loading

storieschaptersauthorsgenresstories
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)

Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)

MarthaCecilia_PHR · 18 chapters · 19,921 words

Cover

Chapter 1

I BINABA ng isang school bus ang isang walong taong gulang na batang babae. Nagtaka siya kung bakit maraming mga taong nakatayo sa tabing bakod at nakasilip sa kanilang bahay, at nang makita siya ng mga ito ay nagbulungan.

Hindi niya mawari ang kabang biglang naramdaman. Bagaman may kabigatan ang bitbit na school bag ay sinikap niyang mapabilis ang lakad.

Nakita niyang may dalawang nakaputing lalaking lumabas sa kanilang pintuan. Buhat ng mga ito ang isang stretcher.

Iniwan niya ang bag sa driveway at patakbong sinalubong ang mga ito. Sinulyapan niya ang laman ng stretcher na natatakpan ng puting kumot. Bago pa may nagawa ang dalawang attendant ay naalis na niya ang kumot at natambad ang duguang lalaking nasa stretcher.

Parang napasong binitiwan niya ang kumot.

Ang nakahiga ay ang Tito Ramon niya! Iyon ang tawag niya sa lalaking malimit bisita ng mama niya pag nasa destino ang kanyang papa.

Patakbo siyang pumanhik sa itaas ng bahay nila. Sa sitting room ay naroon ang papa niya. May kausap itong dalawang pulis.

Naisip niya, bakit naroon ang kanyang papa? Hindi ba’t nasa destino ito at sa isang linggo pa dapat ang uwi?

“Papa!” Patakbo siyang lumapit sa ama na noon lang siya napansin.

Mabilis siyang sinalubong ni Fernan at niyakap.

“Papa, bakit ang daming tao sa labas ng bahay natin? Bakit may mga pulis? Ano ang nangyari kay Tito Ramon?” sunod-sunod na tanong niya.

Hindi sumagot si Fernan, bagkus ay hinigpitan ang yakap sa kanya. Mula sa kinalalagyan nila ay natanaw niya ang nakabukas na silid ng mga magulang. Naroon ang mama niya na nakabalabal ng kumot at kinakausap ng isa pang pulis. Nakayuko lang itong nakaupo sa gilid ng kama.

Muli niyang tiningnan ang kanyang papa. May luha ang mga mata nito.

Ang sumunod na namalayan niya ay ang pagdating ng kanyang Ninong Lauro at Ninang Adela. Sandaling kinausap ni Fernan ang mga ito. Pagkatapos ay binalingan siya ng ama.

“Sweetheart, doon ka muna sa mga Ninong Lauro at Ninang Adela mo, ha? May aasikasuhin lang ang Papa,” gumagaralgal ang boses nitong sabi sa kanya.

“Saan ka pupunta, Pa? Huwag ka nang umalis.”

Sinulyapan niya ang kanyang ina. Nagagalit ito pag malambing siya sa kanyang papa. Kung sabagay ay lagi namang galit ang mama niya sa kanya.

“Halika na, Katherine. Pag naayos na ng papa mo ang aasikasuhin niya ay kukunin ka niya sa bahay,” anang Ninang Adela niya na hinawakan ang kanyang kamay.

Nakita niya nang sapuhin ng papa niya ng dalawang kamay ang ulo nito.

Chapter 2

SA panahon ng paglilitis ay manaka-nakang dumadalaw si Fernan sa anak. May nabubuo nang hinala sa panig ni Katherine, sa kung ano ang nangyayari, subalit hindi nito maisatinig.

“Nasaan ang Mama, Pa?” naitanong niya sa ama minsang dumalaw ito. Payat at hapis ang mukha nito na tinubuan na ng balbas.

Sa halip na sumagot ay niyakap siya ni Fernan. “I’m sorry, sweetheart. Hindi ko gustong maapektuhan ka. Mahal kita, anak. Ikaw na lang ang natitira sa akin,” wika nito sa gumagaralgal na tinig.

“I love you, too, Papa,” tugon niyang gumanti ng yakap sa ama.

“How are you, love? Kumusta na ang school?” Malungkot na nagyuko ng ulo si Katherine.

“Hindi na po ako pumapasok,” sabi niya.

Nagsalubong ang mga kilay ng ama. “Bakit? Hindi ka ba pinapapasok ng mga Ninong Lauro at Ninang Adela mo?”

“Hindi po, Papa. Ako ang ayaw pumasok. T-tinutukso ako ng mga classmate ko. Kriminal ka raw at ang mama nama’y…”

Humigpit ang yakap ni Fernan kay Katherine. Kung maaari lang nitong ibalik ang oras. They could have just left, hiniwalayan ng tahimik si Loretta. Subalit nagdilim ang paningin nito sa nakitang tagpo sa kuwarto nito at ng asawa.

Ngayon, pati buhay ni Katherine ay nadamay.

Itinaas nito ang mukha ng anak. “Promise me, Katherine. Mag-aaral ka at hindi sila iintindihin.”

“Kasi, Papa…”

“Ipabaon mo sa akin ang pangako, anak. Aalis ako, pansamantala… but I’ll be back for you.”

“Aalis ka na naman?”

“Kailangan, Katherine. So, be good while I’m away, okay?”

Malungkot na napatango na lamang siya.

Chapter 3

HINDI na muli pang nakita ni Katherine ang kanyang mama. Bahagya na siyang naapektuhan dahil kahit minsan ay hindi naman nagpakita ng pagmamahal sa kanya si Loretta. Smasaktan siya nito sa mga munting pagkakamali lalo at kung wala ang kanyang ama.

Napawalang-sala si Feman sa pagkakapatay sa kalaguyo ni Loretta. Ganoon pa man, sa panahong iyon ay hindi na alam ni Fernan kung ano ang gagawin sa kahihiyang tinamo. Sa guilt sa pagkakapatay ng isang tao. Sa pagkasira ng pamilya nito.

Dang buwan mula noon ay usap-usapan na rin ng mga tao ang pagkamatay ni Loretta sa kabilang bayan.

Nabaril ho ng asawa ng panibagong pinakisamahan.

Si Fernan ay nagpaalam sa anak na lalayo muna.

Sa taon ding iyon ay nalipat ng Maynila ang trabaho ni Lauro. Ipinagbili ng mag-asawa ang mga ari-arian upang sa Maynila na manirahan kasama si Katherine.

Labag man sa kalooban ay napilitan siyang sumama.

At sa Maynila ay muli siyang pinag-aral ng mag-asawang de Guzman.

Sa loob ng ilang panahon ay tumatanggap si Katherine ng sulat mula sa ama. Limang taon ang matuling lumipas bago sila muling nagkita.

Kagagaling lang nila ni Adela sa pamimili ng mga gamit sa eskuwelahan. Hindi niya inaasahan ang taong dinatnan nilang kausap ni Lauro sa sala. “P-Papa..?”

“How are you, sweetheart?” ani Fernan na inilahad ang mga bisig.

Patakbong lumapit sa ama si Katherine.

“Oh, Pa!” Hindi niya napunang nanlalambot na naupo sa isang stool si Adela. “Bakit ngayon ka lang?

Bakit ang tagal mong dumating?”

“I’m here now, Katherine. Isasama na kitang pauwi sa atin,” ang sabi at sinipat ang anak na umiiyak, na sa edad na trese ay malaking bulas at parang dalaga nang tingnan. “When did you grow so tall and pretty? Nasaan na ang batang nakakarga ko?” gulat na tanong nito.

Lumabi ang dalagita ngunit ang kalooba’y galak na galak. “Ako pa rin ‘yon, Papa…” ang sabi niya at niyakap nang mahigpit ang ama.

Chapter 4

NAG-EEMPAKE ng mga gamit si Katherine nang malungkot na lumapit sa kanya si Adela.

“Huwag mong dalhing lahat ang mga gamit mo, hija,” anito na bagaman tinutulungan siyang magbalot ay humihikbi. “You might wish to come back. O di kaya, pag nagbakasyon ka rito.”

“Oh, Mommy, I’m sorry,” niyakap niya ito. Mommy at daddy ang gusto ng mag-asawang itawag niya sa mga ito. “Hindi ko kayo gustong iwan ng Daddy. Mahal ko rin kayo, pero…”

“Nauunawaan ko, Katherine. Si Fernan ang ama mo at sa yugtong ito ng buhay niya ay naka-recover na siya marahil. Alam mo bang nag-asawa na siyang muli?”

Tumango ang dalagita. Sinabi ng papa niya kaninang mapag-isa sila. “Mabait daw po si… H-Helen,” nag-aalangan niyang sabi.

Pinahid ni Adela ang luha sa mga mata. “Huwag mong kalilimutang sumulat and you can always come back, Katherine.”

“Alain ko, Mommy. At salamat po sa lahat.”

MAKALIPAS ang mahigit limang taon ay muling tumuntong sa bahay nila si Katherine. Naroon na si Helen at naghihintay nang dumating sila. Sa pagkakaalam niya ay wala pang isang buwang nakakasal ang dalawa.

“Hello, Katherine,” isang mainit at palakaibigang pagbati ang isinalubong ng madrasta sa kanya. Hindi niya inaasahang bata pa ito at maganda. Sabi ng papa niya ay twenty nine years old na ito at isang guro sa kabilang bayan. Ang papa niya ay forty na.

His father picked a young and beautiful bride. Ang sumunod na mga araw ay hindi inaasahan ng dalagita. Sa Maynila pa lang ay umaasam na siyang parati silang magkasama ni Fernan. Magkukuwentuhan at magbabalitaan ng mga pangyayari sa panahong nawala. Subalit hindi nangyari ang inaasahan niya. At sa gulang niyang iyon ay hindi niya maunawaan kung bakit mas higit ang panahong iniuukol nito kay Helen.

Walang maaaring ipintas sa asawang kauli ng ama niya. Sinisikap nitong maging kaibigan siya. Subalit hindi si Helen ang kailangan niya kundi si Fernan. Si Fernan na ang mga mata ay lagi na kay Helen.

“Hello,” isang tinig ang gumulantang sa kanya mula sa tahimik na pagkakaupo sa may duyan.

Nilingon niya ito. Isang binatilyo na marahil ay nasa pagitan ng eighteen o nineteen. Bagaman may kapayatan ay matangkad at guwapito.

“Ikaw siguro ang anak ng Kuya Fernan,” nakangiting simula nito. “Ako si Emilio, bunsong kapatid ni Helen. Mula rito sa Dapitan hanggang sa baryo namin ay mahigit isang oras ang biyahe. Pero dito ako tumitira pag pasukan,” tuloy-tuloy na pagbibigay nito ng impormasyon sa kanya.

Gusto niya itong itaboy dahil ibig niyang mapag-isa at mag-isip pero mukhang mabait naman ito.

“Hello, rin,” sagot niya.

“Ikaw, naayos mo na ba ang transfer mo mula sa Maynila? Isang linggo ka na rito, ‘di ba?” Dalawang kamay nitong hinawakan ang lubid habang nakayuko sa kanya.

“Siguro ay inaayos ng Papa,” tulad ni Helen ay friendly ang lalake pero hindi siya tumitingin dito nang deretso.

“Huwag kang mag-alala, kasama mo ako lagi sa pagpasok. Third year na ako sa pasukan. Business Management ang kinukuha ko. Ikaw?” Marahan nitong inugoy ang duyan. Napaayos ng upo si

Katherine.

“Second year…” maiksi niyang sagot na biglang kinabahan dahil nilakasan ni Emilio ang ugoy at umaangat siya sa lupa. Mahigpit siyang kumapit sa lubid.

“Sana’y hindi mo hanap-hanapin ang Maynila, Melody Fair!” malakas na sigaw ni Emilio dahil mataas na rin ang indayog ng duyan.

“H-hindi Melody ang pangalan ko!” ganting sigaw niya dahil nasa itaas na siya at takot na takot na baka mahulog o tumilapon.

Pinigil ni Emilio ang duyan nang makita ang takot at pamumutla niya. “Alam koug hindi iyon ang pangalan mo. Bago kita nilapitan ay may beinte minutos siguro kitang pinagmasdan. Melody Fair… alam mo ba iyong kanta ng Bee Gees? Who is that girl with a ciying face?” hinimig nito ang linya ng kanta.

Bahagyang tumango si Katherine.

Nang sumunod na mga araw ay nagkaroon siya ng kausap at kasama sa katauhan ni Emilio.

“Bakit ba lagi kang malungkot at tila iiyak?” tanong nito habang isinusulat sa buhangin ang pangalan ni Katherine. “Hindi mo ba gusto rito? Hindi mo ba ako gustong kasama?”

Tinitigan niya si Emilio at malungkot na umiling. “H-hindi mo ako maiintindihan, Emilio.” Tinanaw niya ang ama at si Helen na parang magkasintahang naglalaro sa tubig. Mula nang dumating si Emilio ay lalo nang nawalan ng panahon si Fernan sa kanya.

Hindi niya gustong magalit kay Fmilio at itaboy ito dahil wala naman itong alam sa nararamdaman niya.

“Kung anuman ang gusto mong sabihin, babe, narito lang ako. Makikinig ako.” Tinabihan siya nito sa pagkakaupo sa buhangin.

Sa kabila ng lahat ay nangiti si Katherine. Biglang ibinagsak ni Emilio ang sarili pahiga sa buhanginan. “Wow! Parang gusto kong bayaran ang ngiting iyan!”

Tuluyan nang nangiti ang dalagita. Dumakot siya ng buhangin at initsa sa tiyan ni Emilio bago mabilis na tumayo.

“Hey, that’s not fair!” sigaw ni Emilio na mabilis na umupo at pinagpag ang buhangin sa katawan.

Nilingon ito ng nakangiting si Katherine at dumila. Bahagyang umiling si Emilio at ipinatong ang braso sa tuhod at masuyong sinundan ng tanaw ang papalayong dalagita.

Five feet tall si Katherine at thirteen going on fourteen. May magagandang pares ng binti at mukhang kung tawagin ng iba ay “a face that launched a thousand ships’.

Ngingiti-ngiting muling umiling si Emilio. Alam nitong hindi aware si Katherine na ang mga ginawa niya ay slight flirtations.

Grow up soon, babe. And when you do that again, I promised you that it won’t definitely go unnoticed, bulong nito.

Chapter 5

BAGAMAN napalagay na ang loob ni Katherine kay Emilio ay hindi kayang pagtakpan ng huli ang panibugho kay Helen na umuusbong sa dibdib niya. Kaytagal niyang pinanabikang magkha silang muli ni Fernan subalit ngayong nandho ito ay hindi rin pala sila magkakaroon ng pagkakataon para sa isa’t isa.

Hustong ikatlong linggo niya roon nang kausapin niya si Fernan at sabihin dito ang kanyang balak.

“Ano’ng sinabi mo, Katherine?” nabiglang tanong ni Fernan.

“Babalik ako ng Maynila. Ayoko dito,” mariin niyang pahayag.

“Bakit? Ano’ng ayaw mo dito? Akala ko ba ay gusto mong magkasama tayong muli?” nagugulumihanang wika ni Fernan.

Ikaw ang walang panahon sa akin! Minsan ma’y hindi tayo nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ng matagal mula nang dumating ako rito. Laging kayo ni Helen ang magkasama ! tahimik na isinisigaw ng isip niya.

“Sana’y ikuha mo ako ng ticket sa barko bukas. At hindi mo ako kinakailangang ihatid. Pakitelegramahan mo na lang ang Mommy Adela,” naroon ang determinasyon sa tinig niya.

“Hindi ako papayag, Katherine. Hindi!” Napatayo si Feman.

Hinawakan ni Helen ang braso nito. Tinitigan lang niya ang ama at alam nitong hindi na siya mapipigilan.

Sa gulang niyang iyon ay hindi niya kayang arukin ang ibinabadya ng mukha ni Fernan. Ang hindi niya kayang kalimutan ay ang huling sinabi nito.

“Katulad ka rin ng iyong ina! Hindi ka masiyahan sa piling ko!”

Kung sinaktan siya ni Feman ay mamatamisin pa niya kaysa sa sinabi nko. Walang kibong pumasok siya ng silid upang ayusin ang kanyang mga gamit.

Kinabukasan ay inihatid siya ng mag-asawa sa barko. Ni hindi nagtagal si Fernan sa kabila ng pagpipilit ni Helen na hintayin munang umusad ang barko bago umalis.

Ilang minuto na siyang nakatanaw sa dagat nang may humawak sa balikat niya.

“Katherine…” si Emilio.

Sarisaring emosyon ang nasa mukha nito at walang maintindihan si Katherine kahit na ano.

“Ang akala ko ay hindi ka aalis,” puno ng hinanakit ang tinig nito.

“Gusto kong manatili, kaya lang…” Anong sasabihin niya? Paano siya magpapaliwanag?

“Malungkot kasi dito sa amin. Wala kang makikita kundi mga puno at niyog at dagat. Sa Maynila ay masaya,” may galit sa tinig nito.

“Hindi iyon ang dahilan.”

Tumabi si Emilio sa barandilya at tinanaw ang laot. “Malulungkot ako… nagagalit ako sa iyo. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mong bumalik sa mga taong hindi mo kapamilya.”

Dahil mahal nila ako! Nararamdaman kong mahal nila ako. Si Helen ang mahal ni Fernan. Intruder lang ako!

“Paano ka?” ani Emilio nang hindi sumagot si Katherine. “Nag-iisa ka rito sa barko,” ang galit sa tinig nito ay nahalinhan ng pag-aalala.

“Sasalubungin ako ng Daddy at Mommy, Emilio.” Kumalembang ang munting kampanilyang hawak ng lalake na umiikot sa barko. Nangangahulugan lamang na ang lahat ng hindi pasahero ay dapat nang umalis dahil aalisin na ang hagdanan. Ilang sandali na lang at aalis na ang barko.

Hinawakan ni Emilio ang kamay ng dalagita. Mahigpit. Nagtatagis ang mga bagang nito.

“I hate you, Katherine!“bulong nito. Pagkatapos ay binitiwan ang kamay niya na gustong manakit dahil sa higpit ng pagkakapigil nito.

At tumalikod na si Emilio.

Mabigat ang dibdib na ibinalik ng dalagita ang mga mata niya sa laot. Hindi siya iiyak. Hindi para kay Fernan. Hindi para sa kaibigang nawala.

Chapter 6

T AHIMIK na pinagmamasdan ni Katherine ang dalawang batong marmol. Gusto niyang umiyak pero walang luhang tumulo sa kanyang mga mata. Napabaling sa kawalan ang tingin niya. Kung siya ang masusunod ay hindi na kailangang bumalik pa ng Pilipinas. Wala na siyang babalikan pa.

Muli niyang tinunghayan ang mga batong marmol. Nakasulat doon ang pangalan ng mag-asawang umampon sa kanya. Dalawang taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Lauro pagkatapos ng mahabang pakikipagtunggali sa sakit na kanser.

Hindi naging madali para kay Adela na tanggaping wala na ang pinakamamahal na asawa. Nanatili ito sa mahabang pamimighati hanggang sa ito man ay igupo na rin ng karamdaman. May hinala siyang hindi na rin nito gustong tumagal pa ang buhay.

Hiniling ni Adela na iuwi ito ng Pilipinas upang dito mamatay. Ipinahukay nito ang mga buto ng asawa upang isama pabalik. At wala pang dalawang linggo matapos silang makabalik sa dating bahay ay namatay si Adela.

Isang huling sulyap ang ipinukol ng dalaga sa mga bato bago mabigat ang mga hakbang na bumalik sa nirentahang sasakyan. Iniwan sa kanya ni Adela ang lahat ng mga ari-arian nito. Ang pera sa bangko sa New York at ang bahay at lupa dito sa Pilipinas. Ipaaayos niya sa abogado ang lahat ng kailangang gawin sa pagbebenta ng lupa at bahay. Bibigyan niya ng sapat na pera ang mag-asawang katiwala upang makauwi ng Mindanao. Pagkatapos ay babalik siya sa Amerika upang huwag nang magbalik kailanman.

Pagdating niya ng bahay ay nalaman niya mula kay Aling Patring na may bisita siyang naghihintay.

Sa sala ay tumayo ang isang may-edad na lalake nang pumasok siya. Inabot nito ang isang kamay sa kanya.

“Good afternoon, Miss Alveza. I am attorney Francia.”

Bahagyang tumango si Katherine. Ipinasa ba ng abogado ng Mommy Adela niya sa iba ang trabaho nito? “Please sit down, Attorney Francia.” Naupo siya sa katapat nito.

“Three days ago, nabasa ng kliyente ko ang pagkamatay ni Mrs. Adela de Guzman sa obituary page, Miss Alveza. At nais niyang ipaabot sa inyo ang kanyang pakikiramay. Ganoon din ako,” tumikhim ito.

“Thank you. Sino ang kliyenteng tinutukoy ninyo, Attorney?”

Nag-angat ng ulo ang abogado at tinitigan siya. “Si Mr. Fernando Alveza.”

Mahigpit na napahawak si Katherine sa armrest ng sofa. Bakit kailangan niyang kabahan sa pangalang binanggit ng abogado? Hindi ba’t sa loob ng sampung taong pamamalagi sa Amerika ay ipinangako niya sa sarili niyang hindi siya maaapektuhan.

“W-well… how nice of him to send you for his condolences,” naroon ang sarcasm sa bahagyang nanginginig na boses niya.

Muling tumikhim ang abogado. “Ikinalulungkot kong sa pagkakataong ganito tayo nagkita, Katherine,” muli itong tumitig sa kanya. “Can I call you, Katherine?”

Bahagyang tumango ang dalaga. “Kung hindi dahil sa announcement na iyon sa obituary page ay hindi namin malamang narito ka sa Pilipinas.”

Hindi alam ng dalaga ang sasabihin. Saan patungo ang usapang ito?

“Limang taon ko ng kliyente si Mr. Alveza, hija. At sa loob ng mga panahong iyon ay hindi iilang beses akong pumaparito sa bahay na ito upang alamin ang iyong kinaroroonan. O, di kaya ay upang alamin kung nakabalik na kayo mula Amerika,” patuloy ng abogado.

“I wonder why, Attorney.” At bakit nagpalipas ng limang taon si Fernan para alamin kung nasaan siya? Ano ang nangyari sa naunang limang taon. Ganoon ba katagal bago nito na-realize na umiiral siya?

“Gusto ka niyang makita, Katherine. Ang bilin niya ay isama kita sa pagbabalik ko ng Mindanao. I came here for that purpose alone.”

Napatayo ang dalaga. May pumasok sa isip niya.

Ang sinabi ng Mommy Adela niya sa mga huling araw nito. ‘See your father, Katherine, please. Ipangako mo sa akin na makikipagkita ka sa kanya pagkamatay ko. Ihingi mo ako ng tawad.’ Hindi niya alam kung bakit sinasabi iyon ni Adela. Hindi niya ninais malaman. Higit ang pag-aalala niya sa kondisyon nito.

Hinarap ni Katherine ang abogado. “Maaari ninyong sabihin sa inyong kliyente, Attorney na… na… busy ako dahil sa pagkamatay ng Mommy Adela. Na inaasikaso ko ang mga naiwan niya… na…”

“May sakit ang papa mo, Katherine. Three months ago ay nagkaroon siya ng atake. Kung hindi ay kasama ko siya rito.”

Hinatak niya patalikod ng dalawang kamay ang buhok. Ano’ng pakialam ko! gusto niyang isigaw. Pero pinigil siya ng breeding at kabutihang-asal.

Napapailing ang abogado sa emosyong nasa mukha niya na hindi maisatinig. “Nasa recovery period si Fernan, Katherine. Makasasama sa kanya kung sasabihin kong hindi mo gustong makipagkita sa kanya. Ayokong gawin iyon. Sasabihin ko sa kanya na darating ka.”

“Hindi ninyo gagawin iyon, Attorney,” pormal ang tinig niya at nahimigan ng matandang abogado ang pag-uutos.

“Hindi ko alam kung ano ang problema ninyong mag-ama, hija. Pero alam ko kung gaano ang paghahangad ni Fernan na makita ka. So please see him,” pagkasabi niyo’y tumayo na ang abogado. Dinampot ang attache case sa ibabawng center table.

Tumayo rin si Katherine. “I’m sorry, Attorney. I really…”

Nilingon siya nito. “Sasabihin kong darating ka. Good day, hija. I’ll see you there.”

Chapter 7

MATAGAL nang wala ang abogado ay naroon pa rin si Katherine. Sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang pagnanais at pananabik na makita ang ama. Palakad-lakad siya sa sala. Kailangan niyang magpasya dahil ilang linggo na lang ang natitira sa bakasyong ibinigay ng boss niya sa kanya.

Tinawagan niya ang abogado ni Adela at ini-schedule ang appointment dito sa susunod na linggo. Dalawang araw mula nang mag-usap sila ni Attorney Francia ay sakay na ng eroplano si Katherine patungong Mindanao.

Pagdating sa airport ay nagpahatid siya sa town proper. Sa isang hotel siya dinala ng taxi driver. Mariana Hotel. So, may nadagdag palang hotel sa munting siyudad na ito , aniya na tiningala ang sa palagay niya ay mga limang palapag na gusali.

Pagpasok sa kuwarto ay ibinagsak ng dalaga ang sarili sa kama matapos siyang iwanan ng boy na nagdala ng kanyang bagahe. Hindi niya alam kung gaano siya katagal mananatili rito. It could be a day or two.

Tiningnan niya ang relo sa braso. Alas-dos y-media ng hapon. Makararating siya sa bayan nila in less than an hour. Nag-shower muna siya at pagkatapos ay nagbihis. Original Levi’s na may mga butones sa harapan ang isinuot niya. Sa New York pa niya ito binili at nang kuwentahin niya ang halaga sa peso ay nalula siya.

Hinugot niya mula sa maleta ang long sleeves na puti at nag-tucked-in. Pagkatapos ay inilabas ang boots. Naglagayng mousse at sinuklay ng daliri ang buhok na lampas-balikat. Naglagay siya ng kaunting pabango at lipstick, pagkatapos ay dinampot niya ang bag at bumaba sa lobby.

Sa kanya halos nakatuon ang pansin ng lahat. Tall, sleek, and classy. Magandang mukha at katawan. Exotic ang morenang balat. Karaniwan na sa kanya ang makatawag ng pansin. Well, iyon ang trabaho niya.

“Where can I rent a car?” tanong niya sa lalaking nasa reception desk na agad ngumiti. Itinuro nito ang isang rent-a-car na malapit lang sa hotel.

Ilang sandali pa ay binabaybay na niya ang daan patungo sa bayan nila. She has to pass Dapitan City at mula roon ay sampung minuto o mahigit pa ang tatakbuhin ng kotse hanggang sa kanila.

Wala pa ring nabago sa tanawin sa paningin niya. Mga dahon ng Nipa sa swamp. Mga puno ng nagtataasang niyog sa tabi ng daan.

Well, of course, Dapitan now is a tourist spot because of Dakak. Nilingon niya ang paligid ng town proper at sinikap alalahanin kung saan siya liliko. Palibhasa’y wala namang gasinong sasakyan sa daan dahil patay na oras ay kampante siya sa pagmamaneho.

Habang lumiliko siya sa kaliwa ay lumilingon naman siya sa kanan. Huli na nang mapansin niya na matutumbok niya ang isang nakaparadang motorsiklo.

“Oh, dear!” bulalas niya sabay apak sa preno. Agad siyang bumaba ng kotse at nakapamaywang pang tiningnan ang malaking motorsiklong nadagil niya. A 750 Honda. Napalunok ang dalaga. Yupi ang likuran niyon at basag ang tail light, at marahil maging sa harapan.

“Unsa’y nahitabo sa akong bike!” bulalas ng tinig mula sa kanyang likuran. Bago pa niya ito nalingon ay nasa tabi na ito ng motorsiklo at galit iyong ininspeksiyon.

Ibubuka na lang sana niya ang kanyang bibig up ang humingi ng dispensa at tuloy sagutin ang anumang napinsala sa magarbong motorsiklo nang biglang tumayo ang lalake at galit na hinarap siya.

“Kung hindi ka ba naman tanga! Hindi ka naman pala marunoug mag-drive ay gumagala ka sa daan!” singhal nito sa local dialect. “Nasa rampa na ang motorsiklo ko, ah!”

Bago pa uli makapagsalita ang dalaga ay isa pang lalake ang lumapit. Kung hindi siya galit at nabigla ay mangingiti siya sa dalawang nilikhang nasa harap niya. Parehong guwapo at mataas. Naisip pa niya: puno ba ng magagandang lalake ang bayang ito?

Naalala niya noong minsang nasa Australia sila. Kahit saan siya lumingon, puro magagandang lalake at macho ang mga pulis at highway patrol na nakita niya.

“Ano’ng nangyari, pare?” bungad ng bagong dating.

“Kung bindi ba naman bulag ang isang iyan sukat bungguin ang bike ko na nakatabi na,” inis nitong sagot sa dumating na kasama.

Matangkad na siya pero nakatingala pa rin siya dito. 5’11”? Six footer? Who cares? Bumangon na ang galit niya sa pagkakasinghal nito sa kanya. At nungka sa buong buhay niyang nasinghalan siya nang ganoon ng isang lalake. Makita lamang siya ng mga ito ay nawawala na ang galit kahit kasalanan pa niya.

“Siguro taga-Maynila ka ano?” singhal nitong muli. “Para kayong turistang trying hard kung mag-aasta. Pilit ninyong ginagaya ang mga dayuhang nandito!” pagalit nitong sinabi sa Tagalog na bagaman deretso at mahusay ay naroon ang bahagyang accent.

Nagpanting ang tenga niya. Kanina ay tanga at bulag siya. Ngayon naman ay turistang trying hard.

“Hoy mister, kung sino ka man ay wala kang karapatang laitin ako dahil lang sa hindi ko sinasadyang tamaan iyang motorsiklo mo!”

“Hindi sinasadya! Nagbibiro ka. Nasa…”

Pare, relaks. Mapag-uusapan naman iyan, eh,” awat ng kaibigan nito na nginitian si Katherine. Gumanti ng bahagyang ngiti ang dalaga bilang pasasalamat sa pamamagitan nito.

“Babayaran ko ang anumang na-damage sa motorsiklo mo. Wala akong oras para makipagsigawan sa iyo ngayon.” Napatingin siya sa kanyang relo. Gagabihin siya. “Bukas ng umaga, puntahan mo ako sa Mariana Hotel Nasa Room 305 ako!” aniya sa mataas na boses. At bago pa may masabi ang lalake ay mabilis siyang nagbalik sa loob ng kotse at mabilis na nagmaniobra palayo sa lugar na iyon.

Malayo na si Katherine ay nakatanaw pa rin sa kanya ang dalawang lalake.

“Wow, pare. Sino iyon? Bagyo ang dating, ah. Sayang hindi natin nakilala. Totoo kayang sa Mariana naka-checked in iyon?”

“Natitiyak ko. Napansin mo ba iyong sticker sa tagiliran ng kotseng gamit niya? Sa rent-a-car sa tabi ng hotel iyon,” naiinis pa ring sinabi nito.

“Nakita mo ang bumper pare nang tumalikod? Perfect! Parang modelo kung tumayo at lumakad,” ang kaibigan uli nito.

“Magtigil ka nga, Jerry. Parang ngayon ka lang nakakita ng magandang babae. Ang dami niyan dito sa atin, totoo pa ang ganda.”

Hindi pinansin ng tinawag na Jerry ang panunuya ng kaibigan. “Kung makikilala ko iyon ay hindi bale nang banggain niya ang kotse ko. Dies, pare. Perfect 10 ang rate ko sa babaeng iyon!”

Umiling-iling na muling itinuon ng lalake ang pansin nito sa bike. Hindi nito aaminin sa kaibigan na ito man ay nabighani sa babae. At lalo pang gumanda ang babae nang magalit. Kung bakit ba nabigla siya at nasinghalan niya kaagad.

Lihim na ngumiti ang lalaki nang maalala kung saan ito nakatuloy. Mariana Hotel, ha? Pupuntahan ba niya? Well, if only for the purpose of seeing her again. Titiyakin nitong naroon ito first hour in the morning.

“Samahan mo nga akong dalhin ito sa shop,” yakag nito sa kaibigan. “Hindi naman malaki ang na-damage, madali lang ito. Mas gusto kong gamitin ang motorsiklo ko patungong bukid kaysa sa jeep o pick up.”

Chapter 8

MALAYO na si Katherine ay nagpupuyos pa rin siya sa galit na lalong nagpahirap sa kanyang matunton ang tamang daah. Kailangan pa niyang magtanong upang matutuhan ang da an patungo sa bahay ng ama niya. Ang fifteen minutes na takbo mula sa town proper kung saan siya nakabangga ay naging treinta minutos.

Ipinarada niya ang kotse sa harap mismo ng gate na bakal. Ito pa rin ang gate bagaman bagong pintura. Ang bakod ay bahagyang tinaasan. Kinakabahang sinilip ng dalaga ang maluwang na bakuran. Sa gitna ay ang dating bahay-kastila na kung saan siya ipinanganak.

Alanganing diniinan niya ang nakitang buzzer. Wala ito noon. Makalipas ang ilang segundo ay may lumabas mula sa likod ng bahay. Katulong marahil. Parang napakatagal bago ito nakarating sa gate.

“May kailangan po sila?” wika nito sa visayan accent.

Tumikhim muna ang dalaga. “Na… nariyan ba si Helen? Kaibigan niya ako.” Bakit si Helen ang hinanap niya?

Binuksan ng katulong ang gate at pinapasok siya. Tumatahip ang dibdib na nilinga niya ang loob ng bakuran. Tulad pa rin ng dati. Malawak at nag-riot ang mga bulaklak at halaman sa paligid. Naroon pa rin ang dalawang puno ng Kalachuchi sa dulo. Nagyabong ang iba’t ibang kulay ng bulaklak ng Bougainville. Puti, pink, violet, red at dilaw. Ang sabi ng papa niya noong araw ay collection ito ng lola niya. Kaygaganda rin ng mga rosas.

Sa driveway ay ang malalaking daisy. Iba’t ibang kulay rin. Hindi niya maunawaan ang warmth na naramdaman niya sa dibdib.

Binuksan ng katulong ang malaking pinto sa sala at pinapasok siya. Sa dulo ng malaking bulwagan ay naroon ang hinahanap niya. Nagbaba ito ng isang basong juice sa lamesita sa harap ng asawa.

Sunod-sunod ang kaba niya.

“Manang Helen, may nagliahanap sa inyo,” ang katulong na nilingon siya at muling nagpatuloy sa paglakad. Naiwan siyang nakatayo sa malapit sa pinto.

“May… kailangan ka sa akin, Miss?” bungad ni Helen na sinabayan ng lingon ang asawang titig na titig sa bagong dating.

Inabot ng lalake ang baston sa tabi at marahang tumayo. Buong lakas ay nakatuon sa baston. Marahan itong tumayo at humakbang papalapit sa kanya. Siya man ay lumakad nang marahan.

Muli siyang tiningnan ng lalake mula ulo hanggang paa. “Katherine… ikaw nga ba?” bulong nito.

Hindi alam ng dalaga na kanina pa siya nagpipigil ng paghinga. Kumawala ang malalim na paghinga niya. “K-kumusta ka na, Papa?”

“Ikaw nga! O, sweetheart, ikaw nga!” Inilahad nito ang mga kamay para sa kanya. Lumapit si Katherine at yumakap sa ama. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Sinikap niyang kontrolin nang husto ang emosyon at luhang nakaantabay.

“My baby!” Bahagya siya nitong inilayo. Tumatawa pero may tumulong mga luha. “Ang unica hija ko, Helen,” nilingon nito ang asawang nakamasid lang. Bakas ang tuwa sa mukha ni Helen.

“Welcome home, Katherine…” anito.

Bahagyang nagulat si Katherine. Home. Where is home? Ang bahay ba nina Lauro at Adela? Ang boarding house? O ang apartment niya ngayon sa New York kasama ang dalawa pa niyang ka-share doon?

Inakay ni Fernan ang anak sa sofa. “Aba’y ang taas mo na, ah. Halos pumantay ka na sa akin,” muling sinipat ang anak. “And very lovely!”

“Sinabi ni Attorney Francia na darating ka, Katherine. Hindi nga lang niya matiyak sa amin kung kailan. Pinag-uusapan ka lang namin ng papa mo.”

Sinulyapan ng dalaga ang madrasta. Maliban sa mga taong nadagdag ay maganda pa rin at palangiti si Helen.

“I’m sorry kung hindi ako nakapag-abiso. Ang Mommy…”

“Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Adela, Katherine. Hindi ako makapunta. Kumusta na si Lauro?” Bahagyang nag-angat ng ulo ang dalaga sa nahimigang galit sa tinig ng ama.

“Dalawang taon na siyang namamatay. Sa Amerika pa…”

Malungkot na ngumiti si Fernan bagaman nasa mga mata ang kinikimkim na galit. “Tinangay nila sa kamatayan nila ang sampung taon na ninakaw nila sa akin,” wika nito sa matigas na tinig. Nanginginig ang mga kamay nito sa pagkakahawak sa baston.

“Fernan, please. Nangako ka…” si Helen na humawak sa balikat ng asawa. Pinagtakhan ni Katherine ang sinabi ng ama.

“Ang mahalaga’y narito kang muli, hija,” tinapik nito ang kamay niya.

Nasa ganoon silang pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto.

“Helen, ano ang ginagawa ng kotseng iyon sa harap ng gate natin?” walang kaabog-abog na bungad ng lalaki.

Napatayo si Katherine sa biglang pagpasok na iyon ng lalake at nagsalubong ang tingin nila.

“Ikaw!” magkapanabay pang nasabi ng dalawa.

Chapter 9

N AGKITA na ba kayong dalawa, Emilio?” nagtatakang tanong ni Helen na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. “Emilio, natatandaan mo ba si Katherine? Katherine ang kapatid ko.”

Hindi pinansin ng dalawa ang sinabi ni Helen na nakatitig pa rin sa isa’t isa.

Si Emilio ito? takang tanong ni Katherine sa sarili. Matangkad at payat ang dating Emilio na kilala niya. Guwapito sa hapis na mukha. Ibang Emilio ang kaharap niya ngayon. Ito ang uri ng lalakeng pag nagdaan sa harap mo ay mapapabuntong-hininga ka. At mangangarap na sana’y ngitian ka.

At parang gusto niyang mainggit sa kupasing maong na suot nito. Aba’y halos nakayakap na sa mga maskuladong hita at binti sa higpit. Ang mga advertisers ng blue jeans sa New York would surely welcome him with open arms to model their brand.

Blue checkered long sleeves na nakapaloob sa pantalong walang sinturon ang pang-itaas nito. Nakarolyo ang mahabang manggas hanggang sa bago dumating ng siko. At nakikita niya ang mga balahibong nag-aalpasan mula sa mga braso nito.

Oh my! Paano na laug ang mga tagong bahagi ng katawan nito?

Si Emilio ang uri ng lalaking gusto mong magkasala kung hindi man sa gawa ay sa isip. At isiping sa uri ng trabaho niya ay nagkalat ang macho at guwapo. Ang ex-boyfriend niyang si Kent Myers ay guwapo at hunk.

Pero binigyan ni Emilio ng bagong kahulugan ang salitang ‘hunk.’

Sa palagay ng dalaga ay taon ang tinagal ng pagtititigan nilang iyon. Tumikhim si Fernan at unang nagbaba ng tingin si Emilio at mabilis na muling lumabas.

Naupo si Katherine. Napahiya sa mag-asawa.

“Nabunggo ko ang motorsiklo niya kaninang patungo ako rito, Helen,” paliwanag niya. “Hihingi sana ako ng dispensa at aayusin kung anuman ang damage pero sininghalan na niya ako agad. So, nagalit din ako.”

Nagkatitigan ang mag-asawa at sabay na nagtawanan. “Kaya pala ganoon na lang ang pagsasalubong ng kilay noon. Wala pang isang linggo mula nang mai-deliver ang Honda na iyon, Katherine.”

“I’m sorry. I’ll shoulder all damages.”

Iwinasiwas ni Helen ang kamay nito. “Kalimutan mo na iyon. Si Emilio na ang bahala roon.”

“Hindi. Sasagutin ko. Kasinghalaga ng kotse ang Honda niyang iyon, ah. At saka talaga namang kasalanan ko, totoo namang nasa tabi ang motorsiklo niya.”

“Hayaan mong sila ni Emilio ang mag-usap doon, Helen,” ngingiti-ngiting sagot naman ni Fernan. “Samahan mo na si Katherine sa dati niyang silid. Hayaan mong makapagpahinga siya bago maghapunan.”

“Nasaan ang mga gamit mo, Katherine?” ani Helen. “Nasa kotse ba sa labas? At bakit ka nga pala nakakotse?” sunod-sunod nitong tanong sabay sulyap kay Fernan na tumingin din sa anak.

“I rented the car. Na… naka-checked in ako sa Mariana, Papa. Naroon ang maleta ko.”

“Pero bakit hindi ka dumeretso rito? Bakit sa hotel ka nagtuloy gayung kaydaming silid ng bahay na ito, hija?” nagugulumihanang tanong ni Fernan.

Hindi alam ng dalaga kung paano agad sasagutin iyon. Mula sa likod ay hindi niya napuna ang muling pagpasok ni Emilio. Sumandal ito sa may divider na siyang nakapagitan sa malaking sala at dining room.

“I… I… don’t intend to stay longer than necessary,” mahinang tugon niya.

Ilang sandaling katahimikan ang lumipas. Si Fernan ay nakamasid lang sa anak.

“And how long is necessary? Three days? O three weeks?” seryosong tanong ni Emilio pagkatapos ng namagitang katahimikan.

Kung bakit kailangang malito ni Katherine sa tanong na iyon ay hindi niya alam. Hindi ba at napagpasiyahan na niya kung gaano siya katagal dapat na manatili roon?

Sinulyapan ng dalaga ang ama na tila nahahapo. “K-kailangan kong makipag-usap sa abogado ng Mommy Adela, Papa. Maraming dapat asikasuhing naiwan.”

“Kukunin ko ang mga gamit niya sa Mariana, Kuya Fernan. At ako na ang bahala sa kotse,” si Emilio na kay Fernan nakatingin.

“Why, you…!” Napigil ang dalaga sa sasabihin dahil sa warning na nakita niya sa mga mata ng binata na muling tumingin kay Fernan.

Tumayo si Fernan at sa kauna-unahang pagkakataon ay napagtuunan niya ng pansin ang baston ng ama at ang wheelchair sa may sulok.

“Akina ang susi mo sa kuwarto sa hotel, Katherine,” si Emilio uli sa awtorisadong tinig.

Inalis ng dalaga ang tingin sa ama. Parang gusto niyang pagsisihan ang sinabi. May sakit bang talaga si Fernan?

Dinukot niya sa bag ang susi at inabot kay Emilio na hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya. Pagkatapos ay inilabas ang wallet at kumuha ng pera at iniabot din kay Emilio.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. “Para saan iyan?”

“Sa hotel bill ko at sa car rental.”

Isang huling sulyap ang ibinigay ni Emilio sa kanya bago tuluyang lumabas. Nilingon ni Katherine ang mag-asawa. Nagtatanong ang mga mata niya.

“Mariana Hotel is a family business, Katherine. Pag-aari ni Emilio ang kalahati at management control,” ani Helen.

“And the other half?”

Tiningnan muna ni Helen si Fenian na bahagyang tumango. “Sa iyo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “A-anong ibig mong sabihin?”

Huminga nang malalim si Fernan. “Nasa pangalan mo ang kalahati ng share ng hotel, Katherine, at ang bahay na ito.”

“W-why?” Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga. “I-ikaw, Helen? Hindi ko maintindihan…”

“When I die, mapupunta kay Helen ang lupain sa bukid na may mga ilang ektarya rin.”

“Huwag kang morbid, Fernan. Subukan mo at isang araw ka pa lang namamatay ay dalawa na ang kapalit mo,” ani Helen sa pagsisikap na magpatawa upang maging magaan ang sitwasyon. “Hindi ko kailangan ang mga kung ano-anong materyal na iyan, Katherine. Wala naman kaming anak ni Fernan. Maliban pa sa may mamanahin din naman ako mula sa mga magulang namin ni Emilio.”

“I… don’t know what to say,” mahinang usal niya. Hindi niya inaasahan iyon. Ang mga iniwan lang ni Adela sa kanya ay sapat na upang mabuhay siyang maayos kung hindi man milyonarya. At ano ang gagawin niya sa mga ito? Tinitiyak niyang hindi magiging dahilan ang mga ito upang manatili siya sa bayang iyon.

“Tayo na sa itaas, Katherine,” nakangiting yakag ni Helen.

Nilingon muna ng dalaga ang ama bago marahang sumunod. Tumango ito.

Iyon pa rin ang dating silid niya. Ang four-poster semi-double bed na ang sabi ng papa niya noon ay maliwanag na ibinilin ng lola niya na para lamang sa apo nito. Naroon pa rin ang malaking antigong aparador. Sa sulok ng silid ay ang munting mesang bilog na sa ibabaw ay isang lamparang matanda pa marahil sa ama niya.

Ang tanging bago ay ang varnish sa solid narra na mga dingding at pinto.

Binuksan ni Helen ang lampshade sa night table. Madilim na ng kaunti dahil pasado alas-sais na.

“Dalawang toilet and bath ang ipinadagdag ng papa mo dito sa itaas, Katherine. Ang isa ay nasa kanang bahagi ng pasilyong ito malapit sa silid mo.”

“Thank you, Helen,” paglabas nito ay nahiga sa kama ang dalaga. Kailangang mag-long distance siya sa abogado ni Adela upang i-postponed ang appointment nito sa kanya next week. Marahil ay matatagalan siya rito ng at least, isang linggo.

Wala siyang intensiyong matulog subalit dala marahil ng pagod sa biyahe ay hindi niya namalayang naidlip siya.

Chapter 10

NAALIMPUNGATAN ang dalaga. Uuti-unting nagmulat ng mga mata. Ang una niyang napuna ay ang nakabukas na bintana. Madilim na sa labas. Sa mapusyaw na liwanag mula sa lampshade ay napansin niyang may nakatayo sa may aparador.

Si Emilio. Nakatitig lang ito sa kanya. Kanina pa ba siya nito pinagmamasdan? Iyon marahil ang nagpagising sa kanya.

“How long have you been there?” tanong niya sa boses na namamalat pa mula sa pagkakatulog. Nanatili siya sa pagkakahiga, tinatamad pang bumangon.

“Long enough,” sumandal ito sa aparador at ipinasok ang isang kamay sa bulsa ng pantalon. “Ipinagigising ka ng Kuya Fernan. Seven thirty na.

But I did not have the heart to wake you up. You were sleeping like a baby.”

“But you woke me up,” mahinang sagot niya.

Sa pandinig ni Emilio ay isa iyong malambing na akusasyon. Ngumiti ito. Napahugot ng hininga si Katherine. Parang gusto niyang matulog uli at mangarap sa ngiting iyon.

Ilang sandali ang lumipas na nagtitigan lang silang dalawa. Si Emilio ang bumasag sa katahimikang iyon at seryosong nagsalita.

“How are you, Babe?”

Bumangon ang dalaga at sumandal sa headboard. “Heto, tulad pa rin ng dati,” bahagya siyang nagkibit ng balikat.

“Ang laki ng ipinagbago mo. Hindi kita nakilala sa plaza kanina. Ang nakatatak sa isipan ko ay batang babaeng tila laging iiyak.”

“Melody Fair.. iyon ang tawag mo sa akin,” napangiti siya sa alaala.

“You’ve grown so tall and pretty,” seryoso pa ring sinabi ng binata. Hinagod siya ng tingin, as-sessing her.

“Ikaw rin. Ang laki ng ipinagbago mo. Why, you’re so good looking! Nagagalit ako sa iyo kanina but I couldn’t help admiring,” nakangiti niyang sinabi, nangungusap pati mga mata.

Bahagyang natawa ang binata. Umiling-iling.

Nagtaka sa iling na iyon si Katherine. “Bakit? Huwag mong sabihing wala pang nagsabi sa iyo niyan?”

“Not by a pretty lady I’d just met three hours ago after ten long years,” nakangiti ito pero ang sinabi’y sinundan ng buntong-hininga.

Inabot ng dalaga ang unan at niyakap. “You were so skinny…”

“Ikaw lang ang hindi nabighani sa chann ko noon. Half the women population in school had a crush on me,” biro ni Emilio.

Lumabi ang dalaga. “Hmn… I wonder what happened to the other half.”

Kumislap ang mga mata ng binata. “Go out with me tomorrow. Sasabihin ko sa iyo.”

“My oh my! You’re fast!” Umikot ang mga mata ng dalaga. “The same Emilio as ever.”

Ang ningning sa mga mata ni Emilio ay nahalinhan ng lungkot. “I haven’t changed, Babe. You can’t probably know how I missed you,” halos hindi umabot sa pandinig ng dalaga iyon. Napatitig siya rito, hindi makakibo.

Naputol lang ang usapan nila nang sumungaw sa pinto si Helen. “Ang akala namin ni Fernan ay nakatulog na rin ang inutusang gumising sa iyo, Katherine. Bumaba na kayong dalawa. Dumating si Cherry at Charmaine, Emilio.” At saka muli itong bumaba.

“The invitation still stands,” ani Emilio na umalis mula sa pagkakasandal.

“Ow? Where?” excited niyang tanong na sinabayan ng tayo.

“Bahala na ako roon.”

Sinulyapan ng dalaga ang maleta niyang nasa paanan ng kama. “Nakuha mo na pala ang gamit ko. Thank you. Emilio. And I’m sorry about your motorcycle.”

Nagkibit ng balikat ang binata. “Sininghalan kita. I guess we’re even.”

Nag-brush ng buhok si Katherine. Sandaling inayos ang sarili bago nilampasan si Emilio at nagpatiunang lumabas.

“Hey, nakalabas ang bahagi ng blouse mo sa likod. Teka at aayusin ko.” Agad nitong nilapitan ang dalagang huminto sa paglakad. Ipinasok nito sa pantalon ni Katherine ang bahagi ng blouse na nakalabas.

Panandaliang hindi makakilos at hindi makahinga si Katherine. Nararamdaman niya ang mga kamay ng binata sa likod niya. Walang malisya sa ginagawang iyon ni Emilio. Brotherly concerned pero bakit siya naapektuhan na para bang noon lang may lalakeng nadikit sa balat niya?

Sa dining table ay naroon na ang lahat. Naroon ang dalawang bisitang binanggit ni Helen. Si Jerry ay tumayo pagpasok nila at hindi makapaniwalang napatitig kay Katherine. Ito man ay namukhaan din ng dalaga. Ang babae nama’y saglit lang na sumulyap sa kanya at agad na lumapit kay Emilio. Ikinawit nito braso sa binata.

Maganda ito sa hanggang baywang na buhok. Mestisahin. Tipikal sa mga babae sa south.

Minsan man ay hindi na-insecure si Katherine sa morena niyang kulay sa gitna ng mga naggagandahang Amerikana. Kung bakit bigla ay parang gusto niyang asamin na sana’y biniyayaan siya ng maputing balat. Dahil ba sa pagkakadikit ng babae kay Emilio na para na rin nitong isinabit sa leeg ng binata ang “private property” sign?

“Bakit ba ang tagal mong bumaba? Kanina pa kami ni Jerry rito,” malambing nitong sinabi at muling sumulyap kay Katherine.

Inalis ni Emilio ang braso ni Charmaine sa pagkakahawak dito at ipinakilala kay Katherine. “Si Charmaine, Katherine. Katherine, si Charmaine, hindi malayo rito ang tinitirhan niya.”

“So, ikaw pala ang prodigal daughter ng Tito Fernan. Sabi nga ng Mommy ay may anak nga raw ang Tito Fernan sa… unang asawa.”

Sa palagay ng dalaga ay may laman ang sinabi ni Charmaine subalit agad din niyang inalis sa isip iyon. Hindi gagawin ni Charmaine iyon sa harap ng papa niya at ni Helen.

“Remember me?” si Jerry na lumapit at inabot ang kamay. “Mukha kasing walang balak si Emilio na ipakilala ako sa iyo. Ako si Jerry. Ikaw pala iyong may perfect…”

“Jerry!” sigaw-babala ni Emilio na ikinatingin ni Katherine dito.

“Come on, Emilio,” iwinasiwas ang kamay sa binata at muling nilingon si Katherine. “I was just about to say that I’d rated you perfect ten kanina pag-alis mo.”

Ngumiti si Katherine. Nagyakag nang umupo si Fernan. Si Jerry ay mabilis na hinatak ang silya ni Katherine at naupo sa tabi nito. Si Charmaine ay sa tabi ni Emilio naupo sa kabilang bahagi ng mesa.

Bahagya nang kumibo si Katherine maliban sa direkta siyang tanungin. Tahimik sa pagkain si Fernan at hinahayaang ang mga kabataan ang mag-usap. Nasa tapat ni Katherine si Helen na napupuna niyang laging nakatitig sa kanya. Bakit kaya?

“Ano ang ginagawa mo sa Amerika, Katherine?” si Jerry na panay ang abot ng pagkain sa dalaga.

“Kung ano-ano lang, Jerry,” na inilagay ang kamay upang tanggihan ang ulam na iniabot nito sa kanya. “Thank you…”

Sumabad si Charmaine. “Come on, Jerry. Bakit kailangan mong itanong kay Katherine kung ano ang trabaho niya doon? Ano pa ba ang ginagawa ng mga Pilipinong nasa ibang bansa sa palagay mo? Ahente, waitress, katulong, at kung ano-ano pa.”

“Marangal na trabaho ang mga binanggit mo, Charmaine,” ani Jerry.

“Mga damit. May kinalaman sa mga damit ang trabaho ko, Jerry.”

“Salesclerk ka sa isang department store?” si Charmaine uli na patay-malisya ang tanong. “Saan doon?”

Nagkibit lang ng balikat si Katherine at ipinagpatuloy ang pagkain. Kung maaari lang ay matapos na ang lahat. Hindi niya gustong pag-usapan ang trabaho niya. O, di kaya ay siya.

“Naalala ko na!“bulalasni Helen makalipas ang ilang saglit na ikinatuon ng pansin ng lahat dito.

“Ano’ng naalala mo, Helen?” si Fernan na tiningnan ang asawang biglang tumayo.

“Alam mo naman, Fernan, na mahilig akong bumili ng imported na magasing pambabae, di ba? Kahit pa nga ba mahal. Gusto ko kasing tinitingnan ang mga magagandang modelo roon. Iyong pag-aayos nila ng make-up at kung ano-ano pa,” kumikislap ang mga mata nito na itinuon kay Katherine. Agad na nagyuko ng ulo ang dalaga. Gusto niyang kabahan.

“May kukunin lang ako sandali sa silid natin, darling.” At bago pa nakapagsalita si Fernan ay mabilis na itoug nakalabas ng dining room.

Ilang sandali pa ay muling bumalik si Helen na may dala-dalang imported women’s magazine. Totoo nang kinabahan si Katherine. Iyon ba ang dahilan kung bakit titig na titig si Helen sa kanya?

“Narito! Oh, Katherine, narito ka sa mga magazine na ito!” Iniladlad nito sa mesa ang magazine upang makita ng asawa. “Itong isa ay si Katherine ang nakalagay sa back cover, o.”

“Ano ba ang sinasabi mo, Helen?” Hindi pa rin maintindihan ni Fernan ang asawa bagaman sinulyapan na ang mga magazines.

“Tingnan mo ito, o. Hindi ba at si Katherine iyan? Ito pang isa. At ito pa. Isang modelo si Katherine. Isang international model ang anak mo, Fernan!” Inabot nito sa dalawang binata ang iba pang mga magazines. “Kanina ko pa iniisip kung saan ko siya nakita.”

Chapter 11

L AHAT ng mga mata ay sa dalaga napatuon.

“You’re making it sound so grand, Helen. It is just a job. At nagkataong trabaho ko iyon,” kalmante niyang sagot na ipinagpatuloy ang pagkain.

“And my, you’re humble! At tama ako kanina nang sabihin ko kay Emilio na para kang model kung kumilos at maglakad!” si Jerry na pinaglipat-lipat ang tingin mula sa kanya at sa magazine.

“So, I have a very famous and glamorous daughter, eh,” bakas sa tinig at mukha ni Fernan ang pagmamalaki sa anak. “At ni ayaw mong sabihin kung ano ang trabaho mo kaninang tinatanong ka ni Jerry.”

Hindi na sumagot si Katherine at sinulyapan si Emilio na ipinagpatuloy na rin ang pagkain.

“Well, hindi ko kayang magsuot nang ganito,” may malisyang ismid ni Charmaine, bagaman hindi maitago ang inggit sa mga mata. “Masyadong vulgar para sa akin.”

Dinukwang ni Jerry ang sinasabi nito. Isang one piece aqua bathing suit ang suot ni Katherine sa larawan. Background ay malalaking bato na hinahampas ng malalaking alon. One piece pero very sexy and just a little bit decent sa bikini.

“Nasa nagsusuot iyan, Charmaine. Hindi mo ba nakikita ang larawan? Alluring and classy. May mga babaeng cheap kung magsuot ng pampaligo. But not, Katherine. She’s got a touch of class,” pagtatanggol ni Jerry na hindi maikakaila ang paghanga.

Nginitian ng dalaga ang katabi. “Thank you…”

“But I’m impressed, really. Hindi lahat ay magiging modelo. Maraming mga matatangkad at maganda rin naman pero hindi lahat ng mga iyon ay magku-qualify bilang modelo. And with Franchesca Internationals, ha?”

“Ano’ng Franchesca International, hija?” si Fernan.

“Clothes ang business nila, Papa. And I model from swimwear to everything.”

“Wala kang make-up nang dumating ka, pero dito na-emphasize ang cheekbones mo dahil sa blush on,” si Helen uli. Talagang gusto nitong tingnan ang paraan ng pagme-make up ng mga modelo sa magazine.

“Tingnan mo ito,” itinuro ni Jerry ang larawang ang suot ni Katherine ay isang black gown na ang balikat lang ang may thin strap at ang slit sa tagiliran ay larapas sa kalahati ng hita. “You’re stunning! At sino nga pala itong hunk na lagi mong partner?”

Hindi sinasadyang napasulyap na muli ang dalaga kay Emilio. Sa pagkakataong ito ay nakatingin ito sa kanya na tila hinihintay ang sagot niya.

“That’s Kent Myers. Model din siya. Mga panlalaking kasuotan naman.”

Sinamsam ni Helen ang mga magazine, inilagay pansamantala sa isang lamesita at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay niyakag ni Fernan sa veranda ang anak. Sumunod ang iba pa.

Napilitang sagutin ng dalaga ang mga tanong ng ama kung paano siya nagsimulang maging modelo ng Franchesca International.

Ang best friend niya sa eskuwelahan ay ahente ng Franchesca International. Ito ang nag-alok sa kanyang subukin niyang mag-part time model. She was twenty at excited sa trabahong inalok. Nang makita ni Mrs. Hartford na may potential siya ay pinapirma siya ng kontrata.

Doon na nagsimula ang kanyang modelling career hanggang sa abutin niya ang kinalalagyan niya ngayon makalipas ang tatlong taon. Nakarating na siya sa iba’t ibang panig ng mundo para sa mga fashion shows.

“Women all over the world are buying their products dahil gusto nilang maging katulad mo, Katherine…” ani Helen.

Nangiti ang dalaga. Iyon mismo ang sinabi ng boss niya sa kanya. Nagkunwaring naghihikab si Charmaine nang mapunang hindi na maalis ang atensiyon kay Katherine. Nagpaalam ito at nagpahatid kay Emilio.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na rin sa loob ang mag-asawa. “Hindi ka pa ba matutulog, hija?” pahabol ui Fernan nang nasa pinto na.

“Susunod na ako, Papa.” Lumabas siya at tinungo ang pamilyar na dako sa may tagiliran ng bahay. Ang ilalim ng punong-mangga. Wala na roon ang isahang duyan. Ang humalili ay isang malaking duyang yantok na maaaring higaan.

Naupo siya at humilig sa duyan. Itinaas niya ang mga binti sa kabilang bahagi nito. Kung nasa New York siya, tiyak niyang sa ganitong oras ay nasa party o di kaya ay nasa isang fashion show siya. Naninibago siya sa kapaligiran. Napakatahimik. Wala kang maririnig kundi ang panggabing hayop. Malamig ang simoy ng hangin mula sa dagat at bundok.

Sa bahagyang liwanag na nanggagaling sa veranda ay naaaninag niya ang mga bulaklak ng mangga. Nasasamyo niya ang mga ito.

“Naninibago ka ba sa sleeping time mo?” si Emilio na hindi niya namalayan ang pagdating at paglapit. Naupo ito sa kabilang bahagi ng duyan at tulad niya ay humilig din. Paanan sila. Maingat na ipinatong ng binata ang isang paa nito sa may malapit sa ibabaw ng ulo niya. Ang isa ay nakabitin sa lupa at marahang inugoy ang duyan.

Napaangat si Katherine, “B-baka mapatid ang duyan!”

Natawa ang binata. “Tulad ka pa rin ng dati. Sumasakay sa duyan pero takot pag inugoy.”

Bumalik sa pagkakahilig ang dalaga bagaman naiilang sa presensiya ng binata. Sinikap niyang bale-walain ang pagkakadikit ng mga tagiliran nila.

Ilang sandali ang matuling lumipas na walang maririnig kundi ang langitngit ng duyan.

“How long will you stay. Katherine?” binasag ni Emilio ang katahimikan.

“Isang linggo siguro,” aniya na sinabayan ng buntong-hininga. Bakit ba kailangang ma-guilty siya kung hindi man siya magtagal? “Sa isang buwan ay mag-i-expire ang contract ko with Franchesca International. Dapat ay naroon ako para sa panibagong contract signing, Emilio.”

“Ganoon ba kahalaga ang modelling career mo?”

“It is my bread and butter.”

“Siguro ay alam mo na ang tungkol sa Mariana Hotel. Four years na ang hotel at minsan man ay hindi ginalaw ng Kuya Fernan ang share mo ng earnings. By this time, nag-triple na ito. Plus your inheritance with the de Guzman’s. Kahit hindi ka magbalik ng Amerika ay mabubuhay ka nang maayos.”

“I… I like my job, Emilio. Glamour aside, it’s high paying.”

“Paano ang Kuya Fernan, Katherine?”

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. “Hindi ko maintindihan ang tanong na iyan, Emilio. Why should I worry about my father? Sampung taon ang nawala sa aming dalawa idagdag mo pa ang limang taon before that at nagpatuloy sa pag-ikot ang mundo. So why asked me that?”

Tumayo mula sa duyan ang binata. Nakapasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon na tiningnan siya.

“Hindi mo ba nakikitang kailangan ka niya, Katherine? May sakit sa puso ang Kuya Fernan.”

Tumayo mula sa pagkakahiga ang dalaga at naupo na lang sa duyan. “I don’t want to sound unfeeling pero hindi ako doktor.”

“Hindi ko mapaniwalaang ganyan ang epekto sa iyo ng western country, Katherine,” nagtaas ng boses ang binata. “Three months ago ay nagkaroon siya ng atake na muntik nang magparalisa sa kalahati ng katawan niya. Naagapan iyon ng physical therapy. At naging maingat si Helen sa mga kinakain niya. Another attack might be fatal!”

“Huwag mo akong konsensiyahin, Emilio. Hindi niya ako kailangan. He never did. Nandiyan si Helen, nandiyan ka. Kayo naman ang pamilya niya, hindi ba?” Kung nahihimigan ng binata ang galit sa tinig niya ay wala siyang pakialam.

“Noong una kitang makita, you were a disturbed lonely girl. Naisip kong dahil siguro sa nangyari sa pamilya ninyo. I imposed myself on you. I befriended you. When you started to smile a little, ang buong akala ko ay napalagay na ang loob mo at kung anuman ang gumugulo sa iyo ay naroon lang ako. Pero ni hindi mo sinabi sa aking aalis ka. Muntik na akong hindi umabot sa iyo sa barko. You never wanted to say good-bye,” hinanakit ang nasa tinig ni Emilio tulad din noong huli silang mag-usap sa barko.

“Why, you said you hated me. Kung bakit, hindi ko alam,” matabang na sagot ng dalaga.

“Hindi importante ang dahilan ko, Katherine. Sinaktan mo si Kuya Fernan. Sinaktan mo siya nang hindi ka na niya muling nakita pa. He was totally devastated by the family scandal. His only child abandoned him. And he was betrayed by the people he trusted,” pagdiriin ni Emilio na lalo pang tumaas ang boses.

Nagulumihanang tumingala si Katherine sa binata. “Hindi kita maintindihan, Emilio. My father abandoned me first! Iniwan niya ako sa piling ng ibang tao sa loob ng limang taon. Nang magbalik siya, ang buong akala ko ay tatakpan niya at babawiin ang mga panahong nawala sa amin. Pero hindi nangyari iyon. Para akong tau-tauhan dito noon. Kay Helen nakatuon lahat ang pansin at atensiyon niya. At nagtataka ako kung bakit kailangang magpakita pa siya sa akin at dalhin dito kung ganoon din lang at tagapagmasid lang ako sa kanilang dalawa!”

“Nagseselos ka kay Helen?” mas na kompirmasyon ang’tono ng boses ni Emilio kaysa tanong.

“Oh, yes. But don’t get me wrong. I have nothing against Helen. Natagpuan ng Papa ang kaligayahan sa piling niya at ayokong ako ang magiging dahilan upang masira iyon. My father took more than he could chew. If I stayed, I would have ended up hating your sister. At maaaring ganoon din siya sa akin,” isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga.

Umiling si Emilio. “Tama si Helen kung ganoon. Noong umalis ka at labis na naghinanakit ang Kuya Fernan ay marami siyang ibinigay na dahilan. At isa doon ay ang mga sinabi mo. At nakahandang magparaya si Helen upang bigyan kayo ng Kuya Fernan ng panahon sa isa’t isa. Payag siyang manatili sa background alang-alang sa iyo hanggang sa dumating ang punto na maging nonnal ang lahat sa iyo.”

“Si… sinabi niya iyon?”

“At nakahandang gawin kung nakabalik ka. Ganoon niya kamahal ang papa mo at kasama na roon ang mahal din nito.”

“Kung… kung binalikan ako ng Papa bago sila nagkatagpo ni Helen ay baka hindi naging ganoon ang nangyari. Or maybe even before they married.”

“Hindi niya magagawa iyon, Katherine. Nakalugmok ang papa mo sa ginawa ng mama mo. Idagdag ang konsensiya na nakapatay siya ng tao kahit pa nga ba napawalang sala siya. Helen pulled him out of the grave. It was Helen who gave him back his dignity. Dinampot ni Helen ang pira-pirasong bahagi ng buhay ni Kuya Fernan. Nang makasal sila, nagsimulang muli ang buhay para kay Kuya Fernan.”

“And I was intruding…”

“Hindi. He took you back at the wrong time. Nasa honeymoon stage sila and very much in love. Maliban pa sa hindi alam ng Kuya Fernan kung paano mag-react. Hindi na ikaw ang walong taong gulang na batang iniwan niya.”

Tumayo mula sa duyan ang dalaga. Sinuklay ng kamay ang buhok. “How can you analyze all these things?”

“Ikaw ang paboritong usapan sa bahay na ito. Hindi gusto ng Kuya Fernan na mawala ka sa alaala niya kahit saglit. Lagi niyang itinatanong sa sarili kung saan siya nagkamali,” sumandal ito sa punong-mangga.

Nagkibit ng balikat si Katherine. “Natutuwa ako at nakatagpo ang Papa ng isang mabuting babae sa katauhan ni Helen, Emilio. After all these years, walang dahilan para kailanganin niya ako.”

Hindi siya pinansin ni Emilio na nagpatuloy. “Wala pang isang buwan mula nang magbalik ka ng Maynila ay sinundan ka ng mag-asawa upang kausapin at himuking bumalik. On your terms, Katherine…”

“Hindi totoo iyan!” galit na agap ni Katherine. “Hindi maaaring hindi ko malaman kung nagpunta sila roon!”

“Malibang sadyang hindi ipinaalam ng mag-asawang Lauro at Adela sa iyo. Nangako silang kakausapin ka at paliliwanagan… na hayaan ka na lang munang makapag-adjust. Si Adela mismo ang nangako na ihahatid ka nila pabalik dito.”

Hindi makapaniwala sa narinig ang dalaga. Sinasabi lamang ito ni Emiho upang huwag siyang muling umalis.

“Hindi ako naniniwala sa iyo, Emilio!” gurnagaralgal ang tinig niya.

Naroon ang simpatiya sa mukha ng binata nang tingnan siya. “Kasama nila ako noong araw na iyon, Katherine,” mahinang sinabi nito.

Nagsikip ang dibdib niya. Naalala ang madaliang pag-aasikaso ng mga papeles nila patungong Amerika. Ang malimit na pagtatalo ng mag-asawang Lauro at Adela nang lihim. Ang pag-aatubili ni Lauro na umalis sila ng bansa sa pagpupumilit ni Adela.

Mahal ni Lauro ang asawa at ito ang may kapansanan kung bakit hindi magkaanak ang mga ito kaya hindi ito nakatangging sundin ang kagustuhan ng babae. Ngayon lang niya naisip lahat iyon.

“Ang… ang mag-asawang Doming at Patring…?”

“Hindi nila alam kung saang panig ng mundo kayo naroroon. Si Lauro ang nag-o-overseas call sa kanila kung may ipaaayos,” huminga nang malalim ang binata at nilapitan si Katherine. Hinawakan sa magkabilang balikat. “Hindi ko gustong matanim sa isip mo na bale-wala ka sa papa mo, Katherine, kaya ko sinasabi sa iyo ito. Pero ninakaw ka nila mula sa papa mo. Sinamantala nila ang kamusmusan mo… ang pagkalito mo. At ang kauna-unahang atake ng papa mo ay nangyari noong mismong araw na malaman niyang nasa Amerika na kayo at hindi na niya maaabot.”

Tuluyan nang napaiyak ang dalaga. Hindi niya alam iyon. Sa loob ng maraming mga taon, ang alam niya ay wala siyang halaga sa kanyang ama. Hindi baleng wala siyang ina dahil tinakpang lahat ni Adela iyon. Pero nag-iisa ang papa niya sa kanyang buhay. Wala itong naging kapalit.

Pero magagalit ba siya sa babaeng hanggang kamatayan ay minahal siya? lyon marahil ang dahilan kaya hiniling nito na ihingi niya ng tawad kay Fernan. At si Lauro? Napatawad na ba niya ito?

Kinabig siya ni Emilio sa dibdib nito at doon siya lalong nag-iiyak. Hinaplos nito ang likod at buhok niya. Ang mga luhang kaytagal niyang inipon sa sulok na bahagi ng puso niya ay inilabas niya nang oras na iyon.

“Hush, babe. Huwag kang umiyak nang ganyan. Hindi ko kayang tingnan ka ng ganyan,” wika ni Emilio sa ibabaw ng ulo niya.

“Malaki ang kasalanan ko sa Papa, Emilio,” humihikbing sinabi niya.

“Sshhh… ngayong nandito ka na ay natakpan ng lahat iyon. Maliban pa sa hindi mo naman alam iyon.” Mula sa pagkakayakap nito sa kanya ay hinawakan siya sa kamay at inakay papasok sa loob ng bahay. “Halika na, malamig na rito.”

Pinahid ng dalaga ng kamay ang mga luha sa pisngi at nagpaakay naman. Hindi nila napuna ang mag-asawang nakadungaw sa bintana at kanina pa nanonood sa kanila.

“Ano ang nangyayari, Helen? Bakit umiiyak yata si Katherine at nakayakap naman ang kapatid mo sa anak ko?”

“Halika nang matulog, Fernan. Hayaan mo na ang dalawang iyon tutal ay nasa hustong isip na sila.”

“Helen, wala pang anim na oras mula nang dumating dito ang anak ko.”

“They were that close, Fernan. Kahit noong araw sa kabila ng hindi naman nagtagal dito ang anak mo. Bale-wala ang pumagitang sampung taon,” hinila nito ang asawa patungo sa kama.

“I love them both, Helen. Sana’y… sana’y…”

“Huwag kang umasa, Fernan. Baka masaktan kang muli. Kayo ni Emilio. Hindi natin hawak ang kalooban ni Katherine,” malungkot nitong sinabi.

Chapter 12

M AHIRAP ba namang gawin iyong iyakap mo sa baywang ko ang mga kamay mo? Mamaya mo ay nahulog ka na riyan sa likod ko’y hindi ko pa alam,” nilingon siya ng binata.

Ano nga ba ang nangyayari sa kanya at para siyang isang napakahinhing probinsiyana? Bakit naiilang siyang yumakap dito gayong kagabi lang ay nakayakap din ito sa kanya habang inaalo siya sa pag-iyak. At bakit siya nagkakaroon ng ganitong damdamin kay Emilio gayung kung tutuusin ay mahigit pa sa yakap ang ginagawa ni Kent sa kanya noong mag-boyfriend pa sila. At bagaman hindi naman sila umabot doon sa puntong ipinagkaloob niya ang sarili dito ay pinahintulutan naman niya ang petting at necking.

Walang kibong inilagay niya ang mga braso niya sa baywang nito.

“That’s better,” ani Emilio na binilisan ang pagpapatakbo ng motor.

Sa pagitan nilang dalawa ay ang kanilang mga kasuotan lamang. At nararamdaman niya ang maskuladong likod ng binata sa dibdib niya. At nakapagtatakang gusto niya ang damdaming dulot noon. Parang may humaplos na init sa kalamnan niya.

“Anong oras ang dating natin sa bukid ninyo?” aniya makalipas ang kalahating oras na pagtakbo ng motorsiklo sa rough road.

“Bukid na namin itong nakikita mo sa bandang kahwa ng daan,” inginuso ni Emilio ang walang katapusang kakahuyan at niyugan sa may kaliwa. “Malapit na tayo sa bahay”

Isang kalsada pakaliwa ang nilikuan ni Emilio at nakita ng dalaga ang nakalagay sa sign post na kahoy - Kintanar Farm.

Sa tabi ng daan ay hile-hilerang pinya na may bunga at malapit nang anihin. Nagulat pa ang dalaga nang sa isang pagliko ay sa mismong tapat ng bahay huminto ang motorsiklo. Hindi niya agad napuna ang bahay dahil sa mga punong tumatabing dito.

Malaki ang dalawang palapag na bahay. Bato at adobe ang ibaba at kahoy naman ang itaas. May berandang kahoy sa itaas na nakapaikot sa buong palapag.

Mula sa pinto ay lumabas ang dalawang matanda na sa hinuha niya’y ang mga magulang ni Emiho. Hinila siya ng binata patungo sa bahay.

“Ang Tatay Damian, Katherine. At gusto kong makilala mo si Mariana, ang inay ko.”

Nginitian ng dalaga ang dalawang matandang mukha namang mababait sa tingin niya. So, ang pangalan ng hotel ay kuha mula sa nakangiting babae sa harap niya. Para na niyang nakita si Helen pagtanda nito.

“Papasukin mo ang bisita mo, Emilio. At bakit hindi ka nagpasabing darating kayo?” ani Mang Damian.

“Kahapon lang dumating si Katherine, Itay,” nagpatiuna na itong pumasok at hawak pa rin sa kamay ang dalaga.

“Katherine ba ‘ika mo, Emilio. Ang anak ni Fernan?”

Tumango ang dalaga.

“Ka guwapa nimo ‘no.”

“Ikaw na ang maging modelo, Inay…” ani Emilio na natawa sa sinabi ng ina. Siniko ng dalaga ang binata. “Ouch!”

Napalingon ang dalawang matanda sa mahinang pag-aray na iyon ng anak. Napuna ng mga ito ang bigla nitong paghawak sa tiyan. Ngumiti si Katherine na palihim na inirapan ang binata.

“Okay, okay I got the message. No modelling talks,” anasnito. “Magpipiknik nga pala kami sa ilog, Itay. Tuloy mamimingwit na rin.”

“Ihahanda ko kung ganoon ang pamingwit at pain. Maiwan ko na muna kayo. Ihanda mo, ‘Nay ang babaunin ng mga bata,” baling nito sa asawa bago tumungo sa loob.

“Mamaya na, Inay. Tutulungan ko ang Tatay sa paghahanda ng mga bingwit. Kausapin n’yo na muna si Katherine,” kinindatan nito ang dalaga.

Naupo ang matandang babae sa tapat ng dalaga. “Alam mo bang malimit kang ikuwento ni Emilio sa amin noong bago-bago pa lamang mag-asawa ang papa mo at si Helen?”

“Si… si Emilio po kasi ang una kong naging kaibigan noon.”

“At alam mo rin bang sa edad ng anak kong iyan na beinte nuebe ay ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng dinala at ipinakilala niya sa amin ng tatay niya? At hindi pa nag-abiso. Kuu, mapapagalitan ng ama iyon. Ni hindi kami nakapaghanda.”

“Siguro ho dahil hindi naman ako iba. Kapamilya, ganoon.”

Ngumiti lang ang matanda at tinitigan siya. “Sana ay mawili ka rito sa atin, Katherine. Kaibang-kaiba ang buhay rito kaysa sa Maynila at lalong higit sa Amerika.”

Nararamdaman niya ang sinseridad sa tinig ng matanda. Do these people really want her around? Ang papa niya, si Helen, at si Emilio? Buong buhay niya ay si Adela lamang ang alam niyang nangangailangan sa kanya. At nang mamatay ito ay nakadama siya ng malaking kawalan at takot.

Matapos ang ilang minutong usapan ay iniwan siya ng matandang babae upang igayak ang babaunin nila sa ilog.

Tumayo ang dalaga at dinampot ang isang malaking shell na nakalagay sa estanteng yari sa manipis at pinong pagkakatabas na kawayan.

“Budyong ang tawag diyan,” si Emilio.

‘Tara siyang trumphet.”

“Ganoon na nga. Ginagamit iyan bilang pantawag sa mga tao sa bukid kung oras ng tanghalian.” Kinuha nito mula sa dalaga ang shell at hinipan. Tumunog ito. “Kung gusto mong lumakas ay lakasan mo rin ang ihip.”

Ibinalik ng dalaga ang budyong sa pinagkunan niya at dumungaw sa bintana. “Mababait ang mga magulang mo, Emilio. At maganda rito sa inyo. Kasikatan ng araw pero presko at hindi mainit dahil hindi makalusot ang sinag ng araw sa kapal ng mga dahon at sangang nakatabing.”

“I’m glad you like it here, babe,” seryosong sagot ng binata sa nakatalikod na si Katherine.

Lumabas ang dalawa mula sa bahay nang matanaw ni Emilio ang ama na hila-hila ang isang kalabaw na may kangga sa likod na nakakabit na.

“Halika at isasampa kita,” lingon nito kay Katherine na pinanlakihan ng mga mata.

“D-diyan tayo sasakay?” Tumango si Emilio. “What if we’ll just walk?”

“Malayo ang ilog. By the time na makarating tayo ro’n, you’re too exhausted to enjoy Halika na.” Inayos pa ulit nito ang malinis na sako na nakasapin sa likod ng kalabaw.

Sinulyapan ni Katherine ang kangga. “Dito na lang kaya ako?”

“No way. Dito tayong dalawa sa likod ng kalabaw.”

Alanganing lumapit kay Emilio si Katherine. Si Mang Damian naman ay inaayos sa likod ng kangga ang mga dadalhin nila.

“H-hindi tayo susuwagin niyan?”

Parehong natawa ang mag-ama. “Tinitiyak ko sa iyo.”

Walang nagawa ang dalaga nang tulungan siya ni Emilio na isampa sa likod ng kalabaw. Ilang sandali pa ay marahan nang umuusad ang kalabaw patungo sa ilog. Kung naiilang siya sa kalabaw o kay Emilio ay hindi matiyak ng dalaga. Hawak nito ang lubid habang ang isang kamay ay sa baywang niya.

“W-why, this is fun!” sinisikap niyang maging kaswal at inilayo ang mukha mula sa binata.

“May mga kabayo sa kuwadra pero naisip kong hindi na bago sa iyo iyon kaya pinili ko ang kalabaw,” ani Emilio na bahagya siyang hinapit. “Move closer, babe. Pag natapilok ang kalabaw ay dadausdos ka.”

Hindi sumagot ang dalaga. Nalalanghap niya ang natural at lalaking amoy ng binata. Ang mainit na huminga nito sa pisngi niya. Ang matitipunong bisig nitong nakasalikop sa kanya. Marahang nililipad ng hangin ang buhok niya pero mainit ang pakiramdam niya.

“Your hair smells of forest,” idinikit ni Emilio ang mukha sa buhok niya.

“Huwag kang tukso, Emilio. Naiilang ako sa ginagawa mo.”

“Sa klase ng trabaho mo, huwag mong sabihing you’ve never been this close with a man?” Nahimigan ng dalaga ang bahagyang galit sa tinig nito. “Napaka-erotic ng larawan ninyong dalawa noong male partner mo habang nasa brass bed kayo.”

“We were posing for night wears.” Bakit ba siya nagpapaliwanag gayong obvious namang iyon ang nakalagay sa magazine. Nilingon niya ito pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumambad sa kanya ang nakabukas na polo shirt nito at mula doon ay tila nag-aanyaya ang mga balahibo nito sa dibdib na damhin iyon at hawakan. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng dalaga.

“And what is that suppose to mean, lady?”

Hindi siya sumagot. Sa halip ay ibinaling ang tingin sa daan. Sasabiliin ba niya ditong naapektuhan siya? Na maging si Kent sa halos dalawang buwan nilang pagiging magkasintahan ay hindi naiparamdam sa kanya ang ganoon. That she desired Emilio more than she did Kent. And to think na wala pang beinte kuwatro oras mula nang magkasama sila!

Makalipas ang ilang minutong walang kibuan ay pinahinto ni Emilio ang kalabaw.

“Nandito na ba tayo?” Nilinga niya ang paligid. Wala siyang ilog na natatanaw dahil sa kapal ng mga puno pero naririnig niya ang marahaug lagaslas ng tubia.

“Ilog na ang kabila ng mga punong iyan pero hanggang dito na lang tayo dahil walang dadaanan itong kangga,” itinali nito ang kalabaw at inilagay sa likod ang bag ng mga pampaligo at dinampot ang fishing rod.

“Ako na ang magdadala ng basket at lagayan ng pain,” dinampot niya ang mga iyon.

Sa kabila ng mga puno ay tumambad kay Katherine ang hanging bridge. Sa ibaba ang ilog. “Oh my! Tatawid ba tayo riyan?” Magkahalong takot at excitement ang nadama niya. Makitid ang hanging bridge at marahil ay humigit-kumulang sa sampung metro ang layo patungo sa kabilang pampang. At marahil ay twenty feet ang taas mula sa ilog.

“Ayan na ang ilog pero kailangang tumawid tayo sa kabilang pampang dahil hindi puwede rito at matarik,” nangingiting sagot nito.

“Oh no, Emilio! I like the place, really. Exciting and all that and I’m thrilled. Pero takot ako sa uga, takot ako sa height.”

Tuluyan nang natawa ang binata. “Ayaw mo bang isiping ako si Indiana Jones at ikaw iyong… sino na nga ‘yong love interest niya sa Temple of Doom?” tukso nito.

“Who cares! Basta hindi ako tatawid diyan! At huwag mo akong pagtawanan,” naiiritang sinabi niya.

Pumormal ang binata. “Hindi kita pinagtatawanan sa phobia mo. I was just teasing you para maalis ang kaba mo. Akala ko sa duyan ka lang takot.”

“I’m sorry kung killjoy ako, Emilio. Alam kong gusto mo lang na mag-enjoy ako, pero…”

“Hindi mo kailangang mag-apologize dahil sa phobia mo, babe. Naiintindihan ko. Akina iyang hawak mo at ihahatid ko muna sa kabila ang mga ho at saka kita babalikan.” At ganoon nga ang ginawa ng binata. Pagkatapos maihatid sa kabilang pampang ang mga dala nila ay patakbong bumalik.

Gilalas na pinanood ng dalaga ang binata sa pagtakbo sa hanging bridge na umuuga. Naiisip niyang mapapatid ito at mahuhulog si Emilio. Subalit hanggang sa makarating ito sa harap niya ay walang nangyari.

“Halika, hahawakan kita.” Nakakapit sa baywang niya ito at inalalayan siya sa pagtawid. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa braso nito.

“You can close your eyes,” suhestiyon ng binata na ginawa naman niya pero muli siyang dumilat dahil nasisindak siya sa marahang uga ng tulay.

Mas malakas ang uga nang nasa may kalagitnaan na sila at namumutla na si Katherine. Gusto na niyang sumigaw at umiyak nang magsalita si Emilio at hapitin siyang lalo.

“Hold me tighter, babe,” utos nito at nang akma siyang magsasalita upang magprotesta ay tinakpan ng mga labi nito ang bibig niya.

Bigla ang pag-ikot ng buong paligid sa kanya. Kung sa takot sa hanging bridge o sa sensasyon na dulot ng halik nito ay hindi niya matiyak. Mahigpit ang pagkakahawak ni Emilio sa baywang niya at sa palagay niya ay umaangat siya mula sa kanyang tinutuntungan. O, baka naman sa palagay niya ay lumilipad siya dahil sa paghalik nito sa kanya. Is he going to kiss her forever? She hopes so.

Halos habulin niya ang kanyang hininga nang huminto ang binata. Nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa mukha niya.

“B-bakit mo ginawa iyon?” ang tanging namutawi sa mga labi niya.

“I doubt kung makakatawid tayo nang hindi ka naghi-hysteria kung hindi kita hinalikan,” naa-amuse na sagot nito.

“Ano’ng ibig mong sabihing makata…” Lumingon siya at noon lang niya napansing nasa kabilang bahagi na sila ng tulay. Hinahalikan siya nito habang tumatawid sila! At hindi niya namalayan. Ang buong pag-iisip niya ay sa halik nakatuon. Mapapahiya ba siya, magagalit o matatawa?

“So, a kiss can be very effective in curing problems, ha?” nanunuya siya pero hindi niya mapigilang di mangiti.

“Sinabi mo iyan,” ani Emilio na nakangiti pa mi at sa mga labi uiya nakatingin. “I’d love to give you another dose mamaya pag-uwi natin.”

Umirap ang dalaga. “Sigurado ka bang walang ibang daan maliban sa hanging bridge na iyan? Walang problema sa akin kahit maglakad ako nang malayo.”

Tumawa nang malakas si Emilio na nag-echo sa buong paligid. “At ang akala ko pa naman ay gusto mong magamot ang phobia mo.”

“O, Emilio, you’re crazy. Halika na nga sa ibaba.” Bagaman malalim ang daan pababa ay hindi matarik at may mga ugat ng kahoy na puwedeng apakan.

Short shorts at t-shirt ang gamit niya sa pagpaligo. Si Emilio ay ganoon din. Nag-enjoy siya sa malamig na tubig at nagpakasawang tumapat sa counting falls. Si Emilio ay nanatiling nakadistansiya. Natutuwang pinanonood siya. Tumingin nito ay diwata siya sa gubat.

“Malimit ka bang maligo rito?”

“Ang huli ay noong nasa college ako.”

“Emilio, this is paradise!”

You are paradise, Katherine, bulong ni Emilio. Pagkatapos sulyapan ang dalaga ay umahon na upang igayak ang pamingwit.

Si Katherine naman ay sinundan ito ng tingin. Buong paghangang pinanonood ang ginagawa nito.

Ang matipunong pangangatawan… ang tumutulong buhok… ang mga balahibo sa dibdib.

Ano na nga ba iyong alamat noong elementary siya? Si Malakas at si Maganda. Well, Malakas would pale in comparison. Surely, walang balahibo sa dibdib, braso at binti si Malakas.

How would it feel to be loved by you, Emilio? To have you touched and caressed me all over”

Nadarama pa niya hanggang ngayon ang halik nito sa mga labi niya. At isiping hindi siya hinalikan nito na ang intensiyon ay pagnanasa. At ang ipinagtataka niya ay gusto niya ang ginawa nito. Minsan man ay hindi napukaw ni Kent ang ganoong uri ng damdamin sa kanya. Masarap at exciting.

Prude. Frigid. Iyon ang tawag sa kanya ni Kent at isa sa mga dahilan kaya nag-break sila.

Nahinto siya sa iniisip nang makitang hinahatak ni Emilio ang hawak na pamingwit. May nahuli itong isda! Mabilis siyang lumapit dito.

“Wow! Anong isda ‘yan?”

“Carpa.” Tinanggal nito ang hook sa bibig ng isda na kumikisay pa. lsang dangkal ding mahigit ang haba. “Isang ganito pa at maaari na tayong mananghalian. Ikaw naman habang iginagayak ko ang pag-iihawan.”

“Sa palagay mo ba ay makakahuli ako?” excited niyang tanong habang pinanonood ang paglalagay ng pain.

“Bakit hindi? Ganito lang.” Inihagis nito ang sinker sa gitna ng ilog at pinahawakan ang rod sa kanya. “Pag gumalaw ang line at may humatak, ikutin mo ito.” Nasa likod niya ang binata at napadikit ang mga braso niya sa katawan nito. Napapikit siya na nagpigil ng hininga.

What’s wrong with her? Nananayo ang mga balahibo niya sa katawan sa pagkakadaiti na iyon.

“That’s… easy…”Bahagya siyang lumayo. Nang lingunin niya si Emilio ay nakatitig ito sa mukha niyang tinutuluan ng tubig mula sa basa niyang buhok.

“Katherine…” bulong ni Emilio.

Bigla niyang ibinaling sa bingwit ang paningin niya. Bumuntong-hininga ang binata at iniwan siya. Walang kibong namulot ng mga tuyong kahoy at sanga sa pampang.

Wala pang beinte kuwatro oras na nakasama ni Emilio si Katherine ay gusto na nitong masiraan ng bait. Papaano pa sa susunod na mga araw?

Isang malaking pagkakamaling niyakag nito ang dalaga rito. Una ay binigyan nito ng pag-asa ang mga magulang na si Katherine ay ang magiging manugang ng mga ito. Wala itong sinasabing ganoon pero binase ng mga ito ang ganoong sapantaha sa salitang binitiwan ng binata sa mga ito. Na tanging ang babaeng pakakasalan lamang ni Emilio ang iuuwi nito sa Kintanar Farm at ipakikilala sa mga magulang.

Isang malaking pagkakamaling inilalapit nito ang sarili kay Katherine tulad noon. At kung bakit ba naman hindi nito nagawang ibaling sa iba ang sarili sa nakalipas na mga taon. Bakit sa isang babaeng sa simula pa lang ay hindi nito maarok at maabot?

Nagbabaga na ang mga sanga nang sumigaw si Katherine. May kumagat sa pain niya at kanyang hinatak.

Buong pagsuyong tinitigan ni Emilio si Katherine. Bakit pag tumatawa ang dalaga ay lumiliwanag ang paligid? At pag nalulungkot ito ay higit ang kalungkutang nadarama ni Emilio?

Ano ang gagawin ko, Katherine? Sa iyo? Sa sarili ko? Sa ating dalawa? How can I make you stay?

Chapter 13

H INDI napilit ni Emilio si Katherine na muling dumaan sa tulay. Napilitan silang maglakad ng malayo hanggang sa makarating sila sa bahaging madaling panhikin.

Dumaan muna sila sa bahay ng binata upang magpalit ng tuyong damit. Pinagminindal muna sila ng mag-asawa.

“Ngayong namayapa na palang pareho ang mag-asawang umampon sa iyo, Katherine, wala nang dahilan para muli kang magbalik ng Amerika,” si Mariana na naglapag ng guyabano sa mesa.

“May… may trabaho po ako roon. At sa susunod na linggo ay baka bumalik na ako ng Maynila,” sagot niya na sinulyapan si Emilio na agad na nagsalubong ang mga kilay

“Ano’ng sabi ng papa mo?”

“Kakausapin ko po ang Papa. May aasikasuhin pa kasi ako sa Maynila bago ako magbalik ng Amerika. Dalawang buwan lang ang bakasyong ibinigay sa akin at malapit na ngang maubos.”

Dinampot ni Emilio ang helmet sa mesa. “Kung tapos ka na ay tayo nang lumakad, Katherine.”

Nagulat pa ang dalawang babae sa pagalit na tono ng boses nito. Nagpaalam ang dalaga sa mag-asawa at sumunod sa binatang naunang lumabas.

Ilang minuto na sila sa daan ay hindi pa rin kumikibo si Emilio. Bigla ay nagkaroon ng lambong ang masayang maghapong pinagsaluhan nila.

Hanggang sa makarating sila ay hindi uagsalita ang binata. Hindi nito ipinasok sa garahe ang motorsiklo.

“Hindi ka ba papasok?” ani Katherine na hinubad ang suot na helmet.

“Tutuloy ako ng Mariana. Siyanga pala, sa katapusan ay anibersaryo ng kasal nina Kuya Fernan at Helen. And that is eight days from now. Siguro ay makapaghihintay ang anumang aasikasuhin mo sa Maynila,” hindi nito mapigil ang galit sa tinig.

“Walang sinasabi ang Papa…” banayad niyang sagot.

“Wala pang dalawang araw mula nang dumating ka. Natitiyak kong sasabihin nila sa iyo iyan.”

“H-hindi ko alam kung bakit ka nagagalit Siguro, dahil napag-usapan na naman ang pag-alis ko. I… I really enjoyed today, Emilio. Higit kaysa alinmang kasayahang nadaanan ko na. At nagpapasalamat ako sa iyo.”

Tumango-tango lang ang binata na sinikap ngumiti. Ginusot nito ang buhok ng dalaga at marahang tinapik sa mukha.

“Pumasok ka na. Hindi ako nagagalit.” Pinatakbo na nito ang motorsiklo nang pumasok sa gate si Katherine.

Subalit nanatiling nakatayo roon ang dalaga hanggang sa mawala sa paningin niya ang motorsiklo.

Isasara na lang niya ang gate na bakal nang mapunang nakatayo sa di-kalayuan si Charmaine. “Charmaine! Kanina ka pa ba riyan?”

“Natanaw ko ang pagdating ninyo,” nakasimangot nitong sagot. “Maghapon kayong wala, saan kayo nanggaling ni Emilio, Katherine?”

“Sa Kintanar Farm.”

Umasim nang tuluyan ang mukha nito sa sagot niya. “Inihatid ako ni Emilio kagabi. Hindi niya nabanggit na pupunta kayo roon.” Naghihinala nitong sinabi. Hindi mapaniwalaan ng babae na nakarating na agad siya sa Kintanar Farm.

“Hindi niya sinabi sa Papa at kay Helen.” Tulog pa ang papa niya kaninang paalis sila kaya kay Helen sila nagpaalam dahil maaga itong bumaba. “May dahilan ba para sabihin niya sa iyo?”

“Matagal na akong iniimbitahan ng Tito Damian at Tita Mariana sa farm nila,” itinaas pa nito ang noo na parang hinahamon si Katherine na pasubalian ang sinabi niya.

“Oh, well, siguro dahil gusto lang ni Emilio na ipasyal ako sa kanila bago ako bumalik ng Maynila.”

“Kailan iyon, Katherine?”

Nagkibit ng balikat ang dalaga. “Pagkatapos siguro ng wedding anniversaiy ng mga Papa and that’s probably later next week.”

Bahagyang umaliwalas ang mukha ng dalaga sa sinabi niya. “See you around, Katherine,” at dumeretso na ito.

Hindi siya gusto ni Charmaine dahil kay Emilio. Puwes, walang dapat ipag-alala. Wala siyang balak dagdagan ang komplikasyon sa buhay niya. Hindi rito ang mundo niya. Sooner or later ay babalik na siya ng Amerika. At least, natawid niya ang tulay na nakapagitan sa kanilang mag-ama. Iyon naman ang pinakamahalaga sa lahat, paniniyak niya sa sarili.

Nang gabing iyon ay ipinaalam sa kanya ng mag-asawa ang tungkol sa anibersaryo ng mga ito. Ika-sampung taong anibersaryo ng kasal nina Fernan at Helen. At magkakaroon ng party.

Kailangan niyang tawagan ang abogado ni Adela upang i-postponed ang appointment niya rito. Pagkatapos niyang kausapin ang abogado ay si Aling Patring naman ang tinawagan niya.

“Maaatraso ako ng uwi, Aling Patring… opo…”

“Siyanga pala, Katherine. May tumawag ditong Amerikano. Hindi ko naman maintindihan ang ibang sinasabi. Hinahanap ka. Kent yata ang pangalan. At narinig kong may sinabi siyang Mandarin Hotel.”

Nagulat si Katherine. “Narito sa Manila si Kent? Imposible! Mandarin ba ang dinig ninyo Aling Patring?” Umoo ang nasa kabilang linya. At pagkababa ng telepono ay nag-long distance si Katherine sa Mandarin Hotel. At totoong naka-bil-leted doon si Kent.

Inimbitahan niya itong magpunta ng Mindanao sa mismong araw ng anibersaryo ng papa niya.

Chapter 14

NANG sumunod na tatlong araw ay hindi nakipagkita si Emilio kay Katherine. Kailangan niyang makapag-isip at upang magawa niya iyon nang mabuti ay kailangang hindi niya ito matanaw, malapitan o mahawakan.

Ano ba ang mayroon ang babaeng ito at iilang oras pa lang mula nang magbalik ito ay nawawala na siya sa sarili? Wala pa siyang nakatagpong babaeng tulad ni Katherine. Maganda, sexy, and classy. Pero may palagay siyang hindi binibigyang timbang ng dalaga ang mga katangian nitong nabanggit niya. The power she has with men… the power she has with him. Sa kabila ng glamorosong trabaho, she remained simple and unaffected.

Sa mga flirtations ni Jerry noong gabing iyon ay simpleng ngiti lang ang iginaganti nito. At isiping magandang lalake si Jerry. At sa kanya, noong halikan niya ito sa tulay ay kalituhan ang nakita niya sa mga mata nito. Nararamdaman niyang naapektuhan ito pero nakapagtatakang umiiwas ang dalaga. Kailan pa nangyaring iniwasan siya ng babae?

Hindi iilang babae ang lantarang nagpapakita ng interest sa kanya. Showing their best flirting with him. Nagpipilit magpa-impress sa kanya. Some are really trying their best flaunting their physical assets! And these women bore him to death.

Pero hindi si Katherine. When she smiles, he can see forever.

At papaano niya susupilin ang emosyong inalagaan na niya mula pa noong araw? Hindi niya nakalimutan ang sakit na dulot nito nang ito’y umalis. At heto siya uli makalipas ang sampung taon at muling nagulo ang buhay niya… upang muli siyang masaktan dahil aalis din itong muli.

MATAGAL na sa pagkakahiga si Katherine ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Tapos na niyang basahin ang paperback na dala niya’y gising pa rin siya. Maghahatinggabi na at tulog na ang lahat.

Baka kung iinom siya ng gatas ay makatulog siya. Tumayo siya at lumabas ng silid. Malamlam ang ilaw sa pasilyo at bumaba siya patungo sa kusina. Madilim sa kabahayan pero hindi niya kailangang magsindi ng ilaw dahil kabisado niya ang buong bahay Bukod pa sa may liwanag na nanggagaling sa mga panggabing ilaw sa labas ng bahay.

Binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang karton ng UHT milk. Pagkatapos ay muling isinara ang ref. Paglingon niya ay muntik na niyang mabitiwan ang carton ng gatas nang mapuna ang aninong nakasandal sa may hamba ng pinto.

“Katherine…” si Emilio.

Napapikit ang dalagang napasandal sa ref. “Muntik mo na akong patayin sa nerbiyos. Ano’ng ginagawa mo diyan sa dilim?” mahinang tanong niya. “At paano kang nakapasok?”

“May sarili akong susi. Bakit narito ka sa ibaba sa oras na ito?”

“Hindi ako makatulog. Naisipan kong uminom ng gatas.” Inilapag niya sa counter ang carton at umabot ng baso sa cabinet. Pagkatapos ay lumakad patungo sa kinatatayuan ng binata upang buksan ang ilaw. Subalit hinawakan ni Emilio ang braso niya.

“Huwag,” pigil nito. Nakalanghap ng bahagyang alak ang dalaga.

“Are you drunk?” paanas niyang tanong.

“I took two shots of brandy kina Jerry bago ako umuwi. Gusto kong makatulog agad paghiga ko. Pero tulad mo ay hindi rin ako dalawin ng antok.” Hawak pa rin nito ang kamay ng dalaga na hindi naman agad binabawi.

“May problema ka ba, Emilio?” nag-aalalang tanong niya. Hindi niya makuhang lakasan ang tinig at baka magising ang katulong sa ibaba.

Oh, dear! Ano ang ginagawa niya rito at nakikipag-usap ng pabulong kay Emilio? At sa dilim!

Saka pa lang niya hinila ang kamay at binalikan ang carton ng gatas. Nagsalin siya sa baso at uminom

“If you need to talk… narito lang ako,” aniya nang mangalahati ang gatas.

Marahang tumawa ang binata. “Dialogue ko iyan ten years ago.”

Nagkibit ng balikat ang dalaga. “It only shows that life is full of surprises.”

Marahang lumapit ang binata sa kanya. Kinuha ang baso mula sa mga kamay niya at sa bahagyang liwanag mula sa labas ay nakita niyang uminom ang binata sa mismong spot na ininuman niya.

Sinadya ng binata iyon at gusto niyang bale-walain.

“Kung sasabihin ko na ikaw ang problema ko?” Inilapag nito ang baso sa tabi ng gatas.

“Oh…?”

“Alam mo ba iyong linya ng isang kanta ni Barbra Streisand?” Hinimig nito ang kanta. ” … spent so many mornings just trying to resist you…

Bumilis ang pintig ng puso ni Katherine. “Early morning madness…”

“Madness… that’s right,” matabang nitong sagot.

“So?”

“I don’t want to want you, babe,” kasabay noon ang isang buntong-hininga.

Sumandal sa counter ang dalaga. “So, walang problema,” sinikap niyang maging natural ang kanyang tono. Pero biglang parang may pumisil sa dibdib niya. Bakit naghihinanakit siya sa sinabing iyon ni Emilio? Hindi ba at iyon naman ang dapat at gusto niya?

Hinarap ni Emilio ang dalaga. Nasaktan sa pagbabale-walang iyon sa tinig nito. “But you’re driving me out of my mind, Katherine! Oras-oras ay ikaw ang nasa isip ko!” napalakas ang tinig nito.

“Huwag, Emilio. Ayokong…”

“Alam ko!” pagalit nitong agap. “Maraming babaeng dumating at nagdaan sa buhay ko, Katherine. Pero walang lumigalig sa akin nang ganito maliban sa iyo. Kahit ako ay ayoko ng damdaming dulot mo sa akin. I want you out of my mind. Out of my system! Nagagalit ako sa sarili ko sa nangyayari sa akin mula nang dumating ka!”

“H-hindi kita maintindihan…”

“Dahil hindi mo gustong maintindihan! Umalis ka nang minsan at nasaktan ako. Ngayon heto ka na naman upang umalis niuli at upang masaktan din akong muli. Ang pinakamasakit ay hindi ko magawang iwasan ka.”

“Ang sabi mo… maraming babae.” Siya rin ang nasaktan pagkasabi noon. Nagbigay siya ng suhestiyon pero nasasaktan siyang isiping kapiling si Emilio ng ibang babae. Si Channaine halimbawa.

“I want you,” pinaghalong galit at passion ang nasa tinig nito. “Sa loob ng tatlong araw na sinikap kong iwasan ka, kalahati ng pagkatao ko ang nawala. I feel so lost and empty without you…”

“Dati na akong wala…”

“And life has no meaning.” Hinawakan ng binata ang batok niya at hinaplos iyon. Sa bahagyang liwanag ay nakita niya ang pagbaba ng ulo ni Emilio patungo sa kanya. Ibinubulong ng isip niya na umiwas at tumakbo pero ayaw ng puso at katawan niya.

Marahas ang halik na iyon ng binata. Sinasadya siyang saktan na para bang ibinubuhos sa halik na. iyon ang galit nito sa sarili. At inaasahan nitong itutulak niya, sasampalin o di kaya ay iiwasan. Kung magkaganoon ay tutulungan ito ni Katherine na paglabanan ang sarili.

Subalit hindi ginawa ng dalaga iyon. Bagaman bahagyang nabigla at nasaktan ay nagpaubaya si Katherine.

Naamoy niya ang brandy sa hininga ni Emilio at hindi niya akalaing nakaka-arouse na pala ngayon ang amoy ng alak na iyon.

And he tasted milk. A very erotic combination.

“Lord! You’re soft and beautiful!” Bahagya lang siyang inilayo nito pagkatapos ay muling inangkin ang mga labi niya.

Nang maglandas ang kamay ng binata sa dibdib niya ay kinabahan si Katherine. Kasabay noon ang pagguhit ng init sa katawan niya. Marahan siyang kumawala, hindi niya kayang pakitunguhan ang damdaming iyon.

“Are you going to kiss me till morning?” bulong niya. “You are melting my knees,” na siyang totoo. Kung wala ang mga bisig ng binata ay baka maupos siya.

“At ano ang sa palagay mo ang ginagawa mo sa akin?” sagot ni Emilio sa tinig na hindi niya alam kung galing sa kanya. Mula sa balikat ng dalaga ay bumaba ang kamay nito sa likod at pababa pa.

“You’re not wearing anything underneath this flimsy nightgown!” bulalas nito. “Ano ang gusto mong mangyari sa akin, babe?” ungol ng binata na idinikit ang katawan sa kanya.

Pinanlakihan ng mga mata ang dalaga. At inaasahan niyang matatakot at magagalit siya tulad ng ginawa niya kay Kent. Taliwas sa inaasahan niya ay ibang damdamin ang dulot nito sa kanya. Sensasyon sa halip na galit. At ang pagguhit ng init sa katawan niya pababa sa halip na takot.

“Please… don’t do this…” pagsusumamo niya.

“Pareho tayo nang nararamdaman, Katherine, hindi ba?”

Nagyuko ng ulo ang dalaga. Kung sakaling aminin niya, ano ang silbi noon?

“Ano’ng gusto mo, Emilio?” bulong niya uli.

“Ikaw, love. Ikaw. I want you so much that it hurts.”

“At ayokong saktan ka. Aalis din ako. But if it is my body that you want… maybe… maybe…”

Pagalit siyang binitiwan nito. “Damn, Katherine! I need you and I desire you. And definitely I want you in my bed. At kung iaalok mo sa akin ang sarili mo ay ialok mong lahat. Ibigay mong lahat. Ayoko ng pansamantala. Ayoko ng kalahati. I want you in my life… forever!”

Nag-iinit ang mga mata niya. Masakit na ang lalamunan niya at dibdib sa luhang pinipigil. Kung magsasalita siya’y baka tuluyan siyang mapaiyak.

Hinawakan ni Emilio ang mukha niya. ‘Til make you fall in love with me, Katherine. Maybe… then… maybe you’ll stay.”

Mahal na kita, Emilio. Pero hindi sapat iyon para manatili ako dito sa bayang ito.

“Come, get some sleep…” Inakbayan siya nito papanhik sa silid niya.

Chapter 15

S A PRIBADONG beach ng pamilya nina Jerry dinala ni Katherine si Kent dalawang araw makalipas ang party. Ipinagamit ni Jerry sa kanila ang private cottage ng mga ito.

“Very sexy!” Pinaglakbay ni Kent ang mga mata nito sa magandang katawan ni Katherine. Isang Franchesca original ang suot niyang fuchia bikini.

“I never thought I’d be able to wear this here…” nakangiting sagot rig dalaga. Nakasama ang kapirasong pampaligo na iyon sa mga underwear niya. At kung hindi pribado ang beach na iyon ay hindi siya magsusuot ng ganoon ka-brief na kasuotan at kung hindi si Kent ang kasama niya. Sanay na sila sa isa’t isa.

“And so are you, Kent,” dagdag niya. Very masculine sa bikini trunks na suot nito. Tulad ng mga nakalarawan sa magazines at commercial na ginagawa nila sa TV. Ang tanging kulang, hindi sumisirko ang puso niya rito.

Dumapa sa buhangin si Kent. Naupo naman siya at humarap sa dagat.

“When can you leave, Katherine?” seryosong tanong ng binata. “Much as I enjoyed my coming here and love the beach and the sun, I followed you on purpose.”

Tumango-tango ang dalaga. “Franchesca…” kompirma niya. Tumango si Kent.

“Well, with her top model gone for… it is two months now? You can’t blame the lady.” Bumangon ito at tumabi sa dalaga sa pagkakaupo.

“Just a few more days, Kent. My father… well, you heard my family story already. After ten long years, I just can’t say good-bye so soon.”

Matiim siyang nilingon nito. “I only hope that was just the reason for your overstaying…”

“Of course. What other reason could there be?” mabilis niyang tugon.

Kinabig siya ni Kent. “1 was a fool to let you go, Katherine. I still love you,” seryosong sabi nito.

Umiwas ang dalaga. “We’re better off as friends, Kent. Leave it that way.”

“So, I was right. You really have fallen for that Emilio guy!”

Tumayo si Katherine. “Wrong. There’s nothing between us, I guess I have to go back to the cottage. I forgot my lotion.” Gusto lamang niyang umiwas.

“You’re not very good at lying, honey,” pahabol na sigaw ni Kent. Iiling-iling na bumalik sa tubig.

Hindi pinansin ni Katherine iyon. Ang nangyari sa veranda ay lalo lamang nagpasidhi sa pagnanais niyang patayin nang lahat ng anumang damdamin mayroon siya para kay Emilio.

Hindi na siya muling nagbalik pa sa party nang gabing iyon. Nagkulong siya sa kanyang silid at kahit na noong panhikin siya ni Helen ay nagdahilan siyang masakit ang ulo. At hindi pa natatagalang makababa ang madrasta ay kinatok naman siya ni Emilio sa silid niya subalit hindi niya ito pinagbuksan.

Hapon na nang magising siya nang sumunod na araw. Ipinasyal niya si Kent sa Rizal Shrine nang hapong iyon at sa Dakak na rin. Hindi sila nakapaligo doon dahil hindi sila preparado.

Pag-uwi nila ng bahay ay naroon na si Emilio subalit sinikap ng dalagang hindi ito magkarooii ng pagkakataong kausapin siya.

Alam niyang maagang umaalis ang binata patungo sa Kintanar Farm at pagkatapos ay tumutuloy sa hotel. At kanina nga paggising niya ay wala na ang motorsiklo nito.

Bahay-kubo ang style ng cottage at may dalawang hagdanang kawayan papanhik. At nakapaligid sa cottage ang balkonaheng may built-in na upuang kawayan din.

Nagulat pa si Katherine nang sa pagtingala niya sa kubo ay naroon si Emilio. Kung aatras at babalik siya sa dagat ay obvious na umiiwas siya.

Sa maghapon kahapong hindi sila nagkakausap ay hirap na hirap ang loob niya. At ngayon kung hindi niya pipigilin ang sarili ay gusto niya itong takbuhin at yakapin.

“Bakit ka nandito?” kaswal na tanong niya.

“Dahil iniiwasan mo ako mula noong gabi sa veranda,” sagot nito na ang mga mata ay sa katawan niya naka-focus.

“Bakit ko gagawin iyon?” kaila niya. “May bisita ako, Emilio at tama lang na ini-entertain ko si Kent.”

“I’ll buy that,” kahit hindi ng mukha at tono nito. “Now, ano ‘yang suot mo?”

Niyuko ng dalaga ang sarili. “A bikini.”

Tumingala sa itaas si Emilio. “Alam kong bi-kini iyan,” anito sa nagngangalit na bagang. “Ang ibig kong sabihin ay bakit ka nagsuot nang ganyan?”

“Ikahihiya mo ako kung pajama ang suot ko sa beach, Emilio.” aniya na sinikap magpatawa.

“Don’t be cute, Katherine.”

“Come on, Emilio. Hindi ka nagpunta rito para lang sitahin ako sa suot ko.”

“Kasama mo ang… ang… Damn! I love you, Katherine at alam kong alam mo iyan. At nagseselos ako diyan sa bisita mong iyan!”

Naupo sa baugkong kawayan ang dalaga. Hindi ba dapat ay magtatalon siya sa tuwa? O di kaya ay yakapin ang binata. Pero bakit kalungkutan ang nadarama niya?

“For goodness’ sake, say something!” si Emilio uli.

“Aalis na ako, Emilio. Next week siguro. Nakausap ko na ang Papa tungkol dito at nauunawaan niya ako.”

Biglang dumeretso nang tayo ang binata. Hindi agad nakapagsalita. Marahang humakbang patungo sa bukana ng hagdan at tinanaw ang dagat.

Parang hinihiwa ang puso ng dalaga sa nakikitang anyo ni Emilio.

“I… didn’t mean… to have you fall in love… with me,” gumagaralgal ang tinig niya.

Hinarap siya nito. Pait at galit ang nasa mukha ni Emilio. “Ikaw, Katherine, ano ang damdamin mo para sa akin? Was I wrong to assume that you feel the way I do?”

“Hindi mahalaga kung anuman ang damdamin ko, Emilio.”

“Mahalaga para sa akin. Katherine! Mahalaga. Dahil hindi kita maintindihan. You’re submissive and loving one moment, then evasive and confused the next. Bakit, Katherine?”

“Emilio, please…” Akma siyang tatayo upang umiwas pero hinawakan siya ng binata sa braso.

“Tell me you love me, babe. Sabihin mo sa akin,” masidhing wika nito.

“M-mahal kita. Alam mong mahal kita…” bulong niya.

Kinabig siya ng binata at niyakap. Nanatili sila sa ganoon nang kung may ilang sandali. Si Katherine ang kumawala nang marahan.

“Pagkatapos ay ano, Emilio? We cannot keep a long distance love affair, can we?”

“You’re not really that vain, Katherine. Hindi mo kailangang umalis nang dahil lang sa trabaho mo. Kung pera ang pag-uusapan, we can live comfortably here. Kung gusto mong mag-abroad, we can do that together. Many me, babe,” punung-puno ng pag-asa ang tinig nito.

Tuluyan nang umatras palayo si Katherine. “H-hindi.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?” Halos magdikit na ang mga kilay ng binata.

“I can’t marry you…”

“Ano nga ang problema? Mahal natin ang isa’t isa pero tumatanggi ka sa inaalok ko?”

“Ako ang problema, Emilio! Ako! Hindi ako bagay sa iyo… hindi ako nararapat sa iyo…”

“Ano’ng kalokohan ang sinasabi mo?” Ilang sandali munang tinantiya siya nito. “If you’re trying to tell me that you’re not a virgin anymore, then, I do not really care, Katherine. I also have had my share with women. Ang mahalaga ay ang ngayon… bukas.”

Napatangang nakatitig lang ang dalaga sa binata.

“I love you so very much,” lumambot ang mukha nito. “And that is all that matters.”

Inipong lahat ng dalaga ang lakas ng loob nang muling magsalita. “Babalik na ako sa dagat…” At bago pa nakakilos si Emilio ay nasa ibaba na siya at hindi lumilingong nagpatuloy sa paglakad.

Napaupo sa isang baitang si Emilio.

“What now?” si Jerry, may hawak na dalawang bote ng beer.

Naningkit ang mga matang nilingon ni Emilio ang kaibigan. “Kanina ka pa riyan?”

“Two minutes or so. Hindi ko intensyong manubok. Dadalhin ko lang itong beer natin at alangan namang babalik pa ako, eh nag-uusap lang naman kayo,” ngumiti ito na sinabayan ng kibit ng balikat.

Inis na hinablot ni Emllio ang beer at dere-deretsong ininom. Nangalahati ang laman ng bote nang bitiwan nito.

“Alam koug mahirap maintindihan ang mga babae, Jerry. Pero hindi ko akalaing masisira ang ulo ko sa isang ito. And Lord, I love her!’”

“Baka naman talagang hindi niya kayang i-give up ang trabaho niya. Maraming mga beauty queen na isinaisang tabi ang love life dahil lang sa prestige and money. Not everybody can be a model abroad.”

“Ewan ko, Jerry, ewan ko,” muling uminom ng beer. “Uuwi na muna ako.” Dinukot ang susi ng motorsiklo sa bulsa at binaybay ang daan pabalik. Samantala’y nakapagdesisyon ng bigla si Katherine pagdating sa kinaroroonan ni Kent.

“We’re leaving for Manila the day after tomor-row, Kent.”

“Fine with me. Why the sudden change of mind?” Naghihinalang tinitigan siya nito. Kanina ay natanaw nitong kausap siya ni Emilio sa balkonahe.

“Woman’s privilege.” Nagkibit siya ng balikat. “Whatever it is, honey, you’ll soon forget when we start our first show for this year. You know where? Franchesca hinted it will be Paris!” excited nitong sinabi.

Kung sa ibang pagkakataon ibinalita ni Kent iyon ay magtatatalon siya sa tuwa. Matagal na niyang gustong marating ang Paris. Pero ngayon, lahat ng magagandang lugar na maaari niyang marating ay nagiging walang kabuluhan.

Take a risk, Katherine , bulong ng isip niya. If only for Emilio. Life is unfair and risky, anyway.

“Hindi! Hindi ko siya gustong saktan!” usal ng dalaga na ikinalingon ni Kent sa kanya.

“What are you talking about?”

Bigla siyang humagulgol ng iyak. Iiling-iling na kinabig siya ni Kent at tinapik-tapik. Nag-iiyak siya nang nag-iiyak.

“I have never seen you so lonely, Katherine. I wish I could ease the pain, honey…” bumuntong-hininga ito.

Pagdating nila nang gabing iyon ay nagsabi si Katherine sa ama na aalis na sa susunod na araw.

“Binigla mo naman yata ako, hija. Ang akala ko ba ay sa isang linggo pa ang balik mo ng Maynila?”

“Sinabi sa akin ni Kent, Papa na ang dahilan kaya siya sumunod sa akin dito ay dahil pinatatapos na sa akin ni Mrs. Hartford ang bakasyon ko. Aayusin ko pa ang mga naiwan sa akin ng Mommy Adela.”

Lumaylay ang balikat ni Fernan. “Ano’ng masasabi ko?”

“Pa, napag-usapan na natin ito, ‘di ba? This time, pag-alis ko ay alam ninyong babalik din uli ako rito. Padadalhan ko kayo ng postcard pag nasa Paris na kami,” sinikap niyang maging masaya ang tinig.

Pilit na ngumiti si Feman. “Susulat at tatawag kang madalas.”

“Cross my heart.”

Chapter 16

KINABUKASAN ay sinikap ni Katherine na hindi sila magkita ni Emilio. Magkasama sila ni Kent na inayos ang mga ticket nila pabalik ng Maynila.

Subalit sa hapunan ay dumating si Emilio at wala siyang maidadahilang iwasan ito dahil nakaupo na silang lahat sa mesa. Kinuha ng binata ang puwesto nito sa hapag-kainan at walang kibong naglagay ng pagkain sa pinggan.

“Anong oras ang flight ninyo bukas, hija?”

“Alas-onse ang schedule ng flight, Papa,” nagyuko siya ng ulo nang sumagot dahil nakita na niya ang biglang pag-angat ng ulo ni Emilio. “Aalis kami ng alas-nuwebe rito dahil mahigit isang oras din patungo roon.”

Kalansing ng kutsara at tinidor ang nagpatuon ng mga mata ng lahat kay Emilio na biglang tumayo mula sa mesa.

“Emilio…” si Helen na sinundan ng tanaw ang kapatid na lumabas.

“We are sorry about that, Kent,” paghingi ng paumanhin ni Fernan sa bisita na nagkibit lang ng balikat at inilahad ang mga kamay. Hindi na kailangang ipinta pa sa harap nito ang problema sa pagitan nina Emilio at Katherine.

Kasunod na narinig ng lahat ay ang paglabas ng motorsiklo mula sa garahe sa pagalit na paraan. Inabot ni Katherine ang baso at uminom. Pagkatapos ay tumayo.

“E-excuse me…” Kailangan niyang makatakbo sa silid niya bago makita ng lahat ang pagpatak ng kanyang luha.

Hindi na siya muling lumabas ng silid. Kung kailan huminto ang mga luha niya sa pagpatak ay hindi na alam ni Katherine. Sa buong magdamag ay gising siya at kulang na lang na hilahin niya ang mga oras upang mag-umaga na. Kailangang makaalis sila ni Kent bago siya” panghinaan ng loob.

Nasa kusina si Helen nang bumaba siya upang magkape kinaumagahan.

“Katherine…”

“Please, Helen…” Hindi niya gustong marinig ang anumang sasabihin nito.

“Hindi umuwi kagabi si Emilio at namumugto ang mga mata mo,” patuloy ni Helen. “Ano ba ang nangyayari sa inyo?”

Tiningnan ng dalaga ang grandfather’s clock sa sulok ng sala. “In two hour’s time, I’ll be out of his life. Babalik sa normal ang lahat.”

“Hindi ka niya nakalimutan ten years ago paano ka nakatitiyak na magiging ganoon kadali ang lahat para sa kanya ngayon?”

Napalingon sa bintana si Katherine sa tunog ng motorsiklo. Dinampot ang tasa ng kape. “Sa itaas ko na ito iinumin. Maliligo pa ako.”

Chapter 17

N AILAGAY na niya sa maleta ang kahuli-hulihang gamit niya nang marinig niya ang pag-andar ng makina ng sasakyan. Dumungaw siya sa pag-aakalang si Emilio iyon. Gusto niyang makita ito sa huling pagkakataon. Subalit hindi motor nito ang lumabas sa gate kundi ang pick-up at dulo na lang nito ang natanaw niya.

Bakit umalis ang pick-up? Iyon ang sasakyan nila ni Kent patungong airport at si Helen ang magmamaneho sa kanila.

Tiningnan niya ang relo—alas-nuwebe na. Akma niyang bubuksan ang pinto ng silid up ang tanungin ang papa niya nang maunahan siya sa pagbubukas nito mula sa labas. Kung hindi siya nakaatras ay tinamaan siya ng pintong ibinalya.

“Emilio!”

“Mag-uusap tayo, Katherine!” Muli nitong isinara ang pinto. Nakasungaw na sa mukha nito ang mga balbas na sa tantiya ng dalaga ay tatlong umaga nang hindi inaahit.

“Umalis ang pick-up, Emilio, at alas-nuwebe na. Baka mahuli kami ni Kent. At wala na tayong dapat pag-usapan. Alam mong darating tayo sa puntong ito. Hindi ko kailanman sinabi sa iyong mananatili ako.”

“I’ll be damned, Katherine, kung papayagan kitang umalis,” determinadong sinabi nito.

Kinabahan si Katherine. Bahagyang umatras. “Please, you’re making this hard for both of us,” nakikiusap ang tinig niya.

“I’m sorry, babe, but I’m not giving you up this time.”

Napapikit si Katherine. Sana’y pumanhik si Helen o ang papa niya. O di kaya ay si Kent na marahil ay naiinip na.

“I really have to go, Emilio. I can’t stay. Hindi ganoon kalaki ang pag-ibig ko sa iyo para manatili sa… sa… bayang ito. In this deteriorated town,” nagkibit pa siya ng balikat at pinatatag ang sinasabi. At mananalo siya ng award sa casualness ng boses niya. “At wala siguro talaga akong pag-ibig sa iyo. Nadala lang ako ng mga pakita mo sa akin. Why, you’re a very attractive man.”

Nanatiling hindi tumitinag ang binata. Bahagyang tumaas ang sulok ng kabilang bibig. “Try harder, babe. Baka maniwala ako.”

“Lumabas ka na, Emilio. Mahuhuli kami ni Kent sa flight…”

“To hell with your flight!” bulyaw nito.

“Are you crazy? Naghihintay si Kent sa ibaba. At para sa iyong kaalaman, magpapakasal kami pagdating ng New York. So you see, walang dahilan para…”

Isang bahaw na tawa ang pinakawalan ni Emilio. “Sira-ulo akong talaga kung paniniwalaan ko iyan. Iniwan ka na ni Kent, Katherine.”

“A-anong ibig mong sabihin?” Ang pick-up! Si Kent ba ang sakay ng pick-up?

“Patungo na siya ng airport at si Jerry ang naghatid sa kanya. Kinausap ko siya kanina sa guestroom. Inamin niyang naging magkasintahan kayo at sinabi rin niya ang dahilan kung bakit kayo nag-break. Tiniyak niya sa aking mahal mo ako kahit hindi mo ito inaamin.”

Napaupo ang dalaga sa gilid ng kama. Bakit pumayag si Kent na iwan siya? Hindi ba at dahil sa kanya kaya dumating ito ng Pilipinas?

“Kung sa loob ng dalawang araw at hindi ka dumating ng Maynila ay babalik na siya ng Amerika,” dugtong ni Emilio na parang nababasa ang nasa isip niya.

“Ngayon, Katherine… mayroon kang dalawang pagpipilian. Una ay ang magpakasal sa akin. Alam kong mahal mo ako kaya mo gagawin iyon kung sakali. Ang ikalawa, itong plano mong pag-alis. Papayagan kita, bakit hindi? Iyon ay pagkatapos kong marinig ang tunay na dahilan kung bakit pilit mong iniiwasan ang tunay mong damdamin. And be convincing about it, darling. Tiyakin mong maniniwala ako sa idadahilan mo,” naroon ang sarcasm sa mga huling sinabi nito.

“Please… oh please… Emilio. Aabot pa ako sa airport. Para rin sa iyo kaya gusto kong umalis,” sa huling hibla ng pagsisikap niyang makiusap.

“Start talking, Katherine,” seryosong utos nito. “Kung sa inaakala mong makakaalis ka ngayon nang hindi sinasabi ang dahilan tulad noong una ay nagkakamali ka.”

Huminga nang malalim ang dalaga. Nagsisikip ang dibdib niya.

“Pagtatawanan ka ng mga tao sa bayang ito, Emilio. Lagi nilang babantayan ang mga kilos natin at hindi titigil ang usapan…”

“My God, Katherine! Wala akong pakialam sa sasabihin ng sinuman. Matagal na ang iskandalong iyon sa pamilya mo at wala kang kinalaman doon. At hindi mo kasalanan kung anuman ang ginawa ng mama mo!”

“Iyon ang akala mo,” mapait niyang sinabi. “Buong buhay ko ay tinaglay ko sa pagkatao ko ang ginawa ng Mama. Sa veranda ng gabi ng party, alam mo ba ang sinabi sa akin ni Charmaine kaya napagbuhatan ko siya ng kamay? At bago iyon, alam mo ba kung bakit natakot ako noong makita tayo ni Helen sa kuwarto ko?”

“Kalimutan mo si Charmaine. At iyong tungkol kay Helen, sinabi ko na sa iyong bale-wala iyon sa kanya at…”

“Natatakot akong isipin ni Helen na tulad ako ng Mama… na madali mo akong mahikayat,” patuloy ng dalaga. “At si Charmaine, deretsa niyang sinabi sa akin iyon. Nasa akin na si Kent… I flirted with Jerry at inaakit pa kita. Tama si Charmaine, Emilio. Katulad rin ako ng Mama. Nakasunod lagi ang anino niya sa akin… ang ginawa niya. Tulad ng sinabi ni Charmaine, you deserved a better woman. Somebody na maipagmamalaki ng mga magulang mo.”

“Damn you, Katherine! Hindi mo ako inakit. You didn’t flirt with Jerry. At walang makapagpapasiya kung sino ang babaeng nararapat sa akin kung hindi ako! Not even my parents. Ganoon pa man ay kilala ko ang mga magulang ko. Ang gusto lang ng mga iyon ay ang kaligayahan namin ni Helen. And you are my happiness, babe… my life…” puno ng pagmamahal ang huling tinuran ng binata.

Hindi na mapigil ni Katherine ang mapahikbi. Mabilis siyang nilapitan ni Emilio at niyakap.

“Kung iyon lang ang dahilan, Katherine, bukas na bukas din ay pakakasal tayo.”

“Sana’y madaling tanggapin, Emilio. May mga taong nagtanim sa isip ko niyan. Una ay ang Papa nang sabihin niyang tulad ako ng Mama na hindi masiyahan sa piling niya. I forgave him for that dahil sinaktan ko siya. Pero ang sinabi niya ay nakatanim sa isipan ko. Pati na ang sinabi ng ibang tao. Naapektuhan nito ang relasyon ko sa ibang mga lalake. Na hindi ako nararapat sa kahit na sinong lalake. That sooner or later, I might grow tired at maghahanap na naman ako ng iba.”

“Katherine, hindi totoo iyan. My poor darling…” Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya.

“I was sixteen, Emilio, when Lauro started making passes at me. At alam mo ba kung ano ang sinabi niyang dahilan kung bakit ginagawa niya iyon? Dahil tulad ako ng Mama,” muling humikbi ang dalaga.

Napahumindig ang binata. Hindi makapaniwalang ginawa iyon ni Lauro kay Katherine. Ang alam ni Emilio ay itinakas siya ng mag-asawa dahil itinuring siyang tunay na anak ng mga ito.

Lumayo ang dalaga at lumapit sa bintana. “Noong una ay hindi ko pinansin ang kakaibang hawak at hipo niya sa akin. I missed Papa… at buong akala ko ay pagtinging anak lamang iyon. Pagkatapos ay nauwi ang mga paghawak-hawak at yakap, sa paghalik sa mga labi. I… I… felt so disgusted. Nandidiri ako! Pero naisip ko, talagang ganoon dahil nasa Amerika kami at maaaring normal iyon doon.”

Hindi alam ni Emilio kung saan patungo ang sinasabi ni Katherine. Ni hindi nito gustong huminga at mahigpit na kinukuyom ang mga palad. Wala sa loob na napasandal ito sa may pinto.

“Pero hindi niya ginagawa iyon pag naroon ang Mommy Adela kaya sinikap kong hindi kami mapag-isa,” pinahid ng kamay niya ang pagpatak ng mga luha. “Hindi ko siya sinasaway dahil baka ang isip ko lang ang masama. Nakikita ko naman kasi na mahal niya ang Mommy. Pero minsang umuwi ako galing sa eskuwelahan ay wala ang Mommy Adela. Hindi ko alam kung bakit maaga si Lauro noong araw na iyon. Pumasok siya sa kuwarto ko at… at…”

“That son of a bitch!” Nag-aapoy sa galit ang dibdib na usal ng binata. He wanted to kill a man already beyond anyone’s reach! Gusto nitong lapitan si Katherine at yakapin pero hindi nito gustong putulin ng dalaga ang sinasabi. Matagal na panahong nakuyom iyon sa dibdib ni Katherine at kailangang ilabas.

Nagpatuloy si Katherine. “He started kissing me… at pinaghahawakan niya ako… sa mga private parts ko. Itinulak ko siya. Wala siyang intensyong daanin ako sa dahas o i-rape, Emilio. Dahil hindi naman siya nagpumilit nang manlaban ako. Pero natanim sa isip ko ang sinabi niya na kaya lang niya nagawa iyon because I was leading him on. Na hindi ako pumapalag sa mga advances niya sa akin. Tukso din daw ako tulad ng Mama. Na muntik na rin daw niyang patulan ang Mama kundi lang dahil sa pagkakaibigan nila ng Papa.”

Ang walanghiyang iyon! Ang kawala-walanghiyaang iyon! isinisigaw ng isip ng binata. Bagaman walang nagawang pinsala si Lauro sa pagkababae ni Katherine ay sinalanta naman nito ang kaisipan ng dalaga.

“So you see, ako ang may diperensiya? And he would have tried it again kung hindi ko sinabing isusumbong ko siya sa Mommy. Sa una’y tinatantiya niya ako. Hindi ko raw magagawang saktan ang damdamin ni Mommy Adela. Ang sabi ko ay nagawa kong saktan ang Papa bakit hindi si Adela na hindi ko kadugo. Sinigawan niya ako ng walang utang na loob… tukso… at kung ano-ano pa. When I turned eighteen, napilit ko ang Mommy na sa boarding house na tumira. Naapektuhan daw ako ng western living. Hanggang sa mamatay ang Mommy ay mahal niya ako, Emilio. At wala siyang alam sa nangyari.” Tuyo na ang luha niya nang muling humarap sa binata.

“Dumating sa buhay ko si Kent. Sa simula’y sinikap kong maging normal. Nagbibigay. Pero sa tuwing hahawakan niya ako at hahalikan ay naiisip ko si Lauro. I find his touch and kisses abhorrent! Iyon ang dahilan kaya nag-break kami. Prude, frigid, those were Kent’s words.” Pagkatapos ay nagbuntong-hininga. Sandaling sinulyapan ang binata. Nagyuko ng ulo. “It… it… was only you… that…”

Lumambot ang mukha ni Emilio. Muling nilapitan ang dalaga at buong pagmamahal na niyakap. Hinagkan sa noo. “It was only I who can melt your heart. Softened your knees like jelly when I touched and kissed you. Whenever I have my arms around you, you tremble. Dahil mahal mo ako, Katherine. Dahil iniibig mo ako.”

“Hindi ko ipinagkaila sa iyo ang damdamin ko, Emilio. But I doubt if my love is enough. Tulad ng Mama Loretta, I might grow tired of you at maghanap ng iba.”

“Duda akong minahal ng totoo ng ina mo ang Kuya Fernan, Katherine. Love is sacrificing. Tulad mo, natatakot kang masaktan ako kaya mas gugustuhin mong umalis na lang. Though unfounded ang fears na iyan. Tulad ni Helen, ang Kuya Fernan ang hindi na maaaring mag-anak…”

“Pero ang sabi ng Papa ay hindi nila…” agap ng dalaga pero hindi rin pinatapos ng binata.

“Lihim na nagpatingin si Helen sa Cebu noong kasalukuyang may seminar ang mga teacher doon. Helen and I… we are close, Katherine. Sinamahan ko siya sa dalawang araw na seminar na iyon pati na sa doktor. She is perfectly capable of bearing a child. So, ang Kuya Fernan ang maaaring may diperensiya considering na hindi ka na nasundan. Pero mahal niya ang asawa niya kaya hindi naging hadlang iyon.”

Umiiyak na sumubsob sa dibdib ni Emilio ang dalaga. “I doubt kung kaya kong tumbasan ang mga pagpaparaya ni Helen, Emilio. I have been living in fears and insecurities all my life.”

“Be my love, Katherine. Let’s hold hands while we grow old. Marry me at ibaon natin sa limot ang mga takot na iyan.” Itinaas nito ang mukha niya at pinahid ng kamay ang mga luha.

“People will talk…” naroon pa rin ang alinlangan sa tinig niya.

“Hayaan mo silang mag-usap kung gaano ako kapalad sa pagkakaroon ng asawang tulad mo. A beautiful and sexy virgin at twenty three? In America? Sino ang maniniwala?”

“You’re sure it didn’t matter? I love you so much, Emilio. Hindi bale na’ng ako ang masaktan. You see, dalawang lalake lang ang minahal ko sa buong buhay ko. Ang Papa at ikaw. But it seemed that I can’t love you both without hurting.”

“Marry me, Katherine. I lost count already kung ilang beses ko nang sinabi sa iyo iyan. Pero hindi mo pa sinasagot ang proposal ko?”

“A-anong sasabihin ko?”

“Just say ‘I do’ ngayon at sa harap ng magkakasal sa atin.”

“Kailan?” Kumurap si Katherine. “I mean… kailan tayo pakakasal?”

“Why, you’re fast, lady!“tukso nito. Pagkatapos ay pumormal. “Are you willing to give up your career just to be with me in this… in this… per your word, deteriorated town?”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tumawa si Katherine. Napailing si Emilio.

“Alam mo, nagiging incurable romantic na yata ako. At isiping dapat na babae lang ang ganoon. When you laugh like that, the sun shines.”

“Sa kabila ng trabaho ko, my darling… sa kabila ng lahat ng nakikita mo sa akin, I’m a very old fashioned woman. Even if I were the Queen of England, ipamimigay ko ang trono at korona ko, just to be with you in this… in this deteriorated town,” nangingislap ang mga mata niya nang sabihin iyon.

“Iyon ang nasa isip ko nang alukin kitang pakasalan una pa man. Nasa bahay ka lang, mabango, sexy, at naghihintay sa pag-uwi ko. Then we can make love under the moonlight. Hindi ko gustong nagtatrabaho ang asawa ko.”

“Fine with me. Maliban na lang kung hindi mo kami kayang buhayin,” biro ng dalaga. “I intend to have four kids.”

“Kahit isang dosena pa, babe. Kahit isang dosena pa,” natatawang hinapit nito sa baywang si Katherine. “I need a kiss. Pagkatapos ng tensiyon na ibinigay mo sa akin sa loob ng ilang araw, I needed that badly.”

“Ako rin.” Ikinapit ng dalaga ang mga kamay sa leeg ni Emilio at tinanggap anghaliknito. Marahas… nag-aapoy… nagpipilit… atnaghahanap.

Kumawala si Katherine na hinabol ang paghinga. “That was a very scandalous kiss!” nagkuwa siyang nasindak.

“You find it disgusting and abhorrent?”

“Kung… hindi mo itutuloy…”

Natatawang hinila siya ni Emilio sa kama. “Let’s get some sleep, babe…”

“Emilio!”

“Darling, ilang araw akong napuyat sa kaiisip sa iyo. I just want to have a nice and real sleep with you in my arms. Ganoon lang.”

Chapter 18

**N ** o more talk of darkness

Forget this wide-eyed fears

I’m here, nothing can harm you

My words will warm and calm you

Let me be your freedom…

Nakabadya sa mukha ni Fernan ang galak habang inihahatid ang anak sa altar. Si Katherine, a picture of elegance and beauty sa isang Franchesca original na wedding gown. Regalo ni Mrs. Hartford sa isang kahilingang isusuot ni Katherine ito pagbabalik ng New York for their honeymoon on commercial purposes. Ang huling pose ni Katherine bilang modelo. Pumayag si Emilio.

Say you need me with you here beside you

Anywhere you go let me go, too

That’s all I ask of you

Love me, that s all I ask of you…

“Thank you…” bulong ni Katherine sa ama sabay halik sa pisngi nang iabot siya nito kay Emilio. Si Emilio na napakakisig sa puting suit.

“Naiinip ako…” bulong ni Emilio habang inaakay ang dalaga sa harapan.

“Sshh…” saway ng nangingiting si Katherine na walang pagsidlan sa kaligayahan. Sinulyapan si Kent na bumalik mula sa Amerika para saksihan ang kasal ni Katherine. Ngumiti ito at bahagyang ikiniling ang ulo. Si Jerry ay naroon din bilang best man.

Sa kislap ng mga camera ay nagpalitan ng vows ang dalawa.

May ilang mga taong nakaalala sa iskandalo ng pamilya nina Fernan at Katherine labinlimang taon na ang nakalipas pero natakpan ang usapang iyon ng mga paghanga at papuri.

**Sa totoong buhay ay dalawa lamang ang naging anak nina Emilio at Katherine. Parehong babae. Ang isa ay naka-base sa Canada kasama ang asawa nito at isang anak. Ang bunso ay isang food consultant sa isang hotel sa Maynila. Sa loob ng mga taon, walang palya ang mga ito na umuuwi pag sumasapit ang anibersaryo ng kasal nina Emilio at Katherine. **

••WAKAS•••

************ Hello mga beshies, HAPPY NEW YEAR sa inyo. Pasensya na kayo at ngayon lang nakapag-update ulit. Malapit na pala mag 90k ang mga followers ni Ms. MC at dahil dyan tulungan n’yo kaming umabot sa 90k at mauupload natin ang The Substitute Bride or yung The Farmer and the Heiress (na huling nobelang isinulat ni Ms. MC at tinapos na isulat ng kanyang mga anak.) Or ibang stories like Kristine Series. Tsaka h’wag kayong mahihiyang ilabas ang inyong mga opinyon sa comment section para alam din namin ang inyong mga reaction or kung may reklamo or suggestion sa akin na admin dito puwede kayong mag-comment willing naman akong tumanggap ng mga mensahe n’yo hehehehe.

At kung may mga problema kayo na kailangan n’yo ng kausap, mag pm lng kayo at rereplayan ko kayo di nga lang agad agad pero atleast magrereply ako kahit matagal. Stay healthy and safe everyone. Happy New Year ulit sa inyo.

Pahabol lng, i-report n’yo pala yung gumagawa ng ibang account ni Ms. MC, ang account na ito lng kasi yung pinayagan ng PHR Management eh. Kaya pasensya na sa mga gumawa ng ibang account ni Ms. MC, kung may mga works kayo ni Ms. MC , send n’yo nlng dito at ako na ang maguupload.

Maraming salamat sa inyong lahat.

\- ADMIN A


  1. Chapter 1
  2. Chapter 2
  3. Chapter 3
  4. Chapter 4
  5. Chapter 5
  6. Chapter 6
  7. Chapter 7
  8. Chapter 8
  9. Chapter 9
  10. Chapter 10
  11. Chapter 11
  12. Chapter 12
  13. Chapter 13
  14. Chapter 14
  15. Chapter 15
  16. Chapter 16
  17. Chapter 17
  18. Chapter 18