loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ang lalaki ay para sa babae?

Ang lalaki ay para sa babae?

erolko11 · 3 chapters · 3,479 words

Part 1

Tumatakbo akong pumasok sa loob ng kubong bahay namin dahil sa lakas ng ulan. Kakauwi ko lang galing eskwela.

“Buti naman at hindi nabasa ang gamit mo” ang sabi ng nanay ko habang nagtitiklop ito ng damit sa sala.

Ngumiti lang ako ng bahagya.

“Hindi naman po nay. Buti na lang at pinahiram ako ng payong ng kaklase ko” ang sabi ko habang sinasarado ang payong na pinahiram sa akin.

“Sinong kaklase mo yan anak?” ang curious na tanong nito habang patuloy ito sa pagtutupi ng damit.

“Si Andrea po” ang mahinang sabi ko.

Bigla itong tumigil sa pagtutupi at tumingin sa akin.

Bakas sa mukha nito ang saya.

“Si.. Si Andrea anak? Si Andrea? Mabuti naman kung ganun” ang sabi nito.

Nagpatuloy ulit ito sa pagtutupi habang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Bigla siyang huminto at rinig ko ang buntong hininga nito.

Alam kong may gusto siyang sabihin.

Tinanggal ko na ang sapatos ko.

“Anak…”

“Po? “

“Lagi mong tatandaan…”

Hindi pa man niya natatapos ang kanyang sasabihn ay alam ko na kung ano ang nais nitong ipahiwatig.

“Opo nay. Lagi ko pong tatandaan na ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki lang” ang nakangiting sabi ko.

“Maganda si Andrea anak bagay na bagay kayo. Babae siya lalaki ka”

Bumuntong hininga lang ako.

Rinig ko ang lakas ng hangin sa labas.

“Opo. Maganda po si Andrea” ani ko.

Maglakakad na sana ako papasok sa kwarto ko ng tinawag ulit ako ng nanay ko.

“Anak”

“Po? “

“Ang sarap sa pakiramdam noh na makita ka ng tao na babae ang kasama mo” ang nakangiting sabi ni nanay.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

“Opo nay. Alam ko na yan. Simula pagka-bata hanggang ngayon yan naman po ang lagi niyong tinatatak sa isipan ko. Wag po kayo mag-alalala. Ayaw niyo lang po akong mapunta sa impyerno”

Para namang nabunutan ng tinik ang nanay ko dahil sa pagpabor ko sa gustuhin nito.

“Salamat anak. Buti naman at naiintindihan mo na kami ng tatay mo. Ayaw ko lang makita na binubugbog ka ng tatay mo dahil diyan sa ka-Imoralang at baboy na.. ang lalaki ay magkakagusto sa kapwa niya lalaki. Hangang ngayon hindi ko maisip bakit may mga ganung tao. May Diyos pa ba sila?” ang murmur nito.

Napahinto ako.

Huminto ako saglit at sinabi sa kanya ang gusto niyang marinig.

“Nay,  Kami na po ni Andrea” ang sabi ko dito.

Bigla itong nagulat sa isiniwalat ko at agad itong napatayo sa tuwa.

“Talaga ba anak? Tiyak na matutuwa nito ang tatay mo pag uwi”

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Salamat anak. Salamat at nasa tamang katinuan kana ngayon. Tiyak na matutuwa ang mga tiya at tiyuhin mo nito”

Ngumiti lang ako at niyakap siya pabalik.

“Ah,  eh..  Sige po nay. Papasok na po ako sa kwarto ko. Medyo basa narin po ako baka magkasakit pa ako”

“O siya, O siya.. sige sige. Matutuwa nito ang tatay mo” ang tila excited na sabi nito.

Napailing na lang ako at pumasok sa kwarto.

Hinubad ko ang school uniform ko at nagpalit ng damit sabay higa sa kama at tumingin sa labas ng bintana.

Ang lakas parin ng ulan hanggang ngayon.

Ang lamig na ng simoy ng hangin.

Ang sarap matulog.

Kinuha ko ang cellpone ibinigay sa akin ni Tito noong kaarawan ko.

Nabasa ko doon ang mensahe sa akin ni andrea.

Matapos ko itong replayan ay tumingin ulit ako sa labas ng bintana.

Hay.

Mag-tatatlong linggo narin mula ng maging kami ni Andrea. Bukod sa maganda ito ay siya ang babaeng hinahanggan ng lahat. Maganda, sexy,  matalino at malakas ang karisma.

Hindi naman ako ganun ka gwapo pero madami rin ang nagkakagusto sa akin dahil sa pagiging active at talino ko sa school.

Minsan naiisip ko. May mali ba sa akin? May mali ba sa gusto kong mangyari? Pero sa tuwing iisipin ko ang mga sinabi ni nanay at sa magiging galit ni tatay. Mas pipiliin ko kung saan ako tatanggapin ng lahat.

Na ang babae ay para lang sa lalaki at ang lalaki ay para lang sa babae.

Simple, hindi mahirap intindihin, hindi mahirap gawin.

Hindi ba?

Lalaki ako. Babae siya.

Normal kami.

Mas masaya kami.

Hahangaan kami ng maraming tao.

Maganda siya at gwapo daw ako.

At higit sa lahat Straight kami.

Haysss…

Ako nga pala si Alon Mendoza. 16 years old at ito ang kwento ko.


Please vote and comment for the next chapter. Salamat.

Part 2

“Nay pasok na po ako” ang paalam ko dito sabay mano sa kanya.

Aalis na sana ako pero bigla niya akong tinawag.

“Anak teka. Yung payong ni Andrea naiwan mo” ang nagkukumahog na sabi nito. “Eto oh, may niluto akong Minatamis. Ibigay mo sa kanya anak para lalo ka niyang magustuhan. Tiyak na mas lalong maiinlove sayo si andrea. Pag naging mag-asawa kayo. Sigurado akong magandang lahi ang magiging anak niyo. Lahat ng tao dito sa baryo kaiinggitan kayo”

“Grabe ka naman nay. Bakit Asawa agad?”

“Doon na rin naman papunta yun anak. Wag mo na siyang pakawalan pa ha” bakas sa mata nito ang pakikiusap.

“Nay paano kung..”

“Anak lalaki ka. Hindi na mahalaga sa akin kung mabuntis mo siya. O makabuntis ka ng sino mang babae diyan. Mas ok nga yun para ano.. Para.. “ agad ko naman itong pinutol.

“Nay bata pa po ako. Madami pa po akong gustong gawin sa buhay ko”

“Alon, lalaki ka. Babae siya. Normal lang yun lalo na sa panahon niyo ngayon. Yung iba nga diyan ke bata bata pa may mga anak na.  Ikaw pa na poging anak ko”

“Pero Nay wala pa po sa isip ko yun. 3 weeks pa lang po kami ni Andrea”

“Ok lang yan anak. Basta anak kung may mangyari man sa inyo ni andrea. Hindi kami magagalit ng tatay mo. Mas matutuwa pa kami dahil yung anak naming babakla-bakla noong bata pa siya..  Eh ngayon may girlfriend na. Sino ba namang magulang ang di matutuwa doon diba?” ang masayang sabi ni nanay.

Nakatitig lang ako sa kanya.

“O siya. Sige na pumasok kana. Ibigay mo yan agad kay andrea ha. Sana maipakilala mo na siya sa amin ng personal”

Tumango lang ako kay nanay at umalis na.

Pag dating ko sa school ay hinanap ko agad si Andrea para ibigay ang minatamis na niluto ni nanay.

Naglalakad na ako sa hallway ng hindi ko inaasahang makita ang aming class president at Ex ni Andreang si Juancho.

Nakatayo ito sa mismong pinto ng aming classroom.

Yumuko lang ako habang papasok sa loob ng classroom ng bigla nitong harangan ang dinadaanan ko.

“Mukhang masarap yang dala mo ah. Para ba yan kay Andrea?” ang nakangiting tanong nito.

Naiilang na tumingin ako dito.

“Ah,  eh.. “

“Pwede ko bang tikman. Alon?” ang tanong nito.

Magsasalita pa lang ako pero agad na nitong inagaw ang pagkain at tinikman.

“Hmm… Masarap. Akin na to ah” ang masayang sabi nito at agad itong pumasok sa loob classroom na parang bata.

“Juancho teka.. “ ang pabulong na pagpipigil ko sana pero..

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na akong nakapako sa kinatatayuan ko habang tinititigan ang masayang kumakain na si Juancho.

Bigla itong lumingon sa akin na ikinagulat ko at ngumiti.

Napaiwas lang ako ng tingin.

“Oh, Alon bat hindi kapa maupo dun. Magsisimula na tayo” ang rinig kong sabi ng teacher namin.

“Ah,  eh,  Pasensya na po sir jerol”

Ang nahihiyang sabi ko dito. Agad naman akong naupo sa upuan ko.

Sa tabi ng kaklase ko.

Sa tabi ni..

Ni.. Juancho.

“Salamat nga pala sa minatamis mo Alon” pabulong na sabi nito.

Para naman akong dinapuan ng bolta boltaheng kuryente sa katawan.

“Ah eh, o-ok lang yan hehe..” ang nanginginig na sabi ko.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Nagpatuloy na sa pagtuturo si sir jerol habanh yung katabi ko mas lalong lumapit sa akin.

“Alon” bulong nito.

“Oh?” ani ko.

“Mahal mo ba si Andrea?” walang alinlangang tanong nito.

Oo. Alam kong mahina ang boses namin at kami lang ang nakakarinig dahil malapit lang kami sa bintana at absent pa yung katabi ko sa kanan.. pero, para akong nabingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Sasagutin ko ba siya o hindi?

Lumabas si sir jerol dahil nandyan yung asawa niya at mga anak na laging bumibisita sa kanya.

Hay. Bakit kasi ganun?

Ang awkward kasi ng tanong para sa akin,… I mean. Sa aming dalawa ang akward ng tinanong niya.

Naupo ito ng maayos.

“Alam mo alon. Maganda si Andrea” sabay lingon at tingin nito sa akin.

“Kung tutuusin nga nasa kanya na lahat eh. Dapat nga hindi ko na siya pinakawalan pa” ang sabi nito habang nagsusulat sa notebook.

Natahimik lang ako lalo.

“Mahal mo ba talaga siya?” ang tanong ulit nito.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

“O..oo” yun lang nasabi ko.

Tumingin ito sa akin at ngumiti.

“Alam mo Alon. Hanga ako kay sir jerol. Kahit bakla siya mahal siya ng asawa niya”

“Bakit mo ito sinasabi sa akin?” ang mahinang tanong ko sa kanya.

“Gwapo ba ako Alon?”

“Juancho pwede ba”

Medyo nainis lang ako sa tanong niya. Ang layo eh.

“Alon..”

Nakatitig ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakatitig rin ako sa kanya.

Sa gwapo nitong mukha

Sa mapungay nitong mata.

Matagal ko ng gusto si Juancho. Matagal ko ng gustong maging kami. Pero hindi ko magawa. Hindi pwede. Mali sa mata ng tao. Mali sa mata ng magulang ko. Mali sa mata ng lahat.

“Alon. Pagtapos ng klase natin. Aantayin kita sa Likod ng school. May sasabihin ako. Maghihintay ako doon Alon…. Alam kong kayo na ni Andrea pero maghihintay ako” ang desididong sabi nito.

“Juancho..”

Ang tanging nasabi ko.

Nag lunch kami ng sabay ni Andrea pero ang isip at kaluluwa ko parang wala sa piling niya. Hindi tlaga mawala sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Juancho.

Matagal ko na siyang gusto. Oo.

Elementary? Ewan. Basta Matagal na akong may pagtingin sa kanya.

Alam kong mali. Alam kong may nasasaktan akong tao. Pero gusto kong kumapit kay andrea. Gusto kong itama ang pagkatao ko. Lalaki akong pinanganak. Mamatay akong babae ang makakasama ko.

“Alon ayos ka lang?” ani ni andrea.

“O-oo andrea. Eto nga pala yung payong mo. Salamat ulit” ang sabi ko habang pinagmamasdan ang maganda nitong mukha.

Hindi ko na binanggit yung minatamis na ipinadala ni nanay. Alam kong mahilig si Andrea sa matatamis pero may part na masaya akong natikman siya ni Juancho.

“Ahmm.. Alon pwede mo ba akong ihatid mamaya sa bahay?” ang sabi ni Andrea.

“S-sige”

“Ok sure yan ah. Anyway,  Kita tayo mamaya. Bye alon” ang masayang sabi nito sabay halik sa pisngi ko. Agad naman akong napatingin sa nakangiting si Andrea habang umaalis ito papalayo sa akin.

Bakit ganun? Bakit ang swerte swerte ko pero wala akong maramdamang kilig.

Natapos ang buong maghapon na iniisp ko kung anong meron bakit gustong magpahatid ni Andrea sa sakin sa bahay niya.

“Alon mauuna na ako sa likod ng school. Aantayin kita” ang rinig kong sabi ni Juancho.

“Juancho teka.. “ hindi na niya ako pinakinhgan at mabilis itong umalis ng classroom.

Lumabas na rin ako at nakita ko sa di kalayuan si Andrea. Kumakaway ito sa akin.

Teka.

Oonga pala.

Hays..

Hindi ko na alam.  Hindi ko alam sino dapat kong unahin?  Si Andrea ba o Si juancho?

Isang pagkakamali ko lang. Pwedeng isa sa kanila ang mawala sa akin.

Si andrea na Girlfriend ko o Si juancho na tinitibok ng imoral kong puso.

Hindi ko na alam!

Hinakbang ko na lang ang paa ko.

Bahala na. Ang mahalaga dun ako sa tama. Tama sa mata ng maraming tao.


Please Vote and comment guys para sa next chapter for motivation lang :)

Part 3

-Past

“Mark san ba tayo pupunta?” ang tanong ko sa first boyfriend ko.

“Malapit na”

“Ano ba kasi yun bakit hindi mo na lang sabihin habang naglalakad tayo” medyo may inis na sabi ko.

3 months na kami ni mark. Nagsimula kaming maging boyfriend noong grade 5 ako. Hindi ko alam paano nag simula lahat basta ang alam ko lang. Niligawan niya ako at kami na daw. Pero alam ko na noon pa lang na lalaki talaga ang gusto ko.

“Dito na tayo” ani niya.

Lumingon lang ako sa paligid. Nandito kami sa Puno ng mangga ilang kanto mula sa school namin.

“Ahmm… Mark bakit dito mo ko dinala?”

Seryoso lamg mukha nito.

“Alon. Makikipagbreak na ako”

“Ha? Bakit?”

“Wala lang. Ayoko na”

Ang babaw mo naman“

“Basta Break na tayo. Salamat sa lahat”

At bigla niya akong iniwan.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko that time. Basta umiiyak na pala ako noon.


“Masarap ba yung kape” tanong ko sa boyfriend ko habang nandito kami sa cafe ng lugar namin.

Medyo kokonti pa lang ang tao.

“Masarap”

“May gusto ka pa bang puntahan natin after nito? Sa tingin mo saan kaya magandang maglakad lakad. Medyo tinatamad pa kong umuwi samin eh”

Hinawakan niya lang ang kamay ko at ngumiti.

“Alon.. “

“Yes?” ang may pagkamalandi t natatawang sabi ko.

“Eto na ang last date natin. Sorry makikipag break na ako”

Alam mo yung nanigas ka sa kinauupuan mo. Yun yung naramdaman ko.

“B-bakit?” ang nanginginig at naluluhang sabi ko.

“Pinagalitan ako nila mama at papa nung nakita nila tayo. Hindi daw ako pag-aaralin kapag hindi ako nakipag hiwalay sayo. Pasensya na talaga”

“Hindi mo man lang ba ako ipinaglaban. Josh?” ang humihikbing sabi ko dito.

“Sorry alon Grade 7 palang tayo. Kilala ko si papa nakakatok siyang magalit”

“Wala na ba talaga tayo Josh? 2 months pa lang tayo pero mahal na mahal kita”

“Pasensya na talaga alon. Ayoko na talaga”

Tumayo ito. Iniwan niya ako.


Naglalakad ako papunta sa bayan para mamalengke at bumili narin ng hapunan namin.

“Ate magkano lahat” ang sabi ko matapos kong bumili ng gulay at manok.

“214 lahat”

Kinuha ko lang yung bayad at umalis na ako.

Naglalakad na ako pauwi sa bahay ng makita ko si Vince na may kasamang babae.

Papunta sila sa dinadaanan ko.

Hihinto sana ako at iiba ng destinasyon ng bigla nila akong mapansin.

“Uy Alon. San ka galing?” ang tanong ni Vince na kunwari hindi kami lubos na magkakilala.

“Ah,  ano namili lang ako ng pang hapunan namin” ang sabi ko sabay tingin sa kasama nitong babae.

“Sino nga pala yang kasama mo vince?” Tanong ko na may kasamang galit.

“Ah ano…” tumingin si Vince dun sa babae at bumulong. Matapos bumulong ni Vince dun sa babae ay umalis ito mag-isa.

Naiwan kami ni Vince.

Tiningnan ko lang siya ng tingin na may halong galit at pagtatanong.

“Pasensya kana Alon pero nililigawan ko na kasi si lorena. Hindi ko pala kayang makipag relasyon sa kapwa ko lalaki”

“Eh gago ka pala eh. Bakit mo ko niligawan hayop ka!” at doon na ako nag burst sa galit. Hindi ko maiwasang umiyak ng todo.

Nakatayo lang ito habang pinagmamasdan ang pagka miserable ko.

“Si-sinubukan ko lang kung nagkakagusto ba ako sa lalaki o hindi dahil ang lakas ng dating mo sa akin alon. Mahal kita pero hindi ko kayang magtagal sayo. Sa babae parin tayo babagsak alon”

Lumapit ako sa kanya at binigyan ko ito ng isang malakas na sapak sa mukha.

“Hindi ako eksperemento para paglaruan ang feelings ko Vince. Nagmamahal ako ng totoo sayo pero ikaw pala itong ginagago ako” ang humahagulgul na sabi ko.

“Pasensya na talaga alon. Sasagutin na ako ni lorena. Makikipag break na ako sayo”

Tunawa lang ako habang pinupunasan ang luha ko.

“Goodluck and congrats”

Tumakbo at iniyak lahat ng sakit sa puso ko.

Grade 9 ako pero si Vince ang akala kong magmamahal sa akin ng matagal. Akala ko sa edad naming ito mas mature na kaming mag-isip pero hindi pa pala.

Baka nga ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki lang. Baka pinililit ko lang ang sarili sa ideyang pwedeng magtagal ang lalaki sa lalaki.

Tuwing maglalakad ako sa lugar namin. Hindi ko maiwasang malungkot at mainggit dahil Malayang nakakapaglakad ang babae at lalaki na walang iniisip na takot habang magkahawak sila ng kamay.

Baka nga.

Baka hindi totoo ang pagmamahalan ng parwhong kasarian.

Baka nga.

Baka tama sila Nanay at tatay. Mas mabuting babae ang mahalin ko baka gumaling na ako sa kahibangan ko. Baka hindi ko na maranasan lahat ng sakit at takot sa puso ko.

Nagpunas lang ako ng luha.

“Anong ginagawa mo dito?” rinig kong taning ng babae.

“Wala. May iniisip lang” ang nakayukong sabi ko.

Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko at tumingin sa malayo.

“Ikaw anong ginagawa mo dito?” tanong ko din sa kanya.

Nanahimik lang siya ng ilang minuto habang pinagmamasdan ang mga estudyande sa loob ng school namin.

Nandito kami ngayon sa malaking puno ng pahingahan.

Kami lang dalawa nakaupo.

“Nag break na kasi kami ni Juancho” ang diretsong sabi niya. Tumingin lang ako dito.

“B-Bakit?”

Ngumiti siya at tumingin sakin.

“May iba na kasi siyang nagugustuhan. Hindi ko narin kasi siya nabibigyan ng oras. Masyado akong naging busy sa mga curricular activity sa school natin”

Hindi ko alam bakit siya nag-oopen up ng ganito sa akin. Hindi naman kami close.

“Andrea ang ganda mo. Malabong iwan ka niya”

“Talaga ba maganda ako para sayo?” ang nakangiting tanong nito.

“O-oo naman” ang kinakabahang sabi ko.

“Pero teka. Malabo niya akong iwan? Pero iniwan niya parin ako. Pano ba yan” ang malungkot na sabi nito.

Nag-aalinlangan ko siyang hinawakan sa balikat at pinatahan ito.

“Ok lang yan. Pareho tayong broken hearted” ang natatawang sabi ko. Medyo natawa din siya.

“Ano palang pangalan mo?” ang tanong niya.

“Alon”

“Nice to meet you alon”

“Nice to meet you din andrea”

“Kilala mo ko?”

“Sino naman di makakakilala sayo eh sikat na sikat ka sa school natin saka kaklase ko si Juancho”

“Ah ganun ba? But anyway ang gaan mo kausap. Salamat alon”

After nun naging magkaibigan na kami ni andrea. Siya lang ang nakasundo ko sa school namin. Grade 10 na kami at ito na ang last year sa school na ito.

Lumipas ang linggo at buwan hanggang sa mapagkamalan na kaming magkasintahan ni Andrea. Noong una tinatawanan lang namin pero habang tumatagal hindi mawala sa isip ko ang reyalidad na ang lalaki ay para sa babae kaya sinubukan kong ligawan si andrea at hindi naman nagtagal ay sinagot niya ako.

About naman kay Juancho. Magkaklase kami pero hindi kami close at hindi magkatabi sa upuan. Nagsimula lang kaming magkatabi noong nasa kalagitnaan na kami ng taon. Binago ang upuan para makilala namin ang iba pa naming kaklase.

Alam kong alam na ni juancho ang about sa amin ni andrea pero parang ok lang sa kanya. Ok nga lang ba? Ewan.

Simula noong magkatabi kami ni juancho madalas na niya ako asarin pero hindi niya binabanggit ang tungkol kay Andrea.

Oo crush ko siya noon pa. Crush lang. Pagkanga.

Lagi ko siyang nakikita sa mga patimpalak sa baranggay namin noong bata pa siya hanggang ngayon. Halos lahat ng pwede niyang salihan nandun siya. Lagi ko siyang napapanuod. Marami ang humahanga sa kanya at isa na ako doon. Alam kong malabo ko siyang maabot kaya hanggang crush ko lang siya.

Kaya nagulat ako noong naging kaklase ko siya nitong Grade 10. Masaya pero wala kaming oras para makausap ang isat-isa. Magulo din ang isip ko. Hindi ko na alam ano ang susundin ko. Ang puso ko o ang isip ko kung saan tama ang lahat?

Present

Ang daming heartbreaks ang dumaan sa buhay ko. Ang daming pag-aalinlangan sa pagkatao ko. Pero nakapag desisyon na ako.

Doon ako sa tama.

Ang lalaki ay para sa babae.

“Andrea”

Ang sabi ko habang tinitingnan ito. Bigla niya akong sinampal ng malakas.

“Walang hiya ka. Ano ito alon? Bakit magkayakap kayo ni Juancho?”

Tumulo lang ang luha ko at lumuhod sa kanya.

“Andrea sorry”

“Mga imoral. Mapagbalat kayo. Mga manloloko magsama kayo!!” ang umiiyak na sigaw nito at tumakbo paalis.

Suaundan ko sana siya pero niyakap ako ni Juancho sa likod.

“Wag” pagpigil nito.

“Juancho gusto kong mag sorry kay Andrea”

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya.

“Hayaan muna natin si Andrea na tanggapin ang lahat”

“Juancho”

“Hmmm? “ habang nakayakap ito sa akin.

“Tama pa ba ito?”

“Walang mali Alon. Walang mali sayo..” sabay halik nito sa pisngi ko. “Walang mali sa atin”

Naiyak lang ako at binawi ang sinabi ko. Siguro nga ang lalaki ay para sa babae. Pero kung mali ang paniniwala ko bakit masaya sina sir jerol?

Bakit sobrang saya ng pamilyang binuo nila?

Bakit sobrang saya nila na ipakita sa buong mundo na pwedeng maging masaya ang lalaki sa kapwa niya lalaki?

Sana tama kami ni Juancho.  Sana magtagal din kami.


Please vote and comment para po mabilis ang pag-update and to motivate na din po. Salamat :)


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.