Back.ass.wards
MochaSmoothie · 37 chapters · 106,801 words
INTRODUCTION
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, events, places, etc. are a product of the author’s imagination. Any resemblance to real/actual persons, (living or dead) is truly coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME
I acknowledge that copying someone else’s work, or part of it, is wrong and claiming that it is their work is a form of plagiarism. I have not allowed, nor will I in the future allow, anyone, to copy my work to pass it off as their work.
WARNING
There are grammatical errors and typos in this story as this is my very first work. I’m not a professional writer. I would appreciate any comments/corrections from you guys.
BACK.ASS.WARDS
Copyrights © MochaSmoothie, 2022
PROLOGUE
PROLOGUE
Kasalukuyan akong nag i-scroll sa aking mga social media accounts dito sa may sala nang biglang dumating ang mga barkada ko na mga “Not-So-Pretty” naman. “Huy te? Ano ka na jan?” bungad sa akin ni Barbs kasama sina Fifi at Gema. Dahil kilala naman sila ng mga magulang ko ay welcome silang maglabas masok dito sa aming bahay nang walang paalam.
“Ano rin ba yon?”, sagot ko naman dito sabay balik ng mga mata ko sa cellphone.
“Gaga ka! Sumama ka sa amin mamaya. Manonood tayo ng basketball”, sabat naman ni Fifi.
“Oh, tapos?”, ani ko naman.
“Lah? Maraming boylet doon, teh. Ang daming gwapo at ang shesherep pa”, sabi naman ni Gema na may pagpapa-bebe sa boses nito sabay ipit ng buhok sakanyang tenga.
“Pag-iisipan ko pa mga teh. Nakakatamad kasi eh. Mainit.”, tugon ko naman sa mga ito na ikinairap naman ng mga mata ni Babrs. Kahit kailan talaga sya ang pinaka mahilig umirap sa amin.
“Ay te! Wag mo kami artehan diyan at nanggigigil ako sayo. Sumama ka na samin. Hindi ka na nga nakakasama sa awra namin nitong mga nakaraang araw eh”, panunumbat naman ng baklang Fifi.
“Oo nga, te. Saka para makita mo na rin si ”
Bebe Boy
” doon. May laro yung team nila mamaya. Grabe ang dami nyang fans. Mapababae, lalaki, bakla at tomboy ata ay napapasigaw sa kilig dahil sakanya. Ang galing pa mag shoot ng bola. Ewan ko na lang kung hindi tumelag nota mo pag nakita mo kung gaano sya kapogi at kasherep”, pag singit naman ni Gema habang paimpit na kinikilig.
“Saan ba kasi yan?”, tanong ko naman sakanila.
“Ayan ah! Nakarinig lang na may pogi at masherep na ”
Bebe Boy
” biglang sama agad?”, pang-aasar ni Fifi.
“Edi wag na lang sumama, shutaka! Minsan di ko na alam sayo. Balakajan”, pag-iinarte ko naman dito. Kaloka. Akala ata nito ay dahil lang dun sa ”
Bebe Boy”
na pogi at masherep “Daw” kaya ako sasama. Wala rin naman kasi akong gagawin mamaya kaya why not, diba?
“Luh? Nag-inarte pa nga. Keme lang bhie. Sige na, sumama ka na. Doon lang yon sa may kabilang barangay. Alas-otso ng gabi yung laro nila.”, pag-imporma ni Barbs.
“True! Daanan ka na lang din namin dito sa bahay nyo para sabay-sabay na tayo gumora”, ani ni Fifi.
7:30 pm na ako natapos maligo at napag desisyunan kong magsuot ng maong na hight waist pek-pek shorts at croptop na kulay dilaw. Naglagay ako ng konting BB cream sa mukha, inayos ko rin ang aking kilay, naglagay ng liptint sa pisngi at sa labi, at saka naglagay ng pulbo sa mukha. Hindi kasi ako mahilig sa bonggahang make-up. Nagspray na rin ako ng favorite kong pabango na Victoria Secret Vanilla Lace. As a sweetgurl lang kasi talaga dapat ang role at atake ko.
Nagpapatuyo ako ng buhok sa may tapat ng electricfan dito sa loob ng kwarto ko nang biglang kumatok ang mga “Not-So-Pretty” kong friends. “Arat na, ate!”, bungad agad ni Fifi kasunod na nagpasukan naman sila Barbs at Gema. “Wait lang, te. Papatuyuin ko pa ng konti itong buhok ko”, sagot ko naman dito ng hindi sila nililingon.
“Ay pak! Ginalisan, este ginalingan mo naman mare”, puna ni Gema sakin at sabay-sabay silang sinuri ang aking ayos.
“Kumalma ka, teh. Ako lang to, si Keith”, pagpapa bebe ko naman dito.
“Naka pekpek short ka at bra tapos Keith pangalan. Hahahahah”, pagtawa naman ni Barbs.
“Wow ha! Nahiya naman ako sayo, Alfredo Jr.”, pambabara ko naman dito. Napatigil sya sa tawa sabay irap sa akin.
“Oh sya, tara na at magsisimula na ang laban nila ”
Bebe Boy
”, pagyaya ni Gema na halata ang excitement sa mga mata.
Sobrang daming tao nang makarating kami sa basketball court dito lang sa katabing barangay namin. Maingay rin ang paligid. Rinig mo pa rin ang usapan ng mga tao sakabila ng malakas na music. Isa ito sa mga barangay na may magandang basketball court dito sa district namin. Half court lang kasi ang mayroon sa barangay namin. Hindi gaya dito na whole court at sobrang liwanag pa dahil sa mga ilaw na mayroon ang court. Open Area rin ito kaya kahit maraming tao ay hindi ganun kasiksikan tignan ang mga tao na manonood.
Nagmamasid at inoobserbahan ko ang buong paligid at ang mga tao nang biglang hilahin ni Gema ang mga braso ko at kinapitan ito habang nagtatalon sa tuwa at kilig. Si Barbs at Fifi naman ay impit na napapatili rin dahil sa kilig. “Aray ko naman, Gema. Ang sakit sa braso te. Bitaw na!”, pagpupumiglas ko rito.
“Ayun na si ”
Bebe Boy”
, Kate! Dali tignan mo”, sabay turo sa kabilang part ng court na katapat ng pwewsto namin. Napalingon ako sa direkyon kung saan nakaturo ang kanyang daliri. Puro mga players na busy sa paghahanda ang nakikita ko dahil magsisimula na ang laro. Lahat sila ay nakasuot ng jersey uniform nila na kulay dilaw at may kanya-kanyang number sa likod nito. Inisa-isa ko ang mga lalaki pero di ko naman matunton kung sino yung ”
Bebe Boy
” na tinutukoy nila dahil ang iba ay mga nakatalikod sa amin at ang iba naman ay mga nakayuko at busy sa pagaayos ng sapatos. Hindi ko tuloy makita nang maayos ang mga mukha nila.
“Sino ba sa mga yan si ”
Bebe boy
?”, pagtatanong ko sakanila.
“Ayun sya, te! Yung naka suot ng jersey na number 19”, sagot ni Fifi sabay turo ulit doon sa pwesto ng mga players.
Hinanap ko ang lalaki na nakasuot ng jersey na number 19. Inisa-isa ko sila hanggang sa nahanap ko ito. “Hindi ko naman makita ang itsura mga ate. Nakatalikod kasi”, sabi ko sakanilang tatlo. “Basta tumingin ka lang don, mamaya haharap din yan dito”, sagot naman ni Gema na kinikilig pa rin.
Muli kong tinignan yung lalaki at sinuri habang nakatalikod ito. Kitang-kita ang malalaking mga braso nito dahil pa-sando type ang jersey na suot nila. Malapad rin ang balikat at likod nito na parang pag inuntog ka sa mga iyon ay makakatulog ka talaga. May pagka brown rin ang buhok nito na kumikinang dahil sa liwanag na dala ng mga ilaw dito sa loob ng court. Matangkad rin ito na parang nasa 6”0 ang height nya. Malaki ang built ng katawan at may buhok ito sa mga ma-muscles nyang binti na kita rin naman dahil naka jersey shorts sya. ”
Mukhang mesherep nge
”, sambit ko sa isip ko.
Narinig naming nagsalita ang isa sa mga commentators ng palaro at sinabing magsisimula na ang laban. Napatulala na lang ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang humarap na ito sa direksyon namin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Tila natuod ako at parang bumagal ang mga pangyayari sa paligid ko.
“Hindi ito maaari. Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya dito? Siya na ba talaga yan? Oo, sya nga! Hindi ako pwedeng magkamali. Pero bakit? Kailan pa? Bakit hindi namin alam?”
, sunod sunod kong litanya sa aking isipan.
“Kate?”, narinig ko ang pagtawag sakin ni Gema pero hindi ako nagreact dahil nabato na ang katawan ko sa sobrang gulat. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ako makakilos. Ni sumagot ay hindi ko magawa. “Kate? Hoy! Kate, ano ba? Hoy kanina pa kita kinakausap”, pagpipilit na tawag ni Gema sa atensyon ko.
“HOY, KATE!? ANO BA? KANINA PA KITA TINATAWAG!”, sigaw nito sa aking tenga na syang nagpabalik sa akin sa sistema. “Ano ba nangyayari sayo?”, takang tanong nito.
“Ahh. Sorry. Hehe”, ang tanging nasabi ko rito. Patuloy pa rin sa pagtibok nang mabilis ang puso ko. Parang anytime ay lalabas na ito sa aking dibdib. Pinagpapawisan ako pati na rin ang aking mga kamay. Hindi ako mapakali. Ngitian ko na lang sya ng pilit.
“Anyare sayo? Okay ka lang ba?”, tanong nya ulit.
“Oo, okay lang ako. Medyo sumama lang takbo ng tiyan ko. Nae-erna ata ako”, pagpapalusot ko.
“Ayan ang dugyot ah!”, natatawang sabi nito na may pagtakip pa ng ilong nya na kunwaring nakakaamoy ng mabaho. Buti na lang at tinanggap nya ang pagdadahilan ko at hindi napansin na may kakaiba pa sa akin.
Kailangan kong umalis dito. Ayoko syang makita. Ayoko ring makita nya ako. Hindi ako handa sa mga nangyayari ngayon at posibleng mangyari pag nagkita kami.
“Mga teh, uuwi muna ako ah. Medyo masakit na ang tiyan ko eh. Natatae na talaga ako”, pagtawag ko sa pansin ng tatlo at sabay-sabay silang napatingin sa akin.
“Sige lang, teh. Baka dito ka pa magkalat. Kyawsi nyan.”, pagpayag naman ni Barbs.
“Push na. Basta bilisan mo ah. Bumalik ka agad”, ani ni Fifi.
“Oo. Sige na, hindi ko na keri”, sambit ko sa mga ito. Bukod sa hindi ako mapakali ay dinagdagan ko rin ng konting pag-arte ang ganapan ko para naman mag mukhang kapanipaniwala na natatae nga talaga ako.
Mabilis kong nilisan ang pwesto namin at nagmamadaling makalabas sa kumpulan ng mga tao. Kailangan kong makaalis agad dito. Hindi na kaya ng dibdib ko ang sobrang pagkabog. Lakad patakbo na ang ginawa ko. Nang medyo makalayo ako ay muli kong nilingon ang basketball court habang naglalakad. Patuloy pa rin na tumatakbo sa isip ko lahat ng katanungan. Saktong papaliko na ako sa eskinita papasok sa aming barangay nang may mabangga ako. Hindi ata namin napansin parehas na magkakasalubong kami dahil paliko ang way namin.
“Ayan, Kate. Katangahan kasi. Bakit kasi naglalakad nang nakatingon sa likod?
” Lintanya ko sa utak ko.
“Ay hala! Sorry po. Hindi ko sinasadya”, pagpapaumanhin ko sa mga ito habang nakayuko. Kita ko na dalawang pares ng mga paa ang nakikita ko sa lupa. At parehas paa ng mga babae.
“Okay lang. Pasensya rin kasi hindi rin namin alam na may makakasalubong pala kami. Paliko na rin kasi ang daanan.”, sagot naman nito sa akin.
Inangat ko ang aking ulo para makita sila pero mas nagdoble ang bilis ng tibok ng puso ko nang makita kung sino ang mga nakabanggan ko.
”
Tita?”,
gulat na tanong ko sa aking isipan. Nakatitig lang ito sa akin habang malamyos na nakangiti.
Nakatitig lang din ako sakanya at hindi ko na rin alam kung ano na bang expression ang nakapinta sa aking mukha. Ilang segundo pa kaming nagkatitigan na para bang may gusto kaming sabihin at kompirmahin sa isat-isa. ”
Hindi nya ako nakikila or natatandaan
?
Maging ang dalaga na kasama nito ay hindi rin ako kilala?
”, takang tanong ko sa isip ko.
Biglang nagsalita ang dalagang kasama nito na nakatayo sa may kanan nito. “Tara na, mom. Magsisimula na ang laro nila Kuya Teo”. Naputol ang aming pagtititigan at parehas na ngumiti. Nagsimula na uli silang maglakad at nilagpasan ako. Habang naglalakad sila papalayo ay narinig ko pa ang ginang na kinakausap ang anak nitong dalaga, “She looks familiar, Maica? Do you think we have met her before?”, tanong nito. “Not sure, mom”, pagkibit balikat naman ng dalaga.
Nang makarating ng bahay ay dumeretso agad ako sa aking kwarto at nahiga sa kama habang nakatingin sa kisame. ”
Nagbalik sila. Nagbalik sya. At hindi ako nakilala lalo na nila Tita Myra at Maica. Pero bakit? Kung sabagay ay malaki ang pinagbago ng itsura ko. Halos 12 years na rin nang huli kaming nagkita-kita at for sure naman ay hindi na rin nya ako makikila gaya nila nila tita Myra
”, pagpapakalma ko sa sarili kong isipan.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nakakalimutan. Hindi ko pa rin sya nakakalimutan. Bumuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili. Kung tutuusin nga ay dapat masaya ako dahil bumalik sya. Pero hindi yun yung nararamdaman ko kundi takot at pag-aalala. Makakayanan ko kayang umakto ng normal knowing na magkalapit lang ang mga bahay namin? Paniguradong magtatagpo ang aming landas ano mang araw mula ngayon. “AAAHHHHHHHHHHHHHH” sigaw ko sa loob ng aking kwarto sabay. Paano na?
01
Nagising ako sa sigawan ng mga batang naglalaro sa tapat ng aming bahay. Araw-araw na lamang ganito ang eksena dito samin. Ano pa bang aasahan ko dito sa lugar namin? Dikit-dikit ang mga bahay at makikipot na mga eskinita. Nakatihaya akong nagmulat ng mga mata at kinapa-kapa ang aking cellphone sa may taas ng aking ulo. “Ang aga pa pala”, pagrereklamo ko nang makita sa screen ng cellphone ko ang oras. Alas-diyes pa lamang ng umaga at hindi ito ang normal na oras nang gising ko. Bakasyon kasi at walang klase kaya malakas ang loob kong magpuyat. Madaling araw na ko nakakatulog at mga hapon na nagigising.
Bumangon ako at nagsimula nang ayusin ang aking kama. Simple lang naman ang kwarto na mayroon ako. Sakto ang laki nito. Nasa may bandang kanan ng kwarto ang aking kama. Katabi nito ang lamesa na lagayan ko ng mga gamit at study table ko na rin. May nakakabit na ceiling fan sa taas na katapat ng aking kama at may standing fan din sa may bandang paanan. May salamin din na nakadikit sa may pader na nakatapat sa kaliwang pader ng aking kwarto. Sabi kasi nila malas daw na itapat ang salamin sa higaan at sa tapat ng pintuan. Sa bandang kaliwa naman ang aking cabinet. May mga nakadikit din na mga posters ng favorite kong Kpop girl group na So-nyuh Shi-dae (SNSD) o tinatawag rin na Girls’ Generation. Si Sunny ang bias ko at si Taeyon ang bias wrecker ko.
Natapos ako magligpit at bumaba na ako para makapaghilamos. Iisa lang kasi ang CR na mayroon kami at nasa ibaba iyon ng aming bahay. Pagbaba ko ay nakita ko si mama na busy sa paglalaba. Ang tatay ko naman ay busy rin sa pagkumpuni ng nasirang electricfan. Wala akong kapaitd. Unica-Iha ako nila mama at papa. Sabado rin ngayon kaya walang pasok si papa sa opisina. Si mama naman ay napagdesisyunan na wag magtidna ngayong araw. May pwesto sya sa palengke at nagbebenta kami ng mga gulay at prutas.
“Oh, Keith! Himala at ang aga mo atang nagising?”, gulat na tanong ni mama nang makita akong pababa ng hagdanan. Kahit nagsimula na akong mag transition 2 years ago ay Keith pa rin ang tawag sa akin nila mama at papa.
“Ang ingay kasi ng mga bagets, ma”, sabi ko naman dito nang medyo nakasimangot. Sa totoo lang ay inaantok pa talaga ako pero ramdam ko kasing hindi na rin ako makakabalik pa sa dreamland kaya mas mabuting bumangon na lang ako.
Nagtungo muna ako sa lamesa dito sa aming kusina para tignan kung ano ang almusal. Nakita ko na mayroong hotdog at yung longganisa na natira mula pa kagabi. Nakaramdam tuloy ako lalo ng gutom. Dumiretso na ako sa banyo para makapaghilamos at pagkatapos ay nagpunta sa hapag para kumain.
Dahil bakasyon naman, tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Para na rin hindi ako mapagalitan kapag rumampa na kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends. 17 years old na ko at nasa 2nd year college sa darating na pasukan. Kumukuha ako ng kursong Bachelor of Arts in Theater Arts sa isang state university. Iisa lang din kami ng university na pinapasukan ng “Not-So-Pretty” kong mga friends.
Payat ako noon at hindi ma-muscle ang mga braso at binti. Kaya ngayon na medyo nagkalaman na ako ay naging maganda ang hulma ng aking katawan dahil sa tulong ng hormones na tine-take ko. Nasa 5”5 ang height ko at mapuputi at makinis ang balat ko na mas lalong gumanda dahil sa tulong nanaman ng hormones at iba pang mga supplements na tine-take ko. Sakto lang para sa panigin ko ang kulay ng balat ko pero para sa mga kaibigan at kakilala ko ay sobrang puti ko daw. Ewan ko ba. Sakit na siguro ng mga mapuputi na hindi nila nakikita na maputi sila.
Bagsak ang maiitim kong buhok na hanggang balikat. Medyo singkit ang aking mga mata. Pinagpala at nabiyayan ng katamtamang tangos ng ilong at maninipis na labi. Nabiyayaan din ako ng maliliit na bone structures kaya siguro petite akong tignan.
Bata pa lang naman ako ay ramdam na nila mama at papa na hindi lalaki ang anak nila kundi isang babae at maswerte ako dahil naging madali para sakanila na tanggapin ang tunay na ako. Never ako nagkaroon ng moment na nag come out ako as gay or kahit noong nalaman ko na babae talaga ako at nagsimulang i-identify ang sarili ko as a transwoman. Never namin ito napagusapan. Parang kusa na lang at nagkaintindihan na kaming lahat.
Deep inside kasi talaga ay ramdam at alam ko sa sarili ko na I’m not just a gay. At narealized ko yon noong 16 years old na ako. I am a woman. Period! Hindi lang talaga nagtugma ang gender ko sa kasarian na mayroon ako.
Hindi madaliing mabuhay bilang isang Transwoman. Nandiyan pa rin ang walang katapusan na discrimination at mapanghusgang mga mata. Idagdag mo pa na ang mahal maging tipo naming babae. Lalo na kapag nakakaranas ka ng “Gender Dysphoria”. Nagsimula ako magtake ng mga contraceptive pills. Name it! Micropill, Trust, Marvelon, Althea at Diane. Pero napag-alaman ko na hindi ito recommended sa mga transwoman as HRT (Hormone Replacement Therapy) kaya nagswitch ako sa mga bio-identical na hormones. Nakakaluwag naman kami sa buhay kaya Malaki ang allowance na nakukuha ko kaya may sapat akong pera pambili ng mga ito.
Kakatapos lang namin maglaba ni mama dahil nagdecide akong tulungan sya. Kasalukuyan kaming nagpapahinga nila mama at papa sa may sala habang nanonood ng tv nang biglang banggitin ni mama ang tungkol kila tita Myra.
“Hoy Keith, alam mo bang nagbalik na sila tita Myra mo? Nagkita kami kahapon lang sa may palengke. Mag-iisang buwan na rin pala simula noong makabalik sila.”, ani ni mama.
Si mama at papa ay malapit na kaibigan ni tita Myra. Sila ang unang naging kaibigan nito simula nang lumipat siya sa lugar namin para dito manirahan. Sabi pa nga ni mama ay nagtataka sya at bakit sa ganitong lugar daw napili ni tita Myra tumira samantalang halata naman na mayaman ang pamilyang pinanggagalingan nito. Dahil nga halatang hindi sanay sa ganitong lugar si tita Myra, sila mama ang naging takbuhan nito kapag kailangan nya ng tulong sa mga bagay-bagay.
Hanggang sa magkasunod sila na nagbuntis. Ako na dinadalang tao ni mama at si Teo naman kay tita Myra. Nagulat na lang din sila na buntis pala ito. Wala naman kasing naipakilala si tita Myra sakanila na kasintahan nito. Ngunit hindi man naipakilala ni tita Myra kila mama at papa kung sino ang tatay ng ipinagbubuntis nya ay hindi naman sya hinusgahan ng mga magulang ko. Sinabi rin nito na suportado naman daw sya ng magiging tatay ng anak nya. Minsan din ay umaalis ito at nakikipagkita doon sa tatay pero never nameet nila mama kung sino talaga ang kinakasama ni tita Myra.
Magkasunod lang din na nanganak sila mama at tita Myra. Naunang nanganak si tita Myra at after 3 months ay sumunod naman si mama.
Nafocus ang tingin ko sa tv at nagpapanggap na hindi ko sya narinig. Ayaw ko sila pag-usapan. Ayokong mabagabag nanaman ang tahimik kong puso at diwa. Bigla akong kinurot ni mama sa tagiliran.
“Kinakausap kita diba? Alam kong narinig mo ko. Kaya wag kang magbingi-bingihan diyan”, pagtawag atensyon sa akin ni mama.
“Aray ko ma! Masakit naman”, pagrereklamo ko rito. “Narinig naman kita ma, saka malay ko rin ba na nagbalik na pala sila.” , dagdag ko pa rito.
“Yun nga ipinagtataka ko eh. Mag-iisang buwan na pala pero hindi man lang natin nalaman eh samantalang tatlong bahay lang ang layo nila sa atin. Saka grabe parang walang pinagbago si Myra. Ganoon pa rin ang itsura nya. Ang ganda pa rin.”, sabi ulit ni mama na tila naiinggit pa ata.
Which is totoo naman. Kaya nga madali kong nakilala si tita Myra nang magkita kami noong isang gabi dahil parang wala talaga syang pinagbago. Kung ano yung itsura nya noong mga bata pa kami ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Pero syempre hindi rin naman magpapatalo ang beauty ng mama ko. May ibubuga rin sya no.
“Sayang nga eh at hindi ko nakita si Matthew. Binata na rin yon at sigurado akong napaka pogi nya ngayon. Kahit naman noong maliliit pa kayong dalawa eh pogi na talaga ang batang iyon.”, dagdag ni mama. Si papa naman ay busy pa rin sa panood ng tv at hindi kami pinapakelaman sa usapan namin.
Totoo rin naman yung sinabi ni mama tungkol kay Matthew. Teo ang nickname nya. Bata pa lang kami ay cute at pogi talaga ito. At ngayon ay talaga namang mas pumogi sya at naging mesherep pa. Diyos ko po. Patawad po, Lord. Hindi ko po siya pinagnanasahan. Inaappreciate ko lang po yung taglay niyang kapogian at kasherepen.
Siya rin ang naging dahilan kung paano ko nadiskubre na hindi ako straight. Na may pusong babae ako.
We have that one person noong mga bata tayo na makakapag trigger at magiging dahilan nang pagtuklas natin sa kung sino at ano talaga tayo. At para sa akin, si Teo iyon. Paano ko nasabi? We were childhood best friends. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay na dalawa.
Siya rin ang naging tagapagtanggol ko tuwing may umaaway sa akin na kalaro namin noon. Mahinhin kasi ako noong bata ako. Kaya nga siguro nakahalata na agad sila mama at papa na may kakaiba sa akin. At dahil doon ay naging tampulan na rin ako ng tukso ng iba naming kalaro. Pero hindi iyon binigyang pansin ni Keith. Hindi ako nakarinig nang pang-aasar sakanya noon o kahit disgusto sa kung paano ako kumilos. Everything went normal between us. Sa murang edad ay nagagawa nya akong ipagtanggol at protektahan. Tuwing umiiyak ako dahil sa pang-aasar ay nagagawa nya akong patahanin at ginagawa nya ang lahat para maging masaya ulit ako.
At habang tumatagal ay mas naging malapit pa kami sa isa’t isa. Unti-unti akong nakaramdam nang kakaibang saya pag kasama sya. Pakiramdam na hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin at tawag noong mga panahong iyon. Basta ang alam ko masaya ako. Masaya kami. Nadiskubre ko rin na mas humahanga pa ako sakanya kaysa sa mga magagandang batang babae noon. Pero ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat at masasabi kong sya ang first at ultimate childhood crush ko.
Kaya sobra talaga akong nalungkot noong nawala sya. Nawala ang pinakapa paborito kong kalaro. Nawala ang pinakamalapit kong kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Kahit ang mga magulang ko ay hindi rin alam. Basta na lang sila umalis nang walang nakakaalam.
We weren’t able say our goodbyes to each other. At ngayong nagbalik sya. Makakayanan ko kaya syang harapin gayong iba na ang pagkatao ko. Itinuturing nya pa rin kaya akong kaibigan at childhood best friend after so many years? Baka may iba na siyang bestfriend. Magiging magkaibigan pa rin kaya kami kapag nalaman na nya ang tunay na ako?
Dahil sa totoo lang, natatakot ako. Matatanggap niya kaya ako?
02
Maaga akong ginising ni mama dahil nagpapatulong ito sa pagtitinda mamaya sa palengke. Matagal na kasi noong huli ko siyang tinulungan sa pagtitinda. Kahit ayaw ko pa bumangon ay wala naman akong choice. Grabe pa yung antok ko dahil madaling araw na ako nakatulog kakanood ng mga random videos sa youtube. Inayos ko ang aking kama bago bumaba para makapag almusal at makaligo na. Nakaalis na rin si papa papuntang trabaho habang si mama naman ay nakabihis na at paalis na ng bahay papuntang tindahan. Sumunod na lamang daw ako.
Nagsuot ako ng usual kong suot pag tumutulong kay mama sa pagtitinda. Naka pek-pek shorts ako at oversize shirt which are my very comfortable type of clothes. Naglagay rin ako ng liptint sa pisngi at sa labi para naman muka akong fresh. Nakakahiya naman humarap sa mga suki ni mama nang haggard ang itsura. Nang matapos sa pagaayos ay lumabas ako ng bahay at nilock nang maayos ang pinto at gate namin. Naglakad ako palabas ng makipot naming eskinita at nagpunta sa kanto para mag tricycle. Ayaw ko maglakad dahil medyo sikat na yung araw at masakit na ito balat kahit alas nuwebe pa lang naman ng umaga. Dagdag pa na dala ko ang iilan pa sa mga paninda ni mama. Though konti lang naman ito pero para sa akin ay mabigat na ito. Hindi lang talaga siguro ako sanay na nagbubuhat.
Pagkarating ko sa palengke ay naglakad na agad ako sa pwesto namin at natanaw ko si mama na busy sa pagaasikaso ng mga customers. Nagtitinda kami ng iba’t ibang klase ng mga gulay at mga prutas. Katabi namin ay ang pwesto naman ng ninang ko na si ninang Tessie. Si ninang Tessie ay malapit na kaibigan ni papa at kasing edad lang din sya ni mama. Puro karne naman ang kanyang tinda kaya madalas ay samin dumederetso yung mga customers nya after bumili ng karne para naman makabili ng mga gulay. Madalas ay mga sahog sa ulam ang mga binibila nila. Ito ang pinaka malaking wet market dito sa lugar namin. Naol wet. Char! Katabi ng wet market na ito sa may bandang kanan ay ang Pure Gold at sa kaliwa naman nito ay ang tiangee at mga ukay-ukay. As in nandito na karamihan ng hinahanap ng mga tao at mura pa ang mga paninda.
“Oh! Bakit ngayon ka lang? Bilisan mo kumilos at tulungan mo na’ko dito. Marami na ang mga bumibili”, bungad agad sa akin ni mama.
Inilapag ko sa may likod na lamesa ang mga bitbit ko dahil hindi ko na keri magbuhat. “Ang bigat kasi ng mga dala ko, ma. Kaya natagalan ako”, pagdadahilan ko dito.
“Tigilan mo nga ako sa kaartehan mong bata ka. Eh limang pirasong tali lang naman ng kangkong at tatlong upo ang dala mo”, ani ni mama.
“Eh sa mabigat nga, ma. Alam mo namang ayaw ko nagbubuhat dahil lalaki mga muscles ko sa braso ”, patuloy kong reklamo rito.
“Oh sya. Tama na ang daldal. Tulungan mo na ko rito”, pagawat ni mama sa kaartehan ko.
Tumulong na ako agad kay mama sa pag assist ng mga customers. Kinuha ko isa-isa ang mga gulay na binibili ng isang customer na babae at inilagay ito sa isang plastic. “Ito na po ate. 110 pesos po lahat”, wika ko rito habang binibigay ang plastic na pinamili niya at sabay naman nitong iniabot sa akin ang bayad. “I received 120 pesos po”, sabi ko rito nang nakangiti. “Ay taray! Fast food chain to?”, sarkastikong sabi naman ng babae na may halong pang aasar. Dineadma ko na lang sya dahil ayaw kong masira ang araw ko. “Here’s your change po, ma’am”, sabay abot ng sukli sakanya. Nakasanayan ko na kasing sabihin ang mga lines na ito tuwing tumutulong ako kay mama sa pagtitinda. Hilig kong gayahin yung mga linya ng mga nagta-trabaho sa mga fast food restaurants. Saludo sa inyong lahat!
“Talaga nga namang napakaganda ng inaanak kong ito”, pagtawag pansin sa akin ni ninang Tessie pagkaalis ng babae.
“Mana lang po sa inyo, ninang”, pagpapa bebe ko rito.
“Ang tagal kitang hindi nakita dito sa tindahan ni mareng Analyn ah”, ani nito.
“Ah hehe. Oo nga po eh. Naging busy lang ninang”, pagdadahilan ko rito.
“Ay nako, Mare. Busy yan sa pagrampa nya kasama ang mga barkada nya. Kaya nga sinabihan kong tulungan ako nyan dito para naman mapagaan ang pagtitinda ko”, sabat naman ni mama sa usapan namin.
“Ikaw naman, Analyn. Syempre nagdadalaga na itong inaanak ko. Hayaan mo na lang rumampa nang rumampa”, sagot nito kay mama. “Ikaw ba ay may boyfriend na, Keith?”, diretsang tanong naman ni ninang sa akin.
“Naku, ninang! Wala pa po. Wala pa sa isip ko ang pagjo-jowa”, sagot ko naman rito.
“Aba’y dapat lang. Unahin mo ang pag-aaral mo bago ang pagbo-boyfriend”, sabat nanaman ni mama.
“Ayan ka nanaman, Analyn. Hayaan mo naman itong anak mo na i-enjoy ang buhay.”, pagsagot nanaman ni ninang kay mama. “At ikaw naman bata ka, ayos lang naman ang magboyfriend-boyfriend. Basta wag mo pababayaan ang pag-aaral mo. At syempre ingatan mo rin ang puso mo.”, ani naman nito sa akin.
“Ay naku! Ikaw talaga, Tessie. Pag iyang anak ko ay maagang nabuntis. Tignan mo lang talaga”, singit ulit ni mama.
“Ma naman! Wala kong matres. Kumalma ka.”, pasigaw na sabi ko rito na may halong biro.
“Ay! Wala ba? Sorry naman, anak.”, ani ni mama at sabay-sabay kaming nagtawanan nila ninang.
Pero sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng konting lungkot pag sinasampal ako ng reyalidad na wala ako ng mga katangian na meron ang mga Ciswomen. I totally agree na Transwomen are Women. Ngunit tayo yung tipo ng mga babae na iba sa tipo ng mga Ciswomen. Meron sila na wala tayong mga transwomen at mayroon tayo na wala naman sila. But despite of our differences, we are all women. Not having a ‘Matres” won’t make us less of a woman. Dahil hindi naman nababase ang pagkababae sa kung anong nasa pagitan ng ating mga hita. Pero yun nga, may mga times pa rin na hindi maiwasan ang ma insecure lalo na pag inaatake ng ‘ansha’ dahil sa hormones. Nauuwi sa pago-overthink.
Kasalukuyan kong iginagala ang paningin ko sa paligid dahil medyo kaunti na lang ang mga tao nang biglang nahagip ng mga mata ko si Tita Myra. Bumilis nanaman ang tibok na puso ko at nagsimula nang mataranta. Nakita ko itong papalapit sa aming pwesto kaya tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko sa kaba at napaupo na lang para makapag tago sa likod ng aming lamesa na pinapatungan ng mga paninda namin.
“Shit! Shit! Kailangan ko makaalis dito. Ayaw kong malaman nya na ako na si Keith. Na ito na ang bago kong pagkatao. Hindi pa ako handa.”,
natatanranta kong sabi sa utak ko.
Napansin naman ako ni mama na tila nakaupo at parang nagtatago sa loob ng aming tindahan. “Anong ginagawa mo jan, Keith? Tumayo ka jan at bantayan mo yung mga paninda. Hindi pa ko tapos magbilang ng mga pera dito”, sabi ni mama.
“Ah eh. Ano kasi ma. Ah…”, natataranta kong sagot dito habang nag-iisip ng pwedeng i-dahilan para makaalis agad.
“Ano? Ano ba nangyayari sayo? Tumayo ka na diyan!”, ani ni mama na medyo naiirita.
“A-ano kasi ma. Me-medyo sumama pakiramdam ko. So-sobrang sakit bigla ng tiyan ko”, ayun agad ang lumabas sa bibig ko.
“Feeling ko nausog ata ako ng isa mga customers mo”, dagdag na dahilan ko dito.
“Nausog?! Ano ka sanggol? Huwag mo ko artehan diyan, Keith. Marami pa tayong paninda at dapat maubos yan”, hindi naniniwalang sagot ni mama.
“To-totoo nga, ma. Super sakit ng tiyan ko. Baka nabati ako ng isa sa mga customers mo na gutom at wala pang kain. Pinagpapawisan na nga ako ng malamig oh”, sabi ko rito with matching pagpunas kuno ng pawis ko sa noo at leeg.
“Eh anong gusto mong gawin ko? Palawayan kita sa lahat ng mga tao dito sa palengke?”, pambabara nito sakin.
Tuluyan na kong kinain ng kaba nang marinig ang boses ni Tita Myra. “Analyn! How are you?”, masayang bungad niya kay mama base sa tono ng boses nito. Nakaupo pa rin ako sa loob ng tindahan namin at nagtatago. Sure naman akong hindi nya ako nakikita dahil natatakpan ako ng lamesa.
“Hoy, Myra! Ayos lang naman ako. Salamat naman at nagkita ulit tayo. Magkalapit lang naman ang mga bahay natin pero hindi tayo magtagpo-tagpo. Ikaw ba? Kumusta ka? May bibilhin ka ba?”, masayang sagot ni mama rito.
“I’m doing fine. Bibili ako ng mga gulay pang sahog sa ulam namin na sinigang mamaya. Teo requested na magluto daw ako ng favorite niyang ulam” – Tita Myra.
“Hindi pa rin pala nagbabago yang si Teo. Sinigang pa rin ang paboritong ulam”, - Mama.
“Naku! Super favorite nya iyon. I still remember nga na favorite ni Teo at Keith ang sinigang when they were kids.”, - tita Myra.
Paborito namin ito parehas simula noong mga bata kami. Madalas itong lutuin ni tita Myra at madalas ako ayain nito na kumain sakanila para na rin may kasabay si Teo.
“Hahaha. Oo nga. Naaalala ko rin at paborito pa rin ni Keith ang sinigang hanggang ngayon.”, natatawang sang-ayon ni mama. “Sayang lang at hindi ko pa ulit nakikita si Teo. Nami-miss ko rin ang batang iyon. Sure akong sobrang gandang lalaki na niya”, dagdag pa ni mama.
“I know he misses you too especially Keith. And speaking of. Where is Keith? I haven’t seen him too. I’m also excited to meet him again. Even your husband na si Rogelio ay hindi ko pa ulit nakikita. How’s he doing?”, sunod-sunod na tanong ni tita Myra.
“Naku! Si Rogelio ay medyo busy sa trabaho dahil kaka-promote lang niya. Si Keith naman ay nandit… Aba at saan naman nagpunta ang batang iyon? Nandito lang sya nakaupo kanina eh”, rinig ko pang gulat na tanong ni mama.
Dahil bago pa man ako matawag ni mama at piliting tumayo para harapin si tita Myra ay unti-unti na akong naglakad nang nakaupo patawid sa tindahan ni Ninang Tessie para makatakas. Hindi nila ako nakikita dahil nakatago ako sa mga lamesa na patungan ng mga paninda. Hindi rin agad napansin ni mama ang pagalis ko dahil tila wala silang pakielam sa paligid ni tita Myra at masayang masaya sila na naguusap. Naiintindihan ko rin naman dahil sobrang tagal nilang hindi nagkita at halata namang namiss nila ang isa’t isa.
Binilisan ko pa ang kilos at nang makalagpas sa tindahan ni ninang Tessie ay mabilis akong tumayo at tagumpay na naglakad papalayo. Mabuti na lang at dumami ulit ang tao kaya nakihalo ako sa mga ito para hindi ako makita. Halos patakbo na ang ginawa ko para lang makalabas agad at hindi nila ako maabutan. Simbilis nang hakbang ko ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Dumiretso agad ako sa pila ng mga tricycle para mabilis na makauwi ng bahay.
Pagkauwi ay umakyat agad ako sa kwarto at nahiga sa aking kama. Tinext ko na lang din si mama at sinabing sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko kaya umuwi na ako.
Pero ang totoo ay hindi pa talaga ako handa na makaharap silang muli. Dahil panigurado na kapag nalaman ni tita Myra na ako na ang dating Keith ay ipagbibigay alam nya ito kay Teo. Natatakot ako sa magiging reaction ni Teo pag nalaman ito. Ang hirap.
Matagal ko nang natutunan na wag pansinin ang sasabihin ng mga tao tungkol sa pagkatao ko. Dahil una sa lahat ay hindi naman nila kilala ang tunay na ako. Ang mahalaga ay tanggap ako ng mga taong mahahalaga sa buhay ko. Pero pag dating sakanila ay hindi ko ito ma-apply.
Pasensya na, tita Myra. Hindi pa siguro ngayon ang tamang oras para makaharap ulit natin ang isa’t isa.
03
“Manong, para po. Sa may tabi lang”, halos pasigaw na sabi ni Barbs sa loob ng jeep. Nandito kasi kami nakaupo sa may bandang pintuan at may music pa yung jeep kaya kailangan mong lakasan ang boses mo para marinig ka ng driver. Bumaba kami ng jeep matapos itong tumigil sa may gilid ng kalsada. Heto kami ngayon, papuntang mall. Alas-tres na ng hapon at napagdesisyunan ng mga “Not-So-Pretty” kong friends na mamasyal dito. Hindi rin naman namin alam kung ano ba talaga ang gagawin namin sa mall bukod sa magpa-aircon. Basta na lang nag-aya si Fifi at sinabing pumunta daw kami sa mall para magpalamig. Super init kasi ng panahon.
Tanghali pa lang kanina ay pinauwi na ako ni mama galing tindahan. Tinulungan ko sya saglit sa pagtitinda dahil sobrang dami nanaman ng mga customers. Nang humupa ang mga mamimili ay pinauwi niya naman agad ako at sinabing sya na daw bahala sa tindahan. Nabanggit ko rin kay mama na mamamasyal kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends sa mall at binigyan niya ako kaunting pera panggastos.
Kung tatanungin nyo kung anong nangyari after kong iwan si mama at tita Myra sa tindahan noong nakaraang linggo? Sa kabutihang palad ay hindi naman ako pinagalitan ni mama nang makauwi ito. Pinanindigan ko talaga na super sumama yung pakiramdam ko at medyo naging okay rin nang nakapagpahinga ako. Sinabi nito na dapat daw ay bumili ako ng mga bagay na panlaban sa mga usog para hindi na maulit. Binanggit niya rin na gustong-gusto na raw ako makita ni tita Myra at miss na daw ako nito. Mabuti na lang din at hindi nabanggit ni mama kay tita Myra ang tungkol sa akin. Maybe she understands na wala sya sa lugar para sabihin sa ibang tao ang tungkol sa pagkatao ko kahit pa anak niya ako. At ako lang ang may karapatan na ipaalam sa iba kung sino at ano na ako ngayon.
Nandito kami sa loob ng mall at naglalakad ng hindi alam kung ano talaga ang pakay. Tamang window shopping lang kami sa mga boutique na nadadaanan namin. Isa rin sa mga bagay na hindi maiiwasan pag nasa galaan kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends ay ang maya’t maya nilang pagtuturo sa mga pogi na nakakasalubong namin. Minsan nakakahiya na dahil sobrang halata yung mga dapat ay pa simpleng turo lang ng mga daliri nila sa mga pogi. Pero wala naman akong choice, kahit ganito sila ay nagi-enjoy ko rin naman. Minsan kasi ay natatawa na lang ako dahil nagpaparamihan sila nang makikitang pogi.
“Mga teh, tignan niyo si kuyang naka blue. Dali! Tignan nyo, 3’oclock.”, ani ni Gema. Yes po, ginagamit nilang term ang mga numbers sa orasan para sabihin kung saang direksyon kami dapat tumingin. Since 3’oclock ang sinabi ni Gema, dahan-dahan kaming tumingin nila Barbs at Fifi sa may kanan namin kung nasaan yung lalaki.
“Ay shuta! Pogi nga mga teh. Ang kinis at ang borta”, pagsang-ayon naman ni Fifi.
“Shems! Ang gwapo at engsherep. Ganyan yung mga type ni atashi”, kinikilig naman na sabi ni Barbs habang nakatingin pa rin sa lalaki.
Agad kong binawi ang tingin ko dahil nakakahiya pag nahuli kami ng lalaki na nakatingin sakanya. “Oo nga, pogi. Kaso di ko bet”, sambit ko naman sakanilang tatlo.
“Ay wow! Ang ganda! Nahiya naman si kuya sa’yo”, pag-angal ni Gema habang pumapalakpak pa ang mga kamay.
“Sa true! Kaya ka di nagkakajowa te eh. Ang choosy mo. Egul ka pa sa pogi?”, dagdag naman ni Fifi. Si barbs naman ay pairap-irap ang mga mata sa akin. Konti na lang dudukutin ko na talaga mga mata nito.
“Ay wow din! Kala mo talaga may mga jowa rin sila. Saka bakit parang galit kayo? Bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko?”, sagot ko sakanila habang ginagaya si Teddie Salazar ng Four Sisters and a Wedding.
“Palibhasa mga bet mo yung mga “Not-So-Attractive” na lalaki. High School pa lang tayo mga chaka talaga mga nagiging crush mo”, ani ni Barbs. Pero dineadma ko na lang ito.
Wala namang masama kung hindi pogi yung taong nagugustuhan mo. Marunong naman ako mag-appreciate ng kapogian ng mga lalaki. Siguro ay mas mahalaga lang para sa akin ang ugali kaysa sa physical appearance. Gaya ng mga naging crush ko noong high school kami. They were not that attractive pero mababait kasi sila at marespeto. Yung ramdam mo yung kabutihan nila through simple gestures lang. Mas na aappreciate at na aattract ako sa mga ganung tao. And also, naiintimidate kasi ako sa mga pogi kaya hindi ako nakikipag-usap sa sakanila. Kahit yung mga pogi kong classmates noong high school ay mailap ako. But who knows? Baka dumating ang time na hindi na ako maintimidate sa mga pogi at makakilala ng mabait na magugustuhan ko rin. Ayoko naman kasi magsalita nang tapos.
Nandito na kami ngayon sa loob ng isang sikat na fast food restaurant at naisipan nang kumain. Nagutom na kasi ang mga bakla kakaturo ng mga pogi. Si Fifi at Barbs ang umorder habang naiwan kami ni Gema sa may table at busy kami parehas sa pag-iiscroll sa mga cellphones namin. Nagche-check ako ng
facebook
nang biglang pumasok sa isip ko na hanapin ang fb ni Teo. Pero mamaya ko na lang siguro gagawin pag nakauwi na ako sa bahay. Curious ako sa kung ano na kaya ang mga ginagawa nya sa buhay. Kumusta na kaya siya?
Bumalik na si Fifi at Barbs dala ang mga inorder namin. Spaghetti with chicken ang order ni Gema at Barbs habang 1 piece chicken with rice naman ang sa amin ni Fifi.
“Magkano sukli ko?”, agad na tanong ni Gema sa dalawa na nagorder ng mga food.
“Mamaya na mga sukli niyo. Kumain muna tayo, pwede?”, sagot naman ni Barbs.
“Ay hindi pwede! Alam ko na mga ganyang galawan mo eh. Mamaya ka nang mamaya hanggang sa makalimutan na natin”, seguristang angal ni Gema.
“Oo nga! Yung sukli ko rin. Saka may utang ka pa sakin na sampung piso noong nakaraan”, sabi ko rin kay Barbs.
“Ang o-OA naman. Oh ito na.”, sabay abot sa amin ng mga sukli namin.
“Luh? Kulang ito te. Nasaan na yung bayad mo sa utang mo?”, tanong ko kay Barbs after kong bilangin yung perang binigay nya sakin.
“Ito na, teh. Ikalma mo pussy mo. Akala mo naman hindi babayaran eh parang sampung piso lang naman”, pag-irap nito sa akin sabay abot ng sampung piso.
“Hahaha! Hoy te! Wag mo nila-LANG yung sampung piso. Pamasahe rin ito no.”, sagot ko rito habang natatawa. Pumait kasi yung expression ng mukha nito na para bang inaakusahan namin sya na nakagawa ng malaking kasalanan.
Don’t get us wrong. Nililibre rin naman namin ang bawat isa at minsan ay pinapalampas ang mga ganitong klase ng utang kapag nakakaluwag sa buhay. Gipit lang talaga kaming lahat ngayon dahil bakasyon at wala kaming mga allowance kaya kahit ulitimo piso ay hindi namin papalampasin. Maniningil at maniningil talaga kami.
Kakababa lang namin ng jeep dito sa may kanto ng barangay namin dahil nagdecide na agad kaming umuwi pagkatapos kumain. Alas-sais na rin ng hapon at medyo madilim na. Ngunit bago pa kami umuwi sa kanya-kanya naming bahay ay biglang nag-aya si Gema na pumunta muna sa may plaza para kumain ng mga street food. Hindi daw ito nabusog sa kinain namin kanina sa mall.
“Doon na tayo dumaan sa may ‘Ginubatan’ para mabilis tayong makarating sa plaza”, pag-aya ni Gema.
‘Ginubatan’ ang tawag namin sa shortcut na daan papuntang plaza. Isa itong daan na may mga puno at mga halaman. Medyo malupa rin ang daanan dito na may mga kaunting damo kaya binansagan itong ‘Ginubatan’ ng mga tao. Hindi rin naman nakakatakot ang dumaan dito lalo pag gabi dahil maliwag naman ang daanan dulot ng mga ilaw na nanggagaling sa mga nakatira dito. May mga baranay tanod din nag-ikot dito tuwing gabi.
Nang makarating sa may plaza ay pumasok na kami at agad nagtungo sa pwesto kung saan nakahilera ang mga nagtitinda ng street food. Naka pwesto ang mga tindahan sa may kanan na parte ng plaza. Makikita rin sa loob ng plaza ang malaking entablado sa may unahan at gitnang parte. Dito ginaganap ang iba’t ibang palabas tuwing may fiesta at kung ano-ano pang okasyon. May mini playground din ito sa may bandang kaliwa at makikita roon ang maraming bata na naglalaro. Ang iba naman ay mga pamilya na nagpapalipas oras dito sa loob at mayroon ding mga magkasintahan na nagde-date.
Bago pa man kami makarating sa may unang tindahan ng mga kwek-kwek ay nahagip ng mga mata ko ang lalaking hindi ko pa kayang makaharap muli. Nasa may taas ito ng entablado kasama ang ilang mga kalalakihan. Hula ko ay mga ka team mates nya ito sa basketball dahil namumukhaan ko ang iba sa kanila.
Agad akong napakapit sa braso ni barbs dahil sa biglaang kaba sa dibdib ko at nagsimula na ulit akong mataranta. Medyo unti-unti na rin akong nagtatago sa likod niya. “Aray ko naman, te!”, pag-angal ni Barbs. Pero hindi ko ito binitawan at tila pinipigilan ko pa itong lumakad. “Bitawan mo nga ako, Kate. Masakit pa yung braso ko dahil kaka-inject ko lang ng Pheno.”, dagdag pa niya. Pero hindi ko pa rin siya pinansin at hinila naman si Fifi para makapagtago sa likuran nilang dalawa.
Napansin agad ni Fifi ang ginawa ko at ang kakaibang kilos ko kaya hinarap ako nito. “Anong problema mo, te?”, tanong nito sa akin. Humarap na rin si Barbs sa akin habang nasa likod ko si Gema. Pero bago pa ako sumagot ay hinili ko rin si Gema mula sa aking likod papunta sa tabi ni Fifi para maharangan nila akong tatlo at hindi ako makita ng kahit na sino man na nasa entablado.
Sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko habang hindi mapakali sa harap ng tatlo. Pinupukol naman nila ako ng masasamang tingin at may halong pagtataka kaya napayuko na lang ako. Bakit ba kasi ako nalalagay sa ganitong sitwasyon. Noong nakaraan ay si tita Myra, ngayon naman ay si Teo. Alam ko namang nakatira kami sa iisang barangay lang pero kailangan ba na lagi ko silang makakatagpo at sa ganitong sitwasyon pa talaga na hindi pa ako handang humarap sakanila.
“Ano bang eksena mo, Kate?”, tila naiiritang tanong ni Gema.
Hindi ko ito pinansin at sinilip ang entablado sa gilid nito. Nakita ko na isa-isa nang bumababa ang mga lalaki kasama si Teo habang nagtatawanan at paniguradong dito sila dadaan sa may kinatatayuan namin ngayon. Bigla namang hinila ni Barbs ang buhok ko na syang nagpabalik sa akin sa wisyo.
“Si bakla na-aansha nanaman. Kaka-pills mo yan eh. Saka sino ba yung sinisilip mo sa likod?”, akmang lilingon ito sa may likuran nila nang bigla ko siyang pinigilan.
“A-ano kasi. Ah me-medyo sumama pa-pakiramdam ko”, nauutal kong sambit sa harap ng tatlo habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Parang anytime ay mababali na ang mga ito sa kakapilipit ko. Binigyan nila ako ng tingin na sinusuri at kinikilatis kung nagsasabi ba ako ng totoo.
“Bad acting ka, te. Baka nakakalimutan mong Theater Arts ang course natin kaya alam namin kung umaarte ka lang o hindi.”, umiiling na sambit ni Fifi.
Ito ang mahirap saming friendship eh. Same course ang kinukuha namin kaya kahit anong arte mo sa harap nila ay mahirap silang papaniwalain. Kahit minsan ay totoo na yung nararamdaman mo ay feeling nila ay umaarte ka pa rin. Mukhang kailangan ko atang galingan ngayon.
“Totoo nga, mga te. Na-nuno ata ako doon sa may ‘Ginubatan’. Sobrang sama ng pakiramdam ko”, sabi ko sa mga ito ng may pagle-level up na ng acting.
“Eme-eme ka naman, Kate. Wala pa kong naririnig na na-nuno sa may ‘Ginubatan’. Saka ikaw manu-nuno? Paano mangyayari yon eh ikaw mismo yung nuno sa punso”, natatawang asar ni Barbs. Si Barbs talaga ang magaling kumilatis sa amin kung nagsisinungaling at nag-iinarte lang ba kami or kung nagsasabi kami ng totoo.
Tuluyan na akong nilamon ng kaba at halos mamutla nang masilip ko ang grupo nila Teo na malapit na pala sa amin. Kasalukuyan silang bumibili ng kwek-kwek doon sa may unang tindahan ng street food ilang hakbang na lamang mula sa kinatatayuan namin. Kailangan ko na talagang makaalis dito bago pa kami magtagpo. Hindi na kinakaya ng sistema ko ang sobrang kaba.
“To-too nga mga te. U-umuwi na tayo, please. Hindi ako nagjo-joke. Legit talaga. Parang mahihimatay na ako. Umiikot na yung paningin ko”, pagkumbinsi ko sa mga ito na tila maiiyak na. Naluluha na kasi ako sa sobrang kaba at taranta. Which is nakatulong sa pag acting ko sa harap ng tatlo. Performance level na ito.
Mukhang napaniwala ko naman si Fifi at Gema. “Oh siya! Mukang hindi nga talaga maganda lagay mo. Namumutla ka na eh at baka kung ano pa mangyari sayo.”, pagpayag ni Fifi.
“Ihatid na lang muna natin si Kate sa bahay nila tapos bumalik na lang tayo dito. Maaga pa naman. Hindi pa naman magsasara itong mga tindahan”, pagsang-ayon rin ni Gema.
Si Barbs naman ay walang nagawa at napilitan na lang din na sumang-ayon. Alam kong hindi pa rin ito kumbinsido dahil pairap-irap ang mga mata niya. Naglakad na kami papalabas habang nakakapit ako sa mga braso ni Gema at Fifi. Nakayuko rin ako bilang parte ng acting ko.
Bigla ko namang naalala na hindi rin pala alam ng mga “Not-So-Pretty” kong friends na childhood best friend ko si Teo. Ang hinahangaan at tinatawag nilang
“Bebe Boy”.
Ayoko rin muna sabihin sakanila. Saka na lang siguro pag naging okay na yung dilemma ko with Teo.
Hanggang kailan kaya ako magtatago at maglilihim sa kanila? Tuwing nakikita ko sila tita Myra at Teo ay pinangungunahan ako ng kaba at takot. Pero bakit nga ba kasi ako matatakot sa sasabihin at magiging reaksyon nila gayong sanay na ako sa iba’t ibang komento at panghuhusga.
Hindi ko rin matanto sa sarili ko kung bakit. Siguro ay natatakot akong ma-reject lalo na ni Teo dahil kahit paano ay naging malapit kami sa isa’t isa. Natatakot ako na baka hindi niya na ako matanggap. Na nagbago na yung childhood best friend.
04
Nakarating kami sa bahay ng mga “Not-So-Pretty” kong friends nang hindi ako nagda-drop sa character ko as a person na na-nuno sa punso. Kailangan ko talaga panindigan ang kaga-gahan ko sa buhay.
“Magandang buhay, Tita Analyn at Tito Rogelio.”, masayang bati ni Barbs kila mama at papa. Naabutan namin si mama na nagtitiklop ng mga damit sa sala habang si papa naman ay nagluluto sa kusina.
“Magandang gabi po, tita at tito”, sunod na bati naman nila Fifi at Gema.
Sabay -sabay kaming pumasok sa bahay habang inaalalayan pa rin ako ni Fifi at Gema hanggang sa makaupo ako sa may mahabang sofa namin. Pagkatapos ay isa-isa silang nag mano kina mama at papa.
“Pagpalain nawa kayong mga bata kayo.”, ani ni mama sakanilang tatlo habang si papa naman ay binigyan sila ng masayang ngiti.
“Kumain na ba kayo? Kung hindi pa ay dito na kayo mag-hapunan”, pag-aya ni papa sa kanila.
“Hindi na po. Salamat na lang po, tito. Hinatid lang po namin si Kate. Masama daw po kasi yung pakiramdam”, sagot naman ni Fifi habang nakaupo sa may tabi ko. Nasa kanan ko si Fifi at nasa kaliwa naman si Gema. Si Barbs naman ay nakaupos sa pang-isahang sofa namin.
“Totoo ba? Ano nangyari sa’yo, Keith? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa’yo?’, sunod-sunod na tanong ni papa na bakas ang pag-aalala. Lumapit ito at hinawakan ako para suriin.
“Naku, tito. Na-nuno daw po ata sya doon sa may ‘Ginubatan’. Dumaan kasi kami doon papuntang plaza kanina”, sagot naman ni Gema.
“Diyos ko naman, Kate! Noong nakaraang linggo lang ay nausog ka. Ngayon naman ay na-nuno? Mukang kailangan na kitang ipatawas niyan”, ani ni mama. “Saka wala pa kong nababalitaan na na-nuno sa ‘Ginubatan’. ‘Ginubatan’ lang ang tawag sa lugar na iyon pero hindi naman yon literal na gubat na may mga engkanto at kung ano-anong nilalang”, dagdag pa ni mama.
Hindi ako sumagot. Bagkus ay binigyan ko lang sila ng expression na tila nasasaktan at hindi talaga maganda ang pakiramdam. Kung nagawa kong mapaniwala ang mga “Not-So-Pretty” kong friends ay dapat sila mama at papa rin. Para saan pa at naging Theater Arts student ako kung hindi ko naman ipapamalas ang husay ko sa pag-arte. Alam kong sa entablado lang dapat ito ina-apply pero kailangan kong gamitin ito ngayon. Pag nagkataon na nag drop ako sa character ko at nalaman nilang lahat na nagpapanggap lang ako ay paniguradong wawarlahin nila ako.
“Oh siya. Umakyat ka na sa kwarto mo para makapag pahinga ka na. Dadalhan na lang kita ng pagkain doon”, utos ni papa. Halatang kumbinsido naman sila mama at papa dahil bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.
“Bukas na bukas ay tatawagin ko si Mang Tikboy para ipatawas ka at makahingi na rin ng pangontra sa ganyang mga bagay.”, ani ni mama na nagtitiklop pa rin ng mga damit namin.
“Siga na, mga sis. Salamat sa paghatid. Aakyat na ko sa kwarto ko”, pagpapaalam ko sa tatlong “Not-So-Pretty”.
“Gora na, sis! Pagaling ka”, sagot naman ni Fifi at isa-isa nila akong bineso sa pisngi. After ay nagpaalam na rin sila kila mama at papa at lumabas na ng bahay.
Umakyat agad ako sa aking kwarto at nahiga sa kama. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos kong i-drop ang character ko as taong na-nuno sa punso. Grabe! Ilang minutes rin akong umarte at nagpanggap. Nakaka drain ng pagkatao.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng short ko at nagbukas ng
facebook.
Naalala ko kasing hanapin ang
facebook
ni Teo para i-stalk ito. Madali ko naman nahanap ang
facebook
niya dahil siya agad ang bumungad sa search results after kong i-search gamit ang full name nya. ‘Matthew Suarez (Teo)’ ang nakalagay na name nito. Pero wala naman akong nakita dahil wala naman siyang mga personal post or kahit shared post bukod sa mga basketball at Mobile Legends. Kaunti lang din ang mga pictures nito at puro pa mga sikat na NBA players. Ang profile picture nya naman ay picture niya na nakatalikod at nakasuot ng kulay pula na jersey na may nakalagay na number 19.
Kaya naman sunod kong chineck ang
Instagram
at hinanap sya doon. ‘Teo Suarez’ naman ang username nito at laking gulat ko na ang dami nyang followers. Nasa halos 10k followers ang mayroon sya. Samantalang ako nasa 500 plus lang. At gaya ng
facebook
niya ay puro tungkol sa basketball ang laman nito. Ang recent uploaded picture nito ay picture niya na naka lutang sa ere habang shino-shoot ang bola sa ring ng basketball.
“Ang ‘hot’ nya”
. Hindi ko napigilang sambit sa isip ko. May caption ito na isang emoji ng bola ng basketball. Grabe! Ang fruitful! Ganito ba talaga pag mga lalaki?
Dahil wala naman akong mapala at makuhang impormasyon sa pangi-stalk ay inexit ko na agad ito. Napanbuntong hininga na lang ako sa pag-iisip kung kailan ba ako magiging handa para makarap si Teo.
Bumangon ako sa kama para magpalit ng damit pambahay. Gustuhin ko man maligo pero hindi ko magawa. Nasa baba kasi ng bahay ang banyo at baka kwestyunin sila mama at papa kung bakit ako maliligo gayong masama ang pakiramdam ko. Wala rin naman akong gana kumain ng hapunan dahil sa nangyari kanina kaya nang umakyat si papa para kumustahin ako ay sinabi kong huwag na siyang mag-abala pa na dalhan ako ng pagkain.
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Mabuti na lang din ay hindi ako kinatok ni mama para gisingin. Siguro ay naisip nila na kailangan ko talagang magpahinga. Inayos ko ang aking kama bago bumaba para kumain. Naabutan ko si mama na naghuhugas ng pinggan sa may lababo habang si papa naman ay nanonood ng tv sa may sala. Sabado nga pala ngayon at walang pasok si papa.
“Kumusta ang pakiramdam mo?”, tanong agad ni mama sa akin. Nandito ako sa may tapat ng refrigerator at kumukuha ng malamig na tubig.
“Okay naman na ako, ma. Nakapag pahinga naman ako nang maayos.”, sagot ko kay mama pagkatapos uminom ng tubig.
“Mabuti kung ganoon. Hindi ko na ata kailangan pang ipatawag si Mang Tikboy.”, ani ni mama. Kumuha ako ng plato at ng kubyertos para makakain na ng tanghalian.
“Mamaya pala ay aalis tayo para kumain sa labas. Mini celebration dahil na promote ang papa mo from Accountant to Senior Accountant”, masayang sambit ni mama sa akin.
Nilingon ko si papa na busy ngayon sa panonood ng tv. “Congrats pa! Na promote ka daw sa trabaho sabi ni mama”, paglapit ko dito at binigyan ng isang yakap. Sobra ang pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil sa mga sakripisyo nila. Hindi man kami mayaman ay naitatawid namin ang pang araw-araw na buhay dahil sa pagsusumikap nila. At ang mga ganitong celebration ay bihira lang din namin gawin kaya excited ako .
Nandito na kami ngayon sa may department store ng mall at sinasamahan si papa bumili ng bagong long sleeves na polo na susuotin nya sa trabaho. After namin kumain sa isang sikat na buffet restaurant ay dito kami dumiretso. Sobrang dami kong nakain. Ganito talaga ang epekto pag nagte-take ng hormones. Nagiging timawa. Thankful lang din ako dahil hindi ako tumataba kahit malakas akong kumain. Sila mama at papa ay marami-rami rin ang nakain dahil talaga namang masasarap ang mga pagkain. May mga Filipino, Korean at Japanese food. Talaga namang sulit ang bayad namin.
Isa-isa kong tinitignan ang mga long sleeves polo na naka display at naghahanap ng magandang klase ng polo. Kung tutuusin ay bagay naman kay papa ang kahit na anong kulay ng polo. Magandang lalaki rin naman kasi si papa kahit may edad na ito. Nakakita ako ng isang polo na Mainstreet ata ang brand name at maganda naman ang tela na ginamit sa pagkakagawa. Tinawag ko ang saleslady at nag request ng medium size. Puro small kasi ang available na nakadisplay. Agad naman akong inassist ng sales lady at iniwan ako para kumuha ng stock. Sila mama at papa naman ay nasa likuran ko at tumitingin rin ng iba pang mga brands. Magkakasunod lang kasi na nakadisplay ang mga long sleeves polo ng iba’t ibang mga brands dito.
“Analyn? Rogelio?”, pagsigaw ng isang babae na halata sa boses nito ang gulat at saya.
Lumingon ako patalikod para hanapin ang pinanggalingan ng boses nang magsimula nanaman akong mataranta at parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib sa sobrang bilis nang tibok. Akala ko ay si tita Myra lang ang naroon pero kitang-kita ko si Teo na nakatayo sa tabi nito. Bakit ba ako minamalas. Kung kahapon ay si Teo lang, ngayon naman ay silang dalawa na ni tita Myra. Hindi ako makakilos at nakatingin lang sakanila. Ilang metro lang ang layo nila sa akin at konting lingon lang nila ay kitang kita agad nila ako.
“Myra? Ikaw na ba iyan?”, masayang tanong ni papa kay tita Myra na halatang gulat rin at nakita muli ang kaibigan nilang matagal na nilang hindi nakikita. Lumapit ito kay tita Mya at niyakap. Ganun din naman ang ginawa ni mama.
“Oo ako ito. My God! Mukha bang sobrang laki nang ipinagbago ng itsura ko?”, natatawang tanong nito kay papa.
“Hahaha. Hindi naman. Nagulat lang ako. Kumusta ka na?”, tanong ulit ni papa kay tita Myra.
“I’m fine. Actually nagkita kami ni Analyn noong nakaraang linggo lang.”, masayang sagot naman ni tita Myra.
“Nabanggit ko nga kay Rogelio iyon at mabuti naman ay nagkita na rin kayo”, nakangiting sambit ni mama sabay baling sa lalaking nakatayo sa tabi ni tita Myra.
“Teo? Ikaw na ba yan?”, namilog ang mga mata ni mama sa mangha. Hinawakan niya sa magkabilang braso si Teo at sinuri ang kabuuan nito na tila hindi makapaniwala.
“Yes, Analyn. This is Teo now”, sagot ni tita Myra sabay hawak sa likod ni Teo at hinahagod ito. Bakas sa tono ng boses ni tita Myra na proud siyang ipakilala ang binata ng si Teo.
“Diyos ko po! Ang laki mo ng bata ka. Binata ka na talaga at sobrang gwapo mo.”, namamangha pa rin si mama.
“Totoo namang napaka gwapo at ang tangkad mo. Mas matangkad ka pa saking bata ka”, si papa naman na tila namamangha rin. Sino ba naman and hindi? Ang dating cute na bata na ngayon ay binata na at ubod pa ng kagwapuhan.
“C’mon, Teo. Say Hi to your Tita Analyn and Tito Rogelio. I know you still remember them.”, masayang pag-utos ni Tita Myra kay Teo.
“Good Afternoon po, Tito and Tita.”, sabay abot ng mga kamay nila mama at papa at nag mano ito. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang marinig ang boses nito. Malaki at malalim. Lalaking lalaki pakinggan na siyang nagpabilis pa lalo sa tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay aatakakihin na ako anytime.
“Napakagalang naman na bata. Gwapo na at marespeto pa”, papuri nanaman ni papa at binigyan lang sila ng isang matamis na ngiti ni Teo. Mas lalo siyang gumagwapo sa ngiti niya. Mga nigiti na gustong-gusto kong nakikita noong mga bata kami. Napaka comforting. Yung makita mo lang ang ngiti nya ay ramdam mong safe ka. Malalim na ngiti na tiyak na nakakalunod at magpapawala sa iyong sarili. Nakatitig lang ako sakanya na unti-unti nang nalulunod sa malalim niyang ngiti at hindi na alintana ang mga tao sa paligid ko at ang posibleng mangyari pag nagkataon na makita nila ako.
“Are you two the only ones here? Where is Keith?”, tanong ni tita Myra.
Nang marinig ko ang pangalan ko ay agad akong napabalik sa katinuan ngunit bago pa ako ituro nila mama at papa ay agad akong napaupo at nagtago sa mga naka display na polo.
“Hanggang kailan ba ako magtatago, shuta!”,
naiirita kong tanong sa isip.
“Saan naman nagpunta ang batang iyon? Nakatayo lang iyon kanina diyan at nagtitingin ng mga polo ah. Napansin mo ba ang anak natin, Analyn?”, rinig kong nagtatakang tanong ni papa.
“Aba’t hindi ko rin napansin.”, sagot ni mama. “Kasama namin sya ngayon, Myra. Kaso baka naglilibot at nagtitingin-tingin nang kung ano-ano dito sa department store”, ani naman nito kay tita Myra.
“Oh, okay. I’m really excited to see him again. And I know Teo is excited too”, rinig ko si tita Myra.
“Totoo po, tito and tita. I kinda miss my childhood bestfreind.”, rinig kong sambit ni Teo. Ano? Excited siya? At miss niya ako? Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako. Naghalo-halo na ang kaba at tuwa sa puso ko. Hindi na malaman kung ano ang una kong dapat na maramdamn. Para akong kinikiliti sa tuwa and at the same time ay aatakihin sa puso dahil sa sobra pa ring kaba.
Buti pa siya ay excited na magkita ulit kami samantalang ako ay heto, patuloy na nagtatago sakanila habang nilalamon ng kaba at takot.
“Hayaan mo at darating din yon maya-maya. Hindi rin naman ako makapaghintay na magkita ulit silang magbest friend”, excited na sambit ni mama.
“Ano bang pakay niyo rito”, tanong ni papa.
“Ah. I’m planning to buy Teo and Maica’s new clothes.”, rinig kong sambit ni tita Myra.
“Diyos ko mabuti ka pa nga at nasundan mo si Teo eh samantalang kami ay hindi na namin nasundan si Keith.”, natatawang ani ni mama. “Nasaan pala siya? Panigurado akong maganda na rin ang batang iyon”, si mama na bakas sa boses ang pagka excite.
“She went to the comfort room. Pabalik na rin siya for sure”, tita Myra.
Bigla namang dumating ang sales lady at tinawag nito ang pansin ko. Binigyan ako nito nang nagtatakang tingin dahil halata sa posisyon ko na nagtatago sa mga damit. Pero dineadma ko ito at sinabing babalikan ko na lamang yung polo. Wala naman itong nagawa pa. I felt sorry for her dahil alam kong nag effort ito para i-assist ako.
Dahan-dahan akong naglakad payuko habang nagtatago sa mga mga damit. Kailangan kong makaalis dito. Hindi pa talaga ako handa. Itetext ko na lang sila mama mamaya at sasabihin na umuwi na ako. Nang makalayo at sinigurong hindi na nila ako tanaw ay agad akong tumayo sa pagkakayuko at mabilis na naglakad palabas ng department store. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko napansin ang isang babae.
“Oh my god! I’m so sorry po”, paumanhin ng babae habang nakayuko.
“Sorry din, miss. Hindi kita napansin. Nagmamadali kasi ako”, sagot ko dito. Nang humarap ito ay saka ko lang nakilala kung sino ang nakabanggan ko.
Si Maica, ang anak na babae ni tita Myra. At tama si mama. Sobrang ganda nya. Natatandaan ko naman ang itsura nya dahil nagkita na kami noong gabing nakabanggan ko rin sila ni tita Myra. Hindi ko lang masyadong napansin ang itsura nya dahil naka focus ang mga mata ko noon kay tita Myra.
Morena ang balat nito na tulad ng sa kuya Teo niya. Makakapal din ang mga kilay na maganda ang pagkaka-ayos at ahit. Katamtamang laki ang bilugang mga mata niya at mahahaba ang mga pilik mata. Medyo matangkad ako sa kanya ng kaunti at bagsak ang kulay itim nitong buhok na lagpas balikat nya.
“I’m so sorry po ulit. Sige po mauuna na po ako”, pagpa-paalam nito bago ako nilagpasan at tuluyang naglakad papalayo.
Naiwan akong nakatayo sa may hallway ng mall at hindi alintana ang mga taong dumadaan. Lumulutang ang isip ko at hindi matanto kung hanggang kailan ko sila iiwasan. Mukang sinasadya ata ng tadhana na pagtagpuin kaming lahat. Maybe it’s a sign para harapin ko na talaga sila. Pero paano? Ang dami kong what ifs. Napabuntong hininga ako at tuluyan nang naglakad papalabas ng mall.
05
Pasado alas-otso ng gabi nang nakauwi sila mama at papa. Naabutan nila ako dito sa may sala na nanonood ng tv. Bitbit nila ang iilan sa mga pinamili nila. Hindi ko na alam kung ano pa yung iba nilang binili dahil nga nauna na akong umuwi. Pagkapasok nila ng bahay ay agad silang umupo sa mahabang sofa.
“Oh buti naman at nandito ka lang sa bahay at hindi na naglakwatsa ulit”, bungad agad ni mama habang inaayos ang mga pinamili nila.
“Saan ka ba nagpunta kanina at nawala ka na lang bigla? Hindi pa namin malalaman na umuwi ka na pala kung hindi ka pa nagtxt”, ani naman ni papa habang isa-isang hinuhubad ang kanyang sapatos.
“Ah. A-ano kasi ma, pa. Naglibot kasi ako saglit para magtingin ng mga magagandang damit. Kaso pagbalik ko wala na kayo doon sa may section ng mga polo. Inikot ko ang buong department store kaso hindi ko naman kayo nakita. Wala rin akong load para mai-txt or matawagan kayo kaya umuwi na lang ako. Pagka-uwi ko saka ako nagpaload para matxt kayo”, mahabang pagpapaliwanag at pagsisinungaling ko sakanila.
“Ah ganun ba. Dumating kasi si Myra at nag yaya na samahan sila sa pamimili. Namiss rin kasi namin ng papa mo ang kaibigan namin”, pagpapaliwanag rin ni mama.
“Akala kasi namin ay makikita ka rin namin sa loob lang ng department store kaso bigla kang nagtxt na nakauwi ka na pala. Sayang lang at hindi mo nakita si Tita Myra mo at si Teo pati na rin ang bunsong babae nya na si Maica.”, sabad naman ni papa na ngayon ay naghuhubad ng pang itaas na damit.
“Nami-miss ka na ni Myra at ni Teo. Gusto ka na daw nila makita”, ani ni mama habang kinakalkal ang mga plastic at paper bags na dala nila. Binigyan ko sila ng tingin na kunwari ay hindi ko alam ang mga nangyari at usapan nila kanina.
“Ako rin naman, Ma. Miss ko na rin sila. Hayaan niyo at bibisitahin ko sila”, sambit ko para matapos na ang usapan tungkol sakanila.
“Ay mabuti pa nga. Literal na kapitbahay lang naman natin sila kaya pwede mo silang bisitahin anumang oras”, pagturo ni papa sa may labas ng pinto na akala mo ay nasa tapat lang ng bahay namin ang bahay nila tita Myra. Binigyan ko na lang ng isang matamis na nigiti si papa. Pero ang totoo ay hindi ko alam kung kaya ko ba talagang gawin ang pumunta sa bahay nila.
“Binilhan ka pala namin ng papa mo ng damit”, sabay labas ni mama ng dress sa paper bag at iniabot sa akin. Binulatlat ko ito at nakita ang isang black camisole dress.
“Nakita iyan ng papa mo kanina sa mall at naisip niya na babagay sayo”, dagdag ni mama.
“Sukatin mo na, Keith”, utos ni papa habang sinusuri ko pa rin ang dress. Nagsusuot naman ako ng ganitong klase ng mga damit pero sobrang bihira lang.
“Sure akong bagay na bagay sa iyo yan. Tiyak na maraming lalaki ang mahuhumaling sa’yo”, pang aasar ni papa at binigyan ko sya ng matalim na tingin na ikinatawa naman niya.
“Si papa naman. Wala pa sa isip ko ang mga bagay na iyan. Pero salamat dito sa damit, pa.”, ani ko sabay yakap.
Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos kong maligo para makapagpahinga. Sila mama at papa naman ay naiwan sa sala at may pinag-uusapan pa.
Alas-tres ng hapon ngayon at nandito kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends sa bahay ni Fifi. Dahil wala naman kaming mga pera at walang mga ganap ay tumambay na lang kami sakanila. Mainit rin kasi ang panahon. Ramdam na ramdam mo ang summer. Kakatapos lang namin manood ng horror movie na nauwi lang sa tawanan at harutan.
Nakaupo kami nila Gema at Barbs sa kama ni Fifi habang si Fifi naman ay sa sahig nakaupo. Hiyang-hiya yung may-ari ng kwarto sa mga bisita nya. Hawak ko ang salamin at tinitignan ang aking itsura. Walang bago at ganoon pa rin naman kaya naisipan kong mag-bangs. Ganito ata talaga ang nagagawa ng mga taong bored sa buhay.
‘Mga te! Gupitan nyo nga ako ng bangs. Para naman new look ang eksena ko”, pag-uutos ko sakanila.
“Ay push yan teh! Para naman matakpan rin ang medyo kalakihan mong noo”, pagpayag ni Barbs habang natatawa.
“Nahiya naman ako sa noo ni Fifi. NAIA?”, pang aasar ko naman kay Fifi na ngayon ay busy sa cellphone niya. Bigla itong napatingin sa amin na nanlilisik ang mata na tinawanan lang namin.
“Excuse me? Hindi malaki ang noo ko no. Nagpa Barbie Forehead kasi ako”, sabad naman nito sa amin sabay irap.
“Ay naku! Kung ganyan lang din naman ang kalalabasan ng pagpapa-barbie forehead ay kansel na. Ang pangit pala! Lakas maka flowerhorn”, pang-aasar ni Barbs. Sabay-sabay naman kaming natawa habang si fifi naman ay tumayo sa pagkakaupo at ni wrestling si Barbs sa kama. Mga ganitong bonding lang ay solve na kaming apat.
Pagkatapos nilang magharutan ay saka nila ako ginupitan ng bangs. Nagtatalo pa si Barbs at Fifi kung side bangs or full bangs ang gagawin.
“Ayan keri na te. Dumilat ka na”, ani ni Fifi. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita sa salamain ang mukha ko na ngayon ay naka full bangs na. Maganda naman ang kinalabasan nito. Kaunting ayos na lang ay mukha na akong koreana.
“Hoy manood tayo ng basketball mamaya ah. Pakiramdam ko kasi lumalabo na mga mata ko dahil ang tagal ko nang hindi nakakakita ng mga pogi at mashesherep”, pag-singit naman ni Gema. Pumayag agad sila Fifi at Barbs na halatang excited at syempre pumayag na din ako kahit ayaw ko talaga. Baka kasi may makita nanaman ako doon na ayaw kong makita.
Naglalakad na kami ngayon papuntang basketball court sa may katabing barangay namin. Naka suot ng pek-pek shorts at blouse sina Barbs at Fifi habang kami naman ni Gema ay naka dress. Suot ko ngayon yung black camisole dress na binili nila mama at papa. Maganda nga ang damit at bumagay ito sa itsura ko ngayon. Sinundo kasi ako ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at nakita nila sa kwarto ko ang dress. Kaya heto, pinilit nila akong suotin agad dahil sobrang ganda at bagay daw sa akin.
Hanggang taas ng tuhod ko ang haba ng dress. Masikip ito sa may bandang dibdib at pa-flowy ang bandang baba. Nangingibabaw ang maputi at makinis kong balat na lalo pang pinatingkad dahil itim ang kulay nito. Balak pa nga nila akong lagyan ng bonggang make-up pero hindi ako pumayag. Wala namang dahilan para mag make up ako dahil manonood lang naman kami ng basketball. Sapat na ang liptint sa pisngi at labi. Sinabi pa ng tatlo na dapat daw ay gandahan ko ang ayos ko dahil baka sa basketball court ko daw matagpuan ang prince charming ko. Naiiling na lang ako kanina dahil sa mga pinagsasabi nila.
Nandito na kami sa may loob ng court at sobrang dami ng tao. Ngayon kasi ang laban ng isa sa mga mahuhusay na team sa summer basketball league na ito. Per color ang name ng mga teams na kasali sa liga. Blue Team ang grupo na sinasabing magagaling at 3 consecutive years ng overall champion. Green Team naman ang kalaban nila ngayon kung saang side kami nakatayo ngayon para manood.
Nang magsimula ang laban ay hindi magkandamayaw sa sigawan ang mga nanonood. Dikit ang laban dahil masasabi kong magaling rin naman ang Green Team. Ramdam ko ang tension sa pagitan ng bawat grupo at walang sino man ang gustong matalo. Well, sino ba naman kasi ang may gustong matalo diba?
Napadako ang mata ko kila Fifi, Gema at Barbs na todo bigay din sa pag cheer sa Green Team. Since dito kami sa side nila nanonood ay wala silang nagawa kung hindi ang i-cheer ang grupo. Nakakahiya naman kasi na nandito kami naka pwesto tapos Blue Team ang ichi-cheer nila. Baka kuyugin kami ng mga tao sa paligid namin.
Umabot ng 3rd quarter ang laro at halos Dikit pa rin ang laban. Napansin ko rin ang pagmamaktol ni Barbs at Fifi. Kita ko sa mga mukha nila ang pagkairita.
“Bakit ganyan ang mga itsura niyo ni Fifi”, tanong ko kay Barbs nang inilapit ko ang mukha ko sa tenga nya para marinig ako.
“Ito kasing mga merlat na’to ayaw magpatalo sa pag sigaw. Nakakairita! Ang lalantod!”, inis na sambit nito habang umiirap pa.
“Eh bakit? Kayo rin naman ah”, pang-aasar ko rito.
“Excuse me? Nagche-cheer kami in the most decent way. Tignan mo nga sila, ang lalantod ng mga sigaw. May paungol-ungol pa tuwing nashoshoot ang bola sa ring”, sambit nito nang hindi pa rin natitigil ang mga mata sa pag-irap.
Tinignan ko yung tatlong babae na nakatayo sa mismong harap lang namin at halos pumutok na ang mga ugat sa leeg nila sa kakasigaw. Yung isa ay naka off shoulder, yung isa naman ay naka blouse na may design na mga raffles at yung isa naman ay naka blouse na may butas sa mga balikat. Nakasuot din silang tatlo ng pekpek shorts. Labanan ba ito ng pekpek shorts?
Nang maka shoot ang Green Team ay sabay-sabay na naghiyawan ang lahat pati rin ang tatlong babae pero this time ay mas nangibabaw ang sigaw nila Gema, Fifi at Barbs. Tila nakikipag showdown ng sigawan. Napalingon samin ang grupo ng mga babae pati na rin ang mga taong malapit sa pwesto namin. Nakita kong inirapan ni ateng naka off shoulder ang tatlo kong kaibigan.
“Ay shuta! Iniirapan tayo mga ses! Isa pang irap mo samin dudukutin ko yang mga mata mo!”, pagpaparinig naman ni Fifi na nanggagalaiti sa inis.
“Sino ba diyan, bes? Ituro mo? Ito bang isa na mukang galing pa sa bakunahan?”, ani ni Barbs sabay turo sa isang babae na may butas sa balikat ang damit. Agad naman napalingon samin ang mga babae at sabay-sabay ulit kaming inirapan. Pero right after nilang umirap ay biglang nagliwanang ang mga mata nilang tatlo at sabay na nagtititili. Nagtataka kaming nagtinginan sa isa’t isa nila Barbs, Gema at Fifi.
Muli namin nilingon ang mga babae sa harap namin at nakita silang nagbubulungan habang pasulyap sulyap sa amin. Pero napansin ko na hindi sila direktang nakatingin sa amin. Kung hindi sa may bandang likuran namin. Akmang lilingon ako patalikod nang biglang tinulak ni ate girl na naka off shoulder si ate na may mga raffles papunta sa akin na siyang dahilan para mapaatras ako.
“Aray!”, halos pasigaw kong daing. Nabangga kasi ni ate girl yung mini at tea cup size kong boobs at masakit sya. Kahit pa sabihin na dahil sa hormones ang pagtubo ng tea cup size boobs ko ay kaparehas rin ito ng boobs ng mga ciswomen pag nababangga. Sobrang sakit.
Muntik pa akong matumba sa sahig ngunit napigil ito dahil tumama ang likod ko sa katawan ng taong nakatayo sa may likuran ko. Matigas ang pangangatawan nito at ramdam kong matangkad ito dahil tila hindi man lang ito tinablan sa pagkakabangga ng katawan ko sakanya.
“Aba’y gaga ko to ah! Bakit ka nanunulak?”, pagkompronta agad ni Barbs kay ate girl na naka off shoulder. Pero hindi siya sinagot nito at nakatitig lang sa likod ko. Nakita kong napatingin rin ang mga “Not-So-Pretty” kong friends at gaya ng tatlong babae ay nakita kong isa-isa rin na nagliwanag ang mga mata nila at gumuhit ang kinikilig na nigiti sa kanilang mga labi.
“Hey! Are you okay?”, tanong ng taong nasa likod ko sabay hawak sa magkabilang braso ko para alalayan akong makatayo nang maayos. Kinilabutan ako sa paghawak nya sa akin at parang may libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong sistema ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko kasi napansin na nakasandal pa rin pala ang likod ko sa katawan nito. Ramdam ko ang magagaspang nitong mga kamay sa aking balat. Ang lalim din ng boses niya at lalaking lalaki na para bang pamilyar sa pandinig ko.
“Oh my God! Si
“Bebe Boy
”. OMG! OMG!”, mahinang nagtititili si Gema at nanginigisay pa na para bang bulateng binuhusan ng asin. Sila Fifi at Barbs naman ay nakatulala pa rin sa lalaking nasa likod ko.
Nang marinig ang salitang ”
Bebe Boy
” mula kay Gema ay para bang tinakasan ako ng kaluluwa. Mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ako makapag focus. Para bang nag malfunction yung utak ko at hindi ako makapag-isip nang maayos. Tila nanigas ang buong pagkatao ko at hindi ako makakilos.
“Hi! I’m Gema!”, makapal na mukhang pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay sa taong nasa likuran ko. Nakangiti rin ito na abot hanggang tenga.
“Hi. I’m Teo. Nice to meet you”, kinuha nito ang kamay ni Gema at nag shake hands sila.
“And by the way, these are friends”, ani ni Gema sabay kuha sa mga braso nila Fifi at Barbs at inutusan na ipakilala rin ang mga sarili nila.
“Hi, My name is Fifi”, nakangiti ito na abot hanggang tenga rin. Nakita ko sa peripheral view ko na gumalaw ang mga braso nito na tila nakipag shake hands.
“Hi, ako naman si Barbs”, gamit ang pabebe nyang boses at nakipag shakehands rin ito.
“Hi. I’m Teo. Nice to meet you guys.”, sagot ulit nito. Gusto ko na lang maglaho o kaya magpalamon sa lupa o kaya naman ay maging kulisap at maglililipad na lang. Nanatili akong nakatalikod sa lalaking nasa likuran ko at nakita ko ang tatlong babae sa harap namin na pa irap irap ang mga mata.
Wala akong narinig na salita sakanila pagkatapos makipagkilala sa isa’t isa. Hanggang sa sabay-sabay na tumingin sa akin ang tatlo kong mga kaibigan. Pinukol nila ako ng mga tingin na nag uutos na ipakilala ko ang sarili ko. Umiling-iling ang ulo ko para iparating na ayaw ko ngunit pinandilatan nila ako na para bang nanggigigil sa akin at sinasabing wag ako umarte at kumilos agad para magpakilala.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero mukhang ito na talaga ang time. Wala na akong panahon pa para makapag dahilan ulit gaya nang ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Wala na kong takas. Wala nang kawala. Labag man sa loob ay unti-unti kong hinarap si Teo at pinipigilan ang sarili na huwag mataranta. Bumungad sa akin ang dibdib niya at ang mabango niyang amoy na tila dadalhin ang kaluluwa mo sa isang magandang Paraiso.
Dahil nga naka bangs ako ay iniangat ko nang kaunti ang mga mata ko at sinigurong hindi nya makikita ng buo ang mukha ko. Nakita ko itong mariin na nakatingin din sa akin.
“Hello po. Kate.”, pagpapakilala ko dito at muling iniyuko ang ulo at nag bow pa na akala mo ay nasa South Korea ako. Ang awkward ko. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko. Makikilala nya kaya ako? For sure naman ay hindi dahil hindi naman ganoon kakita ang mukha.
“Nice to meet you, Kate”, gamit ang malalim niyang boses sabay lahad ng kanyang kamay. Napatitig lang ako sa mga kamay nito at nagdadalawang isip kung makikipag shake hands ba ako o hindi?
Send Help!!!!
06
Nakatitig pa rin ako sa kamay ni Teo na nakalahad sa harapan ko. Lumulutang ang isip ko ngunit ramdam ko pa rin ang pagkabog ng puso ko sa sobrang kaba. Kita ko ang malaki nitong kamay at mahahabang mga daliri. Napansin ko rin ang mga ugat dito. Napabalik ako sa katinuan nang muling maghiyawan ang mga tao dito sa basketball court. Wala na talaga akong takas.
“Hi. Nice to meet you too”, nanginginig ang kamay kong tinanggap ang kanya at nakipag shake hands habang nakayuko pa rin. Ramdam ko ang magaspang niyang kamay na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Ilang segundo na ang lumilipas at hindi pa rin nagbibitiw sa pagkakahawak ang aming mga kamay. Napatingin ako ng bahagya sakanya at nakatingin pa rin ito sa akin at parang wala na atang balak pang bitawan ang kamay ko.
“Beke nemen Teo. Baka pwede mo ring ipakilala sa amin ang mga kasama mo?”, sabad agad ni Gema na siyang dahilan para magbitaw ang aming kamay. Kita ko sa mukha ni Teo ang gulat. Parang napabalik siya mula sa malalim na pag iisip at biglang natauhan sa nagawa niya.
“Oh! Yeah, yeah. Sorry about that.”, sagot naman ni Teo na kumakamot sa kanyang batok.
“Ahm Ladies, these are my friends. Josh and Nico”, sabay turo nito sa dalawang lalaki na katabi nya.
“Nice to meet you beautiful ladies”, ani ni Josh sabay isa-isa kaming kinamayan. Ganun din ang ginawa nung Nico. Nakipag shake hands rin kami sakanila at binigyan ng masasayang ngiti ang bawat isa.
Mababait naman sila Josh at Nico. Ramdam mong hindi sila naiilang sa mga kagaya namin. Walang judgement o bakas ng pagka disgusto. Kita sa mga mata nila na masaya silang nakilala kami.
Hindi namin namalayan na tapos na pala ang laban kung hindi pa nagsigawan ang mga tao sa loob ng court at inannounce ng mga commentators ang pagkapanalo ng Blue Team. Halos dikit ang laban dahil 89 ang score ng Green Team habang 93 naman ang Blue Team.
Sabay-sabay na kaming lumabas ng court kasama ang “Teo and friends”. Since sa iisang barangay lang naman kami lahat nakatira ay nagdecide na rin ang mga “Not-So-Pretty” kong friends na sumabay sa tatlong lalaki na maglakad pauwi.
Nasa unahan namin sina Gema at Fifi kasabay sila Nico at Josh. Katabi ko naman si Barbs na busy sa cellphone at si Teo naman na nasa likuran namin at tahimik na naglalakad. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiilang dahil ramdam kong may nakapukol na tingin sa likuran ko. Hindi ko naman makausap si Barbs dahil busy ito sa cellphone nya at may ka chat. Nitong mga nakaraang araw ko pa napapansin na madalas ay may ka chat itong si Barbs at napapangiti na lang mag-isa.
Nakinig na lang ako sa usapan ng apat na nasa harapan namin. Napag alaman ko na ang mga bahay namin ay magkakasunod lang ng street. Mauuna ang bahay nila Fifi at Josh na nasa Gumamela St., kina Gema at Nico naman ang next na nasa Sampaguita St., si Barbs naman na sa Bougainvillea St. at huli kami ni Teo na nasa Everlasting St. Bigla nanaman akong nataranta at kinabahan dahil magkakasabay kami ni Teo na uuwi. Hindi pwedeng makita niya kung saan ako umuuwi dahil tiyak na malalaman na nya ang totoo. Or baka alam na nya talaga?
Oo nga at nagkakilala at nagtagpo na kami pero Kate ang binanggit kong pangalan at hindi Keith. Pangalawa, halos makuba na ako at sumakit ang batok kakayuko para lang hindi nya makita nang lubusan ang itsura ko. Pangatlo, hindi naman siya nagreact or nagpakita ng any reactions; violent man or hindi. So sigurado talaga akong hindi nya ako nakilala at hindi nya pa rin alam na ako si Keith, ang childhood best friend niya.
Dali-dali kong inagaw ang atensyon ni Barbs sa tabi ko na busy sa kanyang cellphone. “Barbs, tambay muna ko sainyo ah. Hindi ko pa kasi feel umuwi eh”, ani ko dito.
“Sure ka? Gabing-gabi na kaya teh! Saka ano namang gagawin natin sa bahay? Collab? Alter ka na?”, sagot nito sa akin nang hindi man lang inaalis ang tingin sa cellphone.
“Gaga! Ayaw ko pa kasi talagang umuwi. Saka injectan mo na rin ako ng phenokeninon. 2 weeks na kong hindi nakakapag inject. Please?”, pagmamakaawa ko rito. Phenokinon F ay isang injectible female hormones na tine-take ng mga transwomen for transitioning.
“Oh sige, gora! Basta bayaran mo yung isang ampoule ng pheno ah”, pagpayag agad nito nang hindi pa rin ako nilingon.
Naguusap pa rin ang apat na nasa harapan ko tungkol sa mga basketball at liga na ginaganap sa kabilang barangay kung saan kami nanood at kung saan kasali rin ang Team nila na Yellow Team. Ang taong nasa likod naman namin ay tahimik pa rin na naglalakad at ramdam ko pa rin ang mga mata nito na nakatitig sa likod ko.
Nakapasok na kami sa loob ng barangay at unang humiwalay ng daan papasok ng street nila si Fifi at Josh. Nagpaalam kami sa isa’t isa hanggang sa sumunod naman na pumasok sa steet nila si Gema at Nico. Tatlo na lang kami na naglalakad at nasa likuran pa rin namin si Teo. Bago pa kami pumasok ni Barbs sa street nila ay sya na ang unang nagsalita para magpaalam kay Teo. Huminto kami sa paglalakad at hinarap si Teo.
“Sige na, Teo. Dito na kami ni Kate. Ba-bye”, pagpapaalam nito sabay kaway.
“Sure. Goodbye” ani nito. Bahagyang nakayuko ang mukha ko at nakita ko ang pagkaway nito kay Barbs.
“Goodbye, Kate. It’s nice to see you again”, ani nito sakin.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at bahagyang napa angat ng tingin sakanya. Nakatingin ang mga mata nitong walang ekspresyon. Hindi ko mabasa kung ano ang totoong nararamdaman at tumatakbo sa isip nya sa mga oras na ito. Bumilis muli ang tibok ng puso ko at napangiti ng mapakla habang bahagyang nakayuko pa rin. Naglakad na ito papasok sa street namin at naiwan kami ni Barbs. Natuod ako sa pagkakatayo.
Mukhang namukhaan at nakilala niya ko. Alam na ba niya? Para akong tinakasan nanaman ng ulirat.
“Tara na te!”, pag-aya sakin ni Barbs sabay hila sa braso ko. Tapos na itong mag cellphone at naglakad na kami papasok sa street nila.
Sobrang daming katanungan sa isip ko na hindi ko rin naman kayang sagutin. Ipinagdadasal ko na lang na sana ay mali lahat ng iniisip ko. Sisiguraduhin ko rin na hangga’t maari ay hindi na ulit magtatagpo ang mga landas namin.
Nandito kami ngayon ng mga “Not-So-Pretty” kong friends sa may mini playground sa plaza at nakatambay. Wala nanaman kaming magawa kaya naisipan namin na dito na lang magpunta. Hindi pa rin maka move on ang tatlo sa mga nangyari kagabi lalo na sina Fifi at Gema.
“Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakilala na natin si ”
Bebe Boy”
kagabi. At hindi lang siya kung hindi pati na ang mga pogi rin at mashesherep niyang mga friends”, kinikilig na sabi ni Gema habang nakaupo sa dulo ng slide.
“Sa true! Pero sa inyo na si Teo, basta sa akin na si Josh”, kinikilig ding sabi ni Fifi na nakaupo naman sa swing.
Magkatabi naman kaming nakaupo ni Barbs sa may bench na katapat lang nila Gema at Fifi. Si Barbs ay busy nanaman sakanyang cellphone.
“Ay! May pag-angkin agad? Teh hindi ka mabebet-an nun ni Josh. Hindi nya bet mga mukhang kuliglig na gaya mo”, pang-aalaska naman ni Gema sakanya.
“Excuse me? Kung ako kuliglig, ikaw naman ay mukang surot.”, ganting asar nito sabay irap ng mga mata.
“Ang bait niya kasi. Well, pati rin naman si Nico. Magaan silang kasama. Hindi mo mararamdaman ang awkwardness sakanila. Ang sweet pa ni Josh dahil hinatid niya ako hanggang sa gate ng bahay namin. Kyah!”, pagsambit ni Fifi na hindi na napigil ang sobrang kilig. Kulang na lang ay maglupasay siya sa sahig.
“So feel mo bet ka na agad dahil hinatid ka?”, sabad agad ni Gema.
“Hindi naman no. Nakakakilig lang. Ang gentleman niya kasi. You know? Yung mga ganung gestures kasi ay sobrang naappreciate ko”, pagtanggol naman ni Fifi.
“Sabagay”, pagsang ayon ni Gema. “Eh ikaw naman, Kate? Hinatid ka rin ba ni
“Bebe Boy
” kagabi hanggang sa gate ng bahay niyo? Diba sa everlasting street din ang bahay ni Teo?”, tanong naman nito sakin.
“Ahh. Doon nga din siya. Kaso nagpunta pa ko kila Barbs kagabi kasi nagpa inject ako ng hormones kaya hindi kami nagsabay”, sagot ko rito. Tumango lang ito bilang pagtanggap sa naging sagot ko.
“OMG! Speaking of… Hi boys!”, pagtawag naman ni Fifi sa mga lalaki at nakita ko na ang “Teo and Friends” ito. Nagsimula nanaman akong hindi mapakali. Kakasabi ko lang kagabi na dapat ay hindi na magtagpo ang mga landas namin pero mukhang bina-badtrip talaga ako ng tadhana.
“Oh! Hi, beautiful ladies.”, bati sa amin ni Josh na siyang nginitian lang namin. Totoo ngang pogi rin itong si Josh. Actually silang tatlo. Dahil hindi rin naman nagpapahuli ang kagwapuhan ni Nico. Magkakasing tangkad silang tatlo. Mistiso si Nico at moreno naman si Josh gaya ni Teo at halatang may kaya rin sa buhay ang mga ito.
“Anong ginagawa nyo rito?”, tanong naman ni Nico. Nakasuot ito ng usual na pambahay na madalas suot ng mga lalaki. Isang jersey shorts na pula at plain black na t-shirt. Nakayuko akong napatingin kay Teo na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. Agad naman akong nagiwas nang tingin. Nakasuot ito ng casual lang na cotton short na abot hanggang taas ng tuhod nito at tinernuhan ng white t-shirt. Ang pogi niya. Ang linis at ang bango niya tignan. Iniwaksi ko sa isip ang mga bagay na iyon at tinuon na lang ang pansin sa usapan nila.
“Nakatambay lang kami. Wala kasi kaming magawa. Eh kayo? Saan kayo galling?”, balik na tanong naman ni Barbs.
“Ahh. Galing kami sa barber shop ni Kuya Balong. Sinamahan namin itong si Josh para magpagupit kaso sarado naman” sagot naman ni Nico sabay akbay kay Josh. Si Teo ay nakatayo lang sa tabi nito na tahimik at nakikinig lang din.
“Kung wala kayong gagawin later, invite sana namin kayo na manood ng game namin”, nakangiting imbita sa amin ni Josh.
“Wala nang patumpik-tumpik pa! Go-gow kami jan. Manonood kami”, pagsang ayon ni Gema sa malakas na boses. Halatang excited sa panonood mamaya.
“Aasahan namin kayo ah. Para naman may mag cheer din sa amin gaya ng pag cheer nyo kagabi sa Green Team”, natatawang sabi ni Nico.
“Ay oo naman no! Kayo pa ba? Malakas kayo sa amin”, masayang ani ni Fifi na halata ring excited.
“Yown! Sige ah. See you later, ladies. Mauna na muna kami”, pagpapaalam naman nila at kinawayan kami isa-isa. Nakita ko naman si Teo na kumaway sa tatlo kong friends at nang mapadako ang tingin niya sa akin ay binigyan lang niya ako ng isang tingin na blangko ang ekspresyon gaya nang ipinakita niya sakin kagabi.
Napanbuntong hininga na lang ako. Ayoko na magisip ng kung ano-ano dahil sasakit lang ang ulo ko. Balak ko sana na magdahilan mamaya para hindi ako makasama sa panood kaso kilala ko itong tatlong ito. Hindi sila papaawat hangga’t hindi ako napipilit na sumama.
7:30pm kami nakarating sa may basketball court. Maaga pa dahil 8:00pm pa naman ang start ng game nila “Teo and Friends”. Naka suot ako ngayon ng crop top na white at black pekpek shorts. Itinali ko rin ng pa-messy bun ang buhok ko at naglagay lang ng kaunting liptint sa pisngi at labi. Nagtungo agad kami sa side ng court kung saan naka pwesto ang team nila Teo. Sobrang dami ring tao ngayon at ang rinig kong sabi ni Gema ay dahil daw iyon sa team nila Teo. Naalala ko na nabanggit ni Gema noon na sobrang daming fans ni Teo kaya siguro ganito na lang kadami ang mga tao para manood.
Agad naman kaming nakita ni Nico at tinawag kami para mas makalapit sa mismong pwesto nila kung saan naka standby ang Team Yellow.
“Mabuti naman at nakarating kayo”, masayang bati ni Josh sa amin.
“Oo naman! Hindi pwedeng hindi kami makanood no”, sagot naman ni Gema na abot tenga ang ngiti.
Lahat sila ay nakasuot na ng jersey uniform nila na kulay yellow. Napadako ang tingin ko kay Teo na ngayon ay nakaupo at inaayos ang sintas ng sapatos nito. Ang pogi at hot nya talaga lalo na sa suot nitong jersey uniform nila. Bumagay sa moreno niyang balat ang kulay dilaw na jersey. Nakaramdam ako ng kaunting kiliti sa tiyan at bigla akong nakaramdam ng init. Agad naman itong nag angat ng tingin at nahuli niya akong nakatingin sakanya. Ngumisi lang ito sakin at agad nang tumayo at lumapit kila Nico at Josh na ngayon ay nakikipagusap sa iba pa nilang ka team.
Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa hiya. Gusto ko na lang maging alitaptap at lumipad papalayo rito.
Inobserbahan ko ang paligid at mas lalong dumami ang mga tao. Ang grupo naman nila teo ay naguusap kung paanong strategy ang gagawin nila sa laro. Ilang sandali pa ay nagsalita na ang mga commentators at sinabing magsisimula na ang laro. Mas lumapit pa kami sa pwesto ng Yellow Team para makanood kami nang maayos. Una agad na sasalang sa 1st quarter ang “Teo and Friends” kasama ang dalawa pa nilang ka team.
Ngunit bago tuluyang magsimula ang laro at pumasok ang mga players sa loob ng mismong play court.
“Hey, Kate. Can you please take care of my things?”, bungad agad sa akin ni Teo. Nakatayo ito sa mismong harap ko habang hawak ang isang duffle bag at ang malaki niyang tumbler. Nakatingala ako sa mukha nito at nakatitig lang. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakita ko ang kislap sa mga mata niya at isang maliit na ngisi ang gumuhit sa labi nito.
“Ah. o-Oo naman. Su-sure. Sure”, sagot ko dito sabay sunod-sunod na tumango. Sigurado akong sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Kinuha ko ang duffle bag sa kanya at ang tumbler nito. Hindi naman ganoon kabigat ang bag.
Nginitian ako nito at mabilis na hinaplos ang aking baba at ginulo ang aking bangs saka tuluyang tumakbo papasok ng play court.
Nanigas ang buo kong pagkatao sa ginawa niya. Hindi ko iyon inaasahan. Pero imbis na mataranta ay nakaramdam ako ng tuwa sa puso at kaunting kiliti sa aking tiyan habang patuloy pa rin sa pagkabog ang puso ko.
Narinig ko naman ang tili ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at ilang mga tao dahil sa kilig. Rinig ko rin ang iilang mga bulungan sa paligid.
Pero hindi ko iyon pinansin dahil bigla kong naalala kung paano ko siya nagawang tignan at ipakita ang buo kong mukha. Panigurado akong namukhaan na niya ako. Hindi man niya sabihin pero base sa ngising ipinakita niya ay mukhang alam na nya.
CALL A FRIEND!
07
Hindi pa rin ako makapaniwala sa inasta ni Teo. Tanging ang tanong na ‘Bakit?’ ang tumatakbo sa isip ko. Ano ang dahilan para gawin niya iyon? Pinilit kong magkibit balikat at magfocus na lang sa panonood ngunit hindi pa rin ako nakaligtas sa mga “Not-So-Pretty” kong friends.
“Ang Gohndoh talaga. May nananalo na agad”, pang-aalaska ni Barbs sabay akto na kunwari ay may korona na inilalagay sa ulo ko.
“Di mo naman sinabi na crop top na white at pekpek shorts pala ang sagot”, segunda naman ni Fifi.
“Sa true! Pag ako talaga yumaman itong mukha yung ipapagaya ko”, dagdag naman ni Gema.
Nag make face lang ako sakanilang tatlo dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin sakanila.
“Ay! Egul ka pa te? Teo na yun oh!”, pag angal naman ni Fifi.
Nagkibit balikat na lang ako dahil paniguradong kapag nag salita ako ay hindi matatapos ang pang-aasar nila sa akin. Magsisimula na rin kasi ang laro kaya mas pinili ko na lang na mag focus sa panonood.
Nasa gitna ng court si Teo at ang isang lalaki galing sa kabilang team which is ang Violet Team. Jump Ball na. Inihagis ng referee ang bola at sabay na tumalon si Teo at ang kalaban. Mabuti na lang at natapik ni Teo ang bola at napunta ito sa side ng yellow team. Agad namang nakuha ni Nico ang bola at nag dribble papunta sa ring nila. Pinasa niya ang bola sa isa nilang kakampi at muling ipinasa kay Josh na malapit sa ring at agad na itong ishinoot. Nagsigawan ang mga tao dahil nashoot ang bola sa ring at nakakuha ng 2 points ang Yellow Team.
Nagpatuloy ang laban at masasabi kong mahusay rin ang Violet Team. Hindi nagkakalayo ang score ng dalawang team at tila nagsasalitan lang sa pag shoot ng bola sa kani-kanilang ring. Natapos ang 1st quarter at lamang ang Yellow Team ng dalawang puntos.
Agad na nagsilapitan sila Teo, Josh, Nico at ang dalawa pa nitong ka team sa pwesto namin para makapag pahinga at makapag handa para sa 2nd quarter. Lumapit si Nico kay Gema at si Josh naman kay Fifi at Barbs at saka ko lang napansin na sila rin pala ang nagbabantay sa mga gamit ng mga ito. Naagaw naman ang pansin ko nang dumating si Teo at nakatayo ito mismo sa harapan ko.
Walang sabi kong iniabot sakanya ang tumbler niya para makainom siya ng tubig. Medyo gulat itong napatingin sa akin na binigyan ko naman ng kaunting ngiti at tinanggap naman niya agad ang tumbler para uminom.
Nakatitig lang ako dito habang umiinom ng tubig. Kita ko ang pag galaw ng adams apple niya sa bawat paglagok nito. Kahit pawisan ay naaamoy ko pa rin ang mabango niyang katawan.
“Pwede ko bang kuhanin yung towel sa loob ng bag?”, agad na tanong nito sa akin. Napabalik agad ako sa katinuan at kita ko sa mukha nito ang maliit na ngisi. Tiyak na nahuli niya akong nakatitig sakanya habang umiinom siya ng tubig. Nakakahiya.
“Ye-Yeah. O-Oo naman.”, natatarantang sagot ko sakanya. Pero imbis na siya ang kumuha ay ako na mismo ang nag boluntaryo na kumuha nito sa bag niya for his convenience na rin. Binuksan ko ang duffle bag, kinuha ang towel at iniabot sakanya.
“Thank you”, he smiled at nagsimula nang punasan ang mga pawis niya. Iniwas ko na ang tingin ko dahil ayaw kong mahuli niya ulit akong tinitignan siya. Baka kung ano pa ang isipin niya at ayaw kong mangyari iyon.
Napadako ang tingin ko sa mga taong nakapaligid sa amin. Nakita ko ang mga matang nakatingin sa amin at pinapanood kami. Ang iba ay natutuwa at kinikilig habang ang iba naman ay halatang hindi nagugustuhan ang nakikita. Nagkibit balikat ako at napayuko na lang dahil sa kaunting hiya. Hindi pa naman ako sanay na pinagtitinginan ng mga tao.
Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang time out at magsisimula na ang 2nd quarter. Nagsibalikan na ang mga players sa loob ng court and this time ay nagpahinga si Josh at ipinasok nila ang isa nilang ka team para lumaban. Nagsimula ang laban at mas uminit ang laro. Nagpalit din ng players ang kabilang team at masasabi kong magagaling ang mga ito kumpara sa mga players na unang lumaban sa 1st quarter.
Hindi magkandamayaw ang mga tao sa pagsigaw tuwing nakaka shoot ang bawat team. Todo cheer ang mga supporters ng Violet Team at ganun din ang suporters ng Yellow Team. At talaga namang hindi magpapatalo sa sigawan ang mga “Not-So-Pretty” kong friends na halos maputol na ata ang mga litid sa leeg sa kakasigaw.
Natapos ang 2nd quarter at lamang ng anim na puntos ang Violet Team. Muling bumalik sila Teo sa pwesto namin para makapag pahinga. Agad ko naman na iniabot ulit ang tumbler sakanya at walang patumpik-tumpik na uminom ito. Kita ko sakanya ang pagod at ang mabilis na paghinga nito. Pagkatapos niyang uminom ay iniabot ko naman ang towel sakanya. Tinanggap niya ito at agad na nagpunas ng pawis sakanyang noo at leeg.
“Kate, can you please do me a favor? Pwede mo ba punasan ang likod ko?”, tanong nito sa akin.
Napaangat ako ng tingin sakanya at kita ko sa mukha niya ang pagod. Nakaramdam naman ako ng kaunting awa at mukhang kailangan niya talaga ng tulong. Kahit naiilang man ay nag decide akong gawin ito.
“O-oo naman. A-akin na yung to-towel mo”, sagot ko dito. Nginitian naman ako nito na abot hanggang tenga sabay bigay ng towel at tumalikod ito sa akin.
Nakita ko naman ang mga “Not-So-Pretty” kong friends at ang buong Yellow Team na nakatingin sa amin. Ganun din ang iilang mga tao na malapit sa pwesto namin. Iniangat ko ng kaunti ang suot niyang jersey shirt at ipinasok ang towel sa loob at sinimulang punasan ang likod nito. Ramdam ko ang mga pawis na dumidikit sa kamay ko ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit na anong pandidiri. Siguro dahil kilala ko naman siya at idagdag mo pa na mabango pa rin siya kahit sobrang pawis na.
Napadako ulit ang tingin ko sa tatlo kong kaibigan habang nagpupunas ng likod ni Teo at kita ko sa mga tingin na pinupukol nila sa akin ang kilig na may kasamang pang aalaska. Kahit hindi man sila magsalita ay alam ko na agad sa isip ko ang mga salitang lalabas sa mga bibig nila. Hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang mga tao na nakatingin sa amin at ang iilang mga bulungan. Si Josh at Nico naman ay nakatingin lang kay Teo at nakangisi ang mga ito.
“O-okay na Teo.”, sabi ko dito at agad itong humarap sa akin.
“Thank you, Kate”, ani nito at binigyan ako ng masayang ngiti.
Nginitian ko rin ito at agad na napayuko dahil sa hiya. Bumilis kasi ang tibok ng puso ko dahil sa ngiting ibinigay niya sa akin. Panigurado akong namumula ang mukha ko ngayon.
Tumunog na ulit ang bell hudyat na magsisimula na ang 3rd quarter. Si Nico at Teo naman ang nagpahinga at muling sumalang si Josh kasama ang apat nilang ka team para lumaban. Nasa tabi ko ngayon si Teo na naka focus ang tingin sa court. Naiilang man dahil magkatabi kami ay pinilit ko na lang rin na mag focus ulit sa panonood.
Sunod-sunod na sigawan ulit ang namayani sa loob ng basketball court at mas ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang team ngayon. Parehas na binibigay ng magkabilang team ang best nila para manalo. Mataman lang na nanonood si Teo nang bahagya ko itong silipin sa gilid ko. Napatitig ako sakanya dahil ngayon ko napagmasdan mabuti ang sobrang tangos niyang ilong at mahahabang mga pilik mata. Nakaramdam siguro ito na may mga mata na nagmamasid sakanya kaya napadako ang tingin niya sa akin at nahuli akong nakatitig sakanya.
“Stop staring at me, Kate. Don’t be too obvious”, ani nito sa akin at binigyan ako ng ngisi.
Agad naman akong napayuko sa hiya at hindi nakapagsalita. Anong ibig niyang sabihin na wag akong masyadong halata? Bakit, iniisip ba niya na pinagnanasahan ko siya? Napabuntong hininga na lang ako sa hiya dahil panigurado akong na misinterpret niya ako. Inaapreciate ko lang naman ang kagandahan ng mukha niya.
Natapos ang 3rd quarter at lamang pa rin ang Violet Team ng 8 points. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkabahala dahil baka matalo sila. Kita ko rin sa mukha ng mga “Not-So-Pretty” kong friends ang pag-aalala. Bumalik sila Josh sa pwesto namin para makapagpahinga. Tinignan ko naman si Teo na seryoso ang mukha at tila nag iisip ng malalim.
Tumunog na muli ang bell hudyat na magsisimula na ang 4th quarter. Since nandito kami para supportahan sila at hindi lang para maging tiga abot ng tubig at tiga punas ng mga pawis nila. Might as well mag spread ng positive vibes at palakasin ang loob nila.
“LEZZGAAAWWWWWW GUYS!!!!!! KAYA NATIN ITO. FIGHTING LANG!”, pag sigaw ni Fifi sa buong Yellow Team.
“Oo nga! Laban lang mga kuya. Kaya natin ito.”, dagdag naman ni Gema.
“Mananalo tayo. Claim it!”, ani naman ni Barbs. Nakita ko sa mukha ng mga Yellow Team players na nabuhayan ang mga ito.
Napadako naman ang tingin ko kay Teo na seryoso pa rin ang mukha. Para sa 4th quarter ay ang “Teo and Friends” ang muling sasalang kasama ang 2 players nila na sumabak kanina sa 1st quarter. Pinatawag na sila para pumasok sa loob ng basketball court ngunit pinigilan ko si Teo at hinawakan ito sa braso niya. Gulat naman itong napatingin sa akin.
“Go-goodluck!”, sabi ko rito. Kinakabahan man ay na managed kong sabihin ang salitang iyon. Atleast man lang ay maipabot ko sakanya ang supporta ko.
“Thank you”, binigyan ako nito ng matamis na ngiti at muling ginulo ang bangs ko sabay takbo papasok ng court. Rinig ko nanaman ang sigawan ng mga “Not-So-Pretty” kong friends na kinikilig sa nasaksihan.
Nagsimula na ang 4th quarter at halos pigil hininga kaming nanonood. Sobrang dikit pa rin ng laban at makikita sa Yellow Team na pursigido silang mahabol at malamangan ang Violet Team. Pati ako ay napapasigaw na rin kada makaka score ang Yellow Team. Namamangha ako sa dedication na nakikita ko kay Teo. Hindi maikakaila na magaling talaga siya sa sports na ito. No wonder marami siyang fans na sumusuporta sakanya at sa buong yellow team.
Napapatalon na ang mga supporters ng Yellow Team pati na rin ako nang maging tabla na score na 78-78. Mayroon na lamang na 42 seconds para matapos ang 4th quarter. Pigil hininga pa rin kaming nanonood. Pumito ang referee at nagsimula na ulit ang laro mula sa pagkaka time-out at nasa Violet Team ang bola. Tumakbo na rin ang oras at sa natitirang mga segundo ay tahimik ang lahat at naka focus lang sa laban. 20 seconds na lamang ang mayroon ng maagaw ni Josh ang bola sa kalaban at agad na ipinasa kay Nico. Muli nananaman kaming napatalon at napasigaw sa nangyari. Nagtakbuhan ang Yellow Team papunta sa side court nila at ipinasa ang bola kay Teo. 10 seconds remaining at nagdi-dribble pa rin si Teo tila humahanap ng tamang anggulo sa pagshoot. 5 seconds remaining saka nito ishinoot ang bola.
Napatalon ako sa tuwa at halos magputol na rin ang litid sa kakasigaw. Nanalo ang Yellow Team. 80-78 ang score. Nagdiwang ang buong supporters ng Yellow Team. Agad naman na bumalik sa pwesto namin ang limang players at isa-isa silang nag bro hug para ipaabot ang pagbati.
“Congrats, Guys!”, masayang sigaw ni Gema sa buong yellow team. Binigyan nila kami nang masayang ngiti at isa-isang nagpasalamat.
“Co-congrats, Teo”, pag-bati ko sakanya nang lumapit ito para kuhanin ang kanyang gamit at tumbler.
“Thank you so much, Kate. I appreciate your support”, ngiti nitong sagot at muli nanamang ginulo ang bangs ko. Naiilang akong ngumiti sakanya at muling nahiya sa ginawa niya.
“Bakit ba hilig niyang guluhin yung bangs ko?”
. Kunot noo kong tanong sa isip.
Agad naman itong naghubad ng jersey shirt niya sa harap ko na nagpagulantang sa buong pagkatao ko. Tumambad sa akin ang medyo maumbok nitong dibdib na halatang resulta ng pagwowork out. Hindi rin nakaiwas sa paningin ko ang abs nito. Tila nanlambot bigla ang mga tuhod ko sa nasaksihan ko at natataranta ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok.
Napatalikod agad ako para makaiwas nang tingin. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa nito sa likuran ko. Naalala ko nanaman ang sinabi nito kanina.
“Don’t be too obvoius”.
Ayokong mahuli niya akong nakatititig nanaman sakanya lalo na sa hubad nitong katawan. Baka magkaroon nanaman iyon ng ibang meaning sakanya.
“OMG! Super hot naman po pala ni Fafa Teo”, sambit ni Gema nang lumapit iton sa akin. Halata sa mga mata nito ang pagka mangha.
“Anyways, sabi pala ni Nico at Josh ay sumama daw tayo sakanila para kumain sa Bentelog doon kina Ate Gina.”, pag imporma nito sa akin.
“O-okay.”, yun na lamang ang tanging nasabi ko sakanya.
“Bakit ka namumula te?”, pang aasar na sambit nito ngunit ang mga mata ay nakatingin kay Teo na nasa likuran ko pa rin. Kinurot ko naman ito sa tagiliran para tumigil sa pang aalaska.
“Aray ko naman te! Nakita mo lang ang hot na abs ni Fafa Teo, namula ka na agad diyan na parang kamatis”, pang aasar ulit nito. Pero bago ko pa sya mahampas ay nakatakbo na ito papalayo sa akin.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nagiinit ang aking mukha. Patunay na namumula nga talaga ako.
“Let’s go, Kate. Andoon na sila at naghihintay sa atin”, ani nito sabay nguso sa pwesto kung nasaan ang grupo. Nauna na kasing lumabas ng basketball court ang Yellow Team kasama ang tatlo kong kaibigan.
Hindi ko siya sinagot at nagsimula nang maglakad habang nakayuko. Ayokong makita niya na namumula ang mukha ko. Nahihiya ako. Bakit ba kasi kailangan niyang maghubad sa harap ko? Sinasadya niya ba iyon para asarin ako? Ano namang dahilan para gawin niya iyon? Sunod-sunod na tanong sa isip ko habang naglalakad palabas ng basketball court.
08
Nandito na kami ngayon sa Bentelogan ni Ate Gina at nakaupo sa isang mahabang lamesa para kumain. Sikat itong kainan na ito dito sa loob ng barangay namin dahil sa murang halaga ay masasarap talaga ang mga pagkain. Magkakatabi kaming nakaupo ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at nasa tapat naman namin ang magkakatabi rin na “Teo Friends”. Bali katabi ko si Fifi tapos si Gema tapos si Barbs. Naiilang pa nga ako dahil katapat ko si Teo. Bakit ba kasi dito pa siya umupo kung pwede naman sa kabilang dulo siya. Iniiwasan kong magtama ang mga mata namin dahil nahihiya pa rin ako sa mga nangyari kanina. Katapat naman ni Fifi si Josh, si Gema naman ay si Nico, at si Barbs na nasa pinakadulo at abala sa cellphone niya.
HotSilog ang inorder ng mga “Not-So-Pretty” kong friends habang CornSilog naman ang sa akin at sa “Teo and Friends”.
“Fifi, kumuha ka na ng mga kutsara saka tinidor pati na rin ng mga baso na gagamitin natin”, pabulong kong utos kay Fifi.
“Ay! Pala mando ka naman, sis. Pero sige, ako na kukuha”, ani nito sabay tayo at pumunta sa mga lagayan ng mga utensils at mga baso.
Bumalik agad si Fifi dala ang mga utensils at mga baso na isa-isa niyang pinamimigay sa amin. Nang ibibigay na ni Fifi ang para sa akin ay agad na may naglapag ng kutsara at tinidor na nakabalot ng tissue pati na rin ng baso sa may tapat ko. Napatingin naman ako sa taong nagbigay nito at tahimik lang itong nakatingin sa akin.
“Ay! Taray! Sana sinabi mo Teo na ikaw na pala ang kukuha ng para kay Kate. Para hindi sobra yung nakuha ko”, pag-rereklamo ni Fifi.
“O-okay lang yan, te. Ilagay mo na lang muna diyan sa gitna para pag need ng extra ay hindi na need na kumuha ulit”, sagot ko naman kay Fifi. Pasalit-salit niya kaming tinignan na may halong malisya at pang-aasar. Sinamaan ko lang din ito nang tingin para tumigil dahil alam ko agad ang susunod niyang gagawin. Mabuti na lang at naupo na ito at nakipag kwentuhan sa iba pa naming kasama tungkol sa naging laban kanina.
Tinignan ko naman si Teo na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin at nakangiti. “Salamat”, tanging nasabi ko rito.
“You’re welcome” sagot naman nito at mas lumabas ang matatamis na ngiti sakanya.
Hindi nakatakas sa peripheral view ko ang bahagyang pag silip sa amin ni Fifi na hatalang binabantayan ang mga kilos namin at kita pa rin sa mukha nito ang mga malilisyosang tingin at pang-aasar. Nagkibit balikat na lang ako at nakinig na lang din sa usapan nila.
Dumating ang mga orders namin at mas lalo akong nakaramdam ng gutom. Sobrang bango ng corned beef na bagong luto at mainit-init pa. Hindi ko mapigilan ang maglaway. Nagsimula na kaming kumain at tila magkaka away dahil tahimik ang lahat. Galit galit muna.
Mabuti na lang at medyo luto ang pula ng itlog na napunta sa akin. Sa ganoong paraan ay mahihiwalay ko ang pula sa puti. Kinuha ko yung pula ng itlog at inilagay sa gilid ng plato ko dahil ito yung part ng itlog na hindi ko kinakain. Kahit sa boiled egg ay hindi ko rin ito kinakain. Syempre maliban na lang pag scrambled egg.
Ngunit laking gulat ko ng kuhanin ni Teo yung pula ng itlog sa plato ko at ibingay sa akin yung puti ng sakanya.
“Eat this. Sa’yo na iyan then akin na ito”, ani niya. Gulat akong napatingin sa kanya. “I know you don’t eat this.”, dagdag pa niya na tinutukoy ay yung pula ng itlog. Tuluyang namilog ang mga mata ko sa sinabi nito.
Shutangina? Paano niya nalaman?
Pasigaw kong reaksyon at tanong sa utak ko.
Biglang bumalik sa alaala ko na noong mga bata kami ay ganito ang ginagawa niya tuwing sabay kaming kumakain at itlog ang ulam. Lagi niyang ibinibigay sa akin yung puti ng itlog at kukuhanin niya yung pula sa akin dahil alam niyang ayaw ko non. Ginagawa niya iyon para daw mas marami akong makain.
“Pa-paano m-mo nalaman?”, gulat pa ring tanong ko sakanya. Nakita ko rin sakanya ang bakas nang pagkagulat pero agad na nawala iyon at binigyan lang ako ng isang malamyos na nigiti.
“Na-nakita ko kasi na itinabi mo sa gilid ng plato mo yung pula. So, I already assumed na hindi mo kinakain iyon”, sagot naman nito sa akin habang kumakamot sa kanyang batok. Ganitong ganito ang reaksyon niya noong mga bata kami kapag nahihiya siya sa sinasabi niya o kaya ay nagpapalusot ito at hindi nagsasasabi ng totoo.
“Ahh. Ga-ganun ba? Sa-salamat”, ani ko rito habang nagdadalawang isip pa rin kung maniniwala ba ako sakanya. Bumalik nanaman ang pag aalala sa isip ko patungkol sa kung alam na ba niya na ako ang childhood best friend niya o hindi pa.
Yumuko na lang ako at iniwaksi ang pag aalala at nagpatuloy sa pagkain. Makalipas ang ilang sandali pa ay natapos din kaming lahat kumain. Nakaupo lang kami ngayon para makapag pahinga bago umuwi. At syempre para magkwentuhan ulit.
“Grabe talaga yung kaba ko kanina, jusko! Akala ko talaga matatalo na kayo eh”, rinig kong sambit ni Gema.
“Sa true! Inis na inis pa ko doon sa isang player ng Violet Team na nakasuot ng number 3. Napaka yabang! Akala mo naman kung sino. Mukha namang lamok.”, bakas nga sa boses ni Fifi ang pagka inis.
“Hahahahah! Napansin niyo rin pala iyon? Actually, inaangasan niya si Mark kanina habang nasa loob kami ng court. Si Mark yung isa naming ka team. Sinabihan ko na lang si Mark na huwag na lang pansinin at mag focus na lang sa laro”, sagot naman ni Nico na natatawa rin.
“Hmmp! Subukan niya ulit gawin iyon at sisiguraduhin kong matitikman niya ang kapangyarihan ng apoy. Baka hindi niya alam na nasa akin ang brilyante ng apoy”, sagot ni Fifi na may pa emote-emote pa bilang Pirena.
“Parang hindi naman Pirena, sis. Parang mas Hathor ka naman diyan”, pambabara naman ni Barbs sakanya. Napatawa naman kaming lahat habang si Fifi naman ay napa cross arm na lang habang umiirap ang mga mata sa inis.
“Dapat sa championship game ay manood ulit kayo ah. I-cheer niyo pa rin kami para naman mas ma engganyo kaming maglaro”, pag iiba ni Josh ng usapan.
“Sure na sure yan! Kung gusto niyo ay gagawa pa ko ng malaking banner para ipakita ang bonggang support namin”, ani ni Gema na excited na excited.
“Yown! Aasahan namin yan, Gema ah! Pag wala kang banner di ka na namin ililibre”, sagot naman ni Nico na siyang ikinatawa namin ulit.
“Ay, naku! Huwag mo ko maliitin, Nico. Sisiw lang yang mga banner banner na iyan. Ako kaya lagi gumagawa ng mga bonggang visual aids namin noong high school tuwing may reporting sa class”, pagmamayabang ni Gema.
“Okay? Sabi mo yan ah! Pag wala talaga di ka namin isasama sa celebration namin”, natatawang ani naman ni Josh.
Si Nico ang nagbayad ng mga kinain namin. Libre na niya daw ito sa amin dahil nanalo sila at pasasalamat na rin dahil nag cheer daw kami para sakanila. Kung ganon lang din pala edi dapat every game na nila kami manood para pag nanalo sila ay may palibreng dinner. De joke lang.
Nagsimula na kaming maglakad para makauwi sakanya kanya naming bahay. Habang naglalakad ay patuloy pa rin sa usapan ang lahat. Nauunang naglalakad ang tatlo kong kaibigan kasama sina Josh at Nico. Nasa likod naman nila ako at nasa likod ko naman si Teo. Ramdam ko nanaman ang mga matang tumutusok sa aking likuran. Nagkibit balikat na lamang ako at nakinig sakanilang usapan.
“Actually, bagong lipat lang kami diyan sa barangay natin. Nagre-rent lang kami ni Josh dahil malapit ito sa CCSU.”, rinig kong sabi ni Nico.
“Ay weh? Tiga CCSU rin kayo?”, tanong naman ni Barbs.
“Oo, hahaha. Kayo rin ba?”, sagot at tanong naman ni Nico.
“Oo doon din kami nag-aaral. Jusko! Mga schoolmates pala namin kayo.”, hindi makapaniwalang sabi ni Fifi.
CCSU ang state university kung saan kami nag-aaral ngayon. CCSU stands for Central Callejon State University. Totoo rin yung sinabi ni Nico na malapit lang iyon dito sa barangay namin. Kaya marami ding mga estudyante ang nagre-rent o nagdodorm sa may barangay namin kasi nga malapit lang. Mga 15 to 20 mins siguro pag nilakad at mga 5 mins lang pag nagtricycle or Jeep ka.
“Parehas kami ni Nico na Mechanical Engineering ang course”, ani ni Josh.
“Ay taray! Kaming tatlo naman ay Theater Arts ang course. Mga artista ng bayan!”, proud na sambit ni Gema.
“Mga artista pala kayo eh. Sample naman ng acting diyan oh”, request naman ni Nico.
Natawa na lang ako. Lagi kasi namin naririnig ang katagang iyan sa mga tao kapag nalalaman nilang Theater Arts ang course namin. Yung iba pa nga ay hindi makapaniwala na may ganung course pala sa college. Sad to say nga lang dahil sobrang underrated ng Theater sa Philippines. Sana dumating ang panahon na mas marecognized pa ito at bigyang pansin din gaya ng mga films.
“Naku, Nico. Nakabakasyon rin yung talent ko ngayon. Itinago ko muna sa baul namin. Next time na lang pag nagsimula na ulit ang klase at may production play kami. I-invite namin kayo at syempre dapat supportahan niyo rin kami gaya nang pag support namin sa inyo kanina”, sagot naman ni Gema.
“Oo naman. Maliit na bagay. Support support lang sa bawat isa.”, - nakangiting ani ni Nico,
“Ikaw, Teo? Saan ka nag-aaral?”, tanong naman ni Barbs.
“I’m still waiting sa results ng exam ko sa CCSU. Doon ko rin balak mag transfer”, sagot nito. Tahimik lang akong nakikinig sakanila habang nasa likuran ko pa rin si Teo. Bakit ba kasi nasa likod ko siya? Pwede naman siyang mauna na rin sa paglalakad para mas makapag usap sila.
“Ay! Bongga yan! Goodluck! Sana makapasa ka para magkakasama lang tayong lahat sa iisang school”, ani ni Babrs. “Saka balita ko bagong lipat din daw kayo sa may barangay natin?”, dagdag na tanong ni Barbs. Naglalakad pa rin kami at bahagyang nakalingon si Barbs sa amin.
“Actually, No. Matagal na kaming nakatira sa bahay namin doon since bata pa ako. Umalis lang kami for some personal matters. And then after 12 years, we came back.”, sagot naman nito na natatawa. Ano kayang nakakatawa doon?
Naalala ko nanaman ang mga panahon na umalis sila nang hindi namin alam kung bakit. Ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng sobrang lungkot sa murang edad. Pero masaya ako na nagbalik na siya kahit pa hindi ko masabi sakanya ang totoo.
“Oh?”, hindi makapaniwalang sagot naman ni Barbs. Tumabi ito sa akin sa paglalakad para mas makalapit kay Teo at makausap ito nang maayos. Naiwan yung apat sa unahan na patuloy pa rin sa paglalakad at nakikinig lang din.
“Eh iisang street lang naman kayo ng bahay ni Kate diba? So ibig sabihin…?”, napatingin ito sa akin at napatingin din kay Teo. “Oohhhhhh. Kaya ba sinabi mo kagabi kay Kate na,
‘It’s nice to see you again’
dahil matagal na kayong magkakilala?”, kyuryosong tanong nito.
Hinawakan ko sa braso si Barbs at napatingin ito sa akin. Binigyan ko naman siya ng tingin na nagsasabing itigil na niya ang pagi-interview kay Teo. Nakita ko rin na napatingin sa amin ang apat na sina Gema, Fifi, Nico at Josh na kita ang mga mukhang nagtatanong at naghihintay ng sagot.
“No. We never knew each other”, diretsong sagot niya. “But I have seen her before. Sa may basketball court din and I’m glad na nakita ko ulit siya at nakilala”, sagot naman nito. Hindi ko makita ang expression niya habang sinasabi iyon dahil nasa likuran ko pa rin siya. At ano daw? Masaya siya na nakita niya ako ulit at nakilala. Nakaramdam ako ng kaunting init sa mukha at tuwa sa puso ko na dahilan para gumuhit sa labi ko ang isang ngiti.
“Ohh. Okay. Alam ko rin naman na masaya rin si Kate na nakilala ka niya. Diba, Kate?”, ani nito habang mapang asar na nakatingin sa akin. Sila Gema at Fifi naman ay binigyan din ako nang mapang asar na tingin habang si Nico at Josh naman ay naiiling na nakangisi. Napayuko na lang ako bigla sa hiya. Nakita ata nila ang pag ngiti ko dahil sa narinig na sagot mula kay Teo.
Mukhang kailangan ko na rin sabihin sa mga “Not-So-Pretty” kong friends ang totoo para matigil na rin ang mga ganitong klase nang pang aasar nila. Pero knowing them? Mukhang pag nalaman nila na childhood best friend ko si Teo ay mas lalo lang nila akong aasarin. Napabuntong hininga na lang ako.
Sakto naman na nakapasok na kami ng barangay namin. At gaya noong nakaraan, nagpa alam na kami sa isa’t isa at magkakasunod na pumasok sa bawat street.
Dalawa na lamang kami ni Teo at tahimik na naglalakad. Ang awkward ng katahimikan. Wala rin naman akong maisip na sasabihin sakanya. Nauuna akong naglalakad at nasa likura ko ito. Saktong nasa tapat na kami ng street namin nang hindi ako dumiretso papasok doon at patuloy na naglakad papunta sa susunod na street.
“Hey! Where are you going? Hindi ka pa uuwi?”, pagtawag at sunod-sunod na tanong nito sa akin.
“Ahh. Hi-hindi pa. Dadaan pa kasi ako kila tita at may kukuhanin”, sagot ko dito habang nakayuko. Ewan ko ba. Palagi na lang akong napapayuko pag kaharap at kausap siya. Naiilang akong tignan siya nang harapan ngayon hindi tulad noong mga bata pa kami. Yung taglay niyang kagwapuhan ngayon at magaganda niyang mga mata na parang hinihigop ako na siyang nagpapawala sa akin sa ulirat.
“Tara. Samahan na kita”, alok naman nito.
“Hala! Hindi na. Gabi na kasi. Baka hinahanap ka na sa inyo”, pag tanggi ko rito. Syempre kailangan ko siyang pigilan dahil una sa lahat ay hindi naman totoo na may kukuhanin ako kila tita. Sa kabilang street kasi nakatira ang tita ko na kapatid ni mama. Nagdadahilan lang ako ngayon para hindi kami magkasabay at hindi niya makita kung saang bahay ako umuuwi.
“Yun na nga eh. Gabi na kaya sasamahan kita. Baka kung mapaano ka pa”, pagpupumilit nito na bakas ang pag aalala.
“Hala, Teo. Hi-hindi na talaga. Kaya ko naman ang sarili ko. Saka wala namang masasamang tao dito at may mga CCTV rin naman. May mga tanod din na umiikot”, pagkumbinsi ko rito. Hindi naman niya kailangan mag alala dahil safe naman dito sa barangay namin. Saka bakit naman siya mag aalala para sa akin?
“You sure?”, tanong nito sa akin.
Tanging tango lang ang isinagot ko sakanya habang hindi tumitingin ng diretso sa mga mata niya.
“Okay. Give me your phone then?”, sabay lahad ng palad niya sa harap ko.
Ano daw? Ano namang gagawin niya sa cellphone ko?
“Huh?”, naguguluhan kong tanong sakanya.
“Give me your phone”, ma awtoridad niyang utos ulit sa akin.
Naguguluhan man ay kinuha ko ito sa bulsa ko at ibinigay sakanya. Sakto naman na walang password ang cellphone ko kaya nabuksan niya iyon at nakita ko na may tinatype siya roon.
“May load ka?”, tanong nito sa akin habang nakatingin pa rin sa cellphone ko. Tumango lang ulit ako bilang sagot habang pinapanood pa rin ang ginagawa niya.
“Okay.”, tanging sagot lang nito. Narinig ko na lang na tumunog ang cellphone niya at may tumatawag. Kinuha niya iyon sa duffle bag na dala niya. Pagkakuha niya ay pinatay niya lang agad yung tawag. Nagtataka pa rin akong nakatingin sa kanya.
“I just saved my number on your phone and I already have yours”, sabi nito sabay tapat ng cellphone niya sa mukha ko. Nakita ko na tinawagan niya yung cellphone niya gamit yung cellphone ko na dahilan para magkaroon siya ng number ko. ’
Smooth’.
Yun ang nasabi ko sa isip ko dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
“Just call or text me if something happens to you or if you need any help.”, pinal na sabi nito.
“Goodnight, Kate.” Huling salita na sinabi nito at muling ginulo ang bangs ko bago siya tumalikod sa akin at naglakad papasok ng street namin.
Naestatwa ako sa mga nangyari at unti-unting pinoproseso ang lahat. Napatitig na lang ako sa bulto nito na naglalakad papalayo sa akin.
09
Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyan akong naglalagay ng night cream sa mukha. Nakaupo ako sa may table na katabi ng kama ko at tintignan ko ang itsura ko sa medyo may kalakihang bilog na salamin. Napapanatili ko naman ang pagkakaroon ng makinis na mukha. Bihira lang din kasi ako tubuan ng tigyawat dahil na rin sa iniinom kong hormones. Kaya night cream lang ang ina-apply ko bilang skin care ko. Nang matapos ay tumayo ako at nagpunta na sa kama saka humiga. Ilang sandali ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon na nakalagay lang din sa tabi ko at tinignan kung sino ang nagtxt.
From: Macho
-
Nakauwi ka na?
“Huh? Sino to? Saka bakit ‘Macho’ yung nakalagay na name
?”. Tanong ko sa isipan ko. Agad ko naman itong nireplyan.
Me:
Sino to?
Pagkapindot ko ng send ay inilapag ko ulit yung cellphone ko katabi lang ng ulo ko at wala pang sampung segundo ay tumunog ulit to.
From: Macho
It’s me, Teo. Ano, nakauwi ka na?
Me:
Ahh. Ikaw po pala. Opo, nakauwi na po ako. Bakit po?
From: Macho
Good. And please stop using ‘po and opo’. I’m not that old.
Me:
Nagiging magalang lang po ako.
From: Macho
Are you trying to flirt with me?
Nangunot ang noo ko sa nabasa.
“Ako? Nilalandi siya?”
Napairap na lang ako sa hangin at nireplyan ito.
Me:
At bakit naman kita ifi-flirt?
From: Macho:
I don’t know? They say that people who use ‘po and opo’ while talking to others the same as their age means that they are trying to flirt with them.
Me:
Ewan ko sayo!
From: Macho:
Hahahaha! Goognight, Kate!
Hindi ko na siya nirepylan dahil sa inis. Akusahin ba naman ako na nilalandi siya? Ni lumandi nga sa mga naging crush ko noon hindi ko nagawa eh. Inilapag ko na yung cellphone ko sa may table at natulog na.
Lumipas ang ilan pang mga araw at napapadalas ang pagsama namin sa “Teo and Friends”. Every game nila ay present kami at hindi mawawala ang todo-todo naming supporta sakanila. Nakagawian na rin namin na every after game ay dumidiretso agad kami kay Ate Gina para kumain ng bentelog. Masasabi kong nagiging close na rin kaming magkakaibigan sakanila.
Mas nakilala rin namin si Nico na ang buong pangalan ay Nicholas Saavedra at si Josh naman na Joshua Villanueva. Nalaman namin na may mga kaya pala talaga sila sa buhay. May mga malalaking business ang mga magulang nila. Pareho silang ayaw na mag-aral sa mga private schools kaya after nila gumraduate ng high school ay sa state university sila pumasok kung saan kami nag-aaral ngayon. Mura lang kasi ang tuition dito.
Nabawasan na rin ng kaunti ang pagkailang ko kay Teo. Kahit papaano ay nagagawa ko na siyang kausapin ng normal. Yung hindi na ko nakakaramdam ng kaba tuwing kaharap ko siya. Palaging siya ang nago-open ng topic tuwing kakausapin niya ako. Siguro ay ramdam niya na naiilang ako sakanya and he’s trying his best na mawala iyon kaya madalas niya na akong kausapin. May mga times rin na nagagawa na naming magbiruan at madalas ko rin itong nahuhuli na nakatingin sa akin. Pag nahuli ko naman siya ay bigla naman siyang umiiwas agad ng tingin.
Ganoon pa rin ang set up namin tuwing kakain kay Ate Gina ng bentelog. Bago kumain ay ibinibigay na niya agad sa akin yung puti ng itlog at kukuhanin niya yung pula ng sa akin. May time pa na hindi daw kami maililibre ni Nico or Josh dahil hindi pa dumadating ang allowance nila kaya kanya-kanya muna kaming bayad. Mabuti na lang ay may dala akong pera noon. Ngunit nang iaabot ko na yung bayad ko ay pinigilan ako ni Teo at nagboluntaryo na siya na daw ang magbabayad ng para akin.
Napapadalas tuloy ang pang tutukso sa akin ng mga “Not-So-Pretty” kong friends kay Teo. Tuwing nahuhuli nila kaming magkausap ay tinatapunan nila kami ng malilisyosang tingin.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Gema at dito namin naisipang tumambay. Nag iisang anak na babae si Gema gaya ko na wala ring kapatid. Si Fifi naman ay panganay sa tatlong magkakapatid na puro lalaki at si Barbs ay pangatlo sa apat na magkakapatid na puro lalaki rin.
Busy kami sakanya-kanya naming phone. Minsan ay nagpapakitaan kami ng mga nakakatawang mga
‘Memes’
na nakikita namin sa ’
facebook’.
“Grabe tong si Teo, hindi pa rin ina-accept yung friend request ko. Mag iisang linggo na”, pagmamaktol ni Fifi habang nakatitig sa phone niya.
“Ay sa true! Ako rin, hindi niya pa ina-accept”, dagdag naman ni Gema at ipinakita sa amin ang cellphone niya at ang pending friend request niya kay Teo.
“Hahaha! Same same, mga sis! Buti pa sila Nico at Josh pagka-add ko accept agad”, natatawang sabat naman ni Barbs.
“Friends ba kayo ni Teo sa ’
facebook’
, Kate?”, tanong ni Gema sa akin. Nakaupo ito sa sahig ng kwarto niya habang kaming tatlo nila Fifi at Barbs ay nasa kama niya. Ganito lagi ang set up namin pag nasa bahay kami ng bawat isa. Kung sino ang may-ari ng kwarto ay sa sahig dapat nakaupo at ang mga
‘bwisita’
ang nasa kama.
“Ahh. Hindi rin kami friends. Sila Nico at Josh lang ang friends ko. Hindi ko rin naman kasi siya ina-add”, pagpapaliwanag ko sakanila sabay balik ulit sa panonood ng video about blackheads removal. Sobrang satisfying kasi panoorin.
“Pabebe ka naman diyan, mhie! Bakit hindi mo i-add. Close naman kayo ah. Ikaw nga ang pinaka close niya sa ating apat eh”, ani naman ni Barbs sa akin.
“Wala lang. Bakit ba?”, sagot ko naman dito sabay irap ng mga mata at bumalik ulit sa panood.
“Ayaw mo i-add? Oh sige! Kami na ang mag-aadd”, agad namang inagaw ni Fifi ang cellphone ko sa akin habang si Gema at Barbs naman ay hawak ang aking mga kamay para hindi ako makapalag.
Nakita ko si Fifi na ngayon ay may tinatype sa cellphone ko na malamang ay sine-search ang ‘f
acebook’
ni Teo.
“Ayaw daw i-add pero nasa recently searches niya si Teo”, pang-aasar ni Fifi sa akin. Sabay naman na napatingin sa akin si Barbs at Gema.
“Luh? Pabebe amhp!”, ani ni Gema sa akin sabay kiniliti nila ako ni Barbs. Nagsisigaw na lang ako at nagpupumiglas habang tumatawa dahil sa ginagawa nila. Sobrang lakas kasi ng kiliti ko sa katawan. Nang matigil sila ay hindi na ako pumalag pa. Wala na akong nagawa dahil ako lang din naman ang napapagod kakapiglas.
“Ayan na! Na-add ko na”, sabay tapat ni Fifi ng cellphone ko sa mga mukha namin.
Napairap na lang ako sakanilang tatlo. The reason why ayaw ko siyang i-add dahil nahihiya ako at totoo na nagpapa-bebe ako. Because, why not? Char! Hindi lang talaga ako sanay na mag add ng mga kakilala ko. Saka ayaw ko na makita niya ang mga kalat ko sa
‘facebook’
. Puro kasi ako shared-post ng mga memes at patungkol sa mga politika. Baka lang hindi niya gusto makakita ng mga ganon sa newsfeed niya.
Wala pa sigurong 15 seconds nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sabay-sabay naming tinignan ang screen ng cellphone ko at nagulat sa notification na natanggap.
Matthew Suarez (Teo) accepted your friend request.
Nagulat ako nang sabay-sabay na tumayo ang mga “Not-So-Pretty” kong friends at nag group hug silang tatlo habang nagtitilian. Nagtataka man ay kinuha ko ang cellphone ko na nakalapag na ngayon sa kama at tinignan ulit yung screen. Totoo ngang inaceppt ni Teo yung friend request ko.
“Confirmed, mga sis!”, nagtititili pa ring saad ni Gema.
“Grabe! Ilang segundo pa lang ang nakalipas inaccept ka agad, samantalang yung sa amin ay nabulok na lang yung request at wala atang balak i-accept”, pagrereklamo ni Barbs pero mas nangingibabaw sa tono nito ang pang-aasar habang malisyosang nakatingin sa akin.
Heto nanaman sila, sisimulan nanaman akong asarin kay Teo.
“Malakas talaga ang kutob namin na bet ka niyan ni Teo, Kate”, kinikilig na sambit ni Fifi sabay upo sa tabi ko. Bumalik na rin sa pwesto kung saan nakaupo kanina si Barbs at Gema.
“Tigilan niyo nga ako te! Ako nanaman bunot niyo ah!”, inis kong sambit sakanila.
“Ay naku! Basta kami naniniwala kami sa kung ano yung nararamdaman at nakikita namin”, dagdag naman ni Gema. Inirapan ko na lang sila at ipinagpatuloy ang panonood sa cellphone ko.
“Saka alam mo? Hindi talaga ako naniniwala na hindi kayo magkakilala eh. Sabi ni Teo na doon na daw siya sa bahay na iyon ipinanganak at lumaki bago sila umalis. Tapos doon ka rin naman ipinanganak. Tapos tatlong bahay lang ang pagitan ng mga bahay niyo. Imposibleng hindi niyo kilala ang isa’t isa”, mahabang litanya ni Barbs. Natapos nga ang pang-aasar nila pero itong mga ganitong tanong ang iniiwasan ko sakanila. Hindi ako sumagot at nagpanggap na hindi siya narinig.
“Hoy te! Kinakausap ka namin”, pag-agaw ni Barbs sa cellphone ko.
“Hindi kami magkakilala te.”, maiksing sagot ko rito sabay bawi ng cellphone ko.
“Weh? Eh bakit sabi niya noong nakaraang linggo sa’yo na ’
it’s nice too see you again’
daw?”, pag-iinteroga pa rin niya. Si Fifi at Gema naman ay nakatingin sa amin at nakikinig.
“Luh? Malay ko don. Saka sinagot na niya yang tanong mo diba?”, ani ko rito. Medyo kinakabahan ako sa mga oras na ito dahil hindi pa ko handang ipaalam sa kanila ang totoo.
“Echusera! Umamin ka na kasi te. May dapat ba kaming malaman?”, sabat naman ni Fifi na tila hinuhuli ako.
“Wala te! Saka hindi nga kami magkakilala! Paulit-ulit naman kayo!”, medyo naiirita kong sabi. Pero syempre hindi talaga. Acting ko lang yon.
“Bakit ka nagagalit? Nagtatanong lang naman kami. Halatang guilty ah”, ani ni Barbs sa mapang-asar na tono at tingin sa akin. Napatawa rin si Gema at Fifi.
“Napaka defensive naman, sis!”, dadag ni Gema na natatawa pa rin.
“Ay naku! Basta hindi ako naniniwala sa inyo ni Teo. Parang may tinatago kayo parehas aming lahat eh”, sabat ulit ni Barbs na naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa akin na tila sinusuri ako at naghihintay na may aminin ako.
“Ay! Pikon na siya. Hahahahahha!”, ani ni Gema at sabay-sabay nila akong tinawanan. Inirapan ko na lang sila dahil totoo namang nagsisimula na akong mainis.
Nagkibit balikat na lang ako at bumalik sa panonood ng video. Bumalik na rin sila sa kanya-kanya nilang mga cellphone at nagpaka busy doon. Wala naman akong ibang naiisip na dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa mga “Not-So-Pretty” kong friends ang totoo bukod sa mas lalo lang nila akong aasarin. Dahil kilala ko ang sarili ko bilang isang
‘marupok’
. Yung mga ganyang klase kasi nang biruan ang iniiwasan ko dahil nauuwi sa totohanan yung nararadaman ko. Example, kahit hindi ko naman talaga gusto yung tao pero since inaasar nila ako ay nagiging totoo na nagugustuhan ko na yung tao. Ewan ko ba kung bakit ganon ako. Siguro saka ko na lang sasabihin sakanila kapag nalaman na ni Teo ang totoo. Unless alam na niya talaga? Napabuntong hininga na lang ako.
Nandito na ako sa kwarto ko at nakahilata sa kama. After namin tumambay kila Gema ay nagpunta kaming plaza para kumain ng street food. Halos kakauwi ko lang din at tinatamad akong bumaba para maghapunan dahil kakakain nga lang namin sa plaza.
Kasalakuyan akong nag-iisip kung ano ang ireregalo kay mama dahil birthday niya na next week nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay nakita kong may chat si Teo sa akin.
From: Teo Suarez
Hi. (Wave Emoji)
Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng kaunting excitement. Agad ko naman itong nireplyan.
Kate Tiongson
Hello
From: Teo Suarez
How’s life?
Kate Tiongson
Okay lang naman. Ikaw?
From: Teo Suarez
Okay lang din. I just got home. Kakatapos lang namin maglaro ng basketball nila Nico at Josh. Just a friendly game.
Kate Tiongson
Oh. Okay.
Halos hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin. Natataranta kasi ako sa hindi malamang dahilan kaya hindi ako makapag isip nang maayos kung ano ba ang dapat kong sabihin.
From: Teo Suarez
Did you eat?
Bakit naman ganito ang mga replyan niya sa akin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginginig din ako sa hindi ko maintindihan na dahilan. Huminga ako nang malalim para kumalma.
Kate Tiongson
Hindi pa.
From: Teo Suarez
Tara! Kain tayo kila Ate Gina.
Ayoko magisip nang kung ano-ano pero iba ang dating sa akin ng mga chats niya. I know he’s just being friendly pero iba talaga yung pakiramdam ko kahit ganito lang ka simple yung mga chats niya. Bigla ko naman naalala yung sinabi niya sa akin noong nakaraan.
Kate Tiongson
Are you lowkey asking me out? Are you flirting with me?
Reply ko rito. Napahagikgik ako sa naging reply ko sakanya. Akala niya ba ay siya lang ang may kaya na magbiro ng mga ganito. Agad na tumunog ang cellphone ko hudyat na nagreply na siya.
From: Teo Suarez
And so? What if I do?
Literal na napa ‘O’ yung bibig ko at nanlaki ang mga mata sa nabasa. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa phone ko. Nagbibiro lang naman ako eh pero bakit mas ginalingan niya sa pagbibiro? Yung biro na sana ay hindi na lang.
‘Teka, umaasa ba ko?
’ Huminga ulit ako nang malalim para kumalma at agad akong nagreply sakanya.
Kate Tiongson
Hala siya! Joke lang naman. Hehe
Yun na lang ang naireply ko. Baka isipin niya rin na napaka assuming kong tao. Wala pang ilang sandali ay muling tumunog ang cellphone.
From: Teo Suarez
I’m serious here, Kate. I’m not joking.
At tuluyan ko nang nabitawan ang cellphone ko sa nabasa. HELP!
10
Nandito ako ngayon sa pwesto namin sa palengke at naghahanda na para makauwi. Tinulungan ko kasi si mama na magtinda dahil sobrang dami nanaman ng mga tao. Naisipan ko na dito na lang din magpalipas ng oras hanggang mag hapon dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Humingi na rin ako kay mama ng kaunting pera dahil nag chat sa akin si Fifi at nagkayayaan daw ang “Teo and Friends” at mga “Not-So-Pretty” kong friends na kumain ng street food sa plaza.
“Ma, uuwi na ko ah”, paalam ko kay mama na ngayon ay nagbibilang ng mga pera na kinita sa pagtitinda.
“Oh sige. Maya-maya lang din ay uuwi na rin ako”, sagot naman nito sa akin.
“Sige na, ma. Bye”, ani ko sabay lumabas ng tindahan at naglakad palabas ng palengke. Pagkarating ko sa labas ay agad akong nagtungo sa pila ng mga tricycle at nagpahatid hanggang sa barangay namin. Mainit pa rin kasi ang sikat ng araw kahit lagpas alas-tres na ng hapon. Pagkababa ng tricycle ay iniabot ko ang bayad sa driver at naglakad na papasok ng barangay papuntang bahay namin.
At dahil nga nagbalik na sila Teo, tuwing ganitong oras na pauwi ako ay tinitignan ko muna ang kahabaan ng street namin at saka bibilisan ang lakad papunta sa bahay. Pag nasa tapat na ko ng bahay ay minamadali ko rin ang pagbukas ng gate namin para makapasok agad. Mahirap na dahil baka makita ako ni Teo na dito ako umuuwi at tuluyan na niyang malaman ang totoo.
Pagkapasok ay inilapag ko ang ilan sa mga dala kong gamit at humiga sa mahaba naming sofa para makapag pahinga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala. Nagising na lamang ako nang tumunog ang cellphone ko at nakita na tumatawag si Fifi.
“Ano ka na te? Kanina pa kami chat nang chat sa’yo hindi ka naman nagrereply!”, bungad agad nito sa akin pagkasagot ko.
“Hala te! Kakagising ko lang. Nakatulog pala ako. Napagod kasi ako dahil tinulungan ko si mama sa pagtitinda kanina”, pagpapaliwanag ko sakanya habang nakahiga pa rin at nakapikit ang mga mata.
“Oh, gora. Basta mag-ayos ka na. Papunta na kami ng plaza.”, sagot naman nito.
“Sige na te. Push!”, ani ko sabay patay ng video call. Sakto naman na bumungad sa akin ang oras sa screen ng cellphone ko at nakitang 6pm na pala. Pagbangon ko mula sa pagkakahiga ay nalaman kong hindi pa rin nakakauwi sila mama at papa. Nasaan na kaya sila? Sabi ni mama bago ko umuwi ay uuwi na rin siya. Baka may pinuntahan silang dalawa.
Nagtungo na agad ako sa CR para makaligo. Ayaw ko naman humarap sa kanila na haggard ang itsura ko at nanlalagkit. Pagkatapos maligo ay umakyat ako sa kwarto ko para mag bihis at makapag ayos. Nagsuot ako ng spaghetti strap tank top na kulay itim at tinernohan ko ito ng maong na shorts at naglagay na rin ng lip tint sa labi at pisngi.
Pagbaba ko sa sala ay nakita kong kakauwi lang ni mama at papa at kasalukuyan silang nagpapahinga. Nagpaalam ako sakanila at nagmamadaling lumabas ng bahay at naglakad papuntang plaza. Madilim na ang kalangitan at marami akong nakakasabay na naglalakad. Mga taong galing sa trabaho at pauwi na sa kani-kanilang mga tahanan. Chineck ko ang phone ko at nakitang ang dami na pa lang chat ni Fifi. Nabasa ko na nandoon na pala silang lahat at ako na lang ang hinihintay.
Nang makarating sa plaza ay agad ko naman silang natanaw na nakatambay sa may gilid ng stage at masayang nagtatawanan. Naagaw naman ang atensyon ko ni Teo na nakikitawa lang din. Nakasuot ito ng plain na black t-shirt na hapit sakanyang katawan at mga braso. Kapansin-pansin ang magandang pangangatawan nito at ang mga matitigas niyang braso. Nakasuot rin ito ng maong shorts na abot hanggang tuhod niya. Ngunit bago ako tuluyang makalapit sakanila ay hinarang ako ng isang lalaki.
“Oy, Kate! Kumusta ka na? Long time no see ah.”, bati nito sa akin. Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko ito napansin at bigla na lamang sumulpot sa harap ko. Siguro ay dahil masyadong naka focus ang paningin ko kay Teo.
“Oh huy, Gael. Ikaw pala. Haha. Okay naman ako”, sagot ko naman rito na nakangiti. Hindi ko ito matignan ng diretso dahil hindi ko kayang salubungin ang kakaibang tingin na ibinibigay niya sakin. Tingin na mariing sinusuri ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa.
Si Gael ay inaanak ni mama at nakatira lang din ito sa may barangay namin. Doon sa may street nila Barbs to be exact. May itsura rin itong si Gael. Maganda rin ang pangangatawan nito at mas matangkad din sa akin. Medyo may pagka mayabang nga lang.
“Mabuti naman kung ganoon. Lalo kang gumaganda at sume-sexy ah.”, pagkindat nito sa akin at sabay kagat sa pang-ibaba niyang labi na para bang nang-aakit. Pinamulahan naman ako ng mukha.
“Hoy, hindi naman. Hehe”, nahihiyang sagot ko rito. Hindi kasi ako sanay na kino-compliment lalo na ng mga lalaki.
“Palagi kitang hinahanap sa mga barkada mo kasi nga hindi na kita nakikita.”, ani nito sa akin.
“Ah medyo busy lang. Tinutulungan ko kasi si mama sa pagtitinda”, sagot ko rito.
“Ah ganun ba. Paki kumusta na lang ako kay ninang.”, nakangiti pa rin ito sa akin. Ewan ko ba at parang may kakaiba talaga palagi sa mga tingin niya. Hindi ko matukoy kung ano ang gusto niyang iparating sa mga tingin niya.
“Ahh sige sige”, sagot ko sakanya at nag-iwas ako ng tingin. Napadako ang mga mata ko sa pwesto ng mga kaibigan ko at nakatingin silang lahat sa amin ni Gael. And there, parang masusugatan ang mga mata ko sa talas ng tingin ni Teo sa akin. Napalunok ako sa kaba.
“Ano, kate? Ayaw mo pa rin bang sumama sa akin?”, naka ngising tanong nito.
Naalala ko nanaman na niyayaya niya akong sumama sakanya. Friendly date daw. Mamamasyal daw kami at kakain sa kung saan ko gusto. Pero palagi ko itong tinatanggihan. Yun din kasi ang bilin sa akin ng mga “Not-So-Pretty” kong friends.
“A-ano kasi.. Ahh pa-pagisipan ko, Gael”, nahihiyang sagot ko rito habang napapakamot sa anit ko na akala mo may kuto.
“Ah ganun ba? Sige sige. No pressure. Pero sana mapagbigyan mo ako”, ani nito sa akin at muli akong kinindatan. Kasunod nito ang plano niyang hawakan ang ulo ko ngunit bago pa dumapo ang kamay niya ay may pumigil agad dito at mabilis itong tinapik.
“Back off, dude!”, bungad nito na matalim na nakatingin kay Gael at hinila ako papunta sa tabi niya. Gulat naman na napatingin si Gael kay Teo.
“At sino ka naman?”, iritadong tanong ni Gael na tinignan pa si Teo mula ulo hanggang paa. At ngayon ko napansin na magkasing tangkad lang sila.
“There is no need for you to know”, sagot naman ni Teo sa malalim na boses at matalim pa rin na nakatingin kay Gael. Tila hindi nagustuhan ang pagtatanong nito.
“Tara na, Kate. They are waiting for you”, pag-aya nito sa akin. Kinuha nito ang kamay ko at hinawakan ako sa pala pulsuhan. Naglakad kami at tinalikuran si Gael na gulat pa rin sa mga nangyayari. Ngunit bago kami tuluyang makaalis ay muling nagsalita si Teo at hinarap si Gael.
“And one last thing, stay away from Kate”, pinal na sabi nito at nagpatuloy kami sa paglalakad habang hila-hila niya ako. Nilingon ko pa ulit si Gael na ngayon ay galit ng nakatingin sa lalaking kasama ko ngayon.
Napapaisip ako kung bakit ginawa ni Teo iyon. Wala namang ginagawang masama si Gael at naguusap lang naman kaming dalawa. Tinignan ko si Teo at diresto lang itong nakatingin habang naglalakad. Naging blangko bigla ang ekspresyon niya.
“Kanina ka pa namin hinihintay, te!”, bungad agad sa akin ni Fifi nang makarating kami sa pwesto nila. Alam kong nakita nila ang mga nangyari pero nagkibit balikat na lang sila para hindi maging awkward ang atmosphere. Ngunit hindi ako nakaligtas sa mapang-asar na tingin sa akin ni Barbs.
“Tara na, guys! Nagugutom na ko eh. Haha!”, pag singit ni Nico habang hinihimas ang tiyan.
Nagtungo agad kami sa magkakasunod na tindahan ng mga streetfood. Nandito kami ngayon sa may tusok-tusok. Natakam agad ako sa mga fishballs, squidballs, kikiam at calamares. Sa katabi naman nitong tindahan ay ang nagtitinda ng pritong isaw na nakabalot sa harina, mga kwek-kwek at penoy. Maliban sa mga ito ay marami pa ang pwedeng makain na mabibili sa ibang tindahan at may mga inumin din.
“What do you want?”, tanong sa akin ni Teo. Kumuha ito ng plastic cup at stick saka tumingin sa akin. Kalmado na ang itsura nito at parang wala lang sakanya yung tagpo sa pagitan nila ni Gael.
“Ahh. Yung mga kikiam saka mga fishballs ang gusto ko”, sagot ko naman dito at kumuha rin ng plastic cup at stick.
“Okay. Let me get it for you”, ani nito at isa-isang tinusok ang mga kikiam at fishballs.
“Hala, Teo. Hindi na. Ako na kukuha. Kaya ko naman”, ani ko rito at agad na hinawakan sa kanyang braso para pigilan. Napatigil ito at gulat na napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kanyang braso.
“So-sorry. Ako na kasi ang kukuha ng sa akin”, pag bawi ko ng kamay ko at napayuko. Napakagat labi ako sa hiya. Bakit ko ba siya hinawakan? Baka nagalit siya sa ginawa ko.
“No! Ako na ang kukuha. Mainit yung kawali at baka matalsikan ka ng mantika”, pagpilit niya. Nakaramdam naman ako ng kaunting tuwa sa puso. Concern ba siya sa akin? Pinamulahan nanaman ako ng mukha dahil sa naiisip. Sinundot naman ni Barbs ang tagiliran ko at napatingin ako sakanya. Nakita ko na nakatingin ang mga “Not-So-Pretty” kong friends sa akin at bakas ang mapang asar na ngiti at tingin sa mga mukha nila. Inirapan ko lang sila at nagkibit balikat.
“Anong sauce ang gusto mo?”, tanong ulit sa akin ni Teo nang matapos itong kumuha ng mga kikiam at fishballs.
“Ahh. A-ako na maglalagay, Teo. Salamat”, sabay kuha sakanya nung baso at awkward na ngumiti. Nakakahiya naman kung pati sa sauce ay siya na rin ang maglalagay. Nagtungo ako sa lagayan ng mga sawsawan at nilagyan ng maanghang na sause at suka yung baso na hawak ko. Pagkatapos ay nagsimula na akong kumain ganun din naman ang mga kasama ko.
“Ano pala ang pinag usapan niyo ni Gael, Kate”, panimula ni Gema habang kumakain kami.
“Ahh. Ano. Ahh nangamusta lang naman siya”, sagot ko naman dito sabay subo ng kikiam.
“Akala ko pinipilit ka nanaman niyang maki pag date sakanya eh”, ani ni Gema.
“Date?”, Kyuryosong tanong ni Nico pero ang mga mata ay hindi nakatingin kay Gema, kung hindi sa lalaking katabi ko ngayon na si Teo.
“Halata naman kasing bet ni Gael yang si Kate. Lagi niya ngang hinahanap sa amin yan si Kate pag nakakasalubong namin siya. Saka kung tignan niya si Kate ay halos mahubaran na yan sa laswa ng mga tingin nito”, sabat naman ni Barbs.
Sila Nico at Josh naman ay gumuhit ang mapang larong mga ngiti habang nakatingin kay Teo. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Teo na ngayon ay tiim bagang ito na nakikinig sa usapan.
“A-actually, tinanong niya ako kanina kung payag na daw ba akong makipag date sakanya”, sinsero kong pag amin sakanila.
“Anong sagot mo? Don’t tell me na pumayag ka ah? Tutusukin kita ng stick”, sabad agad ni Fifi.
“Sa-sabi ko pag-iisipan ko pa”, pahayag ko naman dito. Halos mayupi ko na yung baso na hawak ko na naglalaman ng mga tusok-tusok dahil sa kaunting kaba na nararamdaman ko. Alam ko kasing magagalit sila dahil maski sila ay ayaw na lumalapit ako kay Gael.
“Ano?! Dapat HINDI agad ang sinagot mo!”, ani ni Barbs na gulat sa narinig at tinapunan ako nang tingin na tila naiinis.
“True! Alam mo naman na kilalang loko-loko at manyak yang si Gael.”, pag sangayon ni Fifi na kumakain pa rin.
“Nahihiya kasi ako magsabi ng hindi sakanya”, sagot ko sakanila. Hindi ko sila matignan sa mga mata.
“Bakit ka naman mahihiya? Ay naku! Basta pag nagkita kayo ulit at tinanong ka niya ay humindi ka na agad”, ani ni Gema sabay irap ng mga mata.
“at sa tingin niyo hahayaan ko ulit na magkita sila?”, madilim ang mukhang sabat ni Teo sa usapan at isa-isa silang tinignan. Napatahimik ang lahat at awkward na bumalik sa kanya-kanyang pagkain. Si Nico at Josh ay naiiling na lang ang mga ulo habang ang mga “Not-So-Pretty” kong friends ay palihim akong tinatapunan nang mapang-asar nanaman na mga tingin.
Napayuko na lang ako dahil hindi ko rin alam ang sasabihin at mararamdaman sa narinig mula kay Teo.
Nagpaalam saglit sila Nico, Josh, Gema at Fifi para pumunta sa bilihan ng mga shake at naiwan kaming tatlo nila Barbs at Teo. Abala si Barbs sa pagtusok ulit ng mga kikiam at fishballs. Ako naman ay tahimik lang na bumebwelo para makakain ulit at si Teo naman ay tahimik lang na nakatayo sa tabi ko.
“So Gael is the name of that guy huh? What an ugly name”, bigla itong nagsalita at natatawa sa kanyang sinabi. Agad akong napatingin sakanya at nakangisi ito. Naalala ko tuloy yung tagpo kanina sa pagitan nila ni Gael. Bakit ganon na lang yung pakikitungo nya kay Gael gayong hindi naman sila magkakilala. Saka bakit sinabi niyang layuan ako ni Gael samantalang wala namang ginagawang masama sakin yung tao.
“Ga-grabe ka naman. O-okay naman yung pangalang Gael ah”, sagot ko rito.
“Oh? So pinagtatanggol mo pa?”, tanong nito sa akin. Tinignan ko siya at bakas sa mata nito ang inis. Hindi man kita sa mukha niya pero nararamdaman ko iyon sa mga tingin niya.
“Hi-hindi naman sa ganon”, napayuko na lang ako dahil hindi ko kayang tignan yung mga mata niya.
“Don’t come near him again.”, ma awtoridad nitong sabi at nagiwas ng tingin.
“Huh? Bakit naman? Wala namang ginagawang masama yung tao”, nagtatakang tanong ko sakanya.
“Wala pa sa ngayon. Pero alam kong hindi maganda ang pakay niya sa’yo”, ani nito na parang kilalang kilala si Gael.
Hindi ako sumagot at napayuko na lang ulit. Kilala ko naman si Gael at kahit pa naririning kong loko-loko ito ay hindi naman niya ako ginawan ng hindi maganda.
“Stay away from him, Kate. Ayoko makitang kinakausap mo ulit ang lalaking iyon”, ani nito sa malalim na boses. Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakayuko lamang.
“Answer me, Kate!”, medyo lumakas ang boses nito na nagpagitla sa akin. Tiningala ko ito at kita ang galit sa mukha nito.
“O-oo”, nauutal kong sagot sakanya.
“Siguraduhin mo lang, Kate. Huwag mo kong galitin”, pagbabanta nito na siyang nakapag patayo ng mga balahibo ko. I’ve never seen or heard him being like this. Kahit noong mga bata pa kami sa tuwing ipinagtatanggol niya ako sa mga umaaway sa akin ay never ko nakita ang ganitong katangian niya. Parang hindi ito yung Teo na kilala ko. Sabagay, it’s been 12 years nang huli kaming nagkita at sigurado akong marami na ang nagbago sakanya.
Bumalik sila Nico, Josh, Gema at Fifi dala-dala ang mga shake na binili nila para sa amin. Nagpasalamat naman ako kay Josh dahil libre niya daw ang mga ito at saka nagsimulang uminom.
“Guys manood kayo bukas ng laban namin ah. Ito na yung round para makapasok kami sa championship game”, pag imporma ni Nico habang umiinom kaming lahat sa kanya-kanya naming shake.
“Oo naman! Kami pa ba? Malakas kayo sa amin eh.”, excited na sabi ni Gema.
“Yown! Alas-otso ulit ng gabi ang laban namin”, dagdag ni Nico.
“Sige sige. Push yan!”, sagot naman ni Fifi.
Pagkatapos namin kumain ay nagdesisyon na ang “Teo and Friends” na umuwi. Kami naman ng mga “Not-So-Pretty” kong friends ay nagdecide na pumunta muna kila Fifi at tumambay. Niyaya namin ang “Teo and Friends” ngunit tumanggi sila dahil may mga gagawin pa daw sila.
Nang makarating sa bahay nila Fifi ay agad kaming nagtungo sa kwarto niya. Pagkapasok pa lang namin ay narinig kong tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag chat. Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakitang nag chat si Teo.
From: Teo Suarez
Huwag mong kakalimutan yung paalala ko sa’yo, Kate.
Napabuntong hininga na lang ako sa nabasa at hindi na naisipan pang mag reply. Sa lumipas na mga taon ay malaki na nga talaga ang ipinagbago ni Teo at marami na akong bagay na hindi alam tungkol sakanya. Nakaramdam tuloy ako ng pagkabahala lalo sa paglilihim ko tungkol sa tunay na ako.
11
Nagising ako mula sa katok ni mama sa aking kwarto. Pagcheck ko ng phone ko ay alas-sais pa lang ng umaga. Kahit inaantok pa ay tumayo ako para pagbuksan ng pinto si mama.
“Bakit, Ma?”, bungad ko dito habang kinukusot ang aking mga mata.
“Mag-ayos ka at pupunta tayo kina lola mo”, sagot naman ni mama. Nakita ko siya na kakatapos lang maligo at nakabihis na.
“Ngayon na talaga? Pwede bang huwag na lang akong sumama, ma?”, ani ko at binuksan ng malaki ang pinto ng aking kwarto para mas makausap si mama. Inaantok pa kasi ako at tinatamad akong bumyahe. Saka ngayong araw ang laban ng “Teo and Friends”.
“Ay naku! Ngayon na nga lang tayo bibisita ulit sa lola mo eh. Saka hinahanap ka na non kaya sumama ka na. Bilisan mo para makaalis agad tayo”, pinal na sabi ni mama saka ako tinalikuran at bumababa na.
Napabuntong hininga na lang ako. Naiintindihan ko naman si mama dahil last year pa ang huli naming bisita sa Batangas kung saan nakatira ang lola ko sa side ni papa. Kasama niyang nakatira don ang tito ko na kapatid ni papa at ang pamilya nito. Kaya kahit ayaw ko naman ay wala rin akong magagawa dahil kagagalitan lang ako ni mama pag nagpumilit akong hindi sumama.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako at nagsuot ako ng maong na skinny jeans at itim na blouse at yung vans na sapatos ko. Naglagay na rin ako ng liptint sa labi at pisngi na usual na ginagawa ko para hindi naman ako mukhang maputla. Nang makapag ayos ay dumiretso na ako sa baba ng bahay.
“Ang ganda naman ng dalaga namin”, bati sa akin ni papa. Nakaupo lang sila ni mama sa sofa at hinihintay lang ako na matapos sa pagaayos.
“Alam ko naman iyon, pa”, ani ko sabay ngiti ng matamis.
“Tara na para hindi tayo maabutan ng traffic at maaga rin tayong makarating doon”, pag-aya ni mama.
“Mga anong oras kaya tayo makakauwi, ma?”, tanong ko rito habang naglalakad na kami palabas ng bahay.
“Ikaw namang bata ka oh. Hindi pa nga tayo nakakaalis, paguwi na agad iniisip mo”, sagot naman ni mama na ngayon ay nilolock ang pinto ng bahay. Napakamot na lang ako sa ulo at hindi na muli pang nagtanong. Sana lang maaga kami makauwi. Aayain ko na lang din sila mama na umuwi ng maaga pag nandoon na kami.
Pasado alas-otso nang makasakay kami ng bus sa may terminal dito sa may Buendia. Mabuti na lang ay dalawahan sa kanan at tatluhan sa kaliwa ang ayos ng mga upuan sa loob ng bus. Magkakatabi kami nila mama at papa. Ako ang nasa bintana, nasa gitna si mama at nasa aisle naman si papa.
Pagkalipas ng kinse minutos ay umalis na rin kami dahil mabilis napuno ang bus. Kinuha ko na lang ang earphones ko at isinalpak sa cellphone ko para makinig ng mga music ng Girls’ Generation. Feel na feel ko pa ang pakikinig habang sinasayaw ang choreography ng bawat music sa isipan ko. Pagkalipas ng halos isang oras na byahe ay nagdesisyon akong matulog na lang dahil nakaramdam ako ng antok.
Ginising na lamang ako ni mama nang makarating kami sa bus terminal sa Batangas. Halos sumakit ang pwet ko sa apat na oras na biyahe. Pagbaba ay sumakay pa ulit kami ng tricycle papunta sa mismong lugar nila lola at lagpas alas-dose na ng tanghali ng makarating kami.
Masarap ang buhay dito sa lugar nila lola. Tahimik ang paligid at sariwa ang hangin. Hindi naman batangueno ang pamilya namin. Nagkataon lang na dito nakabili ng lupa ang tito at tita ko after nilang maikasal at magka anak. Tiga manila din sila at nagdesisyon na lumipat na dito matapos maipagawa ang kanilang bahay.
Sinalubong agad kami nila Lola Panchang, Tito Jun at Tita Nora nang makarating kami sa bahay.
“Diyos ko, mabuti at nakarating kayo ng ligtas”, masayang bungad sa amin ni lola. Isa-isa naman kaming nagmano nila mama at papa kay lola. Pagkatapos ay sinalubong naman kami nila tito at tita ng isang masayang yakap.
“Salamat naman at binisita ninyo kami dito. Ang tagal na noong huli kayong dumalaw”, ani ni tito.
“Oo nga eh. Si Rogelio itong nakaisip na dumalaw dito. Malamang ay nami-miss niya ang kanyang nanay”, sagot naman ni mama.
Agad kaming pumasok sa loob ng bahay at sinalubong kami ng pinsan ko na si Jonabelle. Siya ang anak nila tito at tita na halos kasing edad ko lang din. Nagtungo agad kami sa kusina para kumain. Sakto kasi ang dating namin na tanghalian na rin.
Tahimik lamang ako na nakikinig sa usapan ng mga matatanda habang kumakain. Isa rin ito sa ayaw ko tuwing bumibisita rito. Though nami-miss ko rin naman sila lalo na si Lola, pero hindi kasi ako maka relate sa mga usapan nila. Hindi ko naman makausap si Jonabelle dahil hindi naman kami gaanong close.
Nang matapos kumain ay umupo na lang ako sa sala at nanood ng TV. Sila tito at papa naman ay nasa may bakuran at nagi-inom habang sila mama, tita at lola ay magkakasama sa may likod ng bahay at naguusap. Si Jonabelle naman ay umalis at pupunta raw sa bahay ng kaklase niya.
Dahil bored ako at hindi ko rin naman gusto ang palabas sa tv ay binuksan ko na lang ang cellphone ko at nag online. Mabuti na lamang at may wifi sila tita, kailangan din kasi ito ni Jonabelle para sa pag-aaral.
Pagbukas ko ng
‘facebook’
ay agad na bumungad sa akin ang chat ni Fifi mula sa group chat namin ng mga “Not-So-Pretty” kong friends.
Fifi Baldovino
Hoy mga te! Later ah. Yung game ni Josh. Dapat present tayo at icheer naten sila.
Pagpapa-alala ni Fifi. Napabuntong hininga na lang ako. Wala pa rin akong idea kung anong oras kami uuwi. Mukhang gagabihin talaga kami rito lalo’t nag iinom pa sila tito at papa. Agad namang nagreply si Gema sa group chat namin.
Gema Dimaculangan
Oo te! Sabay-sabay na rin tayo pumunta don.
Barbs Santiago
Push! Daanan na lang natin si Kate kasi matagal nanaman yan kumilos si bakla.
Kate Tiongson
Mga te! Nandito kami sa Batangas nila mama at papa. Hindi ko pa sure what time kami makakauwi
☹
Gema Dimaculangan
Ay kaloka! Dapat hindi ka na sumama te! Char!
Kate Tiongson
Ayoko nga sumama kaso papagalitan naman ako ni mama pag di ako jumoin.
Fifi Baldovino
Bakla ka! Sana makaabot ka kung hindi lagot ka sa jowa mo. Hahaha!
Napairap na lang ako sa ere nang mabasa ang reply ni Fifi. Talagang walang pinipiling oras ang pang aasar nila. Alam ko naman na si Teo agad ang tinutukoy nito na jowa ko daw.
Kate Tiongson
Ay nako te! Tigilan mo ko sa pang-aasar ah. Jowa-jowa kayo jan.
Barbs Santiago
Eme eme ka rin @Kate Tiongson. Kunwari ka pa. If I know, kinikilig ka rin. Hahaha!
Kinikilig nga ba ako kay Teo? Well, nakakaramdam ako ng kakaibang tuwa tuwing nagiging protective sya sa akin. Pero hindi ako sure kung kilig ba iyon. Masaya lang ako dahil naalala ko kung paano niya rin ako protektahan noong mga bata kami. Siguro namiss ko lang yung mga panahon na iyon kaya ako nakakaramdam ng tuwa, pero hindi kilig.
Kate Tiongon
Tigilan niyo ko mga te!
Gema Dimaculangan
Egul ka pa te? Hahaha! Teo na iyon oh. Push mo na gaga. Support naman kami <3
Fifi Baldovino
True! Support support lang tayo. Para naman magkajowa ka na, Kate.
Barbs Santiago
True! #TeamJowain #LoveWins ganon!
Kate Tiongson
Ewan ko sa inyo! Basta magcha-chat na lang ako pag pauwi na kami. Sana lang makaabot ako.
Gema Dimaculangan
Push te! Pag di ka talaga nakanood for sure yari ka kay Teo. Hahaha!
Sineen ko na lang ang group chat namin at hindi na nagreply. Nanood na lang ako ng mga random vidoes sa
‘Youtube’
pampalipas oras.
Masyado kong na-enjoy ang panonood lalo ng mga ingrown removal, tartar removal at mga blakcheads removal. Hindi ko napansin ang paglipas ng oras at pagcheck ko ay 4:30 pm na pala. Tumayo ako sa pagkakaupo at nagpunta sa may bakuran. Nakita kong nandoon sila mama at papa kasama sila tito, tita at lola na masasayang naguusap. Lumapit ako sakanila para tanungin sana si mama kung anong oras kami uuwi.
“Oh apo? Gusto mo ba mag meryenda? May kakanin dito na binili ng tita mo sa bayan”, pag-aya sa akin ni lola. Umupo naman ako sa tabi niya.
“Hindi po ako nagugutom lola, ayos lang po ako”, sagot ko naman sakanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
“Lalo kang gumaganda apo ah. Tuwing dumadalaw kayo rito mas nadadagdagan ang ganda mo. Manang mana ka sa mama mo. Ganyan din siya kaganda noong ka edaran mo”, ani ni lola habang hinihimas ako sa ulo.
“Sa-salamat po, La”, nahihiyang sagot ko.
“Oo nga eh, Kagandang bata. Ikaw ba ay may nobyo na”, pag singit naman ni tita Nora habang kumakain ng bibingka.
“Wala pa po tita. Hindi ko pa po naiisip yan eh”, nakangiti kong sagot.
“O baka naman pinagbabawalan niyo Rogelio at Analyn? Hayaan niyong i-enjoy ng bata ang pagkadalaga niya. Hindi naman kayo mamomroblema dahil hindi naman yan mabubuntis haha”, natatawang ani ni tito Jun na halatang may tama na ng alak.
Nakaramdam ako ng kaunting lungkot sa narinig. Parang sinampal ako ng reyalidad na despite of me identifying myself as a woman, still wala pa rin akong kakayahan na magbuntis gaya ng ibang mga babae.
“Hindi naman kami mahigpit sakanya, Jun. Saka may kakayahan man siya magbuntis or wala, wala namang kaso sa amin yon. Siya pa rin naman ang masusunod sa magiging takbo ng buhay niya in the future. At nandito lang kami para sumuporta”, sagot naman ni papa at binigyan ako ng isang ngiti.
Matapos ang ilang sandali at kaunting chikahan pa ay napagdesisyunan na nila mama at papa na umuwi. Niyaya pa kami nila lola na dito na maghapunan kaso tumanggi na sila papa dahil gagabihin na kami at baka maabutan kami ng traffic. Nagpaalam na kami sakanila at sinabing bibisita na lamang ulit kami sa birthday ni lola.
Lagpas alas-singko na ng hapon nang bumyahe kami pauwi. Halos puno na rin kasi ang bus na nasakyan namin kaya kaunting oras na lang ang hinintay at umalis na rin ito. Nakaupo pa rin ako sa may bintna, katabi ko si mama at si papa naman ay nasa aisle pa rin. Binuksan ko ang cellphone ko at nag online para ipaalam sa mga “Not-So-Pretty” kong friends na nasa byahe na kami pauwi.
Kate Tiongson
Mga te. Nasa byahe na kami pauwi.
Barbs Santiago
Gora, sis! Ingat kayo.
Si Barbs lang ang nakapag reply sa chat ko dahil hindi online sila Fifi at Gema. Isinandal ko na lang yung ulo ko sa bintana habang nakatingin sa labas. Sana makaabot ako sa laban ng “Teo and Friends”. Mukhang mata-traffic pa naman kami pauwi dahil rush hour na. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para makatulog at hindi rin makaramdam ng hilo sa byahe. Nandito kasi kami sa may bandang dulo ng bus nakaupo. Ito yung pinaka ayaw kong pwesto dahil dito yung pwesto na nakakahilo.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng ibang mga pasahero na pababa ng bus. Nakita ko si mama na busy sa panonood sa tv sa loob ng bus at si papa naman ay mahimbing na natutulog sa balikat niya. Pag check ko ng cellphone ko ay alas-otso na pala ng gabi at malayo layo pa kami. Ito na rin ang oras nang laban ng “Teo and Friends”. Kinuha ko ang cellphone ko at nag online saglit para mag update kila Fifi.
Kate Tiongson
Mga te? Nagsimula na ba ang laro? Malayo-layo pa kami
☹
Fifi Baldovino
Kakasimula pa lang te.
Barbs Santiago
Sabihin mo sa driver nyo na bilisan at paliparin na yung bus!
Kate Tiongson
Kung pwede lang mga te, kanina ko pa ginawa.
Gema Dimaculangan
Kanina ka pa hinahanap ng jowa mo dzai. Kaya bilisan mo na.
Ako? Hahanapin ni Teo? Bakit naman? As if naman na hindi matutuloy yung laban nila nang wala ako.
Kate Tiongson
Tigilan niyo nga kakabanggit na jowa ko yang si Teo.
Barbs Santiago
Kunwari pa. Gusto rin naman. Basta paguwi mo gumora ka na agad dito. Mag o-offline na kami para makapanood kami.
Kate Tiongson
Gora mga te.
Huling reply ko bago patayin ang mobile data ng phone ko at napabuntong hininga na lang. Sana talaga ay makaabot ako. Ito pa naman yung laban na kung saan kailangan nila ng support. Though marami naman silang mga supporters pero gusto ko rin masaksihan ang pagka panalo nila papuntang championship round.
Hindi ako matigil kaka-kuyakoy dahil ang bagal nang usad ng bus. Pagcheck ko ay alas-nuwebe na ng gabi. Isang oras na ang nakalipas nang magsimula ang laro ng “Teo and Friends”. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba na parang kailangan ko talagang makanood. Halos hindi ako mapakali sa upuan ko pero wala naman akong choice kung hindi ang maghintay. Pagcheck ko ng phone ko ay walang chat ang mga “Not-So-Pretty” kong friends. Mukhang naka focus sila sa panonood ng laban.
9:40pm na nang makarating kami sa aming barangay. Hindi na ko umuwi ng bahay para magpalit at agad na dumiretso sa basketball court sa kabilang barangay. Patakbo na ang ginawa ko makarating lang agad sa basketball court.
Nang makarating ako ay sobrang dami ng tao at sigawan ang namayani sa buong basketball court. Nakisiksik ako sa dami ng mga tao mapuntahan ko lang ang pwesto kung nasaan ang Yellow Team. Habang sumisiksik sa mga tao ay napatingin ako sa scoreboard at nakitang 20 seconds na lang at matatapos na ang 3rd quarter. Pero nagulat ako nang makita ang mga scores. Ang white Team na kalaban nila ay 75 points habang ang Yellow Team naman ay nasa 54 points. Nanlaki ang mga mata ko sa laki ng pagitan ng score nila sa White Team.
Nang makarating sa pwesto ng Yellow Team ay agad kong kinalabit si Fifi na naka focus ang mga mata sa panonood. Agad naman itong humarap sa akin at napayakap sa hindi malamang dahilan.
“Oh my God! Buti at nandito ka na”, masaya ngunit may pag-aalalang turan nito na tila nasa akin ang susi para manalo ang Yellow Team. Agad namang lumingon sa akin sila Barbs at Gema na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga itsura.
“Anyare mga te?”, kyursoyong tanong ko sakanila.
Ngunit hindi nila ako nasagot dahil narinig na lang namin ang malakas na bell hudyat na tapos na ang 3rd quarter. Nagsibalikan ang mga players ng bawat team sa kanya-kanya nilang pwesto. Nang makita ako nila Josh at Nico ay lumabas ang mga masasayang ngiti sa kanilang mga labi. Ngiti na tila nakakita ng pag-asa at excited nila akong nilapitan at sabay nila akong niyakap. Halos maipit ako ng mga katawan nila.
“Salamat sa Diyos at nandito ka na, Kate”, ani ni Nico habang tumatalon talon sila ni Josh habang nakayakap pa rin sa akin.
“A-ano ba ang nangyayari?”, tanong ko sakanila.
“Naku! Kanina pa wala sa focus si Teo nang malamang wala ka at hindi makakanood”, pag imporma ni Josh sa akin.
Agad silang humiwalay sa pagkakayakap sa akin nang mapansin nila ang taong nakatayo sa may harap lang namin. Nakatingin ito kila Josh at Nico nang may pagbabanta sa mga mata.
“Si-sige na, Kate. Di-dito na muna kami”, ani ni Nico habang nakangiti nang mapakla. Agad naman nila akong binitawan at nagtungo sa pwesto kung nasaan ang iba nilang ka team. Sila Fifi, Gema at Barbs naman ay mapang asar lang na nakatingin sa akin at sumenyas ang mga daliri nila na nagsasabing
‘lagot ka!’
“Where have you been?”, ani ni Teo sa akin sa malamig na tono ng boses. Tinignan ko ito sa mga mata at halo-halong ekpresyon ang nakikita ko. Halong galit, lungkot at pagtatampo. Sa tono nang pananalita niya ay ramdam ko na kanina niya pa ako hinihintay. Pero bakit naman? Saka, galit ba siya? Sa kabila ng mga katanungan ay nakaramdam ako bigla ng kaba at napalunok na lamang ng laway.
“Ah. Ka-kakauwi lang namin nila mama at papa. Ga-galing kasi kaming Batangas. Sa bahay ng lola ko”, nauutal kong sagot nang hindi makatingin sa mga mata niya. Bakit ba ko kinakabahan? At bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya na parang may kasalanan akong ginawa. Huminga na lang ako nang malalim para pakalmahin ang sarili.
Agad na naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Tinalikuran lamang ako nito at nagsimula nang maglakad papunta sa pwesto kung nasaan ang iba pa niyang ka team mates. Naiwan akong nakatayo na magisa at nakatitig sa malapad nitong likuran habang naglalakad palayo sa akin. Tinignan ko nang may pagtatanong ang mga “Not-So-Pretty” kong friends ngunit umiling lang ang mga ito at hindi ako binigyan ng sagot. May ginawa ba kong mali?
12
Nanatili pa rin akong nakatayo kung saan ako iniwan at tinalikuran ni Teo. Halo-halong tanong ang tumatakbo sa isip ko. Galit ba siya? May nagawa ba akong mali? Anong nangyari sa laban nila at bakit tambak ang score nila? Nakatitig lang ako sa kawalan habang mabilis na tumitibok ang puso ko. Napabalik ako sa katinuan nang magsalita si Teo.
“Hold this for me”, utos ni Teo sabay abot sa akin ng duffle bag at malaki niyang tumbler. Umalis lang pala ito para kuhanin ang mga gamit niya at ibigay sa akin. Kinuha ko naman ito sa kanya nang nakayuko at hindi tumitingin sa kanyang mga mata.
Nagulat na lang ako nang kuhanin ni Teo ang kamay ko at hinawakan ako sa pala pulsuhan at hinila papunta sa pwesto kung nasaan ang Yellow Team. Narinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid at nakita ko rin ang walang katapusan na mapang asar na tingin ng mga “Not-So-Pretty” kong friends.
“Sit here”, utos niya nang makarating kami sa pwesto ng team mates niya at tinuro ang isang bakanteng upuan. Naguguluhan man ay agad akong umupo. Takot ko na lang din dahil blangko pa rin ang ekpresyon ng mukha niya at wala akong idea kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.
“Stay here. Huwag kang aalis diyan para madali lang din kitang makita”, pinal na sabi nito sa malalim niyang boses. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa narinig. Iba ang epekto niya tuwing ginagamit niya sa akin ang malalim niyang boses. Para bang may kung ano sa sikmura ko na hindi ko maintidihan.
“Si-sige”, sagot ko naman dito with matching pag tango ng ulo. Bigla naman tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang 4th quarter. This time ay kumpleto ang “Teo and Friends” sa loob ng court kasama si Mark at ang isa pa nilang ka team.
Agad namang lumapit sa akin ang mga “Not-So-Pretty” kong friends at kiniliti pa ako ni Gema sa tagiliran.
“Ang bongga talaga! May special treatment. Samantalang kami halos maputol na ang litid kakasigaw pero never kaming inofferan ng upuan”, pagtatampo kuno ni Fifi sa mapang asar na tono ng boses.
“Sa true! Ikaw na talaga ang nanalo. Ikaw na ang Madam!” pag sang ayon naman ni Barbs at umakto na may nilalagay na korona sa ulo ko. Inirapan ko na lang sila dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin sakanila at naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.
“Ano ba kasing nangyari mga te? Bakit pagdating ko rito eh para kayong pinagsakluban ng langit at lupa.”, seryoso kong tanong sa kanila.
“Simula kasi ng sabihin namin na hindi ka makakanood ay nawala na sa mood si Teo. Nakailang foul na nga rin yan eh.”, seryosong sagot ni Gema habang ang mga mata ay nakatingin lang sa court kung saan nagsisimula na ang laro.
“True! Lutang ang kuya mo Teo. Hindi makapag focus. Kaya pinalabas muna siya ng mga ka team niya bago pa sya gumraduate sa court at hindi na makalaro”, dagdag naman ni Fifi.
Dahil ba sa akin kaya nawala siya sa mood at focus? Pero bakit naman? Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari pero at the same time ay may kakaiba akong nararamdaman sa puso ko dahil sa mga narinig ko. Muling naghiyawan ang mga tao lalo na ang mga supporters ng Yellow Team at nakita kong naka puntos pala si Teo. Napangiti naman ako sa nakita habang nakatingin sa court ngunit biglang tumingin sa akin si Teo ng may ngiti sa mga labi. Agad naman akong nagbawi ng tingin at napayuko sa hiya. Nakaramdam ako ng init sa aking mukha patunay na namumula ako ngayon.
“Mukhang ginaganahan na ulit si “Bebe Boy” ah.”, masayang ani ni Barbs. Nakita ko ang malilisyosang nitong tingin sa akin.
“Sa true! Paanong hindi gaganahan eh nandito na kasi ang madam”, dagdag ni Fifi sa mapang asar din na boses.
Sunod-sunod na hiyawan ang maririnig sa basketball court dahil sunod-sunod rin ang puntos na nakukuha ng Yellow Team. Mukhang nanumbalik ang sigla at determinasyon sakanila na manalo ngayong laban. At pag naiisip ko ang mga pang-aasar ng mga “Not-So-Pretty” kong friends na ako ‘DAW’ ang dahilan ay nakakaramdam ako ng kakaibang saya sa puso.
Nakarinig kami ng isang malakas na pito mula sa referee kasabay ang iilang sigawan ng mga tao. Nakita namin si Teo at ang isang player ng White Team na inaawat ng kanya-kanya nilang mga ka team. Aambahan pa sana ng suntok nung player from White Team si Teo ngunit agad naman itong napigilan ng referee at ng iba pang mga players from White Team.
“Ano ba yan? Very eskandalosa ha! Very squammy naman yang ganyang eksena, White Team ah”, pag sigaw ni Fifi na ramdam mo rin sa boses niya ang inis.
“Sa true! Bawal ang pikon dito!”, dagdag na sigaw ni Gema.
Narinig ko naman ang pag sang ayon ng mga tao sa paligid namin na mga supporters ng Yellow Team at sabay-sabay silang sumigaw ng
‘Booooo’
against White Team.
“Bawal ang pikon!”, pag sigaw rin ni Barbs. Napatingin ako sa loob ng court at ramdam ang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo. Nakita ko na inilayo nila Josh at Nico si Teo mula sa komosyon at pinapakalma nila ito.
“BAWAL ANG PIKON! BAWAL ANG PIKON! BAWAL ANG PIKON!”, sunod-sunod na sigaw ng lahat ng mga supporters ng Yellow Team laban sa White Team. Nakakagimbal na sigawan. Nakita ko naman na napatingin sa amin ang Yellow Team at bakas sa mukha nila ang tuwa dahil sa supporta na nakukuha. Hindi ko man alam kung ano ang tunay na dahilan ng gulo ngunit alam kong hindi ito nagmula sa Yellow Team.
Tumunog ang bell hudyat na nag time out ang White Team at bumalik sa mga pwesto nila ang dalawang team para makapag pahinga. Agad naman na lumapit sa akin si Teo at gaya ng nakasanayan ay iniabot ko agad sa kanya ang kanyang tumbler. Kinuha niya ito at agad na uminom. Pinagmamasdan ko lang siya habang umiinom sa harap ko at nakaramdam ako ng kaunting init sa katawan. Ang mga pawisan niyang mukha at ang pag galaw ng adams apple niya sa bawat pag inom niya. Ang mga pawisan niyang mga braso at ang kanyang mabuhok na kili-kili na kahit basa ng pawis ay parang ang bango-bango pa rin. Parang gusto kong isiksik yung mukha ko doon. Napalunok ako ng laway sa mga nakikita. Napabalikwas ako nang makita na nakatingin rin pala sa akin si Teo.
“Stop ogling at me”, naka ngisi nitong turan tila nasisiyahan siya sa mga nasaksihan.
Napayuko na lang ako sa kahihiyan dahil nahuli nanaman niya akong nakatitig sakanya at paniguradong namumula nanaman ang mukha ko. Iisipin nanaman niyang pinagnanasahan ko siya.
“Pwede mo bang punasan ang mga pawis ko?”, diretsang tanong nito sa akin pagkatapos niyang uminom.
Napatingala ako sakanya at kusa na lang na tumango ang ulo ko bilang sagot. Parang automatic akong napa ‘Oo’ dahil sa mga mapupungay at nangungusap niyang mga mata na kahit sino ay hindi makakatanggi. Mga matang mapanganib at nakaka hipnotismo.
Agad kong kinuha ang towel sa loob ng duffle bag niya. Agad naman itong yumuko at itinapat ang kanyang mukha sa mukha ko. Ilang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha namin. Mariin lang itong nakatitig sa mga mata ko habang naghihintay na punasan ang kanyang mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko at natataranta ang buo kong Sistema. Napalunok muna ako bago magsimula sa pagpupunas. Pinipigilan ko rin ang pag nginig ng aking kamay.
Nagsimula ako sakanyang noo pababa sa kanyang mga kilay. Mabuti na lang at ipinikit niya ang kanyang mga mata dahilan para mabawasan ng kahit kaunti ang kaba sa puso. Pinunasan ko ang kanyang mga talukap at pilik mata, pababa sa kanyang matangos na ilong hanggang marating ko ang kanyang mga pisngi. Ang huli kong pinunasan ay ang kanyang mapupulang labi. Base sa pagpunas ko sa mga ito ay mararamdaman mo agad kung gaano ito kalambot.
Agad akong napaatras sa pagpupunas sa kanyang labi nang makita ko ang mga mata niya na nakatingin din sa aking mga labi. Tila nagulat din siya sa inakto ko at agad din niyang inilayo ang kanyang mukha. Pagsulyap ko sa kanya ay nagiiwas ito ng tingin sa akin at napapakamot na lang sa kanyang ulo.
Mabuti na lamang ay tumunog na ulit ang bell hudyat na tapos na time out at magsisimula na ulit ang laro. Ngunit bago pa bumalik sa loob ng court si Teo ay muli niyang tinawag ang atensyon ko.
“Thank you, Kate!”, ani nito sabay himas sa ulo ko at ginulo ang aking bangs at agad na tumakbo papasok sa loob ng court. Narinig ko naman ang iilang mga paimpit na tili ng mga tao sa paligid namin na tila kinikilig sa nasaksihan. Nag init naman ang aking mukha dahil sa hiya. Sa ilang beses naming panonood ng mga laban ng “Teo and Friends” ay nakasanayan na rin ng mga supporters nila ang presensya namin. Kung noong una ay puro bulungan ang naririnig ko sa mga tao tuwing lumalapit sa akin si Teo, ngayon ay halos himatayin na sa kilig ang iba. Muli nanaman akong nakaramdam ng kakaibang saya sa aking puso.
And of course, hindi nanaman ako nakaligtas sa walang katapusan na pang aasar ng mga “Not-So-Pretty” kong friends.
“Shuta! Akala ko nagla-laplapan na kayo eh. Sobrang lapit ng mga mukha niyo te! Kaloka!”, kinikilig na sambit ni Gema habang nangingisay ang katawan.
“Nag toothbrush ka ba or mouth wash, te? Mamaya ma kyawsi yang hininga mo ah. Nakakahiya ka”, dagdag ni Barbs. At nagtawanan naman silang tatlo.
Aaminin ko na naiinis ako sa pangaasar nila pero at the same time ay may kaunti ring tuwa sa puso ko dahil na rin sa mga inaakto ni Teo. Nagiging defense mechanism ko na lang siguro ang pagpapa tigil sa kanila sa pang aasar sa akin dahil alam kong pag nagpatuloy ito ay mauuwi talaga sa katotohanan na magustuhan ko na si Teo. Lalo pa at may mga bagay siya na ginagawa at ipinapakita sa akin na nagbibigay ng kakaibang saya sa puso ko. At ayaw kong mangyari iyon. Ayaw kong umasa at masaktan.
Walang katapusan na hiyawan pa rin ang namayani dahil sa sunod-sunod pa rin na puntos ang nakukuha ng Yellow Team. Pag tingin ko sa scoreboard ay 70 na ang score ng Yellow Team at nasa 77 ang White Team. Ganoon kabilis nahabol ng Yellow Team ang score ng kalaban.
Kita ko sa mukha ng lahat ng players maging sa White Team ang pagod at pursigi na manalo dahil ito na ang last round para makapasok sa championship game. Kaya both teams are giving their best to win. Muli nanamang nagsigawan ang Yellow Team supporters nang maka 3 points si Teo. Maging ako ay napatayo sa aking inuupuan at napatalon din sa tuwa. Bumaling naman ang mga mata ni Teo sa akin at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko dahil bigla ko na lang siyang sinenyasan ng
‘thumbs up’
upang ipakita ang pag supporta at mangha ko sakanya. Binigyan naman ako nito ng matamis na ngiti sabay kindat. Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok.
Muli nanamang nakakuha ang Yellow Team ng 3 points and this time ay kay Josh galing ang puntos. Halos mangisay naman si Fifi sa sobrang kilig at mas nangibabaw ang sigaw nito kumpara sa lahat. Pinaghahampas niya pa sila Gema at Barbs dahil hindi na niya ma contain ang kanyang kilig.
“Aray ko, Fifi! Shuta ka!”, pagrereklamo ni Gema.
“Masakit, Fifi. Shutanginames!”, pagrereklamo rin ni Barbs sabay hampas din sa braso nito bilang ganti.
Si Fifi naman ay pilit pinapakalma ang sarili with matching paypay pa sa mukha niya gamit ang kanyang mga kamay. Napangiti na lang ako. Talagang tinamaan si Fifi kay Josh.
Naagaw ang pansin namin nang marinig ang sigawan mula sa White Team at ayun pala ay dahil sa naagaw ng White Team ang bola mula kay Mark. Pag tingin ko sa scoreboard ay 76 ang score ng Yellow Team habang 77 pa rin ang White Team at mayroon na lamang 30 seconds bago matapos ang 4th quarter. Base sa pag di-dribble ng player from White Team na nakasuot ng number 7 ay inuubos na lang nito ang oras para matapos na ang laban at tanghalin na silang panalo.
Yellow Team did their best na maagaw ang bola ngunit masyadong mahusay ang White Team sa pagpapa ubos ng oras hanggang sa narinig na lamang namin ang tunog ng bell hudyat na tapos na ang laban kasabay ang hiyawan ng kampo ng White Team patunay na panalo sila.
Nilingon ko naman ang Yellow Team at bagsak ang mga balikat nilang bumalik sa pwesto namin. Tahimik ang buong kampo namin at tila malungkot dahil sa pagkatalo ng Yellow Team. Agad namang sinalubong ng mga “Not-So-Pretty” kong friends ang Yellow Team at isa-isang binati at binigyan ng comfort.
Habang si Teo naman ay nandito na sa aking harapan at hindi makatingin sa akin ng diretso. Nahihiya ba siya dahil natalo sila? Well, malungkot talaga ang matalo pero that’s part of the game. I gave him a warm smile at iniabot sakanya ang tumbler niya.
“Congrats, Teo! You really did a great job!”, masayang bati ko rito.
“Thank you!”, ani nito habang kumakamot sa kanyang ulo. At doon ko nakompirma na nahihiya nga siya.
“O-okay lang yan, Teo. That’s part of the game. I know you did your best. Hindi man kayo nanalo ngayon ay alam kong may dahilan iyon. Baka hindi pa ngayon ang time para sa inyo. At malay mo, pag dumating ang tamang oras para sa inyo ay mas doble or triple pa ang ibigay sa inyo”, masaya ko pa ring bati sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Ngiti lang din ang binigay na sagot nito sa akin at muling ginulo ang aking bangs. Napayuko na lang ako sa hiya dahil sa ginawa niya at dahil na rin sa mga nasabi ko. I can’t believe na lumabas ang lahat ng iyon sa bibig ko.
Napansin kong kaunti na rin ang mga tao ngayon sa loob ng court dahil naguwian na ang iba. Si Teo na rin ang nagpunas ng kanyang mga pawis at agad naman itong naghubad ng kanyang pang itaas na damit sa harapan ko. Tumalikod naman agad ako para hindi ko makita ang mga hindi ko dapat makita. Though, I’ve seen it multiple times na but still nahihiya pa rin ako and I feel like I don’t have the rights na makita ang kanyang maganda at
‘hot’
na katawan.
Narinig ko naman na tumawa ito nang mahina pero nagkibit balikat na lamang ako. Matapos siyang magbihis ay dinaluhan naman kami nila Nico at Josh at binati ko rin sila kasama na rin ang iba pang players ng Yellow Team.
“Congrats sa inyong lahat, guys! Ang huhusay niyo pa rin”, pagbati ulit ni Gema sa buong Yellow Team.
“True! Bawi na lang kayo sa next life!”, dagdag naman ni Barbs.
“Anong next life ka diyan! Baka next year? Hahaha!”, natatawang ani naman ni Mark sakanya. Nagtawanan na lang din kaming lahat at sabay-sabay na naglakad palabas ng basketball court.
At gaya nang nakagawian ay dumiretso kami kila Ate Gina para kumain ng bentelog. Ganoon pa rin ang pwesto namin habang nakaupo sa mahabang lamesa. Magkakatabi kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at katapat namin ang “Teo and Friends”. Kaming pito lang din ang nandito dahil kailangan na daw umuwi ng mga ka team mates nila.
Habang naghihinitay kami ng aming mga orders ay nagkukwentuhan lang sila at tahimik lang akong nakikinig. Napansin ko naman sa peripheral view ko na nakatingin sa akin si Teo ngunit hindi ko na lang ito pinansin kahit pa naiilang ako at nag focus na lang sa pakikinig sa kwentuhan.
Ilang sandali pa ay dumating na ang aming mga orders. CornedSilog pa rin ang inorder ko pati na rin ang sa “Teo and Friends” at HotSilog naman ang para sa mga “Not-So-Pretty” kong friends. Agad na hinimay ni Teo ang pula ng itlog sa aking plato at inilipat iyon sakanya at ganun din ang ginawa niya sa puti ng itlog sa plato niya at binigay naman sa akin.
Binigyan ko na lang siya ng isang ngiti bilang pasasalamat. Hindi talaga sya nakakalimot na gawin ito tuwing kakain kami dito kila Ate Gina.
“Kumusta naman yung date mo, Kate?”, basag ni Josh sa katahimikan. Busy kasi kaming lahat sa kanya-kanya naming pagkain.
Napakunot ang noo ko sa narinig. Date? Ako?
“Huh? A-anong date?”, nagtatakang tanong ko sakanila dahil wala akong idea sa tanong ni Josh sa akin. Nahagip naman ng mga mata ko si Teo na madilim ang mukha at matalim na nakatingin sa akin. Napalunok ako bigla dahil nakaramdam ako ng kaba.
“Sabi nila Fifi ay nasa date ka daw kanina kasama yung Gael kaya hindi ka makakanood ng game namin”, ani naman ni Nico sabay subo ng pagkain.
“Ha?!”, tanong ko sa medyo malakas na boses. Mas nag doble ang kaba na nararamdaman ko at may halong takot. Hindi naman ako nakipag date kay Gael ah.
Agad kong tinignan ang mga “Not-So-Pretty” kong friends at nakayuko lamang ang mga ito habang nagpipigil ng mga tawa. Napairap na lang ako sa inis dahil sa mga kalokohan nila. Humanda kayo sa akin mamaya.
Nagulat na lamang kami dahil pabagsak na inilapag ni Teo ang kanyang baso sa lamesa at kinuha ang kanyang mga gamit at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.
“Mauuna na ko, guys.”, ani nito sakanila gamit ang malalim na boses at nagtayuan ang mga balahibo ko. Oo, sakanila lang siya nakatingin at nagpaalam. Dinapuan lang ako nito ng matalim na tingin and I saw darkness in his eyes and after ay nagsimula na siyang maglakad paalis. Natuod ako sa kinauupuan ko at napatitig na lang sa bulto niya na papalayo.
13
#KulayRosasAngBukas 🌸 | #LetLeniLead 🌸 | #SaGobyernongTapatAngatBuhayLahat 🌸
“Bali 175 pesos po lahat”, sagot ko sa babae sabay abot sakanya ng mga pinamili niyang mga gulay.
Inabot niya sa akin ang 200 pesos. Kinuha ko ito at dumukot naman ako ng 25 pesos bilang sukli at agad na ibinigay sa babae.
Nandito ako sa tindahan namin sa palengke at kasalukuyang tinutulungan si mama. It’s just a normal day. Wala rin naman kasi akong gagawin sa bahay kaya nagdesisyon na lamang ako na tumulong kay mama. Hindi rin kasi ako nagpapakita sa mga “Not-So-Pretty” kong friends at hindi rin ako nagrereply sa group chat namin. Naiinis pa rin ako sa kalokohan na ginawa nila. Dalawang araw na ang lumipas mula noong nanood kami ng laban ng “Teo and Friends” at hindi pa rin kami nagkakausap ni Teo.
Hindi sa nag aassume ako dahil nakakamatay ng puso ang pag aassume pero alam ko naman na dahil sa naging date daw namin ni Gael kung bakit sya umalis ng gabing iyon. Hindi ko naman kasi kinakalimutan ang paalala niya sa akin na layuan si Gael kahit pa hindi ko naiintindihan kung bakit. At hindi ko rin alam kung bakit nagsinungaling ang mga “Not-So-Pretty” kong friends. Pwede naman nilang sabihin ang totoo pero kung ano-ano pa ang pinagsasabi.
Mag-isa lang ako ngayon dito sa tindahan dahil nagpaalam si mama na pupunta saglit supplier namin ng mga gulay para mag bayad. Busy akong nag aayos ng mga gamit sa may bandang likuran dahil ang daming nagkalat na mga plastic at mga basket.
“Sis?! Pabili naman kami ng pasensya”, ani ng isang boses mula sa likuran ko at alam kong si Fifi iyon. Nakatalikod kasi ako sa mga paninda naming gulay. Hindi ko pinansin ang boses at nagpatuloy lang sa pag aayos ng mga gamit.
“Ay! Deadma siya. Kate, sorry na. Alam namin galit ka sa amin”, rinig ko namang sambit ni Gema. Napairap na lang ako sa ere.
“Wala po kaming tindang pasensya. Mag hanap na lang po kayo sa ibang tindahan”, sagot ko naman sa mga ito nang hindi pa rin humaharap sakanila.
“Aray ko!”, daing ko matapos akong tamaan ng isang malaking luya sa ulo.
“Hoy te! Nagso-sorry na nga kami eh. Aartehan mo pa kami ng ganyan. Ipa deepthroat ko kaya sa’yo tong upo na tinda niyo”, ani naman ni Barbs.
Kinakamot ko ang parte ng ulo ko na tinamaan ng luya habang unti-unting humaharap sa kanilang tatlo. Nakatayo silang tatlo mismo sa harap ng aming tindahan. Grabe naman. May pagbabanta agad. As if naman na kaya kong mag deepthroat eh never ko pang nagawa iyon sa buong buhay ko. Sa toothbrush lang ako nagpapa choke. Saka hindi ba pwedeng magpakipot kahit kaunti. Sila itong may kasalanan sa akin pero sila pa itong galit ngayon.
“Doon na nga kayo! Mamalasin pa tong mga paninda namin eh”, pagtataboy ko sa kanila.
“Ay! Grabe talaga sya oh. Ipagtabuyan ba kami? Sorry na. Huwag ka na magalit sa amin”, ani ni Gema. Ramdam ko naman sa boses nito ang sinseridad.
Tinignan ko naman si Fifi habang nakataas ang isang kilay.
“Sorry, Kate”, sambit naman nito sa akin habang nakayuko. Hindi pwede iisang sorry lang ang maririnig ko mula sakanilang tatlo. Dapat bawat isa sakanila ay mag sorry. Though hindi naman talaga ako galit, nagtatampo lang ng very light. Binalingan ko naman si Barbs habang nakataas pa rin ang isa kong kilay.
“Oo na nga te. Sorry na”, ani naman nito.
“Okay? Ngayon, paki explain kung bakit ninyo nagawa ang kalokohan na iyon?”, tanong ko naman sa kanilang tatlo. I deserve an explanation. Hindi naman na bago para sa akin ang mga ganitong kalokohan nila pero iba kasi ngayon. Si Teo kasi ang involved. Ewan ko ba. I just have this feeling na ayaw ko siyang magalit or madissapoint. Lalo at pumayag ako sa naging usapan namin tungkol kay Gael. Pakiramdam ko ay hindi ako pwedeng sumuway sa usapan namin.
“Ma-may gusto lang naman kasi kaming i-confirm kaya nagawa namin iyon”, pagpapaliwanag ni Fifi.
“At ano naman iyong gusto niyong i-confirm?”
“Na bet ka ni Teo. At confirmed nga dahil halata namang selos na selos ang kuya mo. Hahaha”, ani naman ni Gema habang natatawa pa. Tinignan ko naman ito ng masama.
“Nakakaloka naman kayo! Wala naman kayong dapat i-confirm dahil unang-una ay hindi naman ako magugustuhan nung tao. Kaya tigilan niyo na ang mga kalokohan at pang aasar niyo. Imposibleng mangyari iyon”, pagmamakaawa ko sa mga ito.
“Hindi raw? Eh bakit ang sweet sweet niya sa’yo? Saka bakit ka niya pinapalayo kay Gael? Kasi nga nagseselos siya!”, argumento naman ni Fifi.
“Eh bakit kayo? Pinapalayo niyo rin ako kay Gael ah? Does it mean na may gusto kayong tatlo sa akin?”, sagot ko naman dito.
Natahimik silang tatlo.
“See? Kayo na rin ang nagsabi sakanya na kilalang loko-loko si Gael at gaya ninyong tatlo ay concern lang din sa akin si Teo dahil kahit papaano ay magkaibigan na rin kami”, pagpapaliwanag ko ulit sa kanilang tatlo.
Katahimikan ulit.
“At dahil diyan. I-deepthroat ninyo itong upo na ito”, sambit ko sakanila habang hawak-hawak ang upo. Sabay-sabay naman silang napatingin sa akin.
“Yan! Ang baboy na bakla ah. Immoral! Deepthroat deepthroat ka diyan? Susumbong kita kay tita”, pagbabanta naman ni Fifi.
“Oh bakit? May gusto lang din naman ako i-confirm. Gusto ko malaman kung gano kalaki ang mga bunganga ninyo.”, natatawang sagot ko naman sa mga ito sabay irap.
“Palibhasa hindi ka pa nakakatry mag deepthroat”, depensa naman ni Barbs.
“Excuse me? Gaya mo naman ako sa iyo no.”
“Edi ikaw na! Ikaw na ang birhen. Ikaw na ang papalit kay Virgin Mary.”, pang aasar naman ni Fifi habang pumapalakpak pa ang mga kamay. Sabay-sabay naman kaming nagtawanan.
Tuwing may tampuhan kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends ay alam naman namin kung paano humingi ng tawad sa bawat isa. Though minsan ay may mga pabebe moments pa kami pero still, we make sure na maayos kung ano man ang tampuhan na mayroon ang grupo. Isa sa mga bagay na maipagmamalaki ko. Handa kaming makinig at intindihin ang bawat isa. Handa kaming magpatawad.
“Oo nga pala mga te. Birthday ni mama bukas. Gumora kayo sa bahay ah. May kaunting handa si mujidenzo. Tapos nomo-nomo na rin tayis”, pag imbita ko sakanila.
“Ay push yan te! Anong oras ba?”, tanong ni Barbs.
“Mga alas-kwatro ng hapon siguro”, sagot ko naman sakanila.
“And speaking of… Hi tita! Magandang buhay!”, pagbati ni Gema.
Kakabalik lang ni mama galing sa supplier namin at masaya siyang sinalubong ng mga “Not-So-Pretty” kong friends. Close sila kay mama dahil halos anak na rin ang turing niya sa tatlo.
“Oh! Nandito pala kayo. Ano ang atin?”, ani ni mama.
“Wala naman po tita. Dinalaw lang namin itong si Kate”, sagot naman ni Barbs habang inaayos sa pagkakatumpok ang mga sibuyas at kamatis.
“Ganun ba? Oh siya! Bukas ay huwag kayong mawawala ah at birthday ng pinaka maganda ninyong tita”, pagiimbita ulit ni mama sakanila.
“Oo naman, tita! Ikaw pa! Malakas ka sa amin. Hindi pwedeng mawala kami tuwing birthday mo.”, ani naman ni Gema. Halata sa boses nito ang excitement.
“True! Miss na namin ang Kare-Kare mo tita.”, sabat naman ni Fifi.
“Huwag kayo mag-aalala. Alam ko naman iyon kaya bukas ay ipaghahanda ko kayo ng Kare-Kare”, masayang sagot ni mama.
“Yehey! Push yan, tita ah! Aagahan namin bukas para makarami kami ng kain”, excited rin na sambit ni Gema.
“Patay gutom ka naman jan, sis!”, pang aalaska ni Barbs at nagtawanan na lamang kaming lahat. Ilang oras pa ang lumipas at nagpaalam na rin ako kay mama para umuwi. Pero bago pa kami umuwi ng mga “Not-so-Pretty” kong friends ay dumaan muna kami sa plaza para kumain ng street food.
Alas tres na ng hapon at abala si mama at papa ngayon para sa maliit na handaan na gaganapin lang din dito sa loob ng bahay namin. Every year ay ganitong celebration ang ginagawa namin tuwing birthday ni mama. Iilan lang din kasi ang mga bisita ni mama at papa. Mga kaibigan nila noong mga bata pa sila at ang mga kamag-anak namin na nakatira sa kabilang street.
Paggising ko kaninang umaga ay binati ko agad si mama ng happy birthday at tumulong na rin sa paghahanda ng mga pagkain na lulutuin. Nag chat rin ako sa group namin ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at ipinaalala ang celebration na magaganap sa bahay.
Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng barangay namin dahil pupunta ako ng mall para bumili ng cake ni mama. Isasabay ko na rin ang pagbili ng ireregalo sa kanya. Hindi kasi ako nakabili nitong nakaraan dahil kulang pa ang pera ko. Buti na lang din ay binigyan ako ni papa ng pera kagabi dahil bagong sahod ito.
Sumakay ako ng jeep papuntang mall at mga 15 mins lang ang byahe ay nakarating agad ako. Hindi rin naman kasi ito kalayuan mula sa bahay namin.
Dumiretso agad ako sa department store at nagtungo sa women’s clothing. Mga ilang saglit akong nag ikot-ikot hanggang sa may nakita akong vintage turn down collar blouse. Kulay cream ito na bagay na bagay kay mama. Kinuha ko ang size na sakto kay mama at nagtungo sa cashier para makapagbayad. Pagkatapos ay nag tungo agad ako sa Cara Mia Cakes & Gelato para bumili ng cake. Bagong bukas lang ito dito sa mall at mukhang masasarap yung mga cake kaya ito yung naisip kong bilhin. Para maiba naman dahil laging Red Ribbon ang binibili namin noon.
Pistaccio Cioccolato ang binili ko dahil nakakatakam itong tignan. Sana lang ay masarap talaga ang cake na nabili ko dahil medyo may kamahalan ito. Mabuti na lamang din at malaki-laki ang perang ibinigay ni papa para pambili ng cake. Matapos akong makapag bayad ay agad akong lumabas ng mall para umuwi. Quarter to 4pm na rin kasi at malapit na magsimula ang celebration.
Pagkababa ko ng jeep ay agad-agad akong naglakad papasok ng aming barangay. Ngunit bago pa ako makapasok sa street namin ay sakto namang nakasalubong ko si Gael.
“Huy, Kate! Para kay ninang ba iyan?”, bati nito sa akin sabay turo sa cake at regalo na hawak ko.
“Ahh. O-oo. Para kay mama”, sagot ko naman dito. Hindi ko pa rin siya magawang tignan ng diretso sa mga mata niya dahil kakaiba talaga itong makatingin sa akin.
“Tara! Sabay na tayo pumunta sa inyo. Inimbitahan din kasi ako kahapon ni ninang na pumunta sa inyo dahil birthday nya nga daw”, pag-aya nito sa akin.
Wala naman akong choice dahil magkaharap na kami saka ang weird naman kung papaunahin ko pa siya knowing na sa bahay namin siya pupunta at bisita siya ni mama. Ngumiti na lang ako sakanya at sabay na kaming naglakad papasok.
Napalunok ako ng laway nang maalala ulit ang usapan namin ni Teo at kung ano ang inakto nito noong gabi na kumakain kami kila Ate gina. Bigla naman akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Siguro ay dahil nandito kami sa street namin kung saan nakatira rin sila Teo. What if makita niya kami? Eh hindi pa nga kami ulit nagkakausap at panigurado talaga akong may sama ng loob iyon sa akin. Binilisan ko na lamang ang lakad at nauna na kay Gael.
Nang makarating sa bahay ay rinig ko na agad ang masayang tugtog na nanggagaling sa loob ng bahay namin. Binuksan ko agad ang gate at mabilis na pumasok.
“Ma! Nandito na ako”, sambit ko nang makapasok ako sa pintuan ng aming bahay.
Para akong binuhusan ng isang drum ng nagyeyelong tubig kasabay noon ang paglipad ng kaluluwa ka sa kawalan na tila hindi kinaya ang matinding gulat at kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Unang tumama ang dalawa kong mata kay Tita Myra at katabi nito ang anak niyang babae na si Maica. Sumunod naman na nahagip ng mga mata ko ang “Teo and Friends” kasama ang mga “Not-So-Pretty” kong friends habang seryoso lamang silang nakatingin sa akin.
“Magandang hapon po, Ninang. Happy Birthday po”, maligayang bati ni Gael sa likuran ko na halos kasunod ko lang din na pumasok.
Nakarinig naman kami ng isang malakas na tunog mula sa isang baso na nabasag. And there he is. Si Teo. Looking at me with his dark eyes. Nanginginig ang mga nakakuyom nitong mga kamao at tila walang pakielam sa mga bubog na nagkalat sa sahig kalapit ng kanyang mga paa. Nakatitig lang din ako sakanya na may takot sa aking mga mata.
Napayuko na lamang ako nang hindi ko na makayanan na salubungin pa ang masasakit na tingin na ipinupukol niya sa akin. Nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata na nagbabadyang tumulo dahil sa sobrang takot at kaba. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Katapusan ko na ba? Or simula pa lamang ito sa kung ano talaga ang magiging takbo ng buhay ko.
14
Nakatitig ako ngayon sa plato na nasa harapan ko. Binibilang ang mga butil ng kanin kahit na hindi ko naman talaga mabibilang ang lahat ng mga ito. Wala akong naririnig sa paligid kung hindi kalansing lamang ng mga kubyertos tuwing tumatama ang mga ito sa mga plato. Medyo masakit na din ang dibdib ko dahil hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Gusto kong huminga nang malalim para kumalma pero tila hindi sapat ang hangin sa paligid ko. Unti-unti na akong nilalamon ng kawalan.
“I still can’t believe na dalaga ka na, Keith. Ahh. I mean, Kate. Sorry”, napabalik ako sa reyalidad at napatingin kay tita Myra nang marinig itong magsalita. Nakatitig lang ako sakanya at sinusubukang i-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya dahil hindi naging malinaw ang lahat sa pandinig ko. Sorry? Bakit siya nagso-sorry?
“Ahh. O-okay lang po, tita”, tanging sagot ko na lamang sakanya at muling itinuon ang tingin sa aking plato.
Kasalukuyan kaming kumakain lahat dito sa isang mahabang lamesa na hiniram pa ni mama mula sa aming barangay. Nakaupo ako sa pagitan ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at ng “Teo and Friends. Nasa kanan ko si Fifi kasunod niya si Barbs at Gema. Nasa kaliwa ko naman si Teo kasunod si Josh at Nico. Nasa harapan naman namin sila mama, papa, tita Myra, Maica at Gael.
“I was just really surprised. I’ve never thought na magiging dalaga ang anak ninyo, Analyn at Rogelio. Napaka gandang dalaga”, magiliw na bigkas ni tita Myra.
“Matagal naman na naming ramdam kahit noong bata pa lang siya. Hinihintay lang namin siya na magsabi sa amin at syempre ayaw naman namin sya i-pressure.”, rinig kong sambit ni mama. Gusto kong makaramdam nang tuwa dahil never ko pa narinig sa kanila ang ganitong mga salita ngunit mas nangingibabaw pa rin ang kaba at takot sa dibdib ko.
“Paano ba yan, anak Teo. Wala na yung dating si Keith na kalaro mo noong bata ka pa. si Kate na ang nandito ngayon. Sana ay magkasundo pa rin kayo kahit marami na ang nagbago.”, nangungusap na sambit ni papa.
“O-oo naman po, tito”
Nanindig ang mga balahibo ko sa lalim ng kanyang boses. Sinilip ko sa gilid ng mga mata ko si Teo at seryoso lamang ang mukha nito.
“You have a lot to explain. Nanggigigil kami sa’yo!”, rinig ko namang bulong ni Fifi mula sa kanan ko sabay kurot sa tagiliran ko. At totoo ngang nanggigigil sya dahil naramdaman ko ito sa kurot niya sa akin. Hindi ako maka react sa sakit na naramdaman dahil ayaw kong lumikha nang anumang ingay na makakaagaw sa atensyon ng mga tao na nandito sa lamesa.
“I still remember na sabay pa kayo naliligo ni Teo dati but now…”, pagsingit ni tita Myra na natatawa pa.
“Mom! Stop it.” Pagputol agad ni Teo. Bakas sa boses nito ang pinaghalong hiya at inis. Hindi ata nagustuhan ang sinabi ng kanyang ina.
“So-sorry. Hehe. I’m just so happy. You know me, whenever I can’t contain my happiness kung ano-ano na ang mga lumalabas sa bibig ko. Hahaha! I’ll zip it na”, ani naman ni tita Myra na bahagya pang natatawa sabay akto na parang isinara ang zipper ng bibig niya.
Narinig ko naman ang munting tawa ng mga “Not-So-Pretty kong friends at ng “Teo and Friends”. Tila nagi-enjoy sa mga nasasaksihan.
Bumalik naman sa alaala ko yung binanggit ni tita Myra. Sabay nga kaming naliligo ni Teo noon. Hindi naman araw-araw, pero minsan ay nagsasabay kami. But we were just kids back then. Kahit pa alam ko na sa sarili ko na may kakaiba sa akin at may kakaiba akong nararamdaman tuwing magkasabay kaming maligo ay hindi ko naman iyon binigyan ng pansin. We were just kids for pete’s sake. And I don’t even have an idea kung ano ba talaga ang tawag sa mga nararamdaman ko noon. Ang alam lang namin ay ine-enjoy namin ang masasayang araw noon. Nang walang ibang iniisip na problema. Ang sarap lang maging bata ulit.
“Sorry, but I still can’t get over. Hahaha! I kept telling Analyn and Rogelio noon na sana naging babae na lang ang anak niyo para sana makatuluyan at mapakasalan ni Teo. You know? Best friends’ goal. Hahahah!”, ayaw paawat ni tita Myra.
“Diyos ko, Myra! Hindi ka pa rin nagbabago sa kadaldalan mo. Hahaha!”, natatawang ani ni mama.
“Good thing at naging babae na siya ngayon. Maybe nadinig ni Lord ang wish ko noon and this is the right time para magkatotoo na ito”, malisyoso itong tumingin sa amin ni Teo.
“Ano ka ba, Mayra? Hindi naman natin pwedeng diktahan ang mga bata. Hayaan na lamang natin sila na i-enjoy ang mga buhay nila at bigyan natin sila ng kalayaan para pumili kung sino man ang gusto nilang mahalin”, mahabang sambit ni papa.
“I know. I know. Hays. Pero di pa rin ako susuko. Hahaha! Alam kong may magandang plano ang tadhana para sa inyo kaya pinagtagpo ulit kayo”, maligayang sambit ni tita Myra sa amin.
Masaya rin ang mga mukha nila mama at papa na tila hindi sila tutol sa kung ano man ang mga sinasabi ni tita Myra. Si Maica naman ay tahimik lang na kumakain at nakikinig. Si Gael naman ay seryoso lamang na nakatingin sa amin ni Teo. Ang mga kaibigan ko naman ay umuusbong nanaman ang mga malilisyoso at mapang-asar na mga tingin. Napayuko na lang ulit ako at napatitig sa plato na nasa harapan ko.
“Why are you not eating?”, rinig kong bulong ni Teo sa malalim pa rin niyang boses.
Hindi ko siya nilingon. Nanginginig kong kinuha ang kutsara na may pagkain at isinubo sa aking bibig. Malamig na ito dahil kanina pa ito naka tengga sa plato ko. Saglit ko lamang itong nginuya sabay inom ng tubig. Nahihirapan akong lumunok tila may bikig na nakabara sa lalamunan ko. Idagdag pa na wala na akong ganang kumain. Gusto ko na lang matulog at magpahinga ngunit hindi pwede.
Narinig ko naman ang buntong hininga ni Teo.
“We’ll talk later”, ani nito sa malamig na boses.
Sinulyapan ko siya at madilim pa rin ang mga mata nitong naka tingin sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil para na akong mahihimatay sa sobrang kaba.
Nandito na kami sa may sala ng mga “Not-So-Pretty” kong friends kasama ang “Teo and Friends”. Pinayagan naman kaming maginom nila mama. Smirnoff at Tanduay Ice lang naman ang iniinom namin dahil ayaw namin lahat mag hard drinks. Hindi rin naman walwalera itong mga kaibigan ko kaya okay na kami sa ganito.
Si Gael naman ay kasama nila mama, papa, Maica at tita Myra sa may kusina. Masaya silang naguusap-usap doon. Ramdam ko rin ang tension sa pagitan ni Teo at Gael. Inaya naman sya ng mga “Not-So-Pretty” kong friends na sumama sa amin ngunit tumanggi ito at mas pinili niyang makipag kwentuhan kila mama.
Nakapaikot kami sa isang lamesa. At gaya ng laging pwesto namin kapag kumakain kila ate Gina. Magkakatabi kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at nasa tapat namin ang “Teo and Friends”. Hindi ko pa rin magawang tignan si Teo kahit pa nasusulyapan ko itong nakatingin sa akin.
Mabuti na lang din at walang nago-open ng topic sa kanila tungkol sa pagiging mag childhood best friend namin ni Teo kahit pa alam kong nagulat din sila sa revelation na ito. Busy kasi ang lima sa paguusap tungkol sa nalalapit na pasukan.
“Kate, wala ng yelo. Hindi kasi ako nakabili sa palengke kanina ng maraming ice tube. Bili ka na lang ulit diyan kila Ate Tess”, pag-uutos ni mama.
“Si-sige, ma”, tumayo ako at kinuha ang pera kay mama pambili ng yelo.
“Samahan na kita, Kate. Baka mabigatan ka sa Ice tubes hehe”, pag-ooffer ni Gael ng tulong.
“Si-sig..”
“No! Ako na yung sasama sa kanya sa pagbili”, pagputol ni Teo bago pa ako sumangayon kay Gael.
“Ako na!”, iritadong ani ni Gael.
“No. Ako na! Para na rin makapag catch up ulit kami ng childhood best friend ko”, pinal na sabi ni Teo habang mataman na nakatingin kay Gael.
“Oh siya, Gael. Hayaan mo na si Teo at Keith para naman makapagusap ang dalawa. Paniguradong na miss nila ang isa’t isa”, sabat naman ni papa.
“Pero tito matagal na silang nagkakasam…”
“Sige na, Gael. Ka-kami na lang ni Teo ang bibili”, pagpuputol ko kay Gael. Hindi pwedeng malaman nila mama at papa na matagal na kaming nagkita at nagkakasama ni Teo. Magiging dahilan lamang ito ng kaguluhan sa kanila at ayokong malaman nila na inilihim ko kay Teo ang totoo.
Bumuntong hininga na lamang si Gael at wala nang nagawa pa.
Magkasabay kami ni Teo na naglalakad papunta sa tindahan ni Ate Tess. Nasa kanan ko siya at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Hawak ko ang mga daliri ko at pinaglalaruan ang mga ito. Nagbabasakali na sa ganitong paraan ay mabawasan ang taranta at kaba na nararamdaman ko. Gusto kong basagin ang katahimikan sa pagitan namin pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan at kung ano ba ang dapat kong sabihin.
“Hey!’, pag tawag pansin ni Teo sa akin.
Malamig ang tono ng boses nito. Tinignan ko siya at sumalubong sa akin ang mga mata niyang bakas pa rin ang tampo at galit. Napalunok ako ng laway dahil tila may nakabara nanaman sa lalamunan ko.
“So-sorry”, huminto kami sa pag lalakad at ito ang unang salita na lumabas sa bibig ko sabay yuko. Nahihiya ako and at the same time ay natatakot ako sa ekspresyon na nakikita ko sakanya.
“So-sorry kung hindi agad ako nagpakilala na ako sa Keith. Pinangunahan kasi ako ng takot at hiya. Nahihiya ako kasi nagbago na ako ng pagkatao. Natatakot kasi ako na baka hindi mo ako matanggap. Na nagbago na yung childhood best friend mo.”, sunod-sunod na pagpapaliwanag ko sakanya na halos maubos ang hininga ko. Nakayuko pa rin ako at nakatingin sa mga paa namin.
“Do you think that’s the reason why I am mad?”
So confirmed nga. Galit talaga siya ngunit sa ibang dahilan? Naguguluhan akong napatingin sa kanya.
“Bakit kayo nag date ni Gael noong nakaraan? At bakit magkasama kayo kanina? I told you to stay away from him”, inis na ani nito.
“Huh?”, nalilito ko pa ring tanong.
“Care to explain? Bakit hindi ka sumunod sa usapan natin?”, tanong ulit nito at madilim pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
“Sa-sandali. Hi-hindi ka galit na naglihim ako sa’yo tungkol sa pagkatao ko?”, nalilito ko pa ring tanong sa kanya.
“Really? Do you think na hindi ko malalaman na ikaw si Keith, ang childhood best friend ko?”, balik na tanong nito sa akin.
Nakatitig lang ako sakanya at hindi alam ang sasabihin. So alam niya? Paano? At Kailan pa? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Sunod-sunod na tanong ko sa isipan ko.
“I knew it was you the first time I saw you again. How will I forget those beautiful eyes of yours and your gentle face? Tandang-tanda ko ang lahat tungkol sa’yo, Keith. Kahit pa may mga nagbago na sa’yo ay hindi mo pa rin maitatago sa akin ang tunay na ikaw. Ang taong naging malapit sa akin at sa puso ko simula noong bata ako”, mahabang pagpapaliwanag nito.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko na lang ulit narinig ang tawagin niya ako sa totoo kong pangalan. Tila may gumapang na kuryente mula sa likuran ko pataas hanggang sa ulo ko at nagdulot ito ng pagtayo ng aking mga balahibo. So alam na nya agad noong una pa lang kaming nagkita? Nakatitig pa rin ako sakanya at wala akong mahanap na salita na dapat kong isagot sakanya.
Now it make sense. Kung bakit nasabi niya sa akin noon na masaya siya ulit na nagkita kami. Pati na rin ang tungkol sa pagkain ko ng itlog tuwing na kila ate Gina kami.
“I didn’t tell you that I already know about you. Ayoko lang pangunahan ka. I was thinking that maybe you’re not yet ready to tell me and I am willing to wait. Ayokong i-pressure ka and I am sorry if I made you feel uncomfortable these past days. Hindi ko rin kasi alam kung paano kita patutunguhan nang hindi ka nakakahalata”, dagdag na paliwanag nito.
Napayuko na lang ulit ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nagbabago. Kahit noong mga bata pa kami ay hindi niya ako pinipilit na sabihin sa kanya ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Lalo na ang tungkol sa pang bu-bully sa akin noon ng iba naming kalaro. He just waited for me to be ready na sabihin sakanya ang tungkol dito.
“And last thing. Do you really think na i-jujudge kita sa pinili mong gender? Bata pa lang tayo Keith alam ko at ramdam ko na. So you don’t have to worry about it. Matagal ko ng alam at matagal na kitang tinanggap”, nangungusap na sambit nito.
Sa kabila ng kaba na nararamadaman ko ay bahagya akong nakaramdam ng tuwa sa mga narinig sakanya. Na tanggap niya ako. It’s just bare minimum but still, hearing those words could make us feel validated.
“So-sorry talaga, Teo. Pinangunahan lang talaga ako ng takot. Alam mo naman. Hindi madali ang buhay ng isang katulad ko.”, tanging na sabi ko sakanya.
Bilang isang transgender ay hindi madali na tanggapin ang iba’t ibang klase ng pakikitungo ng society sa amin. Sabi nga nila ay ‘we cannot please everyone to accept us’ but that’s the goal eh. Ang taggapin tayo rather than being tolerated. Hindi man sa ngayon but we can do everything to achieve the acceptance we deserve. And I can’t wait na dumating ang panahon na “coming out” is not a thing anymore. Na everyone in the LGBTQIA+ community can freely express their gender, sexual orientation and expression without fear.
Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong hilahin at niyakap. Ang higpit at init ng mga yakap niya. Yakap na nagsasabing ‘magiging okay din ang lahat’. Napaka comforting.
“Don’t worry. I’m back and I’m here to protect you again just like before”
Gulat man ay hindi ko maiwasan na mangilid ang mga luha sa mga mata ko. Ang sarap sa pakiramdam. Ang malaman na may taong handa kang protektahan. Na-miss ko si Teo. Na-miss ko kung paano kami noong mga bata pa kami.
Bumitaw agad sya sa pagkakayakap at yumuko ako dahil sa hiya. Panigurado akong namumula ngayon ang aking mga mukha. Idagdag mo pa ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko na malaman kung kaba pa ba ito or dahil sa ginawang pagyakap niya sa akin.
“Now, explain to me what’s going on between you and Gael”, agad namang bumalik dilim sa mga mata nito.
Ang kakaunting saya na naramdaman ko kani-kanina lang ay biglang naglaho. Kasalanan ito ng mga “Not-So-Pretty” kong friends. Kung hindi lang sila gumawa ng imbentong istorya ay hindi mangyayari ang mga ito.
“Yu-yun ba? Ah. Hi-hindi naman totoo na nag date kami ni Gael”, ani ko. Napalitan ang madidilim nitong mga mata ng pagtataka.
“Nagpunta kami kina lola sa Batangas kaya late ako nakarating para manood ng laban niyo. Hindi totoong nag date kami ni Gael. Hindi ko alam bakit hindi sinabi sa’yo ng mga kaibigan ko kung ano ang totoo”, pagpapaliwanag ko sakanya.
“If that is true then bakit kayo magkasama kanina? Kanina niyo ba itinuloy ang date ninyo?”, nanunuyang tanong nito.
“Hi-hindi! Nagkasalubong lang kami kanina bago ako pumasok sa eskinita natin. Nalaman ko kasi na papunta rin sya sa bahay dahil inimbita sya ni mama. Kaya nagkasabay kami”, ani ko.
Mukha namang naramdaman niyang sinsero at totoo ang sinasabi ko dahil nawala ang dilim sa mga mata nito at kumalma ang eskpresyon ng kanyang mukha.
“O-okay. But make sure that this is the last time na makikita kitang malapit sakanya. Please avoid him as much as you could.”, maotoridad nitong sabi.
Tumango na lang ako bilang sagot at niyaya na siyang maglakad muli.
15
🌸 Salamat Sa Pagtindig 🌸
“Ate Tess? Pabili nga po ng ice tubes. 50 pesos.”,ani ko nang makarating kami sa tapat ng tindahan.
“Ay! Ikaw pala yan, ganda!”, bungad sa akin ni Ate Tess.
Nginitian ko lamang ito saka bumaling kay Teo.
“May gusto ka pa bang bilhin? Mga chichirya?”, tanong ko sa kanya.
“No. I’m fine”, sagot niya naman sa akin.
“Ay! Ang shoray naman, te! Jowa mo?”, mala tsismosang tanong ni Ate Tess matapos itong kumuha ng mga ice tubes. Bagay talaga sakanya yung pangalan niyang ‘Maritess’.
“Ay. Hi-hindi, Ate Tess. Kaloka ka! Kaibigan ko siya, si Teo”, natatawang sagot ko sa kanya. Nilingon ko si Teo at seryoso lamang itong nakikinig sa usapan namin.
“Kunwari ka pa. Oh siya, ito na yung yelo”, ani nito sa malisyosong boses sabay abot sa akin ng yelo. Ngunit agad naman itong kinuha ni Teo.
“Ako na magdadala”
“Ay! Bongga talaga! Babaihan Malala”, mapang asar pa ring sambit ni Ate Tess.
Nginitian ko na lamang ito at iniabot ang bayad at agad na kaming umalis ni Teo.
“I missed you!”, walang kaabog-abog na wika ni Teo.
Gulat ko itong nilingon at diretso lang ang mga mata niyang nakatingin sa nilalakaran namin. Nakaramdam ako ng kaunting init sa aking mukha na panigurado ay namumula na ako at may mga kiliti rin sa aking tiyan at puso. Masaya akong malaman na na-miss niya ako dahil na-miss ko rin naman siya.
“Na miss din kita”, sagot ko sakanya habang diretso lang din akong nakatingin sa daan. Nakita ko naman sa peripheral view ko na lumingon ito sa akin ng may masayang ngiti sa labi.
“I’m glad na nagkita ulit tayo. Akala ko hindi na kita makakasama pang muli”
“Ako rin ay masaya. Marami kang utang na kwento sa akin ah. Hahaha!”, tukso ko rito.
“Ikaw rin naman. Marami kang dapat na ikwento sa akin”, ani nito sabay ginulo ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay.
Nang makapasok kami ng bahay ay masaya pa rin na nag-uusap ang mga “Not-So-Pretty” kong friends at ang “Teo and Friends”. Sila mama, papa, Maica at Tita Myra naman ay nasa kusina pa rin at may kanya-kanya pa ring pinaguusapan. Si Gael ay umuwi na daw dahil may lakad pa ito. Mabuti na lang din para mawala na ang tension na namumuo dito sa loob ng bahay dahil sakanya at kay Teo.
“Ma, saan ko ilalagay itong mga yelo?”
“Diyan sa may cooler sa may ilalim ng lamesa”, pagturo ni mama sa akin. Agad ko namang inilagay ang mga yelo doon at pagkatapos ay nagtungo na ako sa may sala. Si Teo ay nauna ng bumalik sa may sala para samahan ang mga kaibigan namin.
“So what’s the tea? Tea-Tea?”, bungad agad sa akin ni Fifi nang makaupo ako sa tabi nito.
“Mag best friend pala kayo hindi niyo man lang sinabi sa amin?”, dagdag ni Gema.
“Pinagmukha ninyo kaming mga tanga” gatong ni Barbs sa ma drama na tono ng boses.
“Ahh. A-ano kasi…”
“Ano?!”, sabay-sabay nilang tanong sa akin.
“Ano… Ahh.. ISAA PRANKKKKK. Na prank ko kayo bhie”, pilit kong sabi sa maligayang tono gaya ng mga nag aannounce ng prank sa mga vlogs sa youtube. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang lahat-lahat. Lalo pa at nakaka pressure yung mga tingin na binibigay sa akin ng magkabilang panig na “Not-So-Pretty” kong friends at ng “Teo and Friends”.
“Ahh. Prank pala. Hala ka dito, te!”, agad akong inakbayan ni Fifi at hinila ang kanan kong braso at kamay papunta kila Gema at Barbs. Agad naman nila itong hinawakan at nilaro-laro ni Barbs ang mga daliri ko.
“Prank pala ah. Nakatatawa yon? Ha?! Nakakatawa yon?”, ani ni Barbs at sabay ini-split in opposite ways ang hinlalato at palasinsingan ko.
“Aray!”, sigaw ko ngunit hindi ako makapalag dahil hawak-hawak ng mga “Not-So-Pretty” kong friends ang buo kong kamay.
“Hey! Stop!”, awat agad ni Teo sa kanila.
“ISAA PRAANNNKKKKKKK! Na prank din namin kayo.”, sabay-sabay nilang turan sa malakas na boses at nagpapalakpakan pa. Napairap na lang ako at iniinda ang sakit sa aking daliri.
“So ano na nga? May hindi pa ba kami alam?”, singit naman ni Nico na bakas sa boses ang kyuryosidad.
“Mag childhood best friends kami. 6 years old ako noong umalis kami ni mommy dito and now, we’re back!”, pagpapaliwanag ni Teo.
“At bakit wala man lang nagsabi sa amin ng tungkol dito?”, agarang tanong ni Barbs.
“A-ako yung may kasalanan. Natakot kasi ako at hindi ko alam paano ko sasabihin sakanya knowing na wala na si Keith, at si Kate na ako ngayon. At hindi ko rin masabi sa inyo kasi alam kong mauuwi lang ito sa pang-aasar ninyo”,sagot ko naman sa kanila.
“Kaya pala minsan ay sweet kayo ha. May nililihim pala kayo”, pang-aasar ni Josh habang tumataas-taas pa ang mga kilay.
Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin. Pinipigilan kong huwag makaramdam ng hiya or tuwa sa puso dahil alam kong magiging sanhi ito ng pagpula ng mukha ko. Maging si Teo ay tahimik lang din at masamang tinignan ang “Teo and Friends” dahil sa nagbabadyang pang-aasar sa kanya ng mga ito.
“I’m happy for you both dahil magkasama na kayo ulit. Yung binanggit ni tita Myra kanina, yun na lang yung ima-manifest namin haha!”, ani ni Gema sabay kumindat sa akin.
Agad naman nalipat ulit ang usapan sa nalalapit na pasukan. Hindi pa kami nakakapag enroll dahil next week pa ang enrollment ng mga incoming 2nd year college.
“I have a good news nga pala, guys! Pumasa ako sa CCSU”, pag imporma nito sa amin. Seryoso pa rin ang mukha niya pero bakas sa boses nito ang excitement at tuwa.
“Oh my god! Congratulations, fafa Teo”, pag-bati ni Barbs sa malakas na boses at tumayo ito mula sa upuan niya at lumapit kay Teo para bigyan ng isang yakap. Gulat at nagtataka ko naman itong tinignan dahil sa OA nitong reaction habang ang iba naman ay natatawa.
“Ay! Bakit ka nang-iirap, Kate?”, tanong nito sa akin habang nakakapit pa rin siya sa braso ni Teo at nakadikit ang mukha niya sa may balikat nito. Hindi ko napansin na umirap pala ang mga mata ko sa sobrang OA ng reaction niya.
“Grabe siya! Nang-iirap agad. Don’t worry, sis! Hindi ko naman aagawin sa’yo”, mapang-asar nitong sambit bago kumawala sa pagkakayakap kay Teo. Nagtawanan naman ang mga kaibigan namin. Napa-irap ulit ako ngunit sa isip ko na lamang dahil sa inis. Na misinterpret nanaman nila ako. At alam kong sinadyang gawin ito ni Barbs para asarin ako.
Masaya rin namin na binati si Teo.
“I’m planning to take BS Entrep.”, sagot ni Teo sa tanong ni Gema.
“Ay! Bongga yan! For the business”, ani ni Fifi na may kasamang palakpak ng mga kamay niya.
“May dalawa tayong nag gagwapuhan na mga Mechanical Engineers, Isang poging Entrepreneur at apat na nag gagandahan na artista ng teatro. Kabog!”, masayang sambit ni Barbs.
“So kailan ka mage-enroll, teo”, tanong ni Nico.
“Next week. Kasabay ata ng enrollment niyo. But I need to go to the university to submit my requirements”, sagot naman ni Teo pagkatapos ay ininom ang kanyang Smirnoff.
“Goods yan, tol! Kami kasi online ang enrollment eh. Pwede ka naman namin samahan kung gusto mo, para mai-tour ka na rin namin sa university”, pag-aya naman ni Josh.
“I’m fine naman. Baka maabala ko pa kayo”
“It’s up to you. Basta sabihan mo lang kami if need mo ng kasama ah. O kaya pasama ka kay Kate”, sambit ulit ni Josh at ngayon ay mapang-asar nanaman na nakatingin sa akin.
“Pw-pwede naman. Basta sabihan mo na lang ako”, nilingon ko si Teo at gulat ako dahil naka tingin na pala ito sa akin. Ngumiti na lamang ako sakanya ng mapakla.
“Sure”, sagot nito sabay ginulo ang aking buhok.
Nagpatuloy pa kami sa pag-iinuman. Hindi naman kami nakakaramdam ng lasing, kaunting tama lang. Sapat na para magkaroon kami ng kaunting lakas ng loob. Nasa ganung stage na ang epekto sa amin ng alak. At si Fifi ang patunay kung bakit ko nasabi.
“So Josh? May girlfriend ka na ba?”, matapang na tanong ni Fifi. Saka ko naalala na may gusto nga pala siya dito.
“Wala eh. Bakit? Mag-aapply ka ba?”, sagot naman nito sabay kindat kay Fifi. Patunay na may tama na rin ito ng alak.
Agad naman nagpabebe si Fifi at umakto na kunwari ay iniipit niya ang kanyang buhok sa likod ng tenga.
“Hala! Bakla ka? Bawal bakla dito, pre.”, pang-aasar ni Barbs sa panlalaking boses.
“Ano ba yan! Lalaki sa lalaki! Mga immoral”, dagdag na asar ni Gema.
Magkasunod niyang hinila ang buhok ng dalawa.
“Tse! Mga wala talaga kayong support sa akin kahit kailan. Mga walang bilang!”, inis na sabi nito. Nagtawanan naman kaming lahat dahil namula ang mukha nito dahil sa hiya.
Don’t get us wrong ah. We’re not homophobic. It’s just an inside joke within our circle of friends at uso rin ang ganitong biruan sa buong LGBTQIA+ community. Only the members of the community are allowed to throw this kind of joke at their fellow sisters. If you are heterosexual, then you are prohibited. Char!
“Eh ikaw, Nico? May girlfriend ka na?”, diretsang tanong naman ni Gema.
“Wala pa. Wala pa kasi sa isip ko ang pumasok sa relationship”, sagot naman nito.
“Ayan, Gemmalyn ah. Mga galawan ah. Saka ikaw at si Nico? Te bawal yan sa religion natin. Ang lalaki sa lalaki”, natatawang ani ni Barbs.
“Shuta ka! Babae ako te. Babae ako!”, sagot ni Gema sabay hampas sa braso ni Barbs.
“Ay! Babae ka pala. Sorry. Akala ko kasi lalaki ka na nag trip lang magpahaba ng buhok”, pang-aasar naman ni Fifi. At muli nanaman kaming nagtawanan.
“You stop drinking na ha”, bulong ni Teo sa akin.
Nilingon ko ito at sumalubong ang mapupungay nitong mga mata. Agad naman naagaw ng pansin ko ang kanyang mga labi na basa pa dahil kakatapos lamang nito uminom ng alak mula sa baso niya. Mapupula ito at halata mong malalambot. Nakita ko rin na lumunok ito at gumalaw pataas at pababa ang kanyang adams apple.
Ang Hot niya!
Pagkatapos ay pinasadahan niya ng kanyang dila ang kanyang labi. Napalunok ako ng laway sa mga nakikita.
“Enjoying the view huh?”
Agad akong nag iwas ng tingin at napayuko. Nakakahiya. Pang-ilang beses na niya akong nahuhuli na nakatitig sa kanya. Panigurado na iba nanaman ang iniisip niya.
Kinuha nito ang baso ko na may Tanduay Ice dahil pabebe gurl lang ang atake ko. Agad naman niya itong ininom at inubos.
“Huwag ka na uminom”, maotoridad nitong sabi.
“Ay! Bakit pinagbabawalan mo uminom ang beshie namin? Hindi pa nga kayo mag jowa tapos naghihigpit ka na agad. Huwag mong sasagutin yan, Kate ah!”, ani ni Gema. Narinig pala nito ang sinabi ni Teo. Halata rin na may tama na ito ng alak dahil malakas na rin ang loob nito magsalita ng kung ano-ano.
“Ay nako Teo ha. Ayaw namin ng dinidiktahan mo yang beshie namin. Ayaw namin sa diktador”, dagdag pa ni Fifi.
Sinamaan ko lang ito ng mga tingin at kinurot sa may hita si Fifi since sya ang katabi ko at abot ng mga kamay ko.
Hindi naman sila pinansin ni Teo at muli itong uminon ng Smirnoff sa baso niya.
“Ininom mo yung alak ni Kate?”, tanong naman ni Nico kay Teo.
“So?”
“That’s indirect kiss”, malisyoso kaming tinignan ni Nico.
Nag-init ang mukha ko sa narinig. Oo nga no? Uminom sya sa baso na gamit ko at panigurado na may mga laway ko pa iyon. Muli akong napa irap sa isipan ko. Nilingon ko ang magkabilang panig na “Not-So-Pretty” kong friends at ang “Teo and Friends” at malilisyoso nanaman silang nakatingin sa amin ni Teo. Hanggang kailan ba sila matatapos kakatingin sa malisyosong paraan.
“A-alam niyo? Lasing na kayo. Tama na yan ah”, pagsusuway ko sa kanila para na rin maiba na ang usapan. Enough na for this day. Feeling ko tungkol na lang sa amin ni Teo ang naging takbo ng araw na ito.
Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan at inubos na rin nila ang mga natitira pang bote ng mga Smirnoff at Tanduay Ice. Hindi naman talaga ito agad nakakalasing lalo pag sanay ka na uminom ng ganito. Nakakalasing lang ito para sa mga first timer.
Pasado alas diyes na ng gabi ng matapos kami. Si Tita Myra at Maica ay kanina pa umuwi. Si mama at papa naman ay naglilinis na ng mga gamit sa kusina. Kami naman sa may sala ay naglilinis at nagliligpit na rin. Ilang minutes pa ang lumipas ay natapos na din kami at agad na nagpaalam ang mga “Not-So-Pretty” kong friend at ang “Teo and Friends”. Muli nilang binati si mama bago ko sila ihatid sa may tapat ng gate namin.
Naiwan naman kami ni Teo nang makaalis sila. Tatlong bahay lang naman ang pagitan ng bahay nila sa bahay namin.
“Sa-salamat pala sa pagpunta. Kahit pa may mga shocking moments kanina”, nahihiya kong sambit kay Teo. Magkaharap kami ngayon. Bahagya akong nakatingala sakanya dahil mas matangkad ito sa akin.
“No worries and thank you rin for making me happy”, nakangiti namang sambit nito. Pinamulahan naman ako ng mukha. Buti na lamang at medyo madilim at hindi niya gaanong makikita.
“So, welcome back!”, masaya kong sambit.
“Yeah. Goodnight!”, masayang turan nito at ginulo ang aking buhok.
“Goodnight din”
16
Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyan akong nagbibihis dahil first day of class ngayon. Nag decide ako na magsuot ng maong na jeans at plain lang na black fitted shirt na nagpakita ng hulma ng katawan ko. Susuotin ko din ang usual shoes na ginagamit ko which is ang Vans. Wala naman kasi kaming uniform kaya we can wear whatever we want. Minsan nga ay pumapasok din ako ng naka shorts lang at t-shirt. Pili lang din kasi ang mga courses sa CCSU na may uniform.
Naging mabilis ang paglipas ng dalawang linggo. Nakapag enroll kami ng maaga ng mga “Not-So-Pretty” kong friends. Mabuti na lamang at hindi nag crash ang system ng university noong nag-eenroll kami. Si Nico at Josh kasi ay nakaranasan ng bagal at error ng system noong nag-eenroll sila kaya may mga subject silang hindi na-enroll. Kinailangan pa nilang pumunta sa university to manually enroll yung mga subjects na iyon. Pero okay na rin iyon dahil nagkaroon ng chance na masamahan nila si Teo na magpasa ng mga requirements at mai-tour siya sa buong campus.
After enrollment week ay mas napadalas din ang pagbo-bonding namin ng mga “Not-So-Pretty” kong friends sa “Teo and Friends”. Tumatambay kami minsan sa may plaza or sa may playground para magpalipas ng oras. Minsan naman ay nasa apartment kami ni Nico or Josh para manood ng movies. Kung mas naging malapit ang dalawang grupo sa bawat isa ay mas naging malapit ‘ulit’ kami ni Teo sa isa’t isa.
Tuwing umaga ay pumupunta ito sa bahay para tulungan si mama sa mga gamit paninda na dadalhin sa palengke at dito na rin ito nag-aalmusal. Minsan tuloy ay napapaisip ako na ginawa niya lang ito para maka libre ng almusal sa amin. Wala naman problema sila mama at papa dito dahil nakakatulong naman talaga si Teo. May times din na sumama siya sa amin ni mama sa palengke para magtinda at kulang na lang ay tusukin ko ang mga mata ng malalanding babae na kung makatingin sa kanya ay para na nila itong hinuhubaran.
“Keith? Bilisan mo at nandito na si Teo”, sigaw ni mama mula sa may baba ng bahay namin. Nagdecide kami na magsabay pumasok ngayon dahil sino pa nga ba ang makakasama niya kung hindi ako. ‘Besties’ nga kasi diba? At syempre ay dahil na rin sa first day nya ngayon sa university. 6:30 am pa lang at 7:30 am pa ang klase namin. Sinabi ko sakanya kagabi na maaga kami pumasok para maihatid ko sya sa room niya. Baka kasi maligaw sya sa sobrang laki ng CCSU.
Nang maisuot ko ang Vans shoes ko ay kinuha ko ang aking back pack at agad na bumaba papunta sa sala. Nakita ko si Teo na prenteng nakaupo sa may sala habang naghihintay. Nakasuot ito ng maong na jeans at black t-shirt rin. Agad naman akong nakadama ng kaunting tuwa dahil matchy-matchy kami. Fitted sakanya ang black t-shirt at makikita na namumutok ang kanyang mga braso at tinernohan niya ito ng white na sneakers. May uniform ang course nila pero since first day naman ay okay lang na mag civilian muna sila. Tumayo agad ito mula sa pagkakaupo nang makita ako.
“Kanina pa naghihintay si Teo sa iyo. Ang bagal mo kumilos.”, bungad ni mama at agad naman din itong umakyat sa kwarto nila ni papa.
“Good morning”, masayang bati ni Teo.
“Magandang Buhay!”, nakangiti ko ring sagot sakanya.
“Ah kumain ka na ba?”, tanong nito.
“Hindi eh. Hindi rin kasi ako kumakain sa umaga bago pumasok sa school”
“Why not?”
“Ka-kasi ayaw ko? Kasi wala akong gana?”, ani ko.
“You should eat! Masama ang hindi kumakain sa umaga. Paano ka magkaka energy niyan”, pangangaral niya sa akin.
“Kumalma ka”, sagot ko. Eh ano naman kung hindi ako kumain? Alam ko naman na breakfast ang isa sa mahahalagang meal of the day pero kasi wala talaga akong gana. Madalas siyang ganito sa akin. Nagpapakita nang pagiging concern. Alam ko naman na normal lang iyon dahil again mag best friends nga kami pero hindi ko kasi maiwasan na bigyan ito ng ibang kahulugan. Ginagawa ko naman ang lahat para pigilan ang sarili ko na huwag umasa but sometimes… ANG HIRAP!
“Sa school na lang tayo bumili. Tara na!”, aya nito.
“Push!”, pagpayag ko dahil wala na rin naman akong magagawa pa pag sya na ang nagpumilit.
Hindi na kami nakapag paalam kay mama dahil nasa taas na ito. Lumabas kami ng bahay at naglakad papunta sa may kanto ng aming barangay para sumakay ng tricycle. 5 minutes lang din ay nakarating agad kami sa CCSU. Sobrang daming estudyante ang bumungad sa amin. At karamihan dito ay mga freshmen. Ang ibang estudyante ay kasama pa ang kanilang mga magulang. Mga bagay na hindi maiiwasan lalo’t kakagaling lang nila ng high school. Yung feeling na hindi pa nagsi-sink in sa utak mo na college student ka na at kailangan mo nang matuto na tumayo sa sarili mong mga paa.
“Ilabas mo na yung registration card mo”, utos ko kay Teo. Since wala pa naman siyang student ID ay registration card muna ang ipapakita niya sa mga guard para makapasok sa university. Agad naman niya itong kinuha mula sa back pack niya.
Pagpasok namin sa entrance ay bumungad agad ang helpdesk ng bawat colleges para sa mga freshmen. Malaki kasi ang university at kapag bago ka ay tiyak na maliligaw ka. Hindi ko na pinapunta pa si Teo sa helpdesk since kasama naman niya ako at ako na ang maghahatid sa kanya sa room niya.
Mula sa gate ng university ay maglalakad ka pa ng mga 3 to 5 minutes, depende kung gaano ka kabilis magalakad bago makarating sa main building. Madadaanan mo muna ang basketball court at tennis court. Madadaanan mo rin ang University Gymnasium at katabi nito ang pool area kung saan ginaganap ang P.E class ng mga may swimming na subject.
“It’s already 7:00 am. We still have 30 minutes. Tara muna sa canteen para makabili ng food mo”, pag-aya ni Teo. Tatanggi pa sana ako ngunit agad niya akong pinigilan.
“Huwag ka ng kumontra”, ani niya sa maotoridad na boses.
Napairap na lang ako at nagsimula nang maglakad papunta sa canteen which is ilang metro lang ang layo mula sa pool area. Agad naman itong sumunod sa paglalakad.
Ang canteen ng university namin ay open area. Isa itong quadrangle na nasa palidig ang iba’t ibang stall ng mga pagkain at nasa gitna naman ang mga upuan at lamesa na gawa sa mga bato o semento. Maaliwas naman ang kumain dito dahil napapaligiran din ang buong quadrangle ng mga puno. Maliban na lamang pag umulan dahil tiyak na hindi ka makakakain. Unless gusto mong mag drama at mag feeling na nasa music video scene ka at damahin ang ulan.
Huminto kami sa paborito namin na stall ng mga “Not-So-Pretty” kong friends. Mura lang kasi ang mga pagkain dito at masasarap. Nagtitinda sila ng mga student budget meals at araw-araw ay iba-iba ang menu. May mga sandwiches din, snack or junk food at iba’t ibang drinks.
“What do you want?”, tanong nito sa akin habang tinitignan ang mga pagkain.
“Ahh. Isang tuna sandwich na lang saka iced coffee”
“Okay. Ganoon na lang din ang bibilhin ko”, magtatangka na sana itong magsalita para bumili ngunit pinigilan ko ito.
“A-ako na ang bibili”, sabay hawak ko sa braso niya.
“Ate Joy, dalawa nga pong tuna sandwich at dalawang iced coffee”, pag imporma ko kay Ate Joy. Siya ang may-ari ng stall na ito at may iilan din syang tauhan na katulong niya sa pagtitinda.
“Ay! Ikaw pala yan, ganda!”, masayang bungad ni Ate Joy. Binigyan ko naman ito ng masiglang ngiti.
“Kumusta, Ate Joy? Mukhang magiging busy nanaman kayo dahil pasukan na”, ani ko.
“Oo nga eh. Mabuti nga iyon para tuloy-tuloy ang hanapbuhay”, masayang sagot naman nito habang binabalot ang dalawang tuna sandwich.
“Tonton? Ipaghanda mo nga ng dalawang iced coffee itong si ganda”, utos ni Ate Joy sa isa sa mga tauhan niya. Lumingon sa gawi namin si Tonton at gumuhit sa mukha nito ang isang masayang ngiti.
“Grabe ang aga mo naman magpakilig, Kate. Buo na agad ang araw ko dahil sa’yo”, sambit ni Tonton.
“Ang aga mo naman mang bola”, pang-aasar ko dito.
Agad naman tumikhim sa gilid ko si Teo. Nilingon ko ito at madilim ang mga mata nitong naka tingin may Tonton.
“Ang pogi naman ng kasama mo, ganda! Jowa mo?”, tsismosang tanong ni Ate Joy. Tumigil naman sa ginagawang pagtimpla ng iced coffee si Tonton at tumingin ito sa amin.
“Ah. Hi-hindi Ate Joy. Issue ka naman. Kaibigan ko siya. Siya si Teo”, pagpapakilala ko kay Teo sa kanila.
“Okay?”, sagot naman ni Ate Joy at binigyan ako ng tingin na parang ayaw niyang maniwala sa sagot ko. Nilingon naman niya si Teo at binigyan ng isang ngiti. Si Tonton naman ay ngumiti lang din at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ilang minuto pa at iniabot na ni Ate Joy ang mga binili namin.
“60 pesos lahat, ganda”, pag imporma ni Ate Joy. Mag-aabot na sana ako ng bayad ngunit pinigilan naman ako ni Teo at agad naman niyang inabot ang 100 pesos kay ate Joy. Kinuha ito ni Ate Joy at ibinalik kay Teo ang sukli habang malisyosong nakatingin sa akin. Nginitian ko na lamang ito at agad na kaming umalis.
Who’s that guy?”, out of nowhere na tanong ni Teo habang naglalakad kami palabas ng canteen. Alam ko naman na si Tonton ang tinutukoy niya dahil wala naman kaming ibang lalaki na nakasalamuha maliban dito.
“Ah. Si Tonton iyon. Isa sa mga katulong ni Ate Joy sa pagtitinda. Suki kasi kami nila Barbs, Fifi at Gema sa tindahan na iyon kaya kilala na nila kami”, pagpapaliwanag ko. Diretso lamang itong nakatingin sa nilalakaran namin at hindi na sumagot pa.
Umakyat kami sa 4th floor ng main building dahil nandito ang room ni Teo. Ito ang floor ng College of Business. Nang makarating kami sa room 406 ay kaunti pa lang ang mga estudyante sa loob.
“Sige na, Teo. Pasok ka na. Goodluck sa first day mo”, masayang sambit ko.
“What time is your lunch break?”, tanong nito sa akin.
“12:30 ang vacant namin”, sagot ko sakanya.
“Okay. Same tayo. Magsabay tayo kumain ng lunch ah”, pag-aya niya at ginulo ang buhok ko.
“Okay. Text text na lang”, huling sambit ko bago tumalikod at nagsimula nang maglakad. Mga ilang hakbang lang ay nilingon ko ito at nakita ko na kakapasok lamang niya sa pintuan.
Umakyat na ako sa 6th floor at agad na nagtungo sa room namin. Pag dating ko ay pito pa lang ang mga kaklase ko na nasa loob at busy sila sa pagkwe-kwentuhan.
“Magandang Buhay!”, bati ko sakanila. Isa-isa ko naman silang bineso sa pisngi. Block section kami at iisang section lang din kami sa course namin kaya close ang lahat sa bawat isa. Kaunti lang kasi ang nage-enroll sa course na ito.
“Ay! Ang fresh naman nito”, masayang bungad ni Mira sa akin.
“Mas fresh ka! Hindi naman kami lalaban sa’yo eh”, masayang bati ko rin sa kanya.
“Ang aga-aga nagu-utuan pa kayo”, masaya ring sambit ni Clarizel sa mapang-asar na boses. At nagtawanan naman kaming lahat.
“Hi Kate”, maligayang bati sa akin ni Mike.
“Hello Mike! Magandang Buhay sa’yo”, maligayang sagot ko sa kanya.
“Ay naku, Kate! Kanina ka pa hinihintay niyan ni Mike. Wala ng ibang lumabas sa bibig niyan kung hindi ang pangalan mo hahah!”, ani ni Kisha sabay mapang-asar na tumingin kay Mike. Naka nigiti pa rin si Mike habang kinakamot ang kanyang batok na tila nahihiya.
“Grabe ka naman, Mike! Huwag mo naman masyadong ipahalata na na-miss mo ko”, dagdag na asar ko rito.
“True!”, pag-sang ayon naman ng lahat at muli kaming nagtawanan. Inilapag ko na sa upuan ko ang bag ko pati na rin ang tuna sandwich at iced coffee na binili namin ni Teo. Umupo ako at agad na kinain ang sandwich. Nagpatuloy pa kami sa pagkwe-kwentuhan tungkol sa mga kanya-kanya naming ganap noong bakasyon. Habang nagchi-chikahan ay unti-unti na ring nagdadatingan ang iba pa naming kaklase.
“MAGANDANG BUHAY!”, sabay-sabay na tili ng mga “Not-So-Pretty” kong friends na kasalukuyang nakatayo sa may pintuan. Alam nilang nauna na akong pumasok dahil sinabayan ko si Teo. Agad na pumasok ang tatlo at isa-isang bineso sa pisngi ang mga classmates namin. Ganyan sila ka sipag sa pakikipag beso at wala rin naman itong problema sa mga classmates ko pati na rin sa mga lalaki dahil nakasanayan na namin.
At dahil first day pa lang ng klase ay walang professor na dumating sa aming first subject na Philippine Literature at sa second subject namin na Stage Management. Wala namang bago dahil ganito talaga ang eksena tuwing first day ng bawat semester. Kaya minsan ay nakakatamad pumasok ng first day dahil madalas ay walang mga prof.
Nagpatuloy lamang kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends sa pakikipag kwentuhan sa mga classmates namin. Ang iba naman ay bumaba para bumili ng pagkain. Pinagusapan namin ang mga major subjects namin at kung sino ang mga magiging professor namin. Dahil iisang section lang naman kami, madalas sa mga professors namin sa mga major subjects ay paulit-ulit lang din. Mga professors na batikan sa larangan ng arts, music at theater. Pinagusapan rin namin ang mga posibleng production na gagawin namin this semester.
Hindi kasi uso sa mga major subjects namin ang mga written exams. Madalas ay puro production plays at iba’t-ibang klase ng mga performances ang nagiging midterm at final exams namin. Kaya pag nagkataon na madami kaming productions ay nagiging busy kaming lahat dahil kailangan namin imaximize ang isang buong araw para mapaglaanan ng rehearsals ang bawat production.
Natapos ang third subject namin which is ang Retorika na isang minor subject. Wala naman masyadong discussion na naganap during class. Nagpakilala lang kami sa prof. namin at sinabi niya kung ano ang mga bagay na ineexpect niya sa amin sa buong semester.
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gamit namin at nagpapa-fresh nang bigla akong tawagin ni Geoff.
“Kate? May naghahanap sa’yo”, sigaw nito mula sa pintuan ng room kaya napalingon ang mga kaklase ko sakanya. Nakita ko sa may labas si Teo na kasalukuyang naghihintay. Napaka gwapo at hot niyang tignan. Pati ang mga kaklase ko ay hindi napigilan ang mag react dahil kay Teo.
“Ay! Ang pogi naman!”, malanding sigaw ni Aika sabay lakad patungo sa may pintuan. Nakita ko itong nagpapapansin at parang nagpapa cute kay Teo.
“Ay! Kahit kailan talaga yang chaka na iyan. Apakalandi”, sambit ni Barbs habang naglalagay ng pulbo sa mukha.
“True! Tara na at baka ma-harass pa ng malanding yan si Teo”, pag-aya naman ni Gema.
Naglakad kami papunta sa may pintuan at naabutan namin si Aika na malanding nakikipagkilala kay Teo.
“Hi. I’m Aika”, ani nito sa pabebe na boses sabay lahad ng kamay niya kay Teo.
“Hi! I’m Matthew”, tipid na sagot ni Teo at nakipag shake hands. Nakita namin si Aika na pinipigilan ang kilig sa kanyang buong sistema. Makikita mo ang mga bituin sa mga mata niya at tila wala siyang ibang nakikita sa paligid niya kung hindi si Teo lamang.
“Hi, Fafa Teo”, agad namang singit ni Fifi at kinapitan sa braso si Teo at hinila ito papunta sa amin. Nakita ko naman na agad naglaho ang saya at ang mga bituin sa mga mata ni Aika at napalitan ito ng inis.
“Nandito na si Kate. Yung hinahanap mo”, pagpapaprinig ni Fifi kay Aika habang masamang nakatingin dito.
“Hey”, ani ni Teo sa akin at ginulo ang buhok ko. Nakita ko naman sa peripheral view ko na napa hugis letter ‘O’ ang bibig ni Aika. Inirapan ko naman ito sa aking isipan.
‘mamatay ka sa inggit’
.
“Tara na at nagugutom na ako”, pag-aya sa amin ni Barbs.
Nagsimula na kaming maglakad at hindi na muling pinansin si Aika na tila may sinasabi pa. Hindi ko na ito narinig pa dahil mabilis ang naging lakad namin.
17
“Okay, class. Kayo na ang magdecide kung ano ang pipiliin ninyong iperform at sino ang magiging director niyo at iba pang magiging production staff. Ang Act 1 and 2 ng gagawin ninyong musical play ang magiging mid-term exam ninyo at pag dating ng final exam ay ang full performance mula Act 1 hanggang 4.”, pagpapaliwag ni Ma’am Dela Fuentes na siyang professor namin para sa subject na Music and Dance Drama.
Kung nagtataka kayo bakit mid-term at final exam agad ang pinag-uusapan namin gayong kakasimula pa lamang ng semester ay hindi kasi ganun kadali ang paghahanda para makagawa ng isang theater production lalo na kapag musical play. Months ang inaabot ng preparations kasama na ang mga rehearsals at pag gawa ng mga set, props, mga costumes and all.
“So now, I’ll give you the remaining time para mag meeting kayo at pag-usapan ang magiging performance nyo. Just give me the information about it next meeting natin. ” pinal na sabi ni Mam bago ito nagpaalam at lumabas ng room.
Excited ang mga classmates ko para sa production na ito dahil musical play ang gagawin namin. Ramdam ko na may kanya-kanya na silang gusto at idea para sa gagawin naming performance. Samantalang ako ay tamang go with the flow lang tuwing may production kami. Pero kahit na ganoon ay sinisiguro ko naman na ginagawa ko ang best ko every performance kahit anong role pa ang maibigay sa akin.
Ang mga “Not-So-Pretty” kong friends naman ay masaya rin dahil this time ay magkakasama na kami sa isang production. Noong mga nakaraang semesters kasi ay palagi kaming magkakahiwalay dahil per group ang mga naging performances namin. Mabuti naman ngayon at hindi na per group ang magiging production na gagawin namin.
“Oh my god, mga ate! Finally! Magkakasama na rin tayo”, masayang bungad ni Fifi nang makalabas ng room si Mam Fuentes.
“True! Kailangan natin galingan mga bhie!”, ani naman ni Barbs.
Kinuha namin ang mga gamit namin at ang aming armchair at nag form kami ng isang malaking bilog para masimulan na ang meeting. Mukhang magiging masaya ang production na ito dahil first time namin mag wo-work as a whole section.
“Magbotohan na lang tayo kung sino ang magiging director sa atin”, panimula agad ni Joanne.
Sumang ayon naman kaming lahat at agad na sinimulan ang botohan. Kailangan namin pumili ng magiging director na hindi lang talented at malawak ang imahinasyon kung hindi pati na rin ang may malakas na personality at kayang pasunurin at ihandle ang buong section. Someone na malakas ang loob at matapang. Iba kasi ang stress ng pagiging isang director lalo’t madami kami ngayon sa isang production at may i-ilan sa mga classmates namin ang makukulit at matitigas ang ulo.
Natapos ang botohan at si Kris ang napili namin na maging director. Si Mira naman ang napili namin na maging Stage Manager at si Lady ang Assistant Stage Manager. Stage Managers ang isa rin sa mahihirap na trabaho. Mula sa pagfa-facilitate ng mga rehearsals, pagte-take note ng mga blockings ng mga actors, pagte-take note ng mga queues ng mga music at lights kung kailan at anong scene ito papasok at magtatapos. Sila rin ang mag qu-que kung kailan papasok sa stage ang mga actors every scene at kung anong set ang nasa stage at anong props ang gagamitin nila. In short, sila ang nagpapatakbo ng buong show.
Si Danica naman ang napili namin na maging Production Manager. Si Gerald naman ang Technical Director and the rest ay bukod sa magiging actors ay ma-aasign sa pag gawa ng mga set and props.
“Para naman sa magiging Dance Director ay si Fifi ang napili ko.”, pag imporma sa amin ni Kris.
“Ay! Go, direk! Laban yan!”, confident na pag tanggap ni Fifi sa posisyon.
“At si Barbs naman ang magiging Assistant Dance Director mo”, dagdag pa ni Kris.
“Ay pak! Let’s go siszums! Let’s do this!”, masayang turan ni Barbs. Halatang excited ang mga bakla.
“At ikaw naman Gema ang Music Director at si Aika ang assistant mo. Final na iyon”, pinal na ani ni Kris. Alam din kasi ni Kris kung gaano kumukulo ang dugo ni Gema kay Aika.
“Bakit naman si Aika, direk? Pwede namang si Kate?”, pagtutol ni Gema gaya ng inaasahan ko.
“Are you lowkey saying na ayaw mo ako maka work?”, sarkastikong tanong ni Aika kay Gema.
“Oo, te! Obvious naman diba?”, mataray ding sagot ni Gema.
“Enough na, guys! Alam naman natin na mahusay si Kate sa pagkanta kaya nga hindi siya ang inilagay ko sa music department. Magagamit ko sya bilang isa sa mga main actor”, pagpapaliwanag ni Kris.
‘Actors’
ang tawag sa mga gumaganap sa mga theater plays regardless kung babae ka, lalaki, bakla o tomboy.
Nanlaki naman ang mga mata ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at sabay-sabay na pumalakpak.
“Eh paano naman ako, direk? Hindi na ako magiging actor? Sayang naman yung mas at pinaka maganda kong boses”, pag-iinarte ni Aika.
“Syempre magiging actor ka din. Kaya nga inilagay lang kita as assistant music director.”, ani ni Kris.
“Yehey!”, masayang turan ni Aika sa pabebe na boses habang pumapalakpak ang mga kamay. Nahagip naman ng mata ko ang pag-irap nito sa akin. Kahit kailan talaga itong babae na’to. Sana umihip ang masamang hangin at hindi na bumalik sa normal ang mga mata niya.
“Since tapos na ang pag-aassigned ng mga production staff, ngayon naman ay ang pagpili ng ating ipe-perform. Any suggestions?”, tanong ni Kris sa aming lahat.
“I go for The Lion King”, suggestion ni Kim.
“Miss Saigon kaya?”, sabat naman ni Rio.
“Parang mas bet ang The Greatest Showman”, singit naman ni Aika.
“Masyadong mahirap at magastos ang The Lion King. Set, props at costumes pa lang ay challenging na”, ani naman ni Fifi. I agree. Napanood ko na sa youtube ang Broadway Show ng The Lion King at masasabi kong bongga talaga ito at hindi biro ang mga costumes at make-up.
“Sa true! Masyadong magastos ang The Lion King. Ang Miss Saigon naman ay naiperform na ng mga 3rd year last semester. Gumawa naman tayo ng bago at yung hindi pa naipe-perform”, pagsang-ayon naman ni Clarizel.
“Basta direk, push ako sa The Greatest Showman tapos ako ang gaganap na Jenny Lind ah.”, excited na ani ni Aika.
“Bida-bida talaga tong chaka na’to”, bulong naman ni Gema mula sa kanan ko. Natawa naman ako dahil bakas pa rin sa mukha nito ang iritasyon. Sa totoo lang ay bagay naman kay Aika ang role na iyon at bagay sa boses nya ang kantang
‘Never Enough’
. Pero yung mukha? Wiz! Charez!
“Luh? Mas bagay sa’yo si Lettie Lutz, te! Tutal masculine ka naman tignan. Lalagyan ka na lang ng bigote”, pambabara naman ni Fifi. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko at napairap na lang ulit ang mga mata ni Aika sa inis.
“Okay, sige. The Greatest Showman na ang gagawin natin. Stage Managers, paki ready na ang copy ng script para madistribute na agad at masimulan na ang casting.”, pinal na sabi ni Kris.
Natapos agad ang meeting at bukas namin sisimulan ang casting once naibigay na sa amin ang script. Challenge para kay Kris ang gagawin naming performance dahil ang The Greatest Showman ay isang movie at hindi ito madaling gawin into a musical play.
“Kate? Nandito na ang prince charming mo at hinihintay ka”, sigaw naman ni Danica mula sa pintuan.
Kasalukuyan kaming nagliligpit ng mga gamit at naghahanda nang lumabas ng room dahil lunch time na. Napabalikwas naman kami nang biglang sumigaw si Aika nang malakas at dali-daling tumakbo palabas ng room. Nakaramdam naman ako ng kaunting irita dahil alam kong kakapit nanaman ito na parang linta kay Teo. Isang linggo na ang lumipas nang magsimula ang klase at tuwing pumupunta si Teo dito sa room namin para sunduin kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends ay walang palya ang pagpapa cute ni Aika kay Teo.
“Ayan nanaman siya! Kaunti na lang at kukurutin ko na talaga yan ng nail cutter”, inis na sambit ni Barbs.
Binilisan namin ang pag-aayos at nang makalabas ay naabutan namin si Aika na naka kapit ang mga kamay sa braso ni Teo at nagpapacute nanaman sa malandi at nang-aakit na paraan. Si Teo naman ay casual lang at hindi mo makikitaan ng irita or discomfort. Parang nagugustuhan pa ata ang ginagawang panlalandi sa kanya ni Aika. Ito ba ang dahilan kung bakit lagi siyang pumupunta dito sa room namin at nagkukunwari lang na kami ang pakay niya. Napairap naman ang mga mata ko sa inis.
“Hey!”, bati sa amin ni Teo nang malipat ang mga mata niya sa amin. Si Aika naman ay nakakapit pa rin sa mga braso niya at kita sa mga mata nito ang irita dahil tila naudlot ang paglalandian nila.
“Tara na, Teo! Nagugutom na kami”, pag-aya ni Fifi sabay tingin kay Aika at inirapan ito.
“Teo? Ca-can I join you?”, nauutal na tanong ni Aika kay Teo na kunwari ay nahihiya pa pero ang totoo ay nagpapa cute nanaman ito.
“O-of course. Sa canteen lang naman kami kumakain tuwing lunch”, pag-sang ayon naman ni Teo. Mas lalo akong nakaramdam ng inis. So ibig sabihin ay gusto nya na rin na makasama ang babaeng ito?
“Yey! Thank you!”, masaya at excited na turan nito saka hinila si Teo at tinalikuran kami. Wala nang nagawa si Teo kung hindi ang sumunod na lamang.
Nagkatinginan naman kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at hindi makapaniwala sa nangyari.
“Shuta? Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon. Sana tinanong niya rin tayo kung gusto ba natin syang kasama”, naiinis na sambit ni Gema.
“Hayaan niyo na. Tara na at nagugutom na’ko”, pag-aya ko sa kanila. Ayaw kong ipakita sa kanila na naiinis rin ako dahil panigurado akong tutuksuhin ako ng mga ito at sasabihin na nagseselos ako. Kahit ang totoo ay hindi naman. Hind ako nagseselos. Naiinis lang ako sa inaakto ni Aika. Pero hindi talaga ako nagseselos. Hindi talaga. Saka bakit naman ako magseselos, diba?
Nasa likuran lamang kami nila Teo at Aika habang naglalakad papuntang canteen. Malagkit pa rin ang pagkakakapit ng mga kamay ni Aika kay Teo na akala mo ay aagawin sa kanya si Teo anytime. Hindi man lang kami magawang tignan ni Teo mula sa likuran niya para alamin kung nakasunod pa ba kami sakanila. Tila masaya ito sa pakikinig sa mga chika ni Aika.
Nang makarating sa canteen ay agad kaming bumili ng mga paborito naming pagkain. Magkakasama kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends dito sa stall ni Ate Joy. HotSiLog na lamang ang binili ko samantalang ang tatlo naman ay menudo at isang cup of rice ang napili. Bumili na rin kami ng tig-iisang bottled water at tig-iisang iced coffee. Si Teo at Aika naman ay nasa kabilang stall at bumibili ng kanilang pagkain.
Dahil hindi naman ganun kainit ang sikat ng araw ay dito na kami kumain sa quadrangle. Katabi ko sa kanan si Fifi at kasunod niya si Gema. Katapat ko naman si Teo at katabi niya si Aika at nasa dulo naman si Barbs.
“Take this”, sambit ni Teo at inilagay sa plato ko ang puti ng itlog at kinuha naman niya ang pula ng itlog sa plato ko. Nakita ko na LongSiLog pala ang binili ni Teo. Matutuwa na sana kaso bigla nanamang sumingit sa eksena itong si Aika.
“Te-teo, gusto ko rin yung puti ng itlog mo”, malanding sabi ni Aika sa gitna ng mga pagkain.
Halos masamid naman si Barbs at Fifi sa narinig mula kay Aika.
Napabuntong hininga naman ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Tila iba ang ibig iparating ni Aika sa sinabi niya. Napatingin ako kay Teo at casual lamang itong nakatingin kay Aika. Mukhang balak nga talagang ipatikim ng mokong ang puti ng itlog niya dito. Umiling-iling ako para iwaksi ang tumatakbo sa isipan ko at muli na lamang itinuon ang paningin ko sa pagkain ko.
“Sana next time ipatikim mo rin sa akin ang puti ng itlog mo. Mukha kasing masarap eh”, dagdag pa ni Aika sabay subo sa kutsara nya na wala namang laman na pagkain.
“Sorry. Para lang kasi kay Kate yung puti ng itlog ko”
Narinig ko na halos masamid naman ngayon si Gema at agad itong uminom ng tubig.
Napaangat ako ng tingin kay Teo at mataman na pala itong nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng init sa buong katawan ko at panigurado akong namumula na ang mukha ko. Napalunok ako ng laway dahil tila may bumara sa lalamunan ko. Gumuhit naman sa mga labi nito ang isang malisyosong ngisi at tila nagugustuhan ang nakikita niyang reaction ko.
Nabaling naman ang tingin ko kay Aika na gulat ang mga mata nitong nakatingin kay Teo ngunit agad niya itong binawi at lumipat ang tingin sa akin. Nagtama ang mga paningin namin ng ilang segundo bago ako nito inirapan. Hindi ko na lamang binigyan ng pansin iyon at agad na ipinagpatuloy ang pagkain dahil hindi pa rin ako nakaka move on sa narinig ko mula kay Teo. Alam ko naman na egg white yung tinutukoy ni Teo na puti ng itlog pero dahil sa malaswang bibig nito ni aika ay iba na rin ang tumatakbo sa isip ko. Though alam ko naman na sinadya ni Aika na gawing double meaning yung
‘puti ng itlog’
ni Teo bilang parte nang pangaakit at panglalandi niya.
“Kung gusto mo ng puti ng itlog, doon ka manghingi kay Mang Jose kung saan mo binili yang pagkain mo.”, inis na turan ni Gema kay Aika.
“Arte-arte nito”, bulong naman ni Fifi.
Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain at iniba na rin ni Aika ang usapan. Sa totoo lang ay si Teo lang naman ang kinakausap niya. Para bang silang dalawa lang ang nasa lamesa at hindi kami nag eexist.
“Manood ka ng Musical Play namin, Teo. Please! Gusto ko i-cheer at suportahan mo ako”, excited na pag-imbita ni Aika at syempre hindi pa rin nawawala ang pagpapa cute nito.
“O-oo naman. Kailan ba yan?”, tanong naman ni Teo.
“Matagal pa naman saka wala pang specific date kung kailan ang show”, sagot naman ni Aika. Nagniningning ang mga mata nito dahil sa narinig na pagpayag ni Teo para manood.
“Just let me know na lang kung kalian”, masaya ring sagot ni Teo. Napairap naman ako sa aking isipan.
Kung ano-ano pa ang pinag-usapan nilang dalawa tungkol sa university. Nakaramdam nanaman ako ng inis dahil mukhang pati si Teo ay kinalimutan na rin na kasama niya kami at masaya lamang itong nakikipag kwentuhan.
Nang matapos kaming kumain ay nagdecide agad kaming umakyat pabalik sa room dahil may next class pa kami. Hinatid naman kami Teo and as usual ay nakakapit pa rin si Aika sa mga braso ni Teo habang naglalakad. Tahimik na lang kami ng mga “Not-So-Pretty” kong friends dahil wala naman ata silang balak na isali kami sa usapan nila.
“Bye, Teo. Thank you sa time mo. See you tomorrow”, pag papaalam ni Aika kay Teo sa malandi pa ring tono ng boses.
“Sure, see you tomorrow”, masayang sagot naman ni Teo bago tuluyang pumasok ng room si Aika.
Papasok na sana ako sa loob ng room at hindi na balak pang kausapin si Teo pero agad ako nitong hinawakan sa braso.
“Hey”, ani niya sa malalim na boses.
Walang salita ang lumabas sa bibig ko bagkus ay binigyan ko lamang sya ng nagtatanong na tingin. Ang mga “Not-So-Pretty” kong friends naman ay nauna nang pumasok sa loob ng room.
“Sabay tayo umuwi ah. Sunduin ulit kita dito”, nakangiti nitong sambit.
“Huwag na, si Aika na lang ang sabayan mo”, sambit ko sabay irap ng mga mata.
“What? What did you say?”, nagtatakang tanong nito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na lalabas sa mga bibig ko ang mga salita na isipan ko lang dapat sasabihin.
“Wa-wala. Sige na. Baka malate ka pa sa next class mo”, nakayuko kong sambit. Hindi ko sya magawang tignan sa mga mata dahil alam kong narinig niya ang mga sinabi ko.
“Basta susunduin kita dito mamaya after class” pinal na sabi nito at ginulo ang buhok ko bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo.
Bumuntong hininga ako tuluyan ng pumasok sa loob ng room.
4:30 pm natapos ang klase namin sa Stage Management at ito na rin ang last subject namin for today. Nag discuss lang si Sir Mark about sa introduction ng Stage Management at ibinigay sa amin ang listahan ng mga gamit na dapat mayroon ang isang Stage Manager. Sobrang dami nito and by next week ay dapat makumpleto na namin ito.
“Kate? Nandito na ulit ang prince charming mo”, sigaw nanaman ni Danica. Si Danica kasi ang nakaupo malapit sa may pintuan ng classroom kaya siya palagi ang tumatawag sa akin tuwing nasa labas na ng room si Teo.
Nakita ko naman na dali-daling lumabas ng room si Aika para salubungin si Teo.
“Ay taray! Sa pagkakaalam ko si Kate ang hinahanap, hindi naman ikaw, Aika”, pambabara ni Clarizel dito dahil maging siya ay nagulat sa kung gaano ka excited si Aika na makita si Teo. Hindi siya pinansin ni Aika at mabilis itong naglakad papalabas ng pintuan.
“Bilisan mo, Kate. Para mapigilan natin agad ang linta na iyon”, ani ni Fifi.
Binilisan ko agad ang pagkilos at nang matapos ay dali-dali kaming lumabas ng room. Naabutan namin si Aika at Teo na masayang naguusap.
“Sige na, Teo. Mauuna na ako. Byieee”, pagpapaalam ni Aika. Yumakap muna ito sa mga braso ni Teo bago tuluyang naglakad papalayo.
“Ay taray! Mukhang nagiging close kayo ni Aika ah?”, iritang tanong ni Fifi kay Teo. Natawa lamang si Teo sa tanong nito.
“Hindi naman. She’s just telling me about what happened during your class”
“Hindi daw? Eh bakit ang saya-saya mo tuwing magkausap kayo?”, pag-iinteroga ni Gema.
“Ang cute nya lang kasi”, masayang sambit nito sa amin.
All I know is tinalikuran ko sila at nagsimula nang maglakad papalayo. Hindi ko alam pero kusang kumilos ang mga paa ko upang maglakad dahil hindi kinaya ng damdamin ko ang narinig. Para kasing biglang sumikip yung dibdib ko at kailangan kong lumayo para makasagap ng hangin.
Ano daw? She find her cute? Well, I can’t blame him. May itsura naman talaga si Aika at talented pa. Hindi nga lang kagandahan ang pag-uugali. Pero ang mas ikina-kainis ko ay kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. Bakit sumisikip ang dibdib ko?
“Kate?”, pagtawag ni Teo mula sa likuran ko ngunit hindi ko ito pinansin at patuloy lamang na naglakad.
18
“Kate?”, muling pagtawag sa akin ni Teo. Mas binilisan ko pa ang lakad ko para hindi niya agad ako maabutan. Kailangan ko ng sapat na oras para makapag isip kung ano ang idadahilan ko kung bakit ako umalis bigla. Hindi ko pwedeng sabihin na sumikip yung dibdib ko kasi nacu-cute-an siya kay Aika at kailangan kong huminga para kumalma. Natataranta na ang utak ko sa kakaisip kung ano ba ang pwede kong idahilan nang hawakan ako nito sa braso at mabilis na ipinaharap sa kanya.
“Hey! Ano ba? Kanina pa kita tinatawag? Hindi mo ba ko naririnig?”, seryosong tanong nito sa malalim na boses. Kita sa mga mata niya pagtataka at pagtatanong.
“Ahh. So-sorry. Hindi kita narinig dahil sa ingay ng mga estudyante”, pagsisinungaling ko. Agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya.
“Why did you leave? Sabi ko diba sabay tayong uuwi? Bakit iniwan mo ako?”, seryoso pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha at nakitaan ko ng lungkot ang mga mata niya na agad ding nawala at napalitan nanaman ng kyuryosidad.
“Ahh. Ka-kasi naalala ko kailangan ko agad umuwi para tulungan si mama sa palengke”, pagsisinungaling ko ulit. Napayuko na lamang ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. Umaasa na maniwala siya sa dahilan ko.
“Is that it?”
Tanging tango na lamang ang naging sagot.
“Sana sinabi mo para nakaalis na agad tayo”, ani niya.
“Eh busy ka pa kasi sa pakikipaglandian kay Aika?”, mahinang sagot ko.
“What? What did you say?
“Ahh. Wa-wala. Tara na!”, pag-aya ko rito sabay talikod at nagsimula nang maglakad.
‘Shems’
Sana hindi niya narinig yung sinabi ko. Baka isipin niya na sinasabihan ko ng masasamang salita si Aika. At ayoko rin na magtaka siya kung bakit ganito ang inaakto ako. Dahil kung tatanungin niya ako ay hindi ko rin naman alam ang sagot. Naramdaman ko na lamang ang presensya niya sa tabi ko at sabay na kaming naglalakad palabas ng university.
“I am not flirting with her though”, seryosong ani niya habang diretsong nakatingin sa nilalakaran namin.
Napangiwi na lamang ako.
‘Punyeta’
Gusto ko na lang bumuka yung lupa at magpakain dahil sa sobrang hiya. Paniguradong namumula nanaman ang mukha ko ngayon. Nagpanggap na lamang ako na hindi siya narinig at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
Kinabukasan ay kahit inaantok pa ay bumangon agad ako para maghanda sa pagpasok. Pagkatapos maligo ay nagbihis agad ako. Nagsuot ako ng short at isang oversized t-shirt and as usual ay ang vans shoes ko. Pagbaba ko ay naabutan ko si mama at papa na kumakain na ng almusal. Sabado nga pala ngayon at walang pasok si papa.
“Good morning, mama at papa”, bati ko sa kanila at agad na dumiretso sa sala.
“Oh kumain ka muna, Kate. Wala pa naman si Teo”, pag-aya ni mama sa akin.
“Hindi na, ma. Hindi naman ako kumakain ng almusal” sagot ko habang chinecheck ang aking bag kung dala ko ba ang lahat ng dapat kong dalhin.
“Kahit kailan ka talagang bata ka. Masama ang hindi kumakain ng almusal”, singit naman ni papa.
“Eh hindi kasi ako sanay, pa.”
“Edi sanayin mo”, sabay nilang sagot sa akin. Umiling na lamang ako at isinuot na ang aking bag.
“Sige na. Aalis na ko ma, pa. Dadaanan ko na lang si Teo sa kanila. Bye”, pagpapaalam ko.
“Oh siya. Mag-iingat kayo sa pagpasok”, ani ni mama at tuluyan na akong lumabas ng bahay. Ilang hakbang lamang ay narating ko agad ang bahay nila Teo.
“Teo?”, pagtawag ko mula sa gate nila habang kinakatok ito.
Ilang segundo pa ay iniluwa ng pintuan si Tita Myra at halatang nagulat pa nang makita ako.
“Oh My God! Ikaw pala iyan, Kate!”, masayang bati niya sa akin.
Agad niyang binuksan ang gate at nakipag beso sa akin. Nagtataka man ay nakipag beso na rin ako sa kanya. Ang akala ko ay beso-beso lamang ang gagawin niya ngunit matapos namin mag beso ay niyakap naman ako nito.
“I am so happy to see you again. It’s been what? Almost 4 weeks na since I saw you. How are you?”, masayang sambit niya nang bumitiw ito sa pagkakayakap sa akin.
“I’m good naman po, tita. Kayo po? Kumusta?”, balik na tanong ko sakanya.
“Oh! I’m doing fine, my dear. Tara, pasok na tayo sa loob”, pag-aya niya sa akin at agad na kaming pumasok sa loob ng bahay.
Pagtapak pa lang ng dalawang paa ko sa may pintuan ay bumungad agad sa akin ang kanilang sala. Napaka
‘Nostalgic’
sa feeling. Kung ano ang ayos nito noong mga bata kami ay ganoon pa rin. Though may mga iilang kagamitan na nagbago pero kung saan nakapwesto ang mga dating gamit ay doon din naka pwesto ang mga ipinalit. Ilang segundo akong napatitig sa kabuuan ng bahay. Tila bumalik sa alaala ko ang lahat ng masasayang memories na mayroon ako sa bahay na ito kasama si Teo. Ang mga nagkalat na laruan ni Teo sa sala dahil sa paglalaro namin. Ang habulan at takbuhan namin sa buong bahay tuwing naglalaro kami ng tagu-taguan. Ang panonood namin sa TV ng paborito naming palabas na cartoons noon. Ang pagkain namin ng sabay sa kusina man o sa may sala. Lahat lahat ay muling bumalik sa isipin ko.
Napangiti na lamang ako.
“I know that you miss this place. Halos gawin niyo ng playground ni Teo ang buong bahay noon”, natatawang turan ni Tita Myra. Napatingin ako sa kanya at saka ko lang napansin na nakatingin rin pala siya sa akin at masayang pinapanood ang reaksyon ko.
“Opo, tita. Sobrang namiss ko po itong bahay niyo. Natuwa lang po ako dahil biglang bumalik sa alaala ko lahat ng masasayang memories ko dito”, nakangiti kong sagot.
Nginitian lamang ako ni tita at hinagod ang likod ko. Pagkatapos ay iginaya niya ako patungo sa may sala at agad naman akong umupo sa mahabang sofa.
“Teo? Bilisan mo. Kate is here”, sigaw ni Tita Myra.
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang mga hakbang sa hagdan at nakita ko si Teo na pababa mula sa taas. Nakasuot na ito ng slacks at naka sando lamang ito habang nakasampay sa kanang balikat niya ang uniform niya. Hawak naman niya sa kanang kamay niya ang kanyang bag at isang pares ng medyas. Agad itong naglakad patungo sa pwesto ko ng tuluyan siyang makababa.
“Hey”, pagtawag niya sa akin. Inilapag niya ang kanyang bag sa may tabi ko at hinagod niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri dahilan para masulyapan ko ang kanyang mabuhok na kili-kili at ang kanyang muscles. Napalunok na lamang ako dahil sa nakikitang tanawin sa harapan ko.
“Enjoying the view, huh?”, mapang-asar niyang turan habang naka ngisi. Agad kong binawi ang aking paningin at ibinaling ito sa may kusina kung saan naghahanda si Tita Myra ng almusal.
“Ang kapal ha!”, depensang sagot ko sabay irap ng mga mata. For the Nth time ay nahuli nanaman niya akong nakatitig sa kanya. Hindi ko rin kasi maiwasan. Kili-kili pa naman ng isang lalaki ang isa sa mga kahinaan ko. Kaya tuwing nakikita ko ang parte ng katawan na ito ni Teo ay hindi ko maiwasan ang tignan ito. Oo na.
‘Hot’
talaga siya. Hindi naman maikakaila iyon. Pero ayoko rin isipan niya na pinagnanasahan ko siya.
“Okay?”, tanging sagot niya habang nakatayo pa rin sa harapan ko.
“Bilisan mo ng kumilos at baka ma late pa tayo”, pag-uutos ko sakanya habang nakatingin pa rin kay Tita Myra na abala pa rin sa kusina.
Ilang segundo pa ang lumipas at nananatili pa ring nakatayo sa harapan ko si Teo. Tila hindi pinansin ang sinabi kong bilisan ang pagkilos niya. Nilingon ko ito at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Specifically, sa mga legs ko. Agad ko naman itong tinakpan ng aking bag.
“Enjoying the view, huh?”, pagbabalik kong tanong sa kanya. Ang akala ko ay oras ko na ito para makaganti sakanya ngunit hindi pala.
“Why are you wearing shorts?”, nawala ang kaninang mapaglarong ngisi sa mukha niya at naging seryoso ito.
“Because why not?”, ani ko.
“Huwag mong sinasagot ng tanong yung tanong ko”, seryoso pa rin niyang turan.
“Eh? Eh ikaw nga itong sinagot din ng tanong yung tanong ko.”, seryoso ko ring sagot sa kanya. Saka ano naman ngayon kung naka shorts ako? Eh ganito naman talaga ang sinusuot ko madalas pag pumapasok.
“I’m serious here, Kate. Bakit ka naka shorts? School ang pupuntahan natin. Hindi tayo magma-mall or gagala”, mataman itong nakatingin sa akin at naghihintay ng aking sagot.
“Eh sa ito yung gusto kong suotin eh. Saka ina-allow naman ng university so bakit hindi. Ito kasi ang pinaka komportable para sa akin na suotin lalo’t puro kami rehearsals. Mas magiging madali para sa akin ang kumilos at magpalit ng mga damit na susuotin.”, pagpapaliwanag ko sa kanya.
“Huwag ka ng umangal. Yung mga guards nga sa school hindi tumututol eh, ikaw pa”, dagdag ko.
“Ayoko lang nakikita ng mga tao yang mga legs mo at ayoko lang din na mabastos ka”, depensa naman niya.
“Point taken. Pero sana wag natin isisi sa suot ng isang tao kung bakit sila nababastos. Dahil kahit ano pang suot ng isang tao, walang Karapatan ang kahit na sino ang bastusin sila. At kahit na ano pa ang suot ng isang tao, kung bastos talaga magisip ang ibang tao; then bastos talaga sila. Sila yung may problema.”, mahabang pagpapaliwanag ko.
Nakatitig lamang si Teo sa akin at tila pinoproseso ng utak niya ang lahat ng sinabi ko.
“Bilisan mo na kumilos”, pag-uutos ko. Agad akong tumayo at naglakad patungo kay Tita Myra. Ayokong mag stay doon habang nagbibihis siya dahil baka hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko na titigan siya.
Nakipagusap ako saglit kay Tita Myra habang naghihintay kay Teo. Nalaman ko na si Maica pala ay nasa tatay nila kaya dalawa lang sila ni Teo ngayon dito sa bahay. Hindi na ko nagtanong kung sino ba talaga ang tatay nila dahil kahit noong mga bata kami ay never ko naman itong nakita at nakilala. Inalok din ako ni Tita Myra na kumain ng almusal ngunit nagsinungaling ako at sinabing kumain na ako sa bahay. Ilang minuto lang din ay natapos na si Teo at nagpaalam na kami kay Tita Myra para pumasok.
“You lied to mom”, ani ni Teo habang naglalakad kami sa loob ng university papuntang main building.
“Huh?”, nagtatakang tanong ko.
“Sabi mo sa kanya na kumain ka na ng breakfast kahit hindi naman talaga. I know you”, sagot nito habang diretsong nakatingin sa daanan.
Kaya imbis na dumiretso agad sa kanya-kanya naming room ay nandito kami ngayon sa stall ni Ate Joy para bumili ng pagkain. Actually, ganito na ang eksena namin tuwing papasok kami nang magkasabay. Lagi niya akong binibilhan ng pagkain dahil hindi nga ako kumakain ng agahan. Kahit anong tanggi ko ay hindi siya nagpapatalo. Kaya para hindi na humaba pa ang usapan ay sumusunod na lamang ako sa gusto niyang mangyari. Pagkaabot sa amin ni Tonton ng binili naming pagkain ay hinatid muna ako ni Teo sa room namin bago siya pumunta sa room niya. Mabuti na lamang din at wala pa si Aika dahil pag nagkataon ay umagang-umaga pa lang ay baka nasira na agad ang araw ko.
Pagkapasok ko ng room ay naabutan ko na agad ang mga “Not-So-Pretty” kong friends na nakikipagdaldalan sa mga classmates namin. Naalala ko na hindi na nga pala ako nakapagpaalam sakanila nang maayos kahapon dahil sa kaartehan ko. May meeting rin kasi sila kahapon kasama ang CAL (College of Arts and Letters) PEP Squad para pag handaan ang competition nila sa University Intrams. Matagal pa naman iyon pero maaga kasi talaga dapat ang preparation para sa mga ganitong klaseng competition.
And yes, mahuhusay sumayaw ang mga “Not-So-Pretty” kong friends. Kaya nga si Fifi at Barbs ang na assigned sa choreography para sa gagawin naming musical play. Marunong din naman ako sumayaw pero hindi nga lang kasing galing nilang tatlo. Pinipilit nila akong sumali sa PEP Squad noon kaso ayaw ko talaga. Hindi ko ata kakayanin ang mga trainings nila na super hirap. Sa aming apat, kami ni Gema ang may talent sa pagsayaw, kanta at acting. Ika nga nila ay
‘Triple Threat’
. Si Barbs at Fifi naman ay mahusay sa acting at sayaw, ngunit kinulang sa boses. Pero gayunpaman, ang pagpasok sa industriya ng
‘Teatro’
ay hindi lamang natatapos sa tatlong talento na iyon. Pwede kang maging parte ng industriyang ito at magtrabaho sa likod ng entablado.
Agad naman akong binati ng mga “Not-So-Pretty” kong friends. And as expected, tinanong nila ako about sa kaartehan ko kahapon. Sinabi ko na lamang na kinailangan ko agad umuwi para tulungan si mama sa palengke. Hindi ko rin naman sila makakasabay na tatlo dahil may meeting sila. Alam kong hindi sila naniniwala pero hindi na sila nagtanong pa para hindi na humaba ang usapan.
Nang matapos ang 1st subject namin na General Statistics ay halos matuyo ang utak naming lahat. We hate math. At hindi namin inexpect na sa course naming ito ay makakasalamuha pa rin namin ang mathematics.
Wala ang professor namin para sa 2nd at 3rd subject kaya sinamantala namin ang mga oras na ito para mag meeting ulit at mag casting para sa musical play na gagawin namin.
“SMs? Ready na ba ang mga script?”, tanong ni Kris sa mga Stage Managers na sila Mira at Lady.
“Yes, direk”, sagot naman ni Mira at agad na dinistribue sa aming lahat ang mga script.
“Since may kopya na ang lahat ng script, iaannounce ko muna kung sino ang mga actors na gaganap sa bawat characters. After non, saka tayo mag po-proceed sa script reading.”, pag imporma ni Kris. Nag-agree naman kaming lahat at nagsimula na si Kris na sabihin ang mga cast.
Si Geoff ang napili para gumanap na P.T Barnum, ang bida sa The Greatest Showman. Si Clarizel naman ang gaganap bilang Charity Barnum, asawa ni P.T Barnum. Si Kisha naman ang gaganap bilang Lettie Lutz.
“At para sa role na Jenny Lind, si Aika ang napili ko”, anunsyo ni Kris.
“Yehey! Thank you, direk. You love me talaga”, kinikilig at pabebeng turan ni Aika. And again, bagay talaga sa kanya yung role na iyon. Yung mga naninira ng relasyon at kumakabit sa mga may asawa na.
‘Charez’
. Bagay kasi talaga sa kanya yung kanta at kahit inis ako sa kanya ay alam kong she can slay singing the song
‘Never Enough’
.
“At para naman sa role na Philip Carlyle, si Mike ang napili ko. At ikaw Kate, ang gaganap na Anne Wheeler”, ani ni Kris.
“Yieeeeeeeee”, sigaw naman ng mga classmates ko. Napangiti na lamang ako dahil sa mga pang-aasar nila. Masaya naman ako sa role na napunta sa akin. At first time kong gaganap na may kapartner or ka love team sa isang play. Excited ako and at the same time ay kinakahaban dahil alam kong may kissing scene ang mga roles namin ni Mike. At kinakahaban rin ako kung paano ang gagawin ko para maging pink ang kulay ng buhok ko.
“Taray! Mag re-rewrite sila ng stars. Sana all”, pang-aasar ni Joanne.
“Chance mo na’to, Mike.”, gatong na pang-aasar naman ni Ralph.
Napadako naman ang mga mata ko kay Mike na ngayon ay nakayuko at tila namumula ang mga tenga. Bakit kaya? Ayaw niya ba akong maka partner?
Nang maiannounce ni Kris ang lahat ng cast ay pinagusapan rin namin ang aming production calendar. Dito nakalagay ang schedule ng buong production hanggang dumating ang final show. Naka schedule na from June to October ang mga rehearsals at production work. Pero ang final date para sa shows ay tentative pa.
“Kate, nandito na ulit ang prince charming mo”, ang nakagawiang sigaw ni Danica.
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gamit namin at gaya ng mga nakaraang araw ay mas nauna nanaman si Aika na sumalubong kay Teo. Nang matapos mag-ayos ay agad kaming nagtungo sa may pintuan.
“OMG! Thank you, Teo. Nag abala ka pa talaga na bilhan ako ng Milk Tea”, pabebeng ani ni Aika habang hawak-hawak ang isang milk tea sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwa naman niyang kamay ay nakakapit sa braso ni Teo.
“You’re welcome”, masayang sagot ni Teo kay Aika.
Okay? So, may nagaganap na pa lang pagbili ng milk tea? Bakit? Para saan? Sunod-sunod na tanong sa isipan ko. Agad namang nagbago ang timpla ng mood ko at halo-halong inis at sikip ng dibdib ang nararamdaman ko ngayon. And again, hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang mga bagay na ito.
“Tara na, Teo”, pag-aya agad ni Fifi para maputol ang landian ng dalawa.
“Hey”, nakangiting bati sa akin ni Teo.
“Pwede ba ko ulit sumabay sa pagkain ng lunch sa iyo, Teo?”, pabebe nanamang tanong ni Aika. Napairap na ang mga mata ko nang tuluyan sa inis. Not this time, please. Not again. Never again.
“Sure”, pagpayag naman ni Teo.
“Sana diba tinatanong mo rin kami kung gusto ka ba naming kasabay”, mataray na ani ni Gema.
Gulat ang mga mata ni Aika na napatingin kay Gema dahil sa narinig. Ngunit bago pa sumagot si Aika ay biglang sumingit si Mike sa eksena.
“Kate? Pwede ba kong sumabay sa inyo sa pagkain?”, nakangiti niyang tanong.
“Ay taray! Ano to? Part ba ito ng workshop? Kailangan magsama kayo lagi para maging effective ang love team ninyo at matalo ninyo ang KathNiel?”, pang-aasar ni Fifi.
Napakamot naman si Mike sa ulo na tila nahihiya.
“Love Team?”, nagtatakang tanong ni Teo.
“Yes, Teo. Sila ang gaganap na Anne Wheeler at Philip Carlyle para sa musical play namin. You know, yung role na ginanapan ni Zac Efron at Zendaya.”, pormal na sabi ni Aika.
Nagbago bigla ang timpla ng mukha ni Teo.
“Oo naman, Mike! Para mapagusapan na rin natin yung gagawin nating atake sa mga role natin”, masayang pagpayag ko. Nagliwanag naman ang mukha ni Mike at bakas sa mga mata nito ang saya.
“Tara na”, walang ganang sabi ni Teo saka ito tumalikod sa amin at nagsimulang maglakad mag-isa.
19
Nandito ako sa stall ni Ate Joy kasama si Mike at Gema para bumili ng lunch. Si Barbs, Teo at Aika naman ay magkakasama na bumibili rin ng pagkain sa ibang stall habang si Fifi naman ay solo flight sa paghahanap ng makakain niya.
Menudo ang napili kong ulamin at isang cup ng rice habang si Mike naman ay HotSiLog ang binili at Beef steak naman kay Gema. Matapos iabot ni Tonton sa amin ang mga binili namin ay agad naman din naming nakita sila Barbs, Teo at Aika na nakaupo sa dating pwesto na kinainan namin kahapon. Mabuti na lang din at nakahanap agad sila ng pwesto dahil sobrang dami ng tao ngayon sa canteen.
Nakatingin ako sa kinaroroonan nila Barbs habang naglalakad kami nila Mike at Gema nang maagaw ng pansin ko ang mga matatalim na tingin na ipinupukol sa amin ni Teo. Si Barbs ay busy sa kanyang cellphone habang si Aika naman ay kinakausap si Teo ngunit hindi siya pinapansin nito. Agad kong iniwas ang mga mata ko dahil may kakaiba akong nararamdaman sa mga tingin ni Teo.
Nang makarating kami ay agad naming inilapag ang mga pagkain namin at umupo. Hindi ko pa rin matignan si Teo dahil ramdam ko pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa akin at pinapanood ang mga kilos ko. Katapat ko nanaman si Teo at katabi niya si Aika at sumunod naman si Barbs. Katabi ko naman ngayon si Mike, sumunod si Fifi at Gema.
CornSiLog ang pagkain na binili ni Teo. Fried Chicken naman ang nakita kong binili ni Aika at Fifi. Nagsimula na kaming kumain at wala akong ibang naririnig kung hindi ang boses ni Aika na pilit kinakausap si Teo. Sinilip ko si Teo at tahimik lamang itong kumakain at tila hindi nag eexist si Aika sa tabi niya.
“Here, take this”, - Teo.
“Sa’yo na lang to, Kate”, - Mike
Halos sabay nilang sabi at sabay na inilapag sa ibabaw ng pagkain ko ang puti ng itlog. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Si Mike na nakatingin sa akin habang matamis na naka ngiti habang si Teo naman ay gulat na nakatingin kay Mike. Napakunot ang noo niya ng mapansin ang matatamis na tingin na ipinupukol sa akin ni Mike.
“Ay! Taray! Lapitin ng itlog”, pang-aasar ni Barbs. Sinamaan ko lamang ng tingin ni Barbs.
“Sa-salamat”, ani ko sa dalawa at muling itinuon ang mga mata ko sa pagkain na nasa harap ko.
“Tikam mo, Kate. Masarap yang itlog”, turan ni Mike habang hindi pa rin naaalis ang mga ngiti nito sa labi.
“No. Mas masarap yung akin”, pag singit naman ni Teo.
Nalipat naman ang tingin ko kay Teo na mataman lang na nakatingin sa akin. Saka bakit ba binibida pa nilang dalawa kung kaninong itlog ang mas masarap gayong egg white lang naman ito which is pareho lang naman ng lasa.
“I am willing to taste your egg naman, Teo. You could have given it to me na lang”, pagpapabebe ni Aika habang malaswang nakasubo ang kutsara sa bibig niya.
“I told you. Para kay Kate lang ang puti ng itlog ko”, sagot ni Teo habang nakatingin pa rin sa akin ang mga mata. Narinig ko naman na tumikhim sa gilid ko si Mike.
“Diba ang sabi ko kung gusto mo ng puti ng itlog yung kay Mang Jose ang tikman mo? Arte arte nito”, inis na singit ni Gema. Nag-irap mata na lamang si Aika.
“Sabihin mo kung gusto mo pa ah. Papatikim ko rin itong hotdog ko”, inosenteng ani naman ni Mike. Sabay-sabay na napaubo sina Barbs, Fifi at Gema sa kanilang narinig. Tinignan ko si Mike at masaya lamang itong kumakain na tila walang ibang meaning yung sinabi niya. Alam naman namin na yung hotdog na kinakain niya yung tinutukoy niya pero the way niya kasing sabihin at i-offer sa akin yun ay parang may ibang meaning.
“Ah. Hi-hindi na. Okay lang naman ako. Sa-salamat”, naiilang na sagot ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito si Mike. Dahil ba magkatambal kami sa Musical Play na gagawin namin? Noong 1st year kasi kami ay hindi naman kami gaanong nakakapagusap nito. Never rin kasi kami naging magka grupo sa mga naging productions namin noon kaya bihira talaga kaming makapag usap. Though napapansin ko noon pa na minsan ay naiilang sya tuwing nagkakaroon ng chance na makapagusap kami or malapitan ko sya tapos biglang mamumula ang kanyang mga tenga.
“Taray! Akala ko itlog lang ang lumalapit, ngayon may hotdog na!”, pang-aasar naman ni Fifi.
Hindi ko na pinansin pa ang pang aalaska ni Fifi dahil naagaw ng pansin ko ang madidilim na mga mata ni Teo na nakatingin kay Mike. Nagpatuloy lang kami sa pagkain kahit pa ramdam ko ang tension sa pagitan ng dalawa.
“So anong plano nyo Kate at Mike sa mga roles nyo para sa ating Musical Play?”, tanong sa amin ni Barbs.
“Hmm. Ano ba? Depende kay direk eh. Hihintayin muna namin ang directions nya tapos saka na lang siguro namin paguusapan ni Kate kung anong makakabuting gawin namin”, simpleng sagot ni Mike.
“Napanood nyo na ba ang The Greatest Showman?”, singit na tanong naman ni Gema.
“Of course! Super ganda kaya nung movie na yon. At super excited akong kantahin yung
‘Never enough’
.”, masiglang ani ni Aika.
“Luh? Di naman ikaw tinatanong ko. Saka pag di kasali sa circle of friends hindi valid ang opinion ah”, pagmamaldita ni Gema. Sinamaan lang siya ng tingin ni Aika at nilabanan naman ito ni Gema. Hindi na natapos ang alitan ng dalawang ito. Mabuti na lang at hindi pa sila nag papang abot. Pero mukhang malapit na.
‘hays’
“Kayo ba Kate at Mike? Napanood niyo na yung movie?”, tanong naman ni Barbs.
“Yeap”, maiksing sagot ni Mike habang tango lang ang aking naging sagot.
“So aware kayo na may kissing scene ang mga characters na gagampanan niyo?”, dagdag na tanong ni Barbs.
“O-oo naman”, tila nahihiyang sagot ni Mike.
“Yieee! Galingan niyo ah. Yung tipong dapat pang award yung kissing scene niyo”, kinikilig na sambit ni Fifi.
“True! Saka ewan ko na lang kung hindi niyo pa magawa ng maayos ang kissing scene niyo lalo’t may rehearsal naman tayo.”, ani ni Gema habang mapang asar na nakatingin sa aming dalawa ni Mike.
“If I know, gustong gusto ni Kate ang kissing scene na yan. For sure sasadyain niyang huwag gawin ng maayos ang kissing scene nila during rehearsals para umulit nang umulit ang pag kikiss nila ni Mike.”, maarteng singit ni Aika.
Ano daw? Sasadyain kong huwag gawin ng tama para umulit umulit ang pagkikiss namin? Anong tingin niya sa akin? Malantod at kiss lang ang habol sa Musical Play at hindi ang grades.
“Excuse me?! Huwag mo ngang igaya sa iyo si Kate.”, pagtatanggol sa akin ni Gema. Inirapan lamang ni Aika si Gema. Well, irap lang naman madalas ang nagagawa ni Aika pag si Gema na ang kumakalaban sa kanya.
“Mauna na ko sa inyo, guys. Excuse me.” Nagulat na lamang kaming lahat nang tumayo si Teo sa pagkakaupo at nagsimulang suotin ang bag nya at aktong aalis na ito.
“Huh? Hindi pa naman tapos ang lunch break ah. Saka hindi mo pa nauubos ang pagkain mo”, nagtatakang turan ko. Sumalubong sa akin ang maiitim niyang mga mata ngunit blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Maaga pa naman ah. Aalis ka na agad?”, dagdag na tanong ni Aika sa pabebe na boses at tila nalulungkot din sa agarang pag alis ni Teo.
“I have to go. Naalala ko na may meeting pala kami ng groupmates ko para sa isang project na gagawin namin”, walang emosyong sagot niya.
“Ganun ba? Sige, Teo. Push mo na yan. Kita kits na lang”, pagpapaalam ni Fifi.
Agad na tumalikod si Teo at nagsimulang maglakad. Ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin bago ito nagsimulang maglakad. Hindi pa man siya nakakalayo ay nakita kong naiwan niya sa lamesa ang kanyang coin purse na nasa harap ko lamang. Kinuha ko ito at hinabol si Teo para ibigay ito.
“Teo? Wait!”, sigaw ko habang nagmamadaling habulin siya. Narinig naman niya ang pagtawag ko kaya agad din itong lumingon paharap sa akin. Binigyan lang niya ako ng nagtatanong na mga tingin.
“Naiwan mo yung pitaka mo”, sabay lahad ko ng coin purse niya.
Kinuha niya naman ito at agad na tumalikod. Magsisimula na ulit sana siyang maglakad ngunit agad ko siyang hinawakan sa braso para pigilan.
“A-ano? Sabay ba tayong uuwi mamaya?”, tanong ko sakanya. Blangko pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha ngunit may kakaibang emosyon na ipinapakita ang kanyang mga mata at hindi ko ito mabasa.
“Hindi na. Dun ka na kay Mike sumabay pauwi. Mukhang ipapatikim niya pa sayo yung hotdog niya. Saka para mapaghandaan niyo na rin yung mga kissing scenes niyo”, walang kagatol-gatol na turan niya.
“Huh? Ano bang sinasabi mo?”, nalilitong tanong ko sakanya.
“Sige na. Mauuna na ko”, agad itong tumalikod at nagsimula nang maglakad.
Nakaramdam ako ng inis sa mga sinabi niya. Naiinis ako kasi hindi ko alam kung ano yung gusto niyang iparating. Anong kinalaman ng hotdig ni Mike at mga kissing scenes sa Musical Play sa pagsabay naming umuwi mamaya? Naiinis ako kasi hindi ko mabasa ang nararamdaman niya para malaman ko kung bakit ganun na lang ang inaakto niya. Parang may nagawa akong mali na hindi niya nagustuhan. Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimula na rin maglakad pabalik sa table namin.
Nang makarating ako sa table namin ay narinig kong nagtatalo si Aika at Gema.
“Puro kasi kayo kissing scenes, ayan tuloy na OP
(Out of Place)
si Papa Teo kaya umalis na. Malamang ay hindi yun maka relate sa usapan. Puro kasi kalandian ang nalalaman niyo”, iritang sambit ni Aika.
“Hoy te! Hindi ka naman siguro bingi diba? Unless basag talaga yang eardrums mo! Sinabi naman niyang may meeting sila ng groupmates niya kaya kailangan niya na agad umalis.”, sagot naman ni Gema sakanya na bakas rin sa boses ang pagka irita.
“At naniwala naman kayo? Mga tanga pala kayo eh. Naturingan kayong Theater Arts students hindi niyo man lang mabasa kung umaarte lang ba yung tao o hindi. Halata namang bad acting si Papa Teo. Nagdahilan lang yon kasi hindi niya matiis yung puro kalandian na usapan ninyo!”, medyo galit na sagot ni Aika.
May point naman si Aika. Halata namang tumakas lang si Teo at nagdahilan. Dahil kung totoong may meeting siya para sa project nila ay for sure hindi na yon sasabay sa amin sa pagkain. Naiinis na nga ako dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari tapos dumadagdag pa itong si Aika.
“Huwag kang ring tanga ka! Ano bang tingin mo sa amin? Psychology Major? May powers ba kami para mabasa ang nilalaman ng utak ng mga tao? Saka anong sinasabi mong puro kalandian ang alam? Eh ikaw nga itong obvious na lumalandi kay Teo. May nalalaman ka pang
‘I am willing to taste your egg naman, Teo’
. Tse! Kababaeng tao, ang manyak!”, halos nanggagalaiting sagot ni Gema.
“Anong sabi mo?!”, naghihisterikal na sigaw ni Aika. Nakakaagaw na rin kami ng atensyon mula sa mga estudyanteng nakapaligid sa amin.
“Oh diba? Bingi ka talagang dalahira ka! Malandi na nga bingi pa. Pick your struggle naman, sis! Isa-isa lang. Huwag mong lahatin!”, muling sigaw ni Gema.
“Guys, tama na!”, pag-awat ni Mike sa dalawa. Si Fifi at Barbs naman ay tila natutuwa sa nasasaksihang sagupaan ng dalawa.
“Hindi pa tayo tapos!”, pagbabanta ni Aika saka ito tumayo at nagsimulang kuhanin ang kanyang gamit pati na rin ang kanyang pagkain. Dahil maging siya ay hindi pa tapos kumain. Actually, lahat naman kami ay hindi pa tapos. Nasa kalagitnaan pa lang kasi kami ng aming pagkain.
“Ay taray! Sino ka jan?”, natatawang asar ni Barbs na katabi lang ni Aika.
“Tse! Ang chachaka niyo naman!”, huling sigaw nito saka ito tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo.
“Madapa ka sana!”, pahabol na sigaw ni Fifi.
Hindi pa man nakakalayo ay natanaw namin si Aika na natisod sa paglalakad. Malakas naman na nagtawanan ang mga “Not-So-Pretty” kong friends habang si Mike naman ay nailing na lamang ang ulo dahil sa mga nangyayari.
“Dapat hindi niyo na pinatulan”, pag singit ko sa gitna nang kanilang tawanan.
“Anong huwag patulan? Yung mga kagaya niya ang dapat na pinapatulan para matigil ang pag i-ilusyon sa buhay”, iritable pa ring turan ni Gema.
“True! Akalain mo yon? Grabe ang pagpapabebe sa harapan ni Teo. Tapos demonyita pag nawala na si Teo”, hindi makapaniwalang turan naman ni Fifi.
“Korique! At may pagbabanta pa. Anong feeling niya? Anak siya ng isang mayaman at maimpluwensiyang pamilya gaya ng mga nasa pelikula? Kakaloka si akla! Hahahah! Aliw!”, natatawang dagdag ni Barbs sabay inom sa kanyang ice tea.
“Hayaan ninyo na si Aika. Parang hindi niyo naman kilala yung tao. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nakaalitan siya sa atin”, muling pag awat ni Mike sa amin.
And that is true. May iilan na sa mga classmates namin ang nakaalitan ni Aika. Kaya naniniwala talaga akong patas pa rin Lord God. Hindi talaga lahat binibigay niya. Gaya ni Aika. Maganda nga pero kinulang sa kagandahan ng pag-uugali.
Muli naming ipinagpatuloy ang pagkain at nag-usap na lang kami ng tungkol sa iba pang mga bagay dahil nahihirapan kumalma si Gema sa mga nangyari kanina. Matapos kumain ay agad kaming umakyat sa classroom para sa susunod naming klase.
4:30 pm nang matapos ang last subject namin at nagkaroon ng kaunting announcement ang mga SMs namin. Next week na magsisimula ang aming rehearsals at maghihintay na lang din kami ng further information about it via text message at sa groupchat namin. At mababakas sa mga mukha ng lahat ang excitement.
“Kate? Nandito na ang Prince Charming mo at may kasama pang additional na dalawang nag-gagwapuhang prinsipe”, sigaw ni Danica mula sa pintuan.
And as usual, nagmamadali nanaman si Aika at sa isang iglap ay nasa may labas na agad ito ng room. Saka bakit nandito si Teo? Akala ko ba hindi kami magsasabay sa paguwi? Ilang sandali lang din ay naayos na namin ang aming mga gamit at sabay-sabay na kaming lumabas ng mga “Not-So-Pretty” kong friends.
Gulat kaming apat nang bumungad sa amin ang “Teo and Friends” at hindi magkanda ugaga si Aika sa pagpapacute sa tatlo. Kahit kailan talaga itong babaeng ito.
“Oh! Ayan na pala sila eh”, masayang bati ni Nico.
“Hi, pretty ladies! Long time no see ah”, masaya ring salubong sa amin ni Josh.
“Grabe! Namiss namin kayo.”, masayang sambit ni Fifi. Ramdam kong miss niya talaga ang dalawa. O baka si Josh lang. Agad din naman kaming binigyan ng friendly hug nila Josh at Nico. Bakas sa mukha ni Aika ang pagkagulat.
“Mabuti at napadalaw kayo?”, tanong ni Gema sa dalawa.
“Ito kasing kumpare namin eh. Bigla na lang nagtext kanina at kailangan niya daw ng back up”, nangingiting turan ni Josh sabay akbay kay Teo. Nalipat ang tingin ko kay Teo at hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata ko.
“Back up? Para saan?”, nagtatakang tanong ko.
“Kate?”, at biglang sulpot ni Mike sa tabi ko. Masaya pa rin itong nakangiti. Yung ngiti na nakakahawa.
“Bakit, Mike?”
“May copy ka na ba ng mga music?”, tanong nito sa akin. Tila hindi niya napapansin ang iba pang mga tao na nasa harapan namin.
“Wala pa. Mamaya ko pa lang kukunin kay Gema pag uwi namin”, simpleng sagot sa kanya.
“Ito ba yun, pre?”, rinig kong bulong ni Nico kay Teo ngunit tahimik lang si Teo na nakamasid sa amin ni Mike.
“Mukhang yan nga, pre”, singit naman ni Josh.
Hindi ko sigurado kung naririnig rin ba ni Mike ang bulungan ng tatlong unggoy na ito pero ako kasi ay rinig na rinig ko.
“Ah ganun ba? Sige, kita kits na lang sa Monday. Mauna na ko. Bye, Kate!”, pagpapaalam ni Mike. Ngumiti pa ito sa akin bago nagsimulang maglakad papalayo.
Tama ba ang hula ko? Si Mike ang pinaguusapan nila? Bakit? Anong kailangan nila kay Mike? Muli kong tinignan si Teo nang makaalis si Mike at gaya kanina ay blangko lang ang ekspresyon ng kanyang mukha. Wala akong makuha na kahit anong hint o sagot sa mga katanungan ko. Natigil lang ako sa pag-iisip nang magsalita si Aika.
“Teo? Hindi mo ba ako ipapakilala sa mga kasama mo?”, pabebeng singit ni Aika. Nawala sa isip ko na nandito pa pala sya kasama namin.
“Ay oo nga. Guys, siya nga pala. This is Aik…”
“Hep hep! Tara na at umuwi na tayo. Kailangan ni Kate makauwi agad para tumulong kay Tita Analyn”, agad na putol ni Gema bago pa matapos ni Teo ang kanyang sasabihin.
Agad na hinila ng mga “Not-So-Pretty” kong friends ang “Teo and Friends”. Hila-hila ni Gema si Teo, Si Fifi kay Josh at si Barbs naman kay Nico. Agad na tumalikod ang anim at nagsimula nang maglakad papalayo. Nakita ko pa kung paano mag tantrums si Aika dahil sa ginawa ng mga “Not-So-Prety” kong friends. Bahagya akong natawa at saka sumunod sa mga kaibigan ko. Narinig ko pang may sinabi si Aika ngunit hindi ko na ito naintidihan at nagmamadaling humabol sa mga kaibigan ko.
20
Agad naman akong sumunod sa mga kaibigan kong naglalakad papalayo mula sa kinaroroonan ni Aika. Hindi ko akalain na mag tatantrums ng ganun si Aika na akala mo ay isang bata na inagawan ng laruan. Mabuti na lang din at maagap kumilos ang mga “Not-So-Pretty” kong friends at agad na nailayo ang “Teo and Friends” mula sa nagbabadyang pagpapa-cute ni Aika. Ilang sandali lang din ay naabutan ko si Nico at Josh. Nasa unahan naman namin ang mga “Not-So-Pretty” kong friends at nasa unahan naman nila si Teo na mag-isang naglalakad.
“Anong kailangan niyo kay Mike?”, diretsang tanong ko kay Nico at Josh habang diretsong nakatingin sa dinadaanan namin. Agad naman na lumipat sa kaliwa ko si Nico at ngayon ay napapag-gitnaan na nila akong dalawa.
“Hmm. Wala naman. Bakit?”, balik na tanong ni Nico.
“Huwag nga ako. Narinig ko kanina ang mga bulungan ninyo.”, ani ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Hindi ako naniniwalang wala silang kailangan kay Mike. Base sa sinabi nilang rason kung bakit pinatawag sila ni Teo at ang mga bulungan na narinig ko kanina, mukhang may hindi magandang balak ang tatlong unggoy na ito.
“Hmm. Labas ka na doon, Kate. Usapang lalaki iyon. Saka huwag mo nga kaming akusahan ng kung ano-ano. Wala naman kaming masamang balak sa Mike na iyon”, turan ni Josh na diretso lang din na nakatingin sa nilalakaran namin.
“Anong labas ako sa usapan na meron kayo? Classmate ko kayo yung pinupuntirya niyo.”, sinamaan ko lang ng tingin ang dalawa. Naiiling naman ang ulo ni Nico habang si Josh naman ay nagpipigil lamang ng tawa. Mukhang pinagti-tripan ako ng dalawang unggoy na ito ah.
“May gusto ba sa’yo yung Mike na iyon?”, walang kagatol-gatol na tanong ni Josh at sabay nila akong inakbayan. Grabe naman itong dalawa. Kung makaakbay akala naman nila ang gagaan ng mga braso nila.
“Huh? Anong pinagsasasabi mo? Walang gusto sa akin yung tao.”, sagot ko sa dalawa habang umiiling ang ulo ko para mas convincing na wala talagang gusto sa akin si Mike.
“Wala daw? Eh iba nga kung maka ngiti sa’yo iyon. Lalaki rin kami, Kate. Alam namin ang likaw ng bituka ng bawat isa.”, sambit ni Nico.
“Totoo yan. Saka hindi ko gusto yung inakto niya kanina. Biruin mo, ni hindi man lang kami tinignan or binati o kahit ngiti man lang. Parang hindi kami nag-eexist kanina sa harapan niya at tanging ikaw lang ang nakikita.”, pagrereklamo ni Josh.
“Baka naman kasi nahihiya or naiintimidate”, pagtatanggol ko kay Mike. Totoo naman eh. Sa vibes at awra ng “Teo and Friends”, kahit sino ay maiintimidate.
“Nahihiya? Naturingan siyang Theater Arts student tapos mahiyain siya. Huwag mo ng ipagtanggol yung tao, Kate.”, kunwaring naiiritang sambit ni Josh. Nilingon ko ito at malisyoso lamang itong nakatingin sa akin.
“Siguro may gusto ka kay Mike no? Kaya ipinagtatanngol mo sya?”, pahabol na pang-aasar ni Josh.
Agad akong nagpumiglas sa pagkakaakbay nilang dalawa. Ako pa ngayon ang naakusahan na may gusto kay Mike dahil lang sa ipinagtatanggol ko siya. Aminado naman ako na hindi rin naman papahuli si Mike pagdating sa itsura, idagdag mo pa na talented siya. Pero hindi siya yung tipo ng lalaki na gusto ko. Masaya lang ako dahil kahit papaano ay nakakapag-usap na kami hindi katulad noon.
“Tigilan niyo nga ako. Wala akong gusto kay Mike.”, pagdedepense ko sa akusasyon nila.
“Naku, Kate. Siguraduhin mo lang. Tsk tsk.”, naiiling na sagot ni Josh.
“At bakit? Saka ano naman kung magka gusto ako sa kanya? Pogi naman siya ah tsaka talented pa”, panunumbat ko sa kanila.
“Naku! Ayusin mo talaga ang mga desisyon mo sa buhay, Kate. Magagalit ang Master. Ikaw din!”, pagbabanta ni Josh na may halong pang-aasar sa boses.
“Huh?”, naguguluhang tanong ko. “Ang weird nyo. Hindi ko nage-gets kung ano ba ang gusto niyong iparating”, napa irap na lang mga mata ko.
“Ahh basta. Siguraduhin mo lang na wala kang gusto sa Mike na iyon at sabihan mo kami kapag pino-pormahan ka non ha.”, pinal na sabi ni Nico. Kinindatan pa ako nito tsaka sila naglakad para habulin si Teo na nauuna pa ring maglakad sa aming lahat. Naiwan akong magisa sa likuran nilang lahat habang iniisip kung ano ba ang gustong iparating nila Josh at Nico.
“Eh ano naman kung may gusto nga sa akin si Mike? At ano naman kung magkagusto rin ako sa kanya? Ano? Bawal na ba akong magka ‘lovelife’? Grabe naman itong mga unggoy na ito. At magagalit daw ang Master nila? Sinong Master? Si Teo, Master nila? Tss. Bakit naman siya magagalit, aber? Ako nga deadma lang sa lantarang pang aakit at panglalandi sa kanya ni Aika eh”
Sunod-sunod na litanya ko sa aking isipan sabay irap ng aking mga mata.
“Grabeng pag-irap naman yan, sis! Para kang sinasapian diyan”, pagtawag pansin sa akin ni Fifi. Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit sakanila para magsabay-sabay kami sa paglalakad.
“Bakit ka naman umiirap mag-isa with matching buntong hininga pa? At grabe rin ang alingasaw ng bibig ah”, pang-aasar ni Gema na may pagtakip pa ng kanyang ilong. Sabay naman na nagtawanan sila Fifi at Barbs.
“Nahiya naman ako. Ang asim mo kaya”, ganting asar ko sa kanya.
“Ay grabe! Personalan?”, seryosong sambit ni Gema at pagkatapos ay sabay-sabay kaming apat na nagtawanan.
Napalingon naman sa amin ang “Teo and Friends” na nasa harapan lang namin. Mukhang seryoso ang pinaguusapan ng mga ito dahil seryoso rin ang kanilang mga mukha ng humarap sila sa amin. Nagkibit balikat lamang kami at nagpatuloy sa kwentuhan.
“Dahil ba iyan kay Aika kaya ka napapa-irap at napapabuntong hininga ng ganyan?”, tanong ni Gema nang matapos kami sa tawanan.
“Hindi naman. Napagod lang siguro ako ngayong araw”, pagsisinungaling ko. Pero ang totoo ay isa si Aika sa mga dahilan bukod pa kay Mike at sa tatlong unggoy na nasa harapan namin.
“Akala ko dahil yan kay Aika eh. Kasi kami? Kanina pa namin sya pinag-uusapan. Hahaha!”, natatawang turan ni Fifi.
“Siguro natapilok or baka nabilaukan na yun si chaka”, dagdag naman ni Barbs.
“Deserved nya naman matapilok”, pagtataray ni Gema na akala mo ay nasa harapan namin si Aika. Natawa na lamang kami nila Fifi at Barbs dahil ramdam pa rin namin ang init ng dugo niya hanggang ngayon.
Nang makalabas kami ng university ay sumakay kami ng tricycle para makauwi. Magkakasama sa isang tricycle ang “Teo and Friends” at kami naman ng mga “Not-So-Pretty” kong friends sa isa pang tricycle. Matapos ang mahigit 5 minutes ay nakarating kami sa may tapat ng aming barangay hall. Nang makapagbayad ng pamasahe ay agad naman nag-aya si Josh na pumunta sa plaza para kumain ng street food.
“Ano ba naman yan, Josh? Sana sinabi mo agad para doon na natin pinadiretso yung mga tricycle. Maglalakad pa tuloy tayo.”, pagrereklamo ni Gema. Kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang plaza. Nauuna kaming maglakad ng mga “Not-So-Pretty” kong friends at nasa likod naman namin ang “Teo and Friends”.
“Sorry na. Saka ko lang kasi naisip after natin makapag bayad sa tricycle.”, pagpapaumanhin naman ni Josh.
“Ay nako, Josh. Huwag mong pansinin yan si Gema. Nag-iinarte lang yan. Palibhasa ang asim niya na ngayon dahil sobrang init sa school at gustong-gusto niya nang maligo”, pang-aasar ni Fifi at nagtawanan naman kaming lahat.
“Echusera! Pinagtatanggol mo pa talaga yang si Josh ah? If I know… … . Aray!”, paimpit na sigaw ni Gema matapos syang kurutin ni Fifi para mapigil kung ano man ang susunod nitong sabihin. Alam namin na aasarin ni Gema si Fifi na kesyo ipinagtatanggol niya si Josh dahil bet niya ito.
Vocal naman si Fifi about sa feelings nya para kay Josh, pero hindi aware si Josh tungkol dito. At ayaw din naman ipaalam ni Fifi dahil nahihiya siya at baka iwasan daw siya nito. You know? Common struggle ng mga umaamin sa taong gusto nila. It’s either ili-like back ka niya or mag-iiwasan kayong dalawa. Iiwasan ka ng taong gusto mo para hindi mo ma-misinterpret yung pakikitungo niya sa’yo because they don’t feel the same way towards you, or ikaw ang iiwas dahil nasaktan ka and you need time para mag heal. Dahil sino nga ba naman ang makakamove-on kung araw-araw mong nakikita ang taong nanakit ng puso mo. At ang worst scenario? Ang masira ang friendship ninyo nang tuluyan.
“Sige, subukan mo talaga Gema! Sunsungalngalin ko yang bunganga mo”, pagpipigil ni Fifi kay Gema.
“Oo na! Hindi na! Ang sakit ng kurot mo gagi”, pagrereklamo pa rin ni Gema habang hinahaplos ang tagiliran niya na kinurot ni Fifi.
“Dazarv!”, pagtataray ni Fifi sabay irap ng mga mata.
Ilang saglit pa ay narating din namin ang plaza. Sa totoo lang ay namiss ko ito. Isa kasi ito sa madalas naming bonding noong bakasyon. Ang tumambay dito sa plaza at kumain ng street food.
Agad kaming nagtungo sa bilihan ng mga tusok-tusok. Kumuha na ng tig-iisang plastic cup ang mga kasama ko at nag kanya-kanya na silang kuha ng mga gusto nilang kainin. May mga Hotdog, fishball, Kikiam, Squidball, Kwek-Kwek at may Calamares pa. Akmang kukuha na ako ng plastic cup na para sa akin nang biglang may nag abot sa akin ng plastic cup na may laman ng mga Fishballs, Squidballs, Kikiam at Calamares.
“Here. Huwag ka nang kumuha at baka matalsikan ka pa ng mantika.”, maotoridad na sambit ni Teo habang pilit na iniaabot sa akin ang plastic cup. Tinignan ko yung kawali na pinaglulutuan ng mga tusok-tusok at nakita ko ang kumukulong mantika at ang mga lumulutang na mga fishballs at squidballs.
“Sa-salamat”, tanging naging sagot ko. Hindi ko napansin na nakakuha na pala siya agad ng mga tusok-tusok. Sabagay, masyado rin kasi akong tutok sa pagtingin sa mga tusok-tusok dahil natakam ako bigla. Mabuti na lang din at hindi nakita ng mga “Not-So-Pretty” kong friends ang ginawa ni Teo dahil panigurado ay aasarin nanaman nila ako.
Nang makakuha ang lahat ng kanya-kanya nilang pagkain ay agad din namin itong nilantakan. Natawa pa kami ng biglang mapaso si Fifi sa kwek-kwek na kinakain niya dahil sa bunganga niya na hindi namin malaman kung iluluwa niya ba yung kwek-kwek o hahayaan niya na lang sa bibig niya ito habang hinihipan para mawala ang init.
“Kailan kayo mamimili ng mga gamit para sa SM Kit natin”, bungad na tanong ni Barbs ng humupa ang tawanan dahil kay Fifi.
“Bukas”, sabay-sabay na sagot naming tatlo nila Fifi at Barbs.
“Anong oras kayo mamimili?”, dagdag na tanong ni Gema.
“Baka umaga siguro or mga bago mag lunch. May ganap kasi kami ng family ko ng hapon”, seryosong sagot ni Fifi habang tumutusok ng fishball sa plastic cup niya.
Ang “Teo and Friends” naman ay may kanya-kanya ring pinag-uusapan. Agad naman akong nagiwas ng tingin sa kanila dahil nagtama ang mga mata namin ni Teo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan yung tagpo sa pagitan namin kanina sa canteen.
“Ako rin, baka before lunch. Aalis din kasi kami nila mama ng hapon”, rinig kong sagot ni Barbs.
“Edi magsabay-sabay na tayo sa pagbili. Hindi na rin kasi ako pwede ng hapon dahil magbabantay ako ng pamangkin ko.”, ani ni Gema.
“Ikaw, Kate? Sasabay ka ba sa amin?”, tanong naman ni Fifi.
“Baka hindi eh. Tutulungan ko kasi si mama bukas. Alam niyo naman na sa umaga hanggang tanghali ang dagsa ng mga tao sa palengke”, pagpapaliwanag ko.
“Ay! Sayang naman. Oh siya, pwede mo naman ako daanan sa bahay bukas if may tanong ka sa ibang mga gamit. For sure naman ay tapos na kami mamili non at nasa bahay na ako”, turan ni Gema sabay inom ng suka mula sa plastic cup na hawak niya.
“Push!”, tanging sagot ko. Nakaramdam naman ako ng kaunting lungkot dahil mag-isa lang ako bukas na mamimili. Masaya pa naman kung magkakasama kaming apat dahil panigurado ay puro kami tawanan bukas habang namimili. Pero hindi ko naman pwedeng iwanan si mama bukas nang mag-isa sa palengke. Linggo pa naman at ito ang araw na dagsa ang mga tao sa palengke.
Ilang saglit pa ay natapos din kami sa pagkain at nagdesisyon na kaming umuwi. Medyo natawa pa ako dahil hinintay pa talaga ni Teo na makapasok ako ng bahay bago ito dumiretso sa bahay nila at pumasok ng gate nila.
Pasado alas dose na nang tanghali ngayon at laking pasasalamat namin dahil medyo humupa na ang dami ng tao dito sa palengke. Hindi kami magkandaugaga ni mama sa dami ng mga namimili kanina. Mabuti na lang din at pinili kong huwag sumabay sa mga “Not-So-Pretty” kong friends sa pamimili ng gamit para sa SM Kit namin, kung hindi ay kawawa si mama ngayon.
“Sige na, ma. Uuwi na ako para makapagpahinga. Mamimili pa ako mamayang hapon para sa mga gamit namin sa school. Sa bahay na lang din ako kakain.”, pagpapaalam ko kay mama na busy ngayon sa pagbibilang ng mga pera na kinita niya ngayong araw.
“Sige, Kate. Naibigay ko na sayo yung pera kagabi para sa mga bibilhin mo diba? Magsabi ka lang pag nagkulang ang pera mo ah”, sambit ni mama.
“Yes, ma. Sige na, uuna ko. Bye”, huling sambit ko at saka ako lumabas ng tindahan at nagsimula nang maglakad papalabas ng palengke. At dahil sobrang init dahil tirik na tirik ang sikat ng araw ay nagtricycle ako at nagpahatid sa tapat ng barangay. Ilang minuto lang ay nakarating din ako at agad akong nagbayad kay manong driver.
Nang makarating sa bahay ay inilapag ko sa may sala ang ilang mga gamit sa palengke na pinauwi ni mama sa akin. Agad din akong nagluto ng ulam para sa tanghalian ko. Nag gisa lang ako ng corned beef at nagprito ng isang hotdog.
Habang kumakain ay nag online din ako para kumustahin ang mga “Not-So-Pretty” kong friends. Pagbukas ko pa lang ng
‘Messenger’
ay agad na bumungad sa akin ang mga pictures nila habang namimili. Nakita kong sa
‘National Bookstore’
sila namili ng kanilang mga gamit. Nakaramdam tuloy ako ng inggit. Alam ko ring sinadya nilang magsend ng maraming pictures para inggitin ako. Agad akong nag reply sa mga chat nila.
Kate Tiongson
Ang cha-chaps! (Ang papanget)
Pagka send ay agad kong sinara ang
‘Messenger’
at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kumain ay umakyat ako sa kwarto ko para humimlay at makapagpahinga.
Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako dala na rin siguro ng pagod sa pagtitinda sa palengke kanina. Pag check ko ng phone ko ay mag aalas kwatro na ng hapon. Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo para maligo. Naabutan ko pa si mama na nasa sala at masayang nanonood ng TV. Maaga daw siyang nagsara dahil okay naman na daw ang kinita niya ngayong araw.
Habang naliligo ay siniguro kong kinusot ko nang mabuti ang mga dapat kusutin sa aking katawan. Sobrang init pa naman kanina sa palengke at pakiramdam ko ay nasa katawan ko ang lahat ng klase ng libag na mayroon sa mundong ito. Pagkatapos kong maligo ay nagtapis lamang ako at agad na umakyat sa kwarto ko para magbihis.
Nagsuot ako ng black na spaghetti strap short jumpsuit at tinernuhan ko ng ankle strap flat sandals. Nag apply na rin ako ng kaunting pulbo sa mukha at ang walang katapusang lip and cheek tint. Kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at binuksan ang pintuan.
Bumungad sa akin si Teo na tila nagulat din ng makita ako. Nakasuot ito ng isang white t-shirt na putok sa kanyang mga braso at isang black na walking shorts. Sumalubong din sa akin ang mabango niyang amoy na lalaking lalaki ang dating.
‘Shems. Yung panty ko’
“A-anong ginagawa mo dito?”, nagtatakang tanong ko. Saka bakit mukhang naka porma rin itong lalaking ito at parang may lakad na pupuntahan.
“Sa-samahan kita na mamili ng mga gamit mo para sa subject niyo”, nahihiyang turan niya habang kumakamot sa likod ng kanyang ulo. How can he be so cute and hot at the same time? Iwinaksi ko agad ang nasa isip ko. Hindi maaring maakit ako ng lalaking nasa harapan ko kahit na hindi niya naman talaga ako inaakit.
“Paano mo nalaman? At sino ang nagpaakyat sayo dito?”, sunod-sunod na tanong ko sakanya.
“Narinig ko ang usapan ninyo kahapon sa plaza. Saka si Tita Analyn ang nagpa akyat sa akin dito.”, turan niya ngunit hindi siya nakatingin sa akin.
“Very tsismoso ah. Nakikinig sa usapan nang may usapan”, pang-aasar ko para naman mabawasan ang awkward na feeling sa pagitan namin. Binuksan ko ng malaki ang pintuan at agad siyang pinapasok. Never pa ko nagpapasok ng lalaki sa kwarto ko. Ang mga “Not-So-Pretty” kong friends pa lang ang nakakapasok dito. Kahit noong mga bata kami ay never nakaakyat dito si Teo. Sa may sala lang kami ng bahay palaging naglalaro o kaya naman ay sa bahay nila.
“Pasensya na at wala akong aircon dito sa kwarto ko.”, sambit ko habang inaayos ang isa ko pang electric fan. Isinaksak ko ito at agad na itinapat sa kanya. Dumiretso naman ito ng upo sa aking kama habang inililibot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kwarto ko.
“That’s fine”, tanging naging sagot niya. Napansin ko naman ngayon na sinusuri niya ang kabuuan ko. Huwag niyang sabihin na aangal nanaman siya sa suot ko? Kukutusan ko siya.
“Enjoying the view, huh?”, nakangising sambit ko. Nagulat siya at agad na nagiwas ng tingin. Nakita kong napalunok pa sya ng laway dahil gumalaw ang adams apple niya.
“May problema ka ba sa suot ko?”, diretsong tanong ko sakanya.
“Wa-wala naman”, umiiling-iling na sagot niya.
“Good”, nakangiting sagot ko at muling ipinagpatuloy ang pagpapatuyo ng aking buhok.
Makalipas ang halos 15 minutes ay natapos din ako. Nakita kong busy si Teo sa paglalaro ng mobile games. Tinawag ko ang pansin nito at inaya nang bumaba papuntang sala.
Pagbaba namin ay naabutan namin si mama na nasa kusina at naghahanda para sa magiging hapunan at si papa na halos kakauwi lang din. Binisita ni papa ang kumpare niya na ninong ko rin.
“Oh! Ang ganda at gwapo naman ng mga batang ito. Saan ang date ninyo?”, masayang bungad sa amin ni papa nang makarating kami sa sala. Sinamaan ko lang ng tingin si papa na ikinatawa naman niya.
“Hindi kami magde-date, Pa”, walang kagana-ganang sagot ko.
“Ganun ba? Akala ko may date kayo eh. Hehe. Oh siya, mag-iingat kayo. Teo, Anak. Ingatan mo itong maganda kong anak ah”, masayang turan ni papa habang tinatapik-tapik pa sa balikat si Teo. Napa irap na lang ako sa aking isipan dahil sa inaakto ni papa.
“Grabe naman si papa. Parang ipinamimigay ako”, lungkot-lungkutan kong turan habang nakatingin kay papa. Tinawanan lamang ako nito at sinenyasan na umalis na.
“Yes po. Ako na pong bahala. Mauuna na po kami, tito at tita”, muling paalam ni Teo at saka kami lumabas ng bahay at naglakad palabas ng aming barangay.
Pagdating namin sa may kanto ay akmang paparahin ko na ang paparating na jeep ng pigilan ako ni Teo.
“Hold on. Wait for me here”, binigyan lamang niya ako ng matamis na ngiti at agad itong tumawid sa may kabilang kalsada at mabilis na naglakad papalayo. Saan naman kaya pupunta ang lalaking iyon. Tama bang iwan ako mag-isa dito. Pwede niya naman ako isama kung saan man siya pupunta eh.
Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at agad na nag online habang hinihintay na bumalik si Teo. Binuksan ko ang
‘Messenger’
ko at chineck ang group chat namin ng mga “Not-So-Pretty” kong friends. Nireplyan nila yung huli kong chat ng sandamakmak na mga pictures. Ang ilan dito ay mga stolen shots pa ni Fifi at Barbs na akmang inilalagay sa mga bag nila ang ilang mga gamit sa national bookstore. Mahina akong natawa.
‘May balak pa atang mag shop lift ang mga bakla.’
Nagpatuloy ako sa pagtingin ng mga pictures nang biglang may huminto na itim na sasakayan sa harapan ko. Bumukas ang bintana nito at nanlaki ang mga mata ko.
“Get in, Kate”, mariing utos sa akin ni Teo.
21
Nakatulala pa rin ako kay Teo na nasa loob ngayon ng itim na sasakyan. I don’t know anything about cars, pero base sa itsura nito ay mukhang mamahalin ito. Sobrang kinis at halatang bagong-bago pa.
“Hey! I said get in the car”, pinal na sabi ni Teo habang mariin na nakatingin sa akin.
Natataranta naman akong binuksan ang pintuan sa passenger seat at agad na sumakay.
“Fasten your seatbelt, please”, pakiusap ni Teo.
Agad kong kinapa ang seatbelt sa may gilid ko ngunit hindi ko ito mahila. Ilang segundo pa akong namroblema kung paano ko ito mahahatak nang bigla akong hawakan ni Teo at pilit na ipinaharap. Agad naman niyang kinalas ang seatbelt niya at inabot ang seatbelt sa gilig ko. Sobrang lapit ng katawan namin sa isa’t-isa. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso. Muli ko nanamang naamoy ang panlalaki niyang amoy na tila dinadala ako sa ibang dimension. Gusto kong isiksik yung mukha ko sa katawan niya at amuyin na lang sya buong magdamag.
Nagiwas naman ako ng tingin at agad na sumilip sa bintana. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko. Nagawa naman niya agad na mahila ang seatbelt at agad itong ikinabit sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag ng lumayo na ang katawan at mukha niya sa akin at muli niyang isinuot ang kanyang seatbelt.
“So, where are we going?”, tanong niya habang nakahawak sa manibela at nakatingin sa akin.
“Ahh. Di-diyan lang sa pinakamalapit na mall.”, nahihiyang turan ko habang tinuturo ang daan sa aming harapan na akala mo ay nasa tapat lang namin ang mall. Hindi ako maka move on sa nangyaring paglapit ng mukha at katawan niya sa akin. Bigla kasing uminit yung pakiramdam ko. Idagdag mo pa na hindi pa rin nawawala sa pang amoy ko yung mabango niyang amoy na nagbibigay sa akin ng kakaibang kiliti.
“Okay. Let’s go!”, pag-aya niya at nagsimula nang mag drive.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Hindi ko akalain na mayroon na pala siyang sasakyan. Though hindi naman nakakapagtaka dahil they can afford naman, pero di ko lang inexpect na sa edad namin ay may sasakyan na siya. Napapaisip tuloy ako kung bakit sa isang State University siya nag-aaral ngayon at nagtitiis sa mainit at hindi kagandahang facilities gayong afford naman niyang mag-aral sa isa sa mga private at sikat na universities dito sa pilipinas.
“Kailan ka pa nagkaroon ng sasakyan?”, ala-marites na tanong ko sa kanya dahil hindi na kaya ng kyuryosidad ko.
“It was a gift from my dad on my 18th birthday”, sagot niya habang nasa daanan pa rin ang mga mata.
“Taray! Debut yarn?”, natatawang asar ko sa kanya. Nakita kong medyo natawa rin siya. At ang ganda lang sa paningin na makita ang ngiti niya mula sa maliit na tawa na nagmula sa kanya.
“Since I’m already of legal age, my dad thought it was time for me to learn how to drive.”, sambit niya.
May point naman. Malaking tulong talaga pag may sarili kang sasakyan lalo’t sobrang hirap ang mag commute dito sa pilipinas.
“Good for you. Pero saan ito naka parada? Sa sikip ng barangay natin imposibleng maipasok mo ito sa loob”, dagdag na tanong ko.
“Nasa bahay ito ni dad. Kinuha ko lang para sa lakad natin ngayon”, awkward siyang napangiti habang kinakamot ang likod ng batok niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin name-meet and daddy niya. Mabait din kaya siya gaya ni Tita Myra? Siguro ay pogi din ito at sa kanya nakuha ni Teo ang kapogian.
“Luh? Sana di mo na ginawa. Nakakahiya naman. Pwede naman tayo mag commute eh.”, nahihiyang turan ko. Pero sa kabila ng hiya ay nakaramdam din ako nang tuwa sa aking puso dahil sa narinig. Talagang nag effort pa siya.
“Wala lang. Gusto ko lang gamitin kasi ang tagal na noong huli ko itong ginamit. Saka, I thought na it would be better if ikaw ang unang tao na maisakay ko dito”, nahihiya siyang natawa. Gulat naman akong napatingin sa kanya. Namumula ang kanyang mga tenga habang diretsong nakatingin sa daan at patuloy na nagmamaneho.
“Ta-talaga ba? Ako pa lang ang unang naisakay mo dito?”, hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tanging tango lang ang naging sagot niya.
“Kahit sila Tita Myra or kahit si Maica, hindi pa nakakasakay dito?”, dagdag na tanong ko.
“Nope. You are the first one”, nakangiting turan niya. Lumingon ito saglit sa akin at ginulo ang aking buhok.
Agad kong inilipat ang tingin ko sa bintana. Natutuwa kasi ang puso ko sa mga naririnig ko. Nag init bigla ang mukha ko at alam kong namumula na ako ngayon. Hindi na ako muli pang nagsalita dahil hindi ko naman din alam ang dapat ko pang sabihin. Si Teo ay naging busy na rin sa pagmamaneho.
Nang makarating kami sa mall ay medyo nahirapan kami maghanap ng parking. Linggo ngayon at halos mag gagabi na rin kaya marami ang tao ngayon. Nang makalabas ng sasakyan ay naglakad agad kami papasok ng mall.
“Where are going now?”, tanong ni Teo.
Naiilang ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. I mean, siya lang pala. Pero dahil kasama niya ako, pati ako ay nakakatanggap rin ng mga tingin na tila sinusuri ang buong pagkatao ko. Yung feeling na hindi mo alam kung natutuwa ba sila sa presensya mo or baka hinuhusgahan ka na nila.
“Sa
‘National Bookstore’
tayo”, simpleng sagot ko habang diretso lang na nakatingin sa nilalakaran namin. Iniiwasan kong salubungin ang mga matang nagmamasid sa amin.
Ilang sandali pa ay narating din namin ang
‘National Bookstore
’ at
medyo madami rin ang tao. Mga estudyante na bumibili ng mga school supplies, mga magulang na kasama ang kanilang mga anak, may mga guro at professors din na abala sa pag tingin ng mga libro.
“So, what do you need?”, tanong sa akin ni Teo. Hanggang dito sa loob ng
‘National Bookstore’
ay hindi pa rin kami nakakatakas sa mga tao na panay ang tingin sa amin.
Agad ko namang inilabas ang listahan ng mga bagay na kailangan ko.
“Luh? Ang dami. Para saan naman ang mga iyan?”, gulat na tanong ni Teo.
“Ganun talaga, Teo. Ang SM (Stage Managers) Kit ay naglalaman ng maraming bagay na ginagamit ng isang during rehearsals at shows. Karamihan sa mga ito ay mga normal na school supplies gaya ng mga lapis, pentel pen, iba’t-ibang uri ng tape (Scotch Tape, Duct Tape, Masking Tape), Sticky notes, Tape Measure, Cutter, Erasers, Safety pins, Hair Ties, Cable ties, at kung ano-ano pa.”, sabay abot ko sakanya ng listahan.
“Ayan. Tignan mo isa-isa para malaman mo lahat. Hindi ko kasi kabisado. Hahaha”, natatawang sambit ko. Tinanggap naman niya yung papel at inisa-isa ang mga nakalista doon.
Kumabaga, dapat ay mala
‘Girls Scout/Boy Scout’
ang mga SM at palaging handa kung ano man ang kakailanganin ng mga actors at iba pang production staff during rehearsals at shows.
“Okay. So before anything else, dapat unahin natin yung Kit na paglalagyan mo”, suggestion ni Teo.
“Oo nga no?. Tara doon”, aya ko sa kanya at natungo kami sa section kung saan nakalagay ang mga
‘Storage Box’.
“Here, check this”, pagpapakita sa akin ni Teo ng isang rectangle na storage box. Ganito yung mga storage box na ginagamit ng mga manicurista. Yung Rectangle ang hugis na transparent at may handle sa ibabaw.
“Ayown! Feeling ko okay na yung ganito lang kalaki. Para hindi mahirap bitbitin. Saka motsly naman ng mga bagay na ilalagay ko jan ay hindi rin naman kalakihan”, pagpapaliwanag ko sabay kuha ng isa.
“Great! What’s next?”, masayang turan ni Teo. Tila ba successful siya dahil nahanap niya ang isa sa mga gamit na kailangan ko. Masaya rin ako dahil kahit papaano ay may katulong ako sa paghahanap. Mapapabilis ang pamimili ko. At may katulong rin ako sa pagdedecide kung ano ba ang mas dapat kong piliin at ano ang hindi. At higit sa lahat ay hindi ako mabobored sa pamimili.
“Tara doon sa mga school supplies”, pag-aya ko kay Teo.
Habang naglalakad ay pansin ko pa rin ang mga mata na nakatingin sa amin. Narinig ko pa ang bulungan ng ilan sa mga kababaihan na nakasalubong namin na tila kinikilig sa nasasaksihan. Alam ko naman na pogi yung kasama ko pero grabe naman sila kiligin. Sobrang obvious.
“Ang cute nila. Bagay na bagay silang dalawa”
Rinig ko pang sambit ni ate girl na naka yellow na dress habang hawak-hawak ang isang pocket book ng
‘Precious Hearts Romances’
. Hindi ko pinansin si ate at nagpatuloy sa paglalakad hanggang marating namin ang section ng mga lapis, pens, tapes at kung ano-ano pa.
“Hala! Ang cu-cute at ang gaganda naman ng mga erasers pati ng mga ballpen”, natutuwang turan ko. Iba’t ibang kulay ng mga lapis at ballpens ang nasa harapan ko. Ang iba ay may mga design pa. At ang cu-cute rin ng mga erasers na iba’t iba ang hugis. Yung tipong kahit nakabalot ng plastic ay alam mong mababango ang mga ito at ang sasarap kainin.
Nagtaka naman ako sa pananahimik ni Teo simula nang umalis kami sa
‘Storage Box’
section. Nilingon ko siya at mataman lamang itong nakatingin may bandang ibaba. Agad kong inilipat ang mga mata ko sa kung saan sya nakatingin at bumungad sa akin ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Nanlaki pa muna ang mga mata ko bago ko tuluyang bitawan ang kanyang kamay.
“Hala! So-sorry”, nahihiyang paumanhin ko. Kaya ba nakatingin sa amin ang lahat ng nakasalubong namin kanina at ang iba ay kinikilig pa dahil magkahawak ang aming mga kamay?
“Hi-hindi ko sadya. Hindi ko namalayan. Hehe. Sobra lang akong naexcite”, nahihiyang pagpapaliwanag ko pa.
“That’s fine”, tanging sagot niya habang kumakamot sa likod ng ulo niya.
‘Luh?’
Nahihiya ba siya? Bakit? Eh ako nga itong dapat na mahiya dahil ako ang humawak sa kamay niya.
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na sa pamimili. Naka sunod lang sa akin si Teo at tinatanong ko siya paminsan-minsan about sa opinion niya kung ano ba ang mas better na bilhin ko.
Habang nakaupo ako na parang tumatae at busy sa paghahanap ng mga kulay na gusto ko para sa sticky notes ay may biglang kumalabit sa akin.
“Miss? Pwede po ba kaming picturan?”, magalang tanong ni ate girl. Nakasuot ito ng crop top na puti at naka maong na shorts. Plakado rin ang kilay nito at namumutok ang blush on sa pisngi.
“Ahh. Su-sure.”
Isang malaking ngiti ang gumuhit sa kanyang kabi at dali-dali itong lumapit sa tabi ni Teo at kumapit sa braso nito. Pormal lang na nakatayo si Teo habang diretsong nakatingin sa akin. Napa irap ang mga mata ko sa aking isip ng makita ang paghaplos nito sa braso ni Teo.
“Okay. Ready, 1, 2 and 3”, sambit ko sabay pindot sa screen ng cellphone.
“Miss, pwede isa pa?”, muling pabor ni ate girl.
“Okay.”, walang kagana-gana kong sagot. This time ay mas inilapit ni ate girl ang kanyang katawan kay Teo. Si Teo naman ay normal lang na nakatayo sa tabi ng babae. Bakas naman sa mukha ni ate girl na gustong-gusto niya ang nangyayari at halos abot tenga ang kanyang ngiti
‘Tss. Landi’
“1,2 3”, muling bilang ko sabay pindot ulit sa screen ng cellphone.
“Sorry, miss. Last na. Please”, pagmamakaawa nito sa akin habang nagpapa cute. Muli akong napa irap sa aking isipan. Hindi pa ba sapat yung dalawang picture? At nakuha pa magpa cute sa akin eh hindi naman siya cute.
“Tss. Ang arte-arte”, mahinang bulong ko. Inaabala masyado yung pamimili ko eh.
Nagulat na lamang ako ng bigla niyang kinuha ang mga braso ni Teo at kusa niya itong ipinalupot sa kanyang bewang. Maging si Teo ay nagulat sa ginawa ni ate girl pero mas pinili niyang huwag na lang mag react.
‘Aba! Tibay at lakas ng loob ah! Huli mo yung gigil ko, ate girl’
Bunga ng inis na nararamdam ko dahil sa ginawa ng babae ay sinadya kong i-blurred yung picture. Sisiguraduhin kong hindi mo mapapakinabangan ang picture na nakapulupot ang mga braso ni Teo sa bewang mo.
“Isa pa, girl”, pag-uutos ko sa babae.
Kinikilig naman itong nag peace sign at tila ine-enjoy ang mga braso ni Teo na nakayapos sa kanyang bewang. Dahil may tinatago rin naman akong kalokohan. Izinoom ko yung camera at sinakto ko sa buong screen ang mukha ni ate girl at pinicturan ito ng maraming beses. Pagkatapos ay pasimple kong ni-close yung camera app. ng phone niya at ibinigay sa kanya.
“Thank you po”, nakangiting pasasalamat nya sa akin.
“Thank you rin po, Kuya”, pabebeng pasasalamat naman niya kay Teo. Kuya daw? Is she trying to flirt with Teo? Naaalala ko yung sinabi ni Teo na ang mga taong gumagamit ng ‘PO’ sa mga kaedad lamang nila at ang mga tumatawag ng ‘KUYA’ sa hindi naman nila kaano-ano at kasing edad lang din nila ay mga senyales ng pang fi-flirt.
“Walang anuman, ate. Sige, bye”, pagpapaalam ko sa babae at agad kong kinuha ang basket ko at hinila si Teo. Nakita kong nagulat pa ang babae sa ginawa ko pero nilampasan lamang namin siya at agad na lumayo. Kailangan namin makalayo agad bago pa makita ni ate girl yung huling mga pictures na kinuhanan ko sa cellphone niya.
Nang masigurong malayo na kami kay ate girl ay agad kong binitawan si Teo.
“Bakit hindi ka man lang nag react or pumalag sa ginawa ng babae kanina?”, medyo naiinis kong tanong kay Teo. Diretso lamang siyang nakatingin sa akin at tila inaalam kung saan at ano ang pinanggagalingan ng inis ko.
“Kita ko sa mukha mo na hindi ka komportable kanina”dagdag ko pa.
“Ah. A-ayoko lang kasi siyang mapahiya”, depensa naman ni Teo.
“So mas pipiliin mong huwag mapahiya yung tao kahit ginagawan ka na ng isang bagay na hindi ka naman komportable?”, seryoso kong tanong sa kanya. Hindi sya nakasagot. Mababakas din sa mukha niya ang gulat dahil sa reaksyon ko.
“So-sorry. Hindi naman ako galit. Naiinis lang ako sa ginawa nung babae”, pagpapaumanhin ko.
“Hindi nya dapat ginagawa ang mga ganung bagay lalo’t walang permiso galing sa’yo. Hindi niya siguro alam ang salitang ‘Consent’.”, pagpapaliwanag ko kay Teo. Napayuko na lamang ako sa hiya at unti-unting naglaho yung inis ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko na baka ma misinterpret niya yung pag-iinarte ko ngayon.
At about sa ginawa ni ate girl, isa yon sa mga kinaiinisan ko. Consent is a must. Lalo’t hindi naman kayo magkakilala. Hindi mo pwedeng basta-basta na lang hawakan ang isang tao ng walang permiso. What if sa kanya gawin yun ng isang lalaki nang walang permiso mula sa kanya? Napabuntong hininga na lang ako sa frustrations.
“I understand where you are coming from. And you are right. People should know what consent is. Hayaan mo, hindi na mauulit. Next time ay papalag na ako. Hahaha”, pag-aassure ni Teo. Nginitian lamang niya ako at sunod na ginulo ang aking buhok.
Matapos ang halos isa’t kalahating oras na pamimili ay nakumpleto ko din ang nasa listahan ko. Mabuti na lang din at nandito ang lahat ng kailangan ko. Kasalukuyan na kaming nakapila sa may counter at isa-isa nang ini-scan ng cashier ang mga pinamili ko. Nakita ko pa si ate girl na nagpapicture kay Teo kanina na nakapila sa katabing counter at masamang nakatingin sa akin. Binigyan ko lang siya ng
‘What?’
look at agad ako nitong inirapan. Natawa naman ako nang muli kong maalala yung itsura niya na sakop yung buong screen ng phone niya.
“What’s so funny?”, tanong ni Teo sa akin.
“Ah. Wala. May naalala lang ako. Hehehe”, pagpapaliwanag ko sakanya.
“2,476.75 pesos po lahat, mam”, pag imporma ng cashier sa akin. Mabuti na lang at sakto ang perang ibinigay sa akin ni mama na 2,500.00 pesos.
Dinukot ko ang pera mula sa sling bag na suot ko at akmang iaabot ko na ito sa cahsier nang maunahan ako ni Teo. Nakita kong tinanggap ng cashier mula sa kanya ang tatlong libong piso.
“I received 3,000.00 pesos”, bigkas ng cashier.
“Luh? Huwag na, Teo. Ako na”, pagpipigil ko ngunit huli na dahil naipasok na ng cashier ang pera sa kaha niya at kumukuha na ito ng panukli.
“No. Ako na. Huwag na kumontra”, seryoso nitong sambit.
“Here’s the change, sir”, ani ng cashier sabay abot ng sukli kay Teo. Inabot naman ito ni Teo at inilagay sa kanyang coin purse.
“Ang kulit naman eh”, naiinis na turan ko. Tinawanan niya lang ako habang pinapanood ang bagger na balutin ang lahat ng pinamili ko.
“Ito oh! Bayad ko yan”, agad kong kinuha yung kamay niya at ipinatong ang 2,500.00 pesos.
“Mas makulit ka. Sinabing huwag na nga at ako na ang magbabayad”, natatawa pa ring sambit niya at ibinalik sa kamay ko ang 2,500.00 pesos. Napairap na lang ako at wala nang nagawa pa. Kahit naman makipag talo ako sa kanya ay hindi rin siya papapigil. Mauuwi lang kami sa walang katapusang pagtatalo.
Natapos ang bagger sa pagbabalot ng mga pinamili ko at iniabot ito kay Teo. Nahiya naman ako dahil tatlong plastic bags rin ang hawak niya.
“Akin na, hati tayo”, pag kuha ko ng isa sa mga plastic bag sa kamay niya.
“No! Ako na. Kaya ko naman saka magagaan lang ang mga ito”, pagpigil niya sa akin.
“Yun na nga eh. Magaan naman kaya ko rin buhatin ang mga iyan.”, muling agaw ko ng mga plastic bags. Agad niya naman itong ini-angat sa ere para mailayo sa akin.
“Huwag ng makulit, Kate. Ako na sabi eh”, maotoridad niyang sabi. And as usual, wala nanaman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya. Dahil again, hindi naman siya magpapatalo.
“Let’s bring these plastic bags to the car tapos balik na lang tayo para kumain”, pinal na sabi niya at nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot.
Kasalukuyan na kaming naglalakad dito sa mall at naghahanap nang makakainan. Isa pa naman ito sa mga struggles ko pag nandito sa mall, ang mag decide kung saan kakain. Maraming kainan dito pero syempre, auto cancel agad yung mga mamahalin na kainan. Kaya ang mga choices na mayroon ako ay ang mga fast food chain, at dahil karamihan ng mga fast food restaurant ay nakainan ko, nahihirapan akong pumili dahil masasarap naman lahat.
“Where do you want to eat?”, tanong ni Teo.
“Hmmm. Jollibee? Mcdo? Chowking? Hindi ko rin alam eh”, sagot ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tinatantanan ng mga matang nakatingin sa aming dalawa.
“Puro naman fast food yang choices mo. Try something new”, sambit niya habang diretso lang din na nakatingin sa nilalakaran namin.
“Eh wala naman akong ibang maisip. Mamahalin na yung ibang kainan dito at hindi keri ng budget ko”, seryoso kong turan. Hangga’t maaari ay iniiwasan ko ang gumastos ng malaki. Lalo’t ngayon ay sobrang laki ng tulong ni Teo dahil siya ang nagbayad ng mga pinamili ko. Yung pera na ibinigay sa akin ni mama ay idadagdag ko na lang sa ipon ko. Para in case kailanganin ko ng mas malaking pera, may pagkukuhanan ako.
“This is our first date. Let’s make it special naman”, wala sa sarili niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at napahinto ako sa paglalakad.
“Huh?”, nagtataka kong tanong. Napansin niyang huminto ako sa paglalakad kaya humarap siya sa akin.
“What?”, nagtataka rin niyang tanong sa akin.
“Anong sabi mo?”, tanong ko ulit sa kanya. Bakas sa mga mata niya na naguguluhan siya.
“Huh?”, takang tanong niya ulit.
“Huwag kang magpanggap jan Teo ah. Naiinis ako”, seryoso kong sambit.
“Ano? Bakit nanaman? May sinabi ba akong masama?”, nalilito pa rin niyang tanong.
“Sabi mo kanina
‘This is our first date. Let’s make it special’
”, nilaliman ko pa yung boses ko to imitate kung paano niya binigkas ang mga salitang iyon.
Nanlaki ang kanyang mga mata at agad din na nag-iwas nang tingin. Napakamot na lang siya sa likod ng ulo niya at tila nagiisip kung ano ang idadahilan niya.
22
Dinala ako ni Teo sa isang mamahalin na Chinese Restaurant. Itsura pa lang at ambiance ng restaurant ay malalaman mo agad na mahal ang kumain dito. Hindi rin kasi ganoon kadami ang mga tao. Iilan lamang ngunit kung titignan mo sila ay nagsusumigaw ang
“aura”
nila at ipapamukha sayo na mayayaman silang tunay.
Iginaya kami ng waiter sa isang table at kasunod nito ay ang pag lapag ng isa pang waiter ng dalawang baso ng tubig sa lamesa. Dinampot naman ni Teo ang menu na nasa harapan namin at nagsimula nang tumingin ng mga kakainin. At syempre nagsimula na rin akong tumingin sa menu.
At totoo nga mga cyst! Nakakalula ang mga presyo ng mga pagkain. Yung iba ay kakaiba ang pangalan ng pagkain pero kung titignan mo yung picture nung mismong pagkain eh makakahanap ka nito ng bangketa version. Gaya na lamang ng siomai na hindi ko alam kung paano bigkasin yung pangalan. Basta ang alam ko eh siomai ito na super duper overpriced.
“Ang Maharlika naman dito, Teo. Sa iba na lang tayo kumain.”, pagmamakaawa ko sa kanya. Abala pa rin ito sa pag tingin sa menu.
“Teo?”, muling pag tawag ko sa kanya.
“Hmmm”, tanging sagot lang nya.
“Sa iba na lang tayo kumain, yung mas mura dito. Di keri ng budget ko”, pamimilit ko sa kanya. Kulang pa yung 2,500.00 pesos na bigay sa akin ni mama pambayad sa isang dish na nandito eh.
“No. Nandito na tayo. Saka nakakahiya if aalis pa tayo”, sambit niya habang nakatingin pa rin sa menu.
“Eh wala nga akong pambayad. Hindi ka ba nakakaintindi dzaii?”, naiinis kong bigkas. Nakailang ulit na kasi ako na wala nga akong pera pambayad at mapilit pa rin sa gusto niya.
“Who said na magbabayad ka?”, ibinaba nya ang menu saka diretsong tumingin sa akin.
Oo nga naman. Wala naman syang sinabi na magbabayad ako. Okay? Edi ako na ang dukha.
Chariz!
“This is our first
‘friendly date’
after nating hindi magkita ng ilang taon. So you don’t have to worry. It’s all in mine”, pinal niyang sabi habang cute na nakangiti sa akin.
Nawala yung pag woworry ko sa ibabayad sa mga kakainin ko dito dahil nalipat ang atensyon ko sa sinabi niyang
‘friendly date’
daw. Hindi ko alam ngunit parang biglang bumaba yung energy ko don. Parang nanlamya ako bigla.
‘Friendly date’
?
“Malamang Kate mag friends kayo, este childhood best friends na nag reunite. Ano bang ineexpect mo? Mayroon ka bang dapat iexpect?”
sambit ko sa aking isip at ibinalik na lamang ang mga mata sa menu na hawak ko. At totoo naman na this is our first time na lumabas ng kami lang dalawa. Hindi naman namin ito nagagawa noon dahil mga bata pa kami at ngayon lang ulit kami nagtagpo after so many years.
Ang sabi niya kasi kanina ay
‘first date’
namin ito. Rinig na rinig ko iyon. Malinaw na malinaw. Tapos ngayon naging
‘friendly date’
na lang?
“Pero atleast, parehas pa rin na ‘date’
.”, sambit naman ng kabilang parte ng isip ko.
Napahinto ako sa pag-iisip nang tanungin na ako ni Teo kung ano ang oorderin kong pagkain.
“Hindi ko rin alam eh. Kung ano na lang yung sa’yo ay ganon na lang din ang sa akin”, sagot ko sakanya at pilit na ngumiti.
“Okay”, tanging naging sagot nya.
“Mag c-CR lang ako saglit, Teo”, pagpapaalam ko.
“Okay. Take your time”, nakangiti nyang sambit.
Agad akong tumayo at naglakad papuntang comfort room. Pumasok ako sa women’s restroom at mabuti na lang din ay walang tao. Isa ito sa marami pang struggles na kinakaharap ng mga transgender people at isa ito mga mainit na issue at usapin sa panahon ngayon.
Napapaisip na lamang kami palagi kung saan ba talaga kami lulugar. Kung sa restroom kami ng mga lalaki papasok, sasalubong sa amin ang mga mapanghusgang mga tingin na akala mo ay nanakawin namin ang mga ari nila. Well, kung tatanungin din naman kami ay mas nag woworry kami sa safety namin. Knowing the fact na mataas ang bilang ng mga abuse at harassment ng mga Cismen towards the member of the LGBTQIA+ community.
Kung sa restroom naman kami ng mga babae papasok ay may iilang mga babae ang hindi komportable. And we totally understand that. But they also have to understand and accept na we are also women. We are not a threat. We just feel safer to be with other women. After all, we’re just here para lang mag CR.
Pumasok ako sa isang cubicle at agad na umihi. Ilang saglit lang ay lumabas ako at nagtungo sa sink para maghugas ng kamay. At habang naghuhugas ay may ilang kababaihan na rin ang pumasok sa loob para mag CR. Nagmadali na lang ako dahil ayaw kong makita sila na hindi komportable sa presensya ko at ayaw ko magkaroon ng kung ano pang komosyon gaya na lamang ng mga nababalita sa T.V.
Pagkalabas ay agad akong naglakad papunta sa table namin ni Teo. Habang naglalakad ay nakita ko sa malayo na may kausap si Teo na isang babae at lalaki. Nakatalikod sa akin si Teo kaya hindi ko tanaw ang kanyang mukha, samantalang si ate girl naman ay matamis na nakangiti at tila nagniningning ang mga bituin sa kanyang mga mata. Pero infairness ay maganda sya. At yung kasama niyang lalaki ay pogi din. Magkamukha nga sila, actually. For sure na magkapatid ang mga ito.
Nang makarating ako ay narinig ko pa silang nagtatawanan at agad naman akong nagtungo sa upuan ko. Nakita ko naman na napapitlag si ate girl dahil sa biglaang pagsulpot ko at tumingin ito sa akin ng may pagtataka. Binigyan ko lamang sya ng isang matamis na ngiti.
“Oh! Hi, beautiful lady”, agad na bungad sa akin ng kasama niyang lalaki. Narinig ko naman na tumikhim si Teo.
“Hello sa inyo”, nahihiyang bati ko sa dalawa.
“I’m Karl”, masayang sambit ng lalaki at inilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito at nakipag shake hands. Infairness, malambot ang kanyang mga kamay. Halatang hindi gumagawa ng mga gawaing bahay. At mas pogi sya sa malapitan. Halos kasing tangkad din sya ni Teo. Dagdag mo pa yung mga dimples niya na nagbibigay buhay sa kanyang mga ngiti. Ang cute lang.
Nalipat naman ang tingin ko sa babae na tila sinusuri ako nito. Sa tantya ko ay kasing edad ko lang siya. Same height kami, same kami ng hulma ng katawan at mga braso. Medyo singkit din ang kanyang mga mata.
“Who is she?”, tanong ng babae kay Teo ngunit ang mga mata niya ay nakatuon pa rin sa akin.
“Ah yeah. Guys, this is Kate”, magiliw na sagot ni Teo.
“Oh! Hi Kate. I’m Kath. Mateo’s best friend”, nakangiting turan ng babae at agad itong naglahad ng kamay.
‘Best friend?’
Tama ba yung narinig ko? Bakit hindi sya kaaya-aya sa pandinig ko. May kakaiba akong nararamdam na hindi ko maipaliwanag.
“Hello. I’m Kate”, pagpapakilala ko ulit sabay abot ng kanyang mga kamay para makipag shake hands.
“Teo’s childhood best friend”, binigyan ko lamang sya ng matabang na ngiti habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha na agad din na nawala at napalitan ng maitim na awra.
Agad din naman akong umupo at hinayaan na lamang silang ipagpatuloy ang kanilang usapan. Nagpatuloy sila sa pangangamusta sa bawat isa. Nagtatanungan about sa mga current update sa kanya-kanya nilang mga buhay. Nakikita ko sa peripheral view ko ang panaka-nakang sulyap sa akin ni Kath at nahuli ko pa siya na inirapan ako nito.
Agad akong tumingin sa kanya at agad din naman siyang nag iwas ng tingin at ibinalik ang atensyon sa pakikipagusap na tila walang syang ginawa na kung ano man.
“Isa pang irap mo at tutusukin ko talaga ng tinidor na nasa harap ko yang mga mata mo”
, sambit ko sa aking isipan. As if naman na kaya ko talagang gawin iyon. Of course not. Hindi naman tayo bayolenteng tao. Saka bakit nya ba ako iniirapan. Inaano ko ba sya? Hindi ko nga sya kilala eh. Lakas amats amp.
Matapos ang ilang minuto pa ay nagsimula na silang magpaalam kay Teo.
“It’s so nice to see you again, bro.”, nag bro-hug silang dalawa.
It’s also nice to meet you, Kate”, nakangiting sambit sa akin ni Karl. Binigyan ko na lamang sya ng isang matamis na ngiti. Ayoko na magsalita pa dahil nawalan na ko nang gana.
“Good bye, Mateo.”, pagpapaalam naman ni Kath sabay halik sa pisngi ni Teo. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
“I really missed you”, pabebeng sambit nya pa sabay yakap kay Teo.
“I miss you too”, sagot naman ni Teo at niyakap pabalik si Kath. Ramdam na ramdam ko na miss na miss din talaga nila ang isa’t isa. Gaano kaya sila ka close? Kasi mag best friend sila eh.
Napairap na lang ako sa aking isipan dahil sa inis na nararamdaman.
Hindi na nag abala pang magpaalam si Kath sa akin. Agad na nitong hinila si Karl at nagsimula na silang maglakad papalabas ng restaurant. How rude!
“Ahh, Kate. Mag restroom lang ako”, pagpapalaam naman ni Teo.
“Go!”, tanging sagot ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa kawalan.
Saktong pag-alis ni Teo ay sya namang pagdating ng mga inorder naming pagkain. At nalula na lamang ako sa sobrang dami. Hindi pa nga kami kumakain pero namomroblema na agad ako kung paano namin ito uubusin. Napa cross arms na lang ako at tumitig na lamang sa kawalan.
Hindi ko pa rin makalimutan ang pag irap sa akin ng Kath na’yon. Akala niya siguro ay hindi ko sya makikita? Simula ng banggitin ko kasi na childhood best friend ako ni Teo ay nagiba ang awra niya bigla. Bakas sa kanya ang pagtataka at pagkainis. Para bang may ginawa akong malaking kasalanan sa kanya.
Nagagalit ba sya dahil mas nauna akong naging best friend ni Teo kaysa sa kanya? o Nagagalit siya dahil baka agawin ko sa kanya ang best friend niya? Yun ba yon? Eh kung tutuusin nga na sa sobrang tagal ng panahon ang lumipas ay hindi ko na alam kung ano na ba ang mga nagbago kay Teo. Maliban syempre sa pisikal na changes na nangyari sa kanya. Batang Teo ang kilala ko noon. Iba sa Teo na kasama ko ngayon.
Kung sino man sa aming dalawa ng Kath na iyon ang mas nakakakilala kay Teo ngayon, siya iyon. Kasi mas mahaba ang pinagsamahan nila kumpara sa amin. Siya ang nakasama ni Teo growing up.
“What’s the matter?”, napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Teo kasabay ang pag-upo nya sa harapan ko.
“Wa-wala naman.”, sagot ko sa kanya.
“Okay. Tara na, kumain na tayo”, pag aya nya sa akin.
Nawala bigla ang mga iniisip ko kanina at nag focus na ako sa mga pagkain ngayon. Sobrang sasarap kasi. Well, dapat lamang na maging masarap sila dahil ang mahal kaya ng mga presyo nito. Masaya akong kumakain with matching pasayaw-sayaw pa ng katawan ko. Ganito nagiging epekto sa akin pag masarap ang pagkain at idagdag mo pa na gutom ako. At si Teo naman ay tila naaaliw sa mga nasasaksihan.
“Sino pala sila?”, out of nowhere kong tanong sa gitna ng aming pagkain.
“Who?”, tanong niya pabalik sabay subo ng pagkain.
“Sila Karl at Kath”, matabang kong sagot.
“Ahh. Anak sila ng close friend ni daddy. Sila yung nakasama ko simula noong umalis kami sa lugar natin.”, pagpapaliwanag niya.
“Infairness ah. Maganda si Kath. Super ganda nya”, walang gana kong sagot.
Pero sa totoo lang ay super ganda niya talaga. Pero pangit lang ang ugali. Yun agad yung judgement ko sa kanya. At base sa iyon sa pag irap niya sa akin ng walang dahilan.
“Yeah, I agree”, masayang pag sang-ayon niya.
May kung anong kumurot sa dibdib ko at tila nagbara bigla ang lalamunan ko dahilan para masamid ako sa pagkain. Agad ko namang kinuha ang tubig at uminom.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Teo. Sabay abot sa akin ng tissue.
“O-oo. Okay lang ako. Medyo nasamid lang. Hehe”, natatawang sagot ko.
“Dahan-dahan kasi sa pagkain. Hindi ka naman mauubusan. Hahaha”, pang-aasar niya.
“Infairness, sobrang pogi ni Karl”, pagputol ko sa pang-aasar niya sabay subo ulit ng pagkain.
Napapitlag naman ako sa tunog ng mga kubyertos dahil sa pwersahang paglapag ni Teo ng mga ito sa lamesa. Sumandal ito sa kanyang upuan at nag cross arms.
“So you like Karl?”, walang kaabog-abog niyang tanong.
“Huh?”, nagtataka kong tanong.
“Do you like Karl?”, pag-uulit niya sa kanyang tanong.
“Gusto agad? Hindi ba pwedeng naappreciate ko lang yung kagwapuhan niya?”, pagpapaliwanag ko dito.
“Bawal”, maotoridad niyang sambit.
“Huh? Anong bawal?”, nagtataka kong tanong.
“Basta. Bawal”, pinal niyang sabi.
Anong bawal? Wala man lang ibang context pa? Basta bawal lang? Yun lang? Ano yon? Bawal kong i-compliment ang ibang tao? Yun ba iyon? Unti-unti akong nakakaramdam ng pagkayamot.
“Eh ikaw nga nagagandahan kay Kath eh”, bulong ko sabay irap ng mga mata.
“Because she is. At ikaw na rin ang nagsabi”, sagot niya at muling kinuha ang mga kubyertos at nagpatuloy siya sa pagkain.
“Bawal!”, maotoridad kong sambit gaya ng kung paano niya bigkasin ang salitang ito kanina.
Kunot noo lamang niya akong tinignan at tila naguguluhan.
“Basta. Bawal”, pinal kong sabi.
Akala mo ah. Hindi pwedeng ako lang ang mago-overthink sa kung ano ba ang gusto mong iparating sa
‘Bawal’
mo. Nagtataka pa rin itong nakatingin sa akin at tila iniisip kung ano ang ibig kong sabihin.
Hindi ko na siya muling pinansin pa at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
Halos kalahating oras pa ang lumipas at natapos din kami sa pagkain. Sobrang busog naming dalawa. Sulit na sulit ang pagkain namin dito. Sobrang dami rin ng pagkain na natira at ipina take out namin ito. Nag-ask na rin si Teo sa mga waiter for bill out. Akma ko pa sanang kukuhanin ang resibo para malaman ko kung magkano lahat ang mga kinain namin ngunit naunahan ako ni Teo. Inabot niya ang kanyang card sa waiter bilang pambayad.
Alam kong mayaman sila Teo noon pa man. Ngunit wala lang talaga akong alam sa kung pano at bakit sila mayaman dahil hindi ko pa naman name-meet ang buong lahi nila. Nang matapos magbayad ay lumabas agad kami ng restaurant at naglakad papuntang parking area. Wala na rin naman kaming iba pang gagawin dito kaya nagpasya na kaming umuwi na lamang.
“Nandito na kami”, sigaw ko nang makapasok ako sa aming bahay kasunod si Teo na bitbit ang mga pinamili ko at ang pagkain na tinake out namin.
“Kumusta ang lakad niyo?”, si papa ang sumalubong sa amin dahil nanonood ito ng T.V sa may sala. Si mama naman ay abala sa kusina. Halos magdidilim na rin kasi nang makauwi kami.
“Maayos naman po tito. Ito po pala. May pasalubong po kami”, magalang na sagot ni Teo sabay abot ng mga pagkain na pina take out namin galing sa mamahaling Chinese Restaurant.
“Aba! Nag abala pa kayo. At mukang mamahalin itong mga pagkain ah. Maraming salamat, Teo.”, excited na turan ni papa. Agad namang dinala ni papa ang mga pagkain sa kusina para ipahanda kay mama.
“Wala pong anuman, tito.”, nangingiting sambit ni Teo.
Agad din naman itong nagpaalam kila mama at papa at inihatid ko sya papalabas ng aming gate.
“Salamat, Teo. Salamat sa mga libre mo. Hehe”, nahihiya kong sambit. Napayuko na lang ako dahil paniguradong namumula ang aking mukha.
“Wala iyon. Basta ikaw. Malakas ka sa akin”, sambit niya habang kumakamot sa likod ng kanyang ulo.
“Hindi mo na ba dadalhan si Tita Myra at Maica ng pagkain? Ang dami kaya non”, tanong ko dito.
“Hindi na. Wala rin naman sila diyan sa bahay. Nandoon sila kay daddy ngayon.”, simpleng sagot nito.
“Okay”
“I’ll go ahead na, Kate. Pupuntahan ko pa sila mommy kila daddy para sunduin. Thank you din for this day. Sana nag enjoy ka”, at muli kong nasilayan ang matatamis na mga ngiti sa kanyang labi. Yung mga ngiti na mapapangiti ka rin.
“Oo naman. Nag enjoy naman ako. Sana ikaw din”, nahihiya kong sagot.
Ginulo pa muna niya ang aking buhok bago ito tuluyang umalis.
Umakyat muna ako sa kwarto ko bitbit ang aking mga pinamili. Nagsimula na rin akong ayusin ang mga ito at inilagay sa loob ng
‘Storage Box’
na binili ko. Habang abala ako sa pag aayos ay tumunog bigla ang cellphone ko.
Kinuha ko ito para tignan kung ano ang notification na natanggap ko.
Teo Suarez started following you.
Oo nga pala. Hindi pa namin fina-follow ang isa’t isa sa ’
Instagram’
. Agad ko naman siyang finollow back. Ilang segundo lang din ay muli nanaman akong nakatanggap ng notification.
Teo Suarez tagged you in a post.
Agad kong pinindot ang notification at literal na naging letter “O” yung bibig ko at nanlaki ang medyo singkit kong mga mata. Agad din na bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong sumigaw at sabihin ang masasamang mga words pero mas nangingibabaw pa rin ang gulat sa sistema ko.
Bumungad sa akin ang picture ko na hila-hila sya sa kamay. Kuha ito noong nasa
‘National Bookstore’
kami. At ang isa pang picture ay kuha ko habang masayang naka ngiti at puno ng pagkain ang aking bibig. Kuha naman ito sa Chinese Restaurant kanina.
Ang tanging caption ng post ay isang emoticon na bulaklak.
Wala pang minuto ang post na ito ngunit sobrang dami na agad ng likes at comments.
Agad kong inihagis ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at naglulupasay ako sa sahig. Help!
23
Miyerkules ngayon at kasalukuyan akong nagbibihis para pumunta sa school. Wala naman kaming klase ngayon pero may rehearsal kami para sa Musical Play na ginagawa namin. Alas-siyete ng umaga ang call time namin at 6:15 a.m pa lang. Grabe ang antok ko ngayon dahil ilang linggo na rin kami na halos gabing gabi na kung umuwi galing rehearsal. Madalas ay naabutan na kami ng mga security guards na nag iikot sa buong building tuwing gabi. Hanggang 10:00 p.m lang kasi ang university at nitong mga nakaraan ay inaabot kami halos lagpas na sa alas diyes ng gabi.
Puspusan rin kasi ang rehearsals at production work namin after class. At sa tuwing wala kaming klase gaya ngayon ay buong araw ang rehearsal at production work namin. Ilang songs na rin ng
‘The Greatest Showman’
ang naaral namin. Ilang songs na rin ang nabigyan ng choreography nila Fifi at Barbs. Halos araw-araw ay pagod ang utak at katawang lupa namin. Ngunit sa kabila ng mga pagod at puyat ay nag eenjoy naman kami and at the end of the day ay alam namin na worth it magiging kapalit ng lahat ng ito.
“Kate, bilisan mo at nandito na si Teo”, sigaw ni mama mula sa baba.
“Pababa na ako”, sigaw ko naman pabalik.
Sa mga nakalipas na linggo ay nanatiling ganito ang set up namin ni Teo. Sabay kami palagi na pumapasok. It’s either ako ang pupunta sa bahay nila para sunduin siya o siya ang pupunta dito sa bahay para sunduin ako.
Matapos kong suklayin ang buhok ko ay agad kong dinampot ang aking back pack at lumabas na ng kwarto ko para bumaba. Naabutan ko si Teo na prenteng naka upo sa may sala namin. Si papa naman ay naliligo dahil naririnig ko ang buhos ng tubig mula sa banyo at si mama naman ay nasa kusina at abala sa paghahanda ng almusal.
“Himala at ang aga mo ngayon?”, bungad ko kay Teo sabay lapag ng bag ko sa tabi nito.
“Eh sa maaga akong nagising eh”, sagot naman nito habang nakangiti.
Infairness at hindi halata sa kanya na puyat siya. Sa mga nakalipas naming mga rehearsals at production work na kung saan ay gabing gabi na nga kami nakakauwi, kasama ko palagi si Teo. Hinihintay ako nito after class niya para daw sabay kaming umuwi. Sinabihan ko naman itong huwag niya na akong hintayin at mauna nang umuwi dahil baka marami rin siyang school assignments and projects na dapat gawin ngunit tumanggi lamang ito. Ang dahilan niya ay pwede niya rin naman daw gawin ang mga iyon habang naghihintay sa akin. Minsan ay tumutulong din siya kapag production work namin. ’
Production Work o Prod. Work’
ang term na ginagamit namin sa paggawa ng mga set and props na gagamitin namin sa aming Musical Play.
Imbis na ako lang ang dapat na puyat, pati siya ay nadadamay na rin. Minsan nga ay binibiro ko siya na sana ay
‘Theater Arts’
na lang din ang course na kinuha niya kung ganoon lang din pala ang gagawin niya.
“Okay”, tanging naging sagot ko. Kinuha ko ang sapatos ko sa may shoe rack namin at umupo sa tabi ni Teo.
“Saka diba 7:30 a.m pa klase mo ngayon?”, tanong ko habang sinusuot ang aking sapatos.
“Yeap. Pero wala ang prof. namin para sa 7:30 a.m class”, excited pang turan nito habang pinapanood akong magsintas ng sapatos.
“Luh? Wala pala kayong klase ng umaga, bakit sasabay ka pa sakin? Pwede ka naman pumasok mamaya. Sayang ang oras na dapat ay natutulog ka pa”, ani ko habang patuloy na sinusuot ang isa pang pares ng sapatos ko.
“I just want to help sa
‘Prod. Work’
nyo. I heard na 7:00 a.m to 12 p.m ang schedule ng ’
Prod. Work’
niyo. Saka yun din ang nakalagay sa ’
Production Calendar’
ninyo”, nakangiting sagot nito at kasunod ay ipinakita niya sa akin ang kopya ng isang ’
Production Calendar’
.
“Hala ka! Bakit may ganyan ka?”, gulat kong tanong.
“Hiningi ko sa SM niyong si Mira”, naka ngiti pa rin ito.
“Taray! Sana talaga ay nag shift ka na lang sa course namin”, ani ko sabay tayo dahil tapos na akong magsintas ng sapatos. Tinawanan lamang ako nito.
“Para alam ko kung anong schedule mo at masabayan kita palagi”, walang kagatol-gatol niyang turan at tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo.
Agad naman akong nakaramdam ng kakaibang saya sa kaloob-looban ko.
Pagkatapos noong ’
Friendly Date’
namin at ipost ako nito sa kanyang
‘Instagram’
ay mas lalong naging clingy itong si Teo. Gusto niya ay palagi kaming sabay na pumasok at umuwi. Ganun na rin sa pagkain ng lunch namin sa school. Kung hindi man kami magkakasabay ng lunch dahil sa mga schedules namin ay mine-make sure palagi nito na kumakain ako nang maayos. Ilang classmates niya na rin ang inuutusan niyang pumunta sa room namin na may dala-dalang mga pagkain.
Hindi naman sa nagrereklamo ako pero nag-iiwan kasi ng mga katanungan sa utak ko ang mga bagay na ginagawa niya para sa akin. At nagiging dahilan rin ito para kwestyunin ko ang mga nararamdaman ko base sa pakikitungo niya sa akin. Maging ang mga
“Not-So-Pretty”
kong mga friends ay naiintriga na rin sa kung ano na daw ba ang status namin.
“Ma, Pa. Aalis na kami”, pagpapaalam ko agad kay mama para maiba ang usapan namin. Baka kasi makita niya ang mukha ko na paniguradong namumula na.
“Oh siya sige at mag-iingat kayo”, sagot naman ni mama na ngayon ay nagtitimpla na ng kape. Hindi ko na hinintay pang sumagot si papa dahil nasa banyo pa rin ito at naliligo.
Lumabas na kami ng bahay ni Teo at naglakad papunta sa may kanto. Kasabay naming naglalakad ang iba pa naming kapitbahay at kabarangay na papasok rin sa kanya-kanya nilang school at mga trabaho. Sumakay kami ng tricycle at ilang minuto lang din ay nakarating kami sa may gate ng university. Nang makababa ng tricycle ay akmang mag aabot ako ng bayad sa driver ngunit pinigilan ako ni Teo. Nakita ko naman na nag abot agad ito ng pera sa driver. Napabuntong hininga na lang ako.
“Ang dami ko ng utang sa’yo. Sana ako na yung pinagbayad mo”, dismayado kong turan.
“Hindi ‘yon utang. Libre ko iyon”, walang gana niyang sagot.
“Eh hindi naman ako nagpapalibre sa’yo eh. May pera naman ako at kaya ko namang magbayad para sa sarili ko”, kasalukuyan na kaming naglalakad papasok ng university.
“Tss. Huwag ka ng makipagtalo pa diyan”, diresto lamang itong nakatingin sa nilalakaran namin.
Huminto ako sa paglalakad at hinila ang kamay nito at agad kong inilagay sa palad niya ang bente pesos.
“Ayan! Bayad ko yan. Ayoko ng magkautang pa sa’yo”, pinal kong sabi at muling naglakad. Ngunit bago pa man ako umabot sa pangatlo kong hakbang ay hinila niya naman ang kamay ko. Alam kong ibabalik niya ang perang binigay ko kaya naman naka kuyom ang kamay ko para hindi lumapag sa palad ko ang pera.
“Open your hand, Kate”, utos niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Umiling lang ako habang sinasalubong ang kanyang mga tingin.
“Buksan mo yan”, maotoridad niyang utos. Kilala ko na ang ganyang tono nya ng pananalita. Pwes, hindi ako magpapatinag this time.
“Ayaw ko nga! Sinabi na kasing bayad ko’yan sa iyo”, kunwaring naiirita kong sagot. Pero ang totoo ay natutuwa ako sa mga nangyayari.
Ang cute niya kasi tignan
.
“Sinabi ng hindi na kailangan. Pinagbabayad ba kita?”, medyo naiinis na rin siya. Natawa na lamang ako.
“Hindi. Pero hindi ko rin naman sinabing ilibre mo ako”, naka ngiti kong sagot bago inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at nagsimula na ulit akong maglakad. Narinig ko pa itong bumuntong hininga bago sumunod sa akin.
“Fine! But you haven’t eaten your breakfast kaya tara na sa canteen”, muli nitong kinuha ang braso ko at hinila ako papuntang canteen. Napairap na lamang ako habang hila-hila niya. Panigurado kasing siya nanaman ang magbabayad para sa mga pagkain at magtatalo nanaman kami nito.
Halos kararating lang namin sa tapat ng room namin at hawak-hawak ko ang
‘Iced Coffee’
at isang egg sandwich nang bumungad agad sa amin ang matinis at maligalig na boses ni Aika.
“Oh My God! You are here again. Good morning, Teo”, walang dalawang isip itong nagmamadaling lumabas ng room at isinabit ang kanyang mga kamay sa braso ni Teo.
Huminga ako ng malalim dahil ayaw kong masira ang umaga ko ngayon.
“Good morning, Aika”, naka ngiting bati ni Teo. Si Aika naman ay parang bulate na sinabuyan ng asin.
Dahil nga ilang linggo na rin akong hinihintay palagi nito Teo, kilala na siya ng buong section namin. Ang iba kong mga kaklase na lalaki ay naging tropa na rin niya.
Agad akong pumirma sa attendance sheet namin na nakapatong sa isang armchair na nasa tapat lang din ng room. Pagkatapos ay agad akong pumasok sa loob at hindi na nilingon pa si Teo na kinapitan na ni Aika. Pagpasok sa loob ay isa-isa ko namang binati ang mga kaklase ko at bineso-beso sila.
“Good morning, Kate”, tila nahihiyang bati sa akin ni Mike.
“Magandang umaga rin, Mike. Ang pogi natin ngayon ah!”, natatawa kong bati na sinabayan ko rin ng papuri. Dahil totoo naman na ang pogi niya ngayong umaga. Halatang hindi ito pagod at puyat sa kabila ng walang humpay naming rehearsals.
“Sa-salamat. Ikaw rin, parati kang maganda”, nahihiyang turan niya na ikinangiti ko naman.
“Hala. Ako lang to, Mike. Si Keith”, pagbibiro ko sa kanya na ikinatawa naman niya at ng iba pa naming kaklase.
“Magandang Buhay!”, sabay-sabay na bati ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. Kasalukuyan silang nakatayo sa may pintuan. Si Barbs ay pumipirma sa attendance sheet habang si Fifi naman ay hinihintay si Barbs na matapos sa pagpirma. Si Gema naman ay nakatingin sa may bandang gilid sa loob ng room. Sinundan ng mga mata ko ang tinitignan nito at nakita ko si Teo na kumakain habang nakikipagusap kay Aika. Ang masayang mukha ni Gema kanina ay agad napalitan ng inis.
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko nakakasabay pumasok ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends gayong magkakapitbahay lang namin kami ay dahil desisyon nilang huwag akong sabayan. Dahil kasabay ko naman daw si Teo ay okay na sakanila iyon. Para naman daw makapag catch up kaming dalawa at magkaroon ng
‘Bebe Time’
. Kaya ayan, silang tatlo na lang ang nagsasabay-sabay. Minsan naman ay nababanggit nila na nakakasabay nila sila Josh at Nico na siyang ikinakainggit ko.
Nang matapos pumirma sa attendance sheet ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ay agad itong dumiretso sa kinauupuan ko.
“At bakit ang aga naman humarot niyang si Aika? Wala bang klase yan si Teo?”, sunod-sunod na tanong ni Gema na mababakas ang pagka irita.
“Mamaya pa ang klase ni Teo. 9:00 a.m pa. Wala daw silang prof. ng 7:30 a.m”, walang gana kong sagot.
“Oh! Eh bakit pumasok pa ng maaga yan si Teo?”, takang tanong ni Barbs.
“Ewan ko diyan! Gusto niya daw tumulong sa
‘Prod. Work’
”, matabang kong sagot. Hindi ko na sinabi pa sa kanila ang sinabi sa akin ni Teo na gusto niya akong palaging kasabay. Tiyak na tutuksuhin nanaman ako ng mga ito.
“Saka base naman sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi naman iyon ang dahilan kung bakit nandito yang si Teo”, dagdag ko habang nakatingin sa gawi ni Teo at Aika na masayang nag-uusap.
“Hayaan mo. Mag-shot tayo mamaya”, ani ni Fifi sabay hagod sa may likod ko.
“Anong magsho-shot?”, nagtatakang tanong naman ni Gema.
“Iinom tayo later. Kailangan nating damayan ang friendship natin na broken hearted ngayon. Diba, Kate? Okay lang yan. Makakalimutan mo rin siya”, pagpapaliwanag ni Fifi na patuloy pa rin sa paghagod sa likod ko.
Binigyan ko lamang ito ng tingin na nagsasabing
“What the hell?”
“Anong iinom? Walang iinom mamaya! Saka anong broken hearted ka diyan? Hindi pa nagsisimula ang laban. Wala pa ngang nananalo eh. Kaya lalaban ka, Kate! Nandito lang kami para sumuporta sayo hanggang matalo mo ang higad na Aika na iyan”, determinadong turan ni Gema.
Binigyan ko naman ito ng tingin na nagsasabing
“Ha? Anong trip to?”
Wala akong energy para patulan ang lumalabas sa mga bibig nila. Si Barbs naman ay naiiling na lamang sa tabi ko.
Ilang minuto lang din ay dumating na si Kris na siyang director namin kasabay si Gerald na Technical Director namin. Si Gerald ang namumuno sa paggawa ng mga props at set. Siya ang nakakaalam ng mga designs at kung ano ang mga dapat namin gawin.
Napagdesisyunan ko na lamang na tumulong sa pagbuo ng ilang mga props. Pagdidikitin lamang ang mga ito gamit ang
‘glue stick’
. At dahil students lang kami at nagtitipid ang production, hindi namin afford ang bumili ng maraming
‘Glue Gun’.
Kaya nag tiya-tiyaga kami sa kandila at doon namin tinutunaw ang
‘glue stick’
. Si Fifi naman ay kasama ang ilang mga boys at doon siya tumutulong sa paglalagari ng mga plywood at mga kahoy. Pinili niya talaga na doon tumulong para makasama niya ang mga kalalakihan. Si Barbs at Gema naman ay nasa kabilang kwarto at inaayos ang room para sa rehearsal na gaganapin mamaya.
Nahagip ng mga mata ko si Teo at Aika na masayang nagpipintura ng mga set. Malapad ang ngiti ni Teo na tila nag eenjoy sa ginagawa nila. Kung ano ang ikinalapad ng ngiti ni Teo ay mas triple naman ang kay Aika. Nahuli ko pa itong nagpahid ng kaunting pintura sa kanyang mukha na siya namang pinunasan ni Teo gamit ang kanyang mga kamay. Nakita ko pa kung paano kiligin si Aika at namula ang mukha nito sa sarili niyang kagagahan. Naglulumundag naman ang puso ko sa sobrang inis nang makita iyon.
Siguro ay ito talaga ang dahilan kung bakit gusto ni Teo na tumulong sa amin. Ang dahilan kung bakit okay lang sakanya ang magpa abot ng gabi kakanood sa rehearsals namin. Ang dahilan kung bakit may production calendar siya. Ito ay ang makasama si Aika at hindi ang makasama ako. Tila may kirot sa dibdib ko nang maisip iyon.
Bigla rin pumasok sa isip ko ang reaksyon ni Teo nang marinig niya si Aika na kumanta ng
“Never Enough”
during rehearsal namin noong nakaraan lamang. Tila manghang-mangha siya sa ganda ng boses ni Aika. At hindi ko naman siya masisisi dahil tunay naman talagang maganda ang boses nito. Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot.
Dahil lumilipad ang utak ko sa kawalan, hindi ko namalayan na sa daliri ko pala naidikit ang bagong tunaw na ’
glue stick’
at hindi sa mismong props na hawak ko.
“Ouch!”, nasasaktan kong sigaw sabay bitaw nang marahas sa
‘glue stick’
at props na hawak ko. Pagkatapos ay walang humpay kong pinagpag ang kamay ko at hinipan iyon. Umaasang mawawala ang sakit na nararamdaman ko. Ngunit nagkamali ako. Sobrang sakit niya na halos maiyak na ako.
Nagulat naman ang mga kaklase ko at nag-aalalang nakatingin sa akin. Agad naman akong dinaluhan ni Mike na kasama ko rin sa pagdidikit ng mga props.
“Okay ka lang ba?”, tanong nito sabay kuha sa kamay ko na napaso.
“A-ayos lang ako”, maluha-luha kong sagot. Kahit hindi naman talaga ako okay. Siguro nakasanayan na talaga mostly ng mga tao ang sabihin na okay lang sila kahit hindi naman talaga. Sabi pa nga ng iba ay
‘wala namang tao ang umaamin na okay sila’
. Pero I think depende pa rin talaga sa tao at sitwasyon.
Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa kamay ni Mike na nakahawak pa rin sa kamay ko at iniwas ito papalayo. Maging si Mike ay nagulat din sa bilis ng pangyayari.
“Let me see”, seryosong turan ni Teo. Mababakas sa mga mata nito ang pag-aalala.
“O-okay lang ako”, ani ko habang nagpupumiglas ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
“Patingin sabi ako eh”, medyo iritado ngunit mababakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umihip ang hangin mula sa bibig ni Teo papunta sa parte ng kamay ko na napaso. Hinihipan niya ito nang may pag-iingat. Sinisiguro na maiibsan nito ang sakit na nararamdaman ko.
Napayuko naman ako sa hiya dahil narinig ko ang mga paimpit na kilig ng mga kaklase ko. Tumitig na lamang ako sa mga paa namin sa sahig. Hindi ko siya kayang tignan sa mukha dahil paniguradong namumula ang aking mukha.
“Direk, tapos na naming i-set up ang rehearsal venue”, malakas na sigaw ni Barbs. Nasa pintuan ito kasama si Gema na kakagaling lang sa kabilang room.
Si Teo naman ay patuloy pa rin sa paghipan sa sugat ko.
Napatingin ako sa kanila at kita ko sa mukha nila ang gulat at pagtatanong dahil sa set up namin ni Teo. Napayuko ako ulit dahil sa hiya sabay irap ng aking mga mata. Alam kong aasarin nanaman nila ako.
11:30 a.m na ngayon at abala pa rin kaming lahat sa
‘Prod. Work’
. 30 minutes na lang din ang natitira at mag lulunch break na kami. Matapos ang insidente kanina kung saan napaso ang kamay ko ay walang humpay na pang iintriga at pang-aasar ang ginawa sa akin ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. At dahil alam kong hindi nila ako tatantanan ay wala na akong nagawa kung hindi ang ikwento sa kanila ang nangyari. Maliban lang sa part kung bakit talaga ako napaso. Hindi ko pwedeng sabihin na naiinis kasi ako sa landian ni Aika at Teo kaya ako napaso.
Bago mag alas-nuwebe ay umalis na rin si Teo dahil may klase nga ito. Ngunit bago pa ito umalis ay nilagyan niya muna ng band-aid ang sugat ko. Mabuti na lang din at may band-aid sa
‘SM Kit’
ni Mira. Hindi kasi namin dala ang aming mga
‘SM Kit’
dahil wala naman kaming klase patungkol sa
‘Stage Management’
sa araw na ito.
“Kate, may naghahanap sa’yo”, pagtawag sa akin ni Kisha.
Agad naman akong sumulyap sa may pintuan at nakita ang
“Teo and Friends”.
Nakita ko naman sa peripheral view ko ang pagliwanag ng mukha ni Aika nang makita niya kung sino ang mga bisita ko. Lahat na lang ata gusto nitong babae na’to.
Akmang tatayo na sana si Aika ngunit agad hinila ni Fifi ang damit nito na siyang nagpabalik sa kanyang pagkakaupo. Kasunod noon ang mabilisang pagsalubong ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends sa
“Teo and Friends”.
Nakita ko pa kung paano nagpapapadyak ang mga paa ni Aika sa sahig sa sobrang inis.
Sumunod naman ako papuntang pintuan para salubungin ang mga kaibigan ko.
“Ano pong hanap ninyo, sir?”, tanong ko sa kanila na parang isang tindera sa divisoria.
“Pinapabigay daw sa’yo to”, sabay abot sa akin ni Gema ng isang pares ng
‘Protective Gloves’.
“Para saan naman ito?”, nagtataka kong tanong.
“Malay ko. Hahaha! Basta inutusan lang kami ni Master na magdala niyan at ibigay sa’yo”, natatawang sagot naman ni Nico. Tinignan ko naman si Josh na may pang-aasar sa mga mata at nagtataas-baba ang mga kilay.
“Para ata yan sa nangyari daw kanina. Ano ba ang nangyari?”, tanong naman ni Josh.
“Ito kasing friend namin na
“Oh-So-Pretty”
ay napaso lang naman ng
‘glue stick’
sa sarili niyang katangahan. Kaya ayon, super worried ang Master ninyo”, pagpapaliwanag naman ni Fifi. Sabay kapit sa mga braso ni Josh.
“Ahh. Okay”, ani naman ni Nico na masayang naka ngiti.
“Next time ay mag-iingat ka na. Pati kayo.”, seryosong paalala ni Josh sa amin. Agad namang kinilig si Fifi sa mga narinig. Nanginginig pa ang bakla na akala mo ay kinukumbulsyon.
“Oh siya! Yun lang naman ang ipinunta namin. May klase pa kami.”, pagpaalam ni Nico.
“Salamat sa inyo”, pagpapaalam ko sabay kaway sa
“Teo and Friends”
. Ganun din ang ginawa ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends.
Muli nanaman akong nakaramdam ng kakaibang saya dahil kahit nakaalis na si Teo ay inaalala niya pa rin ako.
“If I know, sinadya mo talagang pasuin ang sarili mo dahil naiinggit ka sa ka-sweetan namin ni Teo kanina. Desperada! Gagawin ang lahat para maagaw ang atensyon ni Teo”, biglang sulpot ni Aika sa harapan namin at nakapamewang pa ito.
Hindi agad ako nakaimik sa mga narinig ko.
“Kung mayroon mang desperada sa inyong dalawa ni Kate, wala nang iba kundi ikaw!”, pagtatanggol naman ni Gema. Alam ko na kaninang umaga pa sya gigil na gigil dito kay Aika.
“Totoo naman eh! Kaya pala tingin ka nang tingin sa amin kanina dahil naiinggit ka! Desperadang Inggitera!”, matalim na turan ni Aika sabay walk out papasok ng room.
Nanatili akong tahimik habang ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ay naghuhuramentado na sa inis. May parte sa sinabi ni Aika na totoo. Kaya naman talaga ako napaso kanina dahil pinapanood ko kung paano sila maglandian ni Teo kanina. Kung nag focus lang sana ako sa ginagawa ko kanina ay hindi sana mangyayari iyon.
“Shuta!? Ang kapal talaga ng pagmumukha ng babaita na’yon!”, galit na ani ni Fifi.
“True!”, pag sang-ayon naman ni Barbs sabay irap ng kanyang mga mata.
“Kaunti na lang talaga at makakatikim na talaga sa akin yang babae na yan”, gigil na gigil na sabi ni Gema.
Huminga muna ako nang malalim para pakalmahin rin ang sarili ko. Dahil maging ako ay naiinis rin sa mga narinig mula sa kanya. Dahil alam ko sa sarili kong hindi ako inggitera at mas lalong hindi ako desperada. Mas bagay sa kanya ang mga salitang iyon.
“Hayaan nyo na siya. Hindi naman na bago sa atin ang ugali niyang si Aika. Tara na at mag ayos na tayo. Malapit na mag lunch”, pag aaya ko sakanila sabay pasok sa loob ng room.
Pagkapasok ko ay nakita ko pa si Aika na inirapan ako na siyang ginantihan ko rin. Nagulat naman ito sa ginawa ko.
Lord, pahingi po ng mahabang pasesnya please.
24
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga gamit at naghahanda para kumain ng lunch nang biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext.
From: Macho
Nandito ako sa may canteen. Hintayin ko kayo. Sabay na tayo kumain.
Me:
Okies!
Yun na lang ang tanging nai-reply ko at muling nagpatuloy sa pag-aayos. Naalala ko nanaman ang itsura niya kanina habang hinihipan yung paso ko sa kamay ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Nag-alala rin naman ang mga kaklase ko at pati na rin si Mike ngunit iba ang dating pag kay Teo nanggaling. Though palagi naman na niyang ipinaparamdam sa akin ang pagiging concern niya pero hindi pa rin ako sanay. May kakaiba itong epekto sa akin. Pigilan ko man ang sarili ko na huwag itong bigyan ng pansin pero hindi ko rin magawa.
“Nagtext si Teo. Nasa canteen na daw siya. Hinihintay tayo bumaba”, ani ko sa mga
“Not-So-Pretty”
kong friends na abala rin sa pag-aayos.
“Ay mabuti nga yan at huwag na siyang umakyat dito. Naku! Pag nakita nanaman siya ni
“Oh-So-Haggard”
na si Aika, for sure sasabay nanaman iyon sa atin sa pagkain”, iritang pagpapaliwanag ni Gema.
“Korique!”, sabay na sang-ayon naman ni Fifi at Barbs.
Sabay-sabay na kaming lumabas ng room at bumaba papuntang canteen. As usual ay maraming tao sa canteem dahil tanghalian na. Pagpasok namin sa canteen ay agad kong natanaw si Teo. Agad naman akong nakaramdam ng tuwa nang makitang hinihintay nya talaga kami. Kahit sa malayo ay hindi pa rin maikakaila ang taglay nitong kagwapuhan. Bagay na bagay sa kanya ang uniform ng course nila. Ang moreno nitong balat na tila kumikinang sa sikat ng araw. Kita ko rin ang ilang mga estudyante na panay ang tingin at sulyap sa kanya. He’s indeed a head-turner and he can get everyone’s attention effortlessly.
“Ay, Shutanginames! Parang makakasakal ako ng isang babae ngayong oras na’to”, napahinto kami sa paglalakad ng marinig ang sinambit ni Gema.
“Bakit”, sabay-sabay naming turan nila Barbs at Fifi.
Agad namang ngumuso si Gema paturo sa kinaroroonan ni Teo. Biglang nawala ang saya nararamdaman ko kani-kanina lang.
“Ang bilis talaga kumilos ng hitad na iyan. Paanong mas nauna pa yan sa atin? At paanong nalaman niya na nandito si Teo?”, sunod-sunod na tanong ni Fifi na panigurado ay parehas lang din ng mga tanong na tumatakbo sa mga isip namin.
Nang makalapit kami sa pwesto ni Teo at Aika ay hindi nakaligtas sa akin ang pag ikot ng mga mata ni Aika.
“Okay ka lang ba?”, agad na bira ni Gema kay Aika.
“O-oo. Bakit naman ako hindi magiging okay?”, maarteng tanong nito pabalik.
“Tumitirik kasi mga mata mo sa kakairap. Akala ko eh kinukumbulsyon ka na”, muling bira ni Gema. Natawa naman sina Fifi at Barbs. Napatingin naman si Teo kay Aika. Tila kinukumpirma kung totoo bang ginawa niya iyon.
“Of course not! Bakit ko naman kayo iirapan?”, pagsisinungaling naman niya.
“Oops! Wala naman kaming sinabi na kami ang inirapan mo ah. Masyadong defensive ah!”, muling panunuya ni Gema. Gumuhit sa mga mata ni Aika ang pagkagulat at namula ang mukha nito na tila napahiya.
“Arat na! Gutom na ko.”, pagsingit naman ni Fifi habang naka ngisi at nakatuon ang mga mata kay Aika.
“Tara na nga, Teo!”, inis na turan ni Aika sabay talikod at nagsimula nang maglakad papunta sa mga tindahan.
“Luh? Ang arte ni akla”, natatawang sambit ni Barbs.
“What do you want? Ako na lang ang bibili ng food mo at bantayan mo na lang itong table”, diretsong tanong ni Teo sa akin.
“Yung beef steak na lang kila Ate Joy ang sa akin saka isang bottled water”, walang pagaalinlangan kong sagot.
“Okay. Tara na, guys!”, pag-aya nya naman sa mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. Tuluyan na nga silang umalis para bumili ng mga pagkain at naiwan ako mag-isa.
Kahit naiinis man sa presensya ni Aika ay pinilit kong iwaglit ang mga tumatakbo sa isip ko at ang nararamdaman ko. Ayaw ko na muna ng kahit anong negative na vibes ngayong araw.
Matapos ang mahigit limang minuto ay bumalik na rin sila. Nagpasalamat naman ako kay Teo nang iabot nito ang pagkain na binili niya para sa akin. Of course, hindi pa rin nakaligtas sa akin ang mga palihim na irap ni Aika. At dahil ayaw kong masira ng tuluyan ang araw na ito ay hindi ko na lamang siya pinagtuunan pa ng pansin.
Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kanilang usapan. Ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ay nag-uusap tungkol sa mga random na bagay. Kakatapos lang nila mag-usap tungkol sa
“Musical Play”
namin at ngayon naman ay ang mga pogi na nakikita nila dito sa canteen ang topic nila. Si Aika naman ay masaya na may halong landi na nakikipagkwentuhan kay Teo. Actually, hindi na pumapasok sa isip ko ang pinaguusapan nila. Parang automatic syang bino-block ng utak ko para hindi ako mainis. Ang nakikita ko lang ay tila nawiwili si Teo sa mga chika ni Aika at paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa akin sabay ngi-ngiti ng pagkatamis-tamis.
Nang matapos kumain ay agad na ring nagpaalam sa amin si Teo para pumunta sa next class niya. Ganun din ang ginawa namin. At syempre ay hindi namin isinabay si Aika pabalik sa classroom dahil halata namang ayaw namin siyang makasama. Ang ikinagulat pa namin ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ay after umalis ni Teo, nakipag chikahan pa ito sa kabilang table na puro kalalakihan. Though halata namang friends nya ang mga ito pero ramdam na ramdam mo yung
‘malanding’
awra na lumalabas sa budhi niya.
Pagkabalik namin ng classroom ay may isa pa kaming klase na pinasukan at pagkatapos ay balik
“Production Work”
at
“Rehearsal”
kami. Last class na namin iyon ngayong araw kaya malaya na kaming ipagpatuloy ang mga gawain namin para sa darating na
“Musical Play”
namin.
Nagpatuloy lang ako sa pag-gawa ng mga
‘props’
kasama ang iba ko pang kaklase at si Mike. Habang ang iba naman ay nasa kabilang room at nagre-rehears ng kanilang mga
‘blocking’
. Wala akong
‘blocking’
rehearsal ngayon at bukas kami naka schedule kaya ang natitirang oras ko para sa araw na ito ay ginugol ko sa pagtulong sa pag-gawa ng mga
‘props’
at
‘set’
.
Hindi ko namalayan ang oras at mag aalas-diyes na pala ng gabi. Hanggang 10 pm lang ang school kaya nagsimula na kaming mag ligpit ng mga gamit at bukas na lamang namin ipagpapatuloy ang iba pang gawain.
“Hey”, pagtawag sa akin ng isang boses galing sa may pintuan.
Agad akong napalingon at ang iba ko pang kaklase at nakita ko si Teo. Prente itong nakatayo at diretsong nakatingin sa akin. Hindi naman na bago ito sa amin kung saan kasama namin sya hanggang matapos ang rehearsal. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at nilapitan ito.
“Hindi mo naman na kailangan pang maghintay ng hanggang ganitong oras. Sana umuwi ka na. Baka may mga dapat ka pang tapusin”, turan ko habang nakatingala sa kanya.
“Okay lang naman sa akin”, sambit nito ng may ngiti sa mga labi.
Agad naman niyang idinampi ang kanyang mga daliri sa aking mukha na siyang nagpapitlag sa akin.
“May paint ka pa sa mukha mo. Kaso hindi na pala maaalis dahil tuyo na.”, natatawang turan niya sabay kamot sa may likod ng batok niya. Tumulong nga pala ako saglit sa pagpipintura ng ilang mga
‘set’
namin. Agad naman akong napahawak sa parte ng mukha ko na kanyang hinawakan. At paniguradong namumula ang mukha ko ngayon.
“Sige, maghihilamos muna ko at mag-aayos. Upo ka muna sa loob”, pag-anyaya ko sa kanya. Pumasok naman ito sa loob at binati ang mga kaklase ko.
Agad kong kinuha ang extra t-shirt mula sa bag ko at dumiretso sa C.R para maghilamos at magbihis. Saktong paglabas ko ng cubicle after magpalit ng damit ay siya namang pagpasok ni Aika. May hawak rin itong t-shirt at hula ko ay magbibihis rin. Nagtama ang aming mga mata pero iniwas ko agad ang aking tingin nang umirap nanaman siya sakin. Hindi ba sumasakit ang mga mata niya kakairap?
“Tsss. Huwag ka na magpaganda at magpa-cute. Hindi naman magugustuhan ni Teo ang isang tulad mo. Bakla!”, walang kagatol-gatol niyang turan habang may ngisi sa kanyang mga labi.
Nagpantig agad ang tenga ko sa narinig na mga salita mula sa kanya. Ngunit hindi ito ang tamang oras para patulan siya. Pagod na ako at hindi na sapat ang energy ko para makipag argumento pa sa kanya.
“Walang humihingi ng opinion mo”, walang emosyon kong sagot.
“That’s a fact, sis!”, nakaguhit pa rin ang mapang-asar na ngisi sa kanyang mga labi.
“Ay true? Edi kung ganun eh…”, pagpigil ko saglit sa sasabihin ko at umarteng nag-iisip ng malalim.
“Hindi ka rin nya papatusin.”, dugtong ko sabay ngiti sa kanya.
“Hahaha! At gaano ka naman ka sigurado, bakla?”, natatawang tanong niya. Ramdam ko yung confidence level niya na nag-uumapaw dito sa loob ng C.R.
“Eh mukha ka rin kasing bakla eh”, pinal kong sambit ng naka ngisi at agad ko syang nilampasan para lumabas na ng C.R. Narinig ko pa syang paimpit na tumili.
Nang makalayo ako ng kaunti sa C.R ay huminto ako saglit para huminga nang malalim. Grabe ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong confrontation at lalo na sa pakikipag-away. Wala pang isang minuto ng pagpapakalma sa sarili ko ay naglakad na rin ako pabalik ng classroom.
Sabay-sabay kaming umuwi ni Teo at ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. Tahimik lamang kaming lahat sa buong byahe namin pauwi. Dala na rin ng pagod at antok. Hindi na rin ako nag-abala pang sabihin sa kanila ang nangyari sa amin ni Aika sa C.R dahil ayaw ko ng palakihin pa ang eksena. Knowing ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. Hindi sila magdadalawang isip na patulan agad si Aika.
Kinabukasan ay same routine pa rin ang eksena ng buhay ko. Sinundo ako ni Teo at sabay kaming pumasok. Binilhan niya nanaman ako ng pagkain dahil hindi nga ako kumakain ng almusal. Pagkatapos bumili ng food ay hinatid niya pa ako sa classroom namin. Kahit anong pagpigil ko sa kanya ay siya pa rin ang nasusunod. This time ay hindi sya nag stay sa room namin dahil may klase siya. Habang kami naman ng mga kaklase ko ay nagpatuloy pag
‘pro-prod. work’
at pag
‘re-rehears’.
Pagsapit ng alas-nuwebe ng umaga ay umattend kami ng first class namin. Maaga lang talaga ang
‘calltime’
namin palagi. Ayaw kasi namin sayangin ang mga freetime namin. Kaya pag wala kaming klase ay ibinubuhos namin ang oras para sa
‘Musical Play’
namin.
Three hours ang klase namin dahil isa ito sa mga
‘Major Subject’
. Inaantok man ay pinilit kong makinig sa discussion. Ganun din ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends at iba ko pang mga kaklase.
Sumapit ang alas-dose at nakahinga kaming lahat nang maluwang. Nai-survive namin ang three-hour class at bakas sa aming lahat ang gutom. Nakareceive ako ng text mula kay Teo na hindi daw sya makakasabay sa amin sa pagkain ng lunch dahil may mga dapat silang tapusin. Nalungkot man ako ng very light ngunit inisip ko na mas okay na rin ito kaysa naman magkasama ulit silang dalawa ni Aika.
‘Okay’
lang ang naging reply ko sa kanya. Naiintindihan ko rin naman na may pagkakataon na busy sya. At wala akong karapatan na mag demand ng oras mula sa kanya.
Payapa kaming nakakain ng lunch dahil hindi namin kasama ang
“Oh-So-Haggard”
na si Aika. Instead, ay kasama namin si Mike at iilan pa naming kaklase na sila Clarizel, Kisha at Danica. Wala akong ginawa buong lunch kung hindi ang tumawa dahil wala silang ibang pinag-usapan kundi si Aika. Ramdam ko rin ang inis nila Clarizel, Kisha at Danica sa kanya. Puro pang-ookray ang ginawa nila.
Alas kwatro na ng hapon at kasalukuyan kaming nagre-rehears. Ngayon ang schedule ng
‘blocking’
namin ni Mike para sa scene namin na
‘Rewrite The Stars’
. Si Kris ang nag
‘block’
sa amin ni Mike. Siya ang nagsabi kung saang parte kami ng stage dapat nakatayo habang binabanggit ang mga lines namin. Kung kanino kami dapat nakaharap, at kung anong emosyon ang dapat namin ipakita. Dahil medyo sweet at romantic ang scene na ito ay hindi maiwasan ng mga kaklase ko ang kiligin sa amin ni Mike.
Si Mike naman ay wala na ring nagawa sa pang-aasar ng mga kaklase namin. Halata sa kanya na nahihiya siya dahil namumula na ang mukha niya.
“Teo!”, matinis at malanding sigaw ni Aika na siyang nakaagaw ng atensyon naming lahat. Nilapitan siya ni Aika at agad nitong inangkla ang mga kamay niya sa braso ni Teo habang si Teo naman ay diretso lamang na nakatingin sa amin ni Mike. Binigyan ko lamang siya ng simpleng ngiti at muling nagfocus sa rehearsal.
Pagkatapos ng
‘blocking’
ay sunod naman na itinuro ni Fifi ang
‘Choreography’
sa amin ni Mike. Dahil hindi namin afford ang
‘Aerial Rope’
gaya ng nasa movie, ay idinaan ni Fifi ang
‘Choreography’
sa mga intimate na sayaw. Mataman lamang na nanonood sa amin si Teo. Tila ino-obserbahan ang bawat kilos namin ni Mike.
Matapos kaming i-block ni Kris at matutunan ang sayaw ay ni-run namin ang buong scene. Kasama na rito ang batuhan ng lines, ang pagkanta at pagsayaw. Naaral naman na namin ni Mike ang kanta with the guidance of Gema.
Habang nagru-run kami ng buong scene ay ramdam ko ang matatalim na titig na tumatama sa buong sistema ko. Pilit ko mang huwag pansinin ngunit hindi nakakaligtas sa paningin ko ang mga maiitim na mata ni Teo. Nahihirapan akong magfocus. Tila ba anytime ay may gagawin siyang hindi maganda kapag may mali kaming nagawa ni Mike. Sa awa naman ng Diyos at naitawid namin ang
‘run through’
na ganun pa rin ang ekspresyon ng mga mata ni Teo.
Naiintindihan naman ng aming direktor na si Kris na first time pa lang namin i-run ang scene at ngayong araw lang namin inaral ang lahat kaya hindi pa pulido ang mga kaganapan. We still have time pa rin naman to rehears everything.
Agad akong lumabas ng room para makahinga at sumagap ng hangin. Tumungo ako sa may beranda sa hallway kung saan tanaw ko ang iilang lugar dito sa loob ng university. Pakiramdam ko ay naubos ang energy ko dahil sa mga titig ni Teo at hindi dahil sa pagpe-perform. Pumikit ako saglit saka huminga ng malalim. Naramdaman ko naman ang presensya ng isang tao sa gilid ko. Pagmulat ko ay bumungad sa akin si Teo.
“It looks like you’re enjoying it huh?”, naka ngisi niyang turan habang diretso lang din na nakatingin sa kawalan.
“As I should! Scene ko iyon eh. Kailangan kong damhin ang bawat eksena”, pagpapaliwanag ko sa kanya.
“Ayusin mo lang talaga, Kate”, walang emosyon nitong turan. Nilingon ko ito at muli nanamang sumalubong sa akin ang maiitim nitong mga mata. Ang walang ekspresyon niyang mukha na hindi ko mabasa-basa kung ano ang nais niyang iparating. Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago ako sumuko. Hindi ko kayang salubungin ng matagal ang mga tingin niya.
“Babalik na ko sa kabilang room. Gagawa ako ng mga
‘props’
”, pagpapaalam ko sa kanya at tuluyan ko na siyang iniwan.
Pagpasok ko ng room kung saan kami napo
-‘prod. work’
ay agad kong kinuha ang mga
‘props’
na hindi pa tapos. Gaya kahapon ay ipinagpatuloy ko ang pagdikit sa mga ito gamit ang kandila at
‘glue stick’
.
Ngunit hindi rin ako makapag focus sa pag-gawa na mga
‘props’
dahil nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga sinsabi ni Teo kanina.
“It looks like you’re enjoying it huh?”
Malamang, kailangan kong enjoyin yung performance. Dahil naniniwala ako na isa ito sa susi para maging matagumpay ang isang performance. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng isang performance kung ikaw mismo ay hindi mo ito gusto at parang pinipilit mo lang itong gawin.
“Ayusin mo lang talaga, Kate”
At anong ibig niyang sabihin? Na ayusin ko ang pagpeperform kasi hindi maganda yung kinalabasan ng
‘run through’
namin ni Mike. Eh paano ako makakapag focus kung ang mga tingin niya ay parang may gagawin siyang hindi maganda sa amin ni Mike.
Napailing na lang ako sa inis. Nahihirapan nanaman akong basahin siya. Naguguluhan nanaman ako sa mga ipinapakita at nais niyang iparating.
Dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko ay hindi ko namalayan na mag-isa na lang pala ako dito sa room. Hindi ko rin alam kung saan nagpunta ang mga kaklase ko. Nagpatuloy lang ako sa pagdidikit ng mga
‘props’
nang biglang pumasok si Aika.
“Nagpapa-bida nanaman ang bakla. Akala mo talaga ang laki ng pagod niya sa paggawa ng mga
‘props’
”, turan niya habang papalapit sa kinaroroonan ko. Kasalukuyan akong nakaupo sa may sahig.
Napairap naman ako sa aking isipan. Magkakaroon nanaman ba kami ng confrontation? Wala ako sa mood para patulan sya ulit. Saka ano itong sinasabi niyang nagpapa-bida ako? Sira ulo ba siya?
“Ang dami mo namang ebas, bakla! Eh kung tumutulong ka na lang para naman may ambag ka rin”, walang kagatol-gatol kong sagot sa kanya habang nakatingin sa
‘props’
na idinidikit ko.
Agad naman siyang umupo sa sahig para pantayan ako at pilit niyang kinukuha ang
‘props’
na hawak ko.
“Oo na bakla! Akin na iyan! Nakakahiya naman sayo. Nanunumbat ka pa! Akala mo naman talaga ikaw lang ang gumawa ng lahat ng mga
‘props’
dito”, turan niya habang pilit pa rin na inaagaw sa mga kamay ko yung
‘props’
.
“Bakit mo ba ito inaagaw? Ang dami-daming
‘props’
doon sa may black box. Doon ka kumuha”, medyo iritado kong sagot sabay turo sa may black box na nasa sulok ng kwarto.
“Eh bakit ba? Ito yung gusto ko eh. Akin na iyan, bakla!”, pagpupumilit pa rin niya. As much as possible ay maingat kong iniiwas sa kanya ang mga hawak ko dahil kakatunaw lang ng
‘glue stick’
na hawak ng kanang kamay ko.
Ilang sandali pa kaming nag-aagawan nang biglang may nagsalita mula sa pintuan.
“Hey”
Sabay kaming napatingin. Madali lang para sa akin na matanaw kung sino ang nagsalita dahil nakaharap ako mismo sa may pintuan. At dahil nakatalikod naman si Aika sa may pintuan ay kinailangan niya pang lumingon ng 180 degrees para makita kung sino ito.
Nang makita ni Aika kung kanino galing ang boses ay agad niyang kinuha ang kanang kamay ko at idinikit iyon sa may kamay niya.
“Ouch!”, paimpit niyang sigaw sabay tayo mula sa kanyang pagkakaupo. Agad naman niyang hinipan ang kamay niya na napaso ng
‘glue stick’.
Ramdam ko sa sigaw niya ang sakit na nararamdaman niya at alam ko iyon dahil minsan na rin akong napaso ng
‘glue stick’
.
“Bakit mo naman ako pinaso, Kate? Gusto lang naman kitang tulungan ah”, pag-iyak niya.
Agad naman siyang dinaluhan ni Teo at kinuha ang kamay nito na napaso.
“Why did you do that?”, medyo pasigaw na tanong sa akin ni Teo. Agad akong nakaramdam ng pagkataranta.
“Hi-hindi ko siya pi-pinaso. Bakit ko naman gagawin iyon”, pagtatanggol ko sa sarili.
“Sinungaling ka!”, pagsigaw naman sa akin ni Aika habang patuloy pa rin siyang umiiyak. Nagtama ang mga mata namin at na confirmed ko na hindi totoo ang pag-iyak niya. Na umaarte lang siya. I’ve known here since last year. I’ve seen her na umiyak sa stage at in real life. At bilang kapwa niya
‘Theater Arts’
student, alam ko kung kailan sya umaarte at kailan ang hindi.
“I saw it, Kate! Nakita ko ang mga nangyari”, medyo iritadong sambit ni Teo. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko nanaman kayang salubungin ang mga tingin nya sa akin. Mga tingin na disappointed and at the same time ay may halong galit.
Si Aika naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak.
Pinipigil ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata due to frustrations.
Really? Don’t tell me na maniniwala siya kay Aika?
25
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig at hinarap silang dalawa.
“Talaga? Paano mong nakita ang lahat gayong nakatalikod si Aika sa’yo?”, panghahamon ko kay Teo. Wala na akong pakielam kung makita man niya ang maluha-luha kong mga mata. Naiinis ako sa mga nangyayari.
Realizations slid in his eyes na agad ding naglaho.
“Huwag ka ng gumawa pa ng palusot, Bakla! Kitang-kita naman na sinadya mong pasuin ang kamay ko!”, muling pagsigaw ni Aika. I saw Teo clenched his fist.
“Ba-bakit naman ako gagawa ng palusot? Totoo ang sinasabi ko!”, muli kong pagtatanggol sa sarili ko.
“Sinungaling! Bakla ka na nga, sinungaling ka pa!”, hindi talaga siya tumitigil sa pagsigaw.
Agad namang nagdatingan ang mga kaklase ko. Nakita ko pa ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends na pumasok sa loob ng room. Dadaluhan sana nila ako ngunit napatigil sila nang makita si Teo.
“Shut up!”, madiing sambit ni Teo kay Aika.
“Totoo naman eh! If I know nag-iisip na iyang baklang iyan ng maidadahilan niya para makalusot sa kasalanang ginawa niya sa akin. Baklang sinungaling!”, naghuhuramentadong sambit ni Aika.
“I said shut the fuck up!”, sigaw ni Teo na umalingawngaw sa loob ng room.
Nakita ko ang pagkagulat at takot sa mukha ni Aika. Gayundin ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. Rinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase ko na nasa labas ng room at naka dungaw lamang sa bintana.
“Now, say sorry to Aika”, pag-uutos ni Teo sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Sinalubong ko ang mga tingin ni Teo. Tuluyan na siyang nilamon ng galit. I’ve never seen him na ganito. Kahit bakas sa mukha niya at tono ng pananalita ang galit, ramdam ko pa rin ang pagpipigil niya. Meaning, hindi pa ito ang full-blown-galit-version niya. Paano na lang pag tuluyan na siyang sumabog? Takot ang bumalot sa sistema ko.
“Are you deaf? Ang sabi ko mag sorry ka kay Aika?”, muling paalala niya.
Huminga ako nang malalim dahil sobrang sikip na ng dibdib ko. I can’t believe what’s happening right now. At kailangan nya ba talaga akong i-humiliate ng ganito? Sa harap pa talaga mismo ng mga kaklase ko? Nahagip ng mga mata ko ang mapanuyang ngisi sa mga labi ni Aika.
“I’m sorry”, mahinang pagpapaumanhin ko.
“Ano? May sinasabi ka ba?”, ani ni Aika.
Seryoso ba siya? Malinaw ang pagkakasabi ko. Sapat ang lakas ng boses ko para marinig nila.
“She didn’t hear it. And please make it more sincere”, pag-uutos muli ni Teo.
This is so fucked up! I just can’t. Gusto ko na lang maglaho sa kahihiyan. Hindi naman ako dapat humingi ng pasensya sa isang bagay na hindi ko naman talaga ginawa. Tinignan kong muli si Teo at seryoso lamang itong nakatingin sa akin. Pagak na lamang akong napatawa.
“I’m so sorry, Aika. Sorry kong pinaso ko ang kamay mo ng
‘glue stick’
.”, paghingi ko ulit ng pasensya.
Muli akong huminga ng malalim para pigilin ang nagbabadya kong pagiyak. Nanginginig na rin ang mga labi ko. Pilit kong inilalaban na huwag maiyak sa harap nila.
Nilingon naman ni Teo si Aika at binigyan niya ito ng tingin na parang nagtatanong kung ano ang maisasagot niya sa sinabi ko.
“Apology accepted”, rinig naming sambit ni Aika at muli nanamang umiyak ng peke.
Narinig ko namang nagbulungan ulit ang mga kaklase ko.
Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa loob ng room bago nag walk-out si Aika palabas. Muli kong tinignan si Teo and he still look disappointed. Pasuko ko na lamang siyang tinignan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Mas pinaniwalaan niya talaga si Aika without knowing my side. At masakit rin sa part ko na mas pinili niya ang side ni Aika kaysa sa akin.
“We’ll talk later”, bakas pa rin sa boses niya ang pagka dismaya.
Galit ko lamang itong tinignan na kanya namang ikinagulat. Ilang sandali pa kaming nagtitigan bago siya nag-iwas ng tingin.
“We will talk later? Para saan pa?”, patawa kong tanong sakanya. Ngunit hindi niya ako sinagot.
“Sige na. Puntahan mo na si Aika. Kailangan ka niya. Need niya ng comfort mo”, pinal kong sabi sabay balik sa pagkakaupo ko sa sahig. Dinampot kong muli yung
‘props’
na hawak ko at muling ipinagpatuloy ang pag-gawa dito.
Nakita ng peripheral view ko ang paglabas ni Teo ng room. Pagkalabas niya ay sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan.
Agad naman akong dinaluhan ng mga
“Not-So-pretty”
kong friends. Nakita ko rin na pumasok sa loob ng room sina Clarizel, Kisha, Danica, Mike at maging ang direktor namin na si Kris. Lahat sila ay nagpaulan ng simpatya. Dahil kahit hindi man sila magsalita, alam kong alam nila na wala akong kasalanan. Ganun na ba namin ka hate si Aika? Hindi naman. Sadyang kilala lang namin talaga sya as a person. And this is not the first-time na nag eskandalo si Aika. So hindi na rin bago sa amin ang ganitong mga ganapan ng babae na iyon. Hindi ko lang inexpect na maiinvolve ako sa mga eskandalo niya.
Alas-otso pa lang ng gabi pero gusto ko na talagang umuwi. Hindi ko na kayang mag stay pa dito. Gusto ko nang umuwi at magpahinga. Kaya naman nagpaalam ako sa SM namin na si Mira at sa direktor namin kung pwede na ba akong umuwi. Sinabi ko na lang sa kanila na hindi maganda ang pakiramdam ko. Naintindihan naman nila kaya pumayag din sila.
Kinuha ko ang bag ko at hindi na ko nag-abala pang magpalit ng damit. Naka
‘work clothes’
pa ako. Paglabas ko ng room ay nakita ko sa may kaliwang peripheral view ko si Teo. Nakatanaw sa bintana ng kabilang room kung saan nagaganap ang rehearsal namin. Nakita kong gumalaw ang pigura niya habang nakatingin sa akin kaya naman dali-dali akong lumingon sa kanan ko at nagsimula nang maglakad.
Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi na ako nag atubili pang lumingon sa kanya. I have had enough for this day. Ubos na ang buong enerhiya ko. Gusto ko ng makalabas. Gusto ko ng umuwi. Gusto kong mapag-isa.
Mabilis lang din akong nakalabas ng school dahil na rin sa bilis ng lakad ko. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa may plaza. Dito ko naisipang tumambay at mag muni-muni. At syempre ay para na rin makakain ng street food. Tagal ko na ring hindi nakakakain dito. Nang makarating ng plaza ay inabot ko ang bayad ko at agad na nagpunta sa mga stall ng mga street food.
Bumili ako ng isang cup ng squid balls at kikiam. Bumili rin ako ng tatlong stick ng
‘calamares’
at limang pirasong kwek-kwek. At isang baso ng sago’t gulaman naman panulak ko.
Nagtungo ako sa may stage dito lang din sa loob ng plaza at doon umupo para kumain. Tanaw ko lahat ng mga taong nandito sa loob ng plaza.
Nakatanggap din ako ng mga texts at chats mula sa mga
“Not-So-Pretty”
kong friends asking if I am okay. Nagreply naman ako sakanila giving them an assurance na okay lang ako. Tinanong din nila kung nasaan ako ngayon pero sinabi kong gusto kong mapag-isa.
Nakatanggap din ako ng multiple texts at iilang mga tawag mula kay Teo. At ni isa ay wala akong sinagot sa mga iyon. Tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina ay naiinis ulit ako.
Hindi ko inexpect na ganun siya kababaw. Na ganun siya kadaling maniwala sa isang bagay without knowing the whole story. At si Aika? Sinisigurado kong this will be the last time na gaganyanin niya ako. Hindi na ako papayag na maulit pa ang ganitong eksena.
Nang maubos ko ang mga pagkain na binili ko ay tumambay pa ako sa may stage. Nawili akong panoorin ang mga tao dito sa may plaza.
“Kate?”, rinig kong pagtawag ng isang boses.
Luminga-linga ako para hanapin kung kanino nanggaling ang boses. Nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na kumakaway gamit ang kanyang dalawang kamay. It’s Gael.
Dali-dali itong umakyat ng stage para puntahan ako.
“Kumusta ka na? Long time no see ah. Ang ganda ganda mo pa rin.”, bungad niya sa akin sabay upo sa may kanan ko.
“Grabe naman sa pagiging bolero.”, natatawang turan ko.
“Totoo naman eh! So ano nga? Kumusta? Bakit mag-isa ka lang?”, sunod-sunod na tanong niya.
“Okay lang naman ako. Medyo busy lang sa school. Yung mga barkada ko ay nasa school pa. Maaga lang akong umuwi.”, pagpapaliwanag ko.
“Ganun ba? Eh bakit parang ang lungkot mo?”, seryoso nitong tanong.
“Luh? Hindi ah! HAHAHAHAHA”, pagdedeny ko naman sa kanya.
“Weh? Okay lang naman kung ayaw mo magkwento. Basta nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap”, seryoso ulit nitong sambit habang nakatingin sa akin.
That is so sweet of him. Hindi ko inexpect na magsasalita siya ng ganon. Kasi hindi naman kami close. At dahil na rin siguro sa mga kuma-kalat na tsismis tungkol sa kanya. Na babaero at manyak daw itong si Gael.
“Kumain ka na ba?”, tanong muli nito.
“Oo. Ito nga oh!”, sagot ko sabay angat ng mga plastic cups na pinaglagyan ko ng mga street food kanina.
“Hindi ‘yan. Ang ibig kong sabihin ay yung maayos na hapunan”, natatawa niyang sambit. Tila naaaliw sa isinagot ko sakanya.
“Hindi pa. Bakit? Manlilibre ka ba?”, panghahamon ko sa kanya.
“Oo ba! Tara sa may tapsilugan sa kanto natin. Yung bagong bukas lang”, masigla niyang paanyaya.
Oo nga pala. May bagong bukas na tapsilugan sa may kanto namin. Hindi ko pa nasusubukan na kumain doon kaya naman agad akong pumayag sa alok ni Gael.
Naglakad lamang kami pabalik sa barangay namin. Nagkwentuhan lang din kami about random stuff. Nalaman ko na medyo busy rin siya sa pag-aaral niya. Sa isang Institute nag-aaral si Gael, at kumukuha ng Advertising na course. Mas matanda sa amin si Gael. Kasalukuyan na siyang nasa 3rd year. And all through out ng pag-uusap namin eh halata mo talaga na may pagka pilyo itong lalaki na ito. Kaya naniniwala na ako sa mga tsismis tungkol sa kanya. Char!
“Siguro ito na yung
‘Date’
natin”, malawak na ngiti ang naka paskil sa kanyang mga labi.
I remember na matagal na pala niya akong niyayaya na lumabas or makipag
‘date’
daw. Pero dahil sa mga paalala ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends and of course ng isa pang tao diyan which is si Teo, hindi ito matuloy-tuloy.
“Baliw ka talaga! Pero sige, baka ito na nga yung
‘friendly date’
natin”, pagsang-ayon ko naman sa kanya.
“YES!”, malakas na hiyaw nito na tila nanalo sa lotto.
Nagtawanan na lamang kaming dalawa. Sakto rin na kararating lang namin sa may kanto namin.
Agad namang may humintong tricycle sa may harapan namin at bumaba ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends na may pag-aalala sa mga mukha nila. Wala naman na silang dapat pang ipag-alala dahil sinabi ko naman ng okay lang ako.
Ilang sandali pa ay lumabas naman si Teo mula sa loob ng tricycle. Tumama agad ang paningin niya sa amin ni Gael.
Dahil wala na akong energy pa makipagtalo hinila ko si Gael at nilagpasan silang apat.
“Bakit magkasama kayo?”, rinig kong tanong ni Teo sa malalim na boses.
Hinarap ko siya at sumalubong sa akin ang nagpipigil niyang galit.
“Ano naman sa’yo kung magkasama kami?”, walang emosyon ko ring tanong.
“Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko”, this time ay nakatuon ang mga mata niya kay Gael.
“Hmm. Kailangan ko kasi ng comfort. Okay na ba?”, walang alinlangan kong sambit. Malakas ang loob kong sumagot-sagot ngayon dahil naalala ko nanaman ang mga nangyari kanina. Kaya binalot nanaman ako ng inis.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko ngunit bigla rin iyong nawala.
Hinila ko na si Gael sa kamay at nagtungo na kami sa may tapsilugan. Kumaway naman ako sa mga
“Not-So-Pretty”
kong friends at awkward lang silang ngumiti at saka pumasok sa loob ng barangay namin.
Hindi na ko nag-abala pang tignan si Teo at itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa
‘Menu’
.
Umorder ako ng
‘Chicksilog’
at
‘Porksilog’
naman ang kay Gael. Habang kumakain kami ay ramdam ko ang kagustuhang magtanong ni Gael kung ano ang mga nangyari sa amin ni Teo ngunit hindi niya na itinuloy. Nahalata rin niya siguro na wala ako sa mood na pagusapan ang mga bagay na iyon.
Nang matapos kumain ay nag-offer pa si Gael na ihatid ako pero tumanggi na ako. Wala naman nang dahilan pa para ihatid ako dahil nasa loob naman na kami ng barangay namin. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin. Hindi naman na siya nagpumilit pa at naghiwalay na kami para umuwi sa mga bahay namin.
Pagkaliko ko sa eskinita namin ay nakita ko si Teo na nakatayo sa may tapat ng gate namin. Halata sa postura nito na may hinihintay ito.
“Excuse po”, magalang kong sambit dahil nakaharang siya sa may gate namin mismo.
“Let’s talk”, wala pa ring emosyon niyang turan.
“Tungkol saan? Sa incident kanina?”, seryosong kong tanong. Tango lang ang naging sagot nito sa akin.
“Wala naman ng dapat pang pag-usapan. Mas pinili mong pakinggan ang side niya at maniwala sa kanya. Nag sorry na ako. Tinaggap naman na ni Aika. Tapos! Ano pa ang dapat pag-usapan?”, mahabang litanya ko habang inis na nakatingin sa kanya.
Agad rin siyang nag iwas ng tingin. Bakit? Dahil nahihiya ba siya sa mga ginawa niya kanina? Nalaman na ba nya na wala talaga akong kasalanan?
“Next time, don’t do it again. Ayokong makikita na nananakit ka ng ibang tao”, diretsa niyang turan.
Literal na napa letter “O” nanaman ang mga mata ko. Really? Akala ko pa naman nasa turning point na siya. Kaso hindi pala. Binalot nanaman ng inis ang buong sistema ko.
“Just don’t do it again”, pinal niyang sabi bago ako tinalikuran at nagsimula na siyang pumunta sa may bahay nila. Pinanood ko lamang siyang pumasok sa gate nila hanggang sa tuluyan na akong naiwan mag-isa.
Muli nanamang nagbagsakan ang mga luha sa aking mga mata.
Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay para pumasok. Sinadya kong agahan para hindi magtagpo ang landas namin ni Teo. Ayaw ko siyang makasabay sa pagpasok. Kahit na hindi rin naman ako sigurado kung pupunta ba talaga siya dito sa bahay para magsabay kaming pumasok dahil nga magka-galit kami. Ayaw ko siyang makita which is imposible dahil paniguradong pupunta siya sa rehearsal namin.
7:30 am ang calltime namin pero 5:45 am pa lang ay umalis na ako ng bahay. Naabutan ko pa si mama na halos kakagising lang din. Nagtanong pa ito kung bakit daw sobrang aga kong pumasok pero nag dahilan na lang ako na may aayusin kami sa school kaya need kong pumasok ng maaga.
Paglabas ko ng gate ay halos patakbo akong lumabas ng eskinita namin at dali-daling nagtungo sa kanto para sumakay ng tricycle. Nakahinga naman ako ng maluwang ng makarating ako sa gate ng school ng payapa at mag-isa. Saktong alas-sais na ng umaga.
Dumiretso agad ako sa may classroom namin at ipinagpatuloy ang paggawa ng mga
‘props’
. Nagulat pa si Mira na siyang SM namin dahil sobrang aga ko raw.
Buong araw ay inabala ko ang sarili ko sa klase at sa pagpo
‘prod.work’
. Maging ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ay hindi ko masyadong kinakausap. Pero kahit ganon ay sabay pa rin naman kaming kumain ng lunch. Good thing na lang din dahil hindi namin kasabay si Teo. Nabasa ko na lamang ang mga texts nito ng tanghali na. Unang text niya ay nagtatanong kung bakit daw pumasok ako ng maaga. Pangalawa ay ininform niya akong hindi siya makakasabay sa amin sa pagkain.
To be honest, I am really confused. Bakit parang wala lang sa kanya yung mga nangyari kagabi. Hindi ba niya nahahalata na galit ako. Na galit ako sa mga ginawa niya. Bakit parang ang normal pa rin ng lahat para sa kanya?
Bandang alas-singko ng hapon ng dumating si Teo. Sinalubong niya ako ng isang ngiti ngunit walang emosyon ko lamang siyang tinignan.
Since wala naman akong schedule na
‘rehearsal’
ay muli kong inabala ang sarili ko sa pagtulong sa mga set. This time ay tumulong ako sa pagpipintura. Which I enjoyed so much. Tila nakalimutan ko lahat ng inis na nararamdaman ko.
Nagtungo ako sa may C.R para maghugas ng kamay dahil kakatapos ko lang pinturan ang isa sa mga
‘set’
namin. Saktong paglabas ko ay nakita ko sa hallway si Aika na papunta sa direskyon ko. Balak ko sana siyang huwag na lamang pansinin ngunit siya itong naghahanap mismo ng gulo.
“I’m so sorry, Aika. Sorry kong pinaso ko ang kamay mo ng ‘glue stick’.”,
sambit nito nang huminto siya sa may harapan ko. Sinabi niya ang mga linya na iyon mimicking my voice kagabi. Natawa pa siya sa sarili niyang kagagahan.
“Wala akong panahon sa’yo, Aika. Ano bang gusto mo?”, diretsahang tanong ko sakanya. Dahil hindi ko maunawaan kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin.
“Layuan mo si Teo”, diretsahan niya ring turan.
“At bakit ko naman gagawin ko iyon?”, balik na tanong ko sakanya.
“Dahil akin lang si Teo!”, proud niyang sagot na akala mo isang bagay or gamit lang si Teo na pwede niyang angkinin.
“Ilusyunada!”, walang kagatol-gatol kong sambit.
Nagbago ang timpla ng mukha niya na tila nairita sa narinig mula sa akin. Nakita ko naman si Clarizel na papunta rin sa pwesto namin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Company Call daw sabi ni direk”, pag imporma ni Clarizel sa aming dalawa ni Aika na siyang tinanguan ko bilang sagot. Ngunit hindi naman siya pinansin ni Aika.
(Company Call ang term na ginagamit sa theater kapag may meeting na gagawin or paguusap tungkol sa production)
“Kung mayroon mang ilusyunada sa ating dalawa, wala nang iba kung hindi ikaw! Sino ba sa atin ang nagfe-feeling na babae? Sino ba sa ating dalawa ang kung umasta ay akala mo may puke! Kahit anong inumin mong bakla ka, hindi ka magiging babae. Hindi ka magkakaroon ng matres! Titi pa rin ang mayroon ka. Kung magpa-opera ka man, hindi mo pa rin maitatago na isa ka pa ring lalaki!”, sunod-sunod niyang bira. Walang preno. Sabay tapik sa balikat ko.
My heart aches to hear those words.
“Akala mo talaga magugustuhan ni Teo ang isang baklang gaya mo? Lalaki si Teo. Pekpek ang gusto niya. Isang bagay na mayroon ako at ikaw wala! Alangan namang mag espadahan kayong dalawa? Hahahaha!”, hindi pa rin siya tumitigil at muli nanaman niyang tinapik ang balikat ko.
Naglakad ako at nilagpasan siya dahil hindi ko kayang marinig ang mga salitang iyon na umaatake sa mga insecurities ko as a trans woman. Naiiyak ako. Ang sikip sa dibdib. How can she be this cruel? Dahil lang kay Teo ay aabot kami sa ganitong sitwasyon? I’ve know Aika for being a maldita at eskandalosa but I didn’t expect na ganito siya kalala.
Agad naman niyang hinila ang buhok ko mula sa likuran ko dahilan para mapa-tungo ang ulo ko. Medyo masakit iyon. At ito ang isang bagay na ayaw ko, ang sasaktan ako pisikal.
“Hindi pa ako tapos sa’yong ilusyunadang bakla!”
“Tama na iyan, Aika. Sumosobra ka na!”, pag-awat ni Clarizel sa kanya.
“Huwag kang makielam dito, Cla. Totoo naman lahat ng sinasabi ko eh! Diba, bakla?” muli niyang tinapik ang balikat ko and this time medyo may pwersa iyon.
“Isa pang tulak mo sa balikat ko at sinisigurado kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo”, nilalamon na ko ng galit. Hindi ko rin alam kung ano ang kaya kong gawin sa babae na ito.
“Are you threatening me?”, mapang-asar niyang tanong.
“That’s not a threat. That’s a promise!”, Matalim ko siyang tinignan sa mata.
“Hala! Grabe, takot ako. Huhuhuhu”, muli nitong pang-aasar.
“Echos! Bakit naman ako matatakot sa isang baklang gaya mo?! Ha? Sino ka ba? Ha? Di hamak na isa ka lang naman na baklang madumi at ilusyunada!”, and then she tapped me again sa may shoulder ko and this is my last straw.
Napatakip na lamang ng bibig si Clarizel sa nasaksihan.
Nakita ko na lamang si Aika na tumilapon pasalampak sa may sahig, hawak-hawak ang kanyang dumudugong labi.
“Kate!”
And then I heard his voice.
This time, I knew I fucked up so hard. This time ay totoo na. I was caught in the act. Wala nang takas. Wala nang kawala. And then I remembered what he said last night,
“Ayokong makikita na nananakit ka ng ibang tao”
26
Nandito ako ngayon sa loob ng room at nakaupo habang pinapalibutan ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. Kasama rin namin si Clarizel at Mike. Nalaman ko sa kanila na sinamahan daw ni Teo at ng SM namin na si Mira si Aika sa clinic para gamutin ang nagdudugo nitong labi. Ngayon lang nag sink in sa utak ko ang lahat ng nangyari kanina.
Nahirapan akong iproseso lahat ng naganap dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Galit dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni Aika. I’ve never been so angry like how I felt earlier and I never thought na magagawa kong manakit pisikal. Dahil never akong nakipag-away sa kahit na sino. Dahil sa aming magkakaibigan, sila lagi ang pumapatol sa mga away at ako palagi ang tiga-awat.
Nafa-frustrate rin ako sa sarili ko and at the same time ay disappointed. Hindi ko dapat ginawa iyon kay Aika. Mas hinabaan ko pa sana ang pasensya ko o kaya ay iniwasan na lang siya kanina para hindi na sana umabot pa sa pisikal na sakitan. But at the back of my mind ay sinasabing deserve rin ni Aika ang nangyari sa kanya.
Bigla nanaman pumasok sa isipan ko ang itsura ni Teo kanina nang lumapit ito sa amin para tulungan si Aika sa pagtayo. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa sinapit ni Aika. At nang magtagpo ang aming mga mata, disappointment drawn all over his face. He and Aika left us, and they immediately went to the rehearsal venue kung saan nagkagulo rin daw ang lahat nang makita ang kalagayan ni Aika.
Ilang segundo lang din ang pagitan nang umalis si Aika at Teo ay agad namang nagdatingan ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends at heto, dinala na nga nila ako dito sa room kung saan kami nagpo-
‘prod. work’
. Si Clarizel ang nagkwento sa kanila ng mga nangyari dahil maging ako ay hindi rin makapaniwala sa mga nangyari.
“Kulang pa yung ginawa mo te! Pag umakyat na sila dito, dadagdagan ko ulit yung sugat nya sa mukha para bumalik ulit sila sa clinic!”, naghihisterikal na sambit ni Gema.
“Ewan ko ba kung bakit ang laki ng galit niyan sa’yo ngayon. Hindi naman ganyan yan sa’yo eh.”, naguguluhan na ring turan ni Fifi.
“I think dahil kay Teo kaya galit na galit si Aika kay Kate. Well, obvious naman diba?”, ani ni Clarizel.
“Oo nga, nandun na tayo. Pero, hello? Kailan lang niya nakilala si Teo pero kung umasta sya akala mo naman inaagaw sa kanya si Teo”, nanggagalaiting ani ni Fifi.
“Wala namang bago diyan kay Aika”, Barbs.
“True naman!”, pagsang-ayon naman ni Gema.
Ipinatawag naman ng direktor namin na si Kris ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends at si Clarizel to resume the rehearsal. Naiwan ako mag-isa sa room dahil wala naman akong scene na irerehease. Mabuti na lang din at hindi ako ipinatawag dahil sa totoo lang ay nahihiya rin akong humarap sa mga kaklase ko. Natatakot ako na pag-isipan nila ako ng masama dahil lang sa sinaktan ko ng pisikal si Aika.
Nakarinig ako ng mga yapak sa sahig papalapit sa kinauupuan ko. Kasalukuyan kasi akong nakatalikod sa may pintuan at hawak ang isang piraso ng
‘props’
na dapat sana ay gagawin ko pero hindi ko rin naman nasimulan dahil wala ako sa wisyo.
Agad rin naman akong lumingon sa likod ko at bumungad sa akin ang naka
‘poker face’
na si Teo. Mababakas pa rin sa mga mata nito ang disappointment. Matabang ko lang din siyang tinignan sa mukha at naghihintay sa sasabihin nito.
“You need to apologize to Aika”, diretsahan niyang sambit.
Agad namang nalukot ang mukha ko dahil hindi ako makapaniwalang yun ang mga salitang unang lalabas sa bibig niya. Seryoso ba siya? Alam kong may kasalanan akong nagawa pero hindi niya man lang ba muna tatanungin kung ano ba talaga ang mga nangyari? Hindi niya pa rin ba papakinggan ang side ng story ko?
Pagak akong napatawa.
“What’s so funny?”, naging seryoso bigla ang tono ng pananalita niya.
“Are you for real?”, natatawa ko pa ring turan.
He looks so confused. Mariin niya akong tinitigan trying to find out why am I laughing.
“Iyan talaga agad ang ibubungad mo sa akin?”, seryoso kong tanong sa kanya.
He looks away avoiding my eye contact. “Aika told me everything”, he said while looking at the window behind me.
“Told you what?”, mapanghamon kong tanong.
Muli niya akong tinignan.
“You should not have said those things to her. Telling her na layuan at tigilan ang paglapit niya sa akin? Why would you say that?”, diretsahan niyang tanong na siya namang nagpagulat sa akin.
Nanlaki ang aking maliliit na mga mata kasabay nang pagtakip sa aking bibig.
Pinandilatan niya rin ako asking me to answer his questions.
“Hindi totoo iyan. Hindi ko sinabi ang mga bagay na iyon”, pagtatanggol ko sa sarili ko.
“As expected, tama nga si Aika. Of course, you’ll deny it”, bakas nanaman sa boses niya ang pagka dismaya.
Napayuko na lang ako sa sobrang inis. Hindi na dapat ako magulat pa dahil magaling talaga si Aika na magbaliktad ng istorya.
“At ano, after niyang tumanggi sa gusto mong mangyari ay sasaktan mo na lang siya ng pisikal? Remember what I told you last night?”, mapanghamon niya nanamang tanong.
“Hindi totoo lahat ng kwento ni Aika”, mariin kong sambit habang nakayuko pa rin. Hindi ko siya magawang tignan dahil unti-unti nang namumuo ang mga luha sa aking mga mata.
“Is that so? Okay, then tell me your version of the story.”
Iniangat ko ang ulo ko at muli siyang tinignan sa mga mata. Walang emosyon niyang sinalubong ang aking tingin at naghihintay sa mga sasabihin ko. Nanginginig na ang aking mga kamay at bibig sa sobrang pagpipigil ng iyak. Tila may nakabara na rin sa lalamunan ko at hirap akong lumunok para sana makabwelo sa mga sasabihin ko.
“What now?”, muli nitong tanong sa akin.
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng katotohanan ngunit hindi ko magawa. Nahihirapan akong buksan ang aking bibig, wala akong maapuhap na hangin na siyang magbibigay sa akin ng sapat na lakas para simulan ang pagsasalita. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukan kong huminga nang malalim para pakalmahin ang aking sarili.
“Ano? Nag-iisip ka pa ba ng ipapalusot mo?”, napadilat agad aking mga mata at sumalubong sa akin ang mga tingin niya na nanunuya.
Tears fell from my right eye. Kasabay nito ang tuluyang pagsikip ng aking dibdib. I was hurt and offended at this moment. Does he really think na magsisinungaling ako sa kanya?
Napayuko na lang ako as a sign of defeat. Parang wala ring saysay kung magsalita man ako sa harap niya. The way he acts and asks me to tell him everything, parang wala ring pag-asa na paniwaalan niya ako. His mind had already been consumed by Aika’s lies.
“Next time, manage your temper. Hindi porket galit ka ay mananakit ka na agad physically ng ibang tao.”, pangangaral niya sa akin sa seryosong tono ng boses.
He got a point though. I should have at least controlled my anger. Hindi ako dapat agad-agad na nagpadala sa galit.
“Dahil kahit saang anggulo mo tignan, mali pa rin ang ginawa mo”, dagdag pa nito.
“Hindi lang naman ako ang may mali sa mga nangyari”, mahina kong turan, sapat na para marinig niya habang nakatingin pa rin ako sa sahig.
“Kahit pa, hindi mo dapat ginawa ang suntukin siya. Babae pa rin siya at ikaw ay…”
“Ano?!”, agad kong pagputol sa sasabihin niya. Mariin ko siyang tinignan sa mga mata at bakas rin sa mga mata niya ang pagkagulat.
“Ano?! Ano ako?! Tell me?”
“Hindi ko siya dapat sinaktan dahil babae pa rin sya at ako ay…”
“Lalaki pa rin? Bakla?”
“Is that what you are trying to say?”, galit kong panghahamon sa kanya. I can’t believe this person.
Agad niyang iniwas ang mga mata niya sa akin.
“You don’t dictate to me how I should defend myself. Don’t throw at me the
“Babae-Pa-Rin-Sila”
card because I don’t care. If you will disrespect me as a person, you’ll get what you deserve.”, galit kong turan habang patuloy pa rin na nakatingin sa kanya.
“Also, I will never forget this day that you invalidated me as a woman”, pinal kong sabi at agad akong lumabas ng room. Dumiretso ako ng C.R at pagpasok ko pa lang sa cubicle ay agad kong inilabas ang kanina ko pang pinipigil na pag-iyak.
Halos 30 minutes din akong nagkulong lang sa loob ng cubicle. Hindi ko alintana ang ingay ng mga babae sa loob ng C.R while doing their thing dahil patuloy pa rin na lumilipad ang isipan ko.
I just can’t believe na ininvalidate ni Teo ang pagiging babae ko. I thought he fully accepted me for who I am and saw me the way I identify myself. Ang sakit lang kasi mali pala yung akala ko. Despite our closeness and how he protects and treats me, he still sees me as gay. Or perhaps a crossdresser.
Nang tuluyan akong kumalma ay lumabas na ako ng C.R at dumiretso sa rehearsal venue. Wala rin naman akong natanggap na text or tawag mula sa mga
“Not-So-Pretty”
kong friends, patunay na busy pa rin sila sa rehearsal.
Pag dating ko ng rehearsal venue ay normal lang ang lahat. No one dares to talk about what happened between me and Aika. Marahil ay utos na rin ng direktor namin na si Kris para hindi mapektuhan ang lahat habang nag rerehears. Ang tanging narinig ko lang mula kay Kris ay balak daw ni Aika mag file ng complaint sa Office of the Director of the Student Services o kaya ay sa Head of Student Services regarding sa pananakit ko sa kanya physically.
Agad naman akong nabahala dahil pag nagkataon na naging pabor ang desisyon kay Aika ay masususpend ako at hindi maaaring mangyari iyon dahil malapit na rin ang mid-terms namin kung saan ipeperform namin ang kalahati ng
‘Musical Play’
na ginagawa namin.
Maging ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ay nag-aalala rin sa balak na gawin ni Aika. Naging sukdulan lalo ang pagkainis na nararamdaman nila sa babae.
Natapos ang rehearsal nang hindi ko na muling nakita pa si Teo at Aika. Ang sabi ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ay nagpunta na daw sa klase niya si Teo at si Aika naman ay pinauwi na lang muna ni Kris.
Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa pagitan namin ni Aika. Tatlong araw na rin na hindi kami nag-uusap ni Teo. Hindi na rin kami sabay na pumapasok. Hindi na rin namin siya nakakasabay na kumain tuwing lunch. Alam na rin ng
“Teo and Friends”
ang mga nangyari. Of course, ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ang nag kwento and they made sure na pawang katotohanan ang malalaman nila. Dahil ayaw namin sa mga fake news peddlers. Char!
Sa mga lumipas na araw ay si Aika at Teo ang palaging magkasama. Sila na rin ang nagsasabay sa pagkain tuwing lunch. May narinig pa ako mula sa iba naming classmates na hinahatid din daw ni Teo si Aika pauwi.
Hindi na rin itinuloy ni Aika ang pagfi-file niya ng complaint. Nagbago daw ang isip nito.
At hindi na rin kami muli pang nagka-usap ni Aika. Dahil wala naman kaming dapat na pagusapan, I guess. Kung mayroon man ay ang ayusin ang alitan namin sa isa’t isa which is malabong mangyari.
Palagi pa rin nagpupunta si Teo sa mga rehearsals namin. At silang dalawa lang ni Aika ang palaging magkatabi. Minsan pa ay nahuhuli ko si Aika na mapang-asar na nakatingin o kaya naka ngisi sa akin habang nakasabit ang mga kamay nito sa braso ni Teo. At naiinis ako dahil wala akong magawa.
Naiinis ako sa tuwing nakikita silang magkasama and it really hurt so bad. Nasasaktan ako sa mga nangyari sa aming dalawa ni Teo. Gustuhin ko mang agawin siya mula sa tabi ni Aika pero hindi ko iyon kayang gawin.
Baka lalo lang maging makatotohanan ang mga kasinungalingan na sinabi ni Aika kay Teo. Na gusto kong lumayo siya kay Teo at tigilan niya ang paglapit dito.
Dahil ang totoo ay namimiss ko na rin si Teo. Kahit na galit pa rin ako sa kanya ay namimiss ko pa rin siya.
Hindi rin nakakaligtas sa paningin ko ang matatalim na tingin na ipinupukol ni Teo kay Mike tuwing nagru-run kami ng mga scenes at kanta namin. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng kaunting tuwa, assuming na baka may pakielam pa rin siya sa akin. Sana nga mayroon pa rin.
Nagdaan ang linggo at inabala ko lang ang sarili ko paglilinis ng aking kwarto. Nag-aya rin ang mga ”
Not-So-pretty”
kong friends na tumambay sa bahay nila Gema para manood ng mga movies pero tumanggi ako. Wala akong energy para makihalubilo sa ngayon. Isa ito sa mga red flags ko siguro, I stay away sa mga friends ko or nagiging anti-social ako if there is something na bumabagabag sa akin. And sometimes I don’t feel like telling my friends kung ano yung nararamdaman ko kasi I don’t want to be a burden sa kanila. May kanya-kanya kaming pinagdadaanan at ayokong dumagdag pa sa kung ano man ang problema nila. Yeah, I have this thinking.
Pag dating ng hapon ay binisita ko lang si mama sa palengke at nanghingi na rin ako ng pera para ipaayos ang buhok ko. Ilang linggo na lang din at ipeperform na namin ang kalahati ng
‘Musical Play’
namin. At since ang role na gagampanan ko ay si
‘Anne Wheeler’
, napag-isipan kong kulayan na lang ng totoo ang buhok ko ng kulay
‘pink’
instead na magsuot ng wig. Para na rin may bago sa itsura ko.
Pagkakuha ko ng pera mula kay mama ay agad akong dumiretso sa salon. Mahigit apat na oras ang itinagal ko sa salon at halos maiyak na ko sa sakit ng anit ko dahil sa ilang beses na pag bleach sa buhok ko.
Pinuri naman ako ng mga taong nag-ayos ng buhok ko dahil sobrang bagay daw sa akin ang kulay ng buhok ko. Mas lalo daw akong nagmukhang koreana or isang k-pop idol. At totoo nga, satisfied ako sa naging resulta. Mas lalo akong pumuti tignan sa kulay ng buhok ko.
Nang makauwi ng bahay ay maging si mama at papa ay nagulat sa itsura ko. Kahit pa nanghingi ako ng pera kay mama ay hindi ko naman sinabi sakanya specifically kung anong klase ng pagpapaayos ng buhok ang gagawin ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanila na kailangan ko itong gawin para sa
‘Musical Play’
na gagawin namin.
Kinabukasan ay ang schedule ng panonood namin ng isang video kung saan ipinerform ang
‘The Greatest Showman’
. Kuha ito mula sa isang university sa U.S at mga students lang din ang nag perform. Nagdesisyon si Kris na gawin ito para na rin magkaroon kami ng idea at ma-picture namin ang magiging takbo ng
‘show’
namin.
Dahil nga isang movie ang
‘The Greatest Showman’
, maganda na rin may reference kami kung anong magiging atake namin kapag ipinerform na ito sa isang
‘stage’.
At suggestion na rin ito mula sa professor namin na si Mrs. Dela Fuentes.
Maaga akong dumating sa school at kasabay kong pumasok ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. Agad din kaming pumirma sa
‘attendance sheet’
. Kahit nagugutom pa ay nagdesisyon akong huwag nang bumili ng pagkain dahil tinatamad na akong bumaba para pumunta pa sa canteen. Medyo nakasanayan ko na kasi ang kumain sa umaga gawa na rin ni Teo na lagi akong pinipilit kumain ng breakfast.
Ilang minuto pa ay unit-unti na ring nagsi-datingan ang iba pa naming kaklase. Pinuri naman nila ang bago kong kulay na buhok at sinabi nila na sobrang bagay daw ito sa akin. Halos parehas sila ng reaction ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends nang magkita-kita kami kanina bago pumasok sa school.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Aika at Teo na kapwa may hawak na
‘iced coffee’
at
‘sandwich’
. Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib nang makita silang dalawa.
Agad naman napadako ang tingin nila sa akin dahil na rin siguro sa agaw pansin na kulay ng buhok ko. Bakas sa mukha ni Aika ang pagka-irita nang makita ako sabay irap ng kanyang mga mata. Si Teo naman ay ilang sandali pa ang itinagal ng titig niya sa akin. Hindi ko man sila diretsahang tinitignan ngunit kita ko sa peripheral view ko ang pag-agaw ni Aika ng atensyon ni Teo mula sa akin.
Umupo sila malapit sa may pintuan at masayang nag-usap habang kumakain. Agad namang nagtama ang tingin namin ni Teo at agad ko ring iniwas ang sa akin.
“Okay ka lang, te?”, nag-aalalang tanong ni Barbs. Magkakatabi kaming apat sa may bandang likuran.
“Oo, te. Keri lang ako. Medyo gutom lang”, pagpapaliwanag ko sabay pilit na ngumiti.
“Ito, Kate. Sa’yo na lang ito”, agad namang inilahad ni Mike ang isang
‘Hamburger’
sa harap ko. Kasalukuyan pala siyang nakaupo sa may harapan lang namin at narinig niya ang usapan namin. Nahihiya man ay tinanggap ko na rin ito. Gutom na kasi talaga ako hehe.
“Sa-salamat, Mike”, nakangiti kong pasasalamat.
“Yieee! Grabe naman at si Kate lang talaga ang may
‘Hamburger’.
Magpapakulay na nga rin ako ng color
‘Pink’
na buhok bukas para may magbigay din ng
‘hamburger’
sa akin.”, pang-aasar naman ni Fifi, sapat na para marinig ng iba pa naming kaklase.
Dinaluhan naman ng iba ko pang kaklase ang pang-aasar ni Fifi kay Mike habang si Mike naman ay namumula na sa hiya.
Nahagip naman ng mata ko ang kinaroroonan ni Teo at Aika. Si Aika ay tila walang pakielam sa pang-aasar ng mga kaklase namin kay Mike at masaya lamang itong kinakausap si Teo habang si Teo naman ay matalim na nakatingin sa pwesto namin. Nagkibit balikat na lamang ako at masayang kinain ang
‘Hamburger’
na bigay ni Mike.
Saktong alas otso ng umaga ay magsisimula na kami sa panonood. Binalot namin ng
‘Black Cloth’
ang buong room para dumilim ang paligid. Sine-set up naman ng mga
‘Stage Managers’
namin na sila Mira at Lady ang
‘Projector’
na gagamitin namin sa panonood habang si Clarizel naman ay inaayos ang laptop niya kung saan ipa-play ang video.
Abala ang lahat sa pagdadaldalan nang biglang agawin ni Mira ang atensyon ng lahat.
“Ready na, guys. Quiet na muna tayo at magfocus sa panonood. Para sa mga
‘lead actors’
natin at buong
‘production team’
, i-take note nyo lahat para may ma-iapply tayo sa magiging performance natin.”, pagpapaliwanag niya sa lahat.
“Copy po, SM!”, sabay-sabay na pag sang-ayon namin.
“Good! Please play the video na, Cla”, pag-uutos ni Mira kay Clarizel.
“I’m so sorry, Aika. Sorry kung pinaso ko ang kamay mo ng ‘glue stick’.”
“Wala akong panahon sa’yo, Aika. Ano bang gusto mo?”
“Layuan mo si Teo”,
“At bakit ko naman gagawin iyon?”
“Dahil akin lang si Teo!”
“Ilusyunada!”
“Kung mayroon mang ilusyunada sa ating dalawa, wala nang iba kung hindi ikaw! Sino ba sa atin ang nagfe-feeling na babae? Sino ba sa ating dalawa ang kung umasta ay akala mo may puke! Kahit anong inumin mong bakla ka, hindi ka magiging babae. Hindi ka magkakaroon ng matres! Titi pa rin ang mayroon ka. Kung magpa-opera ka man, hindi mo pa rin maitatago na isa ka pa ring lalaki!”
“Akala mo talaga magugustuhan ni Teo ang isang baklang gaya mo? Lalaki si Teo. Pekpek ang gusto niya. Isang bagay na mayroon ako at ikaw wala! Alangan namang mag espadahan kayong dalawa? Hahahaha!”
“Hindi pa ako tapos sa’yong ilusyunadang bakla!”
“Tama na iyan, Aika. Sumosobra ka na!”
“Huwag kang makielam dito, Cla. Totoo naman lahat ng sinasabi ko eh! Diba, bakla?”
“Isa pang tulak mo sa balikat ko at sinisigurado kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo”
“Are you threatening me?”
“That’s not a threat. That’s a promise!”
“Hala! Grabe, takot ako. Huhuhuhu”
“Echos! Bakit naman ako matatakot sa isang baklang gaya mo?! Ha? Sino ka ba? Ha? Di hamak na isa ka lang naman na baklang madumi at ilusyunada!”
Agad na naputol ang video na naka play sa
‘Projector’
.
“Sorry! Hindi ko sadya”, nag-aalalang paumanhin ni Clarizel.
Napuno nang bulungan ang buong kwarto. Ang ilan naman ay gulat na gulat sa napanood.
At sa peripheral view ko, I saw him standing up in disbelief while facing Aika. Tumingin ako sa pwesto nila and I saw Aika trying to hold Teo’s hands while holding her tears.
27
Naglalakad ako ngayon papunta sa canteen para bumili ng almusal. Alas-syete pa lang ng umaga at 7:30 a.m ang klase namin. Nakasanayan ko na rin kasi ang kumain ng almusal. Kahit na nagluluto si Mama ng almusal sa bahay, mas pinipili ko pa rin na bumili ng pagkain dito sa university. Mura lang din naman, saka ang mas mahalaga para sa akin ay ang
‘Iced Coffee’
. Parang hindi puwede na magsimula ang araw ko nang hindi nakakainom ng
‘Iced Coffee’
. Wala eh, naadik na lang ako.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na si Mike na kumakaway sa akin habang malapad na nakangiti. Halos mag-iisang linggo na rin ata na nagsasabay kami sa pag-akyat sa classroom. Minsan naman ay kasabay rin namin ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. Hindi nga lang ngayon dahil mga puyat sila dahil na rin sa preparations nila para sa upcoming
‘Cheer Dance Competition’
na gaganapin sa
‘Intrams’
. Gabing-gabi na rin kasi sila kung umuwi, kaya madalas ay nauuna na akong umuwi kaysa sa kanila.
Dumaan muna kami ni Mike sa canteen para bumili ng pagkain at mukhang pati siya ay naaadik na rin sa
‘Iced Coffee’.
“Good morning!” masayang bati ni Mike nang makarating ako sa kinatatayuan niya dito mismo sa may entrance ng canteen.
“Good morning, din”, nakangiti ko ring bati sa kanya.
“Parang ang fresh natin ngayon, ah,” pang-aasar niya sa akin.
“Sus! Wala namang bago. Lagi naman akong fresh, kaya huwag mo na akong utuin. Saka wala akong pang-libre sa’yo,” pagpatol ko naman sa kanyang biro habang natatawa.
“Grabe! Hindi man lang nagpa-humble”, natatawa ring turan ni Mike.
Agad naman kaming nagtungo sa stall ni Ate Joy at bumili ng ‘Egg Sandwich’ at
‘Iced Coffee’.
Hindi rin naman kami natagalan sa pagbili dahil kakaunti pa lang din ang mga estudyante na bumibili sa mga oras na ito.
Matapos makuha ang aming binili, agad din naman kaming nagtungo sa aming room.
Kaunti pa lang din ang mga kaklase ko na nasa loob ng room at naiintindihan ko naman na mahirap talaga ang pagpasok ng umaga. Alam kong maraming college students ang makaka-relate dito. 7:30 a.m class is a big No No. Idagdag mo pa na literary ang subject namin sa araw na ito na medyo nakakaantok naman talaga.
Binati namin ni Mike ang mga kaklase namin at agad na umupo para kainin ang almusal na binili namin.
“Ang taray naman. Ang aga mo ngayon, ah!” narinig kong sambit ni Joanne.
“Syempre, te! Dami ko nang absent sa subject na ‘to. Ayoko naman na ibagsak or i-drop ako ni Ma’am Pascua,” pagod at puyat na sagot ni Gema. Agad namang natungo ang paningin nito sa amin ni Mike at malisyoso itong ngumisi.
“At nandito na rin pala ang
“Oh-So-Gorgeous”
kong friend,” mapang-asar nitong bungad sa amin ni Mike. Inilapag naman niya ang kanyang bag at
‘Iced Coffee’ sa
katabi kong upuan, sabay upo.
“Nasaan sina Fifi at Barbs?” tanong ko sa kanya.
“Ay! Ayun dzaii. Borlog pa ang mga bakla. Ayoko naman umabsent dahil nga ma-do-drop na ‘ko kay Ma’am Pascua,” sagot naman ni Gema, sabay inom sa kanyang
‘Iced Coffee’.
“Eh, hindi ba sila rin? Nanganganib na sa subject ni Ma’am?” singit na tanong naman ni Mike.
“True! Naku, bahala sila jan. Ayokong i-repeat or i-summer itong subject na’to.”, ani ni Gema.
“Pep Squad pa!” pang-aasar ko naman dito na siyang ikinatawa naman ni Mike.
“Promise! Last ko na’to. Next year hindi na ‘ko sasali,” determinadong sambit ni Gema at mababakas pa rin ang pagod at puyat sa mukha niya.
“As if naman na papayag sila? What if gawin ka nilang Team Captain next year?” panghahamon ko sa kanya.
“Ay, hindi na talaga, te! Napapagod na ‘ko sa buhay ko,” pagrereklamo niya na akala mo isang ulirang ina. Tinawanan lang namin siya ni Mike.
Agad namang dumating si Ma’am Pascua at nagsibalikan na kami sa kanya-kanya naming mga upuan.
Kakatapos lang ng third subject namin ngayon at saktong alas dose na ng tanghali. Nag-aayos na kami ng aming mga gamit para makababa na sa canteen at makakain ng lunch. Huminto pa muna saglit si Fifi para humikab. Ramdam ko ang puyat niya. Ganun din si Barbs na pumasok nang wala man lang kahit kaunting ayos. Third subject na sila pumasok, mga bandang 10:30 a.m.
“Antok ako, mga te. Parang ayaw ko kumain, gusto ko na lang matulog.”, ani ni Barbs na nakaupo na pala ulit sa kanyang upuan at nakatulala sa kung saan.
“Ako rin, mga te. Gusto ko na lang humimlay.”, dagdag naman ni Fifi.
“Hala! Magugutom kayo mamaya sa rehearsal. Magru-run pa naman tayo ng buong Act 1.”, paalala sakanila ni Gema.
“Kaya naman, ibili mo na lang kami ng food,” parang may isang bumbilya na agad na lumabas sa utak ni Fifi.
“Ay! Nautusan pa nga.”, maagang reklamo ni Gema.
“Dali na, te! Hindi ka ba naaawa sa amin ni Barbs?” pagpapaawa naman ni Fifi with matching pabebe face.
“Huy, te! Ang chaka mo. Saka, hello! Pagod din ako, no? Bakit kayo lang ba ang galing sa training at rehearsal kagabi? Ha?” Pagtanggi pa rin ni Gema sa utos ni Barbs at Fifi.
“Sige na. Kami na lang ang bibili.”, tila isang anghel na hulog ng langit si Mike nang marinig nila ang offer nito.
“Hala! Thank you, Papa Mike. Napakabuti mo talagang nilalang.”, masiglang sambit ni Fifi sabay kuha ng coin purse nito at dumukot ng pera. Ganun na rin ang ginawa ni Barbs. Agad din namang tinanggap ni Mike ang mga perang iniabot ng dalawa sa kanya.
“Luh? Nagpapa-uto ka sa mga baklang madudungis na ‘yan, Mike? Ay naku! Ayoko magbitbit ng mga pagkain, ah,” walang humpay pa ring reklamo ni Gema na ikinatawa ko at ni Mike.
“Amacana ka na nga akla. Dami mong ebas, hindi naman ikaw yung bibili. Kung makaarte, akala mo naman nasa private school at 2k ang baon per day,” pambabara naman ni Barbs na ikinatawa ulit namin.
“At least, Maganda. Mahirap man kami, Maganda pa rin ako”, pagpatol naman ni Gema.
“Walang ganda, te! Tama na pag-iilusyon.”, Barbs.
“True! Sige na, gumora na kayo para makabalik kayo agad dito. Hihimlay lang kami saglit ni Barbs.”, ani ni Fifi. Tuluyan na nga kaming lumabas ng room.
Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong naman namin si Aika. Ngayon pa lang sya papasok. Absent siya sa first three subjects namin, which is very rare, kasi kahit may pagka-maldita siya, bihira naman siyang umabsent or ma-late sa mga klase namin.
Hindi man niya kami tinapunan ng tingin, ngunit ramdam ko ang tensyon at inis mula sa kanya habang diretso lamang itong naglakad papunta sa room namin.
Hindi naman na kami nagsalita at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. After nung nangyari more than 2 weeks ago, hindi na siya nagtangkang malditahan ako at magsalita ng masasama laban sa akin. Though, nahuhuli ko pa rin siya na masama ang tingin sa akin, pero most of the time ay nakasimangot lamang ito.
Pagkatapos mag-walk out ni Teo noong araw na iyon ay tuluyan nang napuno ng bulungan ang buong classroom namin habang si Aika naman ay tuluyan nang naiyak dahil sa mga nangyari. Ako at ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ay gulat na gulat naman habang si Clarizel ay tila humihingi ng pasensya nang tumingin ito sa akin.
Ang direktor na si Kris ay napagpasiyahan na kausapin kaming tatlo after naming panoorin ang movie. Ako, Si Aika at Clarizel. Napag-alaman namin na pasikreto pa lang kinuhanan ni Clarizel ng video ang bangayan namin ni Aika. She was proud when she said she did it for me. In case man na magkagulo kami ulit at magpakalat ng kung ano-anong kuwento si Aika, ay mayroon siyang proof na maipapakita.
Hindi man kami close ni Clarizel gaya ng friendship na mayroon ako with Barbs, Fifi, and Gema, I can say that we are good friends. And I appreciate her concern for me. And I cannot blame her for doing it. Knowing Aika.
Si Aika naman na parang kawawang nilalang na akala mo ay aping-api, napalitan agad ng kamalditahan ang awra niya nang marinig ang naging rason ni Clarizel. Ngunit bago pa man siya makapagsalita ng masasama ay agad na siyang pinigilan ni Kris. Sinubukan pa kaming pag-ayusin ni Kris, ngunit imposible talaga siyang mangyari.
Kaya naman, ang naging kasunduan namin ay iiwasan namin ang anumang bangayan sa buong semester. In case na mahuli, makita, or kahit na may marinig siyang balita na nagpang-abot ulit kami ni Aika, hindi siya magdadalawang-isip na i-report kami kay Mrs. Dela Fuentes at worst case, bumagsak kami sa subject niya.
Wala naman kaming choice kundi ang mag-agree. And as if naman na gusto ko pang makipagbangayan sa kanya. Never in my life akong nakipag-away at ayoko nang maulit pa iyon.
Beefsteak ang binili ni Mike na pagkain para kina Fifi at Barbs. Chicken curry naman ang sa aming tatlo ni Gema. Sa iisang stall lang din namin binili ang mga pagkain namin. Ayaw na kasi naming lumayo pa dahil mainit din ang sikat ng araw.
Laking gulat ko naman nang makabalik kami sa classroom. Si Fifi at Barbs na nagsabing hihimlay muna dahil sa pagod at puyat ay nadatnan naming masayang nakikipag-usap at tumawa sa
“Teo and Friends”.
“Oh! Nandito na pala ang isa pa naming bossing, eh,” masayang sambit ni Nico nang makita ako habang papalapit sa kinauupuan nila.
“Hi, Kate! Kumusta?” ani naman ni Josh na may malapad din na ngiti sa mga labi.
Ngiti lang din ang naibigay kong sagot sa kanila. Gusto ko sanang magsalita ngunit parang ayaw lumabas ang mga salita sa aking bibig. Aminado naman ako na medyo awkward ako dahil sa sitwasyon namin ni Teo. Si Teo ang malapit na kaibigan nila.
Pero na-realize ko rin na wala naman akong dapat na i-awkward sa harap nila. Kung sila nga ay normal lang umakto sa harap ko, dapat ganun din ako. Kung ano man ang issue namin ni Teo, sa aming dalawa na iyon. Labas na ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends at ang
“Teo and Friends”
.
“Anong meron at napadalaw kayong dalawa?” Kyuryosong tanong ni Gema sa casual na boses habang inilalapag ang mga pagkain na hawak niya sa isa sa mga upuan.
“Wala naman. Na-miss lang namin kayo. Tagal na din nating hindi nagbo-bonding eh.”, nakangising sagot naman ni Josh.
“Hala! Totoo ba? Miss mo’ko? Ako rin! Sobrang miss na kita.”, hindi mapigil na sambit ni Fifi habang kinikilig. Sinuklian naman siya ng matamis na ngiti ni Josh, sabay haplos sa baba ni Fifi.
And I was like
“Huh?” “Weh?” “Talaga ba?”.
I was too stunned to speak.
Maging si Gema at Barbs ay nagulat din sa mga nakita. Habang si Fifi naman ay halos mangisay na sa sobrang kilig.
“Hmmmm. Something is not right. Something is fishy”
ani ko sa aking utak.
“Tara na, guys! Kain na tayo!” agaw-pansin na sambit ni Mike habang malapad na nakangiti.
Agad namang napawi ang mga ngisi at ngiti sa mga labi nina Nico at Josh at masamang tinapunan ng tingin si Mike. Agad naman kaming umayos nang pagkakaupo para kumain. Inaya pa ni Barbs sina Nico at Josh na kumain.
Bago pa kami tuluyang magsimula sa pagkain, agad din namang tumayo sina Nico at Josh na nakaupo lang din sa harapan namin.
“Mauuna na kami, ladies! Gusto lang talaga naming kumustahin kayo. Lalo na si Boss Kate”, pormal na turan ni Josh sabay kindat sa akin.
“Mabuti rin na malaman namin na okay lang kayo. Bonding naman tayo sa Sunday. Dating gawi sa plaza.”, pag-imbita ni Nico.
Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ni Fifi ang imbitasyon at tuluyan nang nagpaalam ang dalawa.
Pasado alas sais na ng gabi nang magsimula ang rehearsal namin. Si Fifi ang nag-lead ng warm-up at si Gema naman ang nag-lead ng vocalization ng mga singers. Ngayon kasi ay magru-run through kami ng buong
‘Act I’
ng
“Musical Play’
namin. Meaning, tuloy-tuloy ang daloy ng performances. We will treat it as if nasa actual performance na kami, but without costumes and proper set and props.
Kanya-kanya na rin sa pag-i-
internalize
ng lahat, lalo na ang mga main actors. And of course, kasama na ako doon. Kapag may ganitong sitwasyon, hindi na muna ako nakikipag-usap sa kahit na sino. Kailangan ko munang kalimutan saglit si Kate. Ako muna si Anne Wheeler sa mga oras na ito.
Ang isa sa mga susi ng isang magandang acting at performance ay yung dinadamdam mo ang bawat eksena bilang character mo. Kaya mahalaga na inaaral mong mabuti ang character na ginagampanan mo. Mula sa physical appearance niya, kung paano kumilos, including ang mga mannerisms niya, maging ang background ng buhay niya. You really need to be your character.
Kaya hindi ako naniniwala sa mga acting na dapat daw ay isipin mo ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay mo or worst case – isipin mo daw na namatay ang mga mahal mo sa buhay para lang maiyak ka sa isang acting scene. For me, that is not how it works. You must embrace your character at damhin ang emosyon sa bawat eksena na gaganapan mo as your character.
“Ready, Actors?”, sigaw na Mira sa lahat upang itanong kung naka ready at standby na ba ang lahat ng mga actors para sa opening scene which is ang –
‘The Greateast Show’
“Actors ready!” sagot naming lahat pabalik kay Mira.
At nagsimula nang tumugtog ang opening music at masayang pumasok sa eksena ang mga actors na magpe-perform.
“Manong, ito po yung bayad,” ani ko, sabay abot ng pera kay Manong, tricycle driver.
Hindi ko kasabay ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends sa pag-uwi dahil may rehearsal ulit sila para sa darating na Cheer Dance Competition. Kahit pa puyat, ang mga iyon ay wala naman silang choice kundi ang umattend.
Pagbaba ko ng tricycle ay naglakad na ako papasok sa aming barangay. Naisipan ko sanang pumunta sa plaza para kumain ng mga tusok-tusok, ngunit hindi na ako tumuloy. Bukod sa nag-yaya na ang
“Teo and Friends”
na kumain doon sa darating na weekend, nakatanggap din ako ng text kay Mama at Papa na may kainan daw kina Tita Myra ngayon.
Gusto ko man tumanggi at gumawa ng dahilan, kaso nabasa ko na yung text nila Mama at Papa kung kailan nasa tricycle na ‘ko at malapit nang bumaba. Isa pa, paniguradong pipilitin din ako ni Mama na pumunta. Kahit ayaw ko man, wala na akong magagawa. Kusa na akong dinadala ng mga paa ko patungo sa bahay
niya.
I mean, bahay nila.
Saka miss ko na rin naman siya.
Hindi ko naman maikakaila iyon sa sarili ko kahit pa nasaktan ako sa mga nangyari sa pagitan namin.
Dumaan muna ako sa bahay para iwan ang bag ko at makapagpalit man lang ng damit at makapagpa-fresh. Ang lagkit na rin kasi ng pakiramdam ko since nag-rehearse nga kami kanina. Nakadalawang ’
Run Through’
din kami. And so far, maganda naman ang naging flow ng performance namin. Konting polish na lang ng mga sayaw at blocking ng mga actors.
Nag-quick half-bath lang ako at nagbihis ng normal kong pambahay na damit. Isang maiksing short at an oversized T-shirt. Nag-apply din ako ng konting lip and cheek tint para naman hindi ako maputla tingnan. Sinuot ko rin yung
‘bracelet’
na nabili ko noong nakaraan sa may palengke. Super cute at ganda kasi ng design nito. Lakas makababae.
Nang matapos maglagay ng pabango ay agad din akong bumaba ng kwarto at lumabas ng bahay. Ilang hakbang lang din naman ang ilalakad ng mga paa ko papunta sa bahay nila Teo.
Hindi na ako nag-abala pang tawagin sina Tita Myra o kahit sina Mama mula sa labas ng bahay. Dumiretso na ako sa pasok dahil nakabukas din naman ang gate. Pagpasok ko pa lang sa gate ay narinig ko na agad ang malakas na tawa ni Tita Myra.
Ilang sandali muna akong nanatili sa may tapat ng pinto at pinapakalma ang aking sarili. Bigla kasi akong nakaramdam ng kaba at excitement. Kaba dahil makikita ko ulit si Teo at hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap niya nang hindi mahahalata ng lahat na may alitan kaming dalawa.
At excited dahil after ilang linggo ay makikita ko na ulit siya.
Isang malalim na paghinga ang aking ginawa bago tuluyang pumasok sa bahay.
“Oh, Kate! Naandito ka na pala!” ani ni Mama na siyang unang nakapansin sa pagpasok ko.
Agad namang dumako ang tingin sa akin ni Papa, Tita Myra at Maica.
Kasalukuyang nakaupo si Papa sa may sala at busy sa kanyang cellphone. Si Maica naman ay nakaupo sa tapat ni Papa at tila may ginagawa sa laptop na hawak niya.
Si Mama at Tita Myra naman ay nasa dining area at abala sa pag-aasikaso ng nasabing dinner.
“Oh My God, Kate! You’re here na pala! Diyos ko po, na-miss kong makita ang kagandahan mo. Ang kagandahan ng aking future
in-law.
Masayang salubong sa akin si Tita Myra. Hindi ko man lang namalayan na nasa harapan ko na pala siya at nakayakap na sa akin.
Si Papa at Mama naman ay nakatingin sa amin at umiiling-iling ang mga ulo habang natatawa. Si Maica naman ay blanko lamang na pinapanood kami.
“Ahh. Hi po, Tita Myra. Good evening po”, nahihiya kong bati sabay yakap din sa kanya. Awkward man, ay pinilit kong maging normal. Ayaw kong ipahalata na nahihiya ako kahit ang totoo ay gusto ko nang agad umupo sa tabi ni Papa.
“Naku! Saktong-sakto ang dating mo at kakain na tayo!” ani niya matapos bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Nakapaskil pa rin sa mukha niya ang isang masayang ngiti. Na siya namang nakapagpagaan din ng nararamdaman kong hiya at awkwardness kani-kanina lamang.
Iginayak kami ni Tita Myra sa dining area. Binigyan naman ako ni Papa ng isang mabilis na yakap nang maglapit kaming dalawa.
Si Maica naman ay naiwan pa rin sa may sala at busy ulit sa pag-type sa kanyang laptop.
“Mare, nasaan na si Teo?” tanong ni Mama kay Tita Myra habang inaayos ang mga utensils na gagamitin sa pagkain.
“He’s upstairs, pa, eh. I told him to go down early. Kahit kailan talaga ang batang iyon.”, sagot naman ni Tita Myra.
Akmang uupo na sana ako sa isa sa mga upuan sa dining table na katabi ni Papa nang biglang magsalita ulit si Tita Myra.
“Uhmm, Kate? Would you mind calling Teo sa kwarto niya and telling him that the dinner is ready? Hindi ko kasi maabala si Maica. Ayaw kasi niyang magpaabala lalo na pag busy siya sa school work,” pakikiusap ni Tita Myra.
Gustuhin ko mang tumanggi, hindi puwede, saka nakakahiya. Makikikain na nga lang kami dito, tapos simpleng pakiusap lang ay hindi ko pa magawa. Saka nakakahiya rin kay Maica. Dahil maging ako man ay ayaw din sa nagpapaabala kapag gumagawa ng mga schoolwork.
“Ahh. Si-sige po tita.”, mahinhin kong sagot.
“Thank you, Kate! Yung room ni Teo is still the same room pa rin naman.”, pag-imporma nito sa akin.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at umakyat na sa itaas patungo sa kwarto ni Teo. At hindi ako puwedeng magkamali kung alin sa mga pintuan dito sa itaas ng bahay nila ang kwarto niya.
Dahil most of the time na magkasama kami ni Teo sa bahay nila noong mga bata pa kami ay lagi kaming nasa kwarto niya. Nandoon kasi lahat ng mga laruan niya. Doon kami pinaglalaro ni Tita Myra noon dahil super nagkakalat kami kapag nasa sala.
Ganoon pa rin ang kulay ng kanyang pinto. Normal lamang ito at kulay dark brown at nasa pinakadulo ito. Nang nasa tapat na ako ng kwarto niya ay huminga muna ako nang malalim bago kumatok.
“Teo?” ang tawag ko.
Ilang sandali pa ay wala akong narinig na sagot. Napansin ko rin na bahagyang bukas ang pinto.
“Teo?” muli kong pagtawag habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
Nasaan ba ang mokong na ito? Papahirapan pa akong tawagin siya, eh gutom na gutom na rin ako.
“Teo?” muli kong tawag, and this time ay medyo nilakasan ko na ang boses ko.
Ilang sandali pa ay wala pa rin akong narinig na sagot. Medyo naiirita na rin ako. Kung bakit ba naman kasi hindi sumasagot ang mokong na ito. Namomroblema na nga ako sa kung paano ang gagawin ko pag nagkita kami tapos ganito pa.
Sa sobrang inis ko ay binuksan ko na nang tuluyan ang pinto. Bumungad sa akin ang loob ng kwarto ni Teo.
Bigla akong nakaramdam ng kaunting saya at tuwa. Tila ba bumalik ako sa nakaraan? Bumalik ako sa pagiging bata.
Ang loob ng kwarto na nasa harapan ko ngayon ay halos walang pinagbago. Mula sa kulay ng pader nito na kulay asul. Tipikal na kulay ng kwarto ng mga batang lalaki. Ang posisyon ng kama niya ay nasa gitna pa rin ng kwarto. Sa
‘ceiling fan’
na kasalukuyang nakabukas ay mababakas ang pagiging luma na nito. Ang study table ay katabi lang din ng kanyang kama.
Dahil sa halo-halong emosyon, hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng kwarto at pinagmamasdan ang mga laruan na nakadisplay. Lahat ng ito ay nakalagay sa iisang Toy Storage Organizer at namumukhaan ko ang mga ito. Ito ang mga laruang nilalaro namin noon. Masaya kong pinagmamasdan ang mga ito. Napaka
‘Nostalgic’.
Kahit pa halos pang-lalaki ang mga laruan na ito ay nagawa ko itong laruin ng kasama ni Teo.
Sumilay sa isip ko ang mga masasayang alaala na mayroon ako sa loob ng kwartong ito. Ang mga tawanan, takbuhan, masasayang sigawan, harutan at maging ang mahimbing na pagtulog namin tuwing hapon. Saksi ang apat na sulok ng kwartong ito sa kasiyahan at pagkakaibigan ng mga batang sina Teo at Keith.
“What are you doing here?” Isang malalim na boses mula sa aking likuran ang nagputol sa pagre-reminisce ko ng masasayang memories.
Naestatwa ako at tila hindi alam ang susunod na gagawin. Alam kong nagpa-panic na ako deep inside. Bakit ba kasi pumasok ako dito? Sana sinabi ko na lang kay Tita Myra na wala siya dito sa kwarto niya o kaya tulog. O kaya naman ay ayaw niyang kumain. Shemay naman!
“Kate! I’m asking you?”, muli nitong tanong.
Pumikit muna ako saglit, sabay hinga nang malalim, bago ako humarap sa kanya.
Ngunit sa pagharap ko ay agad ko rin itong pinagsisihan.
Mas nagimbal ako sa aking nakikita. Sana pala ay hindi na lang ako humarap.
Agad na nanuyot ang aking lalamunan at kahit anong paglunok ang gawin ko ay walang laway na dumadaan sa aking lalamunan. Hindi ko rin maapuhap o mahanap ang mga salita na handa ko na sanang isagot sa kanyang tanong. Naramdaman ko na rin ang pagpapawis ng aking mga kamay at parang nanghihina na rin ang aking mga tuhod.
Si Teo na nakatayo sa harapan ko ngayon. Topless at tuwalya lamang ang tumatakip sa kanyang pang-ibaba.
Hindi ko maiwasang suriin siya sa kabila ng lahat ng halo-halong nararamdaman ko.
Ang kumpletong abs nito. Ang mga namumutok nitong mga muscles kahit pa naka-relax lamang ang mga braso niya at prenteng nakatayo at nakatitig sa akin. Ang maumbok nitong dibdib at ang buhok sa ibaba ng kanyang pusod.
‘Shit!’
Bakit ko ba dumako pa roon ang aking mga mata? Isa iyon sa mga kahinaan ko pagdating sa mga lalaki.
“Done checking me out?” Tila natutuwa nitong turan dahil sa kanyang nasasaksihan.
Agad naman akong napabalik sa realidad ng buhay at iwinaksi ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
“Tss. Feelingero!”, ani ko sabay irap.
“As you say so”, ani nito sa mayabang na tono.
Tumalikod na ako at akmang maglalakad na papunta sa may pinto. Balak ko sanang doon na lamang sa may pintuan ko sasabihin na ipinapatawag na siya ni Tita Myra para makalabas agad ako ng kwarto.
Ngunit isang paa ko pa lamang ang naihakbang ko nang hawakan ako ni Teo sa may braso.
“Wait!”
Muli na naman akong naestatwa. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang kanyang mga kamay sa aking balat.
“Bitawan mo ‘ko,” ani ko habang pinipilit kong maging kalmado, lalo na ang boses ko.
“We need to talk.”, pagsusumamo nito.
Agad na bumalik sa isip ko ang mga nangyari sa amin noong nakaraang linggo.
Sa totoo lang ay lumipas na ang inis na nararamdaman ko sa kanya. At salamat sa tulong ng mga kaibigan ko at ni Mike.
And I do agree na we really need to talk.
Pero hindi ngayon. Not at this moment na topless siya at tuwalya lamang ang nakatakip sa kanya.
“Huwag muna ngayon, Teo. Bitawan mo ‘ko,” pilit ko pa rin na pinapakalma ang boses ko.
“Kate, please. Mag-usap naman tayo.”, muling pagsusumamo nito.
Laking gulat ko nang pilit niya akong pinaikot at pinaharap sa kanya.
The next thing I know…
Ang tuwalya na nakasabit sa baywang niya ay nakabulagta na sa may sahig.
At tuluyan nang umalingawngaw sa buong kwarto niya ang mga sigaw namin.
28
Tahimik ako ngayong kumakain at pinipilit ang sarili sa bawat pagnguya at paglunok ng mga pagkain. Nawalan na ako ng gana. Yung gutom na nararamdaman ko kanina ay naglaho na lang. Naglaho dahil hindi rin ata niya kinaya ang kahihiyan.
Kung bakit ba naman kasi sinunod ko pa ang pakiusap ni Tita Myra? Kung bakit naman kasi pumasok pa ako sa loob ng kwarto ni Teo gayong puwede ko naman siyang tawagin na lamang mula sa pintuan? Kung bakit ba naman kasi pinipilit niya akong kausapin, eh ayaw ko pa nga? Kung bakit ba naman kasi nahulog ‘yang lintik na tuwalya na ‘yan mula sa baywang niya?
At kung bakit ba naman kasi umakyat pa sina Tita Myra, Mama at Papa para lang tingnan kung bakit kami nagsisigaw?
Ganun na ba kalakas yung mga sigaw namin at para magkumahog sila sa pagakyat at tarantang-taranta?
Mabuti na lamang ay agad nadampot ni Teo ang tuwalya at agad na ibinalik sa kanyang baywang bago pa tuluyang makarating sila Mama, Papa at Tita Myra sa kwarto.
Natagpuan nila kaming dalawa ni Teo na awkward at parehas na namumula ang mga mukha.
Si Teo na nakahubad at tuwalya lang ang suot habang ako naman ay halos nakatakip na sa mukha ang mga kamay dahil sa kahihiyan.
“Aray!” Walang ganang akong paimpit na sigaw matapos akong kurutin ni Mama sa tagiliran.
“Tinatanong ka ni Tita Myra mo. Sumagot ka,” pagpapaalala ni Mama sa akin.
Sa sobrang daming katanungang tumatakbo sa isipan ko, hindi ko na naririnig ang mga pinag-uusapan nila.
Kasalukuyan kaming kumakain. Napaggitnaan ako ni Mama at Papa. Sa kanan ko si Mama at sa may kaliwa ko naman ay si Papa.
Nasa harapan ko naman si Teo. Nasa kaliwa niya si Tita Myra at sa kanan naman niya ay si Maica.
“Ahh. Sorry, po tita. Ano po ulit iyon?” pagtatanong ko ulit dahil hindi ko nga narinig ang mga chika nila.
Si Teo naman ay bahagyang nakayuko habang kumakain, pero hindi pa rin nakakaiwas sa paningin ko ang pasulyap-sulyap niyang mga tingin.
“Are you okay, Hija? Kanina ka pa tulala?” nag-aalalang tanong niya.
“Ahh. Y-yes po. I’m okay po,” masayang sagot ko para hindi na siya mag-alala.
“Are you sure? Are you bothered by what happened earlier?” dagdag na tanong nito na may mapang-asar na ngisi sa mga labi. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pa
‘Boombastic Side-Eye’
ni Teo kay Tita Myra.
Narinig ko naman si Mama at Papa sa gilid ko na tila nagpipigil ng tawa. Si Maica naman ay tahimik lamang at abala sa pagkain.
“Ahh! No po, tita. Naalala ko lang po bigla yung mga school works ko po and yung upcoming
‘Musical Play’
namin,” pagsisinungaling ko. Kahit itanggi ko na hindi ako bothered, ay hindi ito maitatago ng mukha ko at ng kung paano ako kumilos ngayon. Pero dahil matigas ang bungo ko, siyempre hindi tayo aamin. Parang mas nakakahiya kung aamin ako at sasabihin kong ‘Oo’.
“Okay?” ani ni Tita na halata naman sa tono na hindi kumbinsido sa sagot ko.
“Anyways, Teo has a pet. Did Teo show it to you na ba?”, muling tanong ni Tita Myra.
“Mom!”, pag call out ni Teo sa mama nya.
“Why? I was asking if you already showed it to Kate.”, mapanuyang ani ni tita.
Jusko po. Nakakahiya. Ano ba ang isasagot ko? Alangan namang aminin ko na
‘Yes po, Tita. Nakita ko na po ang alaga ni Teo. Kitang-kita ng malinaw kong mga mata. Medyo nakakatakot po kahit tulog pa ito. Para po kasing mapanakit kapag nagalit. Moreno rin ang kulay nito. At hindi ganoon ka-mabalahibo.”
Tama ba yon?!
Kahit anong waksi ko sa aking isip at kalimutan na lamang ang mga nakita, hindi ito ganoon kadali.
Ang maninipis na buhok na nakapaligid dito ay halatang alaga sa pagti-trim. Ang moreno nitong kulay at medyo may kalakihan. Take note na hindi pa ata ito ang totoong porma nito pag galit na.
Lord, hindi ko po nais maging mahalay sa mga oras at minuto na ito. Patawad po. Pero hindi ko talaga maalis sa isipan ko ang lahat.
Naririnig ko naman si Mama at Papa na pigil pa rin ang tawa. Nang tingnan ko ang mga ito, tahimik lang at nagpapanggap na kunwari ay wala silang naririnig. Imbes na tulungan ako para makatakas sa pang-aasar ni Tita Myra, eh parang nag-e-enjoy pa silang dalawa. Hindi ba sila nag-aalala na ang nag-iisa nilang
‘Unica Hija’
ay nakasalamuha ng isang bagay na hindi naman dapat? Well, hindi nga pala nila alam ang buong kaganapan kanina.
“Sobrang cute kaya ng alaga ni Teo. I wish na ma-meet mo na sya. Sigurado akong matutuwa at magkakasundo kayo noon, Kate.” Natatawa at bakas ang excitement sa boses ni Tita.
“Mom, stop! There’s no way na gagawin ko iyon,” pagpipigil ni Teo sa kanyang ina. Namumula na rin ang mga tenga nito.
“Well, wala ka namang choice.”
“I do! It is my choice if I want to show it to Kate.” Medyo iritadong sagot ni Teo.
“Unfortunately, you don’t.” Natatawa pa ring ani ni tita.
“And how is that?”, nagtatakang tanong ni Teo. Ibinaba nito ang hawak na utensils at diretsong hinarap ang kanyang ina. Habang kami naman ay masinsin na nakikinig sa pagtatalo ng dalawa.
Saka totoo naman! Choice yon ni Teo if ipapakita nya sa akin ang alaga nya. And siyempre choice ko rin if papayag ako. “CONSENT IS A MUST”. Except sa nangyari kanina na super biglaan at aksidente.
“At this moment in time and your age, I think you can show it naman na. You guys are both of legal age. So, what’s the matter?”, dagdag na pang-aalaska ni tita.
“Again, it is my choice, Mom,” walang ganang sagot ni Teo for the sake na matapos na lang ang usapan.
“And uulitin ko rin, you do not have a choice.”, pinal na sabi ni tita.
Muling nilingon ni Teo si Tita Myra na gulong-gulo ang hitsura. Kahit ako man ay naguguluhan din. Hindi ko nage-gets si Tita. Like, ghorL? Kahit pa nasa legal age na kaming parehas, hindi basta-basta ang mga ganoong bagay.
“Because ipinapakuha na siya sa akin ng dad mo and he told me na i-uwi ko na daw dito si Chuchay,” dagdag ni Tita, sabay bulalas ng malakas na tawa. Gayundin sina Mama at Papa na hindi na rin napigilan nang tuluyan ang kanilang tawa.
Narinig ko naman si Maica na pahapyaw na natawa habang napapa-iling ang ulo.
Ha? ¿Sino si Chuchay?
“So tomorrow, I’ll get her from your dad’s house and bring her here,” excited na dagdag ni tita. “Isn’t it exciting?”
Napairap na lamang si Teo, sabay dampot ulit ng kutsara at tinidor.
My God! All this time, yung Chuchay pala yung tinutukoy ni tita na alaga ni Teo na cute daw.
‘Hmmm. Well, for me…’
‘I would say…
‘Parang mas cute pa rin yung isang alaga pag tulog’
Nakatingin ako ngayon sa may pintuan, ina-avoid ang anumang eye contact with Teo. Kung bakit ba kasi ako pumayag at sumama dito sa loob ng kwarto niya. Sa sobrang pamimilit niya na mag-usap daw kami ay wala na rin akong nagawa. It’s been weeks and I guess it’s time na rin na pag-usapan ang lahat ng mga nangyari.
Sila Mama at Tita Myra ay nasa ibaba pa rin at abala sa pagliligpit ng aming pinagkainan. Si Papa naman ay umuwi muna at may gagawin daw siya sa bahay habang si Maica naman ay muling bumalik sa ginagawa niya.
Nilingon ko si Teo na nakatayo sa may kanan ko kahit pa ayaw kong tingnan siya. Kanina pa kasi itong hindi nagsasalita. Ang sabi niya ay mag-uusap daw kami, pero mag-10 minutes na ata kaming nakatanga rito sa loob, at ni isang salita ay walang lumabas sa bibig niya.
At ayoko rin naman na ako ang unang magsalita dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Baka siya rin? Kanina pa kami awkward dito.
Inilibot ko na lang muli ang aking paningin dito sa loob ng kwarto para maalis yung
‘awkwardness’
na nafe-feel ko. At hindi pa rin ako makapaniwala na halos wala talaga itong pinagbago. Mga panahon na dito kami naglalaro at nagkakalat ng mga laruan. I’m not sure if it’s still the same bed, but we used to sleep rin sa kama nya noon tuwing tanghali. Para payagan kaming makapaglaro sa hapon.
Ang sarap lang maging bata. Walang ibang iniisip kundi ang makapaglaro. Walang ibang iniisip na problema. Hindi gaya ngayon…
Narinig kong umubo si Teo. Napalingon ako rito at hindi ko namalayan na nakaupo na rin pala ito sa tabi ko.
Agad naman niyang iniwas ang kanyang tingin nang magtama ang aming mga mata.
“Ano na?”, medyo iritable kong tanong. Kanina pa kasi kaming dalawa dito at mukha na kaming ewan. Kung nakakapagsalita lang ang mga gamit na nandito ngayon, paniguradong kanina pa kami kinantyawan ng mga ito.
Agad naman siyang napakamot sa kanyang batok.
“A-ano kasi…,” nahihiya niyang sagot. Namumula na rin ang kanyang mga tenga at hindi pa rin niya ako magawang tingnan sa mga mata.
“Alam mo, Teo, kung wala ka namang sasabihin, mabuti pa na bumaba na lang ako para makatulong kina Mama at Tita sa pag-aayos. Huwag nating sayangin ang oras ng bawat isa,” ani ko rito.
“Grabe ka naman sa pagsasayang ng oras.” Ramdam sa boses nito ang pagkalungkot.
“Eh, hindi ba totoo? Kanina pa tayo nandito. Maglalabing-limang minuto na.”, pagreremind ko sakanya.
Hindi siya nakaimik. Nanatiling nakatingin sa aking mata na naninimbang kung dapat ba siyang magsalita o hindi.
Ilang minuto pang katahimikan…
Naglakad siya papalayo sa akin at tumalikod na. Ngayon ay kaharap na ang wall ng kanyang kwarto.
Naririnig ko ang malalalim niyang paghinga at napapahilot sa kanyang sentido. Kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili niya.
Ganoon ba kahirap ang humingi ng tawad? Ganoon ba kahirap para sa kanya ang sabihin ang mga salitang ”
Sorry
”?
Deserve ko naman siguro na marinig ang katagang iyon, di ba?
He said hurtful things to me, and alam kong may mga ikinilos din ako na nasaktan siya, pero handa naman din akong humingi ng tawad. Pero siyempre, bilang mataas ang pride ko lalo’t alam kong hindi naman ako ang unang nakagawa ng mali, hindi ako ang mag-i-initiate ng sorry. Kaya manigas siya diyan.
Hindi ko tuloy maunawaan kung mataas na rin ba ang pride niya dahil hindi naman siya ganyan noong mga bata kami, or nahihiya lang talaga siyang mag-sorry.
Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ko na natiis ang mainip, kaya tumayo ako sa pagkakaupo at dumiretso sa pintuan.
“Let’s not talk right now, kung hindi ka pa ready”, ani ko.
Agad siyang napaharap sa akin at gulat ang mga mata sa mga narinig.
“I won’t force you to say sorry kung hindi ka pa ready at hindi pa bukal sa puso mo, at ganoon din ako. Baka hindi pa ito ang tamang oras na mag-usap tayo at
magkaayos
?” I guess.”
Mas lalong bumakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at may halong taranta. Kita ko kung paano bumukas ang kanyang bibig, ngunit walang mga salitang lumabas.
Kaya naman tuluyan na akong lumabas ng kanyang kwarto para bumaba at makatulong kina Tita Myra at Mama.
Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura at ang kanyang mga yapak habang papalis ako ng kwarto.
Naramdaman ko ang kanyang paghawak sa aking braso para pigilan at iniharap ako sa kanya habang dahan-dahang iginagayak papasok ulit sa kanyang kwarto.
Bumungad sa kanya ang
“What now?”
look.
Agad din siyang nag-iwas ng tingin at tila nag-iisip kung paano sisimulan ang mga bagay na gusto niyang sabihin.
Dahil nakikita kong hirap na hirap siyang simulang ang diskusyon, ay hindi na ako nagdadalawang-isip na simulan upang matapos na ang lahat.
“Sure kang hindi mo minimi-mean lahat ng mga sinabi mo sa akin?” Hindi na ako nakapagtiis at diretsahan ko na itong tinanong.
“What? Of course not! No!” with conviction ang sagot habang ang mga mata ay nakatingin sa sahig.
“Sure?” paghahamon ko.
Tumango lang ito.
“Final answer?”
Muli siyang tumango.
Base sa ikinikilos niya, hindi ko matantya kung mini-mean niya ba o hindi ang lahat ng mga nasabi at nagawa niya. And one thing na hindi ko talaga makakalimutan ay yung pag-iinvalidate niya sa akin bilang isang babae.
And it aches my heart again to remember that scene.
Agad namang nagbago ang timpla ng mukha niya. Mula sa parang nahihiyang tupa, ay halos hindi ko na naman siya mabasa.
“Sure ball?”, muli kong tanong.
“Yes! I didn’t mean all that I’ve said to you!” Sa medyo mataas na boses na siya namang ikinagulat ko.
Is he mad? Bakit? Naiinis ba siya? Nagtatanong lang naman ako.
“Hindi mo kailangang itaas ang boses mo, Teo. Nag-uusap lang tayo at literal na magkatapat lang tayo. Maririnig at maririnig kita”, kalmado at naguguluhan kong ani.
“Eh, bakit kasi ayaw mong maniwala?! I am trying to say sorry, pero you’re already doubting me. Sinong hindi maiinis?” pagpapaliwanag nito.
So confirmed nga. Naiinis na sya.
“At bakit parang utang na loob ko pa ngayon na magso-sorry ka? Eh ikaw nga itong nag-insist na mag-usap tayo. I didn’t ask for it. Tapos naghintay ako ng ilang minuto dahil kitang-kita naman na hindi ka pa handang makipag-usap kung kaya’t ako na ang nag initiate. Dahil kung tutuusin nga ay ayaw na nga kitang makita at makausap!”.
“You didn’t mean that, right?” Agad niya akong tiningnan nang diretso sa mga mata at bakas ang gulat at pagkalungkot.
Katahimikan…
“Tell me that you didn’t mean it”, nagsusumamong boses.
“I mean it,” walang kagatol-gatol kong sagot habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Muling naging blanko ang emosyon ng kanyang mga mata at mukha. Jeez! Hindi ko na naman siya matantya. Hindi ko siya mabasa.
“Really?” Pagak, itong napatawa na tila hindi makapaniwala.
“Hindi mo man lang naisip yung mararamdaman ko kapag ginawa mo iyon?” seryosong tanong nito.
Agad na nagpintig ang aking mga tenga at bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi dahil sa kaba o takot. Kundi dahil sa sobrang inis.
“It looks like you didn’t really care sa friendship natin at sa lahat ng pinagsamahan natin. We just got reunited and are trying to catch up for all the years we were not together, tapos ganon na lang lahat?”, dagdag pa nito na naging dahilan upang yung inis ko ay tuluyan ng maging galit.
Huminga ako nang malalim, trying to calm myself. I know it. Anytime soon, kung hindi ko ma-contain ang galit ko, ay mauuwi ito sa pag-iyak. And I don’t want him to see me crying. Not at this time. Not at this moment na parang ako na ngayon ang may kasalanan. Tama ba ‘yon?!
Muli akong huminga nang malalim, really trying my best na huwag maiyak dahil masikip na sa dibdib at parang may nakabara na sa aking lalamunan.
“Ang lakas naman ng loob mong sabihin at itanong iyan sa akin?” Umusog ako papalayo sa kanya. Ngayon ay malayo na ang pagitan namin sa pagkakaupo sa kanyang kama.
Katahimikan…
Hinga ulit nang malalim to make sure na hindi mag-ccrack ang aking boses.
“Ako talaga? Sa ating dalawa, eh ako talaga ang walang pakialam sa friendship at lahat ng pinagsamahan natin?” ani ko sa nanginginig na boses.
Nag-iwas naman ito ng tingin.
I can’t imagine na makakaramdam ako ng ganitong galit sa buong buhay ko. Yung mga inis at galit na naramdaman ko noong mga nakaraang linggo ay halos doble sa kung anong nararamdaman ko.
And I’m not that type of person na expressive sa mga ganitong nararamdaman. Because I do not know how to express them, or so I thought?
“Sige! Isa-isahin natin lahat ng mga nangyari noong mga nakaraang linggo. Baka kasi nauntog ka dito sa loob ng kwarto mo at nagkaroon ka ng
‘Temporary Memory
Loss
!” I can feel the rage inside me.
“Sino nga sa atin ang mas piniling pakinggan ang istorya at panig ng isang tao na kakakilala pa lang niya at piniling huwag pakinggan ang side ng story ng best friend niya daw?!”, kalmado kong tanong. I’m still trying my best to be calm as much as possible at huwag magpalamon sa galit.
“Sino nga sa atin ang nagsabi na huwag akong manakit ng tao kahit na ang ginawa ko lang naman ay ang ipagtanggol ang sarili ko sa pananakit ng iba?!”
“Sino nga ulit ang nagsabi na huwag akong mananakit ng tao lalo’t ng isang babae dahil hindi naman ako babae at wala silang laban kung ikukumpara sa akin?!”, my voice cracked.
“Sino nga sa atin ang nang-invalidate ng feelings at pagkatao?!”
“Inaasahan ko pa naman na papakinggan mo ako at ipagtatanggol mo ako dahil nasasaktan ako gaya noon kung paano mo ako ipagtatanggol sa mga batang umaaway sa akin. Kaso wala! Mas pinili mong kampihan ang iba at huwag akong pakinggan!” My tears started to fall. Mga luhang hindi ko na kayang pigilan.
“KAYA KUNG MAYROON MAN SA ATING DALAWA ANG WALANG MAY PAKIALAM SA FRIENDSHIP NATIN AT HINDI INISIP ANG MARARAMDAMAN NG BAWAT ISA AY WALANG IBA KUNG HINDI IKAW!”
“IKAW YON, MATTHEW SUAREZ!
Halos pasigaw kong turan. Unfortunately, I wasn’t able to contain my emotions, especially my anger. I feel my tears running down my cheeks.
“KAYA WALA KANG KARAPATAN NA PAGBINTANGAN AKO NA WALA AKONG PAKIALAM!” pinal kong sabi habang mahinang humikbi. Masyado nang masakit sa dibdib ko kung hindi ko pa ilalabas.
I saw a panic slide in his eyes despite my blurry vision.
Pagkatapos ng ilang hikbi ay wala na talaga akong nagawa. Tuluyan na akong napahagulgol. And I really hate it.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay at umiyak na parang bata.
Nakaramdam ako ng mahigpit na yakap at naririnig ko ang kanyang boses na inaalaga at pinapatahan ako.
Agad naman akong nagpupumiglas, ngunit masyado siyang malakas kaysa sa akin. Napanatili ako nitong nakasubsob sa kanyang dibdib habang nakabalot ang kanyang mga kamay sa aking likuran.
All my life, this is the very first time na nailabas ko ang galit na nararamdaman ko. And I can’t believe na kay Teo ko pa talaga ito magagawa. At sa ganitong eksena at dahilan pa talaga.
“Sshhhh. Tahan na. Stop crying.”, I heard him crack his voice.
“Ssshhh. I’m sorry, okay. Stop na. I hate it. I hate seeing you cry”, dagdag pa nito sa malumanay na boses.
“IKAW KASI EH!” hagulgol ko sa kanyang dibdib at muling nagpupumiglas.
“I know. I know. I’m really sorry”, at patuloy lang akong umiyak habang nakabaon ang mukha sa kanyang dibdib.
Nanatili siyang nakayakap sa akin nang mga limang minuto rin ang itinagal.
“Bitawan mo ‘ko!” Muli kong pagpupumilit na kumawala sa kanyang mga bisig nang medyo kumalma na ako.
“No! I won’t.”, paglaban naman nito.
“Isa!”, paghahamon ko.
“Dalawa!”
“No! I’m still enjoying this.” Ani niya.
“Tatlo!”
“Aw!” Narinig ko ang paimpit niyang sigaw matapos kong apakan nang malakas at pagkadiin-diin ang kanyang hinlalaki sa paa.
“Why did you do that?” Bakas sa boses niya na sobrang nasaktan talaga ito. But who cares?
“Alam mo?! Bakit ang hilig mong itanong ang mga bagay-bagay kahit obvious naman na ang sagot?” Humupa naman nang kaunti ang galit ko, pero ang inis ko ay hindi pa.
“Magso-sorry na nga ako. Ayaw mo kasi makinig”, ani niya..
‘Bat ambobo?’
bulong ko sa utak ko. Magso-sorry eh kanina pa kami nandito. Kung hindi pa ko nagalit at umiyak ay hindi nya sasabihin ang salitang ”
Sorry
”. At wala pa rin akong naririnig na paliwanag mula sa kanya.
“Sa tingin mo, papaniwalaan ko yung sinabi mo kanina? Ni hindi nga ako sure kung totoo at sincere ba yung sorry mo kanina. Baka nga sinabi mo lang ‘yon dahil umiyak na ‘ko,” irritable kong paliwanag.
“Let’s not talk for now, Teo. Ayoko muna makipag-usap lalo na’t mas naiinis lang ako sa mga nangyayari. Saka na tayo mag-usap kapag fully ready ka na”, pinal kong sabi bago tuluyang nakalayo sakanya.
I saw panic again in his eyes.
Tumalikod na ako para tuluyan nang makalabas at makababa, ngunit pinigilan niya na naman ako.
Nagpumiglas ako sa kanyang paghawak sa aking braso, na dahilan para aksidente kong matamaan ang isang bagay na hindi dapat matamaan.
Narinig ko ang paimpit na sigaw niya.
At bigla na namang nag
-flashback
sa aking isip ang itsura nito.
Ang kulay nito.
Ang tip nito ay medyo malaki at mamula-mula.
Mukhang galit na, kahit hindi naman talaga galit.
Medyo maugat.
At ang maninipis na balahibo na nakapalibot dito.
NOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
29
“Ate, bilisan mo na. Anong oras na, baka kanina pa naghihintay sila Josh doon,” madaling-madali na sabi ni Fifi.
Alas sais ng gabi ang usapan namin na magkikita-kita kasama ang ”
Teo and Friends
” sa plaza para tumambay at mag-food trip. Dahil nga na-miss ng bawat isa ang grupo at ang tagal na rin simula noong nag-bonding kami. 4:30 PM pa lang ng hapon ay nandito na sila agad sa aking kwarto para sunduin ako.
Naninigurado na sasama ako.
Tinatamad man at walang gana, wala akong ibang choice kundi ang sumama. Ayaw ko rin namang maging ”
KJ
” at maapektuhan ang buong grupo dahil lang sa hindi pa rin kami okay ni Teo.
Muli kong nilingon si Fifi na bakas sa mukha ang irita at para bang gustong-gusto nang makaalis kami.
“Madaling-madali sa panting may igit?” pang-aasar ko pa rito na mas ikinairap ang kanyang mga mata.
“Okay lang naman kahit hindi ka muna sumama, Kate. Maiintindihan naman ng grupo,” nag-aalangan namang sabi ni Gema.
Alam ng magkabilang panig ng grupo ang mga nangyari nitong nakaraan. Nanatali naman silang tahimik sa issue dahil alam naman nilang hindi sila dapat mangialam lalo’t hindi naman sila involved. Personal na problema na namin ni Teo ‘yon.
Nakita ko naman na kumalma ang expression ni Fifi at si Barbs na hinagod-hagod pa ako sa likod para i-comfort.
“Okay lang naman sa akin, mga ate. Saka nakaligo na ko oh, alangan namang mag-back out pa ko,” pangungumbinsi ko sa kanila.
Ayaw ko naman talagang sumama kasi nga alam kong magiging awkward lang kami ni Teo at maging sanhi pa ‘yon para maging awkward din ang lahat. Ayoko na sila ang mag-a-adjust sa amin kapag nandoon na kami dahil lang sa hindi kami okay ni Teo.
Pero gaya nga ng sabi ko, ayoko maging ”
KJ
” at tiwala naman ako na wala silang gagawin para ika-awkward ng bonding namin.
“Sure ka ba diyan, baks?” paninigurado ni Barbs.
“Oo, teh,” ani ko habang pinapatuyo ang aking buhok sa tapat ng electric fan.
Ramdam ko naman ang mahinang pagbuntong-hininga ni Gema.
Alam kong marami silang gustong sabihin after ma-reveal at makita ng lahat yung video na nag-flash sa projector, pero nanatili silang tahimik.
My
“Not-So-Pretty-Friends”
are all opinionated persons, but they do know when to speak up and when it’s the right time to shut their mouths.
Ganoon din ang
“Teo and Friends”
, they remain silent. Maybe because they are boys? If it’s not their cup of tea, tahimik lang sila. Literal na deadma lang at parang walang pakialam.
Nagsuot lang ako ng oversized shirt, pekpek shorts at naglagay ng liptint. The usual and everyday ayos ko. Matapos kong mag-ayos ay bumaba na kami sa aking kwarto at nagpaalam kay Mama na busy magluto para sa aming hapunan.
Dumaan kami sa ”
Ginubatan
” para mas mabilis kaming makarating sa plaza.
“Sino na naman ang ”
awra
” mo na ka-chat mo, Ate?” pagpuna ni Barbs kay Fifi dahil kanina pa itong may kausap o ka-chat sa cellphone niya.
“Wala, teh! Barang ka nanaman”, pagde-deny ni Fifi.
Di ko alam kung bakit pa siya nagde-deny, eh halata naman na may ka-chat talaga siya. Kaunti na nga lang ay mabubunggo na siya sa nilalakaran namin kung hindi lang siya nakakapit sa braso ni Barbs habang naglalakad.
“Sino pa ba? Edi si Josh!”, pagbubunyag ni Gema.
Agad namang napatingin si Fifi sa amin at gulat-gulat sa pagre-reveal ni Gema.
“Eme ka, te! Walang ganon”, depensa ni Fifi na nakasimangot. Ganyan ang hitsura niya kapag nahuhuli na siya. Mas nagiging strong ang expression para mas iparating niya na mali ang mga paratang namin. Kilala na namin siya noon pa man. Hindi niya kami madadaan sa ganyan.
“Magde-deny ka pa, te. Kitang-kita ko sa screen ng phone mo na si Josh ang ka-chat mo hahaha!” paggatong naman ni Barbs.
“Hindi nga, mga te!”, pagmamatigas nya.
“Nanggigigil din ako sa’yo, eh! Kahit babaan mo ”
brightness
” ng phone mo, walang silbi yan lalo’t gabi na at mas malinaw ang mga mata ko sa mga tsismis”, mapang-asar na turan ni Barbs.
“Alam mo na? Mag ”
privacy tempered glass
” ka na. Bili ka sa plaza mamaya. “Hahaha,” dagdag na asar ni Gema.
“So si Josh nga?”, hirit ko naman habang nililingon sya sa gilid ko.
“Ina-update ko lang naman sya na papunta na tayo”, pagsuko nya sabay diretso tingin sa aming dinadaanan.
“Ay, bakit may pag-u-update-an sa isa’t isa na nagaganap?” Malisyoso siyang tiningnan ni Barbs.
“Malamang! Kanina pa kasi nila tayo hinihintay. Di ba, Kate?” pagpaparinig nito sa akin habang sinusulyapan ako sa gilid niya.
“Bakit ako? Bakit kasalanan ko, parang kasalanan ko?” pag-iinarte ko as ”
Teddie Salazar”
na ikinatawa naming lahat.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang inaasar pa rin ang baklang Fifi.
Linggo ngayon, kaya marami ang tao nang makarating kami sa tapat ng plaza. Malapit na rin ang ”
Ber Months”
at kapag ganitong season ay unti-unting dumadami ang mga nagtitinda dito. Literal na nagiging ”
tiangge
” ito sa gabi.
I remember na dito kami bumibili ng mga damit noon, pag malapit na ang Pasko, kapag kinakapos kami ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends sa budget at hindi namin afford ang bumili sa mga ”
Mall
”. Kung sa ”
Divisoria
” naman ay mamamasahe pa kami.
Pagpasok sa plaza ay bubungad agad ang sobrang liwanag ng mga ilaw at ingay ng mga taong nandito. Madali naming nahagilap ang ”
Teo and Friends”
dahil nasa stage sila at kapansin-pansin agad ang matatangkad na pigura ng mga ito.
Habang papalapit, nasipat naman kami ni Josh at kinawayan kami.
Gulat naman kaming kumaway nang pagkalaki-laki itong si Fifi.
“Luh? Bida-bida yan sya. Kilig na kilig sa panting may igit?”, pang-aasar ulit ni Barbs.
“Malamang para makita nila agad tayo. Sa liliit ba naman natin at dami ng tao, sa tingin mo, makikita nila agad tayo?” pagtatanggol na naman niya sa kanyang sarili.
“Ate, sa puti pa lang ng balat ni Kate, makikita at makikita nila tayo. Tignan mo nga to at nagliliwanag sa kaputian”, ani ni Gema.
“Dapat sinasama ka sa line up ng prusisyon pag
“Holy Week”
, teh! Kasunod mo lahat ng mga santo”, natatawang gatong ni Fifi.
“Ah talaga ba, Josh?” balik na asar ko na ikinangiwi ng mukha niya.
Nagtawanan ulit kaming lahat hanggang sa makarating kami sa may stage.
“Eyyy! What’s up, pretty ladies!”, masayang salubong sa amin ni Nico.
“Ay hala, hindi ka kasali sa binati, Ate Fifi,” mahinang pang-aasar ni Barbs.
“Tse!”, sabay irap ni Fifi. I saw Josh smiling at naiiling ang ulo.
Isa-isa naming binigyan ng friendly hug ang bawat isa.
Nang matapos kong i-hug sina Nico at Josh ay bigla akong napatigil sa harapan ni Teo. Patingala ko itong sinulyapan.
Nakita ko siyang nakatingin din sa akin at tila hinihintay ang susunod kong gagawin. Bakas din sa posisyon ng katawan niya ang nakaambang at naudlot na papayakap.
Nginitian ko lamang ito at nag ”
bow
”.
“Taray! Atake siya,” mahinang turan ni Fifi.
“As Koreana ang atake, gaga!” dagdag na asar ni Barbs sa mahinang boses.
Umikot naman ang aking mga mata sa aking isipan para irapan sila.
Ilang segundo ng katahimikan bago ito binasag ni Josh.
“Tara na! Baka nagugutom na kayo”, masiglang aya nito para basagin ang namumuong awkwardness.
“Saan niyo ba gusto? Dating gawi ba?” tanong sa amin ni Nico.
“YES!” masiglang pagsang-ayon ni Gema.
“Gusto ko ng mga kikiam, fishballs, cheese sticks, saka palamig,” dagdag pa nito.
“May bagong bukas din daw na Shawarmahan dito,” ani ni Nico.
“Perpek! Bet ko ‘yan”, tila ba sabik na sabik na si Barbs na matikman ito.
“Gora na!” At isa-isa kaming hinila ni Gema.
Bumaba kami ng stage at naglakad patungo sa mga ”
Food Stalls
” habang nakakapit ang aking mga braso kay Gema.
Tahimik lang ako habang sinisilip ang tinda sa mga katabing
“stalls”
ng pinagbibilhan namin ng tusok-tusok. Nagugutom na rin kasi ako at iniisip ko kung alin sa mga pagkain dito ang hindi ko pa natitikman.
“Here, take this,” nagulat na lang ako nang may baso na puno ng kikiam at fishballs ang nasa harapan ko ngayon.
“Ito na, teh,” sabay abot din sa akin ni Gema ng baso na may laman din ng mga kikiam at fishballs.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga kamay nila na nakalahad sa harap ko at sa kanilang mukha na naghihintay kung kanino ang aking kukunin.
Nang maramdaman ni Gema na naguguluhan ako, ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at pilit na iniabot sa akin ang baso na hawak niya.
“Thank you, Teo! Nag-abala ka pa, ikaw talaga”, sabay abot ni Gema sa baso na hawak ni Teo.
Pagak naman na natatawa at nangingiti si Teo.
“Ano pang bet mo, teh?” tanong sa akin ni Gema.
Muli akong nagpalinga-linga sa paligid at iniisip kung ano pa ang bet ko.
“Gusto niyo ba ng ‘Shawarma’?” tanong ko sa kanilang lahat.
I am trying my best na huwag maging awkward at kahit papaano ay makasabay sa kanila. Para na rin maiwasan ang bigla-biglang ikinikilos ni Teo.
“HA?” sabay na sabi nina Barbs at Fifi.
“Nanjan ka pala?”, sa nanlalaking mata ni Fifi na tila nang aasar.
Siniko naman sya ni Gema.
Palihim ko na lamang itong tiningnan nang masama.
“Yes, Kate. We want to try yung Shawarma rin. Let’s go there after natin dito”, pag salo sa akin ni Nico.
Sinukilan ko lamang siya ng ngiti habang tahimik naman na kumakain si Teo.
Matapos kumain ng tusok-tusok ay naglakad kami papunta sa ”
Stall”
ng ”
Shawarma”
.
Inakbayan ako ni Josh habang nasa kabilang gilid ko naman si Nico. Nasa harapan naman namin ang mga ”
Not-So-Pretty
” kong friends na busy sa pagtingin sa
“Stalls”
na nadadaanan namin.
“Aw!” paimpit na sigaw ni Josh habang hinihimas ang kaniyang batok na dahilan para maalis ang pagkakaakbay niya sa akin. Mabilis din siyang nawala sa tabi ko at hila-hila ni Teo habang nauuna nang maglakad sa amin.
“Tsss! Hahaha!”, narinig ko naman si Nico sa gilid ko.
“Kumusta ka naman, Kate?”
“Hmm, okay lang naman. Ikaw ang kumusta?” balik na tanong ko kay Nico.
“Parang nag-aalangan ka pa sa sagot mo ah. Haha!”, pangbibiro nya.
“Huh? Hindi ah, baliw! Okay lang naman ako, hahaha,” depensa ko.
“Edi good! Okay lang din naman ako. Medyo stress lang sa
‘Acads’,
pero kaya naman,” paliwanag nito.
“Same! Pagod na ang mga katawang lupa namin sa mga rehearsals pero syempre, wala naman tayong choice”, ani ko.
“Agree! Hahaha”
Nang makarating kami sa ”
Shawarmahan
”, narinig ko na agad sina Fifi na nag-o-order.
“Ano sainyo Kate at Nico? May hot sauce o wala?” tanong ni Gema.
“Wala sa akin,” ani ko.
“Meron sa akin”, sagot naman ni Nico.
“Bali apat po na may hot sauce at tatlong wala,” sabi ni Fifi kay kuyang nagtitinda. Agad naman itong nagsimula na asikasuhin ang mga orders namin.
“Mga teh, punta lang ako don saglit, may titignan lang ako”, pagpapaalam ni Fifi sabay nguso doon sa
“Stall”
ng mga phone cases at chargers.
“Kami naman ay bibili ng drinks. Ano ang bet mo, Kate?” tanong naman sa akin ni Barbs.
“Cucumber Lemonaide sa akin”, sagot ko.
“Gora! Tara, Gema. Samahan mo ‘ko.”, pag aya ni Barbs sa kanya.
“Sama na rin kami para may katulong kayo sa pagbuhat,” pagpresenta naman ni Josh.
“Gow!”, pag sang-ayon ni Barbs.
Saka ko lang napagtanto na naiwan kaming dalawa ni Teo. Medyo kinabahan pa ako dahil mukhang hindi kakasya yung pera ko para bayaran lahat ng mga binili naming
“Shawarma”
. Kung bakit naman kasi hindi sila nag-iwan ng pambayad.
Hello? Sakto lang yung pera na dinala ko para sa food trip na ‘to.
Agad kong sinilip si Teo sa gilid ko na abalang panoorin si Kuyang nagtitinda at pinre-prepare ang mga binili namin.
Nakakahiya. Baka sabihin niya na ang kapal ng mukha kong magpalibre, gayong hindi naman kami okay. Pero to be fair naman, hindi pa nababayaran lahat ng orders namin, no. Hindi lang naman sa akin.
Kaya kong bayaran ang sa akin at siya na ang magbabayad ng the rest.
“525 po lahat, Sir,” sambit ni Kuya habang inaabot sa amin ang mga ”
shawarma
”.
Agad ko namang inabot yung 75 pesos na bayad ko kay kuyang nagtitinda. “Ito po yung bayad sa akin.”
“No! Here, po kuya. Dito na po lahat”, pagpigil ni Teo.
“Ay, hindi na po, Kuya. Dito po sa akin yung isa, ibawas niyo na lang po sa 525”, pagpupumilit ko.
“Dito na lang, ganda. Para isang sukilan na lang”, pang reject sa akin ni Kuya.
Napabuntong-hininga na lang ako sa aking isipan. Kinuha ni Kuya ang 1,000 kay Teo at agad na kumuha ng sukli.
Wala naman kaso sa akin na ilibre ako ni Teo, pero noon iyon. Noong okay pa kami. Kasi kahit tumanggi ako, hindi naman siya nagpapatalo.
Kinuha ko ang kanyang kamay, na kanyang ikinagulat, at inilagay ko sa kanyang palad ang 75 pesos na bayad ko. Alam ko kasing hindi ito magpapatalo kung makipagpilitan lang akong bayaran siya.
“No need na, Kate. Sagot ko na lahat”, ani ni Teo habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
“No. Kaya ko naman magbayad.”, panlalaban ko.
“Hindi na. It’s okay”, panlalaban nya rin.
“Sa akin, hindi,” pinal kong sabi na mas ikinagulat niya. He looks hurt by what I said.
Iniwas ko ang aking tingin dahil ayokong makonsensya. I heard him sigh. To be honest, I am just waiting for him to tell me he is sorry. That’s all I want. Kaso mukhang hindi pa rin sya ready. Yung pagtaas ng boses ko noong gabing nag-usap kami sa loob ng kwarto niya ay dahil lamang sa mga narinig at emosyon ko. Pero humupa na rin naman ang mga ‘yon.
Matapos kong makuha ang ilan pang
“Shawarma”,
ay agad akong umalis sa tabi niya para sundan sina Barbs na bumibili ng drinks.
I don’t know, but maybe it was really the awkwardness that made me uncomfortable. Ayoko lang ng feeling na nalalagay sa awkwardness at kailangan kong lumayo sa kanya. I also feel bad about it, but I have to.
“Nasaan si Teo?” anong sabi ni Nico nang makarating ako sa kung saan sila bumibili ng mga drinks.
“Naiwan pa doon dahil hindi pa tapos i-prepare lahat ng orders natin. Pumunta lang ako para kuhanin ang mga bayad nyo kasi wala kayong binigay na pambayad”, pagsisinungaling ko.
“Ay! Oo nga pala hahaha! Edi sana mapatawad”, ani ni Barbs.
“Here,” agad namang sumulpot si Teo sa gilid ni Nico habang isa-isang binibigay ang
“shawarma”
nila.
Nag-iwas ako ng tingin dahil ayokong magpakain sa konsensya ko.
“Ito rin pala yung bayad namin, Teo. Sorry hindi namin naibigay bago kami bumili ng drinks”, paglalahad ni Gema ng pera kay Teo.
“It’s alright. I already paid for them. My treat”, tipid nyang ngiti kay Gema.
“Anong ginawa mo? Anyare?” bulong sa akin ni Barbs.
Umiling na lamang ako bilang sagot para sabihin na wala namang nangyari. Ngunit inirapan lamang ako nito na tila hindi naniniwala sa sagot ko.
Teo looked away and started eating his
“Shawarma”
.
Matapos ang
“Food Trip”
namin ay umuwi na rin kami. Hindi na rin kami muling nag-usap ni Teo. Kahit ang pagpapaalam sa isa’t isa ay wala.
6AM ang call time namin at inaantok pa kaming naglalakad ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends papasok sa theater dito sa loob ng College of Communication (COC) building. Hindi pa rin namin maintindihan kung bakit sa Main Building kami ng University nagkaklase gayong nasa (COC) building ang University Theater.
Sobrang haggard tuloy maglakad papunta dito at magdala ng mga gamit, set, props and costumes mula sa Main Building. Puwede naman naming isakay gamit ang tricycle, ngunit bilang mga estudyante, minsan ay kinakapos kami sa budget.
Pagpasok sa
“Theater”
, nag-sign lang kami sa
“Attendance Sheet”
at dumiretso sa dressing room para ayusin ang mga costumes. Kami rin kasi ang nakatoka sa costumes and make-ups. Habang ang iba naman ay abala sa pagkakabit ng mga set ng technical lights and sounds.
Minsan ay tumutulong din kami sa pag-aayos sa ibang department ng production para mas mapabilis ang pagtatapos ng mga dapat gawin. Team Work nganiii.
Matapos maayos ang lahat ng dapat ayusin ay nag light breakfast kami para may energy at hindi lalanta-lanta mamaya sa performance.
Ngayong araw namin ipe-perform ang ACT I ng
“Musical Play”
na ilang buwan na naming pinaghahandaan, ang
“The Greatest Showman”
. At ito ang magiging Mid-Term exam namin.
10AM ang start ng performance at wala naman kaming malaking audience dahil hindi pa naman ito ang full and final show. Ang final show ay gaganapin sa October as part ng Final Exam namin,
Pasado alas nueve ay nagsimula na kaming mag-ayos ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends. Inuna muna kasi naming ayusan ang mga
“Main Cast”
at sinunod ang mga
“Ensemble”
. Hindi kasi lahat ay marunong mag-make-up sa amin, kaya need pa rin naming silang tulungan.
“Nandiyan na ang mga
“Teo and Friends”
pag-iimporma sa amin ni Fifi.
Nakita ko naman ang biglang pagtingin sa amin ni Aika.
“Without Teo”, pagco-correct ni Barbs.
Agad na bumaba ang balikat ni Aika sa narinig, nag-iwas ito ng tingin at muling ipinagpatuloy ang pag-aayos sa kanyang sarili.
Pero maliban kay Aika, mukhang ako rin ay medyo nadismaya? Baka late lang?
“Bakit daw?”, tanong ni Gema.
“Aba malay ko! Hindi naman ako puwedeng lumabas sa audience area para tanungin kung bakit,” ani Fifi.
“Malay ko ba kung nag-chat sila sa’yo kung bakit, duh? Chatmates kayo ni Josh diba?”, tanong ni Gema na malisyoso itong tinignan.
Umirap lamang si Fifi para tapusin agad ang diskusyon.
“Baka na-late lang? For sure naman pupunta ‘yon dahil nagsabi naman siya na manonood siya noong nag food trip tayo sa plaza.”, ani ni Barbs.
Nang masigurong nakaayos na ako, nagpunta ako sa gilid ng backstage para silipin kung marami ba ang mga nanonood.
May iilan akong nakitang mga estudyante. Baka siguro ay students ito ni Mrs. Dela Fuentes at ni-require niyang manood.
Nasipat ko rin ang puwesto nina Nico at Josh na naghihintay na magsimula ang palabas.
Where is he? Manonood ba siya? Nagsabi-sabi siya, tapos hindi naman pala pupunta? Tsss!
Iwinaksi ko ang aking mga iniisip at nag-focus na sa pag-i-internalize. Nagsimula na rin akong kabahan nang marinig ang unang
“Chimes”
, hudyat na malapit na magsimula ang palabas. 15 minutes from now ay magsisimula na kami.
Nakapuwesto na ako sa
“right side”
ng stage to
“stand by”
dahil dito ako manggagaling. Mula dito ay tanaw ko ang left side ng audience area kung nasaan sina Nico at Josh. May iilan pa rin ang mga nakatayo at naghahanap ng mauupuan. Mukhang patuloy pa rin ang pagpasok ng mga gustong manood.
Inilibot ko ang paningin ko sa iba pang parte ng audience area at nagbabakasakaling makita siya, pero bigo ako. Tuluyang na lamang akong napatulala sa kawalan.
Matapos noong
“Food Trip”
namin na halos mag dadalawang linggo na ang nakalipas, ay hindi na ulit kami nagkakausap pa o nagkikita ni Teo. Maybe he is avoiding me? Pero bakit naman? Is he mad dahil iniwan ko sya doon sya
“Shawarmahan”
?
Should I apologize to him? Pero bakit? Eh siya nga ang may kasalanan sa akin.
Hindi niya ba kayang tanggapin na may mali siyang ginawa? May nagawa rin naman akong mali at willing din naman akong humingi ng sorry, pero ako ba dapat ang mauna na humingi ng tawad para lang matapos na ang gusot namin?
I just don’t get why it’s hard for him to say sorry. I guess magpapataasan na lang ba kami ng pride at ego? Kung sino ang maunang magbaba ay talo?
“Ready actors!”, rining kong sabi ng stage manager namin.
Kakaisip ko ay hindi ko na napansin na magsisimula na pala ang show.
Bumukas ang mga ilaw sa entablado at dumagundong nang malakas ang Opening Song, The Greatest Show!
30
Whoa
!
Pag-awit naming lahat sa unang nota at lyrics ng kanta.
Ladies and gents, this is the moment you’ve waited for (whoa),
pag-awit ni Geoff as P.T. Barnum na nasa gitna ng stage habang nakatalikod at tanging spotlight lamang mula sa itaas ang nagsisilbing liwanag para makita siya.
Habang kami ay patuloy na kinakanta ang part ng
“Ensemble”
.
Been searching in the dark, your sweat soaking through the floor (whoa)
And buried in your bones there’s an ache that you can’t ignore
Taking your breath, stealing your mind
And all that was real is left behind
Patuloy na kumakanta si Geoff habang kaming lahat ay naghihintay sa magkabilang gilid ng stage ng
“queue”
namin para pumasok.
This is it! Ang pinaghirapan naming i-rehearse ng ilang buwan ay maipapakita na namin ang final performance. Pero hindi pa nga full-show. Ito yung mga panahon na wala kaming ibang inisip kung hindi gawin ang 100% namin sa pagpe-perform habang ini-enjoy ang bawat moment sa stage.
Don’t fight it, it’s coming for you, running at ya
It’s only this moment, don’t care what comes after
Your fever dream, can’t you see it getting closer
Just surrender ‘cause you feel the feeling taking over
“Ensemble, Enter”, ani ng Stage Managers namin as
“queue”
para pumasok na sa stage.
It’s fire, it’s freedom, it’s flooding open
It’s a preacher in the pulpit, and your blind devotion
There’s something breaking at the brick of every wall it’s holding
All that you know,
isa-isa kaming pumasok habang kumakanta at isinasayaw ang bawat choreography. Katabi ko pa si Fifi na pumasok sa entablado at ganap na ganap ito.
Nang makapuwesto sa
“Center Stage”
, ay ginawa namin ang aming tableau.
“So tell me, do you wanna go?”
Agad na bumukas ang lahat ng ilaw to reveal ang aming tableau at lahat ng actors na nasa stage.
Sabay-sabay kaming kumanta habang sumasayaw.
Where it’s covered in all the colored lights
Where the runaways are running the night
Impossible comes true, it’s taking over you
Oh, this is the greatest show
We light it up, we won’t come down
And the sun can’t stop us now
Watching it come true, it’s taking over you
Oh, this is the greatest show
Nag-dim ang ilaw at bumukas ang spotlight para kay Geoff habang patuloy itong kumakanta
It’s everything you ever want
It’s everything you ever need
And it’s here right in front of you
This is where you wanna be (this is where you wanna be)
It’s everything you ever want
It’s everything you ever need
And it’s here right in front of you
This is where you wanna be
This is where you wanna be
Kita ko naman mula sa stage ang manghang-mangha na sina Nico at Josh. Nahuli ko pa si Josh na pumapalakpak habang nailing ang ulo nito.
“Company Call (CC),
” ang pagtawag sa amin ng Stage Manager na si Mira mula dito sa dressing room. Kakatapos lang namin magpalit ng damit at mag-ayos ng iba pang mga gamit. Kanina ko pa rin napapansin na ngiting-ngiti itong si Fifi. Na para bang wala siyang problema sa buhay.
Siniko ko naman si Barbs at nginuso si Fifi. Tiningnan niya naman si Fifi nang malisyoso.
“Palibhasa, nanood kasi yung crush niyan, kaya masayang-masaya ‘yan sa buhay,” pagbasag ni Barbs sa katahimikan.
Napalingon naman sa amin si Gema at nang matukoy na si Fifi ang tinutukoy ni Barbs at malisiyoso niya ring tiningnan si Fifi na abala pa rin sa pag-aayos.
“Bakit, mga teh? Anong meron?” maang-maangan pa ang bakla.
“Sinong may crush?” patay-malisya niyang ulit na tanong.
“Kunwari ka pang walang naririnig eh, kalbuhin kita diyan,” pabirong kurot ni Barbs sa tagiliran nito.
“Enebe! Masakit, ate! Bat ka ba ganyan? Babae lang ba ang kaya mong saktan”, pag-iinarte nito habang iniiwas ang katawan kay Barbs.
“So, ano’ng meron sa inyo ni Josh?” diretso ang tanong ni Gema.
“Tara na! CC na, oh!” Pag-aaya nito na lumabas na ng dressing room.
“Ay! Pa-showbiz ang gaga!” ani ni Barbs.
“Hindi ba puwedeng masaya lang yung tao dahil tapos na ang mid-term performance na ‘to?” patuloy niyang pangliliko sa usapan.
“Sabagay, kahit sino naman ay kikiligin kapag yung taong gusto mo ay nanonood at sinusuportahan ka. Di ba, Kate?” baling sa akin ni Barbs.
“Huh? Bakit ako?” takang tanong ko.
“Mapaperfect mo talaga ang performance mo 100% kapag yung taong nagpapasaya sa’yo ay nanonood. Mas mai-inspire kang galingan!” ani ni Fifi.
“Kate can’t relate”, dagdag pa nito.
“So inaamin mo nga na may something kayo ni Josh?” panghahamon na balik ko sa kanya.
“So kaya ka rin ba lutang kanina at mali-mali ang blockings at entrance mo ay dahil hindi nanood si Teo?” matapang niyang hamon pabalik sa akin habang naiiling ang ulo.
Biglang pumasok sa memorya ko yung mali kong entrance kanina na dapat sana ay sa
“stage right”
ako papasok, pero sa
“stage left”
ko ginawa. Dagdag pa, mali iyong blocking ko sa sayaw at sa isang scene. Mabuti na lamang ay nasenyasan ako ni Mike during the scene gamit ang kanyang mata at nag-adlib kami ng movement para mapunta ako sa tamang blocking.
Patay talaga ako nito kay Kris mamaya. Kung bakit naman kasi hindi ako maka-focus kanina sa performance. There is a part of me na umaasang darating siya at baka na-late lang siya? Panay ang sulyap ko sa audience area tuwing nasa gilid ako ng stage o kaya habang nasa scene ako sa stage. Tinatanaw ang kabuuan ng theater kung nandiyan lang ba siya sa tabi-tabi.
Baka nga galit siya, kaya hindi siya nanood? Kung ganoon ay sana hindi na siya nagsabi na manonood siya. Para hindi kami umasa.
Gumaganti ba siya sa akin dahil nasigawan ko siya noong nag-usap kami sa loob ng kwarto niya? Dahil ba sobrang galit ako noon at hindi ko man lang siya binigyan ng chance na makapag-explain nang maayos?
Galit lang naman ako noong mga oras na ‘yon dahil sa mga narinig kong mga salita mula sa kanya pero humupa na rin naman na ang galit ko. Pero yung tampo na nararamdaman ko, nandito pa rin.
“CC na, guys,” muling tawag naman sa amin ngayon ni Lady na Assistant Stage Manager.
Tumayo ako at agad na lumabas ng dressing room para pumunta sa stage kung saan gaganapin ang CC. Naroon na halos ang mga kaklase ko habang nakaupo sa harapan sina Kris at si Mira. Umupo ako sa pinakalikod na sinundan naman ng mga ”
Not-So-Pretty”
kong friends.
Naramdaman ko pa ang paghagod ng kamay ni Gema sa aking likuran habang umuupo ito sa aking tabi. Binigyan niya lamang ako ng tipid na ngiti na tila ba nagbibigay ng simpatya. Marahil ay naalala niya rin ang mga pagkakamali ko kanina sa performance dahil kasama namin siya ni Mike sa scene na ‘yon.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi na rin namin nakausap sina Josh at Nico after ng performance dahil sumenyas sila na kailangan na daw nilang umalis at may klase pa sila.
“First of all, congratulations, guys!” masayang sigaw ni Kris na siyang ikinapalakpak namin with hiyawan.
Nakita ko naman si Fifi na sobrang OA ang palakpak at hiyaw na ikinairap ni Gema. Nahagip din ng mata ko si Aika na mahinang pumapalakpak. Samantalahang ako, hindi ko man lang magawang pumalakpak. Hindi ako satisfied sa ginawa ko kanina dahil alam ko ang kakayahan ko. Hindi ko naibigay ang 100% ko at huli na para pagsisihan ko pa ito.
“Nakausap ko na rin si Ma’am Dela Fuentes at sobra ang papuri niya sa atin. Next week niya na daw tayo kakausapin as a whole class during her time sa subject niya. May iilan lamang siyang comments or criticism sa performance natin, and that’s okay. We need to hear those comments para mas malaman natin ang mga mali natin at dapat pa natin i-improve,” pagpapaliwanag ni Kris.
“Pero overall ay very good naman! Napakahusay ninyo!” Dagdag pa ni Kris at muling pumalakpak.
I felt bad again for myself. Sobra akong nafu-frustrate. Kung bakit ba naman kasi na sana ay nag-focus na lamang ako sa mga dapat kong gawin kaysa maghintay at magsayang ng oras sa mga taong ”
Tokis
”. Gusto kong umiyak.
“Next week ko na rin isi-submit kay Ma’am ang grades ninyo base sa inyong naging performance. Pero hindi pa iyon ang magiging final dahil si Ma’am pa rin naman ang magbibigay ng final grade natin individually based sa napanood niya, dugtong ni Kris.
Napahimas na lamang ako sa aking noo.
“Okay lang yan, teh! May finals pa naman.”, rinig kong sabi ni Fifi.
“True! Bawi ka na lang doon”, sang-ayon naman ni Barbs habang si Gema ay muli ulit na hinimas ang aking likuran.
“Hayaan mo, pa’g di pa rin nanoo’d yang si Teo, F…O na yan sa atin,” ani ni Fifi na alam ko namang nagbibiro lang siya.
“Bakit ninyo ba siya binanggit? Hindi naman siya dahilan kung bakit nagkamali ako kanina,” pagde-deny ko.
“Mamatay?”, hamon ni Fifi.
“Eh di umiyak at makiramay ka na lang!” irap ko sa kanya na siya namang ikinatawa nilang tatlo.
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa
“Main Building”
habang bitbit ang aming mga gamit. Gutom na gutom na rin kami dahil ang huli naming kain ay noong breakfast pa at mag-alas tres na ngayon ng hapon. After ng
“CC”
ay kinailangan pa naming mag-pack up at maglinis sa theater.
Pagkapasok sa university ay nagtungo kami sa canteen para bumili ng pagkain. Binili namin ang aming mga ”
Go-To”
food kay Ate Joy dahil gutom at pagod na ang mga katawan namin para mag-ikot pa at maghanap ng makakain.
Habang hinihintay namin ang aming mga orders ay abalang nag-uusap ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends about sa PEP Squad na hindi naman ako maka relate. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko si Teo na naglalakad na may bitbit na pagkain at may kasamang isang lalaki at dalawang babae. Sa tingin ko ay mga kaklase niya ito.
Nakita ko ang mga ito na nagtatawanan pa hanggang sa makalabas sila ng canteen.
Nandito pala siya sa school, pero hindi siya nanood kanina?
He looks so fine at ngayon ko lang siya ulit nakita na tumawa nang ganoon.
Napabuntong-hininga na lang ako at muling humarap sa mga
“Not-So-Pretty”
kong friends na tuloy pa rin sa usapan nila. Ayokong malungkot at mag-isip ng kung ano-ano. Masyado pang mahaba ang araw ko ngayon at marami pa kaming dapat gawin.
While eating our food dito sa loob ng room, ay isa-isa na ring nagdatingan ang iba naming kaklase na kakagaling lang din sa theater at ang iba ay bumili na rin ng pagkain.
“Guys, listen! We will cancel na lang yung rehearsal natin for today since lahat tayo ay pagod at need pa mag-aral para sa mid-term exam para sa iba pa nating subjects. Pwede na kayo umuwi or gamitin ang mga oras para mag review at magpahinga.”, pag aanunsyo ni Kris na ikinatuwa naman ng karamihan.
“Perfect ‘yan, Direk,” pagsangyon ng isa sa mga kaklase ko.
“Pero bukas ay lagare tayo sa rehearsal after ng mga exams natin. Mag start tayo ng blockings for ACT II so please be prepared”, dagdag ni Kris. Sumang-ayon kaming lahat bago nagkanya-kanyang sibat ang mga kaklase ko habang kami ay naiwan sa room na kumakain.
Matapos kumain ay napagdesisyunan ko nang umuwi habang ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ay nagtungo sa Pep Squad training nila.
Habang naglalakad papalabas ng university ay ramdam ko ang sikat ng papalubog ng si haring araw. Marami akong kasabay na estudyante na papalabas habang marami rin naman ang papasok sa university.
Sa di-kalayuan ay natanaw ko muli si Teo na papalabas din ng University kasabay ng mga kaklase niya na kasama niyang bumili ng pagkain sa Canteen kanina. Kita ko na casual silang nag-uusap nung lalaki habang yung dalawang babae naman ay abala rin sa pag-uusap na nasa unahan nila.
Nakita ko pang binunot ni Teo ang kanyang cellphone mula sa bulsa at tiningnan saglit ang screen nito at muling ibinalik sa kanyang bulsa.
Uuwi na rin kaya siya? Kasi kung Oo, hindi muna ako sasakay ng Tricycle dahil ayoko siyang kasabay
Nang tuluyang makalabas ay huminto muna ako sa gilid at pinanood ko si Teo na patuloy na naglalakad papunta sa Teresita Street. So hindi ito sasakay ng tricycle? Saan naman kaya sila pupunta? Baka may gala?
Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang mawala sa aking paningin. Saka ako nagtungo sa pila ng mga tricycle at nang makauwi na.
Pagkababa ko sa aming kanto ay nakita ko pa si Gael sa may tapat ng
“Tapsilugan”
na may kasamang isang babae.
“Hi, Kate Ganda!” pasigaw nitong bati sa akin habang kumakaway ang mga kamay.
Nakita ko naman ang babaeng kasama nito na mataman nang nakatingin sa akin. Kung naaalala ko ay taga-rito lang din siya sa aming barangay.
Kumaway naman ako pabalik at ngumiti. Agad namang nag-iwas ng tingin ang babae at nagpatuloy sa pagce-cellphone. Napaisip tuloy ako kung bakit sila magkasama ni Gael? Baka girlfriend niya? Edi good for him.
Pagkapasok ng bahay ay nakita ko si Mama na abala sa kusina para sa lulutin nitong hapunan. Wala pa si Papa at paniguradong pauwi pa lamang din ito galing sa trabaho.
“Himala ata at ang aga mong umuwi?” takang tanong ni Mama.
“Cancel ang rehearsals namin, Ma para makapag focus at review kami para sa mid-terms exam”, sagot ko sakanya.
“Oh siya, umakyat ka muna para makapag pahinga ka at bumababa ka mamaya para sa hapunan”, ani ni mama.
“Gow,” sagot ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humilata sa kama. Grabe lang ang pagod ko ngayong araw. Laking pasasalamat ko at canceled ang rehearsal, pero nagwo-worry din ako dahil hindi ko alam kung ano ang rereview-hin ko. Bilang mga estudyante na hindi sanay sa mga
“written exams”
, alam kong hindi lang ako ang nag-aalala para dito.
Narinig ko naman ang tunog ng notification mula sa aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking bag at tiningnan kung sino ang nag-message. Binuksan ko ang Messenger at tumambad sa akin ang nag-iisang chat mula kay Teo.
From: Macho
- Break a Leg, Kate! I’m so sorry that I can’t be there to watch and support you. I’m really busy with Acads and midterms. I wish you all the best, and I will make bawi sa final show ninyo.
Agad kong ni-lock ang screen ng aking phone at inihagis ito sa aking gilid.
So hindi siya galit? Busy lang siya? Eh mukhang hindi nga siya busy kanina. Bakit naman sila Josh at Nico ay nagawa nilang manood? Huminga ako nang malalim at ipinikit ko ang aking mga mata.
I don’t know why I am feeling this. Kung tutuusin ay hindi naman kami okay pa, at sapat na ‘yon na rason para hindi ako fully mag expect kung manonood ba siya despite na nagsabi siya na manonood nga siya.
31
Kasalukuyan akong nakaupo sa may sulok ng room namin at nagre-review ng script. Nakaupo naman sa harap si Kris at nasa magkabilang gilid niya ang dalawa naming stage manager na sina Mira at Lady. Maluwag ang room dahil inilibas namin sa hallway ang lahat ng upuan upang magkaroon kami ng space para mag-rehearse at mag-blocking.
Wala kaming dedicated space or area to rehearse, kaya nagtitiis kami dito sa classroom. Hindi rin kami allowed sa University Theater dahil may ibang gumagamit nito. Isn’t it weird? Theater Arts students kami pero not allowed to use the Theater unless pag DTR (Dress and Tech Rehearsals) na at mismong show dates. Krazy!
Ito rin ang problema kapag sa isang State University ka nag-aaral. Mahirap ang access sa mga university facilities at limited lang ang resources. Kaya kinakailangan ninyong mag provide on your own, or mag improvise. Kaya yung ibang mga students na sobrang mahuhusay ay nawawalan ng pag-asa. Imagine, kaya ka nga nag-aral dito para sa maliit o almost libre na tuition dahil sa hirap ng buhay, pero pahirapan din naman.
Sayang ang husay, talino at talento ng mga students. Hindi nahahasa at namamaximize dahil sa maliliit na resources. Sana sa susunod ay mas lakihan pa ng gobyerno ang budget at gamitin ito ng mga university officials sa tamang paraan. Walang maidudulot na maayos ang korapsyon.
Gaya ng sigaw ng mga iskolar ng bayan:
Edukasyon, edukasyon, karapatan ng mamamayan! Karapatan ng mamamayan: edukasyon, edukasyon!
But I am still grateful na nakapasa ako rito. Dahil hindi rin namin talaga afford ang mag-private university. Salamat sa tax ng taong-bayan.
Kakatapos lang mag-block si Kris ng isang scene at hinihintay namin sina Aika at Geoff para i-block ang scene nila para sa isa sa pinakasikat na scene ng movie, ang
“Never Enough”
. And of course kasama kami sa scene na ito.Pagkatapos i-block ang scene na ito, ay sunod naman i-block ang scene namin ni Mike na
“Rewrite the Stars”
.
Pumasok si Mike sa room at magiliw na ngumiti at umupo ito sa aking tabi.
Sumunod naman si Geoff at Aika at dumiretso sa kabilang dulo at naupo habang hawak nila ang kanilang mga script.
Maya-maya pa ay sumunod ang iba kong mga kaklase na gaganap sa
“Ensemble”
“Tapos na kayong mag-run ng sayaw n’yo?” tanong ko.
“Oo, kakatapos lang namin i-run yung
“The Other Side”
ni Geoff. Nilinis lang nila Barbs at Fifi at yung sayaw namin. Dami daw kasing mali sabi nung dalawa noong mid-term performance natin,” sagot nito na bakas pa ang pagkahingal.
“Talaga ba? Mukhang maganda nga yung nagawa niyong performance noon,” takang tanong ko.
“Yun din ang akala ko hahaha! Pero nung pinanood ni Fifi sa amin yung kuha video, marami ngang mali. Pero puro minimal mistakes lang naman at tanging kami lang ang nakakaalam,” natatawang explain niya.
“Sabagay, ang mahalaga naman ay hindi halata na nagkamali kayo,” tugon ko.
“Eh alam mo naman iyong mga beshiewap mo, perfectionists ang mga ‘yon,” nangingiti niyang sabi ulit.
“Totoo naman din iyon,” pagsang-ayon ko.
At totoo rin na kapag nagkamali ka sa isang performance, mahalaga na hindi mo ipapahalata sa mga nanonood na nagkamali ka. Dahil ikaw ang nakakaalam ng takbo at ng nangyayari sa performance mo, hindi ang mga audience.
Sakto naman ang pagpasok ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends, dala-dala ang speaker.
“Okay, guys! Ib-block ko na ang pagpasok ni Aika as Jenny Lind doon sa scene kung saan may bonggang at pang-mayaman na party. Keri?” tanong niya sa lahat.
“Yes, Direk. Kering keri”, sagot naming lahat.
“Oh, asan na yung mga
‘Freaks’
?” tanong ni Kris. Isa-isa naman kaming nagsitayuan.
“Okay, dito kayo sa
“Upper Right Stage”
banda,” pagtuturo ni Kris kung saan kami pupwesto. Kasama ko rito ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends, sina Kisha at iba pa.
“Nasaan naman ang ibang
“Ensembles”?
” tanong ulit ni Kris. Nagsitayuan naman ang iba ko pang mga kaklase at itinuro sila ni Kris sa kabilang part, ang
“Upper Left Stage”
.
“Ikaw naman, Geoff at Mike, ay dito kayo tumayo sa
“Down Right stage”
, pero huwag masyadong right para hindi ninyo ma-block ang mga
“Freaks”,
pag-explain ni Kris.
Agad namang tumayo sa puwesto nila si Geoff at Mike, na hindi naman kalayuan sa puwesto namin.
“Ikaw naman, Aika, ay sa
“Exit”
ka muna sa may bandang left manggagaling, for now. Pero pagdating sa Theater ay sa audience area ka manggaling at maglalakad ka sa gitnang aisle. Keribels?” pag-explain ulit ni Kris.
“Yes, Direk! Bet ko ‘yan. Kering-keri,” ani niya sa joyful voice.
“Luh? Feeling main character”, rinig ko pang bulong ni Fifi.
“True! Sana matalisod ang gaga sa isle sa mismong show”, dagdag naman ni Gema.
Sinamaan ko naman sila ng tingin para tumigil. Mahirap na at baka marinig sila ni Aika.
Sinunod ni Aika ang instructions ni Kris na manggaling siya sa exit sa left side at papasok. Naglakad ito papunta sa
“Center Stage”
na para bang nasa isa siyang
“Fashion Show”
habang hawak ang kanyang script.
“Tapos ikaw naman, Geoff, dapat amaze na amaze ka sa kanya. Gandang-ganda ka na para bang siya ang pinakamaganda at pinakamasarap na eabove sa buong Earth,” natatawang utos ni Kris.
“Maganda?!”, Fifi.
“Masarap?”, Barbs.
“More like umay”, Gema.
Sunod-sunod nilang bulong. Kayo talaga pag narinig kayo niyan.
“At kayo naman, mga
“Freaks”
at
“Ensembles”
, ganoon din ang reaction nyo dapat. Amazed kayo na shocked, at nagtatanong ang mga mata kung sino ba ang magandang dilag na ito,” utos sa amin ni Kris.
“Okay? Sige, isa pa. Ulitin natin, exit ka ulit, Aika then pasok”, utos ni Kris.
Agad namang sinunod ni Aika ito. Noong pumasok na siya papalakad sa center, umatko na kami sa kung ano ang hinihingi sa amin ni Kris.
“Sandaleee! Cut! Hahahahahahah!”, natatawang sigaw ni Kris. Nagtaka naman kaming lahat.
“Bakit naman ganyan ang itsura mo, Fifi? Parang diring-diri ka naman. At ikaw naman, Barbs. Para kang nasa horror movie sa mga tinginan mo”, natatawa pa ring turan ni Kris. Nakita ko naman ang pag-irap ng mga mata ni Aika.
“Sorry na, Direk. Hindi lang kasi namin makita yung tinutukoy mo na maganda at masarap”, matapang na sambit ni Fifi na ikinatawa naman ng lahat.
“Shhhhh. Tama na ‘yan! From the top ulit”, pag-awat agad ni Kris bago tuluyang mapunta sa kung saan ang kaganapan..
“Bading!” turan ni Aika na kahit mahina ay narinig ng aking tenga, sabay umirap at naglakad pa-exit.
Nagpatuloy pa kami sa mga sumunod na blockings at nagbatuhan na rin ng mga lines sina Geoff, Mike at Aika.
“Okay, so now. Kantahin mo muna at i-express mo ang sarili at emosyon mo as Jenny Lind. Tutal, wala naman masyadong movement ang song na ‘to,” ani ni Kris habang nakatayo si Aika sa gitna. Naghahanda para sa kantang
“Never Enough”
.
Nagsimula ang music at mataman na nanonood kaming lahat sa gilid ng room.
“I’m tryin’ to hold my breath,
” panimula ni Aika na nakapagpatayo ng aking balahibo. Sa totoo lang, mahusay talaga siya. Hindi ko itatanggi ‘yon at wala nang argumento doon.
“Let it stay this way
Can’t let this moment end
You set off a dream in me
Gettin’ louder now
Can you hear it echoing?”
Tuloy na pagkanta ni Aika.
Mula sa puwesto namin ay nakita ko sa may bintana sa kabilang side na tapat sa amin ang
“Teo and Friends”
. Nagtama pa ang mata namin ni Teo at awkward itong kumaway nang maliit na nagbigay ng kaunting ngiti.
Ako ba? Ako ba yung kinakawayan niya? Tumingin-tingin pa ako sa paligid ko at nakita ko ang mga
“Not-So-Pretty
” kong friends na nakatingin na rin sa may labas.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Teo at agad ko ring binawi. Ano ba ang dapat kong i-react? Hindi pa naman kami okay, tapos naiinis pa ako sa kanya na hindi siya nanood ng midterm performance namin. Tapos, ngingitian niya ako na parang deadma lang siya?
Agad din naman kaming nasipat nila Josh at Nico at sumenyas na sabay daw kaming kumain lahat.
Nakita ko pa ang pagsenyas ni Fifi ng
“Okay”
sa kanyang daliri bilang pag-agree.
Itinutok naman ng
“Teo and Friends”
ang mga tingin nila kay Aika na patuloy pa rin sa pagkanta.
“Take my hand
Will you share this with me?
‘Cause darling without you.”
Muli kong ibinaling kay Teo ang aking tingin na ngayon ay mataman nang pinapanood si Aika sa pagkanta.
“All the shine of a thousand spotlights
All the stars we steal from the night sky
Will never be enough
Never be enough
Towers of gold are still too little
These hands could hold the world, but it’ll
Never be enough
Never be enough
For me”
Kita ko ang unti-unting liwanag sa mga mata ni Teo habang si Aika ay patuloy na kumakanta.
“Never, never
Never, never
Never, for me
For me”
I saw Teo’s jaw drop.
“Never enough
Never enough
Never enough
For me
For me
For me”
He looked shocked and amazed.
“All the shine of a thousand spotlights
All the stars we steal from the night sky
Will never be enough
Never be enough
Towers of gold are still too little
These hands could hold the world, but it’ll
Never be enough
Never be enough.”
He’s mesmerized by what he is seeing right now. Inilibot niya ang kanyang mga mata na tila naghahanap ng karamay kung siya lang ba ang nakakaramdam ng nararamdaman niyang paghanga.
“For me
Never, never
Never, never
Never, for me
For me
Never enough
Never, never
Never enough
Never, never
Never enough
For me
For me
For me
For me”
Napuno ng palakpakan ang room, ngunit hindi ko ito naririnig. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang mukha ni Teo na manghang-mangha sa nakita at ang walang humpay nitong palakpak.
My chest tightened. Dahil siguro ay naiinggit ako?
Inggit ba or selos? Baka pareho? What if hindi ko makuha ang same reaction ng mga tao? Nila? Niya? I felt defeated again, kahit rehearsal pa lamang. I shouldn’t feel this way, Kasi; it is never a competition, naman. Pero what if out of all the performances, sa amin yung pinaka hindi maganda?
Tila ba umalis lahat ng confidence na mayroon ako?
Plus, the fact that a Transgender Woman will be playing a
“Cisgender Woman”
role. What if kwestyunin ‘yon ng mga tao? What if walang manood dahil ayaw nila?
Inalis ko ang tingin sa kanya at lahat ng tumatakbo sa aking isipan at bahagyang huminga nang malalim.
“Ang lalim noon, teh. Anyare?” Tukoy siguro niya sa paghinga ko.
“Wala naman. Kinabahan lang ako sa magiging performance ko. Hehe”, tipid kong ngiti.
“Ay naku, teh! Huwag kang kabahan at matakot. Di hamak naman na mas maganda, magaling, at masarap ka kesa sa isa diyan”, pangche-cheer ni Gema sa akin.
“Ate?! Kita mo ba yung reaction ni Fafa Teo? Grabe, va? Amazed na amazed ang koya nyo na para bang now lang sya nakakita ng pangit na kumakanta”, pagsingit ni Fifi.
Iniwas ko ang tingin kay Fifi at mahina naman siyang siniko ni Gema.
“Pero syempre! Ikaw pa rin naman, no! Ikaw ang pinaka sa lahat. Walang ubra yang pangit na isa diyan”, agad na bawi ni Fifi.
Tipid ko naman silang nginitian.
After noong run ni Aika ay pinag-break muna kami ni Kris. Lumabas kami ng room. Sinalubong kami nina Nico at Josh habang si Teo naman ay seryosong kausap si Aika.
“Teo, Arat Na”, sigaw ni Gema rito.
Napalingon naman sa amin si Teo at nagpaalam na kay Aika. Naglakad siya papunta sa amin at si Aika ay naglakad sa kabilang side papalayo sa amin.
“Hi, guys,” nahihiyang bati niya sa amin.
“H, Teo. Mabuti at napadalaw ka?” tanong ni Gema.
“Ah-eh, yes, I just want to have lunch with guys. It’s been a while since the last time na naglunch tayo together, explain niya.
“True naman din, kaya naman, arat na! Nagugutom na ko”, pag-aya ni Barbs.
Nauna naman silang naglakad agad-agad, kaya naman naiwan kami ni Teo sa likuran nila. Hindi ko alam kung sinadya ba nila ‘yon.
Tahimik kaming naglakad na magkatabi. Ramdam ang tensyon sa pagitan namin at tila hindi ko naririnig ang ingay sa paligid dahil mas namamayani ang katahimikan at awkwardness sa aming dalawa.
“Ahhmm. Kate?” Pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa.
“Hm?” Di ko alam ang sasabihin at diretso lamang akong nakatingin sa dinadaanan namin. Mahirap na at baka madapa ako, matalisod o may mabangga.
“Ahhmm, what do you want to eat?”, sabay kamot nya sa likod ng kanyang tenga at batok.
“Hmmm… Ikaw?”, balik kong tanong
“Ha? Me?” Gulat niya akong nilingon habang nakaturo sa sarili.
“Ang OA naman!” Mataray kong tingin sa kanya dahil sa reaction nito.
“I thought…”
“Utot mo! Ba’t ko naman gagawin ‘yon? Hindi naman ako cannibal,” pag-agap ko agad.
“I didn’t say anything though”, pangde-deny nya.
Tiningnan ko lamang siya nang masama.
“And that was too literal. Pwede naman sa ibang paraan kakainin”, hindi pa rin sya natatapos.
At ano daw? Kailan pa sya natuto mag ganyan ganyan?
Muli ko siyang sinamaan ng tingin bago ako naglakad nang mabilis at humabol sa mga
“Not-So-Pretty”
kong friends at
“Teo and Friends”
at iniwan siya mag-isa.
“I was just joking, Kate! Wait..”, rinig kong paghabol niya na natatawa.
Nandito kami ulit sa room at pasado alas kuwatro na ng hapon. Kakatapos lang namin i-block yung
“Rewrite The Stars”
scene namin ni Mike. Kasalukuyan kaming nagpo-prod work at tinatapos ang mga props at set na dapat tapusin. Pagkatapos nito ay muli naming iru-run ang scene namin ni Mike.
Matapos naming kumain ng lunch kanina ay nagpaalam din ang
“Teo and Friends”
dahil may mga klase pa sila. Ang kinaiinis ko pa ay si Teo ang bumili ng pagkain ko kahit sinabi ko na nga na ayaw ko. Hindi na naman siya nagpatalo.
“Wait, lang, Kisha. C-CR lang ako”, pagpapaalam ko sabay binitawan ang hawak kong brush.
Matapos umihi ay naghugas muna ako ng kamay at saka lumabas ng CR.
Dahil maraming estudyante ang nakatambay sa bukana ng West Wing, sa kabilang side ako dumaan, paikot sa dulo para makabalik sa room. Mas tahimik kasi dumaan dito lalo’t puro nagkaklase ang mga nasa room.
Papaliko na sana ako sa dulo ng West End nang mapahinto ako sa narinig.
“Thank you, Teo, at binigyan mo ako ng chance na makausap ka,” narinig ko sa pabebe niyang boses.
“No worries. Ano ba ang sasabihin mo sana?” tanong ni Teo sa kausap.
“Ahh. I just want to say sorry for what happened last time. I know that I owe you an apology”, mahinhing ani niya.
“Huh? Why me? Why are you apologizing to me?”, takang tanong ni Teo.
“Because I… nasaktan kita,” nahihiyang turan niya.
“Okay, look. If there is a person that you need to apologize to, that is Kate. You need to say sorry to Kate, Aika. Not me,” explained ni Teo sa mahinahong boses.
“But I like you,” walang paga-alinlangan niyang bigkas.
Hindi naman nakakagulat para sa akin na may gusto si Aika kay Teo. It’s so obvious naman.
My chest tightened
“Wait? What?” Tunog na naguguluhan. Nangunot ang aking noo.
Before I hear anything that Teo would say, ay mabilis akong naglakad pabalik sa aking pinanggalingan. Ayoko nang marinig pa ang mga susunod nilang pag-uusap. Whatever happens between them is none of my business.
At hindi na rin ako magtataka if Teo feels the same way. I mean, she’s beautiful and talented. I remember kung gaano ka mesmerized si Teo noong napanood nya kumanta si Aika.
Di bale nang mapagod sa kakalakad at makipagsiksikan sa mga students na nakatambay, huwag lang nila akong mahuli na nakikinig sa usapan ng may usapan.
Isa pa, he has the nerve to tell Aika na mag-sorry sa akin, gayong hindi pa nga rin siya nakakapag-sorry sa akin? I can’t believe this person.
Pasado alas sais ay nandito na kami sa West End kung saan ako dapat dadaan kanina pero hindi natuloy. Medyo maluwag kasi rito at sakto na tanaw ang sun set dito. Kaya maraming students ang tumatambay dito paghapon.
Dumating din ang
“Teo and Friends”
gaya ng pangako nila bago kami maghiwa-hiwalay after lunch. Sabay-sabay daw kaming uuwi ngayon, kaya naman hihintayin daw nila na matapos ang rehearsals namin.
Hindi rin naman ata kami magtatagal dahil scene lang namin ni Mike ang iru-run namin. Nagtungo ang
“Teo and Friends”
sa harapan, malapit sa puwesto ni Kris para mas makapanood sila. Nakita ko pa si Teo na mataman akong tinitingnan habang nasa gilid at naghihintay ng queue sa pagsisimula namin.
“Ready, Actors?”, sigaw ni Lira.
“Actors Ready”, sagot naman namin ni Mike.
“Enter, Anne Wheeler. Pre-set on stage while preparing your hand bandages”, pagbabasa ni Lira sa kanyang script as a Stage Manager habang inaakto ko naman ang kanyang sinasabi.
“Enter, Phylip Carlyle,” anunsyo ni Lira at agad namang pumasok si Mike at lumapit sa aking puwesto.
Nagbatuhan kami ng lines kung saan sinusuyo at nag-e-explain si Phillip, trying to apologize sa inakto ng kanyang mother and father. Nakaluhod si Mike sa aking haparan habang inambang abutin ang aking kamay na agad ko namang iniwas. Tumayo ako at naglakad papalayo kay Mike. Huminto ako sa may bandang harapan kung nasaan ang
“Teo and Friends”
. Nakita kong seryoso lamang silang nanonod, lalo na si Teo na mataman na nakatingin kay Mike.
Agad kong naisip na sana ganito rin si Teo manuyo, mag-explain at humingi ng tawad, gaya ni Philip. Kaso hindi nga pala sya si Philip.
“You know I want you, it’s not a secret
I try to hide”,
panimulang kanta ni Mike.
Rinig ko naman ang pag ”
Ehem”
ni Teo na tila ba may nakabara sa kanyang lalamunan,
“You know you want me
So don’t keep saying our hands are tied”, tuloy na awit ni Mike.
Rinig naman ng lahat ngayon ang malakas na pag-ubo ni Teo.
Nagpatuloy ako sa pag-a-acting at ginawa namin ang mga na-rehearse namin kanina at hindi pinansin ang kung anuman na pakulo ni Teo.
“You claim it’s not in the cards
And fate is pulling you miles away
And out of a reach from me
But you’re here in my heart
So who can stop me if I decide that you’re my destiny?”
Napalingon ako kay Teo at kasalukuyan itong nakahalukipkip ang mga braso sa may dibdib at masamang nakatingin kay Mike na patuloy na kumakanta.
“What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine?”
Rinig ko ang paimpit na tili ng mga classmates ko at mas nangigibabaw ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends.
Nagpatuloy kami sa pagkilos na choreographed nina Barbs at Fifi habang hinihintay ang turn ko sa pagkanta.
Nakita ko rin si Aika na masama ang tingin sa akin habang nasa sulok.
“You think it’s easy
You think I don’t wanna run to you, yeah”,
panimulang awit ko. Rinig ko ang pagsinghap ng mga classmates ko at ang iba ay paimpit ulit na kinikilig.
Wala kaming harness dahil hindi namin afford ng production kaya nag focus kami more sa choreography. Sakto namang napatingin ako kay Teo.
“But there are mountains (But there are mountains)
And there are doors that we can’t walk through
I know you’re wondering why
Because we’re able to be just you and me within these walls
But when we go outside
You’re gonna wake up and see that it was hopeless after all”,
halos mag acrobat na ako sa mga choreography na ginawa nila Fifi at Barbs para sa part na ito.
This song is about lovers facing real-world barriers. If you’re part of the community, you may relate to this. Some men are afraid to take a risk in loving people from the LGBT community because of society’s judgment.
“No one can rewrite the stars (Rewrite the stars)
How can you say you’ll be mine?
Everything keeps us apart.
And I’m not the one you were meant to find
(the one you were meant to find)
It’s not up to you, it’s not up to me, yeah
When everyone tells us what we can be (Tells us what we can)
And how can we rewrite the stars?
Say that the world can be ours tonight (Be ours).”
And mayroon ding trans-sissy ko ang takot mag risk because they feel like men would eventually regret falling in love with them once they see and experience how bad the society is. And I feel sad whenever ganon ang nafe-feel nila, but I can’t blame them.
But I do hope that my sisters will realize that we still deserve happiness and huwag nating masyadong ibinababa ang tingin natin sa mga sarili natin at sa kung ano ang deserve natin.
Nagpatuloy ang halos solo dancing ko with mini acrobat. Nagpatuloy ako sa pagkanta at nag-focus sa mga nangyayari at scenes. Ayoko nang isipin pa ang mga nakikita kong reaksiyon kay Teo dahil baka magkamali na naman ako at siya na naman ang maging dahilan.
Mas naging intimate na rin ang sumunod na mga choreography at mas nagiging madikit ang mga katawan namin ni Mike sa isa’t isa habang sumasayaw at kumakanta.
“All I want is to fly with you
All I want is to fall with you
So just give me all of you
It feels impossible
It’s not impossible
Is it impossible?
Say that it’s possible”,
duet namin ni Mike.
Narinig ko ang mga paimpit na sigaw at kilig ng mga kaklase ko bago bumuhos ang final chorus.
“And how do we rewrite the stars?
Say you were made to be mine?
And nothing could keep us apart
‘Cause you are the one I was meant to find
It’s up to you, and it’s up to me
No one could say what we get to be
And why don’t we rewrite the stars?
Changing the world to be ours.”
Magkaharap kami ni Mike ngayon, ilang inches na lang ang pagitan ng mga katawan at mukha namin.
You know I want you
It’s not a secret I try to hide
But I can’t have you
We’re bound to break, and my hands are tied.”
Ramdam ko ang bawat hinga ni Mike habang nakatitig sa aking mga mata at ganoon din ako sa kanya.
“CUT,” sigaw ni Kris at narinig ang hiyawan ng mga kaklase ko.
“Grabeee!!!”
“Kinikilig ako ng sobra”
“Na para bang mhie at dhie ang tawagan nila”
“Paldo naman talaga si Pareng Mike”
Rinig kong litanya nila.
Ngumiti pa ako kay Mike habang magkalapit ang aming mga mukha bago ako humilay. Saktong pagharap ko ay bumungad ang
“Yare tayo niyan,”
look sa mukha nina Josh at Nico habang si Teo ay nakahalukipkip pa rin ang mga braso sa dibdib at masama ang tingin sa akin?
“Inaano ka?“
32
Naglalakad kami ngayon papunta sa “Bentelogan” ni Ate Gina at doon napagdesisyunan ng buong grupo na kumain ng dinner. Matagal-tagal na rin kasi noong huli kaming kumain doon.
Matapos ang run namin kanina ay nag-
“Company Call”
kami saglit. Diniscuss namin ang schedule ng buong production sa mga natitirang araw bago ang full show namin. Tinanong ang mga department kung ano ang status nila at kung ano pa ang mga hindi pa natatapos na gawin.
Ang
“Teo and Friends”
naman ay tahimik lamang na naghihintay matapos ang aming
“CC”.
Naalala ko pa kung paano dumapo ang tingin ko kay Teo kanina na abala sa kanyang cellphone at bakas pa rin ang pagka busangot sa kanyang mukha, Nahuli pa nga ako nila Nico at Josh at sumenyas na
“Lagot”
daw ako habang nangingiti at umiiling-iling ang mga ulo.
Kaya ayun, hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit ako
“Lagot”
kay Teo. Eh wala naman akong masamang ginagawa. And as far as I know, ay siya pa nga itong may atraso sa akin at hindi pa nga namin ulit iyon napag-uusapan. Lintek, at ako pa ata ang mababaliktad ngayon, ah.
Nauuna na naman ang mga
“Not-So-Pretty”
at
“Teo and Friends”
sa paglalakad. Sa puntong ito ay pakiramdam ko ay sinasadya nilang mauna at iwanan kami ni Teo sa likuran nila.
Magkatabi kaming naglalakad at nasa bandang kaliwa ko siya. Tahimik lamang ito habang diretso ang mga tingin. Kung kanina ay nagagawa pa niya akong asarin na para bang okay na ang lahat sa amin, tapos ngayon ay sobrang tahimik na niya ulit.
“Kumusta naman ang mid-term exams nyo?” basag ko sa katahimikan.
“It’s fine,” tipid niyang sagot.
“Mabuti naman. Sobrang sobra ka nga sa ka busy-han lately”, ani ko.
Katahimikan ulit.
Hindi ko na alam ang susunod kong itatanong. Ano ba? Maayos ba ang tulog mo kagabi? Nagugutom ka na ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Ano ang pinagkakaabalahan mo lately bukod sa pagfo-focus sa pag-aaral?
“Bakit ba parang galit ka na naman?” Di ko namalayang bulalas ko, imbes na sa utak ko lang.
“What?” Gulat siyang napatingin sa akin.
“Huh?” taka ko namang tanong.
“You said something like why I look mad?”, paninigurado nya kung tama ba ang rinig niya.
“Luh? Wala naman akong sinasabi.” pagde-deny ko.
“I heard it, Kate. And to answer, No. I am not mad,” explain niya.
“K” walang gana kong sagot.
“I’m not mad, Kate. Really.” ulit niya.
Tumago lamang ako.
“It’s just that…”, dagdag niya agad.
Tahimik lamang ako. Nagpe-pretend na wala akong naririnig at pakialam.
Yabag ng aming mga paa at ingay ng mga tao sa paligid ang maririnig.
“I’m just…”
Ang busina ng mga tricycle ang umalingawngaw.
“Jealous”
Katahimikan ulit sa pagitan namin.
Tama ba ang narinig ko? Nagse-selos sya? Kanino?
Hindi ako umimik. Hindi kasi alam ang sasabihin.
“Hey, I said I’m ahhh…” Nag-aalangan siya. Ang feeling niya siguro ay hindi ko narinig.
“I said I’m jealous”, ani nya ulit.
I’m shocked but confused.
Dito ko na siya nilingon at binigyan ng
“What, why, how, when, with whom?”
look. Tila naman nakuha niya agad ang nais kong iparating.
“I hate seeing that ‘Oompa Loompa’ guy being touchy and clingy to you”, pag-amin niya.
“Sino daw?” naguguluhan kong tanong.
“Wait nga, si Mike ba ang tinutukoy mo?”
“Yes! That dimwit”, walang kagatol-gatol nyang sabi.
Napa-O naman ang aking bibig dahil sa narinig.
“Bakit mo siya tinatawag na ganyan, Teo! Wala namang ginagawang masama yung tao sa’yo?” — this person. Kung makapagsalita ay akala mo kung sino.
“See, kinakampihan mo pa yung bubwit na ‘yon?” hindi niya makapaniwalang sabi.
“Malamang! Kaibigan ko rin yung si Mike. Saka, ano’ng bubwit? Ilang inches lang ang lamang mo doon, no!” tanggol ko ulit.
“What do you mean by ilang inches? Have you seen his for you to compare?”, pang-hahamon nya.
“Huh? Ano’ng pinagsasabi mo?” mas naguguluhan kong tanong.
“Okay! Now I’m more jealous,” turan niya, sabay iwas ng tingin at itinuon sa aming dinaraanan.
Unti-unti ko rin napagtanto ang kanyang ipinaparating at bago pa mag-flashback sa isip ko ang lahat at iwinaglit ko na agad ito sa aking isipan.
“Hindi ‘yon ang tinutukoy ko! Saka teka nga! At bakit ka naman nagse-selos ha?” matapang kong tanong.
“Oh, really? Do I still need to tell you?”, tanong nya pabalik sa akin.
“Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko.” Mas naiirita na ako sa nangyayari.
“I don’t know with you, Kate. I don’t know if you’re playing dumb, or you’re just dumb.” Tipid niyang ngiti bago niya binilisan ang lakad at iniwan akong mag-isa.
Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa kanyang sinabi. Hindi ako manghid. Hindi ako tanga para hindi makita at maramdaman yung nais niyang iparating. Pero hindi ko rin puwedeng i-acknowledge lang lahat ng ito nang walang kumpirmasyon mismo sa kanya. Nang hindi nanggagaling sa kanya.
Gusto nya ‘ko? Bakit? Paano? Paano si Aika? Hindi ba’t siya ang gusto niya? Sunod-sunod kong tanong.
What if hindi naman pala at ako lang ang nag-iisip? Parang gustong pumutok ang mga ugat sa ulo ko at nagsisimula na itong sumakit.
Paano kung pinagti-tripan nya lang ako?
Nang makarating kami kina Ate Gina ay magkakatabi kaming umupo ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends at nasa harapan naman ang
“Teo and Friends”
.
Kinuha ni Gema ang aming mga orders at siya na rin ang nagsabi nito kina Ate Gina na nagulat at napakain ulit kami sa
“Bentelogan”
niya.
Si Fifi at Josh naman ang kumuha ng mga utensils at baso na gagamitin. Pinunasan ni Fifi ang mga utensils ng mga tissue bago niya ang mga ito na iniabot sa amin isa-isa.
“Anyare sa’yo, te?” tanong ni Barbs sa aking tabi. Nakita ko si Teo na pasulyap na tumingin sa amin.
“Wala naman. Masakit lang ulo ko saka pagod na rin”, sabi ko.
“Sa pagod yan, teh. Hayaan mo at pagtapos natin kumain ay makakapag rest naman na tayo”, nagaalala na sabi ni Barbs.
Nakita ko naman si Teo na nagkakalikot sa bag niya at may inilahad sa harap ko na isang gamot.
“Take this after you eat”, ani nito.
Kahit naiinis man, tinanggap ko ito mula sa taong dahilan kung bakit sumakit ang ulo. Totoo nga siguro na ang kung ano ang dulot ay siya ring lunas. Mukhang kailangan na naming harapin ang lahat ng pinagmumulan ng mga ito para hindi na tuluyan pang gumulo ang aking isip at buhay.
Agad kaming kumain nang magsi-datingan ang aming mga orders. Halatang gutom at pagod ang lahat dahil sa pag-aaral. Walang umiimik at tahimik na kumakain. Kinuha naman ni Teo ang pula ng sunny-side-up egg sa aking plato at ibinigay niya sa akin ang puti ng kanya. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan.
Pagkatapos ay sabay-sabay na ulit kaming naglakad papauwi. Nang makapasok sa aming barangay ay nagpaalam na kami sa isa’t isa. Naiwan kami ni Teo na sabay naglalakad papasok sa aming eskinita.
Nang nasa tapat na ako ng aming gate ay huminto si Teo sa aking likuran. Gusto ko man siyang harapin at kuhanin ang pagkakataon na ito para pag-usapan ang lahat-lahat, ngunit hindi ko tinuloy. I feel like hindi ito ang tamang oras lalo’t parehas kaming pagod at masakit pa rin ang aking ulo. Hindi pa ata umeepekto yung gamot na binigay ni Teo matapos kong inumin. Baka expired naman na ‘yon? Eme!
Pagkabukas ko ng aming gate, agad akong pumasok at marahan itong isinasara.
“Good night, Kate,” paalam ni Teo at kumaway pa ito bago tuluyang naglakad papunta sa kanilang bahay.
Pagpasok ng pinto ay inihagis ko sa sofa ang aking bag at napabuntong hininga.
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay ang aming final show. Konting kemnbot na lang ay matatapos na ang 1st sem. Kakatapos lamang ng 1st show namin at masasabi kong hindi pa ‘yon ang best namin. Despite na nag-dress, tech rehearsal (DTR) kami ay halong nangangapa pa rin kaming lahat sa takbo ng show kanina. Pinapakiramdam ang bawat isa at ina-adjust ang mga dapat i-adjust.
Dalawang show lang ang mayroon kami. Isang 10am na kakatapos lang at isang 6PM. Hindi namin kayang mag-show nang maraming beses dahil mahal ang mga renta namin sa mga
“Tech”
, kasama rito ang mga lights, sounds at lapel mic. Hindi namin ito afford at baka mamulubi kami lalo’t free lang ang shows namin. Wala itong ticket at wala kaming profit na makukuha. Ipinagbabawal kasi ‘yon ng University.
Sa mga lumipas na buwan at araw ay hindi pa rin kami nagkaroon ng chance na makapag-usap ni Teo. Lahat ng mga masasakit na nagawa at nasabi namin sa isa’t isa, ang mga pa simpleng sweetness na ipinapakita niya sa akin at ang pagse-selos niya kay Mike, ay nananatiling
“Unresolved Cases”
.
Halos araw-araw na ulit kaming sabay na pumapasok. Bagay na nahinto noon dahil sa di-pagkakaunawaan namin. Kasabay na rin namin siyang ulit mag-
“Lunch”
at minsan ay kasama rin namin ang
“Teo and Friends”
. Hinihintay nya na ulit na matapos ang aming rehearsals para kasabay namin siyang umuwi. Maliban na lamang kapag busy siya sa acads at sa kung anu-ano pang bagay.
Naging consistent siya sa mga ipinapakita at ipinaparamdam niya sa akin to the point na halos limot ko na ang mga sakit at galit na nararamdaman ko noon. Pakiramdam ko tuloy ay sinadya niya ‘yon at doon niya idinaan ang kanyang apology. At heto naman ako, nasa bingit na.
Hindi tuloy mapigilan ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ang panunukso sa amin. Lantaran pa naman ang panunukso ng mga bibig ng mga ito, hindi gaya nina Nico at Josh na idinadaan sa mga malisyosong tingin at iling ng mga ulo nila.
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa
“Dressing Room”
at nakatapat sa salamin. Tapos na akong magbihis ng aking costume at make up-an ni Fifi. Siya ang nagpresenta na ayusan ako sa show na ito dahil gusto niya raw ay ako ang pinaka maganda sa lahat. Na para bang sinabi niyang pangit ang makeup ko sa sarili ko noong mid-term performance namin.
Hawak ko ngayon ang isang
“Packed Lunch”
na may note na
“Break a Leg, Kate”
na isinulat sa sticky note. Hindi ko itatanggi na nakokornihan ako, but at the same time, I like the feeling I am feeling right now. Iniaabot ito sa akin ni Lira kanina at sinabing pinapabigay daw ng
“Prince Charming”
ko.
“Kanina mo pa tinititigan ‘yan, teh! Kainin mo na ‘yan,” puna sa akin ni Barbs. Sabay silang tatlo na pumasok sa dressing room at hawak ang kani-kanilang lunch na kinuha pa sa pantry area.
Mayroon kaming sariling food for our lunch at hawak ni Gema ang sa akin.
“Oo, teh, kakainin ko naman. Hinihintay ko lang kayo para sabay-sabay tayo”, ani ko.
“Akala ko balak mo pa itago yan at ipa-picture frame eh”, dagdag ni Barbs na ikinairap ko naman sa aking isipan.
“Akin na ito, Kate ah. Tutal mayroon ka ng lunch na made of love”, pang-aasar pa ni Fifi.
“Timawa ka talaga”, asar ni Gema.
“Okay lang, at least marami akong makakain. Huwag kang hihingi, ah,” pagdadamot ni Fifi.
Kinuha ko ang aking cellphone at nakita ang nag-iisang chat mula kay Teo.
From: Macho
Eat well, Kate, para may energy ka to perform. See you later!
Me:
Thank you, Teo. See you!
“Iba talaga pag nagdadalaga na at pumapag-ibig. Ngumingiti na mag-isa. Ganyan din ako noon eh, tignan mo ngayon”, natatawang sabi ni Fifi na ikinatawa rin noong dalawa.
Hindi ko na lamang sila pinansin at sinimulan na ang pagkain.
Narinig namin mula dito sa backstage ang ingay ng mga audience. Kani-kanina pa kasi nag-
“Open House”
at patuloy pa rin ang pagpasok ng mga tao sa
“Theater”
. Maraming students from other courses ang manonod. Mga students sila ng mga kaibigang professor ni Mrs. Dela Fuentes at ang iba ay students ni Sir Mark.
Marami ring parents ng mga classmate ko ang manonood. Unfortunately, wala ni isang parent ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends ang manonood. Busy raw kasi ang mga ito. Mabuti na lamang ay manonood sina Mama at Papa.
Mula dito sa gilid ng backstage ay hinahanap ko sa audience area kung nakapasok na ba sina Mama at Papa. May mga
“names”
ang mga seat ng mga parents/family na manonood at hindi ko kasi alam kung saang banda ina-assign ang mga seats nila.
Ilang saglit pa ay nakita ko rin sila Mama at Papa na nakaupo sa ilang rows mula sa unahan. Nagulat ako; katabi rin ni Mama si Tita Myra na nakangiti at bakas ang excitement. Nasa likod na row naman nila ang
“Teo and Friends”
na matiyagang naghihintay na magsimula ang show.
Mas dumoble tuloy ang kaba na nararamdaman ko. Kahit maraming beses na akong nakapag-perform, ay hindi pa rin talaga maiiwasang hindi kabahan. I’ll make sure this time na I will do my best para wala akong regrets after ng show. Iwawaglit ko muna lahat ng mga bagay-bagay na tumatakbo at gumugulo sa isip ko para makapag-focus. Ilang minuto ngayon at mawawala muna si Kate at dapat kong ilabas si Anne Wheeler.
Ilang minuto matapos ang last
“chimes”
ay unti-unti nang namatay ang mga ilaw sa audience area para sa nalalapit na pagsisimula ng show. Nagtipon-tipon kami saglit sa dressing room para mag-pray. Ipinagpasalamat namin sa nakatataas ang lahat ng blessings at hiniling namin na maging safe ang lahat ng mga magpe-perform, gabayan kami at maging successful ito.
“Whoah,” pagkanta namin mula sa backstage as ”
Ensemble,”
kasabay ang malakas na tugtog ng opening song
“The Greatest Show”.
“‘Cause everything you want is right in front of you
And you see the impossible is coming true
And the walls can’t stop us (now) now, yeah”,
masayang awit namin ni Mike habang ang lahat ng ay patuloy na sumasayaw sa stage.
Nagpatuloy ang buong
“Ensembles”
sa pagkanta.
“This is the greatest show (oh!)
This is the greatest show (oh!)
This is the greatest show (oh!)
This is the greatest show (oh!)
This is the greatest show (oh!)
This is the greatest show (oh!)
Umikot kami ni Mike papuntang
“Upper Left Stage”
. Muli niya akong inikot, napayakap ako sa kanya, at bahagya niyang ibinaba ang aking posisyon, at sinalubong namin ang labi ng bawat isa. Ramdam ko pa ang pagngiti ni Mike habang magkalapat ang aming labi bago ito humilay.
Itinayo niya ako at nagpatuloy kami sa pagkanta at pagsayaw.
This is the greatest show (oh!)
This is the greatest show (oh!)
This is the greatest show.”
Then the lights went out!
Umalingawngaw ang palakpakan ng mga nanonood sa buong theater. Nakita ko pa sina Mrs. Dela Fuentes at Sir Mark na napatayo sa kanilang upuan habang patuloy na pumapalakpak. At siyempre, hindi rin papahuli ang mga magulang ko at ang
“Teo and Friends”
sa pag-standing ovation.
“Michael Angelo Laparan as Phillip Carlyle and Kate Tiongson as Anne Wheeler”, anunsyo ni Lira during our
“Curtain Call”.
Sabay kaming lumabas ni Mike sa magkabilang side ng stage habang pumapalakpak at nagtungo sa
“Center Stage”
. Itinuro muna ako ni Mike at umabante ako at nag-”
bow”
; matapos, itinuro ko naman si Mike for his turn. After ay naghawak-kamay kami at sabay na nag-bow. Natanaw ko pa sila Mama, Papa, Tita Myra, Nico at Josh na masiglang pumapalakpak at halata ang pagka-proud.
Hinanap ko si Teo na wala na sa tabi ni Nico at laking gulat ko na lang nang may umakyat sa gitnang parte ng stage at may hawak itong
“Bouquet of Flowers”
. Hindi ko ito agad na nakilala dahil nasisilaw ang mga mata ko sa mga ilaw.
Nang harangan ng kamay ko ang mga ilaw na tumatama sa aking mata, bumungad sa harapan ko si Teo. Agad niyang tinalikuran si Mike at puwesto sa pagitan namin at iniabot sa akin ang bulaklak.
“Congratulations, Kate! You did so amazing! I’m so proud of you”, bati niya sa akin saka ako hinalikan sa aking pisngi. Rinig ko naman ang hiyawan ng mga tao sa audience, ganoon din ang mga classmates ko na nandito rin sa stage sa may bandang likuran namin.
Sobrang gulat at halos manigas ako sa aking kinatatayuan. Sa kabila ng ingay ng mga hiyawan sa paligid, mas nangibabaw ang kabog ng aking dibdib.
Did he just kiss me?
Tila ba napagtanto ni Teo na napatulala ako sa kanyang ginawa, kaya naman hinawakan ako nito sa ulo at inilapit sa kanya para yakapin. At sa hindi ko malamang kadahilanan ay kusang yumakap pabalik ang aking mga braso na tila ba may sarili silang mga utak.
Pagkatapos ng
“Curtain Call”
ay bumaba kami ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends sa audience area. Sumalubong ang mahigpit na yakap nila Mama at Papa. Ganun din ang ginawa ni Tita Myra.
“Congrats, sa inyo! Grabe! Napakahuhusay talaga!” ani ni Nico at isa-isa rin kaming niyakap. Napansin ko rin ang medyo awkward na yakapan nina Josh at Fifi.
“Oh, My God! I really can’t believe it, Kate! Ang galing-galing mo, sobra! Puwede bang kantahan mo rin ako sa bahay palagi?” maligalig na sambit ni Tita Myra na ikinatawa namin.
“Mom, stop! Naririnig ka ng ibang tao”, pagpipigil nanaman ni Teo sa mama niya.
“I don’t care! Bakit may masama ba ‘kong sinabi? Sobrang proud lang naman ako sa batang ito”, magiliw niyang sambit at muli akong niyakap.
Pagkatapos ng walang humpay na chikahan ay nagpaalam din sina Mama, Papa at Tita Myra. Ganun din sina Nico at Josh dahil may mga personal pang lakad ang mga ito.
Nagliligpit na rin ang mga nirentahan naming tech booth. Nagpalit lang kami ng mga suot namin at nag-ayos sa dressing room bago nagdesisyon na lumabas na ng theater. Bukas na namin ng umaga kukuhanin lahat ng gamit namin dito dahil gabi na rin. Hindi na namin sila maibabalik sa main campus.
“Kate, Teo, uuna na rin kami. May meeting lang kami saglit, ang PEP Squad doon sa may gate sa main campus para sa intrams.”, pagpapaalam ni Gema. Isa-isa kaming bineso ni Teo at tuluyan nang umalis.
Nandito pa kami sa loob ng theater at may iilan pa kaming classmate na papalabas na rin.
Nagulat na lamang ako nang hawakan ni Teo ang aking kamay at pinagsuklob ang mga ito. Nanlalaking mga mata ko siyang nilingon at sumalubong sa akin ang malawak na ngiti nito.
“Let’s go! Let’s celebrate.”
Saka ako hinila at iginaya papalabas ng theater. Nakita ko pa si Aika nakaupo sa may labas ng theater, katabi ng iba naming mga classmates. Maski siya ay nagulat nang makita kami.
Nagdire-diretso lang kami ni Teo sa paglalakad at tila wala siyang pakialam sa mga taong nakakakita sa amin habang magkawahak ang aming mga kamay.
Somehow,
I feel safe.
33
Kakababa ko lang ng sasakyan ni Teo, and this is my 2nd time na sumakay as a passenger princess ang atake. Nabanggit niya rin na ngayon niya lang ulit ito ginamit at ang last ay noong sinamahan niya pa akong mamili ng mga gamit.
Nandito kami ngayon somewhere in Q.C. at hindi ako pamilyar sa lugar dahil hindi naman ako napapadpad madalas dito. Nasa harapan kami ngayon ng isang restaurant at hindi ko alam kung handa ba ang budget ko para dito. Sana man lang ay sinabihan ako ni Teo para naman napaghandaan ko. Ni galing pa nga ako sa show at hindi man lang nakapag-freshen up nang maayos, tapos papasok kami sa isang magarang kainan.
Na-conscious tuloy ako at tila ba napansin ‘yon ni Teo dahil palinga-linga ang tingin ko sa palagid.
“You okay?” Sabay haplos nito sa aking siko.
“Hmm. O-okay lang. Kaso… hindi ba parang ang mahal naman dito, “Teo,” nag-aalalang sabi ko. Nasa kalahati pa lamang kami ng linggo at next pa ako ulit mabibigyan ng baon at allowance.
“It’s my treat,” pagbibigay ng assurance nito.
“Ayan ka nanaman eh. Ang dami ko nang atraso sa’yo. Ayaw ko nang madagdagan pa.” Ito na naman kami sa walang humpay na pagtatalo sa ganitong bagay.
“Stop it, Kate. Huwag ka nang pumalag. It’s our celebration for your successful show”, panlalaban niya sakin. Hinawakan ako nito sa magkabilang braso at iniharap sa kanya.
“Look, I know you don’t want me spending money, but I don’t mind. If it’s for you, then I’ll be more than happy to do it. Hm?” Diretso itong nakatingin sa aking mga mata na nangugusap, sabay gulo sa aking buhok.
“Ano ka, sugar daddy?”, panunuya ko.
“It’s fine with me. I don’t care”, confident niyang sabi.
I gasped. “Sugar daddy ka? Nino?” gulat kong tanong sa nanlalaking mga mata.
“You! I am happy to be your sugar daddy, and you’re my sugar baby,” at muling ginulo ulit ang aking buhok—nanindig ang aking mga balahibo.
“Ngiiiii”, lukot muka kong sabi na kanyang ikinahalakhak.
“Cute,” ani niya na may maliwanag na ngiti.
Luh? Baliw! Saka kailan pa siya natuto magsalita ng mga ganyan-ganyan. Napapansin ko, eh noong nakararan pa. Mas nagiging matapang ang mga salita niya. Nagiging mapagbiro na, eh hindi naman siya ganoon dati. Ano ba ang mga pinagkakakain nito at sino ba ang mga nakakasama nito lately? Nagkatampuhan lang kami, tapos biglang ganyan na siya?
Sinamaan ko siya ng tingin bago humarap muli sa restaurant.
“C’mon!” pag-aya niya sa akin, sabay hila sa aking siko at braso. Wala naman na akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya.
“Good evening, Mr. Suarez,” bati agad ng isang staff na babae pagpasok namin.
Ngumiti pabalik si Teo sa staff at ako naman ay pa-sweet lang na ngumiti.
“This way po,” paggagaya sa amin ng staff at sinundan namin siya.
Marami-rami rin ang mga kumakain dahil nga dinner na rin. Maganda ang look ng restaurant. Nakakaintimidate. Hindi sobrang pang-mayaman ang disenyo nito kung titingnan, gaya ng mga high-end restaurants sa mga TV shows o vlogs, dahil ito ay medyo modern at aesthetically pleasing. Pang-Instagrammable kumbaga. Ito yung tipo na kung titingnan mo ay dinadagsa ng mga normal na tao, but the ambiance? Doon magkakatalo-talo. The ambiance screams “Rich-rich-rich”.
Naiintimidate akong naglalakad katabi ni Teo habang sinusundan ang staff. Si Teo naman ay normal lang. Sa tindig nito at base sa kung paano siya batiin ng staff kanina, it looks like it’s not his first time na mapunta rito. No one was looking at us dahil busy ang lahat na mahinang nag-uusap at kumakain.
Dinala kami ng babae sa isang table na pandalawahan dito sa gitnang parte ng restaurant. Itong part pa naman ang pinaka-ayaw ko sa mga kainan. I feel like kitang-kita ka ng lahat ng tao. Every time na may bagong dating or lalabas ay mapapadaan sa puwesto nyo at ayoko no’n. As someone na gusto ng medyo isolated na puwesto, mas gugustuhin ko pa ang mga nasa gilid o sulok na parte.
Pero syempre hindi ako dapat magreklamo. Dinala na nga lang ako rito ng libre magrereklamo pa ‘ko?
Teo pulled out the chair in front of me at pinaupo ako, saka siya pumunta sa harap ko at doon umupo. Nahihiya ako dahil pinapanood kami ng staff na I know naman na they don’t care. Pero nahihiya pa rin ako.
“Here’s the menu, Mr. Suarez and Miss?” tanong nito sa akin habang inaabot ang mga menu.
“Kate po”, I said and nodded habang kinukuha sa kanya yung Menu.
“Miss Kate”, pagu-ulit nya.
“Just call me once you’re ready to order”, masayang niyang turan bago umalis sa table namin.
“What do you want?” tanong ni Teo na ngayon ay tinitingnan na pala ang menu. Hindi ko napansin dahil abala ako sa nararamdaman kong intimidation na para bang hindi ako mapakali.
Binuksan ko ang menu at talaga namang nakakatakam ang mga pagkain at nakakalula rin ang mga presyo. Nagiwi at nalukot na lang ang aking mukha, but at the same time ay mas nakaramdam ng gutom. Kita ko yung picture ng ibang pagkain na grabe ba sa pagpe-plating”. Yung iba naman ay walang picture at kakaiba ang mga pangalan, kaya nakaka-curious kung ano ang mga hitsura nila at kung masarap ba.
May nakita rin akong “steak” na mas lalong nagpagutom sa akin. Paano ba naman, ang huli kong kain ay noong lunch pa at galing pa ako sa show namin. Inilipat ko agad ang pahina nang makita ang presyo ng “steak”. Kaya ko naman ata tiisin ang gutom ko? Fasting na lang siguro ako for now.
“Actually, hindi ko alam kung ano ang sa akin, Teo,” pag-amin ko.
“That’s fine. Here, you want this one?” Sabay pakita niya sa akin yung pagkain sa menu.
“Hmm. Ikaw bahala,” ani ko.
“How about this one?” turo nya sa isa pang pagkain.
“Ano ba yung best seller nila rito? Yun na lang siguro ang sa akin”, dahil sa totoo lang ay nahihiya na ako at naguguluhan. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong damdamin, ang hiya, gutom o pagkalito.
“I see. If that’s what you want, then we’ll take this.” Ani nito, sabay taas ng kamay para tawagin ulit si ateng staff. Hindi ko rin alam kung ano ang napagdesisyunan niyang i-order. Siya na ang bahala dahil ayaw ko na ring mag-isip pa dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang pagod.
Lumapit si ateng staff at kinuha ang order namin. Sinabi ni Teo ang mga ito at hindi ko na naiintindihan. Hindi na ako nag-abala pang makinig dahil hindi naman ako maka-relate. Umalis din agad si ateng staff at sinabing ipapa-prepare na niya ang mga food.
Ilang sandali lang ay may dumating na mga lalaking staff at nag-serve ng tinapay as appetizer at soup. Itsura pa lang ng mga ito ay parang tutulo na ang laway ko.
Nahihiyang kumuha ako ng isang maliit na piraso ng tinapay at pasimple itong isinubo. Gustuhin ko man na lantakin ang mga ‘to, pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi para magmukhang katawa-tawa sa isang “Fine Dining Restaurant”.
Nakita ko naman si Teo na kumuha rin at tinikman ito, at ate?! Sobrang sarap! Parang kaya kong kumain nito lang nang buong araw.
“You like it?” nangingiting tanong ni Teo.
Tumango lamang ako bilang sagot at muling kumuha ng tinapay. Mas inilapit pa sa akin ni Teo ang pinaglalagyan ng mga tinapay. Nahihiya man ay hindi ko na lang binigyan ng pansin dahil nagugutom na talaga ako. I saw Teo smiling in amusement.
Nang maubos ko ang tinapay na kinuha ko, sinunod ko naman ang soup. Nang tikman, halos mapapikit ako sa sarap. Hindi ko alam kung sadyang gutom lang ba talaga ako o masarap talaga ito. It’s a creamy lemon chicken soup. Nahagip ko ulit si Teo na mataman na nakatingin sa akin habang nakangiti. I feel conscious tuloy lalo.
“Kumakain ka ba? Kanina ka pa nood nang nood sa akin kumain,” puna ko sa kanya.
“Oh yes, I am eating. I’m just happy seeing you eat.” Natutuwa nitong turan.
“Baka mamaya bini-video mo na ako tapos i-e-edit mo na
‘ito po yung taong tinulungan ko at
pinakain kasi naawa-awa ako at mukhang gutom na gutom’
”, medyo pang-aasar ko.
“Hmm. Puwede rin,” gatong niya na ikinasama ko nang tingin sa kanya. Napatawa naman ito.
Inuunti-unti ko ang soup kasi ayaw ko pa talaga siyang maubos at gusto kong namnamamin ang sarap. Puwede pa kaya manghingi ng ganito pag naubos ko na?
Ilang sandali pa at dumating. Nag-serve naman sila ng salad. Hindi man ako fan ng mga veggie salad, pero parang mauubos ko rin ito sa sobrang nakakatakam na hitsura. Ito talaga siguro ang purpose ng “plating” sa mga food—they need to look so pleasing to the eyes and stomach?
I took my first bite and ate?! Ang sarap din! Yung dressing talaga ang nagpapalasa sa ganito at I can say na perfect ang dressing. Hindi rin siya mabigat sa tiyan. Sa sobrang enjoy ko sa salad ay hindi ko namamalayan na halos mawala na ang pagpapa-sweet kong akto sa pagkain.
“Hey, why? You okay?” Medyo nag-aalalang tanong ni Teo nang mapansin na parang na-conscious ulit ako.
“Wala naman,” nahihiya kong sagot.
“You don’t have to stop or hold yourself back. Kanina ko pa napapansin. Just enjoy the food”, kalmadong sabi niya.
“Okay lang naman ako,” pagde-deny ko. Siyempre, hindi ako puwedeng umamin.
“You sure? Are you not comfortable ba here? Do you want us to leave and eat somewhere else?” Nagaalala pa rin niyang tanong.
“Hala! Hindi! I’m fine. O-okay lang talaga,” halos mag-panic ako at iwinawagay ang mga kamay sa harap niya to tell him na there’s really no need na umalis pa.
Nakailang pagkain na yung nai-serve sa amin, tapos aalis kami? Parang mas sobrang nakakahiya ‘yon. Kaya naman, nang i-serve na ang main course, ay sibukan ko nang malala na ikalma ang aking sarili at i-enjoy ang mga pagkain.
Ang main course ay ang “steak” na nakita ko kanina na siyang pinakamahal sa buong menu.
Nang makaalis ang mga staff at hawak na ni Teo ang knife and fork at handang-handa nang sunggaban ang “steak”, ay napatigil pa ito.
“Ang mahal nito, Teo. Bakit ito yung inorder mo?” Nagsisimula pa lamang akong pakalmahin ang sarili ko, kaso naudlot pa dahil dito.
“Why? You asked what their best seller is, right? This is it!”, Magiliw nitong sabi.
“You don’t have to worry, Kate. Just eat and enjoy it. Again, all for you, my sugar baby?” pang-aasar nito at saka nagsimulang lanatakan ang kanyang steak.
“Ew,” ani ko, na ikinairap ko na talaga nang tuluyan sa harap niya. Natawa naman ito nang medyo malakas na ikinagulat at ikinapanic ko.
“Shhh.. Teo, tumigil ka. Nakakahiya,” nahihiya kong sita sa kanya.
“Why?” tanong niya habang patulog na tumatawa.
“Baka pagtingnan nila tayo,” sabay turo sa mga tao sa paligid gamit ang aking mga mata.
“I don’t care. At isa pa, they don’t care either. Look around,” bahagya na lamang itong natatawa.
Medyo nakayuko ang ulo ko nang sinubukang ilinga ang paningin sa paligid. At tama nga siya, wala silang pakialam. Lahat ay busy sa kanya-kanya nilang pagkain at usapan. Now ko lang din napansin na rinig din ang ingay ng ibang table. I mean, not totally na maingay, pero rinig ko ang mga boses na nagsasalita at mga mahihinang tawanan din.
Ganun na ba ako ka-focus at ka-conscious to the point na hindi ko napapansin ang paligid. Na-sinet ko agad ang utak ko na hindi ako puwedeng maging magaslaw at maglikha ng kahit anong ingay dahil ayaw kong mahusgahan.
Well, since I learned I was different when I was a kid, and the kids started to bully me because of it, I became more conscious of how I act, talk, and even laugh. Dahil ayaw kong malaman nila ang tunay na ako at mahusgahan ako. Lalo’t wala na ang batang magtatanggol sa akin noon, si Teo na bigla na lang umalis nang walang pasabi.
At nadala ko iyon hanggang sa paglaki. Ayaw ko nang hinuhusgahan ako sa kung paano ako magsalita o kumilos dahil na-co-conscious ako at minsan ay nai-insecure.
And this is one of the reasons why I take a “Theater Arts” major. Gusto kong ma-overcome itong ganitong gawi ko sa sarili ko by presenting myself to many people. By performing and showing my talent. Baka sakaling tuluyan akong mawalan ng pakialam sa sasabihin ng ibang tao, regardless ng kung paano ako kumilos, magsalita, manamit, at sa pagpe-presenta ng tunay na ako.
“See? They don’t care. So stop holding yourself back and enjoy. We’re here to celebrate!” Pang-aalo niya sa akin.
Medyo napatanag ang loob ko roon at nagsimula nang kumain. Hindi ko alam kung anong luto ang ginawa sa “steak” na kinakain ko kasi ang alam ko mayroong tinatawag na rare, medium rare, well done at kung ano-ano pa.
Basta, ang alam ko ay sobrang sarap nito at hindi siya matigas. Tama ang lambot nito at ang lasa ay talaga namang malinamnam.
Nakita ko pa si Teo na chineck ang cellphone niya saglit bago ipagpatuloy ang pagkain. May lakad pa ba siya pagkatapos nito?
Nauna siyang matapos kumain habang ako ay nasa kahalati pa lamang.
“How was it?” nakangiti niyang tanong habang hinihintay ang gusto niyang marinig na sagot mula sa akin.
Sumenyas lamang ako ng “dislike” gamit ang aking kamay na ikinalaki ng kanyang mga mata. OA!
“Kimmy lang bhie!”, mahinang tawa ko.
He sighed in relief.
“Syempre masarap! I love it,” pag-amin ko sa kanya. Wala namang rason para magsinungaling, eh kung totoo namang nasasarapan ako.
“So happy to know you liked it. We still have dessert,” ani nito na may malawak na ngiti sa kanyang labi.
“Bakit ba kasi dito mo pa ako dinala?” seryoso kong tanong habang patuloy na kumakain.
“Why? I thought you liked it?” sa nagtataka nitong muka at boses.
“Eh kasi nga…”
“Drop it, Kate,” pagpigil niya agad sa akin.
“How many times do I have to tell you, na it’s fine. I like it. I love spending for you”, walang kagatol gatol niyang sabi.
“Eh hindi nga okay sa akin?” pag-awat ko.
“You don’t have a choice, so drop the topic,” Pinal Nyang sabi bago ako nginitan. Nagpapa-cute ba ‘to?
“Ay, desisyon ka na niyan para sa akin, gano’n?” sagot ko rito habang umiiling ang aking ulo.
“I said drop it, Kate,” kalmado at bakas ang pagsusumamo.
Para hindi na humaba pa ang aming pagtatalo sa bagay na ito na matagal naman na naming pinagtatalunan, as usual, hindi na ako sasagot pa at hahayaan na lang. Hindi para mag-away ulit kami, eh hindi pa nga kami totally bati at okay, kung tutuusin?
Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain habang si Teo ay magiliw akong pinapanood at panay ang silip o check sa kanyang cellphone.
Nang matapos, last na sinerve ang dessert. It’s vanilla ice cream topped with chocolate and sprinkles. Noting special, and it tastes like vanilla ice cream, syempre. Na-appreciate ko pa rin naman siya, pampawala ng aftertaste ng lahat ng kinain namin.
Nagpaalam saglit si Teo na magbabanyo habang ako ay patuloy na kumakain ng ice cream. Muli kong sinipat ang paligid at ganoon pa rin. Busy pa rin ang lahat sa kani-kanilang pagkain at usapan. May magpamilya, magka-couple, at magba-barkada.
Napabaling ang tingin ko sa isang taong lumabas sa isang room na I think ay for staff lang ng restaurant na ito. Pamilyar siya at parang nakita ko na siya before, pero hindi ko maalala.
Hindi rin naman nagtagal ay nakabalik din si Teo at agad na tumawag ng staff for the bill.
Dumating si ateng staff kanina na naghatid sa amin sa table na ito na dala-dala ang bill. Kinuha ‘yon ni Teo at saka inipit ang isang card sa bill holder nang hindi man lang sinisilip ang total amount ng bill. Sana all na lang talaga. Hindi na ako nakikialam tungkol sa bill dahil wala naman akong maiaambag diyan.
Umalis si ateng staff para i-process ang payment.
“Where do you want to go next?” tanong ni Teo sa akin.
“Hmmm. Di ko sure. Mag-aalas-diyes na ng gabi. May mapupuntahan pa ba tayo?” tanong ko naman sa kanya. Sa totoo lang, hindi na rin kasi gumagana nang maayos ang utak ko. Dala ng kabusugan ay alam kong maya-maya lamang ay mas mararamdaman ko na ang pagod at antok. At isa, hindi nga ako pamilyar sa lugar na ito, kaya hindi ko alam kung may puwede pa bang puntahan dito ng ganitong oras.
Bumalik naman agad si ateng staff dala-dala ang card at resibo at iniabot ‘yon kay Teo.
“Let’s go,” anyaya ni Teo at sabay kaming tumayo sa upuan at naglakad papalabas.
“Teo?” Boses ng isang lalaking tumawag galing bandang kaliwa namin.
Sabay kaming napalingon ni Teo at siya yung lalaking nakita ko kanina na lumabas sa isang room.
“Hey, Justin! What’s up, bro? Salubong ni Teo at nag-bro hug sila.
Nang marinig ko ang pangalan niya, dito ko na naalala kung sino siya.
“I’m good. Same old, same old. How are you?” Pangungumusta naman nito pabalik.
“I’m good. We just finished our dinner”, sagot naman ni Teo. Magbabalak pa sana akong magtago sa likuran ni Teo dahil ayaw kong masali sa usapan nila, ngunit huli na ang lahat.
“Hey, Miss Beautiful! How’s our food?” baling naman ni Justin sa akin na kumikinang pa ata ang mga mata.
Ano daw? Our food? Tama ba ang narinig ko? Napansin ata nito ang mukha kong nagtatanong.
“If you’re wondering, yes, this is our restaurant. My family owns this place,” paglilinaw niya sa naguguluhan kong self.
“Ahhh, ganun ba? It was nice! I love the food.” nahihiyang pag-amin ko. At totoo naman ‘yon. Masarap talaga dito.
“That’s great! I hope you can come back here. Bring your friends na rin para makilala rin nila ang place na ‘to,” magiliw niyang sabi.
“Sure,” nahihiya kong sagot.
“Sayang, Kath just left.” Baling ulit ni Teo.
Kath? Ahh, siya yung kapatid niya na “Best Friend” daw ni Teo. Hmm. Okay?!
“I see. Just say hello na lang to her for me”, ani ni Teo.
“Sure, sure, bro. No worries. Sobrang miss ka na rin kasi noon. She’s wondering din when ka daw dadalaw ulit sa house,” bahagyang natatawa na si Justin.
“I don’t know, man. I’m still busy with my studies pa eh”, page-explain naman ni Teo. Habang ako, parang tanga na nakatayo sa gilid ng dalawang nagtatangkaran mga lalaki na ito. Hindi alam ang gagawin. Ayaw ko namang makinig sa usapan nila, pero wala naman akong choice.
“Busy with the studies ba talaga, o busy with someone?” pang-aasar ni Justin na pahapyaw pa akong sinulyapan.
“Shut up, bro!” agap agad ni Teo.
“I’m just kidding, bro! Just let me know lang if you’re going to visit us so we can prepare.”, ani ni Justin at tinapik-tapik ang balikat ni Teo. Salamat naman at tapos na.
“Yeah. We’ll go ahead now. Thanks, bro.” Nag bro hug ulit sila.
“Sure! Ingat kayo” at naghiwalay na sila sa pagkakayakap. Saka kami tuluyang lumabas ni Teo.
In fairness naman kay Justin, mukha naman siyang mabuting tao at palabiro. May itsura rin, kaso mukhang babaero ang atake.
“That was Justin. You remember him?” tanong ni Teo habang papalabas kami ng pintuan ng restaurant. Nagpasalamat pa ang mga crew na nandoon bago kami tuluyang nakalabas.
“Oo naman! Tandang-tanda ko yung mukha niya,” sagot ko rito at muli pang nilingon ko ang restaurant sa likod ko.
“Yeah, ‘cause I remember you said he’s gwapo,” pagpapaalala niya sa akin.
“Huh? Wala naman akong sinabing ganoon noon,” pati tuloy ako napaisip. Sinabi ko ba ‘yon dati? I mean, totoo namang pogi siya, pero sinabi ko ba ‘yon sa harap mismo ni Teo?
“Whatever,” pagtatapos agad nito sa usapan at naglakad na patungo sa kanyang sasakyan.
Pinatunog niya ito at in-unlock ang mga pintuan. Pagbubuksan pa niya sana ako ng pinto, pero agad ko itong pinigil. Kaya ko namang magbukas ng pintuan, eh. Sasapaw pa.
Pagkaupo ko ay tanaw ko naman si Teo na umikot papunta sa driver’s seat. Nang makapasok siya, saka ko isinuot ang aking seat belt.
“Saan na tayo pupunta?” tanong ko sa kanya na diretso ang tingin habang nagmamaneho.
“I know a place where we can sit or walk and chill. Para bumaba ang mga kinain natin,” sagot niya habang nasa daan pa rin ang tingin.
“Grabe, ang yaman siguro ng pamilya ni Justin kasi may sarili silang business,” pambabasag ko sa katihimikan para naman may mapag-usapan man lang.
“So random, huh? So you’re curious about him now?” Seryosong tanong niya.
“Medyo? I mean, siya ba ang nagmamanage nung restaurant nila na ‘yon?” tanong ko ulit.
“I don’t know. Maybe?” walang ganang sagot niya.
“Kasi kung siya yung nagmamanage, eh ang amazing naman! Sa edad niya na ‘yon ay nakakayanan niya na mag-handle ng ganoong kalaking business,” manghang-explain ko.
Wala akong narinig na sagot kay Teo na patuloy pa rin na nakatingin sa daan at nagmamaneho.
Nang hindi ito sumagot ay itinapon ko na lamang ang aking tingin sa bintana at pinanood ang mga sasakyan na kasabay namin.
“He’s a womanizer,” basag niya sa katahimikan.
“Hindi ko naman tinanong. Saka ano naman pakialam ko kung babaero siya,” nagtataka kong sabi dahil siya yung mas random sa aming dalawa. Yung skills ni Justin sa pagmamanage ng business ang usapan, tapos papasukan niya ng ganyang topic?
“Oh, so you still like him even if he’s babaero?” This time ay nilingon niya na ako na parang hindi makapaniwala.
“Unang-una, wala naman akong sinabi na gusto ko siya. Meron ba?” tanong ko.
“You said before na he’s gwapo and now you’re amazed how he handles their business as if that’s a very huge thing and a flex.” Nakangisi ito.
“Well, it is! At a very young age, nakakayanan niya ‘yon.” Ang sabi ko, namamangha pa rin.
“Saka hindi ko naman talaga matandaan na sinabihan ko siya ng gwapo noon, pero kung ngayon mo ako tatanungin, mag-a-agree ako doon. Pogi naman din talaga siya”, dagdag ko.
Hindi ito sumagot at saglit lamang akong nilingon na nakangisi na tila ba nakuha niya na ang gusto niyang marinig at muling itinuon ang tingin sa kalsada.
“So you like him nga?” muling tanong niya na siyang ikinairap ko.
“Hindi ba puwedeng na-appreciate ko lang yung itsura niya?” balik-tanong ko.
“Parang ganon na rin ‘yon. You find him attractive, and there is a chance that you like him or you might like him.” at talagang inilalaban niya.
“Eh bakit ikaw? You said Kath is beautiful. Sinabihan mo rin nang maganda o cute si Aika. So, meaning you like them?” I fired back.
“Hindi ba ganyan ang mga babaero?” dagdag ko. I saw how his eyes went big na para bang offended siya nang sobra sa sinabi ko.
Biglang pumasok sa isip ko yung narinig ko pag-amin ni Aika sa kanya. At hindi ko alam kung ano ang naging sagot niya patungkol roon. Gusto niya rin kaya si Aika? Hindi naman malabo na mangyari ‘yon.
And thinking about it leaves a fang in my chest. And I know why it kinda hurt. I know it for myself. Hindi naman ako ganoon kamanhid gaya ng paratang ni Teo sa akin.
“Have you had a boyfriend, Kate?”
“Gusto mo ba si Aika, Teo?”
Halos sabay naming bulalas na agad kaming napatingin sa isa’t isa.
“Of course not.”
“Hindi pa”
Sabay ulit naming sagot na mas ikinagulat ko.
Hindi niya gusto si Aika? At bakit tunog malungkot ang pagkakasagot ko habang siya naman ay tunog defensive? Isa pa, I was taken aback sa mga pinagtatanong namin sa isa’t isa.
Simula nang magkita at magkasama ulit kami, we never talk about each other’s personal romantic relationships. Dahil na rin siguro sa busy kami catching up with each other, starting over again at idagdag mo pa yung awayan namin.
“Akala ko… Gusto mo siya,” nag-aalangan ko pang tanong.
“No. I never liked her” sagot niya. Niligon ko siya at naramdaman niya siguro na hindi sapat yung narinig ko.
“I was just too amused by her. I don’t have many friends. When we started to reunite and went to the same University, I saw it as an opportunity to make more friends. I feel like I need to start a new chapter in my life and be more open to people, so I can freely enjoy life and make memories.” I heard him sigh na parang mabigat para sa kanya na sabihin ang mga ito.
“Don’t get me wrong, I am happy and contented with our circles, but now, I don’t want to limit myself to knowing more people. Because I never had a chance to do it when I left. Because back then, I only had you, and I am so happy and willing to stay that way forever. Just you, me,” dagdag pa nito.
“So hindi ka nakipag-friends pa sa iba growing up,” pag-iimbestiga ko.
“Not really, I had Kath and Justin. Then Nico and Josh came in. But it took years for me to build new friendships.” Nilingon ako nito na may ngiti, but his eyes said otherwise.
“When we left, I was so sad that I never got the chance to say goodbye to you. Everything happened in just a snap. I never got the chance to explain to you kahit na hindi ko rin naman alam at naiintindihan pa ang mga nangyayari noon,” paliwanag niyang muli.
Isa rin ito sa mga bagay na hindi namin napag-usapan simula nang magkita ulit kami.
“I was too afraid to make friends to the point that the same thing might happen again. I’d build friendships, and then suddenly, I would leave them again,” dagdag pa nito.
We were too young at that time, but that doesn’t mean we don’t know what pain and hurt feel like. And to be honest, parehas kami ni Teo. Natakot din akong makipagkaibigan noon dahil sa naging tampulan na nga ako ng pang-aasar nang umalis si Teo. I also feel like people might leave me, too.
Maswerte lamang ako dahil kakaibang suporta at pagmamahal ang ipinakita sa akin nina Mama at Papa, kung kaya’t hindi ako nagtagal sa ganoong sitwasyon. At ganoon din kaya siya? Kasi mukhang hindi ganoon ang nangyari sa parte niya. And it hurt thinking about it.
I breathe heavily, trying to erase it in my mind and trying to focus sa kung ano pang sasabihin ni Teo.
“And because I was too focused on making new friends and it’s kinda new to me, I didn’t know how to look at things from a broader perspective, especially when things get complicated. And worst scenario, I hurt people when I thought I was just being rational. In short, nabulag ako at nasaktan kita, kayo,” may pilit na ngiti sa kanyang labi.
“I am so sorry, Kate. I am sorry for all the things that I’ve done and said to you. I won’t justify any of the hurtful things that I did and said to you, but I promise I will do better.” ani niya at tinignan ako sa nagungusap na mga mata.
“I would like to go back to what we were before and start over again,” dagdag niya.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin.
Nandito kami sa isang park na I think parte pa rin ng Q.C. Hindi na ganoon karami ang tao dahil halos gabing-gabi na rin. Katamtaman ang lamig ng simoy ng hangin at hindi rinig ang mga busina ng mga sasakyan dito. Maliwanag pa ang mga ilaw rito at maganda.
Umupo kami sa isang bench at dinadamam ang katahimikan at simoy ng medyo polluted na hangin.
Lumipas pa ang ilang katahimikan. Nilingon ko siya nang may ngiti sa labi at sinukilan niya rin ito ng mas matamis na ngiti. Ang mga lungkot sa mga mata niya kanina habang nagkuwento ay nawala na.
“Can I court you, Kate?“
34
Kasabay ng katahimikan ay halos malagot ang aking hinga.
Alam kong tama yung narinig ko. Hindi naman ako bingi at hindi naman maingay rito para hindi ko marinig.
Panaginip ba to? Kung oo, kaninong panaginip ‘to?
Nakatingin lang ako sa sementong lupa na kinatatayuan ko. Parang hindi pinoproseso ng utak ko yung mga salitang sinabi niya. Kumabaga, after marinig ng mga tenga ko at na-receive ng aking utak, wala na. Wala nang kasunod. Hindi alam ng utak ko at ng bibig ko kung ano ang i-rereact at sasabihin.
Blanko.
“Hey,” ang kalabit niya sa aking siko na may pagsusumamo.
Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang mga mata niyang nangungusap at determinado. Na para bang siguradong sigurado siya ngayon.
“I’m sorry. Did I scare you?” nag-aalala nitong tanong. Siguro ay napansin niya ang hindi ko maipintang mukha.
Natakot ba ko? Hindi ko alam. Hindi ko pa alam. Nagulat ba ko? Oo. Matutuwa ba ako? Hindi ko alam. Dapat ba akong maging masaya? Sobrang daming katanungan na hindi ko pa alam ang mga kasagutan.
“You don’t need to answer, Kate. I don’t want to pressure you, and whatever your decision is, I would accept and respect it.” ani niya na may ngiti sa kanyang mga labi.
Iniwas ko ang aking mga mata at muling tumingin sa sementong tinatapakan ko. Puwede bang bumuka ka, tapos kainin mo na lang ako?
“I don’t know when it starts, Kate. Just in case you’re wondering.” Kalamado niyang sabi.
“All I know is that you’ve been my favorite person since we were kids. I want to be with you, make you smile and happy. At a very young age, I am willing to do everything to protect you.” Bulalas niya habang diretsong nakatingin sa kawalan.
“Kaya noong umalis kami at hindi man lang ako nakapagpaalam sa’yo, I was so heartbroken, if I may say. But of course, I don’t even realize it because I was too young to call it like that,” bahagya pa siyang natawa.
Ibinaling ko rin ang tingin ko sa kawalan. Sa kaparehong direksyon kung saan siya nakatingin. Tanaw ko ang kalangitan at mga biutin.
“I was homeschooled for a few years because I refused to go out and meet new people. I even begged my mom to bring me back just to be with you. I also asked her if she could ask Tito Rogelio and Tita Analyn if I could just stay in your house just to be with you. Hahaha! What a silly kid.” Ngayon ay mas malakas na ang kanyang tawa na naiiling pa.
“Siguro ay naawa na sa akin si Mom kaya she made a promise na once I graduate from high school, we will go back here. And I am so happy she kept her promise.” Kita ko sa peripheral view ko na lumingon ito sa akin na may ngiti sa mga labi.
“During my high school days, I met new people and really tried my best to make friends even though it was still hard for me. I also tried to find you in other people, but I failed. Kahit halughugin ko pa ang buong mundo, I know that I will never find someone I adore as much as you.”
Bahagyang nanlaki ang aking mga mata at nakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan.
“I always stalk your social media accounts,” pag-amin niya na mas ikinagulat ko. Kaya mabilis ko siyang nilingon at bakas sa mukha niya na proud siya doon.
“My mom and your parents are mutuals on social media; that’s why I located your accounts.” Pagkindat pa nito sa akin.
Agad naman akong napatakip ng aking bibig.
All this time!
Nagtago-tago pa ako sa kanya noong bumalik siya rito. Halos lahat ata ng daan ay tatahakin ko; makaiwas lang at handa kong gawin ang lahat ng aking makakaya sa pagtatago. Huwag lang niya akong makita dahil sa sobrang takot ko sa magiging reaksyon niya. Tapos? Ano? Updated naman pala siya sa buhay ko.
Tinakpan ko ang aking mukha sa sobrang hiya. As in nakakahiya! Gusto kong magpalamon na lang talaga sa lupa.
“Hey,” hawak niya ang aking mga kamay at pilit na inaalis ang mga ito sa aking mukha habang natatawa.
Inalis ko naman ang aking mga kamay at tiningnan siya nang masama bago ko pinaghahampas ang kanyang mga braso.
“Ang salbahe mo!” Hampas ko sa kanyang braso dahil sa sobrang kahihiyan. Narinig ko naman ang kanyang malakas na tawa at tila nasisiyahan sa mga nangyayari.
“You don’t know how hard it is for me to hold back from hugging you.” Natatawa pa rin siya. Habang uminit naman ang aking pisngi sa narinig.
“I could still vividly remember how you tried to avoid me and tried your best to hide yourself when I already knew it was you.” Muli niyang tawa na at muli ko rin siyang pinaghahahampas.
“Naiinis na ‘ko, Teo!” Sinamaan ko siya ng tingin kasi hindi ako natutuwa.
“I’m so sorry, Kate. Hahaha! I just found it cute,” pag-aalo niya sa akin, sabay hawak sa aking siko at inilapit ako sa kanyang gilid. Nagpadala naman ako rito at ramdam ko na nagdikit ang gilid ng aming katawan.
“You can’t hide from me, Kate”, nangigiti pa rin niyang sabi na halatang nagpipigil ng tawa.
“Tapos ikaw puwedeng magtago nang walang paalam, gano’n?” I fired back. Ngunit parang wala lang sa kanya iyon. Patuloy pa rin itong nakangiti.
“No, Kate. I won’t leave you. Never again,” paninigurado niya. Tiningnan ko naman ito na naninimbang.
“I really like you, Kate.” Walang kagatol-gatol niyang wika.
Nagiwas naman ulit ako ng tingin dahil parang nagiinit ang aking mukha.
There were a few people na umamin naman na sa akin noon na gusto nila ako, pero bakit iba ang dating pag kay Teo nanggaling?
Dahil ba ganoon din ang nararamdaman ko?
Pero paano? Paano ako nakakasigurong parehas kami ng nararamdaman?
Masaya naman ako na kasama siya. Natutuwa ang aking puso sa mga efforts na ipinapakita niya sa akin at sobrang na-appreciate ko iyon. Nasaktan din ako noong nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan at mas pinili niya si Aika kaysa sa akin. Pero sapat ba ‘yon na basehan ang mga iyon para masabi kong gusto ko rin siya?
“Pero bakit?” Sa sobrang daming katanungan, iyon lang ang kinayang ilabas ng aking bibig.
“What do you mean?” Iniharap niya ako sa kanya.
“Bakit ako?” ulit kong tanong habang nakatungo. I can’t face him while asking this question.
“Bakit ako out of all the girls out there? Bakit hindi si Aika?” sunod-sunod kong tanong.
He reached for my hands, ipinagpatong niya ang aking dalawang palad at iginaya ito sa kanyang dibdib.
I feel his heart beating so fast.
“You’re the only person who can do this and make me feel this way, Kate. No one. Just you,” ani niya, na mas hinigpitan ang hawak sa aking mga kamay na parang iyon ang source ng kanyang lakas.
And feeling his own heartbeat makes mine beat so fast too. And that’s when I realized that I also feel the same way whenever he’s near me, o kapag nagbibigay sya ng effort na hindi ko naman hinihingi.
He makes me nervous and conscious at the same time.
“Sigurado ka ba dito, Teo?” ‘Di ko mapigilang magtanong dahil hindi pa rin ako makapaniwala.
“I am 100% sure, Kate,” walang bakas ng pag-aalanganin sa kanyang boses.
“Paano ang mga tao sa paligid? Handa ka ba?” nag-aalalang tanong ko.
“Why would they matter?” tanong nya pabalik sa akin.
“Hindi mo naiintindihan, Teo. Hindi madaling harapin ang mapanghusgang paligid,” pagpupumilit ko sa kagustuhang ipaunawa sa kanya.
“Na-experience ko na lahat ng iyon sa buong buhay ko, kaya alam ko sa sarili kong kaya ko. Kaya kong tanggapin lahat ng ‘yon kasi nasanay na ‘ko,” sambit ko.
“Which is wrong! Getting used to harassment, bullying, and judgment is never okay. It shouldn’t be normalized in the first place,” pagmamatigas niya.
“Alam ko, Teo. Alam ko ang lahat ng ‘yan. Pero hindi natin makokontrol ang mga tao sa paligid natin,” bakas sa boses ko ang pagkatalo.
“Mahirap ilaban ang pagtanggap at pantay na pagtingin at karapatan sa lugar na taliwas ang paniniwala sa kung ano at sino ka. Mahirap mabuhay at kumilos kapag naiiba sa lahat. Na itinuturing kang mali.” Napahinga ako nang malalim, trying to suppress my emotions. Mababaw ang luha ko sa mga ganitong usapin.
“I am willing to take a risk here, Kate. I don’t care what other people will say. Again, they don’t matter to me. All I care about is you and the people who will show support,” pagsusumamo niya. Kinuha niya ulit ang aking kamay at ipinagsuklob ang kanyang sa akin.
“Ako rin naman! I do care for you.” Nagiwas ako ng tingin sa hiya.
“Kaya nga pilit kong ipinapaintindi sa’yo na hindi ito madali. At ayaw kong maranasan mo ang mga nararanasan ko dahil lang sa akin. Dahil baka mahirapan ka at masaktan,” nilingon ko siya ulit habang patuloy niyang hawak ang aming mga kamay.
“Baka hindi ko kayanin.” Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata, kaya nag-iwas na naman ako ng tingin.
Ano ba kasi itong lumalabas sa bibig? Kaya ayaw ko ng ganitong usapin. Mababaw ang luha ko. Mga ganitong sitwasyon kung saan mas nagiging vulnerable ako.
Huminga ito nang malalim na siyang nagpalingon para harapin siya ulit. Bakas sa mukha nya ang kasiyahan. Boang ba’to? Wala namang nakakatawa o nakakatuwa sa pinag-uusapan namin. Ang seryoso-seryoso ko dito, tapos parang siya biglang kampante.
“I know that you’re worried, but I can take care of myself. I can handle it, Kate,” bakas sa boses niya ang determinasyon.
Bahagya akong nagpumiglas sa pagkakawak niya sa aking mga kamay, ngunit hinili ako nito papalapit sa kanya at niyakap ako. Tumama ang gilid ng aking mukha sa kanyang dibdib at ikinulong ako sa kanyang mga braso.
I can still feel his heart beating so fast. I can also feel the warmth. It makes me feel calm. Yung namumuo kong emosyon dahil sa usapin ay naglaho na lang bigla.
I feel safe.
Naramdaman ko pa ang paghinga niya sa aking bumbunan.
Ngunit bago pa ako magpalamon sa sitwasyon at mapansin na pinagtitinginan kami ng iilang mga tao sa paligid ay nagsimula akong magpumiglas. Pero hindi ata sapat yung lakas ko na para bang wala lang sa kanya yung ikinilos ko.
“Teo, bitaw na,” bulong ko rito.
“One more minute, please,” sa nagmamakaawang boses niya.
“May mga taong tumitingin sa atin. Bumitaw ka na!” ani ko habang inililibot ko muli ang aking mga mata at sinisipat kung may nanghuhusga na ba sa amin.
“Five seconds”
Napairap na lang ang aking mga mata at nagbilang ng limang segundo.
“Tapos na, Teo. Bitaw ka na,” pagpapaalala ko.
“Five more seconds.”
“Isa!” sa nagbabanta kong boses.
At mas lalong niya pang hinigpitan ang yakap na mas ikinaipit ko sa kanyang dibdib at mga bisig.
“Dalawa!”
“Tatl..”
Sabay bitaw niya sa akin nang may ngiti sa mga labi.
“Tingnan mo, pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Mamaya lang magbubulungan na ‘yang mga ‘yan at kung ano-ano na ang sasabihin tungkol sa atin,” nababahala kong sabi.
“I don’t care,” sagot niya naman at masamang inilibot ang mga tingin na para bang handa siyang sunggaban ang sinumang makita niya na nanghuhusga sa amin.
“Let’s go.” Aniya nang makuntento sa pagsipat sa paligid.
Naging mabilis lang ang biyahe namin dahil gabi na rin at wala nang traffic. Buong biyahe ay walang ibang laman ang isip ko kundi kung totoo ba talagang gusto niyang manligaw.
Ni hindi nga ako sumagot sa tanong niya kung papayag ba ako. Never in my life na nakaranas ako ng ligawan. Kaya naman, this is very new to me. Though hindi pa naman ako pumapayag talaga. Saka sa ugali nito, eh sumagot man ako o hindi, alam kong ipipilit niya pa rin yung gusto niya. Batay na rin sa usapan namin kanina at kita ko ang determinasyon niya.
At bukod sa takot ko sa judgement sa paligid. Natatakot din akong magkasakitan kami. Worth it ba isugal ang friendship namin para dito?
Napabalik ako sa realidad nang hawakan ako nito sa aking mga siko. Nauna kasi akong bumaba ng sasakyan niya at tumayo sa gilid ng gutter habang siya ay naiwan sa loob at pinapatay ang makina ng sasakyan.
“Sure ka bang diyan mo ‘yan ipapark?” Ako pa yung mas nag-aalala kaysa sa kanya.
Dito ba naman niya kasi sa gilid ng kalsada ipinarada ang sasakyan niya kasama pa ng ibang mga sasakyan na pagmamay-ari ng mga taong walang sariling parking space.
Bibili ng kotse tapos walang parking space sa bahay. Tama ba yorn? Ending, sumisikip tuloy ang mga kalsada.
“I’ll bring it back tomorrow, early in the morning, kay, Dad. Hindi naman siguro ‘yan mawawala diyan. Ngayon lang naman,” pangungumbinsi niya sa akin na okay lang talaga.
“Illegal parking kaya ‘yan. Kapag bukas talaga ay may dumating na mga taga-
“City Hall”
. Tingnan mo, hihilahin talaga ‘yan.” Pananakot ko pa rito.
Pero deadma lang siya at hinawakan na ako nito sa braso para igaya at magsimula nang lumakad papasok sa aming barangay. Ay naku! Huwag tutularan.
“Hindi ko naman iyan mapapasok sa loob ng eskinita natin. Saka, I can’t drive because it’s already too late. Kaya bukas ko na lang ihahatid ulit,” paninigurado niya sa akin. Sumang-ayon na lamang ako dahil totoo naman at alam kong pagod na rin siya dahil parehas kaming galing sa school.
Habang naglalakad papasok sa eskinita, nasipat ko sa kabilang eskinita si Gael at yung babaeng kasama niya noon sa Tapsilugan sa kanto namin. Kita ko sa mukha ng babae ang pagkairita habang si Gael naman ay mapanglaro ang mukha. Loko-loko talaga ‘to kahit kailan.
Napansin naman ni Teo ang tinitingnan ko, kaya naman bumaling din ang kanyang mga mata roon.
“Is that his girlfriend?” pangiisyoso niya.
“Malay ko? Siguro?” Hindi ako sigurado sa sagot ko kasi wala naman talaga akong alam din. Saka ang ganda-ganda niya. Morena ang atake niya. Salungat sa kulay ni Gael.
“Good for him. But I pity the girl.” Walang ganang niyang sagot.
“Huh?” ako naman na tila naguluhan sa narining.
“Good for him because he won’t bother you anymore. Less chance that I will beat his ass. Bad for the girl because she deserves better.” Aniya nya sa wala pang ganang boses.
“At kailan ka pa naging tsismoso at nagkaroon ng pakialam sa buhay ng iba?” takang tanong ko.
“Just now,” ani niya, na ikinakunot ang aking noo.
Sobrang dami kong napapansin na nagbago dito simula nang magkatampuhan kami at hindi kami nag-usap for how many weeks. Sino kaya ang nag-impluwensiya sa kanya nito? Baka yung mga friends na nabuo niya these past months?
Nakarating kami sa tapat ng aming gate at saka ako pumasok.
“Thank you for today, Teo.” Nahihiya man, ay appreciate ko ang lahat ng nangyari kanina.
‘You’re welcome, Kate. I’ll wait for you tomorrow para sabay tayo pumasok. Good night!” ani niya na may malawak na ngiti sa labi.
“Goodnight din,” tipid kong sagot at nilalabanan ko ang kiliti sa aking tiyan. Tumalikod na ako papasok sa pinto.
Kinabukasan, pagbaba ko sa aming sala, ay tumambad si Teo na prenteng nakaupo sa sofa at abalang naglalaro sa kanyang cellphone. Habang si Mama naman ay abala sa kusina na naghahanda ng almusal. Si Papa naman ay nasa kabilang sofa at nag-aayos ng gamit niya sa trabaho.
“Bakit nandito ka?” tanong ko kay Teo na ikinaangat ang kanyang mukha.
“Good morning, Kate” bati nito sa akin.
“Bakit ka nga nandito?” ulit kong tanong sa kanya na may malawak pa ring ngiti sa labi.
“I told you, susunduin kita para sabay tayong pumasok,” pagpapaalala niya sa akin.
Oo nga naman. Sinabi niya nga pala kagabi na sabay kaming papasok. Nawala na sa isip ko dahil napuyat ako sa kakaisip dahil sa mga nangyari kagabi.
“Bati na kayo?” Narinig ko namang tanong ni Mama. Tiningnan ko naman si Mama para iparating na huwag na siyang magtanong at baka maging awkward lang ang sitwasyon.
“Bakit ba kasi kayo nag-aaway na dalawa?” at hindi nagpaawat si Mama at patuloy pa rin sa pagtatanong.
Nilingon ko naman si Papa para humingi ng saklolo, kaso nagkamali ako.
“Kayo na nga lang magkamukha, nag-aaway pa kayo,” dagdag na gatong ni Papa na ikinangiwi ng aking mukha.
“Pa naman.”, suway ko naman kay papa.
“Really, Tito? Magkamukha kami?” singit naman ni Teo sa di-makapaniwalang tono.
Anong magkamukha? Paano mangyayari ‘yon aber?
“Hindi naman sa totally na magkamukha, nak. Nagiging hawig na kayo,” pag-explain naman ni Papa.
“They said na yung mga magkakawahig daw po ay nagkakatuluyan. Is that true, po kaya?” Walang kagatol-gatol niyang tanong at bakas ang excitement sa boses nya. Sa harapan mismo ng mga magulang ko. Nasaan na ba ang mahiyain na si Teo?
“Ay, totoo ‘yan, nak Teo. Naniniwala ako diyan,” ani ni Mama na tuwang-tuwa pa. Narinig ko naman si Papa na pagak na natawa at si Teo na hindi na maialis ang mga ngiti sa labi.
“Tara na nga!” irita kong aya kay Teo. Nagpaalam naman ako kina Mama at Papa na may malisyosong tingin sa akin.
Habang naglalakad papalabas ng eskinita, kita ko pa rin ang ngiti sa labi ni Teo. Tinatapunan ko lamang siya ng naguguluhan na tingin at susuklian lang ako nito ng mapang-asar na ngiti.
Pagkarating sa kanto ay sinipat ko ang puwesto kung saan iniwan ni Teo ang sasakyan niya kagabi at wala na ito roon.
“Nasaan na yung sasakyan mo? Hinila na ng mga taga-
City Hall?”
tanong ko sa kanya, na ikinalingon niya kung saan ako nakatingin. Agad din naman akong pumasok sa loob ng tricycle.
“I brought it back to my Dad’s house earlier,” sagot niya habang nakalagay ang kamay sa itaas ng tricycle, making sure na hindi tatama ang ulo ko roon.
So maaga pa siya nagising? Mga madaling araw? Ang bilis niya naman kung ganoon kasi halos mag-aalas siyete na ngayon ng umaga.
Saka tiga saan ba yung Dad niya? We’ve known each other since we were kids, and even since hindi ko narinig na nababanggit ang dad niya. Hindi ko rin nga alam kung ano ang hitsura niya.
“Teo, nasaan ba ang dad mo?” Hindi ko na mapigilang magtanong.
“He lives somewhere in Taguig, but he’s too busy going in and out of the country because of business,” sagot nya nang makaupo sa aking tabi at nagsimula nang umandar ang tricycle.
Hindi naman na ako muling nag-usisa kasi hindi ko rin naman alam kung ano pang susunod kong itatanong. Baka sabihin nya pa ang tsismosa ko.
Pagpasok namin sa
“University”
, dumiretso kami sa canteen para bumili ng sandwich at
“iced coffee”
. Malayo pa lamang ay tanaw na namin ang
“Not-So-Pretty”
kong friend without Fifi and “Teo and Friends” without Josh.
Habang papalapit sa stall ni Ate Joy ay bakas sa mga mukha nina Barbs at Gema ang mapangasar na tingin. Si Nico naman ay may mapangasar na ngiti habang naiiling ang ulo.
“Good morning, Ate ko. Good morning, din, Teo,” sabay na bati ni Barbs at Gema.
Si Teo at Nico naman ay nag-apir bilang bati sa isa’t isa.
“Naks,” rinig ko pang mahinang sambit ni Nico kay Teo.
“Anong oras kayo dumating dito? Parang halos magkasabay lang tayo,” tanong ko kina Barbs at Gema habang pinaniningkitan ko sila ng mata, trying to avoid yung mapang-asar nilang mga tingin.
“Halos kakarating lang din naman, te,” sagot naman ni Barbs.
“Nakita na namin kayo kanina sa may atin, kaso nauna na kaming sumakay. Para hindi kami makaabala,” sagot ni Gema, sabay sundot pa sa aking tagiliran.
“Parang tanga naman” ani ko na natatawa. Hindi ko na mapigil ang hindi matawa dahil nakakahawa yung asar nila. At the same time, I like the feeling, though.
“Nasaan naman si Fifi saka si Josh?” tanong ko sa tatlo since ina-assume ko na sabay-sabay silang lahat na pumasok.
“Hindi namin alam” - Barbs at Gema.
“I dunno” - Nico.
Halos sabay nilang tatlo ang sagot.
Hindi na ako nangusisa pa dahil halata namang wala talaga silang alam na tatlo.
Matapos makuha ang mga binili namin, hinatid pa muna kami nina Teo at Nico sa aming room.
“Let’s eat lunch together. I’ll fetch you here later,” ani ni Teo sa akin, sabay gulo sa aking buhok. My heart beat so fast sa di ko malamang kadahilanan.
“Bye, Kate,” paalam naman ni Nico, saka sila tuluyang naglakad paalis.
Agad naman akong hinila nina Gema at Barbs papasok sa room at pilit na isinalampak sa upuan.
“Care to share and explain?” Nakapamewang na ani ni Gema habang parehas silang naninimbang ng tingin sa akin.
“Huh? Anong isha-share ko?” pagmamaang-maangan ko. I know they are my closest friends, but I am not sure if I should tell them right now what happened between Teo and me. Hindi dahil sa hindi ako nagtitiwala, pero para bang masyadong maaga para sabihin sa kanila.
Saka na siguro kapag nag-level up na? Kung magle-level up man? Pero paano kung hindi ko pa nga sinasagot kung payag ba akong ligawan ni Teo. Kailangan ko pa bang sumagot? Hindi ba parang ganoon na rin naman ang nangyayari?
Napatigil ako sa pag-iisip nang ilahad ni Barbs ang screen ng kanyang cellphone.
“Eh, ano ito?” sabay nilang tanong.
I looked at her phone screen at bumungad sa akin ang Instagram story ni Teo. Picture ko ‘yon noong gabing nasa park kami habang nakatingin ako sa kawalan. Inilapit ko pa ang aking mukha at nakita ko ang caption na nakalagay,
“just a glimpse”
.
35
Ilang kembot na lang at matatapos na ang 1st semester at excited na kami sa ilang linggo naming magiging bakasyon. Makakahinga na rin kami sa mga schoolwork, rehearsals, at mga productions.
Nandito kami sa school gymnasium kung saan ginanap ang University Cheerdance Competition kung saan nag-perform ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends representing our college, College of Arts and Letters (CAL). Sobrang daming students ang nandito ngayon para suportahan ang kani-kanilang college o department.
Inanunsyo na ang college namin ang champion, pangalawa ang College of Business Administration (CBA) at pangatlo ang College of Communication (COC). Halos malagot na ang mga ugat sa aking leeg, kakacheer sa mga ”
Not-So-Pretty”
kong friends habang nagpe-perform kanina. Kasama ko rin ang
“Teo and Friends”
na sumuporta. May dala pa ngang
“banner”
si Josh na talaga namang pinaglaanan niya ng effort.
Napaisip pa tuloy ako kung sino ba ang may gawa ng
“banner”
na ‘yon, kung siya ba o ipinagawa niya sa iba. Sa hitsura ni Josh ay wala sa mukha nito ang magde-design ng ganyang
“banner”
, so I guess pinagawa niya sa iba? Pero, regardless, I appreciate the effort. At alam kong mas na-appreciate ito ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends.
Lalong-lalo na si Fifi na halos mahiwa na ang mga pisngi sa sobrang lawak ng ngiti sa mga labi.
“Congrats, mga ate ko!” nagtatalon kong bati sa kanila at isa-isa silang niyakap.
Ganoon din naman ang ginawa ng mga
“Teo and Friends”
.
I saw people looking at us, at ang iba ay nagbubulungan pa. Agaw-atensyon naman kasi ang mga kasama naming nagtatangkaran na mga lalaki. Sanay naman ako na pinagtitingnan sila o ang grupo namin tuwing magkakasama kami. Pero iba kasi ang dami ng students ngayon, kaya nakakapanibago lang.
Napansin ko pa ang yakapan nina Fifi at Josh na hindi ko na alam kung gaano na sila katagal na nagyayakapan. Parang sa kanila ata ang matagal kumpara sa naging yakapan naming lahat.
I am also so proud sa mga
“Not-So-Pretty”
kong friends dahil I know kung gaano nila pinaghirapan ang routine na binuo nila para sa competition na ito. Saksi ako sa mga puyat at absences nila sa mga subject namin dahil laging late na silang nakakauwi galing sa training at rehearsals.
Sulit ang mga araw na namimiss ko sila dahil hindi ko na sila nakakasabay umuwi at pumasok. Mabuti na lamang ay nandiyan si Teo.
Nakaupo kami sa bleacher dito sa loob ng gymnasium habang hinihintay ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends na makapag-ayos at magbihis ng kanilang damit.
Abala ako sa pag-i-scroll ng phone ko sa mga social media accounts ko at nakita ko na may Instagram story si Teo. Binuksan ko ‘yon para tingnan at bumungad sa akin ang picture ko na nakatalikod habang naglalakad sa
“catwalk”
dito sa loob ng university. Kaninang umaga lang ito habang papasok kami kanina.
Wala itong ibang caption, kundi picture ko lamang.
Nagdadalawang isip pa ako kung ihe-heart react ko ba pero in the end, nag heart react pa rin ako. Maraming beses na itong ginagawa ni Teo, kung saan ini-story niya sa Instagram niya ang mga random shot o picture ko. At alam kong maraming naku-curious na mga tao, lalo na ang mga followers nito.
May ipinakita pa noong nakaraan sa akin si Fifi na screenshot kung saan may isang nag-comment sa last Instagram post ni Teo, which was a year old naman na, asking kung sino daw ba yung mga nasa stories niya. Wala rin namang reply si Teo. Hindi ko alam kung hindi niya nakita ‘yon o wala lang talaga siyang pakialam.
Naramdaman ko naman ang kamay ni Teo na inipit ang aking buhok sa likod ng aking tenga. Nakaupo siya sa may bandang kaliwa habang ang
“Teo and Friends”
ay nasa likod naman, nakaupo ilang hakbang mula sa amin. Abala silang mag-usap tungkol sa kung ano-anong bagay.
“Why are you stalking me?” natatawa niyang tanong.
Agad ko namang itinago ang cellphone ko sa hiya. Nagpunta kasi ako sa account niya nang maalala ko yung screenshot na sinend ni Fifi. Titingnan ko sana kung nandoon pa yung comment o binura na.
“Hindi ah! Bakit naman kita ii-stalk?” defensive kong sagot.
“Sure! Bakit nga naman, eh katabi mo na nga ako.” Mapang-asar ang kanyang tono. Kung bakit ba naman kasi manguusisa sa account ng isang tao na katabi mo pa.
“You can just look at me, Kate, if you want to see me. Hindi yung sa mga pictures ko pa ang titingnan mo,” habol na asar niya. Sinamaan ko lamang siya ng tingin na kanyang ikinatawa.
“Hello po, excuse me po. Pwede po ba magpa-picture?” Sabay kaming napalingon sa tatlong babae.
Bakas sa mga ngiti nila ang saya at kilig.
“Yeah, sure,” sagot naman ni Teo. Tumayo ito mula sa aking tabi at lumapit sa tatlong babae.
Nagsalitan silang tatlo sa pagkuha ng mga solo pictures nila with Teo. Prenteng nakatayo lamang si Teo habang nakatago ang mga kamay at braso sa likod, habang ang mga babae naman ay halos idikit na nang todo ang mga katawan nila kay Teo.
Napapairap na lamang ako sa aking isipan.
“Selfie naman po, tayong apat sana,” request pa ng isang babae na naka-floral dress.
“Ako na mag-picture sa inyo,” pagvo-volunteer ko.
I saw Teo watch me intensely habang papalapit sa kanila. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ng tatlong babae.
Inabot ko yung cellphone mula doon sa isang babae na naka-loose pants at crop top.
“Smile!” sambit ko habang izino-zoom ko yung camera at isa-isang kinunan ng picture ang mga mukha ng tatlong babae.
Pagkatapos ay agad kong pinindot ang lock key ng cellphone at ibinalik iyon sa babaeng naka-crop top. Agad ko namang hinila si Teo sa braso para bumalik sa bleachers kung saan kami nakaupo.
“Ayos ka pala kumuha ng pictures, Kate, ah. Sobrang linaw! Kitang-kita yung mukha,” bungad ni Nico sa akin nang makabalik kami. Si Josh naman ay tawang-tawa na napapahampas pa sa kanyang hita.
Nang tanawin ko ang tatlong babae na unti-unting naglalakad papalayo sa amin, naabutan ko silang masama ang tingin sa akin habang hawak ang cellphone na ginamit sa pagkuha ng mga pictures.
Hilaw ko lamang silang nginitian at sabay-sabay naman nila akong inirapan.
Bumaba naman sina Nico at Josh at pumantay sa bleachers na kinauupuan namin ni Teo. Tumabi sa akin si Josh habang si Nico naman ay katabi ni Teo.
“Iba pala magselos ang isang Kate.” Narinig kong bulong sa akin ni Josh habang natatawa. Tiningnan ko lamang ito at plastic na ngumiti sa kanya na mas ikinahagalpak niya. Nilingon naman kami ni Teo na kuryoso kung bakit natatawa itong katabi ko.
“Saan niyo ba gustong kumain at mag-celebrate?’ tanong sa amin ni Nico.
“Masarap don sa
“Imperial Palate”
Suhestyon ko.
Sabay naman akong tiningnan sina Nico at Josh na nasa magkabilang gilid. Si Teo ay tahimik at mukhang nag-iisip.
“Nakakain ka na ‘don?” – Nico
“Sino ang kasama mo?” – Josh
Halos sabay nilang tanong.
“Ahh… Kumain na kasi kami doon noong after ng show namin,” nahihiya ko pang turan.
“Sino nga ang kasama mo?” pag-uulit ni Josh.
“Si ano.. Ito,” sabay nguso ko kay Teo na abala pa rin ata siya sa pag-iisip.
“Dinala mo siya doon?” seryosong tanong ni Nico.
“Yes, because why not?” sagot naman ni Teo. Makahulugan lamang siyang tiningnan ni Nico habang si Josh ay naiiling ang ulo.
“Auto-pass, Kate. Puwede namang sa iba,” ani ni Josh sa tabi.
“Okay lang naman kahit saan. Nag-suggest lang naman ako kasi masarap din naman ang mga pagkain doon,” sagot ko at napanguso pa ‘ko.
“Siguro sa susunod na lang doon, pero for now, mag-try tayo sa iba,” masiglang sambit ni Nico nang mahalata na para bang naguguluhan ako at nahihiya na nag-suggest pa ako.
Ilang saglit pa ay dumating na rin ang mga
“Not-So-Pretty”
kong friends na sobrang fresh at akala mo ay hindi galing sa isang competition.
Sinalubong namin sila at nagpasya kaming lumabas ng gymnasium. Nakita ko pa si Josh na kinuha mula kay Fifi ang malaki nitong bag at siya ang nagbuhat.
Nagtungo kami sa parking kung nasaan ang sasakyan nina Josh at Nico.
Kay Nico kami sumakay ni Teo at Barbs habang si Fifi at Gema naman ang sakay ni Josh.
Nasa passenger seat si Barbs at nasa likod kami ni Teo. Si Fifi naman ang nasa passenger seat ni Josh at nasa likod si Gema.
Nagdesisyon kasi ang
“Teo and Friends”
na mag-celebrate dahil sa pagkapanalo ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends sa Cheerdance Competition.
Naunang umandar ang sasakyan ni Josh na siya namang sinundan ni Nico. Sinabi ni Josh na mag-
“convoy”
na lang kami at may naisip na siya kung saan kami pupunta. Hindi na namin siya kinuwestiyon at nagtiwala na lang sa kanya.
Ikinonekta naman ni Barbs ang kanyang cellphone sa speaker ng sasakyan ni Nico at nagsimulang magpatugtog ng K-Pop songs. Sinimulang niyang patugtugin ang
“Psycho”
ng
“Red Velvet”
na siyang paborito namin ng mga
“Not-So-Pretty”
kong friends.
Tahimik lamang na nagmamaneho si Nico habang nakiki-vibe sa music. Si Barbs naman ay abala sa pagkanta na akala mo naman ay siya si “Wendy” ng
“Red Velvet”
at ganap na ganap sa pag-hit ng mga high notes.
“Do you like K-Pop songs?” Naputol ang pakikivibe ko rin sa music nang agawin ni Teo ang atensyon ko.
“Ahh.. Oo, fan kaming lahat ng iba’t ibang groups. Pero mostly nasa 2nd gen ang nagugustuhan ko ngayon kahit 3rd gen at 4th gen ang nagpasimula sa akin para mahilig dito”, mahabang litanya ko.
“Oh wow! I didn’t know that there are different generations in K-Pop”, manghang ani ni Teo.
Ngiti na lamang ang isinagot ko kay Teo kasi mukhang mahaba-habang explanation ang need ko sa kanya kung ipipilit kong i-introduce siya sa K-pop. Saka di ko rin naman sigurado kung interesado rin ba siya. Saka na lang siguro.
“Ikaw, what type of music yung mga gusto mo?” balik kong tanong sa kanya.
“I like smooth and chill music, mostly R&B songs.” naka ngiti niyang sagot sa akin.
“Hala! Same tayo, Teo. Gusto ko rin ang mga R&B songs,” pagsingit ni Barbs na nakikinig pala sa usapan namin.
“Ako, I like worship songs. Ganoon kasi ako kabait at maka-Diyos,” singit din ni Nico habang patuloy na nagda-drive.
“Hanggang dito lamang ang usapan, Nico,” sabay hati ni Barbs gamit ang braso niya sa space sa pagitan nila. Narinig ko namang natawa si Nico.
Nagpatuloy kami sa usapan ng kung ano-anong bagay hanggang makarating kami sa isang
“Buffet”
na restaurant.
Naunang lumabas ng sasakyan ang grupo nila Josh dahil nauna silang nakapag-park kaysa sa amin. Pero hindi rin naman nagtagal at sumunod na rin kaming lumabas.
Naglakad kami patungo sa puwesto nila na hindi rin naman kalayuan sa kung saan kami nakapag-park.
Tiningnan ko ang restaurant na nasa harapan namin at masasabi kong hindi ito gaya ng mga tipikal na
“buffet”
restaurant na dinadayo at kinakainan ng marami.
Naalala ko na naman yung pakiramdam ko noong kumain kami ni Teo sa restaurant na pagmamay-ari ni Justin.
This one also screams expensive.
“You okay?” nag-aalalang tanong ni Teo. Nilingon ko ito at ngumiti. Ayokong malaman niya na nag-aalala na naman ako sa gastos dito dahil paniguradong pagtatalunan na naman namin ito.
“Grabe ba, totoo ba’to?
“Buffet,”
talaga, Josh? Hindi makapaniwalang tanong ni Barbs.
“Ewan ko ba diyan. Sinabi ko na sa iba na lang, pero ipinilit niya pa rin,” umiirap na sabi ni Fifi.
“Bakit naman hindi? Siyempre deserve mong kumain ng marami at magpakabusog pagkatapos ng lahat ng paghihirap mo para sa competition kanina,” pagpapaliwanag ni Josh habang ang mga mata ay nagsusumamong nakatingin kay Fifi.
Nangunot naman ang aking noo.
“So siya lang ang may deserve kumain, Josh,” sabat ni Gema na nasa gilid ko na pala.
“Oo nga! Siya lang ba ang naghirap at nagpakapagod para sa compet?” gatong na asar ni Gema.
“No! Of course not! Siyempre, kayo rin—lahat tayo na nandito. Deserve natin ito”, pagtatanggol ni Josh sa sarili.
“Pass sa halata, Bruh,” tapik naman ni Nico sa balikat ni Josh. Nakita ko naman sa kabilang gilid ko si Teo na naiiling ang ulo at nangingiti pa.
Si Gema at Barbs naman ay makahulugang tinitingnan si Fifi.
Mas lalong nangunot ang aking noo at napakamot na lamang sa aking ulo.
“KKB ba ‘to?” sabat na tanong ko upang maputol ang makahulugang pang-aasar nila sa isa’t isa.
Agad namang dumapo ang tingin sa akin ni Teo na ngayon ay siya na itong nakakunot ang mga noo.
I heard him sigh.
“Drop it, Kate,” kalmadong pagawat sa akin ni Teo.
“No worries, Kate. Sagot to ni Josh. Di ba, pre?” umaakbay na ani ni Nico kay Josh.
“Yes, my treat!”- proud na sambit ni Josh.
“Yes!” Narinig ko pa ang mahinang selebrasyon nina Gema at Barbs na tila ba nabunutan sila ng mga tinik sa lalamunan.
“Sure ka ba? Ang dami kaya natin. Saka mukhang hindi lang ito basta-bastang
“buffet”
restaurant,” paninigurado ko.
“Let’s go!” Kasabay ng marahang paghila sa akin ni Teo sa aking braso. Ni hindi ko man lang narinig ang nagbabadyang sagot ni Josh.
“You heard him. His treat!” nangingiting sagot ni Teo nang maramdaman niyang nagtatanong ang aking mga titig sa kanya.
“Also, if he asks you to pay, I’m always here—your Sugar Daddy. So nothing to worry about,” mapang-asar na dagdag nito. Agad ko naman itong pasimpleng kinurot sa kanyang braso na ikinatawa lamang niya.
“At dito pa talaga naglandian,” narinig kong sabi ni Fifi habang mabilis kaming nilagpasan at nauna na ngayon na naglalakad sa harapan namin.
“Akala mo naman siya hindi,” narinig ko namang sambit ni Gema na narinig pala ang pang-aasar ni Fifi. Nilingon lamang kami ni Fifi at mapang-asar na dumila.
“Inggitera,” huling pang-aasar na Fifi, saka ito naglakad nang mabilis.
Nang makapasok kami sa loob ay hindi naman ganoon karami pa ang mga tao. Marahil ay hapon pa lamang. Paniguradong mas marami ang tao mamaya pag gabi na.
Hindi pa man kami nakakaabot ni Teo sa may reception area ay tuluyan nang nagdire-diretso ang
“Teo and Friends”
at mga
“Not-So-Pretty”
kong friends sa table kung saan iginagaya sila ng isang staff.
Sa isang mahabang table kami dinala ng isang staff na pang-walong tao.
Iginaya ako ni Teo sa upuan sa may tabi niya. Nasa kanan ko siya at nasa kaliwa ko naman si Fifi at katabi niya si Josh. Nasa harap namin sina Gema at Barbs, at nasa kanan niya si Nico.
Nag-usap pa saglit si Josh at yung staff, saka tuluyang umalis yung staff. Isa-isa namang nagtayuan sina Barbs, Gema at Nico para kumuha na ng mga pagkain.
“What do you want to get? I’ll go get it na lang for you,” tanong ni Teo sa aking tabi.
“Huwag na. Ako na lang ang kukuha. Hindi ko rin naman pa alam ang mga pagkain na mayroon sila dito,” sagot ko naman dito.
Narinig ko rin bahagya ang pag-uusap nina Fifi at Josh tungkol sa kung anong pagkain din ang kukunin nila.
“Mauna na kayo, Teo, na kumuha ng food. Maiiwan muna kami ni Fifi dito sa table para magbantay ng mga gamit,” narinig kong sabi ni Josh mula sa kabilang dulo.
Teo nodded at inaya na ako nitong tumayo.
Nauunang maglakad si Teo habang nasa likuran ako nito at tinitingnan ang mga pagkain na pupukaw ng aking mata at panlasa.
Bukod sa unlimited food, mayroon din silang
“Shabu-shabu”
at unlimited
“Grill.”
“I’ll go get our meat for the
Grill,
and you can get na the food you want.”, ani ni Teo. Tumango lang ako, saka ito umalis papuntang meat section.
Una kong kinuha ay ang brown rice, pagkatapos ay kumuha rin ako ng iilang dishes gaya ng sweet and spicy pork and chicken. Kumuha rin ako ng tempura at ilang piraso ng California maki.
Bumalik muna ako sa table namin at inilapag ko ang plato ko na may pagkain. Nakita ko rin doon si Barbs na halos magsisimula nang kumain. Wala na rin sina Fifi at Josh na paniguradong kumukuha na rin ng kanilang food.
Umalis ulit ako para naman kumuha ng drinks. Hindi ko alam kung ano ang gusto ni Teo, pero kumuha na lang ako ng isang baso ng cucumber juice at isang iced tea.
Nang makabalik ako ay halos kakalapag lang din ni Teo ng mga plato na dala niya. Pagtingin ko sa table namin ay may tatlong plato na may laman na iba’t ibang klase ng meat, pero mostly ay beef. Ang isang plato naman ay puro dishes.
Inilapag ko naman ang mga basong dala ko, saka umupo. Dumating din naman sina Nico at Gema, dala-dala ang kanilang mga pagkain.
“Let’s eat,” masayang anyaya ni Teo. Nginitian ko lamang siya, saka nagsimulang kumain.
Ilang sandali pa ay nakabalik na rin sina Josh at Fifi.
Pagkasubo ko ng sweet and spicy chicken, halos napapasayaw ako sa upuan ko sa sobrang sarap.
Teo looked at me with amusement.
Hindi ko na inisip kung ano mang iniisip niya o kung pinagtatawanan niya ako; ang mahalaga ay yung nararamdaman kong saya at sarap sa pagkain.
Katahimikan ang bumalot sa table namin at lahat ay abala sa pagkain. Isa-isa rin silang nagsisitayuan para mag-refill ng pagkain o kumuha ng iba pang food. Sayang din naman kasi ang bayad kung hindi namin susulitin ang mga pagkain dito.
Naglagay naman si Teo ng mga lutong beef sa plato ko. Siya ang naging abala sa pagluluto ng mga meat para sa aming dalawa. Si Gema naman ay nakita ko pang sumasandok ng soup mula sa hot pot.
“Do you want more beef?” Tanong sa akin ni Teo habang iniinom ko ang Cucumber Juice.
“Yes, please,” sagot ko sa kanya sa maamong mukha matapos uminom. Ngumiti naman ito saka tumayo para kumuha ng mga meat.
Nagpatuloy naman ako sa pagkain. Nakita ko naman si Fifi na abala rin sa paggi-grill ng mga meat. Isa-isa niyang nilagay sa plato niya at sa plato ni Josh yung mga luto na.
“Taray! Cooking-Ina” pang-aasar ni Barbs kay Fifi.
“Cooking-Ina mo rin,” natatawang balik ni Fifi kay Barbs na abala rin naman sa pag-grill ng meat nila. Halos nagtawanan kaming lahat.
Halos masamid ako sa pagtawa, kaya naman kinuha ko ang baso at muling uminom.
Nakabalik din naman agad si Teo, dala-dala ang mga meat na kinuha niya. Umupo ito sa aking tabi habang ako ay patuloy na umiinom.
Nilingon ko naman ito nang mapansing nakatitig ito sa akin. Bumungad sa akin ang bahagyang nanlalaki niyang mga mata at may bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha.
Nangunot naman ang aking noo. “Bakit?”
“That’s my drink, Kate”, mahina niyang turan.
Nanlaki rin nang bahagyan ang aking mga mata, saka inilayo ang baso sa aking bibig para tingnan. At tama nga siya, hawak ko ang iced tea imbes na yung cucumber juice. Ganoon na rin ba ako kalutang para hindi ko mapansin na hindi na pala cucumber juice yung iniinom ko?
“Eh, ano naman? Hindi naman ako laway-conscious,” ani ko. Wala naman akong issue dahil hindi naman ako laway-conscious lalo na kung sa mga taong malalapit sa akin. As long as okay lang din naman sa kanila.
Then it hit me at bigla akong nakaramdam ng hiya. What if hindi naman pala okay sa kanya? At siya itong laway-conscious.
“That’s an indirect kiss”, rinig kong sabat ni Nico na ikinalingon namin lahat.
“Ano daw?” takang tanong naman ni Gema na tila naguluhan sa narinig kay Nico.
Ngumuso si Nico, pointing to us. Sabay-sabay naman silang lahat na tumingin sa puwesto namin ni Teo at agad kong ibinaba ang baso ni Teo na hawak ko.
“Ahhhh. Okay lang ‘yan kay, Kate. Hindi naman yan laway-conscious,” ani ni Gema.
Nakita ko naman si Nico na naiiling ang ulo.
“Laway-conscious ka ba, Teo?” tanong naman ni Barbs.
Okay, I’m starting to feel shy and embarrassed. Bakit kailangan pa nilang malaman yung aksidente kong pag-inom sa baso ni Teo? At what if laway-conscious nga siya? Nakakahiya!
“No, I’m not,” sagot ni Teo sa namumulang mga tenga habang napapakamot sa likod ng kanyang batok.
Nakahinga naman ako nang maluwag. Mabuti na lamang kasi kung totoong laway-conscious siya ay baka nandidiri na siya ngayon. Pero nakaramdam din ako ng mas malalang hiya dahil alam ko na ang susunod na mangyayari mula sa mga
“Not-So-Pretty”
kong friends.
“Perfect! Then, congratulations sa inyong first kiss,” pumapalakpak na anunsyo ni Fifi.
See? Tama nga ako! Gusto ko na lamang lumubog sa kinauupuan ko.
Sinamaan ko naman agad ito ng tingin.
“Tumigil ka nga! Hindi ‘yon gano’n,” pang-aawat ko sa asar nito.
“Ganoon ‘yon, Kate!” gatong naman ni Josh na nangingiti pa ang mga labi.
Nasipat ko rin si Nico na nakangisi pa.
“Hindi nga!” Pagpupumulit ko.
“Huwag kang maniwala sa mga ‘yan, Teo,” sabay lingon ko rito na namumula pa rin ang mga tenga at nagpipigil ng ngiti.
“Ganon na rin ‘yon, Beh” nakisalo na rin si Barbs.
“Kung ganon, eh di maraming beses na rin pala tayong apat na nag-kiss,” depensa ko, referring to my
“No-So-Pretty”
kong friends.
Narinig ko namang tumikhim si Teo at paglingon ko ulit, wala na sa labi niya ang kaninang pinipigil na ngiti. Napalitan ito ngayon ng seryosong mukha.
“Magkaiba naman kasi ‘yon, Kate. We’re all friends. Kayo hindi”, at talagang ayaw magpa-awat ni Fifi.
Nilingon ko naman ito at mas lalong sinamaan ng tingin.
“Ahh talaga, Fifi? Sabagay, totoo naman. We’re all friends. Kayo ni Josh ay hindi,” I fired back at nginisian ito. Nanlaki ang mga mata nito.
Narinig ko namang natawa sina Nico, Gema at Barbs. Si Josh naman ay patay malisyang bumalik kuno sa pagkain. Ang mapang-asar na hitsura ni Fifi ay naglaho at napalitan ito ng pagkangiwi.
“No worries, Kate. It’s okay. You can always drink on mine,” pang-aagaw ni Teo sa atensyon ko.
Medyo kumalma naman na ako nang marinig kong okay lang din naman pala sa kanya. Wala naman kasing malisya ‘yon para sa akin. Sadyang nilalagyan lang nila ng malisya para asarin ako, kami.
Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain. Naging abala na ulit si Teo sa pag-grill habang ang iba naman ay tumayo para kumuha ng ”
dessert”.
“Kuha lang din ako ng
‘dessert’.
Anong gusto mo?” tanong ko kay Teo.
“You can get me anything. I’m not into sweets”, sagot niya.
Tumango ako at saka umalis. Vanilla at Chocolate Ice Cream with sprinkles na lang ang kinuha ko. Kumuha rin ako ng iilang piraso ng mga pakwan.
Nang matapos kumuha ng pakwan ay nahagip ng aking mga mata ang isang babae na pamilyar sa akin. Hindi ko lang mapagtanto kung saan at kailan, pero alam kong na-meet ko na siya before.
Patuloy akong nag-iisip at inaalala kung sino siya hanggang sa makabalik ako sa table namin.
“Thank you, Kate,” pasasalamat ni Teo sa pagkuha ko ng ice cream.
Nagpatuloy pa ulit kami sa pagkain at nagsimula na rin kaming magkuwentuhan ng kung ano-ano tungkol sa naging competition kanina.
“Akala ko talaga mananalo ang COC (College of Communication) kanina. Kaloka!” Bakas pa rin sa boses ni Gema ang pagka-stress.
“Totoo, teh! Sa dami ba naman ng audience nila. Buong COC community ba naman ang dala, eh. For sure, perfect nila ang audience impact”, gatong ni Barbs.
“Saka perfect din kasi ang routine nila. Sobrang lakas! Kaya di ako makapaniwala na tayo ang nanalo!” ani ni Fifi na may pag-gestures pa na naiiyak kuno.
“Malabo talagang matalo kayo. Mas malinaw pa sa sikat ng araw na kayo ang panalo,” sambit ni Nico na proud na proud.
“Totoo yan! Sobrang galing mo kaya,” sagot din ni Josh.
“Nakakahalata na ‘ko, Josh, ah. Si Fifi lang talaga ang magaling?” mapanuyang ani ni Gema.
“I mean, lahat kayo magaling,” pagpapalusot ni Josh na ikinatawa namin. Si Fifi naman ay halos mangamatis na ang mukha sa pula.
“OH-MY-GOD! You guys!” Malakas na boses ang umalingawngaw sa paligid.
Napalingon kaming lahat sa kung saan nanggaling ang malakas na boses na ‘yon.
Sinundan namin ng tingin ang isang babae na papalapit na sa table namin at sakto itong tumayo sa gilid ng kinauupuan ni Teo. Ang babaeng nahagip ng mga mata ko kanina, kaso hindi ko maalala kung sino at kailan ko siya na-meet.
“OH-MY-FUCKING-GOD! I can’t believe I will see y’all here,” maarte nitong sambit habang tinitingnan nang isa-isa ang
“Teo-and-Friends”
at halos nakatakip pa ang mga kamay sa kanyang bibig.
I saw Nico and Josh na nakangisi at halos takpan na ng kanilang mga palad ang kanilang mukha.
“And you, Mateo! I really miss you so much!” maligaya at maarte pa rin niyang turan at ibinaba ang mukha para ibeso si Teo.
Teo didn’t flinch. He didn’t welcome her greetings. He just lets her do whatever she wants.
Matapos bumeso ay dumapo ang kanyang mga mata sa akin.
“And you’re here too! I know you. I know your face. We’ve met before, but I just forgot your name. Who are you nga ulit?” tanong nito sa akin sa maarte pa ring boses.
“Yeah, Hi… I’m Kate,” tipid kong ngiti sa kanya.
“Oh. Oh! I remember na! You’re Mateo’s childhood best friend!” Magiliw niyang turan at pumalakpak pa ang mga kamay sa tuwa.
“Okay! Then let me introduce myself again to you and to the other people at this table.” hinawi niya pa ang kanyang mahabang buhok na kinulot lang naman ng electronic na curler.
“Hi, everyone! My name is Kathy. I am Mateo’s current best friend,” magiliw niyang pagpapakilala.
I saw Nico and Josh na napapa-facepalm na lang sa hiya. Si Gema naman ay bakas sa mukha ang ”
WTF”
look at si Barbs naman ay nakataas ang isang kilay.
Naagaw naman ng atensyon ko si Fifi na tila ba may dinudukot sa kanyang bag.
“Oh, ito medal,” sabay taas ng kamay ni Fifi, hawak ang medal na nakuha nila sa pagkapanalo kanina sa competition.
Kita ko sa mukha ni Kathy ang pagtataka habang ang lahat naman sa table ay hindi napigilan ang pagtawa. Habang si Teo naman ay seryoso ang mukha at muling kinuha ang baso ng ice cream na kinuha ko para sa kanya at muling kumain.
“Are you making fun of me?” Mula sa maarte at magiliw na boses ay napalitan ito ng mapanghamon na tono.
“Ay, hindi! Ito nga, oh, binibigyan kita ng award sa pagiging performative mo,” natatawa pa ring sambit ni Fifi.
Inabot ko naman ang mga braso ni Fifi at iginaya ko ito pababa para awatin. Kilala ko ang mga kaibigan ko. Kapag alam nilang may threat sa paligid, nakahanda agad ang mga ito para lumaban at dumepensa.
“What are you doing here, Kathy? How are you?” boses ni Nico para putulin ang paglaki ng namumuong tensyon.
Mula sa mapaghamon na hitsura ay agad na bumalik ang masigla at maarte nitong awra.
“Ahh. I’m doing great, Nico. I didn’t expect you to ask me how I am doing, kasi I thought it would be Teo who would ask me that. But it’s fine.” Magiliw pa rin ang kaniyang boses at ibinaling ang tingin kay Teo na abala pa rin sa pagkain ng ice cream.
“Nag-stop by lang ako to check on a friend who owns this restaurant”, dagdag pa nito.
“Ohh, that’s nice! We didn’t know your friend owns this place.”, hindi makapaniwala kuno na sambit ni Nico.
“If we had known, eh di sana, hindi kami dito kumain,” mahinang turan ni Josh, pero sapat para marinig ko pa rin.
“What was that, Josh?” Tanong ni Kahty.
“Ahh, I said we love the food. It’s so nice here”, plastik na ngiti ni Josh.
“Awww! That’s amazing to know. I am so happy you love it here,” ani niya sa mas maarteng boses.
It starts to irritate me now. At alam kong hindi lang ako, dahil hindi marunong magsinungaling ang mukha ng mga kaibigan ko.
“I really miss you, Mateo. When are you going to visit me ba again sa house? I miss our bonding na,” mula sa magiliw ay napalitan naman ito ng pabebeng boses na siyang ikinairap ko.
“I don’t think I can visit you ever again. I’m really busy,” matabang na sagot ni Teo.
“We can set it up naman eh. Just let me know your schedule and when you will be free,” nagsusumamo niyang sambit kay Teo.
“I don’t know, Kathy. I don’t think I will have my free time ever again,” matabang pa ring sagot ni Teo. Muling nag-scoop ng ice cream si Teo at saka naman ito itinapat sa aking bibig.
“You want to try?” tanong sa akin ni Teo. Hindi na ako sumagot at agad na isinubo ang spoon na may chocolate ice cream.
“Perfect ka jan! Love it!” Narinig kong bulong ni Fifi matapos akong sikuhin sa aking likuran.
I saw how Kathy’s eyes widened.
“You liked it?” nakangiting tanong ni Teo.
Ngiti lamang ang tanging naisagot ko sa kanya dahil nagsimula na rin akong makaramdam ng hiya sa ginawa ko.
Inilapit naman ni Teo ang kanyang thumb sa gilid ng labi para punasan ang chocolate ice cream na kumalat sa gilid ng bibig ko. Pagkatapos, itinapat niya ito sa kanyang bibig para dilaan at sipsipin.
I heard Kathy gasp. Maarte rin niyang tinakpan ang kanyang bibig, tila hindi makapaniwala sa nasaksihan.
I saw how proud my
“Not-so-Pretty”
kong friends are, habang ang
“Teo and Friends
” naman ay tila naaaliw sa mga nangyayari.

