Bakla si Snow White (BXB) COMPLETED
CHAKASALSAL · 22 chapters · 16,769 words
BABALA
BOOK STYLE WRITING
CHAPTER 1
“Manila… here I come,” bulong ni Snow sa sarili niya.
Ang bigat ng backpack niya, parang may bato sa loob. Pero mas mabigat yung kaba sa dibdib niya habang nakatayo siya sa harap ng lumang boarding house na magiging tahanan niya sa loob ng apat na taon.
Maputi raw siya, sabi ng iba, parang Korean daw. Pero half lang talaga siya, at yung tatay niya nasa Korea na at never nang nagparamdam. Snow ang pangalan niya, nickname lang ‘yan na binigay ng nanay niya kasi maputi raw siya nung bata pa. Kahit maraming nagsasabing cute daw siya, deep inside, mahiyain talaga siya at ngayon nga, bagong buhay sa kolehiyo.
Pagbukas niya ng gate, naamoy agad niya ang halo ng kape, instant noodles, at medyas. Classic amoy boys’ boarding house. May nakasampay pang jersey sa hallway at nagkalat na tsinelas sa pintuan.
Tangina… welcome home, Snow.
Sa sala, may pitong lalaki na nagkukulitan na parang hindi nauubusan ng kwento. Biglang natigilan sila nang makita nila si Snow sa pinto, bitbit ang maleta at nakangiting awkward.
“Bro, eto na yung bagong boarder?” tanong ng isa na nakaupo sa sahig, may hawak na gitara.
“Oo, pre. Siya nga ata si Snow,” sagot ng isa pa na naka-glasses at may laptop sa harap.
Putek. Lahat nakatingin sa kanya. “Uh… hi, ako nga pala si Snow. Snow Kang,” sabi ni Snow, pilit na ngumiti.
Nagtinginan saglit ang grupo, tapos biglang nagsabay-sabay, “BRO, WELCOME!!!”
Parang fiesta, tangina.
Isa-isa silang lumapit, nagpakilala, at nakipagkamay.
“Jay. Ako ang leader dito, kahit di ko alam bakit,” sabi ng mukhang chill pero matapang ang aura.
“Mike. Certified joker ng bahay. Wag kang masyado maniwala sakin,” sabay tawa ni Mike.
“Kenji. Tahimik lang ako… pero kung kailangan mo ng bantay, call me,” sabi ng medyo sporty na guy na medyo mahaba ang buhok.
“Marco. Laging may exam bukas, pero lagi ring tulog,” sabay hikab.
“Neil. Food is life, bro,” hawak pa ang isang cup noodles.
“Gio. Fashionista ng tropa,” sabay adjust ng buhok niyang kulay ash grey.
“Ren. Gamer. Wag mo ko istorbohin pag nasa ranked,” sabi ng seryosong naka-headset.
Tangina. Ang dami nila, naisip ni Snow. Pero ang totoo, ang saya nila. Parang pamilya. Nakaramdam siya ng konting inggit… kasi siya, sanay mag-isa.
Napansin ni Jay na tahimik lang si Snow. Maputi, maliit ang mukha, parang artista pero halatang mahiyain.
“Snow, dito ka na sa room namin ni Mike,” sabi ni Jay.
Napatingin si Snow sa kanya, parang nagulat. “Ay, sure po… este, sige.”
Napangiti si Jay. Mukha talagang mabait.
Pinasok nila si Snow sa kwarto. May dalawang kama, study table, at isang cabinet na punong-puno na. Si Jay at Mike daw ang kasama niya. “Kung may kailangan ka, sabihan mo lang kami,” sabi ni Jay. Tumango lang si Snow.
Pagkabukas niya ng bag, napatingin siya sa dingding na may drawing ng dinosaur na may speech bubble na “I love u, bro.” Napatawa siya ng mahina.
Kinagabihan, nag-group dinner sila sa sala: fried chicken at rice na puro ketchup. Pinaupo nila si Snow sa gitna. Tuloy-tuloy ang kwento ng tropa tungkol sa prof na laging galit, sa crush ni Mike na di siya pinapansin, at kay Ren na natalo sa Mobile Legends dahil afk daw si Gio.
Tahimik lang na nakikinig si Snow. Hindi siya sanay sa ganito yung maingay pero masaya. Pero ang sarap pala sa feeling.
Biglang nilagay ni Jay ang isang hita ng chicken sa plato ni Snow. “Di ka pa kumakain, diba?” tanong ni Jay.
Namula si Snow. “Salamat.”
Ewan ni Jay kung bakit, pero parang gusto lang niyang siguraduhing busog si Snow. Ang payat kasi. At nung ngumiti si Snow… putek, ang lambot ng mukha.
Pagkatapos kumain, nag-group selfie pa sila. Si Snow, nakangiti lang ng konti pero sa loob, first time niyang mapasama sa ganitong picture. Tapos sumigaw si Mike, “Bro, caption natin: Welcome, bunso!”
Nagtawanan lahat. Si Snow, nagulat… pero parang natuwa rin.
Bunso. Hindi na niya maalala kung kailan may tumawag sa kanya ng ganun. Parang ang sarap sa puso.
Sa unang gabi ni Snow sa boarding house, hindi niya alam na magiging mahaba ang kwento niya kasama ang pitong bros. May halong saya, drama, tensyon, at isang bagay na hindi niya inaasahan.
Habang nakahiga na siya, narinig niyang mahina ang boses ni Jay. “Goodnight, Snow.”
Natigilan si Snow. “Goodnight, Jay,” sagot niya.
Sa dilim ng kwarto, napangiti si Snow. Siguro… okay din pala dito.
CHAPTER 2
First day ni Snow sa campus. Putek, ang daming tao. Ang daming magaganda, ang daming pogi, at ang daming may dalang kape na parang accessory lang.
Sumabay si Jay sa paglalakad niya. “Sundan mo lang ako. Wag kang kabahan,” sabi ni Jay, calm lang ang boses pero firm. Tumango lang si Snow. Pero sa loob niya, gusto na niyang bumalik agad sa boarding house.
Sa likod ng building, nakatayo si RJ na isang campus influencer, mayaman, laging may bagong sapatos at latest phone. Hawak ang phone niya na parang salamin, tinitignan ang sarili sa camera habang nag-aadjust ng hair.
“Dapat ako pa rin ang pinakakilala dito,” mahina niyang bulong. Pero biglang lumabas sa hallway si Snow, maputi, tahimik, at may soft aura. At sa isang tingin lang ni RJ, parang may pumasok na tinik sa puso niya.
Si RJ nagtataka. Sino ’tong bagong to? Bakit ang dami nang napapatingin sa kanya? Ako dapat yun.
Nakangiti si Snow pero nahihiya. At yung awkward na ngiting yun, mas lalong nakakaakit ng pansin. Hindi gusto ni RJ ang nangyayari.
Naramdaman ni Snow na may nakatingin sa kanya. Napalingon siya sa isang guy na parang perpekto: flawless skin, matangos ilong, sharp jawline. Pero yung tingin nito… parang galit.
Hindi niya kilala ang lalaking ito. Pero ramdam niyang parang may mali.
Napansin ni Jay na natigilan si Snow. Sinundan niya ng tingin at nakita si RJ. Campus queen, pero attitude ng bruha.
“Wag mo na siya pansinin,” sabi ni Jay, medyo hinila niya si Snow sa braso. “Ha? Sino siya?” tanong ni Snow. “Si RJ. Basta… wag mo na lang pansinin,” sabi ni Jay, medyo protective ang tono.
Habang naglalakad sila, tahimik lang si Snow. Pero si RJ, nakatitig pa rin mula sa malayo, parang nakahanap ng bagong target.
Sa group chat ng “Royal Clique” niya, nagtype si RJ. “Who’s the new guy? Too soft. Too white. Too… noticeable. Ayoko sa kanya.”
Pagdating sa cafeteria, umupo si Snow kasama sina Mike, Neil, Kenji, Marco, Gio at Ren. Ang ingay nila, pero nakakatawa.
“Bro, anong course mo ulit?” tanong ni Mike, sabay kagat ng burger. “AB Comm,” sagot ni Snow, mahina. “Wow, future vlogger!” sabi ni Gio, tumatawa. “Di ako marunong mag-vlog,” sagot ni Snow, namumula.
Napansin ni Jay na lagi namumula si Snow pag pinapansin ng lahat. Ang cute, pero poker face lang si Jay.
Sa kabilang mesa, umupo si RJ kasama ang barkada niyang puro naka branded clothes. Habang kumakain, bigla siyang nag-picture ng palihim kay Snow. Pinost niya sa private story. “New face. Too plain. Try harder next time!”
Nagvibrate ang phone ni Snow. May nag-send ng DM. “Bakit ka nagkukunwari? Ang arte mo.”
Nabigla si Snow. Hindi niya kilala yung account. Napabuntong hininga siya. Tumingin si Jay, nag-aalala ang mukha. “Okay ka lang?” tanong ni Jay. “Uh, oo… nothing,” sagot ni Snow, pilit ngumiti.
Obvious kay Jay na may mali. Pero baka ayaw pag-usapan ni Snow. Gusto sanang kunin ni Jay ang phone ni Snow para makita sino nag-message. Pero baka isipin niyang epal siya.
After class, sabay-sabay umuwi ang tropa. Sa jeep, nagsiksikan. Si Snow naupo sa dulo; katabi niya si Jay. May biglang preno, at napasandal si Snow kay Jay.
“Sorry,” bulong ni Snow. “Okay lang,” sagot ni Jay, kalmado.
Ramdam ni Snow yung init ng braso ni Jay. At biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
Si Jay nag-isip. Bakit parang gusto na lang niyang di matapos ang biyahe?
Pagdating sa boarding house, lahat pagod. Pero si Snow, tinignan ulit ang phone niya. May isa pang DM. “Stop acting like an angel. Di ka bagay dito.”
Napaupo si Snow sa kama, tahimik lang. Pero ramdam ang bigat sa loob.
Bakit ganito? Hindi naman kilala ni Snow ang mga ito. Bakit parang galit sila sa kanya? Hindi niya alam kung kanino pwedeng sabihin. Ayaw niyang maging pabigat.
Lumabas si Jay ng banyo, nakita si Snow nakaupo lang, tahimik, nakayuko sa phone. “Snow? Bro? Okay ka lang?” tanong ni Jay.
“Ah… oo. Wala ’to.” Pero kita ni Jay sa mata niya na may bumabagabag.
Kumain silang lahat sa sala. Nagbiro si Mike ng corny, nagtawanan lahat pati si Snow, kahit pilit, ngumiti rin.
Sa gitna ng tawanan, napatingin si Snow kay Jay. “Thank you,” sabi ni Snow, mahina.
“Ha? Para saan?” “Ewan… basta, thank you,” sagot ni Snow, pilit ngiti.
Hindi alam ni Jay kung bakit, pero yung thank you ni Snow… Parang biglang gumaan ang buong araw niya.
Sa kwarto, bago matulog, nag-message si Snow sa sarili niya sa notes. “Kaya mo ’to. Hindi ka nag-iisa.”
Bago pumikit, narinig ni Snow ulit ang boses ni Jay, mahina. “Goodnight, Snow.”
Napangiti si Snow, kahit may takot pa rin. “Goodnight, Jay… sana bukas, mas okay na.”
CHAPTER 3
SNOW POV
Pagmulat ko ng mata kinabukasan, una kong nakita si Jay na bagong ligo, basa pa ang buhok, naka-white shirt na medyo hapit sa braso niya. Tangina. Ang aga pero ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Gising ka na pala,” sabi niya, kalmado. “Uh, oo,” sabi ko, pilit ngiti.
THIRD PERSON POV
Sa mesa ng boarding house, nag-aagawan na sina Mike at Neil sa itlog. “Hoy! Isa lang yan, Neil!” sigaw ni Mike. “Tangina mo, gutom na ’ko!” sagot ni Neil, hawak ang kutsara na parang weapon.
Tawa lang sina Kenji at Marco sa gilid habang si Ren, deadma, tuloy ang laro sa phone. Pagpasok ni Snow, sabay sabay silang bumaling sa kanya.
“Bunso! Tara, kain!” sigaw ni Mike.
SNOW POV
Bunso. Pangalawang beses ko na narinig yun sa kanila. Ang weird… pero ang sarap pakinggan.
Umupo ako, nilapitan agad ako ni Gio. “Bro, ipit ka na naman sa buhok mo,” sabay ayos ng bangs ko. Namula ako. “Salamat, Gio.”
JAY POV
Putek. Napapansin ko, pag si Gio ang nag-aayos kay Snow, parang… ewan. Di ko alam kung selos ba ’to?
THIRD PERSON POV
Pagkatapos kumain, sabay sabay silang pumasok sa campus. Sa gate, may ilang tumitingin kay Snow na mostly girls na parang kinikilig, at ilang lalaki na nagtataka. Pero si RJ, nakatayo malapit sa pinto ng main building, nakataas ang kilay habang nakatingin kay Snow.
SNOW POV
Ramdam ko yung mga tingin. Nakakailang. Pero mas nakakagaan pag kasama ko yung bros.
“Bro, wag mo na pansinin,” sabi ni Kenji, kalmadong kalmado. Tumango ako. “Salamat.”
MIKE POV
Alam mo yung itsura ng bunso namin? Tahimik, soft spoken, pero pag ngumiti… tangina, parang gusto mong protektahan buong buhay. Parang tuta.
THIRD PERSON POV
Sa lunch break, sabay sabay silang umupo sa likod ng canteen. Biglang may lumapit na tatlong babae, nakangiti.
“Hi! Snow, diba? Pwede pa-picture?” Namula si Snow. “Uh, sure po…”
SNOW POV
Nakakahiya. Hindi ko alam kung paano ngumiti sa camera. Pero naisip ko, baka masama ang loob nila pag di ako pumayag. Kaya ayun… smile lang.
JAY POV
Tangina, nagseselos ba ako? Bakit pag may iba na lumalapit kay Snow, parang gusto ko silang itaboy? “Okay na? Sige, alis na kayo,” sabi ko, half-joke, half-seryoso. Natatawa lang yung girls, pero umalis din sila.
SNOW POV
Tumingin ako kay Jay, nag-aalala. “Okay ka lang?” tanong ko. “Okay lang,” sagot niya, pero di siya nakangiti.
THIRD PERSON POV
Pag-uwi nila, napadaan sila sa milk tea shop. Neil: “Bro, sagot mo?” Mike: “Tangina mo!” sabay tawa.
Si Snow, naglabas ng wallet. “Guys, ako na lang…” sabi niya, mahina. “Hoy! Hindi pwede!” sabay-sabay silang tumutol.
MARCO POV
Si Snow, ang bait sobra. Pero minsan parang gusto ko siyang kalabitin at sabihing, “Bro, di mo kailangan palaging magbigay. Sapat ka na.”
THIRD PERSON POV
Habang hinihintay ang milk tea, biglang dumating si RJ, kasama ang dalawang barkada niya. Tiningnan si Snow mula ulo hanggang paa.
“Uy, Snow, tama ba?” sabi ni RJ, nakangiti pero obvious na may ibang ibig sabihin. “Oo,” sabi ni Snow, mahina.
“Bagay sayo ang milk tea… sweet kasi yung vibe mo,” sabay kindat. Napangiti si Snow, out of politeness.
JAY POV
Tangina. Hindi ko na kaya ’to.
“RJ, wala kaming time sa laro mo. Alis na kami,” sabi ko, malamig ang boses. Napatigil si RJ, pero ngumiti lang ulit. “Chill, Jay. Nagbibiro lang.”
SNOW POV
Paglakad namin palabas, narinig ko si Jay, mahina lang pero rinig ko: “Wag kang lalapit dyan.”
Kinabahan ako. “Bakit?” “Basta. Di mo kailangan malaman lahat. Pero wag kang lalapit kay RJ,” sabi niya, diretso.
THIRD PERSON POV
Pagbalik sa boarding house, nagulat si Snow. May banner sa sala:
Welcome, Bunso Snow
May party hats, may pancit canton, at softdrinks lang pero sobrang saya ng vibes.
SNOW POV
“Anong meron?” tanong ko, natatawa. “Wala lang! Gusto lang namin mag-party with our new bunso,” sabi ni Mike.
GIO POV
Alam mo yung saya? Minsan di mo kailangan ng rason. Gusto lang naming iparamdam kay Snow na dito, belong siya.
THIRD PERSON POV
Nagluto si Neil ng hotdog, si Gio ang taga-ayos ng table, si Ren nag-set up ng speaker. Si Jay, tahimik lang pero busy sa paglagay ng paper plates. Si Snow, napangiti lang habang tinitignan sila.
SNOW POV
Hindi ko alam kung anong ginawa ko para deserve ’to. Pero ang sarap sa pakiramdam na… may nag-welcome sakin. Kahit hindi sila pamilya by blood.
JAY POV
Tumingin siya sakin, nakangiti. “Salamat, Jay,” sabi niya. Nagkibit balikat ako, “Wala yun.” Pero sa loob ko, tangina. Yung simpleng thank you niya… parang nanalo ako sa raffle.
THIRD PERSON POV
Pagkatapos kumain, selfie ulit. Si Snow sa gitna, pinapalibutan ng tropa.
Snow and the Seven Bros, caption ni Gio. Tawanan.
SNOW POV
Sa picture na yun, ngayon ko lang nakita yung itsura ko na ganun: Totoong ngiti. Walang takot. Hindi ko alam kung gaano katagal magtatagal ’to… Pero gusto ko siyang alagaan.
THIRD PERSON POV
Sa gabi, bago matulog, nag-usap sila ni Jay sa dilim.
“Jay… salamat talaga,” sabi ni Snow. “Wala yun, bunso. Dito, pamilya tayo,” sagot ni Jay, mababa ang boses.
Tahimik. Pero sa pagitan ng katahimikan, may tibok ng puso na pareho nilang naririnig.
SNOW POV
Nakatulog ako na may ngiti. First time in a long time… hindi ako natakot matulog.
CHAPTER 4
Akala ni Snow, kapag masaya ka na, tuloy-tuloy na dapat ang lahat. Pero hindi pala gano’n. Minsan, bigla ka na lang hahatakin pabalik ng sakit, walang paalam, walang babala.
Pagkagising niya kinabukasan, agad siyang tumingin sa cellphone. Isang anonymous message mula sa isang dummy account ang bumungad.
“Stop acting cute, bakla ka naman diba? Trying so hard. Ew.”
Napakagat siya sa labi. Ramdam niya ang malamig na hangin na dumikit sa batok niya. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala. Hindi niya rin maintindihan kung bakit. Wala naman siyang ginagawang masama.
Sa sala, abala si Neil sa pagluluto habang si Gio ay nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin. Si Mike naman ay nakahilata sa sofa, hawak ang phone at nakangisi. Nang bumaba si Snow, pinilit niyang ngumiti.
“Morning!” sigaw ni Mike.
“Good morning,” mahinang sagot ni Snow.
Napatingin si Gio sa kanya. “Bro, okay ka lang? Parang ang lungkot ng aura mo ngayon.”
“Okay lang,” mabilis na sagot ni Snow, kahit halatang pilit. Ayaw niyang magkwento. Baka isipin nilang ang arte niya.
Sa pagbaba ni Jay mula sa hagdan, agad niyang napansin ang lungkot sa mukha ni Snow. Nakayuko ito at halatang wala sa mood.
“Snow?” tawag niya.
Napatingin si Snow at pinilit ngumiti. “Good morning, Jay.”
Ramdam ni Jay na may mali.
Sa campus, magkakasabay pa rin silang pumasok. Pero tahimik si Snow, malayo sa dating masayahing kasama nila. Nagkatinginan si Jay at Mike mabilis at puno ng pakiramdam. Para bang nag-uusap sila nang hindi nagsasalita.
Nahalata rin ni Mike. Tahimik siyang nagmasid, iniisip kung paano mabubunot ang bigat sa mata ni Snow. Gusto sana niyang asarin ito para mapangiti, pero hindi iyon ang tamang oras.
Habang lumilipas ang araw, hindi maalis sa isip ni Snow ang natanggap na mensahe.
“Bakla ka naman diba?”
Simpleng tanong. Pero sa kanya, parang suntok sa dibdib. Totoo naman, pero hindi pa siya handang umamin sa lahat. Hindi pa siya out. At higit sa lahat, natatakot siya.
Pagsapit ng gabi, nasa kwarto nila Jay at Mike si Snow. Tahimik na nakahiga sa kama, hawak pa rin ang cellphone, paulit-ulit binabasa ang parehong mensahe. Ramdam niya ang pait, ang sakit, at ang pagkailang sa sarili.
Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Jay, bagong ligo, may dalang towel. Napatingin agad siya kay Snow.
“Anong problema?” tanong niya, diretsahan.
“Wala,” sagot ni Snow sabay pilit na ngiti.
“Bunso, wag mo akong gawing tanga. Kita sa mukha mo.”
Tahimik si Snow. Tumingin siya sa phone bago dahan-dahang iniabot ito kay Jay. Nanginginig ang kamay niya.
“May nag-message,” bulong niya.
Binasa ni Jay ang mensahe.
“Bakla ka naman diba? Ew.”
Napalunok si Jay. Pakiramdam niya, may sumabog na init sa dibdib niya. Gusto niyang hanapin kung sino man ang may gawa nun at suntukin.
“Bro, di mo kailangan pakinggan ’to,” sabi niya sa mababang tinig.
“Totoo naman, Jay…” mahina ang boses ni Snow.
“Totoo anong?”
“Bakla ako…” halos hindi marinig ang pagkakasabi.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa silid. Tumingin si Snow kay Jay, puno ng takot ang mga mata. Hindi niya alam kung paano siya tatanggapin.
Huminga nang malalim si Jay. Dahan-dahan niyang nilagay ang kamay niya sa balikat ni Snow.
“Wala akong pake kung bakla ka. Ang importante, mabait ka. Isa kang tropa. At kung may mangaway sa’yo, kasama mo ako.”
Tumigil si Snow. Parang may nabunot na matagal nang tinik sa dibdib niya.
“Jay…”
“Wag ka na umiyak, bunso,” sagot ni Jay, may bahid ng ngiti.
Pero hindi na niya napigilan. Tumulo ang luha sa mga mata niya.
Nagpatuloy ang katahimikan, ngunit kasama ng katahimikang iyon ang pag-unawa.
Ilang saglit pa, pumasok si Mike sa kwarto, narinig ang munting ingay.
Nakita niya si Snow na umiiyak at si Jay na tahimik na nakaupo sa tabi nito.
“Bro…” lumapit siya, puno ng pag-aalala.
Tumingin si Snow, namumula ang mata. “May nag-message ng masama…” bulong niya.
Umupo si Mike sa kabilang gilid ng kama.
“Bro, ang pikon, talo. Wag mo na pansinin,” aniya, malumanay ngunit seryoso.
“Tama,” sabat ni Jay. “Kahit anong mangyari, tropa ka namin.”
Hindi man lubos na maipaliwanag ni Snow ang pakiramdam, pero ramdam niya ang bigat na nawala sa dibdib niya. Sa unang pagkakataon, nasabi niya nang direkta ang totoo: “Bakla ako.” At hindi siya iniwan ng mga kaibigan niya.
Kinabukasan, sabay-sabay ulit silang nag-breakfast. Tawanan, asaran, parang walang nangyari. Pero kay Snow, iba na ang lahat. Mas buo na ang loob niya.
Tumunog ulit ang phone niya. Mensahe mula sa parehong dummy account.
“Di ka bagay dito.”
Ngunit ngayong pagkakataon, hindi na siya natakot. Dinelete niya ang message. Hindi na niya kailangang patunayan ang sarili niya.
Hindi siya mag-isa. May mga kuya siya. May mga kaibigan siyang tunay.
At may isang Jay… na kahit hindi niya lubos maintindihan ang nararamdaman, alam niyang ligtas siya kapag kasama ito.
Sa gabi, naglaro silang magkakaibigan ng cards sa sala. Tawanan, sigawan, biruan.
At si Snow, sa gitna ng lahat, ay nakangiti. Ngiting mas totoo. Ngiting hindi na pilit.
CHAPTER 5
Biyernes ng gabi.
Akala ni Snow, isa lang itong normal na gabi. Pero pag-uwi niya sa boarding house, bumungad sa kanya ang tropa bitbit ang chips, softdrinks, at isang bote ng gin.
“Bro, tagay night tayo!” masiglang sigaw ni Mike, may ngiting parang may binabalak.
“’Tangina, di ako umiinom,” sagot ni Snow, may halong kaba sa boses.
“Wag ka mag-alala, bunso. Konti lang,” sabi ni Gio, sabay tawa.
Naupo silang magkakabarkada sa gitna ng sala, paikot sa lumang kumot na parang espesyal na inilatag para sa barkada bonding. Si Neil, nakaabang na sa pulutan. Si Ren naman ay hawak ang phone, nakabantay sa playlist—may hugot playlist daw siyang naka-standby kung sakaling kailanganin.
Si Snow, halatang kabado pero nakaupo pa rin sa gitna ng bilog, pinipilit maging kalmado.
Hindi niya alam kung kakayanin niya ang inuman. Hindi siya sanay. Pero ayaw rin niyang maging killjoy. Lalo na’t ang saya ng mga kasama niya. Kaya kahit may kaba, ngumiti siya at tumango.
Napansin ni Jay ang ekspresyon ni Snow. Kita sa mukha nitong gusto sumali pero may halong takot.
“Bunso, wag ka na lang uminom kung ayaw mo,” alok niya, mahinahon.
“Okay lang, Jay. Kaya ko,” sagot ni Snow. Mahina ang boses, pero may determinasyon.
Jay couldn’t help but admire him. Ang tapang, pero ang lambing din.
Unang tagay ay kay Mike diretsong ininom. Walang arte. Sumunod si Neil, kasabay ng kagat sa mani. Pangatlo si Snow. Medyo nag-alangan, pero sa huli ay ininom din. Napangiwi siya, napapikit.
“Ang pait!” reklamo niya, sabay tawa ng buong tropa.
Sa kabila ng pait, nang makita niyang nagtatawanan ang lahat, parang nawala ang hiya sa kanya.
Si Mike, hindi maiwasang mapansin ang reaksyon ni Snow na namumula, napapangiwi, pero sabay natatawa. Sa isip niya, literal na snow maputi na, lalo pang namumula kapag nahihiya.
Habang umiikot ang baso, tuloy ang kwentuhan. Tungkol sa mga ex, sa bobo moments sa klase, at sa professor na laging galit at mukhang kalbo. Tawanan nang tawanan ang lahat. Si Snow, hindi na mapigilan ang sarili sumasabay na sa bawat halakhak. Pero habang lumilipas ang oras, kapansin-pansin ang unti-unting pamumula ng kanyang pisngi.
Pakiramdam ni Snow, umiikot na ang mundo. Hindi dahil sa alak, kundi dahil sa saya ng gabing ’yon. May kiliti sa dibdib niya tuwing nakikita niyang masaya ang mga kaibigan. Tila ba may puwang siyang nahanap sa mundong dati’y kinatatakutan niya.
Hindi rin nakaligtas kay Jay ang pagiging lasing ni Snow. Nagsisimula na itong magsalita ng pabulong, tuloy-tuloy, parang walang preno.
“Jay, ang bait mo,” biglang bulong ni Snow sa kanya, sabay tingin.
Napakagat si Jay sa labi. “Bro, tama na ’yan,” sagot niya, kunwaring seryoso. Pero sa loob-loob niya, putek ang lambing mo talaga.
Biglang naging seryoso si Snow. Umayos ng upo at tinignan ang mga kaibigan.
“Guys, may aaminin ako,” sabi niya, medyo nauutal. Nagkatinginan ang tropa. Si Jay, napakunot ang noo.
“Naalala niyo ’yung nag-message sa’kin?” tanong ni Snow. Tumango ang mga kasama.
“May isa pa… sabi niya bakla daw ako.”
Huminga siya nang malalim.
“Totoo naman.”
Tahimik. Walang nagsalita. Para bang huminto ang mundo.
Sa loob ni Jay, kahit matagal na niyang alam, iba pa rin ang epekto ng mismong pag-amin ni Snow. Ang tapang. Ang totoo.
Si Mike ang unang nagsalita. Nagulat siya, pero agad ding ngumiti.
“Bro, tanggap ka namin. Wala kaming pake,” sabi niya, diretsong tinapik si Snow sa balikat.
“True,” dagdag ni Gio, nakangiti.
“Bunso ka namin. Period,” sabi ni Kenji, kalmado pero tiyak.
Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Snow. Hindi niya sigurado kung dahil sa alak o dahil sa matinding saya. Pero isa lang ang malinaw ang gaan ng dibdib niya.
“Salamat… salamat talaga,” bulong niya, halos mapahagulgol.
Hinawakan ni Jay ang balikat niya. “Snow… kahit anong mangyari, kasama mo kami.”
At sa isip ni Jay, isang linyang pilit niyang tinatago: lalo na ako.
Umikot pa ulit ang tagay. Pero sa pagkakataong ito, mas magaan na ang tawa ni Snow. Mas totoo, mas galing sa puso.
Naalala niya ang sinabi ng nanay niya noon: Wag kang matakot magmahal, anak. At ngayong gabi, sa piling ng mga kaibigan, unti-unti niyang naiintindihan ang ibig sabihin nun.
Sa bandang huli ng gabi, bagsak si Snow sa balikat ni Jay. Tulog, pero nakangiti. Si Jay, hindi gumalaw. Ayaw niyang gambalain ang tahimik na sandali.
Tumingin siya kay Snow, matahimik ngunit punong-puno ng damdamin.
Paano ko sasabihin? Paano ko aaminin na mahal kita, bunso?
Tahimik ang sala. Lasing na ang lahat. Pero may isang lihim na lalong lumalim.
Isang Jay, na hindi na lang basta kuya kay Snow.
At bago tuluyang dalawin ng antok, may naisip si Snow.
Siguro… safe ako dito. Sa piling nila.
At kay Jay. Lalo na.
CHAPTER 6
Masakit ang ulo ni Snow. Pagdilat niya ng mata, una niyang nakita ang kisame ng kwartong tinutuluyan nila ni Jay at Mike. Umaga na ba?
Napalingon siya sa tabi. Doon niya lang napagtanto na nakasandal pa rin ang ulo niya sa balikat ni Jay. Nakaupo ito, mahimbing ang tulog, pero mahigpit pa rin ang hawak sa braso niya. Hindi pa rin bumibitaw.
May kung anong kilig na sumabog sa dibdib ni Snow. Gusto niyang maiyak, pero hindi dahil sa lungkot. Kung pwede lang, gusto niyang muling pumikit at panatilihin ang sandaling ito nang mas matagal.
Tahimik ang buong boarding house. Si Mike ay nakahilata sa sofa, nakanganga, may cling wrap na nakadikit sa noo, prank daw ni Gio kagabi. Si Neil, nakatulog sa tabi ng empty chips pack. Si Ren naman, tulog pa rin, nakahawak pa rin sa phone niya naka-loading screen na lang ang laro.
Pero si Jay, kahit puyat, hindi kailanman binitawan ang bunso ng tropa.
Pagdilat ni Jay, una niyang nakita si Snow na nakasandal sa kanya. Napalunok siya. Shit. Ang lapit nito. At kahit puyat, ang puti pa rin. Gusto sana niyang haplusin ang buhok ni Snow, pero natakot siyang magising ito.
Snow, sa kabilang banda, ay nagkunwaring tulog pa. Naririnig niya ang mabagal at kalmadong paghinga ni Jay, at ramdam pa rin niya ang init ng kamay nito sa braso niya. Sa bawat segundo, mas lalo siyang naguguluhan sa nararamdaman. Bakit pag si Jay ang kasama niya, ang gaan ng loob niya? Bakit parang gusto na lang niyang manatili sa tabi nito?
Pagsapit ng alas-diyes, isa-isang nagising ang tropa. Tumawa agad si Mike nang madiskubreng may cling wrap siya sa noo.
“Putangina, sino gumawa neto?” reklamo niya.
“Ako nga pala,” sabay tawa ni Gio, proud na proud.
Nagsimula na silang mag-ayos ng agahan tuyo, itlog, at kanin. Classic tropa breakfast.
Sa pag-upo ni Snow sa mesa, parang normal lang ang lahat. Pero sa loob niya, alam niyang may malaki nang nagbago. Nasabi na niya ang totoo tungkol sa sarili niya. At higit sa lahat tinanggap siya ng mga ito.
“Bunso, kamusta pakiramdam mo?” tanong ni Mike habang ngumunguya ng itlog.
“Medyo hilo pa, kuya,” sagot ni Snow, may ngiti na sa labi.
Napangiti si Mike sa salitang kuya . Hindi niya inaasahan, pero ang sarap pala pakinggan mula kay Snow.
Habang kumakain, tahimik si Jay. Hindi makatingin ng direkta kay Snow. Ganoon din si Snow panay ang iwas ng tingin, parang may iniingatan. May nabuo kagabi, at pareho nilang nararamdaman ito, pero pareho ring hindi pa handang aminin.
Matapos ang almusal, nagdesisyon si Snow na maglaba sa likod ng boarding house. Kailangan niya ng sandali para mapag-isipan ang lahat.
Hindi niya alam, pero si Jay, tahimik lang na sumunod. Dumungaw ito mula sa pintuan, pinagmamasdan si Snow habang naglalaba. Ang liit ng katawan nito, pero ang tiyaga. Napabuntong-hininga si Jay. Tangina. Hindi ko na kaya.
Lumapit siya, marahang lumakad hanggang sa nasa tabi na niya si Snow.
“Snow…” tawag niya.
Napalingon si Snow, sakto namang natalsikan ng bula ang pisngi niya. Napatingin si Jay, sabay abot ng kamay para dahan-dahang punasan ito.
“Ah, Jay… bakit?” tanong ni Snow, ramdam ang init sa mukha.
“May bula ka,” bulong lang ni Jay.
Dahan-dahang pinunasan ni Jay ang pisngi ni Snow. Walang pagmamadali, para bang ayaw niyang matapos ang sandaling iyon.
“Bunso… gusto lang kitang sabihan,” sabi ni Jay sa mahinang boses. “Na kahit ano ka… mahalaga ka sa’min.”
Napahinto si Snow. Hindi niya alam kung paano sasagot. Pero sa puso niya, parang may mga kulog ng damdaming sumabog.
“Salamat, Jay…” mahinang tugon niya.
Sa gitna ng amoy ng sabon, basang damit, at sikat ng araw, nabuo ang isang tahimik na sandali. Wala ang RJ, wala ang bashers. Wala ring takot. Tanging silang dalawa lang.
Gusto sanang sabihin ni Snow na may gusto siya kay Jay. Pero natakot siya. Baka masira ang kung anong meron sila. Baka mawala ito.
Gusto rin sanang yakapin ni Jay si Snow. Pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang madaliin ang lahat.
Pagkatapos maglaba, sabay silang naglakad pabalik. Tahimik lang, pero komportable. Wala nang kailangang sabihin.
Sa sala, nagplano na ang tropa para sa weekend.
“Bro, swimming tayo bukas!” yaya ni Gio.
“Magpapaputi pa ba si Snow? Maputi na nga,” tukso ni Mike.
Natawa si Snow, pero sa gilid ng paningin niya, napansin niyang panay ang tingin ni Jay sa kanya.
Kinagabihan, hindi makatulog si Jay. Tahimik niyang pinagmamasdan si Snow na natutulog sa kama. Tangina, Snow. Paano ko sasabihin? Na gusto kitang alagaan. Hindi lang bilang kuya, kundi bilang higit pa.
Biglang dumilat si Snow. Nagkatinginan sila sa dilim.
“Jay… gising ka pa?” bulong niya.
“Oo…” sagot ni Jay, mahinahon.
Nagkaroon ng katahimikan.
“Bunso… may gusto sana akong sabihin,” halos pabulong na sabi ni Jay.
“Ha? Ano ’yon?” tanong ni Snow, bumaling ng kaunti para humarap.
Pero bago pa makapagsalita si Jay, biglang bumukas ang pinto.
“Mga bro! May late night noodles ako!” sigaw ni Mike.
Napatigil si Jay. Napabuntong-hininga.
Napangiti si Snow, pero sa loob niya, nabitin siya. Ano kaya ’yung sasabihin niya?
Sa mesa, habang kumakain ng noodles, bumalik ang usual na kwentuhan at asaran. Pero sa ilalim ng mga tawanan, may dalawang pusong nagpupumilit pa ring itago ang totoo nilang nararamdaman.
At bago matulog, tahimik si Snow habang nakahiga.
Siguro darating din yung araw… na kaya na naming aminin.
CHAPTER 7
Maaga pa lang, gising na ang buong tropa. Ayon kay Gio, swimming daw ang plano “Para maiba naman,” aniya habang abala sa pag-eempake ng towel at sunscreen.
Para kay Snow, ito ang unang beses na sasama siya sa ganitong lakad. Paglabas pa lang ng boarding house, dama na niya ang halo-halong kaba at tuwa. At, oo may kaunting excitement din siyang makita si Jay… lalo na kung naka-swimming trunks ito.
Sa loob ng van, siksikan ang lahat, parang sardinas. Si Snow ay napagitnaan nina Jay at Mike, habang sina Gio at Ren ay abala sa pagpili ng playlist. Sa likod naman, tuloy ang asaran nina Neil at Kenji.
“Tangina mo, bro, pag nilunod mo si Snow, lulubog ka rin sa taba mo!” sigaw ni Mike sabay suntok sa braso ni Neil.
“Gago ka talaga!” sagot ni Neil, sabay tawa.
Habang tahimik lang si Snow, napansin ni Jay ang mahinang ngiti nito sa labi. Napalunok si Jay. Sa kanyang paningin, gumaganda ang umaga tuwing nakikita niyang masaya si Snow.
Pagdating sa private resort, napanganga si Snow. May swimming pool, may maliit na talon, at may kubo sa gilid. Bago pa man siya makapag-react, hinila na siya ni Mike.
“Bunso, tara na!”
Isa-isang nagtanggal ng shirt ang mga kasama niya. At doon niya unang nasilayan si Jay na firm ang dibdib, flat ang tiyan, at matangkad pa rin kahit nakashorts lang. Muli, bumilis ang tibok ng puso ni Snow.
Habang lumalangoy na sina Mike, Gio, at Neil, lumapit si Jay sa kanya.
“Bunso, marunong ka bang lumangoy?” tanong nito.
“Konti lang…” sagot ni Snow, medyo nahihiya.
“Tara, sabay tayo,” aya ni Jay.
Inabot niya ang kamay ni Snow. Nagulat si Snow, pero tinanggap niya rin. Sa paghawak niya, tila ba naramdaman niya ang init at lambot ng kamay ni Jay, isang bagay na hindi niya inaasahan, pero nagbigay ng kakaibang ginhawa.
Sabay silang lumusong sa tubig, hanggang chest-deep. Malamig ang pool, pero tila umiinit ang paligid dahil sa hawak ni Jay sa kamay ni Snow.
Bigla, natalsikan ng tubig si Snow sa mukha. Napapikit siya.
“Ayos ka lang?” tanong ni Jay, agad na lumapit.
“Oo, medyo nabigla lang…”
“Bro, tangina, ang sweet niyo!” sigaw ni Mike mula sa kabila ng pool.
Namula si Snow, sabay bitaw sa kamay ni Jay. Nahihiya siya. Baka mapansin ng iba. Pero sa loob-loob niya, ayaw pa sana niyang bitiwan ang kamay ng binata.
Si Jay naman, napalunok. Gusto niyang alagaan si Snow hindi lang bilang kaibigan, kundi higit pa. Pero pinipigilan niya ang sarili. Baka matakot ito.
Pagkatapos ng swimming, sabay-sabay silang nag-lunch sa gilid ng pool. May inihaw na liempo at hotdog courtesy nina Neil at Kenji. Tahimik lang si Snow habang kumakain, pero hindi lingid kay Gio ang panakaw niyang sulyap kay Jay.
Pauwi na sila, at nauwi ang usapan sa mga childhood crushes.
“Bro, first crush ko si teacher namin sa grade 3,” tawa ni Neil.
“Ako, kapitbahay namin,” sabay hirit ni Mike.
Tahimik si Snow. Wala siyang sinabi. Pero sa loob niya, gusto niyang sumigaw:
First real crush ko… si Jay.
Pagdating sa boarding house, bagsak agad si Snow sa kama. Ngunit bandang hatinggabi, nagising siya at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Sa kusina, nadatnan niya si Jay — nakaupo pa rin sa mesa, gising pa rin.
“Jay? Di ka pa natutulog?” tanong niya.
“Hindi makatulog,” mahinang sagot ni Jay.
Umupo si Snow sa harap nito. Ilang sandali ng katahimikan ang lumipas.
“Bunso…” simula ni Jay, “May aaminin sana ako sa’yo.”
Napatingin si Snow, seryoso ang mukha.
“Ha? Ano yun?”
Huminga nang malalim si Jay.
“Alam mo, bro… simula pa lang, gusto na kitang protektahan. At… ewan ko kung tama ba ’to… pero…”
Tila huminto ang oras para kay Snow.
“…pero parang gusto na kitang alagaan… hindi lang bilang tropa,” deretsong sabi ni Jay. “Snow… gusto kita.”
Napatitig si Snow kay Jay. Hindi niya alam kung matatawa, iiyak, o tatakbo palabas ng bahay. Pero may isang bagay siyang sigurado ito rin ang matagal na niyang gustong marinig.
Tahimik ang buong bahay. Tanging tunog ng refrigerator ang maririnig.
“Jay… ako rin,” bulong ni Snow. “Matagal na…”
Hindi na napigilan ni Jay ang sarili. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa kay Snow. Hindi niya ito hinalikan pero magkadikit halos ang mga noo nila.
“Salamat, bunso…” bulong niya.
Walang sweet music, walang fireworks. Pero sapat na ang tahimik na kusina, dalawang pusong kumakaba, at dalawang taong sa wakas ay umamin sa isa’t isa.
Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Snow na totoo ang lahat. Na may nagmamahal sa kanya hindi lang dahil cute siya, hindi lang dahil gusto siyang protektahan… kundi dahil siya mismo ang gusto.
At si Jay, sa wakas, sigurado na sa isang bagay:
Hindi na niya bibitawan si Snow.
CHAPTER 8
SNOW POV
Kinabukasan, pagdilat ng mata ko, unang pumasok sa isip ko: Shit. Totoo ba yung nangyari kagabi?
Umamin kami ni Jay. Hindi ko alam kung paano haharapin ’to… lalo na’t kasama pa rin namin ang buong tropa. Pero sa puso ko, ang gaan. Parang ang bigat na dala ko simula pa nung nakilala ko sila nawala.
THIRD PERSON POV
Sa kusina, tuloy ang normal na tropa vibes. Si Mike nagluluto ng itlog (na medyo sunog na naman). Si Neil kumakain ng leftover chips. Si Gio at Ren, abala sa cellphone. Si Kenji nagbubukas ng ketchup na hindi mabuksan.
At si Jay… nakaupo sa tabi ni Snow, tahimik lang, pero may ibang saya sa mga mata.
JAY POV
Tangina, totoo nga. Inamin din niya kagabi. Pero syempre, bawal magpakita ng sobrang obvious sa tropa.
Pero pagpasok niya sa sala, gusto ko sana siyang yakapin. Ang hirap pigilan.
SNOW POV
“Good morning,” sabi ko sa lahat, pilit na normal ang boses. “Morning, bunso!” sabay-sabay na sagot nila. Napatingin ako kay Jay. Ngumiti lang siya. Simpleng ngiti, pero para sakin… parang buong araw ko nang kumpleto.
MIKE POV
Napansin ko. May something kina Jay at Snow. Di ko lang alam kung ano, pero parang… Mas madalas silang magkatitigan. Tangina, baka nagkaaminan na? E di wow!
THIRD PERSON POV
Habang nag-aalmusal, nagplano ang tropa: “Bro, manood tayo ng horror movie mamaya!” sabi ni Neil, excited. “Bro, wag horror, ayoko ng jumpscare,” reklamo ni Ren. “Tangina mo, ang laki mong tao takot ka?” tawa ni Mike.
Si Snow, natawa lang. Pero pansin ni Jay, tuwing natatakot si Snow, napapahawak siya sa braso ni Jay.
SNOW POV
Oo, takot ako sa horror. Pero kapag katabi ko si Jay… parang safe. Ewan ko kung nahahalata ng iba. Pero bahala na.
THIRD PERSON POV
Hapon, sabay-sabay silang nanood ng horror movie sa sala. Si Gio at Mike, nagkukulitan. Si Neil, kumakain ng popcorn na parang wala nang bukas. Si Snow, tahimik lang, pero dumikit ng konti kay Jay nung may biglang lumabas na multo sa screen.
JAY POV
Shit. Dumikit siya sakin. Ang sarap sa pakiramdam. Gusto ko sanang yakapin siya, pero baka mahalata.
MIKE POV
Putangina. Nagkatitigan na naman yung dalawa. Sure na ako. Pero… hayaan ko muna. Mukha namang masaya si Snow.
THIRD PERSON POV
Natapos ang pelikula, puro tawa ang tropa. “Bro, nakita mo yung mukha ni Snow?!” asar ni Neil. Namula si Snow. “Grabe ka, Neil!” sabi niya, pilit na tawa.
Si Jay, tahimik lang, pero tumapik sa balikat ni Snow. “Ayos ka lang, bunso?” “Oo… salamat,” sabi ni Snow, nakangiti.
SNOW POV
Gusto ko sanang sabihin: Salamat kasi nandiyan ka lagi.
Pero kinain ko na lang yung sasabihin ko. Baka mahalata nila.
THIRD PERSON POV
Bandang gabi, sa kwarto, nag-usap ulit sina Jay at Snow. Pareho silang nakaupo sa sahig, nakasandal sa kama.
SNOW POV
“Jay… thank you talaga,” sabi ko. “Bakit?” tanong niya. “Ewan… kasi dati, takot ako na baka hindi nyo ako tanggapin. Pero ngayon…” “Ngayon?” tanong niya ulit, malumanay. “Ngayon, masaya ako. Dahil nandiyan ka.”
JAY POV
Putek. Gusto ko siyang yakapin. Pero pinipigilan ko. “Snow… ako rin. Masaya ako dahil nandiyan ka.”
SNOW POV
Napangiti ako. Pero bigla akong napatigil. “Jay… di ba bawal ’to?” “Bawal saan?” “Sa tropa… yung ganito…”
JAY POV
“Snow… tropa tayo. Pero higit pa rin dun, tao tayo. At kung mahal kita… di ko pipilitin, pero di ko rin itatanggi.”
Tangina. Totoo yun. Mahal ko siya.
SNOW POV
Bumilis tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Pero natatakot pa rin ako. “Jay… kung malaman nila, baka iba na tingin nila satin.”
JAY POV
“Bunso, wag ka muna mag-alala. Sa ngayon… tayo lang muna. Secret natin.”
Tumango siya, nakangiti. At sa gitna ng dilim, nagdikit ulit noo namin. Hindi halikan, pero sapat na para maramdaman namin na totoo ’to.
THIRD PERSON POV
Lumipas ang ilang araw, balik sa normal na asaran at tawanan ang tropa. Pero sa bawat simpleng ngiti at sulyap nina Jay at Snow, may sikreto silang sila lang ang may alam.
At sa likod ng tawa at kwento, may dalawang pusong bumibigat sa damdaming unti-unting hindi na nila kayang itago.
SNOW POV
Hindi ko alam kung hanggang kailan naming kayang itago. Pero isa lang ang alam ko… Mas natatakot ako na mawala siya… kaysa malaman ng lahat.
CHAPTER 9
SNOW POV
Lumipas ang mga araw, pero parang mas lalo akong nahuhulog. Yung simpleng pagngiti niya, pag-akbay niya kapag tinutukso ako ng tropa… Tangina. Parang gusto kong sumigaw: “Oo, mahal ko siya!” Pero syempre, bawal.
Masarap yung kilig na may halong kaba. Pero minsan, iniisip ko rin… Hanggang kailan ko kayang itago ’to?
THIRD PERSON POV
Biyernes ng gabi. Tahimik ang sala. Si Neil at Gio nasa kwarto, busy sa Mobile Legends. Si Mike tulog na sa sofa, mukhang pagod sa klase. Si Ren at Kenji, naglalakad sa labas para bumili ng midnight snacks.
Si Snow at Jay… naiwan sa sala, magkaharap.
JAY POV
“Bunso…” tawag ko, medyo mahina. “Hmm?” sabi niya, nakatitig sakin. Tangina, bakit ba ang cute niya kahit pagod?
“Na-miss kita,” sabi ko, halos pabulong. Nagulat siya. “Jay, kanina lang tayo magkasama,” sabi niya, natatawa pero namumula.
SNOW POV
Shit. Narinig ko yun. At naramdaman ko yung kabog ng dibdib ko.
“Jay… ako rin,” sabi ko, mahina lang.
THIRD PERSON POV
Sandali silang nagkatitigan. Tahimik ang buong boarding house. Tanging electric fan lang ang maririnig.
JAY POV
Hindi ko na kaya. Dahan-dahan akong yumuko, halos magkadikit na labi namin. Tinitigan ko siya. “Pwede?” bulong ko.
SNOW POV
Parang biglang natuyo ang lalamunan ko. Pero tumango ako, mahina lang. “Jay…”
THIRD PERSON POV
Pero bago tuluyang maglapat ang labi nila… Biglang bumukas ang pinto.
“BRO! May chicharon tayo!” sigaw ni Ren, hawak ang supot. Nagulat si Snow, napaatras. Si Jay, napalunok lang at umiling.
SNOW POV
Tangina. Bitin. Pero natatawa rin ako sa sarili ko. At least… alam ko na, gusto niya rin.
JAY POV
“Putangina mo, Ren,” bulong ko, pero nakangiti rin.
THIRD PERSON POV
Umupo ulit sila sa sofa. Parang walang nangyari, pero ramdam na ramdam nila ang tensyon.
SNOW POV
Habang nag-aabot si Jay ng chicharon sakin, magkadikit yung daliri namin. Ang init. Parang kuryente na kumalat sa braso ko.
JAY POV
Tumingin siya sakin, tapos ngumiti ng konti. Shit. Gusto ko na siyang yakapin.
MIKE POV
Nagising ako, pero nagtulog-tulugan. Tangina, nakita ko yun. Halos maghalikan na sina Jay at Snow.
Pero ewan. Parang masaya ako para sa kanila.
THIRD PERSON POV
Kinabukasan, Sabado. Nagkayayaan ang tropa na mag-mall. Shopping kunwari, pero ang totoo, window shopping lang.
Si Jay at Snow, magkatabi. Panay ang asar ni Neil at Gio.
NEIL POV
“Bro, tingnan mo oh, couple shirt!” sabi ko, sabay turo kay Snow at Jay. Namula si Snow. “Gago,” sabi ni Jay, pero ngumiti rin.
SNOW POV
Di ko alam kung nahahalata na nila. Pero wala akong pake. Masaya ako.
THIRD PERSON POV
Sa food court, naupo silang lahat. Si Mike, umorder ng malaking fries. Si Kenji at Ren, hati sa milk tea.
Si Snow, tahimik lang. Tinitigan niya si Jay, nag-isip.
SNOW POV
Jay… paano kung malaman ng lahat? Paano kung di nila kami matanggap?
JAY POV
Napansin ko na tahimik si Snow. “Bunso, ayos ka lang?” tanong ko. “Oo…” sagot niya, pero hindi ako kumbinsido.
SNOW POV
“Jay… natatakot ako,” sabi ko, mahina lang para kami lang makakarinig. “San ka natatakot?” “Na malaman nila… na baka magbago tingin nila.”
JAY POV
Hinawakan ko braso niya, mahigpit pero maingat. “Snow… kahit anong mangyari, kasama mo ako. Di kita iiwan.”
SNOW POV
Parang gusto kong maiyak. Pero pinigilan ko. Ngumiti lang ako, pilit. “Salamat, Jay…”
THIRD PERSON POV
Pag-uwi nila, naglakad magkasabay sina Jay at Snow, naiwan sa likod. Tahimik, pero komportable.
JAY POV
“Bunso…” “Hmm?” “Pwede ba kitang hawakan?” tanong ko, mahina.
SNOW POV
Nagulat ako. Pero tumango ako, dahan-dahan. Hinawakan niya kamay ko. At sa unang pagkakataon… naglakad kaming magkahawak kamay — kahit nasa likod kami ng tropa para di mahalata.
THIRD PERSON POV
Pagdating sa boarding house, bitaw agad. Pero nagkatinginan, sabay ngiti. Parang simpleng bagay, pero para sa kanila… buong mundo na.
SNOW POV
Bago matulog, may message ako kay Jay.
“Jay… salamat. Sa lahat.”
Nag-reply siya:
“Bunso… ako dapat magpasalamat. Dahil ikaw yan.”
JAY POV
Pinikit ko mata ko, pero di ako makatulog. Inisip ko yung kanina, nung muntik na kaming maghalikan. At inisip ko rin… Darating din kaya ang araw na di na natin kailangang magtago?
THIRD PERSON POV
Sa dilim ng kwarto, parehong gising. Parehong takot… pero parehong umaasa.
SNOW POV
Jay… sana dumating ang araw… na kaya na nating ipagsigawan ’to.
CHAPTER 10
SNOW POV
Linggo ng hapon. Akala ko normal lang na araw na kain, kulitan, at pahinga. Pero biglang umulan nang malakas.
Nakatambay kami ni Jay sa terrace ng boarding house. Yung ulan, parang orchestra sa bubong. Ang lamig ng hangin… pero mas mainit yung tibok ng puso ko.
THIRD PERSON POV
Sa loob, tuloy ang ingay ng tropa na naglalaro ng cards sina Neil at Gio. Si Mike kumakain na naman, si Kenji at Ren abala sa TikTok. Pero sa labas, sa terrace, parang may sariling mundo sina Snow at Jay.
JAY POV
Tinitigan ko si Snow habang nakatingin siya sa ulan. Putek. Yung buhok niya medyo basa sa ambon, at yung pisngi niya namumula sa lamig. “Bunso… malamig?” tanong ko. Medyo natawa siya. “Hindi naman… konti lang,” sagot niya.
Gusto ko siyang yakapin. Pero baka may makakita. Kaya nagpakasapat muna ako sa paglapit.
SNOW POV
Ramdam ko yung init ni Jay sa tabi ko. Sa bawat paghinga niya, parang humihigpit ang yakap ng puso ko. At sa bawat tibok… paulit-ulit kong tinatanong sarili ko: Hanggang kailan kami ganito?
JAY POV
“Snow…” “Hmm?” “Naalala mo nung una kitang nakita?” Tumango siya. “Ano?” tanong niya, nakangiti.
SNOW POV
“Akala ko… cute ka lang,” sabi ni Jay, sabay tawa. “Tangina mo, Jay!” sabi ko, natatawa rin. “Pero… habang tumatagal… nakita ko, mabait ka. Totoo ka. At dun na ako… nahulog.”
THIRD PERSON POV
Tumahimik silang dalawa. Tanging patak ng ulan ang maririnig.
SNOW POV
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pero ramdam ko na, eto na yung moment. “Jay… ako rin,” sabi ko, mahina lang. “Matagal na kitang gusto.”
JAY POV
Putek. Para akong binuhusan ng init. “Bunso…” Tumingin siya sakin, diretso sa mata.
THIRD PERSON POV
Sa gitna ng malakas na ulan, sa terrace na amoy basang kahoy… Unti-unting naglapit ang mukha nila.
SNOW POV
Parang bumagal ang mundo. Ang lakas ng tibok ng puso ko. At bago ko pa mabawi yung hiya ko… naramdaman ko na yung labi niya sa labi ko.
JAY POV
Shit. Ang lambot. Ang tamis. Hindi malalim, hindi marahas, dahan-dahan. Parang sinasabi: Andito ako. Mahal kita.
THIRD PERSON POV
Tumagal lang ng ilang segundo yung halik. Pero sapat na para ma-seal ang nararamdaman nila sa isa’t isa.
SNOW POV
Pagkabitiw ng labi namin, nagkatinginan kami. Namumula ako, nahihiya, pero masaya. “Jay…” “Bunso…”
JAY POV
“Wag kang matakot. Ako bahala.” “Promise?” “Promise.”
Hinawakan ko kamay niya, mahigpit.
THIRD PERSON POV
Sa loob, wala pa ring alam ang tropa. Pero sa terrace, may dalawang pusong naglakas loob na ipagtapat ang katotohanan.
SNOW POV
Pagpasok namin, sinubukan kong magpanggap na normal lang. Pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Uy, bakit parang ang saya nyo?” asar ni Neil. “Wala, bro,” sabi ni Jay, sabay tingin sakin.
MIKE POV
Tangina. Kitang-kita ko na. Pero wala akong sinabi. Sa halip, ngumiti ako. Good for them.
THIRD PERSON POV
Kinagabihan, sa kwarto, magkatabi sa kama sina Jay at Snow. Hindi magka-holding hands, pero magkadikit ang balikat.
SNOW POV
“Jay… natatakot pa rin ako minsan.” “Ako rin,” sabi niya. “Pero mas malakas yung gusto kong makasama ka,” dagdag niya, nakangiti.
JAY POV
Pinikit niya yung mata niya. Tumingin ako, at inisip: Tangina, paano kung may mangyari? Paano kung masaktan kita? Pero isa lang sigurado ko: Di ko siya pababayaan.
SNOW POV
Bumukas yung phone ko, may notification. Isang anonymous DM: “Bakla ka pala. Nakakadiri ka.”
Tumigil ang mundo ko. Parang may kumurot sa dibdib ko.
JAY POV
“Snow, anong meron?” tanong ko, kita ko yung pagputla ng mukha niya. Tahimik siya, pero pinakita niya yung message. Tangina. “Wag mo na lang pansinin,” sabi ko, pilit kalma ang boses. Pero sa loob ko, galit na galit ako.
SNOW POV
“Jay… paano kung kumalat?” “Snow… kahit anong mangyari, kasama mo ako.” “Promise?” “Promise,” sabi niya, sabay hawak ulit sa kamay ko.
THIRD PERSON POV
Tumahimik ulit ang gabi. Sa labas, huminto na ang ulan. Pero sa loob, dalawang pusong kumapit pa rin sa isa’t isa… kahit may takot, kahit may panganib.
SNOW POV
Bahala na bukas. Basta ngayon… kami ni Jay. At yun ang mahalaga.
CHAPTER 11
SNOW POV
Kinabukasan, hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko pagdilat pa lang ng mata. Parang may mali, parang may paparating na masama. Nilingon ko si Jay. Tulog pa, mahimbing, hawak pa rin ang kamay ko mula kagabi.
Hinalikan ko siya sa noo. “Good morning, Jay,” mahina kong bulong. Pero sa dibdib ko, ramdam ko yung kaba.
THIRD PERSON POV
Paglabas ni Snow sa sala, tahimik ang buong tropa. Si Mike, nakaupo lang sa gilid ng sofa, hawak ang phone. Si Neil at Gio, tahimik na nagkakatinginan. Si Kenji at Ren, parehong seryoso ang mukha.
SNOW POV
“Bro… may nangyari ba?” tanong ko, pilit na ngiti. Pero ramdam kong nanginginig na yung tuhod ko.
Tumayo si Mike, lumapit. “Bunso…” sabi niya, mahina ang boses. “Tingnan mo ’to.”
THIRD PERSON POV
Inabot niya yung phone niya kay Snow. At pagtingin niya… parang nahulog yung mundo ko.
May nag-post sa anonymous FB page ng campus: “Pangalan: Snow. Secret boyfriend niya si Jay. Disgusting. #Exposed”
May kasama pang stolen photo. Yung kuha nung magkahawak sila ng kamay sa mall, malabo pero halata.
SNOW POV
Nanginginig yung kamay ko. “P- paano nila nalaman?” Tumingin ako sa kanila, pero walang makatingin ng diretso sakin.
JAY POV
Nagising ako nung narinig ko yung boses ni Snow sa sala. Bumangon ako, lumapit. Pagkita ko sa phone, putangina. Parang binagsakan ako ng langit at lupa.
THIRD PERSON POV
Tahimik ang buong sala. Walang gustong magsalita. Si Snow, nakatayo lang, parang malalaglag.
JAY POV
Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko balikat niya. “Bunso…” sabi ko, mahina. Tumingin siya sakin, namumula ang mata niya, parang iiyak.
SNOW POV
“Jay… sorry…” “Wag,” sabi niya agad. “Walang may kasalanan satin.”
MIKE POV
Tangina. Nakita ko yung takot sa mata ni Snow. At yung galit at pag-aalala sa mukha ni Jay. “Bro… wag nyo na lang basahin comments,” sabi ko.
THIRD PERSON POV
Pero kahit pa iwasan nila, kumakalat na sa buong campus group chat.
“Kadiri bro hahaha.” “Confirmed na bakla si Snow? Pati si Jay?” “Tangina, sayang pogi pa naman.”
SNOW POV
Masakit. Para akong ginugupit sa loob. Pero mas masakit… na baka madamay si Jay.
JAY POV
Nagkakatinginan kami. Walang nagsasalita, pero pareho naming naiisip: Ano na gagawin natin?
THIRD PERSON POV
Biglang tumayo si Gio, seryoso ang mukha. “Bro… gusto nyo bang kumprontahin kung sino nag-post?” Si Neil, galit na galit. “Putangina, kung sino man yan, basagin ko mukha.”
SNOW POV
Napaluha ako. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kanila. Kahit hindi nila maintindihan lahat, andiyan pa rin sila.
JAY POV
“Bro… salamat,” sabi ko, garalgal ang boses ko. Pero lumapit ako kay Snow, hinila ko siya papunta sa kwarto.
THIRD PERSON POV
Pagkasara ng pinto, tahimik. Si Snow nakaupo sa kama, nakayuko. Si Jay, lumuhod sa harap niya.
JAY POV
“Bunso… tingin ka sakin,” sabi ko. Ayaw niya nung una. Pero dahan-dahan niyang itinaas yung mukha niya, puno ng luha.
SNOW POV
“Jay… baka iwan mo ako…” bulong ko. Agad siyang umiling. “Snow… hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari.”
JAY POV
Hinawakan ko mukha niya, pinunasan ko yung luha. “Alam mo ba? Mas masaya ako simula nung inamin natin.” “Jay… pero natatakot ako…” “Ako rin,” sabi ko. Pero tinanong ko siya: “Gusto mo bang itago ulit? O gusto mong ipaglaban ’to?”
SNOW POV
Parang huminto yung mundo. Gusto ko sanang sumuko. Pero nung nakita ko yung mata ni Jay, puno ng tapang, puno ng pagmamahal, napangiti ako kahit umiiyak pa rin.
“Jay… gusto kong ipaglaban.”
THIRD PERSON POV
Yumakap si Jay kay Snow, mahigpit. Hindi romantic na halik, yakap ng dalawang taong handang kumapit kahit lumaban sa buong mundo.
SNOW POV
“Salamat, Jay…” “Wala yun. Ako nga dapat magpasalamat… kasi mahal mo rin ako.”
JAY POV
Tumayo ako, tinulungan ko siyang tumayo. “Bunso… lalabas tayo. Harapin natin tropa.”
THIRD PERSON POV
Paglabas nila, nakita nila ang tropa naghihintay. Tahimik, pero ramdam mo yung suporta.
MIKE POV
Tumingin sakin si Snow, namumula ang mata. Tumingin din si Jay, parang handa na silang magsalita.
SNOW POV
“Bro… totoo yung nakapost. Kami ni Jay.” Walang nag-react agad. Tumahimik.
JAY POV
“Pero sana… kahit ganito kami… tropa pa rin tayo,” sabi ko.
THIRD PERSON POV
Si Mike, tumayo. “Tangina, bro… tropa pa rin kayo, ano ka ba!” Lumapit, sabay akbay kay Snow. “Ano bang pake namin? Eh mas masarap ka pa rin magluto!” biro niya, pilit pinapagaan ang loob.
NEIL POV
“Bro, bakla ka man o hindi… tropa ka namin.” Lumapit si Neil, tinapik balikat ni Jay.
SNOW POV
Tangina. Umiyak ako, pero sa pagkakataong ’to, luha ng tuwa.
JAY POV
“Salamat, mga bro…” At sa loob ng sala, nagyakapan kami. Walang halong arte. Tropa pa rin.
THIRD PERSON POV
Sa labas, malakas ang ulan. Pero sa loob ng boarding house, mas mainit ang yakap, mas totoo ang tawanan.
SNOW POV
Siguro mahirap pa rin bukas. Baka mas maraming manlait, mas maraming manakit. Pero ngayon, mas matapang na ako. Kasi hindi na ako mag-isa. Andito si Jay. Andito ang tropa.
CHAPTER 12
SNOW POV
Lunes. Akala ko, matapang na ako. Akala ko, sapat na yung sinabi namin sa tropa. Pero pagpasok ko sa campus… tangina, ibang usapan na ’to.
Bawat kanto, bawat corridor, parang may nakatingin. May pabulong. May nagtatawanan. May nagko-comment sa post. Masakit.
THIRD PERSON POV
Kasama ni Snow si Jay, magkatabi sila habang naglalakad papunta sa first class. Pero kahit kasama niya si Jay, ramdam niya yung kabang parang tinutusok ng libo-libong mata.
SNOW POV
“Bakla!” narinig ko mula sa likod. Nilingon ko, isang grupo ng kaklase namin. Tumingin lang ako, pero hindi ko na kaya. Napayuko na lang ako, at nagpatuloy sa paglakad.
JAY POV
Tangina. Gusto kong balikan sila. Gusto kong suntukin. Pero nakita ko yung mukha ni Snow na nanginginig na ang kamay niya.
“Bunso… tingin ka sakin,” sabi ko. Tumingin siya, halatang pipigilin yung luha. “Andito lang ako,” sabi ko, sabay hawak sa balikat niya.
SNOW POV
Bumalik ang tibok ng puso ko nung narinig ko yun. Jay. Kahit anong mangyari, andiyan siya.
THIRD PERSON POV
Sa loob ng classroom, nagpatuloy ang bulungan. May kumukuha pa ng picture, patago. May nagpo-post sa GC.
MIKE POV
Nakita ko lahat yun. Tangina, gusto ko na talagang gulpihin yung mga gago. Pero pinigilan ko sarili ko kasi alam ko, mas kailangan nila ng tropa kaysa gulo.
GIO POV
Bro, nakikita ko yung struggle nila. Pero ang lupit na kasi pero kahit ganun, lumalaban pa rin. Andiyan pa rin si Snow, tahimik na nakaupo, habang si Jay nasa tabi niya, parang bodyguard.
THIRD PERSON POV
Recess. Nagkayayaan kumain sa cafeteria. Buong tropa, sama-sama.
SNOW POV
Habang kumakain, biglang lumapit si Andre, isa sa mga kaklase namin na medyo bully. “Tangina, Snow, legit pala? Bakla ka talaga?” sabi niya, lakas ng boses para marinig ng buong cafeteria.
JAY POV
Putangina. Tumayo ako agad. “Bro, anong problema mo?” tanong ko, diretso. Napaatras siya, pero pilit pa ring matapang. “Wala naman, Jay. Curious lang kami,” sabi niya, nakangiti ng pilit.
THIRD PERSON POV
Tahimik ang buong cafeteria. Lahat nanonood. Si Snow, nakayuko lang, nanginginig ang balikat.
SNOW POV
Gusto ko sanang sumagot. Pero parang walang lumalabas sa bibig ko. Puno na ng takot, ng hiya, ng sakit.
JAY POV
Hinila ko braso ni Snow, pinatayo ko siya. “Tara, bunso. Wala tayong kailangan patunayan sa kanila,” sabi ko. Tumango lang siya, pero kita ko yung luha na gustong kumawala sa mata niya.
THIRD PERSON POV
Lumabas sila sa cafeteria. Tahimik lang. Hanggang sa makarating sila sa likod ng building, dun sa paborito nilang tambayan.
SNOW POV
“Jay… sorry,” sabi ko, boses ko garalgal na. “Wag ka mag-sorry,” sabi niya agad. “Jay… ang hina ko. Ang duwag ko,” tuloy ko.
JAY POV
Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko magkabilang pisngi niya. “Bunso, wag mong sabihing duwag ka. Alam mo bang ang tapang mo? Na kahit takot ka, pumapasok ka pa rin. Kahit may masasakit na salita, andito ka pa rin.”
SNOW POV
Hindi ko na napigilan. Tumulo na yung luha ko. Pero ngumiti ako. “Salamat, Jay… kasi andito ka.”
JAY POV
Ni-yakap ko siya. Mahigpit. At sa tenga niya, mahina kong sinabi: “Bunso… kahit buong mundo pa ang kumalaban… hindi kita iiwan.”
THIRD PERSON POV
Mula sa malayo, nakita sila ni Mike at Neil. Tahimik lang sila. Pero ngumiti si Mike. “Bro, kita mo? Kahit anong pang-asar ng iba, sila pa rin,” sabi niya.
MIKE POV
Proud ako sa kanila. Totoo. Hindi lahat may lakas ng loob na aminin yung totoo. Pero sila, nagawa nila.
SNOW POV
Pagbalik namin sa classroom, may mga nakatingin pa rin. May mga nakatawa, may mga nagbubulungan. Pero this time… hindi na ako lumingon. Tumingin lang ako kay Jay, at ngumiti.
JAY POV
Tangina. Yung ngiti niyang yun ay sapat na para ipagpatuloy ko kahit anong laban.
THIRD PERSON POV
Sa hapon, after class, nag-usap ang buong tropa sa boarding house. Tahimik nung una. Pero si Ren ang unang nagsalita.
REN POV
“Bro… di ko alam kung ano pakiramdam nyo. Pero gusto ko lang malaman nyo na andito kami.”
GIO POV
“Oo, bro. Kung may manloko, may mang-bash… sabihin nyo lang. Bahala kami dun,” sabi ko, nakangiti.
MIKE POV
“Tropa tayo. Hindi yun nabubura dahil lang sa ganito,” sabi ko.
SNOW POV
Parang gusto ko na naman maiyak. Pero sa pagkakataong ’to, luha na ng pasasalamat.
JAY POV
“Salamat, mga bro. Hindi nyo alam kung gaano kahalaga ’to para samin,” sabi ko, mahina lang pero totoo.
THIRD PERSON POV
Sa gabi, magkatabi na naman sa kama sina Snow at Jay. Tahimik lang. Pero ramdam mo yung bigat na unti-unti nilang natututunang buhatin nang magkasama.
SNOW POV
“Jay… pagod na pagod na ako minsan,” sabi ko, halos bulong lang. “Alam ko, bunso… ako rin. Pero tingnan mo andito pa rin tayo.”
JAY POV
Humiga siya sa dibdib ko. Niyakap ko siya. At sa dilim ng kwarto, sa ingay ng ulan sa labas, bumulong ako: “Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita.”
SNOW POV
Ramdam ko yung tibok ng puso niya. At sa gitna ng lahat ng sakit, lahat ng takot… doon ako kumapit. Sa tibok ng puso niya. At sa pag-ibig naming ipinaglalaban, kahit masakit.
CHAPTER 13
SNOW POV
Martes. Pagkagising ko, ramdam ko pa rin yung pagod sa dibdib ko. Hindi lang dahil sa puyat, kundi dahil sa bigat ng iniisip.
Pero paglingon ko sa tabi ko, nakita ko si Jay, tulog pa, nakayakap pa rin sakin. Parang biglang gumaan lahat. Jay… salamat, kasi andiyan ka.
JAY POV
Pagdilat ko, nakita ko si Snow nakatitig sakin. “Ang aga mo mag-isip,” biro ko, sabay ngiti. “Ang aga mo rin maglambing,” balik niya, sabay kurot sa braso ko.
Tawa kami pareho. At kahit ang dami naming problema, kahit sa loob ng boarding house lang… pakiramdam ko, kami lang dalawa ang nasa mundo.
THIRD PERSON POV
Pagbaba nila sa sala, nandoon na ang buong tropa. Si Mike, nakangiti habang nagbubukas ng chicharon. Si Neil at Gio, nag-aasaran. Si Kenji at Ren, naglalaro sa phone.
Pero nang makita nila si Snow at Jay, tahimik saglit, tapos ngumiti si Mike.
MIKE POV
“Uy, good morning, lovebirds,” asar ko, sabay tawa. Namula si Snow, napayuko. Si Jay, natawa lang at sabay umakbay kay Snow. “Bro, wag mo na kami asarin, ikaw din wala kang ka-date,” balik ni Jay.
SNOW POV
Nakakahiya, pero ang gaan ng pakiramdam. Kasi kahit binibiro nila kami, hindi yun yung masakit na panlalait. Asar-tropa lang. Normal. Totoo. At tanggap.
THIRD PERSON POV
Sa school, ibang kwento pa rin. May mga umiiwas. May mga bumubulong. May mga tahasang nagtatanong.
JAY POV
Habang naglalakad kami sa corridor, may biglang sumigaw sa likod: “Bakla! Kadiri!” Tumigil ako. Tumigil din si Snow. Huminga ako nang malalim. Tumingin ako kay Snow, kita ko yung takot sa mata niya.
SNOW POV
“Jay… wag na lang,” sabi ko, pilit na hinila braso niya. Pero hindi siya gumalaw.
JAY POV
Lumingon ako. “Bro, anong problema mo?” sabi ko, diretso ang tingin. Tumawa lang yung lalaki, kasama ng barkada niya. “Wala naman, bro. Curious lang. Totoo pala chismis?” sabi niya, nang-aasar.
THIRD PERSON POV
Tahimik ang corridor. May mga estudyanteng nanonood. Nag-aabang.
SNOW POV
Nanginginig na kamay ko. Pero narinig ko si Jay. “Bro, oo, kami. Bakit? Anong say mo?” sabi niya, matapang pero kalmado ang boses.
JAY POV
Tumahimik sila. Walang sumagot. At sa likod, narinig ko may ibang nagbubulong. Pero hindi na ako nagpa-apekto. Hinila ko si Snow, naglakad kami paalis.
SNOW POV
Pagkalayo namin, bumagal ang lakad ko. “Jay… bakit mo pa sila sinagot?” “Bunso, minsan kailangan mong ipakita na hindi ka natatakot,” sabi niya. “Pero natatakot pa rin ako,” sagot ko, mahina.
JAY POV
“Alam ko. Ako rin. Pero mas natatakot ako na magpanggap ulit tayo,” sabi ko. Hinawakan ko kamay niya. At doon, sa harap ng ibang estudyante, hindi ko na binitawan.
THIRD PERSON POV
May mga nakatingin. May mga kumukuha ng picture. Pero si Jay at Snow, naglakad lang. Magkahawak kamay.
At kahit kabado, kahit takot… may kaunting ngiti sa labi nila.
SNOW POV
Tangina. Hawak niya ako. Kahit takot ako, parang safe ako.
JAY POV
Tangina, kabado ako. Pero wala akong pake. Bunso, ipaglalaban kita.
THIRD PERSON POV
Sa hapon, after class, nagkita ulit sila ng tropa. Tahimik nung una. Pero biglang nagsalita si Neil.
NEIL POV
“Bro, nakita namin kanina… kayo ni Snow… magkahawak kamay,” sabi ko. “Bakit, may problema ka?” tanong ni Jay, handang lumaban. Umiling ako. “Wala, bro. Ang sasabihin ko lang… astig,” sabi ko, sabay ngiti.
SNOW POV
Natawa ako. “Salamat, bro,” sabi ko, mahina pero totoo.
MIKE POV
“Tangina, akala nyo kayo lang may love life!” sabi ko, asar-tropa style. Nagkatawanan lahat. At sa sandaling yun, parang bumalik yung dati na tropa lang, walang pakialam ang mundo.
THIRD PERSON POV
Sa gabi, nagkayayaan mag-rooftop. Tahimik ang paligid. Sa taas, tanaw ang ilaw ng buong campus.
SNOW POV
“Jay…” sabi ko, mahina lang, habang nakaupo kami sa sahig. “Hmm?” “Thank you,” sabi ko. “Para saan?” “Sa lahat. Sa pagiging matapang. Sa hindi pag-iwan sakin.”
JAY POV
“Bunso… thank you rin,” sabi ko. “Kasi mahal mo ako kahit ako ’to. Kahit di ako perfect. Kahit gago ako minsan.”
SNOW POV
Tumingin ako sa kanya. “Jay… mahal kita,” sabi ko, deretso. At kahit nahihiya ako, sinabi ko pa rin.
JAY POV
Putek. Ang sarap pakinggan. Ngumiti ako. “Bunso… mahal na mahal din kita,” sabi ko, sabay halik sa noo niya.
THIRD PERSON POV
Sa dilim ng gabi, walang ibang makakarinig. Walang basher. Walang ingay. Kundi ang dalawang pusong pumipintig, mas malakas pa sa takot.
SNOW POV
“Jay… natatakot pa rin ako sa bukas,” sabi ko. “Alam ko,” sabi niya. “Pero lagi kong pipiliin na mahalin ka. Kahit anong bukas pa yan.”
THIRD PERSON POV
Nagkatitigan sila. Nagkangitian. At sa sandaling yun, mas matapang sila kaysa kahapon.
Kasi sa dulo ng lahat… Hindi ang mundo ang magde-decide kung anong klaseng pag-ibig meron sila. Kundi sila mismo, at ang pusong pinili nilang ipaglaban.
CHAPTER 14
SNOW POV
Akala ko sanay na ako sa bulungan, sa mga mata ng tao na parang gusto akong lamunin. Pero minsan, kahit anong tibay mo kahapon, may araw talaga na parang gusto mo na lang matulog at wag nang gumising.
Pagpasok ko sa campus, ramdam ko agad. May mga nakatingin, may nag-picture pa, may mga nag-message na naman sa fake account ko:
“Tangina ka bakla ka talaga.” “Jay deserves better, gago ka.”
Ang sakit. Kahit anong sabihin ni Jay na wag ko pansinin… Masakit pa rin.
JAY POV
Papasok pa lang ako sa gate, may nakita na akong post sa GC:
“Snow and Jay, PDA sa hallway, eww!” Putangina. Sino bang may pakialam kung mahal ko yung tao?
Hinahanap ko agad si Snow. Pagkakita ko sa kanya, parang ang bigat ng balikat niya. Nilapitan ko, hinawakan ko braso niya.
“Bunso…” “Jay…” Nakita ko agad na namumula ang mata niya, pilit na ngumiti pero halata ang pagod.
THIRD PERSON POV
Nakatayo lang sila sa hallway. May mga estudyanteng dumadaan, bumubulong. May nag-‘ewww’, may nag-video.
Pero sa sandaling yun, walang pakialam si Jay. Nilapitan niya si Snow, hinawakan ang kamay nito.
SNOW POV
“Jay… wag dito, baka mas lumala,” sabi ko, mahina. “Bunso, hayaan mo na sila,” sabi niya, sabay hawak kamay ko ng mas mahigpit.
Tangina. Sabay na takot at kilig ang naramdaman ko.
JAY POV
Wala na akong pake. Hindi ko na kayang itago, lalo na pag nakikita ko siyang nasasaktan.
THIRD PERSON POV
Sa cafeteria, buong tropa nakaupo. Tahimik sila nung umupo sina Snow at Jay.
Si Mike, nagpakamot ng batok. “Bro… may nakita akong post na naman sa GC,” sabi niya. “Hayaan mo na, bro,” sagot ni Jay, pero halata sa boses niya na naiirita na siya.
NEIL POV
“Tangina bro, kung ako yun, baka nasapak ko na mga yun,” sabi ko, galit. “Bro, wag… di worth it,” sagot ni Snow, mahina lang.
GIO POV
“Totoo, bro… pero kung gusto nyo, kami na bahala,” biro ko, pero seryoso rin. Tumawa si Jay ng konti. “Salamat, mga bro… pero kaya pa,” sabi niya.
THIRD PERSON POV
Sa gitna ng usapan, biglang dumaan si Andre at barkada niya. “Uy, ang sweet naman! PDA nanaman? Mag hotel na lang kayo, bakla!” sigaw ni Andre.
Tumahimik ang cafeteria. Lahat nakatingin.
SNOW POV
Parang gusto kong matunaw sa hiya. Napayuko ako.
JAY POV
Pero hindi na ako nakatiis. Tumayo ako. “Bro, anong problema mo?” tanong ko, diretsahan.
Natawa si Andre, lumapit. “Wala bro, curious lang. Totoo nga, kayo?” “OO, kami,” sagot ko, matigas ang boses. “Bakit? Naiinggit ka?”
THIRD PERSON POV
Nagulat ang cafeteria. May kumislap na ngiti sa mga mukha ng ibang estudyante na may halong respeto, may halong gulat.
ANDRE POV
“Tangina bro, bakla ka na rin pala?” sabi ko, pilit nagpapatawa pero halatang wala nang laban.
JAY POV
“Bro, mas nakakadiri yung ugali mo, hindi yung pagmamahal namin,” sabi ko, kalmado pero diretso.
SNOW POV
Putek. Hindi ko alam kung matatakot ako o kikiligin. Pero ang sarap marinig.
THIRD PERSON POV
Tahimik si Andre, halatang na-shutdown. Tapos umalis na lang, pilit na tumatawa kasama tropa niya.
MIKE POV
“Tangina bro, solid yun,” sabi ko, sabay daplis sa balikat ni Jay. Tawa si Neil, “Bro, idol na kita.”
SNOW POV
Tumayo ako, tiningnan ko si Jay. “Jay… bakit mo ginawa yun?” “Bunso… kasi pagod na akong manahimik. Kasi mahal kita. At kahit buong mundo pa ang manlait… di ko na ikakahiya yun.”
JAY POV
Nakita ko yung mata ni Snow na may luha pero may ngiti. Putangina. Worth it lahat.
THIRD PERSON POV
Pagkaupo nila, may lumapit na babae. Medyo mahiyain, pero matapang ang tingin. “Ano nga pala, Snow, Jay… saludo ako sa inyo,” sabi niya, sabay ngiti. “Salamat,” sabi ni Snow, nagulat pero kinilig.
SNOW POV
Di ko inaasahan yun. Pero ang sarap sa pakiramdam. Na hindi lang pala lahat galit. Na meron din palang nakakaintindi.
JAY POV
“Bunso, kita mo? Hindi lahat kontra,” sabi ko. Tumango siya, ngumiti. At doon ko nakita na bumalik yung konting lakas sa mata niya.
THIRD PERSON POV
Pag-uwi sa boarding house, nagkayayaan mag-rooftop ulit. Sa dilim ng gabi, sa lamig ng hangin… tahimik silang nakaupo, magkatabi.
SNOW POV
“Jay… thank you,” sabi ko. “Sa ano?” “Sa pagiging matapang… sa pagprotekta sakin… sa pag-amin sa harap ng lahat.”
JAY POV
“Bunso… dapat matagal na nating ginawa ’yun,” sabi ko, sabay hawak sa kamay niya.
THIRD PERSON POV
Tahimik lang sila. Naglalaban ang kaba at saya, pero mas malakas yung pagmamahal.
SNOW POV
“Jay… natatakot pa rin ako sa bukas. Pero mas natatakot ako kung wala ka,” sabi ko.
JAY POV
“Bunso… kahit anong mangyari, andito ako. Kahit umikot pa ang mundo, kahit madapa tayo… pipiliin pa rin kitang mahalin.”
THIRD PERSON POV
Nagkatitigan sila. Unti-unting naglapit ang mukha. At doon sa ilalim ng buwan, sa itaas ng boarding house, hinalikan ni Jay si Snow.
Hindi matagal. Hindi malalim. Pero puno ng pangako.
SNOW POV
Bahala na bukas. Basta ngayon… mahal ko si Jay. At hindi ko na yun itatago.
CHAPTER 15
SNOW POV
Kinabukasan, mas mabigat pa rin ang hangin. Nandiyan pa rin ang takot, pero kakaiba na parang may kaunti nang tibay sa puso ko. Siguro kasi kahapon… nakita kong lumaban si Jay para sakin. At ngayon, kahit natatakot pa rin ako, gusto ko ring lumaban para sa kanya.
JAY POV
Papasok kami sa campus, magkatabi. Tumingin ako kay Snow, halata pa rin ang kaba sa mata niya, pero may kakaibang ngiti. “Bunso… ready ka?” tanong ko, habang hawak ko kamay niya. “Hindi,” sabi niya, sabay tawa. “Pero kasama kita, so laban.”
Tangina. Yun lang sapat na para tumibay rin loob ko.
THIRD PERSON POV
Sa corridor, may mga nakatingin pa rin. May nagbubulungan. May kumukuha ng picture. Pero may ilan din na tumango sa kanila, parang simpleng pag-amin na “Okay lang yan, bro.”
SNOW POV
Naglakad kami papasok ng classroom. Tumingin ako sa tropa sina Mike, Neil, Gio, Kenji at Ren. Nakangiti sila, sabay thumbs up.
Parang biglang gumaan yung dibdib ko. Tangina. Hindi kami mag-isa.
JAY POV
Umupo kami sa usual spot namin. Tahimik lang, hanggang sa pumasok si Andre at barkada niya. Nilingon ko, handa na ako kung ano man gagawin niya.
ANDRE POV
Nakita ko sila na magkatabi, hawak kamay. Tangina. Pero ewan ko sa loob ko, parang napagod na rin ako kakapansin sa kanila.
THIRD PERSON POV
Tahimik lang si Andre at tropa niya. Walang kantyaw, walang sigaw. Parang may nagbago. O baka napagod na rin sila sa paninira na wala namang napapala.
SNOW POV
Napatingin ako kay Jay, parang nagulat din siya. “Wala?” tanong ko. “Wala,” sagot niya, sabay tawa. At sa unang beses simula nung kumalat yung tsismis… parang normal na araw lang ulit.
JAY POV
Pero alam naming hindi lahat ganun kadali. Sa hapon, may nag-message kay Snow mula sa unknown account:
“Bakla ka, wag ka na lang pumasok, nakakahiya ka.”
Putangina. Nakita ko yung kamay ni Snow, nanginginig habang binabasa niya. Hinila ko siya palapit.
SNOW POV
“Jay… pagod na ako,” sabi ko, mahina. “Alam ko, bunso. Pero di kita iiwan,” sagot niya.
THIRD PERSON POV
Nakita ng tropa yung mukha ni Snow. Lumapit si Mike. “Bro, wag mong pansinin yan. Fake account lang yan, duwag lang yung gumawa niyan,” sabi niya, sabay tapik sa balikat ni Snow.
NEIL POV
“Gusto mo bang hanapin namin kung sino yan?” tanong ko, medyo galit. “Wag na, bro… wag na lang tayo madamay sa gulo,” sabi ni Snow.
JAY POV
“Bunso, kung ayaw mo, di ko na hahabulin. Pero gusto kitang ipagtanggol,” sabi ko. “Jay… thank you,” sagot niya, sabay ngiti na parang pagod na pagod pero totoo.
THIRD PERSON POV
Pagkauwi, nagkayayaan ulit ang tropa sa rooftop. Tahimik nung una, tanaw lang ang ilaw ng lungsod at naririnig ang mahina lang na hangin.
SNOW POV
“Bro…” sabi ko, mahina, habang nakatingin sa kanila. “Salamat sa lahat. Alam ko, ang hirap tanggapin nung una, pero tinanggap nyo pa rin kami.”
MIKE POV
“Bro, wag mo na ulitin yun,” sabi ko, sabay tawa. “Tropa tayo, ano ka ba. Minsan lang nga nakakainis kasi PDA kayo, pero tropa pa rin.”
Tawa sila. Tawa rin si Snow.
JAY POV
Kahit may lungkot at takot pa rin… ang saya pakinggan ng tawa niya. Parang yun ang nagpapaalala sakin na worth it lahat ng laban.
THIRD PERSON POV
Habang nag-uusap sila, biglang nag-message sa group chat ng tropa. Si Kenji ang nag-send:
“Mga bro, may nagpost ulit. Pero this time, may caption na ‘Ang tapang nyo, respeto’.”
SNOW POV
Nagulat ako. “Totoo?” “Oo bro,” sabi ni Gio. Pinakita sakin yung post na stolen pic naming dalawa ni Jay kanina sa hallway, magkahawak kamay. Pero ang caption:
“Hindi ko sila kilala personally, pero ang tapang nila. Sana all may ganitong pagmamahal.”
JAY POV
Tangina. Parang gusto kong umiyak pero lalaki ako, syempre tawa lang. Pero totoo ang sarap sa pakiramdam.
SNOW POV
“Jay… may nag-appreciate,” sabi ko, parang bata na natuwa. “Oo bunso… may nag-appreciate. Hindi lahat kontra,” sabi niya.
THIRD PERSON POV
Nagkatawanan sila. Naging magaan ang gabi. At sa gitna ng lahat, nakaramdam sila ng kaunting pag-asa na baka hindi lahat galit, na baka may mga tao ring nakakaintindi.
SNOW POV
“Jay…” sabi ko, mahina habang nakaupo ako sa tabi niya, nakasandal ulo ko sa balikat niya. “Hmm?” “Kahit ang gulo ng mundo, kahit ang daming galit… thank you kasi hindi mo ko iniwan,” sabi ko.
JAY POV
Tumingin ako sa kanya, hinawakan ko pisngi niya. “Bunso… kahit anong mangyari, pipiliin pa rin kitang mahalin,” sabi ko. At sa totoo lang, wala nang mas mahalaga sakin kundi yun.
THIRD PERSON POV
Tahimik sila, pero ramdam ang tibay ng damdamin. Hindi perpekto ang mundo. Marami pa ring mananakit. Pero mas malakas na yung pag-ibig nila kaysa sa takot.
SNOW POV
Siguro bukas may problema ulit. Siguro may masasakit na salita ulit. Pero hindi na ako magtatago. Kasi may Jay ako. At may tropa kaming handang sumalo pag nadapa kami.
JAY POV
At kahit mahirap, kahit nakakatakot, kaya namin kasi mahal namin isa’t isa. At yun ang pinaka-totoo.
CHAPTER 16
SNOW POV
Miyerkules. Magaan ang pakiramdam ko paggising, siguro dahil kahapon, kahit paano, may nakakita ng kabutihan sa amin. Pero alam ko rin: hindi ibig sabihin na wala nang masasakit na mangyayari. At tama nga ako.
THIRD PERSON POV
Pagdating sa campus, bumungad agad ang malupit na katotohanan. May bagong post sa GC ng batch nila:
Tingnan nyo ’tong dalawa, akala mo cute. Kadiri pa rin tbh.
At sinabayan pa ng collage ng stolen photos nina Jay at Snow, magkahawak kamay sa corridor, at yung kuha sa cafeteria.
SNOW POV
Pagkabasa ko, nanlamig palad ko. Nanginginig. Parang gusto kong bumalik na lang sa boarding house at magkulong sa kwarto.
JAY POV
Pagkakita ko sa post, nag-init ulo ko. Pero nung lumingon ako kay Snow, nakita ko sa mukha niya yung takot, yung sakit. Huminga ako ng malalim, nilapitan ko siya. “Bunso, tingin ka sakin,” sabi ko. Dahan-dahan siyang tumingin. “Wag mong hayaan na matalo ka ng takot, okay?”
SNOW POV
Tumango ako, kahit nanginginig pa rin. “Pero Jay… ang sakit. Nakakahiya.” “Alam ko… pero nandito ako. Hindi kita pababayaan,” sabi niya. At kahit masakit pa rin… may kapirasong tibay akong naramdaman.
THIRD PERSON POV
Sa loob ng classroom, may mga nakangiti, may mga nakatawa, may nagbubulungan. Pero napansin ni Snow: may ilan na lang. Hindi na kasing dami nung una.
MIKE POV
Tangina, nung nakita ko yung post, gusto ko na talagang hanapin kung sino gumawa nun. Pero sabi ko sa sarili ko, mas kailangan nila ng suporta, hindi gulo. Nilapitan ko sila. “Bro, ignore mo lang yan. Andito kami,” sabi ko.
NEIL POV
“Tsaka bro, kung may mang-bash pa… ipa-block natin,” sabi ko. Tawa si Snow, mahina pero totoo. “Salamat, mga bro,” sabi niya.
SNOW POV
Hindi ko alam kung paano ko malalampasan yung kaba. Pero alam ko, mas masahol yung wala kang kasama. Kasi ngayon… andiyan si Jay. At andiyan ang tropa.
JAY POV
Sa recess, nagkayayaan kumain sa labas ng campus para maiba ang hangin. Tahimik nung una, pero maya-maya, may nagbiro.
GIO POV
“Bro, kung mag break kayo ni Snow, akin na lang siya,” sabi ko, nakangiti. Napangiti si Snow, nagulat. “Gago!” sigaw ni Jay, sabay tawa. Nagkatawanan lahat.
SNOW POV
Ang sarap sa pakiramdam. Parang normal lang ulit. Kahit may lungkot at takot pa rin, naramdaman kong hindi kami pabigat sa kanila tropa pa rin kami.
THIRD PERSON POV
Pagbalik nila sa campus, medyo nagulat sila: may papel na nakadikit sa pinto ng classroom.
Bakla at lalaki — wag na kayo dito!
Tumigil si Snow. Napayuko.
JAY POV
Tangina. Kinuha ko yung papel, nilukot ko, tinapon. Tumingin ako sa buong klase. “Kung sino man gumawa nito… bahala ka. Pero di kami aalis,” sabi ko, kalmado pero matigas. Tahimik lang sila. Walang umamin. Pero walang sumagot.
SNOW POV
“Jay… baka mas lumala,” sabi ko, mahina. “Bunso, pag tumakbo tayo, panalo sila,” sagot niya. Tumango ako, kahit nanginginig.
THIRD PERSON POV
Sa hapon, nag-message si Andre kay Jay:
Bro, pwede ba tayo mag-usap?
JAY POV
Nagulat ako. Pero sabi ko, sige. Pumunta ako sa likod ng building, kasama si Snow. Andoon si Andre, mukhang seryoso.
ANDRE POV
“Bro… hindi ko sinulat yung papel, promise,” sabi ko, medyo mahina ang boses. Tumingin si Jay, seryoso. “Bakit mo sinasabi sakin?” tanong niya. “Ewan. Siguro kasi napagod na rin ako manlait,” sabi ko. Tumingin ako kay Snow. “Snow… sorry, bro,” sabi ko.
SNOW POV
Nagulat ako. Hindi ko inaasahan. Pero ramdam ko, totoo yung sorry niya. “Okay lang… salamat,” sagot ko, mahina pero totoo.
JAY POV
“Bakit ka nagbago?” tanong ko. “Bro… wala lang. Siguro kasi ang tibay nyo… napaisip lang ako,” sagot ni Andre, sabay talikod.
THIRD PERSON POV
Umalis si Andre. Tahimik lang sila Snow at Jay, nagkatitigan. “Bunso… may mga tao talagang nagbabago. Hindi lahat,” sabi ni Jay. Tumango si Snow. “At least, may isa,” sagot niya, sabay ngiti.
MIKE POV
Pagbalik nila, nagkwento si Jay. “Tangina, seryoso yun?” tanong ko. “Oo bro,” sagot ni Jay. “Bro, astig yun,” sabi ko, sabay tapik kay Snow.
SNOW POV
Ngumiti ako. “Siguro nga, hindi lahat galit. Hindi lahat mananatiling galit,” sabi ko.
JAY POV
“Bunso… kita mo na? Hindi tayo nag-iisa,” sabi ko. “Oo, Jay… salamat,” sagot niya.
THIRD PERSON POV
Pagkauwi, rooftop ulit. Tahimik ang gabi, pero magaan ang hangin.
SNOW POV
“Jay…” sabi ko, nakasandal sa kanya. “Hmm?” “Kahit bukas may bashers ulit… kaya ko na. Kasi kasama kita.”
JAY POV
“Bunso… hindi lang ako kasama mo. Kasama mo rin sila,” sabi ko, sabay tingin sa tropa.
THIRD PERSON POV
Tahimik lang ang tropa. Pero may ngiti sa lahat ng mukha nila. Wala silang sinabi. Pero malinaw: Nandito kami. Kahit anong mangyari.
SNOW POV
Siguro, hindi namin kayang baguhin agad ang mundo. Pero pwede kaming maging matapang kasi mahal namin ang isa’t isa. At yun ang mahalaga.
CHAPTER 17
SNOW POV
Huwebes. Bumangon ako nang mas magaan ang pakiramdam. Hindi dahil wala nang problema kasi alam ko, meron pa rin. Pero dahil kahapon, nakita ko… may mga taong nagbabago. At higit sa lahat, hindi ko na kailangang magtago. May Jay ako. May tropa kami.
JAY POV
Pagdating namin sa campus, ramdam ko pa rin yung bigat ng hangin, yung tahimik na tingin ng mga tao na parang nanonood lang kung kailan kami bibitaw. Pero mas ramdam ko rin yung kamay ni Snow, nakahawak sa kamay ko. At doon, parang bumigat yung dibdib ko, hindi sa lungkot, kundi sa tibay.
THIRD PERSON POV
Pagpasok nila sa classroom, may bagong papel na naman sa upuan ni Snow: “Umalis na kayo, nakakahiya kayo.” Tahimik si Snow. Napalunok. Pero bago pa niya mahawakan, kinuha ni Jay yung papel, pinunit at itinapon.
JAY POV
Tumingin ako sa buong klase. “Wala na ba kayong mas magandang gawin?” tanong ko, kalmado pero ramdam ang inis. Tahimik lang sila. Walang sumagot. Pero walang tumawa.
SNOW POV
Ramdam ko pa rin ang sakit. Pero sa unang beses… hindi na ako lumingon para tumakbo palayo. Tumayo lang ako sa tabi ni Jay. At doon ko na-realize: Mas takot akong mawala siya kaysa takot ako sa kanila.
MIKE POV
Tangina, gusto ko na talaga hanapin kung sino gumagawa nito. Pero nakita ko si Snow na nakatayo lang, hindi na umiiyak. Doon ako napangiti. “Bro, proud ako sayo,” sabi ko, sabay tapik sa balikat niya.
NEIL POV
“Gago, baka maiyak pa ako nyan,” sabi ko, sabay tawa. Natawa rin si Snow, kahit halata ang lungkot sa mata niya. Pero ang mahalaga: tumatawa pa rin siya.
THIRD PERSON POV
Sa hapon, PE class nila. Sa field, hati sa group ang klase. Kasama ni Jay si Snow, pero napansin ni Jay na may ilang nagbubulungan habang nakatingin kay Snow.
JAY POV
Hindi ko na matiis. “Bro, anong problema nyo?” tanong ko. Umiling lang yung isa. “Wala bro, ang galing nyo lang kasi… ang tapang nyo,” sabi niya. Nagulat ako. Akala ko aasar siya. Pero ngumiti lang siya at bumalik sa grupo nila.
SNOW POV
Putek. Hindi ko inaasahan yun. “Jay… may ganun pala,” sabi ko. “Oo bunso… may mga ganun din,” sabi niya, sabay kurot sa pisngi ko.
THIRD PERSON POV
Pagkatapos ng PE, nagkita-kita ang tropa sa kantina. Tahimik nung una, pero si Mike ang nagbukas ng kwento.
MIKE POV
“Bro, gusto ko lang sabihin… tangina, ibang level kayong dalawa,” sabi ko, seryoso pero nakangiti. “Bakit?” tanong ni Snow. “Kasi kahit ganun na kabigat, di kayo bumibitaw. Yun ang astig,” sagot ko.
SNOW POV
Namula ako, di ko alam kung anong isasagot. “Salamat, bro,” sabi ko lang.
NEIL POV
“Tapos bro, to be honest, noong una awkward pa samin, pero ngayon parang normal lang. Kasi kayo yun, e,” sabi ko. Nagkatitigan kami ni Jay, sabay tawa. “Salamat, bro,” sabi ni Jay.
JAY POV
Ang sarap sa pakiramdam. Na hindi kami perpekto. Pero tinatanggap kami ng tropa.
THIRD PERSON POV
Pagkauwi, rooftop ulit. Tahimik ang paligid, maririnig mo lang ang mahinang hangin at ingay ng sasakyan mula sa kalsada.
SNOW POV
“Jay…” sabi ko, mahina. “Hmm?” “Natatakot pa rin ako,” sabi ko. “Alam ko, bunso. Ako rin,” sabi niya. “Pero mas mahalaga, hindi tayo nag-iisa,” dagdag niya.
JAY POV
Hinawakan ko kamay niya. “Bunso, mahal kita,” sabi ko, diretsahan. Tumigil siya, tumingin sakin, at ngumiti. “Jay… mahal din kita. Sobra,” sabi niya.
THIRD PERSON POV
Tahimik sila, pero ramdam ang bigat at ganda ng bawat salitang binitiwan. At sa dilim ng gabi, parang may konting liwanag na unti-unting lumalapit.
SNOW POV
“Jay… salamat kasi hindi mo ko pinilit maging matapang. Pero hinawakan mo lang kamay ko hanggang sa natuto rin akong lumaban,” sabi ko.
JAY POV
“Bunso… kasi yun ang mahalaga. Hindi kita dapat pilitin. Pero dapat alam mo lagi na andito lang ako,” sabi ko. “Alam ko,” sabi niya, sabay ngiti.
THIRD PERSON POV
Bago sila bumaba, nagtanong si Snow: “Jay… pag tumagal pa ito, pag mas lumala pa… kaya pa rin ba natin?”
JAY POV
Tumingin ako sa kanya. “Bunso… di ko alam kung anong mangyayari bukas. Pero isang bagay ang sigurado ako: Pipiliin pa rin kitang mahalin, kahit gaano kahirap.”
SNOW POV
At doon, kahit hindi nawala ang takot ko… Parang lumiit siya kasi mas malakas yung pagmamahal namin.
THIRD PERSON POV
Sa gabing yun, walang fireworks, walang malakas na musika. Pero may dalawang pusong mas matapang kaysa kahapon. At yun ang tunay na laban.
CHAPTER 18
SNOW POV
Biyernes na naman. Ang bilis ng araw, pero parang mabigat pa rin sa dibdib lalo na pag naiisip ko na baka may bago na namang masakit na post, baka may bago na namang papel na ipaskil, baka may mga titig na parang kutsilyo. Pero ngayong umaga, pagpasok ko ng gate ng campus, andoon agad si Jay. Ngumiti siya, at para akong huminga ng maluwag.
JAY POV
“Bunso, ready ka?” tanong ko, sabay abot ng kamay niya. Kumapit siya, mahigpit. “Hindi, pero andito ka, so laban pa rin,” sabi niya.
Tangina. Sa simpleng sagot niyang yun, parang gusto ko siyang yakapin sa gitna ng corridor. Pero siyempre, tiniis ko muna.
THIRD PERSON POV
Habang naglalakad sila, may ilan pa ring tumingin, yung tipong tingin na puno ng tanong, o iba yung ngiti. Pero iba na ang pakiramdam ni Snow ngayon: hindi na siya lang mag-isa. May Jay siya. May tropa.
MIKE POV
Nakita ko sila sa labas ng classroom. “Bro, tara na, magre-review pa tayo,” sabi ko. “Bro, di ko ata naalala yung lecture kahapon,” sagot ni Snow, nakatawa pero halatang kabado. “Wala yan! Tropa mo kami,” sabi ko.
NEIL POV
“Tama, bro. Kung bagsak tayo, sama-sama tayo,” sabi ko. Natawa silang lahat. Parang normal na tropa lang. Parang walang issue.
SNOW POV
Napansin ko, kahit may mga nakatingin pa rin, hindi na ganun kalakas yung bulungan. At kahit meron, parang hindi na ganoon kabigat yung tama sa dibdib ko. Siguro kasi ngayon, hindi ko na tinatago kung sino ako. At lalo na, hindi ko na tinatago kung sino mahal ko.
JAY POV
Nagulat kami nang biglang lumapit si Andre. “Bro, Snow… may bago na namang post sa GC,” sabi niya, seryoso ang mukha. “Kayo ulit?” tanong ko, kalmado pero ramdam ang kaba. “Hindi. Pero this time… positive yung caption,” sabi ni Andre.
THIRD PERSON POV
Pinakita ni Andre ang post: stolen photo nina Jay at Snow, hawak kamay sa labas ng library. Pero ang caption:
“Di ko sila kilala, pero saludo ako sa tapang nila.”
Nagulat si Snow, parang hindi makapaniwala.
SNOW POV
“Jay… may tao palang nakaka-appreciate,” sabi ko, medyo nangingilid ang luha. “Bunso, kita mo? Hindi lahat galit,” sagot niya.
ANDRE POV
“Tingin ko bro… di lahat galit, di lahat manghuhusga. May iba ring tahimik lang pero naiintindihan kayo,” sabi ko. Ngumiti si Snow, mahina pero ramdam mo yung gaan sa puso niya.
THIRD PERSON POV
Sa cafeteria, nagsama-sama ang tropa. Tahimik nung una, pero si Gio ang nagbiro: “Bro, Snow, anong feeling na sikat na sikat ka na?” Natawa si Snow. “Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa,” sagot niya.
MIKE POV
“Bro, basta wag ka lang magpa-picture na may bayad, ha,” sabi ko, sabay tawa. Tawanan lahat.
JAY POV
Tumingin ako kay Snow. “Bunso… proud ako sayo,” sabi ko. “Bakit?” tanong niya. “Kasi kahit takot ka, tumatayo ka pa rin. At kahit nasasaktan ka, marunong ka pa ring ngumiti,” sagot ko.
SNOW POV
“Jay… ikaw ang dahilan kung bakit ko kaya,” sabi ko, mahina pero totoo. At doon, kahit ang daming tao sa paligid, parang kaming dalawa lang.
THIRD PERSON POV
Paglabas nila ng cafeteria, may nagulat sa kanila: si Andre, nakatayo sa hallway kasama ang ibang tropa niya. “Bro, Snow… gusto mo bang malaman kung sino nagpopost ng negative?” tanong niya.
JAY POV
“Teka, bro, paano mo nalaman?” tanong ko. “Hinuli namin kanina. Nakita naming nag-eedit ng picture niyo sa phone niya,” sabi ni Andre. “Sino?” sabay tanong namin ni Snow.
ANDRE POV
“Si Ken,” sabi ko. Tahimik silang dalawa. “Bro, baka naman…” sabi ko. Pero nakita ko sa mukha ni Jay na hindi galit. Parang nalungkot lang siya.
SNOW POV
“Jay… anong gagawin natin?” tanong ko. “Wala, bunso. Hayaan na natin. Hindi niya kaya sabihin ng harap-harapan, ibig sabihin mas mahina siya kaysa sa atin,” sagot niya.
Nagulat ako. Akala ko magagalit siya. Pero ang totoo… mas pinili niyang intindihin.
THIRD PERSON POV
Pagbalik nila sa classroom, tahimik lang si Ken, nakayuko. Walang nagsalita. Pero wala na ring bagong papel sa upuan ni Snow. At doon, kahit hindi humingi ng sorry si Ken, ramdam nilang nagbago ang hangin.
JAY POV
“Bunso… minsan, mas malakas ang katahimikan kaysa galit,” sabi ko. Tumingin siya sakin, nag-isip. At tumango. “Mas mahirap maging mabait kesa maging galit… pero mas magaan sa puso,” sabi niya.
SNOW POV
Jay taught me that.
Na hindi sukatan ng tapang ang pagsigaw o pakikipag-away.
Minsan, mas matapang yung pinipili mong wag gumanti, kahit may karapatan ka.
THIRD PERSON POV
Gabi na, rooftop ulit. Tahimik. Pero mas magaan kaysa dati.
JAY POV
“Bunso… mahal mo pa rin ba ako?” tanong ko, pabiro pero seryoso rin. “Jay… hindi na ‘mahal pa rin.’ Mahal na mahal kita, higit pa sa dati,” sagot niya, diretso ang tingin sakin.
Tangina. Walang mas mahalaga sa akin kundi yun.
SNOW POV
At sa ilalim ng bituin, walang post, walang papel, walang titig na makakasira sa amin. Kasi mas matibay na kami kaysa kahapon. At mas matapang na ang puso ko kasi kasama ko siya.
CHAPTER 19
SNOW POV
Sabado ng umaga. Wala kaming klase, pero maaga pa rin akong bumangon. Nasanay na yata ako sa maagang gising, at sa totoo lang, excited ako. Kasi ngayong araw, magkasama kaming pupunta ni Jay sa park. First time na kami lang, walang tropa. Kami lang talaga.
JAY POV
Nag-text ako sa kanya ng “Bunso, ready ka na?” kahit alam kong nagmamadali siya. Sumagot agad: “On the way na, mahal.”
Tangina. Simple lang na text, pero ang lakas ng tama sa akin. Saka ko na-realize, hindi ko na lang siya mahal… Siya na talaga yung tao na hindi ko kayang mawala.
THIRD PERSON POV
Nagkita sila sa may labas ng campus. Si Snow, naka-hoodie na puti at jeans, simple pero ang linis niyang tingnan. Si Jay, naka-black shirt at denim jacket. Nagkatinginan sila, at parang pareho silang nahiya, sabay tawa.
SNOW POV
“Tara na?” tanong niya, sabay abot ng kamay ko. Hindi na ako nagdalawang-isip, hinawakan ko agad. At doon, habang naglalakad kami palabas ng gate, ramdam ko yung mga mata ng ilang estudyante. Pero hindi ko na sila pinansin.
JAY POV
Sumakay kami ng jeep papunta sa park. Tahimik nung una, pero kita ko sa mata ni Snow na excited siya. “Bunso, first time nating ganito lang, no?” tanong ko. “Oo, Jay. Parang date na legit,” sabi niya, sabay ngiti.
THIRD PERSON POV
Pagdating sa park, ang ganda ng tanawin. Daming puno, daming tao pero hindi siksikan. Umupo sila sa bench sa ilalim ng malaking puno. Tahimik lang, pero ang gaan ng paligid.
SNOW POV
“Jay… naisip ko lang,” sabi ko, mahina. “Ano yun, bunso?” “Na kahit daming nangyari, nandito pa rin tayo,” sabi ko. “Oo… at mas matibay pa,” sagot niya.
JAY POV
Tumahimik kami sandali, hanggang biglang nagtanong si Snow. “Jay… kung sakaling mas lumala pa yung mga nangyayari… kung may mas masakit pa na dumating… kaya mo pa rin ba?”
SNOW POV
Kinabahan ako sa tanong ko, pero gusto ko lang marinig mula sa kanya. Hindi siya sumagot agad. Tumitig siya sa akin, seryoso yung mukha.
JAY POV
“Bunso… hindi ko kayang sabihing hindi ako masasaktan, o hindi ako matatakot. Pero kaya ko, kasi pipiliin pa rin kitang mahalin, kahit mas mahirap.” Seryoso kong sagot.
SNOW POV
Namula ako. Napayuko. Pero ang bilis ng tibok ng puso ko. “Jay… mahal kita,” sabi ko, mahina pero diretso. “Mahal na mahal din kita, bunso,” sabi niya.
THIRD PERSON POV
Tumahimik ulit sila. May dumaan na mag-jowa, nagkatitigan lang sila Jay at Snow, tapos sabay silang natawa. “Jay… parang tayo rin sila, no?” tanong ni Snow. “Oo, pero mas pogi tayo,” sabi ni Jay, sabay tawa.
SNOW POV
Bigla siyang tumingin sa akin, seryoso. “Bunso… thank you, ha. Kasi kahit takot ka, nandiyan ka pa rin.” “Jay… mas matapang na ako ngayon kasi andiyan ka,” sabi ko.
JAY POV
Naglakad kami sa gilid ng lagoon. Tahimik lang, pero ramdam mo yung kabog ng puso namin. Nakangiti lang siya, tapos bigla siyang nagsalita. “Jay… gusto mo ba ako dahil sa itsura ko lang?”
SNOW POV
Kinakabahan ako kasi baka mali yung tanong ko. Pero gusto ko lang marinig kung bakit niya ako mahal.
JAY POV
Tumingin ako sa kanya, diretso. “Bunso… mahal kita kasi ikaw yan. Yung takot mo pero lumalaban ka pa rin. Yung lambing mo, kahit galit ka. At mahal kita kasi pag kasama kita, pakiramdam ko… buo ako.”
SNOW POV
Putek. Hindi ko napigilang mapaluha, pero ngumiti ako. “Jay… thank you,” sabi ko, mahina. Pinunasan niya yung luha ko, sabay yakap.
THIRD PERSON POV
Sa gitna ng park, maraming tao. May mga tumingin, pero wala na silang pakialam. Kasi ang totoo, mas mahalaga sa kanila yung sandaling yun kaysa sa sasabihin ng iba.
MIKE POV (chat group)
“Bro, nasaan na kayo? G?” “Bro, date sila,” reply ni Gio. “Tangina, sweet nyo. Ingat kayo dyan,” sabi ko.
JAY POV
Napangiti si Snow nung mabasa niya. “Bunso, sabihan natin sila na uuwi tayo mamaya,” sabi ko. “Jay, thank you… kasi pati sa tropa, hindi mo ko tinatago,” sabi niya. “Bunso, mahal kita bakit ko itatago?” sagot ko.
SNOW POV
Biglang bumuhos ang ulan. “Jay! Ulan!” sabi ko. “Tara, takbo!” sabi niya, pero huminto kami sa may kubo. Basang-basa kami, nagtawanan kami habang nilalabas ang panyo para punasan ang mukha.
JAY POV
“Bunso, ang cute mo kahit basang sisiw,” sabi ko, sabay tawa. “Jay! Loko ka talaga,” sabi niya, pero ngumiti rin.
THIRD PERSON POV
Nasa kubo sila, tahimik. Tumigil na ang ulan, pero hindi pa rin sila umaalis. Gusto pa nilang sulitin ang sandali.
SNOW POV
“Jay… salamat kasi kahit pagod ka, pagod rin sa lahat ng nangyari, hindi mo ko iniwan,” sabi ko. “Bunso… hindi mo na kailangan ulit-ulitin yan. Kasi di ko talaga balak kang iwan,” sabi niya.
JAY POV
Pagbalik namin sa campus, madilim na. Pero magaan ang pakiramdam ko. Kasi ngayon, hindi ko lang siya kasama. Kasama ko yung taong mahal ko at mahal din ako, buong-buo.
SNOW POV
At doon ko na-realize: Hindi mahalaga kung anong sasabihin ng iba. Ang mahalaga, pipiliin naming mahalin ang isa’t isa, araw-araw. At yun ang pinakamahalaga.
FINAL CHAPTER
SNOW POV
Linggo. Mag-aalas kwatro ng hapon. Mag-isa akong nakaupo sa rooftop ng boarding house, hawak ang luma kong notebook kung saan sinusulat ko lahat ng takot ko… pati na rin yung mga pangarap ko.
Binuklat ko ang unang pahina, puro galit, puro takot, puro “Ayoko na” na nakasulat. Pero pagdating sa huling pahina, may nakasulat na lang na:
“Mahal ko siya. At mahalaga ’yun.”
Napangiti ako. Kasi totoo.
JAY POV
Pumunta ako sa rooftop, dala ang dalawang milktea. Nakita ko si Snow, nakayuko, hawak ang notebook niya. Tahimik lang ako, umupo sa tabi niya. “Bunso, naiiyak ka?” tanong ko, mahina.
Umiling siya. “Hindi… natutuwa lang. Kasi ang dami ko palang natutunan,” sagot niya.
SNOW POV
“Jay… naalala mo nung una tayong nagkakilala?” tanong ko, habang nakatingin sa kanya. “Oo naman. Nakabusangot ka pa nun,” biro niya. “Loko ka,” sabi ko, pero natawa rin ako.
JAY POV
“Pero seryoso, bunso… ang dami nang nangyari no? Andito pa rin tayo,” sabi ko. “Oo, Jay. And ang daming nagbago,” sabi niya. “Pero isa lang ang hindi nagbago,” dagdag niya. “Ano ’yun?” tanong ko, nakangiti.
SNOW POV
“Yung mahal pa rin kita. At mas mahal pa kita ngayon,” sabi ko, diretso. Hindi ko na tinago. Hindi ko na kinain ang kaba.
THIRD PERSON POV
Hindi na kailangan ng mahahabang salita. Nagkatitigan lang sila. Ramdam na nila ang lahat.
JAY POV
Hinawakan ko ang kamay niya, mahigpit. “Bunso… tandaan mo ’to, kahit anong mangyari, kahit ilang beses pa tayong masaktan… Pipiliin pa rin kitang mahalin.”
SNOW POV
Ang bilis ng tibok ng puso ko. “Jay… ako rin. Pipiliin pa rin kitang mahalin, araw-araw.”
At doon, wala na akong takot. Kasi alam ko, may isang tao sa mundong ’to na hindi ako iiwan.
THIRD PERSON POV
Bumaba na ang araw, nagkulay kahel ang langit. Naglakad sila pabalik ng campus, magkahawak kamay. May nakakita ulit pero wala na silang pakialam. Wala na silang kailangang patunayan.
MIKE POV (group chat)
“Bro, tara, rooftop mamaya?” “G bro,” sagot ni Neil. “Ako rin,” sabi ni Gio. “Bro, Snow, Jay… sama kayo,” sabi ni Mike.
JAY POV
Binasa ni Snow yung chat, tapos tumingin sakin. “Jay, tara? Sama tayo?” tanong niya. “Syempre, bunso. Tropa natin ’yun,” sabi ko.
THIRD PERSON POV
Sa rooftop, magkakasama silang lahat. Tahimik nung una, pero maya-maya, nagtawanan na rin. Parang walang problema. Parang ordinaryong barkada lang.
MIKE POV
“Bro, proud kami sa inyo ha,” sabi ko, seryoso pero nakangiti. “Bakit?” tanong ni Snow, medyo namula. “Kasi di madali ’yun, bro. Pero nandiyan pa rin kayo, matibay,” sabi ko.
NEIL POV
“Tama, bro. Ang daming pwedeng sumuko, pero kayo… nandiyan pa rin,” sabi ko rin.
SNOW POV
Napangiti ako, kahit naiiyak. “Salamat, mga bro. Kasi andiyan rin kayo,” sabi ko.
JAY POV
“Hindi lang ’to laban namin ni Snow,” sabi ko. “Laban ’to ng tropa natin. Lahat tayo,” sabi ko.
THIRD PERSON POV
Tahimik silang lahat, pero kita sa mga mata nila na totoo yun. Hindi lang basta barkada, pamilya na rin.
GIO POV
“Tangina, naiiyak na ko, bro,” biro ko, sabay tawa para mabasag yung bigat. Nagkatawanan sila.
SNOW POV
Habang nakatingin ako sa kanila, naisip ko: Ang dami naming pinagdaanan, ang dami naming iniyakan, ang daming masakit na salita. Pero mas malakas yung pagmamahal. At mas matibay yung tiwala sa isa’t isa.
JAY POV
“Bunso… kahit bukas may bagong problema, okay lang?” tanong ko. “Okay lang, Jay. Kasi andiyan ka,” sagot niya. Ngumiti ako. “Hindi lang ako, bunso. Andiyan tayong lahat,” sabi ko, sabay tingin sa tropa.
THIRD PERSON POV
Unti-unting nawala ang ilaw ng araw, napalitan ng mga bituin. Tahimik lang silang lahat, nakaupo, magkakatabi. Pero ramdam mo, buo sila.
SNOW POV
Jay taught me that love isn’t always loud. Minsan tahimik lang, yung tipong nakaupo ka lang sa tabi niya, pero ramdam mo na buo ka na.
JAY POV
At natutunan ko rin: Hindi sukatan ng lakas ang pag-iwas sa iyak. Minsan, ang pinakamalakas ay yung tumatanggap na natatakot siya, pero pipiliin pa ring magmahal.
THIRD PERSON POV
At doon sa rooftop na yun, walang engrandeng eksena, walang fireworks. Pero may dalawang pusong natutong lumaban, natutong magmahal, at natutong patawarin ang mundo.
SNOW POV
“Jay…” “Hmm?” “Pangako ha? Kahit anong mangyari, pipiliin mo pa rin ako?” “Pangako, bunso,” sabi niya, sabay hawak ng kamay ko. “At ikaw rin ha?” “Oo, Jay. Pipiliin pa rin kita, araw-araw,” sabi ko.
THIRD PERSON POV
At sa ilalim ng tahimik na langit, naghawak sila ng kamay. Mas mahigpit. Mas buo. At para bang sinabi nilang pareho:
“Kahit anong mangyari, pipiliin pa rin kita.”
Wala nang mas mahalaga pa roon. Dahil minsan, ang tunay na happy ending ay hindi yung mawawala ang problema kundi yung may makakasama kang haharapin lahat ng problema.
EPILOGUE
Lumipas ang mga buwan. Natapos ang sem, nagsimula ang bago. Pero ang ilang bagay, nanatiling pareho: Si Snow at si Jay – magkatabi pa rin. Magkahawak pa rin ng kamay, magkasalo pa rin sa takot at ligaya, at higit sa lahat… magkasalo pa rin sa pagmamahal.
SNOW POV
Minsan, naiisip ko pa rin yung dati, yung mga araw na nagtatago ako, natatakot akong may makaalam kung sino ako, kung sino ang mahal ko. Pero ngayon, kapag naiisip ko ’yun… natatawa na lang ako. Kasi ang dami palang pwedeng mangyari kapag pinili mo lang na maging totoo.
JAY POV
Bunso’s braver now. Mas nakikita ko yung ngiti niya na hindi na pilit, hindi na tago. At mas ramdam ko rin na mas mahal niya ko ngayon, kasi mahal na rin niya ang sarili niya. At doon ako pinaka-proud.
Graduation practice nila, magkatabi sila sa upuan. Tahimik, pero tuwing nagtatawanan ang tropa sa likod, napapangiti si Snow. “Jay… naaalala mo nung una kong kinain ang lunch mag-isa?” tanong niya. “Oo, bunso,” sagot ni Jay. “Tapos ngayon, ang ingay natin,” sabi ni Snow, sabay tawa.
JAY POV
“Bunso… hindi tayo lang ’to. Kasi tinanggap din tayo ng iba. At tinanggap mo rin ang sarili mo,” sabi ko. “Oo, Jay. Pero nagsimula lahat kasi minahal mo ko,” sabi niya. Tangina, di ko kinaya na hinalikan ko siya sa sentido, mahina lang para ’di mahalata ng iba.
SNOW POV
Pagkatapos ng practice, nagkayayaan ang tropa sa usual spot: rooftop. May dala silang pizza, softdrinks, at ang paborito ni Jay na chicharon. Nakahiga lang kami sa sahig, nakatingin sa langit.
MIKE POV
“Bro, seryoso ha, ang dami nating pinagdaanan,” sabi ko. “Oo bro, pero andito pa rin tayo,” sagot ni Neil. “Tama, bro. Kaya kung may bago mang mang-asar sa inyo, ’wag kayong bibitaw,” sabi ni Gio. “Tangina, bro, ang drama mo,” biro ni Jay. “Totoo naman!” sagot ko, sabay tawanan lahat.
Pero totoo: dumaan sila sa madaming gabi ng iyakan, ng pang-aasar, ng kaba… Pero heto sila, mas buo pa kaysa dati.
SNOW POV
“Jay… naisip ko lang, ano kaya kung hindi tayo nagkakilala?” tanong ko. “Bunso, ’wag na nating isipin. Kasi nangyari. At nandito tayo,” sagot niya.
JAY POV
Tumingin ako sa kanya. “Bunso, tandaan mo ha: Kahit may ibang dumating, kahit lumipas ang oras… Ikaw pa rin,” sabi ko. Tumango siya. “At ikaw rin, Jay… araw-araw, pipiliin pa rin kita,” sabi niya.
Pagkatapos ng graduation, nag-iba ang takbo ng araw. May kanya-kanyang trabaho na sila; si Snow, nag-apply bilang graphic artist, at natanggap. Si Jay naman, nag-aral ulit ng master’s para matupad ang pangarap na maging professor balang araw.
SNOW POV
Busy ang schedule, pero lagi kaming may oras para sa isa’t isa. Kahit simpleng kape lang pagkatapos ng trabaho, o video call bago matulog. Minsan pagod kami, minsan tahimik lang… Pero andiyan pa rin siya. At ’yun lang ang mahalaga.
JAY POV
Isang gabi, nasa rooftop ulit kami. Tahimik, mahangin, at madilim ang paligid. “Bunso… natatakot ka pa rin ba minsan?” tanong ko. “Oo, Jay. Pero hindi na katulad dati,” sagot niya. “Bakit?” tanong ko. “Kasi natutunan ko na kahit may takot… may Jay naman akong kasama,” sagot niya.
At minsan, ’yun lang ang kailangan: isang taong sasabihin sa’yo, “Kaya mo. Hindi ka nag-iisa.”
MIKE POV (chat group)
“Bro, reunion tayo! Rooftop ulit!” “G!” sagot ng lahat.
Pagdating nila sa rooftop, pare-pareho pa rin ang ngiti nila. Mas mature na, mas may bigote na si Gio, mas seryoso na ang ayos ni Mike, at mas busy na si Neil. Pero pag magkakasama, para pa ring college boys lang.
SNOW POV
“Bro, ang dami pa ring bago sa mundo, no?” sabi ko. “Oo bro, pero isang bagay ang pareho,” sabi ni Mike. “Ano ’yun?” tanong ko. “Tropa pa rin tayo,” sabi niya. Ngumiti lang ako. “Oo, bro. Tropa pa rin tayo. Kahit anong mangyari,” sabi ko.
JAY POV
“Bunso… ang dami nang lumipas, pero alam mo kung ano ang hindi nagbago?” tanong ko. “Ano, Jay?” “Yung mahal pa rin kita, higit pa sa dati,” sabi ko. Tumawa siya. “Jay… mahal na mahal din kita. Hindi lang dati – ngayon, bukas, at kung ano pa man ang dumating,” sagot niya.
At sa rooftop na ’yun, tumingin sila sa bituin. Hindi na sila takot, hindi na sila nagtatago. Dahil natutunan nilang mahalin ang sarili… at mahalin ang isa’t isa.
SNOW POV
Sa dulo, natutunan ko: Forever is not a single moment. Forever is choosing the same person, every day.
JAY POV
At natutunan ko rin: Hindi lahat ng laban ay kailangan ng sigaw. Minsan, sapat na ang hawak-kamay, ang titig na nagsasabing “Nandito lang ako.”
At kahit may bagong hamon, bagong kabanata… Si Snow at si Jay, pipiliin pa rin ang isa’t isa. Kasi minsan, ang pinaka-tunay na happy ending… ay hindi ang katapusan ng kwento, kundi ang desisyong mahalin at lumaban araw-araw.

