Ang Hari ng Angas (BXB 2014)
Ai Tenshi · 7 chapters · 9,341 words
TOP COMMENTS AND REVIEWS:
ANG HARI NG ANGAS
ROMCOM BXB
TOTAL OF 29 EPISODES (COMPLETED)
WRITTEN BY Ai_Tenshi





Ang Hari ng Angas Part 1
KULAY NG TAG LAGAS
BXB 2014
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.
HETO PO ANG REGALO KO SA INYO. MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT…ENJOY!
Ang Hari ng Angas
AiTenshi
Dec 3, 2014
“WELCOME TO PEACE MAKER CLUB!! Simula ngayon ay sa inyo na nakasalalay ang ika-aayos at ika-bubuti ng ating paaralan. Tayo ang mag sisilbing taga pag taguyod ng kapayapaan at kaayusan ng ating mga departamento. Kaya’t mahalin natin ang ating mga tungkulin,” ang wika ng aming club adviser kaya naman lahat kami ay tumayo upang sumumpa sa aming tungkuling gagampanan.
Tungkulin ng “Peace Maker” club ang mag bigay ng kapayapaan sa aming paaralan, ang organisasyon ay nag bibigay seguridad sa mga mag- aaral na nakakaranas ng pang- aapi sa kapwa nila mag aaral. Tungkulin din ng club na ituwid ang baluktot na pag- uugali ng isang mag- aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng espesyal na seminar at Gawain para sa mga ito. Sa paglipas ng mga taon, malaki na rin ang naging ambag ng naturang club sa pag papalaganap ng kapayapaan sa buong paaralan. At ngayong 2014-2015, isa ako sa napiling miyembro nito.
Part 1
Ako po si Julian, 20 years old at kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Nursing sa isang malaking paaralan dito sa lungsod. May taas akong 5“9’ at maganda naman ang aking pangangatawan dahil madalas din akong mag punta sa gym upang mag ehersisyo. Singkit na bilugan ang aking mga mata na nakuha ko sa aking ama dahil may lahi kaming intsik. At hindi naman sa pag mamayabang ngunit maraming nagsasabi na kahawig daw ako ng Thai Actor na si Mario Maurer. Ewan ko lang din kung totoo ha.
Kung tutuusin, ito ang unang beses na sumali ako sa isang club dito sa kolehiyo dahil mag buhat noong nag transfer ako sa campus na ito ay hindi na ako nahilig sa mga ganitong bagay. Para kasi sa akin, ang mga ganitong activity ay pag- aaksaya lamang ng oras. Mas nag- eenjoy kasi ako sa pag- aaral lamang, bagamat hindi naman ako stand- out pag dating sa patalinuhan dahil mas marami pa ang mas mahusay kaysa sa akin.
Bakit ako napunta dito sa peace maker club? Ang totoo no’n ay sinali lamang ako ng kaibigan kong si Dante. Ang sabi n’ya kasi sa akin ay malaki daw ang maitutulong sa amin ng paglahok sa club na ito. At sinabi pa n’ya sa akin na “matagal na tagal na rin kami sa campus, sana ay bago man lang daw kami grumaduate ay makapag lingkod kami sa paaralan at makapag- iwan ng kabutihan dito”. Kaya naman labis akong humanga sa adhikain ni Dante para sa aming dalawa NGUNIT isa palang kalokohan iyon dahil ngayon ko lang nalaman na nandito pala ang crush nya sa Peace Maker Club at sinusundan lamang n’ya ito. Kaya ayon, nadamay pa ako sa kanyang kalokohan.
“ Frend , maniwala ka sa akin, malaki ang maitutulong sa atin ng club na ito,“ ang wika ni Dante habang lumakad kami palabas ng gate.
“Malaki ang maitutulong sa akin o malaki ang maitutulong sa iyo dahil lagi kang nakakasilay sa crush mong member din ng club?” tanong ko.
Natawa ito at itinulak ako ng bigla. “Hihihi frend naman, huwag mong ilakas ang boses mo dahil baka isipin nila ay promiscuous girl ako… hahaha”.
“Nakuuu… tigilan mo nga ako sa kaartehan mo, ano naman ang gusto mong isipin ko? Na conservative ka? May pa world peace, world peace ka pang nalalaman diyan y’on pala idadamay mo lang ako sa kalandian mo,” pag mamaktol ko.
Si Dante ay ang aking unang naging kaibigan buhat noong mag transfer ako dito sa campus. Isa siyang gay na acting straight, ngunit kapag kaming dalawa lamang ay lumalabas ang tunay na kulay nito. Mabuting kaibigan si Dante, bukod pa rito ay matalino ito at talaga namang nakikipag sabayan ng galing sa mga top students dito sa campus. Sa paglipas ng halos apat na semester namin na mag kasama ay siya na rin ang itinuring kong best friend at karamay sa saya at kalungkutan. “Hay naku frend , huwag mo na nga akong sermonan d’yan. Mabuti pa kumain nalang tayo ng fishball, matagal na rin akong hindi nakakatikim n’yan,” pag yaya nito habang hatak ako sa braso.
“Libre mo?” tanong ko naman habang naka ngisi.
“Oo naman. Ako ang nag- aya ’di ba?” ang sagot naman ito at tumapat sa tindero sabay sabi ng “Dalawang pisong fishball nga!” Sabay kuha ng stick “Oh ayan frend kumuha ka ng dalawang piraso.”
“Gago ka! Piso lang pala ilelebre mo sa akin inaya mo pa ako dito sa gate ng campus,” pag mamaktol ko
“Ano kaba, blessing na yan. Go lang ayun piliin mo yung malaki na yun.” ang pahabol pa nito.
“Ewan ko sa’yo… hmp.”
“Nga pala frend, bago ko pa makalimutan, heto na yung bago mong school ID, kakareleased lang nyan kanina. Ingatan mo na iyan dahil alam mo naman dito sa ating paaralan mahirap kumuha ng bagong ID, aabutin pa ng ilang buwan bago maibigay.” Paliwanag ni Dante habang ina aabot sa akin ang aking bagong Identification card. Naalala ko nga dati noong unang linggo na nag transfer ako sa paaralang ito ay nawala ang aking ID kaya naman halos ilang araw din ako ayaw papasukin ng guard kung walang letter ng dean. Ewan, kung saan ito nawala basta noong hinahanap ko ito sa aking gamit ay wala na doon. Pero anyway wala naman kinalaman ang ID ko sa kwentong ito kaya huwag na tayo mag focus dito. Hehehe.
Habang nasa ganoong posisyon kami, bigla na lamang na hinto sa pag nguya si Dante at kinalabit ako nito na parang naka kita ng multong papalapit. “Frenddd frennd humarap ka dito daliii!” ang excited na bulong nito. “Oh bakit ba? Para kang taeng tae dyan hindi mo mawari.” tugon ko naman
“Ayan frend, parating na siya!!”
“Oh sinong siya? Bakit ba parang excited na excited ka?” pag tataka ko.
“Si Shan Dave! Yung gwapong transferee sa campus. Matangkad, matipuno ang katawan, maputi, matangos ang ilong at mukha itong action star. Kahawig nya ang artista sa hollywood na si Cody Christian. Basta napaka gwapo nya frend! Ayan na siya tumatakbo dito!!” ang wika ni Dante at parang aatakihin ito sa puso habang may itunuturong kung ano.
“Sino bang Shan Dave yang sinasabi mo at sabik na sabik kang makita siya.?” tanong ko ulit. “Ayaan frend yang gwapo na iyan! Yang mukhang anghel na bumagsak sa lupa.” ang sagot naman ni Dante habang naka turo ito sa isang lalaking nakahubad.
“Nasaan ba? Bakit di ko makita?”
“Ayan frend oh! Ang gwapo nya talaga!!” sagot nito habang nakaturo sa isang lalaking tambay na naka topless.
Parang kumunot ang aking noo at nagtaka “Yang payatot na iyan? Gwapo na ba iyan sa iyo? Nasaan ang matipunong katawan? matangos na ilong at makinis na balat diyan aber??May pa Cody Cody Christian ka pang nalalaman dyan! Ibala kita sa starving games eh!” pag mamaktol ko
“Ano kaba frend! Hindi iyan si Shan Dave!!” ang sigaw ni Dante “HEYY you! Skeleton king!! Umalis ka dyan sa gitna ng daan. Natatabingan mo si Shane Dave! Move ng onti! Tapos na ang halloween you may rest in peace!!” ang sigaw nito habang pinaalis ang lalaking naka hubad na aking nakikita.
“Ano kaba frend? Hindi iyon si Shan Dave dahil si skeleton warrior ang nakita mo kanina! Hayuuun si Shan Dave tumaktabo patungo dito!! Ayiiiii!!” ang muling impit na sigaw nito.
Tahimik..
Maya- maya, unti- unti kong nakita ang lalaking tinutukoy ni Dante. Tila huminto ang paligid, tumakbo ito at nakangiti suot ang isang lumang pantalon at sandong itim, bakat na bakat ang kanyang matambok na dibdib at bilugang braso. Tama nga si Dante, kahawig ito ni Cody Christian na isang actor sa US. Matangos ang ilong, mapula na parang mansanas ang labi, at makinis na mestiso ang balat. Halos natulala ako sa aking nakita, ngayon lamang kasi ako humanga sa isang lalaki. At habang nakatitig ako sa kanya ay tila slow motion itong tumatakbo patungo sa amin. Matamis ang kanyang ngiti na parang lumulutang sa paraiso ng kaligayahan habang tumatakbo hawak ang isang tubo sa kanyang kanang kamay at inihampas ito sa isang estudyanteng pasakay sa motor.
Tila nabasag ang aking pangangarap noong mga oras na iyon at bigla akong nagising sa lakas ng hiyawan. Ang lalaking tumatakbo sa aking paningin kanina lamang ngayon ay nakikipag hatawan ng tubo sa katawan. “PEACE MAKER! PEACE MAKER!!” ang sigaw ng mga estudyante habang nakatingin sa amin ni Dante. “Awatin nyo sila Please!!”
“Teka anong peace maker?” ang tanong ni Dante at tila nag ka amnesia ito. Nakalimutan na nya ang kanyang sinumpaang tungkulin kanina lamang. “Tado!! Member tayo ng Peace maker! Ayan nga sa damit natin oh. Anong naka lagay?” tanong ko habang nakatalikod at ipinakikita ang tatak ng aming suot na T- shirt.
“CAPITAL P –E- A- C- E that reads PEACE at may kakabit na MAKER. Iyan ang nakalagay frend. Ayy oo nga member nga pala tayo nito.” ang wika nito at bigla ko siyang itunulak sa gitna ng away para umawat. “Umawat ka!!” sigaw ko.
Ngunit hindi pa nakakalapit ito ay tumilapon na sa aming harapan ang kanyang katawan dahil may sumuntok sa mukha nito. “Danteee! Tol! Anong nangyari?” tanong ko habang tinutulungan itong tumayo muli.
“Nadale ako!! Ang sakeet!” ang sigaw nito.
“Ano kaba? Huwag kang sumuko! Kaya mo iyan!!” ang tugon ko at muli ko itong itinulak sa labanan.
At makalipas ang ilang sandali, kagaya ng pangyayari kanina muli na namang tumilapon ang katawan nito sa aking harapan at mukha na itong racoon dahil sa tinamong black eye.
“Tol, ayos ka lang ba?” ang tanong ko ngunit nakabulagta na ito kaya naman agad akong sumugod sa labanan dahil hindi ko maaaring sayangin ang kabayanihan ng aking kaibigan. “Tumabi ka muna tol. Salamat sa kabayanihan mo,” ang wika ko habang hatak- hatak ito sa kanyang balikat.
“Gaga kaa.. itinulak mo ako. I hate you! Nadeform na yata ang mukha ko,” ang iyak nito.
Habang nasa ganoong pag kakagulo ang lahat, pumasok ako sa laban at doon ay sinubukan kong awatin si Shan Dave na noon ay puro dugo ang mukha. “Tol tama na! tamaaa na!!” ang sigaw ko ngunit isang malakas na suntok ang lumanding sa aking mukha dahilan para bumulagta ako lupa. “PAKKK!!” ang tunog kamaong humataw sa aking sintido.
“Tarantado ka Shan Dave! Bakit ako ang sinuntok mo?” ang sigaw ko sa aking sarili habang nakahiga sa mabatong lupa. Hindi ko na nagawa pang makatayo dahil sa matinding pag kahilo.
Ganoon kabilis ang mga pangyayari..
KNOCK OUT!! ito ang makasaysayang pag bagsak namin ng aking kaibigang si Dante. Isang dakilang pag bagsak para sa aming kabayanihang ginawa.
At habang nakabulagta ako ay nag kagulo ang mga estudyante at pumaikot sa akin. Ang iba ay may hawak na cellphone at pinipicturan ang aking walang kalaban labang katawang lupa. Ito ang unang pag kabigo namin ni Dante sa aming simumpaang tungkulin. Disaster! Epic failed!!
Nakakahiya talaga.
Kung pwede lamang akong humukay sa lupa ay gagawin ko na..
Halos dumagsa ang mga mag aaral na nakiki usyoso sa aking naka bulagtang katawan. Dahilan para balutin ako ng matinding kahihiyan..
Kaya naman pinikit ko na lamang aking mga mata at nag panggap na nawalan ako ng malay…
Itutuloy…
Ang Hari ng Angas Part 2
Ang Hari ng Angas
AiTenshi
Part 2
“Umawat lang po ako,” ang paliwanag ko kay mama at papa noong maka uwi ako sa bahay. Nakita kasi nila ang pamamaga ng aking mukha dulot ng pag kakasapak sa akin ni Shan Dave. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ito at nasa kalagitnaan ng pamamaga. “Mabuti naman walang nangyari sa’yo anak. Ang bunso ko inaapi nila papa, gumawa ka ng paraan. Kasuhan natin ang mga nang api sa anak koo.“ang iyak naman ni mama habang nilalagyan ng pulbos ang aking likod.
“Maaaaa… huwag kana umiyak, nasuntok lang ako. Hindi naman ako binaril o minasacre no,” ang tugon ko naman sa kanyang pag- iyak.
“Kahit na nga, kailangan managot ang gumawa niyan sa iyo. huhuhu.”
“Tama na nga iyang pag- iyak mo, malaki na si Julian kaya na niyang humarap sa ganyang mga sitwasyon.” ang sabi ni papa sabay bukas ng telebisyon.
Tama nga naman si papa, malaki na ako at may sarili nang desisyon sa buhay. Ewan ko ba naman kasi kay mama, kahit binata na ako ay itinuturing pa rin akong parang isang bata. Mabait at understanding ang aking mga magulang at siyempre ay ganoon din naman ako sa kanila dahil madalas na busy sila sa trabaho kaya’t minsan lamang kami sa isang linggo kung mag sama sama. Si Papa ay isang doctor at pag aari nya ang isa sa pinaka malaking botika dito sa siyudad. Si mama naman ay isang branch manager ng bangko kaya naman masasabi ko na maganda ang aming pamumuhay. Ni minsan ay hindi ako nakatikim ng kahirapan at kakapusan sa buhay dahil laging sobra at umaapaw ang kanilang ibinibigay sa akin.
Habang nasa ganoong pag iisip ako, inilipat ni papa ang chanel ng TV sa local news at doon ay bumulaga ang isang nakaka biglang balita.
TV: Sa balitang lokal naman tayo. Isang mag- aaral ng isang sikat na campus dito sa siyudad ang nahagip ng kamera at huling- huli sa aktong sinuntok sa mukha habang umaawat ito sa isang rambulan kaninang hapon. Kinilala ang lalaking ito na si Julian Rivera, isang nursing student sa naturang campus. Nag magandang loob lamang ang binata ngunit siya ang nasapol at tinamaan ng lumilipad na kamao ng mga suspect. Panoorin natin ang nakakatuwa niyang pag bagsak sa lupa na nilagyan pa ng mga sound effects at kanta ng mga taga hanga. Narito ang actual footage.
Lumabas ang video sa telebisyon sa saliw ng kantang Fallin ni Sarah Geronimo. Sa unang scene ipinakikita na tumatakbo ako patungo sa nag aaway. Medyo magulo ang video ngunit malinaw ang pag kaka kuha nito.
Tuloy pa rin ang kanta, at sa ika lawang scene naman ay ipinakita kung paano ko inaawat ang isang lalaking nakasando ng itim bagamat hindi kita ang mukha ng lalaki sa naturang video.
Maya maya, tumugtog ang chorus ng kanta. “Catch me im fallin, fallin.” at habang nasa ganoong chorus ay ipina kikita kung paano bumagsak ang aking katawan sa lupa. At hindi pa sila na siyahan sa isang bagsak dahil inulit ulit pa nila ito. “Catch me im fallin, fallin, fallin, fallin. Catch me if you can!”
Sa sa huli ng scene ay ipinakita ang aking katawan na nakabulagta sa lupa at walang malay. Kasabay nito ang linya ng kanta “Maybe this time i wont fall, when i fall in love..”
Halos matulala si mama at papa sa kanilang nakita. Hindi ko rin inaasahan na lalabas sa balita ang naturang video. Atleast diba, alam nila na umawat lamang ako. Iyon nga lang ay trending na ang footage sa mga social media networks, at pati facebook ko ay tadtad na rin ng friend request, mayroon ding gumawa ng mga fan page sa akin at pinamagatan itong “Fallen Boy”. Wala namang naging reaksyon sila mama at papa kundi ang matawa na lamang ng malakas at lokohin ako na ako ay isang sikat na artista na. Huwag na daw akong lalabas ng bahay dahil baka pag kaguluhan ako ng fans.
Kinagabihan, nakatanggap ako ng tawag galing kay Dante at nag iinarte nanaman ito. “Hmmm, bakit ganyan ang boses mo? umiyak ka ba?” ang tanong ko.
“Oo frend umiyak ako kasi naiingit ako sayo, sikat kana kasi. huhuhu. Bakit ako walang video eh samantalang 2x akong lumalagapak sa lupa? Ang ganda pa ng pag kakabagsak ko oh. Subsob talaga, nanduon pa nga yung pinag bakatan ng mukha ko sa buhanginan e. Nakakainis kana talaga frend. Ibang level kana.” pag mamaktol nito
“Huwag kana mag tampo tol, hayaan mo, sa susunod na may mag rambulan, hindi na ako ang aawat kundi ikaw na lamang mag isa. Ako na lang ang taga video mo. Ano ayos ba iyon?”
Napa isip si Dante sa kabilang linya “So mukha ko lamang ang masisira ganon? Paano pa ako magugustahan ni Papa Luis nyan kung sira na ang beauty ko? Edi sayang lang ang pag Sali natin sa peace maker club? mabuti pa mag focus ka nalang kay Shan Dave, bagay kasi kayo. Napansin ko lang no, pareho kayong mestiso at artistahin kaya siguradong perfect couple kayo.”
Nagulat naman ako sa sinabing iyon ni Dante “Tadooo, hindi ako bakla! At isa pa ay wala akong balak mag karoon ng kasintahan.”
“Hmm, we can never tell. hihihi” ang bulong nito at agad na nag paalam. Ano naman kaya ang pumasok sa kanyang isip para sabihin ang mga ganoong bagay? Kung tutuusin naguguluhan din ako sa aking pag katao dahil hanggang ngayon ay wala pa akong girlfriend hindi katulad ng mga kaibigan kong halos nakakarami ng babae sa loob ng isang buwan. Ayoko namang isipin na iba ako sa kanila ngunit isa lamang ang isinusumpa ko sa sarili ko “ayokong maging bakla!!” dahil hindi ako makakahanap ng seryosong relasyon kapag ganun ako. Naalala ko tuloy yung mga kaibigan kong beki sa bayan, halos araw araw nilang binibigyan ng sustento yung mga kasintahan nila at pag dumating ang oras na wala na silang maibigay ay iiwan na lamang sila ng mga ito basta basta. Ganoon na nga lang siguro, wala seryoso pag dating sa dalawang lalaking magkarelasyon.
Kinaumagahan, pag dating ko sa paaralan ay nakatingin na sa akin ang lahat. Ang ilan sa mga mag- aaral ay binabati pa ako habang nag lalakad sa hallway. Marahil ay biglang sumikat ang aking pangalan dahil sa viral video na kumalat kahapon lamang kaya heto sikat ako. “Mr. Julian Rivera! Ang pride ng Peace Maker club.” ang wika ng aming club adviser sabay yakap sa akin.“Oh anak kumusta na ang pasa mo sa mukha? Grabe nakakatuwa ka pala Julian kahit nasa labas ng paaralan ay ginagawa mo pa rin ang iyong tungkulin. Nakakabilib ka,” dagdag pa nito.
“Eh ako maam? Pride din ba?” ang tanong ni Dante na bigla sumulpot ito sa aming harapan dahilan para matawa ang aming club adviser habang nakatingin dito. Pati ako ay natawa dahil maitim pa rin ang dalawang mata nito na tila naka suot ng sunglasses.
“Ano maam? Sabihin mong pride din ako sabihin mo.. Ayy ang tagal tagal mong sumagot!! Ang tagaaallll!!! ang sigaw nito habang nag lululundag. “Ah eh, oo naman Dante. Ikaw ang front liner ng ating club. Hindi ka lang pride kundi isang bayani pa,” sagot naman ng aming adviser.
Tawanan kami…
Habang nasa ganoong kasiyahan, bigla nanamang nag histerical si Dante at tila naka kita ito ng multo. “Frenndds ayan na siya!!” ang sabi nanaman nito
“Sino naman? Yung crush mong si Luis?“ang pabulong kong tanong sa kanya. “Hindi friend, si Shan Dave ang tinutukoy ko. Ayann na siya nag lalakad sa hallway.” ang impit na bulong nito habang kinikilig.
Muli nanamang napakunot ang aking noo habang nakatingin sa direksyon na itinuturo ni Dante. “Wala naman eh. Wala akong makita kundi yung lalaking mahaba ang nguso na iyon!”
“Ano kaba frend hindi yan si Shan Dave, bakit ba kasi naka harang ang taong suso na iyan. HEYYY YOU!!” ang sigaw ni Dante habang tinatawag ang estudyante naka harang sa daan.
“Ako ba?” ang sagot nito
“Yes ikaw nga. You! snail man!! The guy with a long mouth. Move ka ng onti. Umalis ka dyan sa daan natatabingan mo si Shan Dave!!” ang sigaw nito habang pinapaalis ang lalaking may kahabaan ang nguso.
“Ayan frend! Ayan si Shan Dave! Oh diba gwapo pa din kahit puro band aid ang mukha.” ang wika nito
“Gwapo nga, basag ulo naman! Hindi ko makakalimutan na siya ang sumuntok sa akin kahapon. Siya na nga lang itong inaawat, siya pa itong mananakit!!” pag mamaktol ko habang pinag mamasdan itong habang lumalakad sa hallway. Naka suot siya ng polong puti at naka bukas ang butones nito.
Tahimik..
Habang palakad, laking gulat ko ng tingnan ako nito at ngumiti sabay taas ng kanyang kamay na naka sign ng “fuck you” at muling nag- iba ng dereksyon. Siguro ay namukhaan nya ako, dahil pinaki alaman ko ang kanilang bakbakan kahapon.
Noong mag hapon ding iyon ay hindi na naalis si Shan Dave sa aking isipan. Lagi kasing sumasagi sa aking isipan na baka ako naman ang mapag tripan nitong hampasin ng tubo lalo’t kanina ay nag sign pa siya ng mura sa akin gamit ang kanyang daliri. Halos hindi na ako nakapag participate sa klase dahil sa mga bagay na gumugulo sa aking isipan. At habang nasa ganoong katahimikan ako, biglang lumapit sa akin si Dante at ibinalita ang nagaganap ng rambulan ng mga varsity player sa gym “Frend! May rambulan sa Gym, si Shan Dave at iba pa ay nag- aaway na naman!!” sigaw nito.
Kaya naman agad kaming kumaripas ng takbo patungo sa gym at doon nga ay nakita ko si Shan Dave na hawak hawak ng gwardya at bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding galit. “Putang ina mo! Manghihiram ka ng mukha sa aso! Aabangan kita sa labas!! Tangna ka!!” ang sigaw nito habang bitbit ng gwardya ang kanyang braso.
Si Shan na naman pala ang nakipag away. At isang freshman lamang ang kinatalo nito dahil sa agawan sa court. Hindi pa ito nakakarecover sa pakikipag hampasan nya ng tubo kahapon, ngayon heto nanaman siya at nakikipag away sa loob ng eskwelahan. Tila siya yata ang magiging malaking sakit ng ulo ng aming club. “Grabe naman iyang si Shan, ginagawang libangan ang pakikipag suntukan.” ang wika ko kay Dante
“Oo nga frend, mukhang may pagka pasaway nga iyang si pogi.”
Tila nabalot ako ng matinding lungkot noong mga sandaling iyon. Naisip ko na sana man lang ay may magawa ako upang matulungan si Shan. Ngunit hindi ko alam kung paano dahil hindi naman kami mag kakilala at isa pa ay mukhang may galit din ito sa akin dahil minsan na rin akong naki alam sa kanya. At habang maigi kong pinag mamasdan si Shan na hawak ng mga gwardya, may kung bagay na kumurot sa aking puso at hindi ko maipaliwanag kung ano ito. Basta isa lamang ang malinaw, gusto ko siyang tulungang mag bago ngunit ang malaking katanungan ay paano?.
Itutuloy..
Ang Hari ng Angas Part 3
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.
Ang Hari ng Angas
AiTenshi
Part 3
Dec 4, 2014
Isang hapon nag patawag ng meeting ang Peace Maker club. Mayroon daw mga importanteng agenda na tatalakayin ukol sa mga lumalang issue ng mga mag- aaral. At siyempre bago kami umuwi ni Dante ay dumaan muna kami sa AVR upang dumalo sa nasabing pag pupulong. “Pinatawag namin kayo upang pag usapan kung paano namin susulusyunan ang lumalang problema ng mga mag aaral dito sa ating campus. Nitong mga nakakaraang araw kasi ay napapansin kong kaliwa’t kanan na ang gulo at awayan dito sa ating paaralan. Ang iba ay nauuwi pa sa demandahan o kaya ay sa matinding sakitan. Kaya naman aming iniresearch ang mga taong madalas gumagawa ng gulo dito sa ating paligid at sila ang ating pag tutuunan ng pansin,” ang wika ng aming adviser habang binubuksan ang projector.
Maya maya ay tumayo naman ang Captain ng aming team na si Luis dahilan para mangisay sa kilig si Dante. Siya kasi ang ultimate crush nitong kaibigan ko. Hindi naman katangkaran dahil 5’5 lamang ang taas nito, ngunit mukha kasi siyang bida sa mga koreanovela sa kanyang style at maging sa pananamit. “Frend ang gwaapooo!Puchaaaaaa!” ang impit na sigaw ni Dante habang hinahampas ako. “Huwag mo nga akong hampasin! Kinikilig ka na nga lang mang hahampas ka pa. Umaayos ka nga. Ump!” ang tugon ko at itinulak ko ito dahilan para siya ay matumba at masubsob sa sahig. “Sorry napalakas yata.”
“Aray, ang sakit.. bantay bata iyon ha!” ang sagot naman habang inaayos ang kanyang sarili. “Tinitiis ko naman at pinipilit na huwag kiligin pero hindi ko talaga kayang pigilan,” ang bulong nito sa akin.
“Oh ayan, kagatin mo!” ang wika ko naman sabay abot panyo ko sa kanya. Kinuha naman niya ito at inilagay sa kanyang bibig.
Nang matahimik ang kaluluwa ni Dante, muli akong nakinig sa pag papaliwanag ni Luis. Doon ay naka lagay sa isang power point presentation ang mga larawan ng mga taong madalas nasasangkot sa gulo dito sa paaralan. “Ang ika anim na estudyante ay isang babae. Siya si Carmela at isang sophomore student ng College of HRM. Madalas itong napapa away dahil sa kanyang angking kagandahan,” paliwanag ni Luis.
“Maganda lang makasalanan na? Kung kasalanan ang pagiging maganda, sige ikulong niyo ako dahil guilty ako!” ang sabad ni Dante at nag tawanan ang lahat.
“Tama, maganda si Carmela ngunit ginagamit nya ang kanyang kagandahan upang mang agaw ng boyfriend ng ibang tao. Easy to get ika nga. Kaya naman naging hobby na niya ang makipag- away para sa mga lalaki. Dahil dito siya ang numero- unong kina iinisan ng mga kababaihan dito sa campus,” paliwanag ni Luis.
“At dumako naman tayo sa pinaka worst na mag- aaral dito sa ating campus. Siya ay walang iba kundi si Mr. Shan Dave Ramirez ang tingurian “Hari ng Angas”. Wika ng aming adviser at lumabas ang napaka gwapong picture ni Shan sa malaking screen ng projector. “Looks can be deceiving”. Marahil ang ilan sa inyo ay humahanga kapag dumaraan siya sa inyong harapan. Inaamin ko na maging ako ay humanga rin sa kanyang taglay na kagwapuhan ngunit sa kabila nito, samut saring gulo na ang idinulot nya sa ating campus. At kabilang na rito ang mga sumusunod:
-
Pagsagot niya sa mga guro at pagpapahiya sa mga ito kapag oras na ng klase. Kaya naman halos inatake sa puso si Misis Salaz noong mag turo ito sa kanilang block. Madalas din itong nahuhuling nang kokodigo at nangongopya sa katabi tuwing exam.
-
Ang madalas na pananakot nito at pambubully sa mga freshman. Lagi rin itong nasasangkot sa mga rambulan sa loob at labas ng paaralan.
-
Minsan ay nahuli na rin itong namboboso at naninilip sa CR ng mga babae sa likod ng campus kasama ang kanyang mga kabarkada.
-
Dahil sa kanyang angking kaangasan at kayabangan sa pananalita at sa pagkilos, madalas tuloy siyang inaabangan ng mga tambay sa labas upang pagtripan. At higit sa lahat ay nagbabaon din ito ng patalim sa loob ng kanyang bag ayon sa kanyang mga kaklase.
“Nanghihinayang ako sa batang ito, sana ay ginamit lamang niya ang kanyang kagwapuhan sa mabuting paraan. Ilang lamang iyan sa mga nahanap naming impormasyon tungkol kay Shan Dave Ramirez. May katanungan ba kayo?” tanong ng aming club adviser.
“Ma’am, nasaan po ang pamilya ni Shan Dave?” tanong ko lang.
“Ang totoo noon ay walang nakakaalam kung saan ito nakatira. Ang ilan sa member ng club ay sinundan na ito pauwi ngunit madalas daw ay sa mga club at bar ang diretso nito hanggang doon na ito abutan ng hating gabi.”
“Minsan naiinis ako kay Shan dahil madalas siyang nasasangkot sa mga gulo dito sa campus at siya rin ang sumapak sa aking mukha. Ngunit naisip ko lang na “sa halip na magalit tayo at mainis sa kanila, bakit hindi na lamang natin sila tulungan upang mag bago? O kung hindi man natin magawa iyon atleast kahit papaano ay nakatulong tayo sa kanila,” paliwanag ko.
“Hmmm… inspired ang gaga, alam kong nagkaroon kana ng paghanga kay Shan Dave no?” ang bulong sa akin ni Dante kaya sinuko ko ito. “Arekupp. joke lang naman iyon.”
“Very Well said Julian. Iyan nga ang ating gagawin ngayong hapong ito. Hahatiin namin kayo sa tig- dadalawang pares upang tulungan ang ating mga subject. Una rito sina Julian at si Dante, kayo na ang bahala kay Shan Dave, alam kong kaya ninyo iyan,” sabi ng aming club adviser.
Maya- maya nagtaas ng kamay si Dante. “Miss, pwede po bang lumipat? Doon na lamang ako sa bratz gurl na si Carmela ang pinaka malanding babae sa balat ng lupa. Kasi ayoko na kay Shan, baka sa susunod na makipag- away ito manghiram na ako ng mukha kay bantay. Arf arf! Please? Ilipat niyo na lamang ako,” pag mamakaawa nito.
“I’m sorry Dante ngunit hindi na maaaring baguhin ang partnering. Kapag pinagbigyan kita ngayon paniguradong ang lahat ay aalma na at makikipag palit. I know you can do it. Hindi ba’t ikaw ang pride ng club na ito? Kaya patunayan mong karapat- dapat sa’yo ang titulo,” ang tugon ng aming adviser sabay kindat kay Dante.
“Ano pa ng aba? Edi sige na. Ayoko namang iwan mag- isa itong frend ko,” ang wika nito sabay tapik sa balikat ko.
“Huwag kang mag- alala, hindi na tayo sasabak sa pakikipag- away, basta kung maaaring kausapin yang si Angas ay gawin na lamang natin para walang gulo,” paliwanag ko naman. “Talaga frend? Hindi mo na ko itutulak sa battle field?” tanong nito na parang isang kawawang aso.
“Oo naman. Promise,” ang sagot ko sabay ngiti sa kanya.
At iyon nga ang set up. Kami na ang bahalang dumiskarte para mailagay sa ayos ang buhay nitong si Shan Dave. Kumbaga kami ng tatayong guardian angels niya sa lahat ng pagkakataon. Kaya noong hapon ding iyon, bago kami lumabas ni Dante ng Audio Visual Room ay nagplano muna kami kung paano namin sisimulan ang trabaho.
Habang palabas ng gate, nakita ko naman si Shan na nagmamadaling bumaba ng hagdan at mukhang may hinahabol ito. Kaya naman naisip ko na baka ako ang hinahabol nito kaya ganoon na lamang magmadali. Ibayong takot ang aking naramdaman kaya naman agad kong binilisan ang aking lakad. Hindi pa rin ako nagpahalata basta mabilis lang akong naglakad palabas ng gate at noong muli akong lumingon sa aking likuran ay nakita ko si Shan na malapit sa aking kinalalagyan. Kaunting distansya na lamang ang aming layo sa isa’t isa kaya naman kusang gumalaw ang paa ko at nagtatakbo palayo sa kanya. Naalala ko kasi kung paano niya ako sinenyasan ng “fuck you” kaninang umaga.
Mabilis akong naglakad palayo sa kanya ng marinig ko itong nagsalita “Hoy tanod saan ka pupunta?!” sigaw nito.
“Tanod? sino iyon?” tanong ko sa aking sarili habang patuloy sa paglalakad.
“Hoy barangay tanod?! Huminto ka sa pag lalakad mo!!” ang muling sigaw nito
“Tanod? Hindi naman ako barangay tanod para humarap no,” bulong ko sa aking sarili kaya diretso lang ako sa paglalakad ng biglang may humablot na kamay sa aking knapsack. “Napapagod na ako kakatawag sa iyo ahh. Ano bang pinag mamalaki mo?!” ang galit na tanong nito at boses iyon ni Shan.
Parang may umakyat na dugo sa aking ulo noong mga oras na iyon. Patay! baka nakasinghot ng katol ito at ako naman ang pagdiskitahan. Jusko Lord, wala pa namang masyadong tao dito ngayon dahil gabi na rin. Humarap ako sa kanya at napansin kong ‘di hamak na mas matangkad pala ito sa akin nasa 5’11 yata ang taas niya at talaga namang malaki ang katawan. “A-anong kailangan mo? Kung bubugbugin mo ako ay tatawag ako ng pulis!” ang sabi ko agad kaya lalong sumama ang tingin nito sa akin.
“Abaa, palaban ka pala. Iyan ang gusto ko sa mga kaaway, lumalaban. Oh? na pano pala yang mukha mo? Mukhang maga pa ang pasa oh,” ang wika nito at tiningnan ang kanyang kamao bagamat alam na alam naman niyang siya ang sumuntok sa akin kahapon. “Ayos ah. Sapol ka pala kahapon at hugis kamao ko pa yang pasa mo. Sukat na sukat ah,” ang pang- aasar nito habang dikit ng kanyang nakatikom na kamao sa parte kung saan ako nagkaroon ng pasa.
“Huwag kang maangas diyan! Kayabang mo! Hindi ako nakisali sa away niyo kahapon dahil inawat ko lamang kayo. Kung alam ko na sasapakin mo ako sana ay hindi ko na ginawa iyon!”
“Kaya nga next time na makikipag sapakan ako ay huwag ka nang makikialam dahil baka matodo ko pa ang sapak sa’yo eh mabura na iyang mukha mo. Mukha ka pa namang babae. Baka manghiram ka ng mukha sa aso,” ang sabi nito sabay hablot sa aking kaliwang kamay.
“Hindi ako bakla kaya hindi ako mukhang babae! Tigilan mo ko!” ang sabi ko at napansin kong may inilalagay siya sa aking kaliwang braso.
“Ayos na. Iyan ‘yong relo mo na nahulog kahapon sa pag-awat mo sa akin. Ibinalik ko lamang sa’yo. Sige aalis na ako,” ang sabi nito at tila natulala ako sa kanyang ginawa habang nakatingin sa aking relo. Oo nga pala nawala ito kahapon noong umawat ako sa kanilang gulo.
Tila may kung anong bagay ang muling tumusok sa aking dibdib noong mga oras na iyon habang pinapanood ko siyang lumakad palayo. Mag kahalong kaba, takot at tuwa ang aking naramdaman noong lumapit ito sa akin at ikinabit ang relo sa aking braso. Parang nabuhay ang aking pag- asa na dalhin ito sa isang matuwid na landas kung saan hinding hindi na siya muling maliligaw pa.
Itutuloy…
Ang Hari ng Angas Part 4
Ang Hari ng Angas
AiTenshi
Part 4
Kinabukasan, maaga akong dumating sa school dahil may ilang projects akong isusubmit ngayong first subject. Bago ako tumuloy sa aming department, inayos ko muna ang aking damit sa cr. Alam niyo naman pag nursing student ka kailangan ay lagi kang neat at maayos manamit. At habang na sa ganoong pag- aayos ako, may narinig akong dalawang lalaking nag- uusap sa loob ng magkahiwalay na cubicle. Kilala ko ang boses ng isa, dahil sigurado akong si Shan Dave iyon.
“Tangina pare, sa susunod na mag krus ang landas namin ay uupakan ko na ang hayop na professor na iyan! Siguradong manghihiram yan ng mukha sa aso!” boses ni Shan habang umiihi ito dahil rinig na rinig ko ang lagaslas nito na tumatama sa tubig ng bowl.
“Relax pare, hayaan mo yang professor na iyon. Type ka lang noon kaya lagi kang pinag iinitan,” tugon naman ng kanyang kausap.
“Puchaa, di ako pumapatol sa bakla! Mag pakabit muna siya ng pekpek bago niya ‘ko makuha. Tarantado!” ang asar na boses nito habang palabas ng cubicle. At tila may kung anong kalokohan itong naisip noong nakita akong nagaayos ng sarili sa harap ng salamin.
Tahimik.
Hindi ko siya nililingon o pinapansin man lang.
“Goodmorning tanod,” ang bati nito habang naghuhugas ng kamay. Naka suot lamang ito ng sando at naka sampay ang puting polo sa kanyang balikat. Kitang- kita ko ang matipunong dibdib nito na parang nililok sa perpektong hugis at ang kanyang mga braso na putok sa muscle. Maputi ang katawan at talaga namang napakakinis. Kapansin- pansin din ang makapal na buhok nito sa kanyang kili- kili na lalo pang nag patingkad sa kanyang pagkalalaki.
“Goodmorning din,” ang bati ko naman sabay bitiw ng pekeng ngiti.
“Mabuti naman at medyo magaling na pasa sa mukha mo. Sa susunod huwag ka na ulit makikialam kung may kaaway ako. Maliwanag ba?”
“Oo naman, maliwanag pa sa sikat ng araw. Huwag kang mag- alala dahil wala naman akong balak na pigilan ka ulit sa susunod. Kahit maputulan ka pa ng kamay at paa ay wala akong pakialam sa iyo Mr. Ano. Ano na nga ang pangalan mo?!” ang tanong ko, kunwari ay nakalimutan ko ang kanyang pangalan ngunit isinisigaw naman ito ng aking puso at isipan. “Shan Dave Ramirez!!”
“Bakit ako magpapakilala sa taong hindi ko naman din kilala?” tanong din nito.
“Kung sabagay hindi naman importante ang pangalan mo para matandaan diba? MR. ANGAS?” pag eemphasize ko ng salitang angas
“Alam ko. At hindi rin naman importanteng malaman ko ang pangalan mo diba? TANOD??!” ang pagbibigay diin naman nito sa salitang tanod na hango sa mga katagang barangay tanod. “Alam mo bagay na bagay nga sa’yo ang bansag ko, TANOD, diba taga peace keeper ka? Lahat kasi kayo ay mga barangay tanod walang ginawa kundi rumonda at mag patrolya dito sa buong paaralan,” dagdag pa nito.
“Oo miyembro ako ng Peace Maker Club at tungkulin namin na parusahan ang mga pasaway, mayabang, basag ulo at maangas na kayaga mo!” ang sabi ko habang ipinapakita sa kanyang mukha ang aking I.D. sa club.
“Huhuhu ano matatakot na ba ko?” pang- aasar nito. “Eh ano ngayon sa akin kung taga PEACE MAKER club ka? Ang mga katulad kong gwapo, malakas ang dating, matapang, at astig kumilos ay hindi basta basta natatakot sa isang tanod lang. Tawagin mo na ang buong sandatahan ng club nyo ngunit hindi ako aatras sa inyo. Mga gung gong!” ang wika nito sabay gulo sa aking buhok na kanina ko pa inaayos. Tinumbok nya ang daan palabas ng CR at iniwan akong nakatayo sa harap ng salamin.
Matapos ang aming paghaharap ni Shan sa loob ng CR, hindi ko na muli itong nakita sa buong maghapon. Ang sabi ng kanyang mga kabarkada ay nag cutting- classes daw ito at nagpunta kung saan kasama ng mga tambay sa labas ng paaralan. Kung sa bagay, sa uri pa lang ng mga kaibigan ni Shan Dave, malalaman mo na agad kung anong klaseng tao ito. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay mabalitaan ko na lamang na nalulong na ito sa drugs at sa mga masasamang bisyo dulot ng kanyang pagsama sa mga tambay ng taon. Teka, bakit nga ba ako nagaalala sa kanya? samantalang kaaway naman ang turing nya sa akin!!
Alas 6 ng hapon noong matapos ang aking klase, pagbaba ko sa aming department ay agad akong sinalubong ni Dante para sumabay sa paglakad patungo sa sakayan ng jeep. Ilang minutong lakaran din ito mula sa aming paaralan noong makarinig kami ng mga nag hihiyawang mga kalalakihan, ang iba sa kanila ay nakasakay sa motor ang iba naman ay nag tatakbuhan. May mga hawak itong bote at ibinabalibag sa daan upang doon ay mabasag. “Naku frend, dito muna tayo sa waiting shed, baka matamaan pa tayo ng mga flying bote na iyan,” ang sabi ni Dante sabay hila sa akin papasok ng shed. “Delikado ang mga basag na boteng iyan sa kalsada dahil maaari itong makabutas ng gulong o kaya ay maging sanhi pa ng aksidente.”
Habang na sa ganoong pag papaliwanag si Dante, napako naman ang tingin ko sa mga lalaking nag momotor at doon ay nakita ko si Shan na nakaangkas sa isa sa mga ito. Nakahubad lamang ito at sumisigaw na animo drug adik habang hawak ang bote ng redhorse sa kanyang kamay ay walang anu- ano’y inihagis niya ito sa daan dahilan para lalong magkagulo. “Ayun si Shan Dave naka angkas sa motor at mukhang lasing na lasing ito,” ang sabi ko kay Dante habang nakapako ang tingin sa mga lalaking rider.
“Anong bago doon? Wala nang pag- asang magbago ‘yang si Shan Dave. Gwapo nga, pero sira- ulo naman,” ang tugon ni Dante at agad niya akong hinatak sa sakayan ng jeep.
Habang na sa ganoong paglalakad kami, narinig namin ang ingay ng wang- wang na nagmumula sa sasakyan ng mga pulis kaya naman agad na humarurot ng takbo ang mga motor palayo sa aming kinalalagyan. Hindi ko tuloy maiwasang lingunin ang lugar kung saan naroroon si Shan. Ewan ko ba, para kasing may nag bubulong sa loob ng aking isipan na mag- alala ako sa kanya. Kahit anong pilit kong iwaksi sa aking isip ang kanyang mukha ay parang sumpa ito na paulit ulit nag babalik kaya naman maging sa pagtulog ko ay ginugulo pa rin ako nito.
“Hello frend? Gabing- gabi na ah, bakit di ka pa natutulog?” tanong ni Dante habang kausap ko ito sa telepono.
“Hindi ako makatulog, madaming gumugulo sa isipan ko.”
“Madaming gumugulo? o may isang gumugulo sa isipan mo?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“C’mon frend, alam kong nagalala ka kay Shan. ‘Wag ka nang maglihim sa akin dahil nahalata ko na ito kanina pa noong nasa jeep tayo dahil apura ang lingon mo sa lugar kung saan sila nandoon,” paliwanag ni Dante dahilan para matahimik ako.
Para naman akong binusalan noong mga oras na iyon, hindi agad ako nakapagsalita. “Ewan ko ba, naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang inaalala at iniisip. Kahit anong pilit ko itong iwaksi sa aking isipan ay parang sumpang paulit ulit na nag babalik. Masisiraan na yata ako ng bait tol.”
“Ano ka ba? Natural lamang iyan dahil may nararamdaman ka kay Shan. Kahit hindi mo ito aminin, lalabas at lalabas ito ng hindi mo nalalaman. Alam kong naguguluhan ka pa hanggang ngayon ngunit mas makabubuting huwag mong i-pressure ang sarili mo. Let it go! Hayaan mo lang. Malay mo ay after shock lamang iyan ng pagkaka jombag niya sa pez mo. Oh wag kana lumandi pa dyan. Good night na,” ang paliwanag nito na lalo pang nagbigay ng malaking katanungan sa aking isipan.
“Ayokong maging bakla!! Ayokong matulad sa mga kaibigan kong ginagamit lamang ng mga kasintahan nilang lalaki!” ang sigaw ko sa aking isipan habang nakatingin sa kisame.
Halos inabot na ako ng madaling araw bago tuluyang dalawin ng antok kaya naman pansamantalang natahimik ang aking isipan sa pag iisip ng mga bagay na hindi naman talaga dapat isipin. Siguro ay dala lamang ito ng matinding awa o kaya pag kainis kay Shan kaya pati ang emosyon ko ay napupunan na rin ng kung ano anong bagay. Basta ipinapangako ko sa aking sarili na hindi na muli akong makikipag usap sa taong iyon o kahit pansinin ay hindi ko gagawin. Iiwas ako sa mga lugar na madalas nyang puntahan para makasiguradong hindi mag tatagpo ang aming mga landas.
Kinaumagahan, pagpasok ko pa lamang ng gate, agad na akong na tungo sa aming department upang hindi na kami magkita pa. Total, malayo naman ang College of Architecture sa aming lugar dahil sa likod pa ito ng paaralan. Halos hindi na ako bumaba ng aming balwarte at sa buong maghapon ay naging maayos ang lahat. Tahimik at payapa ang aking buhay ngayong araw na ito. Kaya naman napangiti ako habang nakatayo sa balkunahe ng aming building. Doon ay pinagmasdan kong mabuti ang mga mag- aaral mula dito sa itaas at aliw na aliw ako habang pinapanood ko sila..
Tahimik.
“Frennnddd! Frennnddd!” ang sigaw ni Dante habang nagkakandarapa sa pagpanhik ng hagdan.
“Oh bakit?“ang tanong ko naman.
“Frend may nangyari…”
“Ano nga iyon?! Sabihin mo na.”
“Kasi frend, si Shan… Nakipag away nanaman ito kanina sa likod ng campus,” ang wika ni Dante.
“Oh ano ngayon? Ano ang bago doon?” ang tugon ko ngunit ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib.
“Iyon na nga frend. Nakipag- away si Shan at sinaksak ito! At walang naglakas loob na tulungan ito kaya hanggang ngayon ay paniguradong may sugat pa rin ito sa katawan!!”
“Ha? puchaa, nasaan siya ngayon?!” ang sigaw ko at nahalata sa akin ang matinding pag aalala sa tanong hindi ko naman kaano ano.
“Ang huling kita ko sa kanya ay na sa gilid siya ng campus at doon ay nagtatago. Halika frend puntahan na natin siya!!”
Noong marinig ko ang sinapit ni Shan ay hindi na ako nag dalawang isip. “Halika na!!” ang aya ko at kinuha ko ang aking first aid kid na madalas kong gamitin sa aming duty.
Mabilis pa sa kidlat ay narating namin ni Dante ang likod ng campus at doon nga ay nakita ko si Shan na naka sandal sa likod ng isang puno at nakapikit ito habang hawak ang sugat sa kanyang tagiliran. Halos bumaha ng dugo sa kanyang harapan noong mga oras na iyon.
Tila napako ako sa aking kinatatayuan noong makita ko si Shan sa ganoong kalagayan. Ang pinaka mayabang at basag- ulong mag- aaral dito sa aming campus ay tila nakahanap ng kanyang katapat. At ngayon ay nakasandal ito sa isang puno habang dinaramdam ang sakit ng kanyang unang pagbagsak.
Itutuloy…
Ang Hari ng Angas Part 5
Ang Hari ng Angas
AiTenshi
Dec 5, 2014
Part 5
Halos mahabag ako sa itsura ni Shan noong mga oras na iyon. “Ganoon na ba kasama ang tingin sa kanyang ng lahat kaya wala ni isa ang nag lakas loob na tulungan ito?” ang tanong ko sa aking sarili at dali- dali kong pinuntahan ang naka bulagtang katawan nito sa likod ng puno. Hindi na ako nag dalawang isip na iaangat ang kanyang damit upang tingnan ang sugat sa kanyang tagiliran at doon ko napansin na malalim ang pag kakasaksak nito kaya naman agad kong tinawag si Dante. “Tol, tawagan mo si papa, sabihin mo na kailangan natin ng tulong niya.” ang utos ko habang kinukuha ang first aid kit na aking gagamitin sa kanyang sugat. Hindi kasi sapat ang aking gamit para mapatigil ang pag durugo nito kaya’t kailangan ko ang tulong ni Papa dahil isa itong doktor.
“Tanod.. anong ginagawa mo dito?” tanong ni Shan at pilit na inaalis ang aking kamay sa kanyang katawan.
“Tinutulungan lang kita,” sagot ko naman at muli kong itinaas ang kanyang damit.
“Hindi ko kailangan ang tulong mo. Ayokong tumanaw ng utang na loob sa kahit na kanino.”
Tumingin ako sa kanya ng seryoso “Hindi mo kailangang tanawing utang na loob ito. Basta hayaan mo lang ako tulungan ka okay?”
“Ayoko. Umalis kana!” pag mamatigas nito ngunit halata naman ang kanyang panghihina.
“Hindi ako aalis! Alam mo ba na maaaring maubusan ng dugo at mamatay sa lalim ng sugat mo?”
“Wala akong paki alam doon. Hindi kita kailangan!” ang pag mamatigas nito at inagaw ang gasa na hawak ko saka itinapon ito sa malayo.
Halos mapikon na ako sa kanyang ginawa ngunit alam kong nag mamatigas lamang ito dahil sa kanyang pride. Malakas at astig kasi ang pakilala nya sa amin at sa ibang tao kaya’t nahihirapan siyang tumanggap ng tulong galing sa iba. At bukod pa roon ay mataas din kasi ang ihi nito. “Relax ka lang. Lilinisin ko lang ang sugat mo. Wala akong ibang gagawin kaya huwag ka na mag matigas dyan,” sabi ko at muli akong kumuha ng bulak at alcohol upang linisin ang kanyang sugat.
Tahimik..
Binalot ako ng matinding awa noong mga sandaling iyon…
Patuloy lamang ako sa pag punas ng kanyang sugat at doon ay hindi ko namamalayan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
“Bakit ka umiiyak?” bulong niya sa akin.
“Wala ito, huwag mo kong pansinin,” sagot ko naman at ipinag patuloy ko ang pag bibigay ng paunang lunas sa kanyang sugat. Ngunit kahit anong pagtapal ng gasa ang aking gawin ay patuloy parin ito sa pag durugo kaya naman hindi ko napigil ang aking emosyon at tuluyan na akong bumigay ng iyak.
“Bakit ka umiiyak? Huwag mong iyakan ang katulad ko,” wika nito.
“Umiiyak ako kasi ay naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa para sa iyo. At naiinis din ako sa iyo dahil ginagawa mo iyan sa sarili mo. Ikaw ang nakikipag away ngunit bakit ako ang nasasaktan kapag nakikita kita sa ganitong kalagayan.”
“Ngayon lang may umiyak sa harapan ko. At ang panget mo pala kapag umiiyak ka,” ang bulong nito at halatang bibigay na ang katawan dahil sa matinding pamumutla.
“Tamo, mamamatay kana lang ay pinipintasan mo pa ko,” pag mamaktol ko habang umiiyak.
Maya- maya ay dumating na si papa at Dante. “Anong nangyari dito?” agad na tanong ni papa habang palapit sa aming kinalalagyan. “Papa napag tripan po ng mga drug adik itong kaibigan ko at nasaksak ito. Nilapatan ko ng paunang lunas ang kanyang sugat ngunit patuloy parin ito sa pag durugo.” paliwanag ko habang buhat ang walang malay na si Shan.
“Good job anak, mabuti naman at naisipan mong lapatan ng first ang sugat ng kaibigan mo. Minsan ay delikado ang saksak lalo na kapag tumama ito sa bituka,” tugon naman ni papa at isinakay namin si Shan sa loob ng kanyang sasakyan. “Sa bahay ko na lamang gagamutin ang iyong upang makapag pahinga ito ng maayos.”
Makalipas ang ilang minuto, narating namin ang aming bahay at agad naming ipinasok si Shan sa clinic ni papa upang doon ay tahiin ang kanyang sugat. Samantalang si Dante naman ay nag pasya na dito na lamang din magpalipas ng gabi upang matulungan ako sa pag aalaga kay Shan Dave. “Infairness frend ha, ang sweet nyo kanina sa ilalim ng puno. Para akong nanonood ng pelikula sa ginagawa nyo,” biro nito.
“Tado, kung hindi mo sa akin sinabi na nasaksak si Shan, malamang ay matigas na bangkay na ito ngayon at sinusunog na ang kanyang kaluluwa sa impyerno,” ang tugon ko naman.
“Impyerno agad- agad frend? You’re so mean talaga. Mabuti nalang at tinulungan mo si Shan, alam ko naman kasi na hindi mo ito matitiis eh. Saka natatawa ako sayo kanina, kung makareact ka noong sinabi kong nasaksak ito ay para kang legal wife.” muling pag bibiro ni Dante at hindi nito napigil ang pag tawa.
“Tado, loko ka talaga!” ang sabi ko sabay batok sa kanya.
Maya maya ay lumabas na si papa ng clinic at ipinaalam sa amin ang mabuting balita. “Ligtas na ang kaibigan mo. Maaari na ito itransfer doon sa guest room upang makapag pahinga ito. Medyo malalim ang tinamong saksak nito at batid ko ice pick ang ginamit ditto,” paliwanag ni papa.
Tila nabunutan naman ako ng tinik noong marinig ko na maayos na ang lagay ni Shan. “Salamat po papa,” sabi ko naman sabay yakap dito.
Noong mga oras na iyon ay agad naming inilipat si Shan sa guest room ng aming bahay. Maganda naman ang kwartong ito at air- conditioned pa. Pinahiram ko na rin ito ng pajama at komportableng damit. Syempre kami ni papa ang nag bihis sa kanya kaya naman naiinis si Dante dahil kanina pa ito nag piprisinta. “Nakakainis ka frend, kung sa akin mo pinabihisan si Shan Dave edi sana ay nakita ko kung dako ba ito o jutay. Hmpppp!” pag mamaktol nito.
Natawa naman ako sa kanyang ipinag mamaktol. “Haha… ano kaba, nasaksak na yung tao ay pinag nanasaan mo pa.”
“Eh gwapo pa rin naman kasi kahit nasaksak. Sana lang paggising nya ay mag bago na siya, kundi yang kayabangan nya ang maaaring pumatay sa kanya. Tingnan mo frend, pag natutulog ito ay animo anghel na hindi marunong gumawa ng pagkakamali. Pero pag gising naman ito, anong nangyari? Halos lahat sa kanya ay malaking pagkakamali na. Alam mo kahit gwapo iyan at yummy, kay papa Luis pa rin ako dahil alam kong matino iyon at hindi isang abnormal,” wika ni Dante habang nakatingin sa mukha ni Shan.
Kung sa bagay ay tama naman talaga si Dante, may pagka abnormal nga itong si Shan dahil sino ba naman ang may gusto na laging nasasangkot sa gulo. Halos sa araw- araw yata na nilikha ng Diyos ay naging panata na nito ang makipag away at lumikha ng gulo sa paligid. Mag buhat noong pumasok ito sa paaralan ay naging magulo na ang lahat. Kung tititigan mo ang kanyang mukha sa ganitong kalagayan ay iisipin mo talaga na hindi ito gagawa ng kasalanan dahil sa maamo at napaka gwapo niyang mukha. Pero huwag ka dahil kapag dumilat ito ay paniguradong mag hahasik nanaman ng lagim sa sang katauhan.
Noon ding gabing iyon, nag pasya kami ni Dante na dito na lamang din mag palipas ng gabi sa guest room kasama si Shan, upang mabantayan na rin ito. Nag latag si Dante ng extra kutson sa sahig samantalang ako naman ay naka higa sa sofa malapit sa kama kung saan natutulog si Shan. Naka tagilid ako paharap sa kanya at maiging tinitigan ang makinis na mukha nito bagamat puro pasa na rin at gasgas dahil pakikipag away. Dumako naman ang aking tingin sa kanyang mapulang labi, tila kay sarap halikan nito at kagatgatin. Halos matunaw na ang kanyang mukha sa tindi ng aking pag kakatitig.
Inikot ko pa ang aking tingin pa baba ng kanyang katawan hanggang sa mapadako ang aking mata sa kutson kung saan natutulog na si Dante “Ayyyy!!” ang sigaw ko sa aking sarili noong makita itong naka nganga pa. “Ampanget! Kay Shan nalang ulit,” ang sigaw ko sa aking sarili at muli kong ibinaling ang aking tingin sa mukha ni Shan habang mahimbing itong natutulog.
Habang nasa ganoong pag titig ako, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan para hawakan ang kamay nito na kasalukuyan nasa kanyang tagiliran. Ginapang ko ang aking kamay patungo sa kanyang kamay hanggang sa tuluyan ko itong mahawakan. Dinama ko ang pag haplos ko sa kanyang palad hanggang sa tuluyan ko nang ipinahinga ang aking kamay doon.
Tahimik na ang paligid…
At hindi ko na namalayan na nakutulog na pala ako sa sofa habang ang aking isang kamay ay naka patong sa kamay ni Shan. Doon ko nalamang naramdaman na kumilos ang mga kamay nito at hinakawan ng mahigpit ang aking kamay. Holding hands, ang aking daliri ay nasa pagitan ng kanyang mga daliri at mahigpit ang kanyang pag kakahawak sa akin kaya naman marahan kong idinilat ang aking mga mata upang hindi nya mahalata na ako ay gising. Doon ay nakita ko ito habang naka dilat at naka tingin lamang sa kisame siguro ay pinag mamasdan kung nasaan siya at kung bakit siya nandito.
Samantalang ako naman ay nag tutulog- tulugan at pasimple siyang sinusulyapan. Ramdam ko pa rin ang mahigpit na pag kakahawak nya sa aking kamay hanggang sa marahan itong bumangon habang inaalalayan ang kanyang sarili. “Ibang klase ang lakas ng katawan ng isang ito. Katatahi pa lamang ng kanyang sugat ay nakakabangon na.” bulong ko sa aking sarili habang pinag mamasdan ang mga susunod nyang gagawin.
Tahimik itong bumangon at ibinaling ang tingin sa akin, kaya naman agad kong ipinikit ang aking mga mata dahil baka makahalata siyang gising ako at magalit pa ito. Alam nyo naman ang mga abnormal, pabago- bago ng mood kung minsan. Nasa ganoong pag pikit ako noong maramdaman ko ang pag lapat ng kumot sa aking katawan. At noong muli akong dumilat nakita kong nakahiga na ulit ito habang ang kanyang kumot ay inilagay nya sa aking katawan. “Ano kaya ang iniisip ng loko na ‘to? Bakit kinumutan pa niya ako eh, siya nga itong may injury sa katawan,” tanong ko sa aking sarili ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mas nangibabaw parin ang hindi maipaliwanag na tuwa sa aking dib dib habang pinag mamasdan ko itong matulog at tila hindi ako nag sasawang titigan siya kahit pa abutin ng buong magdamag.
Itutuloy…
ANNOUNCEMENT:
WHAT HAPPENED HERE?
Ang kwentong “ANG HARI NG ANGAS” ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “FOLLOW” button. Maraming salamat po.

Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.
PLEASE READ THE DETAILS BELOW:
PAANO ANG GAGAWIN?
Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com
Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.
Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.

O maaari niyo ring click ang link na ito at diretso na kayo sa aking account. Maaari niyo akong ifollow upang maging update kayo sa iba pang surprise story na ilalabas ko doon ng LIBRE. Huwag kayong matakot dahil hindi naman lahat ng story doon ay may bayad. Si Ai_Tenshi ang author kaya’t mag tiwala kayo.
Eto ang tip, kailangan basahin niyo na agad bago mag lock (though months pa naman ang hihintayin bago mag lock). Kaya huwag na mag hintay pa ng matagal..
P.S Mag lalabas rin ako roon ng mga new story kaya dapat naka follow kayo sa akin…
-Ai_Tenshi

