Ang Paraiso ni Irano (BXB FANTASY 2019)
Ai Tenshi · 8 chapters · 11,326 words
TOP COMMENTS AND REVIEWS
ANG PARAISO NI IRANO (BXB FANTASY)
COMPLETED (TOTAL OF 70 CHAPTERS)
WRITTEN BY Ai_Tenshi


NOTE:
Special thanks to John Lloyd Berzuela a.k.a FaberJohn01 (Book Cover)

Mag Kwentuhan tayo..
Ang kwentong ito ay ang ikalimang Super Hero na aking nilikha mula sa iisang direksyon. Ang “Ang Paraiso ni Irano” ay isang BXB fantasy genre na nakahanay sa iba pang naunang bayani na aking ginawa katulad nina Kuya Jorel
(My Super Kuya 2015) , Narding/Super Nardo
(Ang Tadhana ni Narding 2016),
Ace
(Ace 2016) at Nai
(Super Panget 2017). Ang lahat ng kwentong ito ay tumatak at minahal ng mga mambabasa batay sa iba’t ibang ugali, sitwasyon at katauhan ng karakter. Hindi sila perpekto, pero lahat sila ay tumatayo kapag nadarapa, lumalaban kahit kaunting pag asa ang natitira at humaharap sa bawat hamon. Ito ang inspirasyon na ibinibigay nila sa bawat isa sa atin.
Ang kwento ni Irano ay simple lamang, gamit ang teknolohiya at biyayang ipinag kaloob sa kanyang ng bituin sa kalangitan ay nagagawa niyang gamitin ang kahit na anong anyong tubig bilang sandata. Dito iikot ang kanyang kwento at kung paano niya haharapin ang lahat ng pag subok na ipupukol sa kanya ng kapalaran.
Dinala kayo ni Ace sa hinaharap daang taon mula ngayon, sumama kayo kay Super Nardo na tuklasin ang sinaunang sibilisasyon ng mundo, lumaban sa mga dayuhan kakampi sina Nai at Kuya Jorel. Ngayong 2019 ay dadalhin kayo ni Irano sa kanyang Paraiso..
Lalangoy na sa August 2019!
Author’s Note:
Hindi naman ako fan ng avengers noon, basta ang alam ko lang naisipan kong gumawa ng version ni Superman kasi I was watching Smallville tapos nainspired akong gawin itong si Super Kuya noong 2015. Tapos the following year 2016 naman naisipan kong gumawa ng male version ni Darna at ni Valentina na may powers na ganoon kay Orichimaru kaya gumawa akong sarili kong story ni Super Nardo.
Pag dating kay Ace noong 2016 rin ay naisipan kong gumawa ng isang story na may kinalaman sa future kung anong vision ko sa mga susunod na taon, medyo nahirapan akong gawin ito kasi talagang nag basa ako ng mga article na may kinalaman sa technology. Yung pag kakagawa ko naman kay Nai a.k.a Super Panget ay sinadya ko nalang dahil plan ko na talaga ang mag tayo ng sarili kong SQUAD. At noong mga time na ito, naidraft ko na itong si Irano hindi ko lang alam kung anong klaseng powers ang mayroon ito basta fix yung name niya bilang pang 5 na Angel. Bakit water? Ang sagot ay hindi ko alam, basta gusto ko may lumangoy langoy sa squad ko LOL.
At ngayong 2019, Proud na proud ako dahil mayroon akong sariling “Avengers!” Hindi man natupad yung pangarap kong maging superhero, sa pag likha ko sa kanila pakiramdam ko ay isa na rin akong superhuman. Lol
Maraming salamat sa suporta ninyo..
Thank you AiTenshi for sharing your stories!
-Ai_Tenshi
APNI Part 1: Irano
Tongtong Kitsakorn as Irano
Thank You FaberJohn01 bookcover! And Happy Birthday!!

Mula sa panulat ng My Super Kuya, Ang Tadhana ni Narding book 1 and 2, Ace at Super Panget.
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Paraiso ni Irano
AiTenshi
June 13, 2019
Bxb Fantasy 2019
Date: October 5, 1942
Malakas ang buhos ng ulan, habang abala kami sa aangat ng lambat sa mga nahuling isda. “Hila! Bilisan ninyo at ayan na ang malakas na bagyo!” ang sigaw ng aming bisor.
“Bakit naman kasi ngayon pa bumagyo! Putang ina!” ang reklamo ng aking kaibigang si Diego habang pilit na hinahatak ang malaking lambat na nag lalaman ng maraming isa.
Makalipas ang ilang minutong pag hila ay matagumpay naming naiahlon ang lambat kaya naman ganoon nalang ang saya ng mga kasamahan ko sa barko. Ibayong tuwa ang kanilang naramdaman dahil ito na ang pinaka maraming huli na naming naranasan makalipas ang ilang taong pag lalayag sa karagatan.
Habang nasa ganoong pag sasaya ang lahat ay isang malakas na kidlat ang tumama sa aming kinalalagyan dahilan para tumilapon ang aking mga kasamahan, nasira rin ang barko at nasunog ito.
Nag panic ang lahat, at kasabay aksidenteng pag tama ng kidlat ay ang pag laki ng alon sa karagatan, lalong sumama ang panahon at sinalpok kami ng paulit ulit hanggang sa tumaob ang barko at mahulog ang lahat sa delubyo ng karagatan.
Natagpuan ko ang aking katawan na inaanod, tinatangay at inululubog ng mala halimaw na alon sa iba’t ibang direksyon. Noong mga sandaling iyon ay tinalaga ko na sa aking sarili ang aking nalalapit na katapusan.
Patuloy akong inilulubog ng malakas na alon at kahit anong pag langoy ang aking gawin ay tila mahigpit ang pag kakayakap sa akin ni kamatayan. Hanggang sa hinila na ako ng pailalim ng karagatan. Tila may kung anong pwersa ang humatak sa akin sa ibaba at kasabay nito ang pagka patid ng aking hininga..
Nanatiling naka bukas ang aking mga mata, at nasa ganoong kawalan ako ng pag asa noong may tumamang kakaibang liwanag sa aking katawan. Ito ay nag mumula sa isang malaking bagay na nakalutang sa aking harapan na hindi ko lubos mailarawan, malaki ito, maraming ilaw, hugis tatsulok at nag kumikislap ang buong paligid..
Inabot ko ang liwanag na iyon hanggang sa unti unting pumikit ang aking mga mata..
Wala na akong natandaan pa..
Part 1: Irano
Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa pampang ng dagat. Masakit ang aking katawan at halos hindi ko pa rin maigalaw ng maayos ang talukap ng aking mata kaya’t hirap na hirap akong dumilat.
Ramdam ko rin na maraming tao sa aking paligid, ang ilan ay tinatapik ng kahoy ang aking mukha. Bagamat hindi ko sila malinaw na masilayan. “Siguro ay siokoy iyan, malas daw iyan sabi ng matatanda.” wika ng isang babae.
“Mother, paano magiging siokoy iyan e taong tao ang itsura. Saka may siokoy bang ganyang kagwapo?” ang sagot ng isa.
“Oo nga naman, kung ganyan ka gwapo ang mga siokoy ay baka chupain ko nalang sila lahat. Ano silipin nga natin kung daks iyan o jutay!” ang hirit nung isa tapos ay nag tawanan sila.
Nag panggap nalang ako na walang malay habang humahampas ang alon sa aking mukha. Halos malinaw pa rin sa aking ala-ala yung kaganapan kagabi kung saan lumubog ang aming barko dahil sa lakas ng bagyo doon sa gitna ng karagatan. Akala ko ay katapusan ko na ngunit maituturing na isang milagro ang aking pag kakaligtas.
“O, tabi kayo. Nandito na si kapitan.” ang narinig kong sigaw ng isang lalaki.
“Teka, wag niyo sabihin na type din kapitan itong boylet na ito?” ang tanong ng isa na hindi mo malaman kung babae lalaki ang boses.
“Gaga, hindi bakla si kapitan. Nandito siya para dalhin doon sa clinic ang lalaking iyan.” ang sagot niya sabay hawak sa aking mukha, ipinaling paling niya ito. “Hoy wag mo hawakan at baka malason iyan sa kamay mo.” pag pigil ng isa at narinig kong tinapik niya ang kamay nito. “Anong akala mo sa akin? Dikya? Bumalik na nga kayo sa mga trabaho ninyo. Mga baklang to.” ang reklamo nung isa.
“O siya, mga kababayan mag sibalik na kayo sa inyong mga gawain, kami na lamang ng aking mga kagawad ang bahala sa lalaking ito.” boses ng isang lalaki na may kagalang galang na tono.
Naramdaman kong ibuhat nila ang aking katawan at inilagay higaan. Dinala nila ako kung saan. At habang nasa ganoong posisyon ako ay unti unting nawala ang panlalabo at kirot sa aking mata kaya naman naidilat ko na ito ng maayos. “Oh hijo, gising kana pala.” ang bungad sa akin ng isang lalaking nasa mid age.
“Nasaan ako?” ang tanong ko sa kanya habang hinihimas ang aking sumasakit na ulo.
“Nandito ka sa isla ng Doyama. Ako naman si Nicolas Baltazar ang kapitan o punong taga pamahala sa islang ito. At sila naman ang aking mga kagawad na tumulong sa iyo kanina.” ang wika niya habang naka ngiti.
“Puro bakla.” ang bulong ko habang nakatanaw sa mga lalaking naka make up sa labas.
“Ah e hijo, dito ka tumingin, nandito ang aking mga kagawad at wala diyan sa labas. Puro mga fans mo yung nandyan.” ang natatawang wika ng kapitan
Tumingin ako sa kanila, blangko ang aking mukha, walang emosyon. Marahil ay sa pananakit ng aking katawan at ulo. Hanggang ngayon ay umiikot pa rin ang aking paningin.
Tahimik..
Maya maya ay kumalam ang aking tiyan na narinig ng lahat, kaya nag katingnan sila at nag bitiw ng isang pigil na tawa. “Ikuha niyo ng pag kain ang ating panauhin, wala man lang naka isip sa inyo na dalhan siya ng tubig? Wala ba kayong ideya na baka ilang araw na siyang palutang lutang sa karagatan?” ang tanong ni kapitan.
“Eh wala kap, hindi na namin maiisip iyon dahil masyado siyang gwapo. Feeling ko maliligwak niya yung anak mong si Cyan na mayabang, batugan at babaero. Na feeling siya na ang pinaka gwapong nilalang dito sa isla.” ang wika ng isang beki sa bintana.
“Naku wag niyo na idamay ang gago kong anak dito. Wala na talagang pag asang mag bago ang isang iyon. Kumuha na kayo ng pag kain, kawawa naman ang bisita natin. Anong pangalan mo hijo?”
“H-hindi ko alam sir.” ang sagot ko na nakaramdam ng pag kalito sa aking sarili.
“Baka masyado ka lang napagod hijo, marahil ay matagal kang palutang lutang doon sa karagatan kaya halos nag mukha ka nang ermitanyo.”
“Oo nga kap, pero tingnan mo naman, gwapo pa rin siya noh.” ang sabad ng mga beki sa labas.
“Hoy mga beki, wag muna kayo makigulo dito. Baka mas malito yung tao e. Anyway hijo, wala ka bang natatandaan? Kailan ka ba pinanganak? Anong nangyari sa iyo doon sa gitna ng karagatan?” ang tanong ni Kap.
“Bumagyo at nasira yung aming barko, parang kagabi lang naganap ang lahat. Ipinangak ako noong Aug 1, 1922. 20 anyos ako noong mag trabaho sa barko at kahapon October 5, 1942 noong lumubog ito.” ang wika ko naman.
“Teka, 1922 ka ipinanganak hijo? Tapos 1942 lumubog ang barko? Sigurado ka ba? Bakit ganoon? Hijo alam mo ba na 1996 na ngayon? Kung 1922 ka isinilang, dapat ay 74 years old kana ngayon. Medyo magulo yata ang mga salaysay mo. Oo nga’t masyadong makapal ang bigote at balbas mo pero hindi ka mukhang matanda.”
“Saka paano magiging matanda iyan e ang sarap sarap ng katawan. Parang gusto ko na nga siyang jakulin.” ang sabad ng beki sa labas.
Tawanan sila..
“Tse, doon nga kayo mga chakang to, wag nyo takutin ang bisita natin.” ang wika ng isang kadarating palang na beki, sabay kuha sa aking hinubad na basang jacket at sinuri itong mabuti.
Napatingin ako sa kanya at nag taka, hindi ko akalaing isa siyang bakla dahil masyadong malaki ang kanyang katawan. “Hijo, iyan si Tibursio ang aking katiwala doon sa bahay. Isang mahusay na mangingisda iyan at maninisid kaya ganyan kaganda ang kanyang katawan.” wika ni Kap
Tumabi sa akin si Tibur at nag pa cute, kumurap kurap ito at pumadekwatro ang hita. “Gusto mo sisisirin kita pare?” ang tanong niya kaya naman dumistansiya ako sa kanyang pag kakaupo.
“Pansensiya kana hijo kung marami ang bakla dito sa isla, alam mo naman malapit tayo sa karagatan kaya’t ang lahat ay nagiging isang sirena. Ang mga bakla dito ay mahuhusay lumangoy at magagaling na mandaragat. Iyon lamang ang maipag mamalaki ko tungkol sa kanila.” wika ni Kap
“Eh kap, yung ganda namin? Hindi mo ba pwedeng ipag malaki?” protesta ng isang beki sa bintana.
“Saka nalang kapag napatunayan na sa korte ang sinasabi mong ganda.” sagot ng kapitan.
Tawanan nanaman sila.
“Kap, alam ko na kung anong namesung ng ombreng iyan. Tingnan nyo may naka sulat na pangalan sa jacket niya. “Irano” ang naka lagay.“ wika ni Tibur sabay bigay ng jacket sa kapitan at kapwa nila ito sinuri. “Oo nga, siguro ay tatawagin ka muna namin sa pangalang Irano hanggang hindi pa bumabalik ang iyong ala-ala.” wika ni Kap na akin namang sinang ayunan.
“Oy mga bakla, Irano ang pangalan!” ang wika ni Tibur
“Ay! Bongga! Halika binyagan na natin siya!” ang sagot ng mga ito.
“Huwag na, di naman kayo magaganda. Mahihina ang babaihan powers niyo.” ang wika ni Tibur sabay kuha sa kabibeng nasa lamesa at pinag tatapat ito sa mga beki sa bintana. “Kita nyo na? Walang masense na awra ang kabibe, meaning wala kayong ganda!” ang maaarteng wika ni Tibur sabay kuha sa plato at inilagay doon ang aking pag kain. “Kumain ka muna papa Irano, hayaan mo mamaya ay gugupitan kita, aahitin ko lahat ng buhok mo sa katawan, im sure makapal na rin ang buhok mo sa baba katulad ng buhok mo sa kili-kili. Ako ang bahala diyan day! Kumain kang mabuti at mamaya ikaw naman nag kakainin ko.” ang wika nito dahilan para katukan siya ni Kapitan.
“Ganito na lamang, kung wala kang mauuwian ay maaari kang tumuloy sa aking tahanan. May mga lumang damit doon ang anak kong si Cyan, siguradong kasya iyon sa iyo dahil parang mag kasing edad lang kayo. Pag katapos mong kumain ay maaari kanang hinatid ni Tibur doon.”
“Aba e bakit sa inyo Kap? Pwede namang sa amin siya tumira!” ang reklamo ng mga beki sa bintana.
Rumampa si Tibur sa kanilang harapan at hinawi ang kanyang buhok, bagamat semi bald ang kanyang gupit. “Ganda lang talaga mga sissy, hindi ako makapaniwala na napapaligiran ako ng mga gwapong lalaki sa bahay. Baka mabaliw ako kapag nag tabi na sina Cyan at Irano. Baka hindi ko kayanin ang alindog nila.” ang maarteng salita nito na parang naloloka kaya naman hinablot siya ng mga beki sa bintana ay pinag kukurot. “Swapang ka baklaaa!” ang inis nilang tugon.
“Oy tama na iyan, mag si balik na kayo doon sa mga trabaho ninyo. Ikaw naman Tibur ay samahan mo si Irano pauwi sa bahay, bigyan siya ng damit na malinis at ihanda mo ang bakanteng kwarto doon para sa kanya. Kailangan niyang mag pahinga dahil galing siya sa isang mahabang pag lalakbay.”
“Yes kap. Gusto mo ba paliguan ko na rin siya?” ang tanong nito
“Batid kong ilang araw na siyang palutang lutang sa karagatan, sa tingin ko ay masyado nang babad ang kanyang katawan doon. Bigyan mo na lamang siya ng gamot, maayos na kumot at unan para siya makapag pahinga.”
At dahil wala naman akong ibang pamimilian ay nag desisyon na rin akong tanggapin ang alok ni Kapitan. Hanggang ngayon ay magulo pa rin ang aking isipan sa mga bagay na hindi ko lubos na maunawaan.
Sa tuwing tumitingin ako sa karagatan ay tila ba may kakaibang pakiramdam ang nangingibabaw sa aking kaibuturan. Marami akong katanungan na nais kong hanapan ng kasagutan, batid kong darating din ang panahon na maliliwanagan ko ito. At sa pag dating ng araw na iyon, sana ay handa na ako.
Itutuloy..
APNI Part 2: Ang Kulay ng Karagatan
NA Takuathung as Cyan
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Paraiso ni Irano
AiTenshi
June 18, 2019
Part 2: Ang Kulay ng Karagatan
“Alam mo mabait at mapag kawang gawa si kapitan Baltazar, halos ilang taon na rin siyang tumatayong punong gabay dito sa isla. Namatayan siya ng asawa noon, dulot ng pag iisa ay nag sumikap siya kaya gumanda ang kanyang buhay. Ginawa niyang inspirasyon ang pag kawala niya para umasenso. Sa ngayon ang kasama niya sa bahay ang anak niya na si Cyan, mga kasambahay at ako bilang taga pamahala. Malaki ang bahay ni Kap kaya huwag mong isiping makaka sikip ka. Kung hindi ka naman komportableng mag isa sa kwarto ay maaari tayong mag sama sa iisang silid. Maliligayahan ka sa akin, ang ibig kong sabihin ay hindi ka malulungkot dahil may kasama ka.” ang wika ni Tibur habang nag ddrive pauwi sa bahay ni Kap
“Ayos lang naman akong mag isa, magulo lang ang isip ko ngayon.” tugon ko
“Kaya magulo ang isip mo ay dahil diyan sa buhok mong mahaba, cast away ka ba? O na trap sa isang isla? Hindi ko lubos maisip kung ano ang pinag daanan mo doon sa gitna ng karagatan pero makabubuti kung makapag papahinga ka muna para manumbalik ang katinuan ng utak mo. Heto na tayo, welcome sa bahay ni kap!” ang naka ngiting wika niya sabay hinto sa sasakyan.
Maganda ang bahay ni kap, mayroon itong dalawang palapag at ang mga bintana ay nag lalakihan na gawa sa malalaking salamin, medyo malapit ito sa karagatan kaya mula dito sa aming kinalalagyan ay matatanaw mo ang magandang kulay nito. “Ang mga bintana ay disenyo ni Cyan, ang anak ni Kap. Gusto kasi niya na nasisilayahan ang karagatan. Huwag kang mag alala dahil hindi ito delikado kapag may bagyo. Gawa sa matibay na materyales ang buong kabahayan, kahit mag ka tsunami pa ay tiyak di ito masisira. Tayo na loob para makapag pahinga kana.” ang pag yaya ni Tibur.
Isang malalim na buntong hininga naman ang aking pinakawalan habang pumapasok sa tarangkahan ng kanilang bahay. Wala doon ang aking atensiyon kundi nasa tanawin sa kalayuan, nasa karagatan ang aking mata na para bang mayroon itong sinasabi sa akin na hindi ko maunawaan. Parang may isinisigaw ngunit baka nasa isipan ko lamang iyon o guni guni kaya?
Tahimik..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay tila may kung anong liwanag ang tumama sa aking mata dahilan para ako ay mapikit at matumba. Bumagsak ang aking katawan sa lupa at kasabay nito ang pag bigat ng talukap ng aking mata. Ang aking utak ay parang panandalian namatay o nag shut down. Narinig ko nalang ang tili ni Tibur na nang hihingi ng tulong sa mga kasambahay habang nag papanic sa aking pag kakabagsak.
Noong imulat ko ang aking mga mata ay bumulaga sa akin ang isang maliwanag na ilaw. Ang aking kamay ay nakatali sa mag kabilang gilid ng kama at dito ay nakita kong naka bukas ang aking dibdib na para bang inooperahan ako na hindi ko labis maipaliwanag. Sa aking paligid ay may nakita akong mga nilalang na kakaiba ang anyo. Maliliit ang mga ito at kaiba ang itsura sa ating mga tao. Dahil sa takot at nag panic ako at nag wala “pakawalan niyo ako! Anong ginagawa niyo sa akin?!!” ang sigaw ko ngunit patuloy pa rin sila sa pag kalutkot sa aking laman loob. Wala silang naririnig at wala silang paki alam sa akin.
“PAKAWALAN NYO AKOOO!!!” ang sigaw ko habang nag wawala, halos masira ko na ang aking higaan at maputol ko na ang aking mga braso. Ngunit wala pa rin.
“Bitiwan niyo kooooo! Wala akong ginagawang masamaaaaaa!!”
“Saklolo! Tulonggg!” ang sigaw ko pa sabay balikwas ng bangon sa aking higaan.
Agad kong kinapa ang aking dibdib at hinahanap ang hiwa nito ngunit wala naman, maayos rin ang aking katawan at muling bumalik sa normal ang aking pag hinga bagamat halos maligo na ako na ako sa matinding pawis. Tumutulo ito mula sa aking noo pabagsak sa aking patilya. “Ayos ka lang ba?” ang bungad ni Tibur noong biglang sumulpot sa aking harapan kaya naman nagulat ako.
“Nagulat ka ba? Sorry ha, nag decide kasi ako na dito matulog sa tabi mo para mayakap kita ah e ang ibig kong sabihin ay mabantayan kita. Ano? Okay ka lang ba? Mukhang masama ang pananginip mo.” ang wika niya habang lumalapit sa akin ang mukha kaya naman lumayo ako at kinuha ang kamot at ibinalot ito sa aking katawan bagamat may damit naman ako. “Oo, ayos lang ako.” ang sagot ko.
“Sus, para ka namang rape victim niyan. Anyway huwag kana matakot dahil panaginip lang ang lahat. At naniniwala ako na dreams are made to be broken.” ang malandi niyang salita habang tumatabi sa akin.
“Promises yata iyon, hindi dreams.” ang pag tatama ko dahilan para matawa siya. “Hayaan mo na, ang gwapo mo kasi kaya nawawala ako sa concentration.” tugon niya.
At habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kap sa loob ng silid. “Tibur, huwag mong takutin si Irano. Mag handa na kayo ng hapunan.” ang utos nito kaya naman wala siyang nagawa kundi ang umalis sa aking tabi at lumabas sa silid.
Nanatili kami ni Kap sa loob ng silid.
“Kamusta ang pakiramdam mo hijo?” tanong niya.
“Maayos na po, salamat.” ang tugon ko sabay bitiw ng ngiti.
Tahimik.
Napabuntong hininga ang kapitan at lumakad sa malaking bintana, binuksan niya ang salamin nito kaya pumasok ang malamig na hanging nag mumula sa karagatan. “Iyan ang mahirap kapag nag ttrabaho ka sa gitna ng karagatan, wala siguridad, maaari kang mapamahamak. Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi maaakit sa bughaw na kulay nito, ang kulay ng tubig sa dagat ay ang aking pinaka paboritong kulay, iba kasi ang pag ka asul nito, katulad ng bughaw na kalangitan. Kaya naman napag desisyunan ko na ipangalan ang aking anak sa kulay nito. Cyan, o yung bughaw na hindi matingkad at hindi rin ganoon kalamlam.” ang wika niya habang lumalanghap ng hangin sa labas.
“Nasaan ang asawa mo?” ang tanong ko.
“Matagal na siyang pumanaw. Doon sa mismo sa karagatan. Isa siyang matapang na babae, maganda at may sariling paninindigan. Medyo pasaway at hindi nakikinig sa akin. Ayun, nadisgrasya tuloy.” ang natatawa niyang sagot na may halong pag bibiro.
“Sorry, sana ay hindi na ako nag tanong.” tugon ko rin.
“Ayos lang iyon hijo, maaari kang tumira dito hanggang gusto mo. Sa tingin ko ay mag kakasundo kayo ni Cyan dahil halos hindi kayo nag kakalayo ng edad. Huwag mo nalang ulit ako bibiruin na ang taon ng kaarawan mo ay 1922 dahil tiyak na tatawanan ko lang ito. Siguro ay masyado ka lang nastress o napagod doon sa gitna ng karagatan. Huwag kang mag alala dahil kapag naging maayos na ang iyong pakiramdam ay sasamahan kita doon sa siyudad upang maka gawa ng report at matunton ang iyong pamilya.”
“Mabait naman kayo, kaya’t tiyak na mabait rin ang iyong anak. Nga pala kap, maraming salamat sa pag tulong at pag papatuloy sa akin kahit na hindi ko alam ano o saan ako nag mula.” ang wika ko
Ngumiti siya at tinapik ang aking balikat. “Wala iyon hijo, bukas ang tahanan ko para sa iyo.”
Habang nasa ganoong posisyon kami ay narinig naming tumatawag na si Tibur sa kusina. “Naka handa na ang hapunan! Espesyal ito, may adobong pusit, daing na bangus, octopus soup, crab soup at kung ano ano pa, mula sa puso ko.” ang wika nito at habang nag sasalita siya ay may isang pang tinig kaming narinig. “ARWKKK!” boses ng isang lalaki sumusuka o dumuduwal.
“Ay!!! Jusko papa Cyan!! Lasing kana naman! Pero ang gwapo pa rin kahit lasing ka infairness!!” ang maarteng wika ni Tibur.
“Ayan na yung anak kong pasaway.” ang wika ni Kap sabay labas sa aking silid, sumunod rin ako sa kanya patungo sa sala at dito nga nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa pintuan habang sumusuka. Naka suot ng itim na sandong butas at gulo gulo ang buhok na parang dinaanan ng kung ano. “Cyan, bakit ginagabi ka sa inuman? Sana ay tumulong ka man lang doon sa barangay hall bago ka mag bisyo.” ang sermon ng kanyang ama.
Sasagot sana ang kanyang anak ngunit sumuka nanaman ito “Arwkk!!” kumalat ang suka niya sa sahig. “Ay! Jusko Cyan, wag ka naman dito sumuka, pwede doon ka nalang sa CR? Bibihisan tuloy kita! Papaliguan at aalagaang mabuti.” hirit ni Tibur.
Walang nagawa ang kanyang ama kundi ang mapailing nalang at alalayan ang lasing na anak. Inilagay niya ang braso nito sa kanyang balikat at buong lakas na itinayo. Tutulong sana ako ngunit napatingin siya sa akin. Iba ang itsura ni Cyan, gwapo ito, makinis ang balat at mapula ang labi. Kapansin pansin rin ang ganda ng kanyang katawan ang kanyang tangkad na halos nasa 6ft. “Bakit may ermitanyo dito? Sino ba iyang nuno sa punso na iyan?” ang naka kunot noo nito tanong habang nakatitig sa akin.
“Ano ka ba, hindi iyan ermitanyo. Bisita natin siya. At dito muna siya hanggang sa maging maayos ang kanyang kalagayan. Gusto mo bang kumain muna papa Cyan?” ang tanong ni Tibur
“Tulog na ko. Masakit ang ulo ko.” wika niya at dinala siya ng kanyang ama sa kanyang silid. Kami naman ay nanatiling naka tayo sa sala. “Ganyan talaga yung anak ni Kap na iyan, mabisyo, walang ginawa kundi ang makipag barkada sa mga tambay. In short ay wapakels siya sa mundo, hindi rin siya mapakinabangan ng tatay niya. Minsan ay sakit pa nga ito ng ulo, ilang babae na ang nagalaw nito at ilang beses na rin iyan muntik nang mapikot. Basta kahihiyan sa magulang ang dala niya at mainit ang dugo niya sa mga bakla. Pwersa akin ha, doon sa iba.” ang wika ni Tibur.
“Oh, bakit nakatayo pa kayong dalawa diyan? Kumain na tayo at lalamig itong mga pag kain.” pag yaya ni kapitan sabay upo sa harap ng lamesa. “Hijo, halika na dito, kailangan mong kumain upang mag karoon ng lakas ang katawan mo.”
“Oo nga naman, kumain ka para may lakas ka. Sayang itong ganda ng chest at braso mo kung manlalambot ka lang.” ang naka ngising wika ni Tibur sabay himas sa aking dibdib. “Ikukuha kita ng mainit na sabaw, pampalakas ng resistensiya.” Dagdag pa niya
“Umayos ka nga, bakit ba ganyan ang boses mo? May sakit ka ba?” ang tanong ni kap.
“Wala po kap, pinalalandi ko lang yung boses ko para maakit ko ito si papa Irano.” ang wika niya.
“Oh hijo, wag kana mahiya, kumain ka ng marami.” ang wika ng kapitan sabay kuha ng mga ulam at inilagay ito sa aking plato. Napatingin ako dito at sinunggaban ko agad, hindi maunawaan ngunit pakiwari ko ay matagal nang hindi nalalamanan ng pag kain ang aking sikmura. Ang alam ko ay kagabi lamang naganap ang aksidente doon sa gitna ng karagatan, ang pinag tataka ko lamang ay ang pag haba ang aking buhok sa katawan at ang taon na aking kinabibilangan ngayon ay malayong malayo sa taon na aking pinag mulan. Gulong gulo ang aking isipan, siguro ay dala lamang ito ng labis na gutom at pagod.
Siguro ay manunumbalik rin ang aking katinuan sa pag lipas ng mga araw. Sa ngayon ay nag desisyon ako na dumito muna sa bahay ni Kap, sa tingin ko ay mas ligtas ako dito at makapag papagaling ako ng husto.
Itutuloy..
APNI Part 3: Ang Hari ng Isla
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Paraiso ni Irano
AiTenshi
June 25, 2019
Part 3: Ang Hari ng Isla
“Kumain ka ng kumain para manumbalik ang katinuan ng utak mo, saka infairness ha bagay na bagay sayo iyang tshirt ni Cyan.” ang wika ni Tibur naman pinanood niya ako sa pag kain ng almusal.
“Matino naman pag iisip ko, hindi ko lang talaga maalala yung mga nangyari sa akin. Pero ang lahat ay nakikita ko sa panaginip ko, kung paano ako lamunin ng malalaking alon sa karagatan, yung hagupit ng bagyo ay naririnig ko pa rin hanggang ngayon, ang akala ko ay doon na ako mamamatay.”
“Pero swerte ka pa rin dahil buhay ka, kung sa bagay ay nauunawaan kita. Kung sa akin nangyari iyan ay baka maloka loka na ko.” ang wika niya sabay lagay ng kanin sa aking plato.
Habang nasa ganoong posisyon kami noong biglang sumulpot si Cyan sa harap ng lamesa, naka hubad ito ay brief lamang ang suot. Umupo siya sa aking tabi at saka dumakot ng kanin at ulam. Wala siyang paki alam, ni hindi man lang kami binati o parang wala itong nakita. Malaking subo ang kanyang ginagawa, magulo ang pag kain sa kanyang plato at barakong barako kung kumilos. “Ehem” ang pag papa pansin ni Tibur.
Tumingin sa kanya ang binata, napahinto ito sa pag nguya, nakabukol ang pag kain sa pisngi. “Ikuha mo nga ako ng kape.” ang utos nito saka humarap sa akin at ngumiti. “Ikaw pala yung bagong boarder ni papa. Balita ko matagal ka daw palutang lutang doon sa gitna ng karagatan at medyo naalog nga daw ang utak mo. Kawawa ka naman.” ang wika niya.
“Dito muna siya titira sa atin, iyon ang sabi ng papa mo.” ang wika ni Tibur habang nag titipla ng kape
“Hindi ka naman siguro masamang tao diba? Wala ka namang sigurong dalang kamalasan sa isla namin.”
“W-wala lang ako maalala ngunit tiyak kong hindi naman ako masamang tao.” sagot ko.
“Mainam na yung malinaw. Tangina tagal naman ng kape ko.” ang utos pa niya sabay tayo at siya na mismo ang kumuha ng kape niya na tinitimpla ni Tibur. “Bagal mo e.”
Napatingin ako sa katawan niya, putok ang dibdib, makinis ang balat, bilugan ang braso, walang kataba taba ang tiyan, may abs at makapal na buhok sa ilalim ng kanyang pusod pababa sa kanyang pag kalalaki. “Aba may mapabuhok si kuya.” ang wika ni Tibur noong makita ito.
“Huwag kang mag alala dahil mas makapal ang bulbol niyang si ermitanyo kaysa sa akin. Sa haba ng bigote, balbas at buhok niya sa ulo e baka pwede nang itirintas yung bulbol niya sa burat.” ang wika nito sabay higop sa kape at umalis sa aming harapan. Natatawa ito na hindi mo mawari.
Maya maya ay nag suot siya ng short at t shirt na inalisan ng manggas saka lumabas sa bahay. “Hi papa Cyan, ang gwapo mo naman ngayon!” ang bati ng isang beki sa natarangkahan na halatang kanina pa siya hinihintay.
“Matagal na kong gwapo, gago. Sana ikaw rin!” ang sagot niya kaya naman napanguso nalang si beki at saka nag inarte. “Gwapo nga mayabang naman.” pag mamaktol niya.
“Halika Irano, tingnan mo ito. Ganito kasikat si Cyan dito sa isla.” ang pag yaya ni Tibur sa labas upang pag masdan ang pag lalakad ni Cyan.
Mayabang siyang mag lakad, ang lahat ay napapalingon sa kanya. Mapa babae, lalaki, bakla o tomboy pa ay walang kawala. Yung iba naman ay nang hihina ang tuhod at napapa salampak nalang sa buhanginan. May ilan naman na nawala sa konsentrasyon at panandaliang nakalimutan ang kanilang mga ginagawa.“Shit, nag cucum akooo!” ang sigaw ng isang babae na naka hawak sa kanyang palda. At iba naman ay literal na nalalaglag ang panty.
“Tingnan mo nga, tingin palang niya ay nilalabasan na yung mga babae dito.” ang wika ni Tibur.
“I autograph mo naman itong pic mo papa Cyan.” ang wika ng isang batang beki na humarang sa kanya.
Kinuha ni Cyan ang ballpen at larawan niya at pinirmahan, saka ito itinapon sa kanyang likuran. “Kabata mo namang bakla? Marunong ka na ba chumupa?” tanong nito
“Nag papractice palang po, gusto chupain kita kuya?” ang tanong nito.
“Pag na chupa mo yung sarili mo, papayag akong machupa mo.” ang wika nito sabay tawa ng malakas.
Napailing nalang kami ni Tibur. “Wala e, siya ang pinaka gwapo dito sa isla.” ang wika niya sabay tingin sa akin.
“Bakit?” ang tanong ko.
Ngumisi siya at inuga uga ang ulo. “May epelepsi ka ba?” tanong ko
“Wala no, may naisip lang ako.” ang naka ngisi niyang sagot.
“Ano naman iyon?”
“Kiss mo muna ko, bago ko sabihin sa iyo.” malandi niyang sagot.
Napangiwi ako at lumayo sa kanya. “Di bale nalang.” tugon ko
“Nga pala papa Irano, gusto ni Kap na mag work ka bilang assistant niya. Yung mga trabahong hindi kering gawin ng batugan at mahangin niyang anak ay ikaw nalang ang gagawa.”
“Oo ba, gusto ko ring makatulong kay Kap, ayoko naman na nandito lang ako sa bahay na walang ginagawa. Kailan ako mag sisimula?”
“Matagal pa naman. Bukas.” sagot niya sabay flying kiss sa akin.
Alas 2 ng hapon, pag katapos kong maligo ay agad akong ang punas ng aking katawan, isinuot ko rin yung 2nd hand na brief ni Cyan saka ako nag pasyang lumabas ng banyo. Pag bukas ko palang ng pintuan ay bumulaga na sa akin si Tibur, naka pose pa ito at nakamumunggay ang mga mata. “Bakit?” ang tanong ko
Hindi siya sumagot, hinila niya ako at pilit itulak pabalik sa loob ng banyo. Dahil mas malaki ang katawan niya ay hindi ako maka laban ng husto. “Ano bang ginagawa mo?! Bitiwan mo kooo!” ang sigaw ko habang iniaalis ang aking braso sa pag kakahawak niya sa akin. “Kagabi pa ko atat na atat gawin ito! Huwag kana lumaban dahil sasamain ka lang sa akin!” ang wika niya sabay dukot ng matalim na bagay sa kanyang bulsa.
“Anong gagawin mo?! Bitiwan mo kooo!”
“Huwag kana pumalag! Mabilis lang ito! Ako ang mga bahala sa iyo.” ang sagot niya sabay takit ng tuwalya sa aking mukha.
“Huwaggg! Tamaaa naaaa! Hindeeee!” ang sigaw ko na narinig sa buong kabahayan.
Makalipas ang isang oras..
“Tadaaaa! Hindi mo akalaing magagawa ko sa iyo to diba?” ang wika niya habang naka ngiti. Pinagpag niya ang aking balikat at minasahe pa ako.
Dito ay nakita kong nag bago na ang aking anyo. Ang aking buhok ay umigsi na, makinis na rin ang aking mukha. Magaling palang mag gupit si Tibur at halos bumalik na ako sa aking batang itsura, ang ibig kong sabihin ay hindi na ako mukhang ermitanyo “Ehem.. pwedeng mag mura? PUTANG INA! ANG GWAPO MO! HAYOP! PAK SHET!” ang wika niya habang nakatitig sa akin.
Ngumiti ako “salamat, akala ko talaga gagahasain mo ako e.” ang biro ko.
“Pwede rin, gusto mo ba? Joke lang. Oh heto, pwede pa tong pang ahit sa bulbol mo. Medyo matalim pa to.” ang wika niya sabay abot sa akin ang garalgal na shaver dahilan para matawa ako. “Salamat.”
Alas 4 ng hapon, nag pasya ako lumabas ng tarangkahan upang maglakad lakad sa tabi ng dalampasigan. Pag sara ko palang sa gate ay napansin na agad ako ng mga taong nakatambay sa di kalayuan, lahat sila ay lumapit sa akin para maki usisa.
Ang kanilang mga mata ay naka titig lang sa aking mukha dahilan para mailangan ako. “Ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa kanila.
“Gwapo rin pala itong ampon ni Kap.” ang wika ng mga lalaki sabay lapit sa akin at nakipag kamay. “Ruben pare, siya naman si Joey, at Ely. Ganda ng muscles mo pre, pwede ba makita yung abs mo. Wow, ganda oh. Tigas ng katawa mo pare.” ang wika ng mga ito habang hinihimas himas ang aking braso at tiyan.
Nasa ganoong posisyon kami noong hilahin ako ni Tibur at ilayo sa kanila “sa sobrang gwapo mo e naakit na rin sa iyo yung mga pamintang iyon. Pare pare pa e mga gelatin naman!” ang dagdag pa niya.
“Saan naman tayo pupunta?” ang tanong ko
“Ididisplay kita.” ang wika niya sabay sigaw. “Mga bakla, binabae, thunderbird na bakla, mga pamintang durog at pamintang buo. Nasa inyong harapan ngayon ang susunod na “Hari ng Isla!”. ang wika niya na tumawag ng atensiyon ng marami.
Nag takbuhan ang mga batang beki sa aming kinalalagyan. “Ay ang pogi naman niya mama.” ang wika ng isa sabay hawak sa aking braso kaya kamay tinampal ni Tibur ang kanyang kamay.
“Aray naman!” reklamo nito.
“Bawal hawakan dahil baka mapanis at mausog. Hanggang tingin lang muna kayo mga bakla.” ang wika niya at mayroon nanamang beki na humawak sa aking kamay dahilan para tampalin pa rin niya ang kamay nito. “Huwag nga kayong makulit.” suway niya
“Ang damot mo naman ateng, para hihipuin lang eh.”
“Mag sanitize muna kayo mga bakla, amoy betlog ang mga kamay niyo. At heto ha, tandaan nyo ang araw na ito dahil mawawala sa kamay ng mayabang na anak ni Kap ang titulo! Agree ba kayo mga ateng?” ang tanong ni Tibur
“Ah e hindi namin alam, ayaw naming maistress. Basta kailangan namin silang matikman!” ang sagot ng mga beki
“Asa much, halika na nga doon Irano, baka mapanis ka dito sa labas. Yung mga baklang tow di man lang nag mouth wash, mga amoy betlog ng shokoy ang mga bibig. Yung iba may natuyong nektar pa sa labi. Nakakaloka talaga!” ang malanding wika ni Tibur sabay hila sa akin papasok sa gate.
“Ang feelingera mo naman ateng, hindi ka naman babaihan!” ang wika ng mga beki sa gate sabay tapat ng isang bagay na animo malaking remote control na may antena kay Tibur. Maya maya ay umilaw ito at tumunog.
Tawanan ang mga beki sa gate..
“Anong nakakatawa? Itapon nyo na ang babaihan radar na iyan dahil hindi naman totoo iyan.” kontra ni Tibur
“Nako ateng, hindi mo lang matanggap na 1.23% lang ang babaihan powers mo! Baklang toe! Hindi ka naman maganda!” pang aasar nila.
“Pwes, we have a tie! Saka outdated na iyang radar nyo, noon pang 1990 iyan. Wala bang mas bago? Cant afford mga teh?” ang pang aasar niya sabay rampa papasok sa bahay.
“Bakit kailangan mong makipag away para sa isang simpleng bagay?” tanong ko
“Hindi ako nakikipag away, pinagtatanggol ko lang rights ko bilang isang bakla. Anyway, ngayong alam na ang buong isla na ikaw ang lalaban kay Cyan, kailangan ay mag handa kana.”
“Anong laban ba iyon?” ang tanong ko
“Ang labanang iyon ay tinatawag na “Hari ng Isla” isang contest para sa mga kalalakihan, pagandahan ng katawan, pa gwapuhan at pa angasan. Taon taon ay si Cyan ang nanalo dito. Kailangan ay putulin na natin ang sumpa!“ ang wika niya sabay bukas ng cabinet at dito nga nag kahulog ang maraming tropeyo sa loob nito.
Itutuloy..
APNI Part 4: Titig
Tongtong Kitsakorn as Irano
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Paraiso ni Irano
AiTenshi
June 26, 2019
“Hindi ako nakikipag away, pinagtatanggol ko lang rights ko bilang isang bakla. Anyway, ngayong alam na ang buong isla na ikaw ang lalaban kay Cyan, kailangan ay mag handa kana.”
“Anong laban ba iyon?” ang tanong ko
“Ang labanang iyon ay tinatawag na “Hari ng Isla” isang contest para sa mga kalalakihan, pagandahan ng katawan, pa gwapuhan at pa angasan. Taon taon ay si Cyan ang nanalo dito. Kailangan ay putulin na natin ang sumpa!“ ang wika niya sabay bukas ng cabinet at dito nga nag kahulog ang maraming tropeyo sa loob nito.
Part 4: Titig
Alas 8 ng gabi..
“Baliw ka ba Tibursio? Ilalaban mo sa akin yung ermitanyong boarder ni papa? Tang ina, mag ahit muna siya ng bulbol niyang kasing kapal ng bigote at balbas niya.” ang narinig kong wika ni Cyan sa sala. Nasa loob naman ako ng aking silid at naka silip lang sa awang ng pinto at nakikinig sa kanilang usapan.
“Makapal na rin iyang sayo, gusto mo sabay na kayo mag ahit?” ang pilyong sagot ni Tibur habang isa isang iniaayos ang mga tropeyo ni Cyan sa cabinet. “Teka, bakit ba inaayos mo iyan. Saka bakit may bakanteng space diyan sa taas?” tanong ng binata habang naka pamewang na ubod ng yabang.
“Yung space na iyan ay para kay Irano. Para may mapag lagyan siya ng trophy niya sa susunod na linggo.”
“Ah ganon? Gusto mong ilagay ko yung ulo mo diyan? Ayusin mo na nga iyan. Nasaan ba yung ermitanyong iyan? Lakas ng loob lumaban sa akin! Tangina, alam niya dapat ang pag kakaiba ng physical looks namin! Baka pag nakita niya ko ng malapitan ay matulala iyan at mawala sa kanyang ulirat!” ang pag yayabang nito habang lumalakad patungo sa aking silid kaya naman isinara ko ang pinto at nilock ito.
Maya maya kumatok siya. “Oy ermitanyong makapal ng balbas, nandiyan ka ba? Buksan mo nga ito.” ang pag tawag niya. Kaya naman nag tungo ako sa pinto binuksan ito.
Dito bumulaga sa akin si Cyan na naka hubad, naka hawak ang isang kamay sa haligi at nakatanaw sa ibang direksyon na para bang pacool ang dating. “Kung inaakala mong matatalo mo ko e nag..” natigilan siya ng pag sasalita noong humarap sa akin.
Napatingin ako sa kanyang mata at siya naman ay napatingin rin sa aking mukha. Natahimik siya at parang panandaliang natulala..
Nakatitig lang siya sa aking mukha na para bang namamangha sa kanyang nakita..
Tahimik..
Pakiwari ko ay huminto ang mundo habang nasa ganoon kaming pag titig sa isa’t isa.
Makalipas ang ilang sandali ay napakamot siya ng ulo at inuga uga ito upang bumalik ang kanyang ulirat. “Ano, ano-kung ano.. Kung inaakala mo.. ano..” nauutal niyang salita.
“Ano iyon? May problema ba?” ang tanong ko naman habang naka ngiti.
“Wala. Sige saka nalang.” ang sagot niya sabay alis sa aking harapan at agad na umakyat sa kanyang kwarto.
Napakamot ako ng ulo “Anong nangyari doon?” tanong ko.
Lumapit sa akin si Tibur at tawa ito ng tawa. Mukha siya ang natutula at nawala sa ulirat. Ngayon ay alam na niya ang pag kakaiba ng physical looks niyo.“
“Baka naman masyado lang siya nalamigan kasi ay nakahubad siya.” ang wika ko naman.
“Ang init kaya dito sa loob, dapat kasi binubuksan ang bintana para pumapasok ang malamig na hangin mula doon sa karagatan.” ang tugon niya sabay hila sa mga kurtina upang bumukas ang mga bintana. “Nautal ang mayabang, siguro ay nabigla rin sa kgwapuhan mo. Ermitanyo pa more! Akala niya siya lang yung gwapo at masarap dito sa Isla? Ngayon aware na siya na dalawa na kayong masarap.. Pag masdan!.”
“Hindi naman siguro, baka nakalimutan lang talaga niya yung mga sasabihin niya.” tugon ko naman
“Hindi! 100% nastarstruck siya sayo!” ang pag pupumilit nito.
Simula noong maibalik ni Tibur ang aking natural na anyo ay nag simula na rin akong pansinin ng mga tao sa isla, madalas ay naikukumpara ako kay Cyan na hindi naman talaga maiiwasan lalo na sa paningin ng mga beki na talagang humahanga sa mga gwapong nakikita nila.
Batid kong hindi nagugustuhan ni Cyan ang ginagawa nilang pag kukumpara sa amin dahil may mga oras na iniiwasan niya ako o hindi kinakausap kahit mag kaharap kami sa hapag kainan o nag kakasalubong sa sala. “Nakita mo na, naiimbiyerna sa iyo si papa Cyan dahil inaagaw mo ang kanyang popularidad dito sa isla, buhat noong dumating ka ay nag karoon na siya ng karibal, nahati ang fans niya at nabawasan ng 30% ang alindog niya sa mga mata ng bakla.”
“Kaya parang iwas siya sa akin?” tanong ko
“Parang ganoon na nga..” ang sagot naman niya
“Parang mabigat naman sa loob ko na mag kasama kami dito sa bahay tapos ay nag iiwasan pa kami.” ang sagot ko kaya naman naisip ko na gumawa na ng paraan para makausap siya. Gusto ko lamang maging palagay ang loob niya sa akin lalo’t nakikitira lamang ako sa kanila.
Alas 4 ng hapon, bumili ako ng dalawang bote ng alak at noong makita ko nga itong si Cyan na naka upo sa balkuhane habang nag babasa ng magasin ng mga babaeng naka hubad ay agad ko siyang nilapitan at iniabot ang aking dala.
Napatingin lang siya sa akin, hindi naman niya ako pinahiya dahil kinuha niya ito. “Salamat.” ang tanging nasabi niya sabay tungga, ipinag patuloy niya ang pag babasa. Ako naman ay uminom lang rin at pinag masdan siya sa ganoong posisyon, hindi ko rin malaman kung paano ba ito kakausapin. “Maganda yung mga babae diyan sa magasin mo.” ang pag basag ko sa katahimikan.
“Bold magasin ito, larawan ng mag babaeng naka hubot hubad, gusto mo?” ang tanong niya sabay pakita sa larawan ng isang babaeng amerikana na naka bukaka at naka buyayang ang pag kababae. Nahiya ako sa kanyang ipinakita kaya naman natawa lang ako ng hilaw at saka tumayo sa aking kinauupuan samantalang nakita ko siya sumilip sa magasin para tingnan ako saka natawa ng impit.
Matapos naman ang hapunan ay isang katok ang narinig ko sa aking pintuan at noong buksan ko ito ay nakita ko si Cyan na nakatayo hawak ang maraming bold magasin. “Tuloy ka.” ang tugon ko kaya naman pumasok siya sa loob at inilapag ang mga ito sa aking lamesa. “Baka gusto mong mag basa.” ang wika niya.
“Ang totoo ay hindi ako masyadong mahilig mag basa ng ganito. Pero salamat pa rin.”
“Bakit ayaw mo? hindi ka ba mahilig sa babaeng naka hubot hubad? Baka naman iba ang gusto mo?” ang tanong niya habang naka tingin sa akin.
“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko rin..
“Baka naman hindi babaeng nakahubad ang gusto mo, kundi lalaking nakahubad?” ang wika niya sabay alis ng kanyang pang itaas na damit. Lumakad siya sa aking harapan kaya naman napaatras ako sa pintuan at napasandal dito. Inilagay niya ang kanyang kamay sa mag bilang gilid ng aking mukha at saka tumitig sa akin na para bang sinasabi niya hindi ako makakatakas dahil na corner na niya ako. “Minsan ang akala mo ay babae talaga ang hanap mo, pero mapag tatanto mo nalang na mas naaakit ka sa lalaki, sa hindi malamang kadahilanan.” ang wika niya habang naka titig sa aking mga mata at hinawakan niya ang aking kamay at saka inilagay sa kanyang putok na dibdib. Pinahipo niya sa akin ang kanyang katawan pababa sa kanyang abs..
Ako naman ay natutula lang sa kanyang ginagawa at namalayan ko nalang na idinikit nya aking kamay sa kanyang bukol kaya naman itinulak ko siya palayo. “Hindi ganyan sa iniisip mo, hindi ako katulad ng mga baklang taga hanga mo labas na nag papantasya sa iyo. Hindi lahat ng tao ay pag papantasyahan at pag nanasahan ka. Gusto ko lang naman maging kaibigan ka at wala sa isip ko na maakit sa iyo.” ang wika ko dahilan para matawa siya
“Ganoon ba? Edi sige kung ayaw mo ay huwag mo.” ang wika niya, muli niya isinuot ang kanyang damit sabay labas sa aking pintuan na parang nadismaya..
Napabuntong hininga nalang ako na wari’y nakaramdaman ng pagkalito, hindi ko alam na ganoon pala ang tingin niya sa akin, wala naman akong intensiyon na pag nasahan siya, ang nais ko lang ay mapalapit sa kanya sa isang magandang paraan lalo’t nahihiya ako sa kanyang ama na nag papatuloy sa akin dito sa kanilang bahay.
Simula noong mga sandaling iyon ay nailang na ako kay Cyan, ako na mismo ang umiiwas sa kanya kapag nakakasalubong kami sa sala, hindi ko na rin siya nilalapitan o tinitingnan. At alam kong ramdam niya ito, gayon pa man napaka kaswal pa rin ng aking kilos na hindi ito ipinahahalata sa kanyang ama o kay Tibur. Samantalang siya naman ay parang naguguilty sa kanyang ginawa, nakikita ko siya nakatingin sa akin pero agad rin niya itong binabawi kapag nahuhuli ko siya.
Alas 8 ng gabi, isa nanamang katok ang aking narinig sa pintuan, noong buksan ko ito ay nakita ko si Cyan naka hubad at hawak ang isang bote ng alak. Walang kibo na iabot niya ito sa akin. “Sorry sa inasal ko noong nakaraang gabi.”
“Ayos lang, salamat dito.” ang tugon ko habang siya naman ay nakatitig lang sa akin.
Napatitig rin ako sa kanya, kakaiba talaga ang kanyang mukha, ang kanyang mata ay parang may sinasabi na hindi ko lubos maunawaan, may sariling buhay ito at nagungusap. Napatingin rin ako sa kanyang katawan na bahagyang may pawis, batid kong nag work pa ito bago mag punta sa akin. “May kailangan ka pa?” tanong ko
Pero hindi siya kumibo, nakatitig lang siya sa aking mukha na parang natulala ng panandalian. “Ayos ka lang ba?” tanong ko ulit.
Bumalik ang kanyang ulirat. “Ayos lang ako. Ah e, ano.. Nakakatawa itong nararamdaman ko kapag nadidikit ako sayo, ang ibig kong sabihin ay ano, ay hindi ko alam. Sige tulog na ako.” ang wika niya napakamot ng ulo saka umalis sa aking harapan.
Natawa ako at tila may kung anong bagay ang kumiliti sa aking kaibuturan. Isinara ko ang pinto at agad na ininom ang alak na kanyang ibinigay. Noong mga oras na iyon ay hindi ko lubos maisalarawan nag dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko ay isa akong bakal na kusang dumidikit sa magnet kapag nalalapit ako kay Cyan, kakaiba ang pakiramdam na nagbibigay init sa aking dibdib..
Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga at nakatanaw sa kisame habang paulit ulit na sumasagi sa aking isipan ang mukha ni Cyan, ang kanyang titig sa aking mukha at ang pag tatama ng aming mga mata. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Pakiwari ko ay may nakaka kiliting kuryente ang dumaloy sa aking katawan habang nag tatama ang aming paningin.
Kakaiba ang pakiramdam na iyon sa lahat. Na kahit sa pag tulog ay hindi ako dalawin ng antok, kada pag pikit ng aking mata ay ang mukha niya ang aking nakikita.
Halos hindi ako dalawin ng antok, biling baligtad ako sa higaan, paminsan minsan ay bumabangon ako at nag papahangin sa bintana habang naka hubad, ninamnam ko ang lamig na nag mumula sa karagatan, gayon rin ang mga alon nito na masarap pakinggan. “Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba hindi ako mapakali? Bakit siya ang naiisip ko?” ang tanong ko sa aking sarili habang naka tingin sa kawalan.
Ala 2 ng umaga, muli akong nahiga at pilit kong ipinikit ang aking mga mata ngunit wala pa rin, kaya naman muli bumalikwas ako ng bangon at nag pasyang mag tungo sa kusina upang mag timpla ng mainit na gatas. Batid kong ako nalang naman ang gising kaya’t ayos lang na naka hubad ako at tanging maiksing boxer lang ang aking saplot sa katawan.
Upang hindi maka istorbo ay marahan akong lumakad patungo dito at habang nasa ganoong posisyon ay laking gulat ko nung makita si Cyan na nag titimpla rin ng mainit na gatas. Naka hubad rin ito at tanging brief lamang ang suot. Babalik sana ako sa aking silid ngunit bigla siyang napalingon sa aking kinatatayuan. Wala akong nagawa kundi ang mapalunok at pilit na ikalma ang aking sarili. Tila ba nakaramdam ako ng kakaibang kaba noong masilayan ang kanyang mukha. Gayon pa man at kumilos ako ng normal at pilit na itinago ang aking emosyon. Nag tungo ako sa lamesa at nag timpla rin ng gatas habang siya naman ay nakatayo lang rin sa aking tabi at nag hahalo gamit ang kutsarita.
Tahimik..
Pakiramdaman lang..
Maya maya ay naisip kong basagin ang katahimikan.“Bakit gising ka pa?” ang kaswal kong tanong.
Hindi siya lumingon sa akin “hindi ako makatulog.” ang simple niya tugon na para bang wala na akong karapatang mag tanong ulit.
Matapos kong mag timpla ng gatas ay agad akong lumakad patungo aking silid at gayon rin ang kanyang ginawa. Nag hiwalay kami ng landas ngunit bago ako tuluyang pumasok sa aking kwarto ay isang sulyap pa ang aking ginawa sa kanya at dito ay laking hiya ko noong makita rin itong naka tingin sa akin, ngunit agad niya ito binawi at umakyat sa hagdan pabalik sa kanyang silid sa itaas.
Agad kong sinara ang pintuan at napatulungko nalang ako sa isang sulok. Tinampal tampal ko ang aking pisngi. “Ano bang nangyayari sayo! Umayos kaaa!” ang sigaw ko sa aking sarili na tila nakaramdam ng pag kahiya, ngunit gayon pa man ay para bang sasabog ang aking dibdib sa kakaibang kasiyahan noong mahuli ko siyang nakatingin sa akin. Para bang sa kada titig na kanyang ginagawa ay nag dudulot ito ng kakaibang saya na hindi ko lubusang maunawaan o maipaliwanag sa aking sarili.
KINABUSAN..
Kahit inaatok pa ay maaga akong bumangon, ito ang unang araw na mag ttrabaho bilang assistant ni Kapitan doon sa barangay hall. Halos hindi ako nakatulog ng maayos, kusa akong nagigising kapag nakikita ko ang mukha ni Cyan sa aking isipan, para itong isang magandang sumpa na ngiti ang dala sa aking mga labi. “Sa tingin ko ay lalo kang pag kakaguluhan ng mga bakla noong sa barangay hall. Teka, parang antok na antok ka yata hijo? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?” tanong ni Kap habang nag ddrive.
“Sumakit kasi ang ulo ko kaya hindi ako nakatulog ng maayos.” ang sagot ko. “Pero okay na ako Kap, excited na ako sa unang araw ng trabaho ko.”
“Mabuti naman kung ganoon, alam mo ba na dapat ay si Cyan ang gumagawa nito? Yung anak ko na iyon ay hindi ko talaga maasahan, puro bulakbol at pambabae ang alam.” ang wika niya
“Mabait naman si Cyan, pinahihiram niya ako ng mga luma niyang damit.” ang tugon ko habang naka ngiti.
“Kapag inangasan ka ay suntukin mo.” ang natatawang wika ni Kap sabay kabig ng manibela papasok sa barangay hall.
Pag bukas palang ng gusali ay marami na agad nakapilang mga tao, yung iba ay nang hihingi ng tulong, yung iba ay nag rereklamo, yung iba naman ay nakiki usisa lang. Ang sabi ng mga kagawad ay dumagsa ang tao noong dumating ako at halos 60% ng mga ito ay beki at mga paminta na pare ang tawag sa akin ngunit mayroon namang ibang intensiyon.
“Okay mamaya na ang trabaho, narito ang pag kain. Tabi muna kayo dyan at mag give sa akin.” ang boses ni Tibur habang nakikisiksik sa pintuan hawak ang kahon ng pag kain.
Maya maya ay pumasok rin si Cyan dala ang isang case ng softdrinks at yelo sa bucket. Gulat na gulat ang kanyang ama noong makita ito at siyempre ay nag tilian rin yung mga beki sa labas na kanina pa nakiki usisa. “Aba, mabuti naman at naisama mo itong si Cyan dito? First time kong makita ang aking anak na tumapak dito sa opisina ko.” ang puna ni Kap dahilan para matawa si Tibur. “Ganyan talaga pag may sinisilayan Kap.” ang naka ngising bulong nito.
“Anong sinisilayan? Mayroon bang hinahangaan ang anak ko dito?” ang pag tataka nito
Natawa ulit si Tibur na para bang pinigil ito na hindi mawari kung natatae o kinikilig. “Meron.” ang wika niya sabay baling ng tingin sa akin kaya naman nagtaka ako at napkamot ng ulo.
“Yung hinahanggaan ni Cyan ay ang tanging tao na nautal siya noong kaharap ito. Na starstruck! Na stun at natuliro siya. In short tumiklop ang kayabangan ng lolo mo.” ang wika pa ni Tibur at isang bote ng plastic bottle ang tumama sa kanyang ulo. Binalibag ito ni Cyan.
“O sya, tama na ang biruan, kumain na tayo ng sabay sabay. Irano mamaya na ang trabaho. Cyan, dito kana mag tanghalian. Sabayan mo kami.” ang pag yaya ng kanyang ama.
Napatingin nanaman sa akin si Cyan ngunit binawi rin niya ito agad. Ewan ko ba naman, sa tuwing lilingon ako sa kanya ay parati ko nalang siyang nahuhuling naka tingin sa akin at sa tuwing lilingon naman siya sa akin ay pararti niya akong nahuhuling naka tingin sa kanya. Minsan ay nahihiya na talaga ako.
“Doon nalang ako sa bahay kakain. May lakad pa ang barkada kaya hindi ako maaaring mahuli.” sagot ni Cyan sabay tayo at mabilis na lumabas pintuan.
“Naiilang ang lolo mo.” ang bulong ni Tibur sa akin. “Ikaw Irano ha, kumain ka ng marami at mamayang gabi ay mag wowork out ka pa, hindi pa sapat ang ganda ng katawan mo, kailangan mong humabol sa mala adonis na katawan ni Cyan para manalo tayo sa hari ng isla. Nakita mo ba yung six pack abs niya? Iyon ang dapat mong habulin, aapat yung sayo e.”
“Huwag mong masyadong pwersahin ang katawan ni Irano dahil baka hindi pa siya ganoon kagaling. Malaking tulong ang pag susurfing kay Cyan kaya gumanda ang husto ang kanyang katawan.” wika ni Kap
“Plus, mahabang oras din ang ginugugol niya sa pag wowork out doon gym sa bahay, pero minsan ay tulog lang siya ng tulog pero ang kanyang katawan ay perpekto pa rin kahit napapadalas ang inom at bisyo niya. Pero sa tingin ko ay tapos naman na ang laban. May nanalo na..” ang naka ngising wika ni Tibur sabay kagat sa isang hitang manok.
Itutuloy..
APNI Part 5: Hiwaga ng Tubig
Art ito ni Hiro Sanada. Iniinvite ko kayo na mag pagawa sa kanya. Super ganda, eto naman ang proof.. Imagine si Irano hindi ito nag eexist, sinabi ko lang sa kanya yung gusto kong mangyari, heto nagawa na niya agad.
Contact: IG: hiro.jiro.tot Watty: Hiro_Jiro_ToT
Kung sawa na kayo sa mga DP ninyo, try nyo naman maging cartoons paminsan minsan. <3

PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Paraiso ni Irano
AiTenshi
June 27, 2019
Part 5: Hiwaga ng Tubig
Sa pag lipas ng mga araw ay tuloy tuloy pa rin ang pag tulong ko kay kap sa mga gawain sa barangay hall, at maging sa bahay. Madalas rin na ako ang tumatayong katulong at kasama niya sa mga lakad sa iba’t ibang parte ng isla. Tungkol naman sa amin ni Cyan ay dati pa rin ang aming set up, titigan, sulyapan, madalang mag usap bagamat lagi kaming tinutukso ni Tibur dahil sa aming hindi maipaliwanag na iwasan.
“Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo hijo, hindi ba kita napapagod sa mga gawain? Naalala mo na ba kung taga saan ka? Siguro ay dapat mag tungo na tayo doon sa siyudad upang makapag report. Baka hinahanap kana ng iyong pamilya.” ang wika ni Kap habang kumakain kami ng almusal.
“Maayos na po ang pakiramdam ko, malaki yung naitulong ng pag ttrabaho ko doon sa barangay hall. Nakaadjust ako ng mabilis dahil sa magandang pakikisama nila sa akin.”
“Sana ay tuloy tuloy na iyan. Hayaan mo mag ffile ako ulit ng report para sa iyo. O kaya ay lalapit tayo sa telebisyon o sa radyo upang mahanap ang pamilya mo.”
“Aalis ka? Paano na si Cyan? Este kami pala dito?” ang tanong ni Tibur
“Teka nasaan nga ba si Cyan?” ang tanong ni Kap noong marinig ang pangalan ng anak
“Ayun Kap, tulog pa. Napagod kagabi.” ang naka ngiting sagot ni Tibur
“Napagod? Wala naman siyang ginagawa ah.” ang pag tataka ng kapitan.
“May ginagawa siya kap, nag iisip siya. At nakakapagod ang isip ng sobra.” sagot ulit ni Tibur
“Bakit? Anong iniisip ng tarantadong iyon?”
“Iniisip niya si Irano.”
“Bakit naman si Irano ang nasa isip niya? May gusto ba siya sa bisita natin?”
“Eh diba nga kap, si Irano ang makakalaban niya, baka natatakot siyang matalo o mawala ang titulo sa kanya.” palusot ni Tibur bagamat parang iba ang nais niya iparating.
“Ikaw hijo, ganoon rin ba ang iniisip mo kay Cyan?” ang tanong ni Kap
“Ano po ang ibig mong sabihin kap?” pag tataka ko
“Kung mutual daw yung feelings ninyo ni Cyan.” ang naka ngising sabad ni Tibur sabay kagat sa hotdog.
“Ang ibig kong sabihin ay kung itinuturing mo rin siyang kalaban o kakompetensiya.” pag lilinaw ng kapitan.
“Hindi naman sa ganoon kap, wala naman akong balak na agawin ang titulo ni Cyan, sa ngayon ay mas nangingibabaw ang pag nanais kong malaman kung sino at ano ako dati. Kaunting ala-ala lamang ang natitira sa isipan ko, malalabo pa ito. Nais kong bigyan ng kasagutan ang mga tanong sa aking isipan.” tugon ko dahilan para mapa palakpak si Tibur.“My Gewd Irano, My Gewwdd! Napaka safe ng answer mo, napaka plastic! Ako nga e tigil tigilan niyong dalawa. Ang ibig kong sabihin ay mag focus tayo sa laban mo, kailangan ay makompleto ang six pack abs mo. Parang ganun kay Cyan.” wika niya.
“Tibur, huwag masyadong papagurin si Irano dahil baka hindi pa kaya ng kanyang katawan ang labis na bigat ng pag wowork out.”
“Kap, pagod na iyang si Irano, matagal na siyang pagod dahil madalas siyang tumatakbo sa utak ni Cyan. Choz!” ang wika ni Tibur sabay tayo sa kanyang silya at rumampa patungo sa lababo.
“Goodmorning.” ang bati ni Cyan noong makababa ito sa hagdan.
Napahinto sa pag nguya ang kanyang ama at napatingin sa anak na nag kakamot pa ng katawan, gusot ang buhok at nag hihikab. “Ikaw ang mag duty bukas sa barangay hall. Salitan kayo ni Irano, para mayroon ka naman magawa. Hindi puro pag papalaki ng uten ang alam mo.”
Umupo si Cyan sa aking tabi. “May lakad ako bukas papa.”
“Ako nalang po ang mag duduty bukas.” tugon ko.
“Oh itong si epal nalang raw ulit. Mukhang mas matino naman siya sa akin.” ang tugon nito sabay dakot ng kanin at ulam. Itinaas pa niya ang kanyang paa saka nag simulang sumubo gamit ang kamay.
“Bakit epal ang tawag mo kay Irano? Mabuti nga yung tao na iyan at tinutulungan ako sa trabaho, ikaw na anak ko ay tamad at walang alam kundi ang makipag barkada.”
“O edi si Irano nalang ang gawin mong anak, tutal naman ay di hamak na mas matino siya kaysa sa akin.” ang pabalang niyang sagot sabay tayo sa mesa at hindi na tinagpos ang pag kain.
Napailing nalang ang kanyang ama..
Bandang tanghali, dahil wala naman akong ginagawa ay nag pasya akong mag lakad lakad sa dalampasigan, baka sakaling may maalala ako kapag nadampian ng tubig dagat ang aking mga paa. Ilang minutong lakaran lamang ito mula sa bahay kaya naman mabilis ko rin itong narating bagamat maraming humaharang sa akin para makipag kilala.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naka tayo ako sa pampang, dinadampian ng malamig na tubig ang aking mga paa na siyang nag bibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
Tahimik.
Ipinikit ko ang aking mata at dinama ang banayad na hampas ng alon mula sa pampang, ang banayad pag salpok nito sa buhangin ay parang isang magandang musika sa aking pandinig. Kaya naman nanatili ako sa ganoong posisyon ng mga ilang saglit.
Habang nasa ganoong pag pikit ako ay para bang nakikita ko pa rin ang aking sarili na nalulunod sa malalim na karagatan, nararamdaman ko pa rin ang kakaibang lamig sa aking katawan, ang takot at ang pag kapatid ng aking pag hinga..
Maya maya ay nag bago ang senaryo sa aking isipan, mayroon akong kakaibang bagay na nakikita. Ito ay imahe ng isang lalaki na nakatayo sa isang mataas na lugar habang pinag mamasdan niya ang daan daan kometa na bumabagsak sa kalangitan. Maya maya ay lumundag ang lalaki mula sa mataas na lugar na iyon at bumulusok ang kanyang katawan sa ilalim ng karagatan. Nag liwanag ang kanyang kamay at gayon rin ang kanyang dibdib.
Lumakas ang liwanag nag iyon ay bumalot sa kanyang buong katawan. Kasabay noon ang isang malakas na pag sabog na yumanig sa buong paligid.
Nauga ang senaryo sa aking isipan na wari’y nanonood ako ng isang pelikula..
Muling nag balik sa normal ang lahat at kasabay noon ang pag tapik ng isang kamay sa aking balikat. “Pare mukhang malalim ang iniisip mo ah.” ang bungad ng isang lalaki kaya naman humarap ako sa kanya.
Dito ay nakita ko Cyan, kasama ang kanyang mga kabarkada na nakatayo sa aking likuran. “Pinakikinggan ko lang yung alon sa karagatan. May kailangan ba kayo?” tanong ko dahilan para mag tawanan sila. “Pina kikinggan daw yung alon sa karagatan, bano yata itong boarder nyo pare.”
Maya maya ay lumakad sa aking harapan, lumusong rin siya sa tubig kung saan kapwa tinatamaan ng alon ang aking mga paa.
Mahangin..
“Kailangan lang kitang kausapin, alam mo ba ma medyo naiirita na ako sayo? Kasi pare masyado kang nag mamatalino, masyado kang nag papaka husay kay papa. Nag mumukha kana tuloy isang malaking epal. Masyado kang matalino kaya lalo akong nag mumukhang bobo at walang kwenta sa mata ng ama ko. Taga saan kaba kasi? Wala ka bang balak na umalis na rito?” ang tanong ni Cyan habang hinahawi ang buhok na hinahangin.
“Kung ganyan ang iniisip mo ay hindi ko sinasadya. Gusto ko lamang makatulong sa iyong ama sa paraang alam ko, bilang pag tanaw na rin ng utang na loob sa pag kupkop niya at pag tulong sa akin. Tungkol naman sa pinag mulan ko, patawad ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa ito naaalala.” tugon ko
“Ah ganoon ba? Sige tutulungan kitang maka alala!” ang sagot ni Cyan at dito ay laking gulat ko noong lumandinga ng kanyang kamao sa aking mukha dahilan para matumba ako sa tubig.
“Nadale mo pare! Sapol” ang pag tatawa ng kanyang mga kabarkada
Tawanan sila..
“Ano naka alala ka na ba?” ang tanong ni Cyan, sabay hila sa aking damit at muli akong sinuntok dahilan para matumba ako sa tubig, sa mas malalim na parte.
“Sa susunod huwag kang masyadong nag magagaling ha. Wala ka pala e. Bakla” ang wika pa niya sabay tadyak sa akin palubog sa tubig.
Habang naka lubog ay tila naging slow motion ang aking paligid. Pakiramdam ko ay tumagal na ako ng ilang segundo sa ilalim nito at kasabay noon ang pag liliwanag ng aking katawan..
Gayon pa man ay pinilit kong bumangon paitaas at gumanti sa ginawa ni Cyan. Buong pwersa akong tumayo mula sa pag kakalubog sa tubig at noong mga sandaling iahon ko ang aking ulo paangat ay laking gulat ko ng mapansin na iba ang paligid.
Wala na si Cyan at ang kanyang mga kaibigan. Ang kulay ng paligid ay kakaiba na at ang tubig na kanina ay kulay asul, ngayon ay naging kulay lumot.
Ang kulay ng buhangin ay ganoon parin bagamat mas pino ito at mas kumikinang na parang mga diamante mula dito sa aking kinalalagyan.
Patuloy ako sa pag linga, gulong gulo ang aking isipan noong mga sandaling iyon, pakiwari ko ay namaligno ako o napadpad kung saang lugar na wala ni isang tao kaya naman mas minabuti kong umahon pabalik sa pampang..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay napinto ako pag kilos dahil noong akmang tatayo ako ay may nakatutok na patalim sa akin, para itong isang sibat na may tatlong tulis. “Isang dayuhan! Walang kikilos ng masama!” ang wika nito at mula sa aming kinalalagyan ay nag takbuhan na rin ang mga nilalang na naka suot ng kulay berdeng kalasag, may mga taingang parang palikpik ng isda, at mga paa na parang sa palaka at mag muscles na ang lalakihan..
Ang isang kawal ay may hawak ng isang malaking kabibe at hinipan niya ito..
Tumunog iyon ng malakas na parang isang barko..
Tumakbo sila..
Ang lahat ay pumalibot sa akin at tinutukan ako ng mga patalim sa iba’t ibang direksyon..
Itutuloy.
ANNOUNCEMENT!
WHAT HAPPENED HERE?
Ang kwentong “ANG PARAISO NI IRANO” ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “heart” or “like” button. Maraming salamat po.

Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.
DREAME COVER BY ROVI MATT, IG rovi.mat

IRANO ILLUSTRATION. ART WORK BY SIR HIRO SANADA
PLEASE READ THE DETAILS BELOW:
PAANO ANG GAGAWIN?
Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com
Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.
Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pag mamahal at suporta..
-Ai_Tenshi

