loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Anghel Sa Lupa

Anghel Sa Lupa

Der3ck7 · 9 chapters · 11,038 words

Fallen 1

Damien’s POV

Nandito ako ngayon sa harapan ng mga kabaong ng mga magulang ko at ito rin ang sandali na huli ko silang makikita. Kasama ng mga malalapit sa buhay ko, mga ilang nakikisimpatya at ilan rin sa nakikipagplastikan lamang. Ngayon ang araw na libing nila at matapos ngang mailagay ang huling bulaklak na alay ko sa kanila ay dahan-dahan na ring bumababa ang kanilang kabaong kasabay rin ng luhang akala ko’y naubos na nitong nakaraang araw pero’t heto pa rin at patuloy pa ang paglandas sa aking mukha.

Nang mailibing na ang magulang ko’y isa-isa na ring nag-si-alisan ang mga tao, may ilang nanatili pa para samahan ako pero umalis rin matapos ang ilang oras, nang matanto na wala akong balak lisanin ang lugar.

“Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito.”

“Wala na ba akong pag-asa na maging masaya pa?” ilan lang ’yan sa tanong ko sa sarili ko pati na rin sa Diyos.

Ako si Damien, 25 taon nang nabubuhay sa mundong ito na mapaghanggang sa ngayon ay ’di ko alam kung bakit nabubuhay pa ako.

Lumaki akong walang magulang at sa bahay ampunan ang kinagisnan kong tirahan.

Isa na sigurong swerte ang dumating sa buhay ko ng may nag-ampon sa akin pagtunton ko ng 12 taon.

Pero ang akala kong swerte ay malas pala ng malaman na ang mga kumupkop sa akin ay gagawin lang akong alipin.

Walang araw na ’di ako nakakatikim ng latay sa mag-asawang mayaman na kumupkop sa akin na akala ko’y magbibigay na ng magandang buhay sa akin. Pati sa pagkain ay pinagkaitan ako at palaging tira nila ang kinakain ko na maswerte na nga ’yon, dahil may araw rin na tubig lang ang laman ng sikmura ko.

Tumagal rin ng dalawang buwan ang pananatili ko sa mag-asawang panay latay ang inabot ko sa mura kong edad.

Kaya naman ng dumating ang araw na kailangan nilang lumuwas ng bansa at wala silang magawa para maisama ako, gawa ng wala akong kahit na isang papeles ay naiwan akong mag-isa sa malaking bahay nila sa araw na ’yon. Tuso ang mag-asawa dahil nilock nila ako at sinigurado nilang hindi ako makakatakas. Kaagad akong humanap ng paraan pero lumipas ang isang linggo ay wala akong nagawa para makawala sa kwarto kung saan ako kinulong ng mag-asawa bago sila umalis. Sa loob ng isang linggo ay isang bote ng tubig at isang pakete lang ng biskwit ang tanging pinagkasya ko. Dala ng kawalang pag-asa na makatakas pa ako sa lugar lalo pa at bukas na ang dating ng mag-asawa ay minabuti kong matulog na lamang.

Sa pagtulog ko’y isang maliwanag na bagay ang dumalaw sa aking panaginip at iyon din ang naging hudyat para magising ako. Sa paggising ko nga’y naisipan kong buksan ang pinto at parang isang himala na lang na nabuksan ko ito. Paglabas ko sa kwartong ’yon ay nakita ko pa ang kandado na nasa sahig malapit sa pinto na ng tignan ko na malapitan ay parang may sumira nito.

Hindi ko na inisip pa ang tungkol sa paano na lang nasira ang kandado, bagkus ay ang pagtakas ko ang sinimulan ko ng gawin.

Alam ko na ang pasikot-sikot sa bahay na ito kaya madali akong nakarating sa pinto palabas ng malaking bahay. Paglabas ko sa pinto ay ang gate na lang ang susunod kong dadaanan para tuluyan ng makaalis sa bahay ng mag-asawang nagmalupit sa akin.

Kagaya nga ng inaasahan ay nakakandado nga ang gate. Mabilis naman akong nakaisip ng paraan at sa tulong ng hagdan na nasa garden ay ito ang ginamit ko para makaakyat at ng sa ganoon ay makatakas na ako.

Para akong isang ibon nakawala sa hawla ng matagumpay na nakalabas ako sa gate. Mabilis na tumakbo ako at walang tigil lang ako sa pagtakbo para makasiguradong makalayo na ako sa bahay na iyon.

Sa pag-alis ko nga sa bahay ng mag-asawang nagmalupit sa akin ay wala akong ibang naging tirahan kungdi ang kalsada.

Sa kalsada din na iyon ko nakilala ang unang naging kaibigan ko.

Unang gabi ko sa kasalda ay humanap ako ng pu-puwedeng matulugan ko. Sa isang establisyemento ko naisipang magpalipas ng gabi. Gamit ang karton na naging sapin ko sa pagtulog. Ilang minuto pa lang mula ng makatulog ako’y isang tapik ang gumising sa akin.

“Hoy bata, bakit ka d’yan natutulog? Hindi mo ba alam na pag-aari ko ’yan!” Bungad sa akin ng isang binatilyo na kung ’di ako nagkakamali ay magkalapit lang ang edad namin.

“Sa-sayo ba i-ito?”

“Oo bakit ’di ka ba naniniwala?” sandali ko itong tinignan at nakita kong parang katulad ko lang naman ito na palaboy.

“Hindi, paano mo nasabing sa iyo ito, eh mukha ka lang naman palaboy na gaya ko ah.” sagot ko naman.

“Aba pilosopo kang bata ah, ang ibig kong sabihin teritoryo ko ’yan. Kung gusto mong matulog ’dun ka sa kabila.” sabi lang nito sabay turo pa sa isang puwesto.

“Bakit ’di ikaw ang pumunta at matulog dun. Nauna ako sa’yo dito.” pagmamatigas kong sabi.

“Ang yabang mo ah! Anong gusto mo suntukin muna kita bago ka umalis!” galit na sigaw nito at namalayan ko na lang ang paghila nito sa kwelyo ng suot kong damit.

Dala sa gulat ay nanlaki ang mata ko at hinintay ko na lang ang pagtama ng kamao nitong nakaambang suntukin ako.

Pero walang kamao ang tumama sa mukha ko, bagkus ay nakita ko na lamang na binitawan na ako nito.

“Si-sige sayo na lang ang puwesto ko.” sunod na narinig kong sinabi nito at nakita ko na lamang na pumunta na ito sa puwestong itinuro nito kanina sa akin.

Kinabukasan nagising ako nang tapikin ako ng binatilyong nakaaway ko kagabi.

“Bata gising na, mamaya magbubukas na ang tindahan na ’yan at kapag nahuli ka siguradong sa DSWD ang bagsak mo.” sabi pa nito.

“Sa-salamat.” ’yon na lang ang nasabi ko.

“Oo nga pala pasensya na rin kagabi, alam mo bang ikaw pa lang ang may lakas ng loob na awayin ako. Sa tatlong taon kong pagtira sa kalye ikaw pa lang ang nakagawa nun.”

“Pa-pasenya na rin.”

“Oo nga pala ngayon pa lang kita nakita dito. Bakit nandito ka rin sa kalsada natutulog?”

“Ah mahabang kuwento, pero mas gusto kong dito na lang tumira kesa sa dati kong tinitirhan.”

“Ganun ba? Kung gusto mo sumama ka sa akin, sigurado akong gutom ka na.”

“Ta-talaga? Saan naman tayo pupunta?” sunod-sunod na tanong ko rito.

“Malalaman mo rin mamaya. Te-teka nga pala, anong pangalan mo? Ako si Kulas.” Pakilala sa akin ni Kulas.

“Ako naman si Damien.”

“Wow Damien ang ganda ng pangalan mo ah. Bagay sa’yo kasi ang cute mo.” kaswal na sabi nito.

“Sa-salamat Kulas, ikaw rin bagay sa’yo ang pangalan mo.”

“Alam ko na ’yan dahil sa guwapo ako no?” Preskong sabi nito.

“Oo na lang.” sagot ko naman na tinawanan lang nito.

Mula sa araw na iyon ay naging magkaibigan na kami ni Kulas. At sa araw ring iyon ay nalaman ko ang trabaho nito. Sa mura nitong edad na 15 ay nakakargador na ito sa palengke. At dahil sa lagi kaming magkadikit ay pati ako ay nahanapan rin n’ya ng trabaho. Naging tagalinis ako ng pinggan sa isang karinderia. At kahit papaano ay naging maayos naman ang aming pamumuhay ni Kulas.

Nagbalik ako mula sa pag-babalik tanaw nang maramdaman ang mga patak nang ulan sa katawan ko habang nasa sementeryo pa rin ako.

At muli kong pinagmasdan ang lapida ng mga taong tinuring kong tunay na mga magulang na minahal rin ako.

“Salamat Dad, salamat Mom, hayaan n’yo para sa inyo ipagpapatuloy ko pa rin ang buhay ko dahil alam kong ’yon ang gusto n’yong gawin ko.” at nilisan ko na ang sementeryo.

Author’s Note:

Hi guys first time kong gumawa ng fantasy themed na story. Nagkaroon ako ng idea na gumawa dahil sa isang movie matapos kong mabasa ang plot.

Sana magustuhan n’yo.

Fallen 2

Damien’s POV

Habang binabagtas ko ang daan pauwi sa aking bahay ay wala pa rin tigil ang ulan. Para bang nakikidalamhati ito at nararamdaman rin ang kalungkutan na ngayon ay nasa aking puso.

Lalo pang lumakas ang ulan at sinamahan pa nang kulog at kidlat. Kaya naman binilisan ko na ang pagpatakbo ng aking sasakyan. Malapit na ako mula sa aking tinutuluyan ng bigla na lang may nakita akong tao sa gitna ng daan at dahil sa biglaan ngang pangyayaring ’yon ay nabundol ko ito bago ko pa maapakan ang preno ng sasakyan. Kita ko pa kung paano tumalsik at tumilapon na medyo may kalayuan ang taong nabundol ko.

Gulat ang unang reaksyon ko at sumunod ang kaba at takot na baka nakapatay ako ng tao.

“Shit!” Mahinang sabi ko. Dala ng kaba ay nanatili lang ako sa loob ng kotse. Pero ng makita kong gumalaw ang taong nabundol ko ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at dali-dali akong bumaba ng sasakyan para tulungan ito.

Paglapit ko ay nalaman kong lalake pala ang taong nabundol ko at nakita ko rin na marami itong gasgas na natamo at duguan rin ito.

“Ku-kuya bu-buhay ka pa ba? Kapit ka ka lang wag kang ma-mamatay.” uutal-utal na sabi ko.

“Uhh.” daing lang ang naging sagot nito. Hindi ko na alam kung paano ko nagawang nabuhat ito gayong mas malaki itong tao kesa sa akin at namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng sasakyan papunta sa pinakamalapit na ospital.

Sa Ospital.

Pagdating sa ospital ay kaagad namang inasikaso ang lalake at mabilis ring itinakbo ito sa emergency room habang nasa stretcher ito.

Kaagad naman akong tinanong sa ospital kung anong pangalan edad at kung ano ang nangyari sa pasyente. Mabilis ko namang sinagot ang lahat nang ’yon. At dala rin ng kaba ay nasabi ko rin na nabundol ko ito kaya ito nasa ospital ngayon at hindi ko rin alam kung anong pangalan at edad nito.

Matapos ang ilang oras ay lumabas na ang Duktor na umasikaso sa lalakeng nabundol ko.

“How was he Doc?” Tanong ko kaagad sa Duktor.

“He is fine now, but under observation pa rin s’ya and as of the moment wala parin itong malay.”

“Sa-salamat naman Dok, pero magigising naman siguro s’ya right?”

“Yes of course, kungdi man ngayong araw ay baka bukas or the coming days. Puwede mo na ring puntahan ito sa kanyang kuwarto. Sige maiwan na muna kita.” mahabang sabi ni Dok.

“Salamat dok.”

Nasa loob na ako ng kuwarto ng lalakeng muntik ko ng mapatay at nadamay pa sa kamalasan ng buhay ko. May mga benda na ito sa katawan at may pasa rin at sugat sa mukha nito

Habang pinagmamasdan ko ito ay nakita kong mabuti ang mukha ng lalake. At aaminin ko na guwapo ito. Matangos ang ilong mapula rin ang manipis nitong labi at bumagay ang maputi nitong balat. Para nga itong anghel at ang amo ng mukha nito habang tulog. Hindi ko namalayan na napatagal pala ang pagtitig ko sa lalake at ang nararamdaman kong lungkot kanina dahil sa pagkawala ng mga magulang ay bigla ko nalang nakalimutan.

Paggising ko ay nagulat pa ako kung nasaan ako pero ng makita ang lalakeng nakahiga sa harapan ko ay kaagad ko ring napagtanto na nasa ospital ako.

“Nakatulog pala ako.” sabi ko sa isip ko. Tinignan ko ulit ang lalake at kagaya kanina bago ako makatulog ay wala parin itong malay.

Kaagad ko namang inayos ang sarili ko at minabuti ko munang lumabas ng kwarto para kumain at nakaramdam na ako ng gutom sa dami ng nangyari ngayong araw.

“Maiwan muna kita. At sana magising ka na kaagad.” sabi ko sa lalake kahit na alam kong ’di naman ako nito maririnig.

Pumunta ako sa Cafeteria na nasa loob ng ospital at doon ko na lang naisipang kumain.

Abala ako sa pagkain ko ng tumunog ang cellphone ko.

Ringgg!!

“Hello.” bungad ko.

“My God Damien! Where are you? Kanina pa kita tinatawagan akala ko kung napano ka na.” Malakas na sabi ng nasa kabilang linya.

“Geezz Jess isa-isa lang okay? Nandito ako ngayon sa ospital at may nabu–” ’di ko pa natatapos sabihin ng magsalita ulit ito.

“What?! Are you okay napano ka?”

“Pwede bang makinig ka muna? Okay lang ako at kaya ako nasa ospital ngayon ay dahil may nabundol ako.”

“What!” sabi naman nito and that’s it binabaan ko na ito ng tawag.

Minsan nakakairita rin ang babaeng ’yon. Oo nga pala siya si Jessica ang nag-iisang babaeng bestfriend ko. Pero kahit ganoon ay mahal ko ang babaeng ’yon. Akala nga ng loka-loka nung una ay straight ako at sayang daw dahil may gusto pa naman ito sa akin. Nakilala ko ito dahil sa nakatira rin ito sa subdivision kung saan nakatira rin ang mga pumanaw kong mga magulang. Isa pa dahil malapit rin ang pamilya nito sa mga magulang ko kaya palagi rin itong dumadalaw sa bahay namin at dahil na rin sa ugaling nitong may pagkamasayahin ay nagkasundo kami. Sabi pa nga nito ay bagay daw talaga kami dahil kung ako raw ay suplado, tahimik at gwapo siya naman ay palakaibigan, maingay na talagang ipinagmalaki pa talaga nito at syempre ay pinakamaganda rin.

Habang inaalala ko nga ang tungkol sa amin ni Jessica ay sunod kong naalala ang tungkol kay Kulas.

Flashback

“Salamat talaga Kulas at nakilala kita.” sabi ko nang minsang kumain kami sa isang fastfood chain at ito rin ang unang sweldo ko mula sa karenderiang pinagtratrabahuan ko, kaya naman naisipan kong ilibre ito bilang pasasalamat sa tulong nito sa akin.

“Walang anuman Damien masaya rin ako at nakilala kita, alam mo dahil nga sa’yo kaya lalo akong nagsisipag na magtrabaho.” sabi naman ni Kulas.

“Eh bakit ka nga ba nagsisipag? ’Di ba sapat naman sa’yo ang kinikita mo?” tanong ko naman dahil nitong nakaraang mga araw ay bukod sa pagkakardor nito ay nalaman ko rin na sumasama ito sa mga construction worker na nakilala nito.

“Basta malalaman mo rin pagdating na araw, o dalian mo nang kumain para dumaan tayo ng sinehan at dahil nilibre mo ako ikaw naman ang ililibre ko.” sagot lang nito.

“Talaga!” masayang saad ko kaya naman lahat ng nasa loob ng kainan na iyon ay napatingin pa sa amin…

Ringgg!!

Nagbalik ako sa kasalukuyan ng tumunog ulit ang cellphone ko.

“Hello Jess.”

“Anong hello bakit mo ’ko binabaan ng tawag? Nasaan ka ngayon at pupuntahan kita.” sabi ng bruha kaya naman para tumigil na ito sa kakatawag ay ipinaalam ko na rin sa kanya kung nasaang ospital ako naroon.

“Wow! Damn! Damien ang gwapo naman nito.” Sabi ni Jessica. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ng lalakeng nabundol ko.

“Te-teka nga nandito ka ba para makita ako o dahil sa guwapong lalakeng ’yan.”

“Puwede bang both? Naku Damien magising lang ’yan sisiguraduhin kong siya na ang papakasalan ko.”

“Hay puro ka talaga kalokohan, oo nga pala mabuti rin na nandito ka na. Kuhanan mo ng litrato at ipost mo sa social media para naman kung may makakilala sa kanya ay malaman nila kaagad na nandito s’ya ngayon sa ospital.” mahabang sabi ko kay Jess.

“Wait lang Damien eh paano kung maraming mag-claim na kilala nila si pogi?” Tanong naman nito. Saglit naman na napaisip ako.

“Simple lang kailangan nila ng katibayan na kamag-anak o kilala nila ’yang si Pogi.” sabi ko naman at dahil sa sinabi kong pogi ay nakita ko na lang ang nakakalokong tingin sa akin ni Jess.

“Wait lang Damien ah kanina sinabihan mo s’yang guwapo ngayon naman ay pogi. ’Wag mong sabihing may balak kang karibalin pa ako sa kanya.” sabi ng loka-loka.

“Ano! Iyong-iyo na s’ya, ’yun ay kung magustuhan ka rin n’ya kapag nagising na s’ya.” sabi ko naman.

“Oo naman siguradong mabibighani s’ya sa taglay kong alindog.” sabi ni Jess. Kinuha na rin nito ang kanyang cellphone at kinuhanan nito ng picture ang lalake. “Naku Damien ang guwapo talaga n’ya, ito na ang gagawin kong wallpaper.” sabi pa nito sabay pakita pa nito sa akin ng phone n’ya at talagang ginawa n’ya ngang wallpaper ang picture ng lalake.

“Iba ka talaga Jess.” nasabi ko na lang sa kanya at sa pangalawang pagkakataon ay namalayan ko na lang na tinitignan ko na naman ang maamong mukha ng lalake.

Fallen 3

Damien’s POV

Lumipas nga ang maghapon at ngayon ay umaga na at hindi parin nagkakamalay ang lalake. Kaagad na rin na-ipost ni Jess ang mga larawan nito at maraming nagkainteres dahil na rin sa guwapo talaga ang lalake. Pero ni isa ay wala man lang nakakakilala kung sino nga ba ang lalake. Wala rin nahanap na pagkakakilanlan nito sa suot nitong pantalon ng masagasaan ko ito.

Hinihintay ko na lang dumating si Jessica para makauwi ako sa bahay ko at ito na muna ang magbantay sa lalake. Gusto ko kasi na kung sakaling magising man ang lalake ay kaagad kong malaman para ako mismo ang magsabi sa kanya ng mga nangyari at kung bakit nandito siya ngayon sa ospital.

“Sige Damien, ingat sa pagmamaneho ah, ako na munang bahala kay pogi.”

“Sige Jess salamat.”

Nakarating naman ako ng maayos sa bahay at pagpasok na pagpasok ko pa lang ay nabalot na naman ako ng kalungkutan dahil sa hindi ko na kailanman makakasama sina Mom at Dad.

Kaagad kong tinungo ang kwarto ko at ang banyo para maligo. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil sa mainit na tubig na galing sa shower at ngayon ay dumadaloy sa katawan ko. At habang naliligo ay bumalik na naman sa akin ang mga nangyari noon sa nakaraan.

Flashback

“Kulas anong gagawin natin dito?” tanong ko kay Kulas. Nandito kami ngayon sa isang mall at sinama ako nito.

Wala akong narinig na tugon nito habang patuloy lang ito sa paglalakad samantalang nakasunod lang ako sa kanya. Maya-maya pa ay huminto ito kaya naman napahinto rin ako. Sa paghinto namin ay nakita ko ang tindahan ng ibat-ibang uri ng mga kagamitan na ginagamit sa pag-aaral.

“Halika tulungan mo akong pumili ng mga gagamitin mo.” sabi nito. At dahil sa narinig ko’y napatingin ako rito.

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong kay Kulas.

“Hindi ba sinabi ko sa’yo na malalaman mo rin kung bakit nagsisipag akong magtrabaho? Heto na ’yon, gusto kong mag-aral ka dahil sa ating dalawa alam kong ikaw ang mas matalino at isa pa alam ko rin na gustong-gusto mong mag-aral.” mahabang sabi nito.

Sa sandaling ’yo ay bigla na lang dumaloy ang luha sa aking mga mata. Hindi ko lubos maisip na kahit ilang buwan pa lang kaming magkakilala ay magagawa nitong gawin ang ganitong bagay para sa akin.

“Ku-kulas si-sigurado ka ba?” tanong ko sa kanya pagkatapos at tumango lang ito bilang sagot.

Kaya naman ’di ko na napigilan ang sarili ko na yakapin ito.

“Sa-salamat Kulas.”

“Walang anuman Damien.”

Nagbalik ako sa kasalukuyan ng maramdaman ko ang luha sa aking mukha. Hanggang ngayon naluluha pa rin ako kapag naaalala ko ang mga nangyari sa amin noon ni Kulas.  Tinapos ko na rin ang pagligo ko at lumabas na ako banyo.

Matapos makapagbihis ay tinawagan ko muna si Jessica at ipinaalam ko rito na magpapahinga muna ako. Sinabi ko rin na mamayang hapon ay babalik rin ako sa ospital at ako na ang magbabantay at baka may lakad pa ito ngayong araw at naaabala ko na ito. Sinabi naman nito na ayos lang at s’ya na muna ang bahala sa pagbabantay sa lalake at ang sabi pa ng loka-loka ay gusto n’yang s’ya ang unang makita ng lalake at baka raw ’pag nagising ito at wala itong maalala ay sasabihin nitong mag-asawa sila. Kahit kailan talaga ang babaeng ’yon palaging hinahaluan ng biro ang seryosong usapan.

“Shit.” ’yan ang bulalas ko ng makitang 7 PM na ng magising ako. Dala siguro ng ilang araw kong walang maayos na tulog ay napahaba ang pagtulog ko. Mabilis naman akong nag-ayos at wala pang 15 minutes ay nakalabas na ako ng bahay at sakay na ng sasakyan ko. Wala naman akong  text o tawag na galing kay Jess kaya ibig sabihin ay hindi pa rin nagkakamalay ang lalakeng nabundol ko. Bago ko pa paandarin ang sasakyan ay nagtext muna ako kay Jess na papunta na ako ng ospital.

Sa Ospital

“Sorry Jess at ngayon lang ako, heto may dala akong Pizza.” sabi ko pagpasok ko sa kwarto ng lalake na  hanggang sa ngayon ay tulog pa rin.

“Naku Damien pasalamat ka at pogi itong pasyente mo kaya hindi naboring ang beauty ko sa pagbabantay. Alam mo ba ang daming nagtatanong sa akin sa facebook kung saan naka-confine itong si kuya para daw makita nila itong ng personal.”

“Oh anong sinagot mo? ’Wag mong sabihin sinabi mo?”

“Well naisip ko nung una na sabihin, pero knowing you magagalit ka sa akin kapag sinabi ko kaya naman no comment na lang ang peg ko.” sabi ni Jess.

“Mabuti naman at alam mo. Mas makakabuti na walang makaalam kung saang ospital ’yan naroon, para na rin maging maayos ang pagpapagaling ng tao lalo na kapag nagising na ’yan.” sabi ko naman.

“Oo nga tama ka, o sige ngayong nandito ka na ako naman ang uuwi.”

“Sige ingat ka at salamat rin Jess.”

“Ikaw naman Damien walang anuman, basta babalik ako dito bukas at dapat gaya ng sinabi ko kanina na kapag nagising ’yan na amnesia boy ang peg, sabihin mo na may asawa s’yang maganda at walang iba kungdi ako.” Sabi naman ni Jess at talagang nagawa pa nitong magbiro sa pag-alis nito.

“Oo na, kaya ka ’di nagkaka-boyfriend puro ka kagagahan.”

“Damien seryoso kaya ako sa sinabi ko, feeling ko talaga si pogi na ang destiny ko.”

“Sige na ba-bye na ingat sa pagmamaneho.” sabi ko na lang.

“Okay ba-bye na rin.” iiling-iling na lang ako ng umalis ito.

Pag-alis nga ni Jess ay nanatili lang ako sa pagbabantay sa lalake. Abala ako sa pagtingin sa mukha ng lalake ng bigla na lang nagpatay-sindi ang ilaw sa loob ng kwarto at sumunod ang walang tigil na paggalaw ng katawan nito. Mabilis ko namang pinindot ang emergency button para ipaalam sa duktor na may nangyayari sa lalake. Ilang segundo lang ay nagsidatingan na ang mga nurse kasama na ang duktor na tumitingin sa lalake. Pagpasok nga nila sa kwarto ay kaagad nila akong pinalabas. Kaya sa bintana ko na lang pinagmasdan ang ginagawa ng lahat ng nasa loob ng kwarto para mailigtas ang lalake.

Fallen 4

Damien’s POV

Lumipas ang isang oras at lumabas na ang Duktor sa kwarto ng lalake.

“Mr Damien nais kong sabihin na hindi namin maintindihan kung bakit bigla na lang inatake ang pasyente. Sa ngayon ay stable na s’ya pero sa tagal ko na bilang Duktor ay ngayon lang kami nagkaroon ng pasyente na kahit okay naman ang lumabas sa lahat ng tests namin ay hindi pa rin ito nagigising.”

“Anong ibig mong sabihin Dok?”

“Ibig kong sabihin Mr Damien walang nakakaalam kung kailan magigising ang pasyente o kung may pag-asa pa ba itong magising.” sabi ni Dok at nagpaalam na ito. Sa narinig na sinabi ni Dok ay naawa ako sa lalake at lalo kong sinisi ang sarili ko.

Pinayagan naman ako ng mga nurse na puntahan sa loob ang lalake at dahil sa wala ni isa ang nakakalam sa tunay na pangalan ng pasyente ay naisip nilang tanungin ako, kung anong maaring ipangalan sa lalake para raw may identity ito kahit papaano at naisip kong ipangalan sa kanya ang unang lalakeng minahal ko. Si Kulas.

Flashback

“Kamusta ang pag-aaral mo Damien?” tanong ni Kulas pag-uwi ko galing sa eskwela. Sa tulong rin ni Kulas at ng kakilala nitong Ale ay

napagawa

nila ako ng Birth Certificate para sa pag-aaral ko.

“Masaya naman kaya lang dahil sa ako ang pinaka-matanda sa amin ay pinagtawanan pa ako nung una, pero dahil sa teacher namin ay tumigil rin sila sa pagtawa. Sabi pa nga ni Teacher Cruz ay dapat tularan ako ng mga kagaya kong kahit na may edad na kumpara sa magiging kaklase ko ay pinili ko parin ang mag-aral at hindi ko ikinahiya ito.” mahabang sabi ko.

“Oo tama ’yan Damien at masaya ako na masaya ka. Kaya naman bumili ako ng paborito mong Lomi na tinda ni Aleng Coring at sinabi ko rin na unang araw mo ngayon sa eskwela kaya naman libre na ’yong isang order para raw sa’yo.”

“Ang bait talaga ni Aleng Coring, sabihin mo Kulas salamat at sa tuwing sabado at linggo ay tutulong pa rin ako sa Carinderia n’ya sa paghugas ng mga plato.”

“Oo sinabi ko na at ’wag ka raw mag-alala at ikaw lang daw ang maaring maghugas dahil mabait ka. Akalain mo ang dali mong nabola si Aleng Coring.” Biro ni Kulas.

“Ikaw Kulas niloloko mo na naman ako, totoo kayang mabait ako mabuti nga at nakilala mo ako kaya bumait ka rin kahit papaano.” ganting biro ko naman.

“O sige na mabait na kung mabait basta galingan mo sa pag-aaral para kapag nakatapos ka ay makahanap ka ng magandang traba-.”

“Oo Kulas ng magandang trabaho para makabili na tayo ng bahay.” pagtatapos ko sa sasabihin nito.

“Ikaw talaga alam na alam mo na kung anong sasabihin ko.” sabi ni Kulas at tinawanan ko lang ito.

“Okay po Nicholas ang ipapangalan n’yo.” sabi ng nurse na nakapagbalik sa akin mula sa pag-aalala ko sa nakaraan.

Lumipas ang ikalawang araw at ngayon ay umaga na naman na walang pinagbago sa kalagayan ni Nicholas at wala pa rin itong malay.

Tinawagan ko na rin ang kilala kong imbestigador para mas mapadali ang pagkakakilanlan ni Nicholas.

Palagi rin sinasamahan ako ni Jess sa pagbabantay kay Nicholas at ang sabi pa nga nito ay bagay daw ang ipinangalan ko sa lalake.

Kaaalis lang ni Jessica at nangako itong babalik bukas ng umaga para ako naman ang umuwi sa bahay ko. Tumawag rin kanina ang secretary ng mga magulang ko para tanungin kung anong araw ako makakapasok dahil lagi akong hinahanap ng mga shareholders ng kumpanya nina Dad at Mom. Matapos sabihin na sa susunod na linggo pa ako papasok ay sinabihan ko rin itong ’wag ulit ako nitong tatawagan.

Humarap ako kay Nicholas na wala pa rin malay at hindi ko namalayan na kinakausap ko na pala ito habang dahan-dahan ko namang nilapit ang kamay ko sa kamay nito.

“Pasensya na Nicholas, sana gumising ka na para naman masabi ko sa sarili ko na hindi lahat ng nagiging bahagi ng buhay ko ay nawawala.” simula ko.

“Alam mo ba buong buhay ko ay mag-isa ako, siguro kaya ako iniwan sa bahay ampunan ng tunay kong mga magulang ay dahil sa malas ako.” nagsisimula na rin ang mga luha sa mata ko na lumabas habang dinala na naman ako sa oras na ’yon sa nakaraan.

Flashback

Lumipas ang anim na taon at nakatapos na ako ng Elementarya. At isa si Kulas sa tuwang-tuwa dahil ito rin ang nagsabit sa akin ng mga medalyang nakamit ko bilang Valedictorian sa aming klase.

Matapos nga ang seremonya na ’yon ay nag-aya itong kumain kami sa labas. Naging masaya ang gabing ’yon at doon ko rin nalaman na mahal ko na pala si Kulas higit pa sa isang kaibigan.

Sa gabing ’yon ay humanap ako ng tiyempo para sabihin ang nararamdaman ko.

Pero ang masayang gabi palang ’yon ay magtatapos sa isang masakit na pangyayari.

Pauwi na kami sa barong-barong na ilang linggo pa lang naming tinutuluyan ng bigla na lang may tatlong kalalakihan ang sumusunod sa amin. Nang mahalata ni Kulas ’yon ay sinabihan ako nitong ’wag ko itong sundan at manatili lang ako kung saan ako ngayon nakatayo. Naguguluhan man sa sinabi nito ay tumango lang ako rito. Sa isang iglap nga ay mabilis na tumakbo si Kulas at sa pagtakbo nga niyang ’yon ay mabilis na sinundan ito ng tatlong lalake na kanina ay sumusunod sa amin.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarinig ako ng putok ng baril at sa sandaling ’yon ay biglang kinabahan ako at parang tumigil ang mundo ko. Sumunod ay otomatikong gumalaw ang mga paa ko at tumakbo ako para sundan kung saan ang pinanggalingan ng putok na iyon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng makita ang maraming dugo sa tulay malapit sa isang tsinelas na kilalang-kilala ko. Kasunod rin nito ang mga narinig kong sinabi ng mga saksi na nakakita sa pangyayari.

“Mamang Pulis nakita namin na may apat na lalakeng nag-aaway. Pinagtutulugan nga ng tatlo ’yong isa pero nagawa pang lumaban nung lalake, pero sunod na nakita na lang namin na bumunot ng baril ang isa dun sa tatlo at pinaputukan ang lalakeng mag-isa at pagkatapos ay nahulog ang lalake sa ilog d’yang mismo sa tulay na ’yan.” Sa oras na ’yon ay kumawala ang maraming luha sa mga mata ko. Wala na si Kulas iniwan n’ya na rin ako.

“Kulassss!!!” malakas na sigaw ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

“Siya ang unang lalakeng minahal ko Nicholas kaya ipinangalan ko sa’yo ang pangalan n’ya, iniwan n’ya ako na ’di ko man lang nasabi na mahal na mahal ko s’ya.” Tumulo ang masaganang luha sa mata ko habang kinukwento kay Nicholas ang lahat ng ’yon. At naramdaman ko na lang ang paggalaw ng kamay na hawak ko at ng tignan ko si Nicholas ay nakita ko ang dahan-dahang pagmulat ng mga mata nito.

Fallen 5

Damien’s POV

Nang makita ko ang pagmulat ni Nicholas ay kaagad kong pinindot ang emergency button sa kwarto. Habang hinihintay ang pagdating ng Duktor ay sinubukan kong kausapin ito.

“Ah Kuya ayos ka na ba? May masakit ba sa’yo?” tanong ko rito habang nakatingin rin ako sa mukha nito. Tumingin lang ito sa akin at ’di man lang ito nagsalita.

Sa sandaling ’yon ay dumating na rin si Dok kaya naman pinalabas na muna ako nito. Samantalang sinundan naman ako ng tingin ni Nicholas.

Paglabas ko sa kwarto ni Nicholas ay nakita kong kinakausap na ito ni Dok at nakatingin na rin ito sa kanya.

Paglabas ni Dok.

“Like i’ve said last day okay naman lahat ng tests sa kanya. But the problem is wala itong alam sa lahat ng itatanong ko sa kanya.” sabi sa akin ni Dok.

“Ibig mo bang sabihin doc na may amnesia s’ya!?” gulat na tanong ko.

“Perhalps pero honestly i don’t think amnesia is the right term. Sa identity n’ya ay tinanong ko s’ya pero wala itong naging sagot. At first inisip ko na may amnesia nga s’ya. Kaya lang ng tanungin ko ito about numbers doon na ako nagulat, wala rin itong naging sagot. Ewan ko ba lahat kami dito sa ospital ay nagtataka sa kondisyon ni Mr Nicholas.” mahabang sabi ni Dok.

“So paano ’yan Dok ano po bang puwede n’yong gawin para gumaling si Nicholas?”

“I suggest na dumito muna s’ya ng ilang araw, para na rin maobserbahan pa namin s’ya.”

“Si-sige Dok, pwede ko na ba s’yang puntahan sa kwarto?”

“Yes of course and try to talk to him. Baka kapag sa’yo may maalala o masabi s’ya na kahit ano tungkol sa kanya. O paano maiwan muna kita.” sabi naman ni Dok at nagpaalam na rin ito.

“Okay Dok.”

Pag-alis ni Dok ay nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba si Nicholas o hindi. Sa huli ay nanaig pa rin ang puntahan ko ito.

Sa pagpasok ko nga ay ’di ako namalayan ni Nicholas na nasa loob na ako. Samantalang abala naman ang mata ni Nicholas sa pagtingin sa paligid nito hanggang sa magtagpo ang mga mata namin.

“H-hi a-ako nga pala si Damien, ka-kamusta ka na.” nauutal kong sabi dahil na rin sa kaba. Minabuti ko rin na ’wag munang lapitan ito at baka magulat ko ito.

Kagaya kanina ng magkamalay ito ay wala akong nakuhang sagot kay Nicholas. Pero mataman naman ako nitong tinitignan.

“Pu-puwede bang lu-lumapit ako?” Dahan-dahan nga akong lumapit kay Nicholas at habang palapit ako’y patuloy pa rin ito sa pagtitig sa akin, samantalang doble na ang kabog ng puso ko dahil sa kaba sa kung anong maaaring maging reaksyon nito sa ginagawa ko. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kinahihigaan nito ng marinig kong magsalita ito.

“Tao.”

“Ha?” naguguluhan kong tanong sa sinabi nito.

“Ikaw.. Tao.” ulit na sabi ni Nicholas habang nakaturo pa ang kamay nito sa akin.

“O-oo ta-tao ako, ikaw tao ka rin.” sabi ko naman at dahil sa sinabi ko ay kumunot ang noo nito.

“Ba-bakit may mali ba akong nasabi?” sabi ko pa. Pero wala na akong narinig mula rito.

“A-ano nga pala ang pangalan mo?” kausap ko pa rin rito kahit pa mukhang wala na yata itong balak magsalita pa. Sa sunod kong sinabi ay nawala na ang kunot sa mukha nito at tumingin na naman ito ng seryoso sa akin.

“Ako si Gabriel isa akong….” sabi nito at bigla itong natigilan.

“O-okay lang ’yan Gabriel ako naman si Damien.” sabi ko naman. Matapos ngang sabihin ni Gabriel ang pangalan nito ay umiwas na rin ito ng tingin sa akin.

“Sige magpahinga ka muna, itatanong ko na rin kay Dok kung puwede ka ng kumain.” sabi ko pa at iniwan ko na ito sa kwarto.

Paglabas ko nga sa kwarto ni Gabriel ay pinuntahan ko si Dok. Hindi ko muna sinabi sa kanya na alam ko na ang pangalan ni Gabriel, inisip ko kasi na mukhang hindi pa handa si Gabriel para makipag-usap. Kita ko kasi kung paano mag-alangan si Gabriel kanina sa akin at alam kong ganoon rin ito kay Dok kanina dahil ’di man lang nito sinabi ang pangalan nito kay Dok.

Matapos makausap si Dok ay pinayagan na nitong kumain si Gabriel. Kaya naman kaagad akong pumunta sa cafeteria para bilhan ko ito ng makakain.

Dala ang sopas na nabili ko ay bumalik na ako sa kwarto ni Gabriel at umaasa ako na sana makausap ko ito ng mas maayos para malaman ko ang lahat ng tungkol sa kanya.

Pagpasok ko sa kwarto ni Gabriel ay nagulat pa ako ng wala ito sa kanyang kama.

“Gabriel nasaan ka!” sigaw ko, pero wala akong narinig na sagot mula rito. Kaya naman naisip ko na tignan ito sa banyo at baka naman umihi lang ito. Pagdating ko nga sa banyo ay binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa aking nakita pagbukas ko ng pinto. Nandoon nga si Gabriel pero hindi dahil sa nandoon ito ako nagulat, kung hindi sa kung anong bagay ang nakita ko na nasa likod nito. Atsaka ko naalala ang mga nangyari sa mga lumipas na araw at sandali mula ng mabundol ko ito.

“Mr Damien nais kong sabihin na hindi namin maintindihan kung bakit bigla na lang inatake ang pasyente. Sa ngayon ay stable na s’ya pero sa tagal ko na bilang Duktor ay ngayon lang kami nagkaroon ng pasyente na kahit okay naman ang lumabas sa lahat ng tests namin ay hindi pa rin ito nagigising.”

“Anong ibig mong sabihin Dok?”

“Ibig kong sabihin Mr Damien walang nakakaalam kung kailan magigising ang pasyente o kung may pag-asa pa ba itong magising.”

“Ewan ko ba lahat kami dito sa ospital ay nagtataka sa kondisyon ni Mr Nicholas.”

“Tao.”

“Ha?” naguguluhan kong tanong sa sinabi nito.

“Ikaw.. Tao.” ulit na sabi ni Nicholas habang nakaturo pa ang kamay nito sa akin.

“O-oo ta-tao ako, ikaw tao ka rin.” sabi ko naman at dahil sa sinabi ko ay kumunot ang noo nito.

“Ba-bakit may mali ba akong nasabi?” sabi ko pa. Pero wala na akong narinig mula rito.

“A-ano nga pala ang pangalan mo?”

“Ako si Gabriel isa akong….”

Kaya pala ganoon na lamang ang findings sa kanya ni Dok. Kaya pala wala rin itong pagkakakilanlan o kung saan man ito nakatira. At kaya rin pala ito natigilan sa pagpapakilala sa akin kanina. Malinaw na sa akin ang lahat kung sino o ano si Gabriel. Isa pala itong Anghel at kita ng dalawang mata ko ang dalawa nitong puting pakpak.

Fallen 6

Damien’s POV

“Huy Damien gising na!” rinig kong sabi ng isang boses na nakapagpagising sa akin. Pagmulat ko ang nakahigang katawan ni Gabriel na tulog parin ang nakita ko. Hindi ko namalayan na nakatulog rin pala ako habang nakaupo malapit sa gilid ng kama nito. Paglingon ko naman ay si Jessica na may nakakalokong tingin ang nakita ko at s’ya pa lang gumising sa akin.

“Naku Damien mukhang napasarap yata ang tulog mo sa piling ni Papa Gabriel ha.” tukso pa ni Jess.

“Ha? Eh oo nga, kanina ka pa ba?” sagot at tanong ko rin kay Jess.

“Oo kanina pa ako, nadatnan ko ngang kumakain si Gabriel kanina ng sopas na dala mo raw. At ikaw naman ay bigla na lang daw natulog.” mahabang sabi ni Jess. Sa sinabi ngang ’yon ni Jessica ay inalala ko ang nangyari bago ako makatulog. Pero kahit na anong isip ko ay tanging ang pagbili ko lang ng sopas ang naalala ko at wala ng iba pa.

“Ah oo nga. Dala siguro na puyat at pagod. Alam mo na rin pala ang totoong pangalan n’ya? Ano pang pinag-usapan n’yo habang tulog pa ako?”

“Sa totoo lang marami. Nalaman ko na naghahanap pala ito ng trabaho dito sa Manila kaya s’ya napapad dito. Eh ang kaso naaksidente s’ya at ikaw pa ang nakabundol sa kanya. Nalaman ko rin na ulilang lubos na s’ya at mag-isa na lang sa buhay. Pero Damien nang tanungin ko s’ya kung may asawa o nobya na ito ay sinabi n’yang wala. Damien! S’ya na siguro ang hinihintay kong si Mr Right.” Kinikilig pang sabi ni Jess.

“Ikaw talaga Jess. O anong reaksyon n’ya ng makita ka? Nabighani ba sa alindog mo?” sakay ko sa biro nito.

“Ewan ko mukhang ’di yata na love at first sight sa beauty ko. Pero kung kinakailangan na ako ang manligaw sa kanya Damien ay gagawin ko.”

“O sige basta kung kailangan mo ng panyo at ng taong iiyakan kapag binasted ka ni Gabriel ay puntahan mo lang ako.” sabi ko naman.

“Ewan ko sa’yo, paano kaya kung bigyan ko na lang s’ya ng trabaho sa kompanya ni Dad para sa ganun ay palagi ko s’yang makikita.” sabi ni Jess at napangiti pa ang loka sa naisip nitong ideya.

“Yeah maganda nga ang naisip mo. Tanungin mo na lang s’ya paggising n’ya mamaya.”

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Jessica. Lumipas pa ang ilang minuto ay nagpaalam na rin si Jess matapos sagutin ang isang tawag sa cellphone nito. Kita ko rin ang pagseryoso ng mukha nito ng sagutin nito ang tawag. Hindi na rin ako nag-usisa pa kung sino ang tumawag dahil alam kong s’ya mismo ang magsasabi sa akin kung may problema man ito.

Sa pag-alis nga ni Jess ay mataman ko namang tinitignan ang mukha ng natutulog na si Gabriel. Hindi pa rin maalis sa isipan ko kung paano ako nakatulog sa tabi nito at isa pa kung bakit wala rin akong maalala sa mga nangyari bago rin ako makatulog.

Kasalukuyang kinakausap ni Dok si Gabriel tungkol sa resulta sa mga tests na isinagawa nito ng magkamalay ang huli. Nandito rin ako at pinapakinggan ang iba pang mga tanong ni Dok kay Gabriel na kaagad namang nasasagot nito.

“And that’s it maari ka ng makalabas anumang oras Mr. Santos.” sunod na sabi ni Dok tukoy nito kay Gabriel. Paggising kasi ni Gabriel kanina ay marami na kaming napag-usapan ng mga tungkol sa kanya. Nalaman ko na Gabriel Santos pala ang buong pangalan nito at nakatira naman sa probinsya ng Pampanga.

“Salamat naman Dok.” halos sabay pa naming sabi ni Gabriel na naging dahilan para tignan namin ang isat-isa, ngumiti pa nga ito sa akin dahil dun.

“O sige maiwan ko na kayo.” paalam ni Dok.

“Salamat Damien.” sabi ni Gabriel at napatingin naman ako sa kanya.

“Naku wala kang dapat ipagpasalamat Gabriel, sa totoo n’yan ako pa nga dapat ang humingi ng tawad at muntik pang nanganib ang buhay mo dahil sa akin.” mahabang sabi ko naman rito.

“Kaya sana ay patawarin mo ’ko.” dagdag ko pa.

“Sige papatawarin na kita pero sa isang kondisyon.” sabi ni Gabriel.

“Si-sige kahit ano gagawin ko.” kaagad na sagot ko rito.

“Biro lang ’yon at napatawad na kita.” sabi nito habang nakangiti pa. “pero kakapalan ko na ang mukha ko, sa totoo n’yan wala akong matutuluyan paglabas ko ng ospital kaya sana.”

“Iyon lang ba? Sure maari kang tumuloy sa bahay ’yun na ang maliit na magagawa ko kapalit sa malaking abala na nagawa ko sa’yo.” putol ko sa sasabihin ni Gabriel.

“Talaga! Maraming salamat Damien hayaan mo maghahanap kaagad ako ng trabaho paglabas ko ng ospital.” masayang sabi ni Gabriel. Sa narinig na sinabi nito ay pumasok sa isip ko ang naisip ni Jess na bibigyan nito ng trabaho si Gabriel.

“Kung saka-sakali ba anong trabaho ang a-aplayan mo?” tanong ko kay Gabriel.

“Kahit na ano siguro Damien, eh elementary lang ang natapos ko basta ba kikita ako ng pera sa maayos na paraan.” mahabang sabi ni Gabriel. At nagulat ako sa narinig ko. Sa itsura kasi ni Gabriel ay iisipin mo na mukha itong edukado at dahil sa nalaman ko ay lalo akong nagkaroon ng rason para tulungan ko ito.

“O sige naghahanap ng mga Janitor ang pinapasukan kong kompanya kung gusto mo ay maari kang mag-apply doon.”

“Talaga Damien sige ba. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa’yo.” masayang sabi ni Gabriel na pati ako’y napangiti dahil sa pagkamasayahin nito.

Matapos kong bayaran ang ospital bill ni Damien ay lumabas na kami ng ospital.

Nasa sasakyan na kami ni Gabriel pauwi sa bahay ko. Tahimik lang itong nakaupo sa likod habang pinagmamasdan nito ang dinadanan namin. Ako naman ay nagmamaneho at paminsan-minsan ay tinitignan ko ito sa salamin na nasa harap ng sasakyan ko.

Pagdating namin sa bahay at kita ko pa kung paano mamangha si Gabriel ng makita ang tinutuluyan ko.

“Ito pala ang bahay mo? Ang laki!” bulalas ni Gabriel.

“Oo dito ako nakatira pero hindi naman talaga sa akin ito, sa katunayan ay pagmamay-ari ito ng dalawang mabuting mag-asawa na kumopkop sa akin.” sabi ko kay Gabriel at ewan ko kung bakit ko nasabi ang mga ’yon sa kanya gayong kakakilala pa lang namin.

“Ganun ba, hindi na ako magtataka kung bakit ka nila kinupkop dahil kahit kakakilala pa lang natin ay sigurado akong napakamabuti mong tao.” mahabang sabi naman nito.

“Mabuti pa pumasok na tayo para maipakilala kita sa mga kasambahay sa loob.” nasabi ko na lamang.

Anghel Gabriel’s POV

Isa akong anghel at sa tagal ko na sa tungkulin kong ito ay isang nilalang ang bukod tanging nagbigay sa akin ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

At dahil sa pakiramdam kong ito ay gumawa ako ng paraan para lalo ko itong maunawaan. At ang tanging paraan para malaman ko ito ay ang mamuhay bilang isang mortal sa piling mismo ng mortal na sanhi ng lahat ng ito.

Sa kapangyarihan ko bilang isang Anghel ay pinahinto ko ang oras at ngayon nga ay nandito na kami sa tinitirhan ng mortal na si Damien. Wala na rin itong maalala sa nakalipas na pangyayari. Ang pangyayari ng makita ako nito sa tunay kong anyo bilang Anghel. Pinalitan ko ng ibang mga ala-ala ang lahat ng mga ala-ala nito magmula ng mabundol ako nito. Kaya ang alam nito ngayon ay isa lang akong normal na tao na kanyang nabundol at isang taong nangangailangan ng tulong…

Fallen 7

Damien’s POV

Ngayon ang araw nang balik ko sa opisina kaya naman maaga akong nagising. Matapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako sa kusina.

“Good morning Sir Damien handa na ang pagkain sa hapag.” Bungad ni Aleng Rosa pagbaba ko.

“Good morning rin po, oo nga pala gising na rin po ba si Gabriel?”

“Oo hijo gising na rin s’ya at nasa banyo na yata at naliligo.” sagot naman ni Aleng Rosa.

Matapos marinig ’yon ay dumiretso na ako sa hapag para kumain.

Hindi pa ako nagtatagal sa pag-upo ko sa hapag ay narinig kong tumunog ang doorbell.

“Mercy pakibukas nga ng pinto ang tao sa labas!” sigaw na narinig ko kay Aleng Rosa. Si Mercy ang pamangkin ni Aleng Rosa na gaya nito ay nagtatrabaho bilang kasambahay. Si Aleng Rosa ay matagal ng kasambahay ng mga umampon sa akin. At masasabi kong napakatapat at napakabait nito.

“Hoy Damien bakit ’di mo man lang ipinaalam sa akin na lumabas na pala ng ospital si Papa Gabriel!” malakas na sabi ni Jess pagdating nito sa hapag. Ito pala ang bisitang dumating.

“Ano ba Jess ang aga-aga ang ingay mo, mabuti pa kumain ka na muna.”

“My God Damien busog na busog na ako.” parang ewan na sagot ni Jess at ng tignan ko ito ay parang natulala ito. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nito at nakita ko ang kakalabas lang sa banyo na nakatapis lang ng tuwalyang si Gabriel. Sa nakita ko ngang tanawin na ’yon ay napalunok rin ako kaya naman ng makabawi ay uminom kaagad ako ng tubig.

“Ehem, Damien nakita ko ’yon.” sabi ni Jess na may nakakaloko pang tingin.

“Sige kung ikaw man ang magustuhan ni Papa Gabriel ay ipauubaya ko na s’ya sa’yo.” dagdag pa nito.

“E-ewan ko sa’yo kumain ka na nga lang.”

“Sus kunwari ka pa, pero my God Damien ang sarap siguro ng pandesal.”

“Ano ka ba Jess, umayos ka nga nasa harap tayo ng pagkain.”

“Hoy hoy hoy ano bang mali sa sinabi ko. Eh ang sabi ko lang naman ay masarap ang pandesal ha.” sabi ni Jess at kinagat-kagat pa nito ang pandesal na hawak nito. Nang maisip na literal na pandesal pala ang tinutukoy nito at hindi ang mala-pandesal na abs ni Gabriel na nakita naming dalawa ay biglang namula ako.

“Shit ako pala dapat ang umayos dahil ako ang may mahalay na naiisip.” sabi ko sa sarili ko.

“Ah Damien at Jessica good morning sa inyo.” nakangiting bati ni Gabriel sa amin na nakapagbihis na rin pala.

“Good morning babe este papa Gabriel dito ka na sa tabi ko maupo.” maharot na sabi ni Jess.

“Hehe dito na lang ako sa tabi ni Damien at may pag-uusapan kasi kami.” sagot naman ni Gabriel.

“Ah anong ibig mong sabihin Gab?” sabi ko naman.

“Hindi ba nabanggit mo ’yung tungkol sa trabaho kahapon Dam?”

“Dam?” nalilito kong tanong.

“Dam short for Damien. Eh ikaw kasi tinawag mo akong Gab short for Gabriel.” paliwanag ni Gabriel.

“Hello nandito pa ako kaya ’wag kayong mag-usap na parang kayong dalawa lang.” singit sa usapan ni Jess.

“Hehe pasensya na Jess si dam kasi ang sabi n’ya kahapon ay tutulungan n’ya ako sa paghahanap ko ng trabaho.”

“Ow, i see.” sabi lang ni Jess at tumingin ito sa akin ng nakakaloko.

“Mamaya na ’yon Gab at kumain na muna na tayo, ikaw naman Jessica ubusin no na yang pandesal na ’yan.”

“Hindi na masarap Damien mas masarap yung kanina, anim pa.” Sabi nito kaya naman naging dahilan para maubo ako.

“Heto dam, inumin mo.” maagap na sabi at abot sa akin ni Gabriel ng tubig.

“Maraming salamat.” sabi ko matapos kong inumin ang tubig.

Matapos nga naming kumain ay sabay-sabay na kaming lumabas.

Paglabas namin ay nagpaalam na rin si Jess at sinuguro lang daw nito na okay lang kaming dalawa ni Gabriel. Nagulat pa nga ito ng sabihin kong pansamantalang makikituloy dito sa akin si Gabriel. Pero naintidihan rin naman nito ng sabihin ko ang dahilan ng pagtulong ko, ito ay kapalit ng perwisyong nagawa ko kay Gabriel.

Nandito na ako sa loob ng opisina at abala ako sa mga papeles na natambak gawa ng ilang araw akong hindi nakapasok.

Tungkol naman kay Gabriel ay mabilis lang naayos ang pag-apply nito, gawa ng ako mismo ang isa sa shareholder nitong kompanya. Ngayon araw mismo ay nag-umpisa na rin ito sa kanyang trabaho bilang Janitor at panay pa nga ang pagpapasalamat nito sa akin.

Lunch break na ng lumabas ako sa opisina.

“Sir ano pong gusto n’yong orderin ko para sa lunch n’yo?” kaagad na tumayo si Andrea sabay tanong nito ng lumabas ako sa aking opisina.

“Hindi na Andrea ako na mismo ang bibili dyan sa cafeteria, mabuti pa ay samahan mo na rin ako at sabay na tayo.” sagot ko rito.

“Okay sir.”

Sabay nga kaming pumunta ni Andrea sa cafeteria at sumalubong sa amin ang kumpulan ng mga empleyado sa isang mesa habang tuwang-tuwa pa ang mga ito.

Nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

“Dam, Damien!” sigaw ng isang boses at nakita kong tumayo ang isang tao mula sa mesang pinagkukumpulan ng mga empleyado.

“Ga-Gabriel.” nasabi ko na lang habang palapit ito sa kinatatyuan namin ni Andrea.

“Kanina pa kita hinihintay at gusto ko sanang sabay na tayong mag-lunch. Halika na.” mahabang saad ni Gabriel.

“Ah eh sige.” parang ewan na sagot ko at namalayan ko na lang ang paghila ni Gab sa kamay ko papunta sa isang mesa.

Nang makarating sa mesa ay nakita ko ang pagtataka sa mga tingin ng mga empleyado sa amin ni Gabriel.

“Sir dito kayo kakain?!” nagtatakang tanong ng isang lalakeng empleyado, na kahit ang pangalan nito ay ’di ko alam kahit pa ilang taon na ako dito sa kompanya.

“Oo dito s’ya kakain anong klaseng tanong naman ’yan Arthur.” si Gabriel na ang sumagot.

“Oo nga sir ngayon ka lang namin nakitang nagawi dito sa cafeteria.” sabi naman ng isang babaeng empleyado na gaya rin kanina ay ’di ko rin alam ang pangalan nito.

“Anong ibig mong sabihin Carla?” nagtatakang tanong ni Gabriel.

“Naku mamaya na ’yan at kumain na muna tayo at hindi magandang pinaghihintay ang pagkain.” sagot naman ng isang lalake na mukhang nobyo ng babaeng nagngangalang Carla dahil na rin sa nakalingkis ang braso nito sa huli.

“Oo nga tayo na’t kumain at dahil makakasabay natin si Boss Damien, baka sakaling malibre niya tayo ng lunch ngayon.” sang-ayon naman ng lalakeng tinawag na Arthur kanina ni Gabriel.

Naging masaya ang lunch namin kasama ni Gabriel at ng mga empleyado ko. At lalo pa itong sumaya ng sabihin kong libre ko ang kanilang lunch ngayon.

Nalaman na rin ni Gabriel na isa ako sa mga Boss dito sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya.

Tinukso pa nga ito ng mga kasama namin, dahil sa bigla-bigla na lang nitong pagyakag sa akin papunta sa kanilang mesa.

“Eh syempre close kaya kami ni Damien, pero Sir Damien na pala ngayon at baka masisante kaagad ako ni sir.” nakangiting sagot naman ni Gabriel sa amin, kaya naman dahil sa biro nito ay naging masaya pa lalo ang lunch break naming ’yon.

Anghel Gabriel’s POV

Ngayon ang unang araw ko bilang Janitor sa mismong kompanya ni Damien at masasabi kong nagiging maayos naman ang pananatili ko dito sa lupa.

Sandali kong pinahinto ang oras. At kita ng dalawang mata ko ang ngiti sa labi ni Damien, na noon pa man ay gustung-gusto ko nang nakikita kahit pa nasa malayo lang ako noon.

Kaya naman isang desisyon pa ang nabuo sa isipan ko at ito ay ang pasayahin pa lalo ang mortal na si Damien.

Fallen 8

Damien’s POV

Naging masaya ang araw ng pagbalik ko sa kompanya dahil na rin kay Gabriel. Hindi ko lubos maisip na dahil sa kanya ay nabago ang nakasanayan kong routine tuwing papasok ako ng opisina.

Kasulukuyan kaming pauwi sa bahay ko at hindi ito nauubusan ng kwento habang binabagtas namin ang daan pauwi.

“Maiba ako dam may nobya ka na ba?” out of the blue na tanong ni Gabriel.

“Wala pa at sa palagay ko’y kailanman hindi ako magkakaroon.” sagot ko rito.

“Hah? Eh bakit naman? Sa gwapo at bait mong ’yan?” tanong pa nito.

“Well hindi naman babae ang hanap ko kungdi lalake.” diretso kong sagot rito.

“Ibig mong sabihin bading ka!” gulat nitong sabi.

“Oo bakit galit ka ba sa bakla?” tanong ko naman.

“Ha hindi, ’di lang ako makapaniwala. Sa katunayan natutuwa pa nga ako.” nakangiti namang sabi ni Gabriel.

“Eh bakit ka naman natutuwa?” tanong ko naman.

“Natutuwa ako kasi may pag-asa pala ako sa’yo kung sakali.” sagot nito.

“Hahaha ang galing mo naman magjoke.” natatawa kong sagot kay Gabriel.

“Hindi nga seryoso ako.” sabi ni Gabriel na ikanatigil ko at bigla na lang kumabog ang dibdib ko.

“Shit seryoso ka ba Gabriel.” sabi ko sa isip ko.

“Alam kong ayaw mong maniwala sa sinabi ko dahil na rin sa kakakilala pa lang natin, pero hayaan mo at ipapakita ko na lang sa’yo na seryoso ako.” mahabang sabi pa ni Gabriel ng wala akong maisagot.

Matapos nga ang nakakailang na sandaling ’yon ay pareho kaming natahimik, hanggang sa dumating na kami sa tapat ng bahay ko.

Pagpasok namin ng bahay ay dumiretso ako sa aking kwarto at nasa isip ko pa rin ang mga salitang binitawan ni Gabriel sa akin kanina.

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan at kasabay ko sina Aleng Rosa, si Mercy at si Gabriel na nasa tabi ko naman, na mula pa kanina’y pansin ko sa gilid na aking mata na panay ang tingin sa akin.

“Gabriel hijo may gusto ka bang sabihin kay sir Damien.” sabi ni Aleng Rosa dahilan para tumingin ako kay Gabriel.

“Hah eh wala po.” sagot lang ni Gabriel sabay lagay nito ng kamay sa ulo na wari’y nahihiya.

“Ang cute.” sabi ko sa isip ko nang mapansin ang ginawa nito at napangiti pa ako.

“Salamat.” mahinang sabi ni Gabriel at humarap pa ito sa akin.

“Shit! Ibig sabihin narinig ni Gab na sinabihan ko itong cute? Pero ang alam ko sa isip ko lang ito sinabi.” usal ko sa isip ko at alam kong namumula na ako dahil dito.

Naging maayos naman ang lumipas na ilang araw at ngayon nga ay Linggo at wala akong pasok sa opisina. Ito ang araw na inilalaan ko sa Diyos at pahinga na rin sa aking sarili.

Matapos ngang maligo ay bumaba na ako.

“Magandang Umaga Damien.” nakangiting bungad ni Gabriel ng makita ako nito. Oo nga pala Linggo rin ang day off ni Gabriel sa trabaho.

“Good morning din Gabriel.” bati kong pabalik sa kanya.

“Ah Dam may lakad ka ba ngayon?” tanong ni Gab.

“Ah oo actually magsisimba ako.” sagot ko rito.

“Gano’n ba? Ayos lang ba sa’yo na samahan kita?”

“Ah eh okay lang.”

At dahil sa pagpayag ko nga ay magkasabay na kaming pumunta ng simbahan ni Gabriel.

Sa Simbahan.

Magkatabi kaming umupo ni Gabriel sa bandang harapan ng simbahan.

Naging tahimik ako maging ang katabi ko habang nakikinig sa misa. Nang dumating naman para sa pag-awit ng dasal na Ama Namin ay lahat ay nagsitayuan. Sa oras rin ’yon ay magkahawak kamay ang lahat habang inaawit ang nasabing dasal at sa ’di ko maipaliwanag ay bigla na lang akong nakaramdam na para bang kinuryente ng magtagpo ang kamay namin ni Gabriel. Saglit ko pang inilayo ang aking kamay sa kanya, pero kaagad naman nitong ipinagtagpo ulit at sa pagkakataong ’yon ay wala na akong naramdaman na iba. Kaya naman iwinaksi ko na lang ang nangyaring iyon at inisip na guni-guni ko lamang ito. Nang tignan ko naman si Gabriel ay nginitian lang ako nito.

Matapos ang misa ay pumunta kami ni Gabriel sa isang resto para kumain at nang malaman nito ay tumanggi ito na samahan ako at nakakahiya raw, pero ng sabihin ko na tatanggalin ko ito sa trabaho ay wala rin itong nagawa kungdi ang samahan ako.

Matapos naming kumain ni Gabriel ay umuwi na rin kami sa bahay.

Sumapit ang Tanghalian at kagaya ng nakasanayan ay sabay-sabay kaming kumain nina Aleng Rosa, Mercy at ni Gabriel.

At matapos kumain ay pumunta ako sa sala at nanood lang ng tv.

“Nakakabagot talaga kapag walang ginagawa ano dam?” sabi ni Gab at tumabi ito sa tabi ko sa sofa na kinauupuan ko.

“Ah sanay na’ko, isa pa pahinga ko rin ito sa nakakastress na trabaho sa opisina.” sagot ko rito.

“Kung sabagay tama ka, ako kasi hindi sana’y na walang ginagawa.” sabi ni Gabriel.

“Maiba ako may lakad ka ba o gagawin mamaya?” sabi pa nito.

Sa narinig ay bigla akong natigilan. Kung tutuusin ay may pupuntahan talaga ako pero ayokong sabihin kay Gabriel.

“Ah eh pasensya na at ang dami kong tanong dam, sige may gagawin pa pala ako.” sunod na narinig ko kay Gab ng wala akong maisagot sa kanya.

Kasulukuyan kong tinatanaw ang ilog sa ilalim ng tulay. Nakagawian ko na ang pagpunta dito tuwing linggo, iniisip ko parin ang nangyari noon dito, kung saan ang unang lalakeng minahal ko ay dito rin nawala sa akin. Hanggang sa dalhin ulit ako ng aking diwa sa nangyari noon.

Flashback

Matapos marinig ang pag-uusap ng mga Pulis at ng mga saksi sa nangyari, kung saan alam kong si Kulas ang kasali sa insendeteng ’yon ay mabilis kong kinausap ang mga pulis.

Matapos kong sabihin na kakilala ko ang biktima na nahulog sa tulay ay kaagad namang nagsagawa ang mga ito ng rescue operation para sa pagsagip kay Kulas.

Nang dumating na ang mga taong sasagip kay kulas ay mabilis rin akong sumama sa kanila pero kaagad rin akong binawalan ni SPO1 Jeremy De Vera na s’yang pulis naka-assign para rito.

“Pasensya na Damien pero delikado ang gagawin nila at baka mapahamak ka pa, mabuti pa ay umuwi ka na muna, tiga saan ka ba para maihatid na kita.” mahaba nitong sabi.

“Pero Sir siya lang po ang kaisa-isang taong tinuring akong pamilya, sige naman po payagan n’yo na po akong sumama sa paghahanap sa kanya.” pagmamakaawa ko sa pulis.

“O s’ya sige sasama tayo pero hintayin natin ang susunod na bangka para sabay tayong sasakay at maghahanap sa Kuya mo.” sukong sabi ng pulis.

Sa gabi ngang ’yon ay inumpisahan na ang paghahanap sa katawan ni Kulas at umaasa akong matatagpuan pa naming buhay ito.

Pero ang paghahanap namin ng gabing ’yon ay kaagad naming itinigil dahil sa pagdating ng masamang panahon. At sa nangyari ngang ’yon ay wala akong tigil sa pag-iyak dahil sa alam kong lalong imposible pa, na mahanap pa naming buhay si Kulas kung ipagpapabukas pa naming ang paghahanap. Sa huli ay wala rin akong nagawa ng itinigil ng mga rescuer ang operasyon.

Sa ikalawang subok sa paghahanap kay Kulas ay sumama rin ako pero kahit anino lang nito ay wala parin kaming nakita. Samantalang patuloy parin akong umaasa na sana ay buhay pa ito.

Hanggang sa ikatlong araw, ikaapat hanggang sa sumapit ang ika-isang linggo ay hindi rin namin natagpuan si kulas. Sa oras na ’yon gusto ko man na umasang buhay pa si Kulas ay mukhang malabo na isama pa ang mga narinig kong usapan ng mga kasama ko sa paghahanap.

“Naku pare malamang patay na ’yon sa unang gabi pa lang na mahulog ito, isama pa ang masamang panahon baka itinangay na ’yon kung saan at kinain na ng mga isda o anumang hayop ang katawan kaya wala na tayong makita.” sabi ng isa. Kaya naman ng marinig ko ito ay dali-dali kong sinuntok ang gagong nagsalita.

“Hindi pa s’ya patay at kung ayaw mong sumama sa paghahanap sa kanya umalis ka na lang! Pero ’wag na ’wag mong sasabihing patay na ang kuya ko!” sigaw ko pagkatapos habang patuloy rin ako sa pag-iyak.“

“Aba taranado ’to ah!”

“Tama na ’yan Lito! Kita mo ng nawawala na ang kuya n’ya ano pang pinagsasabi mo.” galit na sabi ni SPO1

De Vera

“Halika ka na Damien kumain ka na muna para may lakas ka pa mamaya sa

paghahanap natin sa kuya mo.“ baling naman sa ’kin ng mabuting pulis.

Hanggang sa tuluyan na ngang itinigil ang paghahanap kay kulas. Pero sa sarili ko ay umaasa parin ako na sana ay buhay pa ito at magkikita parin kami pagdating ng araw.

Nagbalik ako sa aking pagbabalik-tanaw ng maramdaman ko ang pagpatak ng ulan, kaya naman dali-dali na akong bumalik sa aking sasakyan. At bago pa ako tuluyang pumasok sa sasakyan ay sandali pa akong tumingin sa pinanggalingan ko at nagulat ako dahil sa may lalake akong nakitang nakatayo sa mismong lugar kung saan ako nakatayo kani-kanina lang.

“Ku-Kulas!”

Fallen 9

Damien’s POV

Kasabay ng patuloy na pagpatak ng ulan ay ang paglapit ko papunta sa lalakeng nakatayo malapit sa tulay.

Pero sa ’di ko maipaliwanag na dahilan ay sa isang kisap-mata lang, ang kaninang lalakeng lalapitan ko sana ay bigla na lang naglaho.

“Ano bang nangyayari sa akin? Dahil ba sa pagnanais kong makita kang muli Kulas ay kung anu-ano na ang nakikita ko?” sabi ko sa sarili ko.

Pag-uwi ko sa bahay ay dumiretso lang ako sa aking kwarto. Pagpasok sa loob ay pumunta ako ng banyo para mag-shower, habang naliligo ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina sa tulay.

Matapos maligo ay bumaba na ako sa sala at naisipan ko na lang manood para mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

“Damien hijo handa na ang hapunan at baka nagugutom ka na.” sabi ni Aleng Rosa.

“Sige ho susunod na ako, si Gabriel po nasaan?” baling ko sa matanda.

“Wala pa rito sa bahay, pag-alis mo kanina ay umalis rin at hindi pa bumabalik.” sagot naman ni Aleng Rosa.

“Ah gano’n po ba.” nasabi ko na lang.

Anghel Gabriel’s POV

“Sabi ko na nga ba.” ito ang nasa isip ko habang patuloy kong pinagmamasdan si Damien na nakatayo sa tulay kung saan nagkahiwalay sila ni Kulas. Sa ilang taon kong pagbabantay kay Damien sa malayo ay isa si Kulas sa mga taong labis na pinahahalagahan nito pero sa kasawiang palad ay namatay ito.

Pero ang akala kong pagkawala ni Kulas ay hindi pala totoo.

Nang biglang umulan ay bumalik si Damien sa kanyang sasakyan at bago pa ito tuluyang umalis ay tumingin ulit ito sa kanyang pinanggalingan kani-kanina lang. Sa sandaling ’yon ay nakita kong dahan-dahan itong lumapit sa lalakeng nakatayo sa tulay at bago pa makalapit si Damien sa lalake ay isang pangyayari ang labis na ikinagulat ko. Sa isang iglap ay tumigil ang oras pero ako at ang lalakeng nakatayo sa tulay lamang ang tanging nakakaalam.

Sunod na nakita ko na nilapitan ng lalake si Damien at hinaplos ng kamay nito ang mukha ni Damien. Pagkatapos ng pangyayaring ’yon ay naglakad na ito palayo kay Damien samantalang nakatigil parin ang oras.

Minabuti kong sundan ang lalake at nakita kong lumiko ito sa isang gusali. Alam ko na alam nitong sinusundan ko siya kaya hindi na ako nagulat nang humarap ito sa akin. Pero nagulat ako ng makilala ko ang lalake.

“Kulas? Paanong?” Gulat at pagkalito ang nasa isip sa mga oras na iyon.

“Kumusta kapatid ko.” nakangiting saad nito.

“Kapatid? Isa kang anghel?” hindi ito sumagot sa tanong ko, bagkus ay ipinakita nito sa akin ang dalawang pakpak nito.

“Ibig sabihin ikaw ang sinasabi nilang unang sumuway kay Ama.” kumpirma ko sa kanya na tinugon lang nito nang pagtango.

“Pe-pero papaano? At bakit hindi ko man lang alam na isa ka pa lang anghel sa panahong binabantayan ko pa si Damien sa malayo?” naguguluhan ko pang tanong kay Kulas.

“Alam mo ba ang dahilan kung bakit ko nasuway si Ama?” simula ni Kulas. Iling lang ang naging sagot ko kaya nagpatuloy ito.

“Kagaya mo ay nakialam ako sa buhay ng mga mortal. Isang mag-asawa ang iniligtas ko sa isa sanang aksidente. Bago pa man mahulog ang kotseng lulan ang mag-asawa ay inihinto ko ang oras at naiwasan nila ang sana’y kukuha sa kanilang mga buhay.” nagpatuloy si kulas at mataman naman akong nakikinig.

“Sa pakikialam ko ngang ’yon ay nalaman ni Ama at pinarusahan akong manirahan kapiling ng mga mortal. Pero hindi lang ’yon, wala rin akong alam sa lahat habang namumuhay ako kasama nila.”

“At dahil nga sa isang pangyayari kung saan ibinuwis ko ang buhay ko para sa isang mortal. Matapos kong mahulog sa tulay ay nagulat na lang ako nang biglang lumabas ang mga pakpak ko at kasunod nito ang pagbalik ng mga ala-ala ko.”

“Kung gayong napatawad ka ni Ama, bakit nandito ko pa rin sa lupa?” tanong ko kay Kulas.

“Simple lang kapatid ko, kung anong dahilan mo kung bakit naririto ka rin sa lupa.”

“I-ibig mong sabihin dahil kay Damien.” Kumpirma ko rito kahit sa mga oras na ’yon ay alam ko na ang sagot nito.

“Oo. Alam kong pareho nating mahal si Damien pero kapatid ko gagawin ko ang lahat para mahalin rin ako ni Damien.”

“Sana kapatid kung sino man ang piliin sa atin ni Damien ay maging masaya na lamang para sa kanya. At gaya mo gagawin ko rin ang makakaya ko para ibigin ako ni Damien.” sabay lahad ko ng kamay sa kapatid kong si Kulas na inabot naman nito.

Damien’s POV

Sa mga sumunod na araw ay naging masaya ang mga araw sa opisina. Isa-isa ko nang nakilala ng mabuti ang mga empleyado ko at lahat ng ’yon ay dahil kay Gabriel.

Kasama ko si Gabriel habang pauwi kami ng bahay ay nakita ko ang isang lalake na nakatayo sa harap ng gate ng aking bahay.

Kaya naman bumusina ako para makuha ang atensyon ng lalake. Sa pagharap nga ng lalakeng ’yon ay nanlaki ang mga mata ko dahil pamilyar ito sa akin.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan at nang magtagpo ang mga mata namin ay kusang tumulo ang mga luha ko samantalang nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

Sa isang iglap pa ay namalayan ko na lang ang pagyakap ng lalake sa akin. Ang lalakeng una kong minahal na akala ko’y tuluyan ng nawala sa buhay ko.

“Kulas.” mahinang sabi ko habang patuloy pa rin ako sa pagtangis sa balikat nito.

“Kulas ikaw nga buhay ka!” sabi ko pa ulit ng humiwalay ako sa yakap nito.

“Oo ako nga ito Damien at pangako hindi na ako mawawala sa buhay mo.” sagot ni Kulas at mabilis itong yumakap ulit sa akin.

Anghel Gabriel’s POV

Sa dalawang linggo kong pananatili sa lupa kasama si Damien ay lalo ko pa itong minamahal. Hindi pa man nito kayang tumbasan ang pagmamahal ko rito ay masaya na rin ako dahil sa mga magandang pagbabago nito. Mas naging masayahin ito sa opisina at palagi na rin itong nakikihalubilo sa mga empleyado nito.

Pero hindi ko inaasahan ang mangyayari sa pag-uwi namin sa bahay nito. Si Kulas ang unang lalakeng minahal ni Damien, na ilang araw pa lang ang nakakaraan ay nalaman ko na kapatid ko pala ito at kagaya ko’y iniibig rin si Damien.

Anong mangyayari ngayong nandito na ulit si Kulas sa buhay ni Damien? May pag-asa pa kaya akong mahalin ni Damien?


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.