Ang Lalaki Sa Balete!
YorTzekai · 3 chapters · 1,926 words
Intro >
Anong gagawin mo kung naholdap ang jeep na sinasakyan mo pauwi? kaawa awa ka dahil wala ng natira sayo. at kung mamalasin ka nga naman ay sa isang madilim na lugar ka pa napadpad? dagadagan pa natin,sa tapat ka ng puno ng balete ibinaba ng jeep. kung saan maramimg kwento ng kakatakutan? pinilit mo ang sarili mo na maging matapang ngunit biglang may lumabas na lalaki mula sa likod ng balete at ikaw ay naihi at hinimatay. nang magising ka ay bumungad sayo ang napaka gwapong lalaki na mukhang koreano? anong gagawin mo?
February 20,2015
Panimula :3
Kaya ayokong nagpupunta sa malalayong lugar,ginagabi ako eh! Tulad ngayon,ako na lang ang sakay ng Jeep at isa pang lalaki.
At dahil medyo malayo pa ako sa bahay ay inilabas ko sa bag ko ang Tablet ko,wala naman siguro masamang mangyayari. Harmless naman ang mukha ni Manong Driver at ng isa pang lalaking pasahero.
I swear,hindi na ako makikipag meet sa malayo!
Kaya ang ginawa ko ay naglaro na lang sa aking tablet. Tumigil ang jeep at may dalawa pang lalaki ang sumakay,deadma pa din ako at balik ang atensiyon sa aking Tab.
Nang tumabi sa akin ang tatlong lalaki ay deadma pa din ako. Pero sa loob loob ko ay kinakabahan ako baka reypin ako ng mga ito,hindi pa ako handa sa ganon,Im still virgin.
“Hold up to! Amin na ang lahat ng gamit mo?!” Sabi nung lalaking naunang tumabi sa akin. Napatingin ako sa driver at parang wala siyang pakialam.
“Huh? Maawa po kayo sa akin! Malayo ang bahay ko!” Sagot kong takot na takot.
“Wala kaming pakialam!” Sabi nung isa pa. Gusto ko ng umiyak at sumigaw pero paniguradong walang makakarinig sa akin.
“Akin na yan!” Hinablot ng ikatlong lalaki ang Tab ko,hinawakan ako ng isa pa at kinuha sa akin ang bag,pati bulsa ko ay binulatlat at kinuha anh phone ko na kakabili lang nung isang araw.
“Maawa na po kayo!” Pagmamaka awa ko pa din. Tumigil ang jeep at napatingin ako sa paligid. Napaka dilim. Anong balak nilang gawin sa akin?
“Baba!” Sigaw nung lalaki.
“Huwag po! Bata pa ako! Huwag po!” Ang tulo uhog ko ng sabi. Hindi na ito maganda,puri ko na ang nakataya! Makikipag patayan talaga ako!
“HAHAHAHAHA! Anong sinasabi mo dyan!? Baba! Wala kaming balak gahasian ka! Makasuhan pa kami na nang rape ng baklang dalaginding!” Sabi nung lalaki.
Ay ganon? Takot kayong makasuhan ng rape pero hindi kayo takot mang hold up!? Tungunu! Ano to? Gaguhan?!
“Penge na lang pong bente,pamasahe pauwi!” Sabi ko ba lang habang pababa sa jeep.
“Wala! Maglakad ka pauwi!!” Pagbaba ko pa lang humarurot na ang jeep.
Walanya! Mukhang planado yun ah? At kasabwat si Manong Driver! Huwag lang ulit magku-krus ang landas namin! Bayag lang nila ang walang latay ng pasa pag nagkataon.
Tumingin ako sa paligid,napaka dilim,nakakatakot! Baka biglang may magpakitang multo o engkanto! Hindi ko iyon kaya!
Why am I sufferring? In my 17 years of existence,ngayon lang nangyari ito! Bakkiiitttt???!!!
Wala naman ako magagawa,san ba ang daan pauwi? Langya talaga! Wala man lang silang itinira kahit 25 centavos!
Teka?! Ang laking puno naman nito!?
Shit! Puno ng Balete pala! Dito daw nakatira ang mga engkanto! Mama! Tulungan niyo ako!
Dahan dahan ang paglakad ko,napatigil ako ng may nadinig akong kaluskos. Ayaw ko sanamg lumingon pero ayaw paawat ng leeg ko eh!
Paglingon ko sa punong balete ay biglang may lumabas na tao,puti ang damit nito.
“Waaahhhhh!!!! Mamaaaa!!” Sigaw kong ganyan,nanginig ang mga tuhod ko at naiyak na ako sa takot.
Tumakbo palapit yung tao,isa itong lalaki.
At nang malapit na ito sa akin ay napa-upo at pikit na ako saka bumulwak ang ihi na kanina ko pa pinipigilan.
“HAHAHHAHAHA NAIHI SIYAAAA!!”
Huh? Tumatawa ang engkanto?
Kaya nagmulat ako ng mga mata,inaninag ko talaga ang mukha nito,sabi nila walang mukha ang multo,pero ang isang ito may mukha.
“Tao ka?” Tanong ko pa. Shet,nakakahiya,naihi ako sa takot.
“Oo naman! Obvious ba? Hahahaha naihi ka ng talaga!”“ Anito,umupo sa harapan ko at inilawan ang mukha niya gamit ang phone niya.
Tang ina! Ang gwapo naman ng lalaking ito? Baka engkanto nga ito na nagtitrip lang?
“Gago ka!” Tinulak ko siya at tumayo ako. Nakakailang dahil basa na ang pants ko.
“Its not my fault! Tinakot mo ang sarili mo!” Aniya at tumayo saka tumawa ulit.
Hindi nga siya multo o engkanto,nag english eh.
“Hoy! Koreanong lalaki sa balete! Alam mong nakakatakot ang lugar na ito,at kahit sinong mapunta dito ay matatakot–”
“At maiihi??”
“Pekyu! Ano bang ginagawa mo dun sa puno ng balete?”
“Nakatulog ako sa biyahe. Naglakad ako ng naglakad hanggang napadpad ako dito. Juminggle ako kaya galing ako sa likod ng puno ng balete. Eh ikaw?” Sagot nito at sumunod sa paglalakad ko,sana lang matuyo ang pants ko at hindi ako mamanghe nito. Lechugas talaga!
“Mga holdaper nasakyan kong jeep. Kinuha nila lahat at dito ako ibinaba.”
“Ang malas mo pala.”
“Ulitin mo pa,kukutusan kita.” Inis kong sabi. San ba dito ang high way at mag hitch na lang ako? Pwede naman ata yon eh.
“Whats your name? Im Knoll Michael Seun.” Anito at nilingon ko siya.
May gana pa siyang magtanong ng pangalan ko? Sarap tadyakan si itlog!
“Kechell Mariano pangalan ko.” Sagot ko na lang.
“cool,ilibre na kita pauwi,kawawa ka naman.”
“Thank you ha? Ulitin mo pa!”
Hindi na masama,salamat sa lalaki sa balete at makakauwi na ako.
- Yan na po para sa mga nag aabang :) asahan ko ang votes and comments niyo.
Balete wan :3
NOTE: Ang buong Story na ito ay Tribute kay IamKenth o maskilala natin bilang Kenth. This is my way of thanking him for being one of my influence in writing,syempre iba po ang takbo ng story na ito,maaaring tugma sa Title at description pero iba po ito.
To Kenth,this is for you! Ang lakas kasi ng impact sa amin nina Borg at Koi ng Halimaw sa Punong Balete eh,thank you for everything :)
Pagdating namin sa high way medyo nakahinga ako ng maluwag. Pero sadyang hindi din mawala ang inis ko dahil panay hagikgik ng walangyang Knoll sa likuran ko,feeling close ampootek?
“Last mo na yan. Itawa mo lahat dahil pagkatapos nito hindi na tayo magkikita.” Sabi ko at inirapan siya. “Nasan ba ang mga jeep dito?”
“Do you think magandang idea pag sa jeep ko sumakay? Kakalat ang panghe mo.” Again,humagikgik siya. Isa na lang talaa bibigwasan ko na ang testosterone ng koreanong hilaw na ’to.
“Salamat sa paalala ha? Uuwi na lang ako mag isa. Salamat na lang sa alok mong libre.” Inis kong sabi at nag martsa palayo,hindi na ako takot dahil maliwanag na ang ilaw ng mga poste.
Haay! Nanghihinayang ako sa bago kong phone! Bwisit na mga holdaper yun.
Direderetso lang ako ng lakad at hindi talaga lumilingon,dibale ng malayo lakarin ko,makakauwi naman siguro ako nito.
Pero kailan pa? Jusme! Kasalanan to ng mga holdaper na iyon eh.
Nasa ganon akong pag iisip habang mabilis na naglalakad ng biglang may bumusina.
Na out of balance ako dahil sa gulat at napaupo ako sa gutter.
“My buttttttt!!” Sigaw ko at nilingon yumg bumusina.
Isa palang taxi. At mula dun ay bumaba ang koreanong hilaw na si Knoll.
“Oh Kechell? Pagod ka na? Naka upo ka na sa gutter. Sakay na sa taxi ng makauwi na tayo.” Sabi niya na nakapamewang pero halatang nagpipigil ng tawa.
“Kaya kong umuwi mag isa.” Inirapan ko siya. Ang totoo ay hindi ako makatayo dahil sa sakit ng pwet ko. Kasalanan to ng Knoll na to eh.
“Uy,huwag ka ng umarte dyan. Umaandar ang metro ng taxi at baka nakakalimutan mo na ako ang magbabayad?” Ani Knoll kaya bigla akong napatayo. Ayoko ng madagdagan ang utang na loob ko sa kanya.
Pagkatayo ko pa lang ay biglang umulan ng malakas.
“Waaaahhhhh!!!” Sigaw ko at nanakbo papunta sa taxi.
“Shit! Ang malas mo talaga!” Dinig kong sabi ni Knoll at sumunod na sa akin sa loob ng taxi.
“Malas naman oh.” Sabi ko at nagpagpag pa.
“Ikaw ang malas! Malas ka at ang ihi mo!”
Sa sinabi ni Knoll ay tiningnan ko siya ng masama pero balewala lang sa gago at sinabi nito sa driver kung saan kami kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Hoy! San mo ako dadalhin?” Ang gulat kong tanong nung umaandar na ang taxi.
“Sa bahay! Magbibihis tayo dahil nabasa tayo sa ulan at para hindi ka na din mamanghe!”
“Salamat sa paulit ulit na reminder ha?”
“Kung bakit kasi naihi pa. Umulan tuloy!”
“Hoy! Anong konek? Naiinis na ako talaga! At saka natakot ako! Ikaw kaya makakita ng lalaki sa balete? Hindi ka matatakot?!”
“Tinatakot mo lang sarili mo. Hindi totoo ang mga multo at engkanto.”
“Lul! May halimaw nga sa balete eh! Lalaki pa kayang bigla na lang lalabas sa likod ng balete?” Sagot ko naman.
“Tumahimik ka naman. Mahiya ka kay Manong Driver.” Pagkasabi nun ni Knoll ay saka lang ako nakaramdam ng hiya kaya nanahimik na lang talaga ako.
Napanganga ako ng pumasok ang taxi sa isang subdivision,at nalunok ko ang bagang ko ng timigil ang taxi sa tapat ng malaking bahay.
“Wow! Dito ka nakatira Knoll! Ong gondo!” Ani ko ng makababa kami,mabuti na lamang at tumila na ang ulan.
“I know. Kaya pakisara ang bibig mo.” At naglakad na siya at sumunod ako.
Pagpasok sa loob ng bahay ay hindi ko alam kung san ipapaling ang ulo ko,lahat ng makita ko ay kumikinang at sumisigaw ng karangyaan.
“Eng gende telege!” Hindi ko mapigilang sabi ng umaakyat na kami sa hagdan. Totoo pa lang may mga ganitong bahay?
“Tara na para makapag banlaw at bihis na at maipahatid na kita. Tawagan mo na din ang pamilya mo at sabihin mong male-late ka.”
“Excuse me? Naholdap nga ako diba?”
“Ang malas talaga.” Hindi ko na pinansin at sumunod pa din ako sa kanya.
Hayop lang ang kwarto niya! Wala akong masabi!
“San ako magbabanlaw? At anong isusuot ko?” Ani ko at halos mabali na ang leeg ko sa kakatingin sa paligid.
“Sa bathroom. Pagkatapos mo ay bumaba ka na para maipahatid na kita. Sa guest room na ako maliligo.” Aniya,may pinasukan siyang maliit pang kwarto at paglabas ay may mga dala ng damit at nilapag sa kama at saka lumabas.
Kaya ang ginawa ko ay kinuha ko na ang mga damit,kasama ang isang brief na may price tag. Para nahiya tuloy akong gamitin iyon dahil sa presyo.
Nang nasa banyo na ako ay sinimulan ko ng maligo. Tingin tingin sa paligid. At napanganga ako sa aking nakita.
Brief niya na gamit na,may naiwang isang pirasong buhok at may katas pa na ano,you know what i mean.
“Pilyo ka din palang Knoll ka. May pang inis na din ako sayo ngayon.” Nakangisi kong sabi sa aking sarili at inamoy ko ang brief.
Joke lang! Hindi ako ganon kamanyak no?
Matapos maligo at makapag bihis ay bumaba na ako. Nasan kaya ang parents niya?
“Kuya,pakihatid na lang siya sa sasabihin niyang address” naabutan kong sabo ni Knoll sa driver ata nila. Napalingon ito sa akin at ngumisi. “Ito na siya kuya.”
Sumakay na ang driver at sumakay na din ako sa frontseat. Ang taray lang,may maghahatid sa akin paniguradong magugulat ang mga kapitbahay namin nito.
Kumatok sa bintana si Knoll kaya binuksan ko.
“Labhan mo iyan. Kukunin ko sayo yang mga suot mo one of these days.”
“Okay.” Nakangisi kong sagot. “Maramng salamat nga pala ah? Next time silipin mo ang brief mo bago mo ihagis. May naiwan kasing bakas eh”
Napanganga si Knoll at sinara ko agad ang bintana.
Checkmate!
- NEXT UPDATE BEAUTIFUL DAYS. VOTE AND COMMENT PO :)

