loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ang Crush kong Adik! (boyxboy)

Ang Crush kong Adik! (boyxboy)

YorTzekai · 3 chapters · 3,556 words

Intro ~

Naranasan mo na ba magkaroon ng ultimate crush? Yung tipong kilig na kilig ka pag nakikita mo sya,pag napatingin sya ng hindi sadya sayo ay halos maihi ka na? Yun bang sya na lang lagi laman ng utak mo? Pero ang problema,hindi ka nya kilala. Kaso mas may matindi pa pala dun,ang ultimate crush mong sobrang gwapo ay adik pala,hindi lang yon nagpapabayad din sa mga bakla at matrona,ang pinaka matindi,nag e-escort sya sa mga mayayamang tao,lalaki man o babae. So I came up with a plan,ang maging malapit sa kanya at pagbaguhin sya. Ako si Emrys at ito ang aking kwento.

Adik wan :]

Tanghaling tapat at bibili na ako ng lutong kanin at ulam. Mag isa na lang kasi ako sa buhay,at nakatira ako dito sa isang napaka gulong lugar,pwedeng skwater,pwede ding hindi.

Sinadya kong dumaan sa harapan ng bahay ng crush ko,mula ng lumipat ako sa lugar na ito three years ago ay naging crush ko na ang crush ko.

Pagdaan ko ay naliligo sa labas si crush,pasimple ko syang tiningnan at dumiretso ako sa tindahan ng ulam na dalawang bahay lang ang pagitan sa bahay ni crush.

Tang ina! Ang gwapo gwapo talaga nya! Hindi malaki ang katawan nya pero proportion at may four pack abs naman,may mga tatoo din sya pero bumagay sa kutis nya. May hikaw sa magkabilang tenga,may hikaw sa kanang kilay at sa dila.

Pinanood ko syang magbuhos ng tubig,maghilod at mag sabon. Na excite ako ng sabunin nya na ang dako paroon,bumaba ng kaunti ang boxers nya kaya nakita ko ang kalahati at ang mga buhok.

Napakagat labi ako at pinigilang tumulo ang laway. Ang gwapo nya at ang sarap siguro! Wala syang pakialam kung may nakakakita sa kanya,normal na ang sa labas sya maligo dahil maliit daw ang cr ng bahay nito.

“Oy! Bibili ka ba o tititigan mo na lang ang adik na yon?” sita sa akin ng tindera.

“Maka adik naman kayo Manang. Gwapo naman sya ah?” ang pagtatanggol ko sa ultimate crush ko.

“Naku! Hindi ko maintindihan kung bakit may nagkakagusto pa din sa adik na yon? Ang lakas na mag droga,nakakahila pa ng mga matrona at bading. Ikaw,mag ingat ka dyan,mang gagagmit yan,yung mga binabayad sa kanya pinang a-adik lang nun!” mahaba nitong sabi. Napalingon ako kay crush.

Napalunok ako dahil nakatapis na sya at parang nanunukso ang bukol na yon sa gitna nya. Napatingin ito sa akin,kumalabog ang dibdib ko at agad akong nag iwas ng tingin.

“Totoo ba yun Manang?” ang sabi ko. Kahit ano pa man ang marinig ko,crush ko pa din talaga sya,period no erase!

“Oo naman. Ang lakas manghuthot nyan sa mga bading. Lalo na sa mga pangit na bading!” anito,napahawak ako sa mukha ko,pangit ba ako? “Tas may mga matrona din,ewan ko ba kung bakit ginagastusan nila yang taong yan!”

Hindi na ako sumagot at bumili na lang ng kanin at ulam. Para sa akin,hindi porket ganon ang isang tao o may nagawang mali ay huhusgahan at kokondenahin na agad natin ang pagkatao nito,dahil sa umpisa pa lang,wala na tayong karapatang manghusga.

Pagdaan ko sa bahay ni Crush ay may mga kumatok na mga lalaki,mga gagamit siguro ng droga. Bumuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa bahay.

Masasabi kong magkasing laki kami ng bahay ni Crush,ako nangungupahan,yun naman kanya talaga. Malaki itong lugar namin,sitio ng isang barangay kumbaga,madaming nakatira kaya nagmumukha talagang skwater,ang dami pang eskinita na pwedeng lusutan.

Nag iisa lang akong anak,taga cebu talaga ako,dito ako sa manila nag college,gagraduate na sana ako ng mabalitaan kong nasunog ang bahay namin sa cebu kasama ang mga magulang ko,gusto ko nung umuwi,pero wala na akong pera nun dahil nagastos ko na para sa handaan.

Isang taon din bago ako naka move on,nahirapan ako matanggap sa trabaho dahil pumayat ako sa sobrang stress kakaisip sa mga namatay kong magulang. Pero ng makauwi ako ng cebu at nadalaw ko ang mga puntod nila gumaan na ang loob ko,bumalik ako ng manila at naghanap nga ng bagong matitirahan.

Si crush ang napagtanungan ko nun,sya din ang nagturo kung saan may paupahan. Mula nun naging ultimate crush ko na sya. Sya na ang nagiging rason ko para magpatuloy sa buhay bukod sa mga yumao kong magulang.

Natanggap ako sa trabaho ko sa isang fastfood,hotel and restaurant management kasi ang course ko noon,sa restaurant ko sana gusto mag apply pero mahirap,laging walang vacant.

Ang masaklap lang ay hindi pa din ako kilala ni crush! Ang dami naman kasing tao at bakla sa lugar na ito eh. Kaya kontento na lang ako na tingnan sya ng palihim,mga ganon ba hihi.

Matapos ko magtanghalian ay naligo na ako. Rest day ko ngayon at maghahanap ako ng pwedeng magawa o mapuntahan. Sa two years ko sa lugar na ito,wala pa akong mga tropa,pero may mga kakilala naman,yung nakakausap minsan,nakakatanguan at nakakangitian pag nakakasalubong.

Tinotropa ako ng mga kapwa ko beki pero ayaw ko. Hindi naman sa maarte ako,pero kasi tumatambay at rumarampa sila sa gabi at hindi naman ako ganung bakla,maayos akong pinalaki nina Mama at Papa.

Twenty na ako pero sa maniwala kayo o hindi,wala pa akong karanasan sa sex. Medyo malibog lang ako kasi wala nga akong karanasan,at kinahiligan ko ng pagpantasyahan si crush. Madami na din naman akong napanood na m2m videos kaya may idea na ako,yun nga lang hindi ko pa ma apply ang mga natutunan ko,takot pa ako kumbaga.

Umalis na ako ng bahay at nagpunta sa pinaka malapit na mall,mag window shopping lang,tingin tingin kung may magustuhan ay pag iipunan para mabili.

Busy ako sa pagtingin ng mga phones ng may marinig akong pamilyar na boses na pumasok sa shop. Paglingon ko ay si crush pala,at may kasamang lalaki na medyo nasa 40’s na pero gwapo pa din.

Hindi ako nagpahalata na nakita ko sila lalo na ng tumabi sila sa akin at tumingin din ng phones ang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na at nadidinig ko ang bulungan nila.

“Anong gusto mo? iphone6?” sabi nung matandang lalaki.

Huh? Bakit nagtatanong yung lalaki?

“Ikaw,kung kaya ng budget mo? Tutal last na naman ito kaya ikaw na ang bahala.” ani crush at tumingin din sa mga phone.

“Kung hindi lang ako pinapapunta ng pamilya ko sa States gugustuhin ko pang lagi kang makasama.” ani pa ng matanda.

“Asawa’t anak mo mga yon kaya wala kang magagawa,isa pa,tinodo ko na ang ginawa natin kagabi,at nagpromise ka nga.”

“Ang sarap mo kasi eh! Ikaw lang ang lalaking pinatulan ko,sayo lang ako nabading. Sarap mong umararo.”

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ako sa narinig ko. Akala ko matrona at bading lang ang pinapatulan ni crush? Pati pala mga kapwa lalaki?

“Huwag kang maingay. Libre na lang ang gagawin natin mamaya para hindi ka malungkot.” at tumungo sila sa kabilang stall.

Ano ba naman tong si crush? Pero ayos lang yan,hindi ako ma a-ano sa mga nalaman ko. Crush ko pa din sya.

“Nakapili na po ba kayo?” pagpukaw sa akin ng crew.

“Uhm,tumitingin tingin lang muna miss,pag iipunan ko pa.” ani ko. Nakita kong lumabas si crush at yung matandang lalaki,hindi sila bumili,bagkos ay pumasok sila sa store ng Apple.

Hay,dun na yata sila bibili ng iphone 6,original naman kasi dun. Nako,kung mayaman lang ako lahat ng gusto ni crush ay ibibigay ko. Kaso mahirap ako at wala akong panahong gumastos sa lalaki,its just a waste of money.

Pag uwi ko ay nanonood lang ako ng Tv,alas siete na ng tumayo ako at magpasyang bumili na lang ulit ng kanin at ulam na luto na. Pagdaan ko sa bahay ni crush ay may mga kausap itong lalaki at lantad pa ang pag abot ng droga kay crush,at yun pumasok na sila sa loob.

Matapos kong kumain ay nanood ulit ako ng Tv,alas dies na ng gabi ng maisipan kong mag internet,madalaw man lang ang mga social networking accounts ko,baka nilulumot na ang mga iyon,may internet ang phone ko pero kailangan ko pang magload para magamit.

Pagdating sa computer shop ay walang tao,iisa lang at nasa dulo pa. Tinitigan ko itong mabuti,si crush pala! May internet ang iphone bakit hindi sya dun mag internet?

Bawat computer ay may mga harang kaya maganda dahil hindi masisilip ang sini-surf mo at madilim pa.

“Half hour lang po.” ani ko sa counter. Bakit ganito ang counter? Hindi nakaharap sa mga costumer?

“Number fourteen po.” at nagbayad na ako. Kinakabahan ako habang naglalakad palapit. At ng makalapit ay nakita kong straight porn ang pinapanood ni crush.

Naupo na ako sa tabi nya at hindi man lang nya ako nilingon. Nag facebook na ako at youtube. Hindi lang ako makapag concentrate kasi hinihimas na nya ang gitna nya. Nagkunwari akong nakatutok sa screen ang mga mata. Maya maya ay nakita kong inilabas nya ang kanya.

Shit! Anong gagawin nya? Tae,hindi ko makita ang itsura,bakit kasi ang dilim?

Kita kong nagtaas baba na ang kamay nya. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko! Talagang dito nya ginagawa? At katabi pa nya ako! Hindi ba sya natatakot mahuli? Napaka exhibitionist pala nya!

Nang nag time sya ay nag time din ako,hindi nya tinapos ang ginagawa nya,halos sabay lang kaming tumayo at nauna syang maglakad.

Ano kaya ang ginawa nila nung matandang lalaki? Ang dami nya sigurong pera ngayon.

Paglabas ko ay nasa labas pa din sya at nagyoyosi. Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya wala akong magawa kundi tumabi sa sinisilungan nya.

“Makiki silong.” ang sabi ko. Humithit muna at bumuga bago nagsalita si crush,ni hindi man lang ako tiningnan.

“Sige.”

Nakaka frustrate na ang isang ito ah? Bakit ba hindi nya ako matandaan? Pangit ba ako para hindi nya marecognize ang mukha ko? Ugh! Kainis naman!

May dumaang bakla na naka payong. Sinipulan ito ni crush at nainis ako.

“Hi Leif! Nandyan ka pala? Makiki sukob ka ba?” sabi nung bakla,nakangiti ng sobrang tamis tas saglit akong tiningnan at agad ding ibinalik kay crush ang tingin.

“Oo sana. Pero gusto ko ding magpainit. Kahit 300 lang.”

“Naku! Pwedeng subo na lang? Yung last kasi ang tagal nawala ng pamamaga eh,ang problema lang,walang pwesto.” ang malanding sabi nung bakla,ang sarap hampasin! Landi lang teh?

“Problema ba yun? Tara.” at sumukob si crush. Napabuntong hininga ako. Kahit gaano pa sya ka adik,ka hayok sa pera,crush ko pa din sya. Pero sana,dumating ang panahon na magbago sya,hindi habang buhay ay pwede yang ginagawa nya.

Kahit malakas ang ulan ay sumugod na ako,buti hindi ko dala ang phone ko kaya okay lang mabasa.

Pagdaan ko sa eskinita ay nagulat ako. Si crush nakasandal habang sinusubo sya nung bading. Dito pala ang pwesto nila? Sabay silang napatingin sa akin kaya napa atras ako.

“S-sorry.” ani ko. Dun na lang ako sa kabila dadaan. Nakaka inis yung baklang iyon,ang swerte nya hmp!

Kaya ng makauwi ako ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Shit lang talaga. Kakaiba talaga sya!

Agad kong kinuha ang towel ko,pupunta na sana ako ng banyo ng may kumatok sa pinto. Pagbukas ko ay napanganga ako.

Naka topless sya! Anong ginagawa nya dito? Basang basa sya,ang bilis naman ata nila nung bakla? Napatingin ako sa gitna nya,bakat pa,kakatapos lang siguro.

“B-bakit?”

“Pwedeng makitago? May mga naghahanap sa akin at ayaw kong magpakita sa kanila.” aniya. Napalunok ako,sino kaya mga naghahanap sa kanya?

“Sige.” ani ko at pinapasok sya.

“Salamat.” aniya. Tumango lang ako at dumiretso sa banyo para makaligo na.

“Dito! Dito nagpunta!” dinig kong sigawan sa labas.

“Sa bahay na yan sya pumasok! Katukin nyo.”

Magbubuhos na ako ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at pumasok si crush na hubo’t hubad na.

“T-teka–”

“Sshh..” tinakpan nya ang bibig ko at yumakap mula sa likuran. “Makikibanlaw sana ako kaso narinig ko sila,saka kung papasok sila at pareho tayong nasa banyo,iisipin nilang ikaw lang ang tao.”

Nararamdaman ko ang pagkalalaki nya sa pwet ko! At para na akong hihimatayin.

Siya si Leif! Ang crush kong adik!

  • OKAY! PAGTYAGAAN NYO ANG MINSANANG UPDATE,ALAM NYO NAMAN ANG RASON KUNG BAKIT. Comment na lang po :3

Adik tri :3

Isang linggo na ang nakakalipas pero high pa din ako sa nangyari nung nakaraan. Para bang kahapon lang yun nangyari. Fresh pa rin sa alaala ko ang lahat.

Ang gwapong mukha ni Leif pag umuungol,ang katawan nyang maganda na perpekto ang pagkakalagay ng mga magagandang tattoo. Ang ari nyang malaki na may dalawang bulitas. Hindi pa din ako makapaniwala na natikman ko iyon.

At higit sa lahat,nakasama ko sya,iba ang pakiramdam. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay ramdam kong mas lumalim ang pagtingin ko sa kanya kahit pa sinabihan nya akong kalimutan ko iyon at kalimutan ko daw na nagkakilala kami.

Hmp! Ngayon ko pa ba gagawin iyon? Eh parang naaadik na ako sa kanya. Sya lang talaga ang crush kong adik,kaya sana tumigil na sya sa bisyo nya.

Itutuloy ko pa din ang plano ko,pero paano? Tokneneng! Ang tagal ko na itong pinag iisipan pero hindi ko pa din alam kung paano maisakatuparan.

At dahil nabored ako at hindi ko na nakikita si Leif ay lumabas muna ako. Medyo umiwas muna kasi ako sa kanya,mahirap na,baka mainis sya sa akin at bigla na lang nya akong upakan ng walang kalaban laban.

Sumilip muna ako,nakita kong kumakain sa karenderya si Leif. Tamang tama,kunwari bibili lang ako. Kahit hindi na nya ako kausapin,basta mapansin lang nya.

“Ito nga pong pakbet at dalawang kanin.” ani ko ng makalapit. Sinadya kong medyo mabunggo si Leif,hindi ako nabigo,saglit lang nya akong tiningnan.

“Totoo ba,Leif? Lilipat ka na?” ani ng tindera habang nagsasandok ng pakbet.

“Opo. Pero sa isang linggo pa.” sagot ni Leif.

“Oh,eto na.” inibot sa akin ang binili ko at nagbayad na ako.

Pagdating sa bahay ay napaisip ako. Siguro kaya lilipat si Leif ay madami na syang naipon mula sa mga costumers nya.

Paano ko ba makukuha ang atensyon nya? Yung hindi ako nagmumukhang manyak na bading? Paano ko sya mapapatigil sa bisyo nya?

Nakaka frustrate,ngayon lang ako nag isip ng ganito katindi patungkol sa isang tao. And to think na yung taong iniisip ko ay hindi naman ako ganon kakilala? Potek! This is really frustrating!

Nang mag gabi na ay naisipan kong manood sa kabilang baranggay ng singing contest,malapit na kasi ang fiesta sa baranggay na yon kaya sunod sunod na ang events nila.

Mga alas onse na ng gabi ng matapos ang contest. Nagsimula na akong maglakad pauwi ng mapansin kong may nag aaway sa kabilang gilid ng kalsada. Pinagtitinginan na din sila ng mga tao.

“Tarantado ka! Ngayon namin gusto! Hindi bukas!” sabi nung isang lalaki na malaki ang katawan. Tiningnan ko yung kaaway.

Naka cap,may mga hikaw,maganda ang porma. May tatoo na kita sa braso nya. Teka,parang..

Shet! Si Leif yan ah?!

“Sinabi ng bukas na lang! Hindi ako nagbebenta ng ganitong oras! Ang laki ng katawan mo pero ang liit ng utak mo?!” matapang na sagot ni Leif.

Huwag ka ng sumagot!

Dali dali akong naglakad palapit,sa likod ni Leif. Gusto ko sana syang hilahin pero natatakot ako na baka magalit sya sa akin.

“Maliit pala ang utak ah?” sabi nung lalaking malaki ang katawan. Tumakbo papalapit kay Leif at naglabas ng balisong.

Nagsigawan ang mga tao,pero blangko na ang utak ko,gusto ko lang mailigtas si Leif.

Mabilis kong naiharang ang katawan ko,paharap ako kay Leif at nasa likod ko yung lalaki. Napasigok ako ng maramdaman kong bumaon ang talim sa likod ko,hinugot at isinaksak ulit sa akin.

“Putang inaaaa!!” gulat na sigaw ni Leif. Napakapit ako sa mga balikat nya. Nanlambot ang mga tuhod ko at naramdaman ko na ang panghihina.

Ganito pala pakiramdam ng nasaksak. Atleast,para sa crush ko nagpaka bayani ako. Para kay Leif.

Nagdilim na ang paningin ko at naramdaman kong may sumalo sa akin. Mas umingay ang paligid,may mga nadidinig ako na hindi ko maintindihan. Hanggang sa ang dilim ay nasundan ng katahimikan.

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng makina. Sigurado akong nasa ospital ako. Dahan dahan akong dumilat at tama nga ang hinala ko.

“Buhay pa pala ako?” ang mahina kong sabi at tumingin sa paligid. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa kagagawan ko kagabi. Atleast,worth it! Buhay ng crush ko ang niligtas ko.

Akala ko makakasama ko na sina Mama at Papa,pero mukhang hindi ko pa ata oras. Ano ba naman yung dalawang saksak lang? Dapat dinagdagan pa!

“Nagagawa mo pang ngumisi?” sabi ng isang boses na ikinabalik ko sa realidad. “Anong kagaguhan ang pumasok sa isip mo at ginawa mo iyon?”

Nginitian ko si Leif,humalukipkip sya at nagsalubong ang mga kilay.

“Hindi ko nga din alam eh? Siguro kasi may pinagsamahan tayo kahit sobrang ikli lang.” ang nakangiti kong sagot.

“Hindi mo dapat ginawa iyon! Kung namatay ka,sa akin pa ang sisi! Tas delikado pa kanina ang lagay mo,idagdag pa na ang mahal ng kwartong ito!” ang inis nyang sabi,natahimik ako at napalunok ng sariling laway.

“Pasensya na. Kung namatay ako wala namang maninisi sayo. Matagal na akong mag isa,at saka kung inaalala mo ang pambayad sa ospital,may pera ako.” sabi ko at nag iwas ng tingin. “Salamat sa pagdadala sa akin dito.”

Bumuntong hininga si Leif at tumalikod.

“Sa isang araw ka pa madidischarge. Aalis muna ako,babalikan kita mamaya.” aniya at dumiretso na sa pinto’t lumabas.

Pagkasarang pagkasara ng pinto ay napangiti ako.

Atleast ngayon,hindi na nya iisipin na yung nangyari pa din nung nakaraan ang iniisip ko. At saka nakuha ko ang atensyon nya,yun nga lang risky masyado. Pero hindi ko binalak magpasaksak noh! Sadyang yun na ang naganap.

Lumipas pa ang mga oras at sadyang bored na ako. Ang hirap naman pala ng na-o-ospital. Lalo na pag walang mga magulang,kamag anak at mga kaibigang dadalaw at mag aalala sayo. Sana pala,paglipat ko palang sa lugar nina Leif ay nagpaka super friendly na ako.

Pero bago ko isipin yan,bakit walang nagdadala ng pagkain kahit nurse? Aba! Gutom na ako,mula pag gising ko kanina ay wala pa akong kain,at hindi na bumalik si Leif!

Hindi ako namatay sa saksak,mamamatay naman ako sa gutom,pakingenang yan!

Kaya ang ginawa ko ay bumangon ako at bumaba sa kama. Kinuha ko yung dextrose kasama ang stand nito at naglakad papunta sa pinto. Nasaksak lang ako,hindi napiliyan.

Paglabas ko ay walang ka-tao tao ang hallway. Medyo nagtayuan ang balahibo ko. Anong ospital ba ito? Wala bang masyadong dinadala dito?

Ugh! Hahanapin ko na nga lang ang canteen! Gutom na talaga ako at hindi ko na matiis ang pag iingay ng sikmura ko.

Nagsimula na akong maglakad ng marahan at ginawa kong pangtungkod ang stand ng dextrose.

“Oy! Oy! Oy! San ka pupunta?!” natigil ako sa paglakad. Boses iyon ni Leif,nadinig ko ang mga yabag nya na papalapit sa akin. “Tatakas ka? Akala ko ba may pambayad ka?”

“Hindi ako tatakas! Makakatakas ba ako sa lagay kong ito?” ang agad ko namang sagot ng nasa harapan ko na siya.

Wow! Naligo lang pala sya. Magaling din pumorma ang adik na ito eh,hindi lang puro mukha at katawan. Kaya pala maraming nababaliw sa kanya at isa na ako dun. Fighting!

“Eh san ka pupunta?” taas kilay nyang tanong.

“Pupunta ako sa canteen! Gutom na gutom na ako. Hindi ako namatay sa saksak,mamamatay naman ako sa gutom. Anong petsa na oh? Kanina pa ako dilat pero hindi pa ako kumakain. Utang na loob! Pabayaan nyo akong makakain!” mahaba kong sabi. Parang biglang nahiya si Leif at may tiningnan sa likod ko.

“Nurse! Pakibalik sya sa kwarto nya! Bibili lang ako ng pagkain nya!”

Ayun,may lumapit na nurse at inalalayan ako pabalik sa private room. Nang maihiga ako ay yung nurse naman pinagbalingan ko dahil napansin ko yung Tv.

May Tv pala? Pero hindi ko agad napansin kanina.

“Nurse pwedeng pa on ng Tv? Salamat!”

Agad naman akong sinunod ng nurse,tapos ay chineck ang vital ko saka lumabas. Pipi ata yun,ni hindi man lang nagsalita kahit isang letter lang.

Sumasakit na yung sugat ko sa kakatawa sa Showtime ng dumating si Leif. May dala na syang pagkain at mukhang take out pa.

Pagtingin nya sa akin ay bigla syang nagulat.

“Teka! Hintayin mo ulit ako.” at lumabas ulit sya na pinagtaka ko. Aabutin ko sana yung baso pero sumakit yung mga sugat ko kaya pumirmi na lang ako at hindi gumalaw.

Pagbalik ni Leif ay makasama na itong duktor na agad lumapit sa akin. At dun ko napagtanto na medyo bumuka ang sugat ko dahil sa kakatawa. Napansin pala ni Leif na may dugo yung unan sa likuran ko.

“Next time huwag masyadong magkikilos,huwag din masyadong tumawa Emrys,okay?” ang bilin ng duktor at umalis na.

“Ang tigas talaga ng ulo mo.” inis na sabi ni Leif. “Oh,kumain ka na.”

Spagetti at burger ang dala nya. Natakam na talaga ako kaya kinuha ko iyon sa kanya at sinimulan kong lantakan ang spagetti.

“Ano nga ulit ang pangalan mo?” ang tanong nya sa gitna ng pag kain ko. Kinikilig pa ako ng palihim,ganito pala ang pakiramdam pag kasama mo ang crush mo at pinapanood ang bawat kilos mo.

“Emrys. Emrys ang pangalan ko.” ang sagot ko pagkatapos ngumuya at lumunok.

“Ah. Okay. Salamat nga pala sa pagligtas.” ani Leif at ngumiti.

Potangena! Pwedeng tumili? Ito ang unang pagkakataon na ngumiti sya sa akin ng ganon. I could die! Really!? Kill me now! Kill me!

“Ahk! Ugh!”

Nabilaukan ako!

  • MAY NAGBABASA BA NITO? KUNG MERON AY MAG COMMENT NAMAN PO KAYO. TENCHUUU!! :) Tapos pag na published na yung I FEEL FOR YOU,bili kayo ah? Mwa! :-*

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.