Ang Mamaw Sa Laboratory [boyxboy] #Completed!
YorTzekai · 33 chapters · 38,577 words
Coming Soon :)))
I’ll post the teaser para may idea po kayo :] I’ll be doing this right after I finished LTT and EIKO */:))
PATIKIM =))
Inis na tumayo ako sa upuan habang parang mga haena na nagbubungisngisan mga kaklase ko.
.
.
Sabog din kasi tong si Sir eh! Mag uutos na lang babanggitin pa buo kong pangalan na ubod na baho! Kainis! Pwede naman nya akong tawagin sa apelyido tulad ng ginagawa naman nya talaga!
.
.
Kainis kasi mga magulang ko eh! Ganda ganda ko tas baho baho ng pangalan ko! Buti na lang bumawi ako sa nickname, “PRUE” oh diba? Lakas maka CHARMED yung dating american TV series
.
.
Siguro crush ako ni Sir at ako talaga inutusan nya? Nakakatakot pa naman dahil gabi na at yung subject nya ang last subject namin. Ano nga ulit yung pinapakuha ni Sir sa Laboratory? Ah! Yung mga test papers namin naiwan daw nya! Tanda na kasi hmp!
.
.
And so tinungo ko ang fourth floor kung nasaan ang laboratory at talagang nagtayuan ang balahibo ko dahil deserted na ang fourth floor,wala ng katao tao. Minadali ko na ang paglakad at sa wakas narating ko na ang Lab! Nasa dulong room kasi eh!
.
.
Pag pasok ko agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin
.
.
Ano to? Bakit bukas ang aircon? Aksayado sa kuryente ang school na to!
.
.
Ng bigla akong may marinig na ungol. Talagang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan!
.
.
Huh? Shit! Ano yon?
.
.
At umungol ulit ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa takot! Sabi na eh! Totoong may mga kakaibang nilalang sa school pag sapit ng gabi!
.
.
“WAAAAHHH!! Tulooonggg!! May MAMAW!!” sigaw kong ganyan at napa atras,hindi ko namalayan na naatarasan ko switch ng ilaw at bumukas ito.
.
.
Lumiwanag sa buong Lab. Huh? Oo nga pala? Bakit ko kasi hindi nga agad binuksan ang ilaw pagkapasok ko pa lang?
.
.
“Ang ingay mo! Nagising tuloy ako dahil sa pag sigaw mo! At sino ang sinasabi mong Mamaw?!”
.
Nilingon ko ang nagsalita. At talagang napanganga ako at napakurap ng ilang beses!
.
Shit? Mamaw nga! Mamaw sa kagwapuhan!!
.
.
.
“ANG MAMAW SA LABORATORY”
.
.
##COMING SOON##
Mamaw spix 1 ~
Sa lahat ng araw ito ang pinaka ayaw ko! Bakit kamo? Inaabot kami ng gabi sa campus! To think na almost hour yung last subject namin na yon. Ang dami pa naman bali balitang may mga iba’t ibang nilalang ang nagpapakita sa school pag gabi,at ang nakaka imbey dyan eh kami na lang ang natitirang section sa department building namin pag ganun, at laking pasalamat ko na lang talaga na wala pa akong na encounter na mga paranormal na yan dahil sinasabi ko sa inyo magpifreak out talaga ako! >_<
Ay bago ang lahat,ako nga pala si Prue, 17 years old,first year college sa course na ofcourse! Chos lang! Com.Eng ang course ko,kung bakit yan? Hindi ko din alam sa mga magulang ko,go lang ako ng go. Sa totoo lang wala pa din ako maka gets kahit malapit na mag second sem =__=
And yes! Tama kayo dyan, ako po’y isang sirena ^o^
Natigil ang pagdaldal ko sa isip ng pumasok na si sir and nag start mag lecture. Nasa kalagitnaan na sya ng pagdidiscuss ng hindi ko na mapigilan ang antok. Edi pumikit na ako.
“PRUDENCIO VILLACRUZ!” mabilis nawala ang antok ko at napaiktad ako.
“Bakit Sir? Anong nangyare?” disoriented ko pang tanong,langya naman! Wala pa ako sa dream land naudlot na agad.
“Dahil mukhang antok ka na,gigisingin ko ang diwa mo” sabi ni Sir. Naghagikgikan ang magagaling kong mga classmates! Mga animal! Humanda kayo mamaya! Hmp!
“Ano po yon Sir?”
“Yung mga test papers na ichecheck nyo bukas ay naiwan sa Lab,pwede bang pakikuha ito?” sagot ni Sir.
“Sir ako lang? Ayoko nakakatakot baka may mamaw na nagkalat sa paligid” agad kong pagtanggi,ayoko nga!
“Laki mo na naniniwala ka pa dun? Now move! Kung ayaw mo makakuha ng singko!”
Inis na tumayo ako sa upuan habang parang mga haena na nagbubungisngisan mga kaklase ko.
Sabog din kasi tong si Sir eh! Mag uutos na lang babanggitin pa buo kong pangalan na ubod na baho! Kainis! Pwede naman nya akong tawagin sa apelyido tulad ng ginagawa naman nya talaga!
Kainis kasi mga magulang ko eh! Ganda ganda ko tas baho baho ng pangalan ko! Buti na lang bumawi ako sa nickname, “PRUE” oh diba? Lakas maka CHARMED yung dating american TV series
Siguro crush ako ni Sir at ako talaga inutusan nya? Nakakatakot pa naman dahil gabi na at yung subject nya ang last subject namin. Ano nga ulit yung pinapakuha ni Sir sa Laboratory? Ah! Yung mga test papers namin naiwan daw nya! Tanda na kasi hmp!
And so tinungo ko ang fourth floor kung nasaan ang laboratory at talagang nagtayuan ang balahibo ko dahil deserted na ang fourth floor,wala ng katao tao. Minadali ko na ang paglakad at sa wakas narating ko na ang Lab! Nasa dulong room kasi eh!
Pag pasok ko agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin
Ano to? Bakit bukas ang aircon? Aksayado sa kuryente ang school na to!
Ng bigla akong may marinig na ungol. Talagang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan!
Huh? Shit! Ano yon?
At umungol ulit ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa takot! Sabi na eh! Totoong may mga kakaibang nilalang sa school pag sapit ng gabi!
“WAAAAHHH!! Tulooonggg!! May MAMAW!!” sigaw kong ganyan at napa atras,hindi ko namalayan na naatarasan ko switch ng ilaw at bumukas ito.
Lumiwanag sa buong Lab. Huh? Oo nga pala? Bakit ko kasi hindi nga agad binuksan ang ilaw pagkapasok ko pa lang?
“Ang ingay mo! Nagising tuloy ako dahil sa pag sigaw mo! At sino ang sinasabi mong Mamaw?!”
Nilingon ko ang nagsalita. At talagang napanganga ako at napakurap ng ilang beses!
Shit? Mamaw nga! Mamaw sa kagwapuhan!!
“Kasi naman akala ko Mamaw! Patay ilaw tas may uungol? Sinong hindi matatakot nun aber?” sabi ko namang ganyan,kunwari mataray ang lola nyo.
“Pinagbantay kasi ako kanina dito,nakatulog ako sa pagod” sagot naman nya.
“Huh? Bakit hindi ka ba estudyante dito?” agad kong tanong,ewan bigla ako nacurious eh.
“Working student ako dito sa school,sa pagod ko kanina sa paglilinis sa buong building ay nakatulog na pala ako habang nag babantay dito” sabi naman nya. So it means janitor sya dito sa school after ng mga class nya?
Ang unfair naman ng school na to? May mga agencies naman na pwede kuhaan ng mga janitors pero bakit estudyante pa? Sayang ang sobrang kagwapuhan ng mamaw na to kung janitor ang peg nya.
“Uhm alam mo ba san nakalagay mga test papers ni Mr.Kapritso?” tanong ko na lang para maiba usapan.
“Ayon sa may dulong table,sa tabi ng mga test tubes” aniya sabay nguso sa direksyong itinuro.
Agad ko ito tinungo at kinuha ang mga test papers.
“Ano,uhm salamat,una na ako” paalam ko sa kanya at lalabas na sana pero tinawag ako.
“Saglit lang,sabay na tayo,uuwi na din ako, grabe gabi na pala” aniya at lumabas na kami at sinara na nya ang pinto,wala kaming imik ng makababa,dumiretso ako sa room namin,pag pasok ko pa lang nagtawanan na naman sila.
Sige! Tawa lang! Last nyo yan,pupunitin ko test papers nyo! Hahaha
Agad akong bumalik sa upuan ko at ng madako ang tingin ko sa labas,nandun si mamaw!
Ano ba yon? Akala ko uuwi na sya?
AN ~ MUSTA? Dahil walang magawa,update ko na din ito,pero hindi kasing dalas ng pag Update ko sa LTT at EIKO :/
ANYWAYS, HAPPY BDAY TO ME! 25 nko XD Gift nyo? VOTES and COMMENTS would be better haha! =D
Mamaw spix 2 ~
Agad akong bumalik sa upuan ko at ng madako ang tingin ko sa labas,nandun si mamaw!
Ano ba yon? Akala ko uuwi na sya?
Konting minuto na lang patapos na din ang boring na klase na to,maya’t maya ko din sinusulyapan si mamaw na matyagang naghihintay sa corridor.
Kinikilig mga kaklase kong babae at bading. Mga haliparot! Sa bagay,sobrang gwapo nga naman ni Mamaw,pero bakit ngayon ko lang sya nakita?
Ay ewan! Sa dami ng estudyante sa school na to,malabo namang matandaan ko lahat ng mukha,saka baka hindi ako hinihintay nya,baka may kaklase ako na girlfriend nya? Pasensya,assuming lang ang peg haha!
And so,nag dissmiss na din,agad na ako lumabas ng room,pero sinalubong agad ako ni mamaw.
“Hi!” naka ngiti pa nitong sabi.
“Akala ko umuwi ka na? Mukhang bitin tulog mo eh” sagot ko.
“Hoy friend! Pakilala mo kami sa boyfriend mo”
“Oo nga! Ikaw ah? Nagsi sikreto ka?”
=__=
Hindi ko na kailangan manghula kung sino yon, ang kambal na Piper at Phoebe,actually triplets sila at lalaki ang isa,si Philip,mga kaibigan ko sila.
“Hoy mga impakta! Hindi ko sya boyfriend! Nakita ko lang ang mamaw na yan sa lab! Pwede ba? Bakit hindi kayo tumulad kay Philip na tahimik?” sagot ko sa mga impakta at naglakad na ulit at binaling ang pansin kay mamaw.
“Oh ikaw? Ngitingiti mo dyan? Uwi ka na” sabi ko.
“Diba sabi ko sasabay ako sayo?” naka ngiti at inosenteng sagot sakin ni mamaw. Baliw ba to? May sapak ata to sa utak eh.
“Ayan friend ah? Bawal magdeny!” hirit ni Phoebe.
“Ang sweet mo naman kuya mamaw” sabi naman ni Piper. Hindi ko mapigilang mapahagalpak sa kakatawa dahil dun,halos lumuwa na esophagus ko kakatawa! ^o^
“Hindi ako mamaw! May pangalan ako” sagot naman nito.
Oo nga pala,ako lang ang nagbansag sa kanyang mamaw!
“Eh ano ba kasi pangalan mo?” tanong ko,nakalabas na kami ng bldg at naglalakad na papunta sa gate.
“Kreyd pangalan ko” sagot nya.
Wow! Ganda ng pangalan,hindi halatang mahirap
“Ikaw anong pangalan mo?” balik tanong sakin ni mamaw,este ni Kreyd xD
“PRUDENCIO pangalan nya!” sabay na sagot nina Piper at Phoebe >_
Biglang bumulanhit ng tawa si Mamaw! Hindi tawa yon,halakhak! Maluha luha pa si gago at hawak ang tyan! Gusto ko tuloy matunaw na lang.
Mga tatlong minuto din sya hindi nagpaawat kakatawa,galak na galak sa napaka ganda kong pangalan.
“Tapos ka na? Ang ligaya mo ah?” inis kong sabi,sakto nakalabas na kami ng campus,natanaw ko ng parating ang kotse ng kambal,si Philip na susundo sa mga ito.
“Sorry,nabigla lang ako” sabi ni Mamaw na nagpapahid pa ng luha ng kaligayahan. Tadyakan ko kaya to ng matuluyang maiyak? Kainis eh!
“Philip!” sabi ng kambal at lumapit na sa kotse nila.
“Prue,sabay ka na samin friend” aya ni Piper.
“Hindi na,dadadating naman driver namin eh” sagot ko.
“Sure ka? Sige! Kreyd kaw na bahala sa kanya ah? Bye!” ani Piper at sumakay na sa kotse,nauna na kasi si Phoebe. Ngumiti at kumaway naman si Philip bago sila umalis. Yung triplets na yon talaga!
“Oy ikaw umuwi ka na,gabing gabi na” baling ko ulit kay mamaw na titig na titig pala sakin. What? Ganda ko ba para matulala sya? Hindi ko sya masisisi sadyang ka akit akit nga naman ang aking alindog,nag uumapaw ^o^V
“Hintayin ko na mauna ka,malapit lang naman ang bahay ko” sagot nito.
Katahimikan. Tamang muni muni lang ako samantalang tahimik lang naman sya.
Tumingin ako sa relo ko.
O_O
What the? 30minutes na ako naghihintay dito ah? Agad ko kinuha ang phone ko at tinawagan ang aming driver.
“Hello Mang Berting! 30 minutes na ako naghihintay dito! Namumuti na mata ko!” agad kong bungad ng masagot ito.
“Pasensya na po sir pero nagpasundo sina Mam at Sir eh,mag commute na lang po kayo” sagot ng pobreng matanda.
“Whaaatt?! Ano ba yan! Dapat nagtext ka man lang–”
“Sir tumatawag na po ang parents mo sa kabilang linya,sige po sir bye!” at binabaan na nga ako ng tawag.
Nagngingitngit ang aking kalooban! Ayaw kong nagkocummute ng gabi! Kainis naman eh?! Pano kung maRape ako? Huhu :(
“May problema ba?” tanong ng mamaw na halos makalimutan kong kasama ko pa pala.
“Hindi ako masusundo ng driver namin, sige na umuwi ka na,baka hinahanap ka na senyo, magkocummute na lang ako pauwi” naka simangot kong sagot.
“San ka ba nakatira? Hatid na lang kita? Mukhang hindi ka sanay mag commute eh” sabi pa nito na ikinakurap ko ng 10 thousand times!
Seriously? Ngayon lang kami nagkakilala pero ganito na agad sya? Ang bait naman nya? Nakoo pero hindi dapat agad ako magtiwala, diba nga looks can be decieving? Malay ko ba kung reypin nya ako? Ang swerte nya pag nagkataon ha!
“Hindi na,kaya ko na sarili ko,magtataxi na lang ako” sagot ko.
“Sigurado ka? Mas delikado minsan ang ganun?” pangungulit pa nito.
“Hindi na nga,ano ka ba? Umuwi ka na nga!” sabi ko naman at nagsimula ng maglakad. Medyo kinabahan din ako sa ideyang sasakay mag isa sa taxi,lalo na at gabi.
“Okay,bahala ka,tingnan mo oh,tayo na lang tao dito, sige,una na ako,mag iingat ka Prudencio” anito at nilampasan ako sa paglalakad.
_
“Woi! Teka! Sige na! Aamin na ako,hindi ako marunong magcommute pag gabi,payag na akong ihatid mo” habol at pigil ko sa kanya sabay hila sa dulo ng damit nya.
Agad itong humarap sa akin na napaka lawak pa ng ngiti.
AN ~ MUSTA? Magandang gabi po! VOTES and COMMENTS if you like :3 thanks po! ^_^
Mamaw Spix 3 ~
Kreyd Pogi’s POV
“Waaaaaahhhh!!!” sigaw ko sa may sala namin nakaupo ako sa sofa at nakatakip sa akin mukha ang mga kamay ko.
Naramdaman kong may masakit na tumama sa akin. Pagtingin ko si kuya Khyron, binato nya pala ako ng kutsara!
“Bakit?” taka kong tanong at kinuha sa lapag ang kutsarang binato nya.
“Anong bakit? Bigla ka sumisigaw dyan! Nagulat tuloy si Nanay at nasagutan sa paghihiwa” inis na sabi ni kuya, matanda sya sa akin ng tatlong taon. Hilig nila ni Nanay ang magluto. HRM graduate na sya at nagtatrabaho sa isang restaurant.
“Pasensya na kuya,okay lang ba si Nanay?” sabi ko at tuluyan ng tumayo para pumunta sa kusina.
“Bakit ka ba bigla biglang sumisigaw? Kung nandito pa si Tatay sandok ibabato sayo nun” tanong ni kuya ng papunta na kami sa kusina.
Bakit nga ba ako biglang sumigaw? Maya’t maya lang naman pumapasok sa isip ko si Prudencio at ang maganda nyang mukha. Dalawang araw na nakakalipas pero ganun pa din epekto sa akin. May lahi ata mangkukulam ang bading na iyon at nahipnotismo agad ako.
Hindi ko naman pwede sabihin kay kuya na Bading ang iniisip ko,baka makatikim ako ng Mask rider kick nya,mahirap na! Kung bakit ba naman kase pumapasok sa isip ko ang Prudencio na yon? Hindi lang ata hipnotismo ginawa sa akin nun eh,inengkanto din ata ako nun! Sya pala talaga ang totoong mamaw!
Pero kung babalikan yung pangyayari nung biyernes ay nakakatawa talaga,tuwing biyernes kasi ako naka assign na maglinis sa bldg na yon bilang working student sa school na yon at lingid ito sa kaalaman ng pamilya ko,ayaw ko din kasi maging pabigat,kalalaki kong tao masyado ako umaasa sa magulang? Kaya nag apply ako sa school,may allowance na sapat naman para sa akin,at magandang schedule na tuwing biyernes lang.
At ng mga panahon na yon masyado akong napagod,at dahil tiwala naman ang buong faculty sa akin,pumasok ako sa Lab para sana magpahinga saglit,kinapalan ko na din ang mukha ko at ini-on ang air con.
Napahaba ang tulog ko pero masama ang panaginip ko,hinahabol daw ako ng mga aswang,pakiramdam ko nun hindi na ako makahinga,sumisigaw daw ako pero walang boses at buti nagising ako sa sigaw na ‘Mamaw’ napabalikwas talaga ako,sakto pagbukas ng ilaw para akong nakakita ng Engkantada. Ang ganda ganda,but then I realized wala syang boobs at panlalaki ang suot nya,and there,I therefore conclude na isa syang Sirena :3
Dont get me wrong,Im not against the Gays,Bisexual or Lesbians,infact nakakatuwa sila,may mga kakilala akong Gays na successful na sa buhay,successful pa sa lovelife.
At yon nga,na engkanto na ako sa kanya,hinintay ko sya sa labas ng classroom,sinabayan maglakad at hinatid sa kanila,maging ako nawirduhan sa pinag gagawa ko,to think na yon ang una palang naming pagkikita
Masasabi kong mayaman pala itong si Prudencio,nalula ako sa laki ng bahay nila after that,umuwi na ako, pero bago ako umalis nagpasalamat sya at nagbigay ng ngiti. Dahilan para mabulabog ang utak ko hanggang ngayon!
“Nakakainis!” wala sa sariling sabi ko ng maupo at tingnan sina Nanay at kuya sa ginagawa.
“Anong nakakainis? Hoy Kreyd dapat nga ako ang mainis sayo,dahil bigla bigla ka sumisigaw,nagulat tuloy ako at nahiwa” biglang sabi ni Nanay.
“Sorry Nay,ano ba yang niluluto nyo ni Kuya?” sabi ko na lang.
“Gusto daw kasi bumisita ng mga Amo ng Tatay nyo,kaya ipaghahanda natin” masayang sagot ni Nanay.
Aba? Bago yon ah,sa tagal ni tatay na naninilbihan bilang driver sa mga Villacruz,ito ata ang kauna unahang makikita at makakasalamuha namin sila? May anak kayang chikas yon na pwedeng pormahan? ^_^
“Nako Nay tingnan mo ngiti nyan ni Kreyd,alam ko iniisip nyan” nakangising pansin sakin ni kuya Khyron habang hinahalo halo nya ang niluluto nya.
“Nako Kreyd ha? Anong kalokohan na naman yan?” ani Nanay.
“Wala yon Nay no? Nagpapaniwala ka dyan kay kuya,sige na,maliligo na ako para hindi nakakahiya mamaya sa mga amo ni Tatay” sabi ko at saka umeskapo at pumunta sa kwarto ko.
Makalipas ang dalawang oras nadinig ko na ang pagparada ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.
Sina Tatay na yon!
Agad kong inayos ang sarili ko at lumabas ng kwarto,naabutan kong pinapakilala ni Tatay ang mga ito kina Nanay at Kuya.
Ng makalapit ako ganun na lang ang gulat ko sa nakita.
“Mamaw!/Prudencio!” ang sabay naming sabi. Napatingin tuloy sila sa amin ng may pagtataka.
Kung ganun,ang pamilya ni Prudencio ang amo ni Tatay?
“Magkakilala kayo?” - Tatay
“Opo” sabay naming sabi. Wow,mas maganda si Prudencio pag simple.
The fuck?! Ang lakas mang engkanto nito ah! Kung anu-ano na nasasabi ko.
“That’s good,mas magiging malapit tayo nyan” sagot ng Dad ni Prudencio. Hehe nahahabaan ba kayo sa pagbasa ng Prudencio? Pasensya na ah? Nakukyutan kase ako sa Prudencio ^___^
“Oo nga po Mam,Sir” ani Tatay.
“Kreyd,ikaw na muna bahala kay Prue,tutal naman magkakilala kayo” biglang sabi ni Nanay. Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.
“Magkwentuhan muna tayo Kebin at Nancy,mamaya na yang inihanda nyo, matagal na akong walang nakaka daldalan” nadinig ko pang sabi ng Mommy ni Prudencio bago kami pumasok sa kwarto.
Si kuya malamang nagkulong din sa kwarto nya.
“Small world” biglang sabi nito.
“Oo nga eh,well ganyan talaga ang buhay Prudencio” nakangiti kong pag sang ayon at pasalampak na naupo sa higaan ko.
“Tse! PRUE itawag mo sakin! Makakatikim ka talaga ng bugbog! Hindi porket hinatid mo ako nung friday eh may karapatan ka nang tawagin ako sa realname ko! Mamaw ka talaga!” singhal nito sakin haha!
“Ooppps! Easy lang,hindi ako kaaway! Sige na,Prue na kung Prue, pero huwag mo na din akong tatawaging Mamaw,deal?” sabi ko naman.
“Deal! Starting tomorow!” sabi nito.
“Ha? Bakit bukas pa?” protesta ko,ayaw ko matawag na mamaw sa harapan ng mga magulang namin ah!
“May reklamo?!”
“Wala!” agad kong sagot. Sige humanda ka pag nagkamali ka mamaya! Hahaha
AN ~ MUSTA? Walang magawa kaya naisipan ko lang mag UD dto kht maikli :3
VOTES and COMMENTS po :]
Mamaw spix 4 ~
Kreyd’s Point of View :3
Alam ko na kung anong nangyayari sakin, alam nyo yung pinoproseso pa lang ng utak mo ay kikilos na agad ang katawan mo? Ganon.
Hindi ko alam kung anong meron kay Prue at ganon ang hatak nya sa akin,siguro natutuwa lang ako sa kanya? Tama! Ganon nga siguro! Wala naman ako ibang kakaibang nararamdaman kaya secured pa ako sa sarili ko.
Papasok na ako sa gate ng campus ng may tumawag sa pangalan ko,kaya tumigil ako at nilingon. Si Artemis, kaklase at tropa ko.
“Tol,nagawa mo ba yung Take home test natin sa Chem1?” tanong agad nito at nagpatuloy kami sa paglakad.
Napatampal ako sa noo ko dahil dun.
“Shit naman! Nakalimutan ko eh” inis kong sabi.
“Ako din nakalimutan ko,ngayon pa naman ang pasahan,patay tayo kay Sir.Aguas nyan” sabi naman nito.
Bakit nga ba hindi ko nagawa yon? Syempre diba may bisita kami kahapon,tas nawili pa kami sa pagkekwentuhan ni Prue hanggang sa tuluyan ko na nga nakaligtaan ang Take home test.
“Kaasar naman!” inis na sabi ko,sakto nandito na kami sa room.
“Kailangan na natin humanda para sa punishment mamaya” sabi ni Artemis. Si Sir.Aguas kase mahilig magbigay ng mga kakaibang parusa saka ka nya bibigyan ng second chance,para daw matuto. Ang lawak pa naman ng utak ni Sir!
At yun nga ang nangyari,wala kaming nagawa ni Artemis ng pagpulutin kami ni Sir ng mga kalat sa open ground kahit ang init init! Buti na lang at dito lang hindi sa quadrangle.
Pinagpapawisan na ako,pakiramdam ko nababawasan na kagwapuhan ko,lalo na at maraming chix ang nakakakita sa akin.
Tiningnan ko si Artemis,at ang hudyo pakanta kanta pa! Pano nya nagagawa yon?
“Hoy Art! Parang ang saya saya mo pang nabibilad tayo dito ah?” sigaw ko sa kanya.
“Mas okay na to tol,kesa makinig sa napaka boring na lecture ni Sir Aguas” naka ngisi pang sagot ng gago.
“Isusumbong kita!” kunwari ay banta ko sa kanya.
“Oy tol huwag! Parang hindi naman tayo tropa nyan diba– Uy! Tatlong chika babes” sabi nito na nakatingin sa likuran ko kaya lumingon din ako.
Patay!
“Mamaw?” sabi ni Prue,kasama nito yung kambal at yung isang babae na hindi ko kilala.
“Hi!” nag aalangan kong bati,grabe,tagaktak na pawis ko,ang init talaga,lumapit at tumabi naman sa akin si Artemis na halatang nagpapa cute pa.
“Hello girls,ako nga pala si Artemis,but you can call me Art” pacute na sabi ni gago,kapal talaga ng mukha ng kumag na to haha!
“Anong ginagawa nyo? Wala kang klase Kreyd? Bakit nagpupulot kayo ng kalat? Ay! Sya nga pala, ito nga pala sina Piper,Phoebe,at si Paige, Friends sya si Kreyd, at hi nga pala Art” maligalig na sabi ni Prue. Namumula pa ang mukha,dahil siguro sa init. Ang cute!
Cute? What the?! Kailan pa ako nakyutan sa mga binabae?!
“Nice meeting you Art,kilala na namin tong si Mamaw,este Kreyd nung friday,akala namin bf ni Prue,by the way, Charmed ang tawag sa grupo namin” madaldal na sabi nung Piper.
“Nice meeting you beautiful ladies and Prue,oh talaga? Hindi ko alam na mahilig pala si Kreyd sa mga Si–” inapakan ko paa ni Artemis,kalalaking tao ang daldal!
“Bakit nga kayo nandito? Wala ba kayong klase?” muli ay tanong ni Prue,sasabihin ko ba? Wag na lang baka makarating kina Itay mapagalitan pa ako.
“Baka vacant nila girl” sabi nung Paige
“Vacant? Nagpupulot ng kalat sa ilalim ng matinding sikat ng araw? I doubt!” sabat naman nung Piper.
“Hindi kasi namin nagawa ang take home test namin sa Chem1 kaya eto parusa samin” singit ni Artemis.
Wala na! Nabuko na kami. Pakadaldal talaga ng impaktong to?!
“Ganun? Nako isusumbong kita sa parents mo” naka ngising sabi ni Prue. Shit! Bakit ako natakot sa banta nya?
“Huwag naman” nasabi ko na lang.
“Joke lang! O sige,maiwan na namin kayo,nabibilad na din kami sa init eh,oh eto pamunas,bye! See you around” ani Prue sabay hagis sakin ng panyo at agad silang umalis.
Powder blue yung panyo,inamoy ko, shit! Ang bango! Para syang babae!
“Type ka ata nung bakla tol” naka ngiting sabi ni Artemis. Pero imbis na maasar,palihim akong napahagikgik.
What?! Kung ano-ano na naiisip ko!
“Gago,ituloy na natin to,para matapos na tayo at makakain na” sabi ko na lang para hindi na mang asar ang ulupong na si Artemis.
Ng matapos kami ni Artemis ay dumiretso kaming dalawa sa cafeteria. Madami ng estudyante,agad na kaming pumila.
Nakipagsiksikan kami ni Artemis sa pila,pagdating sa ganito dapat alerto at mabilis! Kung hindi mauunahan ka! Haha!
Ng makabili kami ng pagkain ay ang sasama ng tingin nila sa aming dalawa ni Artemis,pasensyahan na lang,ganun talaga mga taong gutom,at ang mga gwapong tulad ko hindi ginugutom haha!
“Humohokage moves ka kanina Art ah? Walang palag yung mga nasa pila” natatawa kong sabi habang kumakain.
“hahaha! Ganon talaga! Impluwensya ng Naruto! Sabi ko naman sayo manood ka nun,hindi puro Powerpuff girls pinapanood mo” natatawa ding sagot nito.
“Loko loko! Wala lang talaga ako time manood na,hindi katulad dati” naka ngiti kong sabi at pinagpatuloy ang pagkain.
“Mukhang close kayo nung bading kanina ah?” biglang sabi nito.
“Hindi naman masyado,anak kasi yon ng mga amo ni Tatay kaya dapat pakisamahan ng maayos” sagot ko naman.
“Weh? Bakit binigyan ka ng panyo?” hindi kumbinsidong sabi pa nito. Dahil nabanggit nya ang panyo,kinuha ko ito sa bulsa ko at inamoy.
Hmmn.. Ang bango talaga! Pero bakit nga ba nya to binigay?
“Syempre! Baka sya naman pagalitan ng parents nya,nakita na nga nya ang gwapong si Kreyd na halos himatayin na sa init hindi pa nya tutulungan? Bad record yon sa kanya tol!” sagot ko naman,ang galing ko talaga mag imbento ^_^
“Ang hangin mo talagang gago ka” natatawang sabi ni Artemis.
“Parang ikaw lang” sagot ko at tumawa kaming dalawa.
Ng biglang may kumalabit sa akin.
“Hoy mamaw! Akin na panyo ko,wala pala ako extrang panyo” sabi ni Prue,aba? Hindi nya kasama yung tatlo?
“Wala ng bawian no! Binigay mo na eh” pang aasar ko sa kanya,at hindi ako nabigo. Nagpapadyak syang parang bata.
“Kasi naman eh! Dali na! Paborito ko kasi yan eh! Okay lang kahit puro germs mo na,ibabad ko na lang sa clorox” inis na sabi nito
Germs? Aba’t! Tinawanan tuloy ako ng hudas na Artemis! Gaganti ako!
“Diba may deal tayo? Dalawang beses mo na akong tinawag na mamaw ngayong araw,kaya hindi ko na talaga ibabalik tong panyo” nakangisi kong sabi. Asar na napasabunot si Prue sa sarili,ang cute talaga!
“Eehh! Dali na! Akin na yan kahit anong kapalit! Dali na! Bigyan na lang kita ng ibang panyo bukas saka promise talaga,hindi na kita tatawaging mamaw, poging Kreyd” sabi naman nito. Napangiti ako ng wagas sa aking mga narinig.
“O sige isasauli ko na to,basta sabi mo may kapalit” at tinaas baba ko pa ang dalawa kong kilay,kita kong parang nag alangan pa sya bigla hahaha!
“O sige na nga! Anong gusto mong kapalit?”
“Kiss mo ako dito” sagot ko sabay turo sa kanang pisngi.
AN ~ OH AYAN NA PO HAHAHA :3 Yung LTT muna tutukan ko haha! VOTES AND COMMENTS PO,thank you :)
Mamaw spix 5 ~
Prue’s Point of View
Luhh? Ano daw? Ikiss sya sa pisngi? Hala ka! Baliw talaga tong mamaw na to?! Nakakahiya ah?! Ano akala nya sa akin? Cheap? Dahil lang sa panyo hahalikan ko sya? Duh?! Never! Mangisay sya dyan!
TSUUUUUPPPPP!!!
O_O
_
“Ang bagal mo kasi eh,nainip ako! Oh ayan na ang paborito mong panyo!” naka ngising sabi ni Mamaw.
“Hoy! Napaka–”
TSUUUUUPPPPP!!
“Ayan ang pasasalamat ko naman! Bye! Tara na Art” sabi pito at lumabas sila ni Artemis ng cafeteria. Iniwanan akong nakatulala at hiyang hiya sa harapan ng madaming tao!
Walangya!! First kiss ko yon sa lips! Waaaahhhh! Hindi na Virgin ang lips ko huhuhu! T^T animal kang mamaw ka! Magnanakaw!
Dahil sa kahihiyang aking dinanas at ayaw ko ng pag pyestahan pa ng mga gossipers, wow gossipers talaga? XD ay nanakbo na ako palabas ng cafeteria.
Nagpunta ako sa likod ng bldg namin,may fish pond doon at sea wall, naupo ako sa isa sa mga sementong bench at wala sa sariling napahawak sa pisngi ko.. Papunta sa labi.
Ang lambot ng labi nya,ang tamis!
O_O
Waaaaahhh! Mamaw talaga yon! Baka may kasamang gayuma yung paghalik nya! Malilintikan talaga sakin yon pag nakita ko ulit sya! Grabeee! Sa isang iglap nanakaw ang first kiss ko? Ano na lang sasabihin ng mga kaibigan ko?
Si mamaw na Kreyd nagnakaw ng first kiss ko! Pero on the contrary atleast ngayon alam ko na pakiramdam ng nahalikan,dati ko pa naman pinapantasya na kahalikan ko daw si Joseph Marco! Eeeehhh!! Ano ba yan! Nakakahiya >_
At biglang nag ring ang phone ko.
Ay nako! Yung pinsan ko na namang bruho ang tumatawag!
“Hoy Janssen! Ano kailangan mo?” agad kong salubong dito hindi pa man ito nakakapag salita.
“Wow ah? Is that the sweetest thing na pwede mo ibungad sa gwapo mong pinsan?”
“Si kuya Pao guwapo,ikaw hindi! Ano nga kailangan mo Janssen Gutierez?”
“Prudencio! Ikaw lang ang bading na hindi naka appreciate ng kagwapuhan ko, mas gwapo naman ako kay kuya Pao!”
“Hindi ako naniniwala! Ang mga katulad mong menopausal baby ay hindi gwapo,ano nga kailangan mo?” irita kong sabi, ang kulit kasi ng hinayupak na to eh,pinangak kung kelan malapit na mag menopause si tita,parang sina Piper,Phoebe at Philip lang,ang layo ng age gap sa mga kuya nila.
“Hahaha! Ewan sayo,anyways pinatawagan ka sakin ni Kuya Pao,may Party daw tayong pupuntahan sa saturday,reunion daw ng tropa nila at ng mga extended friends nila at ang motif,isama ang mga kapatid,pinsan at pinaka malapit na kaibigan o karelasyon,kaya isama mo si Paige ha? Para madiskartihan ko na,saka dapat dala dala mo din ang boyfriend mo! Hindi pwedeng wala! Susunduin ka namin! Bye” mahaba at direderetso nitong sabi.
Literal na napanganga ako,langyang yon! Hindi man lang ako pinag salita?
Kung si Paige madali ko pa maisasama,matagal ng type yon ng kumag kong pinsan eh, pero boyfriend? Wiiitt! Wala ako non!
Aha! Kausapin ko sina Phoebe at Piper na kunwari si Philip ang jowa ko! Tama! Ganon na nga!
Hahahahaha! Im so smart talaga! ^.^
Teka? Anong oras na ba?
Waaaahhh! Filipino1 na namin! Patay ako nito!
Mabilis akong kumaripas ng takbo,kaya pagdating sa room hingal na hingal ako.
“Late ka” sabi ni Piper.
“Hala? Nalibang ako sa pagmumuni muni sa fishpond eh! Nasan sir?” kinakabahan kong tanong,ayaw ko pa naman magkaron ng absent sa records ko.
“Actually wala tayong klase sa kanya,umattend si Sir sa meeting” naka ngising sagot ni Piper.
Unyemas! >_
Nagpakapagod ako sa wala? Hayup lang! Nakakaloka ka Sir!
Umupo ako para makapag pahinga,nakakaloka talaga,nag marathon ako para sa wala?
“kamusta ang mga isda?” biglang tabi ni Paige. Good thing! Ayaw ko ng tumayo at puntahan sya sa upuan nya. Pagod ako,pagod!
“ngumanganga parin,oy Paige,sasama ka sa akin sa sabado,may pupuntahan tayong party,gusto ni Janssen nandun ka” sabi ko habang ipinupunas ang panyong kakakuha ko lang kanina sa mamaw na si Kreyd.
Ugh! Naalala ko na naman ang ginawa nya! Buset!
“Talaga? Sige sasama ako” tuwang tuwang sabi ni Paige. Tamo tong babaeng to! Gusto din pala pinsan ko,panay pakipot pa.
“Oy saang party yan?” biglang singit ni Phoebe.
“Taray,party party na lang” segunda pa ni Piper.
“Uhm,tungkol dyan,pwede nyo bang kausapin si Philip na sumama na din PLEASE? Importante lang” bigla kong sabi.
“Okay sana yan,kaya lang may pupuntahan din kaming party sa sabado,gusto nina kuya Gelo at kuya Argel kasama kaming tatlo” si Piper ang sumagot. Nadismaya naman ako.
“Bakit kasi required pang magdala ng bf kuno doon eh!” hindi ko mapigilang maibulalas.
“Kaya naman pala bigla nag iba hilatsa ng mukha mo” - Paige.
“I have an idea!” - Phoebe.
“Parang alam ko na” - Piper
kambal nga talaga sila =__=
“We are the Charmed One’s kaya dapat tulungan,naisip ko lang na bakit hindi si Mamaw I mean Kreyd ang isama mo?” si Phoebe.
Sa lahat ng idea ng babaeng to,yan ang pinaka panget,kung alam lang nila na pinag samantalahan ng mamaw na yon ang oh so soft and virgin lips ko! >_
“Ay? Kailangan mag blush talaga? Kakaloka ka friend” - Paige.
“No way! Ayoko nga!” pag protesta ko.
“Wow ha? Choosy ka pa? Sa gwapo ni Kreyd ikaw ang dapat mahiya friend” buska ni Piper.
“Or pwede namang huwag ka na mag sama para hindi ka tantanan ng pinsan mong menopausal baby” - Phoebe.
“Nagsalita ang hindi menopausal baby” bara ko sa kanya.
“hehe! Nakalimutan ko,anyways,its your choice friend,take it or leave it” bawi ni Phoebe.
Shet naman! Bakit kasi si Kreyd pa! Nakaka buset naman,saka,nahihiya ako sa kanya! Kasi.Kasi,nagustuhan ko din yung kiss!
AN ~ MUSTA? Comments and Votes po! Hihi! Thank you guys :3
Mamaw spix 6 ~
Prue’s Point of View
Nakakainis! Kung bakit kasi wala akong kaibigang lalaki? Kung bakit kasi NO CHOICE at si mamaw pa talaga? Buset naman eh! Hindi naman pwedeng mang hablot na lang ako ng kaklase kong lalaki no? May kahihiyan pa ako,saka alam naman ng lahat na tahimik ako,3rd degree cousin ko si Maria Clara eh, chos lang!
May apat na araw pa ako para paghandaan ang pag invite kay Mamaw. Pero infairness naman,hindi ako lugi kung sakali,ang tangi ko na lang aalahanin ay ang sasabihin nina Mama at Papa. Napaka kunsintidor naman kasi ni kuya Pao sa akin eh XD
Hayst,paano kaya ako mag a-approach kay mamaw? Tiningnan ko ang mga kasama ko,nakatambay kasi kami ngayon dito sa coffee shop malapit sa school,kakatapos lang ng mga klase namin.
Si Philip nagpipindot sa phone,malamang ka chat ang girlfriend,salamat sa wifi! Pwede naman tawag na lang,masyado nya dinadama ang libreng wifi.
Si Paige ayon,parang pwet ng manok,daldal ng daldal habang may kausap sa phone,Im sure ang pinsan kong kumag na si Janssen kausap nyan, nag bibeautiful eyes pa akala mo naman nakikita ng kausap nya.
Si Piper nagbabasa ng libro,kung anong libro wala ako idea,hilig nya yan eh.
At si Phoebe naman naglalagay ng cutics sa mga kuko.
The hell? Nagawa pa nya magdala ng cutics ah?
Hindi ko nga alam dito sa mga kasama ko kung bakit magkakasama kami gayong hindi naman kami nag uusap,ang lakas din ng virus sa utak ng mga to eh.
“Mga praning,uuwi na ako” paalam ko sa kanila,lahat naman sila ay itinigil ang ginagawa at tumingin sa akin.
“Ang aga naman?” tanong ni Philip.
“Madami pa ako gagawin eh,alam nyo na,mag bi-beauty rest” sagot ko habang hawak ang phone ko at tinetext si Mang Berting na sunduin na ako.
“Beauty rest? Bakla ka! Monday pa lang ngayon,saturday pa yung party na pupuntahan mo! Nakakaloka ka” sabi ni Paige.
“Eeehhh! Basta! Uwi na ako,madami pa ako gagawin” sagot ko pa din.
“Maiba ako,nakausap mo na ba si Kreyd?” sabi naman ni Piper.
“Saka na siguro,mahaba pa naman ang araw” palusot ko,hindi ko naman pwedeng sabihin na naiinis ako sa mamaw na yon dahil ninakawan ako ng halik at nahihiya ako magpakita sa kanya. Baka pagtawanan lang ako ng mga impaktang mga to.
Ilang sandali pa dumating na ang sundo ko. Nagpaalam na ako sa kanila then umuwi na.
Kinabukasan,dahil maaga ang first subject ay maaga din akong pumasok nakita agad ng malinaw at magaganda kong mga mata sina Kreyd at Art na nakatambay sa bench.
Para akong kinabahan na ewan! Hindi talaga maalis sa isip ko yung kiss! At halos hindi ako pinatulog nun kagabe,parang nararamdaman ko pa din yung lips nya.
Waaaaabhhh! Kung anu-ano na iniisip ko! Kailangan pumunta na ako sa first class ko. Mamaw talaga yon! Huhu baka may gayuma ang kiss nya kaya hindi ko makalimutan? Si Joseph Marco pa naman ang gusto ko maka divirginize sa kissable lips ko!
“Prudencio! Saglit lang!”
=__=
Walangyang mamaw to! Pinagsigawan pa talaga pangalan ko?!
Huminto ako at hinarap sya at pinukol ko sya ng masamang tingin,pero ang hudas parang hindi man lang naapektuhan at ang lapad pa ng ngiti! Mamaw talaga!
“Anong kailangan mo?” asik ko sa kanya at napatingin ako sa labi nya.
Siyete muryente balyente!
Napalunok ako ng magkasunod. Yung labing yon ang labing lumapat sa aking labi! Sana.. Sana maulit. >_
“Nasan na yung panyo? Akala ko ba bibigyan mo ako kapalit nung kinuha mo kahapon”
At talagang hindi nya nakalimutan yon ah? Yang panyo na yon ang dahilan ng lahat eh!
“Naku! Pasensya na Kreyd! Nakalimutan ko, pwedeng sa saturday na lang?” palusot ko,pero totoo namang nakalimutan ko,kailangan ko lang sumegway no? Hindi naman ganun kakapal ang fez ko para yayain sya agad agad,stepy by step yan ^o^
“Huh? Bakit sa sabado pa?”
“Gusto mo ba ng panyo o ayaw mo?”
“Sige na nga! Basta dapat kasing bango nung unang panyo ah? Sige mauna na ako” naka ngiti nitong sabi at binalikan si Art saka sila pumunta sa Architecture bldg.
Ah..Yun pala course nya. Pero dapat umalis na sya sa pagiging student worker dito sa school,Im sure naman sapat ang pinapa sweldo ni Papa kay Mang Kebin para sa mga tustusin ni Kreyd. Pero siguro may reason din itong si mamaw.
“Baklaaa! Tara na malapit na mag bell” nagulat naman ako sa biglang pag sulpot ni Paige at hinila agad ako papunta sa department namin. Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigang kakaiba?
Sa gitna ng klase namin nakatanggap ako ng text mula kay Mama,dumating na daw si Manang Lourdes kasama ang kababata ko at dating kalaro, na excite tuloy akong umuwi!
Ano na kaya itsura nya? Maitim pa din kaya sya? Makulit pa din kaya? Hihi! Crush ko pa din talaga sya hanggang ngayon! >///
AN / HELLO! :3 Lazy Update? I know and Im sorry for that,kailangan ko lang itong maituwid para sa next chapter xD BAWI na lang po ako sa susunod.
Sino kaya yung dumating na crush ni Prue? O.o
Mamaw spix 7 ~
Kreyd’s POV :3
Yesss!! Biyernes na! Excited na ako sa sasabihin ni Prue! Natuwa talaga ako sa nangyari ngayong buong week,ewan ko ba? Lalo na nung hinalikan ko sya twice,sa cheeks at lips, hindi ko din alam kung anong masamang hangin ang sumanib sa akin at ginawa ko yon.
Pero hindi naman ako nagsisisi,siguro talagang natutuwa lang ako sa isang yon,hindi na nga ako tinantanan ni Artemis ng mga pang aalaska, pinapabayaan ko lang ang ungas,basta ako masaya ako.
Kaya kapansin pansin ang pagiging masaya ko kahit sa mga klase namin. Halos hilahin ko na nga ang oras para dumating na yung uwian at yung duty ko ng paglilinis sa building nina Prue,panigurado syempre gabi na naman uwi nila tulad nung nakaraan.
Ano ba ang ginawa sa akin ng taong yon at ganito na lang epekto nya sa akin? Naalala ko tuloy sa kanya ang isang taong tumulong sa akin.
Kamusta na kaya si kuya Paige? Matanda na siguro yon ngayon,ang tagal tagal na ng huli kaming magkita. Sa totoo lang mas hinahanap ko sya kesa sa tunay kong pamilya na hindi man lang nagtangkang hanapin ako noon,lalo na ang ama kong parang walang paki alam sa pagkawala ko, mabuti na lang at mababaet ang mga kumupkop sa akin,na kamag anak pala ni kuya Paige, si kuya Khyron,tulad ko ay ampon din pero hindi namin naramdamang iba kami. Mahal namin ang pamilya namin.
Napalingon ako sa mga classmates kong busy sa kung anu-anong kabalbalan na nilelecture ng prof namin. Hayst! Tagal matapos!
Ng maramdaman kong may bumato sakin ng papel galing sa likod ko,malamang si Art lang yon,sya lang naman ang may kakayahan sa mga ganung bagay haha! Pinulot ko yung papel dahil alam ko may naka sulat dun.
‘Tol ilakad mo ako sa kaibigan ni Prue! Dun sa Piper’
Napailing na naka ngiti ako ng mabasa yon,kumuha ako ng isang page sa notebook ko at nagsulat.
‘Sige hintayin mo ako maya matapos sa duty ko’
Nilamukos ko yung papel at ibinato ko sa likod ng hindi naka tingin.
“Ano ba Kreyd!!” sigaw ng isa sa mga kaklase ko,nilingon ko ito. Si Jaeza.
Patay na!
“Jaeza! Bakit bigla bigla ka sumisigaw?” pagpansin din ni Sir, naloko na! Bakit pa kasi ginaya ko pa si Art eh! Malamang demerit na naman ako nito. Lahat ng classmates namin ay napunta kay Jaeza ang atensyon.
“Si Kreyd at Artemis po kase Sir! Nagbabatuhan ng nilamukos na papel” pag susumbong nito. Kahit kelan talaga tong Jaeza na to kinokontra lagi ako!
“Kreyd,Artemis,stand up,go at the back and face the wall” walang patumpik tumpik na sabi ni Sir. Kamot ulo akong tumayo at nagpunta sa likod kasama si Artemis at humarap kami sa pader.
“We have 30minutes left for our lecture,so 30minutes din kayo dyan” sabi ni Sir at pinagpatuloy ang lecture.
“Hindi ka kasi tumitingin sa pinagbatuhan mo tol eh,mukha bang tapunan ng papel si Jaeza?” bulong ni Artemis saka humagikgik.
“Gago ka kasi eh! Tinatamad ako lumingon para ibato yung papel,malay ko bang sasaluhin ni Jaeza ang kame hame wave kong papel” sagot ko din sa mahinang boses at humagikgik.
Matapos ang tatlumpong minutong pagdurusa at pagtayo na dismiss na din. Grabe! Parang nanginginig ang tuhod ko at namamanhid pa! Kakaibang parusa din to eh!
“Nangawit ako don” reklamo ni Artemis saka tiningnan si Jaeza.
“Oh bakit?” mataray nitong sabi saka bumaling sakin.
“Hoy ikaw Kreyd Montenegro sumosobra ka na ha!” anito sabay labas ng room.
Tama kayo ng basa,kahit naman ampon na ako nina Nay at Tay ay Montenegro pa din ang gamit ko pwera kay kuya Khyron na inampon nila nung baby pa. I hate my surname! Buti na lang din walang nakakakilala dito sa lugar na to.
Lumabas na ako ng room at sumunod si Artemis,naglakad na kami,pupunta muna ako sa Deans office para mag time in.
“Oy tol ano? Ilalakad mo ba ako kay Piper?” pangungulit sa akin ng kulugo. Nakaisip tuloy ako ng kagaguhan.
“Oo naman!” naka ngisi kong sagot.
“Talaga? Walang bawian yan ah? Kelan?”
“Gusto mo mamaya? Alam ko oras ng last subject nila”
“O sige! Sa wakas magkaka girlfriend na ako!” masaya pang sabi ng ungas kaya natawa ako.
“Pero sa isang kundisyon”
“Ha? Bakit may kundisyon pa?”
“Ilalakad kita o hindi?” pang ba brive ko haha!
“Sige na nga! Anong kundisyon yan? Ayus ayusin mo lang gago ka” inis na sabi ni Artemis.
“Mamaya malalaman mo kung ano yon” sagot ko,sakto nasa tapat na kami ng Deans office,kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob.
“Langya naman tong kundisyon mo eh! Tagaktak na pawis ko! Pano pa ako magugustuhan ni Piper?” reklamo ni Artemis habang nagmamap ng sahig,ganun din ang ginagawa ko,nasa 2nd floor pa lang kami ng bldg nina Prue, maya pa ng konti siguro mag start ang last subject nila.
“Huwag ka na magreklamo,buti nga ito lang,gusto ko kasi maaga matapos para maaga din kita mailakad” pang uuto ko pa habang patuloy pa din sa ginagawa.
“Ulol! Sabihin mo gusto mo lang makita agad ang sirenang si Prue”
“Tarantado!” sabi ko na lang dahil totoo naman ang sinabi nito.
“Maiba ako tol,bakit pinagtyatyagaan mo ang ganito? Hindi ba sapat ang kinikita ni tito sa pagdadriver?” maya maya ay tanong nito.
“Sapat naman,pero gusto ko lang magkaroon ng sariling pera,nakakahiya na din kasi sa kanila,balak ko ngang mag part time job pa eh,para maka ipon na din” mahaba kong sagot.
“Sabagay maganda din yung may sariling pera saka ipon para sa future nyo ni Prue” sagot naman nito na tinawanan ko na lang. Wala naman ako mapapala pag nangatwiran pa ako.
Ilang saglit pa nasa 4th floor na kami kung san nandun ang Laboratory kung san din kami unang nagkakilala ni Prue sa kakaibang paraan. Napapangiti na lang ako pag na aalala ko iyon.
“Ito na ang last kaya matatapos na kalbaryo mo Art”
“lul! Dalian na lang natin at nanlalagkit na ako,buti may extra akong damit sa locker,ikaw ba?”
“Syempre meron”
Tulad ng inaasahan,maaga nga kaming natapos, nagpunta muna kami ni Artemis sa Shower room para makapag refresh after that bumalik kami sa bldg nina Prue.
Pumwesto kami ni Artemis sa corridor,kita ko agad si Prue na napatingin sa amin na parang nagulat pa.
Bakit sya nagulat? Ngayon ang araw ng pangako nya ah? Alam kong parang OA na dahil lang sa panyo,but you cant blame me,gusto ko magkaroon ng remembrance mula sa kanya.
Hindi katagalan ay dinissmiss na sila ng Prof nila. Agad naman lumapit si Prue kasama ang mga kaibigan nya.
“Hi Kreyd! Hi Art!” sabay sabay pa nilang sabi.
“Hello” kaming dalawa ni Artemis.
“Sinong hinihintay nyo?” ani Piper.
“Ikaw/Si Prue” sabay na naman naming sabi ni Artemis,napahagikgik ang mga ito.
“Oy Prue,yung promise mo?” nakangisi kong sabi sa kanya.
“Friend anong promise yon?” usisa ni Page at Phoebe.
“Ah eh…Wala yon,saglit lang ah?” ani Prue at hinila ako,nadinig ko pang nagsalita si Phoebe.
“Go girl! Make a move! Yayain mo na!”
Yayain? Ng ano?
Biglang may kung anong pumasok sa isip ko,kaya medyo kinabahan ako, handa na ba ako? Magpapa ubaya ba ako?
Ng medyo nakalayo na kami ay may kinuha sa bag nya si Prue. Ang panyo!
“Ibibigay ko na sayo to sa isang kundisyon” sabi pa nya kaya lalo ako napaisip.
“Uhm..Ano, Prue sigurado ka ba dyan? Hindi pa tayo parehong handa,bata pa tayo” pilit ang ngiting sabi ko. Agad namang nangunot ang noo nito sa sinabi ko.
“Ano bang sinasabi mo? Ikaw ah? Kung anu-ano iniisip mo!” inis nyang sabi kaya nagtaka ako lalo.
“Ha? Eh ano bang kundisyon yon?” napakapit ako sa batok dala ng pagkapahiya. Shet talaga!
Ang dumi ng utak mo Kreyd! Sa tingin mo magagawa yon ni Prue? Ang sabi ng kabilang bahagi ng isip ko.
“Sayo na yang panyong yan” kinuha nya ang kanang kamay ko at nilapag dun ang panyo. “Pero sana pumayag kang maging date ko bukas sa party na pupuntahan namin ni Paige” dagdag nya.
Napanganga ako. Totoo ba yon? Niyaya nya akong maging date nya sa party?
“Sara mo bibig mo! Baka pasukan ng lamok” natatawa nyang sabi at natawa na din ako.
Yes! Date ako bukas ni Prue! First time ko din na aattend sa Party! Nakaka excite!
AN / Pasensya po kung natagalan,may pinagdaanan lang pong issue sa isa kong FB group :/
VOTES and COMMENTS po if you like :)
Mamaw spix 8 ~
Prue’s POV *:)
I just cant believe na nayaya ko na ng tuluyan si mamaw! Hindi naman pala ganon kahirap! Though parang may ibang iniisip ang impaktong yon nung nilayo ko sya sa mga chismosa kong kaibigan haha :D
At eto nga,uwian na,dahil gabi na nga ako nakakauwi every friday eh naabutan ko pa silang nagdidinner kaya sumabay na ako.
Papa and Mama were talking and talking about their bussiness,and Im not interested kaya pinagsawa ko na lang ang aking bibig sa masasarap na pagkain,syempre si Manang ang nagluto nyan!
Speaking of Manang,anak ni Manang yung dumating nung Monday,kababata at crush ko,si Popoy ^_^
Sobrang excited ko nun kaya nagmadali ako umuwi,kaso naman hindi kami nagpapang abot. Ewan ko ba,mag iisang linggo na sya dito hindi pa kami nagkikita. Kung hindi busy sa trabahong inapplyan daw,nasa school naman. Si Papa and Mama kasi nag alok na pag aralin si Popoy,at si Popoy naman nagtrabaho din. Ang sipag lang nya ah?
Nang lumapit si Manang para lagyan ng juice ang aking baso ay tinanong ko na sya.
“Manang si Popoy?” sabi ko dito.
“Nasa trabaho pa,gusto ka na din nya makita,kaso hindi talaga kayo mag pang abot,pero bukas wala syang pasok sa school at work,dito lang sya sa bahay tutulong sa mga gawaing bahay” mahabang paliwanag ni Manang.
“Manang pwedeng huminga” banat ko na ikinatawa din nina Mama at Papa.
Saturday,maaga ako nagising,ewan ko ba,kung kelan weekend dun ako maaga nagigising.
Nag unat unat pa ako bago tumungo sa Cr na nasa loob din ng kwarto ko,dun ay pinagsawa ko ang aking ngipin at bibig sa toothbrush haha! Then naghilamos na at lumabas ng Cr.
Sumilip muna ako sa may bintana para tingnan kung tirik na ba ang araw,bet ko kasi mag swimming,since ang kwarto ko ay bandang gilid,at ang garden ay kita mula doon, hindi araw ang nakita ko kundi Adonis na nagdidilig ng mga flowers!
Shit! Si Popoy na ba yon? Ang gwapo ng impaktong to ah? Though mas gwapo si Kreyd.
WTF? Bakit napasok si Mamaw dun? Tsk tsk! Pakiramdam ko talaga hinipnotize ako ng mamaw na yon.
Agad akong lumabas ng kwarto at nagmamadaling tinungo ang garden, pumwesto ako sa pinto at sumandal.
“Mukhang hindi na malulungkot ang mga flowers ngayon” sabi ko na ikinalingon ni Popoy.
Tungunu lang! Ang gwapo nya ngayon! Pinoy na pinoy,shet lang! Nakakakilig lalo na nung ngumiti sya,gusto ko himatayin mga ate!
“Uy Prue! Magandang umaga” nakangiting bati nya sa akin,this time lumapit na ako.
“Buti naman at nagpang abot din tayo,kamusta ka na Poy? Its been a while” sabi ko.
Ngumiti sya at ipinagpatuloy ang pagdidilig.
“Oo nga eh,huling kita natin nung sumama ka sa probinsya namin,supot ka pa non at dun din nagpatuli,pero ngayon dalaga ka na talaga” natatawa pang sagot nito.
=__=
Batukan ko kaya to? Kailangan pa bang ipaalala yon? >_
“Grabe ka huh! Kailangan pa ba ipaalala yon? Gusto mong isama kita sa mga halamang dinidiligan mo?”
“Hahaha! Ito naman,hanggang ngayon mabilis ka pa din mainis,sige ka papangit ka nyan”
Hayst! Nakakahawa ang mga ngiti at pagiging masayahin ni Popoy,no wonder hanggang ngayon crush ko pa din sya.
“Tara Poy samahan mo ako maligo sa pool” yaya ko sa kanya.
“Ayos lang ba? Hindi ba nakakahiya? Saka hindi pa ako tapos dito sa pagdidilig eh” nahihiya pa nitong sabi pero hinila ko na sya papunta sa likod kung saan naroon ang aming pool.
“Huwag ka mahiya,dito ka naman nakatira,para kang others eh” sabi ko umupo na sa gilid ng pool at sya naman ay naghubad na ng pang itaas.
Napa WOW talaga ako sa well built ng katawan nya,hindi malaki,hindi macho pero proportion. Ang sexy! Then yung pants naman ang hinubad nya hanggang naka boxer na lang sya.
Grabe lang parang uminit yung pakiramdam ko,parang gusto ko agad lumublob sa pool para mabawasan yung init na nararamdaman ko.
At yon nga tumalon ako agad sa pool >_
“Oh? Nagmamadali ka?” natatawang pansin sa akin ni Popoy at lumusong na din sa tubig. Naglaro lang kami at nagkarera tulad nung ginagawa namin nung bata pa kami sa ilog dun sa probinsya nila.
Hindi namin namalayan ang oras at alos dose na pala ng tanghali kung hindi pa kami tinawag ni Manang para sa pananghalian,nagbanlaw muna kami bago kumain. Maya maya ay nagpaalam si Popoy na may pupuntahan daw sya,ako naman naging abala sa paghalungkat sa closet kung ano ang pwedeng isuot sa party mamaya.
Nainis na ako kaya tinawagan ko na si Paige.
“Hello Teh,pwede mo agahan ang punta dito para hindi ka na namin sunduin?” bungad ko agad ng masagot ang tawag.
“Napaka harsh mo ha! O sige maliligo na ako,teka nga bakit parang aburido ka?”
“Kaya nga pinapapunta na kita ng maaga,hindi ako makapili ng isusuot” sagot ko.
“Sabe na eh! Sige wait mo ako ah? Tawagan ko lang din si Janssen” anito at ibinaba na ang tawag. Ako naman ay sinimulang ligpitin ulit ang mga damit na hinalungkat ko kanina.
Ng matapos ay nahiga ako at pumikit.
Nagising na lang ako na may yumuyugyog sa akin,pagdilat ko si Paige.
“Langya,natutulog ka lang pala? Maligo ka na,alas sais na oh?! Dalian mo para matulungan na kita sa isusuot mo,kanina pa ako dito pero pinabayaan muna kitang matulog” ani Paige at umupo sa kama ko saka humalukipkip.
“Oo na! Ang daldal mo,hintayin mo ako sa living room” sabi ko at saka bumangon at tinumbok ang Cr.
Ng matapos na ang preparation at makahanap na ng damit na babagay sa akin ay bumaba na kami ni Paige sa sala at don hinintay sina kuya Pao at Janssen.
Wala pa din si Popoy,nabusy na siguro sa pinuntahan.
By 7pm dumating ang sundo namin,I told them na daanan namin ang date ko,si mamaw >_
At jusme naman nung nasa kotse na kami,walang tigil sa paghaharutan sina Paige at Janssen. Yung totoo? Nagkakahiyaan pa daw sila nyan ah? My gulay!
Ng marating namin ang lugar nila Mamaw ay ako na lang ang bumaba at pumunta sa bahay.
Kakatok pa lang ako ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang Prinsipe!
How maaayy gaaasss! Si mamaw ba to? Hayuuuppp sa gwapo at bango >_
“Oh Prue? Tara na ba?” naka ngiti pa nitong sabi. At ang ngiting yon ang parang nagpa abnormal sa pagtibok ng puso ko at sa paghinga ko.
Shet lang! Mamaw talaga to! Anong ginagawa nya sakin?
Shunga! Wala pa syang ginagawa! Assumera ka. Sabi ng maldita kong konsensya.
“Ah…Eh..Sige.Tara na,at ipapakilala na din kita sa mga pinsan ko” nahihirapan kong sagot. Ngumiti ang mamaw at hinawakan ako sa braso,napapitlag talaga ako kasi para akong kinuryente.
Nu ba yon? May super powers ba tong si Mamaw? =__=
“Bakit?” takang tanong nito.
“Ah.W-wala..Tara na” at nagpatiuna na ako papunta sa kotse.
Ngayon bigla tuloy ako naguluhan kung anong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganun?
AN / MUSTASA? Pasensya na kun natagalan. Inaatake na naman ako ng Writers block eh.
Salamat sa mga patuloy na nagbabasa at naglalagay ng mga Stories ko sa Reading List nila pati na din sa mga nagpafollow :3
VOTE and COMMENT po if you want :)
Mamaw spix 9 ~
Kreyd’s POV :3
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa party na pupuntahan,bukod sa first time ko ay parang may iba din akong nararamdaman,pero sa kabilang banda masaya ako.
Biruin mo ako ang date ni Prue? Nakakatuwa diba? At itong dalawa nyang pinsan mga kwela naman at tinanggap ako,binibiro biro pa nga nila kami ni Prue habang bumibyahe eh.
“Nako kuya Pao tantanan mo ako ah? Bakit hindi yung girlfriend mo atupagin mo? At ikaw Janssen na pangit! Kung magkaka boyfriend ako eh gusto ko yung cute mag gwiyomi at sexy mag gentleman hahaha!” sagot ni Prue sa biro ng mga ito.
Ah! Ganun pala ha? Gusto nya ng naggigwiyomi at gentleman? Mapag aralan nga ang mga yon ^o^
“Narinig mo yon Kreyd? Pag aralan mo na mga yon” singit ni Paige.
“Oo nga tol! Para makita ko naman na magka boyfriend tong pinsan namin” dagdag ni Janssen,napapakamot na lang ako sa batok eh.
“Tse! Hindi ko sya type no! May crush akong iba” sabi naman ni Prue,medyo nakaramdam ako ng kirot,at hindi ko maintindihan kung para saan? Hindi ko naman itatanggi na gusto ko pagkatao ni Prue pero hanggang dun lang yon.
“Indenial ka talaga kahit kailan” sabi ni kuya Pao na abala sa pagdadrive. “Kreyd anong surname mo?” dagdag pa nito.
“Montenegro po” sagot ko.
“Ah… Hindi ka naman siguro kunektado sa mga tropa naming Montenegro?” anito
“Hindi ko po alam” sabi ko na lang.
“Montenegro apilyido mo? Bakit iba sa apelyido ng mga magulang at kuya mo?” gulat na tanong ni Prue. Oo nga pala,wala syang alam tungkol sa akin.
“Ampon lang kasi ako” sagot ko,at lahat sila ay tumahimik.
“Nandito na tayo” anunsyo ni kuya Pao,tumigil kami sa tapat ng isang napaka laking bahay,medyo maingay na.
Sa mga katulad kong hindi lumaki sa mga karangyaan ay talagang napanganga ako.
“Ayan ka na naman sa pag nganga mo,tara” aya sa akin ni Prue at sya na mismo ang umabrisyete sa kanang braso ko at nagpatiuna kami sa pagpasok. Garden agad nabungaran namin at napaka lawak,madaming bisita,may sumasayaw,may mga nag uusap sa kani kanilang table at may mga nakatayo.
Ng lumakad na kami ay inunahan kami ni Kuya Pao,sundan daw namin sya at ipapakilala nya kami. Lumapit kami sa isang kumpol ng grupo na masayang nagtatawanan,lahat ng tingin ay nadako sa amin, or sa akin?
Pero mas nagulat ako sa lumapit na bagong dating din agad.
“Kuya Page?!” pagtawag ko dito,ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ngunit tinitigan ako nito na parang kinikilala. Nagulat ako ng magsalita ang katabi nyang lalaki. Pamilyar sya sa akin.
“Kreyd?” sabi ng lalake. Tinitigan ko din sya.
Ng makilala ko sya ng husto ay hindi ko mapigilang mapaluha. Ang weird,kalalaki kong tao umiyak ako,nakakahiya sa mga nakapaligid samin.
Bigla akong niyakap ni kuya Page at sumunod ang lalaking katabi nya.
“Im so sorry Kreyd at hindi na kita nabalikan.Ang daming nangyari sa akin.Sorry talaga” sabi ni kuya Page.
“Thank God at dito lang pala tayo magkikita,11years ka naming hinanap”
“Kuya Ian,kuya Page,kamusta na ang Daddy ko?” tanong ko at nagpahid ng luha ng maghiwahiwalay kami ng yakap.
Kita kong gulat at pagtataka ang mga nasa mata at mukha ng mga nakapaligid sa amin,lalo na si Prue.
Sasagot na sana si kuya Ian ng may lumapit pang dalawang lalaki na kilalang kilala ko.
“Kuya Dex,kuya Kurt” pagtawag ko. Halata namang nagulat ang mga ito.
“Kreyd?” sabay nilang sabi. Ngiti ang sinagot ko. Agad din nila akong niyakap.
“Sa wakas nakita ka din namin! Salamat sa Diyos! Ang laki mo na ah?” nakangiting sabi ni kuya Dex.
“Montenegro ka nga! Lumaki kang gwapo!” dagdag ni kuya Kurt na ikinatawa namin.
“Saglit nga! Anong nangyari? By the way guys,this is my brother Janssen,and this is my cousin Prue and his friend na Paige din ang name kaso magkaiba ng spelling” singit ni kuya Pao. Malugod namang nakipag kilala sina Prue,Janssen at Paige.
“Ang gandang reunion nito” sabi ng isa sa mga kasama namin.
“Hintayin pa natin sina Gelo at Argel,Im sure magugulat si Argel na makita at malaman ang lahat,pati kung papa ano na naman tayo naging kunektado” sabi pa ng isa. Pasensya na hindi ko kasi matandaan ang mga pangalan nila dahil sa dami nila. Ang tangi lang pumukaw sa akin ay napaka open ng tropahan nila sa same sex relationship.
Naupo kami habang nagkekwentuhan sila,nakikinig lang naman kami nina Prue,Janssen at Paige,mga bago kasi kami eh.
“Itong si Page ko ay kapatid ni Venn na tropa naman nina Pao,Yuweh at Argel tama?” sabi ni kuya Ian.
“Ganun na nga insan,at itong si Eiko ko ay mahal na mahal ko” biglang sabi ni kuya Kurt. Inulan tuloy sya ng tukso.
“Hindi ko talaga ma imagine tol na makakahanap ka ulit,tingnan mo ang tagal nyo na din ni Eiko,akala ng lahat ng mabigo ka kay Yuri dati mamamatay ka na lang ng single hahaha” buska ni kuya Dex na ikinatawa namin.
“Pero aminin nyo,nung una nagulat kayo na magkakilala kami ni Page” singit nung Eiko.
Nakakatuwa silang tingnan,hindi ko lubos maisip na magkaka kunekta ang kwento ng buhay namin.
“Mamaw,psst! Tara pahangin muna tayo” bulong sa akin ni Prue. Ngumiti ako then nagpaalam nga kami. Hindi pa kami nakakalayo ng may mga makasalubong kami.
“FRIIIEEEENNDDD” Oh great! Ang triplets =__= samin tuloy napunta ang atensyon ng lahat. Ano ba yan,akala ko makakapag usap kami ni Prue ng kaming dalawa lang.
“Anong ginagawa nyo dito?” sabi ni Prue. Tiningnan muna ako ng triplets,nginitian ko sila then tiningnan ko mga kasama nila.
“Ikaw lang ba may karapatang mag party friend?” - Phoebe.
“At talagang si Kreyd ang escort mo ah?” ani Philip at nag thumbs up. Loko to ah,para san yung thumbs up?
“Diba ang taray,nagkita kita tayo dito”- Piper.
“Kids,maya na ang kamustahan,puntahan muna natin ang mga kaibigan namin,by the way Im Gelo,this is my lifetime partner Yuri” sabi nung isang lalaki.
“And Im Argel and this is my wifey Yuweh,kuya kami ng tatlong itlog na yan”
“Ako po si Kreyd,kaibigan ni Prue at pinsan ko po sina kuya Kurt,Ian at Dex” pakilala ko at nakipag kamay din sa kanila.
“And Im Prue,cousin of Paolo Gutierrez” pagpapakilala ni Prue.
“Wow! Thats great,ang ganda talaga ng purpose ng reunion na to” sabi nung kuya Gelo.
“Tara na sa table nila” aya nung Argel.
“Prue pwede ka ba maka usap mamaya? Tayong dalawa lang?” bulong ko kay Prue habang naglalakad pabalik sa grupo.
“Sure!” naka ngiti nyang sagot.
May gusto kasi akong malaman,kung totoo ang sinabi nyang may iba syang gusto para malaman ko kung ano ang mga hakbang na dapat kong gawin.
Mamaw spix 10 ~
Kreyd’s POV
Masaya naman itong Party,masaya ako at pakiramdam ko nabuo ulit ang pagkatao ko,medyo nagulat lang din ako na si kuya Page ang partner ng pinsan kong si Kuya Ian.
Tumayo si kuya Dex,ang pinaka matanda sa aming magpipinsan,pinagpaalam nya sa mga kasama namin na kakausapin lang daw nya ako,at alam ko tungkol iyon sa akin,sumunod na tumayo sina kuya Kurt at kuya Ian at sumunod. Habang naglalakad palayo ay naisipan kong lumingon,at sakto nahuli kong nakatingin si Prue kaya kinindatan ko hahaha!
Habang naglalakad kami palabas sa malaking bakuran ay napaisip ako,si kuya Kurt at kuya Ian ay tulad ni Prue ang piniling mahalin,iba talaga si kupido pag namana, at sa palagay ko ay natutulad na ako sa kanila.
Ng nasa labas na kami ay nagulat na lang ako ng mag si upuan sila sa gutter. Napangiti ako,mga cowboy pala mga pinsan ko.
“Kreyd” tawag pansin ni kuya Dex.
“Kuya” simpleng tugon ko.
“Tinatanong mo kung kamusta na ang Dad mo diba? I’ll be honest with you,namatay sya dahil sa depression ng mawala ka at hindi namin mahanap” panimula nito. Para akong sinapak ng isang libong beses sa narinig ko. Oo nga at saglit ko lamang nakasama si Dad,pero mahal ko sya,at kahit nagalit ako sa pag aakalang hindi nya ako hinanap ay hindi mababago ang katotohanang dugo’t laman nya ako kahit pagbali baliktarin man ang mundo. Hindi ko maiwasang manginig. Bata palang ako ng mawala si Mommy at ngayon ito pa ang malalaman ko?
“We did everything para mahanap ka,pero sadyang mapaglaro ang tadhana sa atin,sa kamag anak ka pala ni Page iniwan ngunit hindi ka na nya nabalikan dahil sa sariling problemang pinagdaanan namin” si kuya Ian ang nagtuloy. Tanggap ko at naiintindihan ko kung bakit hindi na ako nabalikan ni kuya Page,hindi nga ba’t umiiyak sya nung una kaming magkita? Hindi ko na napigilan ang lumuha. Ang malas ko naman,lumaki akong malayo sa mga tunay na magulang at malalaman ko na lang na wala na pala ang ama ko,ang saklap.
“Lahat ng naiwan ni Tito ay nakapangalan sayo,ang bahay,mga negosyo,pera sa banko,lahat,siniguro nyang sa pagbabalik mo ay nakahanda at ayos na ang lahat” dagdag ni kuya Kurt.
“Pero pano sina Inay at itay? Pati si kuya Khyron? Hindi ko sila basta basta pweding iwanan,sila na ang pamilya ko” pagkuway sabi ko.
“Seventeen ka na diba? Alam mo na ang dapat” nakangiting sagot ni kuya Dex.
“Tama si Kuya,wag mong hintaying maging haunted house ang bahay nyo” pag sang ayon ni kuya Kurt.
Nakuha ko ang gusto nilang ipahiwatig,napangiti na din ako dahil don,tama! Isasama ko sila at dun na kami titira sa bahay na naiwan ni Dad!
“Yan ganyan nga,ngiti lang,sa mga nasa edad mo hindi mo dapat masyadong pinoproblema ang mga bagay bagay,take it light” singit ni kuya Ian. “ Tara na ulet sa loob,namimiss ko na ang Pie ko,saka baka hinahanap na si Kreyd ng Prue nya“ dagdag pa nito na tinawanan ng magagaling kong mga pinsan.
“Samahan ka namin mamaya sa inyo Kreyd,at bukas na bukas ay lilipat na kayo” ani kuya Dex at ginulo buhok ko saka ako inakbayan. Ang tatanda na nila =__=
Papasok na kami ng si Prue naman ang makasalubong namin. Nagulat pa ako ng itulak ako ni kuya Dex sa harap ni Prue, paglingon ko sa kanya tumatawa silang papunta na sa mga kasama namin.
“Oh tapos na kayo mag usap? Bongga ka ah! Na shock ako sa mga revealations” bati sa akin ni Prue. Nahihiyang napakamot ako sa aking batok.
“Ah eh.. Ako din eh.. Ahm san ka pupunta?” Nak ng pitumput pitong puting tupa! Bakit kinakabahan ako? Tss!
“Sa CR,puputok na kasi pantog ko eh kaya dyan ka muna” anito at agad akong nilampasan,mabilis kong nahawakan ang kamay nya,parang may kuryenteng gumapang sa kamay ko mula sa kanya,siguro naramdaman din nya kasi agad nyang binawi ang kamay nya. Ang weird!
“Samahan na kita” sabi ko,ito na kasi ang pagkakataon ko para makausap sya ng solo at para maitanong ko na yung kanina pa bumabagabag sa akin.
///
“Bakit?” taka kong tanong at tinitigan sya,namumula ba sya? Ang cute :3
“Wala sige na” anito at nagmadali ng pumasok sa mansyon. Doon ko lang narealize na kaya sya namula ay dahil baka nahiyang sumabay sa akin mag CR.
Agad akong sumunod sa kanya,pagkapasok ko ay naghuhugas na sya ng kamay kaya ako naman ang nagbawas,at kinausap ko sya habang ginagawa yon.
“Salamat at sinama mo ako dito” sabi ko. Hindi sya sumagot kaya nagtaka ako at lumingon,dun ko lang napansin na nakatagilid pala ako at kita sa reflection ng salamin ang aking Big bird >_
O_O - Prue
Ang tagal nyang tulala,matapos magbawas ay tumabi na ako sa kanya para maghugas din ng mga kamay.
“Pervert” sabi nya kaya napahagikgik ako.
“Anong hinahagikgik mo dyan?” pagtataray pa nya sa akin na sinuklian ko lang ng kindat,lalo tuloy sya namula hahaha!
“Wala naman,wala na pala akong maitatago sayo eh,nakita mo na kayamanan ko” natatawa kong sagot.
“Ang bastos mong mamaw ka!” singhal nito sa akin na lalo ko ikinatawa. First time siguro nya makakita ng ari ng ibang lalaki.
“Hahaha! Hindi naman sadya yon” sabi ko at tinapos ang paghugas ng kamay,kumuha ng tissue sa may gilid at nagpunas. “Yung sinabi mo kanina,totoo ba yon?” dagdag ko pero sa seryosong tono.
“Alin dun? Marami akong sinabi mula kaninang umaga” pabalang nitong sabi ngunit hindi ko na pinansin.
“Yung sinabi mong hindi mo ako gusto dahil may gusto kang iba,sino sya?” seryoso ko paring sabi,halata namang nagulat sya,sinong hindi diba? Bigla bigla na lang akong magtatanong ng ganitong mga bagay.
Ang pagkagulat nya ay napalitan ng kinang ng kanyang mga mata.
“Oo,crush ko si Popoy kahit dati pa,kababata ko sya” naka ngiti nyang sabi,hindi ko maintindihan ang nangyayari pero nakaramdam ako ng kirot sa puso.
“Ah” tangi ko na lamang nasabi.
“Teka nga? Why do you care to know?” biglang sabi nya na ikinagulat ko at nasabi ko ang hindi dapat.
“Dahil gusto kita” huli na para bawiin ko,kaya paninindigan ko na lang,sya naman ang parang nagulat.
Popoy pala ang pangalan ng karibal ko ah? Pwes! Lets get it on!
Mamaw spix 11 ~
Prue’s POV
WHAT THE?! Totoo ba itong narinig ko mula kay mamaw?! Susme! Hindi pa nga ako nakaka get over sa mga pangyayari buong gabi at heto sya’y dinagdagan pa ng another shocking revealation.
I was caught off guard. Hindi ko alam ang sasabihin ko,at hindi ko alam kung maniniwala ako,panong hindi? Eh halos magdadalawang linggo pa lang kaming magkakilala tas magsasabi sya ng ganyan? Sungalngalin ko sya eh! >_
But on the other hand,nakaramdam ako ng mga mumunting kiliti sa kaibuturan ng napaka dalisay kong puso,in my 17 years of living in this pulloted world ay ngayon lang may lalaking nagpakita ng interes sa akin aside from Popoy,well Popoy is an excemption,kababata ko sya,normal lang na mag care sya sa akin,dahil kung hindi ipapalapa ko sya sa mga buwaya sa Manila Zoo! Chos lang! ^_^V
Pero itong si Mamaw este Kreyd pala ay kakaiba huh? Malakas ang loob,nakakabilib ang fighting spirit nya huh?
“Dalawang minuto ka ng nakatulala,ganyan ka na lang ba hanggang sa paglabas dito?” sabi ni Kreyd na nagpabalik ng kaluluwa ko sa aking katawang lupa.
“Hmp! Dyan ka na nga!” sabi ko ng makabawi at akmang lalabas na sa CR ng magsalita sya.
“Ganon lang yon? Okay lang,basta tandaan mo Prudencio,hindi mo ako matatakasan” sabi nya and before I knew it mabilis nya akong hinalikan sa kaliwang pisngi.
“Pangatlo na yan diba? Dont worry refundable yan,pwede mong ibalik” naka ngisi nitong sabi at iniwan ako.
GGGGGGGRRRRR! >.
First,second at third kiss ko sa kanya lahat napuntaaaaaa!! Mamaw ka talagaaaaa! =__=
Bago pa ako tuluyang magwala sa CR ay lumabas na din ako,kinalma ko ang aking sarili at bumalik na sa mga kasama,nandun na si mamaw at todo ang ngiti.
Mamaw! Humanda ka sakin! At tiningnan ko sya ng masama,kung may lazer power lang ako kanina pa tunaw ang mamaw na to.
“Friend akala ko na flush ka na sa toilet bowl” ani Paige.
“O baka naman may ginawang milagro si insan” dagdag pa ni Janssen.
“Tantanan nyo akong dalawa ah? Pagbuhulin ko kayo” sagot ko at humagikgik lang ang mga animal. Sige lang,huling hagikgik nyo na yan hahaha!
Masaya naman ang party,nakakatuwa at madali silang nakagaanan ng loob,who would have thought na magkaka dugtong ang kwento ng mga buhay namin.
Hindi namin masyado naka usap ang triplets dahil busy din sila sa pakikipag daldalan sa mga kasama namin. Ang dami ko nalaman at natutunan. Medyo nainggit pa nga ako dun kina Kevin at Arvin kahit mukhang nasa mid 30’s na eh sila pa din hanggang ngayon,at ang gwapo nila huh? Sayang ang lahi, pati dun sa Prinz at Pipay,bagay na bagay sila, kahit dun kina kuya Kurt at Eiko,Kuya Gelo at Yuri,ang pinaka kumuha ng atensyon ko eh sina kuya Argel at Yuweh,interesting ang lovelife nila,sina Kuya Ian at Page din nakaka inggit,ipinakilala pa nila kami sa pinaka ugat daw ng lahat ng pagkaka ugnay namin, sina Tito Paul at ang lifetime partner nito na beki din, si Tzekai o Te’khai kung tawagin nila,matatanda na pero bakas sa mga mukha ng mga ito ang kaligayahan at kakontentohan sa buhay,nakaka inggit diba? Sana ako din umabot sa ganung punto.
Hahay! Monday na naman! Second subject na namin,nothing special bukod sa dito kami sa may pool area at kasama ang mga Architecture students,basically ang department nina Kreyd,ewan dito sa Prof namin,basta ang sabi nya madami daw syang hinahabol na lessons kaya pinag sabay na nya,bakit nga ba kasama sa subjects ng mga Architecture students ang swimming? Eh kami namang Com.Eng eh wala,kaya lang kami nandito ay dahil nga sa walang kapararakang rason ng prof namin,baka bet din nya makilangoy kami sa mga Architecture students? XD
Wala namang problema sana kung hindi lang ako maya’t maya kinikindatan ni Kreyd everytime na mapapatingin ako sa kanya.
Ano ba nangyayari sa isang yon? Seryoso ba sya sa sinasabi nya nung sabado? Hanggang ngayon kasi parang hindi ko pa din mapaniwalaan eh.
Kesa mag isip ako ng mag isip,nakisama na din ako sa mga classmates ko na nakiki tampisaw habang nakikinig sa prof namin,nakatayo lang ako sa gilid habang sila mga naka upo at nakalublob ang mga paa sa pool,biglaan tong lesson na to eh.
At may kung sinong biglang tumulak sa mga paa ko para malaglag ako sa pool,dahil sa gulat at nerbyos nakalimutan kong marunong ako lumangoy,8ft pa naman pinaghulugan ko,sa taranta ko ay nagpakiwag kiwag ako,nakita ko na lang si mamaw na agad tumalon sa tubig,ilang saglit pa at nakalapit na sya sa akin,niyakap ako at inalalayan hanggang sa gilid ng pool.
“Ayos ka lang?” puno ng pag aalalang sabi ni Kreyd,parang hinaplos ang puso ko dahil dun. Bago ako sumagot ay tiningnan ko ang pwesto ko kanina at kung sino mga katabi ko at kung sino ang posibleng tumulak sa akin. Pero wala akong mapaghinalaan kung sino.
“Oo,ayos lang ako,salamat” sagot ko,medyo kumakabog kabog ang puso ko,hindi ko alam kung dahil sa nangyari o pagkakalapit namin.
“Friend ayos ka lang?” ani Phoebe,katabi si Piper they stretch their hands to me para maka angat ako mula sa pool.
Ang mga classmates namin at mga Architecture Students panay bulungan na.
“Villacruz,magpalit kana lang ng damit,youre excuse for now,at kung sino ang may kasalanan ng nangyari ay mananagot sa dean” seryosong sabi ng prof namin,natahimik ang lahat.
Naglakad na kaming apat palayo,kasunod namin pala si Kreyd.
“Wala akong dalang damit,mabuti na lamang at nasa bag ang phone at gadgets ko” sabi ko habang naglalakad kami.
“Yon pa inisip mo? Ako iniisip ko sino gumawa nun,imposibleng bigla kana lang mahulog no?!” inis na sabi ni Paige.
“At saka marunong kang lumangoy diba? Alangang magpapansin ka at maglulunod lunudan don” dagdag ni Phoebe.
“Kahit sinong marunong lumangoy,pag nabigla at nataranta eh nakakalimutang marunong lumangoy,sadya yon! May galit kay Prue ang gumawa nun” inis namang sabi ni Piper,napangiti na lang ako sa pag aalala nila sa akin.
Sino nga kaya yung gumawa nun? Hindi ko matandaan kasi kung sino mga katabi ko kanina eh.
“May mga extra akong damit sa locker,pwede ko syang pahiramin”sabi ng boses sa likuran namin.
“Ay Kreyd! Andyan ka pala,mabuti at sumunod ka,samahan mo munang magbanlaw to sa CR at pahiramin mo na din ng damit,may aayusin lang kami” ani Piper dito. Hindi ako naka imik dahil ang bilis umalis ng tatlo,Im sure iimbistigahan nila kung sino gumawa nun sa akin.
“Tara na,samahan na kitang magbanlaw” aya sa akin ni Kreyd. Tango lang ang sinagot ko at sumunod sa kanya.
Ng makapasok na sa CR o shower room ay nilock nya ito,napalunok tuloy ako,kaming dalawa lang ang tao dito obviously. Baka kung ano gawin nya sa akin,hindi pa ako handa! >_
Nasa ganun akong pag iisip ng paglingon ko sa kanya ay hubo’t hubad na sya,napanganga ako,pakiramdam ko nalaglag ang panga ko sa tiles.
Ganito ba talaga ang lalaking to? Oo nga at nakita ko na ang kayamanan nya,pero ito ang first time na makita ko itong kasing tayog ng flag pole!
“Enjoying the view?” naka ngisi nitong sabi at tumapat na sa isang shower at nag shower na.
“Tse! Pervert ka talagang mamaw ka! Bakit naka ganyan yan?” inis kong sabi at nag shower na din at pilit iniiwasang tingnan sya,ang lahat sa kanya ay nakaka tukso,hindi mo maiiwasang magkasala.
“Bakit hindi? Ikaw ang kasama ko eh,saka nakita mo na naman to diba?” maloko nitong sagot.
“Hmp!” tinalikuran ko nga sya at pinagpatuloy ang pagsa shower,nadinig ko pa syang tumawa ng mahina.
Kakaiba talaga tong mamaw na to! Naliligo na kami lahat lahat,malamig ang tubig pero pakiramdam ko napaka init ng paligid.
Ganon sya ka Hot?!
Ng matapos kami ay pinahiram na nga nya ako ng damit nya,kahit underwear,mukha namang hindi pa nagagamit dahil may Tag pa haha! Maluwag sa akin ang damit at pantalon nya,pero ayos lang kesa mag burles ako no?
Tinatawanan pa ako ng gagong to,mukha daw ako mascot? Tampalin ko wisdom tooth nya eh! Kasalanan ko bang malaki damit nya? Ugh!
Pero infairness,mabango naman sya at presko sa pakiramdam,ganito siguro pakiramdam ng mga nakaduster? Hahaha!
Sakto 3rd subject na namin,hinatid ako ni Mamaw sa room at sinalubong ako ng The Charmed One’s, thats for two reason,ang natuklasan nila at makiki tsismis sila sa naganap sa shower room =__=
Mamaw spix 12 ~
Prue’s POV
“Balita?” I asked them ng lapitan nila ako,inunahan ko na baka kung anu-ano ang itanong eh!
“Negative,hindi namin makita kung sinong may kagagawan,ang hirap nya ma trace” naka ngiwing sagot ni Piper.
“But Im pretty sure galit sayo yon talaga,at malamang babae yon,kung hindi man,baka lalaki na nagtrip o want ka ibully” sabi naman ni Phoebe.
Napabuntong hininga ako,sa buong history ng pag aaral ko mula grade school hanggang high school hindi pa ako nakaranas ng ganun,ngayon lang,so malaking palaisipan para sa akin kung sino ang gumawa nun,mabaet naman akong mamamayan,nagbabayad ng tamang buwis ang mga magulang ko ^o^V
“Anyways,malalaman din natin sooner kung sinong gumawa nun,for the mean time,kamusta kayo ni Mamaw? Aba ha,talagang pinahiram ka nya ng masusuot,at..Ang bango” singit ni Paige.
_<
Eto na nga ba sinasabi ko eh,mag uusisa na tong mga impaktitang to! Before I answered tumunog na ang bell.
Wew! Talking about timing!
Inis na bumalik sa kanya kanyang upuan ang tatlong bruha at ako naman ay napapangiti. Yon ang tinatawag na Saved by the bell!
Agad pumasok ang prof namin na may kasunod na gwapo at matangkad na lalaki. Para syang arabian na may halong pinoy,ewan,gwapo talaga sya in the real essense of that word,matangkad din at malakas dating,pano ko nasabi? Naghahagikgikan mga kaklase kong babae eh. Pero sa akin yon lang yon, gwapo pa din si Kreyd noh!
O.o
What did I say? Mali yon! Si Popoy pala ang gwapo hindi sa Kreyd! Nako naman,bigla bigla na lang sumusulpot sa sistema ko ang lalaking yon! Mamaw talaga! Kainis! =__=
“Class! Listen, this is your new classmate,so be good to him! Ijo introduce yourself” sabi ni Maam.
Napatingin ako sa paligid,lahat nag aabang kahit yung mga lalaki,yung totoo? Tao ba sya? Lahat nakuha nya ang atensyon? Sya na! Him na!
“Good afternoon classmates,Im Cupid Lyle Montealegre but you can call me ‘COOP’,Im 17 years old at galing sa probinsya,I hope magkasundo tayo” pakilala nito at ngumiti,tapos may tiningnan sa isang side,ng tingnan ko kung sino, syet lang! Si Phoebe! Nag eye to eye ang dalawa, pakiramdam ko nakakita ako ng mga puso na lumilipad sa paligid nila.
Napailang ako,wew! Ang weird ng dalawang yon.
“So,Mr.Coop,kung hindi ako nagkakamali ay February 14 ang birthday mo base na din sa pangalan mong Cupid,and how do we pronounce your nickname and anong spelling?” ani Maam.
Wow intrigera si Maam! Type nya ata?! Well hindi pwede,kay Phoebe na sya haha!
“Yes Maam youre right” nakangiti nitong sabi at kinuha ang pentel at nagsulat sa white board.
‘COOP’- sulat nya sa white board.
“COOP pronounced sa tagalog sa KUP as in KUPAS,” explain naman nya.
Oh,yon pala yon.
After that naupo na to,guess what kung san? Sa tabi ni Phoebe! Wew!
At naglecture na si Maam,lahat naman ay busy sa pakikinig,ako man ay isinusulat ang mga importanteng detalye na mga nababanggit nya. Ganito pag monday,hyper lahat ng prof kala mo mga naka enervon “Ü” haha!
Breaktime came,inayos ko na ang gamit ko sa bag,lumapit si Paige sa akin.
“Friend,sa labas na tayo kumain,naghihintay satin si Janssen” anito.
“Ayoko,sa cafeteqia na lang ako” sagot ko naman.
“Ganun? Kasama pa naman nya si Pip- Pop- , ano nga pangalan nun?” parang tangang sabi nito.
0_0
“Si Popoy?! Tara na dali! Gutom na ako!” excited kong sabi sabay hila sa kamay ni Paige.
“Hoy friend! Iiwanan mo kami? Nagtext si Philip,nasa labas daw sya ng campus kasama pinsan mo” sigaw ni Piper kaya napatigil ako.
“Oh ano pa hinihintay nyo? Tara na!” sagot ko naman.
“Guys isama natin si Coop,gusto nya tayo maging kaibigan” ubod ng ngiting singit ni Phoebe katabi si Coop.
“Kame o Ikaw? Whatever,tara na Coop kung ayaw mo maiwan” ani Piper sa kakambal.
“Tse!”- Phoebe.
“Ah eh,thank you guys,if you want,libre ko na lang kayo” naka ngiting sabi ni Coop pero halatang nahihiya.
“Good idea! So tara na” sabi naman ni Paige. Hay nako,nauna na ako maglakad,gusto ko na makita si Popoy, hindi ko sya nakita nung sunday sa bahay eh.
Pagkalabas namin ng gate nakita ko agad sina Philip,Janssen at Popoy,na may dalawang lalaking kausap.
Ng makalapit kami dun ko nakumpirma kung sino.
Si Kreyd at Art. O.o
Kamusta naman daw yon? Nilingon ko sina Paige, jusme,kakain kami na ganito kami kadami? Hala?!
Ng mapansin nila kami ay ubod tamis ng ngiti ang binigay ni Kreyd,medyo nahiya ako hihi!
Pinakilala nga namin si Coop sa kanila.
Nagsama sama silang mga lalake habang naglalakad papunta sa paborito naming kainan,pinag uusapan nila na mag basketball daw sila sa sabado. Ganon na sila agad ka close?
Dinig ko pang inimbita sila ni Kreyd sa Mansyon nito na may sarili daw basketball court,oo nga pala,mayaman na nga pala ang mamaw na yon.
Hindi ko pa nga nakekwento kina Mama at Papa,malamang malulungkot sila dahil magreresign si Mang Kebin na matagal na naming driver.
Mayayaman nga talaga ang mga Montenegro. Ayon nga sa dinig kong usap usapan nung party nung sabado eh gusto daw ng lolo nila na sa Montenegro Manor na tumira ang mga apo,kumbaga yon ang pinaka ancestral house nila.
“Diba Prue?” sabi ni Piper.
“Ha?” sagot ko
“Anong ha? Sabi na eh! Tamo ugali mo,putak kami ng putak dito hindi ka nakikinig” sabi naman ni Phoebe.
Ganun lumipad ang isip ko? Talagang nag space out ako? Grabe tong si mamaw ah.
Nandito na pala kami sa tapat ng paborito naming kain. Pumasok na kami sa Karendirya ni Aling Marta,masarap kasi mga pagkain at mura dito,nakahiligan na namin dito kumain minsan mula ng madiskubre namin to.
Dalawang table ang pinagdugtong namin at umorder na kami. Natutuwa naman ako na sa isang iglap ay nakabuo kami ng isang samahan.
Pero may napapansin ako,aloof si Kreyd kay Popoy,hindi naman sana dahil sa si Popoy ang crush ko diba?
Maayos namang natapos ang pagkain namin, 15minutes na lang start na ulet ng next class namin,hinatid na nila kami sa gate ng University.
Si Philip umalis na at bumalik sa school nito,ganun din ang pinsan kong si Janssen,si Popoy naman ay uuwi na sa bahay dahil wala ng klase.
Pagpasok sa gate ay nagulat pa ako ng bigla ako akbayan ni Kreyd.
“So,yun pala si Popoy? Okay sya,mabait,gwapo din. Pero…” nakangising sabi ng impakto kaya nangunot ang noo ko.
“Pero ano?” irita kong tanong.
“Pero,hindi pa din ako magpapatalo!” sagot nito at agad akong nahalikan sa kanang pisngi sabay layo.
Arrggg! Mamaw ka! Naging ugali mo ng nakawan ako ng halik! Buset ka!
“Tara na Art! Baka ma late pa tayo” anito na ubod ng lapad ang ngisi. Hindi ako makapag react sa inis eh. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko! Ggrr! Gagong Mamaw to eh!
“Bwisit ka!” sigaw kong ganyan at tinawanan lang ng hitad,pati ang tropa tumawa. Mga walangya! >_<
“Ahm Piper una na kami ah? Text text na lang” paalam ni Art at sinundan si Kreyd.
“Taraay ni Mamaw!” kumento ni Paige habang patuloy kami sa paglalakad.
“Ang saya ng tropa nya,buti at sa inyo ako napasama” singit ni Coop.
“naman!” sabay sabay naming sabi.
Paakyat na kami sa building namin ng may sumalubong sa aming babae. Medyo pamilyar sya sa akin.
“Ikaw si Prudencio Villacruz diba?” sabi nito.
=__=
“Oo Miss sya nga,bakit?” si Piper na ang sumagot.
“Uhm,eto pinapabigay ni Mr.Kapritso,pakidala daw sa computer Lab at paki lagay sa ibabaw ng isang table” sagot nito sabay abot sa akin ng envelope,tinanggap ko ito,agad din namang nagpaalam ang babae.
“Bilib din ako dyan kay Sir eh,kahit hindi nya klase pa naaalala ka pa din nya” natatawang sabi ni Paige.
“Malamang crush sya ni Sir” sagot ni Phoebe.
“Tumpak!” pag sang ayon ni Piper.
Seriously? Kaibigan ko ba talaga ang mga to? Huwag sana mahawa si Coop XD
“Tse! Ang sasama nyo! Sige na,mauna na kayo sa room at ihahatid ko pa toh” sabi ko at nauna ng umakyat.
Pagdating sa fourth floor eh napangiti na lang ako,lalo na nung pagpasok ko sa Lab,dito kami unang nagkakilala ni Mamaw.
Inilapag ko na ang envelope sa ibabaw ng mesa at lumabas na..
Bakit kaya laging walang tao sa Lab? Hindi pa nila inilalock? Sa bagay,wala namang record ang school na to na may nanakaw.
Bumalik na ako sa room,may Prof na,after almost 3 hours of lecture,nagulat na lang ako ni ipage ang pangalan ko.
Bakit? Takang napatingin ako sa tropa,maging sila halata ding nagulat.
Wala naman ako nagawa kundi ang pumunta sa Chancellor’s guidance office, habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapaisip at kabahan.
Ng marating ko ang guidance office ay kumatok muna ako ng tatlong beses sa pinto bago pumasok.
Seryosong mukha ni Mr.Chancelor ang sumalubong sa akin. Naramdaman kong namuo ang pawis ko sa noo at nanlamig ang mga kamay ko dahil sa nerbyos at kaba.
“Mr.Villacruz please have a seat”
Kinakabahang naupo naman ako.
“Uhm..Sir bakit nyo po ako pinatawag?” kabado kong tanong.
“Is it true na galing ka sa Laboratory ng department building nyo?” agad nitong sabi.
“Opo Sir,may pinahatid po kasing envelope si Mr.Kapritso sa akin doon” sagot ko naman agad. Shit naman! Baka nadumihan ko yung envelope kaya pinatawag ako?
“Then,sapat bang dahilan yon Mr.Villacruz para manira ng gamit? Dalawang computer ang sira at natagpuang nasa floor”
Nagulat ako sa nadinig ko,panong nangyari yon? Wala akong ginagalaw don!
“Sir baka po nagkakamali lang kayo,wala po akong kinalaman don” protesta ko,hindi pwede to! Nakasalalay dito ang pag aaral at kredibilidad ng pamilya ko.
“Maraming nakakita na ikaw lang daw ang umakyat sa 4th floor,pano mo ipapaliwanag ito?”
“Pero Sir! Hindi po talaga!” mangiyak ngiyak ko ng sabi. Grabe namang kamalasan to!
“Im so dissapointed with you Mr.Villacruz,alumni pa naman dito ang mga parents mo at ito ang ginawa mo? I want to talk to them regarding this, for the meantime papatawan ka muna namin ng sunction” tuloy tuloy na sabi ni Mr.Chancelor. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at lumabas,nanlalambot ako. Hindi ko akalaing mangyayari sa akin ito,wala naman talaga akong ginagawang masama.
Disoriented naglakad ako pabalik sa bldg ng department namin,iniisip kung pano nangyari yon? Kanina lang may tumulak sa akin sa pool na halos ikamatay ko,ngayon naman ganito? Sino ang gumagawa nito sa akin? Bakit nya ginagawa? Wala akong matandaan na may nagawan ako ng masama para idiin ako sa ganito.
Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay at sabihin kina Mama at Papa na “Ma,Pa pinapatawag kayo ng University chancelor may binasag daw kasi akong dalawang computer”. No,that wont help.
Sa sobrang tulala ko ay hindi ko napansin ang nilalakaran ko at nabunggo ako sa isang tao.
“Sorry po” hinging paumanhin ko habang nakayuko. Pakiramdam ko kasi pinagtitinginan na ako ng lahat.,na iniisip nila na masama akong tao dahil nagawa kong sirain ang pag aari ng school.
“Prue” pamilyar ang boses kaya nag angat na ako ng tingin.
Si Kreyd kasama si Art,titig na titig sila sa akin na parang nagtataka kung anong nangyari sa akin at tulala akong naglalakad.
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko,pakiramdam ko kailangan ko ng masasandalan,naglandas na ang masaganang luha ko at bigla ko niyakap si Kreyd.
“Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” taka nitong tanong ngunit niyakap din ako at hinagod ng palad nya ang likod ko.
“Kreyd… Baka masuspend ako or worse ma expel” umiiyak kong sabi at hinigpitan ang yakap,I felt warm,dinig at ramdam ko din ang mabilis na pagtibok ng puso ni Kreyd. Just like mine.
“Art,tol pwede mo bang kunin ang gamit ni Prue sa room nila at sundan mo na lang kami sa kotse ko?” baling ni Kreyd habang nakayakap pa din sa akin,I felt secured.
“Sige tol hintayin nyo ako” agad na pag sunod ni Art kay Kreyd at kita kong tinungo nito ang Com.Eng bldg.
AN / MUSTASA kalabasaaa? Overload na ako hahahaha! VOTE AND COMMENTS are very much welcome :)
Mamaw spix 13 ~
Kreyd’s POV
I dont know what to feel pagkatapos ko marinig ang sinabi ni Prue na baka ma expel sya, sa anong dahilan? Bakit ganon agad ang parusa?
Akbay ko sya habang papunta kami sa parking lot ng school,medyo kumalma na sya,saka ko sya tatanungin mamaya sa buong detalye.
Tanaw ko na ang kotse ko,napangiti ako,hanggang ngayon parang hindi pa din ako makapaniwala na heto na,bumalik na ako sa dati kong buhay,though naninibago pa din ako,buti na lang tinuruan kaming dalawa ni kuya Khyron ni Itay na magdrive.
Hindi pa kami nakakalapit ni Prue sa kotse ko ng may madinig akong sigaw.
“Kreyd Tol! Prue! Sandali!” paglingon namin si Artemis tumatakbo papunta sa amin,ng makalapit ito ay hinihingal pa.
“Ang bilis mo naman” sabi ko.
“Eh kasi sina Piper at Phoebe nakikipag basag ulo sa mga kaklase nating babae” sagot nito na hinihingal pa din.
“Ano? Nasan sila?” gulat na tanong ni Prue.
“Sa tapat ng bldg namin” sagot ni Artemis,agad namang kumaripas ng takbo si Prue papunta dun,agad din namin syang sinundan. Nagtataka ako kung anong rason bakit nakikipag basag ulo ang mga kaklase ko sa mga kaibigan ni Prue.
Ng makarating kami dun ay naawat na ang mga ito ng guard at ng mga prof,andun din ang college dean namin,tiyak malaking parusa matatanggap ng mga ito.
Ang mga kaklase ko palang sina Lulu at Eudial ang nakipag away.Gulo gulo ang buhok at may mga kalmot,samantalang sina Piper at Phoebe parang wala lang.
“Anong nangyari?” tanong ni Prue.
“Eh yang mga pangit na yan eh!” gigil na sabi ni Phoebe sabay amba kina Lulu at Eudial.
“Enough! Follow me to the Deans office!” suway ni Dean.
Agad kaming tumalima at sumunod,nadinig ko pang may inutusan si Dean na sunduin ang Chancellor,kinabahan ako,kanina lang pangalan ni Prue ang pineyj,ngayon naman ganito.
Ng makapasok kami sa opisina ay natahimik kami lahat.
“Now tell me,what happened? Whats going on? But before you answer lets wait for Mr.Chancellor” ani Dean sakto bumukas ang pinto at pumasok si Chancellor at tiningnan kami isa isa.
“Mr.Chancellor have a seat” ani Dean at tumayo para dun maupo si chancellor sa kaninang inupuan nya.
“Mr.Villacruz ikaw na naman?” sabi nito kaya napatingin kami kay Prue.
“No sir! Hindi po! Kaibigan ko po sila kaya sumama ako” takot na sagot ni Prue,naiintindihan ko kung bakit sya natatakot.
“So,whats this all about?”
“Mr.Chancellor nahuli po namin nagbabasag ulo ang apat na babaeng iyan” singit ni Dean.
“Sa anong dahilan?”
“Eh kasi Sir,nadinig namin yang dalawang babaeng yan na sila pala may kagagawan ng pagkasira ng dalawang computer sa Lab! Planado po yon para masisi si Prudencio!” matapang na sagot ni Phoebe, parehong nanlaki ang mata namin ni Prue sa narinig.
“Bilang kaibigan po ni Prudencio ay hindi na namin na contain yung galit namin! Napaka sama ng ginawa nila! Kinabukasan at kahihiyan ng kaibigan namin at ng pamilya nya ang nakasalalay dito,kaya pala sya pinatawag! Mabuti na lang nasabi agad samin ni Art ang nangyari” dagdag ni Piper.
“Totoo ba yon?” baling ni Chancellor kina Lulu at Eudial na ngayon ay hindi na makakibo at halatang mga natakot na.
“Im asking the two of you kung totoo yon?” ulit ni Chancellor.
“Ah eh… Eh s-Sir may nag utos lang po sa amin kapalit ng pera” biglang pag amin ni Lulu. Napatiim bagang ako sa narinig, pano nagawa ng mga kaklase ko ang ganitong bagay?
“Sinong nag utos?” galit na sabi ni Prue, hinawakan sya nina Art at Coop,halatang nagpipigil ng galit. Nag alangan ang dalawa kong kaklase na sumagot,natakot na din talaga siguro.
“Tinatanong kayo Lulu at Eudial,sinong nag utos?” hindi na din ako naka tiis at sumabat na din ako.
“Everybody calm down!” sita ng Chancellor saka bumaling sa dalawa kong kaklase na umiiyak na.
“Psh! Ang gagaling nyong gumawa ng kapahamakan ng iba pag nasukol kayo idadaan nyo sa pag iyak? Huwag kayong unfair?! I can sue you two” biglang sabi ni Prue,lahat kami napatingin sa kanya. Hindi malabong totohanin nya yon dahil mayaman sya.
“Si Venus ang nag utos samin!” sabay na sabi ni Lulu at Eudial.
Napanganga ako. Si Venus? Yung muse namin? Yung lagi kumakausap sa akin? Panong? Mabaet at maganda yon ah?
“Sigurado kayo?” ani Chancellor.
“Opo sir” sabay ulit na sabi ng dalawa.
“Okay,case closed,everybody may go now, Mr.Villacruz ligtas ka na dito,and you two young girls I want to meet your parents” sabi ni Chancellor. “Mr.Dean pwedeng paki page ang pangalan nung Venus? Tell her to go to my office” dagdag nito.
Lahat kami nabunutan ng tinik sa dibdib. Lumabas na kaming lahat pero hindi ko pa din lubos maisip kung bakit iyon ginawa ni Venus? Kilala ba nya si Prue? May personal ba syang galit kay Prue?
Sinabayan ko sa paglakad si Prue na parang malalim ang iniisip,hinawakan ko ang kanang kamay nya at pinisil,para iparamdam sa kanya na lagi lang ako nandito para sa kanya.
Napatingin sya sa akin. Yung mga mata nya nangungusap,parang magnet na hinihigop ako.
“Montik ka na dun ah? Im glad okay na ang lahat” sabi ko sa kanya.
“Sino yung Venus?” bagkus ay tanong nya sa akin. Nag alangan ako kung sasabihin ko ba,baka kasi resbakan nila lalo magkagulo,lalo pa at amazona pala tong mga babaeng tropa nya.
“Kaklase ko,pero huwag ka mag alala kakausapin ko sya” sagot ko. Hindi sya sumagot,nagpatuloy lang sya sa paglalakad.
Napag pasyahan naming dito muna kami sa Cafe Sonata,kung matatandaan nyo ito yung coffee shop malapit sa school.
“Grabe talaga kanina! Buti nakapag timpi pa ako,kung hindi basag sa akin kalansay ng babaeng yon” sabi ni Piper,naka upo na kami at hinihigop ang kapeng in-order namin.
“Ako nga ingungudngod ko na dapat sa lupa yung mukha nun eh! Kaso may mga umawat na” dagdag ni Phoebe.
Napailing na lang ako,grabe panigurado kung walang umawat kawawa yung dalawang kaklase namin ni Art.
“Naku,sana next time mag ingat na kayo” singit ni Art.
“Nakakatakot kayo” ani Coop.
“Nako! Kulang pa nga yon Art at Coop. May dapat pa kaming gawin noh?! Humanda sa amin yang Venus na yan!” gigil na sabi ni Paige at sinuntok ang sariling palad,napangiwi na lang ako.
“Ahm guys I think its not a good idea, I think I can handle her whoever she is” pag singit ni Prue na kanina pa tahimik.
Bigla ako may naisip na idea para kahit papano ay madivert ang kaisipan nya. Hindi ko gustong nakikita syang namomroblema.
“Prue,gusto mo sumama sa bahay? Panigurado matutuwa sina Inay at Itay pag nakita ka” sabi ko,nalipat ang atensyon ng lahat sa akin.
“Uhm,kung ayos lang? Hindi ba nakakahiya?” sagot at tanong nya,binigyan ko sya ng aking matagingting na ngiti.
“Oo naman ayos lang! Kaya nga kita niyaya eh” sagot ko naman,parang bigla ako na excite sa idea na masosolo ko sya sa kotse at dadalhin sa bahay,parang girlfriend lang na ipapakilala sa parents ko hahaha! Ang galing ko talaga!
“Parang sila lang ang tao eh noh?” - Paige.
“At si Prue lang talaga ang niyaya” - Phoebe.
“Pabayaan natin,moment eh,padating na din naman si Philip para sunduin kami ni Phoebe” - Piper
“Diska diskarte rin pag may time,ganon?” - Art.
“Are they a couple?” inosente namang tanong ni Coop. Napatikhim ako at si Prue naman ay namula. Ang cute talaga!
“Ah eh,ano. Tara na Kreyd,itetext ko na lang sina Mama at Papa na pupunta ako senyo” tarantang sabi ni Prue at tumayo saka ako hinila palabas ng Cafe sonata.
Nilingon ko ang tropa at lahat mga naka ngisi at saka nag wave. Walastik talaga! Ang lalakas ng tama sa utak ng mga yon!
Pumasok ulit kami sa campus at tinungo ang parking kung san naka park ang kotse ko.
Ng makasakay na kami at pinaandar ko na eh tahimik lang si Prue na nagpipipindot sa cellphone nya,pinabayaan ko lang sya.
“Sosyal ka na talaga ah? Ang ganda pa ng kotse mo” pagkuway sabi ni Prue kaya nilingon ko sya at nginitian.
“Pero walang nagbago sa akin,ako pa din to” sagot ko naman at binalik ang atensyon sa pagmamaneho.
“Sa bagay,mas gusto kong wag ka magbago” sagot naman nya,lalo ako napangiti.
“Syempre naman! Pati yung nararamdaman ko sayo hindi nagbago” sabi ko naman kaya napalingon sya sa akin.
“Banat ba yan?” sabi nya.
“Sa palagay mo?” sagot ko naman at saglit na sumulyap sa kanya. Natetense ako pag ganitong sitwasyon,ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.
“Uhm.. Ewan” nakangisi nyang sabi. Nginitian ko lang sya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Hay nako Prue! Magiging akin ka din balang araw XD
Nang makarating kami sa bahay ay tuwang tuwa nga sina Inay at Itay,hindi tinantanan kausapin si Prue,pinabayaan ko lang sila mag usap sa living room,ako naman ay umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng damit.
Pagkalabas ko sa kwarto ay parang may naririnig akong halinghing kaya sinundan ko kung san ito nanggagaling,baka minumulto na nga itong mansyon tulad ng sabi nina kuya Kurt.
Pero sa kasamaang palad,sa kwarto ni kuya Khyron yon nanggaling. Napangiti at napailing na lang ako. Si kuya talaga,niroromansa na naman ang girlfriend nya.
Bumaba na ako at naabutan kong nakikipagtawanan si Prue sa mga magulang ko,ang sarap nila tingnan,sana pag kami na din ni Prue ganyan pa din sila hahaha!
Naging masaya naman ang pagpunta ni Prue,dito din sya nagdinner kasabay din namin ang girlfriend ni kuya.
Mga bandang alas otso ng lumapit ang maid namin,nandito kami ni Prue sa garden at nagpapahangin
“Seniorito Kreyd,dumating na po ang sundo ni Seniorito Prue” magalang na sabi nito.
“Ganun ba? O sya pano ba Kreyd? Salamat sa pag imbita ha? Uuwi na ako,paki sabi na lang kina tita at tito” ani Prue at tumayo na,ayaw ko pa sana syang pauwiin dahil masaya akong kasama sya,kaso baka malagot ako sa mga magulang nya.
“Samahan na kita” sabi ko at pumasok na kami sa bahay. Only to find out na si Popoy pala ang sundo ni Prue.
“Popoy!” masayang sabi ni Prue at agad na lumapit dito,nagyakap pa. Nakaramdam ako ng ibayong kirot sa nakita ko.
AN/ MUSTA? Comments and Votes po if you like :)
Mamaw spix 14 ~
Dedic ang chapter na to sa idol at inspirasyon ng lahat na si Onoma :) and I know lahat kayo agree diba? :) Onoma Thanks sa AMSMH ang story kong ito ay inspired doon,obvious naman sa title,but not the story hehe! Keep on Writing and Inspiring everyone =)
AN / Sana naman yung mga Silent readers magcomment haha! XD
Prue’s POV
Hay nakoo! Last week was very stressful week! Buti na lang talaga at nakaligtas ako sa suspension na yan! And lucky me,may mga kaibigan akong handa ako ipagtanggol.
And that Venus girl? Grabe lang huh? Hindi ko nga sya kilala,name pa lang nya pang Dyosa na pero bakit kailangan nyang mainsecure sa akin? Sabi ko na nga ba talagang nag uumapaw ang kagandahan ko eh haha!
Kidding aside,I have to be prepared,baka maulit na naman yon,ayoko pa maaga mategi noh? Bakit kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon? Simple at tahimik na buhay lang naman ang bet ko,ewan ko ba,uso na talaga ata ngayon ang ganyan.
And so now,Im on my way to school. Kailangan ko mag commute,wala pa kaming bagong driver eh.
Ng makarating sa school ay may 20 minutes vacant pa ako bago ang una kong klase. Minabuti ko munang maupo sa isang bench sa tabi ng Gymnasium ng school at mag isip sa mga nangyayari sa akin.
Naisip ko si Popoy. Hay grabe,lakas talaga ng tama ko sa isang yon,kung hindi lang masama magtapat sa kaibigan eh ginawa ko na hahaha! Lalo na nung sinundo nya ako kina Kreyd,Kilig much ang lola nyo eh wahihi!
Kaya lang kasi naman si Kreyd eh,hindi na din ako matahimik mula nung umamin sya na gusto nya ako,ewan parang ang awkward din talaga pag andyan sya at si Popoy.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit may mga bagay akong nararamdaman at nararanasan kay Kreyd na hindi ko nararamdaman kay Popoy? Pero sigurado akong gusto ko si Popoy, posible ba yon? Hayst! Ang mga lalaki talaga ang sakit sa ulo.
Tiningnan ko relo ko,malapit na first subject namin kaya gumayak na ako papunta sa department bldg namin,alam ko nandun na ang mga bruhilda.
Syempre ng makarating sa room naglakad akong parang beauty Queen na walang nangyari last week,as expected naglapitan ang mga bruhilda.
Ngunit bago pa bumuka ang kanilang mga madadaldal na bibig ay pumasok ang Prof namin,kita ko pa pano napahagikgik si Coop sa upuan nya hahaha!
“Okay Class,next week na ang acquaintance,bilang mga freshmen lahat gusto ko umattend,wala naman sigurong rason para hindi umattend diba?” sabi ng Prof namin na adviser din namin.
Nagdiwang naman ang mga classmates ko.
“Maam pwede bang outsider ang ka date?” tanong ng isa kong classmate.
“Im sorry pero hindi pwede.Pero pwede ang ibang college department” sagot ni Maam.
Ano ba yan! Gusto ko pa naman na si Popoy ang date ko,hmp!
“I’ll be distributing the invitation card by friday,pinag uusapan pa kasi kung saan ang venue,since nagsawa na din si Mr.Chancellor na dito yon sa school ginaganap” pagpapatuloy ni Maam.
Kanya kanya ng tsikahan ang lahat,ako naman napapaisip na naman,hayst! Pero pwede naman sigurong walang ka date diba? Tama ganun na lang ^_^
Breaktime na,sabay sabay na kaming pumunta sa cafeteria,ng makapag order ay naupo na kami,sakto naman ang pagdating ni Kreyd at Art na ubod ng tamis ang ngiti,nagmanly hug pa sila nina Coop.
“Art,order ka na ng pagkain natin” ani Kreyd,tinitingnan ko lang sya.
“Bakit ako?” reklamo ni Art.
“Para masaya,huwag ka ngang ano,libre naman kita eh! Gawin mo na yung hokage move mo sa pila” naka ngising sagot ni Kreyd. Ewan ko huh? Nung tinitingnan ko si Kreyd parang may nakikita ako sa paligid na mga puso. Luh?! Ang weird! Tse!
“Pambihira! Sige saglit” anito Art at umalis matapos bigyan ni Kreyd ng pera. Wow huh? Galante ang mamaw.
“Kamusta naman Kreyd? Nasan yung classmate mong Venus?” ani Paige.
“Hindi sya pumasok sa 1st subject namin eh” sagot ni Kreyd saka tumingin sakin at kumindat.
Aba’t! Pakyut pa ang mokong!
“Huwag lang sya papakita” ani Phoebe.
“Tumpak” segunda ni Piper.
“Naku girls! Huwag muna natin pag usapan yan,nakakahiya naman sa akin diba?” singit ko sa usapan,sakto nakabalik na si Art dala ang pagkain nila ni Kreyd.
“Next week na pala acquaintance noh?” ani Art habang ngumangasab. Balahura hahaha!
“About that,uhm Phoebe pwedeng ikaw ang date ko?” nahihiyang sabi ni Coop bago ito kumain.
“Sure!” maligalig na sagot ng kaibigan ko.Halos mag hugis puso na ang mga mata.
“Nakakaloka! Hindi man lang nagpakipot friend?” buska ni Paige na ikinatawa namin. Natutuwa talaga ako sa tropahang nabuo namin.
“Piper ikaw date ko pwede?” ani Art.
“Hmm sige” sagot ni Piper at ngumiti.
Teka nga? Bakit ganun?
“Naku ha? Dito talaga kayo nag yayaan? Nakakahiya naman sa akin,wala ako date” naka nguso na reklamo ni Paige.
“Huwag ka nga maarti friend,ako din naman wala!” sagot ko dito saka kumain ulit.
“Sinong nagsabing wala? Ako ang date mo sa acquaintance no?” naka ngising sabi ni Kreyd.
Napakurap ako ng 1 billion times O.O
“Seryoso ka?” tanong ko,saka tiningnan mga kasama namin na mga naka ngisi na. Anong meron?
“Im dead serious Prue,diba nga nanliligaw ako sayo?” sagot nito.
“Kyaaaaaahhhh! Gandaaa mooo!!” kinikilig na sabi ni Paige sabay hampas sa akin ng malakas,nasa dulo pa naman ako ng silya kaya nalaglag ako.
_
“Gaga ka! OA mo kiligin ah?!” sabi ko sabay tayo at balik sa pagkaka upo.
Nagtawanan lang ang mga impakto!
“Sorry friend! Kinilig lang” ani Paige na todo ngisi.
“Tse! Sikaran kita dyan eh” inis kong sabi. Sakit sa pwet ah? Ang balakang ko parang nadislocate huhu.
“Basta Prue ah? Ako date mo sa acquaintance” naka ngiting sabi naman ni Kreyd. Sasagot na sana ako ng biglang may naramdaman akong bumuhos sa akin.
Malagkit! Soda!
“Venus!” sabay na sabi ni Kreyd at Art na nanlaki ang mata,maging ang tropa nabigla,ako man ay hindi agad nakagalaw.
“Oh! Im sorry,akala ko trash can” dinig kong sabi nito. Nilingon ko sya. Tinaasan lang nya ako ng kilay. Nakita kong tatayo na sana ang kambal at si Paige para sugurin sya ngunit nauna akong tumayo at hinarap ang Venus na to.
“Excuse me? Who are you to do that to me?” inis kong sabi.
“You dont know me? Well,darling,Im Venus Dela Vega” mataray nitong sagot. Nagtayuan na ang tropa,si Art pinipigilan si Piper,si Coop kay Phoebe at si Kreyd kay Paige.
“Venus ano ba? Anong problema mo?!” singhal ni Kreyd dito. Ngayon talagang agaw eksena na kami,nakatingin na sa amin ang lahat.
“Makakarating to kay Mr.Chancelor Venus” banta ni Art.
“Problema? Wala naman,hindi ko lang gustong umaaligid kay Kreyd ang BAKLANG yan, and Go on Artemis,mag sumbong ka,the hell I care” matapang na sagot nung Venus,nag init na lalo ang ulo ko.
Umaaligid ako kay Kreyd? Edi obvious na nagagalit sya dahil kay Kreyd? Mga babae nga naman.
“Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ni Kreyd,ngunit hindi na naka sagot si Venus dahil kinwelyuhan ko sya at itinulak ng mabilisan sa pader,nanlaki ang mata nito at napa aray sa pagkaka salampak ng likod nya sa pader.
Dinig ko pang napa “Oh” ang mga tao sa canteen.
“Alam mo hindi kita kilala eh,ni hindi ko nga alam na nag e-exist ka pala,pero para sabihin ko sayo,hindi ako umaaligid kay Kreyd! You want him?! He is all yours and I dont even give a damn,bitch!” gigil kong sabi at lalo ko sya binalya sa pader,namutla sya,ako man ay nabigla sa ginawa ko,nakalimutan kong bakla pala ako.
Agad ko syang binitawan ng marahas at tumalikod,walang lingon likod na lumabas ng cafeteria. Nabubuwisit kasi ako.
“How dare you?! Hindi pa tayo tapos! Magbabayad ka! Lalo mo akong ginalit!” sigaw ni Venus na nanggigilaiti.
Tumigil ako sa paglakad at hinarap uli sya.
“Do it! Excited na ako,and you know what? My middle finger salute you!” sabi ko at muling tumalikod ngunit naramdaman kong hinablot nya buhok ko,saglit lang yon dahil napabitaw sya,pag lingon ko sinasampal na siya ni Piper habang hawak ni Paige at Phoebe ang magkabila nyang kamay.
Napailing na nakangiti ako,panigurado sa descipline office or kay Mr.Chancellor na naman ang bagsak namin.
Nagmadali na ako maglakad dahil nanlalagkit na ako,gusto ko muna umuwi.
Nadinig ko ang boses ni Kreyd na tinatawag ako ngunit hindi ako huminto sa paglalakad. Ngayon pa lang kailangan ko na iwasan ang lalaking to.
AN/ MUSTA? Haha tagal ko hindi nakapag Update dito. Vote and comments po if nagustuhan nyo :)
Mamaw spix 15 ~
Ang chapt na toh eh dedic kay Jaycee since malapit na matapos ang His Husband :D go JP! Hahaha xD
Prue’s Pov
“Prue! Saglit lang! Hintayin mo ako!” dinig kong sigaw ni Kreyd habang hinahabol ako. Tumakbo nga ako,baka maabutan pa ako ng mamaw na yan! Naiinis pa din ako sa nangyari!
Bwisit yang Venus na yan! Bwisit yang Mamaw na yan kung bakit pa naging gwapo at hinahabol ng baliw na Venus na yon! Naiinis ako! Naiinis!
Pagkalabas ko ng campus ay nagpalinga linga ako. Bakit walang dumadaang jeep?
Nyemas! Wag naman ngayon! Kailangan ko ng umuwi!
“Prue”
Wala na,naabutan na ko ng kurimaw na mamaw hayst!
“Prue mag usap tayo” anito at hinawakan ako sa braso,pumiksi ako,iniwasan ko ding tingnan sya sa mga mata,diba nga may pagka engkanto yang mamaw na yan? Pagtiningnan ko sya sa mata para akong hinihigop,para syang Vacuum! Janitor fish!
“Wala tayong pag uusapan,umalis alis ka nga dyan! Para makauwi na ako,nanlalagkit ako eh!” inis kong sabi habang patuloy pa din sa pag aabang ng Jeep. Kung bakit kasi hindi pwede yung isa naming driver pag ganitong time,dalawa lang silang Driver,dati ang tatay nyan ni Mamaw at yung isa naming Driver pero mas lagi dati ang tatay ni Kreyd.
“Kailangan natin mag usap,tungkol kay Venus at sa acquaintance,at saka,kung gusto mo ako na din ang maghahatid sayo” anito na napapahawak pa sa batok.
Hoy! Huwag kang gaganyan ganyan porket kyut ka sa ganyang gesture? Hindi mo ako maaakit! May Popoy na ako! Psh!
Tama! Kay Popoy ulit ako magpapasundo.. Ay.. May klase nga pala yun ngayon =__=
“Venus? Wala ako paki sa kanya! Magsama kayo! Lumayo layo ka nga sa akin at baka biglang sumulpot na naman yon at mapadali pa buhay ko! At saka hindi na ako pupunta sa acquaintance! Bahala ka dyan! Si Venus ang idate mo! Buset!” tuloy tuloy kong sabi,walang hingahan yan teh! Try mo? :p
“Pwede ba tumahimik ka saglit para mapag usapan natin ng matino ito!” inis din nyang sabi. Bah? Sya pa may karapatang mainis?
“Hoy! At bakit ikaw pa ang inis? Huwag kang umarte sakin ng gan—” hindi ko na natuloy ang pagdaldal ko.
Humarang kasi ang labi nya sa labi ko. Nanlaki mata ko.Para akong nanginig at nanlambot ang tuhod ko kaya napakapit ako sa batok nya para hindi ako mapaupo,tapos yung sikmura ko parang hinahalukay at bakit parang may music pa akong naririnig?
Ng gumalaw ang dila ni Kreyd papasok sa bibig ko ay parang dun lang ako natauhan at itinulak sya. Hingal na hingal ako,para akong kinapos ng hangin,para akong nag marathon,nanginginig pa din ang tuhod ko.
“Oh edi natahimik ka din” nakangisi nitong sabi sabay kindat, nag init ang mukha ko,alam ko namumula na ako. Napatingin ako sa paligid.
Unyemas! Ang daming nakatingin! Walangya ka mamaw! >_
Napaupo ako ng tuluyan,hindi ko na napigilan ang paglambot ng tuhod ko. Grabe! Manghihigop sya ng lakas! Bakit si Popoy hindi ako nakakaramdam ng ganito? Mamaw nga talaga ang Kreyd na to!
“Uy! Anong nangyari? Okay ka lang? Tara hatid na kita” aniya sabay lapit sa akin at inalalayan ako makatayo.
“Mamaw ka talaga! Hampasin kita ng T-square na nasa bag mo! Ilang beses mo na ako pinagsamantalahan at ninakawan ng halik?” sabi ko pa habang nauuna maglakad papasok ulit sa campus papunta sa parking kung saan nandun ang kotse nya.
“Whoa! Parang sinasabi mong minolestya kita?” sagot nya at sinabayan ako sa paglakad.
“Hindi nga ba? Kung alam mo lang na hindi ako pinatulog nyang halik mo dati! Buset ka” inis kong sabi at ikinagulat ko ng tumigil sya sa paglakad at humagalpak ng tawa.
At dun ko lang narealize kung anung sinabi ko. Shet! Dapat hindi ako nagpadala sa bugso ng aking damdamin! Baka kung ano pa isipin ng mamaw na to?
“Ganon pala kalakas epekto ko sayo? Dont worry ako din hindi nakatulog nun,at dun sa sinasabi mong pananamantala,pasensya na,nakaka akit kasi ang mga labi mo,at dun sa pang momolestya,hindi ko iyon balak gawin kung hindi ikaw ang magyayaya” aniya at kumindat ulit. Para akong napipi sa sinabi ni gago.
Ano daw? Pwedeng pakiulit?
“Hmp! Tse! Conceited mamaw!” sabi ko at lumapit na sa kotse nya. Pinagbuksan naman agad nya ako ng pinto kaso hindi maalis yung pagkakangisi nya at yon ang ikinaiinis ko.
Pagdating sa bahay ay nagtaka pa ako na naka park pa rin ang kotse namin.
Hindi pumasok sa work sina Mama at Papa?
“Tara Kreyd,tuloy ka muna,mukhang nandito sina Papa”
Agad na nga kaming tumuloy,sa maliit na gate kami dumaan at nagtuloy tuloy sa front door. Pagbukas ko nito,nagulat pa ako na nandito si Kuya Pao at Janssen.
“Oh anak,nandito ka na pala,mabuti at isinama mo si Kreyd” ani Mama ng makalapit kami,nag manly hug naman sina Kreyd at Janssen,diba nga tropa na sila?
“Magandang tanghali po Tito,Tita at kuya Pao” bati ni Kreyd at nag bless pa. Wow ha? Ako nga bihira kong gawin iyon eh.
“Anak bakit parang nanlalagkit ka?” puna ni Papa. At doon ko lang naalala na ito nga pala ang rason kung bakit ako umuwi.
“Yon nga Pa,natapunan kasi ako sa cafeteria,wala akong dalang extra shirt,sige po maliligo muna ako” sabay baling kay Kreyd “Oy dito ka muna maliligo lang ako”.
At agad na din ako umakyat sa kwarto ko,naghahalungkat ako sa aking wardrobe, naks! Wardrobe ang peg! Ng tumunog ang phone ko,pagtingin ko si Phoebe kaya agad kong sinagot.
“Hello? Anong nangyari?” agad agad kong tanong dito,kasi nga diba huli ko silang nakita kanina eh pinagtutulungan nila si Venus.
“Nasan ka?” sagot naman nya.
“Nandito na sa bahay,hinatid ako ni Kreyd,andito nga rin si Janssen at kuya Pao” sagot ko naman at tumungo na sa kama para ilapag doon ang napili kong isusuot.
“Taray mo friend ah? Lumelevel up ka na!” pang iinis nito saka tumawa.
“Nagagawa mo pang tumawa? Anong ngang nangyari bruha ka!”
“Eto,kalalabas lang namin ng Disciplines Office,naloka si Mr.Chancellor at kami na naman daw,pero keri lang friend,mas nagisa si Venus” anito. Oo nga pala,may una ng kasalanan ang babaeng yon.
“Sa susunod deadmahin na lang kasi” pangaral ko pa.
“Ows? Hindi nga ba’t ikaw ang unang nagpaka amazona? Anyways yon lang ang itinawag ko,sige nandito na si Prof” anito sabay end call.
Tamo tong bruhang to?! Hindi man lang ako pinag babye?
Inilapag ko na ang phone sa kama at pumasok sa Bathroom,kailangan ko marefresh at makapag isip pano ako titigilan ng Venus na yan.
Matapos makaligo ay itinapis ko na sa sexy kong body ang aking sailor chibi moon towel at lumabas ng banyo.
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si Kreyd.
Shet! Bakit hindi ko nailock?
AN / MUSTA? Pasensya at sobrang tagal bago ako nakapag Update dito,alam nyo naman may tinatapos pa akong story :P vote and comment po, I really need it,thanks a lot! :)
PIC NI PRUE,NASA MULTEMIDA :D
Mamaw spix 16 ~
Prue’s point of view
“witwiw! Sexy! Ang ganda ng legs,ang kainis” - mamaw.
O_O
“Aba’t? Hoy! Lumabas ka dito! Manyakis ka talaga! Sabi ko na nga ba gusto mo akong pagsamantalahan eh!” sigaw ko kay mamaw,at ang engkanto ngumisi lang?! -_-
“Tinanggi ko ba?” sabi pa nito sabay kagat sa pang ibabang labi na parang nang aakit pa!
“Tse! Bakit ka ba nandito? Labas na! Sisigaw ako ng rape sige ka!!” singhal ko ulit. Tengene naman kelangan ko pang lakasan boses ko,pakiramdam ko wala iyong tunog,nag iinit ang buong katawan ko,sheyt!
“Hahaha! Nandito ako para sabihing dalian mo daw dyan at nakahanda na ang meryenda sabi ng parents mo” anito at tumalikod na. Nakahinga ako ng maluwag ng palabas na ito pero nagkamali ako.
Tumigil ito at humarap na nakangisi.
“Nice nips and butt” sabi nito sabay kindat.
Napatingin ako sa dibdib ko,nagloose na nga ang towel at medyo kita na rin pwet ko,namula ako,umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
“Buset kaaaa!!!” buong tatag kong sigaw at binato sya ng unan pero mabilis syang nakalabas ng pinto at naisara ito,dinig ko pang tumawa ang mamaw.
Ha!! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dun ah?!
Lumapit ako sa pinto at ini lock ito. Ng masiguro kong hindi na ako mamomolestya ng mamaw ay nagbihis na ako at nag ayos saka lumabas at bumaba sa may sala.
Nandun pa din sila at masayang nagkekwentuhan ng kung anu anong kabulastugan na maisip nila haha! Joke lang.
Lumapit na ako sa kanila dahil naramdaman ko na ding may gyera na sa loob ng tyan ko,nakisabay na sa pagmemeryenda nila.
“Anak nabanggit ni Kreyd na sya daw ang magiging date mo sa acquaintance nyo” ani Mama na buong giliw kung magsalita.
“Po? Pero hindi pa ako pum-”
“That would be great son,since mapapabantayan ka namin kay Kreyd,kung pwede nga lang ang outsider ay si Popoy na lang sana” sabi pa ni Papa. I cant believe this! Tinutulak nila ako sa mga lalaking nag uumapaw sa kagwapuhan! On the other hand ay pabor naman ako don.
Tiningnan ko ang mamaw,ang lapad ng pagkakangiti,kulang na lang ay tahiin iyon para maibalik sa dati.
“Tito,balita ko eh kailangan nyo pa ng isang driver para kay Prudencio since yung isang driver ay sa inyo lagi ni Tita naka schedule” pag but in ni kuya Pao sa usapan.
Good idea kuya Pao!
“Oo nga pala! Buti at ipinaalala mo,nasanay din kasi kami kay Kebin na sya ang driver” ani Papa. “ Ang hirap na humanap ng tulad nyang loyal at mapagkakatiwalaan“ dagdag pa ni Papa. Ako naman ipinagpatuloy ang paglapang sa meryenda,Grahams kasi eh kaya natakam ako ng sobra.
“Namiss na nga daw ni Itay ang pagmamaneho sa inyo tito kaya bumili kami ng kotse para sya na ang personal driver ni Inay,si kuya Khyron kasi tamad pag magpapa drive si Inay” ani Kreyd na naka ngiti pa din.
Hindi ba sya nangangawit?
“Ikaw na dude! Haha” ani Janssen na ngayon lang sumali sa usapan,kaya naman pala,busy sa kakapindot sa cellphone,at malamang,ang bruhildang si Paige ang katext nito.
“Tatawagan ko po ang agency na pinanggalingan din ng driver namin at babalitaan ko na lang po kayo” sabi pa ni Kuya Pao na kukuha sana ng grahams pero naubos ko na,natawa pa ako sa reaksyon nito ng manlaki ang mga mata.
“Thats good ijo” ani Papa.
“Oy inubos mo?” gulat na sabi ni Janssen na ngayon palang sana kakain.
“Nagutom ako eh,puro pag pindot kasi inuuna mo” pagtataray ko dito.
“San mo dinadala mga kinakain mo?” sabi pa ni kuya Pao na manghang mangha sa kakayahan kong lumamon.
“Sa bowl syempre” sagot ko na ikinatawa nilang lahat. Napatingin naman ako kay Mamaw na nakanguso o may iningunguso.
Luh?! Gusto na naman nya ng kiss? Nakakarami na sya?! Wala pa nga kaming relasyon,saka hindi ko sya gusto,si Popoy gusto ko,pang gulo lang tong mamaw na to.
Gulat na lang ako ng lumapit sya at tinanggal ang chocolate sa gilid ng labi ko gamit ang daliri nya. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba! Grabe tong mamaw na to! Kung anu-anong pinaparamdam sa akin!
“Ang sweet” sabay na sabi ni kuya Pao at Janssen na mga naka ngisi. Kita ko namang napangiti si Mama at si Papa tumaas ang dalawang kilay.
“Are you two already a couple? Huh Kreyd and Prue?” seryosong sabi ni Papa. Bigla ako kinabahan ng buong husay.
“Naku Pa hindi po!”/Manliligaw pa lang po“ halos sabay naming sabi ni Mamaw.
Napalingon ako sa kanya pati sina Mama at Papa,sina kuya Pao at Janssen naman nag apir pa! Mga walangya!
Waaahhh! Bakit parang uminit ang paligid?
“Seryoso ka ba?” ani Mama. Nabaling na naman ang tingin ko kay Mama. Si Kreyd naman ay parang hindi na mapakali.
Ayan kasi! Pabigla bigla! Hindi pa nga ako pumapayag sinabi na agad kina mama! Patay ako nito T_T
“O-opo basta po huwag nyong tatanggalin sa trabaho si Itay” parang ninenerbyos na sabi nito.
HUH? Anung sinasabi ng mamaw na to?!
Bigla lahat sila nagtawanan,lalo na si Papa,ngayon ko lang sya nakitang galak na galak,kita na nga brain cells sa kakatawa eh haha! Charot lang! XD
“ijo,nakalimutan mo ata na matagal ng hindi namin driver ang tatay mo,mas mayaman pa nga kayo sa amin,ninenerbyos ka ba? Huwag kang mag alala,payag kaming ligawan mo si Prue” galak na sabi ni Papa,napakamot na lang sa batok si Kreyd at napangiti.
At ako? Nalaglag ang panga ko sa sahig. Seriously? Pinayagan nila manligaw sa akin si Mamaw? Dapat si Popoy din!
9pm katatapos lang ng dinner,nandito ako sa pool at tinatampisaw ang aking mga paa,taka lang ako bakit hindi pa tumutubo ang mga kaliskis? Diba ang mga sirena pag nabasa ng tubig ay bumabalik ang buntot? Hahaha joke lang!
Ayon,nandito ako,nagmumuni muni,iniisip ang mga bagay bagay,si Kreyd,na talagang desidido na ligawan ako,mula nung araw na umamin sya na gusto nya ako hindi na natahimik ang isipan ko,lagi ko syang naiisip,pero pag nandyan naman sya sa tabi ko eh para kaming aso at pusa,pero masaya ako.
Si Popoy,alam kong matagal ko na syang gusto,pangarap ko nga sya eh,pero bakit ganun? Kahit magkasama kami o pag nag uusap kami,hindi ko nararamdaman sa kanya yung mga nararamdaman ko kay Kreyd.
Posible kaya? Totoong may kapangyarihan si Kreyd? Pero san nya nakuha? O_o ?
“Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?”
Nilingon ko ito,si Popoy,nakangiti,tumabi sya sa akin at nilublob din ang mga paa sa pool.
“Hindi naman,tamang muni muni lang” sagot ko “Kamusta ang school?” dagdag ko pa at tumingala para tingnan ang kalangitan. Napaka payapa ng gabi,nakalatag sa kalangitan ang madaming kumikinang na mga bituin.
“Ayos naman,medyo stress,malapit na kasi ang exams eh,ikaw kamusta?” sagot at balik tanong nya.
Hindi ako sumagot,at imbis nga na sumagot ay nagtanong ako.
“Poy,pano mo malalaman at masasabi sa sarili mo na nagmamahal ka na?”
Bumuntong hininga si Popoy bago sumagot kaya nagtatakang nilingon ko sya.
“Masasabi mong mahal mo na ang isang tao pag sya na lagi ang iniisip mo,sobrang masaya ka kapag kasama mo sya,at pag napapalapit sya sayo sobrang lakas ng kabog ng dibdib mo.” sagot nya habang titig na titig sa akin. Pakiramdam ko kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo habang nagtititigan kami.
Can this be love Im feeling right now?
Teka? Bakit parang nadidinig ko boses ni Sarah Geronimo? Ugh!
“Sige na Prue,mauna na ako,maaga klase ko bukas” pagpapaalam ni Popoy at ni-pat pa ako sa balikat.
Anong nangyari?
Makatulog na nga din,ayaw ko i-stress ang sarili ko sa kakaisip,nakakapangit daw yon eh.
Ng maka akyat na sa kwarto ko ay nagpalit na ako ng paborito kong PJ! Ang chibi chibi PJ, kasama to ng chibimoon towel ko,pinabili ko pa talaga kina Mama at Papa to sa Japan ng ma assigned sila dun ng 2weeks.
Nakahiga na ako,paikot ikot sa kama,kaliwa,kanan,kaliwa,kanan,dapa,tiyaha.
Waaaahhh! Hindi ako makatulog! Naiisip ko yung pagpayag nina Mama at Papa na ligawan ako ni Kreyd,naiisip ko si Popoy at ang sinabi nya.
Sinubsub ko ang mukha ko sa Queen Serenity pillow ko and finally,nagtagumpay naman akong makatulog.
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko,pagtingin ko ay 7:45am na.
OMGSH! Ayoko na ma late! Yan yung first subject namin na terror ang prof! Basta nabanggit ko na sya sa mga nakaraang chapter! Dali dali akong naligo at nagprepare.
Buti available ang natitira pa naming driver kaya nagpahatid ako. Ng makarating sa school ay lakad takbo ginawa ko papuna sa Dept.Bldg namin ng harangin ako ng impaktang si Venus.
“Hoy bakla!!” mataray na sabi nito.
“Oh bakit squatter? Umalis ka dyan at late na ako” taas kilay ko ding sagot sa kanya. Ha! Hindi nya ako masisindak kahit kailan.
“Hindi ko palalampasin ang ginawa nyo sa akin! Magbabayad kayo!” asik nito. Psh! Ganda nga,ang pangit naman ng ugali,sarap ibalibag eh.
“Sabihin mo kung magkano ng maisampal ko sa pagmumukha mo,tsupi! Alis! Male-late na ako” sabi ko at binunggo si Venus at nilampasan ito.
“Humanda ka talaga! May araw ka din!” pahabol na sigaw nito na nanggigilaiti labas litid pa,maputol sana!
“Sabihin mo kung kailan,darating ako,hihi” pang iinis ko pa saka sya tinalikuran at tinungo ang dept.Bldg namin.
Pano kung manghingi nga sya ng pera? Hala?! XD Tss! Panira sya ng magandang mood.
At pumasok na ako sa room.
PIC NI KREYD SA MULTIMEDIA :)
Mamaw spix 17
Kreyd’s point of view
Dumating na ang araw ng acquaintance,excited na ako syempre at si Prue ang date ko,hindi na sya nakatanggi ng sabihin ng parents nya na ako ang susundo sa kanya haha!
“Mukhang excited ang mokong ah? Atat ka na makasama si Prue? Eh lagi mo naman kasama sa school yon” ani kuya Khyron habang nandito kami sa leisure room at naglalaro ng xbox.
“Syempre kuya iba to,date to no” sagot ko at ngumisi. “ayan! Talo ka! Kaw ulit magluluto ng lunch” sabi ko pa at tumayo na,kamot ulong tumayo din sya at ini off na ito.
“May magagawa pa ba ako? Pero bilib din ako sayo,dami daming babae dyan sa kagaya pa nya ikaw nagkagusto” sabi ni Kuya Khyron ng palabas na kami sa leisure room,tumigil ako at hinarap sya.
“Kasi kuya walang pinipili ang puso pag nagmahal,someday pag nagmahal ka din ng kapareho mo ng kasarian you will understand me” naka ngiti kong sagot.
“Haha no way! You really love him that much huh? Nasayo ang suporta ko,basta ayoko lang makakarinig ng kung anu-anong masasamang sinasabi nila senyo ni Prue,dahil I swear,I would kill them” ani kuya Khyron at ginulo ang buhok ko.
“Salamat kuya” tanging nasabi ko na lang,pumunta na kami sa kusina at sinabihan ang taga luto na si Kuya ang magluluto ngayon,nakakamiss din yung luto nya eh. Sina Nanay at Tatay pinagbakasyon nina kuya Dex 3 days ago, para daw marelax naman sila,which is a good idea,pagbalik nila pupunta naman kami sa Montenegro Mannor dahil birthday ni lolo,kung sana buhay pa sina Mom at Dad mas masaya sana.
Pinapanood ko lang si kuya Khyron sa ginagawa habang nakapangalombaba. Bakit kaya hindi na naging interesado si kuya na alamin kung sino ang tunay nyang mga magulang? Sa bagay kontento na kami sa pagmamahal nina Itay at Inay,saka maganda na buhay namin at may magandang trabaho din naman si Kuya.
6pm sakto ay nakahanda na ako,nagpa gwapo talaga ako para kay Prue,halos ibuhos ko na din ang pabango sa buo kong katawan.
Ngayon ko na din sisimulan ang panliligaw ng pormal sa kanya since may basbas na ako ng mga magulang nya.
Napangiti pa ako sa harap ng salamin ng makontento na ako sa ayos ko. Hindi ko din lubos maisip na hahantong ako sa ganito,ang magmahal ng bakla,noong una,akala ko natutuwa lang akong inisin at makita sya. Pero hindi nagtagal mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Ang tagal na nga din mula ng aminin ko sa kanya na gusto ko sya pero tingnan nyo at ngayon pa lang ako magsisimulang manligaw,ano ba dapat? Tulad din ba sa babae? Hindi ko kasi alam pano manligaw ng lalaki eh.
Kinuha ko na ang tatlong rosas na puti at bumaba na,nakahanda na din ang kotse ko,agad na akong sumakay at pinaharurot iyon,excited na kasi akong makita si Prue at kung anong itsura nya ngayon.
Ng nasa tapat na ako ng mansyon nila ay bumusina na ako ng tatlong beses at ilang saglit pa ay lumabas na si Prue,bumaba na din ako ng kotse at sinalubong sya.
Halos malaglag ang panga ko ng makita sya at bumilis na naman pintig ng puso ko. Napakaganda nya. Kahit hindi sya magsuot ng pambabae o panglalaki ay lumilitaw pa din ang karisma nya. Ang damit nya ay yung sakto lang pero bagay na bagay para sa fashion ng mga gaya nya,wala din syang make up at ayoko syang makitang may make up. Ang buhok nya ay nakatali lang ng simple. Kumbaga kung idedescribe ko sya ay simple but gorgeous.
Binuksan ko ang pinto ng passenger’s seat sabay sabing “Lets go my gorgeous one,hinihintay na nila tayo”.
Ngumiti lang sya at sumakay na,umikot na ako at sumakay sa at inistart na ang makina.
“Ang ganda ganda mo,akin ka lang” sabi ko bago ko muling pinaharurot ang sasakyan kahit hindi pa man sya nakakasagot.
Kwentuhan lang kami habang nasa byahe,at ng makarating kami sa Venue,na isang gazebo ay kinuha ko na ang tatlong rose,mabilis na bumaba at pinagbuksan ulit sya ng pinto.
“For you” sabi kong nakangiti sabay abot ng tatlong rosas.
“Thank you Kreyd” nakangiti nyang sabi habang nagbablush at tinanggap ito,hindi ko mapigilang mapakagat labi dahil sa karismang lumalabas sa kanya pag nagbablush,nakakapang lambot ng tuhod.
Hinawakan ko ang kamay nya at pinaghugpong sa akin,dama ko yung kuryente. Naglakad na kami papasok at hinanap ang mga disegnated naming lugar.
Nakita ko si Artemis sa table ng section namin kaya umupo na din ako. Gwapong gwapo din si gago eh,malamang para kay Piper.
“Kreyd,isayaw mo ako mamaya ah?” napatingin kami sa nagsalita,si Venus. Though I dont like her,ayoko namang maging bastos kaya ngumiti at tumango lang ako,maganda sya lalo ngayon na lalong pinatingkad ng suot nyang gown na kulay black at backless,pero hindi talaga ako ma attract sa kanya,kahit na lantaran ang pinapakita nyang pagkagusto sa akin ay umiiwas talaga ako,hindi ko din alam sa kanya kung bakit ayaw nya akong tantanan,alam naman nilang lahat na si Prue ang mahal ko,bagay na talagang kinagagalit nitong si Venus na hindi ko maintindihan kung bakit since in the very first place ay hindi kami at hindi ko sya ginusto,lalo ko syang inayawan at iniwasan nung may mga ginagawa na sya kay Prue na hindi makatarungan.
Nagkwentuhan lang kami ni Art hanggang magsimula na nga ang program,then napunta na sa kainan. Ng matapos ang kainan ay konting mga palabas muna sa pangunguna ng mga student councils at sumunod na ang sweet dance.
Kanya kanya ng kuha ng partner ang mga kapwa ko estudyante at nag sayaw ng sweet,uunahin ko munang isayaw si Venus dahil mamaya sa last dance ay si Prue ang gusto kong kasayaw para diretso alis na din kami,dadalhin ko sya sa bahay para makapag usap ng masinsinan.
“Tara na Kreyd at isayaw mo na ako” sabi ni Venus na pinaunlakan ko na,ngayon lang naman to,nagpunta na din kami sa gitna at sumayaw ng sweet,hinanap ng mga mata ko si Prue,at nakita ko syang nakatingin samin ng blangko ang ekspresyon ng mukha.
“You know Kreyd,I really really like you mula nung una pa lang” nang aakit ang boses na sabi ni Venus at inilingkis pa nya lalo ang mga kamay nya sa aking batok at idiniin ang katawan sa aking katawan,naramdaman kong nagreak ang pagkalalaki ko.
Awkward.
“Alam mo naman Venus kung sino ang mahal ko,lets just be friends,tigilan mo na si Prue at kakalimutan ko mga kasalanan mo” sagot ko. Ngunit hindi sya sumagot,idiniin pa nya ang katawan nya sa akin at parang ikiniskis nya ang harap nya sa aking alaga. Im really having a boner at pinagpapawisan na ako. Hindi ko makita ang expression ng mukha ni Venus dahil nakasandig ang ulo nya sa aking dibdib.
“Hmmn.. I guess kailangan ko na iyong tanggapin. Sige lets just be friends” aniya kumalas sa pagkakalingkis sa akin at hinimas ang aking pagkalalaki na hindi naman din mapapansin ng iba.
Shit this girl!
“Venus what are you doing?!” pasigaw kong bulong.
“Wala pa no? So friends? Tara at mag inum” naka ngisi nitong sabi at hinila ako pabalik ng table namin. Hindi ko maintindihan kung anung gusto palabasin ni Venus,napaka tuso,hindi ako naniniwalang titigil sya.
Ng maka upo ay kinalma ko ang sarili ko para mawala ang paninigas ng aking ari. Wew! Montik na yon,kailangan ko na talaga lumayo sa babaeng ito.
Para akong nauhaw kaya ininum ko ang juice sa baso ko.
“Gosh! May nakalimutan ako sa kotse!” ani Venus. “Pwede mo ba akong samahan sa parking Kreyd?” baling pa nito sa akin. Nagtataka man ay sinamahan ko sya.
Ng makarating sa kotse nya ay nagulat pa ako ng buksan nya ang passenger’s seat hindi ako nakapalag dahil nakaramdam ako ng matinding hilo,parang lumilindol,napasandal ako at napapikit.
“Gotcha!” dinig kong sabi ni Venus bago magdilim ang aking mga paningin.
- Comments? Votes? They are much welcome and highly appreciated :)
PIC OF POPOY –>
Mamaw spix 18
Prue’s Point of view
OMGSH?! Totoo ba ang nakikita ng magaganda kong mga mata?! Shit that Venus! Anong palagay nya dito sa venue? Motel? Kitang kita ko kung pano nya hawakan yung ano ni Kreyd! Duh!? Ang cheap nya. Nakaka kulo ng dugo!
“friend kawawa naman ang tissue gunit gunit na”
“Pigilan nyo ako! May kakalbuhin akong babae!” gigil kong sabi.
“Huh? Sino?” takang tanong ni Paige at tiningnan ang tinitingnan ko.
“Oh,I see..” anito. Kaya nilingon ko sya na kunot noo.
“Hindi mo ba nakikita?! She’s, she’s… Ugh! Shit” sabi ko na lang. Ewan,ngayon lang ako nakaramdam ng ganito,naiinis,nabibwisit,nabubugnot! At yang Venus na yan! Si Kreyd pa talaga? Eh akin yon eh! I mean nanliligaw yon sakin eh!
“Selos ang tawag dyan friend,ayon oh,paupo na sila,why dont you come over there at yayain sumayaw ang mamaw” ani Paige at uminum ng juice.
“Selos? Duhh?! Si Popoy ang gusto ko noh,saka bakit ako magyayaya sa kanya sumayaw? Sabi nya ako date nya so he should do the honor” pangangatwiran ko. Selos na nga ba tawag dito? Ugh! Pagbubuhulin ko kayo Kreyd at Venus! You will see!
“Exactly,he is your date,so dapat sayo sya ngayong gabi,go ahead,make a move” sagot ni Paige sa akin. “Uh oh,mukhang paalis na sila friend,look” dagdag nito sabay turo kina Kreyd at Venus na palabas na nga ng venue.
“That bitch! Napaka mang aagaw nya! At yang gagong mamaw na yan sabi manliligaw sa akin pero iba kinakalantari? The nerve!” hindi ko mapigilang sabi.
“Oh really? Ano pang tinutunganga mo dyan? Sundan mo na! Huwag kang slow poke!” ani Paige at kinaladkad kami palabas. Huli na dahil may nakita kaming kotseng kaka alis lang.
“Nahuli tayo,sayang”
Hindi ako sumagot,pakiramdam ko parang kinukurot ang puso ko,isipin pa lang na magkasama sila parang hindi ko maatim,pano pa kung maghalikan sila? Pano pa kung sobra pa dun ang gawin nila?
Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Selos nga ba to? Kaya nasasaktan ako ng ganito? Sa sobrang frustration ko ay napasabunot ako sa sarili.
“Mahal mo na?” seryoso ang boses ni Paige. Hinarap ko sya at hindi ako umimik. “Dont cry Prue,nagsisimula pa lang ang lahat” at pinunasan nya ang luha ko na hindi ko man lang namalayan na pumatak na pala.
I guess dapat ko ng aminin sa sarili ko,na mahal ko nga si Kreyd,kaya pala masaya akong kasama sya,at pag malapit sya sa akin bumibilis tibok ng puso ko at kaya pala lagi ko syang naiisip at hinahanap. All the while ay mahal ko pala sya,infact matagal ko na pala syang mahal.
“Oo,mahal ko sya” mahina kong sagot. Ngayong gabi,inamin ko na din sa wakas na mahal ko ang mamaw na yon.
“Good,ang gusto kong gawin mo ngayon ay pumasok sa loob at magsaya,bukas natin pag usapan ang lahat,on how we can change the course of Venus’s plan,I smell something wrong kasi” sabi ni Paige at muli kaming bumalik sa acquaintance.
Kreyd’s Point of view
Nagising na lang ako sa init ng sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kwarto.
I dont remember na nakauwi ako? Ang huling natatandaan ko eh nahilo ako sa kotse ni Venus.
Venus? Shit!
Tiningnan ko ang hinihigaan ko. Damn! Katabi ko si Venus! Nasan ba ako? Hindi ko ito kwarto ah?!
Tiningnan ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot,pati si Venus tiningnan ko.
Ganun na lang ang kaba ko na pareho kaming walang saplot. Shit! Fuck! Anong nangyari? Anong ginawa ko? Agad akong bumalikwas ng bangon,nakita ko ang mga damit ko sa sahig at agad ko itong dinampot at nagmamadaling magbihis.
“Ganun lang yon Kreyd? Pagkatapos ng nangyari sa atin basta basta ka na lang aalis?”
Shit! Nagising sya. Mabuti na lang nakapag bihis na ako.
“Ano bang sinasabi mo Venus? Wala akong maalala,uuwi na ako” inis kong sabi. Tangina naman,pano ako napunta sa ganitong sitwasyon?
“How dare you! Pagkatapos ng nangyari sasabihin mo yan?!” galit na sabi ni Venus at ibinalabal sa katawan ang kumot. Napatingin ako sa kama. Shit! May stain ng dugo.
“A-ako ang n-nakauna sayo?” kinakabahan kong sabi,napalunok ako. Bakit ganun? Wala talaga akong maalala?
“Oo,at dapat panagutan mo ako Kreyd”
“What?! Nababaliw ka na ba?Hindi naman kita nabuntis! At wala akong matandaang may nangyari sa atin!” bulalas ko. Naiinis na ako,alam ko na kung san papunta ang lahat ng ito.
“What if magbunga Kreyd? Ikaw nakauna sa akin,ikaw nakakuha ng virginity ko! Kaya dapat akin ka na”
“Hindi pwede yang gusto mo Venus,hindi mo ako mapapaikot” buong tatag kong sabi,alam na alam ko na ang pinupunto nya.
“Okay then,sasabihin ko kay Dad na pinilit mo ako,makakarating to sa mga magulang mo,at lalo na sa buong angkan ng Montenegro, you have your choice,ang maging boyfriend kita at pakasalan mo ako sooner or ang kahihiyan mo at ng buong angkan mo,leave it or take it Kreyd,madali akong kausap” ani Venus habang pinupulat ang mga damit nya sa sahig.
Napabuntong hininga ako,mukhang na corner ako ni Venus,agad syang nakagawa ng kulungan para sa akin,ayaw ko din namang malugmok sa kahihiyan ang pamilya at angkan ko ng dahil sa akin,that would be too much.
“Bakit mo ito ginagawa Venus?” frustrated kong tanong,na para bang makakakuha ako ng paraan para matakasan ang lahat ng ito sa magiging sagot nya.
“Umpisa pa lang Kreyd sinabi ko na sayo,gusto kita”
- Vote and comment kung bet nyo :D short update? I know,ginawa ko lang to para mang inis! Chos! XD
Mamaw spix 19
Prue’s Point of view
Monday,excited akong pumasok,ewan,siguro dahil tanggap ko na nga na nagmamahal na ako at excited akong makita si Kreyd,nung after ng acquantance hindi ako nakatulog sa kakaisip nun,ganun pala kasarap ang pakiramdam pag inamin mo na sa sarili mo na nagmamahal ka na nga,at si Popoy? Sa palagay ko ay infatuation lang yung nararamdaman ko sa kanya,kasi kung mahal ko din sya,mahihirapan akong umamin sa sarili ko diba?
“Prue!” tawag sa akin habang naglalakad ako kaya huminto muna ako at nilingon ito,si Coop.
“Oy Coop! Musta?” sabi ko ng makalapit sya.
“Ito,ayos naman,tara sabay na tayo,para makapag review ng konti pagdating sa room” sagot nito ng magsimula na ulit kaming maglakad.
“Review? Bakit?” taka ko pang tanong.
“Hahaha! Nakalimutan mo bang next week na ang prelim? Ikaw talaga” anito.
Luh? Oo nga pala! Buti na lang pinaalala nya!Masyado kasi ako masyadong maraming iniisip eh.
“Oh.. May bagong boylet pala ang bakla” hindi ko na kailangang manghula kung sino iyon. Si Venus,kaya nilingon namin sya ni Coop only to find out na kasama nya si Kreyd at naka abrisyete pa ang bruha kay mamaw!
“Kreyd?” biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko,yung kaninang excitement ko na gusto ko syang makita ay parang unti unting naglalaho,parang alam ko na kung anong meron.
“Huwag ka na magtaka bakla,kami na ni Kreyd,and there’s nothing you can do about it,talo ka na,akin na sya”
“Venus!” suway ni Kreyd dito kaya tiningnan ko sya,wala akong makita at mabasa sa kanya,blangko ang ekspresyon nya. Muli ko na naman naramdaman yung pagkirot sa puso ko.
“Totoo ba?” tanong ko kay Kreyd,nanginginig ako at nangingilid na ang luha ko,ganito pala yon,ganito pala yon kasakit,kung kailan handa na ako ay bigla naman magkakaganito.
Tango lang ang isinagot ni Kreyd. Para akong hinampas ng latigo ng isang libong beses sa kumpirmasyon nya.
“See? So lumayo layo ka sa amin.” ani Venus.
Huminga ako ng malalim at saka tumalikod,pagkahakbang na pagkahakbang ng aking paa ay tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Nagmadali na akong pumunta sa bldg namin,pagkarating sa room ay agad akong naupo sa upuan ko at isinubsob ang ulo sa desk at dun lumuha ng lumuha. Wala akong pakialam kung naririnig nila ako,gusto ko lang umiyak at iiyak ang unang kabiguan ko sa pag ibig.
This is the worse day I ever had,ni hindi ako nag break at lunch,dahil ayokong makita sina Kreyd at Venus,ni hindi ako mapilit ng tropa kung anong nangyari,pero alam kong si Coop ang magkekwento sa kanila.
Nagagalit ako kay Kreyd,hindi sya nanindigan sa salita nya,akala ko ba mahal nya ako? Bakit ganun? Kung kailan okay na sa akin saka naman nag iba ang pangyayari?
Galit ako kay Venus for being such a bitch! That monster! Hindi nya talaga ako tatantanan hanggat hindi nya ako nakikitang nagdudusa?! Pwes,she got it all wrong,nakuha man nya si Kreyd ay hindi pa din ako papatalo sa kanya.
I decided to text Popoy na sya na ang sumundo sa akin,gusto kong may mapagsabihan ng hinanakit ko at si Popoy yon,hindi pa ako handang magsabi sa tropa,baka dahil sa akin mapahamak na naman sila.
Napa buntong hininga ako ng mag reply si Popoy,pumayag sya. Kaya nung dissmissal nagmamadali na akong umalis,diretso ang tingin ko,ayokong magpalinga linga sa paligid baka makita ko lang si Kreyd at Venus.
Pagkalabas sa campus ay napatigil ako,nastatwa ako sa kinatatayuan ko,umusbong ang matinding galit ko sa aking nakita.
Si Venus parang nilalandi si Popoy,at si Popoy hindi alam ang gagawin habang nakasandal sa family car namin. Kita ko kung pano gumapang ang kamay ni Venus mula sa dibdib ni Popoy pababa.
“VENUS!!!” sigaw ko na punompuno ng galit,nakuha na nya si Kreyd,pati si Popoy gusto nya din? Sobra na sya!
Gulat na napatingin sa akin ang mga tao lalo na si Venus,ng makalapit ako ay marahas ko syang hinablot at tinulak,sumalampak sya sa semento.
“Prue!!” napatingin ako,si Kreyd. Pwes,kakampihan nya yan? Magsama sila!
“Poy,tara na,uwi na tayo” aya ko kay Popoy at nauna ng sumakay sa kotse na nagngingitngit hanggang sa napaiyak na lang ako.
- Votes,comments and recommend kung nagustuhan :) HELLO daw sa inyong lahat sabi ni Venus :3
Mamaw spix 20
Prue’s POV
“Anong nangyari Prue?” Tanong ni Popoy habang nagdadrive,huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Kailan ko din naman ng outlet,ng mapaglalabasan ng bigat na nararamdaman ko.
“Si Kreyd at yung babaeng lumalandi sayo,sila na” tumulo na ang luha ko at pinabayaan ko lang ito. Itinigil ni Popoy ang kotse,ipinark sa isang tabi saka sya humarap sa akin.
“Pano nangyari yon? At saka,mahal mo na nga siguro si Kreyd kaya ka nagtatanong sakin nung nakaraan”
“Hindi ko din namalayan Poy,matagal ko na pala syang mahal” pag amin ko. Nakita ko kung paano gumuhit ang lungkot sa mukha ni Popoy pero wala akong lakas pa para alamin kung para saan yon. “Matagal na nyang sinabi na gusto nya ako,liligawan nya daw ako,ipinaalam pa nya kina Mama at Papa,tas kung kelan tanggap ko na sa sarili ko na mahal ko sya at kung kelan handa na din ako,saka sya tatalikod at malalaman kong sila na ni Venus!” dagdag ko pa at tuluyan ng napahagulhol. Shet naman eh,kung alam ko lang na ganito kasakit ang magmahal sana ay napigilan ko.
Naramdaman kong niyakap ako ni Popoy at humagod ang palad nya sa aking likuran. “Ang sakit pala Poy” sabi ko habang nakasubsob sa dibdib nya.
“Sshh. I know,naramdaman ko na din yan,but you should be strong,ipakita mo na hindi ikaw ang taong dapat sinasaktan,nandito lang ako palagi” pag aalo sakin ni Popoy. Somehow,I felt relieved na nailabas ko kahit papa ano yung burden na dinadala ko,kahit papano ay nabawasan.
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap sya,na nakatingin lang sa akin,parang nung nasa pool kami,I felt strange.
“Salamat Poy at lagi kang nandyan kahit noon pa,bakit ba ang bait mo sa akin?” I asked. He smiled and wiped my tears.
“Dahil mahal kita Prue,noon pa mang mga bata pa tayo mahal na kita,ikaw ang pinangarap ko,kaya nasasaktan akong makita na nasasaktan ka,you dont deserve that” nakatitig si Popoy sa aking mga mata ng sinabi nya ang mga salitang yon,I was dumbfounded,I dont know what to say and how to react.
Kreyd’s POV
“Sabihin nyo nga ulit sa akin ang dahilan bakit nakiki jam sa atin yang Higad na yan kasama ang dalawa nyang chimay?” dinig kong sabi ni Phoebe kay Paige,nandito kami sa Pool,gusto daw mag swimming ni Venus eh.
“Kasi nga,girlfriend na sya ni Mamaw” walang ganang sagot ni Paige. Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik ang atensyon kay Venus na masayang nakikipag kulitan kina Eudial at Lulu sa pool.
Kung pwede ko nga lang sabihin sa kanila ang totoong rason,na nacorner ako,napikot,nablackmail,sa madaling salita hawak sa leeg. Alam kong masama loob sa akin ng mga ito at pinagbigyan lang nila ako dahil nga sina Inay at Itay ang nag anyaya,gusto daw silang makilala na mga kaibigan ko. Si Artemis at Coop ay nanatiling tahimik,though alam kong hindi makakatiis si Art at mangungulit ito. Si Coop siguro iniisip nito na napaka wala kong kwenta,dahil sa harap nya mismo napaiyak ko si Prue. Haay! Ang bigat sa dibdib.
Mamaya dadating na sina Inay at Itay,sinundo sila ni Kuya Khyron at panigurado pag nalaman nilang hindi si Prue ang naging kasintahan ko ay magtataka ng labis ang mga ito.
“Akala ko may paninindigan ang mga Montenegro tulad nina kuya Dex,kuya Kurt at kuya Ian? Bakit may isang nalihis?” napalingon kami sa nagsalita,si Philip kakadating lang.
Hindi na lang ako sumagot. Wala din namang saysay diba? Panigurado pagkatapos nito hindi na ako papansinin ng mga ito.
“What made you change your mind?” tanong ni Philip ng tumabi sa akin.
“Tol not now” pakiusap ko.
“Pag handa ka na magpaliwanag tol nandito lang kami,but for now sunduin ko na mga kakambal ko,may gathering sa bahay at nasa kotse pa si Krista,paki sabi na lang kina Tito’t tita pati kuya Khyron pasensya at next time na lang” mahabang sabi ni Philip,nagbeso sa akin si Piper at Phoebe.
“Wait! May date pala kami ni Janssen! Uwi na din ako” habol ni Paige at bumaling sakin “Kreyd pasensya na,next time na lang”
“Ako din pala bro pasensya na ha? Paige wait for me” segunda ni Coop.
“Hatid ko lang sila sa gate” ani Art. Wala akong magawa kundi ang sundan lang sila ng tingin.
“Oh honey nasan na mga kaibigan mo?” ani Venus ng makalapit sa akin at nag suot ng robe,kasunod nya sina Lulu at Eudial.
“Umuwi na,may mga importante daw na gagawin” sagot kong walang ka emo-emosyon,pano ko ba masosulusyunan ang problemang ito? Ugh! Damn it!
“Kayo what time kayo uuwi?” walang gana kong sabi,gusto ko na magpahinga para makapag isip ng matino.
“Pinapauwi mo na ba kami? Diba dadating pa parents mo pati mga cousins mo? We want to meet the Montenegro’s” sabi ni Venus at nakipag apir pa sa dalawa.
This girl is really a bitch,hindi pa din ako makapaniwala na napaikot nya ako,but that wont be long,gagawa ako ng paraan. I wont just sit here at hayaang masira ang buhay ko without Prue. I’ll find a way,I know there is.
Dito na rin sa bahay nagdinner sina Venus,Eudial at Lulu,taka ko lang bakit wala pa sina Kuya? Baka may dinaanan pa siguro. At ng makauwi na ang tatlo. Nakatanggap ako ng text mula kay Popoy na talagang lubos kong ikinatakot at ikinabahala.
Mamaw spix 21
Kreyd’s POV
“This is the last time na masasaktan mo pa si Prue,hindi ko na hahayaang makalapit ka pa sa kanya,akin na sya ngayon”
Yan ang sabi sa text ni Popoy.
Shit! Pano ko hinayaang mangyari to? Damn! Pero ano nga bang magagawa ko? Ipipilit ko pa ba ang sarili ko? Alam naman naming lahat na gusto ni Prue si Popoy,ni hindi ko nga alam kung anong nararamdaman ni Prue para sa akin,pero may pakiramdam naman akong mahal nya ako,yon ang pinanghahawakan ko dati.
Dati.
Ngayon hindi na,bakit ko ba nararanasan ang lahat ng ito? Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko,ang mahal ko ay mapupunta na sa kamay ng iba,at ako? Ito,hindi makawala sa kulungang ginawa ni Venus para sa akin.
May pwede akong magawa sa tutuusin,pero may kaukulang kapalit. Ang kaligayahan ko o ang kahihiyan ng pamilya ko?
“Napapadalas ang pag iisip mo ng malalim ah?”
“Kuya! Inay at Itay!” agad akong lumapit at nagmano sa mga magulang ko.
“Kamusta ho ang bakasyon?” tanong ko habang kinukuha ang mga maleta nila,si kuya dumeretso sa dining hall.
“Nako anak! Para kaming bumalik sa pagkabata!” masayang sagot ni Inay at nagsimula na kaming umakyat papunta sa kwarto nila.
“Masaya kami at pinagbakasyon kami ng mga pinsan mo” sabi naman ni Itay.
“Mabuti naman ho kung ganon,bakit nga po pala kayo natagalan?” pagkuway sabi ko ng nasa tapat na kami ng silid nila.
“Dumaan na kasi kami sa isang kainan at dun kumain” sagot ni Itay. “May problema ba anak?” pagkuway dugtong nito.
“Po? Wala po,magpahinga na po kayo Nay,Tay” sabi ko na lang at niyakap silang dalawa,muli akong bumaba at tinungo ang living room,pasalampak na nahiga sa sofa,kinuha ang phone sa bulsa at binasa ng paulit ulit ang text ni Popoy.
Bakit tayo nagkaganito Prue? Hindi pa nga tayo nagsisimula?
Pumatak ang luha ko at hindi ko na inabalang pahirin ito.
Prue’s POV
One week na ang nakalipas,naka survive naman ako,lagi nandyan si Popoy at ang tropa eh. Mula ng aminin ni Popoy ang nararamdaman nya para sa akin lalo kami naging malapit sa isa’t isa,lalo sya naging sweet na nagpapatuwa at nagpapakilig sa akin,pero hanggang don lang yon,kasi ang puso ko,si Kreyd pa din ang hinahanap hanap.
Pag nasa school ay ako na umiiwas pag nakikita ko na sila sa malayo,minsan pa nagtangka si Kreyd na kausapin ako pero hindi ko sya binibigyan ng pagkakataon.
May pagkakataon din na si Venus lang ang nakikita ko,at titingnan nya ako mula ulo hanggang paa,as if she was saying na sya ang nanalo.
Monster! Alam kong may ginawang kakaiba ang bruhilda na yan eh. Malalaman ko din yan sooner. Kung haharapin ko sya dapat handa ako. Napakalandi nya,nung isang araw sinabi sa akin ni Popoy na pinuntahan daw sya ni Venus sa school nya at niyayaya sya mag date.
Duh? Pano nya nagagawa yon? May Kreyd na sya ah? Pati si Popoy kukunin nya sa akin? Nananadya talaga sya. Pero hintayin lang nya akong mapuno sa kanya.
Ito nga,nasa school na ako at katatapos lang ng Prelim namin,pakiramdam ko lalo ako na drained. Nauna ng lumabas ang tropa,sabi ko hintayin na lang ako sa parking.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumunta ako sa college nina Kreyd,ewan,gusto ko siguro sya makita? Kahit sulyap lang.
I was about to turn right ng may madinig akong nag uusap,nakilala ko agad kung sino ang mga ito. Nasa CR sila ng girls.
“Girl ano ba plano mo talaga? You have Kreyd,tas pati yung kababata ni Prue gusto mo din?” boses ni Eudial.
“Oh girls simple lang,I dont really like Kreyd, pera ng mga Montenegro gusto ko,pag nakasal kami,magiging akin yon” sagot ni Venus.
“Oh youre so bad,how about yung kababata ni Prue?” boses ni Lulu.
“Oh that? Damn he is so hot! I want him,Hindi ko na mahintay na pasukin nya ako” sagot ulit ni Venus. Sa mga naririnig ko parang lumolobo ang ulo ko,ang lakas ng pintig ng puso ko.
“Pano mo ba na corner si Kreyd? I must admit,talagang sobrang yaman nga ng mga Montenegro” sabi pa ni Lulu.
“Akala nya sya naka divirginize sa akin,when infact wala talaga nangyari sa amin,yung blood stain sa kama nilagay ko lang yon,and I blackmail him na sasabihin kong pinilit nya ako at isusumbong kay Dad at sa pamilya nya,syempre kahihiyan yon ng Montenegro clan” sagot ulit ni Venus at humagikgik pa. Hindi na ako nakatiis. Binuksan ko ang pinto ng CR,nagulat sila,at wala pang isang minuto ay nahablot ko ang buhok ni Venus at kinaladkad sya palabas,nakita ito ng mga estudyante pati ni Kreyd.
“Napakasama mo! Napaka mukhang pera mo!” at itinulak ko sya pabalibag,lalapit sana yung mga alipores nya pero inambahan ko agad kaya si Venus na lang ang nilapitan nila.
“Prue?” tawag ni Art sakin.
“Bakit mo yon ginawa?” tanong ni Kreyd.
“Inggitera ang baklang yan! Hindi nya matanggap na akin ka na!” kunyaring umiiyak na sabi ni Venus. Magpapa awa pa?
“Please bitch! You cant play your dirty games with us anymore! Narinig ko ang mga pinag usapan nyo at naka record iyon dito” nilabas ko ang phone ko,pero ang totoo hindi ko talaga narecord,pwede namang magsinungaling diba?
Kita ko kung pano namutla ang tatlong impakta.
“At ayon sa mga sinabi mo sa record na ito,pwedeng pwede ka na makasuhan Venus,pati yang dalawa mong muchacha” pananakot ko pa. Punumpuno na kasi ako eh.
“Fag! Give me that!” ani Venus pero umiwas agad ako. Ganun na lang ang gulat ko ng sabay kaming hawakan nh Kreyd at kaladkadin.
“Teka Kreyd! San tayo pupunta?” ani Venus.
“Sa mga magulang mo at aaminin mo ang kabulastugang ginawa mo” sagot ni Kreyd na patuloy pa din kaming hinihila,nagtitinginan na ang ibang mga estudyante.
“No way! Ayoko! Ipapatapon nila ako sa probinsya!” pagpalag ni Venus pero malakas talaga si Kreyd.
“At bakit pati ako kasama?” sabi ko na nagpapatianod lang.
“Dahil I need you there” sagot nito at natahimik ako.
“Sakay!” ani Kreyd ng nasa tapat na kami ng kotse nya,biglang kumulog ng malakas at bumuhos ang ulan. No choice kundi ang sumakay na.
Ilang saglit pa at umalis na kami sa school,lahat kami tahimik. Natatakot ako sa paraan ng pagmamaneho ni Kreyd.
“Hoy mamaw! Ayusin mo ang pagdadrive” sabi ko. Umayos naman sya. At naging payapa na ulit ang takbo namin.
Sa pagliko namin sa isang intersection ay hindi inaasahan ang nangyari,maliwanag na ilaw at tunog ng makina na papalapit sa amin ang natatandaan ko,pati ang pagsigaw ni Venus. Pagkatapos nun nagdilim na ang lahat.
Ng magising ako madilim parin,pero nadidinig kong tinatawag ako ni Kreyd,ngunit hindi ko maimulat ang mga mata ko,mahapdi,parang may mga tumutusok at nararamdaman ko ang mainit na likidong lumalabas sa mga mata ko,alam kong hindi luha iyon.
“Prue?! Prue?! Oh my God! Prue?!” dinig ko ang tarantang boses ni Kreyd at ang pagbuhat sa akin,nanghihina na ako,kasunod nun ay ang pagtahimik ng buong paligid.
- Votes,comments and recommend kung nagustuhan! Utang na loob,sana wala ng mamaw! Magkoment kayo hahaha!
Mamaw spix 22
Kreyd’s POV
Mabilis kong kinabig ang manibela ng sabihin ni Venus na may sasakyan papunta sa amin ngunit huli na ang lahat,maingay na tunog ng makina at bakal ang tangi kong narinig at parang namanhid na ang katawan ko at nagdilim ang paligid.
Ng magising ako ay sobrang sakit ng ulo at buong katawan ko,nandito pa din kami sa kotse,nakita kong duguan si Prue at Venus,agad akong lumabas ng kotse kahit hirap na hirap na ako,mabuti at marami pa namang mababaet na tao,tinulungan nila ako,dahan dahan nilang nailabas si Venus. Tiningnan ko si Prue. Ang daming dugo sa mga mata nya.
Shit! Kasalanan ko ito.
“Prue?! Prue?! Oh my God! Prue?!” ngunit walang tugon mula sa kanya,nakaramdam ako ng matinding takot at kilabot,dahan dahan ko syang binuhat palayo sa kotse pero mahina pa din ako kaya bumagsak kami sa kalsada.
Naglapitan ang mga tao sa amin,may nakita din akong mga nurse,ang huling natatandaan ko ay nakita kong pinasok sa ambulansya sina Prue at Venus bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
Ng muli akong magising ay alam kong nasa ospital na ako,may nakatusok na sa aking dextrose,puro sugat ang mga braso ko at masakit ang ulo ko,ng hawakan ko eh may benda na.
“Nay,tay” pagtawag pansin ko habang pinipilit na makaupo.
“Wala sila,nasa bahay,kumukuha ng damit” sagot ni kuya Khyron at agad akong inalalayan.
“Kuya,nasan sina Prue at Venus?” tanong ko ng makaupo at makasandal na,parang ngayon ko lang nararamdaman ang sakit ng buo kong katawan.
“Si Venus,dead on arrival na ng dalhin dito,malakas naging impact sa kanya ng mabunggo kayo,huwag kang mag alala nakausap ko na mga magulang nila at tanggap nilang aksidente yon since marami namang nakakita na kayo mismo ang binunggo” mahabang sagot ni Kuya Khyron
Nanghina ako sa nalaman ko,ako ang dahilan bakit namatay si Venus at habang buhay akong uusigin ng konsensya ko.
“Kasalanan ko ito eh” naiiyak ko ng sabi. Ang bigat kasi sa dibdib na may nawalang buhay dahil sayo.
“Wala kang kasalanan tol,aksidente ang nangyari at aminado ang driver ng truck na nakainum sya,sinampahan sya ng kaso at ang kumpanyang pinagtatrabahuhan nya ng mga mggulang ni Venus” pagpapakalma sa akin ni Kuya.
“S-si P-prue?” humihikbi ko ng sabi,ang bigat kasi talaga sa dibdib,ngayon pa lang talaga ata ako umiyak simula ng mag binata ako.
Matagal na tumahimik si Kuya,nakatingin sa akin,na parang tinatanya kung sasabihin ba nya o hindi,kinabahan ako sa ekspresyon ng mukha ni kuya.
“Ayos naman sya,kaya lang..”
“Kaya lang ano kuya?! Pwede ko ba sya makita? Dalhin mo ako sa kanya” sabi ko at akmang tatayo sa hospital bed pero agad akong napigilan ni kuya.
“No! Hindi mo na sya pwedeng makita”
Pakiramdam ko nanigas ang buo kong katawan ng sabihin iyon ni kuya Khyron.
“Ha? P-pero b-bakit?” taka kong tanong.
“Nagalit sayo sina Tito at Tita,and they want you out of Prue’s life,wala kaming magawa nina Inay at Itay.. Nabulag si Prue,madaming bubog ang tumusok sa kanyang mga mata,ikaw ang sinisisi nila tol” paliwanag ni Kuya.
Sa mga sinabi ni kuya ay natulala ako,nablangko ang isipan ko,parang tumigil pa nga sa pag function..
Napayuko ako,tama nga sila,kasalanan ko ang lahat ng ito. Sana ako na lang ang nabulag at namatay.
Prue’s POV
“ma? Pa?” pagtawag pansin ko. Nadidinig ko ang boses nila pero wala akong makita,madilim ang lahat. Ang huling natatandaan ko ng mabangga kami ay tinatawag ako ni Kreyd,pinipilit ko nun dumilat ngunit mahapdi at masakit ang mga mata ko nun na parang may mga maliliit na tumutusok sa loob hanggang sa tuluyan na nga akong walang narinig.
Pero bakit ngayon gising na ako? Hindi na masakit ang mata ko,bakit madilim pa din ang lahat?
“Ma? Pa? Nasan po kayo? Bakit ang dilim? Bakit wala ako makita?” naramdaman kong may yumakap sa akin,naamoy ko ito,si Mama,at may humawak naman sa isang kamay ko.
“Bakit hindi kayo sumasagot Ma? Pa? Nasan si Kreyd? Pati si Venus?”
“Anak,wala na si Venus,hindi na sya umabot sa ospital,at si Kreyd.. Ligtas na sya,pero hindi na kayo pwedeng magkita o magsama” boses iyon ni Papa. Kinilabutan ako. Namatay si Venus?
“P-pero Ma,Pa” pag protesta ko pa sana.
“No Buts anak,its the best for you” mahinahong sabi ni mama,nanlambot ako. Bakit kailangan may mamatay? At bakit kailangan hindi na kami magkita o mag usap ni Kreyd? Diba pumayag na silang ligawan ako ni Kreyd? Bakit ganun?
“Pero Ma,Pa mahal ko po si Kreyd” sabi ko pa,kahit hindi ako sigurado kung anong reaksyon nila.
“Paano mong mamahalin ang taong dahilan ng pagkabulag mo?” sabi ni Papa. Para itong nagpaulit ulit sa aking pandinig. Hindi ako nakakibo.
“B-bulag a-ko?” pano na ako makakapag aral? Pano ko na makikita ang mga magulang at kaibigan ko? Pano na? Hindi ko na makikita ang gwapo at maamong mukha ni Kreyd at ni Popoy? Pano na ang kinabukasan ko? Paano na?
“Tito,tita” kilala ko ang boses kaya agad kong tinawag ito.
“Poy!” umiiyak ko ng sabi,ilang saglit pa naramdaman ko na ang isang mabining yakap.
“Everything will be alright,nandito lang ako, ako ang magiging mata mo Prue” bulong sa akin ni Popoy,ang salitang iyon ay gumapang papunta sa aking puso.
“Nasan si Pinsan?” bumitaw sa yakap si Popoy,kilala ko yung boses na yon,si Janssen. Nadidinig ko ding kinakausap nina Papa at Mama si kuya Pao,na parang nagbibilin na bantayan muna ako habang nasa trabaho sila.
“Pinsan,nandito lang ako” sabi ni Janssen at hinawakan ang kamay ko,kahit naman makulit to eh mahal namin ang bawat isa.
“Salamat Poy,kuya Pao at Janssen” sabi ko at muling natahimik. Ano na ngayon ang susunod na mangyayari? Ano na mangyayari sa buhay ko?
Ilang araw din ako nananatili sa ospital bago idischarged,lagi din ako dinadalaw ng tropa,pero ewan,mula ng malaman kong hindi na kami pwede mag usap ni Kreyd at malaman ko ding bulag ako,nawalan na ako ng gana,nawala ang jive ko para magpatuloy mabuhay.
Ang sabi ni Coop at Art dito din sa ospital na to naka confine si Kreyd,ang mga paa daw nya ang may pinsala kaya nga daw himalang nabuhat daw nya ako at nailayo sa kotse. Ngayon napatunayan ko sa sarili ko kung gaano ako kamahal ni Kreyd,sadyang naging mahina lang ako,hindi nyo naman ako masisisi,ngayon lang ako nagmahal. At ipinapangako ko,pag ako’y nakakita na ulit,hindi ko sasayangin ang pagkakataon at papatunayan ko kay Kreyd at sa lahat kung gaano ko sya kamahal.
Ng madischarge na ako sa ospital ay pinanindigan ni Popoy ang lahat ng sinabi nya,hindi nya ako iniwan at pinabayaan,sya ang nagsilbing mga mata ko. Ayaw ko mang aminin pero mukhang nasasanay na ako sa kadiliman.
“Poy hindi ka ba napapagod?” tanong ko kay Popoy habang tinutulak nya ang wheelchair ko,naaamoy ko ang mga bulaklak,nandito siguro kami sa garden.
“Napapagod saan?” balik tanong nya sa akin.
“Sa pag aalaga sa akin,baka hindi ka na nakakapag aral dahil sa akin” sagot ko naman.. Inihinto nya ang pagtulak,naramdaman kong lumuhod sya sa harapan ko at hinaplos ng palad nya ang pisngi ko.
“Hinding hindi ako mapapagod alagaan ka Prue,tulad ng hindi ko pagkapagod sa pagmamahal ko sa iyo,alam kong si Kreyd ang mahal mo pero sana hayaan mo akong iparamdam sayo ang pagmamahal ko,sa paraang ito nagiging masaya ako Prue,ikaw ang kasiyahan ko,kung sana pwedeng ang mga mata ko na lang ang nabulag at hindi ang sa iyo edi sana nakikita mo pa ang kagandahan ng mundo” mahaba at madamdaming sabi ni Popoy. Hindi ko tuloy alam kung sasagot ako o huwag na lang.
Sa pagbanggit nya kay Kreyd naalala ko na naman si Mamaw. Haaay! Kelan kaya kami makakapag usap ng isang iyon,hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
“Poy,pwedeng humingi ng favor”
“Kung tungkol kay Kreyd yan,Pasensya,hindi kita matutulungan” matigas na ang boses na sabi ni Popoy. Parang lalo tuloy ako nawalan ng pag asa. Parang nakakasakal na yung ginagawa nila sakin,pano nila nasabing ito ang best para sa akin?
Nagulat na lang ako ng maramdaman ang palad ni Popoy sa mukha ko.
“Huwag ka ng umiyak Prue,sige gagawa tayo ng paraan” malambing nyang sabi at niyakap ako,hindi ko man lang namalayan na naiyak na pala ako nun.
“Salamat Poy”
- Vote and Comments if you like.Bawal ang Mamaw haha :D
Mamaw spix 23
Kreyd’s Pov
Tatlong linggo na akong pabalik balik kina Prue,tatlong linggong walang tulog,tatlong linggong nagbabakasakali na pagbigyan ako nina Tito at Tita na makausap si Prue pero hindi nila ako pinagbibigyan.
Natatakot ako,lalo na pag naiisip ko na si Popoy ang nasa tabi nya at nag aalaga sa kanya imbis na ako. Natatakot akong mawala na sa akin ng tuluyan si Prue. Pero ayokong pang hinaan ng loob.
Ilang beses din ako nagpabalik balik sa doctor nila para magtanong kung posible pang makakita si Prue,nabuhayan ako ng loob ng sabihin nito na malaki pa ang tsansa ni Prue makakita kung ma o-operahan sya. Nakapag desisyon na ako,kung wala silang mahahanap na donor ay ako ang magpepresinta,dibale ng hindi ako makakita,bastat makita lang ulit ni Prue ang ganda ng daigdig,basta kung sakaling magiging kanya na ang mga mata ko pag nagkataon ay magiging masaya na ako.
Pagod ang katawang sumalampak ako sa sofa,kakagaling ko lang kina Prue at muli hindi nila ako pinagbigyang makita sya. Nagbanta pa sa akin si Popoy, how can he be so selfish?
Pumikit ako,wala na ako pakialam kahit dito ako sa sofa makatulog,sobrang pagod na din kasi ako.
“Matutulog ka ba dyan o kakausapin mo kami?” agad akong napadilat dahil sa pamilyar na boses.
“Kuya Page! Kuya Ian!” sabi ko at agad tumayo at niyakap silang dalawa. Matagal tagal ko na din sila hindi nakikita.
Naupo uli kami.
“Nakwento ni Khyron samin ang mga nangyayari sayo at kay Prue” sabi ni kuya Ian,kaya nilingon ko si kuya Khyron at pinanlakihan ng mata,close talaga sya kay kuya Page,syempre magpinsan,kahit hindi naman sa dugo eh magpinsan pa din ang turingan.
“Wala na ako ibang maisip na paraan eh,kundi ang tawagan sila” pag depensa ni kuya Khyron.
“Nababahala na sina Tito at Tita sayo,alam na namin ang buong detalye” sabi ni kuya Page.
“Ewan kuya,nahihirapan na ako,pero ayokong sumuko. Kaya lang hindi ko matanggap sa sarili ko na ako ang dahilan ng pagka bulag ni Prue” sabi ko naman,bakas sa aking pananalita ang paghihirap.
“Palamigin muna natin ang sitwasyon,alam nating lahat na mababaet ang mga magulang ni Prue,masama lang talaga ang loob nila Kreyd” puno ng pag unawang sabi ni Kuya Page at hinawakan ang mga kamay ko.
“Pagsubok lang yan,mapapatawad ka din ng mga iyon,ipakita mo na hindi ka susuko,at saka tandaan mo,aksidente ang nangyari kaya wag mong sisihin ang sarili mo, dumaan na kami sa iba’t ibang klase ng hirap bago kami humantong sa ganito Kreyd,ang tangi mong susi ay ang hindi pagsuko” dagdag naman ni kuya Ian. Tama sya,sila ng mga pinsan naming kuya Dex at kuya Kurt dumaan sa mga matinding pagsubok pero hindi sila sumuko.
Lalo lumakas ang loob ko na hindi talaga ako susuko,ipapakita ko sa lahat kung gaano ko kamahal si Prue.
“Salamat mga kuya” sincere kong sabi sa kanilang tatlo.
Papasok na ako sa school ng makatanggap ako ng text galing kay Popoy.
‘Meet me at the Park - Popoy’
Agad akong umalis ng bahay,nagcommute lang ako since hindi pa ako ulit pwedeng magdrive dahil nga sa injury sakin. Malakas ang pakiramdam kong may kinalaman to kay Prue,bahala ng mag ditch ako ng klase,basta para kay Prue ay ayos lang. Hindi ako mapakali sa byahe. Palinga linga ako,until finally nakita ko din ang Park, ang Park na pinaka sikat dito sa lugar namin.
Agad na akong pumara at tinungo ang park,wala pa masyadong tao dahil alas otso pa lang ng umaga. Agad na hinanap ng aking mga mata si Popoy.
At nakita ko sya sa lilim ng isang puno..Kasama ang buhay ko,kasama ang taong dahilan ng bawat pag pintig ng puso ko,.
Si Prue.
Hindi ko napigilan ang sarili ko,mabilis na tumulo ang mga luha ko at sa isang iglap ay yakap yakap ko na sya.
“M-mamaw??” anito,hindi ako sumagot,bagkus hinigpitan ko ang yakap sa kanya at bumulong.
“Mahal na mahal kita Prue,patawarin mo ako dahil sa akin nabulag ka” lumuluha kong bulong.
“May 30minutes kayo para makapag usap tol,baka kasi hanapin sya eh,iwanan ko muna kayo” ani Popoy, kaya kumalas ako sa pagkaka yakap kay Prue at hinarap si Popoy.
“Salamat tol,salamat sa lahat lahat,patawad na din” sabi ko. Kita kong namumula na din ang mga mata nito,nagbabadya din ng matinding emosyon.
“Wala yon,para kay Prue gagawin ko lahat para sumaya sya,mahal ko sya pero ikaw ang mahal nya at tanggap ko iyon” sagot nito at pumatak na din ang luha nya. Bilang kaibigan ay niyakap ko din sya. “Salamat tol” sabi ko at kumalas na.
Ngumiti lang ito at umalis na,muli kong nilapitan si Prue na naka wheelchair at niyakap ulit.
“mahal na mahal kita Prue,handa akong ibigay sayo ang mga mata ko para makakita ka ulit”
“Totoo ba xung sinabi mo?” anito na yumakap na din,ramdam kong umiiyak na din sya.
“Oo,kahit hindi na ako makakita basta makakita ka,ganun kita kamahal,sobra sobra” sagot ko naman. Bigla nya ako kinurugan.
“Aray! Bakit?” reklamo ko sabay kamot sa ulo.
“Hindi yon ang ibig kong sabihin,ang tinatanong ko kung totoo eh yung,kung m-mahal–”
“Oo mahal kita! Mahal na mahal!” agad kong putol sa sinabi nya at hinalikan sya ng mabilisan.
“Kreyd,mahal din kita,mahal na mahal noon pa” sagot nya sa akin,sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko ulit sya. Ang sarap pala sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo.
“Pero sana,huwag mong sukuan ang panunuyo kina Mama at Papa,at magtiis din muna tayo na hindi nakakapag usap” malungkot nyang sabi,maging ako nalungkot. Pero diba nga hindi talaga ako susuko?
“Oo Prue,hindi ako titigil at susuko”
Tatlong araw pagkatapos ng pag uusap namin ni Prue ay para akong nabuhay ulit,napansin yon ng lahat,lalo pa ngayon na nagmamadali akong umuwi para makausap ulit ang mga magulang ni Prue.
“Tol nagmamadali ka ata?” puna ni Art ng naglalakad kami palabas ng campus.
“Nandun daw ngayon kina Prue sina Coop,nandun mga parents ni Prue at gusto ko ulit sila makausap” nakangiti kong sagot.
“Ganun ba? Tara sama ako,gusto ko din makita si Prudencio,ayon oh may jeep! Tara na!”
Agad kaming sumakay,panay ang dasal ko na sana ngayon kausapin na ako nina Tito at Tita.
Ng makarating dun ay agad nag doorbell si Art,pinagbuksan kami ng katulong,namukhaan ako nito kaya nag alangan ito.
“Sir hindi po kayo pwedeng pumasok” nahihiyang sabi nito.
“Ganun ba? Sige si Artemis na lang ang papasok,pero pakisabi kina Tito at Tita na nandito ako sa labas” sagot ko at tinanguan si Art para pumasok na.
“Sige po” anito at magkasunod silang pumasok ni Art sa loob,habang ako ay naiwan dito sa loob. Magdadalawampung minuto na akong naghihintay ng bumukas ang maliit na gate,lumabas sina Tito at Tita.
“Ilang beses ba namin sasabihin sayo na huwag ka ng pupunta dito? Matigas din ang ulo mong bata ka” seryosong sabi ni Tito,samantalang si Tita ay nakatingin lang sa akin.
Agad akong lumuhod sa harapan nila,wala na akong pakialam kung may ibang makakita. Para kay Prue ito,para sa pagmamahal ko sa kanya.
“Anong ginagawa mo? Tumayo ka dyan!” ani Tito.
“Patawarin nyo po ako,alam kong hanggang ngayon ay galit pa din kayo sa akin dahil ako ang dahilan ng pagka bulag ni Prue,pero handa po akong magsakripisyo,mahal na mahal ko po si Prue at handa akong ibigay sa kanya ang aking mga mata” sabi ko habang nakayuko at nakaluhod,tumulo na ang luha ko at hindi ko ito pinigilan “Hindi ko po kayang mawalay kay Prue,at nasasaktan din po ako sa nakikita kong kalagayan nya,alam ko pong hindi sapat ang pagbibigay ko sana ng aking mga mata para mabayaran ang kasalanan ko,pero kahit paulit ulit ko pong sabihin sa inyo at sa lahat ng tao, gagawin ko iyon dahil mahal na mahal ko si Prue” pagpapatuloy ko at hinayaan ko ng lumabas ang pinipigilan kong paghikbi. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin,sapat na siguro iyon.
“Kreyd tumayo ka dyan” boses iyon ni Tita,agad nga akong tumayo ngunit hindi ko pinahiran ang aking mga luha.
“You really love our son that much?” ani tito.Mabilis akong tumango.
“Matagal ka na naming napatawad,at dahil napatunayan mong mahal mo ang aming anak,pwede mo na ulit sya makita at maka usap” ani tito. “Patawarin mo din kami ijo at nagmatigas kami” dagdag nito.
“Wala po yon,naiintindihan ko po kayo” agad ko namang sagot,pakiramdam ko nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib.
“Hindi mo kailangan ibigay ang mga mata mo sa kanya ijo” ani tita.
“Po? Bakit po?” taka kong tanong.
“You’ll know one of these day,pwede mo sya makita at makausap,but not now,alam naming pagod ka rin sa ilang linggong pagpupuyat at pagbalik dito,magpahinga ka na at umuwi” sabi ni Tito. Wala akong nagawa kundi ang tumango kahit gustong gusto ko na makita ulit si Prue. Siguro tama sila,kailangan ko muna magpahinga,babalik na lang ako bukas.
Ang mahalaga,ayos na ang lahat.
- Votes and comments po if you want :3 haaay! Ang bigat ng dibdib ko sa Part 1 ng Grand Finale ng PEDESTAL ni Sir Joemar Ancheta :/
HAPPY FATHERS DAY SA LAHAT! :)
Mamaw spix 24
Kreyd’s Pov
Today is the last day of class,sembreak na kasi. Excited na akong makauwi at puntahan si Prue,diba nga sabi nina Tito at Tita bumalik na lang ako? At ngayon yon!
“Excited?” ani Artemis habang inaayos nya ang sariling gamit at ganun din naman ako.
“Oo naman tol,sobra!” naka ngiti kong sabi. Totoo naman,hindi ko maipaliwanag yung pagka excite ko.
“Sa bagay,sa dami ng pinagdaanan nyo eh,naiintindihan ko pagiging excited mo, nga pala balita ko dumating daw kapatid ni Venus at gusto ka makausap” ani Art. “tara na” dagdag pa nito at lumabas na kami.
“Kapatid? Hindi ko alam na may kapatid sya,kausapin ko sya pag sobrang ayos na ang lahat,sa totoo lang kahit pinatawad ako ng mga magulang ni Venus hindi pa din mawala sa akin yung guilt tol” sabi ko habang naglalakad kami sa hallway.
“Alam nating lahat na aksidente yon, mabuti pa sigurong huwag na nating pag usapan yon,pati ako bumibigat pakiramdam eh,ang gago ko inopen up ko pa” sabi naman nya. Nginitian ko lang si Art at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas ng bldg namin.
“Nasan sila? Hindi ko sila nakikita mula kanina” tanong ko kay Art patungkol sa tropa.
“Mga absent,hindi naman nagbigay ng reason,pati si Coop hindi din daw sinabi sa kanya ni Phoebe ang dahilan ng pag absent nung tatlo” sagot ni Art.
“Eh nasan si Coop?” tanong ko ulit,malapit na kami sa parking lot ng school.
“maaga ata umuwi”
Sakin ko na pinasabay si Art,hinatid ko muna sya sa kanila bago ako umuwi at nagbihis. Pagkatapos magbihis ay umalis din agad ako papunta kina Prue.
Nakaka ilang doorbell na ako ng may lumabas mula sa maliit na gate, si Manang! Ang nanay ni Popoy..
“Oh Kreyd! Kamusta? Naku nahuli ka ng dating” anito ng tuluyang makalabas. Napakurap pa ako ng ilang beses kasi hindi ko na gets yung sinabi.
“Po? Anong ibig mong sabihin Manang?” taka kong tanong,bigla naman lumabas din mula sa maliit na gate si Popoy. “Poy” pagbati ko dito.
“Naka alis na sila tol papuntang america,5days from now o-operahan na si Prue, may nahanap kasi silang donor” si Popoy na ang sumagot ng tanong ko.
Nanlambot ako bigla. Bakit ganun? Wala man lang nagsabi sa akin?
“Kung ako sayo,kesa tumunganga ka dyan eh sundan mo na,alam kong kailangan ka ni Prue doon” sabi ni Popoy ng manahimik ako.
Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yon?
“Ano bang address nila dun? Anong hospital?” sabi ko naman. Ibinigay ito sa akin ni Popoy. Agad akong umuwi at nag internet,nagpabook ng flight,swerte kinabukasan meron agad flight kaya naghanda na ako ng mga gamit ko.
Ng matapos makapag impake ay bumaba ako,nasa dining sina Inay at Itay mukhang nagmemeryenda kaya lumapit ako.
“Nay,Tay” pagtawag pansin ko sa kanila.
“Oh Kreyd? Hinahanap mo ba kuya Khyron mo? Nasa trabaho pa” sabi ni Itay.
“Tara anak,saluhan mo kami” paanyaya naman ni Inay.
“Gusto ko lang po magpaalam na aalis ako Nay at Tay” panimula ko at umupo na din.
“San ka pupunta anak?”
“Sa america po, 5days from now o-operahan na sa mata si Prue at susunod ako dun,bukas po ang alis ko Nay at Tay” magalang kong sagot sa kanila.
“Sinusuportahan ka namin anak,alam naman namin kung gaano mo kamahal si Prue” nakangiting sabi ni Inay.
“Ang totoo nyan anak,proud kami sayo, tingnan mo ang sarili mo,mula sa pagiging makulit at pasaway nag mature ka na,kaya mo ng hawakan ang mga sitwasyon at indahin ang sakit at mga pagsubok” sabi pa ni Itay,pakiramdam ko hinaplos ang puso ko dahil dun.
“Lumaki kang isang mabuting tao anak,panigurado kung nasaan man ang mga magulang mo,masaya at proud din sila sa iyo” sabi naman ni Inay. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo para yakapin silang dalawa.
“Salamat po Nay,Tay” sabi ko habang nakayakap sa kanila.
“Ikaw ang nagbigay kulay sa buhay naming lahat anak,noong wala ka pa,napaka salbahe ng kuya Khyron mo sa mga kapwa nya bata,pero yung araw na dumating ka kasama ni Page,nagbago na ang lahat” sabi pa ni Itay. Wala ako masabi. Kung gano sila ka proud sa akin ganun din ako ka proud para sa kanila.
Kinabukasan ready na ako sa pag alis, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko, kaba dahil ito ang unang pagkakataon na aalis ako papuntang malayo at sa America pa! Excitement,dahil finally,makikita at masasamahan ko na si Prue.
Ng nag take off na ang eroplano hindi ko mapigilan mapangiti,ganito pala ang pakiramdam ng nakasakay sa eroplano. Pumikit na muna ako para maka idlip.
Prue,hintayin mo lang ako,malapit na ako,hindi na tayo magkakahiwalay pa.
Ng makarating na,pagkalabas ng airport ay kumuha agad ako ng cab at sinabi ang address ng ospital. Sinabi ng Driver na 2hours drive daw,at tinanong ko sya magkano ang aabutin ng bayad then binayaran ko na agad sya.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumigil kami sa isang ospital. Bitbit ang bag at isang maleta ay pumasok na ako sa ospital.
“Excuse me Miss,where is the room of Prudencio Villacruz?” sabi ko sa isang nurse dito sa nurse station. Sinabi naman nito kung anong floor at anong room. Nagtataka siguro ang mga Amerikanong ito bakit may mga bitbit akong bag at maleta,siguro iniisip nila dapat sa hotel ako nagpunta hindi sa ospital.
Narating ko na yung floor at room. Lumakas na naman kabog ng dibdib ko,huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses at binuksan ito.
Bumungad agad sa akin si Prue na nakahiga at mukhang natutulog. Nilingon ako nina Tito at Tita na para bang inaasahan na ako kasi naka ngiti na ang mga ito agad.
Gusto ko sana lumapit na kay Prue para mayakap at mahalikan sya kahit natutulog sya. Pero lumapit agad sina Tito at Tita gesturing na mag usap daw kami sa labas,kinuha ni Tita ang bag at maleta ko at iniligay sa isang tabi,bago kami lumabas,tiningnan ko muna ang natutulog na si Prue.
- Musta? Maikli ba? Yaan nyo na hihi! Votes and comments kung nagustuhan :3
Pakibasa at suportahan din po ang isa ko pang story, ang CIRCLES OF LOVE, Thank you po! ^^,
Mamaw spix 25
Prue’s POV
The whole time na nakahiga ako mararamdaman ko na lang na may hahawak ng kamay ko o hihimas ng buhok ko. Alam kong hindi yon sina Mama at Papa dahil kilala ko ang bawat hawak nila sa akin.
Minsan pa may naaamoy akong pamilyar na amoy pero ayaw ko mag assume, pag gising ako at tinatanong ko sina Mama hindi daw nila alam ang sinasabi ko,pero may kakaiba talaga akong nararamdaman.
At ngayon nga,dumating na ang araw ng operasyon ko,lahat sila kinausap ako,even the doctor and nurses, then may tinurok sila sa akin,and again nakatulog ulet ako ng hindi ko alam kung gaano katagal.
Sa tantya ko eh tatlong araw din akong nanatili pa din sa ospital pagkatapos ng operasyon base na din sa naririnig kong usapan nila.
Nagising ako na parang nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan.
“Ma? Pa? Nauuhaw po ako” walang sumagot sa akin pero ilang saglit lang naramdaman kong may umalalay sa akin para uminom ng tubig. Magtatanong na sana ako kung sino sya pero narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at kasunod nun ay ang boses nina Mama at Papa pati ng doctor.
“Ma? Pa?”
“Mr.And.Ms Villacruz,I think he is ready,its time” dinig kong sabi ng doctor. Kinabahan ako.
“Anak,ngayon ang araw na tatanggalin na ang takip sa mata mo,kaya relax” sabi ni Papa naramdaman ko pang hinimas nya ang likuran ko.
Dahan dahan,naramdaman kong tinatanggal na nga ang benda sa mga mata ko,at ng maramdaman kong wala na ito nagsalita ang doctor.
“Open your eyes slowly,dont force it” and so I did. Dahan dahan at buong pag iingat kong idinilat ang aking mga mata.
Medyo malabo pa nung una at hindi ko pa sila maaninag ng maayos pero masaya na ako dun,ilang saglit pa,kumurap ako,pag dilat ko ay malinaw na ang lahat.
At ang unang tumambad sa akin ay ang mukha ng pinakamamahal ko,ang lalaking nais ko makasama habang buhay. Nakangiti sya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko,hindi ko napigilan ang sarili ko at humahagulhol akong yumakap sa kanya.
“Mamaw…”
“Congratulations Prue” sabi ng doctor. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Kreyd at hinarap ang iba.
“Thank you doctor” sabi ko then nakipag shake hands ito sa akin,bumaling ako kina Mama at Papa,Inispread ko ang mga kamay ko,at nakuha nila ang gusto ko iparating,niyakap nila ako. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko.
“Ma,Pa,nakakakita na ako,maraming maraming salamat po” sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kanila. I love them so much!
Lumabas sina Mama at Papa,kakausapin ata sila ng doctor,muli bumaling ako kay Kreyd.
“At ikaw,anong ginagawa mo dito?” nakangiti kong sabi sa kanya at pinisil ang ilong nya. Ang sarap sa pakiramdam na muli ko syang nakita.
“Syempre,gusto kong sa pagmulat mo ako agad ang una mong makita,ayaw mo ba na nandito ang future husband mo?” naka ngiti nyang sabi sabay taas baba ng dalawang kilay.
“Ganon? Ang hangin! Future husband ka dyan! Ni hindi pa nga kita sinasagot!” sabi ko sabay hampas sa kanya,doon ko lang napansin na may nakasuot na singsing sakin.
“Isinuot ko yan sayo bago ang operasyon mo,binili ko yan nung naglilibot ako nung nakaraan,engagement ring natin” sagot nya sabay taas ng sariling kamay na may nakasuot na singsing tulad sakin sa daliri nya.
Nanlaki naman ang mata ko dun,ibig sabihin,matagal na sya dito?
“Ang daya mo! Bakit mo sinuot ng wala akong alam? Hmp! Siguro ikaw yung lagi humihimas sa buhok ko at humahalik sakin? Sabi ko na nga ba eh! Ikaw yung naaamoy ko eh!” sabi kong ganyan na ikinatawa ng Mamaw.
“Hahaha! Pasensya na,yun kasi gusto ng parents mo,mas maganda daw kung ako agad makikita mo,effective naman diba? Saka ayaw mo nun? Engaged na tayo?” tumatawa nyang sabi.
“Mamaw ka talaga!” singhal ko sa kanya sabay yakap. God! Mahal ko talaga ang mamaw na to! “Mahal na mahal kita Kreyd” bulong ko sa kanya habang mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
“Mahal na mahal din kita Prue,ikaw ang buhay ko,ikaw ang bukas ko,ikaw ang hinaharap ko,ikaw ang pangarap ko” sagot nya. Right there and then,tumulo ang mga luha ko,I was so overwhelmed sa mga sinabi nya,hinaplos nito ang puso ko. Ganito pala kasarap pag mahal ka ng taong mahal mo, no words can express it.
“Hush,dont cry,nandito lang ako palagi,hindi kita iiwanan” aniya ng kumalas sa yakap namin at pinunasan nya ang luha ko then he kissed me.
Sandali lang sana ang halik na iyon ngunit pinigilan ko ang ulo ni Kreyd,naging maalab ang aming halikan,hinahaplos nya ang aking katawan at ganon din ako sa kanya. Napahiga na ako at pumatong sya. I can already feel his hard manhood and his burning desire.
Nagprotesta pa ako ng kumalas sya sa aming halikan.
“Prue..” parang nagpipigil na sabi nya. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Pumunta sya sa pinto at sumilip sa labas,saka muli itong isinara at inilock,lalo ako napangiti.
“Isa ka talagang tukso,at gusto ko yon” he grin devilishly,muli pumatong sya sa akin at siniil ang aking labi,this time mas mapusok,at ginagantihan ko iyon,nagliliyab na din ang aking pakiramdam.
Naramdaman kong itinaas ni Kreyd ang hospital dress ko at ibinaba ang aking underwear. Napasinghap ako, ito na to,wala ng atrasan pa,ikinalawit ko ang aking mga kamay sa kanyang batok,iniangat nya ang aking mga paa. Naramdaman ko na lang na parang may dumudunggol dunggol sa aking butas. Hanggang sa dahan dahan itong pumasok. Napakagat ako ng labi,sobrang sakit.
“Mahal na mahal kita Prue,akin ka lang” and one final thrust,naramdaman ko ang kabuuan nya sa loob ko. Ang dating nakikita kong malaking bagay na yon ay ngayo’y nakapasok sa akin.
“Dahan dahan Kreyd” naiiyak kong sabi,pero eto na to,wala ng atrasan pa.
“I will,my love” once again,inangkin nya ang labi ko habang marahang gumagalaw,ang kaninang sakit ay napalitan ng kakaibang kiliti at sarap. Sumasabay na ako sa ritmo ng katawan ni Kreyd.
One final thrust,sumabog na si Kreyd sa loob ko,pareho kaming hinihingal.
“That was intense! Ang sarap!” nakangisi nyang sabi at bumangon,nahugot na ang pagkalalaki nya sa akin,tumungo sya sa banyo para siguro maglinis,ng bumalik sya may dala na syang tissue.
“Linisin ko” sabi nya,pinabayaan ko lang syang linisin ang butas ko, then isinuot ko ulit ang underwear ko,nararamdaman ko pa din ang hapdi. Grabe!
“Pano yung bedsheet? May dugo” tanong ko. Saglit syang natigilan at nag isip.
“Wait” aniya at lumabas. Napangiti na lang ako. Grabe,I cant believe na ginawa namin yon dito! At sa unang araw pa ng pagkakaroon ko ulit ng paningin! Damn! Parang lahat ng problema nawala ng dumating si Kreyd.
Ilang saglit pa bumalik syang may bitbit na bedsheet,binuhat nya ako at iniupo muna sa couch,napa aray ako dahil masakit talaga,ngisi lang ang ginanti ng mamaw!
Tinanggal nya yung bedsheet na naduguan at ipinalit yung bago,ng maiayos nya ito muli nya akong inihiga sa kama. Pinagmamasdan ko lang sya.
“Mukhang mas matatagalan ako makalakad nito” sabi ko.
“Alam ko yon,dont worry aalagaan kita” aniya sabay kindat. Papunta na sana sya sa CR para dalhin dun yung bedsheet ng bumukas ang pinto at pumasok sina Mama at Papa.
“Kreyd san mo dadalhin yan?” tanong ni Mama,kinabahan ako.
“Naihi po kasi sa sobrang tuwa si Prue kaya kukusutin ko lang po yung parteng naihian nya” naka ngising sagot ng Mamaw at agad pumasok sa banyo. Ngalingaling batuhin ko sya ng unan. Tiningnan tuloy ako nina Mama at Papa saka humalakhak ng todo bigay.
Hay naku Kreyd! I love you!
- Musta? Sobrang malapit na tong matapos,mga 5 chapters na lang po siguro.
VOTES and COMMENTS are highly appreciated ^o^
Mamaw spix 26
Kreyd’s Pov
After more 5 days nadischarged na sa ospital si Prue at iniuwi na namin sya sa bahay nila,pansamantala din kasing dito ako pinatuloy nina Mama at Papa mula ng dumating ako dito,yup! Mama at Papa na daw ang itawag ko sa kanila.
“Kreyd bakit hindi kayo mamasyal ni Prue? Sulitin nyo ang bakasyon,next week babalik na tayo sa Pilipinas para maituloy ni Prue ang pag aaral” ani Papa ng nanananghalian kami.
“Oo nga naman,madaming magandang lugar dito” segunda ni Mama.
“Sige po mamaya mamasyal kami” nakangiti kong tugon.
“Kayo Ma,Pa? Ayaw nyo sumama?” pagsingit ni Prue sa usapan namin.
“Hindi na anak,alam mo naman na dinala na din namin dito ang mga paper works” sagot ni Papa.
“Nga pala Kreyd at Prue,I suggest na dapat nasa iisang course kayo,kung maari sana maging block mate kayo,para mas mabantayan ka ni Kreyd anak” ani Mama.
“Yun nga po iniisip ko Ma,mag shift ng course sa second sem saka sakto pag uwi natin enrollment” pag sang-ayon ni Prue. Lalo tuloy ako humanga sa kanya,after ng lahat ng nangyari eh uunahin pa din nya ang pag-aaral. And that is what I loved about him.
“And oh by the way,Las Vegas is just an 6hour drive from here” naka ngiting sabi ni Mama na parang may ibig sabihin pa.
“What do you mean by that Ma?” taka ding tanong ni Prue.
“Naisip lang namin ng Papa nyo na,since naproclaimed nyong engage na kayo eh bakit hindi pa kayo magpakasal? Alam nyo naman na nasa inyo ang suporta namin” sagot ni Mama at ngumiti.
“Saglit lang naman ata ang proseso nun mga anak,at saka alam nyo naman na legal yun dito” dagdag ni Papa. Napangiti na lang ako sa pagka amazed sa mga ito,ang swerte namin ni Prue.
“Gusto mo ba?” nakangiti kong tanong kay Prue na namumula na. Kahit kailan talaga ang lakas ng karisma nya,lalo na pag nagba-blush.
“Ofcourse! Sino bang may ayaw? Kelan ba?” sagot nya na ikinatawa naming lahat.
“Yun naman pala eh,so pakasal na tayo bukas?” nakangiti kong sabi kay Prue,hindi na ako makapaghintay para tuluyan syang maging akin.
“Its settled then,pupunta tayo sa Vegas bukas” sabi ni Papa.
Ang dami namin pinasyalan ni Prue,halata sa aming dalawa ang kasiyahan,parehas kasi naming first time to,para kaming bumalik sa pagkabata lalo na nung nagpunta kami sa Universal Studio haha!
Pagod ang mga katawang umuwi kami,pagpasok namin sa kwarto namin nakahanda na ang mga damit namin para bukas.
“Excited naman masyado si Mama” natatawang sabi ni Prue then nagpunta na sa banyo para magshower,sumabay na ako since nanlalagkit na din ako,at syempre,for the second time,naangkin ko ulit ang pinakamamahal ko,hinding hindi talaga ako magsasawa sa kanya.
Maaga kaming ginising nina Mama at Papa para daw maaga din kami makarating. At ng nasa byahe na ay ginawa namin lahat wag lang mabored,totoo ngang ang haba ng byahe.
Kinapa ko yung bagong singsing na binili ko kahapon kasama si Prue,nakakatuwa nga dahil sya talaga ang pumili nun.
Ng makarating kami sa Vegas ay hindi naman halatang excited sina Mama at Papa dahil deretso mismo kami dun sa magkakasal. Napa schedule pala agad kami.
Simple lang at madalian ang kasal pero sobrang masaya ako at masaya din si Prue,finally I can call him my very own,legal ko na syang asawa.
“Hoy pakasalan mo din ako sa Pilipinas ah? Pag hindi ibabaon kita sa lupang Mamaw ka” sabi ni Prue sa akin ng bumibyahe na kami pauwi,natawa kami sa kanya.
“Oo naman kahit ilang ulit pa,gusto ko din kasing sa susunod na ikasal tayo ay kumpleto ang mga mahal natin sa buhay para masaksihan iyon” malambing ko namang sagot at hinalikan sya ng mabilisan sa labi.
“Naiinggit ako Hon,lets have our honeymoon also” ani Papa na ikinatawa namin,agad naman nagblush si Mama,parang si Prue lang pag namumula.
Natapos na ang pananatili namin sa America,nandito na ulit kami sa Pilipinas,though wala pang nakaka alam sa mga tropa namin ni Prue maliban kay Popoy,on which kinausap ko ulit ng lalaki sa lalaki. Bumilib ako sa ginawa nyang pagapaparaya at habang buhay ko iyong hahangaan,napakatapang nya,masaya ako at nanatili ang pagiging magkaibigan namin.
Nahihirapan lang ako sa set up namin ni Prue,hindi pa daw kami pwedeng magsama sabi ng pareho naming mga magulang,dapat daw after na namin maka graduate ng college,Like seriously? Mabubuntis ko ba si Prue? Haha sana lang diba?
Nakapag enroll na kami,tulad ng napag usapan nag shift kami ng course ni Prue into HRM para hindi sya masyado napapagod,and tulad ng inaasahan,magblock mate kami.
Prue’s Pov
Mag isang linggo na mula ng ikasal kami ni Mamaw,and till now parang high pa din ako,feeling ko babae na talaga ako at nareincarnate sa akin si Rapunzel hihi! Uhm excuse me? Pwedeng umusog ka ng konti? Naaapakan mo buhok ko eh hahaha!
And today is the first day of second sem,hindi ako masusundo ni Mamaw at sa room na lang daw kami magkita,well! May demirit sya sa akin dahil dyan! Hindi sya makaka score for two weeks!
I was walking through the covered walk para makaiwas sa medyo mainit na sinag ng haring araw,pakanta kanta pa ako. I wonder,nasan kaya ang mga hunghang naming tropa? Wala pa silang balita sa amin ni Kreyd eh.
So,naglalakad na ako nyan,biglang may tumama sa akin kaya tumumba talaga ako,pagtingin ko bola ng basketball!
“Aray! Masakit yon ah?!” sabi kong ganyan,sapo ko ang ulo ko,parang may after shock pa nga eh kaya hindi pa ako makatayo. “Sinong bumato?” dagdag ko pa habang tumitingin sa paligid,may mangilan ngilan na ding napatingin sa akin.
Maya maya may lumapit na lalaki. Tiningnan ko pa muna kasi parang ngayon ko lang sya nakita dito sa school or sadyang hindi ko nabibigyan ng pansin ang ibang tao?
“Miss sorry,napalakas ang bato ng kaklase ko,okay ka lang?” nag aalala nyang sabi tapos inalalayan akong tumayo.
Dun ko sya pinagmasdan,gwapo,mukhang may lahing hapon o korean,malakas ang dating,parang kasing tangkad ni Mamaw,at mukhang EE student.
“Ayos lang yon,okay na ako,next time sa ring nyo ibato ang bola huwag sa tao” sabi ko at inipit sa tenga ang aking mahaba ng buhok,no wonder Miss ang tawag nya sakin.
“Aw! I thought youre… Nevermind,by the way Im Seiji Tsukihiro, pasensya na ulit” anito at ngumiti saka umalis.
What the?!
“FRIIIEEENNDDD!!” sabay sabay na sigaw na narinig ko. Kilala ko mga impaktang yan!
- Mustasa everyone? Sana you have a good day! Votes and Comments are highly appreciated ^o^
Mamaw spix 27
Prue’s POV
“Kamusta naman friend? Na operahan ka lang hindi ka na nagparamdam” ani Paige.
“And take note girls,nag shift pa sya ng course” dagdag ni Phoebe.
“Oo nga pala,at bakit?” segunda pa ni Piper. Panay ang tanong nila pero ayaw nila ako pagsalitain,mga bruha talaga! Napansin kong may kasama pa silang isang babae,tahimik pero maganda,tiningnan ko lang ito kasi parang pamilyar sya sa akin.
“Ay! Nakalimutan naming ipakilala sayo,transferee sya,new classmate namin, si Vera, Vera meet Prue” ani Phoebe.
Nginitian ako nito at nakipag kamay. Ang weird parang may kakaiba akong naramdaman.
“Nice meeting you Vera,enjoy ka lang sa company namin,and dapat makilala mo na din ang boys” sabi ko na lang, I just shrugged the strange feeling.
“Thank you,I hope so nga” nakangiti nitong tugon.
Napatingin ako sa relo ko,malapit na ang first subject ko kaya nagpaalam na ako sa kanila.
Bakit wala pa din si Mamaw? Ang tagal naman nya?!
Pagdating ko sa room nagulat pa ako dahil ang tahimik ng lahat,inilibot ang tingin sa mga magiging kaklase namin,wala pa din si Kreyd!
Ng biglang may nagtakip ng mata ko,kilala ko agad kong sino,amoy pa lang.
“Anong eksena to Mamaw?” sabi ko habang nakalagay pa din ang mga kamay nya sa mata ko.
“Wala naman,tara” aniya at inakbayan na ako papasok sa loob ng room, I can say na naging agaw atensyon kami.
Natutuwa ako,ang sarap sa pakiramdam na ang mahal mo,asawa mo ay kaklase mo lang,pareho tuloy kami ganado mag aral. Ng dumating ang break,which is vacant naman ng tropa,nakatanggap kami ni Kreyd ng text mula kay Piper na nagsasabing pumunta daw kami sa coffee shop sa labas ng school,at ganun nga ginawa namin.
Gulat ko na lang pati si Popoy,Philip at Janssen nandun.
Nakipag manly hug agad si Kreyd sa boys at ako naman beso beso sa girls,napansin kong kasama pa din pala si Vera.
“Hi there Vera” nakangiti kong bati dito.
“Oy tol ano yan? Wedding ring?” tanong ni Philip kay Kreyd. Ngumiti lang naman si Kreyd,sa akin tuloy nalipat ang tingin ng lahat.
“Bakit?” tanong ko.
“Bruhaa kaaa! Bakit hindi mo sinabi kanina na kasal na kayo?” ani Phoebe.
“Direderetso kasi kayo magsalita,umorder na nga muna tayo para makwento na namin ni Kreyd at masimulan na din kung bakit pinatawag nyo lahat dito” sabi ko na lang.
Habang humihigop ng kanya kanya naming kaming at kumakain ng cake dinetalye namin ni Kreyd ang lahat,at dun lang sila nag congratulations,mga baliw!
“Maiba ako,ano nga ba dahilan at ipinatawag nyo kami?” ani Art.
“kasi ganito yon,nagplano kaming tatlo ng outing,lahat na naayos namin,nakapag paalam na din kami kina Dad at Mom” ani Piper.
“You mean kayong triplets?” tanong ni Paige.
“Ofcourse! Matalino kami eh,nacontact na din ni Philip ang driver ng bus” sagot ni Phoebe.
“Bus? Teka? Bakit?” tanong ko,hindi ko kasi ma gets.
“Slow mo girl? Mag a-outing tayo!” nakangiting sabi ni Piper.
“Naisip kasi naming tatlo na yun na lang hindi natin nagagawa,pwede kayong magsama ng gusto nyo isama since isasama ko si Krista” ani Philip.
Wow! Bigla ako na excite! Outing with tropa! Mukhang masaya yon!
“Kelan ba?” ani Coop.
“Pwede ba mag diving at snorkling dun sa pupuntahan? Para makapag handa na din ako” segunda ng pinsan kong si Janssen. Ramdam ko ang excitement sa aming lahat.
“Next next week pa naman,hahanap pa ako ng magandang resort” sagot ni Philip.
“Walangya! Akala ko bukas na! Kung makapag pa urgent meeting naman kayo!” natatawang sabi ni Art. Pinagtulungan tuloy namin ang triplets.
Habang masaya kaming nagkekwentuhan ay napansin ko sa gilid ng aking mga mata yung lalaking nakilala ko kanina,nakatingin sya sa akin,ang weird.
2nd week of 2nd sem. Nandito ako ngayon sa isang bench malapit sa oval at hirap na hirap sagutan yung reviewer sa Math, nakakainis kasi! Kung bakit may klase si Mamaw ngayon,dapat tinutulungan nya ako dito eh.
“Fancy seeing you here” sabi ng isang boses kaya nilingon ko.
“Oy,ikaw pala! Makapag fancy seeing you here ka naman kala mo wala tayo sa iisang school” biro ko sa kanya,natawa sya at umupo sa tabi ko.
“Ano yan? Math reviewer?” aniya.
“Oo,sumasakit na nga ulo ko eh,bakit kasi sa lahat ng course ata hindi maaalis ang Math” sagot ko naman. Im not really a fan of this subject
“Patingin nga” aniya at kinuha sakin ang reviewer. “madali lang to,tara turuan kita” dagdag nya.
“Oh yes! Finally! Salamat uhm uhm..” sabi ko,patay! Nakalimutan ko pangalan nya.
“Sabi na nga ba nakalimutan mo pangalan ko,its Seiji” nakangiti nyang sabi. Ang weird,bakit ganun? Parang pakiramdam ko safe ako sa kanya? Ganun din pakiramdam ko sa asawa ko eh.
“Hehe! Pasensya na Seiji,sige turuan mo na ako”
At sa wakas nagets ko na din,hindi na siguro ako makukulelat nito sa quizz.
“Oh ayan! Ewan ko lang kung hindi mo pa maperfect yan”
“Salamat Seiji”
“Wala yon! O sige,maiwan na kita,malapit na mag start next subject ko,ingat ka palagi at saka wag ka masyado magtitiwala sa mga taong ngayon mo lang nakilala” aniya.
Huh? Bakit? Bigla ako naguluhan.
“Bakit? Kahit ikaw?” taka kong tanong. Anong ibig nyang sabihin? Kinabahan tuloy ako.
“Yup,kahit sa akin,o sige na,see you around” aniya at umalis na,sakto padating si Kreyd at nagkasalubong sila at nag manly hug. Huh? Magkakilala sila?
“Magkakilala pala kayo nun?” tanong ko kay Kreyd pagkalapit nya,humalik muna sya bago sumagot.
“Yup,kaklase ko sya sa isang subject,so pano? Tara na! Gutom na ako eh” at pinag intertwine na nya ang aming mga kamay at tumungo na kami sa cafeteria.
Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Seiji. Naging malaking palaisipan sa akin yon.
Anong ibig nyang sabihin? Sino ba talaga sya?
That day kina Kreyd ako umuwi,magluluto daw kasi si Nanay at saka ipapakilala na daw samin ni kuya Khyron ang girlfriend nya.
Sabi ko hindi makaka score si Kreyd,but it turns out na ako ang hindi nakatiis,tumabi ba naman sa akin na walang saplot! Ang lakas lang manukso,at sa gabing iyon naranasan ko kay Kreyd ang iba’t ibang posisyon na hindi pa namin nagawa dati,pakiramdam ko nga parang ayaw ko na matapos. Hindi ko matandaan kung ilang beses namin ginawa,basta ang tanda ko lang 4:30am na kami natapos at nakatulog.
Sabay kaming pumasok sa school,kahit na nahihirapan ako maglakad ay pinilit ko maging normal,ayokong pagtinginan ng mga tao no? Samantalang ang mamaw na to pangisingisi lang!
Pagdating sa school ay nakasalubong namin si Vera.
“Kreyd pwede ko ba mahiram si Prue?” anito ng makalapit sa amin,tiningnan ko muna si Kreyd at hinintay ang sagot nya.
“Oo ba,basta ba ibabalik mo ng buo ang asawa ko,may klase pa kasi kami Vera” nakangiting sagot ni Kreyd dito.
“Salamat! O sige na alis na kami” ani Vera at agad akong hinila,hindi man lang kami nakapag paalam ni Kreyd ng maayos sa isa’t isa.
“San ba tayo pupunta Vera?” tanong ko habang papunta kami sa parking. Tumingin ako sa paligid,nahagip ng paningin ko si Seiji na nakatingin sa amin sa di kalayuan.
“Basta,sakay ka na” sagot ni Vera at binuksan ang pinto ng kotse nya. Ewan parang nakaramdam ako ng kaba at takot.
- Mustaaa?! Happy 9k plus reads! 2months na pala ang AMSL? Kaya malapit na syang matapos :)
Votes and Comments are highly appreciated :3
Mamaw spix 28
Prue’s Pov
“Vera,san ba tayo pupunta? Saka bagalan mo ang pagdrive” sabi ko,kinakabahan kasi ako sa bilis ng pagmamaneho nya,ayoko ng ma aksidente ulit.
“Kalma lang gurl,may ipapakita lang ako sayo” naka ngiti nyang sagot habang nagmamaneho.
“Okay”
Ilang saglit pa tumigil kami sa isang building,isang condo bldg,dito siguro sya tumutuloy.
“Dito ka nakatira?” tanong ko nung nasa elevator na kami,pinindot nya 9th floor.
“Yup,ayoko sa mga magulang ko eh,kaya nagsolo ako” sagot nya,naimpress naman ako bigla,napaka indipendent na nya to think na she was just 17 or 18 years old.
“Wow! Impressive! Nakakabilib ka” naka ngiti kong sabi na sinagot din nya ng ngiti.
TING!
At lumabas na kami ng elevator,konting lakad sa napakatahimik na hallway then tumigil kami sa tapat ng isang pinto,then inislide na nya ang key card nya. Pag pasok pa lang ay namangha na ako!
Babaeng babae ang interior design,Pink at white tas may mga stuff toy pa syang anime,namangha ako lalo.
“Wow! Pareho tayong mahilig sa anime Vera,sa japan pa talaga ako nagpapabili” sabi ko habang inililibot ang paningin sa paligid.
Malaki itong unit nya, pagpasok sa pinto ay sala agad ang bubungad sayo,sa right side ng sala ay mini bar then kitchen.,sa left side ng sala dun yung room nya.
“Ako umuorder pa talaga at pinapadala dito, tara sa kwarto para mapakita ko na sayo”
Sumunod ako sa kanya sa kwarto nya,then may mga kinuha syang box sa cabinet,inilapag nya sa kama nya at isa isang binuksan.
O_O
Mga two piece at swimsuit!
“Hoy Vera! Hindi ako magsusuot ng ganyan no?” agad kong sabi,umandar na naman ang pangunguna ko,tumawa lang naman sya.
“I know,gusto lang kitang kunsultahin kung alin ang bagay para kanino, kung alin dyan ang bagay kay Paige,Piper at Phoebe, you know parang thank you gift ko sa kanila para naman mas kaakit akit sila pag nag outing tayo” litanya nya habang chinecheck isa isa yung mga swimsuit.
Maging ako tiningnan ko na din,alin nga ba? Hindi naman siguro choosy ang mga impaktang yon,aba subukan nilang umarte,lulunurin ko sila sa araw ng outing,mahiya naman sila kay Vera na nag effort pa.
Pagkatapos namin magdesisyon kung alin ang para kanino,tinulungan ko na din si Vera igift wrap ito,lulubusin ko na ang kabaitan ko.
Tapos na kami sa pagbabalot ng tumawag si Kreyd,bumalik na daw ako sa school, na absent/nan na ako sa isa naming subject at sakto break na din.
“Nasan ka ba?” tanong ko habang papunta na kami sa elevator ni Vera.
“Nandito sa coffee shop,kasama ang tropa,dalian mo namimiss na kita” sagot nya,hindi ko naman mapigilang mapangiti at kiligin sa sinabi nya,napapailing na lang si Vera.
Kreyd’s Pov
“Ang tagal naman nila” reklamo ko,namimiss ko na kasi ang asawa ko,bakit pa kasi ako pumayag na isama sya ni Vera? Yan tuloy,absent sya sa isa naming subject! Hay!
“Kalma lang,they’re getting to know each other pa no” sagot ni Phoebe. Hindi na lang ako sumagot at muli tumanaw sa labas,napansin kong naglalakad si Seiji, medyo okay kami nyan,kaklase ko sya sa isang subject. Agad akong tumayo at lumabas para tawagin sya, gusto ko din kasi malaman ang pinag usapan nila ng asawa ko.
Agad naman itong lumapit at binati ako.
“Bakit tol?”
“tara sa loob,ipapakilala kita sa tropa namin ni Prue” sagot ko at nauna ng pumasok ulit sa coffee shop,agad din naman syang sumunod
“Oh.. Sino yang gwapo mong kasama Kreyd?” ani Paige.
“Sya si Seiji,kaklase ko sa isang subject at kaibigan namin sya ng asawa ko, Seiji sila sina Paige,Art,Coop,Piper at Phoebe, may tatlo pa kaming tropa pero hindi dito nag aaral” pagpapakilala ko, agad naman nakipag kamay si Seiji sa kanila.
“Its nice meeting you all” anito at nag bow, oo nga pala,hapon tong gagong to.
“Tara at maupo ka” paanyaya ni Art dito
“Nga pala Seiji,anong pinag uusapan nyo ng asawa ko bago ako dumating?” pauna kong tanong saka humigop sa frapuccino kong wala ng lamig.
“Asawa?” parang nagtaka pa nitong tanong.
“Yup,si Prue” nakangiti kong sagot. Proud akong ipagmalaki at ipagsigawan sa buong mundo na asawa ko sya at mahal na mahal ko sya.
“Ah, I see, nilapitan ko lang at tinuruan ng konte,nagrereview kasi sya kanina ng makita ko” sagot naman nya.
“Ah.. Mahina talaga sa math yon eh” sabi ko at nagtawanan sila.
“Hala ka! Isusumbong kita! Panigurado hindi ka makaka score” natatawang pananakot ni Coop,at epektib naman dahil kinabahan ako haha!
“Huwag tol! Maawa ka!” suway ko kay Coop na tinawanan ng mga kumag. Ayaw ko kayang ma-zero hahaha! Ang pilyo ko talaga XD
“Anyways,dahil friend ka na namin Seiji,bakit hindi ka sumama sa outing next week?” pag aalok ni Piper.
“Okay lang ba? Hindi ba nakakahiya?” nahihiyang sabi ni Seiji.
“Tol,bawal ang hiya hiya sa tropang to, meron nga dito bago lang din eh,si Vera,at ayun nagbabonding sila ni Prue ngayon” sabi ko naman.
“Ganon ba? Sige sasama na ako” sabi nya.
Ano tong napapansin ko kay Seiji? May kakaiba,ang weird eh.
Ilang saglit pa dumating mag isa si Prue,ng tanungin namin kung nasan si Vera pumunta daw sa locker nito.
“Uy Seiji! Katropa ka na din? Mag ingat ka sa mga yan,mga baliw mga yan at mahahalay,samin ka lang lagi ng asawa ko didikit” puna ni Prue kay Seiji.
“Nahiya naman daw kami sa pagiging banal nyong dalawa” bara ni Art dito na ikinatawa namin,agad naman nagblush ang asawa ko dahil dun, ang cute talaga!
Sa araw na ito kina Prue ako matutulog,salitan kami, ewan ayokong hindi sya katabi sa pagtulog,nasanay na din talaga ako eh.
Katatapos lang ng aming lovemaking ng mapag usapan namin ang mga bago sa tropa.
“Alam mo,ang weird nina Seiji at Vera,pero mabait sila diba?” malambing nyang sabi habang nakaunan sa dibdib ko at nilalaro laro ng daliri nya ang isa kong nipple,hindi ko tuloy mapigilang ma arouse na naman.
“Hmmn.. Napapansin mo din pala yon? Siguro medyo nangangapa pa sila sa atin” tugon ko naman habang sinusuklay suklay ng mga daliri ko ang buhok nya.
“Baka nga” ani nya.
“Prue.. Gano mo ako kamahal” seryoso kong tanong,minsan lang kasi din kami makapag usap ng ganito.
“Mahal na mahal,hindi ko na nga masukat eh” sagot nya. Napangiti ako. Totoo naman kasi,hindi masusukat ang pagmamahal.
“Ako din,mahal na mahal kita,kaya gusto ko sanang maka round four” pilyo kong sabi na ikinahagikgik ng asawa ko.
Bumangon sya at inupuan ako.
“Let the game begin!” aniya kaya sinunggaban ko na sya ng halik.
- Musta? Second Update for today kaya walang update tom okay? Basta bahala na.
VOTE and COMMENT po :)
Mamaw spix 29
Prue’s POV
At sa wakaaaass! Dumating na ang araw ng outing namin,friday to be exact,then by sunday uuwi na din kami.
“Popoy! Dalian mo! Baka naiihi na sa inip si Kreyd sa labas!” tawag ko kay Popoy sa labas ng kwarto nya.
Agad naman itong bumukas at lumabas na sya ng naka backpack.
“Masyado kang excited,kalma lang,hayaan mo maihi ang asawa mo kakahintay sa labas” naka ngisi nyang sagot na ikinatawa naming dalawa.
“Oy! Nadinig ko yon ah? Dalian nyo nasa labas na ng subdivision yung bus” biglang singit ni Kreyd sa tawanan namin ni Popoy,lumapit ako at hinalikan sya.
“Talagang pinangatawanan nila ang pagsundo ah?” sabi ko sabay baling kay Popoy “Tara na Poy,kung bakit kasi hindi mo sinama ang nililigawan mo”
“Busy kasi yon eh,masyadong grade concious” sagot ni Popoy,masaya ako na nakatagpo na sya ng bagong mamahalin,sana tuloy tuloy na.
“Mag iingat kayo dun! Baka madaming nagkalat na mga sea snake at dikya pati mga sea urchins! Maganda na yung nag iingat” singit ni Manang sa usapan.
“Opo Nay,wag kayo masyadong mag alala,sige po,alis na kami” paalam nito kay Manang at nag kiss pa sa noo.
“Manang,pakisabi na lang po kina Mama at Papa na naka alis na kami” paalam na din ni Kreyd dito at lumabas na kami,konting lakad lang naman eh yung gate na ng subdivision.
“Mabuti naman at dumating na kayong tatlo” salubong sa amin ni Philip habang naka akbay sa girlfriend nyang si Krista.
“Tol ayos tong mini bus nyo ah? Pang artista,parang bahay ang loob” ani Popoy na nakasilip na pala sa loob ng bus.
“Ganyan talaga para kumportable tayong lahat,tara na” at sumakay na kami,ako naman si Krista ang dinaldal ko,minsan lang kasi to sumama sa tropa,pag napipilit ni Philip.
“Kuya alis na po tayo” utos ni Philip sa driver at umandar na nga ang mini bus.
Tama si Popoy,ang ganda ng loob,para kang nasa bahay,ganito yung mga nakikita kong sasakyan ng mga artista eh.
“Nasan ang girls?” tanong ko,hindi ko pa kasi sila napapansin mula kanina.
“Dyan sa kwartong yan,nagtsitsikahan” sagot ni Janssen na prenteng nakaupo sa parang couch,naglalaro sa PSP nya.
Agad akong tumalima at pumasok sa loob,maliit lang pero kasya ang limang tao,maliit na kama din at may Tv,parang pang artista talaga.
“Andyan ka na pala,look,ang gaganda ng swimsuit,regalo samin ni Vera” salubong sakin ni Paige. Hello? Kasama kaya ako ni Vera sa pagbabalot ng mga yan.
“Ang ganda nga! Isuot nyo yan pag nagswimming na tayo” nakangisi kong sabi.
“Prue,I have a gift also para sayo,pero sa resort ko na ibibigay” naka ngiting sabi ni Vera.
“Wow! Nakakatouch! Akala ko nakalimutan mo na ako” biro ko pa. At ayun,nagdaldalan lang kami ng nagdaldalan,hanggang sa makaramdam ako ng antok kaya nagpasya na ako lumabas. Naabutan ko ang mga boys na masayang nagkekwentuhan. Napansin ko agad si Seiji kaya tinanguan ko sya at gumanti naman sya ng ngiti.
Tumabi na ako ng upo kay Kreyd at inihilig ko na ang ulo ko sa balikat nya. Pero inayos nya ang pwesto ko at ipinatong nya ang ulo ko sa lap nya. Hindi ko na kaya ang antok kaya pumikit na ako ng tuluyan habang magka intertwine ang mga kamay namin ni Kreyd.
Nagising na lang ako na parang may humalik sa labi ko,syempre,sino pa ba? Kundi ang pinaka gwapong Mamaw sa buong Universe ^o^
Bitbit ang aming mga gamit ay bumaba na kami,at namangha kaming lahat dahil white sand talaga at pino ang mga buhangin, sa may bandang kanan ay isang bahay na may dalawang palapag.
“Wow! Ang ganda dito bro” ani Coop habang inililibot ang paningin sa paligid,naunahan ako magsalita! Hmp!
“Binili to ni Papa several years ago,hindi pa sya nadedevelop pero Im sure mag e-enjoy tayong lahat” nakangiting sabi ni Philip.
“Tara dun sa Resthouse para maayos na natin ang mga gamit natin” pangunguna ni Piper. Sumunod kami,kanya kanyang kwentuhan ang tropa habang naglalakad.
At ng makapasok kami sa bahay lahat kami napa Yes! Ang sarap kaya na magtotropa kayo tas nasa iisang bahay lang.
“May apat na kwarto dito,dalawa sa baba,dalawa sa taas,yung isa si Manong driver ang mag occupied,yung isa yun yong Master’s bedroom,kaya ang mga girls magkakasama sa isang kwarto,at ganun din kaming mga boys,malinaw ba guys?” paliwanag ni Philip.
“How about me?” taas kilay kong tanong,aba kalimutan daw ba ako?
“Sige sa amin ka na,mukhang hindi naman papayag ang asawa mo na hindi ka makatabi” nakangising sagot ni Philip.
“Buti alam mo” pag singit ni Kreyd na ikinatawa namin.
Nagsipasukan na kami sa kwarto at inayos ang mga gamit namin,then lumabas na kami,magpeprepare ng barbiQue sa tabing dagat. Nakaka excite! May mga kanin at ulam na daw sabi ni Phoebe,iinitin na lang.
Ayun,kahit tirik na tirik ang araw ay ganadong ganado kami. Niyaya ako nina Paige na maglibot libot daw muna sa paligid,pabayaan na daw namin na ang boys ang maghanda ng pagkain,hindi na ako nakapag paalam sa asawa ko kasi ang mga bruha excited na maglibot!
And so naglakad lakad kami habang nagkekwentuhan about sa lugar,hanggang nakarating kami sa kakahuyan.
“Bakit kaya may kakahuyan dito no? Kung ikaw titira dito Paige payag ka?” sabi ko pa,lumipas ang ilang segundo at walang sumagot, pagharap ko wala na sila. Nag freak out ako,natakot ako syempre,pano kung may mabangis na hayup na pagala gala dito sa kakahuyang ito?
Tiningnan ko ang buong paligid,pano ako napadpad dito ng hindi ko namamalayan?
Naglakad lakad ako habang tinatawag ang mga pangalan nila pero walang sumasagot. Hanggang sa napansin ko na lang na medyo nagdidilim na,gusto ko ng umiyak.
Saka ko naisipan na may cellphone nga pala,bakit hindi ko naisip kanina? Agad kong kinapa ang bulsa ko,pero sa malas,walang laman! Walang himala! Tama si Nora Aunor! Haay! Iniwan ko nga pala ang phone ko sa resthouse!
Nakaramdam na ako ng kakaibang takot kaya tumakbo na ako,bahala na san ako mapadpad basta makalabas ako sa kakahuyang ito!
PLAK!
“Ugh! Shet! Pag minamalas ka nga naman ng bongga!” natalisod pa ako. Ang sakit ng bokong bokong ko, pag angat ko ng tingin nagtayuan ang balahibo ko,may cobra sa harapan ko at handa akong tuklawin ano mang oras.
Naluha na ako sa takot,hindi ako makagalaw,nanginginig ako,at ang cobra ay bumuka pa ang magkabilang gilid ng ulo,para bang handang handa na syang sunggaban ako.
Gumapang ito palapit,umatras ako,at ng makita ko itong susugod ay napapikit na lang ako. Pero ilang segundo ang lumipas walang nangyari.
“Ayos ka lang ba? Tara na,nag aalala na sila lahat lalo na si Kreyd”
Napamulat ako ng mata at nakita ko si Seiji na may hawak na patpat.
“Seiji? S-salamat” maluha luha kong sabi,tinangka ko tumayo pero mukhang napuruhan talaga ang ankle ko.
“Ayos ka lang ba?”
“Hindi ako makatayo”
“Prue!” paglingon namin si Kreyd,nanakbo papunta sa amin. Agad syang lumuhod at niyakap ako.
“God! Nag alala ako ng sobra sayo,akala ko kung ano na nangyari” aniya at bumaling kay Seiji “Salamat tol”
“Wala yon,pero mukhang napilayan sya” sagot ni Seiji.
“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Kreyd,umiling ako at agad nya akong binuhat,bridal style.
Dahil sa nangyaring insedente,hindi ko na enjoy ang unang araw ng outing,lagi din ako binabantayan ni Kreyd,pero nag galit galitan ako sa kanya,ayoko kasing ng dahil sa akin ay hindi sya makapag enjoy,wala syang magawa kundi sundin ang gusto ko. Nanatili lang ako sa kwarto at nakontento na lang na pakinggan ang mga tawanan nila sa labas.
Siguro mga alas 10 na yon ng gabi ng nakaramdam ako ng uhaw,kaya pinilit kong tumayo at lumakad palabas ng kwarto,nahihirapan ako pero kinaya ko naman.
Ng nasa puno na ako ng hagdan at pababa na ay parang may naapakan akong basa kaya dumulas ako at napasigaw.
“Aaaaaahhhhh!!”
Ngunit hindi semento ang sumalo sa akin. Pagtingin ko si Seiji na nag aalala ang mukha,nakita ko pang nagsipasukan sila,nauuna si Kreyd na lumapit.
Gusto ko sana magpasalamat kay Seiji sa pagligtas sa buhay ko sa pangalawang beses ngunit nakaramdam na ako ng matinding hilo,kasunod nun ang pagdilim ng paningin ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog pero ng magising ako ay tahimik na ang lahat,tiningnan ko ang paligid ng kwarto, tulog na sina Coop,Art,Popoy at Janssen.
Nasan si Kreyd at Seiji?
Agad akong bumangon,matigas ang ulo ko eh,pinilit ko ulit maglakad at lumabas ng kwarto hanggang sa may marinig akong nag uusap, sigurado ako,ang asawa ko yon at si Seiji,sinundan ko ang mga boses,mukhang nasa terrace sila!
Maingat at dahan dahan kong tinungo ang terrace at nagtago,yung sapat lang para marinig ko ang usapan nila.
“Tol may tatanungin ako sayo,huwag ka sanang ma o-offend at huwag mo isiping nagseselos ako,tiwala naman ako sa pagmamahal sa akin ni Prue” boses iyon ni Kreyd,medyo kinabahan ako.
“Ano yon tol?”
“Bakit parang sobrang binabantayan mo si Prue? Dalawang beses mo na sya niligtas, may gusto ka ba sa kanya?” ani Kreyd. Nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
“Dahil yon ang dapat ko gawin,ang protektahan sya,matagal na panahon ko syang hinanap tol,at sasabihin ko sayo,wala akong gusto sa kanya,ginagawa ko yon,dahil iyon ang dapat” sagot ni Seiji. Naguluhan ako. Anong ibig nyang sabihin?
“Hindi ko maintindihan,anong ibig mong sabihin?” takang tanong ni Kreyd.
“Kapatid ko sya,kakambal” sagot ni Seiji. Sa puntong iyon parang napako ako sa kinatatayuan ko. Pano nangyaring may kapatid ako at kakambal pa?
“Huh? Pano nangyari yon? Isa lang ang anak nina Mama at Papa,huwag kang ganyan tol,hindi magandang biro yan” hindi makapaniwalang sabi ni Kreyd.
“Yon ang totoo,at kailangan maprotektahan natin sya”
“Anong ibig mong sabi–”
“T-totoo ba lahat ng sinabi mo Seiji?” pag interupt ko sa usapan nila. At gulat silang napatingin sa akin,hindi siguro nila inaasahang naroon ako nakikinig.
“Prue…”
- Mustasa? Ayan,hindi ako nakatiis kaya nag Update ako,again,Patapos na po ito :)
Hindi po masamang mag VOTE at COMMENT :) Thank you ^^,
Mamaw spix 30 : Pre-Finale!
Dedic ang chapter na to kay anonymousfan010,nainspired ako sa post nya sa MB ko,at ito iyon:
“Greetings! I have just
created this account a few
weeks ago to give my
sincerest gratitude for such
awe- inspiring stories here in
wattpad. I am one of your thousand readers out there.
The truth is, I am a silent
reader. But I just want you
to know that I check your
stories everyday for
updates. Especially “Ang Mamaw sa Laboratory”. No
matter how busy or
stressful the day goes by, I
always make sure to check it
because it is one of my most
loved stories here in wattpad. So mister author, do not lose
hope and inspiration in
continuing your stories
because believe me when i
say, you bring smile in faces
to your thousand readers :) Thank you.“
- Maraming salamat po,talagang naliwanagan at nainspired po ako,salamat at napapangiti kita,allow me to dedicate this chapter to you,thank you po ng marami :)
Prue’s POV
“Prue” sabay na sabi ni Kreyd at Seiji. Tinitigan ko sila. Gusto kong makita nila sa aking mata na gusto kong maipaliwanag sa akin ang katotohanan.
Bumaling ako kay Seiji. “Totoo ba lahat ng sinabi mo na narinig ko?”
Lumapit sa akin si Kreyd at inalalayan akong maka upo din sa pwesto nila. “Ngayon gusto ko marinig ang lahat lahat” sabi ko. Medyo niyakap ko pa ang sarili ko dahil sa lamig ng hanging amihan,halos alas tres na din siguro ng madaling araw. Napansin siguro ni Kreyd na giniginaw ako kaya niyakap nya ako.
“Totoo ang sinabi ko,kapatid kita at kambal tayo” sagot ni Seiji,hindi pa din ako makapaniwala na kapatid ko sya.
“Paano nangyari yon?” halos sabay naming sabi ni Kreyd.
“Naaksidente ang mga magulang natin Prue,sanggol pa tayo noon,iniwan tayo sa isang kakilala dahil importante daw ang lakad ng mga magulang natin ngunit nabangga ang jeep na sinasakyan nila,wala na din tayong ibang kamag anak at hindi din kilala ng mga kumupkop sa akin ang mga kamag anak ng magulang natin kung meron man” panimula nya,pakiramdam ko parang biglang nagbago ang pagtingin ko sa sarili ko.
“Yung pinag iwanan sa atin na kapitbahay ay sinubukan tayong ampunin pareho ngunit hindi pumayag ang asawa nya,bitbit daw nya tayong dalawa ay pumunta sya sa simbahan,may nakita daw syang mag asawa,pinoy ang babae at hapon ang lalaki,dun nya ako ibinigay,at ikaw naman ay ibinigay sa mga magulang mo ngayon” dagdag nya.
“P-pano mo nalamang ako to? Pano mo ako nahanap?” kaya siguro nung una palang ay magaan na ang loob ko sa kanya at parang safe ako pag kasama sya.
“Pinahanap ko muna ang mga magulang mo at yon nga nakita na kita,kaso nahuli ako,napahamak kana,kaya nagdesisyon akong lumipat sa school nyo para mabantayan ka,aaminin ko nung una nagulat ako na ganyan ka,pero kapatid kita,tanggap at mahal kita,iisang laman at dugo lang tayo” mahaba nyang paliwanag,hindi ko man lang namalayang tumulo na pala ang luha ko,pasimple ko itong pinunasan,I was too overwhelmed with this so much information. Hindi ko tuloy din maiwasang magdamdam kina Mama at Papa,bakit nila nilihim sa akin?
“Tol,ano naman yong sinasabi mong panganib?” singit ng asawa ko,pati ako naging interesado din. Ayoko na ng gulo,tapos na sa amin ang bangungot kasama si Venus.
“Nalaman ko ang nangyari dun sa Venus. Kaya hindi ako matahimik,alam kong hindi natapos ang kalbaryo ni Prue sa pagkamatay lang ni Venus” sagot ni Seiji. Kinilabutan ako,nakaramdam ako ng takot.
“Natatakot ako” hindi ko mapigilang isatinig ang saloobin ko.
“Huwag ka matakot,nandito ako,nandyan din ang kapatid mo,idagdag mo pa si Popoy,hindi ka namin papabayaan” ani Kreyd at hinigpitan ang yakap sakin mula sa likuran.
“Tanggap mo na ba ako bilang kapatid?” ani Seiji. Napatingin ako sa kanya,medyo naninibago ako,siguro kaya ko naman syang tanggapin,pero dapat ko ding makausap mga magulang ko.
Muli tinitigan ko si Seiji,at dun ko lang narealize na magkahawig nga kami.
“Medyo magkamukha nga kayo asawa ko” ani Kreyd.
“Oo naman,tanggap kita” sabi ko,at sa isang iglap niyakap ako ni Seiji. At ang yakap nyang yon kakaiba,para bang yakap ni Mama at Papa,parang biglang naramdaman ko sa kaibuturan ko ang lakas ng kuneksyon namin sa isa’t isa,at tuluyan ko ngang natanggap,kambal nga kami.
Napag desisyunan naming tatlo na wala munang ibang makaka alam ng mga napag usapan namin. Papangatawanan daw nila ang pagiging tagapagtanggol ko,pakiramdam ko nga parang mas naging close bigla ang asawa ko at si Seiji,siguro dahil sa mga napag usapan.
Last day ng outing,pinabayaan ko lang silang mag enjoy,nandito lang ako sa isang maliit na cottage at tinatanaw silang nagkakasiyahan sa dalampasigan habang lumalantak ng special fried chicken na luto ni Kreyd,si kuya Khyron daw ang nagturo sa kanya ng recipe ng special fried chicken,pinagmayabang pa talaga.
Pero kahit papano,hindi ko maiwasang mainggit dahil nagtatampisaw sila sa dagat,gusto ko din maglangoy para makita ko na ang buntot ko,diba pag nabasa ng tubig lumalabas ang buntot ng sirena? Chos! Seriously,namamaga padin kasi ang ankle ko,kung bakit kasi sa kanang paa pa.
“Salamat ulit at natanggap mo ako kambal” ani Seiji ng makalapit.
“Paulit ulit? Anyways,wala naman ako karapatang umayaw diba?” biro ko sa kanya na ikinahagikgik nya.
“Maganda siguro kung may tawagan tayong dalawa?” nakangiti nyang sabi.
“Hmmn.. Edi kambs na lang” sabi ko naman,wala na kasi akong maisip eh.
“Hmm,pwede na yan kesa wala” sabi nya sabay tawa. Kambal ko talaga to? Wow lang ah,kaya siguro napaka ganda ko rin?! Wahihi ^o^
“Natatandaan mo yung sinabi ko sayo dati?” aniya.
“Alin? Yung huwag magtitiwala sa mga bagong nakilala even you? Well exempted ka na dun” naka ngiti kong tugon.
“Oo,lagi mo yan tandaan ah?” tango na lang naisagot ko,naalala ko kasi yung pinag usapan kagabi na baka manganib ang buhay ko.
Bago mag alas tres ay nagpack up na kami at sumakay ulit sa mini bus,nakakahinayang na hindi man lang ako nakapaglangoy,pero masaya na ako na masaya ang tropa.
Magkatabi kaming natulog sa byahe ni Kreyd,at ng makauwi sa bahay ay dun na din sya natulog pagkatapos naming ibigay ang mga pasalubong kina Mama at Papa na binili namin kanina sa daan ng mag stop over kami.
Naalimpungatan ako dahil walang tigil kaka ring ang phone ko,tingnan ko kung sino,pero dahil sobrang antok pa ako ay natulog ulit ako at niyakap ang mahimbing na natutulog na mamaw.
- Next chapter,the Finale :3
Mamaw spix 31 : Grand Finale!
AN * Again nandito na naman po tayo sa pagtatapos ng isa sa mga story ko. Mula April 22,2013 ay sinubaybayan natin ang Kwento nina Prue at ng Mamaw ng Buhay nya,si Kreyd.
Gusto ko ulit magpasalamat sa inyong lahat for making this story possible,sa mga readers na walang sawang nagbabasa,sa mga commentators na pinapasaya ako sa mga comments nila,sa mga votes na nakakadagdag sa aking kasiyahan at sa mga naglalagay ng story na to sa Library at RL nila,malungkot na matatapos na ang kwentong ito pero ganun talaga lahat ay may katapusan.
Hindi man to umabot ng sobrang daming reads,hindi man umabot ng sobrang daming comments ay masaya ako though aaminin ko na nadisappoint ako dahil nawalan na ng nagcocomment,but still,patuloy akong susulat para sa inyo at para sa sarili ko. Again,maraming salamat po,at sana subaybayan nyo din ang CIRCLES OF LOVE,Thank you po :’>
Prue’s POV
Kinabukasan,pag gising ko ay wala na si Kreyd,nag iwan lang sya ng note na magkita na lang kami sa school.
Hindi pa din ako kumikilos,nakahiga pa din ako at nakatingin sa salamin.
Totoo ba ito? Totoo ba ang lahat ng nangyayari sa buhay ko? Hindi pa din mawala sa isipan ko ang mga nalaman,kapatid at kakambal ko si Seiji,hindi ako tunay na anak nina Mama at Papa at itinago nila yon sa akin for 18 years! Idagdag pang nanganganib na naman ang buhay ko! Bakit ba nararanasan ko ang lahat ng ito?
Nagdesisyon na ako,kailangan kong makausap sina Mama at Papa tungkol dito,para hindi ako magkimkim ng sama ng loob sa kanila.
Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para maligo,at ng matapos na ako ay nagbihis at bumaba na ako kahit medyo masakit pa din ang paa ko.
Kailangan matapos na ang lahat ng problema,ayoko ng pakiramdam na madaming iniisip at namimigat ang dibdib.
Naabutan ko sina Mama at Papa sa dining,si Papa nagbabasa ng news paper,si Mama nagti-tea.
“Ma,Pa, I want to talk with you” seryoso kong sabi ng makaupo, seryoso nila akong tiningnan.
“About what anak?” tanong ni Mama.
“Is it true? Ampon lang ako? Please dont lie,nagkita at nagkausap na kami ng kakambal ko” matatag kong sabi. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin,halatang nabigla sila sa aking tanong,nagkapalitan sila ng tingin.
“Yes its true,we’re so sorry at inilihim namin sayo,we thought na hindi mo na dapat pa iyong malaman dahil masaya naman tayo at mahal ka namin” ani Mama.
“Kung mahal nyo po ako,sana noon nyo pa sinabi! Hindi yong sa iba ko pa malalaman at sa mismong kakambal ko pa!” hindi ko na maiwasang hindi lumakas ang boses.
“Makinig ka muna anak,Youre Mom is one of those women na may difficulties sa pagbubuntis,one day after ng pagsisimba namin may lumapit sa aming babae bitbit ang isang sanggol,ibinigay ka nya sa amin at sinabi ang nangyari at buong puso ka naming tinanggap dahil matagal na kaming humihiling na magkaroon ng anak,at ikaw ang katuparan non” seryosong sabi ni Papa,sa narinig ko ay agad ding nawala ang tampo ko.
Sino ba ako para magtampo at magalit? Dapat nga magpasalamat pa ako dahil itinuring nila akong sa kanila mismo.
“S-salamat po” nahihiya ko ng sabi.
“Gusto namin makilala ang kakambal mo at ang mga umampon sa kanya” pagkuway sabi ni Papa, napangiti na lamang ako dahil doon.
Ng nasa school na ako ay saka ko lang naisipang tingnan ang phone ko, ang daming missed calls at text messages.
Kagabi pa to ah? Binasa ko ang nasa pinaka taas na text.
“I need you,we need to talk,nasa parking ako” ang sabi sa text,agad akong nagpunta sa parking at nakita ko nga sya na nakasandal sa kotse nya.
“Sakay na,may importante tayong pag uusapan”
Kreyd’s POV
“Kreyd!” napalingon ako sa tumawag sa akin, kakapark ko pa lang.
“Huwag ka ng bumaba!” dagdag pa nito.
“Ha? Bakit? Anong meron?” taka kong tanong.
“Huwag kang mabibigla,pero nasa panganib ang buhay ni Prue,may natuklasan kami kahapon pag uwi natin,si Seiji na ang sasama at magpapaliwanag sayo,dalian nyo na!” hysterical na sabi ni Phoebe,nagtaka at kinabahan ako. Sumakay na si Seiji sa passenger’s seat ng kotse ko.
“Please mag ingat kayo,kailangan mahabol nyo sila” dagdag ni Piper. Nagtataka man ay tumalima ako at pinaandar na ang sasakyan.
“Sundan natin ang kotse ni Vera,naglagay ako ng tracking device sa kotse nya na connected sa phone ko tol,malalaman natin kung nasan sila” sabi ni Seiji habang nagmamaneho ako.
“Vera? Bakit si Vera?” taka kong tanong.
“Napag alaman naming kakambal din sya ni Venus at gusto nya ipaghaganti ang kapatid nya,narinig daw sya nina Piper kagabi na nagsasalita mag isa at binabanggit nya ang paghihiganti kay Prue na ngayon daw nya gagawin” sagot ni Seiji. Gumapang ang kilabot sa buo kong katawan,hindi pwedeng mangyari to. “lumiko ka sa unang kanto tol at tumbukin mo ang NLEX” dagdag nya na agad kong sinunod.
Kaya pala parang pamilyar sa akin si Vera? Kaya pala kakaiba ang tingin ko sa kanya.
Prue’s POV
“San tayo pupunta at mag uusap Vera? Saka dahan dahan sa pagmamaneho,may phobia na ako sa ganyan” sabi ko kay Vera ng mapansin kong nasa Express way na kami.
“Sa impyerno,kakausapin mo si Venus,tanda mo pa ba sya? Namatay sya dahil sayo”
Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya,hindi ako makapaniwala sa sinabi nya,natakot ako bigla.
“K-kilala mo si Venus?” hindi makapaniwalang sabi ko,tumawa sya ng nakakakilabot at lalo binilisan ang takbo ng kotse,napahawak ako sa upuan.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Ofcourse! She’s my twin sister,tanda mo ba pano sya namatay? Sa ganito din diba? At ipapadanas ko yon sayo” nanlilisik ang mga matang baling nya sa akin.
“Parang awa mo na Vera,tigilan mo to,aksidente iyon,ang mga magulang mo pinatawad kami,sana ikaw din” nagmamakaawa kong sabi,kailangan makumbinsi ko sya,alam kong mabait sya tulad ng una nyang ipinakita sa amin.
“Dahil bobo at tanga sila! Alam mo hindi ka dapat naman sa ganitong paraan mamatay,niligaw kita sa gubat,naglagay ako ng pampadulas sa hagdan pero nakaligtas ka pa din,pero sabi nga ng kambal ko,walang ginawang bading,at ang mga bading dapat mawala,lalo kana! Kaya pasensyahan na lang at ito ang huling option para sa kamatayan mo!” singhal nya sa akin. Hindi ako makapaniwala! Sya ang may gawa ng mga iyon? Pinagkatiwalaan ko pa naman sya!
“Ikaw may gawa non?”
“Oo,at ihanda mo na ang sarili mo sa kamatayan! Magsasama tayo sa impyerno! Magbabayad ka sa nangyari sa kambal ko!” aniya at itinodo ang bilis ng sasakyan.
Agad akong nag isip ng paraan,hindi pwedeng matatapos ang buhay ko sa ganito lang. Hindi totoo ang sinasabi nyang mawawala ang mga tulad ko. Dahil kung totoong walang ginawang tulad ko,bakit kami nandito at nagmamahal? Hindi ako pwedeng mamatay,madami pa akong gustong gawin.
Mabilis kong inagaw sa kanya ang manibela,gusto ko ito itigil sa isang tabi para makalabas ako,ngunit marahas nya akong binalya kaya nauntog ako sa harapan ng kotse,nakaramdam ako ng matinding hilo.
“Akala mo makakaisa ka huh?” aniya at humalakhak. Sinapak ko ang mukha nya dahilan para mabitawan nya ang manibela,hinawakan ko ito at sinubukang iliko patabi sa kalsada npunit laking gulat ko ng hawakan nya ang manibela,nag agawan kami, hanggang sa makita kong pabunggo kami sa isang puno,pilit ko pa ding iginalaw ang manibela,kasunod nun ay ang pagdilim ng paligid.
Nagmulat ako ng mata ng makaramdam ako ng matinding kirot sa ulo, pagkapit ko sa aking ulo at tiningnan ang aking kamay puro dugo ito.
Napatingin ako sa paligid,pero halos walang tao,naaamoy ko na din ang gas ng kotse. Tiningnan ko si Vera,duguan habang nakasubsob ang ulo sa manibela.
Tumingin ako sa labas,nakita ko ang kotse ni Kreyd at lumabas sya dito.
Tinanggal ko ang seat belt at binuksan na ang pinto. Palabas na sana ako ng may humablot sa akin pabalik sa loob.
“Saan ka pupunta? Hindi ka makakatakas” sabi ni Vera,halos hindi ko na sya makilala,nakakatakot na talaga sya. Pumiglas ako kahit sobrang nanghihina at nahihilo na ako ngunit hablot pa din nya ang buhok ko.
May nadinig akong nagsalita.
“Im sorry Vera”
“Bitawan mo ako!!”
Nakita kong nakalapit na si Kreyd,pumikit ako,naramdaman kong binuhat nya ako,ilang saglit pa ay nakarinig ako ng malakas na pagsabog saka ako tuluyang nilamon ng dilim.
And so tinungo ko ang fourth floor kung nasaan ang laboratory at talagang nagtayuan ang balahibo ko dahil deserted na ang fourth floor,wala ng katao tao.
Minadali ko na ang paglakad at sa wakas narating ko na ang Lab! Nasa dulong room kasi eh!
Pag pasok ko agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin
Ano to? Bakit bukas ang aircon? Aksayado sa kuryente ang school na to!
Ng bigla akong may marinig na ungol. Talagang nagtayuan angmga balahibo ko sa katawan!
Huh? Shit! Ano yon?
At umungol ulit ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa takot!
Sabi na eh! Totoong may mga kakaibang nilalang sa school pag sapit ng gabi!
“WAAAAHHH!! Tulooonggg!! May MAMAW!!” sigaw kong ganyan at napa atras,hindi ko namalayan na naatarasan ko switch ng ilaw at bumukas ito.
Lumiwanag sa buong Lab. Huh? Oo nga pala? Bakit ko kasi hindi nga agad binuksan ang ilaw pagkapasok ko pa lang?
“Ang ingay mo! Nagising tuloy ako dahil sa pag sigaw mo! At sino ang sinasabi mong Mamaw?!”
Nilingon ko ang nagsalita. At talagang napanganga ako at napakurap ng ilang beses!
Shit? Mamaw nga! Mamaw sa kagwapuhan!!
“Kasi naman akala ko Mamaw! Patay ilaw tas may uungol? Sinong hindi matatakot nun aber?” sabi ko namang ganyan,kunwari mataray ang lola nyo.
“Pinagbantay kasi ako kanina dito,nakatulog ako sa pagod” sagot naman nya.
“Huh? Bakit hindi ka ba estudyante dito?” agad kong tanong,ewan bigla ako nacurious eh.
“Working student ako dito sa school,sa pagod ko kanina sa paglilinis sa buong building ay nakatulog na pala ako habang nag babantay dito” sabi naman nya. So it means janitor sya dito sa school after ng mga class nya?
Ang unfair naman ng school nato? May mga agencies naman na pwede kuhaan ng mga janitors pero bakit estudyante pa? Sayang ang sobrang kagwapuhan ng mamaw na to kung janitor ang peg nya.
“Uhm alam mo ba san nakalagay mga test papers ni Mr.Kapritso?” tanong ko na lang para maiba usapan.
“Ayon sa may dulong table,sa tabi ng mga test tubes” aniya sabay nguso sa direksyong itinuro.
Agad ko ito tinungo at kinuha ang mga test papers.
“Ano,uhm salamat,una na ako” paalam ko sa kanya at lalabas na sana pero tinawag ako.
“Saglit lang,sabay na tayo,uuwina din ako, grabe gabi na pala” aniya at lumabas na kami at sinara na nya ang pinto
Napangiti na lang ako ng maalala ko ang unang araw ng pagkikita at pagkakakilala namin ni Kreyd.
“Mahal! Sabi ko na nga ba at nandito ka sa Lab eh!” ani Kreyd ng lumapit sakin at halikan ako.
“Wala lang,tiningnan ko lang itong Lab sa huling pagkakataon,ang sarap kasi balik balikan ng unang araw ng pagkakakilala natin” sabi ko naman at inihilig sa balikat nya ang ulo ko habang nakatayo kami sa labas ng Laboratory.
“Oo nga,ang unique ng pagkikita natin diba? Tingnan mo ngayon,ito na tayo Mahal,mag asawa na tayo,wala ng makakapag hiwalay sa atin” aniya,inakbayan ako at hinalikan sa ulo.
“Ang dami nating pinagdaanan,malungkot lang na kailangang may magbuwis ng buhay,pero ganun talaga,sana kung nasan man sina Venus at Vera,napatawad na nila tayo” sabi ko naman.
“sshhh,huwag na sabing isipin yon,kung nasan man sila alam ko nahanap na nila ang liwanag at napatawad na nila tayo,apat na taon na din ang lumipas mahal,pakawalan mo na ang guilt sa puso mo okay?”
Tama sya,apat na taon na yon,panahon na nga siguro talaga para pakawalan ko na ang guilt sa puso ko. Ngayon kakatapos nga lang ng Graduation namin at dito ako dumiretso,kumbaga huling sulyap kung san nagsimula ang lahat.
“Kahit graduation maglalampungan pa din ba kayo? Kambal hinahanap na kayo ng Mama at Papa nyo,tumawag daw si Manang na hindi daw sila magkanda ugaga ni Popoy sa mga pamangkin ko at sa pagluluto kaya dalian nyo dyan” nagulat kami sa biglang pagsingitni Seiji sa usapan namin. Nagkatinginan at humagikgik kami ni Kreyd.
“Tara na nga! May celebration pa tayo ng tropa mamayang gabi” ani Kreyd at sumunod na kami.
Tama po kayo ng nabasa,mga pamangkin ni Seiji,it means,mga anak namin ni Kreyd,ang panganay ay produkto ng Surrogacy nung 3rd year kami,si Zander,sperm ni Kreyd ang gamit at nitong 4th year sperm ko naman ang gamit sa surrogacy at si Gero ang kinalabasan,at yung isa,adopted namin si Nichie na napaka gandang bata,ang tatlong iyan ay mahal na mahal namin.
Sinong nagsabing hindi pwede magmahalan ang parehong kasarian at hindi pwedeng magka anak at lumigaya? Bakit kami ng Mamaw ko ay nakamit ang lahat ng iyon?
Masaya ako sa tinakbo ng buhay ko,ang dating simple kong buhay ay nagbago at nagkaroon ng kulay,ng dahil sa nakilala kong Mamaw sa Laboratory.
Kung tatanungin nyo kung kamusta ang tropa? Ayon going strong naman ang mga relasyon nila,alam nyo na siguro kung sino ang para kanino.
Ang kambal ko namang si Seiji ay naging close kina Mama at Papa,ganun din ako sa mga magulang nya,at ang maganda dun,close ang mga magulang namin.
“Papa! Mama!” agad na salubong samin ng dalawang taong gulang naming anak na si Zander. Kinarga agad ito ni Kreyd.
“Hows our little man?” lambing dito ni Kreyd,ang sarap lang tingnan ng mag ama.
“Okay lang po! Si Tito Popoy at Lola Manang ang nag alaga samin nina Gero at Chichi” bibong sagot nito, Chichi ang tawag nya kay Nichie.
“Oh eto na mga anak nyo,dyan na kayo para mapagpatuloy ko pagtulong sa pagluluto,ang daya nyo talaga” ani Popoy sabay abot sa akin ng natutulog na si Nichie at kay Seiji naman inabot si Gero.
“Tutunganga na lang ba kayo dyan? Asikasuhin nyo ang bisita” ani kuya Khyron na biglang sumulpot sa kung saan,isa nga pala din sya sa nagluluto,masyadong pinaghandaan itong graduation party namin.
“Haha saglit kuya,dalhin lang namin ang mga bata sa kwarto nila” sagot ni Kreyd dito.
“Nandun si Kebin,natutulog na” sabi ni kuya Khyron na ang tinutukoy ay ang 1 year old din nyang anak.
“Ah okay,sige kuya” at umakyat na kami at pinatulog muna ang mga bata. Ng makapag bihis na kami,nakita naming inaasikaso ng mga magulang namin ang mga bisita.
Ng sumapit ang gabi,nagdatingan ang tropa,kantahan,sayawan,inuman at lasingang walang humpay,sa wakas! Papasok na naman kami sa panibagong mundo.
Matapos ang party ay dumiretso na kami sa aming kwarto.
“Napagod ako,pero may gusto pa akong gawin” pilyong sabi ni Kreyd pagkahiga pa lang namin.
“Gawin mo na habang kaya ko pa sumabay,inaantok pa man din ako” nakangisi ko namang sagot sa kanya.
“Ah ganon!” at bigla syang pumatong sakin at dinilaan ang tenga ko,dun kasi ako nanlalambot talaga.
Hanggang sa napunta na nga sa mainit na pagtatalik ang aming ginawa.
Kahit lumipas na ang apat na taon,parang tulad pa din ng una ang lahat,bawat halik,bawat haplos,bawat ulos at bawat pagbitaw ng mga salita ni Kreyd kung gaano nya ako kamahal ay parang nung una lang,nagdudulot pa din ito ng kakaibang kiliti at kaligayahan sa aking pagkatao.
“Mahal na mahal kita Prue,kahit paulit ulit ko tong sabihin hindi ako magsasawa,ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa ating pagtanda,hanggang sa mag asawa na din ang mga anak natin,hanggang sa mamuti ang buhok natin,ikaw lang,hanggang kamatayan,ikaw ang aking mamahalin” madamdaming sabi ni Kreyd ng matapos ang aming pagniniig,hindi ako nakasagot,tumagos sa puso ko ang mga sinabi nya,at hindi ko man lang namalayang naluha na pala ako,luha ng kaligayahan.
“Mahal na mahal din kita Kreyd,ikaw lang ang nag iisa sa puso ko,ikaw lang ang mamahalin ko,at ikaw lang ang Mamaw na mamahalin ko habang buhay” sagot ko at niyakap sya ng mahigpit.
Sino bang mag aakala na hahantong ang buhay ko sa ganito? Ng dahil lang sa Mamaw sa Laboratory.
WAKAS :)
![Cover of Ang Mamaw Sa Laboratory [boyxboy] #Completed!](/story-covers/ang-mamaw-sa-laboratory-boyxboy-completed_5251296.webp)
