BALATKAYO
kabrobars · 15 chapters · 44,180 words
“BUNDOK NG LINUNHAN”
“It’s good that your girlfriend allowed you to join this trekking. I thought you were going to completely abandon your passion for nature, pare.”
“Because I promised, that this is really my last climb to the mountain. And after this, going straight na ako sa relasyon namin ni Tin, dude. You know me as a boyfriend. Masunurin tayo.”
“You’re not even married yet, but Tin already controls your life pare. What more kung kasal na kayo. Baka pati sa kunting beer bonding natin ,restricted ka na rin.”
“Thankfully, my Stella is not like that. Kahit minsan, she doesn’t interfere with my vices. At suportado pa niya lahat ng hilig ko. This bag I’m carrying. She even bought it in France when she was on vacation there.”
“Minsan talaga sakit lang sa ulo ang dulot ng mga babae sa atin. When it comes to their passions, dapat sinusuporta natin. Pero pag hilig na nating mga lalake, marami pang tanong. Need mo pa mag explain, Why is that your passion?. too expensive ,magastos, pointless. Eh Pera naman natin ang ginagamit natin. hindi naman sa kanila.”
“That’s why being single is more fun. No one opposes you, and no one controls all your actions. Look at me mga tol,I’m free like a bird. Kayo kasi ang babata niyo pa , gusto niyo na mag patali ng maaga. As if naman na mauubusan kayo ng babae diyan. Sayang lang Ang gandang lalake natin kung sa iisang pugad lang natin ibababad mga itlog natin. diba?”
Sina Pablo, Joshua, Jahred, Ken at Steve. Limang matalik na magkaibigan. Iisa ang mga hilig. Parehas ng mapupusok sa kanya kanyang desisyon sa buhay. Dalawang beses kada buwan kung magtipon ang magbabarkada para sa kanilang hilig sa pag akyat ng mga hindi pa na aakyat na bundok. Pawang mga professional na ang lima sa kanilang larangan. Ang kanilang hilig sa mga pag akyat ng bundok, ang nag sisilbing hingahan ng magbabarkada upang malibang. Bonding na rin nila ito na magbabarkada.
Nang huminto ang bus na kanilang sinasakyan , nilapitan si Pablo ng kundoktor.
“Narito na tayo sa sityo Pangil, mula dito sa tulay makikita niyo sa kaliwa ang malaking Krus sa bukana. Doon ang daan pa Pangil” Sabi ng kundoktor habang tinuturo kay Pablo ang direksiyon.
“Salamat kuya.” sabay tango pa ni Pablo.
Bumaba ang lima, at sinundan ang direksiyon na sinabi ng kundoktor. Alas otso ng umaga nang marating nila ang Sityo Pangil. Isang liblib na nayon sa pinuntahan nilang probinsiya. At Ang pakay nila sa lugar na iyon, ay ang bundok na kung tawagin ng mga tagaroon, bundok Linunhan. Wala pa masyadong nakaka pasok o nakakaakyat sa matarik at delikadong bundok na ito. Ngunit ayon sa mga lokal na naninirahan sa paanan nito, marami na ang sumubok na akyatin ito, pero wala man lang ang nagtagumpay na maabot kahit ang gitna lang nito. Tahanan din kasi ang bundok ng lima sa mababangis na uri ng mga makamandag na ahas na sa Pilipinas lang makikita. At sa dami ng mga maliliit na kuweba sa paligid nito, minsan na itong sinubukang galugarin ng mga treasure hunter, dahil daw sa mga ginto na nakatago doon ,na mula pa sa mga Hapon.
Pero hindi ito ang dahilan na nakita ng lima upang piliin ang bundok na ito para kanilang akyatin. May nabasa kasi sa isang article ng blog si Ken ,tungkol sa misteryong taglay ng naturang bundok. Isang hiker ang matagumpay na naakyat ang Linunhan. At doon daw naka encounter ito ng isang taong ahas. Bilang hindi naniniwala ang lima sa mga kuwentong pangbaryo. Balak nila itong hanapan ng patunay.
“Snake mountain ba iyan? natawang tanong ni Pablo nang lapitan nito ang apat na nakatutok ng husto sa laptop ni Ken. May dala itong box ng pizza na kakakuha lang sa delivery rider.
“Naku baka gawa-gawa lang ang article na iyan dude, para makakuha ng atensiyon.There is not even a video clip attached to the article to confirm that the creature he saw is real” . kumento ni Joshua habang binabasa ang article sa isang blog.
“kasi nga luma na ang blog na ito. Hindi pa yata uso sa time na ito ang cellphone.” Sabi pa ni Ken.
“I hope there are at least pictures, for sure, may kamera na sa era na iyan. tingin ko nga may handycam na sa year na ito eh.” ayon pa kay Steve.
Wala man sila nakitang laman sa article ng blog na iyon, napagkasunduan ng lima na ang bundok na iyon ang dadayuhin nila. Isang buong araw ang naging biyahe ng lima. Nakailang papalit-palit na sasakyan sila hanggang sa inabutan na sila ng gabi sa bayan ng San Andreas. Pansamantala sila nagkasya sa isang kuwarto ng maliit na pension house.
Siksikan ang tatlo, Ken, Jahred, at Steve sa maliit na kama, sa kotson naman na nilatag sa sahig sina Pablo at Joshua. Dahil sa pagod dulot ng mahaba-habang biyahe tulog agad ang lahat maliban kay Pablo na tila ba namamahay. Lumabas ito ng silid at tinungo ang lobby ng pension house. Naghanap ito ng puwede mapagbilhan ng beer. Inalok naman ito ng nagbabantay doon.
Habang umiinom, hawak naman ng kanang kamay nito ang kanyang cellphone. May gusto itong kausapin. ngunit hanggang pag dial lang ito. Napalagok pa ito ng beer. At muling binalikan ang cellphone na Inilapag nito sa mesa. Tinungo nito sa cellphone ang gallery, pinindot ang isang litrato doon. Larawan nila ni Ken. Sa picture mag ka akbay ang dalawa na hawak ang isang cake na may naka sulat na “Happy anniversary langga”. Napabuntong hininga ito, napadapo ang hinlalaki nito sa delete icon. Ngunit hindi niya ito tinuloy at pinatay ang telepono. Humirit pa ng isang bote ng beer si Pablo bago ito bumalik sa kanilang silid at natulog.
Alas singko ng madaling araw ,muling kumilos ang lima. Five thirty ng marating nila ang bus station biyaheng Valencia. Magkatabi sa upuan ang apat, si Pablo naman humiwalay sa kanila at doon naupo sa tabi ng driver ng bus.
“sa Sityo Pangil kuya.” Sabi ni Pablo sa paglapit ng kundoktor.
Napansin ng kundoktor ang mga dala at bihis ng lima kaya napatanong ito kay Pablo. “Aakyat kayo ng bundok?”
Tumango lang si Pablo. Ngunit ma kuwento ang kundoktor kaya nalibang naman ito sa kanilang usapan. Bata pa ang kundoktor na halos kaidad lang din nina Pablo.Bata may itsura at kasundo si Pablo. Naging mahaba ang kanilang pagbiyahe, at sa buong biyahe na iyon, halos nasa tabi lang ni Pablo ang kundoktor at nakikipagkuwentuhan.
Nasa likod lang nila si Ken na katabi naman si Steve.
“What’s the problem dude? It’s like you’re stuck in your seat, you want us to switch?.Ako diyan, dito ka malapit sa bintana .” wika pa ni Steve nang mapansin na tila hindi mapakali sa upuan nito at panay ang sulyap sa puwesto ni Pablo.
“Huwag mo nang pansinin si Ken pare, hindi kasi iyan sanay sa hindi aircon na bus.” hirit pa ni Jahred..
“Just put that to sleep pare, it’s still a long trip. Pumikit ka na lang, so you don’t get bored. “ sabat naman ni Joshua.
Makaraan ang halos limang Oras na biyahe narating din nila ang tulay ng San Martin. Pagkababa nila ng bus, dumiretso agad ang lima sa bukana ng Sityo Pangil. Mula doon, nag hanap sila ng masasakyan namang tricycle papasok sa unang baryo ng Pangil. Matumal ang mga namamasadang tricycle sa mga sandaling iyon kaya npilitang mag lakad ang lima sa gitna ng mabatong daan.
“Wala paman tayo sa bundok, it seems that we will be tested by a long walk. Ang layo naman pala ng papunta doon.” usal pa ni Jahred.
“it’s just right, para naman mawala ang bagot natin sa mahabang biyahe kanina. At dito pa lang ma exercise na natin ang ating mga paa.” ayon pa kay Pablo.
“Rinig ko nga sa mga nakasabayan natin sa bus masyadong matarik ang paakyat daw sa bundok na iyon, at pahirapan pa ang papasok sa gubat” Sabi pa ni Steve.
“You know what mga tol, sa totoo lang parang nagsisisi ako bakit dito tayo natuloy. Parang nalabog ang buo kong katawan sa biyahe pa lang.
“It’s almost twelve o’clock but we’re still here on the road. Anong oras pa kaya tayo makakarating sa bundok na iyon. I’m I’m sorry guys, I guess I made a mistake sa pag pili nitong spot na ito.” Ang tugon naman ni Ken, na tila ba biglang nawalan na ng gana sa kanilang layaw.
Napansin ito ng kanyang mga kasama,lalo na si Pablo na hindi maitanggi ang biglang pag distansiya nito ng kanyang sarili kay Ken.
Narating din ng lima ang baryo Kumaliskis, ang unang baryo ng Sityo Pangil. Dito matatagpuan ang intrada paakyat ng bundok. Isang lalake na taga doon sa baryo ang lumapit sa Lima nang makita ang mga ito na papasok sa intrada paakyat ng bundok.
“saan ba ang punta niyo mga noy?” pagtawag pa ng lalake.
“Magandang tanghali manong, aakyat kami ng bundok.” tugon ni Ken sa lalake.
“aakyat? matagal nang sarado sa mga trekker ang bundok. Bawal na sa taga labas ang pag akyat doon.” ayon pa sa lalake.
“what manong? Baka puwede na this time. Ang layo-layo pa ng pinanggalingan namin ,makapunta lang dito. Tapos bawal?.” Sabi pa ni Jahred.
“Pasensiya na, tanging mga taga dito lang puwede umakyat at mag labas pasok sa bundok. At ang mga may permit galing sa munisipyo. Kaya kung ako sa Inyo bumalik na lang kayo. Di naman kaya lumipat kayo sa kabilang bayan may magandang bundok doon na madalas inaakyat ng mga kabataan tulad niyo.” ayon pa sa lalake.
Wala nang nagawa pa ang lima kung hindi ang magpasyang bumalik na lang. Dismayado man sa nangyari. Sumunod na lang ang mga ito sa batas ng mga taga roon. Pero dahil sa Oras na ng pananghalian nun. Nagpasya muna ang mga ito na maghanap ng karenderya na makakainan upang ibsan ang kanilang gutom.
May maliit na kainan sa daan hindi malayo sa intrada ng bundok. Kumain muna doon ang lima. At kanya kanyang sisihan ang mga ito dahil sa hindi natuloy ang kanilang pag-akyat sa bundok Linunhan. Habang kumakain, napansin ni Joshua ang isang lalake na panay ang sulyap sa kanilang mesa. Barakong barako ang tindigan nito, malaki ang katawan, moreno at may itsura. Katangian na napansin din ni Pablo.
“I feel strange talaga sa tao na iyan, I’ve noticed kanina pa, panay ang sulyap niyan dito sa atin. Nangungursunada yata.” Sabi pa ni Steve.
“Baka naman ,bakla. At type niyan ang Isa sa atin. Baka itong si Pablo ,pinapa-cute-tan ng lalake na iyan. Kanina ko pa nahahalata na nagsasalubong ang mga tinginan nila . Uy pare,ayan na ang market mo. Habulin ka talaga ng mga binabae.’ tukso pa ni Jahred nang mapansin nito si Pablo na napatingin din sa lalake.
“yeah I remember once sa gym pare. Akala namin ni Pablo noon, straight guy talaga ang gym coach na na assigned sa amin. Pero nagulat talaga ako ng minsan hinipuan Ako. Nasapak ko talaga iyon.“napakuwento pa si Joshua.
Nagkatinginan sa punto na iyon sina Pablo at Ken. Naunang tumayo si Pablo , at naghanap ito ng tindahan sa malapit upang bumili ng sigarilyo. Hindi nito napansin na sinundan din pala ito ng lalake. Kaya nagulat ito ng kausapin siya nito.
“Gusto niyo pa bang umakyat ng bundok? Tutulungan ko kayo.” Ang narinig na tanong ni Pablo mula sa lalake.“Elias pare,” pagpapakilala pa nito kay Pablo.
At nakita ito ni Ken. Nagkunwari itong bibili din ng sigarilyo ,tumawid ito sa tindahan kung saan naroon si Pablo na nakikipag usap naman sa lalake.
“Akala ko ba nag quit kana diyan?”
“paminsan minsan -minsan lang naman” tugon ni Ken Kay Pablo.
““It looks like what you were talking about earlier was serious. Ano ba iyon? puwede ba malaman ?” tanong pa ni Ken kay Pablo.
“By the way si Elias, pare kasama ko si Ken.” pagpakilala ni Pablo kay Ken at Elias.
“Elias pare” at nakipagkamay naman si Elias kay Ken.
“He knows a shortcut up the mountain. If we still want, he will accompany us there. Ano tuloy pa ba natin? ilang oras na lang at hapon na. Mahihirapan na tayo kapag inabutan pa tayo ng dilim dito” Sabi pa ni Pablo.
“ano sa Inyo? kung itutuloy pa ba natin, eh di tuloy. iyon naman ang pinunta natin dito. Unless may bago ka ng pakay sa lugar na ito.” tugon pa ni Ken.
“excuse me mga pare, kung gusto niyo lang naman sasamahan ko kayo. Pero kung ayaw niyo ayos lang din naman. Sige alis na ako.” sabat pa ni Elias sa dalawa.
Paalis na ito ng pigilan siya ni Pablo. Kinausap ni Pablo ang iba at nagkasundo ang mga ito na ituloy ang balak sa lugar na iyon. Ang maakyat Ang bundok.
Mula doon sumakay sila ng tricycle na binabiyahe ni Elias. Magkakatabi sa sidecar ng tricycle sina Steve,Ken, Joshua at Jahred, nakaangkas naman sa likod ni Elias si Pablo. Dagdag na naman na biyahe,para sa lima.
“Akala ko ba shortcut pare, eh parang mas malayo pa ito sa nilakad namin ah. Saan mo ba kami dadalhin?” reklamo ni Ken.
“Malapit na tayo, sa likod ng bahay na iyan. May daan paakyat ng bundok.Mas madali at walang bantay.” sagot ni Elias.
“Kaninong bahay ba iyan pare?” tanong ni Steve.
“Sa akin.” tugon ni Elias.
Nang tumigil sila sa tapat ng bahay na gawa sa amakan ,kawayan at nipa, pinababa na ni Elias ang lima. Ipinasok muna nito ang tricycle sa loob ng kanyang bakuran. At may kinuha muna ito sa loob ng kanyang bahay, bago nito binalikan ang lima. Nagtaka si Ken sa nakitang dala ni Elias kaya napatanong ito.
“Para sa ano iyan, pang gapas ng tubo iyan diba? aanhin mo iyan?May sukbit kapang itak.”
“Matalahib ang daan pa akyat, At maraming makamandag na ahas doon. Baka may makasalubong tayong mga cobra. Kailangang handa. Kayo baka gusto niyo mag palit mo na. Mas mabuti kung nakapantalon kayo.” ayon pa kay Elias.
Agad naman sinunod ni Pablo ang suhistiyon ni Elias at hinubad nito ang suot na short sa harapan ng lahat at nagpalit ng pantalon. Napatingin naman sa kanya si Ken. Nag bihis narin ang iba, pero hindi si Ken. Shorts padin ang suot nito. Sa kalagitnaan, bigla na lang nag labas ng baril si Ken.
“Bala lang ang katapat ng mga ahas na iyan. And I’m good at catching snakes. “ Sabi pa ni Ken at sumulyap kay Elias.
“Huwag niyo maliitin ang mga ahas pare, baka bago kapa naka pagpaputok, natuklaw ka na.” tugon naman ni Elias at kinuha pa nito ang bag na nakasabit sa pintuan ng kanyang bahay.
Kumilos ang lima at sinundan si Elias. Matalahib nga ang daan ngunit hindi naman ganoon katataas. Hindi pa man sila nakalayo ng lakad narinig na nila ang agos ng ilog mula sa malayo. Ang ilog na iyon ang tatawiran ng anim upang maakyat na ang pinaka paanan ng bundok. Habang papalapit na sila doon, may naitanong si Pablo kay Elias na hindi agad ito naka sagot.
“Napansin ko na nagiisa lang ang bahay mo dito. Wala kabang kasama , I mean katuwang sa buhay, nanay ,tatay mga kapatid o asawa? Sa lokasyon kasi ng bahay mo parang Ang lungkot-lungkot naman kung mag Isa ka. Wala kang kapitbahay, maging mga hayop man lang like kambing , o manok wala kaming napansin. Ang tahimik. Siguro Ako, hindi ko kakayanin mag stay kahit isang linggo.”
“Mag isa na buhay. at sanay na Ako mag Isa.” Ang matipid na sagot ni Elias kay Pablo, na kapansin pansin ang biglang pag lungkot ng mukha nito.
Napansin naman nina Steve ang pagiging malapit ni Pablo kay Elias. At maging sa paglalakad,tila nakalimutan na sila nito at kay Elias na nagdididikit. Tahimik lang si Ken na wala namang opinyon sa nakikita ng mga kaibigan.
“Ang tahimik mo naman, wasn’t it your idea, but it feels like you’re being forced to. May problema ba pare? Is it about Tin? o tungkol sa dalawa na iyan?” pabulong na tanong ni Steve kay Ken.
“I don’t know,pero iba ang pakiramdam ko sa Elias na iyan. Parang may kutob Ako na hindi maganda sa kanya. Ewan pare.” ayon pa kay Ken.
“Bakit pumayag ka na samahan tayo, kung ganyang may pagdududa ka. Hindi na lang sana tayo tumuloy.” Sabi pa ni Steve.
“Gusto ni Pablo eh at sumangayon naman kayo. Alangan naman na uuwi akong mag Isa.” tugon ni Ken kay Steve.
“Akala din kasi namin ok sa iyo, nakita kasi namin na naguusap kayong tatlo tapos nakipagkamayan ka pa sa Elias na iyan. Naiisip din namin na sayang ang binyahe natin ng pagkalayo-layo kung uuwi na lang agad tayo.” paliwanag pa ni Steve.
Tumatawid na ang mga ito sa ilog ng mapasigaw at napamura si Jahred ng may dumaan na ahas malapit sa kanyang paa. Lumangoy ang ahas at sumiksik sa mga malalaking bato.
“Talasan niyo ang mga mata nito sa tubig, naliligo din Ang mga ahas.” nakangiting sabi ni Elias.
Nagpatuloy pa ang mga ito at nang makatawid na ang mga ito. Muling may paalala si Elias sa kanila.
“mula dito pahirapan na ang daan paakyat. Nakakalito ang daan. At gaya ng sinabi ko maraming ahas sa paligid kaya doble ingat. Kusa namang lalayo ito sa Inyo, huwag niyo lang galitin o kantiin. Mag pares-pares tayo para walang may maliligaw sa atin. Walang magpapaiwan. Kapag hindi niyo na nakikita ang likod o harap ng inyong kasama, hintayin niyo. “
“Matagal na kaming mga trekker pare, mga mountaineer kami. At alam na namin ang rules at mga do’s and don’t sa pag akyat ng bundok. But still, thanks sa briefing. Shall we now? papalubog na ang araw.” Tugon bigla ni Ken.
“Hindi lahat ng mga bundok pareparehas ang rules na sinusunod pare. Pero sige, total naman mga professional mountaineer kayo. Ikaw na mag lead. Mukhang mas kabisado mo yata sa akin ang bundok na ito.” sagot naman sa kanya ni Elias.
“Tama na iyan , mukhang magkakainitan pa kayo dahil diyan. Hayaan na natin si Elias pare, taga dito siya. He knows more about this mountain. Sumunod na lang tayo.” ayon pa kay Pablo na pumagitna na sa dalawa.
“ok fine. I’ll be with Steve.” pagsangayon ni Ken. At pinili agad si Steve.
“partners kami ni Joshua” sabat naman ni Jahred.
“Ok, I’ll go with Elias.” Sabi naman ni Pablo.
Matarik at masukal ang nilalakaran nila, dagdag pa ang madulas na mga bato na balot ng mga lumot. Mabilis ang kanilang pag usad at ramdam na ng mga ito ang pag bago ng ihip ng hangin sa paligid. Palamig na ito. Kapansin pansin na din ang mga naglalakihang mga puno sa paligid. Nakakalula din ang ganda ng mga halaman at mga ligaw na bulaklak doon. Wala pa sila sa kalahati ng bundok , ngunit hindi na matatawaran ang pinamamalas na ganda nito sa lima.
“ito ang Gintagu-an, ito lang ang natatanging patag na lugar dito sa bundok. Wala pa tayo sa kalagitnaan ng Linunhan. Pero dito dati Ang ginagawang camping ground ng mga umaakyat rito noon. Mula dito matatanaw niyo na ang buong San Martin at ang Valencia. Mas maganda ang view dito pag kumagat na ang dilim.” Sabi pa ni Elias nang marating nila ang patag na bahagi ng bundok.
“So dito na tayo , magpapalipas ng gabi?” tanong ni Ken.
“Oo hindi na natin kakayanin kung magpatuloy tayo. Mahihirapan tayo sa daan kung aabutan tayo ng dilim at wala din kayong mapagtatayuan ng mga tent niyo doon, dito lang “ ayon pa kay Elias.
“Mukhang maganda ngang spot ang lugar na ito para sa mga tent natin pare? Ganda ng view tapos overlooking pa ang city.” Sabi pa ni Jahred.
“ Dito na muna tayo, gusto na rin magpahinga ng mga daliri ko sa paa. Mag set up na tayo nang makapagpahinga tayo ng mahaba-haba.“ Ayon naman kay Joshua.
Kanya kanyang tayo na ang mga ito ng tent, nang napansin ni Steve na nawawala si Elias. Maging si Pablo hindi napansin Ang pag alis ng lalake. Wala ni Isa man sa kanila ang nakakita kay Elias.
“I told you , there’s really something about him. Bigla na lang naglaho, hindi man lang nagpaalam. “ Sabi pa ni Ken kay Steve.
Nang napansin nito si Pablo na paalis.
“Hahanapin ko lang siya sa paligid. Babalik din Ako.”
“Dumito ka na lang, babalik iyon.” pagpigil ni Ken kay Pablo.
“Siya nga pare, huwag mo nang alalahanin iyon. Kabisado na niya ang bundok na ito. Baka may binalikan lang sa kaniyang bahay.” sabat pa ni Steve na sumingit sa dalawa.
Lumipas pa ang mga minuto ngunit hindi parin nakabalik si Elias. Nakalubog na ang araw at unti-unti ng dumidilim ang paligid ngunit wala parin ito.
UNANG GABI
Naisipan na ni Pablo na hanapin si Elias, ngunit pinigilan ito ni Ken. Sumangayon naman ang mga kaibigan nito dahil sa madilim at masukal ang gubat doon. Mapanganib sa kanila kung basta basta na lang kikilos na hindi nagpaplano.
“Hintayin na lang natin mag umaga pare. We can’t just make a risk. Hindi pa natin alam kung ano ang meron sa gubat na ito.” Sabi pa ni Steve kay Pablo bilang paalala.
“Babalik din iyon pare, kunting hintay lang.that person will not leave us here basta-basta. Baka may binalikan lang iyon saglit.” ayon pa kay Joshua.
“Tama na muna ang pag alala sa lalake na iyon, papadilim na, gumawa muna tayo ng bonfire at makapag handa narin tayo ng ating hapunan” sambit pa ni Ken, na may bitbit na mga tuyong sanga at hinagis sa gitna ng mga ginawa nilang tent.
Tahimik na kumilos si Pablo, nasa kay Elias padin ang isip nito. Habang nag aayos sila ng kanilang mga tent at naghahanda para sa kanilang hapunan. Bigla na lang natigilan ang mga ito nang may narinig silang mga kaluskos ng dahon sa madilim na bahagi ng gubat. Nag mamadaling kinuha ni Jahred ang dala nitong flashlight at tinutok ito sa bahaging narinig nila ang ingay. Nang walang anu-ano bigla nalang nagulat ang mga ito ng may lumabas na baboy ramu doon, patakbo itong lumabas roon na tila ba takot.Dumaan lang ito sa harapan ng lima at muling pumasok sa masukal na gubat.
Nagkatinginan muli ang lima nang muli na naman silang nakarinig ng mga kaluskos sa bahaging iyon. Naglabas na ng jungle knife si Pablo, dumampot naman ng sangang may apoy mula sa kanilang bonefire si Steve, isang toolkit knife naman ang panlaban ni Joshua, At isang baril naman ang inilabas ni Ken. Papalapit ang mga ingay na kanilang narinig ngang biglang lumabas mula doon si Elias, basang-basa Ang katawan nito mula ulo pababa. Nakahubad na ito at tanging puting brief na lang ang saplot. Nasa balikat nito mga damit na kanyang ginamit pang bigkis sa mga dalang kahoy. Sa isang kamay pa may hawak itong malalaking hito na nasa sampung piraso.
Napaatras din sa gulat si Elias nang makita ang reaksiyon ng lima na may mga hawak pang armas sa kanilang mga kamay. Nang mahimasmasan ang lahat. Agad na pinagsabihan ni Ken si Elias.
“Hindi maganda ang trip mo. Pinag alala mo kami dito.” Sabi pa nito kay Elias.
“Kinuha ko lang kayo ng mga kahoy na magagamit niyo at itong mga hito pang hapunan. Pasensiya na kung hindi na Ako nakapagpaalam kanina. Abala na kasi kayo sa pagtatayo ng inyong mga tent.” Tugon ni Elias sa lahat.
“Basta next time magsabi ka man lang. Suot mo muna ito, baka lamigin ka.” paglapit pa ni Pablo sabay abot ng extrang damit at shorts kay Elias.
Napangiti naman ang lalake sa ginawa ni Pablo. Kinuha nito ang ibinigay sa kanyang damit. Nahuli ni Ken ang mga tinginan ng dalawa. Umiwas ito dito, at napansin iyon ni Steve.
Pinagsaluhan ng lahat ang dalang hito ni Elias. Nang matapos ang hapunan kanya kanyang puwesto na ang mga ito. Naiwan sa harap ng bonfire si Ken habang hawak ang cellphone, nasa loob naman ng kani-kanilang tent sina Steve at Joshua, si Jahred nasa gilid ng bangin at nangunguha ng litrato gamit ang smartphone at camera. Samantala nasa isang sulok naman si Elias na nagkakabit ng dala nitong duyan sa puno.
“sure ka ba na diyan ka matutulog? Maluwang ang tent ko puwede ka doon pare.” pag alok pa ng tent ni Pablo kay Elias.
“Salamat na lang pare, pero sanay ako matulog kahit saan. Maaliwalas ang kalangitan,hindi naman siguro uulan ngayon.” tugon ni Elias kay Pablo.
At habang nagpapaantok nakipag kuwentuhan muna si Pablo kay Elias, marami itong naitanong tungkol sa Bundok na iyon. Naging mahaba ang kanilang usapan na halos hindi na nila napapansin ang paglalim ng gabi. Pasulyap-sulyap naman sa kanila si Ken.
“Bakit Pablo, bakit ginugulo mo pa din ako?” tanong pa ni Ken sa sarili.
Hindi na ito nagtagal pa sa labas si Ken at pumasok din ito sa loob ng kanyang tent. Humiga ito at pinilit ang sarili na makatulog,ngunit hindi ito madapuan ng antok. Nasa kay Pablo at Elias parin ang isip nito. Wala pang sampung minuto ang pananatili nito sa kanyang tent nang maisipan nitong lumabas. At sa paglabas nito doon, agad nitong napansin ang puwesto ng duyan ni Elias,at wala ito doon maging si Pablo. Napakunot nuo ito sabay sumulyap sa tent ni Pablo. May kung anong hangin ang bumulong sa tenga nito at humakbang ito papalapit sa tent ni Pablo. Akma na itong sisilip sa tent nang tinawag ito ni Jahred.
“uy tol sina Pablo ba hinahanap mo, wala sila diyan nakita ko sila ni Elias na pumunta sa bahaging iyon,susundan ko sana kaso inaantok na ako.” Sabi pa ni Jahred.
Tumango na lang si Ken at bumalik na lang ito sa kanyang tent. Pero nakahiga lang ito buong oras ngunit hindi naman natutulog. Binabagabag ito ng pag alis ni Pablo kasama si Elias.
Muli nitong binalikan ang dahilan nila kung bakit sila naroon sa lugar na iyon. Ito lang ang tanging sandali na muli silang magkakasamang lima.
“So what’s the plan? Tuloy na ba natin ang Mt. Linunhan? kasi ako ready na.” Ang excited na sambit ni Jahred.
“Basta ako ok na sa akin si Stella. Pinayagan na ako.” sabat pa ni Joshua.
“Ako libre naman, anytime puwede Ako.” ayon pa kay Steve.
“Ikaw Ken, pumayag na ba si Tin? Sayang naman kung hindi ka pinayagan. Plano mo pa naman ito.” Sabi pa ni Pablo kay Ken nang lapitan niya ito.
“Tuloy tayo. Payagan niya man ako o hindi. Tuloy ang plano. Minsan na nga lang tayo nagkakasama-sama. Sasama ako Pablo, tuloy tayo.” tugon ni Ken na nginitian pa si Pablo.
“Baka ma miss mo bigla si Tin?” tanong ni Pablo.
“Nandiyan ka naman eh, “ Pabulong sagot ni Ken kay Pablo.
“we’re done, huwag mo na akong isingit pa sa inyo ni Tin. Ok na Ako. Ok na tayo.” pabulong na tugon din Pablo sa kaibigan.
Ang malalim na sekreto nina Pablo at Ken ay matagal ng lihim maging sa kanilang magkakaibigan. Isang malalim na ugnayan na nag dudulot ng pagkabalisa kay Ken ng mga sandaling iyon. Hindi parin ito makatulog. Bumangon ito at lumabas muli sa kanyang tent.
Tahimik ang paligid, at wala parin doon sa puwesto niya si Elias. Nasa loob narin ng kani-kanilang mga tent ang iba. Paubos na ang apoy sa kanilang siga, kaya dinagdagan ito ng mga kahoy ni Ken. At habang ginagawa niya ito,napalingon si Ken sa bandang kaliwa nito nang makarinig ito ng mga kaluskos mula sa masukal na parte ng gubat. May kung anong kaba na naramdaman sa kanyang dibdib si Ken habang nakatingin sa banda roon. Agad nitong kinuha ang kanyang baril at marahang lumapit doon.
Lalong lumakas ang mga kaluskos sa bahaging iyon. Nang walang ano-ano may napansin si Ken mula doon. Bagamat may kadiliman sa bahaging iyon, Dahil sa liwanag na nagmula sa buwan,malinaw na nahagip ito ng paningin ni Ken.
Sa takot sa kanyang nakita napaatras si Ken. Mabilis ang kilos nito at batid ni Ken ang laki nito.
Agad nitong tinungo ang mga kaibigan at ginising ang mga ito.
“Ahas?” Sabay na tanong ng tatlo
“Hindi lang iyon basta isang ahas ang nakita ko. Malaking ahas , napaka laking ahas.” bulalas pa ni Ken.
“Hindi kaya anaconda ang nakita mo pare?“hinala ni Steve.
“there is no such kind of snake dito sa atin. Maybe giant phyton iyon. Iyon lang ang meron dito sa atin na lumalaki ng ganun ka laki base sa pag describe ni Ken.” ayon pa kay Joshua.
“kung sawa man iyon , sobrang laki nito.” Ang kabadong sabi ni Ken.
“If so, the legend about the giant snake guarding this mountain is true. At hindi lang ito basta kuwentong baryo lang.“Ayon pa kay Jahred.
“Teka si Pablo at Elias nga pala? Alam na ba nila ito?” tanong ni Steve nang mapansin na wala doon ang dalawa.
Napailing lang si Ken sa tanong ni Steve sa kanya. Makaraan dumating din ang dalawa. Nagulat ang mga ito kung bakit nagkakagulo sila. Agad naman sinabi sa kanila ni Jahred ang nakita ni Ken. Hindi na nagulat ang dalawa sa sinabi ni Jahred at ipinagtaka ito nina Steve at Joshua.
Ipinaliwanag naman ito sa kanila ni Elias. Sinabi din nito sa kanila kung bakit nawala sila ni Pablo at kung saan sila nito pumunta.
“Bukas na tayo pupunta sa pinuntahan namin ni Pablo. Sa ngayon magpahinga muna kayo at maging alerto. Ako na mag babantay dito sa labas” sambit ni Elias sa lahat.
“Dumito ka na sa tent ko pare, kailangan mo din ng pahinga.At Isa pa nagpakita na ang ahas, mapanganib para sa iyo.”
At sumangayon si Elias sa sinabi ni Pablo. Hindi maalis ang paningin ni Ken sa dalawa habang papasok ang mga ito sa tent ni Pablo. Hindi alam ni Ken kung bakit iyon ang nararamdaman niya sa dalawa. Pilit niya itong nilalabanan ngunit kahit anong pilit niya si Pablo pa din ang tumatakbo sa isipan nito.
Bago ito pumasok sa kanyang tent, nag dagdag pa ito ng maraming kahoy sa kanilang siga upang hindi mamatay ang apoy. At habang inaayos nito ang mga kahoy bigla na lang ito nakarinig ng angil sa malayo, na tila ba nanggagaling sa isang napakalaking hayop. Umilangawngaw ito buong paligid. Natakot si Ken at dali-daling itong pumasok sa kanyang tent. Alam niya na hindi ito gawa ng isang ahas na nakita nila. At kung ano man iyon, banta ito sa kanilang kaligtasan.
Sinubukan nitong balikan mula sa kanyang cellphone ang article na nabasa nila tungkol sa kuwento ng bundok na iyon. Pinagtagpi niya ito sa narinig niyang kuwento mula kay Elias.
Buong gabi na hindi nakatulog ng maayos si Ken, bukod sa pag iisip kay Pablo, ginagambala din ito ng kanyang nakita at narinig ng gabing iyon.
Maagang nagising kinabukasan si Elias agad itong nag init ng tubig para sa pang kape ng lahat. Napansin nito ang paglabas ni Ken mula sa tent nito. Agad niya itong inalok ng kape.
“Kamusta ang tulog pare?” biglang tanong ni Ken kay Elias pag ka abot nito ng tasang may kape.
“Medyo, mas kumportable nga matulog sa loob ng tent. Eh kaw ba, nakatulog ka ba ng maayos?” tugon na tanong ni Elias.
“Sa nakita ko at narinig kagabi parang ayuko na matulog dito. Linawin mo nga pare, ano ba talaga ang nakita ko kagabi? At meron pa akong narinig na tila angil ng isang malaking hayop.Ano ang meron dito?” usisa ni Ken kay Elias
“kahit mag kuwento pa ako, hanggat hindi niyo nakikita ang ipinakita ko kay Pablo kagabi hindi mo rin maiintindihan. At kung ano man ang nakita mo ,totoo iyon.” Ayon pa kay Elias.
Nang magising ang lahat at tapos na mag almusal, agad na silang nag handa upang puntahan ang sinasabi sa kanila ni Elias. Iniwan nila ang kanilang tent na nakatayo parin doon upang may babalikan sila bago mag dilim. Tanging mga kakailanganing gamit lang ang dinala ng mga ito.
“Huwag niyo kalimutang mag dala ng ano mang armas, hindi natin alam kung ano ang masasalubong natin papunta doon.” paalala pa ni Elias bago sila nagsimulang mag lakad papasok ng masukal na gubat.
“Alam niyo mga pre, magandang content ito sa vlog natin. “Unveiling the legend of Mt. Linunhan “ . Akala ko simpleng trekking lang ito,but no mga pre. This is real adventure.” Ang sabi pa ni Jahred sa lahat.
“But we need be extra careful, hindi natin alam Ang banta sa atin ng gubat na ito. Sa laki ba naman ng nakita ko kagabi kulang pa tayo sa diet ng ahas na iyon.” Ayon pa kay Ken, na pinaalalahanan ang lahat.
“Sagot tayo ni Elias, alam niya lahat sa bundok na ito. Magtiwala lang tayo sa kanya at walang lalayo, diba pare?.” Sabi pa ni Pablo at napa akbay pa ito kay Elias.
Nanguna si Elias sa kanila, kasunod nito si Pablo. nasa huli naman si Jahred na binibidyo ang kanilang pag akyat panaog sa bundok at pagpasok sa masukal na kagubatan. Tuloy tuloy lang ang mga ito, walang nag sasalita, lahat naka focus sa kanilang dinadaanan. Sa kanilang paglalakad ilang mga maliliit na ahas na ang kanilang nakita at nakasalubong. Patunay na ang bundok na iyon ay pugad talaga ng mga ahas.
May tatlopung minuto na ang paglalakad ng anim at sa hirap ng daan,ramdam na ng lima ang pagod. Ngunit si Elias parang nilalaro lang nito ang matatarik na daan at madudulas na bato sa kanilang daanan. Hanggang sa marating na nila ang lugar na pinagsaluhan ni Elias kay Pablo noong una.
Nasa harapan ang mga ito ng isang Malaking bitak ng isang napakalaking bato. Malaki pa sa isang buong bahay ang nasabing bato. May bitak ito sa gitna na nagsisilbing tila lagusan ng isang kuweba. Makipot ang bitak na sakto lang sa isang tao. Monay na bato ang tawag ng mga tagaroon sa batong ito ,dahil sa hugis nito na tila ari ng isang babae. Naunang pumasok doon si Pablo, at nagsisunuran ang iba. Nahuli naman si Elias na sinigurado naman ang paligid.
At doon namangha ang lahat sa nakatagong ganda sa likod ng batong iyon. Tila Isa itong sinaunang templo na sinadyang ikubli sa mata ng karamihan.
Gawa sa malalaking bato na hinugis sa perpektong kwadrado ang bawat bahagi ng pader sa paligid. Maging ang mga haligi nito ay gawa sa mga bato. May malaking huka ito at butas sa taas nito kung saan pumapasok ang sikat ng liwanag ng araw. Malawak ang loob na tila isang malaking ballroom hall ng mga hotel. Nabalot na ng mga ugat ng puno at halaman ang paligid. Indikasyon na libong taon na ang naturang lugar. Sa gitna naroon ang isang rebulto ng sawa na nakapulupot sa isang tila kristal na bagay. Gawa sa solidong bato ang rebulto ng ahas at sobrang laki nito.
Sa sahig mapapansin ang mga nakaukit na mga simbolo na hindi pamilyar sa kanila.
“Shit pare, pang ancient discovery ito ah. Parang Ta Prohm ito ng Cambodia pare, astig. Ngayon ko lang alam na meron din pala nito iyan sa atin.” Ang hindi magkamayaw sa tuwang si Jahred na panay kuha ng video at litrato ng buong lugar.
“Elias pare, sino pa ba ang nakakaalam ng lugar na ito? Alam ba ito ng mga taga rito?” Tanong ni Steve na pabidyo na rin sa lugar dahil sa pagka mangha.
“Tanging ang mga angkan lang ng aking mga ninuno ang nakakita at nakapasok dito,at siyempre kayo. Tanging ang malaking bato na may bitak lang nakikita ng karamihan sa mga nakakaakyat dito. At walang sino mang nagtangkang sumilip man lang sa bitak. Kaya naging lihim ang lugar na ito sa lahat.” Tugon ni Elias kay Steve.
“Kung gayun ang swerte pala namin. Isa itong yaman ng kasaysayan pare. Kung makikita ito ng lahat, malaki ang magiging impact nito sa sinaunang sibilisasyon nating mga Pinoy.” Sabi pa ni Joshua.
“Iyon din ang paniniwala ng kapatid ko noon nang makita niya itong lugar. Ngunit sa kasamaang palad hindi na nakabalik pa sa amin ang kapatid ko. Ilang mga rescuers na ang umakyat dito para hanapin siya, ngunit wala silang nakitang bakas o bangkay man lang ni kuya. Ten years old palang ako noon. Malapit ako sa kuya ko kaya hindi ko matanggap na ganun na lang ang nangyari.” Ayon pa kay Elias.
Habang iniikot nila ang bawat sulok ng lugar na iyon. Napakuwento si Elias sa kung paano niya na diskubre ang lugar na iyon. Ang lugar kung saan nagmula ang katawagan sa bundok, Ang Linunhan.
Laking siyudad sina Elias, may kaya sa buhay ang pamilya nila. Isang mining engineer ang ama nila at guro naman ang kanilang ina. Dalawa lang silang magkapatid ni Elias at Erjun. Ten years ang gap ng kanilang edad kaya spoiled sa pagmamahal ng kanyang kuya si Erjune. Isang archeologist naman si Erjune at apprentice ito ng isang kilalang propesor na archeologist din. At tanyag dahil sa mga libro nito tungkol sa mga ancient history at legends.
Naging idolo ni Erjune si Bakus. Ito ang dahilan kung bakit subsob sa kanyang field si Erjune.
Hanggang isang araw habang naglilinis ng kanilang basement si Erjune, umagaw sa pansin nito ang isang lumang lumang litrato ng lolo ng kanilang lolo. Dito sa litrato , makikita Ang isang malaking rebulto ng ahas kung saan hawak-hawak pa ito ng lolo ng kanyang lolo, kasama ang mga tila miyembro ng isang tribo. Nuong una inisip nito na kuha lamang iyon sa isang palabas sa tiyatro o di kaya sa isang theme park. Ngunit nang mag halungkat pa ito, isa pang larawan ang nakita nito. At pag-aari na iyon ng kanyang lolo dahil sa naturang larawan, naroon ang kanyang lolo sa kaparehong rebulto sa naunang larawan.
At marami pang katulad na mga larawan ang nandoon. Isang lumang mapa din ng Pilipinas ang naroon at nang buklatin niya ito may nakasulat doong pangalan na “Tribu Linunhan”.
Isa pang journal ang nakita nito na pag aari ng kanyang lolo. Binasa niya ito at doon nito nalaman Ang eksaktong lokasyon ng lugar na nasa larawan. Nakatala din doon ang kuwento ng nasabing lugar.
Naging interesado si Erjune sa lugar na iyon. At tinupad nito ang kanyang pakay. Pinuntahan ni Erjune ang lugar na mag isa. At tagumpay nitong natunton ang lugar ng mga Tribu Linunhan. Ipinaalam niya ito sa kanyang mga kakilala at guro. Kinuwento nito ang kanyang nakita. Ngunit dahil hindi ito nakakuha ng video o litrato man lang, pinagtawanan lang siya ng mga ito.
Maging si Bakus na kanyang guro, hindi naniniwala sa kanya. Dahil wala namang naitalang ganoong tribo sa buong kasaysayan. Ngunit binigyan parin ito ng benepisyo ng pagdududa.
“if you can give Me evidence. kahit pictures of the place you are talking about, only then will I believe that what you are saying is true. At malay mo ikaw ang magiging kaunaunahang founder ng iyong discovery.”
“Babalik muli ako doon prof. At this time mag dadala na ako ng katibayan.” Ayon pa kay Erjune.
At sa ikalawang pag akyat hindi na nakababa pa si Erjune. Inabot ng ilang linggo ang paghahanap kay Erjune ngunit hindi na ito nakita. Sinubukan din ng Ilan na sundan ang lugar na pinuntahan nito ngunit bigo silang matunton ito. Lumipas ang mga taon at hindi lang si Erjune ang napapabalitang nawawala sa bundok na iyon. Mga researcher, mga climbers,hikers mga taga roon. Hindi na mabilang ang mga nawawala sa bundok. At kahit Isa sa mga ito hindi na nakita.
Isang cryptid video ang kumalat na kuha di umano sa bundok na iyon. Kung saan nahagip ng camera ang isang dambuhalang ahas. Pinabulaanan ito ng mga taga roon ngunit dahil na rin sa insidente ng mga nawawalang mga tao. Isinara na sa publiko ang nasabing bundok.
Hanggang sa dumating ang grupo nitong lima.
At sa kuwento na iyon ni Elias mas lalo lang nagkainteres ang lima na tuklasin pa ang kung anong misteryo at hiwaga ang nakapaloob sa gubat na iyon.
Ang Hiwaga ng Bundok

Napako ang interes ng lahat sa misteryusong lugar na iyon. Sa lawak nito ,maari ngang minsan naging maliit itong kumunidad sa mga naninirahan dito noon. Bakas pa ang tila mga silid sa paligid. Ngunit ang nakakapagtaka, ay kung bakit hindi man lang ito alam ng lahat. Na tila ba sinadyang ikubli Ang lugar sa mata ng karamihan dahil sa di malinaw na dahilan.
Isa pa sa pumukaw ng pansin ng lima, lalo na si Ken ay ang rebulto ng malaking ahas sa gitna nito at ang mga nakasulat na simbolo sa palibot nito.
“Ano kaya ang tawag sa lugar na ito pare?” tanong ni Ken kay Elias.
“Hindi ko alam, nang na ngalap ako ng impormasyon tungkol dito sa lugar, wala akong nakita tungkol sa lugar na ito. Naitanong ko narin ito minsan sa propesor ni kuya ngunit maging siya walang alam. At maging siya nawawala din.Ang huling balita ko, sinubukan din nilang hanapin ang lugar na ito.” tugon ni Elias.
““If everyone who tried to find this place never na nakabalik. Maybe, the same thing will happen sa atin mga pare.” biglang pangamba ni Jahred.
“hindi naman siguro, kung nakapasok na minsan dito si Elias, ibig sabihin makakalabas din tayo. diba pare?” sabat ni Steve
Tumango lang si Elias at ngumiti sa lahat. Nakampante naman ang lahat. Naupo si Elias sa isang kwadradong batong naroon at may kinuha mula sa kanyang bag. Dali-dali namang lumapit sa kanya si Pablo. Hinawakan nito ang kamay ni Elias na may hawak ng bag, at may binulong ito dito.
“huwag na natin silang idamay, pangako tutulungan kita.” bulong ni Pablo kay Elias.
Ibinalik ni Elias ang kung ano mang nasa loob ng kanyang bag na nais sana nitong ilabas. Hinawakan din ni Elias ang kamay ni Pablo at gumawad ng isang ngiti at nag sabi ng “Salamat pare.”
Napansin iyon ni Ken at napakunot na naman ito ng noo. Nagtanim ito ng hinala sa dalawa.
Nang bigla nalang yumanig ng may kalakasan ang paligid. Nagulat ang lahat at nag ipon sa gitna malapit sa rebulto. Humupa din naman agad ito. Napalingon si Joshua sa rebultong ahas nang napansin nito ang maliliit na bitak-bitak sa ulo ng ahas. Hinawakan niya ito, at tinuklap ang nakausling bitak sa bahagi ng kabilang mata ng ahas. Tinanggal niya ang bitak na iyon. Napaatras si Joshua nang makita ang laman sa likod ng batong nakabalot sa rebulto. Napatingin din doon ang lahat ng marinig ang malakas na tawa ni Joshua.
““It’s not just a statue, dudes, It’s a treasure. Tingnan niyo ang nadiskubre ko ng tinanggal ko ang bitak sa mata nito. A glowing stone was in it. At sa tingin ko isa itong rubi, tingnan niyo kulay pula.” bulalas ni Joshua.
“So, ano pa ang hinihintay natin bakbakin na natin ang nakabalot na bato dito nang makasiguro tayo.” ang sabi pa ni Jahred.
“Hindi, wala tayong karapatan na pakialaman ang ano man dito sa lugar na ito. whatever the reason they hid This place, I believe it is sacred at may kaakibat na panganib. Kaya wala dapat tayong gagawin dito.” pagtutol naman agad ni Pablo.
Sumangayon naman si Ken sa sinabi na iyon ni Pablo.
“Tama si Pablo mga pare, hindi naman ito ang main reason natin bakit tayo nandito. it’s good that we found this place. Dagdag na lang ito sa experience natin dito sa lugar na ito.” ayon pa kay Ken.
“enough na muna sa lugar na ito, Hindi pa natin nagagawa ang actual thing natin here, which is to enjoy. Kaya mag explore na muna tayo.” Sabi pa ni Steve na inakbayan ang dalawa Ken at Pablo.
Lumabas na nga sila sa lugar na iyon. Nagpahuli na noon sina Pablo at Elias. Nakita ni Ken ang tila mga bulungan nina Pablo at Elias. May hinala itong may tinatagong lihim ang dalawa. Simula noon hindi na nito inalis sa kanila Ang kanyang tingin.
“Napansin ko Ang kaibigan mong si Ken, malamang naghihinala na iyon. Mas mabuti siguro ipaalam na lang natin sa kanila Ang lahat.” Sabi ni Elias kay Pablo.
“Huwag,baka lalo lang sila mabahala. Ako na ang gagawa ng lahat para sa iyo. Ako na ang tutulong sa paghahanap sa kapatid mo.” tugon ni Pablo kay Elias.
“Pero hanggat kasama natin sila, hindi tayo makakagalaw ng maayos. Sa ayaw at sa gusto natin malalaman din nila ang tungkol dito. Lalo na nakita na ni Ken ang ahas.” ayon pa kay Elias.
“Hanggang bukas na lang kami dito, pag na abot namin sa araw na ito ang peak nitong bundok. Bababa na din kami agad. Magagawa na natin ang lahat.” Sabi pa ni Pablo na tinapik ang balikat ni Elias.
Nag patuloy sila sa kanilang misyon sa bundok sa araw na iyon. Bitbit ang kanilang mga gamit. Sinisimulan nilang bagtasin at akyatin ang matarik at mabatong daan paakyat ng tutok ng Mt. Linunhan.
Alas diyes ng umaga nang marating nila ang mossy forest ng bundok na iyon. May kadulasan ang paakyat sa lugar dahil sa mga tumutubong lumot sa paligid na nakabalot sa mga puno at mga bato roon. Manghang-mangha ang magbabarkada sa pinamalas na ganda ng lugar na iyon. At ang nakadagdag pa sa hiwaga ng parte na iyon ng bundok bukod sa makakapal na mga lumot sa mga sanga at katawan ng mga puno ay parte na iyon madalas umuulan,umaambon.
“Ayon sa mga taga dito. Sa tuwing umaambon o umuulan dito. Nalulungkot ang Suta ng bundok na ito dahil sa pagkawala ng kanyang kasintahan na pinatay noon ng mga tao dahil sa kakaiba nitong anyo.” kuwento ni Elias habang nakatingala sa mga puno.
“Ang mga tao talaga dito, ang hilig bumuo ng kuwento mabigyan lang meaning ang mga bagay-bagay, Siyempre sa subrang lamig ba naman ng lugar na ito, malamang uulan talaga dito.” Sabi pa ni Jahred.
“Sa kapal ng mga lumot dito malamang daang taon na ang mga ito.” ayon pa kay Steve.
“Mula dito mga ilang oras pa na lakaran at mararating na natin ang pina katuktok ng bundok na ito. Mas mabato na ang daan doon kaya. Ihanda niyo na ang mga lubid niyo dahil mas kakailanganin natin iyan.” sambit ni Elias.
Nagtagal nang mga ilang minuto ang anim sa lugar na iyon. Kanya-kanyang kuha ng litrato at video. Eninjoy nila ng husto ang ganda ng lugar. Majestic kung baga at subrang nakakamangha. Na tila ba nasa ibang dimensiyon at lugar ang magbabarkada.
Humudyat na si Ken na magpatuloy sila sa kanilang pag akyat ng bigla na naman sila nakaramdam ng biglaang pag yanig. Sa dalawang beses na nilang naranasan iyon ,sa araw din na iyon minabuti ng lahat na ipagpaliban na muna ang pag akyat sa peak at bumalik na lang sa camp site nila.
Habang binabagtas ng mga ito ang daan pa balik napasigaw si Joshua nang may kumagat na ahas sa kanyang braso. Agad naman nakita at hinuli ni Elias ang kumagat dito na ahas.
“mock viper, huwag kang mag alala wala itong lason. Linisan na lang natin iyan ng alcohol at tubig. Mag ingat kayo dahil sa pagyanig kanina mukhang na bulabog sila sa kanilang lungga.” sabi pa ni Elias matapos ipakita sa lahat ang ahas bago itinapon ito sa malayo
Matapos malanggasan ng alcohol ang sugat ni Joshua, nagpatuloy muli sila pabalik sa pinaglagakan nila ng tent. Kung pahirapan Ang pag akyat, mas duble ang hirap sa kanilang pag baba. Bukod sa matarik at mabato ang daan, madulas din ang mga lupa at bato gawa ng mga lumot.
Sa pagbaba pa ng mga ito biglang napahinto si Jahred na nuoy nauuna sa kanila, nang may nakita itong dumaan ng mabilis sa kanilang harapan.
“Did you see that? “ Bulalas na tanong nito na tila nagulat sa kanyang nakita.
“Ang ano? Ang alin?” tanging tugon ng iba, na hindi pala nakita ang tinutukoy ni Jahred.
“Ang laki nun pare, imposibleng hindi niyo iyon na kita. That was huge, higanteng ahas mga dude, passed right in front of me.” Ang sabi pa ni Jahred na siguradong sigurado sa kanyang nakita.
Ngunit nakapagtataka na wala man lang sa kanila ang nakakita ng ahas.
Bandang alas dos na nang hapon ng marating nila ang camp site. Agad nag handa ng makakain ang lahat dahil sa ramdam na nila ang gutom.
Agad naman na nagpaalam si Elias upang kumuha ng mga kahoy na gagamitin nila sa pag papaapoy sa gagawin nilang siga sa buong araw na iyon. Nagpresintang sumama si Pablo tangan ang isang maliit na jag na lagayan ng tubig. Nabanggit kasi ni Elias na may malapit na bukal sa pupuntahan nito.
Nang maka alis Ang dalawa lumapit si Joshua kay Ken at may sinabi ito dito.
“Napansin mo pare, simula noong umakyat tayo dito, halos hindi na mahiwalay sa isa’t isa ang dalawa. Madalas nag bubulong-bulungan pa. Mukhang may tinatago.” Sabi ni Joshua patungkol sa napapansin nito kina Pablo at Elias.
“Kahapon ko pa napansin iyan. Tingin ko din may nililihim sa atin ang dalawa. Kanina nakita ko may kukunin sana si Elias sa kanyang bag, ngunit bigla na lang ito pinigilan ni Pablo. Tapos nang nagpahuli sila, nakita ko din na tila may pinag uusapan sila.” tugon naman ni Ken.
“What if sundan natin sila, …duda lang kasi ako sa pagiging close nila eh, Parang si Elias pa ang barkada ni Pao.” ayon pa kay Joshua.
Sumangayon si Ken sa ideya ni Joshua. Sinundan nila ang daan na tinahak nina Pablo at Elias upang sundan Ang mga ito. Nang lumabas naman mula sa kani-kanilang mga tent ang dalawa, Steve at Jahred nag taka Ang mga ito kung bakit wala nang naiwan sa labas.
“Saan nagpunta ang mga iyon?” tanong pa ni Steve.
“Baka nag hanap ng palikuran ang mga iyon. Mabuti pa magsalang na tayo ng kanin para pag balik ng mga iyon kakain na lang tayo” Sabi ni Jahred.
May tatlumpong minuto na ang nakalipas ngunit wala pa sa mga iyon ang bumabalik ,Lampas alas tres na emidya na. Nagpasya na lang ang dalawa na kumain. Kakatapos lang ng mga ito nang dumating sina Pablo at Elias na may mga dalang sanga at pirasa ng mga kahoy pang gatong at mga malalaking isdang puyo.
“Nawili kami sa dami ng puyo sa ilog , nakalimutan naming hapon na pala. Sina Ken at Joshua?” tanong ni Pablo nang mapansin na kulang sila doon.
“Umalis ang dalawa nang maka alis kayo. Akala nga namin nag hanap lang Ang mga iyon ng cr. Ngunit anong oras na, hindi pa sila bumabalik. Ginutom na nga kami sa kakahintay sa inyo dito eh.” sagot ni Jahred.
Kinabahan ang dalawa gayung papalubog na ang araw. Agad na nagpaalam sa tatlo si Elias upang hanapin Ang dalawa. Hindi na nito pinayagang sumama pa sa kanya si Pablo. Kabisado na ni Elias ang gubat, kaya madali niyang matutunton sina Ken at Joshua.
Nagsimulang mag siga si Pablo. Si Jahred naman ini-ihaw ang mga isdang dala nina Pablo. Samantala nasa labas ng tent nito si Steve ,habang tinitingnan Ang mga kuha nitong pictures sa lugar na pinuntahan nila ng una.
“what if the place we saw was actually a prison in ancient times? Or maybe a sacrificial grave. Kasi sa napansin ko dito sa mga pillars na naka palibot sa rebultong ahas na ito, parang sinadyang gawing harang iyon doon at hindi basta disenyo lang.” biglang sambit ni Steve,habang nakatuon sa mga larawan na kuha nito.
“Actually iyan din ang na noticed ko. And see those symbols, hirap intindihin pero parang cursed symbols. Alam mo naman ang mga tao sa panahon noon, naniniwala sa mga diyos at mga nature’s spirit.” biglang tugon naman ni Jahred.
“At ang ahas sa gitna ang kinikilala nilang diyos” dugtong pa ni Steve.
“speaking of snake, I swear mga pare, totoong nakakita ako ng malaking ahas kanina. Ang bilis niya. Pero I know what I saw. Ahas talaga iyon. At naniniwala ako na ang nakita ko ay ang ahas na nakita din ni Ken dito. That video na nakita natin, hindi siya hoax mga dude.” ayon pa kay Jahred.
“Pag nakabalik na sina Ken, kapag may oras pa. bumalik na tayo sa baba. Hindi na tayo tutuloy sa pag akyat.” sabat ni Pablo.
“Bakit naman pare? Ngayon pa na may na diskubre na tayo dito. Pare, this is worth a milyon. Makakuha lang tayo ng evidence tungkol sa ahas na iyon jackpot na tayo. At ang ruins na iyon. Malakas ang kutob ko na may treasures na nakatago doon. Kaya ganun na lang ka sekreto. Nakita mo naman nung tinuklap ko ang bitak sa mata ng rebulto. May sumilip na bato,not just any stone, but a glowing red stone. And I have a hunch it’s a ruby dude” pag tutol ni Jahred.
“Wala tayong papakialaman dito sa bundok. Hindi natin alam kung ano ang panganib na magiging dulot nito sa atin. Bisita lang tayo dito.we need to show respect to those who live here and to those who own it” paliwanag ni Pablo kay Jahred. Hindi ito sangayon sa ideya ng kaibigan.
Tahimik naman si Steve na kumporme naman sa punto ng dalawa.
Pababa na ang araw ngunit hindi parin bumabalik sina Ken. Nagpasya na si Pablo na sundan ang mga ito. Ngunit bago paman ito lumakad. Nakita na nito ang dalawa na papalapit at pagod na pagod. Sinalubong sila ng tatlo at pinainum ng tubig. Nang makuha ng buwelo nag simula nang mag kuwento ang dalawa. Ayon sa kanila ,paikot ikot lang daw sila sa kakahuyan at hindi makausad usad. Wala silang nakitang ibang daan kung hindi ang daan papunta sa malaking bato kung saan nakita nila ang guho. Balak na sana nilang pumasok doon nang may tumawag sa kanilang lalake. Tinulungan sila makabalik sa pinanggalingan nila. Hanggang sa makabalik sila sa camp site.
Ang Guho
Sinalubong ni Pablo si Elias na madilim na nang makabalik sa campsite.
“Mabuti at nakabalik ka ng maayos, nandito na sina Ken. May tumulong daw sa kanilang lalake”
May pagtataka sa mga mata ni Elias nang marinig ang sinabi sa kanya ni Pablo. Pinuntahan ni Elias ang dalawa upang usisain Ang mga ito sa kanilang karanasan sa gubat. Ikinuwento naman nina Ken at Joshua ang lahat.
“Ang lalake, anong itsura niya?” ang sabik na tanong ni Elias kay Ken.
“Matangkad, maganda ang katawan, nakahubad iyon kasi tapos putikan ang katawan. Mukhang ermetanyo na sa kapal at haba ng kanyang balbas at buhok. Pero kahit na ganun, we can say he is a handsome man. At sa tantiya ko nasa mid thirties ang edad niya.” pagsalarawan pa ni Ken.
“Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang sa nagsasalita. Naisip nga namin ni Ken baka pipi. Tapos ang liksing kumilos ang bilis. Bigla na lang nawala nang makarating na kami dito. And what else did we notice? ang kakaibang lungkot sa kanyang mata. Iyong mga titig niya kasi sa amin, puno ng pangungulila.” dagdag pa ni Joshua.
“si Kuya…buhay si kuya.” sambit ni Elias.
Nagkatinginan ang lahat ng sinabi iyon ni Elias.
“What? you mean, kuya mo ang nakita namin? pero paano? Sabi mo thirteen years ng nawawala kuya mo at no one has seen him here, diba. Ilang rescuers na ang naghanap sa kanya sabi mo. Ngunit hindi nila siya matagpuan.” Sabi pa ni Ken.
“Hindi ko alam , pero bigla ko na lang naramdaman na si kuya iyon.” tugon pa ni Elias na biglang nilukuban ng pagkabalisa ang sarili.
“maybe we really need to stop this climbing activity, before something worst happens to us” bungad ni Pablo nang lumapit ito sa kanila.
“Agree ako kay Pablo, kinakabahan na din ako sa bundok na ito. The other day there was a big snake. Today, it’s the same snake again, you got lost in the jungle. And there is this mysterious man who suddenly disappears. Plus The frequent tremors here. Baka kasunod nito maglaho narin tayo dito sa bundok like those before us here.” Pagsangayon pa ni Steve sa sinabi ni Pablo. Hati ang opinyon ng lahat, tulad ni Jahred na mas piniling manatili muna doon hanggat hindi pa ito nakakakuha ng litrato ng ahas. Nagdadalawang isip naman si Joshua na gusto namang umalis doon ngunit na intriga sa hiwaga at kuwento ng bundok. Hindi naman makapag pasya ng husto si Ken dahil distracted ang isip nito, sa tuwing nag bubulong-bulungan sina Pablo at Elias. Malakas ang kutob nito na may tinatago ang dalawa. Simula kasi noong nandoon na sila, pansin na ni Ken na may iba sa kinikilos ni Pablo.
Matapos maghapunan ang lahat,nagpahinga na ang mga ito. Naiwan sa labas si Elias na nakaharap sa siga, pinapanatili nitong malaki ang apoy. Kinuha nito ang larawan ng kanyang kuya sa kanyang bag at pinagmasdan na naman ito. Hindi na nakapag asawa pa si Elias dahil sa kakahanap sa kanyang kuya Erjune, minsan pa naging dahilan ito upang iwan ito ng kanyang kasintahan noon. Mula nang mapadpad ito sa Sityo Pangil, madalas na itong pabalik-balik sa bundok sa pag-asang makikita nito ang kanyang kapatid.
Minsan na nitong narinig ang tungkol sa misteryusong lalaking nagpapakita sa mga naliligaw sa bundok. Ngunit kailan man hindi pa niya ito nasusunpungan sa ilang taon na nitong pag ayat doon.
Ang kuwento ni Ken at Joshua, ang muling nagpapabalik ng tiwala ni Elias na buhay pa ang kapatid nito. At ang lalake na kinukuwento nila at nang iba noon ay ang kuya nitong si Erjune.
“Magpahinga ka na ,malalim na ang gabi.” bungad ni Pablo kay Elias nang umupo ito sa tabi nito.
“Naniniwala Ako na si kuya iyon pare. Totoo ang nakasaad sa journal ni lolo.” Sabi ni Elias.
“Kung nagiging tagabantay nga ng bundok na ito ang mga angkan mo, at kung totoo na ang kuya mo nga iyon. Ano na naman kaya ang dahilan niya at nagpakita siya?” ayon pa sa tanong ni Pablo.
“Hindi ko alam kung bakit sa iba nagpapakita siya. Gusto ko lang malaman pare,nais ko makita si kuya.” sambit pa ni Elias.
“Ang nakasulat sa journal, ayon doon kapag tumapat ang liwanag ng buwan sa rebultong ahas, magpapakita ang daan papunta sa Tribu. Ayon sa iyo, ang mga nasa tribo na iyon Ang tumutulong sa mga ninuno mo. Bakit hindi natin subukan. Humingi ka ng tulong sa kanila.” ayon pa kay Pablo.
“Sinubukan ko na iyon, maka ilang ulit na ngunit hindi nagpakita sa akin Tribu. “ Sabi ni Elias.
“Ang tungkol sa kayamanan na pinuprotektahan ng malaking ahas, gaano ba ka totoo iyon?“naitanong pa ni Pablo kay Elias.
“Hindi ko alam, mapa lang itong hawak ko ngunit hindi ko pa nasubukang gamitin ito. Takot rin naman ako magtiwala o ipagkatiwala ito sa iba.” sagot naman ni Elias.
“Naiintindihan kita, pero hindi naman kaya dahil sa nakasaad diyan sa mapa na iyan kung bakit nawala ang kuya mo pare. Posible kaya, na nakita ito ng kuya mo. Tapos may nakita din sa kanya. And then…”
“And then pinatay nila si Kuya. Naiisip ko din iyan noon. Pero imposible, kasi sa tingin ko hindi alam ni kuya ang tungkol dito. Aksidente ko lang nahanap ang mapa sa likod ng kuwadro ni lolo ng mahulog ito pagkatabig ko. At Isa pa walang nakaka alam sa guho na iyon. Kayo pa lang.” Sabi pa ni Elias.
“Why us? Why not your family members or your relatives? Bakit kami pare?” tanong pa ni Pablo.
“Walang naniniwala sa akin. Lahat sila naniniwalang wala na si kuya. Nahihibang lang daw Ako tulad nina lolo noon, na subrang fascinated at baliw sa mga kuwentong kababalaghan at walang kuwenta. Kaya nga itinapon na lang nila sa basement ang lahat ng mga gamit ni lolo. Dispirado lang talaga akong mahanap si kuya, o kahit malaman man lang ang nangyari sa kanya. Wala nang umaakyat dito sa bundok, hindi ko naman kaya gawin ito nang mag-isa. Nang makita ko kayo, nagbabasakali lang Ako na matulungan niyo Ako.” paliwanag pa ni Elias kay Pablo.
“Hindi kami ganun ka expert na mga climbers, bisyo lang ito namin. Kaya ayukong may mapahamak ni Isa man sa mga kasamahan ko dahil dito pare. Alam ko ang risk ng pagdala mo sa amin sa ruins. Nakita mo naman ang interest nila nang makita ito. What more kung malaman nila ang tungkol sa mapa. Kaya pakiusap pare, hide it well. Tutulungan kita sa kuya mo. Pero ilabas na natin ang iba.” pabulong na sabi ni Pablo na halos dikit na ang mukha nito sa mukha ni Elias.
Kitang kita ni Ken ang ginawang paglapit ng ulo ni Pablo sa ulo ni Elias. Sinadya nitong tabigin ang lalagyan ng tubig upang makalikha ng ingay. Napalingon sa kanya ang dalawa. Tumayo si Elias at umiwas ng papalapit sa kanila si Ken.
“Gising ka pa pala” tanong ni Pablo kay Ken nang tumabi ito sa kanya.
“I woke up because someone was talking outside, I didn’t know it was you and Elias.” sagot ni Ken.
“We just talked about his brother.” Sabi pa ni Pablo.
“Lately, I noticed that you and Elias are very close. Looks like you’ve really moved on.” bulalas pa ni Ken.
“Parehas lang naman tayo. Maybe I also deserve to be ok and happy.” tugon ni Pablo na napasulyap kay Elias na nakahiga sa ginawa nitong duyan.
“Siya na ba?” tanong ni Ken.
“You probably don’t even have to know who it is. we’re done, right?” pagbaling pa ni Pablo kay Ken.
“Nasasaktan ako sa nakikita ko.” sagot ni Ken.
“Bakit ako, hindi?”
Pagkasabi na iyon ni Pablo, bigla na lang kinabig ni Ken ang mukha ni Pablo at hinalikan niya ito sa labi. Nabigla si Pablo sa ginawa na iyon sa kanya ni Ken, at sa hiya na baka makita sila ni Elias, naitulak ni Pablo si Ken.
“Ano ba ang ginagawa mo Ken?”
“I’m sorry, siguro na miss lang kita.” sagot ni Ken lay Pablo.
“Tanggap ko na Ken, hindi tayo para sa isa’t isa. Malaya ka na. Sana ok na tayo doon.” Sabi pa ni Pablo at iniwan na nito si Ken at pumasok na sa tent nito.
Napasulyap si Ken sa puwesto ni Elias bago ito bumalik sa kanyang tent. Hindi pa sumusikat ang araw nang binulabog sila ng napakalakas na angil na tila nanggaling sa isang dambuhalang hayop. Nagsilabasan ang mga ito sa kanilang mga tent
“Ano iyon, saan galing iyon?” bungad na tanong ni Steve.
“Anong klaseng hayop naman ang kayang gumawa ng ganung kalakas na angil.” Sabi pa ni Joshua.
“Ang ahas kaya iyon?” duda pa ni Ken.
“Hindi naman umaangil ang ahas dude. Iba iyon.” ayon pa kay Steve.
“Ibig sabihin lang nito, hindi lang ang ahas ang gumagalang higanteng dito. May iba pang hayop.” Sabi pa ni Jahred.
“Ngayon ko lang narinig ang tunog na iyon. Kung ano at saan galing man iyon. Panganib ang pinapahiwatig nito.” sabat pa ni Elias na nakatingin sa bahagi ng bangin.
Lumapit doon si Pablo. At may sinabi ito kay Elias.
“kailangan niyo na umalis dito, mapanganib na ang tumagal pa kayo dito.” Sabi ni Elias sa lahat, nagsimula itong magligpit ng kanyang tulugan.
Sumunod na kumilos si Pablo at Steve,na nagligpit ng kanilang mga tent. Ayaw pa sana nina Ken, ngunit na kumbense sila ni Steve.
“puwede ba magkape man lang muna tayo” reklamo pa ni Jahred nang tapos na silang mag ligpit ng kanilang mga gamit.
“Maghanap na lang tayo ng saging o prutas sa daan, kailangan na natin makababa agad dito, bago pa tayo matulad sa mga nawawala dito. “ Sabi pa ni Pablo.
“Kung hayop nga iyon ang narinig natin, malamang iyon ang may kagagawan ng mga nawawala dito. Kakaiba nga itong bundok na ito. Tara na mga pare.” ayon pa kay Steve na una ng kumilos sa kanila.
Mabilis sila nakalayo sa campsite. Si Steve ang nangunguna sa kanila kasunod si Jahred. Magkasama naman sina Joshua at Ken na naka sunod kina Elias at Pablo. Nasa kalagitnaan na Ang mga ito ng bundok at mapapadaan na sa ilog at talon nang walang ano-ano may narinig ang mga ito na bumagsak sa tubig. Napatigil sila at napatingin sa may talon. Batid nilang may kalakihan ang bumagsak na iyon dahil sa lakas ng nilikha nitong tunog, kita pa ng mga ito ang pag alon ng tubig doon.
Biglang nakaramdam ng takot ang lahat kaya binilisan nila ang paglakad. Nang marinig nilang napamura sa gulat sina Joshua at Ken sa kanilang nakita mula sa talon. Napalingon ang lahat at doon nakita nila ang isang nilalang na umahon mula sa tubig. Dambuhala ang laki nito na kasing laki ng isang bus. May ulo at katawan itong kahalintulad sa isang buwaya, ngunit nakakatayo ito. Mistula itong hayop na nabuhay pa noong panahon. Sa panahon kung saan ang lahat ng hayop ay may pambihirang laki at taas.
Nagsitakbuhan ang mga ito ng makitang sila ang punterya ng dambuhalang hayop na iyon. Mabilis itong kumilos, at nang muntik na maabutan sina Elias, Isang dambuhalang ahas na naman ang lumabas mula sa mga kakahuyan. Agad nitong sinugod ang hayop na tila ba hinarangan nito na huwag magalaw sina Elias. Nagpambuno ang dalawang dambuhalang nilalang. Sinakmal ng naunang hayop ang ahas ngunit pinuluputan din nito ang hayop at hinigpitan ang pagkakalingkis, dahilan para mabuwal silang dalawa at mahulog sa ilog.
Natulala ang lahat sa nakita nila. Halos natigilan ang mga ito , Magkahalong mangha at takot ang nararamdaman nilang anim. Lalo na si Elias, na sa unang pagkakataon, kanyang nakita Ang tunay na anyo ng ahas. Pambihira ang laki at haba nito. Nakatingin parin ang mga ito sa mga naglalabanang dambuhala. Nakuha pang kunan ng video ni Jahred ang nangyayari. Ngunit naputol ito ng hinila na siya ni Joshua paalis sa lugar na iyon.
Tanaw na nila ang bato kung saan nila nakita ang guho. Nang muli na naman sila nahintakutan nang pag lingon ni Steve, patakbong nakasunod sa kanila ang isang hayop.
“Sa may bato!!!” sigaw ni Elias
Agad nagsitakbuhan ang mga ito patungo doon. Walang lingon-lingon na tumakbo ang mga ito na tila ba patag ang kanilang daan. Di alintana ang mabato at masukal na mga damo papunta roon. Kanya kanyang karipas ng takbo ang lahat. Nakabuntot naman sa hayop na iyon ang ahas kaya di magkamayaw sa kakasigaw si Jahred.
Nagkatulakan pa Ang mga ito ng marating ang bitak. Nang makapasok na ang lahat sa loob ng guho, may napansin agad si Pablo.
“Nasaan na ang rebulto ng ahas?” pagtatakang tanong ni Pablo habang na tingin sa puwesto noon ng rebulto ng ahas sa gitna ng mga poste.
Wala man lang bakas na tinanggal ito doon. Malinis ang dating pinaglagakan ng rebulto. Maging si Elias,balot din nang katanungan kung ano ang nangyari sa rebulto.
Napabaling naman ang lahat kay Jahred nang tila balisa ito. Walang ang nasabing mga hayop sa nakuhanan nitong video. Tanging ang magalaw lang nitong kuha at mga sigawan lang ng mga ito ang nakarehestro sa video.
“Lahat tayo, nakita natin ang mga halimaw na iyon diba? Pero ano ang nangyari? not even a shadow of those monstrous monsters, wala sa video.“Sambit pa ni Jahred.
“Hindi lang dito nawawala ang rebulto ng ahas,look at the pictures you took, maging sa mga kuha natin dito , wala din sa mga larawan ang rebulto ng ahas.” Sabi pa ni Steve na pinakita sa lahat Ang mga kuha nito noon sa guho sa kanyang cellphone.
“Hindi na talaga maganda ito, pinaglalaruan na tayo ng bundok na ito. We really need to get out of here. Tama si Pablo, nanganganib ang buhay natin dito” Ayon pa kay Ken.
“Sisilipin ko kung nasa labas parin ang mga iyon. Bago tayo lumabas.” Sabi pa ni Elias, at agad na tinungo ang lagusan.
Sumilip ito doon, ngunit nanlaki lang ang mata ni Elias sa kanyang nakita. Napaatras ito, at kita sa mukha niya ang matinding pagkagulat at pagtataka. Nagsilapitan naman ang lahat nang makitang may itinuturo sa labas si Elias. At nang lumabas na nga ang lahat, lalong na dagdagan ang kanilang takot at kaba ,nang ang masilayan nila ay isang malawak na kapatagan na puno ng mga damo. Wala na ang dating bundok, ibang lugar na ang nakita nila pagkalabas nila sa guho. Babalik pa sana si Jahred sa loob, ngunit nang lumingon ito naglaho na ang bato na kanilang pinanggalingan.
Dito na nagkagulo ng husto ang anim. Maging si Elias, hindi alam kung paano ipapaliwanag Ang mga nangyayari sa mga sandaling iyon. Takot ang namayani sa lahat. Sinubukan ni Pablo na humingi ng tulong gamit ang cellphone, ngunit wala itong silbi. Hindi gumagana ang mga dala nilang telepono, at Ang nakapagtataka pa maging ang kanilang mga relo ay hindi gumagana. At maging ang bitbit nilang compass ay hindi man lang gumagalaw.
Balot man ng takot at pangamba, wala ng nagawa pa ang anim kung hindi ang magpatuloy sa lugar na iyon at hanapin ang daan nila palabas.
KUBLING NAYON

Nagpatuloy lang ang anim sa kanilang pag galugad sa lugar. Wala silang matanaw sa paligid kung hindi mga tuyong damu na lamalampas sa kanilang mga binti ang taas. Saan man dumapo ang kanilang mga tingin mga damo at malawak na damuhan lang ang naroon.
Pagod at gutom na ang mabubuo sa kanila. Mataas ang araw ngunit hindi man lang nila ramdam ang init ng sikat nito. Parang malamig pa nga sa mga sandaling iyon.
“Wala man lang bang puno dito na may prutas?, nakakagutom na. Kaya ko pa ang mag lakad pero itong gutom ko mukhang hindi na talaga kaya.” Parinig pa ni Jahred, na rinig na din ang pag kalam ng kanyang tiyan.
“Ano ba ang nangyari pare? Saan na ba tayo ngayon nito? “ Tanong ni Joshua kay Elias
“Hindi ko alam, maging ako man nagtataka kung bakit tayo na punta sa lugar na ito. Ngayon lang din ako napadpad dito.” Tugon ni Elias.
“Are we in another dimension mga dude? Is this what they called Biringan city?” Tanong pa ni Jahred.
“Magagara daw ang lahat sa lugar na iyon. Ibang iba dito, kahit Isang kubo nga wala tayong nakikita. It’s like we’re in the middle of the desert, but we’re in the fields. Look around, very dry ang paligid mula lupa hanggang sa mga damo rito.” sabi pa ni Steve.
Napahinto ang lahat nang sumigaw si Pablo. Nagsilingunan ang lahat sa direksiyon na tinitingnan ni Pablo.
“May mga tao akong nakita sa banda roon. Tumatakbo” Bulalas ni Pablo
Ngunit walang nakitang tao ang iba sa parteng iyon. Nang maging si Jahred, may napansin din na bigla na lang nagsikublian sa mga damu. Nadagdagan pa ang kaba nila nang pati si Joshua at Steve may napansin ding kakaiba sa kanilang paligid. May kung ano na nadoon sa mga damuhan at gumagalaw ang mga ito.
“Shit, napapaligiran na tayo. “ Sambit ni Elias nang mapansin na nagsigalawan na ang mga damu sa kanilang paligid.
“Ano ang mga iyan?” Kabadong tanong ni Jahred.
“Baka mga ahas,” sabi pa ni Steve.
Nang walang anu-ano, nahintakutan ang lahat nang bigla na lang may nagsilabasan mula sa likod ng mga damuhan. Mga tao na balot ang buong katawan ng putik, mukhang mga katutubo. Umaangil ang mga ito na parang mga hayop. Nanlilisik ang mga mata ng mga ito. May mga dala itong mga sibat at patalim sa kanilang mga kamay. Pasugod na ang mga ito sa kanila. Napamura na ang anim, ngunit kahit papaano nakahanda sila upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Naglabas din ang mga ito ng kanilang mga patalim na dala. Akmang susugurin na ng mga ito sina Pablo, nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril.
Tumigil sa kanilang pag atake ang mga taong putik nang makita ang kasamahan nilang bumulagta sa damuhan. Nabaril ito ni Ken sa dibdib.
Nakita nila na ang takot sa kilos at mukha ng mga taong putik dahil sa aktong ginawa ni Ken. Kaya nagkaron sila ng tapang na sindakin ang mga iyon.
“Sige, lumapit kayo at isa-isahin ko kayo ng balang ito!” Sigaw pa ni Ken, ngunit nanginginig ito na pilit kinukubli ang takot.
Dahan-dahang umatras ang mga taong putik hanggang sa naglaho muli ang mga ito sa mga makakapal na damuhan.
“What are those? Cannibals?” Tanong ni Jahred.
Nagkatinginan sina Pablo at Elias na para bang alam nila kung ano ang mga iyon.
“Kailangan na nating makalayo dito nang mabilis, Bago pa tayo balikan ng mga iyon. Maaring natakot lang natin sila sa baril ni Ken. Ngunit siya lang ang may bakal sa atin, wala tayo.” Ayon pa kay Elias.
“Kung takot sila sa baril, eh di takutin natin sila mga pare. May silbi rin pala ang pagbaon ko nito.” Tugon ni Joshua,sabay labas ng sarili nitong baril mula sa kanyang backpack.
Hindi lang si Joshua ang may nakatagong baril, maging sina Steve at Jahred. Nagulat si Pablo dahil sa mga naitagong armas ng mga kaibigan. Sa kanilang lima siya lang ang walang dalang ganun.
“The f*ck… nag-usap ba kayong apat. Buti hindi iyan nakita nang may nag checked ng mga bag natin.” Ani Pablo.
“Nasa tamang pagtago lang iyan. Tsaka lisensiyado naman ito. After what we heard about Linunhan, top of mind na namin ang self safety and protection.” Tugon ni Jahred.
“You have me at your back pare, ako ang bahala sa iyo.” Turan ni Ken nang paglapit nito kay Pablo tsaka inakbayan ito.
“Safe ka na dude, si Ken na bahala sa iyo. “ Sabat ni Steve na napakindat pa kay Ken.
“Hindi ka maaano, itataya ko ang buhay ko. Ako ang nagdala sa inyo sa sitwasyon na ito, kaya risk ko kayo.” Saad pa ni Elias.
“Ayan naman pala,…pero mga pare makakabalik pa ba tayo? Parang ibang mundo na itong napuntahan natin eh. Maligno na yata tayong lahat.” Wika ni Jahred.
May kaba man at pagkabahala sa kalagayan nilang walang kasiguraduhan, gayun pa man nagpatuloy sila sa pag lalakad, binilisan nila ang kilos. Malayo-layo na ang kanilang nilalakbay ngunit tila ba walang katapusan ang malawak na damuhan na kanilang nilalakaran. Hanggang sa muntikan na mahulog si Jahred. Nakarating sila sa dulo ng Isang napakataas na bangin.
Bangin ang dulo ng malawak na damuhang iyon. Sa ilalim ng bangin, doon nakatanaw sila sa mga nag kukumpulang mga kubo sa baba. May mga tao, mga alagang hayop at mga pananim. Tila isang maliit na kumunidad sa gitna ng matatayog na mga bangin. Luntian ang paligid doon at hitik sa mga malalagong puntong kahoy, at halaman.
“how can we get down there? For sure may mga pagkain sila for us.” Anas pa ni Jahred.
“Eh di tumalon tayo.” pabirong sagot ni Steve kay Jahred.
“Mag rapel tayo pababa. Wala na akong nakitang daan pababa diyan kung hindi ang mag rappel.” Ayon pa kay Ken.
Sumang ayon ang lahat at nag simula nang kumilos para makababa mula doon sa bangin. Hindi nila inaasahan na mas malalim pa pala ang bangin na iyon sa kanilang inaakala. Paubos na ang kanilang dalang lubid ngunit wala pa sila sa kalahati ng bangin pababa.
Malakas ang hangin kaya dumagdag pa iyon sa hirap ng kanilang ginagawa, bukod pa sa masyadong marupok ang ibang bato na nakakapitan nila tsaka naapakan.
Nang mapabaling sila sa kay Jahred dahil sa lakas ng sigaw nito. Bumigay ang lubid ni Jahred at tuloy-tuloy ang pagbagsak nito sa ilalim. Hindi na natanaw pa ng mga ito ang kinabagsakan ng kaibigan.
Napamura na lang na napaiyak si Steve sa sinapit ni Jahred. Nanlomo ang lahat, ngunit sinikap parin nilang tumuloy. Hanggang sa isa-isa nang nagsibigayan ang kanilang mga lubid. Sumunod kay Jahred si Joshua.,tapos si Elias, si Steve, si Ken at huli si Pablo.
Nagising mula sa pagkabagsak si Jahred. Agad na kinapa nito ang sariling katawan. Sa kung anong hiwaga at himala, wala man lang itong natamo kahit anong bali o sugat sa katawan. Pina-ikot nito ang kanyang paningin sa paligid. Hinagilap doon ang natanaw nilang kumunidad mula sa bangin. Ngunit tila nasa iba na naman itong lugar. Tumingala ito ,at sinipat ang hinulugang bangin. Ngunit laking pagtataka nito nang hindi na bangin ang nakita nito, kung hindi malawak na kagubatan. Halos mabaliw si Jahred sa kanyang nararanasan ng mga sandaling iyon. Nagulat na lang ito nang tinawag ito ng mga ranger na nagpapatrolya sa gubat. Nang mamukhaan ito ng isa sa mga iyon.
“Teka lang, Diba kasama ka noong limang nagtanong sa akin noon tungkol sa bundok? Nagtuloy talaga kayo dito? Kaya naman pala hinahanap na kayo ng mga pamilya niyo dito sa amin.” Sabi pa ng lalake na kasama ng mga ranger na may pagtataka sa mukha nito.
“Nasaan na ang iba pang mga kasamahan mo?. Alam niyo ba na may dalawang linggo na kayong missing sa mga pamilya niyo?. At diba nga alam niyo namang pinagbabawal at delikado ang bundok na ito. Nasaan na Ang iba?” Tanong pa ng Isang ranger kay Jahred.
Walang naisagot sa kanila si Jahred tulala ito hindi nito kanang maipaliwanag ang mga nangyari sa kanila. Napagtanto nito na nakabalik na nga ito sa bundok. Ang laking pagtataka lang nito kung bakit inabot sila ng dalawang linggo na nawawala. Gayung sa pag ka alala nila wala pa silang dalawang araw sa lugar na iyon.
Naalimpungatan naman sina Steve ,Joshua at Pablo na naka higa sa magkakatabing higaan na yari sa kawayan. Nasa isang malaking kubo ang mga ito.
Isang babaeng katutubo ang bigla na lang pumasok doon. Wala itong pantaas na damit kaya kita ang malisog nitong dibdib na may hikaw pa dulo ng mga utong nito. Nakatapis lang ito ng pulang sarong. Nakatirintas ang buhok nito hanggang anit at may mga putol na sanga ng kahoy sa bawat dulo ng nakatirintas na buhok. Maganda ito sa kabila ng mala mulata nitong kulay. May bitbit itong malaking palayok nang pumasok ito sa loob ng silid.
“Mainam at nagising na kayo,limang araw din kayong walang mga malay.” wika pa ng babae.
Doon lang napagtanto ng tatlo na wala pala silang mga saplot sa katawan na kahit ano. Napa-takip nalang ang mga ito sa kanilang mga harapan ng lumapit pa sa kanila ang babae.
“Nasaan kami, anong nangyari sa amin? Bakit wala kaming mga damit?” pagtatakang tanong ni Pablo.
“Sino ka? At anong sinasabi mong limang araw na kaming walang malay? Eh kanina lang nakalambitin kami sa bangin ah.” sabi pa ni Joshua.
“Ang mga kasama namin nasaan na?” tanong naman ni Steve
“Kayo lang tatlo ang nakita namin sa gulod. Iba ang kasuotan niyo sa amin, pakiwari ko hindi kayo taga rito. Ako nga pala si Kanara. Ako at ang mga kapatid ko ang nakatagpo sa inyo sa gulod. Nagdala ako ng maiinum niyo. Batid ko ang uhaw niyo.”
Gamit ang isang baso na yari sa luwad, sumalok si Kanara ng laman mula sa dala nitong palayok. At inalok ito sa tatlo. Halos magkanda duwal-duwal ang tatlo ng maamoy ang likidong inalok sa kanila. Kulay berde ang kulay nito at amoy bulok na gulay ang baho.
“Marahil hindi niyo gusto ang amoy nito pero, kakaiba ang lasa nito. Huwag kayong mabahala hindi ito lason. Gawa sa mga halamang gamot ang inuming ito. Makakabuti ito para bumalik ang lakas niyo.” nakangiting sabi pa ni Kanra.
“bago namin inumin iyan, please ang damit namin. Nakakailang kasi.” pakiusap ni Steve sa babae.
Nang bigla na lang pumasok ang dalawang lalake, na kakulay din ni Kanara. Matatangkad ang mga ito at malalaki ang katawan na animoy tambay sa gym. Tulad ni Kanara, magandang lalake din ang mga ito. Ngunit ang nakakuha ng pansin ng tatlo ay ang ayos ng mga ito. Pawang hubo’t hubad ang mga ito at tanging malalaking kuwintas lang na yari sa mga buto ng kung anong hayop at kahoy mga suot nito. Ganun din ang tila nakabuhol na naging sa kanilang beywang na naka konekta sa mga titi nito.
Tutok na tutok ang tingin ni Pablo na para bagang dinidilaan ng kanyang mga mata ang kabuohan ng katawan ng dalawang lalake.
Napasilip naman si Joshua sa harapan nito nang makita ang pambihirang sukat ng mga pag-aari ng dalawang lalake. Hindi pa man katigasan ang mga iyon ngunit nakakalula ang haba at laki nito na nakalawit sa pagitan ng kanilang mga hita.
Bitbit ng dalawa ang mga gamit ng tatlo.
“Sila ang mga kapatid ko na tumulong sa Inyo ng makita kayo namin sa gulod, Sina Damar at Bal.” pagpakilala pa ni Kanara sa mga kapatid sa tatlo.
“Mainam at nagising na kayo. Narito ang inyong mga kasuotan. Hindi kayo taga rito,saan kayo nag mula?” Tanong ng lalake na nagngangalang Bal.
“Taga Cebu.” Agad na sagot ni Joshua nang kinuha nito ang sa dalawang lalake ang kanilang mga damit.
“Maaring malayong lugar nga iyan. Hindi namin alam kung saan man iyan. Kanara, mainam siguro na iwan na muna natin sila.” Sabat pa ng isang lalake na si Damar.
Sumangayon naman ang mga kapatid at nilisan ng mga ito ang silid. Naiwan ang tatlo na agad nagbihis ng kanilang mga damit. Agad nilang napag-usapan ang kanilang nalaman at nakita sa mga sandaling iyon.
“putcha pare nakita mo si Kanara, hayop sa kaseksihan pare diba?. Ang boobs,my god. Nakakagigil. Hindi ko nga mapigil ang titi ko na hindi tigasan sa kanya kanina.” bulalas agad ni Joshua.
“Nakakapangliit nga ang mga batuta ng dalawang iyon. Pinaglihi yata sa kabayo ang mga ari nila Gadangkal ang haba, hindi paman lumalaban. Pero maiba tayo, narinig niyo ba ang sinabi ng Kanara na iyon? Limang araw daw tayong walang malay. At natagpuan na lang nila tayo sa gulod. isn’t it weird? Ang kanilang ayos dude, so primitive. Pero I can’t say na mga kalahi natin sila. Sa pagkakaalam ko hindi ganun ang mga katutubo natin. They are not even natives. Parang mga foreigner. Mas mukha silang African American kay sa pinoy.” Ayon pa kay Steve.
“Pansin ko din pare. Pero naiintindihan naman nila tayo. At nagtatagalog sila. This is really some kind of a nightmare. This is not real. Kailangan makita natin sina Ken at Elias. We need to leave this place. Bago pa tayo mabaliw sa mga nakikita natin.” Sabat pa ni Pablo na tapos na magbihis.
“But how? we don’t even know where we are. “ Sabi pa ni Joshua.
“Kahit na, nakapunta tayo sa lugar na ito, I’m sure makakaalis din tayo sa lugar na ito. If only we could find that rock mga pare. At I know alam ni Elias kung paano tayo makakalabas dito.” sagot pa ni Pablo.
Nang makapag ayos na ang tatlo, nakaramdam sila ng hilab sa kanilang sikmura. May pag dadalawang isip man, pinagtiyagaan ng tatlo ang iniwan sa kanila ni Kanara. Nakakasuka man ang amoy nito, ngunit nang matikman na ito ng tatlo. Nagustuhan nila ang kakaibang lasa nito. Malamig sa lalamunan at manamis namis ang lasa.
Lumabas ang tatlo upang magpasalamat sa magkakapatid at magpaalam na sana, nang natigilan ang mga ito sa kanilang nabungaran sa labas.
Naka abang sa labas ng kubo ang Ilan sa mga ka Nayon nina Kanara. Mga bata, matatanda, mga lalake at mga babae , nakatayo sa labas na tila inaabangan ang mga ito. Tulad sa nakita nilang ayos sa magkakapatid. Tanging tapis lang na pula ang suot ng mga kababaihan at nakabilad lang ang kanilang mga hinaharap. At tanging kakapiranggot lang na tali sa kanilang mga ari ang suot naman ng mga lalake.
“puking Ina pare, mga kanibal yata ang mga tao dito.” Bulong ni Joshua kay Steve na may kaba at takot.
Tulad ni Joshua, iyon din ang nasa isip nina Steve at Pablo. Kita kasi nila ang mga titig nang mga tao doon na tila ba hinuhubaran sila. At takam na takam sa kanila. Napaatras ang tatlo nang lumapit sa kanila si Kanara.
“Ikinalulungkot ng lahat ang inyong paglisan. Ngunit batid namin na kailangan na kayo sa inyo. Hayaan niyong ihatid kayo namin hanggang sa gulod.” bungad ni Kanara sa tatlo.
“Hindi niyo ba kami kakainin?” tanong ni Steve sa babae.
Natawa si Kanara sa tanong ni Steve. Lumapit ito sa lalake at bumulong. “Nais mo ba?” sagot nito at ngumiti sa tatlo.
Napansin ni Kanara ang takot sa kilos at mga mata ng tatlo, kaya lalo itong natawa.
“Hindi sakop ng sikmura namin ang kumain ng laman ng tao. Kaya huwag na kayong matakot.” Sabi pa ni Kanara.
“aalis na ba talaga tayo mga dude, eh hindi naman pala sila nangangain ng tao dito eh. Baka puwede mag overnight na muna tayo rito. “ anas pa ni Joshua sa dalawa na hindi inaalis ang paningin nito sa dalawang umbok na bundok sa dibdib ni Kanara.
Pumayag sina Pablo at Steve na manatili pa ng isang gabi sa lugar na iyon na siya namang ikinatuwa ni Kanara at ng mga kanayon nito. Nagkaroon ng paghahanda para sa tatlo ang mga tao doon. Bagay na ipinagtaka ni Pablo. Saglit itong humiwalay sa mga kaibigan upang magmasid-masid sa labas. Nakatingin ito sa tapat ng isang nakatayong bato sa isang maliit na burol.
Nang may nagsalita galing sa likod nito. Nagulat si Pablo nang makita si Damar na papalapit sa kanya.
“Bawal sa mga tagalabas ang umapak sa bahagi na iyan. Sagrado sa aming Tribu ang kinatitirikan ng bato.” Sabi agad ni Damar nang makalapit ito kay Pablo.
Pamilyar kay Pablo ang simbolo na nakaukit sa bato. Katulad kasi ito sa nakita nilang simbolo sa guho. Hindi na inusisa pa ni Pablo ang tungkol doon. Na distracted na ito sa hubad na katawan ni Damar.
“Alam mo ba kung anong taon na ngayon?” biglang naitanong ni Pablo sa lalake.
“Ano iyon?” pagtatakang tanong naman ni Damar.
“Taon, o bilang ng araw o buwan na lumipas. Halimbawa sa lugar namin, taong 2023 na.” paliwanag pa ni Pablo.
Subalit hindi ito naintindihan ni Damar. Walang konsepto ng kalendaryo sa kanila. Ang bilang ng araw ay binabase nila sa pagsikat ng araw at lubog nito. Maging ang kanilang kaarawan ay hindi mahalaga sa kanila. Napansin pa nina Pablo sa lugar na iyon, na ang haba ng araw at ang tagal bago pa ito lumubog.
Kaya lalong lumakas ang hinala ni Pablo na hindi nga sila bumalik sa nakaraan. Kung hindi napunta sila sa isang dimensiyon. Isang mundo na bukod pa sa mundo ng mga tao. Ang nagpamangha pa sa tatlo dahil, bukod sa magaganda nilang pisikal na katangian, kaya ng mga tao roon na makipagkumunika ng kahit anong linguwahe. Mapabanyaga man o Pilipinong salita.
Kabilang Dako
Paikot-ikot lang sila ni Elias at Ken sa isang gubat. Walang katapusang lakaran. Walang direktang patutunguhan. Mula nang napatid ang kanilang mga lubid, natagpuan na lang ng dalawa na nasa gitna na sila ng masukal na kagubatan.
Malalago, at malalapad ang mga dahon ng halaman doon at pambihira sang laki at taas ng mga puno. Mga ugat palang nito sa paanan lasing laki na ng mga ordenaryong katawan ng puno.
“Ano na bang lugar ito? At nasaan na sila?” paulit-ulit lang na tanong ni Ken.
“hindi ko rin alam kung nasaan tayo, at akong ano na ang lugar na ito. Ngayon lang Ako nakapunta dito.” Ani pa ni Elias, na bakas din sa mukha Ang pagtataka at pangamba.
Nagpatuloy pa ang dalawa nang bigla na lang nabuwal ang natapakan ni lupa ni Ken kaya muntik na itong mahulog sa malalim na bitak sa lupa. Maagap naman si Elias at agad nito nahawakan sa braso si Ken. Mabilis niya itong hinila bago pa bumigay muli ang bahagi pa ng lupa sa tabi.
Sa pag hila ni Elias kay Ken , napadagan ito sa kanyang katawan nang matumba silang dalawa.
“Salamat pare,” tugon ni Ken kay Elias habang naka sampa pa sa ibabaw ng katawan ni Elias.
Muntik na magtama Ang mukha nilang dalawa sa biglaang pag hila ni Elias.
“Mag ingat ka,..” sambit ni Elias na nakatingin sa mukha ni Ken.
Nagkailangan lang ang dalawa ng mapansin ang kanilang posisyon. Bumangon si Ken at tinulungan naman nito si Elias na makatayo.
Doon nila napagtanto ang pinsala na dulot ng pag guhong iyon. Halos mahati ang lupa dulot ng napakalaking bitak sa harapan nila. Agad na naghanap ng ibang daan ang dalawa hanggang sa may nasumpungan silang batis at sa dulo nito ay may isang maliit na talon. Subrang linaw ng tubig sa batis na tanaw maging ang mga makukulay na mga bato sa ilalim nito.
Sa tindi ng uhaw, agad na sumalok doon ang dalawa.
“Ang lamig ng tubig at ang tamis.” pansin ni Ken habang walang sawang sumasalok ng tubig gamit ang mga palad .
“Tara pare, maligo muna tayo.” Nakangiting tugon ni Elias na mabilis na naghubad ng damit.
Walang pag alinlangan na nag hubo ito ng lahat ng saplot sa kanyang katawan. Lumusong si Elias sa batis na hubot hubad. Nagulat si Ken sa ginawa ni Elias, lalo na nang lumangoy pa ito sa gitna ng batis. Kitang-kita sa malinaw na tubig ang kakisigan ni Elias.
“Maligo muna tayo Ken, Ang sarap ng tubig, Ang lamig.” panunukso pa ni Elias.
Tumugon ng ngiti si Ken na agad din nag tanggal ng saplot nito sa katawan. Walang ka abog-abog na lumusong sa batis si Ken at lumangoy palapit kay Elias.
Para silang mga paslit na naghaharutan sa tubig, tila nawala na lang nang ganun sa kanilang isip ang kanilang mga pangamba ng mapunta sila sa lugar na iyon. Animoy nawala na lang bigla sa kanila ang nangyayari. Sa kalagitnaan ng kanilang pag langoy, sa hindi sinasadya. Pagkaangat ni Ken sa tubig mula sa pagkasisid, magtama muli ang mukha ng dalawa. Mas malapit, at mas dikit.
Sa puntong iyon, tumagal ang naging titigan ng dalawa. Nagpapakiramdaman hanggang sa nagkapalagayan. Nang walang anu-ano, bigla na lang hinalikan ni Ken si Elias sa labi nito. Nabigla si Elias sa ginawa na iyon sa kanya ni Ken kaya naitulak nito ang lalake.
Umiwas ito at lumangoy pabalik sa gilid, kung saan nila iniwan ang kanilang mga damit at gamit. Hindi nito nililingon si Ken na nakasunod naman sa kanya. Mabilis na nagbihis si Elias at nauna nang mag hanap ng daan palabas doon. Iniwan nito si Ken na nuoy nagbibihis na rin.
Walang kibuan ang dalawa habang binabagtas ang kagubatan. Tanaw ni Elias ang makapal na ulap na papalapit sa lugar, kaya nag hanap ito ng puwedeng mapag puwestuhan ng kanyang masisilungan. Sa laki ng mga puno doon, magandang gawing lilim Ang malalaki din nitong mga ugat. At doon sa isang puno na may butas sa paanan nito ang napili ni Elias. Doon pa lang nag salita ito kay Ken.
“Mukhang malaking ulan ang dala ng ulap na iyan kaya maghanda kana ng masisilungan. “ Sabi nito kay Ken na tumugon naman ng tango sa kanya.
Sakto lang ng matapos si Ken, at bumagsak ang napakalakas ng ulan. Pambihira ang laki ng mga butil ng ulan, Ang lalaki nito sa pang karaniwang ulam. At lakas pa nga nang pag basal nito nasira ang tent ni Ken. Mabilis naman ito naka labas doon bago pa tuluyang masira ito. Ginamit ni Ken ang malalaking ugat ng puno upang maging pananggala nito sa ulan.
Mabilis na tumaas ang tubig sa palibot nila kaya duble pahirap iyon sa kanilang dalawa. Kanya kanyang hanap ng mataas na bahagi sina Elias at Ken. Nagkasya ang dalawa sa maliit na butas ng puno makaiwas lang sa baha.
Dagli namang tumila ang ulan, ngunit naroon parin ang baha.
“Kakaiba talaga ang lugar na ito. Pambihira ang ulan na iyon nakakamatay.” Saad pa ni Elias.
“Kaya nga kailangan na nating Maka alis dito. Wala ka ba talagang ideya tungkol sa lugar na ito?
“Hindi ko ito nabasa sa journal ni lolo.” Nadulas si Elias tungkol sa journal, kaya hindi na nito naitanggi pa kay Ken.
Kinuha nito ang journal na itim sa kanyang bag, ngunit nagulat ito nang wala na iyon doon, kasama ang nakatuping mapa. Hindi ito mapakali habang binubulatlat ang laman ng kanyang bag.
“bakit pare? Wala diyan iyong journal?” tanong ni Ken nang mapansin ang nababahalang mukha ni Elias.
“Wala eh, baka tumilapon mula sa bag ko noong bumagsak tayo. Kailangan makita ko iyon. Baka doon lang tayo makakahanap ng sagot sa kung paano tayo makaalis sa lugar na ito.” tugon ni Elias
“What about that journal? “
“Talaan iyon ng journey ni lolo nang matagpuan niya ang lugar ng mga katutubo. Lahat nakasulat doon, maging sa kung paano nabubuksan ang lagusan.” sambit pa ni Elias.
“Lagusan? Teka pare, may nililihim ka ba sa amin? Sabihin mo sa akin, ano ba talaga ang meron sa bundok? After All these what happened, I need to know everything. Ano ba ito Elias?” usisa na ni Ken.
“Wala akong balak na ilihim sa Inyo ang alam ko tungkol sa bundok. Pero sabi ni Pablo hindi na kailangan, kasi hindi rin naman daw kayo tatagal doon. Pumayag ako, dahil nangako siya na magpapaiwan siya para tulungan Ako na hanapin Ang kuya ko. Ipinakita ko ang journal sa kanya. At noong nasa isang tent kami, binasa niya ang laman noon.” kuwento pa ni Elias.
“So ito pala ang sinisekreto niyo ni Pablo kaya madalas magkasama kayo?” paglinaw pa ni Ken.
Tumango si Elias, at kinuwento nito kay Ken ang laman ng journal.
Palubog na Ang araw nang may mapansin sina Pablo at Steve.
“Nasaan na napunta ang mga tao sa village na ito pare?” Nang lumabas si Steve sa bahay na sinisilungan nila.
“Iyon din ang ipinagtaka ko. Bigla na lang tumahimik ang paligid, maging ang mga hayop dito wala. Si Joshua nga pala pare, hindi ko siya nakita mula kanina.”
“Nakita kong sumama siya kay Kamara kanina. Dining ko ,kukuha sila ng inuming tubig sa bukal malapit dito. Hindi ko na inusisa kasi sinamahan ko din si Bal sa pangunguha ng mga gulay kanina.” Tugon ni Steve.
“Maging ang tatlong magkakapatid, wala din dito. Halika Steve, let’s find Joshua. iba na ang kutob ko sa lugar na ito. I feel like we’re trapped in this universe “ Ayon pa kay Pablo.
“Universe talaga? Sabagay pare, iyon din ang thinking ko about sa lugar na ito. Hirap man paniwalaan pero nangyari ito sa atin.” pagsang-ayon pa ni Steve.
Kumilos ang dalawa at ginalugad ang buong lugar doon. Ngunit talagang inabanduna ang bawat kubo doon. Animoy dinaanan ng petse ang lugar. Ang dating maaayos na mga bahay noon ,tila mga napabayaan na at sira-sira. Ipinagtaka iyon ng dalawa. Sa kanilang pag ikot-ikot Lalo silang nabalot ng takot at pangamba. Hindi pa nila nakikita si Joshua.
Madalim na sa paligid, ngunit hindi ito kasing dilim ng gabi na nakasanayan. Walang buwan o bituin na natatanaw sa langit. Mahamog ang paligid at lubhang napakalaking.
“Joshua! Joshua pare nasaan ka na! uwi na tayo!”
Sigaw pa ng dalawa habang patuloy na hinahanap Ang kaibigan. At sa kanilang pagsuyod may narinig silang impit na sigaw hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Hinanap nila iyon. Hanggang sa napadpad sila sa isang malapad na hukay. Pabilog ito at napapaligiran ng mga bato.
“Galing sa baba ang sigaw pare, hindi kaya si Joshua iyon?” wika ni Steve
“Hindi tayo sigurado, baka hindi rin. Masyadong malayo ang boses na iyon. At kung diyan nga iyan galing , hindi natin alam kung paano tayo bababa riyan.” Ayon kay Pablo.
“Meron iyan pare, may kutob nga akong baka diyan sa baba nag tatago Ang mga tao dito.” bulong ni Steve sa kaibigan.
Nang may narinig silang tunog na nagpanginig sa kanila. Pamilyar iyon dahil minsan na nila nakita at narinig ang ganun. Isang nakakakilabot na atungal ang nagpabahag ng kanilang mga buntot.
“Huwag na kayo tumayo diyan, halina kayo bago pa niya kayo maamoy at makita.” Si Damar na bigla na lang sumulpot mula sa likuran nilang dalawa.
Hindi na nagdalawang isip pa sina Pablo at Steve na sumama kay Damar. Hinawi ni Damar ang takip na bato sa isang butas sa lupa. At doon pinababa ni Damar ang dalawa para doon magkubli.
Habang pababa ang dalawa, may napansin si Pablo sa paligid. Ibinulong niya ito kay Steve na sinang ayunan naman ng Isa. Nakakalula ang lawak ng paligid. Para itong isang kumunidad sa ilalim ng lupa. May mga butas sa gilid na nagsisilbing mga silid ng mga tao. At Tama nga Ang hinala nina Pablo, nandoon sa ilalim ang mga tao na hinahanap nila.
Umagaw sa pansin ni Pablo ang pabilog na ukit sa sahig, sentro ito doon sa malaking hukay na nakita nila ni Steve sa itaas. Hawig ang mga ukit at simbolo na iyon sa nakita nila sa guho sa bundok. Maging ang mga istruktura sa paligid malaki ang pagkakahawig . Gawa nga lang Ang mga iyon sa putik at lupa. Di tulad sa may guho na yari naman sa isang uri ng matibay na bato.
Biglang lumabas si Joshua mula sa isang silid nang marinig ang pag dating ng mga kaibigan.Lumapit ito kay Pablo.
“You won’t believe this dude. May na diskubre ako. At kung makapagpuslit tayo kahit Isa lang, Mayamang-mayaman na tayo.” bulong ni Joshua kay Pablo.
“Anong ibig mong sabihin? Teka nga lang pare, saan ba talaga kayo nagpunta ni Kamara. Ang tagal mo nawala. Hindi mo man lang kami inalala.”
“Kung hindi ako sumama kay Kamara, eh di hindi ko nakita ang kuweba ng ginto.” pagsiwalat ni Joshua, na pabulong pa din kay Pablo.
“Anong kuweba ng ginto?” pagtataka ni Pablo.
Napansin ni Steve ang bulungan ng dalawa kaya lumapit ito dito. Napag-usapan ng tatlo ang tungkol sa natuklasan ni Joshua. Tumigil lang Ang mga ito nang lumapit sa kanila si Kamara na bitbit Ang isang inihaw na hita ng kambing na nalalagay sa dahon ng saging.
“Mahaba ang gabi ngayon. hirap makatulog kapag gutom. Pagsaluhan niyo na itong karne sa hapunan. At magpahinga nga kayo. At pakiusap, nakakaagaw ng pansin ang ano mang ingay. kaya bukas niyo na ituloy kung ano man ang pinag uusapan niyo.” Saad pa ni Kamara sa tatlo.
Tumango ang tatlo at tinanggap ang bigay sa kanila ng babae. Pinagsaluhan nila ang manamis-namis na karne. Matapos kumain ng hapunan, nahiga na Ang tatlo sa hinandang tulugan para sa kanila. Mahimbing na ang tulog nina Joshua at Steve. Ngunit si Pablo, gising pa. Hindi ito madapuan ng antok sa kakaisip tungkol sa mga ginto na sinabi sa kanila ni Joshua.
Napabangon si Pablo nang may narinig itong ingay sa labas. Dahan-dahang hinawi ni Pablo ang tabing sa kanilang tulugan at sumilip doon. Nagulat ito nang makita ang pambihirang eksena sa kanyang harapan.
Napatingin ito sa pinakagitna ng lugar kung saan naroon ang nakita nitong mga linya, sulat at mga simbolo na hawig sa guho. Nakatayo doon ang magkapatid na sina Kanara, Damar at Bal. Nakatayo silang tatlo na paikot sa bilog na tila bumubuo ng tatsulok sa labas ng malaking bilog.
Kitang-kita ni Pablo ang pagliwanag ng mga mata ng tatlo. Tumingala ang mga ito sa malaking butas sa itaas nila. Kasunod nun ,mula sa taas bumaba ang isang dambuhalang ahas na misan na nilang nakita. Bumaba ito mula sa itaas at nanatili sa gitna ng tatlo. Hindi maiintindihan ni Pablo ang kanilang mga salita ngunit alam ni Pablo na nag uusap ang mga ito.
Ang mga sumunod na tagpo ang mas ikinagulat ni Pablo. Nagpalit ng anyo ang ahas. Mula sa pagiging dambuhala nito, unti-unti itong lumiit hanggang sa nag anyo itong tao. Nanglaki ang mga mata ni Pablo nang makita ang pagbabago ng anyo ng ahas.
“Si Erjune? Ang kuya ni Elias ang dambuhalang ahas?” Ang sambit ni Pablo sa sarili.
Bumalik sa puwesto nito si Pablo nang mapansing bumaling sa kanya ang ang tingin ng apat. Nagising naman si Joshua dahil sa pagkatabig sa kanya ni Pablo.
“Tahimik pare, baka marinig ka nila.” bulong ni Pablo kay Joshua.
“Bakit ano ba ang meron?”
“Ang malaking ahas nakita ko , kinausap Ang tatlong magkakapatid tapos bigla na lang nag bago ang anyo ng ahas , naging tao. “
“Ano? sure ka..” sa kyuryusidad ni Joshua mabilis nitong sinilip ang labas.
Ngunit tahimik lang doon, walang tao ,at Wala din Ang sinasabi ni Pablo na ahas. Sumilip din si Pablo at Wala na nga roon Ang nakita niya. Lumabas ang dalawa at lumapit sa bilog kung saan doon nakita ni Pablo ang ahas , tumingala ito sa malaking butas sa itaas nito. Napansin ni Pablo ang tila bilog na parang buwan na sentro sa butas na iyon.
“Ngayon ko lang napansin na may buwan pala dito. Pero buwan ba talaga iyan? parang ilaw lang naman ng bumbilya.Malamlam Ang liwanag.” pansin pa ni Joshua.
“Teka pare, alisin mo nga ang paa mo.” utos ni Pablo kay Joshua nang may napansin itong kumikinang sa tinatapakan ni nito.
Dinampot iyon ni Pablo at tiningnang mabuti.
“Ano iyan pare, kaluskos ba iyan?” pagkamangha din ni Joshua sa gapalad kalaki na bagay na parang kaliskis ng isang isda o makaliskis na hayop.
Kumikinang ang bagay na iyon na kulay dilaw na para bang ginto.
“Ito ang kulay ng balat ng ahas pare, sa ahas ang kaliskis na ito.”
“that means totoo Ang nakita mo kanina?”
“oo naman, kitang-kita ng dalawa kong mata. Kung ano man Ang nililihim ng lugar na ito. Nasa magkakapatid ang sagot.” Ayon pa kay Pablo.
Nang bigla na lang yumanig ng napakalakas. Sa lakas ng pag-uga ng lupa bumigay Ang ilang mga bahagi ng tunnel na iyon. Nagbagsakan Ang mga lupa at mga bato sa paligid. Napabangon na rin si Steve at mabilis na lumapit sa dalawa.
“ano ang nangyayari mga pre?” Ang tanong pa ni Steve na kakagising pa lang.
“Hindi ba nila nararamdaman na lumilindol na, Wala man lang lumabas sa kanila para lumikas?” pansin pa ni Joshua.
Bukod kasi sa kanilang tatlo, Wala man lang ni Isa sa mga tao na tagaroon Ang lumabas sa kanilang mga tulugan para tumakas. Mabulabog man lang dahil sa lakas ng pag yanig ng lupa.
Mabilis lang Ang mga pag-uga na iyon at tumila din. Naging payapa muli Ang paligid. Hinanap ni Pablo ang dinaanan nila pababa doon. Nang matagpuan nila ito agad na sumampa doon ang tatlo para makalabas roon.
Maliwanag na ang kapaligiran nang masilayan nila ang labas, abala Ang mga tao doon sa kanilang mga gawain na tila ba walang nangyari sa nakalipas na mga Oras. Sinalubong ang tatlo ni Bal na karga-karga sa balikat nito ang patay na kambing.
“Magandang umaga sa inyong tatlo, bumalik na kayo sa inyong Kubo, nakahanda na ang tabay para sa inyong pagligo.” Bungad nito sa tatlo.
“Hindi niyo ba nararamdaman ang lindol kanina?” Tanong agad ni Pablo kay Bal
“Anong lindol? walang mga payanig. Baka nanaginip lang kayo. Dumiretso na kayo sa kubo.” tanging tugon lang ni Bal at iniwan na Ang tatlo.
Pansin pa ng tatlo ang pagiging abala ng mga tao roon, bawat Isa may nakatukang trabaho, kaliwat kanan Ang mga umuusok na kalan lahat may nakasalang na malalaking lituan na gawa sa luwad. Animoy may pinag hahandaang fiesta Ang lahat. Ipinagtaka iyon ng tatlo. Nang marating nila ang kubo. May anim na kalalakihan Ang lumapit sa kanila. Napaatras naman Ang tatlo nang pag hawakan sila ng mga ito. Dalawang lalake bawat Isa sa kanila. Agad sila hinubadan ng saplot ng mga ito.
“teka mga brad, sorry straight kami. Hindi kami pumapatol sa lalake.” Pag tanggi ni Joshua habang pinipigilan lang mga lalake na makalapit sa kanya.
“Ano ang gagawin niyo sa amin? Bakit niyo kami pinaghuhubad? Kakatayin niyo ba kami?” pagalit na tanong ni Steve sa mga lalake.
Hindi tumugon ang mga lalake, nakatitig lang ito sa kanila na blangko naman ang mga emosyon. Nang siya namang pag pasok ni Kamara.
“Huwag kayong mangamba, papaliguan lang kayo nila. Huwag na kayo magtaka ganito kami dito sa aming mga bisita.
“Pasensiya na Kamara, hindi lang kami sanay sa ganito.“Sabat ni Pablo na napatitig ng husto sa babae. Pungong-puno ng katanungan ang mga titig na iyon ni Pablo.
“Lumabas na kayo, hayaan na lang natin sila.”’utos ni Kamara sa anim na mga lalake. Lumabas din naman Ang mga ito.
“Maligo na kayo at mag bihis, nandiyan na ang isusuot niyo. “ Bilin pa ni Kamara sa tatlo bago ito lumabas.
Takang-taka naman Ang tatlo kung bakit ganun na lang Ang kagustuhan ni Kamara na maglinis sila at mag ayos. Gayun pa man ginawa naman ng tatlo ang pagligo. Sa kabilang banda, sa kinaroroonan nina Elias at Ken. Patuloy ang paglakbay ng dalawa sa walang hanggang kagubatan. Balot man ng takot at pangamba hindi naman maitago sa mukha ng dalawa Ang pagkamangha sa mga nakikita nila sa paligid. Kakaiba ang kanilang nasusumpungang mga puno,mga halaman. Ngunit Isa sa ipinagtaka nila kung bakit wala man lang sila nakitang ano mang mga hayop o insekto sa paligid.
“Hindi ka pa ba napapagod?” Tanong ni Ken kay Elias.
“Pagod, pero kung magpapatalo tayo sa pagod Hindi tayo makakaalis dito. Pero kung pagod kana, sige magpahinga ka muna. Maghahanap lang ako ng makakain natin.
“Hindi, sasamahan na kita. kaya ko pa naman.” sambit pa ni Ken.
Nagpatuloy ang dalawa sa kanilang paglalakad nang bigla na lang sila natigilan. Isang nakakakilabot na angil ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Pamilyar sa kanila ang angil na iyon dahil minsan na nila itong narinig.
Dahil alam na nila kung anong nilalang ang may likha ng angil na iyon, agad na nag hanap ng mapagtaguan ang dalawa. Sa isang naka usling bato sumukob sina Elias at Ken. At hindi nga nag nagtagal nagpakita muli sa kanila ang dambuhalang hayop. Mas malaki ito sa inaalala nila.
“Tang ina nasa Jurassic world ba tayo. Eh parang papunta na sa T-Rex ang buwaya na iyan ah.” bulalas ni Ken ng makita ang hayop na mapapadaan sa puwesto nila.
Nang makalampas na sa kanila ang hayop, agad namang kumilos si Elias na sundan ito.
“uy pare, ano ang binabalak mo?” Pagpigil ni Ken kay Elias nang makita itong balak na sundan ang dambuhalang hayop.
“Kung nakakatawid sa mundo natin ang nilalang na iyan, makakabalik din tayo doon.” Tugon ni Elias sa mahinang boses.
“Susundan talaga natin iyan. Baka mapansin tayo at maging pulutan pa tayo niyan.” Pag alala pa ni Ken.
“Ang hayop na iyan ang daan natin palabas dito. Mag-ingat na lang tayo na hindi tayo matunugan ng halimaw.” Ayon pa kay Elias.
Maingat ang bawat kilos ng dalawa habang nakasunod sa dambuhalang hayop , papasok ito sa Isang masukal na gubat.
Samantala inabot na ng tatlong buwan ang paghahanap ng mga otoridad at rescuers sa mga kasamahan ni Jahred sa bundok ng Linunhan. Ngunit wala paring update sa kanilang pagkawala. Sumuko na rin ang local sa kanilang misyon dahil sa tagal na ng araw ng kanilang operasyon, wala parin silang nakitang pag-asa o lead na nandoon pa sa naturang bundok Ang mga kaibigan ni Jahred.
Nawalan na rin ng pag-asa Ang mga kamag-anak ng mga kaibigan ni Jahred. Sumuko na ang mga ito sa pag asang matatagpuan pang buhay sina Pablo, Ken,Steve at Joshua.
Muling isinara ang paligid ng bundok sa pagtigil ng rescue operation upang maiwasan na ang mga papasok na outsider doon at hindi na maulit ang nangyari sa mga nauna. Ngunit si Jahred tiwalang makikita pa ang mga kaibigan.
Bumalik ito ng Sityo Pangil, nagbabakasakaling may tutulong sa kanya sa muling pagbalik nito sa bundok.
Ang Pangil ng Linunhan
Pinuntahan ni Jahred ang bahay na iniwan ni Elias. Batid niyang walang tao doon kaya pumasok na ito sa loob. Pinasok nito ang bahay ni Elias sa pag asang may makikita itong sagot sa kanyang mga katanungan.
Maayos ang loob ng bahay, patunay na hindi pa nakakabalik si Elias. Naghalungkat ito sa loob, hanggang sa pinasok na nito ang silid ng bahay. Naghanap pa si Jahred sa mga aparador at kama ni Elias. Sa kanyang paghahanap, may nahulog mula sa mga gamit ni Elias
Isang larawan ng dalawang lalake na magkayakap, Ang Isa mga nasa larawan ay si Elias. Hindi na sana iyon papansinin ni Jahred,ngunit ng damputin nito ang larawan may napansin ito sa likod ng larawan.
Doon nakasulat ang mga salitang “ Forever Always Mahal ko, Erjune“
Kaya napaisip si Jahred bakit ito Ang nakasulat sa likod ng larawan, gayung Ang pagkasabi sa kanila ni Elias ay kapatid niya ang Erjune. Hindi rin alam ni Jahred kung si Erjune ba ang kasama ni Elias sa larawan kung saan naka yakap ito sa kanya.
Sa pag hahanap pa ni Jahred ilang mga article mula sa mga news paper ang nakita nito sa isang drawer. Lahat ng mga nandoon ay tungkol sa mga nawawalang mga tao sa bundok ng Linunhan. At Isa sa mga nandoon Ang pagkawala ng isang Erjune Buyales. Kinumpara ni Jahred ang larawan na nasa news clips at sa larawan na nakita nito at magkahawig nga ang mukha ng Erjune.
Ang ipinagtataka nito, dahil iba ang mga ditalye na nasa news clip sa mga naikuwento na sa kanila ni Elias patungkol kay Erjune.
Habang naghahalungkat pa si Jahred isang lalake ang bigla na lang pumasok sa loob ng silid kung saan nandoon si Jahred.
“Sino ka? At bakit naghahalungkat ka dito?” Bulyaw ng lalake kay Jahred.
Hindi agad nakapagsalita si Jahred dahil sa alam naman nitong mali ang ginawa nitong pagpasok sa bahay ni Elias.
“Pasensiya na, Akala ko kasi wala ng tao dito. Kakilala ko si Elias. Naparito ako para maghanap ng puwedeng makatulong sa akin para matunton sila ng mga kaibigan ko.” paliwanag pa ni Jahred.
“Sinong Elias?”
“Si Elias,ang nakatira dito. Ikaw sino ka ba?At bakit ka din nakapasok rito?” usisa din ni Jahred sa lalake.
“Ako si Elias at sa akin ang bahay na ito.” Bulalas ng lalake, na kinagulat ni Jahred.
“Paanong naging ikaw si Elias? “ tanong ni Jahred na nagtataka.
“Lumabas ka dito kung ayaw mo tumawag pa Ako ng pulis para ipakaladkad ka. Trespassing ka alam mo ba iyon?” Tugon ng lalake na nagpakilalang si Elias.
“Teka-teka pare, sorry kong nag invade ako ng privacy, pero sure ako na ibang Elias ang nakilala namin na nakatira dito. Ito itong nasa picture, ito Ang Elias na kilala namin.” Sabi ni Jahred na pinakita pa sa lalake ang larawang nakita nito.
Kumunot ang noo ng nagpakilalang Elias sa sinabi ni Jahred. Hinablot nito kay Jahred ang larawan at pinalabas ito sa silid na iyon bago isinara ang pinto.
Hindi umalis si Jahred sa kabila ng pagpapaalis sa kanya ng Elias,nais nitong malinawan sa lahat.
“Pare, gusto ko lang malaman ang katutohanan. Nandoon Ang mga kaibigan ko sa bundok na iyan, at kasama nila ang Elias na nakilala namin. Tatlong buwan na pare.Hindi ko alam kung buhay pa ba sila o kung ano na ang nangyari sa kanila.” pakiusap ni Jahred kay Elias.
“Huwag ka nang umaasa na makakabalik pa ang mga kaibigan mo ng buhay. Tulad ng mga una na sa kanila.” tugon ng Elias.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Ginamit lang kayo ni Gideon para maisakatuparan ang gusto niya.” Ang saad ni Elias na lalong nagpalito sa isip ni Jahred.
Samantala matapos makapagbihis Ang tatlo suot ang kasuotan binigay ni Kamara, nag usap-usap ang tatlo.
“Akala ko paghuhubarin din tayo ng mga iyon.” usal ni Joshua habang inaayos ang tapis na suot.
“Sa akin ayos lang, may laban naman itong sa akin.” biro pa ni Steve.
“Ano kaya ang gagawin nila sa atin? Sa totoo lang kinakabahan ako. Baka ipakain tayo ng mga ito sa dambuhalang ahas na iyon.” Ayon pa kay Pablo.
“Kaya nga meron Ako nito, mahirap na.“At inilabas ni Joshua ang dalang baril na itinago nito sa ilalim ng kanyang tapis.
“Hanggang kailangan pa kaya tayo dito? Na mimis ko na ang pamilya ko.” Sambit ni Steve.
“Sakyan na muna natin sila, baka may malaman tayong paraan kung paano tayo makakalabas dito.” sagot pa ni Pablo.
Pumasok sa loob ng kanilang silid si Bal at pinalabas na ang tatlo. Ikinagulat ng tatlo nang makita ang napakaraming tao na nakaabang sa kanilang paglabas at sa gitna naroon ang mahabang hapag na punong-puno ng mga pagkain at samot-saring mga prutas. Sa dulo naroon nakaupo sina Kamara at Damar na magkakatabi, lumapit na din doon si Bal at tumabi sa mga kapatid.
“Umupo na kayo, para sa inyo ang lahat ng mga ito. “ Bungad ni Kamara sa tatlo na may matipid na ngiti.
“Masaya kami sa kagandahan ng pagtanggap niyo sa amin, pero kailangan na naming umalis dito. Hinahanap na kami sa amin.” Biglang sabat ni Pablo kay Kamara.
“Kumain muna kayo, para sa inyo ang lahat ng mga ito. At pagkatapos , sina Damar at Bal na ang maghahatid sa inyo sa labasan” tugon ni Kamara.
May pagalinlangan talaga si Pablo, hindi ito kumportable sa mga nangyayari.
“Kumain na muna tayo pare, kagabi pa tayo walang kain, kumakalam na ang tiyan ko.” Bulong ni Steve kay Pablo.
“What if may lason Ang mga pagkain na iyan, eh di deads tayo.” Sabi pa ni Joshua.
“Eh di kahit mag prutas man lang tayo, imposible namang pati iyan may lason.” Saad ni Steve.
Biglang tumayo si Kamara at pumilas ng karne sa mesa at kinain ito.
“Walang lason ang lahat ng mga ito kung iyan ang kinakatakot niyo. At bakit naman namin kayo lalasonin. Para lang sa mga kalaban na may masamang hangarin sa aming tribo ang lason. Sigurado naman kami na hindi kayo iyon.” Ang sabi ni Kamara habang nginangasab ang hawak na karne.
“Bakit kami lang, paano ang iba? Ang daming pagkain nito para sa aming tatlo lang.” Tugon ni Pablo.
“May nakalaan para sa lahat, huwag kayong mag alala. Hindi magugutom ang mga iyan. Kaya sige na umupo na kayo.” Sabat ni Damar na pumilas din ng hita ng karne ng hayop sa hapag.
“Isang kalapastanganan sa aming tribo ang tumanggi sa pagkain na nakahain. Hindi iyan kalugod-lugod sa mata ng aming anito.” Dagdag pa ni Bal na humiwa din ng piraso ng karne at kinain ito.
May pag dadalawang isip man, humanda na lang ang tatlo sa maaaring mangyari sa kanila. Nagtabi-tabi sa iisang mahaba na upuan ang tatlo.
At kahit labag man sa lalamunan nila ang kumain ,napilitan din Ang tatlo na kumain. Ngunit gaya ng napagusapan, purong prutas lang ang kinain ng tatlo.
Si Pablo habang kumakain nasa mga tao sa kanilang paligid ang mata nito. Hindi ito mapakali sa mga titig ng mga tao doon sa kanila. Iyong tipo ng titig na para bang binabalatan sila ng buhay.
Panay ang sipa naman ni Joshua kay Steve, sa tuwing nasisilat nito ang mga bata doon na tila natatakam habang nakatingin sa kanila.
“Di kaya mga kanibal talaga ang mga tao dito. Tingnan niyo ,kung makatitig sa atin parang susugurin tayo.” Bulong pa ni Joshua.
“Mukhang iyon din ang kutob ko. Kaya siguro nila tayo binubusog. May masamang balak ang mga iyan.” Sabi pa Steve.
“Be ready mga pare, pag sinabi kong takbo, takbo agad.” Saad naman ni Pablo na naghahanda na sa sarili.
Nakapalibot sa kanila ang ilan sa mga taga tribo na nakamasid lang sa kanila. Walang bakod ang paligid at kalat-kalat Ang mga bahay. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga pusog ng kawayan ang hapag na kinakainan nila. Nakiramdam pa ng husto Ang tatlo. Si Joshua at Steve hawak na sa kaliwang mga kamay ang dala nilang baril. Handa na sa pinaplano nilang pag takas.
At sa hudyat nga ni Pablo, itinumba nilang tatlo ang hapag na puno ng mga pagkain tsaka kumaripas ng takbo. Nagulat Ang mga nandoon sa ginawa ng tatlo, lalo na ang magkakapatid. Ngunit tinitigan lang nila sina Pablo na paalis na sa kanilang lugar. Hindi man lang kumilos Ang mga ito para habulin o pigilan man lang ang tatlo.
Walang lingon-lingon Ang mga ito na binagtas ang madamong kapatagan sa labas ng baryo nina Kamara. Nang masigurong nakalayo na Ang mga ito doon, nagpahinga Ang tatlo sa lilim ng isang puno ng kamagong.
“Now what mga pare? Saan tayo ngayon pupunta?” Ang humihingal pang tanong ni Joshua.
“You mentioned that cave na puno ng mga ginto. Bakit hindi natin puntuhan iyon. Kumuha tayo ng kahit kunti,pang souvenir lang.” Biglang sambit ni Steve.
“Nakalimutan ko na ang daan papunta doon, at sure ako na malayo na ito dito. Sa pagkatanda ko nandoon lang ang daan malapit sa village nila. “
“Sayang naman. “
“Maybe this map could help.” At inilabas ni Pablo ang nakatiklop na lumang papel mula sa kanyang bag.
“what the f*ck pare, bakit meron ka niyan?” Ang nagulat na reaksiyon ni Joshua nang binulatlat ni Pablo ang mapa.
“Kinuha ko ito kay Elias, dala-dala niya ito. Noong nabanggit mo ang tungkol sa mga ginto sa isang kuweba, ito agad ang naisip ko.
“Tang inang Elias iyon, may treasure map palang dala. Baka naman hindi talaga si Erjune ang hinahanap niya sa bundok kung hindi Ang mga ginto.” Ayon pa kay Steve.
“Hindi ko alam, pero tingnan niyo ang detail ng mga symbols and figures sa mapang ito. Pamilyar diba?” Sabi ni Pablo habang ini-isa-isa Ang mga nakaguhit sa mapa.
“That would be the village, naka-drawing din diyan ang pattern na nakita natin sa underground nila. Maging ang mga nakapalibot na halamanan makikita din dito. Ito ang dinaanan natin kanina.” Pansin naman ni Steve.
“At nandito tayo,sa bahaging ito. Kung susundan natin ang trail, dadalhin tayo ng banas na ito sa ilog . At mula doon makikita natin itong may drawing na ahas kung saan matatagpuan ang cave ng ginto na sinasabi nitong si Joshua.
“Kung ang map na iyan ang susundin natin masyadong malayo ito sa kuweba, tapos may drawing pa ng ahas. Baka hindi naman mapa ito ng ginto kung hindi lair ng higanteng ahas na iyon. Kasi ang alam ko nandoon lang iyon sa underground ang daan patungo sa mga ginto pare.” Sabi ni Joshua na hindi kumbinsido sa tinutukoy ng mapa.
“Baka tama nga si Joshua pare, baka sa halip na ginto ,dead end pa makita natin. Focus na lang tayo sa paghahanap ng daan natin palabas dito.” Sabat ni Steve.
Nagkasundo Ang tatlo na hanapin na muna ang daan nila palabas doon. Sa kanilang pagpapatuloy nakarating sila sa isang malawak na palayan. Kakatanim pa lang ng mga palay kaya tanaw ng tatlo ang lawak at ganda ng paligid.
Agad napansin ng tatlo ang Isang kubo sa gitna ng palayan, napalibutan ng mga maninipis na kawayan ang kubo. Kaya nag mistula itong nakakubli sa likod ng mga ito. May usok din silang napansin , palatandaan na may nakatira doon.
Tinungo iyon ng tatlo, at bumungad sa kanila ang napakagandang bakuran na ng kubo, malalago Ang mga halamang bulaklak na nag sisilbing bakod doon. Sagana sa mga halamang gulay ang tapat at gilid ng kubo. Animoy repleksiyon ng kantang bahay kubo.
“Tao po! Tao po! Puwede ba humingi ng tulong?” Sigaw ni Steve.
Isang may edad na na babae ang dumungaw sa pintuan ng kubo.
“Magandang umaga po, Manang. Naliligaw po kami, puwede ba makahingi ng tulong?” Tanong ni Pablo.
Pinatuloy ng babae ang tatlo at pinaupo sa mahabang bangko na gawa sa kawayan.
“Mga dayo ba kayo sa lugar na ito? Mga banyaga siguro kayo ,ang puputi niyo at ang tatangos ng mga ilong. Siya nga pala ako si Auring, pagpasensiyahan niyo na at tubig na muna ang maiaalok ko sa Inyo. Nagluluto pa kasi ako ng pananghalian namin.”
“May kasama ka pa po dito Manang?”
“Asawa ko at tatlo kung mga anak, maya-maya lang nandito na iyon. Pumunta kasi ng ilog Ang tatlo para maglaba at manghuli ng isda. Si Kadyo naman, ang asawa ko pumunta ng bayan para bumili ng fertilizer para sa mga palay.”
“Sa bayan po Manang?” Gulat na tanong ni Pablo.
“Malayo po ba dito ang bayan Manang?” Singit na tanong ni Steve.
“Bakit hindi niyo alam? Hindi ba kayo galing ng bayan? Oo nga pala mga noy, matanong ko lang , bakit ganyan ang suot niyo. Nakatapis lang kayo pero naka sapatos. Saan ba kayo galing?” Tanong din ng babae.
“Hindi nga namin alam kung anong lugar iyon pero parang mga katutubo lahat ng nakatira doon, sa kanila nga itong costume na suot namin.” Mabilis na sagot ni Joshua.
“Sa pagkakaalam ko wala namang mga katutubo na naninirahan dito sa amin, Limangpung taon na akong naninirahan rito ngunit hindi ko man lang nabalitaan na may mga katutubo pala sa nayong ito.” Saad pa ng babae.
“Taga Cebu po talaga kami” sagot pa ni Pablo.
“Cebu? Aba ang layo naman, hindi ko alam na may barko na palang bumabiyahe dito mula Cebu.” Gulat na reaksiyon ng babae sa sinabi ni Pablo.
“Nag eroplano po kami, tapos nag bus papunta dito.” Dagdag pa ni Joshua.
“Eroplano? Paano eh bulubundukin itong isla namin. At walang paliparan dito. Daungan nga wala , paano pa mag kakaeroplano? At kailan pa nagkaroon ng bus papunta dito. Kalabaw nga hirap na umakyat rito eh. Naliligaw na nga siguro kayo, kung ano-ano na naikukuwento niyo. Ang mabuti pa dumito na muna kayo. At pag kadating ng asawa ko, papatulong kayo sa kanya sa bayan.” Ayon pa sa babae.
Binigyan muna ng pampalit na damit ng babae ang tatlo, tsaka pinagpahinga Ang mga ito sa Isang silid . Saktong alas dose ng tanghali ng magsidatingan ang kasama ng babae sa kubo na iyon.
Humahangos pa ang mga anak nito habang may mga akay-akay na mga tao nang matanaw ni Auring Ang mga ito mula sa kanilang bintana. Kaya dali-dali itong bumaba at sinalubong Ang mga anak.
“Nay! Tulong muna dito , si Tatay?” Sigaw ng babae nitong anak
“Wala pa ang tatay niyo. Balong, Dante sino ba ang mga iyan?” Usisa agad ng Ina sa tatlo.
“Mga dayo Nay, natagpuan nina Balong na inaanod sa ilog habang nangingisda sila.” Sagot ng anak nitong babae na si Kaleah.
“Patay na ba ang mga iyan? Sana itinawag niyo na lang ang mga iyan kay Kabo.” Sabi pa ng Ina.
“Buhay pa ang mga ito Nay, mukhang hinimatay lang sa pagod. “ Saad pa ni Balong.
“Oh sige, ipasok niyo na Ang mga iyan sa loob. Ano ba ang Meron sa araw na ito, ang dami nating bisita.”
“Bisita? Sinong bisita Nay?” Pagtatakang tanong ni Kaleah.
“May nauna nang mga dayo ang pumunta dito kanina, at nandoon sila sa bakanteng kuwarto nagpapahinga, mukhang mga pagod din. Iwan mo na muna iyang mga labada mo at kumain na tayo.”
Napabalikwas ng bangon si Pablo nang may pumasok sa silid na kinalang pinagpapahingahan ang Isa sa anak na lalake ni Auring. Nagkagulatan ang dalawa.
“Damar?” bulalas ni Pablo nang makita Ang lalake.
“Sinong Damar? At sino kayo?” gulat na tanong ng lalake.
Sa lakas ng boses ni Pablo, nagising na rin sina Steve at Joshua. At gaya ni Pablo tinawag nila ang lalake na Damar na lalong ipinagtaka nito. Nang marinig sila ni Auring sinundan nito ang anak sa silid na iyon.
“Buti at gising na kayo, halina kayo at sabay-sabay na tayong mananghalian.” bungad ni Auring sa tatlo.
“Anak niyo manang?” tanong ni Joshua.
“oo, si Dante.” tugon ng babae.
Naunang lumabas Ang mag Ina at tinungo agad Ang kusina kung saan naroon na si Kaleah na naglalatag ng mga plato sa mesa.
“Kaleah, mag dagdag ka ng tatlo pang Plato para sa mga bisita. Sasabay na sila sa atin.”
“Nay, sino ba ang mga iyon?” tanong ni Dante sa Ina.
“Turista , mga dayo, ewan. Ang sabi lang nila galing sila sa isang tribo ng mga katutubo. Taga Cebu daw sila. Mukhang mababait naman kaya pinatuloy ko na. Ang ipinagtaka ko lang, sabi nila eroplano raw ang sinakyan nila papunta dito.”
“eroplano? kailan pa nagka-eroplano sa lugar natin? Naku baka mga rebelde Ang mga iyan Nay, at madamay pa tayo.” sabat ni Balong sa usapan nina Dante at ina nito.
“Naku, kung makasabat ka diyan kala mo naman hindi ka katulad ni Nanay. Paano kung iyong dalawang tinulungan niyo ay mga rebelde rin?” Saad pa ni Kaleah.
“kamusta na nga pala ang dalawa Bal?” tanong ng Ina sa anak.
“Nasa silid namin ni Dante, mukhang tulog pa.”
“Ganun ba, eh Ikaw na mag dala ng pagkain sa kanila mamaya tiyak gutom na rin Ang mga iyon.“Sabi pa ng Ina.
Tumahimik ang apat nang pumasok na sa kusina sina Pablo, Steve at Joshua. Nagkatinginan ang mga ito na tila gulat na gulat. Halos lumuwa ang mata ng tatlo nang makita Ang tatlong anak ni Auring.
“Mga anak ko, si Kaleah Ang nag iisang babae ko at panganay ,sila naman ang kambal ko si Balong at Dante.”
Litong-lito na Ang tatlo sa kanilang nakikita, nagsisikuhan na Ang mga ito habang papalapit sa lamesa. Kamukhang-kamukha kasi ni Kanara, Bal,at Damar ang tatlong anak ni Auring. Tila iisang hulmahan lang ng mukha ang pinagmulan ng mga ito. Nagkatalo lang sa postura,sa buhok at sa pananamit.
Mahahaba at kulot Ang mga buhok nina Kanara,Bal ,at Damar. Samantala tuwid ang mahabang buhok ni Kaleah, maiksi naman ang gupit ng buhok ng mga kapatid nitong lalake. Ngunit sa taas at katawan parehas talaga.
Hindi magkamayaw ang tatlo sa kakatitig sa magkakapatid.
“Ngayon lang ba kayo nakakita ng guwapong taga bundok? Kulang na lang, kami na ang uulamin niyo sa kakatitig niyo sa amin ah.” sambit ni Dante nang mapansin ang mga titig sa kanya ni Pablo.
“Pasensiya na, kamukha niyo kasi Ang mga nakilala din naming magkakapatid. Akala talaga namin kayo sila.” tugon ni Pablo.
“Sabi ni Nanay galing pa kayo ng Cebu? Paano kayo napunta dito, eh ilang mga isla pa ang layo nito sa lugar niyo?” tanong pa ni Dante.
“Nag eroplano daw kayo? Saan lumapag ang sinakyan niyo sa gubat?, sa bundok?” Natawang tanong din ni Bal.
“At kung mga rebelde kayo, sinasabi ko na sa inyo, tahimik kaming namumuhay dito. Ayaw namin madamay sa gulo.” Sabat pa ni Kaleah na gumawad pa ng tingin sabay irap kay Joshua.
“Hindi kami masamang tao, itong mga mukhang ito, masama? Sadyang na ligaw lang talaga kami sa lugar niyo. At maraming salamat sa nanay niyo at pinatuloy niya kami dito.” Tugon ni Joshua kay Kaleah sabay kindat nito dito.
Bawat subo ni Pablo, hindi nito maiwasan na isipin Ang mga nangyayari. Gulong-gulo na ang isip nito. Hindi na nito alam kung alin ba sa mga nangyayari ang totoo o hindi. Kaharap nila sa isang lamesa ang tatlong anak ni Auring na halos kamukha talaga ng magkakapatid na nakilala nila sa gitna ng isang gubat.
Matapos ang tanghalian, tumulong ang tatlo sa pagligpit ng kanilang kinainan. Ngunit pinagbawalan sila ni Auring.
Daan pabalik
“I really want to go home pare, hindi na nakakatuwa itong nangyayari sa atin. Para tayong nasa fictional world ng isang libro. Ang daming loops and twist. Akala ko talaga sina Kanara ang kaharap natin. Pero iba na namang mga personalidad ito. Pero in fairness,hindi magbago ang kagandahan ni Kanara.” komento ni Joshua habang nagpapahangin Ang mga ito sa labas ng bakuran.
’I don’t think if makakabalik pa ba tayo sa reality. We’re all trap here. Unless mabuksan muli ang portal. Tsaka lang tayo makakabalik sa atin.“ Tugon ni Pablo na napasandal na lang sa papag sa lilim ng isang punong mangga.
“Portal? as in like, gateway to another dimension? “ gulat na tanong ni Steve.
“I believe isang portal Ang nabuksan natin noong time na nasa loob tayo ng guho kaya napunta tayo dito. At kailangan natin mag hintay ng tamang pagkakataon kung kelan mula iyon magbubukas. Nasabi minsan ni Elias sa akin na tuwing kabilugan ng buwan, kapag napapagitna ito sa templo ng ahas, at matamaan ng liwanag nito ang rebulto ng ahas , mabubuksan sa mata ng tao ang isang lagusan.” Paglalahad pa ni Pablo.
“Ang mapa pare, diba may image doon ng ahas? Di kaya hindi iyon ang mapa ng kayamanan, kung hindi map, patungo sa portal na sinasabi mo. Hindi kaya ganun?” Teyoriya pa ni Steve.
“I remember na pare, that night noong narinig natin ang angil ng halimaw, Before the day na napunta tayo sa guho. Full moon iyon. Tapos noong gabing nakita mo ang nasabi mong ahas doon sa underground, naalala mo bilog din Ang buwan nun. And look where we are now, ibang era na naman ito. Hindi ko alam kung anong year ito.Pero sure ako hindi ito ang current year natin.” Ayon pa kay Joshua.
“Iyon nga din ang iniisip ko. Ilang araw na tayo dito, I’m sure nag aalala na Ang mga pamilya natin sa atin. Hindi ko na kayang mag stay pa dito ng matagal.” Sabi ni Pablo na napakunot na lang ng nuo dahil sa mga nangyayari.
Tanaw ang tatlo mula sa kusina kung saan nag uusap din Ang magkakapatid. Palaisipan din sa mga ito ang biglaang pag dayo sa kanila ng mga bisitang hindi tagaroon sa kanila.
“Hindi kaya kasamahan ng mga iyan ang dalawang nakita natin?” sambit ni Balong sa mga kapatid.
“Pero hindi sila dapat manatili dito, minsan na may nagawi dito sa ating taga baba. Lahat sila napahamak lang.” ayon pa kay Dante
“Kaya nga silipin niyo na ang dalawa nang malaman natin kung saan sila galing. At para pag dating ni Itay, maihatid na sila sa kanila.” Utos ni Kaleah sa dalawang kapatid.
Nang pumasok sa kusina Ang kanilang ina. May dala itong gulok na nakabalot sa pulang tela. Inabot niya iyon kay Dante. Ipinagtaka ng mga anak bakit inilabas iyon ng kanilang ina. Sagrado para sa kanila ang gulok na iyon at ginagamit lang sa mahalagang sitwasyon.
“Bakit kinuha mo ito inay? May panganib ba?” Pagtataka ni Dante.
“Nakita ko ito mula sa gamit ng isa sa mga iyan. Libreta ito ni Tata Tacio. Hindi ko alam kung paano ito napunta sa kanila. Ngunit Ang sigurado ako, panganib para sa atin ang dala nila.” Ang tugon pa ng Ina.
“Anong gagawin ni kuya sa gulok na iyan inay, Ipapakatay mo sila kay Kuya?” sabat ni Balong.
“Abay loko to, gawin ba ang kuya mong mamamatay tao. Paghahanda iyan para sa pagdating niya. Gagamitin natin iyan kay Pangil. “ tugon ni Auring.
“Nay ,ano ang gagawin natin sa kanila? hindi sila dapat tumagal dito.” tanong ni Dante.
“Hindi aksidente Ang nag dala sa kanila dito sa atin. Bago nawala si Tata Tacio, nabanggit niya na minsan sa akin ang tungkol sa lalaking magpapalaya kay Pangil.” Ayon pa kay Auring.
“Ano pa ang hinihintay natin tumawag na tayo ng mga taga baryo para mahuli at mapigilan na ang binabalak nila.” Komento ni Balong.
“Puro ka talaga kalokohan, hindi ko naman sinabi na sila iyan. Pero malakas ang kutob na may alam sila tungkol sa lugar natin. Kung nasa kanila itong libretang ito, maaring sila Ang makakatulong sa atin para wakasan na ang takot natin.” Paliwanag sa kanila ng Ina.
“Kung gayon sino ang lalake na tinutukoy mong mag papalaya kay Pangil Inay? “ tanong ni Kaleah.
“Nabasa ko dito sa libreta, isang angkan mula sa kadugo ng mga Mandurugo ang magpapalaya muli kay Pangil. Walang palatandaan kung paano matukoy ang tao na iyon.” Dagdag pa ni Auring.
Sinilip ni Balong ang dalawa na kanilang nakita sa ilog, gising na Ang isa sa kanila. Nagulat ito sa pagpasok ni Balong. Nginitian lang ito ni Balong at nilapitan.
“Kamusta? Mabuti at gising kana, ako nga pala si Balong, gutom ka na ba? Nasa lamesita lang ang pagkain niyo.”
“Nasaan kami? Nasa Sityo Pangil na ba kami pare?”
“Anong Sityo Pangil? Hindi ko alam ang lugar na iyan. Nasa Baryo Luwad kayo. Malayo ito sa bayan kung iyon ang tinutukoy mo. Ano ba ang nangyari sa Inyo? Natagpuan kayo namin ni Kuya at Ate sa ilog tinatangay ng agos.” Tanong ni Balong.
“Wala akong maalala, hindi ko alam na nasa ilog kami. Salamat sa pagkaligtas sa amin. Ako nga pala si Ken.”
“Mukhang mahimbing parin ang idlip ng kasama mo, ano ba naalala mo bago kayo napunta sa ilog na iyon?“tanong pa ni Balong habang pinagmamasdan si Ken na kumakain.
“May sinundan kaming halimaw, isang mala dinosaur sa laking hayop, parang buwaya pero patayo kung maglakad. Pumasok ito sa isang kuweba. Sumunod kami sa pagbabakasakaling matagpuan namin ang lagusan pa labas. Ngunit bigla na lang kami hinigop ng kung ano sa gitna ng dilim, Hanggang doon lang naalala ko.“ayon pa sa kuwento ni Ken.
“Nakita niyo si Pangil?” May takot sa mga mata ni Balong.
“Sinong Pangil? Ang hayop ba na iyon? Pangil ba ang pangalan niya? usisang tanong ni Ken.
“Kayo ang nagdala kay Pangil dito.” biglang nag iba Ang tuno ng boses ni Balong, may pangamba at galit na ito.
“Teka pare? hindi ko gets, paanong dinala? Eh gusto nga kami lapain ng halimaw na iyon.”
“Umalis na kayo dito, gisingin mo na ang kasama mo at lisanin niyo na ang lugar na ito” Sambit ni Balong at nagmamadali itong lumabas ng silid.
Hinagilap agad ni Balong ang mga kapatid at Ina nito , na nuoy kausap sina Pablo sa may bakuran. Unang napansin ni Kaleah ang kapatid na namumutla at balisa.
“Ate alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Nanay na may dala kay Pangil.” bulalas ni Balong.
“Ano? uminahon ka nga. Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?” tanong ni Kaleah.
“Pare teka” pagtawag ni Ken na sumunod pala kay Balong.
Nagsilingunan sina Pablo nang marinig ang boses ni Ken. Namutawi Ang galak sa mukha ni Ken nang makita din nito ang mga kaibigan. Napatakbo si Ken sa kanila ni Pablo at napayakap talaga ito ng mahigpit kay Pablo. Kitang-kita Ang subrang miss ng bawat-isa. Sa subrang pananabik, napahalik pa sa isa’t isa Ang dalawa sa labi. Na nagdulot ng gulat sa kanila ni Joshua at Steve. Maging sa mga magkapatid.
Nawala sa isip nina Ken at Pablo na may mga tao sa kanilang paligid. Natauhan lang ang dalawa nang magsalita si Joshua.
Hindi makapaniwala ang tatlo na makikita pa nila si Ken, ngunit ang higit na ikinagulat nila lalo na si Joshua ang nakitang pag halikan nina Ken at Pablo.
Maging ang magkapatid na kaleah, Balong at Dante napatigil din sa kanilang nakita. Nang mag salita si Joshua doon lang kumalas sina Ken at Pablo sa pagkakayakap.
Agad na naitanong ni Joshua kung nasaan sina Jahred at Elias kay Ken.
“Hindi namin kasama ni Elias si Jahred.” tugon ni Ken.
“Kung gayon, magkakasama pala talaga kayo. Ang mabuti pa lisanin niyo na ang lugar na ito, bago pa sumapit ang dilim. Hindi niyo gugustuhing maabutan dito ng gabi.” Ang biglang sambit ni Kaleah, na tila lumayo ng bahagya sa kanila.
Ipinagtaka nila ang sinabi na iyon ng dalaga. Maging ang dalawang kapatid na lalaki na sina Balong at Dante ay may pag-iwas na rin.
Narinig na lang nila ang sigaw ng ina nila mula sa loob ng bahay. Agad namang tumalima ang mga anak nito para puntahan si Auring. Sumunod naman ang apat upang tingnan kung ano ang nangyayari.
Inabutan ng mga anak na nakasalampak sa isang sulok ang kanilang ina.
“Inay ano ang nangyar ? bakit nariyan kayo?” usisa ni Dante habang itinatayo ang ina.
“Ang dinala niyong Dayo, siya ang may gawa nito sa akin. Bigla na lang akong itinulak at nagmamadaling lumabas.” ang tugon ni Auring na nanginginig pa.
“Bakit naman niya nagawa iyon sa iyo inay?” tanong ni Balong.
“Narinig kong may ingay mula sa silid kung saan niyo sila iniwan. Nang silipin ko nakita ko siya na tila may hinahanap. At nang mapansin niya ang hawak kong librita ,pilit niya itong kinukuha sa akin. Hindi ko binigay dahil sa kanila iyon hindi sa kanya. Ngunit bigla na lang itong sapilitang inagaw sa akin, kaya napasigaw na ako. Nang makuha niya sa akin ,agad itong tumakbo palabas.” kuwento pa ni Auring na nanginginig parin.
“Bakit gagawin naman iyon ni Elias?” pagtataka ni Ken.
Sa paanan ng bundok, naroon nakatayo doon sina Jahred at ang nagpakilala sa kanyang tunay na Elias. Nakatingala sila sa bundok. May mga sukbit na malalaking bag , naka ayos ng pang mountain climbing.
“Mamaya na ang full moon, kailangan marating natin ang sinasabi mong ruins bago pa sumilip ang buwan. Kailangan mapigilan si Ador sa balak niya.” ayon pa kay Elias.
“Napaniwala talaga kami sa kuwento ng tao na iyon. Sana nga lang maabutan pa natin sila.” tugon ni Jahred.
“Isang loop, ang nangyayari kada kabilugan ng buwan. Ayon sa kuwento ng lolo ko, mauulit lang ang mga pangyayari. At kung tama ang kalkulasyon natin, sakto ang araw na ito. Malaki ang pag-asa na makikita natin sila, sana nga lang alam din nila ang tungkol sa lagusan.’ sabi pa ni Elias.
“Malamang , kasi kung hawak ni Elias, I mean ni Ador ang mapa at journal tiyak may ideya na sila dito.” komento pa ni Jahred
“sana nga lang.”
Bagaman bawal at pinasara na ang naturang bundok sa lahat, nakuha parin ng dalawa na makapuslit gamit ang lihim na daanan paakyat ng bundok. Pampitong buwan na ito simula nang mawala sa bundok ang mag babarkada.
May kadiliman pa ang umaga nang mag simula ng umusad ang dalawa. Pangalawang beses pa lang ni Elias nang pag akyat nito sa bundok na iyon. Ang una ang sandaling kasama pa nito si Erjune at ang team ng kanilang hiking club. Sila at mga kasama nito ang kauna-unahang mga hikers na naakyat ang Linunhan.
“Masaya ako at pumayag kang samahan ako. Buti at hindi ka pinigilan ni Ador.”
“Wala naman iyong magagawa kung gusto ko. At paki naman nun sa akin ,tapos na sa amin ang lahat. Hindi na niya pag-aari ang buhay ko simula noong nalaman kong pera lang talaga ang kailangan niya sa akin.”
“Pero hindi naman iyon pumayag na hiwalay na kayo diba? “
“Kaya lang naman dikit ng dikit iyon sa akin dahil dito.” Isang mapa ang ipinakita ni Erjune kay Elias, May kalumaan na ang mapa na naka guhit sa tila pinatuyong balat ng hayop.
“Mapa ng ano iyan? legit ba na mapa iyan?” tanong pa ni Elias.
“Mapa ito ng isang kayamanan sa loob ng isang tagong yungib dito sa bundok na ito. “ tugon ni Erjune.
“May kayamanang nakatago dito? as in mga ginto, mga mamahaling mga bato ganun? “ ang pabulong tanong na ni Elias na tila interesado sa laman ng mapa.
“Hindi ko alam kung anong klaseng kayamanan. Nakita ko lang kasi ito sa binili kong antigong painting sa may Samar. Nang papalitan ko sana ng frame na hulog ito mula sa likod.” kuwento pa ni Erjune.
“Naku baka gawa-gawa lang naman iyan. Tingnan mo mukhang wala naman sa mga guhit dito ang kayamanan,kung hindi itong mukhang ahas sa drawing. “ puna pa ni Elias.
“Iyon din ang sabi ko noong una, pero nang ipinakita ko ito kay Ador, grabe ang interes niya dito. Ni research niya pa talaga ito maging ang mga simbolo na iyan diyan. Si Ador ang nagsabi sa akin na mapa daw ito ng kayamanan.” kuwento pa ni Erjune.
“So ito talaga ang dahilan bakit ka sumama sa pag akyat dito? hindi talaga sa akin, ganun?“nagtatampong tugon ni Elias.
“Di naman talaga ako sure dito, siyempre sumama ako for you. Pero dinala ko na lang ito. What if kasi meron talaga. “
“Mabuti pa itago mo na iyan baka may makapansin pang iba, madelikado pa buhay mo.” Ang sabi pa ni Elias kay Erjune.
At iyon ang huling sandaling nakasama pa ni Elias si Erjune. Bigla na lang ito naglaho sa grupo, at tanging mga gamit na lang na nagkalat nito sa mga daan at bangin, ang natagpuan nila. Nasundan ng iba pa hanggang sa tatlo na lang sa kanila ang naiwan kasama si Elias nang matagpuan ito ng mga local na residente ng Pangil habang nangangahoy.
Nakailang balik na doon ang mga rescuer ngunit bigo silang matagpuan ang mga nawawala, maging ang mga bangkay nila. Ikinalugmok at pinagluksaan ni Elias ang pagkawala ni Erjune.
Nagtagpo ang landas nina Elias at Ador sa isang bar na dating tambayan din ni Erjune. Nilapitan si Elias ni Ador nang makita siya nito.
“Ano ang naikuwento sa iyo ni Erjune? Don’t tell me na sumama siya sa iyo ng walang dahilan.”
“Puwede ba , nananahimik ako dito.” tugon ni Elias.
“Nakakapatataka lang kung bakit kayo lang ang naiwang nakalabas sa bundok, di naman kaya ikaw ang may kagagawan kung bakit nawala si Erjune. Pinatay mo si Erjune para masolo mo ang kayamanan diba?” paratang pa ni Ador kay Elias na ikinapikon ng huli.
Hindi na nakapagtimpi pa si Elias,at bunga na rin ng epekto ng alak nabigwasan nito ng kamao si Ador. Ginantihan din siya ni Ador ng malutong na sapak sa mukha. Nag pangbuno ang dalawa, Nakahawak ng bote si Ador at binasag ito sa ulo ni Elias. At kahit sugatan na nagawa ring sugurin nito si Ador pero bago pa man ito naka ganti ng hampas sa hawak nitong silya, tinutukan na ito ng baril ni Ador.
At ilang saglit pa, dumating na ang mga pulis at inaresto ang dalawa. Binantaan pa ni Ador si Elias na babalikan niya ito.
Pagkauwi ng bahay agad naman sinalubong ng lolo nito si Elias.
“Elias apo, saan mo ito nakuha? bakit nasa iyo ito?”
Natulala din si Elias nang makita ang hawak ng kanyang lolo. Agad itong lumapit at kinuha ang bagay na nasa kamay ng lolo nito. Ito ang mapa na minsan nang ipinakita sa kanya ni Erjune. Ang ipinagtataka nito kung bakit ito napunta sa kanyang lolo.
Nagsimula nang tumulak ang dalawa na bagtasin ang masukal na bahagi ng gubat. Hindi pa nakapunta si Elias sa tinutukoy na biyak na bato ni Jahred. Kaya si Jahred ang nagsilbing mapa ni Elias sa bundok.
Sumisilip na ang araw nang marating nila ang ilog, ito ang ilog na tinawid nila para marating ang camp site. Matarik ang paakyat doon kaya medyo nahirapan ang dalawa. Pansamantalang nagpahinga ang mga ito para uminom saglit ng tubig.
“Malayo pa ba tayo?” tanong ni Elias.
“Kung binilisan natin ang kilos bago mag tanghalian nandoon na tayo sa site.” sagot ni Jahred na pinaikot ang tingin sa paligid. “Mukhang may mga nagbago lang sa bahaging ito. Hindi ko kasi nakitang may mga ganitong puno ito dito.” sambit pa nito na napakamot sa kanyang batok.
“Don’t tell me na na naliligaw tayo?”
“No, hindi tayo na liligaw. Alam ko ang tamang daan. “panigurado pa ni Jahred.
May mga pag-aalinlangan man, si Jahred lang ang pag-asa nito. Matapos ang maikling pahinga , nagpatuloy ang dalawa. Habang nag lalakad ang mga ito may napansin lang si Jahred. Sa pagkakatanda nito pahirapan ang daan paakyat, Mabato, madulas at matalahib. Ngunit mahaba na ang nilalakad nila pero sa halip na paakyat, pumapatag ang kanilang dinadaanan. Bagaman nandoon parin naman ang mga naglalakihang mga puno, pakiwari ni Jahred mukhang iba nga ang tinatahak nilang direksyon. Hindi na lang ito nagpahalata kay Elias.
Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad nakarinig muli sila ng lagaslas ng tubig ilog, nagkatinginan ang dalawa.
“Di ba nadaanan na natin ang ilog kanina? Bakit may agos parin ng ilog dito sa itaas?” tanong pa ni Elias kay Jahred.
“Baka tunog lang din iyan ng ilog na dinaanan natin sa baba. Ganun talaga pag mayaman ang bundok, maraming pa ilog.” Tugon ni Jahred nang pabiro. pero maging siya nagtataka din.
“Sure ka ba talagang tama ang daan natin, kasi parang hindi naman tayo umuusad pa akyat. Paikot-ikot lang tayo.” Ayon pa sa napansin ni Elias.
“Sure ako pare, dito iyon, nakita mo ang puno ng molave na iyon paglampas natin diyan, tanaw na natin ang camp site.”
“Pang limang beses ko na nakita ang punong iyan. Aminin mo nga sa akin , naliligaw ba tayo?”
Napakamot na lang ng ulo si Jahred at tumango-tango. Wala nang nagawa pa si Elias kung hindi ang galugarin ang bundok hanggang sa masumpungan nila ang kanilang hinahanap. Bumalik nga sila sa ilog na kanilang unang nadaanan. Alas nuwebe na at sa tantiya ni Elias wala pa sila sa gitna ng bundok.
Ngunit tumuloy lang ang dalawa. Upang malaman kung bumabalik sila sa kanilang landas, gumawa sila ng marka sa bawat madaanan nila. At sa mahigit tatlong oras na pagtitiyaga narating nila ang site.
Moon Haven
Inusisa ng lolo nito si Elias tungkol sa nakuha nitong tela sa mga gamit.
“Hindi ko alam kung paano napunta ito sa akin, sa pagkatanda ko pagmamay-ari ito ni Erjune. Pinakita niya sa akin ito bago ang araw na nawala ito sa bundok ng Linunhan” tugon pa ni Elias.
“Pumunta kayo sa sagradong bundok na iyon? Kelan pa?” tanong muli ng lolo.
“Last month lang po, lo. May two weeks nang nawawala sina Erjune kasama ang iba pa. Hanggang ngayon nga wala pa ring balita tungkol sa mga labi nila.” ani pa ni Erjune.
“Alam mo ba kung ano ang hawak mo na iyan? Iyan ang mapa ng tagong yaman ng mga taga Opiryum. Ang mapa ng lihim na lagusan papunta sa kanilang lupain. Matagal nang nawawala ang mapa na iyan simula ng ninakaw iyan sa tribo ng Linunhan. Huli ko itong nakita noong aksidenteng natagpuan namin ang tribo nila sa bundok kung saan kayo pumunta.” Naikuwento pa ng lolo nito.
Nagkaroon ng interes sa bagay na iyon si Elias at sa misteryosong kasaysayan ng sinasabi ng lolo nitong mga taga Opiryum.
Hindi iyon malimutan ni Elias, at dahil sa mga nalaman nito, makailang beses din nitong tinangkang akyatin muli ang bundok, ngunit sa kung anong misteryong bumabalot doon, palagi na lang ito niluluwa ng nasabing lugar at hindi ito maka usad-usasd sa taas nito. Walang araw din na hindi binabalutan ng makapal na hamog ang bundok. Tila May tinatagong lihim sa lahat ng mga nagtatangkang gumambala sa lugar.
Hanggang sa may isang grupo ng hikers ang tagumpay na nakalusot noon sa mga bantay gubat at maka-akyat sa pusod ng bundok. Ngunit tulad ng mga nauna, misteryosong naglaho din ang mga iyon doon at tanging isa lang sa kanila ang sinuwerteng Naka baba at nakaligtas. Ayon pa noon sa isang hiker, isang dambuhalang ahas di umano ang nakaharap nito. At dahil sa video na nakuha nito, minsan na naging usap-usapan ang tungkol sa dambuhalang ahas ng bundok Linunhan.
At para maiwasan na maulit ang insidente. Tuluyan nang isinara sa lahat ang lahat puwedeng daanan ng tao paakyat ng bundok.
Mapalad ang dalawa Jahred at Elias na sa wakas nasumpungan ng mga ito ang kanilang pakay. Eksaktong katirikan ng tanghali nang marating nga ng dalawa ang camp site. Agad na nag set up ang dalawa ng kani-kanilang mga tent.
“Dito na muna tayo magpapalipas ng oras. Nakakamangha ang tanawin dito, nakakalula sa ganda. Sa mga tanawin palang busog na mga mata mo dito.” ang sambit pa ni Elias habang nakatayo ito sa gilid ng bangin na tanaw mula doon ang kabuohan ng paanan ng bundok na ng sandaling iyon natatakpan ng maninipis na ulap.
“Maganda talaga ito, noong unang araw nga namin dito, hindi ako magkamayaw sa pagkuha ng litrato rito, lalo na pagkagat na ng gabi.” Turan pa ni Jahred.
“Pero kailangan, bago pa kumagat ang dilim nasa guho na tayo. Kailangan naroon mismo tayo, pag pumirmi na ang buwan sa kanyang puwesto.” ayon pa kay Elias.
Napatango naman si Jahred.
Kumain lang sila ng kanilang pananghalian at nagpahinga ng kaunti bago muling naglakad ang dalawa. Aminado si Jahred na medyo nalito na ito sa mga daanan papunta sa biyak na bato. Gayun pa man positibo si Elias na matatagpuan nila ang hinahanap bago pa ang pagsapit ng gabi. Para malibang naman habang naglalakad nakipagkuwentuhan si Jahred kay Elias.
“Nagtataka lang ako, Kung sa inyo ang bahay sa paanan nitong bundok. Bakit kabisado at alam iyon ni Ador? Kung angkinin niya ang bahay parang kanya.”
“Magkarelasyon kami ni Ador.” diretsahang tugon ni Elias
“sino? ano? kanino? I mean mga kuwan ba kayong lahat? sorry pare ha curious lang talaga ako.”
“Basta ganun, mahirap mag explain kung hindi ka naman aware sa mga tulad namin. But we’re not what you think we are. And regarding sa bahay na iyon. Ang totoo pag-aari talaga iyon ni Ador..Pinasadya niya iyon dahil din dito.” Ayon pa kay Elias.
“Kaya pala kisadong-kabisado na ni Ador ang bundok na ito.”
“Nang malaman ko ang tungkol sa plano ni Ador na bumalik ng bundok, nagduda na ako na may kinalaman ito sa nangyaring nakawan sa amin kung saan napaslang ang lolo ko. Kasama kasi sa mga nawawala ang mapa at ang journal ni lolo na bigay pa sa kanya ng isang kaibigan mula sa Opiryum.” kuwento pa ni Elias kay Jahred.
“Pero ang sabi mo noong nakita mo ako sa bahay na iyon, sinabi mong sa iyo iyon? “ paglilinaw pa ni Jahred.
“Nasabi ko lang iyon nang makita kita. Si Ador talaga ang sadya ko ng araw na iyon. Nakita ko sa balita ang nangyari sa inyo. Nabalewala na dati sa akin ang tungkol dito, dahil nais ko na lang mabuhay ng tahimik at kalimutan na ang mga nakaraan. Ngunit nang malaman ko ang nangyari sa inyo. Muling nabuhay ang pag-asa sa akin. Ngunit hindi si Ador ang inabutan ko doon, kung hindi ikaw.” paglalahad ni Elias.
Alas dos ,ramdam na ng dalawa ang hirap at pagod sa pag babagtas ng matarik at mabatong bahagi ng bundok. Kakaiba ang paligid na bago lang sa paningin ni Jahred. Hindi niya ito napansin noong pinuntahan nila ang guho. Napansin ni Elias ang palinga-lingang si Jared.
“May problema?”
“wala naman, sinisiguro ko lang na tama itong dinadaanan natin” . Ang nagkunwaring tugon pa ni Jahred.
Nagpatuloy ang dalawa sa walang kasiguraduhang landas, sa gitna ang mayabong na mga halaman at dahon, sa lilim ng mga naglalakihan at nagtatayugang mga puno na bago lang sa paningin ng dalawa. Nang walang ano-ano, biglang nag pulasan sa himpapawid ang laksa-laksang mga sari-saring mga ibon. Nagsipulasan ang mga ito, ang kanilang mga huni ay nag bigay ng kilabot sa dalawa. Balisa ang mga hayop na tila may kinatatakutan.
Kasunod nun, ang pag alingawngaw ng isang napakalakas na atungal na tila mula sa isang napakalaking hayop. Napa atras si Jahred ng marinig iyon. Bigla itong nabalot ng takot. Nanginig ang mga laman nito at tila na lambot ang tuhod. Agad naman itong nilapitan ni Elias at hinila sa isang malaking ugat ng malaking puno. Isinandal siya doon.
“mukhang hindi na natin kailangang hanapin ang guho pare, nakatawid na tayo.” Ang nanginginig na bulalas ni Jahred, habang nakatingin sa likuran ni Elias.
“Ano ang pinagsasabi mo? Ano ba ang tinitingnan mo?…” hindi na naituloy ni Elias ang sasabihin nito nang napalingon ito sa likuran niya.
Natigalgal ito sa kanyang ayos nang makita ang gahiganteng halimaw na inaabot sa ere gamit ang napakalaki nitong bunganga ang mga nagliliparang mga ibon. Kinakain nito ang lahat na kanyang maabot .
Napamura na lang sa pagkamangha si Elias nang makita iyon. Ang dating laman ng journal at kuwento ng kanyang lolo ay nasa harapan niya na mismo.
Hinila ni Jahred si Elias para mag tago sa lilim ng isang malaking ugat ng puno.
“Nasa Jurassic world ba tayo? Ang laki niya. Kung hindi ako nagkakamali iyan ang naka nakasulat sa journal ni lolo na si Pangil.” sambit ni Elias.
Naroon lang sa puwesto nila ang dalawa habang pinapanood ang halimaw na nag i-enjoy sa panghuhuli ng mga ibon.
Samantala nilinaw ng apat sa mag iina na wala silang kaalam-alam sa tinutukoy ng mga ito na sagradong ritwal ng mga taong putik. Ipinaliwanag din nito sa kanila ang tunay na nangyari at kung paano sila napunta sa ganung lugar. Hindi naman lubos na makapaniwala si Auring sa mga tinuran sa kanya ng mga lalake. Maging sila ng asawa niya ay nagulat sa mga nalaman sa lima.
“Mga tawid kayo mula sa hinaharap? kaya naman pala.” ang may pagtataka paring reaksiyon ni Auring.
“Kaya nga hangad lang namin ang makabalik sa taon kung saan kami nanggaling. Hindi po talaga namin sinasadya na mapunta sa panahong ito.” ani pa ni Steve.
“Wala sa amin ang tulong na kailangan niyo, ang bundok ang siyang humila sa inyo dito kaya ang bundok lang din ang makapag luwal sa inyo pabalik sa pinagmulan niyo.” Ayon pa kay Auring.
“Iyon kung papalarin kayong makabalik ng buhay sa panahon niyo.” pagsingit ng asawa ni Auring na si Kadyo sa kanilang usapan.
“Anong ibig niyong sabihin Mang Kadyo?” tanong bigla ni Pablo.
“Hindi na dapat magtagpo sa gitna ang nakaraan at ang hinaharap dahil mababago nito ang takbo ng kasalukuyan. Ang nangyari sa inyo ay hindi isang aksidente lang o tiyempo lang na hinila kayo ng bundok,o kung ng kung ano man. May isa sa inyo ang nag bukas ng portal. Sadya man o hindi— ang pinakadahilan nito ay ang tagong kayamanan ng bundok na ito.” Ayon pa kay Kadyo.
“Si Elias, alam niya ang tungkol sa mga kayamanan.” bulalas ni Pablo.
“Ang mga ginto at mga diyamanteng nasa isang kuweba na pinagdalhan sa akin ni Kinara. Hindi kaya iyon ang tinutukoy ni mang Kadyo na mga kayamanan?” pagsingit na kumento ni Joshua.
“Nakapunta kayo sa pusod ng bundok na ito?” Pagkamahang tanong ni Auring.
Isinalaysay muli ni Pablo ang karanasan nila noong napunta sila sa isang tribo ng mga katutubo, kung saan nakilala nila ang magkapareha at kamukhang-kamukha ng mga anak nila. Maging si Ken nagsiwalat din ng karanasan nito noong kasama niya si Elias kung saan ang lahat sa lugar na iyon ay malalaki at malahigante ang wangis. At sa kung paano nagpakita sa kanila ang dalawang dambuhalang hayop na kinikilala noong diyos ng mga sinaunang mga tao,at pinaniniwalaang bantay ng naturang bundok.
“Maaring ang napuntahan niyo ang dating lupain na tinatawag na Opiryum, ang sinaunang katawagan sa lugar na ito. Pinaniniwalaang taglay ng Opiryum ang kasaganaan ng lahat ng yamang mineral sa buong mundo, mula sa mga mahahalagang uri ng kristal at bato, mga nakakalulang dami ng ginto.“Dagdag pa sa kuwento ni Kadyo.
“No doubt, Elias intended to bring us here to accomplish his plan. Ang hayop na iyon, makita ko lang siya ewan ko lang saan aabutin ang kamao ko sa mukha niya.” Ang gigil na saad pa ni Steve.
“Kaya naman pala ganun na lang ang pagkabahala ni Elias nang hindi niya nakita sa pag-aari niya ang journal at mapa.” wika pa ni Ken.
“Journal lang ang hawak ni Elias, nasa akin pa ang mapa.” Sabat ni Pablo na inilabas ang mapa na nakuha nito kay Elias.
Nanlaki ang mata ni Kadyo nang makita ang mapang hawak ni Pablo, hinawakan niya ito at manghang-mangha sa naturang bagay.
“Ang mapa ng Linunhan.” Nasambit ni Kadyo.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag uusap, nakarinig sila ng mga sigaw mula sa malayo, mga sigaw ng takot. Nasundan iyon nang nakakapangilabot na atungal ng isang malaking hayop.
Nabalot ng takot ang mag asawa, tinipon nila ang mga anak at pinapasok sa loob ng bahay. Napasunod naman sina Joshua at Steve.
“Tara na Pabs, pumasok na tayo “ pagtawag ni Ken kay Pablo na tila napako sa kanyang kinatatayuan habang naka tingin sa malayo.
“Narinig mo iyon?” tanong ni Pablo kay Ken.
“Rinig na rinig, at alam ko kung ano ang May ari ng tunog na iyon. Kaya halika na, baka maabutan pa tayo dito.” Ani pa ni Ken, na hinawakan na ang kamay ni Pablo para hilain ito sa loob ng bahay.
“Hindi iyon, ang mga sumisigaw. Parang boses ni Jahred.”
“Ano? sigurado ka?”
Pinakinggan muli ng dalawa ang mga humihingi ng tulong. Natigilan na rin si Ken sa kinatatayuan nito nang marinig nga ang pamilyar na boses. At nang naaninagan na ng mga ito ang mga tumatakbo papalapit sa kanilang direksyon. Sabay pa na napabulalas ang dalawa.
“si Jahred nga!”
Agad na patakbong sinalubong ng dalawa ang natatanaw na kaibigan. Nakita iyon nina Steve at Joshua kaya lumabas din ang mga ito at sinundan sina Ken at Pablo.
Halos magkanda tisod naman sina Jahred at Elias sa kakatakbo, matakasan lang ang humahabol sa kanila. Natauhan lamang si Jahred nang mamukhaan nito ang dalawang taong tumatakbo rin papalapit sa kanila ni Elias. Nagpang-abot ang apat sa gitna ng palayan. Hindi makapaniwala ang tatlo Jahred, Ken at Pablo na magkikita silang muli ng mga sandaling iyon.
“Sino siya?” tanong ni Ken ,nang mapansin ang kasama ni Jahred.
“Mamaya na kami magpaliwanag, kailangan na muna natin makalayo dito. Baka maabutan tayo ng halimaw.” Ang tugon ni Jahred na mababanaag pa ang takot sa kanyang mukha.
Sinama pabalik nina Ken at Pablo sina Jahred at Elias, nakasalubong naman ng mga ito ang dalawa pa. Pagkarating sa bakuran nina Auring at Kadyo, agad nila pinapasok ang anim sa loob at nagsara ng pinto.
Sa loob, itinabi ni Kadyo ang mahabang mesa sa kusina, at sa ilalim nun tumambad sa kanila ang isang tarangkahan na yari sa matibay na kahoy. Binaklas ni Kadyo ang naka taling pisi doon at nang matanggal na, binuksan niya iyon. Bumungad naman sa kanila ang isang hagdan pababa.
Naunang pinababa ni Kadyo ang mga anak at asawa, kasunod ang anim, nahuli si Kadyo upang siyang mag sara ng tarangkahan pabalik.
Maluwag sa ilalim nito, May matibay na pundasyon at kisame. Mga haligi na yari sa malalaking bato, simento at matitibay na kahoy tulad ng narra at kamagong ang siyang nag silbing suporta ng underground na iyon. Bukod sa maluwang sa loob, may kahabaan din ang pasilyo nito na tila isang tunnel.
Nagkatitigan sina Pablo, Steve at Joshua dahil sa naalala nila ang katulad na istraktura noong nasa tribo sila ng mga katutubo. May ganito din dun. Inutusan ni Kadyo ang lahat na umusad hangang sa marating nila ang dulo ng tila tunnel na iyon. At habang tinatahak nila ito, ramdam ng mga ito ang papalakas na mga pag-yanig. Nasundan ito ng isang malakas na atungal at angil ng isang dambuhalang hayop.
Nagpatuloy sa pag usad ang lahat hanggang sa narating nila ang dulo ng underground. At doon lalong nagtaka ang tatlo dahil sa may napansin na naman ang mga ito na hawig na hawig sa nakita nila sa underground doon sa tribo. Ang pinagkaibahan lang mas maliit ito kumpara sa lawak ng nakita nila sa tribo.
Spirit Hive
Dahil sa mga pagkakatulad ng mga simbolong napansin nila sa guho, sa lungga ng nina Kanara nagtanong na si Pablo ukol dito. Agad naman pinaliwanag ni Kadyo ang tila altar at mga simbolong naka ukit sa mga bato na naroon sa silong.
Ayon pa kay Kadyo nagmula pa sa mga ninuno nila ang tradisyon ng paglagay ng ganitong mga simbolo, bilang proteksiyon sa masasamang elemento. Pero kahit na pinaliwanag na ni Kadyo kung para saan ang mga iyon hindi parin makuha ni Pablo ang koneksyon ng mga iyon.
“Huwag naman sana sumama ang loob niyo kuya Kadyo, mga kulto ba kayo?” Tanong pa ni Joshua.
“Aba’y tarantadong bata, anong kulto? Ano tingin mo sa amin mga satanista. Matagal nang nandito iyan sa ilalim, likha pa ang mga ito ng mga ninuno namin mula sa tribu ng Opiryum. At ayon sa kasaysayan ito ang nagtatanggol sa kanila mula sa panganib.” sabat ni Auring.
“Ang kulungan ng mga espiritung bantay. Ang mga simbolo na ito ay mga sinaunang orasyon at tanikalang nilikha ng mga taga tribo upang ikulong mula dito ang mga espiritu ng kabundukan ng Linunhan. At tanging ang mga nagmula lang sa angkan ng mga taga tribong iyon ang siyang may-kakayahang ikulong pabalik ang mga espiritung sina Pangil at Kaliskis.” biglang singit sa usapan ni Elias.
Napatingin ang lahat sa kanya, at nagtataka kung bakit alam nito ang tungkol doon. Inusisa rin nila ang pagkatao nito at kung paano sila naging magkasama ni Jahred at nakarating doon. Nagsalita naman si Jared at kinuwento ang lahat sa mga kaibigan. Halos hindi makapaniwala sina Pablo nang sabihin sa kanila ni Jahred na ilang buwan na silang nawawala at pinagluksaan pa nga sila ng kanilang mga kaanak at pamilya. Dahil sa pagkakaalam nila wala pa silang isang linggo sa lugar na iyon. Ikinagulat din nila nang makilala si Elias ang totoong Elias.
“Nilinlang kayo ni Gideon,O Ador sa tunay na pangalan. Kinailangan niya ng alay para makatawid sa panahong ito upang makuha ang pinakapakay niya sa lugar na ito.” ani pa ni Elias
“At ano naman ang pakay niya? ang kayamanan?” tanong pa ni Joshua.
“Higit pa sa kayamanan bro, pangarap ni Ador na makuha ang birtud ng walang hanggang buhay. Na tanging makakamit niya lang kung siya ang makapatay sa espirituwal na tagabantay na si Kaliskis. Ang dambuhalang ahas na nakita natin sa bundok noon.” ayon pa kay Jahred.
“Nasa journal ng lolo ko ang lahat ng mga naitalang kasaysayan ng Tribu ng Opiryum,ang maalamat na mga espiritu ng bundok Linunhan at ang mga mahiwagang salita at sumpa upang mabuksan ang pusod ng gubat para magkaron ng bukas na tawiran ang hinaharap,ang nakaraan at ang kasalukuyang panahon. Parang worm hole, O time warp ganun. Nandoon din sa journal ng lolo ang paraan kung paano mapapasunod si Pangil.” Dagdag pa ni Elias.
“Ang journal ba na tinutukoy mo ang libretang nakita ni nanay na nasa kamay ngayon ng sinasabi niyong si Ador?” Tanong ni Kaleah kay Elias.
“Mukhang iyon na nga iyon. So paano na,hawak niya na ang journal, marahil ngayon sinisimulan niya nang gawin ang mga plano niya. Nadinggoy talaga tayo ng huwad na iyon.” wika pa ni Pablo may sama ng loob dahil sa mga nalaman at natuklasan.
Tahimik lang sa tabi si Ken na inaalala ang mga napagdaanan nila ni Elias noong nahiwalay sila sa grupo. Lumapit si Dante sa kanila para ipaalam sa mga ito na mukhang nilampasan na sila ng dambuhalang si Pangil. Naunang lumabas si Balong sa kanila kasunod si Kadyo. Nang masiguradong ligtas na ang paligid, umakyat narin ang lahat. Nanlumo sila sa nakitang pinsala gawa ng paglitaw ni Pangil. Nasira ang halos kalahati ng mga pananim nila, nawasak ang bahagi ng bakuran at parte ng kanilang kubo. Ang ipinagtataka lang ng mga ito kung bakit sa parte lang na iyon naputol ang mga nasira at wala man lang sa ilang bahagi ng paligid. Na tila ba sa bakuran lang nila na nalanta ang dambuhalang si Pangil at doon narin ito naglaho.
Agad na tiningnan ni Kadyo ang kalendaryo.
“Hindi niya pa nagagamit ang libreta. Wala pa sa tamang araw ang pag-usal ng mga kataga. Sa makalawa pa ang pag litaw ng daktul. Sa araw na iyon kailangan ma sambit ang nakasulat sa libreta, sa lugar kung saan nag uugnay ang lahat.” Ayon pa kay Kadyo.
“Ayon sa balita sa radyo, may magaganap na phenomenon na tinatawag ng mga siyentipiko na super full moon.” saad pa ni Dante.
“Nabasa ko iyon dati sa journal, nagka-katawang tao ang ahas na si Kaliskis tuwing kabilugan ng buwan upang makipag isa sa mga piniling lahi. Hahanap ito ng katawan na maari niyang pagsalinan ng birtud. At sa oras na iyon ang pinakamahina ni Kaliskis.” Ang wika pa ni Elias sa lahat.
Nang marinig iyon ni Pablo, naalala nito ang sandaling nakita niya ang ahas na nagpalit ng anyo. Naging tao ito sa katauhan ni Erjune. Na ayon pa sa nagpakilalang Elias ay kuya niya. Sinabi niya ito at ikinuwento sa lahat. Bigla na lang naiyak si Elias nang marinig ang kuwento ni Pablo. Napagtanto nito na hindi pa patay ang dating kasintahan, buhay na buhay ito dahil taglay niya ang birtud ng walang hanggang buhay. Siya ang napili na pagsalinan nun. Iyon nga lang hindi na bilang tao kung hindi isa ng Espiritu ng kabundukan sa anyo ng isang dambuhalang ahas na kilala sa pangalang Kaliskis.
Kabilugan din kasi iyon ng buwan ng masaksihan ni Pablo ang pangyayaring iyon. At marahil ng mga sandaling iyon ay naghahanap ng mapagsalinan ng birtud si Erjune. At ang nakitang pag puti ng mga mata ng magkapatid na Kanara, Bal, at Damar ni Pablo ay maaring bahagi lang ng ritwal na pagsasalin.
“Saan naman matatagpuan ang pusod ng bundok?” Tanong ni Ken.
“Ang mapa, sa mapa na hawak ng kasama niyo.” ang saad pa ni Kadyo.
Kinuha ni Pablo ang mapa sa loob ng dala nitong bag at inilatag iyon sa mesa. Magulo ang pagkakalatag ng mga lokasyon at direksyon sa naturang piraso ng tela, bukod sa medyo burado na ang tintang ginamit, hindi rin nila mabasa ng maayos ang mga nakasulat doon. Tanging ang mga guhit at simbolo tulad ng bundok, gubat ,ilog at ahas lang ang nauunawaan nila.
Ngunit habang pinagmamasdan ni Ken ang mapa may napapansin ito roon, May kung anong mga imahe itong nakikita na wala naman sa orihinal na mapa. Bigla na lang itong lumitaw sa ibabaw nun, ang linaw na para bang isang hologram na gawa ng drone, kita pa ang aerial view ng isang lugar. Malinaw din na nababasa ni Ken ang mga letra mula sa mapa at naiintindihan niya ito. Agad niya itong sinabi sa lahat.
“Guys nakita niyo ba ang nangyayari sa mapa, gumagalaw ang mga imahe, parang mga drone shots. Pinapakita na sa atin ng mapa ang exact location ng hinahanap nating pusod ng bundok. See, kaya tayong dalhin ng mapang iyan sa lugar na hinahanap natin.” Wika pa ni Ken na naka tingin sa mapang nakalatag sa lamesa.
Nagkatitigan ang lahat na may pagtataka sa mga mukha, dahil wala naman silang nakikitang kakaiba sa mapa. Ni hindi nga nila nakita ang mga pinagsasabi ni Ken sa kanila. Ganun parin ang mapa, walang nagbago.
“wala kaming nakita pare, plain map parin ito, actually mukhang basahan lang. Anong drone shots? Selfie stick nga siguro wala pa sa panahon ngayon drone pa kaya?” Natawang sabi pa ni Joshua kay Ken.
Nagulat si Ken sa naging reaksiyon ng mga kasama.Kaya tinitigan muli nito ang mapa. Wala na nga ang nakita nitong imahe. Makailang ulit pa nitong kinusot ang mga mata, ngunit hindi na nito nakita ang napansin niya noong una sa mapa.
-*-
Nilapitan ni Elias si Ken at may tinanong ito dito. Hindi man kumportable kay Elias, kinausap parin ito ni Ken.
“Nababasa mo ba ang mga nakasulat sa mapa pare?” tanong ni Elias kay Ken.
Umiling si Ken. Hindi nito sinabi ang totoo kay Elias. May kung ano kasing nagsasabi sa loob ni Ken na huwag magtiwala sa Elias na nakilala niya ngayon. Maraming nangyari ng araw na iyon, kaya pagod ang lahat. Habang nagpapahinga sa ilalim ng puno si Pablo, nilapitan ito ni Ken.
“Pasensiya na kanina, hindi ko napigilan ang sarili ko nang makita kita. Nalaman tuloy nila ang tungkol sa atin.” saad ni Pablo ng makitang palapit sa kanya si Ken.
“Ayos lang , namiss ko rin naman ang halik na yun eh. Akala ko nga hindi ko na iyon mararanasan sa iyo.” tugon ni Ken
“Sa totoo lang na miss din talaga kita. Lalo na nang mawalay ka sa amin, akala ko wala ng chance na magkita pa tayo. Lalo na sa mga nalaman ko tungkol sa mga nangyayari. Buti na lang at binalik ka akin…ibig kong sabihin sa amin.” sabi ni Pablo.
“Pero, sa totoo lang hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa atin. Parang isang bangungot lang lahat. Biro mo, sabi ni Jahred,may ilang buwan narin tayong nawawala. Paano nangyari iyon eh wala pa nga tayong weeks dito sa lugar na ito.” ayon pa kay Ken.
“…and you are worried about sa kasal niyo ni Tin? Malamang hinihintay ka parin nun. Nakita ko kung gaano ka niya kamahal. Kaya kailangan maka alis na tayo rito, bago pa tayo abutin ng taon dito.” wika pa ni Pablo.
“May naghihintay pa nga ba sa atin Pabz? At gaano ba tayo ka siguro na after nito, makakabalik pa tayo sa atin?We are dealing with uncertain possibilities here. Lahat base lang sa isang alamat na ngayon lang din natin alam. Hindi nga natin alam na baka pina-pain lang tayo dito. And that Elias, pakiramdam ko may layers din iyan. “ ani pa ni Ken.
Hindi lang pala si Ken ang may nararamdamang pagdududa sa panibagong Elias na kasama ni Jahred. Ang interes nito at mga kaalaman tungkol mga nangyayari ay pinagdududahan din pala ni Pablo. Hindi rin mapaliwanag ni Pablo ang nararamdaman kay Elias sa unang kita pa lang niya rito. Lingid din kasi sa lahat nabasa na rin ni Pablo ang journal hindi man buo, ngunit ang mga bahagi tungkol sa mga ritwal ay minsan na nabasa nito. Wala roon ang tungkol sa mga nabanggit ni Elias o sadyang hindi lang iyon nakita at nabasa ni Pablo sa mga pahina ng journal.
Samantala sa kinaroroonan ng naunang Elias, narating nito ang isang bahagi ng gubat na nakasaad sa hawak nitong journal. Nakatayo ito sa isang malawak na espasyo ng kalupaan sa gitna ng mga naglalakihang mga puno ng dalakit na nakapalibot sa lugar na iyon na nagmistulang bakod na harang upang maikubli ang bahaging iyon. Sa gitna nito, naroon ang tila mga haliging bato na naka paikot sa isang rebultong bato na hugis ahas. Nilapitan ni Elias isa-isa ang pitong haliging bato na naroon. Sinimulang basahin ang mga simbolo na nakaukit doon, habang hinahawakan at hinihimas ang bawat ukit. Nasa ikapitong haligi na ito nang marinig nito ang atungal ng dambuhalang hayop. Ngunit hindi nagpatinag si Elias at pinagpatuloy ang mga pag usal sa mga naka-ukit na simbolo roon. Sa huling pagsambit ng salita ni Elias nanlaki ang mga mata nito nang makita sa harapan niya ang dambuhalang kilala sa tawag na Pangil. Pasugod ito sa direksyon ni Elias. Ngunit bago pa nito ma-dambahan ang lalake. Sinugod naman ito ng dambuhalang ahas na si Kaliskis. Naglaban sa harapan ni Elias ang dalawang dambuhalang nilalang. Pinagpatuloy ni Elias ang kanyang ginagawa habang abala ang dalawang nag-aaway. Binulatlat nito ang hawak na journal at binuksan sa pahinang naglalaman ng mga katagang nakasulat sa kakaibang mga titik. Na bigkas iyon ni Elias ng walang kahirap-hirap. At habang inuusal iyon ng lalake, biglang umugong ang napakalakas na bugso ng hangin at naging malaking ipu-ipo ito sa paligid nila. Ang bilis ng pag-ikot ng hangin na sinabayan pa ng malalakas na kulog at kidlat. Nabuo ang maiitim na kaulapan sa ibabaw ni Elias. Animo’y isang ulap ng bagyo ang lumitaw sa kalagitnaan ng maaliwalas na kalangitan.
At tanaw iyon mula sa kubo nina Auring. Kinagulat ng mag-asawa ang kanilang nakita.
“Patungong ilog iyan nay, ano kaya iyan?”. wika ni Dante.
“Ngayon ko lang nasaksihan ang ganyang kaulapan. Parang bagyo, ngunit nasa iisang bahagi lang.” Tugon ni Auring sa anak.
“Hindi ako sigurado, ngunit may hinala akong may kaugnayan ito sa mga nangyayari sa magkakaibang iyan. Nakakatakot mang isipin ,pero mukhang nasa kalagitnaan tayo ng isang tunggalian ng lakas.” turan pa ni Kadyo.
“lakas ng ano itay?”
“hindi ano, kung hindi sino. Ginising nila ang dalawang espiritung bantay ng bundok at kung paniwalaan natin ang kuwento ng isang alamat. Kailangan mag sabong ang kanilang lakas upang ipakita sa isa’t isa kung sino ang nararapat na maghari. Ang kabutihan ba o ang kasamaan.” ayon pa kay Kadyo.
“Ngunit ang kamatayan ng isa sa kanila ay kamatayan din ng isa. Hindi nila kailangang maglaban dahil magkadugtong ang kanilang buhay at iyon ang kahulogan ng rebultong ahas sa bato.” sabat ni Pablo sa usapan.
“Nabasa ko iyon sa journal. Taga balanse ng kalikasan ang dalawa. Si Pangil ang sumisimbolo sa kamatayan at katapusan, samantala si Kaliskis ang simbolo ng buhay ,nang simula at pagsibol. Ipinaliwanag iyon ni Elias sa akin. Ang di lang malinaw ngayon kung bakit nangyayari ito sa amin gayung isa lang naman iyong alamat.” saad pa ni Pablo.
“Maging kami man, walang ideya sa lahat ng ito. Ngunit minsan na naibahagi sa amin ni tatang Tacio, isang kilalang leader at kataas-taasang pari ng tribong Tag-Iyahon na napadpad sa lugar na ito. Ayon sa kanya may darating sa lugar na ito na siyang magpapalaya sa pagkakahimbing ng Espiritu ng kamatayan na si Pangil. At iyon ang simula ng maraming kaguluhan, sakuna, trahedya at sakit. Ayon pa kay tatang Tacio noon, sa oras na bumalik ang nawawala niyang libreta sa lugar na ito, darating ang taong magiging sanhi ng lahat ng pagbabago.” kuwento pa ni Kadyo.
“At maaaring isa nga sa inyo ang susi upang maisakatuparan ang pangitain noon ni Tatang Tacio.” Saad ni Dante kay Pablo.
“Si Elias, ang unang nagpakilalang si Elias, siya ang magpapalaya ng lubusan kay Pangil.” sambit pa ni Pablo.
Nasa kalagitnaan ng kanilang usapan ang apat nang lapitan sila ni Kaleah.
“Nawawala po ang isa sa mga kasama nila itay, iyon kasama ng huli. Iyong Elias din ang pangalan. Wala na siya sa kanyang tulugan ng silipin ito ni Jahred. Maging ang mapa nawawala.” sumbong ni Kaleah.
Pinuntahan agad ni Pablo ang mga kaibigan at inusisa. Ngunit si Joshua at Jahred na lang ang inabutan nitong naghahanda kasama si Balong. Hinanap ni Pablo sina Ken at Steve, ngunit ayon sa tatlo, sinubukan nilang sundan si Elias. Wala mang kasiguraduhan ang gagawin nila, nagpasya narin sina Pablo na sundan ang dalawa.
“Tay, sasamahan na po namin sila ni Balong, mas kabisado namin ang lugar na ito.” wika ni Dante na humingi ng permiso sa ama.
“Mag-ingat kayo, nawa’y makabalik kayo ng ligtas. At kung sa tingin niyo hindi na kayo kailangan, hayaan niyo na sila at bumalik agad kayo rito.” bilin ni Kadyo sa mga anak.
“Kami na po ang maalam Tay, ikaw na bahala sa kanila ni nanay at Kaleah, babalik kami kaagad. Buo at ligtas.“tugon pa ni Balong.
Kasama na nga ang dalawa, pinangunahan nila ang tatlo, Pablo, Joshua at Jahred. Destinasyon nila ang lugar kung saan makikita ang tumpok ng maiitim na ulap sa kalagitnaan ng gubat.
Nakabulagta sa isang damuhan si Elias na walang malay, Isang lalake ang lumapit sa kanya, wala itong saplot sa katawan. Inakay nito ang katawan ni Elias tsaka binuhat at dinala palayo sa lugar na iyon.
Samantala ipinagtataka nina Ken at Pablo ng bigla na lang na hanaw ang makapal na ulap sa gitna ng gubat. Naglaho ang tila bagyo na kanilang sinusundan.
“Paano na ito, nawala na. Baka maligaw tayo.” pangamba ni Steve.
“Sandali, mukhang nakita ko na ang lugar na ito.“saad ni Ken habang umiikot ang paningin sa paligid.
“Ano, paano mo nakita? saan?” usisa ni Steve.
“Sa mapa,nakita ko ito doon ng malinaw. Hanggang ngayon nga naaalala ko pa kung ano ang nandoon sa mapa.” ani ni Ken.
“sounds weird,pero kung natatandaan mo nga itong lugar mabuti iyan— Mapapadali ang kilos natin.”
Nagpatuloy ang dalawa nang marinig nila ang marinig nila ang mga sigaw nina Jhared at Pablo mula sa kanilang likuran. Napahinto sina Ken upang hintayin ang mga kaibigan.
Ngunit bago pa man nagtagpo ang dalawang grupo, lumabas mula sa mga kakahoyan ang dambuhalang bayawak, iba pa ito sa inaakala nilang si Pangil. Pasugod ito sa kanila ni Pablo. Gamit ang dalang baril, binaril nina Steve at Ken ang ang dambuhalang bayawak. Kaya napabaling ito sa kanila, sila naman ngayon ang hinahabol ng bayawak na kasing laki ng dalawang malalaking kalabaw na pinagsama. Habol takbo ang ginawa ng dalawa maiwasan lang ang atake ng bayawak. Pinaputukan din nina Pablo ang bayawak ngunit talagang puntirya talaga nito sina Steve at Ken.
“Pare,mag hiwalay tayo sa kanan ka sa kaliwa ako, lituhin natin ang hayop na ito, Ako ang mag papahabol.” mungkahi ni Ken kay Steve.
“Ako na pare, mas mabilis akong tumakbo sa iyo. “
Habang hinahabol ang dalawa ng bayawak, humahabol naman sina Pablo, jhared, Joshua at ang dalawang magkapatid sa bayawak. Napansin ng mga ito na humiwalay ang dalawa ng daan, Napasigaw pa si Pablo nang makitang habol-habol na ng bayawak si Ken.
“Akala ko ba dalawang hayop lang ang dambuhala sa panahong ito, saan na naman ng galing ang isang iyan?” saad ni Joshua.
“Marahil dulot iyan ng nakita nating tila bagyo kanina lang, baka na buksan na ni Elias ang portal kaya nakalabas iyan.” sambit pa ni Dante na nilokuban na ng kaba.
Habang nag tatakbuhan ang iba, bigla na lang napahinto si Jhared. Napansin iyon ni Balong kaya napalingon ito kay Jhared. Nanlaki ang mata nito nang makitang may kung anong bagay na kumakapit kay Jhared. Napasigaw na lang ng sabay ang dalawa nang bigla na lang May humila kay Jhared. Napalingon narin at napatigil ang iba nang makitang nakikipag-hilahan si Balong sa higanteng palaka kay Jhared.
“Kuya ang bolo!, putulin mo ang dila ng palaka, mabibitawan ko na si Jhared!” sigaw ni Balong sa kuya nitong si Dante na agad na sumaklo sa kanila.
Nahati na ngayon ang atensiyon ng lahat, hindi na alam ni Pablo kung saan at sino ang uunahin nila, sina Ken at Steve na hinahabol ng higanteng bayawak o si Jhared na balak nang kainin ng higanteng palaka.
Sa pag agap ni Dante, nasugatan nito ang dila ng higanteng palaka kaya nabitawan nito si Jhared. Matibay ang dila ng palaka kaya hindi ito naputol ni Dante. Agad na hinila ng magkapatid si Jhared na balot na ng malapot na laway ng palaka.
Tumakbo na naman ulit ang mga ito, dahil muli na namang pumuporma ang palaka para umatake. Dito na nag kahiwa-hiwalay ang lima. Kasama ni Jhared ang dalawang magkapatid sa kanan, sa kaliwang direksyon naman sina Pablo at Joshua.
“Putcha pare, ano na ba itong nangyayari sa atin? Hindi pa nga tayo tapos sa ahas at buwaya, meron na namang bayawak at ngayon palaka” wika pa ni Joshua.
“Hindi ko alam pare, pero kung nagsilabasan ang mga ito, ibig lang sabihin na maaring may iba pa.” ayon pa kay Pablo.
“Ano?! Anak ng singit naman pare. Mukhang dito na talaga tayo mababaon sa panahong ito. Kaya siguro wala ng nakakabalik pa sa mga nawawala sa bundok ng Linunhan.” saad pa ni Joshua.
patuloy parin nila hinahabol ang bayawak na humahabol sa kanila ni Ken at Steve
Hapong-hapo na sina Ken sa kakatakbo, paubos na rin ang mga bala ng kanilang baril sa kakabaril sa bayawak ngunit kahit na sugatan ito patuloy parin silang hinahabol nito.
“Pare sa banda dun, may maliit na butas sa ilalim ng mga batong iyon, hindi niya tayo mapapasok sa loob sa laki niya.” saad ni Ken kay Steve.
“Sure ka pare, hindi natin alam kung ano ang nasa loob niyan.” Pag-aalangan naman ni Steve.
“wala na tayong choice, papakain tayo sa isang ito o susugal sa butas na iyan. Hindi yata namamatay ang bayawak na ito.” wika pa ni Ken.
Binilisan pa ng dalawa ang kanilang takbo hanggang sa marating nga nila ang nakita nilang maliit na yungib sa ilalim ng malalaking bato na naroon. Maliit ang butas na iyon sa sakto lang sa katawan ng tao kung gumapang ito roon. Naunang nagpadausdos si Ken sa butas at sumunod naman si Steve, na muntik na maabutan ng bayawak kung hindi agad ito napasiksik sa butas.
Hindi na nga nagawang nahablot ng bayawak ang dalawa sa loob, kahit ano’ng tangka pa nitong nagpahaba ng dila. Sa inis ng bayawak dahil napurnada ang kanyang pananghalian, lumisan ito at nilubayan na ang dalawa.
Sa kakaiwas naman sa higanteng palaka, napunta sina Jhared at ang magkapatid sa isang buhay na bato na pamilyar kay Jhared. Agad nitong kinapa at nilinis ang mga halaman at damo na naka-tabon sa malapad at matayog na bato, na sa subrang lapad at laki nito nagmistulang batong pader na ito sa gitna ng gubat.
Ang Tulay
Tinulungan ng magkapatid si Jhared na baklasin at tanggalin ang mga naka-tabon na mga ugat at halaman sa napansing mala-pader na bato. At nang malinis ang isang bahaging iyon, napa-sigaw sa tuwa si Jhared.
“Ito iyon, ito nga iyon. Finally natagpuan din kita. Makakabalik na kami sa panahon namin.” ang galak na galak na wika pa ni Jhared.
“Anong meron sa batong ito?” tanong ni Dante kay Jhared na takang-taka naman sa reaksiyon ni Jhared nang masilayan ang pader na bato.
“Ang Monay na bato. Ito iyon hindi ako nagkakamali. Dito kami noon pumasok at dito rin kami lumabas bago kami napunta sa panahon niyo. Nasa loob nito ang hinahanap nating tulay ng panahon. Halikayo, tulungan niyo akong hanapin ang hiwa nito.” saad ni Jhared.
“Monay talaga? Iyon talaga ang pangalan ng batong ito?” natawang tanong pa ni Balong habang pinagpapatuloy ang pagbaklas ng mga halaman na kumapit na sa bato.
“Eh sa iyon ang tawag nila dito. Tulungan niyo na lang akong hanapin ang hiwa nito. Parang bitak lang iyon na sakto lang sa isang tao ang butas.” tugon ni Jhared.
Sa kalagitnaan ng kanilang ginagawa biglang pinahinto ni Dante ang dalawa at initusang mag tago sa mga makakapal na tanim. Mabilis naman kumilos ang dalawa. Nang walang ano-ano muling nag pakita ang dambuhalang palaka at patungo ito sa direksyon nila kung saan sila nagtatago. Napasiksik pa ng husto ang tatlo sa pinagtataguan nila para hindi sila mapansin ng dambuhalang hayop na iyon ngunit tila naaamoy na sila ng palaka. Nakita na lang ng mga ito na bumubuwelo ang palaka para tumalon sa pinagtataguan nila. At doon nga ang puntirya ng dambuhalang hayop.
Napatakbo muli ang tatlo nang makita sila ng palaka. Ngunit sa kamalas-malasan na-tisod sa mga ugat ng kahoy si Jhared at napasubsob ito. Siya na naman ang nakita ng palaka. Sumaklolo naman sa kanya si Balong at tinulungan siyang tumayo. Ngunit biglang humaba ang dila ng palaka at hinagip nito ang katawan ni Balong. Agad na man siyang hinablot at nahawakan ng mahigpit ni Jhared sa braso. Nakipaghilahan si Jhared sa palaka, hirap ito sa lakas ng dambuhalang hayop at malapit na nitong mabibitawan si Balong. Patakbo namang sumugod si Dante at pinagtataga ang dila ng palaka. Pero makapal at matibay ang dila ng hayop kumpara sa talim ng bolo nito. Nagawa niya mang sugatan ito pero balewala lang sa palaka iyon. Tinulungan na lang nito si Jhared na hilahin ang kapatid mula sa dila ng halimaw.
Pagod na si Balong at bumibigay na ang lakas nito. Nagpaalam na ito sa kanyang kuya. Handa na itong magpakain sa palaka. Niluwagan na nito ang kapit sa dalawa. Pero ayaw patalo sina Dante at Jhared na ibinuhos na ang siyento por siyentong lakas mahila lang si Balong mula sa dila ng dambuhalang palaka.
Sa pagiging desperado ni Dante na mailigtas ang kapatid. Napasigaw at binigkas ang pangalan ng dambuhalang ahas na si Kaliskis.
At ang sigaw na iyon ay umalingawngaw sa buong paligid. Nang ang pangalang binanggit bigla na lang lumitaw sa kanilang harapan. Natigalgal sina Jhared at Dante nang masilayan ng harap-harapan ang isang dambuhalang ahas na si Kaliskis.
Nabitawan ng palaka si Balong nang lingkisan ito ng ahas. Nagpangbuno ang dalawang dambuhalang hayop. Namangha ang tatlo sa labanan ng dalawang nilalang na iyon. Maaksiyon ang labanan ng dalawang hayop. Ginamit iyon na pagkakataon ng tatlo na makalayo sa mga iyon.
Narinig naman nina Pablo at Joshua ang sigawan na iyon nina Jhared. Sa pag aakalang nakatakas na ang mga ito sa humahabol sa kanilang dambuhalang bayawak lumabas sina Pablo at Joshua sa pinagtataguan nito. Balak ng dalawa na puntahan para tulungan sina Jhared. Ang hindi nila alam nasa likod lang nila ang dambuhalang bayawak na nakamasid sa kanila.
Sa paglapit ng dalawa sa lokasyon nina Jhared at ng mag kapatid na Dante at Balong nagulat ang mga ito nang makita ang dambuhalang ahas at palaka na nag lalaban. Kitang kita ng dalawa kung paano buong -buo kung isubo ng ahas ang dambuhalang palaka. Napa-atras ang mga ito nang napabaling sa kanilang direksyon ang ahas. Umaksiyong susugod ito sa kanila kaya bunsod ng takot at pangamba, pinaputukan ni Pablo ang ahas. Ngunit tila may sariling talino at isip ang ahas na si Kaliskis. Nagawa nitong makaiwas sa mga bala mula sa baril na hawak ni Pablo..
Umangil ang ahas na tila galit, pasugod ito kina Pablo at Joshua kaya wala nang nagawa pa ang mga ito kung hindi tumakbo pabalik. Ngunit agad din naman natigalgal at napahinto ang dalawa nang sa kanilang pag balik sa kanilang pinanggalingan, naroon ang dambuhalang bayawak na nakabuka ang bunganga at akmang kainin sila.
Ngunit bago pa man ito nagawa ng bayawak kina Pablo. Isang mabilisang pag sugod at pag-atake ang ginawa ng dambuhalang ahas sa bayawak. Tinuklaw nito sa ulo ang bayawak dahilan para umatras ito.
Napagtanto nina Pablo at Joshua na hindi pala sila ang puntirya ng ahas kung hindi ang bayawak at balak lang sila tulungan nito. Gamit ang malakas at malaki nitong nilingkisan ng ahas ang katawan ng dambuhalang bayawak. Matapos ang pakikipag sagupaan sa higanteng palaka, ang bayawak naman ngayon ang ka sparing ng ahas.
Naaliw man sa bakbakan ng dalawang dambuhalang nilalang kinailangan nina Pablo at Joshua na makatakas sa puntong iyon. Pinuntahan nila ang lugar kung saan huli nilang narinig ang sigaw ng tatlo.
Natagpuan ng dalawa sina Jhared at ang magkapatid na binabaklas ang mga nakabalot na halaman at ugat sa isang batong pader. Natigilan sina Pablo nang makita ang naturang pader na bato.
“Ang Monay na bato, ang lagusan.” bulalas ni Pablo habang nakatingin sa malaking bato.
Gumuhit ang ngiti sa mukha ng dalawa, kaya nagmadali ang mga ito na lumapit sa tatlo para tulungan ang mga ito na linisin at tanggalin ang mga nakaharang na mga halaman sa pader na iyon. Ngunit halos nabaklas na nila ang mga halaman at ugat na dumikit na sa bato ,wala parin ang hinahanap nilang bitak doon. Solidong bato ang buong pader na bato. Walang butas ,walang bitak.
Bumagsak ang kanilang pag-asa dahil hindi nila matagpuan ang hinahanap. Gayunpaman malaki ang paniniwala ng tatlo, Jhared,Joshua, at Pablo na iyon ang hinahanap nilang lagusan.
“posibleng ito nga ang sinasabi niyong lagusan, posible rin na hindi. Pero sa puntong ito mukhang kailangan muna nating makahanap ng ligtas na lugar malayo sa mga dambuhalang hayop na iyon.” wika ni Dante sa lahat.
“Tama si Dante mga bro, hahanapin pa natin sina Ken at Steve baka kung saan na iyon na punta. Babalikan na lang natin dito ang lugar na ito kapag ligtas na.” pagsang-ayon naman ni Joshua.
Paalis na ang mga ito nang umalingawngaw sa paligid ang nakakakilabot na atungal na may pag-angil ng isa pang dambuhalang nilalang si Pangil. Patakbong umalis ang lahat sa lugar na iyon nang makita ang paglabas ng dambuhalang buwaya mula sa masukal na kakahoyan at sa kanila ang pakay nito. Wala ng bala ang baril ni Pablo kaya ang tanging magagawa na lang nila para maka takas ay ang tumakbo at sumuong sa makikipot na ugat ng mga malalaking puno, o di kaya sa mga siwang ng mga bato, para hindi lang maabutan ng buwaya.
Tunay ngang bantay ng gubat ang ahas, Matapos matalo ang bawayak , sinugod naman nito ang buwayang si Pangil.
Saksi ang lahat kung paano balibagin ng ahas ang buwaya. Nagawang sakmalin ng buwaya ang ahas ngunit ang mahigpit na pagkalingkis ng ahas sa kanyang katawan ay masyadong malakas, kaya nabitawan nito sa kanyang bunganga ang ahas. Nagpagulong-gulong ang buwaya at pilit na kumakawala sa pagkakagapos ng ahas sa kanya. Sa pagpalag ng buwaya naihahampas nito ang malaki niyang buntot sa mga puno sa paligid, at sa pader na bato sa kanyang likuran. Sa isang malakas na bigwas pa ng kanyang buntot, Natibag ang ibabaw na bahagi ng pader na bato. Bumagsak ang malalaking tipak ng bato sa buntot ng ahas. Naipit iyon doon, nakaramdam ng sakit ang ahas kaya mapaluwag ang paglingkis nito sa buwaya.Pagkakataon iyon sa buwaya para umabanse sa laban.Sasakmalin na nito ang ahas malapit sa ulo ngunit mabilis na nakaiwas ang ahas, natanggal narin ang buntot nito na naipit sa bato. Ang kanilang labanan ay nag dulot ng mga maliliit na pagyanig sa paligid. At ang mga pagbunggo at paghampas ng kanilang katawan sa pader na bato ay nag dulot ng maliliit na linya ng bitak. At sa isa pang paghampas bumakat sa dingding ng pader ang katawan ng buwaya. Lumikha ito ng huka sa pader at malaking bitak na patayo, na tila humati sa batong pader.
Napansin ni Pablo ang sumisilip na liwanag sa bitak ng pader. Nakita rin iyon ng iba na ikinamangha nila. Nang bigla na lang lumabas ang liwanag mula doon. Nakakasilaw ang puting liwanag na minsan niya ng nakita noon sa underground ng tribo nina Damar. Kasunod nun ang pag litaw ng napakalakas na hangin na bumayo sa buong paligid. Sa lakas nito tila ipo-ipo itong hinihigop ang lahat na puwedeng matangay nito. Mga bato,mga halaman,maging ang maliliit na puno nabubunot sa lupa at pumapaibabaw sa ere.
Magkahawak kamay naman ang walo na nilipad na rin ng malakas na hangin. Kanya-kanyang kapit ang mga ito ng mahigpit sa malalaking ugat ng kahoy para hindi lang matangay ng alimpuyong iyon. Saglit lang at humupa din ang malakas na buhawi maging ang liwanag nawala na rin.
Bakas ang naiwang pinsala ng pangyayari sa paligid nabuwal sa lupa ang ibang mga puno at halaman. Tila winalis ng hangin ang masukal na gubat at lumawak ang paligid. Wala na rin ang dalawang dambuhalang hayop. Tumambad sa lahat ang ngayong mukha ng batong pader.
“Ang lagusan” sabay na bulalas ng tatlo na nakatingin sa bitak na nilikha ng pagsabog ng dalawang dambuhalang nilalang.
Napalapit ang lima sa pader, tinungo ang nalikhang bitak roon.
“iyon pala ang dahilan kung bakit nagkaroon ng bitak ang pader na batong ito.” wika ni Pablo habang himashimas ang bitak.
“Tara na pare, pumasok na tayo sa loob nang masiguro na natin kung ito nga iyon.” ang excited na sambit ni Jhared.
“Saglit lang, wala tayong alam sa kung ano ang meron diyan sa loob. Baka lalo lang ito ikapahamak natin.” pag aalangan pa ni Dante.
“Pero paano natin malalaman kung ano ang meron sa loob kung hindi tayo papasok. Mga dude, bro ,pare napunta tayo sa lugar na ito dahil sa kuryosidad natin. Baka iyon din ang paraan para makabalik na agad tayo.” Ayon pa kay Joshua.
“Ako ang unang papasok, maiwan kayo dito sa labas, kung may mangyari man ako lang. Tatawag ako kapag clear ang loob.” saad ni Pablo.
May pag aalangan man, nagkasundo sila sa suhestiyon ni Pablo. Isiniksik ni Pablo ang sarili sa makipot na bitak sa pader na iyon habang nag aabangan naman sa labas ang apat. Pahirapan ang pag sugong sa butas na iyon dahil hindi ito ganun ka laki kumpara sa natagpuan nila sa bundok ng Linunhan. Sa pag tiyaga ni Pablo, matagumpay itong nakapasok sa loob. Nanlaki ang mga mata nito sa mangha nang masilayan ang loob nun. Natuwa ito sa kanyang nakita kaya agad itong bumalik sa lagusan para ipaalam sa iba ang kanyang nadiskubre.
Isa-isang pumasok ang apat sa bitak, at maging sila namangha sa kanilang nakita. Lalong-lalo na sina Jhared at Joshua. Sa sandaling iyon nasilayan nila ang buo at solidong guho na minsan na nilang nakita. Nakakamangha ang istraktura sa loob. Napansin agad nila ang malaking rebulto ng ahas na naroon sa gitna.
“Ang templo ng mga Opiryum.” bulalas ni Dante, na hindi makapaniwala sa kanilang ng nasumpungan.
“Nakabalik na tayo sa guho mga bro. Sa wakas makakauwi na tayo.” ang masayang wika ni Jhared.
“Kakailanganin pa natin maghintay ng kabilugan ng buwan bago muling mabuksan ang lagusan. At isa pa wala pa rito sina Ken at Steve, hindi tayo makakaalis ng hindi sila kasama.” Saad ni Pablo.
“Sa makawala na ang kabilugan ng buwan. Sandaling oras na lang ang hihintayin natin bago iyon. Kaya mas mabuting dumito na kayo. Kami na ang hahanap sa mga kaibigan niyo.” Wika ni Dante.
“Sasama na ako, sina Jhared at Joshua na ang maiwan dito. Alam ko kung saan namin huling naiwan ang dalawa.” Tugon ni Pablo.
“Kung gayun maiiwan na rin sa kanila si Balong, mas kabisado ni balong ang gubat.” sabat pa ni Dante.
“Sige kuya ako na bahala dito, pero sasabay na ako sa inyo palabas, maghahanap ako ng makakain sa paligid para may makain naman tayo.” dugtong ni Balong.
“Sasamahan na kita pare.” sambit ni Joshua.
“Teka-teka,iiwan niyo ako rito na mag isa. Hindi puwede, sasama na ako sa inyo.” singit ni Jhared nang mapansin nitong maiiwan ito roon.
“Kailangan may maiwan dito pare para magbantay, saglit lang kami nitong si Balong. Sa malapit lang kami hahanap ng pagkain.” sabi pa ni Joshua.
Naiwan nga roon si Jhared. Nasa isang sulok lang ito nang may napansin ito sa mga batong haliging nakapaikot sa rebulto. Nilapitan niya iyon at tiningnan isa-isa. Napansin nitong nagbabago ang mga nakaukit na detalye ng sulat at simbolo sa mga bato. Ang magulo at hindi mabasang mga linya at simbolo ay unti-unting napapalitan ng mga letra hanggang sa naging malinaw ito sa kanyang mga mata at kanya nang nababasa at naiintindihan.
Nang mabasa lahat iyon ni Jhared napaatras ito sa bilog na naroon ng bigla itong gumalaw paikot. Maging ang mga haliging bato na naka paikot sa rebulto. Umaayon sa pag ikot ng bilog sa sahig. Nahinto ang mga paggalaw nang mapansin ni Jhared na nagkakatapat-tapat na ang mga haliging bato sa isa’t isa. Maging ang mga guhit at linya sa sahig ,luminya ito ayon sa simbolong tugma sa katapat na haligi.
Nakiramdam pa si Jhared sa mga mangyayari, bagaman may kaba at takot sa mga nasasaksihan nito. Nanatiling kalmado ito. Lalo na nang maunawaan nito ang ibig sabihin ng mga naka-ukit sa mga bato.
Tumahimik ang paligid ng huminto na ang mga paggalaw. Natigalgal na lang si Jhared nang mag silabasan sa paligid ang mga taong matatangkad, kulay kayumanggi ang mga balat, puno ng tattoo ang katawan, mukhang mga dayuhan, mga magagandang tao. Mga babae at lalake lahat walang mga saplot sa katawan liban na lang sa mga suot nilang mga kuwentas at alahas na yari sa mga bato at kumikinang na ginto na mayroon sa kanilang katawan.
Napa-atras si Jhared nang lumapit sa kanya ang tatlo sa mga iyon. Isang babae at dalawang lalake. Ang ikinagulat pa ni Jhared dahil kamukha nina Dante at Balong ang dalawa sa mga lalake, maging ang babae kamukhang kamukha ng kapatid na babae nina Dante at Balong.
“Ibalik niyo sa lugar na ito ang ninakaw na trabungko ni Kaliskis sa kanyang noo bago sumapit ang ugsad. Sa paraan lang na iyon maibabalik sa dati ang lahat.” wika pa ng babae.
May inabot namang mga sandata ang dalawang lalake kay Jhared. Isang sibat na tubog sa ginto at isang punyal na yari sa purong ginto ang hawakan.
“Ang sibat na ito ang tanging makakapatay kay pangil. Nilikha ito ng mga diyos upang maging sandata laban sa panganib dulot ng kasakiman at ganid.” Saad ng isang lalake na kamukha ni Balong.
“At ang punyal na siyang hinugot mula sa kawalan. Ito ang gagamitin niyo upang kunin ang trabungko sa puso ni Pangil.” Wika naman ng isa na kamukha ni Dante.
“Nalalabi na lang ang mga oras para gawin ang mga hakbang. Dahil sa oras na mangibabaw ang kabiguan, katapusan ng mga naririto sa ibabaw ang kabayaran.” ayon pa sa babae.
Magsasalita pa sana si Jhared nang nawala na lang na parang bula ang mga ito sa kanyang harapan. Maging ang mga tao sa paligid nawala na rin. Hawak sa kamay ang mga bagay na ibinigay sa kanya. Balot ng maraming katanungan si Jhared.
Samantala sa kinaroroonan nina Steve at Ken, namangha ang dalawa sa lawak at laki ng loob ng yungib na kanilang napasok. Doon tumambad sa kanila ang nakakalulang ganda ng loob ng yungib. Kumikinang ang paligid nito dahil sa mga brilyante na tadtad sa buong dingding. Sa dulo pa ng yungib na iyon tumambad sa kanila ang mga istrukturang lalong nagpamangha sa dalawa.
Isang malaking bato na hugis ulo ng buwaya ang naroon sa isang dulo, kung saan sa baba nito naroon ang gabundok na ginto na hindi mabilang sa dami.
Ang Trabungko ng Ahas
Nakabalik na sa loob ng templong bato ang apat bitbit ang mga pakay nila labas, ngunit bigo sina Pablo at Joshua na mahanap sina Ken at Steve. Ngunit laking pagtataka ng apat nang hindi nila inabutan sa loob si Jhared. Kinutuban ng hindi maganda si Pablo kaya naghiwahiwalay ang mga ito para galugarin ang bawat sulok ng templo upang hanapin ang kaibigan. Batid nila na hindi nakalabas si Jhared dahil nandoon sa lapag ang bag nito. Malawak ang mga espasyo sa loob ngunit silyado ang paligid, walang ibang lagusan bukod sa bitak at sa butas sa ibabaw nito na sentro sa rebulto ng ahas.
Kanya kanyang tawag na kay Jhared ang lahat ng hindi nila ito mahanap sa paligid. Umaalingawngaw na ang mga boses nila sa loob ngunit walang tugon mula sa isang Jhared. Nang may narinig si Balong mula sa pader na nasa likod nito.
“Tumahimik muna kayo saglit, tila may naririnig akong boses mula sa likod nitong pader.” wika ni Balong na idinikit ang tenga sa pader.
“Ano ang naririnig mo Bal?” tanong ni Dante sa kapatid.
“si Jhared, nasa likod ng pader na ito si Jhared naririnig ko ang boses niya.” bulalas ni Balong.
Kinalampag,at kinapa-kapa ng apat ang malapad na pader habang tinatawag si Jhared. At tulad ni Balong naririnig din ng mga ito ang tinig ng kaibigan na nagmumula nga sa likod ng batong pader na iyon. Mahina ang boses ni Jhared kaya naririnig lang nila kapag idinidikit nila ang kanilang mga tenga roon.
“Tumahimik muna kayo may sinasabi si Jhared.” sambit ni Pablo.
“Nasa mga nakaukit daw na bato sa sahig ang daan.” wika ni Dante.
Napansin ni Joshua na tila nagbago nga ang pagkakaayos ng mga simbolo na nakaukit sa paligid ng rebulto. Nilapitan ito ni Joshua.
“Pakinggan niyong mabuti ang instructions ni Jhared, titingnan ko dito sa mga simbolo.” Saad ni Joshua sa tatlo.
Ganun nga ang ginawa ng tatlo, si Pablo ang tagasigaw ng tanong para kay Jhared ang kapatid naman ang nagbabato ng instruction kay Joshua.
“Apakan ang simbolo na hugis araw!” sigaw ni Dante kay Joshua dahil iyon ang narinig nito mula sa mahinang boses ni Jhared.
Hinanap ni Joshua ang simbolo ng araw , nalilito pa ito dahil halos magkaparehas lang ang mga bilog na simbolo na nakaukit doon.
“Alin ba sa mga ito ang araw?” tugon na sigaw ni Joshua habang ini-isa-isa ang mga simbolo sa sahig.
“Ang may balaraw sa gitna. Bilog na may sinag sa paligid.” sabat ni Balong kay Joshua.
Nang makita iyon ni Joshua inapakan niya ito ayon sa sabi ng tatlo. At sa pag apak nga ni Joshua bigla na lang umu-sog pakanan ang mga haligi sa paligid ng bilog. Gumalaw ito na ikinagulat ng apat. Tila May kung anong mekanismo ang konektado sa mga simbolo sa sahig na siyang nagpapagalaw ng mga haligi sa paligid. Nagpatuloy ang apat sa kanilang ginagawa, at sa bawat simbolo na ina-apakan ni Joshua, papalit-palit ang mga posisyon ng mga haliging bato.
“Hanapin mo ang palaso na nakatutok sa rebulto ng ahas.” sigaw ni Dante.
Agad na nakita iyon ni Joshua, tsaka inapakan inapakan niya iyon. Ang sumunod na nangyari ang lalong ikinamangha ng apat. Muling gumalaw ang mga haliging bato, maging ang bilog na dibuho sa sahig na may mga simbolo. Gumalaw iyon ng paikot, dahilan para mapa atras si Joshua palabas sa bilog. Ilang saglit pa biglang lumubog sa sahig ang mga haliging bato, kasabay nun ang pag angat naman ng rebulto ng ahas. Umangat pa ito sa sahig hanggang sa tumambad sa kanila ang isang lagusan sa paanan ng rebulto.
At doon lumabas si Jhared. Tinawag niya ang apat at pinalapit sa kanya. Nagmadali naman ang apat. Napansin pa nila ang hagdan pababa. Makipot ang hagdan pababa at may katirikan ito.
“Halikayo bilisan niyo at may ipapakita ako sa inyo.” Wika ni Jhared na nauna nang bumaba ng hagdan.
“Hindi ba magsasara ang lagusan na ito? Baka ma trap tayong lahat, mas mabuti siguro kung maiwan ang isa sa atin sa labas.” sambit ni Pablo na may pag a-alinlangan.
“Hindi na sa-sara iyan, huwag niyo lang hawakan ang alin man sa mga nakausling bakal na iyan. Nahawakan ko kasi iyan nang pababa na ako.” saad ni Jhared na tinuturo ang mga naka-usling bakal sa dingding pababa.
Sinunod ng apat ang sabi ni Jhared. Namangha silang lahat sa kanilang nasaksihan habang pababa sila ng hagdan. Walang ilaw sa bahaging iyon ngunit maliwanag ang buong paligid. Hindi nila matukoy kung saan nagmumula lang ang liwanag ngunit sa liwanag ng loob animo’y umaga roon. Isang kuweba iyon ngunit napakalawak ng espasyo.
“Ano ang lugar na ito? Paano mo ito nakita pare?” tanong ni Joshua.
“Sila ang nagturo sa akin.” wika ni Jhared habang nakaturo sa malaking bato sa gitna.
Napatuon ang lahat sa tila itim na marmol na bato. Mataas ito at malapad, nasa dalawang palapag na bahay ang taas ng bato.
“Ano iyan, at paano ka niyan tinuruan?” tanong pa ni Dante.
Hinawakan ni Jhared ang bato. Napaatras sila nang makitang lumiwanag ang bato. Tumambad sa kanila ang mga pamilyar na simbolo na nakita na nila sa mga ukit sa sahig ng templo at sa mga haliging bato roon. Ilang saglit pa nagmistulang salamin na ang bato. nakita na ng mga ito ang kanilang mga sarili sa mismong bato na nasa harapan nila. Pagkamangha at pagtataka ang mababanaag sa mga mukha ng apat habang pinagmamasdan ang mga sarili sa bato. Nang bigla na lang nag-iba ang anyo ng kanilang mga repleksiyon sa bato. Ilang mga pamilyar na mukha ang nagpakita kina Joshua at Pablo. Maging sina Dante at Balong nagulat sa kanilang nakita.
“Kanara, Damar, Bal kayo?” wika ni Pablo.
“kilala niyo sila pare?” gulat na tanong ni Jhared.
“Kami ba iyan?” ang laking pagtataka ni Dante nang makita si Damar na kamukhang-kamukha nito.
Maging si Balong ay nagulantang ng makita ang sarili sa katauhan ni Bal at ng kapatid nilang babae na si Kaleah na kamukha naman ni Kanara.
“Sila ang nagligtas sa amin noong nahulog tayo sa bangin. Sa tribo nila kami napunta.” wika ni Joshua.
“Nabuksan na ang mga lagusan at mga tawiran. Papalapit na ang nakatakdang pag halik ng buwan sa bundok. Ibalik niyo sa kanyang kanlungan ang trabungko. Kayo ang daan ang pinili. Gawin niyo ang lahat bago mapunta sa maling palad ang kapalaran ng mundo.” saad ni Kanara nang magsalita ito. saan nagtatagpo ang dilim at liwanag, kung saan umaagos ang daloy ng w. Kung saan ang hiwaga at kinu-kubli sa w lagaslas. Doon nakatago ang puso ni Kaliskis.“ sabat ni Damar.
Naguluhan ang lahat sa tugon sa kanila ni Damar.
“Sabihin mo niyo na lang ng direkta sa amin ang lahat, ano ba ang trabungko at saang lupalop ng bundok na ito namin matatagpuan? Kung mahalaga ang bawat oras, huwag niyo na kaming bigyan ng bugtong.” sabi pa ni Pablo.
“Ituturo sa inyo ng bundok ang daan dahil kayo ang napili ng mga espiritung gabay.” tugon pa ni Kanara.
“Sa Ilog, nakabaling sa kanluran ang agos nito.” wika ni Balong.
“Saan sa ilog? Sa ilalim ng tubig?, saan doon?” tanong pa ni Joshua.
“Sa dulo ng ilog. Minsan na ako napadaan sa bahaging iyon. May yungib doon kung saan tumutuloy ang daloy ng tubig sa ilog.” sagot ni Dante nang maisip nito ang ilog na tinutukoy ng kapatid.
“Kung gayun kailangan na nating kumilos nang matapos na ang lahat ng ito.” ayon pa kay Pablo.
Nang sa kalagitnaan ng kanilang diskusyon, bigla na lang nakarinig ng ugong ang lahat, at nakaramdam ng pag uga ng paligid .Napansin na lang ng mga ito na gumagalaw ang pader na bato sa paligid. Napatingin ang lahat sa kanilang likuran nang mapansin nila ang pag yanig ng yanig ng paligid na sinundan ng mga tunog ng nag-uumpugang mga bato.
“Ang daan, nag sa-sara ang lagusan!” sigaw ni Joshua nang makita ang unti-unting pagbaba ng kisame ng kuweba.
“May gumalaw sa mga bakal” wika ni Jhared.
Nagmadali ang lahat na akyatin ang hagdan ,baka sakaling maabutan pa nila ang maliit na siwang ng lagusan ngunit mabilis ang pagbaba ng bato. Tuluyan ng nagsara ang lagusan. Napamura na lang ang lahat nang matagpuan ang mga sarili na na-trap na roon. Batid ng lahat na may gumalaw sa mga bakal na nagsisilbing harang upang hindi sumara ang lagusan. At nagkasundo ang kanilang mga isip. Iisang tao lang ang pinaghihinalaan nilang may gawa nun.
“si Elias, pakiwari ko tayo lang ang binabantayan ng taong iyon. At narinig niya ang lahat. Sigurado ako na sa ilog ang tungo niya.” wika ni Pablo.
Pabalik na sila sa malaking bato para sana tanungin sina Kanara kung paano sila makakalabas doon ngunit naglaho na ang mga iyon. Bumalik na sa dati ang anyo nito.
Hinawakan muli ni Jhared ang bato sakaling lumiwanag muli ito at makausap ang tatlo. Ngunit hindi na tumutugon sa kanila ang naturang bato.
“Pare paano mo ba kami nakakausap kanina? noong nasa labas kami?” tanong ni Joshua kay Jhared.
“Dito sa bato na ito, nang hinawakan ko ito nakita ko kayo sa labas at malinaw ko kayong naririnig dito. Hindi ko lang alam kung ano ang nangyari bakit hindi na ito tumutugon sa hawak ko.” sagot ni Jhared.
Lalong na dismayado ang lima sa kanilang sinapit. Napansin din nila ang unti-unting pag lamlam ng liwanag sa loob. Hindi na ito kasing liwanag nang dumating sila. Ikinababahala iyon ng lima. Kanya-kanyang ang lahat sa paghagilap ng daanan sa lahat ng sulok doon. Kinapa-kapa nila ang mga dingding,ang bawat haligi , mga bato at maka ilang ulit din nilang hinimas ang itim na bato sa gitna sa pagbabasakaling lumiwanag ito muli. Padilim na ng padilim ang paligid, at mabilis na nilalamon ng anino ang bawat bahagi ng lugar na iyon.
“wala ng hihiwalay, papadilim na dito. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin. Kaya mainam na magkakasama tayo at mag hintay.” wika ni Dante.
“Ano pa ba ang hihintayin natin, hindi na tayo makakalabas sa lugar na ito. Dito na tayo mamamatay. “ sambit ni Joshua.
“Subukan lang magpakita ng Elias na iyon, hindi talaga siya sasantuhin ng kamao ko.” tugon ni Pablo.
“iyon kung makakalabas pa tayo rito” ani pa ni Balong.
Tuluyan nang nilamon ng dilim ang paligid. Sa subrang dilim halos hindi na nila makita ang isa’t isa. Nang walang anu-ano, sa gitna ng purong kadiliman May napansin sila isang sulok. May bagay na bigla na lang nag bigay liwanag sa paligid. Napatingin doon si Jhared at naalala ang sandatang ibinigay sa kanya ng tatlo. Itinabi niya iyon sa isang sulok nang salubungin nito ang mga kaibigan. Nakaligtaan niya na iyon at naka-limutang sabihin sa kanila. Nilapitan iyon ni Jhared at dinampot iyon.
Namangha ang lahat sa kanilang nakita, Winasiwas ni Jhared ang hawak na mga sandata na tila ba nakikipag eskrimahan ito sa hangin. Ang bawat pag hataw nito sa mga sandata ay nag dudulot ng mas matingkad na liwanag sa paligid. Kaya pinagpatuloy niya ito. Hanggang sa tumilapon ang mga liwanag mula sa mga sandata, lumabas ito doon na tila ba maliliit na mga bolang apoy. Natigalgal ang lahat sa kanilang nasaksihan. Nagpaikot-ikot ang mga iyon sa loob ng kuweba, hanggang sa bigla na lang ang mga ito ay naglaho. At muling nabalot ng dilim ang paligid.
“Ano iyon saan na iyon napunta?” tanong ni Pablo na napa-kapa na lang sa mga kasama.
“Hayun!” sigaw ni Dante nang makita ang pagsilip ng bolang apoy sa malayo.
“Parang gusto niya na sumunod tayo.” wika ni Joshua.
Ngunit pinigilan sila ni Pablo, nagdadalawang isip ito. Inisip nito na baka isa lang iyong patibong at kung ano na namang kapahamakan ang naghihintay sa kanila.
“Ayuko pang malibing dito dude, bahala na. Kung ang mga sandata na ito ay galing sa kanila at ang mga iyan ay mula dito, I will dare to take the risk.” saad ni Jhared.
“sang ayon ako sa iyo pare, Nandito na tayo kailangan na nating itodo.” pagsang-ayon ni Joshua.
kumasa din ang magkapatid na Dante at Balong. May mga pag alinlangan man at kabado, sumang-ayon na rin si Pablo. Sinundan nila ang dalawang bolang apoy na nagsisilbi nilang gabay sa napakadilim na daanan. Patag ang tinatakbuhan ng lima ngunit ramdam nila na tila tumatakbo rin ang kanilang ina-apakang sahig. Rinig nila maging ang mga pag galaw ng mga bato sa paligid kahit wala silang nakikita.
Hanggang sa may napansin na si Pablo.
“Mga pare hindi tayo umaabante, tumatakbo lang tayo pero hindi tayo umuusad!” sigaw ni Pablo.
“shet pare hindi ko magawang huminto, hindi ko makontrol ang mga paa ko!” sigaw ni Joshua.
Kahit anong pilit ng lima na itigil ang kanilang pagtakbo, hindi nila magawa na para bang tumatakbo sila sa isang malaking treadmill. Kahit subukan pa nilang bagalan ang takbo hindi nila magawa. Nasa unahan parin nila ang mga sinusundang mga bolang apoy. Patuloy lang ang mga ito sa pag lipad.
Nang biglang huminto sa dulo ang mga bolang apoy. Unti-unti na rin bumabagal ang takbo ng lima. Hanggang sa tuluyan na ngang nahinto ang mga paggalaw sa paligid pati sa sahig. Kasunod nun muling pag laho ng mga bolang apoy. Tila nasa bingit ng kawalan ang lima dahil sa sobrang dilim. Gayunpaman naglakas ng loob si Jhared na umabante kahit walang kasiguraduhan ang mga paghakbang nito.
“Dead end na! Pader na yata itong nakakapa ko!” sigaw ni Jhared nang mahawakan ang malapad na batong pader.
“Huwag kang aalis diyan pare, lalapit kami!” sigaw ni Pablo.
Nang nandoon na ang lahat sa pader na iyon, si Dante naman ang may napansin. Idinikit nito sa pader ang tenga at pinakinggan ng husto ang kanyang narinig.
“May tubig sa likod ng pader, malakas ang ugong at bagsak ng tubig! Subukan niyong kapain ang pader, hanapin niyo kung may mahawakan kayong basa!“sigaw ni Dante na may tuwa sa boses.
Kanya-kanyang kapa sa pader ang lima. Hanggang sa may nakapa ngang basa si Joshua. Doon sila nag pukos lahat at sinubukang hanapin kung may paraan ba na makakalabas sila roon. Sa di inaasahan may naapakan si Balong. Biglang lumubog ang batong naapakan nito kaya sa takot napa atras ang lahat. Umugong ang paligid, kasabay ng muling pag galaw ng mga bato sa loob.Nang may napansin si Balong.
“Bumubuka ang pader!”
Saglit pa, tuluyang nahati sa gitna ang pader. Humawi sa magkabilang bahagi ang pader na bato. Bumukas ito sa gitna at napanganga ang lahat sa tanawing bumungad sa kanila. Nakatayo ang lima sa likod ng isang malaking talon. Ang tayog ng bagsak ng tubig ng talon. Nakakalulang tanawin. Napakaganda ng paligid na balot ng makakapal na mga dahon at halaman. Makulay ang paligid dahil sa mga wild orchid na nasa paligid lang ng taon. Malalaki rin ang mga bato, matatayog at malalaki ang mga puno. Kulay asul ang mala kristal sa linaw na tubig. Tila isang paraiso ang bumungad sa lima. Dagdag pa ang mga makukulay na mga ibon na sobra namang kakaiba.
“Hindi ko alam na may ganito pala dito kuya, ang ganda.” wika ni Balong na nakanganga na lang sa tindi ng pagkamangha sa paligid.
“Ito na yata ang Eden mga dude, parang nasa painting lang tayo napakaganda.” nakangiting reaksiyon naman ni Jhared.
“Di kaya nasa iba na naman tayong mundo nito pare? Ibang-iba na ang paligid sa pagka alala ko gabi na diba?,ang bilis naman yata ng umaga.” pansin pa ni Joshua.
“Wala na tayo sa mundo natin pare, kaya hindi na nakakapagtaka ang ganito. Kailangan lang malaman natin kung nasaan na tayo. “ saad ni Pablo.
“Napaligiran tayo ng matatayog na talon, tingnan niyo ang araw at ang direksyon ng agos ng tubig, magkatapat lang. Ayon kay Damar, Kung saan nagtatagpo ang dilim at liwanag, Sa direksyon kung saan sumisikat ang araw diyan din masisilayan ang pag litaw ng buwan. Kung saan umaagos ang daloy ng walang hanggang buhay. Ang tubig ng talon ang kanyang tinutukoy. Kung saan ang hiwaga ay kinu-kubli sa ingay ng lagaslas. Doon nakatago ang puso ni Kaliskis. Ang agos ng tubig, sundan natin ang tubig!.” wika ni Dante.
Wala nang inaksaya pa na oras ang lima. Naging gabay nila sa kanilang pag usad ang agos ng tubig mula sa mga talon. Tangan ang pag-asa na matatapos din ang lahat. Nagpatuloy sila may determinasyong magtagumpay.
Samantala, inakyat ng dalawa Ken at Steve ang dambuhalang rebulto ng buwaya sa gitna ng mga gabundok na mga kayamanan at ginto.
“Tang ina pare, kahit isang bulsa lang ng ganito, buhay milyonaryo na tayo nito. Solid gold ito pare, tapos itong mga diamond legit.” Wika ni Steve habang sinusuri ang mga ginto at mamahaling bato sa kanilang paligid.
“Tumigil ka, hindi natin alam kung ano ang kapalit ng mga ito. Baka may sumpa pang kasama ang mga iyan. Kailangan na nating makalabas dito baka nag aalala na ang mga iyon sa atin.” saway ni Ken.
“Feel ko si captain hook ang may-ari ng mga ito. Rebulto pa lang halata ng ganid sa kayamanan ang may-ari. “ saad ni Steve.
“Hindi lang ito basta rebulto, tingnan mo may lagusan.” Nang mapansin ni Ken ang tila lagusan sa gitna ng dambuhalang rebulto.
“Papasok tayo diyan?” pag aalangan ni Steve.
“Naghahanap tayo ng daan palabas, kaya lahat ng butas susubukan nating pasukin.” tugon ni Ken at nauna nga ito kay Steve na akyatin ang nakitang daanan.
Malaki para sa tao ang lapad at taas ng bungad ng lagusan kaya napatigil saglit ang dalawa. Lalo pa at madilim ang loob. Naisip ni Steve na baka isang higanteng tao on nilalang ang nakakubli sa loob kaya napa atras na ito. Tulad ng kaibigan maging si Ken balot na rin ng takot at pangamba na baka mali ang binabalak nilang gawin. Aatras narin sana ito ng bigla na lang lumiwanag ang paligid. Kitang-kita ni Ken ang bawat naroon sa loob, malinaw at klarong klaro.
Napansin ni Steve na bigla na lang napangiti si Ken na tila ba nawala ang lahat ng agam-agam nito sa pagpasok sa loob.
“walang laman sa loob pare, halika na.” sambit ni Ken na walang pagdadalawang isip na dumiretso ito sa loob.
“Teka pare,paano mo nalamang walang laman?, ni hindi ko nga makita ang loob nito sa sobrang dilim.” pagtatakang tanong ni Steve.
“Anong madilim pare, ang liwaliwanag nga ng paligid oh . Hindi mo ba nakikita ang ganda ng paligid. Pare parang nasa loob lang tayo ng pyramid sa Egypt, ang daming ancient carvings at arts sa mga pader. Pati sa kisame at sa mga haligi. This is insane pare, isa itong massive temple sa loob nitong rebulto.” paglalarawan pa ni Ken.
Ngunit litong-lito na si Steve sa mga pinagsasasabi ng kaibigan. At kahit ano’ng kusot pa ng kamay ang gawin nito sa mga mata, wala naman itong makita kung hindi isang walang hanggang kadiliman. Kaya takang-taka ito sa mga nakikita ni Ken. Nang mapagtanto ni Ken na siya lang ang nakakakita sa dilim, napaisip din ito. Naalala na lang nito nang minsan may kakatwa rin itong karanasan habang tinitignan niya noon ang mapa.
“Hindi ko alam kung anong hiwaga itong nangyayari sakin pare. Pero siguro ginagabayan lang tayo ng kung sino mang nagdala sa atin dito. Ang mabuti pa , humawak ka sa kamay ko at huwag kang lalayo sa tabi ko. Hahanap tayo ng daan palabas dito.” saad ni Ken ng hawakan nito ng mahigpit ang palad ni Steve.
Dahil sa tanging si Ken lang ang nakakakita sa gitna ng dilim. Hirap ang dalawa. Alangan ang mga paghakbang ni Steve bagaman naka alalay sa kanya ang kaibigan. Sinisiguro naman ni Ken ang kanilang inaapakan kung ligtas ba o may patibong. Maraming pasilyo sa loob, hindi makapaniwala si Ken na ganun ka laki at lawak ng loob ng naturang rebulto. Para kasi sila pumasok sa isang Cathedral na walang laman.
Nasa bandang gitna na sila, nang mapahinto si Ken. Natigilan ito sa kanyang nakita.
“Anong meron pare, bakit ka huminto?.” bulong ni Steve kay Ken.
“Mga taong putik pare, ang dami nila. Pero parang hindi nila tayo nakikita. Dinadaan-daanan lang nila tayo. Para silang mga kaluluwa na tumatagos lang sa kung saan-saan.” tugon ni Ken na pabulong din.
Dahil sa napansin, kampante na tumuloy ang dalawa. Wala sa mga nakikita ni Ken na mga taong putik ang gumalaw sa dalawa.
“Ano pa ang ginagawa nila pare?” tanong ni Steve.
“Nagtipon-tipon sila sa gitna pare tapos tila may binabantayan silang bagay na nasa gitna. Hindi ko makita kung ano. Pero sa tingin ko mahalaga ito sa kanila.” sagot ni Ken.
Nang walang anu-ano bigla na lang yumanig ang paligid, nagpulasan ang mga taong putik. Maging sina Steve at Ken ay natakot sa lakas ng mga pagyanig.
“Ang Trabungko! protektahan ang Trabungko!” maririnig sa mga sigaw ng mga taong putik na kanina lang nagkukumpulan sa gitna.
Napatingin doon si Ken, aligaga na ang lahat ng mga taong putik, bakas sa mga mukha nila ang hindi mapaliwanag na takot. Lalong mas lumakas ang mga pag alog, napayakap na sa isa’t isa sina Ken at Steve sa takot. Kung si Steve ramdam lang nito ang mga pag-uga, si Ken kitang-kita nito ang lahat. Ang mga bumibigay na bahagi ng paligid ,mga bitak, mga nahuhulog na bato, mga takot na tao, lahat ng iyon malinaw sa mga mata ni Ken. Nang walang ano-ano bigla na lang bumigay ang kisame. Sa takot sabay na napapikit na lang ng mata ang magkaibigan. Gumuho ang lahat na nandoon.
PAGKIKITA
Nakiramdam ang dalawa habang nakapikit at magkayakap. Biglang tumahimik ang paligid.
“Tapos na ba pare?” tanong ni Steve kay Ken.
“Hindi ko alam pero tila tumahimik bigla ang paligid.” sagot ni Ken.
Dahan-dahan iminulat ng dalawa ang kanilang mga mata. Natigalgal na lang ang mga ito ng mapatingin sila sa kanilang paligid. Nasa tuktok na sila ng isang bundok. Sa taas ng kanilang kinalalagyan tanging mga ulap at kaulapan lang ang natatanaw nila sa baba. Namangha man sa umpisa ngunit takot ang mas nangibabaw sa dalawa nang mula sa himpapawid nakakita ang mga ito ng mga papasugod na mga ibon, kakaibang mga ibon na malalaki.
“Tang ina pare, Jurassic park na yata itong napuntahan natin. Mga pteranodon ang mga iyan.” wika ni Steve.
“Bilis pare takbo! Baka madale tayo ng mga iyan!” sigaw ni Ken.
Takbo ng walang lingon-lingon ang dalawa, hindi alintana ang matatarik na daan at mabato. Muntikan na si Steve, buti na lang nakayuko agad ito. Patuloy lang ang dalawa sa pagtakbo kahit hingal na hingal na. Hindi rin sila nilubayan ng mga ibon. Laking tulong ang mga ugat ng mga malalaking puno na nadadaanan ng dalawa at nakakapagtago sila roon ng saglit.
Sa kanilang pagpursigi na matakasan ang mga ibon na umaatake sa kanila, napunta ang dalawa sa sukal na bahagi ng gubat. Kakaiba ang mga halaman doon at malalapad ang mga dahon at mga bulaklak sa paligid. Tanawin na pamilyar kay Ken.
“Anak ng putik, mukhang nakapunta na ako sa lugar na ito pare. “ Bulalas ni Ken.
“Ano? Paano? “ dumoble ang laki ng mata ni Steve sa takot.
“Kasama ko noon si Elias, nang sandaling magkahiwalay tayong lahat, dito kami napunta. Mag ingat ka pare, mukhang Jurassic Park nga ang lugar na ito. Pati ang mga halaman dito hirap pagkatiwalaan. “Wika pa ni Ken.
At kakasabi pa lang nga nito nang bigla na lang hinablot ng isang halaman si Steve. Aligaga si Ken na naghanap sa paligid ng magagamit niya sa pagtulong sa kaibigan. Todo hingi at sigaw naman si Steve dahil humihigpit na ang pagkakalingkis sa kanya ng dahon na humatak sa kanya. Malas pa dahil hindi na mahanap ni Ken sa kanyang katawan ang kanyang utility knife na marahil nahulog na sa kung saan sa kakatakbo nila.
Saglit pa si Ken naman ngayon ang nadale ng buhay na dahon. Mabilis nitong ginawang lumpia ang katawan ni Ken. Ramdam na ng dalawa ang hirap sa paggalaw at paghinga. Gayunpaman lumalaban ang mga ito. Pilit na nagpupumiglas ang dalawa nang walang ano-ano dumating ang tulong na di inaasahan.
Pinagtatapyas ng nina Pablo ,Jhared, Joshua, Dante at Balong ang mga ugat at dahon ng halamang umatake sa dalawa.
Sa tinamong pinsala ng halaman nabitawan ng mga dahon nito sina Ken at Steve na habol-habol ang hininga ng bumagsak sa lupa. Laking tuwa ng lahat ng muli sila nagtagpo-tagpo sa lugar na iyon. Sa sobrang saya at tuwa napayakap nang mahigpit si Pablo kay Ken.
“Akala namin mahihirapan na kaming mahanap kayong dalawa. Buti na lang nagkita pa tayo.” wika ni Pablo.
“Hindi na tayo maghihiwalay. Wala ng mahihiwalay sa atin.” bulong na tugon ni Ken kay Pablo.
Ngunit ang kanilang tuwa ay muli na namang mauudlot ng mapansin ni Balong at Jhared ang muling paggalawan ng mga halaman sa paligid.
Habol, takbo na naman ang pito, makalayo lang sa lugar na iyon. Puno ng mga kakaibang nilalang at mga nakakatakot na bagay ang paligid na maaring banta sa kanilang kaligtasan. Kaya batid ng bawat isa ang panganib at ngayon na muli na naman silang magkakasama sagot na nila ang isa’t isa.
“Nasaan na ba tayo nito?” tanong ni Dante.
“Mukhang bumalik tayo sa kung saan hindi pa uso ang mga tao, pre historic pa kasi ang mga nandito. Baka nga bigla na lang tayo dito makakakita ng mga nagtatakbuhang velociraptor at mga daeodon dito.” sabat ni Jhared.
“Kung gayon isang titanoboa si Kaliskis. At si Pangil malamang isa rin siyang prehistoric land crocodile na nabubuhay sa panahong ito. Pero ang weird. Ni hindi man lang nailathala sa panahon natin na may mga ganitong hayop pala ang nabubuhay noon sa bansa natin.” Komento pa ni Joshua.
“Ayon kay Ken, minsan na sila napunta rito ni Elias, iyong naunang Elias na kasama natin.” sambit ni Steve.
Tumango si Ken. Binalingan naman ito ni Pablo ng tingin.
“Kabisado mo na pala ang paligid dito., Ano ba ang ginawa niyo dito ni Elias nang mapunta kayo sa lugar na ito?” pabulong na tanong ni Pablo kay Ken.
“Alam ko ang mga tingin na iyan, Ganyang klaseng tanong rin ang narinig ko nang malaman mo noong magkasama kami ni Larry sa Bangkok. Walang nangyari sa amin kung iyan ang punto ng tanong mo.” tugon ni Ken kay Pablo sabay titig dito.
“Seryoso ako, ano meron dito sa lugar na ito?” tanong pa muli ni Pablo.
“Bukod sa mga buhay at nakakatakot na mga halaman ,at mga dambuhalang mga hayop, .nakita rin namin dito si Pangil. Pero mas malaking version niya nga lang.” kuwento ni Ken.
“Kung ito ang panahon nila Pangil at Kaliskis, maaring nandito rin sa panahon na ito ang hinahanap nating trabungko.” Teyoriya pa ni Joshua.
Nagkatinginan sina Ken at Steve ng marinig ang salitang Trabungko kay Joshua.
“Pare you mentioned that Trabungko, we also heard that bago kami napunta rito ni Ken” wika ni Steve.
Naikuwento ni Steve ang karanasan nila bago sila napunta sa lugar na iyon. Napansin din ng dalawa ang sandatang nilalaro ni Balong kaya napatanong dito si Ken.
“Bigay ito ng mga taga Opiryum, mga gamit ito para makuha kay Pangil ang sinasabi nilang Trabungko na hindi man lang namin alam kung ano itsura ng bagay na iyon.” tugon ni Balong.
“Kung nais ng mga taga Opiryum na kunin ang bagay na iyon, iba naman ang nais ng mga taong putik, ang protektahan ang Trabungko ng kanilang buhay.” ang naisip pa ni Ken.
Palaisipan parin sa lahat kung ano talaga ang papel nila sa journey na iyon ngunit alam nila na may dapat silang gawin upang matapos na ang kanilang misyon sa panahon na iyon at makabalik na sa panahon kung saan sila galing. Binabagtas ng pito ang kahabaan ng ilog sa paghahanap ng pinaglulunggaan ni Pangil para matagpuan na nila ang tinutukoy na Trabungko ng mga taga Opiryum.
“Ano nga ba ang mukha ng Trabungko na iyon?” wika ni Steve.
“Pare-parehas tayong walang ideya sa anyo ng bagay na iyon o kung bagay ba talaga ang Trabungko na iyon. Pero kinakailangan mahanap na agad natin ito para makabalik na tayong lahat sa realidad. Nakakapagod na ang ganito.” saad ni Pablo.
“Palagay ko hindi lang iyon basta bagay mga pare, sa pagka-alala ko kasi sabi ni Tatay noon, bawat espiritu ng kalikasan ay may mga hiyas na pinangangalagaan. Ito raw ang nagsisilbi nilang buhay na siyang bumabalanse sa daloy ng kalikasan sa bawat mundo na ating pinanggalingan.” sabat ni Dante.
“Kahit ano pa iyon, kailangan mahanap na talaga natin ang trabungko nang maibalik na sa dati ang lahat” tugon ni Pablo.
Sa kanilang pagpapatuloy bigla na lang nahinto ang lahat ng marinig nila ang mga atungal at angil ni Pangil. Sa halip na umatras, nag abang ang mga ito. Handa na nilang harapin ang kanilang takot. Napatingala na lang sila sa kagubatan ng nagsipulasan ang mga kakaibang ibon sa bandang iyon. At lalong lumakas pa ang dagundong ng mga nakakakilabot na angil. Ramdam nila ang pagyanig ng paligid. Napakapit ang lahat sa isa’t isa sa pag-aakalang may lindol. Nanglaki ang mga mata ng mga ito nang makitang nagsitumbahan ang mga malalaking puno na para bang inaararo ng napakalaking makina.
Lalong natigalgal ang mga ito nang magsilabasan mula sa gubat ang mga nagtatakbuhang mga hayop na animoy takot na takot. Maging sila, nagulantang sa kanilang nakita.
“Anak ng buwaya, dalawa na iyan ah!. Alin ba sa kanila si Pangil?” bulalas ni Jhared.
“Mamaya na tayo mag reak, tumakbo na tayo. Hindi tayo prepared sa mga iyan.” wika ni Pablo
Nabahag na lang ang kanilang mga buntot ng makita ang mas malalaking version ni Pangil at hindi lang ito nag-iisa, dalawa ang mga ito. Kanya-kanyang hanapan na naman ng mapagkukublian ang pito hindi lamang sila mapansin ng gutom na gutom na mga dambuhalang buwaya na iyon.
-*-
Nakahinga ng malalim ang pito nang nilampasan lang sila ng mga dambuhalang buwaya at mga hayop na iyon.
“Sundan kaya natin sila kuya. Baka dalahin tayo ng mga iyon sa hinahanap natin.” Mungkahi ni Balong.
“Di kaya delikado? Nakita naman natin kung gaano kalalaki ng mga hayop na iyon bukod pa sa iba na mukha pa lang nakakatakot na. Baka panganib lang ang kakaharapin natin sa dulo.” Pag-aalala ni Dante.
“Kahit na hindi naman natin sila sundan, nasa panganib pa rin ang buhay natin sa lugar na ito. Pagkain lang tayo kung tutuusin para sa mga nilalang na nabubuhay sa panahong ito. Tama si Balong baka sa dulo nito naroon ang hinahanap natin.” Ayon pa kay Pablo.
Nagkasundo ang lahat na sundan ang direksiyon na tinahak ng dalawang dambuhalang buwaya. Alerto ngunit kabado, ganun ang pakiramdam ng bawat isa. Nauuna sa paglalakad sina Dante at Balong, sumusunod naman sa kanila si Steve. Sina Jahred at Joshua naman sa gitna. At sa bandang likuran naman ang dalawa, Pablo at Ken.
Habang naglalakad, napatingin si Pablo kay Ken nang inabot nito ang kamay sa kanya. Nagtaka si Pablo, ayaw nitong abutin ang kamay ng isa. Ngunit ayaw tumigil ni Ken sa ginagawa niya.
“Bakit ba?” Tanong ni Pablo.
“Basta,… hawakan mo lang ang kamay ko dali.” Sabi pa ni Ken.
Pinagbigyan ni Pablo ang kaibigan. Nang nahawakan na nito ang kamay ni Ken, agad namang hinigpitan ni Ken ang pagkahawak sa kamay ni Pablo.
“Kahit na anong mangyari hinding hindi na kita bibitawan.” Biglang tugon ni Ken at ngumiti kay Pablo.
Napakunot ng nuo si Pablo sa sinabi ni Ken. Ngunit nagdulot iyon ng ngiti sa mukha nito. Kumalas agad si Pablo sa pagkakahawak sa kamay ni Ken bago pa sila mapansin.
Sinusundan lang nila ang daloy ng ilog hanggang sa kanilang pag-usad nakatagpo sila ng isang lugar na minsan nang nakita ng lahat. Hindi na nila nakita pa ang mga dambuhalang nilalang sa halip nasumpungan nila ang isang lagusan, ang Monay na bato na siyang nag dala sa kanila sa lugar na iyon.
“Teka bumalik na ba tayo sa atin? Iyan diba ang lagusan? Ang malaking bato na may bitak sa gitna? “ Pansin ni Jared
“Posibleng iyan nga ang bato, pero tingin ko wala parin tayo sa mundo natin. Pansinin niyo ang mga lumilipad na iyan sa ibabaw natin” Saad ni Pablo nang tingalain ang mga dambuhalang ibon sa himpapawid.
“Papasok ba tayo riyan? Baka kasi nasa loob niyan ang hinahanap nating Trabungko.” Komento ni Joshua.
“Kahit wala pa diyan, tingin ko kailangan na talaga nating pumasok, dahil mukhang tayo ang puntirya ng mga dambuhalang ibon na iyan!” Sigaw bigla ni Dante habang nakaturo sa papasugod sa kanila na mga ibon.
Kaya takbuhan muli ang pito patungo sa nakitang lagusan sa bato. Ngunit bago pa man sila nakarating sa bukana ng butas ng bato, natigalgal ang lahat nang lumitaw sa harapan nila ang dambuhalang ahas na si Kaliskis at pinagpiyestahan ang mga lumilipad na mga dambuhalang ibon na papasugod sana sa pito.
Ginamit iyon na pagkakataon ng pito para makatakas sa mga ibon. Papasok na ang anim sa bungad nang lagusan nang mapansin nila si Pablo na naiwan sa labas at nakatingala parin sa harapan ng dambuhalang ahas habang pinapapak nito ang mga dambuhalang ibon.
Tulala si Pablo na animoy nabato-balani sa kinakatayuan nito.
“Pablo ano pa ang tinatayo mo diyan halika na!” sigaw ni Ken nang mapansin nga nito si Pablo.
Ngunit hindi tumugon si Pablo sa pagtawag ni Ken. Tila nawala na ito sa sarili at nakatulala na lang ito habang nakatingala sa dambuhalang ahas. Nag-alala si Ken sa nangyayari sa kaibigan, tinangka ni Ken na lapitan para hilahin sana si Pablo ngunit bigla na lang ito nilingkisan ng dambuhalang ahas kaya napa atras sa gulat si Ken. Maging ang iba ay nagulantang sa nasaksihan.
Napansin ni Ken ang hawak na sibat ni Balong, inagaw niya iyon. Pasugod itong tumatakbo sa dambuhalang ahas sabay buong lakas na itinutok sa bahaging buntot ng ahas ang hawak na sibat. Nakaramdam ng sakit ang ahas kaya lumuwag ang paglingkis nito kay Pablo. Sa gigil pa ni Ken, binaon pa nito ng husto sa ahas ang sibat dahilan upang lalo itong magwala.
Nabitawan ng ahas si Pablo at bumagsak ito sa lupa na walang malay.
Nakabaon parin ang sibat sa ahas habang hawak-hawak ito ni Ken. Batid ni Ken na nasaktan ng labis ang ahas dahil hindi ito mapakali. Dulong buntot lang ang tinamaan ni Ken ngunit tila buong katawan ng ahas ang nasasaktan. Nang makita nito si Pablo na nakasubsob sa lupa at walang malay binitiwan nito ang sibat, at iniwan iyon na nakabaon lang sa buntot ng ahas.
Nagmamadali itong lapitan si Pablo, at inilayo roon. Pasan niya ito habang tumatakbo papalapit sa bungad ng lagusan. Agad naman sila sinalubong ng lima at tinulungan si Ken kay Pablo.
Nang balingan nila ng pansin ang ahas wala na ito roon. Tila naglaho na lang ito na parang bula tangan ang sibat na ibinibigay sa kanila ng mga taga Opiryum na siyang gagamitin sana nila sa pagtugis kay Pangil at sa pagkuha ng hinahanap nilang Trabungko.
ANG BINHI
Agad na inalalayan ng lahat sina Ken at Pablo. Kabado at labis ang pag-aalala ni Ken sa wala pa ring malay na si Pablo. Agad nitong pinunit ang bahagi ng kanyang damit upang pampunas sa tumutulong dugo sa noo ng kaibigan.
“Paano na ito, wala na sa atin ang sibat.” Sambit ni Jhared na napailing na lang sa kanilang sitwasyon.
“Nasa atin pa naman ang punyal. Ang mahalaga kompleto na tayo. Sa ngayon ang kalagayan muna ni Pablo ang isipin natin. Mukhang napuruhan talaga siya.” Sabat ni Dante sabay sinuri ang pulso ni Pablo.
“Ewan ko kung ako lang, pero napansin niyo ba ang nangyari sa kanya kanina. Naging purong puti ang mga mata ni Pablo habang nakatingin sa dambuhalang ahas na iyon. Na tila ba kinokontrol siya nung ahas.” Wika ni Steve.
“Nakita ko nga iyon. Kaya nga sa takot ko hindi ko na naisip ang tungkol sa sibat. Lalo na nung nilingkisan na niya ng kanyang buntot si Pablo.” Ani ni Ken.
“Wala na talaga tayong kawala sa buwisit na lugar na ito. Dito na talaga tayo malilibing ng buhay. Kung bakit pa kasi naisip pa natin ang trip-trip na ito eh. Tang inang buhay ito. I should be partying with girls at the bar right now, getting wasted. Pero nandito tayo, patakbu-takbo, at nagtatago. Hay naku kelan pa ba tayo matatapos dito.” Komento ni Joshua.
“Buti wala rito si Stella pare, kundi lagot ka dun—mga babae talaga ang na miss mo sa labas ah.” Nakangising sabi ni Jhared nang lapitan nito si Joshua.
“Nakakabaliw na kasi ang manatili dito pare. Parang nawawalan na rin ako ng pag-asa na makakauwi pa tayo. Tingin ko any moment may bigla na namang aatake sa atin. At baka sa susunod wala na tayong ligtas.” Ang napabuntong hininga na tugon ni Joshua.
“Makakalabas din tayo. Kung ako nga nakabalik sa atin,—hindi malayong makakabalik din tayong lahat sa mundo natin. Right now, we just really need to finish whatever duty this place has entrusted to us.” Ayon pa kay Jhared.
Maya-maya pa muling naging tensiyonado na naman ang lahat nang mapansin ni Dante na nawawala ang kapatid nitong si Balong.
Katulad man ng mga naunang lagusan ang pinasok nilang kuweba, ngunit hindi ito kagaya ng mga napasok nila. Isa talaga itong tipikal lamang na kuweba na hindi gaanong kaluwang ang loob. Madilim ngunit dahil sa mga uri ng lumot at kabuteng lumilikha ng sariling ilaw, may kakaunting tanglaw naman ng liwanag sa paligid. Bagamat hindi ganun ka liwanag. Abot tanaw lang ng mga tingin ang bawat dulo ng loob ng kuweba at wala silang natatanaw na lagusan sa paligid. Kaya palaisipan sa lahat kung saan napunta si Balong nang hindi nila namamalayan.
Sa takot na baka isa na naman sa kanila ang mawala,—nanatili sa isang sulok ang lima habang si Dante maingat na ginagalugad ang bawat sulok ng kuweba. Habang naghahanap ng daan na posibleng pinuntahan ng kapatid, sinisigaw nito at tinatawag ang pangalan ni Balong.
Nang biglang tumugon ang kapatid nito sa mahinang sigaw. Sigaw na tila ba napakalayo.
Tumulong na rin ang tatlo kay Dante sa pagtunton ng boses ni Balong. Habang si Ken binabantayan ng maigi si Pablo na wala pa ring malay.
“Naikot na natin ang buong kuweba pare. Wala man lang tayong nakitang lagusan sa mga pader.” Sabi ni Steve.
“Pero naririnig natin ang sigaw ng kapatid ko. Nasa kabila lamang siya ng mga pader dito.” Ani ni Dante.
“Ganito rin ang nangyari sa akin nun nung humiwalay ako sa inyo. Subukan muli natin sa bawat pader, baka may nakatagong triggering device na nakabaon sa mga bato. Baka aksidente nahawakan o naapakan iyon ni Balong at napunta sa dun kung saan siya ngayon.” Wika ni Jhared.
Agad na kumilos ang apat. Marahan nilang sinuri ang paligid hanggang sa may naapakan si Joshua. Napansin nito na tila lumubog ang kanyang inaapakang bato. At bago pa ito nakatugon, bigla na lamang ito bumulusok pababa na tila ba may kung anong puwersa ang humila sa kanya.
Huli na nang mapansin ng lahat na maging si Joshua nawawala narin. Nagdulot iyon ng pangamba at takot para sa lahat. Hanggang sa nangyari din kay Steve ang nangyari kay Joshua, sumunod si Jhared. Akmang babalik na rin sana si Dante sa puwesto nila ni Ken sa pangambang siya naman ang susunod…nang nawala narin ito tulad ng mga nauna.
Takot at pangamba na ang lumukob kay Ken ngayong sila na lamang ni Pablo ang naiwan. Paulit-ulit nitong ginigising si Pablo. Madalang lang umiyak si Ken, ngunit sa puntong iyon hindi na niya napigil ang mga luha sa labis na takot at pagkabahala para sa kanilang dalawa.
Nang walang ano-ano biglang lumiwanag ng husto ang paligid. Napakaliwanag ngunit hindi nakakasilaw sa mata. Takang-taka si Ken kung saan galing ang liwanag na lumulukob sa buong paligid ng kuweba. Nasa liwanag na ang atensiyon nito na hindi na niya namamalayan ang pangyayari na mas ikakagimbal nito. Hanggang sa naramdaman na lamang ni Ken na gumagaan na ang kanyang mga braso na humahawak kay Pablo.
At napasigaw na lamang ito nang kaniyang mapansin na wala narin sa kanyang mga bisig ang kanina lang hawak-hawak na si Pablo.
Sa isang iglap naglaho ang liwanag. At tanging mga sigaw at iyak na lamang ni Ken ang pumupuno sa maluwag na espasyo ng kuweba. Pilit na hinagilap ni Ken ang mga lagusan sa bawat sulok ng kuweba, ngunit wala itong masumpungan. At maging ang lagusan kung saan sila dumaan tila nabura narin sa dingding ng kuweba. Labis ang pinakawang galit ni Ken. Pinunit nito ang mga natitirang saplot sa katawan dahil sa galit. Sinisisi nito ang sarili sa lahat ng nangyayari. Para sa kanya, siya ang naglagay ng buhay ng mga kaibigan nito sa piligro.
Nakasubsob sa sahig si Ken habang umiiyak nang may lumapat na malamig na bagay sa kanyang balat. Unti-unti nitong inangat ang ulo para tingnan ang bagay na dumampi sa kanya. Nagulat ito nang makita ang kumikinang na pinagbalatan ng ahas na nakapulupot sa kanyang braso. At nang sipatin niya ito lubha itong napakahaba na halos hindi na abot ng kanyang tanaw ang dulo ng balat.
Napatayo si Ken,—tinanggal sa kanyang braso ang balat ng ahas. Marahan niya itong hinila. Nang mapagtanto ang labis na haba nito, naisipan niyang sundan ang pinagmulan ng balat ng ahas. Tahimik na sinusundan lamang ni Ken ang hawak na balat hanggang sa unti-unti itong nakakakita ng liwanag sa dulo.
Natigalgal na lamang itong hawak-hawak ang balat ng ahas nang makita ang dulo nito. Doon, sa isang tila pabilog na altar sa gitna ng isang bulwagan. Kung saan may malaking bato na inukit sa anyo ng isang dambuhalang ahas sa gitna,—naroon si Pablo, mahimbing na nakahukot sa katawan ng batong ahas, hubo’t hubad at nababalot ng pinagbalatan ng ahas na siyang hawak ni Ken. Lumiliwanag ang katawan ni Pablo dulot ng pagkinang ng balat ng ahas na bumabalot sa kanya. Agad na nilapitan ni Ken si Pablo. Sinubukan niyang baklasin ang nakayakap na balat ng ahas sa hubad na katawan ng lalake habang ginigising niya ito.
“Pabs naman gising…ano ba ang nangyayari sa iyo? Please Pabs tama nang biro ito. Umalis na tayo,—bumangon ka na diyan.” Sambit ng naluluhang si Ken habang inaalis sa katawan ni Pablo ang balat ng ahas.
Ngunit kahit anong sikap at pilit ni Ken na tanggalin iyon kay Pablo… —tila lalo lang ito humihigpit sa katawan ng lalake na para bang nagiging balat na rin ito ni Pablo. Lalo lang kinabahan si Ken sa nangyayari sa kaibigan. Sumisigaw na sa galit at pagkadismaya si Ken ngunit hindi parin ito sumusuko sa kaibigan. Kinuha nito si Pablo,—binuhat at inilapag sa sahig. At muling sinubukang tanggalin ang pinagbalatan ng ahas gamit lamang ang mga kamay.
Nang may nagsalita mula sa likuran ni Ken. Boses ng isang lalake, tinawag ang kanyang pangalan. Mabilis na lumingon si Ken nang marinig ang pagtawag sa kanya.
Tumambad kay Ken ang isang hubo’t hubad na lalake, matipuno ang katawan, makinis ang mala porselana nitong puting balat. Mahaba ang kulot nitong pulang buhok. May talim ang mga titig ng kanyang mga mata na para bang tumatagos sa iyong kaluluwa kapag tinititigan ka. Maamo ang mukha ngunit tila nababalot ng hiwaga. Marahan itong lumapit kay Ken.
“Kinalulungkot ko, ngunit hindi na siya kaisa sa inyo. Pinili na siya ng kalikasan upang maging tagapaglingkod ng kabundukan at taga-pangalaga ng hiyas ng buhay. Nakalaan na ang kanyang katawan para maging kasunod na tagabantay.” Wika ng lalake sa mahinahong boses.
“Kalokohan! Kung sino ka mang maligno o engkanto, pakawalan mo si Pablo! Ibalik mo siya sa akin! Ibalik mo na kami sa mundo namin!” Ang sigaw na tugon ni Ken sabay niyakap ang walang malay na si Pablo.
“Wala sa akin ang kapangyarihan ng pagpasya. Tagahatid lamang ako ng salita mula sa kalikasan. Ngunit may paraan ang lahat. —sa pusong buo at handang mag sakripisyo, maaring magbago ang tadhana. Ibalik sa dambana ang hiyas ng trabungko bago sumapit ang kasunod ng pag bilog ng buwan. O isugal ang sariling kalayaan at tanggapin ang kanyang kapalaran at palitan siya sa kanyang katungkulan. Ngunit walang kasiguraduhan kung tatanggapin ka ng kalikasan.” Pahayag pa ng lalake kay Ken.
Walang pag-aalinlangan na tinanggap ni Ken ang hamon.
“Saan ko matatagpuan ang sinasabi mong trabungko? At paano ko iyon makukuha?”
“Matapang ka, ngunit hindi sapat ang tapang para mapagtagumpayan mo ang pinili mong paraan.” Ani pa ng lalake kay Ken.
“Ako ang nagdala sa mga kaibigan ko rito, ako ang naglagay sa kanila sa kapahamakan. Dahil sa akin nangyari ito ngayon kay Pablo. Kaya ako rin ang tatapos ng lahat nang ito. Kaya sabihin mo na kung paano ko maibabalik sa inyo ang trabungko.” Ang determinadong tugon ni Ken.
“Isisilang sa panahong ito ang binhi ng kadiliman at pagkawasak. Nasa puso niya ang kailangan mo. Ngunit hindi madali ang tatahakin mong daan para matunton ang iyong pakay. Babala…kamatayan ang nakaatang kapag kabiguan ang masumpungan.” Sabi pa ng lalake.
“Ituro mo sa akin ang kinaroroonan ng pesteng binhi na iyan nang matapos na ito.”
“Taglay mo ang isang gabay mula sa ugat na iyong pinagmulan. Gamitin mo iyon at dadalhin ka nito sa hinahanap mo.—kakailanganin mo ang mga ito sa iyong gawain.” Tugon ng lalake kay Ken nang may inabot ito sa kanya.
Mula sa mga kamay ng lalake, lumitaw ang isang sibat at ang punyal na ipinagkakaloob nung mga taga Opiryum sa kanila. Ikinagulat iyon ni Ken, ngunit hindi na naging mahalaga sa kanya kung paano iyon napunta sa mga kamay ng lalake. Kinuha iyon ni Ken.
“Teka lang, nasaan na nga pala ang mga kasamahan ko? Alam ko kagagawan mo rin ang nangyari sa kanila.” Sambit ni Ken.
“Hindi ako, kundi ang lugar na ito. Ngunit huwag kang mag-alala, may sarili silang tungkulin na kasing halaga ng sa iyo.” Sagot nito kay Ken.
“Hindi ko maaring iwan ng ganito si Pablo rito. Ibalik mo ang ulirat niya pakiusap.” Wika ni Ken.
“Ligtas siya rito, walang makakagalaw sa kanya. Mahimbing lamang ang kanyang pagkakatulog. Bumalik ka rito tangan ang hiyas at makukuha mo pa rin siyang buo. Ramdam ko ang kapit ng pagmamahal mo sa kanya. At iyon ang magiging buhay niya.” Saad ng lalake.
“Paano ako makakasiguro na wala kang masamang gagawin sa kanya?”
“Hindi binabali ng tagabantay ang kanyang pangako. Hindi naninira ng kasunduan ang mga espiritu.” Sagot ng lalake kay Ken.
At kasabay ng binitawang salita bigla na lamang nagbago ang anyo nito sa harapan ni Ken. Naging isa itong dambuhalang ahas. Pinaikutan nito ng kanyang katawan sina Ken at Pablo. Natakot sa kinatatayuan nito si Ken sa laki ng ahas na nasa kanyang harapan. Maya-maya pa biglang lumiwanag muli ang buong paligid. Nakakasilaw na liwanag. Saglit lang at agad din itong nawala. Kasabay nun nawala rin ang dambuhalang ahas at kasama sa paglaho nito ang katawan ni Pablo.
Halos masiraan ng ulo si Ken sa pangyayari. Nawala na ang lahat ng mga kaibigan niya at ngayon pati si Pablo. Sa gitna ng kawalan, tanging siya na lamang ang naiwan. Galit na pinagmumura ni Ken ang lahat na maisip niyang banggitin, maging ang diyos ay tinatanong na nito kung bakit ganun ang nangyari sa kanila. At habang binubunton nito sa hangin ang lahat ng galit at sama ng loob. Muling umalingawngaw sa kanyang pandinig ang iniwang salita ng misteryosong lalake.
“Tupdin mo ang pinili mong landas upang maibalik sa iyo ang mga nawala. Kung mahalaga sila sa puso mo, tiyakin mo ang tagumpay. Bumalik ka rito tangan ang trabungko. Humayo ka at maging kampiyon ng bundok na ito.” —ang bilin pa ng boses na paulit-ulit na bumabalik sa gunita ni Ken.
Mahigpit nitong hinawakan sa magkabilang mga kamay ang iniwang sandata ng misteryosong lalake.
“Ililigtas ko kayong lahat. Pablo mahal ko, dadalhin kita pabalik sa atin.”
Ipinikit ni Ken ang mga mata at pilit na hinahagilap sa kanyang isip ang mga nakita nito noon sa mapa. Laking pagkamangha na lamang ang naging tugon nito nang isa-isang nabubuo sa isip nito ang bawat bahagi ng mapa. At sa pagbuo nito, malinaw na nakikita nito ang mga lugar na kanila nang nadaanan at napuntahan.
Muling nag concentrate si Ken, ngayon hinahanap na nito ang kinaroroonan ng tinutukoy na pugad ng lalake kung saan matatagpuan nito ang sinasabing binhi na nagtataglay ng trabungko. Biglang bumilis ang mga pagbabago ng mga imahe na nakikita nito sa kanya isip. Nang biglang nagka glitch ang mga nakikita nito bumagal ng dahan-dahan, hanggang sa dinala ito sa isang pamilyar na lugar. Sa tribu ng mga taga Opiryum. Ngunit ang lahat ng nakikita nito ay dagling nawala nang biglang binalot ng malakas na ipo-ipo ang paligid. Agad na iminulat ni Ken ang kanyang mga mata at nagulat ito sa tanawing bumungad sa kanya.
“Nasaan na ako? Anong lugar na ba ito?… At anong nangyari sa paligid? Bakit tila sinalanta ng bagyo ang buong lugar. Teka…ang mga bahay, ang paligid —ang lugar na ito…ito ang nayon ng mga tribu.” Ang nasambit ni Ken nang makita ang buong paligid.
Nanlumo ito sa tagpong nasilayan. Mga pinadapang mga bahay at wasak na mga pag-aari. Nagkalat sa kung saan ang kagamitan ng isang pamayanan. Pansin ang matinding pinsala ng lugar gawa ng kung anong malakas na puwersa. Animoy dinaanan ng delubyo, bagyo o giyera ang paligid. Sinubukan ni Ken na maghanap ng posibleng nakaligtas sa pangyayari, ngunit wala itong nasumpungang tao. Hanggang sa pagpapatuloy nito ng paglalakad. Isang impit ng ungol na humihingi ng tulong ang bumulong sa paligid. Sobrang hina na halos hindi marinig ng tenga. Ngunit nahagip ng pandinig ni Ken.
Rinig ang hirap at sakit sa boses ng humihingi ng tulong. Boses na nagmumula sa isang babae.
Tinunton ni Ken ang pinagmumulan ng panaghoy at ungol. Iniisa-isa nito ang mga bumagsak na mga kubo sa lupa. Hanggang sa mapunta ito sa panghuling kubo sa pinaka dulo. Higit na malaki ang kubo na iyon na may mataas na hagdan na yari sa kawayan. Bagamat nasira na rin ang ilang bahagi nito at wasak. Kakikitaan parin ng maharlikang pamumuhay ang sino mang nakatira roon. Sa istilo kasi nito at sa mga minoldeng mga kahoy na ginawang pundasyon ng bahay, na talaga namang kakaiba.
Sa loob na iyon nagmumula ang naririnig nitong hikbi ng pagmamakaawa. Agad na inakyat ni Ken ang kubo. Doon kagimbal-gimbal na tanawin ang inabutan nito. Limang mga nakahubo’t hubad na katawan na naliligo ng sariling mga dugo ang nakahandusay sa sahig. Lahat may tama ng taga at malalalim na kalmot sa balat. Magulo ang loob ng kubo. Bakas na may madugong pangyayari at karahasan na nangyari roon.
“Mga warrior siguro ang mga ito. Sa mga nakikita ko sa mga movies, ang may mga ganitong markings at prominent lang sa mga kawal o punong sundalo ng isang hari ng tribo.” Sa isip pa ni Ken habang pinagmamasdan ang mga bangkay.
Napakislot ito na lamang ito sa gulat nang mapansin ang paggalaw ng isang napakalaking banga na natumba sa isang sulok. Sinadya pang takpan ng mga telang yari sa balat ng hayop ang naturang banga upang di agad mapansin. Marahan iyon nilapitan ni Ken. Isa-isa nitong inalis ang mga nakapatong sa banga. At habang ginagawa niya iyon muli nito narinig ang boses ng babae na humihingi ng tulong. At sa sandaling iyon nanghihina na ang boses.
Napagtanto ni Ken na galing sa loob ng banga ang boses. Kaya agad nito inalis ang takip ng bunganga ng banga. At doon nga, kanyang nakita ang isang babae na tila ipinilit ang katawan na isiksik sa loob nun. Makapal at tila matibay ang pagkakayari sa banga ngunit kitang-kita ni Ken ang paghihirap ng babae sa loob.
“Sandali lang miss,—tiis ka lang muna maghahanap lang ako ng pambabasag ko sa banga. Bakit ba kasi diyan ka pumasok. Hirap rin tuloy makalabas.” Wika ni Ken.
Sa gilid ng dingding isang malaking panghampas ng gong ang nakita ni Ken. Yari sa matigas na uri ng kahoy ang pamalo na iyon. Wala mang kasiguraduhan na kaya nun basagin ang banga, sinubukang parin ni Ken. Sa unang hampas pa lang ni Ken napasigaw na ang babae sa loob. Nagdadalawang isip na si Ken sa pangalawa ngunit ng mapansin nito ang maliit na bitak sa katawan ng banga,—mas nilakasan na nito ang pagpalo. At sa pangatlong pagtama sa banga. Nabiyak at nagkapira-piraso ang banga.
Lumantad sa harapan ni Ken ang isang magandang babae. Wala itong kahit na anong saklob sa katawan. Hinang-hina at isang buntis. Natulala pa nung una si Ken nang makita ang kalagayan ng babae. Nagtaka ito kung paano nagkasya sa maliit na bunganga ng banga ang isang babaing buntis. Namangha man, nangibabaw parin ang pagkaawa ni Ken sa babae. Agad nitong inakay ang babae at pinasandal sa isang sulok. Hahanap na sana ito ng maiinom na tubig para ipainom sa babae nang hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit.
“Tulungan mo ako,…manganganak na yata ako.” Sambit ng babae.
“Ano? Sandali miss wala akong alam sa ganyan. Hindi ko alam kung paano magpaanak.” Ang natarantang tugon ni Ken.
“Maawa ka iligtas mo ang anak ko. Ilayo mo siya rito. Babalikan nila ang anak ko. Papatayin nila ang laman ng sinapupunan ko. Pakiusap tulungan mo ako.” Wika pa ng babae na hinahabol ang bawat salita dahil sa pagod at panghihina.
“Tang ina namang sitwasyon ito. Trabungko ko lang naman ang sadya ko tapos ngayon magpapa-anak pa ako.” Sa isip ni Ken.
“Pakiusap, nanghihina na ako. Tulungan mo ako. Iligtas mo ang anak ko.” Muling pakiusap ng babae kay Ken.
“Bahala na, nandito na ito.—sige miss, ilabas mo na ang sanggol…sasaluhin ko.”
Halos hindi makatingin si Ken sa proseso ng panganganak ng babae. Ngunit tinapangan na lang nito ang loob para sa isang inosenteng buhay na maliligtas. Dahil sa matinding pagod at tila nanghihina na talaga ang babae,—hirap na itong iiri ang nasa sinapupunan nito. Maya-maya pa nahahawakan na ni Ken ang ulo ng sanggol. Isang ngiti ng pagkamangha ang gumuhit sa mukha ng lalake.
“Ituloy mo lang miss, hawak ko na ang ulo ng baby mo. Iri mo pa.”
At sa mga huling lakas ng babae, kasabay ng pagbulwak ng panubigan nito at dugo…lumabas ang isang sanggol. Sapong-sapo iyon ni Ken na tuwang-tuwa lalo na nang marinig nito ang pagbalahaw ng iyak ng isang munting anghel. Agad na binuhol ni Ken ang pusod ng sanggol at gamit ang punyal, pinutol niya ito.
Ngunit nagtaka ito nang saglit na lumiwanag ang talim ng punyal nang madampian ito ng dugo mula sa pinutol na pusod. Sa labis na tuwa hindi na niya binigyan ng kahulugan ang nakita.
“Miss lalake ang baby mo. At ang guwapo.” Sabi ni Ken sa babae habang karga sa mga bisig ang sanggol.
“Ilayo mo siya rito. Umalis na kayo. Paparating na muli sila para paslangin ang anak ko. Iligtas mo siya…pakiusap.” ang huling mga salitang binitawan ng babae bago ito tuluyang nawalan ng buhay.
Nagulat si Ken sa bilis ng pangyayari. Nagtataka man sa mga ibinilin sa kanya ng babae ang awa naman nito sa sanggol ang nag-udyok sa kanya na sundin ang habilin ng namayapang ina ng sanggol. Dali-dali nitong binalot ng telang yari sa balat ng hayop ang sanggol tsaka kinarga palabas ng kubo.
Ngunit bago pa man ito makababa ng hagdan. Nakaabang na sa paanan nun ang napakaraming mga taong putik. May pagbabanta ng kapahamakan ang kanilang mga tingin. Na para bang mananakmal ano mang sandali. Natigilan si Ken na nakatingin sa kanila.
ANG SUMPA NG BUWAN
Hindi na alam ni Ken ang gagawin, wala na itong mapuntahan. Napapaligiran na ito ng mga taong putik na pawang nanlilisik ang mga mata at nagngangalit ang mga ngipin sa galit. Sumugal na si Ken, wala na siyang naisip na paraan.
“Itong sanggol ba na ito ang inyong kailangan?!!! Sige lumapit kayo! At hindi niyo na mapapakinabangan ang isang ito!” Sigaw ni Ken habang tinututukan ng talim ng punyal ang hawak na sanggol.
Kita ni Ken kung paano na takot ang mga iyon at isa-isang nagsi-atrasan ang mga taong putik. Marahang bumaba si Ken habang ginagawang hostage ang sanggol. Nakapaligid pa rin sa kanya ang mga taong putik ngunit hindi ito magawang makalapit sa lalake, na para bang ayaw nilang masaktan ang sanggol. Iyon ang napansin ni Ken na labis niyang ipinagtaka.
Papalabas na ito sa bungad ng tribu ng may humarang sa kanyang lalake. Natulala si Ken nang makaharap ito. Tila kasi nananalamin ito. Isang taong putik na halos repleka ng kanyang mukha. Nagkatinginan ang dalawa na nagtataka kung bakit magkamukhang-magkamukha sila.
“Hindi mo pagmamay-ari ang hawak mo. Ibalik mo siya sa amin at hahayaan ka naming makaalis ng ligtas rito. Akin na ang sanggol.” Wika ng lalake kay Ken.
“Hindi! Umalis ka sa diyan kung ayaw mo sa iyo ko gagamitin ang punyal na ito. Hayaan mo ako, hayaan mo kami ng sanggol!” Tugon ni Ken na sinusubukan din sindakin ang lalake.
“Anak ko ang sanggol na hawak mo! Kaya akin na iyan. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa iyo sakaling hindi mo ibibigay sa akin ang anak ko!” Pagbabanta pa ng lalake kay Ken.
Nang bigla na lang umatungal ng iyak ang sanggol na tila ba nasasaktan ito. Nataranta si Ken sa gagawin. Nawala ito sa pukos dahil sa pag-iyak ng sanggol. Doon na nakakuha ng pagkakataon ang lalaking putik na sunggaban si Ken para maagaw ang sanggol. Ngunit hindi nagpatinag si Ken. Mahigpit nitong niyakap ang sanggol sabay sipa ng buong lakas sa lalake. Nang matumba ito sa lupa, muli itong tinutukan ng punyal ni Ken.
Ngunit sa puntong iyon tila nasagad na ang galit ng lalake. Umangil ito ng nakakakilabot. Nang hilakbot si Ken nang makitang nagsilagutukan ang mga buto ng lalake. Umiktad ang katawan nito hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga putik nito sa katawan. Napaatras na si Ken. Alam niyang hindi na kakayanin ng hawak niyang punyal ang kaharap nito. Na sa isang iglap lang biglang nagbago ng anyo at naging dambuhalang buwaya.
Napako sa kinatatayuan nito si Ken sa labis na takot. Akma na itong dadakmain ng buwaya nang lumitaw mula sa kung saan ang isang dambuhalang ahas na agad inatake ang buwaya. Kinuha na ni Ken ang sandaling iyon upang makatakas sa dalawa. Walang lingon-lingon na tumakbo ito palayo sa lugar na iyon tangan ang sanggol. Walang kasiguraduhan, wala sa plano. Tuloy lang sa takbo si Ken hanggang sa napansin na nitong malayo-layo na rin ito sa mga nagbubugnuang mga dambuhalang hayop. Nakarating ito s1a gilid ng isang ilog. Pamilyar sa rin sa kanya ang bahaging iyon. Ngunit doon lang ang sa tingin niyang ligtas para sa kanila ng sanggol. Naramdaman ng uhaw si Ken kaya marahan muna nitong inilapag sa malapad na bato ang hawak na sanggol.
Lumuhod ito sa harapan ng ilog tsaka sumalok ng tubig gamit ang mga kamay. Manamis-namis at malamig ang tubig. Hindi lamang uhaw nito ang naibsan kay Ken kundi ang hingal at pagod. Naghilamos na rin ito pagkatapos. Napasulyap ito sa sanggol. Nakaramdam ito ng awa. Kinuha nito ang punyal na hawak at nagpilas ng piraso ng tela mula sa suot nito. Binasa niya ito ng tubig upang isalin ang patak nun sa bibig ng sanggol. Pero nang inilapit na nito ang basang teka, isang piraso ng sanga ang lumipad at tumama sa kamay ni Ken dahilan para mahinto ito sa ginawa.
“Nais mo bang lasunin ang sanggol na iyan?!” Pabulyaw na sigaw ng isang matandang babae na nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan ni Ken.
Balot ng mga abubot na gawa sa mga buto ng kung anong mga hayop at sanga ng kahoy ang katawan ng matandang babae mula ulo hangang sa mga leeg at kamay nito. May tangan itong tungkod na may ukit ng imahe ng ahas. Natigilang napatingin na lamang si Ken sa matanda.
“Manang Auring?” Sambit ni Ken nang makita nito ng malapitan ang matandang babae.
“Anong Auring ang pinagsasabi mo. Ako si Nana Bruka. Isa ka bang dayo sa lugar namin? Kakaiba ang kasuotan mo, sa malamang hindi ka taga-rito.”
“Hindi nga po Nana Bru-bruka. Ken nga po pala. Pasensya na at natawag kita sa ibang pangalan. Kamukha mo po kasi ang kakilala ko. Naligaw lamang po ako rito.” Tugon ng lalake.
“Sanggol mo ba iyang karga mo?”
“Hindi po. Hinabilin lamang po ito ng kanyang ina sa akin. Hindi ko nga rin alam kung paano ang gagawin dito, eh kaso no choice na ako. Nais ka si siyang kunin ng mga taong putik tsaka nung isa na nag anyong buwaya. Buti na nga lang at dumating iyong dambuhalang ahas. Kaya nakatakas ako dala itong sanggol.” Kuwento pa ni Ken.
Lumapit pa ang matandang babae kay Ken at para narin masilayan ng husto ang sanggol. Namilog naman ang mga mata nito nang makita ang naturang sanggol. Agad niya inutusan si Ken na ibalot ng maigi ang hawak na sanggol at pinasunod agad ito sa kanya. Nagtataka man, sumunod ito ng walang pag-aalinlangan sa matandang babae.
Hindi maipaliwanag ni Ken kung bakit ganun na lang ang tiwala nitong ibinibigay sa taong ngayon lang naman niya nakilala. Sumunod ito kay Bruka hanggang sa napansin nito ang isang kuweba sa ibabaw na bahagi ng isang umbok ng lupa sa gilid ng ilog.
“Bilisan mo ang paglakad, malamang sinusundan ka pa rin ng mga Agal-on.” Wika ng matandang babae kay Ken.
“Agal-on?”
“Ang mga taong putik na tinutukoy mo tawag sa kanila mga Agal-on. Halika na, tumuloy na kayo ng sanggol na iyan dito sa yungib ko. Mas ligtas kayong dalawa rito.” Ani pa ng matanda.
Palinga-linga pa sa paligid si Ken bago ito tuluyang sumunod sa matanda sa loob ng kuweba. Sa bungad kitang napaka dilim ng loob nun. Ngunit laking mangha ni Ken nang sa kanyang pag pasok, lubhang napakaliwanag ng loob na tila ba may kung anong di nakikitang ilaw na nagbibigay aninag sa paligid ng kuweba.
“Wag ka na mag taka kung bakit maliwanag ang loob nito. Sa mga nasaksihan mo kanina, hindi mo na kailangan pa ng paliwanag. Doon tayo sa aking kubo.” Wika ng matandang babae kay Ken.
“Ngunit wala po akong nakikitang kubo Nana.”
“Naroon pa sa dulo nito ang kubo ko. Narito pa lamang tayo sa bukana ng Kumatnog. Ang baryo namin. Bilisan mo at mukhang gutom na iyang sanggol na dala mo.” Saad pa ng matanda.
Mula sa mahaba-habang nagsugod sa kahabaan ng kuweba, lalong namangha si Ken sa kanyang nakita. Sa dulo ng kuweba na iyon, tumambad sa lalake ang isang komunidad ng mga tao, napapaligiran ng mayayabong at matatayog na mga puno ang paligid. At karamihan sa mga bahay na naroon ay nakalambitin sa mga puno at sa mga sanga nito. May iilan na nasa mabababa, ngunit wala sa mga iyon ang nakatayo sa lupa. Karamihan din sa mga taong naroon halos hubo’t hubad liban na lamang sa mga matatanda tulad ni Nana Bruka.
Natigilan ang mga tao roon nang makita sina Ken na papalabas ng kuweba. Lahat takang-taka sa kanila. Isang lalake ang sumalubong sa dalawa. Wala itong kahit na anong saklob sa katawan liban na lamang sa mga abubot na kuwentas sa kanyang leeg na abot sa kanyang malapad at matipunong dibdib, tsaka sa habak nitong may mga nakalaylay na tila ugat ng kung anong halaman na siyang tumatabon sa mahabang lawit nito sa pagitan ng mga hita. Titig na titig si Ken sa lalake. Sa kabila kasi ng ayos nilang mula pa sa mga sinaunang tao. Hindi rin maikakaila ang gandang lalake ito. Bukod ba sa matikas at matipuno nitong pangangatawan.
“Nana, sino ang dayuhang ito na hinayaan mong makapasok sa ating baryo?” Bungad na tanong ng lalake sa matandang si Bruka.
“Igot, dalhin mo muna sila sa aking kubo. At kakausapin ko lang si Nano Umbong. Ipaghanda mo rin siya ng makakain, pagkatapos ikuha mo ng gatas ang sanggol na dala niya. Pumili ka sa pinakamalusog na kambing sa hawanan. Bilis kilos. Tsaka na rin tayo mag-usap.—Ken, sumunod ka lang kay Igot, siya na ang bahala sa inyo.” Sambit pa ng matanda bago nito iwan ang dalawa.
Nang makaalis si Bruka. Pinangunahan naman ni Igot si Ken para dalhin sa kubo ng matanda. Habang naglalakad sila papunta sa kubo ni Bruka, hindi maiwasan ni Ken ang hindi mailang at naasiwa sa mga titig ng mga taga-roon sa kanya. Na tila ba sinusuri ng kanilang mga mata ang bawat hibla ng pagkatao ng lalake.
“Wag mo silang pansinin. Ngayon lang may napadpad na dayo rito kaya ganyan ang kanilang kilos. Naroon ang kubo ni Nana. Mag-ingat ka sa inaapakang mong kahoy baka madulas ka. Malumot ngayon dahil nakalipas lang ng ulan.” Wika ni Igot kay Ken.
Curious naman si Ken sa anong meron sa mga taga-roon kaya napatanong agad ito kay Igot.
“Hindi ba uso sa inyo rito ang damit. Ibig kong sabihin. Ganyan ba kayo lahat rito mga nakahubad? Sa amin kasi ganito ang suotan. Naka-shorts o pantalon tapos t-shirt o polo, tulad nitong suot ko. Kaso punit-punit na dahil sa mga nangyari sa amin.” Sabi pa ni Ken.
“Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo. Pero kung ang tinutukoy mo ay ang ayos namin… Ganito na kami rito buhat ng isinilang kami. Narito na tayo sa kubo ni Nana, magpahinga ka na muna at ikukuha ko lang ng gatas ang sanggol na dala mo.” Saad pa ng lalake kay Ken tsaka siya nito iniwan.
Naupo si Ken sa isang papag na malapit sa malaking bintana ng kubo, tsaka inilapag sa tabi nito ang sanggol na nakangiti sa kanya. Napangiti rin si Ken dito. Itinabi na rin nito ang sukbit na sibat sa dingding. Napatingin ito sa mga tao na nasa baba na abala sa kani-kanilang mga gawain. Iginala ni Ken ang mga mata nito sa paligid. Kapansin-pansin ang mga palamuting naroon sa kubo ng matanda na buhat sa mga balat ng ahas. Napasinghap ng hangin si Ken nang makaamoy ito ng napakabangong halimuyak na tila ba tumatangay ng hangin papunta sa kanyang ilong. Hanggang sa naramdaman na lamang nito ang pamimigat sa mga talukap nito sa mata. Napasandal sa haligi ng papag si Ken, makaraan nakatulog agad ito.
Nang sandaling iyon seryosong kinakausap ni Nana ang isa pang mas matatandang miyembro ng kanilang tribu si Nano Umbong.
“Bakit mo pinahihintulutan makapasok sa atin ang peste na iyan? Nilalagay mo lang sa panganib ang Kumatnog. At alam mo kung ano ang kahihinatnan ng baryo natin sakaling…”
“Oo alam ko, at iyon ang dahilan bakit dinala ko sila rito. Hangga’t hawak natin ang kanyang anak hawak din natin ang kaligtasan ng ating baryo.” Tugon ni Bruka sa pinuno ng baryo na si Nano Umbong.
“Malaking kahibangan ang naiisip mo Bruka. Alam mo kung ano ang ibig sabihin ng sumpa ng buwan. At ang sanggol na iyan ay sinumpa ng kanyang lahi. At dahil sa pangingi-alam mo pati tayo nilalagay mo lang din sa kapahamakan!”
Tumaas ang boses ni Umbong.
“Hindi pangingi-alam ang ginawa ko. Ayon sa bugna, kayang baliktarin ang sumpa ng buwan. Kailangan lang ikubli ito mula sa kanyang liwanag bago pa lumabas mula sa kanya ang marka. Magiging kakampi natin ang ahas na iyon laban sa mga Agal-on.” Panindigan pa ni Bruka.
“Hibang ka na ngang talaga Bruka. Hindi sasang-ayunan ng kapulungan ang binabalak mo. Kahit anong giit mo, malaking banta parin sa atin ang sanggol ni Karuma. Kaya bukas na bukas din alisin mo na sila rito.” Tugon ni Nano.
Akma na itong aalis nang may binanggit si Bruka na nagpahinto sa kanya.
“Hawak nang lalake ang sagradong punyal at sibat ni Wagkus, ang anitong diyos ng ating lahi. Totoo ang kanyang kuwento at may kutob akong nakaharap mismo ng lalaking iyon si Wagkus at ipinagkaloob sa kanya ang mga sandatang iyon.” Sambit ni Bruka.
“Kakausapin ko ang sinasabi mong lalake.” Sabat ni Umbong tsaka nito iniwan si Bruka.
Samantala sa kinaroroonan naman ng iba. Halos nababaliw na ang mga ito sa kakahanap kina Ken at Pablo. Sinubukan na nilang maghiwa-hiwalay ng lugar ngunit bigo talaga ang mga itong makita ang dalawa.
“Bumalik nga tayo sa inyo pero naiwan naman natin sa kung saan ang dalawa. Ngayon para na tayong tanga na paikot-ikot lang sa loop na ito.” Ang nawawalan ng pag-asa ni Steve.
“Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa inyo, pero damay na rin kami rito. Ngunit ang pakiwari ko rito, may dahilan kung bakit kayo ibinalik sa taong ito.” Sabat ni Dante.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Steve.
“Si Elias, at si Ador o si Gideon man iyon, —sa panahon na rin na ito naiwan iyon ang ibig sabihin ni Dan. At hawak ng Gideon na iyon ang journal ng kung ano man iyon.” Singit ni Jhared.
“At kaya kayo ibinalik dito, para hanapin ang dalawang iyon at iyong bagay na hawak ng Gideon at Elias.” Ani ni Dante.
“Saan naman natin susundan ang mga iyon. Wala tayong kaalam-alam kung saan dito sa lugar niyo nagpunta ang dalawa. Para lang tayo naghahanap ng karayom sa dayami nito.” Wika pa ni Steve.
“Wala tayong no choice pare, kailangan natin ang alin man sa dalawang iyon para mahanap natin sina Pablo at Ken. Silang dalawa lang ang may ideya sa hiwaga ng bundok na ito. So kelan natin sisimulan ang paghahanap sa mga karayum?” Singit sa usapan ni Josh.
“Hindi ito kasing dali ng imahinasyon natin pinaglalaruan tayo ng bundok. Pagplanuhan natin ang mga gagawin. Ayon sa inyo,—kabilugan ng buwan nagsimula ang lahat ng ito. Sa mismong araw din kabilugan ng buwan tayo kikilos. At kung tama ang hinala ni Bal, sa araw din na iyon gagawin ng dalawa ang ritwal ng pagsasalin. Si Elias para mapalaya ang kanyang kasintahan, si Ador o Gideon naman para makuha ang bertud ng bundok. Pero bago ang lahat ng plano, pumasok na muna tayo sa bahay at nakapagluto na si nanay ng ating hapunan.” Saad ni Dante.
“Mukhang sa lahat ng plano, iyan yata ang pasok tayo. Tara na mga bro at kanina pa nagrerebelde mga minions ko sa tiyan.” Ang nakangising tugon ni Jhared.
“Mauna na kayo, susunod ako.” Ani ni Steve sa kaibigan nang nagpa-iwan muna ito saglit sa labas ng bakuran nila ni Dante.
Nakaupo lang ito sa mahabang papag sa ilalim ng mangga na nakatingala sa maliwanag na buwan. Muling inalala ang mga araw bago sila napunta sa lugar na iyon at napasok sa ganung sitwasyon. Parang nanghihinaan na ito ng loob lalo na at kulang na naman sila. Hanggang sa sumagi sa isip nito ang kuwento ni Jhared patungkol kay Elias. Hinanap nito ang peryodiko na dala ng tatay ni Dante galing bayan. At isang ideya ang nabuo sa kanyang isip. Dinampot nito ang nakarolyong peryodiko tsaka sumunod sa mga kasamahan sa loob ng kubo.
Sa mataas na bahagi ng kabundukan, sa gitna ng malayong kagubatan tanaw ang isang usok mula sa nagliliyab na siga sa parteng iyon. Nakasalang pa ang inihaw na bayawak sa apoy. Sa harap nun ang isang lalaking kumakain ng piraso ng karne mula sa nakasalang na bawayk, habang msuring pinagmamasdan ang hawak na mapa. Nakatingala ito sa liwanag ng buwan tsaka muling binalingan ang hawak na mapa.
“Kayo ang magtuturo sa akin sa hinahanap ko. Ang kailangan ko lang gawin ang mag hintay at mag abang.” Ang nakangising sambit pa nito, tsaka tumayo at napatingin sa direksiyon kung saan tanaw mula sa kinaroroonan nito ang malawak na palayan sa baba na pag-aari ng mga magulang nila Dante at Balong.

