loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ang Pulubi Kong Boss (Completed)

Ang Pulubi Kong Boss (Completed)

SupremaNgBayan · 10 chapters · 13,389 words

Chapter 1

Marie’s POV

“Ma! mauna na po ako.. Late na ako! “ paalam ko kay mama, hay naku ano ba naman toh, baka mamaya sisantihin na ako ng boss ko, eh paano ba naman kase lagi akong late na pumapasok sa sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko, actually 2 years na ako sa kompanyang yun laking pasasalamat ko nga eh dahil natanggap ako dun, kaya nga pinagbubutihan kong magtrabaho araw araw eh, ang problema nga lang ay lagi akong late pumasok.

Ako nga pala si Marie Santos, 19 y/o at syempre proud to be single toh Etoh na nga kanina pa ako nag aabang dito ng bus kaso wala pa din eh, parang sa love life lang ang tagal dumating! tss paasa!

Ilang minuto pa ay dumating na din ang bus at nakasakay na si marie maya maya pa ay nakababa na din siya at dali daling tumakbo hanggang makapasok siya sa loob ng gusali. Ang akala ni marie ay hindi siya napansin ng bus niya subalit…

“Ms. Santos! “ narinig kong tawag ni Boss kaya naman napalingon ako, jusko sana naman hindi pa ako masisante nito..

“Ahm good morning boss “ bati ko ng nakangiting malapad, sus plastic lng ang peg ko hehe

“ahm boss bakit po”

kunwari ay nagtataka ako, boss please wag niyo po muna akong sisantihin panalangin ko sa isip ko..

“Bakit late ka na nman Ms. Santos?? Alam mo ba kung anong oras na oh sadyang bulag ka lng tlaga at di marunong tumingin sa orasan! “ naiinis na sabi ni boss..

Paktay grabe pinagtitinginan na ako dito ng mga katrabaho ko,, marie santos umisip ka ng palusot argg sabi ko sa isip ko,

“ahm sorry sir na traffic lng po ako at matagal po kaseng dumating ang bus na sinasakyan ko, sorry sir”

pagkatapos kong sabihin iyon ay napayuko ako dahil sa pula ng aking mukha sa kahihiyan kay boss, “Ok” matipid na sabi ni boss at tumalikod na, hays buti nman umalis na si sir kaya medyo nakahinga ako ng maluwang, kaya pumunta na ako sa pwesto ko at nagsimula nang magtrabaho ulit, breaktime na ngunit hindi pa rin ako kain dahil talagang kailangan kong tapusin ang mga dukomento na kailangan ipasa kay boss , Lunch time na aq kumaen dahil sa awa ni lord ay natapos din kaya konti na lng ang iedit ko mamaya.

Natapos ko nang papirmahan at ipasa kaya nman maaga akong nakauwe ng bahay, naabutan ko si mama na naghahain na ng panghapunan

“ hi ma! “ bati ko kay mama at nag mano dito

“oh anak andyan kana pala, halika kumain kana at alam kong pagod ka at gutom, halika maupo kana” yaya sakin ni mama syempre hindi ko nman siya pwedeng tanggihan kaya kahit pagod ako ay sinaluhan ko na si mama.. Pagkatpos kung kumaen ay umakyat na ako papunta sa kwarto, Kinabukasan maaga akong gumising mga 4:3o ng umaga, nagluto na din ako ng pang almusal namin ni mama pagkatpos nun ay kumain na ako at naligo, syempre ayoko ulit mapahiya kay boss kaya inagahan ko ngayon nahihiya na talaga ako dahil lagi na lang akong late pumasok, madali nman akong nakasakay ng bus at ilang minuto lng ay nakarating na din ako, dumaan muna ako sa isang cafeteria at nagkape ,pagkalabas ko ay napansin ko ang isang pulubi malapit sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko, dahil naawa ako sa kanya ay binilhan ko siya ng isang burger at bottled na may tubig, lumapit ako sa kanya at ibinigay ito.

“ah kuya? “ tawag ko napalingon nman siya sa kaya ibinigay ko na.

“etoh oh binilhan kita ng pagkain nakita kase kitang namamalimos” sabi ko tumango nman siya at tinanggap iyon ,

“ah salamat dito” nakangiting sabi niya, hmmp maganda ang boses niya yung parang ang husky at sexy magsalita niya, tiningnan ko lang siya habang kumakain, tiningnan ko ng mabuti ying mukha niya kaso nga lng hindi ko makita ng mabuti dahil sa mga dumi at grasa na nasa mukha niya.. Siguro napansin niyang tinitingnan ko siya kaya napatingin siya sakin

“ah miss bakit mo ako tinititigan?”

tanong niya kaya nman nahiya ako ng konti, oo nga pala kanina pa ako nakatingin sa kanya hehe, at pagkatingin ko sa orasan ay 6:50 na kaya naman dali dali akong tumakbo dahil baka mapagalitan na naman ako ng boss ko.

Jericho’s POV

Well kung naitatanong niyo ako nga pala si Jericho Villanueva ang nag iisang anak ng may ari ng pinakamalaking kompanya na Villanueva’s company, si dad ang may ari noon at matagal ko nang gustong pumunta sa kompanya namin para man lng makita kung gaano ito kalaki at kalawak sa loob.

Hayss ang boring nman dito sa bahay gusto ko tuloy gumala, lumabas muna ako ng bahay at sakto nakita Ko dun sa labas si dad.

“dad? “ tawag ko..

“oh Jericho, anong kailangan mo iho? “ tanong ni dad.

“ahm dad kamusta nga pala ang kompanya niyo? “ tanong ko kay dad.

sa totoo lng gusto kong pumunta sa kompanya ni dad para makilala ko ang mga empleyado niya kung paano sila magtrabaho at kung anong ugali meron sila .

“Ah yun ba anak, ayos nman ang kompanya at syempre lahat ng empleyado ko ay masisipag nman magtrabaho, kaya lng may isang empleyado lng akong pinoproblema masipag nman siya kaso nga lng ay laging nalilate sa oras ng trabaho” paliwanag ni dad, hmmp nakaka ecxite lalo na makapunta sa company dad.

“ah ganun ba dad, so sinasanti niyo po ba? “ tanong ko,

“nope, she is special and you know dahil sa kanya mas lalo akong bumibilib, i don’t know why basta magaling siyang gumawa at umasikaso sa mga files na pinapagawa ko” sabi ni dad, wow its unbelievable huh ngayon ko lng nalaman na may pa special na pala sa loob ng company ni dad i think she is uhh nevermind,

“okay dad, btw i have to go” paalam ko kay dad but pinigilan niya muna akong umalis dahil may sasabihin pa siya,

“ alam mo jericho nais ko sana na ikaw muna ang mamahala sa kompanya sa susunod na buwan dahil may aasikasuhin lng akong importante sa States, kaya san habang vacant pa ang mga araw mo ay sulitin mo na dahil kapag ikaw na ang namahala sa kompanya natin ay sigurado akong wala kang oras sa pagsasaya dahil kapag trabaho ay trabaho naintindihan mo ba?“ sabi ni dad, tssk ang hirap nman nun hindi ba pwedeng mag karoon ng free time sa oras ng trabaho nila,

“ahm okay dad naiintindihan ko na po” pagkatapos namin mag usap ni dad ay naisipan kong bumalik sa kwarto, humiga muna ako at saka sandaling nag isip kung anong pwedeng gawin, hmmp alam ko na sigurado akong masaya toh , mag didisguise ako bilang pulubi.. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa itsura ko na mukha nga talagang pulubi, syempre nag patulong ako sa mga yaya namin sa bahay at sinabi ko din na huwag aabihin kay dad ang kalokohan ko, dahil pag sinumbong nila ako tiyak na mawawalan sila ng trabaho. Grabe ang lagkit ng mga dumi at uling sa katawan ko at mukha ganito ba talaga kapag pulubi, hayss at dahil nangalay ako sa kakatayo ay umupo muna ako sandali sa may gilid ng kalsada, tinitingnan ko lng ang lahat ng dumadaan sa harapan ko at hinihintay ko na may magbigay ng limos sa akin.. Hanggang sa may lumapit sa akin na isang babae, may itsura nman siya, maputi at matangkad ng kaunti, napatingin ako sa kanya ng may iniabot siya saken

“ahm kuya? “ tawag niya tapos binigay niya ang isang supot na may lamang burger at tubig,

“sayo na lang ito oh, nakita kase kitang namamalimos kaya binilhan na lng kita ng pagkain” sabi pa niya,

wow mukhang effective nga ata ang pagpapanggap ko bilang pulubi ah.. Ayun tinanggap ko naman ang binigay niya nagdadalawang isip ako kung kakainin ko ba ito bka kase may lason o itatapon ko na lng ba ito.. Hmm kakainin ko na lng itoh at saka tlagang binili niya pa toh para lng ibigay saken dba.. Habang kumakain ako ay napansin kong nakatayo pa din siya sa harapan ko at nakatingin lng kaya napa angat ako at nagsalita.

“ ahm miss bakit mo ako tinititigan? “ tanong ko kaya parang nagulat siya noon at tumingin muna sa watch niya bago dali daling tumakbo.. Problema nun? Pagataka ko..


A/N: Hey guys please read my short story wag kalimutang mag vote at mag comment thank you :)

Chapter 2

Marie’s POV

Kakarating ko lang ng bahay ngayon at grabe lng talaga bakit ba kase ang hihirap ng binibigay ni boss samin na project, tulad ngayon ang dami ko na namang dapat ipapirma at asikasuhin, dumiretso muna ako sa kwarto at nagbihis pagkatapos ay nagpahinga na ako, hindi na ako kumain dahil busog pa nman ako. Kinabukasan maaga ulit akong gumising nagluto muna ako bago kumaen at saka naligo na, papaalis na sana ako ng bahay ng maalala ko yung pulubi naglagay ako ng kanin at ulam sa baunan para sana ay ibigay ito sa kanya mamaya,

Saktong pagkakababa ko ay natanaw ko na siya sa puwesto niya kaya agad ko siyang nilapitan at ibinigay ang dala ko sinabi ko din sa kanya na araw araw ko siyang dadalhan ng pagkain dito, dahil malapit nang mag 7am ay nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa trabaho ko itunuro ko din sa kanya ang building kung saan ako nagtatrabaho umalis na ako nun pero naisip ko pala na hindi ko pa pala alam ang pangalan niya, saka ko na yun itatanong sa kanya sa ngayon ay kailangan ko nang magmadali. Pumasok na ako at nag elevator sakto naman na pumasok din ang boss ko kaya binati ko siya

“good morning sir” bati ko sa kanya,

tumingin nman siya sakin at saka nagsalita.

“ good morning din Ms. Santos, hmm mukhang maaga ka ata pumasok ngayon ah“ pagtataka ni boss.

“ahm sir talagang inagahan ko po talaga dahil marami po akong dapat tapusin ngayon lalo na po yung project na ibinigay niyo kahapon” sabi ko sa kanya.

Ayoko talagang magkaroon ng tambak na paper sa table ko kaya habang maaga pa ay tapusin ko na.

“good job Ms. Santos, ipagpatuloy mo lng yan at pagbutihin ang iyong trabaho “ nakangiting sabi ni sir.

Sakto namang tumunog at bumukas ang pintuan kaya naunang lumabas si boss, hindi ako makapaniwala mukhang nagustuhan niya yung pagtatrabaho ko ng maayos maya maya pa ay nakarating na rin ako sa table ko kung saan ako nakapuwesto, umupo agad ako at pinirmahan ang ibang document na ibibigay ko mamaya at saka itong ibang papel na ipapapirma ko kay Mrs. Castro kaya naman nagmadali akong umalis at pumunta sa office niya..

Lunch time na at naisipan kong bumaba dahil gusto kong puntahan yung pulubi sa baba, pagkalabas ko ay nadatnan ko siyang nakaupo at nakasandal lng sa may pader, nilapitan ko nman siya

“Hi! Ano nga palang pangalan mo?“tanong ko sa kanya,

hindi na muna siya kumibo at nakatingin lng sakin maya maya pa ay nagsalita din siya.

“ako si eko” sagot naman niya, ang ikli nman ng name niya as in E. K. O lng talaga syempre nagpapakilala din ako sa kanya,

“ ako naman si Marie“ nakangiting sabi ko.

tinanong ko din sa kanya kung taga saan siya at kung may pamilya pa ba siya pero hindi siya sumagot kaya iniba ko na lng ang tanong ko sa kanya

“ah eko ilan taon ka na pala” tanong ko,

“20” matipid niyang sagot.

maya maya tumawid akong kalsada at binilhan siya ng makakain sa karinderya.

“eko? etoh binilhan ulit kita ng makakain mo baka kase nagugutom kana “ sabi ko sabay abot ng binili ko sa kanya.

“ ah salamat pero hindi pa ako nagugutom at saka nakakahiya na din sayo nag abala ka pa“ paliwanag niya

“naku wag ka nang mahiya eko binili ko tlaga yan para sayo, kung busog ka pa itabi mo na muna kainin mo na lng mamaya kapag nagutom kana” sabi ko.

tumango lng siya at nagpasalamat nagpaalam na din ako sa kanya na aakyat na ako dahil bka andun na ang boss ko..

Laging ganun ang ginagwwa ko, araw araw ko siyang pinupuntahan at binibigyan ng pagkain, minsan nga ay ang ibang katrabaho ko ay napapatingin na lng at nagtataka kung bakit ko daw laging kinakausap si eko, hindi ko na lng sila pinansin.

Lumipas ang ilang linggo naging mas close na kame ni eko, kinukuwento ko pa nga sa kanya yung mga karanasan ko ng bata pa ako, yung tungkol sa pamilya ko, minsan nagjo joke din ako sa kanya kaya nga napapangiti ako tawang tatawa naman siya, masaya naman kausap si eko mabait siya at malambing minsan.

Naikuwento din niya saken ang buhay niya at marami pa siyang ikinuwento.

Araw ng biyernes at ginanahan akong pumasok nagdala ulit ako ng pagkain ni eko nasanay na kase akong nakikita ko siya lagi at binibigyan nito kaya habang hindi pa sumisikat ang araw ay nagmadali na akong pumasok sa trabaho. Habang nasa bus ako nag iisip ako ng joke na sasabihin sa kanya, ganun kase lagi ang ginagawa ko dahil sa joke ko lng siya natatawa pagkakababa ko ay nagmadali akong tumakbo papunta sa puwesto niya pero laking gulat ko ng wala siya doon.

Nagtanong ako sa nagtitinda ng candy at sigarilyo kung napansin niya ba si eko na umalis pero ang sabi niya ay umalis daw ito kagabi pa, may sumundo daw dito na isang sasakyan, nagtaka nman ako bakit nman siya susunduin ng sasakyan eh pulubi lang nman siya,hindi na lamang ako nag isip ng iba pa at tumuloy na sa gusali naisip ko na siguro ay may pinuntahan lng siya at babalik din siya agad kaya hindi ako nawalan ng pag asa.

Kaninang break time bumaba ulit ako at tiningnan siya pero wala pa din, dumaan din ang lunch time naisipan kung lumapit sa bintana at tumingin sa baba ng building pero wala din eh.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil ngayon ko lng hindi nakita si eko, nakasanayan ko na kase na lagi siyamg nakikita at dinadalhan ng pagkain ano kayang nangyari kay eko saan kaya siya pumunta. Sa pagiging mag close namin alam kong kaibigan na rin ang turing sakin ni eko dahil ako lamang ang kumakausap sa kanya at nagbibigay ng makakain araw araw, nakakalungkot lang talaga hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita araw araw.

Umuwi akong malungkot at pagod na pagod sa bahay halos wala na akong pahinga dahil sa trabaho ko, itinulog ko na lamang ang nararamdaman ko ngayon at bka bukas ay okag na rin ako. Hindi na ako kumain dahil wala akong gana sa ngayon.

Kinaumagahan nga ay maaga akong nagising ipinagluto ko si mama ng almusal at saka nag asikaso na rin ako dahil papasok ako ngayon, gaya ng dati lagi kong tinitingnan ang puwesto ni eko pero wala pa din siya doon sa hagdan na ako dumaan paakyat dahil gusto kong iexcercise ang katawan ko pagkarating ko ay pagod akong umupo sa upuan ko at saka tumungo sa desk ko dahil mukhang inaantok ako kaya pinipigilan kong huwag pumikit ang mga mata ko, bigla ko na lamang naisip si eko yung mga ngiti at tawa niya tuwing nagkukuwento ako sa kanya.

Nalungkot na nman ako ng maalala siya,bigla na lamang akong napaayos ng upo ng marinig kong may tumawag sakin ang sabi niya ay ipinatatawag daw kaming lahat ni boss dahil may importante daw na sasabihin at ipakikilala samin, tumayo na ako at saka naglakad hmmp ano nman kaya yun at saka sino baka yung anak niya nabanggit kase samin ni boss na may anak siyang lalaki eh.


Chapter 3

Marie’s POV

Pagkadating ko ay naabutan ko ang mga kasamahan ko na nagkukumpulan at nagbubulongan sigurado akong tungkol iyon sa sasabihin ni boss. Dahil marami kame ay hindi na ako nakipagsiksikan sa unahan sa likod na lamang ako at isa pa maririnig ko nman ang sasabihin ni boss eh.   Nakita kong naglalakad si boss kasama ang isang lalaki sa tingin ko ay siya ata ang ipapakilala samin ni boss,

“good morning sir” bati namin sa kanya.

Ngumiti naman siya kasabay nuon ay nagsalita siya.

“good morning din sa inyong lahat may mahalaga akong sasabihin sa inyo, ang totoo niyan ay hindi na muna ako ang mamamahal dito sa kompanya dahil sa sunod na araw ay pupunta ako ng States, pero wag kayong mag alala dahil ang anak ko ang magpapatakbo ng kompanya habang wala ako” ipinakilala niya samin ang anak niya.

“siya si jericho villanueva, simula bukas ay siya na ang bahala sa inyo dito kaya sana ay pagbutihin niyo ang inyong trabaho at sana ay walang magka problema sa trabaho niyo” paalala ni boss samin.

matangkad at maputi ang anak ni boss at sabihin na rin nating gwapo siya, pagkatapos noon ay pumunta muna akong cr para umihi naabutan ko dun ang mga kasamahan ko na pinaguusapan ang anak ni boss kaya nman tudo paganda sila sa salamin, papalabas na ako ng cr at naglakad di ko namalayan na may nakabunggo pala ako dahil inaayos ko ang palda ko kaya hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko. Napatingala naman ako at nanlaki ang mata ko paano kase yung anak ni boss pala yung nabunggo kaya nman humingi ako sa kanya ng paumanhin.

“ah naku sir sorry po, sorry po talaga” paghingi ko ng paumanhin.

Napayuko na lng ako dahil ayokong makita ang mukha niya dahil baka galit siya, napaangat ako ng mukha ng magsalita siya

“ah no problem miss it’s okay, ako rin naman di kasi ako tumitingin sa daanan kaya wag ka nang mag sorry miss” sabi niya,

hayss buti nman kung ganon so mabait nman pala ang anak ni boss akala ko masungit din gaya niya eh hehe.    Uwian na namin pero ayoko munang umuwi dahil balak kong tapusin lahat ng ito, kahit mawawala dito si boss ay kailangan kong pagbutihin pa rin ang pagtatrabaho.

Makalipas ang isang oras natapos na din ako kaya nilagay ko na ito sa ilalim ng desk ko.. Pagkalabas ko ng gusali ay tiningnan ko ulit ang puwesto ni eko, ilang araw ko na siyang hindi nakikita sana nman bumalik na siya dito sa totoo lng namimiss ko ang pagiging masayahin niya tuwing nag uusap kami.

Naglakad na ako paalis doon, pumara na rin ako ng masasakyan dahil gabi na at hinihintay na ako ni mama. Pagdating ko ng bahay naabutan ko si mama na nag hahanda na ng makakain sa mesa

“hello ma” sabay kiss ko sa pisngi ni mama at nagmano na din ako

“oh anak, saktong sakto ang dating mo halika na kumain kana at alam kong gutom kana” yaya sakin ni mama syempre umupo ba ako at nagsandok ng kanin. Pagkatapos namin kumain ni mama ay umakyat na ako sa kwarto ko nagbihis na din ako at natulog na dahil sa pagod sa pagta trabaho.

Jericho’s POV

Nasa kotse ako ngayon hinintay ko siyang lumabas sa kompanya namin at nakita ko siyang nakatingin sa gilid ng kalsada kung saan ako lagi nakapuwesto, napansin ko sa mukha niya na malungkot siya siguro dahil hindi niya na makikita si eko doon. Marie sana ay mapatawad mo ako dahil nagsinungaling ako sayo nakita kong pumara siya ng masasakyan kaya sinundan ko ang sinasakyan niyang bus, makaraan ang ilang minuto ay bumaba siya at naglakad papunta sa isang bahay medyo malaki ang bahay nila sinundan ko lng siya ng tingin hanggang sa pumasok na siya sa gate nila. Pinaandar ko na din ang kotse ko at saka umalis na saka dumiretso ako sa condo ko.

Marie’s POV

Tinanghali ako ng gising ngayon kaya pagkabangon ko ay naligo na ako at saka umalis na, hindi na ako kumain dahil late na ako sa trabaho ko.

Pagkapasok ko naabutan ko ang mga ka trabaho ko na busy at nagmamadali para lng matapos ang mga papeles, ganito na lng lagi hindi kami nawawalan ng mga project halos araw araw hindi na nga kami nakakapag relax, dahil sa dami ng ginagawa namin, ilang saglit pa tinawag ako ng kasama ko pinapatawag daw ako ni boss jericho may mahalaga daw itong sasabihin sa akin. Kaya pumunta ako ng office niya pero bago yun ay kumatok muna ako sa pintuan.

“pasok” narinig kong sabi niya.

Kaya naman binuksan ko ang pintuan at pumasok na.

“good morning sir, pinapatawag niyo daw po ako” tanong ko kay sir jericho.

Nqkatalikod kase ang chair niya kaya nakatalikod din siya sakin kaya inikot niya naman paharap sakin yung inuupuan niya at saka nagsalita

“Ms. Santos nais ko sanang ikaw ang maging seretarya ko simula ngayon” diretsahang sabi niya.

Nagulat nman ako nun as in ako pa talaga ang kinuha niya eh madami namang iba jan eh bakit ako pa?

“huh? Ah sir bkt po ako, marami naman pong iba jan eh” tanong ko sa kanya.

tssk hindi na nga ako magkanda ugaga sa pagpapirma at pagtatype tapos ako pa kukunin niya grabe lng.

“ alam mo kase Ms. Santos ikaw lng ang bukod tangi na nagagawa lahat ng pinapagawa sayo at napansin kong masipag at pursigido ka sa pagtatrabaho dito kaya gusto ko na ikaw ang kunin kong sekretarya, wag kang mag alala magiging secretary ka lng at isa pa wag mo nang alalahanin ang trabaho mo dahil ibinigay ko na yun sa iba kaya wala ka ng poproblemahin pa“ nakangiting sabi niya.

it means magiging secretary na ako ni boss jericho? papayag ba ako? Pero okay na din to sa tingin ko naman mas maganda pa nga ito kesa sa posisyon ko na maraming ginagawa. Napa isip naman ako saglit bago sumagot.

“Ahm okay sir” sagot ko na lng.

mas mabuti na nga yun eh hindi na mabigat yung trabaho ko at saka hindi na ako matatambakan ng mga papeles.   Makalipas lamang ang ilang buwan ay nasanay din ako bilang secretarya ni sir jericho at ngayon nga ay kakatapos ko lang isulat ang schedule kung kelan mag memeeting si boss. Nakita kong pumasok si sir sa office niya kaya sinundan ko siya at sinabi ko kung kelan ang date ng meeting nila, tumango lang siya at inutusan ako na ipagtimpla siya ng kape.

Pagkatapos ay lumabas na ako at nagpahinga sandali.

Lunch time nagpasama saken si boss na may pupuntahan daw kami, sumakay kami sa kotse niya at pumunta sa isang parang village pero puro puno lng ang nakikita ko at lahat ng paligid ay puno ang makikita mo. Hanggang sa huminto kame sa isang bahay grabe ang ganda dito ngayon lang ako nakapunta dito at mukhang nakakarelax dahil na din sa mahangin ang paligid at dahil sa mga puno na nagbibigay ng hangin at lilim.

“Sir bakit po tayo andito? ano pong gagawin natin dito? “ tanong kay boss.

“Gusto ko lang magpahangin dito dahil kapag andito ako nawawala lahat ng problema ko at nakakalimutan ko ang malulungkot na nangyari sa buhay ko” sabi ni sir.

Kung ganun kaya siya pumunta dito ay para mawala ang problema niya ganun? siguro may problema siya kaya dinala niya ako dito, naalala ko na naman ulit si eko sabi ni sir malilimutan mo daw ang lungkot pag nandito ka pero bakit ako malungkot pa rin at iniisip si eko.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko, di ko napansin na naiiyak na pala ako dahil para saken especial si eko siya lng ang naging kaibigan ko pero nakakainis lang kase dahil hindi man lang siya nagpaalam at bigla na lng umalis.Hindi ko na napigilan na humagulhol dahil gusto kong ibuhos lahat ngayon ang nararamdaman ko hanggang sa may yumakap na lang bigla sakin ang init ng mga bisig niya para akong nakuryente hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko.

“sshhh.. ibuhos mo lng lahat ng nararamdaman mo andito lang ako marie” sabi niya

“Sir..” naiiyak kong sambit sa kanya.

A/N: Please read, vote and comment kayo guys thank you :)

-Manikangelyen

P. S

Chapter 4

Marie’s POV

Hindi ko napigilan na umiyak sa mga bisig ni sir jericho kinalaunan ay bumitaw na rin ako sa pagkakayakap sa kanya dahil na din sa hiya.

“ah boss sorry po, di ko po kase napigilan na hindi umiyak eh” sabi ko.

Pinunasan ko na ang mga luha ko naku baka mamaga pa ang mga mata ko nito eh.

“ah okay lng yun marie, sana ay gumaan na ang iyong pakiramdam, wag ka nang umiyak sige ka papanget ka niyan” pang aasar na sabi ni boss

napatawa nman ako nun dahil talagang gusto niya na ngumiti na ako,

“sir salamat po ah, pakiramdam ko nga po ay nawala yung bigat na nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko” pagpapasalamat ko sa kanya.

“okay lng yun, welcome marie” nakalngiting sabi niya.

Niyaya ako ni sir na kumain kaya pumayag na din ako total ay kaninang umaga pa ako hindi kumakain, pagkatapos nun ay bumalik na kami ng company dahil may trabaho pa kami ni sir jericho. Masaya ako dahil kahit wala si eko andito nman ang boss ko para kahit paano ay pagaanin ang kalooban ko, sana magkita ulit kami ni eko kahit sandali lang.

Nakarating na kami kaya bumaba na ako ng kotse at pinagmasdan ko ulit kung saan lagi naroroon si eko,

“marie anong tinitingnan mo jan?” nagulat ako ng magsalita si boss ko nasa likod ko na pala siya,

“ah wala po sir may naalala lng po ako” sabi ko.

umakyat na kami at sumakay ng elevator saka pinindot ang 7th floor kung saan ang office niya.

Uwian na namin sakto pag kakababa ko ay naabutan ko ang boss ko na naglalakad papuntang parking area, hindi ko na siya tinawag pa at pumara na ako ng bus. Habang nakaupo ako ay ramdam ko ang pagod kaya nman dumaan muna ako sa mall para magpalamig at bumili na din ako ng damit, pumunta din ako sa mang inasal para bumili ng ulam para kay mama.

Pagkadating ko ng bahay ay nadatnan ko si mama na nanunuod ng tv, sabay kaming kumain ni mama at saka dumiretso akong kwarto para magpahinga, naisipan kong buksan ang facebook ko tiningnan ko kung may nagmessage sakin at nakita ko nga na meron.  5 messages, 35 notification, 18 friend request, una ko munang tiningnan yung friend request , hindi ko nman kilala yung iba kaya nag log out na ako dahil may pasok na naman ako bukas.

Lumipas ang ilang linggo naging mag ka close kami ni sir, mabait siya pero minsan may pagkasungit siguro namana niya yun sa ama niya.

“sir matanong ko lng po saan po ba ang mommy niyo?” tanong ko.

Nagtataka kase ako eh dahil hindi ko pa nakikita ang mommy niya kahit man lang pumunta sa kompanya nila ay hindi ito pumupunta.

“ah marie, bata pa lang ako hindi ko na nakita ang mommy ko, sabi ni dad nag asawa na daw ito ng iba” malungkot na sabi niya

ganun pala yun broken family pala sila kawawa nman si sir hindi niya man lang nakita ang mommy niya, ako nakasama ko hanggang sa paglaki sina mama at papa pero nung nag 16 y/o ako namatay si papa dahil sa sakit sa bato, kaya nung nag graduate ako nun kumuha ako ng 2 years course at ngayon nga ay may trabaho na ako.Lqking pasasalamat ko sa diyos dahil hindi niya ako pinabayaan at sinuportahan niya ako sa lahat ng bagay.

“Marie alam mo ang ganda mo “ sabi ni boss nabigla ako sa sinabi niya.

sus grabe nman si sir nambola pa eh haha,

“uy sir grabe naman kayo mambola baka maniwala ako niyan “ sabi ko.

Natawa lang siya sa sinabi ko, edi totoo nga bino bola lng ako ni sir hayss.

“totoo ang sinasabi ko marie hindi kita niloloko, maniwala ka promise” sagot nman niya.

Nakakatuwa pala siya kausap parang si eko lng eh, yan nabanggit ko na nman siya paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung nasaan na ba siya pero ayoko nang isipin yun. Sa ngayon ay gusto ko munang mawala lahat ng iniisip at pino problema ko.

Natapos din ang biruan namin ni boss kaya napagpasyahan kong lumabas pero hindi ko naman alam na madulas pala yung tiles kaya nawalan ako ng balanse, pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil babagsak ako sa sahig, hinihintay kong lumapat ang katawan ko sa sahig pero wala akong maramdaman kaya minulat ko ang mata ko at nakita ko ang gwapong nilalang sa harapan ko hawak niya ang bewang ko at kamay, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko parang may mga kabayo na nakikipag karerehan dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko, nang makabalik ako sa katinuan ko ay tumayo ako ng maayos at nagpasalamat kay sir

“uhm thank you ulit sir kung hindi dahil sa inyo ay baka lumagapak  na ako sa sahig” sabi ko.

Grabe namumula ata mukha ko ngayon hayss nakakahiya talaga kay boss

“okay lng yun basta next time be careful okay?” sabi niya.

“yes sir salamat ulit” sabi ko.

Nagdaan pa ang ilang araw at parang nahuhulog na ang loob ko kay sir jericho ewan ko ba pero sa tuwing nakikita ko siya at nakakasama bumibilis lagi ang tibok ng puso ko. Siguro nagugustuhan ko na nga siya pero pinipigilan ko naman ang nararamdaman ko dahil boss ko siya at ako ay isang hamak na  secretary niya lamang, kapag nagpatuloy pa ito hindi ko na alam ang gagawin ko.

Jericho’s POV

Grabe natatawa talaga ako kapag nakikita ko si marie naalala ko kase yung muntikan na siyang madulas noon buti nga ay nasalo ko siya.

Nung nakita ko sa malapitan ang mukha niya parang tumigil lahat ng oras at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay may mga paro paro sa loob ng tiyan ko.

Tiningnan ko ng mabuti ang mukha niya kulay brown ang mga mata niya at medyo matangos din ng ilong niya, sa tagal kase naming magkakilala noon bilang ako si eko ay hindi ko pinapansin ang mukha niya kaya ngayon ko lang nakita sa malapitan ang itsura niya. Masasabi kong  maganda si marie at simple lang hindi siya katulad ng ibang babae na parang clown na ang mukha sa paglagay ng make up, kaya ngayon ay dumaan muna ako sa shop ni aling mina at bumili ako ng bulaklak, gusto kong ibigay ito sa kanya mamaya.

Pagkabili ko nga ay binayaran ko na si aling mina at nagpasalamat sana magustuhan ito ni marie. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ito, natraffic ako ng ilang minuto dahil sa inaayos ang mga kanal sa gilid ng kalsada kaya nahirapan dumaan ang ibang sasakyan pero mabuti na lng at nakarating din ako. Pagkapasok ko ay binati ako ng mga empleyado, nagtaka naman sila kung bakit may dala akong bulaklak, narinig ko ang bulongan ng ibang babae natawa pa nga ako dahil iniisip nila na para daw sa kanila itong binili kong bulaklak.

Pagkapasok ko sa opisina ko ay naabutan ko si marie na naglilinis at inaayos ang mga gamit ko.

“good morning marie” bati ko sa kanya.

mukhang nagulat ko ata siya kaya natawa ako..

“ good morning din boss“ nakangiting bati niya.

lalo tuloy akong naiinlove sa kanya ngiti pa lang niya nakakainlove na

“ marie para sayo nga pala, sana tanggapin mo binili ko pa naman yan para sayo“ nakangiti kong sabi at ibinigay ko iyon sa kanya,

nagulat nga siya at nagtanong pa kung bakit ko daw siya binigyan ng bulaklak, naalala ko tuloy dati nung si eko pa ako lagi niya akong dinadalhan at binibigyan ng pagkain kaya ngayon ay siya nman ang bibigyan ko ng bulaklak.

“ kapag sinabi ko ba sayo kung bakit, sasagutin mo ba ang tanong ko?“ pag bibiro ko kay marie.

tumango nman siya kaya naglakas loob akong sabihin ito sa kanya

cough ehem uhm marie pwede ba akong manligaw sayo? “ diretsahang tanong ko.

nagulat naman ito sa sinabi ko at di ko alam kung ano ang isasagot niya..

A/N: READ, VOTE AND COMMENT DOWN. THANKS FOR READING :*

-manikangelyen

Chapter5

THIRD PERSON POV

Hindi maka paniwala si marie sa sinabi ng boss niya at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito

“ah sir?. ahh ano kasi..”

Nag iisip siya kahit sa pagsabi niya man lang, nagsalita naman si jericho.

“ marie? Pwede ba ako manligaw sayo?“ tanong ulit ng binata dito  ngunit ang sagot niya lang ay

“pag iisipan ko muna, ayokong magmadali at isa pa ang dapat kong intindihin sa ngayon ay ang trabaho ko “ paliwanag niya.

Tumango nman ang ang lalaki sa kanya at mukhang naintindihan niya nman ito, naisip niya din na siguro ay hindi niya muna binigla si marie sa panliligaw .

Marie’s POV

Pagkatapos ng pag uusap namin nun ni sir jericho ay nagmadali na akong umalis, oo may nararamdaman na ako para sa kanya pero sadyang hindi ko pa rin alam ang isasagot sa kanya, kung ganun ay may gusto din siya sakin kaya liligawan niya ako?

Ganun ba yun, hayss mukha tuloy akong tanga dito dahil pinag iisipan ko ang tungkol doon . May pasok na nman ako kaya ito kinakabahan na nman ako dahil makikita ko siya, matagal kong pinag isipan ito kagabi halos hindi na ako makatulog nun , maya maya pag pasok ko ay konti pa lng ang mga ka work ko kaya naisipan kong bumaba para makapag kape pag baba ko parang nag slow motion ang paligid ko dahil saktong papalabas na ako ay si sir jericho naman ang nakita ko grabe ang gwapo niya, naka polo siya ng long sleeve at naka tuck-in ito, naka shades siya nun at napansin kong may bulaklak na naman siyang dala. Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatayo at ilang sandali pa ay nasa harapan ko na siya

“ good morning marie“ sabay abot niya ng bulaklak kaya tinanggap ko nman iyon

“ good morning din sir“ bati ko.

  Breaktime namin kaya inutussn ako ni sir na papirmahan itong papeles kay Mr. Gonzalo pagkatapos kong magawa iyon ay bumalik na ako agad, pagkabalik ko ng office niya ay kinausap niya ako tungkol sa panliligaw niya kaya kabadong kabado ako nun, papalapit ng papalapit si sir jericho sa akin kaya umuurong naman ako hanggang sa upuan na yung nasa likod ko, ngayon ay nasa harap ko na siya at napaka aliwalas ng mukha niya ..

“ah sir ano.. ah may sasabihin po sana ako, pinag isipan ko po kasi ito ng mabuti kagabi” sabi ko. Nakatingin lng siya at hinihintay ang sasabihin ko.

“ pumapayag po ako “ sabi ko, doon ay napangiti siya at bigla na lng akong niyakap.

“thank you marie, promise araw araw kitang liligawan at dadalhan ng bulaklak” sabi niya.. 

Isang buwan niya akong niligawan at alam ng mga kasamahan ko na nililigawan ako ni jericho, sinabi kasi niya nung pagkatapos kung pumayag ayaw niya daw na may manligaw sakin na ibang lalaki kaya sinabi niya na sa mga ka work ko, araw araw nga siyang nagbibigay ng bulaklak, malambing at ang sweet niya syempre ang gentleman niya rin ..

Pagkatapos pa ng ilang araw ay sinagot ko din siya, tuwang tuwa siya noon at inanounce pa sa loob ng kompanya na kami na dahil sinagot ko na siya, kilig na kilig nga yung iba eh at yung iba naman nagbubulongan na ang swerte ko daw dahil minahal ako ng isang villanueva na gaya niya, naisip ko paano kaya pag umuwi dito ang daddy ni jericho ano kayang reaksyon niya at sasabihin kapag nalaman niyang may relasyon kami ng anak niya.

Parang kinakabahan naman ako dahil baka hindi niya ako tanggapin at paalisin pa ako sa trabaho ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nangyari yun, masaya naman kami ni jericho sa relasyon namin ngayon , hinahatid at sinusundo niya din ako sa labas ng bahay namin. Kaya lng hindi ko pa siya napapakilala kay mama dahil di ko alam ang magiging reaksiyon niya pag nalaman niyang may boyfriend na ako at anak pa ng dati kong boss.

Isang linggo na pala kami ni jericho kaya masaya ako dahil siya ang naging boyfriend ko, nasa office kami ngayon at nag uusap lang.

“ hi hon nagugutom kaba? Gusto mo kumain muna tayo sa baba sa canteen?“ pagyaya ni jericho pero tumanggi ako dahil busog pa naman ako ngayon mamaya na lang ako kalain pag lunch time na.

“Ah mamaya na lng hon busog pa ako eh, sige ka baka tumaba pa ako nito hindi na ako sexy tingnan” pagbibiro ko sa kanya kaya natawa na lng siya at ganun din ako. 

Dalawang buwan na ang lumipas mas lalong tumibay ang relasyon namin atsak  malapit na din ang monthsary namin.   Linggo ngayon at naisipan kong pumunta sa mall may bibilhin kasi ako para kay jericho balak kong ibigay yun sa monthsary namin, habang naglilibot ako ay nahagilap ng paningin ko ang isang lalaki na nakaupo sa loob ng jollibee, lalapitan ko na sana siya pero may dumating na babae at umupo sa harap nito, sino siya? tanong ko sa isip ko.?

Sumikip bigla ang dibdib ko sa nakita ko kaya dali dali akong umalis doon dahil di ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko, magdamag akong hindi lumabas sa kwarto ko, kahit isipin ko na kaibigan niya o kamag anak niya lang yung babae ay hindi ko maisip dahil nagseselos ako kasi mahal ko siya at isa pa boyfriend ko siya diba? may tiwala naman ako kay jericho pero hindi pa rin maalis sa isip ko dahil isa siyang business man na tinitingala at hinahangaan ng ibang babae.

Tinext ko siya na hindi muna ako papasok bukas at sinabi ko rin na masakit yung ulo ko, pumayag nman siya ..

Jericho’s POV

Nandito ako sa mall ngayon , nakipagkita ako sa kababata ko na si stephanie isa siyang sikat na designer sa mga okasyon, pumunta muna ako ng jollibee dahil don kami mag uusap, makaraan ang ilang minuto ay dumating na siya.

“ hi jeko“ bati niya kaya pinaupo ko na siya.

Pinag uusapan kasi namin ang tungkol sa first monthsary namin ni marie balak kong magpatulong kay steph dahil alam kong magaling siya pagdating dun dahil balak kong isurprise ang girlfriend ko. Sinabi niya lahat sakin at pagkatapos nun ay nag order kami ng makakain namin, at saka nag usap na din..

“ kamusta kana jeko? wala ka pa ring pinagbago mas lalo kang gumwapo ha“ nakangising sabi niya.

“itoh mabuti nman, ikaw ba kamusta ang may buhay asawa? “ tanong ko nman sa kanya,

May asawa na si steph nakilala niya ito sa States at hindi nga nagtagal ay nagpakasal na sila noon kaya minsan lang umuwi dito si steph sa pinas dahil sa states sila ngayon nakatira, buti nga at may inasikaso siya dito kaya umuwi muna

“eh ikaw ba jeko kamusta ang may girlfriend? ikaw ha binata ka na din sa wakas haha sa susunod dapat yayain mo na ng kasal” sabi niya.

haha grabe tong si steph syempre gagawin ko naman yun pero ngayon sulitin muna namin ni marie dahil tiyak akong mahihirapan kami pag naikasal na, kaya nga gusto kong sulitin ang bawat araw na mag kasama pa kami.

“haha oo naman steph pero saka ko na siya yayain kapag nakapag ipon na kami” sagot ko nman.

“eh kailan mo ba siya balak ipakilala sakin jeko ha? sure ako maganda siguro iyong girlfriend mo” sabi niya. Pagtatampo naman niya kunwari..

“saka na pag alis mo, hahaha sa susunod na araw itext na lang kita” sabi ko sa kanya.

Tumango nman siya at ipina alala pa sakin ang sinabi ko, maya maya ay nag pa alam na kami sa isat isa at nagpasalamat ako sa kanya, nauna na rin siyang umalis dahil may gagawin pa siya at ito nga ay dadaan muna ako sa teddy’s store bibilhan ko kase si marie ng teddy bear yung kulay pink ang pinili ko, sana magustuhan ito ni marie at ang mga surpresa ko sa monthsary namin..


Chapter 6

Marie’s POV

Sunday ngayon at nakahiga lang ako sa kama ko, narinig kong tumunog yung cp ko kaya kinuha ko at tiningnan ko kung sino ang nag txt

From: Mahal kong boss Hai hon, good morning bakit hindi ka nagrereply sa mga messages ko wala ka bang load? hon i miss you so much :(

pagkabasa ko ng txt niya ay di ko na nireplayan naalala ko kase yung nasa mall na may kausap siyang babae, kung buhay pa sana si papa sigurado akong papayuhan niya ako at dadamayan kapag may problema ako.. Pa, sana kung nasaan ka man ngayon sana lagi mo kaming bantayan ni mama, miss ka na namin papa.. di ko namalayan na nakatulog na ako.

Pumunta ako sa park gusto ko kasing mamasyal kaya naglibot muna ako, umupo ako sa isang upuan mabuti at may puno kaya malilim at di ako maa arawan..

Tinitingnan ko lang ang mga batang masaya na naglalaro, naalala ko nung bata ako nun pasaway at makulit din ako kaya kapag naglalaro kami lagi akong nadadapa at nagagasgasan sa tuhod ko, hanggang napadako ang tingin ko sa kotse na itim katulad na katulad siya sa kotse ni jericho, may bumabang babae dito karga niya ang isang bata siguro mga 2 taon pa lang yung bata.. tiningnan ko ang driver seat, bumaba don ang isang lalaki nakaharang yung bintana kaya di ko makita pero nung isinara niya nagulat ako kung sino ang nakita ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, si jericho kasama niya ang isang babae at yung bata papunta sila dito sa park.

Nanginginig ang mga tuhod ko nun at bigla na lang akong napaupo , hindi ko akalain at magagawa niya ito sakin.. napahagulhol na na naman ako ang sakit lang dahil niloko niya ako nagsinungaling siya sakin, sobra akong nasasaktan ngayon kaya pinilit kong tumayo at naglakad palapit sa kanila, nagulat siya ng makita niya ako

“ marie? a-anong gginagawa mo dito? “ tanong niya,

napatingin lang samin yung kasama niyang babae.

“sino siya?! “

halos pagalit kong tanong sa kanya pero hindi siya sumagot kaya inulit ko yung tanong ko napaiyak na ako nun dahil hindi ko na kaya sahil sa mga pumapasok sa isip ko.

“marie, magpapaliwanag ako sayo.., please let me explain?..”

pag sumamo niya pero hindi ko siya pinakinggan at sinampal ko siya ng pagkalakas lakas pagkatapos ay tumakbo akong umiiyak nun. Pagkalabas ko ng park ay tumawid ako nun at dahil umiiyak ako ay hindi ko napansin na may sasakyan at bigla na lang dumilim ang paningin ko.

“maaarriiiiieeee!!! “ narinig ko pang sigaw ni jericho.

Bigla akong nagising ng may tumatawag sakin pagkadilat ko nasa kwarto pala ako at panaginip lng pala ang lahat ng yun, pero pakiramdam ko parang totoo lahat. Nabalik ako sa katinuan ng marinig kong tinatawag pala ako ni mama sa baba, kaya bumangon na ako at inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas sa kwarto ko.

 “Ma? Bakit po? “ tanong ko kay mama.

may inaabot siyang bulaklak sakin , kanino naman toh galing? tiningnan ko yung maliit na papel galing kay jericho, tinanong ko kay mama kung pumunta ba dito si jericho pero yung magtataho lang nag abot sa kanya.   Araw na naman ng trabaho kaya pumasok na ako, iilan pa lang ang nandun na nakita ko mukhang napaaga ata ang pagdating ko. Naglakad ako papunta sa office niya nagdadalawang isip nga ako kung kakatok ba ako o hindi dahil sa totoo lang kinakabahan ako gusto ko kasing kausapin siya at gusto kong marinig sa kanya lahat, kakatok na sana ako ng biglang bumukas yung pintuan nagulat ako dahil nakita ko siya, bigla niya na lng akong niyakap ng mahigpit

“marie.. namiss kita bakit hindi ka man lng nagrereply sa mga text ko? “ pag aalala niya.

“ahh jericho ano kase lowbat yung cp ko kaya di kita nareplayan, sorry.. i miss you too hon” sabi ko.

Pinapasok niya naman ako sa opisina niya. Ilang minuto din akong nag isip maya maya ay tinanong ko siya tungkol sa nakita ko sa mall na may kausap siyang babae at tinanong ko din kung sino yun, mukhang nagulat nga siya sa itinanong ko eh pero bigla na lng siyang napatawa kaya naman nagkunot nuo lng ako at saka ikinuwento niya lahat.. akala ko tuloy niloloko niya ako, yun pala may asawa na yung babae at kinasabwat niya daw para sa gagawing surprise sakin, at ano nman yung isusurpresa niya? pinilit ko siyang sabihin niya sakin pero ayaw niya talaga, masaya ako dahil naliwanagan ako sa sinabi niya tapos nag aksaya pa ako ng luha nung nakaraang araw sa kanya yun pala wala lang.

Jericho’s POV

Ngayon na ang araw ng first monthsary namin ni marie kaya kaninang uwian sabay kaming umalis dahil dadalhin ko siya kung saan nakahanda na yung place para sa uang monthsary namin, nung nakarating kami ay piniringan ko muna yung mata niya at saka inalalayan siya at dahan dahan kaming pumasok sa isang restaurant, pinaupo ko na siya at tinanggal ang piring niya.

“ happy first monthsary hon.. i love you.. thank you kasi dumating ka sa buhay ko sana wag mo akong iiwan mahal na mahal kita sobra.. “ sabi ko at saka hinalikan siya sa noo napangiti din siya nun.

“ happy first monthsary din hon.. ang saya saya ko ngayin sobra.. sana tuloy tuloy na ito at gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari hindi kita iiwan.. lalaban tayo.. mahal na mahal din kita hon sobra..“ sagot niya. Napansin ko tuloy na namumula na yung mga mata niya dahil naluluha na din siya sa sobrang saya.

 Pagkatapos namin kumain ay kinausap ko siya

“Hon? tawag ko,

gusto ko kasing sabihin na ito sa kanya, yung tungkol kay eko at sakin.. sana hindi siya magalit kapag inamin ko yung totoo

“may aaminin kasi ako sayo eh, pero sana hindi ka magalit sakin hon.. will you promise that? “ sabi ko, tiningnan niya lng ako at saka ngumiti

“ano ka ba kahit ano pa yang sasabihin mo promise maiintindihan ko yan at saka hindi ako magagalit sayo kasi mahal na mahal kita hon.. at malaki ang tiwala ko sayo..” sabay hawak niya sa pisngi ko. Kinakabahan naman ako kaya nilakasan ko na ang loob ko at nag salita

“marie naaalala mo pa ba ako ?“tanong ko sa kanya pero nagtaka lng siya at di sumagot kaya sinabi ko na

“hon? Ako to si EKO” pagkasabi ko nun ay biglang nanlaki ang mga mata niya. Siguro hindi siya makapaniwala na ako at si eko ay iisa.

“teka anong ibig mong sabihin na ikaw si eko? i don’t understand hon?” takang sabi niya, ay ang slow niya talaga eh..

“Ako ito si eko, ako yung pulubi na lagi mong binibigyan at dinadalhan ng pagkain” sabi ko.

Nahalata ko sa mga mata niya na parang maiiyak na siya kaya tumayo ako at niyakap siya “ ikaw ba talaga yan? Ikaw ba talaga si eko? “ naiiyak na niyang tanong kaya ikinuwento ko at ipinaliwanag sa kanya ang lahat lahat.

“ pero bakit ka nagsinungaling sakin, alam mo ba nung araw na hindi kita nakita dun? lagi akong malungkot nun kasi nasanay na akong nakikita kita lagi at binibigyan ng pagkain. Alam mo bang araw araw din akong bumaba ng building para sana makita kita ulit dun pero lagi na lang akong bigo..“ malungkot na sabi niya.

yakap ko pa rin siya.

“ sshh…, wag kana malungkot dahil simula ngayon araw araw mo na akong makikita at makakasama hon, andito lang ako sa tabi mo lagi.. i love you hon.. sorry… “ sabi ko, hindi ko hahayaan na umiyak ka ulit marie.

“it’s okay hon I understand.. promise me don’t leave at my sight hon please.. i love you more hon..” sabi niya.. 

“I promise hon” sabay kiss ko sa noo niya.


A/N: Hi guys don“t forget to vote and support this story. Thank you so much for reading.

Chapter7

Third Person’s POV

Nagising si marie dahil may naririnig siyang umiiyak, kaya bumangon siya at lumabas sa kwarto niya, nakita niya ang mama niya sa sala na may tinitingnan na photo album, napansin niya din na lumuluha ito lalapitan niya sana ang mama niya pero bigla na lang nagsalita ang mama niya kaya huminto siya at pinapakinggan ang sinasabi nito.

“Anak miss na miss na kita, kayo ng daddy mo sana mapatawad niyo ako dahil iniwan ko kayo siguro binata kana ngayon, sana anak maalaala mo pa ako at sana rin ay mapatawad moko sa ginawa ko hindi ko kayo nais na iwan pero kailangan kong gawin dahil hindi ko na kaya ang ginagawa ng daddy mo sakin eh.Lagi niya na lang akong sinasaktan kaya iniwan ko kayo” at saka pinagmasdan nito ang picture ng anak niyang lalaki.

Pinagmasdan lng ni marie ang kanyang ina na umiiyak, nagtaka din siya sa narinig niya may anak pa pala ang mama niya at hindi nito binanggit o kinuwento man lng sa kanya.

Kinabukasan maaga ulit siyang gumising, ipinagluto niya na muna ng almusal ang kanyang mama at saka siya umalis habang nasa bus siya ay hindi niya maiwasan na isipin kung sino ang isa pang anak ng mama niya.

Hindi niya namalayan na lagpas na pala siya sa konpanya kaya agad siyang pumara at bumaba, hindi niya kasi maalis sa isip niya yung nalaman niya.

Sa opisina ay dumating ang nobyo niya

“good morning hon” bati nito hindi siya umimik at malalim ang iniisip.

“Mukhang malalim ata ang iniisip mo hon, may problema ka ba, pwede mo namang ishare yan saki e malay mo matulongan pa kita” pag aalala pa niya.

Napatingin siya kay jericho.

“Ah hon kagabi kasi umiiyak si mama tapos narinig ko yung sinabi niya”sagot niya.

“ano naman yun hon? “ tanong ni jericho nag aalala na siya sa girlfriend niya dahil lagi na lng namomroblema kaya gusto niya itong damayan para man lang gumaan ang pakiramdam nito.

“Si mama kasi may binaggit siyang anak nakita ko pa nga na hawak nito ang isang photo album at sinasabi niya na sana mapatawad daw siya ng anak niya dahil iniwan niya daw ito” sabi ng dalaga.

“Edi kapag umuwi ka hon mamaya kausapin mo ang mama mo at itanong sa kanya para maliwanagan ka” payo nito.

“Salamat hon ha, ang di ko lng kasi maintindihan ay kung bakit inilihim niya sakin iyon tapos ngayon ko lng malalaman” dagdag pa nito.

Sandra’s POV

Kakatapos ko lang magluto dahil hinihintay ko ang anak kong si marie habang wala pa siya ay nanuod muna ako ng TV dahil gusto kong maglibang.

Naaalala ko yung anak kong lalaki si Jeko, ang totoo niyan ay may asawa at anak ako noon pero dahil hindi ko nakaya ang pananakit sakin ng asawa ko ay naisipan kong iwan siya.

Isasama ko sana si jeko sa pag alis ko pero ayaw sakin ibigay ng asawa ko at pinagbantaan pa niya ako na papatayin kapag isinama ko ang anak ko kaya hindi ko na lang pinilit at hindi ko na isinama pa ang anak ko hindi rin ako nakapag paalam pa sa kanya.

Narinig kong bumukas ang gate kaya pinunasan ko na ang luha ko dahil andyan na si marie.

“oh anak narito kana pala halika magbihis ka muna bago kumain” sabi ko.

Umakyat siya sa kwarto niya at ako naman ay nilagyan ko na ng kanin ang plato niya, maya maya bumaba na rin siya tahimik lang kaming dalawa na kumain, nagpapasalamat ako sa panginoon dahil nakilala ko ang ama ni marie at minahal ako kaya nagsama na kami simula noon.

Hindi ko namalayan na tapos na palang kumain si marie

“Ma ako na po ang maghuhugas ng plato” sabi ng anak ko.

Alam kong pagod na si marie pero kahit ganun ay tinutulongan niya pa rin ako dto sa gawaing bahay lalo na tuwing umaga siya lagi ang nagluluto ng almusal namin.

“Ahh anak ako na magpahinga ka muna dyan dahil alam kong pagod ka”sabi ko sa kanya kaya hinugasan ko na ang mga plato.

Pagkatapos ay kinausap ako ni marie.

“Ma pwede ko ba kayong makausap, may gusto lang po akong malaman” sabi niya ano nman kaya iyon at mukhang seryoso ang mukha niya.

“Sige, ano ba iyon anak? “ tanong ko.

“Narinig ko po kayong umiiyak kagabi at narinig kong may sinabi kayo na isa pang anak” nagulat ako sa tanong niya kaya nman nakaramdam ako ng kaba.

Oras na siguro para malaman niya ang katotohanan ayoko ng magsinungaling sa kanya kaya sasabihin ko na, siguro nman ay maiintindihan niya ako diba.

“anak ano kasi ang totoo niyan ay may naging una akong anak at asawa pero iniwan ko sila dahil hindi ko natiis ang pananakit sakin ng asawa ko noon” sabi ko kaya ikinuwento ko at ipinaliwanag pa sa kanya iyon.

Kinuha ko din sa drawer ang pinakakatago kong photo album ng anak kong lalaki tiningnan niya naman iyon at binuklat pa at tiningnan ang mga picture.

“ang gwapo po pala ng anak niyo ma” sabi ni marie natuwa nman ako sa sinabi niya, ano na kayang itsura ng anak ko ngayon siguro mas lalo pa itong gwumapo ngayon.

“Oo nga anak eh kahit bata pa lang siya dyan ay gwapo na tingnan, siguro ngayong paglaki niya ay mas gumwapo pa siya lalo” sabi ko pa.

“Mqa ang ibig po bang sabihin ay siya ang nakakatanda kong kapatid? Ganun po ba, ma gusto ko po siyang makita at makilala” sabi ni marie.

Gustong gusto ko din makita ang anak ko pero di ko alam kung nasaan na sila ngayon.

“Hayaan mo anak hahanapin natin siya” sabi ko.

“Ma may sasabihin po pala ako sa inyo sana po wag kayong magalit” sabi niya.

“Sige anak ano ba yon? “ tanong ko nman.

“Mama may boyfriend na po kasi ako anak po siya nung boss ko” sabi niya

Nagulat nman ako di ko alam na may bf na pala si marie, kung sabagay dalaga na rin siya at normal lang na magkaroon ng boyfriend at isa pa wala akong nakikita na problema para pigilan siya.

“Naku ang anak ko dalaga na talaga” nakangiting sabi ko.

“Ma gusto ko po sanang makilala niyo ang bf ko kaya bukas po ay dadalhin ko siya dito” dagdag niya pa.

“Sige anak maghahanda ako bukas ng makakain niyo at para naman makilala ko iyang boyfriend mo” sabi ko naman.

Marie’s POV

Masayang masaya ako ngayon dahil tanggap ni mama na may boyfriend na ako at ngayon nga ay pumasok na ako ng trabaho, alam kong matutuwa si jericho nito dahil makikilala niya na ang mama ko.

Kaya dali dali akong sumakay sa bus, ilang minuto pa ay bumaba na ako at nagmadaling makasakay ng elevator, pagkarating ko sa taas hinanap ko agad si jericho at ayun nakaupo siya sa may bintana.

“hoonn? “ tawag ko mukhang napalakas ata ang sigaw ko kaya napatingin sakin ang ka work ko, nag peace sign na lng ako sa kanila at ngayon nga ay nilapitan ko si jericho.

“ oh hon mukhang ang saya mo ata ngayon ah?“ pagtataka niya

“hon! mamaya sabay tayong umuwi dahil ipapakilala na kita kay mama” masayang sabi ko at saka bigla ko siyang niyakap.

“talaga hon?” Hindi makapaniwalang tanong niya kaya pareho kaming excited mamaya.

Jericho’s POV

Masayang ibinalita sakin ni marie na makilala ko na ang mama niya kaya tuwang tuwa ako ngayon.

Lunch time na kaya niyaya ko si marie na kumain dahil ayokong magutom siya.

“Hon tara kain na tayo mamaya mo na tapusin yan” sabi ko kaya tumango naman siya at bumaba kami ng building.

Ilang oras na din ang lumipas at malapit nang mag uwian saktong tapos na kami kaya nauna na kaming umalis ni marie sa kompanya.

Pumunta muna kaming mall at bumii ng cake at saka dumaan din kami ng jollibee para bumili ng pasalubong sa mama niya.

Pagkatapos ay bumalik na kami sa kotse ko at pinaandar ko na yun buti at hindi traffic kaya madali kaming nakauwi sa bahay ni marie, pinarada ko muna ang kotse ko sa tabi at saka binuksan ang pintuan, inanalalayan ko rin si marie at tinulongan siya sa mga binili namin, pumasok kaming gate at kumatok siya sa pintuan nila.

“ ma? andito na po kame“ sabi niya at biglang bumukas ang pintuan nila ..

Chapter8

Jericho’s POV

Pagkabukas na pagkabukas niya ay nakita ko ang mukha ng babaeng kinalimutan ko na habang buhay, nagulat ako dahil siya ang nakita ko kahit bata pa lang ng iniwan niya kami ay tandang tanda ko ang mga mukha niya, halo halong emosyon ang nararamdaman ko matutuwa ba ako, maiinis o ano

“Ma? siya po yung sinasabi ko sa inyo si jericho siya po ang boyfriend ko” pagpapakilala ni marie.

Kung alam mo lang marie, bakit ganito kung kailan masaya na kami at kung kailan mahal na mahal ko si marie ay ganito naman ang mangyayari samin.

“Anak? Jeko? Ikaw nga yan, ikaw si jeko diba ang anak ko” sabay yakap niya sakin.

Tumulo na ang luha ko sa oras na yun, tiningnan ko lng si marie at parang naguguluhan siya sa mga nangyayari.

“Ma, Ano pong sinasabi niyo! Bkt niyo po siya tinatawag na anak ma?” naguguluhan ng tanong niya. Inalis ko ang pagkakayakap sa taong ayaw ko nang makita kahit kelan.

“bitiwan mo ako!” sigaw ko sa kanya

“Anak jeko! please magpapaliwanag ako makinig ka muna anak” sabi niya.

Lumaki akong walang mommy na nakakasama tanging si papa at mga kasambahay lang ang nag alaga sakin tapos ngayon tatawagin niya akong anak.Simula nang iniwan niya kami ay nag hintay akong babalikan niya kami,ako pero simula nun hindi na siya bumalik pa.

“Jericho? Wag mo ngang sigawan ang mama ko! sabihin niyo ano bang nangyayari ha naguguluhan na ako!” sigaw ni marie hindi dapat nangyari ito si marie na mahal na mahal ko ay hindi ko dapat minahal sapagkat magkapatid kami.

Hindi ko na kinaya at umalis na lang bigla sa bahay nila pinaharurot ko ang kotse ko, di ko alam kung anong gagawin ko, bakit sa lahat pa ng pwede kong mahalin ah bakit si marie pa na hindi ko pala alam at kapatid ko siya sa ina ko.

Binilisan ko ang takbo ng kotse ko, bahala na kung anong mangyari sakin sa ngayon ay gusto ko munang mapag isa pumunta ako ng bar gusto kong malimutan lahat lahat ng nararamdaman ko.Pagkapasok ko sa bar ay nag order ako ng beer, kahit ngayon lng gusto kong makalimot at mapag isa.

Marie’s POV

“Ma? Sabihin mo nga ano bang nangyayari!” umiiyak ako ngayon dahil hindi ko maintindihan sa bilis ng pangyayari, bigla na lang umalis si jericho ng hindi nag papaalam.

“Anak marie? Bakit siya pa, sa dami ng lalaking mamahalin mo bakit siya pa? bakit ang kapatid mo pa!! “ napahagulhol na sabi ni mama.

Nagulat ako sa sinabi niya si jericho kapatid ko siya? siya na ba yung kinuwento sakin ni mama na anak niya. Napaupo na lang ako sa sahig at nanlumo habang umiiyak, masakit malaman na ang taong minahal mo ay kapatid mo pala.

“Ma!! hindi totoo yan! Hindi ko kapatid si jericho dahil boyfriend ko siya ma! “ umiiyak kong sabi kay mama.

Ang sakit sakit na ng nararamdaman ko bakit ba hindi ako pinagbibigyan ng tadhana na sumaya kahit sandali lang, pati ba naman sa pagmamahalan ay wala din akong karapatan na lumigaya, sinampal ako ni mama ng malakas

“Gumising ka nga marie! kapatid mo ang lalaking minahal mo! kaya habang maaga pa hiwalayan mo na si jeko” sabi ni mama.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko at saka ni lock iyon.Pasubsob akong dumapa sa kama ko at umiyak ng umiyak.

Someone’s POV

“Andy? ipag pabook mo nga ako ng flight bukas dahil tapos na ang trabaho ko dito at kailangan ko agad umuwi ng Pinas para bumalik sa kompanya” utos ko sa assistant ko.

“yes sir! “ sagot naman nito at dali daling umalis ano na kayang nangyayari sa kompanya ko.

Jericho’s POV

Lasing akong umalis ng bar pagewang gewang ako at anytime ay parang babagsak na ako, pero kinaya ko pa rin at pinilit kong maglakad hanggang sa kotse ko ng biglang natumba ako.

“hey! are you okay? Let me help you..” sabi sa akin ng isang babae, di ko makita ang itsura niya dahil papikit pikit na ang mga mata ko nun, tinulongan niya akong tumayo at pinaupo sa upuan, narinig kong may tinawag siya at saka di ko na alam ang nangyari pagkatapos dahil pumikit na ako.

Nagising ako sa isang kwarto, hindi ito pamilyar sa condo ko kaya bumangon ako.

“uhh shit!” sabi ko sabay hawak ko sa batok ko at hinimas ito dahil ang sakit ng ulo ko, tatayo na sana ako pero naramdaman kong wala akong suot na damit, hinanap ko ang damit ko pero di ko makita

“Hmm mabuti naman at gising kana, kamusta masakit ba ang ulo mo gusto mo ipagtimpla kita ng kape?” tanong niya, pero tumango na lang ako at itinanong sa kanya kung nasaan ang damit ko.

“Ah miss nasaan nga pala ang mga damit ko” tanong ko.

Kaya naman umalis siya bigla at maya maya ay dala na niya ang damit ko

“pasensya kana kung hinubaran kita pero wag kang mag alala dahil wala naman akong nakita” sabi pa niya at saka inabot yung damit ko

“Uh ganun ba”  sagot ko na lng.

“Nilabhan ko kasi ang damit mo kaya ayan mabuti nga at tuyo na” sabi niya, mukha naman siyang mabait, tinanong ko kung anong pangalan niya.

“Ako si samantha, sam na lng ang itawag mo” nakangiting pakilala niya.

“salamat nga pala sam ah “ pasalamat ko, tinanong niya din kung ano name ko.

“ah jericho nga pala”sabi ko.

“naku wala yun jericho, by the way aalis kana ba? “ tanong niya

“Oo, may aasikasuhin pa kasi ako eh” sagot ko may kinuha siya sa drawer niya at iniabot yun sakin.

“Yan ang calling card ko, kung kailangan mo ng tulong ko at makakausap, tawagan mo lang ako” sabi niya.

“Okay sige thanks ulit sam, aalis na ako” paalam ko kaya umalis na ako.

Nakita ko ang kotse ko sa paradahan kaya sumakay na ako at pinaandar ko na ito, ano na kayang nangyari kay marie napaisip ako kung okay lang ba siya, naalala ko yung kagabi dahil sa galit na nararamdaman ko ay umalis na lng ako at iniwan siya, ugh! Nakakainis narinig kong nag ring ang phone ko

“hello?” sabi ko

“hey my son? how are you kamusta ang kompanya iho?” tanong ni dad.

Nakku may meeting pala ako ngayon tssk kainis.

“ oh dad ito mabuti naman po, ayos lang naman po yung kompanya natin, kailan po kayo babalik dad?“ tanong ko pa.

Ano kayang magiging reaksiyon ni dad pag nalaman niya na nagkita na kami ng asawa niya na ngayon ay mama ng babaeng minahal ko na dapat hindi ko minahal.

“Wag kang mag alala iho, dahil nasa flight na ako ngayon, pauwi na ako jan iho” nagulat naman ako ibig sabihin nasa flight na pala si daddy.

Sandra’s POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas sa kwarto ang anak ko, nag aalala na ako kay marie dahil kahapon pa siya hindi kumakain kaya kinatok ko ang pintuan niya

“anak please lumabas ka na dyan kahapon ka pa hindi kumakain nag aalala na ako sayo” sabi ko pero walang sumagot.

Kaya kinuha ko ang duplicate na susi ng kwarto niya at binuksan iyon, laking gulat ko nang makita ang anak kong nakahandusay sa sahig kaya agad akong nagpatulong sa kapit bahay na buhatin ang anak ko, pumara ako ng taxi at isinugod ko siya sa ospital..

Chapter 9

THIRD PERSON POV**

Ilang araw ng nasa ospital si marie, ang sabi ng doctor ay nalipasan lang ito ng gutom at kailangan lng magpahinga dahil sa sunod sunod na trabaho

“salamat naman po doc kung ganun” pasalamat ni sandra sa doctor. “ sige po maiwan ko muna kayo “ sabi nito at tuloyan ng umalis, nag dadalawang isip si sandra kung ipapaalam niya ba ito kay jericho o hindi. Naaawa siya sa dalawa niyang anak lalong lalo na kay marie dahil lagi na lang itong namomroblema , paano na kaya sina marie at jericho ngayong nagmamahalan sila ay saka pa nalaman nila na magkapatid ang mga ito..

CARLOS POV

Kakaratimg ko lang kahapon dito sa bahay, tinawagan ko si jericho pero di sumasagot kaya itinanong ko sa mga kasambahay

“alam niyo ba kung saan pumunta si jericho” tanong ko.

nagsalita nman ang isa sa mga maid namin

“ah sir carlos nagmamadali po siya eh may meeting daw siya ngayon” pahayag nito.

Pumunta ako sa mini office ko gusto kong tingnan at pirmahan ang ilang documento doon bigla kong naisip si sandra ang babeng yun na bigla na lang kaming iniwan, alam kong kasalanan ko lahat ng iyon kung hindi ko siya sinaktan at inabuso ay sana hindi siya umalis sana mapatawad mo din ako sandra sa mga nagawa ko sayong pagkakamali biglang nag ring ang phone ko.

“ hello? Marie? “ sabi ko, may isang babae ang sumagot.

“ hello jericho ikaw ba yan? “ tanong nito nagtaka naman ako at kinausap siya

“ang dad niya ito anong kailangan mo sa anak ko?” tanong ko dito.

Matagal itong hindi sumagot pero maya maya ay nagsalita na din siya.

“carlos ikaw ba yan? “ tanong nito, kaya ako rin ay nagtaka kung bakit kilala niya ako.

“kilala mo ako? Sino ka ba? “ tanong ko pa dito.

“carlos ako ito si sandra! pwede ko bang makausap si jericho.Kailangang kailangan lang dahil gusto kong malaman niya na isinugod si marie sa ospital” paliwanag niya.

“ wala siya dito nasa meeting, sandra? gusto ko sanang magkita tayo at gusto kong makausap ka sana?“ tanong ko

“oo carlos sige, kailan ba? “ tanong niya

“kung pwede sana ay mamayang 7pm” sagot ko

pumayag nman si sandra mabuti naman dahil gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya.

JERICHO’S POV

Kakatapos lang ng meeting namin ngayon, kaya dumiretso ako sa kotse ko at saka nagpahinga sandali naisip ko si marie, bakit sa lahat ng pwede ko pang mahalin at maging kapatid ay bakit siya pa, yan ang mga tanong na gumugulo sa isip ko.Simula rin ng pangyayaring yun ay hindi ko na nakausap pa si marie, wala din akong natatanggap na text galing sa kanya, ano kaya ang nangyari kay marie alam kong labis din siyang nasaktan sa nalaman niya,hanggang kailan ba kami magiging ganito namimiss ko na siya, miss na miss ko na si marie, naisip kong pumunta ng kompanya kaya naman pinaandar ko na ang kotse ko at saka umalis na.

Malamang ay nasa kompanya ngayon si marie kahit sandali lang ay gusto ko siyang makita at makausap, hindi ko kayang hindi siya nakikita.

Pagkarating ko nga sa kompanya ay hinanap ng mga mata ko si marie, nilibot ko ang buong opisina pero wala siya, nagtanong din ako sa mga empleyado kung pumasok ba si marie pero hindi daw at wala pa.Nag aalala na ako sa kanya.Umalis akong kompanya ng bigo dahil hindi ko siya nakita.

SANDRA’S POV

Narito ako ngayon sa lugar kung saan kami magkikita ni carlos, mga ilang minuto na din at may isang kotse na dumating bumaba doon ang isang lalaki,nagulat ako ng makita muli siya ang laki na ng pinagbago niya kahit may katandaan na siya ay hindi pa rin kumukupas ang aura niya.

“ sandra? “ banggit niya, tumayo ako at pinagmasdan siya papalapit sa kinaroroonan ko.

“ako nga ito carlos, halika maupo kana muna” sabi ko sa kanya at saka pinaulo ko siya.

“anong pag uusapan natin carlos? “ tanong ko.

“sandra gusto ko sanang humingi sayo ng tawad dahil sa mga nagawa ko sayo noon, kasalanan ko kung bakit iniwan mo kami ng anak mo kaya sana mag kaayos na tayo” pahayag niya hindi ko inaasahan na sa bandang huli ay hihingi din siya ng kapatawaran ayokong magtanim ng galit sa kanya dahil tao lang din ako at nasasaktan pero matagal ko nang kinalimutan lahat iyon.

“matagal na kitang pinatawad carlos, hindi ako diyos para magtanim ng galit sayo” sagot ko.

Marami pa kaming pinag usapan, ikinuwento ko na rin sa kanya si marie, nagulat nga siya ng malaman niya na anak ko daw si marie hanggang sinabi ko din ang pagkikita namin ni jericho at ang relasyon ng dalawa, hindi siya makapaniwala sa nalaman niya kaya kinausap ko siyang sana ay magkausap ang dalawang bata at may mahalaga akong inamin pa sa kanya tungkol kay marie

“Carlos hindi ko tunay na anak si marie, anak siya ng kinakasama ko noon yung iniwan ko kayo ay  nakilala ko si mario siya ang ama ni marie, dahil mabait si mario ay minahal ko siya kahit papaano at nagsama na kami mula noon. Ipinakilala niya sakin ang anak niyang si marie, mga 3 taon pa lang si marie noon kaya hindi niya alam ang nangyayari, ang akala niya ay ako talaga ang ina niya pero ang totoo nun ay namatay ang tunay na ina niya dahil sa sakit sa puso. Ikinuwento yun sakin ni mario kaya naintindihan ko siya, simula nun ay inalagaan at minahal ko si marie at itinuring ko siyang anak dahil naalala ko si jericho sa kanya.” salay say ko kay carlos.

Naintindihan niya nman kaya sinabi ko pa na wag niya ng pigilan at hadlangan ang pagmamahalan nina marie at jericho. Tumango nman si carlos kaya napangiti ako at nagpasalamat sa kanya, ngayon ay tiyak pag nagising si marie magandang balita ang maririnig niya,, masayang masaya ako ngayon dahil sa wakas liligaya din ang mga anak ko,,

Chapter 10

Marie’s POV

Tatlong araw na ang nakaraan simula nung nakalabas na ako sa ospital andito ako sa kwarto ko nagpapahinga , umalis si mama dahil may mahalaga daw siyang pupuntahan ngayon kaya ako na lng ang mag isa sa bahay hindi na rin muna ako pumasok sa trabaho dahil nag excuse si mama sa dati kong boss, nabalitaan ko rin na matagal na din palang nakauwe dito ang dating boss ko bigla akong nagutom kaya lumabas ako at pumunta ng kusina, nagluto lng ako ng pwede kong imeryenda.. Makalipas ang dalawang oras ay malapit ng gumabi pero wala pa rin si mama san nman kaya siya pumunta at saka ang tagal nman niya umuwe, hanggang sa umabot ang 7 ng gabi.. Hindi pa rin siya nauwe nag aalala na tuloy ako sa kanya, sa pag iisip ko ay biglang bumukas ang pintuan nakita ko si mama na parang namamaga ang mga mata niya umiyak ba siya?

“ ma? Anong pong nangyari sa inyo at ang tagal niyong umuwe, nag aalala na tuloy ako sa inyo“ sabi ko bakas sa mukha niya na kahit kahit katatapos lng niya sa pag iyak ay parang masaya pa siya

“anak marie wag mo nang isipin yun masaya lng ako” sabi niya

“ah ganun ba ma, okay kung may problema ka ma sabihin niyo lng po sakin” sabi ko pa tumango lng siya at nagsalita

“ sinabi ko nman sayo anak, masaya lng tlaga ako“ at niyakap niya ako nagtataka tuloy ako sa ikinikilos ni mama

Jericho’s POV

Nandito ako ngayon sa isang restaurant nakipag lita ako kay sam, naalala ko kase yung sinabi niya saken na kung kailangan ko ng makakausap ay tawagan lng siya, hinihintay ko siyang dumating pero ilang minuto ay biglang tumunog ang cp ko, si dad ang natawag kaya sinagot ko

“ hello dad! Bakit po kayo napatawag? “ tanong ko baka siguro itatanong niya na naman yung tungkol sa kompanya

“ iho gusto kong mag usap tayo, may gusto lng akong sabihin sayo importante kaya sana ay pumunta ka dito sa villa luz restaurant, ngayon din jericho“ sabi ni dad, ano nman kaya yun at mukhang napaka importante ata kaya nagmadali na akong umalis at tinext ko si sam na hindi na matutuloy ang usapan namin dahil pinatatawag ako ni dad,, habang nagbibiyahe ako ay hindi ko mapigilan na kabahan, ewan ko ba pero parang may kakaiba ngayon.

Pagkarating ko sa lugar na sinabi ni dad ay pumasok na ako at tinawagan siya saktong nasa gilid lng siya ng bintana kaya nakita ko agad siya habang papalapit ako ay napansin ko na may isang babaeng nakaupo sa harap ni dad, tiningnan ko ito at nagulat ako ng makita siya ,ang mama ni marie, anong gingawa niya dito?

“dad? Bakit siya andito? Ano to?” tanong ko kay dad pero mukhang okay lng sa kanya na makasama namin ang ina ko,

“ iho umupo ka muna pwede, dahil gusto kong maliwanagan ka ng mabuti at maging maayos na ulit ang pamilya natin“ nagulat ako sa sinabi ni dad, ano yun payag siyang mag kaayos kame kahit na iniwan kame ng babaeng yan,

“pero dad? “ hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si mommy

“anak jericho alam kong malaki ang pagkakasala ko sayo lalo na at iniwan kita, hindi ko gustong iwan ka noon nagawa ko yun dahil sa daddy mo, hindi ko sinabi sayo na may hindi kame pagkakaunawaan ni carlos dahil ayokong isipin mo iyon at ayokong masaktan ka dahil bata ka pa at hindi mo naiintindihan ang nangyayari” umiiyak niyang sabi,

“ iho? malaki ang kasalanan ko sa iyong ina, kasalanan ko kaya iniwan niya tayo dahil hindi ako naging mabuti na asawa sa kanya ,, kaya nung nakaraang araw ay nagkita kami ni sandra at nag usap tungkol sa mga pagkakamali namin dahil dun ay nakipag ayos na ako at humingi ng tawad sa kanya“ pahayag ni dad

“kaya ba pinapunta niyo ako dito?” Tanong ko

“oo at may isa pa kaming sasabihin sayo alam kong may relasyon kayo ni marie sinabi na saken ni sandra” sabi ni dad dun ay sumikip na lng bigla ang dibdib ko, naisip ko si marie siguro nga ay hindi kame ang para sa isa’t isa kaya dapat lng na kalimutan ko na siya

“wag kayong mag alala dad, makikipaghiwalay na po ako sa kanya!” sagot ko, tatayo na sana ako nun pero pinigilan nila ako at may sinabi

“hindi ko balak na paghiwalayin kayo iho wala akong karapatan na pigilan ang pagmamahalan niyo ni marie, alam kong mahal mo siya at masaya ka sa kanya” sabi ni dad, nagugulohan ako sa sinabi niya, bakit niya naman kame papayagan ni marie diba kapatid ko si marie kaya sumagot ako

“ anong ibig niyong sabihin dad? Hindi ba at kapatid ko po siya“ sabi ko pero ngumisi na lng siya

“hindi mo totoong kapatid si mariedahil hindi ko siya tunay na anak, anak siya ng kinakasama ko nun dahil namatay ang totoong ina ni marie kaya ako na ang nag alaga at nagpalaki sa kanya, hindi niya alam yun dahil hindi ko sinabi sa kanya at ayokong iwan niya ako..” paliwanag ni mom, hindi ako makapaniwala sa sinsabi nila saken, ano ba to nanaginip lng ba ako, tinapik lng ni dad ang balikat ko at saka ngumiti

“anak iho sana ay mapatawad mo na ang iyong ina at sana magkaayos na kayo” sabi ni dad, napatingin ako sa ina ko umiiyak siya, alam kong nagawa ko lng magalit sa kanya dahil di ko matanggap na iniwan niya ako pero ngayon ay nauunawaan ko na kaya lumapit ako sa kanya saka niyakap ng mahigpit

“ mommy.., “ sambit ko  Pagkatapos ng pag kakaayos namin ay nag usap usap kmi tungkol kay marie, nasbi din saken ni mommy na isinugod niya ai marie sa ospital pero nakalabas na din ito kaya nag alala ako ng malaman ko yun.. wag kang mag alala marie magiging masaya ulit tayo ngayon.

Marie’s POV

Naisipan kong lumabas ng bahay nagpaalam ako kay mama na mag bibilhin lang sa labas, madilim na ang paligid kaya pinagmamasdan ko lahat ng paligid nakakatakot kasi at ako lng ang mag isa.

Malayo layo pa naman ang tindahan dito kaya nakakatakot dahil wala akong kasama maya maya nakarating din ako sa tindahan nag paload muna ako at saka bumili ng piatos na chichirya habang naglalakad ako sa kalsada ay pakiramdam ko may sumusunod sakin kaya lumingon ako sa likod ko at tiningnan ko kung may tao ba pero wala naman kaya nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

Sa  paglalakad ko ay nagulat na lang ako dahil may isang van na huminto sa harapan ko, lumakas ang kabog ng dibdib ko di kinalaunan ay lumabas doon ang mga lalaki na nakaitim at nakatakip ang mga mukha nila, bigla na lang nila akong ipinasok sa van at piniringan ang mga mata ko pati ang kamay ko ay tinalian pa nila.

Nagsusumigaw ako at nagmamakaawa sa kanila na wag nila akong saktan, halos napaiyak na ako nun dahil pakiramdam ko ay minalas na nman ako at ito na siguro ang huli kong sandali.

“Sino kayo? Anong kailangan nigo sakin! “ sigaw ko pero wala man lng sumagot sa kanila.

Wala ba silang mga bibig at ayaw nila sumagot o sadyang pipi lng sila.

“Pakawalan niyo na po ako, maawa na po kayo sakin!” umiiyak kong sabi.

Hanggang bigla na la g tumigil ang van at bumukas ang pintuan akala ko ay papakawalan na nila ako pero inalalayan lang nila ako at naglakad kami pagkatapos ay bigla na lang akong ipinasok sa madilim na kwarto wala akong makita kahit ano dahil sobrang dilim lahat ng paligid nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang mga ilaw.

Iba’t ibang kulay ang nakikita ko sa paligid, dinala pala nila ako sa isang resort,, grabe ang ganda dito nilibot ko ang mga paningin ko hanggang nakita ko ang isang table may nakahain dun at parang sa isang mag couple lng ang mesa at dalawang upuan na magkaharap, biglang lumabas ang isang nakamaskara na lalaki at sinimulan niyang tanggalin ang maskara niya nabigla ako dahil si jericho ang lalaking iyon

“marie?” Banggit niya at lumapit siya saki bigla niya akong niyakap  ramdam ko ang init ng katwan niya at ang higpit ng pagkakayakap niya.

“Jericho? Anong ibig sabihin nito?” tanong ko pero ngumiti lng siya at may tinawag, nagulat ako ng lumabas duon si mama at si boss ko.

Anong nangyayari bakit andito sila.

“Hon, pasensya kana kung pinakidnap kita sorry kong natakot ka” sabi niya tinawag niya akong hon? Ano ba talaga to.

“Anong nangyayari? Ma ano pong ibig sabihin nito” tanong ko kay mama.

Ngumiti lng siya maya maya pa ay nagkuwento na siya, hanggang sa..

“Marie sana ay wag kang magalit kong itinago ko ito sayo, ang totoo niyan ay hindi kita totoong anak, namatay ang tunay mong ina dahil sa sakit sa puso ,kaya simula noong nagsama kami ng ama mo ay ako na ang nag alaga at nagpalaki sayo” naiiyak na kwento ni mama.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya ang ibig bang sabihin nito ay hindi ko talaga kapatid si jericho, kaya nang nalaman ko iyon ay masayang masaya ako ang akala ko kasi ay hindi na magiging masaya at maligaya ang buhay ko.

 “Hon! Totoo ba ito?! “ tanong ko kay jericho.

Tumango naman siya niyaya niya akong maupo sa mesang inihanda nila, kumai  kami at sinubuan ko pa ng siya e, ngayong tuloy ang pagmamahalan namin ni jericho ay lubos akong nagpapasalamat sa panginoon dahil nakilala ko si eko na ngayon ay si jericho pala at sinisigurado ko na hindi na kami maghihiwalay pa.

“Masayang masaya ako marie, salamat dahil binigyan tayo ng tadhana sa isat isa” sabi niya.

Pagkatapos naming kumain bigla na lang nag gitara si jericho at kinantahan ako syempre kinikilig ako nun dahil ang ganda at ang sweet ng boses niya kapag kumakanta, pagkatapos ay bigla na lng siyang lumuhod at may inilabas na singsing

“Hon..Marie Santos will you mary me?” tanong niya.

Nagulat ako dahil bigla na lang siyang nagpropose sakin at hindi ako makapaniwala sa nangyayari ako na siguro ang maswerteng babae dahil minahal ako ni jericho.

“yes hon!” sagot ko kaya tuwang tuwa siya pati na si mama ay napaluha na lng dahil sa tuwa pati si tito carlos.

Niyakap ako ni jericho at hinalikan niya ang mga labi ko.

“ i love you hon soon to be marie santos-villanueva“ sabi ni jericho.

“ i love you too hon and soon to be my husband“ sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay ko ay ito ang pinaka special at hindi ko malilimutan kailanman..


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.