at fresh na fresh na.
“Ano?! Tsk.” iritadong sabi ni Rook pero hindi ko iyon pinansin. Masyado akong masaya dahil magkakapera na ako.
“Tanggap na ako. Three days lang ako dito. Ang sabi ni ate Luna ikaw daw ang magtuturo ng mga dapat kong malaman,so…” nakangiti kong sabi at tinaasan nya ako ng kilay.
“So?” ang pag ulit pa ni Rook. Kung hindi lang sya gwapo kinurugan ko na sya.
“Where’s mah unifahm?!” ani ko pa.
Yun nga,tinuruan nga ako ni Rook,kung paano punasan ang table,paano humawak sa tray. Yun nga lang,panay ang asik nya sa akin. Bahala syang mainis,hindi ko naman kasalanan na may bukas na manhole,ang MMDA dapat ang sisihin nya.
Pareho lang sila ng bakulaw na si Cent,mga bakulaw sa manhole. Ang pinagkaiba nga lang gising si Rook ng mahulog sa manhole,si Cent naman pinagtripan,pinatulog at inilagay sa manhole. Ngayon kasalanan ko ba na may mga bukas na manhole?
Alas nueve ako pinag out ni Ate Luna,panay ang pasalamat ko. Magbibigay sana sya ng pera,pero sabi ko sa last day ko as part time na lang nya ibigay.
Sabay kaming lumabas ni Rook. Nagdirederetso sya ng lakad,ako naman ay tiningnan ko ang phone ko. Ang dami ng text message mula sa mga butihin kong magulang,sa sobrang excite ko kanina hindi ko man lang sila naitext.
Nang mabasa ko na ang lahat ng text ay nilingon ko si Rook. Wala na ang bakulaw! Ang bilis maglakad! Kaya nahuhulog sa manhole eh.
Naglakad na din ako pabalik sa eskwelahan,dun kasi malapit ang sakayan ng jeep. Pakanta kanta pa ako habang naglalakad ng may biglang bumusina. Sa gulat ko ay natapilok ako at nadapa.
Saktong nauntog ako sa poste kaya nawindang ang braincells ko at medyo nahilo ako. Nilingon ko yung kotse,parang pamilyar. Pero kahit pa pamilyar yan bubungangaan ko yung walangyang bumusina!
Bumukas ang pinto at may lumabas. Tumayo ako at ready na sanang mag rap,napanganga ako. Si kuya Eixher pala.
Pilyo ka ah? Etong sayo!
Nagkunwari akong hinimatay. Agad naman nya akong nasalo.
“Euri! Hoy,sorry sa panggugulat!” anito at binuhat ako. Naramdaman kong ipinasok nya ako sa backseat at ihiniga.
Ganti ganti lang yan. Para kang kapatid mong si Cent,hindi halatang maloko.
Umandar na ang kotse. Nang mapansin kong medyo malapit na kami sa kanila ay bumangon ako at itinuloy ang drama.
“Ang sakit ng ulo ko.” sabi ko at lumingon kay kuya Eixher na nakatingin sa akin gamit ang rearview mirror. Nagkunwari akong nagulat. “Kuya Eixher? Hala? Bakit nandito ako sa kotse mo?”
“Stayput ka lang. Malapit na tayo sa bahay.” aniya. Kaya ang ginawa ko ay sumandal na lang at pumikit. Totoong masakit nga ang ulo ko dahil sa pagkaka untog. Lintik na poste yon eh! E-rereklamo ko yon sa Meralco.
Nang makaparada sa garahe ay lumabas na kami ng kotse. Agad lumapit si kuya Eixher at inalalayan ako.
“Hala kuya? Bakit mo ako dinala dito?” ani ko ng papasok na kami sa bahay. “Hinahanap na ako sa amin.”
“Ginulat kasi kita. Nauntog ka sa poste at nawalan ng malay. Hindi ako marunong manggamot. Kay Mama kita papagamot,give me your parents contact number. I’ll call them at sasabihan ko silang dito ka muna magpapalipas ng gabi.” mahabang sabi ni kuya Eixher,nakonsensya naman daw ako.
Binigay ko ang number nina Mama at Papa. Pinaupo nya ako sa napakalambot nilang sofa at nanakbo na sa taas nila.
Hinipo ko yung noo ko. Ang laki ng bukol! Shemay!
“Panghe? Anong ginagawa mo dito?” napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Cent,pababa sa hagdan at naka boxer shorts lang.
“Dali Ma! Patay ako sa parents ni Euri! Tatawagan ko pa. Wait lang,puntahan mo na sya sa living room.” ang lakas ng boses ni kuya Eixher.
“Kung bakit ba naman kasi ginulat gulat mo yung bata eh!” malakas din ang boses ni Tita Marj,napangiti tuloy ako.
“Anong nangyari? Anong ginawa ni kuya?” takang tanong ni Cent na nasa harapan ko na. Inayos nya ang eyeglass nya at tumingin sa pababa na sa hagdan na si Tita Marj na may dalang first aid kit.
“Ginulat ako ng kuya mo eh. Sa sobrang gulat ko,nadapa ako,sumakto ang ulo ko sa poste.” sagot kong ganyan.
“Parang adik naman si kuya.” ani Cent.
“Nako! Euri. Pasensya ka na kay Eixher. Malakas talaga magtrip yon eh.” ani Tita Marj. Tumabi sa akin,binuksan ang first aid kit at bumaling kay Cent. “Humaharap ka sa bisita ng nakaganyan? Magbihis ka! Pahiramin mo din ng damit si Euri,dito sya matutulog.”
“Mama naman eh! Papanoorin kita manggamot.” ang reklamo pa ng bakulaw.
“Cent!” ani Tita Marj,kaya walang nagawa si Cent kundi ang mag martsa paalis. Bumaling ulit ito sa akin at sinimulan na akong gamutin,nahiya tuloy ako. “Pasensya ka na sa mga anak ko,mana ang mga yan sa Papa nila.”
“Okay lang po,Tita. Sanay na ako kay Cent,pero kailangan ko na din sigurong masanay kay kuya Eixher. Power tripper pala sya.” sabi ko at ngumiti si Tita Marj.
“It runs in the blood.” ani Tita habang ginagamot ako.
“Pumayag ang mga parents mo,Euri. Dito ka matutulog,kaso magulo ang guestroom.” biglang sulpot ni kuya Eixher.
“Dito na lang ako sa sofa kuya,Tita.” ani ko. “Nga pala,lalabhan ko pa po itong uniform ko.”
“No,dun ka sa kwarto ni Cent.” ani Tita. “Oh ayan,tapos na. Sundan mo na sya sa kwarto nya.”
“Maraming maraming salamat po.”
“Basta ikaw,Euri. Walang kaso.” ani Tita at tumayo na.
“Tara na sa kwarto ni Cent.” ani kuya Eixher. Panay pa ang sorry nya. Kaya sinabihan ko na lang sya na next time mild lang dapat ang trip nya,ayun natawa lang sya.
“Oh,eto isusuot mo ngayon.” ani Cent at inabot ang isang damit at pajama. “Bakit pagala gala ka pa kasi? Natripan ka tuloy ni kuya.”
“Galing ako sa part time job kaya ginabi. Diba nga kailangan ko ng pera?” ani ko. Natigilan sya at parang may inisip. “Lalabhan ko lang tong mga suot ko.”
Tumango lang si Cent at dumiretso na ako sa banyo niya. Hinubad ko na ang mga uniform ko. Isinuot ko ang pinahiram nya at nilabhan ang mga uniform. Paglabas ko ng banyo ay nakahiga na si Cent.
“Uhm,Cent. Pahiram ng mga hanger at saka san ko ito pwedeng isampay para matuyo agad?” ang pagpukaw ko sa kanya,parang ang lalim kasi ng iniisip.
“May hanger dyan sa closet. Bahala ka kung saan mo yan isasampay.” ang sagot nya. Nagkibit balikat na lamang ako.
Isinampay ko sa may bintana nya ang mga nalabhan ko,pati ang underwear ko kasama. Kaya nga hindi ako komportable eh,hindi ako sanay na walang underwear!
At ang sunod kong ginawa ay dahan dahan ng humiga sa tabi ni Cent. Medyo kinakabahan ako,first time ko matulog sa ibang bahay,at first time kong matulog na may katabing lalaki. Ang likot ko pa naman matulog kaya sobrang bothered talaga ako.
Magkatalikod kami ni Cent. Kung anu-ano na lang ang inisip ko para antukin. Hindi nagtagal ay dinalaw na ako ng antok,at pinabayaan ko ng liparin ako sa dreamland.
Nagising ako sa kung anong ingay. Parang alarm clock,kaya agad kong iminulat ang mga mata ko at ako ay natigilan.
Nakayakap ako kay Cent! Magkaharap kami at gising sya na nakatingin sa akin. Sheyt!
“Hindi ko alam na mahilig ka palang manghipo at mangyakap kapag natutulog,Euri.”
Shemay!
- PASENSYA KUNG NATAGALAN ANG UPDATE DITO. Kung binabasa nyo ang mga Author’s note sa ANG BASTOS SA KANTO,you would know the reason why kung bakit. Vote and comment po kung nagustuhan :)
Bakulaw seven!
Wala bang magreregalo sa akin dyan ng lumang Tab? Wahahaha! Para tuloy tuloy na ang update! Charot! XD
SA MGA NAG A-ABANG NITO,ETO NA PO! VOTE AND COMMENT KUNG NAGUSTUHAN :)
–
Ikalawang araw ko na mamaya sa part time job. Hindi na ako parang lutang at nakikisabay na ako sa trip ng tropa. Syempre! Mabibili ko na yung gusto kong anklet sa mismong birthday ko! Ang sarap lang pangarapin na suot ko na ’yon.
Yun nga lang,hanggang ngayon eh hindi ko pa din makalimutan yung kaninang umaga. Hiyang hiya tuloy ako.
Totoo kaya yung sinabi ni Cent na hinipuan ko siya? Pwede bang manghipo ang tulog? O baka naman nagpa-power trip na naman ang bakulaw na ’yon gaya ng kuya Eixher niya? Hay naku! Kung totoo man hindi na ako lalapit kay Cent,baka sabihin pa niya na nature ko talaga manghipo! Hindi kaya?!
At saka,mabuti na lamang at hindi ako pinagalitan ng aking mga mabuting magulang. Masyado sigurong magaling makipag usap si kuya Eixher kaya ganon.
Sa sobrang galing ni kuya Eixher ay hindi ako nahirapan sabihin kina Mama at Papa na may part time job na ako. Which is ikinatuwa pa nila,mabuti daw yon at kahit papaano ay magkaroon ako ng experience magtrabaho.
At eto na nga,uwian na. Nakita kong nakikipag usap sa tropa si Cent pero hindi ko na sila pinansin,nagmamadali na din kasi ako papunta sa shop.
Tinawag nila ako,lumingon ako at sumenyas na nagmamadali ako. Kita ko pang nagtataka si Cent pero wala na akong time na alamin kung bakit.
Nasa labas na ako ng campus at nagmamadaling maglakad,pero patingin tingin sa daan baka may bukas na manhole,mahirap na kung ako naman ang mahuhulog. Baka mabigyan pa ako ng title na ‘Ang beki sa manhole.’
“Panghe! Teka lang! San ka pupunta? Bakit nagmamadali ka?” nang marinig ko iyon ay tumigil ako,nilingon siya at hinintay na makalapit.
“Bakit?” ani ko ng makalapit siya. Pabango agad niya ang na amoy ko at pinigilan kong singhutin siya.
“San ka pupunta? Nagmamadali ka ah? Diba birthday mo na bukas?” anito at inayos ang antipara.
“Sa part time. Kailangan ko ng pera tom,may bibilhin ako para sa sarili ko,bukas na din ang last day ko sa part time.” sagot ko at nagsimula na ulit maglakad.
“Ganon ba? Sama ako?! Wala din naman akong gagawin pa sa bahay.” ani Cent. Gusto ko sanang kumontra pero hindi na lang ako kumibo. At isa pa,ayaw ko din siyang tingnan,baka isipin niya pinapantasya ko na naman siya.
Pagdating sa shop ay nakita ko na nasa labas si Ate Luna na may kausap sa phone nya. Nang makita niya ako ay sumenyas siya na lumapit ako,si Cent naman ay naupo sa isa sa mga mesa sa labas,yung may payong.
Hmmmn,mas mainam na magkape na lang siya kesa kausapin ako.
“Uhm,Euri. Hanggang mamaya na lang ang trabaho mo.” ani Ate Luna ng matapos siya sa kausap niya sa phone.
Parang gusto kong maiyak dahil sa sinabi niya.
“P-po?! Huwag naman po atee! Maawa kayo sa akin! Atee!!” hysterical kong sabi.
“Oh my God Euri! Don’t cry! Its not what you think it is!” ang pagpapakalma ni Ate Luna sa akin.
“Eh bakit po?”
“Hindi naman kasi naman talaga kailangan ng dagdag trabahador. Eto ang pera,magtrabaho ka dito sa bakasyon,okay?” ani Ate Luna sabay abot ng sobre. “I like you and your personality,pero I think mas dapat mong unahin ang pag aaral.”
Tinanggap ko ang sobre. “Maraming salamat po ate! Sige gagalingan ko ang trabaho ngayong–”
“Pasensya na at late,ate. May tinapos pa ako.” ang biglang dating ni Rook. Naisip ko tuloy na kailangan siguro din siya dito sa shop.
“Sige,mag duty na kayo.” ani ate Luna. Nilingon ko si Cent na mukhang busy sa phone niya bago ako bumaling kay Rook na tinaasan lang ako ng kanang kilay. “And by the way,Euri. Kunin mo na yung order ng boyfriend mo.”
“Hala ka ate?! Hindi ko yun boyfriend!”
“Hindi ba? Panay ang tingin sayo eh.” ani ate Luna at ngumisi.
Pagpasok sa dressing room ay naka uniform na si Rook. Masamang tingin niya agad ang sumalubong sa akin.
“Kailan ka aalis dito?.” aniya na ikinataas ng kilay ko.
“Galit ka pa din? Nag sorry na ako diba? Kahit hindi ko kasalanang mahulog ka sa manhole.”
“Ewan ko sayo.” sabi lang ni Rook at iniwan na ako. Nagkibit balikat na lang ako at nag bihis na.
Nasa labas pa din si Cent kaya nilapitan ko na kahit ayaw ko.
“Anong order mo,Cent?” ani ko. Nilingon niya ako at tinago na niya ang phone niya.
“Choco frappe at chocomouse.” sagot niya. “Okay dito sa part time mo ah? Pwedeng tambayan.”
“Bagong bukas lang kasi.” sagot ko. “Yun lang ba order mo?”
“Yes panghe! Yun lang.” bwisit talaga. Kailan ba maaalis sa kanya ang pagtawag sa akin ng panghe?
Pumasok na ako sa loob at kumuha ng order ni Cent. Nilampasan ko si Rook na hindi na maaalis ata ang pagtingin sa akin ng masama.
Naging okay naman ang trabaho ko. Bago umuwi ay panay pasalamat ako kay ate Luna,pati kay Rook na dinedeadma lang ako.
Huwag kang mag alala Rook,hindi mo na ako makikita.
“Kain muna tayo,Panghe.” ani Cent. Oo! Hindi siya umuwe at hinintay niya talaga ako. For what reason,I don’t know. Basta masaya ako na mabibili ko na bukas ang silver anklet na iyon.
“Basta ba libre mo. Hindi ko pwedeng gastusin pera ko eh.”
“Sure thing! Pa birthday ko na sayo.” aniya. Lihim naman akong napangiti,napaka thoughtful din naman pala ng bakulaw na ito.
Sa KFC kami pumunta,siya ang pumila at ako na ang naghanap ng pwesto.
“Diba bukas na din ang birthday ng kaibigan mo?” ani ko ng nagsisimula na kaming kumain.
“Yup. Salamat din talaga sa pagsama mo sa akin na bumili ng regalo para sa kanya.”
“Wala yun. Basta please,huwag mo na akong tawaging panghe!”
“Mas gusto kitang tawagin na ganon. Unique,it means close tayo dahil may tawag ako sayo.” aniya na nakangisi. Kung hindi lang niya libre itong kinakain namin sinungalngal ko na siya.
“Ay! Ewan ko sayo.” sabi ko na lang. Tiningnan ko ang oras. Mag nine thirty pa lang. Pwede pa akong pumunta dun sa jewelry shop para ipareserve yung anklet.
Buong oras na kumakain kami ay ang mga kalokohan nila ni kuya Eixher ang pinagkekwentuhan namin. And I must admit ate Charo na nag e-enjoy ako.
Pagkatapos ay nagpasalamat na ako at dali-daling umalis. Kailangan maabutan kong bukas ang jewelry shop. Magtatanong pa sana si Cent pero iniwan ko na siya,maiintindihan niya naman siguro ako.
Pagdating sa shop ay naghahanda na sila para magsara.
“Miss! Yung silver anklet na may letter E,pareserve,bibilhin ko agad bukas!” sabi ko sa saleslady. Hinihingal pa ako at lumalawit na ang dila ko.
“Okay,sir!”
Kaya ayun,umuwi akong masaya. Pagdating sa bahay ay tulog na sina Mama at Papa. Dumiretso ako sa kwarto. Agad kong kinuha ang sobre sa bag at tiningnan ang laman.
Limang one hundred at isang five hundred! Napanganga ako! Ang laki naman ata? Baka nagkamali lang ng lagay si Ate Luna? Naku babalik ako dun bukas para isaoli ang sobra.
Kinabukasan ay nagising ako na punung puno ng pag asa. Absent muna ako sa school,paniguradong pupunta naman ang tropa dito,dahil nakita kong nagluluto sina Mama at Papa.
“Happy birthday,anak!” sabay na bati nina Mama at Papa.
“Salamat po!” at magkasunod ko silang niyakap at hinalikan.
“Imbitahin mo na mga kaibigan mo.” ani Mama.
“Kahit pati teacher mo pa.” dagdag naman ni Papa na ikinatawa namin.
“Sige po. Pero maliligo muna ako. Pupunta lang ako sa Mall,may bibilhin tas babalik din ako agad.”
Matapos maligo at makapag bihis ay lumarga na ako. Pagdating sa jewelry shop ay kuminang na ang mga mata ko.
Sa wakas! Mabibili na din kita!
Agad kong tiningnan ang pinaglalagyan ng anklet at halos maiyak ako ng makitang wala na ito.
“Miss? Nasan na po yung pinareserve ko? Yung anklet na may letter ’E.” ang malungkot kong tanong sa saleslady.
“Nako,sorry po. May nakabili na kanina pagkabukas pa lang namin. Nakalimutan kong pinareserve nga pala yon.”
“Ganon ba? Parang ang bilis naman.” laglag balikat kong sabi.
Lumabas ako ng jewelry shop na masama ang loob. Ang pangit sa pakiramdam na pinag ipunan mo tas hindi mo din pala makukuha. Pakiramdam ko tuloy ay kulang ang birthday ko.
Pero ganon pa man ay dumiretso ako sa shop. Isasauli ko ng buo ang pera,tutal hindi ko naman din nabili ang gusto ko.
Naabutan ko si Rook na may kausap sa phone at mukhang nagsusumbong. Ewan ko ba,pakiramdam ko ay ako ang pinag uusapan nila ng kausap niya. Pero teka? Absent siya sa school?
(ITO YUNG EKSENA SA ABSK NA NASA LIKOD NG GYM SI KIJI AT TUMAWAG SI ROOK,KASO NAPUTOL ANG TAWAG DAHIL NADAPA SI KIJI KAKATINGIN KAY CHANCE NA NAKIKIPAGLANDIAN.)
Nilingon nya ako at saktong naputol siguro ng hindi sadya ang tawag dahil napamura siya.
Hindi na ulit ako lumingon kay Rook at pumasok na ako sa loob ng shop at dumiretso sa office ni Ate Luna.
“Oh,Euri? What brings you here?” gulat na sabi nito. “By the way happy birthday.”
“Thank you po ate. Nandito ako para ibalik yung pera. Sobra po kasi at hindi ko din naman nabili yung dahilan kung bakit ako nag part time dito.” ang malungkot kong sagot at naupo.
“Kaya ka malungkot?” tumango ako bilang sagot. “Darling,para sayo talaga ang perang iyon,pinaghirapan mo at pa birthday ko din sayo. Hindi iyon sobra. Now,huwag kang sumisimangot dyan! Umuwi ka na at e-enjoy ang birthday mo!”
Wala akong nagawa kundi magpasalamat ulit at umuwi na lang. Habang nasa byahe pauwi ay tinext ko na ang tropa. Okay lang siguro na hindi ko nabili yung anklet,may iba sigurong gustong gusto din iyon.
“Anak,may dumating kang regalo,nandyan sa ibabaw ng Tv.” ani Mama ng makauwi ako. Mukhang kakatapos lang nito magluto.
“Hindi ko binasa eh. Tingnan mo na lang.” sagot ni Mama. Lumapit na ako sa Tv at kinuha yung regalo.
Maliit na box. Kanino kaya ito galing?
Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Yung anklet! Paanong?
May nakasingit na papel kaya kinuha ko at binasa kung ano ito.
Napanganga ako at kumalabog ang dibdib ko ng mabasa kung kanino ito galing.

