Ang Bastos Sa Kanto IV
YorTzekai · 7 chapters · 4,065 words
Ang Bastos Sa Kanto IV
Ang lahat ng pangalan,lugar at pangyayari ay galing sa aking imahinasyon. Kung may pagkakatulad man ito sa iba ay hindi ko alam at hindi ko sadya.
Ang bastos!
Si Keiy ay isang simpleng beki,inosente kahit may kaya dahil galing siya sa probinsiya. Paano kung sa unang araw niya ng eskwela ay mapadaan siya sa isang kanto kung saan naghahari ang isang lalaki na magiging parte na ng kanyang buhay? Ating tunghayan ang masaya,makulit,madramang buhay ni Keiy Andrada.
Panimula :3
Nakabihis na ako ng aking uniform,first day of class ko dito sa Manila. Nandito ako sa labas at hinihintay si Papa para bigyan ako ng baon.
Ganito pala sa siyudad,masyadong maingay. Galing kami sa probinsiya at napeste ang lupain ni Papa,nasayang lahat kaya nag desisyon siyang lumipat kami ng Maynila,malaki itong bahay na nilipatan namin kasing laki ng nasa probinsiya.
Mula dito sa pwesto ko ay tanaw ko yung kanto na papaliko papunta sa eskwelahan,hindi ko pa nadadaanan ang kanto na iyan,pero pag nakatambay ako dito sa labas nadidinig ko na iniiwasan ng mga ka edad ko na dumaan doon.
Bakit kaya nila iniiwasan ang kanto na iyon?
“Keiy,next week na lang tayo sabay,nakapag loan ako ng sasakyan at sa sunod na linggo ko pa makukuha. Mabuti at maayos ang napasukan kong trabaho.” ani Papa na kakalabas lang ng bahay,inosente ko siyang nilingon.
“Ayos lang po Pa! konting lakad lang naman at eskwelahan na.” ani ko.
“Pagbutihin mo,sa sunod na taon ay College ka na. At saka bibilhan kita ng vitamins,pakiramdam ko hindi nadadagdagan ang height mo? Mag college ka na pero ang taas mo pang high school.”
“Pa,naman eh!!”
“Biro lang,ito baon mo. Mauna ka na.”
Tinanggap ko ang baon ko at nagpaalam na kay Papa at nagsimula ng maglakad.
May mga nakakasabay ako na mga estudyante din,pero pag malapit na sila sa kanto lumiliko sila sa kabila,eh ang alam ko mas malayo ang lalakarin nila dun.
Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang paglalakad. Hay! sana mababait ang mga kaklase ko! Baka kasi apihin ako pag nalamang galing ako sa probinsiya.
Pagdating ko sa kanto ay kinabahan ako,lumingon ako sa paligid,mukha namang normal ah?
“Psst! pssst!!” waahhh! ayan na! nagderetso lang ako sa paglalakad,parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko.
“Waaaaaahhhh!!!! PAPAAA!!!” sigaw ko ng may humawak sa kamay ko at pinigilan ako sa paglalakad.
“Tsss! hoy huwag kang umiyak! pahinging bente!!” anito.
Nilingon ko ito at nanlaki ang mga mata ko. Bente? anong gagawin niya dun? ang tangkad naman niya at ang gwapo.
“W-wala po akong bente! naglalakad lang nga po ako eh!” sabi kong ganyan.
“Hindi ka magbibigay? Bubugbugin kita gaya ng mga una kong nabugbog!!” aniya. Kahit takot ako ay napansin kong pareho kami ng uniform,tas may hikaw siya sa kanang tainga at ang buhok niya ay disconnected undercut.
“Naku! huwag po?!”
Ngumisi siya at natakot ako lalo. Ngayon alam ko na kung bakit umiiwas sa kanto na ito ang mga ka edad ko,dahil sa kanya.
“Edi… rereypin na lang kita.” aniya at mas lumapit.
Nanlaki ang mga mata ko at sunod sunod akong napalunok ng laway ko.
“Bastos!” sigaw ko at inapakan ang isa niyang paa saka tumakbo.
“Hoy! patay ka sa aking bubwit ka!!!” sigaw nito kaya lalo akong natakot at binilisan ang pagtakbo.
“waaahhhhh!” hindi ko napansin ang kanal,nalusot ang isa kong paa.
Pagdating sa school ay agad akong nagtanong sa guard kung saan may gripo. Nakakahiya! ang baho at pinagtitinginan ako ng lahat.
Kasalanan to ng lalaking yun! ang bastos sa kanto.
BSK wan :3
Nahirapan pa akong hanapin ang room,block section kasi ang pinili ko. Pinagtitinginan ako,bakit hindi? sa kabila may sapatos sa kabila wala,bitbit ko kasi basa.
Pagpasok sa room ay naupo agad ako sa unang bakanteng upuan na nakita ko. Kasunod nun ay pumasok ang prof,lalaki at mukhang suplado.
“Sorry,Im late!” sabi ng boses sa pintuan. Nanlaki ang mga mata ko at nagtago agad ako sa ilalim ng upuan. Hala,Patay! blockmate ko yung bastos sa kanto.
“Youre just in time!” dinig kong sabi nung prof. “Anong problema diyan? sino yang nasa ilalim ng upuan?”
“Yung new student po.” sagot nh isa.
Patay! tatakbo na ba ako? o kunwari wala akong narinig? waaahhh! anong gagawin ko?
“Excuse me? Anong ginagawa mo diyan?!” sabi nung Prof. Hala talaga! anong gagawin ko?
“Hinahanap ko po ang ballpen ko sir!” sagot ko,pinagpapawisan na ako ng malamig.
Tumunog ang upuan sa tabi ko at may umupo. Nag angat ako ng tingin,napanganga ako! yumuko ulit ako at nagdasal.
“Nata-tae ata to’ eh!” sabi niya at tumawa lahat. Gago to ah? taehan ko mukha niya eh!
“Wine,itayo mo na yan,kailangan pa niyang magpakilala dito sa harapan.”
“Hoy! hindi ko makakalimutan ang ginawa mo–”
“Yes sir! magpapakilala na ako!” agad akong tumayo at naglakad papunta sa unahan. “I-Im Keiy Andrada at galing ako sa probinsiya. Yun lang.”
“You may take your seat.”
“P-po?” ayoko umupo sa tabi niya! papatayin niya ako panigurado.
“Mister Andrada,maupo ka na sa tabi ni Wine at magsisimula na ako sa pag discuss.”
Huminga ako ng malalim at naglakad na papunta sa upuan ko.
“Aray!!” napaluhod ako,ang sakit ng tuhod ko! pinatid ako ng bastos na si Wine!
“Mister Andrada!”
“Sorry po sir!” dahan dahan akong umupo sa upuan,ni hindi ko nilingon ang katabi ko,papatayin talaga ako ng isang ito.
“Mapapatawad lang kita kung magbibigay ka ng pera.” bulong niya kahit sa harapan siya nakatingin.
Nadismaya ako,sayang yung kagwapuhan niya. Ganon ba siya kahirap para manghingi na lang? pwede namang mangutang pero huwag niyang daanin sa dahas.
“Hindi kita bibigyan,mali ka ng pamamaraan.” bulong ko din.
“Aba’t”
“Aray!!” inapakan niya paa ko! ang sama sama niya!
“Ano na naman yan Mister Andrada?”
“Wala po,sorry po ulit.” waaah! bukas lilipat na ako ng upuan!
“Get one half sheet of paper” dinig ko pa ang pag ngisi ng bastos kong katabi.
Tiningnan ko ang pangalan niya.
Wine Andrew P. Salcedo
Agad na din akong bumaling sa papel ko at nagsulat. Bigla tuloy ako napa isip kung anong buhay meron ang isang ito at bakit siya ganito? Galit ba siya sa mundo? sa mga gaya ko? hala?! hindi naman ako magaslaw.
Sa bawat tanong ng Prof ay may nasasagot siya sa papel niya,ako nganga! hindi kasi ako makapakinig kanina dahil nag aabang ako kung may kabulastugan siyang gagawin sa akin.
Pagkatapos ng prof naming iyon ay hindi na ako pinansin ni Wine,mabuti at nakahinga na ako ng maluwag. Nung uwian na ay nagmamadali na ako,kasi ba naman tiningnan na naman niya ako ng masama,at alam kong magsisimula na naman siya.
Lakad takbo ang ginawa ko hanggang nakarating akl ng bahay,hingal na hingal ako! Binuksan ko na ang gate,pumasok ba ako at dumiretso sa loob ng bahay para lang matakot sa aking nakita.
“TINY!” hala?! ang alaga naming bayawak na si Tiny nakatihaya at hindi kumikilos. “Anong nangyari? anong kinain mo?!”
Binuka ko ang bibig nito,may nakabarang bolang maliit sa lalamunan niya kaya kinuha ko agad,pumilig pilig pa si Tiny ng makahinga ng maayos saka dahan dahang naglakad papunta sa kusina.
Kasing taas ko si Tiny kung magkatabi kaming nakahiga,rqre siya na uri ng bayawak at ang bilis niyang lumaki,sisiw o kaya ay fried chicken ang pinapakain namin sa kanya. Siguro tatlong taon na siya sa amin,kahit sa probinsiya pagala gala lang siya sa loob ng bahay,at ngayon nga ewan kung saan niya nakuha ang bola na iyon.
“Keiy,anak. gagabihin daw Papa mo,na promote siya at isa na siya sa mga stock holder sa kumpanya nila.” biglang sulpot ni Manang na buong buhay na niyang nagsisilbi sa amin.
“Ganon po ba? Tayong dalawa na lang ang sabay kumain.” naka ngiti kong sabi.
“Teka,bakit isa lang sapatos mo?”
Napatingin ako sa aking mga paa,hala? Oo nga no? kaya pala pakiramdam ko may kaka iba,naiwan sa room ang isa kong sapatos.
Maaga pa,pwede pa akong bumalil sa school.
“Manang,babalik lang ako sa school,kukuhanin ko yung sapatos.! agad din akong lumabas ng baay at nag diretso ng lakad,pagdating sa kanto ay napatigil ako.
Si Wine,nakatayo at parang may inaabangan.
Hala?! Ako ba yon?!
BSK tuu :3
Lumunok ako at huminga ng malalim. Kaya ko ito! pero nakaka ilang hakbang pa lang ako ay umalis na si Wine,sino kayang inaabangan niya?
Pagdating sa kanto ay may mga tambay,hindi ko man gustong marinig ang pinag uusapan nila ay narinig ko,ang lalakas kaya ng boses nila!
“Pwede na tayo ulit tayong tumambay dito.”
“Oo nga,akalain mo yon? ang tagal din na madaming umiiwas na estudyante dito dahil kay Balok!” sabi pa ng isa,parang slow motion ang lakad ko tuloy.
“Si Wangwang lang pala kataat niya,ang lupit ng batang iyon,ano kaya ginawa niya kay balok at lumayas na dito?”
Pff! Wangwang? ano ba namang pangalan yon? so,hindi si Wine ang kinakatakutan dito. Lokong yun! humanda siya sa akin! pinagtripan niya ako!
Nilampasan ko na sila at dali dali na akong pumunta ng school,buti pinapasok pa ako ng guard,at matiwasay kong nakuha ang naiwanan kong sapatos.
Kinabukasan ay nagulat pa ako pagpasok ko sa room,naglapitan agad ang karamihan.
“Keiy,gaano kalawak ang hacienda niyo?” sabi ng isa.
“Huh? hindi ko alam,pero sobrang malawak.” nagtataka kong sagot.
“Ang yaman mo! edi nabibili mo lahat ng gusto mo?”
“Hindi naman,wala akong hilig.” sabi ko,sakto dumating si Wine kaya nagsi alisan sila. Takot sila sa walangyang ito?
Tahimik lang ako ng naupo siya sa tabi ko,kahit ako ay hindi niya pinansin,pa suplado pa? bigwasan ko siya!
“Wine! may sagot ka na sa assignments?” sabi ng kaklase kong babae.
“Oo,ikaw ba?”
“Wala pa,paturo naman.”
“Sige.”
Wow,mapagkawang gawa! hanggang sa ang dami ng lumapit at nagpaturo. Matalino pala siya,hindi halata sa image niya.
Dumating na ang prof at umayos na ang lahat,ito lang ang tanging pagkakataon ko na maka usap siya,dinumog kasi siya kanina eh.
“Alam ko na sikreto mo! hindi talaga ikaw yung kinakatakutan sa kanto,pinagtripan mo ako! bastos ka,bastos sa kanto.” bulong kong ganyan.
Nilingon niya ako at bigla siyang tumawa,anong nakakatawa sa sinabi ko?
“Wine Salcedo,bakit ka tumatawa?” puna ng prof.
“Sir,pinapatawa po kasi ako ng unanong katabi ko!” sabi nito at napahawak pa sa tiyan habang galak na galak
Unano? tinawag niya akonh unano?
“Bastos ka!” todo lakas kong inapakan ang kaliwa niyanh paa.
“Araaaayyyy!!” napasigaw siya at napangisi ako.
“Andrada! Salcedo! you two! get out! Ill see you tomorrow morning sa disciplines office!!” namumulang sabi ni Prof,kinuha ko ang bag ko at padabog akong lumabas ng room. Nawalan na ako ng gana,uuwi na lang ako at makikipag laro kay Tiny.
Nakalabas na ako ng campus,pag umuwi ako magtataka si Manang at magtatanong ng rason,ayokong malaman ni Papa.
“Ang liit mo pero ang bigat ng paa mo?” ang buwisit! at talagang sumunod pa?!
“Tse!” dire diretso ako ng lakad,sa gilid ako dumaan,hanggang sa. “Araaayy!”
“Wahahahahaha!” kainis! nahulog ako sa bukas na kanal! dito din nalusot isa kong paa kahapon eh!
“Sige! Tawa pa!” maiyak iyak na ako,sobrang baho ko,kahif sarili kong ilong nag breakdown!
“Tulungan kita gusto mo?” nang iinis na sabi ni Wine sa likuran ko.
“Paano na ito,hindi ako pwedeng umuwi?” wala sa sarili kong sabi.
“Sa amin pwede ka maligo at magbihis,pero sa isang kundisyon.”
Kakagatin ko na ito,wala na akong pagpipilian.
“Ano? ibibigay mo lahat ng gusto ko.” nakangisi niyang sabi. Napalunok ako.
“Huh? parang sugar mommy? mamasang? matrona? ganon?!”
“Oo. Pero hindi tayo magpapansinan,huwag mo akong papansinin. Hintayin mong ako pumansin sayo.”
“O sige,bahala ka na,payag na ako.”
“Sumunod ka sa akin.” aniya,hanggang nakarating kami sa kanto,may eskinita pala sa gilid,pumasok kami dun at narating namin ang sa kanila.
“Dito ka nakatira?” pinaghalong kahoy at semento ang bahay,tipikal na bahay ng mga normal na mamamayan.
“Oo,tara sa loob,nangangalingasaw kana.”
Pumasok kami sa loob,nahiya na ako lalo na ng may sumalubong sa amin.
“Oh,Wang bakit ka umuwi? teka bakit ang baho?” sabi nito,mukhang siya mama ni Wine.
Wang? siya yung Wang?
“Ma,blockmate ko si Keiy. Nalusot siya sa kanal at inalok ko na dito na lang maligo.”
“Magandang araw po at pasensiya na.”
“Naku ija,bakit naman kasi nahulog ka sa kanal. Nandiyan sa kaliwa ang banyo.”
Ija? napagkamalan pa akong babae.
Agad ko ng tinungo ang banyo,ngayon ang problema ko ay ang susuotin ko.
“Dalian mo diyan.” katok ni Wine.
“Oo!”
Habang naliligo ay iniisip ko ang kundisyon niya,hindi kaya lugi ako? ganon ba talaga siya?
BSK trii :3
Im so thankful na nakaligo na ako,the problem is ang laki ng damit! Jersey pa ata ’to ni Wine eh.
“Salamat po sa inyo?!” ani ko sa mama ni Wine,nandun kasi siya sa kwarto niya. Ilang oras na din ang lumipas at malapit na ang uwian,nawili ako sa mga kwento ng mama ni Wine.
“Nako,basta sa susunod na punta mo dito,hindi ka na dapat amoy kanal.” anito na ikinatawa namin.
“Ewan ko lang po kung makakabalik pa ako.” nakangiti kong sagot. “Hala,uwian na! Uuwi na po ako,salamat ulit!”
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko at yung plastic bag kung saan nakalagay ang damit ko.
“Wang! lumabas ka na diyan at ihatid si Keiy sa kanila! kanina ka pa diyan sa kwarto mo! uupakan na kita!”
“Nako! hindi na po kailangan!”
“Hindi,dapat ihatid ka niya!”
“Tara na?” Bagong gising ang gago,natulog pala kaya nagkulong sa kwarto niya.
Muli ay nagpasalamat ako ng taos puso kay Tita,mamaya na ako magpapasalamat kay Wine.
Habang naglalakad ay tahimik kami.
“Ibabalik ko sayo bukas tong mga damit mo,papalabhan ko mamaya.” ani ko.
“Kahit huwag na,baka may germs pa yan pag binalik mo.” aniya,walangya! germs talaga?
“Ang yabang mo.” inis kong sabi,nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod lang siya. Tumigil kami sa tapat ng bahay.
“Dito ka nakatira?” ang mangha niyang sabi.
“Oo,pero apat lang kaming nakatira diyan,lahat ay nasa probinsiya sila nag a-asikaso ng mga lupain namin dun.” ang sagot ko.
“Mayaman ka pala talaga.”
“Hindi ko din naman ramdam,tara sa loob,sakto hapunan na nakapag luto na si Manang.” ani ko at binuksan na ang gate.
“Ano,uhm. Huwag na lang.”
“Ano ka ba? pasasalamat ko ito,at saka huling araw ito na mabait tayo sa isa’t isa. Diba magka away tayo at may kondisyon ka? so tara na.”
Hinila ko na siya papasok sa bahay,palingon lingon siya sa paligid kaya dinala ko muna siya sa living room,binuksan ko ang Tv para hindi siya maboring.
“Diyan ka muna saglit! pupuntahan ko lang si Manang.”
Pagdating ko sa kusina ay mukhang kakatapos lang magluto ni Manang ng adobong manok,paborito ko.
“Oh,ihahanda ko na ito sa komedor at kakain na tayo.” ani Manang.
“Tatlo po tayong kakain Manang,may bisita ako.”
“Ganon ba,hintayin niyo ako sa komedor.”
“Sige po––”
“Aaaaahhhhhh! putang ina!! ano ’to?” sigaw ni Wine. Bigla akong nataranta at bumalik sa living room.
Hala? si Tiny! nakapatong sa lap ni Wine!
“Hala,Tiny!” sabi ko at lumapit.
“Tiny? eh ang laking bayawak niyan? Alisin mo please?!” namumutlanh sabi ni Wine kaya napangisi ako.
“Ikaw naman,nakikipag kaibigan lang si Tiny eh!” kinuha ko si Tiny at nilapag sa sahig,dahan dahan itong naglakad papunta sa hagdanan.
“Tang ina! marunong pa yun makipag kaibigan?” gulat pa rin niyang sabi.
“Oo naman noh? tara na sa dining area.” sagot at yaya ko sa kanya.
“Anak,iba pala damit mo?” ani Manang sa gitna ng aming pag kain.
“Opo,nalusot ako sa kanal eh,kina Wine na ako nakiligo.” nahihiya kong sagot. Nilingon ko si Wine,tahimik lang siyang kumakain.
“Yang si Tiny,ang daming naiipon na gamit,galing sa kapitbahay!“ani Manang na ikinalaki ng mga mata ko.
“Nangangapit bahay siya?”
“Hindi,yung bata sa kabilang bahay kung anu-ano hinahagis mula sa kwarto niya,lahat kinukuha ni Tiny!” sabi ni Manang,kaya pala may nakain siyang bolang maliit!
Matapos ay hinatid ko sa labas si Wine,nagpasalamat ako bago siya umalis ng walang imik.
Kinabukasan ay masaya akong pumasok,nakapag pasya ako na lahat ng papansin sa akin ay papansinin ko din para naman hindi ako loner.
Pagdating pa lang sa room ay pinapalibutan na si Wine ng mga gusto magpaturo,ako din gusto ko magpaturo dahil meron akong hindi naintindihan kahapon. Nang makita nila ako ay umayos sila ngunit hindi umalis,ngumiti ako at naupo na.
“Ito Wine,hindi ko talaga maintindihan.” sabi ng isa at pinakita ang notebook.
“Madali lang naman ’to ah?” ani Wine at nagpaliwanag.
Kinuha ko din ang notebook ko. “Wine,ako din.”
Tinitigan niya ako at ang notebook.
“Hindi ko alam yan.” sabi niya.
Napanganga ako at napahiya. Paanong hindi niya alam? pare parehas lang naman kaming lahat ng pinag a-aralan?
Huminga ako ng malalim at binalik ang atensyon sa aking notebook. Bakit ganon? kahapon ayos pa naman ah? Sa bagay,may kondisyon siya,hindi ko na lang talaga siya papansinin kung hindi siya mamamansin.
Nung nagbreak na ay may dalawang lumapit sa akin,si Ploy na half thai at napaka ganda,at ang beki na si Oli.
“Sabay ka na sa amin?” ani Ploy.
“Huwag mong intindihin yang si Wine,isa siyang malaking kutong lupa” dagdag ni Oli.
“Hala grabe!”
“That’s the truth,so ano sasama ka?” Nakangiti pa si Ploy,kaya napatango na ako at sumama sa kanila.
Madaming tao sa canteen,nakita ko si Wine,may sarili siyang set of friends.
“Gusto mo ba si Wine? you keep looking at him.” ani Ploy nung nakapila na kami para bumili.
“Oo nga! abnormal yan,wala kang mapapala.” dagdag ni Oli.
“Hindi. Nagtataka lang ako,ang bilis niya magbago.” sagot ko.
“Yeah,una magka away kayo,anong nagbago?”
“Wala,huwag na natin pag usapan.”
Nang nagsimula na kaming kumain ay nag enjoy ako sa kadaldalan ng dalawa.
“Mag ingat ka Keiy,ikaw ang pinaka mayaman dito,maraming lalapit para makipag kaibigan.” sabi ni Oli.
“Spare us,may kaya din naman kami.” dagdag ni Ploy. “Maraming manggagamit,lalo na at alam nilang galing kang probinsiya,iisipin nilanh inosente ka at madaling ma uto.”
Napatingin na naman ako kay Wine,ganon ba siya? isa ba siya sa tinutukoy ni Ploy? Bakit ba ako nag iisip ng ganito,kung ano man ang hingiin ni Wine,ibibigay ko at iisiping pagtanaw ko yun ng utang na loob nung nagmalasakit siya.
BSK por :3
Isang araw,napag desisyunan kong isauli na ang mga damit na pinahiram ni Wine. At saka isa pa,parang may kung ano sa loob ko na mas gusto pa siyang kilalanin. Ayaw kong maniwala na ganon siya kahit harap harapan siyang nag demand sa akin,kasi wala pa naman siyang hinihingi.
It was sunday,nakalagay sa paper bag ang mga damit,nadaanan ko si Papa sa veranda na nagbabasa ng news. Masaya ako na napromote si Papa,idagdag pa na binalitaan kami na umaayos na at bumabangon na ang aming lupain at hacienda sa tulong ni Tito na kapatid ni Papa.
“Oh,Keiy? san ka pupunta? how was school anak?” ani Papa ng napuna ako.
“Masaya naman at maayos sa school Pa,nagustuhan ko. Yup lalabas ako saglit,ibabalik ko lang to sa kaklase ko. And by the way,congrats Pa!” ani ko ng lumapit.
“Salamat anak,pagka graduate mo babalik tayo sa hacienda.” ani Papa at may kinuha sa bulsa. “Binigyan ako ng company ng phone,its necessary. Ikaw din,you should buy kung anong meron mga kaklase mo dapat meron ka.”
Tiningnan ko ang phone,tulad ito ng sa mga kaklase ko. Naengganyo ako,pero ano ang bibilhin ko at saan?
“Para din may communication tayo.” dagdag ni Papa at nag abot ng pera. Napanguso ako,saan ako bibili?
“Salamat po,Pa!” niyakap ko siya at ginulo niya ang buhok ko saka ako nagpaalam.
Paglabas ko ay nakita ko sa labas si Tiny,nag sa-sun bathing! buti hindi siya marunong mag bukas ng gate!
Naglakad na ako papunta kina Wine,ganon parin naman ang lugar nila. Pagdating ko sa kanila ay naabutan ko ang mama ni Wine na naglalaba sa tapat ng bahay nila.
“Magandang araw po! nandiyan po ba si Wine?” nakangiti kong bati,ngumiti din ito at sumagot
“Ganon din sayo,Keiy. Nako,baka nagbabasketball pa yun.”
“Ganon po ba? ibabalik ko lang po itong mga damit niya.”
“Ganon ba? ilapag mo lang diyan sa gilid. Nako pasensya ka na,busy ako sa paglalaba.”
“Ayos lang po,pero may tanong po ako. Saan po ba may malapit na Mall? bibili po akong cellphone eh.”
“Wala din akong alam.” tumingin siya sa likuran ko. “O? nandiyan na pala su Wang!”
“Anong ginagawa mo dito?” masungit na sabi ni Air.
“Umayos ka Wang! sasabuyan kita ng chlorine! sinauli lang niya ang damit mo. At saka,pwede samahan mo siya sa mall? bibili daw siya ng cellphone.” direderetsong sabi ng Mama niya. Tiningnan ako ni Wine ng masama kaya napalunok ako.
Medyo pawisan pa siya pero ang bangi ng natural niyang amoy.
“May gagawin pa ako,Ma!”
“Okay lang po,tita. Mauna na ako. Salamat.” umalis na ako ngunit narinig ko pa ang sinabi ng mama ni Wine.
“Wala kang ginagawa kundi magpalaki ng itlog! kawawa naman si Keiy,baka maligaw yun! alam mong galing yon ng probinsiya eh!”
Magta-taxi na lang siguro ako at magpapahatid sa pinaka malapit na mall. Pero kanina pa ako dito sa kaka intay ay walang taxi na dumadaan.
“Hindi dumadaan ang mga taxi dito. Maglalakad pa papunta sa sakayan.”
Napalingon ako sa nagsalita,si Wine bagong ligo at naka porma pa.
“Ganon ba? saan ba ang sakayan?”
“Sasamahan na lang kita kung hindi abala sayo.” anito at ngumuso.
“Talaga? sige! tara na!”
Naglakad pa kami ni Wine hanggang sa sakayan ng taxi,sa wakas nakasakay din kami. Panay ang tingin ko sa labas,nakaka panibago lang sa aking paningin.
Pagdating sa mall ay hindi ko alam kung saan pupunta.
“Uhm,Wine. Saan bilihan ng phone?” nahihiya kong tanong dito dahil hanggang ngayon ay pokerface pa din siya.
“Kung original,dun tayo sa apple store para sa iphone,meron din naman mga android phones. Samsung,LG,Huawei.” sumagot siya ng hindi ako tinitingnan.
“Sige,sa apple tayo.” pagdating doon ay kinulang ang cash ko kaya ang card ko ang ginamit ko. Its worth it,maganda ang cellphone,iphone6 at nagustuhan ko agad.
“Hindi ka ba nanghihinayang sa pera? sobrang mahal niyan!” Ani Wine.
“Huh? si Papa naman ang may gusto nito eh. Uhm,Wine bili din tayo ng Tablet?”
“Tsss..” Samsung na tablet ang binili ko. Ang problema na lang ay internet,magpapakabit na lang siguro kami sa bahay.
“Okay na siguro ito.” sabi ko,wala lang,masaya ako. Atleast kahit paano in na ako.
“Pwede ng umuwi?” aniya. Hay! pwede naman kasing kalimutan ang deal at maging magkaibigan na lang kami,ang tigas lang talaga niya.
“Kain muna tayo,Wine!” sabi ko at tumingin sa paligid. “Teka,may cellphone ka ba?”
“Bakit? bibilhan mo ako?!”
Napanguso ako. “Kung gusto mo,diba yun yung kondisyon mo?”
Matagal niya akong tinitigan,hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong nanginig.
“Huwag na,kumain na lang tayo.” sa gulat ko ay hinila niya ako hanggang makarating kami sa Jollibee. Ako na ang umorder,gusto ko parehas kaming mabusog.
Nagsisimula na ang tahimik na pag kain namin ng may magsalita.
“Pwedeng maki share?” dalawang bakla at ang ganda nila.
“Sure.” sagot ko,dito kasi kami sa mahabang lamesa pumwesto ni Wine.
“Thanks.!” ngumiti sila at umupo.
“Mabuti at naisipan niyong pumunta dito sa manila after nung trahedya.” sabi nung isa.
“Gusto kasi ni Air na makalimot kami.”
Nacurious tuloy ako bigla sa pinag uusapan nila.
“Ganda mo talaga Koiji!”
“Mas maganda ka Kiji!” nag apir ang dalawa at tumawa. Napatingin ako kay Wine na napapa iling na lang habang kumakain.
“Eto na! Makaka kain na tayo!” may dumating na dalawang lalaki,at hala! ang gugwapo nila! dun ko napagtanto na couples ang mga ito.
“Wine..ano,uhm.” gusto kong sabihin kay Wine na bilisan kumain.
“Excuse me?” Napatingin kami pareho ni Wine. “Couples kayo? Im Kiji,this is my everything,Chance.” ngumiti yung lalaki.
“Ha? hindi kami couple,classmates kami. Uhm,ako naman si Keiy,at siya si Wine,busy siya.”
“Ako naman si Koiji,ito labs ko si Air.”
Kiji,Koiji,Chance at Air. Nakaka baliw mga pangalan nila.
“Hindi kayo couple? pero bagay kayo” sabi ni Air.
“Sa ganyan nagsisimula ang lahat.” dagdag nung Chance.
“ha?hala! mali kayo ng naiisip! nakilala ko lang siya dati sa kanto,bastos sa kanto yan eh! classmate pala kami.” HALA? ano bang sinasabi ko?
“Bastos sa kanto?” Sabi ng apat,nagkatinginan pa at nagsi ngitian.
“Ang totoo niyan,busog na ako. Sabay pa ba tayo o iiwanan na kita dito?” biglang sabi ni Wine at tumayo.
Bigla akong nataranta,hala! hindi ako makaka uwi mag isa.
“Salamat sa inyo ha?” nakangiti kong sabi sakanila.
“Facebook mo Keiy?”
“Keiy Andrada,gagawa pa lang ako. SALAMAT ulit.” Lumabas na ako at hinanap si Wine,wala na siya.
Nainis siguro,maka uwi na nga.
To the new readers and those who have not yet been informed,
Unfortunately, ang may akda po ng kwentong ito (at iba pang mga kwentong tiyak kinagiliwan at kagigiliwan ninyo, para roon sa mga hindi pa nakakabasa ) ay sumakabilang-buhay na noong April 28, 2016. Sa kasamaang palad, ang istoryang ito ay hanggang dito po na lamang. In behalf of the late Yortzekai, maraming-maraming salamat po sa inyong pagtangkilik at patuloy na pagtangkilik sa kanyang mga likha.
God Rest his soul.

