loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
Bakla Si Cinderella (BXB) COMPLETED

Bakla Si Cinderella (BXB) COMPLETED

CHAKASALSAL · 46 chapters · 12,983 words

BABALA

MOVIE STYLE WRITING

PS. VOTE & FOLLOW

MAHAL KO KAYO MGA KASALSAL❤️

CHARACTERS

Main Character

Rain Brillantes Niko Theodor

Family of Rain

Father: Rex Brillantes Step Mother: Rosa Brillantes Step Sisters: Ganda & Beauty Brillantes

Family of Niko

Father: Riko Theodor Mother: Reyna Theodor Sister: Rhina Theodor

Friends of Rain

Kervy Jefty Ray

Friends of Niko

Kester Val Lexter Lucy

CHAPTER 1

Rain Pov:

“Hoy! Wake up na daw sabi ni Mommy! Hoy!” Sigaw ng isang boses habang nasa gitna ako ng pagtulog ko.

Pero binalewala ko ito kasi akala ko panaginip lang ang mga naririnig ko. Bigla na lang may ginawa siya habang nakapikit pa ako, dahilan para mapadilat ako.

Nakita ko na may hawak siyang pabango, at pinatama niya iyon sa mukha ko. Nandoon din sina Ganda at Beauty na nakatayo sa harap ng higaan ko at tinatawanan ako.

“Ang panget mo na nga, ang baho pa ng hininga mo. Kaya nararapat lang sayo yung perfume para bumango ka naman,” sabi ni Ganda.

“Tama ka d’yan, sisterakas,” sabi naman ni Beauty.

“Sisterakas? Ahas lang, ganun? Hipokrita!” sabi ulit ni Ganda.

“Che! Ikaw ang hipokrita!” sigaw ni Beauty.

Magsasalita na sana ulit si Ganda nang biglang…

“Ano na naman yang pinag-aawayan ninyo, mga anak? Bumaba na kayo at nandoon na ang paborito ninyong hotdog,” sabi ni Tita Rosa, ang aking stepmother.

“Yes, Mommy!” sabay na sabi nina Ganda at Beauty, tapos sabay na rin silang lumabas ng kwarto ko. Pagkatapos nun, tumingin sa gawi ko si Tita.

“At ikaw! Bumangon ka na d’yan at kakain na. Wag kang babagal-bagal!” singhal niya sa akin, sabay labas ng kwarto. Kaya napabuntong-hininga na lang ako.

CHAPTER 2

Rain Pov:

Nakapag-toothbrush at naghilamos na ako sa maliit naming banyo na CR na rin, 2-in-1 lang. Kaya naisipan kong lumabas at dumiretso sa kusina.

Pagkapasok ko sa kusina, nakita ko sina Tita Rosa at ang dalawa niyang anak na babae, sina Ganda at Beauty. At oo, maganda talaga silang dalawa at hindi maikakaila iyon.

“Anong tinatayo mo pa d’yan? Umupo ka na at kumain na!” Singhal ni Tita.

“Opo,” sagot ko. Lumapit ako sa lamesa at uupo na sana nang biglang nagsalita si Beauty.

“Bago ka umupo, ikuha mo nga ako ng tubig,” sabi niya. Ganyan sila dito, inaalila nila ako sa loob ng bahay namin. Yung kwarto ko noon ay naging kwarto na nila ngayon. Pinapunta nila ako sa maliit na bodega, at nilinis ko iyon para naman magmukhang disente kahit maliit lang.

Noong hindi pa namamatay si Nanay, masaya kaming naninirahan dito sa maliit naming bahay. Pero nang mamatay siya at naging stepmom ko si Tita Rosa, kinumbinsi niya si Papa na mag-seaman para daw may pantustos sa pag-aaral naming tatlo. Pero ang totoo, sila lang ni Beauty at Ganda ang nakapag-aral, kahit dapat sabay kaming tatlo. Pinikot ni Tita si Papa kaya wala na rin akong nagawa at nahuli na ako ng isang taon.

At nang may sweldo na si Papa, binigay niya kay Tita ang una niyang sahod. Nagpagawa agad si Tita ng isa pang kwarto para kay Beauty, at wala man lang napunta sa akin.

Pero hindi alam yun ni Papa. Kahit gusto kong magsumbong, hindi ko magawa, kasi baka sabihin ni Tita kay Papa na bakla ako. Mahirap na, kasi hindi pa rin ako umaamin kay Papa. Kaya hinahayaan ko na lang ang mga kasakiman nilang mag-iina dito sa loob at labas ng bahay.

“Anong tinatayo mo d’yan? Yung tubig ko!” Sigaw ni Beauty. Binilisan kong kumuha ng tubig at iniabot sa kanya. Pagkatapos, umupo na ako at sinimulang kumain.

BEHIND THE SCENE

Author: asan na sina ganda at beauty???!!!

Staff 1: umalis po sila author, hindi ko po napansin kung saan sila pumunta

Beauty: bakit author?? Na-miss mo na ba ganda ko?

Author: as if I care!! Mas maganda ako kaysa sayo!!!! Bilisan nyo dyan at wala pa tayong Movie Clip 3!!!

Ganda: oh anong nangyayari sa kanya!?, Nagwawala ng parang baboy hahah

Author: sinong baboy, gusto mong gawin kitang baboy sa Movie Clip 3!?

Ganda: ito naman hindi mabiro, joke.joke.joke hahaha

Author: tayo na at magsimula, tawagin narin si Rain, at kayong dalawa tawagin nyo na ang iyong mommy.

Ganda/Beauty: K!

CHAPTER 3

RAIN POV

Tok… tok… tok…!

“Bilisan mo daw d’yan! Sabi ni Mommy!” Sigaw ni Ganda mula sa labas ng kwarto ko.

Nagtataka kayo kung ano ang nangyayari, no?

Heto at pasukan na. First year college na ako, at sina Ganda at Beauty ay second year college na sila.

(Author: wag na nating ilagay mga course nila o kung ano pa man, just read and follow the flow. Ako ang bahala sa inyo hahahah.)

“Patapos na!” Sigaw ko pabalik.

“Hayst… ang bagal-bagal kasi,” Rinig kong sabi ni Ganda mula sa labas ng kwarto, at pagkatapos noon ay wala na akong narinig.

Hayst… Palagi na lang ganito. Buti na lang pasukan na, at kahit paano makakaginhawa ako sa university. Makakalayo ng kaunti sa bahay, kina Ganda, Beauty, pati na rin kay Tita.

Kaya gustong-gusto ko talagang pumapasok noong nagkatuluyan sina Tita at Papa. Kasi kapag nagsasama-sama kami sa bahay, puro patama na lang o kung anu-anong salita na nakakapagpababa lang ng loob.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko sina Ganda at Beauty na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin, pati na rin si Tita.

“Ang bagal-bagal mo! Luma din lang naman ang isusuot mo! Tara na!” Sabi ni Tita, sabay tawa naman nila Beauty.

Yumuko na lang ako at nagpahuli sa paglakad palabas ng bahay.

Bumili si Papa ng maliit na kotse at kumuha sila ng driver.

Sumakay na silang tatlo sa harapan. Ako naman, umupo sa likuran kaya binuksan ko ang pintuan sa likod at pumasok.

CHAPTER 4

RAIN POV

“Wag mong ipaglandakan na kapatid mo kami,” Sabi ni Ganda.

“Tama siya, wag kang pilingera,” Sabi naman ni Beauty.

“Kung meron mang magtatanong sayo, wag mo na lang sagutin. O mas magandang sabihin mong hindi kayo magkakakilala,” Sabi ni Tita.

Kung makapagsabi ang mga ito, parang ako pa yung step son, ah.

Nauna nang lumabas sina Ganda at Beauty sa kotse at dumiretso na sa loob ng unibersidad.

“Dalian mo,” Sabi ni Tita, kaya binuksan ko na agad ang pintuan habang wala pang mga estudyanteng nakakakita. Lumayo ako ng kaunti sa kotse at umalis na rin sina Tita.

Napatingin ako ulit sa university — Theodor University — at napahanga ako sa ganda ng ambiance nito.

Si Papa mismo ang nagsabi kay Tita na dapat pareho kami ng papasukan para magkakasama kaming tatlo. Wala nang nagawa si Tita kaya pumayag na lang siya sa gusto ni Papa.

Hahakbang na sana ako nang biglang may bumangga sa likuran ko, dahilan para madapa ako.

“Tsk… haharang-harang kasi,” Sabi ng isang binata, tapos umalis.

Tatayo na sana ako nang may nag-abot sa akin ng kamay, kaya napatingin ako kung sino iyon.

Ang gwapo niya…

“Okay ka lang ba?” Tanong niya. Hinawakan ko muna ang kamay niya para makatayo, saka ko siya sinagot.

“Malayo sa bituka. Salamat,” Mahina kong sabi.

“Alis na ako, salamat ulit,” Dali-dali kong sabi, tapos binilisan ko ang lakad palayo sa kanya.

Ramdam kong biglang nag-init ang pisngi ko.

Huh… Bakit ako nagkakaganito?

CHAPTER 5

RAIN POV

Hinanap ko na ang aking classroom para hindi ako malate. Thank God, nahanap ko rin sa wakas.

Pumasok ako sa classroom pero wrong move pala, nandoon na ang prof namin.

“Care to introduce yourself, mister?” Sabi ni Prof.

May iba na nakangisi dahil sa sitwasyon ko, at meron ding ibang wala namang pakialam sa nakikita nila ngayon sa harapan nila.

Pumunta ako sa gitna at tumingin sa kanila.

“Rain Brillantes, 18, nice to meet you all,” Maikli kong sabi.

“Yun lang? Boring, huh!” Sabi ni Prof, at nagtawanan ang ilan sa mga future classmates ko.

Tumango na lang ako at naghanap ng mauupuan.

May tatlong beki na kumaway-kaway sa bandang likuran ng classroom, kaya lumapit na ako sa gawi nila. No choice, yun na lang ang natitirang upuan.

Nakalapit na ako sa kanila at umupo.

“Wag mo nang pansinin ang baklang Prof na yun. Grabe yang mga pimples mo, ah,” Sabi ni Beki 1 sa akin.

Nakalimutan ko nga palang beki pala yung prof namin ngayon.

“Ang straight forward mo talaga, ah… Pero grabe na talaga yang mga pimples mo,” Sabi naman ni Beki 2.

“Ano ba kayong dalawa, wag kayong ganyan. Pero try mo kayang gumamit ng Eskinol,” Sabi ni Beki 3.

Napakamot na lang ako ng ulo ko.

Ang straight forward ng tatlong ito.

CHAPTER 6

RAIN POV

Sound of bell

“Tayo na! Gutom na ako,” Sabi ni Beki 1.

“True, bes… Halika na, Rain, libre ka namin,” Sabi ni Beki 2.

“Ah… wag na. Tatapusin ko na lang itong assignment natin,” Sabi ko. Nagbigay kasi yung last prof namin ng assignment, pero mas gusto ko na lang tapusin ito ngayon. Alam ko na wala na naman akong oras pag sa bahay ko ito gagawin, dahil kina Ganda at Beauty. Isa pa, nag-iipon din ako.

“Ano ka ba! Assignment lang ’yan, halika na nga. Libre ka namin, pag libre dapat walang tanggian, ganern!” Sabi ni Beki 3.

Ang dami na nilang sinasabi, hindi ko pa nga sila gaanong kilala… Eh, kasi na-late ako kanina.

Hinila na ako ni Beki 2, at sumama na rin sina Beki 1 at Beki 3.

Ang daming nakatingin sa amin. O baka sa kanilang tatlo… Hindi kasi maitatanggi na magaganda talaga ang mga baklang humihila sa akin ngayon.

Ako naman, yung klase ng baklang medyo maporma pero nerdy style.

Maraming pimples, naka-suot ng malaking eyeglass, may bangs para matakpan ang mga pimples sa noo, at nakabrace kasi medyo hindi pantay ang mga ngipin ko.

Pero meron din namang mga matang nakatingin sa akin. Yung tingin na parang…

Bakit nandiyan ’yan? Ganun!

“Wag mo na lang silang pansinin. Ang pansinin mo itong kumakalam kong tiyan hahahahaha,” Sabi ni Beki 2.

Baliw, hahahaha.

CHAPTER 7

RAIN POV

“Anong gusto mo, Rain? Kami ng tatlo ang bibili, basta hintayin mo lang kami dito,” Sabi ni Beki 2.

“Kahit ano na lang, yung mura,” Nahihiya kong sabi.

“Okay, got it! Tara na, girls,” Sabi naman ni Beki 1 at lumarga na sila papunta sa counter.

Patingin-tingin lang ako sa paligid at napansin kong talagang maraming mayayaman ang nag-aaral dito. Meron din namang parang hindi mayaman, kagaya ko. Nakita ko rin sina Ganda at Beauty, at may kasama silang mga naggagandahang babae.

Palingon-lingon lang ako sa paligid nang makita ko yung lalake na tumulong sa akin kanina sa harap ng gate. Nagtama pa talaga ang mga mata naming dalawa.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi, pero kumaway ako bilang pahiwatig na naalala ko siya. Pero hindi niya ako tinugunan at iniwas na lang niya ang tingin niya sa akin.

Snobber… ang cold lang ng mukha ng lalaking yun. Buti na lang gwapo siya… Aysttt… erase… erase…!

“Kainan na!” Sabi ni Beki 3 habang papalapit sila, at nagulat ako sa mga dala nila. Ang dami nilang binili at halatang mamahalin ang mga ito.

“Huh!? Sabi ko mura lang,” Gulat kong sabi.

“Ano ka ba, mura lang ito sa amin,” Nakangiting sabi ni Beki 3, sabay upo nila sa lamesa.

Sabi ko mura, pero ganito pala ang mura para sa kanila. Parang fiesta lang ang handaan… tsk… haha…

CHAPTER 8

RAIN POV

“Chibugan na!” Sabi ni Beki 1.

“Hmmmm… gusto ko sanang tanungin mga pang…?” Tatanungin ko na sana ang mga pangalan nila, pero bigla akong pinutol ni Beki 1.

“Ahhh… oo nga pala! Kanina pa natin kasa-kasama si Rain, hindi pa pala niya tayo kilala,” Sabi ni Beki 1.

Ngayon niyo lang napansin.

(Author: ang mga naka-italic na sentences/words ay mga sinasabi nila sa loob ng isipan lang. Yun lang para hindi kayo malito.)

“Oo nga no! Okay girls, ako muna. Hi Rain, Kervy nga pala,” Sabi ni Kervy / Beki 2.

“Jefty here!” Sabi ni Jefty / Beki 3.

“At ako naman si Ray,” Sabi ni Ray / Beki 1.

“Hayan, alam mo na ang pangalan namin. Kumain na tayo,” Sabi ni Kervy. Nagsitanguan kaming lahat nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

Nilabas ko ito mula sa aking bulsa nang biglang nagsalita si Jefty.

“Oh my gosh! Crisis mga bakla!” Sabi ni Jefty.

“Oo nga, nasa year 2000 ba tayo???” Sabi naman ni Kervy.

“2020 na, bakla! Hindi ako makapaniwala. It is a living keypad!” OA na sabi ni Ray.

Ngayon lang ba sila nakakita ng keypad? Maka-react naman ang mga baklang ito.

“Ano ba kayo, wag nyong lakasan ang boses ninyo. Nakatingin na sila dito sa gawi natin,” Mahina kong sabi sa kanila.

“Tama siya, mga bes. Umupo na tayo,” Sabi ni Kervy. Umupo na silang tatlo at sabay-sabay silang tumingin sa akin.

CHAPTER 9

RAIN POV

1 week has passed

“Okay class, you can take your recess,” Sabi ng prof namin.

Tumayo agad ang tatlo at humarap sila sa akin.

“Tara na…” Sabay nilang sabi. Sa isang linggo na nakalipas, naging close na kami nina Kervy, Jefty, at Ray.

Prangka sila, matatalas ang dila, pero ang maganda, maaasahan talaga. Sa isang linggong iyon, hindi talaga nawala yung mga nambubully sa akin. Tawag namin sa kanila, mga kampon ni Satanas — insecure sa pimples ko, wahaha!

Sa isang linggo na iyon, buti na lang at hindi pa ako ginugulo nina Beauty at Ganda.

At sa isang linggo na rin na iyon, hindi ko na ulit nakita yung lalakeng bumangga sa akin sa gate.

“Oh my gosh, ang haba ng pila!” Sabi ni Jefty, at napabalik ako sa wisyo. Napansin ko na nasa harapan na pala kami ng food station.

Papasok na sana kami nang may bumangga sa likuran ko. Naglakad lang siya tuloy-tuloy at hindi ako pinansin. Nang tinignan ko siya ng mabuti, siya pala yung lalake sa gate na bumangga sa akin.

At sa isang linggo na iyon, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.

“Okay ka lang?” Tanong ni Ray.

“Sino ba yun?” Tanong naman ni Jefty.

“Si Niko, mga bes. Niko Theodor,” Sabi ni Kervy.

Ahhh… Niko pala pangalan niya. Niko Theodor…

Waiiiiit!

“Teka lang, Kervy. Niko Theodor? As in Theodor… yung may-ari ng university?” Gulat kong tanong.

“Oo, sila may-ari ng school na ito,” Sabi ni Kervy.

“Mamaya na muna ang chikahan. Bumili muna tayo, tapos itutuloy natin ang chismis mamaya,” Sabat ni Jefty.

Niko Theodor…

CHAPTER 10

RAIN POV

“Niko Theodor. Anak ng may-ari ng university na ito. Isang super hot at gwapong lalake, 3rd year college, magaling sa academics, gwapo… pero snobero,” Sabi ni Kervy. Tutok naman akong nakikinig sa kanya.

“Nakikita mo yung tatlong lalake na kasama ni Niko?” Tanong ni Jefty. Tumingin ako sa gawi nila Niko. Nakita ko rin yung mga gwapo niyang kasama, at biglang nagtama ang mga mata namin ni Niko. Pero ako na agad ang umiwas… mahirap na.

“Yung tatlo na iyon ay sina Kester, Lexter, at Val. Mga anak ng politicians. Pero kahit ganun, mas mayaman pa rin ang pamilya Theodor kasi may mga business sila sa ibang bansa. Kumbaga, pinatayo lang nila ang university na ito bilang regalo kay Niko. Ganun sila kayaman,” Sabi ni Ray.

Sa sinabi niyang iyon, napanganga na lang ako. Ang masasabi ko lang kay Niko ay… SANA ALL.

Gwapo na nga, mayaman pa…

Habang kumakain kami, biglang dumaan sa harapan namin sina Ganda at Beauty.

Tinignan ko sina Kervy at nakita kong napaikot nila ang kanilang mga mata.

“Ang mga hipokrita ng mga kirida,” Sabi ni Kervy.

“Mga pokpok,” Sabi naman ni Ray.

“Paano niyo nasabi?” Tanong bigla ni Jefty sa kanilang dalawa. Sabay naman nilang kinutusan si Jefty.

“Gaga! Ang panget! Dapat makisabay ka, ganern!” Sabay na singhal ng dalawa. Napahagikhik na lang ako sa aking upuan at tinuloy ang pagkain.

CHAPTER 11

RAIN POV

“Punta muna ako sa library. Kukuha lang ako ng libro para sa activity natin,” Sabi ko kina Kervy.

“Sama kami, bes!” Sabi ni Jefty.

“Wag na, ako na lang. Baka mapalabas na naman tayo dun gaya nung nakaraang araw,” Sabi ko sa kanila.

Flashback…

Nandito kami noon sa library para kumuha ng mga librong kakailanganin namin sa activity.

“Bes! Bes! Nakita mo itong post ni Lexter sa IG niya?” Medyo malakas na sabi ni Jefty, sabay pakita ng cellphone kay Ray.

“Ahhhh!!! Shitttt!!! Ang sarap niya!” Sigaw ni Ray.

“Shhh! Manahimik kayo d’yan!” Sigaw ng tagabantay.

“Patingin nga ako…!” Sabi naman ni Kervy.

“Adones!!!” Sigaw ni Kervy.

“Last warning kayo d’yan!!!” Sigaw ulit ng tagabantay.

“Manahimik kasi kayo,” Mahina kong sabi sa tatlo.

“Heto pa isa…” Mahinang sabi ni Jefty.

At sabay na naman silang dalawa na sumigaw, kaya ayun… napalabas kami sa library.

End of flashback…

Naglakad na ako papasok sa library at hinanap yung librong kakailanganin namin. And yes! Nakita ko rin sa wakas.

Lumapit ako at hinanap yung maliit na hagdanan para maabot yung libro kasi mataas talaga at hindi ko maaabot… kasi pandak ako! Happy!?

Pilit ko itong inaabot nang bigla akong nawalan ng balanse. Pero salamat naman at may sumalo sa akin kaya hindi ako natumba.

“Salamat,” Sabi ko, sabay tingin kung sino iyon — at napalaki ang mata ko nang makita ko si Niko!!!

Bakit siya pa?

CHAPTER 12

RAIN POV

Hindi ko alam ang aking nararamdaman. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magdikit ang aming katawan, kaya kumalas agad ako at hinarap siya, pero hindi ko siya tinignan sa mukha. Nakatingin lang ako sa kanyang paa.

“A-akin yan! Ako ang nauna, kaya ibigay mo yan sa’kin,” Sabi ko.

“Sabihin mo yan nang nakatingin sa mukha ko. Nasa paa ko ba yung mukha ko?” Sarcastic niyang tanong.

Tinaas ko ang mukha ko at tumingin sa kanya… at biglang nag-init ang pisngi ko. Ang gwapo niya.

“Pwedeng akin na yan? Kailangan kasi namin yan sa research namin,” Sabi ko, pero ngumisi lang siya.

Sheeet ka! Ang gwapo! Erase… erase!

“Ako yung unang nakahawak, kaya ako ang dapat gagamit ng libro,” Nakangisi niyang sabi.

“Pero ako ang unang nakarating dito! Akin na yan!” Sabi ko, at tiningkayad ang aking paa para maabot ang libro, pero tinaas niya lalo gamit ang mahahaba niyang braso para hindi ko ito maabot.

“No can do,” Sabi niya.

Nakakainis naman ito. Parang suplado kapag nadadaanan o nakikita ko siya, pero hindi ko akalaing ganito pala ang ugali niya… Tsk… nakakainis na ang damulag na ito.

Pero habang nag-iisip ako ng susunod kong gagawin, naglakad na siya palayo. Kaya wala na akong choice. Tinakbo ko siya at lumundag, sabay kapit sa likuran niya.

“Akin na yan,” Sabi ko, habang inaabot ang libro. Pero ramdam kong parang naistatwa siya.

Huh? Anong nangyari sa damulag na ito?

CHAPTER 13

NIKO POV:

Bigla akong napatigil nang maramdaman ko siya sa aking likuran. May imahe rin na biglang lumabas sa isip ko, ang kaibigan kong si Lucy, siya rin ang aking first love.

Ganitong-ganito kasi ang eksena noong bata pa ako nang inagaw ko ang pagkain niya.

Pero winaksi ko agad iyon.

“Akin na kasi yan!” Sabi niya. Hindi ko pa siya kilala, pero kilala na niya ako. Natatandaan ko siya, siya yung tinulungan kong makatayo noong first day at lagi ko rin siyang nakikita sa canteen.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing tinitignan ko siya, sakto namang nagtatama ang aming mga mata. At hindi ko rin maipaliwanag kung bakit parang gustong-gusto ko siyang titigan.

Naglakad ako diretso palabas ng library at alam kong maraming nakatingin sa amin.

Napansin yata ng lalaking ito na nakalabas na kami ng library at maraming nakatingin kaya kumalas siya agad at tumikhim.

“Akin na kasi yan,” Sabi niya. Nakakatawa lang ang mukha niya habang sinasabi iyon.

“Ibibigay ko ito pag sinabi mo ang pangalan mo,” Sabi ko. Tumingin siya sa akin na may pagtataka sa mukha.

Pero bigla niyang hinablot ang libro at tumakbo palayo.

Nagulat man ako, pero tinignan ko siya habang papalayo. Bigla siyang tumigil at tumingin pabalik sa akin.

“Rain! Rain nga pala pangalan ko, salamat sa libro!” Malakas at nakangiti niyang sabi. Nang marinig ko ang pangalan niya at makita ang nakangiti niyang mukha, biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa bandang dibdib ko.

Parang narinig ko na ang pangalan mo, Rain?

CHAPTER 14

NIKO POV

“Anong pangalan mo?” Tanong ng isang bata sa akin.

“Niko, ikaw?” Tanong ko pabalik.

Bigla akong nagising mula sa panaginip na iyon.

Bakit napanaginipan ko na naman ang pagtatagpo namin ni Lucy noong bata pa kami?

Biglang pumasok ang imahe ni Rain sa isip ko. At biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito at hinilot ng kaunti para mawala ang sakit.

It’s been three days at lagi kaming nagtatagpo ng landas sa school. I don’t know why, pero gusto ko siyang nakikita araw-araw.

Kaya bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo.

Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Rhina na nakapagpalit na ng kanyang uniform.

“Morning, brother,” Sabi niya.

“Tsk…” Sabi ko naman. Lumapit siya at bigla niya akong nilapigos.

“A… aray… bitawan mo ako!” Daing ko. Binitawan niya ako at tumatawang pumunta sa kusina. Sumunod din ako doon at nakita ko sina Mom at Dad na nakaupo na at kumakain.

“Have a seat, you two, at sabayan na ninyo kami,” Sabi ni Dad.

Umupo na kaming dalawa.

“How’s school, son? And how’s your health?” Tanong ni Mom.

Laging tinatanong ni Mom ang kalusugan ko dahil sa disgrasyang nangyari sa akin noong bata pa ako. Hindi nila iyon masyadong ikinukuwento pero sabi nila, dapat sabihin ko raw agad sa kanila kung may nararamdaman akong kakaiba.

“Okay naman, Mom. Pero these days, parang napapadalas na yung pagsakit ng ulo ko,” Sabi ko. Napansin kong nagkatinginan sina Mom, Dad, at si Ate.

CHAPTER 15

RHINA POV

“Mauna na ako,” Sabi ni Niko, sabay tayo at iniwan kaming nakaupo nina Dad at Mom. Tumingin ako sa gawi nila.

“Mom… this is it… may chance na bumabalik na,” Sabi ko kay Mom.

“I hope so, my dear,” Sagot ni Mom.

“Pakibantayan ang kapatid mo at tignan mo kung sino o ano ang sanhi ng pagsakit ng ulo niya,” Sabi ni Dad.

“Yes, Dad. Don’t worry, lahat naman tayo dito gusto malaman at gustong gumaling si Niko. Kaya don’t worry,” Sabi ko sa kanila. Alam ko ang totoong nangyari noong bata pa si Niko, at alam ko rin ang kanyang mga childhood memories, pero wala ako sa posisyon para sabihin ito sa kanya. Let nature handle that. Gusto ko rin makita kung sino ang sanhi ng mga bagong nangyayari kay Niko.

“Alis na ako, Mom, Dad,” Sabi ko sa kanilang dalawa.

Nandito na ako sa university namin. Bumaba na ako sa gate kasi iyon ang gusto ko, at umalis na si Kuya Ben, ang aking personal driver.

Maglalakad na sana ako nang biglang may bumangga sa akin.

Umagang-umaga, nakakairita naman!

Tumingin ako kung sino ito, at bigla akong napatigil.

“Rain?” Hindi ko alam kung bakit pero nabigkas ko ang pangalang iyon… kasi namukhaan ko siya, kamukha niya ang batang iyon.

“Kilala nyo po ako?” Takang tanong niya sa akin.

CHAPTER 16

RHINA POV

“Kilala nyo po ako?” Tanong niya.

So, Rain nga ang pangalan niya. Baka magtaka ito kung hindi ko siya sasagutin.

“Hmmmm. I saw your ID right there sa leeg mo, at nabasa ko ang pangalan na Rain,” Nakangiti kong sabi.

“Rhina pala. Just call me Ate Rhina,” Dugtong ko pa.

Tumango lang siya.

“Sige po, alis na po ako, Ate Rhina,” Sabi niya, pero…

“Wait!” Sabi ko agad at hinawakan ang kamay niya kaya napatigil siya at tumingin sa akin.

Think… think, Rhina!

“Sabay na tayo,” Nakangiti kong sabi.

Buti naka-isip agad.

At nagsabay na kaming pumasok.

“Saan ka pala nakatira?” Tanong ko.

“Barangay Rosa po,” Sagot niya.

Medyo malayo iyon dito sa university.

“Nagko-commute ka ba?” Tanong ko.

RAIN POV

“Opo,” Sagot ko na lang.

“Ah… oh! Dito na classroom mo. Well, bye for now,” Sabi ni Ate Rhina sa akin.

Naglakad siya palayo at kumaway pa habang nakatalikod.

Bigla namang…

“Hoy!!!” Sabay na sabi nina Jefty, Kervy, at Ray na dahilan ng aking pagkagulat.

“Sino yun?” Tanong ni Ray, at tinignan nilang tatlo si Ate Rhina na papalayo.

“Ah wala, pasok na tayo habang wala pa si prof,” Sabi ko sa kanila, at hinila ko na sila papasok.

CHAPTER 17

Rain POV

“So ngayon pala, mga guys, may mangyayaring merge of classes sa isang subject natin at makakasama natin ang mga 3rd years. I’m drooling na!” Tili ni Kervy habang sinasabi iyon.

“Huh? Bakit may ganun?” Tanong ko.

“Ewan, girl, but I like it!” Sigaw ni Jefty, at padabog niyang sabi.

“Minus points, Jefty. Direct to the grade ang lakas ng bunganga mo,” Sabi ni prof, pero alam naming binibiro niya lang si Jefty.

“Ay, butiki!” Biglang napatingin si Jefty sa harapan, kaya bigla siyang tumayo at nag-bow. “Sorry po, prof,” Sabi niya, at nagtawanan ang buong klase.

“Magsi-upuan na kayo at may announcement ako,” Sabi ni prof.

“Okay, class, so ngayon ay may mangyayaring…” Naputol agad ang sasabihin ni prof nang biglang…

“Sabi ko na eh… bongga!” Sabi ni Jefty.

“Ikaw na mag-announce, Jefty,” Sabi ni prof.

Tumayo naman agad si Jefty habang may pakaway-kaway na parang pa-Miss Universe.

Magsasalita na sana siya nang…

“Umupo ka na,” Sabi agad ni prof, kaya nagtawanan na naman ang buong klase.

“So ayun na nga, class, magkakaroon ng merge subject ang 1st year at 3rd year ng ating university. Kaya wag na tayong magpatumpik-tumpik pa…” Sabi ni ma’am, nang biglang…

“Boom karakaraka?!” Sabat ni Jefty na may patanong ang tono.

“Jefty, manalangin! Manalangin ka na sana hindi bababa ang grado mo,” Sabi ni prof.

Nag-peace sign lang si bakla at umupo.

CHAPTER 18

Rain POV

“Hhmmm… Kuya Niko,” Mahina kong sabi.

“Niko will do,” Mahina niyang sabi.

Nagulat kayo, noh? Kung bakit ko siya kasama? Well, ganito yan:

(Flashback)

Tumahimik na kami nang nagsipasukan na ang mga 3rd year sa aming classroom, at nakita ko si Niko kasama ang mga gwapo niyang kaibigan.

Nagtilian sina Jefty, Kervy, at Ray.

“Ang sarap talaga nila,” Impit na sabi ni Jefty.

“Kaya nga, lalong-lalo na si fafa Kester,” Sabi naman ni Kervy, at may tumulo pa talagang laway… ewww.

“Pa-eu….” Hindi natuloy ang sasabihin sana ni Ray kasi tinakpan ko na agad ang bunganga niya. Alam kong bastos ang lalabas kung hindi ko siya pipigilan.

Napatingin naman sa gawi namin sina Niko, pati ang mga kaibigan niya. Ngumiti ang tatlo, pero si Niko wala man lang kahit anong expression.

“So guys, heto ang mga 3rd year, at sasabihin ko na ang mga gagawin ninyo. As in agad-agad talaga. Dapat may 8 members sa isang grupo kaya 4 dito sa ating class at 4 sa 3rd year. Now class! Move!” Dere-deretsong sabi ni prof, kaya nagsitayuan na kaming lahat at naghanap ako ng mga makakagrupo namin nina Kervy.

Napalayo ako ng kaunti sa kanila, pero habang naghahanap ako biglang may humablot sa kamay ko. Paglingon ko, nakita ko si Niko na nakahawak sa kamay ko. Sa sobrang gulat, napahinto na lang ako at nagpaubaya.

Nalaman ko na lang na nandoon na rin pala sina Kervy…

Mga baklang ito, inuna pa talaga ang landi.

CHAPTER 19

Rain POV

Dalawang araw na ang nakalipas mula nung nabuo ang grupo namin kasama ang mga 3rd year college students na sina Niko at ang kanyang mga kaibigan. Sa dalawang araw na iyon, maraming nangyari sa pagitan namin ni Niko. Not a bad thing though, pero para sa akin bad na rin… kasi nahuhulog na ang loob ko sa kanya.

Paano ko nasabi? Pasok! Flashback!

(Flashback)

Sa unang araw, nagbigay ang aming prof ng activity: gumawa ng PowerPoint presentation tungkol sa future pandemic. Dapat gamitin daw namin ang aming imagination, sabi ni prof. Kaya naisip namin na mag-research at pumunta sa library para tignan ang mga libro na may kinalaman sa mga ancient thingy.

Habang inaabot ko yung libro, biglang kinuha ito ni Niko at inabot sa akin.

Maya-maya lang, nakita ko silang naka-upo at nagbabasa… kahit alam ko naman na hindi talaga. Kasi kitang-kita mo na yung tatlong bading ay nakatitig lang sa tatlong adonis na kaharap nila. At yung tatlong kaibigan naman ni Niko, wala ring ginawa kundi magpa-pogi pose habang nagkukunwaring nagbabasa. Napabuntong-hininga na lang ako.

Lumapit ako sa gawi nila, at nakita kong kinuha ni Niko ang isang upuan at inilapit ito sa kanya. Tapos tumingin siya sa akin at sinenyasan akong umupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang nag-init ang aking pisngi.

CHAPTER 20

Continuation of Flashback

Pagkatapos nun, pumunta kami sa canteen. Habang naglalakad, nagsalita si Kester.

“Anong atin? Libre ko na,” Sabi niya. Mayayaman talaga.

“Talaga fafa Kester!” Sabi naman ni Kervy. Aba, iba din ang bading na ito!

“Treat na namin kayo, mga girls,” Sabi naman ni Val. Kitang-kita na fuckboy talaga ito.

“Ah!!! Wreck me please!” Tili naman ni Jefty. Iyot naman ang alam ng baklang ito!

“Oo, kami na ang bahala sa inyo,” Mahina namang sabi ni Lexter. Hmm… nerdy type naman ito, bagay sa eyeglass niya na bumagay pa sa kapogihan niya.

“Yes naman, fafa Lexter!” Sabi ni Ray. Umaarangkada naman ang babaitang ito!

Nakakahiya sila, hayst… Natatawa na lang ako habang iniisip ang mga kalandian nila.

“Heto na ang mga pagkain,” Sabi ni Kester at nilapag ang mga ito.

Sinimulan na naming kumain. Nagsandok na ako ng kanilang binili, pero naamoy ko na maanghang ito kaya nalayo ko ang spoon sa aking bunganga.

“Anong problema, Rain?” Tanong ni Val.

“Wait lang, fafa Kester… spicy ba yung binili mo para kay bes Rain?” Tanong ni Kervy kay Kester, at sumagot ito ng oo.

“Hala ka, fafa Kester… mega allergic si bes Rain sa spicy!” Sabi ni Kervy.

“Ganun ba? Hindi ko kasi alam. Wait lang, bibili ako ng iba.” Tatayo na sana si Kester nang biglang pinalit ni Niko ang kanyang kinakain na hindi maanghang, at kinuha ang nasa harapan ko.

“Yan na lang ang kainin mo,” Sabi ni Niko.

Ganyan ang mga galawan ni Niko sa akin sa dalawang araw na magkakasama kami bilang grupo. Kahit alam ko namang hindi siya mahuhulog sa akin… eh bakla ako eh, madaling umasa at mataas ang imagination ko.

Kaya ang masasabi ko lang is…

This is bad…

CHAPTER 21

Rain POV

Nakalipas ang isang linggo at natapos na rin ang joint class ng 3rd year college at ng mga 1st year.

Sa isang linggo na iyon, naka-close na namin sina Kester, Lexter, at Val at yun ay dahil malalandi ang tatlong bakla.

Sa isang linggo din na iyon, parang nag-iba na ang mataas na pader na nakapaligid sa amin ni Niko. May buhay na ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bunganga, hindi katulad nung unang araw kung saan nabangga niya ako sa may gate.

Papunta na kami sa canteen at nakita namin sila sa isang gilid. Tinaas ni Niko ang kanyang kamay at sinenyasan kami na lumapit sa kanila.

Lumapit kami at umupo. Nang umupo kami, napansin kong nakabili na pala sila ng pagkain at dinamihan na rin nila para hindi na kami mag-abalang bumili pa sa counter.

Habang kumakain, nagkwentuhan kami pero nakita ko sina Ganda at Beauty na nakatingin sa amin mula sa malayo. Masama ang titig na pinupukol nila sa akin.

Natapos na kaming kumain at naisipan naming bumalik sa aming classroom. Pumunta na rin sina Niko kasi iba ang dadaanan nila.

Habang naglalakad kami, biglang may bumangga sa amin.

“Oops… sorry! Akala ko kung ano na yung nabangga ko. Mga basura lang pala,” Sabi ni Ganda habang nakatitig sa akin ng masama.

“Kaya nga, sister,” Segunda naman ni Beauty.

“Anong sa—” Naputol ang sasabihin sana ni Ray nang pinigilan ko siya. Ayoko ng gulo.

Nag-flip ng buhok sina Beauty at Ganda, at pati ang mga alipores nila, saka sila umalis sa aming harapan.

“Buti na lang at pinigilan mo ako, kung hindi nasabunutan ko na yung mga bruha na yun. Hayst! Tayo na nga,” Sabi na lang ni Ray at naglakad na kami papunta sa classroom.

CHAPTER 22

Rain POV

Nandito ako sa bahay kasi Sabado ngayon, araw ng pahinga. Itutuloy ko na sana ang aking tulog nang biglang may kumatok ng malakas sa pintuan ng aking kwarto, kaya napilitan akong bumangon at buksan ito.

Nang mabuksan ko na ang pintuan, bigla akong tinulak ni Ganda at muntik na akong matumba.

“Bakit ang close mo kay Niko? Ha?!” May galit niyang tanong.

“At talagang sinama mo pa mga kaibigan mong malalandi!” Sabi naman ni Beauty.

“Hindi sa ganun,” Pilit kong tanggi.

“Sa ganun yun! Hindi ka na nga nahiya! Bakla ka na nga, malandi ka pa!” Sabi ni Ganda, sabay tulak ulit sa akin, at doon na ako natumba.

“Ginagawa mo naman ang trabaho mo para hindi nila malaman na magkapatid tayo, pero! Layuan mo rin si Niko pati mga kaibigan niya, kasi amin lang siya!” Sigaw ni Beauty.

Bagay ba sila para angkinin mo?

Yan na lang ang nasabi ko sa aking isipan.

“Tumayo ka na dyan at magluto ng makakain!” Utos ni Beauty sa akin.

“Isama mo na ring labhan ang mga damit namin. Wag kang gumamit ng washing machine! Sayang ang kuryente!” Sabi pa ni Ganda.

Kahit gusto ko na silang sumbatan, ako na lang ang nagparaya. Ayoko talaga ng gulo.

CHAPTER 23

Rain POV

Dalawang linggo na ang nakalipas at mas lalo pa akong pinapahirapan nina Ganda, Beauty, at ni Tita sa bahay, kaya lagi akong pagod at wala na halos ganang pumasok.

Pero sa dalawang linggo na iyon, lagi pa rin naming kasama ang grupo ni Niko, at mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Eh… anong magagawa ko? Bakla ako, eh…

. . .

Rhina POV

Matagal ko nang hindi nakikita si Rain, at birthday ko na sa darating na Sabado.

Kailangan ko talaga siyang makita ngayon para maimbitahan ko, kasi excited akong makita ang reaksyon ni Niko kapag nakita niya si cutie Rain sa birthday ko.

Kaya nung break time, lumabas agad ako at hindi na nagpaalam sa mga kaibigan ko.

Alam ko namang busy sila sa mga boyfriend nila.

The fuck I care! Single naman ako!!

Papasok na ako sa canteen at sakto namang nakita ko si Rain kasama ang tatlo niyang kaibigang bading.

Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makitang kahit anino ni Niko.

Kaya naisipan kong lapitan sila.

“Hi!” Bigla kong sulpot sa harapan nila at nagulat silang apat, lalo na yung tatlo.

“Oh! Ate Rhina, ikaw pala yan,” Sabi ni Rain habang nakangiti.

Ang cute niya talaga, pero dapat sabihin ko na agad ang pakay ko habang wala pa si Niko.

“Invited kayong apat sa birthday ko sa Sabado. Be sure na nandoon kayo, ah! Yun lang, bye… Make sure, Rain, na nandoon ka.” Agad-agad kong sabi.

“Yes naman!” Sabay na sabi ng tatlo, at napatango na lang si Rain kaya umalis na ako bigla sa pwesto nila.

Mahirap na kung makita pa ako ni Niko.

I’m so excited…

CHAPTER 24

Rain POV

Nandito ako ngayon sa bahay at naglilinis nang biglang itinapon ni Beauty yung laman ng basura at sinabing:

“Yan, linisin mo ulit! Ang kapal ng mukha mo!”

Napakunot ang noo ko at nagtanong,

“Anong ginawa ko?”

Biglang lumabas si Ganda galing sa kusina.

“At maang-maangan ka pa talaga! Bakit naimbitahan ka sa birthday ni Ate Rhina? Huh?! Pasipsip ka na masyado! Nung una, inahas mo na si Niko pati mga kaibigan niya, ngayon naman pati ang ate niya na si Ate Rhina! Ahas ka!” Sigaw ni Ganda.

“Paano niyo nalaman?” Takang tanong ko.

“Narinig namin sa canteen! At hindi mo pa talaga napansin na nasa likuran nyo kami. Pa-famous ka girl?!” Sabi niya sabay ikot ng kanyang mata.

Huh? Nakakalito sila. Eh ano naman ngayon kung ako ang naimbitahan at hindi sila? Kasalanan ko ba?

Habang nangyayari ang komosyon, bigla namang sumulpot si Tita.

“Anong nangyayari dito, mga magaganda kong anak?” Tanong niya kina Beauty at Ganda.

“Ehh, Mommy! Inimbitahan ang baklang yan sa birthday ng ate ng crush namin na si Niko, tapos kami hindi! I can’t!” Sumbong ni Ganda kay Tita.

For the second time around, ano naman ang magagawa ni Tita? Nakakalito silang mag-iina!

CHAPTER 25

Rain POV

Mamayang gabi na yung birthday ni Ate Rhina, at dapat formal na formal ang dapat isuot namin. Kaya naisipan nina Kervy, Jefty, at Ray na sa umaga ng Sabado ay pumunta kami sa mall para bumili ng mga damit na gagamitin namin.

Ayaw ko sana sumama kasi wala naman akong pambili, pero sinabi nila na sila na daw ang bahala. May sariling clothing company kasi sina Kervy at libre daw akong kumuha doon. Si Kervy na ang bahala sa akin, pero yung dalawa ay dapat bayaran nila ang kukunin nila kasi mayayaman naman sila, hahahaha.

Ang brand ng kanilang clothing company ay Gucci, isa sa pinakamalaking brand sa mundo.

Kaya gumising ako ng maaga para tumakas, kasi mahirap na baka hindi ako payagan ni Tita na lumabas kung magpapaalam pa ako sa kanya.

Nakabili na kami ng isusuot namin at ang napili namin ay barong na fitted sa amin. May glitter sparkle effect ito kapag natatamaan ng ilaw, at may lace designs sa magkabilang gilid. Hindi lang iyon, may backlace pa. Kayo na ang mag-imagine. Ternohan pa ng fitted glitter pants.

Pare-pareho kami ng design pero magkakaiba ang kulay: yellow kay Ray, blue kay Jefty, red kay Kervy, at ako naman ay pink.

“I’m excited mamaya!” Sabi ni Kervy.

“Same, sis! Ang daming boylet doon for sure!” Sabi naman ni Jefty.

“For sure, business matter ang mas marami doon,” Basag naman ni Ray sa kasiyahan ng dalawa kaya binatukan na lang nila si bakla.

Ano kaya ang mangyayari mamayang gabi?

CHAPTER 26

Rain POV

Nandito na kami sa labas ng mansyon nila Ate Rhina, at talagang “mansyon” ang dapat itawag dahil sa sobrang ganda at laki nito.

May guard na nagbukas ng gate, at pumasok na ang sasakyan nila Ray. Ginamit namin ang kotse nila kasi yun ang napagdesisyunan ng tatlo para bongga daw ang entrance namin. Mga kabaliwan talaga ng mga tatlong ito.

“Rain! Buti nakarating kayo,” Nakangiting sabi ni Ate Rhina. Nagkwentuhan kami sandali hanggang sa may tumawag sa kanya, isang magandang babae na nalaman naming ina pala niya.

Maya-maya lang ay nagpaalam si Ate Rhina sa amin at umalis na silang mag-ina.

Niko POV

Lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba papunta sa venue na matatagpuan sa malawak naming sala.

Nakita ko ang aking mga kaibigan kasama sina Rain at ang kanyang mga kaibigang bakla, pero biglang napako ang aking tingin kay Rain.

Hindi ko alam pero parang may parte sa akin na gusto ko talaga siyang makilala nung una, at habang tumatagal ay mas lumalalim ang kagustuhan ko na mapalapit pa sa kanya ng lubusan.

Nilapitan ko sila, at sakto namang tumugtog na ang orkestra bilang senyales na magsisimula na ang sayawan. Nilapitan ko si Rain at inilahad ang aking kamay, sabay tingin sa kanya na may ngiti.

“Will you be my partner for tonight?” Tanong ko.

Hindi siya nakaimik agad, pero inabot niya ang aking kamay habang nakangiti at mahina niyang sinabi, sakto lang para marinig ko:

“Oo naman, ikaw pa.”

CHAPTER 27

Niko POV

Kapag tinititigan ko ang mukha ni Rain, hindi ko maipaliwanag yung saya na gustong kumawala sa aking dibdib. Para bang matagal na kaming magkakilala.

Nandito kaming dalawa, magkahawak ang kamay at sumasabay sa tugtog ng orchestra. Napansin kong namumula ang mukha niya. Hindi ko alam pero ang cute niya tingnan kaya napahagikhik na lang ako.

Pero nagtataka pa rin ako kung ano yung sinabi ni Ate na ikasisiya ko raw na makita. Bago magsimula ang party ng kanyang birthday, sinabi niyang may ipapakilala siya sa akin na tiyak na ikatutuwa ko. Kaya bigla akong napaisip.

Rain POV

Hay nako! Diyos ko po! Parang mamamatay na yata ako dito sa sobrang kilig dahil hindi ko ito mailabas. Nasa harapan ko si Niko! Ang gwapo, ang kinis ng mukha, nahiya pa yung iilang pimples ko, at ang bango pa niya.

Sinasabayan lang namin ang tugtog ng orchestra nang bigla itong napatigil. Nagtaka ako at tinignan si Niko, at nakita kong nakatingin siya sa isang direksyon. Sinundan ko ng tingin kung sino ang tinitignan niya at nakita ko ang isang magandang dalaga na nakatayo sa malaking pintuan. Nakasuot siya ng magandang gown na bumagay sa balingkinitan niyang katawan.

Biglang kumalas si Niko mula sa sayawan namin at iniwan na lang akong nakatayo. Mabilis siyang lumapit sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit habang may ngiti sa kanyang mukha.

Hindi ko alam pero biglang sumikip ang aking dibdib. Kaya umalis na lang ako sa malawak na venue at lumabas para makalanghap ng sariwang hangin at mailabas ang sakit na aking nadarama.

CHAPTER 28

Rhina POV

Nakita ko lahat ng mga kaganapan: kung paano iniwan na lang basta ni Niko si Rain at nilapitan si Lucy, at kung paano nasaktan si Rain sa nangyari at lumabas papunta sa swimming pool area ng mansyon.

As much as gusto kong sampalin ang aking dakilang kapatid, hindi ko magawa. I really hate that girl.

Kaya lumabas ako at sinundan si Rain. Nakita ko siyang nakaupo sa may bench at nakatingin sa bilog na buwan.

“Are you alright, Rain?” Tanong ko sa kanya.

Nagulat siya nang makita ako pero ngumiti din ito at sumagot ng,

“Huh? Oo naman, Ate Rhina.” Sagot niya, kahit ramdam ko namang malungkot siya.

“May something ba na bumabagabag sayo?” Tanong ko, just in case lang naman.

“Wala naman, Ate.” Sabi niya. Tinanong ko pa siya ulit kung ano talaga pero wala akong makuhang matinong sagot.

“Hindi mo ba talaga naaalala? O ayaw mo lang alalahanin?” Tanong ko.

Rain POV

Napakunot ang aking noo at tinignan si Ate Rhina.

“Ano ang ibig mong sabihin, Ate? Meron ba akong kailangang tandaan?” Tanong ko.

“Oh come on, Rain. Si Niko! Siya yung bata na lagi mong kasama noon. At ikaw naman ang bata na laging kasa-kasama ni Niko nung bata siya. You were like best friends, couple pa nga kasi super possessive ni Niko sayo.” Mahabang kwento ni Ate Rhina na dahilan ng aking pagkalito kung ano talaga ang sinasabi niya.

“Ate Rhina, respeto ko lang po sayo pero wala akong kilalang Niko nung bata ako. Kasi bilang lang ang mga kaibigan ko noon.” Seryosong sabi ko sa kanya, at natahimik si Ate Rhina.

CHAPTER 29

Rhina POV

Kwinento ko na lahat kung paano sila nagkakilala ni Niko pero wala pa ring naaalala si Rain.

“Laham.” Sabi ko sa kanya.

“Laham? Ano yun, Ate?” Tanong niya.

“Yan ang tawagan ninyo ni Niko. Laham. Pag binaliktad mo, magiging mahal.” Sabi ko at tumingin ako sa langit.

Rain POV

Laham… Mahal…?

Biglang may nagpakitang mga imahe sa aking isipan, tila ba isang ilaw na nagbigay liwanag sa lahat ng sinasabi ni Ate Rhina.

(Flashback)

Naglalaro ako sa playground nang biglang may pumaradang magarang kotse at lumabas ang isang batang lalaki, pero wala akong pakialam at nagpatuloy lang ako sa paglalaro.

Maya-maya lang ay may narinig akong batang umiiyak. Nang tinignan ko ito, nakadapa siya sa harapan ng batang bumaba mula sa kotse.

Nilapitan ko ang dalawa at tinulungan ko ang batang nakadapa.

“Why are you helping him?!” Singhal ng batang may kotse. Kahit bata pa ako, nakakaintindi naman ako ng kaunting English.

“Bakit siya umiiyak? Anong ginawa mo?” Tanong ko naman.

“He deserves it! Dinumihan niya ang damit ko.” At napansin ko ngang may dumi ang kanyang damit.

“Para yun lang! Ang arte mo!” Sabi ko.

Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Araw-araw kaming pumupunta sa playground kasama si Niko, at si Lexter pala yung batang tinulak niya nung una naming pagkikita.

Isang araw, nadatnan ko si Niko sa playground at wala pa rin si Lexter kaya naisipan kong gulatin siya. Nilapitan ko siya at bigla ko siyang ginulat.

“Ano yan?” Tanong ko sa kanya kasi may sinusulat siya sa buhangin.

“Laham ko si Rain”

Yan ang nakasulat. Tinanong ko siya kung ano ang ibig sabihin nun, at sinagot niya ako:

“Laham, kabaliktaran ng mahal. Oo Rain, mahal kita.” Sabi ni Niko na nagpagulat sa akin.

“Huh?! Hindi pwede, pareho tayong lalaki.” Sabi ko, pero deep inside gusto ko din siya.

“Wala akong pakialam, mahal kita, at papakasalan kita paglaki natin.” Sabi niya habang nakangiti.

CHAPTER 30

Rain POV

Ngayon ay naalala ko na lahat ng mga kaganapan nung bata ako. Naalala ko yung pagkakaibigan namin nina Lexter.

Pero asan na si Lexter? Yan ang tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Binalewala ko muna iyon at tumayo ako, sabay yakap kay Ate Rhina.

“Salamat, Ate. Naaalala ko na si Niko. Teka lang, kailangan ko siyang kausapin,” Masaya kong sabi, at nagmamadali akong pumasok sa venue.

Rhina POV

Gusto ko sanang pigilan si Rain pero nakapasok at nakalayo na siya sa akin.

“Naaalala mo nga siya… pero siya, hindi ka naman naaalala,” Mahina at malungkot kong bulong sa hangin. Kaya naisipan kong sundan siya papasok sa mansyon.

Niko POV

Masaya ako kasi nakita ko ulit ang aking first love na si Lucy. Maya-maya lang ay tumugtog ulit ang orchestra kaya…

“May I take this dance?” Tanong ko kay Lucy. Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa gitna para sumayaw.

“May sasabihin ako sa’yo, Niko,” Sabi niya, at tinignan ko siya.

“Pasensya na kung ngayon lang ulit ako bumalik,” Sabi niya.

“Okey lang, at least bumalik ka,” Sabi ko.

“Bumalik ako kasi… mahal kita,” Sabi niya, na labis kong ikinagulat. Nagulat ako kasi gusto din pala niya ako. Pero mas nagulat ako sa sarili ko, kasi parang ayokong tanggapin ang nararamdaman niya na dapat sana, noon pa lang ay tinanggap ko agad. Anong nangyayari sa akin?

At bigla na lang niya akong hinalikan sa gitna ng dance floor. Dahil doon, maraming nakakita at nagpalakpakan pa ang mga tao.

CHAPTER 31

Rain POV

Pumasok ako na may ngiti sa mukha kasi naalala ko na kung sino talaga si Niko sa buhay ko.

Nang marinig ko na nagpalakpakan ang mga bisita, tinignan ko kung ano ang nangyayari. Doon ko nakita na magkahalikan sina Niko at Lucy sa gitna ng sala ng mansyon. Hindi ko alam pero nasaktan talaga ako sa aking nakita, at hindi ko kayang magtagal sa loob. Parang nasasakal ako.

Sa minutong iyon, may pumatak na luha mula sa aking mata kaya dali-dali kong pinunasan ito at tumakbo palabas ng mansyon.

Niko POV

Nakita ko si Rain na nakatingin sa amin at nagulat ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin nang makita kong tumakbo siya palabas ng mansyon.

Rain, teka lang!

Yan ang gusto kong isigaw pero hindi ko magawa nang biglang…

Pinaharap ako ng isang tao at nakita kong si Ate ito. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong sinampal ng malakas, dahilan para magulat ang mga bisita, lalo na sina Mom at Dad.

“Baby! What are you doing?!” Gulat na tanong ni Mom kay Ate, pero hindi siya sumagot.

“I don’t care kung wala kang naaalala, you idiot!” Singhal niya sa akin. Gusto kong magsalita pero parang natuyo ang lalamunan ko.

“Hindi nga maalala ng utak mo, pero alam ko na naaalala siya ng puso mo! Sadyang hindi mo lang pinapansin ang puso mo! I hate to say this but I wish you will not remember him forever!” Malakas niyang sabi, at umalis. Pero bago siya tuluyang umalis, tinignan niya ng masama si Lucy.

Him?

Yan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.

CHAPTER 32

Rain POV

It’s been a week mula nang makita kong nagkahalikan sina Lucy at Niko, at sa isang linggo na iyon, ang dami talagang nangyari.

Noong Lunes, nag-transfer si Lucy sa university na pagmamay-ari ni Niko. At laking gulat ko na lang nang malaman kong magkaibigan pala silang tatlo nina Ganda at Beauty.

Nakikita ko pa rin si Niko, pero iniiwasan ko siya. Masakit pa rin kasi yung nakita ko eh… Oo na! Ako na ang feelingera! Pero ganito talaga ako pag nainlove ako sa isang tao… kaya hinahanap ko lahat ng paraan para lang makaiwas.

Nakikita ko sina Lucy at Niko na magkasama tuwing break time.

Ang mas nakakagulat pa, ang ugali ni Lucy. Kasi noong Miyerkules, bigla nila akong kinorner kasama sina Ganda at Beauty.

(Flashback)

Naglalakad ako papuntang CR nang biglang may humablot sa braso ko at isinandal ako sa pader. Nang tingnan ko kung sino, nakita ko sina Beauty, Ganda, at Lucy.

“Siya ’to, bes! Siya ang umaahas kay Niko,” sabi ni Beauty, sabay turo sa mukha ko nang malapitan.

“Yes! Super duper 100 percent!” segunda ni Ganda.

Lumapit si Lucy at inilapit ang kanyang bibig sa tenga ko.

“Wag na wag kang lalapit kay Niko. Kasi pag ginawa mo yun, ipapahiya ko ang mga stepsister mo hanggang sila mismo ang kusang umalis sa university na ito. Nagtataka ka no? I do have my ways. Uunahin ko sila at ihuhuli kita… kaya wag na wag kang lalapit kay Niko.”

Pagkasabi niya nun, lumayo siya at ngumiti ng nakakatakot.

Kahit papaano, kahit anong ginagawa sa akin ng mga stepsister ko, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para sa kanila. Ako na ang martyr!

Napatingin ako kina Ganda at Beauty na nakataas ang kilay at nakatingin sa akin, tapos tumingin kay Lucy.

“Makakaasa ka,” mahina kong sabi kahit labag na labag sa kalooban ko.

CHAPTER 33

Rain POV

Nakalipas ang tatlong araw mula nang mag-cross ang landas namin ni Lucy at mas lalo ko pang iniiwasan si Niko kahit na nakikita ko pa siya mula sa malayo. Mahirap na baka may masamang gawin si Lucy kina Ganda at Beauty.

“Bes, recess na tayo,” sabi ni Kervy kaya tumango ako at naghanda kaming pumunta sa canteen.

Habang kumakain kami biglang may nagsalita sa aking likuran na siyang nagpatigil sa pagkain ko.

“Buti naabutan kita dito,” sabi ng isang pamilyar na boses. Paglingon ko nakita ko si Niko na nakatayo sa likuran ko. Kasabay noon napansin ko sina Lucy kasama sina Ganda at Beauty na kakapasok lang sa canteen.

Agad kong niligpit ang gamit ko at sinubukang umalis sa harap ni Niko pero nahawakan agad niya ang kamay ko.

“Please, kausapin mo ako. Gusto kong magpaliwanag,” sabi niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipaliwanag kung tungkol pa rin ba ito sa halikan nila ni Lucy sa birthday ni Ate Rhina. Mas lalo lang akong nasasaktan kapag naaalala ko iyon.

“Bitawan mo ako,” seryoso kong sabi.

“Hindi. Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo pa ako kinakausap,” sagot niya. Pero naaalala ko pa rin ang banta ni Lucy at kung ano ang pwedeng mangyari kina Ganda at Beauty kaya…

“Bitaw sabi eh!” sigaw ko at pilit kong kinalas ang pagkakahawak niya. Mabilis akong umalis at nilagpasan sina Lucy. Kitang-kita ko pa na pinanlalakihan ako ng mata nina Ganda at Beauty na parang sinasabi ng tingin nila na slut at bitch.

Hayst…

CHAPTER 34

Rain POV

Nandito ako sa may waiting area ng parking lot dito sa university. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Gusto kong sumigaw pero baka sabihin nila nababaliw na ako.

“Ano bang nangyayari sa inyo ni Niko, bes?” tanong ni Ray. Hindi ko man lang napansin na sumunod pala sa akin ang mga bakla. Hindi ko pa nasasabi sa kanila yung nangyayari kasi ayokong madamay sila sa problema ko.

Umupo silang tatlo sa tabi ko at tahimik lang kami saglit.

“Wala, wala lang ito. Ayoko lang madamay kayo sa problema ko kasi kaya ko pa naman,” nakangiti kong sabi sa kanila kahit ang bigat sa dibdib.

Napabuntong-hininga silang tatlo.

“Teka lang, sabay pa talaga kayo?” natatawang tanong ko para maiba ang usapan.

“Kebs, whatever!” sabi ni Jefty.

“Wala ka nang pake, bakla ka!” natatawang sabi naman ni Kervy.

“Period!” dagdag naman ni Ray habang nakangiti at nakatingin sa akin.

“Gusto mo ba si Niko?” seryoso biglang tanong ni Jefty. Napatahimik ako. Maya-maya lang, pumatak na lang ang luha ko. Nagulat sila at agad nila akong niyakap kaya napahagulgol na lang ako sa bisig ng mga kaibigan ko.

“Oo eh… Mahal ko na yung tao pero ang sakit-sakit lang kasi yung nakita ko nung birthday ni Ate Rhina. Mas lalong nawala ang pag-asa ko nung nalaman ko na first love pala ni Niko si Lucy,” umiiyak kong sabi.

“Ano ka ba, bakla ka! Naiiyak na rin ako!” sabi ni Ray habang nagpupunas ng luha.

“Ang saklap pala ng dinadamdam mo, babaita ka. Tahan na!” sabi ni Kervy na pinapakalma ako.

“Tama na iyak, bes. Ililibre kita tuwing recess kaya tama na yan,” naiiyak na rin sabi ni Jefty.

Habang nag-iiyakan kami, may isang taong nakatayo sa di kalayuan na nakarinig ng lahat ng pinag-usapan namin. Tahimik siyang umalis at hindi namin napansin…

CHAPTER 35

Rain POV

Tok! Tok! Tok!

Malakas ang katok sa pintuan ko kaya binuksan ko ito. Bigla akong tinulak ni Beauty dahilan para mapasandal ako sa pinto.

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Isa kang dakilang ahas! Pwede bang lumayo-layo ka kay Niko!” galit na sabi ni Beauty sa akin.

“Oo! Kasi nakakahiya kay soon-to-be girlfriend niya na si Ate Lucy!” sabat naman ni Ganda.

I am freaking saving your dignities! Pero hindi na lang ako lumaban at hinayaan silang sabihin ang gusto nila. Sila rin ang mapapagod sa kakasigaw.

The next day

“Break time na!!!” masayang sabi ni Jefty.

“Sana lang hindi natin makita si Fafa Niko na manhid, pati na rin yung mga kaibigan niya na mga fafa din na manhid sa ating pag-ibig,” biro ni Kervy na ang tinutukoy ay silang tatlo kasi crush nila yung barkada ni Niko. Talagang by pair pa ang mga loka-loka.

Papasok na kami sa canteen nang mapansin naming may nagkukumpol sa gitna.

At dahil chismosa ang mga bakla, agad silang naglakad papunta roon at napasama na rin ako.

Pagdating namin, nagulat ako sa nakita ko.

“Diba mga step sister mo yan?” tanong ni Kervy sa akin.

Nakita namin sina Beauty at Ganda na nakaluhod sa sahig habang binubuhusan sila ng juice ni Lucy.

Sa sobrang inis ko at awa ko sa kanila, bigla ko na lang hinawi ang mga estudyanteng nakaharang at nilapitan si Lucy. Pinigilan ko ang kamay niyang nakataas, na pabadyang ibubuhos ulit ang juice sa dalawa.

CHAPTER 36

Rain POV

“Ohhhh the bitch is here” sabi ni Lucy habang nakangising nakatingin sa akin.

“Saving your sipsip sisters, oppss!! Step sister I should say” dagdag pa niya, na nagpagulat sa ibang studyante, pero yung iba naman ay walang pakealam.

Lumapit si Lucy sa akin at bumulong, “Diba sinabi ko sayo na layuan mo si Niko? Pero anong ginawa mo, hindi ka sumunod kaya yan ang napala ng mga step sisters mo.”

Lumayo siya at napakuyom na lang ako ng aking kamao. Nakita ito ni Lucy.

“Ano? Susuntukin mo ako? Sige suntukin mo ako bakla ka!” Sigaw niya habang hinawakan ang kamay ko at tinutok sa mukha niya. Paulit-ulit niyang sinasabi na suntukin ko siya. Pero inagaw ko ang kamay ko at tinulak ko siya ng malakas dahilan para matumba siya.

Biglang…

“What are you doing!?” malakas na tanong ni Niko, at nilapitan si Lucy para tulungan siyang tumayo.

“Hindi… sa..” magpapaliwanag na sana ako pero biglang umiyak si Lucy at yumakap kay Niko. Masakit sa mata ang aking nakita.

“Tinulak niya ako Niko. Tinutulungan ko lang naman ang mga kaibigan ko na sina Beauty at Ganda kasi tinapunan niya ang dalawa ng juice pero muntikan na niya akong sinuntok. Buti na lang nakailag ako pero tinulak niya ako ng malakas.” umiiyak na sabi ni Lucy.

Tumingin sa akin si Niko nang napakasama.

Magsasalita na sana ako pero…

“Umalis ka sa harapan ko.” mapaklang sabi ni Niko. At dahil doon, parang nabasag ang puso ko.

Dali-dali akong lumabas ng canteen at patakbong tumakbo palabas ng university.

Sakto naman na nakita ko si Ate Rhina at magsasalita na sana siya pero nilagpasan ko siya. Wala na akong pakealam sa paligid ko dahil nasasaktan pa rin ako.

Nakalabas na ako ng gate.

“Rain teka lang!” sigaw ni Ate Rhina. Hindi ko namalayan na sinundan pala niya ako pero deretso pa rin ako sa pagtakbo ng biglang may mabilis na sasakyan na paparating sa akin.

“Rain!!!!” sigaw ni Ate Rhina.

Sa ilang segundo, napatingin ako sa gawi niya at ngumiti.

Bogggsshhh!!!

CHAPTER 37

Kervy Pov

Kaganapan sa canteen

Nakita naming tatlo na tumakbo si Rain palabas kaya napatingin ako kina Jefty at Ray.

“Sundan ninyo si Rain, ako nang bahala dito,” sabi ko, at tumango ang dalawa saka agad na hinabol si Rain.

Ako naman ay hinawi ang mga studyante at nilapitan si Lucy na nakayakap kay Niko. Hinawi ko si Lucy at sinampal ng pagkalakas-lakas, dahilan para magulat ang lahat.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Niko.

“Manahimik! Manahimik ka kasi wala kang alam!” sigaw ko sa kanya.

“Oy… oy… oy…” biglang sulpot ni Kester kasama sina Val at Lexter.

“Hayop ka!” malakas na sabi ni Lucy, at sasampalin na sana niya ako pero agad akong umilag. Sinampal ko ulit siya ng malakas hanggang sa natumba ito. Nilapitan naman ni Niko si Lucy at tinulungan tumayo.

“Sya pa talaga ang tinutulungan mo? Sana sa mga oras na ito si Rain dapat ang sinundan mo!!” sabi ko kay Niko, ramdam ko ang galit at inis sa boses ko.

“Ano bang pinagsasabi mo?” tanong ni Niko, halata ang inis at kalituhan.

“Yang babaeng yan lang naman ang totoong may kasalanan at pinagtatanggol lang ni Rain ang mga step sisters niya. Natyambahan mo lang na nakita mo yung pagtulak niya kay Lucy!” Tumingin ako kina Ganda at Beauty, na obvious na natakot.

“Kayong dalawa dyan!!! Magsalita kayo!!!” sigaw ko sa kanila, hindi ko na matiis.

“Tama siya… pinagtatanggol lang kami ni Rain sa kamay ni Lucy,” mahina pero ramdam ang pag-amin ni Ganda, at tumango-tango naman si Beauty na parang batang napagalitan.

CHAPTER 38

Kervy Pov

“Pero kahit ganun, hindi dapat siya nananakit ng babae.” Sabi naman ni Niko.

“What!!!???” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Niko ng biglang

Jefty Pov

Sinundan namin si Rain at nakita naming pinansin siya ni Ate Rhina, pero nilagpasan lang siya ni Rain. Kita rin namin na sinundan ni Ate Rhina si Rain habang tumatakbo.

Tatlo na kaming humahabol ng biglang

Bogshhhh!!!

Nakita namin ang mabilis na sasakyan na sumalpok sa katawan ni Rain. Napahinto kami ni Ray sa pagtakbo, parang natuyo ang dugo ko sa takot.

Narinig namin ang sigaw ni Ate Rhina, kaya nilapitan namin sila pero hindi kami makagalaw, nanghihina ang tuhod ko.

“Anong ginagawa nyo!!! Tumawag kayo ng ambulansya!!!” Sigaw ni Ate Rhina, at doon lang ako natauhan. Agad kong nilabas ang cellphone ko at tumawag ng ambulansya.

Habang ginagawa ko iyon, dumami na ang mga taong nakatingin kay Rain, pero pakiramdam ko’y kami lang ang nandun.

Ray Pov

Hindi ko napigilang umiyak sa nakita ko. Tumawag na si Jefty ng ambulansya, at ako naman ay dali-daling tumakbo pabalik ng canteen para sabihin kay Kervy ang nangyari.

Kervy Pov

“Kervy!!!” Sigaw ni Ray, at napatingin ako sa gawi niya. Nakita kong tumatakbo siya palapit sa akin, umiiyak.

“Si Rain!” Umiiyak niyang sabi.

“Bakit?! Anong nangyari?!” Kinakabahan kong tanong, parang ayokong marinig ang sagot.

“Na… nabangga siya.” Humagolgol si Ray, at sa narinig ko, parang tumigil ang mundo ko.

Napalingon ako kay Lucy na nanatiling tahimik, at hindi ko napigilang mapuno ng galit ang dibdib ko.

“Babalikan kita. Lintik lang ang walang ganti.” Madiin kong sabi kay Lucy. Tumakbo kami ni Ray palabas ng canteen.

Niko Pov

Nabangga siya… Nabangga siya…

Paulit-ulit lang iyon sa isip ko, parang nanlalamig ang buong katawan ko.

Tumayo ako, pero nagsalita si Lucy.

“Saan ka pupunta? Pupuntahan mo na naman ang baklang yu—”

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nilapitan ko siya, lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kanyang panga.

“Kung may masamang mangyari kay Rain, hinding-hindi kita mapapatawad.” Sabi ko, ramdam ko ang bigat ng bawat salita.

Tumakbo ako palabas ng canteen, kasama ang mga kaibigan ko.

Paglabas namin, nakita namin ang ambulansya na sinusugod si Rain. Kitang-kita ko ang katawan niyang halos walang malay, at parang dinudurog ang puso ko sa bawat segundo.

Pumunta kami agad sa kotse ko at sinundan ang ambulansya papunta sa ospital, kahit wala pa ring kasiguruhan kung aabot pa kami sa kanya nang buhay.

CHAPTER 39

Niko Pov

Taranta akong tumakbo papasok sa ospital at nakita ko sina Kervy, Jefty, Ray, at si Ate Rhina na nasa labas ng ER. Lumapit ako, at sakto namang nakita ako ni Ate Rhina. Tumayo siya at hinarap ako.

Pakkk!

“Idiot! Ang kapal ng mukha mo na pumunta dito!” Sinampal niya ako, at ramdam ko ang galit sa bawat salitang binitawan niya. Niyakap ko siya habang patuloy niya akong sinusuntok sa dibdib.

“Sorry,” Mahina kong sabi.

“Sorry? Sorry? Dahil sa’yo nangyari yun sa kaibigan namin!” Sigaw ni Kervy sa akin. Lumapit na rin ang tatlo. Buti na lang at nandito rin ang mga kaibigan ko.

“Alamin mo muna kasi ang mga nangyayari bago ka magsalita!” Sigaw naman ni Jefty, at tama siya.

“Manhid ka kasi!” Sabi ni Ray.

“Oo! Sorry! Sorry sa mga sinabi ko. Sorry rin kasi dahil sa akin nangyari ito kay Rain. Pero sana huwag ninyong sabihin na manhid ako, kasi gusto ko rin si Rain.” Sabi ko, pilit na inilalabas ang totoo kong nararamdaman.

Biglang kumalas si Ate Rhina sa akin.

“Wag na wag mong sasabihin na gusto mo siya dahil lang sa mga nangyari sa kanya. Hindi mo ba talaga siya naaalala? Siya si Rain, yung batang kasa-kasama mo noon! Yung batang sinasabi mong mahal mo noon! At yung batang sinabi mong papakasalan mo!” Bulyaw ni Ate Rhina, at nagulat kaming lahat sa kanyang sinabi.

“A-a-anong pinagsasabi mo, Ate… aaack!” Biglang kumirot ang ulo ko dahil may mga imahe ng isang batang lalake na lumabas sa isipan ko. Lalong sumasakit ang ulo ko, at dahil sa sobrang sakit ay nawalan ako ng malay. Buti na lang may nakasalo sa akin bago ako tuluyang pumikit.

CHAPTER 40

Niko Pov

Nandito ako sa isang madilim na lugar nang biglang may mga imahe na nagpakita sa akin.

May nakita akong tatlong batang naglalaro sa isang park at nilapitan ko sila.

Nagulat ako kasi nakita ko ang batang ako. Inakala ko na makikita ko si batang Lucy pero wala siya. Dalawang lalaki ang kasama ko, pero hindi ko makita ang kanilang mga mukha.

Bigla akong bumalik sa madilim na lugar at may isa na namang scenario na nagpakita.

Nilapitan ko ulit ito at nagulat ako sa aking narinig.

“Gusto kita, Rain.” Sabi ng batang ako, at mas nagulat ako nang marinig ko ang pangalan na Rain.

Litong-lito ako. Rain? Bakit hindi si Lucy ang kasama ko?

Yan ang mga tanong na umiikot sa isip ko, pero may parte sa akin na masaya kasi nalaman kong si Rain pala ang unang taong nagustuhan ko.

Pero bakit ako nawalan ng alaala?

Biglang lumabas ang isang bata sa gilid at malinaw kong nakita ang mukha niya.

“Anong ibig sabihin nito?” Tanong niya.

Nagulat ang batang ako at si batang Rain.

Lumapit ang batang iyon sa amin.

“Teka lang,” Sabi ng batang ako.

“Bakit? Niko! Sinabi ko naman sa’yo na gusto ko si Rain! Pero anong ginawa mo?” Tanong ng bata sa batang ako.

“Wala akong magagawa, Lexter. Gusto ko siya, si Rain!” Nabigla ako kasi si Lexter pala iyon. Ngayon, naaalala ko na rin siya.

Lumapit ang batang Lexter kay Rain, hinila siya at itinakbo palayo sa batang ako. Pilit hinahatak ni Rain ang kamay niya pero hindi niya ito mahila.

Tumakbo ako para habulin sila at nahawakan ko ang isang kamay ni Rain, pero biglang hinarap ni Lexter ang batang ako at naghilaan kami.

Peeeeeep!

Isang malakas na busina ng sasakyan ang papalapit sa amin. Dahil sa taranta, ako at si Lexter ay pareho naming itinulak si Rain at itutulak na sana ng batang ako si Lexter pero pareho na kaming nabangga.

Habang nasasaksihan ko ito, napansin kong pumatak na pala ang luha ko na hindi ko namalayan.

Tinatakbo nila ang katawan ko at si Lexter papunta sa ER. Maya-maya, dumating si Rain na umiiyak kasama si Ate Rhina.

Lumabas ang isang doktor na nag-aasikaso kay Lexter at sinabi na wala na siyang buhay. Dahil doon, nakaramdam ako ng matinding lungkot at kilabot.

Patawad, Lexter. Makakaasa ka na aalagaan ko si Rain. Tinignan ko si batang Rain na umiiyak dahil sa sinapit ni Lexter.

Biglang nag-iba na naman ang scenario.

Nakita ko ang batang ako na nakatingin sa bintana nang pumasok si Rain na masayang-masaya.

“Niko, gising ka na pala!” Masaya niyang sabi.

“Sino ka?” Tanong ng batang ako kay Rain. Nagulat ang mga magulang ko at may kasama silang batang babae, si Lucy pala iyon.

Niyakap ni Ate Rhina si Rain na umiiyak at sinabi ni Mommy na ilabas na muna siya.

Lumabas ang dalawa.

“Heto si Lucy, anak. Kaibigan mo siya.” Sabi ni Mom sa batang ako. Nagtaka ako kung bakit nila sinabing kaibigan ko siya kahit hindi ko pa siya kilala.

Nag-iba na naman ang scenario. Nakita ko sina Mom, Dad, Lucy, Ate Rhina, at Rain.

“Gusto kong huwag ka nang magpakita sa aming anak.” Sabi ni Dad kay Rain. Nagulat ako sa aking nakita.

“Ano yan, Dad? Mom? Anong pinagsasabi ni Dad?” Tanong ni Ate Rhina.

“Tama ang Dad mo. Mas makakabuti iyon kay Niko. Kaya please, Rain, huwag ka sanang magpakita kay Niko. Pinakilala na namin si Lucy bilang kanyang kaibigan para na rin mapaghandaan ang arrange marriage nila paglaki.” Sabi ni Mom. Kaya pala ginawa nila ito nung nawalan ako ng alaala, kasi gusto nila akong ipakasal kay Lucy paglaki.

Tumakbo si Rain at susundan na sana siya ni Ate pero bago yun ay nagsalita muna siya.

“Sa araw na maalala ni Niko si Rain, sana huwag na kayong makialam!” Sigaw ni Ate Rhina. Hindi nila namalayan na ang batang ako ay nakasilip pala sa pintuan kasi nasa labas lang sila ng private room ko. Ito ang pinakaimportanteng alaala na aking nakalimutan hanggang sa paglaki ko.

CHAPTER 41

Niko Pov

Bigla akong nagising at nakita ko ang puting dingding.

“Gising ka na pala,” sabi ni Ate Rhina.

“Ate…” mahinang sabi ko.

“Don’t think na mapapatawad kita,” sabi niya.

“I know, Ate, pero naaalala ko na ang lahat,” mahinang sagot ko at napatingin siya sa akin. Napatayo siya.

“Totoo? Okay fine, pinapatawad na kita,” sabi niya kaya napakamot na lang ako sa ulo.

“Ilang araw na akong tulog?” tanong ko.

“It’s been three days,” sagot niya.

“Kumusta naman si Rain?” tanong ko. Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Ate.

“Gising na siya,” sabi niya, at napalawak ang ngiti ko.

“Talaga Ate!? Puntahan ko siya,” masaya kong sabi.

“Stupid, kagigising mo pa lang. Huwag ka munang gumalaw diyan,” bulyaw niya.

“Okay na talaga ako,” sabi ko at excited na tinanggal ang dextrose sa kamay ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto.

“Saan ka pupunta? Sundan mo ako,” sabi ni Ate at sumunod naman ako. Maya-maya lang ay narating namin ang isang kwarto.

Kinakabahan ako kasi iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Rain kapag sinabi kong naaalala ko na siya.

Pumasok kami sa kwarto ni Rain at nakita ko siyang nakaupo sa kama, nakatingin sa bintana. Napatingin siya sa amin at napangiti, kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Ate Rhina, nandyan ka pala,” masaya niyang sabi at napatingin sa akin.

“Sino siya?” simpleng tanong ni Rain kay Ate. Doon na parang bumagsak ang mundo ko.

Bakit? Bakit parang nauulit ang mga nangyari noon? Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

“Ako ito, si Niko. Si Laham mo,” sabi ko. Laham, kabaliktaran ng mahal, yan ang tawagan namin noon. Pero malakas siyang kumawala sa yakap ko.

“Pasensya na ha, pero hindi kita kilala! Kaya lumayo ka kung ayaw mong magpatawag ako ng security!” sabi niya.

Hinawakan ni Ate ang likuran ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Lumabas muna tayo,” mahina niyang sabi.

“Labas muna kami, Rain. Huwag kang mag-alala, hindi siya masamang tao. Sadyang may naalala lang siya tungkol sa’yo,” sabi ni Ate kay Rain.

Lumabas kami at napasandal ako sa pinto. Napahawak ako sa mukha ko.

“Bakit ganun, Ate? Ngayon pa na naalala ko na siya, bakit ganito?” mahinang sabi ko. Niyakap na lang ako ni Ate.

“Magpakatatag ka. Ang pwede mo na lang gawin ay iparamdam kay Rain na espesyal siya sa’yo. At asikasuhin mo na rin ang mga studyante sa university mo,” sabi niya. Tama siya. Dapat iparamdam ko kay Rain na mahalaga siya at ayusin ko rin ang university.

Kinabukasan, pumasok ako sa university at dumiretso sa classroom. Kitang-kita ko si Lucy na tumatawa na parang walang nangyaring masama. Nilapitan ko siya at nilapag sa harap niya ang kasulatan na banned siya sa lahat ng universities dito sa Pilipinas. Hindi ko ito magagawa kung wala ang tulong ng mga kaibigan ko, malalakas din kasi ang background ng parents nila.

“Ano ito?” gulat na tanong ni Lucy.

“Basahin mo para alam mo,” malamig kong sabi. Binasa niya at nakita ko ang gulat sa mukha niya.

“You cannot do this to me!” sigaw niya at tumayo.

“Actually, I can. Kaya umalis ka na sa harapan ko. Kunin mo na gamit mo at lumabas. Lucy, you are banned in all universities here in the Philippines,” seryoso kong sabi.

“Bakit? Dahil ba kay Rain? Dahil sa baklang yu…” Pak! Sinampal siya bigla ni Kervy at nagulat ako kasi hindi ko man lang napansin ang pagpasok nila.

“Pumunta kami dito kasi galit pa kami sa’yo pero ang kapal pa rin talaga ng mukha mo. May gana ka pang pagsalitaan ng masama ang kaibigan namin!” sigaw niya.

“Niko, look! Sinampal niya ako!” paawa na sabi ni Lucy.

“You deserve it. Kaya umalis ka na para hindi ka magmukhang tanga sa harap ng mga kaklase ko. Nakakahiya,” sabi ko. Kinuha niya ang bag niya at bago makalabas, humarap siya sa amin.

“Pagbabayaran nyo ito!” sigaw niya.

“Madapa ka sana,” sabi ni Ray. At nadapa nga siya kaya dali-dali siyang tumayo at umiiyak na umalis.

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

“So, anong plano mo ngayon na hindi ka naaalala ni Rain?” tanong ni Kervy.

“Kaya nga. Dahil sa traumang dinulot mo sa kanya, siya na mismo ang gumawa para makalimutan ka,” sabi ni Jefty.

“Tama ka dyan, bes,” segunda ni Ray.

“Huwag kayong mag-alala. Hindi nawawalan ng plano ang kaibigan namin,” sabi ni Kester.

“Siyempre,” segunda ni Val.

“Oo, andito naman tayo na tutulong sa kanya, diba?” sabi ni Lexter. Naalala ko ulit ang kababata ko na si Lexter.

“Huwag kayong mag-alala. Bibisitahin ko si Rain araw-araw para maramdaman niya ang pagmamahal ko sa kanya,” nakangiti kong sabi.

FINAL CHAPTER

NIKO POV

“Okay class, bukas ng gabi na gaganapin ang ball night, and I ask you all to wear your formal attires,” sabi ni prof.

Two weeks nang nasa ospital si Rain. At sa dalawang linggong iyon, lagi ko siyang dinadalaw pagkatapos ng klase. Kahit na sinusungitan niya ako, I still find it cute. Mahal ko siya eh.

Pero sana kung nandito siya, siya sana ang partner ko ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Dumiretso ako sa ospital at nadatnan ko si Rain na nag-iisa. Napatingin siya sa akin.

“Nandito ka na naman,” sabi niya.

“Hinding-hindi ako mapapagod na dalawin ka,” nakangiti kong sabi.

“Tsskk…” yan na lang ang nasabi niya. Haha, cute.

Nilapitan ko siya at umupo. Napansin ko ang mansanas kaya kinuha ko ito, binalatan, at ibinigay sa kanya.

“Hindi ka pa rin ba pwedeng lumabas?” tanong ko.

“Hindi pa daw sabi ni Ate Rhina. Kahit gusto ko na, ayoko naman siyang mag-alala,” sagot niya. Tsskk… si Ate Rhina na naman. Nagseselos na ako sa kapatid, agghh…

“Ganun ba, gusto sana kitang ipasyal,” sabi ko.

Biglang pumasok ang mga kaibigan niya.

“Nandito na sila, kung pwede ay umalis ka na,” malamig niyang sabi. Kaya wala na akong nagawa at nagpaalam na lang.

Ganito palagi ang sitwasyon. Nakakalungkot lang na ganito ako tratuhin ni Rain.

“Let’s dance, everybody!” sigaw ni prof sa mic. Dumating na ang gabi ng ball night. Lahat ng studyante may partner. Ang tatlo kong kaibigan, partner nila ang mga kaibigan ni Rain. Maraming lumalapit sa akin pero hindi ko sila ini-entertain. Biglang may lumapit na babae na naka-mask.

“Alam kong tinatanggihan mo lahat ng babae, pero can you make my wish come true kahit ngayong gabi lang? Gusto ko lang may kapartner sa pagsayaw,” sabi niya. Medyo may kaba ang boses niya at balingkinitan ang katawan. Tatanggihan ko na sana pero bigla niya akong hinila.

“Hey! Hindi pa ako umoo,” sabi ko.

Pero hinila pa rin niya ako papunta sa gitna.

“Wag ka namang ganyan, laham ko,” sabi niya.

“Hindi ako tum…” naputol ang sasabihin ko nang marealize ko ang sinabi niya.

“Anong sinabi mo?” nanginginig ang boses kong tanong.

Tinanggal niya ang kanyang mask at nakita ko ang mukha ni Rain.

“Laham ko,” nakangiti niyang sabi.

Pumatak ang luha ko dahil sa sobrang saya at niyakap ko siya.

“Mahal na mahal kita,” sabi ko.

“Mahal na mahal din kita,” sabi niya. Kumalas ako at lumuhod sa harap niya, ikinagulat ng lahat ng studyante.

“Anong nangyayari!? Ibigay ang mic kay Prince Niko!” sigaw ni Kervy na nagpatawa sa iba. May studyante naman na nag-abot ng mic sa akin.

“Rain, mahal na mahal kita. Mula noon hanggang ngayon, hindi iyon magbabago. Marami man ang nangyari sa atin pero heto tayo ngayon. Will you marry me?” tanong ko. Tiningnan ko siya sa mata at nakita kong umiiyak na rin siya.

“Yes!” sabi niya. Tumayo ako at niyakap siya. Pareho na kaming may tears of joy.

“Wait lang! Asan ang singsing?” tanong ni Jefty.

“Wala eh,” napakamot na lang ako sa ulo ko.

Nagtawanan ang mga studyante.

“Panong naaalala mo ako?” tanong ko kay Rain. Nasa iisang mesa kami kasama ang mga kaibigan ko, kaibigan ni Rain, at si Ate Rhina.

RAIN POV

Flashback…

(Scene noong pumunta si Niko sa kwarto ko at umalis na siya pagkatapos)

“Masaya ako na naaalala na ako ni Niko pero tama ba ito, Ate? Mukhang nasaktan ko siya kanina,” sabi ko kay Ate Rhina.

“Tama lang yung ginawa mo. Alam kong gusto mo na ring ipakita ang nararamdaman mo, pero let’s test Niko kung totoo nga bang mahal ka niya,” nakangising sabi ni Ate. Nakakatakot ang ngisi niya, girl!

Sinabi ko ang plano sa mga kaibigan ko, pero ang mga bakla hindi napigilang sabihin sa mga kaibigan din ni Niko. Buti na lang at hindi sinabi ng tatlo kay Niko.

End of flashback…

“So, alam nyo pa lang lahat?” may halong inis na tanong ni Niko.

Pero parang wala silang narinig at nagkunwari lang na tahimik.

“Agghh, all of you will not get away with this,” sabi ni Niko.

“Wag na, hayaan mo na sila,” sabi ko.

“Okay, sabi mo eh,” nakangiti niyang sabi.

“Ang bilis ah,” sabi ni Lexter.

“May sinasabi ka?” matalim na tanong ni Niko.

“Ah… wala po, boss,” biro niya, at nagtawanan kami.

Lexter, sana masaya ka na dyan. Wherever you are, sana lagi mo kaming babantayan.

“Paano mga magulang mo?” tanong ko kay Niko.

“Hindi na nila tayo papakialaman. In fact, pumayag agad sila sa kasal natin,” sabi niya. Nag-blush ako sa sinabi niya.

“Ikaw, laham, kumusta papa mo at mga stepmom at stepsisters mo?” tanong niya.

“About that, binisita ko sila at nandoon si Papa. Sinabi kong bakla ako, at nakakagulat na tinanggap niya agad kasi matagal na pala niyang alam. I’m happy for that. Pero nalaman din niya yung mga ginawa nila tita at stepsisters ko sa akin dahil hindi na nakatiis ang mga kapitbahay namin at sinabi lahat. Nagalit si Papa pero sinabi ko na okay na ako at patawarin na lang sila. Pero sinabi ko rin kina Tita na pag inulit nila iyon, ako na mismo magsasabi kay Dad,” mahabang kwento ko.

“Ikaw na anghel, bes,” sabi ni Kervy.

“Loka!” sabi ko.

“Saan tayo pupunta, Niko?” tanong ko. Kasi malayo na kami sa siyudad.

Bumaba kami sa kotse at sinundan ko siya.

“Nandito na tayo,” sabi niya.

Binilisan ko ang lakad at nakita ko ang puntod ni Lexter.

Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako.

Lumapit ako at umupo sa harap ng puntod.

“Pasensya na Lexter, ngayon lang kami nakadalaw,” sabi ko. Umupo rin si Niko sa tabi ko.

“Pero wag kang mag-alala, aalagaan ko si Rain,” sabi niya.

Pinakita namin ni Niko kay Lexter ang singsing namin.

“Engaged na kami, Lexter. Masaya na kami sa buhay namin, at sana masaya ka rin kung nasaan ka man ngayon,” nakangiti kong sabi.

In this life, there’s no fantasy or witchcraft. The real fantasy is when you are in the arms of your loved ones.

My name is Rain. This man beside me is Niko. And this is how our love story ends.

EPILOGUE

Ilang taon na rin ang lumipas mula nung gabi ng ball na nagbago ang lahat.

Sa wakas, ikinasal na rin kami ni Rain sa isang simple pero napakagandang ceremony. Kasama namin ang mga taong mahalaga talaga sa amin: pamilya, barkada, at ang alaala ng mga taong hindi man nakarating pero nasa puso namin.

Si ate Rhina ang pinakaunang umiyak, at siyempre, sina Kervy, Jefty at Ray gumawa ng sariling comedy show para hindi umiyak masyado si Rain. Pati parents ni Lexter andun, tahimik lang sa likod, pero kita mo sa ngiti nila na parang ramdam pa rin nila si Lexter na masayang nanonood sa amin.

May sarili na kaming bahay ngayon, hindi malayo sa siyudad. Punong-puno ng tawa, pagmamahalan at mga bagong alaala. Si Rain nagtuturo na ng art, tinuturuan niya ang mga estudyante niya na maging totoo at matapang, gaya ng natutunan niya. Ako naman, inasikaso ko ang university namin, sinigurado ko na magiging lugar ito na ligtas at welcoming para sa lahat, walang makakaramdam ng sakit na naranasan namin noon.

Tuwing anniversary ng pagpanaw ni Lexter, binibisita pa rin namin siya. Naupo kami sa tabi ng puntod niya, nagkukuwento, nagdarasal, at paulit-ulit na ipinapangako na aalagaan namin ang isa’t isa at mamumuhay nang may saysay, para sa kanya.

Minsan may problema pa rin, normal naman yun, pero ngayon, sabay na naming hinaharap. Si Rain, kinukulit pa rin ako kapag masyado akong seryoso, at ako naman natatawa pa rin pag nakikita ko siyang nagkukunot ang ilong kapag naiinis. Ang gaan ng mundo kapag may taong alam mong hindi ka iiwan.

Pagbalik-tanaw, narealize ko na ang kwento namin hindi tungkol sa perfect na simula, kundi sa paulit-ulit na paghanap at pagpili sa isa’t isa kahit ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana.

Siguro yun talaga ang totoong pag-ibig: hindi yung walang sakit o pagkakamali, kundi yung lakas ng loob na magmahal ulit kahit masakit.

Ito na ang forever namin. Ako si Niko. Siya si Rain. At sa wakas, natagpuan na rin namin ang totoong tahanan.


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.