Ang Tadhana ni Narding BOOK 2 (BXB Fantasy 2018)
Ai Tenshi · 8 chapters · 10,540 words
TOP COMMENTS AND REVIEWS:
ANG TADHANA NI NARDING BOOK 2
FANTASY BXB
TOTAL OF 58 CHAPTERS (COMPLETED)
WRITTEN BY: Ai_Tenshi





S1 NOTE:
Mag Kwentuhan tayo..
Sadyang naging panata ko na lang na tuwing sasapit ang December ay nag lalabas ng mga bagong kwento bilang pamaskong handog sa aking mga kaibigan sa wattpad. Nag simula ito noong 2014 noong ilabas ko ang “Hari ng Angas”. Taong 2015 naman ay inihandog sa inyo si Kuya Jorel ng “My Super Kuya”. 2016 lumipad si Super Nardo sa “Tadhana ni Narding Book 1” at noong nakaraang taon 2017 ay pinasaya at pinaluha kayo ni Lino ng “Baka Sakali”
Ngayong 2018 ay muli kong bubuksan ang aklat ni Narding. Siguro ay nag tataka kayo kung bakit siya. Ang totoo noon ay hindi ko rin alam, basta ang alam ko lang ay apat na beses niya akong dinalaw sa aking panaginip. Parang sinasabi niya na muli ko siya paliparin sa inyong mga imahinasyon. Ewan. Si Super Nardo lang yata ang character ko na ang effort na dalawin ako sa panaginip ko. LOL
Ano ba ang dapat abangan sa book 2? Syempre hindi mawawala ang Romcom, hindi mawawala ang horror, ang action, sci fi kung ano ano pa. Hindi ko naman kayo titipirin sa scene dahil yakang yaka naman natin ang lahat ng genre. At siguradong mas mag e-enjoy kayo sa mga linyahan at punch line ng mga tauhan.
Eto na rin ang pinaka huling story ko ngayong 2018, mag kikita kita ulit tayo sa 2019 para mas pina sayang bxb story na mag mumula sa akin. Nakita nyo naman na hindi ko kayo pinag damutan at lalong hindi ko kayo binitin sa update. Ngayon 2018 ay inilabas ko ang sumusunod na kwento, “Super Panget, Both Sides, Ako at si Prinsipe Yago Book 2, The Soldier and I Book 2, Road to Love at ito ang pinaka huli “Ang Tadhana ni Narding Book 2”.
Halos lahat ng story ko ngayong 2018 ay hindi matataas ang reads pero hindi ko ito pinansin kasi ang mahalaga sa akin ay yung hindi kayo mabitin, ang mahalaga ay yung maibigay ko yung kasiyahan nyo at yung makapag ukit ako ng ngiti sa inyong mga labi.
Kahit ilan lang kayong bumasa ng gawa ko, kahit lahat kayo ay maging silent reader pa, ayos lang sa akin. Basta masaya ka ay masaya rin ako. Ganyan kita mahal..
Love,
Ai Tenshi
TNN2 Part 1: Payapang Lupain
Book Cover by: JohnLloyd Berzuela
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
Sep 24, 2018
Malamig ang hangin na bumabalot sa aking buong katawan habang naka lutang sa labas ng kalawakan. Parang kanina lamang ay natutulog ako ngayon ay narito nanaman ang isang pangitaing paulit ulit bumabalik sa aking panaginip. Isang malagim na katapusan kung saan ang buong mundo ay kakainin walang hanggang kadiliman. Ang lahat binabalot ng kamatayan at wala akong magawa kundi ang pag masdan ito mula sa malayo.
Habang unti unting gumagapang ang kadiliman sa mundo ay may isang imahe ng lalaking may pakpak ang nakatayo sa itaas nito. Nag liliwanag ang kanyang mata habang ang kanyang katawan ay unti unting nag lalaho.
“Narding..” ang wika nito at doon ay bigla na lamang nabasag ang kalasag sa aking katawan at mabilis akong bumulusok pa ibaba sa kalangitan..
Damang dama ko ang aking pag bagsak habang pilit na naka tingin sa kulay pulang kalangitan na wari’y lumuluha ng dugo. Mabilis ang aking pag bagsak hanggang sa bumulusok ako sa ilalim ng karagatan. Nawalan ako ang lakas para kumilos, para bang namamanhid ang aking buong katawan sa hindi malamang kadahilanan.
Isang malalim na pag hinga ang aking ginawa kasabay noon ang pag balikwas ko ng nang bangon sa aking higaan. Damang dama ko pa rin ang pagod at panlalamig ng aking katawan, agad kong tinungo ang aking kabinet at kinuha ang maliit na baul na nag lalaman ng mahiwagang bato.
Tahimik..
Wala pa ring kislap ito at wala akong maramdamang kapangyarihan, parang naging isang ordinaryong puting bato lamang ito na walang halaga at naka kalat lamang sa lupa.
Hindi ko man lubos maunawaan ang aking panaginip ngunit batid kong hudyat ito na muling babalutin ng kadiliman ang buong mundo. Paano ko maipag tatanggol ang sanlibutan kung hindi ko na taglay ang kapangyarihan ni Super Nardo?
Part 1: Payapang Lupain
“Hoy Narding, gising. Bakit umuungol ka? Nag sesex ba kayo ni Bart sa panaginip mo?” ang wika ni Cookie habang inuuga ang aking katawan.
“Aray, dahan dahan naman ang pag uga, nahihilo ako.” reklamo ko naman habang bumangon. “Napanaginipan ko na naman yung misteryosong lalaking may pakpak habang nakatayo sa mundong binabalot ng matinding kadiliman. Halos gabi gabi ay dinadalaw niya ako sa aking panaginip.”
“Alam mo pinsan stress ka lang at masyado kang nag iisip. Alam kong hinahanap hanap mo pa rin ang buhay ng pagiging si Super Nardo pero wala na ito. Yung batong nilulunok mo ay naging ordinaryong bato na lamang na parang kinulayan ng water color na puti. Kasi naman alam mo nang humihina ang kapangyarihan mo ay nakipag sabayan ka pa doon sa ibang hero para buhatin itong mundo hano. Sana ipinaubaya mo nalang ang pag salba doon sa Panget na super hero at doon kila Jorel.” reklamo ni Cookie
At doon ay nag balik sa akin ang eksenang pag lipad ko sa labas ng kalawakan upang tulungan sina Jorel at iba pa sa pag buhat ng mundo upang hindi ito mawala sa balanse.
FLASH BACK
Habang lumilipad ako palabas kalawakan ay nakasalubong ko pa si Jorel. Mabilis ang kanyang pag lipad ngunit ako naman bumagal na parang mas natatalo ako ng malakas na ihip ng hangin. Pero gayon pa man ay mas itinodo ko pa ang gamit ng aking kapangyarihan upang makahabol.
Pag dating ko sa labas ng kalawakan ay nakita ko Jorel at si Super Panget na binubuhat ng mundo, itinutulak nila ito paitaas upang hindi mawala sa balanse. Hindi na ako nag dalawang isip, nag liyab ang aking katawan at tinutulungan ko sa pag angat ang dalawang super hero.
Noong mga sandaling iyon ay parang unti unting nauubos ang aking lakas. Humihina ang liwanag sa aking katawan at ang akala ko ay hindi ko kakayanin. Mabuti na lamang dahil dumating si Ace ang batang Mecha at tumulong ito sa pag hila.
Nag tagumpay sa aming adhikain. Dito ay nag desisyon kaming bumalik na sa aming lupain at habang lumilipad ako pabalik ay biglang nabasag ang aking kalasag at mabilis akong bumulusok pabagsak sa lupa.
Mula noong mga sandaling iyon, ang mahiwagang bato ay namatay at nawalan ng kinang. Hindi ko na nagamit pa ang kapangyarihan nito.
End of Flash back (Mababasa ang kabuuang scene na ito sa libro ng Super Panget)
“So nag flash back ka ulit kaya ka natahimik diba? Nakita mo na? Sana pinaubaya mo nalang sa kanila yung pag pasan ng daigdig. Hayan tuloy naluz valdez ang beauty ni super nardo. Waley na..” ang wika ni Cookie
“Kung wala ako doon ay hindi rin sila nag tagumpay. Malaki rin ang kapangyarihang naiambag ko. Hindi ko naman alam na may limitasyon pala ang kapangyarihan ng bato, kung alam ko lang edi sana ay tinipid ko ito.” hirit ko naman.
“Hoy Nardeng, Cooke! Kakain naaa! Baka sabihin ng tatay mo ay hindi ko kayo inaasikaso!! Bilisan nyo kilos!!” ang sigaw ng aking madrasta sa ibaba
“Halika na nga, tumatawag na yung halimaw sa banga. Trying hard talaga maging mabait iyang step mother mo. Pero hindi na siya katulad ng dati na mukhang pera at ginagamit tayo sa pag titinda.” wika ni Cookie
“Nardeng bilisan mo! Ano ba iyan kung kailan nawala ang pagiging pilantod mo ay saka ka pa bumagal na parang isang pagong. Yang si Cooke talagang mabagal kumilos iyan dahil feeling maganda pero hindi naman talaga. Kayo talagang dalawa napaka bagal ninyong kumilos!!” ang sigaw pa niya kaya nag takip nalang kami ng tainga
Maraming nag bago sa mga nakalipas na taon. Matagal tagal na rin mag buhat noong makipag sagupaan ako kay Serapin at sa iba pang dayuhan mula sa ibang daigdig. Ang lahat ay parang kahapon lang naganap kaya’t paulit ulit itong nag babalik sa aking isipan na parang isang makapit na sumpa. Sa mga nag daang panahon ay wala akong tigil sa pag salba ng buhay ng iba, wala rin ako halos pahinga sa pakikipag laban at pag bubuwis ng buhay para sa sangkatauhan. Gumaan lamang ng kaunti ang aking trabaho bilang isang super hero noong dumating si Super Panget o si Nai na naging kaibigan ko na rin katulad ni Jorel.
Ako, si Cookie at Bart ay nakapag tapos ng pag aaral. Kami ni Cookie ay nag ttrabaho sa isang hotel, ako ay bilang front desk at siya naman ay sa creative group na nag hahandle ng mga events, dahil nag karoon kami ng maayos na trabaho ay naging maayos ang aming tirahan at gayon rin ang aming pamilya kaya naman nabago rin ang pakikitungo ng aking madrasta, kung dati ay parang alipin kaming ituring ngayon ay bumait na siya ngunit may pagka mean pa rin. Si Bart naman ay nag ttrabaho bilang isang modelo at halos ilang taon na rin kaming mag kasintahan. Noong una ay ipinag bawal kay Super Nardo ang umibig ngunit nasira ko ang patakarang iyon, marahil isa iyon sa dahilan kung bakit humina ang aking kapangyarihan. Pero hindi naman lingid sa aking kaalaman na ang pag mamahal rin ang nag papanalo sa akin sa maraming laban dahil sa inspirasyon at lakas na ibinibigay nito.
“Dati kapag dumaraan tayo dito sa kanto ni Bart ay hinahabol tayo ng mga tambay at binubugbog ngayon ay napaka boring na, tahimik ang buong paligid at walang nag tatangkang gumahasa sa akin. Kaya imposible iyang nasa panaginip mo dahil payapa ang buong mundo. Salamat nalang at mayroon tayong local na avengers no.” ang wika ni Cookie habang nag lalakad kami
“Diba ang panaginip ay madalas minsan lamang? At kapag nagising ka ay may pag kakataon na hindi mo na maalala ito. Pero yung panaginip ko ay kakaiba dahil halos gabi gabi ko itong nakikita, walang mintis. At kapag naman nagising ako ay tandang tanda ko pa rin ang bawat detalye sa panaginip na iyon.” tugon ko naman
“Alam mo pinsan stress lang iyan at marahil ay epekto iyan ng pag kawala ng kapangyarihan ng bato. Hayaan mo mamaya ay itetext ko si Bart at sasabihin ko na tabihan ka niya para mag sex nalang kayo buong mag damag at huwag na kayo matulog. Walang tulog edi walang panaginip.” ang wika ni Cookie sabay hatak sa akin sa loob ng taxi.
“Saan po tayo mga boss?” tanong ng driver
“Dyan sa Sossie Hotel, ang hotel ng mga susyal.” ang wika ni Cookie sabay kuha sa kanyang face powder at nag lipstick pa ito yung kulay violet.
Ako naman ay napatingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang maunlad at payapang siyudad, parang walang bakas ng trahedya o digmaang naganap dito bagamat ang batid kong nasa isip pa rin ng bawat isa ang masalimuot na panaginip na iyon.
Tahimik.
Nasa ganoong pag mamasid ako ng bigla na lamang magdilim ang buong paligid na parang natakpan ng kung anong bagay ang araw, gumapang ang kadiliman sa mga gusali at isa isang naagnas ang mga ito na parang mga abo.
“Lahat ng madaanan ng dilim ay nagiging luma, naagnas at nagiging abo na lamang!” ang sigaw ko sa aking isipan sabay tingin kay Cookie. “Anong nangyayari?!” ang tanong ko ngunit laking gulat ko ng wala na si Cookie sa aking tabi, wala na rin ang driver ng taxi.
Agad akong bumaba sa sasakyan at dito ay nakita kong burado ang buong paligid na para bang ginunaw ng hindi maipaliwanag na bagay. Patuloy sa pag usad ang kadiliman kaya naman nag tatakbo ako palayo dito.
“Tulong!! Tulungan ninyo ako!” ang sigaw ko ngunit wala nang kahit ano sa paligid. Ito ang unang pag kakataon na binalot ako ng matinding takot dahil batid kong wala akong makakapitan, wala na ang bato, wala na akong kapangyarihan.
Patuloy akong tumakbo hanggang sa isiksik ko ang aking sarili sa awang ng isang pader ngunit kahit anong gawin ko ay patuloy pa rin sa pag ka gunaw ang buong siyudad.
Mahangin, ang lahat ay nag liliparan at nagiging abo. Ilang dipa na lang ay malapit na rin akong kainin ng kadiliman kaya naman ipinikit ko na lang aking mata at kasabay noon ang isang malakas na liwanag na tumama sa aking harapan. Nag liliwanag ito ng husto at sinangga ng kanyang kulay gintong liwanag ang kadiliman.
Nag laban ang kanilang liwanag..
“Kumapit ka sa akin Narding. Ang mundong ito ay pa gunaw na.” ang boses ng liwanag. Pamilyar ito sa akin. “Ikaw ba iyan? Nardo? Ikaw ba ang anghel na si Nardo?” tanong ko
“Wala na tayong oras Narding, kumapit ka sa akin. Bilisan mo.” ang sagot niya kaya naman agad akong humawak sa kanyang balikat at kapwa kami nilukuban ng kulay gintong liwanag.
Nilabanan ng liwanag na iyon ang kadiliman hanggang sa maramdaman kong lumipad kami patungo sa itaas. “Saan tayo pupunta?” ang tanong ko
“Sa lugar kung saan ang simula ang lahat Narding. Ikaw ay nahaharap sa isang mabigat na tungkulin. At iyon ay mag sisimula na ngayon.” ang wika niya at doon kitang kita ko kung paano naging abo ang buong mundo. Para itong papel na sinilaban at unti unting kumalat ang labi sa hangin.
Nag wika ang anghel “Narding, iyan ang hinaharap, iyan ang hangganan ng buhay sa inyong mundo. Ito ay magaganap isang taon mula ngayon.”
Itutuloy..
TNN2 Part 2: Ang biyaya ng mga bituin
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
“Sa lugar kung saan ang simula ang lahat Narding. Ikaw ay nahaharap sa isang mabigat na tungkulin. At iyon ay mag sisimula na ngayon.” ang wika niya at doon kitang kita ko kung paano naging abo ang buong mundo. Para itong papel na sinilaban at unti unting kumalat ang labi sa hangin.
Nag wika ang anghel “Narding, iyan ang hinaharap, iyan ang hangganan ng buhay sa inyong mundo. Ito ay magaganap isang taon mula ngayon.”
Part 2: Ang biyaya ng mga bituin
“Ang daigdig ay nakatakdang mabura. At walang nakaka alam nito kundi kaming nilalang sa malayong lugar.” ang wika ng Anghel
“Wow ha, kayo pang mga nasa malayo ang unang naka alam kaysa sa amin na naninirahan dito sa sariling mundo. Syempre dahil isa kang makapangyarihang anghel, saklaw nyo ang langit at lupa.” tugon ko
“Narding, nais kong baliin ang paniniwala mo na isa akong anghel. Hindi ako isang anghel, ako ay isang simpleng nilalang lamang mula sa malayong galaxy, doon sa planeta ng Adran.” ang wika niya
“Parang alien ganoon ba? Pero ay pakpak ka, nakakalipad at nakakarating sa iba’t ibang lugar dahil may kapangyarihan ka.”
“Narding, ang lahat ng kapangyarihan ito, mula sa aking kasuotan, sa aking kalasag, pakpak, baluti at gawi ng pakiki usap sa iyo ay isang mataas na uri ng teknolohiya. Katulad na lamang ng batong iyong nilulunok, iyon ay hindi galing sa isang himala o milagro ng anghel sa kalangitan ayon sa iyong paniniwala. Dahil ang batong iyon ay isang mataas na uri ng teknolohiya na hinubog at binuro sa aming sibilisasyon daang taon na ang nakalilipas. Ang batong iyan ay ang pinaka malakas na sandata sa aming daigdig.
Sinabi ko kanina na ito ay nag tataglay ng kakaibang teknolohiya, ang bato ay nag bibigay sa iyo matibay na kalasag, nabibigyan ka ng kakayahang lumipad at sumabay sa hangin, at nag kakaroon kakaibang armas na hindi mapapantayan ng sinuman, ang lahat ng iyon ay bunga ng aming daang taong pag aaral at pag sasaliksik na makagawa ng isang kakaibang armas o sandata na makakagapi sa mga nanakop.“ ang wika ng anghel habang pinapakita ang imahe ng batong kumikinang sa kanyang kamay.
“Kung ganoon ay makapangyarihan pala ang mga nilalang sa malalayong galaxy. Mas mataas ang kalidad ng kanilang mga lakas kumpara sa amin dito mundo.” pag lilinaw ko.
“Tama ka doon Narding. Ang ibang taong biniyayaan ng kakaibang lakas ay galing rin sa malayong galaxy. Katulad na lamang ni Jorel, ang tinaguriang lokal Superhuman, siya ay isang Alien na isinilang sa ibang mundo o planeta kung saan ang mundong iyon ay mas mamalakas ang tao, may kakayahang lumipad at mas mataas ng kalidad ng teknolohiya. Isang halimbawa pa ay si Nai ang binansagang Super Panget, ang kanyang kapangyarihan ay mula rin sa isang nilalang sa kalawakan, katulad mo ay biniyayaan rin siya ng mataas na teknolohiyang sandata na ang bibigay sa kanya ng ibat ibang level o antas ng lakas.
Lahat kayo na superhero ng planetang Earth ay galing sa biyaya ng mga bituin. Ang inyong lakas ay mula sa sibilisasyong maunlad na hinding mapapantayan ninuman.“ ang paliwanag ng Anghel
Natahimik ako at napatingin sa kinalalagyan ng aming mundo na noon ay maliit na piraso na lamang ang natitira. “Paano kong maisasalba ang buong mundo kung palyado na ang bato.” ang wika ko
“Ang bato ay parang isang makinang nauubusan ng enerhiya. May pag kakataon kinakailangan mo itong dalhin sa isang lugar kung saan maaari manumbalik ang kanyang lakas.” ang wika niya at doon ikinumpas niya ang kanyang kamay. Umangat ang bato sa aking bulsa at kinuha nito..
Nag laho ang bato sa kanyang kamay..
“Tungkol sa pag kagunaw ng mundo, sino ang gagawa nito? Mayroon pa bang mas lalakas pa sa mga dayuhang nag tangkang sumakop sa aming mundo?” tanong ko
“Ang mga dayuhang nakakatunggali ninyo ay mga bisitang galing lamang sa malayong lugar na naakit sa inyong mundo. Ngunit mayroon pang mas malakas dito at siya ang tinatawag na sinaunang Diyos.” ang sagot ng anghel
“Sinaunang Diyos? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko
Kumilos siya napatingin sa bolang nag liliyab na araw. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago mag salita.“Siya ang pinaniniwalaang gumawa ng mga planeta dito sa inyong solar system at kabilang na rito ang inyong mundo. Siya ang gumawa at nag disenyo ng mga nilalang sa inyong daigdig, mula sa mga tao, hayop at mga bagay na buhay o hindi nabubuhay.
Ayon sa kasulatan siya ay bumaba sa inyong mundo sakay ng isang nag aapoy na ibon at tinuruan niya ang mga sinaunang tao ng walang hanggang katalinuhan at kaalaman. Naging malapit siya sa mga sinaunang tao hanggang sa matuto na ang mga ito ng iba’t ibang bagay katulad ng krimen at karahasan.
Unti unting nabuhay sa masama ang mga tao na kanyang nilikha kaya’t upang mapigilan ito ay agad niyang ginunaw ang buong mundo at pinarusan ang mga masasamang nilalang. Inilubog niya sa tubig ang buong lupain, umulan ng mga bulalakaw at bumukas ang lupa upang hukuman ang dapat hukuman.
Tuluyang nabura ang buong mundo at walang natira dito kundi ang isang maliit na bolang itim na nag lalaman ng kasalanan at kasamaan ng lahat. Lumutang ang bolang itim na iyon at nag liwanag ng husto.
Lumapit dito ang Diyos at pinag masdan niyang maigi ang naturang bola halos hindi siya makapaniwala na ang kanyang nilikha ay aabot sa isang trahedyang pag kagunaw ng lahat. Kumilos ang kamay ng Diyos at noong aktong inabot niya ang itim na bolang iyon ay mabilis itong kumapit sa kanyang katawan, gumapang ito na parang isang malakas na sumpa hanggang ang liwanag na nakapalibot sa kanya ay naging kadiliman.
Nag sagupaan ang liwanag at dilim sa kanyang katawan, dalawang mag kaibang kulay ang nag hahati sa kanyang awra. Isang ginto na simbolo ng liwanag at isang itim na sumisimbilo sa gabi. Nag talo at agawan ang dalawang liwanag sa kanyang kalamnan hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang hatiin ang kanyanag katawan sa dalawa. Bumukod ang liwanag at bumukod rin ang dilim.
Batid ng Diyos na makapangyarihan rin ang kadilimang iyon kaya naman agad niya itong kinulong. Muli niyang binuo ang daigdig na kanyang ginunaw at sa pinaka ilalim nito ay ikinulong niya ang dilim.
Alam niyang hindi permanente ang kanyang ginawang pag kulong sa dilim na iyon, batid rin niya na hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ng buo ang kanyang katawan, dahil sa pangamba ay ikinulong niya ang kanyang liwanag sa isang sagradong bagay at itinago ito sa isang lugar na hindi matatagpuan ninuman.“ ang salaysay ng anghel.
“Ano yung bagay na iyon? Saka bakit sa dinamirami ng mundo sa buong kalawakan ay bakit dito pa niya itinago sa amin yung kadiliman?” ang tanong ko
“Dahil ang inyong mundo ay makasalanan, pugad na ito ng pag kakamali una pa man. Ang kadiliman iyon ay sinauna, puro at makapangyarihan. Isa itong Diyos o mataas na lebel na nilalang.”
“Woah! Mataas na level? Eh sinong inaasahan mong sasagupa sa kanya? Ako ba? Eh kay Serapin pa nga lang na taong ahas ay halos mamatay na ako. Ipasa mo nalang ito kina Nai o Jorel.” pag tanggi ko naman
“Narding, paubos na ang ating oras. Sa ayaw mo at gusto ay mag sisimula ang lagim at ang katapusan ay nalalapit na. Kailangan mong mag handa dahil ito ang iyong tadhana. Ang susunod na pag kikita natin ang magiging hudyat na ang digmaan sa pagitan ng liwanag at dilim ay mag sisimula na. Humayo ka at buuin ang iyong sarili.” ang wika niya at doon ay muli niya akong itinulak palayo sa kanya.
Nilipad ng hangin ang aking katawan na animo papel at kasabay noon ang pag mulat ng aking mga mata..
Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng klinika, maaliwalas ang paligid, dito ay nakita ko sina Cookie at Bart na nag babantay sa akin. “Anong nangyari sa akin?” tanong ko.
“Ako nga ang mag tatanong niyan, anong nangyari sa iyo? Nakasakay tayo sa taxi kanina, tapos pumikit ka at hindi kana dumilat. Pati tuloy yung driver ng taxi ay natakot sa nangyari sa iyo. Pati ako ay nataranta kaya tinawagan ko agad si Papa Bart. Jusko Narding huwag kana matutulog ulit, mainam na yung walang tulog kaysa walang gising!!” ang bungad ni Cookie
Napatingin ako kay Bart habang hawak niya ang aking kamay “May nangyari ba?” tanong niya.
“Dinala ako ng anghel na si Nardo sa labas ng kalawakan at ipinakita niya sa akin ang kahihinatnan ng mundo isang taon mula ngayon. Mabubura ito at magiging abo ang lahat ng bagy sa ating paligid “ tugon ko
“Ayan nanaman tayo e, bakit sa iyo pa nag pakita? Dapat doon nalang kina Super Panget para responsibilidad nila ito. Ano ito toka toka? Papaikutin yung bote at kung kanino matapat sa kanya yung assignment? Wala na tayong power pinsan, kili kili ko nalang ang tanging may power sa panahon ngayon.” pag salungat ni Cookie
Lalong humigpit ang hawak ni Bart sa aking kamay. “Malaki ang paniniwala kong magagawa mo ang mga bagay na imposible. Kung ito ang nakatakda ay susuportahan kita. Pero kung ako ang masusunod ay mas gusto kong mamuhay nalang tayong dalawa ng payapa at tahimik. Yung malayo sa gulo at sa kapahamakan, ngunit anong magagawa ko? Ang taong minahal ko ay may responsibilidad na ipag tanggol at protektahan ang mundo.” ang wika niya
Natahimik ako at napa buntong hininga..
“May nabanggit siya tungkol sa sinaunang Diyos na nahati sa dalawa, ang isa ay ang liwanag at ang isa ay kadiliman. Ang dalawang ito ay makapangyarihan at may kakayahang gunawin o buuin ang mundo.”
“Naku pinsan, ibang level na iyan. Diyos na ang kalaban, wala tayong power sa ganyan. Sana nag pass ka muna o ipinasa mo yung load kay Panget, OP sya ngayon kasi siya yung bagong hero! Mataas ang buffed nya kesa saiyo na medyo laos na, kumbaga ay na nerf kana at hininaan ng maraming maraming beses hanggang sa maluzvaldez kana ng tuluyan.” ang di pag sang ayon ni Cookie
“Parating balanse ang mga bagay, kung mayroong araw ay mayroon ding gabi. Kung may mabuti, mayroong masama. Ang dalawang Diyos ay binalanse lamang kaya’t nahati ito sa dalawa.” tugon ko naman.
“Hindi ako tututol, at hindi rin ako sasang ayon sa gusto ng anghel na iyan. Nakasuporta lamang ako kay Narding at gagawin ko ang lahat upang tulungan siya.” wika ni Bart
“Ang sweet mo talaga papa Bart. Ang gwapo gwapo mo pa, mas naging papabols ka ngayon e.” ang malanding wika ni Cookie sabay yakap kay Bart.
“Teka mainit.” tugon ni Bart sabay iwas kay Cookie samantalang ako naman ay bumangon na at kinuha ang aking gamit. “Umuwi na tayo.” pag yayaya ko
“Sigurado ka? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Cookie
“Doon na lamang ako mag papahinga sa bahay.” sagot ko nang bigla akong hilahin ni Bart. “Doon nalang muna si Narding sa bahay namin. Mas mababantayan ko siya doon, at makapapag pahinga siya maayos.” ang wika nito
“Makakapag pahinga ba si Narding pag kasama ka? Im sure wrestling nanaman iyan mamayang gabi!” hirit ni Cookie dahilan para matawa kami ni Bart.
At iyon nga ang set up, nag pasya akong sumama kay Bart sa kaniyang tinutuluyan. Nitong mga nakaraang araw ay bihira kaming kita kaya’t sabik na rin ako na makasama siya. Malaki na ang pinag bago niya simula noon, ngayon ay mas naka tuon siya sa pag papabuti ng kanyang pag katao kaibahan dati na madalas itong nasasangkot sa gulo.
Nag bago rin ang kanyang pisikal na anyo, ang ibig kong sabihin ay mas gwapo siya ngayon, mas gumanda ang katawan at mas naging binata ang datingan. Kumpara dati na totoy ito at isip bata kung minsan.
Itutuloy..
TNN2 Part 3: Anino ng Kahapon
Henry Henry as Bart
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
Part 3: Anino ng Kahapon
Isang mainit na halik na punong puno ng pag mamahal ang iginawad sa akin ni Bart noong mag katabi kami sa kanyang higaan. Naka pikit ako habang ninanamnam ang init ng kanyang hininga na tumatama sa aking ilong. Ang aking kamay ay nakayakap sa kanyang hubad na katawan habang hinahaplos niya ang aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang kanyang kahubaran na nakapatong sa aking katawan. Ang kanyang ari ay tumatama sa aking tiyan, matigas ito at napaka init lalo na kapag nag lalabas ng paunang katas.
Tumagal kami ni Bart sa ganoong posisyon ng pag roromansahan hanggang sa itinaas niya ang aking dalawang hita at ipinatong ito sa kanyang balikat. Maigi kong pinag mamasdan ang kagwapuhan niya noong mga sandaling iyon, ang kanyang mukhang kaakit akit, ang katawan matipuno at ang kanyang mga matang namumungay habang patuloy akong hinahagkan.
Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman kong bumubundol ang pag kalalaki ni Bart sa aking butas. Impit na ungol ang aking pinakawalan at kasabay kayang pag ulos ay ang isang halik na nag papawi ng kakaibang sakit dulo ng kanyang pag ulos. Hindi naman ito ang unang beses na pinasok ako ni Bart dahil simula noong maging kami ay napadalas na rin ang aming pag niniig.
Muli kong naramdaman ang kanyanhg kahabaan sa aking kaibuturan. Malalim ang kanyang pag ulos kaya naman parang hinahalukay ng kung ano ang aking kaloob looban. Mabagal, mariin at biglang bibilis, iyan ang ritmo ni Bart kapag binibira ang aking butas kaya naman halos mapasigaw ako sa sobrang sarap. “Uhhhh, ohhhh!” ungol niya habang salo ko naman ang kanyang pwetan para mas makontrol ko ang kanyang pag ulos. Tirik na tirik rin ang aking pag kalalaki sa kanyang ginagawang pag labas masok.
Napapikit ako at ipinaubaya sa kanya ang aking sarili. Napuno rin ng ungol ang buong silid..
Habang naka pikit ang aking mata ay naramdaman ko mas lalong tumitindi ang pag bayo ni Bart, mabilis na ito at parang hinahabol ng kung ano. Matigas na matigas ang kanyang ari at pakiwari ko ay mas lalo pa itong lumalaki sa aking kaloob looban.
Naging marahas ang kanyang pag ulos kaya ang sarap ay napalitan ng kakaibang sakit dahilan para idilat ko ang aking mga mata. “Bart!! Tama naaa! Masakit!!” bulong ko
Pero walang paki alam si Bart, todo ito sa pag bayo sa akin habang nakatingala, wala siyang paki alam sa aking daing na nasasaktan.
“Tama na Bart! Masakit na!! Please!” bulong ko habang itinutulak ang kanyang matipunong dibdib. Pero mas lalo pang tumodo ang kanyang pag bayo at kasabay nito ang biglaang pag bukas ng kanyang mga mata.
Laking gulat ko noong makitang nag bago ang kulay nito. Parang isang ahas ang kanyang mga eyeball, may kaliskis sa kanyang pisngi at ang kanyang katawan ay parang nag huhunos!
“Bart!! Barrrrtt!!” ang sigaw ko sabay tulak sa kanya dahilan para mabunot ang kanyang ari.
Babangon na sana ako sa aking higaan ngunit hindi ko nagawa dahil katakot takot na ahas ang biglang sumulpot sa aming higaan, mayroon rin sa kisame, bintana at sa sahig na iba’t iba ang laki at haba. Si Bart naman ay nakatayo lang habang inaalis ang hunos sa kanyang katawan.
Napasigaw ako sa aking nakita at kasabay nito ang pag balikwas ko ng bangon sa aking higaan.
Hingal na hingal ako at pawis na pawis bagamat aircon sa silid ni Bart. Ang aking lalamunan ay nanunuyo na parang galing ako sa isang mahabang pag takbo..
Inikot ko ang aking paningin sa silid ngunit walang ahas dito. Inalis ko rin ang kumot namin ni Bart pero wala rin, normal ang kanyang katawan, hubot hubad pa rin ito. Pinatihaya ko siya dahilan ng kanyang pag kakagising. “Umphh, bakit? May problema ba?” tanong niya sabay bangon at hinaplos ang aking pisngi.
Napatingin ako sa kanyang mukha. “W-wala, panaginip lang. Isang bangungot.” tugon ko
Napa buntong hininga siya tumayo para kumuha ng tubig. Hinimas niya ang aking likuran at pilit inialis ang kaba sa aking dibdib. Matapos noon ay inihiga niya ako at pinaunan sa kanyang braso malapit sa dibdib at ikinulong sa kanyang bilugang bisig. Noong gabing iyon ay halos hindi na ako dinalaw ng antok. Naka unan ako sa dibdib ni Bart ngunit ang aking diwa ay gising na gising na para bang ang lahat ay hindi panaginip.
KINABUKASAN..
“Naku pinsan malabo iyang iniisip mo dahil noon pa man ay inalis na ng anghel ang sumpa ni Serapin kay Bart. At noong mamatay ang ahas na iyon ay burado na rin ang kamandag niya. Masyado ka lang na sstress kaya pati sarili mong nobyo ay pinag dududahan mo. Pag katapos niyan sinong sunod mong pag dududahan? Ako diba? Ako na ang susunod!” ang wika ni Cookie
Binatukan ko siya “Kapag pinag dudahan kita, malamang ay baliw na nga ako.”
“Ay wag kang mababaliw pinsan dahil baka sa halip na Nardo ang maisigaw mo ay maging Crispin!! Pero alam mo, may isang movie ng darna na nabaliw si Narda, naloka loka siya habang naanod sa lahar! Nakalimutan ko ang title e, Darna ang pag babalik yata iyon!” ang wika ni Cookie “At least nag balik siya diba? Eh ako? Wala kasi kinuha na ng anghel ang bato at wala akong kapangyarihan.” ang sagot ko
“Baka naman iyan ang side effect ng pag kawala ng mga bato, naloloka loka yung mga lumulunok nito.”
“Alam mo maganda iyang teorya mo, halika na dahil late na tayo na trabaho.” ang pag hatak ko sa kanya sa loob ng hotel.
“Alam mo pinsan na sasad talaga ako minsan lalo na kapag naiisip kong hindi natin natapos yung kurso nating edukasyon. Kasi naman nabagsakan ng eroplano yung school natin dahil sa sunod sunod na kaguluhan. Pero naisip ko na bagay rin na kumuha tayo ng management dahil pang hotel talaga yung beauty natin.” ang wika ni Cookie habang rumarampa sa hallway
Kumekendeng ito hanggang sa maya maya ay may nabanggang isang guest. “Ay! Naku sorry po sir!! Jusko!! Sorry po!!” ang wika nito
“Ayos lang, are you okay?” ang tanong nito sabay alalay kay Cookie na parang isang babae. Napatingin si Cookie sa kanya at mas lalo pang nanghina ang tuhod nito dahil sa kagwapuhang tumambad sa kanyang dalawang mata.
Nag katinginan ang dalawa na parang slow motion sa pelikulang romantiko at maya maya ay bigla siyang niyakap ni Cookie na ikinagulat ng lahat “My hero!!” ang malanding wika nito.
“Hoy, wag mong ganyanin ang guest natin! Layo layo!” ang wika ng isang room attendant sabay hila kay Cookie palayo sa lalaki.
“Eksena naman tong chakang itey! Ganda ka?” ang tanong ni Cookie
“Oo, ikaw ganda ka?” tanong ng room attendant
“Hindi.” sagot ni Cookie, samantalang naka ngiti lang ang lalaki at kumaway pa ito sa kanya bago umalis.
Napasandal sa pader si Cookie na parang nawala sa kanyang sarili. “Sino ba iyon? Napaka gwapo! Parang ang sarap niyang iharvat buong mag damag.” wika nito
“Ang guest na iyon ay si Pablo Federico Santunini. Isang hot at super gwapong modelo ng underwear. Tingnan mo to ang laki! Parang may C2 sa brief diba?” ang wika rin ng beking room attendant habang ipinapakita ang mga larawan ng lalaki sa kanyang cellphone.
Nang hina lalo si Cookie at napa upo habang naka sandal sa pader, sabay bigkas ng mga katagang “Landi mode activated!!! Full power!!” ang seryoso niyang salita. Napangiwi nalang kami at napailing habang nababaliw ito sa hallway.
Noong mga sandaling iyon ay bakas na bakas sa mukha ni Cookie ang labis na saya lalo na kapag nakikita niya ang guest na si Pablo na naka upo sa waiting area o kaya sa bar ng hotel. Para ba siyang isang asong inaamoy kung nasaan ang binata at pag katapos ay susundan niya ito. Kapansin pansin rin ang kanyang pagiging inspirado sa kanyang trabaho, daig pa niya ang naka inom ng isang garapong enervon dahil sa kanyang hindi mapapantayang energy.
“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Bart noong sunduin niya ako sa aking trabaho.
“Okay na, salamat. Ang aga mo yata?” tanong ko rin.
“Maagang natapos yung shoot saka namimiss na kita agad. Nasaan yung pinsan mong may katok?” tanong ni Bart habang lumilinga
“Nandoon pa sa loob, baliw na baliw doon sa isang guest na modelo ng underwear.” natatawa kong tugon
“Baka naman pati ikaw ay tumitingin sa ibang lalaki. Modelo rin naman ako ng underwear ah. Dapat ako lang ang modelo sa buhay mo.” naka ngiti niya hirit sabay akbay sa akin.
Siniko ko siya sa tagiliran “Ikaw lang naman talaga. Ewan ko lang kung ako lang rin sa buhay mo.” biro ko
“Good boy na ito. Saka alam mo naman lahat ng ginagawa ko diba? Diba?” naka ngiti niyang sagot sabay halik sa akin.
At dahil nga tapos na rin ang aking duty ay nag tungo kami ni Bart sa isang kainan upang mag hapunan, kapwa kami naupo sa seawall habang hawak ang platic na plato at supot ng ulam. Inilapag namin ang bote ng tubig sa aming tabi at doon pinag saluhan namin ang simpleng pag kain.
Ito ang pinaka malamig na parte ng siyudad dahil nga tabing dagat ay talagang umiihip ang malakas na hangin na parang may halong yelo sa lamig. Maraming mag kakaparehang nag tutungo dito at isa na nga kami sa madalas na nakikita.
“Maayos ka na ba? Anong napanaginipan mo kagabi?” tanong ni Bart
“Mga pangitain lang tungkol sa hinaharap. Sorry kung nagising pa kita.”
“Wala iyon, siguro ay mga bagay na hindi mo muna dapat isipin lalo na kung hindi pa naman ito magaganap. Oo nga’t maganda ang maging handa o pag handaan ito ngunit kung minsan ang sobrang pag iisip sa isang bagay ay nakaka praning, nakaka baliw. Basta kahit ano ang mangyari ay nandito ako, naniniwala ako sa kakayahan mo.” ang naka ngiting wika ni Bart sabay lagay ng kanin sa aking plato. “Kain ka pa. Eto ubusin mo.”
Napatingin naman ako sa mukha niya, mahirap ialis sa aking isipan na kapag kasama ko si Bart ay para bang nasa paligid lamang si Serapin. Kung minsan ay nag babalik sa akin ang anino ng kahapon kung saan ang sugat ng kanilang pag tataksil ay naalala ko pa rin na parang isang sirang plaka na paulit ulit umaandar sa aking isipan. Nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba kapag sumasagi sa aking utak na muli kaming mag kasakitan katulad noon.
Hinawakan ni Bart ang aking pisngi at ngumiti ito. “Wag kana mag isip, please. Magiging maayos rin ang lahat.”
Itutuloy..
TNN2 Part 4: Babala ng Kalawakan
Cover by: Junoel LyCaster
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
“Wala iyon, siguro ay mga bagay na hindi mo muna dapat isipin lalo na kung hindi pa naman ito magaganap. Oo nga’t maganda ang maging handa o pag handaan ito ngunit kung minsan ang sobrang pag iisip sa isang bagay ay nakaka praning, nakaka baliw. Basta kahit ano ang mangyari ay nandito ako, naniniwala ako sa kakayahan mo.” ang naka ngiting wika ni Bart sabay lagay ng kanin sa aking plato. “Kain ka pa. Eto ubusin mo.”
Napatingin naman ako sa mukha niya, mahirap ialis sa aking isipan na kapag kasama ko si Bart ay para bang nasa paligid lamang si Serapin. Kung minsan ay nag babalik sa akin ang anino ng kahapon kung saan ang sugat ng kanilang pag tataksil ay naalala ko pa rin na parang isang sirang plaka na paulit ulit umaandar sa aking isipan. Nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba kapag sumasagi sa aking utak na muli kaming mag kasakitan katulad noon.
Hinawakan ni Bart ang aking pisngi at ngumiti ito. “Wag kana mag isip, please. Magiging maayos rin ang lahat.”
Part 4: Babala ng Kalawakan
“Siya na talaga pinsan, ang bango bango niya, ang lambot lambot ng kamay at ang laki ng bukol. Nakita ko siyang nag sswimming sa pool area. Hay Pablo, ikaw na talaga ang isinisigaw ng puso kong nalulumbay.” ang malanding wika ni Cookie habang naka higa
“Itigil mo na nga iyang kabaliwan mo, the last time na nag kagusto ka sa isang gwapong doktor ay nadiskubre natin na isa siyang halimaw. At hindi basta halimaw dahil siya ang may ari ng itim na kristal.” suway ko
“Hindi halimaw si Pablo dahil para sa akin ay isa siyang anghel na may hawak na pana at inasinta niya ang puso kong nalulumbay. Mister kupido sa kanya’y dead na dead ako, huwag mo nang tagalan ang pag hihirap ng puso kooooo!.” ang pag kanta pa nito
“Hoy!! Cooke itigil mo nga iyang pag kanta mo gabing gabi na ay nag papalahaw ka pa! Walang darating na ulan kahit kumokak ka mag hapon! Palakang to!” ang sigaw ng aking madrasta.
“Panget! Bullfrog!!” ang sagot ni Cookie
“Sabi ko sa iyo wag kana maingay eh. Kulit mo kasi.” tugon ko naman.
“Basta itaga mo ito sa bato Narding, itong baklang ito ang bobongga at iyang si Pablo ay mapapasa akin sa kapangyarihan ng pag ibig at katarungan!” ang sagot niya sabay higa.
Maya maya ay nakatulog na ito.. Agad agad..
Tahimik..
Ako naman ay napatitig lang sa kisame habang umiikot ang ceiling fan dito, halos sa mga naka lipas na araw ay tila binabagabag pa rin ang aking isipan ng kung anong pangamba at ang nakapag tataka ay simula noong nawala sa aking bato ay parang humina ang aking pag katao o baka naman naging dependable lamang ako sa kung anumang kapangyarihan ang ibinibigay nito.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at habang nasa ganoong posisyon ako ay may kakaibang ingay akong narinig na nag mumula kung saan. Ang tunog nito ay parang grounded na mikropono, masakit sa tainga at nakakahilo. Tinakpan ko ang aking pandinig ngunit palakas ito ng palakas kaya naman bumalikwas ako ng bangon.
Ang naka pag tataka ay tulog na tulog si Cookie, ang buong kabahayan ay napaka tahimik. Sa lakas ng ugong ay imposibleng walang makarinig nito ngunit bakit wala ni isa sa paligid ang nagigising?
Palakas ng palakas ang tunog kaya naman mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas ako sa aming bakuran. Pag tapak ko pa lamang sa labas ay nakita ko na agad sa kalangitan ang isang malaking sasakyang kakaiba ang anyo. Batid kong galing ito sa kalawakan dahil sa hindi maipaliwanag na hugis at lapad na animo lumilipad na pyramid. Walang ingay ang pag lutang nito sa ere at ang nakapag tataka ay parang wala ni isa ang nakakapansin maliban sa akin.
Hindi ako nasindak, marahil ay sanay nalang akong maka kita ng ganitong bagay kaya bale wala nalang sa akin. “Sino kayo?!” ang tanong ko habang nasisilaw sa liwanag na ibinibigay ng kakaibang sasakyan.
“Sino kayo?!” ang muli kong tanong ngunit wala akong nakuhang sagot. Unti unting nag liwanag ang sasakyang iyon at nawalang parang bula. Bumalik sa normal ang lahat samantalang ako naman ay naka tingala pa rin at pilit hinahanap ang bagay na kanina lang ay lumulutang.
“Oy Narding, anong drama naman iyan? Bigla ka na lang nawala doon sa silid. Ayos ka lang ba?” ang tanong ni Cookie
“May narinig ka ba o nakitang kakaibang sasakyan dito sa labas?” ang tanong ko
“Wala, basta noong sumilip ako doon sa bintana ay nakita kitang nakatayo habang naka nakatingala, wala namang kahit ano doon sa direksyon na tinitingnan mo. Ang akala ko nga ay dadaigin mo si Nora sa pelikulang Himala.” sagot ni Cookie
Habang nasa ganoong posisyon kami may narinig kaluskos mula sa likod ng puno dahilan para matahimik kami. “Baka naman asong umiihi lang iyon.” ang wika ni Cookie
“Halika tingnan mo.” ang wika ko sabay hila sa kanya at itinulak ko doon sa likod tabi ng puno. “Ayy! Bakit ako?!” ang reklamo niya at doon ay marahan siyang gumapang patungo dito.
Tahimik niyang sinilip ang naroon sa likod ng puno at noong makita niya ito ay nag takip siya ng bibig sabay gapang ulit pabalik sa akin. “Ano?” ang tanong ko
“T-tao. Maliit.. P-parang nuno sa punso.” ang wika niya kaya naman agad akong lumakad patungo sa likod ng puno. Dito nga ay nakita ko ang isang taong kakaiba ang anyo. Para itong hobbit at kakaiba ang kulay ng balat, nakasandal sa puno at hinang hina. “Sino ka?” ang tanong ko
“Ano kaba cousin alien iyan, hindi ka maiintindihan. Leave it to me.” wika ni Cookie at siya ang nag tanong sa panauhin. “Sinetch itey naka itembang sa julalim ng pine tree?” ang tanong nito
“Seryosohin mo kasi” ang bulong ko naman at maya maya ay biglang itinaas ng nilalang ang kanyang kamay at hinawakan si Cookie.
Natili si Cookie at maya maya ay nangisay ito na parang nakuryente at nawalan ng malay ngunit naka tayo pa rin.
“Anong ginawa mo kay Cookie?” ang tanong ko at maya maya ay umilaw ang mata ni Cookie na animo flash light.
“Mabuhay Earthlings, huwag kang mag alala dahil buhay pa ang kaibigan mo. Kinakailangan ko lamang gamitin ang katawan ng pangit na baklang ito upang mag kaunawaan tayo. Kami ay nag mula sa planetang Guryon na nasa malayong galaxy. Ang aming planeta ay ang isa sa pinaka mahuhusay sa pag gamit ng worm hole at time travel kaya’t agad kaming nakarating dito upang mag bigay ng babala at isa pa ay kaibigan namin ang iyong Planeta.
Dito sa planetang Earth naka himlay ang labi o kapangyarihan ng dalawang Diyos na may kakayahang gunawin ang mga planeta sa kalawakan. Ang ibang planeta ay hindi makapaniwala na dito pa sa inyong mahina at kulang sa teknolohiyang planeta nahimlay ang pinaka malakas na enerhiyang iyon. Noong malaman ng nila ang tungkol dito ay agad sila pupunta upang kuhanin ang naturang kapangyarihan.
Kami sa planetang Guryon ay nais lamang ng katahimikan sa kalawakan kaya agad kami nag tungo dito upang bigyan kayo ng isang babala. Nais sana naming tumulong ngunit ang aming sasakyang pang kalawakan ay nasira kanina lamang at ako na lamang ang natitirang buhay. Sa kalagayan kong ito ay batid kong hindi na rin ako mag tatagal kaya nais kong iwan sa iyo ang isang mahalagang mapa kung saan matatagpuan ang dalawang makapangyarihang enerhiya ng Diyos. Ang lahat ng aming teknolohiya ay ibinuhos namin sa mapang ito kaya hiling kong pag ingatan mo. Balang araw ay mauunawaan mo rin kung bakit sa iyo namin ibinigay ang mapa.“ ang wika niya sabay abot sa akin na isang metal na bilog na animo isang holen.
“Iyan ang mapa, taglay nito ang impormasyon ukol sa kapangyarihan ng Diyos. At sa mga oras na ito ay tiyak na parating na rin dito ang ilang mananakop, pag igihan ninyo ang pag tatanggol sa inyong planeta, huwag ninyong hahayaang makuha nila ang alin man sa dalawang kapangyarihan dahil tiyak na magiging katapusan ng lahat.” ang wika niya at doon ay huminga ito ng malalim na animo nahihirapan.
“Sandali, sinong mananakop? Sino at saan sila nag mula?” ang tanong ko
Itinuro niya ang kalangitan at ang pinaka maliwanag na bituin dito at saka unti unting binawian ng buhay. Ang kanyang katawan ay naging abo at sumama sa hangin. Wala akong nakuhang impormasyon kundi ang isang babala na galing sa kalawakan na mayroong nag babadyang masamang dayuhang nag nanais sa iisang kapangyarihan. Hindi malinaw sa akin ang lahat ngunit batid kong kailangan mag handa para sa ika bubuti ng lahat.
“Ummm, ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Nasaan yung hobbit?” ang tanong ni Cookie noong mag kamalay ito.
Nakatahimik pa rin ako “W-wala na siya. Namatay siya matapos sumanib sa iyo. Ang ibig kong sabihin ay ginawa ka niyang medium para mag kaunawaan kami. Marami siyang sinabi sa akin at sa tingin ko ay nanalagay nanaman sa panganib ang ating planeta.” sagot ko
“Ganon? Ano ang sinabi niya noong sumanib siya sa body ko?” ang tanong pa niya
“Ang sabi niya sa akin ay “Mabuhay Earthlings, huwag kang mag alala dahil buhay pa ang kaibigan mo. Kinakailangan ko lamang gamitin ang katawan ng pangit na baklang ito upang mag kaunawaan tayo. Kami ay nag mula sa planetang Guryon na nasa malayong galaxy. Ang aming planeta ay ang isa sa pinaka mahuhusay sa pag gamit ng worm hole at time travel kaya’t agad kaming nakarating dito upang mag bigay ng babala” Iyan ang pag kakasabi niya, walang labis at walang kulang.“ tugon ko dahilan para umasim ang kanyang mukha.
“Sana nag cut ka naman ng kaunti. Panget daw ako? Alam mo pinsan mabuti nalang abo na siya ngayon dahil kung hindi ay baka ako na mismo ang sumunog sa kanya!! Imbyerna!” ang pag mamaktol niya.
“At ang sabi pa niya ay dito raw naka himlay sa ating mundo ang kapangyarihan ng sinaunang Diyos na pag aagawan ng ibang mga planeta sa kalawakan, sa makatuwid ay mag kakaroon naman ng alien invasion sa ating mundo.” paliwanag ko pa
“Oh edi bakbakan na. Syempre ay pass na tayo diyan dahil wala na ang bato, wala ka nang lulunukin. Sa ngayon ang tanging bagay na pwede mong lunukin ay ang tamod ni Bart! Halika na nga pumasok na tayo doon dahil baka mapag kamalan pa tayong drug adik sa ganitong oras.” tugon ni Cookie sabay hatak sa akin sa loob ng bahay.
Noong gabing iyon ay halos hindi ako dinalaw ng antok, ang aking dibdib ay kumakabog habang maigi kong pinag mamasdan ang bilog na bagay na ibinigay sa akin ng taga ibang planeta. Kung iyong titignan ay para lamang itong holen na gawa sa metal wala rin akong ideya kung paano ito magiging mapa.
Maraming beses nang pinag tangkaang pasukin ng mga dayuhan galing sa ibang planeta ang mundong ito pero ni minsan ay hindi kami nanghina, sa ngayon ang tanging magagawa ko lang ay mag hintay na bumalik ang aking kapangyarihan bago humarap sa tuwirang pag huhukom dulot ng malupit na hinaharap.
Itutuloy..
TNN2 Part 5: Ang Super Hero ni Narding
Bart
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”
Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
Mabuhay Earthlings, huwag kang mag alala dahil buhay pa ang kaibigan mo. Kinakailangan ko lamang gamitin ang katawan ng pangit na baklang ito upang mag kaunawaan tayo. Kami ay nag mula sa planetang Guryon na nasa malayong galaxy. Ang aming planeta ay ang isa sa pinaka mahuhusay sa pag gamit ng worm hole at time travel kaya’t agad kaming nakarating dito upang mag bigay ng babala at isa pa ay kaibigan namin ang iyong Planeta.
Part 5: Ang Super Hero ni Narding
“Narding dali, tingnan mo ito! Heto na ang bagong copy ng Liquid Dreams magazine! Ang naka feature ngayon ay ang hottest pinoy at tadddaaaa nasa 3rd page si Papa Bart!” ang excited na wika ni Cookie habang kumakain kami sa isang karenderya
Naramdam ako ng pag excite noong mga sandaling iyon kaya naman agad kong kinuha ang magasin upang tingnan ang larawan ni Bart. Ang buong page ay sakop ng kanyang imahe na naka hubad, may hawak itong lambat na animo mamangingisda, putok na putok ang dibdib, sinadyang ipakita ang buhok sa kili kili at ang kanyang kupas na pantalon ay naka bukas ang butones at zipper kaya naman medyo kita ang buhok na nag durugtong sa kanyang pusod pababa sa kanyang ari. “Hanep Narding you are such a very very lucky girl. You know, ang swerte mo kay Bart, ang gwapo ng gago at napaka arrgghh sexy niya!” ang malanding wika ni Cookie at napa english pa ito kahit baluktot.
Tinitigan ko ang larawan at maging ako ay namangha sa ganda ng kuha ni Bart. “Huh, baka siya ang swerte sa akin. Saka dati naman ng gwapo si Bart e, lalo lang siyang kuminang noong matutong mag damit ng maganda.” sagot ko na kunwari ay wala lang bagamat kinikilig ako.
“Kung sa bagay, dati ay napaka dusing niyang si Bartolome, hindi marunong mag suklay, puro bisyo ang inaatupag at laging amoy araw, ngayon? Ang gwapo ng gago!” ang wika ni Cookie sabay buklat sa center fold ng naturang magasin.
Natahimik ito at maya maya ay nag titili dahilan para mag tinginan sa kanya ang mga tao sa loob ng kainan. “Bakit?” tanong ko
“My Gewwdd! Hindi ko kaya!! Tingnan mo kung sino ang nasa center fold. Si Pablo!! Siyang tunay!! Ang gwapo niya at ang hot ng dating!” ang pag kamangha ni Cookie habang naka tingin sa larawan ni Pablo na naka upo suot ang brief at dito ay naka hubog ang kanyang mahaba at matabang pag kalalaki. “Paorder nga ng isang jumbo hotdog please!” ang wika ni Cookie habang naka tingin sa larawan ng lalaki. “Alam mo parehong gwapo itong si Bart at Pablo, ang katalo lang sa bukol nila kasi yung kay Bart ay Pinoy size etong kay Pablo ay parang pang black american! Ang laki, ang haba at parang sobrang juicy!” ang wika ni Cookie na parang aso kaya pinunasan ko ang laway niyang tumutulo.
“Sir eto na po yung order niyong Jumbo hotdog.” ang wika ng waiter at hindi pa niya ito naibaba ng lamesa ay agad nang dinakma ni Cookie “give it to me!!” hirit niya sabay kagat sa hotdog habang naka titig sa bukol ni Pablo. Samantalang ako naman ay napakamot nalang sa ulo habang pinanood ito sa kanyang natatanging kabaliwan. “Malala na ito, tsk.” bulong ko sa aking sarili.
Halos ilang linggo nang nababaliw si Cookie kay Pablo lalo na kapag nag ccheck in ito sa hotel na naming pinag ttrabahuhan. May isang pag kakataon na pa nga na nag panggap itong room attendant at kinuha ang hinubad na brief ni Pablo sa kanyang silid. Pati toothbrush ng binata ay hindi rin niya pinaligtas. Masasabi kong mabait naman si Pablo dahil kahit kailan mag papansin itong si Cookie ay talagang binibigyan niya ng atensyon at nakikita kong nakikipag tawanan rin ito sa kanya.
“Baka naman ang akala nung lalaki ay clown iyang pinsan mong may tililing.” ang wika ni Bart
“Masayahin lang talagang kasama si Cookie at siguro ay nag hahanap lang siya ng taong mag bibigay ng pag mamahal sa kanya.” tugon ko naman.
Inakbayan ako ni Bart habang lumalakad kami. “Baka naman pati ikaw ay tumitingin sa ibang lalaki?” tanong niya na may halong pag mamaktol, naka nguso at parang nag papacute pa.
Natawa ako at napatingin sa kanya. “Huwag ka nga mag pa cute dyan. Ikaw lang ay sobra sobra na, hindi ko na kailangan ng iba.” naka ngiti kong sagot.
Nangiti siya at saka luminga linga sa paligid. Noong makatiyak na walang tao ay hinalikan niya ako sa labi. “Ikaw rin, hindi ko na kailangan pa ng iba dahil ikaw lang ay sobra sobra na. May asawa na ko may super hero pa ako.” ang wika niya kaya naman ibayong kilig ang aking naramdaman habang ang kanyang braso ay naka lingkis sa aking likuran.
“Ang sweet mo yata, siguro may ginagawa kang kalokohan no?” pang aasar ko
Humigpit ang pag akbay niya sa akin at nag wika “Syempre lahat ng boyfriend ay sweet diba? Kaya sweet ako, saka hindi na ako malako ngayon. Promise yan!”
Natawa ako..
Habang nasa ganoong pag lalakad kami ay laking gulat ko ng bigla na lamang may lalaking humablot sa aking dalang clutch bag at nag tatakbo ito palayo sa amin. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Bart kaya alerto itong hinabol ang lalaki sa direksyon kung saan ito tumakbo.
Tumakbo na rin ako upang sundan siya. “Bart! Huwag naaaa!” ang pag pigil ko.
“Hindi! Tang ina ako bahala!” ang sigaw niya sabay lundag sa lalaki dahilan para kapwa sila madapa at gumulong sa kalsada. “Gago ka! Ibalik mo yung kinuha mo!!” ang sigaw nito habang sinusuntok ang lalaking snatcher.
Nag pumiglas pa sana ang lalaki para lumaban ngunit hindi na ito umubra sa pag aamok ni Bart. Isang malakas na suntok ang tadyak ang pinakawalan niya dahilan para tumumba ang snatcher. Agad kinuha ni Bart ang aking bag at noong muli niya susuntukin ang lalaki ay nag tatakbo na ito sa matinding takot.
“Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?” tanong ni Bart noong inilalahad sa aking kamay ang bag. “Ako nga dapat ang mag tanong sa iyo niyan. Ikaw itong nakipag suntukan e. Ayos ka lang ba? Salamat ha.” ang tugon ko
“Syempre ayos lang ako. Hindi naman porket superhero ka ay wala na ang pwedeng mag tanggol sa iyo. Tungkulin ko bilang kasintahan mo ang siguraduhing maayos ka sa lahat ng oras. Meron o wala kang kapangyarihan ay ako ang tatayong super hero mo. Super Boyfriend yata ito!” ang naka ngiting wika ni Bart sabay pakita ng kanyang abs at muscle.
Natawa ako at yumakap ako sa kanya. “Gago ka talaga.” ang bulong ko.
Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. “Seryoso ako sa mga sinabi ko Narding, hindi ako papayag na may mang aapi sa iyo. Kahit anong mangyari, tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako para sa iyo. Kahit nasaan ako, kahit ano pa ang ginagawa ko ay nakahanda akong iwan ang lahat ng ito para sa iyo. Nag kamali ako ng landas na tinahak noon kaya gagawin kong lahat para makabawi sa iyo.” bulong niya sa aking tenga.
“I love you.” bulong ko
Lalong humigit ang yakap niya sa akin “mahal na mahal kita”. tugon niya
Habang nasa ganoong pag yayakapan kami ay siya namang pag dating ni Cookie hawak pa rin ang magasin na nag lalaman ng larawan ng kanyang lalaking kinababaliwan. “Dito pa talaga kayo nag yakapan sa kalsada ano ito Road To Love? Tigilan nyo nga akong dalawa.” ang bitter na wika nito
“Oh bakit parang ang pait mo ngayon? Anyare?” tanong ko
“Nakakainis yang si Pablo nakita kong may kasamang babae palabas ng hotel. Nakaka inis hindi naman maganda yung babae, sexy lang siya at naka suot ng puke short! Hindi rin malaki yung suso at parang bakla kung kumilos.” paninira nito sabay tapon ng magasin sa basurahan.
Pero maya maya ay pinulot rin niya ito “Ay sayang, nandito pa yung picture ni papa Bart.” ang wika niya.
“Akin na rito lalagyan ko ng pirma.” ang wika ni Bart.
“Oh ayan Narding palagyan mo ng autograph kay Papa Bart iyang picture niya gamit yung sperm niyang malapot.” ang bulong ni Cookie
“Tado, akin na nga iyan. Huwag mo sayangin dahil 375 pesos rin itong magasin.” ang wika ko naman.
Pag uwi sa bahay ay agad akong nag handa ng hapunan para sa amin nila Bart. Wala naman ang aking madrasta dahil nasa probinsya ito kaya ayos na lang na mag papasok ng bisita, wala ring maingay at masungit.
Ngayon ay mas maayos ang aming tirahan kumpara dati na gawa sa kahoy. Ngayon ay sementado na ito, naka tiles ang sahig at maayos ang mga rehas ng bintana. Ipinaayos namin ito ni Cookie ng paunti unti at ganimit rin namin ang naipon ni papa para makapag tayo ng maliit na pwesto ng tindahan doon sa gawing palengke.
“Sexy ba ako dito?” ang tanong ni Bart habang pinag mamasdan ang larawan niya sa naturang magasin.
“Oo naman papa Bart, ikaw na talaga ang isinisigaw ng mga kabaklaan sa buong compound. Mas malaki nga lang ang bukol ni Pablo sa iyo pero panalo ka naman sa mukha.” ang wika ni Cookie
Inilipat ni Bart ang magasin sa center fold. “Tang ina, pekeng bukol lang ito. Ang sabi ng cameraman ay nag lalagay ng tissue sa brief ang gagong ito. Yung titi niya mas malaki pa yung titi ng unggoy!” pang aasar ni Bart
Natawa si Cookie sabay bukas ng telebisyon. Dito ay agad bumulaga sa amin ang nag babagang breaking news mula sa isang sikat na reporter. “Ay bakit ganyan ang itsura ni Liza ngayon? Parang tumangos yata ang ilong niya at nag karoon ng cheek bone?” pag tataka ni Cookie
“Natural, nag paretoke siya. Saka mayayaman na ang mag pipinsang Mae Lawit ngayon dahil halos lahat dito sa buong bansa ay sila ang maririnig. Mula sa report sa TV, radyo, mga customer center at pati sa paging area sa mall ay dominating ang mga mag pipinsang iyan.” tugon ko naman.
“Tama ka dyan, at alam mo ba pati sa network operator ay sila na rin ang mag tatake over. Mae Lawit invasion ang magaganap sa buong bansa sa mga susunod na taon!” wika ni Cookie
Breaking News
: Sa ulo ng mga nag babagang balita, 3 katao ang natagpuang patay sa iba’t ibang lugar dito sa siyudad. Ang lahat ng mga biktima ay wakwak ang tiyan, wala na ang mga bituka at lamang loob. Ang isang biktima ay kinilalang si Gwen Dunayon na natagpuan sa isang madilim na eskinita walang saplot at walang buhay. Sa ngayon ay pinag hahanap pa rin ang mga otoridad ang suspek. Samantala pinapayuhan naman ang mga taong bayan na mag doble ingat lalo na kapag nag lalakad sa gabi.
Balitang Panahon naman tayo na ihahatid sa inyo ni Rica Mae.
Rica Mae: Salamat Liza Mae, isang malakas na bagyo ang pinangangambahang tumama sa ating bansa sa susunod na tatlong araw. Ito ang kauna unahanag bagyo na hindi na nadetect ng ating mga weather satellite at lawak nito ay halos kasing laki ng ating bansa. Hindi ito pang karaniwang bagyo mga kaibigan dahil sakop na sakop ang ating buong teritoryo.
Sa lawak ng saklaw ng bagyong ito ay tiyak na wipe out ang buong luzon, visayas at mindanao. Kaya naman pinapayuan ang publiko na kumuha ng rosaryo at mag dasal para sa milagro. Mag pakalat na rin tayo ng mga post sa face book na one share one prayer dahil na bibilang na ang ating mga oras. Ako pa si Rica Mae Lawit ang 20 years old at fresh na fresh na news caster, 100% virgin at no boy friend since birth. Nag uulat!!
End of news.
“Oh bakit naka tulala ka? Naka nga nga ka pa?” tanong ko kay Cookie
“Yung nasa balita kanina, yung babae iyon ang kasama ni Pablo bago siya mamatay! Hindi maaari ito!!!” ang wika ni Cookie
“Anong ibig mong sabihin? Si Pablo yun pumapatay at kumukuha ng lamang loob?” tanong ko naman
“Syempre ay hindi, baka may masamang nangyari kay Pablo. Jusko, maicheck nga itong IG nya!” ang wika ni Cookie sabay stalk sa lalaking hinahangaan. Napailing nalang ako habang pinag sasandok ng pag kain si Bart. “May delubyo nanamang parating.” ang wika ni Bart
“Okay lang iyan, hindi lang naman si Narding ang super hero dito no, sila Panget na ang bahala doon. Saka kahit lunukin pa ni Narding itong buong bahay natin ay hindi na siya magiging si Super Nardo. “ hirit ni Cookie.
“Basta ako ang super hero ni Narding, ako bahala sa kanya. Ipag tatanggol ko siya at poprotektahan.” wika ni Bart sabay halik sa akin “sarap ng luto mo mahal, tataba ako nito e.”
Ngumiwi naman si Cookie na wari’y naiinggit. Itunuon nalang niya ang atensyon sa pag subo ng kanin at ulam hanggang sa mapuno ang kanyang bibig.
Noong mga sandaling iyon ay naging laman na ang social media at balita ang naturang delubyong parating, ang lahat ay nag pakalat ng babae at ang mga public storm signal sa buong bansa ay itinaas na sa signal number 15, kauna unahang bagyo umabot sa ganoong level na hahagupit sa aming lupain.
Itutuloy..
ANNOUNCEMENT:
WHAT HAPPENED HERE?
Ang kwentong “Ang Tadhana ni Narding BOOK 2 “ ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “FOLLOW” button. Maraming salamat po.

Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.
PLEASE READ THE DETAILS BELOW:
PAANO ANG GAGAWIN?
Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com
Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.
Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.
O maaari niyo ring click ang link na ito at diretso na kayo sa aking account. Maaari niyo akong ifollow upang maging update kayo sa iba pang surprise story na ilalabas ko doon ng LIBRE. Huwag kayong matakot dahil hindi naman lahat ng story doon ay may bayad. Si Ai_Tenshi ang author kaya’t mag tiwala kayo.
Eto ang tip, kailangan basahin niyo na agad bago mag lock (though months pa naman ang hihintayin bago mag lock). Kaya huwag na mag hintay pa ng matagal..
P.S Mag lalabas rin ako roon ng mga new story kaya dapat naka follow kayo sa akin…
-Ai_Tenshi

