loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ang Mamaw Sa Chapel!

Ang Mamaw Sa Chapel!

YorTzekai · 2 chapters · 674 words

Intro

BOYXBOY - Isang kwentong magpapaluha sa inyo. Magpapaluha sa inyo sa kakatawa at magpapangisay sa inyo sa kilig. Ang kwentong hindi ko alam kung ano? basta inyo na lang abangan at subaybayan ;)

Panimula

Ang kwentong ito ay hango sa kwento ni JhuneGGY na ANG MALIGNO SA CHAPEL. tribute ko ito sa kanya,please do also read his works ;)

Okay,ayokong magmura! Ayoko! Juicecolored! Kailangan ko pigilang magmura!

“Lord,sana ginising nyo man lang ako para hindi ako nalock-an dito sa chapel!” pagharap ko sa may altar.

Kasi naman eh,umuulan kanina,kaya dito ako sumilong. Ito ang nag iisang chapel dito sa university,at sa tingin ko ay uwian na kaya na lock-an ako! Nakatulog kasi ako eh!

Kung bakit ba naman kasi ang sarap matulog pag umuulan?!

Hindi naman ako takot na nandito ako sa chapel,ang inaalala ko ay hinahanap na ako sa bahay,hindi pa man din ako makapag text dahil wala akong load!

Sa bwisit ko sa sarili ko ay ginulo ko ang aking buhok.

Paano na yan? Kumakalam na din ang sikmura ko?!

Nagpalakad lakad na lang ako sa harap ng pinto ng chapel at nag isip ng paraan paano makakalabas.

My goodness! Kung may powers lang ako kanina pa ako nakalabas dito! Kanina pa ako malaya! Paniguradong nagbibilang na ang Dyosa ng kabaklaan at nagtataka dahil kulang ng isa.

Ako! Ako ang kulang! Ang pinaka magandang bakla sa balat ng sibuyas! Jusme! Pakawalan niyo na ako!

At dininig ata ang aking kagustuhan,bumukas ang pintuan ng chapel at napalundag ako sa tuwa na may kasama pang pagpalakpak! I know mukha akong utistik,pero ang saya lang! Makakauwi at makaka kain na ako!

“Salamat naman at naisipan nyo ng buksan–”

“WAAAAHHH! MAMAAAW! May mamaw sa Chapel!!” sigaw ng isang lalaki na ikinagulat ko.

Mamaw? Mamaw sa chapel? Mukha ba akong mamaw? Eh kung pektusan ko kaya tumbong nya?!

“Hoy! Hindi ako mamaw! Tamo to?! Ang liwanag dito sa chapel,pagkakamalan mo akong mamaw?!” inis kong sabi at humakbang palapit.

“Dyan ka lang! Huwag kang lalapit! Paano ka nakapasok sa chapel?! Mamaw ka nga!” sabi nung lalaki at umatras.

Nailawan ang mukha niya,at napagtanto kong gwapo siya.

Gwapo nga,duwag naman!

“Hindi nga ako mamaw! Bayagan kita eh!” inis na talaga ako.

“Paano ka nakapasok sa chapel? Nakakandado ’to ah?” aniya na nagdududa.

Okay. Hindi ko alam na may schoolmate pala akong ganito. At bakit siya ang nagbukas ng chapel?

“Kaninang hapon sumilong ako dito dahil sa ulan. Nakatulog ako. At kung sino man ang nagsara ng chapel ay may topak dahil hindi muna chineck kung may tao sa loob!” paglalabas ko pa ng hinanakit.

“Ganon ba? Pasensya na kaibigan at napagkamalan kitang mamaw,tayu-tayo kasi buhok mo,at pasensya na din na lock-an kita kanina,nagmamadali kasi ako eh.” anito at napakamot sa ulo.

“Okay na. Ang mahalaga nakalabas na ako. Gutom na ako at ang hapdi na ng tyan ko.” sabi ko at nilampasan siya.

Wala ng ka-tao tao sa campus,kaya dinalian ko na ang paglalakad.

“Anong pangalan mo?!”

“Ay potaaa!!”

“Sorry.”

“Huwag ka ngang nang gugulat?! Pangalan ko? Ako si Aji Francisco,grade twelve.” sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

“Para mawala ang inis mo sa akin,ililibre na lang kita sa karendirya,gutom na din ako eh.” makulit pala ang isang ito.

“Sige ba!” sabi ko naman. Wala ng patumpik tumpik pa.

“Ako nga pala si Kloid. Grade twelve din. Ako ang taga bukas at sara ng chapel.” anito kaya nilingon ko siya. Bakit kaya ngayon ko lang siya nakita?

“Kloid? Bakit ganon ang pangalan mo?”

“Short for Kenn Lloyd. Bakit ngayon lang kita nakita?”

yan din ang tanong ko,baliw!

“Aba malay ko?! Dalian na nga natin! Gutom na ako!”

“Sige,tara na!” at nauna pa siya naglakad.

Paglabas sa campus ay tumigil siya at nilingon ako kaya nagsalubong agad ang aking mga kilay.

“Oh bakit?” agad kong tanong.

“Wala lang. Ngayon lang ako nakakita ng baklang gaya mo.” sagot naman niya.

“So?!”

“Mamaw ka nga talaga!”

“Aba’t!? Bastos ka ah! Anong ibig mong sabihin?”

“Secret.” naka ngisi niyang sagot at nagmadali ng maglakad.

  • WHAT CAN YOU SAY? Vote and comment kung nagustuhan.

Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.