loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Ang Tadhana ni Narding

Ang Tadhana ni Narding

Ai Tenshi · 8 chapters · 13,438 words

TOP COMMENTS AND REVIEWS

ANG TADHANA NI NARDING BXB 2016 (DARNA BXB)

COMPLETED!

WRITTEN BY: Ai_Tenshi

  ![](https://img.wattpad.com/a698072bdf266a0c39ddd984c63fa4e6f13bab01/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f65585736734c51476544634c41773d3d2d3930303138373039302e313631363864626164646262316630643330323137363131343032302e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/e049794a95aa8405bbfbc7531c232cc8b7c09f56/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4a3157427135446a3865506638773d3d2d3930303138373039302e313631363864626466653036663936313638303633333735373932342e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/8c62fc9c8a0721e5d470e997abd4320d6c465dd5/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f6d586272596478745233333837773d3d2d3930303138373039302e313631363864633061386638373464653632393135383239333634362e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/72ff8a41270ad377061746f05003027af7c84ad4/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f41644d356c536e544e69326369513d3d2d3930303138373039302e313631363864633235613264336666393439323235323831333436302e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/91d0c3ebe699667b6c780effaf938eb98997e243/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f57643630593166583933746559413d3d2d3930303138373039302e313631363864633437323865643439633532383239343733303531362e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/920e3f2c46e6f222fe7001e57fa8d76dbabc77d2/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f515156475850616c59516e596d773d3d2d3930303138373039302e3136313638646336393334393130636336303737333934353532362e6a7067)

  ![](https://img.wattpad.com/8a6f0614ac60c8fda5881d0a24e73748a900e872/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f74467771335869757a62515470773d3d2d3930303138373039302e313631363864633832643265303163383730323236303134393239382e6a7067)

Note

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Author’s Note: Ang kwento ito ay kathang isip ko lamang bilang isang manunulat. Ito ang ibinatay ko lamang sa kwento ang isang sikat na Superhero na ang pangalan ay Darna. Katha ito ni Mars Revelo isa sa pinaka hinahangaan kong manunulat sa larangan ng fantasy.

Ang totoo noon ay matagal na akong taga hanga ni Darna, bago ako manalo ng regional champion sa poster making noong high school ay si Darna muna ang unang natutunang iguhit ng aking mga kamay. At ngayong natututo akong mag sulat, nais ko gumawa ng aking sariling version ng kanyang imahe. Bagamat hinamon lamang ako na gawin ng kwento ito, nais ko pa rin itong lagyan ng aking tatak bilang writer ng BXB.

Maraming Salamat po..

Maligayang Pasko sa inyong lahat..

December 2016

Ang Tadhana ni Narding Part 1: Ang kanto ni Bart

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Author’s Note: Ang kwento ito ay kathang isip ko lamang bilang isang manunulat. Ito ang ibinatay ko lamang sa kwento ang isang sikat na Superhero na ang pangalan ay Darna. Katha ito ni Mars Revelo isa sa pinaka hinahangaan kong manunulat sa larangan ng fantasy.

Ang totoo noon ay matagal na akong taga hanga ni Darna, bago ako manalo ng regional champion sa poster making noong high school ay si Darna muna ang unang natutunang iguhit ng aking mga kamay. At ngayong natututo akong mag sulat, nais ko gumawa ng aking sariling version ng kanyang imahe. Bagamat hinamon lamang ako na gawin ng kwento ito, nais ko pa rin itong lagyan ng aking tatak bilang writer ng BXB.

Maraming Salamat po..

Maligayang Pasko sa inyong lahat..


Ang Tadhana ni Narding

AiTenshi

October 16, 2016

“Takbo Narding!! Bilisan mo!! Malapit kana sa finish line!!!” ang sigaw ng mga tao habang patuloy sa pag tawag sa aking pangalan.

Halos kilala na rin ako ng nakararami dahil isa akong sikat na manlalaro ng track and field at iba pang paligsahan sa pag takbo sa aming lungsod. Ibayong lakas ng loob ang aking nararamdaman sa tuwing naririnig kong isinisigaw nila ang aking pangalan kaya naman mas lalo pa akong ginagahan ang aking ginagawang pag takbo ng mabilis.

“Narding!!!! Go Narding!!!! Narding!!!” ang patuloy nilang pag sigaw kaya naman mas lalo pang lumundag ang aking puso sa sobrang tuwa.

Leading ako, malaki ang aking agwat sa kalaban dahilan para mas mag hiwayan ang mga taong manonood. Mula sa aking kinalalagyan ay natatanaw ko na ang finish line na siyang mag dedeklara sa aking napipintong tagumpay.

Patuloy pa rin ang pag sigaw nila sa aking pangalan kaya mas dinoble ko pa ang bilis ng aking pag takbo hanggang sa marating ko ang linya at ang dilaw na telang naputol sa aking katawan hudyat ng aking pagkapanalo.

Bumagsak ang confetti mula sa itaas.

Wala na akong narinig kundi ang hiyawan ng mga taong nag bubunyi sa aking tagumpay. Para itong musika sa aking pandinig lalo na noong i-announce ang aking pangalan bilang kampeon. “Congratulations Narding!!!” ang sigaw ang host.

“Narding!!!!! Ang husay mo!!!!! Mabuhay kaaaa!” sigaw naman ng mga sumusuporta sa akin noong itaas ko sa ere ang aking tropeyo.

Nag patuloy sila sa pag bati sa aking pagka panalo.

“Narding!! Narding!! Naaaaarding!!! Puyenta kaaa bumangon kana dyan!! Tanghali naaaaa!” ang narinig ko sigaw ng aking madrasta dahilan para agad matapos ang aking panaginip at malaglag ako sa katre na aking higaan.

“Nardeenggg!! Ano ba?!!! Itutumba kita dyan kapag hindi ka pa bumaba dito!!”

“Nandyan na po maaa! Sandali lang!!” sagot ko naman habang bumabangon mula sa pag pakaka subsob sa sahig.

Kasabay ng pag tilaok ng manok sa aming bakuran ay siya ring pag putak ng bibig ng aking madrasta. Basta iyan lagi ang eksenang gumigising sa mga kapitbahay na daig pa ang alarm clock na otomatikong naka set pag sapit ng bukang liwayway.

Part 1: Ang kanto ni Bart

Natawagin niyo na lamang ako sa pangalang Narding, 19 anyos ako at kasalukuyang naninirahan sa isang squatters area dito sa lungsod. Ako ay may taas na 5’6, payat ang pangangatawan at may kaitimang taglay. Bernard ang aking tunay na pangalan, isinunod ito sa pangalan ng aking ama na kasalukuyang namamasada bilang isang padyak driver doon sa aming kanto. 4th year high school lamang ang natapos ko at hindi na ako naka tungtong ng kolehiyo dahil sa hirap ng aming buhay kaya naman mas pinili ko na lamang na tumulong sa aking magulang para mas makaraos kami sa araw araw.

7 taong gulang ako noong pumanaw ang aking tunay na ina. At para maibisan ang kalungkutan ay muling nag asawa ang aking ama at siya ang tumayong aking madrasta bagamat may kasamaan talaga ang ugali nito ay pilit ko pa rin siyang pinapakisamahan ng mabuti. Lalong lalo na yung anak niyang kambal na kasing edad ko rin, sina Angelo at Angelito. Hindi sila tunay na anak ni papa basta buy one take two ang nangyari, hindi naman kasi niya alam na may anak yung babaeng ibabahay niya. Madali lang naman silang makilala, si Angelo yung mapayat at si Angelito naman yung matabang version. Ang mag kapareho lang sa kanila ay ang kanilang ugali, manang manang sa ina, daig pa yung dalawang step sisters ni Cinderella.

“Narding ano ba?! Bumangon kana! Mag dilig kana ang halaman, mag lampaso ng sahig at mag linis ng sasakyan! Mag bebenta ka pa ng Dyaryo!!!” ang sigaw ng aking madrasta.

“Maa, sandali lang.. Saka wala naman po tayong sasakyan ahh.” sagot ko naman.

“Yung sasakyan ng kapit bahay ang linis mo! Ano ba?! Labas naaa!” ang sigaw nito habang kinakalampag ang dingding ng aking silid.

“Bilisan mo naman kasi Narding, maaga ka kasing matutulog para hindi ka tinatanghali ng gising.” ang wika ni Cookie. Pinsan ko siya, katulad ko ay maaga rin siyang naulila sa magulang kaya naman inampon na lang siya ni papa para daw may katulong siya sa pamamasada. Hindi naman kasi niya inaakala na lalaking dalaga itong si Cookie bagamat maselan ang katawan.

“Oy Narding tumayo kana dyan. Baka abutin pa tayo ng pasko dito noh.” pag aapura nito.

“Teka lang, nasaan yung mga gamit ko? Bakit inalis mo dito sa tabi ko?” tanong ko.

“Oo nga pala, sandali lang. Nirepair ko kasi itong salamin mo sa mata dahil sira na. At saka itong saklay mo may damage na rin.” ang wika nito sabay abot sa aking gamit. “Gaano ba kahirap sa iyo ang kumilos ng walang salamin?” pang uusisa nito.

“May nakikita naman ako, kaso nga lang ay malabong malabo ito. At isa pa ay masakit sa ulo ang sikat ng araw. Salamat nga pala sa pag aayos ng mga gamit ko.” naka ngiti kong sagot at doon ay inalalayan nya ako upang maka tayo ng maayos.

Matagal na rin akong lumalakad ng may tatlong paa, bata palang ako noong mag karoon ng diperensya ang aking binti at mula noon ay hindi na ako naka tayo ng maayos. Sa pag lipas ng mga taon ay naka sanayan ko na rin ang ganitong estado ko sa buhay. Ang pag takbo ko ng mabilis habang sumasabay sa ihip ng hangin ay tanging sa panaginip ko na lamang nararanasan. At kapag dumilat na ang aking mga mata ay balik nanaman sa normal ang lahat. Mag hihintay nanaman ako ng gabi upang makatulog at managinip ulit ng mga bagay na hindi ko nagagawa sa totoong buhay.

“Oh heto ang ibenta mo Cookie, mga dyaryo. At heto naman ang sayo Narding mga sampaguita. Bagay saiyo iyan dahil pilantod ka at tiyak na kakaawaan ka ng mga tao doon sa simbahan. Wala akong paki kung paano mo ibebenta ang mga iyan, kahit mag ala Sharon Cuneta ka sa bituing walang ningning ay bahala ka basta ayusin mo ang pag lalako. Maliwanag? Bilang ko iyan kaya huwag kayong mag kakamaling bumawas.” ang paulit ulit na bilin ng aking madrasta kaya naman halos kabisado na namin ito.

“Sino nag sabing hindi tayo maaaring bumawas? Di naman siya marunong mag bilang no.” ang pag mamaktol ni Cookie habang nag lalakad kami patungo sa palengke.

“Hayaan mo nalang siya. Paulit ulit lang naman ang sinasabi niya pero sa hapon ay nakaka bawas pa rin naman tayo pambili ng miryenda.” sagot ko naman habang patuloy sa pag lalakad.

“Correct ka dyan. Teka huwag tayo diyan mag daan sa kanto dahil delikado.” wika ni Cookie sabay pigil sa akin.

“Delikado? Bakit naman? Araw araw naman tayong nag daraan dyan ah.” ang pag tataka ko.

“Basta. Iba na ang sitwasyon ngayon. Dito na tayo mag daan sa highway. Mahabang lakaran pero safe naman. At isa pa ay makulimlim naman kaya’t hindi na lulutong iyang balat mo. Sunog na kasi eh.” ang tatawang biro nito

“Wow, puti mo kasi eh.” sagot ko naman. “Teka ano bang meron sa kanto na iyon? Bakit bawal dumaan?”

“Dahil doon nakatambay si Bart. Galit sa mga bakla iyon. Ilang beki na rin ang sumabog ang mukha dahil sa kamao niya. Wag tayong dadaan don cousin dahil hindi pa handang maging punching bag ang beauty ko.” ang natatakot na salita nito

“Ang galit sa bakla ay bakla rin. Kung hindi tunay na maton iyang Bart na yan, malamang bakla iyan na nag tatago sa malaki niyang katawan.” sagot ko naman.

“Excuse me, hindi bakla si Bart. Napaka gwapo niya, matangkad, bilugan ang braso, putok ang dibdib, matangos ang ilong, mapula ang mga labi kahit nag yoyosi. At isa pa maraming nag papa kamatay makita lang ang alindog niya.” pag tatanggol nito.

“Oh edi pumunta ka don. At mag pa bugbog sa kanya.” pang aasar ko naman. “At isa pa, sa panahon ngayon ay mas lalaki pa sa tunay na lalaki ang mga bakla. Nag kalat sila sa gym at sa mga fitness center. Kaya malamang kapederasyon iyang si Bart mo.”

“Siguro, pero hindi ko naman siya maradar. Hindi ko maamoy na malansa siya. Basta ang nanaamoy ko lang ay yung pawis niyang mabango at ang nararadar ko lang ay yung ngiti niyang pamatay. Pak Ganern! Pak pak Ganern!” ang pag tataka nito habang napapa isip pero hanep naman humapas ang kanyang bewang

“Tamo nag isip ka rin. Basta ang galit sa bakla ay bakla rin.” tugon ko habang natatawa.

Ipinag patuloy namin ang pag lalaro ng dyaryo at sampaguita sa mga tao sa simbahan at kalsada. Madali naman namin itong nauubos dahil may mga suki kami na araw araw bumibili kaya naman may extrang oras pa kami para mag libot. May mga araw din naman na matumal, depende sa lagay ng panahon, lalo’t napapadalas ang pag buhos ng ulan. Ewan ko ba naman, parang ito yata ang lugar na hindi nasisikatan ng araw. Halos matagal tagal na ring makulimlim dito at palaging umuulan, madalas tuloy ang pag baha at pag apaw ng tubig sa ilog.

“Mabuti nalang at maaga tayo naka ubos ngayon. Mabuti nalang mahusay ako sa sales talk.” masayang wika ni Cookie habang lumalakad kami pauwi.

“At mabuti nalang din dahil dito tayo nag daan sa eskinita. Mas mapapadali ang pag uwi natin sa bahay.” ang masaya ko ring tugon.

“Eskinita? Hindi ba ang labas nito ay iyong kanto kung saan naka tambay si Bart?” ang tanong naman nito.

“Aba e malay ko. Maraming lusutan itong eskinitang ito. Bakit ba kasi takot na takot ka e wala naman tayong ginagawang masama sa kanya? Kung talagang mainit ang dugo nya sa mga bakla, malamang bakla rin sya. Sure na iyon!” tugon ko naman.

“Excuse me, hindi bakla si Bart. Napaka gwapo niya, matangkad, bilugan ang braso, putok ang dibdib, matangos ang ilong, mapula ang mga labi kahit nag yoyosi. At isa pa maraming nag papa kamatay makita lang ang alindog niya” ang pag uulit nanaman nya ng deskripsyon kay Bart.

“Eh parang inulit mo lang yung mga sinasabi mo” asar kong tugon.

“Ganoon talaga cousin, fix na yon, kahit yung mga beki doon sa parke ay iyon din ang linya. Ginagaya ko lang.” ang paliwanag nito.

“Ah wala akong paki doon, wala naman tayong ginagawang masama kaya wag tayo matakot. Kung sasaktan nya tayo malamang ay naka singhot ng katol iyan” wika ko sabay hakbang pasulong.

“Kahit na nga ba walang ginagawa, basta bawal ang bakla sa lugar na ito.” ang boses ng lalaki sa aming likuran kaya naman agad kaming humarap dito. “Ngii, s-si B-Bart. Iyan nga si Bart yung matangkad, gwapo, maganda ang katawan…” nauutal na bulong ni Cookie.

“Heh! Tumigil ka na nga! Paulit ulit ka eh” pag mamaktol ko sabay siko sa tagiliran nito.

“Arekup, eh kasi automatic na nga yon, naka rekta na..” ang pag tatanggol nito sa kanyang sarili.

Ito pala si Bart, naka suot ng sirang maong na pantalon, lumang damit na ginupit ang manggas para maging sleeveless. Tama nga naman si Cookie, gwapo nga ito at nakaka akit ang mukha. Matangkad at maganda ang katawan, halatang batak sa gym dahil sa bilog ng kanyang mga braso. Naka ngisi ito habang nag papalagutok ng buto sa kamao. Sa kanyang tabi ay mga kabarkada niyang sunog baga na madalas ding nasasangkot sa gulo.

“Wala naman kaming ginagawa sa inyo. Saka sinong bakla? Walang bakla dito mga pare!” ang tanong ni Cookie na parang biglang lumaki at naging maton ang boses.

Nag tawanan ang mga loko..

“Bakit ba naman kasi ang spaghetti strap kapa ng damit. Okay na sana e.” ang bulong ko naman.

“Eh sino ba naman kasi ang nag sabi na dito tayo mag daan? Hindi naman pang boxing ang ganda ko.” ang inis na bulong din nito.

Patuloy pa rin sa tawanan ang mga mokong at maya maya ay nag simula nang kumilos palapit sa amin si Bart. Naka ngising aso ito at talagang bakas sa mukha ang pamemerwisyo ng kapwa. “Ayaw na ayaw namin ng mga bakla dito. Lalo ako, galit ako sa mga baklang mahihilig kumendeng at walang ginawa kunding mang gamit ng mga kapwa nila may lawit. Ang dapat sa inyo ay tinuturuan ng leksyon para mag tanda.” ang naka ngiting demonyong salita nito habang sinusuntok ang palad.

“Ano naman ang mapapala nyo sa isang pilay na katulad ko? At isa pa ay hindi naman ako bakla para idamay nyo.” tanong ko naman.

“Walang pwera pwera, kaya pasensyahan nalang.” ang sagot din ni Bart

“Talaga naman palang mga gago kayo eh. Subukan nyong isayad ang daliri nyo sa aming mga balat, sisigaw ako at paniguradong darating ang mga mag tatanggol sa amin!” hirit ni Cookie.

“May kaalyansa ka? Sino naman ang mga iyon? Mainam iyan kasi, mas marami mas masaya.” tugon ni Bart.

“Marami akong kaalyansa, sila Pink Ranger, si Sailor Venus, si Sailor Mercury, si Card Captor Sakura, mga Power puff girls at ang mga Winx.” ang sagot ni Cookie.

Napaka kamot ng ulo si Bart “Putangna ginagago mo ba ko ha?” ang galit na sigaw nito sabay lakad patungo sa amin.

“Hindi ako nanloloko, pati ang Magic Knight darating para rumesbak!” ang wika ni Cookie habang pinag papawisan ng malapot.

“Tangina bakla, pawis na pawis ka. Wag mo kaming gagaguhin dahil babasagin ko ang mukha mo. Loko ka.” gigil na salita ni Bart habang patuloy sa pag lapit sa amin, samantalang kami naman ay paatras.

Maya maya ay tumingin sa akin si Cookie at may dinukot ito sa kanyang bag. “Takbo Narding!!” ang sigaw nito sabay balibag ng umuusok na bagay sa aming harapan.

Hindi na kami nag aksaya ng oras, agad kaming nag tatakbo palayo sa mga lokong tambay. Mahirap sa akin ang tumakbo dahil masakit ito sa braso at sa paa kaya naman inalalayan pa rin ako ni Cookie at hindi pinabayaan. “Ano ba yung bagay na binalibag mo sa kanila?” ang tanong ko naman.

“Tear gas iyon, nakuha ko doon sa padyak ng papa mo noong isang araw. Itinabi ko lang sa bag ko bilang pang proteksyon.” ang sagot nito habang patuloy pa rin kami sa pag takbo.

Halos mapatid ang aming mga hininga sa pag takbo. Ilang beses na rin akong muntik madapa at ma subsob sa lupa dahil sa hindi nagiging balanse ang aking katawan at iyon nga ang dahilan para maabutan kami ng grupo ni Bart. “Tatakas pa kayo ha. Lagot kayo sakin ngayon!” ang gigil na salita nito sabay sipa kay Cookie at ako naman ay inalisan ng saklay upang direktang matumba sa lupa.

Nag tatawanan sila at pinag katuwaan lamang kami bago saktan.

Ilang suntok sa mukha at sa katawan ang inabot ni Cookie at ako naman ay sinipa sipa hanggang sa masubsob sa lupa. Talaga palang walang puso itong si Bart dahil lahat ng matripan nila ay kanilang ginagawa kahit makasakit pa ito ng iba. At bago sila tuluyang umalis ay kinuha pa yung mga napag lakuan namin ng sampaguita at dyaryo.

“Sabi sayo eh, wag tayong dadaan don dahil tiyak na masisira ang beauty naten.” pag iyak ni Cookie habang pumapasok sa loob ng bahay.

“Hindi naman tayo direktang dumaan doon. Nag kataon lang na konektado ang eskinita na iyon sa pugad nila Bart. Ang sakit tuloy ng katawan ko.” tugon ko

“Hindi lang iyon dahil tiyak na sermon ang aabutin natin kay stepmother kapag nalaman niyang nakuha ang perang pinag bilhan ng ating mga paninda.”

“May naitabi akong pera doon sa aking silid. Iyon nalang muna ang iabono natin sa mga nawalang pera. Kailangan mabawi natin kay Bart iyong mga pinag bilhan natin.”

“Naku cousin, kalimutan mo na ang tungkol doon. Malamang pinang totoma na nila yung perang pinag hirapan natin. Alam mo naman ang mga iyon, doon lang sila nabubuhay.” ang wika ni Cookie habang inihihiga ang masakit na katawan sa papag.

Kinahapunan..

“Aba aba.. bakit kulang itong pinag bilhan nyo? Saan nyo dinala mga panget?!!” ang galit na tanong ng madrasta.

“Iyon nga po yung totoo, nabiktima kami doon sa kanto. Kinuha yung pera namin.” sagot ko naman.

“Naku maa, hindi totoo iyan. Malamang ibinigay lang ni pilantod at ni Cookie monster yung pera doon sa mga lalaki sa kanto.” ang sabad naman ni Angelito.

“At bakit naman namin gagawin iyon? Hindi namin magagawa iyon sa bagay na pinag hirapan namin. Mana pa kung kikiluhin kita at ilalagay sa batcha para ipamigay sa mahihirap ang karne mo ay gagawin ko!” ang depensa ni Cookie.

“Abaaa, sumasagot sila ma, mabuti pa ikulong mo sila doon sa attic kasama ng mga daga at ipis. Bagay sa kanila iyan.” sagot naman ni Angelo.

“Gaga wala tayong attic. Shrek!” ang sagot naman ni Cookie habang patuloy sa pag bara sa kambal.

“Hoy hoy! Itigil nyo ang pang aapi sa mga anak ko! Sige pumasok na kayo sa kwarto! Walang hapunan para sa inyo. Mga panget!” ang sigaw ng madrasta.

Edi ayun nga ang set up, mas minabuti namin na mag timpi nalang at iwaksi ang mga galit sa aming sarili. Ewan, nakasanayan na rin namin na ganito ang sitwasyon at kahit naman hindi kami pinapakain ng hapunan ay lumalabas pa rin kami ni Cookie para kumain sa malapit na kainan kaya bale wala rin ang parusa ni madrasta at ng dalawang anak niyang anghel sa pangalan ngunit impakto naman sa ugali.

Ito ang buhay ko dito sa aming lugar, simple ngunit mahirap kung hindi ka marunong dumiskarte at lumaban. Simula noong mamatay si mama ay wala na akong ibang naging sandigan kundi ang aking sarili kaya madapa man ako o masilat sa pinaka malalim na bangin, wala ibang pamimilian kundi ang bumangon at lumaban. Iyan ang mga bagay na natutunan ko mag buhat noong mawala ang aking kakayahang makalakad ng maayos at maka kita ng mas mabuti.

Ako si Narding..

At ito ang aking kwento..

itutuloy..

Ang Tadhana ni Narding Part 2: Ang Panaginip ni Narding

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Ang Tadhana ni Narding

AiTenshi

October 18, 2016

Unti unting bumabagsak ang aking katawan mula sa madilim na kalangitan. Ang hindi ko lamang maunawaan ay kung bakit wala akong maramdamang takot sa aking dibdib. Basta’t ang nararamdaman ko lamang ay ang pag kahina ng aking katawan na parang isang plastic na itinapat sa apoy hanggang sa matunaw ito. Ramdam na ramdam ko ang pag bagsak ng butil ng ulan na tumatama sa aking mukha, malamig ito na parang may butil ng yelo at isama mo pa ang malakas na hanging yumayakap sa aking pag bulusok pababa.

Matagal tagal din ako sa ganoong pag bagsak hanggang sa tumama ang aking katawan sa karagatan. Dito ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig habang lumulubog sa kailaliman. Hindi ko maalala kung paano umabot sa ganito ang lahat, basta’t ang alam ko lang ay mapanganib sa itaas, kung saan ang mundo ay nababalutan ng itim na kalangitan. Kung ano man ang mayroon doon ay walang sino man ang nakaka alam.

Part 2: Ang Panaginip ni Narding

“Hoy Narding bakit ba umuungol ka kagabi? Nakikipag sex ka ba sa panaginip mo?” ang tanong ni Cookie habang lumalakad kami patungo sa palengke.

“Gago, hindi no. Basta kakaiba yung panaginip ko. Para talaga itong totoo.” tugon ko.

“Wet dreams ang tawag dyan. Parang totoong nakikipag sex ka. May totoong sensasyon at init na lumulukob sa iyong katawan.” ang pilyong tugon nito.

“Tado, hindi nga iyon. Basta sa panaginip ko ay lumilipad daw ako ng mabilis na parang isang rocket sa kalangitan. Pag katapos ay pumasok ako sa isang madilim na ulap at doon ay nauhulog ako pabulusok sa tubig.” sagot ko naman dahilan para humagalpak ito sa katatawa.

“Paano ka naman lilipad e pag lalakad nga lang ng tuwid ay hindi mo magawa. Tigilan mo nga ako Narding, panaginip nga yan at iyan ay naka hanay sa fantasy!” ang wika nito habang patuloy sa pag tawa.

“Kaya nga panaginip, nagaganap ang mga bagay na hindi madalas mangyari sa reyalidad. Kung paniniwalaan mong makalilipad nga ako ay baka mas baliw ka pa sa akin.” ang inis ko namang sagot at muli kong ipinag patuloy ang pag lalako ng dyaryo.

Habang nasa ganoong pag t-trabaho kami ay bigla namang nag kagulo sa kabilang dako ng parke. Kasabay nito ang pag sulpot ng mga nag tatakbuhang beki patungo doon sa pinagyayarihan para maki usisa. “Anong nangyari? Bakit nag kakagulo?” tanong ko naman.

“Baka may shooting.” ang sagot ni Cookie habang pilit na sumusulyap sa kabilang ibayo. “Parang hindi naman e, kasi may mga pulis na umaawat.” wika ko.

Dahil sa pag kalito ay wala namang nagawa si Cookie kundi ang mangharang sa mga dumaraan upang mag tanong. “Oyy sister, bakla anong nangyayari doon?” tanong nito sabay pigil sa isang batang beki na bago bago palang gumarutay. “Ay naku mamu, may jinombag na beklus ditey sa kabilang parte sa jurasic park. Pisak ang beauty ng lola mez.” ang wika nito.

“Anong sabi nya?” tanong ko naman kay Cookie. “Ang sabi ni little beklus may binubog daw na bakla doon sa kabilang dako ng parke. Bugbog sarado daw yung beki.” ang sagot nya.

“Eh sino naman yung bumubog? Kawawa naman pala.” tanong ko ulit.

“Naku, jinombag daw ni Bartolome ang chakang lola. Alam mo naman si Papa Bart, angry birds sa mga shokla. Na kemberlin tuloy ang beauty ni mama.” ang sagot ulit ng bata sabay rampa palayo sa amin.

“Binugbog daw ni Bartolome yung beki. Naku iyan talagang si papa Bart matindi ang galit sa mga bakla. Parang kahapon lang e pinag tripan nya tayo tapos ngayon ay ibang tao naman ang pinag diskitahan. Naku isang araw ay isusumpa ni fairy God mother yan, gigising nalang iyang si Bart na isa na syang bakla. On the way na si Karma!” ang inis na sagot ni Cookie.

“Loko talaga iyang si Bart, halika ubusin na natin itong tinda para makauwi na tayo. Baka maya maya ay pag diskitahan naman tayo ng gagong iyan.” pag yaya ko naman at doon nga ay nag doble kayod kami para maibenta ang 7 pirasong dyaryo at 5 pirasong sampaguita.

Alas 4 ng hapon noong makauwi kami ni Cookie, katulad ng dati muling kinuha ni madrasta ang lahat ng aming napag lakuan at ibinigay ito sa kambal niyang anak na walang ginawa kundi ang kumain at matulog buong mag hapon. Pag katapos mag intrega ng kita, pag lilinis naman ng bahay at pag hahanda ng pag kain ang aming inatupag. Palagi ngang itinatanong ni Cookie kung kailan kami lalayas sa bahay na ito, hindi ko naman alam ang aking isasagot dahil unang una ay ayokong iwanan ang aking ama at ang bahay na ito ay pundar pa ang aking yumaong ina, ayokong lisanin dahil punong puno ito masasayang ala-ala naming pamilya. Ang mga ala-alang iyon lang ang pinang hahawakan ko at nag papasaya sa akin ng lubos ngunit sa kabilang banda naman ay nag bibigay rin ito ng ibayong kalungkutan sa aking pag katao lalo’t batid ko na hanggang isipan ko na lamang ang lahat at hindi na ito maaaring maulit pa.

Alas 10 ng gabi, muli akong nakaramdam ng pagod kaya naman nahiga ako at doon ay ipinahinga ang aking katawan. Paminsan minsan ay nakakaramdam ako ng kirot at kakaibang sakit sa aking binti ngunit wala naman akong magawa kundi ang tiisin ito at hintaying mawala. Kasabay nito ang pag bigat ng talukap ng aking mga mata at dalawin ng matinding antok.

Tahimik..

Payapa ang aking pag tulog, walang kakaiba maliban sa ihip ng hangin na nag mumula sa bintana ng aming silid na gawa sa kahoy. Banayad ang ihip ng hangin, hanggang sa maya maya kapansin pansin na lumalakas na ito na parang nakatapat ako sa isang higanteng bentilador. Damang dama ko ang malamig na hanging tumatama sa aking mukha at noong idilat ko ang aking mata ay laging gulat ko noong matagpuan ko ang aking sarili na lumulutang sa kalangitan.

Nakatayo ako mula sa itaas at sa aking paligid ay ang halos wasak na siyudad, para itong dinaanan ng isang malaking delubyo at ang aming lugar naman ay isang malaking hukay na lamang ang natira. Nabura na ito sa mapa at walang iniwang bakas maliban sa nakaka kilabot na pangitaing iyon. Maya maya ay nakaramdam ako ng kakaibang bigat sa aking katawan dahilan para bumagsak ako at bumulusok pababa, mabilis at wala iba akong makita kundi ang patak ng ulan na kasabay kong bumababa mula sa kalangitan. Ang nakapag tataka ay hindi ako nakakaramdam ng takot o pangamba, para bang punong puno ako ng lakas na hindi ko mawari sa aking sarili.

Patuloy ako sa pag bulusok pababa hanggang muling tumama ang aking katawan palubog ng karagatan. Pakiwari ko ba ay hinihitak ako nito pababa mula sa ilalim at wala akong magawa kundi ang itaas ang aking kamay at abutin ang kaunting liwanag na nakikita ng aking mata. Nanunuot naman ang lamig sa aking kalamnan na syang nag bibigay ng kakaibang kilabot sa aking balat. Ipinilit ko pa ring abutin ang liwanag na aking nakikita hanggang sa maya maya ay may isang lalaking humitak sa aking kamay pataas. Hindi ko makita ang kanyang mukha ngunit batid kong ligtas na ako sa bangungot na aking kinalalagyan.

Tahimik ulit..

Noong ako ay mag kamalay, natagpuan ko nalang ang aking sarili na naka higa sa pampang ng karagatan. Malabo ang tingin at ang tanging naaaninag ko lamang ay ang imahe ng isang lalaking nakatayo sa aking harapan. Nakatalikod ito sa akin, naka hubad at talagang nasa perpektong hugis ang kanyang katawan. May gintong pulseras sa mag kabilang braso. Sa kanyang bewang ay naka kabit ang isang gintong sinturon at may telang ginto sa gilid ng kanyang balakang. Hinahangin ito at nag lalabas ng kakaibang kisap. Ang kanyang suot na pang ibaba ay kulay pula at hindi ko na maaninag ang mga detalye dahil bigla na lamang itong lumipad sa ere, mabilis na animo rocket.

Maigi ko itong pinag masdan bagamat parang may kalabuan talaga ang aking paningin. At kasabay ng aking pag titig sa kanyang mabilis na pag lipad ay siya namang pag salpok ng alon sa aking mukha na aking ikinagulat.

“Hoyyy Narding gising na!! Abaa tanghali na!! Tamad na to!!” ang sigaw ni Angelito habang hawak ang isang tabo. Dito ko napag tanto na binuhusan niya pala ako ng tubig sa mukha habang natutulog. “Sabi ko sayo mas mainam kung ihi ang ibinuhos natin sa muka ng pilantod na iyan! Hina mo kasi!” ang sabad naman ni Angelo

“Narding! Ano ba?! Alas 8 na ng umaga! Bumagon kana dyan! Huwag kang tatamad tamad!” ang sigaw naman ng aking madrasta.

“Bumangon kana kasi Narding! Sa susunod ay uututan kita sa mukha para mag tanda kana.” ang hirit pa ni Angelito at doon ay nag tawanan sila habang lumalabas sa aming silid.

Wala naman ako nagawa kundi ang bumaon at kapain ang aking salamin at saklay. Halos atakin ako sa puso dahil sa matinding pag kagalit ngunit sa tuwing lumaban ako ay parati nalang ako natatalo at pinalalabas na masama. Kaya ang ending sina Angelo at Angelito ang inapi, ako naman ang kawawa at malalagot sa kanilang ina. “Sorry pinsan, hindi ko alam na pumasok pala sina Angelo sa ating silid. Maaga kasi akong nag punta sa palengke.” wika ni Cookie.

“Ayos lang, wala naman akong magagawa e” sagot ko naman.

“Aba kawasaki ang peg ng lolo mo.” ang natatawang salita nito.

“Kawasaki? Ano naman iyon?” tanong ko.

“Kawasaki means kawawa. Princess Sarah at Esperanza lang ang peg mo. Sinampal sampal na at tinadyakan kana pero hindi ka pa rin lumalaban. Kung ako yan baka ni-wrestling ko yung dalawang impaktong kambal na iyon!” gigil na salita nito.

“Sana nga palit nalang tayo. Ikaw nalang dito sa saklay.” ang sagot ko naman dahilan para matawa ito.

“Keribels mo na yan pinsan. Saan ka naman naka kita ng Miss Gay barangay na naka saklay? Wala diba?”

“Kaya nga, alam mo naman palang mahirap ang kalagayan ko ay pipilitin mo pa akong pumasok sa isang gulo na alam kong hindi nag sisimula ay talo na ako kaagad. Basta okay na ko sa ganito, ayoko nang dagdagan pa ang sama ng loob ko.”

“Kung sabagay Narding tama ka naman dyan. Hayaan mo, darating di naman ang araw na mababago ang ikot ng mundo. Sabi nga ni mama bago siya bawian ng buhay, ang buhay daw ng tao ay parang gulong, paikot ikot lang. Tataas at bababa. Depende sa takbo ng kapalaran mo. Basta ang kailangan mo lang gawin ay tibayan ang iyong kalooban, tiyak na magiging maayos din ang lahat. Diba? Teka Narding nakikinig ka ba? Ano bang meron sa itaas at kanina ka pa nakatingala?” ang tanong nito noong makitang wala sa kanya ang aking atensyon.

“Ano ba iyan? Bakit ganyan ang kalangitan mas lalo pa yatang dumilim. Hapon na ba?” ang tanong ko naman.

“Alas 12:40 palang ng tanghali no. Baka naman may bagyong parating o kaya ay pundo ng malakas na ulan. Halika sumilong na tayo.” ang pag yaya naman nito ngunit hindi ko na siya pinansin. Tila ba kung may anong bagay ang lumukob sa akin dahilan para mapako lamang ang aking tingin sa maitim na kalangitan katulad ng eksena sa aking panaginip kung saan ako bumabagsak.

Unti unting nawala si Cookie sa aking paningin at ang lahat ng bagay sa aking paligid ay huminto at kumupas na animo larawan niluma na ang panahon.

Tahimik..

Maya maya ay may isang matingkad na liwanag na bumulusok pababa sa kalangitan at walang ano ano ay tumama ito sa aking katawan na para isang bala na baril na tumagos sa aking dibdib. Ang liwanag na iyon ay parang isang maliit na kometa, malakas ang pwersa ng pag tama nito kaya naman halos tumilapon ang aking katawan sa malayo. Naputol ang aking saklay at nabasag ang aking salamin sa mata. Napunit ang aking damit at napuno ng galos ang aking katawan.

Sumadsad sa lupa ang aking katawan at tumama sa batuhan ang ulo hanggang sa nag dilim ang aking paningin..

Wala na akong naalala pa.

Itutuloy..

Ang Tadhana ni Narding Part 3: Simpleng Pangarap

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Ang Tadhana ni Narding

AiTenshi

Oct 21, 2016

Sumadsad sa lupa ang aking katawan at tumama sa batuhan ang ulo hanggang sa nag dilim ang aking paningin..

Wala na akong naalala pa.

Part 3: Simpleng Pangarap

Noong mga sandaling imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa loob ng simbahan habang pinapaypayan ako ni Cookie at ng ilan naming kaibigan. Sariwa pa rin sa aking isipan yung pang yayari kanina, ni hindi ko mawari ito kung totoo ba o dulot lamang aking malikot na imahinasyon. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa aking sarili kung may deperensya na ba ako sa utak dahil kung ano anong nakikita ko nitong mga nakakaraang araw at kadalasan ay naapektuhan na nito ang aking katawan at pati na rin ang aking araw araw na gawain. “Hayy Narding mabuti gising kana. Loko ka pinag alala mo kami aah.” bungad ni Cookie noong makita akong naka dilat.

“Ano bang nangyari sa akin? Bakit nandito ako?” tanong ko naman bagamat alam ko naman talaga ang naganap sa akin, ang nais ko lang malaman ay kung anong eksena ang nasaksihan nila doon sa parke bago ako tuluyang mawalan ng malay.

“Ewan ko ba kung anong nangyari sayo. Bigla ka na lamang napatitig doon sa itim na ulap tapos ay parang napako kana sa ganoong posisyon. Pilit kitang kinakalabit at inuuga para ikaw ay matauhan ngunit parang hindi mo ako naririnig. Para bang nahipnotismo ka noong langit sa tindi ng pag kakatitig mo dito. Tapos maya maya ay bigla nalang nabasag yung salamin mo sa mata at yung saklay mo ay nabali ng pira piraso, yung damit mo naman ay nag kapunit punit. Pag katapos noon ay nawalan ka ng malay. Doon na ako nag sisigaw dahil sa sobrang pag aalala sa iyo.” salaysay ni Cookie.

“Hindi lang siya nag sisisgaw, nag pagulong gulong pa siya doon sa parke na parang namatay kana. Tinalo nga nya si Ate V sa tindi ng pag iyak nya.” sabad ng isa naming kaibigan.

“H-hindi ko matandaan yung nangyari, basta ang alam ko lang ay naka titig lang ako doon sa ulap pag katapos ay wala na akong maalala pa.” ang sagot ko bagamat malinaw naman talaga sa aking isipan yung nangyari. Sa makatuwid ay hindi lang si Cookie ang nag pagulong gulong sa lupa kundi pati ako rin, sumadsad pa nga ang katawan ko at hanggang ngayon ay masakit pa rin ito. Kung sasabihin ko naman sa kanila ang naganap sa akin ay tiyak na wala lang maniniwala sa akin at mag tatawanan pa ang mga ito panigurado.

“Hayy, ewan ko ha. Mukhang kababalaghan talaga yung naganap sa iyo Narding. Pero anyway wala namang bago doon dahil pugad naman talaga ang masasamang elemento at engkanto itong bayan natin.” tugon ni Cookie na hindi maitago ang pag tataka.

“Oo nga naman. Ang sabi nga tatay ko ay nakita daw syang malaking ibon na lumilipad doon sa bukid noong nakaraang gabi. Iyon nga lang ay pinag tawanan lamang siya ng mga kumpare niya dahil baka raw lang ito at naka singhot ng rugby.” ang kwento naman ng isa sa mga kaibigan naming nag lalako rin ng sigarilyo at kendi sa parke.

“Hindi lang pugad ng masasamang elemento at mga aswang. Mayroon ding mga halimaw at halang ang kaluluwa katulad nalang ni Bart na walang ginawa kundi mambugbog ng mga bading na nakaka salubong niya. Aba e, ilang mukha na ang sinira ng kamao niya. Sumosobra na talaga siya!” ang galit na salita ni Cookie

“Uy Cookie huwag kang maingay. Nandyan lang si Bart nangungumpisal kay Father.” ang pag pigil naman ng ibang kaibigan namin.

“Tologo? Nangungumpisal? Ano siya si Santosantito? Pag katapos mang jombag ng pez tatakbo kay Fudra para mag conpez? Baka naramdaman niyang malapit nang kuhanin ng impyerno ang kaluluwa niya kaya abot ang kumpisal.” hirit pa ni Cookie.

Tawanan..

“Oh anong nangyari dyan?” tanong ni Bart noong makita ang aking mga kaibigan na naka paikit sa isang bangkuang mahaba.

“Oh bakit nandito ka? Nasa loob tayo ng simbahan, wag mo sabihing bubugbugin mo ako? Aba e mahiya ka sa Diyos!” ang bungad ni Cookie noong makita si Bart na lumalapit sa aming kinalalagyan.

“Marunong naman akong gumalang sa Diyos. Saka isa pa ay wasak na ang mukha mo kaya’t hindi ko na ito gagalawin pa.” hirit naman ni Bart sabay silip sa akin na nakahiga sa bangko. “Aba si Narding pilantod iyan ah. Anong ginagawa niya diyan, narape ba iyan?” ang seryosong tanong nito na may halong pag kagulat.

“Naaksidente sya kanina doon sa parke. Kawawa nga itong si Narding hindi na nga makalakad ng maayos ay binubog mo pa noong isang linggo. Tingnan mo nga yung kalagayan niya, halos lahat yata ng pasakit ay naranasan na niya.” ang wika ni Cookie na may halong lungkot at pag d-drama.

Napatitig naman sa akin si Bart na hindi mo mawari ang iniisip. “Eh kung naaksidente pala ay bakit hindi nyo dalhin sa doktor? O sa ospital?”

“Maayos na raw ang kalagayan niya kaya’t iuuwi ko na lamang siya sa bahay.” tugon ni Cookie at inalalayan ako nito para makabangon samantalang si Bart naman ay nakatingin lang sa aking nabaling saklay ay nasirang salamin sa mata. Hindi ko alam kung anong iniisip niya noong mga sandaling iyon, basta ang alam ko lang ay may pinaplano nanaman siyang gawin.

Maya maya ay lumapit ito sa amin ni Cookie at tumalikod. “Pumasan kana sakin. Ako na ang mag hahatid sayo doon sa inyo.” ang wika nito.

“Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Naririnig mo ba ang sarili mo?” ang nagulantang na tanong ni Cookie.

“Oo bakit? May problema ba? At isa pa ay hindi naman bakla itong si Narding dahil pilantod lang ito. Ikaw ang bakla kaya mabuti pa ay dumistansya ka sa akin dahil baka bigwasan kita ng biling baligtad dyan.” ang sagot nito sabay karga sa akin.

“Tingnan mo tong mokong na ito. Tutulong nalang hard pa kung mamimintas. Pero winner iyang pag tulog mo kay Narding kahit papaano ay gumanda ganda naman ang tingin sa iyo ng mga beki dito sa bayan no. Gwapo mo pa naman medyo bad nga lang.” ang patuloy na pag daldal ni Cookie habang lumalakad kami pauwi.

Tahimik lang si Bart at ganoon din ako. Basta damang dama ko ang kanyang bilugang braso na naka alalay sa akin. Ngayon lang ako pinasan sa buong buhay ko, kahit ang aking ama ay hindi ito ginawa. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Bart habang lumalakad ito at buhat ako, ang tanging alam ko lang ay naawa siya sa akin at nawala ang pag ka astig niya dahil napalitan ito ng pagiging maginoo, isang bagay na labis kong hinahangaan sa kanya.

“Mas bagay pala sa iyo yung mabait. Salamat sa pag tulong mo sa akin.” ang wika ko habang naka pa rin sa kanya.

“Mabait naman talaga ako, kaso ay pinipili ko lamang yung mga taong pakikisamahan ko. Pwede ko rin naman sabihin sa iyo na naawa lamang ako kaya ko ito ginagawa. Basta bahala kana sa mga bagay na gusto mong isipin, hindi ako yung tipo ng tao na mahilig mag paliwanag sa mga bagay na ginagawa ko.” ang sagot nito.

“Gayon pa man ay salamat pa rin.” tugon ko sabay bitiw ng ngiti bagamat di naman niya nakikita.

“Wala iyon, basta sa susunod ay mag ingat ka nalang. Baka sa susunod na maaksidente ka ay mapilay pa ang isang binti mo, tiyak na inutil na ang kalalabasan mo noon, sampaguita man ay hindi kana makaka pag lako.” ang paalala nito.

“Eh kaya nga aksidente, hindi mo alam na mangyayari. Parang bala ng baril bigla na lamang lalanding sa katawan mo ng hindi mo namamalayan pag katapos ay BANG. Patay ka na.” tugon ko

“Kaya nga dapat ay huwag kang tanga, lagi kang titingin sa paligid mo. Teka malabo ba ang mata mo?” ang tranong nito

“Oo, pero may nakikita naman ako kahit papaano kahit wala ang salamin ko.” sagot ko.

“Kaya naman pala. Nag sabog nga naman ng kamalasan ng Diyos, nasalo mong lahat. Kelan ka pa nag simulang maging ganyan?” pang uusisa nya

“Noong bata pa ako, nag karoon ng malawakan kaguluhan doon sa siyudad pag katapos ay naaksidente kami ni mama. Nakaligtas ako, siya naman ay binawian ng buhay.” sagot ko ulit.

“Ganoon ba? Pasensya na.. Sana ay hindi na ako nag tanong pa.” wika naman niya.

“Wala iyon, matagal ko nang natanggap ang kanyang pag kawala.” tugon ko ulit.

Halos ilang minuto ring pag lalakad ang ginawa ni Bart bago tuluyang makarating sa aming tarangkahan na gawa sa kahoy. Muli akong inalalayan ni Bart at pinaupo sa lumang silya gilid ng kalsada. Ito yung madalas upuan ni papa kapag namamasada siya o naka tambay sa harapan ng bahay.

“Salamat ulit Bart.” ang muli kong salita. “Wala iyon. Mag ingat kana sa susunod.” tugon naman niya sabay dukot ng 50 pesos sa kanyang bulsa at iniabot ito sa akin. “Ako na lamang ang bibili ng dala mong sampaguita, sira na ito at hindi na maaaring ibenta sa ibang tao. Ilalagay ko na lamang doon sa simbahan upang hindi masayang.” tugon niya sabay kuha ng mga bulaklak sa aking kamay at saka lumakad palayo sa akin.

Noong mga sandaling iyon ay tumatak sa aking isipan ang imahe ni Bart na lumalakad sa kalsada. Nakatalikod suot ang sirang pantalong kupas at kulay abong dami na may kalumaan na. Hawak nito ang sampaguita sa kanyang mga kamay na siyang nag bigay ng kakaibang tuwa sa aking dibdib. Alam kong mabuting tao siya, nag kataon lamang talaga na sobra ang galit niya sa mga bakla, kung ano man ang dahilan ay siya lamang ang nakaka alam noon. Basta para sa akin, si Bart ay isang taong may mabuting kalooban. Hindi man naging maganda ang unang pag kikita namin dahil napag tripan nya kami ni Cookie ay naka bawi naman siya ngayon at mas higit pa ito sa inaasahan ko. Sadyang may mga bagay lang talaga na parang hangin, kaagad dumarating nang hindi mo namamalayan.

“Hoy Narding, kailangan talaga naka ngiti ka pa habang pinapanood mo siyang lumakad?” puna ni Cookie pikot sa aking tenga. “Natuwa lang naman ako sa kanya dahil sa unang pag kakataon ay hindi nya tayo pinag tripan at hindi lang iyon dahil tinulungan pa nya ako para makauwi.” ang tugon ko naman.

“Eh paano naawa siya sa kalagayan mo. Daig mo pa ang rape victim kanina habang naka higa ka doon sa simbahan. Saka isa pa ay kaya rin naman kitang iuwi no. Hihilahin lang kita pasakay sa padyak, hindi pa tayo napagod.” hirit nito habang inaalalayan ako papasok sa bahay.

“Ang mahal sa padyak, 15pesos din ang pamasahe. Alam mo naman na nagagalit si mama Ursula kapag nababawasan ng kusing ang kinikita natin.” katwiran ko naman.

“Nag kataon lang na mabait kanina iyong si Bart, siguro ay umepekto sa kanya yung basbas ni Father ng holly water kaya nag iba ang peg nito. Tingnan mo bukas, tiyak na mang hahabol nanaman iyan ng bakla sa kanto para bugbugin.” wika ni Cookie na may halong pag kainis.

Habang nasa ganoong pag lalakad kami ni Cookie noong bumukas naman ang pinto ng bahay at doon ay lumabas si papa para salubungin kami. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pag alala habang humahakbang palapit sa amin. “Anak nabalitaan ko ang nangyari saiyo. Ikaw naman kasi hindi ka nag iingat. Alam mo naman na delikado ang pag tawid tawid sa kalsada. Halika at dadalhin kita sa ospital.” ang nag aalalang wika ni papa.

“Pa, hindi po ako nasagasaan ng sasakyan. Hinimatay lang ako at nasabit ang aking saklay at damit doon sa parke. Ayos lang po ako.” sagot ko naman.

“Oh ayan Andoy narinig mo? Ayos lang iyang anak mong si Narding. Ikaw naman kasi kung mag alala ay sobra sobra. Malakas ang katawan niyang anak mo kahit ganyan iyan.” ang sabad naman ng aking madrasta. Bernard din ang pangalan ni papa dahil isinunod din ito sa pangalan ng kanyang ama, hindi ko lang alam kung bakit “Andoy” ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.

“Kahit na, mainam pa rin na matingnan siya ng doktor kung bakit siya nawalan ng malay kanina.” sagot ni papa.

“At saan ka naman kukuha ng pang gastos aber? Yung kinikita mo sa pag papadyak ay kulang pa para ipambili ng pag kain. Tapos ay dadalhin mo pa sa ospital iyan si Narding? Gusto mo bang lalo tayong mabaon sa utang?!” galit na pag tutol nito.

“Anak ko si Narding, natural lamang na mag alala ako sa kanya.” tugon ni papa kaya mas lalo pang humaba ang diskusyon nilang dalawa tungkol sa akin. Habang pinapanood silang dalawa ay hindi ko tuloy maiwasang mainis lalo na sa mga salitang binibitiwan ng aking ikalawang ina. “Kung nais mong ipagamot ang iyong anak, sana ay noon pa at hindi mo sya hinayaang mapilay ng ganyan. Ikaw rin ang may kasalanan kaya’t lumaking may saklay ang anak mo! Tapos ngayon ay ipapagamot mo siya at hihingi ka ng milagro na umayos ang katawan niya. Pwes Andoy, pag sasayang ng pera ang gagawin mo!”

“Tumigil ka! Bakit di mo pag trabahuhin yang mga anak mong sinto sinto para may pera ka!” sigaw din ni papa.

“Tama na po, huwag niyo na akong pag awayan dahil kaya ko naman ang aking sarili. At nais kong malaman ninyo na kahit kailan ay hindi ko inisip na hadlang sa akin kalagayan ko. At hindi ko rin sinisisi si papa kung bakit lumaki akong ganito, wala siyang kasalanan sa akin o kay mama na ngayon ay payapa na sa kabilang buhay. Kung tutuusin ay maswerte pa nga ako dahil kakayahang makalakad lang ng maayos ang inalis sa akin. Mas gugustuhin ko pang maging ganito habang buhay kaysa naman kumpleto nga ako at walang kapansanan ngunit wala naman akong bilang sa paligid na aking ginagalawan.

Magulo ang mundo, maswerte ang mga bulag dahil dahil hindi nila nakikita ang karahasan sa kanilang paligid. Maswerte rin ang bingi dahil maingay ang ating kapaligiran, hindi sasama ang loob nya kung sakaling pag salitaan siya ng masama dahil hindi nya naririnig ito. Ang pipi naman ay hindi makakasakit ng kapwa batay sa kanyang salita. Sila ang tumatayong inspirasyon sa akin upang maging malakas at matatag. Kinaya ko nga kayong buhayin sa pamamagitan ng pag titinda sa kalye, sapat na siguro ito para sabihing hindi ako mahina. Huwag niyo akong pag awayan dahil kaya ko ang aking sarili.“ ang wika ko dahilan para matahimik sila dalawa at tumigil sa pag tatalo.

Kami naman ni Cookie ay pumasok sa loob ng silid at doon ay nanahimik nalang. Ang totoo noon ay natutuwa ako kay papa dahil napatunayan ko na mahalaga pa rin ako sa kanya kahit na malimit kong maramdaman iyon dahil sa pag baling niya ng atensyon sa aking madrasta at mga anak nito. Gayon pa man ay ni minsan ay hindi nawala ang pag mamahal ko para sa kanya. Okay na sa akin nandiyan siya at ipinapakita na ako ay anak niya pa rin. Ito lamang ang aking simpleng pangarap, ang maramdaman ang pag mamahal ng isang ama na madalang kong makamtan mag buhat noong pumanaw ang aking tunay na ina.

“Ang sarap sakalin ng madrasta mo no? Masyadong makasarili, ang akala naman niya ay maganda siya eh mukha naman siyang balyena.” hirit ni Cookie habang abala sa pag rerepair aking saklay. “Wala ka nang ibang choice kundi gamitin itong luma mong saklay saka itong salamin mong pinag lumaan. Wala pa naman tayong pamalit kaya’t pag tiyagaan mo nalang ulit ang mga ito.”

“Salamat pinsan, malaking tulong ka talaga. Salamat sa pag pupuno sa mga pag kukulang ni papa.” tugon ko habang naka tingin sa kanya ng seryoso.

“Wala iyon. Ikaw at si tito Andoy na lamang ang natitira kong pamilya. Saka parang tunay na kapatid na ang turing ko sa iyo kaya’t ginagawa ko ito. Wala kang dapat ipag pasalamat.” naka ngiti naman niyang tugon habang patuloy sa kanya ginagawa. “Pero infairness ha, napahanga mo ako kanina doon sa sinabi mong “malakas nga ang pangangatawan pero wala namang bilang” naku im sure pang libong kamao yun na tumama sa mukha ng madrasta mong alphakapalmukz“ natatawang salita ni Cookie

“Ewan ko ba kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga ganoong salita, naririndi na kasi ang tenga ko sa paulit ulit na pag bubunganga niya kaya’t hindi ko na napigil ang mag labas ng sa loobin.” sagot ko naman

Tahimik.

Patuloy ako sa pag pupunas ng aking lumang saklay..

Noong mga oras na iyon ay nais kong ipag tapat kay Cookie yung nakakatwang pang yayari sa akin kanina doon sa parke ngunit natatakot naman ako na baka isipin niyang nasisiraan na ako ng bait. Sino ba naman kasi ang maniniwala na tinamaan ako ng kakaibang bulalakaw mula sa kalangitan kaya’t nag kaganoon ang aking sitwasyon. Kung tutuusin ay imposibleng mabali ang aking saklay, mabasag ang aking salamin sa mata at masira ang aking damit sa simple pag kahimatay lang. Sana ay naisip man lang nila na baka may mas makakaibang pangyayari ang naranasan ko bago ako bumagsak doon lupa.

“Ayos ka lang ba Narding? Ang lalim naman yata ng iniisip mo?” tanong ni Cookie.

“Ah e, wala pinsan, pagod lang siguro ito.” sagot ko naman.

“Kung sabagay kailangan mo naman talagang mag pahinga. Ganito nalang, lalabas muna ako doon sa kusina para mag luto ng hapunan, dumito ka nalang muna sa silid para makapag pahinga. Gigisingin na lamang kita mamaya kapag kakain na tayo.” mungkahi nito

Hindi naman ako tumanggi sa sinabi niya. Tango lamang ang aking isinukli at muli kong pina hinga ang aking katawan sa papag. Ramdam ko pa rin ang kawalan ng aking lakas, at hindi lang iyon dahil habang lumilipas ang minuto ay tila bumibigat ang talukap ng aking mga mata. Para bang hinihila ako sa pag tulog kaya naman nag pasya akong sumabay sa kagustuhan ng aking katawan, inirelax ko ang aking likod sa papag at dito ay napahinga.

Wala na akong natandaan pa..

Tahimik ulit..

Maya maya muli nanamang humihip ang hangin sa aking mukha. Malamig ito at napaka banayad. Para bang idinuduyan ako sa masarap na pakiramdam na hindi ko malaman kung saan nag mumula. Dampi dampi lang ang pag haplos nito hanggang sa maya maya ay unti unti nang lumakas na animo buhawi. At dahil matinding pag kagulantang ng aking diwa ay agad kong iminulat ang aking mga mata at bumangon ng mabilis sa aking higaan.

Dito ko natagpuan ang aking sarili na naka lutang sa ere. Parang naulit nanaman yung bagay madalas kong mapanaginipan kung saan nakatingin ako sa isang wasak na bayan na animo dinaanan ng matinding delubyo. Wala nang bakas ng katiting na buhay dito na syang nag bigay sa akin ng ibayong kilabot. At katulad nga ng inaasahan ko, muli nanamang bumulusok pa baba ang aking katawan kasabay ng pag patak ng ulan sa madilim na kalangitan. Ang kaibahan nga lang, dati ay sa karagatan ako bumabagsak, ngayon ay lupa na. Kung saan ang aking katawan ay lumikha ng isang malaking hukay na animo crater sa mukha ng buwan at ang nakapag tataka ay hindi man lang ako nasaktan.

Nanatili akong naka tingin sa kalangitan. Maya maya ay kapansin pansin ang apat na liwanag na bumulusok din pababa mula dito. Ang bawat isa ay nag tataglay ng ibat ibang kulay. Ang isa ay asul, ang isa naman ay berde. Ang natirang dalawa naman ay itim at dilaw. Nakakamanghang panoorin ang limang liwanag na iyon na animo mga makukulay na lusis na bumababa sa kalangitan.

Makalipas ang ilang sandali nawala ang apat na liwanag sa alapaap. Ngunit sa pag aakalang tapos na ay bigla na lamang may isang liwanag ang bumagsak sa kalangitan. Kulay puti ito at kumikinang ang paligid na animo ginto. Mabilis itong bumagsak at sumabay sa hangin. Ang nakapag tataka nga lamang ay ang direksyon nito na patungo sa aking kinalalagyan.

Ilang segundo lang ang aking binilang at mabilis itong tumama sa lupa na lumikha ng isang malakas na pag sabog at nakaka silaw na puting liwanag na lumukob sa buong paligid.

Wala akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata at hintaying maging mapayapa ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang bagay na sumabog sa di kalayuan, ngunit batid ko ang nararanasan ko ngayon ay hindi lang basta panaginip.

itutuloy..

Ang Tadhana ni Narding Part 4: Ang Natitirang Pag asa

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Ang Tadhana ni Narding

AiTenshi

Oct 23, 2016

Ilang segundo lang ang aking binilang at mabilis itong tumama sa lupa na lumikha ng isang malakas na pag sabog at nakaka silaw na puting liwanag na lumukob sa buong paligid.

Wala akong nagawa kundi ipikit ang aking mga mata at hintaying maging mapayapa ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang bagay na sumabog sa di kalayuan, ngunit batid ko ang nararanasan ko ngayon ay hindi lang basta panaginip.

Part 4: Ang Natitirang Pag asa

Ilang minuto rin ang itinagal ng pag sabog bago ito tuluyang humupa. Pilit kong pinakiramdaman ang paligid at noong makatiyak na payapa na nga ang lahat ay nag pasya ako bumangon at patahimik na silipin ang bagay na bumagsak mula sa kalangitan. Kung babalikan ko ang pangyayari kanina ay maaalala ko na lima ang bagay na bumagsak mula sa madilim alapaap. Ang mga kulay asul, berde itim, dilaw at ang pinaka huli ay puti. Wala akong ideya kung ano ang mga iyon ngunit handa naman akong alamin ang mga ito sa pamamagitan ng pag silip ko sa isang lumanding sa liwanag sa aking tabi.

Pinilit kong kumilos paakyat sa hukay na aking binagsakan. Marahan at tahimik ko itong ginawa, ni walang kaluskos na nililikha. Maigi kong sinilip ang ibabaw kung saan ko nakita ang malaking hukay din ng lupa. Mas double ang laki nito kaysa sa hukay na nalikha dulot ng aking pag bagsak.

Tahimik..

Maalikabok pa rin ang paligid at hindi ko gaanong maaninag ang hukay na maaaring nag lalaman ng kung anong bagay. Halos ilang minuto rin akong nag hihintay hanggang sa kusang luminaw ito at doon nga ay nakita ko ang isang lalaking naka handusay sa lupa. Naka suot ng puting gintong pajama at may gintong pakpak na animo isang anghel. Sugatan ito at balot ng dugo ang buong katawan.

Hindi ko alam kung pupuntahan ko ito o iuumpog ko nalang ang aking sarili para magising na sa bangungot aking kinasasangkutan. Malayo na sa pagiging basta panaginip lang aking nararanasan dahil para na itong istorya na tuloy tuloy na nabubuhay sa aking isipan. Napaka delikado at makatotoohanan ang bawat eksena. Malayo na ito na realidad at hindi na ito nababagay sa mundong ito.

“Bahala na.. Panaginip lang naman ito. Panaginip lang!” ang sigaw ko sa aking sarili sabay tayo at mabilis ako nag pa daus-dos sa lupa pa baba doon sa hukay kung saan naroroon ang nilalang na may pakpak. Kahit sa panaginip ay alam ko pa rin na pilay ako ngunit ang nakapag tataka ay nakaka lalakad ako ng maayos dito na hindi kumikirot o sumasakit ang aking mga buto.

“Narding.. bakit ngayon ka lang? Ang tagal na kitang hinihintay.” ang pabulong na wika ng anghel habang nag pupumulit itong tumayo. Tumulo ang kanyang dugo sa katawan at maging sa bibig.

“Sandali, sino ka ba? Bakit mo ako kilala? Bakit ako nandito? Panaginip lamang ito diba? Hindi totoo ang lahat ng ito.” ang wika ko naman habang hinuhubad ang aking damit upang itapal sa kanya sugat sa dibdib.

Natahimik ang anghel at napatingin ito ng seryoso sa akin. “Totoo ang lahat ng ito Narding. Ang ating isipan ay makapangyarihan, may kakayahan itong dalhin ka sa mga lugar na nais mong marating.” ang sagot nito

“Ito ay panaginip ko lamang. Parte lamang ito ng aking imahinasyon. Marahil ay nalulungkot lamang ako sa aking buhay kaya’t kung ano anong bagay ang aking naiisip kapag ako ay natutulog. Kanina ay humiga lamang ako sa aking papag, pag katapos ay naging ganito na ang lahat. Sigurado ako na natutulog lamang ako.” giit ko naman habang naka titig din sa kanya ng seryoso.

“Maaari nating sabihin na nag lalakbay ang iyong kaluluwa sa hinaharap o nakaraan. Marahil ngayon ay hindi mo pa ito ganap na mauunawaan. Ngunit batid ko sa pag lipas ng mga araw ay mabibigyang linaw rin ang lahat. Ngayon gusto kong gawin mo ay makinig sa lahat ng sasabihin ko. Nauubos ang oras natin Narding.” ang tugon nito.

“Sino ka ba? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito?!! tanong ko naman na may kataasan ang boses. “Wala akong maunawaan sa mga bagay na iyong sinasabi.”

“Iyong ipag patawad ngunit hindi ko maaaring sabihin ang aking pangalan sa ngayon dahil mahigpit itong ipinag babawal. Sa ngayon ay nais kong makinig ka sa aking mga sasabihin.” ang wika nito.

“Marami akong hindi maintindihan, kung maaari ay huwag nating madaliin ang lahat” wika ko

“Patawad Narding, ngunit wala na tayong oras, nauubos na ito” sagot ng anghel

Napaisip na lamang ako at nawalan ng kibo..

Wala naman akong magawa kundi ang itigil ang aking pag tatanong at makinig sa bagay na kanyang sasabihin. Muli akong tumingin ng seryoso sa kanyang mukha at pinag masdan ang kanyang anyo. Ang kanyang mata ay pinag halong berde asul na animo kulay ng karagatan. Ang kanyang mukha ay maamo na animo isang santong galing sa tahanan ng Lumikha. Ang katawan ay maganda na animo nililok na kahoy. Kaibahan sa akin na payat at parang walang sustanya ang kinakain.

Tahimik..

“Nais kong malaman mo ang inyong mundo ay nahaharap sa isang malaking delubyo. Isang taon mula ngayon ay may babagsak na apat na anghel mula sa kalangitan at mag hahasik sila ng kamalasan sa buong daigdig. Ang mga anghel na ito ay nag mula sa dako pa roon, sa karimlan kung saan naninirahan ang masasamang elemento na ibinukod at ikinulong ng mga mabubuting tagapag lingkod ng pag asa at katarungan. Ang apat na iyon ay nakawala mula sa kadiliman at winasak nila ang aming mundo. Ngayon, ang inyong daigdig ang kanilang isusunod. Pag masdan mong mabuti ang iyong paligid. Ito ang inyong bayan na mabubura isang taon mula ngayon. Sa mga oras na iyon lahat kayo pumanaw na. Ang kamalasang iyon ay walang iiwang bakas kundi ang inyong mga abo. Iyon ang inyong malagim na kahahantungan.” ang wika nito na siyang nag bigay sa akin ng kakaibang kilabot.

“K-kung gaanon ay isang taon nalang ang itatagal ng buhay namin?” ang tanong ko naman.

“Iyon ang naka takda Narding. Ito ang naka guhit sa hinaharap. Ngunit mababago pa ito kung tatanggapin mo ang aking lakas at ipag tatanggol ang buong sanlibutan. Lalabanan mo ang lahat ng masasama, susupilin mo ang kadiliman at ibabalik ang liwanag sa buong kalawakan. Ikaw ay hindi makikilala bilang ikaw, dahil mag babago ang iyong katauhan. Ang iyong busilak na puso, pag sasakrispisyo para sa ibang tao at ang pag mamahal mo ng walang pag iimbot. Wala kang bahid ng kasalanan at ikaw ang kumakatawan sa kabutihan. Balang araw ay tatayo ka para iba at mag aalay ng iyong sarili para sa lahat.” ang wika nito habang nakatingin sa akin ng tuwid.

“Parang napaka hirap naman paniwalaan ang sinasabi mo. Sa kalagayan kong ito? Hindi ko lubos maisip ang mga bagay na iyon na maaaring mangyari sa aking sarili.” tugon ko.

“Ang lahat ng ito posible basta’t maniwala ka lang. Pag dating ng takdang panahon, ang kapangyarihan ng kabutihan ay mapapa saiyo. Sa ngayon ay nais ko lisanin mo na ang lugar na ito bago pa mahuli ang lahat.” ang salita nito at doon ay unti unting sumabog ang paligid na animo bulkang nag aalburuto.

Unti unting nagigiba ang lupa, lumilindol at lalong nasisira ang lahat. “Anong nangyayari?” ang tanong.

“Nasisira na ang mundong ito.. Umalis kana dito Narding! Bilisan mo! Sundan mo ang liwanag na iyon at makakabalik na sa iyong katawan!” ang sigaw nito sabay turo sa puting liwanag sa di kalayuan.

“Tekaa, paano ikaw? Hindi ko matitiim na iwan ka dito.” ang wika ko naman habang pilit na inaalalayan ito.

“Huwag na Narding, iwan mo na ako dito. Tapos na ang aking misyon, kaya maaari ko nang isuko ang lahat. Mag kikita pa rin tayo sa takdang panahon, at kapag sumapit ang araw na iyon ay makikila mo na ako. Humayo kana at maghanda sa malaking labang nag hihintay sa buhay mo.” ang wika nito sabay tulak sa aking papunta sa liwanag. Hindi talaga ako papayag na iwan siya ngunit tila may kung anong pwersa ang bumuhat sa akin patungo sa lagusan dahilan upang hindi ako maka palag pa.

Basta ang nakita ko lang ay unti unting nilamon ng pag sabog ang anghel at makalipas ang ilang saglit na nagunaw na ang buong paligid..

Kasabay ng malakas na pag sabog ang siya namang pag mulat ng aking mga mata. Hingal na hingal ako at tuyong tuyo ang aking lalamunan, karamdam din ako ng matinding pag kagutom kaya mabilis akong bumalikwas at nag tungo sa kusina kung saan naroon si Cookie. “Akala ko ba gigising mo ako? Bakit matagala na yata akong nakatulog?” tanong ko habang kumukuha ng tubig sa jag.

“Paano naman kita gigisingin eh mukhang hindi ka naman natulog. Heller wala kang 5 minutos na naka higa doon sa papag. Huwag kang OA. Eto nga nag sisimula pa lang akong maghiwa ng sangkap. Napapano ka ba Narding?” ang tanong ni Cookie.

Napahinto naman ako sa pag sasalita. May kung anong pag kalito ang lumukob sa aking dibdib. Hindi ko akalaing minuto lamang ang itinigal ko sa lugar iyon. Ang buong akala ko ay isang buong araw o higit pa akong naroon. Kung sa bagay, sa dami ng nangyari sa aking panaginip ay hindi ko na maalala pa ang mga eksaktong detalye. Basta ang alam ko lang ay nahaharap ako sa isang malaking pag subok na babago sa takbo ng aking buhay.

itutuloy..

Ang Tadhana ni Narding Part 5: Pusong Humahanga

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.”

Author’s Note: Ang kwentong ito ay hango kay Darna. Syempre bilang manunulat may tatlong bagay akong pinag isipan. Una: Ang kasuotan na maaaring ipakat sa katawan ng isang lalaking bida. Ikalawa: Ang kalaban ni Darna na gagawing lalaking bersyon din, iuupgrade lang natin ng kaunti. At Ikatlo: Ang pag lalapat ng aking mga trademark scenes at ang pag lalagay ng bxb love story na may aral. Salamat po.


Ang Tadhana ni Narding

AiTenshi

Oct 25, 2016

Part 5: Pusong Humahanga

Sa pag lipas ng mga araw, muling bumalik sa normal ang aking buhay. Ang ibig kong sabihin ay hindi na ako kakapanaginip ng kung ano anong bagay kapag natutulog sa gabi. At unti unti na ring nabubura sa aking isipan yung mga bagay na naranasan ko dito. Balik ulit sa dati ang aking kilos at kinagawian, nag tatrabaho ulit ako upang tulungan si papa sa mga gastusin sa bahay. Nakabili na rin ako ng bagong saklay at salamin sa mata kaya mas naging komportable at maayos ang aking kalagayan. “Oy cousin narinig mo na ba ang latest?” ang tanong ni Cookie habang abala kami sa pag titinda.

“Anong latest naman ba iyan?” tanong ko naman.

“Eh tungkol kay papa Bart. Nasa ospital daw ito dahil binugbog ng mga tambay doon sa kabilang kanto. Napag tripan daw ng mga lasing kaya ayun nasaksak sa tagiliran.” ang kwento ni Cookie

“Gaano ba? Kawawa naman si Bart. Saan daw bang ospital sya naka confine?” tanong ko ulit.

“Doon sa City Hospital. Hindi kawawa iyon no. Alam mo ba na nag party party pa ang mga bakla sa buong sanlibutan kagabi dahil akala nila matitigok na ito. Yung may ari nga ng palor doon sa parke na binugbog niya ay nag pa inom pa sa sobrang tuwa.” ang natatawang salita nito samantalang ako naman ay tila nakaramdam ng kung anong kaba at pag aalala dahilan ako ay matahimik ng hindi ko namamalayan.

“Oh bakit natahimik ka? Huwag mo sabihing naaawa ka doon sa mokong na iyon?” tanong nito.

“Syempre kahit papaano ay naaawa rin ako. May naitulong naman siya sa akin at hindi ko nakakalimutan iyon.” sagot ko.

“Nakuupp, patay na.. Mukhang tinamaan ka ng lintik dyan ka Bart ha. So anong plano mo ngayon?” pang uusisa nya.

“Edi dadalawin ko sya doon sa ospital. Teka asan ba kasi yung mga magulang niya? Bakit pinababayaan siyang mag palaboy laboy sa gabi?” ang tanong ko ulit.

“Ang sabi nila ay wala nang magulang iyang si Papa Bart. Palaki lang iyan noong katiwala sa simbahan na matandang walang anak, si ka-Andres. Ewan lang din, iyan ang sabi ng mga kabadingan sa bayan na may gusto sa kanya. Anyway kahit maraming galit doon kay Bart ay hindi pa rin maitatanggi na isa pa rin sya sa pantasya ng mga kababaihan at kabadingan sa lugar na ito.” tugon ni Cookie.

“Ganoon ba, kawawa naman pala siya. Basta, buo na ang loob ko na dalawin siya mamaya.”

“Neke nemen, bahala ka dyan cousin. Basta ako out ang beauty ko dyan. Baka maya maya ay biglang bumangon iyon at jombagin ako. Mag hihintay nalang ako doon sa canteen.”

“Salamat pinsan.” naka ngiti kong salita.

“May magagawa pa ba ako. Gorabels lang! Pak ganern!!” ang sagot niya

Tawanan..

Iyon nga ang set up, alas 4 ng hapon nag tungo kami ni Cookie sa ospital kung saan naroon si Bart. Dala ko ang isang supot ng mansanas, ubas at peras na ibibigay ko sa kanya upang makatulong sa kanyang pag lakas. At kagaya ng sinabi Cookie, nag hintay na lamang siya sa canteen habang ako naman ay umakyat sa ikalawang palapag kung saan siya naka silid. Pag dating ko doon ay naabutan ko si Father at ang katiwala ng simbahan na aaruga kay Bart, agad nila akong inimbitahan na pumasok sa loob upang makita ang kalagayan ng kanilang itinuturing anak.

“Ikaw pala Narding, mabuti naman at dinalaw mo itong si Bartolome, mag buhat kahapon ay wala pang dumarating na kaibigan ito.” ang wika ni Manong Andres na tumatayo ama ni Bart.

“Kanina ko lamang po nabalitaan ang nangyari ka Bart. Kaya heto agad akong nag tungo dito.” ang tugon ko naman.

“Mainam at may kaibigang matino itong si Bartolome, ang akala ko nga ay magiging hari nalang ito ng kanto doon sa aming baragay.” ang natatawang tugon ng ama amahan.

“Ang totoo po noon ay hindi naman kami ganoon ka close ni Bart. Tinulungan lang po niya ako noong hindi ako makalakad ng maayos. Kaya po heto nais ko siya naman ang tulungan.” sagot ko naman.

“Narinig mo ba iyon Bartolome? Kapag kabutihan ang itinanim mo sa iyong kapwa ay kabutihan din ang iyong aanihin anak. Mabait na bata itong si Narding, lagi ko siyang nakikitang nag sisimba doon sa ating parokya. At hindi lang iyon dahil kung minsan ay nag lilinis din sya doon pag katapos ng pag diriwang. Talaga namang tunay na alagad ito ng Panginoon.” ang naka ngiting salita naman ni Father na may halong pangangaral kay Bart na noon ay nakatingin lamang sa amin.

“Oh paano, maiwan muna namin kayo dyan. Tiyak na hinahanap na kami doon sa simbahan.” pag papaalam ni Manong Andres at tinapik pa niya ang aking balikat bago lumabas ng silid.

Sa pag kakataong ito ay kami lamang ni Bart ang naiwan sa kwarto.

Tahimik.

“Kamusta ang pakiramdam mo? Para sayo nga pala. Sana ay gumaling ka kaagad.” ang pag basag ko sa katahimikan sabay abot ng prutas sa kanya.

“S-salamat tol, buti hindi ka nahirapang umakyat dito sa ikalawang palapag.” ang bungad niya sabay tingin sa aking saklay.

“Hindi naman, sanay naman akong umakyat ng hagdanan.” naka ngiti kong sagot.

“Salamat sa dalaw. Ikaw lang yata ang naka alala sa akin. Maliban doon sa mga baklang nag dala ng bulaklak ng patay dito sa aking silid. Ang mga putang ina gusto talaga yatang mamatay na ko. Pag ako nakalabas dito papasabugin ko mga mukha nila.” ang galit na salita nito. Kapansin pansin nga yung mga bulaklak na pampatay na naka lagay doon sa sulok ng kanyang silid. Ang ilan dito ay may naka lagay pang “RIP BART at petsa ng kanyang kamatayan kuno.”

“Hayaan mo nalang sila, ikaw naman kasi masyadong mainit ang dugo mo sa kanila. Parang damay damay nalang ang labanan eh.” ang biro ko naman.

“Basta, pag ako nakalabas dito ay sisiguraduhin kong mang hihiram sila ng mukha sa aso.” gigil na tugon nya.

“Hala, nasaksak ka na nga’t lahat e pagiging bayolente pa rin iyang iniisip mo. Bakit hindi ka muna mag pahinga o kaya ay tumulong kay ka-Andres doon sa simbahan?” mungkahi ko naman.

“Teka nandito ka ba para dumalaw at maki simpatsya sa akin o nandito ka lang para sermunan ako? Dapat kinakampihan mo ako dahil sanggang dikit tayong dalawa. Ang kaaway ko ay dapat maging kaaway mo rin. Oh baka naman bakla ka rin kaya parang away mong gantihan ko sila?” ang tanong nito sabay bitiw ng seryosong tingin sa akin.

“Eh wala silang ginagawang masama sayo. Saka diba kaya nga nandito sa ospital ay dahil napag tripan ka ng mga tambay doon sa kabilang barangay. Masakit diba? Yung tipong wala ka namang ginagawa sa kanila pero sinaktan ka nila.” sagot ko.

“Oo tol, masakit talaga na ganunin nila ako. Wala naman akong ginagawa sa kanila eh.” ang sagot niya na tila asong nag papa awa para maka kuha ng simpatya.

“Edi nasaktan ka nga?” pag lilinaw ko

“Oo tol. Nasaktan talaga ako non.” sagot naman niya.

“Ganyan din ang nararamdaman ng mga beki na sinasaktan mo. Yung tipong wala naman silang ginagawang masama sayo tapos ay pag titripan mo sila hanggang sa humandusay sila sa lupa. Hindi naman sa kinakampihan ko sila, ang sa akin lang ay dapat inilalagay mo ang sarili mong paa sa sapatos ng iba. Dapat ay alam mo ang pakiramdam nila sa tuwing tatama ang kamao mo sa mukha nila. Sana ay mas maging sensitibo ka sa mga bagay sa iyong paligid. Huwag puro tapang ang pinaiiral.” salita ko naman habang naka titig sa kanyang mukha.

“Tsk, tangina. Para ka palang si Father mag salita eh. Kino-corner mo yata ako Narding?” tanong niya.

“Teka teka, wala naman akong ibig sabihin doon sa mga salitang binitiwan ko. Nais ko lamang na umiwas ka sa gulo para hindi kana napapahamak.” pag lilinaw ko.

“Ah ganon ba. Cge pag iisipan ko yung mag sinabi mong iyan. Salamat pareng Narding.” naka ngiting tugon niya sabay kuha ng mansanas at kinagat ito.

Ako naman ay pinag masdan lamang siya habang nasa ganoong pag kain. Hindi ko maunawaan ngunit parating sumasagi sa akin isipan yung mga eksenang pag pasan nya sa akin habang nag lalakad pauwi sa bahay. Doon ko nakilala ang isang katauhan ni Bart na hindi madalas nakikita ng nakakarami dahil ang alam lang nila rito ay basag ulo at walang ginawa kundi ang pumasok sa gulo. Marahil ay pinipili lamang niya ang taong pag papakitaan niya ng iba pang anggulo ng kanyang sarili at maswerte ako na nakita ko iyon. Simpleng bagay lamang iyon ngunit batid kong hinahaplos nito ang aking puso na humahanga ng lubos.

FLASH BACK

Tahimik lang si Bart at ganoon din ako. Basta damang dama ko ang kanyang bilugang braso na naka alalay sa akin. Ngayon lang ako pinasan sa buong buhay ko, kahit ang aking ama ay hindi ito ginawa. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Bart habang lumalakad ito at buhat ako, ang tanging alam ko lang ay naawa siya sa akin at nawala ang pag ka astig niya dahil napalitan ito ng pagiging maginoo, isang bagay na labis kong hinahangaan sa kanya.

“Mas bagay pala sa iyo yung mabait. Salamat sa pag tulong mo sa akin.” ang wika ko habang naka pa rin sa kanya.

“Mabait naman talaga ako, kaso ay pinipili ko lamang yung mga taong pakikisamahan ko. Pwede ko rin naman sabihin sa iyo na naawa lamang ako kaya ko ito ginagawa. Basta bahala kana sa mga bagay na gusto mong isipin, hindi ako yung tipo ng tao na mahilig mag paliwanag sa mga bagay na ginagawa ko.” ang sagot nito.

“Gayon pa man ay salamat pa rin.” tugon ko sabay bitiw ng ngiti bagamat di naman niya nakikita.

“Wala iyon, basta sa susunod ay mag ingat ka nalang. Baka sa susunod na maaksidente ka ay mapilay pa ang isang binti mo, tiyak na inutil na ang kalalabasan mo noon, sampaguita man ay hindi kana makaka pag lako.” ang paalala nito.

“Eh kaya nga aksidente, hindi mo alam na mangyayari. Parang bala ng baril bigla na lamang lalanding sa katawan mo ng hindi mo namamalayan pag katapos ay BANG. Patay ka na.” tugon ko

“Kaya nga dapat ay huwag kang tanga, lagi kang titingin sa paligid mo. Teka malabo ba ang mata mo?” ang tranong nito

“Oo, pero may nakikita naman ako kahit papaano kahit wala ang salamin ko.” sagot ko.

“Kaya naman pala. Nag sabog nga naman ng kamalasan ng Diyos, nasalo mong lahat. Kelan ka pa nag simulang maging ganyan?” pang uusisa nya

“Noong bata pa ako, nag karoon ng malawakan kaguluhan doon sa siyudad pag katapos ay naaksidente kami ni mama. Nakaligtas ako, siya naman ay binawian ng buhay.” sagot ko ulit.

“Ganoon ba? Pasensya na.. Sana ay hindi na ako nag tanong pa.” wika naman niya.

“Wala iyon, matagal ko nang natanggap ang kanyang pag kawala.” tugon ko ulit.

Halos ilang minuto ring pag lalakad ang ginawa ni Bart bago tuluyang makarating sa aming tarangkahan na gawa sa kahoy. Muli akong inalalayan ni Bart at pinaupo sa lumang silya gilid ng kalsada. Ito yung madalas upuan ni papa kapag namamasada siya o naka tambay sa harapan ng bahay.

“Salamat ulit Bart.” ang muli kong salita. “Wala iyon. Mag ingat kana sa susunod.” tugon naman niya sabay dukot ng 50 pesos sa kanyang bulsa at iniabot ito sa akin. “Ako na lamang ang bibili ng dala mong sampaguita, sira na ito at hindi na maaaring ibenta sa ibang tao. Ilalagay ko na lamang doon sa simbahan upang hindi masayang.” tugon niya sabay kuha ng mga bulaklak sa aking kamay at saka lumakad palayo sa akin.

End of Flashblack

Alas 6 ng gabi noong maka uwi kami ni Cookie sa bahay. Katulad ng dati ay inulan nanaman kami ng sermon mula sa aking madrasta. Nalunod rin kami sa isang katerbang utos nila na walang katapusan. Hindi ko naman intindi ang mga iyon dahil hanggang ngayon ay naka ukit pa rin sa aking isipan yung ngiti at titig ni Bart habang nag uusap kami. Talagang kakaiba ito na parang nag bibigay ng tuwa at hindi maipaliwag na pakiramdam sa aking kaibituran.

“Naka ngiti habang nag huhugas ng pinggan, check! Lumilipad ang isip sa kawalan, check! Parang naka drugs, check. INLOVE ka nga!” ang wika ni Cookie sabay wisik ng tubig sa aking mukha.

“Eeyy ano ba? Bakit mo ko binasa?” tanong ko naman. “Dahil naka tulala ka. Im sure tinamaan kana dyan kay Bart! Sabi ko naman sayo ay huwag kang mag didikit doon dahil ang kagwapuhan niya ay may kakayahang gawing bakla ang tunay na lalaki. Hala! Victim ka!” ang pang aasar nito.

“Kay Bart? Hindi ah. Bakit naman ako mag kakagusto sa siraulong iyon e wala naman siyang ibang bukambibig kundi ang malulutong na mura. Kahit nasa ospital ay matindi pa rin talaga ang galit nya sa mga kabadingan sa bayang ito.” depensa ko naman.

“Iyan, yan ang tinatawag na tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Okay lang iyang mag kagusto ka sa kanya. Atleast makikilala mo ang tunay mong sarili.” naka ngising tugon niya.

“Tado, marami akong iniisip. Ni minsan ay hindi sumagi sa aking utak ang nakaka kilabot na bagay na iyan.” sagot ko naman at ipinag patuloy ko ang pag lilinis ng kasangkapan.

“Naku, tigilan mo na kasi yang pag papakipot mo Narding, para ka namang others” pang aasar pa nito

Tawanan..

Sa pag daan ng mga araw, naging maayos na ang kalagayan ni Bart. Balik nanaman ito sa kanyang hobbies na tumambay doon sa kanto at mambugbog ng beking dumaraan. Kahit si Cookie ay hinahabol nila kaya naman hindi na rin kami doon lumalakad. Mas naging masigla ni Bart ngayon at kung minsan ay nakakasama ko pa siyang mag linis ng bakuran sa simbahan kapag maagang nauubos ang aking tindang sampaguita. Sa lahat yata ng payong sinabi ko sa kanya ay ang pag tulong lamang kay ka-Andres na kayang tatay-tatayan ang kanyang sinunod at ang tungkol sa mga pakikipag basag ulo nya ay tuloy tuloy pa rin. Para nga daw itong vitamin sa kanya, kapag hindi sya naka umbag sa isang araw ay nang hihina siya.

Hindi ko nalang pinansin, basta ang alam kong lang ay nagiging malapit kami sa isa’t isa at iyong ang ikinasasaya ko ng lubos.

“Oy Narding, ipunin mo nalang dyan yung mga kalat. Ako na ang mag tatapon niyan. Baka matagtag pa iyang paa mo.” wika ni Bart habang abala sa pag dadakot ng kalat.

“Ayos lang naman ako. Kamay naman ang gumagana sa akin at hindi paa.” biro ko naman sabay bitiw ng matamis na ngiti

Hindi sya sumagot..

Ngumiti rin ito at ipinag patuloy ang ginagawa.

Matapos ang pag lilinis, niyaya kami ni ka-Andres kumain sa lugawan doon sa parke. Syempre habang nag lalakad kami ay hindi maiwasang inisin si Bart ng mga beki na kanyang nakaka salubong. Sinisigaw nila na “sana ay namatay na ito.” Ang iba naman ay sinasabing “maliit daw ang titi nya.” Basta pinag tatawanan siya ng mga iyon. “Pasalamat sila’t nandito kayo ni tatay, kung nag kataong ako lang mag isa ay baka nang hiram na ng mukha sa urangutang ang mga bakla na iyan.” gigil na salita nito.

“Shhh, Bartolome, huwag mo nalang pansinin ang mga iyan. Sadyang nagagwapuhan lang sila sa iyo kaya ka nila iniinis.” pag suway ng ama nya.

Hindi naman sumagot si Bart. Pinag patuloy lang nito ang pag kain ng lugaw. “Tangina tabang naman nito. Ale, pengeng patis saka paminta.” ang wika niya na halatang naasar kaya nag tawanan nalang kami ni ka-Andres.

Ang totoo nun ay hindi na ako maka kain dahil sa pag titig ko palang kay Bart ay tila busog na ako. Marami akong nilinis kanina doon sa simabahan ngunit ni hindi man lang ako napagod at pakiramdam ko ay punong puno ako ng enerhiya basta kasama ko siya. Ito ang unang pag kakataon na sumaya ako ng ganito, para bang may isang parte sa aking pag katao ang nakumpleto. Masarap damhin ang ganitong pakiramdam para akong lumulutang sa ika pitong alapaap. Sana ay hindi na ito mag tapos pa.

itutuloy..

ANNOUNCEMENT!

WHAT HAPPENED HERE?

Ang kwentong “The Soldier and I” ay inilipat na sa Dreame.com. Doon na ito mababasa ng completed. And don’t forget to hit the “heart” or “like” button. Maraming salamat po.

  ![](https://img.wattpad.com/c8b9295914f611e3c7278a293f4e2904ec0217d7/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f79744d4c50634c505342535f71673d3d2d3933343534353732372e3136323964313938626437613935623237343532333530393730392e6a7067)

Iba ang gamit nating Book Cover doon dahil bawal gumamit ng mga mukha ng mga celebrities. Or any picture na copyright.

DREAME COVER BY ROVI MATT. IG rovi.mat


PLEASE READ THE DETAILS BELOW:

PAANO ANG GAGAWIN?

Maaari kayong mag install ng dreame sa playstore o kaya ay mag tungo sa inyo browser at puntahan ang dreame.com

Matapos idownload ang dreame o naka punta na kayo sa site gamit ang inyong web browser, maaari kayong mag log in/sign in gamit ang inyong email address o kaya ay ang inyo facebook account.

Kung kayo ay naka sign in na. Maaari kayo mag tungo sa search engine upang hanapin ang aking pangalan. Ai_Tenshi. Mayroon underscore upang hindi kayo malito.

  ![](https://img.wattpad.com/458752ac4a03915fc5215eb20658090311a6caea/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4b5a497846375276794b774579773d3d2d3933343534353732372e313632396431396666373764333832373330373033353931303339382e6a7067)

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pag mamahal at suporta..

-Ai_Tenshi


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.