ANG MAGKAKAIBIGAN LABAN SA ASWANG (COMPLETED)
VladmireGordon · 8 chapters · 11,345 words
UNANG YUGTO
NARRATOR Ang baranggay ng San Roque, Capiz ay pinaniniwalaan noon na may naninirahang mga aswang dito, pero ilang beses nang napatunayan ng mga nakatira sa bayan ng San Roque na hindi totoo ang mga haka-haka sa kanilang baranggay. . . Ngunit taong 1995, umalingasaw ang patayan sa baranggay ng San Roque at hindi lang basta patayan ang naganap noong 1995 dahil lahat ng biktima nang pumapatay ay nawawala ang puso o minsan ang laman loob nito. Dahil dito, nabalot ng takot ang baranggay San Roque. Upang iwasan ang takot, nangako noon ang isang tao na siya ang hahanap sa anumang halimaw o masamang tao na gumagawa nito sa baranggay ng San Roque. . . Dahil may nagbabantay na sa kanilang baranggay ay nabawasan ang takot ng mga nakatira dito, at hindi nagtagal naging normal na ang buhay ng mga nakatira sa San Roque at ang taong nangako sa baranggay ng San Roque ay hindi na muli pang nakita o namataan. 2024.. Sa tagal nang nanahimik ng bayan ng San Roque ay muli na namang naghasik ng lagim ang mamamatay-tao na kumukuha ng puso o laman loob ng taong biktima niya… Tuwing gabi lamang umaatake ang nasabing mamamatay- tao na ito. Pero tao nga kaya o aswang?
JON (CONCERNED) Lolo Cielo! Ano po ba ang ginagawa niyo dyan? Ako na po ang gagawa niyan at baka sumakit pa po ang katawan niyo, Lolo Cielo.
LOLO CIELO (INSISTING) Apo, malakas pa ako sa kalabaw! Kayang-kaya ko na yan ikaw talagang bata ka.
JON (NIYAKAP SI LOLO CIELO) Lolo ikaw na lang po ang pamilya ko kaya kung may mangyayari pa sa inyo, baka hindi ko kayanin ng wala po kayo, lolo.
KYLER (TEASING JON) Ayan tayo Jon eh! Ha! Ha! Kung sabagay Jon, ang sarap nga naman ng may lolo na mapagmahal tulad ni Lolo Cielo (BINOBOLA SI LOLO CIELO) hehe hindi po ba, Lolo Cielo?
ANDOY (INAASAR SI KYLER) Kyler, puro ka kalokohan, ’no? Nambola ka pa dyan! O siya, Lolo Cielo hihiramin po muna namin si Jon at maggagala lang po kami.
LOLO CIELO (PUMAYAG PERO BINALAAN SILA) O sige na humayo na kayo at baka gabihin kayo! Mahirap na at nauuso na naman ang patayan dito sa ating baranggay! Tandaan niyo maaga kayong bumalik mga iho, huwag magpapagabi at tuwing gabi umaatake ang mamamatay-tao!
KYLER Opo Lolo Cielo. Tatandaan po namin yan, salamat po.. JON (BINILINAN SI LOLO CIELO) O lolo ha, wag matigas ang ulo? Magpahinga po kayo at huwag po kayong makikipag-usap sa hindi natin kilala. Babalik din po kami ng maaga, pangako po.
KYLER (SHOCKED) O tara na at baka nga habulin pa tayo ng.. ahhhh! Mang Agapito naman ginulat niyo naman ako! Ano po ba at nagsisisigaw kayo?
AGAPITONG BALIW Panahon na ng pagsisisi! (TALKING NONSENSE).
EZIKIEL Mang Agapito! Anu-ano na naman po ang pinagsasabi niyo… Ay magandang araw po pala Lolo Cielo.. (STARE AT JON).
LOLO CIELO (UNSETTLED) Ezikiel magandang araw din iho. . . ah eh Jon! Apo, mag iingat kayo ha?
JON Ay opo lolo pangako po mag-iingat kami… (CURIOUS) Ezikiel ano at naririto ka? May kailangan ka ba?
KYLER (TEASING ANDOY) Ah Andoy baka ikaw ang hinahanap ni Ezikiel! Kasi isa siyang aswang daw hindi ba? Baka kaya siya naparito upang sunduin ka! HA! HA!
NARRATOR BINATUKAN NI JON SI KYLER.
JON Manahimik ka nga Kyler! Pag napikon nanaman sa iyo si Andoy magkakapasa na naman ang mukha mo. (STARE AT EZIKIEL) Nga pala Ezikiel ano ba kasi ang pakay mo rito?
ANDOY (BOTHERED) Masama talaga ang kutob ko sa iyo Ezikiel…
EZIKIEL (PRETENDING) Nais ko lamang kayong maging kaibigan masama ba iyon?
AGAPITONG BALIW Hetong sa iyo! Masamang elemento! NARRATOR HINAMPAS NG BUNTOT NG PAGI NI MANG AGAPITO SI EZIKIEL.
EZIKIEL (NASAKTAN) Aray! Naku naman mang Agapito! Bakit ba ako ang pinag-iinitan niyo? Nakikipag kaibigan lang ako!
JON Wala kaming oras makipag-usap sa iyo Ezikiel! Umalis ka na para hindi ka na saktan ni Mang Agapito..
NARRATOR TINITIGAN NI JON ANG BRASO NI EZIKIEL. SA ISIPAN NI JON.
JON Ang sugat sa kamay ni Ezikiel, tila kakaiba! Mukha talagang may kakaiba kay Ezikiel.. aalamin ko ang totoo.
EZIKIEL (DETERMINED) Babalik pa ako Jon. Patutunayan ko sa inyong lahat na normal akong tao!.
NARRATOR Umalis si Ezikiel sa lugar nina Jon. Pero nakatitig pa rin si Jon kay Ezikiel hanggang sa makalayo ito dahil nagdududa si Jon sa pagkakasugat ng braso ni Ezikiel sa buntot ng pagi, dahil ayon sa paniniwala ng iba, ang buntot ng pagi ay ginagamit sa mga aswang para sila ay saktan o mapaslang. . . Ang tanong sa isip ni Jon aswang nga kaya si Ezikiel?
ANDOY (CURIOUS) O ano Jon? Hindi ba at nakapagtataka ang Ezikiel na yon? Kapansin-pansin ang kakaiba niyang kilos at hindi lang ito ang unang beses siyang nasaktan ng husto sa paghampas ni Mang Agapito sa kanya ng buntot ng pagi! Hindi kaya isa talaga siyang aswang o maligno?
KYLER (NOT CONVINCED) Andoy baka naman haka-haka mo lamang iyan. Nasa 2024 na tayo, naniniwala ka pa ba sa aswang?
AGAPITONG BALIW (CONVINCING KYLER) Ang aswang o maligno ay walang pinipiling panahon o araw! Sila ay aatake sa oras na gustuhin nila! Kaya. . . maghanda na kayo! Paparating na ang araw ng pagsisisi! HA! HA!
KYLER (HINDI NANINIWALA) At sa may problema pa sa pag-iisip tayo maniniwala? Alam niyo Jon at Andoy masyado kayong nagpapaniwala sa mga aswang, maligno, engkanto at iba pa! Taong 2024 na! Wala nang masyadong naniniwala sa mga ganyang bagay!
ANDOY (CONVINCING KYLER) Palibhasa kasi hindi ka pa nakakakita ng totoong aswang! Pwes, ako nakakita na, at alam niyo ni Jon iyan, hindi ba?
NARRATOR INAWAT NI JON SINA KYLER AT ANDOY
JON Tama na nga iyan! Baka mamaya pa, mag-away pa kayo dahil dyan! Halina kayo. Sandali lang, saan ba tayo pupunta?
ANDOY (PROUD) Saan pa ba? E di sa palagi nating tinatambayan noong mga bata pa tayo.
KYLER (LAUGHING AND TEASING JON) HA! HA! Sa ilog Kung saan niloko ka namin Jon at sinabing may malignong humahabol sa iyo at dali-dali ka’ng nagtatatakbo! HA! HA!
JON (LAUGHING AND TEASE KYLER) Oo Kyler natatandaan ko ang nangyari noon! HA! HA! Hindi ba, ikaw naman, nadapa sa katatawa mo? Kaya bilang ganti, iniwan ka namin mag-isa! HA! HA!
ANDOY (LAUGH) HA! HA! Oo nga Kyler, naalala ko iyon! Hay ang sarap balikan ng pagkabata natin ano? O bago pa tayo mag-iyakan, halina kayo at malapit lang naman ang ilog na iyon dito.
NARRATOR Habang papunta ang tatlong magkakaibigan sa ilog kung saan marami silang alaala ay biglang nagpakitang muli si Ezikiel sa kanila at tila determinado ito na maging kaibigan nilang tatlo, pero malakas pa rin ang kutob nina Andoy at Jon na hindi normal na tao si Ezikiel. Tama nga kaya sila? At para mapatunayan kung tao nga si Ezikiel, tiningnan nina Jon ang sugat nito kung gumaling agad o hindi? Dahil may paniniwala ang iba na ang aswang ay may kakayahang gamutin ang sugat nila.
JON (EXCITED) O Malapit na pala tayo! Bilisan na natin HA! HA!
NARRATOR GUSTONG SUMAMA NI EZIKIEL SA MAG KAKAIBIGAN…
Sa susunod na Yugto…
Tama nga kaya ang hinala nila andoy tungkol kay Ezikiel?….
Also Watch and listen to this story at Youtube channel 👉Sir Jeff Horror Story.
©️All Rights Reserved 2025
IKA-LAWANG YUGTO
EZIKIEL Maari ba akong sumama sa inyo? Gusto ko talaga kayong maging kaibigan.
NARRATOR NAGDUDUDA SI KYLER KAY EZIKIEL.
KYLER Saan ka naman galing at paano mo nalaman ang pupuntahan namin?
EZIKIEL (MAKING EXCUSES) Ah! Malapit lang naman ang tirahan ko rito kaya sumunod na ako sa inyo. Pasensya na..
ANDOY (NOT CONVINCED) Hindi ako naniniwala sa iyo! Sigurado akong sinusundan mo kami kanina pa! Hmm… ano ba ang sikreto mo Ezikiel? Bakit tila kakaiba ang pagkatao mo? (CURIOUS).
EZIKIEL (NAGPAPANGGAP) Ako, kakaiba ang kilos? Andoy, normal lang ako na tao tulad niyo. Hindi ko alam kung bakit niyo ako pinaghihinalaan na aswang o maligno! Ordinaryong tao lang din ako tulad niyo, at gusto ko lang makipagkaibigan sa inyo…
NARRATOR HINABLOT NI JON ANG KAMAY NI EZIKIEL.
JON Patingin nga ng sugat mo! Hmm… O sige, naniniwala na ’ko sa iyo Ezikiel pero bakit ka agad nasugatan ng buntot ng pagi kung hindi ka isang aswang?
ANDOY (PINAKIKIRAMDAMAN SI EZIKIEL) Ezikiel nagtataka ako sa iyo. Bakit ka nasaktan sa buntot ng pagi? Sa nakita ko, hindi naman nilakasan ni Mang Agapito ang hampas sa iyo? (CURIOUS)
EZIKIEL (PRETENDING) Malakas ang pagkakahampas sa akin ni Mang Agapito kaya nga ako nasugatan o nalatayan nito, pati ba naman kayo pinag-iisipan ako ng masama? Hindi ako masamang tao! Pinapangako ko iyan sa inyo…
NARRATOR PABULONG NA KINAUSAP NI KYLER SI JON.
KYLER (WHISPERS) Delikado tayo kay Ezikiel. Baka kung ano ang gawin sa atin niyan! Mamaya siya pala ang mamamatay-tao!
JON (AGREE TO KYLER) Tama ka pero dapat maging maingat tayo. (CAUTIOUS) Dahil kung sasabihin natin sa kanya na pinaghihinalaan natin siya bilang mamamatay-tao, baka unahin niya tayo at wala tayong laban sa ngayon.
KYLER (AGREE TO JON) Oo nga Jon, kailangan nating kilalanin maigi si Ezikiel! Pero kung siya nga ay isang aswang maaari din na may mga kasamahan pa siya dito sa baranggay natin, tama?
NARRATOR NAKITA NI JON SI MANG AGAPITO NA NAKATINGIN KAY EZIKIEL.
JON Mang Agapito? Ano kaya ang ginagawa niya rito? Bakit siya nakatitig kay Ezikiel?
NARRATOR PINALAPIT NI ANDOY SINA KYLER AT JON.
ANDOY Hoy! Jon! at Kyler! Samahan niyo na kami rito ni Ezikiel! At baka tubuan kayo ng ugat katatayo dyan! Ha! Ha! NARRATOR Habang nagsasaya sila, panandaliang nawala si Ezikiel at hinanap naman ito agad ni Jon, at napansin ni Jon na hindi lumalapit sa tubig si Ezikiel. Nagtataka si Jon sa panandaliang pag-alis ni Ezikiel kaya tinanong niya si Ezikiel kung bakit ayaw niyang lumapit sa tubig? Naniniwala si Andoy na ang mga aswang ay takot sa tubig dahil maari silang masaktan o mamatay dito. Kaya tinanong din ni Andoy si Ezikiel.
ANDOY (LOOKING FOR EZIKIEL) Ha! Ha! Ang dami nating ala-ala dito sa ilog na ito! Teka, sandali, nasaan si Ezikiel?
KYLER (HINAHANAP SI EZIKIEL) Ezikiel! Ezikiel! Nasaan ba ang lalakeng yon? Ezikiel…
EZIKIEL (PATULOY NAGPAPANGGAP) Kyler! Nandito lang ako sa tabi! Nagmumuni-muni lang ako sa paligid.
NARRATOR NAGDUDA SI ANDOY KAY EZIKIEL.
ANDOY Talaga ba na nandyan ka lang? Bakit hindi ka namin makita kanina?
EZIKIEL (EXPLAINING) Hindi ako nawala Andoy. Naka hindi niyo lang ako nakita kasi masyado kayong abala sa pag-alaala ng kabataan niyo…
JON (NAGTATAKA) Paano mo nalaman ang tungkol sa mga bagay na iyan?
EZIKIEL (NAGPAPA LUSOT) Narinig ko kayong nag-uusap kanina, kaya nalaman ko.
KYLER (NAGDUDUDA KAY EZIKIEL) Narinig? Ibig sabihin ba nito, sinusundan mo kami kanina pa? Pero…
NARRATOR MAY NARINIG SILANG SIGAW SA HINDI KALAYUAN.
MAN 1 AHHHHHHHH!
JON Ano iyon? Halika na umalis na tayo at baka umaaatake na ang mamamatay-tao!
NARRATOR TININGNAN NI JON SI EZIKIEL. SA ISIPAN NI MANG AGAPITO.
AGAPITONG BALIW Ezikiel sino ka ba talaga? Bakit ka ba nanggugulo sa bayan na ito? Malalaman ko rin ang tunay mong pagkatao!.
KYLER (WORRIED) Jon! Baka mapa’no si Lolo Cielo! Kailangan na nating umuwi!
JON (WORRIED) Tama, halika na! At. . . ikaw Ezikiel huwag ka nang sumama sa amin, umuwi ka na rin!
NARRATOR NAKARAMDAM NANG HINDI MAGANDA SI ANDOY KAY EZIKIEL.
ANDOY Jon hindi maganda ang pakiramdam ko halika na! At. . . nasaan na naman si Ezikiel?
AGAPITONG BALIW (SCREAMING) Mamatay ka na! Haaa!
KYLER Si Mang Agapito iyon ah?
JON Baka si Ezikiel ang kaaway ni mang Agapito! Halika na!
ANDOY (STOP THEM) Sandali! NARRATOR KINUHA NI ANDOY ANG SLING BAG NITO AT INIABOT ANG PUNYAL KAY JON.
ANDOY Heto Jon kunin mo.. magagamit mo iyan laban sa mga aswang o kung sino man ang pumapatay sa mga tao rito.
NARRATOR Binigay ni Andoy ang punyal kay Jon para kung sakali mang umatake ang mamamatay-tao o aswang ay magagamit ’yon ni Jon laban dito. Kaya pinuntahan agad nila si Mang Agapito at nang makita nila si Mang Agapito, nakita nila na may nahuli itong napakalaking aso at puro dugo ito. Ayaw pakawalan ni Mang Agapito dahil isa raw itong aswang sapagkat hindi pang karaniwan ang laki ng aso na nahuli niya. Matangkad pa sa tao ang nahuli ni Mang Agapito na aso… Pero ang tanong nina Jon, Andoy, at Kyler aso nga ba ito o isang aswang na nagpapanggap na hayop?
JON (CURIOUS) Mang Agapito… Ano po ang nahuli niyo? Bakit napakalaki niyang aso?
ANDOY (NAGHIHINALA) Hindi kaya isa ’yang aswang, Jon?
KYLER (NOT CONVINCED) Aswang sa ganitong oras? E di natunaw iyan! Hindi ba takot ang aswang sa araw???
AGAPITO BALIW (PINALIWANAG ANG SITWASYON) Ang aswang ay walang pinipiling oras! Aatake sila anumang oras nila gustuhin! Minsan, sila ay nag-aanyong hayop o anumang bagay na maaari silang maprotektahan sa tao at araw, kaya hindi sila tinatablan ng kapangyarihan ng araw!.
JON (CURIOUS) Kung ganon, sinasabi niyo po ba na aswang ang nahuli n’yo?
KYLER (HINDI NANIWALA) At sa baliw talaga kayo naniwala? Nakita niyo na wala sa katinuan ang tao! Talaga bang sa kanya kayo maniniwala?.
NARRATOR HINAWAKAN NI AGAPITONG BALIW SI KYLER SA KAMAY. AGAPITONG BALIW Sino ang baliw? Ha? Nakikita mo ba ang hayop na nahuli ko? Mukha pa bang kabaliwan ito? Hindi ba’t isang aswang lamang ang ganitong klase ng hayop? Tingnan mo Kyler! Ting…
NARRATOR Dahil sa pagtatalo nina Kyler at Mang Agapito, nakatakas ang dambuhalang aso na nahuli ni Mang Agapito at hindi nila ito nahabol pa, pero naitanong din nila kay Mang Agapito kung saan galing ang sigaw na kanilang narinig? Sinabi ni Mang Agapito na ito ay mula sa aswang na nahuli niya pero ngayon ay nakatakas dahil sa kanila. Kaya naman inawat na ni Jon sina Mang Agapito at Kyler at inaya na itong umuwi upang makibalita kung ano ang nangyayari sa kanilang baranggay. . .
Sa susunod na kabanata…
Ano pa ba ang matutuklasan nila Kyler,Jon,At Andoy Sa Pagkatao ni Ezikiel?.
Mapapakinggan Din Ito sa Youtube channel Ni Sir Jeff Horror Story.. see you there 💙
To god be the glory.
©️All Rights Reserved 2025
IKATLONG YUGTO
JON (HINDI MAPAKALI) Sa tingin niyo Kyler at Andoy hindi kaya si Ezikiel ang nahuli ni Mang Agapito kaya mabilisan ’yung tumakas?
KYLER (BAD TRIP) Oo! Totoo ang aswang! Ano? Sa may problema sa pag-iisip talaga kayo maniniwala? Seryoso ba kayo? At ikaw naman Jon alam mo na may sira ang utak ni Mang Agapito pinapatulan mo pa ang ano mang maisipan niyang gawin! Kilala naman siya rito na Agapitong baliw dahil nga baliw o may problema siya sa pag-iisip! Tapos maniniwala kayo sa aswang? 2024 na! Hay naku!
ANDOY (SCOLD KYLER) Ayun na nga Kyler! Alam mo nang may problema sa pag-iisip si Mang Agapito pero pinatulan mo pa rin! E di sino ang mas nagmukhang siraulo sa inyo? E di ikaw! At tama lang na sinaway ka ni Jon! Hoy Kyler! Nakatatanda pa rin si Mang Agapito kaya matuto kang rumespeto…
JON (STILL CURIOUS ABOUT EZIKIEL AND MANG AGAPITO) Hmm… hindi kaya nagpapanggap lang si Mang Agapito na nasisiraan siya ng bait, para hindi siya pagsuspetsahan ng mga tao sa San Roque? At si Ezikiel, pakiramdam ko may lihim siya’ng tinatago! At iyon ang aalamin ko! Kyler kung ayaw mo akong samahan sa pag-iimbestiga sa dalawang tao, ayos lang naman. Desisyon mo iyan at buhay mo iyan kaya ayos lang kung ayaw mo akong samahan dito.
NARRATOR NAKITA NI ANDOY SI LOLO CIELO NA MAY DALA-DALANG KAWAYAN.
ANDOY May mas nakakatakot pa kina Ezikiel at Mang Agapito!
JON (CONFUSED) At sino naman ’yon, Andoy?
ANDOY (SCARED) Ang lolo mo Jon!
LOLO CIELO (ANGRY) At ano’ng oras niyo balak magsipag-uwi ha? Talagang gulo ang hinahanap niyong magkakaibigan ano?
NARRATOR AT BINATUKAN NI LOLO CIELO SI JON.
LOLOCIELO At ikaw Jon! Ang tigas ng ulo mo! Alas singko na! Nakita mong ang dilim na! Ang usapan natin, hindi kayo gagabihin! Aba ano’ng oras na!
KYLER (KINAKALMA SI LOLO CIELO) Eh lolo huwag na po kayong magalit. Nakauwi naman po kami ng maayos at ligtas hehe.
ANDOY (AGREE WITH KYLER) Oo nga po Lolo Cielo kaya KINUHA ANG KAWAYAN Akin na po iyan at baka masaktan pa po tayo hehe.. Lolo, ligtas po kami kaya wag na kayong mag-alala.
JON (STILL CURIOUS ABOUT MANG AGAPITO AND EZIKIEL) Lolo maiba po ako, may alam po ba kayo sa pagkatao ni Mang Agapito bago siya nawala sa katinuan niya? At si Ezikiel, sino po ba ang mga magulang niya at bakit tila hindi siya tumatanda at kapansin-pansin po sa kanya na mabilis gumaling ang sugat niya? Lolo, may nalalaman po ba kayo tungkol sa kanila ni Mang Agapito?
LOLO CIELO (REMEMBER THE OLD DAYS) Ah si Agapito? Ang totoo niyan, hindi naman talaga siya nababaliw! Mga apo, totoo ang mga sinasabi ni Agapito na may aswang dito sa San Roque at napatunayan na niya iyan ng maraming beses sa bayan na ito. Ang nangako noon na hahanapin niya ang mamamatay tao o aswang na gumagawa ng krimen o ano mang karumal-dumal na pagpatay dito sa ating baranggay ay hindi na muli pang nakita o namataan sa bayan ng Capiz! Pero nanatili ang katahimikan dito nang napakatagal, at muli, nabuhay ang bali-balita na nagbalik ang pumapatay na aswang o tao, pero ni isang beses, hindi nila iyon nakita dahil mabilis at mabangis ang nilalang na pumapatay sa bayan na ito.. JON (CURIOUS) Lolo ibig niyo po ba’ng sabihin, ang nangakong mananatiling ligtas at tahimik ang bayan na ito ay si Mang Agapito? Pero bakit po siya nabaliw o nawala sa kanya’ng sarili?
LOLO CIELO (TOLD THEM THE TRUTH ABOUT MANG AGAPITO) Ang totoo niyan, si Agapito ay ang lalaking nangako na hahanapin niya ang aswang o ang sino mang masamang loob na gumagagawa ng karumal-dumal na pagpatay sa mga tao rito sa San Roque, pero matagal nagtago si Agapito sa pag-aakalang nagapi na niya ang pumapatay sa San Roque. Ngunit naulit muli ang malagim na pagpatay sa mga tao rito sa San Roque tuwing sasapit ang dilim. Umaatake ang nilalang na pumapatay rito sa San Roque. At matapos makarating kay Agapito ang balita, agad siyang bumalik upang ligtas ang bayan sa anumang halimaw o nilalang ang gumagawa nito sa San Roque, at dito napatunayan ni Agapito na isang aswang ang may kagagawan ng patayan o karumal-dumal na pangyayari sa bayan na ito. Nagaping muli ni Agapito ang aswang at napanatili niya ang katahimikan sa bayan ng Capiz at sa baranggay San Roque… pero mula noon nangako rin si Agapito sa kanyang sarili na hahanapin niya pa ang nagtatagong aswang sa baranggay natin, at upang hindi siya mapaghinalaan, nagpapanggap siyang nasisiraan ng bait, kaya ganyan ang kaniyang kinikilos sa ngayon upang mahanap kung sino ang natitirang aswang na gumugulo sa baranggay natin…
KYLER (CONVINCED) Kaya naman po pala ganon si Mang Agapito. Hmm… si Ezikiel po Lolo Cielo, ano po ang nalalaman niyo tungkol sa kanya?
NARRATOR SUMILIP SA BINTANA SI ANDOY.
ANDOY Sandali! Si Ezikiel nandito! At parang nagmamasid siya!
NARRATOR NAPANSIN NI JON NA KUMUKULO ANG BOTE NG LANGIS NA NAKASABIT SA BAG NI ANDOY.
JON Andoy hindi ba kumukulo lang ang langis na iyan kapag may malapit na aswang? Bakit tila kulo ng kulo iyan? Sandali! Si Ezikiel?
NARRATOR SINABIHAN NI LOLO CIELO SI ANDOY NA MAGSABOY NG ASIN SA PALIGID.
LOLO CIELO Andoy magsaboy ka ng asin sa paligid! Para lumayas ang aswang!
NARRATOR AGAD SINUNOD NI ANDOY SI LOLO CIELO.
ANDOY Masusunod po lolo. Tingnan niyo! Biglang nawala si Ezikiel!
NARRATOR NAPANSIN NI KYLER ANG LANGIS SA BAG NI ANDOY.
KYLER At tumigil din sa pagkulo ang langis sa bag mo Andoy.
(LAUGH AND TOLD THEM EZIKIEL’S LITTLE SECRET) LOLO CIELO Ha! Ha! Ngayon mga apo, alam niyo na kung ano si Ezikiel? Heto ang kaunting katotohanan tungkol kay Ezikiel. . . Siya ay hindi tumatanda at marami na ang nakakapansin sa kanya. Ang edad daw ni Ezikiel ay nasa 103 na, pero hindi siya tumatanda hindi ba? Dahil si Ezikiel ay may dugong aswang at bampira kaya uhaw palagi si Ezikiel sa dugo at laman! Kaya siya mabilis gumagaling at nakakatakbo ng mabilis dahil isa iyan sa mga abilidad ng isang bampira pero dahil siya ay may dugo ng aswang, masasaktan pa rin siya ng kahit anong bagay na makakasakit sa isang aswang. Ngayong alam niyo na ang lihim ni Ezikiel kaya mag-iingat kayo sa kanya dahil tulad ng mga bampira, kaya niyang basahin ang anumang iniisip ng isang tao… Mag-iingat kayo dahil kinukutuban na si Ezikiel sa plano mo Jon na imbestigahan ang pagkatao niya. Ibayong pag iingat ang pairalin n’yo.
JON (DETERMINED) Kung ganon, kailangan na nating alamin agad kung si Ezikiel nga ba ang dahilan ng mga patayan dito sa baranggay natin.
NARRATOR Ngayong alam na nina Jon, Kyler, at Andoy kung sino si Ezikiel, lalo namang nagpursige si Jon na malaman kung ano pa ang lihim ni Ezikiel, kaya naman inalam ni Jon kung saan ito nakatira at nagulat si Jon dahil malapit ito sa ilog kung saan sila madalas nagkikita o nagpupuntang magkakaibigan. Dinala ni Jon ang bigay ni Andoy na punyal upang may proteksyon siya kung sakali mang tangkain siyang atakihin ni Ezikiel. Para kahit pa’no may panlaban siyang dala laban kay Ezikiel…
NARRATOR NAGPAALAM SI JON KAY LOLO CIELO NA AALIS.
JON Lolo Cielo, kung si Ezikiel nga po ang pumapatay dito sa baranggay natin, kailangan na natin siyang mapigilan bago pa lumala ang pagpatay niya. Maaaring ako o ikaw lolo ang gusto niya pong isunod na biktima kaya siya nagmamasid kanina rito. Lolo, hayaan mong tuntunin namin kung saan siya nakatira nang sa ganun, madali natin siya masusugpo.
NARRATOR NAGDADALAWANG-ISIP SI LOLO CIELO NA PAYAGAN SINA JON.
LOLO CIELO Mapanganib, apo! At isa pa, may pinatay na naman kagabi rito sa ating baranggay, at katulad ng dati, natagpuang walang puso at walang dugo ito. Apo nag-aalala lang ako sa iyo kaya makinig ka sa akin.
NARRATOR SUMANG-AYON NAMAN SI KYLER KAY LOLO CIELO.
KYLER Tama naman si Lolo Cielo, Jon. Mabuti na nag-iingat tayo. Pero Jon, bukas na lang natin gawin ito para mas madali tayong makakasunod kay Ezikiel saan man siya magpunta. NARRATOR HINDI SUMANG-AYON SI ANDOY
ANDOY Kung ipagpapabukas pa natin, baka makapangbiktima pa si Ezikiel ng panibago dito sa baranggay natin! Tandaan niyo na si Ezikiel ay may dugo ng bampira kaya mabilis niyang nagagawa ang plano niyang pagpatay sa mga tao rito.
NARRATOR SUMANG-AYON NAMAN SI JON KAY ANDOY.
JON Tama ka Andoy! Pero saan natin hahanapin ang pugad o bahay ni Ezikiel?
KYLER (NAG IISIP) Hmm… baka malapit lang siya rito o di kaya… (SHOCKED) AHH! Mang Agapito! Pambihira naman oh! Aatakihin ako sa puso sa inyo eh! Bakit po kayo naparito?
AGAPITONG BALIW Gusto niyo bang malaman ang pinagtataguan ni Ezikiel? Sa ilog kung saan kayo nagkikita-kita, may bahay malapit doon na kulay puti ang pintuan, at tanging lampara lamang ang liwanag ng bahay na iyon, ngunit mag-iingat kayo dahil si Ezikiel ay may kakayahang baguhin ang anyo niya. Minsan, kaya niyang magpanggap bilang isang aso, o sino mang tao na gusto niyang gayahin upang makapanlinlang! Pero heto ang makakapuksa sa walanghiyang aswang na Ezikiel na yon!
NARRATOR INABOT NI MANG AGAPITO ANG BUNTOT NG PAGI KAY JON
AGAPITONG BALIW Gamitin mo iyan laban kay Ezikiel! Ako na ang bahala sa lolo mo… Mag-iingat kayo dahil tiyak ko na kinukutuban na si Ezikiel sa gagawin niyo…
ANDOY (PROUD) Huwag kayong mangamba dahil mayroon akong dala-dalang pangontra sa aswang o ano mang sugo ng kadiliman! Binigay sa akin ito ng tatay ko nung siya ay nabubuhay pa.. At Kyler, sa iyo dapat itong punyal. Gamitin mo iyan kung sakaling atakihin ka ni Ezikiel.
NARRATOR Hindi rin nagtagal, napapayag din nila si Lolo Cielo na hanapin ang bahay ni Ezikiel, pero may inabot si Lolo Cielo kay Jon na pulseras. Ito raw ay kasama niya noong siya ay sanggol pa lang at nararamdaman daw ni Lolo Cielo na may kakaiba sa pulseras na ito, kaya ibinigay niya ito kay Jon para dagdag proteksyon sa ano mang halimaw o aswang na nagbabadyang umatake sa kanila… Habang sila ay naglalakbay, napansin nila na napakatahimik ng paligid at tulad ng paniniwala ng iba, kapag ang huni ng tiktik ay malapit, ibig sabihin malayo ang aswang, kapag malayo ang huni ng tiktik, ibig sabihin, malapit ang aswang sa paligid. Hindi nagpatinag ang tatlo sa paglalakbay kaya hinanda lang nila ang mga hawak nilang sandata kung sakali mang umatake ang aswang. Determinado silang hanapin si Ezikiel.
(DETERMINED TO FIND EZIKIEL) ANDOY Malapit lang daw dito ang bahay na sinasabi ni Mang Agapito. Humanda ka Ezikiel! Malalaman na namin ang tunay mong sikreto!
KYLER (WORRIED) Kinakabahan ako sa gagawin natin pero para sa ikatatahimik ng San Roque, handa akong harapin ang aswang o anumang nilalang na si Ezikiel!.
NARRATOR PINAKIKIRAMDAMAN NI JON ANG PALIGID.
JON Tumahimik muna kayo. Hindi niyo ba naririnig ang huni ng tiktik? Habang palapit tayo sa lugar ni Ezikiel, humihina ang huni nila.
NARRATOR NAPANSIN NI ANDOY ANG PULSERAS NI JON.
ANDOY Ibig sabihin, malapit ang aswang sa paligid. Maaaring nakatunog si Ezikiel sa plano natin na sugurin ang bahay niya. Kailangan na nating magmadali at sandali. . . Jon bakit kumikinang ang pulseras mo? Anong ibig sabihin niyan?
JON (EXPLAIN TO ANDOY) Ayon kay Lolo Cielo, isa raw itong pangontra sa aswang na ginawa daw ng mga magulang ko noong sila ay nabubuhay pa at kapag nagliwanag ito, ibig sabihin, may panganib na paparating. . . kaya maghanda kayo dahil nasisiguro ko na hindi nag-iisa si Ezikiel. Malamang may mga kasamahan siya na inuutusan para atakihin tayo at nang sa ganon, hindi tayo makarating sa tirahan niya.
NARRATOR HANDA NAMANG LUMABAN SI ANDOY. INILABAS NI ANDOY ANG ITAK NIYA.
ANDOY Handa na akong harapin ang mga peste na iyan Jon!
NARRATOR INILABAS NAMAN NI KYLER ANG KANYANG PUNYAL.
KYLER Handa na rin ako sa maaaring mangyari na laban ngayong gabi! Jon, Andoy, kailangan nating masigurong matatalo natin si Ezikiel nang sa ganon, magkaroon na ng katahimikan ang baranggay ng San Roque.
JON (SURE) Nasisigurio kong madadaig natin ang kampon ng kadiliman kung sama-sama tayong lalaban sa kanila! Kaya talasan niyo ang pakiramdam at pandinig niyo dahil sigurado ako na nagmamatyag na si Ezikiel sa paligid at naghihintay ng tamang oras para umatake!. At—. . .
Itutuloy…
Sa natuklasan ng magkakaibigan May laban nga kaya sila sa Mapagpanggap na Aswang?.
Mapapakinggan Din Ito Sa Youtube Channel Ni Sir Jeff Horror Story. 💙
©️ALL RIGHTS RESERVED 2025
IKA-APAT NA YUGTO
NARRATOR MAY NAPANSIN SI JON NA NAKAHANDUSAY. JON Ano iyon?
NARRATOR NAKITA NILA ANG ISANG LALAKI NA NAKAHANDUSAY SA DAANAN NILA.
KYLER Halika, lapitan natin. Sandali parang hindi na siya humihinga. AHHH!!!! Naku! Wakwak ang tiyan niya at wala rin ang lamang loob at puso niya!.
JON (ALERT) Kung ganun nagsisimula na muling umatake ang aswang. Kailangan nating maging alerto!
NARRATOR BIGLANG SUMULPOT SA KANILANG HARAPAN SI EZIKIEL.
EZIKIEL Kayo pala Jon, Kyler, Andoy. Ano ang ginagawa niyo dito sa ganitong oras? At ahh! Ano ang nangyari sa kanya? Bakit wakwak ang katawan niya?
ANDOY (NAGTATAKA) At paano mo naman nalaman na wakwak ang katawan niya? At wala ang kanyang puso? Samantalang hindi namin ginagalaw ang katawan niya at nakadapa lang siya dyan?
KYLER (AGREE WITH ANDOY) HA!HA! Akala ko pa naman mautak ka Ezikiel. Sumigaw ako ng sadya na wakwak ang katawan at walang puso ang biktima mo! Dahil alam ko, malapit ka lang sa amin!
NARRATOR TINITIGAN NI JON SI EZIKIEL AT KINOMPRONTA. TINUTOK NIYA ANG PATALIM NITO KAY EZIKIEL. JON Ezikiel kanina mo pa kami sinusundan hindi ba? At bakit mo alam ang nangyari sa taong to? Magtapat ka! Ikaw ba ang gumawa nito? Sagot!
NARRATOR Dahil kinokompronta na nila si Ezikiel tungkol sa nangyari, patuloy namang nagpapanggap si Ezikiel na wala siyang alam pero sinabi ni Ezikiel na tutulong siya para malutas ang kaso ng patayan sa San Roque para matigil na ang haka-haka ng iba na ang Capiz ay probinsya ng mga aswang. Pinilit ding paaminin ni Jon si Ezikiel kung sino ba talaga siya? Pero hindi umamin si Ezikiel. Patuloy siyang nanloko at pinilit na isa siyang normal na tao. Pero hindi naniniwala sina Jon, Kyler at Andoy sa pagpapanggap ni Ezikiel. . .
JON (CONFRONTING EZIKIEL) Sandali Ezikiel! Kanina mo pa ba kami sinusundan? At isa pa, paano mo nalaman na wakwak ang katawan ng biktima? Kung hindi naman namin iyan ginagalaw?
NARRATOR BIGLANG UMATAKE ANG ISANG TIKTIK KAY JON.
TIKTIK EEEEEK!
JON (FIGHT BACK) Akala mo, kaya mo ako porket aswang ka?
NARRATOR HINAMPAS NI JON NG BUNTOT NG PAGI ANG TIKTIK.
JON Hindi ako mahina tulad ng inaakala mo!
NARRATOR MULING HINAMPAS NI JON NG BUNTOT NG PAGI ANG TIKTIK.
JON Bumalik ka na sa impyerno!.
NARRATOR NAPANSIN NAMAN NI KYLER NA WALA SI EZIKIEL SA KANILANG HARAPAN.
KYLER Jon! Si Ezikiel biglang naglaho!
JON (LOOKING FOR EZIKIEL) Ezikiel! Huwag kang duwag! Lumabas ka! Hindi matatapos ang gabing to nang hindi ka namin napapatahimik!
EZKIEL (EVIL LAUGH) Ha! Ha! Ano kamo? Ako, mapapatahimik niyong tatlo? Magkakaalaman tayo!
NARRATOR NAG-ANYONG ASWANG SI EZIKIEL. HINDI NAMAN NASURPRESA SI JON.
JON Sinasabi ko na nga ba, may kakaiba talaga sa iyo! At tama nga sila! Isa kang aswang! Humanda ka sa katapusan mo!
EZIKIEL (IN A DEEP VOICE) HA! HA! Akala mo ba Jon madali mo akong matatalo? Mamamatay ka muna bago mangyari yon!.
NARRATOR HINDI NAMAN NAGPATINAG SI JON. JON At akala mo matatakot ako? Halika at maglaban tayo! Nang matapos na ang panggugulo mo sa San Roque!
NARRATOR HINAMPAS NI JON NG BUNTOT NG PAGI SI EZIKIEL.
JON ’Yan ang bagay sa ’yo! Salot!
EZIKIEL (FIGHT BACK) Hindi mo ako matatalo! INATAKE SI JON Haaaaaaaa!
NARRATOR NASALAG NI JON ANG ATAKE NI EZIKIEL.
JON Kaya kitang talunin sa ganitong paraan! Kaya humanda ka sa katapusan mo! Andoy! Dalian mo! Sunugin mo ang bahay ni Ezikiel! Ako na ang bahala sa kanya!
ANDOY (INAYA SI KYLER) Mag-iingat ka! Kyler, tayo na!
NARRATOR Dahil malapit lang ang bahay ni Ezikiel sa ilog kung saan sila madalas nagkikita-kita, dali-dali namang tumakbo sina Kyler at Andoy papunta sa bahay ni Ezikiel, at nang marating nila ang bahay ni Ezikiel, nakita nila ang sinasabi ni Mang Agapito na lampara na nagsisilbing ilaw nito sa dilim. Kaya sigurado na sila na ito nga ang bahay ni Ezikiel. . . ngunit pagpasok nila, nagulat sila at puro libro at kung ano-anong halamang gamot ang nasa mga botelya sa loob ng bahay ni Ezikiel at nakita rin nila dito ang isang libro tungkol sa mga bampira at aswang. Habang abala si Ezikiel sa pakikipaglaban kay Jon, maraming natutuklasan sina Kyler at Andoy sa bahay ni Ezikiel tulad ng lumang litrato sa ampunan kung saan galing si Jon. Posible rin kaya na galing doon si Ezikiel? Bago nila sunugin ang tirahan ni Ezikiel, naisip ng magkaibigan na balikan sina Ezikiel at Jon upang tanungin si Ezikiel tungkol sa nakita nilang litrato sa bahay niya.
KYLER (NAGTATAKA) Andoy, ano ang ibig sabihin nito? Galing din ba sa ampunan si Ezikiel kung saan galing si Jon?
ANDOY (LOOKING FOR MORE CLUES) Posible pero alam kaya ’to ni Jon? Tara! Kailangan muna nating malaman ang lahat kay Ezikiel bago natin siya tapusin!
NARRATOR GUSTO NANG SUNUGIN NI KYLER ANG BAHAY NI EZIKIEL.
KYLER Bakit ipagpapaliban pa ang pagsunog sa bahay ng salot? Pwede naman ngayon!
ANDOY (GUSTO MALAMAN ANG TOTOO) Kyler, kailangan nating malaman ang totoo! At baka noon pa minamanmanan ni Ezikiel ang kilos ni Jon kaya nagpupumilit siyang maging kaibigan natin noon pa! Halika na! At kailangang mabigyang sagot ang tanong natin bago natin ito sunugin! Kaya tara na!
JON (NAGMAMADALI) Andoy! Halina kayo ni Kyler! Bago pa bumalik si Ezikiel.
NARRATOR TINUTUKAN NI ANDOY NG ITAK SI JON.
ANDOY Sandali! Si Jon ka nga ba? Umayos ka ng sagot mo kung ayaw mong samain ka sa kin! Huwag kang lalapit sa amin! Iitakin kita!
NARRATOR NAGTATAKANG SUMAGOT SI JON.
JON Andoy! Ako ito! Si Jon! Ano ba ang nangyayari sa iyo?
NARRATOR HINDI PINAPASOK NINA ANDOY SI JON. ANDOY Kyler! May asin sa bulsa ko, kunin mo! Isaboy mo kay Jon!
NARRATOR SINUWAY NI KYLER SI ANDOY.
KYLER Andoy! Ano ka ba? Si Jon iyan! Hindi mo ba nakikilala si Jon?
ANDOY (PINALIWANAG KAY KYLER ANG KAKAYAHAN NG ISANG ASWANG) Kyler ang isang aswang ay may kakayahang manggaya ng gusto nilang gayahin! Ikaw o ako o kahit si Jon pwede nilang gayahin! Kaya sundin mo ako! Sabuyan mo ng asin si Jon! Dahil hindi siya pwedeng makalapit sa bahay niya! Dahil sa oras na makalapit siya sa bahay niya, makakakuha ulit siya ng lakas….
Itutuloy. . .
Mapapakinggan ito sa YOUTUBE CHANNEL NI Sir Jeff Horror story.💙
©️All Rights Reserved 2025
IKA-LIMANG YUGTO
JON (NAGPAAWA) Andoy, tingnan mo, nasugatan ako ni Ezikiel! Kaya kailangan ko ng tulong niyo.. nakikiusap ako na tulungan niyo ako! Kaibigan niyo ako kaya hindi niyo ako dapat pagdudahan…
NARRATOR NAGTANONG SI KYLER NA TANGING SI JON LANG ANG MAKAKASAGOT.
KYLER Kung ikaw nga si Jon, ilang taon tayo noong hinabol ka ng isang hayop sa may ilog?
NARRATOR TINITIGAN NI JON SINA KYLER AT ANDOY.
JON Matagal na iyon, hindi ko na natatandaan! Pwede niyo na ba akong papasukin sa bahay? Gamutin n’yo ako at nang makauwi na tayo!.
NARRATOR HINDI KUMBINSIDO SI KYLER.
KYLER Inaasahan ko na ganyan ang isasagot mo! Pwes ipakita mo sa min ang tunay mong anyo!
NARRATOR SINABUYAN NI KYLER NG ASIN SI KIEL.
KYLER Manlililinlang!
EZIKIEL ARRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRGH! Mga hayop! Akala niyo ba basta niyo ako matatalo? EVIL LAUGH Ha! Ha! Mamamatay din kayong magkakaibigan! Dahil kahit mapatay niyo ako, nakasisiguro akong mawawala sa landas namin si Jon Ha!Ha!.
KYLER (NAGTATAKA) Namin? Ibig sabihin mayroon ka pang mga kampon? Sandali nasaan si Jon?
KIEL (LIED) Patay na si Jon! EVIL LAUGH Ha! Ha! At tulad niya, kayo naman ang isusunod ko! Aaaaaaar!
NARRATOR SINABUYANG MULI NG ASIN NI KYLER SI KIEL.
KYLER Sinungaling! Heto’ng sa iyo!
KIEL Aaaaaargh! (PISSED) Hindi kayo magtatagumpay! Aaaaaargh! Mamamatay din kayong lahat!
ANDOY (CONFUSED) Kung nandito ka Ezikiel sino ang kalaban ni Jon?
KIEL (NAGPAKILALA) Ha! Ha! Hindi ako si Ezikiel! Ako si KIEL Ang kakambal ni EZIKIEL argh! Akala niyo ba matatalo niyo ako at ang kakambal ko? Nagkakamali kayo! Argh!
ANDOY (NAGULAT) Kambal? Ibig sabihin dalawa nga talaga ang aswang sa San Roque? Kailangang malaman ni Jon ang lahat ng ito!
KIEL (TEASING THEM) O paano mo gagawin iyon? Kakailanganin niyo munang lumabas ng pamamahay namin para masabi niyo kay Jon na may kakambal si Ezikiel (EVIL LAUGH) Ha!Ha!.
NARRATOR Habang nag-iisip ng paraan sina Kyler at Andoy para masabi kay Jon ang kanilang nalaman, patuloy naman sa sagupaan sina Jon at Ezikiel. Sa pagkakataon na ito, sugatan na silang pareho. At tulad ni Kiel, kaya rin ni Ezikiel na manggaya ng anyo ninuman kaya nang subukan ni Ezikiel na itulak si Jon, napaupo ito at nag-anyong ibon si Ezikiel at mabilisang lumipad paalis sa lugar kung saan sila naglalaban. Sinubukan ni Jon na habulin si Ezikiel pero nakalayo na ito. . . Kaya pinuntahan na lang niya sina Kyler at Andoy sa bahay nina Ezikiel at pagdating ni Jon, nagulat siya na dalawang Andoy ang nakita niya…
JON (HURT) Ezikiel!!!!! Bumalik ka rito, duwag! Argh! Mapapaslang din kita, tandaan mo iyan Ezikiel! Argh.
KYLER (NAG IISIP NG PARAAN) Andoy paano natin malulusutan si Kiel? Mukhang mahihirapan tayo rito. . .
ANDOY (NAPA-ISIP) Hindi ka ba nagtataka Kyler? Kung kambal sila, maaring dalawa ang kanilang tirahan at sigurado akong dito ang una nilang tirahan dahil kung bantayan ito ni Kiel, sobra-sobra! Marami nga tayong nalaman pero matagal pa bago magliwanag! Kaya hindi agad natin masasabi kay Jon kung ano ang natuklasan natin!
KYLER (CURIOUS) Kung ganon, si Kiel ang may-ari ng bahay na ’to? Pero saan kaya nakatira si Ezikiel? Sigurado naman akong hindi magsasalita si Kiel dahil alam niyang mapapahamak ang kakambal niya.
NARRATOR NAKAISIP NG PARAAN SI ANDOY
ANDOY Alam ko na! Lalabas ako. Ikaw muna ang bahala rito! Siguruhin mong hindi makakapasok si Kiel sa tirahan niya para tuluyan na siyang mawala at hindi gumaling! Dahil kapag naabutan siya ng araw na ganyan ang kaniyang sitwasyon, posibleng tuluyan na siyang maglaho! Kaya magpakatatag ka Kyler, kailangan pa tayo ni Jon! Lalabas ako pero iiwan ko sa iyo ang langis na ito. Gamitin mo kapag kinakakailangan!
NARRATOR At sinilip ni Andoy sa labas kung nandun pa si Kiel at nakita niya na nag-aabang lang si Kiel na umalis sila ni Kyler sa bahay niya. . .
KYLER (WHISPER) Andoy mag-iingat ka at baka mapahamak ka sa binabalak mo. Siguruhin mong ligtas ang daraanan mo! At ang asin na dala mo, hindi sapat para kalabanin ang kambal na aswang na gumugulo sa San Roque. Ewan ko hindi naman ako naniniwala sa ganitong bagay pero heto ako at nasaksihan ko pa sa mga kababalaghan at mga aswang na yan! At higit pa ro’n, kasama akong lumalaban sa kanila!. . . O siya Andoy mag-ingat ka!.
NARRATOR SAMANTALA, SUMIGAW NAMAN SA MALAYO SI JON HABANG PAPUNTA SA BAHAY NINA EZIKIEL.
JON (SHOUTING) ANDOY! KYLER! HUWAG KAYONG LALABAS! ANDO… (CONFUSED).. Andoy bakit dalawa ka?
NARRATOR BINALAAN NI KYLER SI JON NA HUWAG BASTA LUMAPIT SA DALAWANG ANDOY.
KYLER Jon! Huwag mo basta lapitan ang dalawang Andoy na ’yan ! Dahil maaaring isa sa kanila si Kiel!
JON (CONFUSED) Kiel? Sinong Kiel? Kung si Ezikiel ang tinutukoy mo Kyler, nakatakas siya, at hindi ako sigurado kung nagbalik na siya rito. . . Sandali. . . sino sa inyo ang totoong Andoy?
KIEL AS ANDOY Ako ang tunay na Andoy! Jon kilala mo ako at alam kong hindi mo ako pagduduhan dahil ako lang ang tunay na Andoy. Siya! POINTING AT ANDOY Siya ang peke! Siya ang aswang Jon! Paslangin mo siya Jon!
NARRATOR KINUHA NI ANDOY ANG ROSARIO SA BULSA.
ANDOY Oo ako ang aswang!
NARRATOR LUMAPIT SI ANDOY KAY KIEL AT SINUOT NITO ANG ROSARIO.
ANDOY Kaya hindi ako takot sa mga bagay na tulad nito!
NARRATOR AT NAG-ANYONG ASWANG SI KIEL.
KIEL Aaaaaaaaaaaaaaaaargh! Hindi!!!! (GROWL) arrrrgh!
NARRATOR Sa ginawa ni Andoy kay Kiel, nagliyab ito at naging abo. Natiyak naman ni Jon na ikagagalit ito ni Ezikiel dahil sinabi nina Kyler at Andoy na kakambal ito ni Ezikiel at posibleng ito ang bahay ni Kiel at iba pa ang tirahan ni Ezikiel. O baka iisa lang ang kanilang bahay?
NARRATOR NASURPRESA SI JON SA KANYANG NALAMAN.
JON May kakambal pala si Ezikiel? At tulad ni Ezikiel, masama rin ang kakambal niya! (WORRIED) Pero Andoy, ngayong napaslang mo ang kakambal ni Ezikiel, natitiyak kong babalik siya para singilin tayo sa nagawa natin.
NARRATOR TINANONG NI KYLER SI JON TUNGKOL SA LITRATRO. IPINAKITA NIYA ANG LUMANG LITRATO NA KASAMA NI JON SI EZIKIEL SA AMPUNAN.
KYLER Jon may itatanong ako sa iyo. Natatandaan mo ba ang larawan na nahanap namin, kung saan kasama mo si Ezikiel?
JON (NAGTATANONG) Saan niyo nahanap ang lumang larawan na yan? At bakit nasa inyo iyan?
ANDOY (TINURO NI ANDOY KUNG SAAN NAHANAP.) Dito namin nahanap sa bahay ng kambal na aswang! Pero Jon, natatandaan mo ba? Ano ang nangyari noon?
JON Kakaunti lang ang natatandaan ko. Pero parang naalala ko nga si Kiel, oo, tama! Si Kiel nga ang nasa litrato! Madalas siyang napapapagalitan ng mga madre sa ampunan dahil madalas din siyang tumatakas. Naging malapit sa akin si Kiel pero hindi rin iyon nagtagal kaya naman lumayo si Kiel sa ’kin. . . At tanging naaalala ko sa ampunan, nasunog ito matapos mawala ni Kiel at doon ko nakilala si Lolo Cielo na tumayo bilang magulang at lolo ko. . . Iyon lang ang natatandaan ko at pasensya na.
KYLER (SURE) Kung ganon, tama pala ang hinala namin na magkakilala kayo ni Ezikiel? Pero ang sabi mo si Kiel ang bata sa larawan? Ibig sabihin, magkakilala kayo ng kakambal ni Ezikiel noon pa?
ANDOY (FEEL BAD) Sana pala hindi ko muna pinaslang si Kiel! Para nalaman natin kung natatandaan ba niya si Jon?.
. . .
Itutuloy. . .
Mapapakinggan Din ang Kwentong ito sa Youtube channel ni Sir Jeff Horror Story.
©️All Rights Reserved 2025
IKA-ANIM NA YUGTO
JON (SURE) Nakatitiyak ako na nakalimutan na ni Kiel ang bagay na yan Andoy, dahil sobrang tagal na ng panahon na iyon. At isa pa, hindi ko rin inaakala na isa palang aswang si Kiel. Nakakalungkot man pero wala tayong magagawa sa kapalaran na pinili niya.
ANDOY (AGREE WITH JON) Tama nga naman si Jon. Ito ang kapalaran na pinili ni Kiel kaya wala na tayong magagawa kundi tanggapin na wala na siya. Pero Jon naging mabuti ba si Kiel sa iyo?.
JON (TOLD THE TRUTH) Ang totoo niyan. . . si Kiel lang ang kaibigan ko sa ampunan noon at kasangga ko si Kiel sa lahat ng bagay. . . pero dumating din ang araw na tinalikuran ako ni Kiel dahil ayaw niyang napapalapit ako sa mga madre. Noon, hindi ko maintindihan pero ngayon alam ko na kung bakit dahil isa pala siyang aswang! At. . . Andoy ang langis sa bag mo, kumukulo!
KYLER (ALERT) Ibig sabihin, may aswang sa paligid tama ba? Humanda tayo! Mahirap nang maisahan ng isang aswang!.
NARRATOR AT BIGLANG SUMULPOT SI EZIKIEL SA KINAROROONAN NINA JON.
EZIKIEL AAAAAAAAAAAAAAAAARGH! (VERY ANGRY) Napakaramot niyo’ng lahat! Gusto lang naming mamuhay ng tahimik pero ipinagdaramot niyo sa amin iyon! Aaargh! Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa kakamabal ko!
NARRATOR HINABLOT NI EZIKIEL SI JON AT NAG-ANYO ITONG MALAKING IBON.
JON (NAG PUPUMIGLAS) Walanghiya kang aswang ka! Bitiwan mo ako!
EZIKIEL (ANGRY) Jon sa dinami-dami ng tao na papatay sa kakambal ko, ikaw pa? (REVEALED THE TRUTH) Bakit Jon, akala mo ba pumapatay din ng tao ang kapatid ko? Akala mo ba siya ang pumapatay dito sa San Roque? Nagkakamali ka Jon! Dahil ako lang ang aswang na pumapatay sa baranggay ng San Roque! Kaya hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kakambal ko!
JON (ASKED EZIKIE TO PUT HIM DOWN) Ezikiel, kung ganon, ibalik mo na ako sa lupa! Dahil hindi ako ang pumatay sa kakambal mo! Siya ang pumili ng kapalaran niya! Kaya huwag mo sa aking isisi ang kamalian niyong magkapatid! Dahil kayo ang pumili ng kapalaran nyo!
NARRATOR Nagulat si Jon nang makinig sa kanya si Ezikiel dahil ibinalik siya ni Ezikiel sa lupa at nag-anyong aswang muli si Ezikiel paglapag nila sa lupa. At muli, tinanong niya si Jon kung sino ang pumatay sa kakambal niya? Agad namang sumagot si Andoy na siya ang nakapatay kay Kiel na lalo namang ikinagalit ni Ezikiel.
EZIKIEL (SLIGHTLY CALM) Jon alam kong naging malapit ka sa kakambal ko. Ngayon, sino ang pumatay sakanya?
ANDOY (ADMIT THE TRUTH) Ezikiel! Ako! Oo, ako ang pumatay sa kakambal mong salot din ng lipunan! At dapat, ikaw na ang sumunod sa kakambal mo!
NARRATOR BIGLANG INATAKE NI EZIKIEL SI ANDOY AT NAG-ANYO ITONG MALAKING IBON.
EZIKIEL Kung gano’n, mauna ka sa impyerno! Aaaaaaar!
NARRATOR HINUGOT NI ANDOY ANG ITAK NITO AT INATAKE SI EZIKIEL PERO BIGLA ITONG NAGLAHO.
ANDOY (FIGHT BACK) Heto’ng sa iyo! Hindi mo ako matatalo Ezikiel! Dahil ako ang tatapos sa lahi niyo! Ezikiel, magpakita ka duwag!
NARRATOR SA ’DI KALAYUAN, BIGLANG SUMULPOT SI MANG AGAPITO NA GINAYA LAMANG NI EZIKIEL.
MANG AGAPITO Andoy, nasaan ang aswang? Natalo mo ba si’ya?
ANDOY (ANDOY STOP) Mang Agapito? Hmm…
MANG AGAPITO (PRETENDING) Oo ako ito Andoy. Nasaan na si Ezikiel? Natalo mo ba siya?
NARRATOR MULA SA LIKURAN, BIGLANG HINAMPAS NG BUNTOT NG PAGI SI EZIKIEL NA NAGPAPANGGAP BILANG MANG AGAPITO NG TUNAY NA MANG AGAPITO.
EZIKIEL Aaaaaaaaargh! (ANGRY) Hangal! Sino ka? At nakikialam ka sa laban namin?
MANG AGAPITO Dapat matagal na kitang pinatahimik kasama ng kakambal mong si Kiel! Nagsisisi ako na binuhay pa kita! Ngayon, tutuparin ko na ang pangako ko sa bayan ng Capiz at sa San Roque na pananatilihin ko ang katahimikan dito! At ikaw Ezikiel! Ikaw ang mamamatay ngayon!
NARRATOR HINAMPAS MULI NI MANG AGAPITO NG BUNTOT NG PAGI SI EZIKIEL.
MANG AGAPITO Mamatay ka na!
EZIKIEL (EVIL LAUGH AND INSULT MANG AGAPITO) Argh! Ha!Ha! At sino ang maniniwala sa iyo na matino ka? Agapitong baliw! Ha! Ha! Agapitong may problema sa pag-iisip!
MANG AGAPITO (REVEAL HIMSELF) Matagal na akong nagpapanggap na may problema ako sa pag-iisip Ezikiel! Dahil alam kong mas madali kitang mahuhuli kapag nagpanggap akong may sira ang aking ulo. Nakita mo naman, epektibo hindi ba? Nung nag-anyo kang malaking aso, akala mo ba, wala ako sa katinuan kaya ka umatake? Ha! Ha! Sayang at hindi kita natuluyan dahil nahati ang atensyon ko sa iyo at kay Kiel! Pero ngayon, muli kitang nakaharap. Panahon na para tuparin ang pangako ko sa baranggay ng San Roque!
NARRATOR Nagulat ang magkakaibigan sa sinabi ni Mang Agapito, pero hindi pa rito nagtapos ang pagsisiwalat ng katauhan ni Mang Agapito. Habang naglalaban sila ni Ezikiel, may rebelasyon din siyang binulgar kay Ezikiel… Nag-anyo naman si Ezikiel bilang isang malaking lobo.
EZIKIEL (TRANSFORMED INTO GIANT WOLF) Mamatay ka Tandang Agapito! Aaaaaar!
MANG AGAPITO (FIERCE AND UNBOTHERED) Hindi mo ako masisindak!
NARRATOR HINAMPAS NI MANG AGAPITO SI EZIKIEL NG BUNTOT NG PAGI.
MANG AGAPITO Ito ang nababagay sa mga salot na tulad mo!
EZIKIEL (HURT) AAAAAARGH! Kahit kailan, hadlang ka sa akin Agapito! Hindi mo ako mapapaslang! Tulad noon, hindi ka magtatagumpay na mapalayas o mapatay ako!
JON (NAGTATAKA) Tulad noon? Ibig sabihin matagal ka nang nabubuhay Ezikiel?
ANDOY (CONVINCED) Totoo nga ang sinabi niyo ni Lolo Cielo Mang Agapito na matagal nang nabubuhay si Ezikiel pero, napaslang ko ang kakambal niya dahil ginaya ako nito kanina.
NARRATOR SAMANATALA, NANANATILI PA RIN SI KYLER SA BAHAY NINA EZIKIEL.
KYLER (STAY ON HIS PLACE) Hindi ako aalis dito at siguradong papasok dito si Ezikiel lalo na at sugatan na siya! Kaya nasisiguro kong uuwi siya at kukuha ng lakas! Kaya kahit ano pa ang katototohanang nasiwalat, hindi mo ako mapapaalis dito.
ANDOY (TOLD KYLER TO STAY IN EZIKIEL’S HOUSE) Huwag kang aalis dyan Kyler! Naghahanap lang ng tamang oras si Ezikiel para makapasok dyan at makakuha ng lakas! Kaya maging matatag ka! Huwag kang magpapadala sa panlilinlang ni Ezikiel! At natitiyak kong maraming gagawing paraan si Ezikiel para makapasok sa bahay niya!
JON (JON REVEAL SOMETHING) Ezikiel. . . alam kong mabuti ka’ng aswang pero hindi makabubuti sa iyo ang pumatay ng pumatay! Heto.
NARRATOR IPINAKITA NI JON ANG PULSERAS.
JON Nakikita mo ba ito? Hindi ’to nagliliwanag. Ibig sabihin, hindi ka panganib sa amin! Ngnunit ang kakambal mo, panganib sa amin kaya kanina pa ito nagliliwanag! Napansin ko ito habang naglalaban tayo kanina bago ka makarating dito. At bago ka nag-anyong ibon, napansin ko na ang pulseras ko, hindi nagliwanag. Ibig sabihin, hindi ka panganib sa amin! Pero marami ka nang napatay kaya dapat mong pagbayaran ang lahat ng iyon.
NARRATOR HINDI PINAKINGGAN NI EZIKIEL SI JON.
….
Itutuloy…
Mapapakinggan Din Ito Sa Youtube Channel Ni Sir Jeff Horror Story.
©️All Rights Reserved 2025.
IKA-PITONG YUGTO
EZIKIEL Mamatay ka na Agapito!
NARRATOR NAG-ANYONG MALAKING IBON SI EZIKIEL AT SINUNGGABAN SI MANG AGPITO AT SAKA ITO BINITIWAN SA ERE.
EZIKIEL Ha! Ha! Katapusan mo na!
MANG AGAPITO (SCREAMING)
JON Mang Agapito!!!
NARRATOR BIGLANG NAG-ANYONG HIGANTENG IBON SI MANG AGAPITO.
ANDOY (SHOCKED) Sandali nagbagong anyo si Mang Agapito?
JON (NAGTATAKA) Mang Agapito, kung nagagawa mo iyan, ibig bang sabihin, isa ka ring aswang?
MANG AGAPITO (UMAMIN SI MANG AGAPITO SA TUNAY NIYA’NG PAGKATAO) Oo! Isa akong aswang pero hindi ako tulad ni Ezikiel na pumapatay ng tao. Nasanay na ako sa dugo at laman ng hayop na pwede kong makain. Noong nalaman ko na nanggugulo si Ezikiel sa mga tao, nagpanggap ako bilang tao upang pigilan si Ezikiel. Matagal nang nabubuhay sina Ezikiel at Kiel, kaya naisip ko na panahon na para sila ay pigilan sa masama nilang hangarin! Marami na silang nabiktima kaya hindi na ako makapapayag pa na makapangbiktima pa silang muli!
NARRATOR BIGLANG INATAKE NI EZIKIEL SI MANG AGAPITO.
EZIKIEL HAAAAAAAAAAA! (ATTACK MANG AGAPITO) Mamatay ka na Agapito! Ako lang ang pwedeng mabuhay sa bayan na ito! At uubusin ko ang mga tao rito! Haaaa! MANG AGAPITO (FIGHT BACK) Jon, Andoy, Kyler ano man ang mangyari sa akin, gusto kong ipagpatuloy niyo ang pagpapanatili ng katahimikan sa baranggay ng San Roque naiintindihan niyo ba?
NARRATOR AT NAG-ANYONG ASWANG SI MANG AGAPITO AT NAKIPAGLABAN KAY EZIKIEL.
MANG AGAPITO (TRANSFORMED INTO ASWANG) Mamatay ka na Ezikiel!!!
ANDOY (WANTS TO HELP MANG AGAPITO) Jon kailangan nating tulungan si Mang Agapito na matalo si Ezikiel! Isa lang si Ezikiel kaya matatalo natin siya!
JON (NAGTATAKA) Andoy, hindi ka ba nagtataka kung paano nahawakan ni Mang Agapito ang buntot ng pagi? Isa pala siyang aswang! Ibig sabihin, hindi niya dapat mahawakan ang buntot ng pagi!
ANDOY (EXPLAIN IT TO JON) Jon, hawak niya lang ’yon at hindi naman niya hinampas sa kaniyang sarili kaya hindi siya tatablan. Pero kailangan nating tulungan si Mang Agapito.
JON (THINKING) Kung nandito si Mang Agapito, sino ang kasama ni Lolo Cielo?
ANDOY (SURE) Malamang pinapunta ni Lolo Cielo si Mang Agapito dito para tulungan tayo kay Ezikiel! Sino ba naman kasi ang mag-aakala na may kakambal si Ezikiel! Mabuti na lang natalo na natin ang kakambal niya.
JON (A LITTLE WORRIED) Hindi mo naman maaalis sa akin ang mag-alala dahil si Lolo Cielo na lang ang pamilya ko at alam niyo iyan. Pag natalo na natin si Ezikiel, sigurado akong babalik na ang katahimikan ng San Roque, pero hindi ko inakalang napakalakas ni Ezikiel! Hmm. . . hindi kaya dahil may dugo rin siya ng isang bampira?
NARRATOR BIGLANG NAPANSIN NI KYLER ANG PAPARATING NA MGA UWAK.
KYLER (SAW CROWS COMING) Jon, Andoy! Parating ang mga uwak! Tiyak sugo ito ng aswang!
NARRATOR NAGLIWANAG MULI ANG PULSERAS NI JON.
JON Tama ka Kyler, panganib nga ito! At mukhang agresibo ang mga uwak! Kaya Andoy, humanda ka! Mapapalaban din tayo! Kyler, tandaan mo dyan ka lang sa bahay nina Ezikiel! Huwag kang padadaig sa mga kalaban!
KYLER (BRAVE ANSWER) Hindi makakabalik dito si Ezikiel. Lalaban din ako, kaya yan mga uwak na iyan kaya ko ring labanan!
ANDOY (THINKING) Masyadong marami ang mga uwak! Mukhang mahihirapan tayo Jon, pero ano kaya ang kahinaan nila para tigilan nila tayo?
JON (PREPARING SOMETHING) Ano pa ba? Argh! Ang mga ibon, takot sa malakas na tunog, hindi ba? Kaya tulungan mo ako rito at kailangan natin ng malakas na ingay upang lubayan tayo ng mga uwak!
NARRATOR NAISIP NI ANDOY NA GAMITIN NI JON ANG PULSERAS NIYA.
ANDOY Jon ano pa sa tingin mo ang kakayahan ng pulseras mo? Kung sugo ng aswang ang mga uwak, magagamit kaya natin laban sa kanila ang pulseras mo upang matalo sila?
JON (NOT SURE) Hindi ako sigurado pero saka ko na gagamitin ang pulseras kapag hindi nagtagumpay si Mang Agapito na talunin si Ezikiel. Sa ngayon, Andoy, kailangan nating subukang gumawa ng nakakagulat na ingay upang matakot ang mga uwak!
NARRATOR MAY KINUHANG BARIL SA BAG SI ANDOY.
ANDOY Heto! Siguradong matatakot ang mga uwak sa tunog ng baril!
JON (NAGTATAKA) Andoy bakit ka may baril? Hindi naman pulis ang mga magulang mo ah? Saan mo iyan nakuha?
ANDOY (NAGPALIWANAG) Galing ang baril sa baranggay natin. Simula nang malaman kong may aswang, naisipan kong hingin ito upang magamit laban sa aswang! At kung ingay lang, magagamit natin ang tunog mula sa baril. Kaya tama na ang tanong! Hayan na sila!
NARRATOR Habang naglalaban sina Mang Agapito at Ezikiel, nagpaputok ng dalawang beses si Andoy upang lumayo ang mga uwak sa kanila at nagtagumpay sina Andoy at Jon sa plano nilang umalis ang mga uwak, at patuloy naman ang laban nina Mang Agapito at Ezikiel. Nakita nila si Mang Agapito na nanghihina kaya susubukan sana ni Jon na tulungan si Mang Agapito pero sinabi nito na malakas pa siya at magbantay lang sila sa bahay ni Ezikiel dahil oras na makapasok si Ezikiel, lalakas siyang muli at mahihirapan silang labanan ito.
EZIKIEL (ANGRY AND INSULT AGAPITO) Hindi mo ako kaya tanda! Mas nakababata at mas malakas ako sa iyo! Sumuko ka na at hayaan mo na lang akong mamuhay sa bayan ng San Roque! At isa pa, kung dapat akong mamatay, dapat ka ring mamatay! Bakit? Dahil isa ka ring aswang. Kaya hindi patas kung ako lang ang mawawala!.
MANG AGAPITO (NANINDIGAN) Oo may dugo akong aswang pero hindi ako naging halimaw katulad mo! Ezikiel kung nakaya kong mabuhay kasama ang mga tao na pinapatay mo, bakit hindi mo makayang gawin ang ganong buhay? Nagawa kong mabuhay ng wala akong sinasaktan na tao! Iyan ang pinagkaiba ng buhay na mayroon tayo!
EZIKIEL (ROAR SO LOUD) Tama na ang satsat! Tatapusin na kita! Gwaaaaaaar!
NARRATOR NAGBAGONG ANYO BILANG HIGANTENG ASO SI MANG AGAPITO.
MANG AGAPITO Hindi mo ako mapapatay! Raaaaaaawr!
NARRATOR Habang abala si Mang Agapito sa pakikipagsagupaan kay Ezikiel, gumagawa naman ng plano sina Andoy, Kyler at Jon para maisagawa na nila ang misyon nila na sunugin ang bahay ni Ezikiel upang wala na siyang matirahan para magpalakas ng kapangyarihan.
Ang Nalalapit Na Pagtatapos….
Mapapakinggan Din Ang kwentong ito sa Youtube Channel ni Sir jeff horror story.
©️All Rights Reserved 2025
MAGKAKAIBIGAN LABAN SA ASWANG
JON (NAGPLANO LABAN KAY EZIKIEL) Naisip ko lang na maaari tayong makatulong kay Mang Agapito sa laban niya kay Ezikiel sa pamamagitan ng mga gamit natin na dala, pero hindi magiging madali ito lalo pa ngayong nalaman na natin na isang aswang din si Mang Agapito.
ANDOY Tama ka pero kakaunti lamang ang asin na dala natin at kailangan natin na siguruhin na tatama ito kay Ezikiel…
KYLER (NAPAPAISIP) Paano nga kaya namin matatalo si Ezikiel? Kahit mas marami ang bilang namin kaysa sa kanya, alam naming malakas si Ezikiel. Paano kaya namin siya maiisahan? Kung aalis ako ng bahay niya, tiyak ko na agad-agad siyang papasok dito upang magpalakas! At hindi ko naman pwedeng hayaan na mangyari ang bagay na iyon…
JON (KINAUSAP SI ANDOY) Andoy kahit kakaunti ang dala nating panlaban sa aswang, kakasya na iyan para makatulong tayo kay Mang Agapito!
ANDOY (AGREE WITH JON) Tama Jon, halika, ayusin na natin ang mga gagamitin laban kay Ezikiel. Hindi niya tayo dapat matalo, Jon. Kasama mo kaming lalaban kay Ezikiel. Hindi ka namin iiwan sa laban at dapat maibalik natin ang katahimikan sa baranggay ng San Roque.
KYLER (HAVE A PLAN) Andoy! Halika kayo rito sa bahay ni Ezikiel, may naisip akong plano laban sa kanya!
ANDOY At ano naman ang naisip mo? Kailangan naming maghanda dahil sa lagay ni Mang Agapito. Mukhang anumang oras, madadaig na siya ni Ezikiel, JON (CURIOUS) Kyler, ano ba ang naiisip mong plano laban kay Ezikiel? Hindi mo pwedeng iwan ang bahay ni Ezikiel dahil paniguradong babalik agad siya diyan upang magpalakas. Hayaan mo na kami ni Andoy gumawa ng paraan para tuluyan nang matalo ang kasamaan ni Ezikiel.
NARRATOR LUMABAS NG BAHAY NI EZIKIEL SI KYLER.
KYLER Tama na ang takot! Haharapin ko si Ezikiel at ako ang tutulong kay Mang Agapito para matalo si Ezikiel.
NARRATOR PINIGILAN NI JON SI KYLER SA BINABALAK NITONG GAWIN KAYA HINATAK NIYA ITO PABALIK SA LOOB NG BAHAY.
JON KYLER! Nasisiraan ka na ba ng bait? Bumalik ka rito. Kyler hayaan mo na kami ni Andoy na tumulong. Pagtapos ng laban na ito, sunugin mo ang bahay nina Kiel at Ezikiel.
NARRATOR HINDI NAGPAPIGIL SI KYLER.
KYLER Akin na ang gagamitin laban kay Ezikiel, ako na ang aasinta sa kanya. . .
ANDOY (QUESTIONING KYLER) Kyler, kaya mo bang asintahin si Ezikiel nang hindi natatamaan si Mang Agapito? Dahil sa nakikita namin, anumang oras ngayon, maari nang magapi ni Ezikiel si Mang Agapito, kaya kailangan natin ng magaling umasinta sa paggamit ng tirador.
JON (AGREE WITH ANDOY) Tama si Andoy, Kyler. Kailangan nating gamitin ang tirador para tamaan si Ezikiel na ginawa naming panlaban sa aswang! Kaya mo ba iyon? KYLER (SURE) Kaya ko! Akin na ang nagawa niyo! Ako na ang bahala kay Ezikiel. Sisiguruhin kong matatapos ang buhay niya ngayong gabi. Kaya akin na…
JON (TRUST KYLER) Mag-iingat ka Kyler. Heto ang mga gagamitin mo. Siguruhin mong tatamaan niyan si Ezikiel. At kunin mo ang langis na nakasabit sa bag ni Andoy. Kyler, kung hindi mo man tamaan si Ezikiel ng ginawa namin, maaari mong ibuhos ang langis kay Ezikiel. Delikado pero sigurado na matatalo si Ezikiel dito.
KYLER (GIVE THEM ASSURANCE) Huwag kayong mag alala. Kakayanin ko ang pinagagawa niyo sa akin. . . at ligtas akong babalik dito, pangako iyan. Jon, Andoy, kayo naman ang magbantay sa bahay ni Ezikiel.
NARRATOR Sa pagpupumilit ni Kyler na siya na ang gagawa ng plano nina Andoy at Jon, napapayag ni Kyler sina Jon at Andoy sa kanyang plano na pag-atake kay Ezikiel pero pinaalalahanan siya nina Andoy at Jon na may kakayahang manggaya si Ezikiel at maaaring gamitin yun ni Ezikiel para malinlang siya at sinabi naman ni Kyler na alam niya ang mga kakayahan ni Ezikiel kaya handa na siyang talunin ito.
NARRATOR PINAGBANTAY NI JON SI ANDOY SA LOOB NG BAHAY NI EZIKIEL.
JON Andoy huwag kang aalis sa bahay na iyan at natitiyak kong babalikan ni Ezikiel ang bahay niya sa oras na hindi magtagumpay si Kyler sa kanyang plano.
ANDOY (AGREE WITH JON) Jon, mag-iingat ka at panigurado ako, ’pag nagtagumpay na si Ezikiel na madaig si Mang Agapito, ikaw at ako naman ang babalikan niya. . .
KYLER AAAAAAAAAAAAAARGH! NARRATOR TUMAKBO PAPUNTA SI JON KAY KYLER.
JON Kyler! Maiwan muna kita Andoy! Pupuntahan ko lang si Kyler. . . Kyler! Ano ang…
NARRATOR NAKITA NI JON NA NAG LILIYAB SI EZIKIEL.
JON Kyler! Nasa’n ka?
KYLER (HURT) Argh. Nandito ako Jon! Nagawa ko! Nagtagumpay tayo! Ha! Ha! Argh! S-Si Mang Agapito, tulungan mo.
MANG AGAPITO (HURT) Argh! Mahusay ka, Kyler! Napakatapang mo na humarap kay Ezikiel. Akala ko, ako ang makakatalo sa kanya. Hindi ko akalain na isang mortal lang ang makakadaig sa kanya! Ha! Ha! Ito na ang bagong simula ng San Roque! Natapos din ang kasamaan ni Ezikiel.
JON (HELP MANG AGAPITO) Halinakayo, Mang Agapito at Kyler! Nagtagumpay tayo na talunin si Ezikiel! Binabati ko kayo Mang Agapito at Kyler. . . Halika na at balikan na natin si Andoy. Tiyak na hinhintay na tayo ni Andoy at sabay-sabay nating sunugin ang bahay ni Ezikiel upang mabaon na sa limot ang nangyari sa baranggay ng San Roque, Capiz.
NARRATOR NAKITA NI ANDOY NA PAPALAPIT SINA JON, MANG AGAPITO AT KYLER.
ANDOY Jon! Kyler! Mang Agapito! Natutuwa ako at nakabalik kayo nang ligtas! Ano, natalo niyo ba si Ezikiel? Kyler! Ano ang nangyari sa iyo? KYLER Andoy, sinakripisyo ko ang sarili ko para matalo si Ezikiel. Naghintay ako ng tamang oras para atakihin siya. Nang makita kong bumagsak si Mang Agapito, naghintay ako ng tamang pagakakataon para patamain kay Ezikiel ang bala ng tirador at nanalangin ako na sana tumama ito sa kanya bago ko siya inasinta! At hindi ako binigo ng panalangin ko. Natamaan ko si Ezikiel at nung nagsisigaw siya sa sakit, tinulak ko si Ezikiel sa ilog at binuhos ang langis sa kanya. Dito niya ako nasugatan bago siya tuluyang magliyab at naging abo.
ANDOY Binabati kita sa tagumpay mo! At halinakayo! Sabay-sabay nating sunugin ang tirahan ng mga aswang!.
NARRATOR Sinunog nila ang tirahan nina Ezikiel at Kiel at ilang oras lamang, sumikat na ang araw. At pagsikat ng araw, umuwi na sina Jon, Andoy, Mang Agapito at Kyler, upang ibalita na wala nang dapat katakutan ang baranggay ng San Roque, Capiz dahil natalo na nila ang nasabing aswang na pumapatay ng mga tao sa kanilang bayan at baranggay. . . Pag-uwi nila, sinalubong sila ni Lolo Cielo at napansin ni Lolo Cielo na wala ang pulseras ni Jon kaya nang tanungin niya si Jon kung nasaan ang pulseras? Sinabi ni Jon na sinakripisyo niya yun para matalo si Ezikiel…
LOLO CIELO (WORRIED) Mga apo! Mabuti at ligtas kayong nakabalik! Agapito. . . salamat sa tulong mo at salamat dahil tinupad mo ang ipinangako mo sa akin na iuuwi mo nang ligtas ang mga bata rito…
JON (PROUD) Lolo, napakahusay kaya ni Mang Agapito na makipaglaban! Sayang lang, hindi niyo nakita ang laban nila ni Ezikiel. At lolo, nagtulong-tulong kami upang matapos si Ezikiel! Medyo nahirapan lang kami pero kinaya namin silang talunin. Lolo, ang husay pala at tapang pala ni Kyler! Ha! Ha!
MANG AGAPITO Sa wakas, natupad ko rin ang ipinangako ko noon pa sa bayan ng Capiz! Nagtagumpay ako . . . pero hindi ko inakala na isang ordinaryong mga tao pa pala ang makakatalo sa napakalakas na aswang! Argh! Ha! Ha! Mabuti nga at kinaya ko pa siyang tapatan nang sa ganun, makapaghanda kayo laban sa kanya! Ha! Ha! Simula na ng bagong kabanata ng San Roque, Capiz. Ang tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan.
ANDOY Salamat din sa tulong niyo Mang Agapito! Ngayon, hindi mo na kailangan pang itago ang katauhan n’yo he he..
JON Andoy hayaan natin si Mang Agapito na magsabi kay Lolo Cielo kung sino siya. Huwag nating pangunahan si Mang Agapito.
KYLER Tama na nga iyan. Pumasok muna tayo sa loob ng bahay niyo Jon. May panggamot naman po kayo sa mga sugat hindi po ba, Lolo Cielo?
LOLO CIELO Oo, halinayo, pumasok na kayo sa loob! Nang magamot na ang mga sugat niyo..
NARRATOR Ngunit nanatili sa labas si Mang Agapito at nakatingin sa langit na tila malalim ang iniisip. . . Sa isip ni Mang Agapito…
MANG AGAPITO Natupad ko na ang pangako ko. Oh San Roque, heto ako, nagbalik na para panatilihin ang katahimikan sa bayan ng Capiz at sa San Roque… pero hanggang kailan nga ba muling matatahimik ang bayan na ito? Lalo na ang kadiliman, hindi ’yon namimili ng oras o panahon. . . Kapag umatakeng muli ang kampon ng kadiliman, kakayanin ko pa ba? Buhay pa kaya ako?
JON Mang Agapito, halina po kayo sa loob at nang magamot ang mga sugat n’yo. . .
MANG AGAPITO Sige iho, papasok na ako. . . Sana manatili na ang katahimikan sa bayan ng San Roque…
ANDOY Lolo Cielo, bakit po pala hindi niyo nasabi sa amin ang tungkol kay Kiel? May koneksyon po ba si Kiel kay Jon? LOLO CIELO Oo! Dahil si Kiel ay malapit kay Jon noon sa ampunan! Sandali! Hindi ba iyan nasabi ni Jon sa inyo?
NARRATOR BINATUKAN NI KYLER SI ANDOY.
KYLER Andoy, Andoy! Makakalimutin ka na ba? Kakukwento lang ni Jon tungkol kay Kiel at sa kanya, hindi mo na agad maalala? Ha! Ha!.
JON Tama na nga iyan. Kayo talagang dalawa pag nagsama, tiyak gugulo ang mundo! Ha! Ha! Ha! Ay siya nga po pala Mang Agapito, kumusta ang sugat n’yo?
LOLO CIELO Ano at napakabilis gumaling ng sugat mo, Agapito?.
MANG AGAPITO Ito ba? Ang totoo niyan, may dugo rin ako ng isang aswang kaya napapagaling ko ang sarili ko. . .
JON Kung sabagay nakita kita kung paano mo kinalaban si Ezikiel. Kaya mong tapatan ang lakas niya at kapangyarihan. Hanga kami sa iyo, Mang Agapito.
LOLO CIELO Kung sabagay hindi na ako masusurpresa pa! Dahil Agapito, matagal ko nang alam na hindi ka talaga nababaliw at nagpapanggap ka lang. Pero Agapito, paano at nakakatagal ka sa araw? Hindi ka ba nasasaktan?.
MANG AGAPITO Ito ang sikreto ko.
NARRATOR IBINIDA NI MANG AGAPITO ANG SUOT NIYANG ANTING-ANTING.
MANG AGAPITO Dahil sa kwintas ko nakakalabas ako sa arawan nang walang kahirap-hirap kaya huwag na kayong magtaka! Ha ha! Cielo, oo mas matanda ako sa iyo. At kaya kong patunayan iyan ngayon…
NARRATOR NAGBAGO NG ANYO SI MANG AGAPITO.
MANG AGAPITO OLD MAN’S VOICE Oo Cielo, halos daang taon na akong nabubuhay, pero pinipili ko pa ring maging matatag at matapang dahil alam kong darating ang araw na makakasagupa ko ang mga nanggugulo sa tahimik na bayan ng San Roque! Kaya…
NARRATOR BUMALIK NA SA DATING ANYO SI MANG AGAPITO.
MANG AGAPITO Kaya Cielo, salamat at naging mabuti kayo ni Jon sa akin kahit na alam niyo noon pa na may problema ako sa pag-iisip.
LOLO CIELO Ha ha! Kahit naman hindi ko totoong apo si Jon, pinalaki ko siyang may galang sa nakatatanda at maging makatao palagi! Kaya nga natutuwa ako sa tapang na taglay niya. Pero apo, paano na ang alaala ng mga magulang mo? Kung wala na ang pulseras na binigay nila sa iyo?
JON Hindi ko na po iniisip ang bagay na iyan dahl buo na ang pamilya ko at nandiyan ka, Lolo Cielo. Salamat at hindi mo ako pinabayaan. Mahal na mahal po kita, lolo. KYLER Sana manatili na ang katahimikan dito sa San Roque nang sa ganon, hindi na balutin pa ng takot ang baranggay natin!
ANDOY Mapapanatili ang katahimikan na gusto mo kung hindi tayo susuko sa mga laban!
JON Ngayon pa ba kayo susuko? Matapos ang pinagdaanan natin kasama si Mang Agapito? Ha ha! Sa tingin ko, may mga laban pa tayong haharapin, kaya huwag kayong manghihina o matatakot. Manalig lang tayo sa Diyos at kahit aswang, malign, o kung ano pa iyan basta’t nanalig ka sa Diyos ang dilim ay magkakaliwanag!.
NARRATOR Napanatili na nina Jon, Kyler, Andoy at Mang Agapito ang katahimikan sa San Roque, Capiz. Pero hindi inaalis ng magkakaibigan na maaaring may kasamaan pa rin na nagbabadya sa paligid nila at naghihintay lamang na mawalan sila ng pag-asa at panghinaan ng loob. . . Dahil ang kampon ng kadiliman ay umaatake lamang sa oras na tayo ay pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng tiwala sa isa’t isa. Ito ang natutunan ng magkakaibigan sa laban na kanilang hinarap. Sinubok ang tapang nila, pagkakaisa, at tiwala sa isa’t isa… Kaya natalo nila ang alagad ng dilim dahil sa matibay nilang pagkakaibigan at tiwala sa bawat isa. . . Sa paglipas ng panahon, nawala nang muli ang takot sa San Roque at nanatiling payapa at maayos ang buhay ng mga tao sa San Roque Capiz.
JON Lumipas man ang panahon pero nakatatak sa isipan ko ang nangyari noon. Marami akong natutunan mula sa laban na iyon. Natuto akong kilalanin ang tunay na tao sa hindi! Minsan sa buhay, nagiging marupok tayo at hindi natin alam kung kailan tayo gagawan ng masama ng iba… Marami na ring pinagdaanan ang San Roque sa kamay ni Ezikiel. Nabalot ng takot at dilim ang San Roque, Capiz. . . Ngayong nagapi na namin ang kasamaan ni Ezikiel mananatili na ang katahimikan sa San Roque. . .
MANG AGAPITO Mapapanatili ang katahimikan sa bayan ng Capiz kung palagi tayong magtutulungan at iintindihin ang bawat isa…
KYLER Araw-araw, may iba’t ibang hamon ang buhay. Kung mabilis kang susuko, hindi ka mabubuhay. . . Sa laban na hinarap namin, natuto akong maging matatag at malakas upang sa mga susunod pang laban, handa na ako at hindi madadaig ng kahit anong takot o sindak ng kasamaan.
ANDOY Anuman ang hirap na dala ng buhay, dapat nating harapin, dahil sa labang pinagdaanan namin, natuto ako kung paano lumaban sa buhay. Sa tao man o hindi, sa dilim man o liwanag, dapat manatili tayong matatag at malakas dahil ang kahinaan ng tao ang ginagamit ng kampon ng kasamaaan…
NARRATOR Hindi man perpekto ang buhay ng mga nakatira sa San Roque, tiyak naman na may magtatanggol na sa kanila kapag umatakeng muli ang kampon ng kadiliman. . . Upang maiwasan na ang mga pangayayari tulad noon, nagsimula sina Jon, Kyler at Andoy na ihanda ang kabataan sa kanilang baranggay at sanayin upang may mga bagong henerasyon na ng mga tagapagtanggol ang bayan ng San Roque… Dahil naniniwala ang magkakaibigan na sa payapa at tahimik na pamumuhay, may nagtatagong kampon ng kadiliman na naghihintay lang ng tamang oras upang maghasik muli ng lagim sa bayan ng Capiz.
JON Ako si Jon, anumang hamon ang dumating, pinatatag na kami ng panahon at ng mga natutunan namin sa laban na hinarap namin…
KYLER Ako si Kyler at hindi ako matitinag ng kahit na sino pang kalaban na gustong manggulo sa baranggay namin!
ANDOY Ako si Andoy. Handang harapin ang lahat ng kalaban at handang tulungan ang mga nangangailangan at handa na sa panibagong hamon ng buhay. . .
WAKAS.
Pakinggan natin sabay sabay ito sa Youtube Channel ni Sir Jeff Horror story.
Maraming Salamat sa pagmamahal niyo 💙💙💙
©️ALL RIGHTS RESERVED 2025

