Apple of those Prince Heart ( Prince Series) Series 1 [✔️]
Lake-GAD · 4 chapters · 3,677 words
PROLOGUE
Prologue
Habang banal-banalan akong nanahimik sa likod ng counter-isang dakilang tindera ang status ng lola niyo-ay biglang impit na tumili itong beki na katabi ko.
“Ay teh! Ang gwapo nung lima, o! Lalo na yung gangster! Yummy teh! Yummy!” Extraheradang sabi ng kaibigan ko habang naglalaway at yinuyugyog ang kaawa-awang ako.
“Yuck ka, friend! Ang baboy mo. Laway mo, punasan mo.” sabi ko sabay bato ng tissue. Juskong baklang ’to, ang kati!
Kasama ko ang kaibigan ko na si Cheo, ang baklang factory ng laway, sa isang convenience store na malapit lang sa eskwelahan namin.
Makikita sa labas ng glassed wall ng convenience store na pinag-dyu-duty-han namin ang kulay kahel na paglubog ng araw.
“Shete, Glee!” Kung maka-tili naman ’tong si Cheo, parang nakakita ng ipis na feeling butterfly.
I looked at him with a blank face and asked, “So, anong meron?”
Kinikilig naman niyang tinuro ang limang nagtatawanang lalaki na nasa table malapit sa glassed wall.
I admit, gwapo sila. Pero lovelife and boys are not my priority, books before boys. Nag-balik ako sa wisyo nang may marinig akong hampas sa counter.
Tumambad sa harap ko ang isang lalaki. Annoyance written all over his face but it cannot hide the fact that he has an innocent face. “Don’t space out, you little shit.” sabi nito at nilapag sa counter ang tatlong slurpee at junk foods na binibili niya.
Pisti! Kailangan magmura? Nakaramdam naman ng hiya ang makinis kong balat. Osya! Ako na ang lutang pero kiber! Gwapo nga, pangit naman ang ugali. Edi wala din! Mga walang dangal, char.
“Sorry, sir.” paumanhin ko bago ko pinunch yung mga binili nito. “Three hundred fifty six pesos po lahat.”
Nakasimangot na binigay niya ang isang malutong na isang libong piso. O edi siya na ang madatung, akala niya naman kinaganda ng budhi niya. Nagwawala ang bloodcells ko nang tanggapin ko ang bayad niya.
Saktong ibibigay ko sana ang sukli nang bigla niya akong tinalikuran. Aba’y bastusan lang p’re? Sobra sa gwapo pero kulang sa manners ang datingan ng customer na yon.
“Sir sukli po ninyo.” magalang kong pagkuha ng atensyon kay kuya.
“No thanks, faggot. I think you much needed it, loser. “ malademonyong ngisi nitong sambit na ikinatigil ng ikot ng mundo. Para akong binato ng upuan, lamesa, kotse, eroplano at satellite sa ulo.
Unti unting pumikit ang magaganda kong mga mata, senyales na galit na ang lola niyo. Sa labing walong taon ko sa mundo, ngayon lang ako naka-experience na murahin at tawagin sa ibang pangalan ng taong hindi ko naman kilala.
Nakakastress ng bangs ha? Mama ko lang may rights na murahin ako dahil mama ko nagpapakain sakin!
“Kalma lang, ate. Kalma.” ekstraheradang pagpapakalma sa akin ni Cheo. With matching pahagod-hagod pa ng likod.
“Che! ’Wag kang OA! Hala sige balik sa trabaho! Baka masita tayo ni Manager Yu.” pagkuwa’y saway ko sa kanya nang mahimas-masan ako.
Pagpapasensyahan ko na lang ang showta na boylet na yon.
Sa buong oras halakhak lang no’ng lima ang maririnig sa apat na sulok ng convenience store. Jusme di man lang nahiya teh! Nakakabanas lang to the function and composition of g circle x!
Patuloy lang kaming dalawa ni Cheo sa trabaho. May mga customer na rin ang dumating sa convenience store na kailangan naming bigyan ng full service.
May times na napapasulyap ako sa table ng limang lalaki at nahuhuli ko ang nakakainis na tingin sakin ng “that little shit guy”. Foota! Nginingisihan pa ’ko ng hayup! Ihampas ko kaya itong bar code sa kanya machine nang madala. Leche.
Tangene sarap halikan este sapukin nitong nilalang na ’to eh, with matching bato ng tren sa ulo, naku. Nanggigigil talaga ako.
Yes gwapo siya but the hell I care!
My gosh! Maaga akong magme-menopause nito eh! Para namang may matris ka, gurl.
“Friend, kailan kaya ulit tatambay yung limang yun dito?” nagdidiliryong tanong ng malandi kong kaibigan with matching twinkle shimering chuchu eyes.
“The nerve! Huwag na, uy!” mabilis na sagot ko sa kanya. Nasa isang table kami ng convenience store at nag-hahanda na para umuwi. Tapos na kasi yung duty namin at yung kapalit naming dalawa ay nasa counter na.
“Uy bitter siya.” pangbubuska pa ng gaga.
“Uy masasakal ko na siya. Che! Hala sige layas gabi na at magsiuwian na tayo!” Nagpaalam naman siya sa akin at nakipagbeso beso.
Magkaiba ang daan namin pauwi kaya mag-isa lang akong tinatahak ang daan pauwi samin.
Habang nasa sidewalk ako ay naalala ko ang mahaderong lalaki. Sa malamang na dahilan, nag-iinit talaga ang dugo ko, bweset!
“Tangina mo, mahadero! Pahirap ka eh! Mamatay ka na!” sigaw ko para naman mabawasan ang galit ko.
“Huwag kang mag alala next time na mag-kita tayo, masasarapan kana…” bulong ng isang pamilyar na boses sa likod ko.
Lalo akong kinilabutan nang maramdaman ko ang init ng kanyang hininga.
Chapter 1
Chapter 1
Bangungot
Gleechi Lee
Dinaig ko pa ang sumali sa marathon sa bilis kong tumakbo mula sa mamang manyak na iyon, pusha! Halos mabiyak ang pikpik short ko sa kaba, kung alam ko lang. Kung alam ko lang na inaasam niya ang puri ko, ibinigay ko sana, chows! Hindi ’no! I will give this hymen to the one I love the most. Noks! English yon.
Nang nafi-feel ko nang malayo na ako sa kamay ng birat na manyakis na hinayupak na iyon ay mabagal na akong naglakad. Ngunit dahil sadyang napaka-swerte ko sa araw na ito ay sinasadyang napadaan ako sa tindahan ni Aling Sabel, kung saan naroon ang mga dakilang tambay ng kalalakihan na gabi-gabi na lang lumalaklak ng alak.
Saka ko lang napansin ang unggoy na Kael, ang boss kuno nila, nang tumayo ito. Shuta? Niloloko ba ako ng buwan ngayon? Kailangan ko ba talagang maka-encounter ng sunod-sunod na pagsubok?
Yumuko ako ng bahagya at binilisan ko na lang ang hakbang ko. Jusko. Kung kaya ko lang lumipad, kanina ko pa sana ginawa, malampasan lang sana itong tindahan ni Aling Sabel.
Hindi ko man naglalagpasan ang naturang tindahan nang mapahinto ako sa paglakad nang biglang tumayo sa harap ko ang unggoy na Kael.
At mahabaging langit! Kailangan ibalandra sa inosenteng sightsung ko ang pangangatawan niya? Naku, boy, sorry, hindi ako interesado sa seven pack of abs mo-ay char anim lang pala, yung pang-pito kasi, alam niyo na kung ano yon, amp!
“Hi babe.” bati ng mokong. Bakas sa tono ng kanyang pananalita ang kalasingan. Suminok ito at saka niya ako inakbayan na parang jowa bang magjowa kami. Unggoy talaga, walanghiya. Sarap lang sapakin, mahgad!
Pagod na ’ko physically and mentally kaya please Lord, ipagpabukas Niyo na lang itong dagok na iniatas Niyo kay tadhana.
“Pwede ba, Kael? Alisin mo yang kamay mo o babaliin ko yan? Hindi tayo close, either a friend. Blinock na kita, wag kang asyumero.” mataray at may diin ang bawat salita na binitawan ko.
Aba! Walang kakabog sa ganda ko no, chas!
Bigla namang nag-pout ang lasenggo na ’to. “N-Nanlalambing lang yung asawa m-mo eh.” kunwaring tampo niyang saad.
Akala naman niya kina-gwapo niya yung pag-pout. Tss. Eh kung hugutin ko ang labi niyang yan at ipulupot ko sa leeg nang magtanda? Nakakainis na ah? Nakasinghot o naka-lulon ba ng bato ang lalaking ito at napaka-persistent niya? Kaurat.
Nang hindi siya kumilos para alisin ang pagkaka-akbay sakin, ako na ang gumawa. Marahas kong inalis ang braso niya at isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
Infairness ha? Ang galing talaga mang-bwiset ng gago na ’to. Imbis na masindak sa katarayan ko ang mokong, tinawanan lang ako at inakbayan ulit.
Hindi na ako nakikipag-biruan, na iinis na talaga ako. Pishti.
“Ano ba Kael?! Nakaka inis ka na! Pagod ako galing trabaho! Uwing-uwi na ako, utang na loob!” nababanas at nagmamakaawa na sabi ko.
Ngunit isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. His eyes were glint with jealousy. “May iba ka na ba?” malalim na boses niyang tanong.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at marahas ko siyang kinompronta. Maka-asta parang boyfriend ko siya ah? Parang awa! Wala na akong balak jowain ’tong unggoy na ’to!
“Kung meron man akong iba, wala ka na ro’n. Walang tayo, hindi tayo.” matiim kong wika sa kanya.
Again, inalis ko ang pagkaka-akbay niya at naglakad palayo sa kanya, ngunit bago ako lubusang makalayo ay isang kataga ang kanyang isinigaw.
“Mapapasa akin ka rin! Ulit! Tandaan mo yan!”
Habang nasa harap ako ng isang lumang bahay na may dalawang palapag ay pinagiisipan ko kung papasok pa ba ako o hindi. Alam ko na ang drama sa bahay na ito dahil sa nakapatay na ilaw.
Napabuntong hininga ako bago binuksan ang pinto. Nadatnan kong nakaupo si itay sa isang bangko habang ginagawang lamp shade ang isang bombilya. Mapapasapo na naman ako ng noo, kainis!
“Bakit ngayon ka lang?” Hindi lumingon na tanong ni itay sa akin habang patuloy sa pagkatikot sa ginagawa nitong lamp shade.
“Oo nga, anak. Pinag-aral ka namin para makatapos ka, hindi para lumandi.” kunwaring drama ni inay habang nakadungaw sa bintana at may arina sa mukha, kunwari daw ay may facial scrub sa fest.
Saka lang ako tiningnan ni itay matapos ng lintanya ni inay. “Anak! Pa’no kapag nabuntis ka?” kunwaring keme pa nito sabay hampas sa mesa.
“Anak, bawasan ang kalandian please?” birada pa ni inay.
“Wag kang mag-pokpok”
“Anak, wag-” Bigla ko naman silang binato ng supa, buti at malakas ang resistensya ng magulang ko at nagawa nila itong ilagan.
“Nay Tay! Hindi ako lumandi, at mas lalong hindi ako nag-pokpok! Nakakaloka! Nagtrabaho ako, okay?” Naiinis ko na paliwanag ko. Nai-stress ang fallopian tube ko sa mga nangyari sakin ngayong araw. Pati magulang ko, nakisama.
Bigla naman pumunta si inay sa harapan ko at hinimas ang aking tiyan. “Kalma anak, inhale, exhale, push! “ seryosong arte ni inay na parang nagpapa-anak. Shuta, tinapik ko naman ang kamay ni inay.
“Ewan ko po sa inyo kung anong drama yan, kain lang ho ako.” lantang gulay ko nang paalam.
Naubusan na ng energy ang lola niyo, mula sa manyak na gangster, tambay na possessive sa kanto, hanggang sa magulang ko na maluwag ang turnilyo sa ulo! Wala na, dedbat na talaga beh.
Pagkatapos kong lumamon kasabay ng mga butihin kong magulang, oh come on joke lang iyun siyempre, at sa sobrang stress ko ay nilunok ko ng buo ang isang pirasong saging.
“Naloka naman ako sayo anak. “ tawang hilaw ni inay. Inokrayan ko naman siya ng tingin, with patirik eye effects.
“Kala mo naman hindi sumusubo ng buo.” pagpaparinig ko sa chaka kong ina. Leche.
“Sabagay, may point ka, ’nak.” sabi ni inay sabay tingin kay itay. “Yung ngang sa tatay mo sinusubo ko ng buo.” mapang-akit kunong bigkas ng nanay ko na ikinapula ni ita.
Umarte akong nasusuka sabay bato ng balat ng saging kay inay. Mga walang pasintabi! Sa harap ko talaga mga bess! Kaurat!
“Mahiya ka naman, inay, nasa harapan lang ako no.” sarcastic na sabi ko.
“Hindi halata anak.” sabi ni itay “Maiba tayo, enrollment na pala bukas.”
Bigla naman akong napabuntong hininga sa sinabi ni itay.
Nagbabalik na naman ang bangungot ko.
Chapter 2
Chapter 2
Oohlala
Gleechi Lee
“Anak gising na, enrollment niyo ngayon!” Tila ba busina ng motor na gising sa akin ni Inay.
Human alarm clock. Iyan ang tawag sa mga Inay natin. My Ghad! Kaimbyerna puyat pa si ako! Si ina panira ng moment!
“Arrggh ’Ma! Mamaya na lang po!” wala sa sarili kong reklamo.
Kainis konti na lang mahahalikan ko na siya eh. Minsan ka na nga lang managinip ng gwapo at hahalikan ko pa! Tapos basag trip si Momshi. Badtrip ay!
“Babangon ka ba ngayon o papasukin ko si Khael sa kwarto mo ng magahasa ka?” Emeghed! No Way! Napatayo ako ng ’di oras dahil sa nakakasindak na banta ni inay. Shakings
“Wow naman! Choosy much anak? Ayaw pagalaw ganon?”
I slapped myself mentally. Ang sarap ibalibag ni inay-pero syempre joke lang.
Di ko na lang pinansin si inay at dumiretsyo sa banyo. Myghad! Mukha akong nagahasa ng sampong gwapong katao! Gulo-gulo ang buhok, may muta at huwag ka teh may laway pa.
My gosh.
Dali dali akong naligo at nagbihis. I’m wearing yellow fitted shirt na may printed picture ng minions at tight jeans at eye glasses ko. Medyo malabo na kasi ang mga mata ko.
“Ma, alis na ako.” magalang kong pagpapaalam. Minsan lang ito. Lubusin na ng Nanay ko.
“Sige lang, anak. Wag ka nang babalik.” Nay, two points ka na. Asensado ang nanay ko in terms of pang-iinis.
Kinuha ko na yung susi ng wave ko na kulay yellow. Then, I drive my baby silently.
Ang Naxus High ay isa sa pinakasikat na paaralan sa buong mundo. Mga elites, models, actors, anak ng mga kilalang pulitiko at bussiness tycoon ang mga taong pwedeng makapag-aral dito. Happy but sadly to say, dito ako nag aaral. Happy, dahil ako lang sa milyong mga kabataan ang naging scholar ng paaralan na ito.
But sadly kasi maraming mahadera, inggitera at bully sa school na ito. Nandyan yung tatapunan ka ng juice, lalagyan ng basura yung locker mo, ikukulong ka sa banyo, papatirin ka sa canteen at iba pa.
Pero sanay na rin naman ako. Ayaw ko na lang sanang magdrama kaso nasa script ko iyon. Sayang naman ang exposure ko. At least may pag-gagamitan ako ng luha.
For almost 4 years ba naman. Four years na pang-aapi at panghahamak nila sa akin. Hindi ako katulad ng mga schoolmates ko na lumaking may gintong kutsara na sa bibig pero hindi naman ako bayolenteng tao. Nakakasawa na nga yung ginagawa nila. Ayaw ko na ng gulo
Wala pang isang oras ay enrolled na ’ko. Huling taon ko na sa highschool at sana pagbigyan na ako ng taon na ito na magkaroon ng magandang alaala. Pero nakakapag-taka… Wala pang nambubully sakin sa araw na ito.
Lord, dininig Mo na ba yung panalangin ko? Thank you po. Ang lakas ko talaga-
“Fuck! Hanggang ngayon ba naman hindi pa nagda-drop yang dukha na ’yan?” ani ng isang epal sa gilid.
“Gosh! That panget is here pa? It’s so eewie!” sabi naman ni Ms. Arina.
“Tangna pre! Rape-in ko kaya ’to nang madala?” sabi nung pafa sa gilid.
Sige, push mo yan kuya. Kakayanin natin iyan kahit gaano pa kalaki ang pagsubok. Chars! Huwag po, kuya, virgin pa ako.
Sabi ko nga po, Lord, eh walang nambubully sakin.
Maya maya pa ay naramdaman ko na lang ang pag-bagsak ng katawan ko sa isang matigas na sahig. At doon ko na lang nakita ang sarili ko na nakapalibot na sakin ang ilang enrollees. Nakatayo naman sa harapan ko ang isang football team. Jusko gang rape na ba ito? Sisigaw na ba ’ko ng ‘gang rape! gang rape!’? Chos!
“Lampa.”
“Weak.”
Maya maya pa ay naramdaman ko na lang ang isang malagkit at mabahong likido sa katawan ko.
Shit. Putik.
Umalingaw-ngaw sa pandinig ako ang tawanan ng bawat enrollees.
“Ayan! Mukha ka nang baklang mababa ang lipad.” Hindi ko alam kung kanino nang-galing ang mga katagang iyan.
Hanggang sa may tumadyak sakin na siyang dahilan kung bakit ako namamalipit sa sakit.
“Panget na nga lampa pa!” Hala si kuyang epal! Linya ni pareng Cross yan, hoy! Uso credits!
Sanay na akong binubugbog. Sanay na akong kinukutya, at sinasaktan. Tanggap ko nang wala akong maibabaong magandang alaala mula sa eskwelahan na ito.
“Bayot na salot “
“Mga pokpok ng mundo “
“Mga malalandi.”
This world. Napaka mapanghusga. Madaling mag-judge kaysa alamin ang tama. Ang hirap nga namang maging mabuti. Kasi tulad ng mga nasa telenobela ng mga pilipino, ang mabuti ang inaapi.
Ang sakit, not only physically but emotionally also, porque ba bakla at mahirap ay kailangan ng laitin?
Ilang sandali pa ay isa-isa na silang nagsi-alisan, na siyang naging hudyat para tumulo ang kanina pang nagbabadyang mga luha ko.
“Ano ba, Glee? Ba’t ka umiiyak? Sanay ka naman, diba? Ano ba, pesteng luha naman oh. Hayaan mo na sila! Di lang talaga sila maka-appreciate ng tunay na kagandahan.” A beauty that cannot see by our naked eyes. Kagandahan na tanging kapwa may busilak na puso lang ang maaaring makakita.
I am like a princess that was cursed to be imprisoned in a vessel. In a body that always been judge. Mind you, I am also being descriminate.
Tatayo na sana ako nang may biglang nag-offer ng panyo sa akin.
“Ahm panyo?” tanong ng isang almost-
Almost boy next door na mukha. Anghel na siya na hinulog sa lupa upang iligtas ako. I looked directly on his deep brown eyes that makes me somehow suffocated.
He is so damn perfect.
Ohlala.
Chapter 3
Chapter 3
Eggball
Gleechi Lee
Oh shit! Ohlala. Grabe! Tao pa ba siya? He seems so perfect wearing his yellow shirt at ternong pantalon. Grabe! Couple shirt ang peg namin. Bigla akong naniwala sa forever at destiny. Pakipusuan naman po ako.
Taena, ang gwapo. Nakakatakam p’re! Mukha itong foreigner-a korean guy, to be specific. Beneath those thick eyeglasses, there are his glowing orbs hold the most soft and purest stare. His posture is timid yet he looks so manly! Shet! Where have you been all my life, boy?! Ang gwapo lang talaga niya.
Hindi na kapani-paniwala ang kagwapuhan ng lalaking ito. Ilang beses ko na bang nasabi na ang gwapo niya? Juicemayo marimar!
Though, may pagka-nerd ang attire, grabe mga bess, ang sex appeal, umaapaw. Emegesh! Nagwewet na ako!
Gaga, Glee! Pa’nong di ka magwewet eh naligo ka sa putik? Syet! Ang chaka ko na siguro. Bakit ngayon pang hindi ako prepared? Bakit ngayon ko pa nakita ang lalaking nakikita kong makakasama ko? Ng habang buhay! I can’t believe this! Isama mo pa na kinakausap niya ako! Please! I don’t wanna live forever kung panaginip lang ito!
“Uhm? Ms. Convenience store, panyo? “
Napakunot noo ako ng bahagya. Ano daw? Ms. Convenience store? Hinalukay ng utak ko yung sinabi niya at doon ko napagtanto: isa sya sa kasama ni mamang gangster! Pero mukhang hindi naman siya mukhang barumbado at manyak. In fact, opposite sila ni gangster.
“Ay ano yun?” Nakakawala sa tamang huwisyo itong lalaking ito.
“Uh… Panyo?” For the nth time, he offered.
At sa di inaasahang pagkakataon ay binuhat niya ako at dinala sa banyo. Doon niya ako hinalikan. Isang halik na nakakapanlambot ang pinalasap niya sa akin. Tanging ang dingding lang ng banyo ang sumusuporta sa likod ko.
Ramdam na ramdam ko ang tamis ng kanyang mapupulang labi. Hanggang sa ang aking leeg naman ang kanyang pinagsawaan. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking batok. Halos mapaungol ako dahil sa pagroromansa niya sa aking mga nipples.
Hanggang sa unti-unti akong bumalik sa katinuan dahil sa pagtapik niya sa aking pisngi.
Yung totoo? Wet dreams lang ’yon? Shuta! Nakaka-dismaya naman!
Ba’t napapadalas ang pagwe-wet dreams ko? Glee! Magtino ka ’te. Come back to your senses!
“Eh, Miss, laway mo.” He said hesitantly. Hindi ko alam kung namalik-mata ako o sadyang nakita ko ang isang pilyong ngisi mula sa labi niya.
Bigla akong napaiwas ng tingin at ramdam kong ang pag-pula ng magkabilang pisngi ko. Shit! Ayaw ko na! This is too much to handle!
“Sorry…” sabi ko na lang.
Kinuha ko yung panyo na kanina pa niya ino-offer sakin saka niya ako tinulungan makatayo. Napagpasyahan namin na magtungo sa banyo at doon gumawa ng bata.
Joke!
Pinahiram niya ako ng damit pagkatapos kong maligo sa school comfort room. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si kuya pogi na naghihintay sa akin.
“Ano… Thank you sa damit, mamang dilaw. Don’t worry, ibabalik ko ito sayo ng malinis at may bahid ng amoy ko.”
Humagikgik naman si kuya. Gusto kong tumili na para bang nakakita ako ng ipis na feeling butterfly! Ang gwapo niya, inay! Parang nagbukas ang pinto ng kalangitan.
May milagro.
Napakamot naman sa batok si kuyang dilaw. “Just call me Book.” he introduced as he extend his hand to me, offering a friendly handshake.
At dahil maganda ako, tinanggap ko iyon. Sino ba naman ako para tanggihan ang handshake na yon, diba?
“Glee na lang ang itawag mo sa akin. Pero pwede ring future.” nahihiya kong pakilala. Nahihiya pa niyan a? Siyempre pa-demure ang gaga.
“Cute.” komento niya na may maliit na ngiti. Kuyang dilaw, please lang, alam kong naka-couple shirt tayo ngayon pero sana wag kang pa-fall. Marupok ako.
Seconds later, he offered something again. “Glee hatid nalang kita sa inyo.”
What a gentleman! ’Di katulad nung bastos na gangster na kasama niya, lintik! Naalala ko tuloy.
“Hala! Hindi na, Book! Sobra-sobrang abala na iyon.” pagtanggi ko habang naka-hand gesture ako na tumatanggi.
“Nah! I insist.” Hindi pa man ulit ako nakakatanggi nang hawakan niya ang kanang kamay ko at hilain ako. Ang lambot ng kamay niya! Anak mayaman!
“Yung wave ko.” bulalas ko.
“Ako na ang bahala dun. Ihahatid na lang ni Butler Kyo ang wave mo.”
Wala akong nagawa kundi sumang-ayon na lang. Gusto ko rin naman siyang makasama ehe. Patagong landi lang.
Maya-maya pa ay narating namin ni Book ang school parking lot. Wala ng masyadong tao kasi tapos na ang enrollment. Humarap naman kami sa isang Ferrero Enzo na kulay gold with touch of black.
Spell elegante? B-O-O-K
“Sayo ba yan?” tanong ko na bahagyang nabulol pa.
Pinagbuksan niya ako ng pinto-sa passenger seat-at hinayaang makalulan ng maayos bago niya sinara ang pinto at mabilis na naglakad paikot papuntang driver seat.
“Yup. Regalo sa akin ni Papa kahapon.” cool na sagot niya sakin nang prente na siyang nakaupo sa driver seat at binuhay ang engine ng kotse.
Nang komportable na kaming nakalulan sa kotse, ramdam ko ang lambot ng seat, halatang mamahalin. Ganoon din ang pagkalat ng manly na pabango ni Book nang dahil sa aircon. Siya na talaga.
Binalot ng katahimikan ang byahe… Minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin na siyang sanhi ng pagkapula ko. Ayaw ko namang mag-open ng topic, ayaw kong mag mukhang feeling close. Magdadapit hapon na at halos mag-orange na rin ang kalangitan. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom.
Maya-maya ay nakita ko ang stall ni kuya Tenji. I crave something I really miss to eat. Eggball!
Our sexy nerd. Book! In the multi-media. What can you say?
![Cover of Apple of those Prince Heart ( Prince Series) Series 1 [✔️]](/story-covers/apple-of-those-prince-heart-prince-series-series-1_57735815.webp)
