Bachelor Series 1: Midnight Romance
Mister Adobo · 2 chapters · 1,522 words
Prologue
“Gosh, heto na naman tayo. Another waste of my precious time.” mataray na reklamo ni Sophia habang nakatingin sa relo niya. Alam ko rin na umikot na naman ang paningin niya kasabay nun.
Siya si Sophia Altazar, ang amo kong glamorosa, rich at famous. Tawag ko nga sa kanya ay Señorita Sophia. Sikat at tanyag siya sa larangan ng modeling pero ang ganda niya sa harap ng camera ay ibang-iba sa ugali niya.
Atin-atin lang ’to pero maldita talaga siya. Hmm… Madalas niya rin akong tarayan. Part na siguro yun ng trabaho ko bilang personal assistant niya. Mabuti na lang at sa tinagal ko na sa kanya, nasanay na rin ako sa ugali niyang iyan. Natutuwa na nga ako sa pagiging maarte niya. Ginagawa ko na lang pangpa-good vibes.
Bigla siyang tumayo sa pagkaka-upo, kinuha ang wineglass niya tsaka ininom at sinimot ang alak na naroon. “Lucas, get my bag on the couch.” utos niya sa akin na akin namang sinunod. “Pupunta tayo sa kanya. Just wait here, magre-retouch lang ako ng make-up.” hindi man lang nakita ang pagtango ko. Mabilis niya akong iniwan para pumasok sa comfort room nitong room niya.
Matapos ang ilang minuto pang paghihintay ay biglang nag-ring ang cellphone niya na nasa lamesa. Naka-ilang ulit na itong tumunog. Hindi ata naririnig ni Señorita Sophia kaya may kuryosidad akong lumapit dito.
“Uy, Sir Henry pala.” bulong ko.
Siya ang pupuntahan namin ngayon ni Señorita Sophia. Siya si Sir Henry Midnight Alexander, ang tinaguriang hottest chef alive sa mundo. Yung tipong matatakam ka hindi lang sa bawat pagkain na ihain niya, pati sa kanya. Madalas ko lang siyang mapanood sa mga food vlogs niya. Excited ako na makita siya sa personal but not that much, marami na rin kasi akong nakitang tanyag na pangalan sa industriya ng showbiz. Parang nasanay na ’ko.
Ang alam ko nagde-date sila ngayon ni Señorita Sophia. Nagtataka lang ako dahil palagi siyang naiirita sa tuwing may date sila. Minsan hindi ko siya maintindihan talaga.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin ang tawag. Kanina pa kasi. Itinapat ko lamang ang cellphone niya sa mismong tenga ko.
“Hello? Ba’t ang tagal mong sumagot? Naaabala mo na ako, Sophia. Alam mo naman siguro na busy akong tao.” rinig ko sa malagom niyang boses sa kabilang linya. May pagtaas rin ng kaunti sa boses nito. Pati ba naman siya? “Hey, are you there, Sophia?”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin siya. “Pasensya na po, Sir Henry. Nasa comfort room po siya ngayon. I am Lucas, her personal assistant. Kung may mensahe po kayo, ako na lamang po ang magsasabi sa kanya.” may kaba kong sagot sa kanya. Nakaka-overwhelmed lang kasi, hello? Si Henry kaya ’to!
Napakagat labi ako nang marinig ko ang paghangos niya sa kabilang linya. Hala, na-offend ko ba siya? “Oh, okay. Just tell her na wag nang pumunta pa. I-re-reschedule ko na lamang ang lakad namin.”
Lumingon ako sa may comfort room kung saan pumasok si Señorita Sophia bago sumagot pabalik. “I will, Sir Midnight— ay este sir Henry. Sorry po.” napakagat labi ako nang matawag ko siya sa pangalawa niyang pangalan. Bigla akong nahiya.
Narinig ko ang iritable niyang pag-ngisi sa kabilang linya. “Have you ever watched my interviews, my vlogs? No one calls me by that name, not my family, not my friends, not my co-workers, not even you. You understand? And also…”
Hindi ko na siya pinatapos dahil agad ko nang binaba ang tawag. Kinabahan ako!
Mister_Adobo
Bachelor Series 1:
Midnight Romance
Chapter 1
Lucas Mendez POV
Sa wakas, nakabalik rin kaming Pilipinas after nang halos lagpas isang linggong pamamalagi sa London para sa fashion week na dinaluhan ni Señorita Sophia. Makakapagpahinga at makakatulog na rin ako nito ng maayos. Ani
ko sa isip ko.
“Gosh! Naka-uwi rin tayo. I’m so tired.” agad na ibinagsak ni Sophia ang mga dala niyang bag na may mga imported na damit galing sa London. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa kama niya tsaka doon tumalon. Tila yinakap pa nito ang higaan niya na parang bata. “Na-miss ko itong kama ko. Argh, ang tigas naman kasi ng kama nila doon sa hotel na pinamalagian natin. It felt like I was lying on rocky and bumpy ground.” malumbay at pabebe niyang sabi.
Agad kong hinila papasok ang maleta tsaka nagsalita, “Señorita Sophia, ang dami kayang mga tao sa labas na humihiga lang sa kalsada, sa karton, walang magandang tinutuluyan tapos ikaw, heto, nagagawa pang magreklamo. Sarap kayang mahiga doon, mga imported.” komento ko sa kanya. Sa tagal ko na sa kanya, kahit pa mataray yan, parang magkaibigan na lang kami kung mag-usap.
“Well, its their choice. Hindi ko na problema yun.” walang gana niyang tugon sa akin.
Napahangos na lang ako. Minsan talaga ang sakit niya magsalita. Naiiling ko na lang na pinagpupulot ang mga dala niyang bag, “Saan ko ba ilalagay itong mga binili mong damit, Señorita Sophia?” tanong ko.
Agad naman itong bumalikwas tsaka umupo sa kama. “Diyan mo na lang sa may gilid. Ako na lang bahala diyan. Teka ano na nga bang oras?” tanong niya.
“8:02 PM.” sagot ko naman.
“Oh well, you can go home na and take a rest. Magpahatid ka nalang kay Manong Jose.” kasabay no’n ang paghikab niya pagkatapos ay nahiga ulit.
“Goodnight, Señorita Sophia.” pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya kasabay ang mahinang pagkaway.
Madali na akong lumabas ng mansion nila. Tulog na ata ang mga magulang niya at mga kasambahay dahil tahimik na roon. Masyado nang tahimik at wala na akong nakita pang kahit sino pagdaan sa malaki nilang sala.
Sakto dahil narito na si Manong Jose sa labas para ihatid ako papunta sa maliit kong apartment. Nakasanayan na niya ito dahil halos isang taon na rin akong nagtatrabaho kay Señorita Sophia. Kung tinananong ninyo kung paano ako naging personal assistant ni Señorita Sophia? Yun ay dahil matalik na magkaibigan ang mama ko at mama niya nung elementary pa sila.
“Nag-enjoy po ba kayo sa London, Sir Lucas?” nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Manong Jose.
“Opo, super ganda ng mga place nila doon. Very welcoming rin ng mga tao. Bukod nalang po doon sa mga afam na lapit nang lapit at hingi nang hingi ng number sa akin.” naiiling at nakangisi kong sabi habang nakatingin sa rear view mirror na nasa may unahan kung saan rin saglitang sumusulyap si Manong Jose.
Napansin ko rin ang pag-iling at pagngisi niya. “Lakas talaga ng tama sayo ng mga lalaki. Bakit hindi mo kasi subukang pumasok sa isang relasyon? Bigyan mo naman ng oras ang lovelife mo. Puro ka nalang trabaho, Sir Lucas.”
“Manong Jose talaga. Sakit lang po iyan sa ulo tsaka 23 years old palang naman ako. I’m still young. Ine-enjoy ko pa ang buhay single.” nakangiti kong sabi habang nakabaling ang paningin ko sa labas. Well, ang totoo niyan sumasagi na rin sa isip ko ang humanap ng partner sa buhay. Pero kasi hindi pa iyon ang priority ko sa ngayon, family first ako, breadwinner ata ’to.
Madalas sa akin ipaalala ni Manong Jose ang tungkol sa pag-ibig na iyan. Hindi naman ako bitter. Nakaka-trauma lang talaga ang mga nasasaksihan ko sa paligid ko. Daming relasyon na nauuwi lang sa hiwalayan and mostly na sanhi ay cheating. Pakiramdam ko tuloy wala nang loyal sa mundo na ’to.
“Nandito na tayo.” ani niya. Madali naman akong bumaba pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya.
Malumbay akong pumasok sa apartment kung saan ako tumutuloy dahil sa pagod. Agad akong nagbihis upang makapagpahinga na. Pakiramdam ko kasi pang-isang buwang pagod itong nararamdaman ko.
Hinahayaan ko na sana ang sarili ko na bumigay na dahil sa antok nang biglang may kumatok na nagpabalikwas sa akin.
Wala naman akong ine-expect na bisiti bukod kay, “Señorita Sophia, ba’t naparito ka pa? Gabing-gabi na.” hindi na ako nagtaka na nandito na naman siya ng ganitong oras. For sure magpapasama na naman ito sa kung saan na bar. Lagi naman yang ganyan lalo na kapag stress.
Hinawi ako nito tsaka siya pumasok sa apartment ko. Humarap naman ako sa kanya habang nakahalukipkip. “Alam ko na may kailangan ka na naman. Dapat may overtime payment ’to. Tsaka insurance, hindi natin alam, baka mapahamak ako sa labas.”
Hinubad niya naman ang kanyang shade, umirap, tsaka hinawi ang bangs niya na palagian niyang ginagawa, “Fine. Just come with me.” sinasabi ko na nga ba.
“Bar na naman ba iyan? Hindi ka pa ba nagsasawa sa bar sa London. Eh, halos lahat ng bar doon napasukan muna.” nagtataka kong tanong habang humahakbang papunta sa may couch rito sa sala.
“No, hindi sa bar. Kung ako lang ang masusunod ipagpapabukas ko na lang ito. Argh, kaasar! I hate it. Basta magbihis ka na, hihintayin ka namin ni Manong Jose sa kotse.”
“Señorita Sophia?” tawag ko sa kanya upang pigilan siyang makalabas. Hindi man lang kasi sinabi sa akin kung saan kami pupunta. Huminto naman ito pagkatapos ay humarap ulit sa akin. “Saan ba tayo pupunta ng ganitong oras ng gabi? Hindi ka pa ba nagsawa sa London kakagala? Pwede ba magpahinga muna tayo?” reklamo ko.
“Its a dinner date with Henry.”
Mister_Adobo
Bachelor Series 1:
Midnight Romance

