loading

storiescollectionschaptersauthorsgenrestagsstories
BEAUTIFUL CHANGE

BEAUTIFUL CHANGE

Aboutfictionx · 28 chapters · 24,852 words

𝘾 𝘼 𝙎 𝙏

     🇧 🇪 🇦 🇺 🇹 🇮 🇫 🇺 🇱              🇨 🇭 🇦 🇳 🇬 🇪 by: Aboutfictionx Start: February 27, 2022 End: July 28, 2022 ( 2:31 pm )

C A S T:

Moon Ga-young as 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗘𝗹𝗹𝗮 𝗣𝗶𝗻𝗲𝗱𝗮

Cha Eun Woo as 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗹𝗲𝘆 𝗘𝘂𝗻 𝗗𝗲𝗹𝘂𝘃𝗶𝗼


Siguro pamilyar yung mga cast ko no? Sinulat ko ’to because of “true beauty” sobrang nagustuhan ko ’yon. Kung may scenario man na medyo hawig, hindi ko kasalanan. HAHAHA. Pero kung sa palagay ko hawig siya, syempre babaguhin ko.

Read it well, have a great day!

-aboutfictionx

𝙋𝙍𝙊𝙇𝙊𝙂𝙐𝙀:

Stanley Eun’s POV

“ Dude hintayin ka nalang namin, punta ka ha? “ Sigaw ng kaibigan ko at tumakbo na paalis.

“ Aalis kayo? “ Tanong saakin ni France na ngayon ay kasabay kong naglalakad.

“ Uhm, yes “ sagot ko naman sakanya, tsaka ko ginulo ang buhok niya.

“ Sumama kana sakanila Stanley, “ biglang tugon niya saakin at nakangiti pa ito.

“ You’re beautiful. I love your genuine smile. “

“ Nambobola kapa, sige na. Sumama kana sa mga kaibigan mo, may dadaanan rin ako. “ Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya. I’m fortunate to have a girl like this.

“ Seryoso babe? Sorry ha? Hindi kita mahahatid sainyo ngayon. Ikamusta mo nalang ako kila Tita. “ Tsaka ko hinalikan ang noo niya at niyakap naman niya ako.

Hinintay ko syang maka-alis at sumunod na rin agad ako sa mga kaibigan ko. They are inviting me to drink. Iinom kami serve as celebration daw bago ako umalis sa Pilipinas. Honestly, hindi pa ako nakakapag-sabi kay France. Kahit 1 year na kami gusto kong maging honest sakanya sa lahat ng pagkakataon. I mean, noong simula palang naman honest na ako.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa beer house malapit dito sa DL University.

“ Dude, ang ganda ng boyfriend mo no? Huwag molang sasaktan ’yan, kukunin ko ’yan sayo. HAHAHAHAHA “ Biro saakin ni Brix kaya nagtawanan kami.

“ Mukha ba akong mananakit? HAHAHAHAHA “ teka? Bakit literal na nagulat sila sakin? Tinignan ko sila na parang nagtatanong.

“ Namumula ka gagi. “ Nagulat naman ako, kaya pala ang imit ng mukha ko.

“ Syempre umiinom tayo, “. Tsaka nalang ako ngumiti.

Nagulat naman kami dahil sa pagbukas ng pinto. Tumambad saamin si Mama na sobrang lungkot ng mukha. Hindi kami ganoon ka-close ni mama dahil hindi niya gusto si France para saakin. Parang lumayo ang loob ko sakanya.

“ Stanley, watch this video. “ Hindi na ako nagsalita pa at agad kong kinuha at pinlay yung video.

Kitang-kita ko sa video na binubuhat si France papasok sa ambulance, halos maligo ito sa sarilii n’yang dugo dahil sa car accident.

“ Dead on arrival, I apologize Stanley for the sad news. “ Kalmadong turan ng Mama ko saakin na ngayon ay papalapit saakin.

“ Mama, sabihin mo saakin na hindi totoo ito! Tell me! “ Hindi kona magawang tumayo pa dahil nanlambot na ang mga tuhod ko. Tatakbo na sana ako palabas ng pigilan ako ng mama ko, niyakap niya ako.

“ Huwag kanang pupunta doon, ipahinga mo ang sarili mo. You have to rest. “ Tumango nalang ako at humagulgol sa balikat ng mama.

Ngayon ko na-realize na walang permanenteng tao at any time pwede silang mawala. Dapat hinatid kona siya kanina sa bahay nila. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Kahit patay na si Dad at walang tutulong saakin sa pag-alam ng nangyari kay France, hahanapin ko pa rin ang sagot.

Kahit palubog na ang araw, naglakad pa rin ako papunta sa Astro Park. Magandang maglakad papunta doon. Tahimik ang lugar, at malinis doon. Binilisan ko ang paglakad para agad na makapunta doon.

Hindi ko magawang puntahan si France dahil alam kong hindi ko kakayanin. Mamaya na ang alis ko kaya nag-desisyon ako na pumunta dito sa Astro Park. Favorite place namin ’to.

Naglakad ako papasok sa park at pumunta sa favorite spot namin ni France. May isang bench doon na sinulatan namin ng mga pangalan namin. Kahit imposible ayokong may ibang naka-upo doon. Teka, pamilyar saakin ang taong naka-upo ngayon dito.

“ France? “

“ Hello? “ lumapit pa ako hanggang sa mapuwing ako dahil sa lakas ng hangin.

Wala pala si France dito, imagination lang pala. Nag baka sakali ako na siya ’yon pero hindi e. Hindi na babalik yung taong napasaya saakin at bumuo saakin. Wala na yung taong naiintindihan ako, wala na yung taong hindi ako iniwanan kahit sobrang bigat na ng problema ko. Wala na yung taong nagpapalakas ng loob ko.

Pumatak ang luha ko sa bench dahil tinititigan ko ito ngayon. Pinunasan ko ang mga luha ko na nag-uunahan pumatak at kinuha ko ang permanent marker sa bag ko.

Nagsulat ako sa bench ng “ kung babalik ka man, magkita tayo dito sa araw ng kaarawan mo. “ Kahit imposible, ginawa ko. Kahit alam kong hindi na siya babalik ulit, nagsulat pa rin ako.

“ France if you could hear me now. I want you to know that I love you so much. I will never forget you, I will always look for your genuine smiles. I will always look for you in my dreams. Magpahinga kana, Mahal ko. “

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 1:

Ella’s POV

What if biglang mangyari ang kinakatakutan ko? May kasabihan na dapat harapin yung kinakatakutan pero ako hindi, hindi ako naniniwala sa kasabihan na ’yon. Knowing na, buhay ko ang kapalit.

Naglalakad ako ngayon papunta sa DL University. Maganda ang learning strategies nila dito. Imagine, 2 weeks na ako dito pero ang dami konang nalaman. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong kaibigan kahit isa. Dahil nga siguro sa mukha ko. Dark skin color at kulot na buhok. Pero ayos lang, dahil sanay na sanay akong mag-isa simula iwanan niya ako.

2 years ago, sobrang nalunod ako sa kalungkutan. Humahanap ako ng sagot kung bakit nakipag-hiwalay siya saakin ang boyfriend ko. Hindi ko magawang kumilos, hindi makakain at hindi makatulog. Dumating na rin sa point na bumaba talaga ang grades ko.

Dalawang taon na, siguro nakalimutan na niya ako. Siguro may bago na siya, siguro masaya na siya ngayon. Ang sakit lang kasi ang ayos namin, sobrang ayos. Pero, nagulat nalang ako nakipag-hiwalay siya saakin sa text tapos hindi kona ma-contact pa ang number niya.

Bumalik naman ako sarili ko ng marinig ko ang mga bulungan ng mga schoolmates ko, bulungan ba talaga ’yon? Bakit naririnig ko?

Nandito na ako sa tapat ng DL University at lalakarin ko na naman ang building na sobrang layo, para kang umiikot sa tatlong mall. Sinimulan ko ang paglalakad. Sobrang basa ng likod ko dahil tagaktak ako sa pawis ngayon. Chineck ko ang cellphone ko baka kasi nag-text na siya or tumawag. Umaasa pa rin ako na babalik siya at sasabihin niya saakin na hindi totoo ’yon.

Shit! Bumangga ako sa dibdib ng kung sino, ang tibay ng dibdib naman ng taong ’to. Amoy na amoy ko din siya. Sobrang bango, pamilyar ang pabango na ’to. Agad akong kumilos at inayos ang mga gamit ko. Pinulot ko ito mula sa sahig na naka-tiles at agad din akong tumayo.

“ Sorry, “ tsaka ako yumuko at aaktong tatakbo na ako kaso biglang hinawakan ng lalaki na ’to ang kamay ko.

Ramdam kong nakatingin lang siya saakin at mukhang pinagmamasdan niya ako. Hindi padin ako tumitingin sakanya.

“ Bago ka dito? “ Tanong niya saakin. Kaya tumango naman ako.

“ Halata nga, kasi hindi mo ako kilala e. “ Patuloy pa niya.

“ Sino kaba? Kahit sino kapa wala akong pakielam, “ hindi padin ako nakatingin sakanya.

“ Tumingin ka sa mga mata ko. Pagmasdan mo ako. “ ma-awtoridad na sagot nito saakin.

“ Ayoko nga, dyan kana. Male-late pako sa ginagawa mo e. “ Atungal ko sakanya tsaka ako tumakbo ng mabilis.

“ Panget bumalik ka dito! “ Narinig kopang sigaw niya pero wala na talaga akong pakielam sakanya, mas panget siya. Pero infairness, ang bango niya. Tapos kaninang nagsasalita siya, sobrang bango ng hininga niya. Pamilyar talaga yung boses niya.

Teka, hindi ko makita yung classroom ko. Bakit kasi magkakamukha.

“ Ayon! “ Sigaw ko ng makita ko yung room number namin.

Pag-pasok ko sa classroom, naka-ngiti lang ako at ramdam ko na naman na hindi ako welcome dito. Ramdam ko rin ang mga titig nila saakin na parang pinipintasan ako.

“ Okay class, as of now si Vice President muna ng class niyo ang mag a-assist sainyo sa lahat. Si Mr. Deluvio, may meeting sila kaya wala muna kayong Class President ngayon. Alright? “ Anunsyo ni Ma’am kaya sumagot lang kami ng yes. Bakit ganito, kapag first to second week of class nakaka-inip? HAHAHA.

Inutusan kami ni Vice President na mag-wash muna ng kamay bago mag-start sa activity na gagawin namin. Free time namin ito pero may activity na naisip yung Vice President. Kailangan din raw ng documentation.

Lumapit ako sa wash sink, at napansin kong wala yung bracelet ko. Hala, saan ko nailagay ’yon? Nandito lang sa kamay ko kanina e. Nako, hindi pwedeng mawala ’yon.

“ Nasaan na ba kasi ’yon? “ Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko naman kasi naiwan sa bahay ’yom dahil hindi ko ’yon inaalis. Nalaglag koba while walking o baka naman nalaglag ko noong nabangga ako sa pesteng lalaki na ’yon? Kainis, bakit ba kasi nag-cecellphone ako kanina.

Pumunta ako sa assigned seat ko at tinignan ko ng mabuti sa bag ko at sa ilalim ng upuan. Hindi ko parin nakita. Naisipan kong lumabas nalang at hanapin sa hallway na dinaanan ko.

Hindi pwedeng mawala ’yon, mahalaga saakin ang bracelet na ’yon.

Ibinigay niya saakin ’yon.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 2:

Ella’s POV

“ Anak, bakit late ka nakauwi kagabi? “ Wow, narinig talaga ni mama yung pagbaba ko, kahit nakatalikod siya alam n’yang nasa likod ako.

“ Eh kasi Ma, hindi ko mahanap yung bracelet. Hinanap ko sa school hanggang 7:30 wala talaga e. “ Atungal ko kay mama na ngayon ay nagmukmok ako sa lamesa.

“ Anong bracelet? Yung laging suot mo? Yung ibinigay ni- “ hindi kona pinatapos si Mama agad na akong nagsalita.

“ Opo Ma. “ Maikling sagot ko.

“ Kain kana muna, ayan nagluto ako ng lugaw. Para naman may energy ka mamaya. Basta anak, mag-ingat ka lagi please? Since first year college kana, mas galingan mopa. I will support you. “ Lumapit si Mama saakin tsaka niya ako niyakap. May inabot din siya saakin.

“ Ma, para saan po ito? “ Tanong ko dahil sa kuryosidad.

“ Hindi moba bibilhin yung bagong release na horror book? Balita ko, favorite writer mo yung nagsulat non. “ Kinindatan ako ni Mama kaya agad ako tumayo at niyakap siya.

“ Hindi mo po talaga nakakalimutan na i-surprise ako Maaaa, mahal po kita. “ May kaunting luha sa gilid ng mga mata ko dahil sa labis na saya.

“ Pero, kapag free time ko nalang po doon ako bibili ng book. “ Paliwanag ko kay Mama.

“ Ikaw bahala anak, basta ibinigay kona sayo yung pambili mo. “ Ang ganda talaga ni Mama, ang ganda ng ngiti niya. Si Mama yung tipo ng tao na hindi mo makikitang nahihirapan dahil naka-ngiti lagi. Sabagay, ang panagalan pala niya ay Hopesmile kaya hindi na ako magtataka. Sobrang unique ng pangalan ni Mama.

Tinapos ko ang kinakain ko at inayos ang mga gamit ko. Nandyan si Papa ngayon kaya ihahatid niya ako sa DL University. Si Papa kasi hindi nag-sstay dito sa bahay dahil nagdedeliver siya ng fresh milk sa iba’t-ibang lugar.

“ Alis na ako Maaa, “ sigaw ko at agad na lumabas sa bahay. Naghihintay na rin kasi si Papa sa labas.

“ Hello Papa! “

“ Ang ganda talaga ng anak ko, “ ang lapad ng ngiti ni Papa. Grabe, nakakawala ng pagod.

“ Ikaw talaga Pa! Gandang ganda ka naman saakin Pa. “ Nagtawanan kami nalang kami ni Papa.

Sumakay na ako at sinimulan narin buhayin ni Papa ang motor, malapit lang naman ang DL university dito saamin pero for sure mapiprito ka dahil sobrang init.

Iniisip ko kung dadaan ba ako sa mall mamaya dahil may bibilhin ako sa Cosmetic shop, pero ang dami ko din gagawin kaya next time nalang siguro.

Hanggang ngayon pala-isipan padin saakin yung bracelet ko, hindi ko padin nakita. Saan na kaya ’yon, halos ikutin kona yung buong University kagabi pere hindi ko parin nagawang hanapin.

Ilang minuto lang, nagpaalam na ako kay Papa at papasok na ako. Hindi kona nagawang hintayin pa siya sa pag-alis niya, dahil feeling ko male-late talaga ako nito. Tumakbo ako papasok ng makarinig ako ng announcement sa buong University.

“ Good morning, if you know someone na nawawalan ng bracelet please go to Lost and found office. Thank you! “

Tatlong beses inulit ang anunsyo na ’yan kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa lost and found office at agad ko rin itong nakuha.

“ Salamat po. “ Sambit ko kay Sir na abala sa pag-aayos ng mga papers at ngumiti lamang ito bilang sagot.

Akala ko hindi kona makikita ’tong bracelet ko, buti nalang at mga nag-surrender sa lost and found. Sino kaya ang nag-surrender nito at mapasalamatan man lang.

Naglakad na ako papunta sa classroom ko a hinintay lang na dumating si Prof. Nakatitig parin ako sa bracelet na hawak ko. Hindi ako makapaniwala na hawak kona uli ito. Hindi kona hahayaan na mawala pa ito.

“ Good morning, Class! I want you to meet Mr. Stanley Eun Deluvio. Ang anak ng owner ng DL university. Siya na rin ang magiging Class President niyo. Para sakanya talaga ang seat na nasa tabi ni Ms. Ella. Actually, nandito na siya kahapon and I assumed na nakita na siya ng iilan sainyo. “ Paliwanag ng Prof namin pero teka, Stanley Deluvio? Agad aong tumingin sa harap ng blackboard at nakita ko ang mukha niya.

“ Hala ang gwapo niya. Kahit nagkasakit siya ang gwapo padin! “

“ Dapat katabi ko ’yan dito. Hihi. “

“ Seryoso? Nakikita kolang ’to sa mga magazine. “

Dinig ko ang mga hirit ng mga kaklase ko, mukhang sikat siya. Dahil may mga students na nakasilip sa bintana namin.

“ Sir, excuse me po. “ Agad akong tumayo.

“ Yes Ms. Ella? Ayaw mong katabi si Mr. Stanley? “ Halatang hinihintay nila ang sagot ko pero wala akong pakielam sakanila dahil hindi kona kaya. Bago pa ako makasagot may isang lalaki pa ang pumasok na mukhang kaklase din namin. Ito yung laging late pero wala akong pake kahit hindi na siya pumasok. Biro lang, naiihi na talaga ako e.

“ Sir, I need to pee po hehe. “ Agad akong tumakbo at hindi na hinintay ang permission ni Prof namin.

Habang tumatakbo ako papunta sa comfort room, nadulas ako. Syempre biro lang, hindi ako tanga e. So, habang tumatakbo ako naisip ko bakit kaklase ko siya?

Siguro hindi na niya ako kilala dahil sa itchura ko ngayon, siguro nga nakalimutan na niya ang lahat. Pero isa lang ang masasabi ko. Ang laki ng pinagbago niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Ramdam kong humahagos ang mainit na likido sa mukha ko. Pero hindi pwede ’to. Buburahin ko ang lahat sa isip ko.

Nakalimutan na ba niya ang lahat? Mabuti na ang hindi niya ako makilala.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 3:

Ella’s POV

“ Class, 4th week na simula mag-start ang klase. Wala pa rin tayong lesson hanggang ngayon. Para ma-refreash ang mga isip niyo. We will be having a debate. “ Anunsyo ni Sir kaya ang ibang kaklase ko huminga ng malalim tapos ang iba naman ay inayos ang pagkaka-upo nila.

Hinati kami sa dalawang grupo at inayos ang mga upuan. Hindi kopa naranasan magkaroon ng debate pero susubukan ko kung sakaling ako ang tawagin.

Nagsimula ng mag sulat si Sir sa blackboard atsaka ngumiti ng malapad.

“ Sa palagay niyo sino ang mas nasasaktan? Ang taong iniwan or ang taong nang-iwan. “ Tsaka nag-hiyawan ang mga kaklase ko.

“ Mr. Stanley please stand. “ Nakita ko naman si Stanley na walang ganang tumayo.

“ And, Ms. Ella. Yeah, please stand. “ Utos ni Sir kaya tumayo nalang din ako.

“ Ms. Ella, ikaw ang taong iniwan while Mr. Stanley ikaw ang nang-iwan. Are you ready? “ Tanong ni Sir kaya parehas kaming tumango ni Stanley.

“ Ella, magsisimula sayo. Go! “ Utos ni Sir. Tumingin ako sa paligid ko at sinimulan ko muna sa level 1 na usapan. HAHAHA.

“ Classmates and Mr. Stanley, naniniwala ako na mas nasasaktan ang taong iniwan. From the word itself, iniwan. For example ako, my intentions are pure but you betrayed me. Sino ang mas nasasaktan? Syempre ang taong naiwan. “ Paliwanag ko, mukhang natahimik naman ang klase.

“I don’t believe you. It hurts even more for the person who left. Why? It’s simple, because he has to quit because he’s having a hard time. What do you know about Love? Sa mukhang ’yan, who doesn’t seem to leave you?” Personalan Stanley? Hintayin mo lang ako.

“ Kung sabihin kong Oo may nagmahal saakin. May magagawa ka? Buksan mo ang mga mata mo Stanley. Love is not about what you see. It’s about consistency and maturity. Kung iniisip mong mas nasasaktan ka dahil nang-iwan ka. Mali ka, masyado kang manhid para doon. Kung nawalan ka ngayon, you deserve it. Dahil manhid ka, hindi mo alam ang nararamdaman ng taong mahal mo. “ Paliwanag ko at nag-hiyawan naman sila. Lumapit saakin si Stanley na nanlilisik ang mata pero wala parin reaksyon ang mukha niya.

“A man doesn’t deserve to lose the person he loves. What if it’s destiny to lose it? Can you do anything? Don’t tell me I deserve to lose because you don’t know how I feel. Kaya nang-iiwan ang isang tao para makapag-isip. “ Madiin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Stanley kaya hindi narin ako naghintay pa ng oras at sinabi kona ang side ko.

“ Bakit ikaw Stanley, nararamdaman mo ba ako? Bakit hindi mo subukan na pumunta sa pwesto ko? Iniwan ako ng walang dahilan, iniwan ako na hindi man lang alam ang sagot sa mga katanungan ko sakanya. Ngayon mo sabihin saakin na mas nasasaktan ang taong nang-iwan. If you really love that person, you will not let him or her get hurt. “ Yumuko ako kasi feeling ko tutulo ang luha ko. Nadadala ako sa debate na ’to.

“ What if hindi naman choice na mang-iwan nung taong nang-iwan? Paano nagkahiwalay sila by accident? Everyone deserves consistent love. “ Mahinahon na sagot ni Stanley.

“ Everyone deserves consistent love? Bakit mo binabase sa mukha kung iiwanan ba ako o hindi? It’s your own choice kung mananakit ka at mang-iiwan ka. Kaya kung naiwanan ka, you really deserve it! “ Atungal ko at diniin ko rin ang bawat salitang sinasabi ko.

“ Class, enough. Siguro, sapat na ito para mag simula na tayo sa lesson natin. “ Biglang singit ni Sir na mukhang nabigla sa debate na ginawa niya. Bigla naman kaming nagulat sa ginawa ni Stanley.

Kinuha niya ang kamay ko at tumakbo kami palabas. Wala akong idea kung saan kami papunta ngayon. Ang kapal ng mukha niya, matapos n’yang sabihin saakin na kaiwan-iwan ako, tapos hihilain niya ako?

“ Ano ba Stanley! Bitawan monga ako! “ Pilit akong kumakawala pero hindi ko magawa. Emosyonal pa rin ako sa mga salitang sinabi niya saakin kanina dahil sobrang sakit.

“ Just follow me. “ Matipid na sagot niya.

“ May pasok pa tayo, ano bang kabaliwan ’to Stanley?! “ Naiirita na ako dahil hindi ko magawang kumawala. Ang lakas ng lalaki na ’to, amoy na amoy ko rin ang pabango niya. Teka, siya ba yung naka-banggaan ko?

Hindi ko alam kung tama ba ito, pero hinayaan kolang siya. Mukhang mabait naman si Stanley pero hindi ko padin makakalimutan ang mga sinabi niya. Hindi ko makalimutan yung tensyon na nangyari kanina. Kahit ano pa ang reason nito, kakawala padin ako sakanya. Sinubukan kong kumawala pero agad n’yang nahila ang kamay ko dahilan para dumikit ang katawan ko sakanya. Nasalo niya ang likod ko.

Hindi kona kayang makipag-titigan pa sakanya. Agad akong umiwas at inayos ang sarili ko.

“ Stanley, saan ba kasi tayo pupunta? “

Tumingin siya ng seryoso saakin, papalapit sa mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pumikit ako at hinintay ang susunod na mangyari. Hindi pwede ’to. Nabigla nalang ako ng bumulong siya saakin.

“ Hindi kita hahalikan. Let’s skip class.Basta sumama kalang. “

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 4:

Ella’s POV

“ Come inside, “ utos niya at pinag-buksan naman niya ako ng pinto sa sasakyan niya. Ano ba kasing nangyayari sa lalaki na ’to?

“ Saan mo ba kasi ako dadalhin? Make sure na ibabalik mo ako sa pinang-galingan ko. Ipapa-pulis talaga kita. “ Banta ko sakanya, pero tumawa lang siya. Ang tipid naman tumawa nito.

“ Does it look like I’m stealing you? “ Tanong niya saakin habang naka-focus siya sa pag da-drive.

“ Hindi mo kaya sinasagot yung mga tanong ko. Feeling close kapa naman. “ Atungal ko. Hindi talaga ako mapalagay sa lalaki na ’to. Hindi ako sanay na kasama siya.

“ Here, I will not hurt you. Huwag ka nalang magsasalita dyan. Pasalamat ka sinama kita. “ Biglang natahimik ang paligid matapos niya sabihin ’yon.

“ May sinasabi ka? “

“ Nothing, HAHA “ tumatawa ka pala? Ang suplado niya kaninang nasa DL university.

Tumingin ako sa labas at mukhang palubog na ang araw. Hindi ko pinansin ang kasama ko. Bakit ba kasi kasama ko ang lalaki na ’to?

Habang nakatingin ako sa labas, biglang naalala ko yung araw na sobrang nasasaktan ako. Tapos ngayon parang bumabalik yunh sakit dahil nakita ko na naman ang taong minsan konang nakasama. Hindi na nga niya ata ako kilala.

Napansin kong huminto sa gilid ang sasakyan at tumingin naman ako kay Stanley at bumuntong hininga nalang ako.

“ Wait, are you crying? Look, kung natakot kita. I’m sorry. Please forgive me. “ Tumingin ako sa mata niya, ramdam ko na totoo naman ang pag-sorry niya.

“ Apology accepted. Basta huwag mo akong sasaktan ha? “ Bulong ko sakanya habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Natatakot na kasi ako, baka mangyari ulit yung kinatatakutan ko at hanggang ngayon pinahihirapan ako.

“ Hindi kita sasaktan, Panget. “ Magsasalita pa sana ako kaso hinila na niya ang kamay ko. Bakit ba ang hilig mang-hila nito?

Teka, nandito kami sa Astro Park. Sobrang lawak padin pala nito. Hindi padin pundido yung mga ilaw sa bawat poste. Habang pinag-mamasdan ko ang paligid. Parang napapansin ko si Stanley na tumitingin sa mukha ko. May dumi ba sa mukha ko?

“ Hahanap tayo ng mauupuhan natin. “ Biglang turan niya kaya hindi nalang din ako nagsalita.

Sa wakas, nakahanap din siya. Pero hindi ako komportable sa bench na ’to. Hindi nalang dapat dito.

“ Iwanan na muna kita dyan. I will buy some foods. Hintayin mo ako dyan, alright? “ Tumango nalang ako ngumiti.

Hinintay ko s’yang maka-alis at huminga ako ng malalim. Ang ganda ng gabi na ’to. Bilog ang buwan. Ang presko pa ng gabing ’to. Ang saya siguro kung ang lahat ng tao hindi nasasaktan no?

Tumayo ako at hinaplos ang bracelet na nasa wrist ko ngayon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang taong nagbigay nito.

Naalala kopa yung mga sinabi niya noong araw na ibinigay niya ang bracelet na ’to.

“ Akin na ang kamay mo. “ Nagtaka ako kung bakit pero ibinigay ko nalang ang kamay ko.

“ Hala ang cute naman nyan Babe. Bakit mo naman ako binigyan ng ganyan? Sobrang ganda talaga. Nagustuhan ko. “ Kuminang ang mata ko dahil sa ibinigay niya. First time kong makatanggap ng regalo sa ibang tao.

“ I’ll give it to you so that even if you’re not with me, it’s like I’m holding your hand and I’m still with you. “

Yumuko ako dahil sariwa padin saakin ang mga sinabj niya saakin noon. Hindi ko namalayan na humahagulgol na ako dito sa bench.

Tinitignan ko lamang ang bracelet na hawak ko. Muntikan naman akong mahulog dito sa bench nang biglang lumitaw si Stanley sa harapan ko. Nakatingin lang din siya sa bracelet na suot-suot ko ngayon.

“ Do you own that? I mean, ako naka-kita nyan. “ Paliwanag ni Stanley saakin.

“ Oo saakin ’to, ikaw pala ang nagbalik sa lost and found office? “ Tanong ko sakanya at tumango lamang siya. Parang biglang natahimik siya.

“ Talagang sayo ba ’yan? “ Tanong niya ulit. Kaya agad akong lumapit sakanya at pinakita ang pangalan na nasa likod na part ng bracelet.

“ Okay sayo nga. So, ikaw yung babaeng panget na naka-banggaan ko? “ Tumango ako kasi siya nga ’yon. Parehas sila ng scent e.

“ Take this. “ Inabot niya saakin ang Icecream na Matcha flavor. Teka? Nakilala ba niya ako? Ayy, hindi. Tama hindi nga.

“ Salamat. Ang bait mo naman pala Stanley. Napano kaba kasi kanina sa debate? “ Pagsisimula ko dahil dalawa nalang kami dito sa bemch tapos hindi paba kami mag-uusap diba?

“ Ikaw na muna ang mag-kwento, mukhang iiyak kana kanina e HAHA. “ Uminom naman siya ng dala-dala n’yang pineapple juice.

“ To make it short, iniwan ako. Iniwan lang ako through phone call. 1 year kami, pero ganon-ganon lang siya nakipag-hiwalay saakin. “ Tsaka ako ngumiti.

“ You know what, tapusin mona ’yan. Para maihatid na kita sa bahay niyo. “ Tulad ng sinabi niya, kinain ko itong binili niya saakin na Matcha Icecream at may foods pa na naka-paper bag.

“ Tara na Stanley, ang daming natirang foods. “ Pinulot ko ang mga pinagkainan namin at tinapon ko sa basurahan.

“ Dalhin mo ang mga ’yan. Para sayo talaga ’yan. “ Tsaka ko nalang siya ni-ngitian. Kinuha ko naman ang paper bag na naglalaman ng pagkain at soda. Kinuha naman niya ito at siya na ang nagbuhat.

Pumasok na kami sa sasakyan niya at sinimulan na n’yang buhayin ang sasakyan. Nagmaneho lang siya at ang tahimik niya.

“ Ayos kalang? “ Nagulat ako ng magsalita siya.

“ Ah oo. Ikaw stanley? Nabusog lang siguro ako kaya nanahimik. Haha. “ Balik na tanong ko sakanya.

“ Ayos lang ako. “

Mabilis ang pagmaneho niya at mabilis rin kaming naka-alis sa Astro park. Anong oras na ba? Tumingin ako sa cellphone ko, 8:40 palang naman pero bakit inaantok na ako? Masyado ba akong napagod ngayon? Siguro nga.

“ Where did you live? Enter mo sa map. “ Sinundan ko naman ang utos niya, ituturo ko nalang sana sakanya pero baka malito lang siya. Ibinigay ko din agad ang phone sakanya at sinundan niya ito.

“ Malapit kalang pala. “ Bumaba siya at pinag-buksan niya ako ng pinto.

“ Salamat Stanley. Gusto mobang pumasok sa loob? “ Offer ko sakanya pero hindi na daw.

“ Uhm, what’s your name again? Ah! Ella, sorry for what I said a while ak-“ hindi kona siya pinatapos pa at nagsalita na rin ako.

“ Wala na ’yon. Hintayin mo ako dyan. Babalik agad ako. “ Mabilisan akong pumasok at kinuha ang Jacket ng kapatid ko. Ipapagamit ko sakanya, dahil malamig ang klima ng panahon plus my aircon pa yung sasakyan niya. Agad akong lumabas at inabot sakanya.

“ Para sayo ’yan! “ Masayang turan ko sakanya. Halatang nabigla siya sa ibinigay ko pero deserve naman niya.

“ Thank you, I will keep this. “

“ Anong keep ka dyan, suotin mo. Akin nanga, “ kinuha ko sakanya at pinagpag ko. Pinasuot ko narin sakanya. “ Hoy Stanley, igalaw mo ’yang kamay mo. Pahihirapan mopa ako ah! “

Ipina-suot ko sakanya ang Jacket at bagay niya. Since, maskulado siya bagay na bagay niya ang Jacket.

“ Ayan! Sobrang ganda sayo. “ Energetic ko na sabi sakanya dito sa tapat ng bahay namin.

“ Thank you. I need to go. “

“ Mag-iingat ka, goodnight! “

Hinintay ko s’yang makasakay at pumasok na rin ako sa loob. Oras na ng pahinga.

Sana lagi nalang magaan ang lahat. Sana lagi nalang maayos ang lahat.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 5:

Ella’s POV

Umaga na naman at papasok na naman, hindi kona nagawang mag-almusal pa at agad na akong naglakad papunta sa DL university. Wala kasi si Papa ngayon dahil nagdelivery ng fresh milk while si Mama naman umalis daw sa bahay sabi ng kapatid ko.

Ang saya talaga maglakad kapag ganito kaaga, kasi konti lang yung mga tao tapos hindi ganoon kainit. Mabilis lang akong nakarating sa DL University at dumaan muna ako sa bentahan ng school supplies dito sa tabi ng office. Wala na kasi akong gagamitin na ballpen.

“ Grabe, buti nakapasok ang taong ’yan dito? Dito ba talaga ’yan nag-enroll? “

“ Look, her bag is too cheap. “

“ Hey you, “ boses ng babae na narinig ko mula sa likod ko. Lalakad na sana ako ulit ng bigla nilang hilahin ang bag ko patalikod.

“ Anong problema niyo? “ Tanong ko sakanila. Humarap talaga ako sakanila na tila ba walang pakielam sakanila.

“ Your face. Paano ka naka-pasok dito? “ Tanong saakin nung babae na nakapa-gitna sakanila. Kim daw ang pangalan non, narinig ko noong tawagin siya ng kasama niya.

“ Nag-enroll ako and nagbabayad ako ng tuition fee. Ikaw ba paano ka nakapasok dito? “ Nakangising tanong ko sakanya, hinila nila ang bag ko at muntikan na akong matumba kaya dapat nilang tapusin ’to.

“ Bastos pala ’to e. “ Aakto na sana si Kim na sampalin ako pero agad kong tinaas ang boses ko.

“ Subukan mo akong saktan, sisiguraduhin ko na babakat ang tumbler sa mukha mo. “ Mahinahon ko na sabi sakanya. Mukhang nagulat ang mga nanonood saamin pero wala akong pakielam. Nag-walk out ako at napahinto ulit dahil tinawag nila ang pangalan ko.

“ You deserve this, “ tsaka niya ako tinulak ng malakas. Sobrang sakit sa pwet. Hindi man lang ako tinulungan ng mga nanonood. Nagtatawanan lang sila. Hindi ko nalang sila papatulan dahil ayokong madungisan ang pangalan ko dito sa DL university. Mas ibang araw pa para magkita kami ulit.

Pero legit, halos umiyak ako sa sobrang sakit. Ayoko nalang ipakita dahil ayokong ipakita na mahina ako.

Pinilit kong tumayo at pinagpagan ang sarili ko. Kinapa ko naman ang buhok ko at maayos pa naman. Dumiretsyo na ako sa room ko at ipinahinga ang sarili ko. Wala pa naman si Sir kaya ayos lang siguro ’to.

Iginala ko ang mga mata ko sa classroom pero hindi ko makita si Stanley. Papasok ba ang lalaki na ’yon? Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging top 1 eh kapag titignan ko siya parang hindi naman siya intresado sa mga lesson. Narinig ko kasi sa mga classmates ko na Top 1 daw siya lagi.

Maya-maya nakita ko narin si Stanley, hindi siya naka-ngiti. Walang emosyon ang mukha niya.

“ Ang gwapo talaga niya. “

“ Akin lang si Eun Deluvio! “

“ Stanley babyyy! “

Nag-focus ako sa paghahanap ng ballpen baka kasi bigla kaming mag-lecture at wala akong gamitin. Nagulat ako ng tumunog ang desk ko. Pag-tingin ko may paper bag.

Tinignan ko ito at yung turang pagkain namin ni Stanley pero hindi pa naman sila nabubuksan. Nakalimutan ko pala ’yon sa kotse niya. Tumingin ako sa kinauupuhan niya pero nakatingin lang siya sa harapan. Walang emosyon o kahit ano. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano.

“ Good morning Class! “ Bungad ni Sir at agad na ibinalik ang mga seats sa dating lugar nito. Biglang transform ba.

“ Please be ready. Review for 10 minutes, after mag te-test kayo. Go! “ Hala, sabi kona e. Mag te-test pala. Wala parin akong ballpen, hindi ako nakabili dahil sa mga bwesit na babae na ’yon. Ang kakapal ng mukha. Mukha naman silang aso.

“ Stanley, may extra ballpen ka? “ Nilakasan kona ang loob ko kahit mukhang hindi maganda ang gising ng isang ’to.

Kumuha siya ng ballpen mula sa bulsa niya at ibinigay saakin.

“ Salamat haha. “ Turan ko dahil akala ko mababadtrip siya saakin.

After 10 minutes, natapos na ang lahat sa pag re-review pero wala parin pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung makaka-survive ba ako sa test na ’to pero susubukan ko.

“ I will give you another 10 minutes to finish the 10 items test. Go! “ Sinimulan kona ang pag sagot pero sa number 1 palang hindi na ako makasagot kahit multiple choice naman. Ano ba naman ’to? Bakit ang hirap?

Tumingin ako sa orasan ko at hindi ko alam ang gagawin ko dahil 5 minutes nalang matatapos na ang oras na ibinigay ni Sir.

“ Panget, “ tumingin naman ako kay Stanley dahil siya lang naman ang tumatawag saakin nyan maliban sa mga tatlong babaeng tao kanina. Ibinigay niya ang papel niya at tinignan ko siya with anong gagawin ko dito look tsaka ako ngumiti ng malapad sakanya.

“ Kumopya kana. “ Hindi na ako nagsalita pa at kumopya na agad ako. Mabilis ako sa pangongopya at alam kong alam ’yan ng maraming estudyante dahil halos lahat ng mga estudyante nangopngopya din.

Dahil raw may tiwala si Sir saamin, hinayaan niya kami na i-check ang sariling papel namin. Nabigla ako dahil kahit isang mali wala ako. Ibig sabihin, tama lahat ang sagot ni Stanley. Ang galing niya. Dinaig pa ako, siguro kung nanghula ako kanina 2 lang siguro ang score ko.

“ Niligtas mo ako. “ Inabot ko sakanya yung container na may Honey butter chicken wings na dinala ko. Busog pa kasi ako kaya ibinigay ko nalang sakanya serve as thank you narin.

Tinitigan niya at hindi pa kinukuha, itatago kona sana ng biglang hawakan niya ang kamay ko at kinuha ang container.

“ Kukunin din pala. “ Bulong ko sa sarili pero mukhang narinig niya kaya ngumiti nalang ako.

Natapos ang klase na halos quiz ang ginawa namin. Anong meron ngayon? Pero atleast tapos na. Maglalakad nalang ako pauwi dahil ayokong mag-commute. Dumating din ba kayo sa point na parang tinatamad kayo mag-commute tapos maiisip niyo na mas better pa na maglakad nalang? Pwes, kung hindi ako ganon ako. Tapos inaantok din ako kapag nag ka-kape ako.

Sinimulan ko ang paglalakad at mukhang naiwan kopa yung cellphone ko sa locker ko. Hinanap ko ng maayos sa loob ng bag ko pero nakita ko din naman agad. Maya-maya pa may humintong sasakyan sa harapan ko. Masama ang kutob ko sa mga ’to.

Tatakbo na sana ako ng harangin naman ako ng isa pang lalaki na naka-suot ng black. As in black lahat. Nanghina ako dahil feeling ko dumating na ang kinatatakutan ko. Ang mahanap nila ako.

Nilapitan ako ng isang lalaki at tinakpan ang buong mukha ko. Hindi kona nagawang sumigaw pa dahil nanghihina na ang buong katawan ko.

“ Stanley, help me. “ Tanging sigaw ko sa utak ko.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 6:

Ella’s POV

“ Stanley, help me. “ Sigaw ko sa utak ko. Alam kong imposible na makita niya ako at matulungan.

Sinimulan kong magdasal at ramdam ko talaga ang pagod dahil sa pagpupumilit ko na tumakas dito. Hindi ba sila naawa saakin?

“ Malapit naba tayo? “ Tanong ng lalaki sa tabi na ngayon ay hawak-hawak ako. Feeling ko dadalhin talaga nila ako sa tagong lugar. Mas hindi nila ako makikita.

Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya agad akong huminga ng malalim dahil susubukan ko ulit tumakas iahit imposible naman. Apat ba naman na tao ang may hawak saakin.

Pagbaba sa sasakyan, agad ako kumala. Pero natumba din pala ako dahil naka-blind fold ako. Nahawakan nila ako ulit kaya wala na rin akong nagawa. Hinintay ko ang susunod na mangyayari at nagmasid sa paligid.

“ Bakit ang tagal niyo? “ Teka, pamilyar ang boses na ’to. Mukhang kilala ko ang taong nagpa-dukot saakin. Ano ang gusto niya bakit niya ako pinadukot? May mali ba akong nagawa?

Inutusan nitong lalaki ang mga taong naka-itim na alisin ang blind fold pero bago pa ’yan may naririnig na akong nagtatawanan.

“ Stanley? “ Hindi ko maipinta ang itchura niya at maging ang ibang kaklase namin ay kasama.

“ Tatakas ka talaga? Alam mong may group activity tayo? “ Biglang flashback yung lahat saakin na may pinapagawa pala saamin. Ka-group konga pala ’tong mokong na ’to.

“ You know what Ella, masanay kana sa twist ni Stanley. Kami nga hindi lang ganyan ang ginawa. “ Paliwanag nung babae na hindi ko naman ka-close at mukhang walang balak makipag-close saakin.

“ Ganon ba dapat ang gawin? Stanley sasama naman ako no. Nakalimutan kolang talaga. Nanlambot tuloy ako. “ Tsaka ko siya inirapan at pinunasan ang pawis ko.

Iginala ko ang paningin ko sa lugar na kung nasaan kami. Mukhang nahilig sila sa paintings ngayon. Dati hindi naman. Maraming sculpture na rin ang makikita. Halata din na may pera sila dahil sa furniture at disenyo ng bahay nila. Halatang pinag-isipan.

“ Hindi ka paba tutulong dito Ella? Ang panget mo nanga wala kapang ambag. “ Tsaka niya inikot yung mata niya. Sarap tusukin ng mata. May hawig siya sa tatlobg aso na na-meet ko sa DL university.

“ Guys, what else do you need? Okay naba ’yan? “ Tumango lang kami. Bwesit na Stanley na ’to, bakit ang suplado sa University pero kapag nandito sa bahay o sa labas maasikaso na ewan. Alam mo ’yon, kapag kasama mo siya hindi mo dapat isipin ang kakainin at pamasahe mo. Kasi pakakainin ka niya at for sure ihahatid ka.

“ Yung iba saatin mag-search na about sa Ornamental business in the Philippines while kami sisimulan na namin ang power point. Alright? “ Ang galing mag-lead ni Stanley kaya tumulong nalang din ako sa pag-eedit ng power point kasi feeling ko mas madali ’yon.

Lumipas ang ilang oras at may natatapos naman kami. Ang sarap ng juice nila dito, pangatlong baso ko na ’to.

“ Hmm, Stanley nasaan ang CR niyo dito? “ Tanong ko sakanya, nahihiya pa ako kasi sobrang busy niya sa pag-sesearch doon sa topic namin.

“ Halika, tulungan kita. “

“ Hindi, ituro mo nalang para hindi kana tumayo pa dyan. May ginagawa ka e. “ Turan ko sakanya.

“ Tulungan na kita. “ Offer niya kaya wala na akong nagawa.

Tinulungan niya sa hallway papunta sa CR, sobrang laki ng bahay nila. Para kang maliligaw.

“ Female’s comfort room. “ Tsaka niya tinuro yung color pink na pinto. Ang galing naman kasi yung CR ng lalaki color blue naman. Kami nga iisa lang ang CR e. HAHAHAHA.

Pumasok na ako sa banyo at pagpasok ko palang parang amoy kwarto, sobrang bango. Ang daming toiletries. Shampoo, soap, toothbrush, toothpaste and many more. Iba talaga kapag mayaman. May body scrub pa, mahilig ako sa ganoon pero bumibili lang ako kapag may budget. Umupo na ako sa bowl at tinapos ang dapat tapusin.

Baka matagalan sila saakin.

Paglabas ko, halos tumalon na ako dahil hinihintay pala ako ni Stanley. Ngumiti lang ako sakanya at tinitigan lang niya ako.

Naglakad na kami pabalik doon at 1 meter kaming magkalayo ni Stanley, hindi ko alam bakit.HAHAHA.

Huminto muna ako at inayos ang dami ko. Nakalimutan kong mag-ayos ng buhok sa banyo.

“ May gagawin ka mamaya? “ Biglang tanong ni Stanley saakin bago kami makalapit sa mga ka-grupo namin.

“ Aaralin kolang yung irereport natin tapos wala na. Bakit? “ Tumingin ako sakanya, pero umiwas din siya ng tingin.

“ Dito mo nalang aralin yung irereport mo. Join me later after we edit our power point presentation.“ Naglakad na siya kaya sumunod narin ako. Saan naman ’to papasama?

“ Saan ba tayo pupunta? Hoy, hindi kopa nakakalimutan yung ginawa mo saakin kanina! “

“ Huwag kanang mag-reklamo dyan, samahan mo nalang ako. “

Nalilito na naman ako, hindi ko talaga minsan maintindihan si Stanley. Sobrang ginugulo niya ako. Minsan ang suplado, minsan ang bait naman.

Stanley, ayos kalang? “

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 7:

Ella’s POV

“ Huwag kanang mag-reklamo dyan, samahan mo nalang ako. “

Nalilito na naman ako, hindi ko talaga minsan maintindihan si Stanley. Sobrang ginugulo niya ako. Minsan ang suplado, minsan ang bait naman.

Stanley, ayos kalang? “ bulong ko sa isip ko pero binalewala ko nalang.

Sinimulan kona ulit tumulong sa powerpoint namin at ni-review ko ang part ko sa reporting para kapag nagtanong sila may isasagot ako sakanila.

Inikot ko ang mga mata ko, hindi talaga ako makapaniwala na sobrang laki ng bahay nila. Halatang hindi magugutom ang pamilya nila.HAHAHA.

“ Bakit ka nakangiti dyan? “ Tanong nung kaklase ko na mukhang nang-aasar.

“ Wala kang pake. “ Tsaka ako umirap. Syempre, maganda ako no. Isa pa, dipa kami close e.

“ Yaya, maghanda ka ng makakain nila para maka-uwi na sila. “ Biglang utos ni Stanley. Nagulat naman ang lahat sa sinabi niya. Mukhang ayaw niya kaming mag-stay ng matagal dito. “ Just kidding, “ patuloy ni Stanley. Bwesit na lalaki ’to.

“ Tutu, Sir? “ ( Totoo, Sir? ) Tanong nung kasambahay nila pero hindi ko maintindihan kung anong meaning non.

“ Wa, kaya manayus nakang pamangan. “
( Oo, kaya mag-ayos kana ng pagkain. ) Seryosong sagot ni Stanley sa kasambahay. Hindi ko talaga sila maintindihan.

Aware ako na kapampangan yung dialect na gamit nila pero hindi ko maintindihan dahil hindi naman talaga kami taga-Pampanga which dito sa tinitirahan namin.

’Di bale na, hindi kona iisipin ’yon. Sasakit lang isip ko kung patuloy kong iintindihin ’yon. Maya-maya, nag-ayos na ng pagkain yung kasambahay. Tinitignan tignan pa niya ako, nagagandahan siguro saakin. Shet.HAHAHA.

“ Siguro ayos na ’to no? All of you, nakapag-review ba kayo sa part niyo? I mean, sa reporting natin para bukas. Make sure na ready kayo. “ Anunsyo ni Stanley na leader ng mga aso except ako.

Tumango lang kami bilang sagot at niyaya na niya kami sa dine-in table nila. Jusko, anong pagkain ang mga ’to. Hindi ko ’to alam, sobrang sarap ng itchura.

“ I know you’all wondering kung ano-ano yung mga cuisine na ’yan. But it’s delicious. You should try it. Let me introduce my favorite which is Pork Sisig. “ Masayanag turan niya, nilagyan niya kami sa plate at tumulong na ag ibanh kasambahay na lagyan ang iba sa plato nila.

Favorite padin pala niya ’yon?

“ Ang sarap talaga nito kahit kailan! Hindi ba favorite mo ’to Stanl- “ hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil nagulat si Stanley sa sinabi ko.

“ How did you know that Sisig is my favorite?“ Naging seryoso ang mukha ni Stanley ng itanong niya saakin ’yan. Nanlalamig ang buong katawan ko at feeling ko pinagpapawisan ako ngayon.

“ Halata lang. Kasi ang energetic mo kumain. Hehe “ sagot ko kaya tumango-tango nalang siya. Mukhang nakumbinsi ko naman siya sa sagot.

Wala na ni isa saamin ang nagsalita. Nagpatuloy kami sa pagkain. Buti nalang at natapos na ang lahat ng gawain para sa reporting bukas.

Pero hindi ko padin magawang kalimutan yung ginawa niya kanina. Halos tawagin ko lahat ng santo kanina. Akala ko hindi na ako makakabalik sa bahay namin sa Angeles City. Pero kasalanan ko naman kasi nakalimutan ko.

Maya-maya pa, isa isang umalis ang mga kaklase ko. Syempre may mga service sila. Pero hindi ako naiinggit sakanila, ang saya lang siguro na stable na yung buhay. I mean, sa edad namin na ’to nabibili na nila ang gusto nila. Kahit bumili siguro sila ng house and lot afford nila.HAHAHA.

“ Panget, gabi na. Suotin mo ’to. It seems like malamig sa labas. “ Inabot ni Stanley yung Jacket na color black na may pagka-white. Kaya kinuha ko naman ito tsaka nagpasalamat.

“ Stanley, saan pala kita sasamahan? Para makapag-sabi ako kay mama. “ Tanong ko sakanya, hindi padin ako makatingin sa mata niya dahil sa nangyari kanina habang kumakain.

“ Astro Park. “ Matipid na sagot niya kaya tumango nalang ako. Kinuha ko naman yung cellphone ko sa bulsa ko at agad na tinawagan si Mama. Nagpaalam ako na late ako uuwi dahil sasamahan kopa ang supladong ’to. Ang saya lang kasi pupunta na naman kami sa Astro Park.

Astro Park, my favorite place ever.

Maganda kasi ang vibe na ibinibigay nito lalo na kapag gabi. Ang sarap lang kausapin ng mga bituin tuwing malungkot ka tapos pwede ka rin humiga sa damuhan kapag feeling mo nag-iisa ka.

“ Let’s go. “ Sumunod nalang ako sakanya at pinagbuksan niya ako ng kotse. Pansin ko rin na may dala syang foods na nilagay niya compartment. Mukhang mag pi-picnic kami doon sa ganitong oras. Anong nangyayari kay Stanley? Parang ang gulo niya this past few weeks.

“ Are you okay? “ Tanong niya habang nasa byahe kami. “ Mukhang malalim ang iniisip mo. “ Patuloy pa niya.

“ Uhm, oo ayos lang. Ikaw ba? “ Wala na akong maisip na tanong kaya ibinalik ko nalang din yung tanong niya saakin. Grabe ang bilis mag-drive ng lalaking ’to.

“ I’m good. Nabusog ka kanina? Masarap yung sisig? “ Tanong niya saakin kaya tumango nalang din ako. Mas masarap kapa rin Stanley. Charot.HAHAHA. Jusko, ang likot ng isip ko na ’to.

“ We’re here. Tara sa bench! “ Pag-aaya ni Stanley, bago pa ako makapag-salita agad niya akong hinila papasok sa Astro Park.

Astro Park at Angeles City. ( Baranggay balibago )

“ Sobrang ganda talaga dito no? “ Kwento ko kay Stanley. Teka, nakatitig ba siya saakin? “ Hoy, Stanley! “

“ Sorry, ano ’yon? Any problem? “ Tanong niya saakin at umiwas siya ng tingin saakin. Namumula yung pisnge niya. Sobrang cute niya pala.

“ Bakit namumula ka? “ Tanong ko habang nakangisi. Sana maasar siya.

Hindi nalang niya pinansin ang sinabi ko at agad syang kumuha ng donut at inilagay sa bibig ko.

“ Stop talking. “ Kaya hindi narin ako nagsalita. Mukhang naasar nga siya saakin.

Kumain nalang ako at kumain din siya, hindi niya magawang tumitig saakin kaya hindi narin ako magbubukas ng topic sakanya. Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya at nagpatugtog.

I choose you. Bakit ba ako sinasaktan ng panahon? Bakit yung kanta pa na ito?

Kinuha niya ang kamay ko at wala akong nagawa kung hindi tumayo sa kinauupuhan ko. Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at dahan-dahan naman syang kumapit sa bewang ko para sundan ang ritmo ng kanta. Hindi kk akalain na isasayaw ako ng lalaki na ’to. Para kaming magka-relasyon kung aumayaw. Umaayon din ang mga ilaw na nakapaligid sa buong park. May mga LED lights na na nakalagay sa mga halaman dito.

Kung sinasaktan ako ng panahon ngayon, ayos lang. Ang mahalaga kasama ko ang taong dahilan para maging malakas ako araw-araw.

Tumingin siya sa mga mata ko at ganon din ang ginawa ko. Tinignan kolang siya.

Nabigla nalang ako sa susunod na nangyari dahil bumitaw siya. Binitawan niya ang pagkakahawak sa bewang ko. Bigla akong kinabahan sa ginawa niya. Anong nangyari?

“ You look lik-e he-r. “ Halos hindi na siya makapag salita dahil sa pag-iyak niya. Tinitigan niya lang ako sa mata at agad na syang tumakbo palayo saakin. Nakakaawa ang itchura niya ngayon.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 8:

Ella’s POV

“ Ella, anak ayos kalang ba? Parang pasan mo ang mundo. Kumain kana dito, “ in-assist naman ako ni Mama papunta sa upuan. Pinag-sandok niya ako ng kanin at itlog kaya kumain na rin ako.

Mabigat talaga ang pakiramdam ko ngayon dahil sa nangyari noong isang gabi, lunes ngayon pero wala akong ganang pumasok. Hindi ko kasi maintindihan si Stanley, bakit naging ganon siya bigla. Sa dalawang araw na walang pasok, puro pag-iisip lang ginawa ko. May reporting mamaya pero hindi pa ako nakakapag-review sa part ko. Naging naguguluhan ako.

“ Ma about po doon sa libro, hindi ba binigyan mo’ko ng pambili? Next time nalang po ako bibili. “ Turan ko kay mama na ngayon binabantay ako sa pagkain.

“ No worries anak, kahit anong gawin mo doon sa pera na binigay ko ayos lang. “ Sagot ni Mama. Nilapitan naman niya at niyakap ng mahigpit.

“ Kapag may problema sa DL university, or kahit saan pa magsabi ka ha? Yung mga taong humahabol sayo bantayan mo, mag-iingat ka lagi. “

“ Opo ma, hindi naman po siguro nila ako mahahalata dahil sa effort kopo oh.HAHAHA. “ Tumayo ako at umikot, kunwari prinsesa. Tumawa naman si Mama.

“ Hindi ka paba male-late anak? “ Tanong ni Mama kaya chineck ko yung oras.

“ Hindi pa po, maaga pa Ma. “ Kaya tumango nalang siya.

Pinagpatuloy ko ang kinakain ko pero naiisip ko padin yung nangyari noong isang gabi. Hindi ko pa rin maintindihan si Stanley sa part na ’yon. Hindi ko padin maintindihan ang lahat.

Kinuha ko ang bag ko na nakasabit doon sa pader at ni-refill ng water yung tumbler ko dahil mukhang mainit sa labas ngayon. Siguradong mauuhaw ako at papawisan ng limpak-limpak nito.

“ Ma, pasok na po ako. “ Tsaka na ako nagmano sakanya at tumango nalang si Mama. Ramdam siguro ni Mama na may problema ako.

Sinimulan kona ang paglalakad at ngayon kolang naalala na hindi pala ako nakapag-walis sa kwarto ko bago ako umalis at nakapag-spray ng Air freshener. Routine kona kasi ’yon bago pumasok sa DL university.

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko mukhang male-late ako kaya binilisan ko nalang din ang paglalakad. Ayoko kasi na laging late sa klase no. Nakakahiya kasi talaga. Imagine, nakatingin lahat sila sayo.

Lumabas ang cholesterol ko sa katawan at sa wakas nakarating din ako dito sa DLU.

Pag-pasok ko palang nakita kona agad yung tatlong aso na laging gumugulo sa buhay ko.

“ You ugly gurl, “ ang arte ah? Ganda ’yan? Hind naman.

“ Ako ba? “ Tanong ko, lumingon naman ako sa likod pero ako talaga ang kausap nila.

“ Sino pabang panget? Tell us, bakit mo kasama si Stanley sa Astro Park? “ Maawtoridad na tanong niya saakin.

“ After namin sa power point na ginawa namin, nag pa-tulong siya sa’kin doon. By the way, bakit ko ipapaliwanag ang lahat sainyo, sino ba kayo? “ Taas noo kong tanong sakanila. Nabigla naman ang mga nakakarinig saamin.

“ Ngayon lang ako nakakita ng babaeng panget tapos ang landi pa. Siguro malandi rin ang Mam-“ hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil buong lakas ko s’yang sinampal. Dinig na dinig ang sampal ko. Pero ang masama lang, umiiyak ako ngayon. Hindi niya dapat isali ang Mama ko na nananahimik lang sa bahay namin at walang ginawang masama. Hindi ko napigilan ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.

“ Sa susunod na sabihin mo pa ’yan sa Mama ko, sisiguraduhin ko na hindi kayo makakalakad hanggang sa maka-graduate kayo dito sa DLU. “ Banta ko sakanila pero tumawa lang ang asong gaga.

“ Ayy shet natakot ako huhu. Mapipilay mo kami? Eh? Halika ka dito. “ Mabilisan nila akong kinuha at sinabunutan.

Hinayaan ko nalang sila at sinubukan ko padin na alisin ang mga kamay nila sa buhok ko. Medyo masakit ’to, pero tinitiis ko. Ayokong mawala ang paghihirap ko.

Ayokong malaman nila ang totoo, dahil buhay ko din ang kapalit. Mahirap ang ganito, pero para din naman ’to sa sarili ko.

“ If you don’t stop that, you won’t get a picture with me. “

Kilala ko ang boses na ’to. Boses ni…

“ Stanley mylovesss, titigil nakamiiii. Pa-picture haaa “ sigaw ni Asong number 1. Parang hindi ako sinaktan ha?

“ At ikaw, umalis kana. “ Utos niya saakin kaya tumayo na agad ako. Hindi ko alam kung pinagtanggol ba niya ako o ano.

Pero bakit nagpa-picture siya? Knowing na ayaw niya ’yon at base rin sa naririnig kong kwento sa mga fans niya.

Dahan-dahan akong tumayo at kumapit ako sa flooring din kasi wala akong makakapitan. Medyo mabigat pa naman ang bag ko ngayon dahil dala-dala ko yung bahay namin. Joke, hehe. Dala ko kasi yung laptop ko dahil nga presentation namin ngayon.

Naglakad na ako palayo doon dahil dumadami na ang mga kababaihan na mukhang aso din kagaya ko ang nagkakagulo dahil daw sa kagwapuhan ni Stanley. Nako, kung si Stanley nalang ang matirang lalaki sa mundo hindi ko talaga papatulan dahil sobrang gulo niy- “ Ella! “ Sigaw ni Stanley. Bwesit! Hanggang kailan ba niya ako tatawagin?

“ Napano ka? Nag-walk out ka last-last night tapos ngayon tinatawag mo ako? “ Okay naman na talaga saakin, binibiro kolang siya. Sinusubukan kolang kung anong sasabihin niya.

“ Take this. “ Tsaka niya inabot saakin ang Match Frappe na mukhang mamahalin ang brand. Mukhang ayaw niya pag-usapan yung pag walk-out niya noong isang gabi. Kung iniiwasan niya na pag-usapan ’yon hindi ko nalang din sasabihin sakanya o itatanong. Baka kasi may problem lang siya.

“ Thankyou! Take this as well. “ Malapad akong ngumiti sakanya pero ang seryoso pa rin niya. Kinuha niya lang ang inilutong lunch para saakin ni Mama at tumalikod na siya. Snacks lang kasi ako mamaya at ayokong kumain kaya naisipan kong ibigay nalang sakanya.

Hindi pa ako lumalayo, tinatawag na naman niya ako. See, mahilig talaga siya tumawag-tawag.

“ I will take you to your house later. “


A/N: Hi guys, musta kayo? Igalaw ang baso kung may nagbabasa ba nito :< , kung may na se-sense na kayo na something, share niyo naman. ( Comment down )

Kakatapos lang ng finals namin kaya ngayon lang din nakapag-update. Huwag kayong maiinip ah?

Keep reading and enjoy it!

Madami pa ang mangyayari. See you sa next chapter.

  • aboutfictionx

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 9:

Ella’s POV

Nagpatuloy ang paghahatid ni Stanley saakin pero hanggang gate lang naman namin siya. Kadalasan naglalakad kami pauwi tapos nagtatawanan. Napadalas din ang pag pasyal namin sa Astro Park pero mas napag-iinitan ako ng mga aso. Yung tatlong aso na magaganda daw.

Naging close kami ni Stanley pero hindi ganon ka-close ha? Mga 80 percent lang siguro. Paano ba naman, nagbabago bigla ang mood niya. May pagka-moodswing si Stanley. Hindi ko alam kung mood swing ba o may naaalala lang siya na nangyari kaya ganon siya. Kaya iniintindi ko nalang din.

“ Congrats pala dahil maganda yung score mo sa Exam kanina. Sana lahat diba? “ Tsaka ako tumawa habang naglalakad kami. Medyo nagdidilim na at nag-offer si Stanley na ihatid ako sa bahay.

“ Thank you. Congrats din, “ supladong sagot niya habang naka-pamulsa syang naglalakad. Hindi maiwasan ng mga babaeng estudyante na tumingin sakanya tapos halatang kinikilig pa.

Tinignan ko naman itong katabi ko at mukhang hindi okay. Ang daming activities pa naman ang dapat namin gawin. Sobrang daming task ngayon na naka-deadline sa monday. Hindi ko dama yung Saturday at Sunday.

Ayos lang ba si Stanley? Or may problem siya sa family niya?

Hindi naman sa nakikielam ako sa buhay ni Stanley no, pero hindi niya nakukwento yung mama niya tsaka yung Papa niya. Last na galing kami sakanila, napag-alaman ko na mag-isa lang pala siya doon. Kasama lang niya yung mga kasambahay nila. Ang lungkot siguro ng buhay ni Stanley kasi nag-iisa siya sa bahay. Wala man lang mag-aasikaso sakanya at kapag nagkasakit siya kung hindi Doctor, sarili lang niya ang maghahalaga sakanya. Ang swerte ko at ablng swerte ng mga tao na kasama ang family nila dahil may kakampi ka sa lahat ng bagay. Sila din ang magtuturo sayo kung paano maging mabuting tao bukod sa mga guro.

Siguro may dahilan si Stanley kung bakit suplado siya nitong unang araw nang pasukan pero maayos naman ang pakikitungo niya noon base sa naririnig ko. Nakangiti pa raw ito lagi noon kaso simula noong namatay ang Girlfriend niya naging ganyan na raw siya. Hanggang ngayon nabibigla padin ako kapag naririnig ko na namatayan pala si Stanley. Hindi padin ako makapaniwala sa mga bagay na nangyari sakanya.

“Uhm, sorry pala doon sa nangyari noong isang araw. Yung sinaktan ka nung mga babae sa DL. Sorry. “ Biglang niya kaya napatingin ako sakanya. Binuhusan kasi ako ng basura. Buti nalang halos papel yung laman at walang sauces.

“ Ayos lang ’yon, huwag monang isipin ’yon. “ Tsaka ako ngumiti sakanya. “ Paano ba ’yan, dito nalang ako. “ Paalam ko sakanya kaya nagpaalam nalang din siya saakin.

Mukhang may sakit talaga si Stanley, wala syang energy ngayon. Dapat hindi na ako nagpahatid sakanya e.

“ Ma, nandito na po ako. “ Magmamano na sana ako kaso nakangiti si Mama na parang nang-aasar.

“ Sino ’yon? Ikaw anak ah. May hindi ka sinasabi saakin. Yieeee. “ Pang-aasar saakin ni Mama.

“ Si Stanley po. “ Biglang nagbago ang mood ni mama at pumunta siya sa kusina. Hindi nalang din ako kumibo at umakyat na sa kwarto ko. Inayos ko yung mga gamit ko pati na rin yung mga books na iniipon ko. Mahilig kasi talaga ako sa books na horror ang genre. Pati yung buong klase sila tapos patayan, mga ganon ba.

May mga washi tapes din ako at vintage na stickers para sa scrap book ko. Mahilig ako mag-design pero mas mahilig ako sa pagbabasa talaga.

Sumilip ako sa ilalim ng kama at tinignan ang storage box ko. May dalawang storage box ako na nakalagay sa ilalim ng kama ko. Yung isa, lalagyan ng girly things ko. Napkins, feminine wash, cotton pads and many more. Tapos yung isa naman, yung pang-midnight snacks ko.

Mamimili ako bukas ng mga kulang ko pero mukhang iilan lang naman bibilhin ko. Liquid foundation na dark shade, Cleanser, tsaka Sabon. Oorder na rin ako ng washi tapes sa online dahil iniipon konga ang mga ’to. Ayokong gamitin minsan pero napipilitan ako e.

Inipon ko naman ang mga damit ko dahil isang week na mula noong nag linis ako ng kwarto ko. Pumunta ako sa banyo at inaayos ang mga gamit ko doon kahit maayos naman na. Pero habang naglilinis ako ng banyo, may isang bagay akong nakita na nagpalungkot na naman saakin.

Yung mga lipstick na iniregalo ng Ex ko saakin noon. Ang mahal nito sa mall worth 1,500 ang isa tapos lima ’to. All shades meron ako pero isa lang ginagamit ko.

Kinuha ko yung isang shade at sinubukan, kahit naiiyak ako dapat maganda padin. Nakakainis lang no? Yung taong na nagbigay ng mga gamit waka na pero yung gamit nandito pa. Minsan nga napapa-isip ako kung itatapon ko naba o ano, pero nakapag-desisyon ako na itago nalang. Itong lipstick lang talaga yung nakalimutan kong ilagay sa karton. Pero yung bracelet na bigay niya hindi ko ’to bibitawan dahil sabi niya saakin noon parang hawak at kasama kona raw siya kapag suot ko ’yon.

Maya-maya nag-vibrate yung cellphone ko na nasa bulsa ko kaya agad kong dinukot. Wala akong ine-expect na text ngayon pero may text.

“ I need you. Puntahan mo ako sa bahay please. “

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 10:

Stanley Eun’s POV

I stand here now in the tomb of France. I don’t know how I got here, all I know is I miss her so much.

“ I bought you a flower and your favorite ice cream, matcha flavor. “ I couldn’t help but cry because I remember the time when I was not able to take her to their house and I chose to celebrate with my friends. It hurts me that I am the last one with her.

“ If you were here, I wouldn’t be suffering like this. I wouldn’t be like this. I don’t know if you’re torturing me, but there’s someone like you. You have the same preferences. You have a lot of similarities that I don’t want to see sometimes because it seems to hurt me. “ I whispered to her as I wiped his tombstone.

“ But if this is your way, because I was not able to take you to your house, that caused the accident. I really deserve it. I will accept it.“ I bowed and forced my tears to never flow again because of what happened then.

I stood up and adjusted myself.

“ I’ll visit you again. Right now I’m going home because it’s raining hard. I love you so much, France Ella. “

Tumakbo ako as fast as I can, dahil sobrang lakas ng ulan. Malayo ang parking lot dito dahil nasa dulo ang libingan ni France.

Sa sobrang lakas ng ulan, halos hindi ko makita ang dinadaanan ko. Pinunasan ko ang mga mata ko dahil sa pagluha at dahil narin sa ulan. Ang bigat pala sa loob ng ganito. Yung sisihin mo ang sarili mo dahil sa isang bagay na wala ka man lang nagawa.

Sobrang nanlalambot ako ngayon and finally nakita kona ang sasakyan ko. Aagad akong pumasok sa loob dahil giniginaw na ako.

I started the car and started driving away from the cemetery. It’s evening, and it’s time to rest. My body and head hurt a lot. I feel like I’m going to fall here at any moment, so I speed up the drive.

It’s just close to the village where we live here in Pampanga, so I know I can go home right away. It’s just annoying because I don’t have anyone at home anymore. Mom wasn’t there because she was in a business meeting.

Mga kasambahay lang ang kasama ko doon. It’s friday night kaya labis ang nararamdaman kong pagod dahil simula monday-friday morning sobrang nakakapagod mag-isip. Marami pa akong school activities na dapat gawin. Makapag-bihis lang ako, gagawin ko lahat ’yon.

After 20 minutes of driving, nandito na ako sa bahay. Pinag-buksan ako ng gate ni Yaya at pinasok ko na ang sasakyan sa garahe. Sa wakas at makakapag-pahinga na rin ako.

“ Stanley, kumain kana ’nak? “ Tanong ni Yaya Mely saakin, pero humiling lang ako. Wala akong gana para kumain ngayon.

Pumasok ako sa bahay at itinabi ang susi sa organizer para hindi ko hinahanap just in case na gagamitin ko.

“ Stanley, basang-basa ka. Saan kaba galing, itong bata talaga na ’to, Oo. “ Inabot saakin ni Yaya ang towel at pinunasan niya ang likod ko.

“ Maliligo nalang po ako, “ I said.

“ Osige ’nak, tapos kumain ka mamaya. Tawag ka nalang saakin kung nagugutom ko, hahatiran kita ng pagkain sa kwarto mo. Ayos ba ’yon? “ Tumang nalang ao at humakyat na papunta sa room ko.

I can’t help my self, sobrang sakit ng pakiramdam ko.

“ Ughhh “

Umupo muna ako saglit at nagpahinga. Buti nalang Sunday palang bukas. Makakapag-pahinga ako ng buong gabi. Kahit nahihirapan ako, pinilit ko padin lumapit sa study table ko to do my tasks.

Binuksan ko ang device ko at hinanap ko ang soft copy ng activities namin. Sinubukan kong gawin pero hindi ko talaga magawang mag-type. Yes, sa mismong device na kami sumasagot. Hindi na namin kailangan ng ballpen and notebook, mobile phone or tablet will do.

“ Shit, I cant! “ Sigaw ko dito sa room ko. Hindi ko magawang makapag-focus dahil sa aobrang sakit ng ulo ko.

I will call Ella to help me here, babayaran ko nalang siya.

“ Wait, why Ella? Bakit siya ang pumasok sa isip ko to do my tasks? “

Kinuha ko ang isang cellphone ko na nasa bag at buti nalang hindi nabasa kanina sa ulan.

Tumawag ako sa DL university officer at kinuha ang cellphone number ni Panget. Confidential daw yung information niya, I know pero kailangan ko. However, kahit pag-aari namin ang DLU nagiging fair padin ako. Ngayon lang ang hindi dahil hiningi ko nag cellphone number ni Panget.

I typed and made sure she could understand my text. I don’t do it but I did it with her.

“ I need you. Puntahan mo ako sa bahay please. “ [ Message sent! ]

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 11:

Ella’s POV

“ I need you. Puntahan mo ako sa bahay please. “  Halos tumalon ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa text. Baliw na Stanley na ’to. Nanggugulat siya. Pero ito padin pala ang number niya. Naghilamod ako at sinuklayan ko ang buhok ko. Nag-apply na rin ako ng nude shade na cream sa mga spot na makikita na ang liwanag. HAHAHA.

Pumunta ako sa walk in closet ko at naghanap ng masusuot ko. Nakakita ako ng Pants na Jeans, tsaka off shoulder na color maroon. Ito nalang ang susuotin ko tapos ipapares ko nalang sa flat shoes. Para mukhang tao naman akong pupunta sa bahay ng mga Demonyo, I mean Deluvio. Hehe.

Bumalik ulit ako sa banyo para mag-toothbrush pagkatapos nag-mouth wash na rin ako. Napatingin ako sa salamin at kitang-kita ko talaga ang malaking pagbabago sa balat at sa mukha ko. Hindi bale na maganda padin ako.hehe.

“ Shuta, nagawa kopang mag-toothbrush eh kailangan na ni Stanley ng tulong. Napano ba kasi ’yon? Buti nalang at tapos kona ang mga activities ko. “ Bulong ko sa sarili ko kaya agad akong lumabas sa banyo at nag-bihis nalang dito sa kwarto ko.

Mabilisan kong inilagay ang coin purse ko at suklay sa tote bag ko at agad na nilisan ang kwarto ko.

Paglabas ko sa gate, agad akong humarang ng tricycle para makasakay agad. Papahatid nalang ako doon sa mismong bahay nila Stanley. 200 nalang pera ko tapos 150 pamasahe doon. Hayaan mo nanga.

Ano ba kasing nangyari sa lalaki na ’yon? Kainis talaga siya!

Pero kahit pabago-bago yung mood non, hindi ko padin maiwasan na hindi mag-alala dahil naging mabait naman yung tao.

Nagtext ako at tinanong ko kung bakit, pero hindi man lang siya nag-reply. Sa palagay ko, ipapagawa lang niya saakin yung mga activities namin. Pero hindi e, kasi matalino ’yon. Top 1 nga sa klase kaya imposibleng hindi niya gawin ’yon at lalo nang imposible na tamarin ’yon.

“ Kuya, malayo pa ba tayo? “ Tanong ko dahil parang short cut ang dinaanan ni Kuyang driver.

“ Opo, malapit na. Nagmamadali naman ’to. “ Sana nilakasan pa niya para narinig ko diba? Nagtatanong lang e. Hindi nanga lang ako magtatanong.

Maya-maya pa, hininto na niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng Deluvio. Bwesit na gate ’to, parang gate ng DLU.

Hindi kopa naman mahabot ang door bell kaya nagwala nalang ako sa labas, char. Tumawag nalang ako atleast kapag may makarinig saakin pagbubuksan ako. Yes! Sabi kona e, may lumabas na isang kasambahay at ang lapad ng ngiti niya. Mukhang mabait.

“ Magandang gabi po, nandyan po ba si Stanley? Pinapapunta niya po kasi ako dito. “ Tanong ko habang abala siya sa pagbubukas ng pinto.

“ Pumasok ka anak, mabuti nalang at tumila na ang ulan. Pasok dali, baka mabasa ka. “ Pumasok naman ako at pinayungan ako ni Lola, mukhang matagal na syang nagtatrabaho dito.

“ Mabuti at pinapunta ka niya? Maliban kay France, ikaw palang ang pinapunta niya dito. Yung ikaw lang ba. “ Naubo naman ako  dahil sa sinabi niya.

Agad nyang hinaplos ang likod ko at niyaya niya akong uminom muna sa loob. Kahit umuulan, ang linis parin tignan ang paligid dito sa bahay nila. Kapag nasa loob ka ng bahay nila hindi mo mararamdaman o maririnig na umuulan pala sa labas.

“ Pagkatapos mo dyan, puntahan mona si Stanley sa taas. Nako, iyang bata na ’yan nabasa na naman sa ulan. Biyernes ngayon no? Galing na naman siguro sa puntod ng Girlfriend niya na namatay sa aksidente. “ Bahagyang kumirot ang dibdib ko, may naging Girlfriend pala si Stanley na namatay?

Tinapos kona ang iniinom ko at umakyat na sa second floor ng bahay. Hinanap ko ang kwarto ni Stanley pero madali ko naman itong nahanap dahil nasa dulo ’to. Kumatok ako ng tatlong beses pero wala padin sumasagot kaya mas nilakasan ko ang pagkatok ko.

“ You may come in. “ Mahina lang pero narinig ko ang boses ni Stanley, pero mukhang nagbago ang boses niya.

Hindi kona inisip pa ’yon at pinihit ko ang doorknob. Pumasok na ako at tumambad saakin si Stanley na nakakumot at ginaw na ginaw.

Kitang-kita din sa study table niya ang device niya at mukhang sumasagot siya kanina ng activities.

Agad akong tumakbo papalapit sakanya at hinawakan ang leeg niya. Hinawakan ko na rin ang noo niya para makasigurado. Nilalagnat si Stanley.

Bumaba ako ng mabilis at agad na kumuha ng palanggana na may tubig at face towel. Hingal na hingal ako sa pag-akyat.

Lumapit muli ako kay Stanley at pinunasan ang noo niya pababa sa mukha niya.

“ Pinapunta kita dito para gawin ang mga activities ko, babayaran kita. Gawin mona ’yon. Stay away from me. “ Parang bata siya kung magsalita. Mukhang kailangan niya ng pagaalaga ngayon kaya pinilit ko padin ang sarili ko.

“ Gagawin kolang ’yon kung kakain ka. Umupo ka at kumain ka. “ Matigas na sabi ko, napa-hiling nalang siya sa sinabi ko.

“ I will not eat. “ Pagmamatigas niya.

“ Edi hindi, uuwi nalang ako at ikaw na tatapos sa mga ’yan. “ Tsaka ko tinuro yung device na nasa study table niya. Aaktong aalis na ako when he suddenly grab my wrist. Dahilan para matumba ako sa dibdib niya at mapatingin sa mga mata niya.

Habang nagkakatitigan kami sa isa’t-isa, tila ba ang bagal nang oras at ang  bagal ng lahat.

Ang ganda ng mga mata niya, kilay, pilik mata at ang pinkish na labi niya. Hindi ko alam kung lalaki ba talaga ’to dahil sa sobrang linis niya tignan. Mukhang malinis din siya dito sa kwarto niya dahil naka-organize lahat.

Nang bumalik na ako sa pagkatao ko, HAHA. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Ayaw padin talaga nyang kumain.

Umarte ako na parang naiinis na at mukhang effective naman dahil ramdam kong ino-obserbahan niya ako.

“ Kakain na. “ Sagot niya kaya agad na bumalik ang energy ko.

Hinayaan ko syang umupo mag-isa pero mukhang hindi niya kaya. Kaya inalalayan ko siya sa pag-upo.

“ Stanley, nanginginig ka. Kaya mobang kumain? “ Tanong ko at umiling siya. Mukhang hindi nga niya kaya dahil nanginginig siya.

“ Pakakainin nalang kita, Stanley. “


Hi! See you sa next chapter. Alam niyo ba ang mangyayari sa next chapter?HAHAHAHAHA.

Kahit ako kinikilig. HHAHAHAHA see you guys.

-Aboutfictionx

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 12:

Ella’s POV

“ Pakakainin nalang kita, Stanley. “ Inalalayan ko siya sa pag-upo at pag sandal niya. Mukhang nakikinig naman siya saakin.

Kinuha ko ang pagkain niya sa side table niya at ang sarap ng ulam niya. Ginisang ampalaya at boiled egg.

Kumutsra ako ng kanin kasabay ang ulam at inilapit sa bibig ni Stanley ang kutsara pero ayaw nyang buksan ang bibig niya.

“ Kainin mona ’to. Para makainom ka ng gamot mo. “ Sambit ko sakanya, pero nakatingin lang siya sa bintana.

“ Hindi ako kumakain ng ganyan. One more thing, gawin mo ang yung activities ko hindi ko sinabi na asikasuhin mo ako. “ Mahagya akong nasaktan pero kaya ko naman.

“ Kahit hindi mo ako bayaran ang importante ngayon ay kumain ka at gumaling ka. “ Wala na syang nagawa at kumain siya. Sinubuan kolang siya ng sinubuan hanggang sa maubos niya. Hindi daw kumakain pero naubos niya.

“ Ang arte mo, mauubos mo din pala. Oh, inumin mona ’yan. “ Inabot ko sakanya ang gamot niya at mabilis naman nyang ininom ito.

“ Ella, can you bring my shirt? Kuhain mo sa closet ko. “ Tumayo ako at tinungo ang closet niya. Grabe sobrang dami ng damit niya. Hindi ko tuloy alam kung anong kukunin ko sa mga ’to. Kinuha ko nalang din yung white t-shirt.

Ibibigay kona sana sakanya pero nagulat ako dahil hinubad na pala niya ang t-shirt niya. Shuta, those biceps. Ang hot niya tignan jusko. Parang matcha Ice cream sa sarap. HHAHAHAHA char.

“ Ang arte mo, mauubos mo din pala oh. “ Aba, ginaya niya ako sa linya ko. Hindi ko kasi namalayan na nakatitig na pala ako sakanya.

“ Tse, bahala ka dyan. “

“ Pumunta kana dito, tulungan mo ako sa damit ko. “ Bwesit na lalaki ’to bakit ba siya nanginginig. Nagkakasala tuloy ako. College student na kami pero dipa ako ready sa mga ganitong nilalang.HAHA.

Tinulungan ko syang masuot ang damit niya at hinayaan ko syang ma-upo doon sa kama niya.

“ Dyan kana muna ah? Kapag inaantok kana, humiga kana. Tatapusin kolang ang mga activities mo tapos tawagin mo ako kapag may kailangan ka. Okay? “ Nakangiting sabi ko sakanya kahit na naiinis na ako sa ginagawa niya. Parang ang tipsy niya, ino-obserbahan niya ako.

Hinayaan ko siya doon at sinimulan kong gawin ang activities niya, madali lang ’to. Binuksan ko ang device ko at kinopya ko nalang ang sagot ko. Para hindi kona babasahin pa ulit yung mga questions. Ang dami pa naman nito. Pero ayos lang, HAHAHA. Matatapos kodin agad ang mga ’to.

Tumingin ako sa likod ko at nahuli kong nakatingin si Stanley saakin. Bigla syang umiwas ng tingin saakin.

“ Matutulog na ako. Tapusin mo ’yan. Pahatid ka nalang sa Driver namin pagkatapos mo dyan. “ Habilin niya pero diko marinig yung last na sabi niya e.

“ Sige Mr. Mood swing, matulog kana. Goodnight! “ Sigaw ko sakanya at nagpa-cute. Mukhang nainis naman siya sa ginawa ko. Bwesit na lalaki ’to. Ayaw sa maganda at cute.HAHAHA.

Nag-focus nalang ako sa mga activities ni Stanley dahil inaantok narin ako. Naalala kolang yung sinabi ni Stanley na babayaran raw niya ako, medyo na-offend ako doon. Kasi diba, kaya ko naman tumulong na kahit walang kapalit. Tutulong naman ako lalo na kapag alam kong kailangan na kailangan.

Pero hahayaan ko nalang dahil may sakit yung tao, saan gumaling na siya pag-gising niya.

“ Ella, bakit mo kamukha si France? “ Biglang tanong ni Stanley, kaya nanlamig ang buong katawan ko sa kinauupuan ko. Hindi agad ako nakasagot dahil nahihirapan ako magsalita sa lakas ng tibok ng puso ko.

“ Huh? Sino ba ’yon, matulog kana. Nilalamig kapa din ba? “ Pag-iiba ko ng usapan at tumango naman ito. Nilapitan ko siya at kinumutan ko ’yan.

“ Ikaw, Mr. Mood swing dapat natutulog kana. Para gumaling ka agad. Okieee? “ Pagpapaliwanag ko sakanya habang inaayos ang pagkakakumot niya.

Hindi na siya nagsalita pa at pumikit na, bumalik na rin ako sa kinauupuan ko. Sinimulan kona ulit ang pagsagot sa mga activities.

Kahit inaantok na nagawa ko padin tapusin ang activities niya. Wala pa naman pasok bukas kaya ayos lang na mag-puyat. Nilapitan ko ulit si Stanley to make sure na ayos na siya. Kinapa ko ulit ang noo niya para alamin kung nilalagnat pa siya, bale sinisinat nalang siya ngayon.

“ Hoy Stanley na inaatake ng mood swing, uuwi na ako. Natapos kona ang mga activities mo. Magpagaling ka! “ Inayos ko ulit ang kumot niya. Kinuha ko naman ang tote bag ko at isinabit sa balikat ko.

Binuksan ko narin ang lampshade sa side table niya at pinatay ang ilaw. Lalabas na sana ako sa pinto ng magsalita siya.

“ Uuwi kana? Hindi pa ako magaling.  Can you stay all night? “

“ I’ll stay. Basta magpahinga kana. “ Pumasok ulit ako at umupo sa tabi niya. “ May masakit ba sayo? “

“ Wala naman, nilalamig lang. Can I request a hug from you? Uhm, open the lights. Hindi ako makakatulog. “ Nagulat ako sa inasal niya para syang isang bata. Sobrang cute ng pagkakasabi niya. Tumayo nalang din ako at binuksan ang ilaw.

“ Mag re-request ka ng hug mula sa tulad ko? Diba panget ako? Tama ka, ang panget ko nga. “ kunwari nagtatampo ako. Kaya umupo siya bigla at hinila ako papalapit sakanya. Hindi kona magawang gumalaw pa at niyakap niya ako na sobrang higpit. Hindi nalang ako nagsalita pa at niyakap kona siya pabalik.

“ You’re gorgeous. You made my day better. Buri danaka, “ bulong niya saakin pero hindi ko naiintindihan yung huling sinabi niya.

Buri danaka? Ano ’yon?


A/N: For those reader na Kapampangan ang dialect, advantage niyo ’yan. Pero for those ppl na hindi alam ’yan please huwag niyo i-search para hindi mawala ang thrill ng story.

Have a great day ahead!

-Aboutfictionx

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 13:

Ella’s POV

Matapos ang ilang araw na pagpapagaling ni Stanley, ang laki ng pinagbago niya. Minsan, hindi ko maintindihan ang mga actions niya. Nagiging regular din ang pagsundo niya saakin sa bahay pero hindi ko parin siya napapapasok sa bahay for certain reason. Alam ko disrespectful ’yon sa bisita pero natatakot lang ako sa pwedeng sabihin ng magulang ko sakanya.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas sa gate at sa hindi ko inaasahan nasa labas na si Stanley. Sanay naman na ako sakanya pero ang alam ko may business meeting siya kasama ang mommy niya.

“ I’m sure nagulat ka dahil nandito ako. Na-cancel yung meeting. Next week nalang daw. “ Tsaka siya lumapit saakin at kinuha ang bag ko. Binuhat naman niya ’to.

“ Salamat, “ matipid kong sagot.

“ Ayos lang ba sayo na maglakad tayo ngayon? Daan muna tayo sa McDo para makapag-breakfast. Is that okay? “ Tanong niya saakin at sobrang saya ng mukha niya.

“ Oo ayos lang saakin. Pero wala akong pera ngayon, “ paliwanag ko sakanya kaya kinuha niya ang dalawang balikat ko at hinarap niya ako sakanya.

“ Hindi ko sinabi na gagastos ka. My treat! “ Tsaka niya ako ako kinindatan. Napangiti naman ako sa ginawa niya dahil sa sobrang cute niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila para tumakbo, mukha bang ma-le-late kami? Ako naman na sobramg ganda nagpahila naman ako.HAHAHA.

Tinignan ko siya ang luwalas ng ngiti niya, siguro nga hindi pa din niya ako nakikilala. Pero for sure kung makikilala ako nito, lalayo din siya. May parte sa puso ko na gusto ko nalang iwasan siya pero natatakot naman ako na hindi na kami mag-usap.

Sa totoo lang, sobrang swerte ng magiging girlfriend ng lalaking ’to dahil napasaya kasama tapos hindi ka hahayaan na magutom.

Sa wakas at nakarating kami sa McDo at nag-presinta na si Stanley nalang ang oorder.

“ Good morning, Sir! Kunin ko po order nila, “ masayang bati nung service crew halatang may imput na kilig sa boses nito. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa lalaki na ’to?

“ May I order, cheesy egg de sal and orange juice? Samahan mo narin ng hashbrown and matcha sundae. “ Masayang sagot nito sa cashier. Agad naman na nagbayad si Stanley at agad rin na ibinigay ang order namin. Take out nalang pala baka kasi ma-late kami sa klase.

“ Pagdating nalang natin sa classroom tsaka natin kainin ’to habang hinihintay natin yung subject teacher natin. Is that okay? “ Tanong ni Stanley sumagot naman ako with cute eyes. Char. HAHAHA.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Deluvio University, ang kinaganda sa DU ay katabi siya ng mga restaurants and fastfood. Kaya hindi ka talaga magugutom, pero mauubusan ka ng pera. Ang galing nga kasi may coffee shop sa loob at gift corner.

Pag-pasok namin, naramdaman ko na parang maiihi ako kaya pinauna kona si Stanley sa classroom tapos tumungo ako sa comfort room. Ang laki ng CR dito, parang kwarto kona. Kaya kahit ilang estudyante pa ang pumasok dito, pwedeng pwede.

“ It’s you. “ Boses pagbukas ko ng pinto ng CR. Hinatak ako ni Kim papasok ulit at itinulak ako sa pader. Halos umiyak ako dahil unang tumama ang balikat ko sa pader. Mapipilayan pa ata ako nito.

“ Bakit mo kasama si Stanley? Nililigawan niya ang tulad mong panget? Bakit kayo magkasama lagi? “ Tuloy-tuloy na tanong ni Kim habang dama ko ang lakas ng pagsabunot niya sa buhok ko. Halos bumaon din ang kuko nitong babae na nakahawak saakin. Hindi paba nila ako titigilan?

“ Hindi, kaibigan kolang siy- “ hindi kopa natatapos ang sinasabi ko ng biglang hatakin ni Kim ang katawan ko at itinulak niya ako sa flooring ng CR.

“ Let me tell you this, magiging fiance kona si Stanley. Kaya huwag kang lalapit sakanya! Ang kapal din ng mukha mo. “ Sigaw niya sa CR kaya wala akong nagawa kundi umiyak nalang at ayusin ang nagusot kong uniform.

“ Hindi lang ’yan ang mararanasan mo, patikim palang ’yan Ella. Subukan mong sagarin ang pasensya ko, hindi lang ’yan ang mangyayari sayo. “ Tsaka sila nag-walk out. Hinahayaan ko nalang sila at maya-maya lumabas nalang din. Sobrang sakit ng pakiramdam ko ngayon may iilang pasa narin ako sa katawan pero pinilit ko padin makarating sa classroom.

Hinakyat ko ng hagdan kahit sobrang nanlalambot na ako, hirap na hirap ako pero buti nalang at nakarating ako. Wala naman kasi akong laban sa tatlong aso na ’yon kung papatulan kopa sila.

Pagpasok ko sa pinto nakatingin lahat sila saakin at mukhang gulat na gulat. Si Stanley naman ay napatayo. Naglakad siya papalapit saakin pero lumalabo na talaga ang paningin ko.

“ What happened? “ Tanong ni Stanley na mukhang nag-aalala.

Hindi kona nagawang sumagot pa at dumilim na ang paligid ko.


A/N: Sorry for the late update sobrang naging busy. Shout out pala sa pinsan ko na kinukulit ako na mag-update. Hello, Jelly Ann!

Keep on reading, see you sa next chapter :>

For the next chapter, please be mindful with details. May mga details doon na magagamit niyo soon. HAHAHAHA. Enjoy!

-aboutfictionx

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 14:

Ella’s POV

Pagmulat ko ng mga mata ko nasa puting kwarto na ako, kung hindi ako nagkakamali nasa clinic ako. Medyo masakit padin ang bugbog ko sa katawan kaya siguro bumagsak ako sa flooring kanina. Pero paano ba ako nakarating dito? May pakielam ba mga kaklase ko saakin?

Maya-maya, bumukas ang pinto ng clinic at pumasok si Stanley- teka, siya ba ang nagdala saakin dito?

“ How are you? Masakit padin ba ang mga pasa mo sa katawan? “ Tanong niya saakin kaya tumango nalang ako.

“ Much better kung kakain ka, here you go. Ibinili kita ng pagkain sa cafeteria. “ Inayos niya yung mga pagkain at inilagay sa plato. Tinulungan niya rin ako maka-upo dahil ramdam ko parin ang panghihina ko ngayon.

Pag-upo ko, tinulungan niya akong maka-kain at kitang-kita sa mukha niya na nag-aalala. Hindi ko alam kung natatawa ako o ano, kasi ngayon kolang ulit nakita ang ganitong reaksyon ng mukha ni Stanley.

Napansin siguro ni Stanley na natatawa ako kaya kumunot ang noo niya. Tinignan naman niya ako na tila ba nagtatanong.

“ Natawa lang ako sa reaction ng mukha mo, HAHAHA. “ Sagot ko habang nakahawak sa tyan ko.

“ Okay. Anyway, ano ba kasing nangyari sayo? Wala naman kanina ’yan noong pagpasok natin dito. “ Yumuko ako kasi hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo sakanya o hindi. Ayokong malaman ni Stanley na sinasaktan ako ng fiance niya which is Kim the dog. Ayokong makasira pa dahil saakin.

“ Nadulas kasi ako sa CR. Ang lakas ng pagkakadulas ko kaya nabugbog ako. “ Pagsisinungaling ko.

“ Hindi ko alam kung maniniwala ako o ano. Mag-iingat ka nalang. “ Tumango ako at pinagpatuloy ang kinakain ko.

Natahimik ang buong paligid at nang mapansin ko si Stanley nakatitig siya banda sa braso ko.

“ Bakit may portion sa balat mo na kulay white? “ Tanong niya at agad ko naman itong tinakpan.

Hindi pwedeng makita ni Stanley ’to. Nabasa siguro ’to sa CR at nabura. Tumayo ako at iniwan na muna si Stanley doon at pumasok sa CR. Kinuha ko narin sa bag ko yung dark shade ng cream at agad na pinahid sa balat ko.

Hindi pwedeng makilala ako ng kahit sino dahil natatakot ako na mahuli ng mga taong naka-itim na matagal na akong pinaghahanap. Tumulo ang luha ko dahil naaalala ko na naman yung bagay na nakita ng mga mata ko, hanggang ngayon nakokonsensiya pa rin ako dahil hindi ako makapag-salita dahil hindi ko naman kilala ang tao na ’yon at ang tangin hawak ko na ebidensya ay Wallet nung namaril sa lalaki at ang tattoo nito sa right hand.

Pinunasan ko ang luha ko kasi feeling ko sobrang tagal konang naka-stay dito. Agad akong lumabas at nadatnan ko si Stanley na naka-upo.

“ Ayos ka lang? “ Tanong ko sakanya at ngumiti naman. Ang laki ng pagbabago niya dati ang tahimik niya at ang suplado pero ngayon kitang-kita na nakangiti na talaga siya.

Habang nakatingin ako sa mga mata niya, nagfaflashback saakin yung scenario noong binaril yung lalaki doon sa kotse. Yung na witness ko. May hawig ang mata niya sa mata nung taong binaril. Tandang-tanda ko padin kung paano ako tignan nung lalaki bago ito tuluyan na pumikit.

Iniwasan ko agad ang mga mata ni Stanley at bumalik sa kama. Kailangan kolang siguro ng pahinga.

“ Stanley, thank you. Magpapahinga na muna ako at ikaw kumain kana. Ayos lang ako dito. “ Tsaka ako ngumiti ng malapad sakanya. Tumayo siya at nagpaalam may dalawang subject pa kasi kami na dapat pasukan. Pero mukhang hindi padin ako makakapasok. Kapag talaga nakita ko yung tatlong aso na ’yon malalagot sila saakin. Nako, hindi pala pwede dahil fiance ’yon ni Stanley.

Pumasok bigla sa isip ko ang salitang buri danaka na sinabi saakin ni Stanley noon, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang meaning. Malalaman ko rin ’yan sa Languange and dialect subject namin, bagong subject ’yon ngayon at mukhang magiging intresado ako dito dahil ngayon kolang ’to narinig. Pero kahit ganoon pa man, may nangingibabaw ang pananakit saakin ni Kim.

Napa-isip ako kung dapat ko nabang iwasan si Stanley dahil may fiance na siya. Serve as respect din kasi kay Kim kahit masama ugali niya. Dapat hindi niya saakin ginagawa yung mga bagay na ’yon, tulad ng pagsundo at paghatid saakin. Pagkain sa labas. Alam kong masasaktan si Kim kung makikita niya kami na ganon kalapit. Pero kung pagkakaibigan lang ang habol ni Stanley saakin, ayos lang atleast hindi ako makakasira ng mga bagay na naka-ayos na.

For sure, pinagkasunduhan lang ng pamilya ni Stanley at pamilya ni Kim ang lahat. Pero kahit ganoon pa man, kailangan ng respeto ni Kim bilang fiance ni Stanley. Kung agad kolang nalaman, hindi sana ako aabot sa ganito. Wala sana ako sa clinic ngayon.

Ipinikit ko ang mata ko at nag-isip ng malalim.

Panahon na siguro para pilitin na burahin ang lahat dahil sa palagay ko nakalimutan na rin niya ang lahat. Kailangan ng burahin ang mga bagay na dapat matagal ng burado. Kahit masakit para saakin na layuan si Stanley, gagawin ko dahil hindi dapat ganito.

Babae din ako at alam ko ang nararamdaman ni Kim. Hindi ako ipinanganak para manakit ng ibang tao. Alam kong maiintindihan ako ni Stanley kung bakit ko gagawin ang mga bagay na ’to. Ayokong makasakit at ayokong gumulo ang buhay college ko dito sa Deluvio University.

As of now, I will try to erase everything.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 15:

Ella’s POV

Maaga akong umalis ngayon sa bahay dahil ayokong sunduin pa ako ni Stanley dito. Natatakot na ako na maulit ang nangyari noong isang araw. Sa totoo lang, walang alam tungkol dito si Mama at Papa at syempre ayoko rin na malaman nila na sinaktan nila ako sa DU.

Mabilis akong hinatid ni Papa at nagpaalam. Kaunti palang ang mga estudyante dito kasi sobrang aga pa. Halos may isang oras pa bago mag-simula ang klase pero nandito na ako. Ibabalik ko yung dati na walang gulo, nagtatago lang ako at hindi nagsasaktan.

“ Sira na ang umaga ko. “ Pamilyar ang boses na ito. It was Kim voice at nakatingin siya saakin ngayon kasama ang mga kakampi niya.

“ I saw you yesterday, nakita ko kung paano ka hinalagaan ni Stanley. Inform lang ulit kita na si Stanley fiance ko kaya you don’t have any rights para kumapit sakanya. “ Maarteng turan ni Kim saakin habang ako nananahimik dito sa kinatatayuan ko ngayon.

“ Bakit ang landi mo no? Ganyan ka ba talaga? Baka naman kasi malandi ang mam- “ hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya malakas ko syang sinampal. Halos napanganga yung mha estudyante na nakakita, dinig na dinig ko rin ang lakas ng hampas ko sa mukha niya.

“ Huwag mong isasali ang mama ko dito. You don’t have right as well para sabihan ng ganyan ang mama ko. If you really want na ganyanan, okay. “ Nilapitan ko siya sa mukha at mariin kong sinabi ang salita na ito.

“ Bakit ka ba saakin nagagalit? Bakit hindi ka magalit sa Boyfriend mo na bumubuntot saakin? Maganda ka naman, kaso hindi talaga e. Yung ganda depende kasi talaga sa ugali. “ Tumango-tango ako. Hindi nakapag salita si Kim at luminga linga sa paligid. Mukhang nahihiya.

“ Kung fiance mo siya, wala akong pakielam. Huwag ako ang pagbuntungan mo ng galit. Gumamit ka ng utak. Opps, wala ka palang ganon. Btw, do you want to order a 1 million brain cells? “ Tsaka ako pahimpit na tumawa.

“ Oh, bakit ang tahimik mo ngayon? Don’t worry, hindi ko naman kukunin sayo si Stanley. Wala akong ugaling gano’n. But remember, the leading lady will always have a leading man. Sa case natin, ikaw ang director. Do some way, maging mabuti ka para ikasal ka. “

“ Ah talaga ba? Eh, halika ka dito. “ Hinatak niya ako pahiga at kinuha ang buhok ko. Hinila nila ako buhot ko habang nakahiga sa flooring ng DU. Sobrang sakit dahil halos ma-kalbo ako sa sakit. Hinila niya lang ako habang ang dalawa ay patunoy na inilalabas ang gamit ko sa bag at pinagbabato nila kung saan-saan.

Halos umiyak ako sa sakit hindi lang ako nakatiis dahil dinamay niya ang Mama ko. Hindi ako papayag na pati si Mama ko masali dito.

“ Stop that Kim. “ Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang schoolmate ko na morena. Kung hindi ako nagkakamali, kaklase ko ’to.

“ What are you doing here? Bakit mo ako pinapatigil, Third? “ Binitawan naman ako ni Kim at inayos ang sarili niya.

“ Hala, totoo ba ang nakikita ko? Ang childhood bestfriend ko nandito sa DU? “ Bulong ko sa isip ko. Ngayon kolang siya nakilala dahil sa boses niya. Ibang-iba na rin siya ngayon.

“ So what? Nilalandi niya ang fiance ko. “ Atungal ni Kim.

“ She’s my bestfriend. “ Sagot ni Kim kay Third. Halatang nagulat din ang lahat, pero bakit ba? Sikat ba si Third dito?

“ May bestfriend ka pala, akala ko naka-focus kalang sa Arts and paintings. “ Pag-iinarte ni Kim at inikutan ako ng mata.

“ Okay guys, listen. Next time na mangyayari ’to sa bestfriend ko, mangyayari sainyo ’to. “ Lumapit siya kay Kim at sa dalawang kasama pa nito. May kinuha siya sa paper bag na bottles, lalagyan ng pintura ang mga ’yon.

Nagulat kami sa susunod na nangyari, ibinuhos ni Third ang pintura sa ulo ng tatlong aso. Naging tahimik ang paligid. Kahit ako literal na nakanganga ako ngayon dahil doon.

“ Let’s go. “ Agad nyang hinatak ang kamay ko at umalis sa lugar na ’yon. Parang si Stanley ’to ang hilig manghatak. Pero paano niya ako nakilala? Dahil ba sa boses ko?

“ Hoy teka, paano mo’ko nakilala Third? “ Tanong ko sakanya, pero hindi parin siya tumitingin saakin.

“ Galing ako sa bahay niyo, ipinaliwanag ni Tita lahat. “ Hindi na ako nagsalita pa at inayos ko nalang ang sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos, agad na rin kaming pumasok sa classroom ni Third. Hinintay na niya ako. Pagpasok ko palang sa room, ramdam ko ang init ng mga tingin nila saakin dahil kasama ko si Third ang artist and painter dito sa DU. Masama din ang tingin saakin ni Kim at ang dalawang aso.

Agad hinanap ng mga mata ko si Stanley, naka-upo siya sa seat niya at nakatingin saakin.

“ Uhm Third, uupo na ako. Thank you ulit. “ Ngumiti lang siya at pumunta narin ako sa seat ko. Ganon rin ang ginawa niya.

“ Ella, sorry hindi kita nasundo sa bahay niyo. May nilakad kasi ako. “ Biglang giit ni Stenley saakin habang naka-focus ang sarili ko sa mga nakasulat sa board.

“ Ayos lang, maaga rin naman akong umalis sa bahay. “ Pilit akong ngumiti sakanya at sinubukan kong maging natural. Mahirap para saakin ito pero kakayanin ko.

“ How are you? Ayos kalang ba? Parang gusot ang uniform mo. “ Tanong niya saakin pero hindi pa rin ako tumitingin sakanya.

“ Hindi ako nakapag-plantsa. “

“ Ella, sino pala yung kasama mo? I mean, classmate natin siya pero like matagal mo nabang kakilala? “ Nahihiya pa siya sa tanong niya kaya bahagya aking natawa.

“ Childhood friend ko siya, it was great nga e kasi classmate ko siya. “

“ Oh, okay. “ Tumango-tango nalang siya. Gusto kong nag-kwento sakanya tungkol sa nangyari saakin ngayon pero ayokong lumaki pa ito. Ayokong malaman niya na sinasaktan ako ng fiance niya dahil sa ginagawa niya saakin. Pinapakita ko na hindi ako intresado, pero intresado ako sa kwento niya ngayon.

Nakakaramdam na kaya si Stanley na iniiwasan ko siya? Napapaisip ba siya kung ano ang dahilan ko kung bakit ko ginawa ko ito? Hay nako, hindi kona alam.

“ Good afternoon Class! I am your new teacher in Languange and dialect subject. My name is Francis Cristobal. Please introduce your self as well. Umpisahan mo. “

Pagpasok ni Sir, nagulat ako hindi dahil basta-basta siya pumasok. Alam mo ’yon, parang nakita ko na siya somewhere. Tapos, pamilyar pa ang boses. Hindi ko alam kung bakit kinutuban ako bigla ngayon.

Sir Francis Cristobal, kilala ba kita?

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 16:

Ella’s POV

“ Isang beses mopang ulitin yung idamay ang mama ko sisiguraduhin ko na lalapat ng paulit-ulit ang palad ko sa mukha mo. “ Bulong ko kay Kim nang madaan ko siya sa seat niya. Sinimulan niya ’to. Dapat tapusin niya. Sinabi ko naman sakanya na hindi ko talaga siya tatantanan kapag hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

Umupo ako tapos nagulat ako dahil sa lakas ng bell, senyales na break time na. Tumayo ako at isinabit ang backpack ko. Naisip kolang buti tinantanan na ako ng mga humahabol saakin. Ibig kong sabihin parang hindi kona sila nakikita ngayon na nag-aabang kung saan-saan.

“ Ella, “ lumingon ako sa likod ko na parang beauty queen at nagulat ako sa tumawag sa pangalan ko.

“ Magbebreak ka ba? Sabay na tayo. “ Naka-ngiting pagyayaya ni Stanley saakin. Hindi ko alam ang isasagot ko at bigla akong pinagpawisan ng sobra.

“ Sorry, Stanley kasama ko si Third. Niyaya na niya kasi ako. “ Paliwanag ko sakanya at mukhang nalungkot siya. Kitang-kita sa mukha niya yung pagbabago ng reaction niya.

“ Ella, tara? “ Pagyayaya saakin ni Third na ngayon palapit saamin ni Stanley. Tinitigan ni Stanley si Third, ganoon rin ang ginawa ni Third. Parang nag-aaway sila sa pamamagitan ng pagtingin nila sa isa’t isa.

“ Third tara na. Stanley, we need to go. “ Wow, english ’yan? I need to do this. Ayokong masaktan ulit. Pipiliin ko nalang na masaktan kaysa sa makasakit ako ng kapwa babae. Honestly, hinahanap ko si Stanley araw-araw. Kahit sabihin ko na iiwasan ko na siya, pero yung mata ko hinahanap siya. Masakit sa part ko ang ginagawa ko at alam kong masakit din para kay Stanley ’to dahil wala s’yang idea about dito.

“ Ella, hanggang ngayon naguguluhan padin ako kahit ipinaliwanag naman ni Tita ang lahat. Natitiis mo talagang magtago sa make-up na ’yan? I mean, ang itim ng shade na ’yan, hindi talaga ’yan ang complexion mo. “ Natatawa ako sa reaction ni Third, pero pinipigilan ko kasi seryoso siya e.

“ Oo, kaysa naman mapatay ako ng mga humahabol saakin diba? Natatakot ako. “

“ Ang kapal din pala ng mukha ng Ex mo no? Pagkatapos ka nyang hiwalayan tapos ngayon kahit kaunti hindi kaman lang niya nakikilala. “ Tumingin si Third sa malayo at halatang nagagalit. Pero ako may naiwan na question mark sa noo ko. Paano niya nalaman?

“ Huwag na natin pag-usapan ’yan. Maiintindihan niya rin ang lahat. “ Sagot ko dito at nagpatuloy sa kinakain namin.

Ang sarap talaga ng pagkain dito sa cafeteria kahit medyo pricey worth it naman, nakakainis lang dahil nabibitin ako. Tumingin ako sa paligid at nahagip ng mga mata ko si Stanley nahuli ko s’yang nakatingin sa direksyon ko. Nang mapagtanto niya na nakatingin ako sakanya, agad syang umiwas at kunwaring nag-focus sa phone niya.

Pagkatapos kong kumain, tumayo naman ako at tinapon ang kalat ko sa trash bin. Hindi ko napansin na naka-harang pala yung mga pinagbalatan ng orange. Hindi kona nagawang i-balanse pa ang pagkakatayo ko at wala na akong nagawa kung hindi pumikit. Hinintay ko nalang ang mangyayari.

Binuksan ko ang mga mata ko dahil may naramdaman akong mga kamay sa likuran ko. Pagmulat ng mga mata ko, nagulat ako dahil sina Stanley at Third ay sinalo ako. Hindi ko nagawang magsalita hanggang sa may magsalita.

“ May masakit ba sayo? “ Sabay na tanong ni Stanley at Third. Hay nako, sumasakit ulo ko sa mga ’to. Nakatingin na ang mga estudyante saamin.

“ Stanley, can you please stand? Hayaan mo ang babae na ’yan. Ginawa niya ’yan to caugh your attention and the other males here. Let’s go. “ Paliwanag ni Kim. Hindi totoo ang sinasabi niya, kitang kita naman ng mga tao dito na hindi ko sinadya ’yon.

Bago pa umalis si Stanley, tinignan niya ako na parang may sinasabi saakin.

“ Do you want to go in clinic? “ Seryosong ni Third at mukha nag-alala rin.

“ Hindi na, ayos lang naman ako. “ Tsaka ako ngumiti ng malapad. Kinapa ko naman ang bulsa ko to check kung nandyan ang cellphone ko. Good thing nandito naman.  Tinignan ko ang oras ang I received a text messages from Stanley. Hindi ko napansin na nag-text siya. Kanina pa pala niya ako ni-ri-reach out na sabay kaming mag-break pero hindi ako nag re-reply.

Huminga ako ng malalim at may naisip akong puntahan mamayang gabi. I need to breath. Sobrang nakaka-stress yung araw na ’to.

Gusto kong tanungin ang sarili ko kung tama ba ang nararamdaman ko ngayon, lagi kong hinahanap si Stanley kahit nawasak na ang puso ko noon. It’s weird to say ‘puso’ pero ang hirap kapag ’yan ang nag-desisyon.

Bakit ko siya hinahanap ngayon?

Bakit gusto ko lagi ko s’yang nakikita?

Minsan, nakokonsensiya ako na hindi siya kausapin kasi naaawa ako sa mga mata niya na tila ba kinakausap ako.

“ Stanley Eun Deluvio, bakit mo ginugulo ang isip ko? “

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 17:

Stanley Eun’s POV

It was late at night that I made the decision to leave this mansion. I needed to go to Astro Park and sit on the bench, which was our favorite hangout back when France was still living. I really miss her. I’m going to tell her everything because of how I feel about someone today who shares so many similarities with them.

I got a beer and a few munchies before leaving the mansion so I could eat there. I also took the key to my car and began driving it.

While driving, hindi mawala sa isip ko si Ella na classmate ko. Hindi siya mawala sa isip ko, I don’t know why pero mukhang iniiwasan niya ako. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sakanya o ano.

She is also not replying to my text messages. Damn, I can’t help myself. I need to do something.

Isa pa, sino ba yung Third na ’yon? This past few days siya ang kasama niya mag-lunch and break.

“ Are you punishing me, France. Bakit labis ang pagseselos ko ngayon? Medyo, nalilito na rin ako dahil ang dami nyong similarities. Honestly, kulay ng balat lang ang pagkakaiba niyo at pananamit. “ Kahit alam kong wala akong kausap, nagtatanong at nagsasakita pa rin ako. Alam kong pinapakinggan ako ni France ngayon.

“ Bigyan mo ako ng sign na pwede na akong mag-mahal at sana yung sign na ’yon tugma sa nararamdaman ko. “ Bulong ko sa hangin habang nakatingin sa kalye. Mabuti nalang at wala ng mga sasakyan. Less pollution, less accidents.

I arrived at Astro Park after only a few minutes of driving. I went to my car’s compartment and got some goodies from home. I also parked my car in a location where I could see it quickly and without getting scratched.

Naglakad ako palapit sa bench na tinutukoy ko kanina. I did n’t expect na nandito pala ang babaeng gumugulo sa isip ko.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa likod niya, mukhang kumakain siya ng Icecream. Paglapit ko sakanya, gugulatin ko na sana siya ng marinig kong humihikbi siya.

“ Franc- I mean, Ella. “ Lumingon siya at mukhang nagulat parin siya.

Ito ba ang sign na hinihingi ko sayo, France?

“ Ikaw pala Stanley. I need to go. “  Pinunasan naman niya ang luha sa namumula nyang pisngi.

“ Are you going to leave me here? “ Tanong ko sakanya, napahinto naman siya.

“ Bakit mo tinatanong ’yan? Ikaw ba, do you feel the same thing ba? Alam mo ba ang pinaparamdam mo ngayon saakin? “ Tanong naman niya. Nasaktan ako sa hindi ko malaman na dahilan.

“ Why are you ignoring me then? Dapat kung may problema ka saakin, tell me. “ Sagot ko sakanya, hindi ko pwedeng sagutin ang tanong niya saakin.

“ Wala akong problema sayo. Pero sa magiging fiance mo ang dami. Alam mo hindi kita maintindihan, bakit mo pinaparamdam saakin ang mga bagay na ’to? Alam kong wala lang sayo ’yon at alam kong normal actions molang ang pag-sundo sa isang kaibigan at pagkain sa labas. “ Ang lakas ng hikbi ni Ella. Hindi ko maintindihan ang ibang salita na sinasabi niya.

“ Napano? I mean, anong problema kay Kim? “ Tanong ko sakanya, medyo naguluhan ako.

“ Sinasaktan ako ng fiance mo. Hindi ko dapat sabihin sayo ito pero hindi na kaya ng katawan ko. Kung masasakit na salita, kayang-kaya ko pa e. Kaso hindi kaya ng katawan ko na mabugbog. “ Paliwanag nito. Inalis naman niya ang jacket na suot niya at ipinakita ang mga bugbog niya sa katawan.

“ Wala akong alam dito. Bakit ngayon mo lang sinabi na matagal ka na nyang sinasaktan? “ Malakas pa rin ang buhos ng luha niya at deretsyo ang tingin niya sa mga mata ko ngayon. Kitang-kita ko kung gaano siya masakantan at mahirapan.

“ Dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag nagsumbong ako sayo may gawin na naman siya na hindi ko magugustuhan at ikakasakit ko. Worst thing is, dinadamay niya ang mama ko. So please, layuan mo nalang ako at iiwasan nalang kita. I hope, hindi mo sasabihin kay Kim ang lahat ng ito. “ Pakiusap niya. Tumingin ako sa makulimlim na kalawakan at pinigilan ang luha ko. Nadadamay ako sa pag-iyak ni Ella.

“ I can’t, hindi kita kayang layuan. Hindi ganoon kadali ’yon, Ella. “

“ Dati nagagawa mo naman diba?  Gusto ko nalang matahimik ulit. Akala ko dati ligtas ako sa loob ng Deluvio University pero hindi pala. Kung hindi mo kayang lumayo, ako ang lalayo sayo. Sana maintindihan mo ak-“ bago pa matapos ang sasabihin niya agad ko syang nilapitan at niyakap ng sobrang higpit.

“ Ella, listen. Hindi ko gusto si Kim at si Mama lang naman ang may gusto ng bagay na ’yon. “

“ Stanley, babae din ako. Kaya hindi ko masisisi ang mga bagay na ginagawa ni Kim ngayon dahil nawawala ang dapat para sakanya. Babae din ako at ramdam ko ang nararamdaman ni Kim. “

Kahit anong sabihin ni Ella, hindi ko pa rin magawang iwasan siya. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na hindi kasama si Ella. Kahit ipagtulakan pa niya ako palayo, hindi ako lalayo.

“ Ella. Basta isa lang ang alam ko ngayon. Dati gusto lang kita, ngayon kaluguran danaka. “

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 18:

Ella’s POV

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa DU. Gusto ko kasing makapag-isip muna sa mga bagay na sinabi saakin ni Stanley. Hindi ko talaga alam kung mag te-take ako ng risk o ano. Ang sabi kasi saakin ni Mama, pwede naman raw akong mag take ng risk as long as ikakasaya ko ito.

Ang daming nangyari, pero kahit hindi ako pumapasok sa DU. Hindi nakakalimutan ni Stanley na tumawag at mag-text saakin. Gusto nyang pumunta dito pero hindi ko siya pinapayagan. Napag-alaman ko rin na umalis na raw sa DU si Third. Noong una nalungkot ako pero para siguro sa career niya kaya he chose to study in US.

Maayos na ang lahat ngayon, hindi ako lumayo at hindi lumayo si Stanley saakin. Bigla nalang naging magaan ang loob namin sa isa’t-isa. Matapos na malalim na usapan namin naging ganito nalang bigla. Hindi ko mapaliwanag pero parang wala na kaming problema.

“ Anak, may rider sa labas. Hinahanap. “ Sigaw ni Mama kaya agad akong tumayo sa kama ko. Wala akong in-order sa pagkaka-alam ko. Eh, hindi ko nga alam gamitin yung mga apps na pwedeng um-order ng kung ano-ano.

Lumabas ako sa kwarto at kinuha ang twalya ko para ipang-cover sa katawan ko dahil mainit ang panahon.

“ Good afternoon po, Ma’am. “ Ini-abot niya saakin ang isang bouquet ng bulaklak at dalawang paper bag ng Mcdo. Biglang natuwa ang puso ko noong makita ko ang logo ng McDonald’s. Ito ang favorite ko sa lahat ng kainan dito sa Pilipinas at kung pupunta man ako sa ibang bansa, Mcdo pa rin ang hahanapin ko.

“ Kuya, sorry po wala po kasi akong inorder na ganyan. “ Lintanya ko kay Kuya Rider. Tumingin naman siya sa phone niya at hiningi ang ID ko. School ID lang ang mayroon ako at iniabot sakanya.

“ Sayo nga Miss. Bayad na po ang mga ’yan. Buksan mo nalang po yung letter sa bouquet para malaman mo po kung saan galing. Thank you! “ Umalis na si Rider at hanggabg ngayon nalilito ako kung kanino galing ito.

Pagpasok ko sa bahay, agad akong umupo sa Dine-in area ng bahay namin at tinignan ang letter sa loob. Dalawa pala ang letter?

Kinuha ko muna ang letter na galing doon sa Bouquet at binasa ko ang letter. Galing pala kay Third ito

Hello Ella!

Thank you for everything. Sorry hindi na akk formal na nakapag-paalam sa’yo. Nagmamadali na kasi si Daddy na umalis dahil may business meeting pa siya. I hope this flowers will help. Alam kong nahihirapan ka ngayon pero huwag kang magpaka-lunod. Chose to be happy. I will reach you soon, babye!

                                  - Third

Tama na ang balita, naka-alis na talaga si Third. Ano ba ’yan na-miss ko agad ang childhood friend ko. Nakakapag-tampo, kailan lang kami nag-meet pero umalis na agad siya.

Bumaling naman ang tingin ko sa Mcdo paper bag, may letter rin doon. Kinuha ko ito mula sa pagkaka-tape sa paper bag at binsa ko ito. Sabi na eh, kay Stanley galing ito. Alam niya talaga ang gusto ko.

Good afternoon, Ella.

Anong ginagawa mo ngayon? Hindi ka na ba umiiyak? Kung umiiyak ka ngayon, please tumahan kana, okay? Ayan, kainin mo ang mga ’yan. Alam kong mas gagahan ang pakiramdam mo sa matcha Icecream na favorite mo. See you later!

          - Gwapong Stanley. Haha. 

“ Anak, kanino galing ang mga ’yan? Ikaw ha, may hindi ka sinasabi saakin. “ Nilapitan naman ako ni Mama at kiniliti sa pagiliran. Halos habulin ko ang paghinga ko dahil sa pangingiliti ni Mama saakin.

“ Mama naman, college na po ako pero parang baby niyo pa rin ako. “ Biro ko kay mama at kunwaring nagtatampo.

“ Syempre naman anak, ikaw lagi ang baby namin. Kaya ikaw ha, piliin mong maging masaya. Magiging maayos din ang lahat. “

Lumapit ulit ako kay mama at niyakap ko siya ng mahigpit. Nararamdaman ako ni Mama kapag may problem ako. Ang bilis ng panahon ngayon lalo na ang oras. Pumanik na ako sa kwarto at naghanap ng masusuot ko mamaya. Magkikita kasi kami ni Stanley sa Astro Park. May fireworks display daw kasi doon.

Maya-maya pa naman ang alis namin dahil nasa klase pa siya. Siguro bukas papasok na ako. Nang makahanap na ako ng susuotin ko, pumunta ako sa kusina at nadatnan kong patapos na si Mama sa pag-bake ng brownies.

“ Akala ko ba magkikita kayo ni Stanley? Minsan sabihin mo pumasyal na siya dito. Ayy, Oo pala hindi pa pwede. Osige, dalhin mo ito sakanya ha? “ Inabot saakin ni Mama ang isang dosena ng brownies. Inilagay ko naman ito sa ref. Humingi na rin ako ng isang piraso ng brownies at tinikman ito.

“ Ma, sabi mo first time mo palang mag-bake? Bakit ang sarap? Parang mamahalin ang lasa nito, Ma. “ Tsaka ko ninguya ang natitira na brownies na hawak ko.

“ Nambola kapa, Anak. Sige na, humakyat kana at mag-bihis. “

Sinunod ko naman si Mama sa sinabi niya at inayos ko na nga ang sarili ko. Nagsuot lang ako ng Jacket na matatakpan ang balat ko at kinuha lang ang tote bag na lagi kong dala-dala.

                        ---

“ Go inside “ pinagbukas naman ako ng pinto ni Stanley at pumasok naman ako. Ang lapad ng ngiti niya ngayon. Ang sarap makita ng mga mata niya na masaya.

“ May sasabihin pala ako sayo mamaya pagbaba natin sa sasakayan mo. “ Tinignan naman ako ni Stanley at tumayo naman ito.

After a minutes, nakarating din kami sa Astro park. Maganda pa din ang vibes dito. Ayon nga lang, nagsisimula na ang fireworks display. Iba-iba ang disenyo at lakas ng fireworks. Sobrang ganda. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Napatingin naman ako kay Stanley at nahuli ko syang nakatingin saakin.

Lumapit ako sakanya at bumulong.

“ Stanley, I will take the risk. “

“ What? Anong ibig mong sabihin, Ella? “ Nalilitong tanong saakin ni Stanley pero hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya. Ang gwapo ng lalaki na ’to.

“ Hayaan natin si Kim. Tatanggapin ko ang risk para lang hindi tayo magkalayo. Gusto kong patunayan natin ang isa’t-isa. “ Yumuko ako dahil feeling ko tutulo ang luha ko anytime.

“ So, hahayaan mo na akong ligawan ka? “ Tanong ni Stanley kaya tumango ako.

“ Maliligawan ko na si Ella! Maliligawan ko na si Ella! “ Sobrang saya niya at sumigaw siya sa buong paligid. Nakangiti naman ang mga nakakarinig sakanya at nakatingin sakanya.

“ I will prove myself to you, Ella. Promise. “ Tumingin siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa mga mata ni Stanley pero mas lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Ipinikit ko ang mata ko at hinintay ang nangyari.

Maya-maya pa, dumampi ang malambot na labi ni Stanley sa labi ko. Hindi ko alam pero mukhang ito ang kauna-unahang halikan namin ni Stanley.

Inilagay ko ang isang palad ko sa likod ng ulo niya para kumapit sa leeg niya. Habang ang isang kamay ko ay hawak-hawak niya. Hawak niya rin ang bewang ko.

Biglang nag-fireworks ulit kaya nahinto ang halikan namin ni Stanley, kitang-kita ang kasiyahan niya sa mukha ngayon. Alam ko rin sa sarili ko na masaya ako ngayon kay Stanley. Nilapitan niya ulit ako at niyakap ng mahigpit.

“ Ella, beautiful personality will end with beautiful change. Tinulungan mo akong baguhin ang pananaw ko noon sa pag-ibig. Tinulungan mo akong bumangon sa mga bagay na matagal nang nangari. “

Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ulit ng mahigpit.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 19:

Ella’s POV

“ Stanley, uhm. Ayos lang ba na bitawan mo ang kamay ko? Nahihiya kasi ako, nakatingin ang mga schoolmates natin. “ Bulong ko sakanya dahil palabas kami ngayon sa DU, tapos na ang klase ay niyaya ako ni Stanley na kumain sa Mcdo. Syempre ako naman na sobrang adict sa Mcdo, sasama ako syempre.

“ Ignore them. “ Maikling sagot ni Stanley pero hindi parin nabubura ang ngiti sa labi niya. Hindi ko na siya nakitang nakasimangot. Yumuko nalang ako dahil naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyante dito. Inikot ko ang paningin sa buong university pero hindi ko makita si Kim. Ilang araw na syang hindi nagpaparamdam. Mas maganda para matahimik ang buhay ko sa University na ito.

“ By the way Ella, let’s cancel our food trip in Mcdo. Hindi ba may pinapagawa si Sir Cristobal, sa bahay nalang natin gawin and padeliver nalang tayo ng Mcdo meals. Do you agree with that baby? “ Bigla akong napatingin sakanya dahil sa sinabi niya. Shutaness, feeling ko pulang-pula ang pisngi ko ngayon dahil kinilig ako sa sinabi ni Stanley.

“ Agree! Pero daan muna tayo sa bahay. Kukunin kolang yung stationary kit ko para may magamit tayo doon sa project natin. Magpapa-alam din ako kay Mama. “ Paliwanag ko sakanya, tumango naman siya at muling lumapit saakin. Hinakbayan niya ako. Ang bango talaga ng lalaki na ito. Hindi mo mapaliwanag ang bango na nagmumula sa balat niya. Nako po, parang labanos siya sa puti. Feeling ko tuloy mas babae pa siya saakin dahil ang ganda ng kutis niya.

“ Ako nalang magpaalam sakanila. Kung ayos lang sayo. “ Tinignan ko muli si Stanley at seryoso nga siya sa sinabi niya.

“ Hmm, next time nalang siguro Stanley. Ako na muna ang magpapaalam ngayon. Pero sasabihin ko ikaw kasama ko. “ Mukhang nakumbinsi ko naman si Stanley dahil hindi pa siya pwedeng magpakita sa bahay. Hindi ko alam hanggang kailan pero hindi pa talaga pwede.

Matapos ang malayong lakaran, nakarating din kami sa parking lot ng DU. Nandito lahat ng magagandang sasakyan. Hindi talaga biro ang mga estudyante dito, talagang may kaya sa buhay.

Pinag-buksan ako ng pinto ni Stanley, katulad ng laging ginagawa niya. Pumasok naman ako at isinuot ang seatbelt. Pumasok na rin si Stanley at biglang ang tahimik niya. Sinimulan nyang buhayin ang sasakyan at sinimulan itong pa-andarin.

Habang nasa byahe kami, napapa-sulyap ako kay Stanley. Ang tahimik talaga niya.

“ Stanley, nagtatampo ka ba dahil ayaw kong ikaw ang mag-paalam para sa’kin? “ Tanong ko sakanya at tumingin naman siya saakin. Tumango naman ito.

“ Pasensya ka na talaga Stan- “

“ Ayos lang. You don’t need to apologize. Naiintindihan ko. Pero promise mo ah, ipapakilala mo ako sainyo. “ Nag-pout naman ang Stanley niyo.

“ I promise. “ Ngumiti naman ako.

“ Ella. “ Tawag niya sa pangalan ko at tumingin ako sakanya.

“ May kailangan ka, Stanley? “ Tanong ko sakanya, mukhang may iniisip ang lalaki na ’to dahil nakangiti siya.

“ Yung sa Astro park. “ Naka-ngiti parin siya.

“ Alin? Napano? “ Tanong ko sakanya. Hindi ko kasi maintindihan yung pinu-punto niya.

“ Yung natigil natin na kiss dahil sa malakas na fireworks. Let’s continue doing it. “ Tsaka siya tumawa ng malakas. Yumuko naman ako dahil nahiya ako sakanya. Ako nga hindi ko na iniisip ’yon e. Feeling ko talaga pulang-pula ako ngayon. Hinampas ko naman siya kaya mas lalo syang tumawa.

“ Bahala ka dyan, last na ’yon, HAHA. I-hinto mo dyan, kunin ko lang mga gamit ko. “

“ Okay baby. “ Wahhh, hindi ko na kaya. Kinikilig na talaga ako. Bwesit na lalaki ’to ginagayuma ako.

Bumaba ako at nagmadali na pumasok. Nakakahiya kasi kung maghihintay si Stanley sa labas. Marami pa naman kaming dapat gawin ngayon.

Wala pala sila Mama? Ang tahimik kasi, sarado ang mga ilaw. Nag-grocery siguro. Tatawagan ko nalang siguro siya mamaya para hindi na niya ako hintayin pa.

Kinuha ko ang tote bag ko at agad na nilagay ang stationary set ko na magagamit namin mamaya sa project na pinagawa ni Sir Cristobal. Pagkatapos kong makuha ang lahat, tinungo ko ang ref. Nandoon pa ang brownies na itinabi ko para kay Stanley. Nakalimutan ko palang dalhin kaya kinuha kona at para maibigay ko na din sakanya.

Mabilis akong lumabas sa gate, halos matisod pa ako sa nadadaan ko. Dahil natataranta ako. Marami kasing wala sa katinuan dito sa baranggay namin baka pag-tripan sa labas si Stanley.

“ Okay na? Did you get all the things that you need? “ Tanong niya ng makapasok ako.

“ Yes and nga pala bi-nake ni Mama ’yan at pinapabigay sayo. Diba? Kahit wala ka sa bahay kilala ka ni Mama HAHA. “

“ Talaga? Wow, first kong makatanggap ng baked products. Pasabi, thank you. I really appreciate it. “ Agad syang kumuha ng isang piraso sa box at kinain ng buo. Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy sa pagdadrive.

“ Stanley, sino pala ang nasa bahay niyo ngayon? “ Tanong ko sakanya kaya nabasag ang katahimikan sa loib ng sasakyan dahil nag-eenjoy lang naman siya sa kinakain niya. Ang sarap tignan ni Stanley, he really appreciate small things and efforts kasi e.

“ Maids and si Mama hindi ko alam kung madadatnan natin. “

“ How about si Tito? Si Papa mo? “ Tanong ko sakanya. Bigla naman siya pumreno bigla na ikinagulat ko. Lumakas ang kabog ng puso ko sa nangyari. Mabuti nalang at walang saskayan sa harap at likuran namin.

“ He passed away last 2021. Binaril siya sa sasakyan niya. Hanggang ngayon hindi parin namin alam kung ano ang rason ng pumatay sa Dad ko. Pero kahit anong rason pa ’yan, pagbabayaran niya ang lahat. “ Bahagya sumikip ang dibdib ko, dahil nag-flashback bigla ang lahat sa isip ko ang bagay na dahilan kung bakit ako nagtatago ngayon. Yung na-witness ko na pamamaril, hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan.

“ Sorry sa question ko Stanley. Pero can I have some of his pictures? “

“ Sure, kuhanin mo sa bag ko. May maliit na case dyan. Doon nakalagay. “ Ginawa ko naman ang sinabi ni Stanley. Tinignan ko ng mabuti ang picture ng Papa niya. Kahawig noong taong nakita ko. Yung bigote at mga mata niya. Hindi ako sigurado, pero sa bumaril siguro ako sa detalye na mayroon ’yon.

“ Kung ayos lang sayo, Stanley. Pwede kobang hingin yung picture ng Papa mo? “ Noong una, kumunot ang noo ni Stanley pero ibinigay nalang din niya. Nag-iisip siguro siya kung bakit ko hiningi ’yon.

After 20 minutes na byahe, nandito na kami sa mansion ng Deluvio family. Ganoon parin, amoy malinis pa rin ang bahay at sobrang linis din. Nandito rin ang mga kasambahay. Nagulat ako dahil nakapag-order na pala agad si Stanley ng Mcdo at niyaya na niya ako kumain ako. Kain na muna raw kami bago kami mag simula sa project namin.

“ Are you okay, Ella? Bigla kang nanahimik simula noong makita mo ang picture ni Daddy. “

“ Ahh Oo, I’m okay. Busog lang siguro pero sige kain tayo. “ Pinilit kong kumain kahit na pumapasok sa isip ko ang scenario na ’yon.

Ito na ba ang oras para makilala ko kung sino ang humahabol saakin at kung sino ang pinatay? Ang papa ba ni Stanley ’yon? Kahit ako hindi ko na alam ang sagot. Basta isa lang ang alam ko ngayon, kapag nakilala ni Stanley ang pumatay sa Daddy niya siguro makakalimutan nyang naging mabait siya.


Hello Guys, patalastas muna tayo no? So heto na nga, ito yung ID na in-edit ko para mas ma-imagine niyo yung Deluvio University. I made this ID’s bacause, I’ll be making a story. Book title will be DELUVIO UNIVERSITY a horror story.

Hindi naman part 2 ng story na ’to, just to give some idea about sa history ng DU. Sinasabi ko sainyo, magugulat kayo sa character na isasama ko. Kasama pa ba si Stanley at Ella? Yes, mababanggit sila. Pero syempre, focus muna tayo sa BEAUTIFUL CHANGE dahil sobrang dami ng revelation sa susunod na chapters.

So, heto na nga ang ID.

[ Credited to the rightful owner of the images I used. This is for entertainment only. ]

By the way guys, let me know kung may nagbabasa pa. Please comment down below. Soonest, I will choose 1 reader pag se-send-an ko ng SOFT COPY ng Photocards ni Stanley and Ella. May book mark pa. Hindi po sila printed, soft copy lang talaga.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 20:

Ella’s POV

Hanggang ngayon pala-isipan pa din ang mukha ng tatay ni Stanley, hindi ako pwedeng magkamali. Hawig na hawig sila at base sa kwento ni Stenley, parehas din ang scenario.

Kahit may klase ngayon, hindi ako makapag-focus dahil sa mga bagay na iniisip ko.

“ Ella, “ tinawag ako ni Stanley at nag-thumbs up, parang tinatanong kung ayos lang ba ako. Tumango naman ako at ngumiti.

“ Good morning, Class! So, we are back and for today’s lesson I will be discussing about different dialects in the Philippines. Marami sainyo ang may alam ng iba’t ibang dialect. Can you please site one? Anyone? “ Tumingin ako sa bintana dahil wala akong alam na dialect at hindi ko alam ang isasagot ko. Nag-raise ng kamay ang kaklase ko at ang lahat ay napatingin sakanya.

“ Hindi ko po alam kung tama ito, pero nabasa kolang din naman sa book. Yung buridanaka/

buridaka is gusto na kita/gusto kita. One more thing, the greatest and sweetest call sign daw po sa Kapampangan na dialect is “ Jo“ that’s all po. “ Literal na nakanganga ako ngayon, na-flash back ang lahat ng sinabi saakin ni Stanley na “ buridanaka “ ibig sabihin pala non is gusto niya ako?

“ Wahhh, ang gulo! “

“ Ms. Pineda, any problem? “

“ Nothing, Sir. Sorry po. “ Sumigaw na pala ako ng hindi ko namamalayan, hindi ko kasi ma-take yung sinabi ng kaklase ko. Nagpaalam na muna ako para pumunta sa comfort room, kailangan kong makita ang sarili ko.

Tumakbo ako papunta sa CR at tinignan ang sarili ko sa salamin. Ang pula ng mukha ko, mamamatay ata ako sa ibig sabihin ng duridaka.

“ Stanley, bakit mo ba kasi sinasabi at nagagawa mo akong pakiligin! “ Para akong tanga dito sa CR at nakangiti. Para akong nanalo sa pageant. HAHAHA.

Bago pa ako lumabas sa CR, tumunog na ang bell hudyat na break time na. Paglabas ko sa pinto ng CR, nakita ko si Stanley na naghihintay sa labas at nakangiti saakin. Yung ngiti na parang nang-aasar ba. Nilapitan ko siya at  kinurot ang tagiliran. Tumawa tuloy siya at nawala ang mga mata niya. Ang cute at gwapo ng lalaking ’to.

“ Sabay na tayo mag-break. “ Nakatingin siya saakin pero nakatingin lang ako sa hallway.

“ Ayoko nga. Pinahirapan mo pa ako kakaisip sa mga salita na ’yon. Kung hindi labg sinabi ng kaklase natin hindi ko malalaman ang meaning ng mga ’yon. “ Umarte ako na kunwari nagtatampo, ayokong ipakita na kinikilig ako.

“ So, noong moment na sinabi ko ’yon. Iniisip mo ako, tama ba Ella? “ Tumawa siya ng malakas kaya nahampas na naman siya saakin. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

“ Huwag kang mag-alala, iniisip din kita that day. “ Tsaka siya tumakbo at hinabol ko. Grabe ang lalaki na ’to, feeling ko talaga sobrang pula ng mukha ko ngayon dahil kagagawan ng lalaki na ito.

Nang maabutan ko siya, kinurot ko siya sa tagiliran at ginulo naman niya ang buhok ko.

“ Ella, anong kakainin natin? Waffles? Hotdog sandwich? Cheese beef burger? “

“ Kuha ka ng dalawang waffles at dalawang icecream. Heto ang bayad, libre kita ngayon. “ Ngumiti naman ako.

“ Hindi na, ako nalang Ella. Itago mo nalang ’yan. Baka maglakad ka mamayang uwian. HAHAHAHA. “ Bwesit ’to, mapang-asar talaga. Ngayon kolang nalaman na magaling siya mang-asar, eh paano ba naman ang suplado niya noon.

“  Sige ikaw na dyan, pero mamayang pag-uwi bili tayo ng milktea. Ako naman manlilibre sayo. Deal? “ Tanong ko sakanya, nakakahiya kasi na puro siya ang nanlilibre saakin. Ibig kong sabihin dapat, give and take. Baka ano pa ang isipin ng iba kapag nakita nila ito.

“ Deal! “ Kinuha naman ni Stanley ang order namin at tumungo kami sa upuan at mesa dito mismo din sa cafeteria.

Magka-ibang flavor pala ang binili ni Stanley, isang matcha at isang chocolate waffles.

“ Stanley gusto mo? “ Inalok ko siya sa waffles ko na matcha, pero tinignan niya lang ako.

Pagkagat na pagkagat ko sa waffles, mabilis syang lumapit saakin at kumagat din siya sa waffles na kagat-kagat ko ngayon. Bumagal ang lahat sa paligid ko, at alam kong nakabukas ng todo ang mata ko ngayon dahil sa gulat.

Tinignan ko sa mata si Stanley at mukhang nagulat din.

“ Uhm, sorry. “ Sabay kami sa pagkasabi nito.

“ Pagkagat mo kasi sa waffles, lumabas yung matcha feeling. Kaya agad kong sinalo. “ Tinignan niya ako at bahagyang natawa. “ Ayos kalang? Ang pula ng mukha mo. “

“ Oo ayos lang, huwag mong gagawin ulit ’yon. “ Hindi ako makatingin sa mata niya.

“ Ella, tumingin ka. “ Utos niya kaya dahan-dahan akong tumingin. Pag-tingin ko sakanya, halos sumigaw ako dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. Nagtama na ang ilong namin dahil sa sobrang lapit niya saakin.

“ Stan-ley, anong ga-gawin m-o? “ Mas lumapit siya saakin at hinalikan ang labi ko.

“When you spit on food, you can’t give it to others, someone informed me. Now that I’ve kissed you, you’re mine, and I’m not going to give you to anybody else. “ Yumuko ako pinigilan ang kilig na kanina kopa tinitiis. Kinuha naman niya ang phone niya at may tinignan doon. Gagantihan ko ’to. Hintayin molang talaga Stanley the great. HAHAHA.

“ Stanley, “

“ Yes baby? “ Tumingin ulit siya saakin. Mabilis kong kinuha ang face towel ko sa bag, hindi kopa nagagamit ito kaya magagamit ko ngayon.

“ Huwag mong hahayaan na pag-pawisan ka, okay? “ Sobrang lapit ko sakanya at pinunasan ang noo niya na pawisan. Namula ang tenga at pisngi ni Stanley kaya mas napalakas ang taw ako.

“ Huwag monang gagawin ulit ’yon. “ Pang-gagaya saakin ni Stanley.

“ Okay, sa iba ko nalang ba gawin? “ Um-acting ako na kunwari tatayo at hinawakan naman niya ang wrist ko.

“ Saakin lang. Let’s go, next subject na. “ Kinuha naman niya ang ibang gamit ko at binuhat niya.

Grabe, sobrang saya lang sa puso na napapangiti ako ng usang Stanley Eun Deluvio na dati halos mag-away kami araw-araw. 

“ I’m lucky to have a Stanley in my life.

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 21:

Ella’s POV

“ Apo sobrang dami mo naman gawain ngayon. May kailangan ka ba na maibibigay ko? “ Nasa pinto pala si Lola Linda at pinapanood akong maglinis ng mga gamit ko dito.

Para maramdaman ni Lola na kailangan ko siya, pinakuha ko nalang ang walis at mabilis naman niya itong nakuha. May paniniwala kasi ako na dapat iparamdam mo na kailangan mo ang isang tao lalo na kung family member mo. Hindi ko alam kung anong pakiramdam, hindi ko talaga mapaliwanag kung bakit ganoon.

“ Dinalhan narin kita ng tubig apo ko, uminom kana muna. “ Lumapit siya saakin at kinapa ang likod ko. Tumanga-tango naman ito dahil siguro hindi basa ang likod ko. Malamig naman kasi dito sa kwarto.

“ Salamat Lola! “ Tumalikod siya saakin at dumako ang tingin niya sa salamin ko. Lumapit siya doon at tinignan ng maayos ang suklay ko.

“ Apo, bakit ang dami naman atang buhok na naiiwan sa suklay mo? “ Tanong saakin ni Lola pero hindi ko rin alam ang isasagot ko.

“ Dalawang linggo napo kasi ’yan at hindi nalilinisan Lolaaa, “ kaya tumango naoang ulit siya at lumabas na sa kwarto. Sa totoo lang, dalawang araw palang ’yon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang daming nalalaglag na buhok sa sahig sa tuwing magsusuklay ako.

Bumalik naman ang tingin ko sa mga boxes dito sa ilalim ng kama ko at sinubukan tignan kung ano ang laman ng mga kahon dito. Para ma-dispose ko na ang ibang bagay dito at magamit ang mga bagay na pwede pa. Habang patuloy akong nagtitingin ng mga bagay dito, napatingin ako sa isang black na box. Binuksan ko ito at halos mabitawan ko ang box noong makita ko ang laman nito. Nandito kasi ang wallet nung bumaril sa lalaki na nakita ko sa parking noon at sa palagay ko may ID na nakalagay dito. Alam kong magagamit ko ito kapag nagka-taon. Binalot ko ito sa plastic para hindi mawala at madagdagan ang finger prints nito. Gusto kong buksan para makilala ko kung kanino ’to pero hindi ko magagawa ’yon.

Inilagay ko sa bag ko ang wallet at inipit sa mga libro ko habang nakaplastic ito. Magagamit ko ’to. Kinukutuban na ako. Ang tanging alam kolang ngayon ay may tattoo ang lalaki sa bandang wrist niya.

Alam kong nararamdaman kona malapit konang makilala ang bumaril sa lalaki at malapit konang makilala kung sino ang binaril.

Naalala kolang, kahapon nakalimutan kong mag make-up at pagpahid ng dark shade ng foundation kaya halos manganib ang buhay ko. Hinahabol ako ng kamatayan kahapon. May bibilhin sana ako sa bookstore, tapos napansin kong sinusundan ako ng kotse kaya doon ko narealize na wala pala akong suot-suot na make-up. Agresibo ang pagpapatakbo sa kotse at halatang pinanggigigilan ako ng taong nasa loob nito. Mabuti nalang at may maliit na kalye dito at marami ang tao. Hindi na nila magawang pumasok pa dahil maliit ang kalye. Sumiksik rin ako sa ibang tao na naglalakad sa kalye para hindi na ako makita.

“ Anak ella! “

“ PO? “ halos tumalon ako sa sahig dahil kanina pa ako tinatawag ni Mama, natulala kasi ako dahil sa pesteng kotse na ’yon. Halos patayin ako kahapon. Kasalanan kodin kasi na nakakalimutan ko ang safety routine ko.

“ Kanina kapa hinihintay ng food rider sa baba, may order ka daw. “

“ Ma, wala man akong order. Pero bababa na po ako. “ Agad akong bumaba at lumabas ng gate.

“ Good morning, Ma’am. “ Inabot saakin ni Kuya rider ang paper bag ng Mcdo, at agad rin itong umalis. So, bayad na ito? Chineck ko kung sinong sender at tama nga ang hinala ko. It was Stanley.

Dinukot ko naman ang cellphone ko sa bulsa at tinext si Stanley para aware din siya na natanggap ko.

[ You: Thank you, Stanley! Eat your breakfast too. ]

[ Stanley: Yeah, masusunod po baby. Welcome, enjoy your meal.]

Agad may bumuo na ngiti sa labi ko dahilan para yumuko at itago ang kilig. Yung baby usual callsign na ng magkarelasyon, pero kapag galing kay Stanley para ang special. Nakakakilig. Makalaglag panty talaga, HAHAHAHA. Charot.

Bukas may pasok na pero tinatamad parin ako, parang bitin ang dalawang araw na pahinga kasi nagbibigay din sila ng assignment. Hindi kopa pala nagagawa yung sa Art appreciation subject namin, yung coffee art. Ipa-pass na ’yon bukas pero wala padin akong idea doon.

Maya-maya bigla akong napakapit sa pader dito sa sala dahil parang dumilim ang paningin ko. Paramg dumilim. Kaya huminto na muna ako para kumalma ang katawan ko. Hindi ako ganito noon, ano ito?

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 22:

Stanley Eun’s POV

Maaga akong umalis sa mansion, to buy a flower bouquet for Ella. Alam kong maaga nagbubukas yung flower shop dito. Bumili ako ng white roses at kumuha ako ng isang piraso. Para alam ko kung kailan sila nalalanta at alam ko when to buy a new one.

“ Thank you, Miss! “ I said, as I receive the bouquet.

Mabilis akong umalis sa shop at pumunta agad sa bahay ni Ella. I am little bit curious kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako pinapapasok sa bahay nila. Pero ayos lang, baka hindi siya komportable sa ganoon.

Inamoy ko ng bulaklak habang nagmamaneho at na-satisfy naman ako sa amoy nito. I just want to share something, I normally keeping a one piece of roses so that alam ko kung kailan sila malalantay at para makabili sa taong pinagbibigyan ko. Naalala ko tuloy si Ella, matagal-tagal na akong hindi nakakapasyal sa puntod niya. Kapag papasok siya sa isip ko, I automatically do smile, because of her genuine smile.

Ilang minuto lang at nandito na ako sa tapat ng gate ni Ella. Bumusina ako at hinintay ang paglabas niya.

Maya-maya, agad akong bumaba sa sasakyan kasi akala ko lalabas na si Ella but I was wrong. May isang babae na nasa edad na ang lumabas dito at nagtapon ng basura. Sobrang pamilyar niya, bakit kamukha siya ng mama ni France? Or baka namimiss kolang si France kaya ganito ang nakikita ko?

Paglabas ni Ella agad ko syang sinalubong at niyakap. Niyakap naman niya ako pabalik at inihabot ko ang bulaklak na binili ko kanina.

Ang tahimik ng byahe namin kaya binasag kona ang katahimikan.

“ Ella, ayos kalang ba? You may tell me. I’m open and I’ll listen. “ I smile para mas maramdaman niya na safe place niya ako.

“ Medyo malapit na kasi ako sa hinahanap ko, yung krimen na nasaksihan ko parang nakikilala ko na kung sino talaga ’yon. Pero mas lumalapit din ako sa kapahamakan. “  Paliwanag niya may butil din ng luha sa gilid ng nata niya. Medyo nanginginig din siya, nararamdaman ko talaga na natatakot siya.

“ Ella, I am here. I will protect you, “ tumingin saakin si Ella kaya ganoon din ang ginawa.

“ Thank you Stanley, kasi nandito ka lagi sa tabi ko. “ Saad niya at ngumiti rin sa wakas.

“ By the way Stanley, huminto ka saglit sa gilid. Hindi pa naman siguro tayo male-late. “ Request niya kahit hindi ko alam ang gagawin niya, ginawa ko nalang.

“ Ayan, pero anong gagawin mo? “ Tanong ko, niyaya niya ako na lumapit sakanya kaya ginawa ko naman.

Akala ko may ibubulong siya saakin, pero namilog ang mga mata ko when she suddenly kiss my cheek. I really don’t know kung anong itsura ko ngayon.

“ HAHAHAHAHA you’re blushing Stanley! “ Pagtawa ng malakas ni Ella kaya umiwas ako ng tingin sakanya, nahihiya kasi ako.

“ You deserve it, Stanley. Kiss lang pala ang magpapakilig sa Stanley ko. HAHAHAHA. “

Stanley ko? Bahala na kung mag-mukha akong bading pero kinilig ako sa part na ’yon.

Tumatawa padin siya kaya inumpisahan konang buhayin ulit ang makina ng sasakyan para makapasok na kami.

Kanina parang ang daming problema ni Ella ngayon naman sobra-sobra ang energy niya. Mabilis din magbago ang mood niya.

Pagpasok namin sa DU, nakatingin ang lahat saamin pero mas hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa kamay ni Ella. Hindi ko narin nakikita si Kim dito university.

Pagpasok namin sa classroom, nandoon na pala si Sir Francisco. Nagtataka ako kung bakit naka-focus si Ella kay Sir Francisco, para syang detective kung titignan. Nakita kong nagulat si Ella noon itinaas ni Sir Francisco ang wrist part ng longsleeve niya. Anong meron doon? Mas nagulat ako sa ginawa ni Ella, nagsuot siya ng plastic gloves at kinuha ang ginamit ni Sir na Whiteboard marker.

Kitang-kita ko na maingat niya itong hinawakan at iniligay sa plastic. Mabilis din niya itong inilagay sa box na naglalaman pa ng ibang bagay. Pagbalik din ni Sir, pa-sikretong kinuhanan ni Ella ng litrato si Sir.

In my perspective, may hinala na si Ella about doon sa krimen na nakita niya. Hindi rin kasi dinetalye ni Ella saakin that is why, kaunti lang ang alam ko.

What was that? Para saan ’yon? Wait, hindi kaya ang taong nakita ni Ella na pumatay sa isang tao, ay si Sir Francisco?

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 23:

Ella’s POV

Nagulat ang lahat sa pagpasok ko. Kasama ko ang mga police officer tsaka yung establishment owner, kung saan naganap ang pamamaril.

“ Heto po siya. Sir Cristobal, baka may gusto kang ipaliwanag sakanila. “ Malamig ang boses ko, tsaka nakita ko si Stanley na napatayo doon sa kinauupuan niya. Nagulat siguro siya dahil kasama ko ang mommy nito.

“ May warrant of arrest po kami sainyo sir, sumama nalang po kayo. “

“ No way! “ Sigaw ni Sir Cristobal sa buong classroom. Pati sa kabilang classroom narinig siguro siya kaya nagsilabasan ang mga estudyante.

“ Sir Cristobal habang may respeto pa ako sayo, please magsalita kana! Tignan mo ang mga ito. “ Ini-angat ko sa ere ang wallet niya.

“ Few years ago, I witnessed a crime sa parking lot at yung taong bumaril sa taong hanggang ngayon napapanaginipan ko ay si Sir Cristobal. Ito yung wallet niya na nalaglag noong ginawa niya ang krimen, kaya kinuha ko ang market na ginamit niya. Tugma ang finger print na nakita sa wallet at sa marker. Also, may isang bagay akong naalala. “ Lumapit ako kay Sir Cristobal, ayaw pa nitong hawakan ko siya pero pinilit ko. “ Ito yung tattoo na nakita ko noong babarilin ang daddy ni Stanley. Ikaw pa talaga papatay sa daddy ng ex-boyfriend ko! “ Umiiyak na ako ngayon dahil sa galit. Nakita ko rin na gulat na gulat ang mommy ni Stanley at maging si Stanley parang may question mark sa noo.

“ Anong sinasabi mo? Maraming taong may ganitong tattoo! “

“ Wala akong pakielam sir. Pero kung hindi kapa makapaniwala na nakita kita. Siguro this time makikilala mona ako. “ Inalis ko ang wig ko, tsaka ako kumuha bg wipes para punasan ang make-up sa mukha ko at sa mga kamay ko. Tinakpan ko kasi ng dark shade ng cream.

“ Yes, tama ka. I am France Ella Pineda. “ Parang na-istatwa si Sir Cristobal sa nakikita niya ngayon. Napatayo rin ang mga classmate ko dahil sa gulat. Talagang magugulat sila dahil binubully nila ako tapos ngayon na kilala na nila ako, biglang magugulat sila.

“ Bwesit ka! Halos itago ko ang pagkatao ko sa maraming tao dahil hinahabol mo ako. Paano mo nagagawang manakot at pumatay ng tao, teacher kapa naman! “ Sigaw ko.

“ France… Ella, “ tumutulo ang luha ni Stanley ngayon. Mukhang naguguluhan siya. “ Mama told na patay kana dahil sa disgrasya. How come na buhay ka? “

“ Stanley, hindi ako namatay. Nagtago lang ako. Pero sabi ng mama mo saakin nakikipag-hiwalay kana saakin kaya hindi na ako nagpakilala saakin. “ Lumapit ang mommy ni Stanley saakin tsaka ito humagulgol.

“ Anak Stanley, sorry for what I did. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Pinalabas ko na patay si France dahil akala ko hindi siya mabuting tao. “

“ Tama na Mom! Paano mo nagawa sa anak mo ito? Nagawa mong putulin ang kaligayahan ko. Halos malunod ako sa kalungkutan tapos mag-sosorry ka lang? “ Sigaw ni Stanley kaya nag-walk out nalang si Stanley. Mabilis ko naman syang sinundan.

“ Stanley, “

“ What do you want Ell- I mean France? “

“ Sorry kung itinago ko ang personality ko, kasi akala ko nakipag-break kana talaga saakin noon. “ Tahimik akong umiiyak habang nasa likuran niya ako.

“ Sinabi rin ni Mommy saakin na patay kana. Matagal kong sinisi ang sarili ko because of that fucking lie of my mom. “

“ Just forget about it. Patawarin na natin ang mommy mo dahil siya nalang ang kasama mo ngayon. Isa pa, ayon ang dahilan kung bakit kapag wala sila Mama sa bahay doon lang kita pinapapunta kasi alam ko makikilala mo sila at ako. “

“ Our relationship done with a lie. But now, can we start that with honest and genuine love? “

“ Ofcourse, Stanley. “ Umiiyak kami pareho ngayon tsaka niya ako nilapitan para yakapin ng mahigpit at halikan sa labi.

“ Huwag na natin hahayaan na magtago tayo sa personalidad natin na hindi naman tayo. Simulan na natin ang dapat simulan ngayon, “ giit ko sakanya habang hawak niya ang mukha ko.

“ Yes we will. This time, I will protect you and love you no matter what. France Ella Pineda of mine, can we start again? “ lumuhod si Stanley at kitang-kita ang luha niya.

“ Yes! “

“ Nakakatawa lang kasi hindi pala patay ang pinagluluksahan ko. “ Niyakap ko si Stanley kasi alam kong hirap na hirap siya ngayon.

Maya-maya napalingon kami dahil nagwawala si Sir Cristobal na pumatay sa Daddy ni Stanley. Nakakatanggap ito ng malalakas na sampal mula kay Mommy ni Stanley.

“ Wala akong kasalanan! Kapag nakatakas ako dito, I will make sure na mamamatay ka! “ Sigaw niya saakin tsaka niya ako sinipa sa paa dahilan para uminit ang ulo ni Stanley. Nakatanggap ito ng malalakas na suntok mula kay Stanley.

“ Don’t ever hurt my girl. “

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 24:

France Ella’s POV

One week na ang nakakalipas bago mangyari ang mga kinatatakutan ko noon. One week narin na pabalik-balik dito sa bahay si Stenley dahil nanliligaw na siya sa pamilya ko maging saakin.

Naging maayos na rin sila ng mommy niya. Mamayang 10 ng umaga mag-riribbon cutting kami dahil nakabili siya ng limabg branch ng McDonald’s tsaka niya ipinangalan saakin. Favorite ko raw kasi ’yon kaya ayon ang magsisilbing business namin.

“ Handa na ba ang anak ko para mamaya? “ Nakangiti si Mama saakin kaya ngumiti rin ako.

“ Opo mama, salamat po. “ Sagot ko kay Mama na may dala-dalang paper bag.

“ Para sayo ang mga ito, “ kinuha ko ang paper na hinawakan ko tsaka ako biglang napasigaw dahil ibinili ako ni Mama ng horror books na favorite ko talaga.

“ Salamat maaaa, “ hinalikan ko sa cheek si Mama dahil sobrang saya ko sa ibinigay niya.

“ Sige na mag-asikaso kana. Malapit na ang ribbon cutting. Congrat sainyo anak! “ Muli kong niyakap si Mama.

Nandito na ako sa venue at hindi ko pa rin nakikita si Stanley. Maraming crew ang nandito na na binabati ako pati ang mga managers na gagabay sa mga crew.

Maya-maya may sasakyan na huminto sa harap kaya lahat kami napatingin sa sasakyan na ’yon. Hinihintay namin bumaba ang taong ’yon. I was expecting na si Stanley ’yon, tama nga ako.

Naka-formal attire ito at ang lapad ng ngiti niya. Mukhang may hinahanap.

“ France Ella, “ bungad niya saakin tsaka niya ako niyakap. Ang sarap sa feeling na yayakapin ka ng mahigpit ng taong dahilan para lumaban ka araw-araw.

“ Ang bango-bango mo naman. “ Nahiya si Stanley kaya ginulo niya ang buhok ko.

Maya-maya nagsimula na ang program, nagsimula kami sa pagdasal tsaka binless ang buong Mcdo. Nagbigay rin kami ng gift card sa mga customers na nanonood ngayon.

“ Let’s start the ribbon cutting! “ Anunsyo ng host kaya pumwesto na kami maging ang mga camera man dahil ipapalabas raw ito sa TV. Lalo na kilala ang Deluvio when it comes to business kaya hindi pwedeng hindi ito lumabas sa TV.

Hinawakan namin ang ribbon at tag-isa kaming gunting ni Stanley. Parehas kaming nakangiti at sabay na ginupit ang ribbon kaya nagpalakpakan ang mga tao.

“ Bravo! “ Tapos na ang palakpakan pero may isang tao pa ang pumapalakpak ngayon.

“ Ang saya niyo naman tignan, “ giit ni Kim saamin. Nakatingin ang mga tao sakanya, halos lahat nakatingin.

“ Anong ginagawa mo dito, Kim? “

“ Take it easy Stanley babe, may surprise lang naman ako. “ Malapad rin ang ngiti ni Kim ngayon tsaka siya tumingin sa sling bag na suot-suot niya.

Naglabas siya ng baril at kinasa ito. Itinapat niya ito saakin dahilan para magsigawan ang mga tao dito.

“ Sa oras na paputukin ko ito, sigurado akong magiging totoo na ang kamatayan mo. Ikaw Stanley, nagustuhan mo ba ang surprise ko sainyong dalawa? HAHAHAHA “ Tumawa si Kim na tila ba isang demonyo. Nakakairita ang boses niya.

“ Kim, tumigil kana! Masaya na kami, huwag kanang manggulo! “ Sigaw ko, natatakot ako dahil naka-tutok ang baril saakin at alam kong anytime pwede nyang kalabitin ito.

“ Hindi ako papayag na magsaya kayo habang ako nahihirapan. “ May diin ang bawat salitang sinasabi niya.

“ Name your price. Babayaran kita. “ Mahinahon na sagot ni Stanley.

“ Ayoko ng kahit ano, ikaw lang ang gusto mo Stanley! Hindi mo ba ako maintindihan? Ikaw lang ang gusto ko! “ Nakakatakot si Kim ngayon dahil ang likot niya baka bigla nyang maputok ang baril. Kailangan kong mag-isip ng  bagay na posibleng gawin ko para maagaw ang baril sakanya.

“ Kim, tama na. Nakikiusap ako sayo please. “ Sinusubukan kong paki-usapan si Kim pero mukhang hindi siya makikinig.

“ Any last message to her, Stanley? “ Nakakatakot ang ngiti niya.

“ Kim please tumigil kana. Promise, hindi kita ipapakukulong basta bitawan mo lang ’yan! “ Sigaw ni Stanley na ngayon ay pawis na pawis dahil siguro kinakabahan.

“ Sorry but this is my happiness. Mag-message kana Ella, bacause any time ipapaputok ko na ito. “

Nag-iisip pa rin ako ng pwedeng  gawin ngayon to the point na hindi kona magawang magsalita pa.

“ Kung kang sasabihin, goodbye Ella. “ Ngumiti ito bago niya paputukin ang baril na hawak niya.

Nakarinig kami ng tatlong magkakasunod na putok dahilan para tumulo ang luha ko.

Maiksi lang ang buhay, maaring ngayon masaya ka pero biglang magluluksa ka. Akala ko magiging tuloy-tuloy na ang kasiyahan ko pero bagkakamali ako.


Next chapter will be the EPILOGUE and then, tapos na ito.

Thank you guys!

-aboutfictionx

EPILOGUE:

France Ella’s POV

Dalawang taon na ang nakakalipas pero tandang-tanda ko parin ang pagkawala ng mommy ni Stanley dahil humarang siya noong paputukin ni Kim ang baril pero hindi pa siya natatapos doon.

“ Stanley, I’m not finist yet. Kung ayaw mong mamatay ang pamilya ni Ella at si Ella, sumama ka saakin. Ako ang pakasalan mo. “

Sumang-ayon si Stanley sa gusto ni Stanley. Lumabas rin sa television ang kasalanan nila. Makikita mo naman sa television na masaya si Kim pero si Stanley hindi. Alam kong ginawa lang naman niya ’yon para saakin. He is very protected to me.

Nandito ako ngayon sa mall na pag-aari ko, sa nakalipas na taon nagawa kong bumili at mag-manage ng mall. Nakabili na rin ako ng sariling bahay at kotse. Syempre kasama ko sila Mama at Papa doon.

Pagkatapos kong mamili ng mga make-ups tsaka mga stationary materials I decided to go outside para umuwi na. Pero bago ko pa magawa ’yon napadaan ako sa McDonald’s branch ni Stanley at Kim. Sila na ang may-ari non.

Huminga nalang ako ng malalim para hindi na isipin pa ’yon. Kung iniisip niyo kung anong nangyari saamin ni Stanley, ayon ang huling usapan namin noong ribbon cutting.

Iniisip ko nalang ngayon ang sarili ko pati ang mga kasama ko sa bahay. Alam kong masakit rin para kay Stanley ang lahat at ako rin ay patuloy na nasasaktan ngayon.

Habang naglalakad ako tila ba nanghihina ako dahil nararamdaman ko na naman amg kalungkutan dahil sobrang namimiss kona si Stanley.

Wala na rin naman akong balak na kausapin pa siya. I respect his wife. Ayokong pumasok pa sa kung ano sila. Nag-desisyon lang naman si Stanley para sa kapakanan at kaligtasan ko.

Pero ang sakit lang talaga, yung taong akala mo papakasalan ka iba ang pakakasalan niya. Noing nakita ko sa TV ang live na pag-kasal nila, halos madurog ako dahil sa sakit.

Dahil nawalan na ako ng mood, nag-decide na ako na pumunta na sa parking lot at hanapin ang kotse ko. Pagkita ko, agad ko itong binuhay at pina-andar. Pag-liko ko, nakita ko ang dalawang kinatatakutan kong makita. Magkahawak sila ng kamay.

Hininto ko ang sasakyan at unti-unti silang tumitingin sa direksyon ko. Mabuti nalang at tinted itong sasakyan ko kaya hindi nila ako makikita.

Ang sakit talaga makita ng taong mahal mo na hawak na ng iba at may hawak na rin itong iba. Si Stanley yung nagpalakas ng loob ko noon pero siya rin pala mismo wawasak ng kalooban ko ngayon.

Pag-harap ng dalawa, halatang galit si Stanley. Kaya bumaba ako. Nakayuko akong bumaba sa sasakyan ko kasi hindi ko sila kayang tignan.

“ Next time mag-ingat ka naman, paano kung may mangyaring masama sa asawa k- “ hindi ko na siya pinatapos at humarap ako sakanila. Nanlaki talaga ang mata ni Kim noong nakita niya ako.

“ Talagang magagalit ka, Stanley?! Hindi ko naman sinasadya ’yon! “ May diin ang bawat salita ko habang patuloy na bumabagsak ang luha ko.

“ Sino ka ba at bakit kilala mo ako? “ What? Kinalimutan niya ako?

“ Teka, hindi mo… -ako kilala Stanley? “ Tanong ko sakanya dahilan para mas humagulgol ako.

“ Huwag mong pilitin ang tao kung hindi ka niya kilala, stay away girl. “ Bulyaw ni Kim saakin kaya napatingin ako sakanya mula sa ulo hanggang sa Paa.

“ So, you’re pregnant? “ Tanong ko rito. Ang sakit lang na makita ang ganito. Akala ko ba ayaw ni Stanley kay Kim? Akala ko ba hindi niya ito gusto? Akala ko ba ako ang gusto niya? Ano ’to?

“ Yes, 4 months. Actually, we’re big happy family. Kaya huwag mong aagawin si Stanley saakin. Look, hindi ka niya kilala. “ Pang-aasar ni Kim saakin.

“ Baka nakakalimutan mo sino itong nagbanta at nanakot para magka-boyfriend. Hindi mabubura sa mundo ang pagiging desperada mo. Pasalamat ka buntis ka kung hindi kanina kapa lumalangoy dyan sa sahig. “

“ Hindi mo ’yon magagawa kasi nandito ako. I will protect her from you. Please stay away! “ Natakot ako sa sigaw ni Stanley kaya agad akong sumakay sa sasakyan ko para iwanan ang nakakabaliw na eksena at lugar na ’yon.

Mabilis akong nag-drive papunta sa favorite place ko which is yung astro park. Pina-andar ko ito ng mabilis kahit na malakas ang ulan at malakas ang pag-iyak ko.

Akala ko noon, kami ang magkakatuluyan ni Stanley dahil pinag-laruan ang relasyon namin noon ng mommy niya, pero mas ginulo pa ngayon.

The worst part is, the person you love can’t remember you and your memories.

Mabilis ang pag-andar ko ng kotse hanggang sa may paparating na sasakyan sa direksyon ko tsaka ko ito mabilis na iniwasan. Kitang-kita ko kung paano nagpa ikot-ikot ang sasakyan ko sa daan hanggang sa bumangga ito sa poste.

Mula sa side mirror ng sasakyan ko na may crack na, kitang-kita ko ang pulang likido na dumadaloy sa noo ko.

“ I will going to stop crying, isasama ko ang memories namin sa langit. I love you, Stanley Eun Deluvio. “

THE END ~

AUTHOR’S NOTE

Hi guys!

May natapos akong libro sa araw na ito. Maraming salamat sa mga naghintay sa update nito at sa wakas natapos na. Para sa mga readers ko, maraming salamat sainyo.

Marami akong stories na in-going sana suportahan niyo ang mga ’yon. Pleaseee do vote, comment and follow me.

Magkita tayo sa iba kopang libro, salamat!

-Aboutfictionx


Return to top?
WattHub

Install WattHub

Size unavailable

App name
WattHub
App version
1.48.250
App size
Description
A digital library of Wattpad stories and Filipino fiction, thoughtfully preserved for readers today and tomorrow.
Developer
WattHub Team

Dismiss install banner?

No problem. You can still install WattHub anytime from the download icon in the header.

WattHub

Notifications

Notifications are off

Get notified on this device when the library grows or changes.